IN THE NAME OF THE FATHER TO HIS SON
kabrobars · 25 chapters · 100,404 words
MURDER
Kakatapos lang ng bakasyon at abala na naman ang lahat sa kani-kanilang mga ganap sa buhay. Ngunit ang araw ng pagbabalik ng karamihan ay sinalubong naman ng nakakagimbal na tagpo na nagdulot ng malaking katanungan sa mga tao. Tatlong mga kalalakihan ang wala ng buhay na natagpuan sa magkakahiwalay na lokasyon sa paligid ng kamaynilaan. Lahat pawang pinaslang sa napaka brutal na paraan.
“Wala na ang kanilang mga mata, putol ang mga dila tsaka nawawala ang mga puso. No doubt sindikato ang may gawa nito. For sure marami silang alam kaya ginanyan sila.” Ani ni Helen nang suriin nila ang mga bangkay.
“At ang mga markings sa kanilang mga tiyan. Paano mo ma explain iyon?” Tanong ni Bryan na may pagdududa sa nasabing krimen.
“At ano? Kulto? For sure ginawa lang iyan ng kung sinong pumatay sa kanila para bigyan tayo ng palaisipan at madagdagan ang mga takot ng mga tao. Palagay nga nating kulto ang may gawa nito, isa parin itong krimen na hindi dapat balewalain.” Tugon ni Helen.
“Tama ka, siya nga pala ayon sa initial reports, lahat ng ito mga estudyanteng ng Romano Highschool. Mga senior high.” Saad ni Bryan.
“Kung sa iisang paaralan lang ang mga ito ibig sabihin magkakakilala sila. Pero mahihirapan na tayo mag backtrack nito, sarado na ang klase pahirapan na sa atin ang isa-isahin ang mga kakilala nila.”
“Kung iyon ang paraan para matapos ang kasong ito gagawin ko. Sisimulan ko sa mga magulang ng mga biktima. Paniguradong may makukuha akong lead sa kanila.”
“Sige, mga ganitong kaso naman talaga ang mga forte mo. Sabihan mo na lang ako kung kailangan mo ng back-up.”
Mula hospital agad na binalikan ni Bryan ang mga area kung saan natagpuan ang mga bangkay. Mga abandonadong lugar at hindi iyon madalas sinasadya ng mga tao. Perpektong lugar para ikubli ang krimen. Ngunit ang pagkakahanap ng mga katawan ang siyang malaking palaisipan kay Bryan. Dahil kung intensiyon ng salarin na itago ang mga bangkay bakit niya iyon pinuwesto sa paraang mapapansin agad ito ng kung sino mang mapapadaan sa lugar na iyon.
Ang naunang biktima ay natagpuang nakapatiwarik sa lumang road sign ng lugar, hubo’t hubad. Ang isa naman nakalambitin rin ng patiwarik mula sa bintana ng lumang abandonadong sinehan at wala ring saplot at iyong huli nakasabit sa mga kawad ng kuryente sa lumang bus station na ganun rin nakapatiwarik at hubo’t hubad. Ganun ang mga ayos ng mga biktima na tila ba sinadya talaga ng salarin na ipaalam sa lahat ang kanyang presensiya.
“Hello babe, nasa trabaho ka pa rin ba?”
“On the way na babe, may dinaanan lang ako.”
“I know na may panibago ka na namang sakit sa ulo. Pero I know na kaya mo iyan.”
“Kasama mo na ba si Joshua?”
“Kakarating lang, kaharap ko na siya ngayon.”
“Malapit na rin ako medyo ma-traffic lang dito sa dinaanan kong kalsada.”
Si Mina ang fiancee ni Bryan. At sa araw na iyon magkikita ang dalawa kasama ang anak ni Mina na si Joshua. Sa daan pa lang kabado na si Bryan, iyon ang unang beses na makakasama niya ang anak ni Mina. Iyon din ang unang pagkakataon na makakaharap niya si Joshua. Sa mahabang panahon na nililigawan nito si Mina hindi man lang nito nakuhang makipag-usap man lang sa anak ng babae. Tila ayaw kasi sa kanya ng binata.
“Sana pakitunguhan mo nang maayos ang tito Bry mo. Puwede ba iyon?” Pakiusap ni Mina sa anak.
“Bakit mo pa kasi siya kailangan, ayos naman tayo na tayo lang ah.” Ang tugon ni Joshua na halatang walang kagana-gana.
“Siyempre iba pa rin iyong may katuwang tayo. Mabait naman ang tito Bry mo. Pagbigyan mo lang siya ng pagkakataon na maging parte ng pamilya natin.” Saad pa ni Mina sa anak.
“Para lang sa iyo hindi para sa akin. Hindi ko siya kailangan.” Ani pa ni Joshua at muling kinabit sa tenga nito ang earphones at nagpatuloy sa paglalaro ng online games sa cellphone nito.
Napailing na lang si Mina, kahit anong pilit nito sa anak ganun pa rin ang saloobin nito sa pagbabalak nitong mag asawa. Pangatlong lalake na si Bryan na sumubok paamuhin ang anak nito ngunit wala man lang sa kanila ang nakakuha ng loob ni Joshua. Saglit pa at dumating na rin si Bryan.
Paglapit nito agad nitong tinapik si Joshua sa balikat para kamustahin ngunit tinitigan lang siya ng binata.
“Josh, di ba sa Romano Highschool ka rin nag aaral?” Tanong ni Bryan.
“Ano naman ngayon sa iyo?” Tugon naman sa kanya ng binata.
“Josh ano ba, maayos ka na tinatanong ng tito Bry mo. Sagutin mo rin ng maayos.” Saway ni Mina.
“Hayaan mo na babe, kumain na lang tayo.” Saad ni Bryan na napailing na lang din.
Natapos ang tatlo na hindi man lang nakaporma ng maayos si Bryan. Ihahatid pa sana nito ang mag-ina ng kanyang kotse nang nauna na sa dalawa si Joshua nang hindi man lang nagpaalam sa kanila. Wala nang nagawa pa sina Mina kundi pabayaan si Joshua. Nasa tamang edad naman si Joshua kaya kampante na si Mina sa anak nito.
“Pabayaan mo na iyon, maya-maya lang nasa bahay na rin ang batang iyon. Pero teka nga lang babe, bakit mo pala naitanong iyon kanina kay Joshua?” Ani ni Mina kay Bryan.
“Wala iyon, kuwan kasi tungkol sa mga nakitang mga bangkay.”
“Ano ang tungkol sa mga bangkay babe?”
“Mga estudyante kasi sa Romano ang mga iyon. Kako baka kakilala ni Joshua. Halos mga kaedaran kasi niya ang mga biktima tsaka mga senior high din.” Tugon ni Bryan.
“Ganun ba, hayaan mo ako na ang magtatanong sa kanya.”
“Huwag na, baka mamasamain lang ng anak mo iyan. Lalo lang magiging mailap iyon sa akin.” Saad ni Bryan.
Nagdaan pa ang mga araw at hindi na nasundan pa ang krimen kaya natanggal na sa isip ni Bryan na bahagi lang ng isang cult ritual ang nasabing krimen. Isang araw nun nang dumulog sa presinto ang isa sa mga kaibigan ng biktima. Nanginginig ito at balisang nagkuwento sa chief investigator nila ni Bryan. Kakarating lang nun ni Bryan sa kanilang opisina kaya inabutan pa nito roon ang binatang kausap ng kanyang kasama.
“Ano raw ang kuwento?” Tanong ni Bryan
“Demonyo raw ang may gawa nun sa kaibigan niya. Tingin nga namin naka-druga iyan eh. Pero nang ginawan namin ng test, clear naman.” Sagot ni Tipen.
“Kakausapin ko, pakisabi kay chief.” Ani ni Bryan.
Pagkapasok pa lang nito sa silid agad na nitong napansin ang balisang pagmumukha ng lalake. Nilapitan niya ito at naupo sa tapat ng lalake. Agad naman siya hinawakan ng lalake sa braso na tila takot na takot at nagmamakaawang humihingi ng tulong. Nakaramdam ng takot si Bryan sa kinikilos ng lalake.
“Kumalma ka, hindi tayo maayos kung ganyan ka. Huminga ka ng malalim tsaka tayo mag-usap.” Ani ni Bryan.
“Tulungan niyo ako, kami na ang kanyang isusunod sir. Papatayin niya kami. Demonyo siya.” Ang nanginginig na saad ng binata.
“Ikuwento mo sa akin ang lahat. Sino ang papatay sa inyo?” Tanong pa ni Bryan.
“Demonyo! Demonyo siya!” Biglang sigaw ng lalake tsaka nagwala.
Saglit pa nawalan ng malay ang binata at napasubsob ito sa mesa. Sumaklolo naman ang mga kasamahan ni Bryan. Dahil sa wala naman silang makuhang matinong impormasyon sa binata, pinauwi na rin nila iyon. Ngunit dahil sa mga nasabi nito nagdulot iyon ng malaking palaisipan kay Bryan. Palihim nitong minamatyagan ang binata. Minsan buong araw lang ito nakapark sa malapit na tanaw ang bahay nun. Tatlong beses kada linggo nagmamatyag si Bryan, may kutob kasi itong kakaiba sa mga idinulog ng binata.
Maaga pa nun nang maisipan na naman ni Bryan na manmanan ang bahay ng binata. Malayo pa lang ito tanaw na nito ang isang SUV na nakaparada sa tapat ng bahay ng binata. Kasunod nun nakita nitong may mga isinasakay ng mga gamit sa sasakyan. Pansin din nito na aligaga ang lahat at balisa ang mga kilos. Nang makita nito ang binata agad na bumaba si Bryan para lumapit.
Nang makita siya ng binata agad itong pinaalis si Bryan.
“Umalis ka na, babalik siya kaya aalis na kami.” Saad ng binata.
“Sino ang babalik? Saan kayo pupunta,…may tinatakasan ba kayo?” Usisang tanong ni Bryan.
“Hoy ikaw, sino ka?! Huwag mo kaming abalahin. Nagmamadali kami.” Sabat ng matandang babae kay Bryan.
“Police investigator Morales, nandito ako para kay Nico.” Pagpapakilala ni Bryan sa ina ni Nico.
“Sir, kung hindi naman kayo naniniwala sa akin puwede ba umalis na lang kayo. Wag niyo na kaming abalahin. Kailangan ko nang makalayo bago pa niya ako balikan.” Tugon ni Nico na palinga-linga pa ang mga mata sa paligid.
“Bigyan mo ako ng patunay para maniwala ako.” Ani ni Bryan.
“Sir puwede ba umalis ka na, buhay ng anak ko ang nakasalalay dito. At kung may mangyaring masama sa kanya dahil sa panggugulo mo. Ako mismo ang maniningil sa iyo! Now go!!!” Bulyaw pa ng ina ni Nico kay Bryan.
“Sakaling masundan niya pa rin ako, puntahan mo si Felix, kaibigan ko…iligtas mo siya sa kanya.” Saad pa ni Nico sabay abot kay Bryan ng papel na may nakasulat na pangalan at address.
Napaatras na lang si Bryan nang pinaharurot na ng ina ni Nico ang sasakyan. Napabuntong hininga na lang ng malalim ang lalake sa mga narinig sa binata. Hindi parin malunok ng isip nito ang pinagsasabi ni Nico sa kanya. Sinundan lang nito ng tingin ang SUV na papalayo na nun sa lugar. Pabalik na ito sa kanyang kotse nang may napansin ito sa di kalayuan. Nakita nito ang pigura ni Joshua na nakatayo sa tabi ng isang puno ng eucalyptus at nakatingin sa direksyon niya, matalim ang mga tingin nito ngunit walang emosyon ang mukha. Lalapitan na sana nito ang binata nang bigla na lang ito atakehin ng mga uwak na nandoon lang noong una nakadapa sa mga kawad ng kuryente. Maraming uwak ang sumugod kay Bryan kaya mabilis itong pumasok ng kanyang kotse. At nang sulyapan nito muli ang kinaroroonan ng binata wala na ito roon.
Hinagilap pa ng mga tingin ni Bryan ang paligid ngunit mabilis na naglaho si Joshua.
“Hello babe, nasa bahay niyo ba ikaw ngayon?”
“Yes babe kasama si Joshua, ewan ko nga sa batang ito kung ano ang nakain at pinagluto ako ng carbonara. Why babe?”
“Nandiyan si Joshua?” May pagtataka sa boses ni Bryan.
“Yeah why babe? Pupunta ka rito?”.
“Hindi ba umalis si Joshua diyan?”
“Hindi ,buong araw nandito lang siya. Nakakapanibago nga kasi biglang ibang Josh ang kasama ko ngayon. Sobrang lambing.” Ani ni Mina.
Rinig pa ni Bryan ang boses ni Joshua sa kabilang linya. Ngunit alam niyang hindi lang siya pinaglalaruan ng kanyang mga mata tiwala itong si Joshua ang kanyang nakita. Matapos tawagan si Mina,naisipan nitong puntahan ang pamilya ng isa sa mga biktima. Ngunit bigo ito, dahil hindi na nito inabutan ang pamilya ng isang biktima. Maging ang pamilya ng dalawa pa bigla na lang naglaho na walang bakas. Na para bang may tinatakasan. Palabas na ito mula sa looban kung saan nakatira ang pamilya ng isang biktima nang harangin ito ng isang matandang lalake. Madungis ito, at mukhang taong grasa. Ngunit maayos itong kinausap si Bryan.
“Papatayin niya ang hahadlang sa kanya, kaya sila natakot. Mapanganib ang hinaharap mo kaya kung ako sa iyo umiwas ka kung ayaw mo pati ikaw pag-initan niya.” Wika pa ng matanda.
“Kung gutom ka narito ang isang daan, pasensya na tatang at nagmamadali ako.”
“Hindi mo gugustuhing makilala ang hinahanap mo. Papatayin niya lahat wala siyang awa.”
Umiwas na lang si Bryan at hindi na pinansin ang matanda. Tuloy-tuloy ito sa kanyang kotse nang makarinig na lang ito ng rumaragasang truck sa likuran niya kasunod nun ang sigawan ng mga tao sa paligid. At nang lingunin nito ang mga nagkakagulo, nanghilakbot ito sa kanyang nakita. Basag ang ulo ng matanda na kanina lang kausap niya. Bali-bali rin ang buto nito ng maapakan ng rumaragasang truck ng tubo.
Kinilabutan si Bryan sa nangyari. nang mapatingin ito sa mga kawad ng kuryente at naroon na naman ang mga kumpulan ng mga uwak na nakadapo roon at tila nakamasid sa nangyaring aksidente. Doon na may naramdamang hindi pangkaraniwan si Bryan. Hindi nito mawari kung ano ang bumabagabag sa kanya ngunit alam niya na may mali sa mga nangyayari. Dahil sa hit and run na aksidente agad ito napatawag ng responde sa kanilang estasyon.
Nang makarating ang mga pulis at ambulansya nilisan din ni Bryan ang lugar at may kinita itong babae.
THE MARKINGS
“Doon ka na muna sa tito Ben mo sa Cavite. May alam iyon sa mga espi-espiritu at mga demonyo kaya matutulungan tayo nun.”
“Ma, mangibang bansa na lang kaya ako. Japan or Korea kahit saan na malapit pero hindi dito sa Pinas. Baka masundan parin ako.” Pag-aalala parin ni Nico.
“Hindi, walang mangyayari sa iyo anak. Ako muna ang saktan niya bago ka niya masaktan. Once nasa tito Ben mo na tayo wala na tayong pangamba.” Saad ng ina na pilit nilalabanan ang takot para sa anak.
“Paano kung masundan pa rin niya ako ma? Ayoko pang mamatay.”
Pagkasambit na iyon ni Nico, bigla na lang napapreno ang ina nito nang may napansin itong naroon sa gitna ng daan. Isang baka, nakatayo ito sa gitna ng daan at nakaharap sa kanilang kotse, nanlilisik ang mga mata nito na tila nagbabadya ng galit. Pulang-pula ang buong katawan nito ng sariwang dugo. Nanghilakbot ang mag ina sa kanilang na kita. Batid nila na hindi iyon basta baka lang kaya agad na pina-atras ng ina ang kanilang sasakyan tsaka bumalik sa kanilang dinaanan. Ngunit sa kanilang balik, hindi nila napansin ang isang cargo truck na pasugod sa kanilang direksyon. Tila nawawala naman nun sa kontrol ang driver ng truck at kapansin-pansin ang pagiwang-giwang nitong takbo. Diretso ito sa linya ng sasakyan naman nun nina Nico.
Huli na nang mapansin ng dalawa ang humaharurot na truck, nasapol na sila nito. Kinaladkad ng cargo truck ang SUV ng mag-ina bago ito tumilapon sa isang parte sa gilid ng kalsada. Durog ang kotse dahil sa malakas na impak ng pagkabundol. Tumihaya rin sa kalsada ang cargo truck. Patay ang lahat ng sakay sa magkabilang sasakyan. Pagkatapos ng aksidente muli na namang naroon ang mga uwak na paikot-ikot lang sa mga naaksidenteng sasakyan.
Nasa bahay nun ni Helen si Bryan at nagkakape nang makita nito ang flash report sa tv. Napatayo pa ito sa kinauupuan nang makita ang sangkot na SUV sa aksidente. Lalo itong nabigla nang malaman ang mga sakay nun. Maging si Helen nagulat sa balita.
“Kaka kuwento mo lang sa akin sa kanila and now, iyan na ang nangyari sa kanila? Weird.” Napailing na reaksyon ni Helen.
“Lalo lang lumalakas ang kutob ko na may kakaiba talaga sa kasong ito. Ayoko mang sakyan ang mga pahayag ni Nico at nang matandang iyon, pero meron talagang bumubulong sa isip ko na paniwalaan sila. “ Ani ni Bryan.
“So naniniwala kang demonyo ang nasa likod ng mga ito? Accident happens anytime, anywhere at hindi demonyo ang may control nun. Masyado mo lang sinasama ang emosyon mo sa kaso na ito kaya kung ano-ano na lang naiisip mo.” Ang natawa pang komento ni Helen.
“Ewan ko pero kahit i-divert ko pa ang isip ko sa ibang mga possibilities dinadala parin ako pabalik sa mga duda ko. Tapos nangyari pa ito. Coincidence lang ba talaga o may connection talaga ito sa mga sinabi sa akin ni Nico.”
“Ilang beses mo nang naging kakampi sa mga imbestigasyon mo iyang instinct mo na iyan. Lahat ng kutob mo tinuturo ka sa tamang direksyon kaya nga nalulutas mo agad ang mga kaso ng mas mabilis. And there’s no reason para hindi mo iyan pagkatiwalaan ngayon. Kahit personally hindi ako naniniwala. Pero gift mo iyan, sundan mo baka tama ka.” Saad pa ni Helen.
“Gusto ko makausap ang kakilala mong spiritual medium.”
Matapos maibigay ni Helen ang address ng kakilala nito Espiritista, hindi na nag aksaya pa ng oras si Bryan. Pinuntahan niya agad ito. May kalayuan ang lugar ng nasabing Espiritista, labas na iyon ng Maynila ngunit buo na ang loob ni Bryan na sumangguni na roon. Nasa tabi lang ng isang mahabang highway ang lugar ngunit may makipot pa iyon na daan papasok sa mismong bahay ng pakay nito at hindi na kayang pumasok doon ng kanyang kotse.
Nagpatuloy si Bryan hanggang sa masumpungan nito ang bungad na daan papasok sa mapunong bahagi ng lugar. Habang naglalakad si Bryan pansin nito ang mga nakasabit na kung ano anong mga palawit na nakatali sa bawat punong naroon sa paligid. Sa di kalayuan tanaw na nito ang isang bahay na gawa sa kongkreto at kahoy. Maganda ang pagkakayari sa bahay na tila sinadyang mag mukhang kakaiba ang anyo sa labas. Tadtad rin ng mga nakabitin na mga kung ano anong mga palawit ang buong labas ng bahay na nagsisilbing mga palamuti roon.
Nasa pintuan na ito, at hindi pa man ito kumakatok rinig na nito ang boses ng isang lalake na pinapatuloy ito. Kabado man at walang kasiguruhan sa kahihinatnan ng pagdulog niya sa roon, kinapitan na lang din ni Bryan ang kanyang kutob. Mabango ang loob ng bahay. At tulad sa labas ganun din sa loob, kahit saan ibaling ang tingin maraming mga bagay na nakasabit sa paligid. Mga buto ng kung ano-anong mga hayop, mga sanga, mga bote na may mga halamang ugat sa loob, mga medalyon at kung ano-ano pang mga bagay na hindi pamilyar sa mata ni Bryan.
Mula sa isang silid lumabas ang isang lalake na halos ka edad lang din ni Bryan. Napatitig na lang ito sa ayos ng kaharap na lalake. Hubo’t hubad kasi ito at tanging mga abubot ang suot na mga kuwintas lang ang naroon sa kanyang katawan. Balot ng mga simbolong tattoo ang katawan ng lalake na nag pakilalang Julian. Mahaba ang buhok ng lalake na kulot. May kalakihan ang katawan at bagama’t weirdo ang ayos may itsura rin ito. Mapupungay ang kulay abo nitong mata, manipis ang matangos nitong ilong at mapula ang makapal nitong bibig.
“Masanay ka na sa ayos ko, ganito talaga ako. Hindi ako sanay na may ano mang tabon sa aking katawan. Hubo’t hubad tayong niluwal ng kalikasan kaya marapat lang na isabuhay ko ang ating sinimulan. At parehas naman tayong lalake diba? Kaya batid ko naman na hindi ka apektado sa kahubaran ko maliban na lang kung…”
“Huwag kang magalala ayos lang sa akin. Nagulat lang ako nang makita kang ganyan. Pero kung iyan naman ang nakasanayan mo ayos lang sa akin.” Ang agad na tugon ni Bryan sa lalake.
“Maupo tayo at ilahad mo sa akin ang pakay mo.”
Naupo sa lapag ang dalawa na magkaharap. Nang napalingon si Bryan dahil may isa pang lalake ang pumasok mula sa likod na bahagi ng bahay. Mas bata ang mukha at pangangatawan kay Julian. Ngunit tulad ng lalake wala rin itong ano mang suot sa katawan liban sa mga burloloy sa leeg at braso. Tangan nito sa kamay ang isang maliit na tray na kulay tanso na may lamang maliliit na tasa at maliit na takure na gawa sa brass.
“Si Dan, katiwala ko rito. Mag tsa-a ka muna pampakalma. Batid kong mabigat ang idudulog mo ngayon sa akin.” Wika ni Julian nang kinuha sa katiwala ang dala nitong tray.
“Salamat,… ngunit hindi na ako magpaligoy-ligoy pa naparito ako para humingi ng impormasyon tungkol sa bagay na ito. Ano ang masasabi sa mga markang ito na nakaukit sa kanilang mga tiyan?.
Agad na inilabas ni Bryan ang mga litrato ng mga natagpuang bangkay sa dala nitong brown envelope at ipinakita iyon kay Julian. Hindi pa man nakita ng lalake ang lahat ng litrato agad na itong tumayo at may kinuha sa kanyang tokador. Isang babasaging jar ang nilabas niya mula roon na naglalaman ng tila puting pulbos. Aligaga itong dumakot nun at tinapon sa pintuan. Naglagay din ito nun sa lahat ng sulok ng kanyang bahay. Tsaka binudbudan din sa ulo nito si Bryan.
Nagulat ang lalake sa biglang pagbabago ng kilos ni Julian bakas sa mukha nito ang takot at di mawaring kilabot sa mga mata nito.
“Hindi mo alam kung ano ang tinatapakan mo. Hindi basta-basta ang pinasok mong pinto.” Ani ni Julian.
“Anong pinto? Paliwanag mo sa akin…ano ang nangyayari? Bakit lahat na lang kayo puro pagbabanta ang bukambibig?” Tanong ni Bryan.
“Dahil ayaw niyang pinapakialaman siya.” Saad ni Julian.
“Sabihin mo nga, ano ba ang dapat kong malaman. Totoo bang demonyo ang may gawa nito sa kanila?”
“Hindi ko alam, ngunit mapanganib ang nakikita ko. Malagim, madugo ang nababanaag ko sa paligid mo.”
“Mukhang isa rin lang pala sa mga walang kuwentang albularyo na puro tsamba lang. Akala ko pa naman magaling ka. Wala naman pala akong makukuhang matinong sagot sa iyo.” Saad ni Bryan na tila dismayado sa taong kaharap.
Tumayo ito at akma nang lalabas ng pinto nang May pahabol pang salita si Julian.
“Hindi lang sila, kundi may susunod pa. Labing tatlo ang kailangan niya. Tatlo pa lang ang ang binawian niya. Kung nais mo malaman ang sagot. Hanapin mo ang iba bago ka pa niya maunahan sa kanila.”
Natigilan si Bryan at napatingin kay Julian, nang maalala nito ang bilin sa kanya ni Nico. Kinapa nito ang bulsa ng kanyang jacket, kinuha ang nakatuping papel tsaka nagmamadaling nilisan ang bahay ni Julian. Habang papalayo ito sa bahay ng lalake napansin muli ni Bryan ang mga uwak na umaaligid sa paligid. Ang iba nakadapo sa mga sanga ng puno at tila sinusundan ito ng tingin. Binilisan pa ni Bryan ang mga hakbang hanggang sa marating na nito ang kanyang kotse.
Samantala nang masigurong wala na si Bryan agad na inutusan ni Julian ang katuwang nitong si Dan na gumawa ng malaking siga sa tapat ng kanilang bahay habang may nilalabas itong mga gamit mula sa maliit na ba-ul. Balak na kontrahin ni Julian ang negatibong enerhiyang dinala sa kanya ni Bryan. Tumalima naman si Dan na sinunod si Julian. Nang makaalis na si Dan, agad nagsagawa ng ritwal si Julian sa loob ng kanyang bahay. Sa kalagitnaan ng pagsasagawa ng kanyang ritwal napadapo ang tingin nito sa kanyang bintana. Doon tatlong uwak ang nakapasok. Nag-iingay ang mga ito at nakatingin sa kanya ng matalim.
Kinabahan si Julian, alam niyang masama ang hatid nun. Nang bigla na lang nakaramdam ito ng maalinsangang hangin na dumampi sa kanyang balat at nang lumingon ito…nagniningas na ang apoy sa loob ng kanyang tahanan. Hanggang sa napansin na nitong nasusunog narin ang buong paligid. Dali-dali itong tinungo ang pintuan para makalabas ngunit bigla na lang natumba ang malaking antigong rebulto at humarang iyon sa pinto. Malaki iyon at may kabigatan.
Pilit iyon tinatanggal ni Julian ngunit may kung anong bigat na pumipigil sa bagay na iyon na hirap na hirap itong iangat iyon. Hanggang sa napatingala na lang si Julian dahil nadilaan na rin ng apoy ang kisame ng kanyang bahay. Tinatawag na nito si Dan habang humihingi ng saklolo ngunit walang tugon mula sa kasama.
Nabalot na ng makapal na usok ang loob at tuluyan na ngang hindi nakahinga si Julian. Tuluyan na ring nilamon ng apoy ang buong bahay ng lalake.
Nasa kalagitnaan na nun ng highway si Bryan nang makasalubong nito ang mga nagmamadaling mga fire trucks na patungo sa direksyon kung saan ito nanggaling. Noong una hindi pa iyon pinansin ni Bryan,sa isip nito baka isang ordinaryong aksidente lang iyon ng sunog ngunit nang mapansin nito sa side mirror ang mga uwak na tila nakasunod sa mga bombero. Kinabahan bigla si Bryan, kinabig nito pabalik ang kotse at sinundan ang mga fire truck.
Halos mangalit ang mga ngipin ni Bryan nang malaman na ang inaapula palang sunog ay sa mismong lugar ni Julian. Malaki ang sunog dahil sa karamihan sa mga punong naroon mga fire tree.
Gusto mang isipin ni Bryan na nagkataon lang ang lahat ngunit hindi rin nito maiwasang mapaisip na baka nga totoo ang lahat. Nang araw na iyon pinuntahan ni Bryan ang Felix na pinakiusap ni Nico sa kanya.
Nakatira sa isang tenement ang naturang si Felix.
“Police ka? Bakit ano ang kasalanan ng anak ko?!” Tanong ng isang lalake kay Bryan nang harangin siya nito.
“Wala naman, nais ko lang siya kausapin. May mga bagay lang akong itatanong sa kanya.”
“Pasensya na pero wala rito si Felix. Makakaalis ka na.” Tugon ng lalake kay Bryan na may pag-iwas.
“Nasa panganib ang buhay ng anak niyo. Kaya kung mahalaga pa sa inyo si Felix hayaan niyo akong makausap siya.” Saad ni Bryan.
“Bakit sino ka ba? Ano ba ang magagawa mo kaya mo ba talagang tulungan ang anak ko? Maibabalik mo ba siya sa katinuan niya? Ha?!” Sabat bigla ng isang babae nang marinig ang usapan ni Bryan at nang lalake.
Nagtaka si Bryan sa sinabi ng babae na ina pala ni Felix. Doon nga ay dinala ng mag asawa si Bryan sa mismong bahay nila. Sa labas pa lang rinig na ni Bryan ang sigaw ng isang lalake na nagmumula sa loob ng isang pintuan na naka kadena at kandado. Lumapit sa pinto ang ama ni Felix hawak sa kamay ang susi. Binuksan niya ang pinto. Iyon ang silid ni Felix. Madilim sa loob at nakakasulasok ang amoy sa loob. Ang baho na hindi mawari kung ano at kung saan galing. Amoy ng pinaghalong panis at patay na daga. Pagkabukas palang ng pintuan halos bumaliktad na ang sikmura ni Bryan sa nalanghap na amoy, ngunit tiniis niya iyon.
Mas rinig na nito ang nakakangilong angil at sigaw ni Felix. Nang buksan ng ina ang ilaw sa loob, napaatras si Bryan sa kanyang nakita. Naroon sa ibabaw ng maruming kama ang isang binata na tadtad ng mga sugat at hiwa ang katawan. Namumula na nga ito dahil sa mga nanuyo at sariwang dugo mula sa mga sugat. Hubo’t hubad ito, nakakadena ang mga kamay at mga paang nakahiga roon. Nakakapanglumo ang sitwasyon ni Felix , nagwawala ito na para bang may kinakatakutan. Balisa ang mga mata tsaka nanginginig ang mga laman.
Hindi malaman ni Bryan kung paanong tugon ang gagawin nito sa nakitang sitwasyon ng binata. Hanggang sa may napansin ito sa bandang tiyan ni Felix.
“Kagagawan niya ang mga markang iyan, nagulat na lang ako isang araw na maabutan ko siya na sinusugatan ng blade ang kanyang balat na para bang may inuulit na kung ano. At iyan ang mga iyan. Mga simbolo na hindi namin naiintindihan. Pagkatapos ganyan na siya bigla na lang natatakot at nagwawala.” Kuwento ng ina ni Felix na hindi na napigilan ang emosyon.
“Kelan pa nangyari ito? Hindi niyo ba nasubukang patingnan sa doktor si Felix?’ tanong ni Bryan.
“Hindi lang isa kundi tatlong hospital na ang pinagdalhan namin sa kanya. Ngunit wala silang nakitang mali sa anak namin. Ang sabi depresyon, binigyan kami ng gamot ngunit wala rin nangyari. Lalo lang lumala ang sitwasyon ni Felix. Sinasaktan na niya ang kanyang sarili. Laging sinasabi na papatayin siya ng demonyo. Kaya mas mainam daw na unahan niya na. Ilang beses na siya nagtangkang magpakamatay. Kaya ginapos na namin.” Dagdag naman ng ama.
“Bago ito, ano ba ang nangyari? May nabanggit ba si Felix bago siya nagkakaganito?” Usisa pa ni Bryan.
“Naging ganyan siya tatlong linggo matapos umuwi iyan dito galing San Gabriel.” Sabat ng ina.
“San Gabriel? Ano ba ginawa nila roon? Kampo ng mga rebelde ang lugar na iyon ah. Ani Bryan.
“Nagbakasyon, kasama ang kanyang mga barkada.”
Biglang natigilan si Bryan nang marinig ang lugar ng San Gabriel. Tila may kung anong bulong ang bigla na lang nagpanginig sa kanyang diwa. Habang tinititigan si Felix kita niya sa mukha ng binata ang pagmamakaawa at takot nito. Nais niyang tumulong ngunit hindi nito alam kung paanong tulong ang kanyang gagawin. Batid ni Bryan ang paghihirap ng binata.
THE CROW
Agad na tumawag ng rescue si Bryan, humingi na ito ng tulong sa kaibigan nitong doctor na si Dylan para maagapan ang sitwasyon ni Felix. Wala na itong naisip na mas madaling paraan para matugunan ang binata. Mabilis na rumisponde ang isang ambulansya para kunin doon si Felix. Naging pahirapan ang pag-alis sa binata sa silid nito dahil takot itong lumabas. Nagpupumiglas ito at nanlalaban sa mga personnel na rescue unit.
“Pakiusap huwag niyo akong ilabas dito! Dito lang ako pakiusap! Ma!!! Pa!!! Ayokong sumama! Papatayin niya ako! Maniwala kayo! Huwag kayong pumayag! Ma!!! Pa!!!” Mga paulit-ulit na sigaw ni Felix habang sinusuot sa kanya ang straitjacket.
Iyak at hagulgol na lang ng awa ang naging tugon ng mga magulang kay Felix. Sumang-ayon na rin ang mga ito para sa kagalingan ng kanilang anak. Kumalma lang si Felix nang tinutukan na ito ng gamot. Nang makatulog ang binata doon lang ito maayos nailabas sa kanyang silid pababa sa tenement diretso sa nakaabang na ambulansya. Ngunit sa kabuohan ng pangyayari ang tanging pumukaw sa atensiyon ni Bryan ang paisa-isang pagdating ng mga uwak na animoy may inaabangan. Ang iba pa sa mga ito lumilipad pa ng paikot sa buong tenement.
Sinundan nito ng tingin ang mga rescuer habang sinasakay ang stretcher ni Felix. Maging sa bubong ng ambulansya meron ding mga uwak umaaligid doon. Kinabahan si Bryan, kinutuban na naman ito ng hindi maganda. Pakiwari niya nagdadala ng masamang pangitain sa kanya ang mga uwak na iyon.
Sumama sa ambulansya ang mga magulang ni Felix. At bago pa makaalis ang rescue unit kinausap ni Bryan ang driver na magdahan-dahan sa daan tsaka mag doble ingat.
“Salamat sa paalala sir, kayo rin sir mag-ingat kayo baka kayo ang pagbalingan ng disgrasya.” Biglang tugon ng driver kay Bryan.
Ang matalim nitong mga titig sa lalake ay tila nagpataas ng dugo ni Bryan. Dagdag pa ang sarkastikong ngiti nito sa kanya na tila may pagbabanta. Nanlamig si Bryan sa tugon ng driver. Natigilan ito at hindi agad nakapagsalita. Sasagot pa sana ito sa driver ng ambulansya nang mapansin nitong paalis na ang mga ito.
Umalingawngaw pa sa tenga nito ang sabi ng driver sa kanya. Paulit-ulit iyon sa kanya. Natauhan na lang ito sa kanyang kinatatayuan ng may isang uwak ang umatake sa kanya mula sa likuran nito at nakalmot ng kuko nito ang kanyang batok.
Malayo-layo na ang ambulansya kaya mabilis na kumilos si Bryan at tinungo ang patrol car para sundan sila. Nakaramdam na ng kilabot si Bryan ngunit ayaw nitong padala sa nararamdaman. Kahit saan ito lumingon tanaw na tanaw ng kanyang mga mata ang laksa-laksang mga uwak na nakadapo sa mga kawad ng poste at kuryente.
Nakasunod parin ito sa ambulansya habang binabaybay ang kahabaan ng pangunahing kalsada. Nang tumunog ang kanyang cellphone. Si Mina ang tumatawag.
“Babe, pinapunta mo ba ang mama mo rito?” Tanong ni Mina na may pagtataka sa boses.
“No, at paano siya pupunta riyan? Hindi alam ni mama ang address mo kaya imposible babe.”
“But she’s here kausap ni Joshua sa living room. Alam mo babe mukhang mas gusto pa ni Josh ang mama mo kumpara sa iyo. Eto nga at ginagawan ko sila ng muffins. Sabi ng mama mo, susunduin mo raw siya rito. Ikaw ha, may ganito ka pa lang galawan. Ginamit mo pa talaga ang mama mo para mapalapit kay Josh.” Saad ni Mina.
“I’ll be there in a minute.”
“We’ll wait you here babe, dito na rin kayo mag dinner, magluluto ako. Ingat babe I love you.”
Hindi na nakatugon si Bryan kay Mina. Pag-aalala at pagtataka na ang naglalaro sa isipan ni Bryan nawala na sa atensiyon nito ang sinusundan. Hindi na nito nakita sa unahan niya ang ambulansya kaya muli na naman itong nilukuban ng kaba. Ngunit nahati na ang kanyang desisyon. Nais nitong siguraduhing ligtas si Felix na maihatid sa hospital, pero nais din nito alamin kung bakit nakapunta ang ina nito sa bahay ng nobya na hindi man lang alam nun ang address ng babae.
Nang mapakabig na lang bigla ng manibela si Bryan at napapreno nang gulatin ito ng pasugod na uwak na agad tumama sa harapang bintana ng kanyang kotse. May lakas ang pagtama ng ibon dahil namatay talaga iyon at na pisak ng nabunggo sa salamin ng kotse ni Bryan. Sa biglang pag-preno ni Bryan hindi nito namalayan na nasa gitna pa ito ng intersection ng kalsada.
Nang subukan na muli nitong paandarin ang kotse, nagtaka na ito kung bakit hindi na ito mag start kahit anong subok nito. Kapansin-pansin din ang biglang pag luwag ng trapik sa daan hanggang sa wala na itong napansing mga kasabayan na sasakyan. Litong-lito na si Bryan sa nangyayari. Nang sa mapansin nito mula sa lahat ng direksyon ang mga paparating na mga sasakyang na patungo sa kanya. Isang ten wheeler truck ang pagiwang-giwang na tumakbo mula sa likuran nito, isang public bus naman ang tila nagmamadali sa unahan nito, at sa kanan naman isang van , kotseng humaharurot naman ang nasa kaliwa niya.
Hindi parin umaandar ang kotse nito kaya minabuti na lang ni Bryan na iwanan iyon ngunit tila ayaw itong patakasin ng sariling sasakyan. Hindi nito matanggal ang seat belt sa katawan. Na sa bawa’t galaw nito lalo lang itong humihigpit. Naalala nito ang utility knife na nasa dashboard niya kaya agad niya iyon kinuha tsaka mabilis na pinutol ang strap ng belt. Nang makawala ito, ang pintuan naman ng kanyang kotse ang kusa na lang nag lock.
Malapit na ang mga sasakyan sa kanya at kung hindi pa ito makakaalis doon,tiyak na magmumukha itong giniling na karne dahil sa mga iyon. Dasal na ang kinapitan ni Bryan. Gamit ang pang basag ng salamin. Binasag na nito ang binata sa harapan at doon dumaan. Mabilis ang kilos nito at saktong nakalabas lang ito ng patrol car, sumalpok agad sa left side ng kotse nito ang isang montero. Sunod ang van sa kanan. Nakalayo lang ng kaunti si Bryan nang sinandwitch naman ng bus at ten wheeler truck ang lahat kasama na ang kanyang kotse.
Natigalgal si Bryan sa kanyang nasaksihan. Halos ramdam nito ang paglambot ng mga tuhod at pang lalamig ng buong katawan. Namalayan na lang nito ang pagdami ng tao sa paligid, kasunod ng mga ingay ng sasakyan na kanina lang wala nun. At muli natanaw na naman nito ang mga uwak na nandoon at nakadapo sa mga kawad ng kuryente na tila nakamasid sa madugong insidente.
Sa nangyari walang nakaligtas sa lahat ng mga pasahero ng mga nagbanggaang sasakyan. Trese kabilang na ang driver at kundoktor ang nasawi sa bus, tatlo sa truck, siyam sa ban at apat sa montero lahat walang nakaligtas. Maliban kay Bryan na nakalabas agad ng kotse bago pa na ito abutin ng banggaan.
Bagama’t hindi nasaktan sa aksidente minabuti parin ni Bryan na magpahinga sa hospital. Para siguraduhing ayos lang ba talaga ito. Doon na siya inabutan ni Mina na grabe ang pag-alala matapos malamang sangkot sa aksidente ang kotse ng nobyo. Kung para sa lahat himala ang nangyari kay Bryan. Para naman sa kanya isa iyong babala at malinaw na banta mula sa puwersang hindi niya kilala.
“Salamat sa diyos at maayos ka. Kung alam mo lang kung gaano ako kinabahan at natakot sa nangyari. Akala ko nawala ka na babe.”
“May anghel pa akong nakahanay sa akin. Si mama nga pala kasama mo?” Wika ni Bryan.
“Si mama mo?, hindi ba nasa Laguna siya ngayon? Ewan ko lang kung alam niya na ang nangyari sa iyo. Pero hayaan mo tatawagan ko siya mamaya. Siguradong nag-aalala rin iyon sa iyo.” Tugon ni Mina.
“Diba sabi mo sa cellphone kanina, nasa bahay niyo si mama? Iyon ang sabi mo nang tumawag ka.”
“What? Kelan babe? Never pa ako tumawag sa iyo buong araw kasi busy kanina sa office. At pag uwi ko kanina nakatulog agad ako sa pagod. I’m sure dala lang iyan ng stress mo dahil sa nangyari. Magpahinga ka muna. Aayusin ko lang kakailanganin mo dito para makalabas ka na.” Saad ng nobya.
Malaking palaisipan na naman ang narinig na iyon ni Bryan. Naiwan itong tulala at napapaisip.
Nang maayos na ang pakiramdam agad nito kinamusta sa kilalang doctor si Felix kung ligtas ba iyon na ihatid doon. Nakahinga ng maluwag si Bryan nang dalhin siya ng kaibigang si Dylan sa silid mismo ng binata. Inabutan pa ni Bryan ang ina ni Felix sa loob ng silid. Tulog nun si Felix at maayos na ang itsura, may mga bendahe na rin ang mga sugat nito sa kamay at braso.
“Maayos na siya at kalmado na. Kailangan parin namin mag conduct ng series of test sa kanya para siguraduhin ang kondisyon niya. Kanina kasi nagwawala iyan at takot na takot. Tingin ko na trauma ang batang ito. Hindi lang ako sure kung dahil sa torture gawa ng sindikato o baka sumali ito sa isang gang group tsaka pinahirapan.” Saad ni Dylan.
“Pakiusap gawin niyong ligtas buhay niya. Tawagan mo ako sakaling puwede na siyang makausap.” Ani ni Bryan.
“Makakaasa ka, safe dito ang batang iyan. Meron Naka assign sa kanyang pulis dito. At para sa iyo 24/7 ko siyang papabantayan.” Napangiting tugon ni Dylan kay Bryan.
“Salamat, kahit kailan maasahan ka talaga.”
“Nakasalubong ko kanina si Mina, ang tagal na rin ng relasyon niyo. Tuloy na ba ang kasalan?” Pahaging na tanong ni Dylan habang nag lalakad ang dalawa sa hallway.
“Kung ako lang, siguro tapos na. Kaso mukhang mahihirapan ako sa anak niya. Ayaw sa akin.”
“Naku ilang taon na lang malapit ka na mag golden years. 41 ka na at 39 na si Mina, sarado na ang pagawaan ng baby nun. Tsaka hindi ka naman magpapakasal dun sa anak kundi sa ina. Bakit pinapatagal mo pa?” Komento ni Dylan.
“Si Mina ang inaalala ko. Siguro after ng kasong hawak ko ngayon matuloy na.”
“Kung alam ko lang na hindi pa pala kayo sure, sana hindi na muna kita pinakawalan.” Sambit ni Dylan.
“Tapos na iyong sa atin. Tsaka may Rodulf ka na diba? Sa kanya ka na lang mag focus. “ Natawang sabat ni Bryan.
“Iba parin siyempre ang Pinoy. Tsaka mas masaya ako noong tayo pa. At na miss din talaga kita. Kaya masaya ako nung tinawagan mo ako. At least kahit papano nagkita muli tayo.”
“Gusto mo mag beer muna tayo?” Tanging tugon ni Bryan sa doktor.
Sa buong araw na tila sumiksik sa mga kaganapan pansamantalang nakahanap ng saglit na paghinga si Bryan kasama si Dylan. Nang gabing iyon nagkita ang dalawa sa dati nilang tambayan na bar. Saglit na iniwan muna ni Bryan ang trabaho sa labas. Nais lang nito kumalma at huminga kahit saglit. Kakaunti pa lang nun ang tao sa bar na iyon kaya hindi pa gaanong ka-ingay ang paligid. Sa muling pagsasama ng dalawa muli nilang sinariwa ang kanilang nakaraan. Hanggang sa nabanggit ni Dylan sa kanilang usapan ang San Gabriel.
“Bakit tila natigilan ka nang mabanggit ko ang San Gabriel?… Oo nga pala nandoon pala ang nakaraan mo. Kamusta na kaya si Father?”
“Father? Sinong Father? Pagtatakang tanong ni Bryan.
“Sino pa ba siyempre ang karibal ko sa iyo dati. Si Rigor pari na siya ngayon dun. Bakit na miss mo?Naku hindi na puwede patong-patong na kasalanan na iyan kay Lord kung may feelings ka pa rin dun.” Sagot ni Dylan.
“Baliw ka talaga. Pari na nga iyong tao iyan pa talaga naisip mo sa akin. Pero grabe hindi ko akalaing magpapari iyon.”
“Iniwan mo kasi ,tapos niloko mo pa, na frustrate sa iyo kaya kay Lord na lang nagpakasal. Hindi ka niya nahintay.” Ani pa ni Dylan.
“Maala-ala pa kaya ako nun?”
“Malamang, kahit ako man saktan ng taong pinakatatangi ko at sinasamba talagang hindi ko makakalimutan. Baka nga sumpain ko pa iyon eh. Pero iba naman si Rigor, tsaka pari na iyon for sure napatawad ka na nun.” Ayon kay Dylan.
Mula sa bar nagkanya-kanya na ang dalawa sa kani-kanilang mga kotse. Pasakay na ng sasakyan nito si Bryan nang muli na naman nito nakita ang mga uwak na nasa paligid lang ng parking lot na iyon. Kinutuban na naman ng hindi maganda si Bryan. Saglit nito iniwan ang kotse at nilapitan si Dylan na akmang aalis na.
“Iwan mo na lang ang kotse mo rito, papabantayan ko na lang sa guard. Doon ka na sa kotse ko. Sa bahay ka na rin magpalipas ng magdamag. Mukhang nalasing ka talaga, baka mapano ka pa sa daan.” Ani ni Bryan.
“Wow, nakaka-miss naman iyan marinig sa iyo. But I can manage, don’t worry about me. Mukha lang ako lasing pero kaya ko pa magmaneho. Salamat na lang.” Saad ni Dylan.
“I insist, bumaba ka na sa kotse mo at lumipat na sa akin. Gusto ko safe ka.”
Pumayag na si Dylan sa alok ni Bryan. Nauna nang tumungo sa kotse ng lalake si Dylan. Habang si Bryan lumapit muna sa guard para makisuyo na bantayan ang kotse ng kaibigan. Habang nag uusap sina Bryan at ang guard isang rumaragasang kotse ang tila nawalan ng preno ang papunta sa direksyon ng bar hanggang sa bumangga ito sa lamp post na malapit lang sa pinag parkingan ng kotse ni Bryan. Napalingon pa ito sa lakas ng pagkasalpok ng kotse sa poste. At sa lakas ng impact nabuwal sa kinatatayuan nito ang poste at agad iyon natumba sa mismong kotse ni Bryan kung saan sakay na nun si Dylan.
Wasak ang bubungan ng kotse ni Bryan dahil biglaang pag bagsak ng poste. Masuwerte at hindi napuruhan si Dylan sa loob gayunpaman naipit ito at nagka injury. Agad na naisugod si Dylan sa hospital na sugatan ang mukha at ulo dahil sa nangyari. Buhay naman ang driver ng kotse na nakabangga sa poste. Ayon pa sa imbestigasyon ng pulis na rumisponde at sa ilang mga katanungan ni Bryan sa driver. Ayon dito maayos naman nun ang kanyang takbo nang bigla na lang may kung anong puwersa ang kumontrol sa manibela nito at tinumbok ang parking lot ng bar na iyon.
Lalo lang lumakas ang hinala ni Bryan na mga kaugnayan ang mga uwak sa mga nangyayari. Ang malaking katanungan lang sa isip nito bakit tila dawit rin siya sa lahat. At kung bakit tila may pumipigil sa kanya sa paglutas ng kasong na hinahawakan nito.
PREMONITION
San Gabriel, maliit na baryo sa malayong bahagi ng kabundukan sa parteng Luzon.
Bungad pa lang ng umaga nabalot na ng takot at pangamba ang mga tao ng San Gabriel dahil sa kaganapang bumulaga sa kanilang baryo. Nagkalat sa mga sakahan ang mga patay na hayop na hindi matukoy ang dahilan. Mula sa mga kalabaw, kambing, mga manok, mga baboy lahat natagpuang mga wala ng buhay na tila ba sinalanta ng isang sakit.
“Malamang may nag lason sa mga hayop natin!” Sigaw ng isang babae na namatayan ng apat na inahing baboy.
“Baka may epidemya na hindi natin alam na apektado ang mga hayop. Siguradong may paliwanag sa lahat ng ito. Dumulog na si kapitan sa munisipyo. Mamaya lang magpapadala na ng mga tagasuri dito ang lokal.” Saad ng isang lalake na tauhan ng kapitan na namatayan din ng hayop.
“Di kaya signos na ang nangyaring ito?” Ani pa ng isang ginang.
“May salot sa baryo, iyon ang malinaw. At ang nangyari sa mga hayop natin ay babala pa lamang sa mas malagim pa mangyayari.” Bulalas pa ng isang pang babae na sumingit sa usapan.
“Ayan ka na naman sa mga premonisyon mo Saling. Dinadagdagan mo lang ang takot ng mga tao. Puwede ba tigilan mo na nga ang mga walang katuturang hula mo. “ Saway ng isang lalake sa babae.
“Nagsabi na ako noong una, ngunit tinawanan niyo lang ako. Heto na, nangyari na ang sinabi ko. At hindi lang ito ang kakaharapin natin kung hindi mawala sa baryo natin ang salot na iyan.” Tugon ni Saling.
“Kung totoo nga iyan, sabihin mo sa amin kung sino ang salot na iyon. Kailangan niya magbayad sa lahat ng mga pinaslang niyang mga hayop. Di naman kaya… ikaw talaga ang salot dito Saling. Ang dami mong alam.” Saad pa ng isang lalake kay Saling na may pangungutya.
Natuon na ang galit ng mga tao kay Saling at pilit itong pinapaamin kung sino ang tinutukoy nitong salot. Bagong salta lang si Saling sa baryong iyon. Ang San Gabriel ang kumanlong sa babae ng matagpuan itong walang malay noon sa bungad ng tulay papasok ng baryo. Ayon sa kuwento niya noon hinahanap niya ang kanyang anak sa lugar na iyon. Nilandas lamang nito ang mga daan makarating lang sa baryo. Ngunit nang tanungin kung saan ito galing wala itong maisagot. Inakala pa noon ng mga taga-roon na baliw si Saling at napadpad lang doon. Maka ilang ulit na rin itong dinala sa bayan’ ngunit bumabalik lang ito roon. Isang pamilya ang naawa sa kanya at kinupkop ito. Sa kasamaang palad natabunan ng landslide ang bahay ng pamilya. Nasawi sa landslide ang lahat na naroon sa bahay liban kay Saling na wala noon nang mangyari ang insidente dahil nasa simbahan ito. Dahil sa nangyari kinanlong na ng simbahan si Saling. Simula din nun kung ano anong hula at premonisyon na ang sinasabi nito patungkol sa baryo. Wala namang naniniwala sa kanya dahil kailan man wala namang nangyari alin man sa mga sinabi nito hanggang sa nangyari na nga ang pagkamatay ng lahat ng mga hayop sa San Gabriel.
Akma nang kukuyugin ng mga tao si Saling nang siyang dating naman ng pari na pumagitna sa kanila.
“Huminahon kayo saglit. Huwag niyo namang ibunton kay Saling ang nangyari. Hayaan natin ang otoridad ang magbigay ng linaw sa kaganapang ito. Batid ko ang nararamdaman niyong panghihinayang at galit dahil sa mga alaga niyong namatay. Ngunit hindi solusyon ang manakit ng tao lamang may managot sa nangyari. Hindi pa natin alam ang tunay na rason dito. Kaya kumalma kayo mga kabaryo.” Saad ng pari.
Nakinig naman sa pari ang lahat at hinayaan na si Saling. Saglit pa dumating na ang mga pinadala ng mayor para tingnan ang dahilan ng mga pangyayari. May mga taga media at tv network na rin ang kasamang dumating sa kanila. Si Saling naman nilayo na ng pari sa lugar baka makagulo na naman ito. Habang naglalakad ang dalawa muli na namang may sinabi si Saling sa pari.
“Babalik siya, at marami pa siyang buhay na kukunin. Simula pa lang ang lahat ng mas malagim na mangyayari.” Sambit na naman ng babae.
“Saling, tigilan mo na ang mga bagay na iyan. Kung ano man ang nakikita mo o nararamdaman hindi iyan pangitain mula sa diyos. Iwaksi mo sa iyong isipan ang diyablo. Huwag mong paniwalaan ang pinapakita niya. Nililinlang ka lang ng kadiliman.” Tugon ng pari.
“Hindi ako gumagawa lang father, nakikita ko ang mangyayari at naganap na ang una. Nasa paligid lang ang salot father.” Panindigan pa ng babae.
“Talagang ikakapahamak mo talaga ang ginagawa mo. Mabuti pa bumalik ka na ng simbahan at mag-iikot-ikot muna ako sa baryo.”
Nagawa na ang lahat ng pagsusuri ngunit isang malaking palaisipan sa mga eksperto ang nangyari sa mga hayop. Wala silang nakitang indikasyon na namatay sa impeksyon o ano mang uri ng sakit ang mga iyon na maaaring dulot ng kung anong bakterya o virus. Na para bang nawalan na lang ng buhay ang mga hayop sa natural na paraan. Gayunpaman upang hindi mangyari ang ganung insidente sa mga karatig lugar at bayan pinagbawal na ang pagpuslit o paglabas ng ano mang karne ng hayop mula sa boundary ng San Gabriel.
Kina dismaya ng mga taga-roon ang naging resulta ng mga pagsusuri at ang naging hakbang ng lokal na gobyerno. At kahit labag man sa loob ng mga residente ng baryo ang nangyari tinanggap naman din nila ito kalaunan at inisip na baka panibagong strain na naman ng sakit sa hayop ang nangyari na hindi pa nadidiskubre.
Sumapit ang dapit-hapon hanggang sa nilamon na ng gabi ang kalupaan. Nabalot ng katahimikan ang buong baryo. Maging ang gubat hindi kinaringgan ng mga alingawngaw mula sa mga panggabing mga hayop at insekto. Malamig ang samyo ng hangin ngunit may bitbit itong ngilo sa pakiramdam. Kakaiba ang katahimikan tila may pahiwatig na pagkabahala.
“Ka-Berwin hindi kaya may kaugnayan ang mga ito sa ginawa ng mga dayong kabataan noong isang buwan?” Pabulong na tanong ng lalake sa kasama nito.
“At naniwala ka naman sa mga trip ng mga kabataang iyon?. Alam mo, iyan ang nakukuha mo sa pakikipagusap lagi sa lukarit na Saling na iyon. Tigilan mo nga ako sa ganyan ka-Ben. Sa panahon ngayon dalawa lang ang kalaban ng mga tao, kamangmangan at kasinungalingan. Ang tanong saan ka dun?” Tugon ng kasama nito.
“Nakita mo ba ang balita nitong nakaraan lang? Ang tungkol sa tatlong kabataan na natagpuang patay na parang tinurture? Ang tatlong iyon kasama sa dese otsong dayo na sinita natin noon dito sa bundok.”
“Tapos ano ang koneksyon dun? Malamang mga myembro talaga ng frat ang mga iyon. Di kaya mga adik na atheista bumubuo ng walang kuwentang kulto. Alam mo naman ang mga kabataan ngayon ang kikitid ng isip, ang akala hawak nila ang kapangyarihan sa mundo. At hindi lang nangyari dito iyan. Maging sa ibang bansa. Mag search ka online maraming mga tanga ang gumagawa niyan.” Komento ni Berwin.
“Pero kuwan kasi naalala ko lang iyong sabi nung isa, dito daw sa baryo na ito isisilang ang anak ng diyablo. Tsaka iyong na aksidenteng mag ina sa Cavitex, kasama din siya sa mga kabataang dayo dito nun. Tapos ang babala pa ni manang Saling na nangyari ngayon.” Ani pa ni Ben.
“Tigil-tigilan mo na ako sa mga ganyan. Hindi iyan ang sakop ng interes ko. Kahibangan lang ang maniwala sa mga iyan. At puwede ba ka-Ben,nandito tayo para mag patrolya hindi para pag usapan ang mga bagay na wala namang kuwenta. Tsaka tama na ang ingay baka may mga umaaligid na mga militar sa bahaging ito, makita pa tayo.”
Sa kanilang pagpapatuloy sa pagsuyod sa gubat, may nahagip ang kanilang mga mata.
“Si father Rigor iyon ah, ano ang ginagawa niya rito sa gubat sa ganitong oras?” Pagtataka ni Berwin.
“May bitbit siyang pala?…” Puna pa ni Ben.
“Baka may hinukay di kaya may binaon”. Ani ni Berwin.
“Sa gitna ng gubat? Tsaka nakita mo ang mukha ni father tila balisa. Kutob ko may mali dito Ka-Berwin. Matagal na akong nagdududa sa paring iyan eh. Masyadong misteryoso.” Ayon kay Ben.
“Ayan ka na naman sa kalokohan mo. Matagal ng residente ng San Gabriel ang pamilya ni Father Rigor. At dating kasapi ng kapatiran ang lolo niyan at ama.”
“Alam ko naman iyon, pero iba lang kasi ang pakiramdam ko sa kanya.” Sabi pa ni Ben.
“Ewan ko sa iyo. Mabuti pa sundan natin duda rin ako ngayon sa kilos niya.”
Kumilos ang dalawa, maingat nilang sinundan ang pari hanggang sa bumalik na nga ito sa kanyang bahay sa likod lang mismo ng simbahan ng San Gabriel. Palinga-linga pa ang pari sa paligid bago ito tuluyang pumasok sa likurang bahagi ng kanyang bahay. Nanatili pa ang dalawang nakatayo roon ng magulat ito nang magsalita sa likuran nila ang pari. Laking pagtataka ng dalawa kung paano naroon na sa likod nila si Father Rigor gayung kitang-kita ng mga mata nila na kakapasok pa lang nun sa kanyang bahay.
“Berwin, Ben…gabi na ah bakit pa kayo nandito may kailangan ba kayo sa akin?” Tanong ng pari sa dalawa.
Ganun pa rin ang suot ng pari ngunit lamparang de gas na ang hawak nito at wala na ang hawak nitong pala. At halatang kakarating lang ng pari dahil sa direksyon nito. Kaya lalo lang naguluhan ang dalawa kung paano naging dalawang pari ang nakita nila.
“Father, kakarating mo lang?” Tanong ni Bearwin na mababanaag ang pagtataka sa mukha.
“Oo, galing ako kina kapitan. Nakibahagi ako sa usapin patungkol sa nangyari sa baryo natin. At kung anong mga hakbang ang gagawin para hindi na maulit sa ibang mga hayop ang nangyari rito. Kayo ba ano ang sadya niyo at gabing-gabi na.” Tugon ng pari.
“Kuwan Father hihingi lang sana kami ng mga talong at kalabasa sa inyo. Kung maari lang naman ho.” Pagdadahilan pa ni Ben.
“Iyon lang ba, sige kumuha lang kayo. Sana inagahan niyo kanina ng makita niyo ang maayos na klase. Kayo na ang bahala para naman sa lahat ang mga pananim ko rito. Hindi ko na kayo matutulungan at magpapahinga na ako maaga pa ako para sa misa bukas.” Saad pa ng pari at pumasok na ito sa kanyang bahay.
Nagkatinginan naman ang dalawa na litong-lito sa nangyari. Kung paano naging dalawa ang nakita nilang pari. Nang makapasok si Father Rigor nagmamadali namang umalis ang dalawa.
Kinabukasan, araw ng Linggo. Dagsa ang mga tao sa simbahan ng San Gabriel. Lahat nais mabasbasan ng biyaya at gabay mula sa diyos sa pamamagitan ng mga sermon ni Father Rigor Tejiras. Sa kabila ng nakaraang problema kitang kita parin sa mukha ng mga taga san Gabriel ang positibong pananaw na may katumbas na kaginhawahan ang nangyaring insidente sa kanila.
Ngunit hindi pa man natapos ang misa sa simbahan, binulabog na ng mga sigawan ng mga tao sa labas ang mga nag sisimba sa loob.
“Ang mga isda sa ilog, lahat namatay!!!” Ilan lang sa mga umalingawngaw na sigaw ng mga tao.
Nagmistulang ilog ng mga patay na isda ang malawak na katubigan ng San Gabriel. Libo-libong mga patay na isda ang nagsilutangan sa ilog na halos matakpan ang kalahating parte ng malawak na bahagi ng tubig. Umaalingasaw na rin ang masangsang at nabubulok na laman ng mga isda. Muli na namang binalot ng takot at pangamba ang mga residente ng baryo. Bagama’t hindi lamang iyon ang pangunahing pinagkikitaan ng mga taga-roon, ang ganoong insidente ay hindi naman pangkaraniwang sa kanila lalo pa at kamakailan lang daang-daang mga hayop din ang magkakasabay na namatay sa kanila.
Samantala…
Matapos kamustahin ni Bryan ang kaibigang si Dylan,agad naman nitong sinilip si Felix. Gising na ang binata ngunit balisa parin ang kilos nito. Bakas din ang takot sa kanyang mga mata habang nakatitig kay Bryan.
“Kamusta?” Bungad ni Bryan.
“Ilayo niyo ako rito, babalikan niya ako. Alisin niyo ako sa lugar na ito bago pa madamay ang karamihan dito.” Tugon ni Felix kay Bryan.
Nagpupumiglas na naman ang binata ngunit hindi makagalaw ng maayos dahil sa nakatali ito sa kanyang kama.
“Kumalma ka, sabihin mo sa akin ang lahat. Gusto kitang tulungan. Sino ang babalik? Ano ba ang nangyari sa inyo roon sa San Gabriel?” Tanong pa ni Bryan.
“Ang demonyo, nasa paligid lang siya naghihintay ng pagkakataon. Kailangan niya kami para mabuhay siya. Kaya pakiusap pakawalan mo ako. Tulungan mo ako.” Saad ni Felix.
Nagdadalawang isip si Bryan na sakyan ang kuwento ni Felix. Ngunit sa mga naranasan nito sa mga nakalipas na araw, tila naniniwala na rin ito na may kababalaghan talaga sa likod ng lahat ng mga nangyayari. Nakipag sundo si Bryan kay Felix.
“Kuwento mo sa akin ang lahat. At ilalayo kita rito.”
“Oo, sige…pero tanggalin mo muna ang mga tali ko, gusto kong maupo. Ngawit na ngawit na ako sa higaang ito. Pakiusap.” Saad ni Felix.
Una nagdadalawang isip pa si Bryan. Ayon kasi sa mga nurse na naka-assign kay Felix nang minsan tinanggalan nila ng gapos ang binata, tinangka nitong tumakas sa kanyang silid. Buti na lang agad itong naharang ng bantay nitong pulis. Si Felix ang tinuturing mahalagang susi ni Bryan upang maresolba ang hinahawakang kaso ng mga binatang natagpuang patay. Ngunit habang tinititigan nito si Felix pansin nito ang hirap sa mga mata ng binata. Napapayag si Bryan sa hiling ni Felix, akma na nitong tatanggalin ang gapos sa mga braso at kamay ng binata nang sa pagdampi nito ng kamay sa kamay ni Felix bigla itong natigilan.
Bigla na lang dinala si Bryan sa isang pangitain. Natagpuan na lang nito ang sarili sa isang kakahuyan. Madilim ang paligid at nakakabingi ang katahimikan., hindi niya maiintindihan ang sarili pero tila hinahatak ang diwa niya sa lugar na iyon. Sunod na nasilayan nito ang grupo ng mga kabataang lalake na pawang mga Naka hubo’t hubad. Nakatayo ang mga ito ng pabilog sa gitna ng malaking siga. Nang bigla na lang nangisay ang lahat, nang nanghilakbot sa takot si Bryan sa sunod na tagpo na lumantad sa kanya. Bumulagta ang lahat na naroon at nagkulay dugo ang buong paligid. Naliligo na sa kani-kanilang mga sariling dugo ang mga lalake kasunod nun ang isang lalaking umahon sa gitna ng nagniningas na apoy ng siga. Hubo’t hubad ang lalake ngunit ang ikinagulat pa ni Bryan, ang lalaking nakikita nito ay kawangis ni Joshua, ang anak ni Mina. Napasigaw na lang sa takot si Bryan nang bigla na lang nagbago ang anyo ni Joshua. Napunit ang mga balat nito mula sa mukha pababa sa buong katawan. At tinubuan ito ng apat na malalaking sungay.
Natauhan na lang si Bryan nang may tumawag sa pangalan nito.
“Sir Bryan?…sir Bryan ayos ka lang?” Tanong ni Felix.
Nang bumalik sa ulirat nito si Bryan, palinga-linga ito. Wala na ang mga nakita nito kanina lang,…nasa silid na muli ito ni Felix. Muli itong napasulyap kay Felix.
“Felix, puwede mo ba ikuwento sa akin kung ano ang ginawa niyo sa San Gabriel? Tsaka maari mo bang ipaliwanag ang mga sinasabi niyo na papatay sa inyo?” Panimula pa ni Bryan.
“Babalikan niya kami, hindi natapos ang nais niyang gawin kaya nagalit siya. Ngayon hinahanap na niya kami. Sina Jimmy, si Rolly ,si Fred kinuha na niya. Nadamay na pati si Nico, ako na ang susunod, kami na ang isusunod niya.” Bungad sa kuwento ni Felix.
Tuloy-tuloy lang ang kuwento ni Felix kay Bryan habang nire-record nito ng dalang cellphone ang mga salaysay ng binata. Maraming nabanggit si Felix na hindi maintindihan ni Bryan. May mga nababanggit kasi ang binata na mga salita na bago lang sa kanyang tenga. Hanggang sa ibang lingguwahe na ang lumalabas sa bibig ni Felix. Hindi mawari ni Bryan kung anong salita iyon pero nanunuot ang mga iyon sa isip ng lalake. Tuloy-tuloy parin ang kuwento ni Felix sa hindi maintindihang wika. Kasunod nun ang pagbabago naman ng boses ni Felix. Bigla itong lumalim ang boses, bumilog na parang nagmumula sa ilalim ng lupa.
“Felix, ano ang nangyayari? Bakit nagbabago ang boses mo?” Pag-aalala at takot na lang sa mukha ni Bryan.
Nang bigla na lang nanginig ang katawan ni Felix. Tumirik ang mga mata ni Felix naging purong puti na lang ito. Tarantang pinipigilan ni Bryan si Felix nang magwala ng husto ang binata. Sa sobrang pag aalala ni Bryan na patawag na ito ng tulong sa mga nurse. Agad namang pumasok ang apat na nurse para tulungan si Bryan kay Felix. Pinagtutulungan na ng mga naroon ang binata ngunit patuloy na nagpupumiglas si Felix. Tila sinasapian ito ng kung ano. Ang lakas lakas ni Felix na kahit limang katao na ang humahawak sa kanya nakakawala ito.
Ilang mga staff pa ng hospital ang pumasok sa silid ni Felix para tumulong. Dumating na rin ang mga magulang ni Felix at nakitulong narin sa pagpigil sa anak. Tulong-tulong na ang lahat kay Felix ngunit wala silang nagawa. Lubhang napakalakas ng binata. Kahit ang gamot na pampakalma hindi na tumatalab sa kanya. Sa pagwawala ni Felix nabulabog ang lahat na naroon sa hospital. Habang tumutulong si Bryan isang pamilyar na huni na naman ang narinig nito.
Nang napabaling na ang tingin nito sa bintana ng silid ni Felix nanghilakbot na naman ito. Nanginig na naman ang laman ni Bryan. Naroon sa tapat ng bintana ang napakaraming mga uwak na nagpupumilit na makapasok doon. Sarado kasi nun ang salamin na bintana.
Umaangil ng malakas si Felix, angil na animoy isang hayop. Sunod nun ikinagulat ng lahat nang bigla na lang bumangon si Felix, naitulak din nito ang lahat ng mga pumipigil sa kanya. Sa lakas ni Felix tumilapon sila ni Bryan sa sahig at dingding. Kinagulat iyon ni Bryan ,ramdam na ramdam kasi nito ang kakaibang lakas ng binata. Sunod na kinagulat ng lahat ang biglaang paglundag ni Felix sa higaan nito at mabilis na tinakbo ang pintuan tsaka tumalilis na nagtatatakbo palayo at palabas ng hospital.
Nasa fifth floor ang silid ni Felix, kaya hindi na mapakali si Bryan lalo pa at hindi na nila nakita pa ang binata. Inalerto na rin ang lahat ng mga bantay sa mga exit at entrance ng hospital. Humingi na rin ng tulong si Bryan sa mga kasamahan nito.
“Bryan ano ang nangyari bakit nagkakagulo ang mga tao?” Tanong ni Helen nang sinalubong ito ni Bryan.
“Si Felix bigla na lang nagwala at nagtatatakbo palabas. Kaya hinahanap na siya ng lahat.” Tugon ni Bryan.
“Saan ba tumakbo si Felix?”
“Hindi na namin nasundan, ang bilis niya kasi.” Ani ni Bryan.
Nang bigla na lang umalingawngaw sa buong hospital ang tilian at sigawan ng mga tao. Dali-dali namang tumalima sina Bryan na usisain ang pinagkakaguluhan ng mga tao. Nagmula sa labas ng hospital ang mga sigawan ng mga tao. Kaya agad na lumabas sina Bryan. Doon, inabutan nila ang mga nagkukumpulang mga tao na naroon. Lahat nakatingala sa itaas.
“Ano ba ang meron?” Tanong ni Bryan sa isang tao na naroon.
“Sa rooftop ng hospital, may nagpakamatay… hayun!” Tugon ng lalaking pinagtanungan ni Bryan.
At nang tumingala si Bryan binalot ng pagkasindak ang lalake sa tagpong kanyang nakita. Naroon sa gilid ng rooftop si Felix nakalambitin ng patiwarik hubo’t hubad at naliligo ng sariling dugo. Wala ng buhay ang binata nang pinuntahan ito nila Bryan. Nakatali ang binti at paa ni Felix gamit ang kawad ng kuryente na naroon sa rooftop. Habang nakalawit sa baba ang katawan nito. At katulad ng mga naunang bangkay na natagpuan nawawala rin ang mga mata nito, dila pati ang puso. Nakakapanglumo ang malagim na sinapit ni Felix. Agad na pinasuri ni Bryan ang lahat ng mga cctv record ng hospital ngunit sa anong hiwaga o kababalaghan, walang nahagip na kung ano ang cctv kaugnay sa pangyayari.
“Ikaw! Ikaw ang dapat sisihin sa nangyari sa anak ko! Dahil sa iyo namatay siya! Kung hindi ka lang sana nangi-alam buhay pa sana si Felix!” Ang galit na galit na ina ni Felix habang dinuduro si Bryan.
Halos maglulupasay sa sahig ang ina ni Felix sa sinapit ng anak. At habang nakatingin sa babae hindi maiwasan ni Bryan na sisihin ang sarili, kung hindi na sana niya sinunod ang hiling ng binata na tanggalan ito ng gapos marahil hindi pa iyon nangyari. Kasama si Helen bumalik ng presinto nila ang dalawa.
“This whole situation is getting more eerie. Halos sunod-sunod na ang pangyayari Bryan. And I guess tama ka hindi lang ito basta kaso lang ng murder o gawa ng isang psychopath killer.” Ani ni Helen kay Bryan.
“So naniniwala ka rin na hindi tao kundi demonyo ang may gawa nito sa kanila?” Tanong ni Bryan.
“Siguro, at kinakabahan ako na baka may susunod pa gaya ng sabi sa akin ni Julian.” Tugon ni Helen.
Nagtaka si Bryan sa sinabi ng kasama, isang linggo na ang nakalipas matapos masama sa nasunog nitong bahay si Julian. Kaya paanong nakapag-usap pa sila ni Helen.
“Nagbigay ng babala si Julian sa akin sa aking panaginip. And he talks about you.” Sabi pa ni Helen kay Bryan.
Lalong nagulumihan ang isip ni Bryan sa sinabi ni Helen. At sa paglapit pa nito sa katotohan ng lahat,ilang mga katanungan pa ang nadadagdag sa mga palaisipan niya.
THY WOMB
Sa kalagitnaan ng taping ng magazine tv program kung saan isa sa host si Mina, bigla na lang itong nahilo kaya pinutol saglit ng direktor ang palabas at inaksiyunan saglit si Mina.
“Are you OK, kaya pa ba Mina?” Tanong ng co-host nitong si Glenda.
“Ayos lang ako Glenda medyo nahilo lang ako, hindi kasi ako nakapag-kape kanina.” Sagot ni Mina na tila agad namang bumalik ang lakas.
“Siguro naman dahil diyan matutuloy na ang kasalan Mina.” Wika ni Rolly na napangiting lumalapit kay Mina sabay abot ng maligamgam na tubig sa babae.
“Ano ang pinagsasabi mo? Hayaan mo pag kinasal na kami ikaw ang una-unang kasama sa entourage namin.” Natawa namang tugon ni Mina.
“Mas gusto ko maging ninong ng baby niyo.” Ang masayang tugon pa ni Rolly.
“I knew it Mina, buntis ka nga. Kaya ka siguro nahilo. Kelan ba iyong huli?” Ani pa ni Glenda.
Nang marinig ni Mina ang magandang balita hindi na ito makapaghintay na sabihin kay Bryan ang bunga ng kanilang pag-iibigan. Matapos ang late taping ng show nila Mina agad ito nag punta ng pharmacy para bumili ng pregnancy kit. Nais niya kumpirmahin kung totoo nga ang hinala ng mga kasamahan nito. Mula naman sa pharmacy dumaan naman ng grocery si Mina para bumili ng mga supply nito para sa kanyang pantry. Habang namimili ng karne sa meat section isang matandang babae ang lumapit sa kanya. Matalim ang tingin nito kay Mina, galit at bakas sa mukha nito ang gigil.
“Demonyo ang laman ng sinapupunan mo! Nagdadala ka ng demonyo sa katawan mo!!! Patayin mo iyan! Patayin mo, bago pa siya makapaghasik ng lagim sa mundong ito!!!” Usal ng matandang babae na pilit inaalis ang mga kamay ni Mina na nakahawak sa puson nito.
Nahintakutan si Mina sa kinikilos ng matanda. Sinasaway niya ito ngunit agresibo ang matanda. Sa inis ni Mina naitulak na nito ang matandang babae na agad namang napasubsob sa sahig ng supermarket. Doon na dumating ang security ng supermarket at pumagitna kina Mina. Dahil sa pagiging kilalang host ni Mina agad siya dinumog ng mga customer doon na humahanga sa kanya. Sa paglapit ng mga tao nawala na sa paningin ni Mina ang matandang babae na nailayo na nun ng dalawang security guard. Marami sa mga naroon nakipag-selfie kay Mina ngunit ang diwa ni Mina tila humiwalay sa katawan nito. Paulit-ulit sa isip nito ang sinabi sa kanya ng matandang babae. Napahawak si Mina sa tiyan nito nang may naramdaman itong tila gumalaw sa loob.
Matapos dun sa mall, agad na umuwi si Mina. Papasok na ito sa kanyang bahay nang may napansin ito sa beranda. May patay na pusang itim sa tapat ng kanilang pinto. Halos maduwal si Mina sa sinapit ng pusa, wakwak ang tiyan nito ngunit tila tinuyuan na ito ng dugo. At wala ng laman ang loob ng pusa. Nagtawag ng katulong si Mina ngunit ang tahimik ng buong paligid. Walang tugon mula sa mga katulong. Sunod nitong tinawag ang anak na si Joshua. Ngunit wala rin. Dahil sa tila walang tao sa bahay si Mina na ang nagkusang tanggalin ang patay na pusa. Itinabi nito saglit ang mga pinamili tsaka kumuha ng sako sa gilid ng bakuran para roon isilid ang pusa. Nang bitbit na ang sakong may laman, dinala niya ito sa likod ng bahay at saglit na itinabi roon sa halamanan. Tsaka bumalik na ito sa loob ng bahay.
Wala ngang tao sa loob, wala ang apat nitong katulong wala rin ang anak nitong si Joshua. Sa pag aakalang may binili lang ang mga katulong nagkibit balikat na lang si Mina at tinungo ang silid matapos mailagay sa kusina ang mga pinamili.
“Yes babe napatawag ka? Kamusta ka? Grabe ang nangyari kanina sa hospital napanood ko sa news.” Wika ni Mina nang sagutin nito ang tumutunog na cellphone.
“Heto, medyo na shocked pa rin sa nangyari kanina. Ikaw kamusta, nakauwi ka na ba?” Tugon na tanong ni Bryan.
“Kakauwi lang, actually worried din ako ngayon tsaka kinakabahan. There’s something weird kasi dito sa bahay pagka uwi ko.”
“Ano? Bakit anong nangyari diyan? Si Joshua kasama mo?” Ang nag-aalalang tanong ni Bryan.
“Calm down babe, wala namang malalang nangyari dito. Nagtataka lang ako bakit ang tahimik ng bahay ngayon wala ang mga kasambahay ko, even si Joshua wala. Tinawagan ko na nga kanina pero hindi naman sinasagot ang cellphone niya. Kuwan kasi kanina, papasok na sana ako ng bahay nang mapansin ko ang isang itim na pusa na nakahiga sa porch malapit sa pinto. I thought naligaw iyon at natulog lang dun. Pero nang lapitan ko kinilabutan talaga ako babe, patay na iyong pusa tapos wakwak ang tiyan tsaka wala ng ang mga lamang loob pero wala rin namang dugo. Malambot pa ang katawan ng pusa pero tuyong-tuyo na para bang sinipsip ng husto ang dugo nito. Hayun nga sa likod ng bahay hindi ko pa nailibing.” Litanya pa ng kuwento ni Mina.
“Nasaan ka ba ngayon sa bahay?” Ang tanong pa ni Bryan na may pag-aalala parin sa boses.
“Nasa kuwarto, maliligo sana nang tumawag ka.”
“Locked your room, pati ang bintana sa kuwarto mo. And dont open your door unless you heard me. Pupunta ako diyan. Babe, stay in your room. I’ll be there in a minute.” Bilin ni Bryan kay Mina bago pinutol ang usapan ng dalawa.
Kinabahan si Mina sa sinabi ni Bryan. Rinig nito ang matinding takot at pagkabahala sa boses ng kasintahan. Hindi man sigurado sa ibig sabihin ni Bryan, sinunod na lang nito ang utos ng lalake. Ni-lock nito ang pinto, ngunit nang akma na nitong isasara ang bintana may natanaw ito mula roon sa harapan ng kanilang bahay.
“Sino kaya ang lalaking iyon bakit siya nakatingin dito sa bahay?” Sambit ni Mina sa sarili.
Sa takot na baka masama ang intensyon ng taong iyon sa kanila isinara ni Mina ang bintana, ngunit nang balikan niya ito ng tingin wala na ang lalake. Na aning na si Mina sa kakaisip sa nakita. Muli nitong tinawagan ang anak ngunit wala paring tugon. Maging ang mga kasambahay hindi rin makontak nito. Nang walang ano-ano may narinig itong kumakatok sa pintuan ng kanyang kuwarto. Nagdadalawang isip pa ito nu’ng una, ngunit ng marinig ang boses ni Bryan nagmamadali itong buksan ang pinto.
Pagkakita nito sa lalake agad na niyakap ni Mina si Bryan ng mahigpit. Ngumiti naman sa kanya si Bryan na tumugon din naman ng yakap sa kanya.
“Ang bilis mo namang nakarating babe.” Ani ni Mina.
“Nag-aalala kasi ako sa iyo.” Tugon ni Bryan sabay gawad ng masuyong halik sa bibig ng babae.
“Teka babe,…kumain muna tayo, ano ang gusto mong kainin? Ipagluluto kita.” Sambit ni Mina na nakikiliti sa paglamas ng halik ni Bryan sa leeg nito.
“Ikaw ang gusto kong kainin ngayon. I really miss you babe. Tamang tama walang tao, tayo lang dalawa ang narito. We can do everything na walang istorbo.” Saad pa ni Bryan na patuloy lang sa pag halik at pagdila sa balat ni Mina mula leeg pababa sa dibdib at balikat ng babae.
May pananabik din sa parte ni Mina mula sa mga haplos ni Bryan. Kaya nagpaubaya na ito ng tuluyan. Hinayaan nitong lukuban siya ng lalake ng mga braso nito tsaka paliguan ng malaman ngunit masuyong halik sa buong katawan. Nang isa-isa nang nahuhulog sa sahig ang mga saplot ng dalawa mas lalo pang uminit ang tagpo sa loob ng silid ni Mina. Nabalot ng mga batuhan ng ungol at halinghing ang bawat sulok ng kuwarto mula sa dalawa.
“Hit me harder babe…that’s it. Huwag mong tigilan pakiusap.” Ang humahangos na wika ni Mina habang sinasagad ito ni Bryan.
“Ang sarap mo talaga, Mina,” bulong ni Bryan habang hinihimas ang umbok sa dibdib ng kanyang kasintahan.
“Mas masarap ka ngayon, Bryan. Drill me well,” sagot ni Mina, habang hinihimas ang likod ng kanyang minamahal. Napipisil na rin nito ang matambok na puwetan ni Bryan sa tindi ng sarap na dulot sa kanya ng lalake.
Naglapat muli ang kanilang mga labi sa isang matamis at palaban na halikan, na lalong nagpapalakas ng kanilang damdamin at nagpataas ng mga libido nila sa katawan. Unti-unti naging marahan ang mga pagbayo ni Brayan kay Mina, habang ang init ng kanilang katawan ay unti-unting sumasalubong sa isa’t isa. Sinasabayan ni Mina ang mga paghagod ng balakang ni Bryan sa kanya.
“Ang sarap mo, Bryan babe…,” ungol ni Mina habang hinahalikan ito ni Bryan sa pakwan nito sabay nilalaro pa ng lalake ang mga naninigas nitong pasas na tayong-tayo.
“Oo, Mina. Ikaw lang ang nagpapakalma sa akin. Damhin mo ang laman ko sa loob mo,” sagot ni Bryan, habang nilalamas nito ang malulusog na hinaharap ng babae.
Sa bawat galaw ng kanilang katawan, tila nag-uusap ang kanilang mga mata at mga labi. Hindi na kailangan ng maraming salita, dahil ang kanilang pagmamahalan ay sapat na upang magpahayag ng kanilang damdamin. Ang salitan ng mga ungol at mga pag halinghing ay patunay lang na nagkakasundo ang libog nilang nararamdaman sa isa’t isa.
“Mahal kita, Mina,” bulong ni Bryan habang unti-unting pumapasok muli ito sa hiwa ng kasintahan.
“Mahal din kita, Bryan,” sagot ni Mina, habang unti-unting sumasabay sa galaw ni Bryan.
Sa bawat pag-taas baba at pag bayo ni Bryan kay Mina kasabay ng mga pag angat baba rin ng babae para salubungin ang mga kaldag ng lalake , tila naglalaho saglit ang lahat ng kanilang mga alalahanin at problema. Sa kanilang kangkangan, muli sila’y nagiging isa at nagiging buo.
“I’m about to come babe,…please don’t stop…grind more, ibayo mo pa ng todo babe, malapit na ako mag squirt Bryan.” Ang nahihingal na boses ni Mina.
“Sabay na tayo, malapit na rin ako. Hold on babe, let’s have this together.” Bulong na tugon ni Bryan na ngumisi kay Mina.
Naging mas mabilis ang mga pagkayod at bayuhan ng dalawa hanggang sa nagsalubong na nga sila sa gitna. Sabay na nagpalabas ang dalawa. Sina-id pa ni Bryan ang lahat, piniga naman ni Mina ang mga natira hanggang sa pinaka huling patak.
Sa tindi ng pagod at dulot na sarap napayakap na lang si Mina sa katawan ni Bryan hanggang sa nakatulog ito.
Sa mga sandali naman na iyon sa gitna ng siksikan at hindi masingitang traffic. Halos magmura na si Bryan. Naipit ang kotse nito sa gitna ng daan. Hindi ito makausad-usad. Bukod kasi sa peak hours iyon dagdag problema pa ang kinukumpuning kalsada roon. Alalang-alala na ito kay Mina, nakailang missed calls na ito sa babae ngunit wala itong tugon. Sa matiyagang pag hihintay sa huli nakausad din ito sa daan. Mabilis nitong pinaharurot ang kotse para makarating agad kina Mina. Pagka parada ng kotse,agad itong nag doorbell, binuksan naman agad ito ng kasambahay ni Mina at pinatuloy ang lalake.
“Magandang gabi sir Bryan, pasok kayo.”
“Si Mina?”
“Nasa kuwarto niya ho sir, mukhang tulog pa yata. Puntahan niyo na lang sa taas. At tatapusin ko lang ang ginagawa ko sa kusina.
“Sige manang salamat. Siya nga pala si Joshua?”
“Sinundo ng mga kaibigan, malamang mamaya na naman ang uwi nun.”
Mabilis ang mga hakbang ni Bryan paakyat ng hagdan. Hindi naka-lock ang silid ni Mina kaya pumasok ito. Inabutan nito ang kasintahan na napaka-himbing ng tulog, wala itong saplot sa katawan kaya hinawi ni Bryan ang kumot sa paanan ng babae tsaka tinakpan ng kumot si Mina. Hinalikan nito sa noo ang babae, marahan pa niya itong ginising ngunit tila pagod ang katawan ni Mina at hindi ito magising. Dinampian na lang nito ng halik sa labi si Mina tsaka lumabas ng silid.
Tinungo nito ang kasambahay ni Mina na si Terry na nasa kusina.
“Manang kanina pa ba kayo dito?” Tanong ni Bryan habang kumukuha ng malamig na tubig sa ref.
“Medyo, pero mukhang nauna na sa amin si ma’am Mina. Na trapik kasi kami kanina kaya hindi agad kami nakauwi ng maaga.” Sagot ni Terry.
“Saan ba kayo nagpunta? Bakit sabi kanina ni Mina walang katao-tao rito sa bahay nang dumating siya.”
“Kuwan kasi sir nagka-emergency doon sa amin kinakailangan ko mag padala agad ng pera. Naubusan kasi ng load ang e-wallet ko kaya cash na ang pinadala ko. Tapos si Judi at Beka nag grocery ng mga kulang dito sa bahay. Kung alam lang namin na mag go-grocery din pala si ma’am hindi na umalis ang dalawa. Si Balut naman sinamahan si Joshua kanina.” Kuwento ni Terry.
“Wala ba kayong na experience na kakaiba rito nitong mga huling linggo sa bahay?” Tanong pa ni Bryan.
“Parang wala naman sir, bukod sa tahimik dahil sa agwat ng mga kapit-bahay. Wala namang kakaiba rito. Bakit ba sir? May nakikita ba kayo rito na hindi namin nakikita?” Ani pa ng babae.
“Hindi sa ganun manang. Kuwento kasi ni Mina kanina sa akin may nakita raw siyang patay na pusa sa tapat ng pintuan pagkauwi niya. Isinilid pa nga raw niya sa sako at nilagay sa likod ng bahay.” Saad ni Bryan.
“Naku walang pusa rito sir, kahit nga mga galang aso wala kang makikita dito. Ito lang yata ang lugar na bawal ang alagang hayop sa bahay. Mag dadalawang taon na ako rito pero kahit kailan hindi pa ako nakarinig ng tahol of ngiyaw ng hayop dito.” Ayon pa kay Terry.
Lumabas ng bahay si Bryan at nag-ikot ikot sa bakuran nila Mina. Tinungo nito ang halamanan sa likod ng bahay. Hinanap niya roon ang tinutukoy na sako ni Mina ngunit wala itong nakita roon. Akma nang babalik ng loob ng bahay si Bryan nang may narinig itong kaluskos sa bandang halaman. Napalingon doon si Bryan. Marahan itong humakbang palapit sa pinanggalingan ng mga kaluskos. Pahakbang pa ito nang magulat ito sa boses ng isang lalake na pumigil sa kanya.
“Balut ikaw pala, ginulat mo naman ako.” Ang wika ni Bryan na himas-himas pa ang dibdib dahil sa kaba.
“Pasensya na sir Bryan akala ko rin kasi kung sino. Hindi ko agad kasi nakita ang mukha mo. Ano ba ang tinitingnan mo diyan sa mga halamanan sir?”
“Kuwan,…may narinig kasi akong kaluskos sa banda riyan.”
“Malamang ahas na naman iyan sir, talahiban na kasi sa likod niyan. Ilang beses na rin ako nakahuli ng ahas damo sa parting iyan.”
“Ma ahas pala rito bakit hindi mo nalang tabasin ang mga halaman dito at palagyan niyo kay ma’am niyo ng bakod. Baka hindi lang ahas ang nakakalabas pasok dito sa inyo.” Ani ni Bryan.
“Iyon nga ang balak ni ma’am na gawin sa bahaging iyan.”
“Balut wala ka bang napansing sako rito na may lamang pusa?” Tanong pa ni Bryan.
“Wala naman sir, kakalinis ko lang dito pero wala akong nakita o napansing sako. Tsaka imposible na magkaroon ng pusa rito sir.” Ani pa ni Balut.
Hindi na pinagtuunan pa ng pansin ni Bryan ang bagay na iyon. Binalikan nito si Mina ngunit hindi parin ito magising kaya hinayaan na lang nito ang babae na makapagpahinga. Doon na rin ito kumain ng hapunan bago umalis.
Nang mga oras naman na iyon kasama ni Joshua si Tyler, kaibigan nito.
“Natatakot na ako nito Josh, sunod-sunod na silang nawawala.” Ani ni Tyler sa kaibigan.
“Wala silang dapat sisihin kundi sarili nila. Kung naniwala lang sila sa akin hindi na nila sinapit ang malagim nilang katapusan.” Tugon ni Joshua.
“Wala ba tayong gagawin? Sabihin na lang natin kaya sa kapulisan ang nalalaman natin.” May takot sa boses ni Tyler.
“Huwag, wala tayong gagawin. Hindi ka magsasalita kung ayaw mo na madamay ka katulad sa nangyari kay Nico. Tsaka wala namang naniniwala, pagtatawanan lang nila tayo. Baka isipin pa ng iba adik tayo.” Saad ni Joshua.
“Paano kung pati pala tayo kasama?” May pag-aalalang tugon pa ni Tyler.
“Basta wala kang babanggitin, hindi mo babanggitin ang pangalan niya. Ilihim mo. Alam ko na mahirap, ramdam ko ang takot mo. Maging ako man natatakot pero tayo lang din ang makakapagligtas sa sarili natin.” Ani pa ni Joshua.
“Dito ka na lang kaya, samahan mo ako. Mas panatag ako na nandito ka kasama ko.”
“Hindi puwede kailangan din ako ni mommy. Tsaka baka magtaka rin ang mga parents mo kung nandito lang ako lagi sa tabi mo. Basta sundin mo lang ang sabi ko. Huwag ka mangi-alam, wala kang sasabihan wala kang sasabin. Uuwi na ako.” Saad ni Joshua.
Nasa basket ball court ng mga sandali na iyon ang dalawa, naglalaro habang pinag-uusapan ang mga bagay na pinangangambahan nila. Sa kalagitnaan ng kanilang paglalaro at paguusap tatlong mga kabataan naman ang dumating para pagtripan ang dalawa. Mukhang sanay sa basag ulo ang tatlo na pangisi-ngisi pang nilalapitan sina Joshua at Tyler.
“Umalis na tayo rito Josh, mga hangal ang sikmura ng mga iyan. Kilala iyan dito sa aming siga.” Bulong ni Tyler kay Joshua sabay tapik sa braso ng kaibigan.
Napaatras na si Tyler ngunit hindi nagpatinag si Joshua. Nanatili ito sa kinatatayuan nito na hinihintay ang paglapit ng tatlo.
“Uy, dayo mga tol…may dayo sa homecourt natin.” Nakatawang sambit ng isa sa kanila.
“Hoy, ang angas mo makatitig ah. Nalalakihan ka ba sa katawan mo?! Alam mo ba ang patakaran dito kapag may dayo rito sa teritoryo namin ?! Ha?!!!” Sambit pa nito na inaangasan si Joshua.
Hinila na ni Tyler si Joshua paalis ngunit nanatili parin ang binata. Hinarap nito ang nagyayabang na lalake. Tinitigan lang sila ni Joshua ng masakit kaya napikon na ang kaharap nito at akma na nitong dadambahan ng suntok si Joshua. Ngunit maagap ang kilos ng binata at naiwasan nito ang unang tapon na suntok ng isa sa kanya. Gumanti ng sapak si Joshua at sapol agad sa mukha ang nanguna sa kanya.
Nang makita ni Tyler ang ginawa ni Joshua napangiti ito. Nabuhayan ito ng tapang na harapin din ang mga kasamahan ng isa. Hanggang sa nagpang-abot na nga ang lima. Dalawa laban sa tatlo. Pantay lang ang laki ng lima kaya patas ang laban. Maalam sa hand combat at reflex si Joshua bilang nagaaral naman talaga ito ng eskrima at muay Thai. Sa husay ni Joshua baldado ang tatlo. Ang hindi alam ng dalawa may mga kasamahan pa pala ang mga binugbog nila.
“Takbo na Josh, mas marami na iyan.” Sabi ni Tyler sabay hila patakbo kay Joshua.
Nasa higit sampu ang resbak ng tatlo na humahabol sa dalawa. Walang lingon-lingon namang nagpapahabol ang dalawa, hanggang nakalabas ang dalawa sa kalye na palabas ng main road. Nakasunod parin ang mga humahabol sa dalawa na noo’y kasama na ang tatlo na nauna.
“Go on your way Ty, umuwi ka na ako na ang haharap sa mga ito!”. Sigaw ni Joshua kay Tyler.
“No Josh, resbakan tayo. Kung haharapin mo sila sasabayan kita. You saved me once, kaya hindi kita iiwan.” Tugon naman ni Tyler.
Tuloy lang ang dalawa hanggang sa nakalabas na nga sila sa main road. Marami ng mga tao sa kalye na iyon at may mga sasakyan na ngunit hindi iyon alintana sa mga humahabol sa dalawa na diterminadong maabutan sina Joshua at Tyler. Nang sandali naman na iyon binabaybay ni Bryan ang kalsada pauwi mula sa bahay ng kasintahan nito. Nang paliko na ito sa isang kanto nakita agad nito si Joshua tumatakbo papunta sa kanyang direksyon kaya napahinto ito.
“Josh dito!” Pagtawag ni Bryan sa binata.
Nang makita ito ni Joshua mabilis na lumapit sa kanya ang binata pati na si Tyler.
“Bilis-bilis tito baka maabutan nila tayo!” Ang tarantang utos ni Tyler kay Bryan.
Pinaharurot naman ni Bryan ang sasakyan nang matanaw ang mga nagtatakbuhang mga kabataan na siyang humahabol sa dalawa. Nadaanan pa niya ang mga ito kaya nadali ang salamin ng bintana ng kotse nito nang pinagbabato ng mga kabataan ang sasakyan niya. Nang masigurong malayo na sila sa mga grupo na iyon agad na humingi ng responde si Bryan.
“May mga kabataang nanggugulo sa ipil-road. Mukhang mga gang. Kayo na ang bahala.” Ani ni Bryan sa tinawagan nito.
Ilang saglit pa nakasalubong na nila ang dalawang patrol car ng pulis na patungo sa lugar kung saan nandoon ang grupo ng mga kabataan.
“Patay sila ngayon, buti na lang nadaanan mo kami sir. Pulis ka pala. Salamat po talaga sir.” Wika ni Tyler ng kausapin nito si Bryan.
“Taga saan ka bata?, ihahatid ka na namin sa inyo.” Tanong ni Bryan.
“Narra avenue sir, malapit lang dun sa Ipil. Pero may daan naman sa kanto ng Sampaguita. Iikot nga lang tayo.” Tugon ni Tyler.
“Ano ba kasi ang nangyari bakit hinahabol kayo ng mga iyon?”
“Ewan namin sa mga iyon sir, nagbabasketbol lang naman kami nu’ng una ni Josh nang lumapit sila. Tapos kinuyog na kami. Tingnan niyo nga po oh…buti na lang magaling itong si Joshua nakalaban kami ng patas.” Saad ni Tyler na pinapakita ang mga pasa at sugat sa mukha at braso kay Bryan.
Si Tyler sumasagot sa mga tanong ni Bryan dahil hindi umiimik si Joshua natingin lang kasi ito sa bintana ng kotse at hindi pinapansin si Bryan.
“Josh, ayos ka lang?” Tanong pa ni Bryan kay Joshua.
“Sa bahay na tayo dumeretso,doon na muna si Tyler. Baka nakaabang pa ang mga iyon sa kanila.” Ang tanging tugon lang ni Joshua.
“Sure ka bro,…thank you talaga your the best. Love you bro.” Sambit ni Tyler na napayakap kay Joshua dahil sa tuwa.
Napansin ni Bryan ang pagiging close ng dalawa sa isa’t isa. Ramdam ni Bryan ang pagiging komportable ni Joshua kay Tyler na kahit hinalikan pa siya nito sa pisngi ng kaibigan hindi man lang ito nagalit o nailang lalo na at may kasama silang iba.
Kakagising lang naman nun ni Mina mula sa malalim na pagkahimbing. Nagtaka ito na wala na si Bryan sa kanyang tabi. Lumabas ito ng kanyang silid at napag-alaman na naroon na ang mga kasambahay.
“Si Joshua wala parin?”
“Nagbihis lang po saglit ma’am tapos umalis agad kasama ang kaibigan.” Tugon ni Terry kay Mina.
“Si sir niyo Bryan?”
“Kakaalis lang ma’am,after niya maghapunan. Kanina pa nga niya kayo ginigising kaso tulog na tulog ka pa raw. Kaya hinayaan ka na lang niya.” Sagot pa ng katulong.
“Akala ko dito na siya matutulog. Hindi ko man lang naramdaman na bumangon siya.” Ani ni Mina.
“Natulog ba si sir Bryan? Parang hindi naman yata ma’am. Ang bilis niya lang dito kanina. Tapos dito lang siya sa baba kasama namin. Umakyat na lang siya muli nung paalis na siya.” Kuwento pa ni Terry.
“Ano?…eh halos sabay pa nga kami nakatulog kanina. Pa’no kasi wala kayo rito kanina. Pero infairness good job kayo kasi binigyan niyo kami ng moment ni Bryan na masolo namin ang isa’t isa kanina na walang ingay mula sa inyo.” Saad ni Mina.
Napakunot ang noo ni Terry sa sinabi ni Mina.
“Paano nangyari ma’am, eh ako nga iyong nagbukas ng pinto kay sir kanina kasi tulog na tulog kayo.” Pagbasag ni Terry.
Doon na napaisip si Mina. Lalo na ng pinagdidiinan pa ng kasambahay nito na kakarating lang nun ni Bryan. Tila nilukuban agad ng lamig si Mina. Lumakas ang kalabog ng dibdib nito sa pagkagimbal dahil sa sinabi ng kasambahay na si Terry. Napahawak ito sa kanyang puson nang bigla na lang nakaramdam ito ng kirot na para bang tinutusok-tusok ang kalamnan nito. Napasalampak ito sa upuan habang sapong-sapo ang puson. Umalalay naman si Terry na binigyan agad ng mainit na tubig ang amo.
“Ma’am buntis po ba kayo?” Tanong bigla ni Terry nang mahawakan nito ang tiyan ng babae.
“Hindi pa ako sure manang, pero iyon ang hula ng mga kasamahan ko.” Tugon ni Mina.
“Ma’am may laman nga po ang tiyan niyo. Alam ko dahil isa po akong hilot sa amin.” Saad ni Terry.
Bahagyang napangiti si Mina, gayunpaman ramdam parin nito ang kirot ng kanyang puson.
CONNECTION
Hindi na nun mapakali si Mina dahil sa sinabi sa kanya ng kasambahay. Alam niyang hindi lang iyon basta imahinasyon o panaginip. Totoo na may nangyari kanya dahil ramdam na ramdam nito sa bawat hibla ng kanyang mga buhok sa balat ang matinding sensasyon na pinaranas sa kanya ng kung sino man iyon sa katauhan ni Bryan. Makailang ulit itong nag sabon at naligo, diring-diri ito sa sarili dahil hinayaan niyang ipaubaya sa iba ang kanyang katawan. Nagpatangay ito sa init ng laman na hindi man sinisiguro kung sino ang pinag-alayan nito.
“That was him, si Bryan iyon sure ako. Pero paanong hindi siya iyon? Diyos ko ano ba ang nangyayari? Ang matandang babae sa supermarket,ang patay na pusa then…” Sambit ni Mina sa sarili habang nakatapat ito sa shower.
Natigilan lang ito sa ginagawa nang marinig nito ang mga pagkatok sa pintuan ng kanyang kuwarto. Pinatay ni Mina ang shower at agad nag punas ng katawan tsaka sinuot ang bath robe. Marahan itong lumabas at pinakiramdaman ang kumakatok sa pinto.
“Babe? Gising ka na ba?”. Boses ni Bryan habang kinakatok ang pinto ng silid ni Mina.
“Bryan babe ikaw ba talaga iyan?” Pagdadalawang isip na tanong ni Mina.
“Yes babe,bumalik ako kasama sina Joshua.”
Nang masigurong si Bryan nga ang nasa pintuan, lumabas si Mina. Pagkakita nito sa lalake agad niya itong niyakap ng mahigpit. At habang pababa nga ang dalawa ng hagdan pinatotohanan ni Bryan ang sinabi ni Terry kay Mina. Doon pa lalong kinilabutan si Mina sa ginawa niya. Gusto na sanang ikuwento nito kay Bryan ang nangyari sa kanya ngunit napangunahan ito ng takot na baka iyon pa ang magiging dahilan para bitawan siya ng lalake. Inaalala rin nito na baka isipin ni Bryan na may ibang lalake talaga ito at gumagawa lang ito ng kuwento. Kaya minabuti na lang ni Mina na ilihim sa sarili ang nangyari.
Sa kusina na nakaharap ni Mina ang anak na noo’y kumakain ng hapunan kasama ang kaibigan. Nabahala ang babae sa sinapit ng anak lalo na nang mapansin nito ang mga galos, pasa at sugat ni Joshua sa mukha. Sa sobrang pag-aalala nasabon ni Mina ang anak. Pinakalma naman siya ni Bryan.
“Huwag mo nang pagalitan. Binata na ang anak mo. Kailangan niya rin maranasan ang mga ganitong sitwasyon para matutunan niyang ipagtanggol ang sarili. Tsaka sa tingin ko naman kaya ni Joshua.” Ani pa ni Bryan.
“Buti na lang talaga at nakita mo sila. Paano na lang kung hindi baka kung wala sa hospital sa basurahan ko na iyan makikita. Pasaway kasi.” Wika pa ni Mina na pinapakalma rin ang sarili.
“Tama na iyan. Huwag mo naman pahiyain si Joshua sa harapan ng kaibigan niya. Lalake ang anak mo at alam mo naman kung paano magdamdam ang mga lalake. Siya nga pala, hinanap ko kanina ang sinabi mong sako na may pusa. Nagpatulong na ako kay Balut pero hindi talaga namin nakita.” Saad ni Bryan.
“Baka tinangay ng sawa, hayaan mo na iyon. Dito ka ba matutulog ngayon?” Tugon ni Mina.
“Some other day siguro, may mga prior commitment ako ngayon. Sumaglit lang ako rito kanina sa pag-aalala sa iyo..At salamat naman sa diyos na walang nangyaring masama rito. Pero gawin mo parin ang bilin ko. Lock everything. Tsaka huwag ka magpapapasok ng tao na hindi mo kilala. Bantayan mo rin si Joshua. I know how busy you are pero sa mga nangyayari lately sa paligid hindi natin alam kung kelan pa ba tayo safe.” Sabi ni Bryan nang niyakap nito si Mina at hinalikan sa noo.
“I love you babe,” tugon ni Mina.
“I love you too babe.” Mula kay Bryan sabay dampi ng halik sa labi ni Mina.
Kahit tutol si Joshua sa pag-iibigan ng ina at ni Bryan, kita naman nito kung gaano katapat ang lalake sa pagmamahal nito sa kanyang ina. Hindi lang talaga matanggap ni Joshua na papalitan na ng ina ang kanyang ama sa puso nito. Gayunpaman naiintindihan naman ng binata na kailangan din ng ina ang isang tao na magpapasaya sa kanya.
Sinundan nito si Bryan na papalapit sa kanyang kotse.
“Bakit Josh?” Tanong ni Bryan nang mapansin ang paglapit ni Joshua.
“Salamat nga pala kanina.” Sagot ni Joshua.
“Ayos lang iyon. Sakaling guguluhin pa kayo ng mga iyon ipaalam mo agad sa akin ng mabigyan ang mga lokong iyon ng leksyon.” Saad ni Bryan.
Tumango lang si Joshua at bahagyang napangiti.
“Ingat sa pagmamaneho.” Bilin pa ng binata.
“Ingat ka rin, ingatan mo ang mommy mo.” Balik na ngiti ni Bryan kay Joshua bago ito sumakay ng kotse.
Maikling palitan lang na salita, ngunit malaking bahagi na ng puso ni Bryan ang napasaya nun. Ang ngitian siya ng binata indikasyon na iyon na sa paunti-unti nakikita na ng binata ang malinis nitong hangarin para sa ina nito.
Dumaan pa ang mga araw. Matapos ang sunod-sunod na pangyayari sa San Gabriel marami na sa mga taga-roon ang naisipan na lang na lisanin ang kanilang baryo. Hati ang opinyon ng mga tao sa mga nangyayari.
“Parang naniniwala na talaga ako na may salot sa baryo natin. At mukhang tama si Saling. Dahil biro niyo sa baryo lang natin nangyari ang lahat ng ito sa karatig bayan naman hindi. Maging sa San Cristobal walang ganito na kung tutuusin iisang ilog lang ang nagdudugtong sa atin. Pero sa atin lang nangyari na namatay ang lahat ng isda sa ilog. “ Komento ng isang babae na nakikipagdiskosyon sa tubaan ni Teban.
“Kayo talaga, 2025 na naiiwan parin ang mga diwa niyo sa panahon ni kupong-kupong. Walang salot, nilinaw na iyan ng mga bumisita ditong mga eksperto at dalubhasa sa siyensiya. May nahalong lason sa tubig ng ilog na naging sanhi ng pagkamatay ng mga isda. Hindi salot ang gumawa nun kundi ang mga taga bundok na nais kamkamin ang baryo natin.” Sabi pa ng isang lalake.
“Naniniwala ako kay Temyong. Kung may dapat paghinalaan dito ay ang mga taga bundok na iyan na wala namang ginawang matino kundi ang mangulimbat at takutin tayo na nasa baba. Gumagawa sila ng mga hakbang para bigyan tayo ng takot. Para lisanin na natin ang lupang sinilangan natin at kapag wala ng tao rito. Sila na ang makikinabang sa mga pinagpaguran natin. Kaya pabor talaga ako na magkaroon ng detachment facility ng militar dito. Nang sa ganun kabahan din ang mga hangal na iyan. Kunwaring tumutulong sa tao, nag lilingkod sa bayan’ ang totoo sila itong nanamantala sa kahinaan ng mga tulad nating nagpapaalipin sa takot.” Pagsang-ayon pa ng isang lalake na naglabas pa ng hinaing.
Ang palitan ng kuro-kuro at opinyon ay malinaw na naririnig nina Ben at Berwin na noo’y nandoon lang din sa tabi at nagkakape.
“Ang sarap talaga ratratin ng bala ang bunganga ng gagong iyan. Mukhang tayo pa ang pinagbibintangan sa mga nangyayari rito, ang hayop puta.” Pabulong na wika ni Ben kay Berwin.
“Hayaan mo na, talasan mo lang ang pakiramdam mo. May kutob ako na isa sa mga iyan ang nanabutahe rito at pinapalabas na tayong mga nasa taas ang salarin.” Tugon ni Berwin na palinga-linga rin sa paligid.
Nahinto lang ang usapan ng mga tao nang may paparating na trisikol at huminto sa tubaan ni Teban. Sakay nun si Father Rigor na kagagaling lang sa munisipyo. Kasama nito ang sakristan na si Carlitos. Ang binatang ampon nito. Agad na sinalubong ni Teban ang pari pagkababa nito ng trisikol.
“Magandang umaga father, ano ang balita galing kay mayor?” Bungad na tanong ni Teban.
“Pansamantala magpapadala ng ayuda ang lokal para sa mga apektadong pamilya. Ikinalulungkot namin ni kapitan na hindi inaprubahan ang state of calamity na dineklara nito. Dahil isolated case lang naman ang nangyari at hindi naman lahat apektado. Gayunpaman nagpaabot pa rin ng tulong si mayor para sa atin. Hintayin na lang natin si kapitan.” Tugon ng pari.
“Salamat father, anak ka talaga ng San Gabriel. Buti na lang talaga pinili mong bumalik dito sa atin.” Wika ng babae sa pari.
“Dito ako sinilang at nagkaisip kaya mahalaga rin talaga sa akin ang baryo natin. Kaya kung anong puwede kong maitulong bukod sa espirituwal, tutulong ako. Bokasyon ko na ang paglingkuran ang San Gabriel at ang mga tao rito.” Ani pa ng pari.
Masaya pa ang usapan ng mga naroon kasama si Father Rigor nang mapadapo ang pansin ng lahat sa isang babae na nagsusumigaw sa malayo habang nagtatatakbo. Aligaga ang mukha nito na para bang takot na takot. Sumisigaw ito habang tinatawag ang pangalan ng pari at humihingi ng tulong. Sinalubong naman ito ni Rigor nang malapit na ito. Habol habol ng babae ang hininga nito habang nilalahad sa pari ang dahilan ng paghingi nito ng tulong.
“Father ang mga bata sa paaralan sabay-sabay na sinasapian. Magmadali kayo, hindi na namin alam kung ano ang gagawin.” Kuwento ng babae.
Mula sa tubaan ni Teban, humayo agad ang mga nakatambay doon para puntahan ang paaralan kung saan sinasabi ng babae na may mga kabataan na sinasapian.
“Carlitos, mag madali ka sa bahay kunin mo sa aparador ko ang mga gamit ko. Nakalagay iyon sa itim na bag. Alam mo na iyon. Tapos sumunod ka sa akin sa paaralan.” Utos ng pari sa binata.
“Sige father, mauna na kayo. Bibilisan ko lang… susunod agad ako.”
Sumama na ang pari sa mga tao na pumunta sa paaralan. Bungad pa lang paaralan kumpulan na ang mga tao. Apat high-school na estudyante na pawang mga lalake ang inabutan ng pari na pinagtutulungang gapusin ng mga guro at magulang dahil sa nagwawala ang mga ito. Agad napansin ng pari ang pangingitim ng mga daliri sa kamay ng apat na mga kabataan. At nang suriin nito ang mga dibdib at tiyan ng mga estudyante napa atras ang pari. Bigla itong binalot ng kakaibang pagkabahala.
Sa bawat dibdib kasi ng mga estudyante meron itong marka na pamilyar sa pari. Iyon din ang mga marka na nakita sa mga naunang biktima ng mga kabataang pinatay na natagpuan sa bahagi ng Maynila.
Agad nagsagawa ng exorcism ang pari para sa apat na sinasapian. Ngunit sa kalagitnaan ng kanyang pagsasagawa ng dasal uminit ang crucifix na hawak nito. Sobrang init nito na animoy nag babaga. Naputol ang pagdarasal ni Rigor nang mabitawan nito ang crucifix. Nahulog iyon sa sementadong sahig at agad na basag. Nang tingnan ng pari ang palad nito nasunog iyon. Kasunod nun ang sabay-sabay na pagtawa ng apat na sinaniban. Iisa lang ang boses nila na animoy nagmumula sa kabilang mundo. Nakakatakot nakakangilong pakinggan.
“Hindi ka ba nagtataka father kung bakit hindi kami natatakot sa iyo?! Dahil iisa lang tayo! At hindi kayang matatakpan ng abito mo ang nakakasuklam mong kasalanan. Kaya huwag kang mag banal-banalan father! Magdasal ka man ng paulit-ulit hindi ka rin maririnig. Tandaan mo, hindi habangbuhay maitatago ka ng simbahan mo!” Pangungutya pa ng mga kabataan sa pari ng sabay-sabay.
“Hindi mo ako mala-lansi diyablo! Hindi mo kayang baliin ang pananampalataya ko sa Diyos! Ikaw ang walang puwang dito sa mundo! Bumalik ka na sa pinanggalingan mo! Lubayan mo na ang katawan ng mga batang iyan!!! Layas demonyo!!!” Sigaw ni Rigor habang binabas-basan ng holy water ang mga sinapian.
Nakakakilabot ang mga atungal at angil ng apat na estudyante habang natatamaan ng sagradong tubig. Hinigpitan pa ni Rigor ang paghawak sa Bibliya habang umuusal ng dasal. Sa bawat bigkas ng pari ng mga katagang pampaalis ng sapi lalo lang nagwawala ang mga estudyante. Kaya tulong-tulong na ang mga naroon para pigilan ang mga katawan ng apat na kabataan.
Ang ilang mga nakakasaksi sa pangyayari ay naisipang i-live ang ginagawa ng pari na pagpapalayas sa mga sumapi sa mga estudyante. At sa lawak nga ng sakop ng social media, agad iyon nakakuha ng pansin ng mga vlogger. Maging ang mga kilalang media networks hindi rin nagpahuli sa pag-cover ng istoryang iyon. At kabilang na nga sa nagkaroon ng interes si Mina at ang team nito sa kanyang programa sa tv.
“Are you sure na kaya mo Mina?” Tanong ni Glenda sa kaibigan.
“For our show kakayanin. Tsaka kung inaalala mo itong dinadala ko, don’t worry mas grabe pa ang ginawa ko before nung pinagbubuntis ko si Joshua. “Tugon ni Mina na tinawanan lang ang pag-aalala ni Glenda.
“I know, pero extra careful din…sabi nila mas masilan daw ang pagbubuntis lalo na sa age mo. Kaya huwag mo i-stress ang katawan mo. Let your team do their roles. Siya nga pala alam na ba ni Bryan na magkaka-humps Kana soon?”
“Hindi pa, I want to surprise him. But not this time medyo busy din kasi siya lately. Anyway we have to go now baka maunahan na naman tayo ng kabila.” Ani pa ni Mina sa kaibigan.
Dinagsa ang baryo ng San Gabriel dahil sa pangyayari. Matagumpay namang napaalis ni Rigor ang mga sumanib sa mga estudyante. Gayunpaman, dahil sa na capture na audio ng sumapi sa mga estudyante, naging matunog ang bulong-bulungan patungkol sa pari. Umani ng iba’t-ibang komento mula sa mga netizens ang pinost na video. Naging instant popular ang pari dahil sa nangyari. Ang kakatwa lang sa mga pangyayari, hindi ang ginawa ng pari ang kinagat ng mga tao kundi ang mga katagang binitiwan ng sumapi sa mga estudyante.
Hindi maikakailang magandang lalake si father Rigor. At ilang mga kababaihan na rin ng San Gabriel ang nahihikayat mag simba masilayan lang ang guwapo nitong mukha. Kaya sa pag-ingay ng kanyang pangalan naging matunog ang pangalan nito sa lahat ng platforms ng social media.
“What? Papunta ka ng San Gabriel?” Ang gulat na gulat na tanong ni Bryan nang tinawagan ito ni Mina para magpaalam sa kanya.
“Biglaan ito babe,kaya hindi ko agad nasabi. But don’t worry kasama ko naman ang team ko. Babalik din kami agad.” Tugon ni Mina.
“Babe you know that place is. Kuta iyan ng mga rebelde baka mapag-tripan ka pa o kayo. Besides ang layo ng lugar na iyan tsaka bundok na.” Pag-aalala pa ni Bryan.
“Relax babe, kasama ko ang best of my team hindi nila ako pababayaan. You know what, kung alam mo lang gaano ka trending ngayon ang lugar na iyon now, siguro pati ikaw magkukumahog din na pupunta dun. Mahilig ka pa naman sa mga paranormal thing.” Saad pa ni Mina.
“Ano ba kasi ang pupuntahan niyo roon at kahit alanganin nagbiyahe kayo?” Tanong ng lalake.
“Hindi ka kasi into social media kaya lagi kang late sa mga update. Babe hindi porket millenials tayo hindi na rin tayo makikipagsabayan sa mga trend ngayon. Malay mo may makukuha kang tulong sa social media na makapagbigay agad ng lead sa iyo sa mga kasong hawak mo.” Sabi pa ni Mina sa kasintahan.
“Alam mo naman kung how toxic ang social media. Mas marami pa ang fake information kaysa sa mga legit. Naniniwala parin ako sa kridibilidad ng natural na pamamaraan. Kaya hindi talaga ako masyadong kumakapit sa mga infos na nakikita online. Bukod sa minsan misleading kadalasan ngayon A.I. generated pa. At sobrang deceiving sometimes babe kasi mas mukha pa silang totoo kumpara sa reyalidad. Gets mo?” Komento ni Bryan.
“Gets naman din kita, pero babe digital era na tayo tsaka mostly nakahawak na sa mga gadgets at tutok na sa mga ganap online. Pati mga natives nga sa malalayo pang lupalop ng kabundukan ng Pilipinas may mga blue, pink,black, rainbow app na. Kaunting kibot May pa live, kaunting ganap ang daming instant vlogger agad. And that’s the very reason kung bakit pupunta kami today ng San Gabriel. Babe. I’ll send you the link.”
Matapos nga ang pag-uusap ng dalawa sa cellphone. Agad na binuksan ni Bryan ang link na pinasa sa kanya ni Mina. At nang makita ang laman ng link wala pang limang minuto agad itong nagpaalam at humingi ng permiso sa superior nito para puntahan ang San Gabriel. Nang malaman ni Helen ang balak ni Bryan pinaalalahanan nito na magingat ang lalake. Umuwi muna sa bahay nito si Bryan para kumuha ng ilang mga damit na dadalhin sa kanyang biyahe. Ngunit nang pababa na ito ng kanyang kotse natigalgal ito kanyang nakita. Napakaraming mga uwak ang naroon sa paligid ng kanyang bakuran. Iyong iba nasa sampayan nakadapo ang iba nasa bubong ng bahay at ang iba pa nasa mismong beranda nito. May mga naroon pa sa sanga ng mga puno sa paligid. Biglang kinabahan si Bryan, kinutuban na ito ng hindi maganda. Ilang beses na nitong napatunayan na kamalasan at kamatayan ang pahiwatig sa kanya ng mga ibon na iyon. Mabilis itong pumasok ng bahay at tinungo agad ang kuwarto. Kakapasok lang nito nun sa pinto ng silid nang marinig nito ang sipol ng takure sa kanyang kusina.
Mag-isa lang si Bryan sa kanyang bahay kaya laking gulat nito nang marinig ang pito ng takure. Marahan itong lumabas ng silid para silipin ang kusina. Papalapit na ito roon nang magulat ito.
“Ma?” Ang gulat na reaksyon ni Bryan ng makita ang mama nito na may ginagawa sa kusina.
“Dumating ka na pala Nak. Hindi kita narinig na dumating kasi nasa likod bahay ako galing nag tapon ng mga basura mo. Kailan ka ba huling natulog dito? Umuuwi ka pa ba rito? Grabe ang dugyot ng kuwarto mo, at ang gulo ng kusina mo ang daming kalat, daming basura. Mas malinis pa ang kulungan ng aso ko sa bahay mo.” Wika ng ina nang makita si Bryan.
“Ma, akala ko ba sabi ni tito masama ang pakiramdam mo? Bakit ka nandito? Sino ang kasama mo lumuwas ng Laguna, hinatid ka ba nila tito?” Ang tanong ni Bryan na puno ng pagtataka.
Ang alam ni Bryan may sakit ang ina nito at nasa Laguna. Ngunit sa nakikita nito sa ina tila walang bakas ng kahinaan at katandaan kung kumilos ito. Malakas at ganado. Ang makitang ganun ang estado ng ina ang pinakamasarap na na tagpo para kay Bryan na halos ilang buwan na ring hindi nakakapiling ang babae na umampon sa kanya at nagmahal sa kanya kahit hindi ito nanggaling sa mismong laman ng kinikilalang ina. Hindi na napigilan pa ni Bryan ang saya at emosyon at napaiyak na lang ito na niyakap ang ina.
“Uy ano ba matumba tayong dalawa. Tama na ang ka-dramahan na iyan at nag luto ako ng paborito mong kaldereta. Matagal mo na itong request diba? Eh kaso hindi ko na nagagawa sa iyo. Pero ngayon sinikap ko talaga na ipagluto ka. Upo na at maghahanda lang ako.”
“Tutulungan na kita ma,”
“Sige, ikaw na ang mag salin ng ulam aayusin ko lang ang lamesa.”
“Na miss ko ito ma, sorry kung hindi na kita nadalaw sa Laguna medyo busy kasi dito. Pero ngayong nandito ka na mukhang mapapadalas na ang uwi ko nito sa bahay. Lagi na lang kasi lutong labas ang kinakain ko.” Sambit ni Bryan habang pangiti-ngiti pang sinasalin ang ulam sa bowl.
Patuloy lang sa salita nito si Bryan nang mapansin nitong hindi na tumutugon sa kanya ang ina. Bigla na lang nilukuban ng katahimikan ang buong bahay. Nang lingunin ni Bryan ang ina wala na ito roon. Wala rin lamang plato ang lamesa na kanina lang rinig pa nito na inaayos ng ina. Saglit nito nilapag ang hawak na ulam sa lamesa at hinanap ang ina sa buong bahay. Ngunit wala ito. Lumabas ito ng bakuran at maging doon wala ang ina. Tanging ang mga kumpulan ng mga uwak lang ang naroon na tila tuwang-tuwa base sa mga huni nito. Niyakap ng kaba si Bryan kaya patakbo itong bumalik ng bahay. Muli nitong hinanap ang ina, ngunit wala talaga. Nang bumalik ito ng kusina, napansin nito ang bowl na nasa ibabaw ng lamesa. Alam niya may laman iyon kanina, ngunit nang tingnan na nito ngayon wala iyon kahit anong laman.
Napahawak na lang sa ulo nito si Bryan sa kakatwang nangyayari sa kanya. Hindi na nito mawari ang nararamdaman. Kinakabahan ito para sa kanyang ina. Nang tumunog ang cellphone nito.
“Bryan ang tito Marcelo mo ito ang mama mo sinugod na namin ng hospital. Mukhang hindi na kakayanin ng mama mo.” Bulalas ng kausap ni Bryan sa cellphone.
Tila binuhusan ng malamig na tubig si Bryan sa narinig. Hindi na ito nag aksaya pa ng sandali at pinaharurot ang kotse sa pagbabakasakaling maabutan pa ang ina.
STORMY DAY
“Kailangan ko muna puntahan si mama sa Laguna.” Tugon ni Bryan kay Helen nang tawagan siya nito.
“Are you Okay? Bakit ano nangyari sa mom mo?”
“I don’t know pero ang sama ng kutob ko. Tumawag ang kapatid niya at ang sabi baka hindi kakayanin ni mama. Pero bago iyan nakita ko pa si mama sa bahay, ewan ko kung ano iyon pero ang buong akala ko umuwi siya pero saglit lang at nawala na.” Kuwento pa ni Bryan.
“Oh sige, tumawag lang ako kasi akala ko papunta ka na ng San Gabriel. Ingat na lang sa biyahe, malakas ang ulan. Magusap na lang tayo kapag nakabalik ka na rito.”
Lutang ang isip ni Bryan habang binabagtas ang kahabaan ng highway palabas ng Maynila. Nag-alala ito kay Mina ngunit kailangan din siya ng ina. Papalakas pa noon ang ulan at halos hindi na kita ang daan kahit maaga pa. Maluwag naman ang highway. Nang bigla na lang napa preno si Bryan dahil sa pag tama ng malakas na kidlat sa kalsada. Kitang kita ni Bryan ang pagguhit nun na halos nasa harapan niya lang. Nang tila maayos na ulit, muli itong nagpatuloy.
Sina Mina naman inabutan na rin ng malakas na ulan sa daan. Tanaw na nila ang tulay papuntang San Gabriel nang tumirik ang kanilang sasakyan.
“Ngayon pa talaga, my goodness Peter hindi mo ba na check ang van kanina?” Tanong ni Mina.
“Maayos kaya ito tsaka naka-full tank tayo. Iwan ko nga kung bakit nagloko ang van na ito. Ang lakas pa naman ng ulan sa labas.” Tugon ng driver.
“Tim, Sari dalhin niyo na mga bag ko lalakarin na lang natin ang San Gabriel. Ayokong abutan pa tayo ng dilim dito sa loob ng van.” Wika ni Mina.
“Sure kayo madam Mina? Ang layo-layo pa ng San Gabriel. Oo nakikita natin ang tulay pero tingnan mo naman kung gaano kahaba iyan. Tapos paakyat pa ang daan papuntang baryo. “ Pag-aalangan ni Tim.
“Kung ayaw niyo ako na ang bababa. Kung wala kayong gagawin para paganahin ang van, lalakarin ko na lang. Look kung nasaan tayo. Nasa gitna tayo ng kawalan. Walang kabahay-bahay sa paligid. Paano kung pagtripan pa tayo. Di bale nang mabasa ako ng ulan at mapagod sa kakalagad atleast alam ko na may makikita tayong bahay sa dulo nitong tulay.” Saad pa ni Mina.
“May punto si miss Mina, mukhang palyado din kasi itong van , hindi ko naman magagawa sa lakas ng ulan. Mabuti pa secure na lang nating mabuti ang gamit na hindi masyadong mabasa. Babalikan na lang natin ang van bukas. Di kaya hihingi tayo ng tulong sa baryo.” Pagsang-ayon ni Peter.
Napakamot na lang ng ulo ang mga kasamahan ni Mina, wala na rin silang nagawa kundi ang sumang-ayon na lang din. Nilisan nila ang van nilakad ang kahabaan ng tulay ng San Gabriel bitbit ang kanilang mga gamit.
Samantala sa bahay ni Father Rigor.
“Ako na ang maghuhubad ng damit niyo father.” Wika ni Carlitos habang hinuhubaran ng basang damit ang pari.
“Naisara mo na ba ang lahat ng mga bintana at pinto?, baka pasukin ng ulan ang bahay.” Ani ni Rigor.
“Tapos na father, nakakandado na ang lahat. Upo ka father, pantalon mo naman ang tatanggalin ko.” Sagot ni Carlitos.
“May naghanap ba sa akin dito kanina?” Tanong ng pari.
“Si Ben father, hinahanap si Saling.”
“Ano ang sabi mo?”
“Hindi ko alam, gaya ng sabi niyo.”
“Magaling. Kumuha ka ng bimpo at maligamgam na tubig sa palanggana. Punasan mo ang katawan ko.”
“Sige father saglit lang at kukuha ako.”
Nang makaalis si Carlitos, tumayo mula sa kama nito si Father Rigor at nilapitan ang malaking salamin na nakaharap sa kama. Tumapat siya roon at maiging pinagmamasdan ang bawat anggulo ng hubad niyang katawan. Unti-unti nitong inaangat ang mga kamay at idinapo iyon sa kanyang mga dibdib. At marahang hinagod ang parteng iyon pababa sa kanyang pusod at puson. Nang mapatingin sa nakalawit sa pagitan ng kanyang mga hita,bigla itong napapikit at iniwas doon ang kanyang mga palad. Itinago nito ang mga kamay sa kanyang likod.
Sa pagbalik ni Carlitos dala na nito ang palanggana na may tubig. Napansin nito si Father Rigor kaya inilapag muna nito ang dala tsaka lumapit sa pari.
“Naninigas ka na naman Father, nais mo bang pakalmahin ko iyan para sa iyo?” Bulong ni Carlitos sa pari mula sa likuran nito.
“Si-sige gawin mo…kung maaari pakiusap.” Hiling ng pari sa mahinahong boses habang nakapikit ito.
Humarap si Carlitos sa pari at lumuhod ito na animoy nagkukumpisal. Hinawakan nito ang noo’y naghuhumindik sa katigasang laman ng pari. Sobrang lambot nun ngunit lumalaban ang tigas nito na animo’y may buto. Gumagalaw-galaw pa na parang sinasapian ng espirito. Tinitigan iyon ni Carlitos ng may pang-aamo tsaka marahang dinilaan ang nangingintab nitong ulo. Kinakalkula ng binata ang sukat niyang iyon kung iyon ba ay kasya sa kanyang bibig. Bagama’t batid ang kalakihan nun buong pagtanggap na isinubo iyon ni Carlitos. Sa unti-unting pagsayad ng mainit nitong hininga sa kabuohan ng pag-aari ng pari di maipintang kiliti at kainaman sa pakiramdam ang dulot nun kay Rigor.
“Sige lang Carlitos, huwag mong tigilan…matatalo mo na ang espirito na nananahan sa laman ko. Higupin mo pa ng todo….ooohhh! Sipsipin mo lang ng husto. Malapit mo na siyang matalo…ooohhh… aaaaughhhh.” Mga sambit pa ng pari habang pinapakalma ito ng binata.
Sa tindi nang lumulukob na sarap sa katawan ng pari napakapit na ito sa ulo at buhok ni Carlitos. Habang ang isa lalo lang pinagbubutihan ang ginagawa. Sinubsob pa lalo ng pari ang mukha ni Carlitos sa pagitan nito habang pawisang kinakayod ng marahas ang bibig ng sakristan. At ilang pag hugot at pag-baon pa naramdaman na ng pari ang napipintong kasukdulan kaya sa isang pag tulak pa,pinatakas na nito ang naghuhumiyaw na init sa kanyang katawan. Napuno ng malapot at masaganang katas ng tao ang bibig ni Carlitos. Nilunok lahat iyon ng sakristan na para bang pabuya sa kanyang ginagawa. Walang sinayang na kahit gapatak na butil si Carlitos, sina-id nito lahat ng mga iyon sa kanyang lalamunan.
“Linisin mo na ako, at kailangan ko na magpahinga.” Utos ng pari.
“Sana naibsan ko ang nararamdaman mong hirap father. Mahiga ka na sa iyong kama. Ako na ang maalam sa pagpunas sa iyo.” Nakangiting tugon ni Carlitos, tsaka ito tumayo sabay kuha ng palangganang nilapag nito sa sahig.
Pinunasan ni Carlitos ng marahan ang bawat bahagi ng katawan ng pari mula ulo, sa buong mukha nito hanggang sa pinakadulo ng mga daliri sa mga paa ng pari gamit ang binasang bimpo. Sinisiguro ni Carlitos na malinis ang lahat ng iyon bago bihisan ng malinis na damit ang pari tsaka niya ito iiwanan sa silid.
“Magpahinga ka na Father.” Bulong pa ng binata tsaka dinampian ng halik sa labi ang pari bago nito nilisan ang silid.
Walang tigil parin ang buhos ng malakas na ulan. Ngunit hindi iyon ininda ni Bryan maabutan lang ang ina. Halos papadilim na rin nang makarating ito sa bahay ng tiyuhin nitong si Marcelo. Sa bakuran pa lang sinalubong na ng asawa ni Marcelo si Bryan ng payong.
“Si mama tita?”
“Nasa silid niya, at mukhang ikaw talaga ang hinihintay ng mama mo. Magmadali ka naroon din ang mga tito mo at tita.”
Halos liparin na ni Bryan ang baitang ng hagdan makarating lang agad sa silid ng ina. Sa pintuan palang ramdam na ni Bryan ang bigat sa puso at nang makita ang nakahigang ina sa kama , hindi na nito napigil pa ang pagbuhos ng kanyang luha. Lalo na nang tinawag ng ina ang pangalan nito. Lumapit ito sa naghihingalong ina tsaka niyakap ito ngunit ang kanyang hagulgol ay unti-unting umurong nang maramdaman nitong pahigpit ng pahigpit ang pagkakayapos ng kanyang ina sa kanya.
“Ma teka lang ma, hindi ako makahinga.” Sambit ni Bryan habang kumakawala sa mahigpit na pagkakayakap ng ina.
Nang walang ano-ano bigla na lang dumagundong ang nakakakilabot na boses na pinakawalan ng ina.
“Nagpunla ka ng diyablo sa mundong ito! Kung alam ko lang na ikaw ang tagahatid ng dilubyo sa lahat hindi na kita niligtas sa kamatayan mo noong sanggol ka pa!!!” Bulalas pa ng ina nito.
Kitang-kita ni Bryan ang nakakatakot na pagbabago sa mukha ng kanyang ina. Nagpurong itim ang mga mata nito, nagkulay putik ang balat na tila inaagnas. Pilit pa na nagpupumiglas si Bryan hanggang sa nakawala na ito sa ina. Bumagsak sa sahig si Bryan dahilan para magsipasukan muli ang mga tiyuhin nito. Inabutan nilang tulala si Bryan at nakasalampak na sa sahig. Wala na ring buhay ang ina nito. Muling pinagmasdan ni Bryan ang mukha ng ina, maayos na ulit iyon. Palaisipan sa kanya kung ano ang ibig sabihin nang karanasan na iyon.
Naidala na sa punerarya ang ina nito ngunit tulala parin si Bryan hindi dahil sa iniwan na ito ng ina, kundi sa mga binitawan ng ina bago ito lagutan ng hininga.
“Wala na kaming balak na patagalin pa ang burol ni ate. Balak na namin ilibing siya hanggang sa matapos ang ikatlong araw. Ayos lang ba sa iyo?”
“Kung iyon ang pasya ng lahat sang-ayon ako tito, kailangan ko rin bumalik agad sa trabaho.”
“Kung gayun dumito ka muna hangga’t hindi pa naililibing ang mama mo. Dun ka na matulog sa kuwarto ko. Magpahinga ka muna. Tatawagin na lang kita kapag handa na ang hapunan.”
“Salamat tito.”
Pumasok ng silid si Bryan nang iwan na ito ng tiyuhin. Agad itong napahiga sa kama. Natingin sa kisame habang paulit ulit sa isip nito ang narinig sa ina. Simula pa lang hindi na nilihim ni Malena ang katotohanan sa buhay ni Bryan na ampon lamang ito.
Dating kasapi ng mga rebelde ang kinalakhang ina ni Bryan. Nasa trenta na nun si Malena ng mga panahon na iyon nang muli na naman itong nabigo sa pang-apat nilang anak ni Samuel. Malapit na ang kabuwanan noon ni Malena nang makunan na naman ito.
“Mailap talaga sa iyo ang maging ina Malena, pang apat na ito. At napakaselan na tsaka delikado na sa iyo kung may kasunod pa.” Wika ng kumadrona kay Malena.
“Wala na tayong magagawa kung hindi talaga ako kayang pagbigyan ng anak ng diyos. Nang Bering.” Ang malungkot na tugon ni Malena.
“Huwag ka panghinaan ng loob, maraming himala ang bukas malay mo. Malugod sa iyo ang diyos at pagbibigyan ka. At kung mangyari iyon ingatan mo na, huwag ka na mag aakyat-akyat ng bundok.” Saad pa ng komadrona.
Dinibdib ni Malena ang pagkasawi ng sanggol sa sinapupunan nito. Bilang babae at may bahay pangarap din nito na mabigyan ng buong pamilya ang asawa. Bagay na naiintindihan naman ni Samuel.
“Alam ng diyos ang hirap ng kalagayan natin dito sa taas ng bundok kaya siguro ganun ang pasya niya para sa atin. Huwag kang magalala mahal, kahit wala tayong anak hinding-hindi magbabago ang lahat sa pagitan natin.” Ani pa ni Samuel.
“Ipagkaloob niya lang sa akin ang anak na hinihiling ko, tatalikuran ko talaga ang mga gawain natin dito.” Sabat ni Malena.
“Iiwan mo ang kapatiran?”
“Kung iyon ang kapalit ng anak na hiling ko, handa akong iwan ang buhay dito.”
Hindi na tumugon pa si Samuel at niyakap na lang ang asawa. Isang araw habang naglalaba ng mga damit si Malena sa ilog kasama ang ilan pang mga kababaihang rebelde. Nakarinig ito ng mahinang iyak ng sanggol sa di kalayuan. Sa una, inakala nitong guni-guni niya lang ang naririnig hanggang sa nagtuloy-tuloy na ang iyak ng sanggol. Agad nitong iniwan ang mga labahin at hinanap ang pinagmulan ng iyak.
At sa malapit na kabatuhan isang bag na itim ang napansin nito. At nang kanyang sipatin ang laman tumambad kay Malena ang isang sanggol na halos kapapanganak lang dahil sa bakas pa sa balat ng sanggol ang mga nanunuyong dugo. Nilalanggam na rin nun ang sanggol kaya dali-dali nitong nilabas ito sa loob ng bag at hinugasan sa ilog. Nilinis nito ang katawan ng sanggol. Gamit ang malong na suot iyon ang ipinangbalot nito sa katawan ng nanginginig na sanggol.
Mabilis na nilisan ni Malena ang ilog at dinala sa kubo nila ni Samuel ang sanggol. Nakalimutan na nito ang mga naiwang labahan sa ilog dahil sa galak sa nakitang sanggol.
“Bryan, iyan ang pangalan mo.” Wika ni Malena habang hawak sa braso nito ang sanggol.
Ngunit ang kaligayahang dulot ng sanggol kay Malena ay kabaligtaran ang reaksyon para kay Samuel. Lalo na nang mapansin ng lalake na tila nasa sanggol na lang ang lahat ng oras ni Malena. Madalas naging dahilan pa iyong di nila pagkakaunawaan.
“Hindi ko anak iyan at huwag mo ipamukha sa akin na hindi ako naging mabuting kabiyak sa iyo. Dahil sa napulot mo, ikaw itong nawalan na ng oras sa akin. Kaya hindi mo ako masisi kung hahanapin ko sa iba ang hindi mo na kayang ibigay sa akin!” Bulyaw ni Samuel sa asawa.
“Ano pa ang gusto mo Samuel, eto na may anak na tayo. Buo na ang pamilya natin.” Ani ni Malena.
“Anak? Kahit gapatak na dugo natin hindi taglay ng bata na iyan. Malena, hindi ko hinangad ang perpektong pamilya ang makasama ka lang sapat na sa akin. Payag naman ako sa pag-ampon mo diyan ,pero ang makalimutan mong May asawa ka rin ay kalabisan na iyon. Ngayon kung pinapahalagahan mo pa rin ang pagiging mag-asawa natin…mamili ka ang sanggol na iyan o ako?!”
At walang pagdadalawang isip na pinili ni Malena ang sanggol. Dahil dun lalo lang lumalim ang lamat sa relasyon nilang mag asawa. Balewala naman iyon sa babae dahil para kay Malena buo na ang kanyang pagiging ina dahil sa pagdating ni Bryan sa buhay niya. Isang araw habang pababa ng kabundukan sina Samuel kasama ang apat pa sa mga kasamahan nito nang makasalubong nila ang grupo ng mga militar na sinusuyod din ang gubat. Nagpang-abot ang dalawang grupo malapit sa ilog. Nagkapalitan ng putok ang dalawang panig at nasukol sa labanan ang grupo nila Samuel. Naubos sila at walang nakaligtas. Nang makarating ang kaganapan sa kuta nila kanya-kanyang pulasan ang iba kabilang na si Malena na piniling lumihis ng daan sa kanilang pagtakas.
Bumaba ng San Gabriel si Malena kasama ang sanggol. Sumakay ito ng bus palayo doon sa lugar. Ngunit sa kalagitnaan ng biyahe sinalubong ang sinasakyan nitong bus ng napakaraming uwak na hindi malaman kung saan nag mula. Dahil sa pagkabigla, naparing ng driver ang bus sa direksyon ng bangin hanggang sa tuloy-tuloy itong bumulusok pababa sa mga kabatuhan sa baba. Maraming nasawi sa aksidenteng iyon maliban kay Malena at sa sanggol na yakap nito. Tumilapon palabas ng bus ang ibang mga sakay doon ngunit himalang galos sa noo lang ang tinamong pinsala ni Malena at ang sanggol hindi man lang nasaktan. Sa sitwasyon kasi ng bus imposible nang may mabuhay pa sa trahedyang iyon.
Simula noon itinuring ng malaking himala ni Malena si Bryan, dinala niya ito mismong lugar nito sa Laguna. Doon pinalaki at pinag-aral nito ang ampon hanggang sa nagbinata. Nang malaman ni Bryan ang kuwento nito sa ina. Nang tumuntong ito ng dese nuwebe binalikan nito ang lugar kung saan siya natagpuan ng kinalakhang ina, sa pagbabakasakaling makahanap ito ng sagot sa kanyang katanungan kung bakit siya iniwan ng sariling ina sa ganung sitwasyon at kung sino nga ba ang tunay nitong mga magulang. Ngunit wala itong nakitang sagot. Walang nakakaalam doon sa kanyang nakaraan.
At sa tagal na nga ng panahon na kinalimutan na nito ang kanyang pinagmulan, muli na naman itong ginambala dahil sa sinabi ng ina bago ito nawalan ng hininga. Papapikit na sana si Bryan nang mata nang napabalikwas ito sa kanyang higaan dahil sa mga mahihinang katok mula sa labas ng salamin ng bintana. At nang tingnan niya ito… naroon na naman ang mga uwak na tila aligaga at gustong pumasok sa kanyang silid. Salitang tinutuka ng mga uwak ang salamin ng bintana. Muli na naman kinutuban ng hindi maganda si Bryan. Agad itong bumangon at lumabas ng silid. Hinanap nito ang tiyuhing si Marcelo at ang tiya nito ngunit wala ito roon at nang pinuntahan nito ang kusina natigalgal ito sa tagpong nadatnan nito. Bulagta ang tiyahin nito at tiyuhin sa kusina. Wala ng buhay at naliligo ng mga sarili nitong dugo. Naka baon pa sa likod ng tiyuhin nito ang kutsilyo na ginamit sa pagpatay sa kanya. Napansin din ni Bryan na nakabukas ang likurang pintuan na naroon sa kusina.
Rinig pa nito ang yabag ng mga taong May gawa nun kaya agad ito sinundan ni Bryan. Ngunit hindi na sila inabutan ni Bryan nang lumabas ito. Tina pinagsakluban ng langit at lupa si Bryan ng mga sandaling iyon kakamatay lang ng ina nito, tapos ngayon ang tiyuhin naman at tiya niya.
“Sarge, kinalulungkot ko ang nangyari sa pamilya niyo. Nag conduct na ng manhunt para sa mga may gawa nito sa tiyuhin mo at tiya. May mga person of interest narin kaming tinitingnan. We assure na within this week may update na.”
“Maraming salamat major. Balitaan niyo na lang ako sakali man.”
Hindi na alam ni Bryan kung saan nito ibaling ang katawan at isip dahil sa sunod-sunod na kamalasan na bumuhos sa kanya ng araw na iyon.
Samantala, nadaanan naman ng kapitan ng baryo sina Mina kaya pinasakay na niya ito sa kanyang sasakyan at doon na rin pinatuloy sa kanyang munting bahay.
“Pagpasensyahan niyo na ang bahay ko Ma’am Mina. Medyo maliit lang ito at gawa lang sa kawayan.”
“Naku ayos lang kapitan. Kami nga itong nahihiya sa inyo kasi inabala ko pa kayo. Salamat talaga.” Tugon ni Mina.
“Walang ano man, isang malaking karangalan ang maging panauhin ng munti kong bahay ang isang Mina Sanchez. Idol ka po namin dito sa baryo. Naku pag nalaman ng mga kabaryo ko na nandito ka matutuwa ang mga iyon.”
“Kapitan, malayo ba dito ang simbahan ng San Gabriel?” Tanong pa ni Mina.
“Hindi naman masyado, kaya namang lakadin pero pag ganitong maulan. Maputik ang daan papunta roon. Hayaan niyo at ipapahatid ko kayo bukas sa anak ko. Sa simbahan ba ang pakay niyo?” Ani ni kapitan Dantoy.
“Kay father Rigor Tejiras sana.”
“Ganun ba, dahil ba sa nangyari dito noong nakaraang araw? “ Tanong pa ng kapitan.
“Tungkol sa nangyaring pagsanib sa mga estudyante kapitan.” Sagot ni Mina.
“Iyon ba? Naku kung alam niyo lang na dahil dun hanggang ngayon balot parin ng takot ang mga tao dito. Pano ba kasi nangyari iyon ilang araw lang matapos mamatayan kami rito lahat ng mga alagang hayop. Marami na tuloy ang naniniwalang isinumpa ang baryong ito. Ako man tila kinikilabutan na sa mga nagyayari. Lalo pa at isa sa mga sinapiang estudyante ay apo ko.” Kuwento pa ng kapitan.
Habang nakikisalo sina Mina sa hinandang hapunan ng kapitan sa lahat naikuwento ng kapitan ang mga bulong-bulungan na kuwento dati sa baryo na iyon. Kuwento na nakakuha ng interes ni Mina.
JUST ONE NIGHT
Nang malaman ang sitwasyon at nangyari sa kaibigan at kasamahang si Bryan kahit sa alanganing oras pinuntahan ito ni Helen para damayan.
“May pinuntahan ako sa San Pedro at nang malaman ko ang nangyari sa iyo naisip agad kitang puntahan. So ano na ang plano mo?.” Tanong ni Helen kay Bryan na gulong-gulo parin ang isip.
“Aayusin ko lang dito saglit, tsaka sila na ang bahala rito. Kakatawag lang sa akin ng police in-charge sa kaso nila tito at alam na nila ang kinaroroonan ng mga suspect na mga katiwala rin pala nila tito sa bigasan.” Ani ni Bryan.
“Kamusta na nga pala si Mina, nakarating ba sila ng ligtas sa San Gabriel? Rinig ko kanina sa balita umapaw na daw ang ilog sa tulay papuntang San Gabriel dahil sa malakas na ulan.” Wika ni Helen.
“Kanina ko pa nga tinatawagan pero out of coverage area ang cellphone niya. Kapag maayos na rito bukas, sa susunod na araw kapag hindi pa makakabalik sila Mina, baka sumunod na ako dun. May pakay din kasi ako sa San Gabriel.”
“Tungkol ba ito sa hinahawakan mong kaso?”
“Medyo personal, at tsaka titingnan ko rin kung ano ang mahahanap ko roon na maikokonekta ko sa kaso. Ayon kasi sa ina ni Felix bago raw mangyari ang pagbabago sa anak nila, si Felix kasama na iyong tatlong bangkay na nauna, ay nagkaroon ng trip sa kabundukan ng San Gabriel.” Tugon ni Bryan.
“Sana makahanap na agad tayo ng linaw tungkol sa kaso. Hindi ito basta-basta lang. Nararamdaman ko may mas malaking ugat ito. At iyon ang kailangan na mahanap natin.”
“Hindi ba ulit nagpaparamdam sa iyo iyong si Julian?” Tanong ni Bryan.
“Hindi na pero kanina habang papunta ako rito, I saw a very weird thing. Na first time ko lang na experience. Na noticed ko kanina , ang daming uwak akong nakita na lumilipad-lipad sa daan kanina. At kahit sa mga kawad ng mga kuryente ang dami. Even nung malapit na ako dito sa inyo, nakikita ko parin sila. Ang creepy sa pakiramdam pero sabi ko baka mating season lang nila kaya napakarami nila.” Kuwento ni Helen.
“Naniniwala ka ba sa sabi-sabi na ang mga uwak daw ay tagahatid ng masamang pangitain, like kamatayan, disgrasya parang bad omen? Kasi this past few days napapadalas ko na silang nakikita na umaaligid sa akin. At everytime na nandiyan sila, may nangyayaring masama. Iyong araw na naaksidente sina Nico at ang mother niya iyon ang unang beses na lumitaw sa harapan ko ang mga uwak. Tapos iyong nangyaring trahedya kay Julian nang masunog ang bahay niya, nagpakita rin sa akin ang mga uwak. Nang mangyari ang lahat kay Felix may mga uwak din dun, Ang nangyaring aksidente na kamuntikan na akong madamay, ang nangyari sa kaibigan kong doktor, ang pagkamatay ni mama tsaka ang nangyari nitong huli kina tito, nandoon ang mga uwak na iyon. Tila naging babala sila sa akin sa mga magaganap na kamatayan o trahedya.” Naikuwento pa ni Bryan kay Helen.
“Bata pa lang ako minulat na ako ng mga magulang ko sa mga pamahiin at mga kuwentong probinsya. At sa mga nababasa ko sa mga libro, maging sa internet may mga pagkakataon na ganun. Madalas inuugnay ang mga uwak sa kamalasan at kamatayan. Actually lahat ng mga hayop na kulay itim ina-associate ng karamihan sa mga ganyan. Pero wala namang scientific bases sa ganun. Baka nagkataon lang. Pero personally hindi ako naniniwala sa ganun though bukas naman ang isip ko sa mga paranormal something.” Saad ni Helen.
“Sana nga lang nagkataon lang, dahil kinikilabutan na talaga ako sa mga nangyayari.”
“Dahil iyan siguro sa pag-cater mo sa kaso. Binuo mo agad kasi ang teyoriya sa isip mo na kakaiba ito kaya na absorb agad ng katawan mo ang negative vibe sa paligid mo. At kung ano-anong kababalaghan na ang nararamdaman mo. Kung malaman ito ng iba nating mga kasama tiyak pagtatawanan ka pa ng mga iyon.” Ani ni Helen.
“Kaya nga ikaw ang isinama ko sa kasong ito dahil alam ko naiintindihan mo ako at naniniwala ka sa mga instinct ko.” Sabi pa ni Bryan.
“Matagal na tayong mag partner sa ganitong klaseng mga kaso kaya asahan mo lagi ang suporta ko.”
Habang malalim na nag uusap ang dalawa, isang flash report sa tv ang agad umagaw sa atensiyon ni Bryan. Ayon sa naturang balita, isang estudyante ang natagpuang wala ng buhay sa isang tulay sa Bicol. At katulad sa mga nauna, hubo’t hubad din ito na may mga sugat sa katawan at simbolo sa katawan. Watak ang dibdib at nawawala ang puso. Nawawala rin ang mga mata at dila nito. Nasundan pa ang balita ng isa pa sa Marikina. Ang biktima nakabitin namang na nakapatiwarik sa isang billboard.
Halos mapaangat sa upuan ang puwet ng dalawa nang makita sa tv ang balita. Muling sumagi sa isip ni Bryan ang sinabi ni Julius sa kanya.
“Labing tatlo ang kukunin niya, anim na sa kanila ang nauna pito pa ang susunod. Helen kailangan na natin maunahan ang mangyayari. Sa lalong madaling panahon kailangan mahanap na natin ang pito sa kanila. Bago pa mangyari sa kanila ang nangyari sa iba. Uunahan na natin siya.” May pag-aalalang sabi ni Bryan.
“Kanino?”
“Sa demonyong tinutukoy nila Nico at Felix sa akin.”
Kasalukuyan namang nagsasagawa ng interview si Mina sa apo ng kapitan na isa sa mga binatang sinapian nun nang bigla na lang nagka-brownout. Sa sobrang dilim ng paligid halos nagkakapaan na ang lahat na naroon ang kakatwa pa sa nangyayari ay wala man lang ni isa sa kanilang mga cellphone ang gumana mailawan man lang ang paligid.
“Ano ba ito bakit hindi ko mabuksan ang cellphone ko. Full charge naman ito.” Ani ni Mina.
“Ganun din ang sa amin miss Mina ayaw gumana.” Sabat ni Tim.
“Naku huwag naman sana ma delete ang interview natin. Pag nangyari uulit na naman tayo.” Ani pa ni Sari.
“Sandali lang ma’am Mina at bababa lang ako, titingnan ko kung may krudo pa para sa generator. Pagpasensyahan niyo na ganito talaga rito, madalas nagkaka-brownout lalo pa ngayong may bagyo.” Saad pa ng kapitan na pakapang-kapa na binabaybay ang sahig papuntang hagdan.
Maging ang pen light ni Mina ay hindi rin gumagana ng mga sandaling iyon. Na tila ba lahat ng puwedeng mapagkunan ng ilaw ayaw gumana nun. Para makaiwas sa disgrasya nanatili na lang sina Mina sa puwesto nila habang hinihintay ang kapitan. Ngunit sa pagdaan ng mga minuto ng katahimikan, May napansin si Mina. Hindi na nito nararamdaman sa harapan niya si Tomas ang apo ng kapitan. Kinapa na niya ito at tinawag ngunit hindi iyon sumasagot sa kanya, maging ang mga kasamahan nito doon kinakapa-kapa na ang binata at tinatawag ang lalake ngunit tila talagang wala na ito sa tabi nila.
“Baka bumaba rin at sumunod sa lolo niya na hindi lang natin namalayan. Sobrang dilim naman kasi. Maging sa labas halos wala kang makitang liwanag.” Ani pa ni Sari.
“Ganito talaga siguro sila dito tuwing brownout. Hintayin na lang natin si kapitan. Ano ba kasi nangyari sa mga cellphone natin at bigla na lang nagloko.” Sabat ni Mina.
Saglit pa lumiwanag na ang buong bahay ng kapitan. Gumana na rin ang mga cellphone nila Mina. At dahil sa si kapitan lang ang may generator doon, bahay lang nito ang may ilaw. Umakyat ang kapitan para usisain sina Mina dahil sa narinig nitong tinatawag ng mga iyon ang kanyang apo.
“Imposibleng sumunod iyon sa akin, sarado ang lahat ng pintuan sa baba. At kung lumabas man iyon di sana napansin iyon ng kanyang ama at nang driver niyo na kanina pa nandoon sa sala.” Ani ni kapitan Dantoy.
“Kung gayon saan iyon nagpunta?” Tanong ni Mina na may pag-aalala.
“Diyos ko wala sanang masamang mangyari sa batang iyon. Saglit at hihingi ako ng tulong sa ama niya. Ma’am Mina ang mabuti pa pumasok na kayo sa inyong silid at magsara kayo ng pinto. Tsaka huwag na huwag niyo iiwan ang isa’t isa.” Saad pa ng kapitan.
“Bakit kapitan? Anong meron?” May pagkabahala at takot sa tanong na iyon ni Mina.
“Ah basta, sundin niyo na lang. Mahirap ipaliwanag. Hahanapin muna namin si Tomas. Ang bilin ko huwag na huwag kayong lalabas at maghihiwalay.”
Magkahalong kaba,takot at pag-aalala ang nararamdaman nun ni Mina. Sinunod nito ang kapitan at nanatili sa silid na nilaan sa kanila nito. Nagsimula namang maghanap sina kapitan kasama si Peter na driver nila Mina sa nawawalang si Tomas. Sa gitna ng madilim na paligid sa lilim ng malakas na ulan sinuyod nila kapitan ang paligid at kalapit na kabahayan sa paghahanap sa apo. Sa daan nasalubong naman ng grupo nila ang apat na katao na may mga bitbit na malalaking flashlight na tila may hinahanap rin.
“Magandang gabi Kap Dantoy, pareng Tilyo.” Pagbati ng isang lalake sa kapitan.
“Muning kayo pala, magandang gabi rin. Ano ang ginagawa niyo sa kalakasan ng ulan?” Tanong ng kapitan nang makilala ang mga nakasalubong.
“Iyong anak kasi nitong si Arkadyo bigla na lang nawala kasunod ng brownout kanina. Nakapagtataka lang din kasi, sarado ang silid ng kanyang anak maging ang binta nang mawala ito. “ Kuwento ni Muning.
“Pareng Arkadyo diba isa rin iyong anak mo sa sinapian?” Tanong ni Tilyo sa isa.
“Iyon nga pare ang kinababahala ko. Dahil kanina habang kumakain kami bigla na lang nabalot ng takot ang mukha ni Nilo tapos ang sabi babalikan daw siya para kunin. Tapos ito na nga ang nangyari. Huwag mong sabihin na pati si…”
“Oo pare, nawawala rin si Tomas. Heto nga at sinusuyod na namin ni tatay ang kasuluk-sulukan malapit sa amin.” Tugon ni Tilyo.
Sa di kalayuan may naririnig silang mga sigaw na sumisingit sa ingay ng malakas na ulan. Kasunod nun ang mga ilaw na natatanaw nila sa malayo sa direksyon papuntang ilog. Nagpasya sina kapitan at ang iba pa na puntahan ang may dala ng mga ilaw na iyon. Doon na nalaman nila na katulad lang din sila na hinahanap ang anak nilang nawawala. Sa pagkakataon na iyon bumugso na ang kaba at pagkabahala ng lahat.
Patuloy namang binubulabog ng mga pangyayari si Bryan. Balisa ito at inaalala din si Mina bukod sa hinahawakang kaso.
“Magpahinga ka na muna, mahaba pa ang gabi. Ako na muna dito tsaka dumating na rin naman iyong mga pinsan mo at kaanak ng mama mo. Umidlip ka muna kahit saglit.” Paglapit ni Helen kay Bryan bitbit ang mug ng mainit na kape.
“Ewan ko pero parang kinakabahan ako na hindi ko maintidihan. Nag-aalala ako tsaka ang bilis ng kalabog ng dibdib ko. Pakiwari ko may nangyayari na hindi ko alam. Hindi maintindihan pero tila ba may bumubulong sa akin na may nangyayaring masama.” Sabat ni Bryan.
“Baka pagod ka lang, tsaka loaded ka ngayong araw na ito, sino ba ang hindi aatakihin ng stress anxiety niyan. Stress ka na nga sa trabaho mo, namatayan ka pa ng ina tapos ng tiyuhin at tiyahin. Sige na, ako na dito magpahinga ka na.” Ani ni Helen.
Napabuntong hininga na lang si Bryan sa nangyayari sa sarili. Lumabas saglit ng chapel si Bryan para mag manigarilyo. Agad nitong hinanap sa labas ang mga kaanak ng ina na sabi ni Helen dumating na, ngunit wala naman itong nakitang naroon sa labas ng memorial chapel. Maging ang mga katabi na chapel sarado at walang katao-tao. Nakakabingi ang katahimikan ng pasilyo. At kahit maliwanag doon nakakakilabot parin ang katahimikan sa loob. Sa pag-aakalang nasa labas pa ang mga hinahanap, tinungo na ni Bryan ang pinakalabas ng chapel. Malakas parin ang hangin at ulan. At pagsilip pa nito sa labas wala ng ibang kotse ang nandoon bukod sa kotse nito at kotse ni Helen.
Muling kinalampag ng kaba ang dibdib ni Bryan ng walang ano-ano isang uwak ang papasugod sa kanya ngunit laking pagtataka nito nang bigla na lang nahulog sa sahig ang ibon at patay na. Nagmamadaling bumalik ng chapel si Bryan ngunit sarado na ang lahat ng chapel na naroon kabilang na ang chapel kung saan nandoon ang kanyang ina at ang tiyuhin nito at asawa. Pilit iyon binubuksan ni Bryan ngunit naka lock na iyon. Taranta at nagaalala itong tinatawag si Helen na naiwan sa loob, ngunit walang tugon ito sa kanya. Kasunod nun bigla na lang nagpatay-sindi ang mga ilaw sa loob, hanggang sa tuluyan na itong namatay lahat.
Dasal na lang ang kinapitan nun ni Bryan, ipinikit nito ang mga mata habang umuusal ng panalangin habang nakahawak sa door knob ng chapel. Nang biglang may tumapik sa balikat nito. Napabalikwas ng lingon si Bryan nang marinig ang boses ni Helen.
“Akala ko ba magpapahinga ka, bakit nakatayo ka pa rin dito? Nasa loob na ang mga pinsan mo. Doon muna ako sa kotse ko iidlip lang ng kaunti. Tapos ikaw magpahinga na rin. Halata na sa mga mata mo ang pagod.” Wika pa ni Helen.
Nang ibaling muli ni Bryan ang mga tingin sa paligid marami ng tao sa labas ng bawat chapel, maging sa chapel kung nasaan ang ina at tiyuhin may mga bisita na rin sa loob. Napakamot na lang talaga ng ulo si Bryan tsaka napailing sa sarili. Lumabas muli ito ng memorial chapel para kumpirmahin na hindi totoo ang nangyari sa kanya kanina ngunit nang tingnan nito ang parte ng sahig kung saan nakita niyang bumagsak doon ang uwak, natigalgal si Bryan. Dahil nandoon parin sa sahig na iyon ang patay na uwak. Kabado man humakbang parin ito para lapitan ang ibon. Ginalaw-galaw pa niya ito ng paa para siguraduhing patay na talaga iyon. At ng mapansing hindi nga gumagalaw ang ibon, muling nabahala ang lalake alam niya na totoo ang naranasan nito kanina.
Nabasag lang ulirat nito nang tumunog ang kanyang cellphone. At si Joshua ang tumatawag. Agad nitong sinagot ang tawag ng binata.
“Hello Josh, napatawag ka? May problema ba?” Tanong agad nito na may pag-aalala.
“Wala naman tito, magtatanong lang sana ako kung nakatawag ba si mommy. Kanina ko pa kasi siya tinatawagan pero hindi ko siya makontak. Nag-aalala lang ako.”
“Parehas lang tayo na nag-aalala sa kanya. Ang huling usap namin papunta pa lang siya ng San Gabriel. Tapos iyon hindi ko na rin makontak.” Tugon ni Bryan.
“San Gabriel? Pumunta ng San Gabriel si mommy?” Biglang tanong ni Joshua na may pag-aalala sa boses.
“Oo, bakit hindi ba nagpaalam sa iyo ang mommy mo kung saan siya pupunta?”
At naputol agad ang linya.
“Hello Josh…Josh?” Pagtawag pa ni Bryan.
Makailang beses pa nitong tinawagan muli ang binata ngunit hindi na sinasagot ni Joshua ang mga tawag niya. Kaya lalong nag-aalala ang lalake, rinig kasi nito sa boses ng binata ng matinding pag-aalala nang mabanggit nito ang San Gabriel. Pagkapatay ng cellphone nagpasya na itong bumalik agad ng Maynila kahit alanganin na sa oras. Pero nang sa paghakbang nito doon din nito napansin na wala na sa sahig ang patay na ibon. Mas lalong kinabahan si Bryan. Nakita agad ito ni Helen na nagmamadali sa kanyang kotse.
“Babalik ka ng Maynila na walang pahinga? Tsaka malakas pa ang ulan Bryan. Ipagpabukas mo na lang iyan. Sabay na tayo bukas kung gusto mo.”
“Kailangan ko ngayong bumalik Helen, iba na ang kutob ko ngayon. Pupuntahan ko ang anak ni Mina baka may nangyayari ng masama sa kanya. Hindi na niya sinasagot ang mga tawag ko.”
“Hindi ka man lang ba magpapaalam sa mga tao dun sa loob?”
“Tatawagan ko na lang sila, hindi ako patutulugin ng konsensya ko kapag may mangyaring masama kay Josh tapos nandito lang ako.” Ani pa ni Bryan.
“Kung gayun dito ka na sumakay sa kotse ko. Ako na ang magmamaneho sa iyo pabalik ng Maynila. Sumakay ka na rito, iwan mo na lang dito ang kotse mo.” Saad ni Helen.
“Salamat na lang but I can manage. Makakabalik ako ng Maynila ng ligtas.”
Agad na sumakay ng kotse nito si Bryan at umalis doon. Sumunod naman sa kanya si Helen.
Samantala, dala ang malaking backpack sabay na nag-aabang ng taxi sina Joshua at kaibigan nitong si Tyler.
“Wala na yatang biyahe ngayon pa puntang San Gabriel nito Josh. Lalo na at may bagyo pa tsaka alas nuwebe na mamaya.” Wika ni Tyler.
“Kung ayaw mong sumama maiwan ka. Hindi naman kita pinipilit na samahan ako pabalik doon. Para kay mommy ang pagpunta ko roon. Hindi mo na kailangan pang bumuntot sa akin.” Tugon ni Joshua.
“Ayoko nga mahiwalay sa iyo. Mas panatag ako na katabi kita. Kaya kung saan ka, kasama dapat ako. Pero tol, hindi ba delikado para sa atin ang bumalik dun…baka kasi…”
“Wag na huwag mong babanggitin ang pangalan niya. Manganganib tayo kapag hindi mo tikom iyang bibig mo.”
“Ay sorry… nakalimutan ko. Pero sa tingin ko wala ng taxi ang dadaan sa bahaging ito tol. Mabuti mag book na tayo sa online.”
Nang may humintong kotse sa harapan ng dalawa.
“Halika na Tyler nandiyan na ang hinihintay natin.” Wika ni Joshua na nagmamadaling lumapit sa humintong kotse.
“Bilisan niyo nang dalawa at mahaba-habang biyahe pa ang pagsasamahan natin.” Pagtawag ng lalake na nagmamaneho ng kotse.
“Sir Eric kayo pala”. Gulat na reaksyon ni Tyler ng makita ang kanilang guro.
“Napaaga yata ang kilos niya, nararamdaman ko ang presensya niya sa paligid kaya mag-ingat kayong dalawa.” Wika ng kanilang guro.
“Mukhang nakahanap na po siya ng pagsisidlan niya ng binhi sir. At kung tama ang mga pangitain sa panaginip ko, nangangamba ako sa kaligtasan ng mommy ko.” Sabat ni Joshua.
“Anak ng… ibig-sabihin si tita Mina ang babaeng tinutukoy sa guho na iyon tol? Akala ko ba virgin ang kailanganin niyang pugad? Bakit si tita Mina?” Komento ni Tyler.
“Hindi natin alam kung bakit, nagbabase lang tayo sa mga nakikita ni Joshua sa panaginip niya.” Tugon ng kanilang guro na si Eric.
“Hindi si mommy ang tinutukoy ng pangitain ko kundi ang buhay na laman sa loob ni mommy. Iyon ang magiging tagahatid ng kanyang bunga. Buntis si mommy.” Bulalas pa ni Joshua.
“Kaya habang hindi pa niya nakukumpleto ang kailangan niya dapat maunahan na natin siya. Anim na ang nakuha niya pito pa ang kailangan niya.” Saad ng guro.
Gawa ng malakas na ulan pahirapan ang daan para kay Bryan, halos hindi na maaninag ang highway papasok ng Maynila, bagama’t wala namang masyadong sasakyan sa daan ang malabong rehistro ng kalsada dulot ng hangin at ulan ay sagabal sa kanyang pagmamadali. Nang mapadaan ito sa isang aksidente. Isang puting kotse ang humambala sa gilid ng highway, nakatihaya ito sa kalsada. Batid ni Bryan na bago lang iyon naaksidente dahil umiikot pa ang gulong ng naturang kotse. Itinabi nito ang kotse para tingnan at kamustahin ang sakay ng tumaob na kotse na iyon. Bago pa ito bumaba tumawag na ito ng rescue at police.
Pagkababa nito ng kotse agad nitong sinilip ang loob ng driver seat ng naaksidenteng kotse, ngunit nagtaka ito kung bakit wala man lang katao-tao sa loob nun. Hinanap pa niya iyon sa paligid sa pag-aakalang tumilapon lang sa labas ang sakay nun ngunit walang bakas ng tao sa tabi ng daan. Makailang ulit pa nitong binalik-balikan ang kotse ngunit wala talaga itong sakay. Napalingon ito nang masilaw sa ilaw ng kotse na nakatutok sa kanya tsaka sa busina nun sa kanya. Huminto rin ang kotse na iyon sa likod ng kanyang kotse tsaka bumaba ang sakay nun. Si Helen.
“Bry, bakit ka napahinto anong nangyari at napansin kitang paikot-ikot diyan, ano ang hinahanap mo?” Tanong ni Helen na takang-taka.
“Kuwan iyong naaksidenteng kotse, hinahanap ko ang sakay nun, pero walang tao sa loob tsaka wala rin sa paligid.” Tugon ni Bryan nang lapitan si Helen.
“Anong aksidente? Saan?” Tanong pa ni Helen.
“Hayan…teka nasaan na ang kotse?” Pagka-gulantang ni Bryan.
Wala na nga sa bahaging iyon ang naaksidenteng kotse na kanina lang sinusuri pa ni Bryan. Walang bakas ng kahit ano roon. Napahawak na lang sa ulo nito si Bryan sa laking pagtataka. Nang bigla na lang nakarinig ito ng sumadsad na kotse si Bryan na nasundan ng pagbangga. At nang nilingon niya ito nagulantang na lang si Bryan sa nakita. Dahil sa dulas ng daan at malabong visibility ng kalsada na disgrasya ang kotse ni Helen. Sa tindi ng aksidente tumaob ang kotse nito. Tagpong bumalik sa Balintataw ni Bryan.
At doon na napagtanto ni Bryan na kotse ni Helen ang una nitong nakita. Saglit na huminto ang paligid ni Bryan. Bumalik lang ito sa katinuan ng makarinig na si Bryan ng mga paparating na ambulansya at patrol car ng pulis Doon palang nito nilapitan ang kotse ni Helen at halos manlamig ito nang makita ang kalagayan ng kaibigan. Nang pinagtulungan na si Helen ng mga taga rescue na ilabas sa kotse tsaka lang napatakbo talaga sa kaibigan si Bryan.
Tuluyan ng nabaliw ang isip ni Bryan sa mga naranasan nito at sa mga nangyayari sa kanya. Naging tulala na lang ito sa isang sulok.
TIKTAK-TIKTAK
Hindi makapaniwala si Bryan na ganun ang sasapitin ni Helen sa pagsunod sa kanya. Sumunod ito sa ambulansiya na nagdala sa kaibigan. At habang nagmamaneho ito bigla na lang ito napamura nang marinig si Helen na nagsalita sa tabi niya. Sa sobrang gulat ni Bryan napakabig ito ng manibela at kamuntikan nang mabangga sa isang kotse na nasa kanan nito. Duguan ang mukha ni Helen na nakatingin sa kanya. Bakas sa mukha ng babae ang galit. Nang bigla na lang ito nagsalita.
“Itigil mo na ito Bryan, matatapos na ang kailangan niya. Darating na siya para maningil. Ilan pa ba kami ang idadamay mo. Ilan pa kami ang isasama mo sa impiyerno!!!”
Pagkasambit na iyon ni Helen, nagbago ang boses nito. Nakakakilabot ito at puno ng galit. Napapreno si Bryan habang ipinikit ang mga mata. Alam niya na malikmata lang iyon at hindi totoo. Napadilat na lang ito nang marinig ang mga bosina ng mga kotse na nasa likuran niya. At nang tingnan na nito ang upuan sa gilid wala na si Helen. Muling pinaandar ni Bryan ang kotse. Sa halip na dumeretso ng hospital tinungo nito ang natatanaw na simbahan. Gabi na masyado at patuloy parin sa pag-ulan. Batid niya na sarado na ang simbahan ngunit nagbabakasakali parin ito.
Saktong pag dating niya, isasara na ang gate ng cathedral. Pinahinto nito sa tabi ang kotse tsaka bumaba para makiusap sa lalaking nagsasara ng gate.
“Sorry ho sir sarado na ang simbahan.”
“Pakiusap kailangan ko lang ng isang pari, may kailangan lang ako. Mahalaga ito pakiusap. Isa Ho akong pulis.” Ani ni Bryan sabay pakita ng ID at tsapa nito.
Pinaunlakan naman ito ng lalake at pinapasok si Bryan sa loob ng simbahan. Basang-basa si Bryan at nilalamig na rin ito. Napansin iyon ng lalake kaya kumuha ito ng pamunas para ibigay sa kanya. Nang mga sandali naman na iyon lumabas ang pari at nilapitan si Bryan na nakaupo noon sa mahabang upuan.
“Ano ang nagdala sa iyo rito na kahit na sa ganitong oras at umuulan pa sinadya mo pa talaga ako.” Bungad ng pari kay Bryan.
“Magandang gabi father, hihingi lang sana ako ng tulong.”
Matapos magpakilala nailahad na ni Bryan ang lahat ng mga bumabagabag sa kanya. Ang mga hindi maipaliwanag nitong karanasan at ang tungkol sa kaso na hinahawakan niya. Maging ang mga kakatwang nangyayari sa paligid niya kinuwento nito sa pari sa pagbabakasakaling matulungan siya nito at maprotektahan.
“Tanging mahigpit na paniniwala at pananampalataya lamang sa Diyos ang maari nating maging sandata laban sa mga kalaban niya. Bagama’t naniniwala naman ang simbahan sa lakas ng kadiliman sa mundo natin. Hindi namin niyayakap ang mga ganyang paniniwala sa mga demonyo. Dahil wala ng mas hihigit pa sa kapangyarihan ng ating amang Diyos. Huwag kang pasukob sa mga dikta ng demonyo sa paligid mo. Dahil habang naniniwala ka sa kanila lalo mo lang sila binibigyan ng karapatan na kontrolin ka nila. Iwaksi mo sila sa isipan mo at manalig ka sa nakakataas. Huwag kang bumitaw sa pananalig mo sa ating Ama. Siya lang ang makakatulong sa iyo.” Saad pa ng pari kay Bryan.
Wala nang naitugon pa si Bryan sa payo sa kanya ng pari. Matapos ang ilang sandaling kuwentuhan nagpaalam na si Bryan. Ngunit nang paghakbang na ito ng pintuan palabas ng simbahan, narinig na naman nito ang mga huni ng uwak na umaalingawngaw sa paligid ng simbahan. Kaya napaatras si Bryan at binalaan ang pari.
“Father nasa paligid na naman siya, may masama na namang mangyayari. May mamamatay na naman.”
“Sino ang tinutukoy mo? Anong may mamamatay?” Tanong ng pari na nagtataka sa kilos ni Bryan.
“Ang mga uwak father, padala sila ng demonyo. Sa tuwing nariyan sila may nangyayari sa mga taong nasa paligid ko. Hindi ko alam pero nararamdaman ko na naman na may mangyayari.” Paliwanag pa ni Bryan.
“Nasa tahanan tayo ng diyos, kung ano man ang kinakatakot mo hindi iyon mangyayari. Tsaka madalas na may mga umaaligid na mga uwak at ibang ibon dito sa simbahan. Baka naghahanap lang din ang mga iyan ng masisilungan. Basta tandaan mo manalig ka at manalangin. Hinding-hindi ka pababayaan ng Diyos.” Saad ng pari.
Alangan na noon si Bryan na umalis nang tumunog ang cellphone nito. Tumatawag sa kanya ang kasambahay nila Mina na si Terry. Hindi iyon ginagawa ng kasambahay sa kanya kaya kinabahan ito. Agad nitong naalala si Joshua.
“Hello sir Bryan salamat at tama ang numerong na dial ko. Kuwan kasi…sir Bry…” Ang tila kinakabahang boses ni Terry.
“Bakit anong nangyari diyan? May masama bang nangyari sa inyo?!”
“Wala naman sir, pero si Joshua kasi…wala na sa kanyang kuwarto. Hindi naman namin napansin na umalis. Anong oras na… kinakabahan kami rito baka mapaaway na naman iyon di kaya binalikan nung mga nang-away sa kanila.”
Doon na kumilos si Bryan, sumakay agad ito ng kotse at nilisan ang simbahan para suyurin si Joshua. Halo-halo na ang nasa isip ni Bryan. Hindi na nito alam kung ano pa ba ang trabaho nito. Nagmamaneho nga ito ngunit hindi naman nito alam kung saan ang kanyang destinasyon. Hindi nito mawari kung ano ba ang hinahabol nito, kung oras ba o buhay.
Samantala nasuyod na nila kapitan ang buong baryo ngunit hindi talaga nila mahanap ang apat na kabataan na nawawala. Hanggang sa napunta na sila sa bahay ni Father Rigor.
“Kapitan, anong meron bakit nakababad kayong lahat sa ulan? May mga flashlight pa kayong dala. Nagroronda ba kayo?” Tanong ni Rigor nang nilabas nito sina kapitan.
“Father nawawala ang apo kong si Tomas, tapos pati iyong mga anak nila nawawala rin. Hindi na namin alam kung saan pa sila hahanapin. Halos nasuyod na namin ang kasuluk-sulukan ng ating baryo ngunit wala talaga.” Tugon ng kapitan.
“Diba kayo ang mga ama nung mga sinapian?” Tanong pa ni Father Rigor nang maaninagan ang mukha ng mga kasama ni Kapitan.
“Kami nga po Father. Kinakabahan na nga kami sa kanila dahil biglaan talaga ang kanilang pagkawala. Naisip nga namin na baka may kaugnayan ito sa nangyari sa kanila.” Ani ng isang lalake.
“Huwag naman sana, ang mabuti pa ipagpabukas niyo na ang paghahanap mag report tayo sa kapulisan. Mahihirapan lang kayo sa paghahanap sa kanila lalo na at walang kuryente tsaka malakas pa ang ulan. Hayaan niyo at tutulong din ako sa paghahanap bukas.” Saad pa ng pari.
Sumang-ayon ang lahat sa sinabi ng pari. Kanya-kanyang uwian na ang mga ito ganun din sina kapitan. Nang wala na, sumilip si Carlitos mula sa isang sulok at napatingin sa pari.
“Saan ka galing bakit basang-basa ka?” Tanong ni father Rigor sa sakristan.
“Sa may likod father inayos ko lang iyong drum na pasahod natin ng tubig ulan. Tsaka madilim rin kasi kaya hindi ko na pansin ang alulod kaya nabasa ako.” Sagot ng binata na napayuko sa pari.
“Magbihis ka na, tsaka dagdagan mo ang gasera nang magkaroon ng liwanag ng bahagya ang bahay. Tapos matulog ka na. Sasamahan mo pa ako bukas. Tutulong tayo sa paghahanap sa mga nawawala.” Ani ng pari.
“Father, maari bang tumabi sa pagtulog mo? Natatakot kasi ako sa gabing ito. Ewan ko pero pakiramdam ko kakaiba ang gabi na ito kumpara sa mga nagdaan.” Pakiusap ni Carlitos sa pari.
“Magbihis ka na at sumunod sa silid ko.” Tugon ng pari at pumasok na ito ng kuwarto.
Kumilos agad ang sakristan na agad din naghubad ng lahat nitong suot sa katawan. Matapos gawin ang utos ng pari dumeretso na ito sa silid ni Rigor kung saan naghihintay naman ito sa kanya. Hubo’t hubad nun si Rigor nang pumasok si Carlitos. Malamlam ang ilaw mula sa maliit na apoy ng gasera ngunit kitang-kita ang mapanuksong hubad na katawan ng pari. Nakahilata sa ibabaw ng kama na tila ba nagyaya ng kukumpisal sa kanya. Nang maaninagan ito ng binata agad na napatanong ito sa pari.
“Hindi ba kayo giniginaw father?”
“Tumabi ka na rito, matulog na tayo at maaga pa tayo bukas.” Ang tugon lang ng pari.
Marahang nahiga sa tabi ni Rigor si Carlitos. Una, tuwid lang na nakahiga ang binata na pantay ang mga paa at kamay sa katawan habang nakatingin sa kisame. Nakatalikod naman nun sa gawing kanan ang pari na nakaharap naman sa salamin. Saglit pa at kumilos ng dahan-dahan si Carlitos paharap sa nakatalikod sa kanyang pari tsaka pinagapang nito ang mga kamay at braso sa katawan ni Rigor hanggang sa nilukob na nito ng mahigpit na yakap ang pari. Napangiti naman nun si Rigor na ipinikit lang ang mga mata. Hinayaan lang nito si Calisto na nakayapos sa kanya habang sinisiksik ang katawan nito sa likuran niya. Maya-maya pa napakislot ang pari na tila ba may naramdaman itong bumaon sa kanya. Sunod nun ang marahang mag galaw na ng kanilang mga katawan ng sabay na animoy nagtutulakan. Nang biglang hinawi ni Carlitos ang hita ng pari sa isa’t isa. At ang mga mahinahong galaw ay unti-unting nagiging marahas. Mula sa mahihinang pag yugyog hanggang sa palakas ng palakas. Malamig ang mga sandaling iyon ngunit ramdam ang mainit na tagpo sa silid na iyon at bakas iyon sa mga pawisang katawan ng dalawa na magkalapat sa isa’t isa.
Sa lakas ng ulan ng gabing iyon naging pahirapan na ang daan papuntang San Gabriel, zero visibility na ang lahat ng daan patungo sa direksyon na iyon. Kaya minabuti na ng tatlo na tumigil saglit tsaka magpalipas na ng magdamag sa isang mumurahing motel na nadaanan nila sa highway malapit sa isang lumang gasolinahan.
“Wala na bang iba sir Eric? Ang weird kasi ng motel na ito. Napaka vintage ng ambiance tsaka ang creepy. Ang didilim pa ng mga ilaw, tsaka parang walang tao. Pati guard wala.” Puna pa ni Tyler habang umiikot ang paningin sa paligid.
“Ito lang ang nakita nating bukas sa lugar na ito. Tsaka masyado ng mapanganib sa daan kung maghahanap pa tayo ng iba. Narito ang susi niyo ni Joshua magpahinga na kayo.”
“Hindi ka kasama sa kuwarto namin sir?“ko Tanong pa ni Tyler.
“Maliit lang ang kuwarto niyo. Katabi niyo lang naman ang sa akin.” Sagot ni Eric.
“Si Joshua nga pala sir?” Nang mapansin ni Tyler na hindi pala nila kasama si Joshua.
“Magkasama kayo diba?”
“Akala ko sumunod siya sa iyo sir. Pagkababa ko ng kotse kanina wala na siya.” Ani ni Tyler na bigla na lang kinabahan.
“Dumito ka lang, hahanapin ko lang siya sa labas. Tsaka subukan mo siyang tawagan. Babalik ako.” Saad pa ng guro nila na agad lumabas ng motel.
Naiwan sa hallway si Tyler na tinatawagan si Joshua sa cellphone nito. Tumataas na naman ang kaba at takot ng binata. Batid ni Tyler ang panganib sa paligid kapag wala sa tabi niya ang kaibigan. Palinga-linga pa ito sa paligid habang tinatawagan si Joshua. Nakakabingi ang katahimikan ng hallway na iyon. Bukod sa makalumang desinyo ng motel medyo luma na rin talaga ito at marami ng sira. Bakas sa lugar na iyon ang kapabayaan. Kung hindi lang sa lalaking staff na nasa front desk maiisip na talagang abandonado na ang naturang motel. Dahil wala itong ibang guest ng gabing iyon kundi sila lang tatlo.
Kaliwa’t kanan pa ang mga nagtutulong kisame, mga tuklap na dingding at mga pundidong mga ilaw na naroon. May ilaw man ngunit malamlam na rin ang liwanag ng mga ito kaya nagmumukha paring madilim ang paligid. Rinig lang ni Tyler ang tunog ng cellphone sa kabilang linya ngunit hindi naman iyon sinasagot ni Joshua. Nang may napansin ang binata. Muli nitong tinawagan ang cellphone ni Joshua at nagulat ito nang marinig ang tunog ng cellphone mula sa loob ng isa sa mga silid na naroon. Siniguro pa ni Tyler na sa cellphone nga iyon ni Joshua nanggagaling kaya muli niya itong tinawagan habang isa-isang pinapakinggan ang mga silid roon. Hanggang sa dinala ito ng tunog sa ika-anim na silid at nang makarating ito roon biglang nahinto ang tunog ng cellphone. Kasunod nun ang pag pihit ng door knob sa pintuan nun tsaka bahagya itong bumukas. May ilaw sa loob kaya alam ni Tyler na may tao. Marahang itinulak papasok nito ang pinto at nang sumilip ito sa kuwarto nakita niya si Joshua na nakaupo sa kama ngunit nakatalikod sa kanya.
“Joshua tol?” Pautal na pagtawag ni Tyler sa nakikita nito roon.
Nakailang pagtawag pa si Tyler kay Joshua ngunit hindi man lang siya nito nililingon. Nanatili lang itong nakaupo roon sa kama na nakatalikod. Akma na sanang papasok sa loob si Tyler nang bigla na lang may humatak sa kanya palabas sa silid. Kasabay nun ang malakas na pagsara ng pinto at pagkurap-kurap ng mga ilaw sa paligid. Takang-taka si Tyler nang makita kung sino ang humila sa kanya.
“Josh?… paanong? Kanina lang nakita kita sa loob ah.”
“Hindi ako iyon, halika na umalis na tayo sa lugar na ito. Kagagawan niya ito. Pinipigilan niya tayo.” Bulalas ni Joshua habang hila-hila si Tyler sa kamay palabas sa motel na iyon.
“Ano? Nandito siya?” Ang nasambit na lang na tanong ni Tyler. Namutla na ito sa takot.
“Huwag kang magpadala sa takot mo, susubukin ka lang niya. Si sir Eric?” Wika ni Joshua.
“Bumalik sa labas para hanapin ka.”
“Talaga naman,…balak niya talaga tayong paghihiwalayin. Bilis lumabas narin tayo.” Sambit ni Joshua.
Ngunit laking pagtataka na lang ng dalawa nang sa kanilang paglabas sarado na ang pinto ng motel. Nagbago na rin ang buong paligid ang mga maayos na kasangkapan wala na. Bitak-bitak na ang tiles na sahig,punitna rin at nag tutuklapan ang wallpaper sa mga dingding. Maging ang front desk na kanina maayos pa at may tao ngayon sira na at wasak. Wala na rin ang lalaking naroon lang kanina. Pakiwari pa ng dalawa napunta sila sa ibang lugar pero iyon parin iyon. Nakakandado mula sa labas ang pintuan ng motel.
“Hindi maganda ito”. Sinubukang tawagan ni Joshua si Eric ngunit walang signal doon.
“Tol paano na?! Hindi na tayo makakalabas.” Ang takot na takot ng si Tyler.
“Hindi puwede, makakalabas tayo rito. Sa bintana purong salamin iyon. Maghanap ka ng puwede nating mapambasag dun.” Saad ni Joshua.
Isang sirang upuan ang nakita ni Tyler at buong lakas nitong inihagis iyon sa binata. Paa namang silya ang ginamit ni Joshua para palakihin ang butas ng binata. Nang matantiya na ni Joshua na kasya na sila sa butas ng bintana, pinauna na nito si Tyler na nu’ng una maypagaalangan pa na baka sa paglabas niya nasa ibang lugar na naman sila.
“Mamili ka ang makulong dito o makalabas ng ligtas?” Wika ni Joshua.
“Siyempre ang makalabas, pero kuwan kasi baka pag nauna ako, hindi na naman sumunod tapos ibang lugar na naman ang lalabasan ko. Nakakapraning na ang takot ko tol.” Pag-aalangan ni Tyler.
“Itong relo ko, hawakan mo hangga’t hawak mo ito hindi ako malalayo sa iyo. Kaya bilis na tumalon ka na.”
Mula nga roon sa bintana nakalabas ang dalawa. Nang makita na ni Tyler ang kabuuang anyo ng motel na iyon sa labas napasapo na lang ito ng kamay sa mukha. Dahil isa na iyong abandonadong gusali na walang kabuhay-buhay. Basang-basa na sa ulan ang dalawa na agad namang hinagilap si Eric. Nakaparada parin naman ang kanilang kotse ngunit wala doon ang kanilang guro. Napasapo na lang ng mga kamay nila ito sa kanilang mga ulo sa tindi ng pag-aalala. Magkasamang hinanap ng dalawa si Eric ngunit walang tugon. Hanggang sa narinig nila ang guro na sumisigaw ng tulong.
“Galing sa loob ng gusali ang boses ni sir.” Hinuha ni Tyler.
“Teka, hindi tayo sigurado kung siya iyon talaga.” Pagpigil ni Joshua na nagdadalawang isip.
“Kung ganun nasaan si sir? Tol pinaglalaruan na niya tayo.” Wika pa ni Tyler na hindi na maipinta ang takot at kaba.
“Pumasok ka sa loob ng kotse, at huwag na huwag kang lalabas kapag may mangyayari sa akin puntahan mo si mommy ilayo mo siya sa kahit na sino.”
“Huy gago bakit ano ang gagawin mo? Wala namang ganyanan tol.”
“Babalik ako sa loob hahanapin ko si sir. Sasaglit lang ako pero after thirty minutes na wala pa ako umalis ka na lisanin mo na agad ang lugar na ito Ty.” saad ni Joshua sa kaibigan.
Bakas man ang takot sa mukha ni Joshua may tapang pa rin ito na pinapakita. Hindi na siya napigilan pa ni Tyler. Patakbong bumalik ng abandonadong gusali si Joshua. Nang makita namang nakapasok na muli ang kaibigan sa loob tarantang pumasok agad sa kotse si Tyler at nag-lock ng pinto tsaka bintana. Nanginginig itong nakaabang sa mangyayari.
Si Eric naman nun hirap na hirap na sa kanyang sitwasyon na nakalambitin sa kinakapitan nitong kapiraso na tabla na bahagi ng nawasak na sahig. At ramdam ni Eric na hindi magtatagal bibigay na rin dahil sa bigat niya ang kinakapitan nito. Rinig na kasi nito ang langitngit ng tabla. At pag nahulog ito roon, magmimistulang barbeque ang katawan nito dahil sa mga nakausli at mga nakatayong mga bakal sa baba bukod sa mga bahagi ng sahig na naputol ng patulis na nakatinga rin sa kanya. Wala naring makapitang iba si Eric dahil halos bumagsak lahat ang nasa paligid niya nang nabuwal ang sahig.
Nabuhayan lang ng pag-asa si Eric nang marinig ang boses ni Joshua na patungo sa direksyon niya. Ngunit habang lumalapit sa kinaroroonan nito ang mga yabag ng binata tila napapalakas din ang langitngit ng kinakapitan nitong tabla. Nang makita siya ni Joshua agad na kumilos ang binata para tulungan siya nito. Sakto sa pagkaputol ng kinakapitan nitong tabla nahablot naman agad siya ni Joshua sa braso. Ngunit hirap parin sila. Masyadong mabigat si Eric sa lakas ni Joshua. Pero hindi nagpatinag ang binata at buong lakas na hinila pa taas si Eric. Sa wakas matagumpay nitong nahila paangat sa kanya ang guro.
“Sir umalis na tayo rito.” Sambit ni Joshua.
Mabilis na nilisan ng dalawa ang gusali. Pagkalabas agad nila tinungo ang kotse. Tuwang-tuwa naman si Tyler na makita ang dalawa na ligtas.
“Mukhang gumagawa na siya ng paraan para pigilan tayo. Kaya mula ngayon wala ng hihiwalayan sa atin.” Wika ni Eric na pinaandar na ang kotse.
“Sumusunod siya. At gagawin niya ang lahat para maharangan lang tayo.” Sabat ni Joshua.
Alam ng lahat na lubhang mapanganib ang kahaharapin nila ngunit batid rin nila na mas marami pa ang mapapahamak kung hahayaan na lang nila na magtagumpay ang kasamaan sa mundo.
Eksaktong siyam na buwan ang nakalipas nang minsan may napulot na journal si Joshua sa labas ng gate ng kanilang paaralan sa Romano Highschool. Luma na ang journal at kitang-kita sa ayos nun na ilang dekada na ang pinagdaanan ng bagay na iyon. Nabibitak-bitak na nga ang kulay brown nitong cover sa kalumaan. Itatapon na sana iyon ni Joshua nang matusok ang daliri nito sa nakausling tila maliit na karayom sa gilid ng journal. Dahil sa dumugo ang daliri ipinahid iyon ni Joshua sa bakanteng unang pahina ng journal. At sa kapilyuhan pa ng isip nito gamit ang sariling dugo gumuhit ito ng hugis titi sa bahaging iyon ng journal. Nang may napansin itong bagay na nakasilip sa pagitan ng mga pahina ng journal na iyon. Doon na binulatlat ng binata ang journal. Napansin nito ang mga simbolo na nakaguhit sa ilang mga pahina. Ngunit ang kumuha talaga ng pansin nito ay ang lumang larawan na nasa black in white pa na nakasiksik sa gitna ng journal. Larawan iyon ng isang lalake na kamukhang-kamukha niya ang pinagkaiba lang ay ang ayos ng buhok at ang suot nun na parang ilang siglo na ang nakaraan. Sinuri iyon ni Joshua at may nakita itong nakasulat doon sa likod ng larawan. Hindi pamilyar sa kanya ang mga salita ngunit may ilan na hawig sa salitang Espanyol. At sa bandang dulo nabasa nito ang sariling pangan na Joshua.
Doon na tila ginapangan ng kilabot ang binata. Babasahin pa sana nito ang mga nakasulat sa journal nang mapansin nito ang oras sa suot nitong relo.
“Shit, late na naman ako. Sana maaksidente ng slight si Ma’am Moran, matapilok sana siya para maunahan ko siya.” Pinasok nito sa bag ang journal at nagmamadaling pumasok na ng paaralan.
Ngunit sa anong swerte, wala pa sa silid nila ang kanilang first teacher.
“Naku himala wala pa si Ma’am nauna pa ako sa kanya.” Bulong ni Joshua sa isip.
Isang guro ang pumasok at pinaalam sa buong klase na natapilok ang kanilang math teacher at nahulog sa hagdan at malubha ang kalagayan dahil sa nabagok talaga ang ulo nun. Kinabahan si Joshua sa narinig dahil nagkatotoo ang kanyang hiling. Binabagabag nun ng kanyang isip si Joshua. Maging sa kanilang vacant period hindi parin mawala sa isip nito ang nangyari sa kanilang guro.
“Lumilipad na naman ang isip mo. Si Paco na naman iyan noh?” Puna ni Tyler kay Joshua.
“Ayan ka na naman tigilan mo nga ako sa kanya. Baka marinig ka pa ng iba, ano pang isipin nun sa akin. Alam mo naman iyon.” Tugon ni Joshua.
“Eh sa pagkakaalam ko wala namang ibang laman ang isip mo tsaka iyang puso mo kundi si Paco. Aminin mo na kasi tol na crush mo talaga si class president. Nahiya ka pang umamin sa akin eh halos kilala na kita mula ulo hanggang paa.” Ani pa ni Tyler.
“Bakit naman ako aamin eh wala talaga. Delulu ka lang kaya kung ano-ano ang iniisip mo. Maya niyan ikaw pala ang may crush dun tapos pinapasa mo lang sa akin.” Saad ni Joshua sa kaibigan.
“Gago, solid straight ito uy. Tsaka mas pogi pa ako dun noh. Ilong nun na parang tuka ng parrot”
Habang nag-uusap ang dalawa napansin ni Joshua ang grupo nila Brandon na papalapit sa kanila. Miyembro ng school frat sina Brandon at kilalang mga bully sa kanilang campus. Ugali ng mga grupo nila na kotongan ang estudyante na kanilang mapag-tripan. Peperahan, nanakawan tsaka pagtitripan. Walang nag-aangas na kalabanin ang kanilang grupo dahil marami sila at may mga resbak din sa labas ng paaralan. Hindi mapagpatol si Joshua ngunit hindi rin ito umaatras kung uunahan ito.
“Nandito na naman ang mga hinayupak na ito. Maubos sana sila para wala ng sakit sa ulo rito sa campus.” Wika pa ni Joshua habang nakatingin sa papalapit na grupo.
“Sa anong paraan naman mawawalis ang mga iyan dito, eh maging ang paaralan nga walang nagagawa sa kanila. Buti na lang ilang buwan na lang graduate na tayo hindi na nating makikita ang mga pagmumukha nila.” Ani ni Tyler.
“May araw din ang mga iyan lalo na iyang Brandon, mabagsakan sana iyan ng puno nang matauhan sa mga ginagawa niya.” Sambit pa ni Joshua.
Ilang hakbang na lang sana nun si Brandon sa kanila ni Joshua nang matigalgal ang lahat sa biglaang pangyayari. Isang malaking sanga ng ng tar apple ang naputol at saktong nahulog iyon mismo sa direksyon ni Brandon. Tumama agad iyon sa ulo ng binata. Mabigat at malaki ang sanga na iyon ng kahoy kaya malubha ang pagkatamad nun sa ulo ng estudyante. Dagdag pa sa pag-kabagsak nito, sa simento agad ang bagsak ng kanyang ulo. Kitang-kita ng lahat ang pangingisay ng katawan ni Brandon bago ito nawalan ng malay. Dahil sa nangyari pulasan agad ang mga grupo nito at iniwan si Brandon na duguan doon.
Tulala si Joshua sa nasaksihan ng mga mata. Sa harapan niya mismo nangyari ang kanina lang hiling niya. Mula nun gabi-gabi na lang ginagambala ng konsensya si Joshua. Pakiramdam niya may sumpa ang mga sinasabi niya. Kahit na sinasabi na nito sa sarili na marahil nagkataon lang ang lahat.
“Kailangan mahanap natin kung sino ang may hawak ng journal na iyon.” Wika ni Joshua.
“Hindi kaya nakuha nun nang mga sumita sa atin sa guho?” Ani ni Tyler.
“Imposible, nasa bag ko iyon at alam ko nandoon pa iyon hanggang sa nakababa tayo. Doon ko lang nalaman na nawawala iyon pag-uwi ko na ng bahay. Tapos nangyari na nga ang nakatala sa roon.” Saad pa ni Joshua.
“Kinse kayo nun ang umakyat sa guho, hindi kaya isa sa mga kasama niyo ang may hawak sa journal ngayon. “ Ani ng guro.
“Hindi sumama sina Sean at Yani sa guho nun. Kaya wala silang alam tungkol sa laman ng journal hindi rin nila alam ang tungkol sa guho.” Tugon ni Joshua.
“Si Paco tol, baka na kay Paco ang journal. Diba nga magkatabi kayo nun sa bus? Tsaka kasama rin siya sa guho nun.” Hinuha pa ni Tyler.
“Sir baka nga na kay Paco ang journal at wala roon sa San Gabriel.” Ang sabi ni Joshua na napaisip din sa sinabi ni Tyler.
Dahil sa napag-usapan nagbago ng direksyon ang tatlo at lumihis ng daan. Ngunit sa puntong iyon nagbago ang plano.
DAYBREAK
Tumila na ang malakas na ulan at kalmado na rin ang panahon. Saglit na tumigil sina Joshua sa isang convenient store para bumili ng mga dadalhin nila sa biyahe.
“Dito na tayo maghihiwalay sikapin niyo makarating ng San Gabriel na ligtas. Hindi natin alam kung sino sa atin ang pipigilan niya. Pare alam niyo naman ang kakayahan nun baka pagsabayin pa tayo.” Ani ng guro nila.
“Hindi siya magtatagumpay sa balak niya. May paraan pa para pigilan ang pagkakatawang-tao niya. Kung mahanap lang sana natin agad ang journal malalaman natin kung paano ang eksaktong ginawa ng lolo para ikulong siy pma muli sa guhong iyon.” Ani ni Joshua.
Habang naguusap ang dalawa napansin nila si Tyler na balot ng hilakbot ang reaksyon ng kanyang mukha habang nakatingin sa hawak na cellphone. Lumapit si Joshua sa kaibigan.
“Tol pare, wala na rin sina Sam at Henry, Nakita ko sa post ng isang tv network sa facenote. Baka ako na ang kasunod niya natatakot na talaga ako nito.” Ang puno ng takot na sabi ni Tyler.
“Huwag ka ngang praning, hindi ka niya gagalawin sinisiguro ko iyan sa iyo. Kung alam lang sana natin ang isusunod niya baka mailigtas pa natin sila.” Ani ni Joshua.
“Lahat tayo nasa guho nun sina Jimmy,Rolly, Felix,Fred,Sam,si Nico,ako kasama nung nabitak ang altar.” Saad ni Tyler.
“Pero hindi lahat tayo nakahawak dun. Sina Teddy, Arnel at Fidel sila lang ang humawak nun sa altar.” Nang may napagtanto si Joshua.
“Ibig sabihin ang lahat na humawak sa altar na iyon ang bubuo sa kaniyang ritwal. Mukhang malinaw na sa akin ang pattern niya. May mga kontak pa ba kayo ng tatlo? Susubukan natin baka magawa pa nating maligtas ang buhay nila.” Ani ni Eric.
“Hindi ko alam kung ginagamit pa ni Arnel ang number niya pero susubukan ko.” Ayon kay Tyler.
“Sina Teddy at Fidel wala tayong alam kung paano natin sila maaabot.” Sambit ni Joshua.
“Si Arnel magkaklase sila baka alam niya. Teka nag ri-ring na ang numero ni Arnel sana sagutin niya.” Wika ni Tyler.
Ngunit pinatay bigla ang linya. Sumubok muli si Tyler ngunit hindi na niya ito matawagan. Gahul na sila sa oras at batid ni Joshua na napakaliit na lang ng tsansa nila na mapipigilan ang nalalapit na matinding kapahamakan, pero hindi niya ito maaring sabihin sa dalawa upang hindi na madagdagan pa ang pangamba ng mga ito. Sa isip noon ng binata ang kaligtasan ng kanyang ina at ang laman ng sinapupunan nito. Kailangan nila mag madali, dahil ano mang oras magaganap na ang nakasaad sa journal na iyon.
Nang minsan kasi napasakamay iyon ni Joshua nabasa nito ang ilan sa mga laman ng pahina ng journal at ang ilan doon nangyari na at may mangyayari pa.
“Ang hirap naman i-translate sa Tagalog ang mga salitang ito, ang lalim ng mga Espanyol na salitang ginamit. Kahit gamitan ko pa ng app ang iba hindi parin mabasa.” Wika ni Joshua nun nang pinakita kay Tyler ang na translate na salita mula sa Journal.
“Baka kasi wala talagang translation ang iba, tsaka nabasa ko sa hub-ble archive na bukod sa Espanyol na wika, dati gamit na gamit din ang mga salitang latin lalo na sa pag cast ng spell, pagdarasal o mga ritwal. Di kaya May halong salitang latin ang nakasulat sa Journal?” Ani ni Tyler.
“Ewan ko, sa kapal ng journal na ito wala pa ako sa kalahati nito. Iyong mga naunang iilang pahina pa lang ang nabasa ko at na translate. Tingin ko kasi nahati sa apat na parte ang journal na ito. Kasi kung makikita mo, may parte sa journal na ito na puro mga simbolo at mga drawings lang lahat, meron naman dito na parang mga pattern lang,parang kalendaryo at constellation tsaka ang una at ang huli mga sulat na. Parang diary nga ito eh ayon sa pagka-translate ko.” Saad ni Joshua.
“Bakit ano ba ang nabasa mo?”
Sa paglalahad ni Joshua sa mga nabasa nito, sinasabi sa journal na may darating na delubyo sa mundo sa kanyang pagbabalik. Mula sa pagkakakulong,lalaya ang isang nilalang na magwawakas sa lahat ng mga humihinga sa lupa. Nakasaad din doon na labing tatlong alay ang tutugon sa kanyang pagkakatawang tao. Ang labingtatlo na iyon ang magiging dahilan ng kanyang kalayaan. At mula sa daloy ng dugo kung saan siya nakahimlay doon magmumula ang kanyang buhay.
“Eh ano naman ang ibig sabihin nun tol? Baka gawa-gawa lang ng may sulat niyan. Di kaya writer ng nobela ang may-ari ng journal? Baka wala naman talagang meaning ang laman niyan. Alam mo na, ang weird kasi ng nakasulat.” Sambit pa ni Tyler na napaismid sa laman ng journal.
“Weird nga talaga tol kasi nasa loob ng journal na ito ang larawan na kamukha ko at kapangalan ko pa. Tingnan mo.” At ipinakita ni Joshua kay Tyler ang nakita nitong lumang larawan.
“Hala gago ikaw nga ito tol, parang copy paste mo nga ito ng mukha. Iba nga lang ang gupit mo sa kanya. Legit ba talaga ito tol? Baka AI generated lang ito tapos pina print mo lang?.” Reaksiyon pa na komento ni Tyler.
“Gago, bakit naman ako mag i-effort na gumawa pa niyan? Para ano? Pansinin mo ang pangalan sa likod ng litrato. Pangalan ko. Kaya nasasabi ko sa sarili ko na hindi nagkataon lang na napulot ko ang journal. Sinadya iyon para talaga sa akin.” Sabi ni Joshua.
“So sino ang nag dropped by nito sa iyo? Di naman kaya konektado ka sa taong nasa picture na ito? Baka kamag-anak mo, o baka lolo ng lolo mo. Naitanong mo na ba ito sa mama mo?”
“Hindi pa, hindi naman kasi ako sasagutin nun tungkol sa bloodline namin. Papa ko nga ni hindi ko alam kung sino dahil ayaw ni mommy pag-usapan namin ang nakaraan. Tsaka alam ko at kilala ang mga kamag-anak namin sa side ni mommy, wala sa kanila na kamukha ko,kahit si lolo.” Dahilan ni Joshua.
“Eh baka nga sa side ng papa mo.”
“Iyon din ang naisip ko, pero bakit naman ako?”
“Baka nga kasi siguro destined sa iyo. Tsaka ka mukha mo pa at kapangalan itong nasa picture. Tol di kaya kasapi ng satanista ang pamilya ng papa mo kaya kinalimutan na siya ng mama mo. Tsaka ang may-ari niyan ganun din. Hindi naman kaila sa atin na ang ibang simbolo na nakaguhit diyan sa journal ay patungkol sa demonyo.” Ayon pa kay Tyler.
“Grabe ka naman kung makahusga sa pamilya ni papa. Parang sure na sure ka na kasapi nga sila ng kulto ah. “
“Sa akin lang naman iyon tol. Kuwan kasi pinagtagpi-tagpi ko lang naman ang mga na decode mo sa journal na iyan. Tsaka sa nakikita ko.”
“Pero alam mo mukhang may natumbok ka rin dun. Kasi may nasulat dito na ang sino mang may hawak sa bagay na ito ay kayang manipulahin ang sitwasyon at pangyayari sa paligid ng tao na posibleng may banta sa kanya. Naalala mo ang nangyari kay maam Tina at kay Brandon tingin ko hindi iyon aksidente tol. May kinalaman ako sa pagkamatay nila.” Bulalas ni Joshua.
Kinilabutan si Tyler sa mga pahayag ng kaibigan. Naikuwento ni Joshua na bago pa man nangyari ang ganun hiniling niya na iyon at ibinulong sa isip na magaganap iyon sa kanila. Bagama’t natakot hindi naman agad naniwala si Tyler sa sinabi ni Joshua hanggang sa nasaksihan nito ang tinutukoy ng kaibigan. Isang ka eskuwelang babae ang tumatakbong umiiyak palapit sa dalawa. Punit ang suot nitong pang-itaas na uniform, gulo-gulo ang buhok at dumudugo ang bibig. Galing sa luma at abandonadong science building ang babae.
“Tulungan niyo ako, maawa kayo iligtas niyo ako sa kanila. Ayoko na…pakiusap tulungan niyo ako.” Ang umiiyak na babae na agad nagtago sa likod ni Joshua.
“Bakit miss ano ba ang nangyari sa iyo? Sino ang may gawa nito?” Tanong ni Joshua.
“Miss mabuti pa humingi tayo ng tulong sa sekyu at sa prinsipal. Grabe naman ang ginawa sa iyo. Ni rape ka ba?” Ani ni Tyler na pinapakalma ang babae.
Tumango-tango ito na nanginginig sa takot.
Maya-maya pa may limang lalaking estudyante ang nagmamadaling lumabas din mula sa science building. Ngunit nang makita nila sina Joshua at Tyler huminto ang mga ito at masamang tinitigan ang dalawa. Ramdam na ng dalawa na malalagay sila sa alanganin sa limang iyon na lahat may mga hawak pang tubo at panaksak. Malayo sa mismong main ground ng campus ang bahagi na iyon tsaka nasa likod iyon ng football field ng paaralan na malayo talaga sa mga tao, at hindi puntahan ng mga estudyante liban na lang kung sasadya-in.
Pamilyar sa dalawa ang limang lalaking estudyante dahil kabilang sila sa gang frat ng campus na kinabibilangan din ni Brandon.
“Tol atras na tayo, ang daming resbak ang mga iyan delikado…” Wika ni Tyler.
“Wala talagang matinong ginagawa ang grupo nila. Kawawa na lang lagi ang mga estudyante na mabibiktima nila. Sana mabagsakan sila ng pader ng mabawasan man lang ang tulad nila.” Ani Joshua.
“At sino naman ang titibag ng pader na iyan para bumagsak sa kanila. Ang mabuti pa tumakbo na tayo bago pa lumapit sa atin ang mga iyan. Isama na natin ito nang mareport agad sa pulis mukhang matindi ang sinapit ng isang ito sa mga iyan.” Sabat ni Tyler.
“Gago,oo nga noh, bakit iyon ang hiniling ko. Imposible naman na babagsak ang pader na iyan kahit luma na. Sana na lang talaga hiniling ko na lang na magpatayan sila, pero ang sama ko naman nun. Tama si Ty, hindi namin kakayanin ang limang ito lalo na at may babae kaming kasama.” Bulong ni Joshua sa sarili.
Handa na sanang aatras ang dalawa nang mapansin nila na nagtatalo-talo ang lima. Isa sa kanila ang tila nabahag ang buntot at tila hindi na sumang-ayon sa plano ng grupo. Isa pa sa kanila ang kinampihan ang nauna. Hanggang sa nagkagirian na ang lima, tatlo laban sa dalawa. Kinagulat nila Tyler at Joshua ang nangyari sa lima, lalo na nang maghamunan na ang mga ito ng mga hawak nilang armas. Saglit pa nag-away na talaga ang lima. Kinabahan si Joshua nang mapagtanto na nangyayari na ang huli nitong hiling na mangyari sa lima.
“Tol magpapatayan sila!” Wika ni Joshua na may pagkabahala.
“Hayaan mo sila na magpatayan kaysa tayo naman ang mapagbalingan. Tara na tol isumbong natin sila sa prinsipal at sa guard.” Tugon ni Tyler.
Bago pa man makaalis ang dalawa, namilog na ang mga mata nila sa gulat ng paghahampasin ng tatlo ng hawak nilang tubo ang dalawa na nakasandal sa marupok at lumang pader na harang sa gusaling iyon. Kitang-kita nina Joshua kung paano magtalsikan ang mga dugo mula sa dalawang hinahataw ng tatlo. Tila gigil na gigil ang mga iyon na buong lakas na pinaghahataw ng tubo ang dalawang kasama, di na nila alintana na ang mismong pader na nun ang tinatamaan. Rinig na rinig pa nina Tyler ang tawanan ng tatlo na para bang nag i-enjoy pa sa ginagawa nila. Maya-maya pa nakarinig na lang sila ng pagguho. Natigalgal ang magkaibigan nang makita ng dalawang mga mata ang pagbagsak ng mismong pader sa limang estudyanteng lalake.
Tulala si Tyler sa nakita, natauhan na lang ang dalawa ng magtitili ang kasama nilang babae. Sunod na lang napansin ng dalawa ang pag agos ng mga dugo mula sa bumagsak na pader.
“Tol iyong pader, nagkatotoo ang sinabi mo tungkol sa pader. Namatay silang lima dahil nabagsakan sila ng pader tol. Totoo nga nagagawa mong kontrolin ang mangyayari. Astig iyon tol.” Wika ni Tyler kay Joshua na tila na namangha pa sa nasaksihan.
Kung para sa kaibigan isa iyong espesyal na kakayahan at kapangyarihan para naman kay Joshua isa iyong sumpa na umuusig sa kanyang konsensya.Doon na lalong lumalim ang interes ng binata na saliksikin pa ang buong laman ng journal na hawak at kung ano ba ang kahulugan ng mga laman ng mga pahina roon.
Mula sa convenience store, nag taxi na sina Tyler at Joshua papuntang terminal ng bus biyaheng north bound. Si Eric naman binaybay ang kahabaan ng expressway para puntahan ang estudyante nitong si Paco.
Sa hospital na nakatulog si Bryan mula sa kakahanap kay Joshua. Ginising na lang ito ni Dylan para alokin ng kape.
“Sunod-sunod ang nangyayari sa iyong problema. Kaya pa ba?” Tanong ni Dylan.
“Kahit hindi wala naman akong magagawa kundi kakayanin. Salamat nga pala sa pagpayag mo na umidlip muna rito sa office mo. Ang layo na kasi kung bumalik pa ako sa bahay.” Sagot ni Bryan.
“Ayos lang ikaw pa ba. Basta para sa iyo. Kahit tumira ka pa sa bahay ko ayos lang sa akin.” Birong hirit pa ng kaibigang doktor kay Bryan.
“Siya nga pala kamusta na si Helen?”
“Stable na, pero wala parin siyang malay. But she’s okay. Buti na nga lang at naitawag mo agad ng rescue right after ng crash kung hindi baka hindi na siya na-revive. Grabe ang fracture niya sa ulo, muntikan na mabasag ang bungo ng kasama mo sa noo.” Tugon ni Dylan.
“Salamat naman sa diyos at nakaligtas siya sa kapahamakan. Ewan ko na lang talaga kung ano pang malas ang meron ako kapag nawala pati si Helen.” Saad ni Bryan.
“Salamat talaga sa diyos, di katulad sa nangyari sa pari at sa katuwang nito sa simbahan nitong gabi lang. Kung sino man iyong kriminal na iyon hindi sana siya patutulugin ng kanyang konsensya.” Ani ni Dylan.
“Ano ang sabi mo? Saan simbahan? Sa cathedral ba?” Tanong ni Bryan na may pagkabahala.
“Mismo. Sa cathedral nga. Pinasok ng kung sino ang simbahan at walang habas na pinatay sina father Florencio at ang kasama nito. Sinugod pa rito si Father ngunit binawian din kalaunan. Ang ipinagtataka ko lang, habang nandoon ako sa ER kanina ay kung bakit may hawak-hawak na balahibo ng ibon ang pari. Mahigpit niya iyong hawak. Sa pakiwari ko balahibo iyon ng uwak.” Kuwento ni Dylan.
“Ano ang ikinamatay ng dalawa?” Tanong muli ni Bryan.
“Anim na saksak ang sinapit ng pari samantala ginilitan naman sa leeg iyong isa. Demonyo na talaga ang may gawa nun, pati simbahan hindi na nila pinalampas maisakatuparan lang ang masama nilang balak. Ayon sa narinig ko sa mga pulis kanina, pagnanakaw daw ang sadya. Nawawala kasi ang gintong tiara ng Maria Dolorosa.” Sabi pa ng doktor.
Tulala na naman si Bryan sa narinig na balita. Lalo lang lumalakas ang hinala nito sa sarili na siya ang may hatid na malas sa mga taong nilalapitan nito. Nagpasama ito kay Dylan para silipin si Helen sa ICU. Nang makita ang kaibigan nanlumo si Bryan sa sitwasyon ni Helen.
“Ala una na ng madaling araw out ko na rin naman baka gusto mo sumama na sa akin umuwi. Doon ka na rin magpaumaga sa bahay. Stress na stress na iyang mukha mo. Huwag mo alalahanin si Helen, aalagaan siya rito.” Wika ni Dylan.
“Huwag na sa bahay na lang ako didiretso, kailangan ko na rin kasi maligo. Salamat na lang talaga.” Sabat ni Bryan.
“Magpaumaga ka na sa bahay, mas malapit lang dito ang sa akin kumpara sa iyo. Hintayin mo na lang may araw na tsaka ka umuwi sa bahay mo. Sa bahay ka na maligo. Ako na magmamaneho ng kotse mo. Mahirap na sa iyo ang mag drive na kulang ang tulog. Huwag ka nang maarte.”
Pinaunlakan na lang din ni Bryan ang kaibigan na gets din naman kasi nito ang pag-aalala sa kanya ni Dylan. Dinala ng doktor si Bryan sa bahay nito. Pagkapasok sa sala agad na nagtanggal ng leather na jacket si Bryan at naupo sa couch.
“Ang laki naman pala nitong bahay mo. Ikaw lang ba talaga mag-isa rito?” Tanong ni Bryan na ginala ang mga mata sa paligid.
“Oo pero kapag umuuwi dito si Rodulf dalawa kami. Kaso sa isang buwan twice lang naman iyon dito. Kapag nandito naman kasi iyon sa Pinas beach agad ang hanap, either Boracay o Buhol lang naman ang paborito nun di kaya sa Davao. Saglit lang at ipagluluto muna kita ng makakain. Tsaka gutom na rin kasi ako. “ Ani ni Dylan.
“Mag pa deliver na lang tayo para makapagpahinga ka na.” Wika ni Bryan.
“Ako na, saglit lang naman itong lulutuin ko, mga fifteen minutes lang. Manood ka na lang ng tv para hindi ka mainip.”
Abala nun si Dylan sa kusina at si Bryan naman nanonood na nun ng tv nang May kumatok sa pintuan. Hindi iyon napansin agad ni Bryan dahil napalakas ang pagpindot nito ng volume ng tv. Nang marinig na nito ang mga pagkatok. Hindi na inabala pa ni Bryan sa kusina si Dylan at siya na ang tumayo para tingnan kung sino ang nasa labas ng pintuan. Nasa harapan na ito nun nang mapahinto si Bryan. Madaling araw na iyon at nakapagtatakang magkakaroon pa ng bisita si Dylan sa ganoong oras. Napahawak ng baril nito si Bryan, duda ito sa kung sino ang kumakatok sa labas ng pinto. Nakahanda na sa kanang kamay nito ang kanyang baril at hawak naman ng kaliwa ang door knob ng pinto nang magsalita si Dylan mula sa likod niya.
“It’s okay Bry,…hindi masamang tao ang kumakatok na iyan.” Ang nakangising sabi ni Dylan na lumalapit sa kanya.
Si Dylan na rin ang nagbukas ng pinto nito para patuluyin ang kanyang bisita. Isang naka hoodie na itim na jacket ang bumungad sa pinto. Nagulat pa ito nang makita si Bryan na may hawak na baril sa kamay. Agad naman siyang pinapasok ni Dylan tsaka muling isinara ang pinto.
“By the way Bry si Ryle nga pala isang kaibigan. Ryle si Bryan kababata ko.” Pagpapakilala ni Dylan sa dalawa.
“Ano ba siya bakit may baril?” Pabulong na tanong ni Ryle kay Dylan.
“Pulis ako, kaya umayos ka sa kilos mo baka masampulan ka nito. Dylan sino ba ito? Tumatanggap ka pa ng bisita sa ganitong oras? Hindi ka ba nababahala sa kaligtasan mo?” Ani ni Bryan na tila diskumpyado sa bisita ng kaibigan.
“Nurse si Ryle dun sa hospital, at matagal na kami magkakilala. Madalas na iyan siya rito pumupunta ng ganitong oras,. Kanina pa nga siya nag te-text sa akin eh. Don’t worry harmless si Ryle, kasing harmless mo…(may pagngiti pa kay Bryan) Halika sa kusina Ryle, pasensya na hindi agad kita na pagbuksan May niluluto kasi ako.” Saad ni Dylan na muling bumalik sa kusina.
“Wow ang bango naman niyan, sakto hindi pa ako nakapag dinner kanina, medyo busy kasi kanina sa ER.” Wika ni Ryle na sumunod naman kay Dylan sa kusina.
Naiwan si Bryan na nakakunot ang noo habang sinusundan ng tingin ang dalawa. Bata pa si Ryle na nasa bente tres pa lang ang edad samantala si Dylan ka edaran na ni Bryan. Ayaw man mangi-alam ng lalake sa buhay ng kaibigan ngunit may kung ano itong nararamdaman sa kinikilos ng Ryle na hindi ito komportable. Naupo na lang ulit si Bryan sa couch at ibinaling ang atensiyon sa tv nang maya-maya pa nakarinig na naman ito ng mga pagkatok. Sa pag-aakalang lalake na naman ni Dylan pinagbuksan niya ito. Ngunit laking gulat ni Bryan nang walang tao sa labas kundi isang uwak ang naroon na siyang may likha ng tunog na tila kumakatok sa pamamagitan ng pag tuka nito sa pinto.
Muli na namang kumalabog ang kaba sa dibdib ni Bryan, si Dylan agad ang pumasok sa isip nito lalo pa at bumungad na naman sa kanya ang napakaraming mga uwak na naroon sa bakuran ng bahay ng kaibigan. Dali-dali nitong isinara ang pinto. Babalaan na sana nito si Dylan nang sa pagpasok nito sa kusina, tumambad sa kanya ang mainit na eksena sa pagitan ni Dylan at Ryle. Nakadapa sa lamesa si Dylan habang binubumba naman ito ni Ryle sa likod na kapwa nasa sahig na ang mga suot pambaba. Nakita ng dalawa si Bryan na nakatingin sa kanilang ginagawa ngunit sa halip na mahiya at huminto, lalo lang tinodo at sinarapan ni Ryle ang pag bumbatso sa butas ng doktor habang si Dylan naman nginitian lang si Bryan na tila ba niyayaya pa ang isa na sumali sa kanilang kastahan.
Bumalik ng sala si Bryan at nilakasan ang volume ng tv. Ngunit hindi kayang takpan ng ingay ng palabas ang ingay ng mga ungol at halinghing ng dalawa sa kusina. Maya-maya pa nasa tabi na ni Bryan ang dalawa na hubo’t hubad na habang walang humpay na naglalapaan ng nguso sa isa’t isa. Hindi na ikinagulat ni Bryan ang nakikita sa kaibigan. Dati pa man ganito na iyon. Hanggang sa nagkanya-kanya na sila.
Pero heto’t muli na naman niya nasasaksihan ang pagiging exhibitionists ng kaibigan. Gusto mang sawayin nito si Dylan wala naman itong dahilan para gawin ang bagay na dati pa naman gawain na ng kaibigan na maging siya rin naman noon naranasan na din kay Dylan. At para iwasan ang dalawa tumayo ito para siya naman ang pupunta ng kusina. Ngunit nang akma na itong aalis mabilis siyang hinawakan ni Dylan sa kamay.
“Join us…” Wika ni Dylan sabay kabig sa braso ni Bryan palapit sa kanya.
“Tang na Dylan ano ba ang ginagawa mo? Hindi ka man lang ba natatakot na baka malaman ni Rudolf ang pangloloko mo sa kanya?” Tugon ni Bryan.
“He knows…at ginagawa rin naman namin ito together. Pero since wala siya ngayon. Puwede ba ikaw muna ang hahalili sa kanya. Sa totoo lang Bry, Na miss kita ng sobra. And now that I have this chance na makasama ka. Sana naman pagbigyan mo ako kahit ngayon lang.” Ani ni Dylan sabay sinunggaban nito ng marubdob na halik si Bryan sa labi tsaka kinabig ang katawan ng lalake palapit sa hubad nitong katawan.
Mapusok at puno ng pagsuyo ang mga halik ni Dylan kay Bryan, bagay na hindi matiis ng lalake na hindi tugunan. Nakipagsabayan ito sa malapot na laplapan ng kaibigan. Sa sarap at galing ni Dylan sa ngasaban ng nguso dinaluyan ng libog sa katawan si Bryan. Hinimod nito ng todo ang labi ni Dylan. Hanggang sa natigilan ito nang maramdaman ang dila ni Ryle na gumagapang mula sa leeg nito paakyat sa kanyang tenga. Matindi rin mangiliti ni Ryle na halos napapaliyad na nito si Bryan. Damang-dama ni Bryan ang mga hagod ni Ryle sa kanyang likod hanggang sa unti-unti na siyang hinuhubaran ng nurse ng damit.
Nang kapwa na silang tatlong hubo’t hubad lalo pa nagliyab ang paligid sa mainit nilang tagpo. Sarap na sarap ang tatlo sa kanilang three-way kiss. Lapangan na walang humpay at bembangan na malala ang pinagsaluhan ng tatlo. Hindi magkamayaw si Bryan sa ginagawa nitong salitang pagbayo sa butas ng dalawa.
Tinapos ng tatlo ang eksena nang magsabay sina Bryan at Ryle na magpakawala ng katas habang parehas nakapasaka ang mga tarub nila sa loob ng hiwa ni Dylan. Matapos masaid lahat ni Bryan ang naimbak nitong gata sa butas ng kaibigan tumayo na ito at pinahinga ang katawan sa malapad na couch at natulog ng hubo’t hubad. Samantala naiwan naman ang dalawa sa sahig na magkapatong parin ang katawan. Matapos ang mainit na tagpong iyon nakatulog na ang lahat, maging si Bryan napahimbing ang tulog dahil sa pagod nakalimutan na ang pangamba dulot ng mga nakitang mga uwak.
Ngunit ang masarap na sandaling iyon ay napalitan ng kagimbal-gimbal na pangyayari. Tumitilaok na ang mga manok nang magising si Bryan. Nang silipin ang oras sa kanyang relo alas singko pa lang ng madaling araw. Agad nito hinagilap ang mga hinubad na damit at mabilis na nagbihis. Napansin nito na wala na sa sahig ang dalawa. Naisip ni Bryan na baka lumipat na ng kuwarto sina Dylan habang tulog ito. Kaya tinungo na lang nito ang kusina at nangi-alam na roon sa gamit ng kaibigan para mag kape.
Matapos makapag-kape naisipan na ni Bryan na umuwi na dahil ilang minuto na lang nun at alas sais na. Umakyat ito ng silid ni Dylan para sana magpaalam nang may napansin ito sa sahig pababa ng hagdan.
“Dugo ba itong mga nanuyong patak sa sahig?“pagdududa ni Bryan.
Binalewala muna iyon ni Bryan dahil maliliit na patak lamang iyon. Inakala na lang nito na baka galing sa daga na hinuli ng pusa ni Dylan. Nagpatuloy ito sa pintuan ng silid ng kaibigan hanggang sa may napansin ito mula sa siwang ng pintuan ni Dylan. At nang hawakan at inamoy niya ang pinaghihinalaang dugo…duon na kinabahan si Bryan, kinalampag na nito ang pintuan ng kaibigan ngunit walang sumasagot. Naka-lock mula sa loob ng silid ang kuwarto kaya kinukutoban na ng hindi maganda si Bryan. Doon na ito tumawag ng pulis.
Sa pagdating ng mga kasamahang mga pulis doon na nga tumambad sa kanya ang wala ng buhay na kaibigan. Nakasubsob si Dylan sa sahig malapit mismo sa pintuan, hubo’t hubad at laslas ang lalamunan. May mga tama rin ng saksak sa likod at tagiliran nito. Nagkalat pa sa kama at sahig ang mga dugo ni Dylan. Nakabukas din ang lahat ng mga kabinet at mga drawer sa silid ng doktor, tsaka nagkalat din sa paligid ang mga gamit ni Dylan.
“Walang duda ang Ryle na iyon ang may gawa nito sa kanya. Siguro nahuli siya ni Dylan na ninanakawan siya nito kaya niya siya pinatay. Kung nagising lang sana ako ng mas maaga.” Wika ni Bryan.
“Mukhang tama nga ang hinala mo sir, base kasi sa cctv ng hardware sa tapat mga bandang alas tres ng madaling araw nakitang lumabas ng gate ang Ryle na may bitbit na malaking bag. Na ayon naman sa sabi mo pumunta iyon dito na wala man lang dala na kahit ano.” Sabat ng kabarong pulis ni Bryan.
“Ang hayop na iyon makita ko lang siya dila niya lang ang walang latay.” Ang may gigil na tugon ni Bryan.
“Sa tingin ko malabo na iyan mangyari sir, dahil kanina lang mga bandang alas tres kinse, isang aksidente ang nangyari malapit sa intersection ng Dela Cruz street. Isang lalake ang nabundol ng kanter. At ang lalake na iyon ay walang iba kundi si Ryle mismo. Kinumpirma iyon ng ma nurse sa hospital na pinagdalhan ng kanyang katawan.” Sabi pa ng isang pulis kay Bryan.
Nangyari na naman ang pinangangambahan ni Bryan, nangyari iyon matapos magpakita sa kanya ang mga uwak.
THE CALL
Maging sa pag uwi ang nangyari parin sa kaibigan ang laman ng isip ni Bryan. Nagtagal ito sa banyo at nilunod ng husto ang sarili sa buhos ng tubig sa loob ng shower. Sa mga nangyayari sa kanya at sa mga sunod-sunod na patayan tila mababaliw na ito sa kakaisip kung bakit lahat ng iyon nangyayari sa mga taong nasa paligid lang niya.
“Ako ba ang pumapatay sa kanila?Tang na namang buhay ’to. Ano ba ang nagawa ko at ganito ang mga nangyayari sa akin.” Sambit pa ni Bryan sa sarili.
Nang biglang naputol ang tagas ng shower. Bigla na lang tumigil ang tubig. Pinihit-pihit pa nito ang valve ng shower ngunit wala na talagang tubig na lumalabas. Maging faucet wala rin, di gumagana. Palabas na rin ito ng banyo nang tumunog naman ang cellphone nito na nasa ibabaw ng kanyang kama. Hindi na ito nag tuwalya at lumabas na ng banyo para tunguhin ang nag ri-ring na telepono. Hindi pamilyar sa kanya ang numero ng tumatawag ngunit na curious ito baka mahalaga ang dahilan ng tumatawag na iyon. Ngunit nang kanya ng sagutin bigla namang naputol ang linya kasabay nun ang muling pagbuhos ng tubig sa loob ng shower. Nilapag nito ang cellphone para patayin ang tubig sa banyo nang makarinig naman ito ng tila na basag na salamin sa kanyang kuwarto.
Lumabas agad si Bryan para usisain ang ingay ng nabasag na salamin. At sa paglabas nga nito mula sa kanyang banyo tumambad sa kanya ang basag nitong bintana na tila ba sinadyang batuhin ng kung anong matigas na bagay. Ngunit ibang matigas ang agad na nahuli ng kanyang mga mata. Isang naninigas na uwak na naman ang naroon sa sahig kasama ng mga bubog ng salamin. Nilapitan pa ni Bryan ang ibon at takang-taka ito sa kalagayan ng uwak. Mistula na itong bato sa sobrang tigas. Sumilip pa sa kanyang bintana si Bryan upang tingnan ang paligid at baba kung may mga uwak na naman ba na naroon ngunit wala naman itong nakita. Sa takot na baka ano na namang kamalasan ang pahiwatig nun sa kanya, itinapon muli nito ang patay na ibon sa labas ng bintana tsaka nilinis ang mga nagkalat na basag na salamin.
Maya pa tumunog muli ang kanyang cellphone at sa kaparehong numero muli galing ang tawag. Mabilis itong sinagot ni Bryan ngunit muli na naman naputol ang linya. Agad nito naisip si Joshua. Inakala ni Bryan na baka si Joshua ang tumatawag sa kanya kaya tinawagan nito balik ang numero ngunit hindi na iyon nakakonekta. Si Mina na sana ang susunod nitong tatawagan para ipaalam sa kasintahan ang pag-alis ni Joshua ng may natanggap itong text message mula naman sa ibang numero.
“Iligtas mo ang babae, kung mahal mo siya. Huwag mo siyang hayaan na makuha niya.” Ang pagkakasabi sa text.
Si Mina agad ang pumasok sa isip ni Bryan kaya tinawagan nito ang numerong nag text sa kanya ngunit hindi naman niya ito matawagan. Lalo pang nadagdagan ang palaisipan kay Bryan. Patong-patong na ang pinoproblema nito at ngayon naman may pagbabanta na sa seguridad ng kasintahan. Hindi na alam ni Bryan kung alin sa mga iyon ang uunahin nito. Ang hinahawakan niyang kakaibang kaso? Ang nangyari sa mga tiyuhin?, ang mga kababalaghan na nangyayari sa kanya, si Joshua o ang kasintahang si Mina?
Samantala kakasilip pa lang ng bukangliwayway sinimulan agad ni kapitan Dantoy kasama ang mga kalalakihan sa kanilang baryo ang paghahanap sa kanyang apo at sa tatlo pang mga binatilyo na misteryosong nawala na lang bigla kasabay ng kasagsagan ng malakas na ulan. Maaga rin nagising sina Mina para maki usyoso na rin sa mga nangyayari.
“Miss Mina mukhang hindi lang iyong nangyaring sapian sa lugar na ito ang masasagap nating estorya. Sa mga nangyayari ngayon mukhang may mas interesting na topic pa tayong maidodukomento rito. Tsaka tayo ang first na magko-cover nito.” Ang tuwang-tuwa na kumento ni Sari habang inaayus ang mga gamit ni Mina.
“Pansin ko nga, kaya kayo ni Tim ayusin niyo mamaya ang mga kinukunan niyo. Dapat mahuli niyo ang tamang anggulo ng kuwento dito sa San Gabriel. Unahin niyo ang mga magulang nung tatlong nawawala. Si Peter muna ang camera man ko. Sasama kami kina kapitan.” Wika ni Mina.
“Miss Mina mukhang down talaga sa lugar na ito ang signal ng mga cellphone natin. Kahit anong subok ko, hindi talaga gumagana. Walang internet dito hindi tayo makakapag-live.” Ani ni Tim na pakamot-kamot ng bunbunan habang hawak ang kanyang cellphone.
“Dahil siguro sa bagyo kagabi. Baka mamaya meron na. Record niyo na lang ang mga interview niyo. Piliin niyo lang iyong may substance para direct agad sa kuwento. And less edit na rin. Dapat mag mumukhang raw at authentic ang lahat. Kung matutuhog niyo pinaka ugat ng kuwento mas maganda. Kayo ang isinama ko rito kasi alam ko kayo ang pinaka best sa mga research team ko kaya pakitaan niyo ako ng magandang anggulo ng kuwento.” Saad pa ni Mina.
“Copy po iyon Miss Mina. Siya nga po pala, mukhang dumating na yata sa baba ang pari nila rito Miss Mina. At grabe hindi ko akalaing ang gwapo pala talaga ng pari nila dito. Ang face card niya talaga miss Mina, parang hindi mo talaga iisiping lumiban sa misa kada linggo. Tsaka ang tangkad at parang may pa gym sa simbahan,ang laki ng katawan.” Wika pa ni Tim sabay sabi nga kay Mina tungkol sa pagdating ng pari.
Sa mga paglalarawan ni Tim sa pari na curious bigla si Mina kaya nagmamadali itong bumaba. Nabungaran nga nito sa gitna ng kumpulan ng mga tao sa baryo ang isang matipuno at matikas na lalake na nakasuot ng puting t-shirt na medyo hapit sa katawan, nakapantalon ng hapit na maong at nakabota. Sa ayos ng lalake imposible nga na siya ang pari ng San Gabriel.
“Ma’am Mina sakto naman ang pagbaba mo at paalis na kami. Siya nga pala si Father Rigor. Sasama siya sa paghahanap sa mga bata. Father si Ma’am Mina, pamilyar ka naman siguro sa kanya.” Pagpapakilala ng kapitan sa dalawa.
“Oho naman kapitan, ang kilala at award winning broadcast journalist ng Kasangga network. Ikinagagalak kong makilala kita in person Miss Mina.” Tugon ni Rigor kay Mina tsaka nakipagkamay ito sa babae.
“Salamat Father, ako din… I’m glad to meet you.” Ang nakangiting tugon din ni Mina sa pari.
“Lord sorry pero pari ba talaga itong tao na ito, hindi ba ito anghel mo? Nakakatunaw ng pagkababae ang kagwapuhan niya. Ang mga mata niya parang nanghihigop ng lakas, ang labi niya ang sarap kagatin, at ang mukha niya…grabe ang hirap lubayan ng tingin. Lord buntis ako ngayon pero parang gusto ko pa magkaroon ng kambal sa kanya. Sorry Lord… nakakalibog kasi si father.” Bulong pa ni Mina sa sarili habang titig na titig sa mukha ni Rigor.
Nagising na lamang ito sa kanyang pantasya nang tinawag na ito ni Peter para sabihin na aalis na sila. Katabi ni Mina sina kapitan at father Rigor kaya may mga sandaling nawawalan ng focus si Mina dahil sa presensiya ng pari. Naging instant fan si Mina ni Rigor. At upang ibaling sa iba ang pagpapantasya sa pari, si kapitan ang kinakausap nito.
Kasalukuyan namang sakay ng bus nun ang dalawa Joshua at Tyler na binabaybay ang kahabaan ng highway papunta ng San Gabriel.
“Tol pare malapit na ba tayo?” Tanong ni Tyler kay Joshua.
“Malayo pa pero ilang minuto na lang at mabubungaran na natin ang tulay. Sana nga lang makita agad natin si mommy.” Sagot ni Joshua.
“Subukan mo kayang tawagan,para masundo niya tayo.”
“Kanina ko pa sinusubukan pero patay ang signal ng network dito. Kahit text message hindi ako makapag send.” Wika ni Joshua.
“Di kaya kagagawan din niya ito? Dati naman ng pumunta tayo rito ang lakas naman ng signal ah.Tapos ngayon kung kelan emergency ang sadya natin tsaka pa walang signal.” Ani ni Tyler.
“Baka naman nagkataon lang, bumagyo kagabi malay naman natin kung may nasira lang sa mga tower ng cell sites malapit dito. Siya nga pala Ty, kapag nandoon na tayo puntahan mo agad si Jasper alam mo naman ang bahay nun. Magtanong ka sa kanya kung ano ang nangyari nung nakauwi na tayo.”
“Bakit ako lang?, samahan mo na ako tol. Alam mo namang takot ako mahiwalay sa iyo tapos uutusan mo pa ako mag-isa.”
“Ilang ulit ko bang sasabihin sa iyo na hindi ka niya magagalaw, iwasan mo lang na banggitin ang pangalan niya at safe ka. May kailangan din akong hanapin mag-isa. Pangako tol walang mangyayari sa iyo.” Saad ni Joshua sa kaibigan.
“Kahit na tol, ayokong pakasiguro. Hindi tao ang kalaro natin tol tsaka hindi barya-barya ang nakataya dito kundi buhay at kaluluwa natin. Ganito na lang, sabay na tayo pumunta kina Jasper pagkatapos dun naman sa pupuntahan mo.” Suhestiyon pa ni Tyler.
Nag-uusap pa rin nun ang dalawa nang bigla na lang nagkagulo ang mga pasahero sa unahan, kasunod nun naramdaman na lang ng dalawa ang pagiwang-giwang na takbo ng bus. Pabulusok na pakurba ang daan na dinadaanan ng bus kung saan sa kaliwang bahagi nun ay ang malalim na bangin. Nagsitayuan na ang pasahero sa likuran na takang-taka sa biglang pag iba ng takbo ng bus. Nasundan na iyon ng mga sigawan at hiyawan ng takot nang malaman mula sa konduktor na bigla na lang nawalan ng preno ang sinasakyan nila. Paparing-paring na sa magkabilang side ng daan ang bus at lahat na ng mga pasahero sa loob ay balot na ng takot sa maaring sapitin nila sa daan na iyon.
“Tol ayoko pa talagang mamatay, virgin pa ako tol gusto ko pa magka-girlfriend.” Ang halos maihi na sa takot na si Ty.
“Iyuko mo lang ang ulo mo tol, protektahan mo lang ng mga kamay mo. Tsaka huwag kang tumayo. Hindi tayo mamamatay dito.” Wika ni Joshua na sa kabila ng takot kalmado parin ito.
Nagyakapan na ang dalawa nang mapasigaw ang isang pasahero na mahuhulog na ang bus sa bangin. Dahil sa porma ng daan na pababa at pakurba nahirapan na ang driver na kontrolin ang manibela ng bus at tuluyan na ngang tinumbok nito ang bangin. Diretso ang pagbulusok ng bus sa mga kakahuyan sa ibaba ng bangin hanggang sa sumabog na rin ito.
Doon naman nagising si Joshua na habol-habol ang hininga at pawisan.
“Tol ayos ka lang, nanaginip ka ba? Hindi na kita ginising kasi mukhang pagod na pagod ka.” Wika ni Tyler nang magising si Joshua.
“Nasaan na tayo Tol? Malapit na ba tayo ng San Gabriel?” Tanong ni Joshua na ginagala ang mata sa mga palatandaan ng lugar sa gilid ng daan.
“Malayo-layo pa, mga forty-five minutes pa siguro.” Sagot ni Tyler.
“Tol bumaba na tayo…halika tayo na bababa tayo. Kuya para po dito na lang kami.” Wika pa ni Joshua sabay tayo at suot ng backpack nito tsaka tinawag ang konduktor upang bumaba.
“Ano tol bababa na tayo? Ang layo pa ng tulay.” Napakamot na reaksyon ni Tyler.
“Kung ayaw mo bumaba maiwan ka. Basta ako bababa na ako.”
“Oh sige bababa na rin ako. Teka lang.”
Huminto naman ang bus, pababa na ang dalawa at hinihintay lamang ang pagbukas ng pinto nang mapalingon ito sa driver. Namilog ang mga mata ni Joshua sa gulat nang makita ang biglaang pagbago ng anyo ng driver na nakatingin sa kanya habang nakangisi. Naging nakakatakot na nilalang ito sa kanyang paningin. Kulay dugo ang balat nito, lubog ang mga purong itim na mga mata, nakalawit ang mala ahas nitong dila na kulay itim, puno ng matutulis na kulay kalawang na mga ngipin ang malaki nitong bibig at may dalawang mahahaba at malalaking sungay ng turo ito sa noo. Nakatingin ito kay Joshua na nakangisi.
“Uy tol ayos ka lang ba talaga?” Pagtapik pa ni Tyler.
Nang mapakurap si Joshua bumalik na sa dati ang mukha ng driver. At sa pagbukas ng pintuan ng bus, napasigaw naman si Tyler nang bigla itong atakehin ng isang uwak na pumasok kasabay ng pagbukas ng pintuan ng bus. Lumipad din ito palabas ng nakababa na ang dalawa. Ngunit sa pag andar muli ng bus, napatulala na naman si Joshua nang makita na ang mukha naman ng konduktor ang nagiba.
“Sumabay siya sa atin Ty. Nandito siya…” Sambit ni Joshua na sinusundan ng tingin ang papalayo ng bus.
“Huwag ka nga magbiro ng ganyan tol. Nasaan siya? Nakikita mo ba?” Ang kinakabahan na sa takot na si Tyler. Palinga-linga pa ito sa paligid.
“Sa bus…” Wika ni Joshua sabay turo nito sa noo’y pagiwang-giwang na bus.
Napatingin na rin dun si Tyler na tila nagtaka sa biglaang pag-iba ng takbo ng bus. Mabilis ang takbo nito na paparing-paring ng linya sa daan. Maya-maya pa nawala na sa paningin nila ang bus dahil lumiko na ito sa pakurbang bahagi ng daan.
“Tol totoo ba na nasa bus na iyon siya? Kaya ba bumaba tayo?” Tanong pa ni Tyler.
“Mamamatay silang lahat dahil sa kanya.” Sagot ni Joshua na tila lutang parin ang diwa.
Nang sa isang saglit pa nakarinig na lang ang dalawa ng pag sabog.
“Tol ano iyon?”
“Ang bus, hinulog niya sa bangin. Dinadamay niya na ang mga tao.” Bulalas na tugon ni Joshua.
Nasa police station si Bryan nang makatanggap na naman ito ng tawag.
“Bryan pare may tawag ka sa linya.”
“Sino raw pare?”.
“Eric Nase daw, mukhang importante.”
“Salamat pare, kakausapin ko.”
Agad na dinampot ni Bryan ang telepono para sagutin ang nasa linya.
“Hello, si Bryan Morales ito…sino sila? Bakit mo ako hinahanap?”
“Sir Morales, guro ako ni Joshua dati sa Romano Highschool. Ako si Eric Nase,… Kuwan kasi ako ang kasama nila kahapon, nagkahiwalay lang kami dahil plano nilang pumunta ng San Gabriel. Tapos nabalitaan ko ngayon lang sa radyo na ang bus na sinakyan nila papunta roon naaksidente. Sumabog nang mahulog sa bangin.”
“Sigurado ka ba sa sinasabi mo ha?”
“Sigurado ako, magkausap pa kami sa cellphone kaninang alas dos ng umaga. Pinadalhan din ako ni Joshua ng numero ng bus na sinakyan nila. Maging ako man nabigla sa narinig ko kanina. Kaya ng makumpirma ko ang numero ng bus na naaksidente tumawag agad ako diyan. Nabanggit ka ni Joshua sa akin kaya ikaw agad ang naisip ko.” Kuwento pa ni Eric.
“Diyos ko si Joshua…” Tanging nasambit na lang ni Bryan.
Kumilos agad ito para puntahan ang nasabing lugar na pinagbagsakan ng bus.
Sa isang banda naman sa isang pribadong lupa sa labas ng Maynila.Sa isang malaki ngunit may kalumaang bahay ng mga Santermo. Naroon ang isa sa mga pinaghihinalaan nina Joshua na may hawak sa hinahanap nilang journal. Si Paco.
“Hindi mo kailangan mangi-alam sa kanila. Ang alalahanin mo ang sarili mong kaligtasan. Hindi basta-basta ang pinakawalan niyong nilalang at alam mo naman siguro iyon.”
“Kaya nga kailangan ko silang balaan tito. Bago pa madamay ang mga inosenteng tao. Kami lang ang may alam sa kung paano siya magkakatawang tao at kami lang din ang may alam sa kung paano siya maibabalik sa pinanggalingan niya. Dahil kami lang ang nakabasa nun sa journal.” Ani pa ni Paco.
“Hayaan niyo na sa amin ang paglutas nito. Papunta na ng San Gabriel ang ninong Andres mo. Kaya ikaw pumirmi ka lang rito. Ibinilin ka ng mga magulang mo sa akin kaya hindi ko hahayaang mapahamak ka.”
“Pero tito hindi naman habang buhay ako nakakulong lang dito. Tsaka hindi nila alam ni ninong ang panganib na naghihintay sa kanila doon.” Wika pa ni Paco.
“Hindi ka kinukulong dito, pinuprotektahan ka lang namin. Ang sekta namin ang gumawa ng templo na iyon noon. Kaya huwag mong iminus ang kakayahan ng ninong mo at nang kapatiran.” Sagot ng tiyo nito kay Paco.
“Kung ma-kontak ko lang sana si Joshua matutulungan niya ako rito. Ang journal, sino kaya ang kumuha nun sa akin.” Bulong ni Paco sa sarili.
“Wala ka ng tatawagan na kahit na sino, maliwanag… Paco?”
“Paano pa ako tatawag eh kinuha mo na ang lahat ng sim card sa cellphone ko.”
“May wifi naman dito, mag laro ka na lang sa cellphone mo. Pero Paco, binabalaan talaga kita. Huwag mong susuwayin ang utos ko.”
“Sige na po tito, naiintindihan ko naman kayo eh. “
“Mabuti,…aalis ako ngayon sasamahan ko ang ante Delly mo na mag grocery baka may ipapasama ka ilista mo na lang sa papel para mabili namin.”
“Damihan niyo na lang ang chips at soda tito.”
Pagkalabas ng tiyuhin nito, napangiting isinara ni Paco ang pinto ng silid tsaka kinuha ang laptop nito.
“Bakit ngayon ko lang ito naisip, sana nga lang naka-on line sila. Anim na sa amin ang kinuha niya. Pito pa ang kailangan niya para mabuo ang balak niya. Ang problema nito kung sino sa amin ang kukumpleto sa kanyang pagbabalik.” Ani ni Paco habang binubuksan ang kanyang social media accounts.
Binabaybay naman nun ni Eric ang kalsada papunta sa direksyon ng mga Santermo sakay ng kanyang kotse.
“Sana tama ang hinala ni Joshua na nasa kay Paco ang journal. Hindi dapat iyon mapunta sa kahit na sino. Malapit na ako sa lupain ng mga Santermo, may kutob ako na dito nila tinatago si Paco. Hayon sa may tindahan mag tatanong ako.”
Huminto sa isang sari-sari store si Eric. Bumaba ito tsaka nilapitan ang isang babae na nagwawalis sa tapat nun.
“Magandang umaga manang, dito na ba ang Poblacion del Santermo?” Tanong ni Eric.
Tumango lamang ang babae sa kanya, ngunit puno ng pagdududa ang mga tingin nito kay Eric.
“Hindi ka tagarito? Ano ang kailangan mo at sino ang hinahanap mo dito?” Balik na tanong ng babae sa kanya.
“Taga Maynila talaga ako, may sasadya-in lang akong tao, actually dati kong estudyante sa highschool. Isa akong guro. Eric Nase ho. May nakapagsabi kasi sa akin na dito ko raw makikita si Paco. Tagarito kasi ang kanyang mga magulang.” Kuwento ni Eric.
“Pasensya na ngunit wala kaming kilalang Paco na naninirahan dito. Matagal na akong residente nitong lugar at kahit kasisilang pa lang na sanggol kilala ko ang pangalan. Walang Paco rito.” Tugon ng babae tsaka tinalikuran si Eric at pumasok ng tindahan.
Bumalik naman ng kotse nito si Eric at muling nagpatuloy sa pagbaybay ng kalsada. Sinundan pa siya ng tingin ng babae na tinitignan ng masama. Habang may tinatawagan ito sa cellphone.
“Lucas mukhang natunton niya na si Paco. May kagagaling lang dito na lalake, nagpakilalang guro kuno. Eric Nase ang pangalan at hinahanap si Paco. Duda ako sa intensiyon ng tao na iyon. Papasok na siya ng Poblacion.” Ani ng babae sa kausap nito sa kabilang linya.
“Salamat, wala siyang mapapala sa pag punta niya rito.” Tugon naman ng Lucas na kausap ng babae sa cellphone.
Sa pinangyarihan ng aksidente. Dagsa na ang mga rescuer, mga pulis, bombero, taga media at mga ambulansya na umaasang may makita pang ligtas sa nangyaring pagkahulog ng bus sa bangin. Marami naring mga tao ang nakikiusyoso sa sitwasyon.
“Grabe tol ang sinapit ng bus. Nakapanlulumo talaga. Kung hindi tayo nakababa kanina isa na tayo sa mga namatay sa kanila.” Wika ni Tyler na nakayakap kay Joshua sa likuran nito.
“Iniligtas tayo ng panaginip ko tol. Binalaan tayo. May pumu-protekta sa atin kaya hindi niya tayo nakuha.” Tugon ni Joshua sa kaibigan.
“Kaya nga na tama lang na hindi dapat ako mahiwalay sa iyo tol. Dahil kung hindi mo ako sinama sa pagbaba mo kanina malamang lasog-lasog na rin ako ngayon. Kaya tol mula ngayon talaga kahit saan ka kahit anong gagawin mo, dapat nasa tabi mo lang ako.”
“Kahit iihi ako di kaya tata-e?”
“Kahit na, kung gusto mo ako na rin ang papagpag ng titi mo di kaya maghuhugas ng puwet mo. Hindi lang ako malayo sa tabi mo.”
“Hirap nun tol, eh paano kung datnan ako ng libog ko at maisipan ko mag lulu. Hindi naman puwede na katabi kita lagi.”
“Bahala na, kung gusto mo ako na rin ang babayo ng tarub mo. Basta hinding-hindi talaga ako aalis sa tabi mo. Kung ligtas ka,ligtas din ako. Iyong uwak kanina na umatake sa akin pagkababa natin ng bus, para akong tinutulak nun pabalik kanina. Umalis lang iyon nang binugaw mo na. Malamang padala rin niya iyon para sa akin.” Ani pa ni Tyler.
“Iyon din ang tingin ko sa uwak na iyon kanina. So paano na ito…ang layo pa natin sa tulay na papuntang San Gabriel. Kaya mo bang maglakad?”
“Basta hawakan mo lang ako, kahit malayo lalakarin ko. Tsaka sa safe side lang ako banda. Para bago sa akin sa iyo muna.”
“Apaka galing, gagawin mo talaga akong shield mo noh?”
“Himdi naman sa ganun tol, feel ko kasi sa iyo lang ang proteksiyon at wala sa akin. Sa totoo lang dinadaan ko na lang talaga sa biro ang takot ko tol. Pero sa nangyari ngayon parang nakikita ko na sa harapan ko si kamatayan. Ayoko pang mabura sa mundo tol. Hindi sa ganitong paraan.” Wika pa ni Tyler.
“Pangako tol, hindi ka mapapano sa tabi ko. Hindi ka niya magagalaw sa akin.” Tugon ni Joshua na inakbayan si Tyler tsaka tinapik-tapik ang balikat ng kaibigan.
Kakaalis lang nila Joshua at Tyler sa pinangyarihan ng aksidente nang siyang dating naman ni Bryan na halos hindi makapaniwala sa sinapit ng mga sakay ng bus. Agad nito inusisa ang ilan sa mga rescuer at pulis na nandoon. Napasapo na lang ito sa kanyang mukha ng malaman na wala ni isa man sa mga pasahero ng bus ang nakaligtas sa pangyayari. Sinubukan nitong pakalmahin ang sarili habang tinatawagan si Mina ngunit hindi niya ito makontak. Ilang kilometro na lang naman at San Gabriel na. Wala narin itong magagawa dun at hinayaan na lang sa mga may alam doon ang lahat. Bumalik ito ng kanyang kotse at tumuloy sa daan papuntang San Gabriel. Iyon lang ang naisip nito na paraan para ipaalam kay Mina ang nangyari kay Joshua.
“Tol kumain na muna tayo, nakaramdam na ng hilab ang tiyan ko.” Reklamo ni Tyler.
“Ako rin eh, doon may kainan sa gilid ng kalsada. Kumain muna tayo, malayo-layong lakaran pa ang gagawin natin bago ang tulay.” Ani ni Joshua.
“Pumara na lang kaya tayo ng ibang masasakyan tol, narinig ko kanina sa mga kumpulan ng mga tao roon na may bumabiyahe namang habal-habal pa akyat ng San Gabriel.” Saad ni Tyler.
“Mas kampante ako na maglakad tol kaysa sumakay uli. Ayokong may madamay pang iba. At least kung tayo lang, ikaw lang iyong kukunin niya.”
“Ay gago, huwag naman ganun tol. Akala ko ba hindi mo ako ibibigay sa kaniya?”
“Biro lang ano ka ba…kumain na nga lang tayo. Manang dalawang tapsilog nga po, tapos dalawang extra rice tsaka dalawang softdrinks.”
Saktong pag-upo naman ng dalawa nang mapadaan ng sandaling iyon ang kotse ni Bryan. Walang kamalay-malay ang lalake na ang kanyang hinahanap mula pa kahapon ay nilampasan lang niya. Ngunit habang nag da-drive ito may kung ano itong kaba na naramdaman kaya napalingon ito sa dinaanang kainan sa gilid ng highway. Maya pa tumunog ang cellphone nito. Kaya muling ibinaling ni Bryan ang tingin sa daan tsaka sinagot ang tawag.
TRUST NO ONE
“Bry pare, gising na si Helen at hinahanap ka.” Wika ng kausap ni Bryan sa cellphone.
“Mabuti kung ganun, pakisabi na saka na kami mag-usap pagkabalik ko. Papunta kasi ako ngayon ng San Gabriel pare.” Tugon ni Bryan.
“Nabanggit mo ang San Gabriel, kanina habang kausap ko siya may sinasabi niya rin ang lugar na iyan. Sabi pa niya doon daw nagsimula ang lahat at doon din dapat magtatapos. Nang usisain ko kung ano ang ibig niyang sabihin. Alam mo raw ang sagot. Tapos nun hindi na siya nagsalita, biglang naging balisa na tila ba takot na takot. Parang nabaliw si Helen pare, naalog yata ang turnilyo matapos ang aksidente.” Ani pa ng lalaking kausap ni Bryan.
“Pare, make sure na may bantay lagi si Helen. Baka kung ano ang gawin niya o baka may mangyari sa kanya. Susubukan ko makabalik agad. “ Saad ni Bryan.
“Copy pare, kinakabahan din ako sa mga nangyayari this past few days. Grabe na ang insidente ng patayan at aksidente. Parang sunod-sunod na. Sige pare ingat sa biyahe. Ako na bahala kay Helen.” Pagtatapos pa ng kausap ni Bryan.
Dahil sa narinig lalo lang nag-alala si Bryan kay Mina na naroon pa naman sa San Gabriel. Malayo-layo pa ito ngunit tanaw na mula sa tinatahak nitong daan ang bungad na tulay. Samantala, nasuyod na ng mga taga San Gabriel ang kahabaan ng ilog at mga gubat sa paanan ng bundok ngunit bigo parin silang mahanap ang mga nawawalang binata. Hindi na maitago ang matinding pag-aalala ng mga kaanak at ama ng mga nawawala sa posibilidad na baka may masama na ngang nangyari sa mga bata, lalo na si Kapitan Dantoy na halos manghina na dahil sa kawalan ng pag asa na makikita pa ang apo.
“Hindi kaya kinubkub sila ng mga taga-taas kapitan?” Pakiwari ng isang lalake sa grupo.
“Hindi ko alam, wala tayong patunay. Tsaka misteryo ang kanilang pagkawala lahat. Walang bakas o kahit na ano’ng palatandaan na lumabas sila sa kalagitnaan ng bagyo. Nangyari ang lahat ito matapos sila masapian ng demonyo. Kaya iba na ang kutob ko sa pagkawala nila.” Tugon ng kapitan.
“Paano mo nasabi iyan kapitan? May ibang hinala ka pa ba sa mga nangyayari?” Tanong ni Mina.
“Si Saling, ang baliw na dayo rito sa amin. Minsan niya na ako binalaan tungkol sa mangyayari ngunit hindi ako nakinig sa kanya. Ani pa niya noon, isang salot ang nakatakdang isisilang sa baryo na ito. Salot na magdudulot ng kasamaan sa lahat. Ngunit bago raw ang kanyang pagganap. Mangyayari ang di inaasahang pangyayari dito. Mamamatay daw ang lahat ng hayop na madaanan ng sinumpaang hangin, at nangyari na nga iyon dito nung nakaraan lang. At sa nalalapit nitong pagbangon, ilang mga kabataang lalake ang magsisilbing sakripisyo upang magsilbing daan sa kanyang pagbabalik. Ganun ang mga tinuran sa akin ni Saling noon. Ngunit hindi ko naman naiintindihan ang ibig niyang ipahiwatig. At sinabi pa nun niya sa akin na ingatan ko raw ang unang apo ng aking dugo dahil nakatakda na ang kanyang buhay. Unang apo ko si Tomas kay Tilyo. Kaya napapaisip ako kung ito na ba ang sinasabi ni Saling sa aking babala?” Kuwento pa ng kapitan na hindi na mawari ang pag-aalala.
“Sino ba itong si Saling kapitan at nasaan ba siya?” Tanong pa ni Mina.
“Dayo lamang siya rito at naparito raw para sa kanyang anak, halos araw-araw nasa ilog ito hinahanap ang iniwang sanggol. Eh kaso wala naman kami nabalitaang may natagpuang sanggol dito sa San Gabriel, dito na ako nagkaisip at halos kakilala ko na ang mga taga rito. At alam ko hindi iyon siya taga rito. Makailang ulit na namin ibinalik ni father Rigor sa munisipyo para tulungan. Naipasok narin sa mental facility pero laging nakakatakas at bumabalik dito. Kaya naisipan ni father na ampunin na lang.” Dagdag ni kapitan sa kanyang kuwento.
“Nasa kay father pa pala siya ngayon kung ganun? Bakit hindi kaya natin siya tanungin baka may makuha tayong impormasyon sa kanya tungkol sa pagkawala ng mga bata.” Ani ni Mina.
“Tama Tay, baka nga May kinalaman ang baliw na iyon sa pagkawala ng anak ko. Humanda ang baliw na iyon kapag nalaman kong siya ang may kagagawan nito.” Ang galit na galit na sabat ni Tilyo sa usapan ni Mina at ng ama.
“Hindi iyon ang ibig kung sabihin. Baka lang kasi may makuha tayong hint sa kanya. Hindi sa pagbibintangan natin. Mukhang mali naman yata iyon.” Komento ni Mina na hindi nagustuhan ang sinabi ni Tilyo.
“Ang baliw na iyon ang salot dito sa baryo namin. Simula nung dumating iyon dito sunod-sunod na ang kamalasan dito. Kaya mga kabaryo! Mga kasama usigin natin ang baliw na si Saling!!!” Wika pa ni Tilyo inudyukan pa ang mga kasama.
Sa nangyayari, pumagitna na si father Rigor upang pakalmahin ang galit ng mga magulang at kaanak ng mga nawawalang mga bata. Ngunit tila ayaw makinig sa kanya ng mga ito.
“Magdamag naming kasama si Saling sa bahay, at kaya kung patunayan na walang kinalaman si Saling sa mga nangyayari. Hindi siya ang pagbintangan niyo dahil wala naman siyang ginawang masama laban sa inyo. Mag hunos dili kayo mga kabaryo. Bigyan niyo ng puwang ang pagmamahal at pagkahabag sa mga puso niyo! Lubayan niyo na si Saling pakiusap!” Pakiusap pa ng pari.
“Iharap mo na lamang sa amin si Saling father kami ang aalam kung totoo ba ang tinuran mo sa kanya. Pangako wala kaming gagawing kung ano sa kanya. Nais lang namin kumpirmahin ang lahat.” Sabat ni Arkadyo ama ng isa sa mga nawawala.
Pinagbigyan ng pari ang kagustuhan ng mga tao. Nanguna ito sa kanila para tunguhin si Saling. Habang naglalakad, lumapit si Peter kay Mina habang patuloy na kumukuha ng video. Pasimple itong may ibinulong kay Mina.
“Miss Mina, simplehan mo lang ang dalawang lalake sa bandang kanan nila kuya Tilyo. Huwag ka lang pahalata masyado. Kuwan kasi bigla na lang sila sumulpot sa grupo nung nasa gubat tayo. Wala naman iyan sila kanina sa bahay nila kapitan.Tsaka pansinin mo ang kilos nila pati ang mga tingin nila. Tila nakikimatyag, tila balisa.” Ani ni Peter sa babae.
Hindi pa man iyon nasabi ni Peter, napansin na rin pala iyon ni Mina.
“Ikutan mo ng shot, dapat hagip ang mukha nila. Duda rin ako sa dalawang iyan. Panay pa ang sulyap kanina atin pati kina Father. Tsaka duda rin ako sa laman ng kanilang mga dalang bag.” Tugon ni Mina na pabulong din kay Peter.
Ang hindi alam nila Mina sila lang din ang binabantayan ng tinututukan nilang mga lalake.
“Pansinin mo ang reporter na iyon, kanina pa nakatingin sa atin dito. Ano kaya iniisip ng dalawang iyan sa atin?” Wika ni Ben kay Berwin.
“Hayaan mo sila, lalo lang tayo babantayan ng mga iyan kung papansinin mo. Pagtuunan natin ng atensiyon ang nangyayari ngayon, baka tayo na naman sa taas ang mapagbalingan nila ng sisi. Duda na rin ako na may mali rito.” Saad ni Berwin.
“Kung gayun nagdududa ka na rin kay father Rigor?” Tanong pa ni Ben.
“Hindi sa nagdududa ako, nagtataka lang talaga ako kung bakit naroon si father kagabi sa gubat. Lalo pa at masama ang panahon.” Sambit ni Berwin.
“Tapos may pasan-pasan pa siyang sako sa balikat kagabi at tila mabigat ang laman nun.” Sabi pa ni Ben ng pabulong sa kasama.
“Kaya nga aalamin din natin ang estorya sa likod nito. “ Dagdag pa ni Berwin.
“At si Manang Saling lang ang tanging makakasagot sa mga palaisipan natin. Sabi ko na nga sa iyo eh, hindi talaga baliw iyang si Saling. Hindi lang talaga siya gets ng mga tao rito.” Ani ni Ben.
Nang mga sandaling iyon, habang sinusuyod ni Eric ang mga kalye ng Poblacion del Santermo, may napapansin ito sa mga tao na madadaanan nito sa gilid ng daan. Lahat sila nakatingin ng masama sa kanya, maging ang mga nakakasalubong nitong mga tricycle lahat na sakay nun sa kotse niya nakatingin. May pagbabanta ang mga tingin nila. Kabado man ngunit hindi nagpadaig ng takot si Eric hanggang sa napansin nito ang isang lumang arko ng isang villa.
“Villa Santermo, ito na yata ang kanila ni Paco. Grabe pinakadulo pala talaga ang kanila. Tapos mapuno pa ang papasok sa villa. Bungad pa lang ramdam ko na ang kakaibang enerhiya sa paligid.” Wika ni Eric sa sarili.
Dahan-dahan ang pag minor nito ng kanyang sasakyan papalapit sa bungad ng arko ng villa nang harangin ito ng apat na kalalakihan na sumalubong sa kanya. Agad na napahinto si Eric ng sasakyan para hintayin ang apat na lalaking papalapit sa kanya. At nang malapit na ang mga ito, bumaba na rin si Eric para ipaalam sa mga iyon ang pakay nito sa lugar na iyon.
Ngunit sa pagbaba nito agad naman itong tinutukan ng baril ng isa sa mga iyon kung kaya’t napaatras ng hakbang si Eric na nakataas ang mga kamay.
“Ano ang pakay mo rito?” Tanong ng lalaking may hawak ng baril.
“Hindi akong masamang tao, wala akong intensyon na masama sa pagpunta rito. Nandito lamang ako para magbigay ng tulong. Guro ako ng Romano Highschool, ako si Eric, estudyante ko si Paco Lorenzo. At ayon sa mga kaibigan niya nandito raw siya. Nasa panganib ang buhay niya, at naparito ako para tumulong. Pakiusap dalhin niyo ako sa kanya.” Tugon ni Eric.
“Ano ang nalalaman mo sa nangyayari sa kanya. At paano mo mapapatunayan na mapagkakatiwalaan ka?” Tanong pa ng lalake kay Eric.
“Alam ko kung paano matatapos ang lahat ng ito. Isa ako sa mga salin lahi mula sa sinaunang miyembro ng Custos Solis. Kaya alam ko ang mga nangyayari sa ngayon, kabilang na ang pinagdadaanan ni Paco.” Paghayag pa ni Eric ng sarili.
Sagradong lihim ang samahan ng Custos Solis. At tanging ang mga itinalagang tagapangalaga lang ng lihim ng sekta ang siyang nakakaalam nun. Dahil sa sinabi na iyon ni Eric, kumalma ang apat at maayos na tinanggap ang pagpunta ni Eric sa kanilang lugar. Isa-isa rin nagpakilala ang apat sa kanya.
“Lucas, ako ang tiyuhin ni Paco. Pasensya na kung hindi naging maayos ang pagsalubong namin sa iyo. Naninigurado lamang kami sa kaligtasan ng pamangkin ko. Siya nga pala bakit mo ipinakilala ang katauhan mo sa amin? Lubhang mapanganib iyon para sa mga kalaban.” Ani ni Lucas.
“Kampante naman ako na sabihin iyon sa harapan mismo ng mga miyembro ng kapatiran. Nang makita ko ang simbolo ng araw sa braso mo, hindi na ako nag alangan. Dahil tulad mo isa rin ako sa mga taga protekta ng samahan.” Sagot pa ni Eric sabay taas ng long sleeve nito tsaka ipinakita ang katulad na simbolong tattoo sa kanyang braso.
Lalong na kumbinsi nito sina Luca sa dahilan ni Eric. Sinamahan nila agad ang guro sa loob ng villa. Hindi inakala ni Eric na malayo pa pala sa bungad ng arko ang pinaka gate ng naturang villa ng mga Santermo. Sadyang pinaiwan ni Lucas kay Eric ang kotse nito sa bungad ng arko. Bagamat pinakilala na ng guro ang kanyang katauhan, dahil sa mga nangyayari ayaw parin pakasiguro ni Lucas lalo pa at batid nito na hindi basta-basta ang kinakaharap nila.
Nang makita na ni Eric ang gate ng villa lalo itong namangha sa istraktura nito. Mula sa desinyo ng pader, sa klase ng bakal na gamit sa gate, sa mga haligi nitong bato na may mga detalyadong mga ukit. Masasabi talagang itinayo iyon ng may ilang siglo na at nakakubli lang sa pusod ng siyudad. At pagbungad pa lang sa loob isang sinaunang hardin agad ang makikita, mistulang maze ang nagtataasang mga halaman na hinugis ayon sa ayos at tema ng hardin. Dahilan upang hindi agad makita mula sa gate ang mansiyon ng mga Santermo.
“Hindi ba naliligaw ang mga kasamahan niyo rito? Sa hardin palang mukhang mahirap na makita kung saan ang tamang lagusan.” Natawang wika ni Eric sa reaksyon nito sa hardin.
“Sanayan lang, para sa mga baguhan talagang mahihirapan sila. Pero kabisado na namin ang buong villa, alam namin ang tamang daanan at kung alin ang daan na may mga patibong. Osmon, samahan mo si sir Eric sa mansiyon at may pupuntahan lang ako. Sir Eric, magkita na lang tayo sa bahay.” Tugon ni Lucas, tsaka nito hinabilin ang guro sa kanilang kasama na si Osmon.
Kasama ang dalawa pa, lumihis ng daan sina Lucas. Sinundan naman sila ng tingin ni Eric habang sumusunod naman kay Osmon.
“Osmon pare, ilan ba lahat ang tao rito sa villa? Lahat ba kayo rito mga kasapi rin ng kapatiran?” Naitanong pa ni Eric.
“Hindi ko maaring sagutin ang tanong mo. Kung ano ang pakay mo sa pagpunta rito. Iyon lang ang gagawin mo rito. Liban dun wala na. Lalo na ang mangi-alam sa mga bagay na lihis sa pinunta mo rito.” Tugon ni Osmon.
“Grabe nakakahilo naman ang mga pasikot-sikot sa hardin na ito. Ilang liko pa ba ang meron pare? Wala bang mas short cut?” Ani pa ni Eric na litong-lito na sa mga sinusuot nilang mga daan.
“Kabisaduhin mo na lang ang daan na tinatahak natin dahil ito rin ang dadaanan mo palabas ng villa. Baka hindi ka na makauwi pagbalik mo. Makakarating din tayo ng mansiyon.” Sagot pa ni Osmon.
Napailing na lamang si Eric sa tugon sa kanya ni Osmon.
Sa silid naman nun ni Paco, habang naglalaro ito ng online game sa kanyang cellphone. Napalingon ito sa gawing pintuan nang may narinig itong nagtatalo sa labas. Tumayo ito sa kanyang kama at tinungo ang pinto upang tingnan sana kung sino ang nasa labas nang siyang bukas naman agad ng pinto.
“Tita Delly, akala ko ba aalis kayo ni tito Lucas? Siya ba iyong kasigawan mo kanina? Rinig ko kasing may nagtatalo kanina, sisilipin ko sana sakto namang pumasok ka.” Wika ni Paco nang makita ang tiyahin.
“Naku, nagkasagutan nga kami ng tito mo. Hayun hindi na ako sinama. Bahala nga siya sa buhay niya. Buti rin iyon nang maranasan din ng tito mo na iyon ang hirap mamili ng groceries. Siya nga pala Paco, lumipat ka na muna sa kabilang bahay sa likod ng mansiyon. Don ka muna.” Ani ng tiyahin nito.
“Bakit po tita?”
“May pagpupulong dito mamaya ang mga kapatiran. Sagrado ang gawaing iyon at bawal ang hindi kabilang sa amin.”
“Bakit doon pa eh ang layo nun tita, tapos hindi pa abot dun ang wifi. Lilipat na lang ako sa taas, marami namang silid dito sa mansiyon.” Pagtutol pa ni Paco.
“Kung puwede lang talaga, hinayaan ka na namin magpalipat-lipat ng silid. Alam mo naman na hindi lahat ng mga silid dito puwede. Kaya nga dito ka namin pinatuloy kasi hindi puwede sa iba. Wag na kasi matigas ang ulo Paco. Hayaan mo at ipapadala ko sa iyo ang portable wifi sa guard house. Mag ayos ka na dahil paparating na sila.” Saad pa ni Delly.
Wala nang nagawa pa si Paco kundi ang sundin ang utos ng tiyahin. Bitbit ang ilang mga personal na gamit at mga kailangan tinungo nito ang isang bahay na may kalayuan din talaga sa mansiyon. Sa layo nun kailangan pa gumamit ni Paco ng e-trike papunta roon. Ngunit habang papunta na ito sa isa pang bahay, bigla na lang may kung anong imahe ang dumaan sa kanyang paningin. Ganun lagi ang nangyayari sa kanya tuwing may panganib na mangyayari sa paligid nito. Tulad ni Joshua, nakakakita rin si Paco ng mga pangitain at mga babala patungkol sa mga tao na may kaugnayan sa kanya. Nagsimula niya itong maranasan nang minsan nito nahawakan ang mismong journal na nakita nun ni Joshua. Ngunit di tulad sa kakayahan ni Joshua na malinaw nito nakikita ang mga mangyayari sa hinaharap, pagdating naman kay Paco malabo ito at puro anino lang at boses ang kanyang nakikita at nadidinig.
Saglit na napahinto si Paco at nakiramdam sa kanyang paligid. Ramdam nito ang nakakasakal na bigat ng hangin na lumulukob sa kanya. Ngunit mabilis lang din iyon nawala.
“Hindi kaya nakukumpleto na niya ang labingtatlong buhay na bubuo sa kanya? Hindi… kailangan na talaga may gagawin ako. Hindi ko lamang i-aasa sa mga kapatiran ang lahat ng ito. Kami ang nagsimula nito kaya marapat lang na kami rin ang tatapos.” Bulong pa ni Paco sa sarili.
Muli nitong pinaandar ang e-trike na dala at mabilis na tinungo ang bahay sa dulo ng villa.
Sa mga oras naman na iyon, nakaramdam na ng pagod sina Joshua at Tyler sa kakalakad at pagbaybay ng daan pa San Gabriel. Sa layo ng nilalakad ng dalawa tila agad na natunaw ang kinain nilang almusal.
“Tang na, kapagod na tol. Umiinit na ang paa ko sa loob ng sapatos ko. Ang layo pa pala natin sa tulay. Akala ko ang lapit lang. Tanaw naman siya natin pero parang hindi naman tayo umaabot. Umuusad din yata ang daan, tang na.” Ang reklamo ni Tyler na hingal na hingal na sa kakalakad.
“Kaunting tiis pa tol, saan ba at makakarating din tayo. Isipin mo na lang na nag gi-gym tayo.”
“Putcha mas gugustuhin ko pa mag gym ng buong araw kaysa ganito, paakyat na nga ang daan paliku-liko pa. Nanginginig na talaga ang tuhod ko men. Pramis parang hihiwalay na ang mga buto ko sa balat sa sobrang pagod.” Sabat ni Tyler.
“Ayan may dadaang bus pumara ka nang makasakay ka na. Basta ako maglalakad lang ako.” Tugon ni Joshua na nginiti-an lang si Tyler.
“Teka bakit ako lang, sabay na tayo sasakay tol.”
“Ayoko nga, tsaka mas feel ko na safe ako sa daan kumpara sa bus. Pero ikaw dahil panay ka reklamo. Pumara ka na ng bus at sumakay hintayin mo na lang ako sa dulo ng tulay.” Ani pa ni Joshua.
“Kainis naman to oh,… palibhasa sanay ka sa marathon at triathlon kaya mataas ang endurance mo.” Sabat pa ni Tyler.
Maya-maya pa biglang natigilan si Joshua. Huminto ito sa paglalakad habang nakatingin sa daan sa kanilang unahan. Namilog ang mga mata nito na tila may nakikita na kung ano sa direksyon na kanyang tinitingnan. Napansin iyon ni Tyler kaya muli na naman ito nilukuban ng takot. Napakapit ito ng mahigpit sa braso ni Joshua.
“Tol may nakikita ka na naman ba?”
“Oo, may nakikita ako…” Ang seryosong mukha ni Joshua.
“Nandiyan ba siya tol, malapit lang ba siya sa atin tol?” Tanong pa ng nanginginig na si Tyler.
“Hindi siya, kundi sila”…
WARNING
Kinikilabutan na kinakabahan si Tyler na palinga-linga sa paligid nila ni Joshua. Hindi na rin ito bumibitaw sa pagkakahawak sa braso ng kaibigan dahil sa takot. Mababanaag din ang kilabot sa mukha ni Joshua ngunit nilalabanan nito ang udyok ng takot na nararamdaman. Sa kanyang balintataw, kita nito ang mga kaklase at mga kamag aral na naunang natagpuang pinatay. Sina Jimmy, Rolly, Fred, Felix, Sam, Henry at ang apat pa na hindi malinaw ang mukha kay Joshua. Nakatayo ang mga ito sa gitna ng daan na tila ba may nais sabihin sa binata.
“Tatlo na lang ang kulang at mabubuo na siya…” Bulalas ni Joshua.
“Ano? Ibig mong sabihin tol sampu na sila, sino ang apat?” Tanong ni Tyler.
Nang mapansin ni Joshua na unti-unting lumilinaw na ang mukha ng isa sa apat na walang mukha. Ngunit nang malapit na nitong maaninagan ang mukha ng isa…bigla namang dumaan ang isang bus na lumampas sa mga iyon dahilan para maglaho ang mga nakikita ni Joshua. Sumama ang mga ito na animoy mga usok sa napadaang bus.
“Nawala na sila…pero iyong isa sa apat na kasama nila parang kamukha ni Jasper.” Sambit ni Joshua.
“Sigurado ka ba tol si Jasper iyon, kung gayun wala na rin si Jasper.”. Wika ni Tyler.
“Bilisan natin tol mukhang nasa San Gabriel na talaga siya. Si mommy nasa panganib siya.”
“Sumakay na lang kasi tayo tol para makarating agad tayo ng San Gabriel. Siguro naman hindi na tayo haharangin nun kung nauna na nga siya sa baryo.” Saad ni Tyler.
Sumang-ayon na rin si Joshua, isang multicab ang pinara ng dalawa para makisakay. Hinintuan naman sila tsaka pinasakay.
Dahil sa hindi parin mahagilap ang mga nawawalang kabataan, sinadya na ng mga kabaryo kasama sina kapitan ang babaing tinatawag nilang baliw na si Saling. Inabutan nila ni Father Rigor ang babae na nagwawalis sa likod ng simbahan. Balisa ang mga kilos nito at kapansin-pansin sa mukha ang takot. Nanlilisik ang mga mata na ginagala ang mga tingin sa paligid. Na para bang hindi nito napapansin ang pagdating ng pari at ng mga kabaryo.
“Father, mukhang wala na naman sa katinuan si Saling. Mukhang wala rin tayo makukuhang impormasyon sa kanya.” Sambit ni kapitan Dantoy.
“Nitong mga nakaraang araw palaging ganyan siya. Kaya nga hindi ko na siya pinapahayaan kay Carlitos na lumabas pa sa bakuran ng simbahan baka kung ano pa mangyari diyan. Pero maayos naman iyan nakakausap.” Ani ng pari.
Lalapitan na sana ni Father Rigor si Saling nang bigla na lang nangisay ang babae at napahandusay sa lupa. Nanginginig ang buong katawan nito habang nanlilisik ang mga mata na animoy sinasapian. Nagdulot iyon ng takot sa mga naroon, maging si Mina na gulat sa nakita. Maya pa at huminahon din ito. Inakala ng pari na ayos na si Saling kaya lumapit na ito sa babae nang bigla na lang bumangon si Saling at napatingin ng masama sa direksiyon nila Mina.
“Saling tama na, kumalma ka. Tinatakot mo na ang mga tao sa ginagawa mo. Huminahon ka pakiusap.” Wika ni Father Rigor.
“Dala niya ang sumpa sa kanyang katawan. Siya ang magdudulot ng salot sa atin! Patayin niyo ang babaing iyan bago pa niya isilang ang pinakamasamang bangungot na tatapos sa ating lahat! Patayin siya!!!” Biglang sigaw ni Saling at patakbo nitong susugurin si Mina.
Hindi inaasahan ng lahat ang gagawin na iyon ni Saling. Ngunit bago pa man ito nakalapit kay Mina isang putok ng baril ang tila nagpahinto sa oras ng lahat. Lahat natigilan nang bumulagta sa lupa ang babae na agad nasundan ng malakas na tili ni Mina. Doon na lalong nagkagulo ang mga tao. Agad nila hinanap kung kanino nagmula ang putok ng baril. Pinagtulungan naman nila kapitan at father Rigor si Saling na isakay sa tricycle para dalhin sa malapit na sentro. Nagtawag na rin sila ng ambulansya sakaling hindi maagapan ang babae.
Naiwan pa roon si Mina na tulala parin at hindi makapaniwala sa nangyari. Usap-usapan din sa mga taong naiwan kung sino ang bumaril kay Saling. Dahil sa wala man lang nakakita sa mga nangyari.
“Ano ba ang nangyari Peter? Bakit gusto akong atakihin ng babaeng iyon? Tsaka sino ang bumaril sa kanya?” Ang nanginginig parin sa takot na sabi ni Mina.
“Ewan ko miss Mina pero ang weird ng mga sinabi niya sa iyo, pakinggan mo itong audio ng video na nakuhanan ko kanina. Bakit tila gusto ka niyang patayin at sa sinasabi niya tila alam niyang buntis ka miss Mina.” Sabat ni Peter.
“At bakit ko naman dadalhin sa katawan ko ang tinutukoy niyang salot? Baliw lang talaga ang babaing iyon. Grabe, akala ko talaga dadambahan na niya ako. Pero sa tingin mo sino ang bumaril sa kanya?” Ani ni Mina.
“Hindi ko rin napansin, sobrang bilis ng nangyari. Pagkabulagta kanina nung babae nagpulasan narin ang mga tao. Sandali miss Mina…iyong dalawang tao na pangingilagan natin, iyong may mga sukbit na baril hindi kaya isa sa kanila? Kasi nung nagkagulo na hindi ko na sila nakita sa paligid.” Ayon kay Peter.
“Mukhang may kakaiba ngang misteryo ang lugar na ito. Peter nasubukan mo na ba ang cellphone mo kung may signal na?”
“Meron na miss Mina, hindi nga lang ganun ka lakas. Pero mukhang gumagana na. Bakit ho?”
“Kaya na ba mag-live?”
“Mukhang kaya naman miss Mina, bakit mag la-live po ba tayo?”
“Curious ako sa mga nangyayari rito,…mag ri-report lang ako sa network. Bumalik na muna tayo sa bahay ni kapitan, tapos i-forward na agad ang mga nakuha mo para ma edit na ng team.”
Bumalik muna sila Mina sa bahay ng kapitan. At habang naglalakad sa daan pabalik, isang pamilyar na kotse ang natanaw nito mula sa malayo. Mahina ang takbo ng kotse, nang huminto ito sa isang tindahan. Doon lang din ang tingin ni Mina. Pamilyar sa kanya ang kotse ngunit nag aalangan ito baka kamukha lang. Hanggang sa bumaba ang sakay nun at lumapit sa mga taong nakatambay sa tindahan na iyon.
“Miss Mina si sir Bryan iyon diba?” Sambit ni Peter nang makilala ang lalaking bumaba ng kotse.
“Sir Bryan!” Sigaw nito.
Nang mapansin sila ng lalake. Patakbo silang sinalubong ni Bryan at nang malapitan si Mina, isang mahigpit agad na yakap ang binati nito tsaka isang halik sa labi.
“Salamat naman at maayos ka, nag-alala ako sa iyo.” Wika ni Bryan.
“Naku sir Bryan kung alam mo lang ang nangyari rito kani-kanina lang, kamuntikan na iyang si miss Mina…” Hirit ni Peter.
Pinandilatan ng mga mata ni Mina ang camera man nito dahil sa pagsumbong nito kay Bryan kaya hindi na nito naituloy ang kuwento.
“Bakit ano ba ang nangyari?” Tanong ni Bryan na may pag-aalala.
“Doon ko na ikukuwento sa iyo sa bahay ni kapitan, doon kami ngayon nakikituloy ng mga staff ko. Sina Tim at Sari ang kasama ko.” Sagot ni Mina kay Bryan.
Pasakay na ng kotse ang tatlo nang matigilan si Bryan. May narinig na naman kasi itong pamilyar na tunog, tunog na likha na naman ng mga uwak. Kinabahan na naman ang lalake nang mapansin nito ang mga uwak na nasa kawad ng mga kuryente sa poste at tila nakatingin sa kanila.
“Babe halika na, bakit nakatayo ka pa riyan?” Tanong ni Mina kay Bryan.
“Wala babe, okay alis na tayo. Saan ba ang bahay ng kapitan nila rito?” Tugon ni Bryan na agad din pumasok ng kotse at pinaandar ito.
Sa ospital naman kung saan naroon si Helen, muli na naman ito dinalaw ng kaibigang si Julian sa kanyang panaginip. Muli na naman ito nagpaabot ng babala sa kanya. Kaya nang magising ito, agad itong bumangon ng higaan tsaka pilit na tinatanggal ang mga nakakabit sa kanyang suwero. Nang maabutan ito ni Alcantara.
“Ano ang ginagawa mo? Huwag mo ngang tanggalin iyan. Kailangan mo pa ng sapat ng pahinga. Ibinilin ka sa akin ni Bryan kaya huwag mo akong bigyan ng sakit ng ulo pakiusap.” Wika nito sa babae.
“Maayos na ako, kailangan ko ng lumabas.”
“Ang doktor lang ang magsasabi kung okay ka na. Siya nga pala sabi ni sir, mag leave ka na muna pagkalabas mo rito. Mukhang kailangan mo muna i-recover ng husto ang sarili mo. After kasi ng aksidente mo mukhang grabe ang naging epekto sa iyo.” Ani pa ni Alcantara
“Gusto ko nang lumabas, lalo akong hindi gagaling dito kung nandito lang ako. Kakausapin ko ang doktor, lalabas na ako.” Sabat ni Helen.
“Hintayin mo na lang ang nurse mo mamaya. Maiba ako may ideya ka ba kung ano ang bagay na ito? Nakita ko ito kahapon sa ilalim ng higaan mo nang pinuntahan kita kagabi. Hindi na kita ginising kasi ang himbing ng tulog mo.”
Isang piraso ng pahina mula sa isang journal ang inabot ni Alcantara kay Helen. Laman nun ang mga salita na hindi mabasa at mga simbolo na hindi pamilyar sa kanila. Ngunit nang hinawakan iyon ni Helen, biglang lumakas ang hangin sa loob ng silid na ikinagulat ng dalawa dahil sarado naman ang bintana tsaka mahina lang naman ang aircon. Nang may narinig bigla si Helen na bumulong sa kanyang tenga. Kilala niya ang boses na iyon.
“Hanapin mo ang bahagi na iyan sa sasabihin kong lugar. Nalalapit na siya…” Bulong pa ng boses at nawala rin ito.
Kasabay nun ang paghupa ng malakas na hangin.
“Saan galing ang hangin na iyon?” Tanong ni Alcantara.
“Tawagin mo na ang doktor ko, kailangan ko ng lumabas.” Saad ni Helen.
Lumabas ng silid si Alcantara, nang maiwan na si Helen agad nitong sinuri ang mga nakasulat sa kapiraso na pahina na hawak. Wala man lang sa mga nakasulat dun ang naiintindihan nito ngunit ang mga simbolo natatandaan nito. Dahil katulad ng mga iyon ang naka-ukit sa mga balat ng mga kabataang natagpuang patay. Hindi na nakapaghintay pa si Helen. Puwersahan nitong tinanggal ang mga nakakabit sa kanya. Bumangon ito kahit hirap tsaka hinagilap ang mga damit na meron ito. Tinungo nito ang banyo tsaka naghilamos, binasa ang buhok tsaka inayos ng naka-pusod. Nagsuot ng pantalon, sapatos tsaka ang jacket na leather na nakapatong sa isang upuan.
“Salamat at nasa bulsa ko pa ang wallet ko pati ang cellphone.” Sambit nito nang makapa ang mga gamit sa jacket.
Sakto at tahimik sa labas ng silid nito nang kanyang tingnan.
Pasimple itong lumabas ng silid at naglakad palayo roon. Pagkalabas ng ospital may tinawagan agad ito sa cellphone niya tsaka nagpara ng taxi at doon sumakay.
Si Eric naman ng mga sandaling iyon ay kausap na si Lucas, magkaharap ang dalawa sa isang mahabang lamesa habang nagkakape.
“Magkape ka muna, at maya-maya lang nandito na si Paco may ginagawa lang ang batang iyon sa kanyang silid.” Wika ni Paco.
“Hindi naman sa nagmamadaling ako, ngunit mahalaga na makausap ko agad si Paco. Kinakapos na tayo ng oras.” Saad ni Eric.
“Naiintindihan ko, magkape ka na muna at ipapatawag ko si Paco.” Ani ni Lucas
Isa sa mga utusan nito ang inutusan ni Lucas na sunduin si Paco. Kampante naman si Eric na nakipagkape. Sa unang higop pa lang nito sa kapeng hawak tila iba na ang nararamdaman ni Eric. Napansin iyon ni Lucas na agad pinuna ang lalake.
“Ayos ka lang ba pare?”
“Ayos lang… bigla lang ako nakaramdam ng hilo.” Wika ni Eric.
“Malamang kanina iyan, sa dami ba naman ng pasikot-sikot bago ka mapunta rito tiyak mahihilo ka ngang talaga lalo na sa tulad mong unang beses pa lang napunta rito.” Tugon ni Lucas.
“Siguro nga. Masyado kasing masikreto itong villa niyo. Kung hindi ko pa ito nakita iisipin ko na talaga na gawa-gawa lang ang villa Santermo para linlangin ang mga naghahanap nito.” Ani pa ni Eric.
“Sinadya naman talagang gawin ang lugar na ito sa ganung dahilan. Daang taon na ang lumipas ngunit hanggang ngayon wala pang nakakapasok dito liban na lang sa mga piling kasapi ng kapatiran kagaya mo. At marahil ito na rin ang huli na masilayan mo ang villa.” Saad ni Lucas.
“ Anong ibig mong sabihin?“ Tanong ni Eric na tila kinutuban bigla ng hindi maganda.
“Hindi lamang ito basta tahanan, ito rin ang siyang magiging kanlungan ng ating dakilang panginoon sa kanyang pagbabalik. Dito titindig ang panibago niyang templo sa mundong ito. At hindi ako papayag na hindi iyon maganap. Kaya lahat ng hahadlang sa kanyang pagbabalik ay pipigilan namin.” Tugon ni Lucas.
“Mga kampon kayo ng demonyo…” Tanging nasambit na lamang ni Eric at tuluyan na nga itong nawalan ng malay hanggang sa napasubsob na lang ito sa lamesa.
“Osmon, dalhin na iyan sa baba. Siguraduhin na hindi iyan makakatakas. Sa nalalapit na pagpupulong isasama iyan siya sa mga alay.” Utos ni Lucas.
Pinagtulungan ng dalawang lalake ang wala ng malay na si Eric na ilabas sa silid na iyon. Pagkalabas ng mga ito ang siyang pasok naman ni Delly na may ibinalita kay Lucas.
“Tumawag sa akin ang kapatid natin na nagtatrabaho sa National Archive Museum. Isang taga PIA ang naghahanap sa nawawalang journal. Marahil may alam din siya mga magaganap.” Wika ni Delly.
“Walang nakakaalam sa kinaroroonan ng journal na iyon, at kung hinahanap niya ito sa museum malamang may alam nga siya. Alamin agad ang tungkol sa kanya at pasundan siya kahit saan siya mag punta. Siguraduhin na walang kalat sa pagdating ng ating panginoon.” Tugon ni Lucas.
Nang mga sandaling iyon pabalik na ng villa si Paco nang mamataan nito sina Osmon at ang isa pa na buhat-buhat ang isang walang malay na tao. Sa puwesto nito ni Paco, masyado itong malayo kaya hindi nito maaninag ang mukha ng taong tangan nila Osmon. Ngunit bigla itong kinutuban ng hindi maganda. Humanap ito ng ibang daan na makalapit sa mga iyon nang hindi siya napapansin. Nang makita nitong huminto ang dalawa sa likod na bahagi ng villa malapit sa bodega. Noon lang nagawi sa bahaging iyon si Paco simula nang napunta ito sa lugar. Lumapit pa ng husto si Paco. Nagtatago lamang ito sa makakapal na halaman na nandoon. At nang maklaro na sa kanya ang mukha ng taong walang malay natigalgal ito.
“Si sir Eric? Anong ginagawa niya rito at ano ang ginawa nila sa kanya?” Sa isip ni Paco.
Iba na ang hinala ni Paco sa mga sandaling iyon lalo na nang marinig nito ang usapan ni Osmon at ng kanyang kasama.
“Ano ang gagawin natin sa kotse niya? Baka may kasama pa ito at matunton pa tayo.” Wika ng isang lalake.
“Hindi na makikita ang kotse nito sa labas. Hindi narin ito mahahanap pa sakaling may kasama nga ito. Sinira ko na ang cellphone niya. Sige na buksan mo na ang sahig nang maipasok na natin ito sa kulungan. May pinapagawa pa sa atin si Amo.” Sabat ni Osmon.
Laking palaisipan kay Paco ang narinig at nakita. Ngunit pinili nitong pakalmahin ang sarili at huwag magpadalus-dalos sa mga hakbang. Sa puntong iyon may kung anong bagay na ang bumabagabag sa kanya.
National Archive Museum…
Mula ospital dinala ng mga bulong si Helen sa lumang building ng National Archive Museum. At ang tinawagan nito bago ito pumunta ay ang dating propesor noon na tagapamahala na ng historical archives ng museum, si Nicodemus Arceval.
“Matagal nang walang pumapansin sa silid na ito ng museum, naging tambakan na rin ito ng mga mga lumang libro at mga gamit na hindi na na-restore. Magtakip ka na lang ng ilong, masyado ng maalikabok ang silid na ito. Minsan na rin itong naging national library bago pa nailipat ang ibang mga libro sa panibagong gusali. May mga naiwan pa rin dito ngunit iyong mga masyadong luma na at di na masaba. Ano nga iyong hinahanap mo?”
“Iyong journal ni Joshua Hernando.” Sagot ni Helen.
“Joshua Hernando? Iyon ba iyong kilalang archaeologists na naging tanyag dahil sa natuklasan nitong mga buto ng pinaghihinalaang dinosaur sa quarry doon sa Palawan?”
“Parang siya na nga prof. May nakapagsabi kasi sa akin na dito raw napunta ang ilan sa mga gamit niya nung namatay siya. At kasama nga sa mga iyon ang journal niya.” Sabi pa ni Helen.
“Minsan na nga naitampok sa exhibit ng museum ang mga gamit niya, kasama na ang mga buto ng pinaghihinalaang dinosaur. Ngunit nung nagkaroon ng malakas na lindol at nasira ang kabilang wing nitong lumang building, hindi na natukoy kung nasama ba sa naisalbang item ang mga gamit ni Joshua.” Kuwento ni Nicodemus.
Sa kalagitnaan ng kanilang paghahanap, muling nagparamdam kay Helen ang presensiya ng kaibigan. Bumulong muli ito sa kanya.
“Ano ang meron sa nakakahon na iyan prof?” Tanong ni Helen na tinuturo ang nasa pinakadulo ng isle.
“Wala akong ideya kung ano iyan, ngayon ko lang din napansin ang isang iyan. Halika at baka may mahanap tayo sa kahon na iyan.” Saad ng matandang guro.
Tinungo ng dalawa ang mahabang isle ng silid na iyon. Tumulong na si Helen sa paghalungkat ng laman sa nakitang malaking kahon. At doon nga ilang mga kagamitan ng hinahanap na archaeologists ang natagpuan ng dalawa. Ngunit hindi journal ang nakita ni Helen. Agad nito napansin ang isang itim na aklat na halos kalumaan na. Hindi iyon kakapalan ngunit masyadong mabigat sa kanyang laki. Tila manipis na bakal ang pabalat ng libro at may mga detalyadong ukit sa mga iyon na hindi maintindihan kung simbolo ba o mga letra. Maging si Nicodemus na matagal ng nangangala sa museum at sa library, ay ngayon lang nakakita ng ganung klaseng aklat.
“Anong klaseng aklat kaya iyan?” Tanong ng matandang lalake.
“Baka kasama ito sa mga gamit ni Joshua Hernando,prof.”
“Hindi ba iyan ang hinahanap mong journal?”
“Mukhang hindi ito ang hinahanap ko, mas maliit ang journal na iyon. Kasing lapad lang nitong pahinang hawak ko.” Sagot ni Helen sabay pakita kay Nicodemus ng pahinang nakita ni Alcantara sa silid niya sa ospital.
Ngunit nang makita iyon ng lalake bigla na lang namilog ang mga mata nito. Napatingin ito kay Helen na puno ng pagtataka at pagkabahala. Bigla rin nanginig ang boses nito sa takot ng tanungin ang babae.
“Saan mo nakuha ang pahinang iyan Helen?”
“Bigla na lang ito lumitaw sa silid ko. Ewan ko kung maniniwala kayo o hindi. Ang kaluluwa ng yumao kong kaibigan ang nagpapunta sa akin dito. Sa anong dahilan hanggang ngayon hindi ko pa rin alam. Pero ang bulong niya sa akin, pakaingatan ko raw ang bahaging ito at hanapin ang journal na pinagmulan ng pahinang ito. Prof may esp ako at madalas nakakasagap ako ng mga frequency at mensahe mula sa kabilang mundo. Sounds weird pero nakasanayan ko na. Lalo na nitong huli, nang magkamalay ako matapos ang aksidente ko. Lagi na lang ako dinadalaw ng mga pangitain sa panaginip ko. Hindi ko alam kung mga warnings ba iyon o premonition but always ko nakikita ang isang babae na nagsisilang ng sanggol, then iyong sanggol na iyon ang bilis niya lumaki. Tapos bigla na lang ako makakarinig ng mga pagsabog,gulo,ingay mga sigawan ng tao. Tapos mag pa-flashback sa akin ang mga kalamidad, giyera tapos matatapos iyon sa iyak ng isang sanggol. Tsaka doon na ako magigising. Kasunod nun magpaparamdam na naman ang kaibigan ko, hindi ko siya nakikita ngunit naririnig ko siya. At ngayon dito niya ako dinala kasama itong pahinang ito.” Kuwento pa ni Helen.
“Halika, malamang natunugan na rin nila ang pakay mo. Sumama ka sa akin. Hindi rito ang ligtas na lugar para pag-usapan ang bagay na iyan.” Tugon ni Nicodemus na bigla na lang pinagpawisan matapos marinig ang kuwento ni Helen.
“Sinong sila prof? Tsaka hindi pa natin nahahanap ang journal.”
“Kung ang journal na pinanggalingan ng pahina na iyan ang hinahanap mo. Matagal nang nawawala iyon sa posisyon ko. May kumuha nun sa akin may isang taon na ang nakaraan.” Bulalas ni Nicodemus.
“May alam ka sa journal na tinutukoy ko?”
“Tsaka na kita sasagutin hindi rito ang tamang lugar, sumunod ka sa akin. Dito tayo. Mahirap nang masundan tayo. Ikakapahamak pa ng buhay natin.” Wika pa ng lalake.
Sa sekretong pintuan dumaan ang dalawa palabas ng archive room. Sakto lang sa pag-alis ng dalawa, pumasok din sa silid na iyon ang tatlo sa mga staff ng museum. Isang babae at dalawang lalake na bahagi ng security ng lugar. Hindi na inabutan ng tatlo ang kanilang pakay. Wala sa kanila ang nakaalam kung saan dumaan ang dalawa makalabas lang ng silid na iyon.
“Amo, nasalisihan kami…nawala sila sa paningin namin. Patawad.” Wika ng babae ng may tinawagan ito sa cellphone.
“Mga bobo, ano silbi ng mga cctv niyo kung hindi niyo gagamitin? Halughugin niyo ang paligid siguradong hindi pa iyon nakakalayo.” Tugon ni Lucas sa kabilang linya.
Kumilos agad ang tatlo at binalikan ang mga cctv. Lingid sa kanila nakalayo na ang dalawa mula sa sekretong hallway ng lumang building na tanging si Nicodemus lang ang nakakaalam. Lumabas ang dalawa sa kabilang building. Nang makarating na ang dalawa sa main road agad na pumara ng taxi si Nicodemus.
“Grant Hill village tayo.” Sabi nito sa taxi driver.
“Doon ka na ngayon nakatira prof?” Tanong ni Helen.
“Matagal na, teka…dala mo pa rin ang aklat na iyan?” Nang mapansin ni Nicodemus ang aklat na hawak pa rin ni Helen.
“Hindi ko na namalayang dala ko ito habang papalabas tayo. Tsaka may kung anong magnet ang libro na ito na hindi ko mabitawan. Malamang may makukuha rin akong sagot dito since kasama naman ito roon sa mga gamit ni Joshua. Ibabalik ko rin ito sa iyo kung wala naman akong mapulot dito.”
“Oh siya bahala ka, sa bahay na tayo mag usap.”
THE BEGINNING
Mula sa bungad ng baryo, iba na naman ang nararamdaman ni Joshua. Nang may nakita ito hindi kalayuan sa kanila ni Tyler.
“Si Jasper tol.” sambit ni Joshua.
“Asan?” Palinga-linga na tanong ni Tyler.
“Ayon sa unahan lang natin, tila pinapasunod tayo.” Ani pa ni Joshua.
Muli na naman ginapangan ng hilakbot si Tyler sa winika ng kaibigan. Wala naman kasi itong nakikitang tao sa bahagi ng lugar na tinuturo ni Joshua.
“Halika tol, sundan natin si Jasper.” Wika pa ni Joshua.
“Sinong Jasper pare? Nasaan? Wala namang tao sa unahan natin. Tsaka ano ka ba tol, baka isa lang iyan sa panlilinlang niya.” Ayon kay Tyler.
“Iba ang kutob ko sa isang ito, huwag kang mag alala hindi tayo mapapahamak.” Saad ni Joshua.
Bitbit ang tiwala sa nararamdaman, lakas loob na sinundan nila ang nakikita ni Joshua.
Samantala, hirap parin maka porma si Bryan na sabihin kay Mina ang inakalang masamang nangyari kay Joshua. Lalo na at nalaman na nitong magiging na siya sa magiging anak nila ni Mina.
“Kung ganun umuwi na tayo. Baka lalo ka lang mapasama sa mga nangyayari rito. Hayaan mo na ang mga team na siyang gagawa ng mga research and interviews dito. Tsaka buti na lang pala at hindi kayo inabutan ng baha sa may tulay.” Ani ni Bryan.
“Kumalma ka nga babe, I know how to handle myself. At ito iyong hinahanap ng mga followers and viewers ko. Dapat ako mismo ang tutuklas sa mga misteryo na nangyayari dito. Lalo na itong kaso ng mga nawawalang mga kabataan.” Saad ni Mina.
“Hanggang kelan ka dito?”
“Hanggang sa matapos ang kuwento.”
Habang naguusap ang dalawa pinutol naman sila ni Sari nang nagmamadali itong lumapit kay Mina hawak ang cellphone.
“Miss Mina kailangan mapanood mo ito dali.” Sambit ni Sari na natataranta.
“Ano ba kasi iyan?” Paglapit ni Mina.
“May naaksidenteng bus sa Kurbada trese Miss Mina at wala halos nakaligtas sa nahulog na bus. Tsaka tingnan mo ang mga nakapost na pangalan ng mga nasawi sa aksidente. Ito…ang nasa pang fourteen, akala ko kapangalan lang niya. Pero nang makita ko ang mga posted pictures ng mga na-recover na gamit, ito ang nakita ko. ID ni Joshua. Miss Mina, siguro kailangan mo muna pumunta roon para masiguro kung kasama nga iyong anak mo sa naaksidente.” Bulalas ni Sari.
Halos mawalan ng lakas si Mina sa ibinalita ni Sari. Muntikan pa itong nahimatay mabuti na lang at nasalo agad ito ni Bryan. Dahil na rin sa nalaman nagbago ang desisyon ni Mina at pumayag ito sa naunang mungkahi ni Bryan. Agad-agad kumilos ang dalawa.
“Actually ito talaga ang dahilan sa pagsunod ko sa iyo rito. Maging ako nabigla sa natanggap kong sa presinto. Hindi agad ako naniwala ngunit ang guro mismo ni Joshua ang tumawag sa opisina. Ikaw ang sadya rito ng anak mo. Kung bakit hindi ko alam.” Ani pa ni Bryan kay Mina na noo’y nanginginig na sa nag hahalong takot at guilty sa sinapit ng ama.
“Hindi dapat ito nangyari kung hindi ko iniwan si Joshua. Kasalanan ko ang lahat ng ito.” Sambit pa ni Mina na sinisisi ang sarili.
“Aksidente ang lahat, hindi mo dapat sisihin ang sarili mo, tsaka alalahanin mo may karga ka sa sinapupunan mo. Patuloy parin ang rescue operation sa site. Umasa tayo at manalangin na sana may nakaligtas na buhay at isa sa kanila si Joshua.” Saad pa ni Bryan.
Habang binabaybay ng dalawa sakay sa kotse ni Bryan ang kalsada palabas ng baryo bigla na lang napa preno si Bryan tsaka napamura nang harangan ang kanyang kotse ng daan-daang mga uwak. Halos matakpan ng mga ibon na iyon ang harapan ng kotse ni Bryan. Sa kinikilos ng mga ibon tila ayaw ng mga ito na umalis ang dalawa sa lugar.
“Saan galing ang mga iyan Bry, ang dami nila!” Sigaw ni Mina.
“Mga pesteng ibon na iyan!” Binuksan ni Bryan ang binata nito sa gilid niya at nilusot doon ang katawan tsaka pinutukan ng baril ang mga uwak.
Maraming tinamaan ngunit hindi nagpatinag ang mga ibon kundi lalo lang ito naging mas agresibo at inaatake na si Bryan. Agad naman isinara ng lalake ang bintana tsaka pinaatras ang kotse. Bumaling ito sa ibang direksyon ngunit tila walang balak ang mga uwak na lubayan sina Bryan. Kahit anong iwas ni Bryan sinusundan parin sila ng mga uwak , hanggang sa naisipan ni Bryan bumalik muna sa bahay ng kapitan. Doon na humupa ang mga pagsunod sa kanila ng mga ibon. Hanggang sa wala ng naiwan na umaaligid sa kotse ng lalake.
“Mukhang ayaw ng mga ibon na iyon na umalis tayo sa lugar na ito.” Wika ni Bryan.
“What?! No, kailangan ako ng anak ko Bryan. Pupuntahan ko si Joshua. We need to go.”
“Okay, aalis tayo rito.”
Muling sinubukan ni Bryan na paandarin muli ang kotse, at sa pagbaybay muli nila sa kalsada. Wala ng uwak ang ginambala sa kanilang daan. Ngunit habang nagmamaneho si Bryan may napansin na naman itong kakaiba sa paligid. Palinga-linga ito sa kanilang dinadaanan at nagtataka ito kung bakit paulit-ulit lang ang kanyang nakikita at natatanaw sa gilid ng daan. Maging ang mga kabahayan tila parehas lahat at paulit-ulit na lang nila nadadaanan. Maging si Mina may napansin din.
“Wait… ang tagal na natin, kanina pa tayo tumatakbo… bakit hindi pa tayo nakakalabas ng San Gabriel. Dapat nakikita na natin ang arko ng baryo.” Pansin pa ni Mina.
“May humaharang talaga sa atin. Kanina pa nga ako naiinis kasi sa tingin ko paikot-ikot lang tayo sa daan na ito.” Ani ni Bryan.
“Ano? Anong harang…ano ba ang nangyayari kanina lang mga uwak ngayon paikot-ikot naman tayo sa lugar na ito… hihingi na tayo ng tulong kina Peter, iyong van na lang ang gagamitin natin.” Wika ni Mina, na sinusubukang tawagan ang mga kasama.
Ngunit laking pagtataka ni Mina dahil hindi gumagana ang cellphone nito. Tulad din nung gabi nang nawala si Tomas. Maging ang cellphone ni Bryan bigla na rin nagloko.
“I don’t know kung maniniwala ka sa sasabihin ko. Dahil maging ako hanggang sa ngayon nagtataka parin at puno ng katanungan sa mga nangyayari. This past days, may mga nangyayari sa akin na hindi ko naiintindihan. Iyong mga uwak, madalas ko na silang nakikita. At sa tuwing nadun sila isang masamang pangyayari ang magaganap. Babe, nakakakita ako ng mga signs of death na noong una hindi ko pa napapansin. Hanggang sa nakita ko ang mga pattern na iyon sa harapan ko mismo.” Bulalas ni Bryan.
“Bryan, hindi ito ang oras para dagdagan ang takot ko. The way you said that parang na ge-gets ko na ang pinupunto mo.” Ang pagputol ni Mina kay Bryan.
“Sa tuwing nariyan ang mga uwak May namamatay. Ilang ulit ko na napatunayan iyon. Noong una binabalewala ko lang, ngayon mukhang malinaw na sa akin ang nais ipabatid ng mga ibon sa akin. Alam ko hindi mahirap sa iyo, pero sa tingin ko kailangan ipagpaliban muna natin ang pag alis baka may mangyari pang masama sa atin lalo na sa iyo.” Ayon pa kay Bryan.
“Wala akong pakialam sa kung ano man ang koneksyon ng mga uwak na iyon sa nangyayari sa iyo. I need to see my son Bryan. At hindi ko kayang mananatili rito habang wala akong balita kay Joshua. Kaya sige na, umalis na tayo rito!” Ang pagsalungat ni Mina sa nais ni Bryan.
“Mina kahit ako man, nag-aalala rin kay Joshua. Pero paano nga tayo makakaalis sa lugar na ito? Nakailang ikot na tayo sa lugar na ito pero tila hindi naman tayo umaalis.”
“Ayon may mama’… makakasalubong natin, magtanong tayo kung saan ang daan palabas ng baryo.” Sambit ni Mina kay Bryan nang may natanaw itong lalake na naglalakad sa gilid ng kalsada na pasalubong sa kanilang kotse.
Hinintuan iyon ni Bryan para humingi ng tulong, ngunit tinitigan lamang sila ng naturang lalake ng masama. Inulit pa ni Mina ang pagtatanong sa lalake ngunit hindi talaga sila kinausap at sinagot ng nakasalubong, nilampasan lamang sila nito ngunit bago pa man ito tuluyang makalampas sa dalawa, may napansin si Bryan sa braso ng naturang lalake. Mga sariwang pilat iyon na hinugis na parang mga simbolo, mga markang pamilyar sa kanya…dahil iyon ang mga marka na nakikita nito sa mga kabataang natagpuang patay sa kamaynilaan. Doon na bumaba ng kotse si Bryan para usisain sana ang lalake tungkol sa mga pilay nito nang bigla na lang muling lumitaw mula sa kung saan ang mga uwak at inatake ang naturang lalake. Tumulong pa sa pagbugaw ng mga ibon si Bryan nang makitang pinagtulungan na ng mga uwak ang tao na tukain. Ngunit laking pagtataka na lamang ni Bryan na tila ba, balewala naman sa isang iyon ang ginagawa sa kanya ng ibon. Napatili na sa takot si Mina nang makitang duguan na at sugat-sugat na ang balat ng lalake dahil sa mga pagtula at kalmot ng mga uwak dito.
Ang mas pinagtaka pa ni Bryan ay nang tumawa ang naturang lalake, nangilabot ito sa boses nun.
“Matutupad na ang kanyang pagbabalik, at ikaw ang siyang magiging tulay!!!” Ang na-isigaw pa ng lalake bago ito tuluyang lukubin ng mga uwak at pag piyestahan.
Kasunod nun ang mga sigaw na ng sakit at paghiyaw na ng tulong ang naririnig ng dalawa sa lalake na hindi na nila matanaw ni Bryan dahil sa dami ng uwak na sumugod sa kanya. Nais man tumulong ni Bryan ngunit mas inuna nito ang kaligtasan nila ni Mina. Bumalik ito ng kotse tsaka pinaharurot iyon palayo sa lugar. Tanging dasal na lamang ang kinapitan ng dalawa upang makita ang tamang daan palabas ng baryo.
Samantala… Pagkarating ng dalawa Helen at Nicodemus sa bahay nito agad sila sinalubong ng asawa ng matanda.
“Sino siya Nicodemus?” Tanong ng matandang babae.
“Si Helen, dati kong estudyante sa universidad kung saan ako dati nagtuturo. Helen, si Rowanda…asawa ko.”
“Magandang araw po ma’am, kamusta po.” Pagbati ni Helen.
“Magandang araw iha, pero hindi ang isang ito ang tinutukoy ko sa iyo Nicodemus, kundi ang lalaking nakasunod sa inyo.” Wika ni Rowanda.
Sabay na napalingon sina Helen at Nicodemus sa malaking gate ng bahay, ngunit wala naman silang nakitang tao roon. Ngunit si Helen tila may nararamdaman sa paligid. Agad nito tinawag ang pangalan ng kaibigan.
“Julian? Narito ka ba?” Tanong pa ni Helen habang kinakausap ang hangin.
“Julian ba ang pangalan niya iha?…kung ikaw ang Julian na tinutukoy niya, pasensya at hanggang dito ka lang hindi ka imbitado sa loob ng bahay.” Sabat ni Rowanda na nakatingin sa bandang gate nila.
“Nakikita niyo si Julian ma’am?” Pagkamanghang tanong ni Helen.
“Lahat ng hindi nakikita ng mga pangkaraniwang mata, nakikita ko. Kitang kita ko ang Julian na sinasabi mo iha, ayon siya sa bungad ng gate, hubo’t hubad at lapnos ng sunog ang balat sa katawan, mukha sing tustadong bacon na napabayaan sa kalan. Pero pasensya na hindi siya makakasama sa iyo sa loob iha.” Ani pa ng matandang babae.
“Halina kayo sa loob, Helen sumunod ka sa akin. Doon natin sa loob pag-usapan ang bagay na dala mo.” Sabat ni Nicodemus.
Namangha si Helen sa laki ng bahay ng dating guro. Hindi nito aakalain na ang ganito ka yamang tao ay nagagawa pang magtrabaho sa isang museum. Apat ang palapag ng bahay ngunit sobrang laki nito at ang lawak. Maraming mga silid itong napapansin. Puno ng mga antigong bagay at kagamitan ang bawat sulok na tila nagmula pa ang iba sa ibat-ibang parte ng mga bansa. Mistulang pribadong museum ang bahay sa desinyo at ambiance ng paligid. Nang mapansin nito ang larawan ng isang lalake na naka frame sa isang antigong display cabinet.
“Prof, kaano-ano niyo si Eric…itong nasa picture, kakilala ko siya…isang kaibigan.” Tanong ni Helen kay Nicodemus.
“Magkakilala pala kayo ng pamangkin ko.” Tugon ng matanda.
“Pamangkin mo si Eric? Grabe so ang yaman din pala ng taong iyon. Hindi halata sa porma niya ah…ang layo sa social status niya.” Wika pa ni Helen.
“Ganun lang talaga si Eric, ayaw niya ng magarbong luho sa katawan. Mas simple, iyon ang gusto niya.” Sabat pa ni Nicodemus sa babae.
“Parang ikaw lang din prof. Hindi ko talaga akalaing dito kayo sa exclusive village nakatira, hindi ko nahalata sa iyo iyon…dati nag-kakasabay pa tayo ng jeep pagkauwian na. Pero ang yaman niyo pala. Tsaka matanong ko lang prof, bakit pa kayo nagtatrabaho sa museum eh mukhang hindi mo naman kailangan ng sahod?” Komento ni Helen.
“Higit pa sa trabaho dun sa museum na iyon ang dahilan ko. At kung bakit mas pinipili namin magpakamasa kaysa ilantad ang tunay naming estado. Doon tayo sa sarili kong library. May ipapakita ako sa iyo.” Saad pa ng matanda.
Sa isang silid sa ikatlong palapag ng bahay dinala ng lalake si Helen. Isang elevator ang sinakyan ng dalawa paakyat sa palapag na iyon.
Nang mga sandaling iyon iba na ang duda at kutob ni Paco sa mga nakikita at napapansin nito hindi lamang sa mga tao sa paligid kundi sa mismong tiyuhin nito. Ang makita ang dating guro sa ganung sitwasyon ay labis na kadahilanan upang mag-isip ito ng di maganda. Mula sa pinagtataguan nitong mga halaman tanaw nito sa di kalayuan ang dalawang tauhan ng tiyuhin nitong si Lucas na nag-uusap habang sinisigurado ang pagkakasara ng pintuan sa pinaglagyan nila sa walang malay na katawan nun ni Eric.
“Ano ba ang balak nilang gawin kay sir Eric? At bakit naparito sa lugar na ito si sir?” Sa isip pa ni Paco.
Maya-maya pa may nahagip ang paningin ni Paco malapit sa kinatatayuan nila Osmon,…isang pigura na naman ang unti-unting namumuo mula sa isang maitim na tila usok. Napalingon iyon sa kanya at kitang-kita ni Paco ang nag-aapoy na galit nito sa kanyang mga mata. Namilog ang mga mata ni Paco nang mapagtanto na papasugod sa kanya ang naturang elemento o nilalang. Sa takot nito sa papalapit na imahe, napasigaw ng malakas si Paco at nabuwal sa pinagtataguan nito dahilan para matuklasan nila Osmon ang presensya niya.
Huli na para kay Paco na umalis sa lugar na iyon dahil nakita na siya ng dalawa. Umisip na lang ng dahilan ang binata upang hindi ito pagdudahan ng dalawa.
“Umiihi lang ako rito, tapos bigla na lang may gumapang na ahas sa paanan ko kaya napasigaw ako sa takot.” Sambit nito.
“Hindi ba at pinapalagi ka ng iyong tiyo sa bahay sa dulo, bakit ka nandirito?” Tanong ni Osmon kay Paco.
“Kuwan…kukunin ko sana ang hiningi ko kay tita na wifi router sa guard house, eh kaso dinatnan ako ng tawag ng pantog ko kaya dito na ako umihi. Bakit ba? Bawal na ba ako sa bakuran ng villa? Akala ko ba malaya akong gumala sa paligid? Tsaka sino ka ba para sitahin ako? Kung tutuusin amin itong buong villa, utusan ka lang dito. Kaya puwede ba doon muna kayo. Naputol na nga ang pagbabawas ko dahil sa pesteng ahas na iyon, tapos maaantala naman dahil nakatayo kayo riyan.” Tugon ni Paco.
“Pasensya na, utos kasi ni boss Lucas na siguraduhin na maayos ang paligid ng buong villa para sa gagawing pagtitipon. Sige maiwan na namin kayo.” Turan ni Osmon tsaka ito iniwanan si Paco.
Nang makalayo na ang dalawa, muling nanghilakbot si Paco sa nangyari sa kanya. Dali-dali itong umalis sa lugar na iyon at tinungo ang guardhouse upang lalong maniwala sina Osmon na dun talaga ang pakay nito. Naipaabot na rin ni Osmon ang nangyari kay Lucas ng mga sandaling iyon.
“Sigurado kayo na hindi niya nakita ang ginawa niyo?” Tanong ni Lucas.
“Sa tingin namin hindi, sinigurado namin ang paligid bago namin ibinaba roon ang Eric.” Sagot ni Osmon.
“Bantayan niyo ang batang iyon baka iyon pa ang magiging sagabal sa lahat ng nakaplano. Kamusta na ang paghahanap sa iba?” Wika pa ni Lucas.
“Mukhang nakatawid na ng dagat ang tatlo wala na sila sa dati nilang tinutuluyan. Nahihirapan na ang mga kaanib na matunton sila. Hindi na rin sila maaabot ng gaway.” Sabat ni Vergel.
“Kung gayon ipaabot ang sitwasyon kay Andres nang magawan agad ng solusyon at madagdagan ang apat. Kailangan makumpleto ang lahat sa nalalapit na pagpula ng buwan.” Turan pa ni Lucas.
“May napili na pala sila sa San Gabriel, ibig sabihin nito naroon na ang pinunlaan ng binhi.” Ang nakangising sambit ni Osmon.
“Nasa pugad na ang babaing nagdadala ng katawan ng ating panginoon kung kaya minabuti na ng kapatiran na gawin ang mga hakbang upang mapadali ang lahat. Nakahanda na ang ating simbahan, nakalatag na sa lahat ng mga kaanib ang mga susunod na gawain. Kaunting panahon na lang ang hihintayin para sa malaking pagbabago.” Saad pa ni Lucas.
Ang lahat ng iyon ay malinaw sa pandinig ni Paco na naroon lamang sa tagong bahagi ng silid. Naguguluhan man sa mga naririnig sa usapan ng tiyuhin at ng mga utusan, ang malinaw lamang kay Paco, ay hindi maganda ang punto ng mga binitawang salita ng kanyang tiyo. Minsan na nabasa ni Paco ang journal at alam niya na ang mga nakasaad doon. Sumagi sa isip nito na tulungan ang dating guro na si Eric sa pinaglagyan sa kanya. Ngunit batid ng binata na mahihirapan ito sa pagsagawa nun lalo pa at tila nakabantay ang mga tauhan ng kanyang tiyuhin.
Nagplano ng maigi si Paco, bumalik ito sa bahay na tinutuluyan upang doon pag-isipan ang mga hakbang na gagawin. Matapos ma ayos ang router ng wifi, sinubukan niya agad ito kung gumagana. Binuksan nito ang social accounts upang maghanap ng puwedeng makatulong sa kanyang balak.
“Paano ba ito wala man lang kina Joshua at Tyler ang naka-online ngayon. Kung hindi lang sana kinuha ni tito ang mga sim ko. Susubukan ko sa mga contacts ni sir Eric baka may mahanap ako. Ito…si tita Helen, hmmm hindi ko alam na magkakilala pala sila ni sir Eric.” Sa isip ni Paco habang nakatingin sa kanyang laptop.
Nang mga sandaling iyon tuloy-tuloy lang na lumalakad ang dalawa Joshua at Tyler habang sinusundan ni Joshua ang pigura na kawangis ng kakilala nilang si Jasper.
“Nakasunod parin ba tayo sa kanya tol?,…gubat na itong nilalakaran natin ah.” Ang takot parin na si Tyler.
“Huminto na si Jasper, at nakaturo ang kamay niya sa bangin.” Wika ni Joshua.
“Ano?! Huwag mong sabihin na inuutusan niya tayong tumalon ng bangin? Naku tol please lang sabihin mo sa kanya na pass muna ako. May fear of heights ako kamo.” Sambit ni Tyler.
“Nawala na si Jasper tol, halika lumapit tayo ng bahagya sa bangin na tinuturo niya kanina.” Ani ni Joshua na nagmamadaling makalapit sa bangin.
Ayaw man lumapit, nang dahil sa takot napasunod na rin si Tyler sa kaibigan sa gilid ng bangin. At mula sa kinatatayuan nila nanghilakbot at nang lomo ang dalawa sa kanilang nakita. Halos mapasigaw pa sa takot at pagkabigla si Tyler sa tagpong bumungad sa kanila sa ilalim ng bangin. Doon apat na katawan ng mga kabataang lalake ang naroong nakalambitin sa mga sanga ng puno sa ibaba ng bangin. Wala ng buhay at pawang hubo’t hubad. At katulad sa mga naunang biktima ng patayan, may mga latay din ito ng sugat sa katawan at May mga sugat na animoy inukit sa kanilang balat upang lumikha ng mga simbolo. Ang mas kinagulat pa ni Joshua, nang mapagtanto na isa sa apat na naroon ang kaibigan nilang tagaroon na si Jasper.
“Tol halika na, ipaalam na natin ito sa mga tao!” Wika ni Tyler.
“Tara tol, ipagbigay alam natin ito sa mga taga-rito.” Pagsang-ayon ni Joshua.
“Tol akala ko ba ang kukunin lang niya ay iyong humawak sa himlayan niya? Bakit naroon si Jasper? Tsaka may tatlo pa. Wala naman sila nun noong pumunta tayo ng guho ah. Oo si Jasper kasama natin nun, pero hindi naman siya pumasok ng kuweba.” Ang palaisipan para kay Tyler.
“Iyon nga din ang iniisip ko. At imposibleng nagkamali lang ako sa pagkakaintindi ng journal tol. Pero hindi eh, sa pagkakaalam ko… kailangan mabahiran ng dugo ang altar ng labing tatlong taong makahawak nito. Ibig sabihin lang nito bukod sa atin, may iba pang nakapasok sa guho at nakahawak sa himlayan niya. May nakabasa sa journal bukod sa atin.” Sa hinuha pa ni Joshua.
“Di kaya nasa kay Jasper ang journal? At tinawag din sila ng guho?” Komento ni Tyler.
“Wala kay Jasper ang journal, dahil kung nahawakan niya iyon hindi siya mamamatay. Pero dahil sa sinabi mo may kutob akong narito lang sa San Gabriel ang journal. Ang tanong, kung nasa kanino?”
Samantala sa bahay ni Nicodemus…isa pang rebelasyon ang isiniwalat nito kay Helen. Isang luma at antigong painting ng tanyag na Italyanong pintor ang binaklas ni Nicodemus mula sa isang sulok ng dingding. Larawan iyon ng isang malaking pagtitipon ng mga tinaguriang anak ng buwan, mga grupo ng mga mayayamang lider, hari at pangulo mula sa ibat ibang mga bansa na kasapi sa pagpupulong. Sa naturang painting makikita rin ang simbolo ng kapatiran ang Custos Solis.
“Ito ang larawan ng mga sinaunang miyembro ng kapatiran ng Custos Solis. Na ang ibig sabihin ‘Bantay ng Araw’. Mga guardians, keeper, tagapangalaga…ilan lang sa mga katawagan sa mga miyembro ng kapatiran. Mga grupo na naniniwala sa diyos ng araw. At kabilang ang mga ninuno namin sa mga miyembro ng kapatiran. At sa hinerasyon ko naging kasapi rin ako ng sekta.” Kuwento pa ni Nicodemus.
“Isa kayong kulto prof?” Ang tanong ni Helen.
“Iyon ang turing ng ibang tao sa sekta namin, ngunit higit pa dun isang malaking kumunidad ang aming samahan. Lihim na organisasyon na tanging ang mga kaanib at kasapi lang ang may alam. Maging ang bawat isa sa amin hindi magkakilala liban na lang kung meron kang ganitong marka sa katawan mo o braso.” Tugon pa ng matatanda sabay pakita ng simbolong tattoo nito sa dibdib.
“Ano naman ang koneksyon nito, ibig kong sabihin ng samahan niyo sa journal na hinahanap ko prof?” Ani ni Helen.
“Tulad ko, kasapi rin ng kapatiran si Joshua Hernando ang may-ari at tagapangalaga ng journal na tinutukoy mo.”
CUSTOS SOLIS

Nakailang padala na ng mensahe si Paco sa social account ni Helen ngunit walang tugon na natatanggap ang binata. Kinakabahan na ito sa maaring sasapitin ni Eric sa kamay ng tiyuhin nito. Palinga-linga ito sa labas ng kanyang bintana habang nakatanaw sa kanyang laptop.
“Paano ba ito, mukhang hindi naman napapansin ni tita Helen ang mga chat ko sa kanya. Malapit ng maghapon baka hindi ko na maliligtas pa si sir Eric.” Sa isip ni Paco.
Sa katahimikan ng paligid bigla na lang napaigtad sa kinauupuan nito si Paco nang may nakita na naman itong pigura na nakatayo sa kanyang harapan, unti-unti itong lumalapit sa kanya. Ilang beses na nitong nakakadaupang-palad ang tila itim na usok na hugis tao ngunit kahit kailan hindi naman ito nakaramdam ng takot, ngunit sa sandaling iyon iba ang dulot nito sa kanya. Nanunuot sa kanyang mga laman ang kilabot habang papalapit ito sa kanya. Napaatras ng bahagya si Paco nang lumukob sa kanya ang maitim na usok na iyon, hanggang sa may narinig itong malalim na boses ng isang lalake. Malalim at malamig ang boses na iyon.
“Paparating na siya, pigilan niyo bago pa maubos ang oras. Kilos nahhhh…” Ang habilin pa ng boses bago ito naglaho kasabay ng pagkapuspos ng usok na lumukob kay Paco.
Saglit na natigilan si Paco. Matapos iyon ginapangan na ito ng hilakbot at kaba. Dali-daling bumaba ng hagdan si Paco para lumabas sa tinutuluyang bahay. Nang nasa pintuan na ito, bigla na lang napakunot ng noo si Paco.
“Anak ng putcha naman oh,…bakit naka-lock ang pinto?” Ang naibulalas na lamang ni Paco ng mapansing nakakandado mula sa labas ang pintuan ng bahay.
Sinubukan pa nitong umikot sa kusina ngunit maging ang pintuan sa likod naka-kandado rin. Pati ang mga bintana sa paligid hindi rin nito mabuksan. Pumanhik muli si Paco sa kanyang silid, tanging ang bintana lamang sa kanyang silid ang naiwang nakabukas. Sumilip siya roon at tinignan kung paano ito makakababa. May kataasan din ang distansya ng bintana sa lupa at sakaling makaligtas man ito sa pagtalon tiyak bali naman ang tuhod at paa nito pag siya ay bumagsak.
Mula sa bintana nito, napansin ni Paco sa malayo ang mga grupo ng mga taong nakasuot ng pulang abito ng sa pari, hindi mawari ni Paco kung saan ang mga ito galing at tinutumbok ng mga ito ang lumang mansiyon ng villa. Dumagdag iyon sa kaba ni Paco, batid nitong may mali sa mga nangyayari. Binalikan nito ang laptop at nagpadala muli ng mensahe kay Helen.
Samantala, matapos mailatag ni Nicodemus ang malaking larawan na tinuklap sa kanyang kuwadro, kinuha nito ang espesyal na flashlight sa kanyang drawer.
“Paki patay ng buong ilaw Helen, nasa bandang likod mo lang ang switch.”
“Sandali prof…”
Nang nabalot na ng dilim ang paligid ng silid pinailaw naman ng matanda ang hawak na flashlight at itinutok iyon sa mismong painting.
“Prof anong nangyayare, nawawala ang mga tao sa painting at may mga texts at symbols na hindi ko naiintindihan ang pumalit.” Pansin ni Helen.
“Ang nakikita mo ay ang kasaysayan at ritwal ng sinaunang Custos Solis. At malalantad lamang ito gamit itong ilaw na hawak ko. Masyadong mahaba kung isalaysay ko pa ang pinagmulan ng aming samahan, ang kailangan lang natin ang bugna na nakasaad sa larawang ito.” Saad ng matanda.
“Ano po ang bugna prof?”
“Kung sa Bibliya ito iyong huling mga pahina sa aklat ang revelation, at meron din nito ang aklat ng aming samahan. Heto, nakasulat sa linguwaheng latin. Hanggang ngayon hindi ko lubos maisip na sasangguni ako rito.” Ani ni Nicodemus.
“Ano ba ang nakapaloob sa bugna na iyan prof?”
“Dahil sa nakasaad sa bugna naitatag ang Custos Solis, Mga Romanong pari ang naging pangunahing pondasyon ng samahan. Pamilyar ka naman siguro sa pagdating ng itinalagang anti kristo na nakasaad sa Bibliya. At ang konteksto ng bugna rito ay binase rin sa mga huling pahina ng Bibliya. Ang kaibahan lamang dito ay detalyado ang katauhan at pagkakakilanlan ng nasabing nilalang na maghahari sa mga tao sa mga huling sandali ng ating mundo.” Pagsisimula ng matanda.
“Ano naman ang kaugnayan nito sa mga nangyayari ngayon prof at ang tungkol sa journal?” Ang tanong pa ni Helen.
“Pinaniniwalaan ng mga naunang lider ng samahan na ang tinutukoy na lugar o bansa sa silangan kung saan isisilang ang sugo ng kasamaan ay ang bansa natin. Kung kaya’t nakaabot rito ang sekta na lihim na pinapakalat noon ng mga prayleng Kastila. At ayon sa aming katuruan ang tungkol sa bugna ang pangunahing dahilan kung bakit sinakop ang bansa natin ng mga Espanyol. Natakot noon ang mga pinuno ng simbahan na magkatotoo ang nakasaad sa bugna. Ngunit sa kabilang banda nagdulot iyon ng kakaibang pagnanasa sa kapangyarihan. Sa mahabang panahon ng paghihintay, ilang mga lider na ang dating pinaghinalaang sugo ngunit lahat sa mga iyon wala ang marka na nakasaad sa bugna.” Paglalahad pa ni Nicodemus.
“Talaga bang nakasaad sa bugna niyong iyan na nasa bansa natin ang sinasabi niyong sugo?” Usisa pang muli ni Helen.
“Walang direktang nakasaad sa bugna, ngunit ang lahat ng mga pagsasalarawan at pagkakaugnay ang bansa natin ang tinutumbok. Kung kaya’t marami sa mga banyagang bansa noon ang nagkukumahog na masakop tayo. Hindi nga lang ito nailathala sa ating kasaysayan dahil isa itong mahigpit na lihim ng simbahan. Ngunit sa mahabang mga taon at panahon ang nakasaad sa bugna ay nagmistula na lamang alamat, kuro-kuro at imahinasyon ng kung sino mang sumulat ng pangitaing iyon. Dahil hindi pa naman nangyayari ang nakasaad sa bugna.” Ani pa ng matanda.
“Pero naguguluhan parin ako prof, kung tungkol ito sa sinasabing anti kristo bakit mga miyembro ng simbahan ang sinasabi mong may pasimuno nito?” Tanong pa ni Helen.
“Hindi lahat nang nakikita at naririnig ng mga tao sa harapan ng altar ng simbahan ay katotohanan. Maging ang ibang miyembro ng simbahan pinaglilihiman rin ng sariling simbahan. Una sa mga kadahilanan ang kapangyarihan, at otoridad na makontrol ang lahat. Maraming mapanlinlang na relihiyon sa ngayon. Ang sa akala mong tama maaaring iyon pala ang mali at ang sa akala ng iba taliwas sa katotohanan, iyon pala ang tuwid.”
Pinagpatuloy pa ni Nicodemus ang pagbasa sa buong nilalaman ng bugna sa pag-asang makakahanap ito ng kasagutan sa mga nangyayari. Nang sa kalagitnaan ng kanilang ginagawa bigla na lamang nagloko ang hawak na flashlight ni Nicodemus hanggang sa tuluyan na itong namatay. Agad namang kinapa ni Helen ang switch ng ilaw sa dingding. Nang muling lumiwanag ang paligid may napansin si Helen.
Nakapatong na sa ibabaw ng painting ang libro na nakuha nito sa library at nakabuklat na ito sa isang pahina na may katulad na larawan ng nasa painting. Sa kanang pahina nakuha nito ang atensiyon ni Nicodemus.
“Paano napunta rito ang aklat na ito?” Tanong ni Helen na takang-taka.
“Hindi na mahalaga iyon, ibinigay na sa atin ang hinahanap nating sagot. Tama lang pala na dinala mo ang aklat na ito. Nakaligtaan ko na ang tungkol rito.”
“Anong aklat na ito prof?”
“Isa ito sa mga orihinal na kopya ng aklat na inilathala noon ni Joshua. Ang akala ko wala na ito at nadamay na nung nasunog ang opisina nito dati. Hindi ko rin matandaan na meron nito roon sa library.” Tugon ng matanda.
“Kung ano man ang kababalaghan na nagdala nito sa atin. Pakiwari ko nais lamang nito natulungan tayo.” Wika pa ni Helen.
Sinimulang suriin ni Nicodemus ang mga nakasulat doon. Malinaw iyon dahil nakalimbag sa wikang ingles.
Sa kabilang banda…sa San Gabriel unang nasumpungan ng dalawa Joshua at Tyler ang tindahan sa bungad ng isang kalye. Kumpulan ang mga tao roon at rinig sa usap-usapan ang tungkol sa mga nawawalang mga kabataan.
“Tol di kaya ang mga natagpuan natin ang tinutukoy nilang nawawala?” Sambit ni Tyler.
“Iyon ang kutob ko, halika at ipaalam natin sa kanila ang ating nakita.”
Akma pa lang magsasalita ang dalawa nang may humahangos na batang lalake ang patakbong palapit sa kumpulan ng mga tao habang sumisigaw ng …
“Patay!!! may mga nakasabit na patay sa bangin! Halikayo may mga patay doon!!! Dali kayo!”
Nagulantang ang mga naroon sa sinisigaw ng bata. Napasugod ang lahat sa tinutukoy na lugar ng bata. Maging ang mga magulang ng mga nawawalang kabataan na pasugod din na damang-dama ang kaba sa posibilidad na maaring isa sa mga iyon ang mga anak nila. Nang makaalis na ang lahat, napaupo sa mahabang papag sa tapat ng tindahan ang dalawa.
“Mga nonoy kanino kayong mga anak? Ngayon ko lang kayo nakita rito. Pumarini nga kayo.” Pagtawag ng babaeng tindera ng sari-sari store na iyon.
Lumapit sa kanya si Joshua at nagpakilala agad ito.
“Anak ka pala ni Miss Mina iyong magandang reporter na dumayo rito. Siya nga pala ako si Berna. Kung si Miss Mina ang sadya mo malamang nakalabas na iyon dito ng baryo.” Wika ng babae.
“Po? Anong ibig mong sabihin manang?” Gulat na tanong ni Joshua.
“Kuwan kasi kanina lang may poging mama ang napunta rin dito at si Mina rin ang sadya, pagkatapos napansin ko kanina kasama na niya sa kanyang kotse ang ina mo. Dito pa nga sila dumaan.” Sabi pa ng tindera.
“Paano ba iyan tol mukhang nagkasalisihan kayo ni tita Mina. Nahuli tayo ng dating.” Sabat naman ni Tyler.
“Malas naman, sino kaya ang kasama ni mommy?”
“Ipagtanong niyo na lang sa mga kasamahan ni Miss Mina nonoy. Sa pagkakaalam ko nagpa-iwan pa rito ang tatlo na kasama niya. Subukan niyo sa bahay ni kapitan Dantoy baka naroon pa ang mga iyon.” Saad ng babae.
Pamilyar na sina Joshua at Tyler sa lugar dahil pangalawang beses na nila iyon doon tsaka minsan narin sila pinatuloy ng kapitan sa tahanan nito noong unang beses na dumayo roon ang grupo nila Joshua. Lampas na ng tanghali kaya hindi na nag-aksaya pa ng sandali ang dalawa. Mula sa tindahan na iyon binaybay ng dalawa ang maputik na daan papasok sa maliit na plasa ng baryo.
Paikot-ikot lang sa mga kalye ng San Gabriel sina Bryan at Mina, at may dalawang oras na silang tumatakbo ngunit hindi parin nila nasusumpungan ang daan palabas ng baryo, hanggang sa may napansin ang dalawa sa magubat na bahagi ng dulong daan.
“Bryan may mga tao at mukhang may pinagkakaguluhan sila sa bandang iyon.” Ani ni Mina.
“Duda ako rito Mina, baka isa na naman itong panglilito sa atin upang harangan ang daan natin. Hindi tayo tutuloy hahanap tayo ng ibang daan.” Tugon ni Bryan.
“Wait, kilala ko ang ilan sa kanila…nakasama ko na sila kanina. Ihinto mo saglit ang kotse at magtatanong ako.”
Tumigil sa gilid ng daan si Bryan. Dumungaw naman si Mina upang magtanong sa mga residente na aligaga at nagkukumahog papunta sa magubat na parte ng daan.
“Miss Mina kayo pala.”
“Kuya ano ang pinagkakaguluhan ng mga tao sa banda roon?” Tanong ni Mina sa isang lalake.
“Natagpuan na po ang apat na nawawalang mga kabataan Miss Mina at sobrang kalunos-lunos ang sinapit ng kanilang mga katawan. Tila pinaglaruan muna ang kanilang mga katawan bago sila pinaslang.” Bulalas ng lalake.
Natigalgal si Mina sa narinig, maging si Bryan biglang nilukuban ng kaba sa kuwento ng lalake. Doon narin naikuwento ni Mina kay Bryan ang nangyari sa Baryo sa kasagsagan ng nakalipas na bagyo. Nakiusap si Mina kay Bryan na puntahan muna nila ang naturang lugar kung saan natagpuan ang mga kabataan. Nag-aalangan pa noong una si Bryan dahil sa kalagayan ng kasintahan ngunit nang sumagi sa kanya ang serye ng patayan na nangyari sa Maynila, kinutuban na ng hindi maganda ang lalake at para makumpirma ang hinala pumayag ito sa kagustuhan ni Mina.
Sa kumpulan ng mga tao na naroon sa gilid ng bangin, agad na nakita ni Mina ang mga ama at kaanak ng mga nawawalang kabataang lalake. Naglulupasay ang mga ito, nagwawala, nagngangawa at humahagulgol ng iyak. Naunang bumaba ng kotse si Bryan at nakasilip sa tinitingnan ng mga tao. Halos mapamura ito sa tagpong bumungad sa kanya. Kumpirmado ang kanyang hinala. Katulad ng mga naunang biktima ganun rin ang sinapit ng mga kabataang lalake na natagpuang nakalambitin sa mga sanga ng puno sa ilalim ng bangin.
Agad na nagradyo sa malapit na police station si Bryan upang matugunan agad ang nangyaring krimen. Nagpakilala rin ito sa mga residente roon bilang pulis at binalaan ang lahat na huwag galawin ang mga bangkay at hayaan na ang kapulisan ang gumawa nun.
Marami sa mga taga-baryo ang nagulat nang magpakilala si Bryan. Marami sa mga naroon ang lumapit sa kanya. Lalo na ang mga mas nakakatanda sa kanya.
“Noy Bryan, ikaw na ba talaga iyan?” Isang matandang lalake ang lumapit kay Bryan at sinuri ng malapitan ang mukha ng lalake.
Agad naman namukhaan ni Bryan ang matanda kaya gumawad ito ng matipid na ngiti tsaka tumango.
“Tay Usteng ako nga po ito, ang anak-anakan niyong pasaway noon.” Tugon ni Bryan.
“Salamat naman sa Diyos at nagkita pa tayo. Biro mo naman, isa ka na pala ngayong pulis.” Wika ng matanda.
“Sinuwerte lang po sa buhay Tay…”
Habang nag-uusap ang dalawa lumapit naman si Mina sa kanila na kagagaling lang sa mga magulang ng apat na biktima.
“Anong oras daw ba darating ang kapulisan at soco rito babe?” Tanong ni Mina kay Bryan.
“Parating na ang mga iyon. Sa kanila narin tayo sasabay pagkaalis nila ng makaalis tayo.” Sagot ni Bryan.
“Aalis kayo agad? Hindi ka man lang ba mananatili dito kahit isang gabi man lang?” Singit na tanong ni Usteng.
“Tsaka na sa pagbalik ko Tay, kailangan lang talaga namin bumalik agad ng Maynila. Sinundo ko lang talaga rito itong girlfriend ko.” Tugon ni Bryan.
“Ano kamu?,… girlfriend mo si Miss Mina? Aba’y ibang swerte naman talaga ang nadali mong bata ka.”
“Tay , guwapo ang anak-anakan mo kaya deserve ko rin ang magandang asawa tulad ni Miss Mina. Babe, ang tatay Usteng ko pala, sa kanya ako dati nakikitira sa tuwing nagbabakasyon ako rito noong kabataan ko.” Pagpapakilala ni Bryan kay Mina.
“Nanirahan ka na rito dati?” Tanong ni Mina kay Bryan.
“Hindi naman pero madalas ako rito noon. Kaya hindi narin iba sa akin ang lugar na ito. May mga nagbago nga lang sa paligid pero ganitong-ganito parin ang lugar noong nilisan ko ito.” Wika pa ni Bryan.
Sandali pa at nagsidatingan na rin ang kapulisan, rescue team at ang soco na agad isinagawa ang pagtanggal sa mga biktima sa ibaba ng bangin. Habang nakatingin sa mga bangkay si Bryan hindi maalis sa isipan nito ang nasabi noon sa kanya ni Julian tungkol sa labing tatlong katawan at buhay na kukunin ng kung sino mang tinutukoy nun.
“Paano kung related din ito dun sa kaso na hinahawakan ko? Ang paraan ng pagpatay sa kanila, ang mga misteryosong mga pattern at markings sa kanilang mga balat. Paano kung nandito ang salarin na hinahanap ko.” Wika ni Bryan.
“Natatakot ako sa nangyayari, pakiramdam kong hindi lamang ito simpleng kaso ng pagpatay. Naroon ako nang bigla na lang nawala si Tomas sa harapan namin. Saksi ako mismo na walang sino man ang nandoon na posibleng dumukot sa kanya. At ganun din ang nangyari sa tatlo ng sabay. Bago iyon sila rin iyong sinapian ng diablo.” Ani naman ni Mina.
“Tinatapangan ko lang ang loob ko pero sa totoo lang kinakalampag na rin ng takot ang dibdib ko. Sa mga nangyayari nito lang sa akin, naniniwala na talaga ako na hindi lamang ito basta serye lang pagpatay. At hangga’t hindi ko matutumbok ang puno’t dulo nito mananatili tayong mangangapa sa dilim na walang alam.” Ayon pa kay Bryan.
“Nais ko mang pag-ukulan ng atensiyon ang kaganapan dito, may mas mahalagang sitwasyon akong kailangang unahin. Hindi talaga ako mapapalagay kapag hindi ko nalalaman ang totoong nangyari kay Joshua. Kaya halika na umalis na tayo.” Tugon ni Mina.
“Okay, total narito naman ang mga pulis na magsusuri sa nangyari. Puntahan na natin ang pinangyarihan ng aksidente.”
Pasakay na ng kotse sina Bryan nang makatanggap ng tawag sa cellphone nito si Mina.
“Hello Miss Mina nasa San Gabriel pa ba kayo ni sir Bryan?” Ang aligagang boses ni Peter mula sa kabilang linya.
“Yes Peter nandito pa kami pero paalis na rin, bakit? May problema ba?” Ang kinakabahang tanong na tugon ni Mina.
“Wala naman Miss Mina, kuwan lang kasi nandito ngayon kasama namin si Joshua kasama ang kaibigan niya.”
Tila natanggalan ng bigat sa balikat si Mina nang marinig ang sinabi sa kanya ni Peter. Maging si Bryan nagulat din nang malamang naroon si Joshua at ligtas. Hindi na nagsayang pa ng minuto ang dalawa at agad ito sumakay ng kotse para bumalik sa bahay nila kapitan Dantoy. Habang nagmamaneho pabalik sa bahay ng kapitan, may napansin si Bryan. Tila naging maayos ang daan na kanilang binabaybay pabalik. Ang nakapagtataka pa ay mabilis lang nila narating ang kalye papasok kina kapitan. Maging ang simbahan ng San Gabriel nadaanan pa nila na kanina naman hindi, gayong kaparehas lang naman na kalsada ang kanilang dinaanan mula pa kanina. Ngunit dahil sa kasabikang makita si Joshua, hindi na iyon binigyan pa ng malalim na pansin ni Bryan.
Balik sa silid ni Nicodemus, bagama’t nakita na nila ang kasagutan sa kanilang mga katanungan. Palaisipan pa rin sa kanila kung paano isasagawa ang mga hakbang na nakapaloob sa libro.
“Saan naman kaya naroroon ang sagradong punyal na tubog sa ginto prof? Tsaka sino ang tinutukoy na sisidlan ng punla? Binigyan nga tayo ng solusyon, hindi naman nabanggit dito kung sino at saan.” Ang nasabi na lang ni Helen matapos nila mahimay-himay ang mga nakasaad sa libro.
“Ang kaputol na pahina na hawak mo, sa tingin ko nariyan ang sagot sa katanungan natin. Kailangan mahanap natin ang buong journal. Tanging si Joshua lang ang nakakaalam ng lahat at naibahagi niya lahat iyon doon sa journal niya.” Saad pa ni Nicodemus.
“Ang problema wala nga sa atin ang journal na iyon. Pero prof kailangan ba talaga patayin ang pinagpunlaan ng demonyo? Paano kung inosente naman siya at ginamit lamang siyang kasangkapan?” Ang pag-aalala ni Helen.
“May kasabihan,…ang nakatakda ay nakatakda. Ano man ang mangyari magaganap ang nakasaad na sa hinaharap. Ngunit may kasabihan din na ang hinaharap ay bunga rin ng kasalukuyan. Kapag nabago natin ang kasalukuyan hindi na tayo mangangamba na mangyayari ang kinatatakutan natin sa hinaharap. Sa unang tingin mukhang hindi makatarungan ang paraan ngunit kung para sa kapakanan ng sangkatauhan isa itong makabuluhang sakripisyo at pamamaraan.” Ani pa ni Nicodemus.
“Saan na tayo ngayon dadalhin nito prof? Parang dead end narin itong nasa harapan natin. Prof bakit hindi na lang tayo hihingi ng tulong sa kaibigan kong si Julian. Tiyak may alam siya rito.”
“Tandaan mo ito Helen, ang kaluluwa ay kailan man ay di na nakakabalik pa sa lupa. Ano man ang dahilan ng kanyang kamatayan, iyon ay katunayan na tapos na ang karapatan niya at silbi sa mundo. Tatapatin na kita, hindi kami naniniwala sa integridad ng mga multo. Kahit na sabihin mo pa na mabait iyon at tinutulungan ka. Mapanlinlang ang mga kaluluwa at hindi na sila katulad ng dati noong buhay pa sila. Kaya sa parteng iyan…huwag mo na akong asahan na makikipagtulungan diyan sa kaibigan mo.” Para pa kay Nicodemus.
“Pero sa kanya galing ang pahinang ito ng Journal prof siya rin ang nag-utos sa akin na pumunta ng library para sa aklat. Hindi pa ba sapat iyon para pagkatiwalaan siya?”
“Nasa sa iyo iyan kung sa kanya ka magpapagabay, pero huwag mo na akong idamay. Natulungan na kita sa pakay mo. Umuwi ka na at isama mo na iyong kaibigan mo…tiyak nangangawit na iyon sa kakahintay sa iyo sa labas ng gate. Paalala lang…, ngayong nalantad na sa iyo ang sekreto ng kapatiran mag-ingat ka at baka ikapahamak mo pa ito.” Ani pa ni Nicodemus na iginiya si Helen palabas ng silid na iyon.
“Teka lang prof hindi mo na ba ako tutulungan?”
“Matagal ko nang tinalikuran ang nakaraan. At wala narin akong maitutulong sa iyo. Nasabi ko na ang nais mong malaman. Ikaw na ang magpatuloy kung iyon talaga ang misyon mo.” Saad ng matanda.
Napabuntong hininga na lamang si Helen na dismayado sa tugon ng dating propesor. Wala na rin itong nagawa sa pasya ni Nicodemus. Bitbit ang baon na kaalaman nagpaalam na ito sa mag-asawa.
“Mamaya ka na umalis iha, kumain ka muna at mag tsa-a. Nag bake ako ng cake… saluhan mo muna kami. Ipapahatid na lang din kita mamaya sa driver ko.” Pagpigil pa ni Rowanda nang magpaalam si Helen.
“Salamat na lang po Ma’am, kailangan ko pa mag report sa opisina.” Tugon ni Helen.
“Pagbigyan mo na ang asawa ko Helen. Minsan lang may bisita rito. Kaya sabik iyan na ipatikim sa iba ang mga luto niya.” Sabat ni Nicodemus.
Napapayag din ang babae sa kagustuhan ng asawa ng propesor. Habang nakaupo sa terasa at naghihintay sa inaalok na meryenda ni Rowanda, naisip ni Helen na tawagan si Bryan upang ipaalam ang mga natuklasan nito na maaring makatulong sa hinahawakan nitong kaso. At sa pagbukas nito ng kanyang cellphone nagulat ito sa dami ng notifications na nagpop-up na konektado sa kanyang social media account. Sa dami nun batid ni Helen na mahalaga ang dala ng mga iyon kaya agad niya itong binuksan. At laking pagtataka nito nang malaman na ang lahat ng iyon ay sa iisang tao lang galing. Kay Paco, sa kanyang pamangkin. Bawat mensahe iniisa-isa nitong binasa at lahat ng iyon ang laman ay puro paghingi ng saklolo at tulong para sa isang taong naging parte na dati ng kanyang nakaraan.
“Bakit Helen ano naman ang binulong sa iyo ng kaibigan mo? At tila ka nababahala ng husto…” Tanong ni Nicodemus ng makita ang reaksyon ng mukha ng babae.
“Prof si Eric kailangan niya ng tulong, mukhang nasa panganib ngayon ang kalagayan niya.”…
RUINS
“ano ba ang pumasok sa isip ni ka-Andres bakit niya binaril si Manang Saling?” Ang naguguluhan na tanong ni Ben kay Berwin.
“Ewan ko, maging ako man nagulat sa ginawa niya… Saan na ba kasi iyon? Ang bilis niya nawala sa paningin natin.” Tugon ni Berwin.
Mabilis ang bawat hakbang ng dalawa na binabaybay ang masukal na daan paakyat ng bundok. Lihim na daanan iyon na tanging ang mga kasapi lang ng kanilang kasamahan nakakaalam. Nagpatuloy ang dalawa sa looban pa. Makapal na ang mga halaman doon at mayayabong na ang malalapad na dahon ng mga matatayog na puno. Habang naglalakad napahinto si Berwin, napatigil din si Ben. Mula sa kinatatayuan nila may namataan sila sa kanilang unahan.
“Si father Rigor ba iyon? Ano ang ginagawa niya rito?” Bulalas ni Berwin.
“Imposibleng si father iyon ka Berwin. Kitang-kita natin kanina na kasama siya ni kap Dantoy ng isugod nila si Manang Saling diba?” Wika ni Ben.
“Pero si father talaga iyan. Tingnan mo ang suot niyang abito. Halika sundan natin.” Ani ni Berwin.
“Teka sigurado ka?” Ang pag-aalangan ni Ben.
“Kaya nga sundan natin para masiguro kung si father Rigor talaga iyon.” Ang disididong wika ni Berwin.
Sinundan ng dalawa ang nakita. Klaro sa kanila na si father Rigor ang kanilang nakita, nakasuot ito ng abito na kulay itim. May hila-hila itong sako na yari sa rami at sa kabilang kamay nito ang kalawanging pala. Pansin ng dalawa na tila napapalayo na sila. Napahinto saglit ang dalawa at iginala ang mga mata sa paligid. Pamilyar sa kanila ang bahaging iyon ng gubat. Minsan na sila nagawi roon ilang buwan na ang nakaraan.
“Ka Berwin ano ang ginagawa rito ni father Rigor?” Bulalas ni Ben.
“Ka Ben, nasaan na si father? Saan siya nagtungo?” Sambit na tanong ni Berwin.
Palinga-linga ang dalawa na hinagilap ang sinusundang pari. Wala, kahit saan sila humagilap wala na ang presensya ng pari. Laking pagtataka ng dalawa kung bakit doon sila napunta sa lugar na iyon na iba naman ang tinahak nilang daan. Ang alam ng dalawa iisang daanan lang ang meron patungo roon at hindi iyon ang dinaanan nila.
“May mas madaling lusutan pala ang papunta rito. Ang alam natin iyong daan sa talon na mahirap akyatin. Meron naman pala dito, mas madali pa.” Wika ni Berwin.
“Oo nga, hindi man lang tayo inabot ng oras napunta na agad tayo sa lugar na ito.” Tugon ni Ben.
“Hayun na agad ang kuweba.” Sambit pa ni Berwin na itinuro kay Ben ang bukana ng kuweba a mataas na bahagi ng gubat.
Sa pagtingin ni Ben sa bahaging iyon bigla itong napakunot ng noo.
“Ano ang ginagawa nila roon sa kuweba?” Bulalas na tanong nito.
“Sino ka-Ben?”
“Sina ka-Andres at ka-Meyong kasama ang ilan sa mga kasamahan pumasok silang lahat sa kuweba, hindi mo ba nakita?” Sagot ni Ben.
“Hindi, wala naman akong nakita nang tumingin ako.” Ani ni Berwin.
“Halika, akyatin natin ang kuweba. Silipin natin kung ano ang ginagawa nila sa loob.” Pagmamadali ni Ben.
Mabilis ang mga hakbang nito na tinutumbok ang kuweba. Kasunod naman nito si Berwin. May ilang layo rin ang kuweba na iyon kahit tanaw naman nila. Malapit na sila roon nang hinarangan sila ng apat sa kanilang mga kasamahan na nagkataong pababa sana baryo at nagkataong doon napadaan. Nakasalubong nila ang mga ito na tila nagtataka ng makita ang dalawa.
“ka-Ben, ka-Berwin, ano ang ginagawa niyo rito? Saan ang punta niyo?” Tanong ng nangunguna sa apat na si Gaspar.
“Kuwan ka-Gaspar, napansin kasi namin sina ka-Andress kanina kaya naisipan naming sundan. Nagkaroon kasi ng pangyayari kanina sa baba. Eh ayon dito kay ka-Ben nakita niya na pumasok dun sa may kuweba sina ka-Andres at ka-Meyong… titingnan sana namin.” Agarang sagot ni Berwin.
“Imposible eh nandoon sa kanlungan sina ka-Andress at ka-Meyong na nakikipagpulong kay Pinuno kasama ang mga matatandang miyembro ng kapatiran. Ang bilis naman makababa nung dalawa base sa sinasabi niyo. Naunahan pa nila kami.” Ang natawang tugon ni Gaspar.
Nagtaka sina Ben, paanong naroon sa kanilang kanlungan si Andres gayung sinusundan lamang nito kanina. Nagtataka man hindi na kinontra ni Ben ang sinabi ni Gaspar, sa halip sinabi na lamang nito na baka namalik-mata lang sila ni Berwin.
“Kayo, sa baryo ba ang punta niyo?” Tanong ni Ben.
“Oo, makikibalita kami sa nangyari baka sa atin na naman ibuton ang isisi at tayo ang pagbintangan.” Ang napailing na sagot ni Gaspar.
“Ha? Ibig sabihin nakarating na sa taas ang nangyari kay Manang Saling?” Ang gulat na tanong ni Berwin.
Napakunot ng noo sina Gaspar. Kaya agad ito nagtanong tungkol sa nangyari sa babae. Nang mapagtanto ni Ben na iba pala ang tinutukoy ni Gaspar napakuweto ito ngunit hindi nito binanggit kung sino ang bumaril sa babae. Dahil kung totoong nandoon sa kanlungan si Andres isang malaking palaisipan at katanungan kung sino ang nakita ng dalawa na bumaril sa babae.
“Kung gayun ano ang tinutukoy niyo?” Tanong ni Ben.
“Nakarating sa taas ang balita na natagpuan na ang mga kabataang nawawala. At base sa nagbalita, patay na daw ang mga ito. Pinatay sila sa brutal na paraan. At ayon sa layunin at batas ng samahan kinokondena natin ang mga ganitong gawain. Aalamin namin ang lahat, kailangan mapanagot ang may gawa ng krimen.” Saad pa ni Gaspar.
Dahil sa narinig naisipan ng dalawa na sumama na lang pabalik ng baryo. Nais din ni Ben malaman ang misteryo sa mga nangyayari nitong huli sa San Gabriel.
Sa bahay ng kapitan laking pasasalamat ni Mina na hindi nadawit sa malagim na aksidente ang anak. Naikuwento kasi ni Tyler ang nangyari sa kanila nung papunta pa lang sa San Gabriel.
“Parang final destination nga iyong nangyari sa amin tita. Kunti na lang talaga nandoon na kami, salamat na lang sa premonition nitong si Joshua na safe kaming dalawa. Pero iyon lang, nakakalungkot at nakakapanglumo ang nangyari sa iba.” Kuwento ni Tyler.
“Anong premonition? Pasalamat talaga kayo na hindi kayo napasama sa mga naaksidente. Tsaka ano ba ang pumasok sa isip mo at pumunta kayo rito Joshua? Diba nagsabi naman ako na uuwi din ako after. Trabaho ang pinunta ko rito hindi bakasyon. Nagsama ka pa. Alam ba ng parents nitong si Tyler na nandito iyon?” Wika ni Mina na kumukontrol ang galit at inis sa anak.
“Nasa Saudi po ang mga parents ko tita, pinsan lang po ni mama ang guardian ko pero walang paki-alam naman iyon sa akin. Tsaka mas safe ako sa tabi ni Joshua. Ako po ang pumilit kay Joshua na sumama tita, huwag niyo na po siya pagalitan.” Sabat ni Tyler.
Tahimik lang si Joshua na nakaupo sa kawayan na sofa katabi ni Tyler. Malayo ang tingin at hindi tumutugon kay Mina. Sa kinikilos ng anak halos mapikon na si Mina. Gusto nitong pagalitan ng husto ang anak ngunit ayaw niyang ipahiya si Joshua sa ibang tao, lalo pa at nasa ibang bahay sila at wala sa kanila. Sa bawat bitaw ng saloobin ni Mina sa anak si Tyler ang sumasabat. Nais na talaga ibulalas ng binata ang totoong dahilan nila ni Joshua sa pagpunta roon ngunit ayaw niyang pangunahan ang kaibigan.
Napailing na lang si Mina na tinalikuran ang walang imik na anak. Pinuntahan nito sina Tim, Peter at Sari na nagko-compile ng kanilang mga interview at videos sa kani-kanilang mga laptop. Doon na lamang itinuon ni Mina ang kanyang atensiyon upang pahupain ang nararamdamang galit at inis sa anak.
“Uy tol ano ba ang nangyayari sa iyo, bakit tahimik mo dyan. Akala ko ba sasabihin mo na sa mommy mo ang lahat.” Bulong ni Tyler kay Joshua.
“Nandito siya, binabantayan tayo. Nag-iingat lang ako baka may gagawin siyang masama sa mga tao rito.” Ang mahinang tugon ni Joshua na halos pabulong na rin.
Napasiksik sa tabi ni Joshua si Tyler, hinawakan pa nito ang kamay ng kaibigan habang nanginginig sa takot. Hinawakan naman siya ni Joshua sa braso para pakalmahin.
“Iwasan mong matakot, kumalma ka baka magtaka sila mommy. Kung marunong ka magdasal, magdasal ka na lang. Hindi rin siya makakatagal dito. Hindi niya hahayaang mapahamak ang kanyang katawan.” Ani ni Joshua.
“Ano iyon? limited lang ang appearance niya tapos nawawala?” Tanong ni Tyler.
“Iyon ang obserbasyon ko mula pa kanina. Pagsulpot lamang ang presensya niya, may kung ano sa bahay na ito na hindi siya nakakatagal.” Saad ni Joshua.
“Baka maraming bawang dito tsaka asin.”
“Hindi aswang o multo ang tinutukoy ko. Hindi siya takot sa mga iyon.” Pabulong na sabi ni Joshua.
Simula nung napasakamay ni Joshua ang nawawalang journal may mga nakikita na ito na hindi nakikita ng mga pangkaraniwang mata ng ordinaryong tao. Mga bagay na nu’ng una halusinasyon lang ngunit sa kalaunan tuluyan na nagpabago sa pang-araw-araw na buhay ng binata. Dati halos hindi pa malinaw sa kanya, tila makapal lamang na hamog ngunit ngayon malinaw na nito na nakikita ang maitim na usok na may hugis tao. Madalas naroon lamang ito sa bawat sulok tila nakamasid at naka-abang. Nang mga sandaling iyon naroon ang usok na may pigura ng tao sa likod ni Mina, nakasunod sa kanya na para bang binabantayan niya ang babae. Kitang-kita iyon ni Joshua.
Ngunit nang pumasok si Bryan sa loob ng bahay na iyon parang bula na lamang na naglaho ang pigurang nasa likuran ni Mina. Napatingin ng may pagtataka si Joshua kay Bryan.
“Babe, pinapatawag na ako bukas sa opisina. Balak ko umalis agad ng madaling araw.” Wika ni Bryan ng lumapit ito kay Mina.
“Ganun din ang plano namin ni Peter bukas, hahabulin niya pa sa news editor ang mga nakalap namin dito para ma ere agad, pero maiiwan muna rito sina Tim at Sari para tutukan ang nangyari sa mga bata. Kailangan na rin ako sa show ko.” Ani ni Mina.
“Okay, siya nga pala mukhang napahiya yata iyong anak mo kanina. Sana hinayaan mo muna. Pinagalitan mo naman agad.” Mahinang boses ni Bryan na napasulyap sa kinauupuan ni Joshua.
“Pinagsabihan ko lang naman. Nakakagigil lang din kasi, paano kung napasama sila dun. Ewan ko ba kasi sa bata na iyan ang tigas ng ulo. Lagi ang gusto ang nais masunod. Nagsama pa ng iba. Kung napahamak sila eh di naging kargo de konsensiya ko pa. May pa premonition-premonition pa silang kuwento. “ Tugon ni Mina.
“Premonition? Bakit naman daw ano ang nangyari?” Tanong ni Bryan.
Kinuwento ni Mina ang sinabi sa kanya ni Tyler. Habang nagkukuwento si Mina biglang may naalala si Bryan, dali-dali nitong nilapitan sina Joshua. Tinanong nito ang binata tungkol sa tawag nito nung gabi ng kasagsagan ng malakas na ulan. Napatingin sa kanya si Joshua na tila ba binabasa nito ang iniisip ng lalake tsaka nagsalita.
“Ilayo mo si mommy dito, sa lugar na ito sige na tito. Umuwi na tayo.” Ani ni Joshua.
“Bukas uuwi tayo, hapon na ngayon at tila uulan na naman. Alanganing oras na para bumiyahe. Josh, magsabi ka sa akin ng totoo. May mga nangyayari ba sa mommy mo na hindi ko alam? Bakit balot ng pagkabigla na may pagkabahala ang boses mo noong gabing napatawag ka at hinahanap mo ang mommy mo? Tsaka ano talaga ang dahilan niyo bakit napasugod pa kayo dito kahit na masama ang panahon? At iyong binanggit ni Tyler na premonition mo, totoo ba iyon?” Mga katanungan ni Bryan kay Joshua.
Nakatingin lang sa kanya si Joshua, may pag-aalangan. Magsasalita na sana ito nang mapatungo ang atensiyon ng lahat sa mga paparating na kaanak ni kapitan Dantoy kasama si Telyo ang ama ng isa sa mga biktimang kabataan at ang asawa nito. Nabalot ng lungkot ang tahanan ng kapitan sa paghihinagpis ng lahat dahil sa sinapit ni Tomas. Nagpaabot naman agad ng pakikiramay sina Bryan at Mina sa pamilya. Sa kalagitnaan ng pag-uusap-usap lumapit kana Joshua at Tyler ang isang lalake na matanda lang ang edad sa kanila ng tatlong taon. Salubong ang mga kilay nito na tila kinikilala sa tingin ang dalawa.
“Ako nga pala si Darryl pinsan ni Tomas. Si Tomas ba ang sadya niyo sa pagbalik dito? Wala na siya…pati si Jasper.” Wika ng lalake kina Joshua.
Narinig iyon ni Bryan na hindi pala inalis ang tenga at mata kay Joshua. Agad ito lumapit sa kanila at napatanong na may otoridad.
“Pagbalik? Nakapunta na kayo rito? Kelan?” Tanong ni Bryan kay Joshua.
“Pagkatapos po ng taon namin sa Romano tito, nung nakaraan lang.” Biglang sabat ni Tyler sa tanong ni Bryan.
Hindi na nakaimik si Joshua naibulalas na ni Tyler ang bagay na iyon. Doon na nagkuwento si Joshua.
“Nagsimula ang lahat ng mapunta sa akin ang isang misteryosong journal na napulot ko noon sa harapan ng campus. Sa loob nun isang tila mapa ang naroon, nakaguhit, detalyado sa salitang latin. Sa pag-aakalang isa iyong treasure map, out of curiosity at sa kalikutan ng aming isip napagtripan namin na puntahan ang lugar na nakasaad doon. At dinala kami nito dito sa lugar na ito. Labing-lima kami kami na lakas loob na pumunta rito.” Pagsisimula ng kuwento ni Joshua.
Naging seryoso na ang lahat habang nagkukuwento na si Joshua. Detalyado ang kuwento ng binata hanggang sa nabanggit na nito ang guho. Saglit na natigilan si Bryan nang mabanggit ni Joshua ang guho sa bundok. Sinegundahan naman ni Daryl ang kuwento ni Joshua. Ngayon lang nakita at nakilala nina Joshua at Tyler si Daryl. Bagamat naging pamilyar naman sa kanila ang apo ng kapitan na si Tomas, hindi naman nila ito nakahalubilo noon liban na lang kay Jasper na kaibigan na dati pa ng isa nilang kabarkada na siyang naging paraan din kung paano sila nakapunta ng San Gabriel noon.
“Hindi niyo ako natatandaan, ngunit naalala ko kayo. Naroon ako noong pinasok niyo ang guho sa kuweba.” Ani pa ni Daryl.
“Ano ang ginagawa niyo roon Joshua? Paano niyo nalaman ang tungkol sa guho na iyon sa kuweba? Ano iyong journal?” Usisang tanong pa ni Bryan.
“Dahil sa journal tito. Akala kasi namin biro lang ang nakasaad doon. Nagbabakasakali lang kami noong una. Nang dahil sa tulong ni Jasper natunton namin ang kuweba. Aksidente lamang ang pagkadiskubre namin ng guho. Mukhang sinadyang ikubli ng kuweba iyon at nagkataon na nakita namin.” Tugon ni Joshua.
“Ano ang ginawa niyo sa loob?!” Sunod na tanong ni Bryan na may mabigat na punto, galit.
“Natakot kami sa mga nakita namin sa guho. May kung anong mabigat na presensiya ang naroon sa loob habang nagmamasid-masid kami. Lalo na nung bumuka ang sahig nun at tumambad sa amin ang isang hagdan pababa. Nang makarinig kami ng nakakakilabot na angil na tila nagmumula sa ilalim nun.” Kuwento pa ni Joshua.
“Tapos?”
“Natakot kami, naisipan namin na huwag na ituloy ang kahibangan namin sa lugar na iyon. Ang buong akala namin sumunod ang iba sa amin palabas ng kuweba. Ngunit nang lumingon kami ni Tyler, ilan na lang kami ang magkakasama. Narinig na lamang namin ang tawanan nila pababa sa hagdan na naroon sa sahig. Kaya napilitan kaming balikan sila. Sumunod kami, bumaba kami ni Tyler habang iyong iba nauna na sa labas.” Pagtuloy pa ni Joshua sa kuwento.
“Sabihin mo, sino-sino ba ang mga kasama niyo na naroon?” Tanong ni Bryan.
“Iyong mga natagpuang patay sir, mga kaibigan namin sila ni Joshua sila ang mga naunang bumaba sa sahig ng guho, at ang humawak sa altar na naroon. Akala namin wala lang iyon ngunit simula nung araw na iyon kung ano-ano na ang nararanasan naming kababalaghan. Hanggang sa nangyari na nga ang nakasulat nun sa journal ni Joshua.” Dagdag pa ni Tyler sa tanong ni Bryan.
“Ano ba talaga ang meron doon sa journal na tinutukoy niyo kanina pa? At bakit ngayon niyo lang ito ikinuwento, kakilala niyo pala ang mga natagpuang mga bangkay.” Wika ni Bryan na napasapo na lang ng palad sa mukha dahil sa mga nalaman.
“Isang altar na gawa sa marmol na bato ang naroon sa pinaka gitna ng sahig sa baba. Balot iyon ng mga sapot ng gagamba kaya inalis nila Jimmy at Felix ang mga iyon upang makita ang kabuohan ng altar. Pinigilan ko sila ngunit hindi na sila nakinig sa akin. Lalo silang na curious sa mga nakita nilang mga simbolo at mga salita na nakaukit sa paligid ng altar. Kaya nagsilapitan narin ang iba. Habang hinahaplos nila ang ibabaw ng alter isa-isa silang napasigaw na tila ba nasaktan. Napansin na lang namin na magkulay pula mga bahagi ng altar na hinawakan nila. Doon na lang napansin nila na may hiwa na ang kanilang mga palad. Hiwa na hindi nila alam kung paano nangyari. Kasunod nun biglang yumanig ang paligid at nahati sa gitna ang altar.” Salaysay pa ni Joshua
“Ibig niyo bang sabihin may koneksyon ang ginawa niyo sa guho sa mga nangyari sa mga kaibigan niyo? Ganun ba?” Tanong muli ni Bryan.
“Dahil iyon ang nakasaad sa journal sir. Labing tatlo ang hihingin niyang alay para sa kanyang pagbabalik. Nangamba rin kami ni Joshua na baka isa rin kami sa magiging biktima.” Sabat ni Tyler.
“Pero tila nagkamali kami sa pagkakaintindi sa nakasulat sa journal. Dahil nadagdagan pa ang mga biktima niya. Ang nakapagtataka, hindi naman namin kasama noon sa guho sina Jasper at Tomas pero naging biktima rin sila.” Sabi pa ni Joshua.
“Hindi… pumasok din sila sa kuweba, silang apat.” Biglang singit ni Daryl sa sinabi ni Joshua. Namutla ito, bakas sa mukha ang biglaang takot.
“Nito lang, bago nangyari ang pagkawala ng apat. Ilang taga-ibabaw ang lumapit kay Tomas nang minsan nanghuhuli kami ng ulang sa ilog. Rinig ko sa sinabi ng lalake na magbibigay sila ng malaking pera maituro lang sa kanila ang kinaroroonan ng kuweba. Batid ko na ang kuweba na pinuntahan niyo ang pakay nila. Dahil nag-iisa lamang iyon dito. Nasilaw si Tomas sa alok sa kanya na pera, kaya sinamahan niya ang mga iyon. Iniwan ako ni Tomas sa sobrang pagmamadali. Kinutuban ako kaya palihim ko silang sinundan. Hanggang sa pinuntahan nila si Jasper sa kanila at isinama.Tingin ko nasilaw din si Jasper sa pera. Sumama ito sa kanila at nagsama pa sila ng dalawang kabataan. Sinundan ko sila at tama nga ang hinala ko. Kasama ang mga lalaking iyon pumasok sila sa kuweba na iyon. Ilang minuto rin ang itinagal nila sa loob bago lumabas. Buhat ng araw na iyon iba na ang kinikilos nun ni Tomas, bigla na lamang ito naging tahimik. Ibang-iba sa pagkakakilala ko sa kanya hanggang sa isang araw sabay-sabay na silang sinapian. At nung kasagsagan ng bagyo nawala rin sila ng sabay. At… nangyari na nga sa kanila ang nakita namin kanina.” Paglalahad naman ni Daryl.
“Hindi ko talaga naiintindihan ang mga naririnig ko ngayon. Pero isa lang ang sigurado ako, nandito sa lugar na ito ang sagot sa mga katanungan ko. At ang paulit-ulit kung naririnig sa inyo na magbabalik, sino ba iyon? Siya ba ang demonyo na nababanggit din nila Nico at Felix noon? Na kinatatakutan nila ng sobra?”
Tumahimik sina Tyler at Joshua, nagkatitigan ang dalawa tsaka ibinaling balik ang tingin kay Bryan. Ramdam na ng dalawa ang bigat ng sitwasyon. Sa kanilang pag-amin higit pa sa inaasahang panganib ang kasunod nilang kakaharapin. Sasagot na sana si Joshua nang lumapit sa kanila si Tilyo ang ama ni Tomas, bitbit ang isang lalagyan na may mga tasa ng mainit na kape. Isa-isa niya iyon inalok at inabot kina Bryan, Tyler at Joshua. Sa paglapit ni Tilyo naputol ang kanilang kuwentuhan. Namukhaan agad ni Tilyo sina Joshua at Tyler. Nang nakipagkilala naman ito kay Bryan, agad ito natigilan. Napatitig naman sa kanya si Bryan.
“Kinalulungkot namin ang nangyari sa anak mo pare, ako nga pala si Bryan fiance ni Mina.” Pagpapakilala ni Bryan.
“Salamat pare,. Sana nga lang mahuli agad sa lalong madaling panahon ang lumapastangan sa anak ko at sa mga kabataan.” Ani ni Tilyo.
“Tutulong din ako para mapadali ang paghuli sa mga salarin. Mahahanap din natin ang hustisya pare.” Sabat ni Bryan na tinapik sa balikat si Tilyo.
“Sana nga. Maiba ako, narinig ko kanina kay Tatang Usteng na laking San Gabriel karin… Lumaki na ako rito sa baryo na ito hindi man lang kita naalala. Halos magka gulang lang naman tayo. Saan ka nun noong nandito ako?” Ang tanong ni Tokyo na halatang pinipilit lamang ang sarili na pagaanin ang bigat sa dibdib dulot ng pagkamatay ng anak.
Ramdam ni Bryan na nais lamang libangin ni Tilyo ang sarili sa pakikipag-usap sa kanila, maibsan man lang ang hinagpis ng kanilang pamilya sa gitna ng pagluluksa.
“Hindi naman ako talaga pumipirmi rito noon, minsanan lang. Mga dalawa o tatlong beses kada buwan. Pero hindi naman buwan-buwan talaga. Kapag nagagawi lang dito. Si mama talaga ang nakatira dito bago siya lumipat ng La union. Tapos magkakilala sila ni Tatay Usteng kaya sa tuwing nandito ako noon kina Tay Usteng ako nakikituloy. Eh malayo iyong kanila mula dito mismo sa inyo. Nasa dulong paanan pa ng bundok iyong kanya. Tapos nag-iisa pa lang nun doon ang bahay niya.” Naikuwento naman ni Bryan kay Tilyo.
Nawala na sa topiko nila sina Joshua. Niyaya naman ni Daryl ang dalawa sa labas ng bakuran nila ni Kapitan. Sa harap ng isang malaking puno ng kapok, sa maliit na kubo na madalas tambayan noon ni Tomas at ng mga pinsan naupo ang tatlo habang nagkakape. Doon, muling nagbukas ng kuwento si Daryl na siyang kinagulat ng dalawa.
“Alam ko na ang journal ang sadya niyo rito. Alam ko kung sino ang may hawak nun ngayon.” Bulalas ni Daryl.
Hindi journal ang pangunahing dahilan nila sa pagbalik sa lugar. Ngunit dahil sa pangyayari ang journal na mismo ang nagparamdam kung nasaan siya.
Samantala, gamit ang kotse ni Nicodemus, agad ito tumugon sa mensahe ng pamangkin. Kailan man ay hindi pa ito nakakapunta sa villa ng mga Santermo. Kaya hindi pa nito alam kung ano ang masusumpungan nito sa lugar na iyon. Kapatid sa ama ni Helen si Lucas at ang namayapang ama ni Paco. Magkadugo man ngunit hindi maganda ang relasyon ng magkapatid sa isa’t isa simula’t sapol. Kung kaya’t halo-halo ang pakiramdam at emosyon ni Helen lalo pa at posibleng makakaharap niya muli si Eric.
“Iliko mo sa kilometrahe trese, may mas madaling daan diyan papuntang Poblacion. Bilisan mo baka kung ano na ang ginawa nila kay Eric.” Wika ni Nicodemus kay Helen.
“Wala tayo sa express highway prof baka madisgrasya pa tayo. Kalma ka lang makakarating din tayo ng villa. Magdasal na lang tayo na madatnan pa nating ligtas si Eric.” Ani ni Helen.
“Ano ba kasi ang ginagawa ng isang iyon doon? Naku naman talaga. Ang mabuti pa magtawag na ako ng pulis, pang backup. Sa tubo ng mga mensahe ng pamangkin mo mukhang hindi talaga maayos ang sitwasyon ni Eric.” Ang nagaalalang sabi ng matanda.
“Huwag muna tayo padalos-dalos baka masyado lang tayo nag o-over think. Tsaka nakalimutan niyo yatang pulis itong kasama mo. Akong bahala prof” . Saad ni Helen.
“Sige, pero pakibilisan pa.”
Habang patungo sina Helen sa kinaroroonan ni Eric, unti-unti namang bumabalik ang ulirat ni Eric sa pinaglagyan sa kanya.
THE LOST IS FOUND
Kasama ang nagpakilalang si Daryl pinuntahan nila ang kinaroroonan ng hinahanap na journal. Ngunit habang papalapit ang tatlo nagtaka na si Joshua kung bakit sa simbahan ng San Gabriel ang kanilang tinutumbok na daan.
“Wala sa simbahan, nasa likod ng simbahan ang kailangan niyo.” Ani ni Daryl.
Nagpatuloy pa ang dalawa nasa bungad na sila ng bakuran ng simbahan nang salubungin sila ng isang binata. Namukhaan agad ni Tyler ang lalake.
“Tol, diba siya iyong humarang sa atin noon nung umakyat tayo ng bundok. Pinagbantaan pa nga tayo niyan diba?” Bulong ni Tyler kay Joshua.
Huminto ang binata, matalim ang mga tingin nito na nakatitig sa tatlo. Walang emosyong mababakas sa kanyang mukha ngunit mabigat ng kanyang presensiya.
“Sarado ang simbahan ngayon, wala si father bumalik na lang kayo sa susunod na araw.” Wika ng binata.
“Carlitos, naparito sila para sa journal.” Sabat ni Daryl.
Nagkatinginan sina Joshua at Tyler. Nagtaka ito kung paano napunta sa lalaking iyon ang hinahanap nila.
“Hindi mo pagmamay-ari ang bagay na iyon. Ninakaw lamang iyon sa ama ko. Kaya binawi ko lang ang pag-aari na dapat sa akin. Kaya umalis na kayo. Hindi niyo rin makukuha ang hindi sa inyo.” Tugon ni Carlitos.
“Sa akin napunta ang journal kaya akin iyon. Ibalik mo na sa akin. Hindi mo alam ang panganib na dala nun.” Saad ni Joshua.
“Hindi panganib ang dala nun kundi kaganapan. Kusang bumalik sa tunay na may-ari ang journal kaya marapat lang na umalis na kayo. Huwag niyo na akong pilitin, alam mo na ang mangyayari.” Wika pa ni Carlitos at tinalikuran lang ang tatlo.
Akmang susunod pa sana ang tatlo nang sugurin sila ng napakaraming mga uwak. Wala nang nagawa pa sina Joshua kundi ang kumaripas palayo mula roon. Nakalayo na ang tatlo nang tumigil sa pagtakbo si Joshua. Bumalik ito sa simbahan. Habol naman sa kanya si Tyler na pinipigilan ang kaibigan.
“Kailangan ko balikan ang journal Ty. Naroon ang paraan para maligtas ang mommy at matapos na itong mga nangyayari.” Wika ni Joshua.
“Pero tol narinig mo naman diba? Sa kanya daw iyong journal. Tsaka nakita mo naman kung paano niya tayo pinanlisikan ng kanyang mga mata. Tapos mukhang mga alagad pa pala niya ang mga uwak na iyon.” Ani ni Tyler
“Ginamit niya lang ang kakayahan ng journal kaya niya nagawa iyon. Tandaan mo may bahid na rin ng dugo ko ang journal. At alam ko na makikilala rin ako nun oras na makita ko.” Ayon pa kay Joshua.
Hindi na kinontra pa ni Tyler si Joshua, napabuntong hininga na lamang ito na sumunod sa kaibigan. Muli nilang binalikan ang simbahan ngunit habang naglalakad ang dalawa pabalik biglang napahinto si Tyler. Napansin na lang nito na hindi na pala nila kasama si Daryl. Hinagilap pa nito ng tingin ang lalake sa paligid ngunit hindi niya na ito mahanap.
“Hayaan mo na baka natakot. Ang mahalaga alam na natin kung naroon kanino ang hinahanap natin. Makuha lang natin ang journal, malalaman na natin kung ano ang nararapat na gawin.” Ani ni Joshua.
Binilisan ng dalawa ang kanilang mga hakbang para balikan si Carlitos. Nang nasa bungad na sila ng simbahan si Joshua na naman ang natigilan. Muli na na naman nagpakita sa kanya ang mga kamag aral at dating kaibigang si Jasper. Galit ang mga ekspresyon ng kanilang mga mukha. May ngitngit at pagkapuot ang kanilang mga nanlilisik na mga mata. Sumisigaw sila ng pagkamuhi ngunit walang ingay na lumalabas sa kanilang mga bibig. Naroon lang sila nakatayo sa harapan ng simbahan nakatingin sa dalawa.
“Tol bakit? May nakikita ka na naman ba?” Tanong ni Tyler na muli na namang kinakabahan.
“Wala, may iniisip lang ako. Halika na hanapin na natin ang lalaking iyon.” Tugon ni Joshua.
Upang hindi na madagdagan pa ang takot ng kaibigan inilihim ni Joshua ang nakikita. Nilampasan lang ng dalawa ang nakita ni Joshua na agad namang hinawi ng hangin na parang usok at agad na nawala. Sarado ang simbahan kaya umikot sa likod ang dalawa para maghanap ng bukas na daan hanggang sa makita nila ang isang bahay na bato katabi ng lumang monasteryo sa likod ng simbahan. Walang pag-aalinlangang dumeretso roon si Joshua kahit na alangan pa si Tyler. Sinubukan nilang tingnan ang bawat pintuan na naroon ngunit lahat sarado. Sinuri pa nila ang buong paligid ng bahay, nang mapansin ni Tyler ang nakabukas na pintuan sa likod. Pababa sa basement ang pintuan na iyon.
“Sure ka tol, diyan tayo dadaan? Baka may kung ano riyan sa baba. Ang dilim pa naman.” Pagdadalawang isip ni Tyler.
“Kung ayaw mo ako na ang bababa, hintayin mo na lang ako rito. Tamang-tama para may lookout ako.” Wika ni Joshua.
“Hindi puwede,ayoko…nangako kaya ako na hindi ako aalis sa tabi mo. Sige…bababa tayo. Mauna ka na.” Sabat ni Tyler.
“Pagamit ng cellphone mo, naiwan ko kasi kina kapitan iyong akin na nakacharge.” Sambit ni Joshua at kinuha ang cellphone kay Tyler para gawing flashlight.
Marahang bumaba ang dalawa sa nakitang hagdan. Napaka dilim sa loob na iyon dahil halos hindi napapasukan ng liwanag ng araw. Nang iginala ni Joshua ang ilaw ng cellphone sa paligid doon nila nakita kung gaano ka kalawak ang loob nun. Mukhang lumang bodega ng mga uling at mga palay dahil sa mga sakong nakikita nila roon at mga uling na nagkalat sa sahig. May mga samot saring mga lumang kagamitan din ang nakatambak doon na balot na ng mga agiw at sapot ng mga gagamba sa katagalan.
“Hayun tol may hagdan paakyat.” Nang mapansin ni Tyler ang hagdan sa dulo.
Tinungo iyon ng dalawa at inakyat. Bukas ang sahig na pintuan doon kaya nakalabas ang dalawa. Lumusot sila sa sahig ng isang kusina. May kalumaan na rin ang bahay na bato na base sa istraktura at mga kagamitang nandoon ay naipundar na sa mga panahon pa ng Kastila. Tahimik ang loob at walang maaninag na bakas na may tao roon.
“Maghiwalay tayo. Mas mapapabilis ang paghanap natin sa journal kung magkahiwalay tayong hahanap nun.” Suhestiyon ni Joshua.
“No, ayoko nga. Sama na lang tayo. Maya niyan makasalubong ko pa ang Carlitos na iyon at kung ano pa ang gawin sa akin.” Pagtanggi naman ni Tyler.
“Hindi ka niya gagalawin. Walang mangyayaring masama sa iyo pangako. Nandito lang naman ako. Sumigaw ka lang kung sakali man. Wala tayong makikita kung magbu-buntutan lang tayong dalawa. Malaki itong bahay, tapos ang dami pang silid. Sige na maghiwalay tayo ng direksiyon sa taas ako dito ka sa baba para malapit ka sa pinto at makatakas ka kaagad.” Ani pa ni Joshua.
Labag man sa kagustuhan ng loob ni Tyler pumayag ito. May dalawang silid lang naman sa bahagi iyon ng bahay bukod sa banyo na nasa kusina tapos isang malawak na sala na. Di tulad sa ikalawang palapag na merong limang mga silid. Naunang kumilos si Joshua, umakyat agad ito sa malapad na hagdan. Si Tyler naman bago simulan ang paghahanap nagdasal muna ito. Nang matapos humugot muna ito ng malalim na hinga tsaka binuga. Tinapik-tapik ng palad ang dibdib para pakalmahin ang kaba tsaka tinungo ang unang silid sa harapan nito.
Samantala nasa bungad na ng kalye sina Helen papasok ng Poblacion del Santermo nang napapreno ang babae. Muli na naman kasing lumitaw sa tabi nito si Julian at may binubulong na naman ito sa kanya.
“Mag ingat daw tayo prof, inaabangan na nila ang pagdating natin. Mukhang kailangan na nga natin humingi ng back up sa mga kasamahan ko.” Wika ni Helen.
“Hay naku sabi ko na nga ba. Teka tatawag na ako. Siya nga pala Helen kapain mo sa ilalim ng upuan sa tabi mo, mukhang kakailanganin mo rin iyan.” Tugon ng matandang si Nicodemus.
Ginawa nga ni Helen ang utos sa kanya nito. Kinapa nito ang ilalim ng upuan sa tabi nito. Isang glock 49 na baril ang naroon.
“Loaded na iyan, meron pa sa kabila niyan baka kailanganin mo ng reserba. Duda na ako sa kutob ko.” Ani ni Nicodemus.
“Huwag kang magalala prof, titiyakin nating ligtas si Eric.” Saad ni Helen at nagpatuloy na nga sila.
Mula sa welcome sign ng Poblacion kapansin-pansin na ang tila kakaibang katahimikan ng paligid. Maaga pa ngunit wala man lang katao-tao silang nakikita o nakakasalubong. Tila tahimik din ang mga kabahayan sa gilid ng kalsada. Tanging mga asong gala lang ang gumagala sa daan. Nagpatuloy pa sina Helen hanggang sa madaanan nila ang unang tindahan sa lugar. Isang ale ang lumabas mula roon at lumapit sa gilid ng kalsada.
Tinted ang kotse na minamaneho ni Helen, kaya nang makita ang babae na lumapit sa kalsada, ibinaba nito ang bintana ng kotse para batiin ito.
“Ikaw pala Helen, akala ko kung sinong mayaman ang naligaw dito sa Poblacion. Kamusta?” Bungad ng ale kay Helen.
“Magandang hapon aling Mercy. Pupunta lang ako ng villa. Na miss ko na rin kasi sina kuya Lucas.” Tugon ni Helen.
“Ganun ba,…oo nga at matagal-tagal na rin nung huli mo nilisan itong lugar natin. College ka pa lang nun. Eh ngayon pulis ka na. Ikaw lang ba ang mag-isa?” Tanong ng ale.
“Ako lang, sige ho aling Mercy mauna na ako baka gabihin pa ako pag-uwi.” Ani ni Helen.
“Ay hindi ka ba magtatagal dito? Sayang naman. Sige na dumeretso ka na roon.” Ang nakangising sabat ng ale.
Bahagya lang ang pagbukas ni Helen ng binata kaya hindi gaanong kita sa loob si Nicodemus na napasiksik din sa likuran ng kotse. Nagpatuloy ang dalawa sa pagbaybay ng kalsada diretso sa villa ng mga Santermo.
“May lockdown protocol ba sa lugar na ito? Mistulang ghost town na ang paligid ah. Wala man lang tayo nakikitang ibang mga tao bukod dun sa tinderang kakilala mo.” Puna pa ni Nicodemus.
“Nagtataka nga rin ako prof. Ang weird ng paligid. Hindi naman ganito ito dati. Pag ganitong oras pa nga nagsisilabasan ang mga tao. Pero ngayon kahit isa man lang wala tayong makita sa paligid.” Komento ni Helen.
“Alerto ka Helen, mukhang hindi na maganda ang nasasagap kong enerhiya. Masyadong mabigat ang lumulukob sa paligid.”
“Nakahanda na ako prof. Hayun tanaw ko na ang bungad papasok ng villa.”
Habang papasok sila sa daan pa villa, isang kotse ang napansin ni Nicodemus na tila tinakpan ng mga sanga at halaman sa gilid nun. Na para bang nais itago ang kotse na iyon. Nagpatuloy pa ang dalawa hanggang sa huminto na si Helen.
“Hindi na makakapasok sa loob ang kotse. Masyadong makipot ang daan papasok. Ang mabuti pa maiwan ka na rito prof, ako na ang pupunta ng villa. Pangako ilalabas kong ligtas si Eric. Gamitin mo na ang isang baril sakaling may mapansin kang panganib.” Ani ni Helen.
“Huwag mo akong alalahanin. Ikaw na ang gumamit ng mga iyan. Kaya ko ang sarili ko rito. Sige na bilisan mo , bago pa tayo abutan ng paglubog ng araw dito.”
Wala ng sinayang na oras si Helen at tinungo agad ang villa. Nagtaka naman ito ng sa gate palang sinalubong na ito ni Osmon na para bang alam na ng mga ito ang pagbisita niya. Hindi nagpahalata si Helen, mahinahon itong sinundan si Osmon.
Sa mansiyon, todo sigaw na si Paco sa loob ng silid na pinaglagyan sa kanya. Maya-maya pa pumasok si Lucas.
“Tito pakawalan mo ako rito!Tito!”
“Tumahimik ka! Akala mo siguro maloloko mo ako noh? Hindi ako kasing uto-uto ng ama mo. Siya nga pala nasa labas na ang tita Helen mo. Paano iyan mukhang dinamay mo pa ang tita mo.” Wika ni Lucas kay Paco.
“Halimaw ka tito, hindi ko akalain na may kasamaan ka pa lang tinatago. Lahat kayo rito mga kampon ng demonyo! Kinasusuklaman ko na naging kadugo ko kayo!” Sumbat ni Paco sa tiyuhin.
“Malas mo, pero huwag kang mag aalala mas masahol pa sa akin dati ang ama mo. Medyo bobo nga lang siya kung kaya’t napaaga ang appointment niya sa aming panginoon. Tandaan mo ito walang sino man ang makakahadlang sa amin. Magpahinga ka, at mamayang gabi, isasama kita sa aming pagtitipon. Gusto ko masaksihan mo kung paano namin babalatan ng buhay ang pakialamero mong guro. Masaya iyon, at tiyak mag i-enjoy ka.” Ang pang aasar pa ni Lucas sa pamangkin habang tumatawa bago ito lumabas ng silid.
Nang maiwan si Paco tanging pagsisisi at pag-aalala ang namutawi sa kanyang mukha. Nababahala ito sa maaring sapitin ng kanyang tita Helen at sa magiging kapalaran ng gurong si Eric. Nais niyang pigilan ang mga mangyayari ngunit wala itong magagawa. Nakatali ang katawan nito sa isang haligi. Hindi rin pamilyar sa kanya ang kanyang kinalalagyan dahil ngayon lang ito napasok dun. Maluwag ang silid na iyon, merong bintana ngunit tinakpan iyon ng mga pinakong mga tabla at wala kahit isang gamit. Natigilan ito nang mapansin ang biglang pagkurap-kurap ng mga ilaw sa silid. Napatingala ito sa kisame nang mapansin ang namumuong maitim na usok roon. Maya pa pababa na ito at papalapit sa kanyang harapan. Muli ito nagkakaroon ng pigura ng isang tao, at mas malinaw na ito kumpara sa mga naunang pagpapakita nito.
“Kumilos ka, hindi pa tapos ang lahat…nagsisimula pa lang sila. Kumilos ka na…” Mga salitang tinatangay ng hangin papasok sa tenga ni Paco mula sa nilalang na nasa harapan nito.
“Paano? Nakagapos ako rito. Tulungan mo ako. Sabihin mo sa akin ang gagawin ko.” Tugon ni Paco sa nilalang.
Hindi kumibo ang nilalang nakatitig lang ito kay Paco na para bang nangungusap. Saglit pa naging usok muli ito at paikot na nilukuban si Paco. Namilog bigla ang mga mata ni Paco, tumirik hanggang sa naging purong puti na lamang. Napatingala ito habang nakabuka ang bibig. Muling nag-ipon ang usok sa kisame, sandali pa bumulosok ito papasok sa nakabukas na bunganga ni Paco. Pumasok ang lahat ng iyon hanggang sa pinakahuli, kasunod nun ang pangingisay ng katawan ni Paco. Makaraan humupa ang pangingisay ng binata. Nawalan ito ng malay habang nakatayo sa pinagtalian nitong haligi.
Kaharap na noon ni Helen ang kuyang si Lucas sa living room ng mansiyon.
“Magtsa-a ka muna, mukhang napakahalaga ng sadya mo sa akin at naisipan mo pa talaga akong dalawin. Akala ko ba sinusumpa mo na ang pamilya natin. Bakit ka pa bumalik? Nakalimutan ka na ng lugar na ito.” Wika ni Paco nang harapin nito si Helen.
“Si Paco lang ang sadya ko. Isasama ko na siya sa akin.” Tugon ni Helen.
“Pasensiya na, pero wala na rito si Paco. Pinadala ko muna siya sa Siquijor. Batid ko na mas ligtas siya roon kasama ang ninong Andres niya. Actually kakalipad lang niya kaninang umaga pa Visayas. Kung napaaga ka sana, nagpang-abot pa kayo.” Ani ni Lucas.
“Hindi mo ako maloloko. Alam ko na nandito si Paco. At binabalaan kita, oras na may ginawa ka sa kanyang masama ako mismo ang maniningil sa iyo.”
“Natakot naman ako. Kailan ba nagsinungaling sa iyo ang kuya? Kabisado mo naman itong buong villa diba? Dito ka na rin nagkaisip siguro naman hindi ka na maliligaw dito. Kung sa tingin mo nandito pa si Paco at nagsisinungaling ako, malaya kang halughugin ang bawat silid at sulok nito. Pakibilisan mo lang, hindi ka dapat maabutan dito ng paglubog ng araw kung ayaw mo kasuhan kita ng trespassing.” Ang nakangising tugon ni Lucas sa babae.
Hindi na tumugon pa si Helen at ginawa na nga ang paghalughog ng bawat silid doon makita lang si Paco.
Habang sa kabilang dako, pawisan na sa kaba si Tyler na hinahalungkat ang mga kabinet at drawer sa silid na pinasukan nito. Nanginginig ang mga kamay at tuhod nito habang iwas na iwas sa mga life size na estatwa ng mga santo na naroon sa silid na iyon. Halos hindi na nga ito makatingin sa paligid dahil sa takot. Pakiwari kasi ng binata nakatingin lahat sa kanya ang mga rebulto ng mga santo. Parang mga buhay kasi ang mga mata nun na tila nakamasid sa kilos niya.
“Kalma ka lang Ty mga rebulto lang iyan, hindi ka aanuhin ng mga iyan. Mag focus ka lang sa hinahanap mo.” Bulong na lang nito sa sarili.
Patuloy lang ito sa paghahanap ng may nasagi ang kamay nito sa loob ng isang kabinet. Nahulog iyon sa sahig. Isang pahabang bagay na nakabalot sa itim na tila na parang balat ng hayop. Nakatali iyong ng mahigpit gamit ang pulang sinulid na yari sa abaka. Sigurado ang pagkakabuhol ng tali na para bang pinakaiingatan ang bagay na naroon sa loob. Sa kyuryosidad ni Tyler kinuha niya iyon tsaka inilagay sa kanyang backpack na walang pag-aalinlangan.
Nakadalawang silid naman si Joshua ngunit wala sa mga iyon ang hinahanap niya. Habang papalapit na ito sa ikatlong silid, biglang nakaramdam ng kakaibang init si Joshua. Pinagpapawisan ito ng malala na para bang sinisilaban ng paunti-unti ang kanyang katawan. Pero dahil sa pakay binalewala niya iyon. Marahan itong pinihit ang door knob ng kaharap na silid. Hindi iyon naka-kandado. Dahan-dahan lang ito sa pagbukas. Natigalgal ito sa bagay na bumungad sa kanya.
“Porsigido ka talagang mabawi sa akin ang journal na hindi naman sa iyo.” Wika ni Carlitos.
Naroon sa silid na iyon si Carlitos, hubo’t hubad na nakahiga sa malapad na kama habang napapaligiran ng mga nakasinding mga kandila. Bawat bahagi ng silid may mga nakatirik na malalaking mga kandila. Mainit, maalinsangan ang loob ng silid gawa ng mga nakasinding mga kandila.
“Nasaan na ang journal akin na.” Ani ni Joshua.
“Bakit ko naman ibibigay sa iyo ang pag-aari ko? Hindi sa iyo ang journal kaya umalis ka na.” Ang nakangising tugon ni Carlitos.
“Hindi ako aalis dito hanggat wala sa mga kamay ko ang journal.” Saad ni Joshua na buo ang panindigan at loob.
Bumangon mula sa pagkakahiga si Carlitos at marahan itong lumapit kay Joshua. Bahagyang napaatras si Joshua malapit sa pinto ngunit nagulat ito nang bigla na lang nagsara ng kusa ang pintuan. Kasabay nun ang isa-isang pagkawala ng mga sindi ng mga kandila hanggang sa iilan na lang ang naiwan. Napako na sa kinatatayuan nito si Joshua. Nakatitig na lamang ito kay Carlitos habang papalapit sa kanya ang lalake.
“Ano ba ang kailangan mo sa journal at gusto mo talaga ito makuha?” Ang halos pabulong na tanong ni Carlitos kay Joshua.
Nakatayo lang roon si Joshua, para itong napako sa kinatatayuang sahig. Animoy tuod na hindi gumagalaw. Tanging ang mga bilog lamang ng kanyang mga mata ang nakasunod kay Carlitos habang sinusuri siya nito mula harap hanggang likod, mula ulo hanggang sa pagitan ng mga hita nito. Malagkit ang mga titig ni Carlitos sa kabuohan ni Joshua na para bang hinuhubaran niya itong kaluluwa. Nais na magsalita ni Joshua ngunit hindi nito maibuka ang mga bibig. Maging ang paghakbang hindi niya magawa. Gusto niyang tutulan ang ginagawa sa kanya ng lalake ngunit hindi niya kaya. Nakatayo sa likuran ni Joshua si Carlitos habang ang mga kamay nito ay kanyang unti-unting pinagagapang sa katawan ng binata. Marahan nitong hinahagod ng may pagnanasa ang mga balikat ni Joshua paharap sa matigas na dibdib ng lalake, pabalik sa malalaking braso ni Joshua, sabay hagod sa mabatong tiyan nito.
“Nararamdaman ko ang sinasabi ng katawan mo. Bakit hindi muna tayo maglaro. Mahaba pa naman ang oras para magmadali. Malay mo pag natikman mo ako, hindi mo na kakailanganin ang journal.” Bulong pa ni Carlitos sa tenga ni Joshua sabay dila dito tsaka nilaro.
Humihiyaw ang utak ni Joshua sa mga ginagawa sa kanya ni Carlitos. Batid niyang kontrolado na siya ng lalake. Saglit pa isa-isa nang tinatanggal ni Carlitos ang takip sa katawan ni Joshua. Nais na magwala ni Joshua para pigilan ang lalake ngunit para itong manikang de-susi na sumasang-ayon sa nais ikilos ni Carlitos.
“Hindi mo pa talaga alam kung ano ang papel mo sa lahat ng ito…Huwag kang mag alala, malalaman mo rin sa takdang panahon.” Bulalas pa ni Carlitos kay Joshua sabay tulak sa binata pahiga sa kama.
Pagkabagsak ni Joshua sa kama, pumatong agad sa ibabaw nito si Carlitos. Dahil walang magawa, nakatingin lang si Joshua sa kisame habang nilalamas ito ni Carlitos ng halik sa buong katawan hanggang sa pagitan ng mga hita nito. Ramdam na ramdam ni Joshua ang mga ginagawang paghagod at paglaplap sa kanya ni Carlitos, maging ang pagsubo sa kanyang tarub nararamdaman niya ngunit hindi ito makapalag. Naroon ang nakakabaliw na sensayon at libog dulot ng ginagawa sa kanya ng lalake ngunit hindi ito makatugon. Sandali pa at nauwi na sa espadahan at kiskisan ang dalawa habang si Carlitos ang nagmamaniobra sa katawan ni Joshua.
Naging maalab ang hasaan ng kanilang sandata. Hindi man makakilos, nararamdaman pa rin ni Joshua ang kiliti at ngilo ng kalibugan dahil kay Carlitos.
Hanggang sa naramdaman na lang ng dalawa ang pag-agos ng mainit na dagta na naghalo sa mga pumipitik-pitik nilang mga pag-aari. Sa puntong iyon, sa mismong tagpo na iyon kung saan nakadapa sa ibabaw ni Joshua si Carlitos, bumukas bigla ang pinto ng silid.
Tulalang nakanganga sa bungad ng pintuan si Tyler sa inabutang tagpo. Doon na rin bumalik sa dati si Joshua, mabilis itong bumangon sabay tulak kay Carlitos mula sa ibabaw niya. Agad itong tumayo sabay dampot ng mga damit at sapatos. Hiyang-hiya si Joshua sa sitwasyon ng makita sila ni Tyler.
“Baka nais din ng kaibigan mo na matikman ang ginawa natin. Kaya ko pa.” Ang nakangising sabi ni Carlitos na humilata pa sa ibabaw ng kama habang nilalaro ang matigas parin nitong tarub.
Hindi na kumibo si Joshua, bigla na lang ito tumakbo palabas ng silid bitbit ang mga damit ng hubo’t hubad. Sumunod naman sa kanya si Tyler na gulat parin sa nakita. Pagkalabas ng dalawa muling nagsara ng kusa ang pinto. Napahalakhak naman ng husto si Carlitos habang nakahiga parin sa kama. Umugong ang halakhak nito sa buong bahay na para bang halak ng isang diyablo.
“Katulad mo rin ang ama mo, mahina…” Ang sambit pa nito sa mababang boses.
DETOUR
Isa-isang pinasok ni Helen ang bawat silid na naroon sa villa. Ngunit wala doon ang kanyang pakay. Bumalik ito kay Lucas.
“May nakita ka ba? Palibhasa ang tingin mo talaga sa akin sinungaling. Ang mabuti pa magpalipas ka na muna rito ng magdamag. May kaunting pagtitipon dito mamaya para sa mga miyembro ng aking simbahan. Baka nais mo makibahagi sa aming pagdiriwang.” Ani ni Lucas.
“Si Paco, alam ko nandito siya. Ilabas mo na kung ayaw mo puwersahin pa kita.” Tugon ni Helen.
Batid ni Helen na may tinatago sa kanya si Lucas at alam niya na naroon pa si Paco, dahil iyon ang bulong sa kanya ng presensiya ni Julian. Ang problema, maging ang espiritu ng kaibigan hindi matukoy kung saan naroon sa bahay na iyon ang bata, na para bang may kung ano pang mas malakas na puwersa ang nagkukubli sa kanya.
“Kahit magwala ka pa, wala akong maipapakita sa iyong Paco. Kakasabi ko lang wala na dito ang pamangkin mo. Kung nais mo talagang makita siya. Pumunta ka ng Siquijor. Pero pasensya na hindi kita maihahatid ng airport, abala ako. Kung hindi ka pa tapos sa sadya mo rito, take your time…Osmon, ikaw na ang mag assist sa kanya. Dalhin mo siya sa bawat kasuluk-sulukan ng villa.” Ani ni Lucas sabay utos kay Osmon.
Napatikom ng mga palad si Helen sa inis, lumabas ito ng Villa. Balak niyang galugarin ang labas ng bakuran ng lugar. Akmang susunod sa babae si Osmon nang sumenyas sa kanya si Lucas na hayaan lang si Helen. Tumango naman si Osmon.
“Balikan mo si Paco, siguraduhin mong hindi ka makikita ni Helen. Dalhin agad si Paco sa isang silid, paliguan ng husto para sa pasasalamat mamaya.” Utos pa ni Lucas.
Agad na kumilos si Osmon. Sa labas ng mansiyon nagsimulang suriin ni Helen ang mga tagong daan sa hardin. Ngunit wala rin itong nakita. Sinunod nito ang likod na bahagi ng mansiyon kung saan naroon ang ilang taguan ng mga lumang kagamitan at mga gamit sa hardin. Maging ang bodega na imbakan ng mga harina, at bigas pinasok ni Helen. Pinag-sisira nito ng bara de cabra ang malalaking kandado at kadena ng bodega. Ngunit wala rin sa loob na iyon ang kanyang hinahanap. Hanggang sa mapadako ang tingin nito sa isa pang bahay sa dulo ng villa. Doon naman ang sunod nito.
Pansin na ang papalubog na araw. Makulimlim na naman ang panahon. Unti-unti na namang nangingitim ang kaulapan. Pagkadating ni Helen sa bahay na iyon isang babae ang napansin nitong nagliligpit ng mga sinampay. Nakatingin itong nakatingin sa kanya.
“Magandang hapon ho, ano sana ang kailangan natin?” Pagbati ng babae kay Helen.
“Magandang hapon din ho, may hinahanap lang ako. Dito rin ba kayo nag-tatrabaho sa villa? Dito kayo nakatira?” Tugon na tanong ni Helen.
Muling ngumiti sa kanya ang babae, tsaka lumapit pa ng malapitan kay Helen.
“Dito na ako pinatira ni sir Lucas buhat nang mamasukan akong labandera dito sa mansiyon. Bakit iha, sino ba ang hinahanap mo? Kamag-anak ka ba nila sir?” Sabat ng babae.
“May alam ka ba kung nasaan si Paco?” Balik na tanong ni Helen sa babae.
Mabilis naman itinanggi ng babae ang tungkol kay Paco. Ngunit nababasa ni Helen ang kasinungalingan sa mukha nito kaya nangahas na itong silipin ang loob ng bahay. Noong una, alangan ang babae sa nais ni Helen. Gumawa pa ito ng alibi para lang pigilan si Helen. Ngunit nang ipinakita na ni Helen ang dalang baril, dito na napaatras ang babae at hinayaan si Helen. Agad na tinumbok ni Helen ang silid sa taas ayon na rin sa bulong sa kanya ni Julian na kasalukuyan niyang kasama. Hinalungkat ni Helen ang mga kabinet sa silid sa pagnanais na makahanap ng ebidensya na makakapagturo kung saan naroon si Paco. Ngunit wala rin itong nakita. Hanggang sa napansin nito ang isang post card na nakasiksik sa natuklap na wallpaper sa bahagi ng dingding. Hindi nga ito nagkamali sa hinala. Nang kinuha ito ni Helen agad niya sinuri ang likod ng post card at doon ito ang kanyang nabasa.
“Ikinulong nila si sir Eric sa isang silid sa ilalim ng bodega sa likod ng mansiyon. May tagong tarangkahan sa sahig malapit doon, na natatabunan ng mga sako ng fertilizer at mga lumang gamit.” ; ang sulat kamay na mensahe mula kay Paco.
Tila alam na ni Paco ang gagawin sa kanya kaya bago pa ito, nag-iwan na ito ng mensahe para kay Helen sakaling dumating ito. Hindi na nag-aksaya pa ng oras si Helen, dali-dali itong bumaba para puntahan ang tinutukoy ni Paco sa sulat. Ngunit laking pagtataka nito ng nakakandado na mula sa labas ang bahay, maging ang mga bintana sarado at hindi niya mabuksan. Tanging sigaw ng may inis na lang ang nagawa ni Helen. Tinawagan nito si Nicodemus, ngunit nagtaka lang din ito kung bakit hindi na sinasagot ng matanda ang tawag niya. Bumalik ito sa taas, at napansin ang bukas na bintana. Iyon lang ang daan niya para makaalis doon.
At kahit mataas, hindi na inalintana ni Helen ang kahihinatnan niya pag bumagsak ito sa baba. Gamit ang kumot ng kama, ginawa niya iyong lubid para may mahawakan ito pababa. Habang naglalambitin si Helen sa kumot hindi nito napansin ang paglapit ng babae. Nakaabang ito sa kanya sa baba na may hawak na palakol, nakangisi sa kanya. Kasama ng babae dalawa pang malalaking aso na kulay itim. Umaangil ang mga ito at tila sabik manakmal. Napalingon si Helen sa baba ng marinig nito ang mga aso. Kinabahan ito.
Para takutin ang mga aso at ang babae, pinaputukan ni Helen ang mga ito. Napaatras ang babae at napatakbo rin ang mga aso. Pagkabagsak ni Helen tumayo agad ito sabay tinutukan ang babae.
“Subukan mong lumapit at ang susunod na bala ng baril ko sa noo mo na tatama!” Banta ni Helen, habang unti-unti itong umaatras paalis dun.
Palinga-linga rin ito nang mapansin ang muling pagbalik ng mga malalaking aso.
“Sige lang, tumakbo ka kung kaya mo. Hindi ka rin naman makakaalis dito.” Ang wika pa ng babae kay Helen.
Muling nagpaputok si Helen para takutin ang babae pati na ang mga aso. Tsaka na tumakbo paalis dun. Ngunit sa kanyang pag takbo. Agad din itong hinabol ng dalawang aso. Takot na takot si Helen ngunit hindi ito nagpakita ng kahinaan. Wala na itong nagawa kundi ang barilin na mismo ang mga aso. Natamaan man ang dalawa ngunit tila balewala lang sa mga aso ang kanilang sugat sa halip naging mas bayolente pa ang mga kilos nito habang hinahabol siya ng mga ito.
“Buwisit, mukhang naka-droga yata ang mga asong ito. Hindi man lang natinag sa baril ko.” Wika ni Helen na mas binilisan pa ang takbo.
Kaunti na lang at abot na siya ng isa. Kaya muli itong binaril ni Helen. Natamaan niya ito sa ulo kaya agad itong bumulagta. Ngunit sinugod naman ito ng isa at kinagat sa braso dahilan para mabitawan ni Helen ang baril na hawak. Natumba si Helen sa biglaang pag atake sa kanya ng aso. Buti na lang at makapal ang suot nitong jacket kaya hindi gaanong lumapat sa balat nito ang ngipin ng aso. Pinaibabawan na ito ng aso habang sakmal-sakmal ang braso nito. Sinikap ni Helen na maabot ang isa pa nitong baril sa bulsa ng jacket dahil hirap ito sa bigat at lakas ng aso.
Nang makuha ang isa pang baril, agad niya itong pinaputok sa katawan ng aso. Dun na kumalas sa ibabaw niya ang hayop. Patay din ang isa. Akma nang tatayo si Helen nang bigla na naman itong hatawin ng babae ng hawak nitong palakol. Buti na lang napansin agad iyon ni Helen at nakailag ito. Muli pa itong hahatawin ng babae nang pinutukan din ito ni Helen sa kamay. Nabitawan ng babae ang palakol at nagsisimulang magsisisigaw sa takot ng makitang duguan ang kanyang mga kamay.
“Padala ka nga ng demonyo! Totoo ang sabi ni Supremo! Demonyo ka!!!” Ang ngawa ng babae habang nanlilisik sa galit ang mga mata na nakatitig kay Helen.
“Kayo ang demonyo, gaga!” Tugon ni Helen nang tumayo ito.
“Papatayin kita!!!” Sigaw bigla ng babae.
Muli nitong dinampot ang palakol at patakbong susugod kay Helen, pero hindi na ito pinagbigyan pa ang babae. Isang putok ng baril ang nagpahinto sa kanyang hininga. Binalikan ni Helen ang bodega na minsan na nitong tiningnan. Samantala sa mansiyon nagkakagulo ang mga tauhan ni Lucas nang sinabi ni Osmon dito na wala na sa silid si Paco.
“Hanapin niyo mga inutil! Nasa paligid lang batang iyon. Hindi sila dapat magtagpo ni Helen. Bakit ba kasi hindi niyo sinigurado ang pintuan sa baba? Tingnan ang mga security camera…iharap sa akin agad si Paco!” Ang panggagalaiti ni Lucas.
“May isa pang problema, nakarinig ng mga putok ng baril ang hardinero malapit sa bahay sa dulo. Mukhang napalaban si Cora kay Helen.” Dagdag pa ni Osmon.
“Buwisit talaga sa akin ang babaeng iyan. Hayaan niyo siya wala rin siyang mapapala roon. Ang pagtuunan niyo ang isang iyon. Hanapin niyo si Paco. Hindi siya maaring makalabas dito.” Ani ni Lucas.
Maya-maya pa isang sigaw ang lalong nagpagimbal kay Lucas.
“Sunog!!!”
Isang sunog ang bigla na lamang sumiklab sa kabilang bahagi ng mansiyon na agad tumawid sa ikalawang palapag nito. Mabilis ang pagkalat ng apoy sa paligid. Mabilis na dinilaan ng nagngangalit na apoy ang bawat silid sa buong palapag. Mansiyon man, at malaki, dahil sa kalumaan at karamihan pa sa bahagi ng bahay ay kahoy…agad na kumalat ang sunog. Kanya-kanyang pulasan na ang mga tauhan at kasapi ni Lucas na naroon sa mansiyon. Natulala naman ito sa biglaang pangyayari. Hindi nito inaasahan na ganun ang sasapitin ng mansiyon sa sandaling iyon.
“Halika na Lucas, lumalaki na ang sunog baka hindi na tayo makakalabas.” Wika ng asawa ni Lucas sa kanya.
“Supremo, tara na…nakalabas na ang lahat.” Sabat ni Osmon.
“Hindi ito maari, ang templo ng ating panginoon paanong hinayaan niyong masunog.” Ang nasambit pa ni Lucas.
Napaluhod ito sa sahig nang nakatingala sa nasusunog na bahagi ng mansiyon. Hinila na lamang ito ni Osmon nang mapansin na bumibigay na ang kisame sa parting iyon ng silid.
Napahinto naman sa kanyang pagtakbo si Helen nang mapansin ang makapal at maitim na usok sa mansiyon. Biglang kinalampag ng kaba at pag-aalala si Helen. Nagmadali ito na agad tinungo ang bahagi ng bodega. Inabutan pa niya ang mga tao roon na nagtatakbuhan na palayo sa mansiyon. Hindi na nga siya nito pinapansin. Hinanap ni Helen ang nasabing pintuan sa sahig malapit sa bodega. Hindi agad niya iyon nakita dahil sa may nakaharang doon na kariton na may kargang mga sako ng pataba at mga halamang naka-paso. Hinila muna iyon ni Helen at nang tumambad na sa kanya ang nakausling bakal na pinto,agad niya ginamitan ng nakitang bara de cabra ang kandado roon. Hirap dahil sa laki ng kandado, buong lakas parin na ginawa ni Helen ang lahat hanggang sa nasira na nga niya ito. Pagkabukas ng pintuan, naghanap agad ito ng maaring pang harang sa pinto nang hindi iyon magsara pag nasa baba na ito. Madilim sa baba ngunit naaaninagan nito ang hagdan pababa. Hindi iyon ganun ka lalim at sakto lang ang taas nito sa kanyang tangkad. Gamit ang cellphone inilawan nito ang loob, at doon nga nakita nito si Eric na nakagapos sa sulok. Walang malay na nakahiga sa sahig.
“Eric, gising kailangan na nating makaalis dito.” Wika ni Helen nang ginigising si Eric habang tinatanggalan niya ito ng gapos.
Maya pa at nagising din si Eric. Nagulat ito ng makita sa harapan niya si Helen. Sa kanyang tuwa mayakap niya ang babae, ngunit agad din siyang naitulak nito.
“Hindi ito oras para sa ganyan. Kaya mo naman sigurong tumayo. Kailangan na nating umalis dito. Nasusunog na ang buong villa.” Ani pa ni Helen sa lalake.
“Ano? Bakit? Teka ano nga pala ang ginagawa mo rito at paano mo nalaman na nandito ako?” Tanong pa ni Eric.
“Humingi sa akin ng tulong si Paco. Kasama ko ang tiyuhin mo. Kasama ko si prof Nico.”
“Magkakilala kayo ni Tito? At si Paco…nasaan na si Paco?” Usisa muli ni Eric.
“Wala, hindi ko nakita si Paco. Pero ang alam ko tinatago lang ni Lucas ang pamangkin ko. Halika na bago pa tayo madamay sa pagkasunog ng villa.” Saad ni Helen.
Pagkalabas ng dalawa mula roon, balot na ng malaking sunog ang halos kalahati ng mansiyon. Pati ang mga sanga ng puno malapit sa mansiyon nag-aapoy na rin. Kabisado ni Helen ang villa kaya hindi na ito nahirapan sa paghanap ng daan palayo roon.
Samantala, habang abala si Nicodemus sa kakahalungkat ng mga gamit sa isang silid. Isang bagay ang pumukaw ng pansin nito. Isang antigong kahon na nasa loob ng isang lagayan na may salamin ang nilapitan nito.
“Sabi ko na nga ba at nandito lang ito.” Sa isip ng matanda.
Silyado ang lagayan at hirap itong buksan. Makapal din ang salamin kaya hindi rin basta-basta mababasag. Naghalungkat pa si Nicodemus sa mga drawer na naroon sa tapat nun. Balot na ng usok ang paligid at halos hirap na rin makita ang nais hanapin. Ngunit tila nakaplano na ang bagay na ito kay Nicodemus. Dahil sa suot na self-contained breathing apparatus nito at kumpletong gear maayos parin itong nakakagalaw. Sa ilalim ng mesa may nakapa itong maliit na compartment at nang aksidenteng napindot nito ang isang buton, bumukas iyon at doon may nakita itong susi.
Kinuha iyon ni Nicodemus at ginamit ang susi para kunin ang kahon. Nang mapasakamay na nito ang kahon, nilagay niya agad ito sa dalang backpack tsaka nilisan ang silid. Kalat na sa bahaging iyon ang apoy ngunit tila ba alam na alam ng matanda ang pasikot-sikot sa loob ng mansyon. Kinapa-kapa nito ang dingding. Isang malaking painting ang hinawi nito. Sa likod pala nun isang sekretong pintuan ang nakakubli roon.
“Mukhang hindi pa nila ito nakita, mabuti nga…” Napangiting bulong ni Nicodemus sa sarili.
Papasok na sana si Nicodemus sa lihim na pintuan na iyon, nang na may narinig ito malapit lang sa kanya.
“Tulong… tulungan niyo po ako.” Si Paco, hirap na hirap na itong makatayo at halos gumagapang na lang habang humihingi ng tulong kay Nicodemus.
Nahabag naman ang matanda sa sitwasyon ng bata, kahit wala sa plano… nilapitan nito si Paco para tulungan at isama na sa kanyang pagtakas.
“Halika ka iho, kumapit ka sa balikat ko. Pilitin mong humakbang para makaalis agad tayo rito. Tara na.” Wika ni Nicodemus nang alalayan si Paco.
Saktong pagpasok lang dalawa sa pinto ng gumuho ang kisame at natakpan ang kanilang dinaanan.
Sa San Gabriel. Habol-habol parin ni Tyler si Joshua na tumatakbo kahit hubo’t hubad. Pinapahinto nito ang kaibigan ngunit tila hindi naman ito naririnig ng isa. Hanggang sa tumigil din si Joshua at napasandal na lamang sa isang puno. Malayo din ang inabot nila mula sa bahay ng pari. Nilapitan ni Tyler si Joshua at inabot sa kaibigan ang mga damit ng binata na nahulog nung tumatakbo ito.
“Ayos ka na? Magbihis ka nga muna…baka May makakita pa sa iyo rito na ganyan ka ma-scandal pa tayo.” Wika ni Tyler.
Tahimik na nagsuot ng damit si Joshua. Bakas sa mukha nito ang hiya, pagtataka at hindi mawaring emosyon. Na maging si Tyler hindi alam kung ano ang tumatakbo sa isip ng kaibigan.
“Ano ba iyon tol? Bakit iyon ang naabutan ko sa inyong dalawa? Kilala naman kita tol eh, at tanggap ko naman kung ano ka. Pero nagulat talaga ako sa nakita ko kanina. Hindi ko ini-expect na makakakita ako ng ganun.” Ani pa ni Tyler.
“Hindi siya tao…” Unang bitaw na salita ni Joshua.
“Hindi tao? Sino? Si Carlitos?…malamang. Sa nakita ko ba naman kanina sa inyo masasabi ko talagang hayop ang isang iyon. Biro mo unang kita niyo palang pero nagkainan na agad kayong dalawa.” Ang tugon ni Tyler na tila na may inis sa nakita.
“Wala akong alam sa nangyari, hindi ko alam kung bakit nangyari iyon. Basta naroon na lang ako. Wala na akong nagawa na para bang kontrolado niya ako. Pero seryoso hindi si Carlitos ang nakikita ko na kaharap ko kanina.” Ang sabi ni Joshua.
“Kung hindi siya sino? At paanong hindi mo alam ang ginagawa mo? Eh parang sarap na sarap ka pa nga sa turon niya ah.” Sabat ni Tyler.
“Hindi ko nga alam na iyon na ang ginagawa ko eh. Nagulat na lang din ako na, ganun ang inabutan mo sa amin. Kung hindi ka siguro dumating baka higit pa dun ang pinagawa niya at nagawa namin sa silid na iyon.” Sagot ni Joshua.
“At umaasa ka naman? Akala ko talaga iyong journal ang main goal natin dito. May iba ka pa palang gustong balikan sa lugar na ito. At dahil wala na si Jasper, sa iba mo hinanap.” Komento ni Tyler.
Hindi nagustuhan ni Joshua ang sinabi ni Tyler. Napikon ito at namula sa galit. Pinigilan ni Joshua ang sarili at napatikom na lang ng mga palad. Hindi na nito pinatulan si Tyler. Nauna ito na hindi pinansin ang kaibigan.
“Teka hoy, tol masyado mo naman sineryoso. Joke lang iyon. Tol naman, ngayon ka pa talaga magtatampo. Sorry na. Na overwhelmed lang ako sa nakita ko kanina. Alam mo na, di ko pa kasi iyon na experience tapos pinakita niyo pa…tol hintay naman.” Ang sigaw ni Tyler kay Joshua habang nakasunod dito.
Pabalik ang dalawa sa bahay ng kapitan na hindi man lang kinikibo ni Joshua si Tyler.
Nang mga sandaling iyon alam na ng kapitan ang nangyari sa mga nawawalang mga kabataan lalo na kanyang apo. Maging si father Rigor nanlomo sa sinapit ng mga kabataan.
“Magsasagawa ako ng pagdarasal para mga bata mamaya sa kapilya kapitan. Ikinalulungkot ko ang sinapit ng inyong apo.” Ani ng pari.
“Kinakabahan na ako father sa mga nangyayari. Parang binabalik ngayon nakaraan sa San Gabriel.” Pakiwari ng kapitan.
“Kung ano man ang ibig sabihin ng mga kaganapang ito sa atin, nawa’y hindi ito magdudulot ng kawalan natin ng pag-asa at sana hindi mabawasan o mawala ang paniniwala natin sa Diyos.” Wika ng pari.
Tumango si Dantoy ngunit hindi mabura sa mga mata nito ang pagkabahala na para bang may inaasahan pa itong mas matindi pang kaganapan.
“Father ang mabuti pa dumaan ka muna sa bahay. Ipapahatid na lang kita mamaya sa bahay mo.” Nais ng kapitan.
“Sige, nais ko rin bigyan ng suportang espirituwal ang mga magulang ni Tomas. Batid ko ang bigat ng kanilang pinapasan ngayon.” Pagsang-ayon ni father Rigor.
Dahil sa hindi nakapagpaalam ng maayos sina Joshua, muling nag-alala si Mina sa anak. Pinakakalma naman ito ni Bryan dahil sa buntis nga ito.
“Baka pumasyal lang ang dalawa, huwag kang magalala at mukhang kabisado naman ng mga iyon ang lugar na ito.” Ani ni Bryan.
“Kahit na, paano kung pati sila mapagtripan nung pumatay sa mga kabataan dito. Naku Bryan, sa mga nangyayaring ito parang gusto ko na lang dalhin sa states si Joshua.” Tugon ni Mina.
“Paano ang career mo? I doubt kung kaya mo. Devoted ka na sa trabaho mo na iyan. Maging ang parents mo nga noon hindi ka napilit dati.” Napangiting sabi ni Bryan.
“Iba na sa kasong ito, ayokong mawala ang anak ko. At willing ako give up ang lahat para sa safety ng mga anak ko.”
“Paano ako? Kaya mo ba akong i-give up?”
“Kung hindi mo titigilan ang pagiging OA mo, baka… Hanapin mo na kasi iyong dalawa. Malapit na kaya magdilim.”
“Fine, hahanapin na…”
Pagkalabas ni Bryan ng bakuran nila kapitan, natigilan ito sa kanyang kinatatayuan nang makita ang paparating. Tila bumalik ng paurong ang orasan nang magkatinginan sila ng taong nakaharap na nito. Na para bang biglang nanumbalik sa kanilang harapan ang mga nalimutan ng nakaraan.
HINT FROM THE PAST
Nang makita ng kapitan si Bryan agad niya itong namukhaan.
“Bryan? Ikaw nga…kamusta? Ang tagal na rin nang huling kita natin. Collage ka pa lang yata nun.” Wika ng kapitan nang salubungin ni Bryan.
“Magandang hapon kapitan. Ikinalulungkot ko pala ang nangyari sa inyong apo.” Tugon ni Bryan ngunit ang kanyang mga mata nakatingin sa pari.
“Salamat,…sakto pala ang pagsama ko kay father Rigor dito. Reunion niyo pa lang dalawa ito.” Ang wika pa ng kapitan na bahagyang napangiti ng saglit.
Agad naikuwento ni Bryan ang dahilan ng pagpunta niya sa San Gabriel. Nang marinig ni Rigor ang tungkol sa pagsasama nila Bryan at Mina, kapansin-pansin ang biglaang pagbago ng ekspresyon sa mga mata nito. Ang kaninang puno ng galak at sayang mga mata biglang nabahiran ng lungkot. Para itago ang totoong reaksyon, binati ng pari si Bryan ng may pilit na ngiti.
“Congrats, sa wakas nahanap mo rin ang magpapasaya sa iyo.” Wika ni Rigor.
“Ikaw din, natupad mo rin iyong pangarap mo noon na mag pari.” Tugon ni Bryan sa pari.
“Pangarap na napilitan kong tuparin dahil nawala ka.” Ang mahinang pagkakasabi ni Rigor na halos pabulong na sa sarili.
Ngunit tila umabot iyon sa pandinig ni Bryan.
“Nagpaalam kaya ako, pero pagbalik ko ikaw iyong wala. Nalaman ko na lang na nasa seminaryo ka na.” Sabat pa ni Bryan.
Natahimik si Rigor at hindi agad nakatugon sa sinabi ng lalake. Naputol lang ang sandali ng dalawa ng bigla na lang nagkagulo ang mga tao hindi kalayuan sa bahay ng kapitan. Napatakbo rin sa labas sina Mina at mga kasama sa bahay dahil sa ingay ng mga tao sa labas. Kasama ang kapitan, napasugod din sa kumpulan ng mga tao si Bryan at father Rigor.
“Ano ba ang nangyari?” Tanong ng kapitan sa mga residente.
“Kapitan, may dalawang bangkay ng tao ang natagpuan sa ilog ngayon lang.” Sambit ng isang residente.
“Diyos ko, matapos ang nangyari sa mga kabataan may patay na naman? Sino? Kilala niyo ba ang biktima?” Tanong pa ng kapitan.
“Sina Ben at Berwin kapitan. Nakakakilabot ang nangyari sa kanila. Wakwak ang kanilang mga dibdib at kinuha ang kanilang mga puso. Tapos tulad sa mga nangyari sa mga bata may kung anong mga marka rin sila sa katawan.” Kuwento pa ng isa na nakakita na sa katawan ng mga biktima.
Mabilis na tinungo nila Bryan ang pinangyarihan ng krimen upang makita mismo ang mga biktima. Tumawag na rin agad ito ng soco at pulis. Dahil sa naayos na rin ang signal ng komunikasyon sa lugar agad na nag live report si Mina.
“Okay na tayo miss Mina, hintayin lang natin ang hudyat sa studio.” Ani ni Peter habang inaayos ng mabuti ang pagkakaset-up ng kamera.
“Go, make sure na makikita sa frame ang nangyayari sa likod.” Sabat ni Mina.
Naging usap-usapan agad sa lahat ng social media platforms ang nangyayari sa San Gabriel dahil sa biglang pag-live ni Mina. Nabulabog hindi lamang ang mga interesado sa kuwentong kababalaghan at kapulisan kundi maging ang simbahan. Nagsiliparan agad ang mga kalabang network ng programa ni Mina para makakuha rin ng kuwento sa San Gabriel. Dinagsa agad ng mga paranormal vlogger, media reporters at mga occult medium ang lugar sa mismong sandaling iyon.
Bagay na hindi inaasahan ng mga residente ng lugar. Sunod-sunod ang pagdatingan ng mga mobile newsroom ng mga kilalang tv network sa San Gabriel. Karamihan interesado sa kuwento na ng mga natagpuang biktima.
“Mukhang marami na rin ang nakikisawsaw sa isyu miss Mina.” Puna ni Sari.
“Ewan ko nga ba at bigla na lang nila napansin ang kuwentong ito. Sa simula naman parang balewala naman sa kanila. Eh ang mga natagpuang mga bangkay nga sa Manila, parang tayo nga lang din ang nakatutok dun.” Wika ni Mina.
“Pero dahil sa nilabas mong teyoriya marami ang na curious. Alam mo naman basta usapang conspiracy maraming interesado.” Sabat ni Peter sa usapan.
“Hindi ko lang naman basta nilabas iyon ng hindi ko ni research noh. As fascinated na sa mga ganitong kuwento, alam ko kung may something interesting dito o wala. And look at them, aligagang nag-uunahan makahanap ng ibang anggulo ng balita.” Ani ni Mina habang nakatingin sa ibang mga reporter na naroon.
Pagkabalik nila Joshua, maging sila ni Tyler nagtataka rin sa biglaang pagdami ng mga reporter sa lugar. Hindi lamang mga taga media, kundi mga kapulisan din at mga dayong motorista.
“Mabuti naman at narito na kayong dalawa. Saan ba kayo pumunta? Next time magpaalam naman kayo nang hindi ako nag-aalala.” Wika ni Mina nang makita si Joshua.
“Diyan lang naman kami sa malapit. Ano ba ang meron dito mommy bakit ang daming tao? May mga pulis pa at mga reporter. Dahil ba ito sa mga nakitang bangkay sa bangin?” Ani ni Joshua.
“Oo, tsaka may natagpuan na namang dalawang” bago. Kaya kayo pumirmi na rito. Bukas din babalik na tayo ng Maynila.“ Sambit ni Mina.
“Mga binatang lalake na naman ba tita Mina? Ibig sabihin isa na lang at mabubuo na siya.” Tanong ni Tyler na nanginginig ang boses sa takot.
“Anong sinasabi mo Ty? Bakit tila takot na takot ka? Anong isa na lang?” Tanong na balik ni Mina kay Tyler na may pagtataka.
“Na trauma lang itong si Tyler mommy kaya siya ganito. Tara na Ty, doon muna tayo sa loob.” Tugon ni Joshua sabay hila sa kaibigan paalis dun.
Ngunit sa tindi ng takot ni Tyler hindi na nito mapigilan ang sarili na hindi sabihin ang katotohanan sa kanyang nalalaman. Kahit na pinapahinto na ito ni Joshua, sigurado na si Tyler sa gagawin nito.
“Hibang ka na ba? Wala pa sa atin ang journal. Hindi pa natin alam ang lahat tungkol sa mga nangyayaring ito.” Ani ni Joshua na pilit kinukubli ang boses lamang hindi marinig ng ina.
“Journal? Tol may pagkakataon na tayo kanina pero ano ang inuna mo? Tol may namatay na naman. Minamadali na niya ang lahat. Hindi lang ang mommy mo ang nalalagay sa panganib dito. Kundi maraming tao…and worst baka buong mundo. “ Tugon ni Tyler.
“Paano kung sa gagawin mo lalong hindi maganda ang mangyayari? Nasa paligid lang siya, nakamasid sa mga kilos natin. Ganyan ka kasi hindi mo siya nakikita. Kaya makinig ka sa akin. Hayaan mo na ako ang magsasabi nito kay mommy.” Wika pa ni Joshua.
“Pero kelan pa tol kung huli na ang lahat? Tol nandito na ang lahat ng sangkap niya. Oras na lang ang kulang at sa tingin ko bilang na lang iyon.” Sambit pa ni Tyler.
Dahil sa pagtatalo ng dalawa napansin sila ni Mina na agad lumapit sa kanila. Tumahimik saglit sa pagtatalo ang dalawa nang mapansin ang paglapit ng babae.
“Nag-aaway ba kayong dalawa? Tyler, bakit?” Tanong ni Mina.
“Tita Mina, may dapat po kayong malaman. Ang totoo niyan may malalim pa kaming dahilan ni Joshua sa pagpunta rito. Tita nanganganib kayo pati na ang sanggol na dinadala niyo po.” Bulalas ni Tyler.
Natigilan si Mina na takang-taka sa narinig kay Tyler. Nagtaka ito kung bakit nalaman ng binata ang tungkol sa kanyang pagbubuntis gayung wala naman itong pinagsabihan bukod kay Bryan. Hindi na naawat pa ni Joshua ang kaibigan at nasabi na rin nito kay Mina ang kaugnayan nila sa mga bangkay na unang natagpuan. Mabilis na dinala ng babae ang dalawa sa silid at doon kinausap nito nang masinsinan si Joshua at Tyler.
“Ano ito Josh? Ano itong about sa journal na iyan? Sa guho? Bakit hindi mo man lang sinabi sa akin na mga kaibigan at kaklase mo pala ang mga natagpuang biktima? At sino ang tinutukoy ni Tyler na magbabalik? Tsaka kelan niyo pa nalaman na buntis ako? Josh, ipaliwanag mo sa akin ito ng mabuti. Totoo bang may nakikita kang mga pangitain tungkol sa akin? Kinikilabutan ako sa inyo. Tyler seryoso ba ito?” Mga katanungan ni Mina sa dalawa.
“Mommy sorry, pero totoo ang lahat na sinabi sa iyo ni Ty. Alam ko mahirap ito paniwalaan, pero hayaan niyong ikuwento ko sa inyo ang lahat.” Tugon ni Joshua.
Sa silid na iyon sinabi lahat-lahat ng anak kay Mina ang katotohanan. Sa kung paano nagsimula ang lahat. Bawat detalye na naririnig kay Joshua pilit na iniintindi ni Mina. Nais niyang malaman ang lahat.
Samantala… patuloy na nilalamon ng malaking apoy ang buong villa sa laki nito gumapang na rin ito sa mga kakahoyan sa paligid. Sa laki ng usok na likha ng sunog naalarma na ang mga residente ng Poblacion del Santermo. Sa gitna ng kaguluhan ligtas na nakalabas ng villa sina Helen at Eric na dumaan sa lihim na gate sa likod ng villa.
“Paano mo nalaman ang daanan dito?” Tanong ni Eric.
“Dito na ako lumaki at nagkaisip, siyempre kabisado ko ang buong villa. May mga nagbago lang sa paligid simula ng umalis ako kaya hindi ko alam na nilagyan pala nila ng lihim na taguan malapit sa bodega.” Tugon ni Helen.
Napangiti ang lalake tsaka hinawakan ang kamay ng babae.
“Salamat at hindi mo ako natiis.” Ani pa ng lalake.
“Kay Paco ka magpasalamat. Siya lang talaga ang sadya ko sa pagbalik dito. Nagkataon lang na pamangkin ka ni si Prof Nico. Bilisan mo nasa malapit lang dito ang kotse niya. Baka nag panic na rin iyon dahil sa sunog.” Wika pa ni Helen.
Maingat ang kilos ng dalawa dahil, kasabayan din nila sa pagtakas ang ilan sa mga tauhan ni Lucas na sa banda rin ng gubat na iyon dumaan. Nang marating na ng dalawa ang kinaroroonan ng kotse ni Nicodemus, agad na napansin ni Helen na wala sa loob ang matanda. Kinabahan ito.
“Dito ka lang, hahanapin ko si prof baka sumunod iyon sa akin kanina sa loob.” Sambit ni Helen.
“Sasama na ako. Baka makasalubong mo pa ang kuya Lucas mo.” Wika ni Eric.
“Kaya nga dito ka lang, baka magtaka iyon kung kasama kita. Saglit lang ako.”
Maya-maya pa mula sa makapal na halamanan lumabas si Nicodemus, pasan-pasan ang walang malay padin na si Paco. Nang makita ni Helen ang pamangkin patakbo nitong sinalubong sina Nicodemus. Sumunod naman si Eric na agad kinuha ang binata tsaka binuhat si Paco papasok ng kotse. Nang magsidatingan na ang mga bombero. Pinaandar agad ni Eric ang sasakyan.
“Huwag na tayong bumalik, diretso ka lang may tagong daan malapit diyan palabas ng kabilang highway.” Utos ni Helen kay Eric.
“Sure ka, eh wala naman akong nakikitang daan eh kundi mga halaman.” Sabat ni Eric.
“Tago nga diba? Sige lang diretso ka lang.” Sabi ni Helen.
“Okay, sinabi mo eh.”
Pinabilis ni Eric ang pagmaneho, at tama nga si Helen. Mula sa malubak at madamong daanan napansin ni Eric ang unti-unting pag-ayos ng kanilang takbo. Hanggang sa natanaw na ni Eric ang daan sa gitna ng mga puno sa unahan.
“Tuloy mo lang Eric. Diretso lang, sa dulo nito ang kabilang highway palabas ng Mariano. Pakibilisan lang dahil mukhang kailangan na ng doktor ang bata dahil sa mga nalanghap na usok kanina.” Sabat ni Nicodemus.
“Alam mo rin ang daan dito tito?” Tanong pa ni Eric.
“Mamaya na tayo magkuwentuhan sa bahay. Unahin na muna natin ang batang ito.”
“Salamat at nakita mo si Paco prof.” Ani ni Helen.
“Buti na lang talaga at naisipan kong sundan ka. Nang sumiklab ang sunog lumabas na ako tsaka ko siya nakita, hindi ko naman alam na ito pala ang pamangkin mo.” Saad ng matanda.
Nang makalabas na sila ng highway saktong nagkamalay si Paco. Nang makita nito si Helen napayakap agad ito.
“Sir Eric, ano ang ginagawa mo sa villa?” Tanong agad ni Paco kay Eric.
“Tsaka ko na ipaliwanag ang lahat. Magpahinga ka muna mukhang pagod ka pa.” Tugon ni Eric.
“Tita, may binabalak si tito Lucas hindi ko alam kung ano pero alam ko hindi maganda. Kailangan natin pumunta ng San Gabriel tita. Sina Joshua nanganganib sila. Sir Eric, ang nangyari kina Jimmy, Rolly, Fred at sa iba pa hindi iyon simpleng pagpatay lang, parte iyon ng kailangan niya para bumalik.” Ang biglang paghisterikal ni Paco.
“Paco, kilala mo ang mga natagpuang patay? Eric ano itong pinagsasabi ni Paco?” Ang naguguluhan na tanong ni Helen.
“Mga estudyante ko silang lahat sa Romano.” Sagot ni Eric.
“Tama na muna iyan, diretso tayo sa bahay. Doon natin lahat pag-usapan ang bagay na ito.” Pagputol ni Nicodemus.
Sa kalagitnaan ng kanilang biyahe, may napansin si Eric mula sa kanyang rare mirror. Dahilan para bilisan pa nito ang pag-drive.
“May nakasunod sa atin. Iba ang kutob ko sa dalawang itim na kotse na iyan”. Wika nito.
“Marahil mga tauhan iyan ni Lucas. Bilis Eric, hindi nila dapat tayo maabutan.” Sambit ni Nicodemus.
“Prof, kilala mo si kuya?”
“Sa bahay ko na sasagutin lahat ng mga katanungan na iyan. Ipunin niyo muna. Eric lumiko ka sa kanan…” Ani ng matanda.
“Palabas na ng siyudad ang highway na iyan tito.”
“Sumunod ka na lang, mas kabisado ko pa ang mga pasikot-sikot na daan dito kaysa sa wayz ng kotseng ito. Basta ikanan mo.” Saad ni Nicodemus.
Napailing na lang si Eric na sinusunod ang tiyuhin. Hindi nga nagkamali ang matanda mga tauhan nga ni Lucas ang nakasunod sa kanila.
“Supremo, palabas na ng siyudad ang kanilang kotse. Tila nakatunog na sila sa amin.” Ani ng driver ng kotse kay Lucas sa linya.
“Eh di habulin niyo!!!, huwag niyong tantanan! Hindi nila maaring hadlangan ang nakasaad sa propesiya! Patayin silang lahat!!!” Ang galit na utos ni Lucas mula sa kabilang linya.
“Kasama nila si Paco, supremo.”
“Eh di lalo na!!! Mga pulpol!!! Patayin silang lahat!!!”
Sa hudyat ng utos ni Lucas binilisan nila ang paghabol sa sasakyan nila Eric. Hindi na nila inalintana ang madadamay na ibang sasakyan sa paligid. Hanggang sa malapit na nilang maabutan ang likuran ng hinahabol nila.
“Balak pa yata tayong banggain ng mga ito.” Sambit ni Eric.
“Bilisan mo lang ang pagmamaneho, bago ang tulay may makipot na daan sa kaliwa iliko mo roon dali Eric!!!” Sigaw ni Nicodemus.
“Tito, palayan na ang nakikita ko.”
“Basta sundin mo lang ang sinasabi ko bilis malapit na sila sa atin!”
Maya-maya pa sunod-sunod na ang putok ng baril na naririnig nila. Binabaril na sila ng mga sakay sa kotseng humahabol sa kanila. Akmang gaganti naman ng putok sa kanila si Helen nang pigilan siya ni Nicodemus.
“Hayaan mo na naubusin nila sa atin ang lahat ng kanilang bala. Bulletproof ang kotseng ito liban na lang sa gulong,..kaya bilisan mo pa Eric!!!” Wika ng matanda.
“Ang mga hayop, may balak pa yata tayong patayin.” Ani ni Helen.
Nang biglang nanigas si Paco sa tabi ng babae, naging purong itim bigla ang mga mata nito hanggang sa nakita nito ang paglabas ng itim na usok mula bibig, tenga at ilong ng binata. Napasigaw sa takot si Helen na niyuyugyog ang naninigas na pamangkin. Maging si Nicodemus kinilabutan sa nasaksihan. Gusto mang makialam ni Eric ngunit nahati na ang atensiyon nito sa daan at sa pag-aalala sa nangyayari kay Paco. Saglit lang at muling umayos ang binata kasabay ng huling singaw ng usok na lumabas kay Paco nawalan na naman ito ng malay at napasubsob na lang sa dibdib ni Helen.
Ang tila usok na lumabas kay Paco tumagos iyon sa labas ng kanilang kotse. At kitang-kita ni Helen ng lumingon ito sa likuran kung paano bigla na lang naging mga uwak ang itim na usok na iyon. Ang dami nang uwak na agad lumukob sa mga kotse na humahabol sa kanila. Nagpagiwang-giwang ang mga kotse na iyon habang ang mga uwak na ang punterya ng kanilang mga baril. Doon na nakahanap ng oras si Eric na takasan ang mga iyon.
“Sa bandang iyan Eric, iliko mo riyan ang kotse.” Utos muli ni Nicodemus sa pamangkin.
Isa ngang makitid na daanan sa pagitan ng mga palayan ang nakita ni Eric. Sa sobrang kipot ng daan at maputik matagal nakausad ang tatlo. Gayunpaman nakaabante rin sila kalaunan. Nang makabalik na sila ng kalye at masigurong wala ng sumusunod sa kanila tsaka pa lang nakahinga ng maluwag ang tatlo kahit pa na kinakabahan parin si Helen sa nangyari sa pamangkin. Wala parin malay ang binata.
“Hayaan mo na muna siyang makapagpahinga Helen. Batid ko naman na maayos siya. Malapit na rin naman tayo sa amin.” Ani ni Nicodemus.
Nang makarating sila sa malaking bahay ng matanda agad silang sinalubong ng asawa nito. Buhat-buhat naman ni Eric si Paco na agad dinala sa silid na sinabi ni Nicodemus. Naiwan saglit sina Helen at Nicodemus sa sala.
“Prof ayos lang ba talaga si Paco? Baka kailangan niya ng doktor.”
“Huwag mong alalahanin si Paco, hindi siya maa-ano. Pahinga lang ang kanyang kailangan. Matanong ko lang iha…may alam ka ba sa mga gawain ng inyong pamilya?” Tanong ni Nicodemus.
“Dati pa man, bata pa ako may napapansin na akong kakaiba sa kanila. Ngunit hindi ko naman iyon pinakialaman. Bilin kasi ng namayapa kong ina na huwag ko na alamin ang mga bagay na hindi ko alam. Hanggang sa nasanay na lang ako. “ Tugon ng babae.
“Mukhang naging himpilan na talaga nila ang buong villa, sa dami ng mga tao na nakita ko kanina na nagsilabasan habang nasusunog ang mansiyon.” Sabi pa ng matanda.
“Collage na ako ng lisanin ko ang villa kaya simula nun wala na akong alam sa mga aktibidad nila ni kuya. Pero base sa napansin ko mukhang pinasok na ni kuya Lucas ang iligal na gawain. At dahil sa ginawa niya kina Paco at Eric at sa paghahabol sa atin…mananagot siya sa batas. Ako mismo ang huhuli sa kanya. Hinala ko nga May iligal na pagawaan g druga sa villa eh. Buti na lang talaga nasunog.” Ani ni pa ni Helen.
“Pero higit pa dun ang lihim ng villa na iyon Helen. At ang kuya Lucas mo mas matindi pa sa druglord na inaakala mo. Masahol pa sa gawain ng isang sindikato ang ginagawa ng kulto nila.” Sambit ni Nicodemus.
“Kulto tito? Kulto pala ang Custos Solis na iyan tito?” Singit na tanong ni Eric nang lumapit ito sa dalawa.
“Huwag mo nga akong pinaglolokong bata ka. Marami kang dapat ipaliwanag sa akin. Paano ka nagkaroon ng tatak na ganyan sa braso mo? Kelan ka pa naging kasapi ng kapatiran? At bakit ka nandoon? Ano ang ginagawa mo dun?.” May galit sa tuno ng salita ni Nicodemus.
“Easy lang sa mga tanong tito, fake lang po ito. Mukha lang totoo kasi sinadya ko talagang maging ganito ito para makapasok ako roon sa villa. Si Paco ang sadya ko dun kaya naroon ako.” Tugon ni Eric.
“Bakit si Paco? At ano ang sinasabi niyo, miyembro ng Custos Solis sina kuya?” Tanong ni Helen.
“Hindi lang basta miyembro, si Lucas ang itinalagang supremo ng makabagong kapatiran na dati posisyon noon ni Joshua.” Bulalas na sabi ni Nicodemus.
“Si Joshua naging supremo ng isang kulto?” Gulat na tanong ni Eric.
“Ibang Joshua ang tinutukoy ni prof hindi ang Joshua na estudyante mo. Hindi ko akalain na ganun pala si kuya. Mabalik tayo, bakit mo nga pala pinuntahan si Paco doon.?” Tanong ng babae kay Eric.
“Dahil sa journal na hinahanap namin. Ani ni Joshua nasa kay Paco ang journal. Nawala iyon sa kanya at ang hinala niya hawak ni Paco. Kailangan mahanap ang journal bago tuluyang maisilang ang katawan ni…”
Naputol ang sasabihin ni Eric nang makita nilang lumabas sa silid na dinalhan sa kanya si Paco.
“Hindi dapat banggitin ang pangalan niya hangga’t hindi pa siya buo. Kamatayan ang kasunod kapag nasabi ang kanyang pangalan. Tsaka wala na sa akin ang journal May kumuha nun sa akin noong naroon pa kami sa San Gabriel. Hindi ko alam kung nasa kanino na iyon ngayon. Ngunit na mahalaga ang journal, kailangan na nating pumunta ng San Gabriel.” Sabat ni Paco.
Pabalik ng San Gabriel halos manlumo si Bryan sa sinapit ng mga biktima na natagpuan sa gilid ng ilog. Sa brutal na sinapit ng dalawang biktima malakas na ang kutob ng lalake na hindi lang basta kaso ng mga pagpatay ang kinakaharap nila.
“Kilala silang mga miyembro ng mga taga-babaw.” Wika ni Rigor nang lapitan si Bryan habang sinisilip ang mga bangkay sa cadaver bag.
“Mga rebelde?” Tanong ni Bryan.
“Ang paniniwala ng karamihan. Pero sa pagkakakilala ko sa kanila mababait naman sila. Simula nang mapansin ko sila rito wala naman akong narinig na gulong ginawa nila.” Ani ng pari.
“Naging sunod-sunod na ang mga nagyayari sa lugar na ito, hindi ka ba nababahala o natatakot man lang?” Tanong pa ni Bryan.
“Nababahala pero kung takot hindi. Nababahala ako para mga tao rito. Marami na sa kanila ang mas pinili na iwan ang lugar na ito dahil sa mga nangyari nito lang. Dumagdag pa itong nangyaring patayan. At kung pangungunahan ko ng takot ang mga tao, sino na lang ang maiiwan sa San Gabriel? Sa simbahan na lang humuhugot ng pag-asa ang mga tao dito. At nandito ako para tulungan silang palakasin ang kanilang paniniwala.” Wika ng pari.
“Ibang iba ka na talaga sa dati. Noon kahit sa salagubang takot ka pa. Naalala mo noong sinama tayo dati ni Tay Usteng sa kabilang nayon tapos hinabol tayo ng pukyotan dahil nasungkit mo iyong bahay nila. Solid ang sigaw mo dun pati ako nag-alala sa iyo lalo na nung namutla ka na.” Ang biglang naikuwento ni Bryan nang nagbalik-tanaw sa karanasan nila ni Rigor.
“Naaalala mo pa pala iyon. High school pa lang yata tayo nun diba?” Sabat ni Rigor.
“Third year yata.”
“Ang tagal na rin pala. Siya nga pala May balita ka na ba sa mama mo?Ibig kong sabihin sa totoong ina mo?” Naitanong bigla ni Rigor.
“Hanggang ngayon hindi pa. Ewan ko nga kung mahanap ko pa ba siya. Sa tagal na rin, hindi na ako umaasa na buhay iyon.” Sagot ng lalake.
“Paano kung buhay siya?”
“Tadhana na lang ang makapagsabi kung pagtatagpuin pa kami.” Ani ni Bryan.
“Mukhang hindi na rin naman ako kailangan dito. Babalik na ako ng monasteryo. Gabi na at kailangan ko pa maghanda para sa padasal mamaya sa kapilya.” Wika ng pari.
“Sasamahan na kita…father. Tapos sabay narin tayo bumalik kina kapitan.” Saad ni Bryan.
“Kung ayos lang sa iyo sige.”
Gumuhit ang ngiti sa mukha ng Pari sa kagustuhan ni Bryan. Habang naglalakad pakalsada ang dalawa masayang binabalikan ng mga ito ang mga nakaraan nila noong mga binata pa lamang sila at malaya. Hanggang sa may nabanggit si Bryan na kinatahimik ng paring si Rigor.
“Wala na si Dylan, namatay siya nito lang dahil sa aksidente.”
“Ang bilis naman, nakaraang buwan lang nagkita pa kami sa munisipyo nung magkaroon sila ng medical mission dito. Hindi mo talaga ng masasabi ang kung hanggang kelan ka na lang sa mundong ito.” Ang nalungkot na sabi ng pari.
“Ewan ko kung maniniwala ka sa sasabihin ko sa iyo. Pero may mga nangyayari sa akin nitong mga nakaraan. Sa tuwing may nangyayaring masama sa mga tao na nakakasama ko, lumilitaw ang napakaraming uwak sa paligid. Na para bang nagpapahiwatig sila sa akin ng kamatayan. Ilang beses na naulit iyon. At nung nangyari ang aksidente kay Dylan naroon din ang mga uwak.” Kuwento ni Bryan.
“Matagal ng pamahiin ng mga sinaunang matatanda ang tungkol sa mga uwak. Pero wala namang basehan iyon para iugnay natin sa kamatayan ang uwak. Kawawa naman ang ibon. Marahil nagkataon lang lahat. May uwak o wala kung oras na talaga ng tao oras na niya. Nasabi mong magkasama kayo ni Dylan bago siya naaksidente, ibig sabihin madalas pala kayong magkasama sa Maynila.” Tugon ng pari.
“Hindi naman, abala na rin kasi ako sa trabaho at ganun din siya. Tsaka nasa kay Mina na ang atensiyon ko.” Ayon kay Bryan.
“Ingatan mo ang fiancee mo lalo na at sabi mo buntis na siya. Dapat hindi na siya nagpapaka-stress pa sa ganitong situwasyon.” Sambit ng pari.
“Kaya nga bukas din, babalik na kami ng Maynila. Masyadong marami na ang nagyari dito sa araw na ito na baka makaapekto pa sa dinadala niya.” Ani pa ni Bryan.
Tumango lamang si Rigor at nagpatuloy na ang dalawa. Sa daan nakasalubong nila si Andres. Ngunit nang mapansin nito si Bryan umiwas ito ng tingin sa kanila at lumihis ng lakad. Napakunot ng noo si Bryan sa napansing kahina-hinalang kilos ng lalake. Sakto naman may tricycle na dumaan sa tapat ng dalawa kaya sumakay na sila dun para makarating agad ng monasteryo.
Sa Maynila, nagpupuyos sa galit si Lucas nang malaman na nakatakas sina Helen kasama si Paco. Dagdag pa na halos maabo ng sunog ang buong villa.
“Uunahan natin sila sa San Gabriel. Hindi dapat maantala ang nakatakda!” Wika nito sa mga tauhan.
‘LAPSUS STELLARUM’ : THE FIRST NIGHT BEFORE THE RESURGENCE
Habang nag hihintay ang tatlo; Eric, Helen at Nicodemus sa living room area para sa hapunan. Napag-usapan nila ang mga nangyari sa mga natagpuang mga bangkay ng mga kabataan. Inilatag ni Nicodemus sa dalawa ang posibleng teyoriya nito ukol sa dahilan ng pagsagawa ng krimen sa mga biktima.
“Hindi lang basta uri ng isang kulto ang Kustos Solis na kinabibilangan ng kapatid mo Helen. Karamihan sa mga matataas na opisyal ng samahan ay may taglay na kakayahan mula sa itim na karunungan.” Pagsisimula ng matanda.
“Parang mangkukulam tito?” Tanong ni Eric.
“Parang ganon, ngunit mas malalim ang pinaghuhugutan nila ng kapangyarihan. Mas nakakatakot pa sa inaakala niyo.” Sagot ni Nicodemus.
Tumayo ang matanda mula sa couch tsaka tinungo ang malaking bintana sa kanilang bahay. Hinawi ang makapal at mahabang kurtina para silipin ang labas. “Maaliwalas ang kalangitan ngayon, ang payapa ng mga ulap na tila ba walang pinangangambahang panganib. Ang daming bituin. Ngayon lang muli ako nakakita ng ganito karaming bituin sa gabi. Mag aalas sais pa lang ngunit tanaw na sila sa kalangitan.” Sambit pa nito at bumalik na sa dalawa.
“Prof ang ibig mo bang sabihin, mga miyembro ni kuya Lucas ang pumaslang sa mga kabataang iyon?” Tanong ni Helen na bakas sa mukha ang galit.
“Base sa mga marka na nakikita ko, walang duda kagagawan iyon ng Kustos Solis. Sagrado sa samahan ang mga marka at tanging ang Kustos Solis lang ang may alam nun. Ngunit kung bakit nila ginawa iyon…iyon ang hindi malinaw sa akin.” Wika ng matanda.
“Paanong hindi malinaw tito? Ayon kay Paco, nakasulat iyon mismo sa journal na nabasa niya. Maging sa tinutukoy nitong libingan na bato. Naroon din daw iyon. Labing tatlong alay ang kailangan para sa muling pagbabalik.” Ani ni Eric.
“Ngunit hindi nabanggit kung kanino galing ang dugo. Marahil ginawa lamang nila iyon para lituhin ang may alam sakaling matuklasan ang tungkol dito. Walang sino man sa mga miyembro ng Kustos Solis ang nakabasa ng journal bukod sa amin ni Joshua. Iyon nga lang at hindi ko nagawang basahin ang lahat ng laman nun dahil bigla na lang nawala nang parang bula ang isang iyon matapos niya iwan sa lumang city library ang mga mahahalaga nitong gamit. Si Don Eusebio Santermo na kapatid ng ama niyo, siya ang huling kasama ni Joshua bago ito nawala. Hindi ko lang alam kung nabasa niya ang journal.” Ayon pa sa kuwento ni Nicodemus.
“Naguguluhan ako nito prof. Bakit kailangan pa nila gawin iyon sa mga bata kung hindi naman pala sigurado kung bahagi nga iyon ng ritwal.” Komento ni Helen.
“Gaya nga nang nasabi ko, para lituhin ang may alam. Tulad natin. Para isipin natin na bahagi nga ito ng ritwal. Nung nakita ko ang maitim na usok na lumabas sa katawan ni Paco kanina, napaisip ako. Baka iba lang ang interpretasyon natin sa mga nakasulat sa libro at sa piraso ng journal na hawak mo Helen.” Sabat ni Nicodemus.
“Ano ang ibig mong sabihin tito?”
“Hindi lang ito tungkol sa pagbabalik ng kung sino. Kundi sa paghari nito mismo sa mundong ito. Marahil iba lang din ang pagkakaintindi ni Paco sa mga nabasa nito sa Journal.” Ani ni Nicodemus. “May alay man o wala, babalik siya dahil iyon ang nakatakda. Hindi ng kung sinong dugo ng tao ang gigising sa kanya kundi ang nakatakdang gagawa nun sa kanya.” Dagdag pa nito.
Lalong naguluhan sina Eric at Helen sa mga sinasabi ni Nicodemus. Naputol lang ang usapan ng tatlo nang tawagin na sila ni Rowanda para sa hapunan. Pagkapasok sa dining area agad na hinanap ni Helen ang pamangkin. Ngunit nang silipin ni Eric ang silid kung saan naroon ang binata wala na ito doon. Lumabas ng bahay si Helen sa pagbabakasakaling naroon ang pamangkin. At hindi nga ito nagkamali, nakita nito si Paco na nakatayo sa gitna ng malawak na lawn nila Nicodemus malapit sa malaking fountain na katabi ng hardin. Nakatingala si Paco sa kalangitan na tila ba may kung anong inaabangan.
“Paco, halika na sa loob at kakain na.” Pagtawag ni Helen nang lapitan ang pamangkin.
“Magsisimula na ang unang babala. Maiksi na lang ang oras.” Wika ni Paco.
Malamig ang boses nito na tila hinuhugot mula sa hangin. Mabigat ang mga bigkas nito. Walang punto na para bang walang buhay at pakiramdam. Paulit-ulit ang mga binibitawan nitong mga salita. Kinakabahan si Helen. Batid niyang may mali. Lumapit pa ito ng husto kay Paco.
“Ano ba ang pinagsasabi mo? Tara na sa loob at nag hihintay na sila sa atin.” Wika ni Helen sabay akbay sa binata.
Ngunit napa atras ito sa pagkabigla nang biglang humarap sa kanya si Paco. Putlang-putla ang balat nito sa mukha, tila natuyuan ng dugo at ang mga mata nito nanlilisik na naging purong mga itim.
“Kung nais niyong iligtas ang mga tao sa kanya, huwag na kayong mag aksaya pa ng panahon! Paparating na siya!!!” Bulalas pa ni Paco sa nakakatakot na boses habang hawak nito ng mahigpit ang mga braso ni Helen.
Takot na pumapalag si Helen sa pagkakahawak sa kanya ni Paco. Ngunit lubhang malakas ang mga pagkapit nito sa kanya. Paulit-ulit lang din ang mga lumalabas na salita sa kanyang bibig. Na kinabahala na ni Helen kaya napasigaw na ito ng tulong.
Sumunod nun kay Helen si Eric, kaya napasugod agad ito nang makita nito ang ginagawa ni Paco sa babae. Mabilis nitong hinablot si Helen sabay baklas din ng kamay ni Paco sa kanya na halos bumaon na nga ang mga kuko nito sa balat ni Helen. Ibang-iba na ang mukha ni Paco na tila ba sinasapian ito ng diyablo. Sobrang lakas nito na nahirapan si Eric na kalasin ito sa pagkakahawak kay Helen. Kita sa mga nanlilisik na mata ng binata ang nag-aapoy na galit habang paulit-ulit lang ang mga binabanggit nitong salita.
Sa gitna ng kaganapan dumating ang mag-asawa. Agad na lumapit si Rowanda bitbit ang maliit na lalagyan sa kanyang kamay. Mula doon dumakot ito ng tila abo na pulbos tsaka binudbod iyon paikot sa kinatatayuan ng tatlo habang may inuusal na mga enkantasyon na siya lang ang nakakaintindi. Saglit pa at nanigas ang katawan ni Paco, bigla itong nangisay dahilan para mabitawan nito si Helen. Bumulagta ang binata sa damuhan kasunod nun, muling nasaksihan nila ang paglabas ng tila usok na maitim sa bibig, ilong at tenga ni Paco tsaka ito nawalan ng malay.
“Eric, dalhin mo agad si Paco sa loob. May sisiguraduhin lang ako sa paligid.” Utos ni Rowanda.
Gamit parin ang bulbos na abo na dala, nagsaboy ito ng ilan sa hangin at muling bumulong ng dasal at enkantasyon upang gumawa ng dagdag na pananggalang sa paligid ng bahay. Inalalayan naman ni Nicodemus si Helen na iniinda ang natamong sugat sa braso dulot ng mga kuko ni Paco na bumaon sa balat.
Samantala, nang makarating sa simbahan ng San Gabriel ang dalawa agad na dinala ni Rigor si Bryan sa tinuluyan nitong bahay. Bungad pa lang ng bakuran, may napansin na agad sa paligid si Bryan.
“Bakit ang dilim naman dito? Sana nagpalagay ka na rito ng poste nang lumiwanag naman sa bahaging ito.” Wika ni Bryan.
“Sanay na ako sa madidilim, may poste naman ng ilaw dito kaso nung mga naunang bagyo nasira na. Inayos… pero nasira muli. Ayan dalawa iyan, kaso hindi na gumagana. Na i-request ko na iyan sa munisipyo sa tulong ni kapitan pero ang bagal ng tugon ng LGU dito sa baryo. Palibhasa liblib.” Tugon ng pari.
Habang pumapasok ang dalawa sa bakuran, palinga-linga sa paligid si Bryan. Balisa ito at tila hindi mapakali sa kakaibang simoy ng paligid. Mabigat sa dibdib at nakakasakal ang dilim ng na bumabalot. Lalo na nang makarinig ito ng mga huni ng mga uwak sa tabi-tabi. Bakas sa mukha ni Bryan ang biglang kaba at pagkabahala. Napansin iyon ni Rigor kaya tinanong ito ang lalake.
“Ayos ka lang ba? Bakit tila kinakabahan ka?” Tanong ng pari.
“Ang mga uwak nariyan na naman sila sa paligid.” Sambit ni Bryan.
“Dati ng meron niyan dito, at mas dumami pa sila nitong mga nakaraang buwan. Mating season siguro kaya dumagsa ang iyan dito. Bakit takot ka ba sa mga uwak? Hindi naman sila ng a-ano basta wala kang gagawin sa kanilang masama. Halika na sa loob dito ka na rin kumain bago tayo bumalik kina kapitan.” Anu ni Rigor.
Pagpasok nila sa bahay, sinalubong agad sila ni Carlitos na noo’y nakangising binati ng paggalang ang dalawa lalo na si Bryan. Nailang si Bryan sa paraan ng pagtingin sa kanya ni Carlitos. Na tila ba tumatagos sa kanyang kaluluwa ang y titig na iyon sa kanya ng binata.
“Bryan, siya nga pala ang kasama ko sa bahay na ito. Sakristan din siya ng simbahan, si Carlitos. Carlitos maghanda ka na ng makakain natin. Dito rin kakain si Bryan. Magpapalit lang ako ng damit sa aking silid.” Wika ng pari at saglit nitong iniwan si Bryan sa sala na kasama pa noon si Carlitos.
Nang wala na ang pari, marahang lumapit si Carlitos kay Bryan. Ganun parin ang paraan ng pagtitig nito sa lalake, malagkit nang aakit at may talim na bumabaon sa laman ni Bryan. “Hindi ka parin nagbago, sa halip mas lalo kapang naging katakam-takam. Ganun ka parin ba kasarap gaya ng dati? Bryan…” Biglang sabi ni Carlitos sa lalake sabay himas ng marahan sa dibdib ni Bryan.
Nabigla si Bryan kaya pabugso na hinawi nito ang kamay ni Carlitos sa kanya sabay atras. Napakunot ng noo si Bryan na napatanong sa binata. “Anong pinagsasabi mo? Umayos ka, baka isumbong kita kay father Rigor.”
“Hindi ako natatakot, gawin mo.” Saad ni Carlitos nang iwan si Bryan.
Tinungo nito ang kusina at naiwan si Bryan sa sala na takang-taka sa kinikilos ng sakristan at sa sinabi nito sa kanya. May kung anong pagkabahala itong nararamdaman sa binata. Iba ang pakiwari nito sa kinikilos ni Carlitos, tingin niya sinasapian ng masamang elemento ang binata. Patapos na si Rigor sa pagsuot ng kanyang susuotin nang makita niya sa repleksyon ng tinitingnan na salamin si Carlitos na nakatayo sa likuran nito.
“Hindi ka ba nasasabik sa kanya? Hindi ba at matagal mo nang inaasam ang sandaling ito? Ang muli kayong magkita at maranasan ang isa’t isa? Nasa piling mo na siya, hahayaan mo pa rin ba siyang bumalik sa iba?” Ang nakangising tanong ni Carlitos kay Rigor habang inaayos ang kolar ng pari.
“Hindi ka ba magagalit?” Tanong ng pari.
“Bakit naman ako magagalit kung kasalo naman ako sa ulam na kakainin mo. Ipagdadamot mo ba siya sa akin?” Tugon ni Carlitos kay Rigor kasabay nun ang biglaang pagbago ng anyo nito. Naging purong itim ang kanyang mga mata at lumawit ang pulang-pula nitong dila na may tumutulo pang malagkit na laway. Humaba iyon at nilaro nito ang tenga ng pari habang nakangisi.
Balisa naman si Bryan sa kinauupuan nito sa sala habang hinihintay ang pari. Nang tumunog ang kanyang cellphone. Si Mina ang nasa linya. Agad niya iyong sinagot para magpaalam sa kasintahan na doon na muna ito kakain ng hapunan sa kaibigang pari. Ngunit hindi pa man ito nasisimulan ang sasabihin, namilog na ang mata nito sa kuwento ni Mina sa kabilang linya. Napatayo si Bryan tsaka lumabas saglit ng bahay…habang kausap pa rin sa kabilang linya si Mina.
“I don’t know kung maniniwala ako or what Babe, pero natatakot ako. Knowing Joshua hindi iyo mahilig gumawa ng kuwento. And how come na alam niya na buntis ako? ayon pa sa kanya hindi tao ang laman ng sinapupunan ko. Kinikilabutan ako nito Bry. Ayokong maniwala pero paano kung totoo.” Wika ni Mina sa kabilang linya, taranta at hindi mapakali.
“Just calm down, relax, huwag mo masyadong isipin ang ganyan. Kakausapin ko si Joshua mamaya. Magpahinga ka na muna at hintayin mo ako.” Ang sabi ng lalake kay Mina na hindi rin alam kung ano ba ang itutugon sa sinabi ng babae.
“Hindi na ako makapaghintay ng bukas Bryan. Umuwi na tayo ngayon din. Iba na rin ang pakiramdam ko sa lugar na ito. Sasama na sina Peter sa atin. Tapos na rin naman kami sa mga draft na kakailanganin. Sa opisina na namin itutuloy ang trabaho. I can’t stay it here anymore. Nag-aalala ako kay Joshua.” Saad ni Mina.
“Sige, kung sa tingin mo makakatulong iyan para ma-relax ang isip mo. Uuwi tayo tonight. Magpapaalam lang ako kay father Rigor.”
Matapos mag-usap sa telepono, muling bumalik sa loob si Bryan para magpaalam sa pari nang iba ang bumulaga sa kanya sa kanyang pagpasok balik sa bahay. Nagulat ito nang makita si Rigor na nakatayo malapit sa hagdan, nakatingin sa kanya na may pang-aakit hubo’t hubad. Lantad sa mga mata ni Bryan ang kakisigan ng pari sa magandang pangangatawan nito.
“Bakit tila nakakita ka ng multo, ngayon mo lang ba ako nakitang ganito?” Wikang tanong ni Rigor nang nakangisi habang lumalapit kay Bryan.
Napako naman si Bryan sa kinatatayuan nito na bakas ang totoong gulat sa nakita sa kaharap na pari. Natigalgal ito.
“Kailan ba ay hindi mo hinanap ang sa akin ang katawang ito? Hindi ba at sabi mo sa akin noon nakakabaliw ang katawan ko? Bakit tila ba natatakot kang makita akong ganito?” Sambit pa ng pari kay Bryan.
“Ano ba ang nangyayari sa iyo? Pari ka na, bakit ka pa nagkakaganyan?” Tanong ni Bryan.
“Ayaw mo na ba sa akin? Hindi ba ito ang binalik mo dito? Kinalimutan mo na ba ang nakaraan nating dalawa? Heto na ako sa harapan mo Bryan. Sabik na sabik na itong katawan ko sa iyo.” Biglang niyapos ng yakap ni Rigor si Bryan tsaka pinaghahalikan nito sa leeg at bibig ang lalake.
Lalong nabigla si Bryan sa kinikilos ng pari sa kanya. Takang-taka ito kung bakit bigla na lang naging ganun sa kanya si Rigor kanina lang malumanay naman at maayos. Pilit na kumakawala si Bryan sa mahigpit na yakap sa kanya ng pari. Todo iwas din ito sa mga mapangahas na halik sa kanya nito. “Teka lang Rigor,… tigilan mo na ito, isipin mong pari ka na…at hindi na tayo tulad noon… Matakot ka sa ginagawa mo. Tumigil ka na sa kahibangan mo father. Alagad ka ng diyos, at alam mong malaking kasalanan itong ginagawa mo. Tama na!”
Buong lakas na naitulak ni Bryan si Rigor dahilan para kumalas ito sa kanya at mapaupo sa sofa na naroon. Hindi na hinintay pa ni Bryan na muling kumilos si Rigor at agad na itong lumabas ng bahay. Ngunit muli itong napahinto sa kanyang kinatatayuan nang makita ang pari na naroon na sa labas ng bakuran. Nakasuot ng itim na sutana at may bitbit na basket na may lamang mga kamatis. Takang-takang ito sa reaksyon ni Bryan na nakatitig sa kanya.
“Bakit Bry? Tila yata gulat na gulat ka nang makita ako?” Tanong ng pari kay Bryan.
“Paanong nakalabas ka agad?”
“Kanina pa ako nandito sa labas, dumaan ako sa likod, sa kusina. Mamimitas sana ako ng mga kamatis sa maliit kong gulayan nang mapansin kita rito kanina sa labas na may kausap sa cellphone. Kaya sa likod na ako dumaan. At heto katatapos ko lang mamitas nitong mga kamatis, tamang-tama ito kapares ng pritong tilapia na ulam natin mamaya.” Wika ni Rigor.
Hindi maintindihan ni Bryan ang nangyayari, bigla itong ginapangan ng kilabot sa buong katawan habang nakatingin sa pari. Wala pang minuto nang iwan niya sa sala ang pari na hubo’t hubad sa sofa tapos ngayon kaharap niya na ito at may suot ng sutana, may hawak pang basket ng mga kamatis na kapipitas lang.
“Ikaw ba talaga si father Rigor?” Tanong ni Bryan habang paatras ang lakad.
“Ano ba ang pinagsasabi mo? May iba pa bang pari dito bukod sa akin. Sandali ano ba ang nangyayari sa iyo? bakit umaatras ka?” Tugon ng pari.
“Kung ikaw talaga iyan, sino ang kausap ko kanina sa loob?”
Natawa lang ang pari sa sinabi ni Bryan. Pumasok ito sa loob at hinanap doon ang sinasabi ni Bryan na siya. Sumilip din si Bryan ngunit wala na nga roon ang Rigor na kaharap niya kanina. Dahil sa nangyari mas ninais na lang talaga nito na umalis at balikan sina Mina. Hindi naman ito pinigilan ng pari ng magpaalam ang lalake. Sa halip ay hinatid pa nga nito si Bryan sa kalsada upang mag-abang ng tricycle na masasakyan. Hindi naman dinitalye ni Bryan ang ginawa nung isang Rigor sa kanya sa pari. Naniniwala naman ito na hindi talaga si Rigor ang isang iyon at ginamit lang ang katauhan ng pari para tuksuhin ito.
“Marahil guni-guni mo lang ang nakita mo kanina. Gawa ng pagod sa biyahe dagdag pa ang mga nangyari sa araw na ito. Pagkauwi mo magpahinga ka agad. Bukas na muli tayo magkita.”
Napatango lang si Bryan sa sinabi sa kanya ng pari. Wala man lang itong tugon hanggang sa pumara sa harapan nila ang isang tricycle. Walang imik na sumakay roon si Bryan. Papaalis na ang tricycle nang pinigilan saglit ni Bryan ang driver at binalikan ng sulyap si Rigor na nakangiti pa sa kanya. “Mag ingat ka sa kasama mo sa bahay. Hindi siya pangkaraniwan sa tingin ko. Mag ingat ka.” Bilin ni Bryan sa pari.
Nang makaalis si Bryan, naiwan si Rigor na nakatayo sa gilid ng kalsada habang pinagmamasdan ang papalayong tricycle. Saglit pa, may kamay na yumakap sa beywang ng pari mula sa likod nito. Marahang napalingon si Rigor sabay haplos sa braso na nakayakap sa kanya.
“Hindi ka na mabubura sa isipan niya. Mapapasayo na siya muli at hindi na mawawalay pa.” Ang nakangising sabi ni Carlitos kay Rigor habang nilalambing ang pari.
“Tara na sa loob, kumain na tayo.” Ang mahinang sambit ni Rigor at bumalik na ito sa kanyang bahay.
Balik kina Helen; hindi parin nagkakamalay si Paco matapos ang nangyari sa kanya. Habang nakahiga sa kama ang binata may sinuri si Nicodemus sa katawan ni Paco, partikular sa dibdib nito. At doon isang marka ang napansin nito na agad sinabi kina Helen at Eric.
“Anong ibig sabihin niyan prof bakit may may ganyan si Paco? Parang marka ng pagkasunog.” Wika ni Helen.
“Mula pa kanina duda na ako sa pamangkin mo. Iba na ang pakiramdam ko sa kanya. Lalo na nung makita ko ang usok na itim kanina sa katawan niya. Hindi si Paco ang kasama natin kanina kundi si Joshua.” Bulalas ng matanda.
“Anong ibig mong sabihin prof, sinapian si Paco ng kaluluwa ni Joshua?” Tanong ni Helen.
“Imposible iyon tito, tadtad ng mga harang at proteksyon ang bahay na ito. Walang kaluluwa o masamang elemento ang makakapasok dito hindi ba?” Sabat ni Eric.
“Hindi lang basta sumapi si Joshua sa katawan ni Paco. Kundi pinahintulutan mismo ni Paco na gamitin ni Joshua ang kanyang katawan at sumanib sa kanyang katauhan. Ang markang ito ang patunay na ng kanilang koneksyon sa isa’t isa. Hangga’t hindi nakakabalik sa katawan ni Paco si Joshua, mananatiling ganyan ang pamangkin mo Helen. Walang malay kahit gising. At kung sakaling itataboy natin palayo ang kaluluwa ni Joshua, may posibilidad na hindi na magigising pa si Paco.” Paliwanag ni Nicodemus.
“Hindi maari prof. Bakit kailangan madamay ni Paco?”
“Wala tayong magagawa, nakipagsundo na ang pamangkin mo sa kanya. Tanging si Joshua lang ang makakapagsabi kung pakakawalan niya si Paco o tuluyan na niyang angkinin ang katawan ng pamangkin mo.” Ani pa ni Nicodemus.
Napaiyak na lamang sa awa si Helen sa sinapit ni Paco. Ngunit wala na silang pagpipilian pa para mailigtas ang buhay ng binata kundi ang makipagsundo kay Joshua.
“Hindi ko magawang palayasin ang kaluluwa ni Joshua dahil nakapasok na ito sa bakuran sa buhay na katawan ni Paco. Gayunpaman nagawa ko silang paghiwalayin pansamantala at ikulong sa abo si Joshua. Kung nais niyong palayain siya muli alisin lang natin ang mga nakapalibot na abo rito.” Ani ni Rowanda.
“Magmadali kayo, tanggalin niyo na ang mga abo.” Utos ng matanda kina Helen at Eric.
Habang unti-unting nababawasan ang mga abo na inilagay ni Rowanda, bigla na lang bumugso ang malakas na hangin sa paligid hanggang sa unti-unting lumilitaw sa harapan nila ang maitim na usok… bumulusok agad iyon papasok ng bahay. Kumaripas naman sina Eric at Helen na sundan ang usok na iyon hanggang sa napahinto na lamang ang mga ito sa harapan ng pintuan nang bumungad sa kanila si Paco na gising na at nakatayo na sa harapan nila.
“Joshua ikaw na ba iyan?” Tanong ni Nicodemus kay Paco.
“Wala ng oras, nalalapit na ang kanyang pagbabalik kailangan na natin silang unahan. Kung mahalaga pa sa inyo ang buhay ng mga taong malalapit sa puso niyo kumilos na kayo!” Wika ni Paco.
“Si Joshua na nga ito. Helen akin na ang kapirasong pahina ng journal.” Sambit ni Nicodemus.
Pagkaabot sa kanya ni Helen ng pahina ng journal agad niya itong ipinakita kay Paco. Itinanong agad niya rito kung ano ang buong pakay ng mga Kustos Solis kung bakit lahat ito nangyayari. At kung bakit kailangan pa kumitil ng mga inosenteng buhay ang mga miyembro sa pagbabalik ng kung sino mang tinutukoy nila. Mahinahon na nagpaliwanag si Joshua sa katauhan ni Paco.
“Bahagi ng plano ang lahat. Ito ang huling taon na nakasaad sa kasulatan na nakapaloob sa matra. Ang katuparan ng propesiya ay nais nilang tuparin sa taon na ito. Binalaan ko na kayo noon ngunit ilan lang ang naniniwala at karamihan sa kanila pinaslang nila para itago ang katotohanan sa kanilang nalaman. Lahat ng nakita ko sa matra, naisulat ko sa journal ko. Natakot ako sa mga mangyayari kaya ibinahagi ko ang ilan sa mga sekreto ng samahan sa pamamagitan ng inilathala kong libro. Ngunit naging katawa-tawa lang ito sa lahat at inisip na isa lamang iyon imahinasyon at malayo sa katotohanan. Kung kaya’t ibinuhos ko ang lahat sa aking journal, nagbabakasakali na sa takdang panahon mabasa ito ng taong karapatdapat dito. At bilang proteksiyon para hindi iyon mapunta sa mga kamay ng masasama ang journal inilibing ko iyon sa hukay. Ngunit sa kung paano, nahanap parin iyon ni Eusebio. Pinatahimik niya ako at inilibing ng buhay. Hindi siya sang ayon sa ginawa ko. Nais niyang itago ang katotohanan kung kaya’t may mga binago ito at idinagdag sa journal. At sinabi sa lahat na kasinungalingan lang ang tungkol sa nakasaad sa mantra na wala itong katotohanan. Pinabulaanan nito ang propesiya bago tumiwalag sa samahan. Nabuwag ang samahan at kailan man hindi na muling bumalik sa sirkulo ang mga Kustos Solis. Hanggang sa pumanaw si Eusebio, kasabay ng kanyang paglisan hindi na muling nakita ang journal. Naging palaisipan ang pagkawala nito.” Kuwento ni Paco.
“Ngunit hindi nawala ang samahan gaya ng paniniwala mo. Nagbago lang ang pangalan nito ngunit patuloy parin ito hanggang sa kasalukuyan. Ngunit paano ka muling naparito gayong matagal ka ng wala? At ano ba ang meron sa journal na iyon?” Usisa pa ni Nicodemus.
“May nakahanap sa journal, isang lalake, anak ng isang kasapi ng samahan. Nabasa niya ang buong journal, inaral niyang gamitin ang mga nakasulat dun at natagpuan niya ang sagradong templo ng mga sinaunang anghel ng diyablo, kung saan sila nakakulong. Doon siya pinagkalooban ng kapangyarihan ng kasamaan para tuparin ang nakasaad sa kasulatan, kapalit ng kanyang mga kahilingan. Ngunit bago pa man niya nasimulan ang plano, nasawi ito dahil sa isang aksidente. At habang naghihingalo sinambit nito ang mga katagang nagpapalaya sa mga kaluluwang nakatali sa journal kung kaya’t nakabalik ako. Ginawa niya rin iyon upang maibalik din ng journal ang kanyang kaluluwa.” Pagpapatuloy pa ni Paco.
“Kung nais mong tulungan kami sa tinutukoy mong magbabalik, linawin mo sa amin ang lahat ng nilalaman ng iyong journal. Idiretso mo kami sa pinaka ugat nito.” Wika ni Helen.
“Nagkamali ng interpretasyon ang samahan tungkol sa katapusan ng mundo. Matagal ng naririto kasama natin ang kasamaan na wawasak sa mga tao. Ngunit ang kanyang kaganapan ay mabubunyag lamang kapag isisilang ang piniling sanggol na siyang magdadala ng kanyang marka. At naisilang na ang sanggol na iyon ayon sa nakasulat sa mantra. Sinikap kung alamin ang katotohanang iyon. Hanggang sa dinala ako ng aking paghahanap sa San Gabriel. Kapanganakan iyon ng asawa ni Eusebio, hirap nun si Saling sa kanyang panganganak. Dagdag pa ang napakalakas nun na bagyo.”
“Joshua pare, ikaw na muna bahala kay Saling. Tatawag lang ako ng kumadrona.” Ang natataranta na noong sabi ni Eusebio.
Tulala lang si Joshua nun na hindi alam kung paano at ano ang gagawin nito sa hirap na hirap na kalagayan ni Saling. Nanghihina na ang babae at halos mawalan na ng hininga. Nang umagos ang dugo sa mga hita ng babae at pumutok ang panubigan nito lalong nataranta si Joshua. Hanggang sa iniluwal ni Saling ang sanggol. Ngunit may napansin ito sa bata nang kanyang hawakan.
Ang markang nakasaad sa mantra, naroon sa balat ng kakasilang na sanggol. Natigalgal si Joshua habang hawak-hawak ang bata. Alam ni Joshua na hindi dapat mabuhay ang sanggol. Bago pa mawalan ng malay si Saling narinig nito ang mga ibinulalas ni Joshua tungkol sa sanggol. Akma na sanang itatakas ni Joshua ang bata nang siyang balik naman ni Eusebio. Sinabi agad ni Joshua ang alam niya at nabasa niya sa mantra.
“Hindi sa iyo ang sanggol na iyan pare. Demonyo ang nagmamay-ari sa kanya taglay niya ang marka ng diyablo. Kailangan niya mawala pare. Hindi siya dapat mabuhay.” Sigaw nun ni Joshua habang pinapalayas ito ni Eusebio sa kasagsagan ng bagyo.
“Walang sino mang nagmamay-ari sa anak ko! Akin siya! At lumayas ka rito kasama ang diyos mo!!! Baka ikaw pa ang mapatay ko!!!” Ang galit na tugon ng kaibigan kay Joshua.
Sampung taon ang hinintay ng mag asawa lamang mabiyayaan ng anak. At kahit na alam ni Eusebio ang katotohanan sa isinilang na sanggol ni Saling, itinago niya ang lihim na ito. Bagama’t naniniwala ito sa propesiya na nakasaad sa kasulatan at aklat ng kanilang samahan, hindi nito kayang saktan o gawan ng masama ang sanggol. Ikinubli nito ang lahat sa mga kasamahan. At upang mailayo ang anak nagpasya itong lisanin ang San Gabriel. Ngunit lingid sa kanyang alam… pursigido si Joshua na pigilan ang nakatakda balak nitong patayin ang sanggol. Si saling na hindi rin tanggap ang kapalaran ng anak, sumang-ayon sa asawa na umalis na sa lugar na iyon para itakas sa kamatayan ang kanilang anak.
Araw ng kanilang pagtakas nang sugurin sila ng mga miyembro ng samahan na naniniwala nun kay Joshua. Ngunit wala na ang mag-asawa nang dumating ang mga kasamahan nila. Habang binabaybay ang gubat pababa sa paanan ng bundok ng San Gabriel nakasalubong nila ang ilan sa mga kasamahan. Kaya naisipan ng mag asawa na maghiwalay. Narating ni Saling ang ilog. Dahil sa katatapos lang nun ng bagyo, mataas ang tubig sa ilog dagdag pa ang malakas na daluyong nito ngunit iyon lang tanging daan para matakasan ni Saling ang mga humahabol sa kanila.
Habang nasa pangpang ng ilog, maiging tinitigan ng ina ang anak. Mangiyak-ngiyak itong pinagmamasdan ang inosenteng sanggol sa kamay. Maya pa ang malungkot na mukha ni Saling bigla na lang nagbago at napuno ng galit at pagkasuklam.
“Hindi ko hahayaang maging kasangkapan ako ng kadiliman. Wala kang karapatang mabuhay! Mamamatay ka!!!” Bulalas ni Saling sabay taas sa ere ng hawak nitong sanggol.
Iyon pala ang plano ni Saling kung bakit ito pumayag sa nais ni Eusebio na maghiwalay sila ng landas. Balak pala na tapusin mismo ng ina ang buhay ng isinilang niyang anak. Walang ka malay-malay noon si Saling sa samahan na kinabibilangan ng asawang si Eusebio kaya nung matuklasan nito ang lihim ng asawa, nagtanim ito ng pagkasuklam sa isinilang na sanggol. Akma nang ihahagis ni Saling ang sanggol nang bigla na lang sinalakay ito ng napakaraming uwak. Nabitawan ng babae ang sanggol habang binubugaw nito ang mga uwak. Tadtad na ng mga sugat sa katawan si Saling, nawala na sa isip nito ang sanggol at ang tanging inaalala ang sariling kaligtasan. Lalo pang dumadami ang sumusugod na uwak kaya wala ang tangin naisip na lang na kaligtasan ni Saling ay ang ilog. Tumalon ito roon sa kabila ng malakas na agos.
Simula nun hindi na natagpuan ang sanggol ng mag-asawa. Kinalugmok ni Eusebio ang nangyari sa mag-ina. Ang huling balita nito kay Saling ay nabaliw ito. Sa nangyari sa dalawa isinumpa ni Eusebio ang Kustos Solis, tumiwalag ito at doon na nahati ang mga miyembro. Sa kabila ng pagkawala ng anak, naniniwala parin si Eusebio na buhay ang sanggol. Upang maitago ang lihim, binago nito ang naisulat na sa journal.
“Kung gayun, wala na palang saysay para hanapin ang journal. Dahil nangyari na pala ang nakatakda. Wala ng sanggol ang isisilang dahil naisilang na ito. Ang tanong, nasaan ang sanggol na iyon at kung buhay pa ba ito—” Wika ni Nicodemus.
“Ngunit ang kanyang kaganapan ay mangyayari pa lang. Kaya mahalaga ang bawat oras. Naipunla na ng ugat ang bunga, ang dapat gawin ay pigilan ang pag tubo ng halaman ng hindi na Magsangal ang puno at hindi na kumalat pa ang kanyang kamandag. Bumalik tayo ng San Gabriel.” Ani pa ni Paco.
Naguguluhan man wala na silang pagpipilian kundi ang magtiwala pansamantala kay Joshua na nasa katauhan ngayon ni Paco. Nang gabing din na iyon matapos ang hapunan, naghanda ang apat para sa kanilang pagbiyahe papuntang San Gabriel.
Habang naghahanda ng mga dadalhin, isang balita sa telebisyon ang umagaw sa pansin ng tatlo. Isang ulat tungkol sa massive meteor shower ang inaasahang mangyayari sa gabing iyon ayon sa meteorological bureau ng bansa. Isang rare phenomenon na sasabayan pa ng blood moon. Para kina Eric at Helen isa lamang iyon ordinaryong pangyayari na nangyayari sa kalawakan, ngunit iba ang tugon ni Nicodemus dito, lalo na ni Joshua.
“Ang unang signos ng kanyang pagbabalik, ang pagbagsak ng mga bituin sa kalangitan.” Wika ni Paco.
“Ilang beses na nangyayari ang ganyan. Kung signos man iyan ibig sabihin nakailang balik na ang kung sino mang tinutukoy niyo tito. Pangkaraniwang phenomenon na ang meteor shower at mangyayari ulit iyan next year. Tsaka maaring nagkataon lang na sumabay ang blood moon.” Ani ni Eric.
“Iba ang isang ito, pagbabanta ang pinahihiwatig ng pangyayaring ito sa mundo. Kung ano man ito, iyon ang hindi ko alam. Bilisan na ninyo, malayo-layo pa ang biyahe papuntang San Gabriel. Rowanda ikaw na ang bahala muna rito. Pagkaalis namin magsiguro ka agad.” Sambit ni Nicodemus.
“Hindi pangkaraniwang puwersa ang kakaharapin niyo kaya mag-ingat kayo.” Bilin ng asawa ni Nicodemus.
Pasakay na ng kotse nila si Helen nang maalala nito si Bryan. Agad niya itong tinawagan ngunit panay tunog lang ang tugon sa kabilang linya. “Hindi sinasagot ni Bryan ang tawag ko. Aalamin ko sana kung nandoon pa siya sa San Gabriel.” Saad nito.
“Mukhang malabong tumuloy pa iyon dun. Ang huling tawag ko sa kanya ay nung sinabi ko sa kanya ang nangyaring aksidente sa bus na sinakyan nila ni Joshua papuntang San Gabriel.” Sabat ni Eric.
“Naaksidente si Joshua?” Gulat na tanong ni Helen.
“Hindi ko alam kung nadamay sila sa nangyaring aksidente, pero ang alam ko sakay sila sa bus na iyon papuntang San Gabriel para hanapin doon ang journal.” Sagot ni Eric.
“Diyos ko, huwag naman sana. Sana ligtas lang si Joshua.” Sambit ni Helen na may pag-aalala.
“Walang mangyayaring masama sa kanya. At buhay sila ng kaibigan niya.” Sabat ni Paco.
Muling sinubukan ni Helen na tawagan si Bryan ngunit wala parin sagot. Samantala nakahanda na sina Mina para sa pag-alis sa gabing iyon, nasa mobile van na ang kanilang mga gamit at si Bryan na lang ang hinihintay ng lahat.
HELL KNIGHTS
Nagkagulo ang mga nurses at mga tao sa loob ng isang ward ng hospital ng magwala si Saling. Nagsisigaw ito nang magising. Pinagbabaklas nito ang mga suwero na nakakabit sa kanya. Nangilabot maging ang mga katabing pasyente nito nang bigla na lang ito bumangon habang nanglilisik ang mga mata, na sumisigaw na tila ba takot na takot. Sumugod na ang mga nurse at mga doktor para pigilan ang babae. Maging ang ibang naroon ay tumulong na rin sa pag-apula sa naghihistirikal na si Saling.
“Nurse hawakan niyong mabuti ang kamay niya para maiturok kong mabuti.” Utos ng isang doktor sa dalawang lalaking nurse habang tinututukan ng injection na may pampakalma si Saling.
“Pigilan nyo siya! Magsisisi kayong lahat kung hahayaan niyo siyang bumalik!!! Mamamatay tayong lahat kung hindi kayo kikilos!!! Nagsibagsakan na ang mga bituin sa kalangitan! Paparating na siya! Pigilan niyo siya!!!” Ang mga binibitawan na salita ni Saling habang wala parin itong tigil sa pagwawala.
Nang akma na nang itututok kay Saling ang hiringilya, bigla na lang nagkaroon ng brownout sa boong ospital. Lalong nagkagulo ang lahat dahil sa biglaang pag dilim ng paligid, dagdag pa na ang tagal umilaw ng mga emergency light sa loob ng ospital. Halos nagkakapaan na ang mga tao at pasyente sa loob ng ward na iyon. Kanya-kanya na rin labas ng mga cellphone ang mga naroon para magbigay sana ng ilaw ngunit laking pagtataka ng lahat nang wala man lang sa kanila ang may gumaganang cellphone. Hindi na mapakali ang lahat. Takot ang sumunod na bumalot sa loob ng ward nang may mapasigaw doon.
Nawala raw sa kanyang higaan ang kanyang mister. Maging ang nurses na nakahawak pa nun kay Saling bigla na lang napamura sa pagtataka nang mapansin na tanging kumot na lang ang hawak nila.
“Doc ang babae, nakatakas.” Wika ng isang nurse.
Madilim pa rin ang paligid, naghahanapan na ng mga nawawala sa loob. Ang iba nakakapit-kapit na kahit hindi alam kung kaninong kamay pa ba ang hawak nila. Nang sumunod na umalingawngaw sa labas ng ward ang mga pagbalahaw ng mga sigaw nang pagkawala ng kanilang mga kasama. Nataranta na ang lahat sa mga nangyayari, hanggang sa matapos ang mahabang minuto ng kadiliman ay uling nagkailaw ang buong ospital.
Dun na mas lalong nabalot ng takot at pagkagimbal ang lahat ng marami sa mga pasyenteng naroon sa ospital na iyon ang bigla na lamang naglaho sa di maipaliwanag na paraan. At kasama sa mga nawala at hindi na mahagilap si Saling. Isang palaisipan din ang muling pag-gana ng mga cellphone kasabay ng muling pagbalik ng kuryente.
Agad na umabot sa pansin ng mga taga media at online blogger ang nangyari sa ospital ng Claridad. Naging usap-usapan ang misteryosong pagkawala ng mga pasyente roon sa loob at labas ng social media, wala pang isang oras matapos mangyari ang lahat ng iyon.
Nasa van naman ang lahat nun at tanging hudyat na lang ni Mina ang hinihintay para umalis. Sakay na rin sa kotse nun sina Joshua at Tyler. Si Mina naman kausap noon si Kapitan Dantoy habang naghihintay kay Bryan.
“Hindi ba alanganin na sa oras kung babalik kayo ngayon ng Maynila Miss Mina? Gabi na at madilim ang daan pababa ng siyudad. Marami parin kasing mga sirang poste ang hindi pa naayos dahil sa nakaraang bagyo.” Wika ng kapitan.
“May hinahabol na kasi akong trabaho dun. Kung bukas pa kami aalis baka ma delayed pa. Tsaka maganda naman ang panahon ngayon kapitan. Malinaw pa nga natin nakikita ang rare blood moon oh. Ibig sabihin maaliwalas ang kalangitan.” Ani ni Mina na napatingala sa kulay pula na buwan.
“Pulang-pula nga ang mukha ng buwan ngayon, kakaiba sa dati niyang anyo.” Sambit ng kapitan nang napatingin din sa buwan.
“Nakita ko rin kanina sa balita kasabay din ng blood moon ngayon ang mamayang meteor shower. Mas visible nga raw iyon mamayang twelve ng hatinggabi onward. Hindi pa ako naka witness ng ganun, sana ma-experience ko mamaya.” Napangiting sabi ni Mina.
“Iba ang paniniwala ng mga matatanda kapag ganyan ang pinapakita ng kalangitan sa mga tao. Signos o mga posibleng babala ang hatid nito sa atin.” Sabat ni Dantoy na bakas ang pagkabahala sa mukha.
“Sabi-sabi lang nila dati iyon kapitan. Ngunit wala namang scientific basis kung totoo iyon. Kung may mga nangyayari man sa mundo after ng mga ganitong phenomenon, posibleng nagkataon lang iyon. Ilang ganyan na rin ang nangyari at ang sabi gugunaw ang mundo. But we still here. Lalo pa nga naging crowded ang mundo sa dami na ng tao. Gawa-gawa lang iyan ng mga sinaunang paniniwala para bigyan ng takot ang mga tao.” Komento ni Mina.
“Ngunit iba sa panahon ngayon. Sa mga nangyayaring kakaiba sa ating paligid tila ba nagpaparamdam na ang mundo.” Tugon ni kapitan Dantoy.
“Ano ang ibig mong sabihin kapitan?” May nginig sa boses ni Mina. Bigla nito naisip ang mga sinabi sa kanya ng anak na si Joshua. Dumaan din sa kanyang gunita ang mga karumaldumal na krimen ng pag paslang sa mga kabataan. Napahawak ito sa kanyang tiyan tsaka muling tumingala sa buwan.
“Ayon sa mga matandang paniniwala, ang pag pula ng buwan ay indikasyon ng isang makabuluhang pagbabago, di kaya kaguluhan, at matinding paglalabas ng emosyon” Sagot ng kapitan. —“Ibig sabihin, may pagbabago na mangyayari, baka may kaguluhan muna, pero kailangan lang ilabas yung mga tinatagong damdamin” paliwanag pa nito.
Nagpatuloy pa ang kapitan sa kanyang sinasabi. “Kinakatawan nito ang pagwawakas ng mga lumang kaugalian o nakasanayan para sa muling pagkabuhay. Sa madaliang salita, kamatayan para sa panibagong buhay.”
“Nakakatakot naman ang ibig sabihin nun kapitan.”
“Nakakatakot. Pero sa ganung paraan lumalakbay ang buhay ng tao sa mundo miss Mina. Sa bawat iyak ng sanggol na niluluwa sa mundo, katumbas nun ay hagulgol ng iyak para sa mga nawalan. At ito ang nais iparating ng kalangitan sa atin. Ang katapusan ng mga tao para sa bagong simula ng panibagong mundo.” Komento pa ng kapitan.
“Kinikilabutan ako sa mga sinasabi niyo kapitan. Pero kung totoo man iyon sana magawan natin ng sulosyon para mapigilan ito. Kawawa naman ang mga bagong silang kung mawawasak lang din agad ang mundo.” Ang pangiti-ngiti pang sabi ni Mina.
“Hindi iyon mapipigilan miss Mina, maging sa Bibliya nakasaad na ang katapusan ng tao. Pero kung kelan, tanging ang Diyos lang ang may alam.” Napangiti rin na sabat ng kapitan.
Maya-maya pa bumaba ng van si Peter tsaka nagmamadaling lumapit sa dalawa. Agad nitong pinakita kina Mina ang kasalukuyang kumakalat na balita online tungkol sa nangyari sa isang ospital sa Claridad. Napasapo na lang ng palad sa mukha si Kapitan Dantoy nang malaman sa balita na isa si Saling sa mga nawawalang pasyente roon.
“Miss Mina, okay lang ba na mauna na kaming tatlo. Malaking balita rin ito. Magkita na lang tayo sa Claridad.” Ani ni Peter.
“Sige, pero mag-ingat kayo. Susunod na lang kami kapag nandito na si Bryan. Keep me posted na lang sa mga makakalap niyo roon.” Pagsang-ayon ni Mina.
“Maari ba akong sumama sa inyo. Aalamin ko rin ang nangyari kay Saling.”
“Walang problema kapitan, halina po kayo.”
Agad na umalis ang mobile van nila Mina. Kabado na ang babae dahil sa oras na iyon wala parin si Bryan. Sinubukan nitong tawagan ang lalake ngunit hindi na maabot ang numero nito. Napansin ni Joshua ang pag-aalala ng ina kaya lumabas ito ng kotse tsaka nilapitan si Mina. “Mommy sa kotse mo na hintayin si tito Bryan. Malamig na at malamok pa rito sa labas. Hindi makakabuti sa inyo ng kapatid ko ang hamog ng gabi, baka magkasakit ka pa po.” Ani ni Joshua.
“Sige, susunod ako.” Tanging sambit lang nito sa anak.
Hindi maintindihan nun ni Mina kung bakit tila nakaramdam ito bigla ng takot sa anak na si Joshua. Iba ang nakikita nitong emosyon sa mga mata ng anak habang nakatitig ito sa kanya. May pagkasabik na para bang may pagbabanta sa mga mata iyon ng anak. Kinakabahan si Mina na napasapo sa kanyang tiyan. Nang balingan muli nito ang anak naroon na ito sa loob ng kotse kasama si Tyler. Nakaparing ang mga ulo sa isa’t isa na tila ba tulog.
Laking pagtataka rin ng babae kung bakit hindi man lang nito narinig na nagbukas o nagsara ang pinto ng kotse gayung nasa malapit lang naman ito sa likod niya. Dali-dali nitong nilapitan ang dalawa sa kotse. Naalimpungatan naman ang dalawa nang pumasok na si Mina sa loob.
“Aalis na ba tayo mommy?” Wika ni Joshua na naghihikab pa, na bara bang kagigising lang ito.
“Joshua, lumabas ka ba ng kotse ngayon lang?” Balik na tanong din ni Mina sa anak.
“Ha? Hindi kakagising ko lang din nang pumasok ka. Napaidlip kasi kami Ty sa kakahintay dito. Bakit ba mommy?” Tugon ni Joshua.
“Sure ka? Kanina lang kasi kausap kita sa labas.” Ani ni Mina na biglang kinilabutang na.
“Swear mommy, kakagising ko lang hindi po ako lumabas.”
Napalingon muli si Mina sa labas ng kotse at mula dun, namilog ang mga mata nito nang makita ang isang binata na kamukha ni Joshua ang nakatayo sa harapan ng kanilang kotse nakangising nakatitig sa kanya habang unti-unting bumubuka ang bunganga nito na para bang binibiyak. Kitang-kita nito ang bumubula na dugo sa bibig ng lalake kaya napasigaw ng malakas si Mina sa sobrang takot at kilabot.
Agad naman ito ginising ni Bryan, mula sa kanyang bangungot.
“Gising babe, gising…”
Pupungas-pungas si Mina nang magising ito. Pawisan at bakas sa mukha nito ang matinding hilakbot. Napatingin ito kay Bryan na noo’y nasa driving seat na katabi nito. Nilingon din nito sina Joshua at Tyler sa likod. Naroon parin ang mga ito at mahimbing na natutulog habang magkasandal ang mga ulo. Takang taka si Mina sa kanyang paligid. Agad nito kinurot-kurot ang sarili para siguraduhing totoo na ang lahat.
“Hey babe, are you okay?” Tanong ni Bryan.
“No I’m not okay, I felt weird. Kanina lang I was talking to Joshua habang hinihintay ka na bumalik. Then suddenly may nakita akong lalake diyan sa harapan ng kotse. He looks exactly like Joshua tapos bigla na lang nabiyak ang panga niya at bibig. Kitang-kita ko pa ang pagbulwak ng kanyang dugo na tumapon sa windshield ng kotse. Tapos sasabihin mong nanaginip lang ako? Hindi ako nananaginip lang. That was real Bryan. Alam ko.” Ang balisa nitong sabi.
“Calm down,… relax babe. Ito ang tumbler mo mag tubig ka muna. Compose mo muna sarili mo. Marahil pagod ka lang, di kaya stress. Magpahinga ka muna aalis na rin tayo in a minute.” Tugon ni Bryan kay Mina.
“Paano ka nakabalik dito ng hindi ko alam?” Tanong ni Mina sa lalake.
“Nang dumating ako napansin ko na tulog kayong tatlo dito sa kotse ko. Gigisingin pa nga lang sana kita ng bigla ka na lang umuungol tsaka sumigaw. Hindi mo ako napansin kasi tulog ka. Kahit magtanong ka pa sa mga nakikiramay na iyan kina Tilyo. Panaginip lang iyon babe, at kung ano man ang nakita mo dun hindi iyon totoo.” Paliwanag ni Bryan.
Hindi na komontra pa si Mina. Ngunit sa sarili niya alam niyang hindi iyon panaginip. Gising siya nun. Sinilip pa ni Mina sa bintana ng kotse ang buwan para siguraduhin ang lahat ay totoo.
“Saktong may blood moon ngayon babe, sabi ng matatanda bawal daw ang sumilip o tumingala sa buwan kapag buntis baka kung ano ang maging epekto sa baby.” Wika ni Bryan nang mapansin ang ginawa ni Mina.
“Umalis na tayo, bumalik na tayo ng Maynila Bryan.” Ani ni Mina.
“Saglit lang babe, hihintayin lang natin si father Rigor. May ibibigay daw siya sa atin. Papunta na rin iyon dito.” Ani ni Bryan.
Bakit ano ba raw iyon? Ayoko nang magtagal pa rito. Kailangan na nating makauwi. Hindi na ako natutuwa sa mga nangyayari rito sa lugar na ito. At nagsisisi ako kung bakit pa ako dito pumunta.“ Ang naiinip na sabi ni Mina.
“Sinabihan na kita na delikado sa lugar na ito, pero pinilit mo parin idahilan ang career mo. Ngayon kating-kati ka nang makaalis tayo rito. Pag wala pa ng twenty minutes si father Rigor aalis na tayo.” Sabat ni Bryan.
“Mahaba na ang twenty minutes, if wala pa siya by nine…alis na tayo. Ipapa-parcel na lang niya kung ano man iyon. Basta ako, ayoko nang maghintay.
Napailing na lang si Bryan at di na tumugon pa. Dalawang minuto na lang at alas nuwebe na wala parin ang anino ng pari. Maging ang mga tao na nag-aabang sa pamisa nito sa kapilya malapit sa bahay ng kapitan ay nag-aabang din kay Rigor. Dahil alas nuwebe na nga, hindi na nahintay ni Bryan ang pari at tuluyan ng pina atras ang kotse para lisanin na ang lugar. Naging maayos naman ang paglabas nila sa mismong San Gabriel, malayo-layo na sila at tanaw na ni Bryan ang bungad palabas ng baryo nang bigla na lang ito napaprino at napamura, nang may nalaglag na patay na uwak sa mismong harapan ng kotse at tumama iyon sa windshield na nagdulot ng lamat sa salamin ng kotse. Nakita iyon ni Mina at natakot din ito.
Nang silipin ng dalawa ang labas, tanaw na tanaw nila ang napakaraming mga uwak na lumilipad ng paikot sa ibabaw nila. “Mina isara mo ang bintana ng kotse!” Napasigaw na sabi ni Bryan nang makita nito ang mga papasugod na mga uwak sa puwesto ni Mina. Natarantang isinara naman agad ng babae ang binata bago tuluyang atakihin ito ng tila mga galit na mga uwak. Pilit na kinakalampag ng mga uwak ang binata ng kotse sa bahaging side ni Mina na para bang nais nila basagin ang salamin ng binata. Napatili sa takot si Mina. Dahil sa ingay nito at sa mga kalampagan sa labas gawa ng mga agresibong mga uwak, nagising sina Joshua at Tyler na kinabigla rin ang nakita.
“Ano pa ang hinihintay mo Bryan, umalis na tayo!” Sigaw ni Mina sa lalake.
Muling pina andar ni Bryan ang kotse at mabilis na pinatakbo ito. Ngunit tila walang balak ang mga uwak na lubayan sila. Dahil maging ang mga lumilipad na mga uwak ay inaatake na rin ang kanilang kotse. Hinarangan na ng mga ito ang harapan ng kotse kung kaya’t wala na halos makitang daan si Bryan. Nagpagiwang-giwang ang kanilang kotse dahil sa hirap si Bryan na makita ang daan.
“Bryan ano iyan bakit nilabas mo ang baril mo?” Gulat na tanong ni Mina nang bumunot ng baril si Bryan.
“Pikon na pikon na ako sa mga ito eh. Tatakutin ko lang.” Sabat ni Bryan na may gigil
Binuksan nito ng bahagya ang bintana sa bandang parte niya tsaka pinagbabaril ang mga umaatakeng mga uwak. May mga nagpulasan din naman sa mga ibon ngunit tila mas nagalit pa ang mga ito at lalong inatake ang kotse nila. Hanggang sa may napansin si mina sa mga nag-uumpugang mga uwak na umaatake sa kanila.
“Diyos ko Bryan hindi na ito pangkaraniwang mga uwak lang! Ano ang mga iyan!!!”
Kitang-kita ni Mina kung paano unti-unting nagsasanib sa isa’t isa ang mga uwak habang nag lalagasan ang mga balahibo ng mga ito at nagpapalit papalit anyo. Mula sa mga kumpulan ng mga hayok at galit na mga uwak, isang nilalang ang biglang nabuo sa kanilang harapan. Mistulang tao ang katawan nito na ang balat animoy naagnas na. Balot ng dugo ang malapad nitong katawan na naka-akap sa kotse habang nag-aagasan ang sariling dugo nito sa mismong salamin ng kotse. May ulo itong kawangis parin sa uwak na may nanlilisik na mga mapupulang mata tsaka may dalawang malalaking sungay.
Dahil sa paglitaw ng halimaw na iyong maituturing sa harapan nila lalong nabalot ng hilakbot ang lahat higit na si Mina. Nagwawala na si Mina sa loob, halos hindi na ito mahinto sa kakasigaw dahil sa takot. Hindi na rin makontrol ni Bryan ng maayos ang kotse dahil sa binabalya na rin sila ng nilalang. Nang walang ano-ano may bagay na lumusot sa windshield ng kotse mula sa tiyan ng halimaw. Isang tila matigas na lawit na parang matulis na dila ang bumutas sa salamin at tumusok agad iyon sa tiyan ni Mina. Bumulwak ang dugo sa pating iyon ng babae habang tila hinihigop ng nilalang na iyon ang laman sa kanyang sinapupunan. Dun na halos mawala sa sarili si Mina, nagpupumiglas ito nang humihiyaw at sumisigaw sa takot habang hinuhugot sa kanyang tiyan ang nakabaon na parang dila ng halimaw.
Nang…
“Mommy gising, nandito na si tito Bryan aalis na tayo.” Wika ni Joshua habang niyuyugyog si Mina para magising.
Gulat na gulat si Mina nang maalimpungatan ito. Agad nito kinapa ang tiyan tsaka kinalap ang mata sa paligid. Nang mapagtanto nito na nakatulog pala ito sa loob ng kotse.
“Panaginip? Lahat panaginip lang?” Ang nasambit ni Mina habang hinihimas ang sarili at tiyan.
“Tita mukhang nananaginip nga kayo kanina kasi panay ang ungol niyo. Kanina pa nga kita ginigising pero hirap mo gisingin kaya tinawag ko na si Joshua.” Ani ni Tyler.
“Bakit mommy ano ba ang napanaginipan mo? Teka uminom ka muna ng tubig.” Wika ni Joshua.
“Mamaya na ako magkuwento, saan na ang tito Bryan mo. Aalis na tayo.”
“Kausap niya pa iyong pari mommy pero sabi niya aalis na rin tayo. Mommy, puwede ba magpaiwan muna ako rito. Pangako susunod din naman agad ako. Kailangan ko lang talaga siguraduhin na ligtas kayo.” Pakiusap ni Joshua sa ina.
“No!, uuwi tayo at hindi ka maiiwan dito. Kalimutan mo na iyang mga imahinasyon niyo tungkol sa journal na iyan at sa kung ano-ano pa iyan. Walang mangyayaring masama. Walang ganun. Kaya tigilan mo na ako sa kahibangan na iyan Joshua. Aalis na tayo rito at iyon ang masusunod.” Ang galit na tugon ni Mina.
“Nga naman pare tol, uwi na lang tayo. Natatakot na ako sa lugar na ito eh. Hayaan na lang natin iyong journal. Tsaka parang kinakabahan na rin ako rito.” Pagsang-ayon na komento ni Tyler.
“Ito ang pinunta natin dito pare, ang tapusin ang kung ano mang nagawa nating mali. Kailangan matigil na ito baka lalo lang mapapahamak ang lahat. Tsaka si mommy. Ayokong malagay sa panganib si mommy at ang kapatid ko sa sinapupunan niya.” Giit ni Joshua.
“Shut up Joshua. Ayoko nang makarinig ng ganyan. Itikom niyo na ang mga bibig niyo dahil walang katotohanan ang lahat ng iyan. Kung nangyari man ito sa mga kaibigan niyo, nagkataon lang. Wala kayong kinalaman dito, wala kayong alam! Pumirmi kayo dito sa kotse. Tatawagin ko lang si Bryan para makaalis na agad tayo.”
Itago man ni Mina sa galit ang takot, naniniwala siya na posibleng may katotohanan ang mga sinabi ng anak. Ngunit dahil sa takot at pangamba para kanilang buhay ni Joshua at sa magiging anak nito ayaw niyang tumaya sa panganib. Kaya pinipilit nito sa sarili na gawa-gawa lang ng imahinasyon ng anak ang mga pinagsasasabi nito sa kanya, kahit na nakalatag naman sa kanyang harapan ang mga pruweba ng katotohanan.
Binabaybay naman nun nina Helen, Eric, Nicodemus kasama si Paco ang kahabaan ng extension highway papuntang kanluran. Mahaba-haba pa ang biyahe kaya hindi maiwasang makaramdam ng antok ang apat. “Ako naman ang magmamaneho Eric, umidlip ka muna. Apat na oras pa ang tatakbuhin natin bago marating ang bayan ng Claridad.” Wika ni Helen.
“Ikaw na muna ang umidlip kaya ko pa naman. Dadaan lang tayo sa malapit na convenience store, para makabili ako ng kape. Gigisingin na lang kita pag nasa bungad na tayo ng Claridad.” Ani ni Eric.
“Nakita mo ba kanina ang balita na nangyari sa general hospital ng Claridad? Paano kaya nawala ang mga pasyente roon na wala man lang bakas at dahilan? Tsaka ang video nung babaeng nagwawala kanina bago ito nawala kasama ng iba pa. Rinig pa sa video ang mga sinabi niya. Di kaya may alam din siya sa journal, sa tingin mo Eric?” Tanong ni Helen sa lalake.
“Hindi ko napanood ang buong video kanina kasi na lowbat ako. Pero ang nangyari sa ospital kanina pakiramdam ko may koneksyon iyon sa aalamin nating misteryo.” Sagot ni Eric.
“Ano kaya ang koneksyon ng mga pasyenteng iyon bakit sila nawala? Tsaka sabay-sabay pa talaga.” Sabat ni Helen.
“At sa Claridad pa kung saan sakop nito ang San Gabriel. Teka, natawagan mo na ba si Bryan?”
“Di nga sinasagot eh panay ring lang, pero nag message na ako sa kanya. Siya nga pala bakit nga pala nasabi sa inyo ni Joshua na si Mina ang magdadala sa katawang lupa nung nilalang na iyon? Paano daw iyon nangyari?” Tanong ni Helen kay Eric.
“Iyon ang isa din sa katanungan ko kung bakit? Sa dinami-dami ng babae sa bansa ang mommy niya pa talaga. Pero at some point mukhang may sense naman dahil nga isa rin si Joshua sa nakahawak nung journal. Baka ng dahil din kay Joshua kung bakit napagtripan ng nilalang na iyon na si Mina. Usually kasi sa mga kuwento at mga pelikula, maging sa mga nobela… virgin ang kadalasang ginagawang alay para punlaan ng mga ganyan. Tanong mo kay Paco, I mean diyan sa isang Joshua, baka may sagot iyan.” Komento ni Eric.
Alangan pa si Helen na kausapin si Joshua sa katawan ng pamangkin, ngunit bago pa ito nakapagsalita tumugon na si Paco.
“Ugat sa ugat ang dahilan kung bakit siya. Bago pa ang lahat ng ito nakatakda na ang kanyang kapalaran, kaya kailangan ito mapigil bago pa sumapit ang mga susunod na signos.” Wika ni Paco.
“Pasensya na, pero hindi kami pupunta dun para saktan o gawan ng masama si Mina. Hindi namin kayang pumatay ng inosenteng tao lalo na at ina siya ng estudyante ko tsaka fiance siya ng kaibigan nitong si Helen. At kung may gagawin ka sa kanyang masama, pasensyahan na tayo…pero ibabalik talaga kita saang impiyerno ka man galing.” Saad ni Eric na pangiti-ngiti lang sa sinabi ni Paco.
“Walang mamamatay kung mauunahan natin sila sa kanya. Hindi lang kayo ang kumikilos ngayon, maging ang mga tagasunod niya.” Sabat ni Paco.
“Kung gayun next year na pala ako mag kakape…rekta na tayo ng San Gabriel wala nang stop over ito.” Sambit pa ni Eric.
Habang tumatakbo ang kotse nila sa kahabaan ng highway biglang may napansin si Helen sa paligid. Nasa halos kalagitnaan na sila ng kanilang biyahe nang mapansin nga ni Helen ang mga nakatirik na mga kotse at mga truck sa daan. Ang iba pa sa mga ito ay wala sa tamang ayos. May mga nakaparing pa ng pahalang sa gitna ang iba halos nakadikit na sa iba pang mga kotse. Tahimik ang paligid, wala silang mga kasabayan na ibang bumabiyahe sa highway maging makakasalubong wala. Alas nuwebe pa lang ngunit maging ang mga establisyemento sa gilid ng highway walang bakas na may tao. Bagama’t lahat ng mga iyon nakabukas ang mga ilaw. Sa kyuryosidad ni Helen pinahinto nito kay Eric ang kotse. Iginilid ni Eric ang kotse sa isang restaurant sa tabi ng daan. Pagkababa ng kotse agad na tiningnan ni Eric ang naturang restaurant si Helen naman nilapitan ang isang truck at ang kotse na tila naggitgitan.
“Nasaan na ang mga tao rito? Bukas naman pala itong resto pero bakit walang tao. Tsaka may mga pagkain pa sa mga lamesa, pero ang iba nagkalat na sa sahig. Ano kaya ang nangyari rito bakit wala man lang kahit isang bakas ng tao ang nandito? Sa katabing convenience store baka may tao dun. Makapagtanong nga.” Sa isip ni Eric habang sinisilip ang loob ng restaurant na iyon.
Pinuntahan naman nito ang katabing convenience store ngunit wala rin itong makitang tao sa loob, ngunit kapansin-pansin ang mga nagkalat na mga paninda sa counter area at ang gumagana pang slush machine. Liban dun wala na itong nakita pang sinyales na nilooban ang lugar. Bago lumabas nag dispense muna ito ng kape sa coffee maker tsaka nag-iwan ng pera sa counter top. Palabas na ito ng convenience store nang mapansin nito sa sahig ang isang cellphone na tila naka record pa ang video. Kinuha iyon ni Eric at nahintakutan ito nang ma-i playback nito ang video. Dali-dali itong lumabas ng convenience store dala ang cellphone.
Maging si Helen may nakita ring kahina-hinala sa mga nilapitan nitong mga sasakyan. Saktong pabalik na ito ng kanilang kotse nang makasalubong nito si Eric na nagmamadali at balisa.
“Helen sa tingin ko hindi lang sa bayan ng Claridad nangyari ang pagkawala ng mga tao. Kundi pati rito ganun din. Tingnan mo itong video sa cellphone na napulot ko.” Ani ni Eric sabay pakita kay Helen ang naturang video sa hawak na cellphone.
“Ano ang mga nilalang na iyan?” Tanging nasambit ni Helen na halos namilog ang mga mata sa kilabot habang pinapanuod ang video.
Sa naturang video malinaw na nakuhanan ang ilang mga nilalang na may kulay itim na balat walang mga mukha ngunit nakakatakot ang mapupula nilang mga mata, may malalaking mga sungay at buntot na parang sa demonyo. Umuusok ang kanilang katawan na tila sumisingaw sa kanilang mga balat ang init. Isa-isa nila nilulukuban ang mga tao hanggang sa mapulbos ang mga katawan nito. At kasabay ng kanilang pagkawala nawawala rin ang mga tao.
“Nagsisimula na sila. At may mga susunod pa.” Biglang sabat ni Paco sa likuran ng dalawa.
Lumabas din pala si Paco para suriin din ang paligid. Nakaluhod ito habang kinakapa kalsada na tila ba pinapakiramdaman ang daan tsaka tumingala sa buwan.
“Ano ang mga nilalang na ito at ano ang ginawa nila sa mga tao?” Tanong ni Helen.
“He’ll Knights, Sa mga matandang kasulatan at itim na libro ng mga karunungan kilala sila bilang mga Ashen.” Tugon ni Paco.
“At bakit nila kinuha ang mga tao rito?” Tanong ni Eric.
“Hindi lang dito, kahit saan na gusto nila ito rin ang gagawin nila. At hindi sila hihinto hangga’t may makukuha sila.” Sagot nito.
“Ano ang gagawin nila sa mga kinukuha nilang mga tao? Patay na ba silang lahat?” May pangamba sa tanong ni Helen.
“Katauhan lang ang nawala sa kanila ngunit hindi sila pinatay. Hinahanda lamang sila para sa nalalapit na pagbabalik. Kinakailangan nila lumikha ng mga hukbo sa ibabaw ng lupa upang mabilis na maipakalat ang kasamaan. Kaya tao ang magiging sandata niya sa kanyang pagbabalik.” Ani pa ni Paco.
“Kailangan na natin makarating ng San Gabriel Eric. Kinakabahan na ako sa mga nangyayari sa paligid natin. Paco, I mean Joshua tara na bilisan na natin.”
Agad na bumalik ng kotse ang tatlo, tulog parin si Nicodemus nang sumakay sila.
“Grabe naman itong si tito, ang sabi idlip lang pero hanggang ngayon tulog pa.” Ani ni Eric.
“Hayaan mo na si prof matanda na kasi kaya mabilis mapagod. Kung gusto mo ako na muna magmamaneho, pahinga ka muna.” Sabat ni Helen.
“Ako na, sasabihan na lang kita kapag hindi ko na talaga kaya.”
Balik ng San Gabriel; Pagkababa ni Mina ng kotse nakita agad nito si Bryan na kausap ang paring si Rigor. Lumapit ito sa dalawa. Napansin naman agad siya ng pari kaya binati siya nito ng una. Napalingon naman si Bryan sa kanya tsaka napangiti.
“Good evening din sayo father”. Pagbati ni Mina.
“Pasensya na kung hindi agad tayo nagkakilanlan ng mabuti kanina. Ngayon lang nag sink in sa akin ang sabi ni Bryan na fiancé ka pala niya. Alam mo ba na kababata ko itong mapapangasawa mo Mina? Halos kasabayan ko na siyang lumaki dito noon. Nagkalimuntan lang kami nito after highschool nung nag college na ito sa Manila. And for so many years ngayon lang ulit kami nagkita. Sabi ko nga sa kanya kung puwede umextend muna kayo ng mga ilang araw pa, pero sabi niya nagmamadali ka na raw umuwi.” Wika ni Rigor kay Mina.
“Sorry father, pero may mga naiwan pa kasi akong mga trabaho dun. Hindi naman po puwedeng pabayaan ko iyon. I’m sure naman hindi pa ito ang huling balik namin dito father.” Tugon ni Mina.
“Pero hindi ba at alanganing oras na ang pagbalik niyo ng Maynila. Gabi na masyado at hindi pa maliwanag ang daan pababa ng tulay dahil sa mga nasirang mga poste ng ilaw sa highway. Bukas na kaya kayo umuwi.” Ani pa ni Rigor.
“Iyon nga din sana ang sasabihin ko sa kanya Rev. Eh kilala ko itong mapapangasawa ko mahirap baliin ang gusto nito. Magtatalo lang kami nito kapag sinuway ko.” Sabat ni Bryan na nakangiti.
“Kung gusto mo pa na mag stay dito, hindi naman kita pipigilan. Pero pahiram muna ng kotse mo at uuwi na kami ng anak ko. Bibigyan na lang kita ng pamasahe at mag commute ka na lang pa maynila.” ( Ang nainis na sagot ni Mina sa sinabi ni Bryan sabay kuha ng pera sa wallet nito tsaka inabot sa lalake.) “I’m sorry father pero kailangan na naming umalis, ikaw na ang bahala sa kanya. Kababata mo naman iyan.” Wika pa ni Mina tsaka bumalik ng kotse matapos kunin kay Bryan ang susi ng kotse nito.
Biglang nahiya si Bryan sa harapan ni Rigor sa ikinilos ni Mina at sa sinabi nito. Sinundan nito ang babae sa kotse.
“Teka lang babe, Mina… Ano ba ang nangyari sa iyo bakit bigla ka na lang nagalit? Hinihiya mo naman ako sa harapan ng pari.” Tanong ni Bryan kay Mina.
“Hindi ako galit Bryan. Ang gusto ko lang makaalis na rito sa lugar na ito. Hindi na ako kampante dito. Pero kung gusto mo pa mag stay dito, fine with me. Dumito ka hanggat gusto mo but ako ayoko na. Uuwi na kami.” Sagot ni Mina, na hindi na mapakali sa lugar.
“Aalis naman talaga tayo pero kalma lang naman. Magpapaalam lang ako kay Rev Rigor tapos aalis na tayo.” Ani Bryan.
Hindi na tumugon si Mina at pumasok na nga ito ng kotse. Binalikan naman ni Bryan si Rigor, at matapos magpaalam sumunod agad ito sa kotse tsaka pina-andar ito para umalis. Kumaway pa ang pari sa kanila nang paalis na ang mga ito. Ngunit habang papalayo sila roon, biglang napabalikwas ng lingon si Joshua sa kinatatayuan ni Rigor. Nagtaka naman si Tyler sa tila pamimilog ng mga mata ng kaibigan.
“Bakit tol, ano ang nakita mo?” Tanong ni Tyler kay Joshua habang nakatingin din sa pari.
“Si Carlitos nakatingin siya sa atin habang naka ngisi.” Sambit ni Joshua.
“Nasaan si Carlitos tol, wala naman ah.”
“Sa tabi ng pari, naroon siya nakatingin dito.”
Ngunit kahit anong hanap ni Tyler wala itong nakikitang katabi ang pari. Solo lang na nakatayo si Rigor malapit sa bakuran ng barangay hall sa tabi ng bahay ng kapitan. Napansin ni Mina ang dalawa kaya sinaway niya ang mga ito.
“Mommy iwan niyo na lang ako rito.” Wika ni Joshua.
“Joshua tapos na tayo diyan. Sasama ka sa akin pauwi. Walang maiiwan dito. Tsaka tigilan mo na iyang kakaimbento ng mga kung ano-anong kalokohan na iyan. Tama na!, ayoko nang makarinig ng kahit ano… pakiusap lang!” Ang galit na tugon ni Mina sa anak.
“Babe galit ka na naman. Puwede ba kumalma ka muna. Kanina ko pa napapansin na hindi ka mapakali. Pabalik na tayo ng Maynila kaya kalma na. Pati ang anak mo hinihiritan mo na ng galit. Siya nga pala Joshua pinabibigay ni father Rigor sa iyo. Kailangan mo raw ito.” Sabat ni Bryan.
Inabot nito kay Joshua ang isang bagay na nakabalot sa itim na papel na pambalot. Kuwadrado iyon, at sa pagdampi pa lang nito sa kamay ni Joshua may kung ano na itong naramdaman. Kinutuban ito kaya agad niya pinilas ang nakabalot sa bagay na iyon. At laking gulat nila ni Tyler nang makita ang laman nun.
“Ang journal iyan tol.” Bulalas ni Tyler na nang hilakbot pagkakita niya sa journal.
Napalingon din si Mina sa dalawa nang malaman ang bagay na iyon. At galit ni Mina bigla na lang nito hinablot kay Joshua ang journal tsaka inihagis palabas ng kotse. Nagulat si Joshua sa ginawa ng ina. Parang nais din niyang lumabas nun ng kotse para agapan ang journal. Nanginginig sa galit si Mina na pinagsabihan si Joshua. Inaawat naman ito ni Bryan dahil nasasagot na ni Joshua ang ina.
“Mina ano ba ang nangyayari sa iyo bakit bigla ka na lang nagkakaganyan? Tsaka bakit mo na naman itinapon ang bigay ng pari sa anak mo? Gets ko na buntis ka, at pilit ko iniintindi na part lang iyan ng pagbubuntis mo, pero sobra namang tantrums iyan babe.” Ani ni Bryan.
“Tantrums? Sa tingin mo nagtatantrums lang ako? Bryan kanina pa ako natatakot, kanina pa ako kinakabahan. Alam mo kung bakit? Dahil sa mga pinagsasabi ng dalawang ito, tungkol sa mga demonyo, tungkol sa kung sinong nilalang na iyan na babalik, tungkol sa tang inang journal na iyon! At alam mo rin ba na ang lahat ng mga namatay lately ay mga kaklase at kaibigan pala ng mga ito. Now tell me kung hindi ka magagalit… tapos sasabihin pa sa iyo na ang nasa tiyan ko ang magiging katawan at laman ng isang halimaw sa kanyang pagbabalik. Kakalma ka pa ba niyan ha?!” Tugon ni Mina.
“Mommy kaya nga hayaan mo na ako na ayusin ito. Nasa journal na iyon ang sagot sa lahat ng ito. Tito Bry, balikan natin ang journal.” Wika ni Joshua.
“No!!! Diretso mo lang Bryan. Huwag ka makinig sa kanya. Joshua please, parang awa mo na stop all these nonsense. Kung gusto mo akong tulungan, tumigil ka na. Ayoko nang makarinig pa nang kung ano-ano. Pagbalik natin ng Maynila, I’ll will send you to Canada sa tito Dindo mo. Doon ka na rin mag-aaral.” Sabat ni Mina.
“But I don’t want there mommy. At kahit na ilayo mo pa ako, mangyayari parin ang nakatakda. Dahil naiguhit na iyon sa palad mo. Mommy hindi natin matatakasan ang sumpa pero maari natin pigilan na huwag mangyari. Nasa journal na iyon ang sagot.” Pamimilit pa rin ni Joshua.
“Mina, pagbigyan na lang natin si Joshua. Sa totoo lang nasabi na sa akin ng anak mo ang ginawa nila sa guho dito sa San Gabriel pati ang ugnayan nila sa mga natagpuang mga biktima. I was skeptical pa at first nang marinig ko ang kanilang mga kuwento. Pero base of what i’ve experienced at sa nangyari sa atin nung nagpaikot-ikot lang tayo ng San Gabriel, it made sense. Baka nga totoo ang mga bata. I know na nakakatakot at nakakabahala, pero if this is the fate na nakapasan sa atin we need to face it at hanapan ng sagot. Tama si Joshua hindi ito matutuldukan kung iiwas na lang tayo.” Saad pa ni Bryan.
Ngunit hindi kinagat ni Mina ang komento nito. Sarado na ang isip ng babae sa opinyon ng iba at nais lang nito na makatakas sa puntong iyon. Tutol man, wala na rin nagawa si Bryan kundi ang pagbigyan si Mina alang-alang sa kalagayan ng babae. Ngunit laking panghihinayang ni Joshua sa muling pagkawala ng journal. May pagtatampo man ito sa ina ngunit naiintindihan naman nito na nais lang ni Mina na siguraduhin ang kaligtasan nito at ng magiging kapatid nito. Matiwasay na nakalabas ng San Gabriel ang apat nasa bungad na sila ng kongkretong tulay na tumatawid sa malawak at malalim na ilog sa ibaba. Mula dun kapansin-pansin na ang madilim na paligid. Tanaw man ang buwan at maaliwalas ang kalangitan hindi parin iyon sapat para bigyan ng tanglaw ang madilim na kalsada. Tanging ang ilaw lamang ng kotse ang gabay ng apat sa pagbaybay ng kahabaan ng tulay. Mag aalas diyes na ng gabi kung kaya’t madalang na ang nakakasalubong nilang mga sasakyan at motor.
Nasa kalagitnaan na sila nun ng tulay nang mapahinto si Bryan.
“Ano ang mga iyan?” Bulalas nito.
Bigla na lang napasigaw sa takot si Mina nang makita rin nito ang tinutukoy ni Bryan.
“Sir Bryan balik na po tayo!” Sigaw ni Tyler.
“Tito sige na bumalik na tayo, dali!!!” Sigaw din ni Joshua.
Nang makitang papasugod na sa kanila ang nakikita nilang mga nilalang na naroon sa kabila ng tulay, agad ibinalik ni Bryan ang kotse sa kanilang dinaanan. Ngunit sa halip na bumalik ng San Gabriel dumiretso ng takbo si Bryan.
WRONG TURN
Mabilis na ipinihit ni Bryan ang manibela ng kotse pabalik sa kanilang dinaanan tsaka pinaharurot ito ng mabilis. “Saan tayo pupunta Bryan?!” Tanong ni Mina na nangangatog parin sa takot.
“Tito bumalik na lang tayo ng San Gabriel.” Ani ni Joshua.
“Hindi na rin ligtas ang bumalik pa. Malamang naroon na ang kung anong mga nilalang na iyon doon. Sa circumferential highway tayo dadaan pabalik ng Manila. Mapapalayo nga lang tayo pero atleast hindi na natin makakasalubong ang mga iyon.” Tugon ni Bryan.
“Sir Bry mukhang hindi na sila nakasunod sa atin.” Sambit ni Tyler.
“Diyos ko ano ba kasi ang mga iyon?” Ang tanong ni Mina.
“Hindi ko alam, ngayon ko rin lang nakita ang mga iyon pero sure ako hindi iyon mula dito sa mundo natin. Joshua, may kilalaman ba ang mga iyon sa mga sinasabi niyo sa akin tungkol sa guho?” Wika pa ni Bryan tsaka tinanong si Joshua.
“Hindi ko alam tito, pero posible…kung hawak ko lang sana ang journal na iyon. Malalaman natin ang sagot.” Sagot ni Joshua.
“Eh wala na tol, naitapon na ni Tita Mina ang journal.” Sabat ni Tyler.
“Journal na naman? Joshua ano ba talaga ang meron sa journal na iyon ha?! Ano pa ang mga tinatago niyo sa akin?! Ano ang tungkol sa guho?! Ano ang meron dun?” Ang galit na bulyaw ni Mina sa anak.
“Nasa journal na iyon ang lahat ng sagot sa mga katanungan mo mommy. Nakasulat din dun ang tungkol sa iyo. Dahil pagmamay-ari ni lolo ang journal na iyon mommy. Ang ama ni daddy. Bago pa mangyari ang lahat ng ito, nagbabala na si lolo sa journal. Ngunit hindi lahat ng pahina roon nabasa ko. Nakatago kasi sa ibang linguwahe ang mga nakasulat na mensahe. Ang iba tila sinadya pa ni lolo na guluhin upang hindi agad maintindihan.” Pahayag ni Joshua.
Nagtaka si Mina kung paano nasambit ng anak ang tungkol sa lolo nito gayung kailan man ay wala itong alam tungkol sa sariling ama at sa pinanggagalingan nito.
“Paano ka nakakasiguro na lolo mo nga ang may ari ng sinasabi mong journal? Nagusap ba kayo at ibinigay niya iyon sa iyo ng kusa? Matagal na tayong kinalimutan ng ama mo, kaya paano mo nasabi na sa lolo mo ang journal na iyon? Ni ang anino nga ng ama mo hindi ko na nakita nung binuntis niya ako.” Litanya pa ni Mina na ramdam ang bigat ng saloobin sa ama ni Joshua na nang-iwan sa kanila noon.
Tumahimik si Joshua—may kinuha ito mula sa bulsa ng kanyang bag. Ang larawan na nakita nito mismo sa loob ng journal nung nakita niya ito. Agad niya ito inabot kay Mina, at nang makita ito ng ina napatingin si Mina kay Bryan. Tila nakatingin ang babae sa nakaraan habang pinagmamasdan ang larawan. Kamukhang-kamukha kasi nito ang ama ni Joshua nung mga araw na naging kasintahan niya ito.
“Isa lang ang paraan para maliwanagan tayo sa mga kaganapang ito. —Kung buhay pa ang ama ni Joshua, kailangan natin siyang makita. Dahil wala na ang journal, siya na lang ang posibleng pag-asa natin. Baka may alam din siya sa mga nangyayari ngayon.” Komento ni Bryan.
“Mommy, buhay pa kaya si daddy?” Tanong ni Joshua sa ina.
“Naglaho na nga lang iyon bigla eh. Hindi na nagparamdam kahit nung ipinanganak kita. Kung buhay man hanggang ngayon ang ama mo, walang kasiguraduhan kung naroon pa iyon doon sa lugar nila. Sinubukan ko na noon pero wala akong napala.” Sagot ni Mina.
“Baka ngayon meron na, saan ba ang lugar ng ama ni Joshua?” Wika ni Bryan.
“Pampanga”—agad na sagot ng babae.
“So, sa Pampanga tayo.” Sabat ni Bryan.
“Paano ang trabaho ko, hindi ako puwedeng mawala sa show ko. Tsaka ikaw may trabaho ka rin. Bumalik muna tayo ng Maynila tsaka pagplanuhan ang bagay na ito.—kung tama pa ba na balikan pa natin ang nakaraan. Dahil kung ako lang ayoko nang pag-ukulan pa ng oras ang mga bagay na ito.” Ang pagtutol ni Mina sa balak ni Bryan.
“Napasubo na tayo sa sitwasyon na ito, sa kasamaang palad sangkot na tayong lahat sa kung ano mang misteryo ang nangyayari ngayon sa atin. Wala na tayong choice kundi ang resolbahin ang lahat ng ito. At wala tayong matutumbok na konklusyon kung hindi natin babalikan ang pinag-ugatan nito. Kung sa lolo nga ni Joshua ang journal na iyon, malamang may alam din dun ang ama ng anak mo. Pero tama ka, kailangan natin paghandaan at pagplanuhan ang lahat. Babalik muna tayo ng Maynila.” Ang pagsang-ayon naman ni Bryan sa babae.
Naging maayos ang kanilang biyahe hanggang sa makalampas na nga sila ng circumferential highway at malapit na nga sila sa bungad ng siyudad. Sa haba ng kanilang biyahe inabot na sila ng alas dos ng madaling araw sa daan. Nakatulog narin ang dalawang binata sa likod ng kotse. Habang ang dalawa Mina at Bryan ay masinsinang pinag-usapan ang tungkol sa nabanggit ni Joshua tungkol sa magiging anak nilang dalawa. Sa pahayag ni Mina, napakunot ng noo si Bryan. Maging siya ay nangangamba sa kaligtasan ng magiging anak nito kay Mina. Kaya suntok sa buwan man ang gagawin nila, disidido itong gawin ang lahat para sa sariling anak.
“Walang sino man ang makakagalaw sa inyo ng anak ko. Haharap muna sila bangkay ko bago nila kayo makuha sa akin. At kung sino man ang demonyong tinutukoy nila Joshua, wala akong paki-alam sa kanya kung ano pa siya—ibabalik ko siya sa impyernong pinanggalingan niya sa ano mang paraan.” Wika pa ni Bryan.
“Ayoko mang isipin na totoo ang sinabi ni Joshua, natatakot pa rin ako Bry. Paano kung ang nakasalubong natin kanina na humahabol sa atin—iyon pala ang tinutukoy nila na kukuha ng baby natin sa akin. At ang panaginip kong iyon, baka babala na iyon sa mangyayari sa akin.”
“Magdasal ka lang at magtiwala sa Diyos hindi niya tayo pababayaan. Walang mangyayari sa inyo.”
Tanaw na ni Bryan ang siyudad ngunit dahil sa haba ng biyahe nakaramdam ng gutom ang dalawa. Isang bukas na kainan sa gilid ng convenience store ang nadaanan nila. Isang paresan sa gilid ng highway ang hinintuan ng kotse nila. Madaling araw na ngunit marami parin ang kumakain dun. Karamihan mga motorista na palabas at papasok ng Maynila na doon dumadaan. Ginising ni Bryan ang dalawang binata para bumaba saglit at para makakain muna. Naunang bumaba ng kotse si Mina na sandaling nagpaalam muna kay Bryan na may bibilhin sa katabing convenience store at para na rin makibanyo.
Pumayag naman si Bryan dahil malapit lang naman ang pupuntahan ni Mina. Pagkapasok sa paresan kaagad naghanap ng mauupuan ang tatlo na malapit lang sa labas, para makikita agad sila ni Mina pagnakabalik ito.
“Sir ano po ang order niyo?” Tanong ng crew kay Bryan nang lumapit ito sa lamesa nila.
“Apat na pares tsaka tatlong extra na rice, softdrinks na lang din apat.” Sagot ni Bryan.
Tumango ang crew, sabay gawad ng nakakalokong ngiti sa lalake na hindi naman pinansin ni Bryan. Habang nakatingin ito sa labas ng kalsada, pasimple itong kinalabit ni Joshua sa kamay. Napabaling naman ito sa binata.
“Tito, umalis na tayo rito—hindi mga tao ang nandito.” Ang mahinang sambit ni Joshua kay Bryan na halos pabulong.
Nagtaka naman si Bryan sa sinabi sa kanya ni Joshua. Maging si Tyler napalingon na rin sa mga tao na nasa paligid nila. Wala naman itong nakikitang kakaiba sa mga iyon. Ganun din si Bryan, wala itong napansing mali sa mga kilos ng mga taong kumakain dun. Pero hindi kasi iyon ang nakikita ni Joshua. Sa paningin kasi ng binata, ibang mga nilalang ang nakikita nito sa mga tao. Sa mga mata ni Joshua, lahat ng mga iyon, kabilang na ang mga crew dun ay mga Ashen. Ang mga nilalang na nakasalubong nila at tinatakasan.
“Tol ano ba ang pinagsasabi mo? Wala naman kaming nakikita ah. Sino ba kasi ang tinutukoy mo?” Pabulong na sabi ni Tyler sa kaibigan.
“Paano mo ba sila nakikita? Bakit wala naman kaming napapansin sa paligid?” Pabulong din na tanong ni Bryan kay Joshua.
“Binabantayan nila tayo. Naririnig nila kayo, kaya sumimple lang kayo tito, Ty—umalis na tayo rito habang may pagkakataon pa. Mauuna ako sa kotse, sumunod na lang kayo.” Mahinang tugon ni Joshua sa dalawa.
Marahan na tumayo si Joshua, tsaka lumabas sa kainan na iyon na parang wala lang. Sumunod sa kanya si Tyler, ngunit bago pa man nakalapit sa bungad ng pintuan si Ty nilapitan na ito ng isang crew tsaka sita tinanong…“May kailangan po ba kayo sir?”
“Ah eh wala, may kukunin lang ako sa kotse.” Mabilis na sagot ni Tyler. Tsaka patakbo itong lumabas papunta sa kotse kung saan naroon na si Joshua.
Tumayo na rin si Bryan tsaka nag-abot ng pera sa crew ng kainan. “Ito ang bayad sa order namin, keep the change kakausapin ko lang ang dalawang iyon.” Wika pa nito tsaka lumabas na rin ng kainan.
Samantala, kakalabas lang din ni Mina mula sa banyo ng pinasukang convenience store nang mapansin nito ang ilan sa mga customer dun na nakatingin sa kanya habang nakangisi. Ipinagtaka iyon ni Mina lalo na at tila sinusundan siya ng mga ito ng mga tingin saan man ito pumunta. Kinabahan si Mina kaya sa halip na may bibilhin pa ito roon, hindi na niya nagawa dahil mabilis na itong lumabas ng tindahan. Sakto naman na nakaabang na sa labas sina Bryan. Sa kotse agad nito sinabi ang kanyang napansin. Nagkuwento rin si Bryan sa mga napansin ni Joshua sa kainan na iyon kung bakit umalis din sila nang di man lang nakakain.
“Dumeretso na tayo ng bahay, ipagluluto ko na lang kayo. Teka at tatawagan ko lang sila manang para makapaghanda sila. Siguradong tulog pa ang mga iyon.” Ani ni Mina.
Tinawagan nito ang kasambahay para ipaghahanda sila sa kanilang pagdating, ngunit wala man lang kahit isa sa mga kasambahay nito ang kanyang na kontak. Dahil madaling araw pa lang, inisip na lang nito na baka nga tulog pa ang mga ito. Habang binabaybay ang kahabaan ng mga kalsada sa Maynila, may napansin na naman sila.—kakaiba ang katahimikan ng mga daan sa mga oras na iyon. Kahit na madaling araw pa lang hindi ganun katahimik ang mga kalsada sa Maynila na halos wala talaga silang nakikitang mga sasakyan o mga tao sa kalye. Ang dating masikip na mga daanan dahil sa mga bus at jeep na nag-uunahan sa daan wala kahit isa. Tila inabandona ang kahabaan ng mga kalsada at maging ang mga bangketa sa mga gilid walang bakas ng mga tao. Tila winalis ang mga ito roon.
Samantala ligtas naman na narating nila Eric ang bungad ng tulay na nagdudugtong sa San Gabriel.
“Hindi mo pa rin ba ma-kontak si Bryan?” Tanong ni Eric kay Helen.
“Wala pa rin, hindi na nga nag-ri-ring ang numero niya. Maging ang mga ibinigay mong numero nila Joshua hindi rin matawagan. Grabe pala ang epekto ng bagyo rito, ilang mga poste rin dito ang pinadapa ni Uring.” Sabat ni Helen.
“Eric, mag-ingat ka sa pagdaan ng tulay, masyadong madilim ang bahaging ito.” Paalala pa ni Nicodemus na pasilip-silip sa labas ng binata ng kotse.
Nasa kalagitnaan na sila ng tulay ng pinahinto ni Paco si Eric. Nagtaka man, sumunod na lang ang lalake. Iginilid ni Eric ang kotse malapit sa railings ng tulay para huminto. Pagkahinto nga ng kotse agad na lumabas si Paco. Kina-gulat ng tatlo ang pagbaba ni Paco sa kotse kaya mabilis din sila sumunod sa binata.
“Paco, este Joshua ano ba ang nangyayari? Ano ang gagawin mo diyan?” Tanong ni Helen sa pamangkin habang sinusundan niya ito nang makitang papunta sa gitna ng tulay ang binata.
Dahil sa liwanag mula sa ilaw ng kotse na dala nila, tanaw ang gitnang bahagi ng tulay. Doon may pinulot na bagay si Paco. Hawak niya ito at mariing pinagmamasdan nang lumapit ang tatlo sa kanya.
“Ang journal ko—” sambit ni Paco habang binubulatlat ang bawat pahina ng hawak na journal.
“Ang journal nga iyan ni Joshua.” Ang pagsang-ayon naman ni Nicodemus nang makita ang hawak ni Paco.
“Paano napunta iyan dito sa gitna ng tulay?” Tanong naman ni Eric.
“Kung iyan nga ang journal mo, ano na ngayon ang susunod nating gawin?” Dagdag na tanong ni Helen.
“Nawawala ang ilan sa mga mahahalagang pahina ng journal. May pumilas ng mga pahinang iyon bago ito itinapon dito. Nakasaad doon ang mga huling ritwal para sa kanyang kaganapan. Kasama dun ang mga kataga para sa pagtawag ng mga sundalo ng impiyerno. Kung sino man ang may hawak nito nun, siya ang dahilan kung bakit gumagala ngayon dito ang mga Ashen.” Pahayag na sagot ni Paco.
“So ano na nga ang plano? Nandito na tayo sa San Gabriel hawak mo na rin ang journal, —paano natin pipigilan ang kanyang kaganapan?” Tanong ni Eric.
“Hanapin ang pinagpunlaan ng kanyang binhi at patayin. Sa ganun lang matatapos ang lahat. Kung wala na ang bunga, wala na rin siyang kakayahang magkatawang tao.” Sabat ni Nicodemus.
“Prof kung si Mina nga talaga ang tinutukoy nitong si Joshua sa journal, eh mukhang mahihirapan tayo sa lagay na iyan. Dahil ako mismo hindi papayag na umabot tayo sa ganun. Kakilala ko si Mina, at nobya siya ni Bryan prof, paano siya magiging punlaan ng binhi? Di ba nga may binago sa journal? Tsaka Joshua —naisulat mo ba talaga diyan sa journal mo ang pangalan ni Mina?” Ang di pagsang-ayon ni Helen.
“Di ba nga naisilang na noon pa ang sanggol na may tataglay ng kanyang marka tito? Naikuwento na iyon ni Joshua sa atin. Ibig sabihin wala na tayong hahanapin pa sanggol. Hindi na sanggol ang kailangan natin hanapin dito. Kundi ang tao na may marka nun. Iyon kung nabuhay nga iyon ang sanggol.” Komento ni Eric.
“Hindi niyo kasi naiintindihan ang ibig sabihin ni Joshua. Totoong naisilang na nga ang sanggol na iyon na may marka. Ngunit ang kanyang kaganapan ay sa taon pa lang ngayon magaganap. Ibig sabihin nabuhay ang sanggol na iyon at sa mula sa kanya manggagaling ang binhi na siyang magiging katawan ng siyang magbabalik. At hindi ko naman sinasabi na si Mina nga iyon. Kahit ako man nagdududa. Gaya nga nang nasabi ni Joshua may mga binago sa journal si Eusebio ngunit nakaligtaan nitong burahin ang nilalaman ng mantra at propesiya. At kung sino man ang nagtataglay ng binhi hindi pa natin alam. Nabanggit lang naman iyon ng anak niya base sa pagkakaintindi niya sa journal. Maaring nagkamali rin siya.” Tugon pa ni Nicodemus.
“Kung gayun lalo lang tayo mahihirapan nito. Saan naman natin hahanapin ang tinutukoy mo prof? —Joshua ikaw alam mo ba? At paano mo nasabing si Mina talaga eh hindi mo naman siya nakilala nung nabubuhay ka pa?” Sambit ni Helen.
“Nasa San Gabriel ang sagot sa mga katanungan niyo. Bumalik tayo kung saan naroon ang guho.“Ang tanging sagot lang ni Paco.
“Kung gayun halina kayo, nasa kabilang bahagi lang ng tulay ang San Gabriel. Tatapusin na natin ito.” Ani pa ni Eric.
Nagsisitilaukan na ang mga tandang nang makarating sila Bryan sa subdivision nila Mina. Pagkaparada sa tapat ng gate nila Mina, muling tinawagan ng babae ang mga kasambahay ngunit wala talagang tugon mula sa kanila. Kaya napilitan si Bryan na bumaba ng kotse para kalampagin sana ang gate nang mapansin nito na nakabukas naman pala ito. Kinutuban ng hindi maganda si Bryan. Bumalik ito ng kotse at pinaalam kay Mina ang natuklasan.
“Dito lang kayo, ako muna ang sisilip sa loob. Kung ano man ang mangyari, umalis na agad kayo tsaka tumawag kayo ng pulis. Iba ang kutob ko sa bahay —masyadong kahina-hinala ang katahimikan.” Wika ni Bryan kina Mina, nang kinuha ang baril sa lalagyan nito sa kanyang kotse.
Sa harapan pa lang ng pinto, pansin na ni Bryan ang sirang door knob. Palatandaan na puwersahan itong binuksan. Sinilip din nito ang mga bintana sa paligid at ilan sa bahagi roon ay mga basag. Sa likuran dumaan si Bryan kung saan napansin din nito ang bukas na bahagi ng kusina. Marahang pumasok dun si Bryan habang nakatutok ang hawak ng baril sa unahan nito. Dahil kabisado na rin nito ang bahay nila Mina hindi na nahirapan pa si Bryan na kapain ang switch ng kusina. At nang lumiwanag na ang paligid ng kusina, napamura na lang si Bryan sa kanyang naabutan. Mabilis itong binalikan sina Mina tsaka ibinahagi ang natagpuan sa bahay ng babae.
Agad itong tumawag ng respondeng pulis. Hindi na nito pinayagan sina Mina na usisain pa ang nakita sa loob ng bahay. Hinintay muna nila ang pagdating ng mga kapulisan at ambulansya bago silipin ang kung ano mang nakita ni Bryan. Nang dumating ang kapulisan at ambulansya na tumugon sa tawag ni Bryan tsaka lang nakita ni Mina ang sinapit ng mga naiwang kasambahay. Hindi matukoy kung ano ang nangyari sa mga ito. Base sa kanilang kalagayan walang bakas ng ano mang sugat sa kanilang mga katawan, ngunit ang kakaiba sa kanilang napansin ay halos tuyong-tuyo ang kanilang mga bangkay. Na tila ba sinipsip ang lahat ng likido meron sa kanilang katawan pati na dugo. At ang pangyayaring iyon ay hindi lamang kina Mina naganap dahil ilang kaparehong insidente rin ang nangyari sa ilang mga residente sa kamaynilaan.
At ang nakakagulat sa nalaman ni Bryan,— ang lahat ng biktima ay malapit na kaanak ng mga naunang kabataan na misteryosong pinatay.
“Hindi pa nga nalulutas ang krimen ng mga natagpuang bangkay ng mga kabataan, ito na naman ang nagpapakati ng mga ulo namin pare. Nitong hapon lang sampung katao na ang nirespondehan namin na ganyan din ang sitwasyon, ang nakakapagtaka lahat ng mga biktima related dun sa mga bangkay ng kabataang natagpuan natin. Ang sabi-sabi aswang daw may gawa niyan. Nakakatawa pero sino naman kasi ang normal na tao ang makagagawa ng ganyan?—ang kumakalat ngayon sa social media, mga alien naman daw. Ewan ko na nga ba kung ano ang nangyayari sa atin ngayon. Kani-kanina lang tumawag si Helen sa opisina,—” wika ni Alcantara.
“Nakalabas na pala si Helen?” Tanong ni Bryan.
“Tumakas ng ospital, Hindi na hinintay ang advise ng doktor. Nagalala din ako nung una, pero tumawag naman na ayos lang siya.” Sagot pa ng kasama.
“Ano daw ang itinawag niya sa iyo?”
“May ni-report siyang pangyayari, pina punta ang team ko dahil sa misteryosong pagkawala ng mga tao sa La Vista. Nung pinuntahan namin ang lugar, inabutan namin ang ilang mga sasakyan, kotse at mga trak doon na wala na ngang tao. Tila inabandona na lang basta sa kalagitnaan ng highway. Maging ang mga tindahan at establishimento sa gilid ng highway walang katao-tao kahit na ang lahat dun ay bukas pa. Ganun din ang nangyari sa ospital ng Claridad. Bigla na lang nawala ang mga pasyente matapos magkaroon ng brownout. Hanggang ngayon palaisipan pa rin sa amin ang mga kaganapang ito. Lahat na ng kapulisan sa kamaynilaan tinututukan na ito.” Kuwento ni Alcantara kay Bryan nang magkita ang dalawa.
“Nangyari ang lahat ng ito nitong araw lang?” Tanong ni Bryan na may pagkabahala.
“Yes pare, sunod-sunod nga eh. Hindi ko alam kung ano ba meron sa araw na ito. Natabunan na nga ang ibang kaso dahil dito eh. Ayoko mang paniwalaan ang mga haka-haka sa social media, pero parang kinakabahan na rin ako eh. Alam mo ba iyong rapture na sabi ng mga pastor. Narinig mo na ba iyon?” Tugon ni Alcantara.
“Narinig ko na nga iyon pare, bakit ano ang tungkol dun?”
“Hindi lang sa La Vista at sa Claridad nagkaroon ng ganito sa araw na ito pare. Maging sa ibang mga lugar sa Pilipinas may naglalabasang katulad din na balita sa online. At ang hot topic ngayon at trending sa lahat, ay posibleng ito na ang tinutukoy na rapture pare. Isa isa nang kinukuha ang mga tao na karapat-dapat bago linisin ang buong mundo.” Dagdag pa ni Alcantara.
“Huwag muna tayo maniwala sa mga lumalabas online pare. Maaring gawa-gawa lang ang mga ganyang balita para sakyan ang mga nangyayari upang bigyan ng takot ang mga tao. Naniniwala parin ako na may sagot ang lahat ng ito. —maiwan na muna kita pare, pupuntahan ko lang sina Mina.” Komento pa ni Bryan.
Nang iwan ang kasama, nilapitan naman ni Bryan sina Mina na naroon lang sa loob ng kotse. Tulala parin si Mina sa pangyayari. Balot na ito ng labis na takot at pagkabahala dahil sa mga sunod-sunod na kaganapan na nagdudulot sa kanya ng kilabot at kaba.
“Doon na muna kayo sa bahay ko. Joshua, tulungan mo muna ako kumuha ng ilang mga gamit ng mommy mo. Tsaka mga gamit mo na rin. Sa bahay na muna kayo hangga’t iniimbestigahan pa ang nangyari dito. Ty, ihahatid na rin muna kita sa tita mo baka nag-aalala na sa iyo iyon.”
“Naku sir, sasama na lang ako kina tita Mina. Nag usap na kami ni tol Joshua na walang iwanan sa adventure na ito. Diba tol.” Sabat ni Tyler kay Bryan.
“Hindi laro ang kinakaharap natin. Baka kung mapahamak ka pa lalo kung sasama ka.” Ani ni Bryan.
“Sagot ko si Ty tito, ako ang bahala sa kanya. Sasama siya sa akin.” Wika ni Joshua kay Bryan.
“Okay, sige dun ka na rin sa bahay. Bantayan mo muna rito si Mina babalik din kami agad ni Joshua.” Bilin ni Bryan sa binata.
“Bilisan niyo lang Bry, natatakot na ako sa mga nangyayari.” Sambit ni Mina.
“Matatapos din ito. Tsaka kumalma ka lang nariyan pa naman sina Alcantara—maghintay lang kayo rito. Ty ikaw na bahala sa tita Mina mo. Pag may napansin kayong kahina-hinala o kakaiba magsara agad kayo ng pinto ng kotse, di kaya humingi agad kayo ng tulong sa mga kasamahan kong pulis.”
“Copy sir, ako na po bahala kay tita Mina.”
Bumalik sa loob ng bahay nila Mina si Bryan kasama si Joshua. Habang naghihintay naman nun sina Mina at Tyler sa kotse sa labas ng gate. Dahil sa presensiya ng kapulisan at mga ambulansya na kumuha sa apat na bangkay ng mga kasambahay nila Mina, dumagsa ang mga nakiki-usyosong mga kapitbahay nila. Lahat bakas ang kilabot at pagkabahala sa nangyari. Habang nakahintay, dinatnan ng tawag ng kalikasan si Tyler kaya nagpaalam muna ito kay Mina para magbawas ng laman ng pantog sa tabi-tabi. Hinayaan naman ito ni Mina. Minuto lang ang lumipas mula nang pagbaba ni Tyler, mula sa mga kumpulan ng mga tao—may napansin si Mina.
Mula sa kotse, kita nito ang isang pigura ng tao sa gitna ng mga nagkukumpulan na tila ba nakatitig sa kanya ng matalim. Malayo ang distansya niya mula sa mga tao kaya hindi malinaw sa kanya ang mukha nung nakikita niya. Kinabahan na naman si Mina nang mga sandaling iyon lalo na sa kanyang pag-kurap bigla na lang nawala mula sa kinatatayuan nito ang taong nakita. Sa takot ni Mina agad nito sinara ang bintana ng kotse tsaka tinawagan si Bryan para padaliin ang mga ito.
Mabilis naman nakabalik sina Bryan at Joshua. Ngunit muli na naman nabalot ng kaba ang tatlo nang mapansin na hindi pa nakakabalik si Tyler.
“Ano ba ang sabi niya mommy?” Pag-aalalang tanong ni Joshua.
“Nagpaalam lang naman iyon na iihi, pinayagan ko. “ Sagot ni Mina.
“Baka nasa tabi-tabi lang iyon. Joshua samahan mo ang mommy mo rito, hahanapin ko lang si Ty.”
“Maghahanap na rin ako tito.”
“Wag na, dumito ka na lang sa mommy mo.”
Hindi pa man nakakaalis si Bryan para hanapin si Tyler— isang sigaw mula sa isang babae ang umagaw ng atensiyon ng lahat na naroon. Maagap naman ang mga pulis na naiwan dun kina Mina at sinundan ang pinanggagalingan ng sigaw. Maging ang mga tao na nakikiusyoso ay napasugod na rin kasunod ng mga pulis.
“Teka Bryan saan ka pupunta?” Pag-aalala na tanong ni Mina kay Bryan nang maglabas ng baril ang lalake.
“Dito lang kayo, titingnan ko rin kung ano iyon. Hahanapin ko na rin si Ty.” Tugon ni Bryan nang iwan sina Joshua at Mina.
Pagkaalis ni Bryan kaagad na isinara ni Mina ang pintuan ng kotse tsaka pinagbawalan si Joshua na lumabas.
“Sinusundan na nila talaga tayo mommy. At ang dinadala mo ang pakay nila.” Sambit ni Joshua habang nakabaling ang tingin sa labas ng bintana ng kotse.
“Puwede ba Joshua tama na! Dinadagdagan mo lang ang nararamdaman kong takot. Hindi kampon ng demonyo ang magiging kapatid mo! Walang makakagalaw sa kanya o makakakuha sa kanya sa akin. Kahibangan lang ang lahat nang sinasabi niyo. Kaya puwede ba ayoko nang makarinig ng ganyan sa iyo. Please lang.” Tugon ni Mina na dinaan na lang sa pasigaw at galit ang takot na bumabagabag sa kanya.
Si Bryan naman agad na sinalubong ang kasamahang si Alcantara na pailing-iling na hindi maipinta ang mukha mula mga kumpulan ng mga tao sa kabilang bahagi ng daan sa mismong parte ng bakanteng lote. Kasunod ni Alcantara ang tumatakbong si Tyler na papalapit din sa kanila, tulad ng pulis balisa at may bakas din ng takot ang mukha.
“Anong mero dun pare?” Bungad na tanong ni Bryan.
“Panibagong biktima pare. Katulad sa nangyari sa mga kasambahay ng fiancee mo. Sariwa pa ang bangkay, ngunit tuyong-tuyo.—Tumawag na ako ng reinforcement, para halughugin ang lugar. Marahil nasa paligid pa rin ang salarin nito. Kakaiba na nga ito pare. Hindi na ito pangkaraniwang kaso.” Wika ni Alcantara.
“Sir hindi tao ang may gawa nun. Nakita ko mismo kung paano niya pinatay ang babae. Tito, iyong mga nakasalubong nating mga nilalang—ang halimaw na iyon ang may gawa nun sa babae.” Bulalas ni Tyler na hingal na hingal na nagkuwento.
Pagkarinig ni Alcantara sa sinabi ni Tyler, nagtaka ito sa sinasabi ng binata. Napatanong ito kay Bryan kung ano ang tinutukoy na nilalang ni Tyler.
“Pare, anong halimaw halimaw ang pinagsasabi nito?”
“Kuwan pare, hindi ko alam kung maniniwala ka rito o hindi. Pababa na kami ng siyudad mula San Gabriel nang may nakita kaming mga nilalang na ngayon ko lang din nakita sa tanang buhay ko. Madilim sa daan kung saan namin sila muntikan na makasalubong kung kaya hindi malinaw sa akin ang anyo nila. Pero alam ko hindi sila mga tao, at hindi sila galing sa mundo natin. Hinabol pa nila kami nun kaya napilitan ako dumaan ng circumferential highway para lang makaiwas sa kanila.” Kuwento ni Bryan.
“Ano ang ibig mong sabihin pare?—mga alien ang nakita niyo? Alien ang may kagagawan ng mga pagpatay na ito?” Wika ni Alcantara, na may pagdududa ngunit may halong takot at pagkabahala sa mukha.
“Sir pulis hindi alien, isang halimaw —demonyo ang pumapatay. Kitang-kita ko ang anyo niya. Wala silang mga mukha ngunit nakakatakot ang mapupula niyang mga mata na nagbabaga sa dilim. Kulay abo at itim ang kanyang katawan, may dalawang sungay tsaka buntot na tulad ng sa demonyo tapos tila umuusok ang kanyang katawan na tila sumisingaw sa kanyang balat. Nang mapatay na niya ang babae agad din siya umalis at naglaho na lang bigla sa hangin.” Detalyadong kuwento ni Tyler.
“Totoo ba ang pinagsasabi mo?—demonyo ang may gawa nito?” Sambit na tanong ni Alcantara kay Tyler.
Maya-maya pa biglang nagpulasan na ang mga taong naroon. Nagsisigawan na at maririnig na ang takot sa kanilang sigaw. Nang mapabaling sa kanila ang tingin ng tatlo, namilog na lang ang kanilang mga mata sa nakita.
“Shhh…shit! Anong mga nilalang iyan?!” Tanging nasambit na lang ni Alcantara nang makita ang mga nilalang na inilarawan ni Tyler kanina na ngayon isa-isa nang inaatake ang mga taong nandoon.
“Halika na pare tumakbo na tayo bago pa tayo mapansin ng mga iyan!—Tyler bilis takbo na, puntahan mo na sina Joshua.” Sigaw ni Bryan na nagsimula ng tumakbo sa direksyon nila Mina.
Walang kawala ang mga taong maaabutan ng mga Ashen. Walang silbi rin ang mga balang pinakakawalan ng mga kasamahang pulis nila Alcantara, dahil hindi naman tinatablan ang mga Ashen. Saglit pa na natulala si Alcantara sa nakikita. Bumalik lang ito sa sarili nang marinig ang pagputok ng baril mula kay Bryan.
“Ano ba pare, tara na habang abala pa ang mga iyan sa kanila. Tayo na!!!” Sigaw ni Bryan sabay hila kay Alcantara.
Nakipagsiksikan na si Alcantara sa kotse ni Bryan. Mabilis naman pina-arangkada ng lalake ang kotse patakas sa lugar na iyon. Nang makalayo na sila lugar, muling tinawagan ni Alcantara ang station unit nila upang pabalikin ang mga tinawagan niya na reresponde pa sa subdivision na iyon.
“Anong sabi?” Tanong ni Bryan.
“Malas naka deploy na ang team papunta roon. Pero susubukan na lang nila kontakin para pabalikin sa istasyon.—pare ano ba ang mga iyon?” Wika ni Alcantara.
“Hindi kita masasagot diyan pare, dahil hindi ko rin alam kung ano ang mga nilalang na iyon.” Sagot ni Bryan.
“Sure ba kayo na hindi nila tayo nasundan ng mga iyon?” Ang nanginginig sa takot na si Mina.
“Malayo na tayo dun, at malapit na rin magumaga. Alas kwatro na, maya-maya may araw na. Sa tingin ko naman hindi na sila aatake pag maliwanag na.” Tugon ni Bryan.
“Pare, idaan mo na lang ako sa station natin— kailangan ko ma-ireport ang mga nangyari dun. Para pa alertuhin narin ang iba sa posibleng banta ng kung ano mang mga nilalang na iyon.” Wika ni Alcantara.
“Sige pare, magkita na lang din tayo bukas.”
Sa mga oras naman na iyon nasa bungad na ng San Gabriel sina Eric nang may nakasalubong silang jeep na kargado ng mga kagamitan pababa mula sa mismong baryo. Nang magtapat na ang jeep at ang sinasakyan ng apat, huminto ang jeep tsaka sumilip ang drayber nito para usisain ang kotse nina Eric. Ibinaba naman ng lalake ang bintana ng kotse para batiin ang drayber ng jeep nang binalaan sila nito.
“Huwag na kayo tumuloy kung nais niyo pang makaalis ng buhay. Umalis na kayo!” Sigaw ng drayber ng keep kay Eric, tsaka muli itong umandar, at nagpatuloy sa pagbaba.
Pansin din ni Eric ang mga mukha ng mga sakay ng naturang jeep. Lahat nakatingin sa kanya na may pagbabanta ngunit bakas ang takot sa kanilang mga mata.
“Ano raw ang sabi ng manong?” Tanong ni Helen kay Eric.
“Hindi ko gets, pero nagbabala siya na huwag na tayo tumuloy ng San Gabriel.” Sagot ni Eric.
“Nararamdaman ko mukhang mabigat nga ang enerhiyang sumasalubong sa atin. Pero kailangan natin ng sagot sa mga nangyayaring ito. Maghanda na lang tayo at manalangin na bigyan tayo ng kaligtasan sa misyong ito.” Sabat ni Nicodemus.
Kinakabahan man buo na ang loob ni Eric na harapin ang lahat. Umusad sila hanggang sa pinaka sentro na talaga ng baryo. Sumisilip na ang liwanag ng araw sa paligid nang dumating sila. Maingay na ang tilaok ng mga manok, bagama’t tahimik pa ang paligid may mga nakikita na silang mga tao na palakad lakad sa daan. Ngunit ang ipinagtataka nila Helen, ang mga taong nakikita nila at nakakasalubong sa daan, lahat may mga bitbit na bagahi na ang karamihan tila mga pamilya pa.
“Bakit tila lumilikas ang mga tao?” Tanong ni Helen base sa mga napapansin nito.
“Tsaka pansinin mo ang mga mukha nila tila may kinatatakutan. Balisa ang mga kilos nila at lahat nagmamadali.” Ani pa ni Eric.
“Dumeretso tayo ng simbahan.” Biglang sabi ni Paco.
“Bakit sa simbahan? Hanapin na muna natin kung saan naroon sina Bryan.” Sabat ni Helen.
“Ang mabuti pa Eric iliko mo sa kalsada na iyan ang kotse. Hihingi tayo ng tulong sa kapitan nila rito. Dun na rin muna tayo magtanong-tanong.” Suhestiyon naman ni Nicodemus.
Sumunod naman si Eric sa tiyuhin hanggang sa narating nila ang barangay hall ng baryo. Dun napansin nina Eric ang mga kabaong na pinaglalamayan sa kapilya malapit sa barangay hall. Kakaunti lang ang mga taong nandoon. Na karamihan mga kamag-anak ng mga nakaburol. Agad sila nakita ni Tilyo at nilapitan.
“Ano ang kailangan niyo rito?” Tanong sa kanila ni Tilyo.
“Kuwan, mga kaibigan kami ni Bryan iyong pulis na pumunta rito. Kasama nung reporter na si Mina Sanchez.” Sabat ni Helen kay Tilyo.
“Kakilala pala kayo nila ma’am Mina.—nagkasalisihan yata kayo.” Wika ni Tilyo.
“Anong ibig mong sabihin pare?” Tanong ni Eric.
“Wala na sila rito, kagabi pa sila umalis pabalik na yata sila ng Maynila. Mukhang malayo pa ang biniyahe niyo, doon na muna kayo sa barangay hall nang makapagpahinga muna kayo.” Ani ni Tilyo sa kanila.
Nagkatinginan na lang sina Eric at Helen nang malaman na wala na dun sina Mina at Bryan. Gayunpaman dahil na rin sa pagod sa magdamag na biyahe nakituloy muna ang apat sa barangay hall kung saan agad naman sila inasikaso ni kapitan Dantoy.
The BEGINNING
Kakasikat pa lang ng araw- takot at pagkagimbal na ang bumungad sa kalakhan ng Maynila. Dahil sa mga nangyaring patayan nang nakaraang gabi, dulot ng mga misteryosong nilalang na tinawag ng karamihan na mga “life suckers”. Pagkabalisa at pangamba ang bumalot sa bawat pamilyang nakakita at nakarinig sa balita. Marami ang nag-sidagsaan sa mga mall kahit sarado pa ang karamihan sa mga ito. Lahat balot ng takot ang mga sarili. At sa sobrang dami ng mga taong nais makapasok ng mall, hindi na nagawa pang kontrolin ng mga nagbabantay nito ang pagdagsa ng mga nagpupumilit makauna sa pila. Ang iba nagawa nang manira ng mga salamin lamang makapasok sa loob. Naging madugo ang salubong ng araw nang magkaroon stampede sa bawat mall sa kalakhang Maynila. Mapa-maliit o malaking mall lahat dinumog ng mga tao. Nagkaroon ng panic buying sa lahat ng dako. Ang iba nag-aagawan na ng mga supply. Maging ang mga botika at mga gasolinahan ay rin nakaligtas sa paghaharap ng mga taong balisa. Kaguluhan at karahasan ang bumulagang tanawin sa bawat daan, kalye at sa kasuluk-sulukan ng Maynila. Na maging ang mga kapulisan ay hirap nang apulahin ang mga nagpapanik na mga tao. Dagdag pa sa takot ng mga tao ang kumakalat na balita online tungkol sa katapusan ng mundo. Nagsilabasan na rin sa mga kalye at daan ang mga miyembro ng mga grupong nagpapakilalang mga satanista, karamihan sa kanila gumagawa ng mga gulo sa lugar saan maraming taong nagkakagulo.
Sa ilang minuto pa lang na nagdaan, mistulang war zone na ang karamihan sa mga malalaking kalye. Ang dating matiwasay na mukha ng siyudad, ngayon naging mukha na ng karahasan at takot.
“Balot na ng takot ang mga tao dahil sa kumakalat ngayon na balita tungkol sa katapusan na ng mundo. Hindi na makontrol ang mga tao sa pagpapanic buying. Ilang mga mall na ang napabalitaang nasira na ng mga tao. Siksikan na rin ang mga express highways palabas ng Manila sa mga motoristang nais makalabas at makatakas sa lugar. Nagpadala na ng army at reinforcement ang presidente para pigilan ang nakikitang gulo. Ngunit sa tingin ko, at sa obserbasyon namin dito mukhang ito na nga ang simula ng pinangangambahan ng karamihan na katapusan. Daig pa nito ang pandemic at crisis sa gasolina. Para sa susunod na update, Charles Hernandez nag-uulat.”-bungad ng balita sa telebisyon ng araw na iyon.
Lalo lang nadagdagan ang takot ni Mina sa kanilang napanood. Maging si Bryan napasapo na lang ng palad sa mukha dahil sa nangyayari.
“Ano na ang nangyayari sa atin? Lahat nagkakagulo na.” Sambit ni Mina.
“Kumalma ka lang babe, makakasama sa baby natin ang stress.” Sabat ni Bryan.
“Sino ang hindi ma i-stress sa nangyayari sa paligid natin? Nagkakagulo na ang lahat Bryan. At paano kung ang lahat ng ito ay dahil talaga dito sa dinadala ko-”
“No!-walang kinalaman dito ang magiging anak natin. Hindi siya ang dahilan ng lahat ng ito.” Ang mariin na paniniwala ni Bryan.
“Pero paano mo maipaliwanag sa akin ang lahat ng ito? Ang panaginip ko… Ang mga halimaw na iyon na humahabol sa atin… Ang sinasabi ni Joshua.-Bryan natatakot na akong talaga.” Napakapit na lang sa braso ng lalake si Mina sa labis na pagkabahala.
“Tandaan mo ito, -walang masamang mangyayari sa inyo. Poprotektahan ko kayo sa abot ng lakas ko.” Saad pa ni Bryan na niyakap na lang si Mina.
Kung sa takot lang doble ang nararamdaman na takot ni Bryan para sa kanila. Hindi lamang niya ito maipakita kay Mina dahil alam niya na siya lamang ang mahuhugutan ng lakas ng babae. Habang nag-uusap ang dalawa, nakarinig ng mga ingay sa labas si Bryan kaya napasilip ito ng bintana.
Napakunot ang noo nito nang makita ang mga kaganapan sa labas. Marami sa mga kapitbahay nito ang nasisi-alisan na sa kani-kanilang tahanan. Ang iba kahong-kahon na mga pagkain at mga emergency supplies naman ang laman ng mga sasakyan na pinapasok sa kani-kanilang mga bahay. Doon na napagtanto ni Bryan na seryosong sitwasyon na talaga ang nangyayari, at kung hindi ito kikilos baka lalo lang silang malagay sa alanganin. Agad nito kinuha ang jacket sa loob ng kanyang silid at dalawang malalaking bag.
“Saan ka pupunta?” Tanong ni Mina.
“Kailangan natin ng dagdag na mga pagkain at supplies dito sa loob. Tsaka mga pang emergency na rin. Hindi natin alam ang mangyayari pagsapit ng dilim, kaya dapat handa rin tayo.” Tugon ni Bryan.
“Sasama ako. Mas marami tayong mabibitbit kapag dalawa tayo.”
“Kaya ko na ito. Dumito ka na lang…baka hanapin ka pa ng anak mo pag nagising ang mga iyon.”
“Nakapag prep na ako ng almusal nila. Sige na pumayag ka na. Mas may alam ako sa grocery. -halika na baga wala ng matira sa atin.” Wika pa ni Mina.
Hindi na komontra pa si Bryan. Agad-agad tinungo ng dalawa ang malapit na mall sa lugar nila ngunit maging dun, halos niransak na ng mga tao. Kahit saan magpunta ang dalawa, kalunos-lunos na scenario ang kanilang nakikita at madaanan. Mga sirang mga botika, tinapayan, mga gasolinahan at maging mga convenience store halos limas lahat ng laman. Maging sa daan kita ang mga nag-aagawang mga tao. Nakapanlulumo ang mga tanawin sa lahat ng lugar.
“Mukhang wala na tayong maaabutan sa dami ng tao na nagho-hoarding na sa kanilang mga bahay.” Sambit ni Mina.
“Binalatan na talaga nila ang mga mall dito.” Puna ni Bryan.
“Saan na ngayon tayo hahanap ng mapagkukunan ng mga supplies?”
“Susubukan natin sa mismong pinagkukunan ng mga stocks ng mga mall. Wala pa sanang makaisip na puntiryahin ang mga iyon.-sa mga warehouse tayo.” Sabat ni Bryan.
Tinumbok ng dalawa ang hilera ng mga warehouse malapit sa Seaport. Tahimik ang paligid nang makarating sina Bryan. Walang katao-tao sa buong paligid. Sadyang wala pang nakaisip na halukayin ang lugar. Isa-isang sinilip ni Bryan ang mga magkakatabing warehouse. Gamit ang dalang portable na driller, mano-manong sinira ni Bryan ang mga kandado sa pintuan ng bawat warehouse. Hindi namn naging mahirap sa kanila ang pasukin ang mga iyon. Sakto at ang mga naunang warehouse ay naglalaman ng mga essential items at mga pagkain na kakailanganin nila. Nang makapagkarga na ng marami sa kanilang sasakyan agad na nilisan ng dalawa ang lugar. Ngunit bago pa man sila nakalabas ng port area, ilang mga kalalakihan ang nagsilabasan mula sa kung saan para harangin ang kanilang sasakyan. Batid ni Bryan na ang mga karga nila ang pakay ng mga iyon-at walang balak ang lalake na basta na lang isuko ang kanilang pinaghirapan. Kaya wala na itong pag-aalinlangan na pinaharurot ang sasakyan at sagasaan ang mga nasa harapan. May mga tumabi ngunit ilan din sa kanila ang tumilapon nang banggain ni Bryan.
Doon na napagtanto ng dalawa na hindi na lang ito basta paraan para makaligtas kundi para mabuhay.
Ilang mga kotse pa ang nakita ng dalawa na pinagtutulungan ng mga tao para lang maagaw ang mga karga nitong mga pagkain. Ang iba nauuwi na sa karahasan. Hindi na pangkaraniwang pagpapanic ang nakikita ng dalawa kundi mas matindi pa. Upang makaiwas sa katulad na sitwasyon naghanap ng ibang ligtas na daan si Bryan hanggang sa nakabalik ito sa kanila.
“Ano ang ginawa ng mga kapitbahay mo Bryan?” Tanong ni Mina nang mapansin ang mga kapitbahay ni Bryan na nilalagayan ng matitibay na harang ang kani-kanilang mga bintana. Ang iba tinatakpan pa mismo ng mga malalaking tabla ang buong bintana maging ang mga pintuan.
Pansin din ng dalawa na tila may nilalagay ang mga ito sa palibot ng kanilang mga bahay.
“Dugo ba iyan?” Pagtataka pa ni Mina.
Lumabas ng kotse si Bryan at nilapitan ang katapat na bahay para magtanong.
“Manong Etik, ano ba iyang ginagawa niyo bakit tinadtad niyo ng mga tabla ang mga bintana ng inyong bahay? Tsaka ano iyang pinapahid ng mga anak niyo sa paligid, -dugo ba iyan?” Tanong ni Bryan.
“Dugo nga iyan. Dugo ng puting manok. Panguntra para sa mga masasamang loob. Dapat tupa eh kaso wala namang mahanap na tupa rito sa atin. -Mag lagay ka rin nito sa bahay mo, nang di kayo pasukin ng mga maninipsip mamayang gabi. Tsaka paka-secure mo na rin ang lahat ng mga posibleng daanan. Mga bintana, pintuan at lahat ng maaring pasukan at labasan. Nandito na tayo sa mga nalalabing sandali ng mga tao sa mundo. Kaya hangga’t may pag-asa pang makaligtas sa mga huling sandali-kailangang maghanda. O siya, maiwan na kita at marami pa kaming gagawing paghahanda.” Tugon ng matanda kay Bryan.
May pag-aalangan man sa sinasabi ng matanda, sa puntong iyon lahat ng posibleng makatutulong para gawing ligtas ang mga mahal sa buhay ay gagawin ni Bryan. Agad nito sinimulan ang paghahanda. Matapos maibaba ang lahat ng mga karga ng sasakyan at maipasok sa bahay, tinungo naman nito ang basement para maghanap ng mga gamit na puwedeng gawing pantapal sa mga bintana. Sakto naman at mga nahanap itong mga tabla at kahoy doon. Nag-umpisa ito sa likod ng bahay sa may kusina.
“Lumabas kayo ni tito Bry mommy?” Tanong ni Joshua.
“Gising ka na pala… Oo kinakailangan kasi natin ng mga karagdagang supply dito sa bahay lalo na itong mga pagkain.” Tugon ni Mina sa anak habang sinasalansan sa kabinet ang mga can foods at packed food.
“Bakit mommy? Magtatagal pa ba tayo rito? Akala ko ba pupuntahan natin si dad sa Pampanga-” pagtatakang tanong ni Joshua.
Kinuha ni Mina ang remote na nasa ibabaw ng ref at binuksan ang tv na nasa kusina. Tumambad agad sa screen ang balita tungkol sa kasalukuyang nangyayaring karahasan sa buong metro Manila at sa mga kalapit na lugar. May ilang katulad din na kaganapan sa ibang parte ng bansa. Nagulantang si Joshua sa kanyang nakikita sa balita.
“Anong nangyayari mommy? Bakit nagkakagulo ang mga tao?” -sambit ni Joshua na nakatutok sa balita.
“Nagdulot ng takot sa mga tao ang nangyaring pagsalakay ng mga halimaw na iyon. At hindi na ligtas ang mag biyahe sa ngayon. Kaya pansamantala dumito na muna tayong lahat.” Ang sagot ni Mina.
“Hindi na sana aabot sa ganito ang lahat kung hinayaan niyo na lang ako sa San Gabriel at kung hawak ko ang journal mommy. Nandoon ang lahat ng sagot sa lahat ng ito. Ang magiging kapatid ko ang kailangan nila mommy. Hahanapin nila tayo at matutunton nila tayo.” Pahayag pa ni Joshua.
“Puwede ba tama na?! Dahil sa inyo kung bakit ito lahat nangyayari. At huwag mong isisi sa dinadala ko ang kamalasang nangyayari sa atin dahil sa simula pa lang ikaw, kayo ng mga kaibigan mo ang nagsimula nito. Kung hindi dahil sa pesteng journal na iyan tahimik sana ang buhay natin. Hindi sana nagkakagulo at nagpapatayan ang mga tao!-siguro nga anak ka talaga ng tatay mo. Parehas talaga kayong dalawa! Kung alam ko lang ito ang mangyayari di sana hinayaan na lamang kita sa kanya nang binalak ka niyang patayin!” Bulalas ni Mina dahil sa galit, hindi para sa anak kundi sa mga nangyayari sa kanila.
Natigalgal si Joshua sa sinabi ng ina. Namilog ang mga mata nito hanggang sa unti-unting namuo ang mga luha sa kanyang mga mata.
“Anong ibig mong sabihin…mommy?”
Napasalampak na lamang sa silya si Mina nang mapagtanto ang nabitawang salita. Sa mahabang panahon inilihim nito sa anak ang buong katotohanan sa kung paano nawala sa buhay nila ang ama ni Joshua. Na tila ba hindi lamang niya ito basta kinalimutan kundi kanya ng binura sa kanyang nakaraan.
Ngunit bunsod ng emosyon at galit nabitawan nito ang isang lihim na matagal na niyang ibinaon sa kanyang ala-ala. Wala nang nagawa pa si Mina kundi ikuwento sa anak ang tungkol sa hindi nakikilalang ama.
Sinimulan ni Mina ang pagpapakilala sa ama ni Joshua, nang minsan magbakasyon si Mina sa kanyang lolo matapos masawi sa pag-ibig. Apprentice ng kanyang lolo na isang taxidermist si Jared. Naging paboritong kasama rin ito ng kanyang lolo sa pangangaso at madalas sinasama sa mga outside country trip. Nag magbakasyon si Mina, doon na nagtagpo ang landas ng dalawang na kapwa naghahanap ng pusong masasandalan. Naging lihim ang mga pagtatagpo ni Mina at Jared. Dahil sa hindi pabor ang lolo nito kay Jared sa kabila ng pagiging paborito nito. Ang kanilang pagsasama ay labis na tinutulan din ng mga magulang ni Mina dahil sa iba ang nais nila sa kanya. Gayunpaman walang makakapigil sa dalawang pusong naiibigan.
Ngunit hindi lamang ang mga magulang ni Mina ang tutol sa relasyon ng dalawa. May isang tao na labis na humahanga at nagkakagusto pa kay Jared liban kay Mina. Si Clarita, ang katiwala ng lolo ni Mina sa mansiyon.
Kasagsagan ng malakas na ulan ng gabing iyon nang pasukin ni Clarita ang kubo ni Jared habang natutulog ito. Naalimpungatan na lamang ang lalake nang maramdaman ang mainit na bagay na lumulukob sa kahabaan ng pag-aari nito.
“Tang ina Clarita anong ginagawa mo sa silid ko?” Bulalas ni Jared nang napabalikwas ito ng bangon.
“Hindi mo na ba gusto ang ginagawa ko sa iyo Jared. Mas magaling pa ba sa akin ang Mina na iyan?” Wika ni Clarita.
“Ano ba ang pinagsasabi mo? Lumabas ka na rito bago magdilim ang mga mata ko at kung ano pa ang magawa ko sa iyong malandi ka. Tsaka parausan lang kita, kaya wag kang mag-ilusyon at umasta na pagmamay-ari mo ako. -labas na!” Tugon ni Jared.
Dinamdam iyon ng labis ni Clarita. Ang hindi alam ni Jared tungkol sa babae ay ang lihim nitong ugnayan sa mga custos solis, na siyang kinabibilangan din noon ng kanyang ama na si Joshua. Gamit ang mga nalalaman nito sa itim na karunungan, isinanla ni Clarita ang kanyang sarili at kaluluwa sa kadiliman upang mapasakanya si Jared. Mabilis ang naging tugon kay Clarita. Naging madalas ang away at tampuhan ni Mina at Jared. Naging takbuhan naman ng sama ng loob ng lalake si Clarita gamit ang gayuma. Hanggang sa nagbunga ang pagtataksil ni Jared kay Mina. Nabuntis nito si Clarita. Sa sama ng loob hiniwalayan ni Mina si Jared. Ngunit sadyang matimbang ang naging pagmamahalan ng dalawa. Mas pinili ni Jared si Mina na siyang labis na kinagalit ni Clarita nang kanyang malaman. Nagpakalayo-layo sina Mina at Jared sa ibang bansa. Lumipas ang tatlong taon, bumalik ng Pinas ang dalawa at nagpasyang magpakasal sa pag-aakalang wala ng makakahadlang pa sa kanilang pag-iibigan. Isa ng Museum curator at kilalang wildlife sculptor si Jared, habang nagsisimula naman noon sa tv si Mina bilang news celebrity reporter.
Bagamat mukhang maayos na ang lahat, hindi parin sang-ayon ang magulang ni Mina sa relasyon nila ni Jared. Dahil na rin sa nagawa noon ng lalake sa pagsasama nila ni Mina. Gayunpaman pa man tuloy pa rin ang pinaplano nilang kasal.
Isang araw, —sa lamay ng namayapa niyang lolo, isang balita ang nakarating kay Mina.
“Wala na si Clarita matagal na. Nung araw na lumisan kayo ni Jared bigla na lamang siya naglaho sa mansiyon. Walang bakas kung saan siya nagpunta. Wala ngang nakakita na lumabas iyon ng kanyang silid. Basta bigla na lamang siya nawala. Ngunit hindi lang iyon ang weird na nangyari.” Bungad na kuwento ng dating kasambahay ng lolo ni Mina sa mansiyon.
“Bakit ano pa ang nangyari sa kanya?” Tanong ni Mina.
“Nang buksan ng mga boy ang silid nito para linisin. Nagulat kaming lahat sa aming nakita sa kanya silid. Bawat bahagi ng silid mula sa mga ding-ding, sa sahig at maging sa kisame,—tadtad ng mga hindi maaaring mga guhit at mga simbolo. Parang mga simbolo na makikita natin sa mga palabas na pang demonyo. Basta nakakakilabot tingnan. At ito pa, lahat ng mga iyon ay tila iginuhit gamit mismo ang sariwang dugo. Tsaka may mga rebulto dun na hindi mo explain kung tao ba iyon o hayop basta kakaiba. Tapos nakita namin sa isang tila altar ang larawan niyo ni Jared. Punong-puno ng mga patak ng itim na luha mula sa tinunaw na mga kandila. Pakiwari nga namin miyembro ng satanista si Clarita di kaya mangkukulam.” Dagdag pa sa kuwento ng babae kay Mina.
“Totoo ba? —so ano ang ginawa ng lolo sa mga nakita niyong rebulto at sa silid ni Clarita?”
“Pinasunog ng lolo mo ang lahat ng gamit sa loob ng silid kabilang na ang mga rebulto. Pinabindisyunan narin dahil sa takot na may naiwan pang masamang elemento roon. Ngunit kalaunan pinasara na rin talaga ng tuluyan ng lolo at ginawa na lamang tambakan ng mga lumang gamit.” Ani pa ng kasambahay.
Nang malaman ni Jared ang nangyari kay Clarita at sa mga nadiskubre nila sa babae, nabalot ito ng pagkabahala at pangamba. Hindi para sa kanya kundi para kay Mina. Matapos mailibing ang kanyang lolo, ang kasal naman nila ni Jared ang pinagkaabalahan ni Mina. At habang papalapit ang napipintong pag-iisang dibdib,—dinalaw ng hilakbot ang dalawa. Paulit-ulit na nanaginip si Jared ng masama. At sa mga bangungot nito isang bata ang siyang magiging dahilan ng kasawian ni Mina. Batid ni Jared na may kinalaman dito si Clarita. Ang takot sa maaring mangyari kay Mina ang siyang labis na ikinababahala ni Jared.
Dahil sa hindi malinaw kung kaninong bata ang tinutukoy sa mga panaginip ng lalake. Napag-usapan ng dalawa na ipagpaliban na muna ang pagkakaroon nila ng anak. Bagay na sinang-ayunan naman nun ni Mina dahil sa hindi pa ito handa sa mabigat na responsibilidad bilang ina.
Isang araw; sa gitna ng kanilang pre-nup photo and video session isang lalake ang dumating sa venue kung saan sila nag so-shoot. Karga-karga nito ang isang bata na nasa tatlong taon ang edad. Lalake at kamukhang-kamukha ni Jared. Nakatayo ang lalake sa isang sulok habang nakatingin ng matalim kina Jared. Napansin ito ng isang staff ng videographer at pinaalis ito sa venue. Ngunit hindi umalis ang lalake. Tahimik lang ito na nakatingin kina Jared at Mina.
“Sir bawal po rito ang hindi kasali sa list ng ikakasal. Kung puwede lang po umalis na po kayo, tsaka kawawa naman iyang batang karga mo. Tirik pa naman ang araw.” Wika pa ng staff sa lalake.
Pero nanatili lang sa kinatatayuan nito ang lalake. Napansin sila ni Mina kaya nilapitan niya ang mga ito. Ngunit nang makita ng lalake na papunta na sa kanila si Mina agad nito inabot sa staff ang kargang bata tsaka mabilis na umalis. Pinahabol pa ni Mina ang lalake pero bigla na lamang ito nawala ng lumihis ito ng daan. Karga-karga ni Mina ang bata na tila ba kanya ang bata. Nang makita ito ni Jared nagsalubong ang mga kilay nito.
“Kaninong anak iyan?!” May diin ng galit ang pagkabukas ni Jared.
Nagulat si Mina sa naging reaksyon ng lalake. Maging ang bata napaiyak sa nanlilisik na mga mata ni Jared.
“Pinaiyak mo naman ang bata. Kumalma ka nga muna. —hindi ko rin alam kung kanino ito. Basta iniwan na lamang ito nung lalake na narito kanina. Pero sa nakikita ko sa batang ito, mukhang kilala ko ang ama nito.” Wika ni Mina na napasulyap kay Jared.
Mariing tinatanggi ni Jared na sa kanya ang bata. Ngunit kung sa mukha ang pagbabasehan, masasabi talagang anak nito ang naturang bata. Naging paksa ng kanilang away ang presensya ng bata. Makailang beses na pinakiusapan ni Jared si Mina na iwan na lamang sa bahay ampunan ang bata dahil hindi nito ito maatim na kikilalaning sariling anak.
“Itutuloy pa ba natin ang kasal o magpo-focus ka na lang sa bata na iyan? —next month na ang kasal natin pero tila ako na lang ang excited sa ating kasal. Nawili ka na sa singaw na iyan. Akala ko ba ayaw mo pa magka-anak?” Sambit ni Jared.
“Walang kinalaman dito ang bata sa kasal natin. Matutuloy ang kasal. Pero wag mo naman iparamdam sa bata na ayaw mo sa kanya. Wala siyang kasalanan kaya huwag mong pagbuntunan ng galit mo kay Clarita ang bata. Anak mo ito at dapat mo iyong tanggapin.” Sabat pa ni Mina.
“Hindi ko magiging anak iyan! At lalong hindi ko kikilalaning akin ang anak ng isang baliw na alagad ng diyablo! Panganib ang dulot ng bata na iyan sa atin. Kaya ilayo mo na iyan sa bahay na ito kung ayaw mo na ako mismo ang magpapaalis sa isang iyan.”
Kahit na base sa DNA match, positibong anak nga ni Jared ang naturang bata… hindi parin nito matanggap ang sariling dugo’t laman. Para kay Jared, salot at anak ng demonyo ang bata at hindi kanya. Paulit-ulit parin itong dinadalaw ng mga bangungot kung saan sa panaginip nito nagiging halimaw ang bata sa kanyang harapan. May pagkakataon din sa panaginip nito na pinapatay siya at si Mina ng bata.
Ang mga panaginip ni Jared ang nagtulak sa kanya na tangkaing wakasan ang buhay ng walang kamuwang-muwang na bata. Makailang ulit niya itong ginawa ngunit palaging sablay na para bang may humahadlang sa mga balak niyang gawin. Hanggang isang araw nahuli ito ni Mina na tinatakpan nito ng makapal na unan ang mukha ng bata habang natutulog ito.
Dahil sa pangyayari napilitan si Mina na hiwalayan si Jared. Pinili ni Mina ang bata. Nakulong si Jared ng mahigit anim na taon sa pagtangka nitong kitlin ang buhay ng sariling anak, sa sumbong na rin ni Mina. Buhat nun wala ng narinig pa na balita si Mina sa lalake. Pinalaki ni Mina si Joshua ng mag-isa at itinuring na parang sariling anak.
Tulalang napayuko si Joshua sa mga nalaman. Hindi na rin napigil ni Mina ang maiyak matapos ibahagi sa anak ang katotohanan.
“Hindi mo na dapat nalaman ang lahat ng ito. Dahil ayokong magtanim ka ng sama ng loob sa ama mo. Joshua anak… Hindi talaga ako ang tunay mong ina. Pero pinalaki kita at inakong tunay na akin. Minahal at inaruga bilang sarili kong dugo’t laman,—kung inilihim ko man sa iyo ang lahat ng ito, sa kadahilanang ayokong mawala ka sa akin.” Saad pa ni Mina.
Hindi kumikibo si Joshua, wala itong tugon sa mga naririnig kay Mina. Ngunit sa loob nito, —isang pagkatao ang tila nabasag. Unti-unting nilukoban ng puot at pagkamuhi sa ama ang puso ni Joshua. Tahimik ito ngunit lihim na nakikipagbuno ang sarili ni Joshua sa mga nararamdaman nitong galit para kanyang ama, kasabikan na makilala ang totoong ina at pagmamahal sa kinalakhang ina na nag-aruga sa kanya at nagbigay ng magandang buhay.
Nilapitan ni Mina si Joshua tsaka mahigpit na niyakap. Humingi ito ng kapatawaran sa paglihim nito ng katotohanan sa kanya.
“Wala kang dapat ihingi ng tawad mommy. Wala kang nagawang mali.” Ang tugon ni Joshua sa ina habang pinupunasan ng mga kamay ang mga luha sa mata. Malamig ang pagkakabigkas ng mga salita ng anak. Walang emosyon. Ramdam ni Mina ang biglaang paglayo ng kalooban ng anak sa kanya. Lumabas ng bahay si Joshua. Naiwan naman dun si Mina na napaiyak na lang sa isang sulok. Nagsisisi ito sa mga nasabi. Dahil sa narinig din nito ang lahat, lalong humanga si Bryan sa kagandahan ng loob ng mapapangasawa. Huminto ito sa ginagawa para samahan muna si Mina.
“Naiintindihan ka ni Joshua iyon ang mahalaga. Pinalaki mo siya sa pagmamahal kaya wala kang dapat ipangamba. Hayaan na muna natin ang bata na makapag-isip. Hindi rin ganun ka dali ang tanggapin nang mabilisan ang lahat.” Wika pa ni Bryan habang pinapakalma si Mina.
Lahat nang mga kaganapan ay narinig din ni Tyler kung kaya’t sa labis na pag-aalala sa kaibigan sinundan niya ito sa labas. Ngunit ang bilis na naglaho sa paningin nito si Joshua.
“Saan na kaya napunta iyon?” Ang napakamot na lang sa ulo na tanong ni Tyler sa sarili. Hinagilap pa nito sa paligid ang kaibigan ngunit hindi na talaga niya ito nakita. “Ano kaya ang nangyayari rito? Bakit aligaga naman masyado ang mga tao? Tsaka bakit nagpapahid sila ng dugo sa kanilang mga bahay?” —mga katanungan pa ni Tyler sa mga nakikita nito sa mga kapitbahay ni Bryan habang naglalakad ito.
“Tatawagan ko sana si Joshua kaso nakalimutan ko pala ang cellphone ko sa kama. —Saan ba kasi nagpunta ang isang iyon? Gets ko naman ang reaksyon niya sa kanyang nalaman, pero kailangan ba talaga may walk-out scene? Nakalimutan ko na tuloy mag almusal. Ang mabuti bumalik na lang ako. Uuwi din naman ang isang iyon pag nagutom.”—wika pa ni Tyler sa sarili.
Pabalik na ito nang mapansin nito ang mga kumpulan ng mga uwak na naroon sa kawad ng isang poste. Matatalim ang kanilang mga mata na tila nakatingin sa kanya. Nagtaka si Tyler kung saan iyon nanggaling dahil sa pagkakatanda nito wala pa ang mga iyon nang napadaan ito doon. Maliwanag pa ang sikat ng araw ngunit ramdam na ang madilim na samyo ng hangin dahil sa presensiya ng mga ibon na iyon. Nagsitayuan na ang mga balahibo ni Tyler sa takot. Binilisan nito ang mga hakbang pabalik kina Bryan nang hindi nito napansin ang makakasalubong na tao.
Nagkasagian ng mga balikat ang dalawa. Sa gulat ni Tyler napatingin ito sa nakabanggaan.
“Sorry po kuya… hindi kita agad nakita sorry po.” Sambit ni Tyler tsaka nagpatuloy na sa paglakad.
Saglit na nagkatinginan ang dalawa, ngunit agad din binawi ng lalake ang tingin nito kay Tyler at umabante na rin. Sa paglalakad ni Tyler bigla itong napahinto. Muli nitong inalala ang mukha ng lalaking nakasalubong nito. Nang hilakbot ito at napakuripas ng takbo pauwi, nang mamukhaan ang nakabunggong lalake. Lalo na nang sa paglingon nito wala ang naturang lalake.
Hingal na hingal si Tyler ng salubungin ni Mina at Bryan. Agad din nito ikinuwento sa dalawa ang nangyari.
“Promise po tita, kamukhang-kamukha talaga niya ang lolo ni Joshua. Medyo may edad na nga lang. Pero siya talaga iyon. Nagkatitigan pa nga kami ng mata sa mata eh. Tita hindi kaya multo iyon ng lolo ni Joshua?” Kuwento pa ni Tyler.
“Nabangga mo nga diba? Paano naging multo iyon?” Sabat ni Bryan.
“Oo nga noh… Naramdaman ko iyong tigas ng balikat niya. Pero kung hindi iyon multo… Ibig sabihin buhay pa ang lolo ni Joshua? Pero ang bata pa ng itsura nun para maging lolo niya. Tapos bigla na lang din nawala. Parang si Joshua.” Ang sabi pa ni Tyler.
“Ano ang nangyari kay Joshua, Ty? Nasaan si Joshua?” Pag-aalalang tanong ni Mina.
“Hindi ko alam tita,—basta kanina nakasunod lang ako sa kanya. Sinundan ko siya nang makita kong lumabas siya ng bahay. Nag-alala kasi ako. Pero nalingat lang ako saglit pagtingin ko, wala na siya. Umabot na nga ako sa bakanteng lote sa dulo sa kakahanap sa kanya pero hindi ko na talaga nakita si Joshua.” Ani pa ni Tyler.
“Diyos ko, baka kung ano na ang nangyari sa kanya.”
“Relax lang babe, may araw pa… Baka gusto lang mapag-isa ng anak mo. Uuwi din iyon. —Tatapusin ko lang ang ginagawa ko, at pag wala pa si Joshua bago maghapon…ako na ang mag hahanap sa kanya.” Saad ni Bryan para pakalmahin si Mina sa pag-aalala nito.
“Tutulungan na kita sir para mabilis. At para mahanap na agad natin si Josh. Pero puwede ba kakain lang muna ako. Hindi pa kasi ako nakapag-almusal eh.”
Sa tulong ni Tyler napabilis at napadali ang trabaho ni Bryan. Wala pang tanghali halos patapos na ito sa kanilang ginagawa. Ngunit nagdaan na ang mga oras, wala paring Joshua ang nakabalik. Nagdulot iyon ng labis na pag-aalala sa lahat. Lalo na nang mapansin ni Bryan ang mga uwak na paikot-ikot sa buong paligid ng lugar.
IMPOSTOR
Dahil sa gabi na nun, nagpasya na sina Helen at Eric na magpalipas muna ng dilim kina kapitan Dantoy. Sumang-ayon naman sa kanila si Nicodemus. Habang kumakain pa sina Helen, Eric at Paco sa loob saglit muna lumabas ng bahay si Nicodemus at nilapitan ang kapitan na nakatingin sa kawalan habang naninigarilyo.
“Kinalulungkot ko ang nangyari sa apo mo. Pati siya nadamay na sa sumpa ng kapatiran. Talaga yatang hindi tayo patatahimikin ng nakaraan. Ano na ang plano niyo ngayon. Sa mga naririnig ko kanina sa mga tao. Iilan na lang ang naririto, at karamihan ay mas pinili nang lisanin ang San Gabriel.” Wika ni Nicodemus ng lapitan nito si Dantoy.
“Kahit saan pa kami pumunta, wala rin ligtas. Tinalikuran man natin ang custos solis, pero heto at nangyayari parin ang nakasaad sa librito ni Joshua. Ang pinangangambahan ko ay kung tuluyan na tayong pagharian ng kasamaan. Sino pa ang magliligtas sa atin?” Sabat ng kapitan na napabuntong hininga na lang ng malalim.
“May paraan pa para pigilan ang kanyang pagbabalik. Sa ano mang kasaysayan sa mundo, walang kasamaan ang nagtatagumpay sa dulo. Kaya kami narito upang hanapin ang susi para pigilan at wakasan ang lahat ng ito.” Saad ni Nicodemus sa kapitan.
“Ano ang ibig mong sabihin?”
“Kasama namin si Joshua, nasa loob ng katawan ni Paco ang diwa niya. Tutulungan niya tayo para mapigilan ang mas malagim pa na kaganapan. Wag tayo panghinaan ng loob. Gagawin namin ang lahat mapagtagumpayan lamang ang digmaan na ito. At kakailanganin namin ang tulong niyo. Ang tulong ng mga dating kasapi ng kapatiran.” Pahayag pa ng matanda.
Nagulat si kapitan Dantoy sa narinig kay Nicodemus. May agam-agam man, nakakita naman ng kaunting pag-asa ang kapitan sa sinabi sa kanya ng dating kaanib sa kapatiran. Napasinghap ito ng hangin at napabaling sa mga kaanak ng mga biktima na naroon sa maliit na kapilya.
Nakarating na rin kina Helen at Eric ang mga nangyayari sa kamaynilaan at sa mga kalapit na lugar nito. Habang nasa hapag kainan kasi, nakababad din ang kanilang atensiyon sa mga social media. Nilukuban ng pagkabahala at takot ang dalawa sa kanilang mga nalaman at nakikita sa mga post at balita online. Napatayo si Helen para ipaalam kay Nicodemus ang mga nangyayari. Napasugod din ang kapitan nang marinig ang sinabi ni Helen.
“Kapitan subukan niyo po buksan ang tv. Malamang binabalita ngayon ito sa lahat ng tv network.” Wika ni Eric.
Tumalima naman ang kapitan na binuksan ang malaking telebisyon sa harapan ng barangay hall.
“Ayan sakto at kakasimula pa lang ng balita. Dahil kasi sa sunod-sunod na mga kaganapan rito hindi na namin na isip na kumunsulta sa telebisyon ukol sa mga nangyayari sa labas ng San Gabriel.” Ani ng kapitan.
Dahil sa biglaang paggana ng tv sa Baranggay hall, napasilip na rin ang ilan sa mga tao na nasa lamay para maki-nood. At halos mabuwal sa sinasandalan nitong pader ang kapitan nang makita ang mga nangyayari sa kalakhan ng Maynila at sa kalapit na mga siyudad nito. Ang tanawin na mistulang nasa era ng apocalypse ang labis nagpanginig at nagbigay hilakbot sa mga residente ng baryo na nakapanood ng balita. Dahil dun marami sa naroon ang agad na nagpasya na lilisanin na rin ang lugar at maghanap ng mas malayong lugar.
“Kapitan ano na ang gagawin natin sakaling umabot dito sa atin ang tinatawag nilang mga “life suckers”. Ligtas pa ba ang baryo natin nito?“ Ang takot na takot na tanong ng tagaroon sa kapitan.
Ngunit hindi nagpakita ng kahinaan at takot si Dantoy.
“Maging ang ating gobyerno ay hindi naniniwala sa mga ganyan. Sa teknolohiyang meron tayo ngayon ang dali na lang mag manipula ng mga fake news. Marahil pakana lamang ito ng mga oposisyon na kumakalaban sa ating gobyerno lalo na sa presidente upang magbigay ng takot sa lahat at mawalan tayo ng tiwala sa kakayahang pangseguridad ng ating bansa. Narinig niyo naman ang sabi ng kardinal, walang katotohanan ang lahat. Manalig na lamang tayo sa ating Diyos. Ang takot ang siyang nagpapahina sa ating pananampalataya!” Ang tugoin sa kanila ng kapitan.
Bahagyang naibsan ang kanilang pangamba sa sinabi ni Dantoy. Ngunit may ilan na tila ginupo na talaga ng takot at pag-aalala. Sa kalagitnaan mga balitang mga residente dumating si father Rigor sakay ng tricycle kasama si Carlitos. Sumingit ito sa kumpulan ng mga tao, agad naman siya hinarap ng kapitan at iginiya ang pari sa mahabang upuan. Agad na napatanong ang pari sa dahilan ng ingay ng mga tao.
“Father sinasalakay na po ng mga demonyo ang bansa natin. Tila katapusan na yata ng mundo father. Ito na yata sinasabing paghari na ng demonyo sa sangkatauhan.” Sabat ni aling Bona.
“Father Rigor, tuluyan na nga ba tayo sasakupin ng mga kampon ng diyablo? Maliligtas pa ba tayo nito? Diyos ko, paano na ngayon ang mga umutang sa akin? Paano ko pa masisingil ang mga iyon? Hay naku masasayang lang pala ang mga negosyo ko sa wala.” Sabat pa ni Marsing, ang matandang may-ari ng malaking bigasan sa San Gabriel at nagpapautang sa mga taga-roon.
“Ewan ko sa iyo tandang Marsing, magugunaw na nga ang mundo heto at puro pera pa rin ang iniisip. Bakit hindi mo alalahanin ang mga kamag-anak mo kung paano mo sila matutulungan.” Ang nadismayang sabi ni Bona sa matanda.
Nagkaroon pa ng pagtatalo ang dalawa. At dahil sa magkakaibang interpretasyon sa mga nangyayari,—nagdulot iyon ng debate at palitan ng kanya-kanyang opinyon. Umugong ang ingay sa tapat ng barangay hall. Hanggang sa tumindig na si Rigor para pahupain ang tensiyon ng mga tao. Agad naman nakinig ang mga iyon sa pari.
“Hindi malabong nasa bingit na nga tayo ng mga huling sandali ng ating mundo. Ang nalalapit na pagbabalik ng ating tagapagligtas ay nagpaparamdam na. Ngunit hindi ibig sabihin pinapabayaan na tayo ng diyos. Wag kayong mangamba, ang takot ang nagpapahina ng ating pananampalataya. Marahil nasa gitna tayo ngayon ng pagkabalisa at kaguluhan, gayunpaman wag tayo panghinaan ng pag-asa. Magsisi tayo sa ating mga maling gawi at bumalik sa liwanag. Hindi tayo hahayaan ng diyos na mapunta sa kasamaan.” Saad ng pari na nagpahupa sa pangamba ng mga tao.
Sa sinabi ng pari tila kumalma ang mga mukha ng tao. Kanya-kanya naman sila balik sa dati nilang puwesto. Ang ilan sa kanila ay bumalik na sa kapilya at tinuloy ang pakikiramay sa mga nakaburol dun. Nang wala ng mga tao sa barangay hall muling binalikan ng pari si kapitan Dantoy. Napansin naman nito sina Helen at Eric na nakatingin sa kanila sa isang sulok. Kaya agad naman sila pinakilala ni Dantoy sa pari.
“Mga kakilala sila ni ma’am Mina at Bryan. —Helen, Eric si father Rigor, ang kaisa-isang pari dito sa San Gabriel. Siya nga pala nasaa,n na si Nicodemus?” Wika ng kapitan sabay tanong kung saan na ang kasama nilang matanda.
Nagkatinginan sina Helen at Eric. Maging ang dalawa nagtaka rin nang hindi nila na pansin ang pag-alis ni Nicodemus. Ang mas na ikinabahala ng dalawa ay nang mapansin din nila ang pagkawala rin ni Paco na saglit lang nila iniwan sa isang sulok. Hinanap ng dalawa sina Paco at Nicodemus sa paligid ng barangay hall maging sa katapat na kapilya.
“Baka nag-ikot ikot lang ang dalawa sa tabi-tabi nang di natin namalayan. Babalik din ang mga iyon”. Wika ng kapitan.
“Kaano-ano ka ba ni Bryan?” Biglang tanong ni Rigor kay Helen.
Titig na titig ito sa babae na para ba hinuhubaran niya ito ng kaluluwa. Kinailang ni Helen ang mga pagtitig ng pari sa kanya. May bigat itong nararamdaman sa presensiya ng pari. Nautal na sumagot si Helen. Nagpakilala si Helen sa pari.
“Pulis ako tulad ni Bryan. Magkasama kami sa trabaho. Magkakilala pala kayo ni Bryan, father?” Tugon ni Helen.
“Kababata ko si Bryan, hindi ba nabanggit sa iyo ni Bryan na tagarito siya dati. Halos sabay na kami nagkaisip at lumaki dito. Nagkalayo lang kami noong nag-aral na siya ng pagkapulis sa Maynila, ako naman sa bokasyon ko bilang pari. —Alam mo parehas kayo ng mata ni Bryan, malamlam at punong-puno ng kuwento. Nang makita nga kita kanina akala ko kapatid ka niya.” Nakangiting wika ni Rigor.
“Marami nga ang nakapansin na magkamukha nga kami lalo na sa trabaho.—ibig ba sabihin may kapatid pa si Bryan? Sa pagkakaalam ko nag-iisang anak lang siya.” Kuwento ni Helen.
“Naisip ko lang naman iyon, malay ko ba kung may kapatid sa labas si Bryan. Inabandona kasi si Bryan ng tunay niyang mga magulang. Hindi niya tunay na kadugo ang nagpalaki sa kanya.” Ani ng pari na napakuwento na rin. “Naku pasensya na at nai-marites ko pa sa iyo ang buhay ni Bryan.” Sabi pa nito na tinawanan na lang ang nasabi.
Sa puntong iyon bahagyang naging panatag ang nararamdaman ni Helen sa pari. Ngunit asiwa pa rin ito sa mga titig sa kanya nito. Ganun din ang napansin ni Eric sa pari. Hindi nito gusto ang paraan ng pagtingin ni Rigor kay Helen. Nais na niya sitahin ang pari ngunit sa ngalan at respeto nito sa alagad ng simbahan, nagtimpi sa nararamdaman si Eric. Naroon lang ito sa tabi habang pinagmamasdan ang dalawa na nag-uusap. Dahil sa napunta na nga ang atensiyon nito kay Helen at sa pari, nawala saglit sa isip ni Eric ang hanapin sina Nicodemus at Paco.
Samantala, malayo-layo na ang nilalakad ng matandang si Nicodemus habang palihim na sinusundan sina Paco at Carlitos na naglalakad na magkasabay.
“Saan kaya ang punta ng dalawang ito? Iba talaga ang pakiramdam ko sa kasama ng pari na ito. Ang bigat ng awra na nasasagap ko sa kanya. Kakaiba siya kung makatingin.” Sa isip pa ni Nicodemus.
Habang papalayo na sila sa mga kabahayan, bigla na lamang dinapuan ng kilabot si Nicodemus nang mapansin ang kanyang paligid. Hindi na namalayan ng matanda na nasa paanan na pala ito ng bundok. Saglit na napahinto si Nicodemus. Pamilyar sa kanya ang mga nakikita. Napamura na lamang ito nang mapagtanto kung saan ito naroon. Agad na napaatras si Nicodemus nang ginupo ng mainit na ihip ng hangin ang kanyang katawan. At lalo itong natigalgal nang hindi na nito makita ang dalawang sinusundan.
Kinabahan ng labis si Nicodemus, . Akma na itong babalik sa kanyang dinaanan ng sa harapan nito si Carlitos.
Mabalasik ang mga mata nito na animoy nagbabaga sa galit. Maya-maya pa ang mga mata nito ay nagpurong itim na. Nakangising nakatitig si Carlitos kay Nicodemus, nang bigla itong lumutang sa ere na nakadipa ang mga kamay.
“Diyos ko sinasabi ko na nga ba…hindi ka tao! Nasaan na si Paco?!!! Ano ang gginawa mo sa kanya?!!!” Sigaw ni Nicodemus habang paatras ang mga hakbang. “Lumipas na talaga ang taon para sa iyo Nicodemus. Isa ka ng matandang hukluban na walang silbi. Hindi ka na kasing kisig ng kapanahunan mo. Kupas na ang oras mo dito sa mundo. Ngunit mapalad ka at masasaksihan mo pa ang pagbabalik niya. Iyon kung hahayaan pa kita.” Sambit ni Carlitos na natatawa habang kinukutya si Nicodemus.
“Ilantad mo sa akin ang tunay mong katauhan demonyo!!! Sino ka nga ba?!!!”
“Matanda ka na talaga, hindi mo na ako kilala? Sabagay nagawa mo ngang talikuran ang kapatiran at kalimutan ang iyong pinagmulan. Ako pa kaya na minsan na naging bahagi ng buhay mo!!!” Tugon pa ni Carlitos.
Natigilan si Nicodemus, napakunot ito ng noo at napakuyom ng mga kamay. Pilit na inaalala ang mga narinig kay Carlitos. Hanggang sa napagtanto nito kung sino ang kaharap nito.
“Amadeo?!!!” Bulalas ni Nicodemus.
Kumalma ang mukha ni Carlitos ng sambitin ng matanda ang kanyang pangalan. At sa harapan ni Nicodemus, unti-unting nagbabago ang anyo ni Carlitos mula sa bata nitong anyo, naging ganap itong makisig na lalake. Inilantad nito kay Nicodemus ang tunay niyang mukha. Kaharap na ngayon ni Nicodemus ang dating lalake na minsan naging parte nga ng kanyang nakaraan, si Amadeo.
Tila ibinalik si Nicodemus sa kanyang kabataan. Sa panahong malaya pa ito kasama si Amadeo. Nasa bente uno lang sila noon nang magkaroon sila ng espesyal na relasyon sa isa’t isa. Dati pa man ramdam na ni Amadeo ang pagiging pusong babae, na pilit niyang tinatago sa loob ng brusko at matipuno nitong katawan. Sa kabila nito, tanggap siya ni Nicodemus. Sa katunayan pumayag ang huli na magkaroon sila ng lihim na relasyon. Naging masaya ang patago nilang ugnayan, hanggang sa dumating sa pagitan nila si Joshua. Simula pa pagkabata matalik na magkakaibigan na sina Joshua at Nicodemus bago pa naging malapit na magkaibigan ito ni Amadeo.
“Huwag mo nang ilihim sa akin ang tungkol sa inyo ni Amadeo. Nakita ko kayo sa ilog kahapon. Ano? Matagal na ba kayong ganyan?” Tanong ni Joshua nang lapitan nito si Nicodemus na nagkakape sa balkonahe ng kanyang kubo.
“Nakita mo na rin lang ang ginagawa namin eh hindi na ako magsisinungaling sa iyo. May namamagitan nga sa amin ni Amadeo. May tatlong buwan na.” Ang agad na sagot noon ni Nicodemus sa kaibigan.
“Lalake rin pala ang iyong gusto bakit hindi mo man lang nasabi sa akin.” Sambit ni Joshua na tumitig ng diretso sa mga mata ni Nicodemus.
“Naawa lamang ako sa kanya dahil bilanggo siya sa kanyang kalagayan. At ako lang nakakaintindi sa kanyang nararamdaman. Kaya pumayag ako sa kagustuhan niya. Nais lamang niya maranasan na mayroong nagpapahalaga sa kanya.” Sabat ni Nicodemus sa paratang ni Joshua.
“Walang lalake ang gugustuhing makaulayaw ang kapwa lalake kung hindi ka rin nahuhumaling tulad mong lalake. Matagal na tayong magkaibigan at noon pa man napapansin ko na mga tingin mo sa akin sa tuwing magkasama tayong naliligo sa ilog. —hindi ko lamang iyon binibigyan ng kahulugan dahil ayokong ma-ilang ka sa akin.” Wika pa ni Joshua habang unti-unting nilalapitan si Nicodemus.
Akma na sana nitong hahawakan sa pisngi ang kaibigan ngunit tinabig ng lalake ang kamay ni Joshua.
“Anong pinagsasabi mo?! Hindi ako bakla kung iyan ang pinupunto mo!” Bulyaw ni Nicodemus sa kaibigan.
Aalis na sana ito dahil sa inis nang hinila ni Joshua ang braso nito palapit sa lalake, sabay dinapuan ng marubdob na halik sa labi si Nicodemus. Naitulak pa ni Nicodemus si Joshua sa ginawa nito. Ngunit muli lamang ito kinabig ng lalake at muling nilapatan ng masuyong halik sa bibig. At sa puntong iyon hindi na nakawala pa ang mga labi nito sa halik ni Joshua. Hanggang sa napati-anod na lamang ito sa masuyong halik sa kanya ng kaibigan. Napayapos na rin ito ng yakap kay Joshua habang sumasabay sa ritmo na pinapatugtog ng kaibigan.
Sandali pa isa-isa nang nagkalat sa kawayan na sahig ang kanilang mga saplot sa katawan. Hanggang sa kapwa na silang hubo’t hubad na bumagsak sa sahig. Hindi na kailangan ng paliwanagan pa. Sapat na ang mga langit-ngit ng sahig na kawayan ng balkonahe para ilarawan kung gaano nila ka gusto ang kanilang ginagawa.
Lingid nun sa kanila, tanaw ni Amadeo ang kataksilan ng dalawa. Sa tindi ng galit ni Amadeo sa kanyang nasasaksihan, nagkadurog-durog ang tinapay na hawak nito na ibibigay sana sa kasintahang si Nicodemus.
Inilihim ni Amadeo ang natuklasan at nagpanggap na maayos pa rin ang lahat sa pagitan nila Nicodemus. Ngunit ang lahat ng pagtanggap at pagtiis ay nabalewala lang din ng makipaghiwalay si Nicodemus sa kanya.
“Bakit?!!! Dahil ba kay Joshua?!!! Siya ba ang dahilan?!!! Huwag ka na magkaila, alam ko na may namamagitan sa inyo!!! Kitang-kita ng dalawa kung mga mata ang kahayupang ginawa niyo!!! —naniwala ako sa iyo na mahal mo ako, na ako lang ang mahalaga sa iyo!!! Ngunit niloko mo lang ako!!! Niloko niyo ako!!!”
Kasabay ng mga katagang iyon mula kay Amadeo, bumugso ang malakas na hangin at pagguhit ng kidlat hindi kalayuan sa kinatatayuan ng lalake. Napaatras si Nicodemus sa takot. Humingi ito ng tawad noon kay Amadeo ngunit tila malabo na itong pagbigyan ng lalake. Napasubsob sa damuhan si Amadeo habang binubunton ang galit sa mga damo sa harapan nito. At kasabay ng pagbalahaw nito ng iyak ang siyang pagbuhos ng malakas na ulan. Dahil dun napaatras tsaka napatakbo si Nicodemus paalis sa lugar.
Iyon na ang huling araw na nakita ni Nicodemus si Amadeo sa lugar nila. Ngunit ang nagawa ng dalawa sa lalake ay naging malalim na sugat na labis na dinamdam ni Amadeo.
Nang naging kasapi na nun ng kapatiran sina Joshua at Nicodemus dun na nila natuklasan ang angkan pala ni Amadeo ay matagal ng kaanib at miyembro ng sektang kinabibilangan nila. Ngunit hindi na nila inabutang buhay si Amadeo. Ayon sa ama nito, huli na raw nang makita nila ang anak. Nagliliyab na raw ang katawan nito sa gitna ng ginawa nitong ritwal ng sumpa.
“Hindi namin alam ang dahilan ng kanyang pagpakamatay. Ngunit kung ano man iyon, batid namin na labis ang sakit na dulot nun sa kanya. Sayang at maaga siyang nawala. Siya sana ang papalit sa aking katungkulan. At dahil wala na akong anak na pagpapasahan ng aking posisyon. Bahala na ang konseho kung sino ang mapipisil nila.” Ayon sa kuwento nun ng ama ni Amadeo.
Tahimik lang nun sina Joshua at Nicodemus. Dahil ang katotohanan sa nangyari kay Amadeo ay sila ang dahilan.
Hindi namalayan ni Nicodemus ang pagpatak ng luha sa kanyang mga mata habang nakatitig kay Amadeo na nakangiti sa kanyang harapan. Kulubot na ang balat ni Nicodemus ngunit si Amadeo tila walang pinagbago buhat ng makilala niya ito. Naroon pa rin ang kakisigan nito at ang makinis na balat. Sariwa at magandang lalake pa din.
“Bakit ka naluluha? Naiinggit ka ba? Tingnan mo ako, taon na ang nagdaan ngunit wala man lang nagbago sa akin. Di tulad mo, uugod-ugod na at wala ng ibubuga.” Wika pa ni Amadeo.
“Hindi inggit ang ibig ng luha ko. Kundi awa. Tuluyan mo na talagang isinanla ang kaluluwa mo sa kadiliman! Hindi ka na ang Amadeo na nakilala ko! Isa ka ng demonyo!!! At hindi mo nalilinlang ang tulad ko!”
Biglang hinugot ni Nicodemus ang itinatago nitong punyal sa kanyang sling bag na dala. Nang makita iyon ni Amadeo, bigla itong napaatras at muling bumalik sa anyo nitong si Carlitos. Bakas ang takot sa mukha ng binata habang nakatutok sa kanya ang dulong talim ng gintong punyal na hugis krus.
“Ang punyal! Paano napunta sa iyo ang punyal?!” Wika ni Carlitos sa nakakakilabot na boses.
“Buti at nakikilala mo ang hawak ko. Ngayon alam mo na ang dahilan kung bakit bumalik ako! Sisiguraduhin ko na hindi kayo magtatagumpay sa binabalak niyo! Hindi ko hahayaang na mauwi lang sa wala ang lahat!!!” Pagbabanta ni Nicodemus.
Nakangising umaatras si Carlitos palayo kay Nicodemus.
“At kung sa tingin niyo hawak niyo na ang tagumpay dahil sa punyal na iyan, nagkakamali ka! Ilang araw na lang at magaganap na ang nakatakda. Sisiguraduhin ko na walang makakahadlang sa dapat na mangyari!!!”
At sa isang iglap naglaho sa dilim si Carlitos. Iginala pa ni Nicodemus ang mga mata sa paligid. Nang masigurong wala na nga si Amadeo. Nagmadali na itong lisanin ang lugar at bumalik kina kapitan.
Hindi naman nakatiis si Eric na hindi sabihin ang saloobin nito kay Helen patungkol sa paring si Rigor. Habang naglalakad ang dalawa para hanapin sina Nicodemus at Paco, nasabi nito sa babae ang napansin sa pari.
“Muntik ko na talaga masita ang pari na iyon kanina. Kita mo ba kung paano ka niya tinititigan? Kulang na lang maglaway iyon sa kakatitig sa iyo. Nagpigil lang talaga ako kasi nga pari.” Wika ni Eric.
“Nailang nga rin ako kanina. Pero nang sabihin niya na kababata siya ni Bryan naintindihan ko naman kung bakit ganun siya kanina makatingin. Akala niya kasi kapatid ko si Bryan. Parehas daw kasi kami ng mata. —well maging sa mga kasamang namin naririnig ko rin iyan. May similarities daw kami sa features ng mukha.” Tugon ni Helen.
“Eh baka nga related kayo sa isa’t isa. Pero iba pa rin talaga ang dating sa akin ng pari na iyon. Parang may kulo na tinatago sa ilalim ng kanyang sutana.” Ani pa ni Eric.
“Nagsi-selos ka lang kaya ka ganyan. Teka nasaan na ba tayo? Malayo na tayo kina kapitan. Kakaunti na lang ang mga kabahayan dito. Tsaka tila wala ng mga nakatira. Marahil ang mga may-ari ng mga ito ang mga nakasalubong natin kanina.” Sambit ni Helen na iginala ang mga mata sa paligid.
“Mukhang malabong napunta dito ang dalawa. Ang mabuti pa bumalik na lang tayo baka naroon na dun sina tito. Iba na rin ang nasasagap kong vibe sa lugar na ito. Masyadong tahimik. Pati mga huni ng hayop sa gabi wala kang maririnig.” Sabat ni Eric.
Nang magulat ng sabay ang dalawa ng may lumipad na uwak papunta sa kanilang direksyon. Napa-yukong napatakip ng mga kamay sa ulo ang dalawa ng kamuntikan na mahagip ng uwak ang mukha ni Helen.
“Tang inang uwak na iyon ah, dito pa talaga sa atin dumaan.” Wika ni Eric na sinundan ng tingin ang direksyon ng ibon.
“Bilisan na natin Eric, hindi maganda ang manatili pa rito.”
Ang halos patakbo ng lakad ni Helen pabalik sa kanilang dinaanan. Humahabol naman sa kanya ang lalake. Nasa kalagitnaan na sila ng paglalakad nang mapahinto ang dalawa. Mula kasi sa unahan nila tatlong mga nilalang ang naroon, nakaabang at tila nakahandang sugurin sila.
“Katulad ang mga iyan sa mga naibalita sa mga social media at tv. Ganyan din ang nakita natin sa cellphone dun sa nadaanan natin. Ang tinatawag nilang mga life suckers na ayon pa kay Paco mga Ashin. Ibig sabihin hindi talaga sila fake news.—at nakaabot na sila rito. Humanda ka Helen mukhang mapapalaban tayo ng maaga nito.” Agad na binunot ni Eric ang kanyang baril na iniwan sa kanya ni Nicodemus. Sabay tutok nun sa mga nilalang.
Nakahanda na rin ang hawak na baril ni Helen. Nakaambang ito sa mga nilalang na papasugod sa kanila.
“Kung ano man ang pakay ng mga ito sa atin mabibigo lang sila. Humanda ka Eric nariyan na sila!!!”
Mabilis na tumatakbo ang mga nilalang papunta sa dalawa. Agad naman sila pinagbabaril ni Eric at Helen. Ngunit tila walang silbi ang mga tumatamang mga bala sa mga ito. Tumatagos lamang ang mga iyon sa kanilang mga katawan. Napaurong na ang dalawa habang nagpapakawala pa rin ng bala.
“Demonyo nga talaga ang mga iyan. Kinakain lang ng katawan nila ang mga bala. Tumakbo na tayo Helen. Hindi natin ang mga iyan kaya!” Sigaw ni Eric na umaatras.
Ngunit tila walang balak na tumakbo na lang basta ni Helen. May hinugot ito mula sa kanyang likuran. Isa pang baril. Kakaiba ang disenyo nito at tubog sa ginto ang buong katawan. Itinutok iyon ni Helen sa papasugod sa kanyang nilalang. Halos isang dipa na lang ang lapit sa kanya ng halimaw ng bigla niya itong paputukan sa ulo. Sentro sa noo ang tama nun. Isang bala lang ngunit kitang-kita ni Eric kung paano nawasak ang katawan ng nilalang na animoy tinamaan ng malakas na uri ng armas.
Sinunod ni Helen ang isa pa na target naman si Eric at ang isa pa na papasugod din sa kanila. Lahat ng iyon naging abo dahil sa ginamit na baril ni Helen. Takang-taka naman si Eric sa mga nangyari. Nilapitan nito si Helen at inusisa ang hawak na baril ng babae.
“Anong klaseng baril iyan? Ang galing naman. May pantapat na ang mga halimaw na iyon.” Sambit ni Eric.
“Sa tito mo ito. Espesyal daw ang armas na ito na sinadya para lang sa mga nilalang na hindi kabilang sa mundo natin. Alam na ng tito na darating ang sandaling ito kaya bago pa man pinaghandaan na nila ang lahat. Isa na ang baril na ito na tubog sa ginto. Silyado ito ng mga dasal laban sa mga masasamang nilalang tulad ng mga iyon kanina. Maging ang mga bala nito ay binalot sa mga sagradong orasyon at dasal ayon sa tito mo. At napatunayan na natin ang bisa nito.” Kuwento pa ni Helen.
“Kaya naman pala parang kalmado ka lang kanina, meron ka pala niyan. Ngayong may pangkontra na tayo sa mga halimaw na iyon, malaki ang pag asa na magtatagumpay tayo. Pero nag-iisa lang ba iyan? Tingin ko kakailanganin natin ang mas marami niyan.”
“Hindi ko alam, itanong natin sa tito mo. Halika na bumalik na tayo kina kapitan baka naroon na dun ang dalawa.”
Sa kabilang banda; alalang-alala na si Mina dahil wala pa rin si Joshua. Kinain na ng gabi ang paligid ngunit hindi pa nakakabalik ang anak. Nagdesisyon na si Bryan na hanapin na sa labas ang binata. Dala ang mahaba nitong baril naghanda na ito sa paghahanap.
“Ty, bantayan mo ang tita Mina mo. Wag na wag kayong magbubukas ng pinto hangga’t hindi ako ang naririnig niyong tumatawag. Mina babe, dumito lang kayo sa loob kahit na anong ingay pa ang maririnig niyo sa labas walang sisilip o titingin sa mga bintana. Tumawag agad kayo sa akin kapag may nararamdaman kayong kakaiba. Iuuwi ko rito si Joshua.” Bilin ni Bryan sa dalawa.
“Mag ingat ka, ibalik mo ng ligtas sa akin si Joshua.” Niyakap ni Mina si Bryan. Balot ito ng takot, pagkabahala at pangamba sa mga nangyayari sa kanila.
Pagkalabas ng bahay agad napansin ni Bryan ang kumpulan ng mga uwak sa mga kawad ng poste. Tahimik ang mga iyon na tila ba nag-aabang sa paligid. Agad na sumakay sa kotse nito ang lalake. Bakas ang takot sa bawat kabahayan na madaanan nito. Bawat bahay balot nga kung ano-anong mga harang laban sa mga kinatatakutan nilang mga nilalang na kung tawagin ng mga tao, mga life suckers.
Sinuyod ni Bryan ang kahabaan ng mga kalsada maging ang mga kasingit-singitan na mga kalye na posibleng mararating ni Joshua. Alas sais pa lang ng gabi ngunit wala ng tao sa daan. Tahimik ang paligid. Animoy dinapuan ng epidemya ang siyudad at nagkaroon ng matinding locked down. Habang binabaybay ni Bryan ang isang kalye, namataan nito ang isang patrol car ng pulis na nakahambala sa gitna ng kalsada. Umiilaw pa ang blinkers nito. Hindi naman mukhang na aksidente ang naturang patrol car kay kinutuban ng hindi maganda si Bryan. Marahan niya itong nilapitan. Habang papalapit ito napansin agad ng lalake na tila ba walang taong naroon sa loob ng kotse. Huminto ito sabay bunot ng baril tsaka maingat na bumaba sa sasakyan. Naglakad ito palapit sa nakahintong patrol car habang kinakasa ang baril na hawak. Nang nasa harapan na ito ng kotse, wala nga itong nakita roon. Sinilip-silip pa nito ang bintana ng patrol car ngunit wala itong nakitang tao sa loob. Susubukan na sanang buksan ni Bryan ang pintuan ng kotse nang may nagsalita mula sa likuran nito.
“Buddy may hinahanap ka yata?” Tanong ng pamilyar na boses.
Sa gulat ni Bryan agad nitong itinutok ang baril sa nagmamay-ari ng boses. Napabuntong hininga na lamang ito nang makilala ang lalaking naroon.
“Ikaw pala Alcantara. Kamuntikan na kitang mabaril hayop ka. Bigla-bigla ka na lang sumulpot sa likuran ko.”
“Ayos lang ako rin kanina kung ibang tao ka. Buti at sinigurado ko muna.—sandali bakit nasa daan ka pa, mag ri-report ka pa ba ngayon sa opisina?” Sabat ni Alcantara habang lumalapit kay Bryan.
“Hindi muna. Hinahanap kasi ang anak ni Mina. Medyo nagkasamaan sila ng loob ng kanyang ina. Ayon umalis at hanggang ngayon di pa nakauwi. Kailangan ko siya mahanap bago pa lumalim ang gabi. Baka muli na naman aatake ang mga nilalang na iyon.” Tugon ni Bryan.
“Kaya nga heto ako ngayon at romoronda sa mga kalye sa paligid. Hayaan mo pag na ispatan ko iyon ako na maghahatid sa kanya sa inyo.”
“Nagroronda ka? Na mag-isa? Hindi ba at nakita mo naman kung gaano ka delikado ang mga halimaw na iyon? Hindi ka man lang nag request ng kasama kahit isa?”
“Walang papatol na sumama sa akin. Sa katunayan wala talagang naglakas ng loob na magronda tulad ko. Mas inuna pa nila ang seguridad ng kanilang mga pamilya kaysa sa tungkulin nila sa serbisyo. Hindi rin sila mapilit ni chief. Bahala na raw ang ma AWOL huwag lang maging biktima ng mga life suckers na iyon.” Ang nakangising tugon ni Alcantara.
“Hindi mo rin sila masisisi. Hindi lang kasi ito basta ordinaryong kriminal ang kalaban natin. Mahirap man paniwalaan ngunit hindi na tao ang tinutugis natin dito, kundi mga demonyo. At di na sapat ang bala lang upang kalabanin ang mga tang inang mga halimaw na iyan. Ispiritwal na sandata na ang kailangan natin.” Komento pa ni Bryan.
Pailing-iling na napangiti si Alcantara. Tinapik nito si Bryan sa balikat tsaka inakbayan.
“Bakit pa natin po-problemahin ang mga nilalang na iyon kung maari naman tayo makipag sundo sa kanila.” Biglang ngumisi ng nakakaloko si Alcantara.
Sumalubong naman ang kilay ni Bryan sa sinabi ng kabaro. At nang napasulyap ito sa kasama. Namilog sa gulat si Bryan, mapa atras ito sabay tulak kay Alcantara. Nagpurong itim kasi ang mga mata nito habang nakangising nakatitig sa kanya. Kinutuban ng hindi maganda si Bryan. Agad niya itong tinutukan ng baril sabay atras.
“Hindi ka si Alcantara, sino ka?!!!” Sigaw na tanong nito sa kabaro.
“Ako ito buddy, ano ba ang pinagsasabi mo? “ tugon na tanong ni Alcantara habang papalapit muli kay Bryan.
“Huminto ka! diyan ka lang! Hindi mo ako mauulol demonyo! Ginamit mo pa talaga ang mukha ng kasama ko!—ano ang ginawa mo kay Alcantara?!!! Nasaan na ang sakay ng kotseng ito?!” Sigaw pa ni Bryan.
“Ano ka ba buddy,— ako nga ito. Ibaba mo na iyang baril mo. Mag-usap tayo. Alam ko marami lang ang gumugulo sa isip mo. Kaya kung ano-ano ang masasabi mo.”
Muli namang bumalik sa dati ang mga mata ni Alcantara, kung kaya’t nalilito na rin si Bryan. Akma na nitong ibababa ang hawak na baril nang may nagsalita hindi kalayuan sa kanila.
“Lumayo ka sa kanya! hindi tao ang kaharap mo. Lumayo ka na!!!” Sigaw pa ng boses mula sa isang lalaking naka suot ng balabal na pula na bigla na lang sumulpot sa likuran ni Bryan.
Bago pa makapagsalita si Bryan, umalingawngaw na ang sunod-sunod na putok ng baril. Ikinagulat naman ni Bryan ang nasaksihan, sumambulat ang katawan ng lalaking si Alcantara ng tamaan ito ng bala mula sa baril ng lalake. Naging pulbos din agad ito na animoy alikabok na tinangay naman ng hangin.
Doon na napagtanto ni Bryan na hindi nga si Alcantara ang nakausap nito kanina. Doon na rin nilukuban ng hilakbot at pag-aalala si Bryan sa posibleng masamang nangyari sa mga sakay ng patrol car na naroon.
Binalingan ni Bryan ang lalaking pumaslang sa nakaharap nitong nilalang.
“Sandali pare, sino ka? At paano mo nagawa iyon kanina?” Tanong ni Bryan sa papaalis ng lalake.
“Huwag ka nang magtagal dito. Nasa paligid lang ang mga Ashin. At huwag mo na hanapin pa ang mga sakay ng patrol car na iyan. Inangkin na ng mga Ashin ang kanilang mga katawan.” Sabat ng lalake kay Bryan sabay baba ng suot nitong sombrero para takpan ang mukha nito.
“Teka ano ang tinutukoy mong mga Ashin? Iyon ba iyong nakaharap ko na gumamit ng anyo ng kasamahan ko?—pare sagutin mo muna ako. Sino ka ba? Bakit mo ako tinulungan?”
Napahinto ang lalake sa paglalakad. Bumaling ito kay Bryan. Ngunit nanatili ito sa kanyang kinatatayuan.
“Ayan! Sila ang tinutukoy kong mga Ashin.” Sambit ng lalake sabay putok nito ng hawak nitong baril.
Nagulantang naman si Bryan ng makita ang may sa anim na bilang na mga Ashin na bigla na lamang lumitaw mula sa kung saan. Pasugod ito sa kanya. Ngunit sa bilis ng pulso ng lalake sa pag-asinta sa mga ito, —isa isang naging abo ang mga ito. Bago pa man sila nakalapit kay Bryan.
Susubok pa sanang bumaril si Bryan ngunit tinapos na ng lalake ang natitirang Ashin na pasugod kay Bryan.
“Hindi uubra ang ordinaryong baril at bala sa mga iyon kaya lisanin mo na ang lugar na ito at bumalik na sa inyo. Bilisan mo bago pa dumating ang iba pa.” Wika ng lalake.
“Tulungan mo ako na magkakaroon ng baril na hawak mo. Saan ba nakakuha ng bagay na iyan? Kailangan ko mailigtas ang mga mahal ko sa buhay laban sa mga iyon… Sa tinutukoy mong mga Ashin.” Sabat ni Bryan.
“Umalis ka na! Balikan mo na ang mga naiwan mo dun, baka wala ka ng babalikan sa mga iyon.” Ang tanging tugon ng lalake tsaka ito nagpatuloy sa pagtalikod para lisanin na ang lugar.
Hinabol pa ito ni Bryan ngunit mabilis ang mga hakbang ng lalake papalayo. Hanggang sa nawala na lang ito sa madilim na parte ng mga eskinita. Hindi na nagawa pang makasunod ni Bryan. Bumalik na lamang ito sa kanyang sasakyan nang maalala ang sinabi ng lalake sa kanya. Nagpasya itong balikan sina Mina sa labis na kaba dulot ng mga nangyari sa kanya.
Napabalikwas naman sa hinihigaang sofa si Mina nang makarinig ito ng mga pagkatok sa pinto. Babangon na sana ito para buksan iyon nang pigilan ito ni Tyler. “Sandali tita, wag! baka masamang nilalang iyan. Sabi ni sir Bryan, hihintayin muna natin ang pagtawag niya.”
“Paano kung ang kaibigan mo iyan? Paano kung si Joshua ang nasa pinto?”
“Teka lang tita, ako na ang sisilip sa may pinto. Dito ka lang at umalerto ka lang diyan. Lalapitan ko lang kung sino ang nasa labas.”
Ngunit bago pa man nakalapit si Tyler ay narinig na nila ni Mina ang boses na nagmamay-ari ng mga pagkatok.
“Mommy? Ty? Si Joshua ito. Buksan niyo ang pinto dali.”
“Si Joshua!” Ang tila nahugutan ng tinik na sambit ni Mina.
Nagmamadali ang dalawa na lapitan agad ang pinto. Pagkabukas nun, agad na niyakap ni Mina ang anak sa labis na pag-aalala. Niyakap din ito ni Joshua sabay hingi rin ng paumanhin sa ina. Agad din sila pinapasok ni Tyler nang mapansin ng huli ang mga kumpulan ng mga uwak na naroon sa kanilang bakuran. Pagkasara ng pinto, biglang may binulalas si Joshua sa kanila.
“Bilisan niyo mommy, Ty,— kailangan natin lisanin ang lugar na ito. Babalik tayo ng San Gabriel. Hindi na tayo ligtas dito. Doon…doon lang tayo ligtas.” Wika ni Joshua.
“Teka tol, ano ba ang pinagsasabi mo? Ano ba ang nangyari nang umalis ka?” Tanong ni Tyler sa kaibigan.
“Nakaharap ko ang tinatawag nilang mga life suckers. At isang babae ang tumulong sa akin sa kanila. Ayon sa kanya, malapit ng makubkob ng mga nilalang ang buong kamaynilaan. Nagkalat na sila sa paligid. Wala ng ligtas na lugar dito sa atin.” Ani ni Joshua.
“At paano ka nakakasiguro na ligtas tayo kapag bumalik tayo ng San Gabriel? Hindi… Ayoko hindi na tayo babalik dun. Kung hindi na ligtas ang manatili rito. Pupunta tayo ng probinsiya. Hihintayin lang natin ang tito Bryan mo.” Pagkontra ni Mina sa mungkahi ni Joshua.
Napatikom ng mga kamao si Joshua sa tugon ng ina. Napansin iyon ni Tyler. Tahimik na umakyat ng silid ang binata. Hinayaan naman ito ni Mina. Nang maiwan sila ni Tyler sa sala, lumapit ang binata kay Mina at may binulong ito sa babae.
“Tita napansin mo ba iyon kay Joshua?” Tanong nito.
“Napansin? Wala naman akong napansin sa kanya. Bakit ikaw meron?”
“Tita kuwan kasi nakita ko, —nang tinikom kanina ni Joshua ang kanyang kamao, napansin ko na tila nagkabitak-bitak ang kanyang balat at nagkulay abo iyon. Tsaka bigla na lang nagpurong itim ang mga mata niya. Saglit lang iyon at bumalik din naman agad sa normal.” Kuwento ni Tyler kay Mina.
“Isa ka pa Ty, tigil-tigilan niyo na ako sa kawerduhan niyong dalawa. Kahit ano pa ang pangungumbinsi na gawin niyo. Hindi na tayo babalik ng San Gabriel period. Masyado ng maraming kababalaghan sa paligid. Wag mo nang dagdagan. Tama na iyang imagination mo. Ang mabuti pa tulungan mo ako rito sa kusina nang pagkabalik ni Bryan kakain na tayo.”
Wala nang nagawa pa si Tyler kundi ang mapakamot sa batok. Tumulong ito kay Mina sa kusina ngunit nasa kay Joshua pa rin at sa mga napansin nito sa kaibigan ang kanyang isip. Sakto lang ng matapos ang dalawa nang siyang uwi ni Bryan. Nanlumo pa ito nang ibinalita sa dalawa na hindi niya natagpuan si Joshua. Ngunit nakahinga naman ito ng maluwag tsaka napangiti nang sinabi ni Mina sa kanya na nakauwi na ang binata. Diretso agad ang tatlo sa hapag kainan para maghapunan. Susubo na sana si Tyler nang utusan ito ni Mina na tawagin si Joshua para kumain.
“Tol, tawag ka na ng mommy mo. Kumain na raw. Tol?” Pagtawag ni Tyler kay Joshua sa labas ng pinto ng silid.
Tahimik sa loob at hindi man lang sumasagot ang binata sa kaibigan. Nakapatay din ang ilaw sa loob. Kaya naisip ni Tyler na baka pagod lang ang kaibigan at nakatulog. Bumalik ito kina Mina.
“Hayaan mo na muna ang anak mo, baka pagod ngang siguro. Magtabi ka na lang ng para sa kanya. Bababa rin iyon pag nagutom.” Ani ni Bryan.
Habang kumakain naikuwento ng lalake ang naging karanasan nito nang hanapin niya si Joshua. Nabanggit din nito ang tungkol sa tunay na pangalan ng mga nilalang na binansagan ng mga tao na life suckers.
“Ashin ang tawag sa kanila nung lalaking tumulong sa akin. At hindi lamang pala sila basta nanghihigop ng laman at buhay ng tao. Kaya rin nilang gayahin ang anyo ng taong gusto nilang gayahin. Sa kaso ko kanina,—mukha ni Alcantara ang kinopya nito. Maging ang pananalita at pag-galaw, parang si Alcantara talaga. Doon na ako nagduda nang mapansin ko na nagpurong itim ang mga mata niya habang nakangising nakatingin sa akin.” Kuwento pa ni Bryan.
Natigilan sa pag-nguya si Tyler sa sinabi ni Bryan. Naalala nito ang mga napansin kanina kay Joshua. Magsasalita na sana ito nang mag-ring ang cellphone nito na nasa sala. Dali-dali nitong pinuntahan iyon. Halos nanlaki ang mga mata nito nang makita ang pangalan ng tumatawag.
“Joshua?” Mahina nitong sambit sabay natingala sa silid kung saan naroon ang kaibigan.
Nanginginig ang kamay ni Tyler na sinagot ang tawag.
“Hello tol?” Wika nito.
“Tol umalis na agad kayo sa bahay. Hindi ako ang kasama niyo ngayon diyan. Isa iyang halimaw. Bilisan niyo at huwag kayong magpahalata sa kanya. Sabihin mo kay mommy na nandito lang ako sa labas ng bahay.” Ang nagmamadaling sabi ng Joshua na kausap ni Tyler sa cellphone.
Tumalima agad ito sa kusina, ngunit bago pa man ito nakalapit sa kusina, napansin na nito si Joshua na nakatayo na sa hagdan. Pababa ito at papalapit sa kanya. Nasa linya pa rin nun ang kausap nitong Joshua, kaya kinakabahan na sa takot si Tyler kung sino itong nasa harapan niya.
“Pinagpapawisan ka yata tol, ayos ka lang ba?” Tanong ni Joshua na nakangisi sa kanya.
“Ku-kuwan tol maalinsangan kasi, ta-tara na sa kusina, hinihintay ka na ng mommy mo. Kumain na ta-tayo. Ti-tiyak gutom ka na.” Ang nauutal na tugon ni Tyler sabay patakbo itong bumalik kina Mina.
Naupo ito malapit kay Bryan na siyang ipinagtaka naman ng dalawa. Magtatanong pa sana si Mina sa kanya nang dumating si Joshua at naupo na rin sa kabilang upuan katabi naman ni Mina. Nakangiti pang binati ni Joshua si Bryan. Tumugon naman ang lalake sa binata. Ipinaghain pa niya ito ng kanin at ulam sa plato.
Hindi naman mapakali si Tyler sa kinauupuan nito. Nag-iisip ito kung paano niya sasabihin kay Bryan ang lahat. Halos hindi na nito nagalaw ang pagkain sa plato dahil sa kaba at takot lalo pa at panay ang sulyap sa kanya ni Joshua. Dahil wala ng maisip na ibang paraan, nagpanggap si Tyler na hinimatay sa kanyang upuan. Napasigaw naman si Mina sa gulat. Agad din na binuhat ni Bryan si Tyler para dalhin ito sa sala.
“Babe, ikuha mo ako ng ammonia naroon iyon sa banyo sa silid ko. Joshua kailan ko ng maligamgam na tubig dalhin mo rito sa sala.” Utos ni Bryan sa dalawa habang buhat-buhat si Tyler.
Nang mai-higa na nito ang binata sa sofa. Agad naman kinabig ni Tyler ang mukha ni Bryan palapit sa kanya tsaka binulong nito sa lalake ang kanyang hinala.
“Tito hindi si Joshua ang kasama natin ngayon dito. Pasensya na ito lang ang paraan ko para makausap kita. Iyong kuwento mo kanina. Iyon din ang napansin ko sa kanya. Biglang nag purong itim ang mga mata niya.” Ang mabilis na sabi ni Tyler kay Bryan.
Napamura namang napakunot ng noo si Bryan. Tinapik nito si Tyler para tumayo at sinenyasan ang binata na buksan ang pinto. Kinasa agad ng lalake ang dalang baril at marahang binalikan si Joshua sa kusina. Nagsasalin naman nun ng tubig si Joshua sa baso habang nakatalikod sa puwesto ni Bryan.
“Ilantad mo sa akin ang tunay mong anyo halimaw! Huwag ka magtago sa ganyang anyo! Hindi mo kami nalilinlang!!!” Ang galit na sabi ni Bryan habang nakatutok ang baril nito sa ulo ni Joshua.
Napasigaw naman sa gulat si Mina nang makita ang ginagawa ni Bryan sa anak.
“Huwag kang lumapit dito Mina! Lumabas na kayo ni Tyler at pumasok sa kotse. Hindi ito si Joshua. Ashin ito na ginagamit lang ang katauhan ng anak mo!!!”
“Ano ba ang pinagsasabi mo?! Bryan ano ba! Ibaba mo ang baril mo baka pumutok iyan!” Sigaw ng umiiyak na si Mina.
“Mommy hindi ako iyan! Isa iyang impostor! Halimaw ang isang iyan!” Biglang sabat ng isa pang Joshua na naroon sa pinto kasama ni Tyler.
Natigalgal si Mina sa nakikita. Dalawang Joshua ang ngayon nasa kanyang harapan. Nang bumaling na sa kanila ang isang Joshua doon na nakita ni Mina ang pinagkaiba nito. Nagpurong itim ang mga mata nito at nagkulay abo ang kanyang balat. Mabilis na hinila ni Bryan si Mina habang paatras ang takbo nitong nakatutok sa impostor na Joshua ang baril. Agad niya itong pinaputukan ngunit binabaon lang sa katawan nito ang mga bala.
“Dali diretso na kayo sa kotse! Alalayan niyo si Mina!!!” Utos ni Bryan habang pinagbabaril parin ang nilalang na palakad lang na lumalapit sa kanya.
Nasa labas na sila lahat nang magpulasan ang mga uwak na nagkukumpulan sa paligid. Kasunod nun ang paglitaw pa ng mga Ashin mula sa kung saan.
“Buwisit, wala talagang silbi sa kanila ang mga bala. Ngayon nadagdagan pa sila.” Sa isip ni Bryan nang mapagtanto na malapit ng maubos ang kanyang bala.
Napapaligiran na sila ng mga Ashin. At gitna ng kawalan ng pag asa, dumating ang di inaasahang tulong. Napalingon si Bryan ng marinig ang paparating na sasakyan. Lahat nagulat nang huminto sa tabi nila ang OB van ng network nila ni Mina. Lulan nun sina Peter, at Tim. Bumaba si Peter at tinulungan si Bryan na harapin ang mga Ashin.
“Ma’am Mina sumakay na kayong lahat sa van. Tatapusin lang namin itong mga demonyo na ito.” Wika ni Peter. “Sir, gamitin mo itong baril.” Sabi pa nito sabay abot kay Bryan ang isang baril.
Pamilyar kay Bryan ang estilo ng baril na iyon. Nang akma na silang dadambahan ng mga nilalang sabay agad iyon pinagbabaril ng dalawa. Isang putok at tama lang sumasabog agad ang mga iyon na tila bulbos. Asintado si Bryan, kaya bawat tira nito sapol agad sa ulo. Nang wala ng matira sa mga iyon, mabilis na nilang nilisan ang lugar sakay ng van.
SILENT WHISPER
Mabilis na pinaandar ni Tim ang sasakyan palayo sa lugar habang patuloy na tumitingin sa likuran si Peter upang masigurong wala nang sumusunod sa kanila. Tahimik ang lahat sa loob, tila ba nilamon ng bigat ng mga pangyayaring kakalipas lamang. Si Mina ay nakaupo sa sulok, mahigpit na niyayakap ang si Joshua habang tumutulo pa rin ang kanyang mga luha-hindi lamang dahil sa takot, kundi dahil din sa halos mapahamak na sila sa maling akala.
“Paano… paano ninyo nalaman na nasa panganib kami?” tanong ni Bryan habang pinagmamasdan ang espesyal na baril na hawak niya, “tsaka anong meron sa baril na ito?” Dagdag nito.
Sumagot si Peter habang inilalagay ang isa pang kartutso ng bala sa kanyang sariling sandata. “Galing kami kina ma’am Mina, -kaso wala na kaming inabutan dun. At batid namin na may masama na nangyari nang maalala kita sir Bry. Buti na lang talaga at sa inyo agad ang naisip kong puntahan.”
“Mabuti na lang talaga at mabilis kayong nakarating.” Ang napabuntong hininga na sabi ni Bryan.
“Ang tungkol nga pala sa baril na iyan ay sa safehouse ko na ikuwento sir.”
Napatingin si Joshua sa labas ng bintana, kung saan unti-unti nang naglalaho ang liwanag ng siyudad na tila ba nilalamon na ng husto ng kadiliman. “Nagsisimula na sila,” mahina niyang sambit. “Wala ng ligtas sa lugar na ito para magtago. Ang mga nilalang na ito ay hindi titigil hangga’t hindi nila makakamit ang kanilang layunin. At ang susi sa lahat ay nasa San Gabriel.”
Nagkatinginan sina Bryan at Mina. Sa kabila ng kanilang takot at pagnanais na magtago sa malalayong lugar, napagtanto nilang hindi nila matatakasan ang nakaraan. Kung ano mang sumpa o laban ang naghihintay doon, bahagi na rin ito ng kanilang kapalaran.
“Bakit ba kasi ito nangyayari sa atin? Katapusan na ba ito ng mundo?” Ang nanginginig na sambit ni Mina habang yakap parin ang anak.
“Hindi ito matatapos hangga’t hindi mapuputol ang ugat ng lahat ng ito mommy. Kaya kung nais mong mawala na ang lahat ng ito, pumayag ka nang bumalik ako ng San Gabriel.”
Natigilan si Mina sa sinabi ng anak. Ngunit dahil sa mga nakaharap nilang panganib, napagtanto nito na wala na ngang saysay ang umiwas at tumakbo.
“Saan tayo pupunta?” tanong ni Tim habang nakatingin sa likuran sa pamamagitan ng salamin.
“Sa San Gabriel,” mariing sagot ni Mina. “Kung doon ang simula, doon din natin hahanapin ang wakas.”
“Miss Mina doon muna tayo sa safehouse na pinaglalagian namin. Wag tayong padalus-dalos. Hindi biro ang mga kalaban natin. Hindi sila mga tao. Pagplanuhan muna natin ang mga gagawing hakbang nang umayon sa atin ang pagkakataon.” Sabat ni Peter nang binalingan nito si Mina.
Samantala, pabalik na rin sina Nicodemus sa tapat ng barangay hall. Mabigat ang kanyang mga hakbang at puno ng pag-aalala ang kanyang isip. Alam niyang ang pagharap niya kay Amadeo ay simula pa lamang ng mas malaking pagsubok. Pagdating niya doon, sinalubong siya agad nina Helen at Eric.
“Tito! Saan ka galing? At si Paco-” hindi na natapos ni Helen ang sasabihin nang mapansin ang seryoso at malungkot na mukha ng matanda.
“Nagkaharap kami…,” simula ni Nicodemus habang umuupo sa isang bangko. “Ang kasama ni Father Rigor… si Carlitos, hindi siya tao. Siya si Amadeo-isang matandang kaaway na matagal nang naghihintay ng pagkakataon upang maghiganti. At hawak niya si Paco, kasama na rin ang diwa ni Joshua.”
Nanlaki ang mga mata nina Eric at Helen. “Paano nangyari iyon? At sino na naman itong si Amadeo? Tito ano ba ang nangyare?” tanong ni Eric.
“Isinakripisyo niya ang kanyang kaluluwa kapalit ng walang katapusang buhay at kapangyarihan. Ang galit at poot na taglay niya ay naging pinagkukunan niya ng lakas sa loob ng mahabang panahon. At ngayon, gamit ang katawan ng bata, naghahanda siya upang buksan ang pintuan na magbibigay-daan sa pagbabalik ng kanilang panginoon.”
“Prof hindi namin naiintindihan. Sinong Carlitos at sinong Amadeo?-at nasaan si Paco?” Tanong pa ni Helen sa tila tulalang si Nicodemus.
Lumapit si Kapitan Dantoy kasama si Father Rigor. Ngunit sa pagkakataong ito, iba na ang tignan ni Nicodemus sa pari. May hinala na siyang hindi rin ito basta simpleng lingkod ng Diyos lamang.
“Alam mo ba ang tungkol kay Amadeo, Rigor?” tanong ni Nicodemus nang diretso.
Nanatiling kalmado ang mukha ng pari, ngunit bahagyang kumunot ang kanyang noo. “Ano ang ibig mong sabihin? Anong alam?-at sino ang tinutukoy mong si Amadeo?”
“Huwag ka nang magkunwari. Alam kong may tinatago ka rin. Iyong binatang kasama mo, si Carlitos alam mong hindi iyon siya, tama ba?”
Bago pa makasagot si Rigor, narinig nilang may mga hiyawan at sigaw mula sa labas. Tumakbo ang ilang taga-baryo papasok sa barangay hall, puno ng takot ang kanilang mga mukha.
“Kapitan! May mga nilalang na paparating! Galing sila sa paanan ng bundok! At marami sila!” sigaw ng isa sa mga lalaki.
Tumayo si Nicodemus, hinawakan nang mahigpit ang gintong punyal na kanyang hawak. Tumingin siya sa lahat ng naroon-kay Dantoy, kay Helen, kay Eric, at kay Rigor. Nang inilabas iyon ng matanda namilog ang mata ng pari nang makita iyon. Na tila ba nagulat ito sa presensiya ng bagay na iyon. At maging si Dantoy hindi maiwasang mapuna iyon kay Nicodemus.
“Paanong napunta sa iyo ang sagradong punyal ng Fratres Lucis?” May pagtatakang tanong ng kapitan
“Dumating na ang oras na siyang kinatatakutan natin,” wika ni Nicodemus, mahigpit ang pagkakahawak nito sa punyal na hawak. “Ang laban ay hindi lamang para sa San Gabriel, kundi para sa buong sangkatauhan. Maghanda kayo-dahil ang kadiliman ay narito na upang sakupin ang liwanag.”
Sa narinig sa matanda, batid ni Helen na hindi biro ang kakaharapin nila sa gabing iyon. Muli nitong inilabas ang ginamit na baril. Si Eric naman kahit hinanda na rin ang sarili sa mangyayari. Nag-abang ang lahat ng naroon. Pawang mga takot at balot ng pangamba ang mga sarili. Ang ilan sa mga matatanda at mga babae ay ibinaling na lang ang mga kaba sa dasal habang yakap-yakap ang mga anak na bitbit. Ang mga kalalakihan naman ay kanya-kanyang hawak na rin ng mga sandata kahit pa walang kasiguraduhan kung ang mga iyon ba siyang magliligtas sa kanilang mga buhay.
Sa gitna ng kanilang mga takot, muling pumagitna sa kanila ang pari.
“Ang takot ang siyang maglalagay sa atin sa tiyak na kapahamakan. Ito ang magiging kahinaan nating lahat sa oras ng panganib. Magpakatatag kayo at huwag bibitaw sa inyong mga pananampalataya. Magtiwala lang tayo sa Diyos at siya ang tunay nating tagapagligtas. -masyado maliit ang Baranggay hall natin para sa ating lahat. Doon tayo sa simbahan, iyon ang tahanan ng ating diyos, at doon kasya tayong lahat.” Sambit pa ni Rigor.
Sumang-ayon ang lahat sa mungkahi ng pari. Maging si kapitan Dantoy ay pabor na doon muna pansamantala ang mga tao habang inaalam ang bigat ng sitwasyon. Maliit nga lang ang Baranggay hall, at kung sakaling sugurin sila ng mga nilalang na namataan nila sa paanan ng bundok,-tiyak na walang ligtas ang mga tao.
Ngunit sa sinabi ng pari, mariin na tinututulan iyon ni Nicodemus.
“Pumirmi na kayong lahat, hindi niyo alam kung ano ang makakasalubong niyo sa daan. Dito walang makakagalaw sa inyo. Nandito ako para protektahan kayo!”
Nagtaka ang marami sa sinabi ni Nicodemus. May ilan na natawa pa sa sinabi nito na kaya niyang protektahan ang lahat, dahil sa kanyang edad.
“Pasensya na tang, hindi namin kayo kilala pero si Father Rigor matagal na rito. At ilang beses na niya iniligtas ang mga tao rito. Mga demonyong sumasapi nga naitataboy niya eh. Kaya mga kabaryo doon tayong lahat sa simbahan!” Sigaw pa ng isang lalake ng saparin nito si Nicodemus.
Pinangungunahan ni Father Rigor ang mga tao sa paglalakad papunta ng simbahan. Maging ang mga lumalamay sa chapel ay sumunod na rin sa pari. Tanging naiwan na lamang doon ang mga magulang ng mga nakaburol at sina kapitan Dantoy, si Tilyo na anak nito. At sina Helen, Eric;
Lumipas ang mga sandali na tila wala namang nangyari. Wala ang inaasahan nilang mga nilalang. Walang sumugod na kahit isa. Tahimik ang gabi, ngunit ang katahimikan ng paligid ay ibang-iba sa mga nakasanayang mga gabi. Tahimik ngunit nakakabingi, na kahit mga huni ng hayop sa dilim wala silang marinig.
“Mag salabat na muna kayo. Kumalma man lang ang isip niyo kahit saglit.”
Inabutan ng mainit na salabat ni kapitan Dantoy ang tatlo habang nag-uusap sa kanilang sasakyan. “Pinasusuyod ko na sa mga tanod ko ang baryo. Nawa’y matagpuan na nila si Paco.” Wika ng kapitan.
“Hindi mo na sana pinaalis ang mga tanod mo. Inilagay mo lang sa panganib ang mga buhay nila.” Ang seryosong sabi ni Nicodemus na hanggang sa mga sandaling iyon ay malalim pa rin ang iniisip.
“Ang ilan sa kanila ay dati na rin miyembro ng kapatiran. Alam na nila ang gagawin. Pero maiba ako, ano ang ibig mong sabihin na nakaharap mo si Amadeo? At ang sinabi mo kanina kay Father Rigor, alam kong may ibig sabihin iyon. Ano ba talaga ang nangyari?” Sambit ng kapitan.
“Ang binatang kasama niya, ang tinawag niyang si Carlitos,-siya si Amadeo. Hinarap niya ako. Puno siya ng galit sa akin, may pagbabanta. At tila may kinalaman siya sa mga nangyayari.” Pahayag ni Nicodemus.
“Imposibleng si Carlitos at si Amadeo ay iisa. Tunay nga na wala kaming eksaktong pagkakakilanlan sa buong pagkatao ng batang iyon, ngunit dito na iyan nagbinata sa pangangalaga ni father Rigor. Kilala namin kung gaano kabuti at kabait si Carlitos. At si Amadeo matagal ng kinalimutan ng baryong ito.” Komento pa ng kapitan.
“At sa tingin mo gawa-gawa ko lang ang mga nangyari at nasaksihan ko? Sa tingin mo ba sa sitwasyon ngayon magsisinungaling pa ako?-saksi ka nang matagpuan ang katawan ni Amadeo noon, at alam mo kung ano ang ibig sabihin ng mga simbolong iyon.” Ang mariin na sabi ni Nicodemus.
“At si Father Rigor bakit tila may pagdududa ka rin sa kanya?”
“Hindi ko alam ngunit may kung ano akong nararamdaman sa kanya. Wag lang sana maging tama ang hinala ko. Dahil kung magkaganun, nalalagay sa panganib ang buhay ng mga tao sa baryo na ito.” Tugon ni Nicodemus.
Habang seryosong nag uusap ang dalawang matanda. Si Helen naman ay labis paring nag-aalala sa pagkawala ng pamangkin. Paparing-paring ito ng lakad at hindi mapakali. Hanggang sa naisip nitong sumunod sa mga tanod ng kapitan. Agad naman itong pinigilan ni Eric.
“Ano ang gagawin mo dun? Hindi porke’t may armas kang ganyan ay kaya mo nang harapin ang mga halimaw na iyon. Paano kung hindi lang ang mga iyon ang makakaharap mo sa daan. Maghintay na lang tayo rito.”
“Pamangkin ko ang nawawala, at kung hawak man siya ng kung sinong demonyong Amadeo na iyon, walang rason para pumirmi rito at maghintay sa masamang balita. Paano kung may ginawa na iyon kay Paco?” Sagot ni Helen.
“Exactly!- demonyo ang kalaban natin at kung sakaling makaharap mo iyon, sa tingin mo matatalo mo iyon ng baril na iyan? Alalahanin mo hindi si Paco ang nasa katawan niya kundi si Joshua. Naku ba natin kung sinadya talaga nun na sumama kay Amadeo. At may pinaplano iyon laban sa kanya.”
Natigilan si Helen sa sinabi na iyon sa kanya ni Eric. Napag-isip-isip ng babae na baka tama nga teyoriya ni Eric. Kumalma ito at muling napaupo sa gilid ng kotse. Tinabihan ito ng lalake tsaka tinapik-tapik sa balikat.
“Reserve mo ang tapang mo na iyan. Wala pa tayo sa exciting na part. Papunta pa lang tayo dun. Huwag kang mag alala hindi rin ako papayag na mawala si Paco.“saad pa ni Eric kay Helen.
Napabuntong hininga ng malalim si Eric nang maisip nito sina Joshua at Tyler. Kasalukuyan namang binabaybay ng van ng anim ang daan palabas ng siyudad papunta sa nilalagiang safehouse nila ni Peter. Liblib at tago sa highway ang malaking bahay na may mataas na gate na tila nasa makaluma pa ang disenyo. Mataas ang bahay na may tatlong palapag na gawa sa purong bato na katulad sa mga sinaunang tayong mga simbahan. Ang estilo ng bahay ay tila naligaw pa sa kasalukuyan mula sa makalumang mga bahay noong medieval era. Napapaligiran din ng matataas na mga puno ng pine tree ang paligid na angkop sa malamig na kondisyon ng hangin na pumapasok sa bahagyang bukas na bintana sa gilid ni Peter.
Nang nasa tapat na ng gate ang van agad na bumusina si Tim. Makaraan ay kusang bumukas ang gate na walang tao.
“Luma, pero de remote ang gate,-astiiiig!” Ang natawang puna ni Tyler na namangha sa pagbukas ng gate.
“Huwag kayong matakot ligtas na tayo rito… pansamantala. Tim pare dito na lang kami, ideretso mo na lang sa garahe ang van.” Wika ni Pater tsaka ito unang bumaba ng van.
Sunod na nagsibabaan ang apat na namamangha parin sa anyo ng lugar. Tila kasi tumawid ang kanilang sinasakyan sa kabilang panahon dahil sa lokasyon ng lugar at sa kakaibang disenyo ng bahay. Na maging si Bryan na madalas ng dumadaan sa bahagi na iyon ng highway ay ni minsan hindi niya napansin na may ganoong lugar sa bahaging iyon. Pasimple nitong inilabas ang cellphone mula sa bulsa upang tukuyin ang kanilang lokasyon ngunit laking pagtataka nito nang hindi gumagana ang GPS locator app nito, maging ang Google map. Kahit pa maayos naman ang signal ng internet nito.
“Hindi talaga gumagana dito ang kahit na anong map app sa cellphone, sir. Sinadya talagang itago ang lugar na ito para walang taga-labas ang makatunton dito o makapasok. May kung anong system blocker ang humaharang na ma-locate ito ng kahit anong tracker. Ayon kay Miranda, tanging ang nakapasok lang dito ang siyang makakabalik sa lugar na ito.” Wika ni Peter nang mapansin ang pagdudutdot ni Bryan sa cellphone na hawak nito.
“Sinong Miranda?” Tanong nito.
“Ang may-ari nito. At ang mga baril na gamit natin kanina, siya ang may gawa nun.”
Pinangungunahan ni Peter ang apat papasok sa malaking bahay na bato. Nang nasa tapat na ang mga ito ng pinto, muling namangha si Tyler dahil sa kusa na namang bumukas ang pinto. Gawa iyon sa matibay at makapal na uri ng kahoy, ngunit ang paraan ng pagbukas nun ay katulad sa mga mall na kusang bubukas pag nakasagap ng tao ang sensor.
“Wow sliding…astiiiig!” Napangising sambit ng binata.
Lalo silang namangha at nalula sa lawak at laki ng loob ng bahay. Maging sa loob nito lahat ng naroon, mula sa mga kagamitan at ayos tila pinaglipasan na talaga ng panahon. Ngunit buo at tila walang bahid ng alikabok at bakas na iyon ay mga luma. Agad napako ang tingin ni Joshua sa malaking painting na naroon sa ibabaw ng fireplace.
Larawan iyon ng isang tagpo o pagtitipon sa isang bulwagan kung saan nakaupo ang lahat ng miyembro sa pabilog na lamesa na may kakaibang mga simbolo na nakaukit dun. At sa itaas na bahagi ng larawan ay ang bilog na buwan na may mukha ng tao na nakatungo sa lahat. Luma na ang painting na tila iginuhit pa ng mga sinaunang pintor ng Greece. Bakas iyon sa istilo ng pagpinta at sa mga bitak ng pintura na ginamit sa larawan.
Tulalang nakatitig doon si Joshua.
“Tol, tama ba ang napupuna ko. Kamukha ng nasa painting na iyan ang nakita natin sa guho. Tingnan mo ang mga nakaukit na simbolo na iyan ganun na ganun talaga. Kung gayon hindi pala libingan ang nakita natin kundi isang lamesa. Pero paano napunta iyon dun?” Wika ni Tyler nang mapuna rin nito ang nasa painting.
“Hindi ko alam, ang ipinagtataka ko kung bakit may ganyang painting sa bahay na ito.” Tugon ni Joshua.
Habang abala ang lahat sa pagkamangha sa buong loob ng bahay,-isang matandang babae ang marahang bumababa ng hagdan. Sa edad nito at sa taas ng hagdan kamamanghaan padin ang matikas nitong tindig na para bang ang anyo lang nito ang matanda at hindi ang edad. Napalingon ang lahat sa kanya nang binati sila nito.
“Magandang Gabi sa inyo,…”
Hindi na naituloy ng babae ang sunod nitong sasabihin nang magtama ang tinginan nila ni Mina. Bukod dito napako rin ang kanyang mga mata kay Bryan na para bang may kung anong enerhiya itong nasasagap sa katauhan ng lalake. Lumapit ang matandang babae na may matapang na tingin sa lahat. May otoridad ang tindig nito na parang may hawak na kapangyarihan.
“Ikaw,-ikaw ang babaeng nabaril dun sa San Gabriel. Hindi ako nagkakamali, naaalala ko pa ang mukha mo dahil muntikan mo na akong sugurin nun. Saling…tama, Saling ang tawag nila sa’yo dun.” Wika ni Mina.
“Ako nga iyon, at hindi Saling ang tunay kong pangalan. Ako Miranda.”
“Miss Mina, siya talaga ang nag-utos sa amin na hanapin kayo. Kuwan kasi…” biglang pagsingit ni Peter sa usapan.
“Mamaya na natin pag-usapan iyan Peter, dalhin mo na sila sa komidor at tiyak gutom na ang mga iyan. Susunod ako. May sisilipin lang ako sa labas. Mukhang nasundan kayo.” Ani pa ni Miranda at tinungo nito ang malaking bintana na nakaharap sa gate.
May pagtataka man at mga katanungan hinayaan na lang ni Mina iyon at ibinigay na lamang ang tiwala kina Tim at Peter. Si Bryan naman ay hindi mapakali sa kakatitig sa matandang si Miranda. Naiiwan ang mga tingin nito sa babae habang sumusunod ito sa lima papuntang komidor.
Samantala; Napakunot ang noo ni Miranda nang mapansin sa labas ng gate ang napakaraming mga uwak na nagkukumpulan sa labas na tila ba may inaabangan. Agad nitong isinara ang makapal na kurtina ng bintana tsaka sinundan ang anim sa komidor.
Sa paglalim ng gabi, -naging matahimik naman ang buong baryo ng San Gabriel. Ang kaninang takot ng mga tao dahil sa mga namataang mga halimaw ay biglang nahanaw dahil sa katahimikan ng sandali. Maging ang mga inuutusang tanod ng kapitan, nakabalik na ngang pagod ngunit wala man lang ni isa sa kanila ang nakasalubong sa mga nilalang. Hindi rin nila nahanap ang nawawalang si Paco na labis na ina-alala ni Helen.
“Habang lumalalim ang gabi lalo lang ako nag-aalala sa kalagayan ngayon ng katawan ni Paco. Maaring si Joshua nga ngayon ang nagpapakilos nun pero katawan padin iyon ng pamangkin ko. At baka kung ano na ang nangyari dun.”
“Sasamahan na kita kung iyan talaga ang pasya mo. Hindi kita basta hahayaan na lang sa labas baka ikaw naman ang mawala sa akin. Ibig kong sabihin sa amin. Sisihin pa ako ni tito na pinabayaan kita. Saan ba ang balak mong puntahan?” Sabat ni Eric.
“Kasama ng pari ang Carlitos na iyon, kung talagang hawak niya si Paco ayon kay prof Nico, -sa simbahan tayo pumunta.”
“Pero diba nga ayon kay tito sa paanan ng bundok niya nasundan ang dalawa. Paano kung wala dun sa simbahan?”
“Susubukan pa din natin. Basta ayokong maghintay na lang dito na walang aksiyon na ginagawa.”
Agad na naghanda ang dalawa. Kasalukuyan namang pinaguusapan nila Nicodemus at Dantoy sa loob ng barangay hall ang punyal na hawak ni Nicodemus.
“Matagal ng pinag-uusapan ang tungkol sa punyal na iyan. Na ang buong akala ng buong kapatiran ay isa lamang alamat ng sinaunang kasaysayan. Pero heto at hawak-hawak ngayon ng mga palad ko. Ang sagradong punyal ng Fratres Lucis.” Ang namamanghang sambit ni Kapitan Dantoy habang sinusuri ang gintong punyal na hawak.
“Nang lisanin ko noon ang villa, aksidente ko nakita ang bagay na iyan na hawak nun ni Eusebio. Maingat niya itong inilagay sa silyadong kahon at itinago sa lihim na silid ng villa. Noong una hindi ko iyon binigyan ng pansin. At nawala na lang din sa isip ko. Ngunit nito lang, dahil sa mga nangyayari ngayon, nabasa ko sa lumang aklat ng custos solis at sa aklat na Joshua ang kahalagahan ng punyal na iyan. Kaya noong itinakas namin si Eric sa villa, binalikan ko ang bagay na iyan dun. Mabuti na lang at mukhang walang may alam na nandoon lang iyon dun nakatago. At kung paano napunta iyan sa mga kamay ni Eusebio noon ay wala na akong alam. Tila isinama na nito ang lahat ng lihim sa kanyang libingan.” Ang kuwento pa ni Nicodemus.
“Ngunit isa lang ang meron tayo. Ayon sa kasaysayan ng mga Fratres Lucis, kambal ang punyal. Ang sinag ng araw at ang liwanag ng buwan. Isa para sa pagwawakas at ang isa para sa pagsisimula. At base sa mga nakaukit dito, ang punyal na ito ang sinag na siyang tinutukoy.” Ang wika ng kapitan.
“Kung nasaan man ang kakambal nito, may kutob akong nasa malapit lang iyon. At protektado rin ng isang miyembro ng samahan.” Ani ni Nicodemus.
“O baka naman nasa kuta mismo ng kapatiran.”
Natigil ang kuwentuhan ng dalawa nang marinig nila ang pag andar ng makina ng kotse. Napasilip agad si Nicodemus sa bintana. Sinubukan pa niyang habulin para pigilan sina Eric at Helen ngunit saktong pagkababa nila at paglabas ng barangay hall, naka-alis na ang mga ito.
Sa bahay ni Father Rigor, agad naman nitong hinanap si Carlitos. Ngunit walang tumutugon sa kanyang mga pagtawag. Maging sa silid ng binata wala ito roon. Papasok na sana ito ng kanyang silid nang may narinig itong mahihinang mga kalabog. Nagmadali ang pari na hanapin iyon. Hanggang sa dinala siya ng mga ingay sa pintuan pababa ng basement. Nang akmang bubuksan na nito ang pintuan nun, biglang bumukas ang pintuan sa bandang kusina at pumasok mula roon si Carlitos. Putikan ang damit na suot at basang-basa. Napasugod bigla si Rigor sa binata nang napahandusay na lang si Carlitos sa sahig nang matumba ito.
“Diyos ko, ano ang nangyari sa iyo at ganito ang ayos mo?” Ang nagaalalang sabi ng pari habang buhat-buhat nito sa magkabilang braso ang walang malay na si Carlitos.
Dali-daling dinala ng pari ang binata sa silid nito at doon agad nitong binihisan ng maayos na damit si Carlitos tsaka hinayaan itong makapagpahinga. Nang mai-ayos ang binata sa kama, muli nitong binalikan ang pintuan sa basement. Mariin niya itong pinakiramdaman, ngunit wala na ang mga narinig nitong mga ingay. Inisip na lamang nito na baka mga malalaking daga lang ang may gawa nun.
Maya-maya pa ay nakarinig naman ito ng mga pagkatok mula sa pintuan sa sala. Kaya inalam agad nito kung sino ang kumakatok na iyon. Natigilan na lamang ito nang malaman kung sino ang mga bisita nito.
“Andres, Gaspar kayo pala,-ano ang sadya niyo sa akin? Kung nais niyo ng mapaglagian ngayong gabi, bukas ngayon ang simbahan sa lahat ng mga taga San Gabriel. Sa katunayan naroon ngayon doon ang mga kabaryo natin.”
“Napansin nga namin nang mapadaan kami father. Bakit nga ba sila nagsisiksikan sa simbahan? Ano ba ang nangyari? Wala namang bagyo o lindol para gawin nilang evacuation center ang tahanan ng diyos.” Ang nakangising sabi ni Gaspar sa pari.
“Mangyari kasi may iba na malapit sa paanan ng bundok ang sumugod kina kapitan Dantoy, at nagsabi na may nakita daw sila na di umano mga halimaw na pababa mula bundok. Sa takot ng mga tao, kinanlong muna sila ng simbahan para na rin sa kapanatagan ng lahat.” Ang malumanay na tugon ng pari.
“Kalokohan, di kaya adik lang ang nag sabi nun, at trip niya lang dagdagan ang kapraningan ng ibang tao sa lugar natin? Mga tao talaga ngayon mapagpaniwala sa mga fake news at AI. Kaya napag-iiwanan na itong baryo natin eh, hanggang ngayon mapagpatol parin sa mga kuwento ni lola Basyang ang mga tao rito.”-hirit na komento pa ni Gaspar.
“Hindi natin masisi ang mga tao. Sa mga nangyayari dito ngayon sa atin, marami na ang nawawalan ng tiwala sa diyos kaya kung ano-ano na lang ang pinaniniwalaan. Ngunit ano ba talaga ang sadya niyo rito ngayon sa akin sa ganitong oras?” Tanong naman sa kanila ng pari.
“Father, nakita namin ang mga bagong dating kanina. At may natanggap kaming impormasyon mula sa kapulisan na wanted ang dalawa sa mga iyon. Sa palagay namin balak nilang magtago rito. Nakita rin namin na mukhang kakilala sila ni kapitan. Baka nga si kapitan pa mismo ang nagdala sa kanila rito para itago, kaya ikaw na ang nilapitan namin. Pari ka at nirerespeto rin lahat. Hindi ka nila paghihinalaan sakaling makipagtulungan ka sa amin.” Paglalahad ni Andrea ng kanilang pakay.
“Hangad ko ang katahimikan sa baryo natin. At kaisa ako ng kapulisan natin sa pagpapatupad ng batas. Kung tunay ngang sangkot sa krimen ang mga iyon asahan niyo ang kooperasyon ko. Ano ba ang nais niyong ipagawa?” Tugon naman ni father Rigor.
“Simple lang father, dalhin mo sila sa sasabihin naming lugar at kami na ang bahala na mag turnover sa kanila sa mga pulis.”
“Kasama ba pati ang binata at matanda nilang kasama?” Tanong ng pari.
“Mas maigi kung lahat sila, kasabwat din naman sila sa pagkanlong sa mga kriminal. Obstruction of justice din ang kakaharapin nila sa batas.” Ang nakangising sagot ni Andres.
Pinatuloy ng pari ang dalawa tsaka pinag-usapan ang mga gagawin sa paghuli sa mga tinutukoy na kriminal ng dalawa.
Nang mga sandali naman na iyon, sa gitna ng mahabang hapag-kainan sa bahay ni Miranda, hinarap nito ang mga katanungang bumabagabag sa isipan ni Mina. Sinagot nito isa-isa ang mga tanong ng bawat isang naroon sa harapan niya.
“Kung may nagawa man ako sa iyo, ipagpatawad mo,-hindi ko iyon sadya” panimula ni Miranda. “May mga bagay kasi minsan dumadaan na lamang bigla sa aking paningin. Mga pangitain na hindi kontrolado ng aking isip at katawan. Kusa na lamang ito tumutugon na nakakaapekto sa akin.” Dagdag pa nito sa kanyang sabi tsaka uminom ng malamig na tubig sa baso.
“Ang sinabi mo nun sa akin. Parte rin ba iyon ng pangitain mo?” Tanong ni Mina.
“Nang makita kita nun, biglang dumilim ang nakikita ko sa paligid at sa pangitain ko nilolukuban ka ng itim na usok, isang madilim na enerhiya. Hindi ko mawari kung ano iyon. At nang ibaling ko ang aking mga tingin sa paligid. Nakakakilabot na katapusan ng sangkatauhan ang tumambad sa akin. Kaya ko iyon nasabi sa iyo Mina. Hindi ko alam kung ano ang meron sa iyo, ngunit malakas ang kutob ko na konektado ito sa mga nangyayari ngayon sa atin. Ang mga nilalang na nagbibigay kilabot sa mga tao, ay nagpapakita lang kung saan sila nakakasagap ng kanilang lakas. Hindi sila naroon sa lahat kundi kung saan lang naroon o malapit ang pinagkukunan nila ng kapangyarihan. At kung tama ang hinala ko, isa sa inyo o lahat kayo ay taglay ang bagay na nagpapalakas sa kanila. -Sa maikling sabi kayo ang sinusundan nila.” Pahayag pa ni Miranda.
“Hindi parin namin maintindihan, ano ba kasi ang mga nilalang na iyon at ano ang meron sa amin na kami ang pakay nila?” Tanong naman ni Bryan.
“Ashin ang tawag sa kanila, mula pinaka lumang kasulatan bago pa naisulat ang mga sinaunang kasulatan ng mga kasaysayan ng mundo. Mga hell knights kung tawagin. Mga sundalong tagatugis mula sa impyerno. Isang kuwentong alamat lang noon ngunit narito na sa ating panahon. -Ayon sa lumang aklat, sila ang inatasan ng impiyerno upang hadlangan ang pagsilang o paghari ng tagapagligtas na siyang magwawakas sa kanilang kapangyarihan. At sisiguraduhin nilang magtatagumpay sila upang bigyan naman ng daan ang paghari ng kanilang pinuno,-na siyang wawasak sa atin lahat. Wala akong nakikita na kung ano mang pangitain sa inyo, kaya hindi rin ako sigurado. Ngunit ipinakita na sa akin ang kay Mina. Kaya inutusan ko agad si Peter na puntahan siya at dalhin dito.” Paliwanag pa ni Miranda.
“So ibig sabihin tama nga si Joshua tita, iyang magiging kapatid niya ang magiging sisidlan ni …ay sorry mali pala theory ko.” Napatikom muli ng bibig si Tyler nang titigan ito ng matalim ni Joshua.
“Buntis ka Mina?”
“Oo, may dalawa o tatlong buwan na yata hindi ako sure pero buntis nga ako.”
“At ako ang ama,” biglang sabat ni Bryan sabay kabig kay mina sa balikat nito.
Napabaling ang pansin ni Miranda kay Joshua na para bang kinikilatis nito ang pagkatao ng binata.
“Joshua, iho may nais ka bang ibahagi sa akin. Mukhang balot ng mga katanungan ang iyong mga mata. Nababasa ko ang bigat na dala ng kalooban mo. Huwag kang matakot. Kung ano man iyan,-kakampi mo ako.” Wika ni Miranda.
Nagbigay muna ng malalim na buntong hininga si Joshua bago ito nagsalita.
“Maari niyo bang sabihin ang tungkol sa malaking painting na nando’n sa fireplace niyo?” Tanong nito.
“Bakit may pamilyar ka bang nakita sa painting na iyon?” Balik na tanong ni Miranda.
“Iyong bilog na mesa sa harapan ng mga nagpupulong. Kapareho kasi iyon nung bato na nakita namin sa guho dun sa San Gabriel. Pati ang mga naka-drawing na mga symbols dun halos walang pinagkaiba. Iyon nga lang maliit na version lang ang nandoon. Sa painting kasi medyo malapad at malaki.” Ang muling pagsingit ni Tyler sa tanong ni Miranda. Giliw na giliw pa itong ikinuwento sa matanda ang tungkol sa ginawa nila sa guho. Napahinto na lang ito ng mapansin ang pananahimik ng lahat na nakatingin sa kanya at ang galit na titig sa kanya ni Joshua.
Sa mga naikuwento ni Tyler biglang nagbago ang ekspresyon ng mukha ni Miranda. Nabalot ng takot ang kanyang mukha. Tinitigan nito nang husto si Joshua.
“Masyado ng malalim ang gabi, magpahinga na muna kayo at bukas na muli tayo magkikita-kita. Peter ikaw na ang bahala sa kanila. Ituro mo sa kanila ang kanilang silid. Tim, Sari kayo na ang bahala sa kinainan natin, babalik na aking silid.”
Naunang tumayo si Miranda at naiwan ang lahat. Napakapit ng mahigpit si Mina sa mga braso ni Bryan dahil sa mga nalaman nito sa sinabi ng matanda. Naniniwala man, may agam-agam naman si Bryan na baka may iba pang alam si Miranda at tinatago lang. Dahil tapos naman na silang kumain ay sumunod na sila kay Peter.
Nakasunod sa tatlo ang dalawa, Tyler at Joshua na walang imikan. Ramdam ni Tyler na inis sa kanya ang kaibigan dahil sa pagiging madaldal nito.
“Dito kayong dalawa sa silid na ito, -maam Mina sir Bry sa tapat naman kayo.” Wika ni Peter.
“Peter, si Miranda lang ba talaga ang nakatira sa malaking bahay na ito?” Tanong ni Bryan.
“May kasama po siya rito sir. Si boss Red. Kaso madalas iyon nasa labas, may sariling misyon din ang isang iyon. Siguro bukas makikilala niyo rin siya. Wag kayo mag-alala, mabait si boss Red. Medyo weirdo lang din. Mas weirdo pa kay Miranda.” Ang napangising sagot ni Peter.
“Sige salamat.”
Pagkasara ng pinto ni Bryan, umalis na rin si Peter para puntahan sina Tim at Sari. Sa silid naman ng dalawang binata, paulit-ulit parin sinusuyo ni Tyler ang kaibigan para kausapin ito. Nagpaliwanag din ito kung bakit hindi niya napigil ang bibig at pangunahan si Joshua sa mga sasabihin nito.
“Pasensya na tol, nais ko lang din kasi malaman ang lahat. Pakiramdam ko kasi may nalalaman ang matandang iyon. Bukod sa alam niya sa mga Ashin.”
“Ganun din naman ako, pero ngayon lang natin nakilala ang Miranda na iyon. Oo maaring may mga alam siya, ngunit hindi sapat iyon para ibigay natin sa kanya ang lahat ng tiwala. Paano kung kalaban din pala siya. Muntikan na kayo na linlang ng isang Ashin na ginamit ang mukha ko. Hindi pa ba kayo na dala, lalo ka na.” Tugon ni Joshua na nakasimangot kay Tyler.
“Sorry na talaga hindi ko naisip iyon tol. Masyado kasi akong nalula sa mga kuwento niya kanina, kaya nakuwento na rin ako. Pero mukhang hindi naman siya naniniwala sa kuwento ko.”
“Sa tingin mo? -ewan ko talaga sa’yo. Kapag napahamak tayo dahil sa kadaldalan mo. Bahala ka na talaga sa buhay mo.” Sabat ni Joshua sabay talukbong ng kumot at talikod kay Tyler.
Pabalik ng San Gabriel; patungo na ng simbahan sina Helen at Eric nang mapahinto ang dinadala nilang sasakyan sa sigaw ni Helen. Isang nakahandusay na tao kasi ang namataan ng dalawa sa kanilang daraanan. Pamilyar sa dalawa ang suot ng tao na iyon kaya agad na napababa ang dalawa.
Napatakbo agad si Helen sa papunta sa kanilang nakita pagkababa nila ni Eric sa sasakyan. Nagmadali namang sinundan ito ng lalake. At laking gulat nga ni Helen nang makumpirmang si Paco nga talaga ang taong nakahandusay sa gitna ng daan. Punit-punit ang suot nitong damit at bakas sa mukha ng binata ang labis na pagod at hirap. Wala itong malay. Mabilis na kinarga ni Eric si Paco pabalik ng kanilang sasakyan. Alalang-alala si Helen habang ginigising ang pamangkin.
“Kinakabahan ako sa kanya Helen, hindi kaya nakaharap niya ang mga Ashin?” Sambit ni Eric.
“Bilisan mo Eric, bumalik na tayo kina prof Nico. Hindi na gumagalaw si Paco.” Ang natatarantang sabi ni Helen habang tinatapik-tapik ang pisngi ni Paco.
“Relax lang, may pulso pa naman siya tsaka humihinga pa. Magiging maayos din si Paco. Walang masamang mangyayari sa kanya, -malapit na tayo kina kapitan.” Saad ni Eric.
Malayo pa lang, tanaw na sila ni Nicodemus na paparating. Kinutuban ng hindi maganda si Nicodemus nang makita ang paparating na sasakyan kaya agad na niya itong sinalubong Napansin naman ng kapitan ang pangamba sa mukha ni Nicodemus kaya napasunod din ito sa labas. Pagkahinto ng sasakyan agad na bumaba sina Helen at Eric.
“Tito tulong please, si Paco!” Sigaw agad ni Eric habang bitbit ng mga braso ang wala pa ring malay na si Paco.
“Diyos ko anong nangyari kay Paco? Madali!, ipasok niyo na siya sa loob.” Ang kinakabahang sabi ni Nicodemus.
“Saan niyo ba natagpuan ang kasama niyo?” Tanong ng kapitan na may pag-aalala.
“Hindi kami sigurado kung saang parte na iyon ng baryo, pero sinusundan lang namin kanina ang daan papunta sana sa simbahan nang makita namin siyang walang malay na nakasubsob sa gitna ng daan.” Kuwento ni Helen.
“Ganun ba, -kung ano man ang nangyari kay Paco sana ayos lang siya. Wag naman sana niya nakaharap ang mga Ashin.”
“May alam kayo tungkol sa mga Ashin kapitan?” Nabiglang tanong ni Helen.
“Naikuwento lang sa akin ni Nicodemus. Dumito ka muna at hihingi lang ako ng tulong sa munisipyo. Mukhang kakailanganin na ng baryo ang tulong ng mga kapulisan at militar. Hindi kakayanin ng mga tanod ko sakaling sugurin tayo ng mga nilalang na iyon.” Tugon ni kapitan Dantoy.
“Lalakad kayo ng ganitong oras kapitan? Bakit hindi niyo na lang tawagan ang mga inukulan sa baba. Tsaka base sa mga nakaharap namin, kahit ilang pulis pa o militar ang pupunta rito ay wala rin magagawa. Hindi sila tao kapitan mga demonyo mga iyon,-mga halimaw.” Ani ni Helen.
“Kailangan pa rin ng baryo ng tulong mula sa kanila. Si Tilyo na muna ang bahala sa inyo. Puntahan mo na dun sina Nicodemus. At kung sakaling kakailanganin ng tulong ng ospital ni Paco, magpatawag na lang agad kayo ng ambulansya.”
Hindi na nagtagal pa si kapitan at gamit ang sariling owner type jeep umalis na ito. Pinuntahan naman ni Helen sina Eric. Nakahinga ng maluwag ang babae nang bahagyang napaungol si Paco,-tanda na maayos lang ito.
“Bigyan muna natin ng sandaling makapagpahinga si Paco, tila matindi ang pinagdaanan niya bago niyo siya natagpuan. Maayos naman ang pulso niya, napagod lang ng husto ang kanyang katawan kaya nawalan siya ng lakas at hinimatay. Malaking posibilidad na nagkaharap sila at naglaban ni Amadeo.” Wika ni Nicodemus.
“Kawawa naman ang pamangkin ko, wala siyang kaalam-alam sa mga nangyayari sa kanyang katawan.” Sambit pa ni Helen na hawak ang palad ng pamangkin.
Maghahatinggabi na at hindi parin madalaw-dalaw ng antok si Bryan. Maraming mga katanungan ang bumabagabag sa isipan nito. Napabangon ito ng kama tsaka bumaling ng tingin sa katabing si Mina. Mahimbing ang tulog ng babae ngunit mababanaag ang pagkabalisa sa mukha nito. Hinalikan ni Bryan ang kinakasama sa noo tsaka itinaas ang kumot sa katawan ni Mina. Tumayo ito mula sa pagkakaupo sa kama tsaka nagsuot ng boxers short at lumabas ng silid.
Saktong pagkalabas nito ang siyang paglabas din ni Peter mula sa silid nito.
“Sir Bry gising ka pa pala…” nakangiting sabi ni Peter nang magsalubong ang tingin nila ni Bryan.
“Hindi nga makatulog eh, balak ko sana lumabas ng makalanghap ng hangin mula sa labas. Hindi ko naman mabuksan ang mga bintana sa loob dahil ayaw ni Mina.” Sabat ni Bryan.
“Naku pinagbabawal ni Maam Miranda na lumabas ng bahay nang walang pahintulot sa kanya. Kung gusto niyo magkape na lang tayo tsaka magkuwentuhan. Dun tayo sa den. Puwede tayo magpahangin dun.” Ani ni Peter.
“Mukhang magandang ideya nga iyan.”
Naunang pumunta ng kusina si Peter para magtimpla ng kape, sumunod naman sa kanya si Bryan bago sila tumuloy ng den. Madilim sa bahaging at may parte lang na dim ang liwanag gawa ng maliit na ilaw na nakalagay sa ibabang bahagi ng mga dingding. Saglit muna inilapag ni Peter ang hawak na mug ng kape para buksan ang malaking salamin na bintana upang makapasok ang sariwang hangin mula sa labas.
“Ayan, medyo malamig na rito sir.”
“Ang lamig nga ng hangin mula sa labas. Sana nag damit na lang ako kanina.” Napangising sabi ni Bryan sabay haplos sa braso nito nang makaramdam ng lamig.
“Gamitin mo itong maliit na kumot na dala ko, may damit pa naman akong suot “
Ipinatong ni Peter sa likod ni Bryan ang bitbit nitong sariling kumot tsaka naupo sa tabi ng lalake. Saglit na tumahimik ang dalawa habang nagkakape. Hanggang sa napatanong na si Bryan kung paano nila nakilala si Miranda.
Ayon kay Peter, nung araw na umalis sila ng San Gabriel para puntahan ang ospital na pinag-admitan nun kay Saling o Miranda,-dahil sa nangyayari dun. Bigla na lang nila nakita ang babae na nagtatatakbo palabas ng ospital na tila ba may humahabol sa kanya. Hanggang sa nakita na lang nila nang mga sandaling iyon ang Ashin na papasugod sa likuran ni Miranda.
“Dala na rin ng takot ko at awa sa matanda, agad ko pinaharurot ang ban na dala namin at ibinangga iyon sa isang Ashin na dadamba sana kay Miranda. Doon na rin namin siya agad na pinasakay ng van. Akala pa nga namin nun baliw talaga siya. Ganun kasi ang pinaniniwalaan ng mga taga San Gabriel sa kanya.” Kuwento ni Peter.
“At dinala niya kayo rito?”
“Nagulat din kami nung dito kami pinapunta. Hindi ko nga rin alam na may ganito palang property dito na nakatago lang sa mga tao. Pero ibang-iba talaga ang personalidad ng matanda bilang Saling at bilang si Miranda. Alam mo iyong humaharap ka sa dalawang magkaibang tao pero iisang mukha at katawan?” Ani pa ni Peter.
“Nasabi niya ba sa inyo kung ano ang ginagawa niya dun sa San Gabriel? At bakit Saling ang pakilala niya sa mga tao dun?”
“Hindi niya nasabi, at mukhang sagradong lihim iyon para sa kanya kaya hindi na namin inusisa. Nasabi niya naman kanina na tagaroon talaga ang mga ninuno niya. Siguro nais niyang din balikan ang pinagmulan niya.” Sagot ni Peter.
“O baka naman may binabalikan siya roon na konektado sa mga nangyayari.” Ang napapaisip na sabi ni Bryan.
Ang kanilang seryosong usapan ay napunta na sa mga personal na topiko nang mapansin ni Bryan ang hindi ma pirmi na kilos ni Peter. Pansin din ng lalake ang paminsan-minsang pagsulyap ni Peter sa nakabakat na umbok sa pagitan ng mga hita ni Bryan.
“Ayos ka lang?” Tanong ni Bryan sabay hawak sa balikat ni Peter.
Napangiti namang napatango ang lalake tsaka inayos ang sarili sa pagkakaupo. “Ubos na ang kape ko, iyong sa’yo? Baka gusto pa magkape ipagtitimpla pa kita.” Biglang sabi ni Peter para ilihis ang tensiyon nang hawakan ito ni Bryan sa balikat. Tila kasi may kung anong boltahe ng kuryente ang dumaloy sa kanyang mga ugat sa marahang paghaplos ni Bryan sa kanya.
“Wag na sakto na sa akin ito. Siya nga pala salamat at nailigtas mo sina Mina sa mga halimaw na iyon.” Sambit ni Bryan.
“Nagkataon lang na sumakto ang dating namin. Mabuti na lang din talaga at hindi kayo umalis dun sa inyo. Iyon lang kasi ang alam ko na maari niyong puntahan ni miss Mina bukod sa bahay niya.” Sabat ni Peter habang tinititigan sa mukha si Bryan.
Nang walang anu-ano, bigla na lang sinunggaban ni Bryan ng halik sa bibig si Peter. Kinabigla iyon ng lalake. Hindi niya inaasahan ang pagsakmal na iyon sa kanya ni Bryan. Namilog pa lalo ang mga mata ni Peter nang gumalaw narin pati ang dila ni Bryan habang nilalaplap siya nito ng halik. May pag-aalinlangan pa sa simula, ngunit nang magsimula nang pinagapang ni Bryan ang kamay nito sa gitna ng mga hita ng lalake,-hindi na nakatiis si Peter. Nilabanan at sinabayan na nito ang pagromansa sa kanya ni Bryan.
“Alam kong na miss mo na sa akin ito. Kaya sige lang, ipapagamit ko muli sa iyo ang katawan ko. Ganyan nga Pit lumaban ka, pagsawaan mo ng halik ang katawan ko. Alam ko kanina mo pa nilalabanan ang sarili mo. Huwag kang mag-alala, paliligayahin kita ngayon.” Ang impit na bulong ni Bryan na may kasamang mahihinang ungol habang hinihimod ito ng halik ni Peter sa kanyang dibdib at leeg.
“Wag tayo dito sir, dun tayo sa kuwarto ko.” Ang tugon na bulong din ni Peter.
Mabilis na iniwan ng dalawa ang den at pumasok nga sa silid ni Peter at tanging naiwan roon ay ang pinag-inuman nila ng kape.

