Key Mitopir
knightmystery · 13 chapters · 13,274 words
Prologue
Plagiarism is a crime, gagawa ako ng kwento gumawa ka ng sayo kung ayaw mo mapa Tulfo.
Stun POV:
“Oh Hijo bakit naman ganiyan ang itsura mo? May hang over ka ba?” Naluluha kong tinignan si Manong Carlito, ang security guard ng subdivision na tinitirhan ko
Inabot nito sa akin ang parcel na inorder ko at binuksan ang gate upang makapasok ako sa subdivision, hindi ko sinagot si Manong Carlito dahil pagod na pagod ako galing trabaho at ang gusto ko na lamang ay mahiga sa kama at maisara ang mga mata. Minadali ko na ang pagpapatakbo sa kotse hanggang maipark ko na iyon sa harapan ng aking bahay, pagkababa ko palang sa kotse ay napapikit ako ng mariin at napahilot sa sintido.
Hanggang kailan ba ako magtitiis sa ingay?! Kailan ba ulit malalasap ang payapa at tahimik na paligid? Ilang araw na akong hulas na hulas at pwede ng pagtaniman ng halaman ang ilalim ng mata ko dahil sa lalim at itim dahilan ng hindi maayos na pagkakatulog at pagod galing sa trabaho.
Oo, puyat at kulang sa tulog! Ako yun! Sino ba naman kasi ang hindi magiging payapa ang tulog kung sa tabi ng aking.bahay at may bagong pinatatayong bahay at walang katapusan na pagpukpok at kung ano ano pang ingay ang nang iistorbo sa tulog ko.
Inis na pumasok ako sa loob ng bahay at inalis ang sapatos.
Pumasok ako sa kwarto at humiga sa kama sabay takip ng tenga gamit ang unan, fuck! 7pm na bakit may nagtatrabaho parin?? Overtime ba sila ngayon?? 6pm naman dapat alis ng mga yan–kabisado ko na dahil lagi akong natingin sa oras at hinihintay pag alis nila upang makatulog ng maayos. Hindi ba nila napansin ang oras? Jusko tapos babalik sila mga ala sais ng umaga…siguro ay nagmamadali na yung owner na matapos ang bahay kaya walang awa sa mga nagtatrabaho na unti ang pahinga.
I groaned at sinipa ang unan na nasa paanan dahilan ng pagkakahulog nito sa sahig.
Pagod at nakatulala habang hinahalo ang kape na nasa mug, nandito ako sa kusina at kakatapos ko lang magluto ng pang umagahan…day off ko ngayon dahil sabado at ang sana ay rest day naging restless day dahil kagaya ng sinabi ko ala sais ang start ng pag iingay sa tabing bahay at mag aala sais palang maingay na.
“Ano ba namang buhay to” ani ko at ginulo ang buhok
Matapos kong mag umagahan ay lumabas ako ng bahay at sinilip ang tabing bahay.
“Ang aga niyo ah” sabi ko ng mahagilap ang isang construction worker na napadaan sa harapan ko
“Bibisita kasi yung may ari para silipin tong trabaho namin kaya talagang maaga kami”
“Ganun ba?”
Sabay kaming napatingin sa kotseng asul na nag park sa kabilang side ng kalsada.
“Ayan na si boss!” Sabi nung kausap ko sa mga kasama niya bago umalis at iniwan akong mag isa
Pinasok ko ang dalawang kamay sa bulsa ng sweatpants na suot at pinanood ang paglabas ng isang lalaki sa asul na kotse, ang una kong napansin ang fluffy at halatang malambot nitong kulay brown na buhok, he closed the door of his car at naglakad na patungo dito…unti unti ko ng nakita ang itsura niya, maputi at matangkad, maliit ngunit matangos ang ilong, medyo pouty ang labi, makapal ang kilay at ang mga mata na kulay hazelnut.
He looks so tired….
Parang ang bigat bigat ng katawan niya sa tuwing naglalakad siya and the way he moves parang tamad na tamad at walang gana.
Dinaanan lang ako nito, mukhang hindi ako napansin dahil nakatingin na siya sa kaniyang magiging bagong bahay.
“Good morning boss”
“Magandang umaga boss!”
Bati ng mga trabahador sa kaniya
Tango lang ang sinagot nito
Dahil nakatayo lang naman siya ay nilapitan ko nalang at tinapik ang kaniyang balikat, lumingon ito sa akin at kumunot ang noo.
“Hey, i am Stun Valakez….ako yung magiging kapitbahay mo” naglahad ako ng kamay na tinignan niya muna bago kinuha at nakipagkamay
“Key Mitopir” maiksi pa sa maiksi na pagpapakilala niya at binawi na ang kamay
“May kasama ka bang titira diyan? Family? Partner––”
“Alone”
“Ahhhh” kamot kamot sa batok kong sabi “anong trabaho mo?”
Hindi ako nito sinagot ngunit tinignan ako sa mata
“Can i sleep in your house tonight?” He asked
Napataas ang dalawa kong kilay
“Matutulog ka sa bahay?” Tumango ito sa akin “bakit?”
“Can i sleep in you house until this house,” tinuro nito ang harapan namin “is finish?”
Eh?
“Why?”
Ngumuso ito na parang bata “tinatamad akong magbiyahe biyahe”
Papayag ba ako? Kakakilala ko palang sa kaniya atsaka hindi ko pa siya kilala.
“Silence means yes” rinig kong sabi niya
“Wait nga lang, hindi ka ba natatakot ba baka masama pala akong tao at patayin ka nalang kapag tulog ka?” Nabaliktad na, dapat siya ang masamang tao sa aming dalawa eh—bahala na.
“Mamamatay tao ka ba?”
“Hindi no!”
“Edi hindi”
Chapter 1
“Uhmm, you can put your things inside this room—btw this is going to be your room, kakalinis ko lang kanina bago ka dumating” niluwangan ko ang pagkakabukas ng pinto upang mapasok niya ang maliit na maletang kulay itim
Pumasok na din ako sa loob at binuksan ang kurtina para naman may liwanag na napasok dito sa loob ng kwarto, black out curtain kasi ang nakahiligan kong bilhin noon ng kakagawa palang ng bahay na ito ayoko kasi na nagising akong maliwanag dahil nabibigla ang mata ko, mas maganda ang black out curtains dahil hindi napasok ang liwanag sa loob kahit na tirik na tirik ang araw at bagay ito sa mga talagang gustong magpahinga ng maayos.
Nagtungo ito sa kama at umupo doon tsaka nilagay ang dalawang kamay sa pagitan ng nakabuka niyang hita. He look like a kid.
“Ayaw mo ba?” Tanong ko
Hindi niya ako sinagot
Akala ko nagbibiro lang siyang dito pansamantalang titira habang inaayos pa bahay niya ngunit nagkamali ako dahil bago siya umalis ay kinuha niya ang number ko at ilang oras ang lumipas nag text siya sa akin na papunta na siya dito kaya dali dali kong nilinisan ang kwartong ito na matagal ng hindi nagagamit dahil ako lang naman ang namamalagi dito.
“Nag dinner kana?” Tanong ko
Napahawak ito sa tiyan at umiling “im too lazy to cook right now, mag order nalang tayo” kinuha nito ang phone sa bulsa at may pinindot pindot doon
“Hindi healthy yung mga order order na yan, magluluto nalang ako. Ano ba gusto mo?”
Tumigil ito sa pagtitipa sa phone at tinignan ako
“I don’t know? Nakakatamad mag isip” he stretch his arms bago inihiga ang kalahating katawan sa kama
Lahat nalang ay kinatatamaran niya, ano bang meron sa lalaking ito?
Napabuntong hininga ako at lumabas ng kwarto, magluluto nalang ako ng adobong atay dahil paborito ko din naman iyon at sa tingin ko ay magugustuhan din ni Key dahil wala naman akong lutong hindi masarap…natuto akong magluto dahil sa tita ko may restuarant kasi ito at dati nung bata pa ako mahilig akong dumalaw doon dahil malapit lang ang restuarant nito sa school na pinapasukan ko, kaya habang nadalaw ako doon ang ginagawa lang namin ay magluto.
Nilabas ko ang mga ingredients at sinimulan na ang pagluluto.
Hindi din nagtagal ang pagluluto ko kaya ng matapos tinawag ko na si Key, ilang minuto pa bago ito nakapunta sa kusina.
“Smell nice” he said
Nagpasalamat ako at naglapag ng plato sa harapan niya
“What is that?”
“Atay yan, adobong atay tawag sa ulam na yan….masarap kaya tikman mo” wala namang bahid na pagkadisgusto sa mukha niya ang makikita lamang ay ang pagtataka kung anong ulam ang nasa harapan “ngayon ka lang ba makakatikim ng adobong atay?”
Nagsandok ako ng kanin at nilagay iyon sa plato ko
“Yeah…i usually order food or eat outside since i don’t know how to cook, sometimes i don’t eat at all because im too lazy to move kaya tinutulog ko nalang” mahabang litanya niya
“Walang mangyayari sayo kung inuuna mo pagkatamad mo, mahirap labanan yan”
“Kaya nga hindi ko na nilalabanan, hinahayaan ko nalang” ngumisi ito at sumubo na
“Gagu bwahahahahaha”
“Do you have a girlfriend?” He asked
Umiling ako
“Ex girlfriend?” He asked again
“Kakahiwalay lang namin three months ago”
Tumango ito, sinundan ko ang tinignan niya at iyon ay ang litrato na nakadikit sa refrigerator….the picture of me and her.
I cleared my throat at pinagpatuloy nalang ang pagkain. Hindi ako nito tinulungan sa pagliligpit dahil tinatamad daw siya at kakatapos niya lang kumain…mabigat pa daw ang tiyan niya kaya need niyang huwag mag gagalaw galaw kaya hinayaan ko nalang din. Sinabi naman niya sa akin na siya ang bahala sa pang grocery dito sa bahay at mag sha-share din ng pambayad sa kuryente, mababawasan na ang mga gastusin ko kaya goods.
“You have tattoo?”
Tumango ako at mas pinakita pa sa kaniya ang tattoo kong natatakpan ng sleeve ng tshirt na suot, its a dragon, walang meaning nagustuhan ko lang yung design kaya pina tattoo ko.
“That’s cool” he said
“How about you? Do you have tattoo?”
Ngumiwi ito at tinaas ang dalawang paa at niyakap ang magkabilang tuhod tsaka nilapag ang baba sa kamay niyang nakapatong sa kaniyang tuhod, nandito parin siya sa kusina, pinapanood niya ang ginagawa ko.
“I don’t have any and im not planning to have a tattoo”
“Bakit? Takot ka sa karayom?”
“Hmm” isang beses itong tumango
“Takot ka palang matusok” natatawa kong sabi
Matapos nun ay hindi na siya nagsasalita, sabay kaming pumunta sa sala at napagplanuhan na mag movie marathon…ako ang pumili ng panonoorin dahil as usual binanggit nanaman niya ang salitang tinatamad ako na favorite word niya.
Pinili ako ang sci-fi na movie at wala naman akong natanggap na reklamo galing sa kaniya kaya sa tingin ko gusto din niya ang napili ko. Nag indian sit ito at kinuha ang unan na nasa pagitan naming dalawa at niyakap iyon, magkahiwalay naman ang dalawa kong hita at naka spread ang dalawang braso sa headrest ng couch.
Pareho kaming busog kaya wala ng nagtangka pang kumuha ng makakain habang nanonood.
Hayyyssss masarap din pala ulit maranasan na may kasama ka sa iisang bahay kahit papaano ay hindi tahimik at may nakikita akong ibang mukha.
We’re going to be a good friends.
Chapter 2
I grab my things at lumabas na ng coffee shop, sinigurado kong nakasarado lahat ng dapat isarado bago ako pumasok sa loob ng kotse at ilagay sa passenger seat ang mga gamit ko. I heaved a sigh at hindi muna pinaandar ang kotse….My name is Stun Valakez and i am an only child of Mr. And Mrs. Valakez who died three years ago, namatay sila sa car accident dahil mom is arguing with dad whose driving the car.
My auntie is the one who took care of me, kapatid siya ni mom…sobra sobra akong na depressed ng mga panahon na yon na dumating ako sa point na gusto ko nalang din sumunod sa parents ko pero siya ang pumigil sa akin. Ngayon ay maayos na ako….may naiwan si mom na business niya nung nabubuhay pa siya which is yung coffee shop na pinatatakbo ko hanggang ngayon, malaki laki ang kita kada buwan dahil isa ito sa mga sikat na tambayan ng mga teenager dahil malapit lang ito sa isang university.
Pinatunog ko muna ang mga daliri sa kamay bago nag drive pauwi.
“Ang tagal mo” salubong sa akin ni Key na nakatayo sa pintuan “kanina pa kita hinihintay, ang aga mong umalis tapos ganitong oras kana uuwi.” Tumingin ito sa relong suot “wala ka dito ng thirteen hours”
“Nagabihan ako dahil maraming costumer”
Isang linggo na simula ng mamalagi si Key dito, ganiyan siya lagi…nasa harapan na siya ng pintuan o di kaya gate at hinihintay ako sa pag uwi, pinasasama ko nga sa akin pero tinatamad daw siya kaya wala na din akong magawa minsan kundi madaliin ang pagtatrabaho sa coffee shop.
“Im hungry” he said while touching his belly
“May iniwan ako sa ref na pagkain mo ah”
Gumilid ito upang makapasok ako sa loob
Binuksan ko ang ref at nakita doon ang pagkain na hinanda ko sa kaniya para sa umagahan, tanghalian at gabihan. He didn’t touch it…ang tamad tamad talaga, bagay sa kaniya ang may katulong dahil hindi yan kikilos kahit na gutom na gutom dahil sa katamaran. Nilingon ko siya, umupo ito sa gilid ng sink at hinihintay na painitin ko ang pagkain niya. Tahimik nalang akong pinainit dahil gutom na din naman ako ay sabay na kaming kakain.
“Ano ang kinain mo kanina? Kahit bread hindi ka kumain?” I asked
“I…….” hindi nito natapos ang sasabihin dahil humikab at tumunog ang tiyan
“Kumuha kana ng plato at kutsara para kakain nalang” nakita ko ang pag ngiwi nito ngunit sumunod lang din
Tahimik kaming kumakain at dahil pagod na din ako ay nauna akong tumayo at nilagay ang pinagkainan sa sink, dumiretso ako sa kwarto at nahiga sa kama.
A knock on my door disturb me
Tamad akong tumayo at pinagbuksan si Key, kumunot ang noo ko ng makitang may dala dala siyang kumot at unan, anong gagawin niya?? Sinilip niya ang loob ng kwarto ko, sa isang linggo niyang pamamalagi dito ay ngayon lang siya sumilip sa kwarto ko, he slowly looks at me kaya tinaasan ko siya ng isang kilay, wala pa ba siyang planong matulog?? Ilang minuto siyang nakatayo sa harapan ko.
“Wala ka bang sasabihin? Matutulog na ako”
Nginuso nito ang tv na nakadikit sa wall ng kwarto ko
“Hmm?” Ano ba gusto niyang iparating? Hindi ako manghuhulo jusmio, mas nasakit ulo ko sa kaniya eh.
“Movie marathon?”
Umiling ako sa kaniya, masiyado akong pagod at walang ganang mag movie marathon kasama siya, mag movie marathon siya mag isa sa sala.
“Not now” i said
“I promise to be quiet and noisy” he said “boring sa kwarto ko”
“Watching a movie will never be quiet, Key”
“I promise to lower the volume”
Napahilot ako sa sintido at pinapasok na siya, nilapag niya ang mga dala sa kama ko at binuksan ang tv, hindi muna ako humiga sa kama…nagbihis muna ako at naghilamos.
Magkatabi na kami ngayon ni Key, maingay ang tv kapag nanonood si Key sa sala pero ngayon ay mabuti sumunod siya sa sinabi ko. I need to rest, my eyes, my body and my brain needs to rest. Dahan dahan akong pumikit at muling napadilat ng tinawag ako ni Key.
“You forgot to buy me an ice cream” he said
Oo nga pala, tinext niya ako at nagpapabili sa akin ng ice cream.
“Bibilhan kita bukas”
“Aalis ka nanaman bukas?”
“Day off ko sabado, sa susunod na araw pa kaya oo, aalis ako bukas”
Ngumuso ito at niyakap ang isa sa mga unan ko.
“Why do you want to work so hard? You can hire some workers and let them do the work”
“Im not lazy like you” mahinahon kong pagpapaliwanag “nasanay ang katawan kong magtrabaho at bakit kailangan ko pang kumuha ng mga magtatrabaho sa coffee shop kung kaya ko naman?”
“Pero lagi kang pagod at walang buhay kapag nauwi”
Tumagilid ako ng higa kaya magka face to face na kaming dalawa ngayon
“Kung gusto mong mabuhay, magtrabaho ka at magpursige.”
Hindi ito nagsalita at binalik na ang tingin sa pinapanood
Chapter 3
(Dahil mataas ang grades ni Author at bawing bawi sa mga activities na pinapagawa ay may update tayo, yeyyyyy)
Nilingon ko si Key na nakaupo sa passenger seat, nakataas ang dalawa nitong paa, nakapatong ang siko sa bintana habang ang baba ay nakapatong sa palad.
Nag park na ako sa tabi ng coffee shop at sabay kaming bumaba.
“Lets go inside” aya ko sa kaniya
Tumango ito at sinuot sa ulo ang hood ng kaniyang jacket at pinasok ang dalawang kamay sa magkabilaang bulsa nun, kakagising niya lang…hindi na siya nagbreakfast bago umalis dahil sabi niya ay gusto niyang tikman ang nasa menu ng shop ko. Hinawakan ko ang braso nito ng may grupo ng mga estudyante ang nagsidaanan sa gilid namin upang pumasok sa shop. Ang aga aga pa pero puno na ang loob.
Naging agaw pansin ang kasama ko ng makapasok na kami, napasulyap sa gawi namin ang mga costumer at sunod sunod na bulungan na ang naririnig namin.
Ngumiti ako na ikinatili ng mga estudyante.
“I think hindi sila pumupunta dito para bumili ng maiinom at makakain” mahinang sabi ni Key sa akin “pumupunta sila dito dahil sayo”
Itinawa ko nalang ang sinabi nito, totoo din naman kasi dahil isa din ito sa mga dahilan kung bakit maraming costumer….dahil sa akin. Last year nga ay may gumawa ng video film dito sa coffee shop ko mismo at sinadya nilang ipadaan sa akin ang camera kaya nakuha ako sa film at pinost nila iyon sa iba’t ibang mga platforms hanggang milyon milyon na ang nakakakita noon at ako ang usap usapan sa film.
Walang araw na walang kumukuha ng litrato kasama ako, nasanay naman na ako kaya wala na din problema pa sa akin.
“Boss” bati sa akin ni Retro ang kasama ko dito sa shop
“Wait lang, ipapasok ko lang sa opisina ko tong kasama ko” sabi ko
“Sige lang boss”
“Do you have an office here?” Key asked
“Oo” nagtungo kami sa likod ng shop at kinuha ko ang susi ng opisina sa bulsa at binuksan iyon “dito ka muna, wala akong mahanap na bakanteng upuan para sayo doon sa loob ng shop, walang kama pero couch ako….you can watch tv and eat dahil may stock naman ako doon sa mini pantry”
“I don’t want to be here” he said and pout
“What–Why?”
“I want to be with you”
Simula ng gabing tabi kaming natulog ay naging clingy siya sa akin, gusto niya laging present ako sa paningin niya….at ngayon ay napagdesisyunan na niyang sumama dito sa coffee shop dahil ayaw na daw niyang iniiwan ko siya lagi sa umaga at kapag gabi naman na uuwi ako ay hindi na niya nakikita pa ng matagal ang presensiya ko dahil tulog na kaagad ako kapag tapos na ang dinner.
“Maraming tao sa loob” i said
Para itong batang umasim ang mukha at humawak sa tshirt ko
“Stay here with meeee”
“Iuuwi kita kung ayaw mong makinig sa akin, dadalhan kita ng pagkain mo dito tapos babalik ako sa work….bibilisan ko para makapag grocery tayo at hindi ka maghintay ng matagal dito” pagpapaliwanag ko
Mabibigat ang paang nagtungo ito sa swivel chair ko at sinubsob ang mukha sa table, napabuntong hininga ako at binuksan ang aircon bago siya iwan doon
“Sino yun?” Retro asked
“Si Key, kaibigan ko”
“Akala ko anak mo” pagbibiro nito “grabe makadikit sayo eh”
“Gagu hahahahahaha”
“Nga pala akala nung mga costumer hindi ka papasok ngayon nung makita kotse mo nabuhayan sila ng dugo, paano naman ako no?”
Hindi na kami nag usap ni Retro ng matagal dahil sunod sunod na ang costumer na dumating, hindi ko na din nagawa pang maibigay kay Key ang pagkain nito kaya si Retro nalang ang pinapunta ko dahil ayaw akong paalisin ng mga estudyanteng nasa harapan gusto daw nilang ako ang magtanong at mag serve ng kanilang mga orders.
“Pwede papicture po?” Tanong ng mga highschool students
“Kayo nanaman?” Rinig kong sabi ni Retro na napadaan sa gilid namin “sa susunod maniningil na yang si boss”
“Magkano po ba?” Humagikhik ang mga ito at nagpaluan pa ng braso
Naiiling akong natawa at nagpapicture na sa kanila.
Lunch came and i decided to go to my office dahil unti nalang din ang costumer.
Naabutan kong nakahiga sa couch at nanonood ng tv si Key, nakita ko kaagad ang tray na may pagkain na ipinadala ko dito kay Retro na hindi pa nagagalaw. Tinamad ba siyang kumain??
“You didn’t touch your food” tinapik ko ang paa nitong nakaharang sa daraanan ko
“I don’t want that”
“Hindi ka gutom?”
“Hindi ikaw ang nagdala niyan sa akin kaya ayoko, sabi mo ikaw magpupunta ng pagkain ko….you liar” sinamaan niya ako ng tingin at nilipat sa ibang channel ang pinapanood
“Maraming costumer kaya hindi kita nabalikan dito, pwede ka ng pumunta sa loob ng shop…sabay na tayong mag lunch” this guy, he’s acting like a kid.
Buti nalang ay mahaba ang pasensiya ko.
Nagdalawang isip pa ito kung sasama sa akin o hindi pero sa huli ay sumama lang din, tumunog ang tiyan nito ng makaupo kaya nag iwas ito ng tingin sa akin, kumuha ako ng makakain naming dalawa at nilapag sa ibabaw ng lamesa.
“Kumain na tayo”
“You smell like a girls perfume” lumapit ito sa akin at inamoy amoy ang suot ko
“Ahhh madaming napadikit sa akin kanina nung nag aaya silang magpapicture” ganito yung ayaw ko kapag may nagpapapicture sa akin yung ang tapang ng pabango na gamit dahilan ng pagdikit nung amoy sa akin at uuwi akong amoy pambabaeng pabango, pero wala naman akong magagawa….its part of my work.
Bumalik sa pagkakaupo si Key at hindi na nagsalita pa.
Chapter 4
Tulak tulak ang cart habang si Key ay nasa loob nun at may subo subong lollipop, sabi kong bawal siyang sumakay dahil baka pagalitan kami pero hindi parin siya nakinig at sumakay parin…napapatingin nalang tuloy sa amin ang mga nadadaanan namin at natutuwa naman ang mga nagtatrabaho dito sa grocery kaya hinayan ko nalang din kinalaunan.
Kumuha ako ng cereals at nilagay sa gilid ni Key, nakatingala ito at nakatingin sa akin kaya nginingitian ko siya sa tuwing nagtatama ang paningin naming dalawa. Para tuloy siyang nakababata kong kapatid.
Pinuntahan namin ang mga gustong bilhin ng kasama ko, sa tagal ko na siyang kasama ay napapansin kong mahilig siya sa malalamig na pagkain lalo na kapag ice cream, sa isang araw ang na cconsume niyang ice cream ay hindi bababa ng tatlo kapag bibilhan ko naman ng isang galon ng ice cream mauubos niya lamang iyon ng isa’t kalahating oras, ako ang nangingilo sa tuwing pinapanood siyang kumakain.
“Kapag masikip na bumaba kana, marami pa tayong bibilhin” ani ko at pumunta sa meat section at tinuro ang gustong bilhin
“But i don’t want to walk, its tiring” he said
“If you’re lazy to walk with me you can sit outside the grocery….may waiting area doon”
Inalis nito sa bibig ang lollipop at ngumuso “i don’t want to be far from you”
“Kung ayaw mo bumaba ka diyan”
Napatigil ako sa paglagay ng mga karneng nabili ng walang space na sa loob ng cart, bumuntong hininga ako at tinignan si Key….mas lalong humaba ang nguso nito. He groaned before stepping outside the cart and hold my arm.
“You can do that again sa sunod na punta natin dito” sabi ko para mabawasan ang paghaba ng nguso niya kasi kulang nalang ay pwede ng sabitan ng damit eh
“Can’t you push two carts at once?” He asked
I chuckled “i can….pero mapapatagal kung dala dalawa ang tinutulak ko”
“Night can push two carts at hindi naman kami natatagalan”
“Night?”
“My friend”
Mahaba ang pila kaya nag aalala kong sinilip si Key. Good thing at hindi siya nagrereklamo ngayon. Ilang minuto ang tinagal ng paghihintay namin hanggang mabayaran ang mga pinamili….sabay kaming lumabas at nilagay sa likod ng kotse ang mga paper bags.
“Iwan muna ako dito” kunot noo kong tinignan si Key ng masarado ko na ang likod ng sasakyan
“Saan ka pupunta?” Tanong ko
“Im going out with my friends tonight…may papakilala daw sa amin isa naming kaibigan” pagpapaliwanag niya at tinignan ang kaniyang phone
“Uuwi ka ba o magpalalipas ng gabi––”
“Of course im going home, i want to sleep beside you. Wait for me?”
“You can call me kung nasa bahay kana para mapagbuksan kita ng pinto”
“Do you want to come?” He titled his head waiting for my response
Umiling ako kaya bumagsak ang kaniyang balikat at may sasabihan pa sana ng tumunog na ang kaniyang phone.
“Im going” medyo may inis sa tono nito “yeah…yeah…fuck you Night—oh Ariyo’s boyfriend??”
I licked my lower lip at binuksan na ang pinto ng kotse, i guess im going home by myself then.
“Shut up Alucard and give the phone to Night! We’re not done talking and you keep disturbing us!” I’ve never seen this side of him “maghintay kayo….”
Tinaas ko ang kamay upang maagaw ang kaniyang atensyon, he raised both of his eyebrows….sinenyas kong aalis na ako.
“Pupunta ako diyan maghintay kayo….may gagawin lang ako”
Binaba na ni Key ang tawag, he walk towards me and handed me his phone. Anong gagawin ko dito??? Nakabukas ang phone niya kaya kitang kita ko messages nilang magkakaibigan.
“Uhmm?” Puno ng pagtatakang tumama ang mata ko sa kaniya
“Night is only my friend” nagtataka man ay tumango na lamang ako “Alucard is my friend too. Mga kaibigan ko kausap ko kanina….ilang taon na kaming magkakaibigan”
Why is he explaining???
“Okay?”
“Sinasabi ko lang para aware ka”
Eh?
He crinkled his nose at binulsa na ang phone, nagpaalam na itong aalis na kaya pumasok na ako sa loob ng kotse at hinintay munang makasakay siya sa taxi bago umalis.
Walang Key na umuwi at tumawag kaya walang Key na katabi ko ngayon dito sa kama. Napasaya siguro ang bonding nilang magkakaibigan kaya hindi nakauwi o kaya hindi siya pinauwi na o baka tinamad ng umuwi….bumangon na ako at nag prepare para sa work.
Ako ang naunang makarating sa coffee shop at dahil malinis naman na ang paligid ay binuksan ko nalang ang mga ilaw at aircon tsaka double wipe sa table para mas lalong malinis tignan.
“Ang aga mo boss” bungad sa akin ni Retro
Natawa na lamang ako, walang Key na pagbibigyan ko ng oras kaya talagang maaga ako nakapasok ngayon.
“STUN!” bumukas ang pinto at napalayo si Retro sa akin ng tumakbo palapit sa akin si Key
“Anong nangyari sayo?” Ang laki ng eyebags niya at ang gulo ng buhok
“They didn’t want me to go home last night so i spend the night in Night’s house, im terribly sorry….naghintay kaba sa akin?”
“Oo, pero nakatulog naman ako sa paghihintay”
“I didn’t slept well last night” naluluha itong niyakap ang braso ko “i want to go home with you and sleep”
“May trabaho ako, pwede ka naman umuwi…kunin ko lang yung susi ng bahay sa office ko”
“Can i sleep in your office?”
Nagkatinginan muna kami ni Retro bago ko pinunta si Key sa opisina, humiga kaagad ito sa couch at niyakap ang isang throw pillow. He looks so tired….parang nagpapakain siya ng sampung bata sa itsura niya ngayon.
“Stun…”
“Hmm???”
“Sila lang kasama ko kagabi, hindi ako uminom tapos pagkatapos namin sa party hindi na ako nakisalamuha sa ibang mga tao. Ang nasa isip ko lang kagabi,” napatigil ito dahil sa paghikab “ang makauwi sayo” pagpapatuloy niya
Chapter 5
“We’re going home na?” Key asked while stretching his body
“Yup” inalis ko ang apron at sinampay iyon sa swivel chair “do you want to eat outside or do you want me to cook for dinner?”
“I want to eat outside…..”
Natawa ako ng bahagya at nilingon siya “ayaw muna ba ng luto ko?”
“Nag ccrave ako ng spaghetti sa jollibee” he said
“Ok, kung yan ang gusto mo”
Matapos ipark ang kotse ay sabay kaming lumabas at pumasok sa loob ng kainan, ako na ang nag order at si Key naman ang naghanap ng bakanteng upuan….sinabi na sa akin kung ano mga gusto niyang pagkain at same nalang din ng gusto niya ang order ko.
“Stun?? Is that really you??”
Napatingin ako sa babaeng nasa gilid ko “Sam, hi….”
“Ang tagal na nating hindi nagkita, how are you? Grabe i can’t believe na dito lang kita makikita….mag isa kalang ba?”
“Im with a friend” i said
Sam is really a good friend of mine, kaibigan siya ng pinsan ko at matagal tagal na din kaming hindi nagkita dahil busy na din.
“Balita ko wala na kayo ni Rose” tipid na ngiti lang ang binigay ko at kinuha na ang tray na may order naming dalawa ni Key “oppss sorry i think you don’t want to talk about it”
“How about you? May kasama ka ba?” Tanong ko
“Yeah, naki use lang ako ng bathroom dito….paalis na din ako kasama mga girl friends ko. Aayain sana kita kaso sa susunod nalang…no boys allowed daw ehhh hehehehe” napakamot ito sa leeg kaya natawa ako “uhmm can i get your number?”
Tumango ako at binigay ang phone number ko sa kaniya, nagpaalam na itong aalis kaya pumunta na ako sa table namin ni Key.
Nakakunot ang noo nito at hindi tumitigil ang pag tap ng kaniyang mga daliri sa lamesa at pag galaw ng kaniyang hita habang nakatingin sa akin, umigting ang kaniyang panga at nag iwas ng tingin ng malapag ko na ang tray sa harapan niya, mukhang bored na kakahintay sa akin, kinagat ko ang ibabang labi at inalis sa tray ang mga pagkain.
“Let’s eat?” Aya ko na sa kaniya na nasa malayo parin ang tingin
“Sino yun?”
“Yung kausap ko kanina?”
Tumango ito at tinignan ako
“Kaibigan ko, namukhaan niya lang ako…matagal na din kaming hindi nagkita ehhhh”
“I saw her typing in her phone, kinuha niya ba number mo?”
“Ahh yeah, bumili ako bagong sim kaya nawala halos karamihan ng mga contacts ko at nabago. Isa siya sa mga nawala kaya ngayon hiningi na niya number ko”
“Ok” kibit balikat nitong sabi
Tahimik na siyang kumain at hanggang pag uwi ay tahimik parin siya, hinayaan ko nalang din dahil baka pagod.
Matapos kong mag shower ay dumiretso ako papunta sa kama habang may nakasampay na tuwalya sa balikat ko na pinanggagamit ko din sa pagpupunas ng buhok, narinig ko ang pagbukas ng pintuan na sign na andiyan na si Key at dito muli makikitulog sa kwarto ko. Nilingon ko siya saglit, i furrowed my brows and scan him up and down, he’s going somewhere? He’s wearing brown plain white tee partner with black cargo pants and black converse.
“Im going to Night’s place, doon ako matutulog” sabi niya habang pinaglalaruan ang mga daliri
“Ganun ba? Sige sige, ingat nalang sa daan…gabi na din”
“Im going to spend my night to Night, bring me there….im lazy to drive”
I chuckled “hindi pwede, inaantok na din ako”
“Babayaran ko naman gas mo” naiinis nitong sabi
“My point is inaantok na ako” mahinahon kong sabi “kung gusto mo bukas nalang kita ipunta doon, spend your day and night to Night’s place pero huwag na muna ngayon dahil hindi ko na kayang mag drive”
“Ok” malamig niyang sabi “im going to let him fetch me here since you’re too lazy to drive me”
“Look who’s talking” napaikot ako ng mata at nilapag sa gilid ang tuwalya “make sure to lock the door before you go”
Humiga na ako sa kama at kinumutan ang sarili, patingin tingin ito sa akin…tingin sa phone…tingin sa akin….tingin sa phone…..tingin sa akin. Makulit ang mga matang tila hindi alam kung saan talaga titingin. Mabibigat ang mga paang lumabas ito ng kwarto ko kaya pinatay ko na ang ilaw at iniwan ang lampshade na nasa ibabaw ng lamesang nasa gilid ng kama.
Natigil ang pagpikit ko ng bumukas muli ang pintuan at niluwa doon si Key na naka pajama na at dala dala ang paborito niyang unan, he locked the door at humiga sa tabi ko.
“Akala ko ba ay aalis ka?” Tanong ko
“Bukas nalang!”
“Bakit ba inis na inis ka ngayon?”
“Tamad ako mag explain”
“Magsasalita kalang, wala ka ng ibang gagamitin kundi yang bibig mo. Makikinig naman ako”
“Huwag mo ako kausapin dahil naiinis ako sayo”
“If that’s what you want, let’s sleep so tomorrow i will drive you there” hinawakan ko ang braso nito at pinisil ng marahan bago pumikit at dapuan na ng antok
Chapter 6
“Late ka” Retro said while im trying to fix my apron “kanina ka pa hinahanap ng mga fans mo sa akin”
“May ginawa lang” sagot ko
“Akala mo nga ay kasama mo si Key ngayon”
Umiling ako at sinamahan na siyang gawin ang mga orders ng costumers, pinakilala pa sa akin ni Key si Night kanina at nagkaroon ng kunting pag uusap kaya late na din akong nakarating dito sa shop….doon mag sspend ng night si Key kaya dito nalang ako kakain ng dinner para matutulog nalang kapag nakauwi na.
Naging busy ang araw ko, ilang minuto lang ang naging pahinga namin ni Retro dahil sabay sabay pagdating ng mga costumer…successful nanaman ngayong araw at worth it ang pagod namin at ng mag close na ay sabay namin sinalampak ni Retro ang katawan sa couch dito sa opisina ko, i heard him yawned kaya nilingon ko ito and now his eyes are closed. Ginaya ko siya.
“I think we need to hire one more person to help us out” i said
“Grabe….yan ang matagal ko ng hinihintay na sabihin mo” tumatawang umupo ito ng maayos “may kilala akong gustong magtrabaho dito sa shop, kaibigan ko….gusto mo makausap bukas?”
“Sige, walang problema sa akin pero paniguraduhin mong matino yan ah? Alam mo ang mga ayaw ko kapag work hours na”
“Ako bahala sa kaniya boss, kapag may ginawa yun na alam kong ayaw mo ako na mismo magtatanggal sa kaniya” i clicked my tongue inside my mouth and nod my head, masipag si Retro kaya malaki din expectation ko diyan sa kaibigan na sinasabi niya
Matapos namin kumain ni Retro ay umuwi na ako, tahimik ang bahay ng makapasok ako….dumiretso ako sa kusina at uminom ng malamig na tubig.
Tumunog ang phone ko kaya tinignan ko kung sino ang tumatawag
Lazy Key🐻 is calling……..
I cleared my throat bago sinagot ang tawag, sumandal ako sa gilid at nilaro ang ibabang labi.
“Stun” boses ni Key ang bumungad sa pandinig ko
“What’s the problem?”
Tinignan ko ang orasan na nakasabit sa wall, its 8pm in the evening.
“Fetch me, i want to go home” para itong tutang nagpapaawa
“Akala ko ba ay bukas kana uuwi dito?”
“I can’t sleep”
“Just close your eyes”
“I can’t, i just want to be beside you Stun…i want to go home”
“Bakit ayaw mo magpahatid sa kaibigan mo?” Tanong ko at kinuha ang susi na nasa ibabaw ng lamesa at lumabas na ng bahay “diba ay naiinis ka sa akin? Siya nalang mag uwi sayo dito” i chuckled and open the door of my car
“Stun, just sundo mo here”
Malapad ang ngiting tinahak ko ang daan papunta kay Stun.
Tumigil ang kotse ko sa harapan ng malaking gate at saktong lumabas si Key na dala dala ang brown nitong leather bag na alam kong ang alam lang ay headset at PSP niya.
“You’re here” he said while smiling ear to ear
“You told me to come”
Tumango tango itong pumunta sa passenger seat at niyakap ang dalawang tuhod
“Kumain kana ba?” I asked
“Marami nakain ko kanina” sagot nito “how about you?”
“I already ate, kamusta naman ang pag stay sa kaibigan mo? Masaya ba?”
Ngumuso ito at pinaglaruan ang dulo ng tshirt ko, binitawan lang din yung umayos ng upo at tumingin sa labas ng bintana.
“Nope, im not happy….hindi na ako sanay na wala ka sa tabi ko. Hindi ko na uulitin yun” kumunot ang noo ko sa huli niyang sinabi
“What do you mean?”
“You know what i mean” inis na pinalo nito ang braso ko at sinandal ang ulo sa bintana “gusto ko ng ice cream”
“Gabi na, bukas nalang baka mamaya sumakit lalamuna mo”
“May madadaanan tayo 7 eleven–ayun!! Stop!!”
Inihinto ko ang kotse sa gilid at tinignan siya, pasaway talaga kahit kailan.
Hindi na sana ako bababa ngunit hinila na niya ako palabas at sabay kami pumasok sa loob.
Hinayaan ko nalang nasa ice cream section dahil pumunta ako sa alcohol section at kumuha ng isang beer sabay bukas at simsim doon, a memory flashed in my mind, my chest tightened so i grab another beer and went to the cashier….
“Hi sir Stun” ngumiti ako sa cashier at naglabas ng isang libo sabay lingon sa likod kung saan nandoon na si Key na may hawak hawak na limang ice cream, pinalagay ko na iyon sa harap upang mabayaran na namin. “Saan po pala yung magandang babaeng lagi niyong kasama?”
Humigpit ang hawak ko sa wallet at hindi sumagot
Matapos ma punch lahat ng items ay nagmamadali akong lumabas ngunit may kamay na pumigil sa braso ko, nalilitong mga mata ni Key ang sumalubong sa akin
“What’s happening?” He asked “why are you panicking?”
“Its nothing––”
“Is he talking about your ex girlfriend??? Ano ba nangyari sa inyo?”
“Pumasok kana at ng makauwi na tayo”
“But i want to know!!”
“Fuck! Get inside at huwag ka ng dumagdag!” Galit na binuksan ko ang pintuan ng passenger seat, tahimik na pumasok si Key
Shit! Nagbuga ako ng hangin at pumikit muna bago pumasok sa loob ng sasakyan, hindi ko muna pinaandar ang makina dahil gusto ko muna kumalma….
Ilang minutong katahimikan at ng kumalma ako ay sinilip ko sa gilid ng paningin si Key na tahimik na kumakain ng ice cream.
“Key” tawag ko sa pangalan niya “look at me”
Sinunod naman nito ang sinabi ko
“Im sorry about earlier, i didn’t mean to shout at you”
“Its my fault, pinilit kita at kinulit”
“Pero mali parin ginawa ko—” natigil ako ng maglahad siya sa akin ng ice cream “thank you”
He smile and look away.
Chapter 7
Nakaupo kami ngayon ni Key dito sa sala, umiinom ako ng beer habang kumakain naman siya ng ice cream. Pinapanood niya lang ang bawat galaw ko, kanina pa siya tahimik pero nararamdaman ko na curious siya kung bakit ganun ang inakto ko kanina.
Wala naman sigurong masama kung ikwento ko sa kaniya.
Sana lang ay hindi siya tamarin sa pakikinig sa akin.
Hindi pa naman ako inaantok at ganun din siya kaya i think it’s better to tell him about what happened months ago.
“I’m going to listen”
Bubuka palang sana ang bibig ko ngunit naunahan niya na ako. Tipid akong ngumiti at nagbukas muli ng isang beer.
“Rose and I have been in a relationship for four years, we are happy and our future is really planned out, i have even planned where and when I will propose. Wala namang problema sa aming dalawa at bihira lang kaming mag away” paninimula ko
Ngumuso ito at niyakap ang mga tuhod.
“Perfect kung idedescribe ang relasyon namin pero dumating yung panahon na naging cold na siya sa akin at laging galit…hindi na siya nagsasabi kung sino mga kasama niya at kung saan pupunta, malalaman ko nalang na umalis siya kapag may post na picture sa social media ng mga kaibigan niya”
Inihiga ko ang ulo sa couch at tumitig sa kisame.
“May kinikita na pala siyang iba doon, nung una hindi ako naniwala at inalis nalang sa isipan, patuloy ko parin siyang minamahal ngunit nahuli ko sila na pumasok sa isang motel. Ilang araw ko silang sinundan at laging motel ang bagsak nilang dalawa, masakit bitawan yung taong mahal mo pero mas masakit kapag hinayaan mong ikaw naman ang mahirapan at mapabayaan ang sarili”
Nilingon ko si Key na nakapatong na ang baba sa magkayakap na tuhod.
“I think you haven’t moved on yet because you still have a picture of her here” he said and yawned
Nilaro ko ang can ng beer at napangiti.
“Hindi pa talaga”
Hindi nagsalita si Key akala ko nga ay tinulugan na ako pero nung ibalik ko ang tingin sa kaniya ay mas humaba na ang nguso nito, mukha tuloy siyang pato sa itsura niya ngayon.
“She cheated” he stated “so move on”
“Nagkaroon kana ba ng girlfriend?” Umiling ito “kapag nagkaroon kana ng karelasyon at naghiwalay kayo matapos ang ilang taon na pagsasama doon mo lang marerealize kung gaano kahirap mag move on sa taong akala mo end game mo na”
“Kailan ka mag momove on?”
I shrugged my shoulders “siguro kapag fully healed na ako?”
“Can i picture my picture here too?” Mahina niyang sabi na narinig ko naman
“No problem, saan mo ba gusto?”
“Sa buong paligid”
Natawa ako sa sinabi niya “kung yan ang gusto mo”
Guguluhin ko sana ang buhok niya pero umiwas naman siya at sinungitan ako, what’s with him again?
Blessing in disguise si Key sa akin, thankful ako dahil dumating siya sa buhay ko, nagkaroon ako ng libangan at sa kaniya natuon ang atensyon ko kaya hindi ko na masiyadong naiisip pa yung sakit na naramdaman ko sa ex girlfriend ko.
Key is like a brother to me.
Niligpit ko na ang kalat dito sa sala at ng makapasok sa kwarto ay nakita ko na siyang nakahiga at yakap yakap ang kaniyang unan.
“Matutulog kana ba o manonood pa?” Tanong ko at nagpalit ng damit
Hindi siya sumagot ay nakatingin lang sa akin.
Sumampa na ako sa kama at humiga.
Hinawakan ni Key ang aking braso at pinikit na ang mga mata.
Kinabukasan ay maaga akong nagising para magluto nang breakfast naming dalawa ni Key. Maaga din siyang nagising dahil naramdaman niyang bumangon na ako kaya nandito siya sa kusina at nakaupo sa gilid ng sink habang naglalaro ng PSP at may suot na headphone.
“No!” Inis na pinatong niya ang PSP sa hita
Pinahinaan ko ang apoy ng magluto ako ng bacon upang hindi magtalsikan ang mantika, malapit pa naman si Key at baka matalsikan pa siya sayang yung maganda niyang kutis niyan.
Sinabihan ko na kasi na sa sala na siya maghintay at tatawagin ko naman pero makulit siya.
“Tikman mo” hinipan ko muna ang maliit na hiwa ng bacon
Ibibigay ko sana sa kaniya para kunin nalang niya gamit ang kamay ngunit ngumunga ito at hinihintay na isubo ko ang bacon na hawak.
“Yum” he said when I put the bacon in his mouth
“Take a shower at mamaya aalis na tayo” pag papaalala ko sa kaniya
Tinatamad na umalis ito sa pagkakaupo sa sink.
Pagpasok namin sa Coffee shop ay nakita ko na ang sinasabi ni Retro na kaibigan niyang magtatrabaho dito. Moreno ito at maganda ang ngiti, nagustuhan ko kaagad yung ngiti niya dahil isa sa mga gusto ko yung maganda ang pag approach sa mga customer at halatang jolly siya at laging positive lang.
Hindi talaga ako nadismaya sa kinuha ni Retro, im amazed.
“Boss si Clint nga pala siya yung sinasabi ko sayo” pagpapakilala ni Retro sa kaibigan
“Good morning po boss” bati niya sa akin at kinuha ko naman ang kamay niyang nakalahad upang makipag handshake
“Nabigay naman na sayo ni Retro yung uniform mo at alam ko na sinabi niya na sayo yung rules sa coffee shop ko”
“Yes boss”
“If you need anything sa akin ka lumapit” tinapik ko ang balikat nito “si Key pala siya yung kaibigan ko”
Sinilip ni Clint ang lalaking nasa likuran ko na busy maglaro sa PSP niya, kanina pa siya nakaharap diyan at wala din naman akong problema dahil mukhang hindi niya ako guguluhin mamaya.
Binati siya ni Clint pero dahil naka headphone at hindi narinig.
Pumasok na kami ni Key sa office at sinuot ko na kaagad ang apron at inayos ang buhok sa salamin.
Lumapit ako kay Key at tinanggal ang pagkakasuot niya ng headphone kaya tinignan niya ako and pause the game.
“Mag tatrabaho na ako, stay here”
“I’ll wait for you here”
“Lumabas ka kapag boring ka dito”
“Can you make me a hot chocolate?”
“I told you to make milk chocolate earlier so you can have something to drink today”
“Tinatamad ako” sumandal siya sa couch at muling pinagpatuloy ang paglalaro
“Maraming customer kaya mamaya ko na mabibigay sayo yung hot chocolate mo”
Lumabas na ako ng office at nginitian ang mga customer na napatingin sa akin.
“Kanino yan boss? Sa alaga mo?” Tanong sa akin ni Retro
“Oo eh, tinamad magtimpla kanina”
Sunod sunod na customer ang nagsidatingan at mukhang naging apple of the eye na si Clint dahil pinagkakaguluhan na siya ngayon. Natatawa nalang kami ni Retro sa nakikita.
Chapter 8
“I’m not feeling well” walang lakas na sabi ni Key at binalot ang sarili sa kumot.
I put the back of my hand on his neck and forehead and yes, he did have a fever, that’s why he didn’t come with me to the coffee shop earlier, which surprised me and I thought he was just being lazy but it turned out he had a fever.
Pinatay ko ang aircon dahil kailangan niyang pagpawisan para bumaba ang lagnat niya.
Pumunta ako sa kusina at nakita ko na hindi pa niya ginagalaw ang niluto ko para sa kaniya kaninang umaga.
Napabuntong hininga na lamang ako, hindi siya gagaling kung hindi niya alagaan ang sarili niya. May lagnat siya pero hindi man lang niya nilagyan ng laman yung tiyan niya.
I decided to cook noodles and after they were cooked I went back to his room.
Inalalayan ko siyang sumandal sa headboard ng kama.
“Why are you crying?” Nag aalala kong tanong dahil bigla nalang siyang umiyak. “Shhhh, why? What’s wrong? May masakit ba sayo? Do you want to go to the hospital?”
“My head is hurting and im dizzy” suminghot ito kaya inabutan ko siya ng tissue.
“Eat first so you can take your medicine and then continue your rest.”
“Feed me”
Ako naman talaga ang magpapakain sa kaniya dahil hindi ko naman siya hahayaan lalo na’t mukha siyang lantang gulay.
Hindi niya naubos ang noodles, ang mahalaga ay nagkaroon na ng laman ang tiyan niya at pwede na uminom ng gamot.
Hindi ko na inintindi ang pananakit ng katawan dahil sa magdamag na nakatayo at nagtatrabaho because I was worried about Key because even after wiping his body with a towel several times, his fever still wouldn’t go down.
I want to bring him to the hospital but he doesn’t want to.
“Stun…”
“Hmm? Need anything?” Pinunasan ko ang pawis na namuo sa kaniyang noo “i’m cold”
Tatlo na ang kumot niya at balot na balot na siya from head to toe.
Kagat kahat ang kuko sa hinlalaki ay nag search ako kung ano ang gagawin upang mapakalma ang taong may sakit at nilalamig.
Lahat ng nababasa ko ay nagawa ko naman na except sa body heat, i can’t do that to him.
“Stun…” he starts to cry again.
“Sorry for doing this” hinubad ko ang polo na suot at pumasok sa loob ng kaniyang kumot “this is all that’s left to do for someone with a cold.”
Hinubad ko ang suot niyang jacket pati tshirt, he’s shivering kaya nadagdagan ang awa ko. Dahan dahan ko nang idinikit ang katawan sa kaniya, I bit my lower lip as our bodies pressed against each other.
He hugged me and used my chest as a pillow, it felt like I really wanted to rush him to the hospital even though he didn’t want to, just to get me out of this situation.
Napalunok ako ng mas hinigpitan niya ang pagkakayakap sa akin.
“Are you….okay now?” I asked
Tumango ito
“Can you buy me ice cream tomorrow?”
“Yup”
I squeezed my eyes shut when I felt his lips on my skin, it’s so soft.
Nagulat ako sa biglaan niyang pag angat ng mukha dahil muntik ng tumama ang labi niya sa akin! Tinitigan niya ako at nahuli kong mabilis niyang sinulyapan ang labi ko bago muling tinignan ang mata ko.
“Matulog kana” nag iwas ako ng tingin.
“Promise to buy me ice cream”
“Basta magpagaling ka”
“Paano kung hindi pa ako magaling bukas?”
“If you eat tomorrow and take your medicine, I will buy you ice cream.” Ngumiti ito
Damn
It’s morning and I called Retro to say I won’t be going to the coffee shop. I can’t leave Key here alone because I know he won’t move and get out of bed. He’s too lazy to heat up the food and take the medicine. Hindi siya gagaling at baka mas lumala pa ang lagnat niya.
A knock on the door caught my attention so I opened it to see who was knocking.
It was Night carrying a plastic bag full of ice cream, he smiled at me big, I knew him so I opened the door wider and let him in.
I bet Key called him because I don’t remember asking him to come here.
“Key!!” Malakas ang boses na tawag niya sa kaibigan
Sinundan ko ito at nakita na nilapitan niya si Key na nakanguso ngunit ngumiti lang din ng makita na may dalang maraming ice cream si Night.
I guess i won’t buy ice cream anymore because his friend already brought it to him.
“Mga favorites mo dinala ko, kawawa ka naman at para kang walang dugo sa itsura mo ngayon daig mo pa yung mga anemic eh” pabirong sabi ni Night kay Key na nakaupo na sa kama at kumakain ng ice cream. “Wala man lang thank you diyan?”
“Thanks”
Hinila ni Night ang braso ni Key at ginulo nito ang kaniyang buhok.
They’re so close, really close….
“When will you sleep over at home again? I miss sleeping with you.”
Hmm, that’s really Key’s attitude, isn’t it? He loves having someone next to him in the same bed, I thought he only did that to me.
“Let go” lumayo si Key sa kaibigan
“Sungit mo!”
Iniwan ko na sila because i think they need a little privacy.
Matapos kong maligo ay sumilip muli ako sa kabilang kwarto, They were watching a cartoon movie and Key was lying on Night’s lap, leaning against the headboard of the bed.
I faked a cough at pumasok sa loob ng kwarto.
“I’ll just check if Key is still hot.”
“Key is always hot, diba Key?”
Hindi na mainit si Key at sinat nalang ang meron siya.
“I want to use your lap as a pillow?” sabi niya habang hawak ang kamay ko at pinigilan akong umalis.
“Nakahiga kana kay Night”
“Cause he’s using all of my pillows as if he’s the one who is sick so i have no choice but to use his lap” pagpapaliwanag ni Key.
Umakyat ako sa kama at ginawa nga niyang unan ang lap ko.
“Mamaya kana ulit mag ice cream baka sumakit lalamunan mo” pag papaalala ko sa kaniya.
Chapter 9
Tahimik lang akong nakaupo sa couch habang ginagawa ni Key na unan ang hita ko. Mahina ang volume ng music sa coffee shop at halo iyon sa tunog ng coffee machine at mga customers na nag uusap usap.
Paminsan minsan ay sinusulyapan kami nina Retro at Clint mula sa counter pero pareho lang silang nakangiti habang abala sa trabaho.
“Stun…” mahina niyang tawag habang nakapikit.
“Hm?” marahan kong hinaplos ang buhok niya.
“I’m cold.”
Napatingin ako sa aircon bago marahang hinila ang maliit na kumot na nasa gilid ng couch at maingat iyong ipinantakip sa kaniya.
“There.”
Mas lalo siyang sumiksik sa akin dahilan para mapailing nalang ako nang may maliit na ngiti sa labi.
“Masyado mo binababy yan.” natatawang sabi ni Retro habang may hawak na tray ng drinks.
“He was sick for days.” sagot ko habang inaayos ang kumot ni Key.
“But he’s okay now.” dagdag ni Clint na kakalabas lang ng kitchen.
Dumilat si Key at tamad na tumingin sa kanilang dalawa. “Still weak.”
Tumawa lang sina Retro at Clint.
“Ang arte mo talaga.” sabi ni Retro pero halata namang natutuwa rin ito kay Key.
“Stun…”
“Hmm?”
“Juice.”
“Apple or orange?” mahinahon kong tanong.
“Apple.”
Tumayo ako para kumuha ng juice pero agad hinawakan ni Key ang kamay ko.
“Come back quickly.”
Napangiti nalang ako. “I will.”
Pagkalapit ko ulit ay agad siyang humiga pabalik sa lap ko na parang nakasanayan na talaga niya iyon. Tinanggap niya ang juice pero hindi niya binubuksan.
Napabuntong hininga ako bago iyon kinuha at binuksan para sa kaniya.
“Thank you.”
“You’re welcome.”
Tahimik siyang uminom habang hawak ang laylayan ng apron ko. Maya maya ay muli siyang sumandal at tumingala sa akin.
“You smell nice.”
“Talaga?” natatawa kong tanong.
Tumango siya bago pumikit ulit. “Comforting.” Hindi ko namalayang ilang segundo akong nakatitig lang sa kaniya.
Napatingin ako sa kamay niyang nakahawak pa rin sa akin kahit tulog na tulog na ang kalahati ng katawan niya sa lap ko.
Hindi ko siya inalis. Sanay na ako. Parang ganito naman talaga si Key, silent, clingy, parang laging may sariling mundo na hindi niya kailanman sinasabi nang diretso.
“Boss.” mahinang tawag ni Retro mula sa counter.
“Ano?” sagot ko habang inaayos ang buhok ni Key na medyo nagulo na.
“Okay ka lang ba dyan? Mukha ka nang upuan.”
“Mas mabigat pa nga siya dati.” sagot ko lang.
Narinig kong tumawa si Clint. “Grabe ka mag compare.”
Hindi ko na sila pinansin.
Sa lap ko, gumalaw si Key nang bahagya. Hindi pa rin siya dumidilat, pero hinigpitan niya ulit ang hawak sa kamay ko na parang instinct na niya iyon tuwing may ibang nagsasalita.
“Masama parin ba pkiramdam mo?” mahinang tanong ko habang tinatapik ang noo niya.
Umiling siya. “Okay lang.”
“Stun…”
“Hm?”
“Stay.”
“Hindi ba ako umaalis?”
Tahimik siya ulit pero mas hinigpitan niya yung hawak sa kamay ko.
Napabuntong hininga nalang ako. “Ang kulit mo.”
Sa gilid, napailing si Retro. “Seryoso, boss, sanay ka na ba talaga dyan?”
“Oo naman.” sagot ko agad. “Ganyan lang talaga siya.”
“Ganyan lang talaga siya?” ulit ni Clint habang nakataas kilay.
“Clingy lang.” dagdag ko.
Hindi ko napansin na sandali silang nagkatinginan bago tumawa.
“Clingy raw oh.” bulong ni Retro.
Sa lap ko, naramdaman kong gumalaw si Key ulit. Dahan-dahan niyang idinilat ang mata niya at tumingin sa akin, parang ina-assess kung nandiyan pa ba ako.
Bakit?“ tanong ko.
Umayos siya ng upo nang kaunti at isinandal ang ulo sa balikat ko imbes na sa lap. Mas malapit at mas tahimik.
“Comfortable?” tanong ko.
Tumango lang siya. Hindi siya madaldal, pero alam mo kapag okay siya. Sa maliit na kilos niya, doon mo makikita lahat.
“Stun.”
“Hm?”
“I want to eat chocolate” he whispered
“Are you sure? Akala ko ba hindi kana muna kakain ng matamis?”
Nung dinalhan kasi siya ni Night ng maraming ice cream ay biglang sumakit ang ngipin niya kaya pinipigilan niya akong umoo kapag inaalok ko siya ng matatamis na pagkain at sinabi na hindi muna siya kakain dahil baka sumakit nanaman ang ngipin and now look at him….hindi lang din masunod ang sinasabi.
Ngumuso siya at hindi na nagsalita pa, pagsapit ng hapon ay dumami na ang costumer kaya iniwan ko na si Key dahil busy na siya sa paglalaro sa phone niya.
Matapos ang trabaho ay umuwi kaagad kami ni Key dahil parehas kaming gutom at kailangan ng kumain, we decided to eat ramen.
“Malapit na matapos yung bahay mo ah” sabi ko kay Key ng mapansin kanina na patapos na ang bahay niya sa kabila
Hindi siya nagsalita at busy lang sa paghigop ng sabaw.
“Do you want me to help you design your house?” I asked
Tumayo ako at lumapit sa fridge upang kumuha ng malamig na tubig, he’s not talking.
“Key? Nagsasalita ako” Naglapag ako ng baso na may tubig sa gilid niya bago bumalik sa kinauupuan.
“Do you want me to leave?” Mahina ngunit sakto lang para marinig ko.
“Of course not, tinatanong lang kita kasi napansin ko na patapos na yung bahay mo atsaka kung nandoon kana pwede ka naman bumisita dito” pagpapaliwanag ko
Naramdaman ko na nawala ito sa mood kaya hindi ko na tinuloy ang sasabihin, tahimik na ulit ang kusina matapos noon.
Hindi naman awkward, pero ramdam ko na mas tahimik si Key kaysa usual. Paminsan minsan ay sumusulyap lang siya sa akin bago muling yumuko sa bowl niya, ako naman ay hinayaan muna siya.
Matapos naming kumain ay ako na ang nagligpit ng bowls habang si Key naman ay nakaupo lang sa counter stool, tahimik na pinapanood ako.
“Don’t just sit there.” natatawa kong sabi habang naghuhugas. “Tulungan mo naman ako.”
“Tamad ako.” diretso niyang sagot.
Napailing nalang ako. “At least honest.”
Tahimik ulit siya pagkatapos noon.
Pagkatapos kong maghugas ay pinunasan ko ang kamay ko saka lumapit sa kaniya. Nakasandal lang siya sa counter habang nakatingin sa akin.
“Ano?” tanong ko.
“Nothing.” sabi niya pero hindi siya umaalis ng tingin.
Napasandal ako sa tapat niya. “You’ve been weirdly quiet.”
“I’m thinking.”
“That’s dangerous.” biro ko.
Mahina siyang napasinghap, parang maliit na tawa.
Napangiti ako nang bahagya. At least mukhang hindi na mabigat yung mood niya.
“Stun.”
“Hm?”
“If I move there…” nagsimula siya bago bahagyang umiwas ng tingin. “Would things change?”
Napakurap ako. “Anong klaseng change?”
Hindi agad siya sumagot. Tahimik lang muna habang nakatingin sa mesa.
“Like this.” mahinang sabi niya. “Me staying here.”
Doon ko lang tuluyang naintindihan, napabuntong hininga ako bago marahang tinapik ang ulo niya.
“Key, kahit matapos pa bahay mo, hindi naman kita ipagbabawal dito.”
Tahimik lang siya.
“You act like I’m kicking you out.” dagdag ko pa habang natatawa nang mahina.
“You might get tired of me….”
Agad akong natahimik.
Hindi ko inaasahan maririnig iyon galing sa kaniya. Si Key kasi laging kalmado, clingy oo, pero hindi siya yung tipo na nagsasabi ng insecurities niya nang diretsahan. Kaya nung marinig ko iyon, parang may bahagyang kumirot sa dibdib ko.
“Hey.” mahinahon kong tawag.
Dahan-dahan siyang tumingin sa akin.
“I won’t.” diretso kong sagot. “You’re important to me, okay?”
Nanatili lang siyang nakatingin sa akin, tahimik na parang pinoproseso yung sinabi ko.
Then slowly… lumambot yung expression niya.
“Okay.”
Ngumiti ako nang maliit. “Good.”
Akala ko tapos na ang usapan pero maya maya ay tumayo siya at lumapit sa akin.
“Anong ginagawa mo?” natatawa kong tanong nang tumigil siya sa harap ko.
Hindi siya sumagot, sa halip, marahan lang siyang sumandal sa balikat ko at hinawakan ang laylayan ng shirt ko.
Napabuntong hininga nalang ako habang inaayos ang buhok niya gamit ang kamay ko.
“Clingy.”
“Only with you.” sabi niya na nagpahinto sa akin.
Inalis ko ang kamay sa kaniyang buhok.
Chapter 10
Kinabukasan, mas maaga akong nagising kaysa kay Key. Tahimik akong nakaupo sa sofa habang hawak ang tasa ng kape at nakatulala lang sa kisame.
Paulit ulit na naglalaro sa isip ko yung sinabi niya kagabi.
“Only with you.”
Napapikit ako at mariing napahilot sa noo, Tangina.
Key is just clingy, Ganun lang talaga siya. Hindi naman big deal. Atsaka hindi lang naman sa akin niya ginagawa iyon nakikita ko rin kung gaano siya ka-comfortable kay Night, kung paano siya sumandal, humiga, magpalambing.
Walang malisya si Key sa mga ginagawa niya. So why the hell am I suddenly thinking about it too much?
Bakit parang iba yung dating kapag ako yung kaharap niya? Napabuntong hininga ako at mabilis na inubos ang kape ko.
Fuck no, Key is like a sibling to me, iyon lang yun at wala nang iba.
Napaigtad ako nang marinig ang mahinang yabag mula sa hallway. Paglingon ko ay nakita ko si Key na bagong gising, magulo ang buhok at nakapikit pa ang isang mata habang naglalakad papunta sa akin.
Dumiretso siya sa sofa, umupo siya malapit sa akin at sumandal siya agad sa balikat ko pero bago pa niya tuluyang maipahinga ang ulo niya, bahagya akong umusog, nararamdaman kong natigilan siya.
Hindi ko siya tiningnan. “Morning.” sabi ko na lang habang kunwaring busy sa cellphone ko.
Tahimik lang siya ng ilang segundo bago mahinang sumagot. “Morning.”
Hindi na siya sumandal ulit at ewan ko ba kung bakit parang may kakaibang bigat agad sa dibdib ko dahil doon.
“May gusto ka kainin?” tanong ko habang tumatayo.
“Kahit ano.” Maikli niyang sagot.
Tumango lang ako bago dumiretso sa kusina. Mula doon, ramdam kong nakatingin siya sa akin. Pero hindi ko nilingon.
Buong umaga, pilit kong pinapanatili ang distansya. Hindi naman obvious kahit papaano normal pa rin ako kumausap. Pero yung simpleng paglapit niya, yung paghawak niya sa braso ko, yung pagdidikit niya sa tabi ko… iniiwasan ko na at mukhang napapansin na niya.
Nasa coffee shop kami noon nang lumapit si Key habang may hawak na iced coffee. Tahimik siyang tumabi sa akin sa counter.
“Stun.”
“Hm?”
Tinulak niya palapit sa akin yung straw ng drink niya. “Taste.”
“Later nalang.” sagot ko habang hindi tumitingin sa kaniya at nagpupunas ng counter.
Tahimik siya at maya maya ay marahan niyang binawi yung drink niya. “Okay.”
Narinig kong tumahimik sandali sina Retro at Clint na parang may napansin din at lalong sumama pakiramdam ko.Tangina kasi! Anong ginagawa ko?
Wala namang mali kay Key. Ako itong nagkakaproblema sa sarili kong isip.
Makalipas ang ilang oras, nasa storage room ako para kumuha ng coffee beans nang biglang bumukas ang pinto. Paglingon ko ay si Key at Tahimik lang siyang nakatayo roon habang nakatingin sa akin.
“You need anything?” mahinahon kong tanong kahit medyo kabado na ako.
Hindi siya agad nagsalita and then slowly, lumapit siya. “You’re avoiding me.” Diretso, Walang paligoy-ligoy.
Napakurap ako. “Hindi ah.”
“You are.”
Tumikhim ako at umiwas ng tingin. “Busy lang.”
“Liar.”
Tahimik kaming dalawa. Ramdam ko yung titig niya sa akin pero hindi ko magawang tumingin pabalik.
Kasi nakakairita yung isip ko, hindi ko alam, sa simpleng sinabi niyang ganun, shit.
“Did I do something wrong?” mahinang tanong niya.
Agad akong napatingin sa kaniya and fuck, yung expression niya, tahimik lang pero halatang naguguluhan biglang nagpatama ng guilt sa akin.
“Wala.” mabilis kong sagot. “You didn’t do anything.”
“Then why?”
Hindi ako agad nakasagot dahil paano ko ba sasabihin na ako mismo hindi maintindihan yung sarili ko?
Buong araw akong hindi mapakali matapos yung usapan namin sa storage room kahit busy ang coffee shop at sunod sunod ang customers, bumabalik at bumabalik pa rin sa isip ko yung mukha ni Key kanina.
“ Did I do something wrong?“
Tangina, wala naman siyang kasalanan, ako itong biglang umiwas dahil hindi ko maintindihan yung sarili ko pero habang tumatagal, mas lalo ko lang nare-realize na mas ayaw ko pala yung lumalayo siya kaysa sa magulo kong iniisip kasi simula nung umiwas ako, parang may kulang.
Napabuntong hininga ako habang nagpupunas ng counter.
“Boss” mahinang tawag ni Retro habang lumalapit. “Okay lang ba kayo?”
“Ano?” kunwari inosente kong tanong.
“Tigilan mo kami boss.” singit ni Clint habang may dalang tray. “Halatang may nangyari.”
“Wala.”
“Sus”
Napailing nalang ako. Mula sa pwesto ko ay napatingin ako kay Key na tahimik lang na nakaupo habang nagcecellphone, hindi siya mukhang galit lero parang malalim ang iniisip niya at doon ko lalo narealize na ayoko nun.
Ayokong isipin niya na may mali sa kaniya kaya bago pa ako makapag overthink ulit, hinubad ko ang apron ko at naglakad papunta sa couch niya.
Napatingin agad si Key paglapit ko. Tahimik lang siya habang sinusundan ako ng tingin.
“Ano ginagawa mo diyan?” tanong ko.
“Nothing.” maikling sagot niya.
Tumango ako bago umupo sa tabi niya. Ramdam kong bahagya siyang natigilan dahil sa paglapit ko. Sandaling katahimikan muna ang namagitan sa amin bago ako nagsalita.
“Sorry.”
Napatingin siya sa akin. “For what?”
Napahilot ako sa batok. “For acting weird.” Tahimik lang siyang nakikinig.
“I was just tired and distracted.” dagdag ko. “Hindi ko intention iwasan ka.”
Hindi ko alam kung gaano karami ang paniniwala niya sa sinabi ko, pero after a few seconds, marahan siyang nagsalita.
“Okay.”
Doon lang ako nakahinga nang maayos.Napangiti ako nang bahagya bago basta nalang ginulo ang buhok niya.
“Kumain ka na ba?”
Umiling siya.
“Of course.” natatawa kong sabi. “Halika nga.”
Tumayo ako at naglakad papunta sa counter. Ilang segundo lang ay narinig ko na yung mahinang yabag niya na nakasunod sa akin at weirdly enough… gumaan pakiramdam ko.
“Retro, pahingi nung cheesecake sa fridge.” sabi ko.
“Oho?” agad na ngisi nito. “Okay na kayo?”
“Ang daldal mo.”
Tumawa lang si Retro habang inaabot yung cake.
Pagkabigay ko kay Key ng plato ay tahimik niya lang iyong tinignan bago tumingin sa akin.
“You bought this yesterday because you said you wanted to try it, right?” sabi ko. “Nakalimutan mo lang kainin.”
Tahimik siya sandali bago umupo sa stool malapit sa akin.
Then… tulad ng dati, marahan niyang hinila ang laylayan ng apron ko at automatic akong napatingin sa kaniya.
“Taste first.” sabi niya habang tinutulak palapit sa akin yung kutsara.
Natigilan ako sandali, bigla nanaman bumilis ang tibok ng puso ko pero imbis na umiwas ulit, huminga lang ako nang malalim saka yumuko para tikman yung cake.
“Masarap.” sabi ko.
At sa unang pagkakataon buong araw… nakita kong bumalik yung maliit niyang ngiti. Yung relaxed at yung comfortable larang naging normal ulit lahat.
Mula sa gilid, napailing sina Retro at Clint habang parehong nakangisi.
“Tingnan mo.” bulong ni Retro. “Parang batang sinuyo.”
“Mas mukhang si Stun yung hindi nakatiis.” sagot ni Clint.
At nakakainis dahil tama siya.
(Sorry kung medyo magulo kasi matagal na ako hindi nakapag update sa story na ito huhu)
Chapter 11
Gabi na nang makauwi kami ni Key galing coffee shop. Tahimik lang siya pagkapasok ng bahay at dumiretso agad sa sofa, saka humiga na parang sobrang pagod kahit halos buong araw lang naman siyang nakadikit sa akin sa shop.
Ako naman ay dumiretso sa kusina para magluto ng makakain namin.
“Stun…” tawag niya mula sa sala.
“Hm?” sagot ko habang kumukuha ng ingredients sa fridge.
“Hungry.”
Napangiti nalang ako habang umiiling. “Five minutes.”
“Too long.”
Mahina akong natawa, numalik na talaga siya sa normal. Tamad, clingy, at parang laging gustong inaasikaso at kahit pilit kong dini-deny sa sarili ko… gumaan talaga pakiramdam ko nang bumalik sa dati yung trato niya sa akin kasi noong umiwas ako, pakiramdam ko may mali. May kulang.
Naputol ang iniisip ko nang marinig ko ang doorbell.
“Ako na.” sabi ko habang nagpupunas ng kamay.
Pagkabukas ko ng pinto ay bumungad agad si Night na may hawak na plastic bag at nakangiting parang bahay niya rin ito.
“Yo!”
“Oh.” tumabi ako para makapasok siya. “Anong ginagawa mo dito?”
“Dinalhan ko ng pagkain si Key.” tinaas niya yung dala niyang plastic. “Nag crave yung prinsesa mo.”
Napakunot noo ako. “Prinsesa?”
Tumawa lang siya bago dumiretso sa loob.
“KEY!”
Agad na napabangon si Key mula sa sofa. Kanina tamad na tamad pang gumalaw pero ngayong nandito si Night parang nagkaroon bigla ng energy.
“You came.”
“Oo naman.” ngumisi si Night habang nilalapag yung dala sa center table. “Favorite mo oh.”
Tahimik lang akong nakatayo sa may kusina habang pinapanood sila. Natural na natural yung kilos nila sa isa’t isa, halatang sobrang komportable at halatang matagal nang sanay sa presence ng bawat isa.
“At least ikaw mabilis pumunta kapag nag crave ako.” sabi ni Key habang binubuksan yung food container.
“Mas favorite mo kasi ako.” natatawang sagot ni Night saka ginulo ang buhok niya.
Hindi umangal si Key, hinayaan lang niya at ewan ko ba kung bakit biglang parang may mabigat na humila sa dibdib ko dahil doon.
Napailing agad ako sa sarili ko bago umiwas ng tingin at bumalik sa kusina. Ano bang problema ko? Close lang sila.
Matagal na silang magkaibigan bago pa ako dumating. Atsaka hindi naman unusual kay Key yung pagiging clingy at comfortable sa tao. Nakita ko na rin yun noon
So bakit parang… naiirita ako? Napahawak ako sa countertop habang mariing napapikit, hindi pwede to. Ayokong isipin si Key nang ganito. He’s important to me, family, parang kapatid kaya walang sense tong nararamdaman ko.
“Stun?” Napamulat ako nang marinig ang boses ni Night sa likod ko.
Paglingon ko ay nakasandal siya sa kitchen island habang hawak ang canned drink na kinuha niya yata sa fridge namin nang walang paalam.
“You okay, bro?” tanong niya.
“Oo.” mabilis kong sagot habang umiwas ng tingin. “Pagod lang.”
Tahimik siyang nakatingin sa akin na parang may binabasa sa mukha ko and then slowly… ngumisi siya.
“Selos ka ba?”
Halos mabulunan ako sa sariling laway. “What?”
Tumawa siya. “Relax, joke lang.”
Pero hindi ako natawa at mukhang doon niya napansin yung expression ko dahil bahagyang nawala yung ngisi niya.
“…Oh.”
Agad akong umiwas ng tingin. “Don’t start.” Tahimik siya sandali bago marahang sumandal sa counter.
“Alam mo namang clingy lang talaga si Key.”
“I know.” mabilis kong sagot. Masyadong mabilis. Napabuntong hininga si Night bago sumilip sa sala kung nasaan si Key.
Tahimik si Key doon habang kumakain ng dala niyang pagkain at nakasandal sa couch. Mukhang relaxed at comfortable.
“Pero ikaw lang yung tinatakbuhan niyan araw araw.” mahinang sabi ni Night.
Napahigpit agad ang hawak ko sa baso.
“Stop it.”
“Wala naman akong sinasabi.”
“Night.”
Tumawa lang siya nang mahina bago tinaas surrenderingly ang kamay. “Okay okay.”
Pero kahit tumahimik siya… hindi tumahimik utak ko.
Lalo na nang marinig ko mula sa sala yung mahinang boses ni Key
“Stun.” Napalingon agad ako.
Nakatitig siya sa akin habang hawak yung chopsticks niya.
“Come here.”
At nakakainis dahil kahit magulo yung nararamdaman ko…Automatic pa rin na gumalaw yung paa ko papunta sa kaniya.
Paglapit ko sa sofa ay bahagyang umangat ang tingin ni Key sa akin. Tahimik lang siya habang hawak yung chopsticks niya, pero gaya ng lagi, kusang gumalaw yung katawan niya palapit sa akin para gumawa ng space.
Parang sanay na sanay siyang nandiyan ako. Umupo ako sa tabi niya habang pilit na normal ang expression ko.
“Anong binili mo?” tanong ko kay Night.
“Yung favorite niya.” sagot nito habang nakangisi. “Spoiled masyado eh.”
Tahimik lang si Key habang kumakain. Maya maya ay walang warning niyang itinulak palapit sa labi ko yung drink niya.
“Taste.”
Automatic akong yumuko para tikman iyon bago pa mag process utak ko.
“Matamis.” komento ko.
“Good.” simpleng sagot niya saka muling uminom gamit yung parehong straw.
Dati hindi ko naman bibigyan ng meaning yung mga ganitong bagay pero ngayon, sobrang aware ko na sa bawat kilos niya kaya lalo akong naiirita sa sarili ko.
“Grabe.” natatawang sabi ni Night habang nakatingin sa amin. “Parang automatic na katawan niyo sa isa’t isa.”
Napahigpit agad ang hawak ko sa canned drink ko. Samantalang si Key naman ay parang walang narinig. Tuloy lang siya sa pagkain habang bahagyang nakasandal ang balikat sa braso ko.
“Stun.” tawag niya.
“Open this.” inabot niya yung isa pang drink. Kinuha ko iyon at binuksan bago ibinalik sa kaniya.
“Thanks.”
Yung simpleng “thanks” na yun galing kay Key ay parang sobrang natural na pakinggan sa akin. Parang… ako talaga yung taong sanay niyang lapitan para sa maliliit na bagay.
Naputol ang iniisip ko nang biglang humiga si Night sa kabilang side ng sofa at basta hinila si Key palapit.
“Dito ka nga.”
Napaangat agad ang tingin ko. Si Key naman ay hindi nagreklamo. Hinayaan lang niyang hilahin siya habang hawak pa rin pagkain niya.
“Ang bigat mo.” reklamo ni Night pero natatawa.
Doon ko na naman naramdaman yung nakakairitang paninikip sa dibdib ko. Tahimik akong napaiwas ng tingin. Anong problema ko? Close lang sila, ganito na sila bago pa ako dumating sa buhay ni Key.
So bakit parang gusto kong hilahin siya pabalik sa tabi ko? Mariin akong napapikit sandali bago pilit kumalma. Hindi pwede. Ayoko maging ganitong klaseng tao.
“Why?”
“Come here.”
Natigilan ako. “Ha?”
Bahagya siyang kumunot noo na parang nagtataka bakit hindi ako agad gumagalaw. Then, without another word, marahan niyang inabot yung laylayan ng shirt ko at hinila ako palapit sa kaniya. Automatic na naman akong gumalaw.
Pagkaupo ko malapit sa kaniya ay agad siyang sumandal sa balikat ko na parang wala lang. Parang natural lang na doon siya komportable kahit nandiyan si Night at lalong gumulo utak ko dahil doon.
Narinig kong mahinang tumawa si Night mula sa kabilang side.
Nanonood si Night ng kung ano sa TV habang si Key naman ay nakasandal sa akin na parang inaantok na. Ako naman… pilit na nakatingin lang sa screen kahit wala naman talagang pumapasok sa utak ko.
Masyado akong aware sa bigat ng ulo ni Key sa balikat ko. Sa init ng katawan niya na dikit sa braso ko. Sa mahinang paghinga niya na halos maramdaman ko.
Napapikit ako sandali bago pilit inayos yung sarili ko.
“Key.” tawag ni Night.
“Hm?”
“Sleep over ka sa bahay next week.”
Tahimik si Key sandali bago sumagot. “Tinatamad ako.”
Tumawa si Night. “Eh di ako pupunta dito.”
Hindi ko alam kung bakit pero may kakaibang discomfort agad akong naramdaman sa simpleng usapan nila parang may kung anong mabigat na bumabara sa dibdib ko habang iniisip si Night na nandito, kasama si Key, habang ako yung wala.
Napailing agad ako sa sarili ko. Ang ridiculous.
“Stun.”
Napalingon ako kay Key. Nakatitig siya sa akin ngayon, tahimik lang gaya ng lagi.
“Ano?”
“Water.”
Automatic kong inabot yung bottled water sa mesa at binuksan iyon bago ibinigay sa kaniya.
“Thanks.”
Pagkatapos uminom ay hindi niya na binalik yung tubig sa mesa. Basta lang siyang sumandal ulit sa akin na parang walang pakialam na nandito si Night.
Tahimik akong napalunok.
“Alam mo…” biglang sabi ni Night habang nakatingin sa amin. “Mas clingy siya ngayon kaysa dati.”
Hindi ako sumagot.
“Dati kahit kanino lang yan sumasandal. Ngayon parang kay Stun nalang umiikot.” dagdag pa niya habang natatawa nang mahina.
Napatingin ako kay Key pero gaya ng lagi, calm lang expression niya. Parang hindi siya naaapektuhan sa usapan. Pero maya maya…Mas lalo niyang hinigpitan yung kapit sa laylayan ng shirt ko.
Maliit na gesture lero sapat para lalong bumilis tibok ng puso ko. Fuck.Tumayo ako bigla. “I’ll get snacks.” mabilis kong sabi bago dumiretso sa kusina.
Hindi ko na hinintay kung may sasabihin pa sila. Pagkapasok ko sa kusina ay agad akong napasandal sa counter saka mariing napahawak sa noo ko.
Hindi na maganda to. Hindi ko na kayang i-ignore nang basta basta. Every little thing Key does affects me now at mas nakakainis dahil wala naman siyang ginagawa intentionally. Siya lang si Key.
Tahimik, clingy at Comfortable sa akin. Ako lang itong nagkakaproblema sa sarili kong damdamin. Napabuntong hininga ako at pilit pinakalma yung sarili ko bago kumuha ng chips sa cabinet.
Kailangan kong ayusin sarili ko kasi ayokong umabot sa point na masira yung meron kami dahil lang hindi ko makontrol utak ko.
“Stun.”
Napalingon ako agad nang marinig boses ni Key sa likod ko.
Nakatayo siya sa may pintuan ng kusina habang tahimik akong tinitingnan.
“Bakit?” tanong ko, pilit normal ang boses.
Dahan dahan siyang lumapit hanggang huminto sa harap ko. Then, without saying anything, marahan niyang hinawakan yung laylayan ng shirt ko. Yung usual habit niya pero ngayon… parang mas delikado na sa pakiramdam ko.
“You left.” mahinang sabi niya.
Napahigpit agad hawak ko sa chips.
“I was getting snacks.”
“You looked upset.”
Tahimik akong napatingin sa kaniya. Ganito si Key minsan. Hindi madaldal pero sobrang observant. Napapansin niya agad kapag may pagbabago sa akin kahit pilit kong tinatago.
“I’m fine.” sagot ko agad.
Hindi siya nagsalita at nakatingin lang siya sa akin gamit yung tahimik niyang mga mata na parang naghihintay ng totoo kong sagot.
Chapter 12
Kinabukasan, maaga akong nagising dahil sa mahinang kaluskos na nanggagaling sa kusina. Inaantok pa akong bumangon at paglabas ko ng kwarto ay agad bumungad sa akin si Key na nakatayo sa harap ng fridge habang magulo ang buhok at suot yung oversized shirt ko.
Tahimik lang siyang nakatitig sa laman ng fridge na parang may hinahanap na kayamanan doon.
Napahilot ako sa batok habang papalapit sa kaniya.
“What are you doing?” paos kong tanong.
Nag-angat siya ng tingin. “Hungry.”
“It’s six in the morning.”
“So?”
Mahina akong natawa bago isinara yung fridge. “Matulog ka nalang ulit.”
Umiling siya nang bahagya. “I want pancakes.”
Nakatingin lang siya sa akin gamit yung tahimik niyang expression na parang alam niyang pagbibigyan ko rin siya sa huli at nakakainis dahil tama siya.
Napabuntong hininga nalang ako bago marahang tinulak siya paupo sa dining chair.
“Sit there.”
Tahimik naman siyang sumunod habang ako ay nagsimulang gumawa ng pancake batter.
Habang nagluluto ako, ramdam ko yung titig niya sa akin buong oras dati hindi ko naman pinapansin iyon. Sanay na akong tinitigan niya habang gumagawa ako ng kahit ano. Pero ngayon…masyado ko nang napapansin lahat.
“Stun.”
“Hm?” sagot ko habang pini-flip yung pancake.
“You look sleepy.”
Napangiti ako nang bahagya. “Kasalanan mo.”
Tahimik siyang nakatingin lang sa akin bago marahang isinandal yung pisngi sa mesa.
Pagkababa ko ng plato sa harap niya ay agad siyang kumuha ng tinidor. Akala ko okay na pero ilang segundo lang ang lumipas ay muli niya akong tinawag.
“Stun.”
“What again?”
Tinulak niya nang kaunti yung plato palapit sa akin.
“First bite.”
Napakurap ako. “Ha?”
“You made it.” simpleng sagot niya. “Taste first.”
Tahimik akong napatitig sa kaniya. Simple lang naman yung request niya. Dati automatic kong gagawin yun nang hindi nag-iisip pero ngayon… bawat maliit na bagay galing sa kaniya parang may ibang epekto na sa akin.
Still, pilit kong inakto na normal lang lahat. Kumuha ako ng maliit na piraso gamit yung tinidor niya at tikim iyon.
“Okay naman.” sabi ko habang umiinom ng kape.
Satisfied siyang tumango bago nagsimulang kumain.
Tahimik lang ang kusina pagkatapos noon. Ako naman ay nakasandal sa counter habang pinapanood siyang kumain nang mabagal, still half asleep habang nakasuot ng shirt ko.
“Can I sleep in your room tonight?”
Muntik akong mabulunan sa iniinom kong kape.
“What?”
Nag-angat siya ng tingin sa akin. Calm. Tahimik. Parang normal lang yung tanong niya.
“I sleep better there.”
Napahigpit agad ang hawak ko sa mug ko kasi hindi niya alam kung gaano na kahirap para sa akin yung mga simpleng bagay na ginagawa niya. Yung pagtabi niya sa akin matulog, yung pagyakap niya kapag malamig, yung pagdikit niya sa katawan ko na parang natural lang lahat at ang pinaka nakakainis?
Ako lang naman yung may problema rito.
Sa kaniya, normal lang lahat. Comfortable lang siya sa akin kaya pilit akong huminga nang maayos bago umiwas ng tingin.
“Key…”
“Hm?”
“You should start getting used to your own room too.”
Tahimik siya, pagtingin ko sa kaniya ay nakayuko lang siya habang mabagal na sinusundot yung pancake gamit tinidor niya.
Tahimik lang siya matapos noon. Hindi na niya tinuloy yung usapan. Tuloy lang siya sa pagkain ng pancake na parang wala lang nangyari, parang hindi niya sinabi yung isang bagay na biglang bumigat sa dibdib ko, ako naman… pilit na nagkukunwaring busy sa paghuhugas ng mug kahit tapos na naman.
Maya maya, narinig ko yung tunog ng doorbell.
“Ako na.” mabilis kong sabi bago pa siya makagalaw.
Pagbukas ko ng pinto, si Night agad yung bumungad. May dalang bag ulit, nakangiti gaya ng lagi.
“Morning!”
“Ang aga mo.”
“May pinadala si Key na charger sa bahay namin kahapon, ibabalik ko lang.” sagot niya habang pumapasok na parang bahay niya rin ito.
Napatingin ako sa likod niya. Si Key, nakasunod na pala, hindi ko namalayang tumayo siya.
“Hindi mo na kailangang magdala.” sabi ni Key kay Night.
“Eh nandito na ko.” natatawang sagot ni Night habang inaabot yung bag.
Matapos ng mga ginagawa ko ay nadatnan ko si Night na nakahiga na sa sofa habang si Key naman ay nakaupo sa floor, nakasandal sa couch, tahimik na nakikinig sa kung anong sinasabi ng isa.
“Bro, listen.” seryosong-seryoso ang boses ni Night habang nakataas ang kamay na parang may presentation. “House blessing ng new place mo.”
“Hindi pa tapos.” sagot ni Key, walang gana.
“Exactly.” ngumisi si Night. “Perfect timing para ma-bless. Para safe, peaceful, at syempre may pagkain.”
Napailing si Key. “You just want food.”
“Of course.” proud pa niyang sagot.
Tahimik lang ako sa gilid, hawak ang mug ng kape habang pinapanood silang dalawa.
“Pinag-uusapan na sa GC yung house blessing mo, Key.” Night said “hindi na sila makapaghintay na makita bagong bahay mo at…” tinignan ako ni Key “hehe” hindi na niya tinuloy ang sasabihin at napakamot na lamang sa batok.
Ngumuso si Key at tinignan din ako, anong meron?
“Mukhang dudumugin siya ng maraming tanong” sabi ni Night habang nakatingin parin sa akin
Tumango si Key.
“Ngayon pa lang naaawa na ako sa kaniya” dagdag ni Night.
What are they talking about?
Dahil nandito naman si Night to accompany Key hindi na ako nag expect na sasama si Key sa akin sa coffee shop kaya kay Night nalang ako nagpaalam na aalis na dahil busy si Key sa paglalaro ng playstation.

