Jack Reassembled
Kkidd Ddikk · 8 chapters · 8,032 words
Chapter 1
Alas siyete ng umaga. Umuulan na naman sa labas.
Halos tatlong bagyo na ang sunud-sunod na dumaan, at mukhang may isa na namang dapat hintayin. Sa totoo lang, ayos lang sa akin ang ganitong panahon—masarap itulog. ’Yon e, kung wala akong kailangang gawin.
Kaso, kapag araw-araw na at malaking aberya na ang dulot, ibang usapan na.
Gaya ko ngayon.
Ang dami kong kailangang asikasuhin, pero wala akong magawa dahil sa putanginang ulan na ’to.
Kanina pa ako nakasandal sa hamba ng pinto, pinapanood ang patak ng ulan mula sa nakabukas na gate. Hawak ko ang tasa ng kape, inuunti-unti kong hinihigop habang sinusubukang huwag mainis sa sama ng panahon.
Kung hindi lang umuulan, hindi sana ako tatamarin sa pag-aasikaso ng mga papeles. Makukunan ko na sana ng permit ang ipinatayo kong beerhouse na dalawang buwan nang kumikita pero wala pa ring papeles.
Wala naman kasi akong alam sa negosyo. Akala ko, puwede nang magbukas nang walang kung ano pang kuskos-balungos. Hanggang sa ayun, sinita ako ng kinauukulan. Buti na lang, kaibigan ni Kuya Carlo kaya nakalusot.
Tapos ko nang linisin ang ibabang parte ng apartment. Wala na akong ibang magawa kundi tumunganga. Habang tinatamad at naiinis ako sa lagay ng panahon, narinig ko ang kaluskos mula sa kabilang kama kung saan natutulog sina Aaron at Jiggen.
Nitong mga taong nagdaan ay parang mag-asawa na ang dalawang ’to. Pagkatapos ng college, dito na halos tumutuloy si Jiggen. Siyempre, hindi na ako nagrereklamo dahil nagbabayad naman silang dalawa ng upa. At ayaw ko namang panghimasukan kung ano mang mayroon sila.
Isa pa, habang patuloy silang naghahanap ng matinong trabaho, sila na mismo ang nagprisintang sa beerhouse na lang muna magtrabaho. Kaya malaking tulong din para sa akin.
Gabi ang pagbubukas ng beerhouse, kaya tulog sila sa ganitong oras. Pero narinig ko ang yabag sa likuran. Nang lumingon ako, nakita ko si Aaron na nagkukusot ng mata.
“Oh, ang aga mo namang bumangon,” bungad ko sa kanya.
“Tinatamad nga akong bumangon, Kuya, kaya lang naiihi na talaga ako,” sagot nito, nakahawak pa rin sa puson.
“Marami bang tao kagabi?” tanong ko, sabay higop ng kape.
“Nakarami rin kahit malakas ang ulan. Birthday kasi ni Toni, pinainom niya mga kaibigan niya. Hinahanap ka nga pala niya. ’Yong birthday gift niya raw. Noong umalis ka nang hapon, hindi ka na bumalik. Saan ka ba nanggaling?”
“Nagpasama kasi sa akin si Gwaine na mamili ng damit kahapon. Paalis na siya papuntang Singapore. Kaya kayo na muna ulit. Ihahatid ko siya mamayang alas kuwatro,” paliwanag ko.
Tumango lang si Aaron. Sa maikli naming usapan, halatang wala pa rin siya sa wisyo. Dumiretso ito sa kubeta, at nang makabalik, agad na humiga ulit para ituloy ang tulog.
Si Gwaine? Ilang taon na rin mula nang maging malapit kami. Sa totoo lang, wala namang espesyal sa relasyon namin—trabaho lang, sa tingin ko. Matapos kong tapusin ang trabahong ibinigay sa akin ng nanay niya, si Gwaine na ang nagpatuloy. Siya na rin ang nagbabayad sa akin.
Naubos ko ang tasa ng kape na kalahating oras ko yata iniinom. Dumiretso na ako sa kusina at nag-ayos-ayos. Dahil hindi ko magawa ang mga dapat kong gawin dahil sa ulan, ibubuhos ko na lang ang oras ko sa paglilinis ng mga maalikabok na estante na hindi ko na naasikaso simula nang maging abala ako kay Gwaine at sa bago kong negosyo.
Habang isinasalansan ko ang mga gamit sa ibabaw ng mga estante para punasan, napansin ko ang isang pamilyar na supot. Supot kung saan ko inilagay ang rice cooker.
Pinagpag ko ang alikabok saka ko binuksan. Kung paano ko ito ibinalot dati, ganoon pa rin ang itsura.
Hindi ko maiwasang maalala ang mga bagay na hindi ko naman talaga kinakalimutan. Siguro, nagtago lang ang mga alaala sa kung saang parte ng utak ko. Ngayon, heto’t bigla na lang bumalik.
Kita pa rin ang malaking yupi sa rice cooker. Parang kahapon lang noong galit na galit siya rito, pinagpapalo niya ng sandok. Bago pa rin ang itsura. Puwede pa sanang ibenta kung sakali, kung wala lang ’yong malaking yupi.
Napatingin ako rito nang matagal. At sa maigsi kong pagbalik sa mga bagay na nangyari, napaisip na lang ako.
Putangina ka.
Nangyari ka ba talaga?
Chapter 2
Patuloy akong naglilinis ng mga maalikabok na parte ng apartment sa ibaba. Sandali akong napahinto nang makita ko ulit ang rice cooker. Sa tingin ko, lahat naman ng tao ganoon. Normal lang sigurong makaramdam ng kaunting kirot kapag naaalala mo ang mga masasayang panahong, sa sobrang tagal na, hindi mo na alam kung totoong nangyari ba o guni-guni mo lang.
Hindi ko naman kasi naisip noon na mararanasan ko ang mga ganoong bagay. Pero tapos na, at alam ko namang ako ang sumira. Nakakainis lang na totoo ang kasabihang nasa huli ang pagsisisi. Pinatunayan ko iyon sa pamamagitan ng sarili kong katangahan.
Sa gitna ng pagpapagpag ng alikabok sa mga estante, muli akong napahinto at napangiti.
Masaya pala.
Masaya pa rin sana.
Sinubukan kong ayusin ’yon noong araw na ’yon. Kaso, ayaw niya na, kaya hindi ko na ipinilit pa. Sa ngayon, isa lang ang alam ko—siya ang pinakamasaya at pinakamasakit na nangyari sa buhay ko.
Inilapag ko ang basahan. Kahit hindi ko silipin, alam kong mas maaliwalas na ang paligid. Hindi na maalikabok, pero kagaya noong umalis siya—blangko pa rin ang pakiramdam ko.
Ilang pagpag at kalikot pa ang ginawa ko sa kusina hanggang sa matapos kong linisin ang lahat. Hindi ko na inasikaso ang iba pang dapat kong gawin. Kailangan ko nang magpahinga dahil magmamaneho pa ako mamaya.
Alas dose na nang mapatingin ako sa relo. Ayoko sa lahat ay nagmamadali, kaya naman agad ko nang inihanda ang sarili ko. Kailangan ko nang mag-asikaso para ihatid si Gwaine. Mas maganda nang maaga at baka matraffic. Bumili lang ako ng pagkain sa karinderya at nang matapos ako ay tumuloy na ako sa paliligo.
Nang matapos akong maligo, nagsuot ako ng simpleng damit—puting T-shirt at maong na kupas na. Sanay naman na si Gwaine sa ganitong porma ko, kaya hindi ko na iniisip kung ano ang susuotin ko kapag magkikita kami.
Kagaya ng nakaugalian ko, hindi na ako tumingin pa sa salamin—wala rin namang magbabago. Dumiretso na ako palabas ng gate at sumakay sa asul kong sasakyan. Isa ang sasakyang ito sa mga naipundar ko sa mga kinita ko nitong mga nagdaang taon.
Nang makarating ako sa bahay nila Gwaine ay dumiretso ako sa kwarto niya. Naroon siya at mukhang katatapos lang magbihis. Inilapag ko ang susi ng sasakyan ko sa lamesita sa tabi ng kama. Nilapitan ko siya mula sa likod. Inayos ang saliwang kuwelyo ng damit niya.
“Ano, tara na?” Pabulong kong aya sa kaniya.
“Sandali lang,” sagot niya, “konti na lang matatapos na.”
Napakamot ako sa ulo ko nang marinig ko iyon, “Pakibilisan lang, Miss, hindi ka hihintayin ng eroplano.”
Lumingon ito nang paismid sa akin at lalo pang binagalan ang kilos. Kundi lang ’to galante, binatukan ko na ’to.
Inabot ko ang susi ng sasakyan sa mesa. Hinatak niya ang maliit niyang bagahe palabas ng kwarto. Isang linggo lang naman siya roon, kaya hindi na siya nagdala ng marami.
Sasakyan ko na ang gagamitin papuntang airport. Si Gwaine, nasa tabi ko, tahimik na nagmamasid sa bintana. Ako, tahimik lang ding nagmaneho, patuloy na iniisip ang mga alaala na hindi ko maapula.
“Alam mo,” biglang sabi ni Gwaine nang huminto kami sa isang traffic light. “Hindi ko inakala na aabot ako sa puntong ito.”
“Anong punto?” tanong ko.
“Yung… umalis. Mag-isa.” Tumawa siya, pero walang saya. “Takot talaga akong umalis mag-isa, ikaw kasi, eh. Ayaw mong sumama.”
“Tangina, kung makaarte ka, isang linggo ka lang naman doon. Saka, may inaasikaso akong negosyo. Hindi ako puwedeng mawala nang matagal.” Sagot ko sa kaniya.
Nang makarating kami sa Terminal 3, agad na yumakap sa akin si Gwaine, sabay kiss sa pisngi. Hindi ko siya pinipigilan, hindi rin ako nahihiya.
“Mag-iingat ka, Miss,”
sabi ko.
“’Wag kang papatira kung kani-kanino, ha?”
Pabiro kong bulong dito na ikinasimangot na naman niya.
Lumakad na siyang papasok, sabay muling lingon. “Sunduin mo ako, ha?”
Tumango lang ako.
Pagbalik, ako na lang mag-isa sa sasakyan. Muling sumagi sa isip ko si Lance. Napatingin ako sa telepono ko. Ang mismong telepono na siya rin ang nagbigay.
Nabuksan ko ang luma naming chat. Naka-save pa rin siya bilang “Nay ko.”
Hinawakan ko ang keypad. Nag-type. Nagbura. Nag-type ulit. Kahit alam kong malabo pa sa kanal na matanggap niya ang mensahe.
—Kamusta ka na?
Masyadong simple.
—Naalala kita.
Masyadong totoo.
Sa huli, naisip ko ang rice cooker. Naalala ko ang mukha niya noong una niyang gamitin iyon—natutuwa siya noong una, hanggang sa bigla siyang magliyab sa galit dahil doon niya naisip magprito.
—Nahanap ko ’yung rice cooker. Naaalala mo pa?
Hinila ko ang hininga. Pinindot ang send.
Hindi ko alam kung ano ang mas matindi—ang takot na hindi siya sumagot, o ang takot na sumagot siya.
Chapter 3
Gabi na nang makauwi ako sa bahay. Tahimik. Masyadong tahimik kumpara sa utak kong ang ingay-ingay. Dumiretso ako sa kusina at kumuha ng tubig. Pagkatapos ay naupo ako at muling binuksan ang cellphone ko. Naisend ko ang mensahe, pero alam kong hindi niya makikita.
“Ah, putangina, ang sakit sa ulo,” nasabi ko na lang sa isip ko, sabay lamukos sa mukha. Aaliwin ko na lang ang sarili ko. Lugi naman ako kung ako lang ang nakakaalala, tapos siya, hindi na halos matandaan ang pangalan ko. Ang swerte niya naman. Tangina, ako ’to, si Joachim Sandoval. Kayang-kaya kong pasayahin ang sarili ko.
Tumayo ako pagkalipas ng halos kalahating orang nakaupo sa mesa, nakatunganga lang. Pumunta ako sa kwarto para kumuha ng tuwalya at tumuloy sa banyo para maligo. Baka sakaling mabura ng malamig na tubig ang mga bagay na hindi ko na dapat pang iniisip.
Nang matapos akong maligo, agad akong nagbihis at nagpunta sa beerhouse. Alas nuwebe na rin. Kung papalarin ngayong araw, marami nang tao doon.
Naglakad lang ako papuntang palengke. Buti na lang at huminto na ang ulan. Medyo umaambon-ambon, pero ayos lang. Hindi rin naman kasi ako sanay na nagpapayong.
Pula at dilaw na mga ilaw na sinasabayan ng kumakapal na usok dahil sa sabay-sabay na sindi ng sigarilyo. Dumadagundong ang paligid, at halo-halong tawanan, kwentuhan, at kantahan ang maririnig.
Napangiti ako sa loob ko. “Jackpot, maraming tao.”
“Kuya! Buti nandiyan ka na. Si Toni, kanina pa nagngungulit, eh.” Agad na bungad sa akin ni Aaron. Nasa counter si Aaron, at si Jiggen naman ay nasa kusina. Sa itsura pa lang ng mga mukha nila, halata na ang dami ng trabaho.
“Dennis, table nine!” sigaw ni Jiggen sa waiter, kasunod ng pag-abot nito ng dalawang plato ng sisig. Pagkatapos ay silip sa susunod na order slip.
Ang sarap pagmasdan ng mga taong abalang-abala sa mga gawain nila. Nakakaengganyong magtrabaho, kaya naman kumilos na rin ako para tumulong. Kahit ako ang may-ari, gusto ko pa ring gumagalaw dito. Ayoko ng nagmamasid lang.
Si Jiggen ang tinulungan ko dahil siya ang mas nahihirapan sa dami ng order. Nasa labas ako ng kitchen counter at nag-aabot ng mga order sa mga waiter.
Nagsisimula na akong pagpawisan sa dami ng trabaho nang marinig ko ang malambot pero garalgal na boses na tumatawag sa pangalan ko. Paglingon ko, bumungad sa paningin ko ang isang may-edad na lalaki. Litaw na litaw ang eyebags nito dahil sa laki ng ngiti. Hindi rin naitago ng itim niyang damit ang laki ng kaniyang tiyan. Si Toni.
Si Toni ang kauna-unahang regular na customer ng beerhouse na ’to. Sa loob ng dalawang buwan, halos araw-araw siyang naririto at nagdadala ng mga kaibigan o kaya mga tauhan niya.
Manager kasi siya ng isang maliit na mall na ilang kanto lang ang layo mula sa amin.
“Jack, kagabi pa kita hinihintay,” maktol nito habang pakendeng na lumalapit. “Birthday ko, wala ka,” dugtong pa nito, sabay kapit sa braso ko.
“Pasensya ka na, bebegerl. May inasikaso kasi ako kagabi,” maigsi kong paliwanag.
Nakanguso itong nagtatampo, sabay hilig ng ulo sa braso ko. “Asan na ’yong gift ko? Sabi mo sa akin, kapag nagdala ako ng maraming tao, may ireregalo ka sa akin. Tapos ngayon, marami kang customer, nag-birthday pa ako kagabi. Baka naman, doble na ’yong regalo ko niyan.”
Gusto kong kumamot sa ulo dahil naiistorbo niya ako sa trabaho. Pero hindi ko na ginawa. Oo nga naman, nagdadala siya ng customer dito, kaya dapat lang na suklian ko ang ginagawa niya.
“Okay, sige. Libre na lahat ng iinumin mo ngayong gabi,” lambing ko sa kaniya. “’Yon ’yong una kong regalo sa’yo. ’Wag ka masyadong magpakalasing para makuha mo ’yong pangalawa mamaya, ha?” Sabay kindat ko sa kaniya.
“Promise ’yan, ha?”
“Oo, promise. Sige na, enjoy kayo ng mga kasama mo. Medyo marami pa akong gagawin, eh. Mamaya na lang,” sabi ko sa kaniya, saka ako muling bumaling sa trabaho para ituloy ang ginagawa ko.
Lumalalim na ang gabi at dumami na nga ng tuluyan ang mga tao. Hindi na rin ako magkanda-ugaga sa pag-aabot ng mga order. Nariyan pang may nag-away dahil sa babae, kaya kinailangan ko pang mamagitan. May nag-complain. May natalisod na waiter. May nagmaoy. Magulo.
Hanggang sa unti-unti nang tumahimik.
Nakaupo rin sa wakas.
Habang nagpapahinga, naramdaman ko ang pag-vibrate ng cellphone ko. Hindi ko ito pinansin dahil wala ako sa wisyong sumagot ng mga mensahe. Mamaya na lang.
Halos mag-uuumaga na. Grupo na lang ni Toni at dalawa pang ibang grupo ang nag-iinom. Nag-umpisa nang magkwenta ng pera si Aaron. Si Jiggen naman at iba pa niyang kasama sa kusina ay nagsimula nang magligpit-ligpit. Ito ’yong mga oras na nakatunganga lang ako at lutang ang isip dahil sa pagod.
Nakaupo lang ako sa pinakasulok, sa lugar na hindi tinatamaan ng ilaw. Hindi nila ako nakikita, pero kitang-kita ko silang lahah. Narito lang ako, umiinom mag-isa. Ilang sandali pa, napansin ko si Toni na kausap si Aaron, at itinuro nito ang lugar ko. Makulit talaga ang taong ’to.
Ilang sandali pa, tumungo si Toni sa kinaroroonan ko.
“Anone, ba’t nagmumukmok ka riyan?” medyo lasing nang bati nito. “Anong iniisip mo?”
“Wala,” palusot ko. “Halika, samahan mo akong uminom.”
Agad itong naupo sa tabi ko. Naka-angkla na naman ang mga kamay sa braso ko.
“Ang gara mo naman uminom. Ba’t wala kang pulutan?” puna niya habang ipinagbubukas ko siya ng isang boteng beer.
“Hindi talaga ako mahilig mamulutan, eh,” sagot ko, sabay abot sa kaniya ng inumin.
Kahit papaano, kilala ko na si Toni. Hindi naman mahirap isipin kung anong gusto niya, lalo pa sa kagaya kong walang kasing-libog.
Oo, ganun na nga. Malibog pa rin hanggang ngayon.
Nakabaling ang ulo niya sa braso ko. Mahigpit ang pagkaka-angkla ng kamay niya sa akin. Pero nang abutan ko siya ng alak, kumunot ang noo niya.
“Wait lang, order lang ako ng pulutan,” sabay kalas ng kamay sa braso ko at tumayo. “Hindi ko talaga kaya ng walang pulutan, eh.”
“’Wag na,” sabay hatak ko sa kaniya paupo ulit. Kinabig ko siya ng mahigpit papalapit gamit ang kanan kong braso. Marahan kong inilapit ang bibig ko sa tainga niya. “May pupulutanin ka naman, eh.”
“Wala nga, kaya nga o-order ’di ba?”
“Meron.” Kinalas ko ang sintas ng suot kong itim na sweatpants. Inilabas ang tumitigas kong kargada. “Eto, burat ko.”
Kinabig ko ang ulo niya pababa. Ramdam ko ang panginginig at pag-init ng katawan niya. Hindi na rin siya nagsayang ng panahon. Agad niyang sinunggaban ang kahindigan ko. At kagaya ng dati, ayoko ng chupang pabebe. Hinablot ko ang buhok niya at ipinasak ko nang sagad ang burat ko sa lalamunan niya.
Panay ang duwal niya. Malakas na rin ang paghinga niya.
“’Tangina, ’wag kang maingay, baka marinig tayo,” saway ko sa kaniya. Kaya naman sinubukan niyang tumahimik. Napaluhod na siya sa harapan ko. Magandang pwesto para mas lalo kong maisagad.
At doon, sa gabing iyon, natanggap niya ang regalong gustong-gusto niya. Kinantot ko ang bibig niya. Ipinutok ko lahat ng tamod ko sa lalamunan niya.
Humihingal siya habang nakadikit pa rin sa mukha niya ang burat ko. Tila hindi makapaniwala sa nangyari. Tinapik ko ang mukha niya para matauhan.
“Ano, masarap ba pulutan mo?” Ngumiti lang ito sa akin, sabay muling sipsip sa ulo ng burat ko.
Natapos kami na parang walang nangyari. Masaya siya.
Ako? Matapos makalimot ng ilang sandali, heto. Balik na naman sa pag-iisip.
Hindi pala sapat ang katawan ng ibang tao para patahimikin ang isip ko.
Hanggang sa maguwian na.
Nang makauwi kami sa bahay, kani-kaniya kaming asikaso ng makakakain.Habang kumakain, biglang nag-vibrate ang cellphone ni Jiggen at Aaron ng sabay.Si Jiggen lang ang nagbasa. “Sabi ni Kat sa G.C, bheb,” bahagyang nanlaki ang mata nito. “Si Lance, nandito na raw sa Pilipinas.”
Dito bumulaga sa akin ang katotohanan: Kahit anong bilis ng takbo ko, abot niya ako. Laging abot.
Putangina.
Chapter 4
Sumisilip na ang liwanag at patuloy kami sa pagkain.
Wala akong ginawang reaksyon na makikita ng dalawang nasa harap ko. Pero sa loob ko, parang umaangat ang dugo ko sa utak. Kumakabog nang mabilis ang dibdib ko. Hanggang sa maalala ko ang cellphone ko na nag-vibrate kanina. Dinukot ko ito sa bulsa at tinignan sa buong pag-aakalang naisip ni Lance na i-message ako.
Pagbukas ko ng cellphone, dalawang missed call mula kay Randell ang natanggap ko. Isang mensahe na nag-aayang mag-inom, na hindi ko na rin inalam kung anong okasyon. Sigurado akong hindi niya birthday.
’Yong pagbabakasakaling nag-message si Lance ay napalitan ng pagkadismaya. Oo nga naman pala, bakit niya nga naman gagawin ’yon. Eh, malinaw pa sa araw ’yong sinabi niya noong kaarawan niya limang taon na ang nakararaan.
“Ayoko na, Jack. Nakakapagod ka. Gawin mo kung anong gusto mo. All I want to do right now is to move on from you. Mahal kita, alam mo ’yan. Pero Jack, nauubos kasi ang pagmamahal. Hindi ’yon unli.” Masakit na litanya ni Lance. Pero noong araw na ’yon, hindi ko alam kung paano ko iyon mararamdaman. Galit ba ako? Nasaktan? O sadyang ayaw ko lang tanggapin na baka tuluyan na talaga siyang mawala?
Kaya umuwi ako at uminom hanggang sa mawalan ako ng malay.
Mas madaling lasingin ang sarili kaysa amining ako ang dahilan kung bakit siya napagod.
Hindi ako nagtanong o nag-usisa sa pag-uwi ni Lance dito sa Pilipinas. Nagpatuloy lang ako sa pagkain. Wala nang pakialam sa akin si Lance kaya ganoon din dapat ako. Wala na rin dapat akong pakialam sa sarili ko. Hahaha.
Pagkatapos kumain ay nagsindi ako ng sigarilyo. Binuksan ang gate at pinanood ang mga taong nagdadaan.
Hindi ko alam kung anong oras na. Malamig pa rin ang paligid pero maliwanag na. Nakatunganga lang ako doon. Wala nang iniisip. Basta nandoon lang ako, naninigarilyo. Nagsindi pa ng isa, at isa pa. Wala akong pakialam sa kaniya. Hanggang sa hindi ko na namalayan na limang stick na pala ang nauubos ko.
Nang mapansin kong medyo matagal na ako doon, saka ako pumasok sa loob. Isinara ang gate. Nagsipilyo, nagpalit ng damit, saka nahiga sa kama. Itutulog ko na lang ito.
Hindi ko alam kung ilang oras ako nagpaikot-ikot sa kama. Nahirapan akong matulog pero inantok din ako kalaunan.
Madilim na nang magising ako. Walang ilaw. Wala na rin akong kasama. Malamang na nasa beerhouse na sina Aaron at Jiggen. Wala dapat akong balak pumunta doon ngayon pero ayokong mag-isa kaya naman naligo ako at nagbihis. Jersey shorts lang ang suot ko at sandong puti. Pupunta na lang ako kila Kuya Carlo, baka sakaling hindi pa expire ’yong pag-aaya ni Randell na uminom.
“Hi, Kuya Jack,” biglang may tumawag sa akin.
Nang balingan ko ito ng tingin, nakangiti sa akin ang isang maliit na babae. Maputi at balingkinitan. Si Gina. Siguro nasa limang taon na rin kaming magkakilala. Bihira siya magpunta rito, dahil nasa dulo pa ng palengke ang bahay niya. Madalas lang kami magbiruan kapag nagkikita kami sa palengke.
May bitbit itong supot na mukhang pagkain ang laman.
“O, Gina. Layo ng nararating mo ah,” biro ko.
“Wala lang, wala kasi akong matambayan, eh. May dala akong barbecue oh,” sabay angat niya ng supot na bitbit. “Kaya naisip ko dito, kaso mukhang may lakad ka.”
“Ah, may pupuntahan lang sana. Pero pwede namang mamaya na. Halika, pasok ka,” imbitasyon ko sa kaniya.
Pagkapasok namin ay dumiretso kami sa kusina. Kumuha ako ng lagayan ng barbecue at platito para sa suka. Tainga ng baboy, isaw, laman, at atay. Gustong-gusto ko ang mga ito.
“Ahy! Asan ’yong hotdog. Tangina, naisahan ako nun ah,” halos pasigaw niyang sabi.
“Ok lang ’yan, may hotdog naman ako eh, jumbo pa,” biro ko.
“Gago,” sagot niya pero halata mo ang pamumula ng mukha niya.
“Kung hindi kita naabutan,” bungad niya sabay sawsaw ng isaw sa suka. “Malamang mag-isa akong kumakain nito diyan sa gutter sa labas ng bahay mo. Hahaha.”
“Tangina, wala ka bang bahay? Ba’t diyan ka kakain?”
“Wala lang, gusto ko lang,” paliwanag niya. “Grabe, ganda talaga ng tattoo mo, kuya.” Nang balingan niya ng tingin ang mga guhit sa braso ko, sabay dutdot.
“’Wag mo masyadong dutdutin. Kaka-retouch lang niyan,” hindi naman masakit, masyado ko lang mahal ang mga tattoo ko. Dahil mahal sila.
Patuloy ang pagkain naming dalawa. Panay pa rin ang dutdot niya sa mga tattoo ko. Nakukulitan ako sa kaniya pero hindi ko naman siya masaway. Ang lambot kasi ng kamay niya, nakakakiliti kapag dumadampi sa balat ko.
“Patingin pa nga ng iba mong tattoo,” sabi niya.
“Kailangan kong maghubad para makita mo,” paalala ko.
“E ’di maghubad ka,” hamon niya.
Napangisi ako ng nakakaloko. “Tangina, mukhang kantutan ang mangyayari dito, ah,” sabi ko na lang sa isip ko. Tutal mukhang ito naman ang ipinunta niya rito kaya pagbibigyan ko na.
Hinubad ko ang sando ko nang nakaupo. At tumambad sa harapan niya ang katawang parang nililok ng isang magaling na iskultor. Abs, dibdib, biceps-walang hahanapin. Hanggang sa napansin ko na lang na napanganga siya.
Hindi na siya halos makapagsalita, pero pinilit niya pa ring mangulit.
“A-ang ganda ng tattoo mo diyan sa bewang. Ahas ba ’yan?” utal na tanong niya.
“Sawa,” sagot ko ng nakangisi. “Ubusin na natin ’tong dala mo.”
“A-asan ang ulo?” muling tanong niya. Kagaya ng dati, tinitigasan talaga ako kapag hinahanap ang ulo nitong tattoo ko. Nagkatitigan kaming dalawa. Namumula man ang mukha niya at utal na magsalita ay pinipilit niya pa ring umarteng normal. Ako rin, mainit na ang katawan ko.
Hinawi ko ang buhok niya at isinampay sa tainga niya. Ramdam ko sa mga kamay ko ang init ng balat niya. Marahan akong tumayo paharap sa kaniya. Malapit, halos isang pulgada lang ang pagitan. Kapwa seryoso ang mga mukha namin.
Hulmang-hulma na ang matigas kong alaga sa shorts ko na sobrang lapit lang sa mukha niya.
“Hanapin mo,” utos ko. Saka ko pinagalaw ang batuta ko at hindi iyon nakaligtas sa paningin niya. Sa pagkakataong iyon, inumpisahan niyang haplusin ang katawan ko.
“Tangina, sabi ko ubusin na natin ’tong dala mo, eh,” sabay himas ko sa pisngi niya gamit ang hinalalaki ko. “Kaso, iba na yata ang gusto mong kainin.” Hinawakan ko ang kamay niyang humihimas sa abs ko. Iginiya ko ito sa hulma ng matigas kong alaga. Hindi siya nakatiis at agad na ibinaba ang shorts ko kasabay ng brief.
Agad na sumampal sa mukha niya ang ga-batuta kong burat. Tinitigan niya ito ng mabuti, kinakabisado ang haba at ang taba. Mukhang doon pa lang nag-eenjoy na siya. Pero ayokong patagalin pa ito kaya naman hinawakan ko na ang panga niya at pinilit siyang pangangaain.
“Ito talaga ang pakay mo sa akin, ’di ba?” Habang tinutukso ko ang labi niya gamit ang ulo ng burat ko. “Tikman mo muna bago kita tuhugin.”
Naintindihan niya ang sinabi ko kaya naman agad niyang sinubo ang malaking karne na naka-amba sa bibig niya. Ilang sipsip at himod ang ginawa niya bago ko binayo ang lalamunan niya.
Pagkatapos ay dinukot ko ang suso niya. Hindi ko lang nilamas basta. Piniga ko, kahit alam kong nasasaktan siya ay binalewala ko.
Hinatak ko siya patayo. Dinukot ang butas niya sa loob ng shorts na suot niya. Basang-basa na. Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa, hinubad ko ang shorts niya. Isinandal ko siya sa pader, inangat ang isang binti niya, saka ko siya tinuhog. Walang pasintabi, baon kaagad. Naduling siya nang ipasok ko nang buo ang burat ko.
Ilang labas-pasok pa ay masarap na ang ungol niya. Basang-basa na rin ang tunog ng mga ari naming nagsasalpukan. Ngayon ay dalawang binti niya na ang nakasampa sa magkabilang braso ko. Napapaangat ang puwetan niya sa tuwing isasagad ko.
“Malapit na ako,” sambit ko at inihinto ko ang pagkantot sa kaniya. “Kainin mo.” Ibinaba ko siya at agad naman siyang lumuhod sa harap ko. Isinubo niya ang burat na kanina lang ay naglalabas-pasok sa puki niya. Hinablot ko ang buhok niya, saka ko binarurot ang lalamunan niya, at doon nagpakawala ng semilya na nilunok niya naman.
“Okay ka na?” pangisi kong tanong. “Bihis ka na, may pupuntahan ako.”
“Kailan ulit?” ang malandi niyang tanong sa akin.
“Tangina, lagi naman kitang kinakantot kapag pumupunta ka,” sabay kamot ko sa ulo ko. “’Wag kang mawili ng husto sa burat ko, maghanap ka pa ng ibang burat, marami diyan.”
“Ayoko, masarap ’yang sayo, eh,” sagot niya.
“Tss, sige, buburatin kita kahit saan kita makita,” sabi ko, saka kami nagsikilos para makaalis na ako.
Ang buhay ko nitong mga nagdaang taon? Ganoon pa rin. Kantot dito, kantot doon. Hindi ko naman kasi mapigilan ang libog ko. At maraming may gustong tumikim. Pero hindi ako nakukuntento. Para akong baliw. Kung sakali, kung babalik siya sa akin. Baka sakaling makontento ako sa iisang tao. Pero ’di bale na, alam ko namang imposible ’yon.
Masaya akong masaya siya, kahit saan man siya naroon, putangina siya.
Chapter 5
Napakatagal ng oras. Para bang bawat segundo ay katumbas ng tatlumpung minuto. Gusto ko na lang matulog ulit. Hindi ko rin naman maipaliwanag ang nangyayari sa akin.
Ang totoo, hindi ko alam kung nalulungkot ako. Ang mas mahirap pa niyan, wala akong maramdamang kahit ano. Gusto kong magalit. Gusto kong umiyak, pero wala. Blangko ang loob ko. Para akong nasa loob ng isang malaking espasyo na hindi kayang punuin ng kahit sino-kahit ng sarili kong ingay.
Kaharap ko ang dalawa sa pinakamahalagang tao sa buhay ko. Si Randell na matalik kong kaibigan at si Kuya Carlo na pinsan ko pero magkapatid ang turingan namin. Kahit sila ang kasama ko, hindi ko pa rin maramdaman ang saya. Nakikisabay ako sa tawanan at kwentuhan, pero parang may bahagi sa akin na nanonood mula sa malayo. Nagmumukmok sa sulok, nagtatanong kung bakit hindi na ako makabalik sa tahimik kong mundo.
“Pre, lalim ng iniisip mo, ah,” bulabog sa akin ni Randell. “May problema ba?”
“Ah, wala pre. Kulang lang yata ako sa kantot,” palusot ko na lang, sabay tawa na kahit ako ay hindi kumbinsido.
“Nagumpisa na naman kayo sa ganiyang usapan,” agad na puna sa amin ni Kuya Carlo. “Marami pa ’tong iinumin. Lagukin natin lahat ’to.”
Nagbukas ulit si Kuya Carlo ng isang bote matapos niyang lagukin ang natitirang laman ng nauna. Habang pinupunasan niya ng damit ang bibig ng bote, bumaling siya sa akin. Tila may sasabihin sana siya nang biglang mag-ring ang cellphone niya. Agad siyang tumayo para sagutin ang tawag.
“Hello, sino ’to?” tanong niya sa kabilang linya. Ang mukha niyang kanina ay nagtataka, biglang napalitan ng saya. “Oh, napatawag ka. Namimiss ka na ng mga tao dito. Kailan ka nakabalik?” Masayang sambit ni Kuya Carlo bago niya ako lingunin at kindatan.
Parang napatid ang paghinga ko. Mukhang alam ko na kung sino ang tumawag.Matapos ang tawag ay agad na bumalik si Kuya Carlo sa upuan. Masaya itong nagumpisa ng balita.
“Si Lance, ’yong tumawag. Nakakamiss ’yong batang ’yon. Pupunta raw siya dito sa Sabado, kakausapin ako tungkol doon sa lupa sa tabi ng apartment.” Huminto sandali para lumagok ng alak.
Sabado.
Ilang araw na lang.
Hindi ko alam kung bakit biglang bumilis ang tibok ng puso ko sa simpleng pagbanggit ng araw na iyon.
“Mukhang maibebenta na rin natin ’yon sa wakas.”
Nagpatuloy si Kuya Carlo sa pagsasalita, pero hindi ko na halos narinig ang iba.
Sabado.
Pupunta siya.
Dito.
Napakunot ang noo ko pero wala akong gaanong naging reaksyon. Ngumiti lang ako para ipakitang masaya ako sa balita. Kapwa sila napatitig sa akin.
“Pre, si Lance ’yon, oh. Ang tamlay naman ng reaksyon mo,” ani Randell.
“Ayos, may magpapainom sa Sabado,” at pinilit kong tumawa ng mas masaya. Pero kita pa rin ang pagdududa sa mga mata ng dalawa kong kasama-mga matang hindi ko kayang linlangin ngayon.
Mahaba-haba rin ang naging inuman namin. Nang lumalim na ang gabi ay nagpaalam na ang mga kasama ko. Ako naman, matapos ang kahit papaano’y pagsasaya, kailangan na ring umuwi.
Alas-onse nang matapos ang inuman namin. Gusto ko sanang magpakalasing pero may pasok pa si Kuya at Randell kinabukasan kaya naman hindi ko na pinilit. Dadaan na lang sana ako sa beerhouse para kumustahin ang lagay nila doon pero nawalan ako ng gana. Nawalan ako ng gana sa lahat.
Ang lakas maka-putangina ng araw na ’to. Puro balita sa kaniya ang naririnig ko. Gusto ko nang makawala sa anino niya, pero nandoon siya kahit saan ako magpunta. Kahit saan ako tumingin, may alaala siyang nakaabang. Tangina, maghanap na lang kaya ako ng kakantutin.
Habang naglalakad ako papunta sa apartment ay napahinto ako. Napatingala sa langit nang maramdaman ko ang patak ng ambon.
Sa Sabado.
Sana.
Sana bumuhos ang malakas na ulan. Sana bumagyo, lumindol, at bumuka ang lupa. Kahit ano, basta ’wag lang siyang matuloy. Hindi ako handa. Hindi ko alam ang gagawin ko pag nakita ko siya.
Ang nangungusap niyang mga mata, ganoon pa rin kaya?
Ang makinis niyang mukha, ang kayumanggi niyang balat.
Ano kaya ang nagbago sa kaniya.
Ayoko siyang makita.
Kasi. Baka.
Baka ’pag nakita ko siya, mahalin ko ulit siya.
Chapter 6
Ilang araw nang ganito ang pakiramdam ko.
Hindi naman masama. Kaso sobrang blangko.
Hindi ko alam kung anong itatawag dito. Para bang may kulang, pero hindi ko alam kung ano.
Wala rin naman akong sapat na nararamdaman para pangalanan.
Ang tanging malinaw sa isip ko: pabalik-balik si Lance.Wala akong magawa. Hindi ko kontrolado ang takbo ng isip ko. Pinipilit kong mag-isip ng iba para lang maitaboy ang mukha niya, pero kahit anong gawin ko, bumabalik at bumabalik pa rin.
Para siyang tae sa tsinelas-kahit anong hugas mo, kahit ilang beses mong kuskusin, amoy tae pa rin.
Nakakainis.
At mas nakakainis dahil hindi ko alam kung bakit.
Bukas na siya pupunta. Kahit ang mismong pagpunta niya rito ay ayaw kong isipin. Pero putanginang utak ’to, kusang nagbibilang ng araw at oras.
Sa gitna ng buryong ko ay biglang may kumatok sa gate. Ilang beses lang at narinig ko ang pagbukas nito.
“Jack,” boses ni Kuya Carlo, “nasaan ka?”
Madali akong lumabas ng kwarto para salubungin siya. “Nandito ako, Kuya. Bakit?” tanong ko kaagad. Nakahubad-baro ako at tanging manipis na shorts lang ang suot.
Nang makita niya ako ay agad na napadako ang tingin niya sa ibabang bahagi ng katawan ko.
“Jusko naman, Jack. Magdamit ka nga.”
“Ayoko, maalinsangan, eh,” sabay kamot ko sa tagiliran. “Ano ba ’yon?”
“Ngayon darating ’yong lilipat diyan sa unit 6, ikaw na mag-asikaso at may lakad ako. Nag-hire naman ata sila ng lipat-bahay kaya i-entertain mo na lang.” Paliwanag ni Kuya, papalabas na dapat siya ng gate nang mapalingon ulit. “Nagluto ako sa bahay, kumain ka doon, sabayan mo si Misha.” Habol na bilin nito. Tumango lang ako saka ako muling bumalik sa kwarto at humilata.
Maga-alas dose na ng tanghali, nagugutom na rin naman ako. Si Aaron at Jiggen ay naghihilik pa rin. Iniisip ko kung gigisingin ko ba para kumain o ’wag na lang. Dalhan ko na lang kaya sila ng pagkain?
Habang nagiisip ako ng gagawin ay naghahanap ako ng masusuot pangitaas. Nang makakita ako ay tumuloy na ako sa labas para pumunta kila Kuya Carlo.
Pagdating ko sa bahay ay naabutan ko si Misha na nakaupo sa sala. May ka-chat ito at panay ang ngiti.
“Hoy! Sino ’yan, ha? Isusumbong kita sa asawa mo.” Pananakot ko na isusumbong ko siya kay Randell.
“Luh, parang tanga. Si Lance ang kausap ko. Pupunta daw siya bukas, may pasalubong daw siya sa akin.” Paliwanag niya sabay tayo at pumunta ng kusina. “Kumain ka na ba? Tara kain tayo, nagluto si Kuya ng Bicol Express.”
Hindi na ako nakapagbiro ulit.
Si Lance na naman, putangina.
Bakit ba lahat ng tao dito, kaututang-dila niya? Parang lahat natawagan na niya, na-message na niya. Ako, tangina, ni hindi man lang niya na-seen ’yong message na sinend ko noong nakaraang araw.
Ganoon na ba ako kabalewala sa kaniya?
E ’di tangina niya, one million!
Habang kumakain kami ni Misha ay panay ang kwentuhan nila ni Lance sa chat. Hindi naman ako nagtatanong pero ikinikwento niya ng kusa sa akin. Ayoko namang ipahalata na wala akong pake kaya pangiti-ngiti lang ako.
“Ah, may kasama pala siya from the States. Kaibigan niya raw, Pinoy din,” kwento ni Misha bago sumubo ng pagkain. “Sila pala bibili ng lupa diyan sa tabi ng apartment. Gagamitin yata sa online business na gagawin nila.”
Napatingin ako sa kaniya.
“Seryoso ba ’yan?”
“Oo.” Tumango siya habang ngumunguya. “Bakit?”
“Wala.”
Ibinaba ko ang tingin ko sa pagkain at muling sumubo.
Wala.
Putangina.
Bakit parang nawalan ng lasa ’yong pagkain?
Minadali kong ubusin ang pagkain ko. Hindi ko alam kung maiinis ako sa lahat ng tao sa paligid ko. Lahat na lang sila nakausap na si Lance. Kung alam lang nila kung anong nangyari sa amin, ’di sana walang maglalakas-loob na banggitin ang pangalan niya. Kaso, kahit ako, hindi ko masabi sa kanila.
“Itigil mo na nga ’yang kwento kay Lance, nakakasuya na,” medyo inis kong sambit kay Misha at medyo nagdadabog na rin ako nang ’di ko napapansin.
“Sungit neto, susumbong kita kay Kuya Carlo,” banta niya. “Oww, shoot, ampogi naman nung kasama ni Lance. Byron Esconde, ganda pa ng pangalan,” masayang pagkakasabi niya na parang mas lalo pang nangaasar.
“Wow, nice muscles, pang-model. At mukhang mabait, ’di kagaya nung kakilala kong napakasungit.” Dugtong pa niya.
Iritado na talaga ako. “Hoy, magpasalamat ka’t kasal na kayo ni Randell. Dahil kung hindi, malamang hanggang ngayon, pinagnanasaan mo pa rin ako.”
“Syempre naman, Kuya. Masarap ka kasi, and that was in the past. Si Randell na lang ang buhay ko ngayon. Hindi ka na pwedeng makihati.” Ganti niya sa pangaasar ko.
Wala na akong masabi kaya naman padabog akong tumayo mula sa upuan at inilagay ang pinagkainan ko sa lababo.
“Ikaw maghugas!” singhal ko sa kaniya saka ako lumabas at bumalik sa apartment.
Tama na ’to. Bugbog na ang isip kong paikot-ikot sa iisang tao. Dapat kinalimutan ko na ’to dati. Ano bang inaasahan ko? Lahat ng bagay nagbabago at malamang, nagbago na rin siya.
Lutang ang isip kong naglalakad pauwi.
Habang papalapit ako sa apartment ay may napansin akong lalaki sa tapat ng gate. Hindi ko agad makita ang mukha niya dahil nakatalikod ito.
Napabilis ang lakad ko.
Chapter 7
“Sino po sila?” agad kong tanong nang makalapit ako sa taong nasa tapat ng gate.
“Ah…” Napatigil siya sandali nang makita ako. “H-hello po. Ako po ’yong bagong tenant. Aakyat na sana ako sa taas kaso hindi ko alam kung paano buksan ’yong gate.” Paliwanag niya agad.
“Ako si Jack, caretaker dito sa apartment.” Iniabot ko ang kamay ko sa kaniya.
“I’m Daniel. Dan na lang.” Bahagyang malagkit ang pagkakatingin niya sa akin.
Lapitin talaga ng bading ’tong apartment na ’to.
“Kaibigan ako ni Eli, if you know him. Siya ang nag-recommend sa akin ng apartment na ’to.”
“Ah, kaibigan ka pala ni Eli, ’yong nasa Unit 3. Akala ko may kasama kang lipat-bahay. Asan ’yong truck? ’Yong mga gamit mo para matulungan ko na kayong magpanhik.”
“Sorry, nauna na kasi ako rito kaysa sa truck. Maya-maya pa ang dating no’n. Pero dala ko naman ’yong sasakyan ko, may kaunti akong gamit. Pakitulungan na lang akong iakyat.”
Tumango ako.
Pagkatapos ng maikli naming pagpapakilala, tumuloy kami sa kotse niya para kunin ang mga gamit. Tinuruan ko rin siyang buksan ang gate dahil de-pincode na ’to. Gumastos nang malaki si Kuya para lang makaiwas sa mga akyat-bahay.
Buhat-buhat ko ang isang malaking kahon habang siya naman ay ilang supot lang ang dala.
Hindi na ako nagreklamo. Tutal, trabaho ko naman ’to.
Nang makaakyat kami sa itaas, hindi ko agad inilapag ang kahon. Hinintay kong mabuksan niya ang pinto ng unit niya para diretso na namin itong maipasok.
Nasa likuran ako ni Daniel habang kinakalikot niya ang susi.
Sa hindi ko malamang dahilan, bigla itong nalaglag.
Napataas ang kilay ko pero hindi ko na pinansin.
Nang pulutin niya ito, yumuko siya sa harap ko. Hindi ko alam kung sinadya niya o nagkataon lang, pero sa paggalaw niya, bahagyang tumama ang puwetan niya sa harapan ko.
Napatingin ako sa kaniya.
Pero parang wala lang sa kaniya.
Baka aksidente lang. O diskarte na.
Agad naming naipasok ang mga gamit mula sa kotse niya. Pagkatapos, naupo kami habang hinihintay ang truck na magdadala ng iba pa niyang gamit.
“Buti na lang may uupuan tayo dito,” sabi ni Daniel. “Kung hindi, mangangawit tayo kahihintay.”
“Iniwan ’yan ng dating may-ari. Maayos pa naman kaya hindi ko itinapon.” Umupo siya.
“Sandali, bibili lang ako ng softdrinks para may mainom tayo,” paalam ko.
“Ay, ’wag na. Nag-ready na ako ng maiinom.” Tinuro niya ang isang kahon. “Diyan may juice. Pero kung ayaw mo no’n, sige, bili na lang tayo ng softdrinks. Samahan kita.”
“Huwag na. Okay na ’to. May juice naman pala.”
Kinuha ko ang isang bote at binuksan.
Habang umiinom ako, hindi ko maiwasang mapansin ang paraan ng pagtingin niya sa akin.
Malagkit.
Parang sinusukat ang bawat parte ng katawan ko.
Kaibigan siya ni Eli. Baka may narinig na rin siya tungkol sa mga pinaggagawa ko rito.
Pero sa totoo lang, gusto ko ring aliwin ang sarili ko.
Kaya kung gusto niyang makipaglaro, edi pagbibigyan ko.
“Grabe naman,” biglang sabi niya. “Bigla akong nahiya. Ang gwapo naman pala ng caretaker dito.”
May landi na sa boses niya.
“Ang ganda ng katawan mo, noh. Nagji-gym ka ba?”
“Naku, bihira. Madalas sa bahay lang ako nag-e-exercise.”
“Huwag kang magsinungaling. Hindi ka pa naggi-gym masyado niyan, ha. Paano mo na-maintain ’yang ganiyang built?”
Pinaglalaruan niya ang takip ng juice niya. Hinihimas-himas.
“Mahilig ka palang humimas?” biro ko.
Bigla siyang napatingin sa akin.
“Ah, sorry. Mannerism ko lang talaga.”
Doon niya tuluyang binuksan ang inumin niya at lumagok.
“Anong exercise ang ginagawa mo? Baka puwede ko rin gawin para gumanda naman katawan ko.”
“Stretching, sit-ups, push-ups. Medyo marami akong routine kaya siguro ganito.” Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa. “Kung gusto mo lang maging lean, mas maganda kung mag-yoga ka.”
“Yoga?”
“Oo. Kagaya ng nanay ko. Aerobics at yoga lang sa bahay habang nanonood ng TV.” Napansin kong muling umikot ang mga mata niya sa buong katawan ko.
Sa braso.
Sa dibdib.
Sa tiyan.
Hanggang sa mukha ko.
“Alam mo ba kahit basics lang ng yoga?” tanong niya, sabay kagat sa labi.
Parang hinihintay talaga niyang ‘oo’ ang isagot ko.
“Alam ko.”
Tumayo ako at inubos ang juice ko.
“Pero wala tayong mat dito. Sa ibang araw na lang siguro.”
Hinihintay ko ang susunod niyang sasabihin.
Hindi ko alam kung bakit, pero namumula ang mukha niya.
Wala naman akong sinabing malaswa.
Kung ano-ano na siguro ang iniisip niya.
“Ahm…” Napatingin siya sa kahong nakalapag sa sahig. “May towel ako diyan. Pwede na ba ’yon?”
Napangiti ako.
“Pwede naman. Kaso matigas ang sahig. Luluhod at tutuwad ka diyan, eh.”
“Sus, sanay naman ako diyan.”
Napatawa ako. Mukhang gusto talaga nitong makasuso.
“Sige. Ilatag mo.”
Agad niyang kinuha ang kulay abong tuwalya at inilatag sa sahig.
Wala talaga sa plano kong magturo ng kung ano-ano ngayon.
Pero dahil sa kalokohan ko, heto ang napala ko.
“Stretching muna tayo.”
Lumuhod siya sa tuwalya, nakadikit ang puwetan sa mga sakong.
Lumapit ako mula sa likuran at marahan siyang hinawakan sa mga balikat.
“Relax ka lang,” sabi ko, malapit sa tenga niya. Ang hininga ko ay dumadampi sa batok niya.
Hinawakan ko ang magkabilang balikat niya at marahan kong itinaas. Mainit na ang balat niya, pinagpapawisan na sa init ng tanghali. Sa bawat pag-angat ng braso niya, sinadya kong padikitin ang naguumpisa nang tumigas na bukol ko. Ramdam ko ang bahagyang pag-urong niya, pero hindi siya umiwas. Nagpatuloy lang siya sa pag-unat.
“Matigas ba?” bulong ko.
“Huh?” may nginig sa boses niyang tanong.
“’Yong sahig kung matigas ba, baka masakit na ang tuhod mo.”
“Ah, hindi naman, sakto lang. Kaya pa.” Sagot niya.
“Tuwad ka na parang baka,” utos ko.
“Paano?” Tanong niya.
Hindi ako sumagot. Inilapat ko ang palad ko sa likuran niya at marahang itinulak pababa. Tigas na tigas na ako at bumabakat na ang kahabaan ng batuta ko sa manipis kong shorts. Kinambyo ko ito pataas hanggang sa lumabas ang ulo sa garter.
“Ganito,” sabi ko, “itukod mo ’yong braso mo sa sahig tapos iangat mo ng diretso ang ulo mo.”
Sinunod niya ang mga sinabi ko na nakuha niya naman kaagad. Nang magmukha nang baka ang posisyon niya ay lumipat ako sa harapan niya. Kunwari ay inaayos ang balikat niya.
“Relax lang ang balikat,” puna ko.
Ang mukha niya ay nakatutok sa pundilyo ko. Habang ang ulo ng alaga ko ay nakalabas sa garter na natatakpan naman ng damit.
“Diretso ang likod,” utos ko ulit.
Hinimas ko ang likod niya ng mainit kong palad pababa malapit sa puwetan. Naging dahilan ito upang madikit sa mukha niya ang harapan ko. Alam ko na ramdam niya kung ano ang matigas na bagay na nasasalat ng mukha niya. Patay-malisya lang siya pero bahagyang gumagalaw ang mukha niya pahimas dito.
Ramdam ko ang init ng hininga niya sa ulo ng kargada ko. Lalo ko pa itong diniin, kunwari ay minamasahe ang likod niya ng kaunti.
“Ang init, noh,” sabi ko.
“Oo nga, pinagpapawisan na ako.” Sagot niya lang nang hindi inaalis ang pagkakadikit ng mukha niya sa harapan ko.
“Ako rin, eh. Hubarin ko lang ’tong damit ko,” paalam ko sa kaniya. Hindi na gumagalaw ang mukha niya at mukhang nage-enjoy na sa matigas na batutang nakadiin sa mukha niya. Lalo ko pa itong idiniin sa kaniya bago ko iangat ang laylayan ng damit ko.
Pag-angat ko ng laylayan ng damit ko ay agad niyang nakita ang matigas na bagay na nasasalat ng mukha niya. Hindi pa rin siya gumalaw. Ako rin, hindi ako gumalaw. Ilang sandali pa ay naramdaman ko ang basa at mainit na pakiramdam sa ulo ng alaga ko. Napangisi na lang ako at hinayaan siya sa gagawin niya.
Pero inabot na ng halos isang minuto ay ganoon lang ang ginagawa niya kaya naman kinabig ko na.
“Nagutom ka ba sa ginagawa natin?” Sabay hawak ko sa magkabilang gilid ng ulo niya, “hindi ka mabubusog kung patikim-tikim lang. Kailangan mo ’yang lamunin.”
Doon ko inilabas ng tuluyan ang burat ko. Ipinasak sa bibig niya na tinanggap niya naman. At sa ganoong posisyon, kinantot ko ang lalamunan niya.
Hindi ko masyadong sineryoso ang pagkantot sa bibig niya. Ilang sagad lang at pinilit ko na ring magpalabas.
“Lalabasan na ’ko, kainin mo tamod ko,” bulong ko. Saka ko ipinutok ang tamod ko sa lalamunan niya na sinalo naman niyang lahat.
Nang matapos kami ay panay pa rin ang hawak niya sa titi ko. Hinayaan ko lang siyang mag-enjoy. Maya-maya pa ay dumating na ang truck na magdadala ng mga gamit niya. Sabay kaming tumayo upang salubungin ito.
“Welcome dito sa apartment. Mage-enjoy ka rito sigurado,” sambit ko habang bumababa kami ng hagdan.
Ngumiti lang siya.
Ako rin.
At sa unang pagkakataon sa ilang araw, tahimik ang utak ko.
Walang Lance.
Kahit sandali lang.
Chapter 8
Seryoso ako. Pinagdasal ko na sanang bumagyo, lumindol, bumuka ang lupa, o di kaya’y sumabog ang bulkan sa kung saanmang parte ng lugar na ’to.
Pero putangina, ano ’to?
Sabado ng umaga. Maganda ang panahon. Maaliwalas ang langit, walang ulap, pero hindi rin mainit. Masarap ang simoy ng hangin.
At higit sa lahat, walang pasok ang mga taong malapit kay Lance.
Baka may aberya.
Baka mawalan ng gasolina ang kotse.
Baka biglang may emergency.
Baka—
“Jack!”
Napalingon ako. Si Randell at Misha.
“Sabi ni Kuya Carlo, may malaking kaldero daw diyan,” bungad ni Randell habang dire-diretsong pumapasok sa gate. “Pahiram daw. Maraming lulutuin.”
Napakunot ang noo ko.
“Maraming lulutuin? Para saan? Walang may birthday sa sinuman sa atin.”
“Tanga ang puta. Darating si Lance ngayon. Hindi tayo nakapagpa-despedida noong umalis siya. At least ngayon, may welcome party tayo para sa kaniya.”
Nanigas ako bigla.
Hindi ko alam kung paano paghahandaan ’to.
Putangina.
Parating na talaga si Lance.
Dumiretso ang mag-asawa sa kusina at kinuha ang malaking kaldero kasama na rin ng kawa. Mukhang pinaghahandaan talaga nila ang pagdating ng isang taong kahit sa panaginip ay iniiwasan kong makita.
Hinayaan ko lang silang kunin kung ano man ang pakay nila. Pumasok ako sa kwarto at humilata.
Gusto ko na lang matulog at bukas na gumising.
Isang bangungot ang araw na ’to para sa akin.
Nasa kama lang ako nang marinig ko ang kaluskos mula sa kabilang kama. Maya-maya, narinig ko rin ang pag-uusap nina Aaron at Jiggen.
“Ikaw na magpaalam. Hindi naman magagalit ’yan,” narinig kong sambit ni Aaron.
Alam ko naman kung ano ang gusto nilang mangyari.
Parating si Lance at bilang malalapit niyang kaibigan, siguradong gusto nilang makita siya.
Hindi ko na hinintay na lumapit pa sila.
“Sige na. Ako na lang ang magbabantay sa beerhouse. Off muna kayo.”
Sandali akong natahimik.
Tapos, narinig ko ang sabay na pag-apir ng dalawa.
“Thank you, Kuya!”
Nang magsilabas ang dalawa, sinubukan kong maidlip dahil may trabaho pa ako mamayang gabi.
Kahit anong pikit ko, hindi ako makatulog.
Paparating na si Lance.
Alam ko namang kahit anong gawin ko, hindi ko ’yon mapipigilan. Putangina, hindi ko rin maintindihan ang sarili ko kung bakit ako natatakot.
Balewala ’to.
Tuloy ang buhay.
Magtatrabaho ako mamaya at uuwi na parang walang nangyari.
Walang nangistorbo sa akin nang nakatulog ako. Walang gumising para pilitin akong pumunta kina Kuya Carlo para makita si Lance. Basta nagising na lang ako ng hapon para pumunta sa beerhouse.
Bumangon ako. Naghanda ako ng makakain saka tumuloy sa paliligo.
Dahan-dahan ang kilos ko. Parang binibilang ko ang bawat galaw ng katawan ko.
Dahil sa pagitan ng utak ko, gusto ko rin siyang makita, putangina.
Nang matapos ako sa paghahanda ay agad akong lumabas ng gate. Nag-chat ako kay Dennis, isa sa mga waiter ng Beerhouse, at sinabi kong siya muna ang mag-OIC habang wala ako.
Ipinaliwang ko sa kaniya na hindi papasok sina Aaron at Jiggen.
Habang naglalakad ako papuntang beerhouse ay narinig ko ang atungal ni Randell sa videoke. Hindi ko inisip, parang kusa lang na naglakad ang paa ko papunta kina Kuya Carlo.
Saglit lang.
Sisilip lang.
Nang matapat ako sa gate nina Kuya Carlo ay mas maingay na. Tawanan kwentuhan. Hanggang sa marinig ko ang isang pamilyar na boses. Parang biglang piniga ang puso ko.
Sisilip sana ako sa isang maliit na butas. Pero nagbago ang isip ko.
Ayoko.
Baka ’pag nakita ko siya, hindi ko mapigilan ang sarili ko.
Tumuloy na ako sa paglalakad papuntang Beerhouse. Kahit na makirot ang nararamdaman ko sa dibdib ko ay binalewala ko na lang. Sa tunog pa lang ng boses niya, mas masaya na siya. Sigurado akong hindi na niya ako iniisip.
Napangisi na lang ako sa sarili ko.
Ang tanga mo, Jack.
Nang makarating ako sa beerhouse, abala na sila sa pag-aayos ng mga mesa, upuan, at iba pang kailangan bago magbukas.
Hanggang sa sumapit na ang gabi.
Unti-unti nang dumarating ang mga tao. Sabado ngayon, kaya malamang na maraming mag-iinom.
Maayos naman ang takbo ng gabi. Sabado kaya mabilis dumami ang tao. Ako ang gumagawa ng trabaho nina Aaron at Jiggen, kaya halos wala na akong oras para mag-isip.
Buti na lang nandito si Dennis. Siya na ang nagkakaha at tumutulong sa pag-aayos ng mga order.
Sa sobrang abala ko, hindi ko na napapansin kung sinu-sino ang pumapasok.
“Dennis! Long table!” Boses ni Aaron.
Napakunot ang noo ko.
Napalingon ako.
At doon ko nakita ang taong buong araw kong iniiwasan.
Nagtagpo ang mga mata namin.
Nanigas ako.
Parang biglang nawala ang ingay sa paligid.
Ang mga tawanan.
Ang videoke.
Ang kalansing ng mga bote.
Lahat nawala.
Ang tanging natira lang,
Si Lance.

