Im The Best
RaldsBox · 5 chapters · 4,708 words
Im The Best
Ako ang sikat ngayon sa mundo ng showbiz.
18 years old
Celix Lee
Ako ang makakakuha sa lead role ng isang napakalaki at makasaysayan na pelikula gagawin ng V Studio. Kahit newbies lang ako ay malaki na ang fan base ko sa bansa pati natin sa ibang bansa.
Sikat akong artista. Dapat ako ang makakuha ng lead role matagal na ako sa mundo ng showbiz. Marami na akong exprience.
30 years old
Herald Dela Rosa
Ako ang sumulat sa librong JAIL LOVE STORY. At nagpapasalamat ako sa V Studio na gagawin nila pelikula ito.
25 years old
Kiel Santos
Best 1
Celix POV
Nanonood ako ngayon ng balita sa TV. Rest day ko dahil wala naman ako nakaschedule o appointment ngayon.
Imbes na lumabas at magparty ay magpapahinga nalang muna ako dahil sobrang pagod na pagod ako sa concert tour na ginawa ko sa nakalipas na 1 buwan.
Bago lang ako sa mundo ng showbiz nadiscover ako sa mga pinaggagawa kong mga videos sa Facebook at Instagram at Youtube.
Kahit na bago palang ako ay marami nang mga project na nakaline up sa akin.
Nakapagconcert na din ako. Movie at TV Shows at Soap Opera.
“Showbiz balita naman tayo.” ang sabi ng isang reporter sa TV.
“Good news sa mga fans ng Jail Love Story. Gagawin na itong movie adaptation at ang nakakuha ng rights ay ang sikat na V Studio. This is a controversial movie dahil ito ang kauna-unahang boyxboy na gagawin ng V Studio at ipapalabas hindi lang sa Pilipinas kundi sa ibang bansa. Ang inaabangan ngayon ay kung sino ang makakakuha ng mga lead role sa nasabing pelikula”
Bigla nalang akong na excited sa narinig ko. Alam na alam ko ang Jail Love Story dahil sikat na sikat at best selling novel ito sa Pilipinas.
Marami nga nagrerequest na gawin itong movie. Laging Top Trending ito sa twitter.
Makapag audition nga doon. Kung makukuha ko ang lead role ay lalo akong sisikat.
Para akong baliw na natatawa ngayon.
Kinabukasan as expected talk of the town ang Jail Love Story The Movie.
Nandito ako ngayon sa studio kung saan may TV Guesting ako kay Nina Ferrer isa din itong sikat na TV Host.
“So ready kana ba?” ang tanong niya sa akin. Hindi pa kami air sa TV. Live itong guesting ko sakanya. Sinabihan na din ako kung ano ang mangyayari at ano ang itatanong sa akin.
Tumango lang ako at ngumiti sa kanya.
“Ok guys! Mag ready na!” ang sabi ng director
Nakita kong umilaw na ang red light sa camera ibig sabihin ay airing na kami.
“Good morning Pinas! Welcome to our show LET’S TALK WITH NINA. Sa mga nagrerequest na iguest namin siya dito. Granded na ang wish niyo. Nandito na siya please welcome Celix Lee” ang masayang sabi ni Nina
Tumapat sa akin ang camera kaya naman todo ngiti ako para makita ang pinagmamalaki kong dimples sa magkabilang pisngi.
“Hello Pinas. Salamat Nina sa pagguest mo sa akin sa show mo.”
“Kami dapat ang magpasalamat sayo dahil nagkaroon ka ng time para makapagguest. I know na napakabusy mo. At kakatapos lang Concert Tour mo. So kamusta ka naman ngayon pagkatapos ng napakasuccess na concert tour mo?”
“Honestly pagod at kulang pa ako sa tulog pero sobrang saya at sobrang nagpapasalamat ako sa mga pumunta sa concert tour ko. Grabe di ko expect na sold out lahat yun. At sobra din ako nagpapasalamat sa mga nakasama ko sa tour na yun lalo na ang mga tao sa likod ng concert tour ko. Thank you so much”
“You know what first time kita makita sa personal napakagwapo mo at ramdam kong isa kang humble person.”
“Hahaha salamat naman po Nina”
“Parang gusto ko ng bawiin ang sinabi ko.” ang nagtatampo kunwari sabi ni Nina
“May masama po ba ako nasabi?” ang nahihiya kong tanong sakanya
“Oo at napakasakit nun. Di naman nagkakalayo ang edad natin Im just 30 years but mukha akong 19 years old hahaha. Anyway wag ka ng mag po po sa akin masyado naman nakakatanda eh.” ang natatawang sabi nito.
Pati sa studio ay nagtawanan ang mga tao. Wala ito sa script. At aware naman ako doon dahil nakilala si Ms. Nina sa ganitong paghohost.
“Im so sorry Nina. Yeah your right you look 19 years old. Kung di mo lang sinabi ang tunay na edad mo ay iisipin ko 19 years old ka nga” ang ngiting sabi ko sakanya.
Kinilig naman ito sa sinabi ko. Marami pa siyang tinanong at tungkol sa buhay ko.
“Ok guys wala ito sa briefing namin kanina. At alam kong heto ang hinihintay niyong tanong ko sakanya. Pero bago yan lets have a commercial. Magbabalik po ang Let’s Talk with Nina!”
Agad naman pumunta sa akin ang make up artist at same time PA ko na si Peachy.
“Ms. Nina ano pong tanong niyo sa akin na wala sa briefing natin kanina?” ang tanong ko sakanya na abala din ang make up artist niya sa pagreretouch sakanya.
“Sasabihin ko na sana pero nag po po ka nanaman. Kaya malalaman mo nalang mamaya pagka airing natin hahaha”
Napakamot nalang ako sa ulo ko. Tumingin ako kay Peachy na nagtatanong kung alam ba niya ang tungkol dito.
“Naku wag mo ko tignan di ko din alam. Alam mo naman si Ms. Nina” ang bulong sa akin nito
“Ok tama na yan pagreretouch malapit na tayo mag airing. Mag ready na kayo” ang sigaw ni director.
“Were back Pinas! Habang nasa commercial ay nagcheck ako ng twitter account. Sobrang dami ng tweet sa akin at Trending tayo Pinas!” ang masayang sabi ni Ms. Nina
“Natatawa ako kay Celix kanina kase habang nasa commercial tinanong niya ako kung ano daw itatanong ko sakanya. Eh sasabihin ko na sana pero nag po po naman siya. My God Celix” ang maarteng sabi nito
Naramdaman ko nalang biglang uminit ang mukha ko. At pinagpawisan ako bigla sa sobrang kahihiyan pati ba naman yun sinabi niya.
“My god! Sobrang pulang pula ni Celix. Derect close niyo siya bilis. My god di kalang gwapo ang cute mo rin hahaha!” ang masayang sabi nito.
“Ok stop na kami Celix. Hahaha! Kaya Stop kana din sa pagblush mo hahaha. Anyway ang itatanong ko sayo and im sure na gusto din malaman ng fans mo ito. Ready kana ba?”
“Hahaha Yes nina ready na ako sa question mo” ang ngiting sabi ko sakanya.
“The question is gusto mo bang gumanap bilang lead role sa Jail Love Story?”
“Oo naman nina.”
“Oh my so aware ka naman na boyxboy ito?”
“Honesty di ko siya nababasa. And aware naman ako na boy x boy ito.”
“Nagcheck ka ba ng social media mo?”
Umiling lang ako “Maaga ako natulog kagabi haha”
“Alam naman natin na kagabi binalita na gagawin nga ang best selling novel ni Mr. Kiel Santos na Jail Love Story. At sa social media ay nagkagulo kung sino ang magiging lead role sa nasabing movie. At isa ka sa gusto nilang maging lead role.” ang ngiting sabi ni Ms. Nina
Sa totoo lang di ako nagulat sa sinabi niya dahil bago ako matulog ay nagcheck ako ng social accounts ko. Pero pinakita ko sakanya at sa harap ng camera na nagulat ako.
“Wow as in wow. Di ko expect na ganun ang gusto ng mga tao. Salamat po”
Natapos ang guesting ko kay Ms. Nina dumeretso na kami ni Peachy sa dressing room.
“So ano naman feeling mo na NGAYON mo lang nalaman na ikaw ang gusto maging lead role ng mga tao sa Jail Love story” ang maarteng sabi nito.
“Tsk! Sino pa ba ang gugustuhin nilang maging lead role kundi ang isang sikat na artista tulad ko.” ang ngising sabi ko sakanya.
“Yabang mo! Baka may makarinig sayo alam mo naman sa showbiz isang maliit na butas pinapalaki.”
“Sino naman makakarinig eh tayo lang naman dalawa dito. Pwera nalang kung may multo hahah” ang tawang sabi ko sakanya.
“Adik ka talaga wag ka nga manakot. Anyway highway heto pala ang schedule mo sa araw na to. 1pm Mall show. 7pm meeting with the big boss of Channel 89. And wala na pala.”
“Yung sa Channel 89 diba sakanila yung V Studio?”
“Yup. And hopefully ialok sayo ang Jail Love Story. Juice colored kapag napasama ka sa cast na yun. Lalo kang sisikat. And syempre lalo tataas ang commission ko sayo hahaha” ang masayang sabi ni Peachy
Bukod sa P.A at Make up artist ay siya din ang Manager ko. Magkakabata kami nitong si Edwardo Chan. Yup lalaki po siya pero gusto niya maging babae kaya naman Peachy ang napili niyang pangalan. Bihis babae siya at nagiipon siya upang maging ganap na babae.
“Mapasama lang? Dapat makuha ko ang lead role” ang ngising sabi ko
“Matanong nga kita alam mo ba ang story ng Jail Love story?”
Umiling lang ako sakanya. Eh di ko pa nga nababasa yun.
“Di naman pala alam pero gustong gusto makuha ang lead role. Anyway highway hayaan mong ikwento ko sayo ang Jail Love Story”
Mahaba haba pa naman ang vacant hours ko kaya hinayaan kong magkwento si Peachy.
Di ko namalayan ay nakatulog na pala ako sa haba ng kwento ni Peach
Best 2
Chapter 2
Herald POV
Sa panahon ngayon kailangan makipagsabayan sa mga batang artista. Sa mundo ng showbiz walang permanente.
Sa edad kong 30 years old marami na ako karanasan sa showbiz. Dati di ako marunong kumanta at umarte dahil ang kaya ko lang gawin ay pagsasayaw.
Pero nagbabago ang gusto ng mga tao gusto nila multi talented na artista kaya nag-aral ako kumanta at umarte.
Nagkaroon na din ako ng mga concerts, di na mabilang na pelikula at soap opera. Sa edad ko ngayon ay nasa tutok pa din ako ng kasikatan.
Marami akong mga kasabayan na nawala sa ilaw ng showbiz. May mga nagkaanak at karamihan ay napunta sa maling landas.
Di din nawawala sa pangalan kong Herald Dela Cruz ang issue at chismiss.
Oo inaanim kong babaero ako pero maingat naman ako kapag nakikipags*x sakanila.
Nandito ako ngayon sa isang conference room ng V Studio. Nagpa appointment sila sa akin sa kabila ng busy schedule ko ay gumawa ako ng paraan para makapunta dito.
Sa pagkakaalam ko ay may iooffer sila sa akin isang movie project hindi ko pa alam kung ano yun.
“Sorry for waiting Mr. Dela Cruz” ang sabi ni Mam Chin isa sa big boss ng V Studio.
“No Mam its ok.”
“Nga pala gusto ko ipakilala sayo si Kiel Santos ang likod sa best selling novel na Jail Love Story” ang ngiting sabi ni Ms. Chin
Nakipagshake hands ako sakanya “Nice meeting you Mr. Kiel Santos”
“Nice meeting you Mr. Herald Dela Cruz.” ang masayang sabi ni Kiel
“Ok maupo na tayo at pagusapan na natin ang movie project mo Herald. And wait papunta na si Naomi Kato ang magiging director ng Jail Love Story” ang sabi ni Ms. Chin
Sa totoo lang di ko alam ang Jail Love Story na yan best selling novel pala yun. Wala kase akong oras para magbasa ng mga ganyan novel. Mas gugustuhin ko pang matulog kapag wala akong trabaho.
“Im sorry im late Im Naomi Kato nice meeting you Herald. This is the first time na magkakatrabaho tayo same to you Kiel. And i hope mag enjoy tayo sa trabaho. Ang honestly super super duper saya ko na ako ang napili ni Ms. Chin an magdirect sa novel mo Kiel. Oh My God!!!” ang masayang sabi ni Naomi.
Napakamot nalang sa ulo si Ms. Chin. At kami naman dalawa ni Kiel ay napatawa nalang sa inasal ni Direk Naomi.
45 years old na siya at marami na akong nabalitaan sa kanya na lahat ng ginawa niyang pelikula ay kumita at pumatok sa mamamayan. At ang iba niyang pelikula ay napalabas sa ibang bansa at nakakuha ng mga awards.
Bigla nalang sumeryoso ang mukha nito “Kapag oras ng trabaho kailangan ko ay focus lang sa trabaho. May napansin ako” ang takang tanong niya
“Naomi puwede umupo” ang ngiting sabi ni Ms. Chin. Bigla naman umupo si Direk Naomi. Para talaga siya bata pero kapag nagseryoso na siya ay nakakatakot na siya.
“Nasaan na pala ang ibang cast?” ang tanong ni Direk Naomi
Oo nga noh? Ngayon ko lang napansin mukhang ako lang ang cast na nandito.
“Oh i forgot na si Herald na muna ang kailangan e briefing dahil siya ang pinakainportanteng role sa movie.” ang sabi ni Ms. Chin
“So meaning siya na ang magiging Lorenzo natin?” ang tanong ni Direk Naomi
“Hindi. Dahil kailangan niya pang mag-audition” ang biglang sabi ni Kiel
“Naguhuluhan ako. Ano bang nangyayari dito?” ang tanong ni Naomi.
“Sorry kung naguluhan ka Naomi. Ang gusto ni Kiel ay makahanap muna tayo ng isa pang artist para sa isang lead role. As we know ito ay isang boy x boy love story. At gusto din ni Kiel na walang babaguhin na kahit isang salita sa novel niya.”
“Oh!” ang nasabi nalang ni Direk Naomi
Natahimik ako sa sinabi ni Ms. Chin. Boy x boy ang story na ito so ibig sabibin lalaki ang makakarelasyon ko.
Napatingin naman ako kay Kiel na nakangiti kay Naomi. Ang gusto niya walang babaguhin sa novel niya. Kung ano ang nakasulat ay yun ang gagawin sa movie.
Buti nalang di pa pirmahan ng contract dahil mukhang di ko gusto tong movie project na ito.
“Ms. Chin narinig kong nasa kabilang room si Celix?” ang tanong ni Kiel
“Yes why?”
“Siya ang napili kong gaganap sa isang lead role ng novel ko. Napanood ko kanina ang interview niya sa isang talk show na gusto niya makuha ang lead role ng Jail Love Story” ang ngiting sabi niya
“Good Hindi na tayo mahihirap na magisip kung sino ang isa pang gaganap sa lead role.” ang masayang sabi ni Ms. Chin
Pinatawag ito ni Ms. Chin sa kabilang room at di naglaon ay dumating na ito.
“Celix siguro naman kilala mo na ako. Im Ms. Chin and i wanna meet you Kiel Santos he is the man behind the best selling novel Jail Love story. Naomi Kato ang magiging director ng movie and ofcourse meet the one and only Herald Dela Cruz” ang mahabang sabi ni Ms. Chin
Napangiti nalang ako dahil halata na gulat na gulat ito sa nangyayari. Siya pala ang magiging love team ko sa movie na to.
Umupo si Celix sa tabi ko na hanggang ngayon ay gulat na gulat pa din siya.
“Lets start. Kayo dalawa ay magiging lead role sa novel ko. Pero di ko pa masasabi na kung sino si Lorenzo o Sebastian sa inyo. Kailangan niyo muna mag audition para malaman natin kung sino ang makakakuha sa role ni Lorenzo at Sebastian. And you must be aware na male to male love story ito.”
“Opo” ang masayang sabi ni Celix nagulat pa ako sa malakas na pagsagot niya.
Tumango lang ako sakanilang lahat.
“Excuse me Kiel di maari na kopyahin natin mismo ang novel mo dahil baka mawala actually mawawala talaga ang excitement ng manonood dahil best selling novel amg pinaguusapan natin dito meaning marami na ang nakabasa nito kaya alam na nila ang bawat eksena.” ang seryosong sabi ni Direk Naomi
Natahimik naman si Kiel. Ako naman ay nakikinig sa kanila.
“Don’t worry di masisira ang novel mo dahil ganun pa din naman ang flow ng scene may idadagdag lang tayo.” ang ngiting sabi ni Direk Naomi
“Sige payag na ako sa gusto mo. Sana lahat ng mga importante scene sa novel ko ay wag mong alisin” ang ngiti sabi ni Kiel
“Wag kang mag-alala.” ang sabi naman ni Direk Naomi
“Herald and Celix are you two of you willing doing a intimate scene. Im talking kissing and bed scene.” ang tanong ni Kiel sa amin.
Handa na ba ako sa ganun na pag arte? Kailangan ko ng mag level up dahil baka mapagiwanan ako.
“Tinatanong pa ba yan. Game na game ako. At excited na ako” ang masayang sabi ni Celix
Napangisi nalang ako sa kanya. Nakikita ko sakanya na uhaw na uhaw siyang sumikat.
“Deal” ang sabi ko naman
“Thank you!” ang masayang sabi ni Kiel “next week ang magiging audition niyong dalawa. So be ready. Wait lang nabasa niyo naba yung novel na yun?”
“Opo nabasa ko na po at napakaganda ng flow ng story. Ang galing niyo po Kiel” ang sabi nanaman nitong si Celix
Pasikat talaga tong lalaki na to!
“Im sorry Kiel pero di ko pa nababasa ang story mo” ang sabi ko kay Kiel
Narinig kong “tsk” si Celix pero di ko siya pinansin.
“Its ok Herald. Si Lorenzo ay isang Top guy at si Sebastian naman ay Bottom guy.”
Napakunot noo naman ako sa sinabi niya. Anong top? Anong bottom?
“Ehem di po yata alam ni Mr. Herald yung ibig sabihin niyo Mr. Kiel” ang ngising sabi ni Celix
Napatingin naman ako sakanya. Gag* lalaki to! Kabago bago ang yabang.
“Sa mundo ng male to male ang Top ay siya ang tumitira sa isang bottom” ang simpleng sabi ni Kiel
Tang*** !! Ayoko maging Sebastian nakakahiya kung ako ang magiging botton sa amin dalawa.
Tumango nalang ako sakanila. Kailangan kong galingan ang pagarte ko next week para makuha ang role ni Lorenzo at kailangan ko nang bumili ng novel na yun may isang linggo ako para mabasa yun.
“Ngayon palang nakikita ko na ang chemistry niyo dalawa” ang sabi ni Kiel at sumang-ayon naman sila Ms. Chin at Direk Naomi
“May isang linggo kayo para magkakilala sa bawat isa para pagdating sa audition ay di kayo makailangan.” ang sabi ni Direk Naomi
Nagkatinginan naman kami dalawa ni Celix at pareho namin binigyan ang isat isa ng isang ngising demonyo.
Best 3
Chapter 3
Naiwan sila Celix at Herald sa loob ng conference room.
“Ang yabang mo kanina kabago bago mo palang kala mo may ipagmamalaki kana?” ang inis na sabi ni Herald
“Yan ba ang sasabihin mo sa akin tanda?” ang ngising sabi ni Celix
“How come na tawagin mo kong Tanda?!” Ang tanong ni Herald
“Tinatanong pa ba yan! Ang tagal mo na sa showbiz! Matanda kana! Hahaha!!!!”
Bigla naman napatayo si Herald na akmang susuntukin si Celix. Ngunit di niya itinuloy yun.
Samantala si Celix ay nakaramdam ng kaba at takot pero di niya pinahalata kay Herald
Nanatili lang siya nakaupo.
“bat di mo ituloy yang pagsuntok sa mukha ko. Tignan lang natin kung mapapasama ka pa sa movie project na ito” ang ngising sabi ni Celix at tumayo na ito at pumunta na sa pinto pero bago siya lumabas ng tuluyan sa kuwarto iyon ay humarap muna siya kay Herald
“Kung inaakala mo na makukuha mo ang role ni Lorenzo pwes nagkakamali ka. Ikaw ang nanalo noon. Ako naman ang mananalo ngayon” tuluyan na siya lumabas.
Naiwan na nagiisip si Herald sa sinabi ni Celix sa kanya.
“Ano ang ibig sabihin niya na ako ang nanalo noon?” ang tanong sa sarili ni Herald
Naghintay muna sandali si Herald sa loob bago siya lumabas sa conference room.
Gabi na nakauwi sila Celix at si Peachy sa condo unit nila.
Pagpasok palang ni Celix sa condo ay nagtatalon siya sa tuwa dahil nakuha niya ang isa sa mga lead role ng Jail Love Story pero di pa siya buong masaya dahil ang gustong niyang makuha ay ang role ni Lorenzo
“Wag ka muna magpakasaya dahil di pa natin alam kung sino sa inyo dalawa ni Herald ang makakakuha sa role ni Lorenzo” ang maarteng sabi ni Peachy at pumunta na siya sa kusina para makapagluto na siya. Dahil ayaw ni Celix na kumain sa labas dahil masarap magluto si Peachy.
“Oo alam ko. Pero di ko alam kung ano ang ipapagawang audition ni Kiel sa aming dalawa”
“Mabuti pa pumunta ka sa kuwarto ko at kunin mo yung libro ng Jail Love Story at basahin mo ito para maintindihan mo mabuti ang storya”
“Pero naikwento mo na sa akin diba? Ok na yun”
“Adik ka ba Celix wag kang ganyan ito ang kauna unahang movie project mo kaya ayusin mo. Heto ang magiging batayan kung aangat o babagsak ka. Tsaka di ka naman nakinig adik ka! Natulog ka!”
Napakamot ng ulo si Celix at pumunta sa kuwarto ni Peachy upang kunin ang libro.
Habang hinihintay niyang matapos maluto ang nilulutong pagkain ni Peachy ay abala siyang nagbabasa ng libro.
Napangiti naman si Peachy sa kanyang nakita na seryosong nagbabasa si Celix.
Naisip niya na sana wag lumaki ang ulo ni Celix kapag nakuha na niya ang inaasam niyang kasikatan.
Samantalang si Herald ay imbes na umuwi nalang sa condo ay nagpunta siya sa isang high class at sikat na bar upang uminom. Lagi siyang nagpupunta dito kapag stress sa trabaho.
Naupo na siya sa paborito niyang pwesto sa bar counter at nagorder ng maiinom niya. Ayaw niyang magpakalasing ngayon chillax lang ang gusto niya.
Iniisip niya pa din kung ano ang ibig sabihin ni Celix kanina.
Dumarami na ang mga tao sa bar at di namamalayan ni Herald ay napaparami na din ang inom niya.
“Oh my GOD! Totoo nga ang sinasabi nila” ang bilang sabi ng isang babaeng nasa likod niya kaya naman napaharap siya dito at binigyan ng isang makalaglag panty na ngiti.
“Gwapo at hot and super duper yummy ka nga sa personal” ang kinilig na sabi ng babae
“Masyado mo naman ako pinuri. Anyway thank you sa compliment”
“Puwede po bang selfie po tayo”
“Sure why not”
Matapos makapagselfie ang babae ay nakipagkwentuhan muna siya dito bago umuwi sa condo niya.
Malakas sa tolerance sa alak si Herald kaya nakapagdrive pa siya pauwi sa condo unit niya.
Wala na siyang paki kung may makakita pa sa kanyang paparazzi.
Celix POV
“Ganun pala ang kwento ng Jail Love Story parang true to life story siya” ang takang tanong ni Celix sa kanyang sarili
“Yun nga ang chismiss sa apat na sulok ng Jail Love Story di sinabi ni Kiel kung totoo ba o hindi ang story na yan kaya naman parang pancake kung maubos ang kopya ng Jail love story para lang malaman ng mga tao kung paano ba nasabi ng ibang tao na totoo ang story na yun. Inshort na curious ang mga tao yan ang na gamit ni Kiel Santos para maging sikat at best selling book ang libro niya.
Tumango tango lang si Celix at pinagpatuloy niya ang pagkain.
Best 4
Chapter 4
Herald POV
Ilang araw na din ang nakalipas ng makapagmeeting kami tungkol sa movie project na Jail Love Story as of now wala pang balita kung kailan ang audition na sinasabi ni Kiel Santos.
Abala ako sa paggawa ng isang commercial. Kahapon lang ay nagpirma ako ng kontrata sa isang sikat na kumpanya sa Pilipinas.
Di ako mahilig sa mga social media pero sa panahon ngayon ay kailangan ko ito. Kakagawa ko lang ng IG at Twitter account.
Nakakatuwa dahil ilan oras palang ay marami na nagfollow sa akin. Nag upload ako ng mga selfie ko at may mga nagcocomment pa na baka poser daw ako.
Sa edad kong 30 nakakatuwa na nakakaaliw palang magsocial media.
Nalalaman ko kung ano ang balita at ano ang trends ngayon. Talk of the town pa din ang #JailLoveStoryTheMOVIE
Maraming haka haka kung sino ang gaganap sa papel nila Lorenzo at Sebastian at ang mga iba pang character sa libro.
Ayon sa Jail Love Story si Sebastian ay 28 years old samantalang si Lorenzo ay 21 years old.
Maraming lumabas na pangalan na gusto nila gumanap o mapasama sa movie project. Isa na ako doon pati na din ang mayabang na Celix.
Nagpapahinga ako ngayon sa loob ng isang tent kung saan nandito kami sa location na kukunan ang eksena ng TV commercial ko.
Kasama ko sa loob ang TEAM H ko. Hair stylist ko ay si Jojo, Stylist ko naman ay si Mira, Make Up artist ko ay si Kath.
Sila ang Team ko kasakasama ko sila kapag may ganito akong appointment lalo na pag movie at teleserye ako.
“Gutom na ako” ang reklamo ko sakanila
“Boss H paparating na daw yung catering na rent nila” ang sabi ni Jojo
“My god ang bagal kumilos ng mga tao dito” ang maarteng sabi naman ni Kath
Napatingin naman ako sakanya “Kath wag ganyan baka makarinig sayo baka may sabihin sa atin na masama”
“Oo nga naman Kath. You are so Maarte you know that di kana nasanay sa trabaho natin. Kung nababagalan ka sakanila edi tumulong ka sakanila hahaha” ang natatawang sabi ni Jojo
Nagpak u sign si Kath kay Jojo
“Gusto mo talaga?” ang pangaasar naman ni Jojo
“Iiiwww! Ang pervert mo ah!” ang sigaw ni Kath
At nagtawanan kaming apat.
“Boss alam mo ba ang kasabihan na the more you hate the more you love” ang singit ni Mira
Nakarinig kami ng mahinang katok at para mukhang mga tanga ang Team ko dahil bigla nalang silang nanahimik.
“Mr. Herald ready na po tayo” ang sabi ng assistant Director
“Ok sige. Salamat” ang ngiting sabi ko sakanya. “Kayo naman mga sira ulo bat kayo natahimik? Tara labas ba tayo para matapos na to”
Nakakapagod pero masaya dahil natapos ko din ang tv commercial isasabay na ilalabas ito pag announce sa mga lead role ng Jail Love Story para lalong sumikat ang product nila.
Kakauwi ko lang sa condo ko dahil nilibre ko ang Team H ko at di pa ako nakakabihis ng may nagdoorbell.
Wala naman ako inaasahang bisita ngayon.
Impossible naman na sila Kath ito dahil kilala nila ako kapag nasa bahay na ako ay ayaw ko na magpa istorbo.
Pagkabukas ko ng pinto nakatayo ang di ko inaasahang bisita na si Celix.
Nakangisi itong nakatingin sa akin.
Ano ginagawa nito dito. At paano niya nalaman kung saan nakatira.
“Alam kong di mo inaasahang na makita mo ako dito sa labas ng condo mo.” ang ngising sabi nito
Ano kaya ang naisip ng lalaking ito bat pumunta siya dito. Lakas ng trip nito ah!
Di ko namalayan na nakapasok na pala ito at may hawak na baso na may laman na alak.
“Ano pang hinihintay mo dyan?” ang nakangiting sabi nito.
Sinara ko na ang pinto at pinuntahan sa may bar counter.
“Ang kapal din ng mukha mo. Ano ang pakay mo bat ka pumunta dito?” ang mahinahon kong sabi sakanya pero sa loob loob ko gusto ko na siyang palayasin sa condo ko.
“Bat ganyan ka makitungo sa akin. Wala akong ginagawang masama sayo. Dapat nga magpasalamat ka sa akin dahil ako ang lumalapit sayo para magpakaibigan.”
“Masyado kang mayabang at mahangin wala ka pa naman nararating. Kapit ka baka isang araw bigla ka nalang mahulog sa putik” ang ngiting sabi ko sakanya at kinuha ko sakanya ang basong may laman na alak at ininom ko ito.
Kita ko sa mukha niya na natamaan siya sa sinabi ko.
Huminga siya ng malalim para mapigilan niya ang inis niya.
“Tama ka doon kaya nga pumunta ako dito para may marating ako. Alam ko pareho natin inaasam ang role ni Lorenzo. Bat di tayo magpractice ngayon” ang ngising sabi nito
Lumapit siya sa akin at di ko inaasahan na bigla nalang niya ako hahalikan. Ramdam ko nailang din siya sa ginawa niya pero sandali lang yun.
Pilit na pinapasok niya ang kanyang dila sa akin. Pero di ko hinayaan na magtagumpay siya.
Pilit ako kumakalas sa kanyang yakap pero hinihigitan niya ang lakas ko.
“Tsk! Not bad!” ang biglang sabi ni Celix
“Paano mo nagawa yun? Saan ka kumuha ng lakas ng loob?” ang tanong ko sakanya
Di ko akalain na aabot kami sa ganitong sitwasyon. Pareho kaming nakaupo sa sofa na walang ano mang saplot sa katawan. Hingal na hingal kami pareho sa ginawa namin.
Kakatapos lang ng isang maiinit na tagpo sa aming dalawa. Hanggang ngayon di ko alam paano niya ako napapayag sa gusto niyang gawin.
“Simple lang yan. Ginusto mo din ang nangyari. Siguro naman sa audition na papagawa sa atin di na tayo maiilang.” ang sabi nito tumayo na ito at nagayos ng kanyang sarili.
“See you soon” ang ngising sabi nito sabay labas ng pinto. Naiwan akong tulala sa loob ng condo ko.
Nasa
Dreame
na po ako! At
itong
story ko.
Search
niyo
lang
Ralds
Box
Edited na po. Please support me.
Magsusulat
na po ako ng
mga
bagong
story doon !

