loading

storiescollectionschaptersauthorsgenrestagsstories
IN YOUR EYES

IN YOUR EYES

hoizned · 2 chapters · 3,219 words

CHAPTER 1 THERE ONCE THIS BOY

GARY

Nagising ako ng may naramdaman kong may humipo sa aking paa.

“Toto…gising na…baka maghintay na naman si Jobelle. Bangon na dyan ha.”

Boses ni lola ang aking narinig.

Hindi ako nakasagot dahil sa lamig na naramdaman ko. Magdamag na umulan kagabi kaya napasarap ang tulog ko.Ang sarap sanag magtagal pa sa higaan ngunit kailangang bumangon ng maaga para pumasok.

“Bangon na dyan at kumain na muna bago maligo ha. Kahit alas sinco pa lang huwag kang babagal-bagal. “

Paalala ng lola habang naririnig ko sa kwarto ang kaniyang mga inihahandang mga gamit ko sa pagpasok.

“Opo…”

Sagot ko habang nabangon pagkatapos ay nag-inat upang mawala ng tuluyan ang antok. 

Kahit hindi ko nakikita ang paligid ay kabisado ko ang daraanan patungong kusina.

Tapat ng aking kama ang pinto,ilang  hakbang at sala na.

Konting hakbang muli at maliit na mesa ng kusina.

Palatandaan ko ang magaspang na sahig na ako ay nasa kaninan namin.

Kakapain ko ang bangko at uupuan.

Ihahain sa akin lola ang aking agahan at ilalapat niya bahagya kung saan noya ito inalagay.

May mainit na pandesal na pinalamanan na ng pritong itlog at isang bowl champurado.

Maliksi kumilos ang lola dahil dinig ko ang kaniyang paggalaw at mga kasangkapang pangluto.

Tunog ng isang kutsarang humahalo sa isang mug… Ipinagtimpla na pala ako ng lola ng kape. Inabot niya ito sa aking kamay at magbilin na dahandahanin ko ang inom at baka daw ako mapaso.

Naririnig ko rin ang huni ng takure. Hudyat na ito ay kumulo na at iasalin naman ng lola sa aking pampaligo.

Medyo ingat ang lola sa akin kapag bagong gising ako.

Ito ang pinaka busy na simula niya sa umaga.

Ang asikasuhin ako sa pagpasok.

Pagkatapos kumain ay ang pagligo ko naman hindi ko na inaasa ito maging ang aking pag bibihis dahil kaya ko naman.

Kabisado ko na ang aking mga susuutin dahil sa mga palatandaan nito.

Mayat-maya rin ang paalala ng lola sa oras para di ako mahuli.

Medyo busy rin ang lola sa pagtitinda sa aming maliit na tindahan. Sa umaga pa lang marami na ang nabili sa kaniya ng mga sinupot na ulam na binabaon naman ng mga mananahing pumapasok sa factory ng garments na malapit sa amin.

Saktong handa na ako ng dumating si Jobele

Nagpaalam na kami sa lola para pumasok.

Ilang kanto lang naman ang paaralan na papasukan ko kaya nilalakad lang namin iyon.

Kaya ko naman pumunta ng school walang kasama. Nakabisa ko na ang daan at distansiya sa ilang taong kong paglalakad dito. Kilala din ako ng mga tao sa baranggay namin kaya di ako hirap maglakad mag-isa. May mga tanod o kakilala ako na pwede ako alalayan kung nasa labas kung wala akong kasama.

School at bahay lang naman ang buhay ko.

Ordinaryo sa isang kagaya ko na kahit umaga,gabi ang nakikita…

Hindi inborn ang aking kapansanan.

Walong taon ako noong mangyari sa akin ang mawalan ng paningin dahil sa sakit ko sa mata na retinitis pigmentosa.

Isang uri ng dis-order sa mata na hirap tumangap ng liwanag.Kusang lumiliit yung retina kaya wala akong makita.

Kung baga may phobia ang mga mata ko sa liwanag.

Ganoon pa man ang nangyari kahit papaano,hindi pinagkait sa akin na nasilyan ko minsan ang langit,ang anyo ng lupa at dagat. Nang mga kulay, kung ano ng bughaw,puti at pula.Kung ano ang pusa at aso,ng mga puno sa paligid, ang mukha ko noong bata pa ako.

Yung mga iyon ang natatandaan ko… Tapos nun…wala na….kadiliman na ang lahat ng sumunod pagsapit ko sa edad ng labing dalawa.

Sa pag-aakalang pwede pang maisalba ang mga paningin ko napilitan ang inay na mamasukan sa Dubai bilang maid at ang tatay na magseaman,kaya ang lola ko na ang nag-alaga sa akin.

Lumaki akong hindi sila nakasama. Ang nakakalungkot lang, namatay naman ang tatay.

Kwento sa akin,namatay daw ang tatay sa barkong sinasakyan nito. Hindi rin alam ng inay kung paano namatay dahil maging katawan niya ay hindi na umuwi sa amin.

Sa awa ng Diyos nakakaraos naman kami sa pang-araw at at sa ibang mga gastusin.

Saktong alas siete ay nakarinig na ako ng tawag.

Si Jobele,ang bestfriend ko.

Magkaedarin kami.

Parehong grade 12.

Iisa ang aming klase kaya siya ang kasabay ko sa pagpasok maging sa pag-uwi siya ang tumatayo bilang guide ko sa labas ng aming bahay.

Malaking tulong si Jobelle  dahil hindi na naabala pa ang lola sa paghatid at pagsundo sa akin.

Sakto lang ang dating niya ng matapos  akong magbihis. Naririnig ko pa ang kwentuhan nila. Lumabas ako at  nagpaalam na kami sa lola.

Sa labas ay nakahawak ako sa kaniyang siko at sa kabilang kamay ko ang foldable cane na pangtuktok sa daan.

Bata pa lang kami ay batid na ni Jobelle ang kakulangan ko kaya sanay na siya na umalalay sa akin.

Para na nga kaming magkapatid kung magturingan at apo na rin ang turing sa kaniya ng lola.

Di rin kami pinaghihiwalay mula ng elementary hanggang ngayon sa senior high. Package kami dahil wala namang aalalay sa akin sa loob at labas ng school.

Akala nga iba magkapatid kami dahil lagi kaming magkasama.

Nagpapasalamat ako at kahit iba ang sistema ng pag-aaral ko hindi rin ako nahuhuli sa mga aralin.

Gamit ko ang braille peg at stylus sa pagsusulat at pagsagot sa mga assignment o exam na tsine-check naman ng mga gurong goverment social worker para sa mga dis-abled na gaya ko.

Sanay na ako na parang dictation ang ang klase.  Ititipa ko sa braille writer ang mga tinatalakay. Isa iyong parang type writer na para makagawa ng braille codes.

May manual na braille din sa bawat subject na para sa akin kaya nakakasama ako sa klase. Pasalamat talaga at may material adaptation na ganito para sa mga kagaya kong may kapansanan.

Natatawa na nga lang ako kung may naririnig akong reklamo na hirap o suko na sila sa pag-aaral.

Subukan kaya nilang walang nakikita?

Pangarap kong makatapos at makapagtrabaho.

Gusto kong patunayan na kaya kong mabuhay ng hindi aasa.

Mata lang ang wala sa akin. May kamay pa ako at paa.

Maayos din ang trato sa akin ng mga kaklase ko dahil matagal ko na rin silang kilala. Liban lang sa iba na sobra kung magbiro.

Hindi ko nakikita pero nalalaman ko ang pang-aasar nila sa akin dahil  inaaway agad sila ni Jobelle.

May mga ganoong tao talaga na walang konsidirasyon kahit alam nilang lamang sila sa lahat ng bagay.

Malapit na kami sa school dahil naamoy ko na ang nilulutong banana que ni kuya Manuel.

Isa iyon sa palatandaan ko sa lugar.

Amoy,ingay at pakiramdam ang gamit ko para malaman kung nasaan na ako.

Sa tagal kong nag-aaral sa school namin kabisado ko na ang lahat ng pasilyo.

Alam ko kung saan ang deans office,ang mga cr,library,canteen,fire exit at mga tambayan.

Naging walking trivia ako pagdating sa mga maliliit na bagay na hindi napapansin ng ilan.

Alam ko ang bilang ng baitang ng mga hagdan,ilan ang bintana ng mga silid,kung saan ang hilaga at kanluran ,ilang hakbang bago makarating sa isang room at ang mga boses ng mga guro at mga kaklse ko.

Mahusay ako sa pakikinig.

May laro pa nga kami na sampu sa kaklase ko ang sabay-sabay na sisigaw at huhulaan ko kung sino ang hindi nagsalita. At kahit kailan hindi pa ako nabigo ng taenga ko.

Isang kakayanan na gustong gusto nila.

Matalas din ang aking pang-amoy. Maging kung ang isang babae ay nireregla nalalaman ko sa rin amoy. Matalas ang pakiramdam ko sa mga ganitong bagay. Kaya alam ko sa kausap ko kung sino ang madalas magsipilyo sa hindi dahil sa ilong ko.

Sa pakikinig, alam ko kung saan nagmumula ang isang sasakyang paparating. Ang yabag ng mga paa na papalapit,ang klase ng paghinga,madali rin akong makamemorya ng ilang pangungusap pagkatapos marinig o mabasa.

Sa isang bulag na kagaya ko,praktisado na ang pakiramdam ko. Kaya rin naman ng isang mga may paningin ang nagagawa ko.

Kaso dahil nakakakita sila, neglected na ang ibang function ng senses natin.

Kung nakakakita lang ako ang dami ko sigurong kaya pang gawin.

Nakapasok na kami sa loob at nagsimula na ang klase.

Magkalapit ang upuan namin ni Jobele.

Normal na klase.

Pagdating ng tanghali ay kakain sa canteen. Hindi na kami nauwi dahil isang oras lang naman ang bakante namin at uuwi pagdating ng alas tres ng hapon.

Dapat mauuna si jobelle makauwi sa akin. Bukana kasi ng kanto papasok sa amin ang bahay nila. Mula sa kanila, walong bahay pa madadaanan bago sa amin. 

Sakripisyo ng isang matalik na kaibigan ang ginagawa niya para sa akin. Kaya naman, lahat ng kaya kong ibigay o tulong di ako nagdadalawang isip na gawin ang lahat para makabawi.

Pareho kaming nag-iisang anak lang at para ko na siyang kapatid kung maituturing.

Siya lang talaga lang naman ang pwede kong asahan pagdating sa labas ng bahay.

Hangang isang araw, may taong magbabago sa takbo ng buhay ko…


Hinayhinay po sa pagrerequest ng kasunod at tambak na ako ng mga bagong kwento. Kaya matatagalan po ang pagsusulat ko ha. Add nyo na lang muna sila sa library para di kayo bitin.

CHAPTER 2 THE NEW TENANTS

GARY

Isang gabi,may nabanggit sa akin ang lola.

“ Apo pinaupahan ko yung bahay sa kabila. Napaalam ko na naman sa nanay mo at pumayag naman. Alam mo namang resession sa middle east kaya hirap din ang nanay mo na magpadala sa atin. Isa pa hindi rin naman natitirhan yun. Dumadami lang ang sira,nagbabayad tayo ng kuryente at tubig ng hindi naman natin nagagamit.“

“Okay lang Lola, income din natin yun. Isa pa kung may titira maalagaan at mababantayan din ang bahay.”

Dati naming bahay iyon noong hindi pa namamatay ang tatay.

Noong nag-abroad na ang nanay ay dito na ako sa lola tumira dahil pareho naman kaming walang makakasama.

Mga walong kabahayan lang ang layo ng dati naming tinitirhan mula dito sa mga lola.

Ilang taon na rin bang hindi iyon natirhan.

Maigi at naisipang paupahan ng nga lang iyon dahil gumagastos din sila sa upa ng tao na linisin iyon.

“ May nakuha na po ba kayong magrerenta lola?“

Tanong ko.

“ Oo apo,anak ng naanak ko sa kasal yung kumuha. Maigi yun at kilala para di tayo hirap makisama. Kababata yun ng nanay mo.“

“Mabuti ho kung ganoon…”

“Oo nga,baka bukas o sa makalawa lumipat na sila ha. Kasi baka tumambay kayo ni Jobele dun magulat kayo may nakatira na pala.”

Tumango na lang ako sa sinabi ng lola.

“ Mabait kaya yung lilipat sa dati naming bahay?

Sana maging kaibigan namin yung titira doon.“


Sa isang sulok ng kusina…

“ Ikalawang pagbilog na ng buwan.“

Sabi ni Puti.

Malungkot ang kaniyang mga mata dahil naibubukod na ang mga kapatid ko

kahapon.

Isa-isa silang kinuha ng mga taong kaibigan daw ng aming tao ni Puti.

Si Puti ang nagsilang sa a

ming lima

ng magkakapatid.

Si Puti ang nagpapakain sa akin mula pa ng hindi pa mulat ang aking mga mata at tanging amoy lang niya ang giya ko para mainitan sa kaniyang tiyan at makasipsip ng kaniyang gatas.

Ikalawang pagbilog ng buwan ang lumipas at malawak na ang nararating ng pang-amoy ko.

Malinaw na ang aking mga mata sa dilim.

Matalas na rin ang aking pandinig at ngipin.

Bukod sa amoy ni Puti ay may isa pang amoy na gustong-gusto.

Siya ang tao (owner) ni Puti

Isang mataas na tao

na nalakatayo at nakalalakad sa dalawang paa.

Ang sabi ni Puti ay iyon daw ang kani

yang binabantayan.

Sabi niya l

ahat daw ng lahi namin ay may nakalaan na taong mag-mamahal na para amin.

Noon

ay pangyapak lang ang nakikita ko kung lumalapit siya.

Ngayon ay m

amamasdan ko na ang kaniyang mukha ng kung ako ay kaniyang bubuhatin ako

at magtatapat amg aming mga mata.

Sabi ni Puti ay pag-aralan kong sambahin siya upang magkaroon din ako ng tao na ipagkakatiwala niya para sa akin.

Kapalaran daw namin na ibukod kami upang mabuhay.

Kaya daw.kami nilikha ay para maging kasiyahan ng tao.

Ayun daw ang batas ng kalikasan.

Ang maging isang tapat na kaibigan.

Nakatitigan kami ng tao na ito.

Bahagya akong natakot dahil sa kaniyang ngipin

at n

ais kong umi

was.

Naduwag ako ng ilapit niya ang ako sa kaniyang mukha.

Baka kainin niya ako kayat sa pagmamakaawa ko ay kinawag ko ang aking buntot.

“Ang cuteeeee moooo ha ha ha!

Gutom na ikaw?

Botchog ka na gutom ka pa rin?

Lilipat na tayo ng bahay.

May bago na tayo lilipatan.“

Bilang pagmamakaawa ay dinilaan ko ang kaniyang bibig at ilong.

Nagmamakaaes ako na huwag niya akong kainin

“Nakikiliti ako ha ha ha!”

Ang digaw niya ng dilaan ko ang kaniyang taenga.

Nakakatuwa ang tunog na lumalabas sa kaniyang bibig

kayat pinaghusay kong dilaan ang buo niyang mukha ng malapitan.

Hindi siya gaya ng mga kapatid ko na nangangagat kung naiinis o nakikipaglaro.

Ang sarap sa pakiram

dam ng maamoy ko siya.

Maging ang boses ng kasiyahan ay masarap sa pakiramdam.

Hindi siya amoy laway na gaya ni Puti

o ng mga kapatid ko.

Kakaiba siya

sa gaya ng mga uri naming naglalakad sa apat na paa.

Ibinaba niya ako.

Nagdadalawang isip ako kung ano ang aking gagawin.

Nais ko pa siyang sambahin

“Arf…ar..arfff!”

Yun ang lumabas sa akin.

Hindi ko magaya ang kaniyangg salita.

Nahiya ako at agad na tumakbo kay Puti.

Dinilaan ni Puti ang aking mukha dahil naamoy niya sa akin ang kaniyang tao.

Mahal ni Puti ang tao niya.

Mas mahal pa niya kesa sa amin.

“Makakahanap ka rin ng gaya ni

ya. Isang tao na mamahalin ka.“

Sabi sa akin ni Puti.

Likas daw sa amin na isilang at magkaroon ng nilaan na taong pasasayahin namin. Ang magsilbing bantay at tagapaglingkod nila.

Madali lang pala.

“Dyan muna kayo ha. Magliligpit muna ako ng gamit. Mamayang gabi kasi lilipat na tayo ng bagong apartment. Ayaw kasi sa inyo ng landlord natin kaya tayo lilipat na. Maliit lang yung lilipatan pero mabait naman yung lola na nakausap ko. Dyan muna kayo ha.”

Iniwan na kami ng tao ni Puti.

Aalis kami at lilipat?

Nasaaabik akong makalabas uli.

Makikita ko ang lawak ng paligid bukod sa tinitigilan namin

.

Tahimik si Puti na nakahiga.

Nagutom ako ng makita ko ang kaniyang tiyan.

Mag-isa lang ako at walang kalaban kayat solo kong dumede sa kaniya.

Ang sabi niya, kaya ako naiwan ay walang gusto kumuha sa akin dahil ako lang ang napag-iiwanan.

Maliit ako kumpara sa mga kapatid ko kaya hirap ako makasusop ng gatas

sa kaniya.

Nakabawi lang ako ng paglaki ng makatikim na ako ng butil (dog food) na pagkaing binibigay ni Bayron.

Bayron ang tawag sa tao ni Puti.

At ang b

util na inlbinibigay niya ang nagpapabusog at nagpapaantok sa akin.

Ang bilis ko lumaki dahil sa pakain na inaabot niya sa isang lalagyanan.

Nakatulog ako at nagising ng may inilalabas ang tao ni Puti.

Mga gamit na madalas kong ngatngatin, pagtaguan o ihian.

Mayamaya ay kami namang mag-ina ay iniligay sa isang kulungan at saka

Is

inakay sa isang kakaiba at maingay na hayop (jeep)

.

Nagsimulang gumapang ang takot sa akin.

Kahit alam kong poproteksyunan ako ni Puti sa panganib ay natatakot pa rin ako dahil nagalaw ng mabilis ang buong paligid.

Hindi ako makatulog kahit gusto ko.

Naikot ang aking paningin na tila may bagay sa aking loob na gustong lumabas.

Dinilaan ako ni Puti.

“Tiisin mo lang at makakarating na tayo sa ating destinasyon. Masanay ka na. Ganito din ang naranasan ng mga kapatid mo ng ibukod sila.”

Nakakaawa naman pala ang kalagayan namin.

Ang hiluhin.

Ang ugain.

Ang pasukahin.

Inabot na kami ng dilim.

Ilang sandali pa at huminto na sa wakas ang hayop na nagdadala sa amin.

“Lola,magandang gabi po,nandito na po kami.”

“May mga kasama ka ba para sa mga gamit mo? Tatawag ako ng mg bata para matulungan ka.”

“Hindi na po,hindi naman po karamihan mga gamit ko. Papatulong na lang po ako sa driver.”

“Ay sige, heto ang susi mo.

Yung spare sa akin sakali mawala mo o makalimutan mo. Ikaw na bahala dito sa uupahan mo ha. Uuwi muna ako at walang kasama ang apo sa bahay.“

Hindi ko sila nakikita pero n

aririnig ko ang kanilang usapan.

Natakot ako ng ibinaba ang kinalalagyan naming kulungan.

Ang tagal namin naghintay bago kami ilabas ni Bayron.

Isang bago sa aking paningin ang lugar na aming tinigilan.

Ipinasok niya kami sa loob ng sinasabing bahay na tirahin niya.

Malawak ito kaysa bahay na pinagsilangan ko.

Mas maliwanag.

Pagpasok pa lang ay minarkahan (inihian) ko na ang lugar.

“Ay…kakapasok mo pa lang biniyagan mo na agad ang bahay. Talaga naman botchog oh”

Hindi ba dapat ito ang ginagawa sa teritoryo?

Inamoy-amoy ko ang bawat sulok bahay sakaling may nagmamay-ari dito.

Wala akong maamoy na ibang tanda kaya aangkinin ko na ang lugar na ito.

“Ayyy…Botchog naman kakapunas ko pa lang sa ihi mo,umihi ka naman dyan.”

Hindi ko siya pinansin.

Trabaho ng lalakeng bantay na gaya ko ang markahan ang bawat sulok ng bahay na ito.

Agad akong tumakbo kay puti na abala sa pag-inom.

Nakinom ako sa kaniya.

Pagkatapos ay bumalik sa aking obligasyon sa pagtatanda.

Nakadama ako ng pagod at nagsimula ng mamasa ang aking ilong.

Nakakapanibago ang nilipatan namin.

Hamak na malaki ito sa dati kung saan ako isinilang.

Napagod ako at nakadama ng antok.

Nagising ako sa ingay sa labas.

“Bumangon ka na,gising na ang tao ko at nakahanda na ang ating pagkain. Sumunod ka sa akin ha para ihatid siya kaniyang pag-alis.”

Utos sa akin ni Puti.

Aalis pala ang tao niya.

Ganito lagi ang tao namin.

Tuwing gagapang ang liwanag sa labas ay naalis ito. Ang sabi ni Puti ay nag-aaral daw siya.

Iba ang aral ng tao kesa sa aming mga hayop. Sa amin ay kusang nalabas ang aming dapat malaman.

Karanasan na ginagaya ko kay Puti.

Gaya ng itinuturo niya sa akin, ang ritwal ng paghahahatid kung aalis ang tao ng bahay.

Ritwal na kailangan niyang umalis at bumalik para sa amin kapakanan.

Ang pagbabalik daw ang pinakamasayang bahagi na bunga pag-alis.

“Dito muna kayo ha. Huwag kayong magsisira ng gamit. Puti aalis muna ang tatay ha. Kayo na muna ni Botchog. Uuwi ako mamayang tanghali para sa pagkain nyo.

Malapit lang ang school ko dito kaya makakauwi din ako kaagad.“

Palabas na siya kasunod kami hangang sa bungad ng pintuan.

Hinimas niya si puti at hinalikan.

Maging akonay kaniyang kinarga at hinalikan.

Ang halik daw ay katumbas ng aming pagsamba sa tao.

Isa itong pagmamalasakit at ugnayan ng pagtitiwala para sa amin.

Kakaiba talaga sila.

“Arfff…urffff…ar-arf”

Ang sigaw ko.

“Oo,uuwi din ako. Magpakabait ka dyan,baka pag-uwi ko puro ka ihi at tae ha. Ba-bye Puti,ba-botchog.”

Paalam niya at isinara ang pintuan.

Aiwan kami ni Puti.

Malqyo na ang amoy niya, hudyat na wala na siya sa paligid.

Muli kaming bumalik sa aming kinakain at maghihintay sa pag-uwi ni Byron…

Ang tao ng aking inang si Puti.

At

a

ko…kailan kaya darating ang sarili kong tao at tatawaging kaniyang Botchog?


Kalaibang POV ang matutunghayan niyo mga mahal kong followers.

Kakaiba ito sa mga nagawa ko.

Tatlong kwento ng pag-ibig po ang para sa inyong lahat.

Hinay lang po sa update ha at ginagawa ko lang po ang aking makakaya para mapasaya kayo.

Salamat po sa unawa.

Mahal ko kayo!


Return to top?
WattHub

Install WattHub

Size unavailable

App name
WattHub
App version
1.48.250
App size
Description
A digital library of Wattpad stories and Filipino fiction, thoughtfully preserved for readers today and tomorrow.
Developer
WattHub Team

Dismiss install banner?

No problem. You can still install WattHub anytime from the download icon in the header.

WattHub

Notifications

Notifications are off

Get notified on this device when the library grows or changes.