Ira Casa (Novela)
makiwander · 32 chapters · 84,857 words
Helga x Pierre
Maki Say’s: Isang taon na! Haha Nalagyan ko din ng ending ang story pero alam kong nakalimutan niyo na kaya babasahin niyo na naman ulit. Iaupload ko lahat ng chapters today pero kalma lang kasi nakiki-wifi lang ako sa Starbucks. lol. Maeekis ko na din ito sa to do list ko!
Enjoy reading!
Simula
HELGA.
“Ano ba Mary Beth!” Inialis ni Helga ang pagkakapit sa laylayan ng kanyang uniform ng kanyang makulit na kaibigan.
“This is crazy, Helga Maurice! Kapag nakita na naman tayo ni Helena, magagalit na naman yon!” Paalala ni Mary Beth sa kanya habang nakasilip siya sa glass window ng cupcake shop kung saan nakikipag-date ang Ate niyang si Helena. Tamad siyang bumaling dito para magdahilan pero natigilan siya. Tiningnan niya ang kaibigan, inayos nito ang pagkakaayos ng suot na salamin at ang pagkakapusod ng buhok. Napailing siya. Nakalimutan na naman ni Mary Beth na mag-subscribe sa Fashion Magazine para maitama ang istilo nitong naaayon ngayon buwan, o kahit ngayong taon na lang sana or last year. So outdated!
Para siyang nangangati na nakikitang ganon ang kaibigan, kinuha niya ang maliit na hairspray sa kanyang Kate Spade tote at hinila ang tali sa buhok ni Mary Beth. She fingercombed her tresses and sprayed good amount of hairspray. Naging natural na alon alon ang dating tuwid nitong buhok.
“Ayan, kamukha mo na si Helena!” Napapalakpak si Helga.
Helena Martina is Helga Maurice’s older sister. They are the Ortega’s princesses. They both earned it through good grades and good genes.
Parehas silang maganda at matalino. Parang prinsesa din kung ituring sila sa lipunan. Ortegas are known to be wealthy and elegant. Nagsimula ito mula sa kanilang si Adriana na isang Beauty Queen noong kapanahunan niya at ang Daddy nilang si Mauro Ortega na kilalang Ship Magnate at isang Oil billionaire.
Matanda ng tatlong taon si Helena kay Helga kaya lang ang iniuungot ni Helga ay masyado itong mahigpit sa kanya. Gayunpaman, hindi niya magawang mainis sa kanyang Ate. Everything her sister has, mayroon din siya, she should be happy.
Pero hindi naman talaga lahat..
Kitang kita nya kung paanong asikasuhin ito ng kanyang boyfriend. Nakakaramdam siya ng inggit sa kapatid. Hindi dahil may boyfriend ito kundi dahil sa boyfriend nito. Bakit ba naging mas maswerte pa ito kaysa sa kanya? Mabait naman sya at maganda! Helena may be more intelligent but she’s more interesting.
Nagpangalumbaba si Helga habang nakatanga kay Pierre. He has soft eyes, para itong laging nakangiti, at least kay Helena, ang mga labi nito ay may natural na pula at lalaking lalaki ang kulay nitong warm tan. Malalim pa ang boses nito na parang laging nanunuyo. He’s everyone’s prince charming. Her Prince Charming, to be exact.
She’s drooling over Pierre when her eyes widened. Helena was throwing dagger stares at her! Galit itong tumayo mula sa lamesa at naglakad papalabas ng cupcake shop. Hindi malaman ni Helga kung tatakbo ba sya o haharapin ang galit ng kapatid.
“Nag-cutting ka na naman?” Umugong ang matinis na boses ni Helena. Tumayo ng tuwid si Helga at pilyang ngumiti sa kanyang Ate na ngayon ay nasa pintuan na ng cupcake shop kung saan niya ito tiningnan. She’s really beautiful. Abuhin din ang mga mata nito na kaya ng sa kanya pero tuwid na tuwid ang itim nitong buhok. She has full lips that almost looks like her but not really, manipis ang upper lip niya at kapag ngumingiti siya ay makikita ang halos lahat ng kanyang mga ngipin. Her friends always teased her as Julia Roberts of their class with a million dollar smile.
“Wala kaming klase!” She reasoned, smiling. She always thought she can get away with her smile. Well, she does, except when she’s getting away with Helena and her Dad. Magkaugali kasi ang mga ito. Strikto.
“Walang klase? For pete’s sake, highschool ka pa lang Helga! Dapat kung wala kang klase, nandoon ka sa school nyo!” Pagtataboy sa kanya ng kanyang kapatid.
“I will be a college freshman next year.”
“Yes, next year. Next year! At tatlong taon mo na akong sinusundan! Ilang klase na ba ang hindi mo pinasukan? Dinadamay mo pa itong kaibigan mo!” Turo pa ni Helena kay Mary Beth na takot na takot dahil kilalang strikta si Helena.
“I just want to see you!” Pagsisinungaling pang muli ni Helga. Of course, she wouldn’t tell her sister na kaya nya ito sinusundan dahil sa matinding paghanga nya sa boyfriend nitong si Pierre. Tiyak na mas lalong magagalit ito.
“Ano yan, Helena?” Ang pamilyar na baritonong boses ang nagpangiti ng husto kay Helga.
Napasinghap si Mary Beth pagkakita kay Pierre. Sino ba namang hindi? He looks like a model taken out from a magazine at binigyan ng hininga para mabuhay. Kilig na kilig si Helga dahil naamoy nya agad ang kadalasang pabangong ginagamit ni Pierre. Gayunpaman, nanatiling walang reaksyon ang mukha niya kahit kilig na kilig hindi kagaya ni Mary Beth na halos mamilipit sa kilig para sa kanya, nasanay na kasi syang itago ang nararamdaman sa mga ganitong pagkakataon.
“Si Helga, nagcutting na naman.” Humalukipkip si Helena habang nagsusumbong kay Pierre. Inakbayan naman ito agad ni Pierre at hinalikan sa tuktok ng ulo. Gustong magprotesta ni Helga at manawagan sa mga dinadasalan nyang santo para magkaroon ng catastrophe at magkahiwalay ang pagkakadikit ni Helena at ni Pierre ngayon din.
“Hayaan mo na, kids nowadays are like that.” Sa swabeng boses, sinabi iyon ni Pierre.
Matinding pagpipigil ang ginawa ni Helga para hindi umikot ang kanyang mga mata. He adores Pierre so much kahit alam nyang napakasuplado nito pagdating sa kanya, hindi nya lang matanggap tuwing pinaparinig sa kanya na isa pa syang bata at walang muwang.
Is stalking an act of a kid?
No.
Is liking someone an act of a kid?
No.
Madaming hindi naayon sa pamantayan ni Pierre bilang isang bata. Gustong ipaintindi ni Helga yon sa kanya.
“Bumalik na kayo sa school. Tatawagan ko si Mang Jose para ipasundo kayo.” Pagtataboy muli ni Helena. Gustong magpapadyak ng labing anim na taon na si Helga. Why can’t she be like Helena? Nung 16 years old si Helena, she can do whatever she wants. Kapag bunso ba, hindi ganon? May malaking pagkakaiba?
Oo nga pala, her Dad was the eldest. Ito ang nag-hirap na itaguyod ang mga kapatid nito. Her Dad has a bad connotation about the youngest siblings. Ito ay mga spoiled at palaasa. Mga pasaway. Ito din ata ang tumatak sa isip ni Helena.
Pumasok muna sila sa loob ng cupcake shop para antayin ang sundo ni Helga. Her heart is in triumph though, kaharap nya si Pierre kahit pa walang patid ang pag-aasikaso nito kay Helena. Nag-order naman siya ng napakaraming minatamis na maganda sa kanyang mga mata. Ikakain na lamang niya ang inggit kay Helena.
“I have a class, I should go.” Tumayo si Helena at tinapunan silang lahat ng tingin pagkalipas ng ilang minuto.
“Okay, ihahatid na kita.” Tumindig din si Pierre. Kitang kita ang agwat ng tangkad ni Pierre sa Ate niya. Kung siya siguro ang makakatabi nito, then they will look more perfect. Mas matangkad kasi siya kaysa kay Helena but their features are almost the same, abuhing mata at manipis na ilong. Sa ngiti lang nagkakatalo. Ang ngiti ni Helena ay para lang din kay Pierre. Ganon din ang nobyo nito. Unlike her, her smile is for everyone.
“No, Pierre. You have to wait here. Tiyakin mong makakauwi ang brat na yan.” Tukoy ni Helena sa kanya. Napayuko naman siya, Helena acts like her mother! O mas malala pa. Siniko siya ni Mary Beth at kumindat kindat pa.
Well, bahala ka Helena, I will be left with your boyfriend! Sabi ni Helga sa kanyang isip.
PIERRE.
THEY all sat uncomfortably when Helena left, tahimik lamang si Pierre na nagmamasid sa kanyang cellphone. He’s itching to check on Helena as soon as she left, nag-aalala sya kahit malapit lang naman ang university nito kung saan sila naroroon. He loves her so much. Kay Helena na umiikot ang mundo niya.
Nakilala niya si Helena mga bata pa lamang sila dahil na din sa negosyo ng kanyang mga magulang. Pierre Alfred Floresca is the sole heir of Laya Air, the leading economy and business class planes in Asia. Simula nang nakita niya si Helena sa isang mahalagang party para sa mga negosyante, sinundan niya na ito at naging magkaibigan sila. Mas naging magkasundo sila noong highschool at doon na nga niya ito niligawan at sinagot naman siya.
Higit pa sa relasyon, they are bestfriends. Lahat ay alam ni Pierre tungkol kay Helena at ganoon din ito sa kanya. Kahit ang mga reklamo nito sa kakulitan ng nakababatang kapatid nito ay alam din niya
At naiwan pa sya kay Helga? Seriously!
He believes this girl is a nuissance. Kahit pa kapatid ito ni Helena, may parte sa puso nya ang disgusto kay Helga. Hindi nya maintindihan kung bakit. Or maybe because of the stories Helena was telling him.
Maybe her name is too firece? Malayong malayo sa pangalan ng mas mabait na Ortega, Helena is a fine lady. Unlike this brat in front of him.
“Helga, nandiyan na din pala si Daddy sa labas, maiwan ko na muna kayo.” Tumayo si Mary Beth. Malapad na napangiti si Helga, hindi naman ito maunawaan ni Pierre. Dapat ay hindi ito magpaiwan ng silang dalawa lang di ba?
“Sige. Tell Tito I said Hi!” Masiglang bilin pa ni Helga. Pierre mentally rolled his eyes sa pagiging masiyahin ni Helga. He wonder if it’s true.
Katahimikan ang bumalot sa pagitan sa kanila ni Helga. An awkward silence that Pierre wanted to keep. He wants to smack his head on the way he’s acting in front of his girlfriend’s sister. Dapat ay hindi sya uncomfortable kay Helga, she’s just a kid. He should have offered her a milkshake? Mahilig ang mga bata sa matatamis hindi ba?
“Pierre…”
“Christ!” Halos maihagis ni Pierre ang hawak nyang cellphone. Tumaas kasi ang lahat ng balahibo nya ng tawagin sya ni Helga. There’s something in the way she calls his name.
“W-what’s wrong?” Takang-taka ang mukha ni Helga sa inakto niya.
“You should start calling me Kuya Pierre. Ang bata bata mo pa, wala ka na agad respeto.” Naiinis na sambit niya. Nagtataka man, ngumiti lamang sa kanya si Helga. Pierre thought it is torture right away, she doesn’t look like a nuissance when she smiles, she looks like an angel. When he was in senior high and Helga entered freshman, naging bulong-bulungan na ang napakagandang ngiti ng bunso ng mga Ortega. They call her Julia Roberts, a ray of sunshine when she smiles. Kahit nga hindi nakangiti ay maganda pa din ito. Her bone structure was on point, high cheekbones and well framed brows.
Ipinilig ni Pierre ang kanyang ulo para alisin sa utak nya ang naisip niyang maganda si Helga. Well, maybe because she’s Helena’s sister. They almost have the same features, almost. Their auras he supposed, were different. Helena is sophisticated, but Helga is charming, jumpy and cheery.
“Sorry, hindi kasi kami nasanay sa bahay. I don’t call Helena Ate, so why should I call you Kuya, then?” Her voice was soft and innocent.
Napalunok siya nang matitigan ang mga mata nito. It was also different from Helena, it may be almost gray but the shape was almond and more expressive, unlike the big, almost deepset eyes of Helena.
“Pierre, you are blushing!” Helga said bluntly. Mas lalo namang nag-init ang tenga niya.
“Tumayo ka na at ako na ang maghahatid sayo.” Pierre decided. Sa ilang minuto pa silang magkasamang dalawa, pakiramdam nya lalabas na ang puso nya dahil sa presensiya ng kaharap.
Helga’s Spell. Naalala niya ang sinabi noon ng mga team members ng varsity team kung saan siya ang team captain. Everyone has a crush on Helga because she’s friendly and beautiful.
“You will drive me home?” Malapad ang ngisi ni Helga. It is pain in the gut.
“Wala akong choice. Baka matagalan pa si Mang Jose. I have a class later and I won’t wait here until your driver fetch you.” Hindi na halos tumingin si Pierre sa dalagita. Tumayo na siya at nagpatiunang lumabas sa cupcake shop. Nang huminto na sila sa tapat ng sasakyan niya, nag-intay pa si Helga na pagbuksan siya ng pinto. Marahas siyang napabuntong hininga bago sumunod.
Every thing that he only does for Helena, hayagang iniutos sa kanya ni Helga na gawin.
“Put on my seatbelts, Pierre!” Maligayang utos pa nito.
Pierre groaned, did he mention that she’s a brat?
Gayunpaman, ginawa ni Pierre ang lahat ng gusto nito. He just doesn’t want to hear her voice. Nakakairita dahil kumakalabog ang puso nya sa bawat pagsasalita nito kahit wala namang kwenta ang sinasabi nya. Nagugulat siguro siya dahil sa tinis nito.
Helga looked at the window like a kid. Nakangiti ito sa bawat nakikita at kinakalabit pa nito si Pierre tuwing may napapansing maganda sa paningin nito.
“Look, Pierre! Ang cute nung dog!” Turo pa nito sa isang poodle na bitbit ng amo nito.
Can’t she get a little bit interesting? Pierre inwardly groaned.
Pagkatapos ng mahabang pagda-drive, narating din ni Pierre ang mansyon ng mga Ortega. Pinipigilan nya ang sarili na pagsabihan si Helga, but before he realized it, words came out in his mouth.
“Sa susunod, wag ka ng sunod ng sunod kay Helena para hindi na sya nag-aalala.” Seryosong sambit niya.
Mabilis na umiling si Helga. “I am not following her!”
Magsisinungaling pa sya! Nadidismaya si Pierre habang tinitingnan ang maamong mukha ni Helga. Anong klaseng adult ito paglaki? Marahil ay maging rebelde. Baka maging first lady ng terorista pa.
“Then what are you doing there, little kid?”
“I am stalking you!” Bulalas ni Helga. Agad na natakpan nito ang kanyang bibig. Mabilis na tinanggal ang seatbelts at binuksan agad ang car door.
Nanatiling nakatulala lamang si Pierre kay Helga. What did she just say?
“K-kalimutan mo na ang sinabi ko!” Nagmamadaling tumalikod si Helga pagkasabi non. Kasalukuyan pa ding natutulala si Pierre sa sinabi ng dalagita hanggang sa makapasok na ito sa loob ng mansyon. Unti unting nailagay nya ang kanyang palad sa kanyang dibdib.
His heart is thumping like crazy. What the hell was that?
Helga x Pierre 1
HELGA.
“My God! You are so back, Helga Maurice!” Yumakap si Mary Beth sa kanya nang salubungin siya nito sa airport. She posed proudly as she flaunts her fully grown physique at 18. Natatawa siyang kumawala sa yakap ng kaibigan at ngumiti.
“Are you back for good?” Sumunod na tanong naman ni Claire, ang isa pa nyang bestfriend habang hila hila ang isa sa mga maleta nya.
“Hindi ko alam. Wala pang plano! Alam nyo naman ako, hindi mapakali ang mga paa ko. I want to explore the world! There’s so much to see, so little time!” Tumawa siya at alam niya na nakakuha iyon ng atensyon, her perfect set of pearly white teeth shone like a Toothpaste commercial. Perks iyon na may dentistang flatmate sa Paris. Pinanggigilan ang kanyang ngipin dahil napakaganda daw ng kanyang ngiti. Maputi na iyon dati at mas lalo pang pumuti dahil sa pag-aalaga.
“Kaya ba hindi mo tinapos ang kurso mo sa France?” Nagtaas ng kilay si Mary Beth sa kanya, she giggled.
Helga always feel that she’s a freeman. May kalayaan syang gawin ang kahit ano na kanyang gusto. She’s entitled not because she’s anspoiled brat kundi dahil hindi na siya umasa sa kanyang mga magulang simula noong umalis siya ng bansa.
At 16, she cried her heart out to study abroad in college.
‘You will be crawling at your toes, crying and miserable after one month!’
Naalala pa niyang sabi iyon ng kanyang Daddy. But look at where she is now. Hindi siya gumapang pabalik. She came back alive and happy after two years.
Dala ng sobrang pagkapahiya sa nasabi nya kay Pierre na inistalk nya ito ay nagpumilit siyang umalis. Napangiwi si Helga sa isiping yon. He should forget it by now, right? It’s been two years! Dala lang iyon ng kanyang pagkabata.
“May nakakarating ba sayong balita tungkol kay Pierre? He’s the CEO of Laya Air . Nakakatuwa!” Proud na proud na kwento ni Mary Beth.
“Hey! Don’t say bad words. Alam mo namang umalis ang isang to dahil sa sobrang hiya kay Pierre. Handa ka na ba, girl? Magkikita kayo mamaya.” Siniko siya ni Claire nang hindi siya tumitigil sa paglalakad na parang supermodel. All eyes on her as she walked with confidence in her leather gray trenchcoat with a white turtle neck dress underneath.
Pasimpleng napalunok si Helga pero nagpatuloy siya sa paglalakad. Sa totoo lang ay hindi sya sigurado. Pinakiramdaman nya ang sarili. May nararamdaman pa kaya sya kay Pierre? Anyway, she can shake it off. She had boyfriends abroad, although none of them met her standards, technically, her feelings for Pierre should fade.
She’s never a fan of unrequited love after all.. Mga pag-ibig na walang pinatutunguhan. Either your love will love you back or you will find another one if not. Ganoon lang.
TINANGGAL ni Helga ang kanyang aviators ng huminto ang sasakyan ni Mary Beth sa harap ng mansyon ng mga Ortega, inabot na sila ng gabi dahil sa traffic. Pinalibot niya ang mga mata niya sa nakakaantok at boring na pagkakabuo ng kanilang metal gate na ayaw magpasilip sa loob. Bumukas ang pinto at tumuloy na ang kanilang sasakyan.
Their mansion shimmers with bright lights, tanda nga na mayroong nagaganap na okasyon. Ang mahinang soft jazz music ay maririnig mula sa loob.
“Pinaghandaan talaga nila ang pagdating ko ha?” Natatawang sambit ni Helga habang dahan na bumababa sa valet area, their security guards greeted her. Sumunod sa kanya si Mary Beth at Claire habang binabaybay nila ang papasok ng mansyon.
“Hi everyone!” Magiliw na pagbati ni Helga sa kanyang mga kamag-anak at kaibigan na nagkakasiyahan na sa may living room ng mansyon. Her eyes darted to a familiar built right away. He’s standing tall, and his not-so-sorry muscles were proudly ripping off his dark blue polo shirt. Pati ang suot nitong pantalon ay halos yumakap sa kanyang binti. Napailing siya, he grow bigger after two years.
Kausap ito ng kanyang kapatid na mukhang may sariling mundo at hindi napansin ang kanyang presensiya. So busy huh? She looked away and roam her eyes again.
“Oh Helga! You look great!”
“Tita Mariana!” Yumakap si Helga sa kanyang Tiyahin na bakas na bakas pa din ang pagiging glamorosa sa kabila ng katandaan. Her long hair was set in curls and her skin is as white as snow. Kinainggitan niya din ang balat nito dahil ang kanya ay warm tone of fair yellow. Si Helena ay cool tone, kagaya ng kay Tita Mariana niya, isa pa pala iyon sa kanilang ipinagkaiba ng kapatid.
“Tell me, what’s your beauty secret?” Humalakhak si Mariana na obsessed sa pagpapaganda. No one can tell that she’s 54, she’s her beauty peg actually.
“Oh Tita, I just fell in love in Paris..” Niyakap ni Helga ang kanyang sarili na para bang isa iyong katotohanan.
Paris taught her a lot of things except falling in love. She worked her ass off. Nang mabalitaan ng kanyang Daddy na madalas syang mag-party doon ay binawasan nito ang kanyang allowance. Siya na mismo ang nagdesisyon na hindi na din kunin ang pera mula sa padala nito at nagtrabaho. Pinili nya yon dahil alam nyang magagawa nya ang kanyang gusto na walang maisusumbat sa kanya.
“Many times right?” Natigilan si Helga sa boses na iyon. Her heart made a double flip!
Kilalang kilala nya iyon kahit hindi naman sila nagkaroong magusap ng madalas.
I t’s Pierre.
Nilingon ito ni Helga at nagpaste ng pekeng ngiti.
“Oh, hi Pierre! Should I be flattered that you know so much about my love life?” Bumeso pa si Helga sa kanya kahit nanginginig ang kanyang tuhod. His scent. Oh my, she missed it. His soft eyes were actually spitting with the familiar hatred she’ve known years back. Sa paraan kung tingnan siya nito ay parang may gagawin siyang masama.
“Naikwento ko sa kanya ang napakarami mong boyfriends!” Tumatawa si Helena habang papalapit sa kanilang dalawa ni Pierre. He sister looked regal in her royal blue dress, ang tuwid nitong buhok ay halos kuminang sa makintab na ilaw. Awtomatiko ang pag-angkla nito sa braso ni Pierre at nakalimutan pa siyang i-welcome.
“Hello Helena!” Siya na ang kusing yumakap sa kapatid. Hinawakan nito ang kanyang buhok, her naturally loose curls kissed her cheeks when Helena played with it.
“Mas bumagay sayo ang buhok mo.”
“Thank you.”
Lumikot ang mga mata niya para humanap ng ibang makakausap. She’s still uncomfortable with Pierre. Did he tell Helena what happened two years back? Yong pag-amin niya. Well, she hope he did not. Sana nga pati si Pierre ay kinalimutan na din iyon.
“Frederick! I thought you’re in Brazil?” Inilang hakbang niya ang kanyang pinsan na malayo sa kanya. Sa kagustuhang umiwas. Pakiramdam nya itatakwil sya ng kanyang sarili kapag lumapit sya kay Pierre. Baka makipagtitigan na lang siya dito ng matagal. Geez, the attraction is still there. Nakakaloka talaga ang panahon. Hindi ito totoong nakakatulong.
Ang tanging pagkakaiba lang ngayon ay alam nya na kung hanggang saan dapat sya. Madami namang gwapo dyan! Maybe not the likes of Pierre but good enough. Kailangan niya lang ayusin ang sarili at seryosohin ang pag-hahanap.
Masayang masaya si Helga sa kanyang pagbabalik. Lahat ng gusto nyang makita ay dumalo sa party na inihanda para sa kanya. Hindi pa nga engrande ang nakahanda pero heto, pinuno ng hagikgikan ang kanilang tahanan. The old ones, including her parents were chatting at their living room, while her friends and her cousins were enjoying the dip at the pool.
“Helga! Hindi ka ba magsu-swimming?” Pinilit siyang basain ng tubig ni Mary Beth. Tumawa lamang sya at umiling habang nanatili lamang ang kanyang paa na nakalubog sa tubig. Kanina pa sya nanonood sa paglalambingan ni Pierre at Helena mula sa pinakasulok ng pool. Nakasuot si Helena ng isang itim na one piece, maganda pa siya at eleganteng tingnan kahit basa, she’d give her that. Maybe Pierre is drooling right now at her sister’s beauty habang tinuturuan itong lumangoy.
Unbelievable, Helena is 21 and she still can’t swim.
Sino ngayon ang dependent huh?
Hindi na maniniwala si Helga kung tutuyain pa siya ni Helena na spoiled brat. She can stand at her own feet. Yun ang natutunan nya sa loob ng dalawang taon na malayo sa pamilya. Si Pierre lang pala ang kanyang go-signal para magbago. Paris made her stronger. Kung hindi nya iniwasan si Pierre at nangibang bansa, siguro katulad pa din sya ng dati, stalking her sister and her hot boyfriend in six-pack abs.
What did he do in two years? His body grew larger like he can squeeze anyone in his arms. Mas lalong gumwapo sa laging nakaayos nitong buhok at naging kayumanggi ang balat siguro dahil sa pagtatrabaho sa airlines. Sinasabi na nga ba nya’t ito ang kahahantungan ng gwapong si Pierre. Marunong talaga siyang pumili. Kaya lang hindi naman siya laging napipili. Even her Dad fancies Helena.
Huminga ng malalim si Helga ng makaramdam ng pagkainip, pumasok sya sa loob ng kanilang mansyon para kumuha ng swimsuit. Lalangoy na lamang sya at makikisaya sa kanyang mga kaibigan kaysa itutok ang kanyang mga mata sa isang taong kahit kailan ay hindi naman nya makukuha.
She ended up choosing a white low neck one piece swimsuit. Binili nya ito dahil sa nakakahalinang design but she never dared to wear it in France. Ngayon ay may lakas loob na sya dahil nandito naman sya sa kanilang bahay kasama lamang ang pamilya at malalapit na kaibigan.
“Oh my, the amazing Helga Maurice. You are such a gorgeous woman!” Napangiti si Helga sa pagsasalita ng kanyang pinsang si Anton. Nakatutok ang mga mata ng kanilang bisita sa kanya habang bumababa sya sa spiral staircase na nakakunekta sa terrace ng mansyon patungo sa swimming pool area.
“Thanks, Anton. I am really delighted with your praise.” May pagbibirong wika niya. Humarap sya sa tubig at magsisimula na sanang magdive ng mapansin nya ang isang pares ng mata na hindi pa din nag-aalis ng tingin sa kanya pero mukhang assumption lang iyon ni Helga dahil parang nag-apoy ang mga mata ng binata pagkakita sa kanya. Sumimangot pa ito at nag-iwas ng tingin.
Ano naman kaya ang problema non?
Pinagod ni Helga ang sarili sa paglangoy habang ang ilan ay nagkakatuwaan na sa pag-inom. Hindi nya pa nya nasubukan ang pag-inom kahit kailan pero tingin nya hindi naman naniniwala ang kanyang ama. Inakala nitong nagpapasaway sya sa Paris just because she’s mostly with her friends. Hindi man lang nito narealize na naiinip sya at malungkot mag-isa sa ibang bansa. Wala pa siyang bisyo doon, puro kadaldalan lang ang naipamahagi niya sa Paris. Nag-iingat siya ng husto dahil mag-isa lang siya sa lugar.
Pabalik balik siya sa pool ang kanyang ginawa at mag-isa na lang siya, her cousins and friends were drinking alcohol. Napansin niyang umiinom si Helena kasama si Pierre, napataas siya ng kilay. Noong umalis sya ay hindi pa ito umiinom, so now it’s cool? Maari na din kaya syang uminom? She’s 18 now.
Helga shoo away the thought. Bad shot pa nga pala sya sa kanyang ama.
Nang mas lumalim pa ang gabi, isa isa nang namaalam ang mga kaibigan at mga pinsan nya para umuwi. Si Claire ay sinundo na ng kanilang driver samantalang si Mary Beth ay makikitulog sa kanyang kwarto dahil masyado itong nalasing sa iniinom.
“Maauna na ako sa kwarto mo, Helga. Hindi ko na talaga kaya!” Halos mapapikit na si Mary Beth habang humahakbang na papasok ng mansyon. Natawa lamang siya at kumaway mula doon sa swimming pool.
Tinamaan ata sya ng jetlag kaya hindi sya agad tinamaan ng antok. Siya na lang ang naiwan sa swimming pool area at nabawasan na ang ilaw. Napangiti sya ng makakita ng bote ng Jack Daniels sa isa sa mga lamesa. Naiwanan ng kanyang mga pinsan at mahigit pa sa kalahati ang laman.
Nilapitan nya ang bote dala ng kyuryosidad. Just one sip and it should take her to sleep.
Sinalinan nya ang isang shot glass at sinubukang inumin iyon. Halos mailuwa nya ang alak pero naisip nya si Helena na iniinom din ito kanina. Kung gayon ay kaya din nya. Whatever happens, she’s at home, she can crawl to her room, whatever and no one would care. Gusto lang naman niyang makatulog.
Isang shot, hanggang sa naging dalawa, naging tatlo…
Hindi napansin ni Helga na mauubos na nya ang laman ng bote.
Tsk, silly Helga! How did you do that?
Mahina syang tumawa at hinayaang bumagsak ang kanyang mata pero muli syang dumilat.
Oops! A woman should know how to bring herself to her room no matter how drunk she is! Paalala niya sa sarili na sinabi sa kanila ng kanyang ina na punong puno ng class.
Tumayo si Helga kahit nararamdaman ang pagikot ng kanyang paligid. Nakikita nya pa naman ang pinto kaya lang malamlam na ilaw na lamang ang nakabukas sa kanilang mansyon. Tulog na siguro ang lahat. Gumewang sya sa kanyang paghakbang sa hagdan patungo sa kanyang kwarto.
You can do it, Helga!
She cheered herself.
Nakaramdam ng ginhawa si Helga ng mahawakan nya ang doorknob ng kanyang kwarto. Napangiti sya ng makita si Mary Beth na nakabalot sa comforter. Kakaibang init ang bumalot sa katawan ni Helga kaya nagmadali syang hubarin ang basang swimsuit. She should get some clothes from her closet, ngunit isang beses pa ay umikot muli ang kanyang paningin at bumaliktad ang sikmura. Kailangan na niyang mahiga!
Naked, she jumped on her bed and she couldn’t care less! Pumailalim sya sa kumot at agad na hinapit ni Mary Beth ang kanyang bewang para yakapin.
Helga x Pierre 2
HELGA.
“Helga Maurice!” Dumagundong ang boses ng kanyang ama sa kanyang panaginip. Tinakpan ni Helga ng unan ang kanyang mukha para hindi sya maaabala sa pag-tulog but her dream seemed to be real. So real..
“Helga! Bumangon ka dyan bata ka!”
“Uhmm..” Umungol lamang sya sa boses ng kanyang ama na naguguluhan. Umihip ang malamig na hangin mula sa AC at hinila pa niya ang kumot para yakapin iyon.
What’s wrong?
“Im sorry Helena, I don’t know what happened.”
Napabalikwas ng pagbangon si Helga ng marinig ang pamilyar na boses sa kanyang tabi.
“Pierre!” Naibulalas nya ngunit isang sampal ang sumalubong sa kanyang mukha.
“H-helena..” Sapo sapo ang kanyang mukha ay tiningnan nya ang kanyang kapatid na punong puno ng luha sa mukha.
“Paano mo ito nagawa sa akin, Helga? Huh? Umalis ka lang ng dalawang taon, bumalik ka na ng malandi!” Galit na sigaw ni Helena sa kanya.
“W-what? Why?” Napatingin siya sa kanyang tabi at nakita nya doon si Pierre in his briefs! Halos takpan ni Helga ang kanyang mga mata. Anong ginagawa ni Pierre sa kanyang kwarto? At bakit ito nakahubad?
Pinalibot nya ang paningin nya sa silid at napansin nyang nasa guest room sya at wala sa kanyang kwarto. Nasapo nya ang kanyang noo para mag-isip pero kumirot ng husto ang kanyang sentido dahilan kung bakit napatayo sya na balot lamang ng comforter at tumakbo sa banyo para ilabas ang nag-alburuto sa kanyang tyan.
“Mauro, ang bunso natin—” Narinig ni Helga ang kanyang ina na umiiyak habang walang patid ang kanyang pagduwal.
“Helga Maurice, get dressed and we will talk about this in the library!” Kasunod ng sunod sunod na yabag ay pabagsak na sumarado ang pinto sa guestroom. Napakapit siya sa kanyang dibdib.
She’s dead.
Ano ang kanyang nagawa? Humarap siya sa salamin at paulit ulit na sinampal ang sarili na para bang hindi pa sapat ang sampal sa kanya ni Helena.
Mabilisang siyang nag-shower at binalot lang ang sarili ng tuwalya bago magtungo sa kanyang kwarto para kumuha ng damit. Wala na doon si Mary Beth, bahagyang ipinagpasalamat nya iyon dahil ayaw nyang ipangalandakan ang isang issue sa kanilang pamilya ngayon. Kahit sya ay naguguluhan. Si Mary Beth ang katabi nyang matulog kagabi.
But then, her swimsuit laying on the floor inside the guestroom said otherwise. Napagkamalan nya atang kwarto niya ang kanilang guestroom. That’s the most stupid honest mistake she ever made her whole life and she’s only 18! She doesn’t think something would surpass that, if there’s any, baka tumalon na lang siya sa ilog Pasig dahil sobra sobra na.
Kabado syang nagpakawala ng mahinang katok sa library bago binuksan ang pinto. The air inside was eerie. Kinabahan sya lalo sa matatalim na tingin na pinukol ng kanyang ama sa kanya. Hindi nya din matingnan ng diretso si Helena at Pierre dahil nahihiya sya.
“W-wag naman kayong ganyan sa akin. There’s a big mistake.. I mean, I thought it was my room but—”
“Yan ba ang itinuro sayo ng France? Ang maging liberal ka at pakawalang babae?” Galit na galit ang mata ng kanyang ama at gusto na nyang umiyak. Mauro Ortega, how frightening he is. Kinalakihan na niya ang pagiging malamig sa kanya nito dahil ayaw siyang i-spoil pero ngayon lang ito nagalit ng husto. Pulang pula ang gwapong mukha nito at parang kahit anong oras ay puputok na.
“Dad! This is not a big deal, wala akong hihinging kahit ano kay Pierre. It was my fault okay?”
“Hindi big deal huh? Ganon ganon mo na lang ba ibinibigay ang pagkababae mo sa ibang bansa? You will crawl in anybody’s bed for a night cap? That’s it, Helga? I expected so much from you!” Humampas ang malaking kamay ng kanyang ama sa matibay na lamesang gawa sa oakwood. Napatahimik ang lahat ng nasa library pati ang kanyang ina.
“Ang sakit nyo namang magsalita, Dad.” Ang kaninang nanunubig palang na mga mata niya ay tuluyan nang nagpakawala ng bugso ng luha. Ganoon ba kababaw ang tingin sa kanya ng kanyang ama?
Mahal sya ng kanyang Daddy, she knows that, hindi lingid sa kanya ang pagiging istrikto nito pero nakakapanibago ang turing nito sa kanya ngayon. Kahit anak siya nito ay dapat pa din siyang irespeto.
“At ikaw, Pierre, wala ka bang sasabihin?” Seryosong sambit ni Mauro kay Pierre na nanatili lamang na nakayuko.
“I cannot remember anything—” Gulong sagot nito.
“Oh right two drunkards who woke up naked and cannot remember anything! So paano na ngayon yan?” Tanong ni Mauro na nadidismaya. “Makakarating ito sa mga magulang mo, Pierre and I am sure they’ll be very disappointed of you!”
“Sinabi naman ni Helga na walang nangyari—” Umiiyak na sambit ni Helena.
“Stop, Helena. Pierre, anong balak mo sa anak ko?” Untag ni Mauro kay Pierre.
“Dad, please!” Pakiusap ni Helena sa ama.
“Okay, mukhang wala kayong balak maging responsable sa inyong kagagawan. Well then, Pierre, ayoko nang makita ang pagmumukha mo sa pamamahay ko, you do not deserve any of my daughters and you Helga, pack your things, bumalik ka na sa Paris at mamuhay mag-isa. You are such a disgrace!”
“Dad!” Tutol muli ni Helena.
Tumayo ng tuwid si Helga. Masyado na syang nasasaktan sa paratang ng ama. If her memory serves her right, walang anuman ang nangyari sa pagitan nila ni Pierre and she’s telling the truth. Kung meron man, why does it have to be this complicated? Maaari naman itong palagpasin dahil wala syang kahit anong inaasahan mula kay Pierre!
“I will pack my things now, thanks Mom & Dad. Im sorry po.” Pinahid ni Helga ang naglandas na mga luha.
“Mauro, wag mo namang paalisin ang anak natin!” Pakiusap ni Adriana sa asawa.
“I heard a lot of things, Adriana. Lahat ng pagwawala ng iyong anak sa ibang bansa. Hindi ako naniwala pero ito ang bumungad sa akin? Not only that! Talagang sa nobyo pa ng kanyang sariling kapatid!”
Hindi na pinakinggan pa ni Helga ang mga sinasabi ng kanyang ama. Masyado na syang nasaskatan. Sinarado na lang nya ang pintuan sa kanyang likuran. She may be at fault pero sobra sobra na ang paratang sa kanya ng Daddy nya. She had fun in Paris, yes, but she never smoked nor drowned herself in alcohol. Naging working student pa nga sya doon, she’s working as a model while studying. Mataas ang respeto nya sa kanyang sarili at hindi din nagpapahalik kung kani-kanino.
Hindi na nahirapan si Helga sa pag-aayos ng kanyang gamit dahil hindi nya pa nailalabas mula sa kanyang mga maleta ang dala-dalahan nya kahapon.
Pagbukas niya ng kanyang pintuan, nakatayo doon si Pierre na siyang ikinagulat niya. Nag-igting ang panga nito at kumuyom ng kamao. Bahagya siyang umatras dahil pakiramdam niya ay sasaktan siya nito ngunit bumagsak lang ang tingin nito sa kanyang mga sapatos.
“Did you that in purpose?” Tanong sa kanya nang hindi nakatingin.
“N-no, Pierre..”
“Noong umalis ka, sinabi mong gusto mo ako.”
“I just told you I was stalking you!” Napalakas ang kanyang sigaw kaya umayos siya ng pagkakatayo, “I—I was very young then, Pierre. I must be amazed with the relationship you have with Helena, ganoon lang. Hindi kita gusto!” Hayagang pagtanggi niya sa totoong nararamdaman.
“Then why did you go in my room?” Hinampas nito ang kanyang pintuan. Binalot siya ng kaba at takot sa lalaki. Madidilim ang mga mata nitong masuyo kung tumingin. His lips pressed in to one line. Galit ito, ganito pala kung magalit ito.
“Hindi ko pa ba naipaliwanag mabuti, Pierre? I was drunk. So drunk that I thought I entered my room. Hindi ko iyon sinadya. Para sa inyo I am an easy girl, right? What makes you think that I want to get my tied at this age? Ayoko, Pierre! Hindi sayo o hindi kahit kanino!” She yelled. Padabog niyang kinuha ang mga gamit niya. Pabagsak niyang hinila iyon sa grand staircase nila kaya gumawa ng ingay.
Pagdating niya sa main door ng kanilang mansyon, nandoon ang kanyang Daddy na nanatili lang ang titig sa kanya, kahit wala itong sinasabi ay mas nasasaktan siya. He’s disappointed. Kitang kita niya iyon sa mga mata nito.
“One day, you will be so proud of me. So proud that you will tell the world that I am your daughter!” Puno ng hinanakit niyang sabi bago tuluyang umalis.
Sa isang huling sulyap sa kanilang mansyon, binuhos ni Helga ang kanyang mga luha. Hindi na sya muling makakabalik dito base sa tingin sa kanya ng ama kanina. Totoong itatakwil talaga sya nito.
Kinuha niya ang kanyang cellphone habang naglalakad papalayo sa tahanang kinalakihan niya.
“Hello , Claire?” Napaluha si Helga pagkarinig ng boses ng kanyang kaibigan sa kabilang linya.
‘Helga! Umiiyak ka ba?’
“I was kicked out from our house. Pupwede mo ba akong sunduin?”
“IKAW naman kasi, bakit ka ba uminom?” Tanong sa kanya ni Claire habang itinutulak papalapit sa kanya ang isang basong juice. Hikbi lang ang tinugon ni Helga. Isang kwarto lang ang pagitan, nagkamali pa sya ng kwartong pinasok! She should have stayed outside noong hindi na siya makatayo.
“I got curious. It was my first time, ni hindi ko nga alam na nandoon pa si Pierre sa aming bahay. Akala ko si Mary Beth ang katabi ko.” Pinunasan ni Helga ng tissue ang namamaga nyang mata.
“O sya, you can stay here. Kilala ka naman ni Mommy at Daddy. Sagot ko ang pagkain, pero ang pag-aaral mo hindi ah. Wala pa akong ganoong halaga.” Wika ni Claire sa nakakaawang kaibigan.
NANATILI si Helga kasama ang pamilya ni Claire sa loob ng dalawang linggo. Sinubukan nyang tumawag sa pamilya pero kapag nalalaman na sya ang nasa kabilang linya ay binababaan sya agad. She never felt longing for her own family, until now, lalo na kapag nakikita nyang masaya ang pamilya ni Claire. Naiinggit siya. Madaming ‘sana’ ang dumaan sa isip niya. Sana hindi na lang siya umalis para hindi nabawasan ang dati nang kakaunting pagmamahal sa kanya ng ama. Iba siguro ang nangyayari sa kanya ngayon.
“Sa tingin ko, kailangan kong maghanap ng trabaho.” Wika ni Helga habang nakahiga na sila ni Claire sa kama nito at naghahanda ng matulog. Meron siyang savings pero hindi naman ganoon kalaki.
“Like what job?”
“Modelling, yun lang naman ang alam kong gawin.”
The short hair of Claire friend covered her face, namumroblema din ito para sa kanya.
“Helga, alam mo namang hindi nababayaran ng maayos ang mga models dito. This is not France. Uso dito ang ex-deals, probono, o kaya libreng shampoo or sabon bilang bayad.” Pagpupunto ni Claire. Napalabi si Helga. Wala din namang tatanggap sa kanya kung sakali dahil hindi pa sya tapos sa kurso nyang Fashion Design. Ang kursong tiyak na mas ikakagalit ng kanyang ama. They all thought she’s pursuing Business Management pero hindi iyon ang ginawa nya.
“I don’t know what to do..” Napahilamos siya ng kanyang mukha. Nahihiya na don siya sa mga magulang ni Claire kahit na hindi naman siya itinataboy ng mga ito.
“Claire….” Mayroong kumatok sa labas ng pinto ng kanilang kwarto.
“Ma?” Si Claire.
“Mayroong naghahanap kay Helga.” Sambit ng Mommy ni Claire nang sumilip ito sa pinto. Naexcite si Helga. Sinusundo na kaya sya ng kanyang Daddy?
Nagmadaling bumaba sa kama si Helga at halos takbuhin ang living room ng bahay nila Claire. Natigilan sya ng isang hindi inaasahang bisita ang bumungad sa kanya.
“P-pierre?”
Gulo gulo ang buhok nito at gusot gusot ang damit, parang hindi ito nakakatulog ng maayos nung mga nakaraang araw. Tumayo agad ang binata pagkakita kay Helga. His jaw moved in a slow sudden motion.
“Helga. Let’s get married.” Bungad nito sa kanya na parang maduduwal.
Napaawang ang labi ni Helga. Hindi nya ito inaasahan lalo na’t magmumula kay Pierre ang desisyon.
“Ginigipit ako ni Tito Mauro. Nabawasan ang sales ng Laya Air dahil sa pagbawi nya ng investment sa aming kumpanya. Hindi man nya diretsong sabihin, he wants me to marry you. Kung gusto mong makabalik sa inyo, kailangan nating magpakasal.” Desperadong sambit nito.
Sure, gusto nyang magkaayos sila ng kanyang pamilya pero hindi sa ganitong paraan. Ngunit ng makita nya ang ayos ni Pierre na halatang desperado, tila may tumutulak sa kanya para ito ay pagbigyan. Isa pa, sya din naman ang may kasalanan ng kaguluhang ito hindi ba?
“Helga, please. Marry me.” Namamaos na sabi nito.
Helga x Pierre 3
PIERRE.
“So kailan nyo isasagawa ang kasal?” Pormal na tanong ng Daddy ni Helga sa kanilang dalawa. Kasalukuyan silang nakaupo sa may library kasama si Helga. Bakas ang pag-aalala sa napakaganda nitong mukha. She’s fidgeting, too. Kinuha niya ang kamay nito para patigilin sa walang saysay na pag-likot.
Tumikhim si Pierre, Mauro Floresca sounded like closing a business deal. Kung hindi lang talaga nya kailangang panagutan ang pangyayari sa pagitan nila ni Helga na hindi naman nya maalala, he wouldn’t end up with this last measure.
“As soon as possible. Nakahanda na po ang magulang ko anytime.” Sagot ni Pierre. Sa kanyang tabi ay paulit ulit na kinagat ang pag-ibabang labi, nanatiling nakayuko dahil sa takot sa kanyang Daddy.
“Well then, you have my blessing.” Malaki ang boses na sambit ni Mauro.
“Tito..” Pahabol ni Pierre.
“Gusto ko lang po matiyak na makakabalik na muli si Helga sa mansyon. Hindi nyo na siya itatakwil—”
Tumaas ang kilay ni Mauricio, “You are doing this for your business, right Pierre?”
Natahimik si Pierre. Ayaw nya sanang magmukhang ganoon but he has to be honest. Isang bagay na maipagmamalaki nya sa kanyang sarili simula pa noon ay prangka siya at walang paligoy ligoy.
“Y-yes, but—”
“I will return my investment only when you marry Helga. She will be under your responsibility. Sa iyong pamamahay siya titira para pagsilbihan ka. Kung ano mang katigasan ng kanyang ulo ay sasailalim sayong pangalan. She will be a Floresca after all..” Striktong sagot nito habang sumisimsim ng kanyang kape. Balewala ang panginginig ng bunsong anak nito sa kanyang tabi.
Nakaramdam ng kaunting awa si Pierre para kay Helga lalo na nang magsimulang lumuha ito at pinipigilan ang pag-hikbi. Masuyo niyang pinisil ang kamay nito.
“Okay Tito, I will assume the responsibility to your daughter.”
HELGA.
WALANG naging magarbong paghahanda ang kasal nila ni Pierre, walang imbitado. Wala ding nakakaalam sa kanilang kaanak. Nakakatawa kung paano ito nagawa ng kaniyang ama sa kanya. Inililigtas ba siya nito sa kahihiyan o pinaparusahan lang?
Tanging ang magulang lang ni Pierre at ang sa kanya ang magtutungo sa munisipyo para isagawa ang kasal. Nakaharap sa salamin si Helga at pinagmasdan ang kanyang puting A-line dress. Walang kahit anong detalye kundi isang pares na perlas na hikaw lamang. Manipis na makeup ang nilagay nya sa kanyang mukha at mas pinatingkad pa ang pagkakakulot ng dulo ng mahaba nyang buhok. Mahigpit ang naging hawak niya sa kanyang puting panyo, tiyak na maluluha na naman sya dahil sa lamig ng pakikitungo sa kanya ng kanyang pamilya.
“Ikakasal ka na sa boyfriend ko.” The cold voice of her sister sliced through the four walls of her room. Hindi ito nakabihis, suot lang nito ang pastel peach na pantulog habang naglalakad papalapit sa kanya. Namamaga din ang bilugang mga mata nito gaya niya.
“Anim na taon, anim na taon ang aming relasyon at sayo pala siya mauuwi.” Mapait ang salita ni Helena, nakakapaso. Kahit gaano kapalaban si Helga, wala syang masabi kundi tanggapin ang hinagpis nito. It was her fault.
“Helena, Im sorry, hindi ko gusto itong nangyayari. I’ve said my piece. Walang nangyari sa amin ni Pierre and Dad was overreacting. This is the best that I could do for both of you. Kung hindi ako makakasal sa kanya, mas lalo kayong magkakalayo, Pierre’s business will go down. Please understand.” Pagsusumamo niya. Namuo ang luha sa mga mata ni Helena. Naging sunod sunod at marahas ang naging pagluha nito. Lumakas ang basag na boses nito.
“If you are really doing this for us then don’t you ever dare cross the line. Do not fall in love with Pierre.”
Tumango si Helga. Kung ito ang magpapagaan ng pakiramdam ng kanyang kapatid, so be it. She can suppress her feelings. She knows. Ilang taon ba siyang nagtiis? At ni hindi nga siya gumawa ng kahit anong desperadang kilos simula pa noon. Isang pagkakamali lang talaga ang nangyari.
“Helga, tara na.”
Napalingon silang magkapatid sa pintuan. Naroon ang kanilang ina, malamig ang tingin sa kanya at isang linya ang mga labi sa maganda nitong mukha. Pagkatapos ay lumipat ang tingin kay Helena na punong puno ng awa.
“Im sorry, Helena..” Sambit ni Adriana sa kanyang panganay na anak.
Nabasa ang muli ang mga mata ni Helga. Parang hindi pa sapat ang araw araw niyang pag-iyak. Why everyone’s apologozing to Helena? Paano siya? She never wanted this! Ni hindi nga niya alam ang sinusuong niya.
She wanted to go home but this was the only choice given for her. Hindi man lang ang tanggapin muli at parusahan na lang ng cold treatment hanggang sa maglupasay siya at humingi ng tawad. Kung hindi pa din pupwede, then at least take her in then wait until their anger went off. Panoorin nila siyang pulutin ang kanyang sarili! Bakit ganito?
Ramdam na ramdam niya ang pagiging mag-isa habang bumabyahe sila patungo sa munisipyo. Walang nagsasalita sa kaniyang Mommy at Daddy na halata pa din ang galit sa kanya. They were five minutes late when they reached the municipal hall. Naroon na sa unahan ang judge, si Pierre na mukhang nalugi sa puting polo at dark blue na pantalon. Well at least he could thank the heavens that his genes must have been blessed because his gorgeous facial structure was still there. Sa kanyang kanang braso ay naka-angkla ang kanyang ina at umiiyak ng husto. Pormal naman ang ama nito.
Gustong matawa ni Helga sa tagpong iyon. Parang siya ang bruha at ang lahat ng nandito ay biktima niya.
“Come here, Helga.” Tawag sa kanya ng judge. Taas noo siyang naglakad sa gitna, mag-isa. Walang musika, walang mga bulaklak, walang camera, walang ngiti. Walang seremonyas ang naging kasal, nagpirmahan lamang sila ng kontrata pagkatapos ay nagkaniya-kaniya na ng uwi.
He went home with Pierre. Parehas silang walang ngiti, walang salita at tila nanghihina. Marriages, they said it is monumental. Nakaattend na siya ng ganitong okasyon at sumasakit ang panga niya sa kakangiti kahit hindi naman siya ang bride. She wondered how it is for the husband and bride?
She pictured butterflies in their stomach, tears of joy, crisp laughter. Mabango ang buong wedding venue dahil sa bulaklak at matatamis na pagkain. Full of promises and flashes of camera. Maliwanag, masaya.
Pero ngayon, para silang namatayan. Naging malupit ang langit sa kanya.
Pumasok ang sasakyan ni Pierre sa isang ekslusibong village. She never been to this place. Hindi nya nga din alam kung saan nakatira si Pierre. Will they be staying with his parents? Kailangan pala nyang maghanda sa pagiging mabuting asawa. Good thing she knows how to cook, she can clean the house and she knows how to do laundry.
Sa isang puting bahay huminto ang sasakyan ni Pierre. It is not a mansion but a simple bungalow with a garage that can house two big cars. Tanaw ang main door ng bahay at ang garden ay halos sampung hakbang lamang ang lawak. It is very simple yet Helga felt comfort. She likes white and simple things. Taliwas sa iniisip sa kanya ng mga tao na masyadong magarbo kung mabuhay.
She’s not a rebel but she’s freewilled and spontaneous. Nasasaktan syang hindi sya nakilala ng sarili nyang magulang bilang ganoon, huli na para ipakilala pa ang kanyang sarili. She may never had a chance but she promised that she will be remembered. Balang araw ay mauunawaan siya ng kanyang mga magulang. Hindi pa siguro ito ang oras.
“Ayos na ba sa iyo ito?” Untag sa kanya ni Pierre pagkapatay ng makina ng kanyang sasakyan, ngumiti at tipid na tumango si Helga.
“Salamat, Pierre.”
“Don’t thank me. You are just doing me and Helena a favor.”
Ngumiti si Helga, hindi iyon pilit. Totoo, she’s happy to help. Ilang araw na niyang pinaparusahan ang sarili sa pag-iisip na nakagawa siya ng kasalanan. Iba ngayon. Helena and Pierre needs her. And she gets a house for helping them. Hindi na niya kailangang makitira sa iba.
“Pumili ka ng kwarto mo.” Itinuro ni Pierre ang tatlong kwarto na tanaw mula sa living room, mayroon kasing limang baitang patungo doon sa mga kwarto. Helga chose the middle room. Siguro mas malaki ang nasa una at nakakahiya kung yun ang pipiliin nya.
Tumango si Pierre at agad na binitbit ang kanyang maleta para dalhin doon sa kwarto. Isang queen sized bed at mayroong sariling banyo ang simpleng kwarto na napili nya. Wala itong malaking walk-in closet kagaya ng nandoon sa kanilang mansyon pero masaya siya doon. Ibig sabihin hindi magmumukhang malungkot ang espasyong walang laman.
“Dito ako sa unang kwarto. Whatever you need just tell it to me.” May kinuha si Pierre mula sa kanyang pitaka, isang gintong card, iniabot sa kanya.
“Pierre, no need.” Itinulak niya ito papabalik kay Pierre.
“Kunin mo na. Madalas ay gabi akong umuuwi. Kung may kakailanganin ka dito sa bahay mas madali mong mabibili kapag mayroon ka nyan. You can buy clothes and personal things if you want. I understand that you are used to luxury, hindi ko ipagdadamot sayo yon.”
Pinakatitigan ni Helga ang mukha ni Pierre bago malungkot na tumango. Tingin pa din nito sa kanya ay isa syang bata, that she needs a lot of things to survive. But then again, hindi na niya kailangang mag-explain. Wala din namang interesadong makinig.
Pierre left after he made sure that she’s okay. Tiningnan niya ang babae sa salamin. Ang abuhing mata ay walang liwanag, namamaga ang ilalim ng kanyang mga mata, pinagkaitan ng suklay ang kanyang buhok. Minasahe niya ang kanyang mukha, pinindot pindot ang kanyang pisngi saka nginitian ang babae sa salamin.
‘You got this, Helga. Nabuhay ka nga ng dalawang taon mag-isa. Smile. People said you can fix everything with your smile.’
Inabala ni Helga ang sarili sa paglilipat ng gamit mula sa kanyang maleta doon sa cabinet. Tumingin sya sa orasan at nakitang alas-kuwatro na ng hapon. If she wants to cook for dinner, she better start preparing now. Ano kaya ang paborito ni Pierre? Tatanungin nya ba ito? But if she will ask, he might think na pa-impress sya. Hindi niya kakayanin kung papalpak pa siya. She may be hit or miss but cooking shouldn’t be one of them.
Bumaba si Helga mula sa kanyang kwarto, wala si Pierre sa living room pero nakaparada ang sasakyan nito sa labas ng bahay. Lalabas pa kaya ito mamayang gabi? Whatever. She needs to cook anyway. For herself at least.
Pinakaelamanan na ni Helga ang ref ni Pierre, it has a lot of ingredients at mukhang kakalagay pa lang ng lahat. Kinuha niya ang frozen beef at brocolli. She never goes wrong with beef brocolli. Paborito ito ng mga kaklase nya noon sa France.
Masayang nagluto si Helga sa kusina. Hindi bumababa si Pierre kaya hindi sya nailang. At 6:30 in the evening, she’s done. Kasabay ng pagbubukas ng pinto sa unang silid. Kumunot ang noo ni Pierre at nagtama agad ang mga mata nila ni Helga na kakatapos lang sa paglalagay ng bagong lutong kanin sa dining table na pang-apatan.
“Y-you cooked?” Hindi makapaniwalang tanong nito. Helga proudly nodded. Bumalik ang malambing na titig ng mga mata nito. His jaw, although perfectly chiseled, mas relax na iyon at mukhang hindi na galit.
Tumango siya.
“Helga, hindi mo naman kailangang tiisin ang niluto mo. Hindi ko pa ipinapasok ang sasakyan para sa labas na tayo kumain, hindi din ako marunong magluto kaya—”
“Grabe ka sa akin!” Helga acted hurt which immediately concerned Pierre, lumapit ito sa kanya, looking apologetic.
Siniko niya ito sa tagiliran. “Joke lang! Masarap ang lasa nito, kapag hindi mo nagustuhan saka na tayo lalabas.”
Alanganing umupo sa harap ng lamesa si Pierre. Umupo din si Helga sa kanyang tabi, trying hard not to feel awkward. Araw-araw nilang gagawin ito kaya kailangan ay hindi na sya mailang. Kahit siya na ang mauna na maging kaswal sa set up na ito, okay lang. Ang sabi ng mga kaibigan niya, she has the charm that will make everyone feel comfortable. Kahit ang mga bata at pets ay mababait sa kanya sa unang kita.
“Kain ka ng madami!” Malapad na ngumiti si Helga habang sinasalinan ang plato ni Pierre ng ulam.
Hindi kumilos si Pierre na tila ba natatakot na sumubok ng niluto ni Helga. “Nahihiya ka ba? Wag ka ng mahiya na pinaglutuan kita.” Helga encouraged Pierre by serving him a bite sized meal on his spoon “Say ah!!!” Pamimilit ni Helga na parang bata ang kaharap.
Ngumanga din naman si Pierre at dahan dahang nginuya ang pagkain na isinubo ni Helga. A smile of relief curved his lips.
“E-edible naman pala.” He commented. Sumimangot naman si Helga.
“Edible lang? Hindi masarap?”
“Edible. Ayos lang.”
Napakamot ng ulo si Helga, “Ay ganun? Akala ko pa naman masarap.” Bulong nito sa sarili pero naririnig iyon ni Pierre.
PIERRE.
PINIPIGILAN ni Pierre ang mapangiti sa dalaga. She will always be a little girl in his eyes, kaya kahit nakakatuwa itong panuorin dahil sa mga kakatuwang ikinikilos nito, walang dapat ipagalala si Helena. Hinding hindi mababaling ang atensyon niya. Sa nagmamahalan, may mga kailangan lang talagang isakripisyo, minsan ang kalayaan, minsan pati ang pagmamahalan ay kailangang isantabi muna.
Ang mahalaga naman ay hindi sumuko. He needs Helga now, hindi na siya nakatuntong sa mga Floresca noong nagalit si Mauro, namimiss niya ng husto si Helena dahil doon. Nakaapak lang siya saglit noong nagsabi silang magpapakasal na sila ni Helga. Helena cried pero nakausap niya naman ito at napanatag. That’s for the better. Hindi na niya kayang hindi makita si Helena sa buong buhay niya.
“Mamaya, magkikita kami ni Helena. I have the keys, you don’t have to wait for me.” Sambit niya kay Helga. Tumango naman ito at nahihiyang ngumiti.
“You don’t have to tell me, Pierre. Alam ko naman kung saan ako lulugar. Isipin mo na lang, housemates tayo para hindi ka mailang. Wag mo isiping nandito ako sa paligid. I swear hindi mo ako mararamdaman dito sa bahay mo.” Nagtaas pa si Helga ng kanang kamay.
He sighed in relief. Kung ganito, wala silang magiging problema.
Helga x Pierre 4
PIERRE.
“HELGA! Pinakialaman mo ba ang closet ko?” Iritado si Pierre sa pagtawag sa asawa. Isang linggo pa lang silang magkasama ni Helga at tanging ang pagluluto nito ang natotolerate nito. Bukod doon ay wala na. Kakaiba ang pagiging hyper at makulit ni Helga, hindi pa sya nakakapasok sa Laya Air ay naririndi na sya.
She may not be asking personal questions but those little talks she put up, hindi niya nagugustuhan.
“Hindi ako nakialam! Achoo !” Bumahing si Helga pagkapasok nya sa loob ng kwarto ni Pierre, mayroon pa itong uling sa noo. Ilang beses na ba niyang pinagplanuhan ang matawa kay Helga dahil sa mga kakatuwang ayos nito?
Hindi nya lang ginagawa dahil ayaw nyang isipin ni Helga na close sila. Matatag ang binuo nyang pader sa pagitan nilang dalawa at hindi basta basta bubuwagin ng kakulitan ni Helga ang pader na iyon.
They just co-exist, co-habit.
Hindi nila kailangang maging magkaibigan. Mas lalong magseselos si Helena kay Helga kung magiging magkaibigan sila. All through those years he never gave Helena a reason to get jealous pero ngayon ay madalas na nilang topic si Helga. He never saw Helena insecure, ngayon lang at sa nakababatang kapatid pa nito.
“Saan ka na naman ba nagsususuot? Bakit ganyan ang itsura mo?” Masungit na tanong ni Pierre.
“Y-yung orchids kasi nilipat ko ng bahay!” Tila nagsusumbong na sambit ni Helga.
She must be really bored. Hindi pa nya ito nakikitang lumabas ng bahay simula ng tumira sila dito. Binili nya lang ang bahay na ito ng biglaan. Mayroon syang mansyon na ipinapatayo dalawang taon na ang nakakaraan para doon sila bumuo ng pamilya ni Helena. Ipapakita nya ito kay Helena sa oras na ayain nya ito ng kasal ngunit nabulilyaso ang kanyang plano. Yet, he still has no plans to house any other girl in his dream house. Para lamang iyon kay Helena.
“May bahay ang orchids?” Kumunot ang noo ni Pierre.
“Oo! Doon sila sa luma nilang bahay tapos nilipat ko ng paso.” Maganang pagkukwento ni Helga. Napailing na lamang si Pierre. She animatedly pouted. Lumalaki pa ang mga mata niya at mas lalong nadepina ang mahahaba nitong pilik. He wanted to stop her from being cute but how can he tell her?
“Pinakialaman mo ang gamit ko ’no? Nasaan ang blue necktie ko?” Anas niya habang patuloy sa paghahalungkat.
“Yung stripes?”
“See! Nakialam ka nga!” Naiinis na sambit niya. Hindi nagpatinag si Helga at ngumiti pa din.
“Chill Pierre! Sinama ko lang sa pagpaplantsa ko kasi nalukot ata noong nanggaling sa maleta tapos—”
“What the fck? You ironed my clothes? May nasunog ka ba? Bakit mo pinakialaman? May sinabi ba akong ganon?” Sunod sunod na tanong niya.
Halatang nabigla si Helga sa inasta niya. Pumula agad ang mga mata nito, kumurap kurap bago dahan dahang tumulo ang luha.
Napalunok siya dahil doon.
“Gusto ko lang naman tumulong kasi baka matuwa ka. Saka wala naman akong ginagawa dito tuwing wala ka kaya naglalaba ako saka namamalantsa..” Mabilis na tumalikod ang kausap dahil sa sama ng loob sa kanya.
HELGA.
PUMASOK sa loob ng silid nya si Helga. She really thought she will surprise Pierre. Well she did, hindi nga lang ito natuwa. Tiningnan nya ang kanyang mga kamay na nagkasugat sugat dahil sa mano mano nyang pagkusot ng mga damit ni Pierre. She wanted to make sure na hindi ito masisira ng washing machine kaya nilabhan nya ito gamit ang kanyang mga kamay, ngayon niya palang ginawa iyon. Kahit ang mga damit niya ay naka-washing machine lang.
Sa totoo lang, nahirapan siyang pakibagayan si Pierre. Masungit ito at iritable, inuunawa na lang niya dahil alam niyang pagod ito sa trabaho madalas. Itinatanong na nga niya ngayon sa sarili niya kung bakit niya pa ito naging crush noon! Palibhasa puro mabubuting bagay ang nakikita nito sa pagtrato niya kay Helena. Akala niya tuloy Prince Charming! Beast pala!
Kaya lang, guwapo pa din talaga..
“Open the door, Helga..” Masuyong sambit ni Pierre mula sa labas ng kanyang silid. Pinunasan nya ang kanyang luha. Hindi dapat makita ni Pierre na mahina sya dahil inampon lang naman sya nito. Wala syang karapatan na mag-emote. Naglakad sya patungo sa kanyang pinto at seryosong hinarap si Pierre.
Tinitigan niya si Pierre ng matalim at nagulat siya nang bigla na lang itong natawa.
“Bakit ka tumatawa?” Naiinis na tanong niya, nakakapit pa sa kanyang tiyan si Pierre na hindi maubos ang tawa.
“Sorry, I—I just…” Tumawa ito muli at hindi masabi ang susunod na sasabihin.
Akmang sasarhan ni Helga ang pinto ng iharang ni Pierre ang kanyang braso sa pagitan.
“ARAYYYY!!!” Isang malakas na sigaw ang nagmula kay Pierre. Gulat na gulat siya at di alam ang gagawin. Naipit niya ito sa pinto! Malakas pa naman ang ginawa niyang pagsara.
“Pierre!” Hinila nya ang binata papasok sa kanyang kwarto at dinala sa kanyang kama para paupuin. Namimilipit pa ito sa sakit. Kulubot na kulubot ang mukha.
“Ikaw kasi eh! Bakit mo ba ako pinagtatawanan?” Paninisi ni Helga kay Pierre habang masuyong hinahaplos ang braso nito.
“Bakit mo sinarhan ang pinto?” Masungit na tanong muli ni Pierre.
“Kasi tumatawa ka.”
“You are weird.”
“So are you. Sandali at kukuha ako ng yelo..” Nagmadali siyang bumaba para kumuha ng ice pack na ilalagay doon sa naipit na braso ni Pierre. Mabuti na lang at namili sya ng first aid kit noong isang araw para sa mga ganitong pangyayari. Binalikan niya si Pierre na hinahaplos ang braso, dinampian niya ito ng ice pack at maingat na hinilot.
“Okay lang ba ang lamig?” She asked. Tumango naman si Pierre na namamangha sa ginagawa niya. Siguro ay hindi nito akalain na may alam siya sa mga ganito. No one asked anyway.
“Sorry, Pierre.” She sincerely said. Imbes na sumagot, napakunot ang noo ni Pierre at napadako sa mga daliri ni Helga na mayroong natuyong sugat.
“Saan mo nakuha ito?” Kyuryosong tanong ng binata habang hinahawakan ang kamay ni Helga at sinisipat mabuti. Para naman siyang napaso at inilayo agad ang kanyang kamay.
“W-wala.. Baka allergies.” Pagsisinungaling nya.
Napabuga ng hangin si Pierre. “Helga, if you are really bored, dapat ay sabihin mo sa akin. Hindi naman kita pinatira dito para gawing utusan. You don’t have to cook for me, wash or iron my clothes.”
“But I want to!” Pagpupumilit niya. Pierre sighed.
“Tingnan mo ang ilong mo, mayroong uling. Nakakatawa ka tuloy tingnan.” Ngumiti si Pierre at naramdaman ni Helga ang mabilis na pagpintig ng kanyang puso. Kinapa na lang nya ang kanyang ilong at mabilis iyong pinunasan.
“Sorry..” She said again.
“Do you want to come with me?” Tanong ni Pierre sa kanya.
“Saan?”
“Sa Airlines.. Come on, you must be really bored by now.”
Nakaramdam ng excitement si Helga, isasama sya nito sa Airlines? Gusto nya talagang makakita ng parking lot ng eroplano. Noon pa! Gusto nya ding ianalisa ang loob ng eroplano para gumawa ng posh na interiors kagaya noong sa eroplanong mayroong Hello Kitty . Gumalaw na naman ang utak nya bilang artist, hindi nya lang maikwento yon kay Pierre dahil tiyak na wala itong pakialam.
“Can I come? Like really come with you?” Puno ng pag-asang paniniyak niya.
“If you want to, then yes.” Tila nakikipag-usap sa bata na wika ni Pierre.
Mabilis na siyang nagbihis nang sabihin iyon ni Pierre. She opted for a yellow flowing dress and white sneakers. Hindi naman nya kailangang maging pormal dahil si Pierre naman ang CEO at hindi naman sya kilala ng mga tao doon. They don’t have to bow at her and she doesn’t have to be formal.
“Ready?” Binaba ni Pierre ang bintana ng kanyang sasakyan pagkakita sa kanya na lumabas ng bahay. Tumango sya at binuksan ang gate para sa sasakyan ni Pierre. Wala silang kasambahay kaya ang maliliit na bagay na kagaya nito, siya na din ang gumagawa. Unti unti, she knows that she’s becoming a better person and the good changes were accidentally brought to her by Pierre kahit hindi nito alam kung paano siya nito araw araw na binabago para mapabuti. Isasaloob na lang din niya ang kanyang pasasalamat dahil sasabihin na naman nito na weirdo siya.
Magaan ang pakiramdam niya habang binabaybay nila ang kalsada patungo sa Laya Air. Bitbit niya pa ang kanyang laptop, hindi naman tinanong ni Pierre kung para saan yon kaya hindi na din sya nagkwento na para tumingin iyon ng mga bagong disenyo ng damit.
“Good morning, Sir!” Bumati agad ang mga empleyado pagkapasok ni Pierre sa loob ng opisina ng airlines. Helga can’t help it but to be proud for him. Ganoon siguro ang pakiramdam kung asawa ka ng mayari ng kumpanya, pero hindi niya inangkin ang pakiramdam na yon. Hindi siya asawa, just housemates.
Helena found a good man. One day, kapag naayos na ang lahat, she wants to find someone as good as Pierre, hindi naman siguro masamang mangarap ng ganoon. They might annul their marriage one day and she will get married again, sisiguruhin niyang magugustuhan iyon ng kanyang mga magulang kagaya ng pagtanggap kay Pierre para kay Helena noon.
“Sir, nandyan na po si Ma’am Helena.” Sinalubong si Pierre ng isang babaeng nakapencil cut dress na itim at may hawak na maliit na notebook. “Kailangan ko po bang iblock ang schedule nyo sa tanghali?”
“Yes please.” Mabilis na sagot ni Pierre. Napaatras siya, hindi pa handa na makasalubong ang kapatid.
“Pierre, Honey!” Pagbukas pa lang ng pintuan ng opisina ni Pierre ay agad ng naamoy ni Helga ang paboritong pabango ng kapatid. Hindi pa siya agad nakita nito, aatras na sana siya nang hilahin ni Pierre ang kanyang kamay at ipaharap kay Helena. Bumakas ang gulat sa mukha ni Helena.
“I brought her here, she’s bored plus I thought na mas mabuting nandito sya tuwing nagpupunta ka dito para hindi mag-isip ng kakaiba si Tito Mauro.”
Tumango tango naman si Helena na nakumbinsi agad. Inayos nito ang suot nitong pulang skirt at lumapit sa kanya para bumeso. “Hi Helga. Long time..” She whispered.
Ganoon? Ginagamit lang pala sya ni Pierre. Akala nya talaga ay sincere ito. Can someone remind her why she liked him in the first place? She was actually thinking that he’s a good man who caused her great changes.
Well, Helga, newsflash, changes are your own decisions. Walang ibang magtutulak sayo para gumawa ng mabuti at masama. Kapag hindi ka na bata, ang desisyon mo ay sa iyo na lang. Failures and achievements will be under your own credit.
She sighed. Well he really is a good man with loyalty. Ano namang masama kung nakikipagkita ito sa kanyang kapatid? Ito naman talaga ang first love nito at ang dahilan ng kanilang pagpapakasal. Hindi na sya napansin ng dalawa dahil agad na naglambingan ang mga ito sa kanyang harapan.
Huminga siya ng malalim at humawak sa sliding door para lumabas ng opisina ni Pierre.
“Hi!” Natigilan siya nang salubungin siya nang babaeng mukhang sekretarya ni Pierre.
“My name is Mara, Sir Pierre’s secretary. You are?” Nakangiti ito. Mahirap mapansin ang ganda nito kung hindi tititigan, she’s plain unlike her and Helena but she’s also beautiful in her straight gray dress.
“Helga, I am Helena’s sister.”
“Nice to meet you Miss Helga. Magtatagal ka ba? Mayroon ba kayong meeting? Or shall I offer you something interesting like tour in our aircrafts?” Mabait na tanong nito. Pinanlakihan ng mata si Helga. She wants it!
“Can we do that?”
“Of course!”
Inilibot sya ni Mara sa labas ng airlines kung saan may kinukumpuning mga eroplano, from small private planes to airbuses. Para syang bata na dinala sa amusement park.
“Hindi ka ba hahanapin ni Pierre?” Tanong ni Helga kay Mara habang namamahinga sila sa isa sa mga private plane na pag-aari at minamaneho daw ni Pierre. Panay naman ang sketch ni Helga sa mga naiisip nyang ideya para sa mga eroplano. Iniisip niyang maganda siguro kung parang beach ang loob kung ang tutunguhin ay summer destinations ng Pilipinas tapos ang iseserve ay mga summer drinks and tropical fruits.
“Hindi ako kailangan ni Sir Pierre hangga’t nandyan ang kapatid mo. Ang sweet nga nila eh! May balita ka ba kung kailan sila magpapakasal?” Inosenteng tanong nito kay Helga. Halos masamid naman siya. Kung alam lang nito na ikinasal na ang kanyang amo sa kanya.
“Hindi ko alam, pero tiyak kong mangyayari naman yon. Siguro marami lang silang kailangan pang ayusin.” Nagkibit balikat si Helga. Alam nyang siya ang bagay na kailangang ayusin ni Pierre at Helena.
Someday, Pierre should get rid of her so she should stop admiring Pierre this early. Yun na nga ang kanyang ginagawa.
Dahil ang mga mata ni Pierre ay para lamang sa isang babae, para sa kanyang kapatid..
Helga x Pierre 5
HELGA.
“Nasaan si Helga?” Naririnig na niya ang iritasyon sa boses ni Pierre. Halos papalubog na ang araw at hindi na sya muling bumalik sa opisina ni Pierre matapos nilang mananghalian ni Mara sa karendirya doon sa tapat ng Laya Air.
Inubos nya ang oras nya sa pakikipagkwentuhan sa mga Aircraft Mechanic sa kumpanya ni Pierre nang dumating ang hapon. Nag-offer pa nga syang bilhan ang mga ito ng meryenda kanina at tuwang tuwa naman ang mga ito.
“Naku, Ma’am. Hinahanap ka na po ni President.” Napangiwi si Mang Ramon, ang pinakamatanda sa grupo. Nagpunas ito ng bimpo sa buong mukha at bakas ang pag-aalala sa pagtawag ni Pierre sa kanya.
“Nakikipagkwentuhan lang naman ako sa inyo.” Pagbabalewala naman niya.
“Eh Ma’am, hindi ho pakikipagkwentuhan ang tawag dito. Puno ng grasa ang kamay nyo at may hawak kayong screw driver..” Naiiling na sambit ni Renz. Kanina pa pinipigilan ng mga ito ang ginagawa niya pero hindi siya nagpaawat. Talagang gusto nitong matutong magkumpuni ng eroplano.
She could tell this experience to her friends in Paris at naeexcite siya kapag naiisip yon.
“Helga!” Pierre groaned at the sight of her. Napapalibutan siya ng mga tauhan ng Laya Air at maduming madumi. Tumiim bagang ito at napakislot siya sa kaba. Mukhang nagalit na naman ito.
“Nagpaturo lang ako—” Paliit ng paliit ang boses niya at hindi sya makatingin kay Pierre. Bakit ba hindi nya mapigilan ang pagiging pakielamera? Gusto na nyang paluin ang sarili.
“Dinala kita dito para hindi ka mainip, I didn’t know that you are that bored.” May pagdidiing sabi pa nito sabay hila sa kamay nito.
“P-pierre, madudumihan ka din..” Pilit na hinihila niya ang kanyang kamay papalayo kay Pierre pero mas mahigpit pa ang hawak nito at dinala sya sa wash area. Ito mismo ang nagbukas ng gripo at kinuskos ng mabuti ang kamay niya gamit ang sabon. Nang makuntento na si Pierre, binuhat nya si Helga papaupo sa sink at kinuha ang panyo sa kanyang bulsa. Tinuyo muna nya ang kamay ni Helga bago muling binasa ang panyo para ipamunas naman sa mantsa ng grasa kanyang mukha.
“You are not supposed to do that.” Nakasimangot na sabi ni Pierre habang pinupunasan siyang mabuti.
“S-sorry.. Pero interesting ang ginagawa nila! Ang galing galing ni Mang Ramon, kahit matanda na—”
“Who’s Mang Ramon?” Kunot noong tanong ni Pierre sa kanya.
“Yung oldest guy sa mga aircraft mechanics mo. Hindi mo sila kilala? Si Mang Ramon, ang pamangkin nyang si Renz, na kaklase ni Joseph, Nathaniel at Ronald. Hindi mo sila kilala ha, Pierre?” Nagtatakang tanong niya.
PIERRE.
TIPID na umiling si Pierre. Nahihiya man siyang aminin but he’s not good in relating to his employees, mas inclined sya sa paghahawak ng mga kliyente kaysa sa kanyang mga trabahante. Ganoon sya pinalaki ng kanyang mga magulang.
Then, Helga, knew everyone in just one day. Kumakaway ito sa lahat ng papaalis na ito sa aircraft site. Magaan agad ang loob sa kanya ng kanyang mga tauhan at di niya alam kung ano ang magiging reaksyon doon.
“Bye, Billy!” Pagpapaalam ni Helga sa hardinero ng Laya Air. Gustong mapa-facepalm ni Pierre sa pagiging magiliw ni Helga sa lahat. Baka makidnap pa ito sa sobrang friendly.
“Kumusta ang trabaho mo?” Helga asked him pagkasakay nito sa kanyang sasakyan. He still finds it creepy because no one actually asks him how his day usually goes.
“Okay lang.” Tipid na sagot niya pero tila hindi nakuntento si Helga.
“Okay as in okay? O okay na sakto lang? Is it a usual workday where you signed all the documents or you met alot of investors today? Laging bang busy ang mga nasa opisina? Laging may meeting o di kaya ay tumatawag?”
Nagkibit balikat si Pierre. “Minsan. When the business is doing good, there’s no pressure in getting investors pero syempre you will continue to aim for pooling of funds, mas maganda yung maraming magbibitbit ng pangalan ng negosyo mo.”
“Ah, ganon pala yun kaya kumukuha ng investors.”
Napakunot ang noo ni Pierre at tinitigan si Helga. “You are a Business Major too, right?”
Nahihiyang ngumiti si Helga kay Pierre, “Akala ni Daddy I studied Business abroad but actually, I took up Fashion Design, isang taon na nga lang ay matatapos na ako kaya lang namiss ko ang pamilya ko. Yun nga lang, pinalayas ako, wala pang isang araw.”
Nakaramdam siya ng awa sa asawa. Tiyak na magagalit nga si Mauro kapag nalaman na walang kinalaman sa negosyo ang napili nitong kurso. But then, who is he to judge? Maswerte siya dahil gusto niya ang pagnenegosyo, but to people like Helga na may ibang gusto, siguro para itong nakakulong buong buhay niya. Walang mapagsabihan ng mga gustong gawin dahil walang iintindi sa kanya.
Hindi nawala sa isip nya yon hanggang sa kinagabihan, ni hindi sya dalawain ng antok. What is he doing? Pinakasalan nya si Helga pero wala naman syang balak dito. His only plan was to marry her, to get back the shares for his business and to freely see Helena.
Hindi naman sya masamang tao, ang totoo nyan ay maawain talaga sya. Kaya lang hindi nya rin naman alam ang gagawin kay Helga, hindi sya sanay sa presensya nito sa kanyang buhay. He just need to get used to it and give her something to do.
Umupo si Pierre sa harap ng working table nya sa kanyang kwarto. He typed on his computer something the cannot get off his mind.
‘Best Fashion Design School in the Philippines’
Inisa isa nya ang mga ito at isinulat sa papel ang bawat nakukuhang impormasyon. Alas-tres na ng madaling araw at kinukumpara nya pa din ang bawat eskwelahan. He wants to give Helga the best dahil ito ang nakasanayan nito.
He tapped few emails to what he thought was the best. Iintayin nyang may sumagot sa mga ito saka siya pipili. Paniguradong masusurpresa si Helga dito.
Paglingon ni Pierre sa kanyang bintana, maliwanag na. Nakarinig sya ng pagkaluskos sa kusina kaya agad syang bumaba. Nagulat pa sya na nandoon si Helga at namimili ng lulutuing almusal. Tumingin siya sa wallclock and he realized that it is only 5 in the morning.
Kung ganon ay ganitong oras gumigising si Helga para ipaghanda sya ng almusal araw araw?
Bumaba siya ng hagdan at napalingon sa kanya si Helga.
“Pierre! Ang aga mo..” She beamed her sweet smile at him.
Nakaramdam siya ng kung anong pagkurot sa kanyang puso. Awa siguro.
Napailing si Pierre at hinilot ang kanyang sentido, he lack sleep. Mas mabuti pa siguro kung hindi na lang sya pumasok.
“Hindi ako nakatulog..” He answered. Napawi ang ngiti ni Helga at napalitan ng pagkunot ng noo.
“Bakit? May masakit ba sayo? Gusto mo ng gamot? Maupo ka muna dyan, sandali lang ito. Tapos bibigyan kita ng gamot.” Nag-aalalang dinama ni Helga ang leeg ni Pierre. Bumaling muli si Helga sa may kalan at nagmadaling magluto.
Namangha siya sa bilis ng pagkilos ni Helga, like she’s very used to it. Halos hindi na nga iangat ni Pierre ang kanyang kamay dahil sa sobrang pagsisilbi nito. Kitang kita nya ang pag-aalala sa mukha nito dahil sa kalagayan nya.
Mas lalo syang nakumbinse na tama lang na pag-aralin nya ito dahil sa kabutihang ipinapakita nito sa kanya.
Soon they will live part ways. Sa mga oras na yon sana ay kaya nang tumayo ni Helga sa sarili nyang mga paa. That way he will not feel guilty to leave her. She should have something then. At least for herself. Itakwil man siya ng sariling ama, hindi na din niya kailangang mag-alala.
Kinuha ni Helga ang kamay niya pagkatapos siyang painumin ng gamot. Hinayaan naman niya ito sa ginagawa. Dinala siya sa kwarto at tiniyak na maayos na nakahiga.
“Sigurado ka ba, wala ka ng ibang gusto? Doctor?” Tanong muli nito, Pierre shook his head.
“Wala naman akong lagnat. Hindi lang ako nakatulog.” Natatawang sagot niya. Masyadong nag-aalala si Helga. Naisip tuloy niya that Helga should really do something with her life kung hindi ay gagawin siya nitong bata na maraming pangangailangan. He’s very independent. Ayaw pa naman niya ng inaalagaan. Even Helena was very used to him, hindi niya ito binibigyan ng pagkakataon na i-baby siya.
Ngumuso si Helga at tiningnan siya, “Bakit kasi hindi ka nakatulog?”
“I am preparing for a surprise.”
“Surprise? What surprise?” Pamimilit sa kanya.
“Surprise nga eh, bakit ko sasabihin?” Nagtaas siya ng kilay kay Helga na nakaupo sa gilid ng kama niya.
“Kasi hindi naman ako ang isu-surprise mo eh.” Candid na sagot naman ni Helga. Napatitig si Pierre sa asawa. Then he thought mukhang mali nga na isurpresa niya si Helga, kahit ito mismo ay hindi maiisip na gagawa siya ng ganon.
“What do you want to be, Helga?” Out of nowhere he asked.
Ngumiti naman si Helga at tumingin sa malayo. “I want to ba a Fashion Designer, Pierre. Magkaroon ng sariling line of clothing o di kaya sariling mall.” Nagbago ang mata ni Helga at biglaang lumungkot. “I want to be someone Dad will be proud of. Yung hindi na nila masasabing nasayang ang pagbuhay nila sa akin.” Yumuko si Helga.
Nanikip ang dibdib ni Pierre. There’s something that he couldn’t take while Helga is talking about life ang her family, it is as if he has the yoke of Helga, parang siya ang may bitbit ng paghihirap nito at gusto niyang alisin ang bigat ng kalooban nito. He knows Helga doesn’t deserve to be that sad.
“Walang nasayang sayo, Helga. You are very beautiful inside and out.” Hindi na napigilan ni Pierre ang sarili na sabihin iyon. Nangunot naman ang noo ni Helga.
“You must be really sick, Pierre. Matulog ka na.”
Natulala siya. Yeah, he must be really sick. Ano ba ang pinagsasasabi niya?
Helga x Pierre 6
HELGA.
“Saan tayo pupunta, Pierre?” Parang bata si Helga habang patalon talon pang naglalakad papasok ng isang sikat na Engineering, Architectural, Arts and Design School sa Pilipinas. Ang bawat pasilyo ay may iba’t ibang blueprint, sketches, Autocad Drawings at Artist’s Perspective ng mga sikat na Engineers, Architects, Interior Designer, Artists at Fashion Designer sa loob at labas ng bansa.
Colegio De Artem Consilium
Dati ay pangarap lang niya lang na pumasok dito, lagi nyang tinitingnan ang website at iniimagine ang sarili na naglalakad sa magarbong pasilyo ng eskwelahang ito. Ngayon ay totoong totoo na! Nahahawakan niya ang artwork ng mga kilalang artists at talaga namang natutuwa siya.
“Kakausapin natin ang Dean.” Pierre smiled at her.
Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ni Helga. She’s having a hint pero ayaw nya muli mag-assume. Excited siyang pumasok sa loob ng isang malapad na pinto sa pinakadulong bahagi ng pasilyo ng luma pero well-maintained na eskwelahan.
Isang may edad na babae ang sumalubong sa kanila. Agad na tinanguan ito ni Pierre at naglakad ito patungo sa isa pang pinto.
“Dean, nandito po si Mr. Floresca..” Narinig nilang sambit ng babae doon sa loob ng pinto.
“Tuloy daw po kayo, Sir.”
Helga smiled at her heart’s content.
“Good Morning Dean.. I am with Helga Maurice Ortega and I am planning to enroll her to one of your offered courses. She went to Paris American Academy and she will continue her studies here.”
Napaawang ang labi niya. How did he know that? Hindi naman iyon sikreto pero hindi nya inaasahan na alam ni Pierre ang ganoong bagay tungkol sa kanya. She never openly talked about her school and course.
“Of course.. We’ll see what we can offer…” Magiliw na sambit ng matandang lalaki sa kanilang harapan. Binigyan silang dalawa ng parehas na papel tungkol sa curriculum. Kahit ang rates ay makikita doon sa papel. Napatikhim si Helga sa presyo ng nandoon, nahalata yon ni Pierre kaya bahagyang idinikit ang katawan kay Helga at bumulong sa kanyang tainga na siyang nagpaigtad sa kanya.
“You don’t have to think about anything..” Pinigilan niya ng sarili na mapapikit habang inaamoy ang mabangong hininga ni Pierre. Ang init na dala nito ay gumapang hanggang sa kanyang likod.
Come on, Helga!
Pagalit niyang muli sa sarili. Hindi siya maaring makalimot dahil hindi din ito tama. Si Pierre ay para kay Helena. At kailangan niyang maki-cooperate para mabilis na matapos ang kanilang pagpapanggap. Everything should fall into their right places really fast.
Nang matapos ang araw ay naka-enroll na nga siya sa prestihiyong eskwelahan sa tulong ni Pierre. Abot abot ang pasasalamat niya dahil dito. Sa likod ng kanyang magandang ngiti ay nag-iisip sya ng paraan para mabayaran ang kabutihan nito o di kaya mabawasan man lang ang bigat ng gastusin nito sa kanya.
“Pierre, magtatrabaho ako habang nag-aaral.” Wika niya habang binabaybay nila ang daan patungo sa parking lot. Nangunot ang gwapong mukha ni Pierre. Tuwing tinititigan niya ito ay hindi mawala sa isip niya ang pag-alala sa archangels na madalas na ipinta ng mga kaeskwela niya sa Paris. Pierre would be their favorite subject if ever.
“You don’t have to, isa pa hindi ka naman sanay sa gawain—”
“Self supporting student ako noong nasa Paris. Masyado kasing mahal ang bilihin doon kaya napilitan akong magtrabaho. Sinubukan kong manilbihan sa mga club na pag-aari ng isa sa mga kaibigan ko, waitress ako doon at nagpart time din ako bilang modelo.”
Pierre’s eyes showed amusement. Ang magandang kurba ng labi nito ay umawang while his intense eyes looked at Helga with sympathy.
“H-hindi ka ba nahirapan? I mean, that should be tough—” Hindi mahanap ni Pierre ang sasabihin. Bakit nga ba hindi? Ang babaeng inaakala nitong pasaway at laging mayroong picture sa madilim na bar ay nagtatrabaho pala doon. Umiling si Helga at nagbigay ng mapayapang ngiti.
“Madami akong nakilalang tao doon, tinulungan nila ako lalo na noong hindi ko na binabawasan ang padalang pera ni Daddy. Pierre, gusto kong maging Designer, hindi ko kinuha ang pera ni Daddy dahil ayaw kong isumbat nya sa akin yon pagdating ng araw. Dugo’t pawis ang investment ko para magawa ko ang gusto ko.”
PIERRE.
HINDI maiwasan ni Pierre ang mamangha sa magandang asawa. Hindi nya nakitang naghihirap man lng si Helena kaya ganon din ang expectation nya sa kapatid nito. They both lived in luxury dahil parehas namang mahal na mahal ang mga ito ng kanilang mga magulang.
He even thought that Helga had a better life in Paris. Malayo at malaya. Base pa sa kwento ni Helena ay papalit palit lang ito ng boyfriends doon.
Umihip ng hangin at tinangay ang ilang pirasong buhok ni Helga sa kanyang balikat, it showed her proud collarbone na mas lumalalim sa kanyang paghinga. Napalunok si Pierre sa tanawin. Sure, Helga looks peaceful. Hindi na kagaya noong naiisip nya na katumbas ito ng gulo.
“Babayaran din kita, Pierre. Alam ko naman ang lugar ko.. Hinding hindi ako mananamantala.” Wika nito na may sinserong ngiti. Pierre’s heart melted. Naiinis na sya ngayon sa kanyang sarili kung bakit nga ba nya pinagdamutan ng atensyon si Helga, kung bakit nya hinusgahan agad ito noong una.
“At ngayon, ipagluluto kita ng paborito mo.” Anunsiyo ni Helga. Napangiti si Pierre sa kasiyahan ni Helga, kitang kita ito sa kanyang maamong mukha. Halos kuminang ang abuhing mata nito.
“Hindi na muna. Sa labas na tayo magdinner pagkatapos nating bilhin ang lahat ng kailangan mo sa school.” Ipinakita ni Pierre ang listahan ng requirements na iniabot sa kanila kanina ng Enrollment Officer. Mas lalong napuno ng excitement at mga ngiti ni Helga, lalo namang naawa ang damdamin ni Pierre para sa asawa.
How can she be happy with those simple things? Ano pa ba ang surpresang dala ni Helga? Ano pa ang malalaman niya tungkol sa pagkatao nito? She’s totally misunderstood by her family and the people around her. Ngayon niya lang napatunayan na siya pa lang ang nakasama at nakausap nito ng matagal tagal kaya malamang siya lang din ang nakakakilala ng tunay na pagkatao nito.
“Thank you, Pierre. I really appreciate everything..”
“BAKA naman lumalambot ka na ha?” Napapailing na sambit ni Dave, ang matalik na kaibigan ni Pierre. Pagkahatid ni Pierre kay Helga mula sa kanilang pamimili ng gamit at dinner, nakatanggap siya agad ng mensahe mula kay Dave. Nakipagbreak daw ito sa kanyang girlfriend kaya kailangan ng kausap, but it turned out Pierre has much more to dicuss.
Ginala ni Pierre ang kanyang mga mata sa madilim na bar, katamtaman lamang ang lakas ng music and there are a lot of girls looking at them. Nasanay na sya sa ganoong tanawin.
“Pare, wala namang kasalanan si Helga sa akin eversince. I just hated her. Siguro dahil sa reaksyon din ni Helena sa kanya. Lagi na lang ang kakulitan ng kapatid nya ang bukambibig non. Ano sa tingin mo ang tatatak sa utak ko?” Sagot naman ni Pierre. Nagkibit balikat si Dave at sinalinan ang shot glass ni Pierre.
“But you are not suppose to love her, committed ka pa kay Helena. Kung maiinlove ka naman, walang masama dahil asawa mo naman na, pero gulo yan. Gulo muna bago ka maging masaya.”
Umiling si Pierre, gustong matawa sa sinasabi ni Dave, “Who’s talking about love here? Malinaw pa utak ko. Ginagawa ko to para kay Helena, pare-parehas lang kaming na-trap sa sitwasyon.”
“Na si Helga ang may gawa?” Nagtaas ng kilay si Dave.
“She didn’t do that in purpose.” Mabilis na depensa ni Pierre. Hindi nagugustuhan na ang impression ng kanyang kaibigan kay Helga ay masamang tao, she’s kind and caring. Kung tutuusin ay ayaw nga nito ng gulo but she was stereotyped as brat since she’s the youngest.
Nagpakawala ng pagak na tawa si Dave.
“You’ve changed, man! Wala pang isang buwan yan..”
Sasagot pa sana sya pero nakuha ng atensyon nya ang isang babae na lumapit sa kanila. The girl is wearing a white turtle neck dress ngunit lantad na lantad ang makikinis na binti at likod. Naalala agad ni Pierre na ganito ang suot ni Helga noong dumating ito mula sa Paris. Agad na nagsalubong ang kanyang kilay.
Helga looks much better. Milya milya ang layo.
Itinagilid ni Pierre ang kanyang ulo. Mali ang statement nyang yon, he should say, Helena looks better than the woman in front of her.
“Hi..” Ang mapangakit na boses ng babae ang kanyang narinig. Ngumiti agad si Dave pero nanatiling seryoso ng kanyang mukha.
“Ang suplado mo naman..” Mas lalong idinikit ng babae ang kanyang malusog na dibdib sa braso ni Pierre. Even he’s wearing his shirt on, ramdam nya agad ang nais ipahiwatig ng kaharap.
“Miss, hindi magiging kumportable yan, he’s taken.” Natatawang sambit ni Dave.
“Oh, you have a girlfriend?” Bahagyang lumayo ang babae. Itinaas ni Pierre ang kaliwang kamay at ipinakita ang simpleng wedding ring na kanyang suot.
“Married.” Buong kumpiyansang sagot nya.
Umugong ang tawa ni Dave, “Yeah, married.” Pag-uulit nito.
Umalis agad ang babae kaya nakahinga ng maluwag si Pierre. Madaming iniisip si Pierre, una na doon ang sitwasyon ni Helga. How can he help her correct her situation or how to make her genuinely happy?
Paano nga kaya sasaya si Helga? Ano pa ba ang kanyang mga gusto?
Naparami tuloy siya ng inom dahil doon.
HELGA.
ISANG kalampag ang narinig ni Helga sa labas ng salas. Tumingin siya sa orasan at nakita niyang ala-una na ng umaga. Kinabahan siya dahil baka napasok na sila ng magnanakaw. Dahan dahan niyang sinilip ang ibaba ng bahay para tingnan kung ano ang mayroon doon, nakahinga siya ng maluwag ng makita niyang si Pierre ang nasa ibaba at paekis ekis na naglakad.
“Pierre!” She called, agad niyang dinaluhan ang asawa. Ngumisi ito agad pagkakita sa kanya, pulang pula ang mukha at wala sa ayos ang tshirt.
Gods, good thing nothing happened to him on the road.
“Hi Helga..” Humagikgik ito, napasimangot naman siya, ayaw niya ng amoy ng alak dahil naalala niya ang pagkakamali niya. Gayun pa man, hindi naman niya matiis si Pierre.
Buong lakas niyang hinila ito patungo doon sa kwarto nito. Nagmadali siyang kumuha ng mainit na tubig mula sa kusina at pinunasan ang mukha ni Pierre para mahimasmasan ito. Panay naman ang ungol nito.
“H-helga.. Nag—nagsisi ka ba na pinakasalan mo ako?” Nakapikit na wika ni Pierre. Kumunot ang noo niya.
“Ano bang pinagsasasabi mo diyan?” Masungit niyang tanong.
“A-ako kasi noong una, oo.. pero ngayon kasi.. parang okay na lang din.”
Gustong matawa ni Helga sa pinagsasasabi ng kaharap, alam niyang lasing lamang ito at walang laman ang sinasabi.
“Oo naman, sising sisi ako.” Biro ni Helga, bigla namang sumimangot si Pierre kahit nakapikit. Tinanggal ni Helga ang suot na polo ni Pierre para maginhawahan ito at muling pinunasan ang braso at dibdib. Alright, she’s not thinking about anything. Ano ba naman ang six pack abs nito at ang nakapormang dibdib? Nothing. This is nothing!
“Ang daya mo naman! Akala ko ba crush mo ako, huh?”
“Di ba itinanggi ko na ang issue na yan..” Humagikgik si Helga habang walang patid ang pagaasikaso kay Pierre, pati ang pantalon nito ay tinanggal niya na din. Nakita na naman niya na nakabrief ito noon kaya wala ng kaso. Mas importante sa kanya na maging kumportable si Pierre.
“Ngayon? Hindi mo ako crush?” Pamimilit ni Pierre sa kanyang sarili. Napangiti si Helga.
“Hindi.” Mapaglarong sagot niya.
“Ganon?”
“Uhm uhm..”
Napatili si Helga ng bigla siyang hilahin ni Pierre pabagsak sa halos walang saplot nitong katawan.
“Pierre!” Hinampas niya ang dibdib nito na nanalo pa din ang pabango sa katawan kaysa sa amoy ng alak.
“Gusto ko crush mo ako..” Giit nito sa kanyang tainga.
Natahimik si Helga kaya dinig na dinig niya ang tunog ng kanyang puso. Gusto niyang lumayo kay Pierre pero sobrang kumportable ng pakiramdam kung saan siya naroon.
“Hindi ako pwedeng magkagusto sayo, Pierre. Magagalit ang–”
Pinanlakihan siya ng mga mata ng dumampi ang kanyang labi sa labi ni Pierre, it was just a swift kiss, parang dumaan lang sa kanyang labi. She couldn’t move. Halos hindi din siya makahinga. Ano ba ang ginagawa sa kanya ni Pierre?
“Pierre..” Bulong niya.
“What now my wife? Crush mo na ako?” Tanong nito sa kanya bago tuluyang mapapikit.
Helga x Pierre 7
HELGA.
Nagising si Helga na nananakit ang likod. Hindi na siya pinakawalan pa ni Pierre kagabi simula bumagsak ito sa pagkakahimbing. Her back hurts yet she felt that she had the best sleep since all the ruckus. Hindi niya tuloy maiwasan ang mapangiti kaya lang biglang umurong yon.
“You’re awake.” Halos mapatalon pa siya nang magsalita si Pierre na nakamasid pala sa kanya. Nakasiksik kasi siya sa half naked body nito at prenteng prenteng nakaunan sa braso nito.
“S-sorry.. Ano.. Kasi–”
“Anything weird I did last night?” Inosenteng tanong sa kanya nito. Mabilis na napailing si Helga, she’s restraining herself from being talkative. Ayaw niyang sabihin kay Pierre ang nangyari dahil baka pag-isipan siya nito nang hindi maganda. Baka sabihing nananamantala siya o di kaya isumbong siya sa Ate niya. Ayaw na niyang dagdagan pa ang lamat na mayroon silang magkapatid. She’s her only sister after all, kissing her sister’s boyfriend is so wrong.
Pinapangako niya talagang hindi na mauulit yung nangyaring yon kagabi! So she shook her head multiple times to justify her denial.
Nagtaas ng kilay si Pierre dahil sa matigas niyang pag-iling. “Really?”
“Totoo! S-sorry, dito ako inabot ng antok.. Inaasikaso kita kagabi tapos inantok ako.. nahimatay nga ata ako!” Pagsisinungaling niya when the truth is hindi siya pinakawalan ni Pierre. Hindi niya naituloy ang pinaplanong pagpapainom dito ng kape dahil hinawakan siya nito sa bewang at dinaganan ng mahahaba nitong binti. Napagkamalan pa ata siyang unan.
“Fck, I was so drunk last night..” Wika ni Pierre habang napapailing. Ang kaliwang kamay nito ay namamahinga pa din sa bewang niya samantalang sa kanang braso naman nito siya nakaunan, pinaglalaruan pa nito ang kanyang buhok na tila wala naman sa sarili.
“Bakit ka ba kasi uminom?” Tanong niya.
“I am thinking of someone.”
Tipid siyang ngumiti, hindi pa din alintana ang braso na nakapalupot sa kanya. “Si Helena. You should see her.” She concluded and suggested.
Noong mga nakaraang araw, busy si Pierre. Maagang umaalis at late na din nakakauwi, baka wala na itong oras para kay Helena kaya namimiss niya.
“What I did last night—”
“Wala ka namang ginawa, Pierre.” Putol niya.
“Never allow anyone to do that to you.. I mean, kapag may nalasing, wag kang lalapit, okay?”
Kumunot ang noo niya. Nagiging weird na naman si Pierre sa pinagsasasabi. Baka lasing pa.
“You are too young, you might be taken advantage of..”
“I am not TOO young!” Kontra niya.
“But still.. Young.” Giit naman ni Pierre, mukhang parehas na silang nasanay sa kanilang distansya na halos magkadikit na din ang mukha.
Padabog niyang itinulak si Pierre. how could he say that when she’s already married? At saka binabawalan pa siya nitong magkawang gawa kung ganon? Kaya lang naman siya nakatulog sa tabi ni Pierre ay dahil tinulungan niya ito sa kagustuhang mapaginhawa ang pakiramdam nito.
Well anyway, not good deeds will be appreciated. At the end of the day, imbes na magpasalamat ay nasabihan pa siyang bata. She hates it! She’s being reminded how she was ill-judged by her parents at ang kanyang pagpapakasal ay isang pangdidisiplina sa isang kagaya niyang rebelde. This is too much for a penalty. Buong buhay niya ang isinangkalan nila.
Naiinis siyang bumangon. Pierre was caught off guard kaya nakawala siya mula sa hawak nito. At dahil nainis siya kay Pierre, imbes na maghanda ng almusal na kadalasang ginagawa niya, she ended up in her room. Naghanda na siya para sa pagpasok sa kanyang school. Nag-inhale exhale siya ng maraming beses. Hindi maaring mainis siya. This is her first day at school. Nakasalalay pa naman sa kanyang mood ang mga ideya na magagawa niya.
Napaismid siya habang naalala ang kanilang pag-uusap kaninang umaga. Pinasama nito ang loob niya. Imbes na tanghali pa siya papasok, mas minabuti niyang pumasok na lang ng maaga.
Natagalan siya sa paliligo. She’s excited pero napuputol iyon ng kanyang inis. Nang makapagbihis na siya at lumabas na ng kuwarto, nakaamoy siya ng bacon sa paligid. Nagulat pa siya nang makita si Pierre na nagluluto sa kusina. Nakasuot pa ito ng apron pero walang tshirt sa ilalim. Napangiti ito nang makita siya pero umirap lamang siya. Padabog sana siyang lalabas na ng bahay nang.
“Mature people less likely walks out.” Pagpupunto nito. She gritted her teeth, kaunti na lang ay magga-growl na siya kay Pierre pero mas lalo lamang itong natawa at tinanggal ang tuwalyang bumabalot sa kanyang ulo.
“Papasok ka nang may towel sa ulo? Really now.. Bagong uso ba ito?” Pinanliitan siya ni Pierre ng mata.
Natulala siya habang marahang tinutuyo ni Pierre ang basa niyang buhok. Ipinikit niya ang kanyang mga mata, she finds it sweet and sexy and she doesn’t like thinking that way. Nagkakasala na naman siya kay Helena.
“Wag mo nga akong hawakan!” Asik niya.
Mahinang tumawa muli si Pierre. “Pinag-iingat lang naman kita.”
“Dahil bata pa ako?”
“I am 4 to 5 years older than you at least. Siguro naman, that earns me a credibility to warn you. Isa pa, lalaki ako kaya alam ko.”
“Wala ka namang ginawa sa akin kagabi ah!” Depensa pa niyang muli.
“Wala.. Probably because my instinct says you are my little sister.” Anito.
Nahigit ni Helga ang kanyang hininga. May dumaang kirot sa kanyang puso.
Little Sister..
Mas masakit pala yon kaysa masabihang bata pa. Sabagay, ano nga ba ang ieexpect niya? He wouldn’t treat her more than he’s allowed to. Kapatid siya ni Helena kaya dapat ay parang kapatid din ang turing nito sa kanya.
Yun nga lang, his instincts failed. He kissed her! Hindi nga lang siya maaring umamin.
“O-okay, point taken. Kukunin ko lang ang bag ko at papasok na ako..” Paalam niya na masungit pa din.
“Sandali lang.. Ngayon na nga lang ako nagluto, hindi mo pa papansinin. I cooked you your favorite.” Nakangiting sabi nito. Gusto niyang sumimangot dahil sa inaakto ng kaharap. How can he be so happy? Sabagay, sa lahat ng ito, siya lang naman ang apektado.
“At ano naman yon? Paano mo naman nalaman ang paborito ko?” Nakanguso niyang tanong.
“Well, I’ve noticed that you always cook bacon.”
Kumunot ang noo niya, “Natural! Yun ang pang-almusal! Hindi naman tama kung sinigang o di kaya bulalo ang ipakain ko sayo tuwing umaga.” Umirap pa siya para ipagtanggol ang sarili. Muling tumawa si Pierre dahil sa reaksyon niya.
“You don’t have to be defensive, Baby.” Wika nito. Pinanlakihan siya ng mga mata dahil sa itinawag ni Pierre sa kanya.
Para naman ding nagulat si Pierre sa sinabi.
“B-baby! Baby sister!” Mabilis na sagot nito. “If I had a sister, I would call her that. You are that sister I never had, Helga.” Wika ni Pierre na hinaluan ng malakas na tawa.
Ngumiti si Helga at lumapit doon sa lamesa.
“Brother and sister?” Tanong niya habang natatakam sa bacon na nakahain.
“Brother and sister..”
Nag-kibit balikat siya at binalewala na lang si Pierre. Let him call her what he wants. She’s a follower, she always is.
PIERRE.
THE HECK, Pierre! Anong ‘Baby’?
“Excited na akong pumasok. Simula noong pinalayas ako ni Daddy, kinalimutan ko na babalik ako sa school anytime soon..” Maganang kwento ni Helga habang kumakagat ng toasted bacon na paborito nito. Nakalimot na nga ata ang asawa niya sa sinabi niya. Samantalang siya, hindi mawala sa isip ang itinawag niya kanina dito.
Masyado kasi siyang nakikinig kay Dave kaya pati siya ay naiimpluwensiyahan ng kalokohan ng kaibigan.
Alright. Gusto niya si Helga but he knows it is not in a romantic way. Mabait kasi ito at maasikaso and when people are nice to you, you will be nice too. Ganoon lang. Instinct. Automatic response.
“Pierre, pupwede ba akong bumili ng malaking sketchbook mula doon sa card mo? Nakalimutan ko kasing bumili kagabi..” Untag sa kanya ni Helga dahil bahagya siyang nag-space out.
“Whatever you need. Bumili ka na din ng mga damit mo. Ayain mo ang mga kaibigan mo. Treat them dinner too.” Alanganing suhestiyon niya. Iniisip na gagabihin si Helga umuwi dahil sa kanyang sinabi. Gusto niyang bawiin kaya lang nasabi niya na.
Napasimangot si Helga. “Busy naman ang mga yon. Ako na lang siguro. Aagahan ko na lang para maipagluto din kita ng hapunan.”
Napangiti siya sa sinagot nito. But then, an idea crawled into his mind. Pinigilan ni Pierre ang pumasok sa kanyang isip na alok pero bago niya magawa yon, parang may sariling desisyon naman ang dila niya.
“You don’t have to think about it. Sunduin na lang kita. Let’s dine out?” Anyaya niya. Tila nagulat naman si Helga dahil dalawang araw na silang kumakain sa labas.
“S-sige..” Alanganing sagot nito sa kanya. Somehow he felt relieved that she agreed.
Nagmadali din siya sa paghahanda para sa pagpasok sa opisina. Helga’s waiting for him. Sinabi niyang ihahatid niya ito para hindi ito kabahan.
Ganito pala ang pakiramdam ng isang Kuya. . He said to himself. Nang makapagbihis na siya, tumunog ang kanyang cellphone at isang tawag yon mula kay Helena.
“Hi Hon.. I missed you! Malapit na ang bakasyon namin nina Zanille sa Maldives. I really hope you could come..” Helena chirped. Napangiti siya sa boses nito. Parang ang tagal na simula ng sila ay magkausap.
“Hello.. Yeah. Enjoy your girls’ outing. Take a lot of pictures..”
“I will. Let’s go out later. Catch up?” Helena asked.
Napapikit siya ng kanyang mga mata at bumuntong hininga bago sumagot.
“I– cant.. Sorry..”
“Aww.. It’s fine! Anyway, Dad’s inviting me for dinner. I think he’ll surprise me with a new car. I saw him meeting Renan, our car agent. I am pretty sure it is for me..” Pagbabalita nito. Hinayaan na lang ni Pierre na magsalita si Helena. Dati ay natutuwa siya sa pagiging excited nito para sa mga bagong gamit nito pero ngayon, naiisip niya si Helga na walang kahit ano. Ang sketchbook na gustong bilhin ay ipinagpapaalam pa sa kanya.
Nang matapos ang tawag, doon lang bumalik ang kanyang sigla. Nakita niya kasi si Helga na kinakausap na naman ang mga halaman. Isang tanawin na nakasanayan niya na sa araw araw.
“Magpapakabait ka Chich i! Bukas na yung susunod na dilig ko sa inyo kasi papasok na ako sa school.” Sabi pa nito sa orchid.
“Ikaw din, Denden. Wag kang masyadong mauhaw. Inumin mo tong mabuti.” Diniligan nito ang orchid kahit nakabihis na ito nang pang-eskwela.
“Why are you talking to the plants?” Amused na tanong ni Pierre. Hindi siya makapaniwala na pinangalanan niya pa ang mga ito. Mabilis na napalingon si Helga sa kanya.
“Halaman mo sila hindi ba? Kaya inaalagaan ko din.”
“Inilagay lang yan diyan ng interior designer. I don’t like plants actually.” Sambit niya. Si Helga nga lang ang pumapansin sa mga ito.
Lumungkot naman ang mga mata ni Helga dahil sa kanyang sinabi.
“Ganoon ba? Akala mo gusto mo sila, wala palang may love sa kanila… Pero di bale, gusto ko sila.” Hinaplos pa nito ang isa pa sa mga bulaklak na kung may tainga lang, baka tinakpan na nito para hindi iparinig sa mga ito ang kanilang usapan.
Napatingin si Pierre sa magandang mukha ng asawa. Ayaw niyang makitang malungkot ito dahil nahahawa siya. Bakit naman niya palulungkutin ito kung tutuusin ay kaya naman niyang ibigay ang lahat? If she’s happy, then he is too.
“Sige nga, ano pang gusto mo?” Iniangat niya ang mukha ni Helga para salubungin ang kanyang mga mata. Nagkamali ata siya dahil parang nagalit ang puso niya dahil sa ginawa. It is pounding like crazy.
“G-gusto ko?” Napalunok si Helga. Her eyes are really innocent and her voice is really soft and sweet that he wants to hug her tight. But he can’t.
“P-pierre?”
“Hm?”
“G-gusto ko ng world peace.”
Helga x Pierre 8
HELGA.
Namumula ang pisngi ni Helga habang nagmamaneho si Pierre. Kitang kita niya pa ang pag-angat ng gilid ng labi nito tuwing napapatingin sa kanya. Bakit nga ba niya hiningi ang World Peace? Baka isipin ni Pierre na nababaliw na siya.
“Ba-bye..” Ngumiti siya kahit hindi siya makatingin. Nagmadali siyang bumaba nang dumating na sila sa University.
“Helga…”
“Hm?” Wala tuloy siyang choice kundi ang tumingin sa kanyang asawa.
“I will pick you up later..” Ulit nito sa kanya. Marahan siyang tumango.
Huminga siya ng malalim habang pinagmamasdan ang bago niyang eskwelahan bago siya pumasok. It is huge and has an intricate architectural design. Sinauna ang pagkakadisenyo ng mga bato at tila walang pintura kaya umasa na lang sa masusing pagkakalilok ang bawat pundasyon ng gusali.
Tumingin siya sa mapa na kanyang hawak. Dalawang linggo na siyang huli sa eskwela pero ayos pa naman daw iyon. She will just need to catch up on weekends, nagbayad din si Pierre ng magtuturo sa kanya tuwing Sabado.
“Arts Building..” Binasa niya ang kanyang prospectus na naglalaman ng foreign subjects. Iba kasi ang syllabus niya dito kaysa sa France.
“Miss?” Tawag niya sa isang mukhang weirdo na dumaan sa kanyang tagiliran. Huminto ito. Nakasuot ng malaking salamin at kulay purple ang buhok. She beamed a sweet smile at her pero hindi nasuklian ang kanyang ngiti. “Saan ang Arts Building?” Nahihiyang lumapit siya dito.
“Anong subject?” Supladang tanong sa kanya.
“Textile Design 4..”
Ngumiti ito ng malapad at biglang kumapit sa kanyang braso.
“Halika, sumama ka. Magiging kaklase kita!” Bigla itong naging magiliw sa kanya.
Sumunod siya sa babae. Pinagmamasdan ang pinong kilos nito sa kabila ng weird na porma.
“Stephanie..” Iniabot nito ang kanyang kamay bago sila pumasok sa loob ng classroom na hinintuan nito. Malayo pa lang ay kita niya na ang napakaraming tela sa paligid ng classroom. Nabuhay na naman ang pagnanais ni Helga na makipagsabayan sa pagdidisenyo.
“Helga..” Sabi niya habang hindi inaalis ang tingin doon sa classroom. Pumasok sila sa loob at saktong nagsimula na ang kanilang klase. Panay ang tanong ni Stephanie kung naiintindihan ba niya ang lecture. Tumatango siya at yon ang totoo. In fact, she enjoyed it so much. Walang accent ang nagtuturo kaya nakakasakay siya sa mga biro nito.
Nang matapos ang kanilang unang klase, nagtungo sila sa Sketch-up class nila. Napangiwi si Helga dahil hindi niya inaakalang may ganito silang subject. She’s used to free hand drawing at hindi kasama ang computer. Masyado palang old school ang pagtuturo sa kanya sa Paris.
“Galing ka sa Paris? Bakit nandito ka?” Tanong sa kanya ni Stephanie habang naglalakd ng malayo patungo sa kanilang classroom. Hindi naman niya maikwento ang sitwasyon nila ni Pierre, bago pa lang silang magkakilala at baka naman ma-shock ito sa nangyari sa kanya.
“Mas gusto ko kasing malapit sa pamilya. Homesick–”
Naiinip na si Helga sa paglalakad. Mabuti na lamang at simpleng jeans at puting tshirt lang ang kanyang suot. Nilagay nya din sa isang backpack ang lahat ng kanyang mga gamit para hindi sya masyadong mabigatan sa pagbitbit.
Kahit gaano kasimple ng ayos ni Helga, hindi naiwasan na matigilan ang isang buong classroom na pinasok nila ni Stephanie. Hati ang populasyon sa babae at lalaki sa kanilang Sketch-up class. Lahat ay may nakalagay na malaking drafting sheets sa kanilang harapan at kanya kanyang drawing ng disenyo. Sa gilid naman ay mga computer.
“Sino ang kasama mo, Steph?” May nagtanong agad mula sa likuran. Bahagyang ngumiti si Helga dito bilang respeto. Tumahimik ang paligid na parang inaantay ang kanyang sasabihin dahil bago pa lang siya sa kanilang mga mata.
“Helga Maurice Ortega.” Nilakasan ni Helga ang pagkakasabi non para marinig na ng lahat. “Nice to meet you all..” Dugtong nya pa.
Kanya kanya namang bati sa kanya ang mga bagong kaklase. Nagustuhan agad ni Helga ang vibe sa kanilang classroom. Tumabi sya kay Stephanie, nag-adjust na din kasi ng upuan ang kanyang mga kaklase, mayroong bakante sa kaliwa ni Helga pero agad ding napunan yon ng isang lalaking nagmamadaling pumasok sa classroom.
Nagdalawang tingin pa si Helga dahil agad nyang napansin ang asul na mga mata nito. Mayroon silang kaklase na foreigner?
“Hi!” Kumindat ito sa kanya at ngumiti. Agad na napasimangot si Helga.
Ang presko naman!
“Engineer, baka matakot sayo ang kaklase natin.” Natatawang sambit ni Stephanie
Engineer?
Kung engineer na pala sya, anong ginagawa nya pa dito?
Inayos ni Helga ang kanyang drafting paper sa harapan, hindi sya makapagdrawing dahil gusto nyang malaman ang kanilang topic bago kumilos. She wants to make sure na hindi sya mag-aaksaya ng oras.
“I am Travis.. Travis Almonte.” Inilihad nito ang kanyang kamay sa harapan niya. Tinanggap niya iyon pero hindi nya masyadong pinagdampi ang mga palad nila.
“Mas matanda sya sa atin kasi ikalawang degree nya na ito. Kumukuha ng Architecture.” May pagmamalaki sa boses ni Stephanie, mukhang magaan ang loob sa engineer. Tumango lamang siya.
“Tatlong taon lang ang tanda ko sa inyo, Steph.” Pagpapaalala ni Travis. Humagikgik si Stephanie pero si Helga ay nanatili lang ang mga mata sa papel sa harapan.
“Masyado namang seryoso ang kaklase natin.” Puna ni Travis na may halong panunuya. Tinapunan niya ito ng tingin at saka huminga ng malalim.
“Im sorry, I am not sure what to say, Engineer.” Magalang na sabi nya.
Travis’ eyes sparked with amusement, “Travis na lang or Trav. Puwede ding Baby if you want.” Aniya.
“Joke lang!” Tumawa ito. His laugh was really manly. Ayaw namang maging rude ni Helga kaya tinugunan nya din ito ng ngiti. Moreno ang kutis ni Travis, malaki ang pangangatawan na halos pumutok na ang suot nitong polo shirt at kapansin pansin talaga ang asul na mata nito. His hair was dishelved purposely.
Naging mahaba ang araw para kay Helga pero hindi nya maitatanggi na nalibang sya ng husto. Si Stephanie at Travis ang naging instant nyang kaibigan. Tuwing natatahimik sya ay palagi syang kukulitin ng mga ito. Hindi tuloy nainip si Helga dahil doon.
“Helga, sumabay ka na!” Pilit syang hinihila ni Stephanie patungo sa sasakyan ni Travis. Magkapitbahay pala ang dalawa kaya laging isinasabay ni Travis si Stephanie. Pinatunog ni Travis ang pulang Ram at umilaw ito tanda ng pagbubukas.
“Hindi na, may pupuntahan pa ako.” Tanggi nya. She shouldn’t be friends with anyone outside school. Ayaw nya namang ipangalandakan ang kanyang pagkatao.
Lumabi si Stephanie sa kanya. “Okay sige, pero sa susunod, sasabay ka ha! Mayroong banchetto sa malapit sa amin, kain tayo doon minsan.” Sabi pa nito bago tuluyang pumasok sa sasakyan. Ngumiti lamang si Helga sa sinabi ni Stephanie
Umupo muna siya sa waiting area ng kanilang eskwelahan. Hindi siya nagtext kay Pierre dahil ayaw niyang kulitin iyon.
Naging magaan ang maghapon ni Helga dahil sa kanyang dalawang bagong kaibigan. Hindi nga niya namalayan ang oras na lumipas, isa pa, nag-eenjoy siya ng husto sa pinag-aaralan. It is like returning on her youth again, her passion flared and she cannot be stopped to dream again. Kapag kinasal siya ay gagawa siya ng magandang wedding gown.
She shook her head when she pictured herself in a beautiful wedding gown and Pierre beside her. Imposible yata iyon.
“How was your first day?” Nagulat pa siya ng makita si Pierre sa kanyang harapan. Nakatingin lamang ito sa kanya at hindi niya alam kung gaano na ito katagal doon. Ang malambing na mata nito ay agad niyang sinalubong. It suits him. Kahit magalit ito ay alam mong hindi magtatagal dahil ang mga mata nito ay hindi kayang magparusa ng galit.
“Mabuti.. Mayroon na akong mga kaibigan, si Stephanie at Travis..” Kwento nya habang tumatayo. Nagsimula nang maglakad si Pierre para pagbuksan siya ng pinto.
“Si Travis?” Agad na nagunot ang noo ni Pierre.
“At si Stephanie..” Dugtong niya.
“Travis who?” Hindi pinansin ni Pierre ang dugtong niya
“Engineer Travis Almonte at saka si Stephanie Ong ang mga kaibigan ko.”
Tumaas ang kilay ni Pierre. Hindi naman maintindihan kung bakit ganoon ang reaksyon ng asawa. Hindi na ito muling nagtanong, pakiramdam niya hindi naman interesado sa kanyang kuwento. Natural, tapos ito sa pag-aaral. Malamang ay mas interesante para sa kanya ang may alam sa negosyo kagaya ni Helena. Siya ay walang ideya kahit isa. She love clothes and fashion, mga bagay na hindi kadalasang pagtutuunan nito ng pansin.
Pagbaba nila ng parking lot ng mall na pinuntahan, nagmadali si Helga na magtungo doon sa bookstore. Yung sketchbook lang naman ang kailangan niya. Hindi pa din masyadong late kaya mag-aaya na lang siyang umuwi dahil mukhang pagod naman si Pierre.
“Tara na?” Tanong niya kay Pierre pagkatapos nitong bayaran ang kanyang sketchbook. Tumunog ang cellphone nito kaya hindi sila agad nakaalis sa pwesto.
“Helena..” Usal ni Pierre pagkasagot sa kanyang cellphone. Lumayo siya ng kaunti para hindi marinig ang pag-uusap nito.
Nagmamasid masid si Helga sa paligid nang mall nang makita niya ang pamilyar na mukha, nauna siyang makita nito kaya huli na para umiwas siya.
“Helga!” Travis waved at her. Nakangiti itong lumapit sa kanya at sinalubong naman niya para makalayo ng kaunti kay Pierre. Lumipat ang mga mata Travis sa kanyang likod. Nagulat pa siya nang makitang nakasunod pa din pala sa kanya si Pierre kahit nagsasalita ito sa kanyang cellphone.
“Boyfriend?” Bulong ni Travis sa kanya. Nilingon niya muli si Pierre. Nagtama ang mga mata nila at hindi niya alam kung guni-guni lang ba pero parang nagtiim bagang ito.
“Boyfriend ng kapatid ko.” Pagsasabi niyang totoo.
She will never claim anything that is not hers. Malungkot siyang ngumiti sa nakahinga ng maluwag na si Travis. Gagawa pa sana ng usapan si Travis ngunit hinila na siya ni Pierre sa kamay para ilayo. Parehas silang nagulat sa ginawa ni Pierre.
Ngumiti siya sa kaklase at nagpaalam, “See you bukas, Trav!” She waved at him. Mas lalong bumilis ang paghila sa kanya ni Pierre kaya natapilok siya nang makalayo ng kaunti.
“Pierre!” Reklamo niya. Tiningnan siya nito ng madidilim na mga mata nang huminto sila. “Anong problema?” At the back of her mind she’s thinking that he may just had a fight with her sister. Bigla kasing uminit ang ulo nito pagkatapos ng tawag, although mukhang kanina pa ito wala sa mood.
“Wala!” Asik nito sa kanya.
Natahimik na lang siya kahit hindi niya alam kung bakit ito nagagalit at siya ang pinagbuntunan. Hinihila siya muli nito patungo sa isang restaurant pero nagpabigat siya. Hindi maganda ang kanyang pakiramdam at hindi niya gustong sa pampublikong lugar pa mag-init ang ulo ni Pierre.
“Bakit?” Seryosong tanong nito sa kanya nang nagpapabigat siya.
“Hindi pa ako gutom.. Kung nagugutom ka na, mag-iintay na lang ako dito sa labas hanggang matapos kang kumain..” Malungkot na sabi niya.
“At ano? You will meet that classmate of yours? Mamasyal kayo ganoon ba?” Malamig na tanong nito sa kanya. Hindi niya kayang makipagtalo kaya tumalikod na lamang siya at nagsimulang maglakad papalayo.
Magtataxi na lang siya kung kinakailangan.
She hates discussions, ayaw niyang makipagtalo kay Pierre dahil baka kung ano pa ang masasakit na masabi nila sa isa’t isa. Naramdaman niya ang pagsunod sa kanya ni Pierre pero hindi na siya nag-abalang lingunin ito.
Nakarating sila sa parking lot na walang nagsasalita. Panay palitan ng buntong hininga. Pierre drove silently and she felt that’s the longest ride she had. Magkaaway ata sila ni Pierre pero hindi naman niya maintindihan kung ano ang dahilan.
Then if he’s upset, dapat ay magsorry siya para hindi na magalit sa kanya. Nakakahiya dahil ito ang nag-aalaga sa kanya ngayon, dapat hindi niya galitin kahit sa anong paraan.
Nang makarating sila sa harap ng kanilang bahay, hinarap agad niya si Pierre. Ngumuso siya at yumuko. She tightly closed her palms to fist. Tears pooled in her eyes when she saw coldness in Pierre’s eyes. She instantly felt helpless. Ayaw niyang galit si Pierre.
“Im sorry if I disappointed you today.” Paghingi niya ng paumanhin kahit hindi niya alam kung para saan. Napaawang ang labi ni Pierre. Magsasalita pa sana ito pero nagmadali na siyang tumakbo papalabas ng sasakyan. Mabilis na binuksan ang maliit na gate at pumasok sa loob ng umiiyak.
–
PIERRE.
INIUNTOG ni Pierre ang kanyang ulo sa manibela. He couldn’t believe he just threw tantrums at her. Agad siyang nakonsensya sa ginawa.
Maayos niyang ipinarada ang sasakyan sa labas ng kanilang bahay. Pumasok din siya sa gate at lumingon sa parking lot sa kanyang kanan. A baby pink Maserati with a big ribbon was parked pero hindi man lang iyon napansin ni Helga.
Kanina ay tumawag si Helena para ipagmalaki ang bagong cooper na ibinigay sa kanya ni Don Mauro, nakaramdam siya ng awa para kay Helga. He knows his wife deserves the comfort that Helena has pero pinagkakaitan ito ng kanyang pamilya. He shrugged it off, kayang-kaya naman niyang ibigay iyon. Tinawagan niya ang malapit niyang kaibigan na franchisee ng Maserati, he wants a to find perfect car for Helga. And he found one.
Hinaplos niya ang makintab na sasakyan.
It is the first pink Maserati in the Philippines. It is not even displayed at the store.
Naisip niyang sorpresahin si Helga pero dahil sa kaklase niyang iyon, naiinis siya. Ibig sabihin ay kailangan niya ding ihatid at sunduin si Helga para hindi ito umaligid sa kanyang asawa. Masyado pang bata si Helga para sa mga ganon. He’s her guardian! He’s responsible for her welfare. At mukhang hindi gagawa ng maganda ang Travis na iyon.
Napailing siya, isa lang iyon sa ikinainis niya. Hindi man niya aminin, nainis din siya nang sabihin ni Helga na Boyfriend siya ng kapatid nito. Hindi niya inaasahan iyon, but what will she say anyway? Wala namang nakakaalam na ikinasal sila dahil ang ideya niya ay walang makaalam nito hanggang sa makalabas sila sa kasal ng maayos para na din iyon kay Helga para maiwasan ang chismis at kay Helena na balak niyang pakasalan pagkatapos ng gusot.
But his heart says otherwise. Hindi niya malunok na ipinakilala siya ni Helga bilang Boyfriend ng kapatid nito.
Pumasok siya sa loob ng bahay, tahimik sa paligid. Inakyat niya agad si Helga sa kwarto nito, ipinagpasalamat na hindi nakalock ang pintuan. Naabutan niya itong nakadapa sa malapad na kama at tahimik na humihikbi.
“Helga..” Masuyong tawag niya. Mabilis itong nagpunas ng luha at umupo ng maayos.
“Galit ka ba kasi may date kayo ni Helena? Umalis ka na, puntahan mo na siya.” Mahinahon na sabi nito kahit pulang pula ang mukha. Nakaramdam siya ng pagkurot sa puso. Halos dumikit ang buhok sa mukha ni Helga dahil sa luha. And the worse part, hindi niya maiwasang punahin na napakaganda nito kahit umiiyak. Lumapit siya at umupo sa gilid ng kama nito.
“Kaano-ano mo ako?” Panunubok niya kay Helga.
Napaawang ang labi ni Helga.
“Brother.” Kumurap kurap pang sagot nito. “Di ba, sabi mo, kapatid tayo? Ayaw mo ba? Sorry. Dapat ba ay housemate?” Inosenteng sagot nito.
Hindi niya maibukas ang labi niya. This is going nowhere.
“Nagugutom ka ba?” Pag-iiba niya ng usapan. Mabilis na tumango si Helga at hinilot ang tiyan. Tinaasan niya ito ng kilay.
“Bakit sabi mo kanina, hindi?”
Ngumuso si Helga, “Syempre, kasi galit ka sa akin!”
Natawa siya sa tila batang sagot na naman ni Helga, he finds it cute. “Hindi ako galit sayo..”
“Ano lang? Nakakunot nga ito mo!” Tinuro pa ni Helga ang noo niya at hinilot para mabanat. Malungkot na siyang ngumiti bago sumagot.
“Naguguluhan.”
–
Maki Say’s: Wait lang. Nakakapagod mag repost. Haha Luluto muna ako ng dinner namin mamaya.
Helga x Pierre 9
Maki Say’s: Maaga pa para sa dinner pero Chef ako, remember? Darating yung hari ng bahay namin kaya kailangan mga six course meal :D Well anyway, another chappy habang nag-b-blanch ng karne.
PIERRE.
“Wow.. chicken nuggets!” Pumalakpak si Helga sa inihain sa kanya ni Pierre. He smiled. Ayaw niya sanang pamihasain ito sa processed food pero mukhang yon talaga ang hilig niya.
“Pierre, magbabaon ako nito bukas ha.” Helga smiled. Napapailing na lang si Pierre sa pagiging isip bata nito.
“Bakit hindi ka na lang bumili doon?”
“Para tipid.” Nagkibit balikat siya. “Pupwede ba akong mag-part time sa Laya Air ?” Sumunod na tanong nito.
“Helga..” He groaned.
“Hm?” Panay ang kagat nito sa nuggets at hindi niya maintindihan kung bakit nakakatuwa itong pagmasdan.
“You own half of Laya. Whatever you need, just tell me.” Umupo siya sa harapan nito at sinalinan pa ng kanin sa plato.
Umiling si Helga at ngumiti, “Salamat, Pierre pero gusto ko ng akin. Ayoko ng hingi.”
“It is your right, you are my wife.”
Umismid si Helga sa kanyang sinabi. “Hindi yon tama.. Hindi naman din totoo na mag-asawa tayo.”
Napabuga ng hangin si Pierre, paano pa ba siya makikipagtalo dito? Siya din naman ang naglagay ng guhit sa kanilang pagitan. Ang gusto lang naman niya ay hindi maramdaman ni Helga na nag-iisa siya. That he can provide for her at wala siyang dapat ipag-alala. Helga is too young for all this stress. He wants to compensate the pain she’s feeling. Napakaliit na bagay ng comfort na ibibigay niya.
“Halika..” Hinila niya si Helga patungo doon sa garahe. Bitbit pa din ang tinidor na may nakatusok na pagkain. Humarap sila sa bagong biling sasakyan. He’s all smiles. Excited siyang makita ang reaksyon ng asawa.
“There you go!” Masayang sabi niya sabay lahad ng kamay pero hindi kagaya ng inaasahan niya, hindi nagtatatalon sa tuwa si Helga, kumunot lang ang noo nito at pinagmasdan ang sasakyan.
“Favorite color mo ang pink, Pierre?” Nagtatakang tanong nito.
“W-what?”
“Ayaw mo na nung black car mo?” Inosenteng tanong nito. “Sabagay, kung gusto mo ang pink.. Okay lang naman yon. Only real men wear pink!” Pagpupunto pa nito.
“Helga, what the– Sayo yan. Regalo ko sayo..”
Doon na napawi ang ngiti ni Helga. Napalunok ang asawa niya at nagpapalit palit ang tingin nito sa kanya at doon sa sasakyan.
“H-hindi nga?”
Now he’s smiling, gusto niyang malaman ang reaksyon ni Helga kanina pa.
“Yours..” Ulit niya habang tumatango.
“B-bakit?”
Siya naman ang napalitan ng pagtataka. Why is she even asking, why? He’s rich and he could give her anything she likes.
“Hindi ko naman yan matatanggap eh.” Lumabi si Helga, “Isoli mo na lang sa pinagbilhan mo, Pierre.”
“What? No..”
“Pierre, masyadong mahal yan. Baka magtaka si Helena kung paano ako nagkaroon niyan.” Napakamot pa si Helga ng kanyang ulo.
“She won’t even think about that! Mayroon nga siyang bagong sasakyan mula sa Daddy niyo.” Naiinis na paliwanag ni Pierre pero hindi nagpatalo si Helga.
“It doesn’t matter. Bigay ni Daddy yon at yan, bigay—”
“Bigay ko sayo..”
“You haven’t given Helena a car, Pierre. Masyadong imposible ito. Ayokong mag-isip ng masama si Helena sa akin.” Umiling si Helga at pumasok muli sa loob. Naiinis si Pierre at nag-isip ng ginawang pagkakamali. Sure she wants to stand at her own feet pero gaano nga ba kataas ang pride ni Helga na pati ang mga bagay na pupwede naman niyang tanggapin ay tatanggihan pa?
Wala namang masama kung tatanggap ng tulong sa iba, lalo na mula sa kanya. Hindi naman siya iba. Hindi sana iba ang turing sa kanya ni Helga because he treats her as his— sister.
“Helga..” Kinatok niya ito sa pintuan. Hindi ito sumagot ngunit nakabukas naman ang pinto kaya inanyayahan niya na din ang sarili. Nakaupo si Helga sa may study table niya na nakapaharap sa bintana at nag-i-sketch, nilapitan niya ito pero hindi man lang siya nilingon.
“I just want to give you something..” Nakikiusap ang tono niya. Hindi pa din siya nilingon ni Helga.
“Ayoko lang naman maramdaman mo na mayroong kulang sayo—”
Nagtiim bagang si Helga at pagod ang mga matang nilingon si Pierre.
“It is what you are making me feel, Pierre. Ayaw mo akong kumilos dahil nandiyan ka, binibigyan mo ako ng karangyaan dahil kaya mo.. It only proves one thing. Pinamumukha mo sa akin na wala akong kahit ano.. Wala akong pamilya na dapat magbibigay sa akin ng lahat ng yan and the truth is? I have you but you are not a family. Itinapon lang ako sayo ni Daddy.” Ihinagis ni Helga ang kanyang lapis at napakagat ng labi. Para itong bata na nagsisimula ng magtantrums.
“Someday, I will fly.. Makikita niyong lahat.” Humikbi si Helga na puno ng hinanakit.
“Helga naman.. Hindi ko naman iniisip na itinapon ka sa akin.” Masuyo siyang lumapit sa asawa, lumuhod sa harapan nito at pinunasan ang luha gamit ang sariling palad.
“They’ve given me a friend. Someone that I could talk to, someone that I will look after and think about. Malulungkot ako kung hindi ganyan ang tingin mo sa mga pangyayari..”
Humikbi muli si Helga at isang bugso na naman ng luha ang bumagsak sa mata.
“You don’t like talking to me.” Umiwas ito ng tingin at matindi na ang pamumula ng ilong dahil sa pagluha.
“Sinong may sabi?” Natatawang tanong niya.
“Wala akong sense. Mas matalino si Helena sa akin. Wala akong alam sa business. I am young. There’s nothing to talk about.” Matigas pero lumuluhang sabi nito.
“You shared your passion and dreams with me.. That is not nonsense.” Pang-aalo niya dito. Lumabi lang si Helga at kinuha muli ang lapis at nagsimulang magdrawing. Pinunasan ang mukha at hindi na siya pinansin.
“Sige na, accept the car.” Subok niya.
“Hindi ako marunong magdrive.. Hindi pa ako nagkakaroon ng kotse.” Mahinang sabi niya.
Isa na namang surpresa iyon kay Pierre. He couldn’t believe that Helga didn’t have much. Akala niya ay nakahiga ito sa karangyaan at walang pakialam.
“I can ride jeepney to and from school, Pierre. You don’t have to worry about it.”
“Hindi naman yon..”
“I can..” Giit ni Helga.
HELGA.
KAYA naman kinaumagahan, maagang nagising si Helga. Mabilis siyang nagluto ng breakfast at naglagay sa lunchbox ng baon niya. Ginawan din niya si Pierre ng para dito. Pork menudo ang kanyang inihanda. Inisip niyang magpalipas muna ng oras sa library dahil 11AM pa naman ang kanyang klase.
Alas-sais ng umaga ay lumalabas na siya ng bahay. Para siyang hinahabol ng kung ano papalabas ng kanilang village. Alam niyang pipigilan siya ni Pierre kung maabutan siya. Napangiti siya nang nagmamadali siyang sumakay ng jeep. She was able to researched it last night how to commute going to her school at the same time kung paano pauwi. Palinga linga siya at kinakabisado ang mga dinaraanan.
She felt good, hindi niya kailangang sumandal kay Pierre. Susunod ay trabaho naman ang kanyang hahanapin parang noong nasa Paris siya na working student siya. Susunod naman ay boarding house kapag kaya na niyang magbayad para dito. Magiging independent siya para hindi na siya kailangang bantayan pa ni Pierre.
After an hour of travel, nakita na niya ang Colegio De Artem kaya bumaba na siya. Her first jeepney experience wasn’t that bad. Pakiramdam niya nga ay mas tumanda siya ng isang taon dahil dito. Sumilip siya sa kanyang cellphone at nakita niyang panay mensahe iyon mula kay Pierre. Just when she was about to reply, mayroong isang motor ang humablot non sa kanya. Her heart beats errantically at saka pinanlamigan siya ng kamay.
“Hoy! Yung cellphone ko!” She screamed when she realized what just happened pero parang balewala ito sa mga tao na may kanya kanyang ginagawa sa kalsada. Tinangka niya iyong habulin pero isang kamay ang humablot sa kanya.
“Akin na ang bag mo!” Nagulat siya nang biglang may humila nito pero napigilan niya iyon sa matinding pagkapit. Hindi niya binalak ibigay dahil nandoon ang laptop niya na ginagamit sa design.
“N-no..” But then mabilis siyang inakbayan at may kung anong tumusok sa kanyang tagiliran.
“P-please..” Tiningnan niya ang nakakatakot na mama sa kanyang tabi, namumula ang mata nito at amoy alak ang hininga. Naglalakad sila papalayo ng kanyang school. Maaga pa naman pero bakit walang nakakahalata sa kanila? Wala man lang mag-isip na nasa panganib siya. Sinusubukan niyang bumuo ng eye contact sa mga nakakasalubong pero nanatiling nakayuko ang mga naglalakad. Hindi siya maaring sumigaw dahil baka bigla siyang saksakin.
Nanlalambot ang kanyang tuhod, hindi siya makapaniwala na sa isang iglap ay nasa panganib na siya.
“P-please po, wala akong pambili—” Halos pumiyok ang boses niya ng maramdaman niyang napunit na ang gilid ng tshirt niya at ang dulo ng patalim ay naging malamig na sa kanyang tyan. Napagtanto niyang kailangan niyang ibigay ang hinihingi nito.
Unti unti niyang tinanggal ang shoulder bag niya pero nagulat ang holdaper sa kanyang ginawa, bigla na lang syang tinusok sa tagiliran. Naramdaman niya ang kung anong mainit na likido ang tumulo sa kanyang sikmura, kasabay ng paghila sa kanyang bag, napaluhod siya sa kalsada.
“Ah!” Impit siyang napaiyak nang bumagsak.
“Miss! “
Pinalibutan siya ng tao dahil sa kanyang ayos. Umagos ang dugo sa baby pink niyang poloshirt at mas nagpasama iyon sa kanyang pakiramdam.
Unti unting nangapal ang kanyang mukha at namanhid ito, alam niyang babawian na siya ng malay. Ayaw niya ng dugo. Kumirot pa ang kanyang tagiliran dahil sa tusok ng patalim.
“Tabi!” Isang sasakyan ang huminto sa kanyang tapat pero nanlalabo na ang kanyang mata.
“Helga!” Nag-aalalang tinapik ng dumating ang kanyang pisngi. Nasilip niya pa ito bago siya mawalan ng malay.
“T-travis-”
Sa isang puting silid nagkaroon ng malay si Helga, she knows she’s in a hospital. Napabuga siya ng hangin dahil alam niyang ligtas na siya. Nakaramdam siya ng kirot sa kanyang tagiliran ng tangkain niyang bumangon.
“Wait, easy..” Nakalapit agad si Travis para kanyang alalayan. Nagulat pa siya pero unti unting kumalma ng makita ang kaharap.
“Nasaksak ka.” Malungkot na balita nito. Puno pa ng dugo ang puti na tshirt ni Travis at palagay niya ay galing sa kanya.
“Kinuha ang gamit ko noong holdaper—” Sabi niya na parang nagsusumbong.
“You can always buy and replace it, wag mong isipin yon.”
“I can’t, Travis. Walang bumubuhay sa akin. I need a job to finance my expenses at ngayon ay nawalan pa ako ng gamit!” Histerikal na sabi niya. Her phone, laptop and school supplies are now gone. Nag-iisip pa nga lang siya ng paraan para mabuhay ang sarili, ngayon naman ay dumoble pa ang kanyang pangangailangan.
“Hey, Helga.. Relax… I can help you.” Wika nito sa kalmadong tono. “I can give you job. I can replace your phone too.. Iaawas natin sa sweldo mo, wag kang mag-alala.”
“T-talaga?” Mabait na ngumiti si Travis, wala na ang mapaglarong ngiti sa labi nito kundi puno na ng sinseridad.
“Of course.”
Mababaw ang natamong sugat ni Helga. Tinahi iyon pero maari na din siyang umuwi ngayon araw. Babalik na lang daw siya para i-check ito sa isang linggo.
Mayroong staff ng kumpanya ni Travis ang naghatid sa kanila ng malinis na damit. Walang patid ang paghingi ng tawad ni Helga sa nagawang abala kay Travis dahil sa pagliligtas nito sa kanya. He even paid for her hospital bills.
“Maraming salamat talaga, Travis. Maraming sorry din.. Sorry talaga..” Paulit ulit na sinabi niya bago siya bumaba sa Ram ni Travis. Gusto niya sanang ibaba siya doon sa entrada palang ng village kaya lang ay hindi pumayag si Travis na maglakad pa siya.
“Dito ka nakatira?” Pinagmasdan ni Travis ang kanilang bahay habang nakahawak ito sa pinto ng kanyang sasakyan.
“Nakikitira lang ako diyan. Sige, Travis. Salamat. Magkita na lang tayo sa school.”
“Yes, we will talk about my job offer.” Ngumiti si Travis sa kanya at inalalayan pa sa paglalakad patungo sa gate. She waited Travis to get in his car before she faced their house.
Helga carefully opened the door pero bigla itong bumukas at hindi niya inaasahang makikita si Pierre doon. Wala sa garahe ang sasakyan nito kaya nagulat siya na dumating na ito kaagad. Pakiramdam ni Helga ay isang pagkakamali na humkbang siya papasok ng bahay dahil sinalubong niya ang galit na titig nito.
“P-pierre—”
“Saan ka nagpunta? Nakipagdate ka? Bakit ka inihatid ng kaklase mo? Saan kayo nagpunta? I was texting you!” Hinihingal na sigaw nito hindi pa siya halos nakakahakbang patungo sa living room. He has so many questions she cannot answer too!
“P-pierre, I will explain—” Maliit ang boses niya.
“Nagpunta ako sa school mo at hindi ka pumasok! And then what? Makikita kitang inihatid ng kaklase mo? Are we wasting time here, Helga? Pinapaikot mo ba ako?”
“Pierre, I will explain.” Napalunok siya sa takot. She likes the gentle, Pierre, ayaw niya ito kapag galit dahil parang bulkan na sasabog.
“Alam mo, I was even re-considering my thoughts about you.” Ginulo pa ni Pierre ang sariling buhok.
Kumunot ang noo niya.
“I was really thinking that you are not what they think but it seems you are!” Akusa nito na hindi naman niya maintindihan. Gayunpaman, nasasaktan siya sa sinasabi nito. Nakatayo lang siya at pinapanood ang disappointment ni Pierre sa kanya.
“Sakit ka talaga ng ulo ng iyong pamilya!”
Isang malakas na sampal ang ibinigay ni Helga kay Pierre. Wala siyang sinabing salita at tumakbo na lang siya doon sa kwarto niya na nasasaktan. Mabilis niyang kinuha ang maleta niya at itinapon ang mga damit niya doon. Hindi naman niya alam kung saan siya pupunta, wala din siyang pupwedeng tawagan but she knows she cannot stay here. She’s not welcome. Naawa lang ito sa kanya noon or better to say that he needed her for her father’s investment.
Walang sabi sabing binuksan niya ang pinto at marahas na hinila ang maleta niya pababa ng hagdan. Tinapunan niya ng tingin ang asawa. Nakatulala lang sa kanya si Pierre, guilt is evident in his eyes.
“Helga, wait..” Mas mahinahon na ito kaysa kanina.
“Im sorry.. Helga..” Hinawakan siya nito sa siko pero pinalis niya lang. Pag-angat niya ng kamay niya ay nakaramdam siya ng matinding kirot sa tagiliran. Awtomatiko niyang nahawakan ang kanyang sugat at naramdaman niya mamasa masa iyon. Pierre was horrified when he followed her hands.
“H-helga, what happened?”
“O-oh my God..” Nanginig ang labi ni Helga. Alam niyang nasira ang tahi sa kanyang tagiliran dahil tumagos muli ang dugo sa kanyang damit.
“Helga.” Agad siyang binuhat ni Pierre at dinala doon sa pink na kotse na nakaparada sa garahe, Hindi na hinalis ang ribbon sa harapan. Hindi na nga din nasarhan ang gate pagkalabas ng garahe. He drove fast.
“Helga.. Im sorry..” Paulit ulit na sabi nito habang mahigpit ang hawak sa kanyang kamay. Hindi siya makasagot dahil parang mawawalan na naman siya ng malay. She just closed her eyes dahil natatakot siya sa nangyayari.
Sumunod na nakita niya ay ang ospital. Halos magkandakumahog si Pierre na ihiga siya patungo sa stretcher. Nagsusumigaw ito doon para puntahan siya ng mga doktor.
She felt better when a nurse assured her that her wound is not serious. Ngunit si Pierre ay hindi nagpaawat sa paikot ikot.
“Pierre!” Tawag niya dito para mapirmi ito. Lumapit naman ito agad sa kanya at hinawakan siya sa kamay.
“You need something? Im sorry, Helga..” Ulit nito.
Ang kaninang inis niya dito ay napalitan ng pilyang ngiti. Nagtataka naman siyang tiningnan ni Pierre.
“Y-you forgot your slippers..” Bulong niya dito at saka mahinang humagikgik.
Helga x Pierre 10
PIERRE.
“And you drove a pink car with a ribbon!” Walang tigil sa paghalakhak si Helga na akala mo hindi bumukas ang kanyang sugat. Nailipat na siya sa private room yet Pierre’s eyes were still worried. Hindi man lang niya maiangat ang kanyang labi kahit masaya siya na maayos na ang pakiramdam ng asawa.
Natakot siya noong nag-alsa balutan ito. Handa pa siyang magmakaawa para wag lang ito umalis pero mas nag-alala siya nang makita ang dugo nito sa katawan. Mas lalong nadagdagan ang simpatiya niya kay Helga noong mga nakaraang araw. Pakiramdam niya nagkaroon siya bigla ng kapatid na kailangang bantayan.
Pierre was an adopted son from Romania, walang kakayahan ang kinalakihan niyang ina na magkaanak. Mag-isa lang tuloy siya na lumaki, hindi siya sanay na mayroong pinakikisamahan sa bahay but now, he has Helga. Hindi niya man alam ang tamang pag-aalaga para dito, he feels genuine concern. He couldn’t remember when was the last time he was a selfless person. Sanay siya na sa kanya lang ang atensyon at hindi din naman siya ganoon ka-warm na tao. He only cared about Helena all his life, and now he’s caring for her sister, maybe because they are related?
“Sa susunod, hindi na pupwede ang makulit, Helga. I will teach you how to drive..” Pinaglaruan niya ang mahahabang daliri ni Helga na nakapahinga sa gilid ng kama. He likes the warmth that he felt, kanina kasi ay nanlalamig ito at nadamay din siya sa panlalamig.
“I can’t.” Mabilis na umiling si Helga, nagtaas siya ng kilay.
“Should I get you a driver?”
Ngumiti si Helga. “Sobra na yun, Pierre. Sasabay na lang ako kay Stephanie pauwi. Malapit lang sila sa atin.”
Mas lalong tumaas ang kanyang kilay, “Doon sa lalakeng kaklase mo?”
“Si Travis? Sa isang subject ko lang siya kaklase, Pierre. Si Stephanie ang kaklase ko kaya mas madalas kaming magiging magkasama.”
“If you don’t want to drive, I will pick you up.” Pinal na sabi niya. Tumayo pa siya para mamili ng prutas sa basket na katabi.
“Pierre–”
“No Helga.. You are my responsibility.”
“Hindi naman mag-aalala sila Daddy kapag nalaman nila ang nangyari sa akin.” Ngumuso si Helga at niyakap ang unan na hawak. Malungkot itong tumunghay si TV.
“Ako ang nag-aalala, hindi sila..” Umismid siya. Wondering why Helga still feels sad about it. Lahat naman ay mayroon siya, lahat ay kaya niyang ibigay, napakaobvious non. Tumatanggi nga lang.
“Hindi sila magagalit sayo kapag may masamang nangyari sa akin.” Giit pa nito.
“Magagalit ako sa sarili ko kapag may nangyari sayo.” Hindi naman tamang sabihin niya pa na wag nang intindihin nito ang kanyang pamilya dahil nandyan naman siya. He just swallowed his words though it is really tempting to say. “Wag ka na makipagtalo. I will drop and pick you up. Kahit saan ka pupunta. You promise me you won’t do that again.”
Ngumiti si Helga at tumango sa kanya, kasabay non ang pagtunog ng cellphone niya. Tumayo siya para kunin ito.
“Hello..”
“Pierre, mamaya na ang flight ko. Can you pick me up ?” Malambing na wika ni Helena. Hindi siya agad nakasagot. Binalikan niya ng tingin si Helga na nagbabalat ng orange para sa sarili.
“Uhm, Babe..” Panimula niya, napalunok siya ng magtama ang mga mata nila ni Helga pero mabait lang itong ngumiti at binaling ang mga tingin sa TV.
“Magtatampo na ako. Alam kong busy ka pero matagal akong mawawala. Three weeks yon, Pierre .” Nagsusumamo ang boses ni Helena. Napapikit siya at nang dumilat siyang muli, ang nakangiting si Helga ang nakita niya. Nanonood ng Mr. Bean at parang amused na amused. Parang mayroong pwersa sa paa niya na nagpapabigat pero ayaw niyang ientertain yon.
He could just leave Helga for a while. Gabi naman na at matutulog na lang ito.
But he just can’t.
“I will call you later.” Hindi na niya inantay ang sasabihin ni Helena. Umupo siya sa tabi ni Helga at gusto niyang pagalitan ang sarili. Hindi naman siya ganito dati. Isang salita lang ni Helena ay susunod na siya. Kung pupwede niya lang sabihin ang kalagayan ni Helga baka maintindihan siya nito pero ayaw naman ni Helga na ipaalam pa.
“Bakit ganyan ang mukha mo?” May isang pirasong orange na ang nakatapat sa bibig niya at pilit na isinubo sa kanya ni Helga.
Umiling siya at ngumiti, “Wala.”
“Si Helena ang tumawag?”
“Flight niya mamaya.”
“Oh? Anong oras mo siya kailangang puntahan? Baka matraffic ka, Pierre.” Umiwas ng tingin si Helga.
“Wala kang kasama.”
Nagtataka si Helga na tiningnan siya.
“Ano ka ba?” Tanong nito sabay malamyang hampas sa kanyang braso.
“Im fine. Hindi ako malikot. Matutulog na din ako.” Pagpapanatag sa kanya nito.
“Go.”
Tumango siya. He stood up but he couldn’t make a step.
“Just sleep. Kung may kailangan ka, tawagan mo agad ako.” Bilin niya pa kay Helga dahil hindi talaga siya makaalis sa kanyang puwesto
“Pierre.. Leave.. Kaya ko na.” Ngumiti si Helga sa kanya. Napapahiya na siya, cheering himself to walk away and when he did, he almost sighed in relief.
Nagtungo pa siya sa nurse station para ibilin ang asawa. Pinigilan niyang wag maging makulit pero iginiit pa niya na ilagay sa cellphone ng tatlong nurse na nakaupo malapit sa kwarto ni Helga ang numero niya, kung isusulat kasi iyon sa papel ay baka mawala.
He’s worried that Helga might need him and he’s not there again.
HELGA.
TININGNAN ni Helga ang iniabot na cellphone sa kanya ni Pierre. It was his spare phone. Walang ibang numero kundi ang kay Pierre. For her, having a new phone without anyone’s number is the start of disconnecting to people from her past. She still feels lonely however Pierre keeps on assuring her that she’s fine with him.
Pero hanggang kailan naman?
Ayaw niyang masanay dahil nanlilimos lang din naman siya ng atensyon nito. When she was younger, she would die to be in her position right now, pero ngayon ay napupuno siya ng guilt. Of course Pierre would want to be with her sister. Kung magpapakasal rin lang ito ng maaga, mas gusto niya na kay Helena pero hindi. Na-trap ito sa kanya.
Nasa ganoon siyang pag-iisip ng biglang bumukas ang pinto. Nagulat pa siya ng makita si Pierre doon, wala pang 45 minutes simula nakaalis ito.
“P-pierre. A-anong ginagawa mo dito?” Nagtatakang tanong niya. Sa kanang kamay ng asawa ay ang bitbit na cupcakes na iba’t iba ang kulay. She smiled at the sight. She loves cupcakes!
“H-hindi na nagpapasundo si Helena.. M-may kasabay daw.” Napansin niyang lumikot ang mga mata nito but then she welcomed him. Nilahad niya ang mga kamay.
“Akin ba yan?” Masaya niyang tanong. Nakangiti si Pierre nang lumapit sa kanya. at inabot sa kanya ang dala.
“Are you sure, Helena’s fine?” Tanong pa niyang muli habang pinagkakaabalahan ang cupcake sa box.
“She will be..” Pierre assured.
AFTER a week of resting, bumalik muli sa eskwela si Helga. Kagaya ng sinabi ni Pierre, he would bring her to school and pick her up. Noong una nga, iniisip niyang magsasawa ito sa ginagawa dahil busy din naman ang schedule nito pero nagkamali siya, mas madalas pa itong mauna sa kanyang magising para ipagluto siya ng breakfast at maaga din itong dumarating para sunduin siya sa loob ng tatlong linggo mula ng makalabas siya sa ospital.
However, this day was different. Naimbitahan siya para sa Fraternity Party na kinabibilangan ni Travis. Halos lahat ng kaklase niya ay kasama. The Fraternity that Travis belonged to is not the dark type with paddle as a welcome. Mayroong mga social activities sila. Ang party nga na kanilang dadaluhan ay isang fund raising para sa mga cancer patients sa isang pampublikong ospital. The ticket was priced at 10,000 at ekslusibong ibinebenta sa mga students at professors ng Colegio de Artem.
“Helga, ano? Suotin mo na nga ito.” Nakaharap sila ni Stephanie sa salamin at halos isiksik sa kanya ang isang maigsing dress. Wala sana siyang planong pumunta dahil nahihiya siyang isipin ni Pierre na pinag-aaral na nga siya, nakuha niya pang mag-party. Kaya lang napaka mapilit ng kanyang mga kaklase, siya lang ang hindi pupunta kung sakali. Special pass ang ibinigay sa kanila ni Travis kaya mas lalong nagpumilit ang mga ito.
Idadahilan niya sana na wala siyang damit pero ipinagdala naman siya ni Stephanie.
“B-baka kasi hanapin ako sa amin–”
“Diyosmio! 18 ka na! College party naman ito, for a cause pa! Sabihin mo nga? Sino ba ang inuuwian mo at napakahigpit? Di ba sabi mo hindi mo kasama ang parents mo. Napakamisteryosa mo huh! Pero sana man lang ay sumama ka sa kasiyahan!” Pilit nito sa kanya.
Ginulo gulo niya ang kanyang buhok, mukhang hindi sila lalabas ng restroom hangga’t hindi siya sumasama.
Hinila niya ang itim na dress mula kay Stephanie at pumasok sa isa sa mga cubicle ng mapagtantong wala na siyang kawala. Sinuot niya ang dress. Napangiwi siya ng makitang napakaigsi non at yakap na yakap sa kanyang katawan. She’s not ashamed of her body, sa katunayan, toned naman ito at napakakinis ng kanyang kutis pero alam niyang pagtitinginan siya dahil sa katangian na iyon. Hindi naman kasi siya nagsusuot ng mga revealing na damit. Ayaw niya din makakuha ng atensyon sa eskwela but cases like this is an exception.
She bit her lower lip as she composed a message to Pierre dalawang oras bago siya sunduin. Sa normal na araw, may klase sila dapat ngayon but since the college professors support the fund raising, hindi na itinuloy ang klase na panghapon.
‘Hi! May college party kami.. Lahat kasi pupunta kaya sasama na din ako.. Kasama ko si Stephanie na uuwi. May susi naman akong dala, wag mo na akong intayin.’
Her heart beats so fast pagkasend niya ng mensahe. Pakiramdam niya, may mali siyang ginagawa. Living with Pierre for two months taught her to be careful with her actions. Ayaw niyang magalit ito o di kaya mag-isip sa kanya ng masama. Halos mapatalon pa siya ng makatanggap dito ng reply.
’Saan?;
Yun lang ang reply nito pero natatakot siya. Para siyang bata na gusto na lang umuwi at manood ng food network na kadalasan niyang ginagawa at nakikinood na din si Pierre.
“Steph.. Saan tayo?” Tanong niya mula sa cubicle.
“Valk!” Sigaw nito pabalik.
‘Valk daw.. Hindi ko alam kung saan…’
Tumunog muli ang cellphone niya.
Pierre: K.
Hindi niya alam kung bakit nalulungkot siya sa paraan ng reply ni Pierre. Kasi naman napakatipid. Wala yung normal na smiley saka madaming tuldok sa dulo.
Napakasungit.
Pero binura niya na lang ang lungkot sa isip. Maybe he’s busy with work. Hindi naman siya ang tamang tao na kailangan niya pang pagtuunan ng pansin. Baka nga nagtataka pa ito na nagpaalam siya.
“Ang ganda mo, Helga! Maglalaway na naman si Travis!” Humagikgik si Stephanie pagkakita sa kanya. Kasalukuyan itong nagkukulot ng buhok. Bumagay din dito ang suot na puting body hugging dress na maigsi. She looks classy in her red lipstick too.
Sinuklay lang ni Helga ang kanyang buhok gamit ang daliri at kinurot ang pisngi para pumula, paulit ulit din na kinagat ang labi
“Huy! Ano ka ba! Makaluma mo!” Pagalit sa kanya ni Stephanie sabay hila sa kanya.
“Ang magaganda, kailangan din ng makeup. Pikit.” Utos sa kanya ng kaibigan. Sinunod naman niya ang sinabi nito. Kung ano ano ang pinahid sa kanyang mukha. Nang paharapin siya ng kaibigan sa salamin pagkatapos ng napakaraming seremonyas, she was shocked to see how she looked like! Her lips were dark plum and her cheeks were rosy. She looked like a rockstar chic. Malayo sa normal niyang ayos. Helga knows she’s pretty but she was never so adventurous about it. Ayos na sa kanya ang gloss at face powder.
“G-grabe naman ito, Steph!”
“Sus! Ano ka ba! Maganda! Very fashionable!” Giit nito. Pinagbigyan niya na lang si Stephanie sa trip nito para makaalis na sila at magsawa na ito kakaaparty para uuwi sila agad.
Papadalim na ng lumabas sila sa restroom at halos papaubos na din ang mga sasakyan sa school nila. Dala ni Stephanie ang maliit nitong sasakyan patungo sa club na pagdadausan ng party. Halos isang oras dinang drive patungo sa venue.
Ang maingay na tunog ng nakaliliyong music at nakakasilaw na ilaw ang sumalubong sa kanila ni Stephanie. Pagkatapos ipakita ang kanilang ticket ay pinapasok na sila sa loob.
“Ang galing di ba! Ang daming pogi ang kakilala nito ni Gingineer Travis!” Humalakhak si Stephanie habang maliit ang hakbang na pumapasok sa loob. Pati siya ay nahihirapang pumasok. Kaliwa’t kanan ang napapahinto kapag nakakasalubong sila ni Stephanie. Boys that would try to hit on them ngunit tanging si Stephanie lang ang nagre-reciprocate.
Naghahanap siya ng mga pamilyar na mukha sa paligid para may makakwentuhan pero masyadong mahirap humanap ng tao sa napakadilim na lugar.
“Helga!” Halos banggain ng matipunong katawan ni Travis ang nakakasalubong nito para puntahan siya. Ngumiti lamang siya at tipid na kumaway dito.
“Mabuti at nakarating ka. Kumain ka na?” Travis asked, ang kamay nito ay maingat na nakapatong sa kanyang bewang para protektahan siya kung sakaling maitulak ng mga paroo’t parito sa loob ng club.
“Hindi pa ako gutom. Si Steph, baka.” She shrugged. But then she found her friend dancing freely with one of the guests habang akala mo nakainom na pataas taas pa ng kamay. Napailing na lamang siya.
“Halika, doon tayo..” Turo ni Travis sa kung saan na hindi naman niya makita dahil sa kapal ng mga tao. But then she followed.
Ilang tao pa ang bumunggo sa kanya pero nasasangga lang iyon ng malapad na dibdib ni Travis. Girls would flock on him, he seems like an eye candy because of his large frame and toned muscles but he’s very attentive to her.
“You look so great tonight..” Wika nito habang sinasabayan siya sa paghakbang. Hindi niya alam kung binobola ba siya nito o kung ano dahil panay naman ang kaway sa mga nakakasalubong na kakilala habang sinasabi iyon.
Isang waiter ang makakasalubong nila at natanawan niya iyon agad, madaming baso ang nakalagay sa tray at mukhang hirap na ito.
Umiwas si Helga para bigyan ang waiter ng space pero naging dahilan iyon para ma-out of balance siya, she panicked in an instant, maagap siyang nasalo ni Travis mula sa muntik na pagkakabagsak.
His warm hand touched her skin, bare back kasi ang disenyo ng suot niyang dress. Mataman siyang tinitigan ni Travis habang hinahayaan na nakaliyad siya sa kamay nito, gusto niyang idaan ito sa ngiti but Travis looked so serious. Unti unting bumaba ang kamay ni Travis sa kanyang likod, she felt awkward, she tried to stood up quick then her phone rang which she thanked the heavens for saving her in such an awkward situation.
“H-hello..” Garalgal pa ang kanyang boses dahil sa panunuyo ng lalamunan sa muntikan na pagkakabagsak sa sahig at sa hawak ni Travis sa kanya, isama na ang paninitig nito.
“The ticket tonight was jacked up thrice.” Sambit sa kabilang linya ng isang malalim na boses. Tiningnan niya ang kanyang cellphone at nakumpirma niyang si Pierre iyon. Napakunot ang kanyang noo.
Anong ticket ang pinagsasasabi niya?
“I bought ten tickets just to let me in, I might end up spending more for broken glass and furniture.” Wika muli nito, mahihimigan ang bantang panganib. Kinabahan tuloy siya.
“Pierre, asan ka?” Nilakasan niya ang boses dahil sa parehas na ingay sa kanyang kinalalagyan at sa kabilang linya.
“Watching you. Tell that guy to find a wife to touch and stare at. Wag yung akin.”
Gumapang ang kaba sa kanyang dibdib at mabilis na hinanap si Pierre sa paligid.
Helga x Pierre 11
HELGA.
TILA nakakita ng napakaraming bituin si Helga, halos lumipad ang kanyang kaluluwa dahil sa kaba. Tiningnan niya si Travis na mayroong naglalarong ngiti sa mga labi kaya tumuwid siya at mabilis na dumistansiya dito.
“Thanks, Trav. H-hindi na pala ako gutom. Puntahan ko lang si Steph..“Lumayo siya agad sa binata. Sumiksik sa mga taong wala na ding espasyo sa pagitan ng mga katawan. The crowd cheered vehemently. Kasabay ng sabay sabay na pagtaas ng mga kamay ang pagsabog ng napakalakas na musika sa paligid.
“Helga!” Tawag ni Stephanie sa kanya. Nakikipagngisian ngayon ito sa isang grupo ng foreigner na nakapaikot dito. Hindi niya nagustuhan ang kanyang pwesto, there’s something about guys that makes her feel uncomfortable, isa pa, nasa paligid si Pierre.
Isang blonde ang buhok na kasing puti ng papel ang ngumiti sa kanya, hindi niya alam kung paano magre-react. Sumayaw ang foreigner sa kanyang likuran at napangiwi siya.
“Kumusta?” Tanong nito sa slang na tono. He must have been in the Philippines for awhile now. Naririnig niya pa itong makipag-usap sa wikang Filipino doon sa kaibigan nitong kasayaw naman ni Stephanie.
Naitutulak siya ng mga tao kaya wala siyang choice kundi ang sumabay sa pagsayaw. Mas bigay nga lang sa pag-galaw ang kanyang nasa harap. Kinilabutan siya dahil pilit nitong dinidikit ang katawan nito sa kanya. Mas mabuti pa palang hindi na siya lumayo kay Travis dahil mas malala ata ang napuntahan niya.
Ngumiti siya ng hilaw, nag-iisip na ng paraan para tumakas nang may maramdaman siyang paghawak sa kanyang bewang. It is a heavy hand, claiming ownership, kinilabutan siya. A man dancing from her behind brought her to frenzy. Kung ordinaryong araw ay baka nainis siya. The man was really close, halos lumamon ng personal space. Bumaba ang mukha nito sa kanyang leeg pero imbes na magalit, napapikit pa siya sa malambing na pagkilos nito.
How could the mix of mint and alcohol in someone’s breath would seem so sexy for her?
She swayed her hips for a bit. Mas lalo siyang hinapit ng misteryosong kasayaw sa kanyang bewang. Unti-unti ay nagsimula silang lumayo sa mga tao, the man pulling her away from the dancefloor by simply locking her waist that fits in his enclosed hands for her is erotic, para siyang binubusog sa bagong pakiramdam. Nang makarating na sila sa dulo ng dancefloor kung saan mas madilim, the mystery man hugged her from behind, and she felt familiar. Hindi lang niya mapagtanto kung ano dahil sa ingay sa kanyang paligid.
Napapikit siya sa kakaibang sensasyon. This man is tracing circles on her stomach. It was really really sensual. The man planted a small kiss on her neck, pinanlakihan siya ng mata! Nagapalinga linga siya at kinabahan. Tiyak na lagot siya kay Pierre kung nakikita siya nito ngayon.
“W-wait!” Pilit niyang kinakalas ang nakahawak sa kanyang bewang pero kitang kita niya ang pagmamatigas nito.
“P-please, wait. My husband is around.” Pagsasabi niya ng totoo. Siguro ay hahamunin siya nito dahil nawala siya sa kanyang sarili pansamantala but she doesn’t care! Kailangan niya ng bumalik kay Pierre.
“He must have been really really disappointed.” Wika nito. Nangunot ang noo niya saka mabilis nilingon ang misteryosong lalaki.
“Pierre!” Paos ang kanyang boses, kunot noong tiningnan siya nito, hindi niya pa mapagtanto na ito pala ang mystery man na siyang sinasayawan at pinagbibigyan niya!
“Stubborn.” Malamig na sabi nito.
“Pierre, I was—”
Parang ibinalik lang ng alon ang kanyang tinig dahil sa ingay sa lugar. Gusto niyang magpaliwanag. Saan kaya ito nadisappoint? Tiyak na sa napakaraming bagay! Sabi na nga ba’t hindi mabuting ideya ang pagtungo niya dito. Napatakip siya ng noo.
“S-sorry, Pierre..” Bulong niya.
Napailing lang ito at mabilis siyang hinila papalabas ng club at diretso sila sa pagsakay sa sasakyan. Nakayuko lang siya buong pagmamaneho ng kanyang asawa. Nagbubuo ng salita na gagamitin para magpaliwanag. Una niyang sasabihin ay hindi siya bumili ng ticket para doon sa event kaya hindi siya gumastos, pangalawa ay si Stephanie ang nagbigay sa kanya ng damit at pangatlo… Kaibigan niya lang si Travis at bigla lang siyang isinayaw noong foreigner.
Pinagmasdan niya ang tiim bagang na pagmamaneho ni Pierre. Nawawalan siya ng lakas ng loob na ibukas ang bibig. Nakakatakot kasi ang magkasalubong nitong kilay at mahigpit na pagkakahawak sa manibela. Mukha pang nakainom ito.
Nang makarating na sila sa kanilang bahay, naunang bumaba si Helga para pagbuksan si Pierre ng gate. Pagkatapos maipasok ang sasakyan, tumuloy na siya sa loob ng bahay, patakbo siyang nagtungo sa kwarto niya para kumuha ng gamit sa pagshower. Wala pa si Pierre doon sa loob ng bahay kaya nakahinga siya ng maluwag nang makapasok sa banyo.
Natagalan siya sa paliligo. Paulit ulit niyang kinakatok ang ulo dahil sa pagkakamali na naman niya. Tiyak na pagbibintangan na naman siya ni Pierre ng kung ano ano. Na masama siya at pasaway. Tiyak na mananawa na si Pierre sa kanya. Tiyak na–
“P-pierre?” Pagbukas niya ng pinto ay nakita niya agad si Pierre na nakahalukipkip sa harap mismo ng pintuan ng banyo. His dark brooding eyes and his messy hair was put on view. Kapag nakatiklop ang mga braso nito ay kapansin pansin ang muscles doon. Ipinilig ni Helga ang kanyang ulo.
Mali, mali ito.
“Sorry, Pierre..” Maliit ang boses niya.
“For what?” Taas pa ang kilay na tanong nito.
“F-for partying.”
“Do you really think I got mad because of that?” Matigas na tanong nito. Tumango tango siya. Para saan pa ito magagalit? Kanina naman kasi akala niya pumayag ito, sana pala hindi na lang pumayag kung magagalit pala.
“I am really mad because someone touched you.” Kalmado pero may panganib ang boses ni Pierre, hindi niya alam kung saan siya magtatago.
“And you really looked so beautiful.” Walang kagatol gatol pang sabi nito.
“Im sorry, Pierre-” Ulit muli niya. Napakurap kurap siya dahil unti unting lumalapit si Pierre sa kanya. She’s wearing a shorts and spaghetti strap yellow terno kaya dumapi agad sa kanyang balat ang lamig nang maubos na ni Pierre ang kanilang distansya.
“Who’s your first kiss, Helga?” Mariing tanong nito.
Pinanlakihan siya ng mga mata dahil sa katanungan na yon. That is a personal question!
At paano niya sasabihing si Pierre din naman mismo yon?
“S-secret…” Bulong niya ng napapapikit, pilit na iniawas ang kanyang mukha. Natigilan si Pierre at pinakatitigan siyang mabuti.
“Ibig sabihin, may nauna na?” Tanong nito sa kanya. Alanganin siyang tumango. Hindi pa siya natatapos sa pagtango ay bigla siyang siniil ni Pierre ng halik sa labi, galit ito at nagmamadali.
Hindi alam ni Helga kung saan ibabaling ang kanyang ulo, sa kaliwa ba o sa kanan.. Ang alam niya lang ay marahas ito. She could almost taste metal in her mouth dahil sa panggigigil nito.
“P-pierre, are you drunk?” Napapiyok siya.
“No Helga, I am fuming mad.” Pagkasabi non ay hinalikan muli siya. Hindi niya alam kung bakit parang nagagalit si Pierre, sa isang pagbuhat lang ay natangay siya agad nito na hindi pinuputol ang halik sa kanilang pagitan.
Tumakas na ang kamalayan niya patungong langit nang maihiga siya ni Pierre sa sofa, she couldn’t name the sensation he was giving her, kahit ang maliit na bulong para pigilan si Pierre ay hindi niya marinig. He felt the warm hands of Pierre on her stomach, the same sensation she felt when she they were at the club. Umangat ito patungo sa kanyang dibdib. Napaigtad siya. Hindi siya sanay na mayroong humahawak doon.
“P-pierre..“Bulong niyang muli.
“Why didn’t you wait?” Sabi sa kanya nito ng buong hinagpis, magsasalita pa sana siya nang bigla siya nitong siilin sa labi.
Bumaba ang masusuyong halik sa kanyang leeg patungo sa collarbone. This is electrifying, she thought. Tila ibang tao ang kanyang kaharap. Iniisip niya kung may napansin ba siyang ibang side ni Pierre noon? Wala. Ngayon lang ito.
Pierre pulled her spaghetti strap upwards, halos takpan niya ang sarili but Pierre held her on the wrist while kissing her navel. She finds it really hot, hindi siya makagalaw dahil na din sa liit ng espasyo ng sofa na kung hihiga si Pierre ay mahuhulog na ito!
“P-pierre.. Are you drunk?” Ulit niya.
Tumango ito. Tatayo sana siya dahil ayaw niya ng hindi muli nito maalala ang nagyari sa pagitan nila pero pinigilan siyang muli nito kaya bumagsak muli ang kanyang likod sa malambot na couch.
“Stay here, Helga..” Pangungumbinse nito.
“I am shy..” Bulong niya. Yun rin lang naman ang kanyang problema pero umiling lang si Pierre.
“You are beautiful, Helga.” Wika nito na ikinapula ng kanyang pisngi.
The kisses went deeper, tastier and hungrier. Ngayon ay tumutugon na din siya. Wala na siyang ibang iniisip kundi silang dalawa. She held Pierre’s shirt and he obliged, she freed her hands and touched him, mataman siyang pinagmamasdan ni Pierre habang pinagmamasdan siya, he did the same, they both explored each other with ownership. Pakiramdam nila ang bawat mahawakan at mahalikan ay kanila na. Kanilang kanila.
Napaigtad si Helga when Pierre’s kisses went lower, he pulled her shorts and panties all at the same time. Nahirapan pa siyang huminga. She was exposed and she’s shy!
“P-pierre..” Impit na tawag niya pero binalewala lang siya nito. Mas lalo siyang nakaramdam ng pagkapahiya. His tongue skillfully caressed her core as she whimpered in pleasure.
“P-pierre, please…” May tumakas na luha sa kanyang mga mata. At this moment, she couldn’t care anymore. She wanted to know something she never knew, feel something new. A feeling that was never awaken until today.
“Pierre!” She yelled when she felt she’s about to explode, she felt her bones broke because of the sensation she felt. Paikot ikot ang kanyang katawan na parang mababasag. She wanted to stop the sensation but it was really good. Ayaw niya lang mapagkamalan siya ni Pierre na nababaliw.
Slowly, Pierre positioned on top of her while she’s recovering from the new feeling. Hindi na siya halos makatingin sa mukha nito, but he placed his fingers in her chin and made her face him.
“Your cheeks are so red.” Ngumiti ito sa kanya. Mas lalo ata siyang namula.
“Pierre!” Pagalit niya pero mahinang tumawa lang ito.
Pierre prepared himself for entrance, napalunok ng husto si Helga, he’s really huge and ready.
“Pierre.. Hindi ata pupwede..“Bulong niya.
Hindi kumibo ito at sumubok muli, impit siyang napatili. “Pierre!”
Nagtataka itong tiningnan siya.
“This is your first?”
Nahihiya siyang tumango. Natatakot talaga siya, tiyak na masasaktan siya at hindi niya iyon gusto. Siguro naman magbabago ang isip ni Pierre dahil napagtanto na nitong hindi siya ganoong klaseng babae.
Saka, masakit talaga…
Pero nagkakamali siya. Mas inilapit nito ang katawan nito sa kanya at masuyo siyang hinalikan.
“Thanks for waiting.. I’ll be gentle, Mrs. Floresca.” Bulong nito sa kanya. Pinanlakihan siya ng mata. Huli na para makapagsalita siya. She felt a constricting pain and unexplainable force on her lady part. Hindi siya kumibo, dahan dahan sa pagkilos si Pierre but it doesn’t make any difference, masakit.
“Shhh..” Bulong nito sa kanya habang tahimik siyang lumuluha.
True enough her body was able to adjust, she felt the excitement Pierre gave her a while ago. She moaned but Pierre groaned louder. Halos mabiliw siya. She’s making him happy and there’s no equivalent joy to this, They felt the rush and the bliss as Pierre collapsed on top of her.
Hinaplos niya ang likod nito. Hindi niya mapigilan ang pagngiti.
She’s a real woman now.. At binigay niya yon sa kanyang asawa. Mahina ang paghinga ni Pierre, she realized he fell asleep. Gumawa siya ng paraan para umalis mula sa pagkakadagan nito at nagtagumpay siya. Unti unti niyang pinulot ang mga damit niya, she’s really sore down there.
Binihisan din niya ng shorts si Pierre bago siya umakyat sa kanyang kwarto para matulog ng nakangiti.
PIERRE.
Namulat si Pierre sa sofa. Noong una disoriented pa siya dahil wala siyang pang-itaas, doon niya lang naalala na mayroong nangyari sa kanila ni Helga. Napatapik siya ng kanyang noo. Mabilis niyang inakyat si Helga mula sa kwarto nito at sinilip. Natagpuan niya itong mahimbing na natutulog.
Hinaplos niya ang buhok ng asawa. Tiyak niyang napagod ito at napuyat.
“Are you sore?” Bulong niya pero napangiti siya nang kumunot ang noo ng asawa at parang galit na bumaling sa kabilang parte ng kama. Kahit tulog ay maganda pa din. Inayos niya ang kumot ni Helga. He thought of preparing something for her. Bumaba siya para magluto ng paborito nitong bacon and eggs.
Habang nagiintay na maluto ang nasa kalan ay tumunog ang kanyang cellphone. It was a call from Helena, guilt rushed through him but he knows he shouldn’t. He confirmed that he likes Helga. Ang lahat ng nangyari kagabi ay hindi aksidente. He likes her, and he’s dead jealous of anyone touching her.
Sa kanya lang ang kanyang asawa.
Pinatay niya ang kanyang cellphone. He doesn’t want to ruin Helena’s vacation, kakausapin na lang niya ito pagbalik.
Napapangiti siya kapag naalala niya ang maamong mukha ni Helga. Kung paano ito matawa sa maliliit na bagay, gusto niya itong yakapin sa kanyang mga bisig but he doesn’t want to scare her. Uunti-untiin muna niya.
Nakarinig siya ng pagbukas ng pinto. Naghanda siya ng ngiti, nang magtama ang mga mata nila ni Helga ay agad na pinanlakihan ito ng mga mata at tumalikod.
“Helga!” He called pero binagsakan lang siya ng pinto. Napapailing niyang pinatay ang kalan.
Nagbigay siya ng warning knocks pagkatapos ay pinapasok ang sarili sa silid ni Helga. Naabutan niya itong nakatakip ng comforter at maraming unan sa mukha. Mahina siyang natawa.
“Wag kang lalapit!” Tili nito sa kanya. Napakunot lang ang noo niya pero lumapit pa din siya.
“Bakit hindi?” Tanong niya sabay hila ng kumot patungo sa sahig.
Nagmadali si Helga na pumulot ng unan para ipantakip sa sarili, mas lalo lamang natawa si Pierre. Nakipag-agawan siya sa unan hanggang sa matanggal din niya iyon sa mukha ni Helga.
“Hala…“Ungot nito sabay takip ang mukha gamit ang palad nito. Hinila niya sa pulso ni Helga at pilit na inilapit sa kanya.
“Bakit ayaw mo akong makita? Huh?” Pangungulit niya. Umiwas ng tingin si Helga, mabilis niyang binaling ang mukha nito sa kanya at pinaglapat ang kanilang mga labi.
“Hala! Pierre!” She complained. after the chaste kiss. Malapad na ngumiti si Pierre at muling tinukso ang kanyang mga labi.
“Nothing to be ashamed of.” Sabi pa niya na humalik ng isa pa.
“Hindi pupwede… Paano si Helena?”
“I need to get this straight when she gets back. Helga.. Mag-asawa tayo and I like you, hindi ba iyon naman ang tama?”
Hindi kumibo si Helga. He wants to tell her his plans pero mukhang sa nangyari palang sa kanila ay umaatras na ang kanyang asawa. She’s scared and he’s so excited about what he’s feeling pero pinigil niya ang kanyang sarili.
“Hindi naman sapat ang like lang, Pierre. It shouldn’t be marriage and like, it should be marriage and love,” Matigas na wika nito sa kanya.
Nalungkot siya sa tinuran nito, unti unting lumuwag ang pagkakahawak niya kay Helga. Maybe he’s the only one feeling it. Ang mayroon sa kanya si Helga noon ay crush lang, bagay na normal sa mga kabataan.
But he felt more— intense.
He felt that he wants to work their marriage out. Yes, he cannot say that he’s inlove with Helga pero hindi niya na maitatanggi na gusto niya ito. If he loves Helena as much as he wanted to believe it, hindi dapat ganito ang nararamdaman niya kay Helga, hindi siya magkakagusto sa iba.
“O-okay..” Ngumuso siya. Wala naman siyang ibang magagawa. May punto si Helga but liking her would mean she should end everything with Helena. Hindi niya naman maaring paasahin sa kanya.
May masasaktan, oo. But betrayal is more painful. Better to end everything early.
“Gutom ako, Pierre.” Nahihiyang bulong ni Helga.
“May masakit pa sayo?” Buong ingat na tanong niya. Nahihiyang tumango si Helga. Walang ano ano ay binuhat niya ito na parang bata. Humilig sa kanyang balikat si Helga and he doesn’t even know what kind of comfort it brings him. Hinaplos niya ang likod nito at mas lalong sumisik si Helga sa kanya. His heart flutter.
Para siyang pinanganak para tugunan ang pangangailangan nito..
At handa siyang ibigay ang lahat kahit anong mangyari. Yun ang pakiramdam niya.
Helga x Pierre 12
HELGA .
NAMUMULA ang pisngi ni Helga habang nangungumpisal kay Stephanie. Ang tanging taong maari niyang mapagsabihan dahil hindi siya huhusgahan nito sa nakaraan niya kundi bilang isang bagong kakilala. She sips from her straw and bit her lip as the bitterness and sweetness exploded in her tongue. Pamilyar iyon.. Sweet but bitter, just like borrowed kisses from her sister’s boyfriend.
“OMG OMG OMG!” Stephanie shrieked. Never ending na hinampas ang malamig na bakal na lamesa sa isang primyadong coffee shop.
“So, hindi ka na V?” Humagikgik ito.
“Ha? Helga? Hindi ka na V?” Steph repeated when she didn’t answer.
“Hindi yon ang punto ko, Stephanie.” Umirap siya. Para namang isang clown ang pagngisi ni Stephanie.
“I got your point!” Humagikgik ito. “Finally! Your childhood dream is all yours!” Nilahad pa niya ang kamay at inilagay sa dibdib. “May forever talaga hindi ba?”
“Oo.. Forever na aasa.” Malungkot siyang tumungo. Eh paano naman siya maniniwala kay Pierre, noong isang araw lang sinasabi nitong magkapatid sila. Tapos kagabi mayroong nangyari sa kanila. Hanggang ngayon ay iginigiit pa din ng puso niya na natukso si Pierre dahil maigsi ang suot niya. And maybe, he’s drunk. Really drunk that he couldn’t recognize what he’s doing. But the following morning was weird. Desidido daw na ayusin ang kanilang pamilya?
“Gusto lang non makaulit.” Ngumuso siya but Stephanie pulled some strands of her hair.
“Gaga, base sa kwento mo, hindi naman ganoong klaseng tao si Pierre. Saka paano ka naman balik-balikan kung wala ka namang alam sa pakikipag ano?” Humalakhak si Stephanie na walang filter ang bibig. Nagtakip ng tainga si Helga. Isang oras pa na makasama niya si Stephanie, magiging baliw na din talaga siya. Tinanggal ni Stephanie ang pagkakatakip ng kanyang tainga.
“You know what’s wrong? You.” Steph pointed out. “You always think about your family that left you. Eh eto na nga si Pierre, nag-aalok na maging kapatid, kapamilya at kapuso, tatanggi ka ba? Alam mo nasesense ko yang Ate mo, may inggit yan sayo at hindi na ako magugulat kung maghahasik yan ng lagim balang araw.”
“Grabe ka naman Steph.” She feels that it is very wrong to judge Helena. Normal lang na sumama ang loob nito sa kanya pero hindi naman siguro dadating sa punto na kasusuklaman pa siya. Saka sinabi naman niya na isasaoli din niya si Pierre kapag naging maayos na ang lahat. Hanggang ngayon ay malinaw pa din iyon. Ang pag-aaral niya ang kanyang daan para makapamuhay siyang mag-isa. After that, Pierre can leave her, marry Helena or be with Helena if her parents would disagree, whatever. She will be out of the picture by then. Whatever happens, her parents hate her, be with Pierre or not.
“OMG!” Napatakip ng kanyang bibig si Steph. “What if– What if– mabuntis ka?”
Para siyang binuhusan ng malamig na tubig dahil sa katanungan. Hindi niya naisip iyon.
“It is unprotected right? Paano na lang kung—”
“Stop it, Steph. Pinapakaba mo ako.”
Sumandal si Stepanie sa kanyang upuan at binagsak ang kanyang plastic cup na gumawa ng ingay, pagod siya nitong tiningnan. “I am just testing you and you reacted so wrong in so many levels. Helga. You consummated your marriage, sex inside marriage is a gift from God and also a duty to your partner. Kahit araw araw niyong i-consummate yan, walang magre-react! Ilang galong konsensya ba ang nilaklak mo girl? Wala ng ganun ngayon. This world will eat you alive if you won’t fight for what you want.”
Napaisip si Helga. Now that Stephanie’s point involves God, nagduda siya sa sinasabi ng isip niya.
“Natatakot kasi ako, Steph..”
“Karapatan! It is 100% yours, at yung kapatid mo, technically, siya ang kabit. Why do you feel otherwise? And Pierre said he likes you, that is step one. Wag mo na lang gawing komplikado ang lahat.Panghawakan mo ang like na yon para maging love at hindi ka na pakawalan.”
“Paano ko naman gagawin yon?”
“Be a wife. Maging maasikaso ka, lagi mong kumustahin kung kumain na ba at kung nakarating na ba siya sa pupuntahan niya. Always remind him to be safe. Ganoon ata yun.” Napakamot pa ito ng kanyang ulo.
After nilang magkwentuhan ni Stephanie, sumakay na ng taxi si Helga para umuwi, kinuha niya ang kanyang phone at paulit ulit na nag-iisip kung itetext ba si Pierre o hindi. Naging awkward kasi ang hangin sa kanilang pagitan kaya nagpaalam siyang mamasyal muna kasama si Stephanie at ipinilit niya na magtataxi lang siya. Siguro dahil sa pagkailang, napapayag niya si Pierre na magcommute siya.
‘Pauwi na ako.. Anong gusto mong dinner?’
Kagat labi pa niyang isinend yon.
Tumunog agad ang cellphone niya, it’s a call from Pierre.
“Hello?”
“Hi..” Pierre’s manly voice made its way to her heart. Gusto niyang pagalitan ang sarili sa paraan ng pagpikit niya dahil narinig niya ang boses ni Pierre, kung bakit sa isang ‘hi’ lang kinikilig siya.
“Hi..”
“Nandito lang ako sa bahay, iniintay ka. I cooked.” Masuyong sabi nito. Ginulo niya ang buhok niya at mahinang napabuntong hininga.
“Okay..”
“San ka na banda?”
Luminga linga siya at nakita niyang nasa tapat siya ng Sports Complex na malapit sa kanila.
“Sports Complex.” Tipid niyang sabi.
“Ingat ka..”
“Okay.”
Kulang na lang mayroong dumaang ibon sa kanilang pagitan. Parehas silang walang masabi. Later on, Pierre would find her boring and will dislike her for sure. At siya, patuloy pa din naman siyang hahanga kay Pierre sa malayo. She likes him. Whether it is a serious Pierre, silly Pierre, the Businessman Pierre, even the passionate Pierre that loves her sister. Yun ang natutunan niya habang lumalaki siya.
Hiniling niya na sana naging madali lang ang lahat, kung hindi niya ito gusto, hindi siya mentally tortured ngayon.
But she likes him so much. So much that it is too bad for her, as if her situation isn’t bad enough.
Natanawan niya agad si Pierre na nakahalukipkip at nakasandal doon sa may gate sa labas ng kanilang bahay. He looks bored. Tumuwid ito ng tayo pagkakita sa kanya at ngumiti agad, pinagbuksan pa siya nito ng pinto.
“Mabuti at umuwi ka na.” Nakangiting sabi nito.
“Nainip ka ba?” She looked away.
“M-medyo.. Sabado kasi ngayon at–” Ngumuso ito. “Nasanay akong nandito ka lang tuwing Sabado.”
Hindi siya sumagot doon, nawalan ng sasabihin. Sabay na sabay ang kanilang katawan pagpasok ng pinto. Napataas ang kanyang kilay sa nakitang nagkalat na libro ni Pierre doon sa sidetable. May mga cans pa ng soda na bihira nitong inumin. Tiningnan niya si Pierre na nakakunot ang noo pero nang marealize nito na nakatingin siya, bigla na naman itong ngumiti.
“Pierre.” Seryosong tawag niya.
“Hm?” Tanong nito na nakangiti pa din.
“Let’s just forget what happened. This is really awkward. I don’t like it.” Wika niya.
“Helga, we cannot just forget about it.”
“Then we should try.” Giit niya. “Nandito tayo sa sitwasyon na ito para sa inyo ni Helena, wag mong kalimutan iyon. And if all else fails, I will not have anything. Masisira ang pamilya ko.”
“I like you..”
She heaved a heavy sigh.
“I like you too, Pierre..”
Namilog ang mga mata nito sa pagsasabi niya ng totoo, she smiled sadly. “—As a person. Lets just be friends. Gusto ko pa din ng pag-ibig na akin. Yung mamahalin ko at mamahalin din ako. Gusto ko ng pag-ibig na hindi magulo. Walang ibang tao. At higit sa lahat, gusto ko yung totoo.”
Pierre looked at him intently, sa sobrang diin, para siyang napapaso. Tumango ito. “Okay.. If you said so.”
Pagkatapos ng usapang iyon, nawala na ang awkwardness. Ang natira na lang, distance. Bihira na niyang makita si Pierre, nauuna itong gumising sa kanya at late na din kung umuuwi. Nalulungkot siya siyempre, pero dahil ito naman ang ginusto niya, sino naman siya para magcomplain.
“Good morning po, Mang Carding!” She smiled as she got in the car. Ikinuha siya ng driver ni Pierre, limang araw na itong nagsisilbi sa kanya, limang araw na din silang hindi nagkikita ni Pierre kahit alam niyang umuuwi pa din ito.
Gusto pa niya sanang sabihin kay Pierre na hindi niya kailangan ng driver pero bukod sa hindi nila pagkikita, naikwento ni Mang Carding na sinuwerte siya sa trabaho kay Pierre dahil kailangang kailangan ng pera nito para ipagamot ang anak na mayroong hydrocephalus, hinayaan na niya.
“Nauna na po ulit umalis si Sir Pierre?” Pangangamusta nito.
“Opo eh. Busy po yata.”
“Ah.. Hindi naman busy ang pinsan mo.” Tumawa ito. “Nung isang araw nga nandoon kasama ang mga kaibigan niya sa isang club ba yon? Madaming babae eh. Nagpasundo kasi siya sa akin dahil hindi niya na kayang magdrive.”
Ngayon niya lang napag-alaman na pinsan pala ang sinabi ni Pierre na relasyon nila. Mas mabuti na iyon. Pero nagpataas ng kanyang kilay na hindi naman pala busy si Pierre. Iniiwasan lang pala siya.
Nakaramdam siya ng inis, but then kinalma niyang muli ang kanyang sarili. Wala siyang karapatan na magalit. Siguro kaya nagtutungo ito sa club na maraming babae para mailabas niya ang init ng katawan. Maybe Pierre is a pervert, hindi niya lang alam dahil mukha itong gentleman. Hindi niya pala ito lubusang kilala.
Nagpupuyos pa din siya hanggang sa makapasok ng kanilang classroom, iniisip pa din si Pierre na malandi naman pala.
“Hi Beautiful Maurice.” Napakapit siya sa kanyang dibdib nang makita si Travis sa kanyang harapan.
“Bakit ka ba nanggugulat?” Masungit na sabi niya. Napaawang ang labi ni Travis dahil sa kanyang reaksyon, naisip niya na mali namang maging masama kay Travis dahil wala naman itong ginawa kundi maging mabuti sa kanya.
“Sorry, Trav.” She smiled apologetically.
“Hey, may problema ba? May good news pa naman ako sayo.” Ngumiti ito pagkasabi non.
“Ano naman?” She asked, not interested.
“Naka-maternity leave yung admin assistant namin. We need one. Hindi kailangang araw araw pumasok basta kailangan lang matapos ang trabaho niya within the week. Then after that, kailangan namin ng katulong noong admin assistant dahil dumadami ang paperworks. Gusto mo ba?”
Nagningning ang mga mata niya, “Talaga, Trav?”
“Oo naman, basta ikaw.”
“Magkano ang suswelduhin ko?” Interesado niyang tanong. Travis snorted.
“Ano?” Natatawang tanong ni Helga, gusto niyang malaman kung makakaipon pa siya ng sapat para tumayo sa sarili niyang paa, para makakuha ng sarili niyang lugar.
“20,000 a month.”
Natuwa siya ng husto. Nag-isip kung magkano ba ang boarding house. Pagkain naman ay tiyak na matipid siya. Ang matrikula naman niya sa school ay maari niya ding ipunin. Her grades are doing well, if she could apply for a scholarship, the better.
“Well, if you accept it, we will have a contract signing at my office later. Malapit lang naman iyon dito. Hatid na lang kita pagkatapos. Sumama ka sa amin ni Stephanie.” Wika nito.
Naexcite si Helga. Gusto niyang hilahin ang orasan. She wants to be independent. Ayaw na niyang mainvolve pa kay Pierre at Helena.
Ilang araw na siyang hindi nagtetext kay Pierre. Ganoon pa man, bago matapos ang kanilang araw sa eskwela, nagtext siya kay Mang Carding para hindi na siya sunduin. At isang mensahe kay Pierre para magpaalam.
‘Hindi na ako nagpasundo kay Mang Carding. May lakad ako. Thanks..’
Inaantay niya ang sasakyan ni Travis sa exit ng school. Sinabi kasi niyong mag-intay na lang siya doon para hindi na mainitan. Si Stephanie na lang ang isinama nito sa parking lot.
Hindi niya inaasahan na makakatanggap ng tawag kay Pierre.
“Hello?”
“Where are you going?”
“N-nag-offer kasi si Travis ng trabaho.. Naisip ko kasi na– mas maganda kung–”
“Didn’t I provide for you well enough, Helga?” Bakas ang iritasyon sa boses ni Pierre.
“Hindi naman habang buhay ganoon, Pierre. Ayaw ko na ding maging pabigat sayo–”
“Pabigat? You are my wife!”
“And my sister’s girlfriend. Someday you will leave me.. Mawawalan ako ng kahit ano, naghahanda lang ako.”
“Naghahanda saan? Well, honestly Helga, if we will get annuled, you still have half of my everything.” Mariing sabi nito na nakasakit ng damdamin niya. Does he want her to think that way? Na kailangan niyang maging kampante dahil siya ang legal wife?
“Akala mo ba tatanggapin ko yon? Alam ko kung saan ako lulugar.” Uminit ang sulok ng kanyang mga mata.
“Umuwi ka na ngayon, Helga.” May pagbabanta na kalakip ang tono ni Pierre
“Ayoko! Bakit? Anong gagawin ko don sa bahay mo? Mag-iintay ako hanggang sa umuwi ka galing sa pambababae mo? No thanks!”
“What? Anong pambababae?” Gulo na tanong nito.
“Kaya ka naman pala late umuuwi dahil nagliliwaliw ka! Malandi!”
“Anong sabi mo, Helga? Umuwi ka na ngayon din. Ipapasundo kit—”
“Ayoko!”
“At ano? Magtatagal ka sa labas kasama ang Travis na yon?” May paghahamon sa kanyang boses.
“Eh ano kung ganon nga?”
“Ayaw mo naman na pakialaman kita hindi ba?” She could just imagined Pierre’s gritted teeth.
“Gagabihin ako, lalabas kami ng mga kaibigan ko.”
Kita mo na.
Parang isang gatilyo naman iyon kay Helga para mas lalong mainis. Naiimagine niya na naglilibang si Pierre kasama ang mga babaeng tipo nito. Yung nakasuot ng maigsi at nakamakeup.
“Oh di sige. Mag-enjoy ka.” Matabang niyang sabi sabay pagpatay sa kanyang cellphone.
Hindi niya namalayan na kinakawayan na pala siya ni Stephanie mula doon sa front seat ng sasakyan ni Travis. Sumakay siya doon at napalakas ang pagsara ng pintuan dahil sa inis.
“Chill..” Panunuya ni Stephanie.
Paulit ulit na tiningnan ni Helga ang kanyang cellphone habang nasa biyahe, walang mensahe si Pierre. Panay naman ang tuksuhan ni Stephanie at Travis sa unahan pero hindi siya nakikisali.
“Dito na!” Stephanie chirped.
Sabay sabay silang bumaba sa isang residential house na kabilib bilib ang disenyo. Mayroon lamang maliit na brass plate na nakasulat sa mag gate at sa pinakatuktok ng bahay.
‘Almonte Design and Construction’
Kulay puti at gray ang labas ng magarang bahay. May isang guwardiya doon sa may gate. Pagpasok sa loob, kitang kita na opisina pala talaga iyon. Big printers, photocopy machines and clicking of the mouse as most of the people stare at their huge monitors.
“Good Afternoon, Engineer.” Halos sabay sabay na bati kay Travis ng mga nasa opisina. Mayroong hagdan paakyat ng bahay at mukhang ganoon din ang masisilayan niya.
A middle aged woman approached them. She’s wearing a jeans and white polo shirt. Bumeso si Stephanie doon sa babae. Mabait itong ngumiti sa kanila.
“Hi Ma!” Magiliw na bati ni Travis sabay halik sa noo ng babae.
“Helga, Mommy ko. She’s the boss here. And my Dad.”
“And you–” Dugtong ng Mommy ni Travis. Sabay silang natawa. Napangiti lang siya dahil sa closeness ng mag-ina. Dinala sila nito sa isang kwarto na parang nakabukod na opisina. May tatlong lamesa doon.
‘Engineer Federicko Stanford Almonte’
‘Architect Gertrude Regalado-Almonte’.
‘Engineer Travis Timothy Regalado Almonte’
May kani-kaniyang pangalan doon sa table. This is their family business, she thought. Mukhang simple pero hindi naman maitatanggi na matatag ito.
“Ikaw ba ang nililigawan ng anak ko? Matagal ng nagdedeny sa akin si Steph at Travis so palagay ko ay ikaw..” May panunukso sa tono nito. She just smiled.
“Kaibigan din po ako ni Travis.”
Nagtaas ng kilay si Architect Almonte, “Kaibigan?” Bumaling ito kay Travis, “Kailangan ko na bang kabahan na hindi talaga babae ang hanap mo, anak?”
Nagtawanan silang apat. They shared experiences together, palabiro kasi ang Mommy ni Travis. Hindi na nila namalayan ang oras. Nagpaorder pa ng Chinese food si Gertrude para sa dinner nila. Nakalimutan na nga nila ang kanilang pakay na contract signing sana.
“Ma! Bago magkalimutan, nasaan ang kontrata ni Helga? Baka humanap pa ng iba ito.” Putol ni Travis sa kanilang hagikgikan.
“Ay oo, no? Excited na akong magtrabaho ka dito Helga. Paniguradong magugustuhan mo.” Nagpupunas pa ng luha si Gertrude mula sa isang nakakaluhang pagtawa. Suddenly she missed her Mom. But her mother was never like Gertrude. Masyado itong pormal at strikto.
After signing the contract, lumabas na sila ng opisina nina Travis. Malalim na ang gabi pero hindi naman siya nag-alala. Mambabae naman yon si Pierre kaya bakit siya magmamadali?
Inihatid siya ni Travis, kahit papaano ay gumaan ang mood niya. Panay ang tawanan nila sa sasakyan sa mga hirit ni Stephanie.
“Ako din Trav. Mamasukan ako sa inyo..” Lambing ni Stephanie sabay kapit sa braso ni Travis. Napapailing na lang si Helga. Bagay sana ang dalawa kaya lang mukhang maraming kagustuhan sa buhay si Stephanie, wala sa focus.
“Janitress?” Alok ni Travis. Sinapok naman siya ni Stephanie.
“Uy, lovebirds. Nandito na ako sa bahay namin.” Anunsiyo niya. Pinandilatan naman siya noong dalawa.
“Eiw!” Sabay pa nilang sabi.
“Bye Helga! See you bukas!” Humalik sa kanyang pisngi si Stephanie. Kumaway naman siya kay Travis.
“Salamat, Trav.. God bless you!”
“Ay! Ang pormal talaga ng kaibigan natin!” Humagikgik si Stephanie, napasimangot na lang siya at binuksan ang pintuan ng sasakyan. Kitang kita pa ni Helga ang nakaawang nilang kurtina na biglang nagsara.
“Bye guys! Thanks!” Ulit niya bago pumasok sa gate. Nadatnan niya ang sasakyan ni Pierre sa may garahe katabi ang kulay pink na sasakyang iniregalo sa kanya. Ibig sabihin ay nakauwi na ito.
Pumasok siya sa loob at nadatnan niyang wala na ding tao doon sa salas. Nakakapagtaka dahil kanina lang ay parang may nakasilip sa kurtina. But then baka namamalikmata lang siya.
Papaakyat na siya sa kaniyang kuwarto ng biglang lumabas si Pierre sa kuwarto nito na mayroong dalang baso. Topless and just wearing his boxers. Napalunok si Helga.
Nagkatinginan siya nito at bigla siyang inirapan. Napaawang ang labi niya dahil sa ginawa nito. Nilagpasan siya nito ng basta basta.
“Galit ka?” Nagawa niya pang itanong. Hindi ito sumagot. Napailing siya at pumasok na lang ng kwarto niya.
Eh di magalit siya! She thought.
Naiinis siyang nakatulog.
Ang amoy ng nilulutong bacon ang gumising sa kanya kinabukasan. Tumingin siya sa orasan at narealize niyang tinanghali siya ng gising. Nagmamadali siyang bumaba para mag-almusal. Nakita niya si Pierre na naghahango sa bowl ng kung anong niluto nito. Lumipat ang tingin niya sa likod ni Pierre na wala na namang bihis. Hindi niya alam ang pinatutunayan nito.
Umupo ito sa lamesa, walang kahit anong nakahanda kundi ang bowl na hawak ni Pierre. Ibig sabihin ay nagluto lang ito nang para lang sa sarili. Padabog siyang kumuha ng tasa para magkape at umupo din sa harap ni Pierre na hindi siya tinitingan. Naririnig niya ang pagcrack ng tostadong bacon mula sa paghiwa ni Pierre doon, natakam siya ng husto. Walang sabi-sabi ay ipinatong niya ang sarili sa lamesa at kinuha niya yung bacon sabay kinagat. Napamulagat si Pierre at tiningnan siya ng masama.
“Ano ba?” He hissed. “Bakit ka ba nangunuha ng pagkain?”
“Bakit hindi mo ako pinagluto?” Naiinis na sagot niya.
“Bakit kita ipagluluto? Di ba gusto mong maging independent.” Umirap pa ito at kumain muli mula doon sa bowl.
“Galit ka lang eh!” She said. Umiling lamang si Pierre at binaling muli ang atensyon sa pagkain.
“Kaya lang naman gusto kong magtrabaho dahil balewala naman na nandito ako eh! Maagang maaga ka umaalis at sa gabi nambababae ka!” Hindi na napigilan ni Helga ang bibig.
“Hindi totoo yan ha!”
“Magsisinungaling ka pa!” Giit niya.
“Eh ano naman sayo?”
“Niloloko mo ang kapatid ko!”
“Niloloko ko ang kapatid mo o nagseselos ka?” Tumayo si Pierre, napatingala siya sa tangkad nito.
“H-hindi ako nagseselos. Eh di mambabae ka!” Pagtutulak niya. Pagkasabi non ay nagmadali siyang magtungo sa kaniyang kuwarto. Magtatago na lang sana siya doon kung hindi lang niya naalala na may pasok pa siya at ilang sandali na lang ay susunduin na siya ni Mang Carding.
Tamad siyang tumayo at kumuha ng gamit sa pagligo. Sisilip pa sana siya sa labas ng pinto nang makita sa may pintuan niya si Pierre na may bitbit na tray na may lamang pagkain. Tumaas ang kanyang kilay.
“Kapag maabutan mo ba ako tuwing umaga saka pag-uwi mo, mangangako ka bang dito ka na lang sa akin? Sabihin mo, Helga..”
Nanuyo ang lalamunan niya. Hindi siya makasagot. Ngumuso si Pierre at nag-iwas ng tingin.
“Gusto ko din namang umuwi sayo kaya lang ayaw mo.” Sabi pa nito.
Helga x Pierre 13
HELGA.
“WAG ka na pumasok..” Tila bata na nagmamakaawa si Pierre kay Helga. Nakakapit ito sa kanyang bewang at nakahilig sa kanyang likod.
“Pierre.. Wag ka makulit. Nag-usap na tayo kagabi hindi ba? Nakapirma ako ng kontrata. Isa pa nakakahiya sa Mommy ni Travis.” Kinalas niya ang mga braso ni Pierre sa kanya at nagpamewang.
“Uuwi ako ng maaga..” Pangungumbinse pa ni Helga sa kanya. Ngumiti siya at hinaplos ang pisngi nito.
“Ako din uuwi ng maaga.”
Kagabi ay nakapag-usap sila na hindi na siya iiwasan ni Pierre basta hindi niya pagtutulakan palayo. Nalaman niyang matampuhin pala si Pierre, hindi lang halata sa ayos nito. Natutuwa siya na pumayag naman ito na makapagtrabaho siya kay Travis, pero dapat ay hindi magtatagal ang kanyang paninilbihan. Umaasa na lang siya na makasanayan na lang ni Pierre na umaalis din siya ng bahay para magtrabaho. She wants to save something for herself too, isang bagay na nauunawaan naman nito.
Lumabi si Pierre, “Bakit maaga kang aalis?”
“Kasi may pasok pa ako.” Umirap siya. Ngumisi naman si Pierre at bigla siyang pinadaanan ng halik sa leeg.
“Gusto mo ng dahilan para hindi pumasok?” Mapanuksong suhestiyon nito.
She rolled her eyes, “Ayoko… Hindi natin iyon uulitin.. Pumayag ako na matulog tayo kagabi ng magkatabi dahil nakatulugan natin ang pagkukwentuhan pero hindi gabi-gabing ganon, Pierre. Huwag kang mamihasa.” Ngumiti siya. Although she had the best night, dapat ay may patlang pa din. Hindi sila puwedeng masanay dahil lang walang nakakakita sa kanilang dalawa.
“Liligawan kita.. Araw araw hanggang pumayag ka.” He held her both cheeks and made their nose touch.
Humalakhak siya at namula ang pisngi, “Dahil lang doon? Unbelievable, Pierre. Dati, hindi ba’t ayaw mo sa akin?”
“— Hanggang sa Pumayag kang maging asawa ko sa isip.. sa salita, at sa gawa.” He stole a swift kiss from her once again. Her knees became weak and she seems like a broken toy that drained her battery, gumagana pero hindi tama. Kinailangan niya pang kumapit sa pinto para makatayo ng matuwid.
“Paano si Helena, Pierre?” Sumeryoso ang kanyang mukha. Imbes na sagutin ay muli siyang hinalikan ni Pierre sa labi at napapikit na lang siya.
“She’ll understand..” Paniniyak nito pagkatapos ng halik.
But then her heart whispered something to her, it is a warning.. That if ever Helena won’t understand, she should be willing to face the storm for this short but sweet stay in Pierre’s arms.
Sulit ba ito? Oo..
Tiningin niya ay Oo.. Sa napakaraming pusong nagmamahal, ilan lang ang napagbibigyan.
Paano kung may kapalit?
Handa siya. Kung sakali mang isang malakas na pagbawi ang gagawin ni Helena sa kanya, tatanggapin niya dahil nagkasala siya. Kung hindi man mangyari ang kanyang kinakakatakutan, habang buhay siyang magpapasalamat at tiyak na wala na siyang hihilingin pa..
“Ihahatid kita?” Alok nito na panay halik sa kanyang batok.
“Nandyan na si Mang Carding. Saka hindi ba papasok ka pa? Hindi ka pa naliligo.” Panunukso niya. He enclosed her to a bear hug, his broad chest touched her skin and a smile escaped her lips. Bakit ba nakakakilig si Pierre maglambing? Hindi niya nakitang ganito ito kay Helena. They kiss, hug.. But not this intimate and close.. Ayaw niyang isiping nakakalamang siya. He’s inlove with Helena while he likes her. Only like her..
“Mabaho ba ako?” Pangngulit pa nito na tila nakainom, nahahawa pa nga ata siya sa pagkalasing nito dahil wala siyang ginawa kundi magpasabog ng mga ngiti ng kinikilig.
“Mabango ka, Pierre.. Pero mahuhuli na ako. Hindi maaring mawalan ng trabaho si Mang Carding dahil may sakit ang anak niya.”
Kung hindi pa siya nagmatigas at humakbang papalabas ng kanilang bahay, baka hindi na talaga siya makapasok. But then, maasahan pa naman ang kanyang will power pagdating kay Pierre.
PIERRE.
“TULALA ka diyan?” Dave asked Pierre. Nakatingin lang siya sa dokumento na nasa kanyang kamay habang nakatayo sa hallway ng Laya Air. His thoughts were smiling. Si Helga kasi ang laman non.
“Wala pa si Helena ah? Iba ang ngiti mong yan.” Dave accused. He smiled more but he shook his head. He doesn’t want Helga be judged.
“Helga.” Dave said while staring at his back. Agad siyang natauhan at lumingon sa kanyang likod. Kumunot ang noo niya nang hindi makita si Helga doon.
“Inlove. Tsk. Sinasabi ko na nga ba.” Iiling iling na sambit ni Dave na binibiro lang pala siya.
“But I won’t judge you. Helga is really beautiful at kapag ganon ang kasama ko sa bahay–”
“Hindi ganon yon.” Singit ni Pierre.
“Hindi ganon pero ganon ang nangyari? Paano si Helena?”
“Kailangan ko lang itama ito. Besides, I should be with Helga. I– I am married to her.” Halos bulong lang iyon.
“Pierre. Baka spur of the moment lang yan.” Inilapit ni Dave ang kanyang sarili kay Pierre para mas mabuting bumulong. “Mag-isip kang mabuti. You are cheating. Not technically but emotionally. You are emotionally committed to someone else and let’s go back from the start, you married Helga for a purpose- at yon ay para manatili kayo ni Helena. Hindi para mawasak. Think twice. Magkapatid yang sisirain mo.” Mariin na sambit ni Dave.
He sighed.
He knows it. But what shall he do if something is whispering to him that he should be with Helga? He cannot stand seeing Helga with someone. Hindi siya kailanman naging madamot kay Helena pero pagdating kay Helga, umiinit ang ulo niya kapag mayroong tumitingin dito. How can he surpass that feeling? Malalagpasan ba yon ng pagmamahal niya kay Helena? Kakayanin niya bang magpanggap na walang pakiramdam na ganito katindi para sa ibang babae ang dumaan sa kanya?
Tumunog ang kanyang cellphone. Bahagya siyang lumayo kay Dave para kuhain ito.
“Surprise..” Ang malambing na boses mula sa kabilang linya ang narinig niya.
“Hel–Helena..”
“O? Bakit parang nalugi ka? Nasa Pilipinas na ako, Honey!” She exclaimed. A bittersweet smile escaped his lips.
“Let’s meet later?” Alok niya.
“Of course. We should catch up! Namiss kita.”
Hindi siya nakasagot. Sinungaling naman niya kung sasabihin niyang parehas sila ng nararamdaman.
He set up their meeting in their favorite restaurant in Makati after office hours. Nagmamadali siyang umalis sa opisina para dumating sa oras. He did not inform Helga about it, it is his fight after all. Walang kasalanan si Helga, pakiramdam niya naman iyon kaya siya dapat ang maging responsable at alam niyang wala namang ginawa si Helga para umusbong ang ganitong pakiramdam niya.
Kahit gaano siya kaaga, naabutan na niya si Helena sa restaurant. May hawak itong menu at nagdidikta sa waiter. She looks elegant in her royal blue dress, maayos ang pagkakakulot ng buhok and her makeup was on point. The Helena he fell in love with. Ang magandang mukha nito ang nakakuha ng atensyon niya but later on, his attraction grew into something better, and that made him better too. However, it is different now. He likes Helga in a different manner. He likes her personality, he likes her guts, her smile and positivity, at marami pang iba.
Pinakiramdaman niya ang sarili. Weighed everything. He sighed. He’s not backing out.
“Hi Pierre, Honey.” Halos sumabit si Helena sa kanyang leeg nang makita siya. He smiled, tinapik niya ang likod nito. The touch doesn’t have the same warmth anymore. It feels so plain.
“Did you order?” He asked. Masaya itong tumango. Inalalayan niyang makaupo si Helena bago siya umupo sa harap nito.
Pinakatitigan niya ito, unti unting bumagsak ang ngiti ng kaharap.
“May problema ba?” She asked.
“Let’s eat first.” Wika niya. Umiling si Helena.
“Hindi ata ako makakakain.. Sa mukha mo, I can see problem. Come on, tell me..” Seryosong sabi ni Helena.
“Helena..” He sighed. “Let’s break up.”
Hindi nagbago ang reaksyon ni Helena. Parang isang balita na hindi ito narinig.
“What?” Her lips twitched for a second.
“Helena, there’s a lot of things happened. I fell out of love.. And fell in love with–”
“Helga?” Bakas ang hinanakit sa tono nito.
Tahimik itong tumango.
Nanatili sila sa katahimikan hanggang sa dumating ang nakakaengganyong pagkain pero wala ang kahit sino sa kanila ang gumalaw nito. Nagtititigan lang sila at nag-uusap sa mga mata. They are both pained. Ayaw ni Pierre na masaktan ang babaeng pinangakuan ng pagmamahal pero hindi na din niya kayang lokohin ang sarili.
“Her sweet smile? Her innocent remarks? You find it cute?” Tanong ni Helena ng wala sa sarili.
“She tricked you. She’s used to that. Pa-victim yon. Bata palang kami she always use her smile or tears to get away with everything. I once thought she will lure you but I had high hopes in your intellect, Pierre. Kaya siya nandyan sayo dahil dinidisiplina siya. She’s a spoiled brat since Day 1! Alam mo iyon hindi ba?” Pabagsak na isinandal ni Helena ang likod sa upuan.
“She has nothing, Helena. Your sister even–”
“What? Work?” Panghahamon ni Helga. “She always pull that stunt to get attention. Alam niya kasing ayaw ni Daddy na nagtatrabaho siya. Yon ay kanyang pagrerebelde. I cannot believe that she tricked you.” Napapailing na sabi ni Helena.
Unti unting napakunot ang noo ni Pierre. Ganoon ba talaga? Ibang iba ang nakikita niya kay Helga pero mukhang kilalang kilala ni Helena ang kapatid. Alam din nito ang kwento ni Helga.
“I am not bitter, Pierre. Kung talagang gusto mo siya, then go. Gusto mo pala ng tira-tira–”
“Something happened, between us.. I am her first..” Hindi niya napigilang sabihin. Hindi basta bastang babae si Helga. He knows it. Pupwedeng spoiled brat ito pero hindi ito kagaya ng ibang babae na ipinapahiwatig ni Helena.
Napaawang labi ni Helena. He doesnt want to hurt her that way pero hindi niya maatim na may ganitong sasabihin kay Helga. For him she’s innocent.
“So..” Namasa ang mga mata ni Helena.
“So, sayo niya pala ibinigay. She really knows when and who to give it up. Of course.. She won’t give it to French guys he made out with. Wala namang pera ang mga iyon. Wala naman siyang mapapala sa mga iyon. Hanggang halik lang ang mga iyon sa kanya. Hanggang haplos–”
“Stop it!” Binagsak ni Pierre ang kanyang kamay sa lamesa. Hindi niya matanggap ang sinasabi ni Helena. He cannot imagine somebody else kissing Helga.
“Hindi mo matanggap, Pierre? Well, to tell you honestly, she’s not as innocent as you think. We spent thousands of dollars to hide her photos making out with hot bachelors in Paris. Hindi niya aaminin yon sayo because she’s a liar. She’s good at it. Anyway, I am out of this mess. I feel sorry for you.” Pumikit ng mariin si Helena habang napuno naman ang kanyang isip.
Kumuyom ang kanyang kamao nang mawala si Helena sa kanyang harap. Gulong gulo ang kanyang isip. Nagawa nga ba talaga iyon ni Helga? If Helena is telling the truth, Helga may really be a good liar. But his mind tells him otherwise.
Pero papaano kung totoo?
Sasayangin niya ba ang ilang taong relasyon nila ni Helena dahil sa isang sinungaling?
Hindi niya maintindihan ang nararamdaman, he feel that he can still accept Helga despite of everything, if she tricked them to get married to him, he will still accept her and that made him feel sick. Sino bang baliw ang uunawa sa sinungaling?
Siya.
He drove as fast as he can, when he left the restaurant. His insides are boiling, the thought of Helga kissing many men in Paris made him really mad, not the fact that she tried to trick him. If she wants him that bad, he also wants her that bad. He will make sure that she will crave for him all of her life, hindi na ito magpapahalik sa iba. Hindi na ito titingin sa iba basta sabihin lang nito na gusto siya nito.
Nagtungo siya sa pinagtatrabahuhan nitong Design & Construction Firm para sunduin. Mag-uusap sila. If she will deny what her sister said, he will believe her. Ganoon na siya kabulag.
Inihinto niya ang sasakyan at akmang bababa na nang makita niya si Helga na nakangiting lumalabas nang gate. Sa likod nito ay yung kaklase niyang si Travis.
They were both laughing and smiling. Pain invaded his heart.
They both stopped just before they stepped out of the gate. That yellow light street post gave him enough to see them clearly. Gusto niyang ituloy ang pagbaba ng sasakyan dahil madami siyang naiisip na susunod na mangyayari pero wala siyang lakas. Hanggang sa pumatak ang labi ni Travis kay Helga, to his Helga .
Huminto ang mundo ni Pierre nang makita niya si Helga at Travis na maghalikan. Sa mismong mata niya ay kitang kita niya ito. Gusto niyang bumaba para suntukin si Travis pero sinarhan niya ang pinto ng kanyang sasakyan.
He started his engine and his car roared to life.
There are battles that you don’t even have to start, alam mo kasing sa umpisa palang wala ka ng dapat ipaglaban. May mga bagay na hindi ka na kailangang magbulag-bulagan. Simply because those things are shown right before your eyes.
And it sucks, when you want to believe the lies yet the truth reveals itself in the light even you don’t ask for it.
Baliw siya pero hindi ganoon kabaliw.
Helga x Pierre 14
HELGA .
“TRAVIS.. Why did you do that?” Nagtatakang tanong ni Helga. Bila bigla siyang hinalikan ng kaibigan.
“Oo nga, Travis! Bakit mo siya hinalikan?” Lumapit sa kanila si Stephanie at itinulak papalayo sa kanya si Travis.
“I-Im sorry, Helga. Gods, Im sorry.. I–” Parang litong lito pang wika nito dahil sa kanyang reaksyon.
“Naku, wag ka ng mag-explain.” Naiinis na wika ni Stephanie. Hinawakan niya sa kamay ang nag-iisang kaibigan na nakakaalam ng istorya ng kanyang buhay para patigilin ito sa pagsasalita.
“May karelasyon si Helga kaya ikaw, itigil mo na yang kabaliwan mo. Tara na nga, Helga.” Umismid si Stephanie at hinila siya sa kamay. Hindi na siya nag-atubiling mag-pahila. Pumara silang dalawa ni Stephanie ng taxi dahil nagtext si Mang Carding na hindi siya maiintay.
“Wag mong isipin yon si Travis. Gunggong talaga ang Almonte na yon!” Panay ang pagrereklamo ni Stephanie habang nasa taxi sila. Siya naman ay nanatiling tulala at nakasilip lang sa may bintana.
Nakokonsensya siya kahit wala naman siyang kasalanan. Nabigla siya ng husto sa ginawa ni Travis pero tingin niya ay kailangan niya ihingi ng tawad iyon kay Pierre. Magagalit siguro yon pero ang importante hindi siya nagsinungaling. Hindi naman kasi alam ni Travis na may relasyon sila ni Pierre kaya alam niyang wala din itong intensyon na masama.
Nang makarating siya sa kanilang bahay, agad niyang hinanap si Pierre pero wala ito. Hindi niya alam kung ipagpapasalamat ba niya iyon o mas lalo lamang siyang kakabahan sa paghihintay.
Naisip niya na magandang pagkakataon para ipagluto niya si Pierre para mawala na din ang kanyang kaba, kung nag-overtime ito, maganda kung may maabutang pagkain sa hapag kahit simple lang ang ihain niya.
Pinili niya ang pork adobo at buttered vegetables. Mabigat na ang kanyang katawan sa pagkilos pero hindi niya sinukuan ang pagluluto. She wants to please Pierre dahil tiyak na pagod din naman ito sa trabaho.
Halos mapapikit na siya sa sobra sobrang antok at pagod sa pag-iintay kay Pierre pero tapos na siyang makapagluto ay wala pa din ito. Tumayo muli siya at pinagdiskitahan naman ang isang recipe na dumaan sa kanyang Facebook feed tungkol sa recipe ng brownies. Natuwa siya nang makakita ng sangkap sa kanilang pantry kaya sinimulan naman niya iyon para sa dessert ni Pierre. Nilibang niya ang sarili sa pagbe-bake.
Nang mailagay na niya sa oven ang nagawang brownie batter, may kumalabog sa pinto. Agad niyang tinungo iyon at nagulat siya nang makita doon si Pierre na amoy alak, buhat buhat ito ng dalawang lalaki na ang isa ay pamilyar sa kanya. Nakita na ata niya sa Laya Air.
“Hi Helga, I’m Dave…” Ngumiti ang isang matangkad na lalaki na matapang ang pagkamestiso.
“Alberto here.” Sambit din nung isa na Pilipino pero hindi magpapahuli sa tangkad. Binigyan niya ang tatlo ng daan papasok sa kanilang salas at inihiga nang mga ito si Pierre doon sa sofa.
“Mas mabuting dito na lang muna siya matulog.” Wika ni Dave habang tinitingnan ang hagdan sa kanilang kwarto paakyat. Wala sa sariling napatango siya.
“Anyway, if you need anything, you can call me.” Iniabot nung Alberto ang kanyang business card kay Helga na agad naman niyang tinanggap. “I just live nearby. Mas mabilis akong makakapunta kung mayroong kang kailangan.” Magalang na wika ni Alberto.
“Maraming salamat sa inyo..” Sinulyapan niya si Pierre. Alam naman niyang hindi talaga ito palainom. Tiyak na mayroon na namang problema kaya ganito. Inihatid niya hanggang sa kanilang gate ang dalawa at nagmadali siyang pumasok sa loob ng kanilang bahay.
Lumuhod siya at dinama ang noo ni Pierre nang daluhan niya ito, pawis na pawis ang buhok nito. “Bakit ka naglasing?” She whispered. Umungol lang si Pierre at pinalis ang kamay niya na parang galit. She smiled and stood up immediately to prepare his sponge bath.
Inasikaso niya si Pierre kahit hirap na hirap siya sa bigat nito. Napalitan niya ng kumportableng damit at binalutan ng comforter. Mabuti na lang at hindi ito sumuka kaya hindi siya nahirapan. Naglatag din siya ng sleeping mat sa ibaba ng sofa at doon na din siya natulog pagkatapos ng kanyang na-bake.
Nagising na lang siya sa pagkaluskos, nasilip niya sa bintana na bahagyang nakabukas ang kurtina na maliwanag na at nakita niyang nasa lamesa si Pierre at nagkakape na. Ngumiti agad siya at bumangon para lumapit dito.
“Pierre..” She greeted but he didn’t answer. “Anong gusto mong pagkain? Pero nagluto ako kagabi ng adobo saka gulay. Gusto mo yon? Iinit ko na lang?”
She received a cold shaking of head from Pierre as he continues drinking his coffee. Umupo siya sa harapan nito at tinitigan ito.
“May problema ka ba? Bakit ka naglasing kagabi?” She asked.
“I was out to have a good time. Hindi naman siguro masama kung malasing ako hindi ba?” Sarkastikong sagot nito.
Ngumiti siya at mabilis na umiling, “Of course not.. Ang sa akin lang kasi, wag mong gagawin yon kapag mag-isa ka lang.. Mabuti at inihatid ka ni Dave at Alberto.”
Nagtaas ng kilay sa kanya si Pierre, “Talaga? You remember their names huh?”
Uminom uli si Pierre ng kape mula sa kanyang tasa at saka siya sinipat nang mabuti, “So how do you find them?” May panunuya sa tanong nito na hindi niya makuha kung saan patungo.
“Binigay ni Alberto ang numero niya dahil nag-aalala siya na baka hindi kita makayanan pero nakaya ko–”
“Binigay o hiningi mo?!” Hinampas ni Pierre ng malakas ang lamesa at tumaas ng husto ang boses nito. Now this is the side of Pierre that she doesn’t want to see, galit na naman ito. Kinakabahan niyang sinalubong ang titig ng asawa.
“K-kaibigan mo sila– M-may ginawa ba akong masama, Pierre? Bakit parang galit ka?”
Tumawa si Pierre, mahina hanggang sa papalakas.
“Masama? Wala naman. This marriage is just a deal right? You can do whatever you want..”
Umalma ang kanyang pakiramdam. It is not a deal anymore to her! Tumulo na ang luha ni Helga, hindi niya maintindihan ang pinaggagalingan ni Pierre dahil wala siyang maalala na ginawa niyang masama para magsalita ito ng masakit.
“Iba ang sinasabi mo sa akin kahapon.” Puno ng hinanakit na sambit niya. “Sinabi mong gusto mo ako at susuyuin mo ako hanggang sa maging totoo ang kasal na ito.” Pag-papaalala niya nang umiiyak. Tumayo siya sa sobrang sikip ng kanyang dibdib. Bakit ang bilis magbago ng isip nito.
“Dahil akala ko totoo ka! You are a liar! Ginagamit mo ang kainosentehan mo para makuha mo ang gusto mo. You like me? How much do you like me huh? How much will you give to be my wife?” Tumayo si Pierre at agad na kinain ang distansiya nila. Napaatras siya at napasandal sa malamig na pader ng hagdanan patungo sa mga silid.
Binalutan siya ng takot nang makita ang galit sa mga mata nito. Inilapit ni Pierre ang mukha nito sa kanya, she kept her eyes opened. He kissed her. The kiss tasted metal on her lips because Pierre bit it, her heart pounded like crazy when he tried to kiss her deeper. Para siyang kandilang unti unting inuubos. Minsang mabagal pero biglang lalakas ang bawat patak ng halik na hindi niya maunawaan, halik na may galit pero mayroon ding suyo.
She felt a gentle caressing of her breast under her shirt, napaliyad siya sa sensasyon.
“Pierre..” She whispered pero parang wala itong naririnig. He carried her to the sofa at doon siya pinaimbabawan. Ininda niya ang bigat nito sa kanyang katawan pero wala siyang sinabing salita.
“How many lips did your sinful mouth kiss?” He asked. Bago pa man siya sumagot ay siniil siya muli nito ng halik. Iniangat ang kanyang suot na tshirt at itinapon kung saan.
Hindi siya makatanggi nang sikupin ng labi ni Pierre ang kanyang dibdib. He seems so hungry and rough. Umangat ito muli para abutin ang kanyang mga labi pero mabilis lang iyon, gamit ang isang palad ay nahawakan nito ang kanyang magkabilang pisngi at tiningnan siya nito ng masama.
“You are my wife, Helga. Whatever I do is legal. When I speak, you listen. When I command you, you follow. You’ll get the greatest lesson of your life, Helga. It is in my hands.”
Muli ay hinalikan siya nito kaya napapikit na lang siya. Kahit na nakakagat ni Pierre ang kanyang labi, hindi na siya nagreklamo. Tinanggap niya ito ng buong puso. Buong galit at pait nito na pinapalasap sa kanya.
She almost screamed in pleasure when Pierre touched her most sensitive part under her shorts, pinagmasdan ni Pierre ang kanyang reaksyon habang nakakunot ang noo nito na para bang isa siyang eksperimento. She tried hard not to react but her flesh is weak, her body is a traitor. It enslaved her to the sensation she knew only Pierre can make possible.
A moan escaped from her lips and it is a cue for Pierre to attack her. Halos mapunit ang suot niyang shorts nang ibaba ito ni Pierre.
“Pierre…” Impit na daing niya sa garalgal na boses. She felt a stab on her insides when without a warning Pierre invaded her lady part. Walang ingat iyon at basta basta na lang.
“Why are you crying?” Pagalit na tanong ni Pierre. She shook her head.
“Why are you crying?” Ulit nito. He stroked faster and push himself harder inward. She heard him panting and he keeps on closing his eyes instead of groaning.
“Because I am hurting..”
“You are hurting? Masakit ito?” Pagalit na tanong sa kanya ni Pierre.
“Nasasaktan ako na galit ka sa akin, Pierre. Anong kasalanan ko sayo?” Tumulo na ang luha niya at hindi na niya mapigilan. Halos hindi niya na makayanan ang sakit, hindi sa kanilang ginagawa kundi sakit sa puso. Hinahayaan na lang niya si Pierre sa gusto nitong parusa pero ang gusto niya ay maunawaan niya kung ano ba ang ikinakagalit nito sa kanya.
“You kissed a man last night.” Mariing wika ni Pierre. Napasinghap siya.
“P-pierre. Nandoon ka?” She asked. Now she understands. Hindi kumibo si Pierre. Masuyo niyang hinaplos ang pisngi ni Pierre, ngayon ay naiintindihan na niya kung bakit ito nagagalit. Imposible mang pakinggan pero nauunawaan niya ang galit nito at ang pagpaparusa.
“Pierre, Travis kissed me. Sasabihin ko naman sana iyon kagabi kaya lang ay lasing kang umuwi..” Bulong niya. Bumagal ang ritmo ni Pierre at tiningnan siyang mabuti sa mga mata.
“Believe me.. Please…” Lumuluhang pakiusap niya. Unti unting huminto si Pierre.
Malalaki ang pag-iling ni Pierre at umalis sa pagkakaibabaw sa kanya. She never felt naked than ever pero hindi iyon ang concern niya. Gusto niyang maniwala sa kanya si Pierre na isang malaking pagkakamali ang nakita nito.
“He never said he liked me, Pierre. He didn’t… Nagulat din ako gabi–”
“Hindi ka mukhang nagulat! You two were laughing!” Pasigaw na wika ni Pierre. “Kaya ba ipinipilit mong pumasok sa trabahong iyon? Ginagawa mong dahilan ang trabaho mo para magkita kayo!”
“Pierre hindi, maniwala ka. Sana ay nag-intay ka para makita mong hindi ko yon ginusto.. Pierre—”
Napapailing na iniwan siya ni Pierre sa salas. Matapang niyang pinunasan ang kanyang luha. Alam niyang malayo pa ang kanyang tatahakin para tuluyan siyang pagkatiwalaan ni Pierre dahil nagsisimula pa lang ang kanilang relasyon na mula sa isang pagkakamali. Pero alam niya na hindi lahat ng pagkakamali ay hindi imposibleng magtapos sa tama.
PIERRE .
“YOU looked so stress…” Napaangat ng tingin si Pierre sa nirereview na mga dokumentong kailangan niyang pirmahan. He got a bad hangover. Hindi niya na maalala kung paano siya nakauwi.
“What are you doing here, Helena?”
Hindi siya handang tumanggap ng bisita ngayon, hindi siya handang makinig sa kahit kanino. He’s fuming mad, kahit ang maamong mukha ni Helga ay hindi siya mapakalma.
“I just want to check on you, isa pa, dito din naman ako nagtatrabaho hindi ba? I, represent our company..”
Tumango siya na parang walang naririnig. Itinuon ang atensyon sa binabasa ngunit ang pulumpon ng litrato ang bumagsak sa kanyang lamesa. Pictures of Helga, probably in Paris when she’s still studying. Photos of her being intimate with different guys, most are kissing her on the cheeks and one photo that she’s kissing a guy, a lip locking scene that made his chest burned.
“Good morning..” Mapanuyang pagbati sa kanya ni Helena.
“Helena, I don’t know why are you doing this.” Umayos ng upo si Pierre at matamang tiningnan ang dating nobya.
“Well, I am just helping you. Since you married someone you don’t know which happens to be my sister, might as well reveal her true colors to you. For old times sake.” Nagkibit balikat ito.
Helena remained calm and poised in her red tube dress. Tinitigan lang siya ni Pierre and he felt he hasn’t know her at all. Parang ibang tao ang kanyang kaharap. Bumalik ang tingin niya sa mga litrato, it may be in the past but it still bites. Ni hindi nga niya naisip na humalik ng ibang lalake si Helga dahil wala sa itsura nito. He felt a pang on his chest. Bumalik na naman sa kanyang alaala ang halik na pinagsaluhan ni Helga at ng ibang lalaki kagabi. Kagabi kung kailan noong umaga lang ay akala niya, nagkakaintindihan na sila. Pinaikot lang pala siya. Looks can be deceiving.
“Umalis ka na, Helena.” Malamig na utos niya. Helena sighed at enclosed her hands into a fist, halatang nagalit dahil wala siyang kahit anong sinabi.
“Aalis ako ngayon, Pierre. Pero kapag nasaktan ka sa kapatid ko..” Pumikit ng mariin si Helena, “You can always go back. I can forgive you..” Mababa ang boses na wika nito saka mabilis na tumalikod at nakita niya pang pinalis ang luha.
He sighed. That’s how love works, it is painful. Pero hindi mo naman maaring ikulong ang sarili mo sa maling tao dahil lang nasaktan ka. Kung hindi ka kayang mahalin ng mahal mo, hindi mo kailangang ibaling ang atensyon mo sa dating karelasyon mo o sa kung sino man na hindi mo mahal. He cannot turn back now. He fell for Helga and that’s a dead end for him.
Wala siya sa sarili buong maghapon. Kitang kita niya ang dinalang pagbabago sa kanya ni Helga kahit sa maigsing panahong pagsasama nila. Nasaktan siya nito at nakasakit siya. Pumikit siya at pilit na bumabalik sa kanya ang mukha ng asawa. Wala sa sariling kinuha niya ang mga litrato at pinagpupunit iyon ng buong galit. Hingal na hingal siya pagkatapos non.
Nang matapos ang lahat ng kanyang mga trabaho, naghanda na siyang umuwi. Sinalubong siya ni Mang Carding sa kanilang lobby nang nakangiti.
“Ano pong ginagawa niyo dito, Mang Carding? Hindi pa ba nagpasundo si Helga?” He asked straight faced.
“Ay hindi po, Sir. Nagsabi po na kayo na lang daw po ang ipagdrive ko baka sakali pong may gusto pa kayong puntahan.”
Naikuyom niya ang kamao niya. Maybe Helga is having fun with that bastard. Siguro doon ito magpapahatid papauwi. Magkasama sila sa eskwela at sa trabaho, siguro kulang pa ang kanilang oras na magkasama kaya hanggang sa pag-uwi ay kailangan pa ding magkadikit.
“Hindi po pumasok ng school si Miss Helga.. Akala ko nga po may sakit, sabi niya lang magpapahinga po muna siya. Nagpasama lang sa akin sa grocery tapos nag-bayad po ng kuryente.” Mang Carding cut his thoughts. Nag-papaawa na naman siguro iyon.
“Sige Mang Carding, umuwi ka na, wala akong pupuntahan.” He said.
Hindi iyon totoo. Nang gabing iyon, nagpalipas muli siya ng gabi kasama ang kanyang mga kaibigan. Hindi niya pa kayang makita si Helga. Isang malaking pagkakamali na pinagkatiwalaan niya ito agad at gusto niyang lunurin ang sarili sa alak hanggang sa kaya na niyang pakiharapan ito kahit civil lang.
He would leave their house early at gabing gabi na din siya kung umuuwi. That’s his life for a week now.
“Hi Im Julea..” May isang morenang babae ang lumapit sa kanya. The girl has a long hair and her hips swayed like a flamingo.
He looked at his glass trying to ignore the woman. This is their second round of Jack Daniels but he is still sober.
“Hi Miss, Im Alberto.” Inilahad ng kanyang kaibigan ang kamay niya sa babaeng lumapit pero umirap lang ito at itinuon pa din ang mga mata kay Pierre.
“I like him.” Turo nito sa kanya.
Tumawa si Dave. Kasunod non ang pag-tunog ng kanyang cellphone. Helga is calling him. Ibinaba niya iyon pero muli lamang tumunog.
“He’s married.” Dave told the woman named Julea.
His phone rang again and it is from Helga again. Binaba niya lang muli ito.
“See?” Dave chuckled.
“Mukhang ayaw naman kausapin ang asawa.” Hinaplos ni Julea ang kanyang dibdib. Napangisi siya. Tonight he felt liberated. He tried to kiss back, but just before his lips landed to Julea’s neck, his phone rang and it is from an unknown number.
“Hello?”
“Hi Sir… I am Nurse Jeralyn from St. Lukes Medical Center Global City. Kayo po ang guardian ni Miss Helga Maurice Ortega?”
Gumapang agad ang kaba sa kanyang dibdib nang marinig ang pangalan ni Helga.
“She’s unconscious po at the emergency room. Please come here, asap po. Thank you..”
Helga x Pierre 15
Maki Say’s: Ito yung chapter na one year in the making. Hindi niyo pa to nababasa. Brace your frail hearts :D Sa lunes na yung susunod. Magluluto muna ko. Lol
Comments, vote, get cray cray! Wag na kayong mahiya :D
PIERRE.
“Sir, wala na po ang pasyente. May sumundo sa kanyang lalaki.”
Kumuyom ang kamao niya. “Nung nalaman niya tinawagan namin kayo, nagpumilit siyang lumabas. Engineer Almonte paid for her bills—”
Ganoon pala. Ganoon pala ang gusto niyang laro.
Napakalaki niyang tanga para paniwalaang inosente siya at malinis na babae. Hindi siya makapaniwalang nauto siya nito ng husto. Pagod siyang nag-maneho patungo sa kanilang bahay pero hindi niya inaasahan kung sino ang makikita doon.
“Nandito ka na..” Pilit ang ngiti ni Helga.
“Tapos na kayo ng lalake mo?” Tumiim bagang siya.
“H-hindi naman seryoso, Pierre. Sumakit lang ang sikmura ko.”
Hindi na siya sumagot doon. Iniwasan na niyang tingnan ito. She’s a witch. Baka paganahin na naman nito ang kapangyarihan niya sa kanya. Hindi niya gustong maapektuhan pa sa kasinungalingan nito. Hindi na niya uulitin ang mga sinasabi niya dito. He wanted her to quit her job but she won’t. Because she wants freedom, she doesn’t want to be caged. Hindi na din niya ipipilit. Dumiretso siya sa kanya kuwarto at nakaramdam ng pagbabara ng lalamunan.
He likes the girl so much and it is so difficult to like her.
But damn it, how can he unlike her at this point?
HELGA.
Days passed and she’s living one day at a time. Happiness is temporary. It is not true that change is the only constant thing in this world, pain is. Konswelo na lang siguro ang pansamantala itong hindi dadampi sa iyong tabi, pero dapat maging mapagmatiyag ka kung kailan ito babagsak sa iyong paanan ng walang pasabi. Kung hindi mo iyon alam ay maiiwan kang wasak na wasak.
Hindi na siya nagulat nang umuwi siya ay wala doon si Pierre, isang linggo na ding wala. Nilibang niya ang sarili sa pagluluto para intayin ito. He loved her Kare-kare at kahit nakakapagod iyong lutuin ay pinagkaabalahan niya. Napatingin siya sa orasan at nakitang alas diyes na. Kahit walang gana ay she forced herself to eat. Pinilit niya ding ang ngitian ang kanyang plato na para bang sasagot ito sa kanya ng ngiti.
Hindi niya namalayang nakatulog na siya sa harap ng lamesa, nagising na lang siya sa paglagabog sa pinto. Hindi nga siya nagkamali, naroon si Pierre. Nagmadali siyang lumapit sa pinto at dinaluhan ito. He reeks alcohol. Ibinigay nito ang buong bigat sa kanya.
“Bakit ka pa nagdrive?” She asked. Natawa lang ang lalaki.
“Helga!” There’s a lazy grin on his face like she was a joke.
“Pierre, kaya mo pa bang umakyat ng kuwarto?”
Tinatagan niya ang kanyang loob. Ganito ba? Siya ba ang dahilan ng pag-sira nito sa kanyang buhay? Ang disgusto at pagkamuhi sa kanya? Then what is she still doing here? Hindi ito ang ideya, hindi ito ang gusto niya. She wanted everything in order.
“N-no, no. No!” Halos mapapikit na ito. “Mali ako ng inuwian. I was actually planning to go home. My home. Yung wala ka. Artista ka.” Bahagya siyang hinawi ito at naglakad papaakyat ng kuwarto. Nasaktan siya sa ginawa nito pero mas masakit ang kanyang sinabi.
“Kung ayaw mo na pala at nagbago na ang isip mo, bakit nag-lalasing ka pa? Pupwede mo naman akong palayasin!”
“At ano? Magpapakasaya ka sa iba? Paano naman ang buhay ko na sinira mo? Hindi. Dapat sabay tayo? Dapat magkasama lang tayo.”
Naging mahapdi ang luha na naglandas sa kanyang mukha, “I never wanted this.”
“So do I! Can you remind me again why we are at it?”
Suminghot siya at pinahid ang luha. Bahagyang umatras si Pierre na parang binuhusan ng malamig na tubig at napapaailing na umakyat ng kuwarto.
“Pierre!” She called. Pero pabagsak lang siya nitong pinagsarhan ng pinto, sumunod siya pero nakalock ang pintuan nito. Wala na siyang nagawa. Luha ang naging sandata.
When she woke up that morning, nakaalis na si Pierre. Hindi na ito bumalik tatlong araw pa pagkatapos non. Pakiramdam niya ay gumagapang na lang siya para mag-patuloy. Pati ang pag-aaral niya ay parang naging pabigat. Pierre gave it to her, and now she doesn’t know if she deserves it.
“I told you to eat! Akin na ang vitamins mo..” Nagpamewang si Stephanie at inilahad ang kamay sa kanya. Kinuha niya iyon sa bag niya. Napapailing na sumandok ng carbonara si Stephanie at itinapat sa kanyang bibig.
“Stop it, Steph. Nakakahiya.” Tumingin siya sa paligid ng kanilang school canteen. Pinapanood na sila ng mga tao dahil para siyang batang sinusubuan ng kanyang kaibigan.
“Anong paki natin sa kanila? Isipin mo ang sarili mo.” Dumating naman si Travis. Ito naman ang susunod na nangungulit sa kanya. Napatapik siya ng noo.
“Hello, Helga. Gumising pa si Mommy ng maaga para ipagbalat ka niyan. Nakalimutan nga niya akong lutuan ng breakfast.” Lumabi si Travis at iniabot sa kanya ang hinog na mangga. Nakaslice na ito at isusubo na lang niya.
“Kumakain naman ako.”
“No, nag-collapse ka nung isang araw. Hindi mo kasi binabantayan ang sarili mo. Kung may away kayo—”
“Steph..”
“Hindi na ako boto sa kanya! Makarma sana!” Humalukipkip si Stephanie at pilit siyang ngumiti dito.
Friends, she doesn’t know how to survive without them.
“LAYA AIR FLIGHT 7L563 FROM MANILA BOUND TO PALAWAN CONFIRMED CRASHED IN MOUNT MANTALINGAN, 101 PASSENGERS AND CREW CONFIRMED DEAD ON THE FATAL PLANE CRASH.”
Napatakip siya ng bibig habang pinapanood ang balita. Nakita niya si Pierre na naroon sa crash site sa Palawan. Alam niyang pinipilit lang nitong magpakatatag pero bakas ang pag-aalala nito. Hindi niya alam kung paano niya ito tutulungan. Sumakit ang kanyang ulo.
Hindi pa siya tapos sa pag-absorb ng pangyayari nang mag-ring ang telepono sa kanyang tabi. Tinitigan niya ito bago sagutin.
“Napanood mo sa balita?”
Napapikit siya, boses ng Daddy niya iyon.
“Dad.” Her voice was hoarse and scared.
“Anong plano mong gawin? How can you support Pierre?” Tanong nito na para bang sa kanya nakasalalay ang pag-ahon ni Pierre. Mabilis siyang nag-isip ng paraan. She’s mentally scanning the books that she read or the movies she watched. Wala doon ang sagot.
Wala namang kahit anong sagot sa bawat sitwasyon na kinakaharap ng kahit sino. Hindi naman pantay pantay ang panukatan ng problema. And to her, it is like problem after the other. Not fixing a problem then moving on to another. Nag-kakapatong patong lang ang problema sa kanya.
Nagmuo ang makakapal na luha sa kanyang mga mata nang walang maisip na matinong sagot, kahit peke man lang o pabalat, “I—I don’t know, Dad.”
“Estupida! Wala ka man lamang bang gagawin? Si Helena na naman ba ang aayos? Hindi mo kasi tinapos ang kurso mo!”
“I am sorry, Dad.” Napatakip siya ng bibig. Hindi niya din alam ang kanyang gagawin. Kung makakatulong ang pag-sigaw ay sisigaw siya dahil yun lang ang kaya niyang gawin ngayon. Napasabunot siya sa kanyang buhok dala ng frustration. Nagagalit na siya sa kanyang sarili.
“Hindi na ako magtataka kung iiwanan ka ni Pierre para kay Helena. Wala na akong magagawa kapag nangyari yon. Ilang buwan na ba kayong magkasama? You haven’t even proved your worth.”
Napipi siya dahil doon. Mapaklang tumarak sa kanyang puso ang salita ng sariling ama.
PIERRE.
“Pierre, you need to eat.” Napaangat siya ng tingin kay Helena. Kasama niya ito sa private plane patungong crash site at ito din ang kasama niya pabalik. Kung wala ito ay baka tumalon na din siya at nagpatiwakal na din.
Laya Air is at a very bad shape right now, business wise ay natalo na sila ng nagsusulputang economy airlines. At ngayon ay nagkaroon pa ng plane crash. It was a terrorist attack pero hindi pa nila maaaring isa-publiko iyon dahil na din sa utos ng gobyerno. It wasn’t the fault of the airline but the lack of security at the airport.
“I cannot eat, Helena.”
“I know, I know. You have to. Paano mo haharapin ang lahat kung wala kang kinain?”
Napatakip siya ng mukha, “I don’t know. I don’t really know.” Pumatak ang luha sa kanyang mga mata. “I know I need to pay the families, I don’t know how to survive after this.”
Bumalot sa kanya ang pamilyar na amoy ni Helena. It used to calm her. But right now, wala atang makakatulong sa kanya para kumalma.
Ingay, kailangan niya ng ingay. Tumayo siya at kinuha ang kanyang coat.
“Where are you going, Pierre?”
Hindi siya sumagot pero parang naging buntot si Helena at sumakay din sa kanyang kotse nang sumampa siya doon.
He drove fast, di gaya ng dati ay hindi siya pinagsabihan ni Helena na magdahan-dahan. She may be dominant in their relationship pero nakakaunawa naman ito kapag naging matigas na din siya at seryoso.
Helena knows this is a really serious matter.
Sa gitna ng problema, ang malakas na ingay ang humiwa doon. He ordered drink after drink, sinabayan siya ni Helena doon, walang nag-sasalita ni isa sa kanila.
Tumayo siya nang hindi makuntento sa alak, pumagitna siya sa dancefloor nang wala siyang ginawa. The sensual movements of the people made his head spin. The smell of alcohol, cigarette and sex pumped his blood thinking that he’s not really wasted enough.
“Pierre..” Helena whispered on his ear. Gumapang ang kamay nito sa malapad niyang dibdib at namungay ang mga mata. Kumapal ang init sa gitna ng dancefloor. Alam niyang dahil sa makapal na tao na naroon.
His arm snaked on Helena’s waist, it was so small but curvy. Helena titled her head, tumingkayad iyon at alam na niyang sinusundan nito ang kanyang labi. Napapikit siya at tila napapasong lumayo ng dalawang hakbang.
Kumunot ang noo ni Helena. “You are not serious with my sister, Pierre. She cannot even help you! Marahil nga ay nagliliwaliw iyon nang walang kaide-ideya sa hinaharap mo!”
Parang tubig ang mga salita nito na kumalat sa kanyang sistema. Nag-igting ang kanyang panga. He remembers how he hated Helga back then, until this very day every time she makes mistakes. Parang wala laging kapatawaran ang pagkakamali nito sa kanya.
Hindi niya gustong nag-sisinungaling ito. Hindi niya gustong kumukuha pa ito ng atensyon ng iba. He hates her that his heart thumped painfully and almost comes out from his chest. Ito lang ang nagpagalit sa kanya ng ganon.
“Pierre, she won’t be serious with you. Ang alam lang niya ay maglaro—”
Sinikop niya ang labi ni Helena. The familiar lips but the bland feeling made him numb. He kissed her because she wanted to be kissed. Wala iyong ginamot na kahit anong parte sa kanyang sikmura bukod sa nakaramdam lang siya ng pagrerebelde.
Gusto niyang murahin ang problema. Ang malutong na sampal sa kanya ng buhay na wala siyang kayang ayusin.
He could hear her adoptive parents blaming him for the failed relationship and now, the failed business.
Hindi siya ipinanganak kagaya ng mga magulang dahil wala namang kahit isang patak ng dugo ng Floresca sa kanya.
He remembers when he was always right. He loves recognition, parang lahat ay abot kamay niya. That was six years ago. Nakaplano na ang lahat pero gumulo iyon kailan lang.
He heard Helena moaned. Naglalakbay na ang kamay nito sa kanyang katawan kasabay ng pasimpleng pag-indayog sa maingay na musika sa paligid. People will think they were dancing, but the lust, the heat, and the possibility of sin enslaved them into something dark and ugly.
Naglakbay ang mga kamay niya sa ilalim ng suot na blouse ni Helena. Finding its glory underneath the think fabric. Naging mahina ang pag-ungol nito sa ginawa niyang pag-pisil doon sa natagpuan.
“Let’s get out of here.” She whispered.
Helga x Pierre 16
Maki Say’s: Disabled ang voting, can you comment <3 instead, or your thoughts? Para naman mag-count ang comments niyo to boost the story’s rank and for me to feel your presence and be inspired writing, knowing that I am not alone in this story so I need to update more because this number of people are waiting. Lol. Thanks!
PIERRE.
The fast movements were understated. It was rapid, rocketing to satisfy ones need. Hindi na niya maalala kung nasaan siya. Mas lalong nadagdagan ang kanyang pagkahilo dahil sa hindi mabilang na alak na nainom niya.
“Helga..” He whispered.
“Pierre..” She answered. The kisses were sweet and different. Naitulak ng kaniig sa malambot at malamig na kama. His shirt was unbuttoned. Restlessly praised with kiss and tease. The softness of the naked body rested on his body gave him warmth and comfort. His eyes were drowsy, gusto na niyang huminto sa lahat ng problema. Bakit kinakatakutan ng lahat ang kamatayan? You just have to let go and leave all the things behind, ang mga maiiwanan naman ay magpapatuloy na mabuhay kapag lumipas ka na.
Sometimes, dying is much easy than staying alive.
He felt grinding on his arousal but he’s too tired to respond. Lahat ng enerhiya niya ay nawala pagkatapos isipin ang kagustuhang mamatay na lang. Tinitigan niya ang nightlamp sa kanyang tabi. Yun ang huli niyang naalala kasunod ng pagkapikit.
“What are you doing here, Helena? W-what happened?” Nagising siya sa yakap ni Helena. Magkatabi sila sa kama at parehas silang walang saplot. Pinanlamigan siya ng sikmura pati ng buong katawan.
“D-don’t worry, Pierre. I won’t ask anything from you, we were both drunk. I know. Not your fault. We were both grown ups. Asahan mo na hindi ito makakarating sa ating pamilya.”
Pakiramdam niya ang bigat ng ulo niya ay mas lalong nadagdagan. Hinilot niya ang kanyang sentido.
Tiningnan niya ang tuwid na buhok ni Helena at ang kipkip nitong kumot para ipantakip ng katawan. Palagay niya ay may kinuha siyang mahalagang bagay dito.
“I am sorry, Helena.” Yun ang tangi niyang nasabi.
Parang gatilyo iyon na nagtulak ng luha ng dating nobya, namula agad ang magandang mukha nito.
“What happened to us, Pierre? W-why are we even saying sorry?” Nanginig ang labi ni Helena. “This was meant for us to share, Pierre! B-bakit biglang nag-iba? Nangako ka, Pierre!”
“I am sorry, Helena. I — I myself didn’t know what happened. If I could just tell it to you.”
“Helga is no good for you, Pierre. Ako na lang, Pierre.”
Niyakap siya ni Helena at pilit na inabot ang kanyang labi. Umiwas siya doon na gulong gulo.
“P-pero si Helga ang asawa ko at ang dami ko pang problema ngayon.”
“H-hindi ko naman gustong dumagdag, Pierre. I thought last night I will take your problems away.”
“By letting this happen?” Napatakip siya ng mukha at pinagsisihan ang mga salita. “I am sorry, Helena. Let’s talk about this after everything.”
Napanatag siya nang makitang sa condo unit pala niya siya napunta kagabi. He rushed cleaning up to face another problem at his office. Mas mabigat pa ang kanyang loob. Wala talagang naidudulot na mabuti ang alak. Nadagdagan lamang ang kailangan niyang harapin.
Nagulat siya nang pumasok sa banyo si Helena, still naked. He imagined himself getting a hard on with a naked body in front of him, lalo na kung kagaya ni Helena. Her body was perfect, curvy and spotless. Pero wala siyang nagawa kundi ang hilahin ang tuwalya sa kanyang tabi at takpan ang sarili. He seen something better.
“You need to shower?” Kyurosong tanong niya.
“Pierre, let’s take a break just today.” Lumapit ito sa kanya at pilit na inaalis ang tuwalyang itinakip niya sa kanyang baywang pababa pero hinawakan niya iyon at hinigpitan.
“No, Helena. This is a mistake.”
“P-paano kapag nabuntis ako? Mistake pa din ba iyon?” Sumbat sa kanya ng dalaga.
He sighed heavily. “Please give me some time to think, Helena. Alam mo ang problema ko.”
Marahang tumango ang dalaga. “Alright, I am sorry.”
“Sir Pierre, you have a conference call with the Civil Aviation Authority Secretary.’
Napabuntong hininga siya, kakadating pa lang niya sa kanyang gusali at magsisimula pa lang ang araw. Pumasok agad siya sa conference room.
“Sir.”
“We cannot disclose yet the reason of the plane crash. Hold on, Mr. Floresca.”
“Our sales will suffer, Sir. We estimate that we will be dealing with the same problem for the next five years. Baka magsara na kami ng tuluyan.”
Umiling ang kausap through video call, “Hindi naman aabot ng ganon katagal. Humihingi lang ang Presidente ng kaunting pang-unawa galing sa Laya Air. We cannot afford dreaded panic from people. Baka lalong mapasama. This is an order, Pierre.”
“Yes Sir.”
Tumahimik na siya at napatiim bagang.
HELGA.
Tumingin si Helga sa bahay na walang laman. Malamig na ito noon pero mas malamig ngayon.
Apat na araw. Apat na araw na wala siyang balita dito. Sinubukan niya itong tawagan pero madalas nakapatay ang telepono. Nag-tungo siya sa opisina nito pero ang sinabi ay nasa Palawan ito at mayroong inaasikaso.
Of course, he’s doing something about the plane crash and silly her, ngayon pa ba siya hahanap ng init mula dito? Gusto niyang iparamdam dito na maayos lang ang lahat pero niya alam ang salitang sasabihin.
Ngayon niya gustong idahilan ang kanyang edad, she’s just a kid. Hindi niya alam ang tungkol sa mahahalagang bagay.
Pero sana ay umuwi siya, kung napapagod na siya sa labas ay dapat umuwi siya.
Pabagsak na bumukas ang pintuan sa kanyang tabi at halos mapatalon siya. Parang narinig ng langit ang bulong niya. Gusot gusot ang damit nito, wala sa ayos ang buhok.
“Pierre..” Nanghihina niyang bulong kasi hindi na niya makilala ang itsura nito. Wala na ang mga matang may sigla o ang labi nito na walang kasingpula. Maputla ito. Nanghihina. Sa isang iglap naging ganito na ito.
Apat na araw. Apat na araw at ngayon lang niya nakita ito. Lubog ito sa problema at para bang ibang tao siya na nakikibalita na lang sa TV o sa radyo kung nasaan na ito.
“Pierre, I am sorry to—” Hinawi siya nito. Amoy alak. Hindi galit pero wala ding reaksyon, palagay niya ay mas nakakatakot iyon.
“Pierre, kung kailangan mo ng kausap, nandito ako.” Naglakad ito patungo sa kanyang kuwarto at sumunod siya ngunit naroon pa lang sila sa pintuan ay tumigil ito sa paglalakad. Kumuyom ang kamao ng binata kaya alam niyang naririnig siya nito.
“Pierre—” Hinawakan niya ito sa braso.
“Anong sasabihin ko? Damn it, Helga! My life was perfect! And then you came! Ginulo mo ang lahat!”
Umalpas ang luhang hindi niya binigyan ng permiso na kumawala.
“I am sorry, Pierre. I didn’t mean to—”
Marahas na humarap sa kanya ang asawa. Palagay niya ay may bagyo sa loob ng mga mata nito, pero hindi, mapula ito dahil sa luha ng hinagpis o matinding galit.
“You didn’t mean to? Simula nang dumating ka naging magulo ang lahat! Ikaw ang malas sa—sa—” Hindi nito naituloy ang sasabihin nang makita ang pagluha niya. Pierre knows he’s not supposed to say it, it is not expected of Pierre. He’s the gentleman Pierre. Hindi siya dapat manakit at mas mahirap din kay Helga na tanggapin ang katotohanang iyon. He’s not bursting out because he is not supposed to.
“W-wag mong sirain ang buhay mo, Pierre. Please. Maaayos din ang lahat—Maaayos—”
“Maaayos?” Tumaas muli ang boses nito at napaigtad siya. Nag-una-unahan muli ang pagpatak ng kanyang luha. “Nagpapatawa ka ba? Ikaw ang dahilan ng lahat ng kaguluhan na to!”
“I am sorry. I am sorry.” Paulit ulit na pakiusap niya. Tama si Pierre, kung hindi dahil sa kanya ay hindi nangyari ito. Everything was perfect with Pierre and Helena in it. Pero dumating siya para guluhin ang lahat. Hindi din sana namumuhi sa kanya ngayon ang kanyang mga magulang kung hindi siya nagkamali ng desisyon.
Malalaki ang hakbang ni Pierre para magtungo sa sariling silid nito at sinarhan ang pinto sa kanilang pagitan.
Nagmamadali din siyang umakyat at saka sinikop ang mga gamit niya. Inilagay niya lang ang kakasya doon sa maleta niya. Walang tigil ang malakas niyang pag-iyak. She feel sorry. Sorry for the promises she made for herself and to others, wala siyang natupad sa mga iyon.
Sorry for bringing pain to everyone. Hindi na niya alam kung kanino niya sasabihin iyon. Wala namang nakikinig sa kanya.
Kinagat niya ang pang-ibabang labi niya para huminto sa paghingi ng tawad sa kanyang isip.
Sorry for the wrong decisions. Hindi siguro matatapos ang paghingi niya ng tawad. Kahit siguro humingi siya ng tawad sa makakasalubong niya sa kalsada ay pupwede na. Sorry. Sorry for existing.
Pinalis niya ang luha niya pero may agad na bumugso sa kanyang mga mata. Hindi na niya makita ang inilalagay niya sa maleta niya. Nang mapuno iyon ay sinarhan na niya. Lumabas siyang hila hila iyon.
Kumatok siya ng malalakas sa pinto ni Pierre. “I am sorry, Pierre. I am really sorry! K-kahit ngayon lang.. Kung naririnig mo ako.” Namamaos na sabi niya.
“Hindi ako nagsinungaling sayo. Minahal kita kahit ayoko. Minahal kita kahit hindi ka sakin. I am sorry Pierre.” Humikbi siya. “Sorry for loving you, sorry for being selfish, sorry for being unfair. Sorry kung nasaktan kita ng hindi ko sinasadya. Sorry sa pagiging—malas.”
Tinakpan niya ang bibig na para matigil na pero hindi iyon nakatulong. Naging impit lang ang kanyang pag-iyak na parang sinusunog ang kanyang sikmura. Hindi niya alam kung ano ang unang hahawakan niya, kung ang tiyan ba niya o ang kanyang puso dahil parehas iyong masakit. Hindi niya alam kung kakayanin niyang mag-lakad papalayo pero kinaya niya.
Sumakay siya ng taxi at naging mahaba ang biyaheng iyon para sa kanya. She was convulsing in tears. Panay ang tingin ng driver sa kanya gamit ng rearview mirror pero hindi siya nahiya. Madalas din ang punas niya sa kanyang mukha pero mas madalas ang bagsak ng luha na parang inuubos nito ang supply sa ngayong gabing ito.
Bumaba sa pamilyar na mansyon na ipinagtabuyan siya papalayo pero hindi, hindi siya uuwi.
Pinunasan niya ang luha niya at hinarap ang guwardiya ng mansyon ng mga Ortega.
“Ma’am Helga.” Parang natauhan ang kanilang guwardiya nang makita siya.
“Nandiyan ba si Helena?” Pinilit niyang hindi umiyak.
“Kadarating lang po, pumasok po kayo.” Binuksan ng guwardiya ang maliit na gate para tanggapin siya pero sino ba naman ito para magpapasok ng anak na ipinagtabuyan na.
“Hindi na Mang Nestor. Nag-iintay po ang taxi sa akin. Sandali lang po ako, pakitawag po ang kapatid ko.”
Agad na kinuha nito ang telepono. Ilang minuto siyang nag-intay at nakita niyang lumalabas na ng kanilang bahay ang kanyang kapatid. Her sophisticated stance intimidated her. Napaatras siya, puno ng luha ang kanyang mga mata at nakasuot lang siya ng kanyang pajama. Malayong malayo sa kinang ng kanyang kapatid na kahit kailan ay hindi niya kinainggitan. If she envied her before it was because of Pierre and that is only it.
“Anong ginagawa mo dito?” Matigas na tanong sa kanya ni Helena. Nakahalukipkip ito at matalim ang tingin sa kanya.
“Helena..”
“Anong drama na naman to, Helga?”
“I am sorry, Helena.” Humikbi siya. Umismid ang kapatid.
“Ano? Hindi mo na kaya?” Nanunuya siyang tiningnan nito na para bang kulang pa ang sugat na nakikita sa mukha niya, “Pierre is lovable when he’s perfect pero ngayong may problema, ano? Hindi mo pala siya matutulungan? Hindi mo kaya?”
Umiling siya. Hindi iyon totoo. Hindi ganon.
“Hindi ako ang kailangan niya.”
“Of course. Ano bang alam mo bukod sa lumandi?”
Hindi siya sumagot. Deserve niya yon. Deserve niya ang masasakit na salita.
“I am sorry for stealing him from you—”
“Forget it. You never stole anyone, Helga. At this point, wala pa din namang iyo. Sa akin pa din siya babagsak.”
“Mas kailangan ka niya.”
“Exactly. Tapos ka na ba?” Magaspang iyon at sumugat sa kanya. Nagmana si Helena sa kanilang Daddy, masakit magsalita.
“Huwag mo lang siyang pababayaan.”
“Hindi mo na kailangang sabihin. Ano yan? Magdadrama ka na naman? Makikipagkita ka after 2 years na meron na namang dalang problema? Nakita ko na yan noon, Helga. Sana this time, wag mo nang guluhin ang pare-parehas na buhay namin. Kung aalis ka, just go! Huwag ka nang magpakita!”
Malungkot siyang tumango. “I am sorry. Please extend my sorry to Daddy and Mommy.”
Helena rolled her eyes at her. “Mang Nestor, just close the door.” Pagkasabi non ay tumalikod na ito.
Pinanood niyang magsara ang gate sa likuran nito.
“Salamat po Mang Nestor.” Pinilit niyang ngumiti sa mabait na matanda.
Naaawa siyang tiningnan ng guwardiya nang pumihit siya para balikan ang taxi na nag-iintay. Papasakay na siya roon nang may pumigil ng kamay niya.
“Saan ka pupunta?” Madidilim ang mga mata ni Pierre sa kanya. Humikbi siya nang makita ito. Pinaglihi siguro ito sa sibuyas dahil naiiyak siya gayong napatingin lang siya dito.
“Sumakay ka na sa sasakyan.” Utos sa kanya pero umiling lang siya.
“Helga.” Tumiim bagang ito, “Marami akong problema ngayon, huwag mo munang dagdagan please.” Madiin ang bagsak ng bawat salita pero pinapanatili ni Pierre ang hinahon.
Isang impit na iyak muli ang pinakawalan niya, iyak ng nasasaktan. Mariing napapikit si Pierre na parang ninanamnam ang hinagpis niya,
“Palagpasin mo muna ito. Just stay.”
“Pero—”
“Stay.”
Kahit masakit ang puso niya ay nagpatianod siya. Kinuha nito ang gamit niya sa likod ng taxi at saka siya sumakay sa sasakyan ni Pierre. Hindi pa din siya tumitigil sa pag-iyak. Yun ang naging musika ng kanilang maigsing biyahe. Mas mabilis iyon kaysa kanina, siguro dahil may kasama siya ngayon kaya hindi niya namalayan.
Nang pumasok sila ng bahay ay didiretso sana siya sa kanyang kuwarto pero hinila siya ni Pierre patungo sa kuwarto nito.
“P-pierre..”
“I need to make sure you are not going anywhere while I am sleeping.”
Nakakaunawa siyang tumango. Humiga siya sa kama nito, pagod na pagod na siya. Napahilamos ng palad si Pierre at pinagmasdan siyang humiga. Bakas ang galit, pagluluksa at pagod sa mukha. Iniangat nito ang comforter at binalot sa kanyang katawan, binuksan ang lampshade at pinatay ang ilaw. Pumikit siya.
He sat down on the bed. Nakiramdam siya nang humiga ito sa tabi niya pagkalipas ng isang minuto. Mayroon silang distansya hanggang sa lumiit ito nang ilagay ni Pierre ang kanyang braso sa kanyang tiyan at pagdikitin ang kanilang katawan.
“Wala kang karapatang ipamigay ako ng walang permiso ko.”
Nag-init na naman ang sulok ng kanyang mga mata, “I am sorry, Pierre.”
“You said too many sorrys today. I don’t want to hear anymore of it.”
Marahan siyang tumango.
“Pag-uusapan natin pagkatapos ng lahat ng ito.”
Tumango muli siya. Gusto niya ulit humingi ng tawad pero alam niyang sobra na.
“That was a terrorist attack that crashed our plane.” Mahinahong boses ni Pierre ang nagpatigil sa kanyang pag-luha . Kinukwento ba nito sa kanya ang nangyari? “But the government doesn’t want to disclose about it until they confirmed the terrorist group that caused the crash. They don’t want to cause panic to people.”
“At least the victims deserve to know, right?” Hinaplos niya ang kamay ni Pierre na nakapatong sa kanyang tiyan, “Maaayos din ang lahat, Pierre.”
“Our ticket sales were going down.”
“Don’t worry about it, Pierre.” Malumanay niyang tinapik ang kamay ni Pierre hanggang sa narinig niya ang malalim na paghinga nito.
They both fell asleep well for the first time after their fight.
Nagising si Helga nang magaan ang pakiramdam. Nakapulupot sa kanya si Pierre at mahimbing pa ding natutulog. It is a Sunday. Kinuha niya ang cellphone nito sa side table, nakita niya pa ang mensahe ni Helga dito na nag-gu-goodnight at bumati ng good morning. Pinatay niya ang cellphone ng asawa. She knows he needs to sleep more.
Sumilip ang pang-umagang araw sa mukha nito kaya nilapitan niya ang kurtina para itago ang liwanag na gumagapang para magising ito. Bumaba siya para maghanda ng almusal para sa kanilang dalawa.
She cooked her favorite, bacon and pancakes, hotdogs, eggs and fried rice para naman kay Pierre. Naghanda din siya ng banana apple smoothie, naalala niya ang nabasang article na nakakapagpaganda ng mood ito.
Pinilit niyang pagandahin ang ayos ng lamesa, pumitas pa siya ng bulaklak ni Chichi at Denden, ang alaga niyang orkidiyas. Ang pinagsamang kulay nito na puti at kahel ay maganda sa mata. Napangiti siya kahit walang dahilan para ngumiti, nasanay na ata siya. Ngiti lang kahit walang dahilan para gumaan ang problema.
“Helga!”
Kakatapos niya lang maglagay ng mga plato nang marahas na bumukas ang pinto ng silid ni Pierre na gulo gulo ang buhok. Nakahinga ito ng maluwag nang makita siya sa kusina. Parang nakakita ng isang himala sa katauhan niya.
“Good morning, Pierre!” She smiled. Hindi niya alam kung bumagay ba ang pamamaga ng kanyang mata sa ngiting iyon pero gusto niyang bigyan ng ngiti si Pierre dahil baka sakaling gumanda ang pakiramdam nito.
He’s topless. His white board shorts was lazily hanging on his waist. Umiwas siya ng tingin. He looks good now that he’s well slept.
Marahan itong naglakad papalapit sa kusina at tiningnan ang nakahanda. Agad na lumapit ito sa coffee brewer pero iniharang niya ang katawan niya.
“Gumawa ako ng smoothie.”
“I need coffee.”
“Caffeine can worsen anxiety. Alam kong marami kang problema ngayon. Banana and apples are considered a booster. Kung gusto mong magising, mag-smoothie na lang tayo. I cooked hotdogs and eggs.”
Hinila niya si Pierre papalapit sa lamesa. “May lakad ka ba ngayon?”
Nag-angat ng tingin si Pierre sa kanya at umiling. Sinalinan niya ito ng kanin sa plato pati ang ulam habang sumisimsim ito ng smoothie na inihanda niya.
“Wala, may gusto ka bang puntahan?” Balik tanong nito sa kanya na nagpaangat ng dalawa niyang kilay. Sasamahan ba siya nito kung aalis siya? Oh, right. Parang mali naman ang assumption niya. Tinatanong lang siya nito.
Umiling siya. “I plan to do a movie marathon today.”
“Movie marathon it is.” Pierre said like it is a plan for the both of them.
“S-sasamahan mo ako?” Umupo siya sa harapan nito at tumusok ng pancakes.
“Just making sure that you won’t be going anywhere like you did last night. Let’s put back your thing in my closet now before doing anything.”
“In your closet?”
“You’ll be sleeping in my room from now on, Helga. No more sneaking out.”
Tumango siya. Pinanood niya si Pierre na muling inumin ang smoothie na inihanda niya na parang bata. Napapapikit pa ito.
“I can cook lunch tapos ikaw na sa dinner. I want Buttered shrimp for dinner, the exact same thing you cooked for me last month.” Aniya.
“Last month.. T-tagal na pala nung huli kitang naipagluto.” Malungkot siyang ngumiti.
“Don’t feel sad about it. That will be your task everyday now.”
They planned their Sunday well over breakfast. Sabay silang nag-hugas ng plato habang nagdedesfrost naman si Pierre ng karne para sa lulutuing tinola. She requested for it.
“You can move my things. You can occupy the right side of the closet.” Itinuro ni Pierre ang bakanteng espasyo doon sa cabinet. Pinagtulungan nilang tiklupin ang gamit niya na basta na lang niya isinuksok kagabi.
“Akin na yan!” Namumula ang pisnging inagaw ni Helga ang kanyang underwear mula kay Pierre.
He laughed like a masonry drill, nainis siya doon. Lumiit ang mga mata nito at kuminang ang mapuputing ngipin. “Bakit ka tumatawa? Bastos ka!”
“Bakit nahihiya ka? I’ve seen everything, Helga.” Pagmamalaki nito. Inis siyang napabuga ng hangin.
“Bilisan mo na diyan, I am itching to watch ‘It’. I really love Bill Skarsgard.”
“Who?” Kumunot ang noo ng kanyang asawa habang inilalagay ang kanyang pajamas doon sa closet.
“Bill Skarsgard.”
They changed the curtains to a complete blackout, tanging ang liwanag lang sa TV ang makikita. Sa silid ni Pierre ay may malaking TV na aminado itong ngayon rin lang niya magagamit. Sumiksik siya sa dibdib ni Pierre nang makita ang lumilipad na pula na lobo.
They both screamed and laugh the whole film. Parang commercial lang ito na nag-daan at kulang pa.
“There’s nothing scary about the film. Bill Skarskgard is so annoying.” Komento ni Pierre.
“Ang galing niya kaya! Nakakatakot.”
“It is because he was Pennywise the whole movie! He looks disgusting!”
Tinulak niya si Pierre. Naiinis siya sa komento nito sa paborito niyang aktor, “If Pennywise would lure you, hindi kita kukunin.”
“Of course you won’t. Ipinamimigay mo nga ako.” Tila nagtatampong boses nito. Nag-init ang pisngi niya.
“I was so ugly last night.” Nahihiyang sabi niya.
“You were never ugly.”
Inabot ni Pierre ang kanyang pinsgi at sinalubong nito ang titig niya. “I am sorry for making you cry but don’t do that again.”
Tumango si Helga, “Hindi na ako magiging problema mo ulit, Pierre.” Pangako niya.
Helga x Pierre 17
HELGA.
Bitbit niya ang inilutong Chicken Afritada at mainit na kanin para kay Pierre, sinobrahan niya pa iyon at sinamahan ng sandwich para sa mga empleyadong maabutan non, alam niyang hirap ang buong opisina dahil sa problemang kinakaharap ng mga ito at ito lang din ang tangi niyang paraan para makatulong.
Not much but she thinks it will ease their stress a little bit. Mas masayang magtrabaho ng busog.
Pakanta kanta pa siya nang huminto ang taxi sa harapan ng Laya Air nang tumunog ang kanyang cellphone.
She scowled at her phone. Pinuputakte siya ng mensahe ni Stephanie na hinahanap siya dahil hindi siya pumasok sa eskwela.
She thought of doing something for Pierre and his employees today. Naunahan siya nitong magising kanina at meron nang almusal sa lamesa. Nag-iwan ito ng note na sa opisina lang ito buong maghapon at haharapin muli ang problema ng Airlines. Hindi siya pumasok sa eskwela dahil gusto niyang asikasuhin ang asawa. Moral support is still a support.
Pagkababa pa lang niya ng taxi ay nakita na niya ang kumpol ng tao na naroon sa labas at kinakalampag ang opisina ng Laya Air. More or less twenty to thirty persons were there and some media representatives taking advantage of the dramatic scene.
There were news blackout on the Airlines part. Hindi na sila nagbigay ng pahayag kaya siguro nagagalit ang mga tao. Ayon kay Pierre ay pinangakuan na din nila ng danyos ang lahat ng biktima at minamadali na ang pagproseso nito.
“Ipasara! Ipasara ang Laya !” Malalakas ang sigaw ng mga taong nagpoprotesta. They were victims, too, she cannot hate them that they want the Airlines closed. Hindi maiwasan ang manisi ng kahit ano kapag nagluluksa. That’s the nature of people.
Nilawakan niya ang pang-unawa sa mga nagpo-protesta laban kay Pierre at lumapit sa kanila kahit na kinakabahan siya.
“Excuse me po..” Kinalabit niya ang may hawak na megaphone, isang matandang lalaki nasunog na ang balat sa araw dahlil sa ilang araw nang pag-poprotesta. Madungis na ang damit nito at nangangalumata.
“Sino ka, Ineng? Nabiktima ka din ba ng Laya?” Concerned na tanong ng matanda.
Umiling siya at ngumiti. “Ako po si Helga.. Helga Maurice Ortega at as—Kaibigan po ako ng mayari.”
“Ortega? Hindi ba iyon ang PR ng Laya?” Merong babaeng lumapit at napaatras siya.
“Kapatid ko po, si Helena.” She smiled.
“Anong ginagawa mo dito?” Sumimangot ang mukha ng matandang lalaki. “Hindi ka dapat dito! Lugar ito ng mga nag-luluksa!”
Ngumiti siya, “Nag-luluksa din po ako, kagaya niyo..”
“Hindi mo maiintidihan! Hindi mo maiintindihan dahil hindi ka nawalan. Stewardess ang anak ko sa eroplanong iyon! Pinangarap niya..” Humagulgol ang matanda sa kanyang harapan. Ibinaba niya ang bitbit na pagkain at niyakap ang matanda ng walang pag-aalinlangan.
“Sorry po.. Patawarin niyo po ako kung hindi ko mababawasan ang sakit na nararamdaman niyo. Hindi po kayo pababayaan ng Laya. Hindi namin mapapalitan ang buhay na nawala pero hindi po namin kayo iiwan ng walang pag-asa.”
Yumakap sa kanya ang matandang lalaki ng mas mahigpit. Naluha din siya katulad nito. “Sorry po..” Hinagod niya ang likod ng lalaki at matapang na hinarap ang nagpoprotesta.
“May buhay mang nawala, umasa po tayo na ang gusto nila ay lumaban pa tayo sa buhay. We, did not gain from this incident but we lost a co-worker, a family and a friend. Alam ko pong masakit iyon. 20,000 na empleyado ng Laya Air ang nagluluksa din kagaya niyo sa pagkawala ng kanilang kasamahan, pero sana ay huwag natin silang tanggalan ng karapatan para magpatuloy. Hindi po ako parte ng kumpanyang ito pero ang kaibigan ko ay nag-aalala na para sa inyo, umuwi na po kayo at humanap ng kalinga sa pamilya. Huwag na po nating dalhin sa kalsada. Mabibigyan tayong lahat ng sagot at ng hustisya at makakaasa kayo na hindi kayo mag-iisa. Magdadasal po ako kasama ninyo.”
Tumahimik ang mga nagpoprotesta at tiningnan siya, parang hindi pa makapaniwala ang mga ito. A camera flashed and she doesn’t want it. Yumuko siya at bahagyang tumagilid.
Pinilit niyang ngumiti sa kabila ng luha, “Kumain na po ba kayo? May dala po akong ulam at sandwich, palagay ko ay kakasya na sa atin.”
Nilapitan niya ang mga nagpoprotesta, isa-isa, may ilang yumakap sa kanya habang umiiyak. Malugod niyang niyakap ang mga iyon at nakiiyak din sa kanila.
Gumawa sila ng malaking bilog sa gitna ng initan at tanging karton lang ang kanilang sapin. Pinaghatian nila ang dala niyang para sana kay Pierre at sa empleyado nito. May mas nangangailangan ng mga pagkain na iyon, mas nangangailangan ng lakas.
The food they shared was meaningful for her. Kahit sa ganoong paraan ay naramdaman ng mga tao na merong nakakaunawa sa kanila. Hindi nila kailangan ng simpatiya na puro salita at pag-share ng status sa social media, mas importante sa kanila na may isang taong tumayo sa kanilang harapan para pakinggan sila.
Pinahid niya ang luha at isa isang nagpaalam sa mga kaanak ng biktima nang matapos silang mananghalian. Tumulong siya sa pagtiklop ng tarpaulin at pagbaklas ng mga kahoy na ginawang stage.
“Babye po Mang Tony! Pupuntahan ko po kayo sa Lunes! Kayo din po Aling Bebang!”
Masaya siyang kumaway sa mga ito. Nangako ang mga ito na hindi na kakalampagin ang Laya. Inimbitahan pa siya ng mga ito sa lamay ng kanilang kaanak na namatay. Her heart was happy. Matagal na siyang hindi nabusog ng ganong klaseng pagtanggap.
“That was my food.” Napalingon siya sa boses sa kanyang likuran. Di niya mapigilan ang matawa sa itsura ni Pierre habang nakatingin sa hawak niyang walang laman na tupperware.
The sun highlighted his features, palagay niya ay pinag-usapang mabuti sa langit kung paano lilikhain si Pierre. Masarap siyang titigan. His thick brows and lashes, his straight nose and chiseled jaw. Ang kanyang labi ay mapupula. Nakapamulsa ito, his three-piece suit tells all. But Pierre is more than the handsome CEO, he’s a gentle Pierre to her. Hindi siya nito kayang tiisin.
Pinaliit ni Pierre ang kanilang distansiya at bumagsak siya sa katawan nito.
“Thank you. Thank you for doing this.” Nanlambot ang tuhod niya sa mainit na hininga nito sa kanyang leeg.
Umiling siya. “Wala naman akong ginawa. Sinamahan ko lang sila kasi kailangan nila ng kausap. Kailangan nila ng karamay. Kailangan nilang maramdaman na may nakakaunawa sa kanila kahit hindi pa yon ang namatayan.”
“I am so lucky to have you, Helga.”
“I know.” She smiled. Pinisil ni Pierre ang kanyang ilong at sa unang beses pagkatapos ng unos sa kanilang pagitan ay tinitigan siya nito nang may malambing na ngiti.
Inaya niya si Stephanie para mag-grocery na maaaring ibigay doon sa mga naging kaibigan niyang kaanak ng mga biktima na nakilala niya kahapon. She will prepare a simple loot, a grocery package for the 25 family members she met. Balak niyang hanapin ang iba pa at kausapin din at abutan ng maliit na regalo mula sa kanya.
“Taray, ang bait ng First Lady!” Susog sa kanya ni Stephanie habang naglalagay ng juice doon sa cart.
“Ano ka ba, Stephanie? Hindi ka ba naaawa?”
“Naaawa! Pero hindi naman ganyang levelling. Sabagay, direct hit din naman ang pamilya niyo ni Pierre. Pero ang shoray nung interviews at video clips, si Helena ang kasama.”
“Public Relations ang role ni Helena doon sa Laya Air. Matagal na niyang posisyon iyon.” Pagtatanggol niya.
“Ayun nga ba? Kung umabrisyete naman kay Pierre..”
“Kung yun ang magiging desisyon ni Pierre sa huli, wala naman akong magagawa.” Malungkot siyang ngumuso. Sumeryoso ang kanyang kaibigan at tinapik siya sa kamay.
“Hindi niyo pa ba napag-uusapan? Kalerki ka girl, manghuhula na lang tayo ng ending? Ano to? Teleserye? Romance book? Paano kung baliw ang manunulat at mahilig sa plot twist?”
“God is the author of our life.”
“Ang virginal ng statement!”
Napailing siya sa sinabi ng kaibigan at kumuha na lang ng mga items na gusto niyang ipamigay. Nang makauwi siya ng bahay ay inaasahan niyang naroon si Pierre dahil nangako itong maagang makakauwi. But then, nakapatay ang lahat ng ilaw sa bahay. Bago asikasuhin ang mga pinamili ay inuna muna niya ang pacheck ng mensahe sa kanyang cellphone.
‘I am sorry, Helga. I might come home late. Kumain ka na at matulog, huwag mo na akong intayin.’
Nakakaunawa niyang itinabi ang kanyang cellphone at nag-init muna ng pagkain mula sa ref. While waiting for the microwave beep, she scanned through her facebook newsfeed nang mag-notify ang live video ng kanyang pinsang si Kendra.
‘Chillin! Happy Birthday, Ate Helena!’’ Ayon sa caption nito.
Binuksan niya ang video nang mapansing nasa pamilyar na lugar ito. Ang mansyon ng mga Ortega. Kumirot ang puso niya nang mapagtanto niyang hindi siya imbitado sa okasyon. She’s silly to expect. Umiikot ang pinsan niyang si Kendra para ipakita ang nagaganap.
Nahagip ng video ang kanyang Daddy at Mommy kasama ang mga magulang ni Pierre, ang Tita Mariana niya na kumaway pa pati si Frederick at Anton na kanyang mga pinsan. Sa pinakagitna ay nakita niya si Helena at si Pierre. Agad na nanikip ang kanyang pag-hinga. Of course, their relatives doesn’t know that she’s the wife of Pierre now.
“Oh, Ate Helga’s watching! Hi Ate Helga! We missed you here!” Lumabi si Kendra ang makita ang pangalan niya sa screen bilang isa sa viewer ng live video nito. She replied with a heart button. Nakita niyang napalingon si Pierre sa cellphone ni Kendra na para bang lalabas siya doon.
“Hi Kuya Pierre, looking good!” Bati ni Kendra.
“Well, good thing, Helena was there for Laya. She’s such a great help.” Narinig niya ang Daddy ni Pierre na kausap ang Daddy niya sa background ng video. Hindi na niya nakita ang video pagkatapos pati ang mga boses ay nawala na. Napatakan ng makapal na luha ang kanyang cellphone. Pinahid niya iyon at ngumiti.
“Mukhang matatapos na ang problema n Pierre.” Sabi niya sa kanyang sarili para pakalmahin.
Hinarap naman niya ang loot bags niya nang matapos na siyang makain. Nangako si Stephanie na sasamahan siyang muli na mamili sa susunod na araw pati ang pagdidistribute. Nag-volunteer din si Travis ng small truck para paglagyan ng goods, mas lalo siyang ginanahan sa suporta ng mga kaibigan.
Masyado siyang nalibang sa ginagawa. Kasabay ng pag-hikab niya ay ang pagbubukas ng pinto at tahimik na pagpasok doon ni Pierre. “You are awake.” Parang nagulat pa ito.
Ngumiti siya at tumango. “Kumusta ang party ni Helena?”
Nagbago ang mukha nito at napalitan ng pangongonsensya.
“Sorry, Helga. I really thought it was a family meeting. Nawala sa isip ko na birthday ni Helena.”
“Okay lang. I cannot attend those functions. Ang alam ng pamilya, kayo pa din ni Helena and she’s helping you..”
“Helga..”
“I cannot do that, wala naman akong alam sa pagnenegosyo.”
“Hey, are you throwing a pity party for yourself? Sana naman ay inimbitahan mo ako para may kasama ka.”
Gumapang ang kamay ni Pierre sa kanyang katawan. Niyakap siya nito at pinatakan ng halik sa leeg. Napapikit siya. How many times she wished that they will be this close? Many times. At ngayong ganito naman sila kalapit, natatakot naman siya na baka mawala.
“What is that for?” Itinuro ni Pierre ang kanyang binabalot.
“Para doon sa mga naging kaibigan ko sa maliit na rally nila doon sa Laya. Sabi ko dadalaw ako. Magdadala na din ako ng kaunting pandagdag sa grocery..”
“Helga, you don’t have to do that. Meron silang financial assitance mula sa Laya.”
“I know. Galing naman iyon sa Laya. Ako si Helga, ako ang kaibigan nila at bigay ko ’to bilang kaibigan.”
“Thank you for doing this, Helga.”
“I am not doing this for you or for your company.”
“No, thank you for being wonderful and sticking with me. I don’t deserve your presence but y-you..” Pinilit niyang humarap kay Pierre at hinaplos ang guwapong mukha nito. Masuyo niyang pinatakan ng halik ang mga labi nito. Natigilan si Pierre at ilang segundo din siyang tinitigan bago tugunin ang halik niyang iyon ng mas malalim pa. They both groaned on the need of the kiss.
Naglakbay ang kamay ni Pierre sa kanyang katawan. He’s touching her like no other man would. Si Pierre lang ang bibigyan niya ng karapatan sa kanya.
He pulled down the strap of her yellow spaghetti strap sundress. Hindi na siya tumutol. He leaned down to claim her peak and she shudder in the soft movement. She was overwhelmed by the warmth of his lips that she rather keep it slow than having nothing at all. She want to immortalize the moment, with Pierre, engulfing her with the consuming fire, and her hands playing with the softness of his hair.
“Pierre.” She whispered.
“Helga.” He called and went back to her lips.
Nasa katinuan pa siya, hinding hindi niya iwawala ang sarili. Binuhat siya ni Pierre na parang magaang bagay at dinala siya nito sa kanilang silid. She pulled the hem of his polosleeves and he gladly obliged. The fleeting desire made her knees tremble although she’s completely rested on the bed.
His kisses sunk into a more deeper desire to have him. It went lower with slow, unsteady kisses all over her body. Hinalikan nito ang kanyang tiyan at binalot siya ng kakaibang pakiramdam at hindi na siya halos makahinga.
“You are beautiful, Helga.”
He removed her panties and help himself to remove his trousers. Nabura ang nararamdamang kahihiyan at ang natira na lamang ay ang kagustuhang maging isa sa lalaking kaisa isang minahal niya.
“Do you want this, Helga?” Pierre teased her entrance with his ready arousal. The burgeoning desire sent her shivers.
“Yes, Pierre.”
Puno ng apoy ang mga mata na sumugod si Pierre. Her lips parted and she’s finding a steady spot where to put her hands. Her surrender was fast, her toes curled and she bounced back and forth mimicking his rhythm.
“Easy.” Kinalma ni Pierre ang kanyang katawan pero makikita naman sa mukha nito ang pagkasabik.
“You are making me crazy, Helga.”
Tipid siyang ngumiti, ganon din ang kanyang pakiramdam. Her eyes rolled heavenwards when she felt the nerve racking release from and to her core. Bumagsak sa kanyang katawan si Pierre. Ilang segundo siyang natulala at pinagmasdan ang malamlam na ilaw sa kisame.
Nakapikit na umangat si Pierre at saka humiga sa kanyang tabi. Kinuha siya nito at ipinahiga sa kanyang mga bisig.
“Pierre?”
“Hm?”
“Are we—”
“We are husband and wife, Helga.”
Malungkot siyang ngumiti at namuo muli ang luha sa mga mata sa pangakong dala non.
“Hindi na tayo maghihiwalay, Helga. Hindi na.” Pangako sa kanya ni Pierre kasabay ng masuyong halik sa kanyang ulo.
Kabanata 18
Maki Say’s: Ang sabaw ko today, wala naman akong ginagawa, kanina pa ako hindi makaconnect sa mga chapters na isinusulat ko so I hope this won’t come as sabaw to you. Votes and comments para masaya :)
PIERRE.
“Helena, what are you doing here?” Kunot noong tanong niya sa babae sa harapan. He was enjoying his lunch that Helga made for him. Pork hamonado. He cannot think of anyone can cook better than his wife mula sa Hungarian goulash hanggang sa scrambled eggs, Helga surely is a natural born chef. Kahit gaano kalaki ang problema ng airlines ay parang naging maliit na bagay na lang ngayon, in fact, she’s helping him calm the victims in her own little ways.
After a month and half of hard work, nabigyang linaw na ang plane crash. The terrorist killed the pilot and took over the plane until it crashed. Kapag naiisip niya iyon, nagagalit pa din siya pero kapag nakikita niya ang magandang ngiti ng kanyang asawa, parang wala naman siyang karapatang magalit o magtanim ng sama ng loob kahit kanino.
“Pierre, the problem’s ending. B-baka naman we can talk about—”
Napatiim bagang siya, “Helena, you know my take on this.”
“Pierre, mayroong nangyari sa atin.” Lumapit si Helena sa kanyang lamesa para ibulong ang mga salita. Suddenly her perfume became too strong for his liking. Ibinaba niya ang kanyang kubyertos at pumikit ng mariin.
“Helena, I know I will sound like a fckboy but that wasn’t supposed to happen and I am very sorry.”
“G-ganoon na lang yon, Pierre? Pierre, ako ’to! Si Helena! Mahal mo ako. Nangako ka.” Kumapal ang luha sa mga mata ni Helena at agad siyang nakaramdam ng awa. Kahit papaano ay may pinagsamahan naman sila.
“I am so sorry, Helena. Things changed.”
“Anong things changed? Umalis lang ako sandali. Sandali lang iyon, Pierre. You—you are just cheating on me, Pierre. This is just a phase, I know. And I forgive you. Magsimula tayo ulit.”
“But Helena, I am married to Helga and this is just right. I am sorry, I know this lifetime isn’t enough for me to deserve your forgiveness but this is my life now. You should move on to yours. Please Helena, sana ay tapusin na natin ito ngayon pa lang. Ayoko nang paulit ulit tayo sa usaping ganito. Nagkakasundo na kami ni Helga.”
“Babalik ka din sa akin, Pierre. Makikita mo.”
Bigong tumalikod si Helena. Only if the choices has no consequences, mas madali sigurong pumili. Kung ang consequences ay siya lamang ang maaapektuhan, hindi siya magiging apektado ng sobra.
His phone rang, binalot siya ng pangongonsensya nang makita ang pangalan ni Helga doon, he knows she needs to know but how? Now that everything’s smooth sailing, he doesn’t know how he will watch it fail. Now that the problems in the airlines were now resolved, techincally, he’s off the bait and he’s happy about it, yun nga lang ay parang anino ang ginawa niyang kasalanan sa nakaraan na patuloy siyang sinusundan.
“Helga..”
“Hi Pierre! Busy ka?”
Napangiti siya sa boses ng asawa, “I know, I remember our date, Helga.”
Hindi na niya inintay na matapos ang kanyang oras sa opisina. Not that he’s slacking off because his problems were solved but he’s excited to see Helga. Yun lang ang ikinamamadali niya, ang umuwi sa asawa.
Kagabi ay napag-usapan nilang dalawin ang ilan sa pamilya ng biktima ng eroplano. At first he’s not sure if that’s a good idea but Helga vouched for it. Excited itong nag-bake ng cupcake para sa mga ito and he knows she’ll be disappointed if he won’t go.
Now they are sitting in front of the family and he never felt more compassion that today. Si Helga ata ang nagturo sa kanya non.
“Napakabait ng anak ko..” Inabutan ni Pierre si Helga at si Mang Tony ng tissue na sabay umiiyak nang magkuwento si Mang Tony sa kanila ng alaala ng anak.
Dumating si Aling Dory at hinagod sa likod ang asawa. “Wala naman tayong paghihingan ng anak natin para makabalik muli, Tony.” Ibinaba ni Aling Dory ang plato sa harapan ni Helga na agad na namilog ang mga mata sa nakahain.
“Binili ko ang paborito mo. Ikaw, Sir? Gusto mo rin ba niyan?” Tanong sa kanya ng matandang babae.
Napangiwi siya. Pansit Bihon na merong ketchup at sunny side up egg. Agad na kinuha iyon ni Helga at hinalo pagkatapos ay kinain. She finished the whole thing in two minutes or less. Nakalimutan na atang umiiyak siya.
“Specialty ang pancit na yan dito sa San Pedro. Binilhan din kita ng porkchop. Di ba nagustuhan mo din iyon?” Tinapik ni Aling Dory si Helga na parang aliw na aliw dito. Tumango naman agad ang kanyang asawa.
Hindi siya makapaniwala na gusto ni Helga ang mga pagkain sa karendirya but she was smiling like she had a take out from a Michelin Star restaurant.
They stayed for a few more hours talking and calming the family before they finally bid their goodbyes. Bitbit ang napakaraming pagkain mula sa mag-asawang Mang Tony at Mang Dory, masayang masaya si Helga na inaamoy pa ang plastic habang nasa byahe na sila pabalik. Napailing na lang si Pierre sa asawa.
“Siguro kaya mo madalas puntahan sila Mang Tony dahil sa mga pagkain.”
Sinamaan siya ng tingin ni Helga. “Of course not! Pasiyam nung anak nila noong una kong punta at ngayon, dalaw lang ito..”
He rolled his eyes, “Fine, fine.” Nang huminto ang traffic light ay pinatakan niya ng halik ang kanyang asawa. He now appreciates that he’s with her now.
Helga is very forgiving and the most thoughtful and caring person he ever met. Nabigyang hustisya ang kagandahan nito sa kabusilakang loob. She would smile in small things, and she would cry on bigger things. Ilang beses ba siya nitong pinatawad?
“Gusto mo ba ng donuts?” Natatawang tanong niya nang mapadaan sila sa Donut stand, biro lamang iyon kung tutuusin.
“Can we buy?” Nanlalaki ang mga mata nito.
Mukhang gutom pa sa kabila ng dami ng kinain at kanina pa humihirit ng dessert. Masyado itong abuso sapagkat alam nitong perpekto ang hubog ng katawan nito. Napangiti siya habang naiisip ito. Ang malambot niya balat at ang kurba nito na nakakahalina. He will never get tired of taking her over and over, he cannot wait to go home.
HELGA.
“Good mood!” Biro sa kanya ni Stephanie habang nag-i-sketch siya ng isang gown.
“Nasaan si Travis?” Lately ay hindi niya na ito nakikita sa school, iniisip niya na baka naging abala ito sa projects kaya lang pakiramdam niya ay kulang kung sila lang dalawa ni Stephanie.
“Busy, may project daw sa Taytay. Alam mo naman yon, hindi pressured na makagraduate yon. Mayaman na yon eh.” Tumawa muli si Stephanie. “Hindi ka pa uuwi?”
“Iniintay ko si Pierre.” Like a cue, nakita niya ang hinihintay niya. Nanliit agad ang kanyang mga mata sa mga kaeskwela niyang hayagan na pinagmasdan si Pierre at tinapunan ng paghanga. Seryoso ang kanyang asawa at naghahanap ang madidilim na mata sa kanya. Sinikop niya ang gamit niya at nag-madaling lumapit dito.
“Bye. Good talk!” Puno ng sarkasmong sabi sa kanya ni Steph pero hindi niya iyon pinansin.
Lumiwanag ang mukha ni Pierre nang makita siya. The sunlight bathe his godlike features and he automatically beamed a smile at her.
“Hi.” Nahihiya siyang ngumiti dito. He leveled his face to her and kissed her gently. Hindi niya alam kung hanggang kailan siya kikiligin dito.
“How’s school?”
“How’s work?”
Nagkatawanan pa sila nang sabay nilang tinanong iyon sa isa’t isa.
“ Okay lang, namiss ka.“ They said in chorus. Muli siyang pinatakan ni Pierre ng halik sa labi.
Bago pa man sila makasakay sa sasakyan ay tumunog na ang cellphone ni Pierre.
“Helena?”
Kinabahan siya nang marinig ang pangalan ng kanyang kapatid sa mga labi ni Pierre.
“Okay, papunta na kami diyan.”
Mahigpit na hinawakan ni Pierre ang kanyang kamay.
“Your sister called, gusto daw tayong makausap ng Daddy mo.”
Tumango siya na parang isang masunuring bata kahit na binalot siya ng kaba. Hindi niya alam kung anong pag-uusapan pero hindi na din ata siya makapaghintay na makaharap ang kanyang ama at ina.
“Dapat siguro bumili tayo ng caramel cake, favorite yon ni Dad.” Napalunok siya. She’s not sure if she’s making any sense. Ang alam niya lang ay kailangan niyang may sabihin. Nanlalamig ang mga kamay niya. She’s anxious of what they will tell her. Papatawarin na siya? Tatanggapin na siya? Isasapubliko na nila ang kasal nila ni Pierre? Well the last part will always be their choice pero pinili nilang hindi muna para magbigay daan sa naging problema ni Pierre sa plane crash ng Laya Air.
Sinalubong sila ng malamig na mansyon. Nung bata siya, this was her comfort. Tuwing uuwi siya sa eskwela ay halos humulagpos ang puso niya pag nakikita ang kanilang bubungan at mabigat naman ang kanyang pakiramdam tuwing aalis siya.
Huminto ang sasakyan ni Pierre sa harap mismo ng main doors ng mansion. Pinagbukasan siya ni Pierre ng pinto bago bumaba. Natanaw na niya ang kanyang ama at ina, sa Helena ang tiyak na napapagitnaan nito.
Napalunok ang kanyang ama habang tinitingnan ang kamay nila ni Pierre na magkahawak.
“Dad, Mom..” Humalik siya sa pisngi ng kanyang mga magulang. Ganon din ang ginawa ni Pierre.
Umupo sila ni Pierre sa harap ng kaniyang pamilya. Matatalim ang tingin ng Daddy niya kay Pierre, kagaya noong naaalala niya pa.
“I could not believe this.” Her father spat. Ibinagsak nito ang mga litrato sa kanilang harapan. Bumuhos ang emosyon sa kanyang sikmura nang mapagtanto kung ano yon.
“Oh come on, don’t look surprised, Helga. Di ba meron ka din niyan?” May panunuyang wika ni Helga.
Lewd photos of Helena and Pierre making out at a club, mainit yon at nakakapaso. But her eyes widened with their photos on bed, naked. Parehas silang natutulog at nababalot lamang ng kumot ang kanilang katawan.
“Lahat yan ay nagsisimula nang kumalat sa internet ngayong umaga.” Parang kulog na boses ng kanyang Daddy. Sa isang iglap ay pakiramdam niya nauulit na naman ang nangyari noon, sa pagkakataon ngayon ay hindi na siya kasali. Matalim ang titig ng Daddy niya kay Pierre.
“Ilang beses mo ba ako ididisappoint, Pierre?”
Napaawang ang labi ni Pierre at lumipat ang mata sa kanya ng asawa. Naguguluhan siya at parang sasabog ang kanyang puso, namamanhid ang bawat parte ng kanyang katawan.
“Naeskandalo na naman ang isa sa mga anak ko and now, in public!”
“We can control the media, Tito, I—I mean—” Maagap na sagot ni Pierre.
“Baka naman luma na i-iyang litrato..” Nanginginig ang boses niya, umaasa.
“But I am pregnant!”
Nalaglag ang panga nilang lahat sa isang pasabog na balita na ginawa ni Helena. Nanlabo na ang kanyang paningin sa pagkakataong iyon. Pakiramdam niya ay nasa maliit siyang butas at hinahanap ang liwanag pero tinapunan na iyon ng makapal na lupa para hindi siya makalabas.
“Yes, I am pregnant.” May luha din sa mga matang wika ni Helena sabay saboy ng tatlong pregnancy test kit sa centertable kanilang harapan.
Para siyang kinukurot ng masasakit. Niyayanig ang buong katawan niya habang pinapanood ang magandang mukha ng kanyang kapatid na puno ng luha. Naaawa siya dito kahit nasasaktan siya. Tinimbang niya ang pakiramdam kung ano ang kaya niyang pagbigyan. Siguro ang sakit na kanyang nararamdaman ay kaya niyang talikuran. Kung hindi lang siguro ibinagsak ang isa pang balita sa kanyang harapan.
“Your marriage was never registered.” Panimula ng kaniyang ama na si Mauro Ortega. Napaawang ang labi niya, now, nothing is making sense. “Pinag-usapan namin ng magulang ni Pierre ang desisyong iyon at napagdesisyunan naming hindi namin irerehistro ang kasal.”
Tumiim bagang si Pierre sa kanyang tabi pero wala siyang pagkakataon para pagtuunan iyon.
“And now, Helga. You can now return to this house. And Pierre can marry Helena to solve all these controversy.”
Humigpit ang hawak ni Pierre sa kanyang kamay pero hindi niya iyon naramdaman.
“Thank you for that information, Tito Mauro, I would like to take this opportunity to formality ask for the hand of Helga in marriage.”
Kumunot ang noo ng mga magulang niya, naging mapakla ang reaksyon ni Helena. Siya naman ay parang nabibingi sa sunod sunod na boses sa kanyang harapan at sa kanyang isipan.
“Pierre!” Tutol ng kanyang kapatid.
“Hindi mo ba naririnig, Pierre? You are a free man and I am pregnant! Hindi mo balak pananagutan ang anak mo?”
“Hindi lalaking bastardo ang unang apo ko!”
Tumayo si Helga nanghihina at puno ng luha ang kanyang mga mata, hindi niya na matiis ang kataksilan ng kanyang pamilya at kung paano pinaglaruan ng mga ito ang kanyang buhay. “Ganoon na lang ba iyon? Ikakasal kami kung kailan niyo gusto at maghihiwalay kami kung ayaw niyo na?”
“Huwag kang sumali sa usapang ito, Helga!” Banta ng kanyang ama.
“Bakit hindi? Buhay ko ang pinapakialaman niyo! Buong buhay ko, nakasunod ako sa lahat ng gusto niyo because you told me you know it all! Hanggang ngayon igigiit niyo pa din kung ano sa palagay niyo ang tama?”
“Mabuti nga at hindi ko ipinarehistro ang kasal niyo dahil buntis ang kapatid mo, buntis si Helena kay Pierre! And whatever it takes, Pierre needs to marry Helena! Hindi maaring lumabas ang kapatid mo nang walang kinikilalang asawa! Baliw ka na ba o bulag ka lang? Pierre and Helena still love each other because Helena got pregnant inside your cohabit!”
Nanginig ang kanyang katawan. Nagtatanong ang mga matang hinarap si Pierre.
“Pierre?”
“Helga, it was only once—”
Umigkas ang kanyang panga at sinampal si Pierre. “Helga, I m—” Muli ay umangat ang kamay niya at sinampal si Pierre sa kabila.
“Enough of the drama, Helga! Don’t be a brat!”
“Brat?” Mapait niyang tiningnan ang ama. “Brat ako? Was I ever spoiled? Am I?” Nanginginig ang kamay na tanong niya sa kanyang ama. “May pabor ba akong nakuha sayo? Oo, bunso ako, pero wala akong nakuha dahil mas gusto niyo ang panganay niyo. Mas matalino, mas magaling, hindi kagaya ko!”
“Helga! Stop!”
“Kayo ang pamilya ko pero kayo ang nangunguna sa paninira ng buhay ko. So, I am the spoiled brat?” Namamaos na tanong niya. “Bakit ako nasasaktan ng ganito?! It was never because I didn’t get what I want but because I never had anything! Kahit kaunting pagmamahal hindi niyo ako nalimusan. Ang lulupit niyo! Ang lulupit niyong lahat!”
Bumalot sa kanya ang kakaibang lamig. Lamig nang walang matatakbuhan at makakapitan. Isang tingin ang binigay niya kay Pierre at tumalikod na siya. Pakiramdam niya ay nasa isa siyang palabas at hindi naman siya dapat nagpakita.
Mabagal siyang nag-lakad, pilit na isinasantabi ang pananakit ng ulo at panlalambot ng tuhod hanggang sa unti unti niyang maramdaman ang pagka-patid niya sa hangin. Walang dahilan at siya ay bumagsak pero pinilit niyang tumayo.
Mula sa araw na ito, tapos na ang paglalaro.
Helga x Pierre 19
Maki Say’s: Pasensya na kung matagal. Nagbabakasyon din ako. Haha :) Votes and comments para masaya!
HELGA.
“Helga.” Bumagsak siya sa bisig ni Stephanie at Travis na mabilis siyang napuntahan sa entrada ng village kung saan nakatira ang kaniyang mga magulang. Madilim na at nanatili siya doon malapit sa guard house, kadikit ng mga halaman. Awa ang bumakas sa mata nang dalawa niyang kaibigan.
“Anong problema?” Naisantinig ni Travis.
“Hindi nila ako mahal, wala na akong pamilya.” Histerikal ang naging boses niya. “Pinaglaruan nila akong lahat. Ayaw nila sa akin. Please.. I need a home..” Hinagod ni Stephanie ang likod niya na parang makakapagpagaan iyon pero wala iyong nagawa. Parang bumabaon sa kanyang puso ang bawat haplos sa kanya.
“Naku, paano ba ito. Trav, walang space sa bahay namin, alam mo namang siksikan kami doon ng mga kuya ko. Pupwede bang sa inyo muna si Helga?” Humigpit ang yakap sa kanya ni Stephanie para ipagpatuloy ang pang-aalo.
“Oo naman, pupwede ka sa condo ko para makapag-isip isip ka, Helga. Doon muna ako uuwi sa bahay namin.”
Tiningnan niya si Travis na para bang ito na ang may kasagutan sa lahat ng pangangailangan niya, she gently nodded. Sumakay siya sa sasakyan ni Travis at sabay sabay silang nag-tungo sa condo nito. When life won’t give her a choice, at least she has friends to deal with her helplessness.
PIERRE.
“You won’t get away with this! Makakarating ito sa iyong mga magulang, Pierre, kapag pinalaki mong bastardo ang sarili mong anak. You have this one chance, only one choice to make it right.” Namumula si Mauro Ortega sa pakikiharap kay Pierre.
Nauunawaan niya iyon. Kung siya nga ay ampon, magiging bastardo naman ang kanyang anak. He offered an option to the Ortegas, Helena’s baby will have his surname, but he wants to marry Helga and make it right, so he thought.
“Hindi ka na tatanggapin ni Helga. Nakita mo ba Pierre? Nandidiri siya sayo dahil gumawa ka ng kasalanan!” Giit ni Helena na pulang pula na din ang mukha sa kakaiyak. Tinakpan niya ang kanyang tainga, gusto niyang puntahan si Helga pero hindi siya hinayaan ng mga magulang nito, partikular ng haligi ng mga Ortega na si Mauro.
“Give me some time to think. I need to talk this through with Helga. Kahit sabihin niyo pang hindi legal ang naging kasal namin, mahal ko na si Helga.”
“At paano naman si Helena? Wala kang dapat panagutan kay Helga, Pierre! Pero ito, ito ang panganay ko, her baby needs you, too.”
Tumayo siya nang walang imik. Hindi niya gugustuhing magdesisyon ngayon dahil walang babali ng kagustuhan niyang panatilihin ang relasyon nila ni Helga. To these people, they might think that he’s escaping the responsibility but he is not.
Umuwi siya sa kanilang tahanan ni Helga. Nakapatay ang lahat ng ilaw. He wished he will be welcomed by her sweet smile, but that is too much to ask. Kahit sana ang umiiyak na mukha nito o ang galit, kahit ano ay pagtitiyagaan niya basta makasama niya ito.
He get his phone from his pocket, sinubukang tawagan si Helga pero nakapatay ang cellphone nito, hindi niya pa din tinigilan.
Pakiramdam niya, noong nagbuhos ng kamalasan ay sinalo niya ito. Nakakainsulto na hindi pala siya entitled sa kasiyahan. How cruel life is making him fall for somebody he cannot have?
HELGA.
“Kumain ka, Helga. Ngayon ko lang naperfect ang chicken afritada, o.” Nakatutok sa bibig ni Helga ang mainit na pagkain na inihanda ni Stephanie at Travis. Pero pakiramdam niya ay wala na siyang dahilan para kumain pa, wala na siyang dahilan para matulog at magising kinabukasan.
“Iwanan niyo muna ako.” Nanghihinang bulong niya.
“Naku, hindi yan pwede Beshy. Dalawa ang kuwarto dito, ako doon sa kabila, si Trav naman sa salas, baka pag nagising kami, tegi ka na. Cannot be.” Umiling iling si Stephanie.
“Kung ganoon, doon muna ako sa kuwarto.”
Tumayo siya nang hindi nagsalita pa. Nakahanda na sa kama niya ang damit na pinamili para sa kanya ni Travis, dumiretso siya sa banyo at kahit hindi pa inaalis ang damit ay pumailalim siya sa shower. Nakadagdag lang iyon ng lamig na kanyang nararamdaman, ang tanging mainit lang ay ang kanyang mukha na binalot ng luha.
She was in pain that even morphine cannot ease. Pakiramdam niya ay pinagtaksilan siya ng lahat. Mula sa kanyang pamilya hanggang kay Pierre. She felt used. Isang katotohanan ang sinampal sa kanya ng lahat ng ito ngayong araw, wala siyang maaring takbuhan sa kanila.
No matter how you try to be good, you will never ever deserve anyone’s empathy because it is given wholeheartedly. Na kung hindi ka mapalad na napagbigyan nito ay hindi mo maaring hingiin iyon, kahit limos ng kaunti ay wala kang makukuha.
Buong lakas ang kinailangan niya para magbihis. Nang lumabas siya ng banyo ay nakita niya si Stephanie at Travis na nakatayo sa pintuan, parehas na pinakikinggan ang pagtangis niya.
“Umiyak ka lang, mas okay yun kaysa wala ka ng sounds.” Wika ni Stephanie kung kaya’t siniko ito ni Travis.
“What? Nagsasabi lang naman ako ng totoo. Nauubos din ang luha, akala mo lang hindi kapag masakit pa.” Hinila siya ni Stephanie patungo sa kama at inanyayahan siyang mamahinga sa binti nito. Marahang sinuklay ang basa at mahaba niyang buhok hanggang sa makatulog na siya.
She woke up with Stephanie beside her, sa ibaba naman ng kama ay naroon si Travis na naglatag ng mat at mahimbing pang natutulog. Huminga siya ng malalim at pinakiramdaman ang sarili.
Will she be able to ask some questions today? Mayroon siyang planong gawin pero hindi niya alam kung tama ito.
“Gising ka na?”
Nakabukas ang isang mata ni Travis at sinisilip siya. Tumango siya at tipid na ngumiti. She feels better now. Right, it may be a sleep full of nightmares but her body was well rested. Handa na ulit sa panibagong problema.
Mabilis na tumayo si Travis, “I will cook breakfast. You can sleep more.”
Umiling siya, “May gusto akong puntahan.”
“Sasamahan ka namin ni Stephanie.”
Umiling muli siya, “Ako na lang muna. Madami akong pupuntahan.”
“Helga—”
“Babalik ako Travis. I just need the whole day. Babalik din ako dito. Kakailanganin ko pa ang tulong mo.”
“Of course.”
Travis stood up and gave her a hug. May bumalot na yakap din mula sa kanyang likod.
“Meron palang group hug, hindi ako nainform.” Singit ni Stephanie. Tinapik niya ang mga ito. Trying to ease their worry.
Helga went straight to the shower, naging mabilis ang kanyang pagligo dahil may oras siyang binabantayan. Pinagmasdan niya ang sarili sa isang simpleng white dress. Maayos niyang binlower ang buhok at naglagay siya ng manipis na makeup para itago ang pamumugto ng mata at sobra sobrang pamumutla. Before she left the unit, pinilit niyang kumain kahit na nagmamadali na sana siya. Ayaw niyang mag-alala ang kanyang mga kaibigan. They’ve been doing favors for her, maliit na bagay lang ang pagbigyan niya ang mga ito sa pagkain.
Parang isang kisapmata ang naging byahe niya sa taxi. Ngayon ay nakatayo muli siya sa mansyong tinakbuhan kahapon. Kung ano man ang kahihinatnan, handa na siya.
Pinapasok agad siya ni Mang Nestor pagkatapos kumpirmahin na naroon nga ang kanyang mga magulang sa library. Mabagal ang kanyang lakad. Pilit na tinatandaan ang bawat hugis at istilo ng mansyon na kinalakihan. Pati ang mga halaman na dinadaan daanan niya noon ay parang ngayon lang nagkabuhay sa kanyang mga mata.
You tend to memorize the details of things you are parting ways with. Not because you will miss it but to remember the lessons that it taught you. They may not be the happy ending, but at least, your once in a while. It left a mark in your heart.
Tinanuguan siya ng lahat ng kasambahay nang makapasok siya ng mansyon, tinugon niya ang mga ito ng makulimlim na ngiti. Yun lang ang mayroon siya ngayon hindi kagaya ng dati.
Tatlong katok ang ibinigay niya bago itinulak ang pinto. Naroon ang kanyang mga magulang na parehas na nakatingin sa kanya.
Her eyes darted to the beautiful face of her mother, Adriana. She is the resilient type. Mataas ang respeto sa desisyon ng kanyang ama. Hindi niya ikinabahala ang hindi nito pag-intindi sa kalagayan niya. She tried to be the best wife that she could. Not the best mother, but the best wife, at least.
The authoritative glance of her father sent her shivers. Tahimik ito at mapanganib noon pa man. She never felt unloved growing up but she never felt loved. Hindi niya alam kung alin ang pipiliin niya, ang iparamdam ang disgusto sa kanya o ang pagtatago nito sa totoong nararamdamang muhi at siya lang ang makakadama. Parehas na masakit iyon, but those were the only options given by her father to her.
“Ano? Nakapagdesisyon ka na ba? Handa na ang kuwarto mo. Magpahinga ka na don. I have a morning meeting with the corporators.” Matigas ang boses ng kanyang ama. Animo isa siyang dumi na hindi mahalaga.
“I am sorry for walking out yesterday and for the things I said.” Naisantinig niya, hindi na umupo.
“We are used to that. And you are not that important in our talk, your thoughts won’t matter, Helga.”
Nasaktan siya agad sa patutsada ng ama. Hinuli niya ang tingin ng kanyang ina pero umiwas lamang ito. Muli ay kumapal ang likido sa kanyang mga mata dahil ramdam niya ang lagi niyang nararamdaman, ang wala siyang kakampi.
“Bakit hindi niyo ako mahal?” Mahinahon ang kanyang boses, halos pakiusap na. Kumapit siya sa tela ng kanyang dress para pigilan ang pagluha. “You are my first love.. Bakit hindi niyo ako mahal? Kahit kaunti lang?” Nabasag ang kanyang boses kahit hindi niya gusto.
Tumikhim ang kanyang ama at itinulak ang librong nasa harapan nito, “Drama na naman?” Asik nito.
Umiling siya, “Mahal niyo naman si Helena. Bakit hindi niyo kaya na mahalin ako? G-ganoon din naman kung paano ako aalagaan. Hindi ako hihiling ng labis.”
Hinampas ng kanyang ama ang lamesa, umangat ang libro at nanginig ang likidong nakalagay sa loob ng baso dahil sa lakas nito.
“You are getting what you are supposed to have, Helga! Even more than what you are supposed to! Binihisan kita, pinag-aral! Lahat ng luho ay mayroon ka kahit labag ang lahat ng iyon sa loob ko!” Nanginginig siyang itinuro ng ama.
“Mauro!” Suway ni Adriana.
“Ano, Adriana? Pagod na pagod na akong pagbigyan ang kahilingan niyong lahat hanggang sa pagtataksil niyo ng kapatid ko kailangan ko ding saluhin!”
“Mauro, please.” Pakiusap ng kanyang ina, umalpas na din ang luha habang hawak ang braso ng kanyang ama na pinalis lamang nito.
“You are not my daughter, Helga. This mother of yours fcked my youngest brother, Ulysses. And who cleaned up that mess? Me. I have to live everyday with the remembrance of their betrayal because of this damn family secrets!” Parang kulog ang boses ng kanyang ama.
“Mauro, lower your voice, b-baka may makarinig.” Lumuluhang bulong ng kanyang ina sa ama pero matabang na paalala lamang iyon at hindi inintindi.
“Kailangan kong saluhin ang kagaguhan ng kapatid ko, kailangan kong pagtakpan ang kasalanan ng asawa ko dahil ano? Dahil ako ang panganay ng mga Ortega, I cannot afford to fall! Pero ang nanay mo ay Pta ! Ikaw din ay pta dahil anak ka niya!” Galit na itinulak ng kanyang ama ang kanyang ina.
Para iyong bomba na sabay sabay na bumagsak sa kanya. Ni hindi siya nakapagsalita nang tila isang malakas na hangin nang lagpasan siya ng kanyang ama. Nanginig ang katawan niya sa katotohanang iyon.
Hindi niya akalain na may lamat ang pagsasama ng dalawa. She thought they were happy. That her mother was the prized possession of her father.
Hindi pa siya nakakabawi nang may sampal na dumapo sa kanyang pisngi, ang lumuluhang mukha ng kanyang ina ang nakaharap sa kanya, “You are the reminder of my sin. Sana ay pinatay na kita noong una palang!”
Hindi niya alam na may mas sasakit pa sa kataksilan, yun pala ang katotohanang walang kahit ano para sa kanya.
Helga x Pierre 20
HELGA.
Pagkatapos ng maraming luha ay mayroon na namang susunod. Inintay niyang kalmahin ang sarili. The four walls that used to be part of her so-called home was not hers. She doesn’t belong to anyone, no family, no shelter, no ownership at all.
Binilang niya ang pagkakataon kung saan siya pupwedeng mag-simula mula sa walang kahit ano patungo sa pagtupad ng pangarap niya pero hindi siya makaisip kung saan nga ba banda mag-sisimula. She’s lost. Para bang ipinanganak siyang muli sa isang mundong hindi para sa kanya.
She was nervously tapping the table, waiting for herself to stop sulking when the door opened, she wiped her tears before anyone could see it.
“Huwag ka nang mag-abala na punasan.” Her sister, half-sister rather, stood in front of her. “Masakit ba ang katotohanan?”
Hindi niya iisiping hindi niya ito buong kapatid dahil sa laki din ng kanilang pagkakahawig. But of course, they still have the same genes. Her Uncle Ulysses was the uncle she never met. Bukod sa mga kuwentong ito ang blacksheep ng mga Ortega ay wala na siyang alam bukod doon. He who must be named ito ng kanilang pamilya, ngayon ay alam na niya kung bakit.
“Alam mo ba na h-hindi ako anak ni Daddy?” Tumayo siya sa lamesa para harapin ng maayos si Helena na nanatili malapit sa pinto.
“No one in this family ever talked about it. Bata pa din naman ako noon pero narinig ko na iyan na madalas pag-awayan ni Mom at Dad.” Sabi nito na parang balewala lang iyon, “O? Bakit ganiyan ang tingin mo? You are still my sister! Si Daddy din naman ang nakapirma sa birth certificate mo at utang na loob mo iyon sa Daddy ko . But poor, Helga… Siguro naman ay alam mo kung saan ka lulugar? Don’t be an ungrateful b*tch to our family and ruin our plans. You are free to leave, malaki ka naman na at sapat na siguro ang ginawang tulong sa iyo ng Daddy ko .”
Nagpupuyos ang kanyang emosyon kay Helena pero alam niyang hindi naman niya maaaring sisihin ito. Kagaya niya ay wala itong kontrol sa kanyang sitwasyon.
Mabagal siyang tumango. She averted her gaze on Helena’s tummy, impis pa iyon. Wala sa sariling iniangat niya ang kamay niya at hinaplos ang tiyan ng kapatid sa ibabaw ng suot nitong roba, parang napaso itong umatras at masama siyang tiningnan.
“Ano ba?”
“I’m sorry..”
“Go! Just go at huwag mo na kaming guguluhin ni Pierre! Lagot ka talaga kay Daddy kapag umeksena ka sa kasal namin!”
“Makakaasa ka, Helena.” Pagkatapos non ay tumalikod na siya at mataimtim na nagpaalam sa mansyon na kaniyang kinalakihan.
Nakapagdesisyon na si Helga sa kaniyang gagawin maghapon. She wanted to talk to everyone that she will leave behind. Dinala siya ng mga paa niya sa bahay nila ni Pierre, kailangan niya itong kausapin at kukunin niya na din ang mga gamit niya. She has to thank him for everything, at least. And say goodbye properly.
Pagbukas pa lamang niya ng pinto ay naroon na si Pierre at nakaupo sa couch. He looks disoriented. She stood still. Sinubukan na walang maging reaksyon kahit na tumayo si Pierre para salubungin siya at may kung anong pwersa ang bumundol sa puso niya pagkakita lamang dito.
“Helga, tinatawagan—”
She raised her hand to stop him talking. “Alagaan mo si Helena at ang pamangkin ko.”
“Helga. No. We can do this, pupwede tayong tumakas. We can—”
“At ano, Pierre? Habambuhay tayong hahabulin ng konsensya natin? Magiging ama ka na.”
Napahilamos ng mukha si Pierre, “One night. That was just one night.”
“One night is all that it takes to make you a father, Pierre. Hindi mahalaga kung isang gabi o kung gaano kadami. Ang punto ay sumama ka sa kanya at may nangyari sa inyo.”
“But I love you..”
Para siyang tinusok sa sikmura dahil sa pagkakataong ito, hindi niya masasabi ang parehas na kataga.
She wanted to say, ‘I love you but…’ Pinanatili pa din niya ang hinahon.
“That doesn’t change anything, Pierre. Magiging ama ka na. Don’t give me an impression that you are escaping from your responsibility. Wala kang responsibilidad sa akin pero kay Helena at sa magiging anak niyo ay meron.”
Tumiim bagang si Pierre at inilapit ang distansiya sa kanya. Nahihirapan na siyang huminga dahil doon. His dark brooding eyes that she fell in love with was piercing through her soul.
“Ganoon na lang yon, Helga? We were okay. We were more than okay! Balewala na lang sa iyo yon? I can fight for you–”
“I won’t! I won’t fight against your destiny, Pierre!” Sigaw niya, “Go and marry my sister! Go and be a father, I don’t want to do anything with you, Pierre! I was just infatuated. Hindi kita mahal kagaya ng iniisip mo and maybe you just like me, too. An attraction or something shallow.”
“Shallow.” Mukhang sinuntok si Pierre dahil doon, “You are choosing your sister over me?”
“No Pierre, I am choosing yours and Helena’s happiness over mine. You can be happy with her. You were once was and I stole you for–” Bumagsak ang tingin niya sa kanyang mga sapatos, “Fun.”
“I don’t believe you. Ipaglaban natin ’to.” Kumapit ng mahigpit si Pierre sa kanyang mga braso, iniangat niya iyon para palisin. Her eyes began to water but she tried to be tough, ikinurap niya ang mga mata at pilit na itinulak si Pierre para hindi iyon mahalata. When she got her composure, tinitigan niya si Pierre na namumula din ang mga mata.
“Hindi mo ba ako naririnig, hindi kita mahal, Pierre! Huwag mo ngang ipagsiksikan ang sarili mo dahil kahit kailan..” Lumunok siya, “Kahit kailan hindi kita seseryosohin. You feed my curiosity and that’s just it. Kailangan ko lang ng atensyon dahil kulang ang natatanggap ko, ganoon lang iyon. I am still a teenager and you think I like this fuss? I don’t! Marami pa akong plano! I want to meet people, I want to travel. Lahat yon ay gusto ko munang gawin bago mag-seryoso! Most importantly, I don’t want this drama because it is not worth it!” Asik niya.
Bumakas ang sakit sa mukha ni Pierre, kaagad niyang iniwas ang kanyang tingin. Matagal silang nakatayo sa harapan ng isa’t isa. Their breathing were uneven, nakapamulsa si Pierre at nakakuyom naman ang parehas niyang kamao.
“I—I just assumed?” After a long silence, Pierre spat.
Tumango si Helga kahit na parang winawasak ang puso niya na tingnan si Pierre na mukhang nalugi.
“You did. I never loved you.”
Imbes na umakyat sa kuwarto niya para kunin ang mga gamit niya ay dumiretso na siya papalabas. Hindi niya kakayanin na tumagal kasama si Pierre dahil ayaw na niyang magbago ang kanyang isip. Gusto niyang itakwil ang sarili sa kanyang mga salitang ginamit laban kay Pierre, mali na sabihin niya iyon dahil hindi iyon totoo pero kinailangan niya.
“Helga.” Pierre called. Isang pagkakamali na nilingon niya ito dahil punong-puno ito ng luha at gumuho din ang kanyang damdamin.
“Ilang beses kong sinabi sa sarili kong hindi ka seryoso pero ilang beses ko ding itinanggi. Umasa ako eh..” Nabasag ang boses nito habang nakatayo sa may pinto. “Ang sakit lang na nanggaling sayo.”
Bawat hakbang niya ay mabibigat, sumampa siya sa taxi na walang sinasabing isang salita at hindi na siya muling lumingon.
Ilang minuto na niyang tinititigan ang pinto ng unit ni Travis, kung hindi pa nagbukas ng pinto si Steph ay hindi siya makakahakbang papasok. Stephanie smiled brightly at her, a welcoming and warm smile.
“Anong ginagawa mo diyan? Kanina ka pa?” Masiglang tanong nito sa kanya. Kinuha nito ang kamay niya at hinila siya papasok doon sa unit.
“Wala si Travis. May emergency daw sa site doon sa Tanay kaya pinuntahan muna pero babalik yon. Kumain ka na ba?”
Lumabi siya kasabay ng paghikbi, “Hindi ko nakuha ang gamit ko sa bahay namin ni Pierre.”
“Hey, wag mong iyakan iyon. Halika nga..” Pinilit siya ni Stephanie na umupo sa couch. “Alam ko, parang end of the world ang pakiramdam mo ngayon pero totoo ang cliché na linyang ’ lilipas din yan .’ It will, Helga. Kailangan mo lang ng kamay na hahawak sayo hanggang sa kaya mo nang tumayo ulit.”
“Ipinagtulakan ko si Pierre kasi may pananagutan siya sa kapatid ko, buntis si Helena, Steph.”
“What?”
Mahina siyang tumango, “Hindi ko naman ipaglalaban ang karapatan ko dahil hindi naman niya ako totoong asawa, hindi naman nairehistro ang kasal namin kaya ayos lang naman—”
“Hindi ayos iyon, Helga!” Mariing tutol ni Stephanie, “Hindi ba may nangyari din sa inyo?”
Mapait siyang ngumiti, “Hindi ko naman pupwedeng hatiin ang katawan ni Pierre, hindi ba? Kay Helena naman talaga si Pierre, kailangan ko lang iyong tanggapin. Saka ano bang laban ko sa walang muwang na bata? I don’t want that child hate me.”
Natahimik si Stephanie dahil doon, ilang marahas na pagbuntong hininga ang pinakawalan bago siya hinila papalapit sa lamesa.
“Kumain ka muna, nagluto ako ng spaghetti na paborito mo—”
Hindi pa naitutuloy ni Stephanie ang linya niya ay natulala na siya doon sa spaghetti sa lamesa at kumudlit sa isip niya na gumagalaw ang pasta at mayroong mata ang bawat hibla, suddenly, the spaghetti sauce smells awful. Napasimangot siya, ilang beses niyang pinigilan ang reaksyon para hindi mapahiya ang kanyang kaibigan pero hindi na niya napigilan. Mabilis niyang tinakpan ang spaghetti at napatakbo sa banyo para doon ibuhos ang pagbaliktad ng sikmura.
Ilang segundo lang ay nasa likod na niya si Stephanie na hinahagod ang kanyang likod. Napatingin siya sa salamin, namumutla siya.
“Okay ka lang, Besh?”
Pinilit niyang tumango. She saw a spaghetti stain on Stephanie’s pink shirt, muli na namang bumaliktad ang kanyang sikmura.
“Oh! Bakit?” Nataranta muli si Stephanie, “Kailangan mo ng doktor? Ano? Pababalikin ko na si Travis para—”
Mabilis siyang umiling, “Wala pa akong kinakain simula kanina, siguro ay nalipasan lang ako ng gutom.”
Natulala sa kanyang mukha si Stephanie na parang may malalim na iniisip.
“Matutulog muna ako.” She smiled weakly.
“Hindi, kakain ka muna. Anong gusto mong kainin?”
Nanubig ang kanyang bibig sa pag-iisip ng pagkain na maaari niyang kainin. “Gusto ko ng porkchop, fried rice, itlog at sukang maanghang.”
“Wow? Specific?” Tila nagulat naman si Stephanie na may bahid na pagdududa.
“Saka milktea.”
“Todo todo na talaga, Besh?”
“Sorry, Stephanie. Matutulog na lang muna ako. Bibili na lang ako sa ibaba kapag nakapahinga na ako.”
“Sus! Nag-drama pa! Hindi na, ako na. Pero magpahinga ka muna talaga.” Hinila siya ni Stephanie patungo sa kanyang kama at inalalayang mahiga. “Sometimes, all we need is rest. Close your eyes, Helga.”
Pinilit niyang ngumiti sa kaibigan. She finally felt peace. Siguro dahil nalaman na niya ang dahilan kung bakit hindi siya itinatrato ng patas at sa unang pagkakataon ay nakapagdesisyon siyang piliin ang sa palagay niya ay tama. She got the closure she wants. Isa pa, kahit gaano kasalimuot ang pinagdadaanan niya ay wala naman siyang magagawa upang baguhin ang sitwasyon, she can only move forward and live within the boundaries of what is left.
Pag-mulat ng mata niya ay madilim na. Naririnig niya ang mahinang TV doon sa labas ng kuwarto. Humikab siya at nag-unat, she still feel sleepy but she’s hungry. Bumangon siya at lumabas ng kuwarto. Nakapagpalit na si Stephanie ng damit at ipinagpasalamat niya iyon, ayaw niyang punahin ito dahil sa mantsa ng spaghetti sa damit, baka pagtawanan siya nito. She had goosebumps when she thought of the spaghetti, parang bumabaliktad muli ang sikmura niya.
“Kain ka na!” Nauna si Stephanie sa lamesa at inilahad ang mga niluto niya. Muntik na siyang matawa sa apat na klaseng itlog na naroon sa plato, hard boiled egg, sunny side up, scrambled at mukhang omelet ang isa. Ang porkchop ay iba ibang klase din, fried, grilled, porksteak at adobo.
“Hindi ko kasi alam kung anong gusto mo.” Napakamot ng ulo si Stephanie, “Ang sarap din ng tulog mo kaya hindi na kita ginising. Yung milktea mo naroon din sa ref, isang Wintermelon, Hokkaido saka Thai flavor, pili ka lang.”
Gusto niyang matawa sa kaibigan pero mukhang seryosong seryoso ito.
“Salamat, Steph. Kain na tayo.”
Tumango si Stephanie at umupo sa harap niya. Pinauna siya sa pagkuha ng pagkain, siguro ay para siya ang mauna kung anuman ang gustuhin niya. Nang matapos na silang kumain ay wala pa din si Travis. Tatayo na sana siya para ligpitin ang kanilang pagkainan.
“Sandali.”
Stephanie nervously looked at her, tumaas ang kanyang kilay. May kinapa ang kaibigan sa bulsa ng suot nitong university jacket at marahang ipinatong iyon sa lamesa. Three boxes, isang blue, isang pink at isang white. Magkakamukha ang printed na litrato doon sa pabalat. Kumunot ang noo niya.
“Pregnancy test?”
Mabagal na tumango si Stephanie.
“Baka buntis ka?” Tanong niya sa kaibigan.
Mabilis na umiling si Stephanie.
“Ano ka ba! Sinabi mo kasing buntis si Helena so naisip ko lang naman. Naisip ko lang kung paano—”
“Paano kung buntis din ako?” Napangisi siya. Walang naramdamang kaba. She’s been irregular since her first period which came late, akala niya nga ay hindi na dahil 17 years old na siya noong first menstruation niya. “Ang sabi sa akin OB ay mahihirapan akong magbuntis dahil sa hormonal imbalance ko. I have a very funny estrogen levels and suspected PCOS, too.”
“Mahihirapan, pero hindi naman sinabing imposible hindi ba? Subukan mo, Helga. Nothing to lose. Kung merong laman iyan, kailangan alam natin kung papaano aalagaan.”
She breathe heavily habang kinokolekta ang tatlong kit. Almost a year ago pa lang dumating ang kanyang period, she can’t be a mother that quick. Ganoon ang nasa isip niya pero nag-iba ang ihip ng hangin nang sinarhan niya na ang pinto at nawala na ang ingay, para siyang inilagay sa loob ng isang suspense na movie. In her hands are three pregnancy kits. Isa lang ang kanyang binuksan dahil wala naman siyang pagdududa sa magiging resulta noong una.
She read the instructions carefully and followed it. Ipinikit niya ang kanyang mga mata habang nagbibilang sa isip bago makita ang resulta.
Nang buksan niya ang mata ay nagbago ang itsura nang puting parte ng kit, ang kulay pink na nag-iisang guhit ay naging dalawa at pulang pula ito, nanginginig niyang kinuha ang box at binasa muli ang nasa likod nito.
One red line = Negative
Two red lines= Positive
Umikot ang kanyang sikmura dahil sa nabasa. She threw up immediately. Hindi niya alam kung hindi ba niya nagustuhan ang kinain niya o ang katotohanan sa resulta ng pregnancy test.
“Helga? Are you okay?” Sunod sunod na katok ng kanyang kaibigan sa labas. She barfed even more. Pati ata laman loob niya ay mailalabas na niya.
“Helga! Open the door.”
Habang dumuduwal ay binuksan niya ang pinto. Agad na pumasok si Stephanie at kinuha sa kamay niya ang pregnancy test, nagpalipat lipat ang tingin nito sa kit at sa kanya.
“Positive.” Bulong ni Stephanie at nagkatinginan silang dalawa sa salamin.
Helga x Pierre 21
PIERRE.
Napakurap siya sa nakakapanuyang ilaw ng flash ng camera sa kanilang harapan. He became self conscious real quick. Una sa lahat ay hindi siya nakapag-ahit, pangalawa ay namumula ang mga mata niya sa hangover; Mali, sa kakaiyak yata. He instantly tears up after every booze. Hindi na alam ng kanyang ina kung paano siya aaluin sa loob ng isang buwan ay paulit ulit lang ang ginagawa nito, magpapakalasing, hindi papasok sa trabaho, matutulog maghapon, repeat. Ginising lang siya ng ina kaninang umaga mula sa isang oras na tulog para umattend ng Press Conference.
Their pictures spread like wildfire. With him and Helena on bed, ’Young CEO and heiress steamy photos, revealed ’ Sino ba naman ang hindi magiging kyuryoso doon.
Sa loob ng mahigit tatlong linggo ay laman na sila ng headlines at si Helena ang nakaisip ng ideya para sa isang ‘damage control’. Kailangan nilang ipaliwanag ang nangyari for the sake of their businesses.
“Pierre and I were highschool sweethearts and although we were surprised on how our private photos went viral, I will stand with my belief that there’s nothing wrong if people are in a relationship. Come on people, wala kaming bawal na relasyon, sa katunayan nga, ikakasal na kami two months from now.”
Nagkaroon ng maliit na komosyon dahil sa announcement nito. Isang mikropono ang tumapat kay Pierre.
“Kailan po ang exact date ng kasal, Mr. Floresca?” Tanong ng nakasalamin na binabaeng reporter. Nanatili siyang nakatayo, hindi alam ang sasabihin.
Malapad na ngumiti si Helena at hinila papalapit sa kanya ang mikropono. “We will update you with the details. For now, please write our clarifications regarding the photos. We apologize to the parents, to the minors who saw our photos and surely we are speeding up the process to find the culprit in devulging those.”
Nang umalis na ang media ay magkasabay sila ni Helena na lumabas ng function room kung saan ginawa ang presscon. Kinuha niya ang kamay ni Helena at ipinaharap sa kanya nang silang dalawa na lang.
“Really? You are looking for the person behind the photos?”
Ngumisi si Helena, “Of course not. But we have to say that. Bakit pa tayo mag-aaksaya ng panahon doon, tayong dalawa naman talaga ang nasa litrato. By the way, Francis said you didn’t come to his office for the fitting. Nakapili na ako ng tux para sa iyo, mag-papasukat ka na lang.”
“I have no time.”
“Okay lang, we can go at his shop from here. How about the cupcake samples I sent you? Alin doon ang cake flavor na gusto mo? I loved the red velvet and lemon cake, pupwede naman daw dalawa hanggang tatlong flavors, anyway that’s a 15-tier cake. Pupwede nating ipalagay ang gusto mo bukod sa choices ko. Alin ba doon?”
“Hindi ko pa natitikman. Ikaw na ang bahala.”
“The flowers, anong bouquet ang gusto mo? Lily of the valley would be lovely.”
“Okay.”
Napatuon ang tingin niya sa sapatos na suot ni Helena, a six-inch fucsia platform sandals, bumagay sa suot nitong baby pink longsleeve body hugging short dress, napakunot ang noo niya. “Hindi ba masyadong mataas ang suot mong sapatos?”
Mas lalong lumapad ang ngiti ni Helena at humilig sa kanyang balikat, “Aww, Pierre. You know I can carry this. You are worrying too much.”
“But you are pregnant. Nakapagpacheck up ka na ba?”
“I am busy!” Nakasimangot na sagot nito sa kanya, “Hindi ka naman tumutulong sa kasal na ito, what do you expect me to do? Ang appointment nga lang sa florist ay ang hirap nang puntahan. Ako lang ang gumagawa. I understand that you are a guy, Pierre but I need a hand–”
“Who told you to make this grand? Isa pa, ayaw mo itong idelay hanggang sa makapanganak ka kaya nagmamadali ang lahat.”
“Then what? I need to get rid of the pregnancy weight first before getting married hanggang sa hindi na iyon mangyari?” Lumabi ito at pasimpleng pinunasan ang mata, “I am so emotional, God, can we not talk about anything that’s stressing me.”
“So the baby is stressing you, really?”
“Of course! Ang hirap kayang mag-buntis!”
“Kung nahihirapan ka pala eh di dapat nasa bahay ka na lang. Or better yet, we should have it checked dahil mukhang hindi ka na okay.”
“N-no! I am okay! I am healthy! S-saka sa isang buwan pa ang schedule ko para bumalik sa doktor.”
“Sasama ako kung ganoon.”
Mabilis na tumango si Helena. Diretso siyang naglakad para pumunta sa parking lot.
“Pierre! Can we have lunch? I want Western cuisine.”
“Not hungry.”
“Pierre, yung fitting–”
Hindi na niya nirinig ang susunod na sasabihin ni Helena. He saw her being picked up by her nanny, agad na pinayungan ng isang security guard patungo sa sasakyan nito. He started his engine and roared it to life.
Nasa kalagitnaan na siya ng kanyang byahe pauwi sa kanila nang tumawag ang kanyang ina.
“Mom.”
“Iniwanan mo daw si Helena doon sa venue ng presscon.”
Nanikip ang dibdib niya sa boses ng kanyang ina. She’s the one telling him what to do at sumusunod na lang siya dahil wala na siyang pakialam pa.
“I am sorry, Mom. I– I just can’t focus.” Kumudlit sa isipan niya ang mukha ni Helga.
“Gather yourself, Pierre. Ang expansion na pinaplano ng Daddy mo ay malapit na. He wants to see it before we’re both dead.”
“I know. I can manage.” Bulong niya bago tapusin ang tawag.
Hindi niya namalayan na binabaybay pala niya ang daan patungo sa bahay nila ni Helga. The house is far from being grandiose. Bukod sa nakaparada ditong pink Maserati, wala nang bahid ng karangyaan. Bumaba siya sa sasakyan at muling pumasok sa tahanang iniwanan. Napatingin siya sa mga orchids na pinangalanan pa ni Helga. Wala nang bulaklak ang mga ito.
Inabot niya ang water hose na naroon sagarden at binigyan ng tubig ang halos namamatay ng halaman.
He’s hoping that he can revive those kahit alam niyang malabo na ito. Hindi basta basta babalik kung namatay na ito.
“You could have just lied. You could have made those words sweet, para hindi ganito kasakit.” He whispered to the plants as if talking to Helga about his feelings.
HELGA.
“Tingnan mo nga naman, nagpa-presscon pa ang bruha.” Inis na nilakasan ni Stephanie ang TV, “Saka scandal ba yung tawag doon? Tulog naman si Pierre.”
“Stephanie.” In a warning tone, Travis said. Abala ito sa pagbabalat ng mansanas para kay Helga na abalang nag-i-sketch ng design ng isang model unit sa condominium nila Travis sa Laguna.
‘Come on people, wala kaming bawal na relasyon, sa katunayan nga, ikakasal na kami two months from now’
Natigilan siya sa pagkukulay nang wooden table sa kanyang sketch.
“Two months! E di ang laki na ng tiyan niya non! Eh ito ngang tiyan mo halata na kapag naka-fit ka.” Lumapit si Stephanie sa kanyang tiyan at masuyong hinaplos iyon, “Ano, kuchi-cuchi! Baby lablab!”
“Hindi ka pa niya naririnig, Steph.” Napapailing na wika niya.
“Hindi pa, pero nararamdaman niya ang haplos ko. Malay mo naman, maging future ng anak ko ito. Tiyak na guwapo yan o di kaya ay napakaganda.”
“Gumawa muna kayo ni Travis ng baby..” Tukso niya. Agad na namula ang mukha ni Travis.
“Hindi kami talo niyan, lalaki yan si Stephanie.”
Binato agad ni Steph ang binata ng balat ng mansanas.
“May matres ako, gusto mo ipakita ko pa sayo.”
“Not interested.” Travis snorted. “By the way, nakita ng client namin ang designs mo, Helga, they liked it and they asked for your email address, magpapa-quote daw ng designs for a big project. Bakit hindi ka na lang mag-ID pagkatapos mong manganak?”
Nag-angat siya ng tingin at napailing. “Kahit hindi naman ako Interior Designer, binibili mo pa din naman ang designs ko, Travis.”
“Sabagay.” Nagkibit balikat ito, “Ayoko lang na you will lower your price because you don’t have the credentials. Magaling ka.”
“Masyado mo nang pinapataas ang confidence ko.” Napahaplos siya sa kanyang tiyan. “Basta hindi kami magutom ng anak ko, okay na ako doon.”
“I like your perspective, Helga.”
“Kaya nga kita kukunin na Ninong para may mapakinabangan naman kami ng anak ko.”
“That is a better perspective! Bawasan naman natin ang pera ni Engineer! Workaholic, wala namang pamilya!”
“Kayo na lang kasi!” Tudyo niya.
Umismid si Stephanie, “Bading ata yan.”
“Bading agad, pwedeng hindi lang kita type?”
“The feeling is mutual!”
“O, tama na yan, mamaya mag-away na naman kayo at hindi na naman kami makatulog ni Baby dahil nag-babatuhan kayo ng kung ano ano.”
The three of them were living under one roof. Magkatabi sila ni Stephanie sa kama at si Travis naman sa floor. They are working together, si Helga ang designs, si Stephanie ang design execution at si Travis naman ang project manager. Pabor sa kanila na magkakasama sa isang bahay dahil sa trabaho but she’s pretty sure na ginagawa ito ng mga kaibigan para hindi niya maramdaman na mag-isa siya.
Kahit kailan naman hindi niya mararamdaman na mag-isa dahil sa kanyang anak, excited na nga siyang malaman ang kasarian nito para mabigyan ng pangalan.
“By the way, I sent to your email the perspective and the idea of the proposed mall in QC. Meron tayong meeting bukas kasama investors ng mall. Just bring your portfolio. Malaking proyekto iyon, I want them to be impressed para tayo ang makakuha ng kontrata.”
“Seryoso? Isasama mo kami?” Tanong niya kay Travis. Marami siyang proposals para sa kumpanya nila Travis pero isa pa lang ang nagkaroon ng execution, iyong two-bedroom unit sa third tower ng isang condo sa Makati.
“Yup, don’t worry, andon din ang team of interior designers ng company, magdadala din sila ng portfolio, I want you and Steph to be part of the team kaya gusto kong mafamiliarize kayo sa project sa umpisa pa lang..”
“Nakaka-overwhelm naman Travis. Baka mapaanak ng di oras niyan si Helga.”
Nagbago ang ekspresyon ni Travis at binalot ng pag-aalala. “Pinapagod ba kita masyado, Helga?” He asked.
Ngumiti at mabilis na umiling si Helga, “Hindi ah, gusto ko nga ito, abala ako. Wala akong masyadong naiisip.”
But it is not true, pinipilit niya lang maging positibo kahit na minu-minuto niyang naiisip si Pierre. Kahit naman ligtas ang kaniyang pagbubuntis, kailangan pa din niyang mag-ingat.
Kinabukasan ay maaga silang naghanda. Isang simpleng three fourths pastel peach dress ang kanyang sinuot at puting ballerina flats. Lagi niyang sinisiguro na kumportable ang kaniyang pananamit. Kapag bahagyang maluwag ang kanyang suot ay hindi pa halata ang kanyang tiyan, hindi naman sa gusto niyang itago iyon, gusto niya lang na maging kumportable ang ang kaniyang baby.
Dalawang oras ang kanilang naging biyahe dahil sa traffic but they were just on time when they reached the venue. Sa isang pribadong restaurant sila nag-tungo, ipinasara iyon specifically for them. Limang round table ang nakapalibot na mayroong kani-kaniyang nameplate sa ibabaw. A small video cam was set up in front at ang window blinds ay nakababa kaya medyo madilim.
There was a prepared projector in front at nakita nila doon si Athena, ang admin assistant nang kumpaniya nila Travis na nag-aayos ng presentation.
“Engineer!” She called, inayos niya ang kaniyang salamin at lumapit sa kanilang tatlo. “Naidagdag ko sa bandang huli ang sketches ni Helga. Bale pagkatapos ni Jin mag-explain, si Helga naman.”
“No, Athena. Hindi naman kailangan magpresent ni Helga, I just want to show them the designs para mayroon silang ibang options. This is just a brief presentation, dalawa tayong pinagpipilian at nakapag-present na ang una, so far mas lower ang cost ng atin, but we have to justify the quality of work and the way for them to see it is to present our designs and the artistic impression of our ideas.”
“That’s right, Engineer!” Masiglang pag-sangayon ni Athena bago tumalikod.
“If we get this, this will be the biggest project by far of Almonte Design and Constructio n.” Humarap sa kanila si Travis.
“Masuwerte daw ang buntis, di ba? Kaya siguro binitbit mo si Helga dito.” Hinaplos ni Stephanie ang kaniyang tiyan, hinila din nito ang kamay ni Travis at pinahawak sa kanyang sinapupunan. Nag-tawanan silang tatlo nang bumukas ang glassdoor ng restaurant. Sunod sunod na nagpasukan ang limang lalaking pawang naka suit at tie pero hindi nakaligtas sa kanyang paningin ang isa sa mga naunang pumasok.
Si Pierre.
Diretso ang tingin nito sa kanya habang tinutungo nito ang lamesang nakareserba para sa ‘clients’ ng Almonte Design and Construction. Nagkatinginan sila ni Travis and it is too late for both of them to realize na nakahawak pa din si Travis sa kaniyang tiyan. Napaatras siya, ganoon din si Travis na mabilis na nakabawi at ngumiti. Lumapit ito sa lamesa ng mga bagong dating at kinamayan isa isa.
Nagkatinginan sila ni Stephanie na halatang parehas na kinakabahan lalo na nang mag-abot ng kamay si Travis kay Pierre, tinitigan ito ng matagal ni Pierre pagkatapos ay humalukipkip at humarap sa projector sa unahan.
“Ang suplado naman ni Mr. Floresca.” Bulong sa kanya ni Stephanie bago siya hinila sa bandang hulihang lamesa kung saan walang pangalan na nakalaan.
Ibinaba din ang blinds sa may pinto kaya tuluyan nang dumilim sa buong restaurant. Ang ilaw ng projector ay tumatama sa mukha ni Pierre na nakaupo sa gilid ng lamesa. Nakikita ni Helga ang buong mukha nito. Dahil madilim ay hindi na siya nahiyang pagmasdan si Pierre. Nakapangalumbaba pa siya habang nag-wa-walkthrough sa sukat ng gusali na ipapatayo.
“Matunaw naman si Mr. Floresca, Beshy.” Siniko siya ni Stephanie. Napalunok siya dahil sa puna ng kaibigan. Sinubok niyang mag-focus sa presentation hanggang sa dumating na turn ni Jin, ang Interior Designer sa kumpanya nila Travis, mayroon itong dalawang babaeng katabi na tumutulong sa kaniyang paliwanag. Isang contemporary storefront shopping plaza ang kanilang ideya. Maganda ang bawat 3D drawings ang ipinapakita ng team at halos mapapalakpak siya sa sobrang bilib at pulido ng bawat disenyo.
Jin answered the questions eloquently at mukha namang bumilib talaga dito ang mga kasama ni Pierre. Sa bandang huli ay nag-scroll si Jin ng iba pa niyang designs nang wala nang ipinapaliwanag, siguro ay para na lang ipakita ang kaniyang ‘artistic side’.
“This is a suburban strip, wala pa niyan dito sa Pilipinas, if we have enough time we can do that as well. So I guess, that’s all.” Sabi ni Jin na patuloy sa pag-pindot hanggang sa madaanan din ang sketches niya. Nahiya siya sa itsura non, mano mano at color pencil lang ang ginamit niya.
“Wait, please go back to the last slide.” Narinig niya si Pierre. Mabilis na ibinalik ni Jin sa suburban strip ang slide pero umiling si Pierre, “No, the freehand drawing.” Utos nito.
Inilagay nga doon ni Jin sa slide kung nasaan ang iginuhit niya, pinanlamigan siya ng kamay.
“Is that one of your proposed design?” Tanong ni Pierre. Alanganing ngumiti si Jin.
“T-this is actually not my design.”
“That is the design of one of our trainee in Almonte Design. She’s been doing our model units lately, the last one she did was our model unit in Makati.” Singit ni Travis.
The last one, and the only one, Travis. Gusto niyang isantinig.
“So, let me hear from the designer about the design.” Utos ni Pierre.
Natahimik ang buong restaurant. “I am sorry, Mr. Floresca, she’s not supposed to present today, idinagdag lang namin ang sketches niya para ipakita sa inyo ang scope and ideas na kaya naming gawin.”
“Kung hindi niyo pala ipe-present, bakit inilagay ninyo sa Powerpoint presentation niyo?” Matalas na tanong ni Pierre. Bakas ang kaba sa mukha ni Travis na pilit na inaaninag si Pierre sa kabila ng kadiliman.
“Sorry, I was too ecstatic with her designs.” Maliit na boses ni Travis.
“Well then, I am disappoint–”
“My design is called, Ahmed .” Tumayo siya mula sa kadiliman. Mabagal siyang naglakad patungo sa harapan, “Or, the praised one. My vision of the mall is about life, not just a lifestyle. It is about living the moment, than escaping to reality. Ahmed will be the beacon at the heart of Metro Manila where families and friends build memories not simply reunite. A mall with a deeper connection to people and mall goers, therefore, its beauty will be praised because it is special and impartiality.”
Ipinaliwanag niya ang bawat parte ng kaniyang design, kung paano ilalagay ang bawat departamento pati ang strategic locations ng breastfeeding areas, restroom at lounge.
“The toddler room is interesting.” Tumango tango ang kasama ni Pierre na nakilala niya bilang si Mr. Tee. “Libre ito pero ang tanging makakapasok lang ay ang mayroong anak 0-6 years old. And a prayer room? That’s unique.”
Nabuhayan siya ng loob. “There will also be a garden instead of the regular activity area inside the mall. Bawat puno na makikita sa Pilipinas ay magandang ilagay dito.” Suhestiyon niya.
“What do you think, Pierre? Your father will like it, especially this one.”
“How old are you?” Direktang tanong sa kanya ni Pierre. Bumilis ang tibok ng kaniyang puso dahil doon.
“Eighteen..”
“Eighteen? I couldn’t believe it!” Manghang wika ni Mr. Tee.
“And? Licensed Interior Designer?” Kasunod na tanong ni Pierre. She hissed under her breath, alam niyang inaasar lamang siya nito. Alam naman nito ang sagot kung bakit ay nagtatanong pa.
“No, Sir.”
“Or taking up Interior Design at least?”
“N-no, Sir.” Namaos siya.
“I am sorry, Mr. Tee. I can see that you are delighted with the presentation but I cannot trust a neophyte without any credentials to do the job, that is Floresca’s first venture in malls. And safe to say that I am so disappointed and it is such a waste of time to be here–”
“Pierre naman.” Hindi niya napigilan. “Pagkakamali na nailagay ang design ko dito, kalimutan mo na ang sinabi ko, kalimutan mo na ang Ahmed, just stick to Jin’s presentation.”
“I don’t like it either, sorry.” Tumayo na ito at kinuha ang attache case niya. Nataranta ang lahat ng naroon sa lamesa nang nagbigay ng hudyat si Pierre na umalis.
“Pierre.” Sabay sabay na tawag dito ng mga kasamahan na sunod sunod na nagsialisan sa restaurant.
‘Just like that?’ Tanong niya sa kanyang sarili.
Kitang kita niya ang panlulumo ni Travis at hindi niya matagalang makita ang ganong mukha ng kaibigan. Nag-madali siyang sundan si Pierre at naabutan nga niya itong papasakay na sa sariling sasakyan. Ang mga kasama nito ay kani-kaniya ding sumakay sa mga sasakyan nito na binigyan pa siya ng magalang na pagtango bago umalis.
“Sandali, Pierre!” Bago pa man nito masarhan ang pinto ng sasakyan ay iniharang na niya ang kamay niya sa pinto at mariing pumikit. Napadilat siya nang walang pintuan na dumantay sa kamay niya bagkus, ang pamilyar na amoy ni Pierre ang sumalubong sa kanya.
Napatingala siya nang nakatayo na ito sa kaniyang harapan. Kahit na natatakpan nito ang araw ay napagmasdan pa din niya ang guwapong mukha nito. Few stubbles grew on his face at mukhang pumayat ito ng kaunti.
“Please reconsider, wala namang personalan..” Bulong niya, “M-mas matanda ka sa akin kaya maging mature ka naman.”
“Personalan? Kung gusto ng boyfriend mo na makuha ang project, sana ay inayos niya. And why would I trust you? Hindi ba’t you want to travel? Do the things that you want because, what is that again? You are just eighteen. Go ahead, magbakasyon ka. Huwag kang magpanggap na sumusuporta diyan sa boyfriend mo para magmukhang mature because for all we know, ginagago mo rin siya kagaya ng pagpapasakay mo sa akin!”
Malutong na sampal ang iginawad niya kay Pierre. Natigilan siya dahil sa kanyang nagawa. Tumagilid ang mukha ni Pierre at hindi ito agad na kumilos. Bumilis ang tibok ng puso niya.
“I-I am sorry, Pierre. G-gusto ko lang naman–”
“Gusto mo?” Mapanganib na tanong nito habang binabalikan siya ng matalim na tingin. “Sige, pumunta ka sa opisina ko, I want all your sketches in 3D, with complete drafts of every amenities and stall samples by 3’o clock in the afternoon, tomorrow, sharp.”
“T-teka–”
“Ano, hindi mo kaya?”
Dumaan sa isip niya ang malungkot na mukha ni Travis, ang kaibigan niyang wala namang ginawa kundi ang mapagaan ang loob niya. Pikit mata siyang nag-desisyon.
“Sige, pupunta ako. Dadalhin ko ang lahat ng kailangan mo. Magkita tayo bukas.”
Umatras siya nang sumakay muli si Pierre sa kanyang sasakyan.
“Pierre..”
“What?” Nalunod ang boses nito sa tunog ng sasakyan.
“Yung mga halaman ko sa bahay–”
“They are all dead. Tinapon ko na.”
Nasaktan siya sa impormasyon pero pinilit niyang hindi umimik. Kinagat kagat niya ang pang-ibabang labi para pigilan ang pagluha.
Nag-angat sa kanya ng tingin si Pierre at napapailing na sinarhan ang pinto ng sasakyan.
♁☆
♁☆
♁☆

Thanks for reading! Votes and Comments are appreciated.
Social media accounts:
Facebook Account: Mari Kris Ogang (Makiwander)
Facebook Page: Makiwander
Facebook Group: WANDERLANDIA
Twitter & Instagram: Wandermaki
Go to my wattpad profile
MAKIWANDER
and follow me for more stories.
Helga x Pierre 22
HELGA.
Ang mga nilamukos na papel sa kaniyang harapan ay parang naging pangalawang sahig ng opisina ni Travis. Tahimik sina Jin at Ruel sa parehas na silid na siyang nag-co-convert sa 3D ang kaniyang freehand drawing.
“Baka hindi kayanin ngayong araw.” Napahilot ng kaniyang sentido si Ruel. Siniko naman ito ni Jin at tiningnan siya dahil bakas sa kaniya ang pagiging determinado.
“Nakakalimang drawings palang tayo, 20 more to go. It is 10PM already. Ano, walang tulugan? Napakaimposible naman ni Mr. Floresca!” Tumingin si Ruel sa wallclock at napakamot ang ulo. Bakas ang pagod.
“Helga—” Mahina ang naging tapik ni Travis sa kaniyang balikat at pinalis niya iyon.
“I can do this.”
“Helga, you may not. Okay lang. It is as good as ‘no’. Kahit si Mr. Floresca ay alam na humanly impossible ang gusto niyang requirement. Kung talagang irereconsider tayo ay sana binigyan tayo ng isang linggo para ayusin.”
Nananakit na ang kamay niya pero patuloy siya sa pag-guhit. “Umuwi na kayo. Magkita na lang tayo bukas ng umaga. I will finish the drawings at bukas naman ay gawin niyo ang makakaya niyo sa 3D. Kung anong aabutin, yon ang ipe-present ko. I just need to do this flawlessly para kahit sketch ay magustuhan niya.”
“Baka nag-aaksaya lang tayo ng panahon—”
“Baka din hindi. Subukan natin. Umuwi na kayo, bukas na lang ninyo ako tulungan.”
“Jin, Ruel. Get some sleep at the quarters upstairs. Tiyakin niyong gigising kayo ng alas singko ng umaga para makapagsimula kayo ng alas sais sa 3D.” Utos ni Travis.
Mayroong sleeping quarters ang Almonte Design and Construction sa ikatlong palapag ng gusali para sa mga empleyado nito, importante ito para sa mga rush projects kagaya ngayong araw.
Nang masarhan na ang pinto ay lumuhod si Travis sa harapan ng lamesa ni Helga, eyeing at her seriously. “Helga, you need to sleep. Kanina ka pa nagtatrabaho.”
“No, Trav. I need to finish this. This is your one chance.”
“Hindi naman ganon kaimportante..”
“Dapat ay nakuha mo ito kung hindi ako kasama.” Malungkot niyang tiningnan ang kaibigan.
“Nalulungkot ka na naman..” Hinaplos ni Travis ang kaniyang braso, “Hindi mo kasalanan, okay? You are still my lucky charm.”
“Pizza!!!” Anunsiyo ni Stephanie nang pumasok sa pinto. Sa kamay nito ay dalawang box ng pizza at softdrinks naman sa kabila.
“Helga, after that sketch, matutulog ka na. Lagot ka sa akin kung hindi.” Banta nu Stephanie.
Hindi tumigil si Helga kahit kumakain. Nakatulugan na siya ni Travis at Stephanie habang iniintay siya, walang salita ang nakapigil sa kaniya para magtrabaho ng husto. Hindi na din niya namalayan ang oras. Nanginginig ang mga kamay niya nang bumukas ang pinto.
“Helga..” Pupungas pungas na sabi ni Jin.
“I need to finish five more.” Bulong niya. Alas-sais na pala ng umaga at hindi pa din siya tapos.
“Hindi ka natulog?” Bulong nito nang makalapit sa kaniya. Ngumiti siya at umiling.
“Mamaya na lang.”
“These are bad ass.” Napapailing na napasipol si Jin habang iniangat ang sketch niya at itinapat sa ilaw pagkatapos ay binalikan siya ng tingin. “Rest.. Hindi mo ito maippresent kung hindi ka magpapahinga. Kami na ang bahala ni Ruel.”
“Hindi ko pa tapos—”
“Matulog ka muna. Gigisingin ka namin ng 9AM, just rest.” Sabi ni Jin pagkatapos ay tinapik si Travis na agad na napatayo mula sa pagkakahimbing ng nakaupo.
“Helga, hindi ka talaga natulog?”
“Mayroon pang lima—”
“No.” Kinuha ni Travis ang kaniyang mga lapis. “The b-b-” Hindi nito naituloy ang sasabihin. Napahawak siya sa kaniyang tiyan at mahinang napatango.
“Pakigising ninyo ako ng 9AM, please. This is important to me.” Tinapik niya si Travis kasunod si Stephanie para gisingin at ayain matulog sa sleeping quarters ng mga babae.
Her my was occupied with ideas. Nakakapagtakang gumagana pa din iyon kahit papatulog na siya. She wanted the project so bad. Hindi niya alam kung bakit. Maybe because she wants her vision to happen. Na hindi basta isang recreational activity ang mall kundi isang maliwanag na bonding place.
Parang saglit na pag-pikit lang ang nagawa ni Helga dahil namulat siya sa mahihinang tapik ni Stephanie at sa amoy ng garlic rice sa malapit.
“Sabi ni Travis huwag ka daw palabasin ng kuwarto ng hindi kumakain ng breakfast at nagva-vitamins. You need energy for later. “
“Salamat, Steph. Ikaw?”
Pinanood niya ang kaibigan niyang nagtutuyo ng buhok, “Tapos na. Meron kang damit sa locker mo. Relax ka lang, Helga. Alam kong gusto mong patunayan ang sarili mo pero walang saysay kung mapatunayan mo nga pero apektado ang anak mo. Baby first.”
Tumango siya habang pinipilit isubo ang pagkaing nakahanda. “Salamat, Stephanie.”
Kung susumahin, hindi kasya ang oras nila kahit hindi pa siya natulog. Even the architechs and seasoned engineers of the firm helped her with the 3D version of her drawings. Nahihiya na siya dahil kani-kaniyang puwesto ang mga ito para magtulong tulong sa proyekto niya. Ang ilan ay naka-indian sit sa sahig, nag-sisiksikan sa couch ang iba. Imagine an 18-year old inexperienced hobbyist, being tasked on something as big as this. Tahimik siya sa isang sulok ng lamesa, wala siyang kahati doon. Pilit na pinipiga ang utak para sa disenyo.
Si Athena naman ang gumagawa ng Powerpoint presentation ng lahat ng natatapos na drawings. Helga caught her breath as she placed color on the crib that she plans to put at the Toddler room, yun na ang panghuli niyang gagawin and it was 12 o’clock in the afternoon.
“I will do this.”
Kinuha ni Engineer Almonte ang huli niyang sketch at ngumiti sa kaniya ang ama ni Travis.
“Salamat po.” She blushed. Hiyang hiya siya dahil pinag-aksayahan ng lahat ang kaniyang disenyo, she’s not sure what they think about the designs, tiyak niyang wala na lang panahon ang mga ito para tumutol.
“Good job! Good job team!” Travis cheered after Engineer Almonte finished.
Pinakita sa kanila ni Athena ang Powerpoint na may sama-samang drawings nila. Nagpalakpakan ang lahat nang pasadahan nila ang presentation. They were just eating sandwiches while reviewing it.
“Goodluck, Helga!” Malakas at baritono ang boses ng lahat dahil puro kalalakihan.
Hindi na siya nakapag-ayos nang ibigay sa kaniya ni Athena ang tatlong flashdrive na merong pare-parehas na file. “Ayan, kumpleto pati back up, we will be praying for you.”
“Si Mang Ronel na ang maghahatid sayo, Helga. Alam mo namang allergic sa akin si Mr. Floresca, ayokong masayang ang pinaghirapan mo.” Bulong sa kaniya ni Travis. She smiled and threw her arms to Travis before leaving the office.
“Thank you, Travis. Nahihiya ako sa inyong lahat.”
“Don’t be. You are great and we believe in you and whatever happens, I want you sane when you come back.” Tinapik ni Travis ang kaniyang likod bago sumakay ng sasakyan.
She was praying while the van is on its way. Panay ang sulyap niya sa kaniyang orasan at hinihiling na hindi siya ma-late. Nakahinga siya ng maluwag nang 30 minutes early siya sa Laya Air. Bumaba agad siya nang punong puno ng kaba.
Sana nga ay nagsuot siya ng takong para may marinig naman siya habang naglalakad siya, pero dahil wala naman ay ibinaling niya sa pagngiti ng tipid sa lahat ng makakasalubong niya. Nahihiya siya kahit hindi naman nila alam ang kwento niya. To these people, there was never Helga and Pierre. She was the soon to be sister-in-law of their CEO. Pero hindi niya alam kung bakit siya kinakabahan.
“Miss Helga!” Mara greeted, Pierre’s secretary. Ngumiti siya at kumaway sa babae.
“M-may appointment ako kay Pierre.”
“Appointment?” Kumunot ang noo ni Mara, “P-pero wala siya dito.”
“Sinabi ba kung anong oras babalik?”
“Hindi eh. Pinuntahan kasi ng Ate mo while he’s having a lunchbreak at the cafeteria, magpapasukat daw ng suit para sa kasal nila. Excited na ako sa kasal na yon! Perfect couple talaga si Sir at ang Ate mo!” Napapalakpak pa si Mara dahil sa kilig, para naman siyang sinabuyan ng asido sa sikmura.
“W-wala ba siyang ibinilin?”
“Wala, nagtext lang kasi iyon, naiwan pa nga ang mga gamit niya sa lamesa.” kaswal na sabi ni Mara, “Itext mo na lang kaya? Usually kasi kapag magkasama yon saka ang Ate mo, hindi na bumabalik dito sa opisina, nagde-date na siguro.”
Parang punyal muli ang spekulasyon ni Mara, hindi niya magawang patigilin ito para di na siya masaktan.
“Mag-iintay ako, Mara. Sinabi niyang mag-uusap kami ng alas-tres tungkol sa isang proyekto. Alam kong hindi niya nakalimutan iyon kaya nandiyan pa ang gamit niya.”
“Tatawagan ko ba?”
Hindi din siya sigurado kung iyon ba ang gusto niya, pero ayaw niyang isipin nito na isa siyang pabigat. Kaya naman niyang magtiis doon sa matitirang oras nito, she won’t demand anything from him, even his time he said was for her.
“Hindi. Huwag. Mag-iintay ako dito, kung pupwede.”
“Aba oo naman, pupwede. Ikaw pa ba? Kaso baka mainip ka. Teka magpapabili ako ng meryenda. Magbasa ka muna ng magazines.” Suhestiyon ni Mara nang igiya siya sa couch.
Hindi niya inalam ang oras para hindi siya manghinayang doon. Ang alam niya lang ay matagal siyang nag-iintay dahil dumidilim na sa labas na tanaw mula sa bintana. Si Stephanie din ay naghahanda na para umalis.
“Miss Helga, sure ka bang hindi ko tatawagan si Sir? Baka nakalimutan na non.”
Ngumiti siya, alam niyang ayaw siyang iwanan ni Mara. “Ako na lang ang gagawa non. Umuwi ka na.”
“Paano ka?”
“Okay lang ako dito. Uuwi na din ako maya maya kapag natanggap ko na ang sagot niya.”
Tumango si Mara at kinuha ang bag mula sa lamesa, nawala na din ito sa kaniyang harapan. Dinalaw siya ng antok habang tinititigan ang kumakaway na pusa sa lamesa ni Mara. Humikab siya at pasimpleng pumikit. Wala namang makakakita sa kaniya kung pipikit siya. Isang oras, isang oras lang ang kaniyang magiging palugit pagkatapos ay magpapasundo na siya sa driver nila Travis o di kaya ay magtataxi na lang siya.
“Helga..” A soft pat on her face woke her up. Nasilaw siya sa liwanag ng ilaw ng silid na kaniyang kinalalagyan. Matagal pa bago niya naproseso na nakahiga na pala siya sa visitor’s couch doon sa opisina ni Mara at Pierre sa Laya Air, at marahil ay nakatulog ng matagal.
“What are you doing here?”
“Pierre.” She whispered huskily.
“If I did not text Mara to check on my schedules, hindi ko malalamang nandito ka pa.”
Napakunot ang noo niya saka niya naalala kung bakit nandito siya. Napadako ang mata niya sa kilay ni Pierre na magkasalubong, tumaas ang kaniyang kilay dahil hindi niya nagustuhan iyon. Pati ang hugis ng ilong nito ay parang masyadong malaki sa kaniyang paningin. Ang manipis na labi nito ay pangit tingnan kahit na mukhang nakapag-shave na ito. Sumimangot siya.
“Sinabi mo, alas-tres!”
“I know. I was waiting for Mara to tell me that you are here. Hindi ako umasang pupunta ka lalo na nang walang advise na merong nag-iintay.” Paliwanag nito. Hindi naman galit pero parang naguguluhan.
“Advise? Kailangan pang sabihin sa iyo na may nag-iintay gayong ikaw ang nag-bigay ng oras?”
“Of course! That is a protocol. Nandiyan lang naman ako sa kabilang building—”
“Nagpapasukat ng isusuot mo sa kasal mo.” Dugtong niya. Kahit ano pang paliwanag ni Pierre ay malinaw na sa kaniya, hindi nito ibibigay kay Travis ang proyekto at talagang ginagantihan lang siya at pinapahirapan. Masakit ang katotohanang iyon. “Dapat itinanong mo pa din kung dumating ako. Salamat na lang sa panahon, uuwi na ako.”
Gusto niyang umiyak pero palagay niya ay hindi tama ang panahon para doon. She’s too drained to cry. Hindi niya matanggap na ang kanilang pinaghirapan ay babalewalain lang ng ganon. Nakalapit na siya ng pintuan nang may maalala pang sabihin.
“I just pushed my luck today. Sana kahit iginalang mo na lang ang oras ko bago sabihin mong hindi pupwede kaysa binalewala mo ang pinaghirapan ko ng ganito.”
“Helga. I am willing to listen to your presentation.”
Umiling siya, “Kahit hindi na. Alam ko naman na din ang sagot. Sana lang, kahit galit ka, pilitin mong huwag maging masama dahil may mga taong gusto kang tandaan noong mabuti ka, at hindi dudungisan ang alaala mo kahit na nakakasakit ka na.”
Itinulak niya ang glassdoor pero bago ba man siya makalabas ay mayroon nang kamay na humihila sa kaniya.
“I am sorry hindi agad ako nakabalik. Akala ko talaga ay hindi ka magpupunta. I learned that my father had a hypertension later this afternoon. Dinaanan ko siya sa ospital kanina. Nawala na sa isip ko na babalik ako sa trabaho.”
Hinawakan niya ang kamay ni Pierre na nakakapit sa kaniya para alisin iyon, “Please send him my regards.”
“Helga.” Ibinalik muli ni Pierre ang kamay niya. “You know that I cannot stand seeing you cry.”
Doon niya naramdaman ang basang mukha niya. Mabilis niyang pinunasan iyon. “Aalis na ako.”
“I won’t let you. Hindi ka aalis hangga’t hindi ka nakakapagpresent.”
“Wala kang magagawa.”
Pinanliitan siya ng mata ni Pierre at ang isang kamay ay mayroong inabot na kung ano sa pader, a beep tone followed.
“Security, lock all the exits.”
“Copy, Mr. Floresca.” Narinig niya mula sa load speaker.
“Teka, ano? Hindi mo ako palalabasin? Kidnapping ’to!”
“You went inside my building, paano naging kidnapping?”
Hinala siya nito muli sa isang kamay at binuksan ang isa pang pinto mula sa visitor’s lounge.
“I want to see it.”
Pinagtiklop niya ang kamay sa braso nang huminto na sila sa malawak at madilim na opisina ni Pierre.
“I am tired.”
“Tired? Kakagising mo lang.”
“And I am hungry.”
“Anything you want?”
“Umuwi.”
“I need to hear it first.”
“Then what? You will say no? Sasabihin mong waste of time?” Galit na sumbat niya.
“Then I’ll say yes. Done deal. The project is yours. But let me hear your voice first.”
Nagkatinginan silang dalawa pero siya ang naunang magbawi ng tingin.
Inilagay niya ang kamay niya sa loob ng bulsa ng suot niyang jacket at kumuha ng isa sa mga flashdrives at iniabot iyon kay Pierre. Hindi niya alam kung ano ang isusunod na kilos nito dahil mataman lang siyang tinitigan.
Nakahinga lang siya ng maluwag nang talikuran siya nito at lumapit sa desktop computer nito.
“25 drawings in total. Ako ang gumawa ng freehand, ang 3D ay pinagtulong tulungan namin. Dala ko din ang actual sketches ko for your reference.” Kinuha niya iyon muli sa kaniyang bag at inilapag sa lamesa ni Pierre ang folder. Umupo siya sa upuan sa harap nito.
Binuklat ni Pierre ang drawings niya nang walang sinasabi.
“Mas maganda pa sana kung mas mahaba ang oras na naibigay namin diyan.”
“You have a lot of recreational rooms, bakit?” Umupo ito ng maayos sa swivel chair at nagpangalumbaba, his elbow resting at the back of his right hand. Napapangitan talaga siya kay Pierre, mabuti pala at hindi niya ito nakatuluyan kundi ito ang makikita niya araw araw.
“I want the families to have more time in bonding. Sa panahon kasi ngayon, nakakalimutan na ng pamilya ang magreconnect. For me, the greatest form of love is through physical touch and communication.”
“Mall ito, hindi park. Sa tingin mo ba ay beneficial ang recreational amenities na non-earning?”
Tumango siya, “Mall is one of the culprits that takes away our loved ones from us, one of the choices if we want to escape or be pre-occupied. Gusto kong magbago ang pananaw na iyon dahil may mga bagay na mas mahalaga pa kaysa sa negosyo. Ito ay ang pamilya. Mas gusto ko ang mga amenties na pupwedeng para sa grupo. And the long benches and long tables para walang division. Beneficial ito in a way that the public will appreciate your existence and will build a longterm relationship with the brand.”
“Meron ka ding director’s club na couch imbes na single recliners.”
“That’s for families.”
“Toddler room. How can an 18-year old think of that?”
“Babae ako, I know I will be a mother soo–someday.”
Tumalim ang tingin sa kaniya ni Pierre, “Not anytime soon. I will require you to be hands on to this project 24/7, I will get my money’s worth, Helga. Kung aaprubahan ko, kailangan mong bantayan ito and I will look at you closely to make sure you are not playing around. I also have demands. The team will be 100% female–”
“T-teka, ang babae lang sa kumpaniya nila Travis ay ang Mommy niya, si Stephanie at si Athena. Imposible yang sinasabi mo. Kahit ang mga karpentero ay lalaki din.”
“Sort that out, then. Ilalagay ko iyan sa kontrata.”
Sumimangot siya. Pakiramdam ata ni Pierre ay isa siyang diyos. How can he be a god when he’s that ugly?
“Come on, Pierre. You have your own way of saying ‘No’, right? By giving impossible demands? Mas asta ka pang bata kaysa sa akin.”
“Hindi lahat ng hamon ay mamasamain mo. Hindi naman imposible ang hinihingi ko hindi ba? You finished the drawings on time kahit inisip mong imposible iyon.”
“Iniinis mo na lang ako.”
“Naiinis ka na ba?”
“Oo, kanina pa. Diyan sa pagmumukha mo.”
Amused na tiningnan siya ni Pierre, bahagyang nangingiti. “Really?”
“May tanong ka pa?” Asik niya.
“Yes.” Tuluyan na nga itong ngumiti sa kaniya, pinagtatawanan pa siya ng pangit na lalaki.
Kahit pagod na siya kakasalita ay tumango siya, bring it on. “Ano yon?”
“Can I buy you dinner for a job well done?” Seryosong tanong nito sa kaniya.
♁☆♁☆♁☆♁☆

Thanks for reading! Votes and Comments are appreciated. Offensive comments will be placed on MUTE.
Social media accounts:
Facebook Account: Mari Kris Ogang (Makiwander)
Facebook Page: Makiwander
Facebook Group: WANDERLANDIA
Twitter & Instagram: Wandermaki
Go to my wattpad profile and follow me for more stories.
Helga x Pierre 23
HELGA
“I don’t want you to think that I am cheap because I am not, okay? Just hungry.” Panay ang pagnguya ni Helga sa mga pagkaing nakahain sa kaniyang harapan. She knew she’s chewing like a goat but who cares. Hindi nga niya dapat iniisip kung ano ang iniisip ni Pierre sa kaniya. His opinion won’t matter.
“I am not thinking about anything.” Nangingiting wika ni Pierre habang pinapanood siya. Pinanliitan niya ito ng mata.
“Come on, Pierre. You think about so many things. I know. Ganiyan ka naman.” Binalatan niya ang hipon sa kaniyang harap, “Come on, peel this for me.” Inanyayahan niya pa si Pierre na ipagbalat siya ng hipon para hindi matigil ang kaniyang pagkain.
Wala na siyang inaalala dahil nakapagtext na siya kay Travis at Stephanie ng kaniyang gagawin, proud din siya na nakuha niya ang salita ni Pierre na dito ibibigay ang project.
“You are not making me pay for this, right?” Dudang tanong niya dahil umorder pa si Pierre ng paborito niyang lobster. Umiling sa kaniya si Pierre. “Or this has poison?”
“Don’t be silly, Helga!” Natawa na ito ng tuluyan sa kaniya. Nagkibit balikat siya at ipinagpatuloy ang pagkain. It was almost midnight when they finished eating. Sakto lamang iyon sa pagsasara ng restaurant kung saan silang dalawa lamang ang natira.
Naglalakad sila patungo sa parking lot, ang coat ni Pierre ay ipinatong nito sa kaniya. Hindi niya iyon tinanggihan, except for the fact that she was so comfortable than she should be, wala siyang dahilan para tumutol dahil giniginaw din siya.
“Dito na lang ako.” Tumigil siya sa taxi stand na walang nakaparadang taxi. Kinuha ni Pierre ang pulsuhan niya at hinila siya patungo sa sasakyan nito. Taliwas sa gusto niya.
“I’ll bring you home. Saan ka umuuwi?”
“Secret.”
Napaawang ang labi sa kaniya ni Pierre. “Helga, I am not playing games, gabi na. Kailangan mo nang makauwi and your only choice is to tell me where you are off to.” Binuksan nito ang pinto para sa kaniya at awtomatiko siyang napasampa doon.
“Hindi mo kailangang malaman, Pierre. I don’t want them to know where I am.”
“Sino? Ang pamilya mo? Bakit? Para magawa mo ang gusto mo nang may laya?”
She shook her head vehemently. “Hindi naman ganon.”
“Ano ang dahilan? I hate this game that you are playing, Helga. Can’t you grow up a little bit?”
I am. More than you’ll ever know, Pierre. I am carrying your child too. Pero isa iyong katotohanan na hindi mo na malalaman pa.
She plans to leave after the contract signing. Titiyakin niyang plantsado ang lahat at secured ang kontrata nila Travis bago siya umalis. If she can make excuses until she endures it, she will. Baka makabalik pa siya kung makapanganak na siya. Wala ding makakaalam noon. Kahit ano, basta hindi nito malalaman ang kalagayan niya.
Pumikit siya ng mariin habang binabayo ni Pierre ng pag-aakusa. Narinig niya ang pagbukas ng makina at ang mahina at kumportableng hangin mula sa AC. Napanatag siya doon.
–
PIERRE
“And what? You will come home crying? Repenting? Regretting all the things you have done because you cannot take the consequences?”
Galit niyang sinimulang paandarin ang sasakyan. Hanggang ngayon ay hindi pa rin niya maintindihan kung bakit nagagalit siya sa desisyon ni Helga pero hindi naman niya ito malayuan. Ito ang pinakamalambot na parte ng puso niya. Kung bubuksan niya ang puso niya baka may pangalan na ito ng dalaga, ganoon nito napasok ng husto ang pagkatao niya.
“Ano? Hindi ka sasagot?”
Nilingon niya si Helga at nakitang yakap na nito ang sarili at malalim na ang paghinga. She must be really tired. Binalot muli siya ng pangongonsensya. Mukhang mali siya sa ibinigay na task dito dahil nagpumilit itong gawin kahit sobrang hirap non. Nakita niya ang determinasyon ni Helga kahapon kaya alam niyang dito hahantong ang lahat, she will tire herself to finish everything.
Kung hindi rin naman naconfine ang ama niya dahil sa hypertension, malamang ay nakabalik siya sa opisina nang mas maaga.
Hindi niya alam kung saan ito iuuwi ngayon. Sinubukan niya itong gisingin but she’s sleeping like a corpse. He decided to stop at their old house. Ito lang ang lugar na hindi sila maeeskandalong dalawa. His mother won’t make a big deal out of it at hindi ito makakarating kay Helena. Binuhat niya si Helga papalabas ng sasakyan at idineretso sa master’s bedroom. Carefully laying her down. He knelt down to remove her shoes and took his time observing her beautiful face. Nakakaengganyo ang manipis nitong ilong at mga labi, her thick lashes fanning her cheeks are adorable. Halatang walang makeup ito pero natural na mapula ang pisngi at labi.
“Hindi talaga tayo magtatagpo?” Napailing siya. Pilit siyang tumayo at tinungo ang cabinet para hanapan si Helga ng damit. Sa maigsi nilang pagsasama, he noticed that Helga was too concerned with her hygiene, so he decided to give her a warm sponge bath. Maingat niyang pinunasan ang mukha nito at leeg, he was hesitant to remove her dress but he ended up doing so. Papalitan naman niya ito ng damit.
Pinunasan niya sa braso, sa katawan at sa tiyan si Helga. Napakunot ang noo niya.
“Mukhang busog ka ha.” Natatawang puna niya kay Helga, pipindutin niya sana ang tiyan nito pero nagbago ang isip niya, masuyo niyang hinaplos ang tiyan nito. He felt an imaginary pulsating beat on his fingers, agad niyang iniiwas ang kamay at wala sa sariling napangiti.
“I am pretty sure no matter how big you grow, you will be as pretty.” Bulong niya kay Helga saka ipinagpatuloy ang ginagawa hanggang sa ito ay mabihisan.
He took a shower and dive to the bed with Helga. Sinunod na niya ang gusto ng isip niya, bukas na lang siya magpapalusot kapag nagising na ito sa tabi niya. He wrapped his arms around her body, gumanti din naman si Helga ng yakap at sumiksik sa kaniya.
Sabihin lang nito na handa itong lumaban kasama siya, hindi na siya magdadalawang isip pa.
HELGA
“HAAAA!” She screamed at the top of her lungs, with her eyes closed. The half naked Pierre went up, totally worried. Handa nang sumugod sa kung anong pangainib, “Ang pangit!” She spat while pointing fingers at him.
“Seriously?” Galit ang reaksyon ng binata pero hindi niya ito pinansin.
Para iyong masamang panaginip, nasa cotton candy shop siya nang biglang may gumising sa kaniya at ngayon nga ay nasa tabi siya ni Pierre na walang kasing pangit ngayong umaga. Napapahiya siya nang marealize ang kaniyang inakto. She tried to open her mouth but nothing came out.
“B-bakit tayo magkatabi?”
“Bakit mo ako tinulugan?” Pabalik na sagot sa kaniya ng binata.
“You should have woke me up!”
“I did. Ikaw ang hindi responsive.”
“Anong ginawa mo, bakit iba na ang damit ko?”
“Pinalitan ko po, Mahal na Reyna.” Puno ng sarkasmo na sagot nito.
Umismid siya at nakaramdam ng pagkalam ng sikmura, good thing at wala siyang morning sickness, usually ay afternoon sickness lang o di kaya sa gabi, ang lagi niyang nararamdaman ay matinding gutom. “What’s for breakfast?”
“What do you want, my queen?”
“Pancakes, bacon, butter, maple syrup, chocolate drink—No, not chocolate drink, it should be milk.”
“Meron pang stocks ang pantry natin . I will cook some.”
Napayakap si Helga nang iwanan siya ni Pierre sa silid. Hindi niya akalaing makakabalik dito sa silid na ito. It used to be peaceful, warm and lovely every morning, inviting at night. Kaya siguro napasarap ang tulog niya, finally, she’s home. Or, talagang napapasarap ang tulog niya dahil buntis siya. Napahaplos siya sa kaniyang tiyan. Nakita kaya iyon ni Pierre kagabi? Hindi man iyon kalakihan pero hindi din naman flat. Nagduda kaya ito?
She went straight to the shower and took a bath. Mabilis lang iyon dahil tinatamad naman talaga siyang maligo. She felt recharged after a long sleep, masyado siyang napagod sa pagdo-drawing. Hindi na niya uulitin iyon.
Napababa siya sa amoy ng pancakes. Nakita niya si Pierre na nakatalikod, his shorts lazily hung his waist. Dumiretso siya sa garden nang mapagtantong hindi pa ito tapos para tingnan ang mga halaman niya at napasinghap siya nang makitang may dahon pa ang mga iyon. Mga bagong sibol ang ibang halaman, at kahit karamihan ay brown na, alam niyang hindi pa ito patay.
“Denden! Chichi!” She greeted her orchids. Nagmadali siyang puntahan ang hose at pinaluguan ang mga halaman niya ng tubig, ganoon din ang iba pang halaman. Kinausap niya pa ang ilan. Hindi niya alam kung gaano siya katagal nalibang pero alam niyang matagal. She’s mesmerized with her plants kahit karamihan ay kalbo na.
Lumabas si Pierre mula sa pinto at tumabi sa kaniya, “Breakfast is ready.”
“Buhay pa si Denden at Chichi! Sabi mo patay na sila.” Ngumuso siya at tinanggalan ng tuyong dahon ang mga ito.
“I don’t know who they are.”
“Iuuwi ko sila—”
“No. Nandito sila hindi ba? Ibig sabihin, akin ang mga yan.”
Sumimangot siya, “Pinapatay mo naman sila!”
“Wala kang magagawa kung ano ang gusto kong gawin.”
“Hala..”
“Pumasok ka na sa loob, may pag-uusapan pa tayo.”
Wala sa sariling sumunod siya at saka umupo sa lamesa. Hindi siya masaya sa sinabi ni Pierre kaya nanatili siyang nakasimangot.
“Meron pa akong gustong revisions sa design, you have to meet me everyday for it. Meron akong oras tuwing hapon.” Business like ang tono nito, tumango siya.
“Pero pipirma ka sa kontrata ng Almonte Designs, hindi ba?”
“Is that your only concern? Ang mabigyan ng proyekto ang boyfriend mo?”
“Hindi ko nga sabi boyfriend si Travis.” Ungot niya.
“That is why he’s waiting for you to come home last night?”
“Paano mo nalaman—”
“Your phone was ringing endlessly, I need to answer it.”
“Hindi iyon kagaya ng iniisip mo.”
“Wala akong iniisp na kung ano, you can do whatever you want with your life, Helga.” Matabang na sabi nito pero sobra sobra naman ang epekto sa kaniya.
They both ate in awkward silence. Pagpatak ng alas-otso ng umaga ay may humintong sasakyan sa harapan ng bahay. Nang silipin niya iyon ay nakita niya ang sasakyan ni Travis. Bumaba ito doon at sinisilip ang anumang naroon sa loob. Mabilis siyang tumayo para salubungin ang kaibigan.
“Salamat sa pagtanggap kagabi. Salamat din sa project.”
“I will see you later this afternoon, pagtatrabahuhan mo ang lahat, Helga.”
Nanghihina siyang tumango. “I know.”
Dahil sa mundong ito, wala siyang makukuha sa paraang madali.
–
Lagi siyang pagod sa mga sumunod na araw simula nang magkapirmahan ang Floresca Corp at Almonte Designs. Pumupunta siya sa Laya Air para sa disenyo ng mall na ipapatayo ni Pierre na sobrang partikular hanggang sa pinakamaliit na detalye. It tires her so much but she’s not complaining. She make sure that she’s eating healthy, yon lamang ang tanging konsolasyon niya sa kaniyang sarili. Alam niyang isa sa mga araw na ito ay lalayo siya bago pa lumaki ang kaniyang tiyan, kailangan niya lang makakuha ng tamang timing.
“The tables should be here.” Itinuro ni Pierre ang gilid ng pader doon sa kaniyang drawing. “Masyadong distracting kapag nasa gitna.”
“Aesthetically, magandang tingnan kapag nasa gitna.”
“Convenience. Hindi iyan convenient.”
Huminga siya ng malalim at pinili na lang na hindi makipagtalo.
“Gutom ka na.” Parang nababasa iyon ni Pierre. Napakadali niyang mapagod at magutom. Ang tanging nagagawan lang ni Pierre ng paraan ay ang kaniyang gutom, ang pagod ay hindi dahil sinusulit nito ang oras na magkasama sila.
“Tatapusin ko ang revision.”
“You can put the tables at the middle. Huwag mo nang baguhin.” Nakikiramdam na sabi ni Pierre, “Anong gusto mong kainin?”
“Magpupunta na lang ako sa canteen.”
Huminga ng malalim si Pierre at nagtungo doon sa pansariling pantry sa loob ng kaniyang opisina. “I have tarts.” Inilagay nito sa kaniyang harapan ang mamahaling cheese tarts na pinipilahan ngayon. Natakam siya doon.
“These are mine?” Interesado niyang tanong.
“That’s mine. I’ll just share it to you.” Masungit na sabi ni Pierre. Tumango tango siya at parang naging maamong tupa.
“Bukas magbabaon ako ng pagkain. Napasarap kasi ang tulog ko kaya hindi na ako nakapagluto. Meron ka bang gusto, Pierre?” She thought of repaying his kindness.
“Kahit ano.” Flat ang tono nito.
Tumango muli siya at kumagat ng tart, “Afritada na lang kasi gusto mo non, di ba?”
Hindi kumibo si Pierre pero dahil sanay na siya sa pagsusungit nito, muli siyang ngumiti. “Ang sarap.” Hindi niya napigilang sabihin.
Kinabukasan ay sinadya niyang maagang gumising. Tiniyak niyang maipagluluto niya si Pierre ngayong araw dahil lagi na lang ito ang sumasagot ng kanilang pagkain. Panay mamahaling meryenda pa ang ibinibigay sa kaniya at kung aabutin sila ng dinner, mamahalin pa din ang mga pagkain.
“Uy, pakanta kanta pa si buntis!” Bati sa kaniya ni Stephanie nang lumabas ito sa kanilang kuwarto.
“Hi Steph!”
Lumapit sa kaniya si Steph at hinawakan muli ang kaniyang tiyan, “Ito ang makakatuluyan ng anak ko, ito ang makakatuluyan ng anak ko.” Bulong nito na parang nagcha-chant.
“Ano ka ba, baka parehas ang maging kasarian ng anak natin—”
“Ano naman? Love wins kaya! Nakapagisip na nga ako ng ipapangalan sa anak ko eh.”
“Parang buntis ah!”
“Naman! I will name my baby Sam . Pwedeng panlalaki, pwede din sa babae.” Nagkibitbalikat ito saka dumiretso sa banyo para maligo.
Napapailing niyang hinarap ang niluluto, she wanted to make it perfect for Pierre. Hindi niya alam kung bakit gusto niyang magpasikat, lagi lang naman siyang sinusungitan nito. Ang isiping iyon ay hindi nasira ang good mood niya.
She walked silently at Pierre’s office that afternoon. Nasa paperbag ang iniluto niyang ulam. Wala si Mara doon sa puwesto nito kaya dumiretso na siya sa opisina ni Pierre. Wala ito doon. Inilabas na niya ang sketchbook niya at inilatag iyon sa harap ng lamesa ni Pierre para maihanda.
She sat silently while waiting. Inihanda na niya ang kaniyang ngiti nang bumukas ang pinto pero napawi iyon nang makita niya kung sino ang naroon.
“Walanghiya ka! Anong ginagawa mo dito?” In her all red jumpsuit, her sister made huge strides toward her. Makapal ang makeup nito at ang mahabang buhok nito ay nakakulot pa.
“Helena, I—I will explain.”
“You will explain what? Na nilalandi mo ang fiance ko? Di ba sabi mo aalis ka na? Magpapakalayo layo ka na? Ito na ba ang malayo sayo?!” Mariing hinampas ni Helena ang kaniyang ulo. Gumawa iyon ng malutong na tunog.
“Helena, makakasama sa baby—”
“Makakasama ha!” Isang malakas na hampas muli sa kaniyang ulo ang pinakawalan nito. Sa pagkakataong iyon ay bumagsak siya sa sahig.
“Helena—”
Pumuwesto si Helena sa kaniyang likod at sinakyan siya mula doon, hinawakan ang mahaba niyang buhok at hinila iyon papaharap sa kaniya.
“Ang tagal ko nang nagpapasensya sayo!” Tili nito sa kaniyang mukha. “Wala kang utang na loob! Makakarating ito kay Daddy! Walanghiya ka! Malandi!” Diniinan nito ang kaniyang pisngi at kahit ang maiinit na luha sa kaniyang pisngi ay hindi ito napigilan. Nanlilisik ang mata ng kaniyang kapatid sa kaniya.
“Helena, please calm down..”
Bumukas ang pinto sa kaniyang pakiusap, “Helena!” Agad na sumaklolo si Pierre at binuhat si Helena papalayo sa kaniya. Kahit lamang yon ay ipinagpapasalamat na niya. Kahit hindi siya niti ipagtanggol ngayon ay ayos lang, basta mawala ang bigat nito sa kaniya.
“Pierre, what is that btch doing here?” Galit pa din si Helena na hawak ni Pierre sa magkabilang braso para hindi siya malapitan.
“Helena, ang kumpanyang pinagtatrabahuhan ni Helga ang nakakuha ng kontrata sa mall.”
“What? Ang pipitsugin na yan? Oh my god.”
“Helena..” Nag-aalala ang boses ni Pierre.
Pinilit niya ding tumayo kahit nakakaramdam ng pagkirot sa tiyan.
“I don’t want to see her!” Malakas na sigaw ni Helena sabay kapit sa tiyan nito. “Oh my god, Pierre. Sumasakit ang tiyan ko..”
“Helena..” Tawag ni Pierre. Pati siya ay binalot ng pag-aalala sa kapatid.
“I am sorry, Helena.” Hikbi niya.
“Pierre, paalisin mo si Helga! Mawawala ang baby natin kapag hindi mo pinaalis ang babaeng yan! I swear!”
Humarap sa kaniya si Pierre at malungkot ang mga matang tiningnan siya. Hindi na nito kailangang magsalita pa. Mahina siyang tumango at mabagal na naglakad papalabas ng opisina. Naririnig niya pa ang malakas na pagtangis ni Helena na umiinda ng matinding sakit. Naaawa siyang tiningnan ni Mara na parang narinig ang lahat ng pangyayari.
Helena yelped in pain again. Naestatwa siya kundi pa bumangga sa kaniyang balikat ang pwersa ni Pierre na pangko si Helena sa mga bisig nito. Napaawang ang labi niya sa nakita. Alalang alala si Pierre. Ganoon din siya. Hindi matatanggap ng konsensya niya kapag nawala ang baby ni Helena dahil sa kaniya.
“Magbabayad ka Helga!” Paulit ulit na sigaw ng kaniyang kapatid.
Humihikbi siyang naglakad papalabas ng opisina ng Laya Air. Ang lahat ay tinitingnan siya nang may panghuhusga pero hindi niya alintana. Pinunasan niya ang luha pero may panibagong lalabas na naman sa kaniyang mukha.
“Ma’am Helga, ikukuha ko na po kayo ng taxi.” Magalang na sabi ng guard sa kaniyang tabi nang makalabas na siya nang opisina.
Tumango siya pero hindi niya na natuloy ang pagkilos. She felt throbbing pain in her stomach and excessive flow of liquid from her lady part. Mainit at madami. Napaawang ang bibig niyang tiningnan ang sarili. Slowly, blood flowed to her lower extremities. Nakita niya ang kamay niyang tinatakasan ng kulay ngunit ang mapulang dugo at bumabagsak mula sa ilalim ng kaniyang dress.
“Ma’am Helga.” Narinig niya pa ang kinakabahang boses ng guwardiya. Maagap itong nakalapit at sinalo siya sa kaniyang likod.
“Emergency! Emergency! Magpadala kayo ng sasakyan sa main entrance!” Sigaw nito sa walkie talkie. Unti unting nanlalabo ang kaniyang paningin at nawawalan ng lakas ang kaniyang tuhod.
“Ang baby ko..” That was her last words before she fainted.
♁☆♁☆♁☆♁☆

Thanks for reading! Votes and Comments are appreciated. Offensive comments will be placed on MUTE.
Social media accounts:
Facebook Account: Mari Kris Ogang (Makiwander)
Facebook Page: Makiwander
Facebook Group: WANDERLANDIA
Twitter & Instagram: Wandermaki
Go to my wattpad profile and follow me for more stories.
Helga x Pierre 24
PIERRE
“You nearly fainted.” Nagmatigas si Pierre na ibaling ang manibela papuntang ospital pero matigas si Helena sa pagpaling nito sa kabilang banda. Inaagaw ang kapangyarihan sa manibela mula sa kaniya.
“Helena!” Suway niya.
“I am okay, Pierre! You are exagerrating!”
“Paanong hindi? Anak ko ang dinadala mo. Nahilo ka, sumakit ang tyan mo. We should have it checked. Hindi ka ba natutuwang may pakialam ako?”
“Really, Pierre? May pakialam ka lang dahil buntis ako!”
“Of course! Di ba yun naman ang dahilan nang lahat ng ito?”
Kitang kita niya ang pamumula ng mukha ni Helena sa galit. Hindi hinayaan ni Helena na siya ang may kontrol, humawak din ito sa manibela at kinontra ang direksyon niya hanggang sa halos sumayaw ang sasakyan sa gitna ng kalsada.
“Helena!” Awat ni Pierre ngayon ay nabitiwan na ang manibela. Helena maneuvered it as if she was on the driver seat and it was too late before they realized that there’s an approaching ten-wheeler truck.
Tumili si Helena, napapikit na lang siya.
Isang malakas na pag-salpok ang kaniyang naramdaman, niyanig ang kaniyang mundo, ramdam niya ang mainit na dugo ang gumapang sa kanyang sentido. Hanggang sa unti-unti ay nawalan siya ng malay.
–
HELGA
“Naku, buti ay okay lang si kuchi-kuchi baby!” Maingat na hinaplos ni Stephanie ang kanyang tiyan. Natatakot siyang bumangon, kahit ang pag-ihi, kinakatakutan na din niya dahil baka maiflush niya sa inidoro ang pinakaiingatan niya.
“Ayos lang ba talaga ang baby ko, Stephanie?”
“Oo, kahit OA ang bleeding mo nung dalhin ka dito, in fairness, okay naman daw. Malakas ang heartbeat ng baby. Andon si Trav, kausap ang OB mo. Ang sabi naman, makakalabas ka naman today or tomorrow. Kailangan mo ng bed rest for a week. Tapos follow up check up. Nakakaloka ang Baby mo. Gusto na atang mag-resign sa kadramahan mo sa buhay o baka best in acting din kasi kunwari malalaglag siya para mag-cause ng panic.”
“Na-stress lang siguro ako. Nag-alala ako kay Helena. Sana okay lang siya.”
“And the Martyr Award goes to—”
“Steph..”
“Oo na! Ang sinasabi ko lang naman kasi sayo, bago mo isipin ang ibang tao, sarili mo muna. Kayo muna ng anak mo. May anak ka din, tandaan mo yan.”
“I know. Siguro hindi na lang muna ako babalik sa Laya Air.”
“Anong siguro? Oo, sigurado. Ang sabi ni Travis, kung mag-iinarte daw si Pierre at magrereklamo dahil wala ka doon, hahayaan na niya ang kontrata na mabalewala.”
Nagulat siya at hindi napakali. Yun na nga lang ang sinuguro niya, mababalewala pa. Sisisihin niya pa din ang sarili niya kapag nawala kay Travis ang proyekto.
“Teka, hindi naman pupwede yon. 10% na ang nasisimulan. Saka awarded na ang project. Hindi pupwedeng balewalain iyon ni Pierre.”
“I know. Just in case lang. Pero ikaw, hindi ka na muna pupwedeng mag-trabaho. Gets mo ba?
Tumango siya pero sa likod ng kanyang isip ay mayroong nabubuong sariling plano. Hindi natapos ang araw na iyon na hindi niya naisasagawa ang naiisip. Kahit mahina pa ay kinuha na niya ang cellphone niya para tawagan ang kaisa-isang kamag-anak na may tiwala siya. Hindi niya alam kung bakit ang gaan ng loob niya dito. At sana nga ay tama siya ng kutob dito, sana hindi ito kagaya ng mga magulang niya.
“Tita Mariana.” She called.
“Helga! Darling..” Malambing na tugon nito.
“G-gusto ko lang pong tanungin kung.. Kung alam ninyo kung nasaan si Uncle Ulysses.” Pumikit siya. Mariin.
Ilang segundong natahimik ang kabilang linya.
“Tita Mariana..”
“So you know..”
“Tita?”
Hindi niya alam kung may nakakaalam pa sa katotohanan sa likod ng kaniyang pagkatao pero ayaw niyang mag-assume na meron. Hindi niya gusto ang pakiramdam na para pala siyang tanga pinagtaguan ng lihim na iyon, alam pala ng lahat bukod sa kaniya.
“Alam naming mga uncle at auntie mo yon, Helga. But I am not sure if you should see Ulysses, matagal na panahon na. Pinutol na niya ang ugnayan sa mga Ortega. Besides, we don’t know what kind of life he’s living now.”
“Tita, gusto ko siyang makilala. Gusto ko siyang makaharap.”
“But Helga..”
“Tita, please.”
“Well. He’s..” Bumuntong hininga si Mariana. “He’s living by the name of Elias Costa now.”
Napakunot ang noo niya, “Elias Costa? Hindi ba yon ang sikat na furniture brand?”
Nabasa niya iyon sa mga prestihiyosong magazines, ang tatak na Elias Costa ay pinagkakaguluhan sa ibang bansa mula sa furniture, hanggang sa make shift houses, bunk houses at customized buses and coasters. Lahat ng furniture na gawa nito ay binibigyan ng pag-papahalaga sa design industry, ito ang pasimula ng trend, if there’s such thing, tapos gagaya ang iba. Yun nga lang ay wala pang napapaunlakan na interview ang designer ng Elias Costa. Kahit write ups ay hindi nagbigay. She doesn’t even know that Elias Costa is a Filipino brand, akala niya ay Italian.
“Tao si Elias Costa and he’s Ulysses Ortega, your father. He’s based in Cebu. Namumuhay mag-isa at matahimik. Malayo sa limelight.”
“Pero sikat siya..”
“I know! Have you seen his latest designs? Brad Pitt went ga-ga over it. Nakaabang na ang Hollywood media sa pag-deliver ng dual purpose tables niya doon sa bago nitong bahay. And oh, I heard James Franco’s dream van house will be designed by him as well. Binibiro ko nga siya na igawa ako, kahit yung resthouse ko sa Tagaytay but he turned me down..” Malungkot na natawa ang kaniyang Tiyahin. “He doesn’t miss his family. Traumatic ang nangyari sa kaniya noon. Walang pumanig sa kaniya maliban sa akin.”
“Pero inagaw niya si Mommy kay Dad.”
“Yun ba ang sinabi sa iyo?”
“Meron po bang ibang bersyon?”
“Well, I don’t know. But between Adriana and my brother, I believe in my brother.”
“And that is?”
“Adriana loved Ulysses. Humanap siya ng atensyon dahil masyadong busy si Mauro sa negosyo. Ulysses tried to ignore Adriana’s advances pero nakagawa pa din ng paraan. It was just one fateful night. Nahuli sila sa kama ni Mauro, parehas na lasing. Sinabi ni Adriana na sasama siya kay Ulysses pero hindi pumayag si Mauro at ayaw din naman ni Ulysses. Sa takot na madungisan ang pangalan ng aming pamilya. Nilunok niya ang kataksilan ni Adriana sa kaniya. Two months later they learned that Adriana was pregnant with you and everyone knows it is not Mauro’s, he never dared to touch your mother during those times, sa ancestral house pa nga namin umuuwi pagkagaling sa trabaho. Kawawa si Helena noon, walang nag-aasikaso.”
Hindi niya maintindihan kung bakit naluluha siya sa kuwento ng kaniyang Tiya. Parang napapanood niya kasi ang nangyari nung nakaraan. Or, nakaka-relate siya. O nakakaiyak lang talaga na mabilang sa pamilya na maraming drama. Hindi niya maimagine kung paano siya nalugmok sa parehas na sitwasyon.
“Tita, can you give me the address of Uncle Ulysses?”
“Helga..” Parang nagulat pa ito sa hiling niya.
“I just want to know him. Wala akong kahit na anong hihingiin. Hindi ko siya guguluhin, you know me Tita Mariana.”
“Tanungin ko muna kaya kung gusto ka niyang makausap? Alam mo naman yon. I don’t want him to hate me kapag bigla kang sumulpot doon. Kahit ako ay hindi basta bastang hinaharap non kahit ako lang ang nakakausap niya sa pamilya.”
“I don’t even need to tell him that I am his daughter. Gusto ko lang siyang makita, Tita.” Namaos ang kaniyang boses. Bakas ang hinagpis at mahabang taon na pangungulila sa bagay na kahit hindi niya alam ay nangulila talaga siya. She missed her biological father already, kahit hindi pa man niya ito nakikilala.
“Okay. I will text you the address.”
Ilang minuto nang tapusin nila ang pag-uusap ay dumating na ang mensahe ni Mariana kay Helga. Laman non ang address ni Ulysses Ortega o Elias Costa. Wala ng ibang impormasyon kundi iyon lang.
Cebu. Kailangan niyang makarating don.
PIERRE.
“How was Helena? How was our baby?”
“Pierre, calm down..” Pinigilan siya ng kaniyang ina na kumilos. “May pasa at sugat ka pa. Helena’s alright. Still recuperating but she’s fine.”
Hindi niya alam kung ilang oras siyang walang malay pero nang magising siya ay binalot siya ng pag-aalala para kay Helena lalo na sa anak niya. Pinagsisihan ang pakikipagtalo sa babae, kung sana ay hindi, hindi sana sila humantong sa ganito. The incident could have killed them. Bahagya lang siyang kumalma nang merong pumasok na lalakeng doktor sa kaniyang silid.
“Doc.”
“I am Doctor Reyes. Mr. Floresca, okay naman ang vital signs mo. Meron kang mga pasa at sugat dahil sa salaming nabasag, wala namang fracture so nothing to worry about. Mabuti at agad na nakaiwas ang truck kaya parehas na walang casulaties.”
“How about Helena? Our baby?”
“Helena’s sleeping. Nabugbog din ang katawan. Baby? What are you talking about?”
“Doc, Helena’s pregnant..” Sambit ng kaniyang ina.
Nilingon ng doctor ang nurse, “Can you perform HCG test on her blood samples? TransV, too. ASAP.”
“Yes, Doc.”
“I can’t understand. We performed ultrasound of the whole body to see if there’s damaged internal organs when you arrived here, pero wala naman kaming nakitang sac sa ultrasound. Wala namang vaginal bleeding si Miss Ortega kanina bukod sa ilang bahid ng dugo sa mga sugat sa katawan..”
“Walang baby?” Nagsalubong ang kilay ni Pierre. Nagduda. Mayroon na siyang hinala pero hindi niya maiisip na gagawa si Helena nang ganoong kalaking bagay. She won’t pull that off.
“We won’t conclude, ipauna muna natin ang tests pagkatapos ay babalik ako dito.”
Hindi siya nagsalita habang kinakausap ng kanyang ina. Kinukumbinse siyang kumalma. Hindi niya alam kung bakit sinasabihan siya ng ganon, hanggang sa mapansin niyang sa sobrang diin ng pagkakuyom ng kaniyang kamao ay nawalan halos ng kulay iyon.
Bumalik si Doctor Reyes pagkalipas ng isang oras. Merong dalang papel sa kamay.
“Mr. Floresca, I am sorry to tell you this pero walang bata sa sinapupunan ni Miss Ortega. We don’t know yet if she lost it during the accident. Ilang araw pa ang lilipas para makuha ang HCG result niya, doon natin malalaman kung talagang buntis siya before the accident at talagang nawala lang ito sa aksidente pero base sa result ng ultrasound ay walang kahit anong tanda na mayroong nabubuong bata doon.”
“Ano?” Napanganga ang ina ni Pierre sa narinig. “What do you mean, Doc? She’s lying? Faking her pregnancy?”
“Intayin na lang siguro nating magising ang pasyente. Siya na lang ang kausapin ninyo.”
“Pierre!” Gulat ang kanyang ina nang bigla siyang tumayo sa kama. Hila hila ang nakakabit na swero sa kaniya.
“I need to talk to her.”
“Mr. Floresca, magpapatawag lang ako ng wheelchair.” Inalalayan siya ng doktor pero pinalis niya iyon.
“I can manage. Hayaan ninyo ako. Nasaan siya?”
“Nasa room 505 po si Miss Ortega. Tulungan ko na po namin kayo.” Naging maagap ang lalaking nurse sa paghawak sa kaniya, isang babae naman ang nagtulak na de-gulong na swero. Masakit pa ang katawan niya, oo, pero hindi na siya makapag-intay. Ramdam niya ang panlalamig ng kaniyang sikmura at mas matindi ang galit niya kaysa sa kaniyang katawan.
Nagsinungaling si Helena. Hindi niya maisip na gagawa ito ng ganon. Kailangan niya itong makausap.
“Dito na.” Mahina ang boses ng babaeng nurse.
“Room 503 pa lang.” Sabad nung lalakeng nurse.
“Ay, nalito ako.” Mahinang natawa ang babae, “Helga Ortega kasi ang nakalagay. Helena pala si Ma’am.”
“Helga.” Natigilan siya nang makita ang nakasulat sa gilid ng pinto ng silid at tinitigan iyon nang bumukas ang pinto at iluwa ang pamilyar na mukha.
“Mr. Floresca?” Takang tanong ni Engineer Travis Almonte sa kaniya. Sinipat siya mula ulo hanggang paa.
Bumukas muli ang pinto ng silid ni Helga at may babaeng lumabas doon, pamilyar din sa kaniya, ang kaibigan ni Helga na si Stephanie.
“Trav, gusto daw ni Helga ng—” Napatingin din sa kaniya ang babae at hindi naituloy ang sasabihin. “Ng—ng—world peace. Alam mo naman yun.” Hinila muli ng babae si Engineer Almonte papasok doon sa silid, mabilis ang naging pagsara non. Napakurap kurap siya.
“Dito po, Mr. Floresca.” Aya sa kaniya ng lalaking nurse pero hindi siya nakakilos.
Umangat ang kamay niya para kumatok sa silid na nasa harapan. Isa. Dalawa. Tatlo. Walang nagbukas.
“Mr. Floresca.” Awat sa kaniya ng lalaking nurse. Akmang hahawakan siya nito nang binuksan niya ang pinto sa kaniyang harapan.
“Ay tinapay!” Lumipad ang dalawang slice bread sa hangin na inihahanda ni Stephanie nang buksan niya ang pinto. Nakita niya sa hospital bed si Helga, mahimbing na natutulog at balot ng comforter sa katawan. Kahit hirap siya ay pinilit niyang lumapit sa kama nito.
“Anong nangyari sa kaniya?”
“Mr. Floresca—” Lumunok si Engineer Almonte.
“LBM!” Mabilis na sagot ni Stephanie.
“LBM?”
“Oo, amoebiasis. Medyo malala. Nadehydrate.”
“Ayos pa siya kanina ah?” Nagsalubong ang kilay ni Pierre.
“Joke lang niya yun. Di talaga siya okay. Ayan, naospital.”
Tinuon niya ang mukha sa namumutlang dalaga. Di niya maiwasan na mapatitig sa mala-anghel nitong mukha dahil gumagaan ang loob niya. Unti unting kumunot ang noo ni Helga at kumilos ang labi bago dahan dahang nagmulat.
“Pierre?” Napasinghap ito nang mapagtanto ang itsura niya. Pinanlakihan pa ng mga mata. “A-anong nangyari sayo?”
“Helga.. Kalma ka.” Maagap na dinaluhan ni Engineer Almonte si Helga. Napakuyom ang kamao niya nang makita niya kung paano ito hawakan ng Engineer sa likod at kamay.
“Anong nangyari sayo, Pierre? Okay ka lang ba?”
Lumapit ulit siya. Mas malapit pa. Pinilit ni Helga ang maupo kahit halatang nanghihina ito.
“Anong masakit sayo?” Tanong niya imbes na sumagot sa tanong ni Helga.
Mabilis na umiling ang dalaga. Parang takot na malapitan niya, sumiksik ito kay Engineer Almonte at ngayon ay naramdaman na niya ang sakit na mas masakit pa sa sugat at mga pasa niya.
“W-wala.”
“Sabihin mo yung totoo, Helga. Anong masakit? You don’t look okay.”
“Hindi ka din mukhang okay, ano bang nangyari sayo?”
“Nadapa.”
“Nadapa?” Kumunot ang noo nito, halatang hindi naniniwala, ngumuso at napangiwi. “Nadapa lang yan?”
Tumango siya.
Balewala kung hindi ito naniniwala sa kaniya dahil hindi din naman siya naniniwala na ‘wala’ lang kung bakit ito nasa ospital.
“Ikaw?” Anas niya.
“Sumakit ang tyan ng—ng kaunti. Medyo lang.”
“Sumakit lang ang tiyan mo niyan?”
Tumango din si Helga.
“Mr. Floresca,” Tawag muli sa kaniya ng nurse. Ayaw niyang umalis. Ayaw niyang iwan si Helga pero mas sumiksik ito kay Engineer Almonte at nakaramdam ulit siya ng mas masakit pa doon sa sugat niya.
“Umalis ka na, Pierre. Gusto kong magpahinga.”
Marahas siyang napabuga ng hangin, “Magpagaling ka.” Tanging nasabi niya.
“Ikaw din.” Malamyos na bulong ni Helga.
Humakbang siya papalabas. Mababagal at maliliit na hakbang lang iyon. Bumalik lang siya sa kasalukuyang nang sarhan ng nurse ang silid ni Helga. Labag man sa kalooban niya ay may kailangan siyang harapin.
Yun ay ang katotohanan.
♁☆♁☆♁☆♁☆
Thanks for reading! Votes and Comments are appreciated. Offensive comments will be placed on MUTE.
Social media accounts:
Facebook Account: Mari Kris Ogang (Makiwander)
Facebook Page: Makiwander
Facebook Group: WANDERLANDIA
NOTE: Answer the SECURITY QUESTION so that you will be approved
Twitter & Instagram: Wandermaki
Go to my wattpad profile and follow me for more stories.
Helga x Pierre 25
PIERRE.
Lumilipas ang oras habang nakaupo siya sa malapit sa bintana ng kuwarto. Tinititigan si Helena, ang babaeng dati niyang minahal. He noticed a lot of things he doesn’t even noticed before. Mas mukhang matapang ito kaysa kay Helga. Her features although all in all beautiful, weren’t soft but more on savage, vicious.
Tingin niya ay hindi sapat ang napakaraming taon para lubusan niya itong makilala. How could she not respect his choices? Bakit ito nagsingungaling? If loving is giving, then what is this?
Bahagyang kumilos si Helena hanggang sa unti-unting nag-mulat. Nag-hanap ang mga mata nito sa paligid ng ospital at dumako sa kaniya ang mga mata.
“Pierre..” She called.
“How are you feeling?” Pormal niyang tanong. Tipid na ngumiti si Helena.
“Medyo masakit ang katawan but I guess I am okay.”
“Wala ka bang ibang tatanungin? Kukumustahin?”
Kumunot ang noo nito, “What do you mean?”
“Helena, you know that I loved you and I still care for you. Bakit nagawa mong magsinungaling?”
“What are you talking about?” Umiwas ito ng tingin.
“You know what I am talking about.” Mabagal siyang tumayo at lumapit kay Helena. “I said I am sorry if I fell in love with your sister. Hiningi ko ang pang-unawa mo, Helena. Bakit ka ganiyan?”
Kumislap ang mga mata ni Helena at kinulumpon ang kumot malapit sa kaniyang dibdib.
“Parang hindi na kita kilala, Helena. I’ve know you since we were kids!”
“Ayun na nga, Pierre! You’ve known me since we were kids. You loved me in all those years. Bakit si Helga pa? Nakita mo naman na siya noon, di ba? Bakit hindi siya na noong una pa? Bakit kailangan pa akong mapahiya ng ganito!”
“You are the world that I know, Helena but I tripped and saw the world where anything goes, that’s Helga. She turned my world upside down. She taught me the real meaning of love. She’s honest. The most honest being I’ve ever known.”
“Honest? Mang-aagaw siya!”
“Sinungaling ka! Bakit sinabi mong buntis ka, Helena? Ano pa ang kasinungalingang nagawa mo? Na walang nangyari sa atin?”
Malakas na umiyak si Helena, iyak ng hinagpis, kahit ganon ay wala siyang nararamdamang awa. Gusto pa niya itong kumprontahin kung hindi lang ito nakahiga sa kama at kagaya niya ay mahina pa dahil sa aksidente.
“You betrayed me, Pierre! You broke your promise. Ako lang noon. Ako lang!”
“Nagbabago ang lahat, Helena. I am sorry but the engagement is off.”
“Magpapakamatay ako, Pierre! I will tell you! Magpapakamatay ako!”
Natigilan siya, napapailing na tiningnan si Helena.
“A selfish person like you won’t have the guts to die. And if you would, know that I will never ever feel guilty for your decisions, Helena.” Naglakad na siya papalabas ng silid ni Helena.
“Pierre!”
“You know what’s worse than dying?” Tumigil siya bago buksan ang pinto.
“It is actually being with the person who doesn’t love you. Magpagaling ka, Helena. Thanks for the good memories.” Pagkasabi non ay lumabas na siya ng kuwarto nito. He took time carrying his weight and dextrose.
Napatingin siya sa silid ni Helga nang mapadaan siya doon. Natutukso siyang pumasok pero nang makita niyang madaling araw na ay hindi na niya itinuloy. Hinayaan na niya itong magpahinga.
Bukas ay kakausapin niyang muli ito.
HELGA
“Eehh! Ang aga aga pa! Wala pa si Mr. Sun!” Pumikit si Stephanie at sumisik sa pader na katabi ng visitor’s bed.
“Gusto mo bang maabutan pa si Helga ng mga magulang niya? Kung ano ano na naman ang sasabihin ng mga yon! Bawal mastress si Helga.” Giit ni Travis. “O iwan na lang kaya kita diyan?”
Biglang bumangon si Stephanie at antok na napatingin kay Helga na nakaupo na sa wheelchair at handa nang itulak ng nurse papalabas ng ospital.
“Kayo naman, biro lang! Gising na gising na nga! Gusto ko na ngang magzumba!”
Madilim pa nang lumabas sila sa ospital. Nakaabang na ang van na susundo sa kanila. Inaalala pa din niya ang kalagayan ni Pierre. Hindi siya naniniwalang nadapa lang ito. Alam naman niyang uto-uto siya pero hindi naman ganon kagrabe.
“Travis, hindi mo ba talaga alam kung bakit nasa ospital si Pierre?” Tanong niya nang magsimula nang umandar ang sasakyan nila.
“I tried to ask pero hindi naman pupwedeng idisclose ng hospital staffs ang kaso ng mga pasyente nila. Kaya ang kalagayan mo, tiyak na hindi din nila malalaman kung ano kaya huwag ka nang mag-alala.”
Tumahimik siya. Hindi naman yon ang inaalala niya. Baliw na ata siya dahil nag-aalala talaga siya ng husto kay Pierre. Hinaplos niya ang tiyan niya.
‘Sana okay lang si Daddy..’ Bulong niya sa isip niya.
“Travis, pupwede ba akong mag-book ng flight to Cebu next week?”
“Cebu? Bakit?”
“May gusto lang akong makausap.”
“Hindi ka naman binawalan bumyahe pero magpalakas ka muna. Importante ba iyon?”
Tumango siya.
“Okay, sasama si Stephanie.” Desisyon ni Travis.
“Cebu? G! Yehey!” Singit ni Stephanie na nakikinig sa usapan.
“I will book a ticket for you. Make sure na hindi na naman yan sa isa sa ikaka-stress mo, Helga. I’ll go nuts worrying about you.”
“Ang sweet ni Gingineer !” Singit ni Stephanie.
“I will do the same for you, Steph. You know that.”
“Uyy..” Helga teased, hindi kumibo si Stephanie at tumingin sa labas ng bintana kung saan nagsisimula nang lumiwanag.
Sa vacation house ng mga Almonte sa Nueva Ecija sila tumuloy ng ilang araw. Natuwa siya sa ideya ni Travis dahil nakalanghap siya ng malinis na hangin kahit papaano.
“Steph..” Tawag niya sa kaibigan na nakatanaw sa malawak na bukirin sa likuran mismo ng bahay ng mga Almonte. Nakaupo ito sa bangko na gawa sa kawayan. Tumabi siya dito at ngumiti.
“Bakit hindi ka pumapasok sa school?”
“Ikaw, bakit hindi?” Ginulo ng hangin ang mahabang buhok ni Stephanie, inilabas non ang kulay pink na strands doon.
“Magulo ang buhay ko.” She smiled bitterly.
“What makes you think na maayos ang sa akin?” Mahina itong natawa. “Kala mo ikaw lang ang drama queen?” She asked her.
“M-may problema ka din?”
“Lahat naman ng tao may problema, nasa nagdadala lang yan. Sa case ko, financial. Hindi ako kayang pag-aralin ng erpats ko. Nag-offer naman yan si Travis na pag-aralin ako. Ewan ko ba dun, ang bata bata saka ang gwapo para maging sugar daddy, pero tumanggi ako. Mukhang mas masaya ang adventures mo so bubuntot muna ako sayo. Sabay na lang tayo mag-school kapag ayos na ang lahat.”
“Salamat, Stephanie, ha. Saka sorry din. Kasi kailangan mo akong samahan.”
Malapad na ngumiti ang kaibigan niya, “Ano ka ba? Bingi ka ba? Mas nag-eenjoy ako na ganito. Huwag mo akong isipin. Hindi ako sanay na may nag-iisip sa akin.”
Mahinang natawa si Helga, ginulo ang buhok ni Steph, “Sana maging masaya ka.”
“Ikaw muna. Huwag mo akong isipin. Akala mo naman nagtatatalon ka sa tuwa diyan sa point ng buhay mo. Handa na ba ang gamit mo para sa flight natin mamaya?”
Tumango siya.
“Hay, ang weird ng buhay mo!”
“I know, Steph.”
“But I am excited! Cebu!!!”
Kinahapunan ay tumulak na silang pa-Maynila para sa panggabing flight nila to Cebu. Business class pa ang kinuha sa kanilang ticket ni Travis para kumportable siya. She cannot thank Travis enough. Pag-upo pa lang niya sa eroplano ay naramdaman niya ang kakaibang kaba, kaba dahil sa unang pagkakataon, naging mapayapa siya, hindi iyon normal para sa kaniya.
“Maayong Pag-abot diri sa Cebu, Miss Helga and Miss Stephanie!”
Isang lalaking nakaunipormeng pang hotel na mayroon pang hawak na plakard kung nasaan ang pangalan nilang dalawa ang sumalubong sa kanila. May kasama itong kumuha ng gamit nila at dinala sinamahan sila hanggang sa waiting area ng airport.
“Ang bongga ni Gingineer! Sa five star hotel pa tayo pinagstay. Gaano ba tayo katagal dito? Uubusin ba natin ang kaban ng bayan niya?”
“Hindi, Steph. Dalawang gabi lang tayong naka-book doon. Kailangan magawa ko na ang pakay ko sa loob ng tatlong araw. Bukas ay pupunta tayo sa workshop ni Elias Costa.”
“Oh my freaking gosh! I am so excited! Andun kaya siya?” Tanong ni Stephanie habang sumasampa sila sa van.
“Hindi ko alam..”
“Alam mo ba ang itsura niya?”
“Hindi eh,”
“Sabagay wala namang lumalabas na litrato niya sa internet. I couldn’t believe na tao siya! Akala ko talaga brand name lang. Kaya pala napakagaling mong magdrawing, may pinagmanahan ka.”
Inuna nila ang pag-papahinga nang makarating sila sa resort. Kinaumagahan naman ay namilit si Stephanie na magpaaraw kahit kaunti kakalabas pa lang halos ng araw. Pagkagising nga niya ay nakabathing suit na ito na pinatungan lang ng oversized shirt.
“Mag breakfast muna tayo tapos paaraw naman tayo. Ang ganda ng beach sa Mactan!”
“Kaya pag inaya ka ni Travis ng kasal, pumayag ka na.. Tingnan mo ang kaya niyang ibigay sayo.”
“Naku, running for Ninong yun kaya ganito ang inaalay sayo. Nadadamay lang ako.”
Umirap si Stephanie at naglakad papalapit sa pinto.
They had buffet breakfast. Sinulit ni Helga ang mga pagkaing nakahanda sa buffet table. She felt she ate enough for lunch. Hindi siya gumaya kay Stephanie na nagsuot ng swimwear pero sumama siya sa beach area at umupo sa isa sa mga sun lounger na merong bubong. She watched Stephanie took a dip, seryoso talaga sa pag-langoy.
“Goodness, sayang ang punta natin dito, hindi na sila nagpapapasok sa worskop ng Elias Costa .”
Helga was stilled. Pinanood ang dalawang babaeng nasa mid-forties na nag-uusap sa katabi niyang sunlounger.
“We are willing to buy! Gusto kong punuin ang bahay ko ng Elias Costa furnitures. Bakit 100 lang ang pupwedeng pumasok ngayong buwan?”
“Excuse me.” Hindi na niya napigilang kunin ang atensyon ng dalawang nag-uusap. “Yung Elias Costa po ba ang tinutukoy niyo na merong workshop sa Mandaue?”
“Yes, Hija. Naku, umasa kaming mabigyan nang magbukas sila ng slot last week, pero ubos na pala. Hay, sayang. Bakit? Are you interested with the furnitures?”
“O-opo sana.”
“Oh my, I don’t think you can see the furnitures. Sayang din pala ang ipinunta mo. Anyway, you can enjoy the view here in Cebu, our trip isn’t really a waste.” Pang-aalu pa sa kaniya ng babae.
Bumalik siya sa villa nila ni Stephanie matapos niyang magpaalam sa kaibigan na naroon pa din sa dagat. Hindi siya dapat mawalan ng pag-asa. Itutuloy pa din niya ang plano niyang pumunta sa workshop. Iyon lang ang address na ibinigay ng Tita Mariana niya, wala ng iba pa.
Naghanda na siya para umalis nang dumating si Stephanie at nagshower din ng mabilisan para masamahan siya.
Sumakay sila ng taxi, panay ang kuha ng litrato ni Stephanie sa mga nadadaanan pero hindi siya mapalagay sa halos isang oras na byahe papunta sa Mandaue. Wala pa siyang nabubuong litanya sa isip kung paano haharapin ang totoong ama.
Nanginginig ang tuhod niya nang umapak siya sa malapad na two-floor building ng Elias Costa . May mga magagarbong sasakyan ang nakaparada sa paligid, pero hindi crowded ang parking area. Magalang na ngumiti ang guwardiya sa kanila ni Stephanie.
“Maayong Buntag.”
“Magandang araw din, Kuya. Gusto ko lang itanong kung nandiyan si Elias Costa.”
Kumunot ang noo ng guwardiya.
“Titingin po kayo ng Elias Costa?”
“Hindi, Kuya. Hinahanap ko po si Elias Costa.” Palagay ni Helga ay may language barrier lang sila pero nang kumunot ang noo nito at nakangiwing ngumiti, alam na niyang hindi din nito kilala si Elias Costa.
“Pasok kayo.” May babaeng nagsalita sa kanilang likuran. A modelesque woman probably in her late twenties welcomed them. Nakasuot iyon ng pulang turtleneck blouse at puting skinny jeans.
“Maayong Buntag, Miss Julia.” Bati ng guwardiya sa babae.
Tumuloy sila sa loob ng workshop ng Elias Costa. Malamig at tahimik sa loob ng workshop na may saliw pang mahinang instrumental music sa loob. The whole building smelled expensive lavender kaya nakakarelax. May iilang tao na naroon na tumitingin ng furnitures na inaasikasong mabuti ng mga staff na nakasuot ng slick suits at gloves.
Pinanlakihan ng mga mata si Stephanie base pa lang sa natatanaw nilang designs mula sa kinatatayuan nila. Mga make-shift chairs at tables na mayroong nakakaengganyong kulay. Some are even rainbow colored.
“He’s a furniture god!” Bulalas ni Stephanie habang nakanganga.
“How did you know Elias Costa?” Seryoso siyang tiningnan ng babaeng nagpapasok sa kanila.
“Is he here? Pupwede ko siyang makausap?”
“No, you can’t but how did you know him? Reporters ba kayo?”
“Ah, hindi. Hindi.” Tanggi ni Stephanie. “Siya ang—”
“I am a relative of Elias Costa, I want to talk to him.”
“Relative?” Kumunot ang noo ng babae. Tumango siya.
“Sa pagkakaalam ko ay wala na siyang pamilya.”
“Kulang ang impormasyon mo. Kailangan ko siyang makausap. Importante.”
Kumunot ang noo ng babae, “Hindi siya basta bastang kumakausap. Isa pa, wala siya dito.”
“Wala?” Gumuho ang kaniyang pag-asa.
“Hindi siya dito nag-lalagi. I will need to ask his permission bago ka niya kausapin. I am Julia Schenker, his secretary. Sumunod kayo.”
Tumunog ang takong ni Julia habang sinusundan nila. Tumigil ito sa isang silid at mayroong pinindot. Bumukas ang automatic door na sumara din naman agad nang makapasok nila. Kinuha ni Julia ang wireless telephone nito at nagdial doon.
“Mr. Elias, you have a visitor.” Narinig niya si Julia. “I know but she said she’s a family, No Sir.. Yes Sir..” Nilingon siya ni Julia.
“What’s your name?”
“Helga.. Helga Maurice Ortega. Anak ni.. Mauro at Adriana.”
Sinabi ni Julia ang impormasyon niyang sinabi pagkatapos ay binaba nito ang telepono.
“Saan kayo nag-istay?”
“Sa Crimson Resorts.”
Tumingin ang babae sa wristwatch, “Ipapasundo ko kayo ng motorboat papuntang Bantayan 3 hours from now. Bring your essentials before going to the island, siguro ay doon na kayo mag-o-overnight dahil malayo yon mula dito sa City. Nandoon si Mr. Elias. Miss Helga, please keep everything confidential.” Bilin nito sa kaniya at tumango siya agad.
Hinatid din sila ni Stephanie pabalik ng kanilang hotel ng pribadong van ng Elias Costa at kinuha lang nila ang mga gamit nila. Nanghinayang si Stephanie dahil hindi nila masusulit ang stay nila sa magandang resort. She started whining na dapat ay maganda rin daw ang tutuluyan nila sa Bantayan dahil iiyak talaga siya kung sa kuweba o sa kubo sila tutuloy.
“Hindi naman siguro.” Nangingiting sabi niya.
Sumampa sila ng motorboat, hindi, isang katamtamang laking yate. Sa loob ay merong sleeping area na kingsized bed, dining table, sariling restroom at iba pang essentials na pambahay. Sure she saw these kinds before pero hindi niya mapigilang mamangha sa class ng disenyo. Even the walls of the yacht has a gold plated signature of Elias Costa .
“Ay, yate pa lang bongga na. Hindi ko na maiintay pa ang ibang pasabog sa life nitong si Mr. Elias.”
Humiga si Steph sa kama at natuwa siyang merong flatscreen TV doon, pinili ni Helga ang coffee table at mayroong nagserve sa kanila ng milkshake at sandwich habang umuusad na ang yate sa ibabaw ng tubig.
“Impressive!” Pumalakpak si Steph.
Ang halos dalawang oras na paglalayag ay hindi nila naramdaman dahil sa comforts na ino-offer ng yate. Tumigil sila sa isang mukhang secluded area ng Bantayan at naging asul ang paningin niya dahil sa malinaw na tubig sa paligid, maliit ang isla, halos lalamunin ito ng malawak na karagatan sa kaniyang paningin. Nang patayin ang motor ng yate ay narinig niya ang tibok ng puso niya.
Lumapit sa kanila ang staffs at inalalayan sila sa pagbaba. Nang umapak ang mga paa niya sa basang buhangin ay hindi niya mapigilan ang pagkamangha sa mansyon na nasa kanilang harapan. It is much bigger than their mansion in Manila. A modern Mediterranean mansion to be exact. The grandiose mansion foundations were formed as angels and eagles. Malalaki ang mga bintana. Sa gitna ay merong water fountain at ang paligid ng labas ng mansion ay mayroong mga coconut trees at wala ng iba pa dahil ang lakaran ay halos buhangin din naman.
Habang humahakbang siya ay nadadagdagan ang kaniyang kaba.
“Welcome.” Isang baritonong boses ang nag-salita. Napatingala siya sa veranda ng puti na mansyon. Nagtama ang mga mata nila ng lalaking naroon. Kamukha ito ng Daddy niya, except that the features were softer. Tumalikod ito at sinundan niya kung saan ito pupunta hanggang sa mapansin niyang bumababa ito ng hagdan para salubungin sila.
He’s wearing a khaki shorts and a plain white shirt. Bakas pa din ang kakisigan kahit na meron nang puting buhok sa ulo nito. Mas kaunti ang kulubot kaysa sa Daddy Mauro niya and he looks pleasant when he smiles.
“Kumusta, Hija?” Nakangiting inilahad nito ang kamay niya.
Gusto niyang maiyak pero pinigilan niya ang sarili niya. How can a smile made her feel she’s home? Ganon ang malinaw na pakiramdam niya.
“H-hi, Uncle Ulysses.” Magalang niyang tinanggap ang pakikipagkamay nito.
Pumasok sila sa loob ng mansyon. Kagaya ng labas, it did not disappoint. Halos lahat ng furnitures, sigurado niyang Elias Costa brand.
Bukod sa isa..
Napakunot ang noo niya doon sa isang upuan na nasa pinakasulok dahil pamilyar sa kaniya.
She remembered joining a design competition in Social Media five years ago and she won. Ang deal ay gagawing actual na furniture ang kaniyang disenyo at isasali sa exhibit, patented ng Designer’s guild.
“Yung upuan..” Itinuro ni Helga ang bronze plated chair that looked like an antique throne.
“Oh? That one? Do you like it? I like it too. Teenager daw ang nagdesign niyan. Binili ko isang exhibit sa Milan. I was so amazed with the curves and the colors, parang nangungusap, parang may gustong ipahiwatig—” Ngiting ngiti si Elias habang nagpapaliwanag, tumikhim ito nang marealize na may kasama ito “Sorry, I didn’t mean to be so deep—”
“That’s my design.” Sambit ni Helga.
“No way..” Gulat ang reaksyon ni Elias sa kaniya. “Really?”
Ngumiti siya, wala ng sinabing ibang salita.
“Naku, maiwan ko muna kayo. Gusto kong lumapit sa dagat.” Iniwanan sila ni Stephanie habang naglalakad sila sa buong pamamahay ni Elias Costa. Walang nagsasalita sa kanilang dalawa. Tipid na kuwento lang minsan tungkol sa istorya ng bawat pieces ni Elias pero hindi siya nakaramdam ng boredom. Parang sapat na sa kaniya na malapit sa taong bagong kakilala pa lang niya.
“This is my version mother and child.” Itinuro ni Elias ang two-seater couch na naroon sa second floor. Kulay pula iyon na yari sa fiberglass. Ang porma ay magkayakap na ina at anak.
“Ang ganda.” Bulong niya habang hinahaplos ang furniture. “Sana maging ganito din kagandang tingnan ang lahat ng ina at anak.”
“I am sure every mother will look beautiful with their child.”
Unconsciously, napahawak siya sa kaniyang tiyan. “Sana maging kasing ganda din kami ng anak ko, parang ang mga disenyo mo Uncle.”
“You are pregnant?” Lumiit ang mga mata nito at mahinang natawa. Tipid siyang tumango.
“Congratulations!”
“Thank you po..”
Mukhang hindi pa ito nakuntento dahil niyakap din siya. “I am so happy for you, Hija.”
“Thank you po..” Bulong niya. She bit her lower lip but her sob was unforgiving, she started sniffing and ended up crying like a kid. Nabasa nga ata niya ang t-shirt ni Elias. Nanatili silang ganon ng ilang minuto. Hinayaan siya nitong umiyak at hindi nagtanong kung bakit. Patuloy lang sa paghaplos ng likuran niya.
“You are my daughter, right?”
Hindi siya sumagot, mas humigpit pa ang yakap niya kay Elias.
“Anak kita. Anak ka namin ni Adriana.”
Nanginig ang mga kamay ni Helga. Mas lalong naiyak.
“Sorry po.. Okay lang po ako. Hindi po ako manggugulo. Sorry po.”
“Hush, my child.. I got you.”
♁☆♁☆♁☆♁☆

Thanks for reading! Votes and Comments are appreciated. Offensive comments will be placed on MUTE.
Social media accounts:
Facebook Account: Mari Kris Ogang (Makiwander)
Facebook Page: Makiwander
Facebook Group: WANDERLANDIA
NOTE: Answer the SECURITY QUESTION so that you will be approved
Twitter & Instagram: Wandermaki
Go to my wattpad profile and follow me for more stories.
Helga x Pierre 26
Maki Say’s: Sabaw update. Haha Galing sa sobrang habang sakit at katamaran (?) papatapos na to. Lapit na yay! Di din ako nagproofread. Balikan ko na lang ulit bukas. haha
HELGA.
“Sigurado ka bang nasulit mo na ang bakasyon mo?” Tumatawang tanong ni Helga kay Stephanie habang isa-isa nang kinakarga sa yate ng Elias Costa ang mga gamit ng kaibigan.
“Well, wala pa din akong naiuwing Papa, pero siguro okay na din yun. Lumalaki na ang butas ng ilong ni Travis, isang buwan na tayong nawawala doon. Malayo sa sibilisasyon. Baka namimiss na ako. Ay ikaw pala.”
Ang bilis ng panahon. Ang isang buong buwan ay ginugol ni Helga sa emotional healing. Disconnected sa lahat. Hindi niya maisip na nagagawa iyon ng kaniyang ama sa napakahabang panahon. Wala itong cellphone at laptop. Isang landline lang ang meron ito para kausapin ang kaniyang mga executive assistants simula noong matagal na panahon na ang nakakaraan.
“Thank you po, Pudra.” Pasasalamat ni Stephanie kay Elias. Mahinang natawa ang matandang lalaki at kumaway sa kaibigan niya.
“Mag-iingat ka. Dalawin mo ulit kami. Itawag mo lang kay Julia kapag gusto mong pumunta sa Cebu.”
“Sige po, sana may pa-welcome party kayo para sa akin na exotic dancers.”
“Steph!”
“Mapag-biro ang kaibigan mo, Anak.”
Pinanood nilang hatiin ng yate ang tubig ng dagat pagkatapos ay sabay silang bumalik sa mansyon. Sa pamamalagi niya dito, nabilang niya agad kung ilan ang kasambahay ng ama. Lima.
Apat na babae na nahahati sa pag-luluto, pag-lalaba, at dalawa ang naglilinis ng buong mansyon. Isang hardinero na marunong ding mag-maneho ang kaisa-isang lalaki. Kahit napakalaki ng pamamahay ng ama ay nananatili ang pagiging simple nito sa lahat. The man values silence and peace more than anything else at so far, nagugustuhan niya din iyon.
“Papa, talaga po bang inapprove niyo ang design ko?” Tanong ni Helga matapos nilang pumasok sa loob ng mansyon. Nang tumagal ang pagsasama nila sa isang mansyon, pakiramdam niya nananalamin siya tuwing nakaharap dito. Gentle eyes, and even the lips speaks kindness too, just as she always wanted.
“Why? Do you doubt your talents?”
“It is just that..” Sumimangot siya, “Mukha namang inaprubahan niyo lang dahil anak niyo ako.”
Masiglang natawa ang matandang lalaki, “You are my daughter, why won’t you get favors from me?”
“Papa naman..”
“Anak, magaling ka. Mana ka sa Papa. Why do you discount yourself? Mapapahiya ako niyan.”
“But that is just a couch! And you praise it like I discovered a cure from cancer!”
“That is your artistic impression of your love to your son.”
“Naku, Papa. Hindi pa naman natin alam ang kasarian ng magiging anak ko.” Umirap siya. Palibhasa ay gusto ng apong lalaki ng ama niya kaya ginagamit na ata nito ang kapangyarihan ng isip nito.
“Lalaki yan.. I can feel it.” Confident na sabi pa nito. Ngumiti siya, sa kaniya ay hindi importante kung ano. Basta masigla ito at ramdam niya nga ang pag-sigla nito habang lumilipas ang mga araw na lumalaki na ito sa kaniyang sinapupunan. Dahil siguro sa napapalibutan siya ng dagat at naaamoy niya ang kapayapaan nito.
“I encourage you to make more designs, I will make a line under your name, Helga . Your name will be a houehold name worldwide. They will dream to have Helga in their homes.”
“Papa naman..” Nag-init ang sulok ng mga mata niya. How could people want to have Helga in their houses kung ipinagtabuyan siya ng pamilya na kinilala niya noong una?
Niyakap siya ng mahigpit ng kaniyang ama, “You will be successful than those who hurt you. So successful that they will feel ashamed of what they have given you.”
“Salamat po, Papa.”
PIERRE
“Ano ba naman yan?” Itinapon niya ang Management report na ibinigay sa kaniya ng kaniyang accounting manager na si Leslie. Hindi niya nagustuhan ang numero doon.
“Sir, ayon sa PR, ang feedback ng mga customers natin ay masyadong boring ang loob ng eroplano. Hindi daw nila gusto yung kulay—”
“Fck! But they will just sit there for less than a day! Ang importante ay nadadala sila sa destinasyon kung saan sila pupunta.”
“Hindi din daw po masarap ang mga pagkain—”
“Eh di magbaon sila bago sumakay sa eroplano, problema din ba natin yon?”
Hindi niya mapigilan ang inis. Araw araw siyang nagagalit dahil walang nanagyayaring tama sa buhay niya.
May kumatok muli sa pinto niya at nang bumukas yon ay mas lalong nadagdagan ang pag-simangot niya.
“Sir, meron pong reporters sa labas. Gusto pa rin pong makakuha ng update tungkol sa engagement niyo ni—”
“Tngina, Mara. Hindi ba alam na nila na tapos na? Walang kasalang magaganap? Bakit kailangan pa ng paliwanag ko. Tngina!” Sa pagkakataong iyon ay malakas niyang sinipa ang kaniyang lamesa dahilan para tumaob iyon kasama ang kaniyang computer at lahat ng papeles na inilahad sa kaniya. Bumukas agad ang pinto at iniluwa non ang kaniyang kaibigan na si Dave.
“Pare, easy.. Kumalma ka. Napaalis ko na ang mga reporters. Leslie, bigyan mo din ako ng kopya ng Management report, ilagay mo sa lamesa ko. Lumabas muna kayo.” Utos ni Dave habang itinatayo ang lamesa niya.
“Nakita niyo na ba si Helga?”
Napapikit siya habang iniisip ang kalagayan ni Helga at ng posibleng anak niya. No, not just a possibility but he knows that it was his child.
“Tngina bakit kasi hindi itinawag sa akin na dinugo si Helga nung araw na yon. Nakita ko siya, Pare! Kasama ko siya sa ospital! Wala siyang sinabi. Hindi ko alam kung naroon pa ang anak ko o wala na. I am so stupid!” Nag-init na naman ang sulok ng mga mata niya sa posibilidad na nawala na ang anak niya dahil sa mga maling desisyon niya. Napaikot siya ni Helena at napabayaan niya ang mag-ina niya.
“Sinubukan ko na ding pigain ang OB ni Helga pero labag daw sa sinumpaan nila ang ilabas ang medical records ng pasyente. Natatakot silang magsampa ng kaso laban sa kanila si Helga. Ayaw ding magsalita ng mga Almonte dahil umalis din daw si Helga sa kanila nang walang paalam.”
Napahilamos siya ng palad. “Kailangan kong malaman.”
“I know. But please, umayos ka, Pierre. Hindi mo maaaring pabayaan ang negosyo mo ng ganito. I have requested interior designers to the Human Resource. Kailangan natin ng team para i-recreate ang mga eroplano mo. And how about the mall? Kailangan mo ding ituloy ang construction non dahil magbabayad na naman tayo ng Taxes nang hindi napapakinabangan ang structure.”
“Helga’s designing it.”
“Pero wala siya. Wala na siya. Pare, I am sorry but you have to move on. Maraming empleyado ang nakaasa sayo. Hindi ka pupwedeng mabaliw ngayon.”
“She has some designs. Kailangan ko lang humanap ng furniture supplier na merong ganon.”
“Okay, I will have my team look in to it. I-send mo sa akin ang approved designs at pipilitin namin makahanap ng eksaktong designs or at least someone that can refurbish it.”
Hindi siya mapakali. He shut down all his connections, nakafocus lang siya sa pagpapahanap kay Helga pero kahit ubusin niya ang pera niya, alam niyang hindi niya mahahanap ang taong ayaw magpakita.
–
HELGA
“Sweetheart, pagbigyan mo na ang Papa.”
Umirap siya at humalukipkip. Nakasakay na sila sa yate at lahat, hindi pa din niya bati ang ama niya. Binigla siya nito sa desisyong bumalik sa siyudad ng Cebu para doon muna manirahan hanggang sa makapanganak siya.
“Pero Papa, pupwede naman akong magbiyahe tuwing meron akong check-up di ba? Sinabi iyon ng doctor.”
“Oo nga, pero lumalaki na ang tiyan mo. Nag-aalala ako na kung may maramdaman ka ay hindi ka agad maitakbo sa ospital. Halos dalawang oras ang biyahe para itawid ka ng Mactan, tapos another 30 minutes para dalhin ka sa ospital.”
“Pero gusto ko ang Bantayan, Papa. Limang buwan na ang tiyan ko at nararamdaman kong gusto niya ang Bantayan.”
“Magugustuhan niya din naman ang Busay. Malamig doon at maraming bundok.”
“You are just trying to show off.” Biro niya sa ama. Paano ay tatlo pala ang mansyon nito sa Cebu. Isa sa Bantayan na tinitirhan na niya ng tatlong buwan, isa mismong Cebu City na nakita na din niya noong nagpacheck up siya at isa sa Busay na ngayon pa lang niya makikita. Pare-parehas na malalaki iyon. She could just imagine the figures in his bank account. Kaya siguro tuwang tuwa ito nang makita siya dahil mukhang hindi talaga alam ang paglalagyan nito ng kaniyang pera. He spoils her with material things, nadulas pa ang katiwala nitong si George sa kaniya na binilhan siya ng isang Beach Property sa Moalboal.
“Did I impress you?”
“You always did, Mr. Elias Costa.”
“Did you submit your designs to the plant? Kailangan na nilang kunin para masimulan na nila ang production non. Sila Maricor ang nagpupumilit na dagdagan pa ang designs mo doon sa exhibit.”
Bumuntong hininga siya at nakaramdam ng kaba, “Talaga bang itutuloy natin ang exhibit, Papa? Kinakabahan kasi ako. Paano kung hindi nila magustuhan at ibash nila ang mga gawa ko?”
“Nandoon naman ako.”
“Tapos dalawa pa tayong makakarinig ng masasakit na salita.” Napatakip siya ng mukha. Hinangin ang buhok niya ng hangin na pumasok sa loob ng yate habang nakaupo siya sa coffee table.
“I won’t let them. Naroon din ang mga bagong designs ko, at ang sa iyo ay bagong line ng Elias Costa.”
“Pero kinakabahan ako..”
“We will go there as visitors, too. They don’t have to know na tayo ang nagdisenyo although, I would love to.”
“Hindi ka na po mahiyain, Papa?”
“Bakit ako mahihiya? Kasama ko na ang anak ko. You are my greatest treasure, and soon, my grandchild will join the party. Wala na akong hihilingin pa. All the past hurtings that the Ortega gave me was long gone because I had you, Helga. Kaya sana ay mawala na din ang galit mo sa kanila..”
“Matagal ko na silang napatawad, Papa. Naiisip ko pa din si Mom at Dad, sana ay hindi inaaway ni Daddy si Mommy masyado..”
Ngiting ngiti na napapailing si Elias at pinagmasdan siya, “Mas lalo mo akong hindi pinagsisisi sa kung paano tumakbo ang buhay ko, Anak. I am so happy to have you.”
–
Nang makarating na sila sa Busay, napagtanto ni Helga na tama nga ang ama, iba ang kapayapaan na naidudulot ng bundok. Sa pinakamataas na bahagi ng bundok ay nakatayo ang mansyon ni Elias Costa, napapaligiran ito ng bakod pero tanaw pa din ang malaking bangin sa ibaba na panay berde dahil sa mga puno at pananim. She could see Temple of Leah beneath them. Wala pang 30 minutes ang pag-akyat sa property ni Elias Costa at tama nga ang desisyon nito dahil sa paanan ng bundok ay merong mga ospital na malalapit.
She busied herself in studying the designs of her father. Gaya noong mga nakaraan ay wala pa din siyang cellphone kaya mas napagtuunan niya ang pagbabasa ng libro at iba pang mas kapaki-pakinabang na gawain.
Until she heard a shriek from their door. Akala niya ay emergency na pero nang makita niya ang kaibigan niyang si Stephanie, para siyang nabunutan ng tinik.
“Ang laki na ng tyan mo, Beshie!”
Yumakap sa kaniya ang kaibigan at tumalon talon. “Anong ginagawa mo dito?”
“Nakareceive kasi ako kay Miss Julia ng invitation para sa exhibit ng furniture designs niyo.”
“Next month pa yun, ah?”
“I know! Gusto ko lang mag-relax. Saka para makatulong na din sayo. May susuotin ka na ba?”
Umiling siya, hindi niya pa nga naiisip iyon.
“Ay, perfect! Tumayo ka diyan at susukatan kita.”
Sinunod niya ang sinabi ni Stephanie at natuwa siya nang sukatin nito ang kaniyang tiyan. Mas lumaki na kasi ito kaysa sa dati.
“Anong gender niyan para mapagplanuhan ko din ang unang ipagbubuntis ko?” Masuyong hinaplos ni Stephanie ang kaniyang tyan.
“Wala pa, next month pa namin malalaman. Excited na nga kami ni Papa. Saka paano mo ipaplano ang gender ng pagbubuntis mo, aber?”
“Well, kapag umaga hanggang tanghali binuo ang bata, magiging babae daw, kapag hapon hanggang gabi, lalaki.”
Humagikgik si Helga at sumimangot naman si Stephanie habang nagsusulat sa notebook nito ng kaniyang sukat.
“Huwag kang masyadong umasa. Yung mga anak pa din natin ang magdedesisyon kung magugustuhan nila ang isa’t isa.”
“I am sure. Sino bang hindi magugustuhan ang taong magiging kasingbait mo?” Inakbayan siya ni Stephanie at saka niyakap siya ng mahigpit.
“I missed you, Helga. Masyado akong masaya sa mga achievements mo.”
“Ako din.”
“Dapat lang, sasabunutan na kita kapag hindi ka pa hashtag feeling blessed sa lahat ng pagbawi sayo ni Lord.”
“Masaya na ako na meron pa pala akong pamilya, at merong kaibigan at baby.”
“Saka merong Hermes, Louis Vuitton, Balenciaga..” Dagdag pa ni Stephanie habang itinuturo ang kaniyang lalagyanan ng bag na nakalagay sa glass case at nakaidisplay lang doon sa may living room.
Hindi namalayan ni Helga ang mga araw na lumipas. Siguro talagang kapag masaya, mabilis na lilipas ito. She found herself stressing about the caterers for her furniture launch.
“I don’t like cocktails. Dagdagan ninyo ng main course and please add round tables. Kakasya naman sa venue.”
Naramdaman niya ang pag-akbay sa kaniya ni Elias Costa habang may kinakausap siya sa telepono.
“Yes, I don’t mind additional billing, you can bill us through email and I will make payment online.”
“Don’t stress yourself too much, Hija.” Ngumiti sa kaniya ang kaniyang ama habang abala ang nasa paligid sa pagpupwesto ng mga bagong gawang furniture.
“Gusto ko po Papa na kumpleto ang mga pagkain, I want them to feel that they can come home to my designs. That regardless where they are, they will feel at home.”
Lumiit ang mga mata ng kaniyang ama, she can see how proud he is to her. “Meron na talaga akong tagapag-mana. I can now rest and really enjoy life. Plano ko ngang bumili ng lupa sa Alps.”
Umirap siya, “Naku, hindi po, Papa. Kapag lumabas ang apo niyo, gusto kong magfocus na lang ako sa kaniya.”
Tinapik siya ng ama niya sa kaniyang likod, “Whatever you wish, Hija. This business has been my way of living for the past 18 years but you know, my passion is family. If you will prioritize your family above anything else, hahayaan ko na lang tumagal ang negosyong ito hangga’t kakayanin. Anyway, I have enough resources to give you. You can do whatever you want with it.”
Yumakap siya sa tiyan ng ama, “Matagal ka pa bago mag-retire, Papa. Bubuhayin mo pa kami ng apo mo.”
“I know, I am just saying. O sige na, magpahinga na kayo ni Stephanie. She’s very excited to dress you up. Ipinasundo ko na kayo dito para ibalik sa bahay. I will see you later. I love you, Hija.”
“I love you too, Pa.”
When she rode the car, her mind wanders to many things. Kahit alam niyang kumpleto na ang pakiramdam niya, alam niya sa sarili niyang hindi pa. Meron pa ding isang parte sa kaniya ang kinauuhawan niya.
Iyon ay isang pamilya na dapat sana ay sa kaniya.
PIERRE
“No, Dave. Palpak ang na-hire mo na Designers. If it is this important then why would they schedule their team building on this date, and worse, kasama ka pa!” Inalis niya ang suot na kurbata at hinalungkat ang maliit niyang duffel bag.
“Come on, akala namin ay hindi approved ang request namin to be invited to the exclusive event. Pero last minute na nagconfirm ang kumpanya na merong slot para sa isa. Look, you don’t have to do this. Ang totoo ay nung nakaraang taon ko pa nirerequest na makapunta sa workshop nila pero—”
“Fine!” Pierre rolled his eyes, “Hindi mo na ako kailangang konsensyahin. I will just talk to you when you get back.”
“One way ticket lang muna ang bilhin mo, you should relax in Cebu. Meron akong kakilalang travel agency doon na pupwede kang matulungan na—”
“No thanks,” He cut him off, “I will just go home tomorrow. Masyadong marami ang trabaho ko.”
“Fine, if you said so..”
He can imagine his friend shrugging on the other line.
Sinarhan niya ang kaniyang duffel bag at saka malalim na bumuntong hininga bago tuluyang lisanin ang bahay nila ni Helga.
He stopped by her plants and fill them with water. Dumami na naman ang bulaklak ng mga orchids, he knows Helga will be happy to see them.
–

♁☆♁☆♁☆♁☆
Thanks for reading! Votes and Comments are appreciated. Offensive comments will be placed on MUTE.
Social media accounts:
Facebook Account: Mari Kris Ogang (Makiwander)
Facebook Page: Makiwander
Facebook Group: WANDERLANDIA
NOTE: Answer the SECURITY QUESTION so that you will be approved
Twitter & Instagram: Wandermaki
Go to my wattpad profile and follow me for more stories.
Helga x Pierre 27
PIERRE.
Simula nawalan siya ng dahilan para ngumiti, hindi na talaga niya iniangat ang labi niya maliban na lang sa mga tipid na salita at kadalasan ay mura pa.
He could just imagine Helga frowning by hearing him curse pero ano nga ba ang posibilidad na marinig siya nito kung hindi naman niya ito nakikita.
Sumimangot siya kanina sa sumingit sa kaniya sa pila papasakay sa eroplano. Sumimangot siya sa katabi niyang nasagi ang siko niya. Sumimangot din siya doon sa stewardess na hiningi ang ticket niya para tiyakin kung sa tamang business class seat siya nakaupo.
Mabuti pang magalit na lang din siya sa mundo kung hindi siya magiging masaya. Damay damay na ’to. Niluwagan niya ang suot niyang necktie at pumikit, he should sleep, bago pa niya basagin ang mukha nang susunod na mambubwisit sa kaniya.
Mabuti na lang at hindi delayed ang flight niya. He arrived at Mactan by 5PM. Galit niyang tiningnan ang paligid. Ang makukulay na poster na pinapakita ang ganda ng probinsiya ng Cebu na merong nakasulat na ‘It is more fun in the Philippines’ ay masyadong masakit sa mata.
He scowled. ‘Talaga lang, ha. Kailan pa naging masaya ang tumira sa napakaliit na isla pero hindi mo naman makita ang hinahanap mo? Tss.’
Gusto din niyang punitin ang poster ng mga mananayaw na may bitbit na maliit na Sto. Nino na nagpapakita ng piyesta ng Sinulog.
“Bakit kayo nakangiti?” Angil niya don sa litrato, tinuro niya pa.
Nilingon siya nung mga kasabay niyang naglalakad at mabilis ang mga ito na nilagpasan siya. Tiningnan niya ang mga ito ng masama pero mas lalo lang nagsimadali ang mga ito na makalayo sa kaniya. He shook his head in annoyance. Hindi pa siya baliw.
“Mr. Floresca! Maayong pag-abot!” A man in brown hotel uniform welcomed him warmly. Hindi na siya nakipag-eye contact. He knows he will just scowl at him, iniabot niya dito ang maliit na maleta niya at nagpatiuna na papalabas para sumakay sa van ng prestihiyosong hotel sa Mactan, Cebu.
“I need a service to Mandaue by 7PM, kaya ba iyon na makaabot doon by 8PM?” Habang umaandar ay naisantinig niya sa hotel staff na sumundo sa kaniya. The party starts at 7PM but since socializing is not his thing, ginusto niyang magpahuli na lang.
“Yes, Sir.”
The ride was boring. Traffic sa Cebu, maliit ang ilang kalsada lalo na patungo sa resort. Nakahanda na sana ang reklamo niya nang makita niya na ang pangalan ng resort kung saan pumasok ang van na sinasakyan niya. Papalubog pa lang ang araw nang makarating sila roon at nang bumaba siya ng van ay narinig niya ang alon ng dagat.
“Sir, tingnan niyo muna ang dagat. Nakita ko po sa itinerary ko, madaling araw kayo aalis bukas, sayang at hindi niyo makikita ang ipinagmamalaki namin.”
Gusto niyang isagot sa Hotel staff na nagpakilala bilamg si Ruel na wala siyang oras. Pero parang tinatawag siya ng dagat at nagsimula na lang siyang humakbang papalapit sa tunog ng alon na humaharana sa kaniyang pandinig.
For a brief moment, he stopped and breathe in the salty water as soon as he saw the small waves of the sea. He took everything in. Sabi nila, mabisa ang salt water para magpagaling ng sugat, baka sakalaing gumaling ang sugat sa puso niya kung lalanghapin niya ang hangin na may kalakip na amoy ng tubig alat dahil wala pang naiimbentong bandaid para sa puso.
Malas . He muttered. Ngayon lang kasi niya narealize kung gaano siya kamalas. He grew up and he thought he has everything he needs to survive adulthood. Mali pala siya. Nothing will ever prepare you for a broken bone, more so, a broken heart. Kaya malas, yung hindi ka na nga handa, pinagtripan pa siya ng tadhana.
Umakyat siya sa kaniyang silid. Since he booked late, walang view ang nakuha niyang hotel room, nonetheless, he doesn’t care, he will just be taking a nap here. O baka nga hindi na. He’s upset with the thought that he needs to work the morning after.
He took a quick shower and change into a clean three-piece suit. After he sprayed his cologne, mayroon nang kumakatok sa kaniyang pinto na maghahatid sa kaniya para sa event na dadaluhan sa Mandaue.
He has no idea what is it except for a furniture exhibit. Dave sent him photos of the possible design and colors that they might need as furniture. Anything beyond extraordinary. He almost suggested to contact an alien, baka sakaling masatisfy ang kaibigan niya sa mga bagay na extraordinary .
Hindi niya namalayan ang mahabang biyahe kaka-memorize nung design. Ayaw naman niyang magmukhang tanga at magmukhang merong kodigo habang tinitingnan ang exhibit. At ano, wala ba siyang judgement? Ang mga gawa nga ni Helga, jinudge niya.. Kunwari . Dahil magaling naman talaga ito. Walang itulak kabigin.
Mapusyaw ang ilaw sa malawak na parking lot sa showroom pero mula sa entrance patungong lobby ay natatanaw niya na maraming tao. Media and familiar faces of the socialites were there. Ang iba ay nakilala pa siya kaya hindi agad siya nakapasok. He shook hands with some people he met from the past and he heard good reviews from them.
“Pumasok ka sa loob, ang gaganda ng designs! You can pre-order as early as now para makuha mo in two months.”
Mahina siyang natawa sa isip. Ano ba naman ito? Para furniture lang, kailangan pang mag-intay? Magaganda din naman ang nasa malls. Idedeliver agad kapag nagustuhan mo.
Nagsimula ulit siyang mainis nang pumasok siya sa showroom, alam niyang isang malaking disappointment ang pagpunta niya dito. However, scent of rose and cherry tickled his nose. It reminded him, home . Mahina ang music sa loob, yung iba ay parang nagkakahiyaan pang mag-ingay. People were testing the couches, the chairs, the loveseats at nabusog ang mga mata niya sa nakakaengganyong kulay at disenyo nang mga iyon. Binabasa niya pa kung saan nag-originate ang design ideas ng designer at bumilib siya sa napakalalim na hugot ng mga iyon.
“Gorgeous, isn’t it?” Nag-angat siya ng tingin mula doon sa upuang tinitingnan niya.
“Pierre, right?” Isang babae ang nakatayo sa harapan niya at naglahad ng palad. She’s wearing a white empire cut tube gown and has two wine glasses in her hands, ang isa ay inaabot sa kaniya. “Isabelle.” Tinanggap niya ang wine na inabot nito.
Lumagok siya sa wine at halos maubos niya iyon sa isang inuman. Isang buwan na siyang umiiwas sa alcohol sa pakiusap ng nanay niya pero hindi niya maiwasang matuwa nang mabahiran muli ang lalamunan niya non. Pinagmamasdan siya ng babae nang balikan niya ito ng tingin. There’s amusement in her eyes.
“Amazing. I am a frequent flyer of your airlines and thank you for the magazines that you always have introductory message at the front page, it makes me feel relaxed. I always look forward to it. Tinititigan ko naman kapag long-haul ang flight ko.” Dreamy siya nitong tinitigan. She titled her head and tried to make an eye contact with him.
Ngumiti siya at tipid na tumango. Inilinga niya ang mga mata. Naghahanap ng paraan para makaiwas. Hanggang sa hindi inaasahan, isang pamilyar na mukha ang nakita niya. Nakatingin ito sa kaniya, nakaawang ang labi. Her beautiful black, low-neckline, off-shoulder longsleeve gown has no match on how beautiful she is. Innocent eyes, sultry lips and sculpted jawline. Siguro kahit nakaduster lang ito ay kikinang ng kusa sa agos ng naggagandahang tao at furniture sa paligid.
“Helga..” He whispered while looking at her very obvious baby bump.
HELGA.
Sumimangot siya. Gusto niyang guluhin ang low-bun hairstyle na ginawa sa kaniya ni Stephanie. Gusto niyang burahin ang sarili niyang mukha na merong nude tone make up. Hindi ang fact na nakita niya si Pierre ang ikinaiinis niya kung hindi ang fact na meron itong kaharutan na babaeng sexy. Yung babaeng hindi kasinglaki ang tiyan ng sa kanya.
Di bale! She’s very proud of her bump. She would not trade it for the world! Nakakainis lang at nagpunta pa ito sa Cebu para magtaksil kay Helena. How dare him!
Wala sa sariling nilakad niya hanggang sa pinakadulong bahagi ng showroom na merong exit, walang nakatambay doon dahil wala din namang makikita. Meron lang access palabas ng venue mula roon. Naghanap siya ng mapagtataguan, swerte siya at nakakita siya ng plantbox.
This will do.. Hinga. Hinga, Helga.
Naiinis siya sa suot niyang venus cut long gown, mahaba ang slit nito kaya nahihirapan siyang maglakad, bakcless pa iyon kaya kapag nahahanginan siya ay giniginaw din siya. Hindi niya akalaing pagsusuotin siya ni Stephanie ng revealing gown despite her five-month tummy. Hindi tuloy siya makalakad ng mabilis.
“Helga.” Kung anong ikinabagal ng mga paa, siya namang bilis ang tibok ng puso niya. Umasa siyang maitatago siya ng plantbox at ng halaman doon.
“Helga!” Palapit ng palapit ang boses. Napapikit siya.
“D-diyan ka lang.” Utos niya. Nanginginig ata ang kalamnan niya. Sa galit malamang.
“Wag kang lalapit kundi, sisigaw ako! Anong ginagawa mo dito, Pierre!” Tili niya. Mula sa espasyo sa mga halaman, nakita niyang tumayo si Pierre sa kabilang bahagi ng plantbox, yun ang nagsisilbing pagitan nila. “Manloloko ka! Paano mo yun nagawa? Pumupunta ka pang Cebu para mambabae? Anong klase ka?” Gigil na gigil siya, gusto niyang tadtarin si Pierre ng pinong pino at gawing bopis!
Hindi agad sumagot si Pierre, hindi sinalubong ang galit niya. Hindi din naman siya nag-walkout. She felt stupid standing there. Iniintay niya ata talaga yung apocalypse o ang pagputi ng uwak kaya nakalimutan na niyang maglakad.
“Ikaw? Anong ginagawa mo dito?” Banayad ang boses ni Pierre. “Ang—ang laki na ng tiyan mo.. Ilang buwan na? ang.. ang.. anak natin?”
Kumalabog ang puso niya, hindi, hindi niya dapat malaman. Napaghandaan na niya ang araw na ito. Hindi siya manggugulo sa relasyon nito at ni Helena. Kung kinakailangan niyang magsinungaling, gagawin niya.
“Anong anak?” She almost growled, defensive and bitter. “Hindi sayo ’to! Ang kapal ng mukha mo! Umalis ka na Pierre! Umuwi ka kay Helena, hindi kung ano ano ang inaatupag mo. Kapag hindi mo gagawin, isusumbong kita sa kaniya!” Pag-iiba niya ng topic.
Narinig niya itong natawa, nainsulto siya sa paraan non. Anger and hatred dripped to his laughter and she couldn’t stand it.
“Masakit na nagtago ka at hindi nagpakita pero mas masakit pala yung itanggi mo na ako yung ama ng dinadala mo.”
Pakiramdam niya nasa loob siya ng washing machine at paulit ulit siyang iniikot sa nakakahilong pakiramdam.
Galingan mo pa, Helga!
“H-hindi naman talaga ah! Hindi ikaw! Totoo ang lahat ng hinala mo sa akin, Pierre, habang magkasama tayo sa ibang bahay kung sino sino ang nila-nila—la—ndi ko.”
“You cannot even say the word.”
“Nilalandi!” She corrected. “Tama ang hinala mo sa amin ni Travis!” Sorry Travis…
Muli, mahinang natawa ang kausap niya. Bumangon ang inis sa kaniya. Anong akala nito, madaling magsinungaling? Why is he even making it hard for her!
“Saang bundok ka ba galing? Hindi mo ba alam na hindi natuloy ang engagement namin ni Helena? Hindi mo ba alam na hindi siya buntis? At gawa gawa lang niya ang litratong kumalat dahil wala naman talagang nangyari sa amin?”
Hindi siya agad nakapagsalita, parang sumakit ulit yung ulo niya dahil sa nalaman.
“Pinahanap kita. I intentionally bankrupted the Samonte’s para lumabas ka pero hindi ka lumabas.”
“What? Anong ginawa mo sa kumpanya ni Travis, Bad guy ka! Kontrabida! Masama!” Napalabas siya bigla sa pinagtataguang mga halaman, sabay sila ng kilos ni Pierre dahil lumabas din ito doon sa kabilang bahagi at nagkaharap sila. Nag-iinit ang pisngi niya sa galit. Walang sinabi sa kaniya si Stephanie but knowing Travis, talagang hindi nga nito ipapasabi sa kaniya dahil mag-aalala lang siya sa kalagayan nito.
“Hindi sila tumupad sa usapan. Nakalagay sa kontrata na ikaw ang makakatrabaho ko sa planning. I made them pay for the breach of contract and bad mouthed them in the industry.”
Napasinghap siya. Si Travis na walang ginawa kundi puro kabutihan sa kaniya ay napahamak dahil din sa kaniya! Epic fail pala ang pagtatago niya kung ganon!
“AHHHH!!” Tili niya na nakakuyom pa ang kamao. Sobrang inis niya! Pakiramdam niya ay puputok na talaga siya sa galit!
“Gusto mo gawin kitang chicharon? O gawin kong mango shake yang dugo mo?”
She felt her stomach grumbled with the idea, nadistract siya. Geez , nagugutom na naman siya.
Huwag ngayon, Baby. Aawayin muna natin ang impulsive na tatay mo.
“M-mukha kang mooncake!” Napatakip siya ng bibig. Ano ba ang sinasabi niya? Puro pagkain!
“Amoy ka—amoy ka kimchi!”
She failed bigtime. Tumunog ang sikmura niya ng mas malakas tanda ng gutom, kasabay pa non ang pagpapalit ng music sa loob ng showroom kaya dinig na dinig talaga ang tiyan niya. Nagkatinginan sila ni Pierre. Muli siyang namula hindi dahil sa galit kundi sa pagkapahiya.
“I know where to find chicharon, mango shake and kimchi.” Sambit nito habang naglalakad papalapit sa kaniya. Ayan na naman, naaamoy na naman niya ang pamilyar na pabango nito in which she felt comfort so many times.
Nakalapit na ito ng tuluyan sa kaniya nang hawakan ang magkabilang balakang niya. She felt her baby kicked inside her tummy. Lukso ba iyon ng dugo? Lumakas ang tibok ng puso niya habang sinasalubong ang titig ni Pierre. God, she missed him. Hindi niya alam kung paano umandar ang araw na hindi sila magkalapit. Gusto niyang umiyak sa dibdib nito at singilin sa bawat araw ng pagsusuka niya na wala ito sa tabi niya. But she still hates him for giving her peak and valleys of emotions everytime he’s near. She hates him for making Travis miserable and she will do everything just to make it right!
She bit her lower lip and sniffed. Pinipigilan ang luha na nagsisiksikan na sa gilid ng mga mata niya, frustration and sadness in one.
Pierre kissed her forehead and she closed her eyes, she felt her tears rolled down her cheeks. Mabilis iyong pinunasan ni Pierre at idinikit siya sa dibdib nito. Narinig niya din ang tibok ng pamilyar na tibok na kagaya nang sa kaniya.
“Let’s fight later. Where can we find mooncake? Malayo pa ang Chinese New Year.” He touched her bare back and she shivered.
“Tapos iisipin mo na patay gutom ako kasi nagdinner na ako kanina!”
“Wala akong iniisip bukod sa–”
“Bukod sa ano?” Itinulak niya ito nang hinapit siya nito sa baywang at sabay silang humakbang papalayo sa exit.
“Bukod sa’yo.” Her stomach flutter, akala niya ay kikiligin na siya nang may sabihin pa ito, “You will pay, Helga. Every minute you left me, I will make you pay.”
“Ang sama mo..”
“Ang saya ko.”
Nag-angat siya ng tingin para tingnan ito ng masama! How can he be happy on someone’s misfortune? Madami pa sana siyang sasabihin nang mapansin niya na umangat ang gilid ng labi nito, pero agad ding binawi nang mapansin na nakatingin siya.
“Bakit?” Angil nito sa kaniya. Umirap siya.
“Salbahe.” Bulong niya.
♁☆♁☆♁☆♁☆

Thanks for reading! Votes and Comments are appreciated. Offensive comments will be placed on MUTE.
Social media accounts:
Facebook Account: Mari Kris Ogang (Makiwander)
Facebook Page: Makiwander
Facebook Group: WANDERLANDIA
NOTE: Answer the SECURITY QUESTION so that you will be approved
Twitter & Instagram: Wandermaki
Go to my wattpad profile and follow me for more stories.
Helga x Pierre 28
Maki Say’s: Hello! I am so back! Sobrang haba ng holidays! Lalo na for our family kasi first two weeks ng January ang birthday namin ng anak ko. Sawa na kaming kumain, haha!
Anywho, sa mga malapit sa VALENZUELA PEOPLE’S PARK , magkakaroon ng Grand Fan’s Day ang PSICOM at isa ako sa mga manunulat na makikisaya sa JANUARY 14, 9AM-6PM, maraming inihandang surpresa ang Psicom, pati na din ako. Nandoon lang ako maghapon. Magkita kita tayo :)
PIERRE
He couldn’t help but smile while their on their way to his hotel. Tinatandaan mabuti ang sinabi na gusto ni Helga. Nakasimangot ito at nakahalukipkip sa kabilang gilid ng sasakyan. Pinapanood niya ang repleksyon nito sa itim na windshield na natatamaan ng malamlam na ilaw mula sa kalsada.
Tumikhim siya. Bago pa man siya magsalita ay sinalubong na siya ni Helga ng masamang titig.
Ito pa ang may ganang magalit sa kanya, huh? Hindi ba ito ang nag-lihim sa kanya ng katotohanan? Nagtago at hindi nagpakita? Dapat siya ang magalit! Pero hindi niya magawa kapag nasisilayan niya ang magandang mukha nito. Her soft eyes and enormous tummy. Naroon ang anak niya. Dinadala nito ang anak niya. He couldn’t help it but to feel proud. Sa lahat ng ginawa niya, parang ito lang talaga ang pinaka may sense.
“Saan mo ako dadalhin?” Mataray na tanong nito sa kaniya. Lumipat ang tingin nito sa nagmamaneho ng sasakyan at bahagyang namula sa pagkapahiya. She’s still the old Helga, ayaw nitong pakitaan ng kagaspangan ang kahit sino. She doesn’t want other people to feel uncomfortable around her.
“We will talk. We have a lot of things to talk, Helga.” Kalmante niyang sagot.
“Like what?”
“Business.” Pinipigilan niyang mapangiti sa pag-awang ng labi nito.
Tumingin ito sa labas at sinundan ng daliri ang malalaking patak mula sa labas ng salamin.
“Umuulan.” Asik nito.
“Hindi naman kita kakausapin sa ilalim ng ulan.” Naiiling niyang sagot. Sumimangot muli si Helga.
“Kailangan ko nang umuwi. Ibalik mo ang sasakyan.” Parang prinsesang utos nito. Kung hindi niya talaga kilala ito, iisipin niyang spoiled brat ito kahit na malayong malayo ito doon, she’s selfless, and loving, and everything positive that is why he loves her and always will.
“Cannot.” Inayos niya ang kaniyang kurbata para pigilin ang sarili na yakapin ito ng mahigpit. He should held on Helga until she calms down. The longer, the better. Nag-iisip pa siya ng paraan kung paano maba-blackmail ito. Kung paano ito sasama sa kanya. God, he missed her so much. Ngayong nakita na niya ito ay hindi na niya papakawalan pa. Kung kailangan niyang bilhin ang Chef ng hotel para iluto ang lahat ng hihilingin ni Helga, gagawin niya.
Habang patungo sila sa hotel ay mas lalong lumaki ang patak ng ulan sa labas ng sasakyan. Bakas ang pag-aalala sa mukha ni Helga pero hindi ito nagsalitang muli. Nang makarating silang resort ay patakbo na nilang sinugod ang lobby, nabasa pa din sila sa kabila ng malaking payong na iniabot sa kanila.
Walang patawad ang ulan, humahampas pa ang malakas na hangin na walang direksyon.
“Ang lakas ng ulan!” Reklamo ni Helga habang tinitingnan ang pagkakagulo ng mga halaman sa labas ng hotel, halos humalik ang mga ito sa lupa. “Uuwi na ako, Pierre!”
“Paano ka uuwi? Malakas ang ulan. Tatawid ka muli doon sa tulay pinanggalingan natin?” Seryosong niyang tiningnan ito. Humaplos ito sa tiyan, bakas ang pag-aalala. Gusto na talaga niyang yakapin ito para kalmahin pero hindi niya ginagawa. Alam niyang hindi pa ito ang tamang pagkakataon.
“Look, you just need to make a call that you are okay. Ibabalik kita pagkatapos nating mag-usap.”
“Ibabalik mo ako kung kailan mo gusto? That was my exhibit, Pierre! Kung saan mo ako kinuha ay ang sarili at kauna-unahang exhibit ko! I want to hear the client’s commentaries. Gusto kong malaman kung may maibebenta ba—”
“Then consider it sold. Bibilhin kong lahat. Sampu bawat disenyo. Nagustuhan ko lahat, okay?”
Umirap si Helga at humalukipkip. “You are bluffing.”
“Then call someone who will look for you and tell them that you are closing a deal. They can draft a contract then I will sign it tomorrow.” Nakipagtagisan siya ng titig kay Helga. Nilingon niya ang receptionist. “Please call the Chef, I will meet him at the dining hall. Magbabayad ako kahit magkano.”
Nagmamadali namang kinuha ng receptionist ang receiver at tumango tango. Kinuha niya ang kamay ni Helga at hinila ito patungo sa dining hall. Malalawak na lamesa ang naroon pero wala ng mga tao. It is almost 10PM. Kung tutuusin ay nagpapahinga na din dapat ang Chef na ipinatawag ni Pierre.
Ilang sandali pa ay naroon na ang Chef. Binigyan niya ng instructions ito kung ano ang lulutuin. Helga was fidgeting on top of the table. Kinagat pa nito ang kanyang labi. Pagkuwa’y kinhuha nito ang cellphone sa pouch nang mag-ring iyon.
“Papa?” Malambing na sagot nito. Napakunot ang noo niya.
“Okay lang po ako, Papa. Kasama ko po si P-Pierre..”
Hindi niya maunawaan ang pinag-uusapan ni Helga at ng kausap nito. He sat down in front of her. He looked at her intently. Para namang nailang ito at umiwas ng tingin.
Napabuntong hininga siya nang ibaba nito ang telepono. They should really catch up. Marami na siyang nakakaligtaan sa buhay ni Helga at hindi niya gusto iyon.
HELGA.
Nagningning ang mga mata niya nang isa isang dumating ang pagkain sa kanyang harapan. Nanubig ang kanyang bibig habang tinitingnan ang eleganteng pagkakaayos ng kimchi rice at ng bagong lutong chicharon. Pati ang mooncake ay binigyang tuon ang plating.
She scooped some food and forgot her manners to invite Pierre as she tasted everything.
“So? Sinong Papa? “ Tumaas ang kilay ni Pierre. Napalunok siya. Dapat bang sabihin niya dito ang kanyang pagkatao? O ang pagkatao ng ama? Nirerespeto niya ang privacy ni Elias Costa. Kaya lang, kung titingnan naman niya ang mga mata ni Pierre, para namang may karapatan itong malaman ang bawat detalye ng buhay niya. Kahit itanggi niya, malaking parte din ito ng pagkatao niya.
“Yung totoong tatay ko.” Nag-iwas siya ng tingin.
“You met him?”
Tumango siya. “Pero secret lang kung sino.” Kumagat siya ng chicharon at gumawa ng malutong na tunog iyon.
“You still have to introduce the father of your child to him. Lalo na’t magpapaalam ka na babalik sa Manila para magtrabaho sa akin.”
Pinanlakihan siya ng mga mata. “Anong ibig mong sabihin?!”
“You need to finish your project with me, Helga. Nakatengga iyon dahil umalis ka.”
“Come on, Pierre. Wala ka bang tao para doon?”
“Wala.” He answered as a matter of factly. Nagngingitngit siyang kumagat ng mooncake.
“Buntis ako.”
“Oh, so you are using the pregnant card now, huh? Hindi ba naidisenyo mo ang lahat ng nasa exhibit nang buntis ka? It is not a hard labor job, Helga. Nakaupo ka lang. I will approve your designs and that’s it. Pupwede mong ilagay ang mga nagawa mo na para mabawasan ang trabaho mo.”
May punto ito, ang hindi niya lang ata kakayanin ay ang makita ito araw araw at salubungin ang galit nito. She will go through the same stress again, magagalit ito at iipitin ang mga designs niya.
“Mukhang nahihirapan ka pa din mag-isip. Maybe I will just cancel the Almonte’s road project in Iloilo.”
“You cannot do that.”
Walang humor sa mukha nito, she sighed in defeat, alam niyang kaya nitong gawin iyon. All her life napaniwala siyang mabuting tao si Pierre, how could she be so stupid? Pero huli na ang lahat, paano pa niya mababawi ang nararamdaman para sa binata? Mahal niya ito kahit alam niyang dirty player ito pag-dating sa negosyo.
“Hindi ko iiwan si Papa dito sa Cebu, he’s old.”
“Then Cebu it is.” Mabilis na sagot ng kaharap. Parehas silang nahinto sa pag-uusap nang may lumapit sa kanilang empleyado ng hotel.
“Mr. Floresca, anong oras po ang wake up call ninyo para sa flight niyo mamaya?”
Napatingin siya kay Pierre. Aalis din pala ito mamaya. They could exchange emails, pabor sa kaniya iyon.
“No need to wake me up. I am staying.”
Natigilan siya. Mukhang hindi kasingdali ito ng iniisip niya.
“Why are you looking at me like that?” Iritable si Pierre nang tanungin siya. She’s wearing Pierre’s white polo shirt. Dahil malaki na ang kaniyang tiyan ay umigsi na iyon. Nakahiga siya sa malawak na kama nito sa suite room. His manly scent filled the room, kung dumating lang ito ngayong araw, how can his scent occupy the room like it was his. This was the same thing she would like to go home to, before all the ruckus.
Nakipagdiskusyon siya ng matagal para ibalik siya nito sa Mandaue pero hindi ito pumayag. Malakas daw ang ulan, totoo naman iyon. Baka mastranded lang sila sa daraanan kung magpupumilit sila na bumalik sa City.
Isa pa, nagtext sa kaniya ang ama na manatili na lang kung nasaan ito dahil delikado kung lalabas pa.
Pinanood niya si Pierre na tanggalin ang butones ng suot na polo isa-isa. Napatakip siya ng mukha.
“What?”
Nakahinga siya ng maluwag nang maramdamang huminto ito sa ginawa. Napailing siya. “Masyado ka namang kumportable, Mr. Floresca. Tandaan mong empleyado mo ako at naghuhubad ka sa harapan ka, with me equally naked in front of you.”
“I am the father of your child.”
“Kanina mo pa iginigiit yan! I did not confirm anything.”
Nagsalubong ang kilay ni Pierre at mabilis na inalis ang butones ng suot na polo. “Subukan mo ulit itanggi na sa akin ang batang dinadala mo.” Mapangahas na inalis nito ang suot na pantalon. Impit siyang napatili nang pumaimbabaw ito sa kaniya.
“Bastos! Bastos!” Paulit ulit na tili niya. He’s practically fanning her neck and she almost smack her head because her heart is dancing happily. Kung may kamay nga lang ang puso niya ay baka pumalakpak pa ito.
“Ang tagal kitang hinanap, Helga.”
“You didn’t look for me well enough, Pierre.” Ganti niya dito. Napailing si Pierre at hinalikan ang tungki ng kanyang ilong. She felt her whole body blushed because of the warmth it brought her. Talaga bang all this years, si Pierre lang ang tanging kahinaan niya? He could try to make a fool of himself pero naroon siya, ang kaisa-isang pupuri sa kahit anong gawin nito.
It doesn’t make sense, right? Hindi siya nagkaroon ng pagkakataon na tumingin sa iba, ang kumunsidera ng iba. It was all or nothing, it was Pierre or nothing.
Kaya kahit alam niyang walang katiyakan ang damdamin niya kay Pierre, there she goes, tinatanggap ang mainit na pagpatong nito sa kaniyang katawan, in his underwear at siya ay walang kahit anong pang-ilalim.
“P-pierre.” She whispered. Pinag-isipan niya kung narito ba si Pierre sa kaniyang harapan dahil nakatadhana talaga itong mangyari. Paano kung hindi? Would he still want to be with her? Would he take all odds to be with her?
“Paano kung buntis din si Helena?”
“Oh, she’s not, Baby.”
“Paano, Pierre?”
“Have I not proven my worth?”
“You didn’t.” Paulit ulit siyang umiling. Kahit gaano niya kamahal ito, hindi niya kailanman lolokohin ang kaniyang sarili. Her doubts are bigger than her problems. Kaya naman kahit may solusyon na ang kaniyang problema, hindi pa din niya magawang maging masaya.
Malungkot na tumingin si Pierre sa kaniya at umalis mula sa kanyang ibabaw. Tumango tango ito bago tuluyang tumayo. Binalot siya nito ng malambot na kumot, pinalitan ang sariling init na hatid nito.
“Sleep then..”
Natakot siya, baka pagkagising niya ay wala ito sa tabi niya. Pero ganoon naman talaga. She cannot cling in to things that is not meant for her. Yun ang natutunan niya sa lahat ng unos na pinagdaanan niya.
Because sometimes, there are actually bigger and better things that God has in store for you and it is more than what your heart wished for.
Nagising siya sa pamilyar na amoy, sumiksik siya sa init ng katawan sa kaniyang tabi at for once, nakatulog siya ng mahimbing sa gabi. She used to short naps in the afternoon dahil sa buntis siya pero tuwing gabi ay natatakot talaga siyang matulog. Ngayon ay wala siyang pag-aalinlangan, siguro dahil ay may katabi siya. At si Pierre nga iyon.
Nang magmulat siya ng mata ay napasimangot siya. Sure she wants his scent pero bakit nakakainis pa din ang mukha nito?
“Good morning..” Nakatunghay si Pierre sa kanya, pigil ang ngiti. Hinampas niya ang dibdib nito.
“Ang pangit mo.”
“Ouch.” Pabirong humawak ito sa dibdib at kunwaring nasasaktan. Natatawang nilingon siya nito at pinisil ang kaniyang ilong, “Anything you want? I will ask the chef to cook at ipapadala na lang dito. I need to prepare early, I have an important meeting. Iniintay lang kitang magising.”
Napasimangot siya. Kung gayon ay hindi siya sasaluhan? Oh come on, Helga, don’t be so clingy.
Pinanood niya si Pierre na humarap sa salamin at inayos ang buhok nang matapos na itong maligo. Mukhang importanteng meeting nga ito dahil ayos na ayos pa. His destructively handsome in his three piece suit. And that perfume, God, that’s the best things she smelled during her pregnancy.
Dinaluhan ni Pierre ang pinto nang tumunog ang doorbell at tatlong empleyado ng hotel kasama ang chef ang nag-lahad ng almusal na hiniling niya. Chicken tapa, kwek-kwek at ice scramble.
Napangiti siya.
“Hindi ka ba kakain, Pierre?” Tanong niya dito. Umiling ito.
“I’ll have breakfast at the lobby. Kumain kang mabuti. Ipatawag mo na lang ako kapag may kailangan ka.”
Sunod sunod ang naging tango niya habang natatakam sa mga pagkain nakahanda.
PIERRE
The old guy looks familiar but he’s not as intimidating as Mauro. Ngayon ay alam na niya kung saan galing ang welcoming aura ni Helga. Why she look special among anyone else. It is from her unknown roots.
Tumayo si Elias Costa nang makita siya. Agad na inilahad ang kamay nito na tinanggap niya. Ikinulong pa ni Elias sa isa nitong kamay ang isang palad niya at ngumiti ang mga mata.
“It is nice to meet you in person Mr. Pierre Alfred Floresca.”
“It is my pleasure, Sir.”
Sabay silang umupo sa pinakasulok ng hotel dining, meron nang nakahandang pagkain sa kanilang lamesa.
“I want to apologize for calling you at the wee hours of the night.” Madaling araw nang tumawag ito sa kaniya at humiling ng schedule para makausap siya.
“I understand, Sir. Nasa akin ang anak ninyo. Rest assured that she’s resting well.”
“I know that. Palagay ko ay kahit hindi ko na sabihin sa iyo, alam kong aalagaan mo ang anak ko. I know you before you know us. Alam kong pinapaimbestigahan mo ang kinaroroonan ni Helga and it was I, who was blocking your way. Pardon for that, Mr. Floresca.”
Kahit nagulat ay hindi siya nakaramdam ng galit, he took a sip of his coffee to mask his feelings. Alam niyang wala siyang karapatang mainis dito, Elias was just doing his part as the father of the woman he love.
“Gusto kong makapag-isip si Helga, malaya sa lahat ng stress na pinagdaanan niya sa pamilyang kinagisnan niya. Alam kong pinili ni Helga na magpakalayo kagaya ko para takasan ang problema pero ayokong maisip ni Helga na isa siyang problema na kailangang puksain. She has a life worth living. And deserves to be known to the world. With such talent and beauty, hindi siya pangbahay lang.”
“I promise to give her the life she deserves, Sir. Kung hahayaan ninyo ako.”
“What do you think my daughter deserves then?”
“She deserves her talent be known, Sir. Hindi ko siya pipigilan sa mga bagay na gusto niya. If she wants to design, I will let her. If she wanted to be 100% dedicated to our children, then I will let her. Kahit anong gusto niyang gawin, susuportahan ko siya, huwag lang siyang mawala sa akin, Sir. I was devastated—”
Iniangat ni Elias ang isang palad nito para pigilin siya sa pagsasalita. “Let bygones be bygones. My house is open for you, Mr. Floresca. Pero ang desisyon ay kay Helga pa din naman. Palagay ko ay pinaglilihian ka non. Nakikita kong bina-browse ang litrato mo sa mga society pages at mukhang galit na galit.”
Sabay silang natawa. Her sweet Helga will always be so adorable. Hindi na niya maintay ang pagdating ng araw na magiging malambing sa kanya ito. He misses her wife so badly. Gusto niyang iharap sa mundo ito bilang kaniyang asawa. Kung hahayaan lamang siya nito.
Sinabi niya kay Elias ang lahat ng plano niya habang pinagsasaluhan nila ang almusal sa kanilang harapan., wala namang naging pagtutol ito.
Pero mukhang hindi magiging madali ang lahat dahil nakasimangot si Helga habang binabaybay nila ang daan patungo sa mansyon ni Elias Costa kung saan siya maninirahan hanggang sa tuluyan na niyang makuha ang puso ni Helga.
Naglakbay ang kamay niya at ipinatong iyon sa namamahingang kamay ni Helga. Hindi siya tiningnan ni Helga, pero hindi din siya pinigilan. Kumilos ang mga kamay nito para pagdaupin ang mga kamay nila.
After all those terrifying months, he finally felt at peace. He knows, he’s home now.
♁☆♁☆♁☆♁☆

Thanks for reading! Votes and Comments are appreciated. Offensive comments will be placed on MUTE.
Social media accounts:
Facebook Account: Mari Kris Ogang (Makiwander)
Facebook Page: Makiwander
Facebook Group: WANDERLANDIA
NOTE: Answer the SECURITY QUESTION so that you will be approved
Twitter & Instagram: Wandermaki
Go to my wattpad profile and follow me for more stories.
Kabanata 29
HELGA
“Pero Papa—” Nakasimangot si Helga at nakakapit sa braso ng ama.
“Helga, don’t be a baby. Kailangan ako sa Sweden. Meron akong high-end client na gustong magpasukat ng buong bahay niya. It is a good opportunity para sa ating negosyo. I am doing this for you.”
“Papa, nandito po si Pierre. Di niya ko bati.” Bulong pa niya kahit alam niyang naririnig naman siya ng binata, nasa likod nila ito at kunyari ay abala sa pag-check ng drawings na dalawang araw na niyang ginagawa.
“Kaya nga kampante ako na iwanan ka.”
Napalabi siya, alam niyang marami nang tinanggihang commitments ang kanyang ama sa ibang bansa dahil sa kanya pero bakit kasi ang pakiramdam niya ay ipinagtutulakan siya kay Pierre. Gusto niya tuloy magtampo. Hindi ba nito nakikita na malamig sa kanya si Pierre dahil sa nagawa niyang kasalanan? Nagtago siya dito ng ilang buwan, pati ang kanyang pagbubuntis ay inilihim niya din.
Pinanood niya ang ama nang isakay sa likod ng van ang mga bagahe nito at isang kaway ang iginawad sa kanya. Mangiyak ngiyak siya nang bumalik sa isang rectangular table na sinet-up sa may living room area kung saan siya gumuguhit. Her father believes that she can think of new ideas kung nakaharap siya sa malawak na view ng mga bundok. Pero ang nakatakip sa bundok na iyon ay ang guwapong mukha ni Pierre at masama pa din ang tingin sa kanya.
“Helga, itong color scheme mo sa Activity Center two, parang merong mali.”
Nakipagtagisan siya ng titig, talagang pinahihirapan siya ni Pierre. “Simula nagpunta ka dito, wala ka nang nagustuhan. Sigurado ka bang ako ang gusto mong kuning designer o talagang gusto mo lang ako pahirapan dahil masaya kang pinapahirapan ako?”
“Wow, what an accusation.” Ngumiti si Pierre at napailing. Parang may natagpuan pa itong humor sa kanilang usapan. Nainis siya sa paraan ng pagngiti nito at gusto niyang tusukin ang mata na panay tingin sa kanya.
“The colors are too bright.”
“Boring ka lang kasi kaya di mo gusto.”
“I like it. I think it is better to tone down a little bit. Masyadong bright ang yellow at apple green, baka naman magsuot pa ng sunglasses ang dadaan diyan.”
“Aba! Napaka-basher mo naman! Green is the color of balance, harmony and growth. Samantalang ang yellow naman, optimism at confidence.”
“I have nothing against the color choices, masyado lang maliwanag ang artist impression mo. Masyadong madiin ang mga kulay.”
“Eh kasi nga nagagalit ako!” Pagsabog niya. Napaawang ang labi ni Pierre. There they go, wala pang limang minutong nakakaalis ang kaniyang ama at talaga ngang nag-aaway na sila.
“Ikaw pa ang magagalit? Ipinahanap kita, Helga. Ikaw ang nagtago. Ikaw ang ayaw na akong makita. Eh ikaw nga eh, sinabi mo pang hindi ko anak ang dinadala mo. Hindi mo ba alam kung gaano kasakit yon?”
“Ako! Puro na lang ako!” Hinanakit din niya, “Nagtago ako kasi ayaw ko nang guluhin ang buhay mo, ang buhay niyo ng kapatid ko. Ako lang naman ang nanggulo sa buhay mo di ba..”
“How dare you!” Mas tumaas ang boses ni Pierre. “How dare you say na ginulo mo ang buhay ko? Pero sige, yan ba ang gusto mong marinig? Well for your information, Helga, ikaw ang pinakamalaking gulo sa buhay ko.”
“Salbahe ka!” She countered.
“In fact you made my life yours. Ikaw ang nagpaikot ng buhay ko simula nang dumating ka, how dare you take my life away from me? Simula nawala ka, you have no idea what I went through that I know you are possibly pregnant. Iniisip ko kung umiiyak ka ba gabi gabi at walang kasama. Iniisip ko kung meron bang bumibili ng mga pagkain na gusto mo because knowing you, you always settle for less. Hindi ko akalain na magmamahal ako ng taong ganyan ka-selfless! Sa sobrang laki ng puso mo, minahal mo ang lahat pwera ako at ang sarili mo and I hate you for that!”
Pagkasabi non ay hinihingal na tumalikod si Pierre at padabog na umakyat sa guest room kung saan ito nanunuluyan. Natulala ang mga kasambahay nilang dumalo sa komosyon sa kanilang pagitan.
Pinilit niyang ngumiti at napapahiyang napayuko sa mga kasambahay, “N-nagku-kwentuhan lang po talaga kami.”
Hindi niya alam kung paano lumipas ang maghapon na iyon. Sinubukan niyang magdrawing ng iba pa pero hindi na muling bumaba si Pierre. Pinapadalhan niya lang ito ng pagkain at ipinagpapasalamat niya na tinatanggap naman nito at kinakain. Narealize niya na may punto ito. Hindi niya naman talaga ginustong kunin si Pierre mula sa kapatid niya, hindi niya din ginustong agawin dito ang karapatan para maging ama ng anak ni Helena.
Tumunog ang cellphone niya kinahapunan. Napangiti siya nang makita ang pangalan ni Stephanie doon. She needs distraction at magaling doon ang kanyang kaibigan.
“Steph..” Bungad niya sa kaibigan.
“Oh? Bakit ganyan ang boses mo?”
“Kasi si Pierre, nagagalit sa akin.”
“Bakit daw?”
“Kasi nagtago ako sa kanya..”
“Hmm.. Nagpapabebe lang yan. Lambingin mo kaya?”
Namilog ang mga mata niya, “What? Ayoko nga!” Umiling iling siya at nilingon pa ang guest room mula sa kinauupuan niya sa living room. “Nakakahiya yun.”
“Anong nakakahiya? Ano bang gusto mong mangyari sa inyong dalawa?”
“Bakit ako ang mag-iisip sa gusto kong mangyari? Hindi ba dapat bigyan niya muna ako ng choices?”
“May nakikita ka bang choice? Merong bang a,b,c,d sa pagmumukha ni Pierre? Ikaw ang tatanungin ko, do you want to be with him?”
“Paano kung ayaw niya?”
“Si Pierre ba ang tinatanong ko? Hindi ba ikaw?”
“Magulo pa. Iisipin na talaga nila Mommy at Daddy na trinaydor ko si Helena.”
“Alam mo, madalas gusto kong mandiri sa kabaitan mo. Wag lang sana mamana ng anak mo yan ha.”
“Stephanie naman. What I am saying is, hindi ko pa tiyak kung anong gusto ko pero ayaw ko naman na magkaaway kami.”
“So friendship muna. Okay, ibaba mo itong telepono at amuhin mo yung friend mo..”
“Steph naman!”
“Oh, bakit? I am giving you the solution, Honey. Kung ayaw mong nag-aaway kayo, eh di kaibiganin mo.”
Nang ibaba niya ang tawag ay nag-isip siyang mabuti. Iniisip niya kung paano siya patatawarin ni Pierre. She should say sorry, right? Pero dapat meron siyang pakulo. She should cook him dinner. Dadalhin niya iyon sa silid ni Pierre pagkatapos ay hihingi siya ng tawad.
Habang inihahanda ang sangkap sa napagdesisyunan niyang lutuin na beef salpicao, nagpapractice siya ng speech niya.
Ilang beses niyang na-edit sa utak niya ang speech niya, hindi dapat masyadong mahaba para hindi maging madrama. Dapat straight to the heart, yung tunay na nararamdaman niya. Kaya lang baka may iba naman siyang masabi kapag ganon.
“Bahala na nga..”
“Ano po yon, Ma’am Helga?” Tanong sa kanya ni Koring, ang cook ng kanyang ama.
“Wala po. Ako na po ang mag-dadala nito kay Pierre.” Ngumiti siya at saka iniangat ang tray mula sa kitchen nook.
Tatlong beses ang mahihina niyang katok sa silid ni Pierre, when it opened, ang bagong shower na Pierre ang bumungad sa kanya. His hair is still dripping wet and his towel hanged loosely on his waist. Napalunok siya at bahagyang napaatras.
“Dinner mo..” Aniya.
“I will be dining out. Nag-imbita ang isang associate ko na naka-base na din dito sa Cebu.”
“P-pero ako ang nag-luto nito..” Maliit ang boses niya. Lumipat ang mga mata ni Pierre sa tray. Agad na inabot nito ang tray mula sa kanya.
“Thank you.”
Akmang tatalikod na si Pierre nang pigilan niya ito, “S-sandali. Meron ka bang ilang minuto? May sasabihin lang ako.” Huli na bago pa niya marealize na hindi pa nakabihis si Pierre pero nang buksan nito ang pinto ay pumasok na din siya. Umupo si Pierre sa gilid ng kanyang kama, siya naman ay naupo sa arm chair na kinakabahan ng husto.
Ipinatong ni Pierre ang tray sa kanyang binti at agad na sumubo ng ulam. Helga couldn’t hep but notice how manly he eats. Nakatitig pa ito sa kanya sa bawat subo. Yun nga lang ay masama ang tingin sa kanya.
“Talk.”
“Nung umalis ako, isa lang ang dahilan, ayokong ma-stress ang baby ko—natin. Sana maintindihan mo na hindi masyadong maganda ang environment na meron tayo. Inisip kong habulin ka, p-pero kasi baka hindi ko kaya, baka mag-suffer ang baby. I almost lose our baby. Siya lang ang meron ako. Akala ko kasi buntis din talaga si Helena, magkakaroon ka din ng baby mo at ito..” Masuyo niyang hinaplos ang kanyang kamay, “Ito lang ang meron ako. Ito lang ang maiiwan mo. Sana akin na ito. Sana hindi ko na kailangan makipagpatayan para dito. All my life I need to prove my worth, gusto ko lang magkaroon ng akin na walang ibang aagaw.” Hindi siya umiyak. She tried to maintain her composure. After all, hindi na siya bata na pupwedeng iiyak ang lahat para pagbigyan. She wants to talk to Pierre like a grown woman, kahit nakakatanda sa kanya ang kahrap.
“Gusto mo sayo lang yan?” Tumaas ang kilay ni Pierre at sumubo muli ng pagkain.
Tumango siya. “Hindi ko naman ipagdadamot sayo. ’Wag mo na lang sana idaan sa korte. I mean, your future wife would hate my child anyway. Hindi ako hihingi ng sustento, you can live your life the way you want it—”
“You really think so?” Pinanliitan siya ni Pierre ng mata. “So you are okay if I get myself a wife?”
Kahit labag sa kalooban niya ay napatango siya.
“Okay.” Nag-kibit balikat ito. Tumayo ito bitbit ang tray na wala ng laman. “I am running late so if you don’t mind.”
“Pierre.”
Nilingon siya nito.
“P-pupwedeng magpabili ng siomai sa Tisa ?” Napakagat labi siya, hindi yun ang gusto niyang sabihin.
Tumango si Pierre, “Okay.” Lumapit ito sa pinto at binuksan para sa kanya.
“S-saka samahan mo na din ng puso . Mga lima.”
Puso (hanging rice) is a dish originating from the province of Cebu in the Philippines. It consists of rice wrapped in coco leaves which is then boiled.
“Limang puso pa ang kailangan, hindi talaga kuntento sa isa.” Bulong ni Pierre.
“Anong sabi mo?”
“Gabi na, kakain ka pa ng ganon karami?” Imbes na ulitin ay tinanong siya ni Pierre.
Nilawakan pa ni Pierre ang pinto para sa kanya pero hindi siya kumilos mula sa kinauupuan niya.
“Pierre.” Napalunok siya.
“What else, Helga? I’ll be late.” Tila nawawalan na ng pasensya na sabi nito.
“Y-yung associate mo, babae o lalaki?”
Natigilan si Pierre at sinukat siya ng tingin. “Why?”
“Lalaki o babae?” Ulit niya, halos mapunit ang pagkakahawak niya sa laylayan ng suot niyang maternity dress.
“Get dressed, sumama ka na. Pagkatapos ng dinner ko pupunta tayo sa Labangon . Kakain tayo ng siomai.”
“Pierre..”
“Lalaki ang associate ko, merong kasamang mga babae. I don’t want to leave you here at kung ano ano na naman ang iisipin mo sa akin. I know the feeling of being jealous.”
“I am not jealous!” Namumula na ang mukha niya. “Ano naman kung makipagsaya ka doon sa mga babae ng associate mo! Siguro balingkinitan ang mga katawan non, siguro hindi namamanas ang mga paa nila. Ano naman! Maganda naman ako.”
“What?” Amused na bulalas ni Pierre.
Taas noo siyang nag-iwas ng tingin, “Tiyak kong mas maganda pa din ako sa mga iyon.” Naririnig niya ang mga hakbang ni Pierre papalapit sa direksyon niya, gusto niyang kainin na lang ng lupa.
“I know. Ikaw ang pinakamaganda. Ikaw lang, Helga. But I want you to come with me. I missed you the whole day.” Nakalapit na sa kanya si Pierre at nakaluhod sa kanyang harapan.
“Pierre!” Napatakip siya sa kanyang mukha. Hindi niya alam kung ano ang mararamdaman. Why does he have to be so blunt! Parang puputok ang puso niya. Nahihirapan ata siyang huminga.
“Come on, Helga. Don’t you miss me?”
“Papaluin ko na yang mukha mo, lumayo ka!”
Narinig niya ang mahinang pagtawa ni Pierre, “Kinikilig ka.” Ginulo nito ang buhok niya. “Magbibihis lang ako, iintayin kita sa living room. Make it fast para makapagpaalam na agad tayo at tayo naman ang magde-date.”
Nang tumalikod si Pierre ay nagmamadali siyang lumabas. Hindi niya ata kayang makipagtitigan dito. Anong karapatan ng lalaking iyon na tuksuhin siya sa pagiging kyuryoso? Nagmabilisang shower siya at tinuyo ang buhok. She opted for a white maternity flowing dress. Pakiramdam niya pa din ay napakapangit niya. Imposibleng hindi titingin si Pierre sa ibang babae kung ganun ang itsura niya.
But who cares? Bakit niya nga ba iniisip yon?
Nang bumaba siya sa hagdan ay natanawan niya agad si Pierre na matiyagang nag-iintay. He’s wearing a dark blue poloshirt and dark jeans. Parang bumigat ang paa niya, naalala niya ang pag-uusap nila.
“Hi Baby. You look good.” Malakas ang boses nito, nag-init muli ang pisngi niya. Tiyak na maririnig iyon ng kanilang kasambahay, baka makita din ito bsa CCTV ng Papa niya.
“’Wag mo nga akong tinutukso!” Sabi niya nang makalapit.
Natawa muli si Pierre. Agad na gumapang ang kamay nito sa kanyang beywang. “I am just showing you what you’ll miss if you won’t end up as my wife.”
“Ang yabang mo!”
“But definitely it is not as much as what I would miss if you will not become mine.” Bulong nito sa kanyang tainga, “Itigil na natin ang lambingan na ganito. Let’s make this official. Mahal kita. Please be my wife, Helga.”
♁☆♁☆♁☆♁☆
Thanks for reading! Votes and Comments are appreciated. Offensive comments will be placed on MUTE.
Social media accounts:
Facebook Page: Makiwander
Facebook Group: WANDERLANDIA
NOTE: Answer the SECURITY QUESTION so that you will be approved
Twitter & Instagram: Wandermaki
Go to my wattpad profile and follow me for more stories.
Huling Kabanata
Helga
“My fiancee, Helga Ortega.” Hindi niya alam kung ngingiti siya o sisikuhin si Pierre. She did not say yes, she answered his proposal with a hug. Does that means ‘yes’? O assuming lang talaga si Pierre. Pinaglaruan ni Pierre ang kanyang mga daliri sa ilalim ng mesa. They were on a dinner with Pierre’s college friends and associates. It was a lovely evening, finally, she can go out like a normal human being.
She can’t help but to adore the quaint interiors of the restaurant. Lush paintings and furniture were carefully chosen to complement the Italian vibe of the place, they even played Scarlatti and Vivaldi, oh, she became familiar of Italian musicians because of her father’s music choices. That made her think that time is not really of the essence when it comes to connections, you can build connections and know the person in a short span if you really open your heart to them. And longer engagements don’t mean anything. Kagaya nang nasirang engagement ni Pierre at Helena na siya din ang may kasalanan.
“Oh, and an upcoming baby?” Tumaas ang kilay nang isa sa kaibigan ni Pierre na nakilala niyang si Winona.
“Yes.” Pierre’s eyes twinkled in delight. Parang walang titibag sa kasiyahan nito.
“Wait, Helga Ortega, hindi ba Helena Ortega ang girlfirend mo noong college, Pierre? I remember that girl from the other class, yung lagi mong pinupuntahan? That girl looks like her, though, I am lost. Sorry, I am not good in remembering names and faces.” Winona laughed bawdily, she really looks clueless and a non-offending friend.
“She’s my sister.” Agap ni Helga.
“And you’re the same girl in college?” Kumunot ang noo ni Winona.
Umiling siya at nahihiyang ngumiti. “I—I was in highschool when you were in college.”
Nakita niya pa kung paano ito tingnan nang makahulugan nang lalaking kasama nito at saka umiling. Nagkibit balikat naman si Winona.
She thought that the dinner will get awkward, mabuti at hindi na tinalakay kung paanong naging sila ni Pierre. Pierre on the other hand was very attentive of her needs, panay tanong nito kung ano ang gusto niya at kung may kailangan siya. Maybe if she just welcomed Pierre in earlier days of her pregnancy, baka hindi na siya marunong maglakad ngayon dahil binubuhat na lang siya nito.
“It is too early to settle down.” Sabi ni Vanjo. Sa grupo ay ito ang mukhang seryoso sa lahat. Akala niya ay si Pierre na ang pinakaseryoso na nakaharap niya pero meron pa palang tatalo dito.
Pierre shook his head, grabbing her right hand tightly, “When you find the right one, you’ll feel that everything is too late. Kulang ang oras, at hihilingin mo sana noon pa nasimulan.”
“Pero underage pa siya that time, hindi ba?” Humalakhak si Lucas, sumimangot naman si Pierre pero mukhang hindi naman ito nagalit.
“Age is—”
“Just a number?” Putol ni Santino kay Pierre.
“Age is a matter of feelings, not of years.” Binalingan ni Pierre ang pagkain nito at sumubo ng bite-sized seared salmon. Mukhang wala ding balak ang kanyang fiance na magpakabog sa pang-aasar ng mga kaibigan.
“Ikaw, Helga, handa ka na bang magpatali dito kay Pierre? Masungit yan, laging busy.”
“I’ll make time.” Maagap na sagot ni Pierre sa intriguing na tanong ni Lucas..
“Eh yung pagiging masungit?”
“Hindi naman siya masyadong masungit na ngayon.” Pagtatanggol naman niya sa binata.
“Basta ikaw.” Pierre kissed her forehead and her blood instantly pooled on her cheeks. She couldn’t imagine that Pierre would be this blunt. He was so uptight. Now, even while eating, whenever he hears her voice, he will attentively respond.
“Uy, nagbabago din pala!” Naghagalpakan ang magkakaibigan.
They dismissed late, masyadong nag-enjoy ang magkakaibigan sa catch up nila. Hindi din naman siya na-bore, kung tutuusin ay nahihiya pa siya sa grupo dahil mukhang siya ang dahilan kung bakit hindi na ito nag-ayang magtungo sa bar. She heard from Stephanie that Cebu City has exquisite night life. Safe parties, chill nights and local performers have really nice voices.
“Siomai?” Pierre smiled at her, she nodded her head. Hindi ata maubos ubos ang kanyang pagkagutom. Sinusulit na niya dahil malapit na siyang manganak.
They went to Labangon. Magkakasunod ang nagtitinda ng siomai kaya paglabas pa lang ng sasakyan ay amoy na ang mabangong steam mula sa lutuan, nakasabit ang mga puso sa bawat tindahan at nakakahalinang tingnan.
They both sat at one of the benches made of old oak, she felt the rough finish on her thighs. The long table was covered with plastic designed with flowers and leaves, in front of them were two couples enjoying their meal, too. Nang dumating ang mga pagkain ay nagsimula na silang kumain dalawa. She was smiling while eating with her hands. There are a lot of things that she experienced and there’s nothing wrong having a slice of life amidst it all. Parang nagkaroon siya ng bagong buhay lately and she was happy.
“Are you happy?” Napadako ang tingin niya kay Pierre. Hindi pa nito ginagalaw ang sariling pagkain. Nakangiti ito at nakatingin sa kanya. This guy, alam kaya nito na nakakatunaw siya kung tumingin? He could be on every box of a toothpaste brand.
Tumango siya, hindi nga niya maexplain ang kapayapaan na nararamdaman niya. She felt it when she lived with Elias Costa months ago, she’s living without the need to prove herself to anybody or try so hard to make someone else’s happy, it was the best days! Ngayon nga ay kasama na niya si Pierre, nadagdagan ang nararamdaman niyang kasiyahan. After all, happiness isn’t on extravagant things, it solely depends on peace, just peace.
“Gusto ko ng ganito lagi, Pierre.”
“You know that we should face my parents, right? Gusto kong maging parte pa din sila ng buhay natin.”
“Would they accept me?”
“Their opinion don’t matter at this point, Helga. I’ve made my decision. It is either they’ll celebrate with me or not.”
Nang umuwi sila sa tahanan ni Elias Costa, Pierre asked that they’ll stay in one room. She agreed but she insisted to stay in her room, hindi na tumanggi doon ang kanyang nobyo.
“This is all pink!” Komento ni Pierre sa kanya nang natatawa.
“I love pink!” Sagot naman niya. Defending her pink bedsheets, fluffy baby pink wool carpet and eccentric pink wallpapers.
Pierre strides slowly to her and caught her by the waist. He placed her into a comfortable snug. Masuyo nito itong pinadaanan nang haplos ang kanyang likod habang mataman siyang tinitingnan sa mata. God, she missed him this close. His body heat, his manly scent and his stares. This is piece of unsteady soul, always angry and dominating man was her peace. Weird.
“You are free to choose the color of our bedroom. I won’t complain as long as you are here now, my queen.”
Pinipilit niyang itago ang pamumula ng mukha, only that her attempt failed. She was blushing and constantly smiling like a lovestruck teenager that she was to Pierre not so long time ago but more than half of her life already. She should practice doing a poker-face, hindi naman pupwedeng araw araw siyang kinikilig tuwing nakikita niya ito. She just couldn’t believe it.
“Should we fly to Manila, tomorrow?”
Pinanlakihan siya ng mata, “Tomorrow?” Ulit niya, Pierre nodded.
“Why not? The earlier we settle this, the better.”
Kaya naman kinabukasan ay hindi siya mapakali sa upuan sa eroplano. Pierre booked a business class seat for them, however, she couldn’t relax as expected. Patingin tingin siya sa labas. She cannot enjoy the cotton candy clouds in the sea of blue hues and white. Hindi din siya makatulog dahil maigsi din ang byahe.
Sinundo sila ng isang driver mula sa airport. All her nervousness was top-up. There’s a tight knot in her stomach and she felt her baby is also fidgeting inside.
“Relax, my parents knows you.”
“As Helena’s sister, Pierre.” She snorted. Nakahawak siya sa kanyang sinapupunan habang nasa biyahe, parang kumukuha ng lakas doon. Pierre looks calm and confident, hindi niya alam kung saan ito kumukuha ng ganong lakas ng loob.
Isang magarbong mid-century modern mansion ang sumalubong sa kanila. All the wooden doors were shiny, healthy trees, ornamental plants and entricately designed garden made the house look modest, except for the huge olympic sized swimming pool and a cabana at the middle of it, it looks like an A-class resort. She met Pierre’s parents, Remifelisse and Alfredo Floresca, they were civil and didn’t get a chance to talk at all, kaya naman nang makita niya ang mga ito na nakangiting salubungin sila sa maindoors ay parang mahihimatay siya sa kaba.
“Welcome back, Son.” Inilahad ni Remifelisse sa anak nito ang dalawang kamay. Alfredo Floresca smiled and looked at her with acknowledgement. She smiled shyly. Inanyayahan sila ng mag-asawa para pumasok sa mansyon. If she was amazed by the exterior of the house, mas lalo naman siyang napabilib ng loob ng bahay. There were different wood decors, all shiny and made of expensive wood from a huge chunk of tree. There were steel pieces, inspired by shrubs and flowers that hugs the two huge posts of the house. An expensive painting that was painted using a wood resin was proudly displayed at the center of the spacious sitting room of the house. Now she knows why the house looks familiar, it resembles a private resort in Bantayan.
“How are you, Helga? The pregnancy suits you well.” Remifelisse asked. The woman is in her late fifties but it doesn’t seem like it. Wala man lang itong puting buhok, even her hair was fixed in a low bun and a fuchsia midi dress, mukha pa din itong bata. Huling pagkikita nila ay noong ‘kasal’ nila ni Pierre, Remifelisse was crying and she felt sorry for her. There was no chance that they could talk that day, she felt that she’s snatching her beloved son to her.
“Thanks, Tita.”
“Mommy, call me Mommy. And call Alfredo your Daddy. I am really happy that finally, Pierre made up his mind.”
“Mamanhikan na ba kami sa inyo, Hija? Although it will be awkward because Pierre grew up having Helena beside him and supposed to get married—”
“My biological Father is currently in Sweden, Daddy Al.” She smiled. Napa-‘o’ ang labi ng mag-asawa. “I am, apparently, conceived by my mother by a mistake.”
Naramdaman niya ang pag-gagap ni Pierre ng kanyang mga kamay, she gave him a curt nod to send a message that she’s okay because she is. Dati ay hindi niya maipaliwanag ang pagkamuhi sa kanya ng mga taong minamahal at inirerespeto niya. It made her frustrated but not angry. Hanggang ngayon ay alam niyang dapat niyang ipagpasalamat na hinayaan siyang mabuhay ni Mauro at Adriana Ortega. They can choose to abort her or throw her in the streets but they didn’t, they chose to raise her and gave her shelter, food, and her own identity that she should be thankful of.
“I am very proud of you, Pierre, for stepping up for Helga. You have our support.”
They spent the whole day at the Floresca mansion. Helga easily get along with Remifelisse, they both shared their interest about plants. Ang akala niyang nakakakabang pagtatagpo ay hindi naman pala. Tuwang tuwa ang mga ito sa unang apo na darating. They were interested about the gender but she opted not to know for the element of surprise.
“Pierre, meron akong gustong puntahan bukas.” Sumiksik siya sa katawan ni Pierre habang malambing niyang hinahaplos ang brasong nakapalupot sa kanyang tiyan. Maaga silang pinagpahinga ni Remifelisse sa silid ni Pierre dahil masama daw mapuyat ang buntis.
“Where?” Narinig niya ang boses nito sa kanyang batok.
“I want to talk to Mom.”
“Do you need me to come with you?”
Umiling siya, “Ako na lang, she’s my mother. She may hate me but she’s still my mother.”
Kinabukasan ay sinubukan niyang tawagan si Adriana Ortega. Her voice towards her was cold and indifferent but she didn’t mind. Nakipagset siya ng lunch appointment sa paborito nitong French Restaurant. She remembers how Adriana loved the Tuna Jaw in Hollandaise sauce. She wore a simple baby pink short sleeve dress and a simple gold ballerina shoes to go with it. She did not attempt to hide her tummy, it is one of the things that she will always be proud of.
A driver drove Helga to Le Ame , she insisted that Pierre will not get in the way whatever their discussion will have and he respected that.
“Your name, Ma’am?” Tanong ng host sa entrada ng restaurant, kinabahan siya, she didn’t know that she needs to reserve a table for lunch but she gave her name anyway. Nagtipa ito sa touchscreen monitor nito at agad na ngumiti, “Your company is already here, Ma’am.”
Pinagbuksan siya ng pinto ng restaurant staff at dinala siya sa isang pribadong bahagi ng Le Ame . Meron iyong sliding glass door na naghihiwalay sa ibang customer ng restaurant. When the door opened, Adriana’s lips parted as she looked at her very obvious pregnancy.
“Y-you are—”
“Pregnant, Mom.” She calmly said as she sat on the chair in front of her mother. Tumalas ang tingin sa kanya ng kanyang ina.
“Then, who is the father?”
“Si Pierre.”
Mas lalong lumalim ang pagkunot nito, “Hindi ka talaga natuto! Alam mong mahal ng Ate mo si Pierre! Bakit ka ba nanggugulo! Paulit ulit na lang, Helga! Dumagdag ka pa ng problema!”
“Mommy naman..” Her voice cracked.
“Aayusin ni Helena at ni Pierre ang kanilang relasyon. Maayos naman simula umpisa! Ikaw lang naman ang naging gulo simula’t sapul! Kung hindi ka sana lumandi!”
“Mommy, stop..” Nakayuko siya habang nag-iinit ang sulok ng mga mata. “Bakit hindi ninyo makita? Pierre and Helena will never happen..”
“Because you are a slut!”
“Kung makapagsalita kayo, parang hindi niyo ako anak..” Puno ng hinanakit na sabi niya sa ina. “Maiintindihan ko si Daddy pero ikaw ang Nanay ko. How could you not love me when all I felt with my unborn child is pure love and adoration?”
Hindi nakakibo si Adriana at nag-iwas lang ito ng tingin. “If I need to raise this child on my own, I will and I can, with no regrets, I have enough love for my baby that it won’t seek anymore love and affection from others.” Patuloy ni Helga.
“But Pierre asked me to marry him and start a family with him. I’ve been fighting with what I feel eversince because of my love for Helena, but I cannot give away someone who’s not mine. Kung kaya kong ibigay ang lahat, gagawin ko, pero hindi ko pupwedeng ipamigay si Pierre dahil meron siyang sariling desisyon.”
“Kung hindi mo sana siya inakit.” Mariing nagpunas ng luha si Adriana na hindi pa din siya tinitingnan.
“Hindi ko iyon ginawa, Mom.. You think I will be a slut because you are my mother and you cheated on your husband?”
Malakas na hinampas ni Adriana ang lamesa at nanginginig na itinuro siya, “Huwag mo akong pagsasalitaan ng ganyan. Binuhay kita! Tiniis ko ang panghuhusga sa akin ng pamilya ni Mauro at ng asawa ko mismo. Tiniis ko para lang mabuhay ka! I could just easily get rid of you when you were just a child. Kung alam ko lang na lalaki kang ganyan—”
“Sana pinatay mo na lang ako?” Malungkot siyang ngumiti sa kabila ng sumabog na galit ng kanyang ina. “Thank you for letting me live. You don’t have to think about me. Nakita ko na ang tatay ko, he accepted me without questions asked. Hindi ko na kayo magugulo pa.”
“A-anong sabi mo? Nahanap mo si Ulysses?”
Tumango siya, “I think I will just be like my father. From now on, you will not see my face anymore or any offsprings that I’ll bear.” Marahan niyang inabot ang nanginginig na palad ng kanyang ina na nakapatong sa lamesa.
“You were a great mom to Helena, and you tried. I know you tried but I also know that I am a constant reminder of your guilt that is why you hate me and I am sorry for making you feel the hate and guilt. Sorry, Mommy.”
“Walanghiya ka!!” Napakislot siya nang maramdaman niya ang kamay sa kanyang ulo na hinihila ang buhok niya. Pinigilan niya ang kamay. She knew who it was.
“Helena, sandali!” Pero hindi nakinig ang kanyang kapatid.
“Malandi ka! Talaga bang kukunin mo ang lahat ng sa akin? Bakit bumalik ka pa!”
“Helena, tumigil ka!” Tumayo si Adriana at pare-parehas silang natigilan. “Hindi mo ba nakikitang buntis ang kapatid mo?” Istriktang wika nito.
Bumaba ang tingin ni Helena sa kanyang tiyan, biglang nagbago ang ekspresyon nito at tila may maliit na apoy ang biglang nagliyab sa kanyang mga mata. Helena stride backwards and then she prepared her right leg to kick her, she was caught off guard ngunit bago pa man mag-landing ang 6-inch stiletto nito sa kanyang tyan ay naiharang na ni Adriana ang kanyang katawan, niyakap siya ng kanyang ina ng mahigpit, pinuprotektahan siya mula kay Helena.
A strong thud froze Helga in fear as she saw Adriana’s face. Napangiwi ito sa sakit at sa malakas na pwersang tumama sa likod nito, hindi lang isang beses kundi sunod sunod. All strength and anger that Helena could muster was what she has given on those kicks. Parang nag-ibang tao iyon.
“Helena! Stop! Stop!” Paulit ulit niyang sambit pero patuloy ito sa pagsipa sa likod ng kanilang ina na para bang wala itong buhay. “Helena! Si Mommy!”
“M-mommy..” Bulong ni Helga nang huminto si Helena sa pagsipa at pagtili. Helena was in shock, too.
“Mommy! Oh my God!”
Unti-unting napaluhod si Adriana habang napapapikit, hindi binitawan ni Helga ang kamay ng ina. Helena was a black belter in Taekwondo and her fighting skills is not a joke.
“H-help!” Helga cried. Paulit ulit siyang tumawag ng tulong habang si Helena ay tulala lang na pinagmasdan ang ina na wala nang malay.
“What did you do, Helena?” Umiiyak na tanong ni Helga. That kick was for her, kung hindi iniharang ng ina ang katawan nito ay malamang nasaktan din siya lalo na ang anak sa kanyang sinapupunan.
Binuhat si Adriana ng staff ng restaurant nang may dumating na ambulansya. Sumama si Helga sa ambulansya habang hindi binibitiwan ang kamay ng ina.
“I am so sorry, Mommy. Sorry..” Paulit ulit niyang usal.
That was one of the longest days of her life. Napuntahan na siya ni Pierre sa ospital, natawagan na din niya si Mauro Ortega ngunit hindi niya makita si Helena. Bigla na lamang itong nawala habang nag-iintay sila ng ambulansya.
“She saved my life, our baby’s life..” Humihikbing lahad ni Helga kay Pierre. Adriana’s spine incurred trauma. According to the doctors, she was paralysed from neck down because of the bleeding and the swelling of her discs due to strong impact from the kicks, tumama din ang metal heel ng stiletto ni Helena sa likod ng kanilang ina. The bad thing was, she will be suffering paralysis in her lifetime.
“Helga.” Napaangat siya ng tingin sa tawag ng taong kinikilala niyang ama. Seryoso itong nakatingin sa kanya at nakapamulsa, tumayo agad siya at lumapit dito.
“Your mother wants to talk to you.”
Nabuhayan siya nang malamang gising na pala ang kanyang ina. Pinunasan niya ang luha at lumapit sa silid nito. Her mother was wearing a neckbrace. Marami ding aparato ang nakakabit sa katawan. Malamlam ang mga mata nito at mukhang pagod na pagod.
“Mommy? Mommy I am sorry.” Ang pinunasan niyang luha kanina ay kusang tumulo. “I am sorry for what I said. I really love you. I do..” Parang batang sambit niya. “Sorry for dragging you into this.”
“No, Helga. I am sorry.” Awtomatikong tumulo ang luha ng ina, “Now you know, that after all this years, I really don’t want to lose you.. And I also learned it just today, I am not willing to give you up. I am sorry for being hard on you.” Kahit nahihirapan ay nagawa pa din nitong sabihin.
“No, Mommy.. Stop talking..”
“Sorry because I’ve raised Helena that way. It was our fault.”
“Adriana, you need to rest.”
“Please send Helga home, Mauro, she needs to rest, she’s pregnant. Look for Helena too, tell her I forgive her but tell her to accept our suggestion. Tell her that she needs therapy, Mauro. She need that.”
Napakuyom ang kamao ni Mauro at inilipat ang tingin sa kanya. “Happy?”
“Mauro.”
Umiling siya, “Sorry po, Da—Tito..”
“Wala kang utang na loob!”
“You can blame me all your life, Daddy. Hindi ko naman pinili kung paano ako lalabas sa mundong ito. But it is okay now, I understand how you feel. I understand how it hurts. I’ll just pray you will find in your heart to forgive Mommy and your brother.”
Tumalikod na si Helga pagkatapos tapunan nang malungkot na tingin ang ina.
Nagmamadaling lumabas si Helga sa hospital suite ni Adriana, sinalubong siya ni Pierre na may nag-aalalang tingin. She glanced at the hospital door, she knows this will be the last time that she will see the family that raised her. It is okay to cut the ties with people who doesn’t see you as a person but as a nuisance. She understands the negativity that her presence is bringing her family and she doesn’t want them to feel that way.
Pierre ran his fingers on her hair while looking at her with softness, “I am blessed to have you. I will assure you that never a day you will need other people in your life. I, will be enough, our child will be enough. Hindi mangyayari sa kanya ang pinagdadaanan mo.”
Helga nodded her head. Silently praying that this will be the end of everything.
“I love you, Helga.”
“I love you too, Pierre.”
♁☆♁☆♁☆♁☆
Maki Say’s: May Epilogue pa mamaya, wait lang! Ieedit ko muna. Finishing a story was one or my greatest weakness, I am trying to correct it now to my next stories kaya sana mainitindihan niyo kung napakatagal ng update ko kapag papatapos na. But I am trying! Thanks for waiting :)
Thanks for reading! Votes and Comments are appreciated. Offensive comments will be placed on MUTE.
Social media accounts:
Facebook Page: Makiwander
Facebook Group: WANDERLANDIA
NOTE: Answer the SECURITY QUESTION so that you will be approved
Twitter & Instagram: Wandermaki
Go to my wattpad profile and follow me for more stories.
Epilogue
HELGA.
Helga adjusted her life by pushing away all the negativities she had in the past. They were already planning her marriage with Pierre five months after giving birth. She never seen her family eversince, nakikibalita na lang siya sa dati nilang mayordoma. Adriana was doing fine, not great but have adjusted, she’s more worried about Helena’s whereabouts.
Elias on the other hand, supports her with her decisions, he have met Pierre’s family. Helga’s still going home with her father.
“Buntis! Tingnan mo ang gown na idinisenyo ko sayo.” Stephanie was literally drifting on the carpeted floor of Almonte Construction. Yes, she’s back to work, she’s still part of the team that will build the mall that Pierre was planning. Pierre have settled his issues with Travis and the two were civil. Pwede na siguro yon. Imposibleng maging mag-bestfriends ang dalawa.
“Hindi natin alam kung ano ang kalalabasan ng katawan ko pagkapanganak ko, Steph. Don’t get too excited.”
“Kaya nga, eto nilagyan ko ng corset para may shape.”
“I might not fit. Saka hindi importante ang gown.” Napangiti siya, nangangarap na naman ng gising kung paano siya maglalakad sa altar kasama si Pierre. Stephanie deliberately rolled her eyes.
“Ang importante yung ikakasal. Fine. Sige, kailan kaya lalabas ang baby na yan? Hulaan ko, babae yan kasi napakablooming mo.”
Wala sa sariling napahaplos si Helga sa kanyang mukha, pakiramdam niya ay mas gumaan ang kanyang loob nang mapalapit siyang muli kay Pierre. Hindi nito ipinaramdam sa kanya na hindi siya nito priority. Wala na nga ata siyang mahihiling pa.
Tiningnan niya ang kanyang cellphone na nakapatong sa kanyang work table nang tumunog iyon. It was a message from Pierre, napakunot ang noo niya nang mabasa iyon.
’I am sorry, Helga. We can’t get married. ’ Yun lang ang laman ng mensahe. Pinanlamigan siya ng sikmura. She immediately dialled Pierre’s phone number. It was ringing but it was being cancelled. Nanginginig ang mga kamay niya. This can’t be possible.
Agad siyang nagtipa ng mensahe pero wala siyang mabuo na pangungusap.
“Huy, buntis! Bakit namumutla ka diyan?” Untag sa kanya ni Steph. Agad niyang tiningnan ang bag niya at kinuha iyon. Pupuntahan niya si Pierre, desidido siya, yun nga lang ay nakaramdam siya ng matinding pananakit ng tyan.
“Ah..”
“Helga?”
Hindi siya pupwedeng manganak ngayon! Magtutuos pa sila ni Pierre. Pero hindi na nga ata makapag-intay ang anak niya. Lalabas muna ata bago siya makipagtuos sa Daddy nito.
“Steph, manganganak na ata ako.” Napangiwi siya. A flow of hot liquid leaked from her core to her legs. Napangiwi siya sa sobrang sakit non.
“Ha? Ngayon na?” Natatarantang lumabas si Steph.
“A-ayoko pa nga sana, pwede kayang bukas pa? M-may kakausapin pa ako.”
“Baliw! Sandali!” Tumalikod na si Steph at hindi na niya masyadong namalayan ang nangyayari sa paligid niya. Pain, she could only endure as much. Nang bumalik si Stephanie ay kasama na nito si Travis at ilang mga kaopisina nila. They carried her while she’s silently crying in distress, hindi lang niya masabi kung sakit ba iyon ng tyan o ng dibdib.
They brought her to the delivery room. Doon nagsimula ang kanyang kalbaryo. It is not as pretty as she thought it would be. A lot of screams, tears and she almost lost her voice. Labingsiyam na oras siyang nasa delivery room, in labor, tanging ang OB Gyn niya ang kasama niya. Hindi niya alam kung ano ang nangyayari sa labas. No one informed her that Pierre was outside.
“Sumigaw ka lang, Helga, if that eases the pain.” Suhestiyon ng doktorang katabi niya.
“Pierre! I really hate you! I cannot forgive you. Oh God, Pierre! Huwag na sanang dumami ang lahi mo. Sana last mo na ’to!”
Tumawa ang mga nurse, tumili siya nang mapagtanto ang pinagsasabi niya.
All the more that she was shouting his name in anger. “Hindi ako nagbibiro!”
A beautiful cry ended her 19-hour misery. The first time she heard the voice, she has fallen in love over and over.
“It is a healthy baby boy!” Anunsiyo nang kanyang OB Gyn. Everyone in the delivery room clapped their hands, the nurses, doctors and if she could, she would, pero wala na talaga siyang lakas kahit isang patak.
Inilapit sa kanyang ang batang umiiyak, mariin ang pagkakapikit ng bata dahil sa pagkakunsumi at tila galit na galit pa.
“Bakit ka nagagalit? Pinahirapan mo ako.” She sniffed. “But you are beautiful.”
The moment she saw him, she’s smiling and in tears altogether. Everything about him was perfect. His nose, his lips, his cheeks, his complexion. He should be cute but he seems manly and super handsome for a baby. The most beautiful she has every seen. Or baka biased ang opinyon niya, siya kasi ang nanay.
“My Gideon Lennard.” She whispered. “My love for you is equivalent for a mother and a father, we don’t need anyone.”
Everything else felt blurry after. Kahit ayaw niyang makatulog ay napapikit siya ng kusa.
Nagising siya sa apat na sulok ng kuwarto, puti ang lahat pati ang kanyang suot.
“She’s awake! Oh my God!” Ang mukha ni Stephanie ang una niyang nakita. Nakaabang ito sa mukha niya na para bang may aparisyon doon. Inilibot niya ang kaniyang mga mata sa paligid, naroon ang kanyang ama na si Elias at si Travis.
“Ilang oras akong tulog? S-si Gilad?” Gilad , a monument of testimony in Hebrew. He’s the living testimony of her hardships and everything that she could surpass. Naisipan niyang ito ang itawag sa anak.
“Gilad?” Sabay-sabay na tanong ng lahat ng kasama niya sa kuwarto.
“Oh, I see, Gilad ang pangalan ng guwapitong iyon?” Humagikgik si Stephanie, “Nawa’y makagawa ako ng baby girl para ipareha kay Gilad!”
Ngumiti lamang siya, kahit papaano ay nakabawi din siya ng lakas.
“Well, my dear, 24 hours kang tulog. Don’t worry, meron namang donor ng breastmilk si Baby Gilad. But the nurses will bring him to you to taste your first milk. Andon naman si Pierre para asikasuhin ang pangangailangan niya.”
“S-si Pierre?” Takang tanong niya.
“Yes, si Pierre. Gulat na gulat lang, Bes? Sige na, pupunta na ako sa nurse station para ipaalam na gising na si Sleeping Beauty.”
Matapos siyang kumustahin ni Elias at ni Travis ay dumating na ang nurse na bitbit si Gilad. Kasunod nito si Pierre, iniiwas niya agad ang kanyang tingin dito.
“Iwanan muna natin ang pamilya?” Ani Elias kay Stephanie at Travis na agad sumang-ayon, lumabas sila ng kuwarto kahit gusto niyang magprotesta, she needs to act like a mature person now.
“Kumusta ka na?” Agad na umupo si Pierre sa tabi ng kanyang kama habang iniaabot sa kanya si Gilad. Pakiramdam talaga ni Pierre ay entitled ito at pinagpala sa lahat! Anong karapatan nitong umupo sa tabi niya na para bang balewala ang sinabi sa kanya nito. Napaanak pa siya ng di oras!
“Can you please go out? I will feed Gilad.” Asik niya.
“Helga?” Tila nagtatakang tanong nito.
“Just go out, Pierre. ’Wag mo akong inisin ngayon. Don’t worry, hindi ko ipagdadamot sayo ang anak natin. Lumabas ka muna.”
Hindi na niya tiningnan si Pierre nang lumabas ito ng kuwarto, hindi din naman kasi ito nagprotesta. Pinagtuunan niya ang anak niya na ngayon ay nakabukas na ang mata. He has hazel eyes. Gaya ng una niyang kita dito ay napakaperpekto pa din ng tingin niya dito.
Nagkibit balikat siya, kaya niyang buhayin si Gilad. Kahit talikuran din ni Pierre ang responsibilidad nito sa kanilang anak ay kakayanin niya ang lahat.
Hindi halos makalapit sa kanya si Pierre nang mga sumunod na araw kahit araw-araw naman itong nasa ospital para asikasuhin si Gilad at alamin ang pangangailangan nila.
He may be a bad partner but a good father, after all. O pakitang tao lang ito dahil nahihiya sa Papa niya? Sabagay, he’s rich, kaya niyang sagutin ang lahat ng gastusin. Maybe he felt the responsibility to do it because of his pride. Siya lang naman ang hindi papakasalan, hindi naman sinabing hindi ito magiging ama sa anak nila.
Hanggang sa makauwi sila ng bahay ni Gilad ay hindi na niya kinausap pa si Pierre. Hindi din naman ito nagpumilit na kausapin siya. Araw araw pa din itong dumadalaw kay Gilad, at tuwing nasa tahanan nila si Pierre ay hindi niya ito hinaharap.
“Ma’am, flowers po.” Napatingin siya sa nurse na nag-aalaga sa kanila ni Gilad na si Juliet. Kinuha ito ng kanyang ama para may makatuwang siya sa pag-aalaga at makakuha ng pa din ng tulog para makabawi ng lakas mula sa pangnganak.
“Kanino iyan galing?”
“Dun po sa Daddy ni Gilad.” Inosenteng sagot nito.
Napasimangot siya, what’s with the flowers? Hindi naman siya kailangang bigyan ng ganito.
“Pakisaoli sa kanya, pakisabi, hindi ko iyan kailangan.”
“P-po?”
“Pakisaoli, hindi ko kailangan.” Ulit niya.
“N-naku, Ma’am. Kawawa naman po si Sir. Araw araw pong nagbabakasakali yon na lalabasin niyo siya.”
“Juliet, you don’t know our story. Hindi ko alam kung bakit niya pa yan ginagawa, hindi naman matutuloy ang kasal namin. Ayaw ko siyang pakasalan, ano!” Litanya niya. Sabay silang napalingon sa pinto ng kaniyang kuwarto, doon niya nakita si Pierre na nakatingin sa kanya at ilang beses napalunok sa look ng sampung segundo. Lahat ng emosyon nito ay naipon sa mata, ang mga matang minana ng kanyang anak. Kumuyom ang kamao nito at namamaos na nagsalita.
“Yun lang naman ang kailangang sabihin mo sa akin, Helga. Kung ayaw mo—”
“Aba’t talagang ayaw ko naman talaga!” Paninindigan niya. Tumayo na siya mula sa pagkakaupo sa kama para tuluyang harapin si Pierre, his tall and lean physique was towering her. Tumingala siya para salubungin ang pagsimangot nito at saka tumaas ang kanyang kilay.
“Hindi ka pa magpasalamat na hindi kita pinagbabawalan na lumapit lapit kay Gilad, hindi mo naman kailangang magpakitang tao pa sa lahat ng tao sa bahay sa pagpapabulaklak mo!”
Umigting ang panga ni Pierre at kumuyom ang kamao. “Hindi mo din naman ako kailangang pakitaan ng hindi maganda, pupwede mo din naman sabihin na ayaw mo na akong pakasalan.”
“Ay, excuse po mga Ma’am at Sir. Lalabas lang muna kami ni Gilad.” Nakatungong lumabas sa kuwarto ang nurse bitbit ang kaniyang anak pagkatapos ay sinarhan ang pinto sa likod nila.
“Ako pa? Ako pa ang ayaw magpakasal? Ikaw ang nagtext sa akin na hindi mo ako pupwedeng pakasalan. So classic! Para kang fckboy! Makikipaghiwalay na lang ay sa text pa! Kung ayaw mo, ayaw ko din. Ayaw ko din naman talaga! Kaya ko namang mag-isa at mas lalo kong napapatunayan yon sa mga lumilipas na araw. I did not even invite you to be part of our lives, Pierre. I am happier to be alone. Happier!” Pagdidiin niya.
“Text, what text?”
“You texted me that you can’t marry me!”
“What? I did not!”
“You did! Gagawin mo pa akong sinungaling!” Nagmamadali niyang kinuha ang cellphone niya at ipinakita ang text message mula kay Pierre.
Kumunot ang noo ng kaharap, mamaya maya ay tila natatawa ito nang hindi makapaniwala.
“Helena went to my office that day, Helga. You can check the CCTVs. I did not send you that message, maybe she did. Hindi ko siya hinarap nang araw na iyan dahil meron akong meeting with the board at the conference room, pumasok siya sa opisina ko. Maya, my secretary let her in because no one knows what’s happening in my life these past few months, Maya thought we were still okay. Pagbalik ko sa opisina ay wala na siya.”
Muli itong natawa na halatang nadidismaya, “All you need to do was to ask me. Or maybe, you don’t really want to marry me after all.” Bumalatay ang sakit sa mukha nito. “Akala ko nagpo-postpartum ka lang, that is why I am giving you space, Helga. Masakit marinig mula sa iyo na mas masaya ka kung wala ako.” Tumalikod na si Pierre at naiwan naman siyang natulala.
Ang lahat ng galit at pagkamuhi na inipon niya para dito ay napalitan ng pagkalito. He must be lying, matalino si Pierre, siguro ay gusto lang nitong sa kanya manggaling ang mga salitang iyon. So he can tell everyone the sob story, that she broke up with him.
A part of her tells otherwise. Teka, hindi siya masaya nung wala ito sa tabi niya.
PIERRE.
“Please send her the CCTV copy.” Utos ni Pierre sa kanilang messenger. Naka-seal ang CCTV footage ng kanyang opisina at hindi niya alam kung bakit pa niya iyon ginagawa.
He knows he doesn’t need to prove anything when he’s telling the truth. Dapat ay maniwala na lang si Helga kung totoong mahal siya nito.
Pero hindi, ipinamukha sa kanya nito na mas masaya ito kung wala siya. Sino ba siya para humadlang dito? Ngayon, nagtatrabaho siya para sa kanyang anak na si Gilad. No, hindi siya magpapakalasing sa alak dahil sa frustration, he’s a father now. Sa kabila ng lungkot at pait, meron pa rin siyang dahilan para ngumiti tuwing umaga.
It excites him to see Gilad everyday. Bago siya pumasok at pagkagaling niya sa trabaho ay nakikita niya ang anak. Gusto na nga niyang hilahin ang oras para makasama muli ito hanggang sa makatulog. He’s a month old now, ngumingiti na ito tuwing nakikita siya, mas lalong gumagaan ang pakiramdam niya. He’s really inspired and surprisingly not that miserable.
Pagkatapos ng trabaho ay nagmadali siyang sumakay sa kanyang sasakyan. Paulit ulit niyang sinisilip ang laruang ibinili niya para sa anak nung lunchtime, nakalimutan niyang kumain dahil nagtagal siya sa baby store. He bought him a new music pad. Pupwedeng gumapang doon si Gilad at tuwing maapakan ang isang parte ay tutugtog ng nursery rhyme.
Pinapasok siya ng guwardiya sa mansyon ni Elias Costa. Nang marating ang main door ay inaasahan niyang makita si Juliet na karga si Gilad para ibigay sa kanya ngunit si Helga ang may bitbit sa kanyang anak. She’s wearing a plain baby blue dress. Motherhood suits her, she’s literally glowing. Ngayon lang ulit niya ito nakita matapos ang dalawang linggo.
“W-wala si Juliet, dinala sa ospital ang Tatay niya k-kaya nagpaalam.” Agad na inaabot nito sa kanya si Gilad.
“Wait, I will need to change clothes. Mabilis lang.”
Agad niyang niluwagan ang suot niyang tie at inisa isa ang butones, Helga was dumbfounded, looking at him. Kinuha niya mula sa paperbag ang kanyang wipes at sanitizer, ipinahid niya iyon sa katawan niya bago nagpalit ng t-shirt. Inalis niya din ang suot niyang slacks, sa loob naman non ay shorts, pinunasan din niya ng wipes at sanitizer ang kanyang mga binti pagkatapos ay nagsuot ng malinis na khaki shorts.
“Akin na.” Aniya matapos ang lahat ng ginagawa. Tinitigan siya ni Helga bago alanganing ibinigay sa kanya si Gilad.
“If you were going to ask if I am removing all my clothes in front of Nurse Juliet, I don’t. You have seen me naked kaya merong Gilad.”
“Stop.” Umirap ito sa kanya na parang naiinis pa. What’s wrong with her? Si Helga naman talaga ang may atraso sa kanya.
Nagkibit balikat siya nang kunin niya si Gilad mula dito.
“Titingnan ko lang ang iniluluto ko. Isinama ni Papa pabalik ng Bantayan ang mga kasambahay. Dapat kami lang ni Juliet ang naririto pero pati siya ay may emergency din.” Anito bago nawala sa kanyang harapan.
He kissed Gilad on the forehead. Ngumiti ito sa kanya. Nawala ang lahat ng pagod niya. He always wish he could go home to this, well, he is going home to this but he will still go home to another house when Gilad sleeps. Sana ay makita niya din ito tuwing magigising siya sa umaga, pero kailangan niya pa itong puntahan. Not that he’s complaining, he’s totally fine with it.
Kung mahal lang kasi siya ni Helga eh di hindi na sana siya naghihirap pa.
“Kakain na..” Sumilip si Helga mula sa dining room ng mansyon. He maintained a straight-face, hindi siya dapat magmukhang excited kahit namimiss na niya ang luto nito.
“Hindi na, sa bahay na lang ako kakain.” But deep inside, hinihiling niya na sana ay pilitin siya nito.
“Sabayan mo na ako kumain.” Giit nito. Ipinakita sa kanya ang stroller ni Gilad. “Pupwede nating ilagay dito si Gilad habang kumakain tayo.”
Ganoon nga ang ginawa nila. Tahimik nilang pinagsaluhan ang iniluto ni Helga, he missed her cooking so much but he will not tell her, he doesn’t want her to feel uncomfortable and he doesn’t want her to think that she makes him happy at this point. Focus lang kay Gilad.
“Salamat sa hapunan.”
Helga nodded. Iniligpit nito ang pinagkainan pero tinulungan niya ito. Itinulak nila si Gilad patungo sa kitchen at pinagtulungan nila ang hugasan ng tahimik. After that, dinala niya si Gilad sa nursery, alam na alam niya ang gagawin dito. Siya ang nagpapatulog. He was swaying him to sleep after he turned on the mellow nursery rhyme music in his room. The glow in the dark pieces of stars and the moon bathe them with soft light. Napangiti muli siya nang humikab ang kanyang anak, napahikab din tuloy siya, he hope he could sleep beside him, too. But that is too much to ask.
“Okay lang ba kung dito ka matulog? Wala kasi kaming kasama..” Alanganing tanong ni Helga sa kanyang likuran.
“Are you inviting me to sleep here?” Hindi siya halos makapaniwala.
“Ayun ang kama ko, yung kay Nurse Juliet, naroon naman sa isang sulok.” Turo ni Helga na para bang hindi niya iyon alam. He memorized his son’s room and have dreamed of sleeping in it every night, too. “P-puwede ka sa floor.”
“You want me to sleep on the floor?” Excited niyang tanong. Kahit nakaupo ay papayag siya, basta magigising siyang kasama ang anak.
“I-I mean, m-malaki naman ang kama ko, kung okay lang sayo. Sa akin okay lang naman. Walang malisya.” Sa kabila ng dilim ay alam niyang namumula ang mukha ni Helga at di niya maiwasan ang mapangiti. “W-wala namang makakakita eh.”
“Of course,” he grinned. “I will sleep here.”
Nang makatulog si Gilad ay humiga na si Helga sa kama nito. Alam niyang hindi magiging kumportable si Helga sa kanyang presensya kaya siya na ang nanguna para puwesto sa carpeted na sahig, kinuha na lamang niya ang isang unan para sa kanya.
“D-diyan ka matutulog?” Sinilip siya ni Helga.
“Yes.” Tipid niyang sagot.
Ganon nga ang nangyari, ang isang gabing pagtulog niya sa mansyon ni Elias Costa ay naging isang linggo. Hindi pa bumabalik si Nurse Juliet, ganoon din ang mga kasambahay. It was a dream come true for Pierre. Hiling niya na sana ay hindi na iyon matapos pero hindi naman pupwede iyon. Dumating din ang mga kasambahay at si Nurse Juliet pagkalipas ng sampung araw.
“P-pierre.” Nilingon niya si Helga nang magpaalam siya ng gabing iyon para umuwi. “Uuwi ka na?”
He nodded, “Meron naman na kayong kasama. Hindi mo na ako kailangan.” He smiled. “Goodnight.”
–
HELGA.
“Tulaley..” Tinapik siya ni Stephanie sa braso habang nagpapalipas sila ng oras sa veranda isang hapon, “Next week babalik ka na sa trabaho, tapos na ang maternity leave mo, Helga. Dapat adjusted ka na eh parang nasa space ka pa din.”
Sumimangot siya, “Hindi kaya madali ang maging single mother.”
“Hindi naman kasi talaga, pero kasalanan mo naman kasi, merong nag-aalok ng kasal, inaway mo.”
“Hindi ko siya inaway ha! Siya ang kusang umalis.”
“Pero di mo sinuyo.”
“Bakit ako? Hindi ba dapat siya?”
“Bakit siya? Eh ikaw itong hindi naniniwala sa kanya? Di ba dapat ikaw ang magsorry?”
Alam naman niya iyon pero matigas ang ulo niya, lalo na noong mga nakaraang araw. She initiated but Pierre kept his distance, he offered him a space beside her, ayaw. Kapag dumarating ito sa gabi, madalas ay nakakain na din at aalis sa umaga para mag-almusal sa labas. Saan siya lulugar doon?
“Nagpapakipot lang yon.” Pagpapanatag sa kanya ng kaibigan.
Sana nga, pero mukhang hindi. Dahil nang magsimula na siyang bumalik sa trabaho, bumalik na naman ang masungit na si Pierre na hindi gusto ang mga drawings niya. Nakasanayan na niya, when it comes to work, Pierre give his all, walang sinasanto ito kaya alam niyang hindi siya nito pinag-iinitan. Although, nasasaktan siya kapag masungit ang pakikitungo sa kanya ng binata.
“ Cobonpue , Vito Selma ? Hindi ba napag-usapan na nating ima-manufacture ang lahat ng furniture ng Elias Costa?“ Ibinagsak ni Pierre sa lamesa ang kanyang written report.
“Pierre, I don’t want you to think that I will be giving Elias Costa pieces to you because that is my father’s. Conflict of interest iyon.” Paliwanag niya habang nasa opisina ni Pierre. Seryoso ito at mukhang mainit ang ulo kagaya nang mga nakaraang araw.
“Helga, you know that I personally went to Cebu to check your father’s pieces. Can’t you make an arrangement for bulk orders of the furniture?”
“I did my research, may ilang pieces na mas mura ang Cobonpue at Vito Selma kaysa Elias Costa. And because this will be a local designer’s hub, naisip ko na bawat corner ay merong showcase ng designs ng mga local furniture designers para mas maappreciate ng mall goers. Magpapasok din ako ng local fashion designers monthly para idisplay ang kanilang mga gawa.”
“I did not agree to that. I want Elias Costa from ground floor to seventh floor. Kung ayaw mo ay ako mismo ang kakausap kay Elias Costa.”
Napayuko siya at napanguso, “Y-you don’t have to do that.”
“I do. Ayaw mong sumunod sa instructions ko. I am paying Almonte Construction and Designs to listen to me. You will only suggest but your job is to execute my vision or approved visuals for that matter.”
Tumunog ang cellphone nito at agad nitong sinagot iyon nang mahinahon. “Hello, Candice.” Napahilot si Pierre ng sentido, nanatili siyang nakatayo sa harap ng lamesa nito at kinukuha ang kanyang mga disenyo.
“7PM? Okay. I’ll ask Maya to make a reservation.”
Nakaramdam siya ng pagkainis, paano si Gilad? Pierre will make Gilad wait just because he has a dinner date? How cruel. Laging kasabay ni Pierre ang Candice na iyon tuwing lunch time. Ngayon ay pati ba naman sa dinner?
Huminga siya ng malalim nang ibaba ni Pierre ang telepono at buong tapang na hinarap ang binata. “Can we discuss this later?”
“How later?” Tanong nito nang hindi tumitingin sa kanya.
“6PM.” Aniya. “I will make revisions and I will show it to you.”
“Okay, make sure that we will be done by 6:30.”
“I am not sure. Pupwedeng tumagal pa.”
Tumaas ang kilay nito. “Paano si Gilad? Huwag kang nagpapagabi sa trabaho.”
“Bakit ikaw? You will have a dinner by 7. Hindi mo ba naiiisip na iniintay ka ng anak mo?”
“Whoah, ako pa ang issue? I don’t know you are really concerned. Well, FYI, pumupunta ako sa inyo hangga’t kaya ko. Hangga’t kaya iaccommodate ng schedule ko.”
“Wow, pati ang anak mo kailangang isingit sa schedule mo? Well, what should I expect? Pakitang tao lang naman ang ginagawa mo. I should have known.”
“Why are you even putting words on my mouth, Helga? You are so heartless. Tinatanggap ko ang lahat nang ibinibintang mo sa akin dahil ayokong makipagtalo sayo pero sumusobra ka na.” Kalmado ngunit may diin na wika ni Pierre.
Pagkasabi non ay tinalikuran siya ng binata at lumabas ng opisina nito. She felt miserable the moment that he left. Hindi niya maintindihan ang gusto niya. Hindi niya masabi ang gusto niya. Pinapangunahan siya ng takot na baka mas gusto nga ni Pierre na ganito na lang sila, workmates.
Pero yun ba ang gusto niya?
“Just tell him what you want and move on. At least nasabi mo, kaysa forever live in silence ang peg mo.” Suhestyon sa kanya ni Steph habang pinapanood siyang i-marathon ang designs na ipinapabago ni Pierre.
“He’s dating someone now.”
“Dating pa lang naman. Hindi ka naman manggugulo. Ang hina ng loob mo! Just get this over and done, Helga. Palagay mo nagkamali ka, say sorry, palagay mo mahal mo pa, say you love him. Hindi umiikot ang mundo sa pakikipagparamdaman. Oo, action speaks louder than words but you should know that never assume unless it was otherwise stated. May legal basis ang panghuling quotable quote so mas valid iyon.”
Napatayo siya mula sa upuan. Napaangat ng tingin si Stephanie.
“Oh, ano ang gagawin mo?”
“Tama ka, I should get this over and done. Sandali lang, babalik ako.”
“S-saan ka pupunta?”
“Basta.” Nagmamadali siyang tumakbo papalabas ng Laya Air kung saan sila binigyan ni Pierre ng space para sa kanilang mga trabaho sa Almonte Construction. Tumawag siya kaagad ng taxi at nagpahatid sa isang mall. Sa isang jewelry store siya pumunta.
“Anong size, Ma’am?” Tanong sa kanya ng sales attendant.
Napatapik siya ng noo, hindi niya alam ang sukat ni Pierre. She wanted to buy him a ring. Pakapalan na ito ng mukha but she will say sorry today and she will make a move. Yun nga lang ay hindi niya alam ang sukat ng daliri ni Pierre. Itinuro na lang niya ang isang leather bracelet. It is an infinity bracelet with a simple princess cut diamond at the center of a white gold infinity symbol.
Nang mabili na niya iyon ay dali dali siyang bumalik sa opisina. Yun nga lang ay mukhang hindi nakiayon ang tadhana sa kanya, natraffic siya. Panay ang tunog ng cellphone niya sa mga mensahe ni Stephanie. Hinahanap siya nito dahil nag-iintay na si Pierre.
It is 6:15, naiimagine na niya ang galit na anyo ng binata. Kung ipagpaliban na lang kaya niya ang kanyang plano? Napailing siya. It is now or never. Just get this over and done, tama si Steph.
Tumatakbo na siya papasok ng Laya Air, it is 6:30PM, dapat ay tapos na ang kanilang meeting. Nakita niya ang sasakyan ni Pierre papalabas ng gate ng Laya Air. Itinaas niya ang kamay niya para kunin ang atensyon nito.
“Ma’am Helga, umalis po kayo diyan, mukhang nagmamadali si Sir.” Sambit ng guwardiya pero hindi siya nakinig.
She knows he can’t wait to have dinner with Candice but she needs to do it now. Huminto sa kanyang harapan si Pierre at bumaba sa sasakyan nang magkasalubong ang kilay. She couldn’t help but to exalt his glorious masculinity. Habang tumatagal ay kamukha na ito ni Gilad, and she’s not sorry that his son harvest the good genes.
“Helga, saan ka nanggaling?”
“I know that you are in a hurry to have your dinner with your date. But..” Hinagilap niya sa bag niya ang gusto niyang ibigay sa binata. Tumaas ang kilay nito.
“I just wanted to tell you that I am so sorry for everything. Sorry for making things hard for you.” She was smiling but she felt tears pooling in her eyes. “Gilad was so blessed to be your son. I know you are working hard for him.”
“Are you okay?”
“Yes, yes, I am okay..”
Marahas na napabuntong hininga ang kaharap.
“Helga, you are crying. What the heck? You are scaring the sht out of me, tell me what’s wrong?”
Lumanghap siya ng sariwang hangin bago ipinagpatuloy ang pagsasalita.
“I know that you may like somebody else right now but I rather tell you this than regret that I didn’t. Sometimes, outright rejection is better than assumption. Mas madaling makamove on kapag ni-reject. Kaysa umasa ako habang buhay dahil tanga akong nag-assume.” With that being said, she knelt down in front of Pierre. Napaatras ito dahil sa ginawa niya.
“Helga! Stand up!”
“I really love you, Pierre. That’s the truth. I am so sorry for being stubborn and all. Sorry for not believing in you. Sorry for being jealous. It was the first time that I felt jealous. I never felt jealous when there was Helena but now, I am. I didn’t have the right, I know. But, shocks, what am I saying?” Naiiyak at nangingig na sabi niya habang iniaangat ang bracelet na binili niya.
Napatingin siya doon, “Ooops, it still has a pricetag in it.” Sinubukan niyang alisin iyon pero hindi niya magawa dahil nanginginig ang mga kamay niya. “Will you still marry me, Pierre. Please?” Napakagat labi siya habang inaalis ang pricetag. “Shocks, I shouldn’t have said please, right? But for the argument sake, that is how I wanted to marry you. I wanted to plead but you can still turn me down, no pressure.. It is okay.” Napakagat labi siya.
Hindi pa siya tapos sa kanyang sasabihin nang iangat siya ni Pierre mula sa pagkakaluhod at pinagtagpo ang kanilang mga labi. He felt the warmth of his lips gently biting her lower lip, her body moved automatically like a slave of Pierre’s rhythm. Their body communicated in way that only both of them knows. Nakarinig sila ng palakpakan sa paligid pero hindi nila iyon alintana.
“Yes, Baby. Of course I will marry you. Ano pa ang gusto mo?” Bulong nito sa pagitan ng mga halik.
“I don’t want you to have dinner with Candice because I am really jealous.” She gave Pierre a long passionate kiss and he did not complain.
“Candice, well Candice is a 58-year old nice lady, happily married with three kids and she’s the event coordinator that I hired for a surprise wedding two-months from now. Hindi ba’t ang usapan natin ay magpapakasal tayo kapag nakalimang buwan na ang anak natin?”
Pinanlakihan siya ng mata, “You are planning a wedding without me knowing?”
“I just plan to send you an invitation to my wedding, though.”
Mahina siyang natawa, “How dare you!”
“Wala na akong pakialam kung tatanggi ka pa, we need to get married, Helga. I can’t wait to wake up next to you every morning and to eat all of your home-cooked meals. I have your father’s blessing and your friends’.”
“Talagang sila pa ang nangunguna ha!”
“They are selling you to me. And I bought it. Hindi ko matanggihan, masyadong tempting ang offer.”
“Hoy! Baka masundan agad si Gilad!” Natatawang sabi ni Stephanie na nakatayo sa di kalayuan, sa likod nito ay ang ilang empleyado na mukhang papauwi na.
Hindi niya maiwasang mapayakap kay Pierre. She’s happy. Lahat ng kaba niya ay nauwi sa isang kasiyahan na hindi niya maipaliwanag.
Sometimes, honesty is the only bridge to your happiness. If you are not willing to step your foot in to the honesty bridge, you will never be happy. Madalas kasi ay naghihintay lang sayo ang kasiyahan mo para iyong kunin.
Destiny has its own magic to bring you to the best moments of your life. Whether it is something you planned, you wished or something you have no idea about.
Para kay Helga, si Pierre ang hiniling niya na sana ay sa kanya na lang pero hindi siya naniwala na mangyayari nga ito. For her it was a silly childhood dream, now, she’s building a family with the man of his dreams.
The End.
♁☆♁☆♁☆♁☆
Maki Say’s: Finally! Haha Another one down. Huhu. I will never be afraid of writing endings ever again. Thank you sa pagsubaybay!
Thanks for reading! Votes and Comments are appreciated. Offensive comments will be placed on MUTE.
Social media accounts:
Facebook Page: Makiwander
Facebook Group: WANDERLANDIA
NOTE: Answer the SECURITY QUESTION so that you will be approved
Twitter & Instagram: Wandermaki
Go to my wattpad profile and follow me for more stories.

