loading

storiescollectionschaptersauthorsgenrestagsstories
Jade: My One Desire (Completed)

Jade: My One Desire (Completed)

vincentmanrique · 16 chapters · 20,126 words

Author’s Note

Ang LGBTPH ay may collaboration project na tinawag nilang Cinco Mario Series. Ito ay kapapalooban ng limang kuwento tungkol sa paghahanap ng pag-ibig ng limang miyembro ng LGBT community. Kilalanin ninyo sina Earl Mario de Jesus, Mario Jade Casiano, Francis Mario Guevarra, Mario James Villanueva, at Mario Luigi Alvarez at samahan natin sila sa kanilang kaligayahan, kalungkutan, at pakikibaka sa paghahanap ng pag-ibig na itinadhana sa kanila.

Mapalad akong naanyayahan para isulat ang kuwento ni Mario Jade Casiano.

The invitation to be a part of this collaboration came to me both as a surprise and as a challenge. I don’t have any particular peg or inspiration in doing Jade’s character. I just created a simple plot based on what the collaboration theme requires and injected my own writing style and passion.

His Only Desire

Si Jade Casiano ay isang up-and-coming commercial model. Sa edad na bente ay naiwan sa kanya ang pangangalaga ng kanyang dalawang kapatid matapos na pumanaw ang kanilang ama. Nagtrabaho siya sa isang fast food chain para maitaguyod ang sarili at ang kanyang mga kapatid. Hanggang makilala niya ang isang talent scout na nagbukas sa kanya ng pintuan sa tv ads modelling. Sa kanyang pagsikat sa pinasok na larangan, anong mga pakikibaka ang haharapin niya sa hangaring mahanap ang taong nakatadhana para sa kanya?

Paano pa niya hahanapin ang pag-ibig kung nakaharang ang kanyang mga pangarap?

  ![](https://img.wattpad.com/67fcb64452383203ce33dd021010434102c8e1c4/68747470733a2f2f73332e616d617a6f6e6177732e636f6d2f776174747061642d6d656469612d736572766963652f53746f7279496d6167652f613472734c3565624962473057673d3d2d3336303533373738382e313461366334343632313036653734323336393737303631363637302e6a7067)

Prologue

“GOOD MORNING, sir! Welcome to Pete’s Diner. Can I take your order, please?” Siniguro kong maganda ang aking pagkakangiti habang sinasabi ang aking pambungad na pananalita sa customer na nasa unahan na ng pila. Ganito kami sa trabaho. Dapat laging naka-smile. Kahit pa may problema kaming dinadala, smile pa rin. Actually, sabi nga ng may-ari ng Pete’s Diner na si Boss Peter, huwag namin dadalhin sa trabaho ang mga problema sa bahay. At tama naman talaga ’yon. Paano nga naman kami makapagtatrabaho nang maayos kung ginugulo ang utak namin ng mga problema?

“Yes, please. One piece chicken with rice and large pineapple juice,” sagot ng may edad ng lalaking customer na titig na titig sa akin habang umoorder. Kanina pa rin ito nakatingin sa name tag ko na kung saan nakasulat ang “Hi! I’m Jade!”

“Anything more, sir?” tanong ko.

“Wala na. Iyan lang.” Iniabot nito sa akin ang isang five hundred peso bill.

“I received five hundred pesos.” Nag-punch ako sa cash register para bumukas ito at masuklian ko ang pera ng kostumer. “Here’s your change, sir. Three hundred ninety pesos.” Pagkaabot niya ng pera ay mabilis akong tumalikod para kunin ang order niya at sa ilang saglit lang ay handa na ito. “Here’s your order, sir. Enjoy your meal.” Hindi nawawala ang ngiti sa labi ko.

“Thank you,” sagot naman niya kasabay ang isa ring ngiti.

Lumapit sa akin ang store manager na si Ma’am Esther. “Jade, lipat ka muna sa dining. Tulungan mo muna sila doon. Wala nang maupuan ang mga tao.”

“Okay po, ma’am.” Si Ma’am Esther na ang pumalit sa akin sa kaha. Ako naman ay agad na pumunta sa dining area para magligpit ng mga used eating paraphernalias.

Nakakadalawang table pa lang ako nang tawagin ako ng lalaking kostumer ko kanina. Lumapit ako sa kanya.

“Anything, sir?” magalang kong tanong habang naka-flash ulit ang pinakamatamis kong ngiti.

“Jade, right?”

Tumango ako.

“Matagal ka na ba rito?”

“Mag-a-apat na buwan pa lang po, sir. Bakit po?”

“Guwapo ka,” sabi nito. “By the way, ako si Tonee Forteza. Nagma-manage ako ng talents for tv commercials.” Inilahad nito ang kamay na agad ko namang inabot.

“Nice meeting you, sir.” Hindi niya agad binitiwan ang kamay ko.

“Gusto mo bang subukang maging commercial model?” diretsong tanong nito.

“Po?” Nanlaki ang mga mata ko.

“You heard it right,” sabi nito bago binitiwan ang kamay ko at dinukot sa bulsa ang kanyang wallet. May kinuha siya sa loob nito.

Calling card.

Iniabot nito sa akin ang kapirasong papel na iyon sabay sabing, “Interesado ako sa’yo. May potensyal ka. Kung gusto mong subukan ang sinabi ko, tawagan mo ako riyan.”

Marahan na lang akong napatango. Napansin ko siyang parang naghihintay ng sasabihin ko. Lumunok ako bago nagsalita, “Ah, sige po, sir. Pag-iisipan ko po.”

“Sana mabilis kang makapag-isip. Opportunity ’yan. Iyong iba, nagpapakahirap pang pumila at mag-audition samantalang ikaw, dumapo na lang sa’yo ang swerte. Palalampasin mo pa ba?”

“Opo, ay hindi.” Napailing ako ng sunod-sunod. “I mean, sige po ipapaalam ko po agad sa’yo ang desisyon ko.”

“Hihintayin ko ang tawag mo.” Ngumiti ito sa akin.

NAKAALIS NA si Tonee Forteza at tapos na ang shift ko sa trabaho ay hindi pa rin ako makapaniwala sa in-offer niya. Paulit-ulit kong tiningnan ang calling card na bigay niya. Ako? Magiging commercial model? Ano kaya ang nakita sa akin noon? May potensyal daw ako. Kinuha ko lang ang order niya kanina, nakita na niya kaagad na may potensyal ako? Wow, ha!

Pero kung totoo ang sinasabi niya, aba ang swerte ko. Marami kayang commercial model ang nagkaroon ng break sa pelikula at sumikat bilang artista. Ganoon din kaya ang magiging kapalaran ko?

Pero magulo ang mundo ng showbiz. Maraming intriga. Kakayanin ko ba?

Biglang nanlaki ang mga mata ko. Paano kung subukan ko ang offer ni Tonee Forteza at matuklasan nila ang totoong pagkatao ko? Matsitsismis ako. Pag-uusapan ako. Baka iyong iba pagtawanan pa ako.

Jade Casiano: Bakla!

Hindi. Hindi ko yata makakaya ang ganoong eksena. Malalagay pa sa dyaryo ang kabaklaan ko. Pag-uusapan ng publiko. Ang tagal kong itinatago ito tapos mabubulgar lang dahil sa mga tsismosong showbiz reporter?

Ayoko!

Kuntento na ako sa simpleng buhay. Basta may trabaho at kumakain ng tatlong beses sa isang araw, okay na ’yun. Walang gulo. Walang tsismis. Walang problema.

Feelingero

!

Akala

mo

naman

sisikat

siya

.

Maka-assume

, wagas! Bigla ay parang sinumbatan ako ng aking konsensya. Sabagay, may punto naman. Inalok lang akong subukan ang commercial modelling, kung saan-saan na tumakbo ang utak ko. Kung anu-anong eksena na agad ang naisip ko. Hindi pa man ako nagsisimula, tumalon na kaagad ako sa gitna.

Assumera nga!

“Hoy! Nandito ka pa ba?” Hindi ko namalayan ang pagpasok ni Abi sa staff room. Isa siya sa mga regular crews sa Pete’s Diner.

“Ha?! Nanggugulat ka naman, Abi. Siyempre, nandito pa ako.” Agad kong ibinulsa ang calling card.

“Oo, alam kong nandito ka. Iyong katawan mo. Pero ang utak mo, andoon sa kawalan. Ang layo ng iniisip mo. Para kang namatanda.”

“Hindi, may iniisip lang.”

“Lagi ka na lang may iniisip. Parang lahat na lang pinoproblema mo,” sabi ni Abi. Kabisadong-kabisado na ako ng babaing ito. Hindi na nga ako magtataka kung naghihinala na rin itong bakla ako kahit todo effort akong magpakalalaki rito sa trabaho.

“Uuwi ka na ba?” Binago ko na ang usapan at baka kung saan pa kami mapunta.

“Oo, tapos na ang shift natin, ’di ba? Sabay na tayo. Kumilos ka na riyan para makauwi na tayo. It’s a very tiring day!”

“Sige, saglit lang. Kukunin ko lang ang bag ko.” Agad akong nagtungo sa locker kung saan nakalagay ang gamit ko at kinuha roon ang backpack ko.

“Ano, Jade alis na tayo?” Nagmamadali na si Abi.

“Oo,” sagot ko. “Halika ka na.”

Laging si Abi ang madalas kong nakakasabay sa pag-uwi. Hindi naman kami magkapitbahay. Kami lang ang madalas na magkasabay ng shift. Hanggang sa MRT lang kami nagkakasabay sa pag-uwi. Sumasakay kami sa Shaw station at bumababa siya sa Magallanes, ako naman ay sa Taft.

Nasa bahay na ang dalawang kapatid ko nang makarating ako ng bahay. Si Jay ang sumunod sa akin, grade ten na siya sa Pasay West High School. Ang bunso naman namin ay si Janine. Grade nine siya sa pareho ring eskuwelahan.

“Jan, kumusta ang school?” tanong ko sa kapatid kong babae. “Ang kuya Jay mo, nasaan?”

“Okay lang po ang school, kuya. Wala namang problema. Nasa kuwarto lang si Kuya Jay. Nagbabasa.” May iniabot sa akin ang kapatid ko. “Kuya, eto nga po pala ang bill ng kuryente.”

Tiningnan ko kung magkano ang bill. P589.00. Problema na naman. “Sige, ako na ang bahala rito. Magbibihis lang muna ako.”

Pagpasok ko sa kuwarto ay agad akong binati ni Jay. “Kuya, mabuti nandito ka na.”

“Bakit?” nagtataka kong tanong.

“Dumaan si Manang Linda kanina, kinukuha ’yong renta raw dito sa tinitirhan natin.” Si Manang Linda ang may-ari ng tinitirhan naming magkakapatid. Studio type lang ito na pinalagyan namin ng isang maliit na kuwarto. P3500 kada buwan ang renta namin dito. Mula nang mamatay ang tatay namin pagkatapos masagasaan ng kotse habang papatawid sa kabilang kalsada may isang taon na ang nakakaraan ay ako na ang tumayong magulang sa mga kapatid ko.

“Wala pang sweldo, eh. Anong sabi mo?”

“Sabi ko, wala ka pa. Idaan mo na lang daw sa kanila ’yong renta.”

Pakiramdam ko ay biglang sumakit ang ulo ko kaya naisuklay ko ang kamay ko sa aking buhok. Isa pang problema ito. Bakit ba kasi sabay-sabay dumarating ang mga bayarin?

“At saka kuya, may babayaran nga pala ako sa school. May group project kasi kami. P200 ang contribution,” tila nahihiyang sabi ng kapatid ko. “Sorry, kuya ha? Alam kong marami kang pinagkakagastusan. Hindi man lang kita matulungan.”

“Dadaan na lang ako bukas kina Manang Linda bago ako pumasok. Makikiusap na lang muna ulit ako. Wala pang sweldo, eh.” Hinubad ko ang suot kong polo at nagpalit ng t-shirt na pambahay. Tapos ay hinubad ko ang suot kong pantalon nang mahulog mula sa bulsa nito ang calling card na bigay ni Tonee Forteza.

Dinampot ko ang calling card. Ito na ba ang sagot sa lahat ng problema ko sa pera? Paano ang intriga? Paano kung mabuking ng mga reporter ang totoong pagkatao ko? Kakayanin ko ba ang kahihiyang sasalubungin ko?

Hah! Bahala na. Hindi naman ako halatang bakla. Siguro naman hindi nila ako agad-agad mahahalata.

Assumera ka talaga! Saka mo na lang problemahin ’yan kung sumikat ka nga. Hindi ka pa nga nagsisimula, intriga na agad ang iniisip mo. Bakit, may reporter bang magtitiyagang mag-interview sa’yo? Ayaw akong lubayan ng konsensya ko. Ba’t ba ako kinokontra nito?

“Ano ’yan, kuya? tanong ni Jay.

“W-wala…” Nagsuot ako ng shorts at isinilid sa bulsa nito ang calling card. Pagkatapos ay lumabas na muna ako ng silid dala ang celfone ko.

“Magsaing ka na,” utos ko sa aming bunso. “Lalabas lang ako at bibili ng ulam natin.”

“Sige, kuya.”

Pagkalabas ng bahay ay agad kong kinuha ang calling card na nasa aking bulsa at nag-dial sa celfone.

Narinig kong nagri-ring ang tinawagan kong numero. Maya-maya pa ay may narinig akong boses sa kabilang linya.

“Hello… who’s this?”

“Hello! Ako po si Jade, ’yong crew sa Pete’s Diner kanina. Ito po ba si Sir Tonee Forteza?”

“Yes, si Tonee ito. Mabuti naman at tumawag ka, Jade. Inaasahan ko talaga ang tawag mo. I’m very confident na tatawagan mo ako.” Narinig ko ang mahinang paghalakhak ng aking kausap.

“Tungkol po doon sa alok mo, interesado po ako.”

“Good! Kung ganoon, pumunta ka rito sa opisina ko bukas para makapag-VTR ka na at nang magawan na kita ng fortfolio. I’m telling you, bago matapos ang linggong ito, maihahanap kita ng project,” kumpiyansang sabi ng kausap ko.

“Ganoon po kabilis?” Hindi ako makapaniwala. Ang alam ko’y mahaba ang pinagdadaanang proseso bago maging isang ganap na commercial model.

“Nagdududa ka sa kakayahan at koneksyon ng isang Tonee Forteza?” tanong nito sa akin na tila tinitimbang ang aking tiwala sa kanya.

“Ah, hindi naman po. Nagulat lang po ako na mabilis lang pala ang proseso.”

“If you have the right connection, nothing is impossible. So, I’ll wait for you tomorrow dito sa opisina ko. Be here at exactly nine in the morning. Ayoko ng nale-late.”

“Opo, darating po ako. Hindi po ako male-late,” paninigurado ko sa kanya.

“See you then.” Iyon ang ang huling narinig kong sinabi niya at nawala na siya sa linya.

MAAGA AKONG gumising kinabukasan. Nagtext ako kay Ma’am Esther kung puwedeng magpa-change shift ako ngayon dahil may importante lang akong aasikasuhin sa school ng kapatid ko. Kinailangan ko pa talagang magsinungaling. Alangan namang sabihin kong hindi ako papasok dahil mag-aapply akong commercial model. Mabuti na lang at pumayag kaagad ang store manager namin. Sana lang ay matapos kaagad ang VTR ko para makapasok pa ako sa trabaho mamaya. Sayang din ang kikitain ko sa isang araw kung aabsent ako. Ngayon pa kung kailan kailangang-kailangan ko ng pera.

Fit na pantalong maong at polo shirt na kulay murang dilaw ang suot ko sa pagpunta sa opisina ni Tonee Forteza. Mabuti na lang at bumili ako ng bagong damit at pantalon noong huling suweldo ko. Sakto! May magagamit ako ngayon sa VTR.

Quarter to nine nang dumating ako sa opisina ni Tonee Forteza. Nasa fourth floor ng Sapphire Building ang opisina. May tatlong lalaki sa reception area. Lumapit ako sa receptionist at nagtanong, “Good morning! I’m looking for Mr. Tonee Forteza.”

“Do you have an appointment with him, sir?” magalang na tanong ng receptionist.

“Yes.”

“Ano pong name n’yo?”

“Jade Casiano.”

“Thanks po. Maupo muna kayo, sir. Ipapaalam ko kay Mr. Forteza na nandito na kayo.”

“Salamat.” Lumapit ako sa kinauupuan ng tatlong lalaki at umupo sa isang bakanteng silya.

Wala pang limang minuto sa pagkakaupo ko ay tinawag na ako ng receptionist. “Mr. Jade Casiano…”

Lumapit akong muli sa receptionist na agad nagsalita pagkakita sa akin, “Sir, please proceed to the VTR room. Diretso lang kayo doon.” Itinuro pa nito sa akin ang direksyon.

Bago ako lumakad papuntang VTR room ay nasulyapan ko pa ang isa sa mga nakaupong lalaki na tila masama ang tingin sa akin. Iniisip siguro nito kung bakit nauna pa ako samantalang kanina pa sila naghihintay doon.

Kumatok ako sa VTR room bago ko binuksan ang pinto. Nasa loob si Tonee Forteza kasama ang isang matabang bading at isang may edad na lalaking nagse-set up ng camera. Iyon siguro ang photographer.

“Good morning po,” nakangiti kong bati sa mga tao sa loob ng kuwarto.

“Jade! I’m glad you came,” masiglang sabi ni Tonee. Bumaling ito sa matabang bading na katabi. “Trisha, siya si Jade ’yong kinukuwento ko sa’yo. Ang guwapo, di ba?”

“Panalo, mama! May bago ka na namang pot of gold. I tell you, sisikat ’yan!”

“I know… Alam mo naman ako, isang tingin pa lang alam ko na kung sisikat o hindi.”

Hindi nawawala ang pagkakangiti ko. Nakaplaster na yata sa mga labi ko ang ngiting ’yan.

Tinawag ni Tonee ang photographer, “Tito Ed, start na tayo.”

“Game!” masiglang sabi ng may edad na lalaki.

“Jade, dito ka.” Pumuwesto ako sa lugar na sinabi ni Tito Ed. “Gawin mo lang kung anong sasabihin ko, okay?”

Tumango ako. “Sige po.”

Nasa isang tabi lang si Tonee Forteza at Trisha, nanonood.

“Okay, Jade. Smile… one, two three…

Ginawa ko ang sinabi niya.

“Now, tumagilid ka tapos iharap mo sa kamera ang mukha mo…”

Ginawa ko ulit ang utos niya.

“Okay, freeze it! One, two, three…”

“Kabilang side naman, ganoon din.”

Marami pang pinagawang pose sa akin si Tito Ed na maayos ko namang sinunod. Kasunod noon ay kinunan din niya ako ng video para sa iba’t-ibang anggulo ko.

“Costume change tayo, Jade. Isuot mo ito.” Iniabot niya sa akin ang isang itim na swimming trunk at towel.

Hindi agad ako nakakilos. Seryoso? Isusuot ko ito rito? Sa harap nilang tatlo?

“Go on, Jade. Dapat masanay ka na,” narinig kong sabi ni Tonee. “Hindi uso ang hiya sa modelling, tv ad man o print ad. Eventually ’pag sumikat ka baka pasukin mo rin ang showbiz so mas lalong walang puwang ang hiya roon. Kaya ngayon pa lang, dapat matuto ka nang alisin ang pagkamahiyain mo.”

Itinapis ko sa bewang ko ang tuwalya pagkatapos ay hinubad ko ang suot kong polo shirt kasunod ang pantalon.

Isusuot ko na sana ang swimming trunks pero pinigilan ako ni Tonee. “Isusuot mo ba ’yan nang naka-brief ka pa? Saang probinsiya ka ba nanggaling? Hubarin mo ang brief mo bago ka mag-trunks.”

Nag-aalangan man ay sumunod na rin ako. Sige na, para matapos na ito. Ipinatong ko sa pantalon ko ang hinubad kong puting brief at saka ko isinuot ang swimming trunks.

“Tanggalin mo na ang tuwalya,” sabi ni Tonee pagkatapos kong maisuot ang trunks.

Nilunok ko ang natitirang hiya sa katawan at saka ko tinanggal ang tuwalya.

Napanganga si Trisha pagkakita sa halos hubad kong katawan. “OMG! Flawless!”

Nakita ko si Tonee na nakangiti lang.

“Game na! Para matapos na tayo.” Si Tito Ed ’yon.

Nagsimula na kaming mag-photo shoot. Katulad kanina ay iba’t-ibang pose sa magkakaibang anggulo ang kinunan ni Tito Ed. Tahimik lang na nanonood sa isang tabi sina Tonee at Trisha hanggang sa matapos ang photo shoot. Kasunod noon ay video naman ang ginawa ni Tito Ed katulad lang din ng ginawa namin kanina. Hanggang sa wakas ay natapos ang VTR session.

Nakita kong pumapalakpak sina Tonee at Trisha.

“Ang galing mong mag-project, Jade. Hindi ako nagkamali sa pagkuha sa’yo,” papuri sa akin ni Tonee.

“Maraming salamat, sir Tonee.”

“From now on, call me Tito Tonee..”

“And call me baby Trisha,” sabi naman nito na ikinatawa naming lahat. “Ang guwapo mo. Crush na kita!” Muli kaming nagkatawanan.

“Thank you, Jade. Ihahanda ko kaagad ang fortfolio mo tapos tatawagan na lang kita for contract signing.”

“Sige po… Aalis na po ako. Para makapasok pa ako sa trabaho.”

“Mag-iingat ka.”

Kumaway ako sa kanilang tatlo bago ako nagtungo sa pintuan. Paglabas ko ay eksaktong papasok naman ang isang lalaki kaya hindi sinasadyang nahagip ito ng pinto. “Opps, sorry! Sorry, hindi ko sinasadya.” Nagulat pa ako nang makita ko ang mukha ng lalaki. Ito rin iyong lalaki sa reception na masama ang tingin sa akin kanina.

Walang kangiti-ngiti sa mukha ng lalaki at muli ay nakita ko ang talim ng kanyang mga mata.

  ![](https://img.wattpad.com/5ff5bc3fbc1aa97c9d6f92f0589d2f57c064ae06/68747470733a2f2f73332e616d617a6f6e6177732e636f6d2f776174747061642d6d656469612d736572766963652f53746f7279496d6167652f6a57682d565078487242426d62513d3d2d3336313237323538312e313439626230303632663063333333663737303935303931373037302e6a7067)

Chapter 1

“CUT! GOOD take!” narinig kong sigaw ng direktor. At saka lang ako kumilos. Agad kong kinuha ang tuwalya at itinapis ko sa baywang upang matakpan ang hubad kong katawan na tanging puting brief lang ang suot. Mabuti naman at tapos na ang shoot para sa tv commercial ng isang sikat na brand ng underwear. Oo nga at hindi naman ako ipapakita sa tv ng naka-brief lang. Puro anggulo lang ang isasama sa tv ad, pero sa ilalabas na print ad ay babalandra ang halos hubad kong katawan. Sabi nga sa akin dati ni Tito Tonee, abangan ko raw ang billboard ko na ilalagay sa kahabaan ng EDSA. Kapag nagkataon daw ay ako pa ang magiging dahilan ng pagsikip ng daloy ng trapiko dahil hindi na uusad ang mga sasakyan sa katitingin ng mga motorista sa billboard ko. Sa isip ko naman, malabong mangyari. Sanay naman ang mga tao sa mga halos hubo’t hubad na mga modelo sa billboard. Pero makulit si Tito Tonee na nagsabi pa ngang mas lalo raw babango ang pangalan ko kapag nailabas na ang commercial na ito.

“Good job, Jade!” Hindi ko namalayan na nakalapit na pala sa akin ang direktor.

“Salamat, direk. May kukunan pa po ba tayo?” tanong ko.

“Wala na. Pack-up na tayo. Maiwan muna kita riyan.” At lumakad na itong papalayo.

  ![](https://img.wattpad.com/845fe3945ec71af10a44e84f2bc38ee82dda13f1/68747470733a2f2f73332e616d617a6f6e6177732e636f6d2f776174747061642d6d656469612d736572766963652f53746f7279496d6167652f585f4a4238624b546c3633744a673d3d2d3336333534343531352e3134396438356334343365633631303132303533333131383035382e6a7067)

“Ayan, makakapagbihis na ako,” natatawa kong sabi sabay abot ng t-shirt ko at agad na isinuot. Kasunod noon ay isinuot ko na rin ang aking pantalon. Nang makapagbihis na ay agad kong kinuha ang dala kong bag at nagpaalam na ako sa mga tao roon para umuwi.

Parang kailan lang noong alukin ako ni Tito Tonee na maging commercial model. Mag-iisang taon na pala ako sa larangang ito. Natatawa na lang ako kapag naaalala ko noong unang pagkakataong nag-VTR ako. Mahiyain pa ako noon. Ngayon, wala na yatang tatalo sa akin sa pakapalan ng mukha pagdating sa trabaho. Gaya na lang kanina. Brief lang ang suot ko buong oras na nagsho-shoot kami ng commercial pero balewala lang sa akin kahit pagpiyestahan ng mga tao roon ang halos hubad kong katawan. Eh, ano naman? Hanggang tingin lang naman ang magagawa nila. Hindi nila ako makukuha. At mas lalong hindi matitikman. Natawa ako sa huling sinabi ko.

Malaking tulong sa akin ang trabaho kong ito. Naging magaan ang pasok ng pera sa akin. Maliban kasi sa pagiging commercial model ay naiimbitahan na rin ako para kumanta sa mga corporate shows at mga fiesta sa mga probinsiya. Malaking halaga rin ang naiuuwi ko sa pag-a-out of town show ko. Konting kanta at pakilig lang sa audience, sigurado na ang beinte-mil na kita. Okay na okay na ’yun sa ilang oras lang na trabaho. Kung tutuusin nga, mas kumikita ako sa mga show kesa sa pagiging commercial model.

Dahil sa trabahong ito, nakalipat kami ng mga kapatid ko sa mas maayos na tirahan. Si Tito Tonee ang sumagot sa downpayment ng nirerentahan naming apartment ngayon doon pa rin sa Pasay. Hindi ko na pinalipat ng eskuwelahan ang mga kapatid ko. Maayos naman sila sa school nila ngayon. Sa kolehiyo na lang ako babawi. Sisiguruhin kong magandang eskuwelahan ang papasukan nila sa kolehiyo. Sa ngayon ay nag-iipon ako para makabili ng sasakyan. Sa tipo ng trabaho ko, kailangan talagang may sasakyan ako para mas madali kong mapuntahan ang mga commitment ko.

Hindi naman masasabing sikat na sikat ako, pero masaya ako na hindi ako nababakante sa trabaho. At kahit paano ay may mga nakakakilala na sa akin kapag nasa pampublikong lugar ako. At so far naman ay wala akong nagiging problema. Hindi naman pala kasing intriga ng showbiz ang commercial modelling. Although may mga pagkakataong nai-interview rin ako ng mga showbiz reporter, tungkol lang naman sa mga proyekto ko ang itinatanong. Wala pa akong natatandaan na may nagtanong sa akin tungkol sa personal kong buhay.

Iyon siguro ang isa sa mga matitinding rason kung bakit malakas ang loob kong sumali sa napagkasunduan naming “Quest for The One” nang mga bago kong kakilala. Kagabi lang, naisipan kong pumasok sa Cinco Bar & Bistro at doon ay nakilala ko ang apat pang lalaking katulad ko ay lalaki rin ang gusto. Kakatwa nga dahil lahat kami ay may Mario sa pangalan. Si Earl Mario ay isang estudyante sa kolehiyo at kumukuha ng kursong Political Science. Si Mario James na isang swimmer ay kababalik lang ng bansa pagkatapos lumaban sa isang kompetisyon. Si Francis Mario ay isang empleyado na katulad ko ay breadwinner din. At si Mario Luigi na hindi ko masyadong naintindihan kung ano ba ang drama sa buhay.

Narinig kong nag-uusap sina Luigi at Francis at base sa naulinigan ko, parehong may Mario sa kanilang mga pangalan kaya hindi ko napigilang hindi makisali sa usapan.

  ![](https://img.wattpad.com/dffc59519a8c3657789128f09db9992178a8cf5e/68747470733a2f2f73332e616d617a6f6e6177732e636f6d2f776174747061642d6d656469612d736572766963652f53746f7279496d6167652f50455935674e6267596f6a5552673d3d2d3336333534343531352e313439643835636334373566376365663538313535333337343630382e6a7067)

“Dude, your name is Mario?” tanong ko habang nakakunot-noo.

“What’s with you if our name is Mario?” reaksyon nung lalaking later on ay nakilala kong si Luigi. Wala naman sa tono niya ang galit. Nagulat lang siguro ito sa bigla kong pagsali sa kanilang usapan.

“Mario rin ba ang pangalan mo?” tanong ng lalaking kasama ni Luigi. Si Francis.

“Apparently,

yes

,“ seryoso kong sagot. “I’m Mario Jade.”

“Wow! Galing naman! Tatlo na tayong Mario,” masayang sigaw ni Francis na tila batang nagkaroon ng mga bagong kaibigan. Maging si Luigi ay napasigaw na rin.

Ilang sandali pa ay nakita na lang namin ang aming mga sarili na nag-uusap tungkol sa buhay-buhay.

“For us, Marios,” sabi ko sabay taas ng inumin.

“For the Marios.” Itinaas din ni Luigi ang kanyang baso.

“For the three of us.” Hindi na rin nagpahuli sa Francis sa pagtaas ng kanyang inumin.

“Can I say for the four of us?” Nagulat kaming tatlo at halos sabay na napalingon sa nagsalita.

Isang lalaki ang nasa tapat namin. Nakangiti ito pero may kung anong lungkot akong nakita sa kanyang mga mata.

“I’m Mario James,” pagpapakilala nito sa sarili. “So, that makes us four Marios,” alangan nitong sabi.

Habang nagkukuwentuhan kami ay napansin ni Francis ang madalas na pagsulyap ni James sa bartender. Sinita pa nga niya si James at binirong siguro raw ay type nito ang bartender na mariin naman nitong itinanggi.

Hindi na nagpumilit pa si Francis at nagpaalam na lang itong magbabanyo. Kaya nagulat na lang kami nang pagbalik nito ay may kasama nang isang binatang tingin ko ay wala pang beinte ang edad.

“Wait, don’t tell me, Mario rin yan.” Si Luigi ang unang nag-react.

“Paano mo nalaman ’yung name ko?” tanong ng lalaking kasama ni Francis.

“Ha? Seriously, Mario din name mo?” Maging si Francis ay hindi inaasahan ang sinabi ng lalaking kasama niya.

“Yes. I’m Earl Mario,” ipinakilala nito ang sarili sa aming apat.

“May Mario pa ba rito?” Si James ay biglang sumigaw na ikinatawa naming lima.

Inubos naming lima ang oras sa pagkukuwentuhan ng tungkol sa aming mga sarili. Kahit noon lang kami nagkakilala, para bang matagal na kaming magkakaibigan.Kung meron man kaming common denominator, iyon ay ang pare-pareho kaming walang lovelife.

“Kelan kaya darating ang taong para sa atin?” walang anu-ano’y nasabi ni Earl. Sa edad na disiotso ay madalas itong nababasted. “Nakakasawa nang magmahal ng hindi naman nasusuklian.”

Sumagot si Francis, “Kelan nga ba? Pakiramdam ko wala namang darating.”

“Kung hindi darating, eh ’di tayo na lang ang maghanap sa kanila,” pabirong sabi ni James. “Nakakapagod nang maghintay,” dugtong nito.

“Agree ako diyan,” mabilis na pagsang-ayon ni Luigi. Nagbigay pa nga ito ng suhestiyon. “Ganito na lang, bakit hindi tayo magkaroon ng kasunduan.”

“Ha? Anong kasunduan naman ’yan?” tanong ni Francis.

“Gawin nating mission ang paghahanap ng “One True Love” natin,“ litanya pa ni Luigi. Nakita kong tila naging interesado ang iba pang kasama ko sa sinabi nito. Pero ako ay hindi man lang napukaw ang atensyon.

“Para namang malabo yan,” kontra ko.

“Hindi ’yan malabo kung ibibigay mo ang best mo,” sa tono ni James ay mukhang solid na solid ito sa suggestion ni Luigi.

“Bakit hindi ka ba napapagod na puro ikaw na lang ang nagbibigay?” tanong ni Francis sa akin.

Hindi ako kumibo. Parang wala naman akong naikukuwento sa kanila na atat akong magka-lovelife, ah. Oo nga at gusto ko rin ng may nagmamahal sa akin. Pero magagawa ko ba iyon nang ganoon kadali sa mundong kinabibilangan ng trabaho ko? Tikom ang bibig kong inabot ang baso kong may laman pang alak at agad ko itong ininom.

“Oh ano, kelan naman natin sisimulan ’yang quest na yan?” Nakita ko ang excitement sa mukha ni Earl.

“Kelan nga ba?” balik na tanong ni Luigi.

“O siya, ganito. Kailangang sa susunod nating pagkikita ay nahanap na natin ang “the one,” mungkahi ni James.

Mahaba pa ang naging usapan. Sa huli ay nagdesisyon akong sakyan ang trip ng mga tukayo ko. Kung ano man ang kahihinatnan nito, bahala na si batman. Basta sa loob ng dalawang buwan ay kailangan raw na magkita kaming muli na kasama na ang aming mga jowa.

Napaisip ako. Two months lang talaga? Parang ang bilis yata. Eh, hindi naman ako kaladkarin na basta na lang bubukaka sa kahit sinong gustong tumikim. Anong klaseng “the one” kaya ang makikita ko sa loob ng dalawang buwan?

Natatawa ako kapag naaalala ko talaga ’yon. Ayaw ko namang i-pressure ang sarili ko. Anyway, wala namang premyo ang mauunang makakahanap ng jowa at wala ring penalty kung walang mahanap. Kung may jowa na ako after two months, eh ’di okay. Kung wala naman, alangang umiyak ako at magwala. Life is not a piece of chocolate. Hindi sa lahat ng oras ay matamis ang malalasahan ko. Madalas, maasim o ’di kaya naman ay mapait.

Tumunog ang telepono ko. Tumatawag si Tito Tonee.

“Hello, Jade!”

“Tito, bakit po?

“Nasaan ka? Tapos na ba ang shoot?”

“Katatapos lang po. Eto nga po, pauwi na ako.”

“Huwag ka munang umuwi. Dumaan ka muna rito sa office,” utos nito sa akin.

“Sige po. Naghihintay na ako ng taxi.”

“Okay, I’ll wait for you. May good news ako sa’yo,” excited na sabi nito.

“Wow! Good news ba talaga, tito?” paniniguro ko.

“Oo, kelan ba kita niloko. Kapag sinabi ko sa’yong good news, good news talaga ’yun. Malalaman mo mamaya. I’m sure, matutuwa ka.”

“Ngayon mo na kaya sabihin, tito.” Sinubukan ko siyang kumbinsihin.

“Mamaya na lang. Basta, hihintayin kita rito. Alas singko pa lang naman. Hanggang mamayang 9pm pa ako rito. Bye!”

“Bye po.” Wala na akong nagawa nang ibaba ni Tito Tonee ang telepono.

Isang pulang kotse ang pumara sa harapan ko. Ibinaba ng driver ang bintana ng kotse at sumilip. “Jade, saan ang punta mo? Sabay ka na sa akin,” alok ng lalaking siguro’y nasa beinte-tres ang edad. Pilit kong inalala kung kilala ko ba ito.

Sino ito? Kilala ko ba ’to? Bahagya akong yumuko para mas makita ang nagmamaneho ng kotse. “Magkakilala ba tayo?” tanong ko.

“I’m Todd. Magkasama tayo sa shoot kanina, pero behind the camera ako kaya siguro hindi mo napapansin.”

“Ahh…”

“Sakay na!” alok nito sa akin,

“Hindi ba nakakahiya? Baka ma-out of the way ka.”

“Okay lang. Saan ka ba? Ihahatid na kita. Mahirap nang sumakay ngayon, rush hour. Traffic pa.” Tila desidido itong mapasakay ako.

“Kung mapilit ka ba eh, ’di sige…” Agad kong binuksan ang pinto ng kotse at sumakay. Pinatakbo naman kaagad ni Todd ang sasakyan.

“Salamat, ha?” nakangiti kong sabi habang umaandar ang kotse.

“Wala ’yun. Saan tayo?”

“Ha?”

“Saan ka pupunta? Saan kita ibababa?” Nakita ko ang pilyong ngiti ni Todd.

“Pupunta ako sa office ng manager ko. Sa Timog.”

“O, hindi naman pala ako out of the way. Sa Timog din ang punta ko. Sa Valencia Suites.”

“Ano’ng work mo behind the camera?” Naisipan kong itanong para may pinag-uusapan kami habang bumibiyahe.

“Scriptwriter ako. Iyong photo shoot mo kanina, hindi ako ang may idea noon. Pero ’yung concept at script noong tv ad, ako ang gumawa.”

“Wow! Ang galing mo pala.” Hindi ko napigilang ibulalas ang paghanga ko.

Napahalakhak nang mahina si Todd. “Hindi naman. Sakto lang. At nagsisikap lang kasi kailangang kumayod.”

“Pamilyado ka na?”

Umiling si Todd. “I’m living alone. Nasa US ang parents ko at dalawang kapatid. Gusto na nga nilang doon na rin ako tumira, ako lang ang may ayaw.”

Nanlaki ang mga mata ko. “Bakit ayaw mo? Parang andaming pinoy na gustong pumunta sa US pero walang chance. Tapos ikaw, may chance pero umaayaw?”

“Mas masaya ako rito, eh. Iyong US naman, andoon lang ’yun. Hindi naman mawawala iyon. Pero iyong happiness na alam kong dito ko matatagpuan kasama ang mga kaibigan ko, hindi iyon panghabangbuhay kaya dapat kong samantalahin while it lasts.”

“Sabagay…” Iyon na lang ang nasabi ko. Pagkatapos noon ay napalitan ng katahimikan ang loob ng kotse. Nagpatuloy lang si Todd sa pagmamaneho habang ako naman pumikit at nagkunwaring natutulog.

“Nasa Timog na tayo.” Maya-maya’y narinig kong sabi ni Todd. “Saan kita ibababa rito?”

“Diyan lang sa kanto, sa Sapphire Building.”

Nagmenor si Todd pagdating sa kanto at ipinarada ang kanyang sasakyan.

“Can I have your number?” tanong niya bago pa ako nakababa ng kotse.

“Ah, sure!” Binuksan ko ang dala kong bag at kumuha sa wallet ko ng isang calling card. Iniabot ko iyon kay Todd na agad naman nitong tinanggap.

“Salamat,” sabi nito.

“I should be the one thanking you,” sabi ko.

Itinaas lang nito ang ibinigay kong calling card at nagsabing, “I’ll contact you one of these days.” Nakita ko ang malawak niyang ngiti.

“Sure, sige.” Ginantihan ko ang kanyang pagngiti. Pagkatapos noon ay pinaandar nang muli ni Todd ang kotse.

Naglakad na ako papasok sa building. Pagdating ko sa opisina ni Tito Tonee sa ikaapat na palapag ay naabutan ko si Trisha.

“Hi, Trisha! Asan si Tito Tonee?”

Hindi sumagot ang bakla. Inulit ko ang tanong. “Sabi ko, nasaan si Tito Tonee?”

Umikot ang mga mata nito pagkatapos ay inirapan ako. “Ilang ulit ko bang sasabihin sa’yo na call me baby Trisha? Mahirap bang gawin ’yun?”

“Grabe naman, nagtampo kaagad ang baby Trisha ko.” Nilapitan ko siya at niyakap. “Huwag ka nang magtampo. Asan si Tito Tonee?”

“Andun sa loob. Sa opisina niya.”

“Puntahan ko muna, ha? Thanks.” Iniwan ko si Trisha at dumiretso ako sa opisina ni Tito Tonee.

“Andiyan ka na pala,” bati nito sa akin. “Halika, maupo ka.”

“Ano po ’yung good news mo sa akin?” Hindi na ako makapaghintay.

“Artista ka na!”

“Ha?”

“Oo, tinanggap ko ang movie offer ng Falcon Entertainment para sa’yo. Supporting role pero markado. Romcom ang movie kaya siguradong mag-eenjoy ka sa shooting.”

“Totoo, tito?” Hindi talaga ako makapaniwala. Ang bilis! Wala pa akong one year sa trabaho ko, may movie offer na kaagad ako. “Salamat, tito. Pagbubutihin ko. Pangako!”

“Alam ko naman ’yon. Kabisado na kita. Never mo naman akong binigyan ng sakit ng ulo.”

“Ano po ang kailangan kong gawin?” tanong ko.

“May story conference next week. A-attend tayo. Ako na ang bahalang umayos sa schedule mo.”

“Opo. Salamat talaga, tito.”

“Iyon lang ang surprise ko sa’yo, uuwi ka na ba? Wala kang trabaho bukas and the day after tomorrow, pero sa weekend may out of town show ka sa Tarlac so be prepared, ha? Praktisin mo ’yung songs mo. Pagbutihin mo lagi. Para mas mahalin ka ng mga tao.”

Tumango ako. “Gagalingan ko po.”

May kumatok sa pinto, pagkatapos ay pumasok ang isang lalaking talent din ni Tito Tonee, si Kurt. Siya ’yung lalaking nakasabay ko dati sa reception at dalawang beses akong tiningnan nang masama. Hindi ko masyadong kasundo ang lalaking ito. Kahit dati ay sinubukan kong kaibiganin siya, hindi ko talaga makuha ang loob niya. Ewan ko kung anong problema sa akin ng taong ito. Parang ang init-init ng dugo sa akin kahit wala naman akong ginagawang masama sa kanya.

“Tito, aalis na po ako.” Nagbeso pa ako sa kanya.

“Sige, Jade. Ingat ka.” Bumaling ito sa bagong dating. “Pasok ka, Kurt.”

Diretso na akong lumabas ng pinto nang hindi man lang tiningnan si Kurt. Bakit pa? Wala naman akong panahong makipagplastikan sa kanya.

Nasa taxi na ako nang makatanggap ng isang text message mula sa isang unknown number.

Thanks

for

being

nice

.

I

hope

we

can

be

good

friends

… -Todd

Chapter 2

NAPANGITI AKO at sinagot ko ang text message ni Todd.

         

Sure

!

No

worries

Akala ko ay hindi na magre-reply si Todd ngunit isang mensahe ang muli kong natanggap.

          Nakauwi

ka

na

ba

?

Ako

,

pababa

pa

lang

ng

building

.

Katatapos

lang

namin

mag-usap

noong

kamiting

ko

.

Napapangiting sinagot kong muli ang mensahe.

          Hindi pa rin. Andito pa lang ako

sa

taxi

.

Kasasakay

ko

lang

.

Biglang nag-ring ang telepono ko. Si Todd, tumatawag!

“Hello…”

“Jade! Sayang nakasakay ka na pala sa taxi. Kung napaaga lang sana ang text ko eh ’di nagkasabay na lang tayo pauwi.”

“Naku, nakakahiya naman sa’yo. Siguradong out of the way ka na talaga kung pati sa pag-uwi ay isasabay mo pa ako.” Narinig ko ang mahina niyang pagtawa.

“Wala namang kaso ’yun. Sanay akong umuwi ng gabing-gabi. At saka, nababagot na rin ako sa bahay. Alam mo na, mag-isa lang ako roon. Kaya most of the time, I make it a point to go home very late na. Para pagdating ko sa bahay, shower lang then diretso tulog.”

“Nagmamaneho ka na ba? Baka mabangga ka niyan. Ingat…”

“Ayos lang.”

“Anong ayos lang? Ayos lang mabangga?” gulat kong tanong.

“Hindi. What I mean is, ayos lang na nagfo-fone ako while driving. Nag-iingat naman ako.”

“Ahh…”

“May lakad ka ba bukas?” biglang tanong niya sa akin.

“Wala naman. Sa Saturday pa ’yung next na commitment ko. Out of town.”

“Good! Pwede ba kitang yayain dito sa condo ko bukas? Inom tayo, food trip, akong bahala. Magluluto ako.”

Saglit akong nag-isip. Ano nga ba ang kailangan kong gawin bukas? Mukhang wala naman kaya pumayag ako sa alok ni Todd.

“Sige, puwede ako bukas.”

“Yes! Dadaanan kita riyan pagkatapos kong mag-grocery bukas.” Mukhang tuwang-tuwa si Todd sa pagpayag ko.

“Bakit hindi na lang kaya ako sumamang mag-grocery? Para after that, punta na tayo sa condo mo,” suhestiyon ko sa kanya.

“Sure ka, gusto mong sumamang mag-grocery? tila nagtatakang tanong ni Todd.

“Oo naman. Wala namang problema.”

“Sige, mas magandang idea ’yon. Makakapag-suggest ka na rin ng iba pang gusto mong lutuin.” Bakit kaya pakiramdam ko ay ang saya-saya niya?

“So, mga anong oras tayo magkikita bukas? At saan?” tanong ko.

“Okay lang ba sa’yo na sa megamall tayo mag-grocery?”

“Kahit saan, okay lang.”

“Naisip ko lang kasi masyadong matao roon. Baka pagkaguluhan ka,” natatawa niyang sabi.

“Grabe ka naman. Hindi naman ako superstar para pagkaguluhan. At saka hindi ako artista kaya malabong mangyari ang iniisip mo,” kampante ang loob kong sabi kay Todd.

“Eh, ’di mabuti pala. Wala akong kaagaw sa’yo.”

“Ha? Anong sabi mo?” Hindi ko alam kung tama ba ang narinig ko.

“Ang ibig kong sabihin, wala akong kaagaw sa oras mo. Matatapos kaagad tayong mag-grocery dahil walang magkakagulo sa’yo na aagaw sa oras mo,” paliwanag niya sa akin. Akala ko talaga… Erase! Kung anu-ano na ang naiisip ko.

“Paano? Kita na lang tayo bukas, around ten. Para siguradong bukas na ang mall.”

“Okay, see you then!” pagsang-ayon ko sa sinabi niyang oras. “Ingat sa pagmamaneho.”

“Salamat. Bye!”

Hindi na ako sumagot dahil nakita kong malapit na kami sa lilikuan papunta sa tinitirhan ko. “Kuya, sa kanan tayo.” Agad namang sumunod ang driver sa sinabi ko. Dalawang kanto lang at narating namin ang apartment kung saan kami nakatira ng dalawang kapatid ko.

Pagpasok ko sa loob ng bahay ay naabutan ko si Jay na nanonood ng tv sa salas. “Nasaan si Jan? tanong ko.

“Tulog na, kuya. Napagod yata sa praktis ng sayaw sa school kanina. At saka maaga ang pasok niya bukas,” sagot ni Jay nang hindi inaalis ang tingin sa palabas sa telebisyon.

“Kumain na ba kayo?” Umupo ako sa tabi niya.

“Oo, kuya. May pagkain pa riyan sa kusina. Kakain ka na ba? Ipaghahain kita.” Tumingin siya sa akin at hinintay na sumagot ako.

“Huwag na. Ako na lang.” Tumayo ako at lumakad papuntang kusina. “Matulog ka na pagkatapos ng pinanonood mo.”

“Malapit na ’tong matapos, kuya.”

Habang kumakain ay nag-chat si Earl sa akin at sa iba pang nakilala namin sa Cinco Bar. Ipinapaalam niya sa grupo na plano niyang mag-roadtrip from Tagaytay to Baguio. Siguro ay para mahanap ang “the one” niya. Napaka-competitive na bata. Siya ’yung pinakabata sa grupo pero siya pa yata iyong pinakadesididong makahanap ng jowa.

Medyo berde na ang itinatakbo ng usapan sa group chat kaya nakisakay na lang ako sa mga mabeberdeng usapan. Wala namang problema sa akin ang mga ganoong kalibugan. Ang sama lang, akala yata nila ay totoo ang mga pinagsasabi ko roon kaya parang lumabas sa usapan na hindi na ako virgin. Ako pa talaga ang hindi na virgin? Eh, hindi naman ako ’yung tipo na maghahanap lang ng sex kung saan-saan. Si James nagbiro pang ibo-bottom raw ako. Well, maganda naman ang katawan niya at may itsura rin kaso hindi ko siya type. Pero ano ba ang type ko? Hindi ko alam. Para sa akin, wala naman talagang partikular na katangian na gusto ko ang kapag nakita ko sa isang tao ay magugustuhan ko na siya. Ang dami kayang couples diyan na akala nila eh, true love na ’yun pero hindi pa rin pala. At marami rin na hindi mo lubos maisip kung paanong naging sila, pero they are living a very happy life together. Kaya ako, I don’t have criteria or any standard para sa taong mamahalin ko. Kasi alam ko, kapag naramdaman ko na iyong sinasabi nilang love, pasok man siya sa criteria o hindi wala na akong magagawa kundi mahalin siya nang lubos. Iba kapag natamaan ka ng palaso ni kupido. Hindi ka mamamatay pero magkakagulo ang puso at utak mo. Haay, hindi ko na tuloy naubos itong kinakain ko.

Hindi agad ako nakatulog nang gabing iyon. Ewan ko kung bakit sumagi sa isip ko si Todd. Bakit sobrang bait naman yata niya sa akin. Hindi naman kami close pero ako pa talaga iyong niyaya niyang pumunta sa condo niya. Marami naman siguro siyang mga kaibigan at kakilala sa showbiz man o advertising world.

Pumikit ako saglit pero imahe ni Todd ang nakita ko. Hindi ko naman siya tinititigan kanina sa kotse niya pero bakit napakalinaw ng imahe niya sa utak ko. Iyong maamo niyang mukha, ang kilay na makapal, ’yung ilong niyang parang inukit sa pagkaperpekto ang tangos. At ang labi niyang tila makopa sa pagkapula.

Ipinilig-pilig ko ang ulo ko para mawala ang imahe ni Todd sa isip ko. Gusto ko nang matulog pero hindi mangyayari iyon kung okupado niya ang isipan ko.

Tumunog ang celfone ko. May nag-text.

Si Todd!

Anak ng pokpok! Inaalis ko nga sa isip ko, pumasok naman sa celfone ko.

Binasa ko ang mensahe: “

Goodnight

.

See

you

tomorrow

Mwaahhh

!“

Nanlaki ang mga mata ko. May “mwaaahhh!” ba talaga?

Binasa ko ulit: “

Goodnight

.

See

you

tomorrow

…“ Tapos may tatlong happy emojis. Wala naman palang mwaahhh ! Eh, bakit parang nalungkot ako? Hala, iba na ’to!

KAHIT LATE na akong nakatulog ay maaga pa rin akong nagising. Ganoon yata talaga kapag sanay na ang sistema mo. Magigising at magigising ka sa oras na nakasanayang gumising ng katawan mo.

Paglabas ko ng kuwarto ay nakita ko si Jan na nag-aalmusal. Nakasuot na rin ito ng unipormeng pampasok.

“Kuya, mabuti gising ka na. Papasok na ako. Dagdagan mo ang baon ko, ha? May babayaran kasi akong props sa sayaw namin bukas sa school program.” Magastos talagang magpaaral. Maya’t maya ay may babayaran sa eskwela.

“Magkano?” tanong ko?

“Two hundred fifty.”

Ang mahal namang contribution ’yan. Pero hindi na ako nagsalita pa. Bumalik ako sa kuwarto at kumuha ng pera sa wallet. Si Jay na ka-share ko sa kuwarto ay tulog na tulog pa. Sabagay, alas-onse pa naman ang pasok niya.

Pagkabigay ko ng pera kay Jan ay nagpaalam na ito para pumasok sa eskuwela. Ako naman ay saglit na nakipagtitigan sa almusal na nasa mesa. Ang suwerte ko sa mga kapatid ko. Kahit mga bata pa, marunong na ng responsibilidad. Sila na ang nagluluto ng mga kinakain namin. At maging sa iba pang mga gawaing bahay ay hindi na sila kailangang utusan dahil kusa na nilang ginagawa.

Hindi ako nag-almusal. Pumasok na lang ako sa banyo para maligo. Gusto kong maging mabango at fresh na fresh para sa lakad ko mamaya.

Para kay Todd?

Huh?! Ano ba ’to? Todd na naman!!!

Chapter 3

“JADE!”

Napalingon ako sa pinagmulan ng tinig at nakita ko si Todd na malawak ang pagkakangiti habang papalapit sa akin.

“Kanina ka pa ba?” tanong niya sa akin. “Pasensya na, na-late ako,” he seems very apologetic. Pinagdikit pa niya ang kanyang dalawang palad na parang humihingi na tawad sa isang pagkakasala. Ang cute niyang tingnan. Grabe, sobrang cute!

“Uy, wala iyon. Kararating ko lang din naman. Nauna lang ako ng few minutes sa’yo kasi nag-park ka pa ng kotse.” Cute siya talaga, promise! “Pasok na tayo sa loob? Tamang-tama, kabubukas pa lang ng mall. Kokonti pa ang tao.”

“Sige,” sang-ayon naman niya. At nagulat pa ako nang bigla niyang hawakan ang isang kamay ko ay hilahin ako papasok sa loob ng mall. Hindi na ako nakatanggi. Nahihiya naman akong tanggalin ang kamay niya.

Hanggang makapasok kami ng mall ay hawak ni Todd ang kamay ko. Para akong maliit na batang akay-akay ng kanyang kuya.

Napansin ko ang ilang kabataang babae na nakatingin sa amin na parang nagulat pagkakita sa amin. Mabuti na lang at malapit na kami sa grocery at binitiwan na niya ang kamay ko dahil dumiretso siya sa kinalalagyan ng mga push cart.

Marami agad pinagdadampot si Todd at inilagay sa push cart. Hindi nakaligtas sa mata ko nang kumuha siya ng ilang piraso ng beer. “May gusto ka bang bilhin?” tanong niya sa akin habang naglalakad at itinutulak ang cart.

“Wala naman. Ikaw, baka may gusto ka pang bilhin,” natatawa kong sabi dahil sa ilang minuto lang naming pag-iikot ay halos puno na ang push cart. “Kulang pa ba ’yan?” inginuso ko ang push cart.

Natawa siya. “Hindi, sakto na ’to. Halika, pumila na tayo.”

Wala pang masyadong nakapila sa counter. Habang nakapila ay nahagip ng mga mata ko ang isang pamilyar na imahe.

Si Kurt.

Anong ginagawa ng Kurt na ’yon dito? Sabagay, alas onse na. Pero…

Nagulat ako nang napansin kong tumingin siya sa kinaroroonan ko at nagtama ang aming mga mata. At katulad ng dati ay muli kong nakita ang pamilyar na talim ng kanyang mata habang nakatingin sa akin.

Hindi ko alam kung ngingitian ko ba siya o gagantihan ng matalim ding tingin. Mabuti na lang at agad siyang nagbawi ng tingin at tumalikod sa akin.

Napansin yata ni Todd na naging uneasy ako. Tumingin din ito sa gawi kung saan ako nakatingin. “Bakit? Sinong nakita mo?”

“W-wala…” Hindi ko na lang sinabing si Kurt. Hindi ko rin naman sigurado kung kilala niya ito.

“Si Kurt ba?” Muntik nang manlaki ang mata ko sa sinabi niya.

“Kilala mo si Kurt?”

“Pareho kayo ng manager, ’di ba? Hindi ko pa siya nakikilala personally, pero alam ko ang pangalan niya kasi nakita ko na dati ang portfolio niya sa dati kong project. Tinanong kasi ako mismo nung client kung sino ang gusto ko to do the ad. Pinakita niya sa akin ang files ng candidates kaya ayun, nakita ko ang profile ni Kurt,” mahabang paliwanag niya.

“Did he get the role?” curious kong tanong.

Umiling si Todd. “No. I prefer kasi ’yung maaliwalas ang mukha. Iyong mukhang maamo.”

Natawa ako. “Bakit, ano ba ang mukha ni Kurt?”

“Mukha siyang laging seryoso, eh. Parang masungit,” nasa tono niya ang sinseridad na hindi naman nanlilibak.

Sapul! Iyon din ang impression ko kay Kurt. Lagi ngang parang gusto niya akong patayin sa tingin pa lang.

Pagkatapos magbayad ay agad kaming naglakad papalabas sa mall para pumunta sa parking area malapit sa entrance. Habang naglalakad ay may tumawag sa akin.

“Hi, Jade! Pa-picture naman, please…”

Paglingon ko sa pinanggalingan ng boses ay nakita ko ang tatlong teenager na tila pusang hindi maihi sa kilig. “Sure, teka.” Lumingon ako kay Todd. “Sandali lang, ha? Papapiktyur daw sila.”

Nakangiting sumagot si Todd, “Sige lang. Take your time.” Kinuha niya ang plastic bag na bitbit ko at lumapit ako sa tatlong babae.“

“Ako na lang ang mag-picture sa inyo,” sabi ni Todd na lumapit na rin sa amin.

Ibinigay ng isang babae ang celfone niya kay Todd. Ibinaba niya ang mga dalang pinamili at saka kami piniktyuran. Apat na shots din iyon. Pagkatapos ay yumakap at humalik pa sa akin ang tatlong babae. Nakatawag na nga yata kami ng atensyon ng iba pang mga tao sa mall kaya may ilan pang lumapit at nakiusyoso pero nahiya na lang magsabi.

Nagpaalam na ako sa tatlong babae na hanggang sa huli ay kinikilig pa rin. Nakakatuwa na sa ganoon kaliit na bagay ay napasaya ko sila.

Madali kaming nakarating sa condo ni Todd. Dumiretso kami sa kusina at inumpisahang ihanda ang mga dapat lutuin.

“You don’t need to help me here. You can stay in my room and relax while I prepare this,” sabi niya in his usual bright smile. “Feel at home.”

“Hindi,” tanggi ko. “Dito lang ako. Tutulong ako sa pagluluto.” Hinalungkat ko ang mga pinamili namin at kinuha ko ang mga beer para ilagay sa ref.

Ang sosyal ng mga gamit niya sa kusina. Mula sa kalan na pang mayaman hanggang sa mga kaldero, kawali at kaserola, isama na natin ang mga kubyertos niya.

Halos wala rin naman akong naitulong sa kanya kundi mag-abot lang ng ingredients na hinihingi niya at maging pambansang audience habang nagluluto siya.

Nang matapos ay humanga ako sa mga pagkaing nakahain sa mesa. Para akong nakakita ng mga pgakaing inorder sa isang mamahaling restaurant. Hindi ko inasahang ganoon kagaling sa kusina si Todd.

“Now, it’s eating time!” Pumalakpak pa siya na parang may iba pang dudulog sa mesa maliban sa aming dalawa. “Sana hindi ka malason sa luto ko.” At sinabayan niya iyon ng malakas na tawa. Muli ay nakita ko ang kakaibang cuteness ni Todd. Iba talaga ang itsura niya kapag ganoong tumatawa siya. Ang ganda-gandang pagmasdan ng mukha niya.

“Umupo ka na,” sabi ko sa kanya habang ako ay nag-umpisa nang kumuha ng kakaibang kaning nakahain sa mesa. “Anong tawag dito?” tanong ko sabay tikim ng konti sa kanin. “Hmm, masarap ah!”

“Ah, prawn pulao ’yan. It’s rice cooked in marinated ginger and garlic prawns smeared with cinnamon, chili and other spices para mas masarap.” Todd is very proud with his culinary talent. Umupo na rin siya at naglagay ng pagkain sa plato niya.

Magana naming pinagsaluhan ang mga niluto ni Todd. Galit-galit muna kami habang kumakain. Bawal magsalita. Busy sa pagnguya.

Pagkatapos kumain ay nagsalang si Todd ng pelikula sa dvd player. Action movie ang palabas. Maya-maya ay kinuha ni Todd ang beer sa ref.

“Umpisahan na natin ito para makarami.” Ibinaba niya ang apat na boteng beer sa center table pagkatapos ay muling natungo sa kusina para kumuha ng chips. Inabot ni Todd sa akin ang isang bote ng beer at inumpisahan namin ang pag-inom.

“Umiinom ka ba talaga? Baka nahihiya ka lang tumanggi,” sabi niya sa akin. “Pwede kang humindi kung ayaw mo.”

“Umiinom naman ako, hindi lang maramihan. Alam mo na, ayaw ko naman matulog sa kalye kung sakaling malasing ako.”

“Pwede mo naman akong tawagan kapag nalalasing ka na, para may susundo sa’yo kung nasaan ka man.” Muntik ko nang mailuwa ang beer na kaiinom ko lang. Pero mas pinili ko na lang na lihim na kiligin.

“Seryoso?” tanong ko. Wala lang, may maitanong lang.

“Oo naman. What are friends for?” Ewan ko kung nahahalata niyang kinikilig ako sa kanya kaya mas itinotodo pa niya ang pagpapakilig sa akin.

“Hindi naman siguro ako aabot sa ganoong sitwasyon,” sabi ko na lang habang nagsusubo ng chips. “Hindi rin naman ako malakas uminom, eh. Kaya kapag nakaramdam na ako ng hilo, tumitigil na ako.”

“May pool sa ibaba, just tell me if gusto mong mag-swim.”

“Puwede?” excited kong tanong. Gusto ko talagang lumangoy.

“Oo, halika mamaya na natin ituloy ito. Langoy muna tayo.” Agad na tumayo si Todd. Magpapalit lang ako.“

“Wala akong dalang extra shorts.”

“Sumabay ka na sa akin, pahihiramin kita.” Naglakad na si Todd papunta sa kanyang kuwarto.

Binuksan niya ang cabinet kung saan nakalagay ang kanyang mga damit. Humanga ako sa maayos na pagkakasalansan ng kanyang mga gamit. Napakasinop naman ng taong ito.

“Ayan, pumili ka na kung alin ang gusto mo.” Inilatag niya sa kama ang limang board shorts at tatlong swim briefs para makapili ako. Pinili ko ang kulay apple green na board shorts.

Nagulat pa ako nang walang sabi-sabing nagpalit ng damit si Todd sa harapan ko. Parang balewala lang naman sa kanya, kaya ako man ay nagpalit na rin ng suot kahit nasa harapan ko siya.

Nang makapagpalit ng damit ay agad kaming nagtungo sa swimming pool. Tamang-tama, walang ibang gumagamit ng pool.

Excited na hinubad ni Todd ang suot na shirt at muli ay tumambad sa akin ang kanyang katawan. Lihim akong napalunok. Is he teasing me? Kanina pa siya, ah! Pilit kong pinakalma ang aking sarili at ibinaling sa ibang bagay ang aking isip… at mata! Hinubad ko na rin ang suot kong shirt at agad na tumalon sa tubig.

Para kaming mga batang nagtampisaw sa tubig. Nagkarera pa kami at doon ko nalaman na wala pala akong laban kay Todd pagdating sa languyan.

Alas-otso ng gabi nang magpaalam ako kay Todd para umuwi na ngunit hindi siya pumayag na hindi ako ihatid. Wala akong nagawa kundi sumang-ayon.

Pagkababa ng kotse ni Todd ay nagpasalamat akong muli sa kanya at kinawayan siya bago umalis.

Bago pa ako makapasok sa loob ng bahay ay isang text message ang aking natanggap mula kay Todd.

Thanks for this wonderful day. I love you… I mean, I love it!

Karugtong ng mensahe ang tatlong emojis na nakalabas ang dila.

Chapter 4

MARAMING TAO sa presscon ng Falcon Entertainment sa Valencia Suites para sa bago nitong pelikula tampok sina Matt Stuart at Jessa Trias, isa sa pinakasikat na loveteam sa bansa ngayon. Ako ang ka-love triangle ng dalawa sa gagawing pelikula na may pamagat na My One Desire.

Magkasunod kaming dumating ni Tito Tonee sa presscon. Ilang sandali lang ay dumating naman si Kurt Morris at bahagya pa akong nagulat nang makita ko siya roon. Hindi nasabi sa akin ni Tito Tonee na kasama rin pala sa pelikula ang lalaking ito.

Dumating na rin ang direktor ng pelikula kasama ang scriptwriter na si Todd Saavedra. Ngumiti pa si Todd sa akin. Malamang alam nito na kasama ako sa pelikula. Pero wala man lang siyang nabanggit sa akin tungkol dito. Huling dumating ang dalawang star ng pelikula na sina Matt at Jessa kasama ang kanilang mga manager.

Nagsimula na ang presscon at kaagad na inulan ng tanong ang sikat na loveteam. Si direk ay natatanong din tungkol sa pelikula at ilan pang mga tanong na tungkol din sa dalawang bida rito. Maging si Todd ay tinanong na rin kung ano ang naging inspirasyon niya para maisulat ang kuwento ng My One Desire na maayos naman nitong sinagot.

Sa wakas ay may isang baklang reporter na nagtanong sa akin. “Para kay Jade Casiano ang tanong ko. Jade, isa ka sa pinakasikat na commercial model ngayon at heto nga’t nabigyan ka na ng break sa showbiz, itutuloy mo na ba ang pag-aartista o mas gusto mo ang pagiging commercial model?”

Nginitian ko ang nagtanong bago ako sumagot. “Masaya po ako na napasama ako sa pelikulang ito. Malaking break po ito sa akin. Kung may mga darating pang movie offer pagkatapos nito, sino naman po ako para tumanggi. Blessing po ang bawat dumarating na trabaho kaya itutuloy ko lang po hangga’t may offer.”

“Follow-up question, hindi ka ba natatakot ma-bash ng fans nina Matt at Jessa lalo na at ikaw ang gaganap na love triangle o pampagulo sa loveteam nila?”

“Hindi naman po siguro aabot sa ganoong punto. Trabaho lang naman po ang ginagawa namin at labas ang aming mga personal na buhay,” diretsong sagot ko. Siniguro kong hindi nawawala ang ngiti sa mukha ko.

Isang babaeng reporter naman ang nagtanong. “Si Kurt Morris ang gusto kong tanungin. Kurt, ano ang role mo sa pelikula at hindi ka ba nababagalan sa takbo ng career mo? Parang halos magkasabay kayo ni Jade na pumasok sa commercial modelling pero nauunahan ka na yata ni Jade,” halatang gustong mang-intriga ng reporter na ito.

Nakita kong tumingin muna si Kurt sa akin at kay Tito Tonee bago siya sumagot. “I play the role of Luke, best friend ni Jade sa story. About sa tanong kung hindi ba ako nababagalan sa takbo ng career ko, well I have my manager and I trust Tito Tonee na mas alam niya kung paano patatakbuhin ang career ko. Also, maybe it is not yet my time. I’m sure darating din iyong tamang panahon para sa akin. Si Jade naman, pareho kami ng manager kaya masaya ako sa achievements niya,” mahabang paliwanag ni Kurt ngunit hindi ako kumbinsido sa huli niyang sinabi. Paano ko paniniwalaan na masaya siya sa mga naabot ko ganoong lagi siyang parang galit sa akin everytime na makikita ko siya. Ngayon lang yata niya ako hindi tiningnan ng matalim at obvious naman kasi maraming tao rito at posibleng mapansin ng mga reporter.

“Pero bakit parang hindi naman kayo close ni Jade kahit iisa lang ang manager n’yo?” Hindi yata inaasahan ni Kurt ang tanong na iyon.

Napalunok siya. “Ahm, wala lang siguro kaming time para magkasama at makapagbonding kaya parang hindi kami close. Pero ngayon, best friends ang role namin dito sa movie, ibig sabihin most of our scenes magkasama kami kaya mas makikilala namin ang isa’t-isa. Kahit naman kasi iisa ang manager namin, hindi kami nagkakasama sa mga project kaya ganoon.”

“Baka naman kasi may selosan nang nangyayari kaya hindi kayo close ni Jade,” ayaw pawat ng intregerang reporter.

“Wala pong selosan sa mga alaga ko. As a manager, sinisiguro ko na lahat ng mga alaga ko ay naihahanap ko ng proyekto. Meron lang sigurong aangat kaagad kesa sa iba, depende naman kasi iyon kung paano sila tanggapin ng masang manonood. Pero hindi ibig sabihin na umangat ang isa ay dahil pinabayaan ko iyong iba,” si Tito Tonee na ang sumagot, marahil para tumigil na rin ang reporter. Hindi naman kami ang bida sa pelikula pero ewan kung bakit kami ang iniintriga.

Nang matapos ang presscon ay agad na lumapit sa akin si Todd. Ngayon ko lang siya napagmasdan nang mabuti. At papasa talagang artista ang isang ito dahil sa kanyang kaguwapuhan. Idagdag pa nating maganda rin ang kanyang katawan. Mas bagay siyang artista o modelo kesa scriptwriter.

“Uuwi ka na ba?” tanong niyo sa akin.

“Oo. Sabi ni Tito Tonee sumabay na raw ako sa kanya,” sagot ko. “Bakit?”

“Ah, wala naman. Kasi kung hindi ka nagmamadali, sasabihin ko sanang sabay na lang tayo,” aniya. “Pero hindi bale, next time na lang.”

Tumango ako. “Sige, walang problema sa akin.” Nag-flash ang aking matamis na ngiti.

Nagpaalam na ako kay Todd dahil nagyayaya nang umuwi si Tito Tonee. “Tawagan na lang kita mamaya,” sabi ko sa kanya.

“Sure, sige!” sagot nito.

![](https://img.wattpad.com/e68e93e32423f0d21ef71d471f34b8f3fbe6a737/68747470733a2f2f73332e616d617a6f6e6177732e636f6d2f776174747061642d6d656469612d736572766963652f53746f7279496d6167652f63416d4d516241325839646368513d3d2d3336333534343737342e313461323364346565343965316333383438323834383437303138382e6a7067)

Sa upuan sa tabi ng driver’s seat umupo si Kurt. Ako naman ay sa likuran. Habang nagmamaneho si Tito Tonee ay nagsalita ito. “Siguro nga dapat na mag-bonding kayong dalawa. Ngayon ko lang din na-realize na hindi kayo masyadong close.”

“Okay lang sa akin na mag-bonding kami, Tito Tonee,” sagot ni Kurt na ikinagulat ko. Seryoso? Ganoon siya kadaling pumayag? Eh, siya nga itong parang ang ayaw na ayaw na nakikita ako.

“Ikaw, Jade?” baling sa akin ni Tito Tonee.

“Magkakasama naman kami sa shooting, tito. Imposible namang hindi kami magkausap doon,” sagot ko. Ayokong i-commit ang sarili ko. Baka hindi ko naman magawa.

“Okay. Mag-oorganize na lang ako ng party para sa mga alaga ko kapag natapos na ang shooting ng movie. Para bonding time na rin. Hindi lang para sa inyong dalawa kundi para sa lahat ng talents na mina-manage ko.

“That’s better!” agad na sumang-ayon si Kurt.

“Tito, para hindi ka na ma-out of the way diyan na lang ako bababa sa Cubao. Magta-taxi na lang ako papuntang Pasay,” sabi ko.

“Ako rin, Tito Tonee,” Si Kurt ulit.

“Sa Cubao ka rin, Kurt?”

“Opo, tito.”

Dedma lang ako sa usapan nilang dalawa. Iniisip kong gusto ko na talagang umuwi.

“Bakit hindi na lang kayo magsabay sa isang taxi. Hindi ba sa Pasay ka rin naman umuuwi, Kurt?” suhestiyon ni Tito Tonee.

Nagulat ako. Taga-Pasay din si Kurt? Bakit hindi ko alam? At makakasabay ko pa sa taxi ang supladong lalaking ito? Baka mapanis lang pareho ang laway namin habang bumibiyahe kami pauwi kung ito ang makakasama ko sa taxi.

“Kung papayag si Jade, why not?”

Huh?! Si Kurt ba talaga ang naririnig kong nagsasalita ngayon? Saang bait-baitan school of acting ito nag-enrol at tila santo ito sa kabaitan ngayon?

“Ano, Jade?” tanong ni Tito Tonee sa akin. Bakit ba kasi kailangang magsabay pa kami. May pamasahe naman ako pauwi.

“Okay lang po. Walang problema,” plastik kong sagot.

“Tito, diyan na lang kami bababa sa tapat ng Farmers.”

Nag-menor si Tito Tonee at pagkatapos ay ipinarada ang kotse para makababa kami ni Kurt. Kumaway pa sa amin si Tito Tonee bago ito tuluyang umalis.

Agad na pumara ng taxi si Kurt. “Sa likod na lang tayo pareho,” sabi nito at mabilis na binuksan ang pinto at pinapasok ako. Para akong babae na ipinagbukas pa ng pinto ng taxi.

“Manong, sa Pasay tayo,” sabi niya sa driver.

“Saan sa Pasay?” tanong ni manong driver.

Tumingin sa akin si Kurt na parang nagtatanong kung saan ako bababa.

“Sa Kalayaan lang po,” sabi ko.

Mabilis na pinatakbo ng driver ang sasakyan. Hindi naman traffic kaya ilang saglit lang ay nasa Magallanes na kami. Diretso lang sa pagmamaneho ang driver. Hindi naman kami nag-uusap ni Kurt. Bakit ba? Eh, wala naman akong sasabhin sa kanya. Kung magtatanong siya, sasagot naman ako. Pero hindi ako ang mag-iinitiate ng conversation sa aming dalawa.

Nang makarating kami sa Kalayaan ay agad akong pumara kahit medyo malayo pa ito sa tinitirhan ko. “Sa tabi na lang po…”

Dudukot na ako ng pambayad sa driver pero nauna nang mag-abot ng bayad si Kurt. Nagulat ako nan bumaba na rin ito ng sasakyan.

“Tagarito ka rin ba?” nagtataka kong tanong. Kasasabi ko lang na hindi ako mag-uumpisa ng pag-uusapan naming dalawa pero heto at ako pa talaga ang nag-umpisang magtanong sa kanya.

“Hindi. Doon ako sa Malibay.”

“Eh, bakit ka bumaba rito?” Hindi nauubos ang pagtataka ko.

“Wala. Ihahatid kita sa inyo,” sagot niya na hindi naman tumitingin sa akin. Basta sumasabay lang siya sa paglalakad ko.

“Hindi mo na dapat ginawa iyan. Tagarito ako. Kahit madilim, hindi ako maliligaw dito.” Medyo madilim sa dinadaanan namin. Walang ilaw ang poste ng kuryente. Sira na naman yata. Kaya wala na ring mga taong dumaraan. Sabagay, mag-aalas onse na ng gabi.

“Kahit na. Basta, gusto kitang ihatid.”

“Eh, bakit nga?”

HIndi sumagot si Kurt at lubha kong ikinagulat ang kasunod niyang ginawa.

Bigla niya akong hinapit papalapit sa kanya at hinalikan ako ng mariin sa labi!

Chapter 5

MAPANGAHAS ANG halik ni Kurt at ilang segundo ring hindi ako nakakilos at parang nawala sa katinuan. Bakit ganito? Parang gusto kong gumanti sa mga halik niya. Pero nanaig sa akin ang tamang pag-iisip at nang sa wakas ay bumalik ang aking kamalayan ay mariin ko siyang itinulak.

“What are you doing?!” Nagpalinga-linga ako para masigurong walang tao sa paligid na posibleng nakakita sa ginawa ni Kurt. Salamat na lang at kami lang talaga ang tao roon, idagdag pang may kadiliman sa lugar.

Parang biglang natauhan din si Kurt. “I’m sorry…” Iyon lang ang tangi niyang nasabi.

Gusto ko siyang suntukin ngunit pinigilan ko ang aking sarili. Baka magkagulo pa. Iskandalong malaki. “Umuwi ka na nga. At huwag na huwag mong maikukuwento kahit kanino iyong ginawa mo kung ayaw mong pareho tayong maiskandalo at mawalan ng trabaho.” Mabilis akong tumalikod at iniwan ko si Kurt na nakatayo lang doon sa kalye.

Agad kong narating ang apartment. Tulog na ang mga kapatid ko pagpasok ko ng bahay. Hinubad ko ang suot kong damit at pumasok sa banyo para mag-shower. Habang nagsasabon ako ng mukha ay biglang lumitaw sa isip ko si Kurt at ang eksenang nangyari kanina.

Buwisit na Kurt iyon. Bakit niya ako hinalikan? Bakla ba iyon? At muli ay paulit-ulit na nag-replay sa isip ko ang ginawa ng lalaking iyon. Naiinis ako. Parang hanggang ngayon ay nakadikit pa rin ang labi niya sa labi ko. At bakit parang gusto ko ulit matikman ang halik niya? Parang hinahanap ko ang halik niya.

Hinahanap?

Hala! Hindi puwede. Hindi puwedeng magkagusto ako sa Kurt na iyon! Malaking gulo. Malaking iskandalo!

Nang matapos akong mag-shower ay nagsuot ako ng pambahay na damit at naupo sa gilid ng kama. Ano ba itong nangyayari sa akin? Bakit hindi ko makalimutan si Kurt at ang ginawa niya sa akin kanina sa daan?

Nakakahiya! Mabuti na lang talaga at walang tao roon.

Gustong sumigaw ng isip ko. Hindi talaga siya mawala sa utak ko. Hindi puwedeng buong magdamag kong isipin ang Kurt na iyon.


TANGHALI NA nang magising ako kinabukasan. Kasi ba naman, alas kuwatro na yata ako nakatulog. Magdamag akong nag-isip ng kung anu-ano. Oo, sige na magdamag kong inisip si Kurt. Hindi ko kasi maintindihan kung bakit niya ako hinalikan. Wala akong natatandaang pangyayari na naging sweet ako sa kanya. Never ngang nangyari na nag-usap kami ng lalaking iyon. Kaya bakit bigla na lang ganoon ang naging akto niya. Is he up to something? Baka naghihinala siya na bakla ako at gusto niya akong hulihin kaya niya ako hinalikan. Mabuti pala at hindi ako nag-react positively sa halik niya kahit muntik na akong mawala sa aking sarili habang hinahalikan niya ako. Malas lang niya. Kung inaakala niyang ganoon ako kadaling mabuking, nagkakamali siya.

Tumunog ang aking celfone. Pagtingin ko ay may siyam na miss calls at pitong text messages. Lahat galing kay Todd. Isa-isa kong binasa ang mga mensahe.

Hi

!

Good

morning

. :-)

Are

you

awake

?

I’m

on

my

way

to

Valencia

Suites

,

meeting

with

direk

.

Asan

ka

na

?

Tulog

?

Or

walang

load

?

Joke

!

I

will

be

revising

the

script

. Pinadadagdagan

ni

direk

ang

mga

eksena

mo

.

Ang

lakas

mo

,

ah

!

Meeting

is

done

.

Wala

ka

pa

rin

Sabi

mo

tatawagan

mo

ako

kagabi

.

I

waited

for

your

call

.

Hindi

ka

naman

tumawag

. :-(

Napamulagat ako. Oo nga pala! Tatawagan ko dapat si Todd kagabi. Nakalimutan ko nang tumawag dahil sa Kurt na iyon.

Kainis!

Agad kong tinawagan si Todd.

“Hello…”

“Jade! Sa wakas!” Ang saya-saya ng boses ni Todd.

“Sorry, hindi na kita natawagan kagabi. Nakatulog na kasi ako kaagad. Tapos kagigising ko lang ngayon kaya hindi ako nakapag-reply sa messages mo, pati sa calls mo.”

“Ang haba ng tulog mo, ah.” inosenteng sabi ni Todd. Malay naman niya kung anong oras ba talaga ako natulog.

“Oo nga, eh. Napasarap lang.”

“May lakad ka ba? Samahan ko akong mag-revise nitong script sa condo.”

“Anong malay ko sa pagre-revise ng script?” nagtataka kong tanong.

“Ako naman ang magre-revise. Sasamahan mo lang ako sa condo,” paliwanag niya. “Para may inspirasyon ako,” dugtong niya sa mahinang tinig.

“Ano kamo?”

“Sabi ko, samahan mo na ako. Papameryendahin kita. Ihahatid pa kita pauwi mamaya. Basta samahan mo lang ako. Please…”

Ano ba ang nangyayari sa mundo? Bakit ginugulo ng dalawang lalaki ang utak ko?

Teka, lalaki nga ba ang mga ito?

“O, sige. Maliligo lang ako then pupunta na ako sa condo mo.” pagsang-ayon ko sa gusto niya.

“Nope!”

“Ha? Bakit?”

“Hintayin mo na lang ako riyan. Susunduin na lang kita. Nasa labas din lang naman ako dahil nga nakipagmiting ako kay direk. Dadaanan na lang kita sa inyo para sabay na tayong pumunta sa condo.” mahabang sabi niya. Parang ayaw niyang magkaroon pa ako ng chance na magbago ng isip.

Saktong nakapagbihis na ako nang may mag-doorbell. Pagsilip ko sa gate ay nakita ko si Todd na napakaguwapo gayong simpleng puting shirt at fit na maong pants lang naman ang suot nito. God! Bakit ba parang araw-araw ay mas gumuguwapo ang lalaking ito?

Nagmamadali akong lumabas. Hindi naman halata na excited ako, ’di ba?

“Ang galing ko, ano? Eksakto ang dating ko.” Nakatitig sa akin si Todd. Malawak ang pagkakangiti niya na sandaling nagpahinto sa mundo ko kasabay ng mabilis na pagtibok ng aking dibdib. Ano ba itong nararamdaman ko? Am I falling for Todd?

“Tara na?” yaya ko sa kanya.

Marahang tumango si Todd habang titig na titig pa rin sa akin. Hindi naman ito kumilos para sumakay sa kotse niya.

“Huy! Sabi ko tara na.”

“Ha? O-oo, halika na…” natataranta niyang sabi. Binuksan niya ang pinto at pinasakay ako, at saka naman siya pumunta sa kabilang bahagi ng kotse para makasakay na rin.

Agad na pinatakbo ni Todd ang kotse. Napatingin ako sa kanya at nakita ko ang saya sa kanyang mukha.

“Bakit ka masaya?” tanong ko.

Bahagyang lumingon siya sa akin. “Palagi naman akong masaya. I do not entertain sadness into my life,” seryosong sagot niya habang abala sa pagmamaneho.

“Kahit single ka?

“Oo naman. Ako, aminadong single and happy. Eh, ikaw? Single na lonely pa!”

“Sino namang nagsabi sa’yo na lonely ako?”

“Bakit, hindi ba?” Kumunot ang noo niya. “May nagpapasaya na ba sa’yo?”

Hindi ako sumagot pero iniwanan ko siya ng isang misteryosong ngiti.

“Ang daya!!! Ayaw magkuwento.”

“Ayusin mo na lang ang pagmamaneho. Baka mabangga tayo.”

Nang makarating kami sa condo ni Todd ay naglabas siya ng isang slice ng cake at juice maiinom.

“Kumain ka muna diyan. Kukunin ko lang sa kuwarto ’yung laptop. Dito na lang tayo mag-revise sa salas,” aniya.

Tumango lang ako habang si Todd naman ay pumasok na sa kanyang kuwarto. Ilang saglit lang ay bumalik din siya sa salas dala ang kanyang laptop. Ipinatong niya iyon sa center table.

Umupo sa sahig si Todd at binuksan ang laptop. Hinanap rin niya ang isang file at binuksan rin. Lumabas ang script na kailangan niyang baguhin para masunod ang utos ng direktor.

“Next week na mag-uumpisa ang shooting. One week tayong on location sa Tanauan, Batangas. Then after doon, dito na sa Manila kukunan ang natitirang eksena,” pagbabalita pa niya.

“Kasama ka?” Kumuha ako ng kapirasong cake gamit ang tinidor at isinubo iyon.

“Oo, usually kasama talaga sa shooting ang scriptwriter para puwedeng mag-revise ng script kung kailangang i-revise.”

“Sabagay, sa shooting ng commercial lagi ring naroon ang scriptwriter nakaantabay.”

“Tama…” Kahit nakikipagkuwentuhan si Todd, napapansin kong hindi ito humihinto sa pagtipa sa keyboard ng laptop. Sanay na sanay na siya. Alam na alam niya talaga ang kanyang ginagawa.

Nagulat na lang ako nang bigla siyang huminto sa kanyang ginagawa at isinara ang laptop.

“Tapos na kaagad?” tanong ko sa kanya. “Baka isang eksena ko lang ang idinagdag mo,” natatawa kong sabi.

“Jade…” Nakita ko ang seryosong mukha niya.

Ano ba ang nangyayari? “O, bakit? May problema ba?”

Hindi ko inaasahan ang susunod niyang tanong, “You’re gay, am I right?”

Chapter 6

NAPATINGIN AKO kay Todd. Bahagyang kumunot ang noo ko bago ko siya sinagot. “Ano? Mukha ba akong bading?”

“Please answer me…”

“Bakit?” balik tanong ko kay Todd. “Dahil ba ganoon ka rin?” Nakita kong hindi man lang nagbago ang ekspresyon ng mukha niya. Para bang handa siya sa anumang itatanong ko.

“I am bisexual. My last relationship was with a female. I’ve had three girlfriends before, and one same sex relationship,” matapat niyang sabi. Ako ang nagugulat sa mga rebelasyong nalalaman ko. At lubhang humanga ako sa katapatan at katapangan ni Todd. He did not even have second thoughts in telling me his secrets. Or was it even a secret? Baka naman alam na ng buong mundo at ako lang ang hindi nakakaalam. “Now, tell me… are you gay?”

Hindi ko alam kung aamin na ba ako kay Todd o hindi. Mukha namang puwede ko siyang pagkatiwalaan. Kaibigan ko naman siya. Close naman kami. Well, sa pagkakaalam ko close kami.

“I’m waiting,” sabi niya ulit.

Pumikit ako ng ilang segundo kasabay ang isang malalim na buntong-hininga at saka ako nagmulat ng mga mata. “Yes, I am. But I am hiding it dahil sa trabaho ko. Baka mawalan ako ng project kapag nalaman ng mga tao. Alam mo naman, may image na kailangang protektahan. Lalo na ngayon may pelikula na ako. Love triangle pa ng isa sa pinakasikat na loveteam ngayon, tapos bakla pala.” Ang haba ng paliwanag ko. Parang gusto kong bigyan ng katwiran ang pagtatago ko ng aking lihim na pagkatao.

“You mean to say, ako pa lang ang nakakaalam?” tanong niya.

“Hindi naman. May ilang kabarkada ko na alam kung ano ako. I trust them naman na hindi nila ako ilalaglag.”

Tumango-tango siya na parang sumasang-ayon sa sinabi ko. Tapos ay biglang ngumiti.

“Anong ibig sabihin ng ngiting ’yan?” nagtataka kong tanong.

“Wala…” At muli niyang binuksan ang laptop at itinuloy ang kanyang ginagawa.


KINABUKASAN AY mag-isa lang ako sa bahay. Nasa eskuwelahan na ang dalawa kong kapatid. Nakakatamad pang bumangon kaya nanatili akong nakahiga lang sa kama. Maya-maya ay tumunog ang doorbel. Nagtaka ako. Sino kaya ang dumating? May sarili namang susi ang mga kapatid ko. At saka, mamayang hapon pa ang uwi ng mga iyon.

Natatamad man ay bumangon ako para tingnan kung sino ang dumating.

Pagbukas ko ng pinto ay tumambad sa akin ang isang pamilyar na itsura.

“Kurt? Anong ginagawa mo rito?” Alam kong kita niya ang pagtataka sa aking mukha. Of all people na iisipin kong pupunta rito, si Kurt pa?

At saka ko napansin na titig na titig sa akin si Kurt. Noon ko lang din naalalang boxers lang ang tangi kong suot. Magulo pa ang aking buhok. Napaka-unglamorous ko pala!

“Pumasok ka nga rito.” Hinila ko na ang kamay niya para mapahakbang siya papasok sa loob. “Maupo ka muna riyan. Magbibihis lang ako.” Agad akong bumalik sa kuwarto at nagsuot ng shirt at shorts. Nagsuklay na rin ako ng buhok. Pagbalik ko sa salas ay naabutan kong tahimik na nakaupo si Kurt. Titig na titig pa rin ito sa akin habang papalapit ako sa kanya.

“Bakit mo ba ako tinititigan?” asik ko sa kanya. Nakaka-conscious na kasi ang ginagawa niya. Hindi ko alam kung may mali ba sa mukha ko para tingnan niya nang ganoon katagal.

“I came here for two things,” panimula niyang sabi. “First, I want to apologize for what I’ve done the other night.” Saglit siyang huminto, parang naghihintay ng reaksyon ko.

“Okay na iyon. Wala na iyon, kalimutan mo na.”

“No, hindi ko puwedeng kalimutan iyon because of the second reason why I’m here…” Tumigil na naman siya sa pagsasalita. Ako naman ay parang tanga na naghihintay sa susunod niyang sasabihin.

“Bakit nga?” Ewan ko ba kung kaba o kilig ang nararamdaman ko. Bakit hindi ko maipaliwanag? Para akong nae-excite na ewan.

“Because I like you…” tila nahihiyang teenager na sabi nito. Muntik na akong mapatawa nang malakas kung hindi ko lang napigilan ang aking sarili. Anong sabi? He likes me? Abnormal yata itong si Kurt. After ng series of matatalim na tingin sa akin before, then hinalikan lang niya ako noong nakaraang gabi ngayon he likes me na. Akala ba niya paniniwalaan ko siya? Pero napansin ko, guwapo pala ang Kurt na ito. Ngayong nakikita ko siya sa malapitan at hindi siya nakatingin ng matalim sa akin, kumbinsido ako na magandang lalaki ang bugoy na ’to. Iba siya sa itsura ni Todd. Parang boy next door si Todd, pero si Kurt iyong tipong ruggedly handsome. Si Todd, iyong good boy na gusto mong yakapin. Si Kurt naman iyong tila sanggano na gusto mong yumakap sa’yo kasi alam mong maproprotektahan ka niya. Teka, eh bakit ko ba sila pinagkukumpara?

“Anong nakain mo? Ba’t parang wala ka yata sa sarili?” tanong ko sa kanya dahil hindi talaga kapani-paniwala ang sinabi niya.

“Hindi ako nawawala sa sarili. Malinaw ang pag-iisip ko.” tila naiinis nitong sabi sabay kunot ng noo na naging dahilan para magsalubong ang mga kilay nito. Ba’t mas lalo yata itong gumuwapo nang magmukhang galit?

“Eh, bakit mo sasabihing gusto mo ako? Bakla ka ba?” Diniretso ko siya ng tanong. Mabuti nang malinaw ang usapan.

“Hindi…”

“O, eh ba’t mo ako gusto?”

Hindi siya agad nakasagot. Tila hinuhukay pa niya sa kailaliman ng isip ang sasabihin. “Hindi ko alam. Basta naramdaman ko na lang. Biglang gusto kong lagi kitang makita.”

“Kung hindi ka bakla, so iniisip mo na ako ang bakla. Ganoon?”

“Hindi rin,” tila naguguluhan niyang sabi. “Ewan ko, hindi ko ma-explain. Basta ang alam ko, gusto kita.”

“Hindi naman pala ako bakla, eh. Anong inaasahan mong isasagot ko sa’yo ngayon?”

“Wala. Hindi naman ako nag-eexpect na magustuhan mo rin. Ipinaalam ko lang sa’yo kasi nahihirapan na akong pigilin ang nararamdaman ko.” Bakit parang tinusok ng karayom ang puso ko dahil sa sinabi niya?

“Imposible kasi. Ang hirap paniwalaan. Nagkausap na ba tayo dati ng tayo lang dalawa? Hindi pa naman, ’di ba? Bakit? Kasi pakiramdam ko galit ka sa akin. Kapag nakikita kita, kapag nakakasalubong kita, laging ang talim ng tingin mo sa akin. Akala mo siguro hindi ko napapansin iyon.”

“I’m sorry… Sinasadya kong gawin ’yon para hindi mo isipin na tinitingnan kita. Para hindi mo isipin na gusto kita kapag nahuhuli mong nakatingin ako sa’yo,” pag-amin niya. “Pinipigilan ko nga kasi dati.”

Hindi pa rin ako kumbinsido sa paliwanag niya. “Eh, bakit ka nagdesisyon na ipaalam sa akin ngayon?”

“Dahil natatakot ako na kunin ka niya sa akin.”

“Niya?”

“Si Todd, ’yong scriptwriter.”

“Huh?”

“Nakita ko kayo sa mall na magkasama. At alam kong pumunta ka sa condo niya. Kahapon, galing ka ulit doon.”

“Paanong…?”

“Alam ko… May paraan ako para malaman.”

“Sinusundan mo ako? Are you stalking me?”

Hindi siya sumagot bagkus ay humakbang papalapit sa akin at saka nagsalita, “I am beginning to love you, Jade.” Hindi ko inasahan na mas lalapit pa siya sa akin sabay bigla ako kinabig para mapadikit ang katawan ko sa kanya. Sa ikalawang pagkakataon ay muli niya akong hinalikan pero bakit pakiramdam ko ay mas passionate ang dampi ng mga labi niya ngayon? Nanginig ang aking mga tuhod sa sensasyong dala ng ginagawa ni Kurt sa akin. Natatangay na ako ng kanyang halik at parang nawawala na ako sa katinuan.

Mas hindi ko inasahan ang ginawa kong pagtugon sa mga halik ni Kurt. Ginantihan ko ng parehong apoy ang init na dala ng kanyang dila at labi. Ang eksenang paulit-ulit na bumalik sa aking isipan noong nakaraang gabi ay muling naging katotohanan at mas matindi pa.

Matagal na naglapat ang aming mga labi. Ang mga dila namin ay tila ba mga batang nakatagpo ng bagong kalaro. At in-enjoy namin ang paglalaro.

Nang sa wakas ay naghiwalay ang aming mga labi, iba na ang tingin ko kay Kurt. Hindi na iyong Kurt na mayabang. Hindi na iyong Kurt na maangas. Hindi na iyong Kurt na sobra kong kinaiinisan.

Chapter 7

“UMALIS KA na, Kurt,” mahinahon kong sabi. Ayokong makita niya ang totoo kong nararamdaman. Ayokong umasa siya sa isang bagay na hindi naman sigurado. Hindi ibig sabihin na umokey na ang tingin ko sa kanya ay magiging kami na. Malabo iyon.

“Paano tayo?” tanong niya. Halata sa mukha niyang naguguluhan siya.

“Kurt, walang tayo. Huwag kang hibang.” paalala ko sa kanya. Hindi ibig sabihin na naghalikan kami ay magiging kami na. Halik lang iyon. Kapag naligo ako, wala na.

“Anong wala? Jade, gumanti ka sa halik ko. Tinapatan mo ang bawat galaw ng dila ko. Tapos sasabihin mong walang tayo?”

“Natural reaction iyon ng isang tao,” palusot ko.

“Ang natural na reaksyon ng isang tao, iiwas siya kung hindi niya gusto. Pero ikaw, hindi ka nagpakita kahit konting pagtutol. Nagustuhan mo ang ginawa ko.”

“Kapag nagustuhan, ibig bang sabihin gusto kita? Hindi ba puwedeng natangay lang? Nadarang?” Hindi ako nagpatalo sa pakikipag-argumento. Kung may bala siya, meron din ako.

“It’s not just an assumption. I felt it. Naramdaman ko na gusto mo rin ako,” Kurt insisted.

Umiling-iling ako.

“Please don’t make it hard for me, Jade. Just tell me the feeling is the same.” Nakita ko ang tila nagmamakaawang titig ni Kurt. Pero buo ang desisyon ko na hindi puwedeng maging kami. How can that happen when it is Todd that I’m waiting to propose. Si Todd ang gusto ko. Si Todd ang hinihintay kong magsabi sa akin na gusto niya ako. Kung aamin din lang ako tungkol sa pagkatao ko, iyon ay para makasama ko si Todd. Hindi si Kurt.

“I’m sorry, Kurt. You misunderstood my actions,” sabi ko. “It is not what you think it was. It was nothing, really.”

Nanlumo si Kurt sa sinabi ko. Kitang-kita ko ang biglang pamumula ng kanyang mukha. Ang mga mata niya ay tila maiiyak na yata. Gusto ko man siyang aluin ay hindi ko puwedeng gawin. I need to be firm with my words.

Maya-maya ay nagsalita siya, “I need to go. Thanks for your time.”

Marahan akong tumango.

“I am not giving up,” bigla ay sinabi niya. “I’ll just give you time to think about it.”

Bilib din naman ako sa lalaking ito. Ang lakas ng fighting spirit. “Ikaw ang bahala. Basta, sinabi ko na sa’yo iyong sagot ko.”

Nang lumabas ng bahay si Kurt ay saka lang ako nakahinga nang maluwag. Pero nang mawala na siya sa aking paningin ay saka naman parang nakaramdam ako ng kalungkutan.

Bakit ganito? Ano bang nangyayari? Don’t tell me na nami-miss ko si Kurt!

At muli ay nagbalik sa isip ko ang nangyari kanina. Para itong pelikula na paulit-ulit na nag-replay sa utak ko. Bakit iba ang pakiramdam ko? Gusto kong maulit muli ang ginawa sa akin ni Kurt.

Impossible!

This is not happening to me.

  ![](https://img.wattpad.com/da10e92cf567135927efbd62da15e301173563f3/68747470733a2f2f73332e616d617a6f6e6177732e636f6d2f776174747061642d6d656469612d736572766963652f53746f7279496d6167652f42546a3079754e626f72424248773d3d2d3336383034353132382e313461356531613433376464386333313936333938353831323638302e6a7067)

NAKISAKAY NA lang ako sa kotse ni Todd papuntang location ng shooting namin sa Batangas. Isang linggo rin kaming maglalagi roon. Mabuti na lang at pumayag kaagad ito nang magsabi ako sa kanya kahapon.

Ang swerte ko naman. Ilang beses ko na bang ginawang driver si Todd?

“Mabuti naman at sumabay ka na lang sa akin. Though may shuttle van service naman, mas comfortable pa rin dito sa kotse ko.” Si Todd ang nag-umpisa ng usapan namin habang bumibiyahe.

“Alam mo ba kung saan tayo pupunta?” tanong ko sa kanya habang busy ako sa pagtetext sa kapatid ko. Tulog pa sila nang umalis ako kanina. Kaya hindi na ako nakapagbilin sa kanila. Mamaya ko na lang sila tatawagan.

“Hindi. Pero marami namang mapagtatanungan doon. Hindi naman siguro tayo maliligaw.”

At tama nga si Todd. Madali naming nahanap ang location. Pagdating namin doon ay naroon na ang ibang staff at nag-aayos na ng set. Iyong malaking bahay na inarkila para kunwari ay siyang bahay ng pamilya ng female lead sa pelikula ay siya ring tutuluyan namin sa buong isang linggo ng pananatili namin doon. Isang lumang bahay iyon na may hagdan sa harapan at walong ang kuwarto. Nakita ko si Todd na kausap ang isang staff. Maya-maya pa ay lumapit na siya sa akin.

“Doon ang room natin,” sabi ni Todd sabay turo sa bandang dulong bahagi ng bahay. “Tatlo tayo roon.”

“Sino pa iyong isa?”

“Si Kurt.”

Muntik nang manlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Si Kurt talaga? Of all people!

“Good thing na rin na magkasama kayo sa room. Para makapag-bonding kayo at maging natural ang akting n’yo as best friends sa movie,” nakangiti pa si Todd nang sabihin iyon. Siyempre, wala naman kasi siyang alam sa nangyari sa amin ni Kurt.

“Mamaya na lang tayo maghakot ng gamit.” Iyon na lang ang nasabi ko.

“Doon na lang muna tayo sa kotse habang nagse-set up pa sila at ’di pa naman tayo kailangan dito,” suhestiyon niya. “Napaaga tayo nang dating. Wala pa si direk at yung lead cast.”

Pababa na kami ng hagdan nang matanaw namin ang pagdating ng isang pulang kotse. Ipinarada ng nagmamaneho ang kotse sa tabi ng sasakyan ni Todd. Mula roon ay lumabas ang nagmamaneho ng kotse at nagulat pa ako nang makita si Kurt. Hindi ko alam na may kotse pala ang mokong na ito. The last time na pumunta siya sa bahay ay wala naman siyang dalang sasakyan.

“Hi!” bati niya sa amin nang makalapit kami.

“Hello…” Nakipagkamay si Todd kay Kurt. Makikipagkamay din ba ako?

“Hindi ka ba nahirapang hanapin itong lugar?” Ewan kung bakit iyon ang tanong na lumabas sa bibig ko kasabay ng paglahad ng palad ko para makipag-shake hands sa kanya. Alangan namang yakapin ko siya o ibeso kaya.

Natural lang ang kilos ni Kurt. Normal lang ang pakikitungo niya sa akin. Parang walang kakaibang nangyari sa aming dalawa noong nagdaang ilang araw. “Hindi naman. Medyo pamilyar ako rito sa lugar dahil diyan lang sa kasunod na bayan nakatira ang grandparents ko sa father side.”

“Nag-aayos pa sila ng set. Magkakasama tayong tatlo sa room pero we decided na dito na lang muna sa kotse mag-stay. Wala pa rin naman kasi si direk at iyong ibang cast,” sabi ni Todd. Mukhang magkakasundo ang dalawang ito.

Makalipas ang isang oras ay magkakasunod nang dumating si direk pati na rin ang mga bida sa pelikula na sina Matt Stuart at Jessa Trias. Kasama ng dalawa ang kani-kanilang road manager at production assistant o pinagandang tawag sa alalay. Actually, tinanong naman ako ni Tito Tonee kung kailangan ko raw ba ng road manager at PA na sasama sa akin dito sa shooting pero sinabi kong huwag na. Kayang-kaya ko naman ang sarili ko rito. At saka may staff naman na mag-aasikaso ng mga kailangan ng artista. Pero nagsabi pa rin si Tito Tonee na siya na lang ang dadalaw rito sa shooting para ma-check kung okay ako, kung okay kami ni Kurt.

Bago mag-alas dose ng tanghali ay nagsimula na ang shooting. Lahat ay naging abala. Dumagsa na rin ang mga taong gustong manood at makakita ng mga artista. Sikat na sikat talaga sina Matt at Jessa. Hindi magkamayaw ang tilian ng mga tao kapag nakikita sila.

Maraming eksena rin ang nakunan bago lumubog ang araw. Kinabahan ako nang eksena ko na ang kukunan pero lahat ng kaba ay nawala noong nagsimula nang gumiling ang camera. Natapos ko naman ng take one ang mga eksena ko kasama si Kurt. Walang sino man sa set ang nakahalata na hindi kami ganoon ka-close ni Kurt sa totoong buhay.

Nang mag-pack up na ay kaagad akong nagtungo sa banyo para maghilamos. Sobrang nanlalagkit ang pakiramdam ko. Hindi ko namalayan na sumunod pala si Kurt.

“Puwede ba kitang makausap?” Nagulat pa ako nang bigla na lang siyang magsalita sa likuran ko.

“Tungkol saan?” Para namang may iba pa kaming pag-uusapan.

“Tungkol sa atin. Sa ating dalawa.”

Bumuntonghininga lang ako at ipinagpatuloy ang paghihilamos.

“Jade, gusto nga kita.”

Isang boses ang biglang sumali sa aming usapan. “Gusto mo si Jade?” Nanlaki ang mga mata ko sa aking narinig. Maging si Kurt ay hindi rin agad nakapagsalita.

Chapter 8

KAPWA HINDI nakapagsalita sina Kurt at Jade.

“Ano, Kurt? Is it true na gusto mo si Jade?”

“Todd, it is not what you think,” protesta ko.

“No, Jade. Let Kurt answer my question,” sabi niya na naniningkit ang mata sa hindi ko maipaliwanag na dahilan.

“Bakit ko kailangang sagutin ang tanong mo? Ano ka ba ni Jade, syota?”

Hindi nakasagot si Todd. Nakipagtitigan lang ito kay Kurt pagkatapos ay nagsabing, “Hindi pa tayo tapos, Kurt.”

Nanatili lang akong nakatingin sa kanilang dalawa. Hindi ko rin alam ang gagawin o sasabihin ko.

“Jade, tayo na.” Iba ang dating sa akin ng sinabi ni Todd.

“Ha? Tayo na ba?”

“Ang ibig kong sabihin, umalis na tayo rito.” Tumalikod na siya at naglakad papalabas ng banyo.

“Ha? Oo, sige…” Napatingin ako kay Kurt bago ako sumunod kay Todd. Nakita ko ang lungkot sa kanyang mukha. Ramdam kong hindi niya gusto ang ginawa kong pagsunod kay Todd.

“Jade…” narinig kong sabi niya.

Muli akong napatingin sa kanya.

“Is it him that you like? Siya ba ang gusto mo, Jade?” Ano ’to? Bakit ba parang gusto ko siyang sugurin at yakapin? Para na siyang maiiyak and I don’t want it to happen.

Hindi ko siya sinagot.

“Your silence means yes. I knew it.”

“Bilisan mo, Jade.” Huminto sa paglalakad si Todd at tinawag ako.

“Oo, andyan na.” Napabilis ang paglalakad ko at tuluyan nang naiwan sa loob ng banyo si Kurt. Nakasalubong pa namin ng isang production assistant na papunta rin siguro sa banyo.

HALATA ANG tensyon sa loob ng silid ng gabing iyon. Kaming tatlo pa naman ang magkakasama sa kuwarto. Hindi nagpapansinan sina Kurt at Todd. Hindi ko rin alam kung sino naman ang kakausapin ko. Sa huli ay nagpasya akong pareho na lang dedmahin silang dalawa.

Si Kurt ang bumasag ng katahimikan. “Puwede ba kitang makausap sa labas, Jade?”

“Matulog na kayo, gabi na,” si Todd ang sumagot. “Maaga pa ang shooting bukas. Baka mapagalitan kayo ni direk kapag nakita kayong pakalat-kalat diyan sa labas.”

“Bakit ka ba kasi nakikialam? Matulog ka na kung gusto mo,” asik sa kanya ni Kurt.

“Gabi na, Kurt. Bukas na lang tayo mag-usap. Inaantok na ako.” Nakita kong pumunta si Kurt sa kama niya at humiga na lang. Si Todd naman na kanina pa nakahiga ay nagtalukbong ng kumot. Tumayo ako at pinatay ang ilaw para makatulog na rin ako. Bahala na bukas kung ano man ang mangyayari sa aming tatlo.

KINABUKASAN AY dumalaw sa set si Tito Tonee pero hindi rin naman ito nagtagal. Kinumusta lang kaming dalawa ni Kurt. Siyempre hindi namin sinabi na may konting gusot sa pagitan naming dalawa at pati na rin si Todd. Ayokong bigyan pa ng alalahanin si Tito Tonee. Anyway, pareho naman kaming tinuruan na maging professional kaya alam kong matatapos namin ang shooting nang hindi naaapektuhan ng personal naming nararamdaman.

MABILIS NA natapos ang isang buong linggo ng shooting sa parteng iyon ng Batangas. Hinatid ako ni Todd sa bahay. Hindi siya pumayag na si Kurt ang maghahatid sa akin kahit na nag-alok itong sa kanya na lang ako sumabay. Iginiit ni Todd na siya ang kasama ko sa pagpunta roon kaya nararapat lang na kami rin ang magkasama pabalik ng Maynila. Hindi na iginiit ni Kurt ang kanyang gusto. Mag-isa siyang bumiyahe pabalik ng lungsod.

Pagod ako sa biyahe nang makauwi bandang alas nueve mg gabi. Tulog na ang mga kapatid ko kaya hindi ko na sila inabalang gisingin. Nag-shower lang ako at agad na humiga rin para makatulog na. Hindi ko na namalayan ang oras. Nagising na lang ako sa malakas na tunog ng aking cellfone na nasa mesita sa bandang kanan ng aking kama.

Inabot ko ang telepono nang hindi nagmumulat ng mga mata at sinagot ang tawag.

“Hello…” inaantok na sabi ko. Nananatiling nakapikit ang aking mga mata.

“Jade! Nabasa mo na iyong article sa’yo sa mga tabloid?” Malakas ang boses ng nasa kabilang linya. Alam ko, si Tito Tonee iyon.

“Hindi pa po, tito. Natutulog pa ako noong tumawag ka. Ano po ba ang sabi?”

“Parang pinalalabas doon sa article na something is going on sa inyong tatlo ni Kurt at pati doon sa scriptwriter ng pelikulang ginagawa n’yo. Diumano ay may love triangle daw sa inyong tatlo. May nangyari raw eksena sa banyo doon sa location n’yo sa Batangas at may nakakita kay Kurt na mukhang malungkot pagkatapos mong lumabas sa banyo kung saan naghihintay naman sa’yo sa labas iyong scriptwriter,” mahabang litanya ng manager ko. “Ano ang totoo rito, Jade? Totoo ba ang balitang ito?”

Napabalikwas ako ng bangon. Biglang nawala ang antok ko. Ito na nga ba ang sinasabi ko. Sino ba ang puwedeng maging source ng balitang ito?

Naalala ko iyong production assistant na nakasalubong ko paglabas ng banyo. Siya lang ang puwedeng panggalingan ng kuwento.

“Ano, Jade? Magsalita ka.”

“Tito, baka naman may nang-iintriga lang. Ano pong sabi ni Kurt? Nakausap mo na po ba siya? tanong ko. Ayoko munang magsabi ng totoo. Gusto ko munang malaman kung ano ang sinabi ng iba pang sangkot sa kuwento.

“Wala na si Kurt. Kagabi pa lang ay nagpaalam na siya sa akin na magbabakasyon raw muna siya. Tapos naman na ang shooting ng part niya sa movie kaya pinayagan ko na,” pagbabalita ni Tito Tonee.

Ano’t bigla akong nakaramdam ng pangungulila sa sinabi niya? “Saan daw po siya pupunta? naitanong ko na lang.

“Hindi niya sinabi. Basta kokontakin na lang daw niya ako kapag gusto na niya ulit magtrabaho. Ngayon, sagutin mo na ang tanong ko. Totoo ba ang balita sa diyaryo? Magsalita ka, Jade!”

“Tito Tonee…”

“Manager mo ako, Jade. Hindi ka dapat maglihim sa akin. Paano kita maipagtatanggol sa mga maling balita kung ako mismo eh hindi ko alam ang totoo?”

“Iyong PA siguro ang source ng balita, tito. Siya lang naman ang nakasalubong namin doon sa banyo after na mag-usap kaming tatlo nina Kurt at Todd.”

“So, totoo nga.” Narinig kong bumuntong-hininga siya. “Kelan pa ito nangyayari? Bakit hindi mo man lang sinasabi sa akin?”

“Bago pa lang, tito. Noon lang gabi pagkatapos ng presscon. Hindi ko naman inaasahan na lalaki nang ganito,” paliwanag ko sa kanya.

“May pelikula ka. Siguradong papalakihin pa ng iba ang balitang ito. Anyway, hindi lang naman ikaw ang artistang nabalitang kinukuwestyon ang pagkalalaki. Kahit iyong mga sikat na talaga ay hindi nakaliligtas sa ganitong intriga. Isipin na lang natin na good or bad publicity is still publicity.” Nakahinga ako nang maluwag na hindi ako tinalakan ng manager ko.

“Paano kung may reporter na magtanong sa akin tungkol doon?” nag-aalala kong tanong.

“Ako ay manager mo lang. Trabaho lang ang may pakialam ako sa’yo. Ikaw ang mas nakakaalam ng mga gusto mong gawin sa buhay mo. Lalo na pagdating sa mga personal at pribadong bagay. Oo, puwedeng makaapekto sa career mo ang ganyang balita. Pero hindi kita pipigilan kung paano mo man gustong sagutin ang isyung ’yan. Nakasuporta lang ako lagi sa bawat magiging desisyon mo.” Hindi ko inasahan na magiging ganoon ka-understanding si Tito Tonee. Mas na-appreciate ko siya ngayon. Alam kong ginagawa niya ang lahat para pasikatin ako. Kaya sobrang natuwa ako na hindi niya ako pinagalitan sa pagsabog ng balita tungkol sa sekswalidad ko.

“Maraming salamat, tito.”

KATATAPOS LANG namin mag-usap ni Tito Tonee nang tumunog ang doorbell. Agad akong bumaba para pagbuksan ang kung sino kang dumating.

“Todd, anong ginagawa mo rito?” tanong ko sa kanya kahit parang alam ko na kung bakit bigla siyang napasugod. “Pumasok ka.”

Habang papasok sa loob ng bahay ay nagtanong siya, “Have you seen the news?”

“Iyong tungkol ba sa atin?”

“Yeah,” sagot niya. “Ikaw ang inaalala ko.”

“Nakausap ko na ang manager ko about doon. Pabayaan ko na lang daw. Kung may magtanong, bahala na raw ako kung aaminin ko o hindi.”

“You’re not bothered at all?” muli niyang tanong.

“May mga bagay at katotohanang kailangan nating harapin. Oo, minsan natatakot tayo. Pero hindi natin puwedeng pagtaguan ang takot habang buhay. Darating ang oras na kailangan nating magpakatatag at harapin ang takot. Bahala na kung ano ang mangyari pagkatapos.”

“Aaminin mo? Paano na ang career mo?” Nakita ko ang pag-aalala sa mukha ni Todd.

“Bahala na. Makakahanap naman siguro ako ng ibang trabaho kung sakali mang wala nang dumating na offer sa akin. At least, wala na akong itinatago sa tao at makakakilos na ako nang hindi natatakot na mabubuko nila ako.”

Nakita kong ngumiti nang malapad si Todd. “I admire you for that. Go on, Jade. You have my full support.”

“Ikaw? Kasama ka rin sa balita, hindi ba?”

“I don’t care. I am always open with my sexuality. Should they persecute me, the hell I care with them,” matatas niyang sabi.

“Wow, ha! Bilib na talaga ako sa’yo. Kaya ako tumatapang, eh. Kasi idol kita.”

Bigla akong niyakap ni Todd. Mahigpit na mahigpit. Ramdam ko ang init ng kanyang katawan.

Chapter 9

ISANG LINGGO na ang nakalilipas magmula nang sabihin sa akin ni Tito Tonee na nagpaalam sa kanya si Kurt para magbakasyon. Sa loob ng isang linggong iyon, walang araw na hindi ko siya naalala. Palagi siyang sumisiksik sa aking isipan. At sa gabi, parang pelikulang paulit-ulit na bumabalik sa akin ang mga sandaling hinahalikan niya ako. Nasaan na kaya si Kurt? Ayaw ko mang aminin pero nami-miss ko na siya. Sobra!

Naaalala ko pa noong nasa Batangas kami. Bago ako lumabas ng banyo ay nakita ko kung gaanong lungkot ang nakarehistro sa kanyang mukha. At maging noong tumanggi akong sumabay sa kanya pabalik ng Maynila. Hindi lang siya kumibo at hinayaan na lang si Todd, pero nakita ko ang sobrang kalungkutan sa kanyang mga mata.

Nasaan ka na ba, Kurt?

Ayaw ko mang isipin, hindi mawala sa utak ko na baka ako ang dahilan ng biglang pagkawala niya sa sirkulasyon. Alam kong nasaktan siya. Nasaktan ko siya. At hindi ko na alam kung paano ako makababawi sa kanya. Nasundan pa nga iyong balita tungkol sa gay issue. Inakala ng mga reporter na nagtago si Kurt para makaiwas sa intrigang iyon dahil hindi lang naman ako ang kinukuwestyon ang kasarian kundi maging siya at si Todd. Kaming tatlo. Pero si Todd ay dedma lang. Tuloy lang ang buhay para sa kanya. Sa akin naman ay wala pang direktang nagtatanong. Although may mga imbitasyon for interview and tv guestings, hindi iyon tinanggap ng manager ko. Tuloy lang ako sa shooting ng unang pelikula ko. Ilang eksena na lang ang kukunan at matatapos na rin ang pelikula.

“Jade, sabay na tayong umuwi.” Katatapos lang ng shooting para sa araw na ito. Katulad ng dati, nasa shooting din si Todd para mag-revise ng script kung may kinakailangang ayusin.

“Sige…”

“Daan ka muna sa place ko, nag-bake ako ng macaroni kaninang umaga bago ako pumunta rito. Mag-uwi ka para sa mga kapatid mo.” Nakita kong nag-flash ang isang masayang ngiti sa labi niya.

“Wow, sige ’ba. Masarap ’yan. Matutuwa ang mga kapatid ko.”

Walang gaanong traffic kaya mabilis kaming nakarating sa condo ni Todd. Pagpasok sa loob ng condo ay umupo muna ako sa sofa habang si Todd ay pumasok sa kuwarto at nagpalit ng damit. Preskong-presko siya nang bumalik sa salas sa suot na white shirt at casual black cotton short pants.

“Mamayang konti ka na lang umuwi. Maaga pa naman. Ihahatid na lang kita,” sabi pa niya. “Tikman mo muna itong niluto ko. Diyan ka lang, kukuha lang ako.”

Pumunta siya sa kusina. Pagbalik niya ay may dala siyang plato na may isang slice ng baked macaroni at isang tinidor. Iniabot niya iyon sa akin. “Ayan, kain ka muna.”

Ipinatong ko sa center table ang plato at saka ako sumalampak sa sahig. Si Todd ay walang pakialam na sumalampak na rin sa sahig sa bandang harapan ko.

“Panonoorin mo akong kumain?” tanong ko.

“Oo, siyempre!” sagot niya na bahagya pang natawa. Muling lumabas ang kanyang kaguwapuhan sa kanyang pagngiti.

Nag-umpisa akong kumain.

“Masarap ba?”

“Oo. Expected na iyon. Alam ko namang masarap kang magluto.” Totoo sa loob na sinabi ko. “Suwerte ang magiging partner mo.”

“Eh, ’di suwerte ka pala…”

Napatingin ako kay Todd. Wala akong ano mang nasabi pero alam kong nagtatanong ang aking mga mata.

“I’m serious,” seryosong sabi niya. “I like you. Iyan ang nararamdaman ko sa’yo noon. Simpleng pagkakagusto. But now, iba na. I love you, Jade.”

Ano raw? Mahal raw niya ako? Hindi ako makapaniwala. Ito iyong matagal ko nang hinihintay na sabihin niya sa akin. Dapat masaya ako, ’di ba?

Pero bakit parang wala naman akong kakaibang naramdaman? Hindi ba dapat may spark? Dapat yata may fireworks.

Muli kong pinakiramdaman ang aking sarili. Wala, eh. Wala talaga. Kahit konting kilig, wala.

Nanlaki ang mga mata ko. Bakit ganoon? Gustong-gusto ko si Todd, hindi ba? Kaya ko nga tinanggihan si Kurt kasi si Todd nga ang gusto ko. Pero bakit wala akong maramdamang excitement ngayong nagtapat na siya?

“Jade…”

“H-ha?”

“Sabi ko, I love you. Do you love me, too?” direktang tanong niya.

“Todd… Ahm, we get along well. Okay na okay kang kasama.” Hindi ko alam kung paano dudugtungan ang sinabi ko. “Masaya naman tayong ganito, ’di ba?”

“You don’t like me…”

“No… I mean, yes. Hindi, mali.” Nagkamali-mali na ako ng sinasabi. “Ang ibig kong sabihin hindi ba mas mabuti kung magiging mabuting magkaibigan na lang tayo? Best friends?”

“Don’t you like a relationship with me that is deeper than friendship?”

Ang tanong niya ay sinagot ko ng isang malalim na buntong-hininga.

“Ang lalim naman noon. Parang ang hirap sagutin ng tanong ko, ah.” Ramdam ko ang pait sa tinig ni Todd.

“Sorry, Todd.” Gusto kong umiyak. Alam kong nangingilid na ang luha sa mga mata ko.

“Is it Kurt?”

Marahan akong tumango. “Pero hindi ko alam kung nasaan na siya.”

“He is such a lucky guy.” Ang lungkot-lungkot ng boses niya. Hindi ko napigil ang sarili ko. Umiiyak akong niyakap si Todd.

“I’m sorry, Todd. Sorry…”

Hinagod ni Todd ang likod ko. “It’s all right. I understand. Huwag ka nang umiyak.”

“Promise me that we’ll still be friends.”

“Oo naman. Walang magbabago. I will still be a friend. Your best friend, kung gusto mo,” nanginig ang boses ni Todd. “That’s how much I love you.” Narinig kong ibinulong niya iyon.

Mas lalo ko pang hinigpitan ang pagyakap ko kay Todd. Sa mga oras na iyon, gusto kong iparamdam sa kanya na hindi ko man kayang tumbasan ang nararamdaman niya para sa akin ay hindi naman ako lubusang mawawala sa kanya.

True to his words, inihatid pa rin ako ni Todd sa apartment. Pagbaba ko ng kotse niya ay bumaba rin siya at niyakap pa akong muli bago pumasok sa kotse para umuwi. Malungkot man, kumpiyansa ako sa sarili kong hindi mawawala sa buhay ko si Todd.

NGAYON ANG presscon para sa pelikulang My One Desire. Tapos na ang shooting ng pelikula at nasa post production stage na. Hindi nga ako makapaniwalang kaya palang matapos ang isang buong pelikula in twenty shooting days. Dumating na ang stars ng pelikula, pati na rin si direk at ang producers. Present din sa presscon si Tito Tonee at ang mga manager ng iba pang mga artistang kasama sa movie. Naroon din si Todd na as usual ay napakaguwapo sa suot niyang long sleeves polo at slacks.

Nang magsimula ang presscon ay inulan ng tanong ang dalawang bida sa pelikula na sina Matt Stuart at Jessa Trias. Siniguro ng mga movie reporter na makakuha ng interesting news bits mula sa dalawa. Alam kong hindi matatapos ang presscon nang hindi ako natatanong kaya inihanda ko na ang sarili ko sa intriga.

“This question is for Jade Casiano,” sabi ng isang babaeng reporter.

“Yes po…” Nginitian ko siya.

“Jade, these past few days ay may lumabas na balita na diumano ay may nabuong love triangle sa pagitan mo, ni Kurt Morris na wala ngayon dito at ng scriptwriter na si Todd Saavedra. Gaano katotoo ang balitang ito?” prangkang tanong ng reporter. “At sana sagutin mo rin kung sino ang bading sa inyong tatlo. Ikaw ba? Si Kurt? O si Todd?”

Napatingin ako kay Todd, pagkatapos ay kay Tito Tonee na katabi ko. Tumango siya sa akin. Si Todd naman ay nakatingin lang din at tila ba naghihintay kung ano ang aking sasabihin.

“Totoo po iyong balita. Walang dahilan para itanggi ko iyon. Mas mabuting kumpirmahin ko na iyon ngayon para matigil na rin ang mga bulung-bulungan sa paligid.” Biglang natahimik ang lahat. Parang huminto sa pag-ikot ang mundo at lahat sila ay nag-aabang sa susunod ko pang sasabihin.

Nakita kong ngumiti si Tito Tonee.

“Sa tanong po kung sino ang bakla sa aming tatlo, hindi po ako ang dapat sumagot para kina Kurt at Todd. Sasagot lang ako para sa sarili ko.” Muli kong nilingon ang aking manager. “Opo, bakla ako. Pero kahit kailan ay hindi ko po itinuring na balakid ang kasarian ko para magawa ko ng tama ang mga trabaho ko. Dahil katulad n’yo, pare-pareho lang tayong tao. Parehong may kakayahang gawin ang isang bagay. Nagkataon lang na magkaiba ang sexual preferences natin. Pero kailan man ay hindi naging basehan ang sexual preference ng isang tao para sabihing mas mahina siyang uri ng nilalang. Inaamin ko ngayon ang kasarian ko, sa pag-asang maiintindihan ninyo ako at hindi huhusgahan. Pero ano’t ano pa man, handa na ako sa posibleng kahinatnan ng pag-amin kong ito. Puwedeng mas tangkilikin ako ng mga tao. Puwede rin namang ito na ang katapusan ng career ko. Basta ang masasabi ko, hindi ko itinago ang pagkatao ko. Hinintay ko lang na may makapuna at magtanong. Ngayong may nagtanong na, matapang akong nagbigay ng totoong sagot. Salamat po.”

Wala agad nakapagsalita sa mga taong nasa presscon. Ilang segundo rin iyon ng katahimikan hanggang nakita ko si Todd na nag-umpisang pumalakpak nang marahan. Sumunod si Tito Tonee na pumalakpak rin, hanggang sa nagsisunuran na ang iba pang mga taong naroroon sa presscon.

Masayang-masaya ako sa naging reaksyon nila sa ginawa kong pag-amin. Ano man ang maging resulta nito sa career ko ay maluwag sa dibdib kong tatanggapin.

Todd Saavedra Photos

![](https://img.wattpad.com/cbbfe8322514807027e72435a05e35d90ff2d336/68747470733a2f2f73332e616d617a6f6e6177732e636f6d2f776174747061642d6d656469612d736572766963652f53746f7279496d6167652f374f686c50694c51743865626f513d3d2d3337363130373835372e3134613730613263383033316437633435323635383537393937382e6a7067)

![](https://img.wattpad.com/0a395799141e2b03f24961ea4cf1e4f31ca16eff/68747470733a2f2f73332e616d617a6f6e6177732e636f6d2f776174747061642d6d656469612d736572766963652f53746f7279496d6167652f445045715a4d4434334d75336f673d3d2d3337363130373835372e313461373061326631623137646439653936343130383339363731342e6a7067)

![](https://img.wattpad.com/0ab6dbd88de20c72c5b54e73bb2d993ae7ff0c74/68747470733a2f2f73332e616d617a6f6e6177732e636f6d2f776174747061642d6d656469612d736572766963652f53746f7279496d6167652f644c4c6572676a70366b6d5736513d3d2d3337363130373835372e313461373061333136393931646333393737363139383138333333362e6a7067)

![](https://img.wattpad.com/c8c2a7861c4fc89c0173cc9886da01ff2a6d0e97/68747470733a2f2f73332e616d617a6f6e6177732e636f6d2f776174747061642d6d656469612d736572766963652f53746f7279496d6167652f66796869495032486b2d4c5543773d3d2d3337363130373835372e313461373061333338356539643232653630303237393836323532342e6a7067)

![](https://img.wattpad.com/865ace8ca7fa9c6371c1ad6238f81dc531bc5041/68747470733a2f2f73332e616d617a6f6e6177732e636f6d2f776174747061642d6d656469612d736572766963652f53746f7279496d6167652f446b36793263734d7275585245673d3d2d3337363130373835372e313461373061333563373533376334303436333035383931373839362e6a7067)

![](https://img.wattpad.com/4ad36df14e0307b680061b22336c947b63a08ab2/68747470733a2f2f73332e616d617a6f6e6177732e636f6d2f776174747061642d6d656469612d736572766963652f53746f7279496d6167652f76703270594c78463853594676673d3d2d3337363130373835372e313461373061333738623039326539653234353530363936373139322e6a7067)

![](https://img.wattpad.com/6ece01b19a8535cf72e6063e534aa528334f4f98/68747470733a2f2f73332e616d617a6f6e6177732e636f6d2f776174747061642d6d656469612d736572766963652f53746f7279496d6167652f31374548416b49416170587461673d3d2d3337363130373835372e31346137306133396265356137356539383838383130303230362e6a7067)

![](https://img.wattpad.com/8094a8fed1795d9791a07bc8209d14fb0af0aebc/68747470733a2f2f73332e616d617a6f6e6177732e636f6d2f776174747061642d6d656469612d736572766963652f53746f7279496d6167652f623241584c78494c4d59594e7a673d3d2d3337363130373835372e313461373061336237363235643333613432353738363036323030322e6a7067)

![](https://img.wattpad.com/1d8eb16e9c3d63945ea8feeef58002a0d4aacb4a/68747470733a2f2f73332e616d617a6f6e6177732e636f6d2f776174747061642d6d656469612d736572766963652f53746f7279496d6167652f505445797775506a2d53443530673d3d2d3337363130373835372e313461373061336439333536663464393232343433343236343933352e6a7067)

![](https://img.wattpad.com/f35c95fe7c5a5adcb180aca7b937e8716d49c3f2/68747470733a2f2f73332e616d617a6f6e6177732e636f6d2f776174747061642d6d656469612d736572766963652f53746f7279496d6167652f64644a4a596b50363363582d4a773d3d2d3337363130373835372e313461373061343066393233323231323239343537343336313437362e6a7067)

![](https://img.wattpad.com/9437da5c15a59d6a9b9ec281eccbe06678a7376b/68747470733a2f2f73332e616d617a6f6e6177732e636f6d2f776174747061642d6d656469612d736572766963652f53746f7279496d6167652f73535a42614c33562d566a4166673d3d2d3337363130373835372e313461373061343366663332303663623730393134343532363934352e6a7067)

![](https://img.wattpad.com/af3a5fe1683f6bedebb1a9e1118fe4b3ca9bec4f/68747470733a2f2f73332e616d617a6f6e6177732e636f6d2f776174747061642d6d656469612d736572766963652f53746f7279496d6167652f3537566f72637166486238727a513d3d2d3337363130373835372e313461373061343564623463356132323135303530323037333935302e6a7067)

Kurt Morris Photos

![](https://img.wattpad.com/255d440d3aceab1708c6c6370d05f40b5bdc95e0/68747470733a2f2f73332e616d617a6f6e6177732e636f6d2f776174747061642d6d656469612d736572766963652f53746f7279496d6167652f3666434852462d637677716c6a413d3d2d3337373838313239372e313461373061363930633765393036613833333533383232363530382e6a7067)

![](https://img.wattpad.com/437aeb3b3665ad22bf3d1c62363a6d528f25612d/68747470733a2f2f73332e616d617a6f6e6177732e636f6d2f776174747061642d6d656469612d736572766963652f53746f7279496d6167652f4f5966613673646656364d4173413d3d2d3337373838313239372e313461373061366133363863336166623938363238323535333239302e6a7067)

![](https://img.wattpad.com/301f15856d00b8787ba9005e84418c5b7a75c9a3/68747470733a2f2f73332e616d617a6f6e6177732e636f6d2f776174747061642d6d656469612d736572766963652f53746f7279496d6167652f6e683950586c452d494b514375673d3d2d3337373838313239372e3134613730613662663634326665333438373331363239383834312e6a7067)

![](https://img.wattpad.com/5b13f00ca8df0642a48212a28611b7a81cd70a90/68747470733a2f2f73332e616d617a6f6e6177732e636f6d2f776174747061642d6d656469612d736572766963652f53746f7279496d6167652f4c5a6b35726c6852686332514d673d3d2d3337373838313239372e3134613730613664346435626537333739343034393338353938352e6a7067)

![](https://img.wattpad.com/c66c5022fce011b729a401a1b9af89a85af388de/68747470733a2f2f73332e616d617a6f6e6177732e636f6d2f776174747061642d6d656469612d736572766963652f53746f7279496d6167652f67366269754e5f674167463271513d3d2d3337373838313239372e313461373061366630316331343038393234383535303334343237302e6a7067)

![](https://img.wattpad.com/439bd9b0bb9025645a2918d134ce4685254f4cd0/68747470733a2f2f73332e616d617a6f6e6177732e636f6d2f776174747061642d6d656469612d736572766963652f53746f7279496d6167652f6f4254326e4c61544a316b5151413d3d2d3337373838313239372e3134613730613730306430386135623033383331323635323834372e6a7067)

![](https://img.wattpad.com/39244a26cfa4b1b70597bdbab42a78ad3d47db30/68747470733a2f2f73332e616d617a6f6e6177732e636f6d2f776174747061642d6d656469612d736572766963652f53746f7279496d6167652f6f5f4f46656b425a4430683475673d3d2d3337373838313239372e313461373061373162363465326537623932363635333333323334302e6a7067)

![](https://img.wattpad.com/beff6bde7413d2953c91e43aa94946ded743f349/68747470733a2f2f73332e616d617a6f6e6177732e636f6d2f776174747061642d6d656469612d736572766963652f53746f7279496d6167652f58564953774e3438746130526a513d3d2d3337373838313239372e313461373061373434616565373466363435333839333534323531332e6a7067)

![](https://img.wattpad.com/babbfe5b8ccd0861b40814a3f635f85120aacdc2/68747470733a2f2f73332e616d617a6f6e6177732e636f6d2f776174747061642d6d656469612d736572766963652f53746f7279496d6167652f5076384f44574b315142684d57513d3d2d3337373838313239372e313461373061373631663331366134643834363833303131313635362e6a7067)

![](https://img.wattpad.com/feefc7c8a442d1275612d5c079f2cf4957c49bf3/68747470733a2f2f73332e616d617a6f6e6177732e636f6d2f776174747061642d6d656469612d736572766963652f53746f7279496d6167652f4c7a437a2d6a3374523348784c673d3d2d3337373838313239372e313461373061373832323162323436643736363738303430373632322e6a7067)

![](https://img.wattpad.com/0cc817431b1891e0470900232b112c93dc24f821/68747470733a2f2f73332e616d617a6f6e6177732e636f6d2f776174747061642d6d656469612d736572766963652f53746f7279496d6167652f692d38474e7043505a4c754a47773d3d2d3337373838313239372e3134613730613762643234313366303739303338363236333134362e6a7067)

![](https://img.wattpad.com/747854b2c26be08c71ec194ac3a2d7a47eddbc79/68747470733a2f2f73332e616d617a6f6e6177732e636f6d2f776174747061642d6d656469612d736572766963652f53746f7279496d6167652f68426d33753666696f51696654673d3d2d3337373838313239372e313461373061376466306265366338353338353439383430393834362e6a7067)

![](https://img.wattpad.com/3e58dec71cebd485c04d07dae8f0074917f0ecc4/68747470733a2f2f73332e616d617a6f6e6177732e636f6d2f776174747061642d6d656469612d736572766963652f53746f7279496d6167652f515561445242446e68526b4f45413d3d2d3337373838313239372e3134613730613830313765613138626336363032353832393130372e6a7067)

![](https://img.wattpad.com/9239bfd2f794f3625879abf06b6595583383e0d1/68747470733a2f2f73332e616d617a6f6e6177732e636f6d2f776174747061642d6d656469612d736572766963652f53746f7279496d6167652f7062385331777643356a64626e513d3d2d3337373838313239372e313461373061383533353636356538373832313430303535383032392e6a7067)

![](https://img.wattpad.com/95462a9195fd8548f0afc2fc25c542734fef93a4/68747470733a2f2f73332e616d617a6f6e6177732e636f6d2f776174747061642d6d656469612d736572766963652f53746f7279496d6167652f6d3571736a3473364d68757635513d3d2d3337373838313239372e313461373061383735346535376332393837373839393030343836392e6a7067)

![](https://img.wattpad.com/44ed930f91776a1a4b161993ec0b2e84a153d07f/68747470733a2f2f73332e616d617a6f6e6177732e636f6d2f776174747061642d6d656469612d736572766963652f53746f7279496d6167652f644b6d4d774d4e5a396c514e69673d3d2d3337373838313239372e313461373061383961376562383264653639313439333235333133342e6a7067)

![](https://img.wattpad.com/c8d52ca0a86b02145e0b4b4b0cc6d39ee7ef9806/68747470733a2f2f73332e616d617a6f6e6177732e636f6d2f776174747061642d6d656469612d736572766963652f53746f7279496d6167652f57593956746566783238736b73773d3d2d3337373838313239372e313461373061386262383730363866313232393034343437353938302e6a7067)

![](https://img.wattpad.com/630ec17495399589687eeccbcda01e8c8d7c0d06/68747470733a2f2f73332e616d617a6f6e6177732e636f6d2f776174747061642d6d656469612d736572766963652f53746f7279496d6167652f5a755f6d6a5242494d35765a43413d3d2d3337373838313239372e313461373061386530386261306638373839353935343937343832372e6a7067)

Chapter 10

TATLONG LINGGO nang wala akong balita kay Kurt. Mula nang magpaalam siya kay Tito Tonee ay hindi na rin ito nagparamdam man lang sa akin. Nasaan na kaya siya? Hanggang ngayon, hindi ko pa rin siya nakakalimutan. Oo, noong una ay talagang naiinis ako sa kanya. Pero iba na nga kasi ngayon. At habang tumatagal ay mas lalo ko siyang nami-miss.

Ibinuhos ko na lang ang oras sa pagtatrabaho. Pero dumarating talaga ang oras na naaalala ko siya. Wala namang masabi si Tito Tonee kung nasaan si Kurt dahil siya man ay naghihintay lang na kontakin siyang muli nito.

Para akong tanga. Dati dalawa silang may gusto sa akin. Ngayon, wala na. Kinarma yata ako. Pero seryoso, sobrang nami-miss ko si Kurt. Kung alam ko lang kung nasaan siya, pupuntahan ko siya kaagad. Kahit ako na ang manligaw sa kanya, gagawin ko.

Tumunog ang cellphone ko. Tumatawag si Tito Tonee.

“Jade, may good news ako sa’yo! Siguradong matutuwa ka,” excited na sabi ng manager ko.

“Alam n’yo na po kung nasaan si Kurt?” Bigla ang kabog ng dibdib ko.

“No, this is not about Kurt.” Biglang nawala ang excitement ko at agad napalitan ng lungkot.

“Tungkol saan po, tito?”

“Pipirma ka ng two-year five-picture contract sa Falcon Entertainment,” masayang bulalas ng manager ko. “Hindi naapektuhan ng pag-amin mo about your sexuality ang career mo. Eto nga at bibigyan ka pa ng kontrata.”

“Totoo po, tito?” Kahit paano ay natuwa ako sa balitang iyon. Sana nga lang ay narito rin si Kurt. Mas masaya sana ako.

Naalala ko ang mga Mario na nakilala ko sa bar last month. Malapit nang matapos ang two months na usapan namin para makahanap kami ng aming “the one”. Pero ano ba ang magagawa ko kung wala talaga? Alangan namang magkunwari akong meron kahit ang totoo naman ay wala talaga. Kumusta na kaya sila? Nahanap na kaya nila ang kanilang “the one”? O baka naman katulad lang din sila ng naging kapalaran ko? Anyway, hindi naman ako nagmamadaling makahanap ng partner. Umpisa pa nga lang, hindi na ako sigurado kung makakahanap ako in two months time. Lalo na at busy ako sa trabaho. Sayang nga lang. Puwedeng-puwede na akong kumilos nang hindi nangangambang mabubuko ang aking totoong pagkatao. Wala na akong image na iniingatan. Alam na sa buong Pilipinas na sa lalaki rin ako nagkakagusto. Madali na sa akin ang humanap ng lalaking gusto ko.

Pero paano kung ang gusto ko ay nawawala naman sa sirkulasyon at walang nakakaalam kung nasaan siya?

Kurt, nasaan ka na ba kasi? Saan kita hahanapin?


“JADE! KUMUSTA?” Nagulat ako sa isang babaeng biglang tumawag sa akin habang nasa grocery ako at nagtutulak ng cart habang naghahanap ng mabibili.

“Abi? Ikaw nga ba ’yan?” Ang pagkagulat ko ay napalitan ng kasiyahan. Si Abi ang ka-close ko sa dati kong trabaho sa Pete’s Diner. “Kumusta ka na? Doon ka pa rin ba nagtatrabaho?”

“Oo, doon pa rin ako nagtatrabaho. Pero management trainee na ako,” masayang pagbabalita niya.

“Wow! That’s good to know. Congrats! I’m happy for you. Deserve na deserve mo ang promotion na ’yan.”

“Salamat. Dalaw ka naman minsan sa store. Treat kita ng lunch or merienda, depende kung anong oras ka pupunta. Miss ka na rin ni boss Peter.”

“Sige, isang araw papasyalan kita roon. Hindi pa ako nagpapalit ng number. Text mo ako kapag ’di ka busy para makapagkuwentuhan tayo.”

Hinawakan ni Abi ang kamay ko. “I’m so proud of you. You have my support in whatever you do.”

Niyakap ko siya. “Thank you, Abi.” Nakatataba ng puso kapag may taong personal na magsasabi sa’yo ng kanyang suporta. “Thanks for being a friend.”


“ANO BANG ginagawa mo rito at ayaw mong lumabas?” tanong sa akin ni Todd nang minsang dumalaw siya sa bahay. Ang aga-aga niyang pumunta pagkatapos kong tumanggi sa alok niyang gumala kami ngayon. Ewan, natatamad talaga akong lumabas. Kungsabagay, kahapon naman ay nag-photoshoot ako para sa isang bagong tv commercial. Okay naman ang trabaho ko. Masipag si Tito Tonee na ihanap ako ng mga bagong proyekto.

“Wala naman. Gusto ko lang magpahinga sana today,” sagot ko kay Todd.

“Magbihis ka. Gagala tayo,” sabi niya sa awtorisadong boses. Parang bawal akong tumanggi.

“Saan tayo pupunta?”

“Basta, lalakwatsa tayo. Huwag ka nang maraming tanong.” Seryoso na rin pati ang mukha niya.

“Haay, maliligo pa ako. Maghihintay ka ng matagal,” sabi ko sa kanya.

“Kilos na kasi, para matapos na at makalakad tayo.”

“Sige, manood ka muna ng tv o kumain ka muna. May cake sa ref. May bagong lutong rice at pork steak sa kusina. Kumuha ka na lang kung ano ang gusto mong kainin,” sabi ko habang patungo sa banyo.

“Bilis na!” natatawang utos ni Todd. “Andami mo pang sinasabi.”

Binilisan ko ang pagkilos para hindi mainip sa paghihintay si Todd. Wala pang thirty minutes ay bihis na ako at ready to go. “Tara na!”

Tumayo si Todd at nauna nang lumabas ng bahay. Siniguro kong naka-lock ang pinto bago ako tuluyang umalis.

“Saan ba tayo pupunta?” tanong ko kay Todd nang nasa bandang Merville Exit na kami at tinutumbok ang South Luzon Expressway.

“Maghintay ka na lang. Malalaman mo rin mamaya.” Naka-concentrate siya sa pagmamaneho.

Mabilis ang naging biyahe namin. Ilang sandali pa ay nasa Alabang na kami ngunit diniretso pa rin si Todd ang SLEX.

Mamaya pa ay lumagpas na kami ng Turbina Calamba City at tinutumbok na namin ang Sto. Tomas, Batangas.

“Ang layo na natin, ah. Saan ba tayo gagala? Baka kailangan natin ng ekstrang damit, wala akong dala.” Nakita ko si Todd na walang reaksyon at tuloy pa rin sa pagmamaneho.

Pagtapat namin sa isang sikat na fast food restaurant sa bayan ng Sto. Tomas, Batangas ay itinabi ni Todd ang kotse at huminto. “Bibili lang ako ng makakain natin. Mahaba pa ang ating lalakbayin,” sabi niya.

Bago pa ako nakasagot ay nakababa na siya ng sasakyan at mabilis na pumasok sa fast food restsurant. Ilang sandali lang ay bumalik siyang bitbit ang pagkaing kanyang binili. Pagpasok niya sa kotse at iniabot niya sa akin ang isang plastic cup na may lamang cold drink at plastic bag na may lamang dalawang cheese burger at dalawang large french fries. Siya man ay may hawak ding plastic cup na kasalukuyan na niyang iniinom ang lamang pineapple juice.

Pinaandar na muli ni Todd ang kotse at itinuloy ang biyahe. Nadaanan na namin ang Tanauan, Batangas. Maya-maya pa ay nasa Malvar, Batangas na kami. Saan ba talaga kami pupunta? Sinulyapan ko si Todd pero diretso ang tingin nito sa kalsada.

Nalagpasan namin ang arko na may nakasulat na “Welcome to Lipa”. Hindi ko na talaga maisip kung saan ba kami pupunta. Dulo na yata ng Batangas ito.

“Malapit na tayo,” nakangiting sabi sa akin ni Todd na sinabayan niya ng isang kindat.

“Dapat lang, ’no? Kanina pa tayo bumibiyahe.”

Tumunog ang celfone ko. Tumatawag si Baby Trisha.

“Hello, Jade nasaan ka ba? Kanina ka pa kinokontak ni Tonee.”

“May pinuntahan lang ako. Bakit daw?”

“Pumunta ka raw dito sa office ngayon.”

“Pakisabi bukas na lang. Out of town ako, eh. Biglaan lang. Sige na, Baby Trisha ikaw na ang bahalang mag-explain kay Tito Tonee, ha? Please…”

“O, siya sige. Mag-ingat ka riyan. Basta pumunta sa rito sa office bukas.”

“Okay, bye!” Binalingan ko si Todd. “Ayan, hinahanap na ako ng manager ko.”

Ngumiti lang siya na parang nakakaloko. Tapos ay ipinarada niya ang kotse sa isang malaking bahay na kung pagmamasdan ay parang mansyon sa gitna ng kagubatan. “Here we are…”

“Kaninong bahay ito? Ang laki at ang ganda. Nasaan na ba tayo?”

“Cuenca, Batangas.” Pinindot ni Todd ang doorbell. Maya-maya ay isang may edad na babae ang nagbukas ng pinto.

“Todd, ikaw pala.” Masayang mukha ang isinalubong nito kay Todd.

“Kasama ko na po siya.” Tumingin sa akin si Todd na labis kong pinagtakhan.

“Pumasok muna kayo. Hintayin n’yo na lang siya sa loob. Nasa bukid siya at nangangasiwa sa pag-aani ng mangga. Lumuwas kasi ng Maynila ang lolo niya kaya siya na muna ang pinag-asikaso ko sa manggahan.”

Muling tumingin sa akin si Todd na nakangiti. Ano bang nginingiti-ngiti nito?

“Puwede po bang puntahan na lang namin siya roon?” tanong ni Todd.

“Aba’y puwede naman. Teka at ipapahatid ko kayo kay Nitoy.” Lumakad ang matandang babae papasok sa loob ng bahay. “Nitoy, halika ka nga saglit.”

Isang tumatakbong paslit ang lumabas at para akong nakakita ng multo nang makita ko ang kanyang mukha. Kamukhang-kamukha niya si Kurt. Para siyang lumiit na Kurt. Napatingin ako kay Todd. Gaya nang dati ay nakangiti lang ito na parang ewan.

“Bakit po, lola?” tanong ng batang sa tantiya ko ay pitong taong gulang.

“Samahan mo muna sa bukid itong mga ginoo. Hinahanap nila ang papa Kurt mo.”

Papa

Kurt

?

Nandito

si

Kurt

at

anak

niya

ang

batang

ito

? Anong nangyayari? Gusto kong magpasaklolo kay Todd para sagutin niya lahat ng tanong sa isip ko pero pangiti-ngiti lang ang gago.

A/N: May karugtong pa po ang epilogue na ito, pramis!

Chapter 11

“OPO, LOLA.” sambit ng batang si Nitoy. Tumingin sa amin ni Todd ang bata. “Halina po kayo. Lakarin na lang po natin. Malapit lang naman po.”

Napatango na lang ako.

“Pupuntahan po muna namin si Kurt,” paalam ni Todd sa matandang babae.

“Sige, mag-iingat kayo sa daan.”

Mabilis na tumakbo si Nitoy. “Sundan n’yo po ako,” sigaw nito habang patuloy sa pagtakbo. Napabilis tuloy ang paghakbang namin ni Todd.

“Nitoy, dahan-dahan lang sa pagtakbo baka ka madapa,” sigaw ni Todd sa bata.

Huminto si Nitoy sa pagtakbo at nakangiting lumingon sa aming dalawa. “Hindi po. Mabilis po talaga akong tumakbo at hindi ako lampa.” Muling tumakbo ito patungo sa kung saan namin matatagpuan si Kurt.

“Paano mo nalamang nandito si Kurt?” sita ko kay Todd.

“Naalala mo noong unang araw ng shooting natin dito sa Batangas? Doon lang iyon sa kabilang bayan. Naikuwento ni Kurt na sa kasunod na bayan lang nakatira ang lolo niya sa father side, ’di ba? Kaya hinanap ko rito sa Cuenca ang lolo niya, para baka sakaling alam ng grandparents niya kung saan ko siya puwedeng matagpuan. Apparently, dito pala siya pumunta kaya hindi na ako nahirapang maghanap,” mahabang paliwanag ni Todd.

“At bakit mo naman siya gustong hanapin?”

“Para sa’yo. Para hindi na kita nakikitang malungkot,” medyo pumiyok ang boses niya. “Sayang lang kasi na binasted mo ako para kay Kurt tapos hindi mo naman siya makikita. Kaya sabi ko sa sarili ko, hahanapin ko siya para sa’yo. Para maging happy ending ang istorya nating tatlo.”

“Ginawa mo iyon?” Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya.

“Nandito na tayo, ’di ba? So, dapat maniwala ka na.”

“Bilisan n’yo po! Ang bagal n’yo namang maglakad!” reklamo sa amin ni Nitoy. Medyo malayo na ang layo niya sa amin pero ang lakas ng boses niya ay sapat para marinig namin ang kanyang sigaw.

Binilisan namin ni Todd ang paglalakad hanggang sa maabutan namin ang bata.

Muli itong tumakbo. “Malapit na po tayo. Bilisan n’yo po. Ayun na po si Papa Kurt!” Mula sa kinaroroonan namin ay tanaw na ang isang lalaking nasa ilalim ng puno ng mangga. Wala itong suot na pang-itaas. Ripped maong naman ang suot nitong pang-ibaba.

“Papa! May naghahanap po sa’yo!” Tuloy-tuloy lang sa pagtakbo si Nitoy hanggang sa marating nito ang kinaroroonan ni Kurt. “Ayan po sila.” Nakita kong itinuro kami ni Nitoy kay Kurt. Tapos ay nagtatakbo na ito papalayo para siguro maglaro.

Nang ilang metro na lang ang layo namin kay Kurt ay sinalubong niya kami. Napansin ko ang maganda niyang katawan na nangingintab dahil sa pawis. Hindi ko inaasahan na babagay sa kanya ang punit-punit na maong na mas lalong nagpa-macho sa kanyang porma. Ngingitian ko sana siya pero muli ay nakita ko ang pamilyar na talim ng kanyang tingin sa akin. Iyong tingin na madalas kong makita sa kanya noong hindi pa kami nagkakapalagayan ng loob.

Galit ba siya sa akin?

Bahagya akong napaatras.

“Anong ginagawa mo rito?” dumadagundong ang boses niya.

Hindi ko alam kung paano sasagot.

Si Todd ang pinagbalingan niya. “Bakit mo isinama ito rito?”

“Nagmamakaawa sa akin na dalhin ko raw siya sa’yo, eh. May magagawa pa ba ako?” sagot ni Todd.

“Huh?” Sinungaling ang Todd na ito, ah! “Anong nagmamakaawa? Malay ko ba kung saan mo ako dadalhin? Sabi mo lang maglalakwatsa tayo. Hindi ko naman alam na rito tayo pupunta,” depensa ko.

“Iuwi mo na nga ’yan,” utos ni Kurt kay Todd.

“Tara na, uwi na tayo,” yaya niya sa akin. Ang dalawang gagong ’to, nagkampihan pa.

“Teka nga! Nananahimik ako sa bahay, dadalhin mo ako rito. Tapos, pauuwiin mo lang din ako. Akala mo ba hindi nakakainip ang biyahe?” reklamo ko.

“O, kung ayaw mong umuwi eh, ’di kausapin mo si Kurt.”

Napatingin ako kay Kurt. Paano ko ba kakausapin ito eh parang laging galit?

“Magtitinginan na lang ba tayo?” Parang manlalamon ng taong tanong niya sa akin.

“Mag-uusap siyempre,” sagot ko naman.

“Ano, tayo na ba?” mayabang na tanong ni Kurt.

“Gusto mo ba?” balik tanong ko naman sa kanya.

“Oo, gusto ko,” biglang naging malumanay na ang kanyang tono.

“Sigurado ka?”

Tumango si Kurt.

“Eh, paano itong anak mo? Si Nitoy?”

Napahalakhak ng malakas si Kurt.

“Anong nakakatawa?” Sinulyapan ko si Todd. As usual, pangiti-ngiti rin ito. Parang timang lang.

Tawa pa rin ng tawa si Kurt. Naiinis na ako. Bigla ko siyang itinulak na muntik na niyang ikatumba.

“Bakit ka ba nanunulak?” rekamo niya.

“Nagtatanong kasi ako ng matino, tawa ka ng tawa. Nang-iinis ka ba?”

“Paanong hindi ako natatawa? Napagkamalan na naman akong tatay ni Nitoy.” Pinipilit niyang pigilin ang sarili na matawang muli.

“Ha?”

“Hindi ko anak si Nitoy. Pamangkin ko siya, anak sa pagkadalaga ng ate ko. Kinalakhan na niya ang pagtawag sa akin ng papa kaya hanggang ngayon ayan, papa ang tawag niya sa akin.” Biglang umaliwalas ang mukha ko. Parang ulap pagkalipas ng bagyo.

Muling nagsalita si Kurt. “Sinagot ko na iyong tanong mo kanina kung gusto ko bang maging tayo. Ikaw naman ang tatanungin ko. Gusto mo bang maging tayo?”

“Sumagot ka na!” sigaw ni Todd. “Binasted mo na nga ako dahil sa kanya. Wala kang karapatang magpakipot pa.”

“Eh, kung kayong dalawa na lang kaya ang magsama. Kanina pa kayo nagkakampihan, ah. Akala n’yo hindi ko kayo nahahalata?”

“Ayoko!” tutol ni Kurt. “Ikaw ang gusto ko, hindi si Todd.”

“Wow, ha! Choosy pa kayo sa akin?” kunwa’y nagtatampong sabi ni Todd. “Sagutin mo na kasi Jade. Pati ako nadadamay sa inyo.”

“Isang tanong, isang sagot. Gusto mo ba ako o hindi?” Salubong ang kilay na tanong ni Kurt.

“Gusto…”

“So, tayo na?” Gusto talaga niyang makasiguro.

“Oo,” sagot ko sabay tango.

“Wala nang bawian?”

“Wala na. Ba’t ba ang kulit mo?”

“Naniniguro lang. Mahirap na ang maiwan na naman sa ere.”

Inatake ako ng guilt. “Sorry na sa nangyari dati. Magulo pa kasi ang isip ko noon. Pero alam mo bang dahil din doon kaya ko na-realize na ikaw pala ang gusto ko? Kaya nga sobrang nalungkot ako dahil kung kelan sigurado na ako sa sarili ko, at saka ka naman nawala.”

“Totoo iyon, Kurt.” Biglang sumali sa usapan si Todd. “Hindi ba ikinuwento ko sa’yo kahapon kung paano nabaliw sa lungkot si Jade mula noong hindi ka na nagpakita?”

“Hindi ako nabaliw ah!”

“Halos mabaliw. Huwag ka nang kumontra.” Ayaw talagang magpatalo ng Todd na ito. Pero imbes na mainis, dapat pa ngang magpasalamat ako sa kanya. Best in effort ang ginawa niyang pagpunta rito para hanapin si Kurt. Kung hindi dahil sa kanya, baka nga mabaliw na ako sa kaiisip kay Kurt.

“Wala na tayong problema, ha?” Lumapit sa akin si Kurt. Mas malapit na halos dumikit na ang mukha niya sa mukha ko.

“Paano ang media? Pagpipiyestahan ka ng mga tsismoso’t tsismosa. Ako, okay lang dahil umamin na ako sa presscon.”

“Wala akong pakialam sa kanila. Itsismis nila ako hanggang gusto nila, I don’t care. For as long as I have my family… And I have you.” Pakiramdam ko ay matutunaw na ako sa init ng titig ni Kurt. Ganito pala ang feeling ng mahal ka ng taong mahal mo rin. Parang gusto kong umiyak.

Niyakap ako ni Kurt and I hugged him back. Wala nang makapaghihiwalay sa amin ngayon.

“I will not say I love you often. I’ll just show it to you through actions,” bulong niya sa akin.

“Ako naman, hindi ako magsasawang magsabi ng I love you sa’yo. Kasi, kahit na action speaks louder than words, I still want to give you an assurance through spoken words. Kahit naipaparamdam natin ang pagmamahal sa pamamagitan ng gawa, masarap pa ring marinig iyon na sinasabi ng taong mahal natin.”

Mas hinigpitan pa namin ang yakap namin sa isa’t-isa.

Maya-maya’y bigla akong kumawala sa pagkakayakap niya.

“Bakit?” nagtatakang tanong ni Kurt.

“Ang yaman n’yo pala. Ang ganda ng bahay n’yo. Mansyon. Tapos may pataniman pa ng mangga.”

“Sa lolo at lola ko ’yan, hindi sa akin.”

“Kahit na. Sa inyo pa rin.”

“Magiging problema ba natin iyon?” tanong niya.

“Hindi. Wala naman akong pakialam kung mayaman ka o mahirap.”

Muli akong niyakap ni Kurt.

“Oy, tama na ’yan! Naiinggit na ako sa inyo.” bulyaw ni Todd sa amin. “Babalik pa tayo ng Maynila, Jade.”

Tinawag ni Kurt ang pamangkin. “Nitoy, halika na rito. Uuwi na tayo.”

Nagmamadaling tumakbo ang paslit papunta sa kanyang Papa Kurt. Binuhat niya ang bata at nagsimula na kaming maglakad pabalik ng bahay ng lolo at lola niya.

Masaya na ako. Masaya na si Kurt. Si Todd, alam kong masaya rin siya. Wala nang problema.

Naisip ko ang apat pang Mario na nakilala ko sa bar. Kumusta na kaya sila? Nahanap na kaya nila ang kanilang “the one”? Malapit nang matapos ang two months na usapan namin. Sa susunod naming pagkikita, ipakikilala ko sa kanila si Kurt. Hindi ko man hinanap, pero tadhana ang kumilos para makita ko ang aking “the one” at maging maligaya katulad ng ibang nagmahal at minahal din.

-the end-


Return to top?
WattHub

Install WattHub

Size unavailable

App name
WattHub
App version
1.48.250
App size
Description
A digital library of Wattpad stories and Filipino fiction, thoughtfully preserved for readers today and tomorrow.
Developer
WattHub Team

Dismiss install banner?

No problem. You can still install WattHub anytime from the download icon in the header.

WattHub

Notifications

Notifications are off

Get notified on this device when the library grows or changes.