ISAGANI AT ANG ASWANG Complete STORY
VladmireGordon · 10 chapters · 16,309 words
ISAGANI AT ANG ASWANG
CHARACTERS: ISAGANI - (30’s) Apo ni Lolo Gibo na mapagmahal sa kapwa. May taglay na kakayahang manggamot gamit ang mga nagagawa niyang herbal medicines mula sa halamang gamot. LOLO GIBO - (60’s) Ang nag-aalaga kay Gani / Isagani. Si Lolo Gibo ay pinaniniwalaan sa Cuartero, Capiz na may anting-anting na dala,dahil hindi ito nagkakasakit ni minsan. Siya lang ang nakakakita ng kakaibang kaibigan ni Isagani. KAPITAN BILOG - (30’S) Isa pang apo ni Lolo Gibo na galit kay Gani / Isagani, dahil palagi itong binibigyang atensyon ni Lolo Gibo. EMIL - Ang engkantong kaibigan ni Gani. NOMED - Ang kakaibang kaibigan ni Isagani. MANG MANDO - (40’s) AMED - Taong lobo. SOK - MANG GARDO - SHIRLEY - CLEO - May dugong aswang CAIRO - Pinuno. Kaibigan ng tatay ni Gani KARLITO - Tiktik CELIA - TIKO - Tiktik TIKTIK - KAPITBAHAY 1 - MAN - MAN 1 -
TEASER:
ISAGANI: Lolo hindi masama si Nomed! Opo, alam kong kakaiba si Nomed! Pero hindi siya masama! KAPITAN BILOG: Ang sabihin mo, baliw ka, Gani! Lolo, bakit n’yo po ba kasi siya kinakausap? Dapat sa ’yo Gani sa mental! LOLO GIBO: Masama ang manghusga, Bilog! Apo, balang araw magkakapamilya ka rin. Gusto mo ba na ganyan ang trato sa ’yo ng anak mo? KAPITAN BILOG: Kung katulad mo lang din Gani na may sira sa ulo, huwag na lang! Haha! GANI: Hindi na kita papatulan at wala ring saysay na patulan ka pa. NOMED: Hindi ako natutuwa kay Bilog! Siguro, masarap na hapunan si Bilog?! (GROWL) ISAGANI: Nomed, hayaan mo na si Bilog. Ganyan talaga siya. KAPITAN BILOG: Gani! Hindi mo ako maloloko! Kung sila, nauuto mo sa kalokohan ng Nomed na yan, pwes, ako hindi!!! LOLO GIBO: Apo, totoo si Nomed at nakikita namin siya! Maaaring ayaw sa ’yong magpakita ni Nomed dahil ayaw niya sa ’yo.
NARRATOR: Ang Capiz.. Noon pa man ay usap-usapan na ang lugar na ito sa Pilipinas na lugar ng mga aswang at iba pang mga nilalang. Pero haka-haka lang ang mga kwentong aswang na ito. Ang bayan ng Cuartero ay namumuhay ng tahimik kung saan nakatira sina Lolo Gibo at ang mga apo niyang sina Isagani at Bilog. Tahimik ang buhay nila rito. Taong 1994… CELIA: ’Tay, ano po ’yang ginagawa n’yo? Baka po makasama yan sa pagbubuntis ko! Lalo pa at kapanahunan na ng pagsilang ng apo n’yo. LOLO GIBO: Celia, para ito sa apo ko! Alam mo namang maraming panganib sa paligid at baka sapian ng kung anong maligno o masamang elemento ang apo ko! SIMON: ’Tay, tama na yan at Celia halina kayo at kumain bago lumamig ang niluto kong tinola. (hinawakan ang tiyan ni Celia) Anak, pagsilang mo, ako ang pinakamasayang tatay sa mundo! Kaya anak, sana naririnig mo ang tatay Simon mo. Ako ang tatay mo, anak. Mahal ko, ang ipapangalan natin sa kanya ay Isagani na ang ibig sabihin ay masaganang pag-aani. Nang sa ganon, lalo pa tayong swertehin sa pag-aani ko ng palay! LOLO GIBO: Pumasok na kayo! May nararamdaman akong nagmamasid sa paligid! SIMON: Tatay talaga, puro kababalaghan ang sinasabi kay Celia! Haha! Oh siya, mahal ko, halika na. At natutuwa akong malaman na kabuwanan na ng pagsilang ng anak natin. Oh ’Tay, sumunod ka na rin po, ha? At lalamig ang sabaw ng tinola. Paborito mo pa naman ang luto ko hehe… NARRATOR: At pagpasok ng mag-asawa, agad namang lumitaw ang kakaibang nilalang sa harapan niya, ang Sigbin. Na tila naglalaway ito at nanlillisik ang mapupulang mata na akala mo’y isang hayop na uhaw na uhaw sa dugo! LOLO GIBO: Hindi ka makakalapit sa apo ko! At lalong hindi mo masasaktan ang anak ko! Lumayas ka kung hindi sasamain ka sa ’kin! Ayaw mo? ( holds his necklace) Sancti angeli, custodes nostri, defendite nos in proelio, ut non pereamus in tremeno iudicio! (English: Holy angels, our guardians, defend us in battle that we may not perish in the awful judgement) NARRATOR: At umilaw ang kwintas ni Lolo Gibo pero ang Sigbin ay nagtago lang sa malayo at tila nakaabang kung kailan siya pwedeng umatake sa bahay ni Lolo Gibo. At maya-maya lang, sumigaw si Celia na pumutok na ang kanyang panubigan at bago pumasok si Lolo Gibo, nagsaboy siya ng asin sa labas at nag-orasyon ng latin para maproteksyunan sila laban sa ano mang halimaw o nilalang na nagbabadyang umatake kina Celia at Simon. Kaya dali-dali namang pinahiga ni Lolo Gibo si Celia sa higaan at pinakuha si Simon ng maligamgam na tubig para magamit sa pagpapaanak kay Celia. Ilang oras lang ang lumipas, matagumpay na nanganak si Celia pero sa kasamaang palad, hindi na nasilayan ni Celia ang anak niya dahil binawian siya ng buhay pagkapanganak kay Isagani. Ikinalungkot naman ito ng husto ni Simon kaya ipinangako niya kay Isagani na aalagaan niya ito ng husto at sisiguruhing maayos niyang mapapalaki si Isagani. LOLO GIBO: Ikinalulungkot ko anak ang nangyari kay Celia. Kung pwede ko lang siyang buhayin, gagawin ko. SIMON: ’Tay! Hindi ba may kapangyarihan ang kwintas mo? ’Tay buhayin mo ang ina ng anak ko! Nakikiusap ako! (lumuhod si Simon at nagmakaawa kay Lolo Gibo) ’Tay, pakiusap! LOLO GIBO: Kung kaya lang ng kwintas ko, ginawa ko na! Pero ito ang kapalaran niya, anak. Ang isilang ang nag-iisa n’yong anak na si Isagani. Siya ang papawi sa lungkot mo, anak… SIMON: Anak, mula ngayong araw na ito, aalagaan kita at ako na ang magiging nanay at tatay mo! Huwag kang mag-alala dahil ipinapangako ko sa ’yo, habang nabubuhay ako, aalagaan at poprotektahan kita sa kahit anong kasamaan! (kinuha ang kwintas sa bulsa niya) Ito, anak ko. Galing pa sa lolo mo ang kwintas na ’to. Napakagaling niyang manggamot at gusto kong suotin mo ito palagi, Nang sa ganon, Gani, magawa ka nitong protektahan sa anumang panganib na nagbabadya sa paligid. NARRATOR: Dumating ang isang araw, nagulat na lang si Lolo Gibo na wala nang buhay si Simon, at may sulat itong iniwan na ang nakalgay: “Para sa aking pinakamamahal na Isagani”. Hindi ito binasa ni Lolo Gibo at itinago niya ito. Para pagdating ng takdang oras, ipababasa niya ito kay Gani. Lumipas ang mga taon at nagsimula nang makalakad si Gani at magsalita. May napansin si Lolo Gibo na palaging kalaro ni Gani kaya sinubukan niyang tanungin si Gani kung sino ito? (CURIOUS) LOLO GIBO: Apo, sino ba ’yang kinakausap mo? Bakit tila tuwang-tuwa ka sa kanya? Nakikita mo ba ang kaluluwa ng mga magulang mo? Sila ba ang kalaro mo, apo? YOUNG GANI: Hindi po, lolo. Siya po si Nomed, isa po siyang kakaibang nilalang na nakatira po rito sa bahay. (CONFUSED) LOLO GIBO: Nomed? Saan daw siya nakatira, apo? YOUNG GANI: Dito po sa may puno malapit sa gate ng bahay lolo hehe. Natutuwa raw po siya sa akin kasi ako lang ang nag-iisang tao na hindi natatakot sa itsura niya. (CURIOUS) LOLO GIBO: Itsura? Ano ba ang itsura mo, Nomed? (PROUD) YOUNG GANI: Sige po, lolo, ito po si Nomed! Nomed siya si Lolo Gibo, mabait siya at di ka niya sasaktan! NARRATOR: At nagulat si Lolo Gibo nang biglang magpakita sa kanya si Nomed at talaga namang kakaiba ang itsura nito at talagang matatakot sa kanya ang ibang tao pero sinabi ni Nomed na nagpapakita lang siya sa taong gusto niyang pagpakitaan. Kaya naman nabwisit pa ang isang apo ni Lolo Gibo mula sa isa pang anak na nagpakalayo-layo at iniwan si Bilog sa kanya. Si Bilog na napakainit ng dugo kay Isagani. (ARROGANT) YOUNG BILOG: Ay lolo, wow, may nakikita kayo??? Haha! Nababaliw na naman si Gani! Insan, magpatingin ka na sa doktor! Haha! (SARCASTIC) LOLO GIBO: Bilog! Napakapilyo mo talaga! Gani, apo, ’wag mong pansinin si Bilog at alam mo naman yan, pilyo at may katigasan ng ulo! (ARROGANT) YOUNG BILOG: Buti, hindi ako baliw tulad ni Gani! Haha! Lolo, bakit po ba kasi kayo nagtityaga kay Gani? Pwede n’yo naman po siyang ipaampon sa mga taga-mental! (ANGRY) LOLO GIBO: Bilog, hindi ka ba natuto sa eskwelahan n’yo?! Ganyan ba ang asal sa eskwelahan n’yo? Kung ganon, pupunta ako sa eskwelahan n’yo para kausapin ang teacher at principal n’yo para malaman kung bakit ka nagkakaganyan! (STOPPING NOMED) YOUNG GANI: Nomed! Nangako ka sa ’kin na hindi ka mananakit ng tao! (ANGRY) NOMED: (IN A VERY DEEP VOICE) Hindi ko siya sasaktan, tuturuan ko lang ng leksyon ang pinsan mong pinaglihi sa sama ng loob! LOLO GIBO: Nomed, hayaan mo na ako ang magdisiplina sa batang ito. Hindi mo obligasyon na turuan ng leksyon ang mga batang tulad ni Bilog. Kaming matatanda ang dapat gumabay sa kanila! Kaya ikaw, Bilog! Hindi ka pwedeng lumabas sa pamamahay na ito nang hindi humihingi nang tawad kay Gani! NARRATOR: At dahil sa katigasan ng ulo ni Bilog, tila nasagad ang pasensya ni Lolo Gibo sa kanya. Nanindigan pa si Bilog na hindi niya gagawin ang gusto ni Lolo Gibo dahil ayaw niya kay Gani at naniniwala pa rin siyang nababaliw si Gani dahil hindi niya nakikita ang kakaibang kaibigan nito! At dahil nagmamatigas si Bilog, bilang parusa ni Lolo Gibo, bawal siyang lumabas ng kwarto niya hangga’t hindi siya natutututong magpakumbaba at humingi ng tawad. Sinubukan ni Gani na pahupain ang galit ni Lolo Gibo sa pamamagitan ng paghaplos ni Gani sa mga palad ni Lolo Gibo. At sa ’di malamang dahilan, biglang nagbago ang timpla ni Lolo Gibo at nawala agad ang galit nito kay Bilog, at kinausap niya si Gani kung paano niya ito nagagawa? (VERY CALM) YOUNG GANI: Lolo, pagpasensyahan n’yo na po si Bilog. Hindi naman po siya masamang tao at isa pa, minsan naman, nakikita ko siyang tumutulong sa kapwa niya. Kaya Lolo Gibo, ’wag mo na pong kagalitan si Bilog. Hehe. Kung iisipin, ’lo, para nga po tayong mga nasisiraan ng bait eh kasi tayo lang ang nakakakita kay Nomed at hindi siya nakikita ni Bilog! Kaya akin na po ’yang mga palad n’yo. (HOLDS LOLO GIBO’S HANDS) Mapawi po sana ng haplos ko ang galit sa puso ni Lolo Gibo at mapatawad na sana niya si Bilog. (CALM) LOLO GIBO: Pero Gani… Hay! Oh sige, sige! Pinatatawad ko na si Bilog! Sandali Gani… Nagawa mo na ba ito sa ibang tao? Ang ibig kong sabihin apo… kung may napagbago ka na ba ng timpla ng tao sa pamamagitan ng mga haplos mo? (HIDING SECRET) YOUNG GANI: Bukod po sa inyo, wala pa pong iba kasi natatakot sila sa ’kin, ’lo haha pero lolo hindi naman po ako aswang! Haha! Si Aling Melba po kasi ang tawag sakin anak ng aswang. Lolo, ganon po ba ang itsura ko? Hehe pero hayaan n’yo po sila. Ang importante po, natutulungan nating magbago ang isang tao. Kaya lolo, magbati na kayo ni insan Bilog, hehe pakiusap po, lolo. (GREETING HAPPILY) YOUNG SHIRLEY: Magandang araw po, Lolo Gibo! YOUNG BILOG: Shirley? Napadalaw ka? YOUNG SHIRLEY: Ahh, pinuntahan ko si Gani. Yayayain ko sana siyang lumabas nang hindi kayo nag-aaway palagi.. (VERY ARROGANT) YOUNG BILOG: Ako ba ang nagsisimula ng away? Haha! Eh ’yang baliw na ’yan ang pasimuno dahil sa kabaliwan niya! (CALM) LOLO GIBO: Bilog, apo, halika mag usap muna tayong dalawa… Shirley, iha, maiwan ko muna kayo ni Gani dyan. Kakausapin ko lang si Bilog. YOUNG SHIRLEY: Wala pong problema, lolo! Hehe kaya ko pong alagaan si Gani! Haha hindi ba Gani? (REACT) YOUNG GANI: Si Shirley talaga, puro kalokohan! Hehe nga pala may ipapakilala ako sa ’yo… YOUNG SHIRLEY: Sino? Hay naku, Gani, baka iyan na naman ’yung kaibigan mong hindi naman nakikita! YOUNG GANI: Maniwala ka, Shirley! Pero ’wag kang mabibigla kay Nomed, ha?. ..
Itutuloy…
Now Available at YouTube with different title.. At Sir Jeff Horror Story. Subscribe and Share thank you…
Ikalawang Yugto: SHIRLEY MEETS NOMED.
©All Rights Reserved 2025.
SI ISAGANI AT ANG ASWANG
EPISODE 2 Shirley meets NOMED.
(SHOCKED) YOUNG SHIRLEY:Hay naku, Gani, ’pag kalokohan ’to, isusumbong kita kay— ahhh! YOUNG GANI:Huwag kang matakot kay Nomed. Mabait ’yan at hindi ka niya sasaktan! NOMED:(IN A DEEP VOICE) Nakikita mo rin ako? (SCARED) YOUNG SHIRLEY: Oo! Anong klaseng halimaw o nilalang ka? NOMED:(DEEP VOICE) malalaman mo rin sa takdang panahon… Natutuwa akong makilala ka Shirley… Hmm… Siguro, magkakasundo tayo! (AFRAID) YOUNG SHIRLEY: G-Gani… Sigurado ka bang hindi nananakit si Nomed? (ARROGANT) YOUNG BILOG:Hindi, Shirley! Pero si Gani, delikado! Haha! YOUNG GANI:Hay naku heto na naman po siya… Bilog, insan, ’wag ka nang magalit sa ’kin. Hindi rin naman kita inaano kaya tama na, insan. (DISGUST) YOUNG BILOG: Kadiri! ’Wag mo akong matawag-tawag na pinsan sa publiko! At baka isipin ng taong bayan, may sira rin ako sa ulo! (CALM) LOLO GIBO:Bilog, hindi ba, sinabihan na kita na tigilan mo na yan? Masama yan, apo… (PISSED) YOUNG BILOG:Opo, lolo… (STARES AT GANI) Oh siya… Insan… Mauna na ’ko at Shirley do’n muna ako sa kwarto ko! (SHAKING HIS HEAD) YOUNG GANI:Ah… pasensya ka na, Shirley sa pinsan ko. Ewan ko ba, ang init ng dugo sa ’kin no’n. Pero hayaan na natin… YOUNG SHIRLEY:Hay naku! Lolo, kung ako po ang nasa posisyon n’yo, nasampal ko po si Bilog sa ugali niya! (WHISPERING) NOMED:Kung ako sa inyo, ialay n’yo na lang siya sa ’kin para may silbi ang batang ’yon… (TAP NOMED) YOUNG GANI:Nomed! Hindi yan ang solusyon sa lahat ng problema! (CURIOUS) YOUNG SHIRLEY:Bakit mo sinasaway si Nomed, Gani? Ano ba ang sinabi niya? (LIED) YOUNG GANI:Ahhh…. ’yung anak daw kasi ni Aling Melba eh ’di raw kagandahan at gusto si insan Bilog… eh ang babata pa natin… YOUNG SHIRLEY:Ah.. haha (LAUGHING) Oo nga naman, Nomed! Ang babata pa namin. Tama ka dyan! (SURPRISED) YOUNG BILOG:Nakikita mo rin si Nomed, Shirley??? (ROLL HER EYES) YOUNG SHIRLEY: Oo! Teka, ’kala ko ba, dyan ka muna sa kwarto mo? Isa pa, regalo ko ang kakayahan na ito mula sa Panginoon kaya hindi ko pinagsisisihan na meron ako nito! YOUNG BILOG:Sa lakas ng boses n’yo, paano ako makakapagpahinga ng maayos? (IRRITATED) NARRATOR:Naniniwala si Shirley sa sinabi ni Gani sa kanya tungkol sa tunay na gusto nitong sabihin. Lumipas ang panahon, tumanda na rin sina Gani, Shirley, at Bilog. Lumaki si Gani na pinag-aaralan ang mga halamang gamot para makatulong sa mga mahihirap na walang pangbili kaya kahit hindi man nakapagtapos si Gani ng pag-aaral, nagsumikap siyang pag-aralan ang mga halamang gamot gamit ang ibang libro ni Bilog mula sa eskwelahan nito. Taong 2004, sampung taong gulang na si Gani at Bilog, at si Shirley naman mas bata sa kanila ng isang taon kaya siyam na taong gulang na si Shirley… At sa taong ito, sinubukan na ni Gani ang kakayahan niyang manggamot ng tao at hindi siya binigo ng kakayahan niya. Ang dami niyang natutulungan sa bayan ng Cuarteros, Capiz na mga nagkakasakit gamit ang mga halamang gamot na nakukuha niya malapit sa kanila. Minsan, kinakausap ni Gani ang kalikasan para humingi ng gabay mula rito at dininig naman agad si Gani ng kalikasan at nagagawa niya ng maayos ang manggamot dahil dito. Si Bilog naman habang lumalaki, lumalabas ang pagkaambisiyoso at makasarili! Balak nitong tumakbo bilang kapitan ng baranggay nila… Sa naganap na halalan, nanalo na nga bilang kapitan si Bilog sa baranggay ng Cuarteros, Capiz. Taong 2024… MANG MANDO:Magandang hapon sa ’yo, Isagani. (DEEP INSIDE) Ay ito na ang anak ng aswang! (REACT) ISAGANI:Magandang hapon din Mang Mando. Ano pong sa ’tin? May sadya po ba kayo? (HUNGER FOR FLESH) NOMED:Matandang hukluban! Kung gawin ko kaya siyang hapunan??? ISAGANI:Hehe ano po ang sa atin, Mang Mando? (HINDI PINANSIN SI NOMED).. (ARROGANT) MAN 1:Ohh… Tingnan n’yo kung sinong nandito? Ang baliw sa bayan ng Cuarteros haha! Ano na namang kababalaghan ang gagawin mo? Haha! Oh kumusta po, Mang Mando! Magaling na po kayo hindi po ba? (CONFIDENT) MANG MANDO:Eh iho hindi pa nga, kasi naubos na ang herbal na bigay ni Gani na talagang nakakatulong sa sakit ko! Kaya hihingi ako ulit para hindi ito lumala at tuluyan na akong gumaling! ISAGANI:Tamang-tama po at bagong gawa itong medisina na ito. Oh heto po at inumin niyo lang ng dalawang beses kada araw, umaga at gabi para mas umepekto… (THANKFUL) Salamat po sa tiwala hehe… (DEFEND HIMSELF) At kuya hindi po ako baliw. Manggagamot po ako. Sige po maiwan ko na po kayo… EMIL:Oy! Gani!!! Aba, aba umaasenso ka na yata? Hmm… halika samahan mo ako, may hahanapin tayo…(EXCITED) (CONFUSED) ISAGANI:Hahanapin? Ano na naman yan? Naku! Emil napahamak na dati si Lolo Gibo, dahil dyan sa hahanapin na yan! At baka lalong magalit ’yung kapitan natin, na alam mo na, napakainit ng ulo sa ’kin… (CONFIDENT) EMIL:Hindi na mapapahamak si Lolo Gibo rito, pangako! Ako pa ba? Haha! Umoo ka na lang! Pangako, masisiyahan ka rito! At may sikreto akong sasabihin sa ’yo pagtapos. Ano, tara? (SUSPICIOUS) ISAGANI:Oh siya, siya! Sige payag na ako! Pero dadalhin ko si Nomed!, Nomed ayos lang bang isama kita sa lakad namin ni Emil? (NOT CONVINCED) NOMED:(DEEP VOICE) Kung ako ang tatanungin mo, naaamoy ko na may kakaiba kay Emil at tila hindi ito maganda! Gani… ang kwintas ng ama mo ang tanungin mo kung sakali man na panganib ang dala ng panghihikayat sa iyo ni Emil o hindi… Ako? Mananatili ako rito at babantayan ko ang pamilya mo! ISAGANI:O sige, Nomed pero huwag mong sisirain ang pangako mong ikaw ang bahala sa pamilya ko! NOMED:(DEEP VOICE) Oo kaya umalis na kayo! (STARES AT EMIL) Pero… sa oras na may mangyari sa ’yo, Gani… mananagot si Emil! (THREAT) ISAGANI:Haha Nomed, hindi ka niya nakikita o naririnig nakalimutan mo na ba? (TEASING) hehe (SHOCKED) EMIL:Gani… nakikita ko na si… si… si Nomed!!! G-Ganyan pala ang itsura mo ’no… Nomed?? (STARES AT EMIL) NOMED:(THREATENING) Ngayon lang ako magpapakita sa ’yo, Emil! Para malaman mo na seryoso ang banta ko! Oras na ipahamak mo ulit si Gani, matitikman mo kung paano ako magalit! Nagkakaintindihan ba tayo? (DEEP VOICE) (SCARED) EMIL:Oo… Nomed! Hindi ko naman ipapahamak si Gani kaya wala kang dapat ipag-alala! Kaibigan ko si Gani at isa pa, tulad mo, gusto ko ring ligtas si Gani… (CURIOUS) Gani, sigurado ka bang mabait ’yang Nomed? Anong nilalang ba siya?.
(CONFIDENT) ISAGANI:Oo, Emil! At saka si Nomed, nagpapakita lang siya sa mga taong gusto niyang pagpakitaan! At anong nilalang si Nomed? Malalaman n’yo rin sa takdang panahon! (CHANGING THE TOPIC) Ah teka nga, Emil, hindi ba, sasamahan pa kamo kita? Ano pang hinihintay natin? Baka abutin tayo ng gabi! Mahirap na at may mga gumagalang alagad ng kadiliman! Alam mo ’yon, hindi ba, Emil? (STILL CURIOUS) EMIL:Tama! O N-Nomed? B-Bakit nawala si Nomed? ISAGANI:Ahh si Nomed? Malamang ayaw na niyang magpakita sa ’yo at tandaan mo ang sinabi ni Nomed sa ’yo. Pero alam kong hindi mo ako ipapahamak kaya… (HOLD HIS NECKLACE) Oh kwintas na mula sa aking ama… Ngayon lang kita gagamitin para humingi ng gabay sa ’yo at basbasan ang gagawin namin… NARRATOR:Nagulat si Emil nang biglang nagliwanag ang kwintas ni Gani at tila nabalutan ng kakaibang aura sina Gani at Emil mula sa kwintas… Kaya naitanong ni Emil kay Gani kung isa bang anting-anting o agimat ang kwintas na suot niya? (AMAZED) EMIL:Gani! Anong klaseng agimat o anting anting ’yang suot mo? Napakaganda! (STARES AT EMIL) ISAGANI:Ginamit ’to ng ama kong namayapa na… Ipinamana niya ito sa akin sabi ni Lolo Gibo. Noon, ipinangako rin ng ama ko na ang kwintas na ito ang magiging sandata ko laban sa mga elemento ng kadiliman na gustong manakit sa akin at sa pamilya ko! (JOKING) EMIL:Haha! Tayo na nga Gani! Baka utusan mo pa ang kwintas mo na mahulog ang loob ko sa ’yo at ibigay ko ang puso ko sa ’yo haha! (STARES AT EMIL) ISAGANI:Kung hilingin ko kaya na gawin kang aswang ng kwintas ko? Puro ka kalokohan eh! Kaya ka nahahampas ng patpat ng mama mo eh! Haha! (TEASING) Oh siya magpatuloy na tayo sa pupuntahan natin at malapit nang maggabi!… EMIL:Aswang? Haha! Gani, oo yan ang hahanapin natin! Hindi mo ba nabalitaan na may gumagalang mga aswang dito sa Cuarteros? (SURE) Napapabalita na ang ginawa ng isa sa kanila sa alaga ni Aling Cedes! Wakwak ang tiyan at wala nang lamang loob! Pati dugo, naubos din! Kaya Gani, ano handa ka bang mang-hunting ng aswang?…
Itutuloy…
Now Available At Sir Jeff Horror Story on YOUTUBE SUBSCRIBE AND SHARE AND ENJOY.
IKATLONG YUGTO… KUTA NG TIKTIK.
©All Rights Reserved 2025.
SI ISAGANI AT ANG ASWANG
Episode 3. Kuta ng Tiktik..
(WORRIED) ISAGANI:Hmm… Kung mang-ha-hunting pala tayo ng aswang, bakit wala kang dala ni isang sandata o pwede nating maging depensa kung sakaling atakihin tayo ng aswang? (CONFIDENT) EMIL:Gani, handa yata ’ko! Ito, Gani, kaya nga ako may dala-dalang bag. Dala ko ang mga gamit na pwede nating magamit laban sa mga aswang na yan! (THINKING TWICE) ISAGANI:Emil, pamilyar ka ba na ang mga aswang, may sarili ring mga buhay na dapat mong irespeto? Ano bang malay mo kung mga aswang talaga ang may gawa no’n? Kakayanin ba ng bayan natin kung magalit natin sila? (CONVINCING GANI) EMIL:Gani! Heto tingnan mo ang mga video at picture. (SHOWED GANI ALL THE PICS AND VIDEOS IN HIS PHONE) Nakikita mo ba ’yan? O kung hindi aswang, ano ang may gawa niyan??? (UNSETTLED FEELINGS) ISAGANI:Kasi naman, Emil, ang hirap naman kasing maniwala agad sa mga ’yan! Alam natin na delikado itong ginagawa natin at wala tayong pruweba na aswang nga ang pwedeng may gawa niyan! Pero may punto ka, Emil, at aalamin natin ang totoo… (DETERMINED) Akin na ang buntot ng pagi. Magagamit ko ito laban sa mga aswang para hindi sila makalapit sa atin… At ito Emil, suotin mo. (BINIGYAN SI EMIL NG KWINTAS NA MAY LAMANG LANGIS) Kukulo iyan kapag may malapit na aswang! At mag-iingat ka Emil! Hindi natin alam kung kailan aatake ang… (HEARD SOMETHING) EMIL:Shh! Naririnig mo ba iyon, Gani? Ibig sabihin may aswang sa paligid! ISAGANI:Emil… ang langis… tila malapit sila! (WORRIED) (SURE) EMIL:Ibig bang sabihin nito, totoo nga ang mga nasagap kong balita tungkol sa mga hayop na biktima ng aswang??? Dahil winawakwak nila ang tiyan nito at kinukuha ang lamang loob at sinisipsip ang dugo! TIKO:Ilag! NARRATOR:Sa ’di inaasahang pagkakataon, tila may dambuhalang ibon na muntik nang hablutin sina Gani at Emil! Pero iniligtas sila ng isang lalaki na hindi kilala sa Cuarteros… “EK EK EEEEK” (HELPING) TIKO:Ayos lang kayo? Mag-iingat kayo! Nasa pugad kayo ng mga alagad ng aswang, ang tiktik! (CURIOUS) ISAGANI:Salamat po… Teka, pugad? Ibig pong sabihin, dito sila namumugad malapit sa bayan ng Cuarteros? Hmm… Teka, sino po pala kayo? (WARNED THEM) TIKO:Ako si Tiko. Ano ba kasi ang pakay n’yong dalawa rito sa pugad ng mga tiktik? Hindi n’yo ba alam na delikado rito? Lalo pa at agresibo ang mga ito at mapanakit! Kaya ibayong pag-iingat! (TINITIGAN SI TIKO) EMIL:(WHISPER) Gani, Gani! Mukhang may kakaiba kay Tiko at ang kwintas mo, panay ang ilaw! Badya ba ng panganib yan? (ALERT) ISAGANI:Salamat ulit, Tiko pero aalis na kami. May gagawin pa kasi kami eh… Umm… Naghahanap lang ako ng halamang gamot para magawa ko na ang susunod kong herbal medicine… (MAKING EXCUSES) Kaya pasensya na sa abala, at saka nagmamadali na kami. TIKO:Sandali! Hindi ba, sinabi ko na delikado rito? Kaya sumama na lang kayo sa akin para manatili kayong ligtas! (CONVINCING THEM) Magtiwala kayo sa ’kin. Hindi ko kayo pababayaan… at… (INATAKE NG SANTELMO) TIKOAno at may Santelmo rito? Grr..! EMIL:(WHISPER) Gani, halika na at habang may oras pa, umalis na tayo… (CONFIDENT) ISAGANI:Hindi ako natatakot sa ’yo, Tiko! Naamoy ko ang tunay mong katauhan! Kaya (PUT OUT HIS GOLDEN KNIFE) alam mo naman siguro kung ano ang kayang gawin ng punyal na ito, ’di ba? (SCARED) TIKO:H-Hindi ako masama, Gani… Hindi ko kayo sasaktan! Magtiwala kayo sa ’kin! (BRAVE) ISAGANI:Hindi ako natatakot sa ’yo! (TALK TO SANTELMO) Santelmo, muli mo pasuin si Tiko ng apoy mo para ilabas niya ang tunay niyang itsura! (SCARED) EMIL:A-Anong sinabi mo, Gani? P-Pasuin ng apoy mo? Ibig bang sabihin nito, ikaw ang amo ng Santelmo??? (CURIOUS) Gani, kaya ba nagliliwanag ang kwintas mo kanina? Ibig bang sabihin nito, tinatawag mo ang santelmo? (READY TO ATTACK) ISAGANI:Oo, Emil! Kaya humanda ka na, Tiko dahil uubusin ko ang lahi mo kapag hindi mo nilabas ang tunay mong itsura! Isa! Dalawa! Tatlo! WAK! WAAAAK WAAAK! (PISSED) TIKO:(IN A SCARY VOICE) Isa ka talagang pakialamero Gani! Kahit kailan, mga peste kayo sa lahi namin! Kayo ng ama mong si Simon! Waaak! Gusto mo akong paslangin? Sige! Magkakaalaman tayo! Waaaak! (HOLD HIS NECKLACE) ISAGANI:Mahal kong kwintas, magbigay ka ng proteksyon sa akin at sa pamilya ko laban sa kasamaan… (PINAALIS SI EMIL) Emil, habang may aura pang nakabalot sa ’yo, hindi ka masasaktan ng mga kampon ng kadiliman kaya umalis ka na at ibalita mo kay Lolo Gibo ang nagaganap dito at mag-iingat sila ni Bilog! Ako na ang bahalang humarap dito! (NANINDIGAN) EMIL:Kaibigan mo ako Gani at hindi ako papayag na iwan ka rito! Lalo pa’t ako ang nagdala sa ’yo rito sa kuta ng mga tiktik! Gani, hindi kita iiwan! Lalaban din ako para sa ikatatahimik ng bayan ng Cuarteros! (LAUGHING) TIKO:(SCARY VOICE) Haha! Ikaw Emil? Bakit, nasabi mo na ba sa kaibigan mong manggagamot kung sino ka at ano ka talaga? O gusto mong kami pang mga tiktik ang magsabi kay Gani kung sino ka? At kung bakit mo laging tinutulungan si Gani??? Haha! (CONFUSED) ISAGANI:Si Emil? May sikreto??? Anong sikreto Emil? At sino ka ba talaga??? (DENIAL) EMIL:(KINUHA KAY GANI ANG BUNTOT NG PAGI) Etong sa ’yo! Haaaaa! Sinungaling talaga kayong mga tiktik at aswang! Haaa! (STOPS EMIL) ISAGANI:Sandali Emil! Tama na! Magtapat ka nga sakin… Sino ka ba talaga? At ano ba ang pakay mo sa akin?… NARRATOR:Habang tinatanong ni Gani si Emil kung sino ba talaga ito at ano ang pagkatao talaga ni Emil, biglang nagliwanag ang kwintas ni Gani na tila sumilaw sa mga tiktik at nang subukang hablutin ni Tiko ang kwintas ni Gani, nasunog ito at naging abo. Nagtaka si Emil kung bakit nagkaganon si Tiko nang subukang nakawin ang kwintas ni Gani. Sinabi ni Gani na siya lang ang kinikilala ng kwintas at kahit sino, hinding hindi ito kayang nakawin at angkinin mula sa kanya at kusa itong lumiliwanag kapag malapit ang panganib sa kanya o sa pamilya niya. Ibinalik ulit ni Gani ang katanungan kay Emil kung sino ba talaga siya?….
Itutuloy…
AVAILABLE NOW ON YOUTUBE CHANNEL AT SIR JEFF HORROR STORY. SUBSCRIBE AND SHARE AND ENJOY!.
Ika-apat na Yugto: Si EMIL.
©ALL RIGHTS RESERVED 2025
SI ISAGANI AT ANG ASWANG
IKA APAT NA YUGTO. SI EMIL.
(QUESTIONING EMIL) ISAGANI: Ngayong alam mo na ang sikreto ng kwintas ko, gusto kitang tanungin ulit! Sino ka ba talaga, Emil? At ano ba ang pakay mo sa akin? (ADMITS THE TRUTH) EMIL: Isa akong itim na engkanto! Oo, Gani tama ang dinig mo! Isa akong engkanto! Pero hindi tulad ng ibang itim na engkanto na masama… Hindi ako masama, Gani. Lumaki rin ako sa mundo ng tao at nasanay na ako sa mga tao kaya wala kang dapat ikabahala tungkol sa pagkatao ko. Kaya may pakay ako sa ’yo, kaibigan! At iyon ang proteksyon na kaya mong ibigay sa aming mga engkanto. Dahil nakikita kong isa kang mabuting nilalang Gani at isa kang napakakisig na tao! Kaya rin kita kinaibigan para makasangga kita sa anumang laban mo. (CONVINCING GANI) Kaya Gani ’wag kang matakot sa akin dahil kilala mo naman ako noon pa! Kung masama ang balak ko sa iyo, matagal na kitang ginawan ng masama at alam kong alam mo ito, Gani! (TRUST EMIL) ISAGANI: Kung ganon, Emil, halika na at bumalik na tayo sa bayan dahil hindi na maganda ang kutob ko sa lugar na ito lalo pa at napaslang ko ang isa sa mga tiktik! Halika na at sabihin natin kay Bilog na siguruhing ligtas ang mga mamamayan natin! NARRATOR: Sa Baranggay ng Cuarteros… KAPITAN BILOG: (MAYABANG) Ahhh! Ang sarap sa pakiramdam na tinatawag kang kapitan ng baranggay! Haha! O Sok! Ano at nakatanga ka diyan? Magronda ka at baka… aswangin kang tamad ka! Haha! (EMBARASSED) SOK: Si kap naman, ako na naman ang nakita eh ginagawa ko naman po ang trabaho ko kap… (PISSED) KAPITAN BILOG: At sumasagot ka pa! Sinasabi ko sa ’yo Sok! (PANICKING) EMIL: Kapitan Bilog! Kapitan Bilog!! Alam na po namin ang pugad ng mga aswang na pumapatay sa mga alagang hayop dito sa baranggay natin!!! Halikayo para masugpo natin sila agad! EVERYONE STARES AT EMIL AND ISAGANI EVERYONE: (LAUGHED) HAHA! (TEASING) KAPITAN BILOG: O sige, sige! (SARCASTIC) May ehem… aswang? Ahh! Oo may aswang! Kaso ’yung aswang may sira sa ulo! Hindi ba? Haha! (STARES AT GANI) Oh ayan pala, kasama mo ’yung siraulong aswang! Ohhh nakakatakot! Haha! EVERYONE LAUGHED (REASONING) ISAGANI: Bilog! Isantabi mo muna ang galit mo sa akin! Makinig kayo! Nakasagupa namin ang isa sa mga tinatawag na tiktik! At kailangan natin silang masugpo bago pa nila tayo ubusin sa baranggay natin! Oo, Bilog, totoo sila! At hindi kami susugod sa baranggay na ’to kung wala akong ebidensya! (SHOWED HIS PHONE) Habang naglalakbay kami ni Emil papunta sa pugad nila, pasimple kong kinuhaan ng video ang paglalakbay namin para may pruweba akong maipapakita sa ’yo ’pag humarap ako sa inyo! Kaya heto! Tingnan n’yo! Ayan ang mga tiktik! Namumugad sila malapit sa bayan natin! (NOT CONVINNCED) KAPITAN BILOG: Haha! Gani! ’Yan ang napapala mo kagagawa ng halamang gamot! At masyado kang nagpapaniwala sa mga kababalaghan! Ang hina kasi ng utak mo! (TEASING GANI) Sa sobrang hina, ’yan ’yung aswang o tiktik?? Hahaha! Parang mga tao lang na naka-costume! Haha! Ano ’yan, binayaran n’yo ni Emil para magpanggap na aswang? (NANINDIGAN) ISAGANI: Sige lang, Bilog! Insultuhin mo lang ako pero kapag umatake sila, huwag na huwag mong sasabihing hindi ka namin sinabihan na may naninirahang aswang sa bayan natin! At kung hayop lang ang una nilang biktima, hindi na ’ko masusurpresa na sa susunod, tao na ang aatakihin nila! NARRATOR: Dahil hindi naniniwala si Bilog sa mga sinasabi nina Gani at Emil, hindi niya binigyang halaga ang mga sinabi nina Gani sa kanya at nanindigan siya bilang kapitan ng bayan ng Cuarteros na hindi niya obligasyon na maghanap ng mga nilalang na hindi naman totoo. Kahit na may pruweba pang ipinakita sina Gani at Emil, hindi ito pinaniwalaan ni Bilog at ng ibang taga-baranggay! Pero si Sok, nakuhang maniwala at ipinaliwanag niya kung bakit siya naniwala kina Gani at Emil… (NOT CONVINCED) KAPITAN BILOG: ’Yan na nga ba ang sinasabi ko sa ’yo, Emil! Haha! Kadidikit mo kay Isagani, ayan nahawa ka na sa kabaliwan niya! Oo, Gani, marami kang napapagaling na tagarito sa baranggay natin pero… haha! Ni minsan, hindi ko nakita ’yang mga aswang na ’yan o tiktik o anumang tawag niyo dyan! Haha! Hindi ako nahalal bilang kapitan ng baranggay na ito para maniwala sa mga haka-haka at kung anu-anong kababalaghan na pinaniniwalaan n’yo! Umuwi ka na lang Gani! At Emil, umuwi ka na rin at magpahinga nang sa ganon, bukas, baka maayos na ang isip niyo! Haha! (NANIWALA) SOK: Ako, naniniwala ako! Gani at Emil ang pruweba na hawak n’yo, pwede nating gamitin para patunayan na merong mga aswang na namemeste sa baranggay natin! (EXPLAINING) Alam n’yo, mayroon din akong ganitong nakasalamuha noong nakaraang linggo lang! Kaya ngayon, kailangan nating magkaisa para masugpo sila… (ANGRY) KAPITAN BILOG: Hoy Sok! Kung hindi ka titigil sa pagkampi mo dyan sa dalawang siraulo na iyan, sinasabi ko sa iyo, ako ang makakalaban mo! At mas demonyo ako sa mga kinukuwento n’yong kababalaghan na iyan kapag ginalit n’yo ako nang husto! Alam n’yo yan, Sok! EMIL: (TRYING TO CONVINCE GANI) Halika na, Gani! Wala tayong mapapala rito kung ’di tayo kikilos dahil itong pinsan mo, walang pakialam sa gusto nating ipaalam sa kanya at wala rin siyang balak na tulungan tayo Gani. Tayo na lang ang maaasahan ng bayan na ito lalo pa’t mainit na tayo sa mata ng mga tiktik! (STARES AT BILOG) ISAGANI: Bilog… hindi ka sana magsisi sa ginagawa mo! Ipinapahamak mo ang bayan na ito imbes na panatilihing ligtas. A SCREAM NEARBY (SHOCKED) SOK: Kapitan, a-anong ingay iyon? At ano po kaya ’yung umatake sa kababayan natin? KAPITAN BILOG: (PISSED) E di puntahan mo! TIKO: (NILABAS ANG ITAK) Halimaw! Itong sa ’yo! Haaa! SLASH! SLASH! (SHOCKED) EMIL: Gani… sino siya?… ISAGANI: Hindi ko rin siya kilala! Pero pwede siyang makatulong sa atin para mapaalis ang aswang o anumang halimaw na namumugad sa bayan natin! Magaling siya, Emil. Nakita mo ba ang langis na pinahid niya sa itak bago niya ’to ginamit! Nakita mo? Agad niyang nasaktan ang… (NAGULAT) Amed? (NAGTAKA) EMIL: Amed? ’Yung isang kababata natin na isang taong… (STOP EMIL FROM TALKING) ISAGANI: Manahimik ka! Ayokong masira si Amed sa bayan natin! Pero bakit siya naging agresibo? Ano ang nangyayari?… (NILAPITAN SI AMED) Amed! Bakit ka umaatake ng tao??? (ANGRY) AMED: (IN A VERY DEEP VOICE) Nanahimik ang pamilya at tribo ko! Pero anong ginawa ng mga tao! Pinaslang nila ang ama ko at sinunog nila ang iba kong katribo na pinagbintangan n’yo na pumapatay sa mga alagang hayop ng malupit na bayan na ’to! Tahimik ang mga kauri ko pero… argh.. (STAND UP) ginulo ng mga tao ang tribo namin at pinagbintangan! Kaya nararapat lang na gumanti kami! (TRYING TO CONVINCE AMED) ISAGANI: Amed (HELPS AMED) tama na… Hayaan mong ako ang tumulong sa iyo na hanapin ang may sala ng nangyari sa tribo mo at sa pamilya mo… huwag mo nang dagdagan ang kasalanan ng mga aswang dito sa bayan natin sa halip, tulungan mo na lang kami ni Emil na palayasin o paslangin ang mga aswang sa lugar natin. (ANGRY) AMED: (REFUSED TO HELP) Hindi! Mas gugustuhin kong makita na nababalot kayo ng takot! At isa-isang maubos ang tao rito sa Cuarteros! At do’n Gani… do’n kita tutulungan kapag naubos na ang tao sa bayan na ’to! TIKO: TAPOS KA NA! HAAAAA! (TRIED TO FINISH AMED) ISAGANI: (PUT OUT HIS GOLD KNIFE) Tama na! Hindi mo na siya sasaktan! TIKO: Pero pinatay niya ang tao! Dapat din siyang mamatay! (ANGRY) ISAGANI: Hindi! At tama na ang dugong nasayang ngayong gabi! TIKO: (EXPLAIN EVERYTHING) Hindi niyo ba alam, isa siyang taong lobo! Na siyang namemeste dio sa Cuarteros! NARRATOR: Umalis si Amed at iniwanan sina Gani at Emil.. at pag-alis naman ni Amed, nilapitan nina Gani ang lalaking nanakit kay Amed, at tinanong ito kung sino ba siya? At bakit maalam siya sa mga tulad ni Amed?… At nagpakilala naman ang lalake kung sino ba talaga siya… (SIGH) ISAGANI: Amed… sana balang araw, mawala ang galit sa puso mo at makuha mong magpatawad… pero hindi kita masisisi kung nagagalit ka sa amin… dahil ako man ang ilagay sa sitwasyon mo, malamang napakatinding galit din ang mararamdaman ko… EMIL: Sandali! Ikaw ginoo, sino ka? At anong nilalang ka? (ARROGANT) GARDO: Ako? Haha! Ako si Gardo, ang tinatawag ng iba na aswang hunter! At kayong dalawa naman, ano ang papel n’yo? At nakikialam kayo sa akin? (HOLD HIS NECKLACE) ISAGANI: Bakit tila may kakaibang aura ang bumabalot sa ’yo, ginoo? Tunay nga ba ang sinabi mo sa amin? (STARES AT GANI) GARDO: At ano naman ang napapansin mo sa akin, binata? (ARROGANT) Ah! Ikaw ang anak ng dating pinuno namin! NARRATOR: Dahil sa sinabi ni Gardo na pinuno, nagtaka si Gani at bakit kilala ng lalaki si pinuno? Si pinuno ay ang ama ni Isagani na si Simon. Siya ang pinuno ng mga manunugis ng mga aswang at iba pang nilalang na mula sa kadiliman, pero nabaliw sa pag-ibig si Simon kaya iniwan niya ang nabuo nilang samahan ng mga nanunugis ng mga alagad ng dilim tulad ng mga tiktik at iba’t ibang uri pa ng aswang. Tinanong ni Gani muli si Gardo kung sino si pinuno? At sinagot ni Gardo ang katanungan ni Gani… (CURIOUS) ISAGANI: Mang Gardo… sino pong pinuno? At ako anak niya? Pasensya na po, mukha pong nagkamali po kayo ng sinabi… (SURE) GARDO: Hmm… wala ka talagang alam tungkol kay Simon, ano? Kung sabagay, balita ko maaga kang naulila ng dating pinuno namin… Ano pala ang ngalan mo? Kung ikaw nga si Gani, ibig sabihin, dumadaloy sa dugo mo ang dugo ng ama mo na maging isang manunugis ng mga alagad ng dilim! (INTRODUCE HIMSELF) ISAGANI: Ako nga po si Isagani at ama ko si Simon… (HOLDS GARDO’S HAND) Sandali! Kung kilala mo ang ama ko, may alam ka rin sa mga kababalaghan dito sa Cuarteros??.
ITUTULOY…
IKA-LIMANG YUGTO: BABALA NI NOMED.
HI GUYS TUNE IN ON YOUTUBE CHANNEL AT SIR JEFF HORROR STORY.. SUBSCRIBE AND SHARE AND ENJOY 😊.
©ALL RIGHTS RESERVED 2025
SI ISAGANI AT ANG ASWANG
Ika limang yugto. Babala Ni NOMED.
(LOOKING AROUND) ISAGANI: Emil, naramdaman mo ba iyon? At… Mang Gardo? Emil, nakita mo ba si Mang Gardo? (DID NOT NOTICE) EMIL: Bigla nga ring nawala si Mang Gardo… Nakakapagtaka… Teka, Gani, sino si pinuno? (DENIAL) ISAGANI: Ah… ’yon ba, Emil? Hindi ko rin narinig si Mang Gardo… hmm… sino nga kaya ang pinuno? Hehe halika na at baka ’yung kapitan natin na ubod ng galing, sabihin pang hindi totoo ang halimaw at aswang sa bayan na ito. (TEASING) Tama, matulog na lang tayo, baka bukas maniwala na siya kapag marami na ang nabiktima ng mga namemeste sa bayan natin… (PISSED) KAPITAN BILOG: Gani! Iniinsulto mo ba ako??? Ang lakas ng loob mo ha?! Gusto mo bang ikulong kita sa baranggay natin? Huwag mo akong hinahamon, Gani! ISAGANI: (TEASING) Aba, may himala at sumulpot ang kapitan na hindi naniniwala sa mga aswang o anumang ’di normal na pangyayari! Hay… o Emil, halika na at matulog na tayo! Baka masabihan na naman tayong baliw! (THREAT) KAPITAN BILOG: Huwag mo akong subukan, Isagani! Baka kung anong magawa ko sa iyo! EMIL: (DEFEND GANI) Subukan mo, Bilog nang magkaalaman tayo ng lakas at tapang! (PISSED) NOMED: Kung ikaw ang isunod ko sa babaeng yan? (ANGRY VOICE) Siguradong magpipiyesta ang mga uod at masarap kang pataba sa lupa! (HEARD NOMED) KAPITAN BILOG: Si… Sino ka??? (SCARING BILOG) NOMED: Naririnig mo na ba ako, Bilog? (TERRIFYING VOICE) Ako ang papatay sa ’yo kapag kinanti mo si Gani, naiintindihan mo ba ako?! KAPITAN BILOG: (SCARED) Hi… Hindi ako… Hindi ako natatakot sa iyo! Isa ka lang… ilusyon! (EVIL LAUGH) NOMED: Haha! Kung isa akong ilusyon, ano at naririnig mo ako? Haha! Tandaan mo ang babala ko sa iyo! Ito ang una’t huli na pagsasabihan kita! Sa susunod, ikaw na ang hahandusay sa lapag para paglamayan! Haha! (SINAWAY SI NOMED) ISAGANI: Ah…. (WHISPERED) tumigil ka na, Nomed! Hindi maganda ’yang ginagawa mo! Pamilya ko pa rin si Bilog kaya tigilan mo yan! (NAPAPAISIP KUNG SINO KAUSAP NI BILOG) SOK: Ka… Kap? Si… Sino po ang kinakausap n’yo? At teka po, wala naman po kaming naririnig bukod sa inyo nina Gani! Kap, mukhang kayo po yata ang may kailangan ng tulog? (PISSED) KAPITAN BILOG: Tumahimik ka, Sok! Baka sa iyo ko maibunton ang galit ko! EMIL: Halika na, Gani at hayaan na natin sina Bilog gawin ang … tinatawag niyang tungkulin… baka may paliwanag ang kapitan natin na napakabait… (SARCASTIC) NARRATOR: Sa ginawa ni Nomed, nakadama ng takot si Bilog… pero sinisi niya pa rin si Gani na may kasalanan kung bakit niya narinig si Nomed pero sinabi lang ni Gani na baka kasi ginalit niya nang husto si Nomed kaya niya ito naririnig at nakausap pansamantala… at pag-uwi ni Gani, agad naman siyang sinita ni Lolo Gibo dahil nagpagabi siya at nabalitaan ni Lolo Gibo ang nangyari kani-kanina lang kaya sinermonan niya sina Emil at Gani… (ANGRY AND WORRIED) LOLO GIBO: Emil! Isagani! Ano at pinairal n’yo ang katigasan ng mga ulo n’yo?! Paano kung kayo ang inatake ng mga halimaw? Hindi niyo ba alam, kanina lang, may paikot-ikot na wakwak dito sa ating balai! (BAHAY) (WORRIED) ISAGANI: Wakwak? Lolo, sinaktan po ba nila kayo? Ayos lang po ba kayo? Ano po ang ginawa nila sa inyo? (CALM) LOLO GIBO: Ayos lang ako, apo! Napaalis ko ang wakwak dahil sa orasyon at sa kwintas ko na tulad ng sa iyo! Halika na sa loob ng bahay! Ikaw naman Emil…. (NOTICE THE AURA FROM GANI’S NECKLACE) habang may proteksyon ka pa mula sa kwintas ni Gani, umuwi ka na! (CONFIDENT) ISAGANI: Lolo, kahit wala siyang proteksyon, kaya ni Emil umuwi sa kanila nang ligtas! Kaya wala kayong dapat ipag-alala! At ikaw Nomed, mag-uusap tayo! (PATAY MALISYA) NOMED: Wala namang nangyari kanina, Gani! Haha! Pinasunod ako ni Lolo Gibo sa ’yo dahil gusto niyang siguruhing ligtas ka pero huwag kang mag-alala! Dahil bukod sa proteksyon ni Lolo Gibo mo, meron din akong ginawang orasyon para hindi masaktan ang mga mahal mo sa buhay kahit ang maangas mong pinsan, meron ding proteksyon! Kaya anong pag-uusapan natin? (ROLL HIS EYES) ISAGANI: Mamaya sa loob ng balai (bahay) tayo mag-usap at may mga katanungan din ako kay Lolo Gibo tungkol sa narinig ko mula kay Mang Gardo… LOLO GIBO: Gardo? Nakaharap n’yo si Gardo? (NAGTATAKA) Matagal-tagal na ring hindi iyan nagpapakita rito sa Cuarteros! Tinatawag niya ang sarili niya bilang aswang hunter daw! Ewan ko sa taong ’yon! At apo… (NOTICE GANI) ano at natahimik ka? May problema ba? Si Bilog na naman ba?. ISAGANI: Hindi po lolo… Lolo may gusto po sana akong itanong, sana sagutin n’yo po ako ng totoo…. Sino po ba talaga ang ama ko? At ano po ba talaga ang pagkatao niya?(DETERMINED TO KNOW THE TRUTH). (TELL GANI THE TRUTH) LOLO GIBO: Apo… ang totoo niyan, ang ama mo ay manunugis ng mga aswang at alagad ng dilim! Mula ng mamatay si Simon— (sighs) Apo si Simon ay isang makapangyarihang manunugis.. at kinatatakutan siya ng mga kampon ng kadiliman lalo na ng mga aswang! Si Simon ay… Si Simon ay maalam sa mahika at ano pang may koneksyon sa salamangka! Dahil inaral niya ang libro ng lola niya na namayapa na… Isang mahusay na manggagamot ang lola ni Simon! Inaral niya ang laman ng libro ng panggagamot at iba pang maaaring makatulong sa kanya para sugpuin ang kampon ng kadiliman! Kaya apo, oo, siya ang pinuno nina Gardo… pero simula nang magpakasal si Simon kay Celia, nagbitiw na ang ama mo bilang pinuno nila at hinalal nila ang bago nilang pinuno na si Cleo, ang pinuno nilang may dugong aswang kaya malakas ito at galit sa kapwa niya aswang dahil nasusuklam siya sa mga ginagawa ng mga kauri niya… ’Yun lang ang maikukukwento ko sa iyo, apo… (ASK ABOUT THE NECKLACE) ISAGANI: Lolo eh ano po ba ang kwintas na ito? Bakit tila napakalakas nito? Isa ba ’tong anting-anting? (CURIOUS) LOLO GIBO: (THE TRUTH) Apo, iyang kwintas na ipinamana sa iyo ng namayapa mong ama ay isang anting-anting! Naniniwala ang ama mo na sa tuwing suot-suot niya ito, hindi siya tatablan ng kahit na ano… Kaya ipinamana niya ito sa ’yo para protektahan ka sa mga kampon ng kadiliman… Nakikita mo ba itong suot ko na kwintas, apo? Ito ang agimat ko at ito ang proteksyon ko laban sa kampon ng kadiliman… (CONVINCED) ISAGANI: Hmm… Salamat po, lolo at nasagot n’yo ang mga tanong ko… Ama, pangako, ipagpapatuloy kong maging mabuting manggagamot nang sa ganon, mas marami pa akong matulungan na mga nangangailangan ng tulong… (PROMISED). (TALKS TO NOMED) ISAGANI: Nomed… ikaw naman, wag mo nang uulitin ’yung ginawa mo kanina! Delikado at baka sa ’yo pa ibintang ni Bilog ang mga patayan dito sa bayan! Maliwanag ba, Nomed? (ANNOYED) NOMED: O sige sige, nangangako ako, Gani! (CALM) ISAGANI: Mabuti kung ganon, Nomed at nagkakaintindihan tayo… O siya, magpapahinga muna ako at mukhang mapapalaban na naman ako bukas at sigurado akong aatake na naman ang mga kalaban! NARRATOR: Lumipas ang gabi na nagmamasid ang mga alagad ni Tiko sa paligid nina Gani at Emil pero hindi natatakot si Emil dahil nga isa siyang engkanto at para lubayan sila ng mga tiktik, gumamit ng mahika si Emil para lumayas ang mga tiktik sa paligid nila. Nagtagumpay si Emil sa ginawa niya kaya nakatulog sila ng maayos… Kinabukasan sa Cuarteros… EMIL: Magandang araw po, Lolo Gibo! (GREETING) Hehe kumusta po ang gabi n’yo? LOLO GIBO: Ah iho, mabuti naman at mapayapa kaming nakatulog dahil nilubayan kami ng mga tiktik! (CURIOUS) Pero… iho, Emil… bakit parang natakot ang mga tiktik kagabi? Nang sinubukan nilang lapitan ang balai namin? (EXPLAIN) EMIL: Ah… yun po ba? Hehe ako po ang nagbigay orasyon sa bahay n’yo, Lolo Gibo kasi napansin ko pong ayaw kayong tantanan ng mga tiktik kagabi kaya gumawa po ako ng orasyon para lubayan po nila ang pamamahay n’yo… MANG MANDO: Ay magandang araw ho, Lolo Gibo. Nandyan po ba si Isagani? Gusto ko po kasing bumili ng gamot para sa sakit ng katawan kasi po tuwing gabi masakit ang katawan ko… LOLO GIBO: Ah… si Isagani? Sandali at tatawagin ko… Gani! Apo! Halika nga muna rito at may magpapakonsulta sa iyo… (ARROGANT) KAPITAN BILOG: Hay naku, lolo! Si Gani na naman? Bida-bida na masyado yang apo n’yong ’yan! (NAGSISINUNGALING) Alam n’yo ba, nagbibida-bida ’yan sa baranggay hall kagabi? Siya raw ang nakatalo sa halimaw sa bayan? Lolo, nababaliw na ang apo n’yo! Wala namang halimaw dito sa Cuarteros! Siya lang ang gumagawa ng kababalaghan dito. (ATTACKS BILOG) RAAAAAAWR! NOMED: (DEEP VOICE) Binalaan na kita, Bilog! Pero hindi ka marunong magtanda! Tuturuan kita ng leksyon! (SCARED) KAPITAN BILOG: No-Nomed! Wag… wag ako! Nakikiusap ako! (PISSED) NOMED: Hindi ka mapakiusapan ng maayos! Pwes, gagawin kitang hapunan! Gwaaaar! (PINIGILAN SI NOMED) ISAGANI: Nomed! Hayaan mo na si Bilog! Ganyan naman talaga siya noon pa! Wala kang mapapala kahit saktan mo siya! Hindi na magbabago si Bilog! NOMED: (NOT SORRY) Hindi ako hihingi ng tawad sa nagawa ko! Magpasalamat siya at hindi ko siya sinugatan! (IN A VERY DEEP VOICE) Kung hindi siya titigil sa kakabida niya ng maling gawain, ako ang tatapos kay Bilog! Grrr…. ….
Itutuloy…
Ika-anim Na Yugto: PAG AMIN NI BILOG.
Hi guy’s AVAILABLE DIN ANG STORY NA ITO SA YOUTUBE SUBSCRIBE AND SHARE AND ENJOY AT SIR JEFF HORROR STORY…
©ALL RIGHTS RESERVED 2025
SI ISAGANI AT ANG ASWANG
ISAGANI: Hay Nomed… ang aga mong magalit! Hayaan mo na si Bilog at ikaw naman Bilog, hindi ba kaya ka nagmamadali, sinabi mo sa aking maraming tao sa baranggay hall? Bakit nandito ka pa at kung ano-ano pang inuuna mo kaysa ang tungkulin mo? (QUESTIONING BILOG) (BINANTAAN SI ISAGANI) KAPITAN BILOG: Sa oras na makita ko ’yang Nomed na ’yan, ako ang papatay sa kanya! Naiintindihan mo, Gani?! At ’yung kababalaghan kagabi, balita ko, may alam ka raw? Sino ang pumatay sa babae kagabi? (REASONING) ISAGANI: Hindi ba at pinanindigan mong hindi ka naniniwala sa mga aswang at ano pang kakaibang pangyayari sa bayan natin na hindi maipapaliwanag ng science? Bakit ngayon, parang naging interesado ka sa sinabi ko sa ’yo? Ano, kung wala pang namatay hindi ka maniniwala??? (SIGH) O siya! Oo, nakita ko ang pumatay sa babaeng iyon! Isa siyang kakaibang nilalang. Hindi ko mawari kung aswang siya o halimaw mula sa kadiliman! (COVER UP AMED) Pero nasa sa ’yo na iyan kung maniniwala ka o paninindigan mo ang sinasabi mong nababaliw lang ako! NARRATOR: At dahil unti-unti nang naliliwanagan si Bilog sa mga nangyayari sa paligid niya, ipinakita niya kay Gani ang video ng mga aswang at halimaw na nakunan sa CCTV ng Cuarteros. Nakita rito ni Gani na hindi naunang umatake si Amed kundi ang mga taong bayan!… At may isa pang ipinakita si Bilog kay Gani na kuha rin sa CCTV… (ROLLING HIS EYES) ISAGANI: Hay! O ayan naman pala ang pruweba mo! Akala ko ba, hindi mo iyan pinaniniwalaan? Bakit parang ngayon, gusto mo nang maniwala? KAPITAN BILOG: (SIGH) Gani… alam kong hindi tayo magkasundo pero heto bago pa nila ito i-review, kinuha ko na ang orihinal na kopya ng CCTV at ako na ang nag-edit nito! Inalis ko ang parte kung saan makikita na kinakausap mo ang halimaw at Gani… (CURIOUS) kilala mo ba ang halimaw? Bakit tila magkausap kayo? (DEFEND AMED) ISAGANI: Kung bubuksan mo lang ang isipan mo, Bilog… mas maiintindihan mo ang sitwasyon! Ang umatakeng halimaw na iyan ay nakausap ko! At sinabi niya, sinunog ng mga taga-Cuarteros ang tirahan nila at pinaslang ang mga magulang niyang naninirahan ng tahimik sa tribo nila pero ginambala ng mga taga-Cuarteros at inatake sila at pinagpapatay ng mga tao rito! Bilog… (INAALAM ANG TOTOO) ISAGANI: …ikaw ba ang nag-utos sa tauhan mo para gawin iyon? (ADMITS THE TRUTH) KAPITAN BILOG: Gani… oo, inutusan ko ang mga tauhan ko na sugpuin ang tribo nina Amed nang sa ganon, magkaroon ng katahimikan ang bayan natin! Pero napasama pa pala! Kung dati, hayop lang ang pinapatay, ngayon, tao na ang pinapatay nila! Gani, ngayon ko lang ito sasabihin sa ’yo… Patawarin sana ako nina Amed at sila ang pinagbintangan ko na pumapatay dito sa ating baranggay! Sana mapatawad ako ni Amed (ASKING FOR FORGIVENESS) at pasensya na Isagani kung naging malupit ako sa iyo. Kailangan ko lang gawin iyon para hindi ako guluhin ng mga nilalang na iyon! Pero Gani… handa kitang tulungan para sugpuin ang mga tiktik… pero sa ngayon, aasikasuhin ko muna ang problema ng ating baranggay… NARRATOR: Nagulat si Gani sa narinig niya mula kay Bilog. Si Bilog pala ang dahilan ng agresibong umatake sa mga kalahi ni Amed! At nagtaka si Gani kung paano nakilala ni Bilog si Amed? Inamin naman ni Bilog kay Gani kung paano niya ito nakilala at kung paano niya nalaman ang katauhan ni Amed… (UPSET) ISAGANI: Ano?? Ikaw ang dahilan kung bakit naulila si Amed? At kung bakit nagagalit ang iba pang kalahi ni Amed?? Bilog naman! May problema pa tayo tungkol sa mga aswang! Dinagdagan mo pa!… (CURIOUS) Paano mo nakilala si Amed? MANG MANDO: Mawalang galang lang, mga iho, pwede na ba akong bumili ng gamot Gani? ISAGANI: Ay, paumanhin po. Heto na po ang herbal na medisina para sa sakit ng tiyan n’yo. Tandaan n’yo po, dalawang beses ’yan iniinom sa isang araw…. Nawa’y basbasan po kayo ng langit at gumaling na kayo nang tuluyan… (SMILE) KAPITAN BILOG: Gani…. (TOLD GANI THE TRUTH) matagal ko nang kilala si Amed! At matagal na akong nakakita ng aswang! Simula noong bata pa tayo! Si Amed ay mabait at palakaibigan… ngnunit nakaramdam ako ng takot mula ng masaksihan ko kung paano siya magbago ng wangis! Takot na nagpalayo sa akin kay Amed. Takot na lumamon sa isipan ko… at Gani, oo! Matagal ko nang alam na totoo ang mga sinasabi mo na may mga aswang! Dahil si Amed ang nagligtas sa akin noon sa aswang! Kaya lang naman ako nagagalit sa ’yo dahil napahamak noon si Lolo Gibo at dahil laging ikaw ang tama sa kanya… at dahil sa pagligtas niya sa iyo mula sa Sigbin na hinamon n’yo ni Emil… ’Yon ang totoo… At ito Gani? Itong CCTV footage na ito? Hindi na ito kakalat pa para manatili ka ring ligtas dahil nung umalis kayo ni Emil, alam kong binilinan mo ang kakaiba mong kaibigan na protektahan kami, kaya bilang ganti sa mabuti mong kalooban, Gani, hindi ko na ilalabas ’to para maging ligtas ka at hindi ka mapahamak sa taong bayan! Pero Gani… (curious) sino ba talaga si Nomed? Anong nilalang si Nomed? (THANKFUL) ISAGANI: Sa takdang panahon, Bilog… ipapaalam ko sa inyo kung sino si Nomed.. Sa ngayon, salamat at naniniwala ka na sa akin! Pero mag-iingat ka pa rin Bilog (CONCERNED) lalo pa at galit ang namamayani kay Amed ngayon! At maaari itong gamitin ng pinuno ng mga aswang! At ng mga kasamahan nila laban sa mga tao rito…. Heto Bilog. (GIVE BILOG A NECKLACE) Iyan ay langis na magbabadya sa ’yo kung may aswang sa paligid mo… Mag-iingat kayo dahil pakalat-kalat sila ngayon sa ating bayan! NARRATOR: Nagulat si Isagani at tinanggap ni Bilog ang binigay niya ng walang sinasabi at saka ito umalis at pumunta sa baranggay para asikasuhin ang mga tao ro’n na nanghihingi ng proteksyon. At sa paglipas ng araw sa Cuarteros, muling nagbabadya ang pag-atake ng mga alagad ng kadiliman….. LOLO GIBO: Oh Gani, apo, halika at maghapunan na muna tayo… Bilog? (LOOKING FOR BILOG) Nasaan na ba ang batang iyon? Sabi niya, uuwi siya ng maaga ngayon! ISAGANI: Hay sige po, lolo, susunduin ko na lang sa baranggay para malaman niyang hinahanap n’yo siya. LOLO GIBO: (HAPPY AND CURIOUS) Himala at magkasundo kayo ngayon ng pinsan mong si Bilog! Mabuti iyan, apo! Nang sa ganon, hindi na sakit sa ulo ko ang pagpipilit dyan kay Bilog na intindihin ka. SCREAM MAN: “ASWANG!!!!!!! ASWANG!!!! TULONG!!!!!!” EMIL: Gani! Halika at tulungan natin sila! (ASKING GANI TO HELP) (READY TO HELP) ISAGANI: Lolo, aalis po muna ako. Nomed, ikaw munang bahala rito! LOLO GIBO: Apo! Mag-iingat ka! At nararamdaman ko na malakas ang pwersa nila ngayon! (WORRIED) ISAGANI: Kayo po ang mag-ingat, lolo. Nomed, habang wala pa si Bilog, pwede bang ikaw muna ang bahala kay lolo? Para maging ligtas siya? (PAKIUSAP) At Nomed, kapag nakita mo si Bilog, ’wag mo sana siyang saktan sa halip, protektahan mo rin siya. Salamat, Nomed. (PROMISE) NOMED: Makakaasa ka sa ’kin Gani! Pero (DEEP VOICE) heto Gani, tanggapin mo ang sandatang ito! Ginawa ko ito noon para maging sandata mo laban sa mga kakaibang nilalang…. (GIVES GANI A NEW WEAPON) At huwag kang mag-alala dahil ang sandata na iyan ay namimili ng amo! Kaya hindi iyan mananakaw sa iyo! Ngayon, kapag ninakaw o kinuha ng sapilitan iyan sa iyo, papaslangin sila ng sandatang iyan! (GIVING GANI ASSURANCE) Kaya umalis na kayo para mailigtas niyo ang dapat n’yong iligtas. Ako na ang bahala rito, Gani! ISAGANI: Salamat Nomed. Mauna na po kami lolo! eek eeek eeek eek EMIL: Ano po ang nangyayari dito? At nasaan ang aswang? (ASKING THE RESIDENCE) KAPIT BAHAY 1: Ayun si Mang Mando! Naging aswang! (SCARED) ISAGANI: (HOLD HIS NECKLACE) Bakit ba lumiliwanag ka? Ano ang nangyayari? (TUMINGIN SA ITAAS) eeeek eeek! ISAGANI: Tiktik? Umaatake nanaman kayo? Sandali? Mang Mando? Isa kang tiktik? (NAGULAT) Pwes, humanda ka na sa katapusan mo! MANG MANDO: Hindi ko kasalanan kung nauto kita agad, Gani! Haha! Kaya katapusan mo na! Gwaaaaaaaaaar! EMIL: Sige, ako nang bahala sa isa niya pang kalahi, Gani! MANG MANDO: Haha! (EVIL LAUGH) Ako pa talaga ang hinamon n’yo? Haha! Mamatay kayo! Waaaaaak! EMIL: Ah! Ganon ba?! Pwes, mauna ka sa impyerno, salot! (THROW SALT AT MANG MANDO) ATTACKS ISAGANI MANG MANDO: PESTE KA! Ikaw ang papatayin ko! Gwaaaaaar ISAGANI: SLASH MANG MANDO USING THE SWORD FROM NOMED Patawarin mo ako, Mang Mando, ito lang ang alam kong paraan para mapigilan ang mga tulad mo sa pag-atake at pag-ubos ng mga tao sa bayan na ito! (LAST BREATH) MANG MANDO: Tandaan mo, Isagani! Hindi mo kami kayang sugpuin! Lalo na ang pag-atake ni… pinuno… (TURN INTO ASHES) (NAGTATAKA) ISAGANI: Pinuno? Si Cleo? Ano kaya ang ibig sabihin ni Mang Mando??? (AMAZED) EMIL: Gani! Anong klaseng sandata iyan? Napakaganda at parang napakalakas! Isang gamitan lang sa alagad ng dilim! Hmm… nagtataka talaga ako kay Nomed, Gani, sino ba talaga siya? At bakit parang mahiwaga ang pagkatao niya? (CURIOUS) (NO RESPONSE) ISAGANI …. (ASKED GANI AGAIN) EMIL: Gani! Ano bang nangyayari sa ’yo? Ayos ka lang ba? (NAGULAT) ISAGANI: Ha? Ano iyon, Emil? EMIL: Ang sandata mo napakaastig kako! Bakit ka ba tulala? (CURIOUS) Ano bang sinabi ni Mang Mando sa iyo? ISAGANI: (SERIOUS) Oo. Bigay ni Nomed ang sandata ko… hmmm… (CONFUSED) EMIL: Sandali lang… Gani, ano ba kasi ang nabanggit sa iyo ng matandang tiktik na iyon? Naguguluhan ako… ISAGANI: Hmm…. TIKO: SCREAM NEARBY “TULONG!!!!! TULONG!!!!” EMIL: (SAW TIKO SCREAMING) Ayun! Gani, puntahan natin! ISAGANI: Kuya! Napa’no ka po?(CONCERNED) TIKO: Inatake ako ng Sigbin! Mabuti at nilubayan ako! Tulungan n’yo ako maawa kayo! (BEGGING).
Ika-pitong Yugto. Cleo and Gani tandem.
Hello Guys also available at YouTube channel on Sir Jeff Horror Story. Please subscribe and Share and enjoy! 🙏
©All Rights Reserved 2025
ISAGANI AT ANG ASWANG
Ika-pitong Yugto. SI PINUNO.
(CONFUSED) ISAGANI: Sigbin? Pero ang Sigbin ay matagal ko nang hindi nakikita sa bayan natin! Sandali lang… NARRATOR: Napaisip si Gani na baka si Amed ang pinaghihinalaan nilang Sigbin kaya pinadetalye niya ang itsura ng nasabing Sigbin! Pero biglang nagpakita si Amed… (SCARED) TIKO: Napakalaking nilalang! Para siyang asong gutom na gutom! At gusto niya akong gawing hapunan! Mabuti at natakasan ko siya! Kaya parang awa n’yo na, gamutin n’yo ako! (NOT SURE) ISAGANI: May pagkaitim na abo ba ang balahibo niya? O hindi mo nakita dahil madilim? Kasi kung may ganyan siyang kulay ng balahibo, sigurado ako, napag-initan ka lang niya…. Kaya kailangan kong makasiguro… TIKO: HIGANTENG ASO! At nanlilisik ang mapupula niyang mga mata! Parang lalapain ako no’n anumang oras! Argh… (IN PAIN) at nagtatago siya sa anino! (BINIGYAN NG HERBAL NA MEDISINA ANG LALAKE)
ISAGANI: Heto po kuya, inumin n’yo po para hindi maimpeksyon ang sugat n’yo… At kuya… (NOTICE EMIL’S NECKLACE BOILING) E… Emil… ang kwintas mo… (LOOK AT HIS NECKLACE) EMIL: Ha? Teka, bakit kumukulo ang laman ng kwintas? Ibig sabihin may malapit na aswang!… (STARES AT THE WOUNDED TIKO) Ga… Gani… kumukulo ang langis at… (NILAPIT ANG KWINTAS SA LALAKE) (SCARED) TIKO: AH!!!! Ilayo mo sa akin yan! Ilayo mo!!!! (GROWL) (NAGULAT AT NILABAS ANG SANDATA) ISAGANI: Takot ka sa langis? Iisa lang ang ibig sabihin nito! Ikaw ay hindi tao! (POINT HIS SWORD TO THE TIKO) Ilabas mo ang tunay mong anyo! TIKO: (LAUGHING MANIACALLY) Haha! Haha! Akala n’yo ba kaya niyo ang lahi namin?? Mga uto-uto! (GRAB GANI AND THROW GANI) AMED: (TURNED INTO GIANT WOLF) GRRRRRAWR! Ako ang harapin mo! … (HURT) ISAGANI: A-Amed?? Argh… Walanghiya kang salot na aswang ka! Magbabayad ka! (CONCERNED) EMIL: Gani! Ayos ka lang ba? ISAGANI: Wala ’to, Emil! Kailangan kong talunin ang halimaw na yan! (DETERMINED) Amed! Ako na ang tatalo sa walanghiyang ’yan! TIKO: (TRANSFORMED INTO ASWANG) HAHA! Ano sa tingin n’yo, kaya n’yo ako? Haha! (PISSED) AMED: Tumahimik kang SALOT KA!!! gwaaaaaar! (ARROGANT AND AGGRESSIVE) TIKO: (GRABS AMED) At anong laban ng isang tuta na tulad mo sa akin? (EVIL LAUGHER) HAHA! (THROW AMED) Haha ako naman ang aatake, Gani! Humanda ka na! Dahil sa pagkakataong ito, wawakwakin ko ang katawan mo at uubusin ko ang dugo mo pati laman loob mo! Gwaaaaar! EMIL: (HINAMPAS NG BUNTOT NG PAGI ANG LALAKENG ASWANG) Ano, lalaban ka pa??? TIKO: (HURT) Bwisit ka! Ikaw ang uunahin ko! Gwaaaaaar EMIL: (NOT AFRAID) Kung kaya mo! Ano, ha? Etong sa ’yo! HINAMPAS MULI NI EMIL ANG LALAKE NG BUNTOT NG PAGI Ano? Lalaban ka pang salot ka? TIKO: (HURT) Ginagalit mo talaga ako! Grrr… Etong sa ’yo! HINABLOT SI EMIL AT HINAGIS Haha! Kay sarap paglaruan ng magiging hapunan ko! (EVIL LAUGH) Haha! Pwes, mga alagad ko… oras na para maghasik kayo ng lagim! Haha! ISAGANI: (HOLD HIS NECKLACE) At iyan ang pagkakamali mo! Alam kong may iba ka pang kakayahan kwintas ko! Tulungan mo akong sugpuin ang kasamaan! NARRATOR: Paghiling ni Isagani sa kanyang kwintas, nagliwanag muli ito at tila sinilaw nito ang kalaban nilang aswang! At ginamit ni Gani ang pagkakataong ito para magapi ang aswang! Pero nang sasaksakin niya ng espada ang aswang, biglang sumulpot si Cleo! At siya ang tumapos sa nanggugulong aswang! ISAGANI: (NAGTANGKANG PASLANGIN ANG ASWANG) Haaaaaa! Huh?… sino ka? TIKO: (IN PAIN) Cleo? Grr… sarili mong ka… kalahi, nagawa mong paslangin? Makakarating ito kay Pinuno! CLEO: Isa rin akong pinuno! At ako mismo ang uubos sa mga aswang na katulad mong masasama!!! SINAKSAK SI TIKO Ikumusta mo ’ko kay Satanas! At yang pinuno n’yo, hindi ako natatakot sa kanya! NARRATOR: Dahil sa sinabi ng aswang, nagkakilala sina Cleo at Gani at ipinakilala ni Cleo kung sino siya at kinilala rin niya si Gani at inalok ni Cleo kay Gani ang dating posisyon ng ama niya sa kanilang samahan! Pero hindi ito tinanggap ni Gani dahil ang pagiging pinuno ng isang hukbo ay isang napakalaking obligasyon at maraming pagsubok ang kailangan ni Gani bago niya tawagin ang sarili niya bilang isang pinuno! Sinabi ni Cleo na kay Gani na ang lahat ng katangian bilang isang pinuno ng mga manunugis ng alagad ng dilim at ng aswang! Nasa isipan kasi ni Gani kung papaano niya paninindigan ang samahan kung ang mga kaibigan niya ay kakaiba at hindi normal na nilalang? Kaya ayaw ni Gani’ng tanggapin ang alok ni Cleo na maging isang ganap na manunugis ng mga aswang o ng kahit anong alagad ng dilim! (INTRODUCE HIMSELF) ISAGANI: Cleo? Ang Pinuno ng mga manunugis ng aswang? Natutuwa akong makita at makilala ka! Ako si Isagani! Ang anak ng dating pinuno n’yong si Simon… CLEO: (INTRODUCE HIMSELF AS WELL) Ako si Cleo, ang bagong pinuno ng samahan na binuo ni Simon! Gani! Bagay kang pumalit sa akin! Gusto mo bang turuan kitang mag-ensayo? Nang sa ganon, maging bihasa ka na sa gawain namin at mas maging maalam ka pa sa pakikipaglaban sa mga aswang o nilalang na kalaban namin noon pa. (DECLINED THE OFFER) ISAGANI: Ikinalulungkot ko pero hindi ko matatanggap ang alok mo, Ginoong Cleo, dahil may mga kaibigan ako na hindi mula rito sa mundo ng tao, at ayoko silang iwan dahil sa mabigat kong tungkulin! (TRYING TO CONVINCE GANI) CLEO: Napakapormal naman ng Ginoong Cleo haha! Gani, kaedaran mo lang din ako! Ako ang pinakabatang pinuno sa grupo namin! Gani, pwede mo akong tawaging Cleo. Pinuno ang tawag ng iba sa akin! Pero mas gusto kong tawagin akong pinuno. Nakakadagdag sa pagkalalaki ko haha! Gani, tulad mo, may kakaiba rin sa akin. May dugo rin ako ng isang aswang pero mas nangingibabaw sa ’kin ang pagiging tao kaya Gani, wala kang dapat ikatakot! Siyanga pala Gani, bakit ba umaatake ang mga aswang dito? (CURIOUS) (EXPLAINING) ISAGANI: Dahil siguro sa pagkakapaslang sa isang tiktik? Napaslang ko ang isa sa kanila dahil balak kaming biktimahin noong hinahanap namin ang may sala sa mga pumapatay ng hayop dito sa Cuarteros! Kaya nung makita namin ang pugad ng tiktik, susugurin na sana namin nang bigla kaming atakihin ni Tiko, ang tiktik na sinubukan kaming linlangin at paslangin! Kaya… (KUMULO MULI ANG KWINTAS NI EMIL) EMIL: Gani? Mukhang may aswang na palapit! ISAGANI: (STARES AT CLEO) CLEO: At hindi ako iyon! AMED: (WORRIED) Gani! May sugat ka! Baka mapaano ka kung ipagpapatuloy mo ang pakikipaglaban sa mga aswang! Hayaan mong ako na humarap sa kanila! ISAGANI: (CONFIDENT) Kaya ko ang sarili ko Amed! Salamat pala sa tulong mo! (DENIAL) AMED: (IN HIS MIND) Gani… mahalaga ka sa akin, parang kapatid na rin kita pero ramdam kong mayroon kang gusto sa aking aminin pero hindi mo magawa… Naku Gani… hanggang kailan mo yan itatago? Sana hindi niyan masira ang pagkakaibigan natin. (SLIGHT ANNOYED) AMED: Gani! Hindi ako tumulong. Nagkataon lang na nandito rin ang pakay ko! Kaya tumigil ka!
NARRATOR: Sa inaasal ni Amed, tila humanga si Cleo sa pagkakaibigan nila ni Gani! Dahil kahit si Gani ay mula sa ibang lahi, nakahanap ito ng mga kaibigan na hindi siya iiwanan sa gitna ng laban lalo na kapag talagang nangailangan siya ng tulong! Nawala si Cleo… dahil ang pinagkakatiwalaan niya noon ay pinaslang ng Pinuno ng mga aswang! Kaya hindi gaanong nagtitiwala si Cleo sa kahit kanino! Pero kay Gani, nagawa niyang magtiwala dahil magaan ang loob niya kay Gani! Si Cleo, bukod sa may dugong aswang, meron ding kakayahan si Cleo na makita ang nakaraan ng isang nilalang! Kaya sinubukan niyang silipin ang nakaraan ni Amed! At dito niya nakita kung paano nawala ang lahat kay Amed! At nalaman din ni Cleo na ang pinsan ni Gani na si Bilog ang nag-utos na sugpuin ang ibang kalahi ni Amed dahil sila ang sinisi ni Bilog na umaatake sa Cuarteros! Pero hindi ito isiniwalat ni Cleo kina Amed at Gani dahil ayaw niyang magkaroon ng hidwaan ang dalawa… pero alam niya na darating ang panahon, aaminin din ni Gani kay Amed ang totoo… At dahil naisip niyang silipin ang nakaraan ni Amed, sinubukan naman niyang silipin ang nakaraan ni Gani habang abala sina Gani, Amed at Emil sa aswang na nasa paligid. Pero hindi siya nagtagumpay dahil hinarangan siya ng kapangyarihan ng kwintas ni Gani at ni Nomed… kaya naman napatanong si Cleo kung sino ba si Nomed? Nagtaka si Gani kung bakit kilala ni Cleo si Nomed?…
ITUTULOY…
HELLO GUYS THIS STORY AY AVAILABLE DIN SA YOUTUBE CHANNEL NI SIR JEFF HORROR STORY.. PLEASE SUBSCRIBE AND SHARE AND ENJOY 👻🙏
IKA-WALONG YUGTO. SI NOMED.
©All Rights Reserved 2025
ISAGANI AT ANG ASWANG
Ika-Walong Yugto. Si NOMED.
(CURIOUS) ISAGANI: Nomed? Kilala mo rin si Nomed? Paano? CLEO: Ano kasi Gani… (TRYING TO MAKE EXCUSES) uh… kasi parang narinig ko kasi siya kanina? ISAGANI: (NOT CONVINCED) Cleo… huwag mo akong niloloko! Sinilip mo ang nakaraan ko, ’no? Pero hindi ka nagtagumpay na malaman kung sino si Nomed? Kung gusto mo siyang makilala… tapusin muna natin ang misyon natin dito na masugpo ang kampon ng dilim na gumagala dito at naghahasik ng lagim! (AGREE WITH GANI) EMIL: Tama, tama! Kaya halika na bago pa nila tayo unahan! At baka may mapahamak pang kababayan natin! AMED: (SMELLS DANGER) May panganib! Mag-iingat kayo! CLEO: (OFFER HIS HELP) Mmm… bakit ’di na lang tayo bumuo ng grupo? Na tayo-tayo lang ang magkakasama Amed, Gani at Emil! Hindi ba mas maganda ang ganon? NARRATOR: Sa sinabi ni Cleo na gumawa sila ng bagong grupo nilang apat para maging tagapagtanggol ng Cuarteros, nagdadalawang-isip si Gani dahil alam niyang galit pa si Amed sa nangyari kaya inaasahan na niyang hihindi o papalag si Amed sa binibigay na ideya ni Cleo… CLEO: (DETERMINED) Ano Gani? Emil? Amed? Papayag ba kayo? (THINKING TWICE ) EMIL: Um… hindi ako sigurado Cleo dahil may grupo ka na at isa pa, paano ang mga kasamahan mo? At saka kung ano ang sagot ni Gani ’yon din ang desisyon ko… (UNSURE) ISAGANI: Siguro… pero hindi ko kasi alam kung papayag si Amed tungkol sa gusto mo Cleo at isa pa kakikilala lang namin sa iyo. Pero kung sa akin lang, mas mabuti ngang may mga kasama tayo para kapag nakaharap na natin ang pinuno na sinasabi nila, handa tayo at mabilis natin siyang matatalo! AMED: Gani… oo, galit ako sa mga tao rito pero napag-isip-isip ko na tama ka, hindi galit ang magpapalaya sa akin kundi ang pagpapakumbaba ko at Gani… patawarin mo ako kung pinagbuntunan kita ng galit ko. Sana naiintindihan mo ako… pero Gani sasamahan din kita sa laban mo kaya makakaasa kang hindi ako aalis sa tabi n’yo kahit anong mangyari!… (in his mind) Gani sana kung ano man ang gusto mong sabihin sa ’kin… sana pagkatapos ng laban natin dito, masabi mo na sa akin Gani… Pangako, iintindihin ko, kahit gaano kasakit iyan. SWOOOSH! TIKO: DAPA!!!!! ISAGANI: SLASH! Akala mo maiisahan mo ako ha! TIKO: AAAAAAARGH! Hindi ka talaga titigil binata hangga’t hindi mo kami nauubos? Haha (evil laugh) Iyon ay kung maubos mo ang lahi namin haha! Argh (HURT) argh nasugatan mo ako! Bwisit ka! Pwes humanda ka sa pinuno namin! Siya na ang haharap sa iyo! Haha! (EVIL LAUGH) (CONFIDENT) ISAGANI: POINT HIS SWORD Sabihan mo ang pinuno n’yo na hindi ako natatakot sa kanya! CAIRO: Hindi nga ba, binata? (IN A VERY DEEP VOICE) (TURN AROUND) ISAGANI: Ikaw?… Ikaw si pinuno? (SHOCKED) CAIRO: (SHOCKED) Ikaw? Paano nangyari ito? CLEO: Kilala mo siya Gani? (CURIOUS) NARRATOR: Sa pagkakataong ito, sinabihan na niya sina Cleo, Emil at Amed na sila na ang bahala sa iba pang mga alagad ng pinuno ng mga aswang! At sumang-ayon naman sila at sa ’di inaasahan, nakikipaglaban din pala ang mga taga-baranggay hall nila sa mga aswang dahil may umaatake rin do’n na mga aswang! Kaya naman si Nomed ay nagpakawala ng isa niyang alagad para makatulong kay Bilog… pero ang tanong ng lahat, sino nga ba si Nomed? Bakit tila malapit ito kay Gani?… Ngayong nagkaharap na si Gani at ang pinuno ng mga aswang, nagulat ang dalawa dahil matagal na palang magkakilala si Gani at ang pinuno ng mga aswang! Bukod kay Amed, noon din ay protektado si Gani ng ibang aswang sa kalahi nila dahil sa malapit ito sa pinuno nila noong bata pa si Gani kaya nagulat ang pinuno nila nang makaharap muli si Gani! (SHOCKED) CAIRO: Isagani? Ikaw nga ba talaga iyan? ISAGANI: Oo ako nga ito, pinunong Cairo! (FIERCE) At oo! Ibang Isagani na ang kaharap n’yo ngayon! (IN HIS MIND) CAIRO: Kahanga-hanga at lumaki ng matapang si Isagani tulad ng ama niya, hindi rin siya umaatras sa laban! Pero kailangan kong maging maingat! Dahil noon pa man, nakita ko na may potensyal ang batang ito na maging manunugis ng lahi ko balang araw! Pero bakit? Bakit hindi ko magawang kagalitan ang binatang ito? Samantalang kanina lang, galit na galit ako! Dahil sa mga tao rito! Sa sinungaling na bayan ng Cuarteros! Pero…. bakit nang magkaharap kami ni Gani, nagbago ako? Anong nangyayari? Hindi dapat ganito ang isang pinuno ng mga mababangis na aswang! (NANINDIGAN) ISAGANI: Tandaan mo, Cairo, kung itutuloy mo ang panggugulo sa bayan ko, hindi kita sasantuhin! Ako si Isagani! Ako ang uubos sa lahi mo!!! POINT HIS SWORD Kaya Cairo, mamili ka! Ang maubos ang lahi mo? O umatras ka sa laban? At lisanin mo ang bayan namin! Hindi! Lisanin niyo na ang bayang ito! Dahil salot kayo sa bayan namin!!! (STAY CALM) CAIRO: Gani… noon, ipinagtatanggol kita sa mga kalahi ko! At hindi ko alam na hahantong tayo sa ganito! Na tayo mismo ang magiging magkalaban! Gani…. alam ko na malaking pinsala ang nagawa ng mga kalahi ko rito. Pero Gani… hindi kita lalabanan… dahil hindi ko kayang kalabanin ka! (HONEST)… (SURPRISED) ISAGANI: Haha! Ang lakas ng loob n’yong sumugod sa bayan namin tapos bigla kang aatras sa laban? Ano bang kasalanan ng bayan ko sa inyo? Bakit kayo namemeste sa Cuarteros? At… CAIRO GANI! ILAG!!! SINUGOD ANG KAPWA ASWANG NA AATAKE KAY GANI! ASWANG: (SHOCKED) P-Pinuno? Bakit n’yo ako pinigilang kainin ang binata? Pinaslang niya ang kalahi natin! Nararapat lang na mawala siya! Grrrrrrawr!… (ANGRY AND KILLS THE ASWANG) CAIRO: MANAHIMIK KA SA IMPYERNO! EATS HIS OWN KIND GRAAAWR! (SCARY VOICE) Isagani… ayos ka lang ba?… (CURIOUS) ISAGANI: Nagtataka ako sa iyo… Bakit mo ako ipinagtanggol sa kapwa mo aswang? Sumagot ka, Cairo! NARRATOR: Sa kagustuhan ni Isagani na malaman ang katotohanan mula kay Cairo, kung bakit ba sila nanggugulo sa Cuarteros? Ikinuwento ni Cairo ang buong pangyayari noon kung bakit nagalit ang tribo ng mga aswang… (TELLING THE WHOLE STORY) CAIRO: Gani, ikaw ang dapat mas nakakaalam nito! Alam na alam mong tahimik ang lahi namin! Ni minsan, hindi kami nanggulo sa mga tao! Umiiwas kami hangga’t kaya namin! Pero Gani, alam mo ba ang ginawa sa amin ng mga taga-Cuarteros? Kaya namin inuubos ang mga alaga niyong hayop dito? Sinunog nila ang tahimik na tribo namin! Marami sa amin ang nasawi at naulila! Gani! Oo, mga aswang kami! Pero naging mabuti kami sa inyo! Nakisama rin kami sa inyo at hindi namin kayo pinakikialaman! Pero dahil sa maling bintang n’yo noong namatay ang isang tao sa kakahuyan, kami ang itinuro n’yong pumatay sa kanya! Gani, kung ganon kami kasama, malamang pinaglalamayan ka na ngayon! Pero Gani, pinili ko pa rin na siguruhin na ligtas ka at tuparin ang pangako ko na hindi kita bibiguin! Pero sinira ko iyon! Dahil sa namumuno sa baranggay n’yo! Na napakalupit! At makasarili! Kung kayong mga tao, may karapatang mamuhay ng tahimik kami bang mga aswang, walang karapatan? (ANGRY VOICE) At si Tiko, oo isa siya sa pinababantayan ko. Nalaman ko ang ginawa ni Tiko sa iyo! Kaya hindi kita masisi kung napaslang mo si Tiko! Ngayon, Gani… Sabihin mo sa akin, kung mali bang gumanti kapag ikaw mismo ang inagrabyado? ISAGANI: (NOT FULLY CONVINCED) Cairo, kung totoo nga ang ikinuwento mo… sino ang pumatay sa dalagang namatay noon sa kakahuyan? (THE TRUTH) CAIRO: Ang dating may-ari ng kwintas mo, Gani… Siya ang aksidenteng nakapatay sa babaeng iyon! Na ibinintang sa amin! NARRATOR: Nagulat si Gani sa sinabi ni Cairo sa kanya dahil sa pagkakaalam ni Gani ang ama niya ang may-ari ng kwintas! Pero nang itanong ni Gani kay Cairo kung ang ama ba niya ang tinutukoy ni Cairo? Sinagot siya ni Cairo na hindi ang ama niya ang tinutukoy niya kundi ang lola niyang namatay dahil inatake ng wakwak! At doon ito nasawi! Nagtataka si Isagani kung bakit hindi ito nabanggit ni Lolo Gibo sa kanya noong kinukuwento ni Lolo Gibo ang tungkol sa kwintas niya at sa pagkatao ng ama niya… Naisip na lang ni Gani na baka may nagawang hindi maganda ang lola niya kay Lolo Gibo kaya hindi na ito binabanggit pa ni Lolo Gibo sa kanilang magpinsan! Pero ano pa ba ang hindi nasasabi ni Bilog kay Gani? May kapatawaran ba ang lahat ng kasalanan? Tulad din kaya ni Amed si Cairo na tapat na kaibigan kay Gani? At handang magpatawad? O naniniwala rin si Cairo na “BUHAY SA BUHAY MATA SA MATA”???… Ngayong alam na ni Gani ang katotohanan, hinamon niya na lang si Cairo na makipaglaban sa kanya. Pero nanindigan si Cairo na hindi niya talaga kayang saktan o labanan si Gani. At dahil dito, narinig ng kanang kamay ni Cairo ang sinabi nito kaya naman ito ang humarap kay Isagani! Pero pinigilan ni Cairo ito pero hindi ito nagpapigil, kaya naman tinuloy niya ang tangkang pag-atake kay Gani at determinado siyang mawala si Isagani sa landas nilang mga aswang! Magtagumpay kaya ang kanang kamay ni Cairo? (CHALLENGED CAIRO) ISAGANI: Hmm… tama na ang satsat! DETERMINADO (POINT HIS SWORD) Pwes! Hinahamon kita, Cairo! Labanan mo ako! At nang magkaalaman na tayo kung nararapat ba kitang paniwalaan o hindi?! CAIRO: Gani… aswang man ang wangis ko pero hindi talaga kitang kayang saktan! Gani! Oo, dapat matapang akong pinuno ng mga aswang at hindi dapat umaatras sa hamon! Pero Gani, kahit anong pilit ko, hindi kita magawang labanan! Dahil itinuturing kitang nakababatang kapatid! KARLITO: GRRAWR! MAMATAY KA GANI! CAIRO: (TRIED TO STOP KARLITO) HUWAG! HAYOP KA! Huwag mong saktan si Isagani! ISAGANI: HOLD HIS NECKLACE Aking kwintas, nagsusumamo ako sa iyo na bigyan ako ng lakas para sugpuin ang kadiliman!… SLASH! Ngayon na! Haaaaa! SANTELMO: (IN A VERY DEEP VOICE) Gani, kasama mo ako sa labang ito kaya huwag kang mag-alala! Tutulungan kitang masugpo ang kadiliman! KARLITO: (AGGRESSIVE) Kung hindi mo kaya Pinuno na patayin si Gani, ako ang papatay sa kanya! Gwaaaaar! ISAGANI: Hangal! SLASH (FIERCE) Hindi mo ako matatakot! Etong sa ’yo! EMIL: (WARNS GANI) Gani! Mag-iingat ka kay Karlito! May lason ang laway niya! Kaya wag na wag kang magpapakagat sa kanya! Haaa! CLEO: Emil, kailangan nating mapuksa ang mga ito bago mag-umaga! Dahil siguradong magtatago ulit sila kapag nagsimula nang mag-alas kwatro ng madaling araw! (WHISPERRED TO EMIL) ISAGANI: Ikaw pala si Karlito! Pwes, hindi ako takot sa iyo! (ATTACK KARLITO) Mamatay ka na! KARLITO: Haha!(EVIL LAUGH) Sa tingin mo, mapapatay mo ako? Haha! Gani, hibang ka ba? Haha kung sabagay katulad ka rin ni Simon na hibang na hibang na makapaslang ng mga tulad kong isa sa pinakamalakas sa lahi ng mga aswang! (ARROGANT) At tulad din niya, mabibigo ka! Haaaaaaa! SCRATCH GANI Ano Isagani? Duguan ka na! Lalaban ka pa ba? Haha! Pinuno! Masdan mo kung paano ko papaslangin si Isagani! Katapusan na ng lahi mo, Gani! Gwaaaaaaar! SLASH! NOMED: Hindi mo magagawa iyan dahil ikaw ang unang pupunta sa impyerno! (IN HUMAN FORM) KARLITO: (IN PAIN) ARRRRRGH! S-Sino ka??? NOMED: Ako ang bangungot ng mga tulad mong alagad ng dilim! (FIERCE) SLASH! Paalam sa iyo, Karlito! Hanggang sa muli nating pagkikita sa impyerno! (KILLED KARLITO) Gani! Ayos ka lang ba? (NAGTATAKA KUNG SINO ANG BINATANG NASA HARAPAN NIYA) ISAGANI: S-Sino ka? B-Bakit nahawakan mo ang sandata ko? (NAGPAKILALA) NOMED: Sandali baka sa itsura kong ito, makilala mo ako! (TRANSFORMED INTO A DEMON LOOKS) Ano, Gani nakikilala mo na ba kung sino ako? (SURPRISED) ISAGANI: N-Nomed! Paano ito nangyari? Ano at nag-anyo kang tao?? Nomed?? Hindi ba’t isa kang demonyo? Paano at nagiging tao ka na ngayon? (EXPLAIN THE SITUATION) NOMED: Gani, ang totoo niyan, doon lang kinuha ang pangalan ko dahil mukha akong demonyo, ’di ba? Kaya Nomed ang pangalan ko na ang ibig sabihin sa wikang ingles ng mga tao ay demon o demonyo! Anak nga ako ng demonyo! Pero hindi ako kasing sama ng ama ko! Hindi ko rin mapaliwanag kung bakit, Gani! Pero naging malapit ako sa tao at natuto akong mamuhay na parang tao kahit pa na alam ko na isa akong demonyo at hindi ako dapat nakikihalubilo sa mga mortal… Pero, Gani, natuto akong mamuhay na parang tulad n’yo na mortal kaya heto ako at tinutulungan ka sa laban mo, Gani. At makakaasa kang hinding hindi kita iiwan sa laban mo! Mag-iingat ka, kaibigan! Babalikan ko na si Lolo Gibo, baka kung napa’no na iyon! At saka na tayo mag-usap! (VANISHED).
Itutuloy…
Hello Guys Available Din Po Ito sa YouTube ni @SirJeffHorrorstory Suppory and subscribe and share and enjoy 🙏🙏
Ika-Siyam na Yugto Papalapit na Wakas.
©All Rights Reserved 2025
ISAGANI AT ANG ASWANG
Ika-siyam na Yugto. Papalapit na wakas.
CAIRO: (CONCERNED) Ayos ka lang ba, Gani? Halika, gamutin natin ang sugat mo! (DID NOT ACCEPT CAIRO’S HELP) ISAGANI: Huwag na, Cairo! Kaya kong gamutin ang sarili ko! At tigilan mo na ang pagpapanggap na mabuti ka! Alam kong nililinlang mo lang ako! CAIRO: Gani, hindi kita nililinlang. Totoong gusto kitang tulungan at hindi ako galit sa iyo kung natalo n’yo ang alagad ko! (CONVINCING GANI) Gusto kitang tulungan bilang nakatatanda mong kapatid! Iyan ang turing ko sa iyo, Gani. Tadhana ni Karlito ang mamatay dahil uhaw na uhaw siya sa kapangyarihan! Hayaan mo at matitigil din ang gabi na ’to at pinapangako ko sa iyo na hindi na kami ulit manggugulo rito! EMIL: (NOT CONVINCED) Ikaw, nangangako at nagpapakumbaba para sa mga taong gumulo sa tribo ng aswang? Hindi ako naniniwala na ang pinuno ng mga aswang, nakikipagkasundo sa amin! CLEO: (POINT HIS GUN AT CAIRO) At gaano kami nakasisiguro na tutupad kayong mga aswang sa pangako n’yo? Ang dami n’yong nakaing dugo at laman loob ng tao! Kaya’t imposibleng ikaw at ang kapwa mo aswang ay hindi na muli pang aatake sa bayan ng Cuarteros. (NOT CONVINCED) Kaya ikaw, Gani magdesisyon ka kung maniniwala ka sa pinuno nilang halata naman nagpapanggap na mabait at hindi ka kayang saktan! Tandaan mo, Gani naging mabait sa iyo si Aling Melba at nagpanggap din na mabuti! Kaya Gani, ikaw pa rin ang magdedesisyon! NARRATOR: At dahil nakikipagkasundo na si Cairo kay Isagani, tumigil na ang ibang aswang sa pag-atake sa bayan ng Cuarteros. Sinubukan ni Gani na tanungin ang kwintas niya para malaman kung nagsasabi ba ng katototohanan ang kausap ni Gani o hindi? Muli, lumitaw ang Santelmo at kinausap si Isagani! SANTELMO: “ISAGANI NADARAMA NG APOY KO NA SI CAIRO AY NAGSASABI NG KATOTOHANAN AT NATITIYAK KONG ANUMAN ANG PASYA MO AY MAKAKABUTI SA BAYANG ITO! GANI, NASA IYO PA RIN ANG HULING PASYA…” ISAGANI: Hmm… (NOT SO SURE) kung tutuusin, naging mabuti ka rin sa akin Cairo. Nagpalamon ka lang sa galit mo at naiintindihan ko naman kung saan ka nanggagaling pero hindi ko sigurado kung mapagkakatiwalaan kita dahil nararamdaman kong nababalot ka pa ng galit mo at hindi ka pa handang magpatawad… Pero… nakasisiguro ba kami na hindi na… WAAAAAAAK! TIKTIK: Mamatay ka Gani!!! (ANGRY) ISAGANI: SLASH (CONFIDENT) Mauuna ka munang mamatay bago ako! SLASH Kung si Tiko, hindi ko pinalampas, ikaw pa kaya na isa lang Tiktik? (BACK TO CAIRO) Ngayon, Cairo, nakita mo na ba kung bakit hindi ko magawang maniwala sa iyo? Kalahi mo ang gustong pumatay sa akin! (REASONING) CAIRO: Gani, maniwala ka sa akin! At ang mga tiktik na iyan, ako na ang bahala sa kanila! Hindi kita tatraydorin kahit traydor ang pinsan mong naghahari-harian sa bayan ninyo! Asahan mong marunong akong tumupad sa pangako ko! Hindi ako sumisira sa kasunduan! TIKTIK: (TEASING) haha! Ano at lumalambot na ang pinuno natin? Haha! Hindi na yata naalala ng pinuno natin ang ginawa ng mga taga-Cuarteros sa tribo niya? Haha! At… aaaaaargh! CLEO: (KILLED THE ARROGANT TIKTIK) Oo, tama ka, Tiktik, nagawa namin sa tribo ng aswang iyon pero hindi malayong ubusin ko ang mga tiktik na tulad mo! (FIERCED) May susunod pa ba??? CAIRO: Tama na ang laban na ito! Naggagantihan lang tayo na hindi matapos-tapos! Gusto lang naming mamuhay ng payapa! At hindi namin gustong guluhin ang tahimik na pamumuhay n’yo! Kaya sana maging leksyon na ito sa inyong lahat! Gani, nangangako ako na hindi na namin guguluhin pa ang bayan ng Cuarteros! Gani, nakababata kong kapatid… (PROMISING) mula sa araw na ito, ako na ang proprotekta sa iyo at hindi ko na hahayaan na may mga aswang o mula sa tribo namin ang umatake sa bayang ito! Masakit mang tanggapin na ang mga tao pa ang mas malupit kaysa sa aming mga aswang na kinatatakutan n’yong lahat! Sana, huling beses na itong mangyayari! Muli, Gani… hindi na kita guguluhin pa, pati ang bayan ng Cuarteros… ISAGANI: (MADE A DEAL) Pumapayag na ako sa naging kasunduan natin! Salamat kung itinuturing mo akong nakababatang kapatid… pero siguro naman naiintindihan mo kung saan din ako nanggagaling hindi ba? Ang dami ring katanungan sa pagkatao ko pero nasasagot lang ito kapag may nakakaharap akong mga nilalang na alagad ng dilim tulad n’yo. Salamat din at tinigil n’yo na ang pag-atake sa bayan namin. Marami mang nasawi sa lahi n’yo, nakikiramay ako… at sila rin naman ang pumili ng kapalaran nila! At sana Cairo, ito na ang una at huling beses na magkakaharap tayo! Dahil kapag sinira ng isa sa inyo ang kasunduang nabuo, ako… ako mismo ang uubos sa lahi mo! (WARNS CAIRO) Naiintindihan mo ba? Sige at umalis na kayo! Ayoko nang mabalitaan pa na nanggugulo kayo sa bayan namin, naiintindihan n’yo ba ako? NARRATOR: Matapos ang madugong laban ng aswang at nina Gani, nabuo nila ang kasunduan na wala na ni isa sa mga aswang ang aatake sa bayan ng Cuarteros! At wala na rin ni isa sa mga taga-Cuarteros ang manggugulo ng kahit sinong nilalang! Tao man o hindi… Sa kabila ng gulo at labanang ito, marami pa ring katanungan si Gani. Una rito ang tungkol sa lola niya na ina ni Simon at kung sino ang babaeng dahilan ng gulo sa pagitan ng aswang at ng mga taga-Cuarteros? At may mga kaunting katanungan din siya kay Nomed na katanungan din nina Emil, Shirley, Lolo Gibo, Bilog at Cleo. At palaisipan din kay Cleo ang tungkol sa pagkatao niya! At palaisipan kay Bilog kung bakit niya inutos ang pagpaslang sa mga taong lobo na nananahimik sa kakahuyan! Masasagot na ba ang lahat ng katanungan ni Gani? Kaya umuwi muna sina Gani para tanungin sina Nomed at Lolo Gibo tungkol sa mga ito… pero sa gitna ng paglalakad nila, sinalubong sila ng Sigbin! Nang aatakihin na ni Gani ang Sigbin, inawat siya ni Nomed! EMIL: (NAGDUDUDA) Gani, alam mo, hindi ako naniniwala kay Cairo na totoo ang mga sinabi niya! Maaaring kinukuha niya lang ang loob mo para makahanap ng tamang panahon para ubusin ang mga taga-Cuarteros! Hay Gani! CLEO: (TRUST GANI) Emil! Pabayaan mo si Isagani! Ginawa lang niya kung ano ang makabubuti para sa bayang ito! Kaya magtiwala na lang tayo sa desisyon ni Isagani… EMIL: (CURIOUS) Ah eh… Cleo, nasaan na pala ang grupo mo? Akala ko ba ikaw ang Pinuno nila? AMED: (IN A DEEP VOICE) Emil, ako na ang sasagot diyan… Kaya bumubuo ng bagong grupo si Cleo dahil inubos ng mga wakwak at aswang ang grupo ni Cleo! At si Mang Gardo? Matapos ang paghaharap namin, pinaslang niya ang sarili niya dahil nakagat ko siya! Sinubukan niya akong patayin, hindi ba? Naniniwala kasi si Mang Gardo na ang laway o kamandag ng kagat namin ang dahilan para mapabilang sa amin! Kaya sa takot ni Mang Gardo na maging tulad ko, binaril niya ang sarili niya at nahulog sa bangin… Ngayon, alam mo na ba ang sagot, Emil??? (GROWLING AT EMIL) ISAGANI: (STOP THEM BOTH) O, tama na nga yan! Mamaya, si Emil pa ang maging pagkain mo eh! Naku! Walang kalasa-lasa yan! Haha! (TEASING EMIL) (ROLL HIS EYES) EMIL: Ako na naman ang nakita mo Gani!… Amed… ganon pala ang nangyari kay Mang Gardo! Akala ko, ginawa mong hapunan! Haha biro lang Amed! (TEASING) Pero Amed… Salamat sa tulong mo sa amin! Napakalakas at ang galing mo sa pakikipaglaban! Saludo ako sa iyo! CLEO: (ASK FORGIVENESS TO AMED) Amed, tama ka, pero… aaminin ko, isa ako sa pumaslang sa mga kalahi mo. Sana mapatawad mo ako… kahit alam kong wala ’yung kapatawaran, umaasa pa rin ako na mapapatawad mo ako balang araw… AMED: (SIGH) Cleo, maaaring napupuno ako ngayon ng galit pero alam kong alam ni Gani na hindi ko kayang makita na mamatay siya ng wala akong ginagawa! Dahil tulad ni Emil, kapatid ang turing ko kay Isagani! Kaya kung mamamatay siya, dadaan muna sila sa bangkay ko! Pero… Cleo…. binura ko na ang galit sa puso ko dahil ’yun naman ang dapat… Pero ang pagpapatawad? Baka hindi pa sa ngayon Cleo… Hayaan mo, darating din tayo sa oras na iyan! Sa ngayon… Gani? Ayos ka lang ba? (CONCERNED) ISAGANI: (PRETENDING) Ha? Oo naman Amed, ayos na ayos! Argh.. hehe medyo masakit lang ang katawan ko at pinagbabalibag ako ng kalaban! Haha! At… teka…(FEEL SOMETHING) CLEO: (NOTICE GANI’S NECKLACE SHININING) Gani, may panganib ba? Bakit nagliliwanag ang kwintas mo? EMIL: (EXPLAIN) Lumiliwanag lang iyan kapag may panganib o halimaw na malapit! Gani…
Itutuloy…
Ika-sampung Yugto Ang Huling laban.
©ALL RIGHTS RESERVED 2025
AVAILABLE DIN SA YOUTUBE CHANNEL NI SIR JEFF HORROR STORY. SUPPORT AND SUBSCRIBE AND SHARE AND ENJOY…
ISAGANI AT ANG ASWANG
AMED: (PROTECT GANI) Ako na ang bahala sa iyo, Gani! ( IN A VERY DEEP VOICE) Humanda kayo! Baka nandyan lang sila sa paligid!…. ISAGANI: (SAW THE MONSTER) Sigbin? Ano at gusto mo akong atakihin?! kung akala mo, matatakot ako sa iyo, dyan ka nagkakamali! Ikaw ay… NOMED: (STOP GANI) Sandali, kaibigan! Haha! Alaga ko ang Sigbin! Pasensya ka na kung pinakawalan ko siya… KAPITAN BILOG: Nomed? (SHOCKED) Paano nangyaring nakikita ka na rin nila? Ibig bang sabihin nito, hindi ka na nagtatago sa iba? NOMED: (TRIED TO SCARE BILOG) (DEEP VOICE) Oo, Bilog! Kaya humanda ka na dahil ikaw ang hapunan ko!!! gwaaaar! KAPITAN BILOG: (SCARED) Waaaaaaaag! NOMED: (EVIL LAUGH) Haha!! Nakakatawa ang itsura mo, Bilog! Ang tapang tapang mo pero duwag ka rin pala! Haha! (TEASING) O siya, Gani halina kayo sa loob at hinihintay kayo ni Lolo Gibo… O ikaw naman (TALKS TO SIGBIN) ’wag masyadong mainit ang ulo! Haha! Sige na magpahinga ka na at kailangan pa namin mag-usap-usap!… LOLO GIBO: (WORRIED) Mga apo! Naku! Gani!!! Ayan na nga ba ang sinasabi ko! Nasaktan ka na! Ano, malalim ba ang sugat mo? Patingin ako! Kailangan magamot agad ’yan! ISAGANI: (ASKED LOLO GIBO NOT TO WORRY) Lolo, ayos lang po ako… pero … may mga tanong po ako na gustong mabigyang sagot, lolo… Ano po ang kasalanan ni lola? At saka sino ’yung babaeng namatay dahil sa kanya? At bakit isinisi niya sa mga aswang ang nangyari noon sa babaeng namatay sa kakahuyan? LOLO GIBO: (NAGULAT) Babae? Paano mo nalaman ang tungkol do’n? Eh matagal na ’yung nabaon sa limot?! ISAGANI: (DETERMINED TO KNOW THE TRUTH) Lolo, pwede n’yo po bang sagutin ang tanong ko? Kasi lolo gusto ko pong maintindihan ang lahat ng nangyayari ngayon dito sa bayan na ’to! (EXPLAIN EVERYTHING) LOLO GIBO: O sige… panahon na rin para malaman mo ito! At panahon na para malaman mo ang totoo tungkol sa lola mo kung bakit hindi ko siya naikukuwento ni minsan sa iyo! Noon kasi apo.. ang lola niyo ay may inalay na babae sa kakahuyan para makahanap ng aswang pero hindi ito tinanggap ng mga aswang! At dahil ayaw ng mga aswang na magpakita sa kanya noon, pinatay niya ang babae at isinisi sa mga aswang ang nangyari! Masyadong desperada ang lola mo na makakita ng aswang noon at sa sobrang desperada niya na makapatay ng isang aswang, umabot na siya sa punto kung saan kinailangan na niyang mag-alay ng buhay ng tao para sa kagustuhan niya! At hindi rin nagtagal, nalaman ng taong bayan ang kasinungalingan niya.. pero huli na ang lahat dahil ginalit na niya ng husto ang mga aswang bago pa niya maamin ang kahibangan niya! Bilog… apo, namana mo ang magaspang mong pag-uugali sa lola mo! Kaya hindi kita masisisi! ’Yun ang totoo apo…. ISAGANI: (CURIOUS) Lolo, sino po ba ang babaeng iyon at parang nahihiwagaan ako sa kanya? At bakit ni isa sa taga-rito, walang nakakaalala sa kanya? (SINAGOT ANG TANONG NI ISAGANI) LOLO GIBO: Siya ay…. (STARE AT BILOG) Siya ang nanay mo Bilog… Pinalabas ko na iniwan ka sa akin ng iyong ina at hindi na bumalik! Patawarin mo ako apo… Patawarin niyo ako mga apo! (CRIES) KAPITAN BILOG: (COMFORT LOLO GIBO) Lolo… ako man po, may mga kasalanan din po! Pero lolo tahan na po… Hindi naman po ako nagtatanim ng galit sa inyo. Malinaw na rin po sa akin ang totoo kaya lolo, wag ka nang mag-alala… Gani, sana ako rin, mapatawad mo ako, insan… (ASKING FOR FORGIVENESS) At sa iyo rin, Amed… AMED: (NAGTATAKA) Sa akin? Bakit Bilog, ano ba ang kasalanan mo sa akin at humihingi ka rin ng tawad? KAPITAN BILOG: (EXPLAIN EVERYTHING) Kasi… ako ang dahilan ng pagkamatay ng tribo at pamilya mo! Ako ang nag-utos na sugurin kayo at patayin ang mga kalahi mo! Dahil sa inyo ko binintang ang pagkamatay ng mga hayop dito sa baranggay natin! Kaya sana mapatawad mo ako! Hindi man ngayon…. pero sana patawarin n’yo ako sa napakalaking kasalanang nagawa ko… ISAGANI: Amed…. pasensya ka na kung hindi ko sa iyo agad nasabi dahil ayokong pati sa akin, magalit ka… (SORRY) Sana mapatawad mo ako… AMED: Tulad ng sinabi ko Gani… binura ko na ang galit sa puso ko pero Bilog… ang pagpapatawad, hindi ko agad maibibigay. Paumanhin at sana naiintindihan n’yo kung saan ako nanggagaling! (TRYING TO MAKE THEM UNDERSTAND HIS SITUATION) At Gani, alam mo bang matagal ko nang alam na may alam ka sa nangyari sa tribo namin? Pero hindi mo ito masabi-sabi sa akin dahil sobrang taas ng galit ko noon! Pero…. Gani, naiintindihan ko kung bakit hindi mo iyon sinabi agad! Dahil ayaw mong magkasamaan tayo ng loob… Gani, para na kitang kapatid kaya kung pati ikaw, mawawala sa akin, baka tuluyan na ako lamunin ng poot at galit ko! Salamat Gani! SHIRLEY: (HUGS GANI) Gani!? Gani!!!!!! Salamat naman at buhay ka pa! Grabe! Ang daming umatake na aswang dito! Mabuti at natigil na sila!!! At saka (STARES AT NOMED) Aaaaaaaah! DEMONYO! DEMONYO! (LOOKING FOR THE DEVIL) NOMED: Nasa’n??? Nasa’n? Shirley… hindi na ako bago diyan… haha! Oh eto, para hindi ka na magsisisigaw diyan! (TRANSFORMED INTO HUMAN FORM) Ayan, Shirley mukha pa ba akong demonyo? SHIRLEY: (SHOCKED) Demo…. N-Nomed? Ikaw yan??? Aba at napakagwapo mo palang nilalang! Gani! Matanong ko lang, sino ba talaga itong si Nomed? ISAGANI: Si Nomed?… (STARES AT NOMED) Panahon na para malaman n’yo kung sino si Nomed… Si Nomed ay isang anak ng demonyo! Oo, isa siyang demonyo! Pero hindi tulad ng mga magulang niya si Nomed. Hindi siya nananakit ng tao… kaya wag kayong matakot sa kanya NOMED: (NANG AASAR) Gani, nakakatuwa naman at pinapakilala mo ako kay Shirley! Haha! O, naiintindihan n’yo na ba kung sino at ano ako? Titigil na siguro kayo sa katatanong kung sino ako? SHIRLEY: E di kung ganon, isa ka ngang demonyo! Pero… Gani, ang gwapo pala ni Nomed! (GIVING COMPLIMENT) (PINCH SHIRLEY) ISAGANI: Umaalembong ka ba, Shirley? Tumigil ka nga! SHIRLEY: Aray ko naman, Gani! Totoo naman na gwapo si Nomed ah! Hehe ISAGANI: (CHANGE THE TOPIC) Maiba ako, Cleo ikaw, may dugo ka ng isang aswang? CLEO (DISGUSTED) Oo! At kinasusuklaman ko ang mga kalahi ko! Kung sakali man na may pagkakataon ako na baguhin ang kapanganakan ko, gagawin ko! Pero wala akong magagawa kung ito ang itinadhana ng kapalaran sa ’kin! Kaya Gani.. huwag ka nang mag-alala dahil hindi nila ako katulad! Gani, Emil… gusto kong ipaalam sa inyo na sinubukan kong silipin ang mga nakaraan n’yo pati na ang iyo, Amed… Nakita ko kung gaano kayo kalapit sa isa’t isa kaya sana, Gani… maging kaibigan mo rin ako! ISAGANI: Pwede naman, Cleo. (TRUST CLEO) Umaasa ako na mananatili ka sa panig ng kabutihan! Argh… sa ngayon kailangan kong gamutin ang mga sugat natin! Kaya ’to ng mga herbal na medisina para magamot tayo. EMIL: (EXPOSE HIMSELF) Dahil nag-aaminan kayo ng totoong pagkatao n’yo, ako rin, aamin na sa inyo. Isa akong engkanto! At matagal na ’kong kaibigan ni Isagani! Kilala at lagi kong tinutulungan si Gani! At gusto ko ring panatilihing ligtas ang bayan na kinalakihan ko! Kaya ’wag din kayong mag-alala sa akin dahil tulad n’yo para ko na ring tahanan ang bayan na ito! Gani… kaya kong gamutin ang sarili ko. ’Wag ka nang mag-alala sa akin. ISAGANI: Haha! At nagpakilala na nga ang lahat sa isa’t isa haha!… (JOKING) NARRATOR: Lumipas ang araw at panahon, nanatili ang katahimikan sa bayan ng Cuarteros, Capiz… at hindi na rin umalis si Nomed sa mundo ng mortal pero ang kapangyarihan ni Nomed ay nananatiling malakas at hindi natitinag. Si Cleo naman, tumutulong kay Bilog sa baranggay ng Cuarteros para panatilihin ang kaligtasan ng bayan ng Cuarteros… at si Bilog naman, tuluyan na ngang nagbago ng pakikitungo kay Isagani… May mga pagkakataon na umaatake pa rin ang mga tiktik sa bayan ng Cuarteros pero agad naman itong pinapapatay ni Pinuno o sa mas kilalang Cairo para hindi na makapaminsala pa… At para maiwasan na ito napagpasyahan nina Cairo at Isagani na sila na mismo ang susugpo sa pugad ng mga tiktik! ISAGANI: (UPSET) Bakit nanggugulo ulit ang mga tiktik? Hindi talaga sila natatahimik! Pwes! Humanda sila dahil ako na ang uubos sa kanila! …. Cairo? CAIRO: Gani… ’wag kang mag-alala tutulungan kitang sugpuin ang mga tiktik! Ako na ang kasangga mo mula ngayon! (HELPING GANI) Sana huwag mong tanggihan ang tulong ko. ISAGANI: (DID NOT HESTITATE TO ACCEPT CAIRO’S HELP) Pumapayag ako, Cairo na magtulungan tayo para sugpuin ang mga pesteng tiktik na iyan! NOMED: (WANTS TO HELP) Gani, isama mo kami! Tutulong kami! EMIL: Tama Gani nang makatulong din kami! ISAGANI: (STOP THEM FROM HELPING HIM) Tama na ang mga nadadamay dahil sa akin! Kaya ko na ito! At dahil ayaw tumigil ng mga tiktik, ako at si Cairo na ang bahala sa mga pesteng ’to! NARRATOR: Sa pugad ng mga tiktik… Sa pagsugod nina Gani at Cairo sa pugad ng mga tiktik, agad naman sinugod sila ng ibang tiktik na natitira! Sinubukan si Gani na patayin ng ibang tiktik pero agad niya itong ginamitan ng espada niya at ng buntot ng pagi! At para tuluyan nang masugpo ang mga tiktik, kailangang mawasak nina Cairo at Gani ang lungga ng mga ito… At para lansingin ang mga tiktik, kinausap ni Gani si Cairo na linlangin niya ang mga tiktik para makalapit si Isagani sa lungga ng mga tiktik! ISAGANI: (LOOKING FOR THE GOLDEN KNIFE) Cairo! Kailangan mong malansi ang mga hayop na ito! Para maging abala sila at magawa ko ang plano natin! Nasaan ba iyon? Grr.. Naiwan ko pala sa kwarto ko! Hindi bale, kaya na ito ng sandatang bigay ni Nomed! CAIRO: (CONFIDENT) Gani, huwag kang mag-alala! May mga katulong tayo sa labang ito! Humanda kayong mga tiktik kayo! (MADE A VERY LOUD GROWL) Ngayon na! SUMUGOD ANG IBANG ASAWANG LABAN SA MGA TIKTIK ISAGANI: (AMAZED BUT CAUTIOUS) O sige, Kuya Cairo mag-iingat ka rin… CAIRO: (NAGULAT NG TAWAGIN SIYA NI GANI NG KUYA) Natutuwa akong tinawag mo akong kuya! Gani, mag-iingat ka! TIKTIK: (FURIOUS) Akala mo ba, maiisahan mo kami, Gani! waaaaaak Mamatay ka na! BANG! BANG! CLEO: Mauuna ka! Sige, Isagani! Gawin mo ang dapat mong gawin! Ngayon na! NARRATOR: Dahil tumutulong na ang ibang aswang sa laban nina Gani, Cairo at Cleo, nakarating naman si Gani sa pinakapugad ng mga tiktik! At agad namang binuhusan ni Gani ng gas ang paligid at hindi na ito nagdalawang isip pa at sinindihan niya agad para matupok ng apoy ang pugad nila! At unti-unting kumalat ang apoy sa pugad ng mga tiktik! ISAGANI: (WATCH THE FIRE EATS THE TIKTIK’S NEST) Ito na ang huling beses na guguluhin ng mga tulad niyo ang bayan na ito! TIKTIK: HINDI!!!!!!!!!! HAYOP KANG ISAGANI KA! (ANGRY) MAMATAY KA NA!!!!!!! ISAGANI: PUT OUT HIS SWORD Ikaw ang mauuna! SLASH! Ito na ang huling beses na makikita ko kayo! NARRATOR: Nung gabing iyon, tinapos na agad nina Gani ang pagpuksa sa mga tiktik! At nagtagumpay sila sa ginawa nila! Sa tulong ng ibang aswang na kampi pa rin kay Cairo, nagtagumpay sila sa pagsugpo sa mga tiktik! Pagkatapos ng digmaan nila sa tiktik, muling nakipagkasundo sina Cairo na pananatilihiin nila ang katahimikan sa bayan ng Cuarteros sa abot ng kanilang makakaya! Lumipas na ang gabi at suminag na ang araw at muli, nakamit ng Cuarteros ang katahimikan na gusto nila… pero hindi inaalis ni Isagani na nandyan lang ang panganib sa paligid lalo pa at hindi nila sigurado na tuluyan na ngang nasugpo ang mga peste ng bayan ng Cuarteros! Lumipas ang ilang taon… Napanatili nila ang katahimikan sa bayan ng Cuarteros… at tumupad sa kasunduan ang mga aswang kaya kahit alam ng mga taga-Cuarteros na may naninirahang aswang dito, hindi na nila ito pinakikialaman para hindi na maulit ang masamang nakaraan… At habang tumatagal, unti-unti nang tinatanggap ni Gani ang katotohanang siya ay may dugong tunay na manunugis ng mga alagad ng dilim! Marami man siyang kakampi pero gusto ni Isagani na sa mismong kakayahan niya siya makilala ng mga tao! At hindi sa mga kakamping tutulong sa kanya… Sa paglipas ng taon, si Amed ay naging isang ama na at may bagong lahi. Bagong lahi na susugpo sa kasamaan! At si Nomed, nanatili na sa panig nina Gani at mundo ng mga tao…
Salamat sa pag babasa Hanggang sa Muli mga wattpader jan…
Hello ulit guys Follow and Subscribe kay Sir Jeff Horror Story available din po Doon ang Kwento na ito sa pamagat na “MAG-KAIBIGANG PUMASOK SA PUGAD NG MGA ASWANG.”
SPECIAL THANKS TO SIR JEFF UTANES.
©All Rights Reserved 2025

