Kasalanan Ba (Rewrite Soon)
Der3ck7 · 7 chapters · 11,923 words
Kasalanan Ba
Part 1
Dennis POV
Kriggg! Kringgg! Kringgg!!!
Thug!
“Aray!” Ano ba ’yan umagang-umaga sakit sa ulo ang bumungad sa akin matapos mahulog sa ulo ko ang alarm clock ko. Minsan naiisip kong itapon na lang ito, pero hayaan mo na dahil hindi ako magigising ng maaga ’pag nakataon. Ngayon pa naman ang umpisa ng araw ng pasukan, matapos iligpit ang kama ay tumungo na ako sa banyo na nasa loob rin ng kwarto ko para maligo.
Habang naliligo sari-saring bagay ang pumapasok sa isip ko, tulad na lang nang may mga bago kaya kaming kaklase at ’yung mga kaibigan ko kaya ay magiging kaklase ko pa rin ba ngayon.
Matapos maligo at magbihis ay bumaba na ako ng kwarto, dalawang palapag ang bahay namin at may tatlong kwarto, dalawa sa second floor sa akin ang kaliwa kay kuya Nathan naman ang kanan samantalang nasa ibaba ang master bedroom na kwarto ng mga magulang namin.
Pagbaba sa kusina ay nadatnan kong nagluluto na si Mama ng almusal namin si Papa naman ay nagbabasa ng dyaryo habang nag-kakape.
“Good morning Papa, good morning Mama.” Bati ko sa magulang ko pagkalapit ko sa kanila.
“Good morning rin bunso.” Halos sabay naman nilang tugon pagkatapos.
“Den anak gisingin mo na ang kuya nate mo para sabay-sabay na tayong kumain.” Utos pa ni Mama bago pa ako makaupo at syempre dahil sa goodboy ako ay kaagad akong sumunod sa utos ni mama.
“Kuya gising na kakain na tayo!” Sigaw ko sa labas ng pinto ng kwarto nito na may kasama ma pang pagkatok.
“Kuya!” Sigaw ko ulit sabay katok pa rin sa pinto.
Ano ba ’yan kahit kailan talaga tulog mantika ang kuya kong ’to. Nang wala akong marinig na gising na ito ay sinubukan kong buksan ang pinto at dahil bukas naman pala ay pumasok na ako para gisingin pa rin ito.
Hinila ko ang daliri nito sa paa pero wala pa rin at hindi man lang ito gumalaw. Niyug-yug ko rin pero ayaw talaga itong gumising. Kaya naman may naisip ako at sugurado akong magigising ito sa gagawin ko. Habang nakataas ang isang braso nito ay sinumulan ko itong kilitiin at maya-maya lang gumising rin ito.
“Ano ba bunso nakikiliti ako.” Reklamo nito sabay talikod sa akin.
“Kuya oras na bumangon ka na kasi.” Pero ayaw pa rin nitong gumising kaya kinikiti ko naman ito sa tagiliran.
“Ha ha ha bunso tama na, ha ha ha.”
“Hindi ako titigil hanggang hindi ka pa bumabangon.” Sabi ko naman habang patuloy sa pagkiliti sa kanya.
“Ba ha babangon na ha ha ha tama na.” Akala ko babangon na ito kaya tinigilan ko na ito. Nagulat na lang ako ng hilahin ako nito sa kanyang kama at yumakap pa ito sa akin.
“Ano ba kuya, bitawan mo’ko kapag ako na late sa klase ko lagot sa’kin.”
“Heto naman naglalambing lang si kuya eh, ang bango mo bunso ah.” At himigpit pa ang yakap nito sa akin.
“Kuya ano ba! Isusumbong kita kay papa na uminom ka kagabi kapag hindi mo pa ako binitawan.” Banta ko rito.
“Huy bunso ’wag mong sasabihin siguradong lagot ako kay papa ’pag nagkataon.” Halatang takot nga ito dahil lumuwang na ang yakap nito at bumangon na rin.
Pagtayo nito ay tumambad sa akin ang katawan nito na tanging boxer short lang ang suot.
“Kuya ang halay
mo bakit hindi ka nagsusuot ng damit kapag natutulog ka.“ Sabi ko sa kanya.
“Tado anong mahalay dito, ang mahalay ang walang suot gaya nito.” Matapos sabihin ito ay hinawakan nito ang boxer short n’ya at akmang huhubarin ito.
“Bastos ka talaga.” Naiinis kong sabi sabay talikod sa kanya bago pa makita itong nakahubad.
“Isusumbong naman kita kay papa.” Bago pa ako lumabas ay sabi ko rito.
“Huy bunso ’wag binibiro ka lang eh.” Rinig kong sabi nito matapos isara ang pinto ng kwarto n’ya at bumaba na ako.
…
Tahimik kaming apat na kumakain ng almusal at kita kong tumitingin si kuya sa akin paminsan-minsanna parang sinasabi nitong ’wag ko itong isumbong kay Papa.
“Ah Papa may sasabihin po pala ako sa inyo.” Kita ko ang gulat sa reaksyon ni kuya ng marinig ang sinabi ko.
“Oh ano ’yon Den?” Tanong ni papa.
“Si kuya…” Hindi na maipinta ang mukha ni kuya sa mga oras na ’yon at gusto kong matawa sa itsura nito.
“Oh anong meron?” Sali naman ni Mama sa usapan.
“Kuya ikaw na kasi ang magsabi.”
“Oh ano ’yon Nate?” Baling ni papa kay kuya.
“Ahh ka-kasi pa… ka-kasi…” Uutal-utal na sagot ni kuya dahil sa takot.
“Ah papa ang sabi po kasi ni kuya gusto n’yang gamitin ang kotse para sa pagpasok namin sa school mamaya.” Sabat ko sa usapan, hindi ko naman kayang ilaglag si kuya. Gusto ko lang makabawi sa pang-iinis na ginawa n’ya kanina.
“Oh ’yon lang ba Nate? O sige gamitin n’yo basta dahan-dahan lang sa pagmamaneho ha.” Ang sabi naman ni papa.
“Opo salamat pa.” Sagot ni kuya at kita ko kung paano ito nakahinga nang maluwag dahil hindi ko ito sinumbong.
…
Sa kotse…
“Ikaw may atraso ka sa akin.” Bungad na sabi ni kuya ng makasakay ako sa kotse.
“Anong atraso ikaw nga ang meron mabuti nga at hindi kita sinumbong kay papa.” Panunumbat ko rito habang sinusuot ang seatbelt ko.
“Akin na nga.” Sabi ni kuya sabay kuha ng seatbelt at inayos itong isuot dahil hindi ko masuot ng maayos.
“Pero salamat bunso dahil ’di mo’ko nilaglag kanina kay Papa hindi mo lang alam kung paano ako kinabahan kanina akala ko ay isususumbong mo na ako.” Dagdag pa nito.
“Anong ’di halata eh para kang hindi matae na ewan ang itsura mo kanina ha ha ha.” Natatawang sabi ko naman.
“Ha ha ha.” Sumabay na rin ito sa pagtawa sa akin at pinaandar na ang sasakyan para sa pagpasok namin sa school.
Kasalanan Ba
Part 2
Dennis POV
Pagdating sa school ay bumaba na ako ng kotse, si Kuya Nathan naman ay pumunta na ng parking lot para sa sasakyan namin. Isang school lang din ang pinapasukan namin, hiwalay nga lang ang building ng mga college students sa building ng mga Grade 1-12 pero hindi naman nalalayo ang dalawa. 3rd year college si Kuya sa edad nitong 21 sa kursong Business Management habang ako ay 16 na at Grade 10 na ngayong pasukan.
Pagdating sa school ay ipinakita ko ang ID ko kay manong guard at kaagad naman akong pinapasok nito. Pagpasok sa loob ay hinanap ko na ang pangalan ko at umakyat na ako sa 2nd floor dahil doon ang mga rooms ng mga Grade 10.
Habang paakyat may mga estudyante na rin akong nakikita at gaya ko ay hinahanap na rin ang kani-kanilang section. Wala ni isa pa rin sa mga kaibigan ko ang naroon, sinulit yata ang bakasyon o baka nakalimutan na nila na ngayon ang start ng pasukan?
Kaagad kong hinanap ang room ng mga pilot section, hindi naman sa pagbubuhat ng sariling bangko ay may katalinuhan naman akong taglay bukod pa sa ang cute ko raw dahil sa bilugan kong mukha na may medyo singkit na mga mata may katangusan rin naman ang ilong ko, mapuputi rin ang mga ngipin ko na pantay-pantay at may manipis rin akong labi at lalong nakadagdag rin ang maputi kong kutis.
Tinignan ko nga ang listahan ng mga pilot section at gaya ng inaasahan ay nakita ko ang pangalan ko sa pangalawa.
- Alonzo Dennis M.
Ilang minuto pa ng mabingi ako dahil sa pagsigaw ng bruha kong kaibigan sa pangalan ko.
“Dennn!!” Yumakap pa ito ng mahigpit sa akin.
“A-ano ba Trish gusto mo na ba akong mamatay! At bakit ka ba sumisigaw?” Inis kong tugon sa kanya.
“Hindi ka pa nasanay d’yan eh pinaglihi yata ang bibig n’yan sa sirena ng ambulansya.” Sabat naman ni Andrew habang nakangiti, isa rin sa mga kaibigan ko.
“Tse inggit ka lang kasi hindi ikaw ang yakap-yakap ko.” Bara naman ni Trish sa huli.
“Hay! kayong dalawa ’wag niyo kong isama sa love triangle n’yo at hindi ko bet.” Matapos sabihin ito ay humiwalay na sa akin si Trish. Napangiti ako dahil biglang tumahimik ang dalawa. Dati kasing may relasyon ang dalawa noong Grade 8 kami, nagulat na lang ako na one day umiiyak na pumasok si Trish at sinabing hiwalay na sila ni Andrew, na hindi ko pa rin alam hanggang sa ngayon kung bakit sila naghiwalay. Kung sabagay mga bata pa kami kaya no to lovelife muna.
“Maiba ako bakit wala pa si Dominic?” Tanong ko para mawala ang akward moment ng dalawa.
“Hindi mo pa ba kasama?” Tanong na sagot ni Trish.
“Hindi pa kaya nga tinanong ko ’di ba?”
“Eh kasi ang sabi n’ya pupuntahan ka n’ya sa inyo para sabay kayong pumasok.” Paliwanag naman ni Trish.
“Hindi ba n’ya nasabi sa’yo?” Tanong ni Andrew sa akin.
Matapos sabihin ito ni Andrew ay naala ko ang sinabi kagabi sa akin ni Dominic ng tumawag ito.
“Bukas pupuntahan kita sa inyo para sabay na tayong pumasok.”
Kaya naman tinignan ko ang cellphone ko at baka may text ito sa akin pero ng kapain ko ang bulsa ko ay wala ito, hinanap ko rin ito sa aking bag pero hindi ko rin nahanap.
“Naiwan ko yata ang cellphone ko.” Bulalas ko.
“Heto ang cellphone ko tawagan mo na s’ya.” Sabi ni Andrew sabay abot ng phone n’ya sa akin.
Tinawagan ko nga ito pero nakailang tawag na ako pero ring lang ito ng ring sa huli hindi ko rin ito nakausap.
“Lagot ka Den!” Pananakot pa ni Trish sa akin.
“Mabuti pa pumasok na tayo sa room at maya-maya lang darating na si Ma’am Gonzalez” Mungkahi naman ni Andrew kaya pumasok na lang kami sa room namin.
“Mamaya na lang ako magpapaliwanag kay Dominic pagdating n’ya.” Sabi ko sa sarili ko.
…
Dumating na si Mrs Gonzalez ang adviser namin pero wala pa rin si Dominic.
“Okay class I’m Adelina Gonzalez ang adviser n’yo at dahil first day of class you have to introduce yourself in the front at magsisimula tayo sa’yo.” Mahabang sabi ni Ma’am sabay turo kay Trish dahil s’ya ang nakaupo sa harap na kanang bahagi ng room at katabi ko.
Kaagad namang tumayo si Trish sa harapan at nagsimula na itong magpakilala.
“Good morning classmates i’m Trisha Cruz, 16 years of age at naniniwala sa kasabihan na hindi lahat ng gwapo ay maganda ang hanap ’yung iba gwapo rin ang hanap.” Pakilala ni Trish na parang sumali lang sa beauty contest ang peg sa pagpapakilala. Tawanan ang buong klase pati si Mrs Gonzalez ay nakisali na rin. Pag-upo nito sa kanyang pwesto ay bumulong pa ito sa akin.
“Para sa’yo ang kasabihan kong ’yon.” Na tinugon ko lang ng ngiti. Last year ko lang kasing sinabi sa kanila well s’ya lang dapat muna ang may alam na gay ako pero dahil nga sa may pagka-matabil ang dila nito ay sinabi rin n’ya kina Dominic at Andrew.
“Ok next.” Sabi ni Mrs Gonzalez at tumayo na ako dahil ako naman ang susunod na magpapakilala.
Magsisimula na sana akong magpapakilala ng may marinig akong nagsalita.
“Excuse ma’am sorry i’m late.” Pagtingin ko sa nagsalita ay si Dominic pala ito.
“It’s alright Mister pumasok ka na.” Sagot naman ni Ma’am.
Pagpasok ni Dominic ay tumingin ako sa kanya pero hindi man lang ito tumingin sa akin. Hay! Siguradong nagtatampo na naman ito.
“Ok you may continue.” Sabi ni Mrs Gonzalez sa akin.
“Good morning classmates ako nga pala si Dennis Alonzo, 16 years old at sana maging magkaibigan tayong lahat.” Pakilala ko.
“Ang friendly mo naman Mr. Alonzo.” Komento ni ma’am matapos kong magpakilala.
Sumunod ang ilan pa sa mga kaklase namin at dahil sa nasa likod sina Andrew at Dominic ay huli silang nagpakilala.
“Hello classmates i a’m Andrew Rodriguez 17 years old at single pa ako.” Habang nagpapakilala si Andrew ay hindi mapigilan ng mga girls na kiligin lalo na ng sabihin n’yang single pa ito. Ako naman ay halos matawa na habang nakatingin sa reaksyon ni Trish. Halata kasing inis ito kay Andrew habang nagpapakilala ito. Isama pa ang ’di mapigilang komento ng kaklase namin sa likod.
“Ang gwapo n’ya no, ligawan lang niya ako ay sasagutin ko kaagad s’ya.” Komento ng isa.
“Ako sis kahit mahalikan ko lang s’ya pwede na akong mamatay.” Komento naman ng isa pa.
“Akala mo kung sinong gwapo.” Narinig kong bulong ni Trish pagkatapos magpakilala ni Andrew.
“Naku Trish ’wag kang masyadong bitter.” Sabi ko naman.
“Hindi ako bitter Den, ewan ko ba sa kaibigan mo ang lakas ng confidence sa sarili.” Kaagad namang nitong sagot.
“Naku Den ’yung bugnutin mong kaibigan na ang susunod.” Dagdag pa ni Trish.
“Good morning ako si Dominic Villanueva 17 taong gulang.” Pagpapakilala ni Dominic at habang nagsasalita ito ay nakatingin lang ako sa kanya. Hindi naman mapigilan ng mga kaklase naming babae at ng mga kagaya kong gay ang kiligin habang nagsasalita ito.
“How about you Mr. Villanueva are you still a single?” Tanong pa ni Ma’am kay Dominic.
“No ma’am I’m already taken.” Sagot naman kaagad ni Dominic.
Matapos sabihin ito ni Dominic ay sabay pa kaming nagtinginan ni Trish dahil sa gulat na may girlfriend na pala ito na hindi man lang namin alam.
Matapos magpakilala ang lahat ay nag-discuss lang si Ma’am sa pinag-aralan namin last year, sa sumunod na subject ay ganun din ang nangyari at ilang saglit lang tumunog na ang bell para sa break time.
Ring!!!!!
Nauna na kaming lumabas ni Trish at hinihintay na lang namin ang dalawa para sabay-sabay na kaming pumunta ng cafeteria para kumain.
“Dalian n’yo namang dalawa gutom na ako!” Sigaw ni Trish kina Drew at Tom.
“O saan tayo?” Tanong ni Drew ng makalapit sila amin.
“Sa cafeteria na lang para malapit.” Sagot naman ni Trish.
“Ikaw Dom saan mo gustong kumain?” Tanong ko naman kay Dominic.
“Kayo na lang ang kumain may pupuntahan pa ako.” Sagot n’ya at lumakad na ito habang iniwan kaming tatlo.
“Mauna na kayong dalawa sa cafeteria at susundan ko lang ang isang ’yon.” Ang sabi ko kina Trish at Drew.
“Goodluck sa pag-ayos ng LQ n’yo.” Ang sabi pa ni Trish habang natatawa.
“Ewan ko sa’yo Trish, oo nga pala Drew iorder mo ng dessert si Trish at bitter ’yan kanina sa klase.” Ganti kong biro kay Trish at iniwan ko na sila.
…
Saan na kaya nagsuot ang mokong na ’yon? Hindi ko kasi kaagad nasundan ng maglakad ito kaya hanggang ngayon hindi ko makita kahit anino lang nito.
“Sinusundan mo ba ako?” Nagulat na lang ako ng may marinig akong nagsalita at ng mapagtanto ko kung sino ito ay ngumiti na lang ako. Lumapit pa ito sa kinatatayuan ko pero nanatili pa rin na seryoso ang mukha nito.
“Ah. eh.. Oo sinusunda nga kita, saan ba kasi ang lakad mo? Te-teka may lakad ka nga ba, o sinabi mo lang ’yon dahil nagtatampo ka sa akin kasi hindi tayo sabay na pumasok?” Sunod-sunod kong tanong sa kanya.
“…..” Ngunit hindi man lang ito umimik.
“Dom sorry na, nakalimutan ko kasi.” Hingi ko ng paumanhin sa kanya.
“Tss pasalamat ka at gutom na rin ako, tara na puntahan na natin ’yong dalawa.”
“Talaga? Hindi ka na galit?” Tanong ko naman.
“May sinabi ba akong pinatawad na kita? Kumain na muna tayo at mamaya may sasabihin ako sa’yo.” Ang sagot lang nito. Hindi na ako nagtanong pa kung ano ito at baka magbago pa ang isip n’ya, kahit kasi hindi nito sabihin, alam ko sa oras na kinausap n’ya ako ay napatawad na ako nito.
…
Pagdating namin sa cafeteria.
“Ano bati na kayo?” Bungad na tanong ni Trish sa akin. Si Dom na rin ang umorder ng kakainin namin habang umupo na ako sa mesa ng dalawa.
“Oo alam mo naman hindi ako matitiis n’on.” Sagot ko naman.
“Talagang umorder ka nga ng dessert ah.” Baling ko naman kay Drew matapos mapansin ang pagkain ni Trish na mayroong leche plan.
“Ang sabi mo kasi bilhan ko si Trish, alam mo naman sweet akong tao.” Sabi naman ni Drew habang nakatingin ito kay Trish.
Nang tignan ko naman si Trish ay namumula ito.
“Oh heto damihan mo ang kainin mo para tumaba ka naman.” Ang sabi ni Dom na dala ang napakaraming pagkain na inorder nito.
“Seryoso ka? Eh ang dami nito.” Gulat kong reaksyon.
“Oo nga pre ang dami naman n’yan.” Sabi naman ni Drew habang natatawa.
“Naku Den kaya mong ubusin ’yan.” Gatong naman ni Trish at gumaganti pa ang bruha.
“Baka sabihin sa inyo pinababayaan ka namin.” Ang sabi pa ni Drew.
At ’yon nga hindi rin namin naubos ang mga binili nitong pagkain, ewan ko ba at anong pumasok sa kukote ng isang ’yon.
…
Mabilis na lumipas ang oras at uwian na at oras na rin ng lunch.
“Saan tayo kakain guys?” Kaagad na tanong ni Trish paglabas namin nang school.
“Sa malapit na fastfood na lang kaya guys.” Suhestyon naman ni Drew.
“O sige doon na lang ano sa tingin mo?” Baling ko kay Dom.
“Sige doon na lang.” Sagot nito.
…
Gaya nga ng napagkasunduan, nandito kami sa fastfood at kumakain at syempre kasama na rin ang kwentuhan ng biglang may naalala si Trish.
“Ikaw dom may girlfriend kana pala bakit hindi man lang namin alam?” Tanong ni Trish. Tumingin naman ako kay Dom ng marinig ang sinabi ni Trish. Sandali namang natahimik si Dom, isa-isa pa itong tumingin sa amin.
“Ah eh ’yon ba.. Sinabi ko lang ’yon para tigilan ako ng mga kaklase natin, ’di ba pare.” Sagot naman ni Dom at tumingin pa ito kay Drew pagkatapos.
“Oo nga Trish kita mo naman kung paano kinilig ang mga kaklase natin sa amin dalawa ni Dom kanina.” Sang-ayon naman ni Drew.
“Naku Den kumain na nga lang tayo at ang hahangin ng kasama natin.” Ang sabi na lang ni Trish
“Hindi ka pa nasanay sa dalawang ’yan.” At nagpatuloy na kami sa pagkain namin.
…
Matapos namin kumain ay bumalik na kami ni Trish sa school samantalang nagpaalam naman ang dalawa na may pupuntahan lang sandali.
Nandito kami ngayon sa school library at nagbabasa ng libro, madalas kasi kapag hinihintay naming mag-start ang klase ay dito ko gustong magpalipas na oras, isa rin ito sa hobby ko na naging hobby na rin ni Trish dahil sa pagdikit sa akin. At bago ko pa matapos ang huling chapter ng paborito long novel ay tumunog na ang bell.
Ringggg!!!
…
Tulad rin ng inaasahan ay isa-isa rin kaming nagpakilala sa klase at konting lecture din sa mga napag-aralan last school year ang ginawa namin sa mga sumunod na subject. At nang sa wakas ay narinig namin ang bell ay mabilis na nagsilabasan ang aming mga kaklase.
“O maaga pa guys puwede bang pumunta muna tayo sa mall may bibilhin lang ako.” Sabi ni Trish paglabas naming apat.
“Naku Trish pass muna ako at baka hanapin ako ni Kuya hindi ko pa naman memorize ang number n’ya, ’di ba naiwan ko ang cellphone ko.” Tanggi ko.
“Okay lang Den, kayong dalawa ayaw n’yo?” Sagot naman ni Trish sabay tanong pa kina Drew at Dom.
“Eh wala naman akong gagawin sa bahay basta ba libre mo ’ko ng merienda sasamahan kita.” Sagot ni Drew.
“Ikaw Dom?” Tanong ko naman kay Dom kung sasama ito sa dalawa.
“Ah hindi na, next time na lang Trish may lakad din ako.” Sagot lang ni Dom.
“O sige mga pare, una na kami ni Trish at baka magbago pa ang isip n’ya sa paglibre sa’kin.” Sabi ni Drew.
“Sinabihan mo bang pare si Den, dapat mare ang itawag mo sa kanya o kaya mars.” Singit ni Trish.
“Naku Trish umalis na nga kayo at baka ’pag nainis ako sasabihin ko ang sinabi mo sa’kin kanina sa library.” Banta ko naman sa kanya.
“Huy Den ’di kana mabiro, o s’ya mga pare aalis na kami.” Mabilis naman nitong bawi at nagboses lalake pa itong nagsalita.
Iiling-iling na lang ako sa naging asal nito.
“Bagay talaga silang dalawa.” Komento ko pag-alis ng dalawa.
“Tama ka, alam ko rin na alam mo na gusto pa rin nila ang isat-isa.” Sang-ayon ni Dom.
“Ikaw sa tingin mo, bagay ba tayo?” Dagdag pa ni Dom.
“Hindi tayo bagay Dom dahil tao tayo.” Pabiro kong sagot habang natatawa sabay baling sa kanya dahil alam ko naman na nag-bibiro lang ito pero napalitan nang kaba sa sandaling mapagtanto ko na seryoso ito sa naging tanong n’ya kanina.
…
Sa bahay.
“Bunso may problema ka ba?” Tanong ni Kuya ng makapasok na kami sa loob.
“Ah wa-wala sige aakyat lang ako sa kwarto.” Naisagot ko na lang at kaagad na akong pumunta sa aking kwarto bago pa magsalita ulit si kuya. Hindi na rin ako bumaba pa ng tawagan ako para kumain ng hapunan, sinabi ko na lang na busog pa ako kahit na mapilit si Kuya sa huli ay hinayaan na lang nila ako. Nakatulugan ko na lang ang pag-iisip sa mga sinabi ni Dom kanina.
“Sana bigyan mo ako ng pagkakataon para patunayan na gusto talaga kita.”
Kasalanan Ba 3
Part 3
Dennis POV
Naging maayos naman ang sumunod na mga araw ko sa klase. Mula naman ng malaman ko na may gusto daw sa akin si Dominic ay lalo pa itong naging sweet sa akin.
Hindi ko nga alam o baka ayaw ko lang isipin na panliligaw na pala ang mga ginagawa nito sa akin. Ewan ko ba at kung tutuusin ay maswerte nga ako. Dahil may isang lalakeng naglakas ng loob na sabihin ang nararamdaman nito sa akin na hindi rin takot sa sasabihin ng ibang tao.
…
Nandito ako ngayon sa Library at kasama ko si Trish.
“Ah Den may sasabihin ako.” sabi ni Trish
“O ano ’yon?” tanong ko habang nasa libro pa rin ang tingin ko.
“Eh ’wag na nakalimutan ko na pala.” bawi naman nito. Sa narinig ay tumingin na ako sa kanya.
“Trisha Cruz kilala kita, sabihin mo na.” Seryosong sabi ko naman.
“Eh kasi magkasama kami kahapon ni Andrew sa Cafe. Nung umorder s’ya ay naiwan ang cp niya sa mesa. Tapos may nag-text…”
“O eh ano naman kung may nag-text?”
“Teka lang patapusin mo muna ako, ehh Den ayoko ng sabihin.” Sabi na naman nito.
“Ano ba kasi ’yon? Nakabuntis ba siya?” Matapos ko ngang masabi ’yon ay sabay pang nanlaki ang mga mata namin ni Trish.
“Hindi no!” napalakas na sabi ni Trish kaya lahat ng nasa library ay napatingin sa amin.
“He he sorry po.” Sabi ulit ni Trish.
“Mabuti naman at akala ko tungkol dun ang sasabihin mo.”
“Hindi tungkol kay Andrew.. Si-sige sasabihin ko na, actually si Dominic ’yung nag-text akala ko nga ay may kailangan lang siya kay Andrew kaya binasa ko yung text at nalaman ko na sa Lunes, which is ngayong araw na nga ’yon na pupunta siya sa bahay n’yo para ipaalam raw sa mga magulang mo na liligawan ka n’ya.”
“Ano!” Gulat na sabi ko at kagaya kanina ay tumingin lahat sa amin ang mga tao, kaya naman kaagad ko nang hinila si Trish at lumabas na kami ng library.
…
“Ano bang pumasok sa isang ’yon at naisip na gawin ’yon.” sabi ko kay Trish paglabas namin ng library.
“Ayaw mo ba nun, mukhang seryoso nga si Dominic sa’yo.” sabi ni Trish.
“Bakit wala ka bang gusto kay Dom?” dagdad pa nito.
“Hindi naman tungkol sa kung meron man ako o wala akong gusto kay Dom. Oo gwapo at mabait s’ya pero alam mo naman na NBSB ako at wala pa akong karanasan sa pag-ibig na ’yan. Isa pa alam mo naman sa pag-aaral lang ang pokus ko ngayon.” mahabang paliwanag ko.
“Kung sabagay tama ka nga naman, pero ngayong alam mo na ang plano ni Dom mamaya anong gagawin mo?”
“Hay ewan bahala na. Alam mo naman na kapag naisip nun ang isang bagay ay siguradong gagawin n’ya.”
“Mabuti pa pumasok na muna tayo at goodluck na lang mamayang gabi sa inyo ni Dom.” sabi ni Trish at pumasok na nga kami sa sunod naming subject.
…
Nang matapos ang klase ay nauna sina Andrew at Dominic na lumabas at sabay naman kami ni Trish.
“Sige Den mauna na’ko, text mo na lang ako kung anong mangyayari sa pagpunta mamaya ni Dom sa inyo.”
“Sige bye.”
Nang umalis si Trish ay naghintay lang ako ng ilang minuto kay Kuya.
“Oh bunso tara na.” rinig kong sigaw ni Kuya at kaagad na akong sumakay.
Tahimik lang ako habang pauwi kami ni Kuya sa amin.
“Den may problema ba? Tanong ni kuya.
“Ah wala kuya.”
Hindi na nangulit pa si Kuya kahit alam kong ’di ito kumbisido sa sagot ko sa kanya.
Pagdating sa bahay ay dumiretso na ako sa kwarto. Matapos makapagbihis ay bumaba ako sa sala at nanood na lang ako ng tv.
“Den!” sigaw ni Kuya na nasa banyo sa baba yata.
“Bakit kuya?” sigaw ko pabalik habang nanood pa rin ako ng tv.
“Paki-kuha mo nga ’yung twalya ko sa kwarto.” sigaw pa nito na ’di ko gaanong narinig dahil sa pinapanood ko, kaya naman lumapit ako sa banyo.
“Bakit kuya.” sabi ko ng makalapit na ako sa banyo.
“’Yung twalya ko pakikuha mo nga sa kwarto ko, nakalimutan ko.”
“Oo sandali lang, bakit ka nga pala ’dyan naligo eh may shower ka naman dun sa taas.”
“Ah ilang araw ng sira, bukas pa darating si Mang Jun para ayusin ’yun. Nasa banyo nakasampay yung twalya ko.”
“Okay.”
Kaagad ko na ngang kinuha ang tuwalya ni kuya. Napailing na lang ako ng makapasok ako sa kwarto n’ya dahil sa napakaraming kalat nito.
“Oh heto na kuya.” sabi ko ng nasa tapat na ako ng banyo.
“Salamat bunso ah.” sabi lang nito pagbukas nito ng pinto ng banyo sabay kuha sa twalya.
Bumalik na rin ako sa sala at pinagpatuloy ko ang panood ng tv.
“Oo nga pala may pinuntahan sina Papa sa probinsya at baka sa Huwebes pa sila babalik.” Sabi ni Kuya na kalalabas lang ng banyo at nakatapis lang ng tuwalya. Sandali pa akong napatingin sa katawan n’ya at aaminin ko kapag ganito ang ayos ni kuya ay may kakaiba akong nararamdaman na ’di dapat. Eh kasi naman kahit na kapatid ko pa s’ya ay ’di ko maiwasan na humanga sa maganda nitong katawan at ’yun na lang ang isinisiksik ko sa utak ko na humahanga lang ako.
“Bakit daw sila umalis?” sabi ko ng makabawi sa pagtingin sa katawan ni kuya.
“Ano pa ba kungdi dalawin sina Lolo at Lola, kung wala nga lang tayong pasok eh sumama sana tayo.”
“Eh bakit ’di kasi nila sinabi sa’kin. Ilang araw lang naman pala pwede naman akong umabsent.” sabi ko pa.
“Ikaw talaga, alam nina Papa na gagawin mo ’yon, kaya nga ako ang nagsabi na ’wag nilang sabihin sa’yo ha ha ha.” natatawang sabi ni kuya.
“Nakakainis ka kuya, alam mo naman na gustung-gusto kong pumunta sa probinsya para dalawin sina Lola.” inis kong sabi.
“Sorry na bunso.”
“Ewan ko sa’yo. Bahala ka ’di kita papansinin.”
“Okay sabi mo ’yan ah at dahil wala sina Mama, ibig sabihin walang magluluto kungdi ako. At dahil ’di mo ko papansinin wala kang ulam mamaya.” Asar naman nito.
“Di bibili sa labas.” sagot ko naman.
“Okay.”
Matapos nun ay umakyat na si kuya sa kwarto at pasipol-sipol pa. Alam kasi ni kuya na ’di ako kumakain ng ulam na tinitinda sa carenderia. Palagi kasing luto ni mama o luto n’ya ang kinakain naming ulam sa bahay. Kaya tuwang-tuwa s’ya dahil s’ya ang panalo sa asaran namin.
…
Patuloy pa rin ako sa panonood ng tv habang sa gilid ng mata ko’y abala si Kuya sa kusina at alam kong naghahanda na ito sa iluluto nitong ulam. Wala ni isa sa amin ang nagsasalita at ingay lang ng tv at ng mga kasangkapan sa kusina ang maririnig.
Pinanindigan ko talaga ang sinabi kong kanina na hindi ko ito papansinin.
Ilang saglit pa ay naamoy ko na ang niluluto ni kuya at sa amoy pa lang alam kong masarap ito.
“Ipagkakanulo yata ako ng tiyan ko at kakainin ko ang sinabi kong ’di ko ito papansinin.” sabi ko sa sarili ko.
Pero kahit na natatakam talaga ako sa niluto ni kuya ay desidido ako na ’di pa rin ito pansinin.
Ding dong!
“Hoy bunso may bisita ka yata.”
“Hay talagang ’di mo ako papansinin ah.” sabi pa ni kuya at tinungo ang pinto para pagbuksan ang tao sa labas.
…
“Hi Den.” sabi ni Dom na nasa likod ni kuya at ito pala ang bisita na dumating.
“Shit! Oo nga pala, nakalimutan ko na pupunta nga pala s’ya dito.” sabi ko sa sarili ko.
“Oh anong sadya mo Dom.” kaswal na sabi ko na lang.
“Ah eh wala lang, may pinuntahan lang ako malapit dito kaya naisipan ko na dumaan na rin sa inyo.” sabi naman ni Dom.
“Sakto Dom kakain na kami mabuti pa sumabay ka na sa amin.” sabad ni kuya sa usapan namin.
“Den patayin mo muna ang tv para makakain na tayo.” baling naman ni kuya sa akin.
“Okay kuya, tara Dom kain na tayo.” sabi ko rin kay Dom para ’di na ito mahiya.
“Si-sige.”
…
Tahimik lang kaming tatlo habang kumakain. Sa totoo lang masarap talagang magluto si Kuya at mabuti rin na dumating si Dom kaya nakalimutan na ni kuya ang sinabi kong ’di ko ito papansinin.
Kita ko rin ang pagtitig ni kuya kay Dom tapos titingin rin sa akin pagkatapos.
“Tapatin n’yo akong dalawa mag-boyfriend na ba kayo?”
Sa narinig na sinabi ni kuya ay nabilaukan pa ako.
“He-heto Den.” sabay abot naman ni Dom sa akin ng tubig.
“Salamat.” sabi ko kay Dom.
“Ano bang pinagsasabi mo kuya, nakakahiya kay Dom.” baling ko naman kay kuya.
“O bat ba ang defensive mo. Sige si Dominic na lang ang tatanungin ko, boyfriend ka ba ng kapatid ko?” sabi ni kuya at tanong naman nito kay Dom.
“Kuya!” saway ko sa kuya ko na sinumpong na naman.
“Hi-hindi pa po.” sagot ni Dom na nauutal dala siguro ng takot dahil sa seryosong-seryoso si kuya sa tanong nito.
“Hindi pa, ibig mong sabihin nanliligaw ka pa lang?”
“Opo.” kaagad namang sagot ni Dom kaya naman napatingin ako sa kanya.
“Seryoso ka ba talaga?” di ko makapaniwalang saad. Alam kong sinabi na sa akin ni Dom na may gusto ito sa akin pero ’di ko akalain na seryoso ito lalo pa ang ipaalam rin sa pamilya ko.
“Oo Den seryoso ako na ligawan ka.” sagot ni Dom na ikinatahimik ko.
“Alam ba sa inyo na may gusto ka sa kapatid ko? Mas importante, alam ba na sa bading ka may gusto.” tanong pa ni kuya. Sa totoo lang ’yun din ang naisip ko, kung alam ba ng mga magulang ni Dominic na may gusto s’ya sa kagaya ko. Pero walang naging sagot si Dom sa tanong ni kuya. Alam ko rin na ’di nito napaghandaan ang mga tanong ni kuya.
“He he kuya masyado kang seryoso. Mabuti pa Dom kumain na lang tayo, hayaan mo si kuya.” paglihis ko sa usapan para maalis na ang akwardness sa pagitan nina Dom at kuya.
At mabuti na lang ay ’di nagtanong pa si kuya kaya ipinagpatuloy na lang namin ang pagkain.
…
Matapos kumain ay nag-paalam si kuya na pupunta ng tindahan, para raw iwan kami ng manliligaw ko.
Samantalang tinulungan naman ako ni Dom sa pagligpit ng mga pinagkainan namin.
“Dom dun ka muna sa sala huhugasan ko lang ito.”
“Sa-samahan na kita.”
“Naku ’wag na kaya ko na ’to.”
“Si-sige.. Ah Den tungkol pala sa sinabi ko kanina.”
“O alin dun.” maang-maangan ko.
“Seryoso ako na ligawan ka… Naiintindihan ko rin ang kuya mo at tama s’ya dapat alam ng magulang ko na may gusto ako sa kagaya mo. Siguro alam mo naman na bago lang sa akin ang ganito lalo pa ang magkagusto sa kapwa ko lalake.” mahabang sabi ni Dom.
“A-ano ka ba ayos lang ’yon at naiintindihan rin kita, kagaya mo ayokong madaliin ang lahat, gaya nga ng sabi mo bago lang rin sa akin ang ganito at alam mo rin na never pa akong nagka-boyfriend he he. Isa pa mga teenager pa lang tayo.” sabi ko naman.
“So ibig mong sabihin ok tayo at ’di ka galit.”
“Oo naman at bakit naman ako magagalit ikaw talaga, tara nood na lang tayo.”
…
Bandang 9 pm na nang magpaalam umuwi si Dom at inamin rin nito ang totoong dahilan ng pagpunta n’ya sa amin. Na gusto nitong ipaalam kina mama ang plano nitong panliligaw sa akin, na ’di nito alam na alam ko na dahil sa pagka-pakialamera ni Trish. At dahil sa wala nga sina Mama ay ’di rin natuloy ang plano nito.
…
Pagpasok ko sa bahay ay nanood muna ako ng tv habang naghihintay sa pag-uwi ni kuya.
Ilang saglit pa ay narinig ko na ang pagbukas ng pinto at nagulat pa ako ng makita si Kuya Jomar na akay-akay si Kuya Nate na alam kong lasing sa mga oras na ’yon.
“Oh kuya Jomar bakit lasing si kuya?”
“Naku ewan ko nga sa isang ’yan denden at parang ’di nakakita ng alak ng ilang taon at ang daming binili pagdating n’yan sa bahay.” mahabang sabi ni Kuya Jomar. Si kuya Jomar ay anak ni Aling Pasing na may-ari ng tindahan malapit sa amin. Kasing-edad rin s’ya ni kuya at isa rin sa kaibigan nito.
“Oh wala bang naikwento sa’yo?” tanong ko sabay kuha sa isang braso ni kuya para tulungan ito sa pag-akay sa lasing kong kapatid.
“Naku wala, pero sa palagay ko dahil sa babae eh.” sabi nito.
“Siguro nga, baka binasted ha ha.”
“Oo nga baka nabasted ha ha, o paano mauna na ako at ikaw na bahala sa kuya mo.” paalam ni Kuya Jomar ng maihiga na namin si kuya sa sofa.
“Sige kuya salamat ah.”
“No problem bunso.” at umalis na nga si Kuya Jomar.
“Hay ikaw talaga kuya, pasalamat ka at wala sina papa.”
“Bunso.” sabi ni kuya.
Tumingin naman ako ng marinig ko itong magsalita pero napailing na lang ako ng makitang nakapikit parin ito. Nanaginip siguro.
Inayos ko na lang ang pagkakahiga ni kuya sa sofa sabay tanggal sa tsinelas nito. Kumuha na rin ako ng tubig sa palanggana at malinis na towel para punasan ang katawan nito.
Inumpisahan ko ng punasan si Kuya sa mukha, sunod ay sa leeg. Hinubad ko na rin ang suot nitong damit na basang-basa ng pawis na amoy alak rin.
Tumambad sa akin ang magandang katawan ni Kuya. Alam kong kapatid ko ito pero ’di ko maiwasan na mailang dahil kahit itanggi ko man ay may pagnanasa akong nararamdaman sa mga oras na ’yon.
“Ano ka ba Dennis umayos ka nga.” saway ko sa sarili ko.
Minadali ko na lang ang pagpupunas sa katawan ni kuya at ng matapos ay kumuha ako ng kumot at damit sa kwarto nito. Matapos maisuot ang damit ni kuya ay kinumutan ko rin ito at umakyat na ako sa kwarto ko para matulog.
A
uthor’s Note
I’m back guys and this time mag-dedemand ako ng konti. Kailangan ko ng 100 reads at 10 votes para sa part 3. Para naman maramdaman ko kayo at kailangan rin ng mga katulad kong writer, dahil kapag may nakaka-appreciate sa gawa namin ay lalo kaming gaganahan sa pag-update ng mga story na para sa inyo.
Kasalanan Ba 4
Dennis POV
“ Ang sarap pala sa pakiramdam kapag kahalikan mo ang taong mahal mo, pero sino tong kahalikan ko?
Bakit malabo at ’di ko man lang maaninag kung sino s’ya?“
RING!!!
“Badtrip na alarm clock, akala ko totoo na at may kahalikan ako. Panaginip lang pala.” sabi ko sa sarili ko ng magising ako dahil sa tunog ng alarm clock. Sandali ko pang hinawakan ang labi ko at OMG! Bakit basa ang labi ko?
“Hoy bunso gising na!” Sigaw ni kuya sa pinto kaya naman bumangon na rin ako at inisip na panaginip lang talaga ang lahat.
“Oo kuya gising na ako!” Sigaw ko pabalik. Tinignan ko ang oras sa alarm clock at medyo maaga pa lang kaya dumiretso na ako sa banyo para maligo.
…
Pagbaba ko sa kusina ay nakahanda na ang almusal na alam kong si kuya ang nagluto.
“Good morning kuya.” Bati ko.
“Good morning din bunso.” Sabi ni kuya na nakangiti pa.
“Ang ganda yata ng gising mo kuya ah. Parang wala kang problema kagabi.”
“Ha? Anong problema?”
“Hindi ba nabasted ka kaya ka uminom kagabi? Mabuti talaga at wala sina Papa kung ’di lagot ka.”
“He he oo nga bunso, ’di mo naman siguro ako isusumbong hindi ba?”
“Syempre hindi basta ba laging ganito kasarap ang pagkain.” sabi ko naman.
“Oo ba, ang bait talaga ng bunso ko kaya love na love ni kuya eh.”
“Love rin kita kuya, kaya lang iwasan mo na ang pag-inom at kawawa naman si kuya Jomar.”
“Ha ha ikaw talaga, pero salamat bunso sa kagabi at lagi mong inaasikaso si kuya.”
“Anong salamat may bayad ’yon kuya, ibili mo ako ng regalo sa birthday ko.”
“Ha ha oo ibibili kita. ’Yung manliligaw mo pala kagabi anong oras umuwi ’yon?”
“Bandang 9 na s’ya umuwi at kuya kapag nandito si Dom ’wag mo naman takutin.” sabi ko naman.
“Ha ha natakot ba? Sige promise ’di ko na tatakutin, basta kapag sinagot mo ’yon at sinaktan ka sabihin mo sa’kin at ireresbak kita.”
Ang swerte ko talaga sa kapatid ko at alam kong hanggat nandiyan s’ya sa tabi ko ay may tagapagtanggol ako.
…
Sa School
Pagdating ko sa classroom ay naroon na ang away-bating sina Andrew at Trisha. Si Dominic naman ay wala pa.
Pag-upo ko sa tabi ni Trish ay alam kong uulanin ako ng tanong mula rito.
“Dennis Alonzo bakit ’di ka man lang nagtext kagabi? Ano? Sabihin mo nakalimutan mo na ba ang pangako mo? Ganyan naman kayo nangangako pero napapako.” Sunud-sunod na sabi ng loka-loka na sinamahan pa ng drama.
“Naku Trish nakalimutan ko, pero ikaw mukhang nakalimutan mo rin yatang uminum ng gamot.”
“He nakakainis ka. So spill it anong ganap kagabi?” Tanong nito.
“Wala naman.”
“Anong wala as in wala? Sero? Nganga ganun? ’Di ako naniniwala.” Taas kilay pa nitong sabi.
“Si-sige na sasabihin ko na para tumahimik ka na, ikaw talaga basta tsismis hindi ka papahuli.”
“He he you know naman me, kung saan ang tsismis nandun ako.”
“Pumunta lang s’ya kagabi.”
“Oh tapos?”
“Eh wala sina Mama at si Kuya lang ang kasama ko. Pero sinabi rin n’ya kay kuya na liligawan n’ya ako.”
“Eeehhhh ikaw na talaga best, kenekeleg eke.” parang baliw nitong sabi.
“O maiba ako, bakit pala magkasama kayo nung linggo ni Andrew, kayo na ba ulit?” Tanong ko.
“Ano hindi no, te-teka bakit iniiba mo ang usapan kayong dalawa ni Dom ang topic ha.”
“Oh Trish anong meron sa amin ni Den?” Tanong ng kararating lang na si Dominic.
“Wa-wala ’wag mo nang pansinin ’tong kaibigan natin ito.” sagot ko kay Dom at baka ano pang sabihin ni Trish.
Ilang saglit pa ay dumating na ang Adviser namin at nag-umpisa na ang klase.
…
Pagkatapos ng aming klase ay nagka-yayaan na dumaan muna kami sa mall na sinang-ayunan naman ng lahat.
“Oh tara na guys.” Sabi ni Andrew na sakay na ng kotse nito.
“Den sa likod na lang tayo.” sabi naman ni Dom.
“Sige, Trish sa harap ka na lang para tabi kayo ni Drew.” sabi ko naman.
“Oo na! Ikaw Dominic ’wag kang hohokage ’dyan sa bestfriend ko ha.”
“Oo naman goodboy yata ako ’di ba babe?” sagot ni Dom sabay kindat pa sa’kin. At aaminin ko na kinilig ako lalo na sa pagtawag nitong babe sa akin.
“Eeeehh ’wag kang ganyan Dom pinapakilig mo si Den oh.”
“Naku Trish sumakay ka na kaya sa harap at alam ko naman kanina mo pa gustong makatabi si Drew.” sabi ko naman.
“Sus ikaw talaga bestfriend, oo na sasakay na.”
…
Sa mall
Sina Dom at Drew ang umorder na kakainin namin habang nasa table na kami ni Trish.
“Trish anong balita sa inyong dalawa?” Usisa ko tungkol sa kanila ni Andrew.
“Okay ’di ba nabanggit ko kahapon na magkasama kami ni Drew last Sunday?” simula nito at tumango lang ako.
“Ang sabi niya gusto niyang ligawan ulit ako… Eh alam mo naman na kahit nakipag-break ako noon sa kanya ay mahal ko pa rin siya hanggang ngayon, kaya pumayag ako. Sa tingin mo tama ba ang ginawa ko?” paglalahad ni Trish.
“Alam mo bestfriend, ikaw lang ang nakakaalam kung ano ang dapat, pero bilang kaibigan mo nandito lang ako at susuporta sa inyong dalawa. Ikaw na nga ang nagsabi na mahal mo pa rin siya at sa tingin ko naman mahal ka rin ni Andrew.” sabi ko naman.
“Salamat talaga bestfriend kaya love kita eh.” at nagyakapan pa kaming dalawa.
“O anong drama ’yan.” Sabi ni Andrew na dala na rin kasama ni Dominic ang mga inorder na pagkain.
“Wala mabuti pa kumain na tayo at kanina pa kami gutom ni Den.” sabi lang ni Trish. Magkatabi kami ni Dominic at magkatabi naman ang dalawa.
“Oh Den balita ko nililigawan ka na ni Pareng Dominic.” simula ni Drew sa usapan habang kumakain kami.
“Ah oo nga.” sagot ko.
“At balita ko naman Pare nililigawan mo ulit si Trish.” ganti naman ni Dom.
“Oo pare.” sagot naman ni Drew.
“Kayong dalawa husayan n’yo na lang ang panliligaw, lalo ka na Dominic tignan mo ’yung lalake sa gilid nyo ni Den at kanina pa tingin ng tingin kay Den.” sabi ni Trish at sa narinig ay tumingin nga kami sa sinabi nitong lalake pero mukhang nakahalata yata at kaagad na tumayo ito.
“Mukhang may karibal ka na yata kay Dennis pare.” sabi ni Andrew.
“Ano Den kilala mo ba ’yon?” Usisa naman ni Trish.
“Hindi eh, totoo bang ako ang tinitingnan nung lalake? Baka naman iba pala.” tanong na sagot ko naman.
“Parang ikaw talaga, tignan mo nga at umalis ng mahalata natin s’ya.” sabi pa ni Trish. Kung totoo ang sinabi ni Trish sino naman kaya ang lalakeng ’yon? Matapos maisip ’iyon ay naalala ko ang panaginip ko kaninang umaga tungkol sa may kahalikan ako pero hindi ko makita o maaninag man lang ang mukha.. “Weird! Lalake sa panaginip na ’di ko man lang makita ang mukha tapos lalake rin na ’di ko naman kilala at tingin ng tingin sa akin.” nasabi ko na lang sa isip ko.
…
Matapos kumain ay napagpasyahan naming manood ng sine, dahil na rin sa suhestiyon nina Andrew at Dominic.
Bumili nga ng ticket ang dalawa at sabay abot rin ng pera sa amin ni Trish para bumili ng mga kakainin namin sa panonood mamaya.
Matapos naming makabili ng pagkain ni Trish ay hinintay lang namin ng ilang minuto ang dalawa at sabay-sabay na kaming pumasok sa sinehan.
…
Nasa bandang gitna kaming parte ng sinehan nakapwesto. Si Dominic, ako, si Trish at si Drew.
Tahimik lang kaming kumakain ng popcorn habang nag-uumpisa ang palabas.
Nasa bandang gitna na ng palabas ng nakaramdam ako ng antok at ’di ko na namalayan ang nangyari pagkatapos.
Isang tapik sa pisngi ang gumising sa akin at nagulat pa ako ng makitang magkalapit ang mukha namin ni Dom sa isat-isa dahil na rin sa pwesto ko na nakapatong ang ulo ko sa balikat nito.
“Uhm pasensya na Dom.”
“Wala ’yon Den, ayaw pa sana kitang gisingin kaya lang tapos na ang palabas at lumabas na sina Trish.”
“Ha ganun ba.” nasabi ko na lang.
“So paano tara na.” sabi ni Dom.
“Si-sige.”
…
Paglabas namin ng sinehan ay naroon na nga sina Trish at Drew na mukhang kami na lang ang hinihintay para sabay-sabay na kaming umuwi.
“Oh ano Den ang ganda ng palabas ’di ba?” nang-aasar na sabi ni Trish. At dahil nga sa narinig ay namula ako nang maisip na mahaba-haba rin ang naging tulog ko, lalo na at sa balikat pa ni Dominic ito.
“Ikaw talaga Trish, binibiro mo na naman si Den.” sabi naman ni Dom. “Don’t worry Babe, ang cute mo ’pag tulog.” sabi naman ni Dom sa akin. Na lalong ikinapula ng mukha ko at inaamin ko na kinilig ako sa sandaling ’yon.
“Ano dito na lang tayo? Tara na nga Drew.” Kunwaring sabi ko sabay hila sa kamay ni Andrew.
…
Paglabas nga sa mall ay kaagad na pumunta si Andrew sa parking area para kunin ang sasakyan nito.
Humiwalay naman sa amin si Dom dahil sa may kausap ito sa cellphone.
“Oh ano Den, anong tingin mo sa panliligaw sa’yo ni Dom, ang swerte mo bestfriend dahil napaka-sweet ni Dom.” kinikilig na wika ni Trish.
“Oo nga Trish, alam ko naman na mabuting kaibigan s’ya, pero ngayong nanliligaw na siya sa akin aaminin ko na parang nahuhulog na ang loob ko sa kanya.” paglalahad ko ng totoong nararamdaman ko kay Trish.
“Masaya ako para sa’yo bestfriend at alam ko na kapag dumating ang araw na maging kayo, isa ako sa magiging masaya para sa inyo.” nakangiting sabi ni Trish.
“Salamat bestfriend.”
Ilang saglit pa ay nasa tapat na namin ang sasakyan ni Andrew at sumakay na kaming tatlo.
Sa harap na sumakay si Dominic habang magkatabi kami sa likod ni Trish at walang katapusang kwentuhan at asaran ang nangyari habang tinatahak namin ang biyahe pauwi.
Nauna na ako nilang hinatid dahil sa mag-kakapareho lang ng subdivision ang tatlo.
Nang nasa tapat na ng bahay ay bumaba na ako.
“Thanks guys, ikaw Pareng Dominic dahan-dahan sa pagmamaneho.” Sabi ko kay Dominic. “Ah salamat rin sa ngayong araw Dom.” sabi ko naman kay Dom.
“Oo Pareng Den, o sandali lang may nakalimutan daw gawin si Pareng Dom.”
Matapos ngang sabihin ito ni Drew ay nakita ko na lang na bumaba ng sasakyan si Dominic.
“Salamat rin at masaya akong nakasama ka ng mas mahabang oras ngayong araw Babe.” saad ni Dominic at naramdaman ko na lang ang pagyakap nito sa akin.
Tumagal rin ito na ilang segundo at ng humiwalay si Dominic ay nakita kong may ngiti sa mukha nito.
“Bye babe.” sabi pa nito.
“Bye.”
…
Pagpasok ko ng bahay.
“Saan ka galing? Alam mo ba kung anong oras na!?” Seryoso at mukhang galit na bungad ni kuya pagpasok ko ng bahay. Hindi ako nakaimik dahil alam kong tama nga ito.
“Alam mo bang kanina pa ako ’di mapakali rito at nag-aalala na baka napano ka na? Tinatawagan kita pero ’di mo ako sinasagot!” galit paring sabi ni kuya.
“So-sorry kuya.” ang nasabi ko na lang.
“Sige na umakyat kana sa kwarto.”
Gaya nga ng sabi ni kuya ay sinunod ko na lang ito. Matapos magpalit ng damit at tinignan ko ang cellphone ko at tama nga si kuya dahil ang dami nitong texts at missed calls.
Pagbaba ko ay nadatnan kong nasa kusina si kuya at nagluluto. At para makabawi ay ako na ang naghanda ng mga plato sa mesa.
Ilang minuto pa ay natapos na ring naluto ni kuya ang ulam na kare-kare at nag-umpisa na rin kaming kumain.
Tahimik kaming dalawa habang kumakain na taliwas sa dati. Alam kong galit pa rin si kuya at ’di ko naman ito masisi dahil tama naman talaga s’ya.
“Kuya sorry na please.”
“Kumain ka na lang.” sabi lang nito.
Binilisan ko na lang ang pagkain kahit na wala akong gana, hindi dahil sa ’di masarap ang ulam kungdi sa alam kong galit parin sa akin si kuya.
Nauna akong natapos kumain at pumunta na ako ng sala para manood ng tv dahil alam kong susunod sa akin si kuya pagkatapos nitong kumain.
Pero ng matapos itong kumain ay umakyat lang ito sa kwarto at ilang saglit lang ay bumaba rin ito na mukhang nagpalit lang ng damit. Sunod na narinig ko na lang ang pagsara ng pinto na senyales na lumabas ito ng bahay.
…
Ilang oras din akong narito sa sala at manood. Hinihintay ko ang pag-uwi ni kuya pero malapit ng mag-madaling araw pero wala parin ito.
…
Paggising ko ay umaga na at nakatulugan ko pala ang paghihintay kay kuya kagabi.
Umakyat na ako sa taas at papunta na ako sa aking kwarto ng maalala kong tignan kung nakauwi na si kuya at kung nasa silid na ito.
Pagbukas ko sa pinto ng kwarto ni kuya ay nagulat pa ako sa nakita ko. Naroon nga ito pero may kasama itong babae at sa nakitang pareho silang walang suot sa katawan ay pabagsak kong naisara ang pinto.
Author’s Note
Kahit na kakaonti palang ang reader’s nitong Kasalanan Ba ay nag-update pa rin ako. Sana sa susunod na mga parts ay mag-vote at mag-comment kayo. Tatapusin ko na muna ito bago ko ulit uumpisahan ang Paano Maging Bakla.
Kasalanan Ba 5
Deniss’s POV
Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko sa nakita kong ayos ni kuya at ng kasama nitong babae.
Sa totoo lang ni sumagi sa isip ko ay ’di ko akalaing magagawa ni kuya ang mag-uwi ng babae sa kwarto nito.
Lalo na at alam nitong inosente pa ako sa lahat ng makamundong bagay. Pinilit ko na lang ialis ang mga nakita ko sa isip ko at mabilis na akong nag-ayos para makapasok na ako sa school.
…
Sa school
Nandito ako sa Cafeteria at kasalukuyang kumakain ng almusal. Minabuti kong dito na lang kumain kesa sa hintayin pang magising si kuya at ang babaeng kasama nito.
Ring!!!
Patapos na’kong kumain ng marinig kong tumunog ang cellphone ko. Pagtingin ko nga ay si Kuya Nathan ang tumatawag. Kaagad ko naman sinagot ito.
“He-hello kuya?”
“Nasaan ka?” bungad nito.
“Ah nasa school na ako.”
“Ano! Bakit ’di mo ko hinintay?”
“Mukhang napasarap yata ang tulog ’nyo kaya ’di ko na kayo ginising.” Bulalas ko. “Shit bakit ’yun ang nasabi ko.” sabi ko sa sarili ko.
“Ano? Ibig sabihin? Shit!” rinig kong sabi pa ni kuya at binaba na nito ang tawag.
…
Matapos kumain sa cafeteria ay dumiretso na ako dito sa unang klase ko at hinihintay na lang ang pagdating ng mga kaibigan ko at syempre ng aming guro.
“Good morning bestfriend, ang aga natin ah.” bungad ni Trish pagpasok nito.
“Good morning din.”
“Oo nga pala Den may inabot sa akin ang kuya Nate mo, heto oh.” sabi ni Trish sabay abot nito na 500 na pera.
“Salamat. Oo nga nakalimutan ko pala.” sabi ko na lang.
Magkasabay namang dumating sina Andrew at Dominic na may pareho pang dalang bulaklak na ibinigay sa amin ni Trish at pareho naming ikinatuwa, oo na at ikinakilig na rin.
Pagdating nga ng Teacher ay nag-umpisa na ang klase.
…
Natapos ang kalahating araw ng klase na wala namang nangyari bukod sa lecture lang at ilang assignments.
…
Nasa fastfood chain kami ngayon nila Trish, Andrew at Dominic para sa aming lunch.
“Huy Den kanina ko pa napapansin na parang tahimik ka, may problema ka ba?” tanong ni Trish.
“Ha?”
“Ang sabi ko may problema ka ba?”
“Ah eh wala.”
“Sigurado kang wala babe?” tanong rin ni Dominic at kita kong nag-aala rin ito.
“Oo ayos lang ako.” sagot ko pa at ngumiti pa ako para ipaalam na ayos lang talaga ako.
Hindi na nga sila nangulit pa at ipinagpatuloy na lang namin ang pagkain.
Matapos ang lunch ay bumalik na rin kami ng school.
…
Mabilis natapos ang natitirang klase sa tanghali at nag-aya pa ang tatlo na dumaan ulit sa mall, na tinanggihan ko naman at nagsinungaling pa ako na mayroon akong ibang lakad.
Nagtext rin si kuya kanina at sinabi nitong hintayin ko ito para sabay na kaming umuwi, kaya heto ako ngayon at hinihintay nga ito.
Habang hinihintay si kuya ay bigla na lamang may nagsiliparang mga papel sa harapan ko at kasunod nito ang lalakeng walang tigil naman sa pagpulot sa mga ito.
At dahil sa marami ngang papel ang mga nagkalat ay minabuti kong tulungan na ito.
Ilang minuto pa ay natapos narin naming mapulot ang mga ito.
“Pasensya na at naabala pa kita ah.” sabi ng lalake at nang tingnan ko ito na maigi ay nakilala ko ito, siya rin ang lalake kahapon sa mall na base sa sabi ni Trish ay tingin ng tingin raw sa akin.
“Ah wala ’yon.” sabi ko naman.
“Salamat rin pala, ako nga pala si Juancho, nice to meet you” sabi pa nito habang nakangiti pa.
“Ako naman si Dennis, nice to meet you rin.”
“Bunso tara na!” sigaw ni kuya na sakay na ng sasakyan at nasa harap na pala.
“Sige Juancho alis na’ko.”
“Sige, ah salamat ulit Dennis.” sabi pa nito.
Sumakay na rin ako sa sasakyan at pagtingin ko kay Juancho ay nakangiti ito habang nakatingin parin sa akin.
…
Tahimik lang kami ni kuya habang pauwi sa amin.
Pagdating namin sa bahay ay kaagad na akong lumabas ng sasakyan at pumasok sa loob ng bahay.
Dumiretso na ako sa kwarto at matapos maitabi ang bag ko ay nagpalit na rin ako ng damit.
Minabuti ko na lang na nandito lang ako sa loob ng kwarto at ayaw ko pang harapin si kuya. Ewan ko ba kung ano ba ’tong nararamdaman ko sa loob ko. Galit ba ako kay kuya dahil sa mali ang ginawa nitong magdala ng babae na maaari niyang mabuntis at kapag nangyari ’yon ay mag-aasawa itong ng maaga at hindi pa handa? O may iba pa bang dahilan? Pero ano naman ’yon kung sakali?
Isang oras na siguro ang lumipas ng marinig kong sumigaw si kuya.
“Bunso handa na ang pagkain bumaba ka na.”
“Oo kuya sandali lang.”
…
Pagbaba ko nga ay nakahapag na ang pagkain sa lamesa.
“Oo nga pala bunso bumili rin ako ng cake kanina.” sabi pa ni kuya.
“Sige na kumain ka na.” dagdag pa nito.
“Ah kuya… ’Yung tungkol sa kanina.”
“Shhh kumain na muna tayo, mamaya na lang ’yon.”
Natapos kaming kumain na walang ni isa sa amin ang umimik. Pumunta na ako ng sala pagkatapos habang si kuya na rin ang nagligpit ng mga pinagkainan namin.
Ilang saglit pa nga ay nakita kong kinuha ni kuya ang cake na binili nito at naglagay ito sa dalawang platito.
Nang lumapit ito sa sala ay iniabot nito ang isang platito na kaagad ko namang kinuha.
“About sa kanina bunso.” simula ni kuya at tumingin pa ito sa akin. Tinignan ko rin ito at tumango lang ako para ipabatid kay kuya na nakikinig ako.
“Si Jenna ’yon.” patuloy ni kuya at gaya kanina ay tumango lang ulit ako. “Nakilala ko siya kagabi sa bar kung saan ako nagpunta kagabi ng umalis ako.” mahabang saad ni kuya.
“Bakit ka kasi pumunta sa bar kuya? May problema ka ba? Nandito naman ako na kapatid mo, puwede mo naman sabihin sa akin kung meron man.” sunud-sunod kong tanong kay kuya.
“Alam ko naman ’yun bunso eh, pasensya na at pangako hindi na ’iyon mauulit. Nagalit lang ako kagabi dahil sa sobra akong natakot sa pag-aalala sa’yo na baka napa’no ka na.”
“Ganun ba kuya, sorry ulit at pangako ko rin na ’di na ’yon mauulit.”
“Dapat lang, kungdi wala kang regalo sa akin sa birthday mo.” sabi pa ni kuya sabay gulo pa nito sa buhok ko.
“Kuya! Bakit ba gustung-gusto mong ginugulo ang buhok ko!” kunwaring galit kong sabi na tinawanan lang nito at alam kong sa oras na ’iyon ay bati na kami ng pinaka-dabest na kuya ko. At sa gabing ’yon ay masaya akong nakatulog.
Kasalanan Ba 6
Dennis’s POV
Maaga ako nagising ngayong araw at excited ako dahil ngayon rin ang araw na balik nina Papa at Mama mula sa probinsya. Tumawag nga sila kagabi at kinakamusta kami ni kuya. Mabuti na lang at bati na kami ni kuya, kaya naging masaya ang pag-uusap namin.
Matapos maligo ay bumaba na ako at dahil maaga nga ang gising ko ay naisipan kong magluto ng almusal namin ni kuya.
Simpleng almusal lang naman na madaling iluto ang ginawa ko, gaya ng pritong hotdog, itlog at pancake na isa sa paborito kong pinapapak kapag nagluluto si kuya.
Pagkatapos ngang maluto ang mga ’yon ay inihanda ko na ang lahat sa mesa. Sunod ay umakyat na ako sa taas para gisingin si kuya.
…
Kumatok nga ako at sumigaw para gisingin ito pero wala akong narinig mula kay kuya. Kung sabagay maaga pa lang naman kaya ’di nakapagtatakang tulog parin ito. Sinubukan ko ngang buksan na ang pinto at bukas naman ito. Natigilan pa ako ng maalala ang nakita ko kahapon na may kasama ito, pero iwinaksi ko na lang at binuksan na ang pinto.
Pagpasok ko ay tumambad sa akin ang katawan ni kuya na tanging boxer short lang ang suot. Sa sandaling ’yon ay natigilan ako at biglang nag-init rin ang katawan ko dahil sa nakitang ayos nito. Kitang-kita ko ang magandang katawan ni kuya mula sa dibdib patungo sa tiyan nito na may abs. Napalunok pa lalo ako ng dumako ang tingin ko mula sa pusod patungo sa mumunting balahibo pababa na tinatawag na karug kung ’di ako nagkakamali. ’Di rin nakaligtas sa akin ang umbok sa suot nitong boxer short na alam kong dala ng morning wood na madalas rin na mangyari sa akin. Hindi ko alam kung ilang segundo o minuto akong nakatitig lang sa katawan ni kuya na naudlot lang ng magsalita ito.
“Bunso.”
“Ku-kuya gi-gising na.” nauutal na nasabi ko dahil sa kaba ng bumalik ako sa sarili ko. Kita ko pang ngumiti ito dahil sa reaksyon ko.
“Hot ba si kuya bunso? Tanong pa nito na ikinagulat ko.
“Shit nakita pala ni kuya kung paano ko pagmasadan ang katawan n’ya!” sigaw ng isip ko.
“Ha?” tanging nasabi ko.
“Wala ang sabi ko ang cute mo bunso.” sunod na sabi ni kuya sabay tayo at gulo sa buhok ko. Sa ginawa nito ay lalong nahiya ako, alam kong nakita talaga nito kung paano ko ito tignan kanina, kaya iniba na lang nito ang usapan para mawala ang hiyang nararamdaman ko.
“Tara na bunso.” Sunod na sabi ni kuya na nakapagbihis na pala at tumungo na palabas ng kwarto nito.
…
Sumunod na rin ako sa paglabas nito na kagaya kanina ay ’di parin ako mapalagay.
“Wow! Ikaw ang nagluto nito.” masayang saad ni kuya ng makita ang pagkain sa mesa. Tango lang ang naging sagot ko.
“Oh Den ba’t ang tahimik mo?”
“A-ano kasi kuya ’yung sa kwarto mo.” nakayuko kong wika. Alam ko kasing mali ang ginawa ko ang pagnasahan ang sarili kong kapatid kaya minabuti kong sabihin ito.
“Alin bunso?”
“Alam mo na ’yon kuya.”
“Ah ok alam ko na, ano ka ba wala ’yon. Normal lang sa isang tao na humanga. Gusto ko nga ’yon ibig sabihin nun ay maganda ang nagiging resulta ng pag-gi-gym ko.”
“So hindi ka galit?”
“Ano bang klaseng tanong ’yan bunso, syempre hindi. Mabuti pa kumain na lang tayo at mukhang masarap ang luto mo.”
At nagsimula na nga kaming kumain. Kahit papano ay nawala na ang ilang na nararamdaman ko kay kuya, inisip ko na lang rin na tama si kuya at humanga lang ako sa katawan nito.
…
Gaya ng dati pagdating sa school ay puro aral lang ang nangyari. Si Dominic naman ay patuloy parin sa panliligaw.
…
Tapos na ang klase ngayong araw at nakaalis na rin sina Dominic na kagaya ni Trish ay sa sasakyan kasama si Andrew na muna ito sumasabay. Nasira kasi ang motor na gigamit ni Dominic at hindi pa natatapos na ayusin.
Hinihintay ko na rin si kuya para sabay na kaming umuwi.
“Hi Dennis wala pa yata ang sundo mo.” Pagtingin ko sa nagsalita ay si Juancho pala.
“Ah oo hinihintay ko nga, actually kuya ko ’yon at nag-aaral rin sa college building dito.”
“I see kuya mo pala si Nathan?”
“Oo, kilala mo pala si kuya.”
“Ah oo kaklase ko s’ya. O sige una na ako, kita na lang tayo bukas.” Sabi pa ni Juancho at umalis na rin ito. At pag-alis nga ni Juancho ay dumating na rin si kuya.
…
Sa Bahay
Pagpasok sa loob ay nadatnan kong naroon na sina Mama at Papa. Kaagad naman akong humalik sa pisngi nila.
“Kumusta po sina Lolo’t Lola dun sa probinsya Mama?” masaya kong sabi.
“Anak maayos naman sila ’don. Ang Lola mo nga ay panay tanong sa’yo at bakit raw ’di ka namin sinama.”
“Oo nga Mama bakit kasi biglaan ang pag-uwi n’yo sa probinsya ni Papa.”
“Den anak may importante lang kaming inayos ng Mama mo sa probinsya. ’Yung tungkol sa flower shop na itatayo ng mama dito sa bayan.” paliwanag ni Papa.
“Naku Papa, alam n’yo bang nagalit pa sakin si bunso pag-alis n’yo. Heto pa at may manliligaw na ’yan.” sumbong ni kuya.
“Talaga Den, sino ba ’yon kilala ba namin na Papa n’yo.” sabi naman ni Mama.
“Si Mama naniwala naman kayo kay Kuya. Iyan nga si kuya baka may girlfriend na ’yan at hindi nya sinasabi sa inyo ni Papa.”
“O Nate nasa hustong edad ka na rin anak, kung sakali mang mayroon ka ng nobya ay ’wag kang mahiyang sabihin sa amin at ’di ka namin pagbabawalan.” Sabi ni Papa kay kuya.
“Tama ang Papa mo anak at malaki ang tiwala namin sa’yo. Alam namin na responsable ka.” dagdag pa ni Mama.
“Papa, Mama alam ko naman po ’yon at siguradong wala pa po akong girlfriend pero ang isa d’yan ay siguradong may manliligaw na. Sa katunayan po ay dito pa s’ya naghapunan noong isang araw.” Sabi ni kuya at alam kong nag-uumpisa na naman ito na asarin ako.
“O anak sino ba talaga ang manliligaw mo?” tanong ulit ni Mama na dahil kay kuya ay mukhang kailangan ko ng sagutin dahil alam kong ’di sila titigil sa kakatanong.
“Si Dominic po.”
“Ah si Dominic, sabi ko na sa’yo mahal may gusto ’yung batang ’yon sa bunso natin eh.” sabi pa ni Mama kay Papa.
“Oo nga mahal.” sagot naman ni Papa.
“Eh mama paano mo naman po nalaman na may gusto sa akin si Dom?” Tanong ko naman.
“Simple lang anak, base sa pagtingin n’ya sa’yo kapag nandito s’ya sa atin. Kung nakakatunaw nga lang ang tingin ay sigurado akong matagal ka ng tunaw anak.” Sabi pa ni mama na natawa pa sa huli nitong sinabi.
“Ngayon pong alam n’yo na ni papa na nililigawan po ako ni Dom. A-Ayos lang po ba sa inyo?” kinakabahan kong tanong sa mga magulang ko.
“Oo naman anak.” sabi ni Mama.
“Sabihin mo kay Dominic na gusto ko s’yang makausap lalake sa lalake.” sabi naman ni papa.
“Sige po papa. Pero sana naman po ’wag n’yo naman siyang takutin, si kuya kasi nung pumunta dito si Dom at nasabi niyang liligawan n’ya ako ay inulan n’ya ito ng tanong.” sumbong ko sa ginawa ni kuya.
“Hoy bunso sinisigurado ko lang na seryoso ’yung mokong na ’yon sa panliligaw sa’yo.” depensa naman ni kuya.
“Tama ang kuya mo anak, pero sa tagal na ng pagkakaibigan n’yo ni Dominic ay alam namin ng papa mo na mabuting bata ’yon.” sabi naman ni mama.
…
Sa gabing ’yon ay naging masaya ang aming pamilya at sabay-sabay kaming kumain ng hapunan na si Mama ang nagluto.
Syempre gaya ng inaasahan ay inasar pa nila ako lalo na sina Papa at kuya na ’wag ko daw kaagad isusuko ang Bataan at dahil nga sa nagtanong pa ako kay mama kung anong ibig sabihin nina Kuya sa ’wag kong kaagad isusuko ang Bataan ay sabay-sabay pang nagtawanan sina Papa at kuya kasama na rin si Mama.
Kasalanan Ba 7
Dennis POV
Dennis’s POV
Mabilis na lumipas ang dalawang buwan at bukas ay kaarawan ko na. ’Di man sabihin nina Mama ay alam kong may selebrasyon silang inihanda para sa akin.
Sa lumipas nga na dalawang buwan ay lalo pang naging sweet sa akin si Dominic, samantalang ang dalawa kong kaibigan na sina Trish at Andrew ay mag-boyfriend na ulit matapos sagutin ni Trish si Andrew isang linggo na ang lumipas.
Nadagdagan pa nga ng isa ang kaibigan ko at wala iba kungdi si Kuya Juancho. Marami na akong bagay na nalaman tungkol kay Kuya Juancho. Working student pala ito at kumukuha ng HRM at sa isang subject lang sila magkaklase ni Kuya Nathan, nagtratrabaho rin bilang driver ni Alexander Lopez isa sa pinaka-kilalang Bilyonaryo dito sa Pilipinas. Kilala ko rin personal si Kuya Alex dahil na rin sa suki ito ni Mama sa flowershop. Sa katunayan flowershop rin ni Mama ang kinuha nila sa kasal ni Ate Anne noon.
Isa rin sa idolo ko si Kuya Alexander dahil kagaya ko ay gay din s’ya at kasal sa asawa nitong si Kuya Marco. Nangangarap din ako na sana balang araw ay maging kagaya ako ni Kuya Alex na masaya kapiling ng asawa ko na mahal ko at mahal rin ako.
Dahil sa naging close kami ni Kuya Juancho at mas matanda ito ng ilang taon sa akin ay sinabi nitong dapat ay kuya na lang ang itawag ko sa kanya. Inimbitahan ko rin si Kuya Juancho sa kaarawan ko at naiyak pa nga ito ng sabihin kong isa ito sa importanteng tao kaya dapat ay kasama ko ito sa araw ng kaarawan ko. Kaya naman makakaasa raw ako na pupunta ito.
…
??? POV
“Father may ikukumpisal po ako.”
“Ano ’yon anak?”
“Gulung-gulo na po ako Father.”
“Ano man ang gumugulo sa iyo anak ay nandyan ang Diyos at alam kong makakatulong s’ya kung anuman ang problema mo. At ngayon nangungumpisal ka sa akin. Sige anak sabihin mo ano bang gumugulo sa’yo?”
“Father mahal ko po ang taong ’di ko dapat mahalin.”
“Bakit anak? Bakit mo nasabing ’di mo dapat s’ya mahalin?”
“Kasi po mali kung anuman ang nararamdaman ko sa kanya. Mali sa paningin ng tao at lalo na sa paningin ng Diyos. Tulungan mo po ako Father.”
“Anak alam kong nahihiya kang sabihin sa akin ang lahat. Pero kung sa tingin mong mali ito sa paningin ng tao at lalo na sa Diyos ay isa lang ang mapapayo ko. Pigilin mo anak pero kung sa tingin mo ang maling nararamdaman mo ngayon ay tama wala akong magagawa. Sa huli isipin mo na lang anak na ang lahat ng nangyayari ngayon ay may sagot hindi man sa ngayon pero sa takdang panahon.”
…
Dennis’s POV
“Ano babe kain na muna tayo?” Mungkahi ni Dom. Nandito kami ngayon sa mall at dito kaming dalawa dumiretso pagkatapos ng klase kanina. Nagpaalam narin ako kina Papa at Mama pati na kay Kuya na gagabihin ako ng uwi at kasama ko rin si Dominic.
“Si-sige.” ang sagot ko naman.
Dumiretso kami sa isang Japanese resto na nandito rin sa loob ng mall. At habang naglalakad ay naramdaman ko na lang na hinawakan ni Dom ang kamay ko at tumingin lang ako sa kanyang mukha na nakangiti. Ngumiti rin ako pabalik at inaamin kong masaya ako kung anong meron sa amin ngayon ni Dom.
Pagpasok sa loob ng resto ay bumungad ang magandang ambience ng lugar. Ang wall nito na may pinaghalong kulay puti at kahel. Maliwanag din dahil sa magandang ilaw na ginamit sa loob.
Habang magka-hawak pa rin kami ng kamay ni Dom ay dumiretso na kami sa isang bakanteng mesa. Bago pa ako makaupo ay mabilis pang hinila nito ang upuan para sa akin. Nang makaupo na ako’y tsaka pa lamang ito umupo. Kaagad namang dumating ang isang waiter sabay abot nito sa amin ng menu.
“Meron ka na bang plano para sa birthday mo bukas?” Tanong sa akin Dom habang abala ako sa pagtingin ng menu. Tumingin naman ako rito.
“Honestly wala pa, pero alam kong may surprise sa akin sina mama.” sagot ko naman.
“Yeah knowing tita sigurado ngang meron.”
Pagdating ng waiter ay kaagad na rin kinuha ang mga order namin. At ilang minuto lang ay abala na kami sa pagkain.
Habang kumakain ay kung anu-ano lang ang napag-usapan namin. Kung ’di ko nga lang alam na nanliligaw sa akin si Dominic ay iisipin kong magkaibigan lang kami na nag-aasaran sa loob ng kainan na’yon. Ang asaran at tawanan na sandaling ’yon ay biglang naging seryoso ng mapag-usapan namin ang tungkol sa dalawa naming kaibigan.
“Ang swerte ng mga kaibigan natin kahit na nag-break sila noon ay binigyan pa rin nila ang isat-isa ng pagkakataon, kaya ngayon masaya na sila at nagkabalikan na.” seryosong sabi ni Dom.
“O-oo nga, masaya rin ako para sa kanila.”
“Ako rin.” sabi ni Dom at bigla itong natahimik habang seryoso naman itong nakatingin sa akin.
“Ah eh Dom ayos ka lang ba?”
“Wa-wala may naisip lang ako.”
“Si-sigurado ka ba?” tanong ko pa at sa sandaling ’yon ay hindi ko mawari kung bakit bigla na lang akong kinabahan.
“Ano kasi babe, hindi naman sa minamadali kita pero maari na ba kitang maging boyfriend?” sabi ni Dom. Matapos ngang marinig ’yon ay kumabog bigla ang puso ko. Kita ko rin ang pagsusumamo sa mga mata nito. Ako naman ay naguguluhan at ’di ko rin alam kung anong isasagot ko sa tanong nito, na isa na siguro sa pinakamahirap na tanong sa buong buhay ko. Sa matagal nga na pananahimik kong ’yon ay nakita ko na lamang ang lungkot sa mukha ni Dominic.
“Pa-pagpasenyahan mo na ako Den, ka-kalimutan mo na lang ang sinabi ko. Ku-kumain na tayo hehe.” nasabi na lang ni Dom at tumawa pa ito. Pero alam kong sa tawang ’yon ay itinago nito ang lungkot na nararamdaman, dahil sa wala akong naging sagot sa tanong nito.
“Dom.” sabi ko at tumingin naman ito sa akin.
“Sorry kung ’di ko pa masasagot ang tanong mo ngayon, pero masaya ako kung anong meron tayo at sana maintindihan mo ako.” sabi ko pa.
“Oo naman don’t worry naiintindihan ko at masaya rin ako.”
Matapos kumain ay naging maayos naman ang mga sumunod na oras na magkasama kami ni Dominic sa loob ng mall. Naglaro kami ng ibat-ibang games at dahil sa magaling maglaro si Dominic ay marami itong naipon na tickets. Bago kami umalis ay ipinapagpalit nito ng isang dog stuffed toy.
“Wow Dom ang cute naman n’yan.” sabi ko ng makita ang kulay puting stuffed toy na hawak nito.
“Oo nga bagay sa may-ari.” sabi pa nito at nagulat pa ako ng iabot nito sa akin.
“A-akin ito?” tanong ko kay Dom na tumango lang habang nakangiti rin ito. Namula ako ng maisip ang sinabi nito kanina.
“Pero mas cute pa rin ang may-ari.” sabi nito kaya lalong namula ako. Hindi talaga ito nabibigong pakiligin ako kapag magkasama kaming dalawa.
“Tara na nga at gabi na.” sabi ko na lang at nauna na akong maglakad sa kanya.
…
Paglabas namin ng mall ay nagpaalam lang itong kunin ang sasakyan sa parking lot. Ilang minuto lang ang lumipas ay nakita ko na ang bagong sasakyan nito. Gaya kanina ng papunta kami sa mall ay pinagbuksan pa ako nito ng pinto. Matapos kong sumakay ay mabilis rin itong sumakay at ipinaandar na ang sasakayan.
…
“Salamat ngayong araw na magkasama tayo at sana nag-enjoy ka.” sabi ni Dominic ng huminto na ang sasakyan sa tapat ng bahay namin.
“Salamat at oo nag-enjoy ako. Salamat rin dito.” sabi ko at tukoy ko rin sa binigay nitong stuffed toy.
Ngumiti lang ito sa sinabi ko kaya naman bumaba na ako. Pero bago pa ako tuluyang makalabas ng sasakyan ay humarap ako rito at mabilis na hinalikan ko ito sa pisngi.
Kita ko kung paano ito nagulat sa ginawa ko kaya naman mabilis na akong bumaba ng kotse nito.
Pinaandar na rin ni Dominic ang sasakyan at bago pa ito tuluyang umalis ay binuksan nito ang bintana.
“Bukas babawiin ko ang ninakaw mo sa akin.” sigaw nito at nakita kong masaya ito.
“Oo, sige na umalis ka na baka gabihin ka pa lalo.” sigaw ko naman pabalik at natawa rin ako dahil sa kalokohan namin.

