loading

storiescollectionschaptersauthorsgenrestagsstories
Isla Esperanza [Boyxboy] (Completed) - PREVIEW ONLY

Isla Esperanza [Boyxboy] (Completed) - PREVIEW ONLY

IThinkJaimenlove · 10 chapters · 7,142 words

The Brat - Simula

Timothy Park

“WHAT?” I shouted after my grandmother said that she wants me to throw sa isang malayong lugar.

She’s out of her mind. Paano niya nasasabing itatapon niya ako sa lugar kung saan malayo ako sa kasiyahan ko?

“Yes, Timothy. Kapag hindi ka pumayag ay mapipilitan ang mama na hindi ka bibigyan ng mamanahin sakanya” My mom said.

“But Ma, Ayoko. Dito ako masaya sa lugar natin, this place is my kingdom” Alam ko namang hindi susundin ng aking ina ’yun since I’m her only son dahil puro mga babae ang dalawa kung kapatid.

Spoiled na kung spoiled, masaya ako, e.

“YOU ARE GOING TO ISLA EZPERANZA, TIMO” Sigaw ng aking lola.

Lahat sila ay takot sakanya dahil kapag siya ay sinuway mo, wala kang makukuha na yaman sakanya. She’s a monster yet she has a pure heart, dahil sa dami na ng kanyang natulungan.

Pero hindi iyan ang punto dito, dahil hindi ako takot sakanyang pagbabanta. I can do what I wanted to do.

“NO, I WILL BE STAY HERE FOREVER” Sigaw ko rin.

Pero hindi ako nakapagsalita ng may palad na kumapit sa aking kaliwang pisngi dahilan ng pagkakatingin sa amin ng mga tao dito sa sala.

“NAGIGING DEMONYO KANA, TIMO. HINDI KA NAMIN GANIYAN PINALAKI. IT IS BETTER FOR YOU NA MANATILI KA NGA SA ISLA EZPERANZA, NOW GO YOUR ROOM AND PACK UP YOUR THINGS” Sigaw sa akin ng aking ina at mabilisan itong lumakad paalis.

Ito palang ang unang beses na nasaktan niya ako at wala akong magagawa kundi sundin ang kanyang gusto.

Umakyat ako sa aking kwarto at kinuha ang mga dapat kung gagamitin.

Ito ang gusto nila diba? Ang paalisin ako rito dahil sa ugali ko? Let see kung hindi nila ako pababalikin agad. Gagawa ako ng mga kalokohan doon.

Chapter 1

TIMOTHY

Nakarating naman ako sa Isla Ezperanza.

Masasabi kung maganda ang lugar dahil sa ganda palang ng mga tanawin dito, fresh air ang halos malalanghap mung hangin.

But I don’t care, I’m here to do what I want hindi para magbago. Dito ko itutuloy ang mga kalokohan ko sa syudad.

Well, masaya naman ako dahil dito nila ako pinunta because I’m all free, I have freedom. Gagawin ko kung ano ang gusto kong gawin.

Kinuha ko naman ang cellphone ko dahil nagriring ito, means may tumatawag.

Sinagot ko ang tawag, it was my mom.

“Hello, Ma” I said. Nilapag ko naman ang gamit ko sa magiging kwarto ko dito sa bahay kung saan ako mananatili.

“Nakalimutan kung ipaalam sayo na naka-Off muna ang mga credit cards mo. You are not allowed to use it unless I said” Aniya na nagpalaki sa aking mga mata.

The heck? Akala ko hindi ako mahihirapan dito? How can I live without money?

“Fck? Bakit niyo naman ito ginagawa sa akin, Ma? Pwedi naman ako manatili dito ng ilang taon but not my money. Hindi niyo ako pweding ubusan ng pera” Sabi ko sakanya.

“Learn to live without money, Timo. Masyado ka ng magastos ni wala ka pang negosyong napagkukuhanan mo ng pera. Good bye, and enjoy your vacation” Aniya.

Nang-aasara talaga sila, e. Paano ako mabubuhay ng wala man lang pera? I have my cash in my wallet pero hindi ito sakto sa loob ng bakasyon.

Lumabas ako ng kwarto dahil tanghali na ng makarating ako dito. Malayo layo rin ito sa syudad kaya mahihirapan din akong pumunta doon para magbar.

Fck, talaga hindi pweding wala akong pera.

“Good afternoon, Seniorito” Bati sa akin ng isang katiwala dito sa bahay.

This house is old pero mukhang matibay parin naman. Mananatili ako dito sa hacienda ng pamilya namin pero paano ako mabubuhay dito kung wala naman akong kasiyahan?

“Where’s the kitchen?” Tanong ko since this is my first time na nakapunta ako dito.

“Dito po, Seniorito” Anito kaya sinundan ko naman siya.

Nakahanda naman na ang mga pagkain sa hapag, Bigla akong nagutom dahil sa dami. Patay gutom? No! I’m just hungry dahil hindi ako kumain simula pa kaninang umaga.

And I think the foods are delicious kaya nakakatakam siyang kainin.

May mga katulong naman doon na nakasuot ng usual uniform nila. Well, i don’t care.

Umupo nalang ako at kumain, wala ako sa diet ngayon since these foods are delicious.

“Ang gwapo niya kumain, Neng”

“Sobra, parang ang sarap niya”

Bulungan naman ng mga maid. Tss, I’m used to it, guys.

Sanay na ako sa mga ganiyang bulungan sa school palang. Kaya madali narin para sa akin ang makahanap ng babaeng maikakama.

Patay malisya nalang akong nagpatuloy kumain. Pagkatapos ko ay umalis agad ako doon, gusto kung libutin ang hacienda.

Lilibutin ko muna bago ako magpaplano ng mga dapat kung gagawin sa aking mga kalokohan para ibalik nila agad ako sa syudad.

Nagpasama lang ako kay manong Perding, isa sa mga katiwala dito.

“Seniorito, Sakay po kayo sa kalesa upang hindi po kayo mapapagod” He said na itinuturo ang isang sasakyan na isang kalabaw ang magmamaneho.

What the? Anong klaseng sasakyan iyan? Mas mabuti pang maglalakad nalang ako kesa sumakay sa isang maduming kalesa tulad niyan.

“Maglalakad nalang po ako” Kahit na isa akong brat I do respect ang mga matatanda.

Hindi naman ako masyadong masama katulad ng iniisip ng mga magulang ko. Babae lang at kalokohang ang mga ginagawa ko pero sa pagrespeto sa mga matatanda ay marunong ako.

And I’m sorry for my grandmother dahil nasigawan ko siya, ayoko lang kasi na inilalayo ako sa kaligayahan ko.

“Malayo po ang lalakarin ninyo, Seniorito. Mas mabuti pa hong sumakay na kayo dito” Pamimilit pa nito.

Dahil nga sa pagod rin ako byahe, kahit na nandidiri dahil sa dumi ay sumakay ako.

Si mang Perding naman ang nagmaneho sa kalabaw at nagsimula na nga itong maglakad papunta sa hindi ko alam dahil hindi ko talaga alam ang lugar na ’to.

Habang nasa byahe kami kung saan ang tanawin na makikita mo ay mga, sugar cane, may mga tao ring nag haharvest.

“Ito po ang tubo na pagmamay-ari ninyo. Sugar cane po inenglish at ang head nito ay si Ferdinand” Pagsasalita ni Mang Perding.

Tumigil kami saglit at nagsilapit naman sa amin ang mga trabahante.

“Maganda araw po, Seniorito. Kayo po pala ang apo ng mga Park” Sabi ng isang lalaki na nasa edad 40.

Ngiti lang ang isinagot ko sakanila at nagpakilala naman sila, si Mang Ferdinand ’yung lalaking unang bumati sa akin.

Nagpatuloy kami sa paglilibot at napunta kami sa part na mga palayan ang tanim.

Then I see a guy? Or a girl? I don’t know.

Naglalakad siya sa palayan na kumekembot kembot pa, then I can’t help myself but to laugh dahil sa kanyang ginagawa. Bigla rin kasi itong nadapa at nagpatuloy ulit.

Dumiretso naman siya sa isang kubo kung saan may mga tao roon na nakatambay. Doon din ang punta naming dalawa ni Mang Perding.

Pagkalapit namin doon ay napatingin sila sa aming lahat.

“Magandang araw po, Mang Perding. Sino ho itong kasama niyong gwapong binata?” Tanong ng isang may edad ng babae.

“Siya ang isa sa mga apo ng mga Park, Andito siya upang bantayan tayo sa ating mga gawain” Sabi ni mang Perding.

May silong naman dito at masarap pa ang simoy ng hangin sa paligid.

Nilibot ko naman ang paningin ko at nakita ko iyung taong kanina ko pa tinitignan, confirmed he’s gay.

May kinukuha siya sa dala dala niyang basket at pinamimigay niya sa bawat taong nandito. Siguro’y mga nasa 15 ang taong andito ngayon.

“Steve, Nak” Sigaw ni Mang Perding at lumingon sa aming pwesto ang bakla.

Lumapit siya sa amin dala dala ang basket na naglalaman pala ng mga pagkain.

“Bakit ho ’tay?” He said then tumingin sa akin at bakit hindi na niya maialis ang tingin niya? And also me, hindi ko maialis ang tingin ko sakanya.

“Hoy, Steven. Umayos ka, huwag ka ngang babakla bakla diyan” Tinapik siya ng kanyang ama.

Napaayos naman ito ng tayo at tumingin kay mang Perding kaya naputol ang titigan namin. Baka siya lang?

At may biglang pumasok na idea sa aking isipan. Gumuhit ang isang ngisi sa aking labi.

Well, I am not into gay because I’m pretty sure that I’m straight. Hindi naman ako galit sakanila pero hindi ko rin sila gusto.

At dahil nga sa gusto ko magrebelde dahil inilayo nila ako sa syudad. I’m going to play, at gusto kung paglaruan ang baklang ito. Siguradong masaya iyun.


Suporta niyo lang ang nais ko at ipagpapatuloy ko ang pagsusulat nito.

Typos and grammatically incorrect

Votes and comments

Chapter 2

TIMOTHY

“Hahahaha, Kawawa ka naman, Bro” He said. Hindi ko siya mapigil sa kakatawa.

Kinuwento ko kasi sakanya kung bakit ako nandito at ito na nga, hindi na siya nagpapigil sa kakatawa.

“Shut up, Marco. Babalik rin ako diyan na hindi nagtatagal dito” Sabi ko sakanya.

Nag-uusap lang kami sa cellphone dahil tumawag siya at nagtataka bakit wala ako sa bar kung saan kami tumatambay.

“I just can’t help myseld, bro. Kawawa ka naman talaga hahaha napatapon ka agad ng ganun ganun lang? Hahahah” Napapailing nalang ako sa kanyang mga pinagsasabi kahit na hindi naman niya nakikita.

He’s Marcus Cruz, My best friend simula pa ng pagkabata ay magkakilala na kami. Best buddy, kasama ko siya sa mga kalokohan. Kung ang super hero may sidekick, siya naman ang sidekick ko but I’m not a hero nor a villain.

“By the way, Hinahanap ka sa akin ni Tricia” He said at natigil na sa kakatawa.

“That girl!” Napapailing ako dahil sa babaeng iyun.

Hindi rin kasi nakakaintindi na ayaw ko sakanya, nag one night stand lang kami pero hindi na ako nilulubayan. Palagi naman akong gumagamit ng proteksiyon kaya hindi ako nagwoworry.

“Ano sasabihin ko?” He asked.

“Sabihin mo nagbakasyon sa malayo at huwag na huwag mong sasabihin kung saan ang lugar. Just said that you don’t know this place” Sabi ko tapos nagpaalam na siya at pinutol ko na ang tawag.

Nakatayo lang ako sa balkonahe ng second floor ng bahay at nakatingin sa kalangitan, ang gandang tanawin. May mga bituin na nagkikislapan, hindi katulad ng sa syudad na natatakpan ng usok ang kalangitan.

Napatingin ako sa baba kung saan makikita mo ang bukana ng bahay papasok sa loob.

The gay and what his name again? I don’t care.

Pumasok siya sa loob matapos siyang pagbuksan ng isa sa mga katulong.

What is he doing here?

Dahil hindi naman masasagot ang katanungan ko na andito ako. Bumaba ako papuntang sala kung saan ang siya pumuwesto.

Nakita naman niya ako pagkalapit niya at tumayo ng tuwid saka nag bow, hindi naman siya Chinese ah?

“What are you doing here?” I ask him.

“Ho?” Bingi ba siya?

“Are you deaf?” Tanong ko pa.

“Huwag niyo ho kasi akong ineenglish dahil mahina ako diyan sa totoo lang” He said then napayuko siya na parang nahihiya.

Naparoll nalang ako ng mata. Stupid!

“Ano ang ginagawa mo dito?” Tanong ko na at baka hindi pa niya maintindihan?

“Ano— kwan, ka-si”

“Anooo?” Nagtitimpi lang ako.

I can’t understand myself bakit ganito ko agad siya itrato? Baka dahil nandito ako at malayo sa syudad kaya galit ako sa tao?

Pero kakakilala palang naman namin, ah?

Anyways, I don’t care. Gagawin ko kung ano ang gusto kung gawin. Wala siyang pakialam kung paano ko siya itrato.

Ito nga pala ang plano ko simula ng makita ko siya kanina. Siya nalang ang pagtitripan ko dahil boring naman dito. no money, no hard drinks tapos wala pang babaeng maikakama.

“Answer my question” Sabi ko dahil natahimik na siya at hindi na makasagot.

“Hala? Excited ka?” Nagulat ako dahil sa kanyang isinagot. Exciting dahil mukhang kakalabanin pa niya ako.

“Nope, Gusto ko lang magpahinga at ayaw ko mag entertain ng mga panget dito sa bahay. Now you can get out” I said tapos tinuro ko ang pinto.

“E, kung isumbong kaya kita kay Lola Silvestre?” He said tapos nakataas pa ang kanyang kilay.

“Paano mo nakilala ang grand Ma?” I ask him dahil alam niya ang lola ko. Tinawag pa niya itong lola. Apo rin siya?

“Wala ka ng pakialam doon, siguro nama’y alam mo ring isa rin ako sa mga nagtatrabaho dito sa hacienda at ang lola mo ang nagpapasweldo sa amin” He said then he rolled his eyes.

Tss, pilosopo.

“Fine, Ano ba kasi ang ginagawa mo dito? Gusto mo lang siguro makita ang kagwapuhan ko?” I said tapos lumapit ako sakanya.

Ilang inches nalang ang layo ng pagitan naming dalawa and I can say that his smell is good, parang isang babae.

“Lumayo layo ka nga” Sabi niya sabay tulak sana sa akin.

Hinawakan ko naman ang mga kamay at ipinasok ko sa aking shirt na kanyang ikinatigil at lumaki ang kanyang mga mata.

Huli ka, bakla!

Ngumisi ako para ipakita ang pang-aasara sa aking mukha. Initaas ko pa ang kanyang mga kamay papunta sa aking nipples.

“Enjoy?”

Hindi naman ito nagsasalita at nanatili lang siya kanyang pwesto, animo’y ngayon lang nakahawak ng abs. Naninigas at ramdam kung nanginginig siya.

“Bi-tiwan mo kamay ko” He said na ngayo’y nakatingin na sa aking mga mata matapos itong manigas.

“Feel it” Sabi ko at nasa nipples ko parin ang kamay niya.

Kunwari ay nasasarapan ako, but i just can’t help it dahil sa lambot ng kanyang mga kamay.

“Ah, Ganon!…” At nagulat ako ng bigla niyang kurutin ang nipples ko. Dahilan ng pagdaing ko sa sakit.

“AH ARAY! STOP, YOU  MOTHER FCKR!!!” Sigaw ko sakanya at iaalis ko na ang kanyang kamay pero hinigpitan niya ang kanyang pagkurot.

Sobrang sakit ng kanyang ginagawa dahil inikot talaga niya ang pagkurot.

“ANO? MASARAP, ANO? GUSTO MO PA?” Sabi nito na nangigigil talaga.

“S-orry na. T-i-tigalan mo na iyan. Masakit na, a-raay. Please stop!” Pagmamakaawa ko dahil narin sa sakit.

Binitiwan naman niya at umupo siya sabay dekwatro na parang siya ang nagmamay-ari ng bahay na ito.

“ARE YOU FCKING CRAZY, BAKLA?…” Sigaw ko sakanya then i give him a death glare. “Muntikan mo na akong patayin” Napatingin ito ulit sa sinabi ko.

“Ang OA mo naman po, saka kurot lang iyun hindi mo iyun ikamamatay” Sabi nito saka ako inirapan.

“Sagutin mo nalang kasi ang tanong ko kanina ng makaalis kana dito, gusto mo lang ako makasama at makita, e” I said at umupo sa kaharap niyang upuan na masama parin ang tingin sakanya.

“Asa ka, Brat” He said at tatayo na sana ako para upakan ito pero pinigil na niya ako gamit ang kanyang kamay. “Hep hep hep, diyan kalang. Sasabihin ko na kung bakit ako nandiro” He said tapos ngumisi.

“Nandito ako para maging taga-bantay mo. Ayos na? Kung sasabihin mo na ayaw mo, ako rin ayaw ko rin nito dahil nung nakita palang kita kanina sa may palayan, ang sungit na ng mukha mo na daig mo pa babae. Pero utos ito ng iyong lola kaya kailangan sundin, ayos na?”


Baka gusto niyo magcomment ng malaman ko kung gusto niyo ba ito? Hahaha

Votes and Comments

Chapter 3

STEVE

“Hello, Lola Silvestre” Sagot ko sa tawag pagka-uwe ko galing sa bukid upang ipamigay ang kanilang pananghalian.

“I just wanted to tell you na, nandiyan ang apo ko” At kinuwento na niya kung bakit nandito ang kanyang apo.

Si Timothy Park, ang brat na iyun na ipinatapon niya dito para lang magbago. Tss

“Ano po ang gagawin ko, Lola? “ Tanong ko sakanya.

Kilala ko na ang pamilya ng Park simula pa ng ako’y bata. Dito na rin ako ipinanganak sa kanilang hacienda kung saan kami naninirahan na ibinigay na lupa kung saan nakatayo ang mga bahay ng bawat nagtatrabaho sa kanila. Maging ang aking mga magulang ay parehong nagtatrabaho, ang aking ina’y sa manggahan at ang aking ama naman ay sa dragon fruit at minsan nama’y katiwala na ng bahay dahil sa tagal na niyang nagtatrabaho dito.

Mabait ang pamilya nila dahil sa dami na ng kanilang natulungan pero hindi ko maintindihan kung bakit ganoon ang inaasta ng Timothy na iyun kanina.

Masama kasi ang ibinibigay niyang mga titig sa akin nung nasa may Palayan kami, galit ba siya sa mga katulad ko? Aba, e huwag niya akong idamay-damay dahil dito sa lugar na ito ako dapat bibida.

Papunta na nga ako sa mansyon para ipaalam sa lalaking ’yun ang napag-usapan namin ng kanyang lola. Masyado nga sigurong brat ’tong taong ’to kaya nakuha na nilang ipatapon dito.

Dumiretso ako sa sala at sasabihin ko na sana sa isa sa mga katulong dito na hinahanap ko ang kanilang bagong amo pero hindi na pala kailangan dahil pababa na ito ng hagdan.

Welcome naman ako rito sa bahay na ’to at sa katunayan nga ay may sarili na akong kwarto dito pero mas gusto kung sa bahay manatili para palagi kung makasama ang pamilya ko kahit na simple lang ang pamumuhay namin, masasabi kung nakakakain kami ng tatlong beses sa isang araw.

“What are you doing here?” Tanong nito pagkalapit sa akin.

Sabi ko na nga ba na masama talaga ugali neto, pakitang tao lang ’yung ginagawa niya sa mga tao kanina nung namasyal sila ni itay.

“Ho?” Pag-uulit ko, napatanga kasi ako sa kanyang itsura. Bakit kasi nakaboxer brief lang ito tapos manipis na tshirt? ’di ba niya alam na malamig dito?

“Are you deaf?” Aba’t nakuha pa akong tawaging bingi.

“Huwag niyo ho kasing inenglish dahil mahina ho ako diyan sa totoo lang” Syempre biro lang iyun. Naiintindihan ko naman siya pero ayoko lang na kailangan pang magenglish. Pilipino tayo, e.

At nagkasagutan na nga kaming dalawa. Bwesit na bwesit pa ako ng ipinasok niya ang kamay ko sa kangang tshirt.

Sa tuwing naiisip ko ’yun ay hindi ko maiwasang hindi pamulahan ng magkabilang pisngi. Bwesit, hindi porket lalaki siya ay gagawin na niya kung ano ang kahinaan naming mga bakla. Nakatikim tuloy siya ng kurot sa akin, anong akala niya? ’di porket nagrerebelde siya ngayon ay hindi ko na siya kakalabanin? Aba, e. Nathan Steven Raymundo ata ’tong magiging personal assistant niya?

Isa pa iyang pagiging P.A na iyan, hindi na tuloy ako makatanggi dahil ang kanyang Lola na ang nagsabi sa akin.

Humiga nalang ako sa aking kama at natulog nalang dahil bukas panibagong araw na naman, panibagong bwesit na naman ang makakasama ko.

Bwesit na Bwesit rin ako kinabukasan dahil ang aga naman yata nagpapatawag ang isang ’yun? Ano ang kailangan niya?

Naglakad nalang ako papunta sa bahay niya para narin ma-exercise ang aking mga paa. Masyado naman kasing maaga ang pagtawag sa akin ng Timothy na ’yun.

Hindi ko nalang sana Binigay ang number ko kagabi para hindi niya ako matawagan ng ganito kaaga.

Kumatok ako sa malaking pinto pagdating ko at pinagbuksan naman ako ng isang katulong, ate Melanie.

“Oh, ang aga mo naparito Steve?” Tanong nito pagkabukas niya ng pintuan.

“Kasi naman po, ’yung amo niyo diyan pinapatawag ako ng ganito kaaga.“Ani ko at pumasok ako sa loob, nagdirediretso sa sala ng bahay.

“Nandun siya sa kusina, sumunod kana doon ng makakain karin” Sabi nito at iniwan na ako rito.

Pumunta naman ako sa kusina at naabutan ko siyang nakikilaghalikan at ang malala pa ay isa sa mga katulong ang kanyang kahalikan.

Kunwari ay umubo ako para magpapansin sa kanila, nagulat naman ang mga ito at napatingin sa akin.

Ang babae namang kahalikan niya ay nagtago sa likod nito, hindi ko kilala ito at mukhang bago palamang ’to rito.

“What are you doing here, stupid” Anito at humarap sa akin dahil nakatalikod ito habang ’yung kahalikan niya’y nasa likod na niya, itinatago ang ulo.

“Ako dapat ang magtanong sayo niyan? Bakit pinapunta mo ako rito?” Taas noo kung pagtatanong.

Ngumisi naman ito na parang may masamang binabalak kaya kahit na hindi naman dapat ako kabahan ay kinabahan talaga ako.

Nakita ko na ngayon ang ugali niya at mukhang hindi tama na pumayag akong maging personal assistant neto? Kundi lang talaga mabait ang kanyang lola ay hindi talaga ako papayag.

Kinausap niya naman iyung hitad na umalis na muna at nakakaistorbo siya rito. Kita mo? Matapos niya halik halikan sasabihan niyang nakakaistorbo? Akala ko ako ang nakakaistorbo dito.

Humarap ulit ito sa akin na hindi parin nawawala ang kanyang ngisi sa mukha.

“Diba ikaw ang magiging SLAVE ko rito?” At diniinan pa talaga ang salitang SLAVE?

“Para sa kaalaman mo, P.A lang ako. Tagabantay mo lang para isumbong ko sa lola mo ang mga pinaggagagawa mo rito” Umupo ako sa upuang kaharap ng mga pagkain dahil nagugutom ako “Huwag mo ako matawag tawag na slave dahil hindi mo ako alipin” Inirapan ko ito saka kumuha ng pagkain na naroroon sa mesa.

“Whatever! Utusan ka parin ng pamilya namin, whether you like it or not. Susundin mo lahat ng ipag-uutos ko sayo” Inirapan ko lang ito saka kumain nalang ng kumain.

Kapag kasi nagugutom ako ay hindi dapat ako kinakausap dahil hindi rin kita sasagutin.

“Atsaka, paano mo nakukuhang kumain na hindi nagpapaalam sa akin? Makapal talaga iyang mukha mo, ’no?” Sabi pa nito at umupo sa kaharap kung upuan.

Kinuha nito ang kinakain ko saka siya ang kumain ng mga pagkaing naroroon.

Tinignan ko ito ng masama saka binawi ulit ang platong naglalaman ng pagkain ko.

“ At para ulit sa kaalaman mo, Isa sa mga pinag-utos ng lola mo na sa bahay na ito’y welcome ang taong gutom“ Sabi ko sakanya at kumain ulit ako.

Wala siyang nagawa kundi kumuha nalang ng isang plato at doon kumain ng kanya, kakainin pa niya ang sa akin? Akala ko ba nandidiri ito sa mga katulad ko?

Pagkatapos nga naming kumain ay sinabi na niya kung ano ang ipapagawa niya sa akin.

Pumunta kami sa lugar kung saan niya gustong pumunta sa araw na ’to, sa karancho ng mga hayop na katulad niya.

Sari saring hayo ang nandito, I mean mga farm animals katulad ng baka at kabayo.

Kaya halos lahat ng mga ginagamit na gatas sa bahay ay dito galing at fresh ang lahat ng iyun, kasama na ang mga itlog at iba pang karne.

Napapatingin ako ngayon sa taong kasama ko dahil sa ayos niya ngayon.

Totoo na gwapo siya katulad ngayon, suot ang bota at pantaloon. Para siyang henete ng mga kabayo hahaha.

“Anong gusto mung gawin dito?” Tanong ko sakanya pagkarating namin sakay ng kalesa na si itay ang nagmamaneho.

“Nagpag-isip isip ko kasing kung gusto kong makabalik sa syudad, I need to change. Kaya dapat turuan mo ako kung paano mamuhay ang isang farmer, dito rin kasi nagsimula ang aking lolo’t lola so i need to learn where they came from” Sabi nito na nakatingin sa akin.

Siguro tama nga ang kanyang naisip na paraan. Dapat niya munang malaman kung paano mamuhay ng mahirap para hindi siya magastos ng magastos at kung paano matutong magpahalaga sa mga maliliit na bagay sa ating paligid.

Ngiti lang ang isinukli ko sakanya bilang pagsang-ayon sa kanyang planong pagkatuto ng mga bagay na hindi pa niya natutunan.


Votes and

Comments

Chapter 4

STEVE

Dahil nga sa pumayag ako sa kanyang gusto, na matuto kung paano mabuhay ng mahirap.

Sinimulan namin ito sa kung paano ang pagkuha ng gatas sa mga baka.

“Ganito, uupo ka sa likod ng baka sa may bandang dede niya at dahan dahan mo lang ang pagpisil upang hindi siya masaktan at baka sipain ka niya” Sabi ko dito at umupo ako sa bakang kaharap ko ganun din ang ginawa niya.

Itinuro ko na nga kung paano ang tamang pagkuha ng gatas, noon una ay parang ingat na ingat siya sa pagpisil dahil siguro sa takot siyang masipa? Hahaha, naninipa naman kasi ang mga baka katulad ng mga kabayo.

“Huwag ka ngang tumawa diyan, bakla” Sabi nito dahil natatawa ako sa kanyang ginagawa.

Kinukuha niya kasi ang itlog ng manok pero ’tong manok na ’to ay masyadong matapang dahil ayaw niyang ibigay ang mga itlog niya.

Tapos si Timothy nama’y inis na inis dahil sa ginagawa ng inahin. Ayaw kasi magpatulong sabi niya, “I can do it with myself” english english pa kaya ayan, muntikan ng makalmot ng manok dahil sa pagpupimilit nito.

“Kasi naman hindi ganiyan ang pagkuha ng itlog, saka bakit kasi iyang may manok pa ang kinukuhanan mo kung pwedi namang ’yung walang nakabantay na manok?” Sabi ko sabay sa turo sa mga nest ng mga inahin na may mga itlog.

“Bakit kasi ngayon mo lang sinabi?” Masamang tingin agad ang pinakawalan niya.

“Sabi mo kasi, Sir. Kaya mo na iyang mag-isa kaya hinayaan kita” Aniko at ngayon ko lang napagtanto na masyado akong feeling close dahil hindi ko ito tinatawag na sir.

“Tss” Sabi nalang nito at lumipat sa mga nest na walang nakabantay na manok.

Kinuha naman niya ang mga iyun at nilagay namin sa mga basket na aming dala.

“Saan naman natin ito ipupunta?” Sabi nito bitbit ang dalawang basket ng itlog at sa akin nama’y dalawang galoon ng gatas.

“Sa factory, sir kung saan ang gatas ay ginagawang milk bar na bentang benta dito sa isla ezperanza. Ang mga itlog naman po ay pinipili kung alin ang pweding maging balot at pweding maging sisiw para dumami ang mga manok” Pagpapaliwanag ko sakanya sakay na naman kami ng kalesa papunta sa factory na pagdadalhan ng gatas at itlog.

Tango lang ito ng tango na katingin sa akin habang nagsasalita.

“Auh, Sir?” Sabi ko kaya napaayos ito ng tingin.

“Yah, I understand” Okey, naiintindihan naman pala niya. Nakatanga lang kasi siya, e.

Pagkatapos naman namin sa factory ay dumiretso kami sa palayan kung saan ko siya nakita kahapon na parang bored na bored at hindi sang-ayon sa lahat ng pinag-gagawa niya.

“By the way, ’yung nakita mo kanina. Just forget it at huwag kang magtatangkang magsumbong sa lola ko” Sabi niya habang sakay parin kami ng kalesa.

Pinaalala pa niya ’yun, madali ko lang makalimutan ’yung kababuyan na ginawa niya kanina saka wala naman ako sa pwesto na pati ’yun ay pakikialaman ko. Kahit na sabihin pa nating P.A niya ako.

Napatango tango lang ako bilang pagsang-ayon sa kanyang gustong mangyari. Pakialam ko ba doon?

Pagkarating namin doon ay nagsilapitan na ang mga taong nagtatrabaho sa palayan. Nasa may silong kami ng malaking puno katulad kahapon.

Dala narin namin ang kanilang pananghalian na kinuha pa ni tatay sa  bahay.

Bawat kasi mga trabahante dito sa hacienda ay may ipinapadala ang kanilang pamilyang pananghalian na may naka-assign naman na magdadala.

Ito rin ’yung maganda rito dahil ang lahat ng mga tao ay nagtutulungan. Para na ngang isang buong baranggay ang hacienda, e. Kaya sa tuwing may fiesta sa labas ng hacienda ay imbitado kami upang makilahok sa mga patimpalak bilang parte kami ng Isla Ezperanza.

“Nak, kumain na kayo ng amo mo” Ani ng itay at iniabot sa akin ang dalawang baunan na may lamang pagkain.

Kinuha ko naman ito at lumapit sa pwesto ng amo ko daw sabi ng itay. Nakaupo kasi ito na nakatingin sa malawak na palayan.

“Sir?” Pagtawag ko sakanyang pansin kaya napatingin naman ito sa akin. “Kain na po tayo?” Tanong parin baka hindi siya kumakain ng mga ganitong luto.

Galing kasi ito sa aming bahay na luto ni inay at hindi katulad ng sa malaking bahay na masasarap ang mga luto. Pero sasabihin ko paring masarap ang luto ni inay, lalo na kapag gutom ka hahaha.

“Thanks” Inabot naman nito at binuksan. Napatingin ito ulit sa akin na nagtataka. “What’s food is this?” Tanong niya sabay pakita ng pagkaing hawak niya.

“Ginataang gulay po iyan at ’yung kasama niyang isda ay dain. Subukan mo po dahil masarap po ’yan” Ngumiti ako at nagsimulang kumain ng nakakamay.

Sinabi ko narin na huwag siyang maghanap ng kutsara dahil wala kaming dala. Kaya sinimulan niyang kainin ang pagkaing hawak niya, noong una ay medyo patikim-tikim pero kalaunan nama’y para siyang mauubusan dahil sa bilis ng kanyang pagkain.

“Dahan dahan lang ho kayo, sir.” Dahil hindi nga siya sumusunod kaya muntikan na siyang mabilaukan.

Inabot ko naman sakanya ang tubig at mabilis niya itong ininom. Napatawa naman ako dahil mas lalo siyang namula, hindi dahil sa init kundi sa muntikan na siyang mabilaukan.

“Sabi kasi sayong dahan dahan lang, e.” Sabi ko pa at iniabot ko ulit ang pagkain niya. Dahan dahan narin siyang kumain, ni hindi na nga siya nagsalita hanggang sa matapos kami sa pagkain.

Nagpatuloy ulit kami sa pagtuturo nga sakanya na mamuhay dito. Dito na nga kami sa palayan at tinuruan ko siya kung paano magtanim ng palay.

Hindi pa nga papayag ang itay na ituro ko ’to sakanya pero talaga desidido itong amo ko daw kuno.

Wala na ngang nagawa ang itay dahil nandito na kami sa parte ng palayan kung saan kami magtatanim.

“Kukuha ka sa iyung kamay ng kumpol ng palay tapos konte konte lang ang pagtatanim, katulad ng ganito” Ipinakita ko ulit sakanya ang paraan ng pagtatanim ng palay.

Madali lang naman niya makuha ang paraan ng pagtatanim, sa, katunayan ay madali lang naman ang pagtatanim pero hindi ito biro na ginagawa ng mga farmers dahil sa nakayuko sila kaya kapag hindi ka sanay sa ganitong mga gawin siguradong sasakit ang likuran mo.

Tinitignan ko lang siyang nagtatanim habang nagtatanim rin naman ako.

“Stop staring at me, bakla. Kanina kapa, may gusto kaba sa akin?” Sabi nito at umayos ng tayo.

Tumayo naman ako at tiningnan ulit ito ng nakakunot ang noo. Masyado siyang assuming sa kanyang mga pinagsasabi.

“Ako may gusto sayo? Hindi pa ho ako nasisiraan ng ulo, Sir.” Sabi ko sakanya at pinaikutan siya ng mga mata.

Tinitignan ko lang naman siya dahil baka mali ang paglakatanim niya ay mamatay lang ang palay.

“Kung makatingin ka kasi ay para mo na akong hinuhubaran, just tell me at  maghuhubad ako sa harap mo” Dahil nga sa siraulo siya at nasisiraan narin ng bait.

Hinubad naman niya ang kanyang suot na damit dahilan ng pagkakapako ng paningin ko sakanyang katawan.

Nahawakan ko ito nung nasa malaking bahay kami at ramdam ko ang kanyang matigas na katawan noon. Pero, hindi ko naman pala alam na ganito ito kaganda? Mas maganda pa nga ito sa nakikita mo na tanawin sa paligid mo.

Napalunok ako ng wala sa oras dahil sa kanyang itsura ngayon.

“Enjoying the view?” Sabi nito na nagpabalik sa akin sa realidad.

Napaiwas ako ng tingin dahil baka hindi ako makapagpigil at ilublub ko ang kanyang mukha sa putikan.

“Mas maganda pa nga ang view sa likuran mo, e.” Sabi ko kahit na ang nasa likuran niya puro lang palay na malapit ng i-harvest.

“Denial kapa, alam ko namang sa katawan ko ikaw nakatingin, e.” Sabi nito.

Kaya hindi ako nakatiis at kumuha ako ng putik saka ko ito binato sakanya, sapul siya sa kanyang pisngi maging sa kanyang katawan ay natamaan.

Buti nga sakanya.

“Ayan, bagay sayo dahil masyado kang assuming sa mga pinagsasabi mo” Masama ako nitong tinignan at lumapit pa sakin.

Pero dahil ayokong madumihan ay umalis ako sa pwesto ko. Tumakbo naman ito kahit na nahihirapan at ganun din ang ginawa ko.

“Mahuhuli rin kita, Bakla. Walang kapatawaran ang ginawa mo sa akin ngayon” Sigaw nito sa akin pero binelatan ko lang bilang pang-aasara.

At dahil nga sa tanga ako ay bigla ba naman akong natumba sa putikan na nauna pa ang aking mukha.

Bwesit! Bumangon nalang ako at narinig ko nalang ang tawa ng isang demonyo na nakatayo lang malapit sa akin.

“HAHAHAHAHAHAHAHA, Karma is a bitch” Sabi nito na hindi na napigil sa kakatawa at enjoy na enjoy na may pahawak pa sakanyang tiyan.

Lumapit naman ako sa kanyang pwesto at tinulak ito dahil ng pagkakabagsak din niya sa putikan.

“Oh, ayan. Sige kapa sa pagtawa.” Sabi ko sakanya dahil sa inis ko.

Bwesit kasi siya, e.

“Ganiyan pala ang gusto mo, ah.” Sabi nito kaya hindi ako nakagalaw agad ng hilain niya ang kamay ko at napapatong ako sakanya.

Napatigil kaming pareho dahil sa naging pwesto naming dalawa. Nagkatitigan kaming dalawa, mata sa mata.

Umabot din siguro sa isang minuto ang titigang iyun na hindi ko maintindihan bakit ganun ang nangyari.

“Ang bigat mo, bakla” Sabi nito na nagpabalik sa akin sa realidad at umayos ako ng tayo.


Votes and Comments

Chapter 5

Steve

Siguro nama’y walang ipaguutos sa akin ang isang ’yun. Simula kasi ng nangyari kahapon sa may palayan ay hindi na ito tumawag sa akin kinabukasan.

Kinakacareer narin niya ang pagiging amo ko, e. Matapos ba naman ang paglalarong ginawa namin sa bukid,  na kung hindi lang kami pinagsabihan ni itay ay walang titigil sa pagbabatuhan ng putik. Pinahigib ba naman niya ako ng ipangliligo niya kasi gusto niya daw maligo doon sa mag bukid, buti nalang talaga at may balon doon sa may tubig na medyo malayo layo pa.

Bwesit talaga siya dahil spoiled na spoiled kung umasta. Pasalamat siya dahil andun si itay, dahil kung wala baka ilublub ko ulit ang kanyang mukha sa putik.

Tumunog naman ang cellphone ko na nasa tabi ko lang, nakaupo kasi ako sa may labas ng bahay namin habang nagkakape. Kakagising ko lang din at nakapagbreakfast na.

Ako nalang at ang aking kapatid na lalaki, na nasa labing dalawa ang gulang, ang natitira dito sa bahay dahil maagang umaalis ang mga tao rito upang magtrabaho.

Kinuha ko ang cellphone ko para lang mangunot ang noo ko. Rumihistro ang pangalan ng amo ko daw sa screen ng mumurahin kung cellphone.

Binuksan ko naman ang kanyang text message, “Pumunta ka sa bahay ngayon na. Kapag nalate ka paparusahan kita,” Sabi sa text.

Ano na namang kachildishan ang pinagsasabi niya? Hindi nalang ako nagreply dahil agad na akong pumasok sa loob at naligo ng mabilisan lang.


Pagdating ko palang sa pinto ng malaking bahay ay nandun na siya sa harap na parang may hinihintay, sino naman kaya ang hinihintay nito? At mukhang bihis na bihis pa siya sa kanyang ayos, ah?

Napatingin ’to sa akin na na sobrang sama. Oh? Wala naman akong ginagawa sakanya pero kung makatingin siya sa akin ngayon ay para na niya akong papatayin.

“You’re late” Sabi nito na tinaasan pa ako ng kilay. Bakla ba siya?

“Anong late late ka diyan, wala ka namang sinabing oras sa message mo kaya hindi ako late.” Sabi ko na nasa labas parin habang siya naman kasi ay nasa pinto.

“Ganun parin ’yun, dami mung excuse bakla” Sabi niya at umalis sa kanyang pwesto.

Sinundan ko naman siya at pumunta siya sa nakapark na kotse sa labas ng malaking bahay. Kotse niya ’to dahil wala namang kotse dito nung wala pa siya.

“Saan pala punta mo, Sir?” Tanong ko habang nasa tabi niya ako tapos siya ay nasa tabi ng kotse.

“Hindi mo nakikita?” Tanong niya. Kumunot naman ang noo ko para ipaalam na nagtataka talaga ako.

“Ang alin ho? ’yung kotse mo? Bakit sir kayo lang ba may mata?” Sabi ko sakanya. Sumama naman ang kanyang tingin sa akin, kanina pa siya ganiyan, ah?

“Stupid…” Sabi niya at binuksan ang pinto na sasakyan saka siya pumasok sa loob. “Get in the car, we’re going to the market” Sabi nito kaya sinunod ko naman siya.

Bilang ako ang nakakaalam din ng lugar na ito ay kaya siguro niya ako isasama? Malaki naman kasi talaga ang Isla Ezperanza, pero hindi kasing laki ng lugar sa syudad na may mga malls at mga pasyalan kasama na ang malalaking buildings.

Sa lugar namin ay may malls din naman pero hindi kasing laki ng mga buildings sa syudad.

Nasa daan na nga kaming dalawa at walang nagsasalit kahit na sino. hindi naman kasi traffic dito sa amin kaya fifteen minutes lang ay nasa pusod ko na nga lugar.

Nagpark siya sa isang department store, hindi ko alam kung ano ang bibilhin niya dito? Kung grocery lang naman, e. Sobrang dami sa malaking bahay at kumpleto na ang lahat ng ’yun.

Bumaba kami at sumunod ako sakanya na naglakad papasok sa naturang building.

Hindi maipagkakailang nakakaagaw talaga siya ng pansin, dahil ang isang ’to ay talaga namang gwapo. Malakas ang kanyang sex appeal kaya mapapatingin ka talaga sakanya. Napapatingin nga sakanya ang mga sales lady at iba pang mga taong nandito sa loob.

Pumunta siya sa drinks area at kumuha ng alak saka pumunta naman siya sa counter para bayaran ang kanyang binili.

Sinabi rin pala sa akin na wala siyang credit card ngayon dahil naka-off iyun kaya hangga’t maari ay hindi siya bibigyan ng pera na kinikita ng hacienda.

Lumabas kami sa department store na ’yun at pumasok ulit sa kotse niya.

“Saan ulit tayo pupunta, Sir?” Tanong ko sakanya ng nagdadrive naman siya papunta sa kung saan.

“Uuwe na” Maikling sabi nito.

“Yun lang kinuha mo dito tapos nagpasama sama kapa sa akin?” Sabi ko sakanya.

Aba, e. Kaya naman niyang gawin ’yun na mag-isa lang niya bakit niya pa ako pinasama dito? Kung hindi lang naman siya siraulo, e hindi na niya ako pasasamahin dito.

“Diba P.A kita? Kung nasaan ako. Dapat nandun karin, right?” Sabi niya nakatingin parin sa daan.

“Di sana sinabi mo sa aking alak lang pala ang bibilhin mo para nakuhanan kita ng lambanog sa may hacienda” Sabi ko sabay irap kahit na hindi naman niya nakikita ’yun.

“Hindi ka naman kasi nagtatanong. Saka pwedi ba? Just shut up, huwag mo nalang kasi ako pakialaman sa kung ano ang ginagawa ko. Sabihin mo nalang kay lola na binabantayan mo rin ako pero ang totoo hindi, okey?” Sabi nito na nagpatahimik sa akin bigla.

Hindi nalang naman din ako nagsalita dahil hindi kami matatapos sa pagsasagutan kung patuloy ko siyang sasagutin kasi alam kong mapride din ito, e.

Pagkapasok namin sa tarangkahan ng hacienda ay tumigil siya tapos tumingin sa akin ng nakangisi.

“You can get out now” Sabi nito at nginuso pa ang pinto.

Tumingin ako rito ng masama dahil sa kanyang idea na papababain na ako dito sa gate? Siraulo nga siya, ’di ba niya alam na malayo pa ang malaking bahay magmula dito sa gate at aabutin ka ng 30 minutes sa paglalakad lang pero kung sasakay ka ay mabilid lang naman?

“Gago kaba?” Iyan nalang ang nasabi ko dahil sa inis pero talaga desidido talaga siyang pagtripan ako ngayon.

“Utos ko ’yun kaya bumaba kana kung ayaw mo kaladkarin pa kita palabas”

Padabog kung binuksan ang pinto ng kotse niya at nilakasan ko talaga ang pagkakasara.

Ngumisi naman ito saka niya pinaandar ang sasakyan. Pinabugahan pa ako ng uso kaya inubo ubo ako dahil sa usok

“BWESIT KA TALAGANG HAYOP KA!” Sigaw ko sakanya pero mukhang hindi na niya ako narinig dahil sa bilis na niyang magmaneho.

Sinimulan ko nalang ang paglalakad ng mabilid dahil gusto kung maabutan pa ang bwesit na ’yun para makapaghigante.

Ano tingin niya sa akin? Nagpapaapi nalang ng ganun ganun lang? Hindi naman at pwedi ’yun na hindi porket mahirap lang kami ay nakukuha na niyang mang-api ng mahirap.

Akala ko nga’y gusto niyang matuto sa kahirapan? Pakitang tao lang pala niya ’yung kahapon para makuha ang loob ng mga tao rito at makuha niya ang gusto niyang makabalik sa syudad.

Kapag nakuha na niya ang loob ng mga tao rito at magsasabi sila na mabait ang Timothy na ’yun pero ang totoo ay sobrang sama niya kung tutuusin. Wala siyang puso.

Pagbabayaran talaga niya ’tong ginawa niyang pang-iiwan sa akin sa gate palang ng hacienda, e alam naman siguro niyang wala akong masasakyan kaya niya nagawa niya ang bagay na ’yun.

Pinagsisipa ko naman ang bato na nadadaanan ko habang naglalakad ako pauwe. Malayo layo pa ang lalakarin ko dahil sa laki naman kasi ng hacienda ay talagang mapapagod kang maglakad.

Habang nasa daan ako ay napansin ko ang isang puting sasakyan na huminto sa aking tabi. Tumingin ako rito ng nagtataka, sino ’to? Wala namang nagpupunta ritong sasakyan, ah?

Lumabas ang isang lalaking nakasuot ng salamin sa kanyang mata at ibinaba nito ang salamin saka tumingin sa akin.

Gwapo, ang salitang pumasok agad sa isip ko pagkakita ko palang sakanya.

“Where are you going?” Tanong nito.

Mukhang bagong salta ito rito at sigurado akong kilala niya si Timothy. Kaedad din kasi siguro namin ’to.

“Uuwi ho ng bahay, Sir.” Kahit na hindi ko naman kilala kung sino nga ’to ay tatawagin ko nalang ng sir.

“Pwedi kang makisabay sa akin and besides it is my first time here buti nalang nahanap ko ang lugar. Gusto ko ring puntahan si Timo, kilala mo ba siya?” Sabi nito.

Tumango lang ako, “Pero nakakahiya po sayo. Hindi niyo naman ho ako kilala.” Sabi ko at nagtunog akong pabebe sa inasta ko?

“Don’t mind it. Anyways, I’m Marco. Kaibigan ako ni Timo” Sabi niya.

Lumapit ito sa pwesto ko saka iniabot ang kanyang mga kamay.

“Steve po, sir.” At nakipagkamay ako sakanya bilang tanda ng pagpapakilala.

“Okey then, tara na? Hindi rin kasi alam ni Timo na andito ako hahaha I want to surprise him” Sabi niya at binuksan ang passenger’s seat.

Nakakahiya bakit kailang pa niyang buksan ’yun?

Ngumiti nalang ako saka pumasok sa loob, hindi ko na tatanggihan ang kanyang alok dahil narin sa mapapagod lang ako kakalakad kung tatanggihan ko ’yun at ng mas madali akong makapunta sa malaking bahay para mapektusan ang brat na ’yun.

PROMOTE NEW STORY

Dahil sa sinuportahan ninyo itong

Isla Esperanza

. Ito na nga po, ginawan ko na po siya ng Season 2 pero hindi nakafocus kay Timothy at Steven ang Kwento.

Kung si Timo at Steve ay minahal niyo. Sana ay mahalin niyo rin po sina Chan at Miguel sa bagong kwento.

After 25 years story na po iyon.

Visit my profile and hanapin ninyo ang

In A Heartbeats

. Dahil iyon po ang bago kong story na sana po ay suportahan ninyo katulad ng pagsuporta ninyo sa mga natapos ko ng kwento.

Huwag ninyong kalimutan na magfollow sa akin kung hindi niyo pa ako nafollow, magvote sa bawat chapter, at mag comments para mabilis ang bawat update.

Salamat sa suporta .

Author’s Note.

Please, Read this.

The full chapters of this story is only available in Dreame App. Search my Pen name, IthinkJaimenlove and Follow me.

Download the full story their.

Baka sooner or later ay doon narin ako magpapapublish ng mga story kaya I download niyo na ang App at samahan niyo ako doon.

PDF FILE STILL AVAILABLE!

Hi, pips! This is IthinkJaimenlove.

Gusto mo bang basahin ang Isla Esperanza at Under the Moonlight prequel? This is your chance!

They’re now available in PDF file format. But take note, this is not for free!

Bakit

ko

ibinebenta

? I have to dahil kailangan kong mag-ipon for the next semester.

Completed po ba ang chapters? Yes, from chapter 1 to Special Chapter.

Magkano

po ang pdf file? 100 pesos lang po.

Paano

mag-avail? Pwede kayo mag-message sa akin dito or sa aking Facebook page, IthinkJaimenlove.

Ano

po payment method? Gcash or Paymaya po.

What are you waiting for?! Bumili na kayo sa akin, pa-birthday niyo na😭

PDF FILE AVAILABLE ON RAKETPH

Hello! Isla Esperanza is now available on RaketPH for 150 pesos, buong manuscript na po niya ’yan.

Paano i-avail? Pumunta lang sa link raket.ph/ithinkjaimenlove or scan ang qr code. Then you can buy the entire manuscript for only 150 pesos! Basahin na habang mura pa.


Return to top?
WattHub

Install WattHub

Size unavailable

App name
WattHub
App version
1.48.250
App size
Description
A digital library of Wattpad stories and Filipino fiction, thoughtfully preserved for readers today and tomorrow.
Developer
WattHub Team

Dismiss install banner?

No problem. You can still install WattHub anytime from the download icon in the header.

WattHub

Notifications

Notifications are off

Get notified on this device when the library grows or changes.