loading

storiescollectionschaptersauthorsgenrestagsstories
INTO YOU (Obsesion Amorosa #1 - Season 1)

INTO YOU (Obsesion Amorosa #1 - Season 1)

calypzoalcazar · 8 chapters · 7,296 words

Preview

Patuloy ang dagsa ng customer sa cafe. Hindi ako magkandamayaw sa bilis ng galaw ko.

“Table 10 Max!”

“Table 7 please!”

“Table 1!” Paulit-ulit na sigaw sabay kuha ko sa tray kung saan nakalagay yung mga order nila.

Medyo lumilipad din yung isip ko dahil iniisip ko kung makakapasa ba ako sa scholarship na pinag-applyan ko. Sana naman makapasa—

“What the fuck?!”

Hindi ko naman natapos ang iniisip ko nang may sumigaw sa harap ko.

Nanlaki nalang yung mata ko habang nakatingin sa lalaking nasa harap ko.

“Ang init!” Sigaw niya pa habang pinupunasan yung damit niya.

Para naman akong nagising sa katotohanan. Agad akong kumuha ng tissue at pinunasan yung damit niya.

“I’m so s-sorry sir! Hindi ko po sinasadya!” Bulong ko.

Iwinaksi naman niya yung kamay ko at hindi man lang ako tinapunan ng tingin.

“So fucking useless! I hate this! Where is your manage—” Hindi ko alam kung bakit napatigil siya nang makita ko.

“Pasensya na po talaga. H-hindi ko po talaga sinasadya!” Agad kong sabi habang nakatingin sa mga mata niya.

Nakatitig lang siya saakin na sobrang pinagtaka ko.

“What’s happening here?” Bungad naman ni ma’am Venice nang makarating siya sa pwesto ko.

Agad naman akong tumingin sakanya. “H-hindi ko talaga sinasadya ma’am. Sorry po.“ Bulong ko sakanya.

Ngumiti naman siya at tumango saakin. Napatingin naman ako doon sa lalaki at nakatitig lang siya saakin.

“Sige na. Umalis ka na. I’ll handle this.” Tumango naman ako kay ma’am Venice bago tumingin doon sa sir.

Nakatitig lang siya saakin kanina pa. Hindi niya na pansin yung paso ng mainit na kape sa kamay niya.

“Pasensya na po ulit.” Huling turan ko bago tumalikod at umalis na.

Agad akong dumaretso sa locker room. Hindi ko maiwasang maiyak. Ang tanga-tanga mo talaga Maxim!

Kung nagkataon wala kang pambayad sa suot nung lalaki! Mukhang mas mahal pa sa buhay mo!

ILANG minuto pa akong nanatili sa locker room bago ako puntahan ni ma’am Venice. Ang sabi niya okay na daw. Umuwi nalang daw ako at magpahinga.

Kaya agad akong nag-ayos at agad na lumabas sa back door. Agad akong naglakad para mag-abang ng sasakyan.

Pero laking gulat ko nang makita yung sir na natapunan ko ng kape na nakasandal sa isang kotse. Wala na yung suit niya pero kitang-kita sa puting polo yung mantsa ng kape.

Kitang-kita ko pang nakangisi siya habang nakatingin saakin. Hindi ako makagalaw dahil sa takot. Sabi ni ma’am Venice, okay na? Bakit nandito pa ’to?!

Nang makalapit siya saakin, mabilis niyang hinawakan ang baba ko at inangat ang mukha ko. Kitang-kita ko na ngayon yung kabuuan ng mukha niya.

“S-si—” Hindi pa ako nakakapagsalita ay nilagay niya na yung daliri niya sa labi ko.

“Finally. I found you. You are mine now. Just mine.” Huling bulong niya kasabay ng pagdikit ng labi niya sa labi ko.

MABILIS niya akong ipinaibabawan habang nakatitig sa mga mata ko. “You are mine Maxim! How dare you planning to leave me?!” Sigaw niya saakin.

“Tandaan mo Maxim, saakin ka lang. Hindi ako makakapayag na iwan mo ako. Yes! You are smart! But I’m smarter.” Tumatawang bulong niya habang hinahaplos ang mukha ko.

“I will do everything to keep you. Tandaan mo yan.” Huling bulong niya before he kissed me roughly.

“T-trevor?” I pulled him out of the house.

“R-run! Maxim! R-run!” He is pushing me away.

“N-no! I will n-not leave you!” Sigaw ko kasabay ng pagtulo ng mga luha. Mukhang hirap na hirap na siya.

“S-save yourself p-please! Im t-telling you to go! J-just go!” I shook my head multiple times while my tears falling down.

“T-they will k-kill you!” Sigaw ko sakanya.

He smiled at me. “N-no. T-they will k-kill y-you!” Nahihirapan niyang sabi.

Umiling naman ako. Pilit niya akong tinutulak palabas.

“U-use the c-car!” He’s crying. Gustong-gusto kong punasan ang luha niya.

I heard the men footsteps.

“But I promise not to leave you!” Umiiyak kong singhal sakanya.

“L-leave me now!” He pushed me.

Author’s Note

This is a work of fiction. Names, characters, places, and incidents are the product of author imagination or are used fictiously, and any resemblance to actual person, living or dead, business establishment, events or locales is entirely coincidental.

This story contains mentions of BOY×BOY material. If it’s not your tea, then I dont give a shit. -,-

You’ve been warned.

©calypzoalcazar

©alcazarandrey

©

kallivanilla

Plagiarism is the outcome of jealousy.

DO NOT ROMANTICIZE MY WORKS

For more informations, kindly send an email or send a message to informations below:

calypzoalcazar@gmail.com at GMAIL

calypzoalcazarofficial at FACEBOOK

My other social media and writing platforms:

calypzoalcazar at INSTAGTAM

calypzoalcazar at TWITTER

calypzoalcazar at DREAME & STARY

calypzoalcazar at GOODNOVEL

Chapter 1

Maxim Enriquez

Patuloy ang dagsa ng customer sa cafe. Hindi ako magkandamayaw sa bilis ng galaw ko.

“Table 10 Max!”

“Table 7 please!”

“Table 1!” Paulit-ulit na sigaw sabay kuha ko sa tray kung saan nakalagay yung mga order nila.

Medyo lumilipad din yung isip ko dahil iniisip ko kung makakapasa ba ako sa scholarship na pinag-applyan ko. Sana naman makapasa—

“What the fuck?!”

Hindi ko naman natapos ang iniisip ko nang may sumigaw sa harap ko.

Nanlaki nalang yung mata ko habang nakatingin sa lalaking nasa harap ko.

“Ang init!” Sigaw niya pa habang pinupunasan yung damit niya.

Para naman akong nagising sa katotohanan. Agad akong kumuha ng tissue at pinunasan yung damit niya.

“I’m so s-sorry sir! Hindi ko po sinasadya!” Bulong ko.

Iwinaksi naman niya yung kamay ko at hindi man lang ako tinapunan ng tingin.

“So fucking useless! I hate this! Where is your manage—” Hindi ko alam kung bakit napatigil siya nang makita ko.

“Pasensya na po talaga. H-hindi ko po talaga sinasadya!” Agad kong sabi habang nakatingin sa mga mata niya.

Nakatitig lang siya saakin na sobrang pinagtaka ko.

“What’s happening here?” Bungad naman ni ma’am Venice nang makarating siya sa pwesto ko.

Agad naman akong tumingin sakanya. “H-hindi ko talaga sinasadya ma’am. Sorry po.“ Bulong ko sakanya.

Ngumiti naman siya at tumango saakin. Napatingin naman ako doon sa lalaki at nakatitig lang siya saakin.

“Sige na. Umalis ka na. I’ll handle this.” Tumango naman ako kay ma’am Venice bago tumingin doon sa sir.

Nakatitig lang siya saakin kanina pa. Hindi niya na pansin yung paso ng mainit na kape sa kamay niya.

“Pasensya na po ulit.” Huling turan ko bago tumalikod at umalis na.

Agad akong dumaretso sa locker room. Hindi ko maiwasang maiyak. Ang tanga-tanga mo talaga Maxim!

Kung nagkataon wala kang pambayad sa suot nung lalaki! Mukhang mas mahal pa sa buhay mo!

ILANG minuto pa akong nanatili sa locker room bago ako puntahan ni ma’am Venice. Ang sabi niya okay na daw. Umuwi nalang daw ako at magpahinga.

Kaya agad akong nag-ayos at agad na lumabas sa back door. Agad akong naglakad para mag-abang ng sasakyan.

Pero laking gulat ko nang makita yung sir na natapunan ko ng kape na nakasandal sa isang kotse. Wala na yung suit niya pero kitang-kita sa puting polo yung mantsa ng kape.

Kitang-kita ko pang nakangisi siya habang nakatingin saakin. Hindi ako makagalaw dahil sa takot. Sabi ni ma’am Venice, okay na? Bakit nandito pa ’to?!

Nang makalapit siya saakin, mabilis niyang hinawakan ang baba ko at inangat ang mukha ko. Kitang-kita ko na ngayon yung kabuuan ng mukha niya.

“S-si—” Hindi pa ako nakakapagsalita ay nilagay niya na yung daliri niya sa labi ko.

“Finally. I found you. You are mine now. Just mine.” Huling bulong niya kasabay ng pagdikit ng labi niya sa labi ko.

HINDI pa rin maalis sa isip ko ang mga nangyari kagabi. Hindi ko alam kung maiinis ako o matatakot. He just stole my fucking first kiss. Sa buong buhay ko ay hindi pa ako nakakahalik ng kung sino. Tapos kukuhanin niya lang yung first kiss ko ng basta-basta?! Hindi pwede yon! Pero nakuha niya na! Wala naman akong magagawa.

Ano pa nga ba ang magagawa ko? Nangyari na ang nangyari. Hindi ko na maibabalik pa.

Sinasabi ng utak ko na, ‘Ok lang yan! Kiss lang yan lalaki ka Max! Walang malisya! Bro kiss lang!’ Tama! Yun ang susundin ko! Ang sinasabi ng utak ko! Pero hindi naman kami magtropa. Atsaka lalaki ako wala namang sigurong mawawala diba?

’ I like bitches with big boobs. ’ Sabi ko sa isip ko. Tama. Tama. Yan ang sundin mo Max. Ang utak mo.

Sa sobrang inis, tumayo nalang ako at naligo. May pasok ako ngayon sa cafe kahit na sinasabi ni ma’am Venice na magpahinga muna ako. Hindi naman ako gaanong naapektuhan sa nangyari kagabi. Naiyak lang ako kasi hindi ako sanay masigawan. Ang sungit  naman kasi ng panget na yon! Porke ba mayaman siya gagawin na niya saakin yon? Hindi ko naman talaga sinasadya.

Gusto ko din naman pumasok. Kaya kahit sinabi ni ma’am Venice na magpahinga ako, papasok pa din ako. Hehe.

Well, ayoko ng wala akong ginagawa. Feeling ko kasi kapag wala akong ginagawa ay magkakasakit ako tapos mamatay nalang bigla. Atsaka kailangan kong mag-ipon para sa pasukan. First year college na ako. Akalain mo yon? Naitawid ko yung buhay ko hanggang ngayon.

Habang papunta ako sa kusina nakita ko ang larawang nakasabit sa dingding. Tumayo ako habang naka-pamewang sa harap nung picture at tumitig.

’ Enriquez, Maxim A. ’ Basa ko sa isip ko ng pangalan kong nakasulat sa ilalim ng picture.

Minsan iniisip ko ano ba ang kasalanan ko ba’t ang aga kong nawalan ng ina at kung bakit ako iniwan ng tatay. Hanggang ngayon kasi iniisip ko pa din. Hindi mawala sa isip ko at patuloy pa din na umiikot doon.

Siguro kung nandito ang nanay, for sure proud na proud yon sakin. Siya kasi ang laging nagpu-push saakin na magpatuloy. Kahit hirap na kami. Hindi siya susuko. Basta daw para saakin. Bigla ko tuloy siyang na-miss.

Bago pa ako ma-bad mood tumuloy na ako sa kusina at nagluto ng makakain. Alas-dyis pa naman ang duty ko. May dalawang oras pa ako.

Habang tumitingin ako nag pwedeng lutuin sa ref, may kumatok sa may pintuan ko. Agad naman akong napatingin sa pintuan ng may buong pagtataka. Wala naman akong inaasahan na bisita ngayon ah! Wala naman akong mga kaibigan. Wala din akong mga kamag-anak. Kung meron man, bakit hindi nila ako hinahanap? Atsaka nasanay na akong mag-isa. Walang bisi-bisita. Wala naman talagang bumibisita saakin.

Sinara ko na agad ang ref at pumunta sa may pintuan. Binuksan ko ang pintuan pero wala akong nakitang tao sa harap ng pintuan ko. Pero ang nakakuha ng pansin ko ang bouquet ng pulang rosas na nakalapag sa harapan ng pintuan. May kasama din siyang itim na box na may gold na ribbon. Medyo may kalakihan yung box pero hindi gaanong malaki. May kalakihan lang.

Sino naman ang magpapadala nito? Hindi kaya sa kapit-bahay ito? Baka mali lang yung deliver. Baka nagkamali lang. Kaya tinignan ko ang card sa tabi ng bulaklak. Grabe. Mukha talagang pinaghandaan.

’ To: Maxim Enriquez ’

Nanlaki yung mata ko nang mabasa kung para kanino nga ang mga ito. Sino naman magbibigay saakin nito?

Tumingin ako sa paligid at nagbabakasakaling makita ang taong nagbigay saakin. Pero bigo ako.

Huminga nalang akong malalim bago ilagay yung bulaklak sa kamay ko at yakapin yung box. Pinasok ko nalang sa loob at pinatong sa mesa. Ilang segundo kong pinagmasdan yung itim na box. Wala naman siguro itong bomba ano?

Nagkataon pa ata na paborito ko pa ang bulaklak ang nabigay ah! Ang galing naman. Hindi ko mapigilang amuyin ang mga pulang rosas. Isa ito sa mga nagpapagaan ng loob ko ang amoy ng bulaklak. Ang sabi kasi saakin ni mama, para daw akong pulang rosas. Maganda pero matinik. Minsan sinasakyan ko nalang yung mga kabaliwan niya.

Napadako naman amg tingin ko sa kahon na itim. Mukhang mamahalin ang box pinaggastusan. May gold pa na ribbon. Pwede kayang isangla ’to? Itatabi ko sana para kapag wala na akong pera, isangla ko nalang.

Dahan-dahan kong binuksan ang box. Sa loob, unang sasalubong sayo ay mga petals ng red rose. Grabe. Ang ganda. Amoy na amoy ko pa yung rose sa loob ng kahon. 

Inalis ko yung mga rose petals at nakita ko yung isang maliit na sobreng kulay itim.

Agad kong binuksan dahil na din sa kuryosidad. Lalong napakunot yung noo ko nang makita ang isang card na itim sa loob ng maliit na sobre.

Sinubukan ko naman hanapin yung pangalan ng may-ari ng card pero laking gulat ko nang makita ang pangalan ko. Kailan pa ba nagkaroon ng card?! Wala nga akong bank account!

Nakakuha naman ng pansin ko yung maliit na papel na nakasama sa card. Mabilis kong binuksan para malaman kung anong nakasulat sa papel.

’ This card is yours. Buy what you want without limitations. ’

Ha? Saakin? Wala nga akong maalalang may bank account na ako. Card pa kaya? Kaya hindi pwede. Hindi ko gagalawin ang card na ’to.

Atsaka wala naman akong alam ni isang impormasyon sa taong nagpadala nito. Malay ko ba kung scam ’to at ma-set up ako. Edi yari! Kung totoo man, wala pa din akong karapatan na lustayin ang perang pinaghirapan ng iba. Ang hirap kaya kumita ng pera sa panahon ngayon.

Imbis na mainis hinalungkat ko nalang ang box. At sa loob nun ay may isa pa ns box at isang letter na nakalagay sa sobreng kulay puti na may tatak na parang logo ng isang unibersidad. Parang pamilyar yung logo ng university na nakalagay sa sobre. 

Itinabi ko muna yung sobre at kinuha yung maliit na box na may gold din na ribbons. Ang daming sorpresa ng itim ns kahon na ’to.

Nagulat ako sa laman nung box. Isang white gold na kwintas na may pendant initial na ‘ T ’. Hindi ko maalis yung tingin sa kwintas. Ang ganda kasi. Pero ‘ M ’ ang initial ng pangalan ko. Hindi ‘ T ’.

Napatingin naman ako sa tabi ng kwintas. May isang singsing. White gold din. It’s beautiful. Napakunot naman yung noo ko nang makita yung hindi pamilyar na pangalang nakaukit sa loob ng singsing. ‘ Trevor ’

Who the fuck is Trevor?

Nagdadalawang isip ako kung susuotin ko ba ito o hindi. Hindi ko naman mga initials ’to e! Bakit susuotin ko diba?

Habang iniisip ko kung susuotin ko ba o hindi, bigla nalang may nalaglag na letter mula sa loob ng kahon. Yumuko naman ako at pinulot. Grabe. Hindi ba siya napapagod magsulat nang magsulat?

‘ I’m pretty sure it looks perfect on you. ’ Basa ko sa nakasulat.

Dahan-dahan ko naman sinuot yung singsing. Ang ganda lang kasi sakto. Kasukat talaga ng palasingsingan ko. 

Naisipan ko nalang itabi yung kwintas. Hindi ko siya gustong suotin.

Itinabi ko na din yung bulaklak. Inilagay ko sa flower base na may tubig para hindi agad malanta.

Nawala naman sa isip ko yung sobre na kasama ng kahon. Kaya agad kong kinuha yon at binuksan. Halos magtatalon naman ako sa tuwa sa nabasa ko. Hindi ko inaakalang makakapasa ako sa scholarship ng isang sikat at mamahaling university!

Agad akong tumingin sa family picture namin. “Makakapagtapos ako ma, pa. Pangako.”

Chapter 2

Maxim Enriquez

Pasado alas-dyis na ako nakarating sa cafe ni maam Venice. Medyo natagalan din ako sa pagsakay dahil ang daming tao. Sobrang haba ng pila sa jeep. Muntik na nga akong hindi makasakay.

Pinunasan ko naman yung pawis ko sa noo. Ang init! Sobra!

“Oh? Max? Ayos kana ba? Ba’t ka pumasok ngayon? Sabi ko pahinga ka muna diba?” Rinig kong sabi ni ma’am Venice habang nakatalikod ako. Humarap ako sakanya at ngumiti. Nakita ko din siyang nakangiti saakin. Iba talaga yung awra ni ma’am Venice. Lagi siyang maganda.

“Ayos lang po ako ma’am Venice. Atsaka hindi naman ako nasaktan kahapon ma’am. Masungit lang talaga yung panget na yon!” Bulong ko sabay tawa ng mahina. Pangeen-courage ko na din sa sarili ko at para hindi nadin mag-isip si ma’am. Iba pa naman mag-alala ’to.

Nakita ko naman siyang napangiti. Kaya napangiti na din ako. “Ikaw talagang bata ka! Laging nakakahawa ang ngiti mo.” Turan niya saakin habang nakangiti.

“Oh sya! Magpalit ka na. Kailangan ka na doon ni kuya Nilo mo. Basta kapag hindi mo pa kaya, magpahinga ka lang.” Agad naman akong nag-thumbs up sakanya at ngumiti.

Pinisil niya lang yung pisngi ko bago umalis.

Napatingin naman ako kay kuya Nilo. Ang daming customer. Kaya agad na akong pumasok sa loob para magpalit ng damit. Sana walang masungit na customer ngayon.

PANAY at dagsa ang dating ng customer dito sa cafe kaya nakakapagod. Isang oras ba akong nakatayo at masakit na ang mga paa ko.

May iilan din akong nakikitang bagong mukha. Madalas kase yung mga suki namin ang laging nandito. Parang lahat ata sila kilala ko eh. Madalas naghihingi ng freebies.

Napatingin naman ako kay kuya Nilo na naglalakad papunta saakin. Nang makarating siya sa tabi ko ay agad niyang nilapit yung bibig niya sa tenga ko. “Max pinapatawag ka ni ma’am. May sasabihin ata sayo.” Bulong saakin ni kuya Nilo. Tumango nalang ako sakanya. Sinabihan niya ako na siya na ang gagawa ng nga gagawin ko. Kaya nagpasalamat ako sakanya bago naglakad papunta sa office ni ma’am Venice.

Kumatok ako ng tatlong beses. Agad ko naman narinig yung sigaw niya. “Come in!” Malakas na sigaw ni ma’am na kinatawa ko ng mahina.

Pumasok na ako agad at mabilis akong nilukob ng kaba nang makita si ma’am Venice na seryoso. Nakakatakot siya.

Hindi ako sanay na ganito siya kaseryoso. Madalas siyang nakangiti at tumatawa pag nakaharap saamin. Nakikipagharutan at nakikipagbiruan.

Kahit kinakabahan nilakasan ko ang loob ko. Hindi naman siguro ako tatanggalin sa trabaho.“A-ahh ma’am, p-pinatawag nyo daw po ako?” Mahinang bulong ko at kinakabahan.

Nakatingin lang siya ng seryoso. Kaya napangiti ako ng alanganin.

Napaiktad ako sa gulat nang malakas siyang sumigaw.“Congraaaats Maaaaaax!” Mahaba at malakas niyanh sigaw bago ako salubungin ng mainit na yakap. Wala akong nagawa kundi yakapin siya pabalik.

“Ba’t hindi mo agad sinabi sakin na nakapasa ka pala sa Smith University! Huh?” Reklamo niya agad sakin pagkabitiw ng yakap.

Napakamot nalang ako ng ulo. Ano bang isasagot ko sakanya? “Eh kasi ma’am…” Bulong ko habang nakatingin sakanya. Naghihintay naman siya sa sagot ko.

“Kaseee?” Sagot niya saakin habang lumalapit nang lumalapit at nanlalaki ang mga mata niya.

Napapikit nalang ako. “Nakalimutan ko po!” Mabilis kong turan sakanya. Wala na akong maisip na dahilan pa.

“Hay nako Max. Oh sya, maaga nating isasara ang shop. Magce-celebrate tayo!” Tila bata niyang sabi at nagtatatalon pa habang nakayakap saakin.

Nagulat naman ako sa sinabi niya.“Seryoso ka dyan ma’am?” Hindi ko mapigilang tanong sakanya.

Bigla siyang humarap sakin ng seryoso ang mukha na kinatakot ko. “Mukha ba akong nagbibiro Max?” Seryoso niyang tanong at ginamit niya saakin yung pagiging boss niya.

Masyado talaga siyang nakakatakot pag nagseseryoso.

Agad akong napailing ng napailing. “Ay hindi po ma’am! Seryoso po kayo. Seryoso.” Bulong ko na sinabayan pa ng tawang mahina. Ngumiti naman siya. Napaka bipolar talaga ni ma’am. Paiba-iba ang mood grabe.

Agad niyang hinawakan yung pisngi ko. “Great! Magiinom tayo mamaya! Sagot ko!” Masaya niyang sabi. Ngumiti lang ako at sumang-ayon.

“Salamat po ng marami ma’am!” Tanging nasagot ko sakanya habang nakayakap.

“Ano ka ba ayos lang! Atsaka para na kitang anak! Konti lang iinomin natin dahil kailangan mo daw pumunta bukas sa school para makuha ang uniform at yung iba pang kailangan sa pasukan next next week! Copy?” Bilin niya pa sakin habang hinahaplos-haplos yung ulo ko.

Ngumiti naman ako. “Copy!” Masaya kong bulong.

Maswerte pa din ako dahil kahit papaano, may ma’am Venice na tumutulong saakin.

Third Person POV

“H-hindi pa ako lasing!” Malakas na sigaw ni Maxim sabay agaw ng bote sa katabi niyang katrabaho.

Si Venice naman ay nakahiga na sa couch at tulog na dahil sa kalasingan.

“Hindi na. Tama na Maxim. Lasing ka na.” Bulong naman ni Nilo at kinuha yung botw ng alak sa kamay ni Maxim.

Pilit pa din inaagaw ni Maxim yung bote. Nag-aagawan na sila ni Nilo pero desidido si Nilo na hindi na painumin ng alak si Maxim dahil pulang-pula na yung buong mukha ni Maxim.

Sa kabilanh banda naman, mabilis na bumaba si Trevor sa kotse at agad pumasok sa loob ng cafe.

Hinanap agad ng mga mata niya si Maxim. Hindi naman siya nabigo at nakita niya si Maxim na nangungulit.

Hindi na siya nag-aksaya ng oras at mabilis na lumapit kay Maxim.

“A-akin na sabi! I-iinom pa ako!” Nakapikit nang sabi ni Maxim. Agad naman kinabig ni Trevor si Maxim nang makalapit siya dito at mahigpit na niyakap sa tyan.

Siya na mismo ang nag-alis sa bote ng alak na hawak ni Maxim at inabot yon kay Nilo bago maayos na buhatin si Maxim.

“Hoy! Sandali!” Pigil naman ni Nilo. “Saan mo dadalhin si Max?!” Agad na sigaw ni Nilo.

Tumingin naman si Trevor sakanya pagkatapos niyang ayusin yung karga kay Maxim.

Bumubulong naman si Maxim habang nakakapit sa leeg ni Trevor. “I’ll take him home.” Sagot ni Trevor.

Nakita niyang nagdadalawang isip pa si Nilo kaya, kinuha niya yung wallet niya sa bulsa gamit yung isang kamay niya at inilabas yung ID niya mula doon bago ibaabot kay Nilo.

“I’m his boyfriend. May karapatan naman siguro ako?” Bulong ni Trevor bago umalis at iwanan kay Nilo yung ID niya.

Mabilis ang lakad niya hanggang nakarating sa kotse niya. Binuksan niya yung kotse gamit yung isang kamay niya. Maingat niyang inihiga si Maxim sa upuan at sinuotan ng seatbelt.

Nakangiti pa siyang tumitig sa namumulang mukha ni Maxim at mabilis na dampian ng halik ang noo nito. “You are mine now, my Maxim.”

Chapter 3

Maxim Enriquez

“A-arrrgh!” Daing ko nang magising ako sa sakit ng ulo. Dahan-dahan akong tumayo. Hindi ko maalala kung anong ginawa ko o ano ang mga nangyari kagabi. Hindi ko nga alam kung sinong naghatid saakin.

“Shit!” Malakas na sigaw ko sabay takip ng kumot ko sa katawan ko. Bakit ako nakahubad?! Anong nangyari?!

Pinakiramdamanan ko muna yung buong katawan ko kung may masakit ba o wala. Nakahinga naman ako ng maluwag dahil ulo lang naman ang masakit saakin.

Nakangiti akong humiga ulit sa kama pero wala pang dalawang segundo na nakapikit ang mga mata ko ay napamulat agad ako at napaupo sabay tingin sa wall clock na nakasabit.

“Patay.” Bulong ko nalang sabay takbo ng mabilis sa banyo. Pupunta nga pala ako sa school ngayon!

Kalahating oras nalang at male-late na ako! Lagot talaga ako nito! Bakit kasi ako nagpakalasing!

HINAHABOL ko ang hininga ko ng makaabot ako sa university. Sa sobrang pagmamadali ko, kung ano nalang ang nahatak ko sa loob ng aparador ay sinuot ko na.

Nakakahiya nga kasi pinagtitinginan ako nung mga tao sa jeep kanina.

Inikot ko naman yung paningin ko sa paligid. Marami pa din ang nakatingin saakin sa hindi ko malamang dahilan.

Dahan-dahan ko naman sinuklayan yung buhok ko gamit yung daliri ko. Baka pinagtitinginan nila ako kasi ang gulo ng buhok ko.

Hindi pa naman ako sanay na pinagtitinginan ako. Feeling ko may mali saakin. Nakakainis.

Hindi ko na sila pinansin at mabilis na pumasok sa gate. Hindi naman ako tinanong nung mga guard. Alam ata nilang scholars ang halos pumapasok. Ang alam ko kasi orientation palang ngayon ng nga scholars. Yung regular students naman, start na yung pasok bukas.

Atsaka kukunin ko yung uniforms ko at schedule. Para mapadali na ako sa pagpasok next week.

ILANG minuto na akong paikot-ikot dito sa loob. Hindi ko pa din mahanap yung auditorium nila. Grabe! Hindi ko inaasahang ganito kalaki ang school na ’to. Akala ko maliit lang kapag titignan mo sa labas. Hindi pala.

Nahihiya at natatakot naman akong magtanong. Kung makatingin kasi sila para nila akong kakainin ng buhay. Nakakatakot.

Tinignan ko yung relo ko at nakitang may 10 minutes pa akong natitira para makarating sa auditorium. Kundi male-late talaga ako sa orientation.

Inikot ko naman yung paningin ko kung saan ako nakatayo. Nakakuha ng pansin ko yung lalaking nakayuko.

Kahit pa kinakabahan naglakas ako ng loob na tanungin yung lalaki. Ayoko naman malate. Nakakahiya. Orientation palang late ka na.

Mabilis akong lumapit sakanya habang nakayuko siya. Sinamantala ko na yung pagkakataon. Sayang naman. “Hi? Pwede magtanong?” Turan ko pagka-ayos niya ng tayo habang nakangiti.

Napaiktad pa siya sa gulat dahil sa biglang pagsulpot ko. “O-oh Hello? Ok lang naman.” Nakangiting sagot niya sakin kahit alam kong naiilang siya sa presensya ko.

Ngumiti naman ako ng alanganin.“A-ahhh, pwede itanong kung saan ang auditorium? Naliligaw na ata ako. Ang l-laki kasi nitong school.” Nahihiya kong tanong sakanya sabay kumamot ng ulo at ngumiti.

Ngumiti naman siya saka tumawa ng mahina. “You’re cute! But a busybody.” Bulong niya na kinakunot ng noo ko. Busybody?

“Huh?” Turan ko sakanya.

Huminga lang siya ng malalim at nag-abot siya ng salamin sakin. Nagtaka ako ano naman gagawin ko sa salamin. Nakita ko siyang sumenyas  at itinuro niya ang bandang leeg ko.

Mabilis kong tinignan yung leeg ko sa salamin. Napamura nalang ako sa isip ko nang makita yung magkakasunod na hickey sa leeg ko. Saan galing ’to?!

Ngayon alam ko na kung bakit nila ako pinagtitinginan. Kaya pala. Saan ko ba galing ’to?!

Napasapo nalang ako sa noo at sinubukang burahin gamit yung daliri ko pero lalo lang pumupula.

Napatingin naman ako sakanya at napangiti ng alanganin. “A-ah meron ka ban—” Gusto ko sanang tanungin kung may pantakip siyang polbo o kahit ano. Pero ago ko pa matapos ang sasabihin ko, inabutan niya agad ako ng liquid foundation.

Agad kong binuksan yung foundation. Tinulungan niya na ako sa paglagay. Natatakpan naman siya pero medyo halata pa din. Mukha nalang siyang pantal ngayon.

Napatingin nalang kaming dalawa sa malalaking speakers sa taas nang may marinig kaming nagsalita mula doon.

“Dear students, teachers and scholars please proceed to the auditorium. Thank you.” Rinig naming sabi ng mga malalaking speakers sa itaas.

Agad kong dinagdagan yung foundation at ikinalat. Mabuti nalang kakulay ng balat ko yung foundation.

“Ayan! Wala na!” Tumatawa niyang bulong. Tumawa nalang din ako at iniabot sakanya yung foundation. “Thank you.”

ANG daming estudyante ang pumapasok sa auditorium. Mabuti nalang tatlo yung entrance.

Nasa tabi ko lang yung lalaking tumalong saakin kanina. Mabuti nga nakarating pa kami dito e! Hindi din pala niya alam. Kaya sinundan nalang naman yung iba.

Bigla naman akong kinabahan sa mga tingin ng mga tao saakin. Saamin pala. Ewan ko ba. Natakpan ko na yung hickey na hindi ko alam kung saan galing.

Oh baka naman tinititigan nila ako dahil sa suot ko. Napapansin ko kasi ang gaganda ng suot nila. Kailangan ba pabonggahan? “Dont mind them bakla!” Bulong naman saakin nitong kasama ko.

Nagulat naman ako sa pananalita niya kaya napatingin ako sakanya. Ngumiti lang siya sabay hawi ng buhok papunta sa likod ng tenga kahit wala naman.

Tumawa nalang ako sakanya.

Agad naming nakita yung sign ng grupo kung saan kaming upuan uupo. Sa mga scholars. Mas kaunti yung upuan ng scholars kesa sa sa ibang mga upuan. Siguro bilang lang kami.

Magkatabi kaming umupo nito. Hanggang ngayon hindi ko alam ang pangalan.

Nakipagkwentuhan ako sakanya habang naghihintay kami. Rein daw ang pangalan niya at isa siyang  artist at part time waiter. Pareho kaming scholar.

Ang dami pa naming napagkwentuhan bago magsimula yung dapat magsimula.

As usual, mga speech-speech nila. At winelcome kaming mga scholars. Bilang lang kami at 50 lang kaming lahat.

Bawat isa daw ay may sponsor. Ang galing lang. Ang babait naman nung mga sponsors.

Nang matapos yung orientation, puro rules lang naman sa buong school. Mga dapat at hindi dapat gawin. Sa mga scholars din. Kailangan i-maintain yung grade namin para hindi mawala yung scholarship namin.

Pinapakuha yung mga uniforms namin. Ang sabi, sa isang building daw nakadikit yung nga pangalan namin sa tabi ng pintuan. Gusto daw kasi ng mga sponsor namin na ma-meet kami at makilala.

Nakikita ko yung malalaking ngiti ng mga scholar na kasabay namin bago sila pumasok sa kwarto kung nasaan yung sponsors nila. Bali parang may apat ata na sponsors sa bawat room kaya hindi na mahihirapan maghanap.

Nauna na saakin si Rein na makita yung room niya. Kaya nagpaalam na kami sa isa’t-isa.

Nakita ko na lahat ng room sa ibaba pero wala yung pangalan ko. Kaya umakyat na ako sa itaas at nagpatuloy sa paghahanap.

LAKING tuwa ko nang makita yung pangalan ko sa pinakadulong kwarto. Medyo nagtaka pa ako kasi pangalan ko lang yung nakalagay. Wala ba akong kasamang iba dito?

Hindi ko nalang pinansin at mabilis na pumasok. Nakita ko naman yung sponsor ko na nakaupo sa upuan sa may teacher’s table.

“Hello po! Magandang umaga!” Nakangiting bati ko sakanya.

Mabilis naman siyang humarap saakin at laking gulat ko nang makita yung mukha nung lalaki.

Siya yung nabuhusan ko ng kape sa shop! Siya yung nanigaw saakin.

Nawala naman yung ngiti ko at napangiwi ako.

Kinakabahan tuloy ako. Bakit siya pa? Pwede bang pa-swap nalang?

Nawala naman yung kaba ko nang ngumiti siya. “Good morning angel.” Bulong niya saakin na nagpakunot ng noo ko.

Ngumiti naman agad ako habang nakatingin sakanya. “Maxim po. Pwede din pong Max. Hindi po Angel.” Bulong ko.

Nakita ko naman siyang tumawa ng mahina. “Cute.” Rinig kong bulong niya na kinapula ng buong mukha ko. Bakit biglang nagbago yung ugali nito? Anong nakain ni sir?

HALOS mapanganga ako sa dami ng binigay niya. Phone, laptop, damit kahit underwear meron!

“S-sir? Kailangan ba lahat ’to?” Hindi ko mapigilang bulong sakanya. Tumango naman siya saakin. “Yes. Of course.” Bulong niya.

“A-ang dami naman.” Bulong ko pa.  Dahan-dahan naman siyang lumapit saakin nang hindi inaalis yung tingin sa mga mata ko.

Napaiktad nalang ako nang naramdaman ko yung palad niya sa leeg ko. Nakatingin lang siya sa mga mata ko habang may kung ano siyang binubura don.

Para naman akong nanigas dahil sa ginagawa niya. Dahan-dahan niyang inilapit yung bibig niya sa tenga ko. “I want the best for you.”

Chapter 4

Maxim Enriquez

Namomroblema ako kung paano ko iuuwi ang lahat ng ’to. Halos hindi mabilang na paper bags yung nasa harap ko.

Napakamot naman ako ng noo. Nandito pa din kami sa loob. Siya naman ay nakaupo lang sa upuan.

“Paano ko iuuwi ’to? Hindi naman kasya sa jeep.” Mahinang bulong ko.

Napatingin nalang ako sakanya nang marinig yung mahinang tawa niya.

Pinagmasdan ko pa siyang tumayo at ayusin yung suot niyang suit. Ang gwapo niya talaga.

Agad naman aking napa-iwas ng tingin nang ngumisi siya. “Loving the view?” Bulong niya sakin.

Umiling naman ako. “Anong v-view po?” Bulong ko sabay ngiti ng alanganin.

Umiling naman siya. “Wala. Tara na. Ihahatid na kita.” Nanlaki naman yung mata ko at agad umiling.

“H-hindi na po sir! K-kaya ko na pong umuwi mag-isa!” Agad kong sabi sakanya pero tinignan niya lang ako.

Napangiwi naman ako sa titig niya. Nagulat nalang ako nang lumapit siya sakin at hapitin yung bewang ko. “Let’s go.” Bulong niya habang naglalakad kami.

Wal naman akong nagawa kundi sumama sakanya. Pero agad akong napahinto nang maalalang naiwan sa room yung mga binigay niya. Sayang naman.

“Ay sir! Yung binigay niyo po, kukunin ko muna.” Bulong ko sakanya pero tumingin lang siya saakin at lalong hinigpitan yung hawak sa bewang ko. “May kukuha dyan. Don’t worry.”

MAGKASABAY kaming naglalakad sa hallway. Gusto ko alisin yung kamay niya sa bewang ko pero mas humihigpit lang yung hawak niya doon.

“A-ahh sir. P-pwede po bang wag niyo nalang akong hawakan sa bewang?” Bulong ko sakanya.

Kitang-kita ko kasi yung mga mapanghusgang tingin nung iba saakin.

Tumigil naman siya. “Why?” Tumingin naman ako sa paligid. “Tsk.” Bulong lang niya sabay hubad nung suot niyang coat at ipatong sa ulo ko. Hinawakan ko naman yung dulo nung coat para hindi mahulog.

“Pwede na ba kitang hawakan? Hindi na nila makikita mukha mo.”

NANG makarating kami sa parking lot, agad niya akong dinala doon sa itim na kotse.

Nakita ko pa sa likod namin yung mga body guards niya ata dala-dala yung mga binigay niya saakin at isinasakay nila sa itim na van.

Para naman akong nakahinga ng maayos nang makaupo na sa loob ng sasakyan. Hindi ko kasi kayang tagalan yung titig ng mga tao saakin. Para nila akong hinuhusgahan. Katabi ko pa naman si sir na hindi ko pa din alam ang pangalan hanggang ngayon.

Hinayaan niya lang saakin yung coat. Suotin ko nalang daw. Medyo malamig din sa labas. Mahangin.

Ngumiti lang ako sakanya nang makasakay siya sa kotse. Pero agad akong napasandal nang ilapit niya yung mukha niya sa mukha ko. Bigla naman bumilis yung tibok ng puso ko habanh nakatitig sa mga mata niya. Narinig ko naman yung pagtunog ng seatbelt at pagngisi siya. “Safety first.”

NAALIMPUNGATAN nalang ako nang may marinig na kung anong tumutunog sa tabi ko.

Hindi ko naman pinansin at pinagpatuloy yung tulog ko.

‘ Click! ’ Rinig kong tunog sa tabi ko na naman.

“Ano ba!” Inis kong bulong habang nakapikit.

‘ Click! ’ Rinig ko ulit na tunog. Minulat ko na yung mata ko at laking gulat ko nang sumalubong saakin yung sponsor ko.

Mabilis ko naman inikot yung paningin ko at nakitang nasa kotse niya pa rin pala ako.

Naka-takip yung coat sa katawan ko at nakababa ng konti yung upuan ko.

Hawak-hawak niya yung phone niya at nakatutok saakin. Mabilis akong tumalikod at tinignan kung may tulo ba ako ng laway o muta. Inamoy ko na din yung hininga ko bago humarap sakanya.

“I’m s-sorry sir. Nakatulog ako.” Umiling naman siya at ngumiti bago ipasok yung phone niya sa bulsa. “Ayos lang.” Nakangiting sagot niya sakin.

Hindi naman ako makatingin sakanya ng deretso. Nakakahiya.

“Isang oras na tayong magkasama pero hindi mo pa alam ang pangalan ko.” Tumatawa niyang bulong. Napangiti nalang ako ng alanganin. “I’m Trevor. Trevor Smith.”

INIS kong ginulo yung buhok ko habang nakahiga ako sa kama ko. “Trevor… Trevor…. Trevor…” Mahinang pag-uulit ko sa pangalan niya habang nakatitig sa kisame.

It’s sound familiar. Parang nabasa ko na kung saan. Pero hindi ko maalala kung saan.

Nagpagulong-gulong na ako sa kama pero hindi ko maalala talaga kung saan.

Muntik na akong mapatalon sa gulat nang may biglang tumawag sa phone ko. Yung phone na binigay saakin ni sir Trevor.

Agad akong tumayo at inabot yung phone ko sa mesa. Napakunot yung ulo ko nang makita kung sino yung tumatawag.

“Your Trevor?” Mahinang basa ko sa pangalan ng caller. Hindi ba si sir Trevor ’to? Hindi ko maiwasang mapatitig sa picture niya. Ang gwapo niya talaga.

Pero bakit ‘Your Trevor?’ It’s sounds like his mine? Hindi ko maiwasang pamulahan ng mukha.

Hindi na ako magtataka kung bakit naka-save yung number niya dito. Siya nagbigau nito eh! Pwede niyang gawin kahit anong gusto niya.

Bago pa mamatay ang tawag sinagot ko na ito.

“Bakit ang tagal mong sagutin.” Seryoso niyang bungad saakin. Kinabahan ako bigla.

“A-ahh” Tanging sabi ko habang nag-iisip ng palusot. Bakit ba nagagalit siya? Grabe naman.

“I’m asking you Maxim.” Rinig kong sabi niya na lalong nagpakaba saakin.

“Kumain po ako! Tama kumain! Hehe.” Agad na turan ko sakanya sabay tawa ng mahina.

Literal akong kinakabahan ngayon at hindi ko alam kung bakit.

“Okay. So how’s your day?” Tanong niya saakin.

Pagkahatid niya kasi saakin, pumasok ako sa trabaho. Sayang naman kahit halfday lang.

“Okay naman po sir Trevor.” Sagot ko naman habang nakangiti at nakayakap sa unan ko.

“That’s good.” Bulong naman niya. “Are you tired?” Sunod niya pang tanong.

“Medyo po sir.” Sagot ko sa tanong niya.

“Okay. Matulog ka na. Goodnight. Sleet tight.” Hindi na ako nakasagot nang patayin niya agad yung tawag.

Napasimangot nalang ako. Ang sungit!

Ilalapag ko na sana yung phone sa mesa pero narinig ko na naman tumunog yon.

Agad kong tinignan at nakita yung text ni sir Trevor. Napatakip nalang ako ng bibig nang mabasa yon. ‘

I’m into you.

Chapter 5

Maxim Enriquez

“Oh!? Bakit ang aga mo ngayon Max?” Tanong sakin ni kuya Nilo. Lumapit ako sakanya at nakipag-apir tsaka ngumiti ng malaki.

Maaga na akong pumasok. Wala naman akong gagawin sa bahay ko kundi tumunganga nang tumunganga.

“Eh! Naiinip po ako sa bahay ko. Atsaka ilang minuto nalang po naman bago yung shift ko.” Tumango naman siya at ngumiti. Kumaway lang ako sakanya bago siya umalis.

Ako naman dumiretso na sa locker room at nagbihis. Kakausapin ko na din si ma’am Venice maya-maya. Aayusin ko kase yung schedule ko dito.

Bali tuwing hapon hanggang gabi nalang shift ko. Mas okay na yon para makapag-focus ako sa pag-aaral.

Sayang naman kung hindi ko pa pagbubutihin. Sayang yung magandang opportunity.

Biruin mo, may magpapa-aral na saakin. Binigyan pa ako ng mga gagamitin ko. May monthly allowance pa. Saan ka pa diba?

Pagkalabas ko ng locker room ay agad kong nakita si ma’am Venice.  Nasa may frontdoor ng cafe parang may kinakausap kaya agad-agad akong lumapit sakanya.

“Ma’am Venice? Good morning!” Tila naman nakuha ko ang pansin nilang dalawa pati na din ang kausap niya.

Ganoon nalang ang gulat ko nang nakita si sir Trevor. Matiim itong nakatitig saakin na para bang kinakain ako nito sa mga titig niya.

Napangiwi nalang ako. “A-ah sir T-trevor ano pong atin?” Kinakabahan kong tanong sakanya. Hindi naman siya sumagot at nakatitig lang saakin habang yung mga kamay niya ay nasa loob ng pantalon niya.

Napatingin naman saakin si ma’am Venice. “Oh?! Good you are here na! Akala ko ipapatawag pa kita kay kuya Nilo mo e! Come on we have something to talk.” Ilang segundo ko pa tinitigan si sir Trevor bago tumingin kay ma’am Venice at tumango. 

Tumingin ako kay sir trevor na para bang nagtatanong kung kasama ba siya sa pag-uusapan namin ni ma’am Venice.

Tumingin naman saakin si ma’am Venice. “The three of us. Hehe.” Sinimulan akong kahabahan ng marinig kong kaming tatlo ang mag-uusap usap. Anong pag-uusapan namin? Bakit kailangang kasama si sir Trevor?

Ngumiti nalang ako ng alanganin nakita ko naman si sir na ngumisi na para bang natutuwa pa. Hayop.

NANG makadating kami sa office ni ma’am. Unang umupo si maam sa swivel chair niya.

Nakita ko naman na nakatingin lang sakin si sir. Nakatingin lang din ako sakanya na para bang naghihintayan kami.

Pinagtitinginan kami ni ma’am habang nakangiti. “Pwede naman kayong umupo.” Turan niya saamin.

Eh? Paano kami uupo pareho kung iisa lang upuan. Inikot ko ang mata ko kung may iba pa bang upuan si maam pero wala talaga tanging bookshelf at table lang ni ma’am ang andito. Wrong timing!

Tumingin naman ako kay ma’am Venice. Napatakip nalang siya ng bibig. “Ohh.. It’s my fault. Hehe. Tinapon ko na kase yung ibang gamit ko sira na. Sorry. Hehe.” Turan ni ma’am habang nakangiti at nag-peace sign.

Tumawa nalang ako at ngumiti sakanya. Kahit kailan talaga.

Hinarap ko naman si sir Trevor at tinuro yung nag-iisang upuan sa harap ng table ni ma’am Venice. “Ah… sir Trevor? Kayo nalang po yung umupo. Tatayo nalang po ako.” Nakangiti kong turan sakanya.

Tumingin ito sakin ng nakakunot ang noo. “No. Ikaw ang umupo.” Sagot naman niya saakin at itinuro pa yung upuan.

Umiling naman ako. “Ah, no sir! Ikaw nalang ako po yung empleyado. Kaya kayo po yung umupo.” Nakangisi kong sagot. Tama naman ako diba?

Tumitig ito sakin na para bang naiinis. Napangiwi nalang ako bigla. “I said no!” Singhal niya saakin.

Kumunot naman yung noo ko. Aba! Sinusubukan ako ng sir na ’to!

“Sige na sir.” Pilit kong sabi sakanya.

“No!”

“Sige na sir!”

“No!”

“Arghh! Sir upo na!” Naiinis kong sigaw at pinadyak ko na yung paa ko sa inis.

Nakita ko naman siyang nakangiti. Napangiti nalang din ako nang umupo na siya sa upuan.

Kampante na akong tumayo at handa nang makinig kay ma’am.

Pero napatingin ako sakanya nang tawagin ulit ako. “Come here!” Turan niya saakin.

Agad naman akong lumapit. Baka magbago pa isip nito at tumayo.

“Yes sir?” Agaran kong tanong sakanya pagkalapit ko habang nakangiti.

Hindi siya nagsalita bagkus hinatak niya ako paupo sa hita niya.

Napakapit nalang ako sakanya at napasigaw. “SIR!” Malakas na sigaw ko habang nakahawak sa kamay niya.

Napatingin naman ako kay ma’am Venice. Napatakip nalang siya ng bibig. “OMO?!” Sigaw niya pa.

Pulang-pula ang buong mukha ko dahil sa ginawa niya.

Pilit kong inaalis yung kamay niyang nakapalupot sa tyan ko. “Sir!? Let me go!” Bulong ko sakanya at sinubukan kong tumayo. Pero hindi ako nagtagumpay dahil niyakap niya ang bewang ko na para bang ayaw niya ng pakawalan.

Narinig ko lang yung mahinabg tawa niya. “Shall we start?” Turan niya pa kay ma’am Venice. Nangilabot pa ako nang dumampi yung hininga niya sa batok ko.

“Sir?! ano ba! Let me go!” Pilit kong bulong sakanya. At pilit ko din inaalis ang dalawang braso nakapulupot sa bewang ko.

“No.” Sagot niya. At lalong hinigpitan ang yakap sa bewang ko.

“Let’s start miss.” Ulit niyang sabi kay ma’am. Pilit ko pa din na inaalis yung kamay niya. Pero mas malakas siya saakin.

“O-okay” Parang tuod si ma’am na hindi ko masabi habang sinasabi niya yon. Hindi rin maalis ang ngiti niya.

HALOS kalahating minuto din ang tinagal ng usapan. Napag-usapan namin yung schedule ko dito.

Napag-alaman ko din na si sir Trevor pa ang personal na lumapit kay ma’am Venice para sa usaping ito.

Gusto pa nga daw ni sir Trevor na huminto ako sa pagtratrabaho pero ayaw ko. Ayoko naman na umasa lang sakanya tsaka nahihiya ako.

Tatayo na sana ako ng hindi pa din ako pinapakawalan ni sir Trevor. “What now? Sir?!” Bulong ko sakanya.

“I want Maxim to live in my house.” Pagkabitaw ng mga salita niyang yon, tila tinakasan ako ng ulirat.

“WHAT? NO! HINDI PWEDE!” Sigaw ko sakanya. Magkasalubong ang kilay kong tumingin sakanya. Hindi pwede talaga!

May bahay ako, sariling buhay at sa bahay ako titira!

“Ahh? W-whats your reason sir?” Gulat na sabi ni ma’am Venice. Hindi ko alam kung nagugulat ba siya o kinikilig.

Pilit na din akong tumatayo pero mas lalong tinitigasan ni sir Trevor yung kamay niyang nakapalupot sa bewang ko. “For his safety.” Sabi ni sir na para bang okay na okay sakanya. Okay naman talaga sakanya e!

“Oh yun naman pala eh! For safety naman pala! Ok na ok ako! Hehe.” Tila kinikilig na sabi ni ma’am Venice at naka-thumbs up pa.

Umiling naman ako. “Ayoko.” Pangkokontra ko sakanya. Habang naka-crossarm pa. Hindi ako papayag ano!

Huminga naman ng malalim si sir Trevor. “Okay. If that’s what you want. Be ready baka may magpaulan ng bala sa apartment mo.” Halos naman lumuwa yung mata ko sa gulat. Bakit ako pauulanan ng bala?!

Kung mangyari man yon kung saka-sakali hindi ko alam ang gagawin ko.

Ilang beses pa akong nagpalipat-lipat ng tingin kay ma’am Venice at Trevor. Si Trevor, nakangisi lang habang nakayakap saakin. Si ma’am Venice naman, paulit-ulit na nag-thumbs up at tumatango-tango pa.

“Okay fine!” Napipilitan kong sabi sakanila. Napa-irap nalang ako sa inis.

“Good. Papayag ka din pala Max gusto mo pa ng tinatakot. Hihi.” Kilig na kilig na sabi ni ma’am.

Napaiktad nalang ako nang maramdaman yung mainit at basang labi ni sir Trevor sa batok ko. “Thank you kahit napipilitan ka.”

[AUTHOR’s NOTE]

Hi! I’m

calypzoalcazar

,

Obsesiòn

Amorosa

Series

writer. Nais kong ipaghingi ng paumanhin ang biglaang pagkawala ng aking nobela na pinamagatang,

Obsesiòn

Amorosa

#1: Into You - Season One

dito sa WATTPAD . Nais ko din na ipaalam na ang nobelang ito ay kasalukuyan nang nakalagay sa DREAME . Huwag mag-alala, walang bayad at libreng-libre pa rin naman ang aking nobela sa DREAME ! Nasa ibaba ang aking iba pang impormasyon kung nais mong ipagpatuloy ang pagbabasa. Maraming salamat!

DREAME :

calypzoalcazar / 4310921270

WATTPAD :

calypzoalcazar /

calypzoalcazar2

FACEBOOK : 

calypzoalcazarofficial

FACEBOOK PAGE :

calypzoalcazarofficialpage

INSTAGRAM :

calypzoalcazar

TWITTER :

calypzoalcazar

GOOD NOVEL :

calypzoalcazar

GMAIL :

calypzoalcazar@gmail.com

Kung nais mong makipag-ugnayan saakin, pwede mo akong i-private message sa aking FACEBOOK account o magpadala ng mensahe sa aking GMAIL . Muli, maraming salamat!

Obsesiòn

Amorosa #1: Into You -

Season One


Return to top?

Part of a series

Into You Obsesion Amorosa

Part 1 of 1
WattHub

Install WattHub

Size unavailable

App name
WattHub
App version
1.48.250
App size
Description
A digital library of Wattpad stories and Filipino fiction, thoughtfully preserved for readers today and tomorrow.
Developer
WattHub Team

Dismiss install banner?

No problem. You can still install WattHub anytime from the download icon in the header.

WattHub

Notifications

Notifications are off

Get notified on this device when the library grows or changes.