In The End
RaldsBox · 1 chapter · 4,070 words
in the end
Gaano ba kahirap ang isang mahirap.
Lalo na sa panahon ngayon.
Pinatupad ang Community Quarantine.
Limitado ang paglabas ng bahay.
Walang trabaho.
No Work No Pay
Yan ang kanina pa iniisip ni Ezekiel. Di niya alam kung saan siya kukuha ng pera pang gastos araw araw.
Meron pa naman sila makakain sa ngayon pero sigurado siyang di sasapat ang stock nilang pagkain hanggang matapos ang CQ.
May mga nagbigay na sakanilang relief goods.
Pero di pa din ito sapat.
Ayaw ni Kiel na humingi ng tulong sa mga magulang niya dahil matagal siyang di nagparamdam.
Naisip niya bigla ang katrabaho niya na si Lance. Dati may alok siyang raket noon sa kanya.
Sabi daw ni Lance ay malaki ang kikitain niya dito.
Pero di niya noon ito masyado binigyan ng pansin.
Sa panahon ngayon ay kailangan na kailangan ni Ezekiel ang pera.
Tinawagan niya ito agad sa kanyang cellphone.
“Hello? Pareng Lance kamusta?”
“Buti napatawag ka pareng Kiel?”
“P-pare ano kasi…”
“Naku pareng Kiel mukhang alam ko na kung bakit ka napatawag.”
“Eh kasi kailangan ko ng pera. Naubos na kasi yung huling sweldo na nakuha natin”
“Meron naman ako dito kaso pare alam mo naman sa panahon ngayon kailangan din ng pamilya ko ng pera.”
Napakamot nalang sa ulo si Kiel sakanyang narinig. Sa totoo lang ay nahihiya siyang kausapin si Lance ngayon.
“P-pare di naman yan yung tinawag ko kasi. Hmmm… Yung sinabi mo sa akin na Raket noon”
“Ah? Yun ba yung raket na sinasabi ko sayo. Di ko lang alam kung available pa sa panahon ngayon. Pero tanong ko sayo kaya mo ba yun?”
“A-anu bang klaseng raket yan?”
Meron naman na idea si Kiel kung anong klaseng raket na sinasabi ni Lance sakanya.
Marami na din kasi siyang naririnig na usapan tungkol kay Lance.
“Kailangan ko pa ba paliwanag sayo yun? Alam ko naman na alam mo na yung tinutukoy kong raket. Pero sa panahon ngayon ay baka mahirapan tayo kumuha ng guest. Wag kang mag-alala tutulungan kita.”
Magtitiwala siya kay Lance dahil wala naman siyang iba pang kakilala na para makahingi ng tulong.
Ilan oras din siyang naghihintay sa tawag ni Lance
Nakita ni Jessa ang kanyang asawa na para bang may hinihintay itong tawag dahil kanina pa nitong di mabitawan ang cellphone.
Alam ni Jessa na iniisip ni Kiel ang panggastos nila araw araw.
Wala din siyang trabaho ngayon. No Work No Pay din sila.
Inaalala niya kung saan sila kukuha ng pambili ng pagkain at lalo na gatas ng kanila anak.
“Kiel tara kain na tayo. Nakapagluto na ako”
Napatingin si Kiel sa kanyang asawa.
Isang matamis na ngiti ang binigay niya dito. Ayaw niyang mag-alala ang kanyang asawa.
Sinabi niya dito na tutulungan siya ni Lance. Pero di niya sinabi kung paano .
Habang kasarapan niyang sa pagkain. Biglang tumunog ang kanyang cellphone kaya naman nagmadali siyang sagutin ito.
“Lance Pare! Ano balita?”
“Tangina pare! Nakahanap na tayo ng guest.”
“Talaga? Eh paano na? Sino siya? Pare baka naman masyado matanda yan”
“Relax ka lang! Wag ka masyado excited. Ok lang ba na ibigay ko ang address mo? Susunduin ka namin”
Nagdalawang isip bigla si Kiel. Paano niya sasabihin sa kanyang asawa na may susundo sakanya.
“Pare sabihin mo muna sa akin kung anong klaseng bakla ang magiging guest natin?”
“Basta pare di tayo talo dito. Ano game ka ba?”
Napabuntong hininga siya ng malalim.
“Bahala na si Batman!” Ang nasabi nalang niya sa kanyang isip.
Isang beses lang naman niya gagawin ito.
Sisikmurain niyang magpagamit ng isang gabi. Isang gabi lang.
Binigay na ni Kiel ang kanilang address. Ngayon gabi siya susunduin nila Lance.
Nagpaalam siya kay Jessa na susunduin siya ni Lance.
“Ngayon talagang gabi Kiel. Alam mo naman na CQ at may curfew ngayon? Di ba puwede ipagpabukas nalang yan?”
“Hindi puwede Jessa.”
Ayaw na niya makipagtalo sakanyang asawa. Para din naman sakanila ito gagawin niya.
Naligo nalang siya at nagbihis ng maganda.
Nagtaka naman bigla si Jessa dahil sobra naman bihis na bihis ang kanyang asawa.
Nakarinig sila ng busina sa labas.
Isang magarang kotse ang nasa tapat ng bahay nila. Bumaba dito si Lance.
“Mare kamusta na? Hiramin ko muna si Pareng Kiel.”
“Kahit ayaw ko wala naman ako magagawa”
Nagpaalam na si Kiel sa kanyang asawa. Sinabi niya kay Jessa na wag na siyang hintayin baka bukas na ito makauwi.
Samantala sa loob ng kotse ay ipinakilala ni Lance si Armand kay Kiel.
“Siya ang magiging guest natin ngayon Kiel”
Nagulat si Kiel dahil di nito inaasahan na isang lalaki pala ang magiging guest nila. Kala niya kasi isang baklang matanda.
“Pare wag kang magulat. Anong akala mo sa akin na basta basta nalang ako pumapatol kahit kanino? Pare high class to” ang pagmamayabang na sabi ni Lance.
Nakarating sila sa isang building. Condo pala ni Armand ang pupuntahan nila.
Akala ni Kiel ay sa motel sila pupunta.
“Kain muna tayo bago magsimula.” Ang sabi ni Armand.
Wala talaga sa mood si Armand kanina para makipagsex. Gusto lang niya na matapos ang trabaho niya. Dahil work from home ito.
Nakatanggap siya ng tawag muna kay Lance. Agad itong tumanggi sa alok ni Lance pero pinilit siya nito.
Sinabi ni Lance na may isasama siyang kaibigan at virgin pa sa ganitong kalakaran.
Kanina palang sa kotse ay pasimpleng tinitignan ni Armand si Kiel.
Nakita niya na mahirap ang buhay ni Kiel at may asawa na pala ito.
“Masarap ba yung luto ko Kiel?”
“Ah? O-oo”
Sa totoo lang di niya malasahan ang kinakain niya. Dahil sobrang siyang kinakabahan.
Kailangan niya magfocus ngayon.
Kung di lang talaga niya kailangan ng pera ay di niya ito papasukin ang ganitong trabaho.
Ramdam ni Armand na kinakabahan si Kiel. Totoo nga ang sinabi ni Lance sa kanya.
Hingal na hingal silang tatlo matapos ang matinding bakbakan sa kama.
Di makapaniwala si Kiel na nasarapan siya sa kanyang ginawa.
Para bang gusto niya pa gawin ulit. Medyo matigas pa din ang kanyang alaga.
“Mukhang ready na yata si Kiel sa round 2?” Ang sabi ni Armand.
Bago sila magsimula ulit ay agad na kinuha ni Armand ang isang lalagyan na may laman na syringe at mga maliliit na bote.
Nagtaka si Kiel sa kanyang nakita. Tinanong agad niya si Armand kung para saan ito.
“Don’t worry safe ito. Para lalo tayo ganahan sa sex nating tatlo.”
“Teka drugs ba yan?”
“Pare wag ka mag-alala nakagamit na ako yan. Safe naman”
Biglang natakot si Kiel at para bang gusto na nitong umuwi. Di niya inaasahan na gagamit sila ng drugs.
“Puwede bang di na ako gumamit ng ganyan?”
Nakita ni Kiel kung paano ininject ni Armand ang hawak nitong syringe sa braso ni Lance.
Ganun din ang ginawa ni Lance kay Armand.
“Wag ka masyado killjoy Pare. Subukan mo na”
Umiling lang si Kiel. Ayaw niyang gumamit ng drugs dahil iniisip niya na baka mapahamak siya.
Sinabihan nalang niya ang dalawa na manonood nalang siya.
Pero di pumayag ang dalawa nitong kasama. Sinabihan pa siya ni Armand na di siya babayaran kung di siya papayag.
“Pare ngayon ka pa ba aatras? Nandito kana? Wag ka mag-alala malaki magbigay si Armand”
Naghalikan sila Armand at Lance na para bang uhaw sila sa isa’t isa.
Nag-init bigla ang katawan ni Kiel sa nakikita niya sa dalawa niyang kasama.
Nagising si Kiel na masakit ang buong katawan nito.
Masakit din ang kanyang ulo para bang may hangover ito.
Tatayo na sana siya ng namalayan niyang may nakaakap pala sakanya.
Nagulat siya dahil di pala si Armand o si Lance ang lalaking nakaakap sakanya. Kundi ibang lalaki.
“Tangina! Sino ka?”
Napatayo si Kiel sa gulat.
“Hon naman! Parang gago ka naman dyan!”
“Sino ka? Teka?”
Naguguluhan siya sa kanyang nakikita. Dahil sa pagkakatanda nito di ito ang condo ni Armand. Tsaka wala sila Armand at Lance.
“Para ka naman tanga dyan Hon. Dito ka nga muna sa tabi ko maaga pa naman”
Napamura siya sakanyang sarili. Hinanap niya ang kanyang suot kagabi pero di niya ito makita.
“Saan yung suot ko kagabi? Tsaka nasaan sila Lance at Armand?”
Tumayo yung lalaki. At naiinis siya sa inaasta ni Kiel sa kanya.
Di niya alam kung pinagloloko ba siya nito. Agad siyang nagmasid sakanyang paligid. Baka may mga camera sa paligid. Baka ito ay prank.
“Alam mo kung Prank ito? Sige na suko na ako!”
Napakunoot noo si Kiel sa sinabi ng lalaki sakanya.
Baka siya ang nasa prank.
Bigla siyang nakaramdam ng uhaw. Agad itong pumunta sa kitchen area at binuksan ang ref.
Habang umiinom ito ay nasa harapan niya ang lalaki. Wala din itong pakialam kung wala itong suot.
“Nasaan na ba yung mint candy ko!! Inalis mo nanaman ba sa ref? Wala dito?”
“Nasa kuwarto yung mga candy mo!”
Teka bigla napatigil si Kiel sa pagpunta niya sa kuwarto.
Mint candy?
Kahit na naiinis na ay kinuha pa din ng lalaki ang mint candy ni Kiel sa kuwarto.
Binigay niya kay Kiel na mukhang tanga na nakatulala na para bang naiisip.
Napatingin naman si Kiel sa mga candy na hawak ng lalaki.
Di niya alam kung bakit niya ito kinuha at kinain.
Napabuntong hininga siya ng malalim. Kailangan niya maging kalma para malaman kung ano ba ang nangyayari sa kanya.
Napa-Aray si Kiel dahil sa sumasakit niyang ulo.
“Sa totoo lang di ko talaga alam ang nangyayari ngayon! Sino ka ba? Nasaan ako? Nasaan sila Armand at Lance? Tangina yung cellphone ko nasaan kailangan ko tumawag sa asawa ko siguradong nag-aalala na yun”
Biglang nasaktan ang lalaki sa kanyang narinig.
“Ako si Lemuel Ascota, condo natin. Armand? Lance wala akong natatandaan na kakilala mo o ako na ganyan ang pangalan. T-tsaka wala kang asawang iba. Dahil a-ako lang ang asawa mo Hon”
Nagulat si Kiel na malaman niya na asawa niya si Lemuel. At kapangalan pa nito ang kanyang anak.
“Pa-paano nangyari na asawa kita? Di ikaw ang asawa ko. Si Jessa Santos ang asawa ko at may anak na kami”
Pinipigilan ni Lemuel na di ito mapaiyak sa harapan ni Kiel. Naguguluhan na din siya sa nangyayari kay Kiel.
Kagabi lang ay masaya silang nagdiwang ng anniversary nila.
“Naguguluhan na ako. Kailangan ko na umuwi! Teka nasaan yung cellphone ko? Tatawagin ko si Lance!”
Agad naman kinuha ni Lemuel ang cellphone ni Kiel.
Nagulat si Kiel ng makita niyang inabot sakanya ang isang latest iphone.
“H-hindi sa akin yan! Oppo lang cellphone ko. Ako nalang maghahanap”
Hinayaan nalang ni Lemuel si Kiel. Di niya na talaga alam ang gagawin.
“Di ko mahanap yung cellphone ko. P-puwede bang makitawag ako? Tatawagin ko lang si Lance”
Di pala alam ni Kiel ang number ni Lance kaya ang asawa nalang nitong si Jessa ang kanyang tatawagin.
“Hello?”
“Hello sino to?”
“Jessa! Jessa ako to! Si Kiel! Ezekiel”
Ilang minuto din bago sumagot ang kabilang linya.
“Hello! Jessa!!!”
“K-kiel? Sinong Ezekiel?”
“Ako to si Kiel asawa mo?! Pauwi na ako. Tsaka pakibigay mo nga yung number ni Pareng Lance sa akin”
“W-wrong number ka Kuya!”
Naguguluhan si Kiel na napatingin sa cellphone na hawak niya. Di niya akalain na magagawa ni Jessa yun sa kanya.
Alam niyang boses ni Jessa yun. Di siya puwedeng magkamali.
“Salamat Lemuel. Pasensya kana sa abala. Uuwi na ako.”
Natulala nalang at napaiyak na si Lemuel ng magpaalam sakanya si Kiel.
“Kiel tama na to! Ayoko na! K-kung di mo pa ako napapatawad sa nagawa ko. Im so sorry. K-kala ko ba napatawad mo na ako. Kung di mo pa ako tuluyan napapatawad. Sabihin mo lang ano kailangan ko gawin para pagkatiwalan mo ulit ako. Hon wag mo naman ako iwan”
Yan agad ang pumasok sa isip ni Lemuel. Alam niyang malaki ang kasalanan niya kay Kiel noon.
Ilang taon din silang naghiwalay dahil sa kasalanan na hanggang ngayon ay pinagsisisihan niya.
Napatingin si Kiel sa nakaluhod at umiiyak na si Lemuel. Parang may mga alaalang nag-flashback sakanya.
Tuluyan nang sumakit ang ulo ni Kiel na para bang binibiyak ito.
Nagsisigaw si Kiel at nawalan siya ng malay.
Natakot si Lemuel ng makita niyang bigla nawalan ng malay si Kiel.
Agad niya tinawagan ang mga magulang ni Kiel.
Dumating ang magulang ni Kiel sa hospital kung saan dinala ang kanilang anak. Sobrang nag-alala si Esmee ng makatanggap siya ng tawag muna kay Lemuel.
“Lemuel kamusta na ang anak ko?”
“Huminahon ka Esmee.”
“Paano ako hihinahon Manuel! k-kung ganyan ang kalagayan ng anak ko.”
“T-tita darating na po yung doctor na tumingin kay Kiel.”
Nakita nila pumasok ang doctor at sinabing kakausapin sila tungkol sa kondisyon ni Kiel.
“Kamusta ang anak ko Doc?”
“Huminahon kayo Mrs. Ascota. Ilang buwan din di nagparegular check up si Ezekiel. At lumitaw sa check up ngayon na di na niya iniinom ang mga gamot na binigay sakanya. Dahil dyan ay tuluyan na naapektuhan ang utak niya dahil sa Covid19.”
“A-ano po ibig sabihin niyo doc?” Di na napigilan ni Lemuel na magtanong dahil kanina pa siya naguguluhan sa nangyayari.
Napatingin sa kanya ang doctor.
“Doc si Lemuel siya ang asawa ni Kiel. May karapatan din siyang malaman ang kondisyon ni Kiel.” ang seryosong sabi ni Manuel.
“Well simulan natin sa umpisa para maging klaro sa inyo ang lahat. Noon dinala si Ezekiel sa hospital dahil na over dosage siya sa isang uri ng sex drug ay nalaman din namin na may Covid19 din siya sa mismong araw na yun. Lumipas ang ilang araw ay naging malala ang kalagayan ni Ezekiel. Nagtaka kami dahil lumitaw sa resulta ng regular check up nito ay naapektuhan ang kanyang utak ng virus. Doon ay nalaman namin na meron pala siyang Post Traumatic Stress Disorder. Gumaling si Ezekiel sa virus pero dahil na din di na siya regular umiinom ng gamot at nagpapacheck up ay trigger yun sa pagkakaroon ng Partial Amnesia. PA is affecting only certain memories. Amnesia may also involve a total loss of memory and awareness of personal identity, but that is a rare occurrence. Typically people with amnesia still know who they are but struggle to remember new information and to retain new memories.”
Nalaman ni Kiel na dinala pala siya sa hospital. Kinausap din siya ng doctor niya para ipaalam sakanya ang kondisyon niya ngayon.
“Anong petsa ngayon?”
“March 26, 2025. Kahapon ay nag celebrate tayo ng anniversary natin.”
Di makapaniwala si Kiel na 2025 na ngayon.
“W-wala akong matandaan na nagcelebrate tayo ng ganun. Ang natatandaan ko ay ang pagsama ko kay Pareng Lance. Kailangan ko kasi ng pera. Naubos na kasi yung huling sweldo ko”
Ilang araw din silang nanatili sa hospital.
“Lemuel puwede ba kitang makausap sa labas” ang sabi ng mommy ni Kiel.
“Ah sige po Tita”
“ Nalaman mo na din na may PTSD ang anak ko. Di namin alam ang rason kung bakit nagkaroon ng ganun si Kiel. Isang araw ay biglang umuwi sa bahay si Kiel. Nagtaka kami bat di ka niya kasama. Sinabi niya na hiwalay na daw kayo. Lagi siyang nagkukulong sa kuwarto, umiinom ng alak at madaling magalit. Isang araw ay nakita nalang namin siyang nakahandusay sa kuwarto. N-nagtakang magpakamatay ang anak ko Lemuel. Galit na galit ako sayo noon dahil di mo man lang pinuntahan ang anak ko. Pero sabi ni Kiel sa amin na wala kang kasalanan siya ang may kasalanan kung bakit kayo naghiwalay. Nagpaalam sa amin si Kiel na magbabakasyon siya gusto daw niya makalimot. Pero di na siya umuwi. Kala namin ay may nangyari na sakanyang masama. Pinahanap namin siya at nalaman namin na may bago na siyang kinaskasama si Jessa yun. At nagkaroon sila ng anak. Hinayaan namin siya alam namin na masaya na siya. Lumipas ang ilang taon ay nakatanggap kami ng tawag muna kay Jessa binalita sa amin na sinugod sa hospital si Kiel. At doon namin nalaman ang kondisyon niya. Noong gumaling siya ay nagulat kami dahil gusto ka niyang balikan at di na niya maalala sila Jessa at kanyang anak. Ayon sa doctor niya ay nagkaroon siya ng Partial Amnesia dahil sa virus. Hinayaan naman namin siya sa gusto niya. Ngayon Lemuel nakikiusap ako sayo na alagaan at mahalin mo ang anak namin.“
Di napigilan ni Lemuel na maiyak dahil sa nalaman nito. Alam niya na kasalanan niya kung bakit nagkaroon ng PTSD si Kiel.
Nangako si Lemuel na aalagaan at mamahalin niya lalo si Kiel. Di na niya hahayaan na mawala pa sakanya si Kiel.
Naagaw ang pansin niya sa isang babaeng may hawak na batang lalaki.
“Siya si Jessa Santos. Siya ang naging asawa ni Kiel noong naghiwalay kayo.”
“Kamusta na po kayo Mam. Lemuel ako si Jessa. Di ako pumunta dito para manggulo gusto ko lang kamustahin si Kiel. Nagulat ako ng bigla nalang siyang tumawag sa akin.”
“Tinawagan ko siya dahil sigurado hahanapin siya ni Kiel” ang sabi ni Esmee
“Lemuel noong makilala ko si Kiel di ko alam ang nakaraan niya nagpakilala lang siya sa akin noon bilang isang simpleng tao. Naging kaibigan niya si Pareng Lance na ipinasok siya sa trabaho nito bilang isang factory worker. Nanligaw at naging magkasintahan kami. Nalaman ko nalang na nagdadalang tao ako. At si Kiel ang ama. Masaya ako noon dahil di niya ako iniwan nagsama na kami hanggang manganak ako. Noong nagkasakit si Kiel ay tinawagan ko sila Mam para ipaalam sakanila ang nangyari kay Kiel. Isang araw ay biglang may dumating sa bahay at sila Mam Esmee at Sir Manuel nalaman kong magulang pala sila ni Kiel. Kinausap nila ako tungkol kay Kiel. Nalaman ko lahat lahat. Kahit na mahirap at masakit ay tinanggap ko nalang. Siguro ito na ang tamang panahon upang makita ulit ni Kiel ang kanyang anak.”
Nakauwi na sila Lance at Kiel sa kanilang condo.
“Lemuel salamat sa pag-aalaga mo sa akin. Di mo ako iniwan.”
Gusto na niya maalala kahit papaano kung ano si Lemuel sa buhay niya. May mga naalala siya kaso di sapat yun para bumalik siya sa dati.
“Gusto mo bang bisitahin si baby Lemuel?” Ang ngiting sabi ni Lemuel.
Walang pagdadalawang isip si Kiel na pumayag sa alok ni Lemuel sa kanya.
Miss na niya ang kanyang anak na si baby Lemuel.
Malaki na ang anak nito.
Masaya si Lemuel ng malaman ang pangalan ng anak ni Kiel.
Kapangalan pala niya ito.
“Nang malaman kong lalaki ang anak ko kay Jessa ay agad na Lemuel ang pumasok sa isip ko”
Pumunta sila sa bahay ni Jessa. Sinamahan din sila ng magulang ni Kiel dahil gusto nila makita ang kaninang apo.
Agad na bumaba ng kotse si Kiel. Excited niya makita ang kanyang anak pati na din si Jessa.
“Jessa kamusta kana? Nasaan si Lemuel?”
“Ikaw pala Kiel. Di ko alam na darating ka ngayon?!”
Nagulat talaga si Jessa akala nito ay di na kailanman babalik si Kiel sa lugar nila.
Naisip ni Jessa na baka kukunin sakanya si Lemuel ang kanyang anak.
Nakita agad ni Kiel na may takot sa mukha ni Jessa.
“Alam ko ang iniisip mo Jessa di namin kukunin sayo si Baby Lemuel”
Nakahinga ng maluwag si Jessa.
Pinapasok niya ang kanyang bisita sa loob ng bahay. Napansin ni Jessa na pinagmamasdan ni Kiel ang loob ng bahay.
Marami na nagbago sa kanilang bahay magmula mawala si Kiel sa buhay niya.
“Sandali lang kukunin ko lang si Baby Lemuel sa kuwarto”
Nakita niyang abala ito sa panonood ng cartoons sa cellphone kasama ang bago nitong kinakasama si Daniel.
“Jessa may bisita yata tayo?”
“Ah oo sila Kiel. Gusto nilang makita si baby Lemuel. Lumabas kana din para makilala ka nila.”
Agad na inakay ni Kiel si baby Lemuel ng makita niya agad nito.
“Kamusta kana Baby Lemuel.” Walang tigil nitong pinahahalikan sa mukha at paminsan minsan ay nikakayap niya ito.
Miss na miss niya ang kanyang anak. Napapaluha siya habang pinagmamasdan niya ito.
Noon malaman niyang tinamaan siya ng Virus ay maliit palang si baby Lemuel.
Ipinakilala ni Jessa si Daniel na bago nitong kinakasama kina Kiel.
Di inaasahan ni Kiel na may bago na pala kinakasama si Jessa. Di niya maipaliwanag ang kanyang nararamdaman.
Binaliwala nalang ni Kiel kung ano man ang nararamdaman niya ngayon kay Jessa.
Mas nanaig ang pagka miss niya sakanyang anak.
“Teka nasaan na si Lemuel?” Napansin niya wala pa ito sa loob.
Nahirapan si Lemuel sa paghahanap ng parking area sa lugar. Bago ito pumasok sa bahay nila Jessa ay kinondisyon niya ang kanyang sarili.
Gusto niya makita masaya si Kiel.
Di naman siya manhid para di masaktan. Naisip nalang niya para sa ikakasaya ni Kiel.
Nakita niya si Kiel na karga nito si Baby Lemuel. Napangiti siya dahil alam niyang masaya ngayon si Kiel.
“Lemuel halika ka dito. Ikaw naman ang humawak kay Baby Lemuel” ang sabi ni Kiel
Sumunod agad si Lemuel at kinarga niya si Baby Lemuel. Buti di ito umiyak.
Di maipaliwanag ni Lemuel ang nararamdaman niya ngayon habang karga nito si Baby Lemuel ang anak ni Kiel.
Napatingin si Lemuel sa lalaking kasama ni Jessa.
Ipinakilala agad ni Jessa si Daniel kay Lemuel.
Naging masaya ang lahat lalo na si Kiel.
Naging maayos ang paguusap nila Jessa at Kiel kung paano ang magiging set up nila tungkol kay Baby Lemuel.
Nakauwi na sila Kiel at Lemuel sa condo nila. Walang tigil kakakwento si Kiel tungkol kay Baby Lemuel.
Napansin ni Kiel na mukhang malalim ang iniisip ni Lemuel simula nakauwi sila ay tahimik ito.
“Lemuel sa ngayon wala pa ako masyado maalala tungkol sa relasyon natin. Pero ramdam ko na importante ka sa buhay ko.”
“Wag kang mag-alala sa akin. Masaya ako na nakasama mo na ulit si Baby Lemuel. Wag mo pilitin ang sarili mo. Makakasama yan. Basta mahalaga magkasama tayo”
Lumipas ang mga ilang araw at buwan nagiging normal naulit ang takbo ng buhay nila Lemuel at Kiel.
Kahit sobrang busy sa trabaho si Lemuel ay di niya pinapabayaan ang relasyon niya kay Kiel. Ayaw niyang mawala ulit ito sakanya.
Ngayon araw na to ay babalik na si Kiel sa kanyang trabaho.
Sabi ng doctor sakanya ay puwede na siya bumalik sa trabaho. Basta wag ng kalimutan ang regular check up at regular na pag-inom ng gamot.
Ngayon araw na to ay sakanya si Baby Lemuel.
“Hon ok lang ba sayo na ikaw muna magbantay kay baby Lemuel ngayon. Wag ka mag-alala uuwi agad ako kapag tapos na ang trabaho ko.”
Napangiti si Lemuel at niyakap niya ng mahigpit si Kiel.
Siniil niya ito ng halik at sinabing niya na wag ito mag-alala. Nagleave siya ng ilang araw para mabantayan niya si baby Lemuel.
Itinuring na din niya kasi anak ito.
Naglinis at nagluto na siya para kapag dumating na si Baby Lemuel ay dito na siya naka focus.
Narinig niya na may nagdoorbell sa pintuan sigurado siyang si Jessa na iyon.
Pero mali siya dahil si Daniel ang boyfriend ni Jessa ang nasa harapan niya ngayon at karga nito ang natutulog na si Baby Lemuel.
“P-pasok kayo. Wala yata si Jessa”
“Nilagnat siya kagabi kaya ako na muna ang naghatid kay Baby Lemuel”
Inaya ni Lemuel na kumain muna si Daniel bago ito umalis.
“Kamusta ka na Lemuel? Kamusta kayo ni Kiel?”
“Ah? O-ok naman ako. Ok naman kami ni Kiel. Nasa trabaho siya ngayon. Puwed bang pakibantay na muna si Baby Lemuel maliligo lang ako”
“Sige ok lang. Take your time”
Mabilisan ligo lang ang ginawa ni Lemuel dahil nahihiya siya kay Daniel.
Pagpasok niya sa kuwarto ay nakita niya si Daniel na natutulog katabi si Baby Lemuel.
Ayaw niya maging bastos kaya di na niya ginising si Daniel.
Naalimpungatan si Lemuel dahil sa iyak ni Baby Lemuel. Di niya namalayan na nakatulog pala siya.
At sobra siyang nagulat na naka-akap si Daniel sakanya.
“Daniel gising!!!!”
“Ano ba!? Natutulog eh!”
Inalis ni Lemuel ang braso ni Daniel na naka-akap sakanya.
Agad niya kinarga si Baby Lemuel.
Nagtimpla siya ng gatas para tumigil sa kakaiyak.
Muntikan na niya ito mapabayaan. Dahil nakatulog siya.
“Sorry pala kanina Lemuel. Aalis na ako.”
“D-daniel”
“Wag kang mag-alala Lemuel walang makakaalam. Sige alis na ako”
Excited si Kiel na umuwi sa bahay para makasama niya si Lemuel lalo na ang kanyang anak.
Masaya ang mga katrabaho niya na nakabalik na siya sa trabaho. Medyo naninibago siya ng konti. Tinutulungan naman siya ng mga katrabaho niya.
Dumaan din siya sa isang coffee shop at bumili ng Blueberry Cheesecake.
“Hon! Im home!”
Pumunta agad siya sa kuwarto at doon nakita na abala sa pakikipaglaro si Lemuel sa kanyang anak.
“Teka bago ka lumapit kailangan maligo ka muna. Remember prevention is better than cure”
~End

