loading

storiescollectionschaptersauthorsgenrestagsstories
Just Believe [completed]

Just Believe [completed]

YorTzekai · 21 chapters · 17,351 words

Just Believe: chapter01

HELLO po ^^,

first time ko po mag submitt ng story dito sa wattpad at 2nd story na gawa ko ito na ibinalandra ko sa ganito xD

Ang kwentong JUST BELIEVE po ay

tungkol sa pagkakaibigan,pagmamahalan.

Maaaring magtaka kayo dahil hindi normal na kwento ito, its a same sex love story,abangan nyo kung bakit tinawag na Just Believe :)

~ Tzekai :]

DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Any resemblance to any

person, place, or written works are purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rights are respected. Please do not copy or use this story in any manner without my permission.

KRiNG! KRiNG! KRiNG!

Malakas na tunog ng bell sa building namen, lunch break na,it was the first day of school, fourth year college na ako dito St.Adam University.

“Arvin! Halika na dali!” sigaw ni Pipay ang bakla kong tropa kasama si Ira at Honey na mga barkada ko din since High school.

“grabe ka,mas malakas pa sa bell ang sigaw mo!” nangingiti kong turan ng makalapit sila. “bakit ba nagmamadali ka?” dugtong ko pa at tumayo na din. Lumabas na kame ng room para pumunta sa cafetiria at makapag lunch.

“excited kasi syang makita ang crush nya ano pa nga ba diba?” si Honey na ang sumagot habang naglalakad kami. Napataas naman ang kilay ko dahil dito.

“crush? Sya pa din ba crush mo? Magsawa ka naman,since first year naten dito sya na crush mo” bara ko dito ng makapasok na kami sa cafetiria.

“eeehh! Hwag ka ngang KJ Arvin! Ang pogi kaya ni Kevin, lalo na ngayon, gosh parang matutunaw nga ako pag napapatingin sya sakin” anito na kinikilig kilig pa.

“Pogi ba yun? Eh ang sama nga ng ugali nun,lakas mang asar at mang bully” asar nyang wika, pero syempre hindi nya ito masisisi, gwapo nga naman si Kevin pero nasasapawan ng kayabangan nito, si Kevin ay isa sa mga campus crush kasama ang mga barkada nito na mga gwapo din.

Ilang sandali pa at nagsisimula na silang kumain ng dumating si Kevin kasama ang tatlo pa nitong tropa at inukopa ang bakanteng pwesto sa gilid nila.

Binati sila ng mga ito pero hindi sya kumibo.Ewan ba nya,kumukulo dugo nya dito, first year palang sila ganun na ito,nakaranas na rin sya ng mga pambubully at kayabangan nito.

Hindi lang nya matanggap na mas gwapo ako sa kanya. Aniya sa isip.

Nang tingnan nya ang mga kasama,hayun! Nakikipagdaldalan na kina Kevin. Napa iling na lang sya. Lalo na ng magsimula ng dumaldal si Pipay na parang nagpapa cute pa ang hitad,ang mga barkada naman nya at sina Kevin ay tuwang tuwa.

“Arvin bakit ang tahimik mo dyan?” maya maya ay bulong ni Ira sa kanya.

“wala lang,hindi ko lang trip makisaya sa inyo” casual nyang sagot at ipinagpatuloy ang pagkaen.

“ito naman,ayaw mo nun? Close na naten sila? Mas sasaya ang barkada kasi nadagdagan tayo” muli ay wika ni Ira.

“Kayo lang ang masaya” sinabi nya ito ng walang ekspresyon.

“Oy Arvin, hanggang ngayon suplado ka pa din ah?” biglang singit ni Kevin na napakalapad ng pagkakangisi.

“Oo nga Arvin,dapat tigilan mo na pag susuplado kay Papa Kevin” segunda naman ng kerengkeng na si Pipay.

“at bakit naman?” taas kilay nyang tanong sa mga ito.

“Kasi magiging magtotropa na tayo,mula ngayon lagi na tayo magkakasama,ang cool diba?” si Bryle ang sumagot,isa sa mga barkada ni Kevin.

Sa totoo lang,wala naman talaga sa kanya kung maging tropa nya ang mga ito,mababaet din naman kasi talaga ito. Sadyang kumukulo lang ang dugo nya sa impaktong Kevin na ito.

“oh diba? The more the merrier! Atleast ngayon hindi na mababali leeg ko at hindi na ako magkaka stiff neck kakalingon kay Papa Kevin pag nasa malayo sya,ngayon tropa na naten sya at matitingnan ko na sya ng malapitan” malanding litanya ni Pipay na ikinatawa nila.

“Ang landi mo Effifanio!” basag ni Honey dito na ikinasimangot naman ni Pipay, ayaw na ayaw kasi nito na tinatawag sa totoong pangalan. Dun sya humagalpak ng tawa na ipinagtaka ng mga kasama.

“kung makatawa ka Arvin ah? Bakeet?” pikon na sabi ni Pipay.

“Wala lang,effective talaga pambara sayo yun ano? Walang mintis” aniya at dinugtungan pa nya ng halakhak, nakitawa na rin ang mga kasama nya.

“Ikaw kasing babae ka eh!” paninisi ni Pipay kay Honey.

“Bakit? Hindi naman siguro masamang magbanggit ng true name diba?” nagpipigil ng tawa na sagot ni Honey.

“Tse! Kung ilaglag kaya kita na crush mo si –” hindi na natapos ang sasabihin ni Pipay dahil tinakpan agad ni Honey bibig nito.

“Sige! Dumaldal ka teh! Tatanggalin kita sa friendlist ko” nakairap na sabi ni Honey kay Pipay na naka ngisi at tumingin kay Dex, isa sa tropa ni Kevin.

“What?” taka tuloy na tanong ni Dex ngunit ngisi pa din ang sagot ni Pipay, bigla naman namula si Honey at napayuko.

“Parang gets ko na” singit ni Brian,ang pinaka madaldal na tropa ni Kevin. Sa pagkakataong iyon medyo nag enjoy sya, hindi naman pala mahirap pakisamahan ang grupo ni Kevin maliban dito.

Tumunog na muli ang Bell hudyat na magsisimula na ulit ang klase, sya,si Pipay,Honey at Ira ay bumalik na sa Education Department at sina Kevin naman ay sa Engeneering department naman.

Mukhang mas magiging masaya ang last year nya sa college. Aniya sa isip.

Itutuloy . . .

Just Believe: chapter02


Naging masaya naman ang first day of class,nadagdagan ang tropa nya,though hindi talaga sya makapaniwala,dahil three years ago ay hindi naman sila tinatapunan ng pansin ng grupo ni Kevin. Pero syempre siguro ganun talaga ang tadhana,gumagawa ng paraan para pag buklurin ang mga tao,alam nyang may rason iyon. Sadyang hindi lang sya komportable sa presensya ni Kevin, ayaw nya talaga dito,dahil noon pa man nayayabangan na sya dito. Idagdag pa ang mga panahon na nakaranas sya ng pambubully nito. Andyan yung naglalakad sya at lalapit ito,aakbay sa kanya na babalewalain lang nya,yun pala ay may idinikit na itong papel sa likod nya. Marami syang naranasan dito kaya ganun na lang ang inis nya dito,hindi naman iyon lingid sa barkada nya.

Natapos na ang klase nila para sa araw na yun. Sabay sabay na sila ni Pipay,Ira at Honey na palabas ng room, nakita nila si Kevin kasama ang grupo nito na nag aabang sa corridor.

“Anong atin?” tanong ni Ira sa mga ito ng makalapit.

“Wala naman,naisip kasi namen na since iisang grupo na tayo, baka pwede na tayong magbonding para magkakilala tayo ng lubos” si Kevin ang sumagot na sa kanya nakatingin, ibinaling nya sa iba ang tingin baka kung anu pa isipin ng kurimaw na yon.

“ah ganun ba?” sabay na tugon ni Ira at Honey.

“Yup! So tara na! Sabay na tayo pag labas ng campus” sagot ni Kevin,tumalima naman sila, si Dex ay agad tinabihan si Honey sa paglalakad, si Bryle ay kay Ira tumabi, si Pipay naman ay kay Brian tumabi, lihim syang napahagikgik. Ang haliparot talaga ng baklang to! Aniya sa isip.

Sya naman ay nag dire diretso ng lakad. Laking gulat nya ng tumabi sa kanya si Kevin at akbayan sya,nilingon nya ito ng naka kunot ang noo.

“oh bakit nakakunot noo mo,papangit ka nyan” naka ngiti nitong pansin sa kanya.

“ano bang paki alam mo?” sabay tanggal nya ng kamay nyang naka akbay dito,dinig pa nyang naghagikgikan ang mga kasama. Ewan ba nya,napipikon talaga sya sa Kevin na toh! Para bang balewala lang dito ang lahat ng pambubully nito sa kanya noon kung maka asta ngayon, samantalang sya ay nagpupuyos sa inis. Pinili nyang manahimik na lang ang magpatiuna na sa paglalakad. Gusto nyang maka uwi na agad.

Maaga syang gumising kinabukasan, ayaw nyang ma late sa klase,although dalawa lang ang subject nila ngayong araw ay gusto pa din nyang maganda ang record nya.

Habang naglalakad sa covered walk napapansin nya ang ibang kababaihan na tumitingin sa kanya,makikita sa mga mata ng mga ito ang paghanga. Napangiti sya dahil doon, hindi nya masisisi ang mga ito, gwapo nga naman sya, maputi, maganda ang mga mata na kulay brown,matangos na ilong at manipis na mamula mulang labi. Madami na din syang naging ex girlfriends mula High school, yung iba seryoso,yung iba tamang flirt lang. Alam naman nyang mukha at katawan lang nya ang habol ng mga ito, hindi naman sya madamot kaya pinagbibigyan nya ang mga ito,ilan na nga ba ang naikama nya? Hindi na nya mabilang, kampante sya sa sarili nya at never sya nagpa apekto sa iba, kahit may ibang ikinokompetensya na mga gwapo sa kanya, magkikibit balikat lang sya at sasabihin sa isip na “mas gwapo pa din ako”.

Pero itong Kevin na ito,sya lang ang bukod tanging trumato sa kanya ng ganun, siguro hindi din nya matanggap na may mas malakas ang loob na itatrato sya ng ganun. Siguro threatened lang iyon dahil mas gwapo sya kaya pilit syang ibinabagsak sa mga pambubwisit at pambubully nito.

Hindi naman nya ugaling makipag away at makipag basag ulo, sayang ang kagwapuhan nya kaya pinapalampas nya lang ito.

With that nakaramdam sya ng pagkainis, masyado pang maaga para mainis sya,ayaw nyang masira ang araw nya.

“Arvin!” sigaw ng isang pamilyar na boses, mas dinalian pa nya ang paglalakad.

“Arvin! Uy Arvin saglit lang!” anito ng makahabol sa kanya at sinabayan sya sa paglalakad.

“Bakit ba nagmamadali ka?“ani Kevin na hinihingal,hindi nya ito pinansin at naglakad pa din.

“Galit ka ba saken?” dugtong nito.

Nilingon nya ito. “ano sa palagay mo?”

“Look,kung yung mga pang iinis at pambubully ko sayo mula noon ang kinaiinis at kinagagalit mo saken, Im really sorry” sincere na sabi nito.

“ngayon mo lang naisip yon? Alam mo hindi ko alam kung bakit ganun ka na lang sakin, natatakot ka bang malaos ang kasikatan at kagwapuhan mo kaya ginaganun mo ako? Pwes,wala ako panahon makipag kumpetensya sayo, Now if you’ll excuse me,papasok na ako baka ma late pa ako” aniya at tumalikod na.

“Hindi iyon ang rason Arvin..” pahabol pa ni Kevin ngunit hindi na nya ito binigyang pansin. Dali dali na nyang tinungo ang Ed.Department.

Sakto naman pagka pasok nya ay kasunod ng pumasok ang unang Prof nila para sa araw na iyon. Hindi nya muna pinansin ang mga barkada na nagtataka sa pananahimik nya,baka kasi madamay pa ang mga ito sa inis nya.

Itutuloy . . .

Just Believe: chapter03

Bago magsimula ang unang klase ay nag announce muna ang kanilang Proffesor sa values Ed na si Mr.Tiongson.

“bago tayo mag start ng una nateng lecture,gusto kong ipakilala sa inyo ang mga bago nyong kaklase, transferee sila dito. i hope na pakisamahan at kaibiganin nyo sila” panimula nito, tahimik lang naman ang buong klase.

“ijo at ija,pasok na kayo and introduce yourselves” dugtong pa nito. Pumasok ang mga ito,isang napakagandang babae at napaka gwapong lalake,magka hawig ang mga ito.

“goodmorning everyone, Im Jiian Francis Saavedra,20 years old, you call me Jiian,I hope we can be friends” anito at nag flash ng ngiti. Dinig pa nyang napa singhap ang mga babaeng kaklase lalo na si Pipay, napangiti tuloy sya, mga babae at bakla nga naman pag nakakita ng gwapo hindi mapakali,bulong nya sa sarili.

Sumunod na nagpakilala ang babae “Hello po,Im Angeline Franchesca Saavedra,20 years old,you can call me Angel for short” magiliw nitong wika at ngumiti. Napa WOW talaga sya sa isip. Napaka ganda nito,tamang tama ang pangalan nito sa kanya parang anghel. Nilingon nya ang mga kaklaseng lalake at lahat ay dito rin nakatingin na para bang mga namalikmata.

“So how are you related to each other and to Mr.Paul Saavedra?” singit ni Mr.Tiongson.

“Were twins Sir.” sagot nung Jiian. “Paul Saavedra is our father” dugtong nung Angeline.

“Hmmm, We all know the story of your Parents,isa sila sa mga successfull same sex relationship sa history ng Pilipinas,foster children ba nila kayo o totoong anak?” si Mr.Tiongson ulit. Napaka intregero pala nitong Prof nilang to,aniya sa sarili.

“totoong anak sir! Galing kami ni Angel sa mismong similya ni Daddy at Mommy,you know pinagsama and ayun nga nkahanap ng malinis at maayos na baby maker,at eto na kami ang produkto nila, but regarding dun sa sorrugate mother namen,were in good terms naman po,we make sure na may bonding pa din kme” sagot ni Jiian at saka ngumiti ulit.

“Okay,thats good,thanks for giving us information and for introducing yourselves,you may take your seats”

“pwede kami makitabi?” naka ngiting turan ni Angel,ngumiti sya bilang pagtugon.

“ salamat tol ah?“ ani naman ni Jiian.

Pinapagitnaan sya ng dalawa,at ang mga hunghang nyang kaklase ay sa kanya nakatingin.

Mamabilis na lumipas ang mga oras sa araw na yun, ang mga kaklase nya ay nagkapalagayan na ng loob. Ang mga barkada naman nya ay agad na lumapit sa kanila ng matapos ang klase nila para sa araw na iyon.

“Hi Jiian and Angel” magiliw na bati ni Ira,Honey at Pipay sa mga ito,

“Hi din” sabay na tugon ng kambal.

“Im Honey”

“Im Ira”

“Im Pipay,tropa kami ni Arvin” at nakipag kamay ang kambal sa mga ito.

“Gusto nyo join kayo sa tropahan namen? Ipapakilala namen kayo sa iba pa” ani Ira.

“Sure” naka ngiting sagot ni Ji

ian.

“OMG! Ang gwapo mo!” malanding sabi ni Pipay na ikinatawa nila.

“Ayaw mo na kay Kevin?” tukso nya dito.

“hihi oo,may Jiian na eh” maharot nitong sagot,sabay na hinila ni Ira at Honey ang buhok ni Pipay.

“Ang kati mo teh!” at humagalpak sila ng tawa.

“oh andyan na pala sila Kevin” ani Pipay ng maka recover. Sa nadinig ay agad syang nawala sa mood. Napansin naman ito ng tropa ngunit mas pinili ng mga ito na manahimik.

Agad na silang lumabas ng room. “ ahm Jiian,Angel, sila nga pala sina Kevin,Brian,Dex at Bryle,mga katropa namen na magiging katropa nyo din“ agad na pakilala ni Ira sa mga ito, nakipag kilala naman ang mga ito.

“ayos! Dumadami na ang tropa” ani Bryle sa masayang tono.

“tara na,uwi na tayo” aya nya sa mga ito, at muli nagpatiuna sya sa paglalakad.

“ano problema nun?” tanong ni Dex kay Honey, kibit balikat lamang ang sagot nito.

Dinig nya pang ang kambal ang kinakausap ng mga ito, mabilis nagkapalagayan ng loob ang mga impakto,aniya sa isip.

“Kevz pare bakit ang tahimik mo? Kanina ka pa ah?” dinig nyang puna ni Brian dito.

“wala,wag nyo ako intindihin” matamlay na sagot ni Kevin kay Brian.

“problema sa puso ba yan? Second day pa lang ng klase basted ka na papa Kevz, sinong babae yun ng maupakan?” ani Pipay.

“Wala Pips” matipid ulit nitong sagot. Medyo nawiwirduhan at nahihiwagaan na sya sa inakto nito. May kinalaman kaya ito sa usapan nila kaninang umaga? Hindi rin siguro,kasalanan naman ng Kevin na yun at tama lang na sabihin nya dito mga hinaing nya. Kung ano man ang pinagdadaanan ni Kevin ay wala na siya dun,wika nya sa isip.

Nang makarating sila sa parking lot ay nagpaalam na din sya sa mga ito,nagyaya pa nga ang mga ito na gumala,pero tumanggi sya, madami pa naman panahon para dun. Mas importante sa kanya makapag aral ng maayos.

may sariling kotse ang kambal, ganun din si Kevin at Brylle, sina Ira ,Honey at Pipay kay Kevin sumakay,samantalang sina Dex,Brian ay kay Bryle.

Sya commute lang,hindi naman kasi sya mayaman,average lang, at dahil lang sa scholarship kaya nakapasok sya dito sa St.Adams University,at yun ang inaalagaan nya ang scholar nya.

Nang maka uwi sa bahay ay sinalubong sya ng Ina at niyaya ng maghapunan, masaya naman ang hapunan nila, panay kwento ang ama nya ng kung ano ano. Natutuwa naman sya na napaka cool at mapag mahal ng mga magulang nya.

“Anak kamusta ang klase?” tanong ng ama nya.

“Ayos lang Pa,may mga bago ding kakilala at kaibigan” sagot nya dito.

“mabuti kung ganun, huwag mo papabayaan ang pag aaral ha? Yan ang pinaka mahalagang kayamanan naten,ang karunungan” wika ng kanyang ama, tumango sya bilang pag sang ayon.

“at saka,bawas bawasan mo na pagdadala ng babae nak,nakakatuyo na nga ng katawan,nakakatuyo pa ng utak” biro pa nito.

“Pa!” aniya na nanlaki pa ang mga mata, tawa lang ang isinagot ng mga magagaling nyang magulang.

Itutuloy . . .

Just Believe: chapter04

Isang beses na late sya sa klase kaya no choice na sya kundi ang huwag pumasok sa subject nyang yun, naisipan nyang pumunta sa mini park sa likod ng Gym ng campus para dun makapag advance reading.

“Nandito ka lang pala”

nilingon nya ito, it was Kevin, nawiwirduhan na talaga sya dito,bakit ba ito lapit ng lapit sa kanya?

“Arvin, Im really sorry sa lahat ng katarantaduhang nagawa ko sayo,maski ako nung una hindi ko maipaliwanag kung bakit tuwang tuwa akong naaasar kita” simula nito, napataas ang kilay nya sa narinig.

“alam ko rason mo Kevin,ayaw mong masapawan, pero wala ako paki alam dun,wala ako panahon makipag kumpetensya ng papogian at pasikatan sayo, kaya ko magkaron ng mga babae at mga kaibigan on my own way” bara nya dito.

“Hindi” madiin nitong wika. “Hindi iyon ang dahilan Arvin, nung una naguguluhan din ako kung bakit ko ginagawa sayo yun, pero ngayon alam ko na ang reason,ginagawa ko pala yun para makuha ang pansin mo, for the past 3 years na inaasar kita,iisa lang pala ang rason, inaasar kita dahil gusto kong mapansin mo ako dahil gusto kita” dugtong nito. Shyempre nagulat sya sa sinabi nito,sino bang hindi?

“Alam mo ba ang sinasabi mo Kevin? Pareho tayong lalake,hindi pwede yan at hindi ko pinangarap o sumagi man lang sa isip na makipag relasyon sa kapwa lalake. Isipin mo nga ,masisira ang iniingatan mong image” sagot nya dito.

“Hindi ko din maintindihan Arvin, hindi ko naman ginusto at inaasahan na magmamahal ako, at sa lalaki pa” naka tungo nitong sagot sa kanya.

Bumuntong hininga muna sya bago nagsalita. “Kung ano man yang trip mo,hindi ko yan gusto,tama na yung magkasama tayo sa iisang grupo,kung gusto mo makipagkaibigan sa akin ay ayos lang,pero huwag naman yung ganyan,hindi magandang biro yan”

“Totoo lahat ito Arvin,hindi biro o trip,bigyan mo lang ako ng chance to make it up to you, basta huwag ka lang umiwas please? Bago saken ang ganitong pakiramdam at sana bigyan mo ako ng time na kilalanin pa ito.Magtulungan tayo Arvin” nagsusumamo nitong paki usap.

Ano ba ang nangyayari? Bakit nagkakaganun? Bakla ba si Kevin?

Halos wala syang naintindihan sa mga lecture buong araw,lutang ang isipan nya dahil sa mga sinabi ni Kevin. Hindi pa din sya makapaniwala na ang isang lalaki ay magkaka gusto sa kapwa lalaki. Posible pala yun?

Mabilis na lumipas ang mga araw,linggo at buwan, lalong mas naging tight ang kanilang samahan at mas lalo nila pinahalagahan ang bawat isa. Si Dex at Honey ay five months ng magkasintahan, tama nga sya ng assesment sa mga ito, ganun din si Bryle at Ira na dalawang buwan pa lamang,masaya naman siya para sa mga kaibigan. Napapansin din nila ang panliligaw ni Brian kay Angel, pero mukhang nahihirapan ito dahil kay Jiian,minsan nga harap harapan nila itong aasarin na sasabayan din ni Jiian, si Pipay naman walang pagbabago, sya pa din ang nagbibigay buhay sa grupo nila.

At si Kevin,tinotoo lahat ng sinabi,naging malapit at mabaet ito sa kanya na ikinatuwa nya dahil nagbago nga ito, kaso nga lang sobrang sweet at maalalahanin nito na hindi nakakalusot sa mga intregero nilang kaibigan,idinadaan na lang nya sa tawa at ngiti pag nag uusisa ang mga hunghang samantalang si Kevin ay proud na proud pa.

Siyempre naiilang siya! Hindi sya sanay sa ganun. Pero habang dumadaan ang mga araw ay nag iiba na ang nararamdaman nya para kay Kevin at natatakot sya.

“Hindi pwede ito! Hindi ako bakla!” aniya sa isip.

Pinilit nya pigilan ang nararamdaman dahil alam nyang mali. Dinayvert nya ang lahat sa pag aaral at sinupil nya ang nararamdaman,pero nagkamali sya. Lalo syang nahulog dito lalo pa’t palagi sila nauuna mag lunch at umaalis. Mga bagay na alam nyang nahahalata na ng tropa.

“Kevin,mali na tong ginagawa naten,hindi ba’t kaya ka nakipaglapit sakin ay para makipag kaibigan? Pinagbigyan kita pero hindi ko naman iniisip na hahantong tayo sa ganito” aniya dito ng minsang sila lang dalawa ang magkasama.

“Masaya ako sa ganito Arvin,masaya ako kasama ka,alam kong mali,alam kong ang lalaki ay para sa babae, pero anong magagawa ko? Sayo tumibok ang puso ko” madamdamin nitong sagot at ginap pa ang kanyang mga kamay.

“Pero Kevz,hindi ko na maintindihan ang nangyayari,dahil–”

“dahil gusto mo na din” putol nito sa sasabihin nya.

Tango lamang ang naisagot nya.

“mahal mo ba ako?” dugtong pa nito.

“O-oo” sagot nya.

“kung ganun,sapat na ba ang pagmamahal mo sakin para sumugal kasama ako? Kasi ako oo,handa ako” ani Kevin na matamang nakatingin sa kanyang mga mata.

Napa isip sya. Hindi naman siguro masama sumubok? Ang sabi nga diba Love is selfless, ano nga ba ang mali? Ang manakit o magmahal ng kaparehong kasarian? Hindi naman siguro masama kung pagbigyan nya ang sarili at aminin sa sarili na nagmamahal na sya. Kinapa nya ang puso,napaka bilis ng pagtibok nito. Napangiti na lamang sya sa reyalisasyong naisip nya.

“Kevin,handa na ako sumubok kasama ka” naka ngiti nyang turan dito. Agad na nagliwanag ang mukha nito at ngumiti ng ubod ng tamis at niyakap sya.

“Salamat Arvin! Maraming salamat! Hindi ko alam kung panu tatakbo ang relasyon naten dahil wala ako alam sa ganito.Bast pasasayahin kita, we’ll work this out” masayang sabi nito sa kanya habang nakayakap.

“Pareho tayo Kevz,nasanay ako na babae ang karelasyon kaya wala din ako idea,pero magtulungan tayo ha?” magiliw nyang tugon dito.

“oo magtulungan tayo” si Kevin

“Pero hiling ko lang,itago muna naten to sa lahat” wika nya ng maghiwalay sila sa pagkaka yakap.

“Sige,pero bakit? Pati ba sa tropa?”

“Oo pati sa tropa,syempre gusto mo ba maiskandalo?”

“Ayaw,pero sasabihin din natin sa kanila pag nagtagal” masaya nitong sabi na nagni ningning ang mga mata.

“oo naman!” aniya at bigla sya siniil nito ng halik, nagulat sya at hindi naka react,literal na naestatwa sya,pero ng makabawi ay tinugon din nya ang halik nito.

“first time ko makipaghalikan sa kapwa lalaki, and its not that bad after all” naka ngising wika ni Kevin ng maghiwalay ang kanilang mga labi. Binatukan nya ito na ikinatawa nilang dalawa.

Itutuloy . . .

Just Believe: chapter05

Naging ganun na nga ang set up nila ni Kevin, nagkikita ng palihim, text at tawag pagdating ng gabi. Pero laking pasalamat nya na kahit gano na nya ito kamahal ay hindi pa sila humahantong sa isang bagay na alam nyang kapawa sila madadarang, at alam nyang hindi pa sya handa sa ganun, he cant even imagine his self touching or sucking others dick. Ganunpaman, mas lalo sila naging attached sa isa’t isa,na hindi na nakakaligtas sa tropa.

“ang sarap ng sem break! Anung balak nyo guys?” ani Dex habang sinusubuan si Honey ng mr.Chipz,nasa terrace sila ng kambal.

“what if mag swimming tayo? Sulitin naten,dahil after this graduation na” suhistyon ni Pipay, sumang ayon silang lahat syempre, magigin masaya yun panigurado.

“so ano ba plano? Convoy o arkila na lang tayo ng mini bus?” singit ni Kevin na naka akbay sa kanya, tumingin sa kanila ang buong tropa na naka taas ang mga kilay.

“Bakit?” kinakabahan nyang tanong sa mga ito.

“wala lang,anong drama yan? Dati para kayong aso’t pusa,tapos naging close, ngayon naman sobrang close ata?” ani Jiian.

“Sxempre tol ganun talaga,ano gusto nyo lagi kaming nagbabangayan ni Kevin?” sagot naman nya.

“kung hindi lang namen kayo kilala at kaibigan,iisipin namen bromance na yan” singit naman ni Bryle.

“tama! Pero imposible din,alam naman naten kung ganu sila kahayok sa babae” dagdag ni Brian.

“kesa naman hayok sila sa lalaki?” bara ni Ira,lahat sila ay napatingin kay Pipay.

“Porket hayok sa lalaki ako agad? Mga impaktong to!” protesta ni Pipay na ikinatawa nila.

“Oh see? Enemies turn to Best of friends na kami ni Arvin, diba Bok?” ani Kevin,tumango na lang sya. Hindi na naman nangulit sa kanila ang tropa, nagkulitan at kwentuhan na lang sila at plinano ang magaganap na outing.

“Arvin,alam mo na ba?” maya maya ay wika ni Honey.

“ang alin?” tanong nya dito.

“nasa bansa na ulit si Ikhai, diba wala kayo formal break up nun?” sagot nito.

“pano mo nalaman? Kelan pa daw?” tanong ulit nya at pasimpleng nilingon si Kevin na ngayon ay hindi na maipinta ang mukha.

“kahapon lang sya dumating,excited nga kinakamusta ka, miss na daw nya tayo,lalo kana, alam mo naman kung gano ka nun kamahal” si Ira na ang sumagot.

Natulala sya at napa isip,oo nga pala, he almost forgot, may girlfriend sya,bakit ba nya ito nakalimutan?

“natulala ka na dyan,alam ko iniisip mo Arvin,utang na loob,alam namen kung ganu mo kadalas gamitin si Ikhai, magtotropa tayo baka nakakalimutan mo” singit naman ni Pipay.

Totoo,wala silang formal break up ni Ikhai,alam nya sa sarili nya na mahal nya ito ng labis at ganun din naman ito sa kanya,sadya nga lang na talagang may pagka mahilig din sya at dati pa ito napapansin nina Honey sa kanya.

Tropa nila si Ikhai,nakilala nila ng Third year high school sila, na love at first sight sya dito,niligawan nya and after a month sinagot na sya nito. Masaya sya nung mga panahon na yun,si Ikhai ang buhay nya,sa lahat ng naging girlfriends nya noon,dito sya nag seryoso, ngunit umalis ito ng hindi nagpapa alam sa kaniya,sa kanila. he was devastated that time pakiramdam nya niloko sya,kaya pag nagkakaroon sya ng karelasyon ay hindi nagtatagal.

Ngayon na nagbalik na ito halo halo ang nararamdaman nya,bumilis ang tibok ng puso nya, na excite at nanabik sya,pero may parte ng puso nya na nalungkot, pano si Kevin? she loves Ikhai until now, but He also loves Kevin, ano ba dapat nyang gawin?

“I have a plan, Why dont we invite Ikhai sa outing naten para makilala nya ang iba sa tropa?” maya maya ay suggest ni Pipay.

“Oo nga pre,para makilala namen ang chikas mo” naka ngising sang ayon ni Brian.

“Ha?” na tanga nyang reaksyon.

“anung ha? I’ll call her later na lang para ma inform sya” dagdag pa ni Pipay.

“sige kayong bahala” sagot na lamang nya.

“bakit parang hindi ka excited makita girlfriend mo Arvin,may problema ba?” singit ni Angel na kanina pa nananahimik tulad ng kambal nito.

Nilingon nya ito “hindi ah? Excited nga ako eh,miss ko na yun makaka score pa ako” aniya at sinundan ng pekeng tawa,kita naman nyang mataman sya tinitingnan ni Jiian sabay taas nito ng kilay.

Ano kayang iniisip ng unggoy na to? Tanong nya sa isip.

“ayos! Thats my boy!” ani Brian at nakipag high five pa kina Bryle at Dex.

Binigyan na lamang nya ang mga ito ng pilit na ngiti.

At nilingon si Kevin na ngayon ay walang ekspresyon ang mukha.

Patay na! Anong gagawin ko?

Itutuloy . . .

Just Believe: chapter06

Tulala lang pa din sya ng maka uwi sa bahay, na abutan pa nya ang mga magulang na nag hahapunan, nakaramdam na din sya ng gutom kaya sumabay na sya.

“anak malapit na graduation,ano balak mo after graduating?” tanong ng Papa nya.

“Honestly Pa,hindi ko pa alam, pero siguro try ko muna maghanap ng work” sagot nya dito.

“Good, nandito na pala si Ikhai no?” biglang sabi ng Papa nya. Nagulat naman sya kaya agad din itong sumagot.

“Tumawag sya kahapon,she was looking for you, hindi ka daw nya macontact sa mobile number mo kaya dito sya sa landline naten tumawag” dugtong nito.

“Nagpalit ako ng number diba?”

“and you didnt inform her? But anyways alam naman namen ng papa mo ang real score between you and Ikhai, sana lang anak,kung ano maging disisyon mo ay panindigan mo” sabat ng Ina nya.

“I love her,pero iniwan nya ako” malungkot nyang wika.

“nagbalik sya, bakit hindi mo subukang kausapin? I know she has a reason” ang Ina nya ulet.

“ang totoo nyan ma,pa, isasama namen sya ng tropa sa plano nameng Outing,and I will take that chancehance para maka usap sya, Ill set thins straight for us”

“Thats good to know,mabaet at magalang na babae si Ikhai,noon pa man gusto na namen sya for you,kaya hindi kami pabor ng Mama mo dati sa pagdadala dito ng kung sino sinong babae” naka ngiting turan ng ama nya.

“Pa naman eh,ako na bahala dun” sagot na lamang nya.

Nasa kwarto na sya,nakahiga sa kama at malalim ang iniisip. Pano ba sya napunta sa ganitong sitwasyon? Ano ba ang tama at dapat? Mahal nya si Ikhai,mahal niya si Kevin. Hindi naman sya pwedeng basta basta mag decide at pumili sa dalawa?

“kelangan ko muna ng sapat na panahon,kelangan ko mag isip ng mabuti at timbangin ang nararamdaman ko” aniya sa sarili. With that thought,unti unti na syang nakatulog.

Kinabukasan ay nagising sya sa mahihinang tapik sa kanya at halik sa labi nya.

A-andap andap pa syang nagmulat ng mata para tingnan kung sino yung istorbong gumigising sa kanya.

“I-Ikhai?” gulat nyjng naibulalas kahit nangungulap pa ang kanyang diwa.

“Yup! Its me! Surprise Beb” naka ngiti nitong tugon at niyakap sya,He hugged back! Namiss din nya ito ng sobra.

“Pano ka napunta dito sa kwarto ko?” tanong nya dito ng maghiwalay sila sa pagkakayakap.

“Ito naman,parang hindi ko naman to ginagawa dati, pina akyat na ako nina Tito at Tita,ako na daw gumising sayo,tara Breakfast na tayo Beb” magiliw nitong sagot.

“Ganun ba? Sige maghilamos at toothbrush lang ako Beb” aniya at dali daling tumungo sa banyo sa loob din ng kwarto nya.

Ng matapos ay agad na silang bumaba at nag agahan,walang humpay naman ito sa kaka kwento ng mga nangyari dito, at natutuwa naman ang mga pobre nyang magulang sa pakikinig dito.

Ng matapos makapag almusal ay niyaya nya muli si Ikhai sa kanyang kwarto, gusto nya ito maka usap patungkol sa kung anong meron sila at sa pag alis nito noon. Hindi naman makitid ang utak nya para hindi makinig sa mga rason at paliwanag nito,ayaw nya kasi ng kumplikasyon.

“Beb,lets talk” aniya ng maka upo silang dalawa sa kama.

“Sure, alam ko na kung tungkol saan” mahinahong sagot nito.

“Bakit?” tanong niya.

“I never had the chance to explain my self, Beb maski ako nabigla at walang nagawa ng biglaan nameng pag alis sa bansa,I wanted to talked to you bago man lang kami umalis pero hindi ko na nagawa” she paused.

“Naka fixed marriage na pala ako sa anak ng kaibigan ni Papa,nang malaman nya na I was committed with someone else dali dali sila gumawa ng paraan para mailayo ako sayo, Hindi ko yun ginusto,pero nagpakatatag ako,dahil iniisip ko na when Im in the right age,pwede ko ng gawin ang gusto ko at maipaglalaban ko na ang pagmamahal ko, at yun nga ang ginawa ko kaya nandito na ako” mahabang litanya nito.

Na antig ang damdamin nya sa sinabi nito, He was wrong after all, sya lang itong nag isip ng kung ano ano at nag emote. Niyakap nya ito ng buong pagmamahal,mahigpit,punong puno ng pangungulila.

“Im sorry kung ano ano ang inisip ko Beb, so I guess,were both back to each others arms” bulong nya dito.

“Oo Beb,wala ng iwanan,hindi na ako aalis ulit” tugon nito, dahan dahan nya itong hinarap at siniil ng halik.. Namiss nya ang halik nito,ang haplos nito, he miss being inside her,he miss her moan.

“Make love to me Beb” aniya sa mapang akit na boses.

“I will” tugon nito.

itutuloy . . .

Just Believe: chapter07

Nagising silang dalawa ni Ikhai sa malalakas na katok sa pinto ng kanyang silid,na animoy gigibain ito.

“ARVIN! gumising ka diyan kung ayaw mong gibian namen ang pinto ng silid mo!!” sigaw sa labas.

Agad syang napa balikwas ng bangon at ginising si Ikhai na parang nangungulap pa,tinungo nya ang pinto at binuksan ito, naka kunot na noo nina Brian at Dex ang sumalubong sa kanya.

“ano ba problema nyo?” iritado nyang tanong sa dalawa. “magagalit si Mama at Papa eh,halos gibain nyo pinto ng kwarto ko” dugtong pa nya.

Lumingon muna ang dalawa sa loob,kung nasan si Ikhai na matamang nakatingin sa kanila.

“Wala naman problema,baka nakakalimutan mo na ngayon ang araw ng outing, at kung sina tito at tita pinoproblema mo,umalis na sila,kami daw gumising sayo” sagot ni Dex.

“Sya ba yung chics mo?” naka ngisi namang singit ni Brian. Tumango na lang sya.

“oh sige na,hintayin nyo kami,magbihis lang kami” pasimple nyang pagtaboy sa dalawa.

“sige bilisan nyo,kanina pa naghihintay ang tropa sa labas” ani Dex bago tumalikod at umalis ang mga ito.

Ng matapos sila mag prepara ng mga damit ay agad na silang lumabas ng kasintahan sa bahay, totoo nga nasa labas ang tropa at naka sakay sa mini bus. Agad nya itong pinakilala sa lahat at agad ding hinablot ni Ira ang girlfriend nya. Hindi na sya pumalag,alam nyang namiss din ito ng tropa.

Naghanap sya ng mauupuan,nakita nya ang bakanteng upuan sa tabi ng tahimik na si Kevin. Napa buntong hininga sya, na miss nya ito ng sobra at alam nyang nagtatampo na ito pero kelangan nya magpigil baka mabuking sila ng tropa, tumabi sya dito.

Bahagya pa itong napakislot ng tumabi sya,saglit sya nitong nilingon at may nakita syang lungkot at pangungulila sa mga mata nito ngunit saglit lang yon at muli nitong binalik ang pansin sa labas ng bintana.

Awkward.

Nagsimula ng umandar ang mini bus para sa mahaba haba nilang biyahe.

“Pare san kayo nakakuha ng Driver at nitong mini bus?” tanong nya kay Jiian na nasa kabilang side.

“Personal driver namen yan si Mang Tonyo at itong mini bus galing sa company ni Daddy” casual na sagot nito.

“ah ganun ba, ayos ah, yaman mo talaga” aniya.

“Arvin,okay yung chicas mo ah? Maganda,sexy at mukha namang mabaet” banat ni Brian na nasa likod nila katabi si Dex.

Nilingon nya si Ikhai na masayang nakikipag daldalan kina Ira,Honey at Pipay.

“mabaet talaga yun” proud nyang sagot dito.

“Halata naman, ngayon hindi ka na namen pagdududahan” sagot nito at muling tumawa,nakatanggap ito ng batok kay Dex.

“arekup!”

“para kang bakla,wala preno bibig mo” si Dex.

Napa ngiti na lang sya sa mga ito.

Nilibot nya ulit ang tingin sa loob ng mini bus na ibang iba ang itsura sa mga ordinaryong bus. Ang mga upuan kasi nito ay hindi normal na nakaharap sa harapan,kundi magkaharap sa magkabilang side.

Nakita nya si Angel na nakapikit habang may naka salampak na earphone sa tenga nito. Nakikinig siguro ng music.

Si Bryle naman ay tumabi na kay Ira habang hawak ang kamay nito. Napangiti sya, para kasing balewala dito na hindi sya kasama sa usapan nina Pipay,Ira,Honey at ni Ikhai.

“tingnan mo yung gagong yun,akala mo naman mawawala si Ira” pansin ni Brian dito

“wala kayo magagawa,inlove si gago eh” sagot ni Dex.

“inlove? Ibig sabihin hindi ka inlove kay Honey at hindi inlove si Arvin kay Ikhai? Hindi nyo kasi tinabihan eh” si Brian.

“gago,hindi naman kami ganyan, iba ibang level yan, bakit ikaw hindi mo katabi si Angel?” bara ni Dex dito, napatingin sila lahat kay Jiian maliban kay Kevin na nakapikit na,baka natutulog.

“ah eh,ano kasi,kuwan” tila nahihirapang sagutin ni Brian,nagtawanan sila, nakitawa din si Jiian pero saglit lang ito at seryosong nakatingin sa kanya.

“Bakit dre?” aniya dito. Nagtataka na talaga sya dito, sa tuwing tinitingnan sya nito ay para bang may pilit itong binabasa o hinahalukay sa kanya. Jiian is the type of person na tahimik pero makulit. Kaya nito bumasa ng isip at damdamin sa pagtingin lang sa mga mata, malakas din ang pakiramdam nito, kaya nakaramdam sya ng pagkailang.

“wala lang,hindi ata kayo nag uusap ng bestfriend mo mula pa nung nakaraan” seryoso nitong sabi.

Patay na! Nakakahalata na ba ito?

“ano ka ba pre,syempre nandyan ang girlfriend,ano ba ang uunahin mo ,girlfriend o bestfriend” si Brian na ang sumagot dito.

“O-oo nga,syempre,quality time,namiss ko yun eh” dugtong pa nya at nagbigay sya ng pilit na ngiti.

“Ah,I see” sagot ni Jiian na para bang kontento na sa sagot nya, nilingon nya si Kevin, gising na pala,nakita nya ang pait sa mga mata nito,nakaramdam sya ng pagka guilty. Mataman palang tinitingnan ni Dex si Kevin.

“Kevz,may problema ba bro? Napapansin namen nagiging tahimik ka na,hindi kana nakiki jive samen,kung may problema ka wag ka mahiya magsabi,nandito lang kami” ani Dex.

Pilit na ngiti ang sinagot ni Kevin. “Oo meron,mabigat at masakit, pero dont me,kaya ko toh” wika pa nito.

Natilihan sya,ngayon lang nya narealize na ganito pala ang kalalabasan ng ginawa nya? Dapat na ba syang pumili sa dalawa?

“try us, baka matulungan ka namin” si Bryle na lumapit na sa kanila.

“No,not now,problema sa puso to,and I think I can handle this” sagot muli ni Kevin.

“Speechless ata ang bestfriend mo Kevz?” basag ni Jiian. Nak ng! Mukhang talagang alam na ng mokong ah? Pano ba ito? Aniya sa isip.

“ah eh,kakausapin ko sya mamaya,binibigyan ko lang sya ng time” aniya. “diba Bok?” baling nya dito at inakbayan pa ito.

“yeah” matipid na pag sang ayon ni Kevin.

Nalintikan na! Masama talaga ang loob ng isang to! Hindi pa naman nya alam pano manuyo ng lalaki, ano ba dapat gawin?

Itutuloy . . .

Just Believe: chapter08

Dahil sa mahaba haba pa ang biyahe, pinagpasyahan nya munang umidlip, pinabayaan nya din muna si Ikhai na makipag kulitan kina Pipay, for now kailangan nya ipahinga ang utak nya.

Kung bakit ba naman kasi humantong pa sa ganitong sitwasyon? Bakit dalawa pa ang minahal nya? Nahihirapan na tuloy siya sa nangyayari dahil alam nyang may nasasaktan na siya ngayon pa lang.

Dahil wala din naman siyang mahanap at makapang kasagutan,iginupo na din sya ng antok at tuluyang nakatulog.

SAMANTALA . . .

Sina Jiian,Bryle,Dex at Brian ay nag umpukan sa dulo ng bus at nagkwentuhan ng kung ano ano. Ng biglang may napansin si Bryle.

“mga pare,tingnan nyo,magkahawak kamay si Kevin at Arvin habang natutulog” mahina nitong sabi na ikinalingon ng iba.

“matagal ko ng napapansin yan pero hindi din naman ako nag conclude dahil alam nateng pareho babaero ang dalawang yan, pwede namang magkapatid na ang turingan nila kaya ganyan” segunda ni Dex.

“I doubt, kahit gano pa kayo kaclose,hindi kayo mag hoholding hands,saka dati pa lang may sarili ng lakad mga yan diba?” ani Brian at sumang ayon naman ang iba.

“Pero imposible,may girlfriend si Arvin, hmmm” ani Bryle at tila napaisip pa talaga ng malalim.

“Hindi naman imposibleng magmahal ka ng pareho mong lalaki,iba na panahon ngayon,tingnan nyo nalang parents namin ni Angel” basag ni Jiian sa mga ito.

“sabagay” sabay sabay na pag sang ayon ng mga ito.

“Pero gayunpaman,hindi talaga tayo sigurado,mahirap maghusga baka nagkakamali tayo,mahirap din pagdudahan ang kakayahan nila magmahal” si Jiian ulit.

“Pero kung tama hinala naten,sino ang bakla sa kanila? O pareho silang bakla? Bakit wala naman bakas o bahid ng pagka bading sa kanila?” si Dex naman na matamang nakatingin sa natutulog na sina Arvin at Kevin.

“Hindi naman porket nagmahal ka ng kapwa lalaki ay bakla ka na mga pare,maging open kayo sa ganyan,at kung may mapatunayan tayo,tanggapin na lang naten at suportahan sila, pero regarding that, I doubt,may masasaktan,si Ikhai at Kevin, pero kelangan mapatunayan naten para alam naten kung ano ang dapat gawin” putol ni Jiian sa mga ito.

“Pano?” si Dex

“How?” si Brian

“what do you mean?” si Bryle.

“Later,you will see..” sagot ni Jiian.

naalimpungatan si Arvin dahil sa pamamanhid ng kanyang kanang braso,pagtingin nya nakasandal dito si Kevin na tulog na tulog,ikinagulat din nya na magkahugpong pala ang kanilang mga kamay, kinabahan siya,inilibot nya ang paningin.

Wew! Buti na lang tulog ang lahat! Aniya sa sarili,dahan dahan niyang inalis ang ulo ni Kevin sa balikat nya pati na rin ang magkahawak nilang mga kamay.

Hinalikan nya ito sa labi. Saglit lang at mabilis iyon saka sya tumayo at tinabihan ang natutulog na kasintahang si Ikhai, isinandal nya ito sa kanyang balikat para mas maging komportable ang pagtulog nito.

“manong malayo pa ba tayo?” tanong niya sa Driver.

“malapit na po Sir,mga dalawampung minuto na lang” magalang na sagot ng matanda sa kanya.

“ah ganon po ba,salamat”

muli nilingon nya ang mga tropang lalaki, gising na si Kevin at nakatingin sa kanya. Hindi nya kayang tagalan ang mga tingin nito kaya sya na ang unang nagbawi ng tingin.

Ilang saglit pa ay narating na nila ang Resort. Sakto naman nag sigising na ang buong tropa.

Bitbit ang mga gamit at bag bumaba na silang lahat at namangha sa ganda ng lugar.

“wow! Ang ganda ng Resort nyo Jiian at Angel” masayang wika ni Pipay na manghang mangha.

“Sa inyo to?” aniya sa kambal.

“Yup,hindi pa fully develop pero Im sure mag e-enjoy kayo dito” magiliw na sagot ni Angel sa kanya.

“astig nyo talaga” naibulalas na lang nya sa sobrang paghanga.

“Oh pano? Lets get it on!!” sigaw ni Brian at nagpatiuna na papunta sa bahay na nakatapat sa dagat. Iyon siguro ang resthouse ng kambal. Nasabi na lang nya sa isip.

Nagsisunuran na sila papunta dito para mag ayos ng mga gamit.

“Mang Tonyo halina po kayo” nadinig pa nyang tawag ni Jiian sa Driver.

“Sige anak,saglit lang sunod na ako,ipark ko lang ng maayos to” sagot ng matanda.

Itutuloy . . .

Just Believe: chapter09

Naayos na nilang lahat ang mga gamit nila sa resthouse, ang mga babae ay magkakasama sa isang silid,at ang mga lalaki ay sa kabilang silid naman. Malaki at maganda ang resthouse, may limang silid ito.

Ngayon masaya silang nanananghalian dahil ang balak nila ay mag ikot ikot muna sa lugar at mga bandang alas dos o alas tres na ng hapon maglangoy para hindi masyadong masakit sa balat ang sinag ng araw.

Masaya naman at enjoy sya,nakikita din nyang nag e-enjoy ang buong tropa, yun bang sinusulit talaga ang quality time,dahil pagkatapos nito,exams na then after 3weeks ay graduation na nila.

Ngayon heto sya naka upo lang sa buhanginan at masayang pinapanood ang tropa,maski ang kasintahan nyang si Ikhai ay nakikipagkulitan na din sa mga ito.

“Kamusta Bok? Its been a while” wika ng isang boses at nilingon niya. Si Kevin. “Pwede tumabi?” dugtong pa nito, ngiti at tango ang sinagot nya. Tumabi na ito sa kanya at umupo na rin sa buhanginan.

“Kamusta na Bok?” ulit ni Kevin.

“Ito ayos naman,masaya, ikaw Bok?” sagot at balik tanong nya.

“miss na kita Bok” bagkus ay sagot ni Kevin na sa mga kaibigang naghaharutan ang tingin ay kita nya ang namumuong luha sa gilid ng mata nito. Nakaramdam sya ng matinding guilt at awa para dito.

“B-bok, sorry kung nasasaktan kita,maski ako naguguluhan,pasensya na talaga” pagsasabi nya ng totoo.

“ayos lang,naiintindihan ko,ako naman ang nagpumilit sa relasyong ito diba? Kasi gusto ko sumubok at sumugal dahil bago saken ang lahat ng ito” sagot nito at humarap sa kanya,ang mga mata nito ay nangungusap.

Wala syang maapuhap na isasagot,dahil maski sya ay nasasaktan din sa nangyayari, pero ano ba ang magagawa niya? Ano ba ang dapat niyang gawin?

“Malas nga lang na sa unang pagkakataon ay sa kapwa lalaki pa ako nagmahal ng lubos,nung una pinigilan ko,natakot ako dahil ayoko maging bakla,pero naisip ko na hindi naman siguro porque nagmahal ako ng kapwa lalaki ay bakla na ako,kaya ng marealize ko yun,sumubok ako,sumugal ako sayo, pero sadyang malas talaga kasi kung kelan mahal na mahal kita saka naman isasampal sakin ang katotohanan na hindi ako karapat dapat sayo, mahal na mahal kita Arvin, ramdam ko na minahal mo ako pero I guess hanggang dito na lang tayo, You have Ikhai and I can feel na mahal nyo ang isa’t isa,bagay kayo, pero huwag ka mag alala,maluwag sa dibdib ko ang pagtanggap nito,dahil gusto ko,masaya ang taong mahal ko,kasama ang mahal nya, pwede naman tayo maging magkaibigan diba?” mahabang litanya ni Kevin, nagpunas ng luha at lumingon sa kanya’t nagbigay ng isang ngiti.

Natulala sya,pilit na ina-absorb lahat ng sinabi nito,alam naman nya sa sarili na mahal nya ito ngunit dahil nga ito na ang pumutol sa kanilang relasyon,pinakiramdaman nya ang damdamin,mahirap man paniwalaan ngunit para syang nakahinga ng maluwag.

“g-ganun mo ako kamahal Bok?” tanong niya dito. Ngumiti ito sa kanya at sumagot.

“oo Bok,I can love you selflessly at handa ako magparaya para maging maligaya ka,huwag ka mag alala,hindi mawawala pagmamahal ko sayo,pero hindi naman ito magiging hadlang sa pagmamahalan niyo ni Ikhai”

“Minahal din kita Bok,ayoko sana umabot sa ganito pero tama ka. Pasensya na talaga” aniya.

“ayos lang,I guess I have to start a new, sa normal at dapat,andyan ka naman at ang tropa para sumoporta sa akin diba?” sagot pa nito.

“Oo naman!” aniya at niyakap ito “salamat Bok,salamat” dugtong pa niya.

“ang sweet” sabi ng isang nanunuksong boses.

Napalingon silang dalawa ni Kevin at nagulat dito.

Itutuloy . . .

Just Believe: chapter10

“ang sweet”

nagulat silang dalawa ni Kevin at napalingon sa nagsalita. Si Dex.

“oy Pre,ikaw pala,anong atin?” pilit nyang ginawang normal ang kanyang boses,samantalang si Kevin ay nakatingin lang din sa kaibigan.

“wala naman,naisipan ko lang na tawagin na kayo, tara na at mag meryenda, tinawag na din nila ang iba” sagot nito sa kanila.

“tara na,gutom na din ako” nagpatiuna na si Kevin at iniwan sila, samantalang sya naman ay binigyan ni Dex ng mapanuring tingin.

“bakit pre?” tanong nya, kibit balikat lang ang sagot nito at tumalikod na.

Ano kayang iniisip ng gagong yun? Piping sambit niya sa isip.

Ilang saglit pa ay nakalapit na sa kanya sina Ikhai,Pipay,Ira at Honey, agad naman umabresyete sa kanya ang una at sabay sabay na silang tumungo sa resthouse.

Masaya nilang pinagsaluhan ang masasarap na meryenda nila para sa hapon na iyon.Hindi din nawala ang mga biruan at basagan na lalong nagpasaya sa kanila.

Si Kevin,true to his word ay mukhang nakapag let go na nga dahil nakikitawa na rin ito sa tropa na napansin naman agad ng iba.

“wow! It seems that youre being back to your old self na ah?” si Pipay.

“Bakit Pips? Nagbago ba ako?” naka ngiting sagot ni Kevin sabay kindat dito.

“eeehhh huwag mo nga ako kinikindatan ng ganyan,kinikilig ako!” malanding patutsada nito na ikinatawa nilang lahat.

“oo nga pre,mabuti yan at masayahin kana ulet” si Bryle.

“hindi namen alam kung anong pinagdaanan mo pero,its good to see you back sa dating ikaw” dugtong pa ni Brian.

“mga loko loko,tantanan nyo nga ako” natatawang sagot ni Kevin sa mga ito.

“umiiwas” magkasabay na sabi ng kambal na si Jiian at Angel. Napalingon sya sa mga ito. Masyado talagang malakas pakiramdam ng kambal na ito,parang wala ka maitatago.

“Bebs anong plano mo after graduation?” singit ni Ikhai sa usapan at dito nalipat ang atensyon ng lahat.

“wala pa,pero nangako na ako kina Mama at Papa na maghahanap muna ako ng work,para na din makatulong sa gastusin sa bahay” sagot nya dito.

“napaka baet mo talagang anak,kaya mahal na mahal kita eh” magiliw namang wika ni Ikhai at binigyan sya ng mabilisang halik sa pisngi,dahilan para mamula sya.

“hayop!” sabay sabay na komento nina Dex,Brian at Brylle. Samantalang si Jiian at Angel ay matamang nakatingin sa kanila.

“Youre blushing” pagkuway komento ni Honey.

“Ganyan naman yan basta pagdating kay Ikhai” sabat pa ni Ira.

“Ha?” ang naguguluhan nyang reaksyon. Grabe naman kasi tong kasintahan nya. Sanay sya dito na sya ang naglalambing at nagpapakita ng affection, pero pag ito na ang gumagawa hindi nya maiwasang mahiya.

“wala! Oh guys,malapit na magdilim, magluluto pa ba kami ng dinner o deretso tagay na tayo?” si Pipay at tumayo na para iligpit ang mga pinagkainan nila. Tumulong naman ang iba pang mga babae dito.

“Pulutan na lang ang iprepare,para deretso tagay na tayo” sagot ni Jiian.

Pasado alas siete na ng maisipan na nilang mag simula ng inuman. Pinili nilang sa terrace ng resthouse mag inom para makita nila ang magandang view ng dagat pag gabi na.

Maliwanag ang buwan at bilog na bilog at ang bawat liwanag nito na tumatama sa tubig dagat ay kumikinang na parang mga brilyante.

Tagayan session ang ginawa nila para mas tumagal.

“I have an idea guys” ani Pipay.

“ano?” koro nilang sagot.

“why dont we play spin the bottle para mas masaya ang inuman?” anito sa kanila.

Sa hindi malamang dahilan ay napatingin sya sa mga kasama,kita nya kung pano gumuhit sa mukha ng mga ito ang ngisi lalo na si Jiian,nakaramdam sya ng konting kaba.

Pano kung magtanong ito about sa kanila ni Kevin? Aamin ba sya? Pero wala na naman sila ni Kevin kaya wala naman na sigurong rason para sabihin sa kanila ang bagay na iyon. Tiningnan nya si Kevin, kalmante lang ito. Pano nya nagawang maging kalmante? Tanong nya sa isip.

“so, who’s in?” si Pipay.

“syempre tayong lahat!” pagbibidang sagot ni Ira.. Ngalingali nya itong pukpukin ng bote ng redhorse. Manguna ba daw mag disisyon?

“masaya ito” dugtong pa ni Dex.

Wala na sya magagawa,ayaw naman nyang lumabas na KJ,kaya sumang ayon na din sya.

“simulan na ang gabi” magiliw na wika ni Angel.

Itutuloy . . .

Just Believe: chapter11

Si Pipay ang unang nagpaikot ng bote, talagang sobrang hindi sya mapakali. Tumigil at tumapat ang bote Ira, dare ang pinili nito.

“sige,ipakita mo samin ang lambot ng katawan mo,ung pinaka nakakabilib mong acrobat!” utos ni Pipay, ngumiti at tumayo si Ira. Confident ito sa gagawin,syempre ikaw ba naman maging dancer at leader ng Pep Squad ng kanilang campus,ewan lang kung hindi lumambot ang katawan mo.

Laking gulat ng tropa ng mag bending si Ira at mag back walk. Palakpakan sila sa sobrang paghanga,maski sya ay bumilib pa din sa kaibigan.

“you should learn how to control your emotions,madali ka mahahalata” bulong sa kaniya ng isang boses. Ng lingunin niya ito,si Jian, binigyan lamang nya ito ng nagtatakang tingin.

Muling pinaikot ang bote,this time,si Ira na ang nagpaikot,kitang kita sa mga mata ng mga barkada nya ang excitement,tumigil at tumapat ang bote kay Kevin,kita nya kung pano gumuhit ang ngiti sa labi ng mga barkada nyang lalaki.

Dare ang pinili ni Kevin.

“matapang ah? Sige,ito ang dare mo,halikan mo sa labi ang pinakamahalagang tao sayo dito sa tropa for 5seconds!” utos ni Ira dito.

Nakaramdam sya ng ibayong kaba,sino ba namang hindi? Alam nya sa sarili nyang sya ang taong iyon,nilibot nya ang tingin sa lahat. Laking pagtataka ng mga kababaihan at ni Pipay ng tumayo si Kevin at lumapit sa kanya.

Naramdaman na lang nyang lumapat ang mga labi nito sa labi nya.

Rinig nyang nagbilang na ang tropa.

Ibayong pagkahiya,gulat at pananabik ang naramdaman nya,naging mapangahas ang halik ni Kevin at hindi nya namalayang tinutugon na nya ito.

“1,2,3,4,5,6…..15” bilang ng tropa.

“wait!” si Ikhai na ang pumigil dahilan para makabalik sya sa riyalidad,agad naman bumitiw sa paghalik si Kevin at bumalik sa dati nitong pwesto na binigyan ng barkada ng nagtataka at nagtatanong na tingin.

“what was that for?” asik ni Ikhai na kay Kevin din nakatingin.

“ginawa ko lang ang dare” simpleng sagot ni Kevin na sinamahan pa ng pagkibit balikat.

“I know! Pero bakit ganun?” angal pa din ni Ikhai,gusto nya sanang sumabat pero wala syang boses na mailabas,hanggang ngayon ay nabigla pa din sya. The kiss was damn hot at kakaiba,pinagkanulo sya ng sarili nyang damdamin.

“Oh c’mon Ikhai! Its just a game,huwag ka masyadong Over Acting” si Angel ang nagsalita.

“Si Arvin ang mahalaga sa kanya kaya Arvin nya ginawa ang dare,ituloy na yan para mas sumaya” dugtong pa ni Jiian.

“Tumpak! Kahit na nakakagulat,it was so hot! Sana ako din halikan ng ganun ni Papa Kevin!” segunda ni Pipay na pinukol ni Ikhai ng masamang tingin.

“oo nga girl” sabay na pag sang ayon nina Ira at Honey.

“sige” ani Ikhai at napa buntong hininga na lang. Ngayon sa nangyari,hindi na nya alam ang dapat pang maramdaman at maging reaksyon,kanina lamang ay nakapag usap na sila ni Kevin ng maayos,pero ngayon parang nag iba na takbo ng puso nya,kung kanina lamang ay pumayag na sya na magtapos na ang relasyon nila,ngayon parang nag aasam na sya na sana pala ay hindi sya pumayag.

Natapos naman ng masaya ang kanilang laro,ipinagpatuloy na nila ang inuman,pero sya nagpaalam na magpapahangin sa tabing dagat,medyo nakaramdam na din kasi sya ng pagkahilo gawa ng madami syang nainum,dun nya naibuhos ang pagkalito.

Mataman nyang tinitingnan ang malaki at bilog na buwan na nagsisilbing liwanag sa gabing iyon.

“Full moon,romantic,pero hindi ko madama” bulong nya kasunod ng pagbuntong hininga.

“Handa ka na ba magkwento?” ani ng isang boses.

Nilingan nya kung sino,si Jiian pala ang nagsalita,kasama nito sina Dex,Brian at Bryle.

“Si kevin?” tanong nya.

“inaantok na daw kaya nauna ng matulog” si Bryle na ang sumagot.

Nilingon nya ang terrace,nandun pa din ang babae at si Pipay.

Napaisip sya,dapat na ba nya sabihin sa mga ito ang naging relasyon nila ni Kevin.

Umupo ang mga ito sa buhangin,may mga bitbit ding tig iisang bote ng RH.

“alam mo bro,wala naman problema samin kung sa lalaki ka magmamahal,tanggap namen yun,tingnan mo parents nina Jiian at Angel,tanggap at sinuportahan pa ng mga kaibigan nila,ganun din kami sa inyo” panimula ni Bryle.

Napayuko sya sa hiya at guilt,kung sana pala nagtiwala sya sa mga ito,may napag sasabihan sana sya ng mga hinaing nya. Nahiya sya sa mga ito,all the while pala ay alam na ng mga ito pero pinilit padin nila itong isekreto.

“anong plano mo? Anong gagawin mo?” si Jiian naman ang nagsalita.

Itutuloy . . .

Just Believe: chapter12

dalawang linggo na ang nakakalipas mula nung mag outing sila,mula noon ay naging mas open sya sa mga barkadang lalaki dahil na nga din sa pag uusap din nila that time.

Si Kevin naman ay bumalik na sa pagiging makulit nito,pero paminsan minsan humahapyaw ito ng banat sa kanya pag silang mga lalaki ang magkakasama na sinasapawan at tinatawanan naman ng mga hunghang,masaya sya at magaan na ulit pakiramdam nya,though alam nyang mahal pa din nila ang isa’t isa pero naglagay na nga sila ng limitasyon mula ng mag break sila nito, pagkakaibigan na lang ang pinakatutukan niya.

Si Ikhai naman ang kanyang girlfriend ay mas naging close na sa tropa,minsan nga lang nagiging over protective na ito simula nung halikan sya ni Kevin sa harap ng tropa, pag kinakausap naman nya ito tungkol dun ay isa lang ang isasagot nito:

“dapat lang! Hindi lang pala mga babae at bading ang makaka agaw sayo,pati din pala mga lalaki!”

Napapailing na lang sya habang nagmumuni muni sa mini park ng campus, mag isa lang sya dahil bakante sya sa mga oras na yon,hindi naman kasi sa lahat ng subjects ay kaklase nya sina Ira,Honey at Pipay.

It was February 13th, kinabukasan ay Valentines day na,at next month ay graduation na nila.

Mataman syang nag iisip kung ano magandang sorpresa at regalo para kay Ikhai, ang hirap din kasi mag isip,dahil halos lahat ata ay meron na ang babaeng yon.

“Uhoy! Andito ka lang pala brad? Wala kang klase?” bati ni Brian na ubod ng lapad sa pagkakangisi. Minsan hindi nya maiwasang isipin na abnormal ito,nakakainggit lang ang pagiging jolly,akala mo walang problema,bagay sila ni Pipay. Dahil dun napangiti na lang sya.

“Tamo to! Anung nginingiti ngiti mo dyan?” alma ni Brian at umupo na sa tabi nya.

“Wala lang,bigla ko lang naisip na, since masayahin ka,at masayahin si Pipay, pwede ding .. .” hindi na niya naituloy ang sasabihin dahil binara na sya nito.

“Subukan mong ituloy yang sinasabi mo! Babasagin ko bungo mo at iuuntog kita sa lamesang yan!” alma nito sabay turo sa sementadong lamesa. Napahagalpak na lang sya ng tawa dahil sa inasta nito.

“Ang weird mo talagang gago ka! Ganyan ba kayong mga half-half?” angil nito, napalingon sya dito.

“anong half-half?” taka nyang tanong dito.

“yung kuwan,yung kalahating gusto ay babae,kalahati gusto lalaki” nakangisi nitong sagot kaya binatukan nya.

“Ulol ka talaga Boromeo!” aniya dito,napangiwi ito,tulad ni Pipay ayaw na ayaw din nitong tinatawag sa totoong pangalan.

“huwag mo nga ako tawagin ng ganyang gago ka,sasamain ka saken” pagbabanta pa nito. “nga pala,kamusta kayo ni Ikhai? Grabe girlfriend mo ah parang linta na kung makadikit sayo” dugtong nito.

“ayon,wala naman nagbago samen,maliban nga sa pagiging protective nya ngayon,pero ayos lang naman yon,may karapatan naman sya” sagot nya “sa katunayan nga nag iisip na ako ng ireregalo sa kanya para bukas at kung san ko sya ide-date” dugtong pa niyang pagsasabi ng totoo.

“Well,kung ako ang tatanungin mo,mas mainam na bigyan mo siya ng kuwintas,o kaya naman bracelet,hindi pwede ang singsing” seryosong mungkahi nito.

“bakit hindi pwede ang singsing?” nagtataka nyang tanong.

“siyempre ang singsing ay para lang sa inyong dalawa ni Kevin” malokong sagot nito na sinamahan ng halakhak.

Ngalingali niya itong batuhin ng mga librong dala nya sa pagka inis. Ang bibo ng utak,grabe!

“Tado! Kaya ka hindi sinasagot ni Angel eh, hindi ka makausap ng matinong gago ka!” aniya dito.

“masyado na kong pinapahirapan ng isang yon” pagkuway wika ni Brian at nagseryoso.

“ano ba kasi nangyayari? Tagal mo na nanliligaw dun ah? Hindi naman kumokontra si Jiian diba?” sagot nya, interesado na din kasi syang malaman ang pakikibaka ng kaibigan kay Angel.

“Oo nga,nandun na tayo,wala ng problema kay pareng Jiian,kaya lang,parang wala naman sya nararamdaman saken,at pangit naman kung one sided love lang diba? Unfair naman yon” sagot nito.

Ito din ang nagustuhan nya sa kaibigan,kahit gano kaloko ito ay pag nag seryoso ay may sense. Sabagay tama ito,mahirap nga naman ang one sided Love,bukod sa para ka ng tanga,para ka pang mababaliw.

“So anong plano mo?” aniya dito.

“Sa totoo lang hindi ko alam,may nabalitaan pa ako na may bagong nanliligaw dito,dati daw nilang kaibigan,nakaramdam ako ng takot pre pero hindi ko naman kayang sumugal dahil nga hindi naman ako nakakasiguro kung may nararamdaman o wala si Angel sa akin” anito at bumuntong hininga.

Ngayon lang nya ito nakitang ganun. Naisip nya tuloy na sana noon pa lang naging open na din sya para may nakakausap sya tulad nila ngayon ni Brian.

“mahirap yang puro isip,bakit hindi mo muna subukan? Dami mo kasing kuro kuro eh” tugon nya.

Tumingin ito sa kanya na nangungusap ang mga mata.

“Do you think ano ang dapat kong gawin?”

Sasagot na sana sya ng biglang may magsalita, nilingon nila ito. Ang tropa.

“tara na! Wala na kaming klase” yaya ng mga ito sa kanila.

ITUTULOY . . .

Just Believe: chapter13

Maaga sya gumising para pumasok sa school, excited sya dahil nga Valentines day, kahapon bago umuwi ay bumili na sya ng ibibigay para kay Ikhai.

Pagdating sa school ay nagkalat na sa labas ng campus ang mga nagtitinda ng iba’t ibang kulay ng rosas,napangiti sya,maya na sya pag uwi bibili para sa date nila ni Ikhai. Medyo may kamahalan pa naman ang nabili nya.

Habang naglalakad sa covered walk ay madami na syang nakikitang mga couples,may mga nag aabot ng roses o di kaya naman ay chocolates, halata sa mukha at mata ng mga kababaihan ang ibayong kilig.

Ng makarating na sya sa department nila,sa kanilang class room ay hindi magkanda mayaw sa pagkekwentuhan ay kanyang mga kaklase.

At siyempre natawa pa sya ng bahagya ng makita sina Ira at Honey naka ngiti at parehong tulala habang hawak ang rose na bigay siguro nina Dex at Bryle,halatang nagde-daydream na ang dalawa.

Inilibot nya pa ang paningin sa mga kaklase at nahagip ng tingin nya si Pipay. Muntik pa sya mapahagalpak ng tawa dahil halos hindi maipinta ang mukha nito sa pagkakalukot, syempre alam nya ang rason, walang nagbigay ng rose o chocolate dito. Kita pa nya itong nilapitan ng kaklase nilang si Prinz,ang escort nila na ubod ng kulit.

“Oy?! Walang flowers and chocolates? Kawawa ka naman” naka ngising buska nito sa kaibigan,kita nya kung pano mag beast mode si Pipay.

“Ano bang pakialam mo? Umalis alis ka nga sa harapan ko baka hindi kita matantyang kumag ka” asik ni Pipay dito,lihim syang napahagikgik, parang nakikita kasi nya ang sarili noon nung ganun pa sila ni Kevin.

“Syempre may paki alam ako, 3years na kitang nakikita na ganyan every Valentines day,kaya naawa naman ako sayo,may ibibigay ako sayo,pero hindi rose o chocolate” nakangisi pa ding tugon ni Prinz kay Pipay.

“Eh kung ihambalos ko kaya sayo tong upuan para makita mo kung sino dapat kaawaan? Umalis ka nga dyan!” malakas ng sabi ni Pipay dahilan para sa kanila mabaling ang atensyon ng kanilang mga kaklase.

“oopps! Easy lang Effifanio,sige ka,pinagtitinginan na tayo oh” si Prinz.

“Pwede ba? Tantanan mo nga ak–” hindi na naituloy ng pobre nyang kaibigan ang sasabihin dahil bigla itong hinalikan sa labi ni Prinz, nanlaki mata nya sa nakita, nabigla sya. Naghiyawan ang mga kaklase nila at nagpalakpakan, nilingon nya sina Ira at Honey na tulad nya ay nabigla din,ang kambal na Jiian at Angel naman ay nakangiti naman.

Sa tutuusin magandang bakla si Pipay, para syang yung Mommy na bakla nina Jiian at Angel.

Muli tiningnan nya si Pipay, natulala ito, napahagikgik sya sa nakita.

“There, Happy Valentines Pips” naka ngiting sabi ni Prinz ng matapos halikan si Pipay saka ito kumindat at bumalik sa kanyang upuan, muling umalingawngaw ang sigawan at tuksuhan sa classroom.

Dinig pa nya ang ibang komento ng mga kaklase nyang lalaki na hindi nya nagustuhan.

Natigil lamang ang tuksuhan ng pumasok na ang profesor nila.

Lumingon sa kanya si Pipay, nagthumbs up sya at nginitian ito.

Ito na Pips ang hinihintay mong pagmamahal, aniya sa isip.

Tulad noon ay wala na syang susunod na klase samantalang sina Pipay ay meron pa. Naglakad na sya mag isa patungo sa tambayan nila,ang mini Park, hindi pa man nag iinit ang pwet nya sa pagkaka upo ay dumating si Kevin na ubod ng tamis sa pagkakangiti. Ginantihan nya ito ng parehong ngiti.

“Happy Valentines Bok” bati nito sa kanya at inabot ang isang rose at card. Natural nabigla sya.

“Kevz hindi mo ito kelangan gawin,akala ko ba–”

“I know Bok, pero pagbigyan mo na ako, Valentines day naman” putol nito sa kung ano pa mang sasabihin niya.

“Happy Valentines din, nasan sila?” ang nasabi na lang nya.

“pasunod na mga mokong,may surprise kina Ira at Honey” naka ngiti nitong sagot.

“Ganun ba? May ikekwento pa naman ako sa inyo at pihidong matutuwa kayo” aniya na napangiti na din.

“ah,about what?” si Kevin.

“about Pipay” sagot nya.

“mamaya malalaman nyo” dugtong pa nya at napahagikgik.

“kamusta kayo ni Ikhai?” maya maya ay tanong ni Kevin.

“were doing good,mamaya nga may date kami” aniya at sinipat ang card.

“ah,mabuti yan,matutuwa pihido yon” anito “mamaya muna buksan yang card bok pag uwi mo” dugtong pa ni Kevin.

“Sige,sabi mo eh” nasabi na lang nya.

“Uhoy! Nauna ang ex lovers” bungad na buska ni Brian kasama sina Dex at Bryle.

ITUTULOY . . .

Just Believe: chapter14

Ngiti lang ang sinagot nila ni Kevin sa pangbubuska nito sa kanila at umupo na din ang mga ito sa harapang upuan.

“mabuti naman at dumating na kayo,may sasabihin ako” nakangiting nyang sabi, nagpalitan naman ng di makapaniwalang tingin ang mga ungas.

“ano yun?” ani Dex.

“Si Pipay mukhang magkaka lovelife na” sagot nya.

“Hindi nga?” sabay sabay na wika nina Dex,Bryle at Brian.

“See for yourself,ayan na pala sila eh” aniya na inginuso ang papalapit na sina Pipay,Ira,Honey,Jiian,Angel at Prinz.

“sino yung lalaki?” takang tanong ni Bryle.

“future boyfriend ni Pips” sagot nya.

“di nga??” halos lumuwa ang mata ng mga ito sa nalaman,ikinatawa naman nya.

“Oh boy, napag iiwanan kana Brian” biglang hina ng boses ni Dex.

“gago! Hindi pa, si Jiian din kaya wala pa” ganting bulong ni Brian.

“hey guys!” bati ni Jiian ng makalapit ang mga ito sa kanila, binati din nila ito, samantalang sina Dex at Bryle ay tumayo para lapitan at iabot kina Ira at Honey ang mga chocolates na regalo nila,halata namang kinilig ang mga babaeng impakta.

“Sino sya?” ani Dex na ang tinutukoy ay si Prinz.

“ah eh guys,classmate namen si Prinz” ani Pipay.

“manliligaw nya!” proud pa na dugtong ni Prinz na ikinagulat lalo ng mga lalake.

“WOW!” sabay na turan ng mga ugok,napangiti na lamang sila, nagpakilala din naman ang tropa dito.

“Angel,can we talk?” maya maya ay mahinang sabi ni Brian sa gitna ng usapan nila. Nilingon nila ito at kita ang hiya sa mga mata ni Brian.

Ngumiti naman si Angel at sumagot. “Sure!”

“tayong dalawa lang sana,somewhere more private” ani Brian “okay lang bro?” dugtong na baling nito kay Jiian,tumango at ngiti ito bilang pag sang ayon.

“So lets go” tumayo na si Brian “ Mauna na kami guys“ paalam pa nito.

“Jiian mauna kana umuwi” ani Angel at sumunod na kay Brian.

“Sige sissy” tugon ni Jiian.

“Galingan mo bro!” pahabol ni Bryle.

“balitaan nyo kami sa pakikibaka nyo ah?” segunda ni Pipay na ikinatawa nila.

Handang handa na sya para sa date nila ni Ikhai,halos ibuhos na nya ang pabango sa katawan at sinigurado nyang gwapong gwapo sya para sa gabing iyon. Paglabas ng kwarto ay tinukso pa sya ng mga magulang nya,tinawanan lamang nya ang mga ito at nagpaalam na.

Dahil sa wala naman syang kotse ay napag usapan nila ni Ikhai na dun na lang sa Resto magkita, nauna na sya dito.

Bitbit ang isang boquet ng mga rosas,box ng chocolate ay iginiya na sya ng waiter sa pinareserve nyang pwesto.

The place was so romantic,madami din ang tulad nya na may ka date.

Ilang saglit pa ay nakita nyang papasok na si Ikhai sa restaurant at iginiya din ng waiter papunta sa kanya, napakaganda nito,namalik mata sya, bumilis ang tibok ng puso nya, na animoy katatapos lang nya tumakbo ng isang kilometro.

Sinalubong nya ito at iniabot ang bouqet of roses at chocolates.

“Happy Valentines Beb,” bati nya at ginawaran niya ito ng halik.

“Happy valentines din” magiliw na tugon nito.

Ng makaupo sila ay hindi nya maiwasang ma-mesmirize.

“may problema ba Beb?” untag nito.

“ha? W-wala Beb,you look stunning tonight” naka ngiti nyang tugon. Shit! Bakit nautal sya? Para tuloy bumalik sya sa mga panahong nililigawan nya ito noon.

“well,thank you” namumula ang pisngi nitong nagpasalamat “ ikaw din,ang gwapo gwapo mo“ dugtong nito. Ramdam nyang namula din sya, at muli nag rigodon ang puso nya.

“talaga?” aniya.

“oo naman” sagot nito.

Lumapit na ang waiter at kinuha ang order nila. Nang dumating ang order nila ay nagsimula na silang kumain at mag usap, palitan ng sweet nothings.

“Beb,alam mo bang mahal na mahal kita?” aniya sa kalagitnaan ng pagkain nila. Tumigil ito at tiningnan sya. Kitang kita din nya sa mga mata nito ang nag uumapaw na pagmamahal para sa kanya.

Tumayo sya at lumapit dito, isinuot nya dito ang regalo nyang kwintas na may pendant ng mga initials ng pangalan nila. Hindi ito nakakibo at tumulo na lamang ang luha.

“Please dont cry Beb” aniya at pinahid ang mga luha nito.

“masaya lang ako Beb, mahal na mahal din kita” tugon nito,niyakap nya ito ng napakahigpit,punong puno ng pagmamahal.

“maraming salamat Beb,pinasaya mo ako” si Ikhai

“anything for you Beb” sagot nya at nagbigay ng kanyang pinaka matamis na ngiti.

Sa di malamang dahilan ay napalingon sya sa entrance ng Resto. Para syang binuhusan ng malamig na tubig sa nakita,hindi sya nakakibo.

Si Kevin papasok sa resto at may kasamang napakagandang babae at parang ang saya saya nilang nag uusap.

Nakaramdam sya ng matinding kirot sa puso. Hindi agad sya nakapag salita.

ITUTULOY . . .

Just Believe: chapter15

Pagkatapos ng nangyari sa date nilang iyon ni Ikhai at ng makita nya si Kevin na may babaeng kasama ay para lalo sya naguluhan sa nararamdaman nya.

Bakit kaya ganun? Kung kelan okay na sila ni Ikhai at handa na syang mas tumuntong sa ibang level ng relasyon with her ay saka naman parang tukso na bumabalik ang damdamin nya kay Kevin. Hindi nya tuloy malaman kung tama pa ba na ituloy ang relasyon nila ni Ikhai o kelangan nya itong hiwalayan at balikan si Kevin.

Siguro hindi lang nya matanggap na talagang naka pag move on na si Kevin at tuluyang kinalimutan ang damdamin para sa kanya.

Hindi naman nya ito masisisi,nauna sya,hindi nga ba’t hindi nya sinabi dito ang tungkol kay Ikhai? Hindi nga ba’t sya ang unang nakapanakit ng damdamin ni Kevin?

Mabuti na siguro yon,pangit naman siguro at unfair para kay Kevin kung patuloy itong makukulong sa pagmamahal nito sa kanya. Besides sinabi noon ni Kevin na He will start a new, at sa palagay nya,yun ang tama at dapat gawin.

Lumipas ang mga araw at linggo,pinilit nyang magpaka normal sa tuwing nandyan si Kevin, nagtataka lang sya na hindi na nya nakita yung babae at never nagbanggit si Kevin patungkol dito.

Sa kabilang banda ay masaya sya dahil naging opisyal na magkasintahan na sina Brian at Angel, masaya sila dahil worth it naman pala ang matagal na panliligaw at paghihintay ni Brian kay Angel.

Isang araw nakatambay ulit sila kina Jiian at Angel, lagi na din sumasama sa kanila si Prinz, seryoso din ang mokong kay Pipay.

Nasa terrace sila nun at nagpufoodtrip ng nilutong pagkain ni Angel para sa kanila.

“Nasan nga pala si Jiian?” tanong ni Dex.

“Nasa bahay ng girlfriend nya” sagot ni Angel,nabigla sila dito.

“May girlfriend sya?” ani Ira.

“Yup,nung isang araw lang,matagal na nya yung nililigawan, kaya dito kayo lahat mag dinner so youll met her, ipapakilala na kasi sya kina Daddy at Mommy” mahabang sagot ni Angel.

“tingnan mo yung gagong yun hindi nagsabi satin” reklamo ni Bryle.

“ganun talaga,alam nyo naman ang kapatid ko” sagot na lamang ni Angel.

“kelan mo ko sasagutin?” dinig nilang tanong ni Prinz kay Pipay medyo lumayo pa ang dalawa sa kanila, nagkatinginan sila ng tropa at nagpalitan ng makahulugang ngiti.

“ngayon na gusto mo?” sagot ni Pipay dito.

“talaga?” si Prinz

“kung ayaw mo ayos lang,baka naman natatakot kapa sa madidinig mo sa ibang tao dahil isang bakla minahal mo” segunda ni Pipay.

“Hindi ah! Wala ako pakialam sa kanila,ikaw lang mahalaga sakin, Promise! So tayo na?” ani Prinz na akala mo ay bata.

“oo nga kulit, gusto mo bawiin ko?”

“hindi! Huwag! YESS! Wooh salamat!” sigaw ni Prinz at niyakap si Pipay, natawa naman sila at kinantyawan pa ang mga ito.

“kiss!” sabay sabay nilang sabi at naghalikan nga ang dalawa.

“Hindi ka man lang nagpakipot Effifanio” pang aasar ni Honey.

“sige teh! Idaldal mo pa! Ulitin mo pa teh sa kalsada ka pupulutin ni Dex!” sagot pa ni Pipay na lalong ikinatawa ng lahat.

Maya maya ay bigla syang natahimik, parang bigla kasi sya kinabahan na hindi mawari.

“may problema ba Bok?” takang tanong ni Kevin, nilingon nya ito pero wala syang maisagot.

“Bok?” tawag pa nito. Ngunit hindi niya pinansin, For a strange reason ay bigla nya naisip si Ikhai.

“sana,dalawa ang puso ko hindi na sana nalilito,kung sino sa inyo” sabay pa na kanta nina Dex,Bryle at Brian.

Pinukol lamang nya ang mga ito ng masamang tingin,dali dali nyang hinugot ang cellphone sa bulsa at tinawagan si Ikhai, ngunit hindi nito sinasagot.

Frustrated na nailapag nya sa lamesa ang cellphone.

“wala kang load?” nang aasar pang wika ni Brian, hindi na lamang nya ito pinatulan. Muli nagdial sya ganun padin, mataman lang syang tinitingnan ng tropa,nagtataka siguro ang mga ito sa ina akto nya.

“bok ano bang problema?” nag aalala ng tanong ni Kevin, hindi nya ito pinansin at agad syang tumayo na ikinagulat ng lahat.

“san ka pupunta?” si Angel.

“pupuntahan ko si Ikhai, I feel somethings not right” sagot nya dito.

“be back before dinner,isama mo sya,dito lahat kayo mag overnight” pahabol ni Angel.

“sige”

“Bok,sama ako,I’ll drive you” ani Kevin at sinundan na siya.

ITUTULOY . . .

Just Believe: chapter16

Halos paliparin na nya ang kotse ni Kevin sa pagmamadali papunta kina Ikhai. Siya kase ang nag insist na mag drive.

Hindi nya alam kung bakit ganun na lang ang ibayong kaba na naramdaman nya,ngayon lang sya nakaramdam ng ganito at aaminin nya natatakot sya.

Hindi pa man sila nakakalapit sa bahay nina Ikhai ay nakita na nila itong palabas ng gate na may kasamang lalake. And guess what? Naka abrisyete ang girlfriend nya sa lalaki. Nakaramdam sya ng matinding inis sa nakita,pero ang mas ikinabigla niya ay ang makitang naghahalikan na ang mga ito.

Para syang hinampas ng isang libong beses dahil dun,kita kita pa nya kung pano mag ngitian at magpa alamanan ang mga ito bago sumakay ng kotse ang lalaki at umalis na.

Halo halo na ang nararamdaman nya sa mga oras na iyon, galit,selos,inis,lungkot, lahat na ata ng negatibong damdamin ay nilukob sya. Gusto nyang bumaba sa sasakyan para lapitan ito at komprontahin. Pero para san pa? Hayagan naman nyang nakita ang panloloko sa kanya ni Ikhai, kitang kita naman nya kung pano ito tumugon sa halik nung lalaki.

Parang sasabog na ang dibdib nya at nag siguho ang magaganda nyang pangarap para sa kanilang dalawa. Namuo na ang luha sa kanyang mga mata ngunit pinigilan nya itong tumulo.

“Bok, if you want,iwan na lang kita dito para kausapin sya” ani Kevin, nilingon nya ito at kita nya sa mga mata nito ang pagkahabag sa kanya. Lalo syang nakaramdam ng pagkalungkot dahil dito.

“Hindi.” aniya. “sapat na ang mga nakita ko” dugtong nya, bumuntong hininga sya para maibsan ang bigat na nararamdaman nya sa kanyang dibdib.

“okay, ako na lang mag dadrive, gusto mo ba umuwi na o babalik tayo kina Angel?” maya maya ay wika nito.

“balik na lang tayo” sagot nya, nagpalit na sila, ito na ang nagdrive at sya na ang naupo sa passengers seat.

Habang nasa daan pabalik ay muli nya naisip ang nangyari kanina. Bakit bigla nagkaganun? Wala naman sya maalalang misunderstanding nila ni Ikhai? Hindi nga ito nagbago dahil sweet pa din ito sa kanya, bakit parang all of a sudden ay ganun pala? Pinaglaruan lang ba sya ni Ikhai? Pinasakay? Pinaikot? Ayaw man nyang tanggapin,pero mukhang kung totoong pinaglaruan sya nito ay nagtagumpay ito.

Nakarating sila sa bahay nina Jian at Angel,wala syang kibo at tahimik, nagbigay lamang ang mga kaibigan ng nagtatakang tanong, maya maya pa ay dumating si Jiian kasama ang girlfriend nito, ipinakilala sa kanilang lahat pero hindi nya ito masyadong pinag ukulan ng pansin dahil lutang parin sya hanggang ngayon.

Tulad nga ng sinabi ni Angel ay dun sila lahat matutulog, nung dinner ay sabay sabay sila sa hapag kasama ang mga magulang ng kambal. Okay naman ang dinner pero hindi pa din nya ma appreciate hanggang sa napag pasyahan ulit ng tropa na uminum ng kaunti at sa terrace ulit pumwesto.

Sya naman ay nanatili muna sa silid na ipapagamit sa kanila, after ng ilang minuto ay napag pasyahan nyang sumunod na.

Hindi pa sya masyadong nakakalapit ng madinig nya sa usapan ang pangalan kaya naman nagtago muna sya para makinig.

“What happened kay Arvin?” si Ira.

“Nasan si Ikhai bakit hindi nyo kasama?” si Honey.

“Hindi ko alam kung may karapatan akong sabihin ito dahil baka magalit si Arvin” sagot ni Kevin.

“C’mon dude,spill it out,kanina bago kayo umalis balisa na yon,pagbalik nyo para naman syang ibang tao,ano ba nangyari?” singit ni Bryle.

“I think,may affair si Ikhai with other guy” si Kevin.

“What??!” nabiglang sabi ni Ira at Honey.

“You heard me right” si Kevin ulit.

“pano mo nasabi? Hindi naman siguro gagawin ni Ikhai yon! We know her!” di napigilan ni Pipay ang sumabat.

“yon ang nakita namen ni Arvin,naghahalikan sila nung lalake at parang ang saya saya nila habang nag uusap” sagot ni Kevin.

“Oh boy!” palatak ni Dex.

“I cant believe this! Tatawagan ko si Ikhai,its freaking me out” wika naman ni Ira.

Dun na sya nagpasyang lumapit.

“No! Yan ang huwag mo gagawin Ira” pigil nya.

“at bakit huwag?” si Ira ulit na nakataas na ang kanang kilay.

“Ill give her time and space,gusto ko din makapag isip, at baka mali lang ako” sagot nya saka umupo at kumuha ng bote ng alak at tinungga ito.

Nagpaka lasing sya nung gabing yon, hindi naman sya mapigilan ng tropa at napapailing na lamang ang mga ito sa kanya.

Dala ng sobrang kalasingan ay hindi na nya namalayan na hinatid na sya ni Kevin sa kwarto.

At sa hindi sinasadyang pagkakaton sa unang pagkakataon din. May nangyari sa kanila ni Kevin.

Halikang puno ng damdamin,dito niya ibinuhos ang lahat. Dahil pareho silang walang alam sa patungkol sa ganung bagay ay napaligaya nila ang bawat isa sa pamamaraang alam nila, salitan nilang nilaro ang ari ng bawat isa,ang kamay nya kay Kevin at ang kamay ni Kevin ay sa kanya naman.

Kinabukasan ay nagising sya sa sakit ng ulo, medyo nalito pa sya dahil hindi pamilyar sa kanya ang silid. Ngunit naalala din nyang bahay nga pala ito ng kambal.

Nang tumagilid sya ay laking gulat pa nya ng makitang katabi nya si Kevin na himbing na himbing sa pagtulog. Napabalikwas sya ng bangon dahilan para maalis ang kumot, at dun nya napansin na kapwa sila hubad.

“anong nangyari?” sabi nya sa sarili.

ITUTULOY . . .

Just Believe: chapter17

Dali dali syang nagbihis at umalis ng walang paalam. Iniwan nya si Kevin na mahimbing na natutulog.

Nang makarating sa bahay ay wala na mga magulang nya,nasa trabaho na siguro. Dali dali syang naligo at ng matapos ay padapang sumampa sa kama nya.

“WTF?! Nagawa namin ni Kevin yon? Kung kelan hindi na kami?” tanong nya sa sarili. Kalahati ng puso nya ay sumaya at kalahati pa din ang malungkot.

Bigla na naman nya naisip si Ikhai, bakit nagawa sa kanya yon? Minahal naman nya ito diba? Hindi naman sya nagkulang? Yon na ba ang kabayaran sa kasalanang nagawa nya noon? Ang mapag sabay si Ikhai at Kevin ng hindi sinasadya?

Naisip nyang bigyan ng time si Ikhai, dahil kung nag iisip ito ng matino, ito mismo ang kusang lalapit sa kanya para makipag usap. Hindi sya ang unang gagawa ng aksyon, masakit at sariwa pa sa kanya ang pangyayari, hindi naman sya masokista para hayaang masaktan ang sarili ng harap harapan.

Lumipas ang mga araw na pinagpasalamat nyang hindi nagbabanggit si Kevin ng tungkol sa nangyari sa kanila, normal lang mga kilos nito, infact parang wala nga lang dito ang nangyari. At hindi din sya maglalakas ng loob na buksan ang topic na yon.

Matulin na lumipas ang mga araw,lahat sila ay abala na sa kanya kanyang gawain,exams,projects dahil palapit na ng palapit ang graduation. Sya bilang scholar ay talagang sinubsob ang sarili sa pag aaral para lamang huwag nya maisip si Ikhai, minsan nga hindi na sya nakakasama sa tropa.

Pero sa kabila ng lahat ay umaasa sya na lalapit si Ikhai at kakausapin sya. Alam nyang nagtataka na ang mga magulang nya dahil hindi na nakikita ng mga ito ang babae, pero wala syang panahon magkwento kung bakit.

Alam din niya na gusto na syang kausapin ng tropa tungkol sa bagay na yun pero mas pinili nya ang manahimik at huwag mag bigay ng kahit anong kumento.

Sumapit ang araw ng graduation,everybody seems so happy,ang mga tropa nya at classmates, lalong lalo naman ang mga magulang nya.

Aaminin nya kahit papano ay nalimutan nya ang problemang dinadala. Grumaduate sya ng may honor, hindi man sya ang valedictorian o salututorian umani naman sya ng madameng medalya. Nagbunga ang paghihirap nya at ng mga magulang nya. Masaya sya at walang halong pagkapeke. Kitang kita nya kung gaano ka proud sa kanya ang mga kaibigan at ang mga mahal nyang magulang.

Lumipas ang ilang linggo after graduation ay umasa sya at naghintay pa din kay Ikhai.

Hanggang isang araw,tamad na tamad sya at ayaw nyang bumangon,napagod kasi sya sa pag hahanap at apply ng trabaho.

“ARVIN!!” Sigaw ni Ira sabay bukas ng kwarto nya na talagang ikinagulat nya.

“Hindi ba kayo marunong kumatok?” irita nyang sabi.

“sorry naman” paumanhin ni Ira,lumapit at umupo na ito pati si Pipay at Honey.

“anong masamang hangin ang nagdala sa inyo ditong mga pangit kayo? Nasan ang iba?” aniya at umupo na din.

“ewan ko lang kung makatawa kapa mamaya, bruhong toh” dinig nyang sabi ni Pipay,medyo nagtaka na sya, mukhang sobrang importante nga ng sasabihin ng mga ito,kaya pinili nyang manahimik na lang at hintayin kung ano man ang sasabihin ng mga kaibigan.

“bumalik na si Ikhai sa states,she’s pregnant and getting married” direktang sabi ni Honey.

Ofcourse nabigla sya,ayon na naman yung kakaibang sakit na kumukurot sa puso nya,pakiramdam nya ay nanikip ang dibdib nya. Hindi talaga sya nakapag salita.

“And, I hate to say this,pero mukhang tama ang hinala at nakita nyo ni Kevin before, we dont really know what happened,hindi din namin alam kung bakit nagkaganon si Ikhai,that remains a mystery, nalaman lang namin yon sa kasambahay nila nung pumunta kami sa kanila days after our graduation,we really need to know kasi talaga dahil para ka namang pipi na ayaw mag salita” mahaba at dirediretsong sabi ni Ira at nakatitig sa kaniya.

“Pwedeng huminga teh,sayang ang baga mo” singit ni Pipay,mejo napangiti naman sila, mejo lang naman.

Nanatili syang tahimik at inabsorb ang lahat ng nalaman,totoo pala ang hinala at nakita nila. Kung ganon bakit sya nagbalik at lalo pa syang pina ibig? Waaahh! Ang sakit sa ulo!

Nakita nyang nagsitaasan ang kilay ng mga kaibigan.

“Bakit?” tanong nya.

“anong bakit? Gago ka talaga,yun lang? Wala kang reaksyon? Wala ka man lang sasabihin?” iritang wika ni Honey.

“walang proof shock kaya hindi pa maka react” ani Pipay.

“Ano ba ang dapat ko maging reaksyon? Ano ba ang dapat kong sabihin? Nung nakita pa lang namin sila malaki ng proweba yun, pero naghintay pa din at nagbakasakali na kausapin nya ako o di kaya naman ay magpakita sya sa tropa,pero hindi nangyari yon diba? Nagtataka lang ako kung anong rason ng pagbabalik nya at pakikipagbalikan saken na yun naman pala ay gagaguhin nya lang ako, kung alam ko lang hindi ko na sana sinacrifice si Kevin!” tuloy tuloy nyang sabi at huli na ng marealize nya kung ano mga sinabi nya. Bigla syang napayuko.

“Kevin?” sabay na sabi ng tatlo. Ngayon nakaramdam sya ng ibayong hiya. Wala na, nadulas na sya, paninindigan na nya ito,wala ng atrasan tutal din naman wala ng natira sa kanya, hindi na sila ni Kevin, at wala na din si Ikhai,dalawang taong minahal nya ng sobra.

“may relasyon kayo ni Kevin? Kelan pa?” ani Honey ng maka recover sa pagkagulat.

“So, magkadugo tayo, youre Gay?” si Pipay.

“Pano nangyari?” si Ira.

Wala na sya nagawa at kinwento nya mula umpisa at kung pano magtapos ang sa kanila ni Kevin.

“so, bakla ka nga” ani Pipay“ ang galing mo magtago ah,hindi ko naamoy“ anito na ikinangiti nila.

“Siguro” naka ngiti nyang sagot.

“Okay, done with the Kevin issue, balik tayo kay Ikhai,anong plano mo Vin?” si Ira na kung bakit ayaw padin tantanan ang Ikhai issue eh ayaw na naman din nyang pag usapan pa yon. He had enough. Sapat na ang mga nakita at nalaman nya para patayin na ang damdamin para dito. Looks can be really decieving at si Ikhai ang magandang example non.

“wala” aniya at nagkibit balikat.

Nanlaki ang mga mata ng kaibigan nya sa narinig,para bang hindi makapaniwala sa ginawa nyang pag let go.

“ginawa ko na yon dati at magagawa ko ulit yon,wala na akong rason pa para kumapit sa kanya, lalaki ako at hindi naman pwedeng mag iiyak at magmukmok ako, Life has so many things to offer, at sana huwag na natin pag usapan pa ito muli” aniya sa pagsasara ng issue na yon.

Napatango na lang ang mga kaibigan,alam nyang susuportahan naman sya ng mga ito,lalo na ngayon na wala na syang tinatago sa mga ito.

“wifey tumawag sina Bryle” biglang singit ni Prinz na nasa pintuan ng silid nya. Napatingin sya kay Pipay.

“ah eh,kasama namen sya,pero dahil confidential nga pag uusapan natin,pinaiwan ko sya sa sala” ani Pipay na nag peace sign pa.

“wifey ah?“pang aasar nya”tol pasok ka, bawal yan sa buntis“ baling nya kay Prinz at nagtawanan pa sila.

ITUTULOY . . .

Just Believe: chapter18

Makalipas ang ilang buwan ay nakahanap sya ng trabaho sa isang private company. Swerte naman na hindi sya nahirapan mag adjust.

He also decided na bumukod na din muna,gusto nya maranasan maging indipendent. Pumayag naman ang mga magulang nya at naintindihan sya ng mga ito. Lagi din naman syang nagpapadala ng pera tuwing sweldo bilang tulong sa mga bayarin.

Nangupahan sya sa isang apartment, kasama niya si Kevin, nung una medjo nag alangan pa sya dahil nga alam naman nating lahat kung ano relasyon nila noon.

Para bang natakot na muna sya makipag commit,though he knew very well na deep inside his heart ay may nararamdaman pa din talaga sya para dito pero kelangan nyang pigilin. Hindi pa sya ulit handa para sa isang bagong relasyon pagkatapos nga ng nangyari sa kanila ni Ikhai.

Sa part naman ni Kevin ay hindi nagbago ito, tinanong nya ito kung bakit gusto sumama sa kanya sa pagbukod.

“wala lang Bok, gusto ko lang din makaranas ng buhay na ako ang bubuhay sa sarili ko” yan ang sagot sa kanya ni Kevin. Sa bagay medyo may pagka spoiled din nga pala ito dahil mayaman. Baka gusto lang makaranas ng simpleng buhay.

Tama lang para sa dalawang tao ang apartment na naupahan nila,dalawang silid, sala,kusina,banyo.

Naging ugali ng tropa na every saturday ay magpunta sa apartment nila, minsan nga kahit weekdays nambubulabog at nag o-over night pa ang mga gunggong.

Si Kevin naman sa company ng pamilya nito nagtatrabaho, asusual tulad ng kambal na sina Jiian at Angel.

Sina Ira at Honey nagpaka bussines minded naman,nagtayo ng isang dancing studio na naging patok din naman sa mga dancers at aspiring dancers.

Bryle,Dex at Brian pare pareho ding sa company ng kanikanilang pamilya nagtatrabaho.

The good thing is intact pa din sila sa mga girlfriends nila.

Si Pipay at Prinz ay sila pa din ngayon at nagtayo sila ng isang resto na patok din dahil sa masasarap na luto.

At ang girlfriend naman ni Jiian na si Marian ay isang stewardes.

Nakakatuwa nga lang na kahit asensado na ang buhay ng mga ito ay lagi nag susumiksik ang mga ito sa maliit nilang apartment.

“wala ba kayong ibang tambayan?” minsan ay tanong ni Kevin ng biglang magdatingan ang mga ito araw ng sabado,samantalang sya ay nasa kusina at inihahanda ang mga pagkain na dala ng mga ito.

“Huwag kana umangal kung ayaw mong baliktarin ko ngalangala mo” bara ni Brian dito na ikinatawa nila.

“ang liit na nga ng apartment namin sumisiksik pa kayo” sagot ulit ni Kevin na para talagang nakikipag asaran kay Brian.

“hoy Kevin De Castro! Wala ba kami karapatan? Tagal na namen ginagawa to ngayon ka lang nagreklamong ugok ka” si Brian.

“Ano ba kayo, syempre gusto nya masolo si Arvin” singit ni Pipay, kahit sya na nasa kusina ay namula,si Kevin pa kaya? Kita nya kung pano nito tinapunan ng masamang tingin si Pipay.

Pinagtulungan tuloy ng mga ito tuksuhin ang hindi makapalag na si Kevin.

“Hoy mga gunggong,tara na at kumain na dito” tawag nya sa mga ito, agad naman nagsipagtayuan ang mga ito at nag unahan sa pag upo at pagkuha ng pagkain. Ganyan sila kagulo.

Nung unang lipat nga nila dito eh panay reklamo inabot nila ni Kevin sa mga ito,bakit maliit daw ang lamesa at bakit tig dalawa lang daw ang upuan,plato,baso at mga kubyertos, kaya ayun no choice ang mga hunghang at sa fastfood kumain. Kaya laking gulat nila ni Kevin ng isang araw dumating ang mga ito na may mga bitbit na appliances.

Yung totoo? Sila ba ang titira dito? Nasabi nya noon sa isip.

Sa bawat araw na lumilipas,aminin man nya o hindi ay muling nabuhay ang pagmamahal nya para kay Kevin. Ewan ba naman kasi nya sa gagong yon kung bakit mas lalong naging sweet,maalalahanin,maalaga, idagdag pa yung mga panahon na hindi talaga sya iniwan nito.

“Vin baka hindi ako mamaya dito umuwi ah?” ani Kevin habang kumakain sila ng tanghalian.

“Huh? Bakit?” takang tanong nya dito.

“na assign ako sa Laguna eh,baka nga 1 week ako dun,hindi naman din ako makatanggi” sagot nito.

“ganun ba?” aniya. Nakaramdam sya ng lungkot sa isiping hindi nya ito makakasama ng isang linggo. Nasanay na kasi sya na lagi itong kasama. Mukhang magiging malungkot ang bahay na to sa mga susunod na araw.

“oh bakit bigla ka natahimik? Mami-miss mo ko noh?” maya maya ay wika ni Kevin na naka ngiti at kumindat pa sa kanya. Bigla tuloy sya nakaramdam ng pamumula at hiya.

“Gago! Hindi ah!” pag de-deny nya at tumayo na sya para ligpitin ang pinagkainan nila.

“hindi ka talaga magaling magsinungaling Vin,namumula ka oh!” dagdag pa nito at dinugtungan pa ng hagikgik.

Hindi na lang sya kumibo at sinimulan ng hugasan ang mga pinagkainan nila. Naramdaman naman nyang lumapit ito sa kanya.

“ako kasi Bok mami miss kita” deretsong sabi ni Kevin, ramdam nyang biglang kumabog ng napakabilis ng puso nya,pakiramdam nya ay para itong matatanggal.

“ang dami mong alam” pabiro nyang sabi. Ngayon naman nailigpit na nya ang mga plato . Para hindi mahalata na nakaramdam sya ng ilang nilampasan nya ito at dumiretso sya sa sala. Sumunod naman si Kevin.

Tumabi pa ito sa kanya.

“Bok” tawag nito habang sya ay abala sa paglipat lipat ng mga channels sa Tv.

“uhm?” simpleng tugon nya.

“uhm ano … Kuwan.. Ahmm.. mahal mo pa ba ako?” pautal utal nitong tanong, muli lumakas kabog ng dibdib nya sa tanong nito at hindi sya nakapag react agad.

“kasi.. Ako ,oo mahal pa din kita” dugtong nito at dun na sya napalingon dito. Tiningnan nya ito sa mga mata at kita nya dito kung ano ang isinisigaw ng puso nito.

“Bok” tangi lang nyang nasabi.

Bakit ba kasi sa tuwing magiging ganito si Kevin ay natatanga sya? Parang tulad lang noon kahit sa mga simpleng salita lang nito parang nauubusan na sya ng sasabihin.

“Pero ayos lang bok kahit huwag ka sumagot,naiintindihan kita,maghihintay ako,alam ko naman na si Ikhai pa din ang laman nyan” basag ni Kevin sa pananahimik nya.

Dahil sa walang masabi ay nagpaalam na lang sya kay Kevin na matutulog na at pumasok na sa kanyang kwarto. Naiwan naman si Kevin na nanonood pa din ng TV.

Ngunit bago pa man sya makatulog ay biglang pumasok sa kanyang isipan yung ginawa nila ni Kevin noon. Ipinilig nya ang ulo at pinilit makatulog.

Nagising sya ng mga bandang alas siete na, nagmamadali syang naligo dahil ayaw nya ma late sa trabaho. Nang mapadaan sya sa pinto ng kwarto ni Kevin ay may nakita sya note.

“Bok,

maaga ako umalis ,hindi na kita ginising,para hindi din ako matraffic, papuntahin mo na lang lagi ang tropa dyan para hindi ka malungkot. Lagi ka kumain at huwag magpapa gutom,mag ingat ka ah? Dont worry 1week lang yun, mamimiss kita,Love you.

  • Kevin Pogi :)

Napangiti sya sa nabasa, talagang may smiley pa ah?

Naging maayos naman ang trabaho nya para sa araw na iyon,naisipan nya itext ang mga tropang lalaki.

To : Bryle;Dex;Jiian;Prinz;Brian

Mga tol inom tayo sa bahay, on the way home nko! Bwal girls muna!

Message sent.

Agad naman sya nakatanggap ng reply.

Ok! Ikaw taya! Ikaw ngyaya! - Brian

Nung mron? Sge pnta ko - Bryle

Anong drama mo? Cge w8 lng - Dex

Hahahaha! Papainum ka? Sige punta nko! XD - Prinz

K - Jiian

Sa lahat ng reply sa kanya kay Jiian nangunot noo nya, napaka talaga ng taong yun,pati sa text tahimik, buti natitiis ni Marian yun? Aniya sa isip.

Ng makarating sa bahay ay nagbihis muna sya at saka lumabas para bumili ng dalawang case na RH sa malapit na tindahan,pati mga chichirya at chicharon bumili na din sya.

Maya maya pa sunod sunod ng nagsidatingan ang mga kulugo nyang tropa.

“Uhoy! Bagong sweldo ba?” ani Brian.

“Hindi, trip ko lang talaga uminom” sagot nya at niyaya na ang mga ito para makapag simula ng inuman.

“nasan si Kevz?” maya maya ay tanong ni Dex

“wala,na assign sa laguna,5 days sya dun” simpleng sagot nya at tinagayan ang baso at iniabot kay Prinz.

“kaya nagyaya ka uminum?” si Dex ulit. Tumango lang sya bilang pag sang ayon.

“bakit may problema ba kayo?” si Jiian na sa wakas nagsalita na.

“wala ah! Medyo malungkot lang mag isa dito kaya gusto ko ng kasama” depensa nya dito.

“sa bagay,kung nasanay ka nga naman na lagi mo kasama ang isang tao eh malulungkot ka pag wala sya” komento ni Bryle.

“at take note,ang tagal na din nun diba? Pero hanggang ngayon hindi sya pinabayaan ni Kevin kahit hindi na sila” dagdag ni Dex.

“kasi ganun sya kamahal ng kaibigan natin” ani Jiian.

“makapag salita ka naman parang hindi nyo ako kaibigan ah?” protesta nya dito.

“hindi naman sa ganun, mahal mo pa ba si Ikhai?” si Jiian ulet, diba nga sa tropa nila tanging dito at sa kakambal nito ka lang hindi makakalusot.

Iling lang ang sagot nya.

“eh mahal mo ba si Kevin?” dugtong ulit nito. Hanep ah? Parang NBI lang kung makapag interogate.

“hindi ko alam” aniya.

“nagsisinungalin kana namang animal ka” singit ni Bryle, napalingon sya dito.

“teka nga!” aniya.“ ano ba gusto nyo mangyari?“

“alam mo ba kung bakit ganun mo na lang kabilis malampasan ang nangyari sa inyo ni Ikhai? Dahil hindi naman talaga sya ang mahal mo, you see ang bilis mo maka move on. Naging kayo nung bumalik sya dahil inlove ka sa idea na mahal mo pa sya,kahit ang totoo naman ay si Kevin na ang mahal mo, hindi ka magmamahal ng sabay at parehong level, hindi ka magmamahal ng bago kung mahal mo pa ang una, na gets mo ba? Masyado ng madaming pinalampas na pagkakataon ang love story nyo ni Kevin, hindi na matapos tapos” mahabang litanya ni Jiian.

Napaisip sya. Tama nga si Jiian,kaya ganun na lang siguro nga nya nakalimutan si Ikhai dahil kahit nung bumalik pa man ito ay si Kevin na ang mahal nya, sadyang nabulag lang talaga siguro sya sa idea na mahal pa din nya ito.

“tama! Ang OA na ng storya nyo,tingnan mo hanggang dito sinamahan ka niya, tapusin nyo na mga kabaklaan nyo” si Bryle, binato nila ito ni Prinz ng chicharon.

“aba’t!” reklamo nito.

“maka bakla ka kasi! Gago ka” sagot ni Prinz na tatawa tawa.

“hahaha! Pasensya na,nakalimutan ko sirena nga pala ang jowa mo at itong kaibigan naman natin ay half-half” tumatawang sagot ni Bryle

“hahaha! Pakyu ka,huling punta mo na yan dito” sagot nya na tinawanan nilang lahat.

“puro kayo kagaguhan,ang tagay nasan na? Hindi lang yelo natunaw pati ata ang baso” singit ni Jiian.

ITUTULOY . . .

Just Believe: chapter19

“tama kayo mga tol, kasi kagabe sinabi nya sakin na mahal pa din nya ako” aniya at saka ininum ang tagay.

“oh see? Huwag na mag aksaya ng panahon” ani Bryle at nag thumbs up sa kanya.

“Pagdating na pagdating nya kakausapin ko na agad sya para matapos na to” dagdag pa niya.

“good idea,bago pa mahuli ang lahat” si Jiian.

“what do you mean?” takang tanong nya dito.

“wala naman,its just that,we dont have all the time in this world,hindi natin alam kung ano pa mga pwedeng mangyari” sagot nito.


Matyaga niyang hinintay ang pagbabalik ni Kevin, araw araw syang excited, ganado sya sa pagtatrabaho. Napaka swerte nya na may mga kaibigan syang handa syang suportahan at intindihin.

Sumapit ang ikalimang araw, naghanda sya at talagang nagluto, matagal at matyaga syang naghintay sa pagdating nito.

Sumapit ang gabi at wala pa din si Kevin, nakaramdam na sya ng ibayong kaba. Sinubukan nyang tawagan ito ngunit malas lang dahil nakapatay ata ang cellphone nito.

“Shit! Ano nangyari dun? Nasan na kaya yon?” hindi nya mapigilang maisatinig.

Dali dali nyang kinuha ulit ang cellphone at tinawagan isa isa ang mga barkada,ngunit lahat sila ay walang alam kung nasan na si Kevin.

Laglag ang balikat na iniligpit nya ang hapag, inisip na lang nya na baka nag extend pa ang trabaho nito sa laguna kaya hindi agad nakauwi.

Nahirapan syang matulog ng gabing yun sa kakaisip kay Kevin,

Kinabukasan kahit mabigat ang katawan at pakiramdam ay pumasok pa din sya sa trabaho.

Naisip nyang mamayang pagka out nya sa work ay pumunta sa bahay nina Kevin, magbabaka sakali sya na nandun ito.

Matapos ang trabaho ay dali dali nyang pinuntahan ay bahay nina Kevin, sa isang sikat na subdivision.

Tatlong beses nya pinindot ang doorbell at ilang saglit pa lumabas na ang isang kasambahay.

“ano po ang atin sir?” tanong nito.

“uhm. .. Nandyan po ba si Kevin?” nahihiya nyang tanong at napakamot na lang sya sa batok.

“ay! Naku sir! Matagal tagal na din po syang hindi nauwi dito, pasensya na po at hindi ko din alam kung nasaan sya” sagot ng kasambahay.

Nagbigay na lamang sya dito ng pilit na ngiti at nagpaalam.

Dissapointed. Umuwi sya ng bahay na mabigat ang dibdib. Kung kelan ba naman handa na ulit sya tanggapin muli si Kevin ay saka naman ito mawawala.

Ngunit hindi sya nawalan ng pag-asa maghintay, hanggang sa lumipas na ulit ang isang linggo.

Wala syang pasok sa araw na yon at tamad na tamad syang kumilos. Sa sobrang kalungkutan at kakaisip kay Kevin ay mag isa syang nag inom kagabi.

Ngayon may hang over pa ata sya kaya tamad na tamad lalo syang kumilos.

Nagambala ang pamamahinga nya sa tunog ng cellphone nya, si Brian tumatawag.

“Hoy Arvin! Alam naming nandyan ka! Kanina pa kami katok ng katok dito! Pagbuksan mo kami ng pinto kung ayaw mong sirain namin to!” bulyaw agad nito sa kanya.

Dali dali syang lumabas sa kwarto para pagbuksan ng pinto ang mga ito. At pagbukas nya ng pinto lahat ng mga tropa ay binigyan sya ng di makapaniwalang tingin at nagtuloy tuloy pumasok sa loob.

“anong kailangan nyo?” irita nyang tanong at saka sya pumunta sa kusina at uminum ng tubig.

“anong nangyari sayo? Bakit ganyan itsura mo?” ani Ira.

“Para kang napariwara” dagdag ni Bryle.

“Kung nandito lang kayo para laitin ako pwede na kayong umalis, wala ako sa mood” sagot nya at akmang pupunta na sya sa kwarto nya.

“Not so fast birthday boy! Hawakan na yan bago pa pumalag” sigaw ni Pipay.

“what the?!” gulat nyang sabi ng lapitan sya ni Dex at Brian at ilock ang kamay nya. Oo nga pala,ngayon ang birthday nya halos nakalimutan na nya sa kakaisip.

“anong ginagawa nyo? Bitawan nyoko!” sigaw nya at nagpapalag talaga sya para maka bitaw pero mas malakas ang mga hunghang na sina Bryle at Brian.

“pasensya na pre,napag utusan lang” naka ngising sabi ni Brian.

“gago ka! Makawala lang ako dito babasagin ko bunbunan mo!” inis nyang singhal dito.

“dalhin na yan sa sasakyan para hindi makawala” ani Honey na nakangisi din,tinapunan nya ito ng masamang tingin.

Nang maipasok sya sa sasakyan ay pumalag pa din sya, pero this time bigla syang tinalian ng mga ito.

“huwag mo na pahirapan sarili mo birthday boy” si Brian.

“magpahinga ka muna at matulog,mahaba pa ang biyahe” dagdag ni Bryle at may dinikit na panyo sa kanya,nakaramdam sya ng pagkahilo at pagka antok ng maamoy nya ito at nilamon na sya ng dilim.

“Success!”

ITUTULOY . .

Just Believe: Final chapter

A/N : Hahaha! Panget ng story ata? XD I guess im not meant to be a writer. So tatapusin ko na po haha! (as if naman may makakabasa nito xD) Anyways, thanks kung may nagbasa. Gawa na lang ako ng new story pag may nabasa akong nagcomment o magpapalakas ng loob ko hehe baguhan lang eh. But anyways eto na po last chapter :))


Nagising sya na parang masakit ang ulo nya, nilibot nya ang paningin, nasa isang kwarto sya na hindi nya kilala kung kanino pero pamilyar.

Tumayo sya at sumilip sa bintana at ganun na lang ang pagka gulat nya ng marealize kung nasan siya.

Sa Resort ng kambal!

Lalabas na sana sya ng biglang bumukas ang pinto at iniluwa si Jiian at Dex.

“mabuti naman at gising kana” ani Jiian na naka ngisi, nakaramdam naman sya ng inis sa mga ito.

“maligo ka na at ito ang isuot mo” dugtong ni Dex at lumapit sa kama para ilapag ang damit na ipinapasoot sa kanya.

“eh kung binabasag ko mukha nyong dalawa? Anong ginagawa natin dito?” irita nyang tanong sa dalawa, pero mukhang hindi apektado ang mga hunghang.

“natural birthday mo,kaya may outing” nang aasar na sagot ni Dex pinukol nya ito ng masamang tingin at sinagot lamang sya ng ngisi. Hudas talgag!

Matapos maligo ay sinuot na nya ang pinapasoot sa kanya, sandong puti at boardshort na blue na may tribal na design

“ayan, okay na yan!” nagulat sila sa sigaw ni Pipay agad pumasok ito kasunod ni Honey at Pipay at agad syang kinaladkad. Sumunod na lang sina Jiian at Dex.

“teka! Sandali! San ba tayo pupunta?” protesta nya pero hindi sya pinansin ng mga ito,tuloy tuloy pa din sa paglalakad kaya wala sya nagawa kundi ang sumunod.

Maya maya pa ay narating nila ang isang malawak na cottage, laking gulat nya kung sino ang mga nakita. Ang mga magulang nya, ang tropa, magulang ng kambal, magulang ni Kevin?

“what the?” aniya.

“mamaya kana umangal,tara kaen muna tayo” at hinila sya ng mga ito sa loob. Panay naman ang pasalamat nya sa mga bumabati, ng batiin sya ng pamilya ni Kevin ay nakaramdam pa sya ng ibayong hiya.

Ng makakuha ng pagkain at makaupo na ay inilibot nya ang paningin sa loob ng cottage na iyon, may banner pa ng happy birthday at mga blue balloons.

Ng bigla sya may maalala. Tinigil nya ang pagkain at binalingan ang tropa.

“kayo may kagagawan nito?” aniya.

“hindi ah! Tumulong lang kami!” naka ngiting dipensa naman ni Brian.

“bakit nyo kailangan gawin to?” siya ulit.

“mabagal ka kasi kumilos, pero wag kami kausapin mo” si Pipay “oh well,andyan na sya” at ngumuso sa likuran nya.

Dahan dahan syang lumingon at ganun na lang biglang tumibok ng mabilis ang puso nya sa nakita.

It was Kevin, naka ngiti ito sa kanya at parehas sila ng suot.

“Happy birthday bok” bati nito ngunit hindi agad sya nakasagot. Nilingon nya ang tropa.

“planado to at nagsabwatan kayo?” aniya, sabay sabay tumango at ngumisi ang mga impakto. Oh great! Napagkaisahan sya!

“can we talk?” untag ni Kevin

“sige”


“im sorry” panimula ni Kevin ng maka upo sila sa buhanginan.Tandang tanda pa niya ganito din sila noon ng palayain sya nito.

“san? Sa matagal mong pagkawala o sa pakikipag sabwatan mo sa tropa para kidnapin ako?” sagot nya.

Nakita nyang napangiti ito,pati sya ay napangiti din.

“sila nagplano nito,pero sa tingin ko naman effective”- Kevin

“para san? Ang itago ka, halos mabaliw ako kakahanap sayo,hindi ako makatulog ng maayos kakaisip kung nasan kana o ayos ka lang ba?” -siya na nakatingin sa dalampasigan.

“sorry bok,pero atleast diba? Napatunayan ko na mahal mo pa din ako” naka ngising sabi nito.

Kinurugan nya ito.

“arekup!”

“gago ka talaga! Pasalamat ka mahal kita! Kung alam mo lang gano ako nag alala non, pero seriously,maraming salamat at hindi mo ako iniwan bok” aniya.

“ganun kita kamahal bok,diba sabi ko sayo noon ang pagmamahal ko hindi makakahadlang, pero I Just Believe na darating ang araw na hindi masasayang ang pagmamahal ko sayo” madamdaming sabi ni Kevin.

Hindi nya napigilan ang damdamin nya at niyakap nya si Kevin at gumanti din naman ito. Masaya sya sobra hindi nya maipaliwanag.

“bok,ngayon ko lang narealize, mas mahal talaga kita,kahit nung nandyan si Ikhai ikaw talaga ang mahal ko, sorry for everything at maraming salamat at hindi mo ako binitawan” madamdamin din nyang wika.

“wala yun,lahat gagawin ko para sayo dahil ganun kita kamahal” - Kevin.

“mahal din kita,mahal na mahal” sagot nya at naglapat ang kanilang mga labi. Halik na pinanabikan nyang mangyari sa matagal na panahon, halik na puno ng pagmamahal, halik na nagpapakita ng tunay nilang nararamdaman para sa isa’t isa.

At ng maghiwalay ang kanilang mga labi, kapwa sila may ngiti ng kaligayahan.

“tara na,balik na tayo dun” yaya ni Kevin at magkahawak kamay silang bumalik sa cottage.

Tunay ngang napaka misteryoso ng pag-ibig. Dumarating na lamang ito ng hindi inaasahan. Pero once na nasaiyo na ito,huwag mo ng pakawalan.

Ang tunay na pagmamahal ay hindi sakim. Marunong ito maghintay, at sa tamang panahon,masusuklian ito ng wagas na kaligayahan.

True Love chooses no Gender,

Puso ang nagmamahal hindi

ang mga mata.

WAKAS . . .

Author’s Note <3

subaybayan nyo po yung Sequel nito. Pinamagatang YOU ARE MY DREAM. And this time si Dex at Honey ang bida :)

sana kahit papano may mag vote at mag promote haha! Kaasar lang hndi aq mkapag lagay ng cover photo :/

kita kits po sa YOU ARE MY DREAM :)

~

YorTzekai/Tzekaaaii


Return to top?
WattHub

Install WattHub

Size unavailable

App name
WattHub
App version
1.48.250
App size
Description
A digital library of Wattpad stories and Filipino fiction, thoughtfully preserved for readers today and tomorrow.
Developer
WattHub Team

Dismiss install banner?

No problem. You can still install WattHub anytime from the download icon in the header.

WattHub

Notifications

Notifications are off

Get notified on this device when the library grows or changes.