Innuendos and Affections
sojuniverse · 7 chapters · 11,001 words
Innuendos and Affections
Disclaimer
This book is a purely work of fiction. Therefore names, events, characters and place that has been stated in this story is all just products of author’s imagination or in fictitious manners. Any resemblance to the actual person, places nor events are just a purely coincidental.
All rights reserved ©2025_sojuniverse
Do not distribute, publish, transmit, modify, display, or create derivative works from or exploit the contents of this story in any way. Please obtain permission.
Do not make soft copies! Do not plagiarize!
Warning:
This story may contain explicit scenes, vulgar words, trigger warning that is not suitable for young readers. Read at your own risk. You all have been warned by the author.
Again, widen your reading comprehension because narrow-minded isn’t welcome to read this book.
Note:
Don’t mention any characters here from the other book or from the other author. Do respect me and my novel. Thank you!
Important note:
If you don’t enjoy reading novels with a boy’s love theme, you should quit reading this story right away and choose something else.
Prologue
Prologue
Years were spent being teased due to bodily size. Experiencing a range of emotions, it has never been simple to resist the impulse to cry whenever someone makes hateful remarks. And that it can become worse, so you can’t fight back. After a while, you’ll become accustomed to bearing the discomfort and accepting it.
All of a sudden, everything changed when someone arrived, and the darkness vanished in an instant.
Furthermore, we concluded that others will always have something negative to say about us, regardless of what we do. Therefore, accept it and simply be yourself. Ignore poisonous individuals and learn to shut your ears.
Love yourself and be yourself!
Chapter 1: Who’s that bear?
Chapter 1: Who’s that bear?
Tumitilaok na ang manok, hudyat ito na dumating na naman ang umaga. Panibagong araw, panibagong paghihirap na naman ang mararanasan ni Owen. Wala namang bago eh, ganito na lang palagi.
Bumangon na siya sa higaan niya, inayos ang higaan at naupo ulit. Gusto ko pa matulog! Bwisit na buhay ’to, kung wala lang akong pangarap sa buhay. Araw-araw gigising nang maaga para magcontemplate. Ba’t ba kasi siya nabuhay sa miserableng lipunan na ’to.
Ginawa na ni Owen ang kailangan niyang gawin bago siya nagpunta sa island counter. Naabutan niya ang mama niya na busy sa pagluluto kaya umupo na lang siya sa stool ng island counter.
“Morning mother nature,” wika niya na abot tainga ang ngiti.
“Hi sweetheart, ang aga mo naman nagising,” ani ng mama niya.
“Lunes ngayon mama at marami akong gagawin ngayon sa school,” sagot naman ni Owen.
“Eh ’di mag-agahan ka na, anak.”
“Sabay tayo, mama,” ani Owen dahilan para magtapon ng tingin ang ina niya sa kaniya.
Napahinto sa ginagawa niya ang ina. “May problema ka ba, anak? O naglalambing ka lang?”
“Gusto ko lang na may kasabay kumain, may masama ba do’n?” sumilay na naman ang matamis na ngiti niya.
Hindi nag-atubili ang ina at nilapitan ang anak niya. “Sobrang swerte ko kasi may anak akong pogi,” dinampi ng ina ang palad sa mukha ni Owen, “sobrang bait pa at sobrang talino. Wala na akong hihilingin pa,” ani ng ina ni Owen kaya hinagkan niya ito ng sobrang higpit.
“I love you, ma,” ani Owen.
“Mahal na mahal din kita Owen Mendoza.”
Hinding-hindi alam ni Owen kung ano ang gagawin kung wala ang mama niya, simula bata pa lang si Owen ay gano’n na niya kamahal ang ina. Lumaki siya na punong-puno ng pagmamahal galing sa ina. Gano’n din ang ina niya sa kaniya, si Owen ay isang miracle baby , hindi inakala ng mag-asawa noon na magkakaanak pa sila dahil may komplikasyon ang ina ni Owen sa matres. Maraming hindi magagandang bagay ang nangyari sa anak niya noong bata pa lang ito kaya gano’n na lang niya minahal ang anak.
“Oh siya, baka ma-late ka sa school. Tatapusin ko lang itong mushroom soup, anak,” kumalas na sa pagkakayakap ang ina ni Owen.
“Sige ma, favorite ko pa naman ’yan,” wika ni Owen kaya taimtim niyang inantay ang ina na matapos sa niluluto para sabay silang kumain.
Habang naghihintay si Owen ay nasira na agad ang araw niya.
“Wow ma! Mushroom soup for breakfast? Yum!” nagising na sa wakas ang pinaka-ayaw niyang makita tuwing umaga.
“Maupo ka na rin diyan, Bren,” sinunod ng binata ang sinabi ng ina nila, pagkatapos maupo ay sumilay agad ang pilyong ngiti ng binata.
“Uy baboy, ang aga mo ngayon nagising ah, sabagay, maaga talaga nagigising ang mga baboy para kumain,” hindi napigilan ng binata na tumawa sa sarili niyang biro na hindi naman nakakatawa.
Si Owen naman ay walang ibang naggawa kundi ang ipagsalubong ang kilay. Sobrang maaga pa para magalit at sa hapag pa talaga.
“Tigil-tigilan mo ’yang kapatid mo, Bren. Wala naman ’yang ginawa sa ’yo eh,” ani ng mama nila. Nilipat na ng mama nila ang mushroom soup sa malaking mangkok. “Palagi mo na lang binu-bully ’yang kapatid mo,” dagdag pa ng ina.
“Mama naman eh, ganito lang talaga kami magbonding ng kapatid ko, ’di ba?” may kalakasan rin ang paghampas ni Bren sa balikat ng kapatid niya.
“Pwede ba, tumigil ka? At magtrabaho ka na, hindi ’yong ilang taon ka na tapos palamunin ka pa rin dito sa bahay,” nakapitin ang panga ni Owen, halos araw-araw siyang inaapi ng kuya niya kaya halos araw-araw din silang nag-aaway nito.
“Ah talaga baboy? Ikaw din naman eh, palamunin ka rin dito sa bahay eh,” sagot naman ng kuya ni Owen.
“Ano ka ba, Bren! Sobrang aga tapos aawayin mo ’yang kapatid mo! Mahiya ka naman sa sarili mo, pwede ba? Kung buhay pa ang tatay mo pinagalitan ka na niya kanina pa!”
Sumusobra na talaga ang kuya ni Owen kahit na wala namang atraso sa kaniya ang nakakabatang kapatid nito sa kaniya.
“Mauna na po ako mama,” tumayo na si Owen, pagkatapos ay kinuha na ang bag sa sofa nasa sala ng bahay.
“Owen anak, kumain ka muna,” mahinahon na wika ng ina niya pero hindi nagpapigil ang binata at umalis na ng bahay.
Ngayon ay masama ang tingin ng ina kay Bren. “Ano na naman ba ang problema mo sa kapatid mo, Bren? Wala naman sigurong masamang ginawa ang kapatid sa ’yo ’di ba?”
Nanunubig ang mga mata ng binata na nakatingin sa ina nito. “Magmaang-maangan ka talaga, mama? Alam kong alam mo ang dahilan.”
“Bren, alam kong alam mo rin na mahal ko kayong dalawa ng kapatid mo,” sagot naman ng ina nito, kahit anong gawin ni Bren ay hindi talaga siya kombinsido sa sinasabi ng ina niya.
Hindi mapigilan ni Owen na mapaluha habang papalabas siya sa subdivision. Sa ’di kalayuan ay natatanaw siya ng security guard na siyang on duty ngayon.
“Owen, ba’t ka umiiyak?” ani ng security guard nang malapitan niya ang binata.
Nabigla ang binata dahil sa biglaang may sumulpot sa harap niya. “Ikaw pala ’yan, kuya Soju,” marahas na pinunasan ang mga luha niya.
“May problema ka ba?”
“Ah, nag-away lang kami ng kapatid ko,” sagot ng binata sa security guard.
“Ano na naman ba ang dahilan kung ba’t kayo nag-away ng kapatid mo? Dahil ba sa babae ’yan?”
“Ah, hindi po gano’n, naiinis lang siya sa ’kin dahil gusto niya lang,” mapaklang tumawa ang binata.
Gumuhit ang matamis na ngiti sa labi ni Soju. “Ang cute mo ngayon, tsaka ang fresh mo tignan,” puri ni Soju.
Napangiti na rin si Owen dahil sa sinabi ni Soju. “Ay, hindi naman kuya,” ani Owen.
“Kung may kapatid lang talaga ako na kasing cute mo, jusko, palagi ko talagang panggigilan,” ani Soju sa binata.
Ganito palagi ang sinasabi ni Soju ’pag nagkikita ang dalawa, nakakagigil para sa kaniya si Owen. Mataba man siya ay hindi maipagkakait na may maamong itsura ito, pati rin ang boyfriend ni Soju na si Shun; nanggigil rin kay Owen.
“Sus, pareho lang kayo ni kuya Shun eh, lagi niyo akong pinanggigilan,” wika naman ng binata.
“Ang cute mo kaya, sige na pumunta ka na sa school para ’di ka ma-late,” gumuhit ng matamis na ngiti si Soju gano’n din si Owen.
Kung sabagay, hindi pa naman nakakain ng agahan si Owen nagpunta muna siya sa convenient store sa labas ng subdivision nila. Literal talaga na convenient kasi malapit lang sa bahay nila at hindi gano’n ka-pricey ang presyo nila dito.
Sam-bap at banana milk agad ang nasa isip ng binata pagkapasok niya sa convenient store. Nagbayad na siya sa cashier at naupo na sa table na nasa loob ng store.
Aakmang kakain na si Owen ng bigla na lang siyang may naramdamang sumapak sa kaniya, napatingin siya sa kung sino man ang sumapak sa ulo niya. Unti-unti na naman siyang nag-alburuto.
“Anong tinitingin-tingin mo riyan, baboy ka! Ganiyan ka ba dapat tumingin sa kuya mo? Aish! Nakakainis ka talaga!” usal ni Bren ng makita ang kapatid. Sobra ang galit na nararamdaman niya sa kapatid niya ’pag nakikita niya ang mukha ng kaniyang nag-iisang kapatid.
Hindi talaga alam ni Owen kung saan galing ang galit ng kuya niya. Gulong-gulo ang pag-iisip niya simula no’ng bata pa silang dalawa.
“Ipinapabigay ni mama ’to,” usal ni Bren, pinatong niya sa table ni Owen ang isang lunch bag, “baboy ka eh, dapat ubusin mo ’yan,” dagdag pa ng binata kaya umalis na ito sa harap ni Owen.
Hindi nakapagsalita si Owen dahil umalis na ang kuya niya, binuksan niya ang lunch bag at nakita niya ang ulam na niluto ng mama niya. Mukhang masarap ang kain ko mamaya ah. Salamat po, mama.
Hindi maipagkakaila ni Owen na lagi niyang iniisip kung kailan matatapos ang paghihirap niya sa mundong ibabaw, nakakabaliw ang sitwasyon niya ngayon dahil sa walang kwenta niyang kuya. Sumasagi rin sa isip ng binata na kunin ang sarili niyang buhay pero paano na ang mama niya ’pag wala na siya? Hindi niya kayang magmukmok at umiyak ang mama niya ng dahil sa kaniya.
“Kanina ka pa namin hinihintay, Owen,” usal ng kaklase niya.
“Kaya nga, asan ba ang pinaggawa namin sa ’yo na group project namin? ’Wag mo sabihin na hindi mo pa tapos gawin ’yon?”
Kakaupo lang ni Owen sa silya nang singilin siya ng dalawang kaklase niya. Nagpaggawa ng group project ang mga ito kay Owen na walang bayad at isa pa ay minadali ito ni Owen dahil nagmamadali rin ang dalawang tamad na dalaga.
“Ah oo, tapos ko na gawin,” nilabas na niya ang laptop para ipakita ang ginawa niya.
“Wow, maaasahan ka talaga Owen. Pwede ikaw na rin mag-bookbind niyan? Tsaka, ibigay mo na lang samin mamayang lunch break, ok?” sambit pa ng isa sa mga dalaga.
Napakamot na lang ng batok ang binata. “S-sige, g-gagawin ko.”
“Thank you so much, Owen! The best ka talaga!” usal pa ng isa kaya nagmadali na ang dalawang umalis sa harap ni Owen.
Pinagpuyatan niya ang group project na hindi naman sa kaniya tapos siya pa ang magbo-bookbind? At salamat lang ang nataggap niya? Hindi ito makatarungan sa isip ng binata pero wala siyang magagawa dahil ayaw niya rin naman na magalit ang kaklase niya sa kaniya.
“Owen, tapos na ba ang group project natin?” tanong ng isang binata na tumabi sa kaniyang upuan.
“Malapit na ’to matapos, Jake dahil kunting revisions lang ang kailangan nito at good to go na,” sagot naman ni Owen.
“Talaga ba, Owen? Pasensya ka na talaga ah, may emergency kasi sa bahay kahapon eh ’di tuloy kita natulungan kahapon,” wika ng isa pa niyang ka-grupo.
“Ayos lang Wena, kaya ko naman mag-isa,” napangiti na lang ang binata, “basahin niyo na lang ang content ng project natin, madali lang naman ’yan, usisahin niyo ng mabuti dahil magre-restroom lang ako sandali,” dagdag pa ng binata kaya ay tumayo na siya sa upuan niya at tinungo na niya ang daan papunta sa restroom.
Sinunod ng ka-grupo ni Owen ang sinabi niya sa mga ito, madali lang naman sila kausap.
Nang matapos na si Owen ay dumiretso agad siya sa sink. Napansin niyang napapatingin sa kaniya ang katabi niya sa sink pero binalewala lang niya ito, sa isip niya ay baka bully ang taong ’to. Pero sa isip ng estranghero ay naga-gwapohan siya kay Owen, ngayon niya lang nakita si Owen dito sa school.
“Hi,” usal ng estranghero dahilan para magulat si Owen.
“H-hi,” sagot naman niya bilang respeto na rin.
“Ang cute mo naman,” komento ng estranghero.
Pakiramdam ni Owen ay hindi niya narinig ang sinabi ng estranghero. “A-ano sinabi m-mo?”
“Wala,” sagot ng estranghero, nakita ni Owen na ngumiti ang lalaki, kaya nauna na itong umalis sa rest room.
“Ang weird no’ng taong ’yon, para siyang bubuyog,” wika ni Owen sa sarili niya.
Tinahak na ulit ni Owen ang daan pabalik sa class room nila at inubos ang oras sa pag-aaral.
Naghahalo na ang dilim at liwanag nang matapos ang klase ni Owen, dali-dali na siyang umalis sa class room para makauwi na dahil pagod na pagod na siya at gusto na niyang matulog ng maaga para gumising din ng madaling araw para tapusin ang project niya.
Lingid sa kaalaman ni Owen na sa ’di kalayuan ay natanaw ng estranghero kanina sa restroom na nagmamadali si Owen na makalabas ng gate.
“Hoy, sa’n ka ba nakatingin?” ani ng kaklase niya.
“May napansin ka ba na malaking tao na rito nag-aaral? Para siyang bear tapos pogi,” usal niya sa kaklase niya.
“Huh? Pinagsasabi mo riyan? Baliw ka na ata eh,” sagot naman ng kaklase niya na tutok sa laptop niya kakahanap ng RRL.
“Ano kaya ang pangalan niya, I’m so cure… use,” hindi mawala sa utak niya ang mukha ni Owen na nakatitig sa kaniya sa restroom kaninang umaga.
“Cure use? Baliw ka na talaga, tulungan mo ako rito sa research natin boy. ’Pag ako bumagsak talaga,” komento ng kaklase niya.
“Sige,” usal niya kaya tinuon na niya ang atensyon sa laptop niya.
Sa isip niya ay sana makita niya ulit ang bear na ’yon at sana makilala niya ito dahil curious siya rito. Nangangati siyang makilala ang taong ’yon, sa isip niya ay anlaki ba naman ng Rainbow University mahihirapan talaga siyang makita ulit ang bear na ’yon, para ka talagang nagha-hunting sa gubat. Kaya dapat hanapin niya ang tao na ’yon at sayang lang din kung hindi niya makilala ito kahit na sa pangalan man lang.
Chapter 2: Bully
Chapter 2: Bully
Punong-puno ng excitement ang katawan ni Zhyd dahil papasok na naman siya. Motivated siyang pumasok dahil may gusto siyang makita.
Tinatahak na niya ngayon ang daan papunta sa first class niya ngayong umaga, habang naglalakad ay kapansin-pansin na may mali sa isang classroom na nadaanan niya. Hindi siya nagdalawang-isip na balikan ang classroom, nangibabaw ang gulat niya ng may makita siyang isang estudyante na binubugbog.
Mabilis pa sa alas kwarto niyang pinasok ang classroom at sinipa ang isang estudyante na tinatadyakan ang kawawang estudyante.
“Uso pa rin ba talaga ang bullying sa college? Grabe, napakawalang hiya mo!” usal niya sa estudyante na nambugbog.
“Sino ka ba? Ba’t ka nangingialam?!” galit na sagot ng estudyante nang mapahiga sa sahig dahil sa malakas na sipa ni Zhyd.
Hindi sumagot ang binata bagkus ay nilapitan niya ang nabugbog. Laking gulat niya nang makita kung sino ito.
“Ayos ka lang ba?” tanong niya, inalalayan niyang makatayo ang estudyante.
Tumatango-tango ito kahit na mahina na ang katawan at may pasa pa sa mukha.
“Aalis ka o aalis ka?! Alam ko pangalan mo at pwede ka ma-expel sa ginawa mo! ’Wag mo talaga ipakita mukha mo sa ’kin dahil malalagot ka talaga sa ’kin!” saad ng binata sa nambugbog kaya hindi ito nagdalawang-isip na tumakbo palabas ng silid.
“Bwisit! College na tapos nambu-bully pa rin? Grabe na talaga, parang bata lang?”
“S-salamat a-ah.”
“Walang anuman ’yon, dalhin na lang kita sa infirmary. Kaya mo ba maglakad?” punong-puno ng pag-alala ang boses niya Zhyd.
“Kaya naman,” sagot nito.
Kahit nahihirapan ay inalalayan niya ang taong nakausap niya kahapon sa restroom. Hindi pa rin mawala sa isip niya na nag-e-exist pa rin pala ang bullying sa university, hindi niya maiwasang mabahala na baka may iba pa na estudyante ang nabu-bully.
Mula sa pagkakahimbing na tulog ay nagising si Owen dahil sa sakit ng katawan na natamo niya kaninang umaga. Hindi niya lubos akalain na bubugbugin siya dahil hindi niya naibigay ang project na pinaggawa sa kaniya.
“Gising ka na pala,” ani ng estranghero na nagdala sa kaniya rito sa infirmary. Nakaupo ito sa silya sa gilid ng kama.
Sumandal sa headboard ang binata, buti na lang at kaunting pasa lang ang natamo ni Owen, may sugat ang taas ng kilay niya pero maliit lang ito na kailangan lang linisin at lagyan ng band aid. “Ah oo, salamat nga pala sa tulong mo kanina,” usal ni Owen. Ngumiti ang binata bago sumagot.
“Walang anuman ’yon, buti na lang at napansin ko ’yong classroom.”
“A-ano pala p-pangalan mo?”
“Ako si Zhyd Francisco,” sagot nito.
“Ako nga pala si Owen Mendoza,” inabot ni Owen ang kamay niya at tinanggap naman ito ni Zhyd. “Salamat Zhyd,” dagdag pa ni Owen.
Kapansin-pansin ang pamumula ni Zhyd habang habang magkahawak sila ng kamay, at sa wakas ay alam na niya ang pangalan ni bear.
“M-may sakit ka ba?”
“Huh? Anong ibig mo’ng sabihin?” nagtataka si Zhyd dahil natanong ’yon ni Owen.
“Sobrang pula ng mukha mo eh, nilalagnat ka ba?”
“Huh? Hindi ah!” kaagad na binawi ni Zhyd ang kamay niya.
“Ok sabi mo eh, anong oras na ba?”
Kaagad na napatingin si Zhyd sa wrist watch niya. “Four pm na,” sagot ni Zhyd.
“Oh shoot! Buong araw akong andito sa infirmary?!”
“’Wag ka mag-alala, excused ka muna sa classes mo today kaya ’di mo na kailangan mag-alala,” paninuguro ni Zhyd.
“Talaga ba? Shit! Marami pa akong kailangan tapusin na projects,” usal pa ni Owen.
“Magpahinga ka kaya muna saglit dito-”
“Teka, nagkita na tayo eh,” pagputol ni Owen sa sasabihin ni Zhyd.
“Uhm… yeah?”
“Nagkita na nga tayo, ikaw ’yong kahapon sa rest room. Sinabihan mo ako na cute ako,” biglang nagsalubong ang kilay ni Owen.
“Ba’t ka galit?”
“Huh? Hindi ako galit, bakit ba?”
“Nagsalubong ang kilay mo eh,” natatawang sagot ni Zhyd.
“Ay, gano’n ba?”
“Pero seryoso, cute ka talaga. You really looked like a bear, a cute bear.”
Biglang naubos ang lakas ni Owen sa hindi malamang dahilan, parang gusto na niya umuwi na ewan.
“H-hindi ka pa ba uuwi?” tanong niya kay Zhyd.
“Bakit? Gusto mo na ba umuwi?”
Tumango-tango si Owen.
“Sige, sasabihan ko na ang nurse,” agad na tumayo si Zhyd mula sa pagkakaupo niya at umalis na muna para sabihin sa nurse na uuwi na ang pasyente.
Si Owen naman ay hindi na alam ang gagawin, bigla na lang naubos ang lakas niya dahil sa sinabi ni Zhyd sa kaniya. Ba’t gano’n ang sinabi niya? Hindi ko siya maintindihan, weird.
Pero ang mas inalala niya ngayon ay ang reaksyon ng mama niya ’pag nakita ang mukha niya na may pasa at may band aid, mag-aalala na naman ang mama niya. Bwisit kasi na taong ’yon, sana ’di na ako lapitan no’n.
“Owen,” napabalik sa kasalukuyan ang binata nang marinig niya ang boses ni Zhyd.
“Pwede ka na raw makauwi,” wika ni Zhyd, inabot ni Zhyd ang ointment at kinuha naman ito ni Owen.
“Salamat,” usal ni Owen.
Nang makalabas ang dalawang binata galing sa infirmary ay agad na napansin ni Owen na pinagtitinginan sila ng mga estudyante na nadadaanan nila, napayuko na lang si Owen dahil dito.
“Ano’ng problema ng mga tao’ng to?” wika ni Zhyd. Napansin ni Zhyd na nakayuko lang si Owen, “ayos ka lang ba, Owen?”
“Oo, ayos lang ako. Mauna na ako sa ’yo, Zhyd.”
“Hatid na kita,” alok ni Zhyd.
“’Wag na, salamat. Ang laki na nang tulong na nagawa mo, salamat, Zhyd,” usal ni Owen kaya dali-dali na siyang lumakad papalayo kay Zhyd at paalis ng campus.
Naguguluhan si Zhyd sa biglang pag-iba ng mood ni Owen. Siguro pagod lang siya o marami lang siyang iniisip kaya gano’n. Hindi ko man lang natanong kung ano ang rason ba’t siya napunta sa sitwasyon na ’yon kaninang umaga.
Agad naman na nakasakay ng bus si Owen pauwi sa bahay nila. Nang makaupo siya ay sinandal niya ang ulo sa bintana ng bus.
Pinanganak lang ata ako para pahirapan ng universe.
’Yan palagi ang sumasagi sa isip ng binata ’pag may nangyayari sa kaniyang hindi maganda. Kahit sino naman ay mapapatanong talaga. Pero hiyang-hiya si Owen ngayon dahil sa laki ng katawan niya ay nagpabu-bully pa siya, hindi man lang siya marunong gumanti. Hiyang-hiya siya sa sarili niya sa mga sandaling ’to; ano na lang ang sasabihin sa kaniya ng kuya niya.
Nang makarating na sa bus stop ang sinasakyan ni Owen ay agad na siyang bumaba at tinahak na niya ang daan papunta sa bahay nila sa Arcoíris Subdivision. Sa ’di kalayuan ay natatanaw niya ang mama niya na nagdidilig ng halaman, ngayon, kumakabog ang puso niya kung ano ang gagawin niyang rason.
“Andito na po ako,” wika ni Owen nang makapasok siya sa gate ng bahay nila.
Agad na napatingin ang ina sa anak. “Owen! Ano’ng nangyari sa mukha mo? Ba’t may pasa ka?” punong-puno ng pag-aalala ang boses ng ina kaya agad na lumapit ito sa anak.
“Ahm… may pagka-clumsy ang anak mo, mama. Natapilok ako sa hagdanan and everything is history,” sana bilhin ni mama ang rason ko, please!
“Hay naku! Bata ka, halika ka rito,” usal ng ina sa anak, agad naman na lumapit ang anak. Hinawakan ng ina ang mukha ng anak, “ sobrang pogi mo anak tapos ginaganiyan mo lang ang mukha mo. Sa susunod mag-iinga ka, kuhang-kuha mo pa naman ang mukha ng papa mo no’ng kabataan niya.“
Ngumiti lang ang anak sa sinabi ng ina. Ibig sabihin ay iniisip pa rin ni mama si papa.
Isang mahigpit na yakap ang binigay ni Owen sa mama niya, hindi na niya napigilan ang mga luha.
“Mama…”
“Umiiyak ka, ’nak? Ba’t ka naiyak?” tanong ng ina habang yakap-yakap ang anak.
“Masaya lang po ako na ikaw po ang mama ko, napakaswerte ko talaga,” ’yan na lang ang nasabi Owen, may gusto siyang sabihin pero mas pinili niya na ’wag na lang ilabas ito.
“Ang laki-laki na ng anak ko tapos madali lang maiyak,” usal ng mama niya. “Mahal na mahal kita, Owen.”
“Mahal na mahal din kita mama,” kumalas na sa pagkakayakap si Owen, isang matamis na halik sa noo ang natanggap ni Owen mula sa mama niya.
“Pumasok ka na sa loob at kumain ka, may pagkain pa na natira sa kusina. At pagkatapos ay linisin mo ulit ’yang sugat mo anak at magpahinga,” bilin ng mama ni Owen.
Pumasok na sa loob ng bahay ang binata, pagpasok niya pa lang sa pintuan ay sinalubong agad siya ng masamang tingin mula sa kapatid niya na nasa sala na nanonood ng palabas sa TV.
“Napaaway ka na naman ’no?” hindi sumagot si Owen. “Kay laki ng katawan hindi marunong lumaban, bakla ka siguro ’no?” napahinto si Owen dahil sa sinabi ng kapatid.
“’Pag ba hindi lumaban ay bakla na agad? Hindi ba pwede na ayaw ko lang ng gulo? ’Wag mo akong igaya sa ’yo na basagulero at walang magawa sa buhay,” bago pa makasagot si Bren ay dali-dali na umakyat sa kwarto niya ang kapatid. Plano na niya na suntukin ang kapatid buti na lang at nakaalis na.
“Kung wala namang mabuting sasabihin dapat manahimik na lang, ba’t pa ba kita naging kapatid bwisit ka!” ’yan na lang ang nasabi ni Owen sa sarili habang paakyat siya sa kwarto niya. Simula pagkabata ay hindi na talaga sila magkasundo at halos isumpa na ni Bren si Owen dahil ayaw niya talaga sa kapatid niya.
Kinagabihan ay tinapos na ni Owen ang mga group project na hindi naman sa kaniya. Malapit na ang pasahan ng mga projects kaya dapat ay matapos na niya ito para maibigay niya sa mga kaklase niya.
Habang nasa laptop ang atensyon ay namalayan ni Owen na may dugo na tumulo sa notebook niya.
Gulat agad ang nangibabaw sa kaniya, kaya dali-dali siyang kumuha ng tissue para ipunas sa dumudugo na ilong niya.
Medyo matagal na rin no’ng huling dumugo ang ilong niya dahil sa stress sa academics at puyat na rin. Sa madaling salita ay sanay na siya na dumudugo ang ilong niya.
“Hay naku, andami ko pa dapat tapusin ba’t ngayon pa?” wika niya sa sarili niya habang pinupunasan ang ilong.
“Owen, tulog ka na ba?” boses ng mama niya mula sa labas ng kwarto niya.
“Hindi pa po ako tulog, mama. May tinatapos pa po ako na project,” sagot ni Owen habang pinupunasan pa rin ang ilong.
Ilang sandali pa ay binuksan ng ina ang pintuan ng kwarto niya, nagulat ang mama niya dahil sa nakita niya.
“Anak! Nagno-nosebleed ka na naman?” agad na lumapit ang mama niya sa kaniya. Binigyan niya ng tissue ang anak at buti na lang at nawala agad ang pagno-nosebleed niya.
Lumipat sa kama si Owen.“Stress lang po ako sa school,” sagot naman ni Owen sa mama niya.
“Alam mo napapansin ko na palagi ka na lang puyat at marami kang ginagawa na projects sa school. Parang hindi na ’to maganda,” wika ng ina.
“Ma, ganito po talaga sa college. Ang kapal ng mukha mo ’pag wala kang ginagawa,” sagot naman ni Owen.
“A-anong ibig mo s-sabihin?”
“Ibig sabihin, mama ay; hindi normal sa college na hindi ka busy sa paggawa ng powepoint presentation, group projects especially thesis.”
“Andami mo palang gagawin. Maiba tayo, kumusta pala ang pag-aaral mo?”
“Wala naman po akong grade na dos or tres,” sagot naman ni Owen.
“Alam ko na matalino ka ’nak. Ang gusto ko malaman ay hindi ka ba nabu-bully sa school niyo?”
Biglang bumalik sa isip niya ang nangyari kaninang umaga.
“Ma, college na ako at hindi na po uso ang bullying do’n, grabe na talaga.”
“Seryoso ka ba sa sinabi mo kanina na natapilok ka sa hagdan?”
Akala ko ba binili na ni mama ang palusot ko kanina?
“Mama naman, hindi ka ba kombinsido sa sinabi ko? Totoo po talaga ang sinabi ko, magmamadali po ako kanina kasi late na ako sa next subject ko kaya ganito,” palusot ulit ni Owen.
“Sinabi kasi sa ’kin ng kuya mo na baka napaaway ka sa school.”
“Napaaway? Pag-aaral po ang inaatupag ko hindi pagbabasag ulo, hindi ako kagaya sa kaniya.”
Hinawakan ng ina ang kamay ng anak. “Hindi nga sayang ang pagpapa-aral ko sa ’yo, Owen. ’Pag naka-graduate ka na at nakahanap ka na ng magandang trabaho ay bilhin mo lahat ng gusto mo, gawin mo lahat ng gusto mo. Reward mo sa sarili dahil nag-aral ka ng mabuti.”
Ngumiti si Owen. “Oo naman, mama. At syempre, hindi pwede na ako lang, dapat tayong dalawa.”
Ngumiti rin ang ina. “Oh siya, bumaba ka na para makakain ka na at para matapos na ’yang ginagawa mo,” wika ng ina at lumabas na ng kwarto.
May gusto sanang itanong si Owen pero iniisip niya na ’wag na lang siguro muna sa ngayon. Matagal na niyang gustong itanong ito, naghahanap lang siya ng pagkakataon.
Sa susunod na lang siguro.
Chapter 3: Samgyup
Chapter 3: Samgyup
“I’ll see you everyone tommorrow,” wika ng professor at ilang sandali lang ay lumabas na ito ng silid aralan.
Sinilid naman na ni Owen ang laptop, notebook at pencil case sa bag niya. Nang matapos siya ay agad na siyang lumabas ng silid kasama ang ibang estudyante. Drain na drain na talaga ang utak niya sa dami ng gagawin, kailangan na niya muna mag-unwind bago umuwi ng bahay. Pakiramdam niya ay sasabog na utak niya.
Hindi pa rin nawawala sa isip niya ’yong nangyari kahapon, hindi niya rin napasalamatan ng maayos si Zhyd dahil umuwi agad siya para magpahinga sa bahay. May band aid pa rin ang taas ng kilay niya at medyo naghilom naman na ang pasa niya sa mukha.
Parang gusto ko magsamgyup, aish! Medyo matagal na rin no’ng last ako nagsamgyup eh. ’Yan ang nasa utak niya, kaya ngayon siya ay nasasabik na umalis sa school para magsamgyup. Pero bago ako aalis hahanapin ko muna si Zhyd.
Habang naglalakad ay may pamilyar na pigura siyang napansin, hindi siya nag-atubili na balikan ang tao na ’yon at ngayon ay nakompirma niya kung sino ang tao na ’yon.
“Hoy,” wika ni Owen sa taong nakaharap sa snack vending machine.
Agad na napatingin sa kinaroroonan ni Owen ang taong tinawag niya. “H-hoy? Hoy? May pangalan ako, Owen, tapos hoy itatawag mo sa ’kin?”
“A-ay, sorry.” Napansin ni Owen na parang naiiyak ito. “Ba’t ganiyan ang itsura mo?”
Napatingin ulit sa vending machine ang taong kausap niya. “Last coin ko na ’yon tapos nagki-crave ako ng favorite ko na snack at nabaliw itong vending machine na ’to tapos hindi man lang nahulog ’yong binayaran ko.”
Nilapitan ni Owen ang vending machine at nakita niyang malapit na ito mahulog pero na-stuck ito, totoo nga ang sinabi nito na hindi nahulog ’yong snack na gusto niya.
“Kawawa ka naman, Zhyd.”
“’Wag mo akong ma-ganiyan, Owen,” wika ni Zhyd na mangiyak-ngiyak na.
“Kanina pa talaga kita hinahanap eh, buti na lang at nakita kita rito.”
“Bakit? Ano ba kailangan mo sa ’kin?”
“Gusto ko sana na—”
“Na ano?”
“Gusto ko sana na samahan mo ’ko magsamgyup,” wika ni Owen.
“As in ngayon na? Like literally?”
“Yeah, if you’re not busy.”
Biglang nagliwanag bigla ang awra ni Zhyd dahil sa sinabi ni Owen, bigla siyang na-excite.
“Well, hindi naman ako busy. Uuwi rin naman ako sa bahay pagkatapos ko rito sa vending machine na punyemas na ’to.”
Natawa si Owen. “Hayaan mo na ’yan, libre na lang kita.”
“Weh?”
“Ayaw mo? Mas mabuti nang ayaw mo,” sarkastikong wika ni Owen.
“Ang sama pala ng ugali mo ’no?”
“Minsan.”
Umirap si Zhyd kay Owen.
“Ano g?”
Hindi na napigilan ni Zhyd ang sarili kaya naman ay hinagkan na niya si Owen.
“Alam mo, kagabi pa ako nag-aalala sa ’yo dahil sa nangyari, buti naman at maayos na ang lagay mo ngayon at walang bully na lumalapit sa ’yo,” usal ni Zhyd habang yakap-yakap niya ang malaking katawan ni Owen. Pakiramdam talaga niya ay nakayakap siya ngayon sa isang bear. “Owen, sana naman ay hindi na ulit mangyari ’yon tsaka sa susunod ay magsumbong ka kaagad—”
“Ah… Zhyd?”
“Yeah?”
“Kailangan mo talagang gawin ’yan?”
“Ang alin?”
Paunti-unti ay lumaki ang mga mata ni Zhyd at napabalik siya sa reyalidad.
“What the fuck,” bulong ni Zhyd sa sarili dahil sa kahihiyan.
Agad na naitulak ni Zhyd ang katawan ni Owen. “P-pasensya na, Owen. N-nadala lang ako ng e-emosyon ko,” aniya. Mas lalong nahiya ang binata nang mapansin niya na parang may mga mata ang nakatutok sa kaniya. Hindi nga siya nagkamali, pinagtitinginan nga siya ng mga estudyante. Kapansin-pansin din na namumula ang mukha ni Zhyd, pero hinayaan lang ito ni Owen.
Hindi umimik si Owen at tinignan niya lang si Zhyd. Seryoso ba ’tong tao na ’to?
Sobra-sobra ang hiya ni Zhyd kaya naman ay kinuha niya ang pulsuhan ni Owen at lumakad paalis sa kinaroroonan nila. Naiwan ang mga estudyante na tulala sa napanood nilang eksena.
Si Owen naman ay nagpaubaya lang kay Zhyd kung sa’n siya dadalhin, gusto niya rin naman talaga umalis na ro’n. At sa kabutihang palad ay palabas na sila ng campus pero bago sila makalabas ay naharang sila ng dalawang estudyante. At sa kasamaang palad ay kilalang-kilala ito ni Zhyd.
“Hoy! Sa’n punta mo?” agad na napahinto si Zhyd, hinarap kung sino ang humarang sa kaniya.
“Wow, pogi!” wika pa ng isang estudyante nakatingin ito sa kasama ni Zhyd.
“Pre, ikaw pala,” mapaklang tumawa si Zhyd.
“Oo ako nga, kumusta ang group project natin boy?”
“Oo nga, Zhyd! Hindi ka nagpakita sa ’min kanina, hmp!”
“Alam niyo Drew at Burn, chill lang kayo mga pre, ok? I’ll see you guys tommorrow na lang, ok? I’m kinda busy right now,” ani Zhyd.
“Busy? Ba’t ka nakahawak sa kamay niya,” tinuro ni Burn si Owen.
“Well, busy nga ako ’di ba? ’Wag ka na maraming tanong, please. May mga bagay talaga na hindi mo na dapat malaman pa, ok?”
“Gago ka talaga boy, next week na ang deadline no’n,” ani Drew na sobra ang pag-aalala sa mukha.
“You guys, just chill. I know you now that I have loads of connections, right? Kaya alis na ako, bye!”
Kinaladkad na ulit ni Zhyd si Owen, buti na lang at hindi nagrereklamo ang binata.
Sabi niya hindi raw siya busy pero may group project pala sila ng classmates niya, siraulo.
Nang makalis ang dalawang binata ay napahilot na lang ng sintido si Drew. “Alam mo, Burn. ’Yong kasama ni Zhyd? Siya ’yong sinabi ko sa ’yo no’ng nakaraan na crush niya, halos mabaliw ’yan no’ng nakaraan kasi ’di niya alam kung anong pangalan no’ng bear na ’yon,” wika ni Drew. Sobrang linaw pa sa utak ni Drew kung paano nabaliw ang kaibigan niya dahil may nakita siyang bear.
“Oh, talaga ba? That guy is cute, actually. He’s kinda my type, he’s so big,” sagot naman ni Burn.
Tinaasan ni Drew ng kilay ang kaibigan. “Talaga lang ah? ’Pag ’yan nalaman ni Zhyd talaga, ewan ko na lang sa ’yo.”
“Grabe ka, pre! Hindi ka mabiro, pero as in, cute siya,” napangiti si Burn, napahilot na lang ulit sa sintido si Drew.
──✩₊⁺⋆☾⋆⁺₊✧──
“Wow, andami mo namang in-order, mauubos ba natin lahat ’to?”
“Oo naman, malakas ka kaya kumain,” sagot naman ni Owen.
“Pinagsasabi mo riyan? Napakapayat ko nga eh, kita mo naman sa katawan ko.”
“Mauubos natin ’yan, tiwala lang,” wika ni Owen at nag naglagay na ng karne sa griller.
“So, tell me about yourself,” wika naman ni Zhyd.
Pakiramdam ni Owen ay naubos bigla lahat ng lakas niya dahil sa sinabi ni Zhyd. Kailangan pa ba ng ganito? Grabe talaga ang tao na ’to.
“Ayoko nga,” sagot naman ng binata.
“Why not?”
“Because, I don’t want to.”
“Well, I respect that. Ako na lang ang magshi-share sa ’yo ng talambuhay ko.”
Is this really necessary?
“Well, mag-isa na lang ako sa buhay, charot. Ako si Zhyd Francisco, sophomore sa kursong AB English, cute, mabait, masipag, extrovert and gay as fuck,” ngumiti ng sobrang laki ang binata, “only child, 5’5 feet and ano pa ba, wait—”
“Tama na, Zhyd.”
“Bakit? Ayaw mo ba akong makilala?”
“Hindi naman sa gano’n—”
“Eh ano?”
“Wala, nevermind. Luto na ’yang inihaw ko, kumain ka na.”
Hindi na umimik si Zhyd kaya naman ay gumawa na lang siya ng wrap niya at kumain na. Enjoy na enjoy si Zhyd sa pag kain niya nang magsalita ulit si Owen.
“Gusto ko lang sabihin na salamat ng marami kahapon, kung ’di dahil sa ’yo baka napurohan na ako.”
“May utang ka sa ’kin.”
“Oo, alam ko ’yon. Salamat.”
“You’re welcome. Buti na lang at do’n ako dumaan.”
“Kaya nga, salamat talaga. Kaya rin inaya kitang kumain ay dahil gusto kitang pasalamatan ng maayos,” taos-puso na pasasalamat ni Owen kay Zhyd.
“Kinausap ko na ang head ng school at sila na raw ang bahala sa nangyari, sinabi rin sa ’kin na hindi na raw mauulit ang nangyari at tayo lang ang nakakaalam sa nangyari sa ’yo. Na-expel na rin pala ’yong bully, buti nga sa kaniya.”
“May connections ka talaga ’no?”
“Hindi naman, umaksyon lang ako para sa ’yo dahil nga ako ang nakakita sa nangyari,” dagdag pa ni Zhyd.
Kung ’di dahil sa kaniya baka napurohan na si Owen at ang mas masaklap pa ay baka na-ospital pa siya, edi gagastos ang mama niya pampa-ospital.
“Alam mo, kumain ka na. Kanina ka pa nag-ihaw diyan eh, ako na muna ang mag-iihaw para sa ’yo tapos kain ka muna,” suhestiyon ni Zhyd kaya naman ay kinuha niya ang tong sa kamay ni Owen at nagsimula na siyang mag-ihaw.
Sobrang na-enjoy ni Owen ang pagkain at gayundin din si Zhyd. At mas lalong nakilala nila ang isa’t isa dahil nag-o-open din ng topic si Owen kaya naman ay tuloy-tuloy ang usapan nila habang kumakain ang dalawang binata. Busog na busog ang dalawa; gusto na umuwi ni Owen pero ang kasama niya ay iniisip kung ano pwede niyang kaining desert.
“Nabusog ka ba, Zhyd?”
Napadighay pa si Zhyd bago sumagot. “Oops, sorry,” tumawa siya. “Busog na busog ako, Owen. Salamat talaga ng marami.”
“Sigurado ka ba talaga na nabusog ka?”
“Oo naman ’no? Ikaw ba?”
Hindi umimik si Owen at tinitigan lang si Zhyd.
Napaka-cute niya kanina habang kumakain, para siyang baby. What the hell! Ano ’tong pumasok sa isip ko!?
“Gusto mo desert?” tanong ulit ni Zhyd.
“Mauna na ako sa ’yo, marami pa kasi akong gagawin,” agad na tumayo si Owen, dali-daling lumabas ng kainan kaya naman ay sinundan agad siya ni Zhyd.
“Owen!” tawag ni Zhyd sa binata nang makalabas ito at patuloy lang ito sa paglalakad. “Owen!” tawag ulit ni Zhyd, ngayon ay tumingin na si Owen. Dali-daling lumapit si Zhyd sa kaniya, halata sa mukha ni Owen na ubos na ang social batter niya, gusto na niyang umuwi para makatulog na.
“Ano?” kalmadong wika niya.
“Iced cream. Samahan mo ako magdesert, please,” sagot ni Zhyd na tila nagdadasal.
“Zhyd.”
“Alam mo, kinikilig talaga ako ’pag binabanggit mo pangalan ko, ngayon ko lang sinabi.”
Nagulat si Owen sa sinabi ni Zhyd, pakiramdam niya ay lalabas na sa katawan niya ang puso niya ngayon. Hindi ’to maaari!
“S-sa susunod n-na l-lang,” nauutal na usal ni Owen.
“Ba’t ka nauutal?”
“W-wala.”
“Sige na, samahan mo na ako. Libre ko naman eh, may malapit naman na convenient store do’n tapos pwede tayo sa loob kumain, ano tara?”
Sasama na lang ako dahil mapilit ang tao na ’to at para makauwi na rin ako dahil nami-miss ko na ang malambot ko na higaan.
Hindi umimik si Owen pero sa isip ni Zhyd ay ‘oo’ ang sagot sa offer niya kaya naman ay nauna na siyang lumakad, sumunod naman ang isa pang binata.
Nang makarating sila sa convenient store ay pumili na sila ng iced cream na gusto nila at nagbayad na.
“Wow, medyo matagal na ako ’di nakakain ng iced cream,” ani Zhyd nang makaupo na sa table sa loob ng convenient store.
“Hmm.”
“Inverter ka ba?”
Nagsalubong agad ang kilay ni Owen. “Ano?”
Napatingin si Zhyd kay Owen. “Huh?”
“Huh?”
Tumawa na lang si Zhyd dahil sa waley na joke niya. “Pinapatawa lang kita, jusko naman. Ang hirap mo naman patawanin.”
“Joke pala ’yon?”
Nilantakan na lang ni Zhyd ang iced cream niya na chocolate flavor, gano’n din ang ginawa ni Owen sa iced cream niyang cookies and cream.
“Hindi ko pa feel umuwi sa bahay,” usal ni Zhyd. “Nasi-stress ako ’pag nasa bahay ako, ’pag nasa labas ako sobrang saya ko pero ’pag nasa bahay ako hindi ako masaya, ’yong feeling na may mabigat na pakiramdam.”
“Baka may multo sa bahay mo.”
“Ay gago ka! ’Wag naman.”
“Edi mamaya ka na umuwi, rito ka na lang muna,” suhestiyon ni Owen habang sarap na sarap sa iced cream niya.
“Speaking of,” tinuro ni Zhyd ang glass wall at nakita nilang pareho na sobrang lakas ng ulan sa labas.
“Shit!”
“Bakit Owen?”
“Hindi mo ba nakikita na umuulan sa labas?”
“Kaya nga tinuro ko ’di ba?”
Agad na hinalungkat ni Owen ang bag niya. “Shit! Nasa bahay ang payong ko, may payong ka ba?”
“Hindi ako nagdadala ng payong eh, why?”
“Kailangan ko umuwi para tapusin ang group project namin, Zhyd! Panigurado magagalit sa ’kin mga groupmates ko nito.”
“Eh sila ba, ano ba ginagawa nila? May ambag ba sila sa group project niyo?”
Hindi nakasagot si Owen.
“So, ikaw lang ang gumagawa ng project niyo? Ang kapal naman ng mukha nila.”
“Eh kasi naman—”
“Dapat mo silang kausapin regarding diyan, Owen. Hindi ’yong i-a-asa nila sa ’yo ang group project niyo,” diniin pa ni Zhyd ang salitang group project.
“Alam mo, Zhyd. Kailangan ko na umalis.”
“Paano ka aalis sobrang lakas ng ulan sa labas?”
Tama naman si Zhyd, paano siya aalis eh wala siyang payong at higit sa lahat tama si Zhyd na hindi pwede na i-a-asa na lang ng kagrupo ni Owen ang project nila.
Mamaya na ako aalis ’pag tumila na ang ulan, ayaw pa naman ni Mama na nagkakasakit ako. Pasensya na, Zhyd pero aalis na talaga ako.
Chapter 4: Iced Cream
Chapter 4: Iced Cream
“Alam mo, Zhyd. Kailangan ko nang umalis.”
“Paano ka aalis sobrang lakas ng ulan sa labas?”
Tama naman si Zhyd, paano siya aalis eh wala siyang payong at higit sa lahat tama rin ulit si Zhyd na hindi pwede na i-a-asa na lang ng kagrupo ni Owen ang project nila.
Mamaya na ako aalis ’pag tumila na ang ulan, ayaw pa naman ni Mama na nagkakasakit ako. Pasensya na, Zhyd pero aalis na talaga ako.
Tumayo na si Owen, dahilan para magulat si Zhyd.
“Sa’n ka?”
Agad na napatingin si Owen kay Zhyd. “Uuwi na ako,” sagot naman niya.
“Hindi mo ba nakikita na malakas ang ulan sa labas? Mababasa ka, Owen, alam ko na alam mo ’yon. Mamaya na ’pag tumila na ang ulan,” usal ni Zhyd.
Biglang kumalma ang awra ng binata kaya naman ay bumalik na ito sa pagkakaupo, binalik na rin niya ang bag sa table.
“Alam ko na marami kang gagawin pero bigyan mo naman ng oras ang sarili mo kahit ngayong gabi man lang, ’wag mo muna isipin ang mga projects mo.”
May punto nga si Zhyd, gabi-gabi na lang na nakatutok ang mga mata niya sa laptop niya at nagpupuyat dahil sa group project.
“Buti pa sa condo ko na lang tayo magstay,” suhestiyon ni Zhyd.
KItang-kita ang bahid ng pagtataka sa mukha ni Zhyd. “Sa condo mo? Eh, wala nga tayong payong para makaalis dito—”
Tinuro ni Zhyd ang isang mataas na building sa kabilang kanto. “Nandiyan lang ang bahay ko,” ngumiti pa ito ng nakakaloko. Napatingin din naman si Owen sa kung saan nakaturo ang hintuturo ni Zhyd.
Totoo ba ’tong sinasabi niya na sa condo siya nakatira?
Tumingin pabalik si Owen kay Zhyd.
“Ba’t ganiyan ka makatingin sa ’kin? Totoo nga na sa condo ako nakatira, hindi ako nagsisinungaling.”
Nabasa pa niya ang nasa utak ko.
“Eh pa’no tayo makakapunta riyan sa condo mo eh umuulan nga.”
“Papatilain natin ang ulan, mauubos din ’yan maya-maya, tiwala ka lang,” sagot naman ni Zhyd, nilantakan na naman niya ang iced cream niya.
“Umuulan tapos nag-iced cream tayo,” usal ni Owen.
“’Di naman natin alam na uulan pala, ’di natin kasalanan ’yon.”
──✩₊⁺⋆☾⋆⁺₊✧──
“Mama, nasa condo ako ng kaibigan ko ngayon. Baka late na ako makauwi riyan sa bahay.”
“Anak, ’wag ka na umuwi rito, riyan ka na lang muna magpalipas ng gabi kasi sobrang baha ng kalapit na barangay at isa pa gabing-gabi na,” wika ng ina ni Owen sa kabilang linya. Agad siyang tumawag sa mama niya para ipaalam ng mama niya kung anong nangyayari sa kaniya, nasa condo na sila ng Zhyd ngayon.
“Gano’n ba, ma. Sige po, mag-ingat po kayo riyan. I love you po, mama,” usal ni Owen at pinatay na ang tawag.
“Ano sabi ng mama mo?” usisa ni Zhyd.
“Dito na lang muna raw ako magpalipas ng gabi kasi may baha raw at gabi na rin, ayos lang ba sa ’yo na rito muna ako?”
“Oo naman, bakit hindi?” sumilay ang matamis na ngiti sa labi ni Zhyd. “Ah, siya nga pala, magbihis ka na muna, kukuha lang ako ng damit mo ah,” ani ng binata kaya naman ay naiwan si Owen sa sala ng condo.
Hindi naiwasan ni Owen na mamangha sa tinitirhan ni Zhyd, akala niya ay sa bahay ng magulang niya nakatira si Zhyd pero nagkakamali siya.
Umupo na sa sofa si Owen at nilapag sa sahig ang bag. Nilibot ng mga mata niya ang bawat sulok ng condo, hindi niya pinahalata na namamangha siya sa ganda ng condo ni Zhyd.
Ibig sabihin ay mayaman ang pamilya nina Zhyd, mahal ang renta ng condo sa pagkakaalam ko.
“Heto na damit mo, Owen. Buti na lang at may damit ako na medyo malaki sa size ko, feeling ko kasya naman ang sweatpants at t-shirt na ’to,” usal ni Zhyd nang malapitan niya si Owen sa sofa.
Kinuha na ni Owen ang damit. “Salamat Zhyd,” wika niya.
“Sa kwarto ka na magbihis, ok? Para makapagpahinga na tayo,” ani Zhyd kay Owen.
“Sige,” tanging sagot ng binata kaya pumasok na ito sa kwarto ni Zhyd para makapagbihis na. Sa isip ni Owen ay simple lang ang kwarto ni Zhyd, may book shelf, study table, may wall decorations. Tipikal na kwarto ng isang binata.
Pagkalabas ng binata sa kwarto ay gayon din ang pagtingin ni Zhyd kay Owen. Bagay na bagay sa kaniya ang T-shirt na suot niya at may bear print pa ito, pati na rin sweatpants, hindi rin naiwasan ni Zhyd na tumapon ang tingin sa umbok sa pagitan ng hita ni Owen, pakiramdam niya ay natatakam siya rito.
“Uh… Zhyd?” tawag ni Owen dahilan para mapabalik siya katinuan.
“Oy, Owen. Tapos ka na pala magbihis, upo ka muna rito,” imbita ng binata, umupo na rin ang isa pang binata. “May pasa ka pa pala ’no?”
“Oo nga eh, pero ayos naman na ’yan,” sagot ni Owen.
“Ano pala reaksyon ng mama mo nang makita ka niyang umuwi na may pasa ang mukha?”
“’Yon, nagulat siya ba’t may pasa ang mukha ko, syempre, nag-alala siya baka raw binully ako sa school pero sinabi ko lang na natapilok ako sa hagdan dahil sa pagmamadali. Buti na lang at binili niya ang alibi ko,” mahinahon na salaysay ni Owen.
“Speaking of, may atraso ka ba sa bumugbog sa ’yo kahapon?” punong-puno talaga ng pag-aalala ang boses ni Zhyd. Hindi niya rin naman talaga inakala na may mangyayaring gano’n at partida college student pa.
Napahinga ng malalim si Owen dahil inalala na naman niya ang nangyari kahapon. “Wala akong atraso sa kaniya, kahit sinong estudyante sa university ay wala akong atraso. ’Yong tao na ’yon ay nagpaggawa sa ’kin ng project niya kaya lang nakalimutan ko ang sa kaniya at late ko na nabigay sa kaniya ang files na kailangan niya sa araw na iyon kaya ’yon ang napala ko.”
“’Wag mo namang sisihin ang sarili mo dahil sa nangyari. Wala kang kasalanan do’n, kahit pagbalik-baliktarin ang mundo. Kung tutuusin ay sila ang dapat na sisihin eh.”
“Ayoko lang kasi na may taong manakit sa ’kin kaya ginagawa ko na lang ang kung ano’ng gusto nilang ipaggawa sa ’kin. Kasi kung aayaw ako ay magagalit sila sa ’kin at ayaw ko ng gano’n.”
“Alam mo Owen, kailangan mo rin matutunan na umayaw. Umayaw sa mga bagay na kailangan ayawan. May karapatan na umayaw pero mas pinili mo na hindi ayawan kasi takot ka.”
“Oo takot ako, halata naman ’di ba?”
“Owen, set your own boundaries. Magpaka-selfish ka muna, unahin mo muna ang sarili mo bago ang iba. Kung may kailangan ka, tumulong ba sila sa ’yo?”
May punto ang sinabi ni Zhyd, puro kapakanan ng iba ang iniisip ni Owen. Takot siyang maiwan, takot siyang ayawan ng tao, takot din siya kung ano ang sabihin ng iba sa kaniya. Nakakapagod talaga ang set-up na ginawa ni Owen.
“Matulog na tayo, Zhyd,” wika naman ni Owen. Hindi na umimik ang isa pang binata.
Sa unang pagkakataon ay sa sahig humiga si Zhyd. Pero kahit gano’n ay gusto niya rin naman na masubukan kung ano ang pakiramdam na sa sahig natutulog.
“Ayos ka lang ba riyan sa sahig?” tanong ni Owen na nasa kama ni Zhyd, nakatuon ang pansin sa kisame. “Kasya naman tayong dalawa rito ah.”
“Oo naman, Owen. First time ko ’to sa buong buhay ko, medyo matigas nga lang sa likod, pero kaya naman, bisita kita kaya riyan ka muna,” sagot pa ng isa pang binata.
Kung tutuusin ay hindi nga talaga siya komportable na sa sahig matulog kahit na may bed sheet ang hinihigaan niya.
Ngayon lang naman ’to kaya ok lang.
“Oo nga pala, Owen. Ano pala ang kurso na kinuha mo? ’Di mo kasi na-share sa ’kin eh.”
“Bachelor of Science in Social Work.”
“Ah, gano’n ba. Same lang pala tayo ng department eh.”
“Hmm.”
“May kaibigan ka ba sa school? Kasi ikaw lang palagi mag-isa ang nakikita ko eh.”
“Andami mo’ng tanong, Zhyd. Matulog ka na.”
“Ayan ka na naman sa pagiging masungit mo. Introvert ka ba?”
“Isa pa talaga, Zhyd kukutusan na kita.”
“Sabi ko nga. Matulog na tayo kasi may pasok pa bukas. Good night and I love you,” napangiti si Zhyd sa sinabi niya habang si Owen naman ay walang emosyon na sumilay sa mukha niya. Pagod na siya sa araw na ’to at mas lalo pa siyang napagod dahil kasama niya si Zhyd na sobra ang energy.
──✩₊⁺⋆☾⋆⁺₊✧──
Buong umaga na nagtatampo si Zhyd, pati na rin ang dalawa niyang kagrupo ay napansin din ang pagtatampo niya.
“What happened, Zhyd? Kanina ka pa nakasimangot,” tanong ni Burn bitbit pa ang gamit ni Zhyd.
“Oo nga pre, may nangyari ba sa ’yo na hindi maganda?” tanong naman ni Drew, bitbit niya rin ang laptop ni Zhyd.
Napabuntong-hininga si Zhyd dahil sa tanong ng dalawa niyang alipores. Marami siyang iniisip tapos dumagdag pa ang dalawa niyang kaibigan, napahinto siya sa paglalakad gayon din ang dalawa.
“Sa condo ko natulog si Owen kagabi kasi naabutan siya ng ulan, tapos, kaninang umaga pagkagising ko ay wala na siya sa kama ko!” may galit sa pagsasalaysay niya.
“Eh, ano naman ang problema ro’n?” ani Drew.
“Kaya nga, eh, gusto niya na umuwi. Ayaw mo ba siyang pauwiin?” dagdag pa ni Burn.
“Alam niyo, wala talaga kayong pakinabang. Malamang crush ko siya eh ’di gusto ko magmoment na muna kami sa condo, gets niyo ba ako? Guys?” irita na wika niya.
“Aysos, ang babaw lang pala, bwisit na ’yan,” ani Drew kaya nauna na siyang maglakad.
“Agree ako sa kaniya, Zhyd,” sumunod din naman si Burn kay Drew kaya naiwan si Zhyd sa labas ng library.
“Bwisit na mga kaibigan ’to,” marahas na napakamot ang binata kaya sumunod na lang siya sa mga kaibigan niya.
Pagkapasok sa library ay sumalubong agad ang nakakabaliw na katahimikan. Nakita niya agad ang mga kaibigan niya na nakaupo na sa regular spot nila. Nang makaupo na si Zhyd ay kinuha na niya ang laptop na kakailanganin niya, pati na rin ang mga kaibigan niya ay ginawa na nila ang kailangan nilang gawin.
Habang busy sila sa paggawa ng group project ay nahagilap ng mga mata niya ang isang pigura na pamilyar sa kaniya.
“Sakto at andito ka,” halos pabulong na wika niya kaya napatingin ang dalawa niyang kaibigan sa kaniya.
Si Owen naman ay pumili na ng table at umupo na ito kaya kinuha na niya ang laptop, notebook at pencil case niya. Kakaupo lang ng binata nang laking gulat niya nang biglang may kamay na dumampi sa balikat niya, dahan-dahan niyang tinignan kung sino ang may ari ng kamay. Bumungad sa kaniya ang mukha ni Zhyd, wala itong emosyon na nakatitig sa mga mata niya.
Hindi na nagdalawang-isip si Zhyd na umupo sa kabilang silya. “Ba’t bigla ka na lang umalis kanina sa bahay?”
Ano naman kaya nakain ng taong ’to? Sinusmpong ata ng kabaliwan ang tao na ’to.
“Ano ibig mo’ng sabihin?”
Huminga ng malalim si Zhyd. “Hindi mo man lang ako ginising na uuwi kana pala, edi—”
“Alas siyete na ng umaga ako nagising Zhyd, may klase pa ako ng 8 at may kalayuan ang condo mo sa bahay ko kaya nagmadali na akong umalis,” salaysay ng binata.
“Ginising mo sana ako—”
“Hindi na kita ginising dahil sobrang himbing ng tulog mo, baka sapakin mo pa ako.”
Napahilot tuloy ng sintido si Zhyd dahil sa mga rason na binabato ni Owen sa kaniya. May punto nga naman talaga ang rason niya.
“Shit.”
Nagulat si Zhyd nang makita niya si Owen na dumudugo ang ilong.
“O-Owen…” tawag niya, kalmado lang si Owen habang dumudugo ang ilong niya.
“May tissue ka ba?”
Dali-dali na bumalik si Zhyd sa table nila at hinalungkat ang bag niya.
“Ano nangyari, pre?” tanong ni Drew.
Napatingin naman si Burn kay Zhyd.
“Dumudugo ilong ni Owen, maiwan ko muna kayo rito,” aniya habang hinahalungkat ang bag, nang makita niya ang hinahanap niya ay agad siyang bumalik kay Owen.
Binigay agad niya kay Owen ang tissue na kinuha niya sa lalagyan. Kalmado lang si Owen habang pinupunasan ang dugo galing sa ilong niya.
“Punta tayo ng infirmary,” suhestiyon ni Zhyd, agad na niyang hinawakan ang kamay ni Owen at napatayo si Owen, hindi na nagsalita si Owen kaya nagpaubaya na lang siya kay Zhyd.
Habang palabas ng library ay pinagtitinginan sila ng mga estudyante, pero walang pakielam ang dalawa at dire-diretso lang silang lumalakad papunta sa infirmary.
Pero sa isip ni Owen ay naiinis siya dahil nangyari na naman ang kinaiinisan niya ’pag nasi-stress siya.
Palagi na lang ganito.
Chapter 5: Amidst the Weight
Chapter 5: Amidst the Weight
“Palagi ka bang late na natutulog? O masyado ka bang nastress sa academics mo?” mahinahon na tanong ng nurse kay Owen.
“Opo, stress po ako sa academics lalo na ngayon na malapit na ang deadline ng group project namin,” sagot naman ni Owen sa nurse.
Halata sa mukha ng nurse ang pag-aalala. “Payo ko sa ’yo, bawas-bawasan mo ang stress. Kailangan mo ’yon para hindi na maulit ang ganitong pangyayari.” Napansin na kasi ng nurse sa infirmary na hindi ito ang unang beses na nagpunta si Owen dito dahil sa nosebleed. Kaya nag-alala ang nurse dahil dito. Hindi ito maganda lalo na’t estudyante ito at maraming ginagawa.
Sa isip ni Owen ay madali lang sabihin kasi hindi alam ng nurse kung ano ang pinagdaanan niya ngayon pero wala siyang choice.
Tumingin si Zhyd kay Owen na punong-puno ng pag-aalala.
“Maiwan ko muna kayo rito, kapag maayos na ang pakiramdam mo ay pwede ka na bumalik sa klase mo. Ikaw rin sir Zhyd,” wika ng nurse at umalis na ito. Isang matamis na ngiti lang ang sinukli ni Zhyd kaya binaling kaagad niya ang pansin kay Owen.
“Totoo ang sinabi ng nurse, late ka na natutulog dahil sa group project na ’yan. Pwede mo naman na ipaggawa sa mga kagrupo ’yan eh,” wika ni Zhyd.
“Ako lang inaasahan nila sa project na ’to,” depensa naman ng binata.
“Tatahimik na lang ako, Owen. Hindi na kita pangangaralan kasi malaki ka na at alam mo na ang gagawin,” sagot naman ni Zhyd.
Nagsalubong agad ang kilay ni Owen. “Sira ulo.”
Tumawa na lang si Zhyd. “Wala ka na bang class?”
“Wala na tapos na ang schedule ko ngayong araw.”
“May gagawin ka ba mamaya?”
“Wala naman,” sagot naman ni Owen.
“Tanungin mo naman ako kung bakit,” biglang ngumuso si Zhyd.
Wala nang nagawa si Owen. “Bakit?”
“Gusto sana kitang ihatid sa inyo.”
Pakiramdam ni Owen ay nabingi siya sa sinabi ni Zhyd. “A-anong sinabi m-mo?”
“Ang lapit-lapit ko na sa ’yo ’di mo narinig sinabi ko, grabe ka naman.”
“Ano nga sinabi mo?” mahinahon na wika ni Owen.
“Gusto sana kitang ihatid sa inyo, kung ayos lang.”
“Kaya ko naman bumiyahe mag-isa eh, araw-araw akong bumibiyahe mag-isa,” sagot ni Owen. “At isa pa sabi mo na malaki na ako.”
“Ang sama talaga ng ugali mo ’no? Ganiyan ba ang mga introvert?”
“Ang OA mo.”
Humiga na lang si Owen sa kama, dinamdam ang lambot ng kutson, hindi siya nagdalawang isip na ipikit ang mga mata niya.
Kailangan ko na baguhin ’to ngayon para hindi na maulit ang ganitong sitwasyon, baka lumala pa ’to.
──✩₊⁺⋆☾⋆⁺₊✧──
“Andito na po ako, mama,” wika ni Owen nang makapasok siya sa loob ng bahay.
“Hi anak—oy, may kasama ka pala.”
“Opo, si Zhyd po, kaibigan ko,” sagot naman niya.
“Oh? May kaibigan kana pala. Hi Zhyd, maupo kayo mga anak.”
Sobra-sobra ang tuwa ni Zhyd nang mapasang-ayon niya si Owen na gusto niyang pumunta sa bahay nila. Curious din kasi siya sa bahay ni Owen at isa pa ay ayaw na niya muna umuwi sa condo niya.
“Kaibigan mo na pala ako,” mahinang wika ni Zhyd nang makaupo sila sa stool ng island counter. Tumingin lang si Owen sa kaniya na walang bahid ng emosyon.
Ngumiti lang si Zhyd at naupo na sa tabi ni Owen.
“Kay gwapo naman ng kaibigan mo, anak. Ano nga ulit pangalan mo?”
“Ako po si Zhyd Francisco,” isang matamis na ngiti agad ang sumilay sa labi ng binata.
“Ay, sobrang gwapo na nga, gwapo pa ng pangalan. Bagay sa ’yo ’nak, bottom ka ’no?” puri ng ina ni Owen at hindi napigilan ng ina ang mapatanong.
“S-salamat po p-pero pa’no ninyo—” nauutal na tanong ni Zhyd.
“Mama! Ano ba ’yang tanong mo?” pati si Owen ay nagulat sa tanong ng ina niya.
Humagikhik lang ang ina. “Ay siya nga pala, ano gusto niyong merienda?”
“Sandwich na lang po, mama,” sagot ni Owen, agad na ngumiti ang ina at nagpunta na sa kusina para gumawa ng merienda.
“Ang ganda ng mama mo, Owen. Pero na-shock lang ako sa tanong niya,” natawa na lang ang binata.
“Pagpasensyahan mo na mama ko, ganiyan talaga ’yan siya. Isang umaga nahumaling na lang bigla sa BL series, kaya ’yon. Iwan na muna kita rito ah. Magbibihis lang ako,” ani Owen, tumayo na siya at nagpunta na sa kwarto niya.
Habang naghihintay sa sala si Zhyd hindi niya mapigilan na mapalibot ang mata sa bahay nina Owen.
Simple lang ang bahay nila, maganda siya at welcoming. At ang mas maganda ay nasa subdivision sila at alam mo na safe sila rito. At ang gwapo pa no’ng guard kanina, pwede siya maging model ng brief. ’Yan ang mga bagay na napansin ni Zhyd kanina pa.
“Ma, andito na ako!” pasigaw na wika ng isang binata na galing sa labas. Kahit na pawisan siya ay ang gwapo niya pa rin, may katangkaran ito at fit. Sino kaya ’to?
Nabaling kay Zhyd ang tingin ng binata na kakapasok sa bahay nila. Tumingin lang siya kay Zhyd at umakyat na sa taas.
“Gwapo siya pero parang maldito,” sabi niya sa sarili.
Ilang sandali lang ay nilapag na ng ina ni Owen ang merienda na hinanda niya. “Asa’n na ba si Owen? Ba’t hindi pa ’yon nakakabalik?”
“Sabi niya po ay magbibihis lang daw po siya,” sagot naman ni Zhyd.
“Ah gano’n ba, baka may ginawa lang ata ’yon saglit,” ngumiti agad ang ina.
Sasagot pa sana si Zhyd nang marinig niya ang malalakas na boses sa itaas ng bahay. Parang may nag-aaway sa taas.
Napahilot ng sintido ang ina. “Nag-aaway na naman ang dalawa. Ano na naman kaya ang nakain ng kuya ni Owen.”
Kuya pala ni Owen ’yong lalaking pogi na maldito? Wow!
“May kapatid pala si Owen? Hindi niya nasabi sa ’kin ’yan.”
“Oo, may kapatid si Owen. Kawawa nga ’yang si Owen dahil lagi na lang siyang inaaway ng kuya niya, halos araw-araw na lang. Kahit anong sabihin ko sa kuya niya gano’n pa rin.”
“Gano’n po ba?”
“Alam ko na may problema si Owen kaya lagi kong sinisigurado na andito lang ako sa tabi niya at kasama niya ako.”
Andami ko pa palang hindi alam kay Owen.
Ilang sandali pa ay bumaba na si Owen sa sala, nagsalubong ang kilay nito. Umupo na siya sa stool ng island counter at pinagsaluhan nila ang merienda na hinanda ng mama niya. Hindi na rin nagtanong si Zhyd kung ano ang pinag-awayan nilang magkapatid dahil labas naman na siya ro’n.
“Ano ’tong nabalitaan ko na jowa mo ’yong bisita na andito kanina?” wika ng kuya ni Owen.
“Pwede ba manahimik ka?”
“So, totoo nga na jowa mo ’yon?” tanong ulit ni Bren.
Hindi na pinansin ni Owen ang sinasabi ni Bren, nagpatuloy na lang siya sa hapunan niya.
“Bren, tama na ’yan,” sabat ng ina nila.
“Mama naman, naglalambingan lang kami,” sabay ngiti pa niya, “pero bagay talaga kayo, Owen. What if ligawan mo siya, may chemistry naman kayo ng kaibigan mo na ’yon,” dagdag pa niya.
“Kaibigan ko lang si Zhyd, kuya!”
“Oh? Ba’t ka galit? Gusto mo siya ’no?”
Napahilot ng sintido ang ina dahil sa pinagsasabi ng anak niya. “Bren, kumakain tayo ng hapunan. At tigilan mo na ’yang kapatid mo, pwede ba? May bisita siya kanina tapos kayong dalawa ay rinig na rinig namin na nagsisigawan sa taas. Hindi na talaga natapos ang bangayan ninyong dalawa.”
Kahit ang ina nila ay hindi alam kung saan nanggagaling ang inis ni Bren sa kapatid niya. Magkasundo naman sila noong bata pa sila pero isang araw ay biglang nag-iba ang ihip ng hangin at hindi na naging tulad ng dati. Bilang ina ay masakit sa parte niya dahil hindi magkasundo ang dalawa niyang anak, kinausap naman na niya ang panganay pero iniiba niya ang usapan. Ayaw niya pag-usapan ang dahilan kung bakit naging gano’n siya kay Owen. Nasasaktan ang ina dahil sa bangayan ng dalawa niyang anak, pero, wala siyang magagawa dahil ayaw naman siya kausapin ng panganay tungkol sa kung ano ang dahilan ng lahat ng ’to.
Kinaumagahan ay maagang umalis si Owen sa bahay nila. Matagal na niyang gustong puntahan ang taong sobra niyang na-mi-miss. Isinantabi na niya muna ang group project para rito. Minsan na nga lang siyang dumalaw kaya susulitin na niya ito. Sa isip niya ay wala dapat siyang sasayangin na oras ’pag magkasama sila.
Nang marating na ni Owen ang paroroonan niya ay punong-puno ng kasiyahan ang puso niya. Nakita niya ang papa niya na nagpapahinga lang sa kubo na kaniyang tinutuluyan.
“Papa!” tawag ng binata sa ama nito.
Agad na napatingin ang ama sa narinig. Nanlaki ang mata nito dahil sa tagal ng panahon na hindi na niya nakikita ang pinakamamahal niyang anak. Hindi siya makapaniwala sa nakikita niya ngayon.
“Owen?” iyan na lang ang nasabi niya kaya naman ay dali-dali na siyang tumayo mula sa kinauupuan niya.
“Papa! Miss na kita, sobra,” ani Owen nang makalapit siya sa papa niya.
“Anak ko,” magiliw na usal ng ama kaya hinagkan na niya ng sobrang higpit ang anak niya, “kumusta ka na? Ang tagal na nating hindi nagkita, kumusta ang pag-aaral mo?” sunod-sunod na tanong ng ama.
“Papa,” mangiyak-ngiyak niyang sagot sa ama.
“Kagaya ka pa rin ng dati, iyakin ka pa rin talaga.”
Kumalas na mula sa pagkakayakap ang anak. Hindi na niya napigilang maging emosyonal dahil gustong-gusto na niya talagang makita ang ama niya at sa wakas ay andito na siya sa piling ng ama niya.
“Kumakain ka ba ng tama anak? Pakiramdam ko ay nabawasan ang timbang mo,” usal ng ama sa anak.
“Pakiramdam mo lang ’yan, papa. Kumakain po ako ng wasto po, kailangan ko po kumain lalo na’t nakakastress ang college.”
“Sabagay, tama ka naman. Siya nga pala, ba’t mo naisipan na pumunta rito?”
“Kasi gusto po kitang makita. Matagal na tayong hindi nagkikita eh,” sagot naman ng anak.
“Kung sabagay, hindi ko na matandaan kung kailan tayo huling nag-bonding eh.”
“’Di ba? Hindi mo na rin matandaan.”
Napatawa na lang ang ama sa sinabi ng anak niya. “Sa’n mo balak magpunta?”
“Gusto ko maligo sa batis, kumain ng prutas at higit sa lahat ay gusto ko lumanghap ng preskong hangin dito sa bukid,” salaysay ni Owen sa ama niya. Sa sobrang stress niya ay kailangan niya ng pampawala ng stress sa mga bagay. Simple lang siya kung mag-unwind, pumupunta lang siya sa bukid at iniiwan ang mga problema sa syudad.
“Hindi na bago sa ’kin ang ganiyang salaysay mo anak, anak kita kaya kilala kita,” sumilay ang matamis na ngiti mula sa labi ng ama ni Owen.
“At papa kita kaya mahal na mahal kita.”
Mas lalong ngumiti ang ama sa sinabi ng anak niya dahilan para hagkan niya ito. Sobrang swerte niya dahil may mabuti siyang anak. Ibig sabihin ay hindi siya nagkulang sa anak, pero kahit na gano’n ay kailangan niya pa rin na bumawi sa anak niya.
Buong araw na nagbonding ang ama. Ginawa nila lahat kung ano ang gusto ni Owen kaya naman ay tuwang-tuwa ang anak dahil dito, kahit papaano ay hindi niya naiisip ang problema niya. Tuwang-tuwa rin ang mga kapit-bahay ng ama niya dahil sobrang saya nilang mag-ama. Kinagabihan ay naisipan ni Owen na mag-bonfire nang matapos silang maghapunan.
“Papa, may tanong po ako.”
“Ano ’yon anak?”
“Miss mo na ba si mama?”
Hindi nagdalawang-isip ang ama na sagutin ang tanong ng anak niya. “Walang araw na hindi ko siya iniisip, gusto ko na rin siya makita, Owen. Miss na miss ko na ang mama mo, gusto ko siyang yakapin ng sobrang higpit,” halata sa boses ng ama ni Owen na miss na niya ang asawa niya, hindi rin naman niya masisisi ang ama.
“Hayaan mo na muna si mama, pa. Kailangan niya rin prosesohin ang nangyari, sobrang bilis ng mga pangyayari kaya naiintindihan ko si mama.”
Buntong hininga na lang ang nasagot ng ama.
“Pero si kuya Bren gano’n pa rin sa ’kin. Lagi niya pa rin akong inaaway, hindi ko talaga alam kung ano ang rason niya. Kung ano man ang mga iyon ay handa akong makinig sa kaniya para matuldukan na ’to kasi nakakapagod na rin kasi papa eh.”
Hindi masisisi ng ama si Bren dahil valid naman ang nararamdaman niya. “’Yan din sana ang itatanong ko anak eh. Kumusta na pala ang kuya mo?”
Hindi napigilan ni Owen na mapairap. “Palamunin pa rin, diyos ko! Hindi na nahiya kay mama. Kung ako lang sana ang masusunod ay matagal na siyang wala sa bahay, ewan ko ba sa buhay niya. Wala ata siyang plano sa buhay niya kaya ganiyan siya.”
“Hayaan mo na lang ang kuya mo. Magfocus ka na lang sa sarili mo muna, mag-aral ka nang mabuti para sa kinabukasan mo.”
“Papa, pareho lang talaga kayo ni mama ng sinabi eh, pero para sa inyo mag-aaral ako ng mabuti.”
“Ganiyan dapat! Kaya naman ay matulog na tayo at ako ay inaantok na talaga. Ihahanda ko na pala ang higaan mo,” ani ng ama ni Owen.
“Papa, ’wag na po. Malaki na ako kaya ko na ang sarili ko, ok? Mauna ka na matulog, susunod din naman ako maya-maya.” Sa isip ng binata ay baby pa rin siya ng ama niya kahit ilang taon na siya. Pambawi na rin siguro ni papa kahit simpleng bagay lang, ani Owen sa utak niya.
“Kailan kaya kayo magkakaayos ni mama.”

