loading

storiescollectionschaptersauthorsgenrestagsstories
KONTESERO (BxB)

KONTESERO (BxB)

hoizned · 21 chapters · 29,214 words

Chapter 1

“Okay fine if thats what you want! Bye!”

Isang huling mensahe sa kachat ko at saka ko siya ibinilock sa facebook. Maging sa Wechat,viber at phone number niya ay galit at sama ng loob na tinanggal ko siya sa listahan.

Sa loob ng mahigit isang buwan, naging mag-on kami ni Brian.

Naging syota ko siya sa isang secret group sa facebook ng mga tagong bisexual na kagaya ko.

Akala ko nakatagpo na ako na tunay at totoong pakikipagrelasyon sa kapwa ko lalake.

Sabi niya masaya ako kausap,na kakaiba ako sa nakilala niya,na pwede siya sumugal ng pag-ibig kahit LDR (Long Distance Relationship) lang ang aming relasyon.

Akala ko ito na…

Akala ko siya na…

Akala ko lang yun…

Minsang lang akong sumugal at magkagusto sa kapwa ko lalake dahil di naman talaga ako lantad sa tunay kong pagkatao.

Gwapo,matalino,edukado,straight looking.Ang hirap kayang supilin ang nararamdaman lalo na kung tinatago mo ang iyong kasarian at kilala akong straight at tigasin sa lugar namin

Sa mga secret gay/bisexual group lang naman ako nakakadama ng kalayaan magpahayag ng nararamdaman ko dahil kahit di nila ako kilala ay belong ako.

Dahil kapareho ko ang mga miyembro doon.

Late bloomer ang pagiging bisexual ko dahil dito lang naman sa secret group at kachat kong ito ako nagpakilala ng tunay kong kulay.

Iba talaga pagnagkaroon ng ligawan sa social media. Masyadong mabilis at deretsuhan. Walang ligoy ligoy kaya malakas ang loob ko na magcommit.

Mahusay naman ako kausap at maayos makitungo dahil committed na nga ako sa kaniya, sa internet nga lang. Pero kung gaano kabilis ang data na dumadaan sa bawat fiber optics ng linya ganun din kabilis na nakipagbreak siya sa akin

Kahit gaano ka pa kaseryoso,hindi mo pa rin hawak ang utak sa kabilang linya.

“Okay fine,if thats what he want!”

Bahala siya! Hindi siya kawalan. Unang una hindi ako manloloko dahil hindi naman ako ang sumuko kundi siya. At least nalaman ko ng maaga ang tunay na ugali niya.

Take it as an expirience.

Walang pinagkaiba sa mga sinalihang kong bikini open ang ganitog karanasan. Minsan sinigang ang luto ng mga judges kaya nagmamasim. Kaya ang pakikipagrelasyon ko sa internet ay luto rin. Ako ang talunan sa nararamdaman ko ngayon.

Nasayang ang unli text,unli call,unli fb na load ko sa loob ng isang buwan na dapat pala inilaan ko na lang sa ibang bagay.

Hay naku buhay nga naman ng niloko!

Bahala siya.

“Mo ve on ka na lang Randolf!”

“Marami ka pang dapat unahin kesa sa broken mong puso.”

Isang araw kong pinaglagpas ang nangyari sa akin at balik normal ako sa dating gawi.

Regular gym at pagtatrabaho sa isang fastfood chain bilang crew ang diversion ko sa pangyayari.

Second year college pa lang ako sa darating na pasukan sa kursong physical therapy. Kahit kaya namang tutusan ang pag-aaral ko ng aking mga magulang ay nais kong makaranas ng aking pinaghirapan kaya lakas loob akong sumama sa aking kaibigan na pumasok bilang kahero.

Dito namin nakilala si Chona, isang binabae na talent scout.

Isang mabait naming regular costumer na nagpasok sa aming sumali sa mga bikini open.

Sa una ay diskumpiyado ako pero dahil malinis naman ang intesyon at walang ano mang kapalit ay napapayag kami ng kaibigan ko sumali.

Palaban kasi ang itsura namin ng bestfriend kong si Carl julian kaya may potential daw ang dating namin sa mga ganoong contest. Isa pa sa nakahatak sa aming mapa-oo ay kilala namin ang mga naging modelo niya sa aming lugar na nafeature na sa ilang magazine na pinasali ni Chona sa bikini open lang at doon nadiskubre.

Sa una ay tutol ang nanay dahil hindi naman kailangang sumali sa ganoon,pero ng lihim akong tumakas at rumampa at nag-uwi ng korona ay naging number one fan ko pa siya kaya todo suporta na rin ang nakuha ko.

Mabait si Chona sa lahat ng beki na nakilala ko dahil maipagmamalaki ko siyang kaibigan na hindi nanamantala kahit nakabikini lang kami sa harap niya sa oras ng pageant.

Nakilala ko na rin ang iba pa niyang mga circle of beki friends na manager din ng mga kagaya kong sumasali sa mga pageant. Minsan nakakasama ko pa sa inuman at nakikitulog sa bahay namin na walang gapangan sa isat isa dahil pawang magkakaibigan lang ang namamagitan sa aming lahat. Iyon ang nagustuhan ko sa mga kaibigan ni Chona na marespeto sa kapwa kahit malakas ang tukso ng mga minamanage nilang mga talent.

Dalawa ang bahay namin. Ang lumang bahay na tinitirhan ko at ang isa kung saan naninirahan ang mga nanay at tatay.

Ang kuya ko naman ay nasa america na at doon naninirahan kasama ng asawa niyang nurse.

Ako ang katuwang ng mga magulang ko sa lahat kaya di na ako naasa pa sa lahat ng pangangailangan liban lang sa napakamahal na tuition fee ko bilang physical therapy student.

Dalawang buwan lang ang bakasyon ko kaya sinusulit ko pagsideline sa trabaho at ang mga sinasalihang bikini open.

Sapat lang naman ang ganansiyang premyo ko kahit paano sa pagsali na pinupursyentuhan ni Choma. Masaya na ako dahil naipapapamalas ko ang talino ko sa question and answer portion bukod sa angking sabi nilang kagwapuhan bukod pa doon ang kasiyahan na marami ang manonood.

Masaya na ako sa dalawang sali ko sa mga pakulo ng resort sa aming lugar at ako ang nananalo at si Carl Julian ang sumunod sa akin.

Sanay naman ako na makita ang katawan ko. Parang kagaya sa gym na salamin lang ang pagitan sa mga nakakita sa akin pag nagbubuhat ng mabibigat na wiegths habang tumatagaktak ang pawis ko makuha lang ang target kong katawan pangmodelo.

Lakasan lang ng loob kung halos bumukol na yung harap mo sa masikip na string bikini at halos balatan ka na ng ilang manonood ng kanilang imahinasyon kung ano ang nakatago sa loob.Okay lang yun!

Palakasan ng sigaw kung malakas ang hatak ng looks at palakpakan naman kung may talino ka sa mga tanong.

Minsan nga pilosophan na lang ang sagot wag mo lang pahalata na naiintimidate ka sa mga hurado o kinakabahan.

“ Contestant number seven, in your life time,sinong tao kinaharap mo na talagang nabigay sa iyo ng problema?“

Tanong sa akin noong una kong sali na sinagot ko talaga ng totoo sa puso ko.

“ Sa ngayon ang mga hurado po sa aking harapan ang problema ko…“

“Huh?bakit sila naging problema mo?”

“Di ko alam kung papanalunin nila ko e,(sabay ngiti sa mga judges)…kung manalo ako e di solve na!”

Nagtawanan ang mga audience at nagpalakpakan.

Yun ang nagpanalo sa akin dahil sa isang sulok ay kita ko si Chona na abot tenga ang ngiti sa sagot ko dahil nakita ko rin na nahuli ko ang kiliti ng mga hurado.

Kaya unang gabi ko bilang kontesero ay nakapag-uwi ako ng korana,sertipiko,cash,at isang buwang facial care sa isang clinic ng ganun lang.

Sabi nga ni Chona.

“ Bongga ang mga anak ko may title na!“

Kayat masaya kaming umuwi sa unang gabi ng aming pagsali sa bikini open.

Baguhan pa lang kami ni Carl ay may nauuwi na kaming mga titulo.

Isang liggo mula ng manalo kami ni Carl Julian sa huli naming laban ay may apat linggo pa para sa isang paghahanda, dahil sasabak muli kami sa isang bikini open ni mayor. Malakihan ang panalo kaya maramihan ang paniguradong sasali kaya limitado lang ang pipiliin na isasalang sa gabi ng contest.

May halong kaba at kumpiyansa na muling makapasok sa darating na audition dahil kailan lang ako nanalo kaya magandang panimula sa para akin ang makapasok sa top 0 napipiliin.

Hanggang isang araw na multuhin ako ng nakaraan kong pag-ibig na nagpabago ng ng tuluyan sa mundo kong ginagalawan….


Chapter 2

Nagising akong bigla dahil sa ingay ng mga aso kong nagkakahulan. Alas 8 ng umaga ng silipin ko ang oras sa aking cellphone.

Mamaya pang alas onse ng umaga ang duty ko sa trabaho. May tao sa harap ng bahay at kilala ng mga aso ang dumating dahil kahol ng pananabik ang naririnig ko sa kanila.

Marahil si nanay ang nasa labas ng bahay at naghatid sa akin ng alamusal dahil gawain naman ni nanay na bistahin ako sa lumang bahay namin tuwing umaga.

Bawal kasi ang maraming aso sa isang bahay namin sa subdivision kaya ako at mga alaga kong aso ang kasama kong dito naninirahan.

Agad akong nagsuot ng jersey short dahil nakabrief lang ako ng natulog. Malinsangang ang hatid ng hangin kagabi dahil panahon ngayon ng summer.

Agad akong lumabas ng kwarto ko at pinagbuksan ang nasa labas ng bahay.

Hindi si nanay kundi si Carl Julian ang nasa labas na may dalang supot ng pagkain. Padala ng nanay siguro dahil tatlong bahay lang naman ang layo niya sa bahay ng mga magulang ko kung saan sila parehong subdivision nakatira.

“ Ang aga mo ah?“

Nasilaw ako sa liwanag ng araw kaya medyo iritable pa ako sa pagising.

Dali dali namang pumasok si Carl Julian. Iniisa-isa ang mga asong sabik na bumati sa kaniya ng himas. Binuksan ang supot ng pandesal at binigyan isa isa ang limang aso. Kagaya ko magiliw si Carl sa aso kaya maamo sa kaniya ang mga alaga ko.

Nagtungo ako sa lababo at naghilamos. Nagpakulo ng tubig para sa ititimpla kong kape na iinumin naming dalawa

Dalawang puswelong kape ang aking tinimpla. Nakaupo si Carl Julian ng abutan ko ng kapeng para sa kanya. Umupo ako habang dahandahang humihigop ng mainit na kape.

Nakatingin siya sa akin at saka binuhay ang kaniyang cellphone at itinapat ang screen sa aking paningin.

Naibuga ko ang kape sa screen dahil sa pagkabigla at pasong naramdaman ko dahil sa aking nakita.

Inagaw ko sa kaniya ang cellphone at inisa-sa ang ang larawan doon.

Halos namula ako sa galit sa mga nakita ko.

Isang pekeng facebook account na nakapangalan sa akin. Isang time line na nakasulat doon na

“Randolf Amores is Gay!”

Ang masama pa ay nakapost doon ang ilang mga larawan ko ng nakahubad. Bagamat di kita ang mukha ko ay alam kong akin iyon at ako iyon.

Liban sa mga larawan ay ang ang conversation sa chat kung gaano ko kamahal ang taong kachat ko.

Halos nagtago ang lima kong aso ng sumigaw at nagmura ako sa galit. Maging ang iniinom kong kape ay naibato ko sa sama ng loob dahil sa eskandalong ito.

Magbiro ka na sa lasing wag lang sa bagong gising.

Pero hindi biro ito dahil isa itong paglababag sa karapatan ko bilang individual.

Kilala ko ang may gawa ng lahat ng ito! Si Brian! Alam ko kung bakit niya ginagawa ito. Kailangan ba niya ng pera?o gusto nya lang manira talaga dahil sa hindi kami magkasundo at nauwi kani sa hiwalayan.

Ganito ba siya kasira ulo kung mabigo?

Iniisa isa ko kung sino ang maaring inadd niyang tao na kilala ko. Anim na tao na taga dito sa amin ang inaad niya ang iba ay di ko kilala.

Inaadd din niya dito si Carl at Chona,isang tagakabilang kanto sa bahay ng nanay, ang iba namay malapit na kaibigan ko.

Sumikip ang dibdib ko dahil ano ang karapatan niya na pangunahan ako sa aking nararamdaman.

Puro mura ang lumabas sa aking bibig at sama ng loob dahil sa pangyayaring ito. Ako na ang niloko, ito pa ang gagawin sa akin.

“ Umuwi ka muna pre!Gusto ko muna mag-isa!“

Wika ko kay Car Julian.

Nagtungo ako sa aking silid at umiiyak na binisita ko ang aking fb account. May mga mensahe ang ilang mga kaibigan ko tungkol sa pangyayaring paninira sa akin.

“ Fren may scandal ka! May naninira sa yo!“

Isa!

“ Pre bading ka ba?“

Dalawa!

“ Yukk kadiri ka!pak bhoy !“

Tatlo!

“ Ang laki!luv et!!!

Apat!

Lalo akong naiyak dahil pihadong marami ng nakaalam nito.

Umiyak ako dahil sa kagagawan ng isang tao na pinagkatiwalaan ko ng pribado kong buhay na akala ko ay tunay na uunawa at tapat sa pangakong siya lang ang magtatago at titingin ng pribado kong kulay dahil kapareho ko siya. Kauri ko siya na kagaya ko na bakla.

Bakla ako pero di pa ako handa ilabas kung ano ako at ang langunahan ang karapatan ko sa pagladlad ang masakit sa akin at sa ganito oang paraan…Gusto ko ng mamatay!

Matagal akong umiyak. Nag-isip at kumalma.

Muli kong sinilip ang mga nakapost na larawan. Mabuti at walang mukhang nakita at tanging hubad na katawan ko lang ang ipinatrade ko ng larawan. Pero ang screen capture ng chat ay mukha ko ang nakarehistro at ang mukha at pangalan ng kausap ko ang lamang ang burado.

Isang usapan patungkol sa sex ang nakapost na tanging magsyota lang na kapwa lalake makakaintindi na lubos na nakakahiya kung mababasa ng mga straight,ang labis na nagpabigat sa aking nararamdaman.

Agad ko itong nireport sa admin ng facebook.

Ilang sandali pa ay nakarating na sa kanila ang report ko. Isang email ang natanggap ko dahil naglalaman ng nudity ang fb account na iyon kaya madali namang natanggal sa sirkulasyon ang pekeng account na iyon.

Kahit pa nagawan ng paraan ay may ilan ng nakaalam ng kung ano at sino talaga si Randolf Amores….

Gusto kong gumanti sa ginawa ng taong iyon. Ngipin sa ngipin,mata sa mata ang laban. Gagawa ako ng account kagaya ng ginawa niya at magpopost din gaya ng pinost niya.

Masakit ang dibdib ko pero napag-isipan ko ko kung ikasisiya ko ba ang gumanti rin. Magiging payapa ba ako kung gagayahin ko ang nararamdaman niyang galit sa akin.

Isa siyang mapag-imbot at mapagkunwaring tao kaya niya nagawa iyon. Malungkot ang buhay niya kaya niya nagagawang magdesisyon na maghiwalay kami at baliwalain ang pangako niya na iingatan niya ang mga palitan namin ng mga larawan.

Hindi…

Bakit ko siya papatulan… Ayaw kong magpakababa ng kagaya niya na walang pakialam sa nararamdaman ng kaniyang kapwa. Hindi ako kagaya niya… Haharapin ko ang katotohan… Pasasalamatan ko pa siya… Gagawin kong inspirasyon ang ginawa niya bilang pagsisimula ko bilang ako. Kung sino talaga ako. Bahala na ang karma sa ginawa niya sa akin. Kung ano man ang mangyari sa akin ngayon haharapin ko ng taas noo dahil kahit kailan wala akong ginawang masama kundi tinago ko lang kung sino talaga ako.

Humugot ako ng malalim ng paghinga. Kahit masakit pa ang kalooban ko ay nakahanda na ako. Mugto ang mga mata kong lumabas ng silid at doon naabutan ko pa rin si Carl Julian na nagkakape kausap ang mga aso ko.

“Pagpasensyahan nyo na ang tatay nyo medyo may problema lang yun. Basta wag nyo lang iiwan yun pag wala ako,kasi masakit yung nangyari. Sa atin-atin lang yun kung ano man, tatanggapin natin kung ano si Randolf, kung tatay nyo nga ba o nanay.”

Nakatayo ako malapit sa kanila, humanga ako sa kaibigan kong ito dahil hindi siya umalis sa kabila ng nalaman niya sa akin kahit pinagtabuyan ko siya. Muli akong naiyak dahil alam ko na isa si Carl Julian na hindi ako iiwan bilang isang tapat na kaibigan.

Lumapit siya sa akin at niyakap ako.

“Huwag ka ng mag-isip nariyan na yan. Kung ano man ang mangyari,iwan ka man ng mundo narito lang ako.”

“Sorry din kung di ako nagsabi sa yo kung ano talaga ako.”

“Wala naman sa akin yun, nagulat ako oo,pero wala namang nabago ngayong umaga. Ikaw pa rin naman si Randolf e. Napakasama ko namang kaibigan kung huhusgahan kita sa ganun lang .”

Lalo akong humanga sa kaibigan ko dahil sa ganitong pagkakataon ngayon lang ako nagkaroon ng tunay na lakas ng loob na harapin ang lahat paglabas ko mamaya ng bahay.

Lumipas ang dalawang araw at naramdaman ko na ang epekto ng mga ginawa ko sa pakikipagrelasyon ko sa chat na nagpabago ng buhay at nagpakilala sa akin kung ano talaga ang mundong ginagalawan ng isang pamintang gaya ko….


Chapter 3

Kasalanan ko naman ang lahat kaya nangyari sa akin ang ganito.

Walang dapat sisihin kung bakit napunta ako sa ganitong kahihiyan.

Kasalanan ko rin dahil pumayag akong makipagpalitan ng larawan sa lalaking iyon sa pag-aakalang mabuti siyang tao ng makipagrelasyon ako sa kaniya.

Sinasabi ko na nga ba.

Sa una pa lang dapat ay nanindigan na akong tumanggi sa pamimilit niyang makita ang kahubaran ko. Bakit ba nakipgpalitan pa ako ng mga ganung picture,nakakahiya!

Patay na ako pero buhay pa rin sa internet ang mga hubad kong larawan. Mabuti na lang kahit paano ay naagapan kong maireport ang account na iyon.

Sa kabila ng nagawa kong solusyon ay nadoon pa rin ang kaba ko na baka gumawa pa ang lalaking iyon ng panibagong account na ikasisisira ko.

Bakit ba may ganoong tao na sobra ang kabitteran sa buhay. Siya na ang kumalas sa pangako na ako daw ang forever niya,ay siya pa ang may lakas ng loob na gawin sa akin ang ganito.

Napakawalang modo talaga niya…

Bahala na ang langit sa kaniya…

Talagang napakatanga ko noong mga araw na inaamo-amo ko pa siya pagmay tampuhan kami. Sayang ang mga goodmorning ko sa kaniya at talagang pinilit kong gumising ng maaga para maunahan lang siyang batiin. Nakailang balik ba ako sa tindahan para magpaload dahil kailangan si maoutol ang chat namin?

Sa loob ng isang buwang pakikipagrelasyon mauuwi lang pala sa wala!

Sinasabi ko na nga ba at ito ang mangyayari.

Mabait naman akong tao. Kung tutuusin iyon ang una kong pakikipagrelasyon sa kapwa lalake at sa internet pa. Tapos ganito pa mangyayari?

Iwas nga akong makipagrelasyon dahil kilala ko ang mga kaibigan ko na homophobic kaya ingat akong malaman nila ang pagkatao ko dahil alam kong di nila ako matatanggap na berde ang kulay ng dugong dumadaloy sa akin.

Tatlo na sa kanila ang nag-unfriend sa akin at alam ko na ang ibig sabihin nun. Meron naman akong kumare na kung makangiti sa akin ay kulang na tawagin akong “ Gurl may nalaman ako sa yo!“. Tatawa-tawa pa sa mga kausap na alam kong ako ang paksa ng usupan pagnakalayo na ako ng bahagya.

Masakit kahit sa pag-uwi ko sa gabi mapadaan ako sa bahay ng kumpare ko at maririnig ko na ako ang paksa ng usapan sa kanilang hapunan sa harap ng kaniyang mga anak.

“ Ninong ng bunso mo ninang pala!“

At sasabayan pa nilang buong pamilya ng tawa.

Kumirot ang kalooban ko dahil ganun ba talaga ang katauhan ng isang kagaya ko. Ganito rin ba ang nararamdaman ni Chona? Nang ibang mga bading?

Isang araw ko pa lang na malantad kung ano ako marami ng sumaksak sa akin.

Naawa ako kay Chona at sa mga kagaya niyang lantad na ang pagkabinabae.

Paano ba sila nagsimula? Ilang beses ba silang umuwi ng bahay ng umiiyak dahil tinawag silang multong bakla!

Mang-aagaw ng lakas!

Salot!

Bading!

Mga salitang binitiwan ng mapanghusgang lipunan na akala mo ay matuwid at walang sala.

Oo,bading si Chona pero di siya mapagsamantala. Nakatabi ko na siyang matulog kahit minsan ay di gumapang ang kamay niya sa harapan ko.

Maging ang mga kasama niyang bakla ay marespeto sa akin na kahit nakinuman ko ay di nanamantala kahit lasing ako.

Bakit ganun sila makahusga agad?

Minulestiya ko ba sila?

Binaboy ko ba sila?

Kasalanan ko lang ay di ko inamin na ganito ako kahit hindi halata sa kilos at ang pag-ibig ko ay mailalaan ko lang kapwa ko lalake. Na tanging kasalanan ko lang ay tinago ko sa kanila sa pag-aakalang paghanda na ako ay masasabi ko sa kanila at tanggapin nila ang tunay na pagkatao ko. Na kasalan ko lang ay matakot sa maari nilang reaksyon ng gaya ng nangyayari ngayon.

Maigi at nakilala ko ang mga taong ito. Maigi at lumabas ang tunay na kulay nila dahil kahit matagal ko na pala silang nakasama sa isang iglap pwede nila akong traydorin dahil lang sa sexual orientation ko.

Maige na nga sigurong ganito kesa sa kagaya nilang sugarol ,lasingero,tsismosa at mga walang pangarap sa buhay lagi kong makakasama.

Mainam na ngang magkaalam ng kulay ang bawat isa sa amin. Kung sauliian ng kandila na lang pagkakaibigan namin siguro mabuti na yun kesa paulit ulit naman nila akong sasaksakin ng patalikod.

Unang una wala naman akong dapat itanaw ng utang loob sa kanila e. Ni hindi nga ako nangutang sa kanila. Bagkus sila pa ang may utang sa akin.

Kung hindi lang ako nawili maggym ay baka nalulong na ako sa paninigarilyo at kaiinom na madalas naming ginagawa noon.

Ako nga dapat ang manumbat dahil ano ba ang naitulong nila sa akin? Wala? Dahil kahit kailan hindi ako lumapit sa kanila, dahil alam kong may mga problema din sila at ayaw kong dumagdag pa.

Ayaw kong ipamukha sa kanila ang kabutihang ginawa ko. Pero ang pandirihan o baliwalain na lang ang pakikisama ko, yun ang di ko maintindihan sa kanila na parang nag-usap usap sila na layuan ako.

Maige pa nga siguro ang isang Carl Julian at isang Chona na handang umalalay sa isang kagaya ko kesa mga ibang kaibigan na di ako nauunwaan dahil takot din silang husgahan na may kaibigan silang kagaya ko.

Isang bayot…

Ganun ba talaga?

Ngayon at least alam ko na ang sino at dapat pakitunguhan at pagkatiwalaan.

Alam ko na ang aral na natutunan…

Huwag mainlove sa internet!

Alam na nga pala ni Chona ang balita pero kahit isang text ay wala pa akong natatanggap mula sa kaniya. Galit din kaya siya na ang alaga niya ay isang paminta?


Nainspired akong gumawa ngayon.three chapters sa isang upuan. Hoping na kumapit ako sa plot ng story kasi may lesson na makukuha. Salamat po sa mga readers na nagcomment sa mga stories na nagawa ko.gaganda ng feed back kaya balik sulat uli.yung story na nawala deleted na po iyon. Ayaw ko po sabihin ang kwento behind it kung bakit deleted,dahil tahimik po akong tao at ang masakit na nakaraan ay kinakalimutan.moving on,salamat po muli sa pagbasa!

Chapter 4

“Tumawag ang facial clinic. Di kayo nagreport para session nyo dun?ano sasayangin nyong dalawa yung prize nyo? Sabihin nyo lang at mukha ko sasalang ko dun?”

Galit si Chona dahil di kami sumipot sa unang session namin ng facial cleaning na napanalunan namin ni Carl Julian. Concern siya hindi sa panghihinyang kundi dahil kailangan namin iyon bilang paghahanda sa big event ni mayor na sasalihan namin. Tahimik lang kami ni Carl dahil maging siya ay hindi rin nakapunta sa clinic.

“ Kung iniisip mo yung nabalitaan ko at nakita ko sa facebook wag kang mag-alala. Di mo kailangan magpaliwanag.“

Para naman akong lulubog muli sa kahihiyan dahil alam kong bukod kay Chona ay marami pa ang nagpiyesta sa naibuyanyang ko sa chat na iyon.

“ Hindi ikaw ang first time na inirampa ko na ganyan. Kaya uli-uli iwasan mo munang mag-update ng status mo. Di mo kailangan magpaliwanag sa kanila. Lalo ka lang masasaktan. May mga tao na nabigla sa nakita nila at nalaman sa iyo pero higit mong kilala ang sarili mo. Lilipas din yan.“

Parang isang nanay talaga si Chona pagdating sa paalaala. Akala ko ay panghihinaan ako ng loob sa nalaman niya. Higit sa lahat mga katulad niya ang makakaunawa sa akin.

“ Thank you mama.“

Bilang manager ko ay mama ang tawag ko sa kanya. Siya naman talaga ang nag-aasikaso sa amin sa lahat bilang talent.

“ Di ko na po alam ang gagagawin ko…“

Kahit anong pilit ay iniisip ko pa rin ang kumalat kong larawan . Wala sa akin ang rumampa sa stage ng nakatrunks at husgahan ang itsura ko dahil contest iyon.

Iba ang internet,dahil di nila ako lubos nakilala,madaling husgahan ang isang tao ng ganun-ganun na lang depende sa kanilang nakita. Tinalikuran na ako ng ilang mga akala kong kaibigan at masira ang pagsasamahan namin dahil sa nalaman nila.

Ang hirap…

Ang sakit pala…

“ Narito naman kami pare,hayaan mo na yun…“

Inakbayan ako ni Carl Julian bilang pakikiramay sa nararamdaman ko.

Lubos ang pagpapasalamat ko dahil kahit kailan ay di niya ako iniwan lalo na sa pagkakataong ito.

“ Payo ko sa iyo dun ka muna sa nanay mo umuwi. Makiramdam ka kung alam na nila o natsimis na sa kanya ang issue mo. Maiintindihan ka nun. Basta huwag ka lang gagawa ng di maganda ha.“

“Wala naman akong balak na di maganda eh..”

“Sinasabi ko lang. Mamaya suicidal ka pala.”

“Mama na man!Hindi na naman uy!”

“Basta hayaan mo na lang sila. Kung sino man ang nakakita scandal mo isipin mo na lang na may kasalanan din sila kasi inenjoy nila ang angry bird mo ha ha ha!”

Namula naman ako sa hiya dahil kahit baba ko lang ang nakita sa nude selfie na yun alam niya ako talaga ang tao sa photo scandal na kumalat.

Wala na akong magagawa kundi sundin ang payo ni Chona at Carl Julian na balewalain na lang ang nagyari at tanggapin ang lahat kesa pasamain ko lang ang loob ko dahil di ko na mababalik ang nakaraan.

Sinamahan kami ni Mama Chona kumain sa labas at nagpafacial. Matapos noon ay sinamahan ako ni Carl na kumuha ng ilang gamit dahil doon muna ako matutulog sa bahay ng nanay.

Kung baga sa isang ibon iba pa rin ang magpahinga sa tunay na pugad.

Pagod na akong mag-isip kaya kay nanay ako hihingi ng lakas ng loob.

Bente minutos lang naman na lakaran ang pagitan ng dalawa naming bahay kaya mahahatiran ko naman ng pagkain ang mga aso ko pagkailangan kaya kahit paano ay di ko rin sila mapapabayaan.

Tuwang tuwa naman ang nanay ng malaman na dito muna ako matutulog dahil wala rin naman ang tatay na abala sa pagaasikaso sa aming bukirin sa Nueva Ecija kaya dalawa lang kaming magkasama sa bahay.

Wala pa ring alam si nanay sa nangyayari sa akin. Mabuti sa isip ko dahil ayaw ko rin namang maging alalahanin pa ako sa kaniya.

Kahit paano normal at panandalian kong nakalimutan ang dinadala kong problema sa loob ng tahanan namin.

Masaya kaming kumain ng hapunan kahit dalawa lang kami ay napuno ng kalakhakan at kwentuhan ang hapagkainan.

Di siya nakalimot na paalalahanan ako sa darating na pageant event ni mayor at iwasan ang pagpupuyat.

Alam niya ang nangyayari sa akin dahil laging nagrereport si Chona kay nanay sa tuwing magkasama kami kagaya kanina.

Kamapante si nanay kapag kasama ko si Chona dahil kilalang proffesional na talent manager ito at ng mga kabataan pagdating sa mga contest event mapasinging,dancing,at modeling sa aming bayan.

Matapos kumain ay naghugas ako ng plato. Isa sa gawain ko pag dito ako nakain kaya hinayaan na ako ni nanay. Matapos makapaghugas ay nagtungo ako sa kabilang bahay upang pakain ang mga alagang aso. Nakakalungkot dahil nasanay akong sila ang gigising sa akin sa umaga.

Umuwi muli ako para makapagpahinga na rin kahit alas otso pa lang ng gabi.

Di muna ako pumasok. Naupo ako sa gilid ng entrada ng aming gate at doon nag-isip-isip.

Bukas pa ang tindahan ng aming kapitbahay kaya bumili muna ako ng malamig na softdrink laban sa uhaw na naramdaman ko sa paglalakad. Muli akong bumalik sa aking pwesto at naupo.

Uubusin ko lang ang soft drinks ko at saka ako papasok.

Sa pagkakaupo ko ay nasilaw ako sa parating na motorsiklo.

Nacurios ako dahil huminto ito sa kabilang tabi ng bahay ng mga nanay.

“May nakatira na pala sa bakanteng bahay na ito.”

Sa isip ko.

Isang lalake ang bumaba, madilim ang kaya di ko maaninag ang mukha niya. Pumasok sa loob ng bahay kung saan siya huminto. Nagbukas ng ilaw tanda na may bago na ngang nakatirang kapitbahay namin.

Patapos na akong uminom ng palamig ko ng lumabas si nanay at makita akong nakaupo sa labas.

“Akala ko naglaboy ka pa e,pumasok ka na at magpahinga.”

Aya sa akin ni nanay.

Tumalima naman ako. Sinauli ko ang bote sa tindahan at pumasok na sa loob ng gate.

Nakaupo si nanay sa sala ng dumating ako.

“Maupo ka muna anak may sasabihin ako.”

Kinabahan ako.

Naupo sa tabi niya. Ganito kami ni nanay. Kung may ibibilin o pagagalitan ay pinatatabi niya ako.

“Alam ko may dinadala ka ngayon, kung di mo kayang sabihin sa akin di ko kailangan marinig. Basta kung di mo na kaya narito lang ako.”

Napayuko ako sa sinabi ni nanay. Alam na niya ang nangyayari sa kin at sa balitang lumabas sa kasarian ko.

“ Sorry nay, nagkamali po ako.“

Tumulo ang luha ko. Ayaw ko pakita sa kaniya ang nararamdaman ko. Isang yakap ang ganti niya sa akin.

“Wag ka ng umiiyak. Nagkamali ka. Kaya bumangon ka. Kung ano ka pa man mahal ka namin. Tanggap ka namin.”

Pakshet!!!

Alam na nga niya!!!

Lalo ata aking napiyak sa sinabi ng nanay. Ngayon ako nagkaroon ng lakas ng loob sa mga sinabi niya.

Talagang pagmamahal ng lang ng isang ina ang forever sa mundo .

Payapa na ang kalooban ko sa sinabi ni nanay. Di na ako nagpaliwanag dahil batid ko na tanggap niya ang pagkatao ko. Tama si Chona na mauunawaan ako ni nanay.

Pumasok ako sa aking silid, humiga at muling nag-isip kung saan ako muling magsisimula.

Iniisa isa ko sa aking diwa ang mga taong dapat kong samahan at mga tao na dapat layuan.

Ngayon maluwag na ang aking kalooban at tanggapin ang katotohanang ganito talaga ako.

Kinuha ko ang aking cellphone.

“ Salamat sa iyo…“

Isang text para sa mga tunay na nagmamalasakit sa akin. Kay mama Chona at Carl Julian.

Bukas isang bagong Randolf Amores na ang gigising.


Tuluyan na nga kayang nakarecover si Randolf sa nangyari sa kanya?

Abangan…

*mainit init pa.nakatapos ako sa haba ng biyahe.salamat po sa pagbasa.baka mamaya gabi or bukas po makagawa ng bagong chapter.

Chapter 5

Ikatlong araw mula ng malaman ng ilan sa lugar namin ang sinasabi nilang lansa ng amoy ko.

Kahit hindi sila magsalita ay nakikita ko sa kanilang mga mata kung paano nila ako kutyain o hamakin ng lihim sa nalaman nila sa pagiging bisexual ko.

Ano pa ba ang magagawa ko. Kung si nanay tanggap ako, di tanggapin ko na lang sa sarili na ganito ako at di ko kailangang pagsisiksikan ang sarili ko sa mga ayaw sa akin.

Kanina lang ng bumili ako ng pandesal sa kanto ay nagiging paranoid ako sa tingin ng tindera na baka alam na rin niya ang kumalat na scandal ko.

Nakadagdag pa diyan ang isang kaibigan na dati kung makabati sa akin ay wagas at ngayon ay halos nagmamadali na iwasan ako. Ni hindi man lang ako binati at tanging tango lang sa akin ang ginawa.Kahit tumingin ng maayos ay wala.

So,alam na rin siguro niya kaya iwas na rin sa akin. Alam na ng bawat kanto sa labas nh subdivision namin…

Malungkot man akong umuwi pero patuloy pa rin ang buhay.

Feeling ko iniwan ako ng mundo. Feeling ko nag-iisa ako.

Nakakainis talaga ang Brian na yun!

Buntong hininga na lang ang magagawa ko maibsan lang ang sama ng loob na narardaman ko.

Nakauwi na ako.nakapagalamusal kasabay si nanay.

Naisipang kong magshoot sa hoops ng court ng subdivision. Nagtungo ako mag-isa, walang tao. Pati ba naman sa public court na ito mag-isa ako?

Wala nga pala si Carl Julian dahil opening siya sa trabaho.

Kahit mag-isa ay dinaan ko na lang sa pagshu-shoot ng bola sa ring ang ginawa ko.

Sa three point corner ang ginawa kong pagsho-shoot. Tumama sa rim pero di nakapasok. Bumagsak ang bola at makita ko na nasalo ng isang bagong mukha ang muling nagpasa pabalik sa akin.

Pumuwesto siya sa ilalim ng ring nag-aabang ng bola na ipupukol ko para magshoot.

Walang batas sa pampublikong basketball court na bawal sumali. Understood na yun na gusto niya magjoin.

Matapos ng dalawang try ako naman ang pumuwesto sa ilalim ng ring at siya naman ang tumira sa kabilang sulok.

Dalawa ang naishoot niya sa three point line kaya nachallenge ako sa dayo na ito.

Palit kami ng pwesto pero dalawang try na palpak uli.

Siya uli ang tumira at wala na namang sablay.

Ako muli ang tumira pero sa pagkakataon na ito di ako napahiya. Nagamay ko na ang pagtira at nagiinit na ang pulso ko.

“Nice one !”

Sigaw niya sa shoot na nagawa ko.

Ganun talaga ang espirito ng basketball court. Madaling makipagkaibigan. Pasahan lang ng bola ,alam mo ng madaling pakisamahan ang kalaro mo. Alam mo agad ang kabalyero at buwaya.

Panandalian kong nakalimutan ang kabigatan na dala ko habang naglalaro kami.

Nalibang ako sa aming one on one. Walang pataasan ng score basta shooting lang ang nangyari sa amin.

Yuya ang pangalang pakilala niya na bago lang lipat dito sa subdivision noong isang araw. Natapos kami kayat nagpaalam na akong uuwi para makapaghanda sa trabaho. Nagpasya na rin siyang umuwi at isa lang pala ang dadaanan namin. Natuwa naman ako na siya pala yung nakita ko kagabi dumating na nakamotorsiklo.

“ Ikaw pala yung nakaupo kagabi diyan sa labas?“

“Oo, ha ha! Ikaw pala ang bagong nakatira diyan.”

Nagkwentuhan pa kami ng ilang sandali at nagpaalaman na dahil kailangan na talagang maghanda kaya nagkasundo kami na magkita na lang bukas sa court dahil pareho kaming abala sa aming mga trabaho.

Bago pumasok ay binilin ko kay nanay ang mga aso sa kabilang bahay na siya na muna ang magpakain ng tanghalian nila.

Pumasok ako trabaho at naabutan ko pa si Caju. Palayaw ni Carl Julian.

Parang wala sa amin ang nangyaring pagkalat ng scandal ko at secure akong di niya ipagkakalat ang nalaman niya sa akin.

Matagal ko na siyang kaibigan. Noon pinagpantasiyahan ko na rin siya,siguro edad 13 ako noon. Bakit hindi e magandang lalaki naman talaga si Caju.Pero nawala ang naramdaman ko ng magdonate ang tatay niya ng dugo sa akin noong nadengue ako kaya para talaga kaming magkapatid dahil dumadaloy na rin sa akin ang dugo ng tatay niya. Mula noon di na kami napaghiwalay.

Wala sa amin ang lamangan. Maging sa contest, kung magkalaban man kaming narampa ay magkakampi kami ng hindi nakikita ng tao. Wala sa amin ang selosan.

“Nandito si Mama Chona kanina, sa makalawa ang audition natin. Alas nueve ng umaga ang start. Nakapagsched na ako ng shift kaya makakasabay ako sa iyo.”

Maasahan talaga si Caju pagdating sa ganito.

Umuwi siya pagkatapos ng shift niya at naiwan naman ako para sa closing time. Alas otso ng gabi ang closing namin pero dahil kami pa ang maglilinis ng kainan ay alas nueve pa ako makakauwi.

Matapos ng gawain at nasecure na ang lahat ay nagpaalam na ako sa mga kasama ko.

Sa liwanag ng isang gasolinahan ako pumuwesto para maghintay ng sasakyan pauwi. Ilang sandali pa ay may tumapat na motorsiklo sa tapat ko.

Bigla ko naalala kung sino ang driver ng alisin niya ang kaniyang helmet.

Si Yuya!

“ Pauwi ka na? Sabay ka na.“

Bigla naman akong natuwa at sumakay ng bigla sa kanyang likuran. Natuwa ako dahil makakalibre ng pamasahe at dahil sa offer ng bagong kaibigan.

Mabilis akong nakarating sa aming subdivision dahil sa tulin niyang magpatakbo.

Sa tapat ng bahay niya ako bumaba at niyaya siyang magmirienda muna sa amin. Tumanggi siya dahil kailangan pa niyang magpahinga at gigising pa siya mamayang madaling araw.

Sa halip na sa amin ako tumuloy ay pinaunlakan ko ang paanyaya niya na uminom ng beer dahil di siya mabilis makatulog. Pampatulog daw sa kaniya ang beer.

Sa sala niya ako pinaupo. Naglabas siya ng apat na bote ng san mig pilsen at inilagay sa pitsel na may cube ice. Isang malamig na beer ang aming pinagsaluhan.

Masarap kausap si Yuya. Marami siyang kwento na di namamalayan na naaatract ako sa kaniya. Anak ng isang hapon kaya ganoon na lang ang pangalan niya. Nagpacute pa ang sungki niyang ngipin. Payat lang siya pero bagay na bagay sa kaniyang taas. Natawa pa siya ng sabihin ko na kamukha niya yung bidang lalaki sa Hana yori Dango,yung Meteor Garden japan version.

Oo nga kamukha nga niya!

Nalaman ko na ang ibig sabihin ng Yuya ay carefree.

Kaya pala mag-isa lang siya sa bahay na ito ay wala siyang intindihan at malaya magawa ang gusto. Bagay sa kaniya ang pangalan niya.

Kalagitnaan ng inuman ay nalaman ko rin na sa tita pala niya ang bahay na tinutuluyan niya. Pansamantala lang narito bilang katiwala. Nagpunta na kasi ng Dubai ang tita niya kaya siya lang ang aasahan na tumulong dito.

Tumatagal ay parang nagkakaroon ako ng pagtatangi kay Yuya. Naatract ako.

Dahil sa nangyari noong isang araw sa internet ay nilabanan ko ang nararamdaman ko. Sa ngayon di ko siya kilala pa. Hindi ba nakakahiya na magkagusto agad sa kapitbahay ng nanay ko?

Ayaw ko ring samantalahin ang kalayaang binigay sa akin ni nanay sa pagkatao ko kaya kaibigan lang ang maari kong iharap para kay Yuya.

Kahit gusto ko pa marelax sa usapan namin ay nagpaalam na rin ako ng maubos na ang aming beer. Naisip ko na gigising pa siya mamayang alas tres ng madaling araw. Inihatid pa niya ako palabas ng bahay hangang labas ng kaniyang gate. Nagpasalamat sa gesture ng mabuti niyang pakikipagkaibigan.

“ Bakit ang aga mo naman pumasok sa trabaho?“

“Hindi susunduin ko kasi yung syota ka mamaya galing trabaho.”

Aaminin ko, medyo may naramdaman akong masakit sa narinig kong paghihiwalay namin…


*haba ng biyahe kaya nakagawa uli. Hintay lang sa susunod na chapter.nakabatay po kasi sa traffic ang pagsusulat ko.alam nyo na,iwas inip. Salamat po sa mga mga comments ng mga previous work ko.try ko po magreply uli.

Love lots,

DenSac

Chapter 6

Tulog na ang nanay ng pumasok ako ng bahay.

Kumain muna ako ng kaunti ng makaramdam ng gutom. Dahil sa amoy ng beer naligo ako at nagsipilyo. Nagpalit ng damit at humiga sa kama.

Kaya ayaw ko sa bahay na ito dahil sa init ng kwartong nilaan para sa akin ng nanay na sinasabayan pa ng ingay ng ilang sasakyan dumaraan sa tapat ng bahay namin.

Di gaya ng ilang araw wala na sa akin ang nangyaring isyung kumalat sa internet,nakalimutan ko na ng bahagya.

Bahagya lang dahil parang may nabago sa buhay ko. Dati ganitong oras nakatambay pa ako sa mga tropa ka na nakikipag-inuman o nakikipagkwentuhan.

Di naman ako makapagfacebook dahil pansamantala ko itong sinira para umiwas kay Brian at sa ilang inadd sa dummy account na ginawa niya. Inisip ko na baka gumawa na naman ang hayup na iyon ng panibagong katarantaduhan at iadd na naman ang mga kilala ko.

Nais ko ng kausap kayat nagtext na lang kay Kaju. Alam ko gising pa siya ng ganitong oras.

“ Ano balita?“

“Nakauwi ka na dude?”

“Kakarating lang.”

“Sabay daw tayo sa audition sabi ni mama.”

“Oo nagtext na sa akin kanina bago ako lumabas”

“Black sando and jeans ,magbaon daw ng speedo baka kailangan dude.”

“Oo tay!tatandaan ko po!”

“Tado! Patulog ka na? Gusto mo uminom?”

“Opening ka bukas ah?”

“Okay lang baka gusto mo lang kausap?”

“Okay na nakainom na ako.”

“Saan ka nagnom-nom?gara mo di ka nagyaya!”

“Yung kapitbahay namin pinainom ako.”

“Nino, ni aling Sela?”

“Sa kabilang bahay,may bagong lipat  nakilala ko kanina sa court,nakasabay ko pauwi, e nagyaya ng kwentuhan. Pinainom ako.”

“Ahhh…next time sama mo sa laro natin.”

“Sama nga daw siya nung niyaya ko. Mabait din,maayos kausap e.”

“Maayos din naman kausap yung syota mo sa facebook e.”

“Binalik mo na naman. Tado!”

“Ibig ko sabihin wag ka masyado magtitiwala uli sa bagong kilala.”

“Iba naman to,ito harapan na kaya okay lang.”

“Sinabi mo e.okay na ako dun. Pero pre tapatin mo nga ako.”

“Ano?”

“Kung bi ka noon pa,pinagnasahan mo ba ako?”

“Gago!”

“Hindi seryoso to. Para alam ko.”

“Wala ako pagnanasa sa yo tanga. Para na kitang kapatid bat kita pagnanasahan?”

“Para malinaw lang, lagi tayo magkasama kasi, mamaya tanungin ako ng iba kung ano ako. At least alam ko sasagot ko.”

“Ano ba sasagot mo pagmay nagtanong.”

“E di yung sinabi mo.”

“Di ka ba natatakot na matsismis sa akin?”

“Di ko na iniisip yun, di ko rin naman tropa yung mga tropa mo. Isa pa malayo din kitang patulan ha ha ha! Yukk!”

“Tae ka talaga!”

“Sige na dude meme na ko!maaga pa ko bukas!”

“ Sige dude!nite !“

Natatawa akong ibinalik ang cellphone ko sa gilid ng kama at muling nagmuni-muni.

Kakaiba talaga ang ugali ni Caju sa lahat ng nakilala ko. Naisip ko tuloy na kay Caju na lang sana ako nainlove at naitago ko pa ang lihim ko. Hindi sana ganito ang pinagdadaanan ko.Pero wala na akong nararamdaman sa kaniyang pagtatangi bukod sa isang tapat na kaibigan at kasangga sa lahat ng bagay.

Naalala ko tuloy si Yuya.

Sayang at huli na ng nakilala ko siya. Isang buwan na pala siyang nakatira sa kabilang bahay. Yun ang mga panahong nakipagrelasyon ako kay Brian.

Siguro kung pumisan ako kay nanay nung umalis si tatay mas nakilala ko si Yuya. O baka maging kami.

Napag-isip ko na malabo din siguro maging kami dahil hindi naman ako ganoon katapang magpakita ng pagkagusto at magtapat ng nararamdaman ko.

Isa pa malabong maging kami dahil may nobya na siya.

Bakit ba ako madaling mainlove. Magcocommit lang sa sira ulo pa? Maiinlove lang sa may syota pa? Nakakaasar naman ang ganito… Nakakapanghinayang,ang bait pa naman ni Yuya.

Awts! Mabait din naman sa umpisa si Brian.

Kaya nga ako napapayag niya sa mga gusto niya dahil nagtiwala ako na kami talaga sa isa’t isa kahit long distance at magkikita kung may pagkakataon.

Nasilo ako sa patibong ng kaniyang magagandang salita. Ang tanga ko talaga at naniwala ako sa mga papuri niya.

“ Ang gwapo mo talaga mahal ko.“

“Ang sweet ng mahal ko.”

“Makatanggap lang ako ng message mo kahit di ako kumain busog na ako.”

Kahit alam kong gwapo ako o maganda ang katawan ko ay nagpabola pa rin ako.

Sa sobrang tiwala ay para akong sunudsunuran sa mga sinabi niya.

“ Sige na,kung mahal mo ako papakita mo yang ano mo.“

“Tanggalin mo na kasi!akin naman yan e!”

“Grabe ang laki mahal ko sana matikman ko na siya!”

“Itanan na kita!”

Ang tanga ko talaga bakit ako sumunod sa mga gusto niya. Napakabobo ko talaga at naisahan niya ako.

Napagtanto ko na baka hindi lang ako ang ginawan niya ng ganung katarantaduhan. Baka marami kaming ginago niya at isa lang ako sa biktima niya.

Wala na talagang pag-asa kahit gumanti pa ako. Isang dummy account din naman ang gamit niya at malay kong baka dummy din ang gamit niyang pangalan.

Saang lugar ko naman hahanapin ang pinapasukan niyang school na “E di sa Puso ko” o dating pinagtrabahuhang “Crusty Crab”.

Doon pa lang nakakaloko na ang background niya. Tanga ko talaga.

Mainam pala at kahit paano ay inantok ako sa nainom kong beer. Natatawanan ko kahit paano ang katangahan ko sa nangyari.

Ingat na lang siguro sa susunod. Better yet wag ng umulit. Huwag ng mainlove. Huwag ng maging bi… Siguro nga panahon na maging straight ako at sundin ang gusto ng nakakarami.

Ang tanong… Masaya kaya ako kung straight ako?

Ay inaantok na ako saka ko na lang sasagutin. May round two pa kami ni Yuya bukas sa court!


*medyo busy po sa fund drive namin para po sa mga bata this coming june 5 at sa trabaho kaya medyo bumagal po mga beh ang update. Bawi na lang po pag okay na po ang sched. Busy lang po talaga…

Chapter 7

Nagising ako ng pasado ala sais,maaga sa inaasahang dati kong gawi kung magising. Himala at naunahan ko pa ang alarm sa phone ko.

Nag-inat pandali, nagsit-ups at push ups upang maikondisyon ang katawan. Lumabas ng silid at nagtungo sa kusina derecho ng palikuran upang magbawas.

Maingay na ang washing machine tanda na naglalaba ang nanay sa likod bahay. Naghilamos at kumain ako ng agahan.

Dalawang balot ng pandesal ang nasa mesa. Ang isa doon ay para sa mga aso. Ako na ang magdadala noon para sa kanila.

Matapos makapag-almusal ay nagtungo na ako sa kabilang bahay para sa agahan ng mga alaga ko. Papauwi ay dumaan muna ako kina Caju, nagbabakasakaling gising na siya. Alas nueve ang pasok niya kaya may isang oras pa kami para maglaro ng basketball.

Naabutan ko pa siyang papalabas ng kanilang bahay.

“Game!”

Ang sigaw niya sa akin habang papalapit ako. Babalik kami ng bahay para kunin ang bola at para madaanan namin si Yuya.

Saktong inilalabas ni Yuya ang kaniyang motorsiklo ng maabutan namin.

“Game?”

Nagkatinginan kami ni Caju ng papalapit kami dahil parang nangyari na ang pagbati niya kanina.

“Si Caju, Caju si Yuya.Sayaw kayo.”

Pabirong pagpapakilala ko sa kanila at nagkamay ang dalawa habang kinuha ko naman ang bola sa garahe namin.

Nagtungo kami ng court.

Okupado ang kabilang ring side ng apat na kabataan naglalaro doon.

Sa katapat na ring naman kami pumuwesto. Gaya kahapon ay shooting lang din ang aming ginawa. Para may challenge ay lusutan sa pagitan ng mga hita ang parusa sa kung sino man ang di makashoot ng dalawang sunod.

Sa una at pangalawa ay ako ang nakaranas ng parusa,sumunod si Caju tapos si Yuya hangang. Tawanan lang kami pag naglulusutan ang isa sa amin.

Sa tawanan at asaran ay napapatingin sa amin ang mga naglalaro sa kabilang court. Napansin ko rin kung paano ang isa doon ay may pang-asar na tingin. Yung bang tingin na may pangungutya.

“Mga bading kasi.”

Isang parinig ang di nakalagpas sa aking tainga. Nag-eenjoy pa sa pagshoot si Yuya ng magyaya na si Caju na bumalik sa amin.

Alam niya ang dahilan kung bakit nag-iba ang timpla ng mukha ko.

“Tara,papagod na ako.”

Aya ni Caju na itigil na namin ang paglalaro.

Alam kong ako ang pinaringgan ng isa sa naglalaro sa court. Minabuti kong umuwi na nga kahit gusto ko pa maglaro.

Ayaw ko ring makipagbasag ulo sa ganoong paanya ng pang-iinis.

Tatlo kaming bumalik sa bahay. Pinaglabas ko sila ng malamig na tubig at naupo sa gutter ng harapan ng bahay namin.

“Maaga ba pasok nyo?”

Tanong ni Yuya.

“Ako mamaya pang 8, si Randolf 11 pa mamaya.”

Sagot ni Caju. Tahimik lang ako at nawalan ng ganang makipagkwentuhan. Nasa court pa rin ang isip ko. Sa isang naglalaro doon.

“Epal yung isa doon no?”

Tanong ni Yuya

Narinig din pala ni Yuya ang pasaring sa akin.

“Ako yung sinasabihan nung isa dun..”

“Huy!”

Saway sa akin ni Caju sa sinabi ko.

Ano ba dapat ko itago kung kalat naman pala sa ilan ang kasarian ko. Mabuti na sa akin malaman ni Yuya ang issue kesa sa iba. Tiningnan ko si Caju at sumilip sa aming likuran baka naroon si nanay. Nahihiya pa rin ako sa kaniya.

“Ako yung bading na sinasabi kanina. Bi ako.”

Isang pag-amin kay Yuya kahit bago ko lang siyang kakila.

Nakatingin lang sa akin ang dalawa. Parang mas gulat pa si Caju sa sinabi ko kesa kay Yuya na nakatingin lang sa akin ng normal lang.

“Ako nga kabit lang e. Yung syota ko ngayon ako kinabit.”

Ngayon kami naman ang nabigla. Ano to,payabangan ng tinatagong baho?

Nagpaalaman kami at nauna si Caju dahil papasok pa siya ng maaga. Ako namay sa kabilang bahay tutungo upang paliguan ang mga aso at maghahanda sa pagpasok.

“Alas nueve ang out mo di ba? Daanan na lang kita sa trabaho mo pauwi para sabay na tayo.”

Napangiti naman ako dahil dadaanan ako ni Yuya.

Gumaan ang kalooban ko dahil kahit alam na niyang Bi ako ay di man lang magbago ang pakikitungo niya sa akin.

Masaya ako dahil hindi siya nailang sa kung ano ang aking sexual orientation at bukas ang kaniyang pagtanggap. Kahit paano ay nabawasan ang inis na naramdaman ko kanina.

Natapos ang gawain ko sa kabilang bahay at pumasok sa trabaho. Kahit nakakapagod sa pagsisilbi sa mga customer ay magaang ang kalooban ko. Abala ang katawan ko sa trabaho at abala din ang utak ko na kailangan ko na ngang mag-adjust sa mga maari oang mangyari sa akin.

Yung kanina sa court, parinig pa lang yun. Hindi ko dapat patulan. Hindi ko dapat sakyan. Bakit ba ako magagalit e totoo naman. Sila ang may problema at hindi ako dahil tanggap ko na sa sarili ko na “bading kasi” ako.

Walang dapat patunayan sa kanila. Dahil kung papatulan ko sila, ako rin ang mukhang tanga gaya ng ginawa sa akin ni Brian.

Di ako dapat magpaapekto. Aminado na ako sa aking sarili at di na dapat magsinungaling pa sa iba. Ang maasar talo…

Natapos ang shift ko at pasado alas nueve na. Nakakapagod ang paulit ulit na gawain kaya tagtah ang katawan ko. Sa paglabas ko sa fast food natanaw ko sa katapat na gasoline station si Yuya. Nakita niya ako at kumaway sa akin.

Tumawid ako ng kalsada upang lapitan siya. Bakit ang saya ko.

“Kanina ka pa dyan tol?”

“Mga 15 minutes siguro. Tara.”

Lihim akong nasisiyahan ng umangkas sa kaniyang likod.

“Wag ka diyan kumapit.”

Saway niya sa akin dahil ang kamay ko ay nakakapit sa likod ng inaangakasan ko.

Inilipat ko ang aking kamay sa kaniyang balikat. Nagulat ako dahil inalis niya ang pagkakapatong ko doon.

“Dito ka kumapit. Nahihiraoan ako sa iyo e.”

Napatanga naman ako dahil inilagay niya ang mga kamay ko sa kaniyang beywang at saka niya pinaandar ang motorsiklo.

Gaya kagabi niyaya muli niya akong mag-inom sa kaniyang tinutuluyan. Apat na beer muli ang kaniyang inilabas. Kumain muna ako bago lumabas ng trabaho dahil nagbakasakali lang din ako na magyaya siya ng inom. Hindi nga ako nagkamali. Masaya kami nagkwentuha.

Nakakatatlong tagay pa lang ako sa inaabot niya ng magsimula siyang magtanong.

“Pre wag ka magagalit ha. Kelan ka pa naging bading?”

“HUH?”


Ouch! Masakit po kasi ang paa ko kahapon due a past injury tapos kahit nakasaklay umattend pa ng fund raising para sa mga less fortunate children. Salamat po uli sa mga nag-add at nagvotes specially sa mga nagcomments.

Chapter 8

“Ikaw,kailan ka pa naging bading?”

Kampante akong lumagok muna ng beer. Wala akong naramdamang kaba o bigat sa tanong. Hindi na mahirap sagutin. Umamin na naman ako sa kanya kaninang umaga kaya okay lang.

Feeling proud pa ako…

Kinuwento ko sa kanya noon na mapupunta ang curiosity sa panonood ng mga x-rated na movies. Grade six ako noong makapanood ng unang bold ng pakialaman ko yung tinatago ni kuyang mga dvd collection. Taboo nga ata yung natatandaan kong title.

Curiosity na napunta sa experiment ng may sinama akong classmate na lalake tapos yun. Medyo nahiya na ako sa awkwardness dahil kalibugan ko noong bata pa ako ang kwento. Basta ganun,bata pa ako nun.

Pero nakikinig lang siya ng maayos kaya nagpatuloy ako.

Noon dry cum lang nararamdaman ko. Ni hindi nga ako nilalabasan pa noon. Mula noon parang naging open sa kung ano gusto ko. Nakakaramdaman ako sa babae pero mas matimbang pagdating sa lalake. Basta ganun.

“ Di ka halata.“

Di naman talaga ako halata na bading e. Kaya siguro nakoconfuse ang iba dahil nakakadaya talaga ang kabaklaan. Conotation na ang bakla ay malamya,kwela,nadadamit babae,pekeng babae…

Di ko hilig si Madonna, Mariah at Lady Gaga.

OPM, new wave,parokya..yun ang mga trip ko.

Mga straight barako ang barkada at palaban pag may trobol. Di talaga halata na AC/DC ako. Pwede sa girl,pwede sa boy. Adaptable.

Sa facebook lang ako nakakagalaw ng malaya. Doon malaya kong naipapahayag ang saloobin ko.

Sa isang secret group ng bisexual ako nagkaroon ng maraming kaibigan na gaya hanggang nakilala ko si Brian. Ilang gabi dinnkami nagchat noong una. Dahil maingat ako sa wechat o viber kami nag-uusap. Naging kami, away bati dahil sa trabaho ko. Abala din sa unang sinalihan kong bikini open kaya siya nakipagkalas.

“ Pre ang masama ginawa nyang scandal yung picture ko.’

“Scandal? May scandal ka?”

“Basta tinarantado ako ni Brian!”

“Cool ka lang. Di ako kaaway mo.”

“Sorry dre,naiinis lang kasi ako.”

Inabutan niya ako muli ng maiinom.

“Kaya pala nabadtrip ka talaga kaninang umaga.”

“Isa pa yun. Kalat na sa lugar natin ang mga picture at usapan namin.”

Inabot ko sa kaniya ang baso. Nagsalin siya at siya naman ang uminom.

“ Sira ulo pala yung Brian na yun e.“

Masaya ako dahil nagkaroon ako pa uli ako ng kakampi. Sa reaction ni Yuya sa kwento ko ay wala akong maramdamang kaplastikan sa pakikiramay niya sa pinagdadaanan ko.

Gusto ko ng maiba ang topic namin.

“ Ikaw, kelan ka pa naging kabit ?“

Tama ba yung tanong ko?

“Ha ha ha! Gumaganti ka ha?”

“Sorry nacurious lang!”

“Kalokoham ko lang kasi yun.”

“Paano kwento mo naman?”

“Nakainuman ko lang si Lhen noong birthday ng tropa tapos yun nakatext. Tapos may nangyari sa amin. Akala ko walang sabit meron pala.pero hiwalay na siya sa asawa niya.”

Tango na lang ang sagot ko. Parang di ako intersado malaman ang background ni Lhen habang ako naman ang nainom ng beer

“GRO siya sa beerhouse.”

Napasamid ako ng marinig ko kung ano si Lhen. Hindi sa minamaliit ko ang mga GRO kundi ang taste ni Yuya.

Binata,magandang lalaki,maporma, malaki ang tsansang makapunta ng japan ng ganun kadali. Pero bakit sa isang GRO na may asawa pa napunta?

Hinintay ko pa dugtong na kuwento.

“Di ko makalasan e, baka isumabat sa akin yung mga naibigay niya. Enjoy ko naman e.”

Sagot niya habang siya naman ang natagay.

Parang may dumaan na anghel sa aming dalawa. Parang naubusan siya ng ikukuwento at parang naligae naman ang dila ko sa idudugtong na kumento. Nakaramdam ako ng kalungkutan sa kaniyang mata.

Halatang sa kawalan ata siya nakatingin habang inuubos ang iniinom.

Hindi siya masaya?

“Wala ka bang kapatid?”

Maiba ko lang ang atmosphere ng aming kwentuhan kaya iniba ko na ang topic.

Kinuwento niya na dating japayuki ang nanay niya, nakapag-asawa ng hapon. Dalawa silang magkapatid na nasa japan na ngayon.dahil nasa wastong edad na siya ay nadesisyon siyang dito sa pilipinas manirahan.

Sa japan kasi ay nakaranas siya ng discrimination kahit mukha siyang hapon. Masyado siyang getleman para sa mga babae doon kaya giliw na giliw sa kaniya ang mga kaklseng babae na di nagagawa ng mga purong hapon kaya siya napag-iinitan ng ilang mga kasabayan niya. Iba talaga ang karinyo ng isang pilipino pagdating sa babae. Kuyog din ang ilang hapon pagdating sa kung ano ang lahing pinanggaling mo lalo na kung hindi puro. Dito malaya siyang makakilos ng walang panlalait.

“Pareho pala tayong nadidiscrinanate, ang gara.”

Nagakatawan kami sa sinabi ko. Magkaiba man sa sitwasyon ay dama namin ang hinanakit sa mga di nakakaunawa sa aming katayuan.

Natapos kami gaya ng isang gabi sa isang pitsel ng beer at nagpaalam na ako upang pareho na kaming makapagpahinga.

Pinagbuksan ako ni nanay ng pinto. Gising pa pala siya sa kaniyang ginagawang yelo na ibinebenta.

Humalik ako sa kaniya bilang pagbati at dumeretso sa kusina upang sumubo ng kaunti at pagkatapos ay naligo upang mapreskuhan.

Parang magiging kasanayan ko na ata na sa tuwing sasabay ako kay Yuya ay may pagkakataon akong lagi siyang makausap. Sa isip ko habang nakahiga sa kama.

“Kung sakali…kung sakali…sana kay Yuya na lang…”

Napabalikwas ako at tinampal tampal ang aking mga pisngi.

“ Di pa tapos ang problema dadagdag ka uli?“

Pero iba si Yuya…sana pwede…


Sorry for the wait,busy po sa ilang araw ng fund raising namin. Sa nagrequest po ng long stories sa next na gagawin ko po. Nirerepaso ko pa po kasi yung mga characters. Salamat po muli sa mga comments ng previous work ko at sa bagong followers.

Subukan ko po na mareply kayo sa maabot ng aking powers

Baka mamaya yung chapter 9 abangan pramis!

Chapter 9

Naging normal na sa akin ang mga araw ko bagamat nawalan ako ng ilang mga kaibigan dahil sa nagyari sa facebook at dahil doon ay nakilala ko ang mga tunay na taong dapat ko talagang samahan at pagkatiwalaan.

Trabaho,bahay,pag-aalaga sa mga aso,gym at paghahanda sa nalalapit na pageant. Kung tutuusin parang blessing in disguise ang nangyari dahil napapirmi ako sa bahay. Nakita ko kung gaano nahihirapan ang nanay sa pag aasikaso sa bahay. Wala pa ang tatay kaya ako muna na ang hahalili sa pagtulong.

Nakatipid din ako dahil kabawasan din ang madalas na pagsama ko sa mga lakaran at magdamag na inuman.

Speaking of inuman, day off namin Caju bukas kaya pwede kami na makakapagkwentuhan mamayang gabi kasama si Yuya. Namiss ko rin si Caju sa mga ganitong pagkakataon na kasama siya. Kung hindi okasyon,sa problema ko lang siya kasama pagnainom. Pero ngayon gusto ko katabi siya bilang kabuddy at kasangga kasama ang malamig nabeer. Gusto ko magrelax kasama siya at ng bago naming kaibigang si Yuya.

Sumapit ang gabi at muli akong dinaanan ni Yuya galing trabaho. Nakaschedule talaga siya na ihatid sa Beerhouse ang kabit niya at isabay ako pag-uuwi

Yun ang gawain niya. Tatbay sa inuuphang apartment ni Lhen,tagasilbi sa GROng puyat. Labandero,plantador,kusinero,driver at lover. Iba-iba talaga ang takbo ng buhay niya. Iba iba ang punto ng love life. Basta kung saan ka na lang masaya doon ka na lang lagi.

Ang tanong masya nga ba si Yuya?

Parang ang tagal na naming magbarakada ni Yuya, palabiro pag oras ng biro,seryoso pag usapang personal. Ilang beses na rin niya ako napayuhan sa mga pinagdaanan ko. Maging sa text ay kabiruan na rin. Sa aming tatlo kami ang close ni Yuya dahil ako naman ang nauna niyang kilala. Dalawang Linggo pa lang kami magkakilala at malapit na siya sa amin ni Caju.

Dumirecho kami sa bahay ni Caju upang kaunin siya sa aming munting kasiyahan. Doon kami sa lumang bahay iinom. Dalawang bote ng emperador ang nabili namin sa 7eleven.squid balls at bite size na hotdog ang pulutan.

Nakapag-paalam na ako kay nanay na baka sa lumang bahay na ako makakatulog dahil sa mga alaga kong aso at magiinom kami. Pinaalalahanan naman ako na huwag ng lalabas kung nakainom. Kasunduan namin dahil ayaw niyang gumagala pa ako kung nasa impluwensya ng alak. Maging kay Mama Chona ay nagpaalam din ako. Kailangan din kasi niyang malaman ang mga ginagawa ko para walang problema kung kailangan ako at may reason kung bakit at hindi pwede. Dalawa kami ni Caju na alaga niya na magkasama kaya okay lang sa kaniya. Gaya ni nanay ay ganun ang bilin sa akin. Dagdag pa na wag magpakalasing masyado at malapit na ang pageant. Iwasan ang matumba baka mabangasan ang mukha.

Natawa naman ako kay sa dalawa kong nanay, ang isa ya concern sa aming kaligtasan ang isa ay sa aming mukha.

Sa una ay takot pa si Yuya sa lumang bahay namin. Liblib kasi ang lugar kung saan nakatayo ang dating bahay ng mga tatay. Malalaking puno ng mangga at maiingay na kuliglig ang marinirinig. Ngayon lang siya nakarating sa ganitong lugar palibhasa laking maynila at japan.

Tuwang tuwa din siya sa mga aso. Ipinagyabang ko na sa pangit lang mabait ang mga iyon bilang pagbibiro.

“Kaya pala ang bait ng aso mo sa inyong dalawa ni Caju.”

Ganti niya sa akin kaya natawa kaming dalawa ni Caju.

Inuna muna naming hinanda ng hapunan. Isang lechong manok ang iuulam naming tatlo.

Matapos makapagsaing ay masaya kaming kumain ng hapunan. Nangalahati ang isang buong lechon manok ang aming nabili at ang matitira ay dagdag pulutan.

Matapos kumain ay nagsimula na ang aming inuman kasabay ng mahinang sound ng banda sa phone na kinabit sa maliit na speaker. Kwentuhan, biruan,tawanan,sharing ng problema,yabangan at kantahan.

Welcome na talaga sa aming pagkakaibigan ni Caju si Yuya dahil nakakasabay siya sa aming dalawa sa mga biruan.

Lasing na kami at parang di na namin mauubos pa ang isang pulgadang alak na natira sa huling bote. Nagpaalam akong susuka muna upang mabawasan ang hilo kaya nagtungo ako sa palikuran dahil parang nasungaw na ang mga kinain ko sa aking lalamunan.

Di pa ako nayuko ay bumalong na agad ang suka ko sa toilet. Mabaho ang alak laya nadoble pa ang pandidiri ko at tatlong beses akong naduwal.

Nahimasmasan sandali at naghilamos. Nagsipilyo upang mabawasan ang alak sa panlasa. Di ko na kayang balikan sila at harapin kayat dumirecho na ako sa kwarto ko. Malaki ang kama ko kayat alam kong kasya kami ditong tatlo.

Di ko sila inalala dahil automatic naman na dito sila matutulog dahil ang kabilang kwarto ay tambak ng mga gamit at walang pwesto.

Naririnig ko rin ang kalansingan ng mga baso sa sala tanda na nagliligpit ang dalawa. Nakapakit lang ako dahil gusto ko na makatulog hanggang namalayan kong pumasok na sila.

Pinatay ang ilaw at naramdaman kong nahiga sila sa aking tabi. Di ko na inalam kung sino ang nasa kanan at nasa kaliwa dahil sa pagod na ang aking utak at gusto ko ng matulog.

Ilang sandali pa ay nagising ako. Naalimpungatan dahil sa kahol ng isa kong asong marahil nagalit ata sa kasama. Madilim ang kwarto kayat di ko aninag kung sino si Yuya at Caju dahil ayaw ko ng kumilos at baka mawala ang antok.

Nakaramdam ako ng kaba dahil naging malikot lala ang kamay ko habang natutulog.

Nakapatong na pala ang kanang kamay ko sa kaliwang hita ng isa kong katabi. Nakapatong lang malayo sa mismong umbok nito. Nawala ang antok ko dala ng ganitong eksena.

Ilang araw ko na bang naiisip na kung sakali si Yuya at ako… Sinamantala ko ang pagkakataon at hinipo ko ang umbok na iyon.

Marahan kong ipinatong ang aking kamay. Sanay wag siyang magising sa aking ginawa. Pinatong ko lang naman. Wala na, yun lang,patong lang.

Ilang minuto at nakunsensya ako. Bago ko lang kilala si Yuya at ayaw kong samantalahin ang kabaitan niya. Naging mapusok ako sa aking nararamdaman. Nahiya ako sa kanya at sa aking sarili. Ibinaba ko na lang muli sa kaniyang hita ang pagkakadantay malayo sa kaniyang harapan.

Pero nagulat ako ng hawakan niya ito at ibalik doon. Di ko maalis iyon dahil hawak na niya ang kamay ko. Naramdaman kong unti-unti itong tumigas. Kinabahan ako sa pananabik sa kaniyang ginawa dahil nagpaubaya siyang hawakan ko iyon.

Gising si Yuya at alam niya ang ginagawa namin at gusto naming mangyari. Tinanggal niya ang pagkakabutones ng kaniyang pantalon at ibinaba ang zipper nito. Sadilim naramdaman kang kaniyang kamay na naggiya sa akin na ibalik ang pagkakahawak dito.

Malaki,tuwid,matigas at bilog na bilog. Maging ang kaniyang pubic hair ay nahihipo ko. Umayos siya nang pagkakahiga upang maibaba pa ng kaunti ang pantalon. Naging malaya na ng tuluyan ang kaniyang ari sa aking pagkakasapo.

Nagtaas baba ang aking kamay ng ilang ulit upang lalo pang patigasin ang ari niya. Di na yata siya nakatiis at hinawakan na niya ang aking ulo papunta sa kaniyang ari. Ano pa ba ang gusto niya kaya isinubo ko iyon. Para akong bata na naglaro ng isang malaking lollipop. Dinilaan,isinubo,hinalikan nilawayan. Gusto ko siyang paligayahin at paligayahin ang aking sarili kahit sa ganiting paraan.

Ito ang kaunaunahan kong makablow ng ari sa tanang buhay ko. Masarapa pala sa pakiramdam na bibig ang gamit mo sa pagpapaligaya na para mo siyang sinasamba at ibigay ang lahat mapaligaya lang ang nagmamay ari ng nasa bibig mo.

Maingat ako sa pagtaas baba ng aking ulo baka magising si Caju. Ayaw kong malaman niya na sa tabi niya ang kaibigan niya may ginagawang milgro. Maigi nalang at lasing na lasing si Caju at himbing sa pagtulog.

Ilang sandali pa ay nilabasan na si Yuya. Pumutok ito sa kaniyang tiyan. Gusto ko sana tikman pero di pa ako handa sa ganun. Di ko alam kung saan siya nakakuha ng pamunas ng maramdaman ko ang ginagawa niya. Wala pa rin akong makita sa dilim. Umayos ako ng higa muli at narinig kong inayos niya ang suot pantalon at pagtaas ng zipper at saka tumalikod sa akin.

Sa isip ko ay may mababago mamaya paggising ko sa umaga dahil sa pangyayaring ito.

Sana di maging kabigatan ang nagawa ko kay Yuya at wala sanang hatid na gulo sa akin ang nagawa ko.

Kahit tapos na ang nangyari ngayon ay nadoon pa rin ang kaba ko higit pa sa kaibigan ang nararamdaman ko para kay Yuya.

Bahala na kung ano mangyaryari….


As promised eto na po. Ginagawa na po ang chapter 10 and 11. Di halatang minamadali para magawa na yung bago.

Chapter 10

Tinatamad akong bumangon ng magising. Wala na rin ang dalawa sa aking silid ng lingunin ko ang magkabila panig ko. Nauna pala silang gumising at lumabas. Narinig ko pa silang nagkukuwentuhan. Naalala ko ang nangyari sa amin ni Yuya kagabi. Kaya di ko alam kung paano ko na siya pakikiharapan ngaying umaga.

Patay malisya na lang akong lumabas, nagkakape ang dalawa ng aking abutan. Ngumiti ako sa kanila. Di naman masakit ang ulo ko liban lang sa sinisikmura ako kaya pinilit kong magbawas sa banyo. Naligo at nagpalit ng damit. Di ako makapagkape kaya nakunteto na lang ako sa tubig upang mabawasan ang uhaw.

Akala ko ay di na mamansin si Yuya dahil sa nangyari sa amin kagabi. Pero pasalamat pa rin ako at walang awkwardeness ang umagang ito sa aming dalawa dahil normal pa rin ang pakikitungo niya sa akin.

Walang kaalam alam si Caju talaga at himbing siya sa pagtulog. Sa mga kaibigan ko siya lang naman ang maaasahan ko sa lahat ng bagay. Nagpapasalamat ako maging sa sekswalidad ko ay di niya ako ikinahiya. Pero sa pagkakataong ito lalo na sa nangyari sa amin ni Yuya ay akin na muna.

Hindi na rin siguro na ikuwento ko pa na ako ay makaransan na sa kapwa lalake sa unang pagkakataon.

Pero habang tumatagal ang tambay namin at magtatangahali na para maghiwahiwalay ay napansin ko naman ang pananahimik ni Caju. Naging iwas siya sa biruan namin at maikli lang ang tugon niya sa aming mga usapan.

Gising kaya siya kagabi sa mga nagawa ko kay Yuya. Kinabahan ako na baka alam niya ang nangyari sa amin kagabi at nanahimik sa aming ginagawa.

Kung gising siya kagabi… Pucha naman! Nakaramdam naman ako ng hiya dahil sa pagiging mapusok ko na pumayag sa gusto ni Yuya. Kasalanan ko na naman at nagpadala ako sa tawag laman at di isinalang-alang na kasama ko nga pala siya.

Ako na kaibigan niya na ay gagawa ng ganoon dahil kahit noong nagkakainuman naman kami kasama ang ibang kontesero at dito rin natutulog ay di naging malikot ang kamay ko.

Ngayon lang! Ngayon lang ako gumawa ng ganito. Ngayong lantad na ako,nagagawa ko na ang gusto kong gawin? Paano kung tanggap nga ni Caju ang pagkabisexual ko pero di naman niya tanggap ang orientation ko pagdating sa kama na kasiping ang isang lalaki.

Iba pa rin ba ang pagtanggap sa sexuality sa pagtangtanggap ng nagtatalik na dalawang kasarian? At katabi mo pa ang nagpapasarap sa isat isa? Nahihiya na talaga ako sa kaibigan ko at sa sarili ko kung bakit ba nangyari ang di dapat mangyari sa amin ni Yuya.

Sabay sabay na kami lumabas at para umuwi sa aming mga bahay. Ako sa nanay naman titigil maghapon. Wala nga palang pasok si Caju at nakaschedule kami ng alas tres ng hapon kasama si Mama Chona para maghanap na marerentang suit para sa pageant.

Nasa utak ko pa rin na alam na nga ni Caju ang nangyari sa amin ni Yuya. Magkasama nga kami pero malayo siya di gaya ng dati na nakikisabay siya sa akin sa pagbibiro o kwentuhan. Naninibago ako sa kaniya sa unang pagkakataon. Natatakot na ako na baka siya ay kagaya rin pala ng mga kaibigan kong lumayo sa akin.

Gumawa ako ng paraan na sana okay lang sa kanya ang nangyari. Naroong akbayan ko siya, magbiro o lokohin siya sa mga napipili niya. Nagrereact naman siya sa mga pakwela ko ngunit bakas sa mga mata niya ang pag-iwas.

Walang kaalam-alam si Mama Chona na may lihim na sama ng loob na ata sa akin ang isang alaga niya, at ako ang may kasalanan…na naman.

Kahit di ko na siya kausapin at tanungin dama ko na nailang siguro siya sa ginawa ko. Di ako nagpahalata na alam ko na gising siya kagabi kayat ginawang kong normal ang kilos ko na parang walang nangyari.

Kasama ko siya kaya ang mga gawain namin ang dapat unahain. Nakapagpareserve na kami ng damit na gagamitin. Nagpakyha kami ng larawan na ipapadala sa pamunuan ng pageant. Profile pic at isang whole body na lang at aantayin ng dalawang araw ang tugon kung pasok kaming dalawa.

Sa photo studio ay bumalik ang sigla ni Caju. Normal na rin ang kilos niya at nawala ang “pagkaasiwa” sa akin. Normal na uli ang lahat. Pinangako ko sa sarili na hindi namauulit ang ganoong eksena lalot kasama pa siya.

Kung ano man ang nangyari sa amin ni Yuya ay di ko na uulitin pa. Tama na muna ang isang beses at kailangan ko munang magconcentrate sa nalalapit na contest.

Masaya kaming nagpaalam kay Mama Chona ng matapos ang kami sa aming iterinary. Umuwi kami at nag-kasundo na sabay kaming maggi-gym.

Alas kwatro at sabay kaming nagtungo ng gym para magbuhat. Buddy-buddy kami sa pag-alalay sa isat isa sa mga weights na ginagamit. Mauuna muna siya at pagkatapos ay ako.

Ganun kami-bigayan lagi, para talaga kaming magkapatid sa lahat. Walang masamang dila at tanggap ang meron at kakulangan sa bawat isa sa amin. Feeling ko naging abusado ako sa pagtanggap niya ng kasarian ko at pati pakikipagtalik sa kapwa ay pinakita ko na sa kaniya. Nahiya tuloy ako tingnan ang pawisan niyang mukha pagnaalala ko ang nangyari kagabi kayat iniwas ko ang patingin habang binibilang ang kaniyang pag bubuhat ng barbel sa bench press.

Mas nailang naman ako dahil doon naman ako napadako sa ibabang bahagi niya kaya lumipat ako ng pwesto para di niya makita ang pagkailang ko.

Magandang lalaki si Caju bukod mabait, maalalahanin,palabiro at maunawain. Mga ugaling gusto ko sa kaniya. Kung pwede nga lang bakit hindi na lang kami. Pero hindi pwede dahil kaibigan ko siya at ayaw ko masira iyon. Di ko alam kung ano gagawin ko kung magkalyo kami o masira ang aming samahan kaya hanggat maari ay ayaw ko mangyari iyon. Mawala na ang lahat ng kaibigan ko huwag lang si Caju.

Sa kalagitnaan ng session namin ay nakatanggap ako ng tawag myka kay Yuya. Maingay ang gym dahil sa malakas na tugtog ng speaker kaya lumayo ako kay Caju upang makausap ng maayos ang tumawag.

Matapos ang ilang minuto bumalik ako upang ipagpatuloy ang pagaaaait kay Caju.

“Sinong tumawag, si Mama Chona ?”

Naabutan ko siyang nakaupo at ipinapahinga ang braso myla sa pagbubuhat.

“ Si Yuya, medyo may problema daw.“

Nakita ko ang kaniyang tinatamad na reaksyon at muling sumadig sa bench press upang gawin ang huling repetition.

“Nagalit daw yung syota niya, di niya nasundo kaninang madaling araw sa trabaho. Ayaw maniwala na nung babae na tayo ang kasama.”

“ Tapos?“

“Ayun pinakausap sa akin sabi ko nag-inom tayo kagabi kaya di siya nakasundo.”

“Naniwala naman?”

“Siguro kasi maayos naman kausap yung kabit niya.”

Kung tutuusin kaya di nakapagsundo ng madaling araw si Yuya ay ako ang dahilan.

Alam na rin ni Caju ang love life ni Yuya ng mag-inom kami kagabi kaya di ma estranghero ang issue ng sunduan dahil nabanggit na ito kagabi. As expected na tatawag siya at kami ang magpapaliwanag ng tunay na dahilan upang di magalit ang babaeng karelasyon niya.

Sa pagtawag ni Yuya ay nakaramdam ako ng selos dahil sa pagbibigay niya ng importansiya sa karelasyon. Medyo tinamad ata ako sa pangyayari.

Nawalan ako ng gana. Natabimik ako. Ano ba itong nararamdaman ko. Wala naman kaming ugnayan ni Yuya at ganito ako ngayon. May nangyari sa amin kagabi pero nakakadama ako ng selos.

Nahawa ata ng pananahimik ko si Caku maging siya ay di na rin nagsalita. Marahil naramdaman niya ang dinadala ko. Di naman siya nag-urirat sa pananahimik ko. Sa unang pagkakataon tahimik kaming nagbanat ng buto.

Pauwi na kami bandang alas siyete. Maaga kaming matutulog dahil nagsabay ang oras ng duty namin ni Caju sa trabaho. Pareho kaming opening sa fast food kaya maaga kaming naghiwalay.

Maaga rin akong matutulog upang makabawi na rin ng lakas sa nangyaring puyatan sa inuman. Nakahiga ako at di pa dalawin ng antok kaya nakipagpalitan pa ako text kay Caju.

“ Caju di ako makatulog’“

Ilang sandali ay dumating kaniyang tugon.

“ Gusto mo sapak para makatulog ka?“

“Galit ka ba sa akin?’

“Paanong galit?”

“Napansin ko kasi na matamlay ka kanina e. May problema ba?”

Matagal ang kaniyang pagreply kaya hinintay pa ako ng ilang sandali. Dinalaw na ako ng antok sa tagal ng kaniyang reply.

“May pagtingin ka ba kay Yuya?”

Nabigla ako sa aking nabasa. Nawala ang antok ko… Derecho na niya akong tinanong patungkol sa nararamdaman ko sa bago naming barkada.


Aamin kaya si Randolf sa kanyang bestfriend patungkol kay Yuya? Ito kaya ang maging dahilan ng pagbabago ng kanilang pagkakaibigan?

Chapter 11

Nabigla ako sa tanong ni Caju…

“Ano klaseng tanong yan”

“Seryoso,may gusto ka ba kay Yuya?”

“Bago lang natin kakila yung tao iniintriga mo na agad.”

“Di mo pa ako sinasagot.”

“Di ko alam e…siguro.”

“Sige dre tulog na ako.”

“Teka lang, iiwan mo na agad ako sa ere?”

“Bakit ka ba nagtext? Ano ba kailangan mo?”

“ Galit ka ba kung may gusto ako kay Yuya?“

“Bat naman ako magagalit? Buhay mo yan.”

“Sa reply mo galit ka dude.”

“Matutulog na ako.”

“Caju wala namang ganyanan ikaw lang bestftiend magagalit ka pa.

“ Sino nagsabi sa yong galit ako?“

“Kaninang umaga pauwi tayo,sa photo session,sa gym. Kanina ka pa wala imik.”

“Ano gusto mo palabasin?”

“ Galit ka nga.“

“Sus,wala lang imik galit na? Di ba pwedeng wala sa mood o tinatamad lang?”

“ Naninibago ako sa iyo e. Di ka naman dating ganyan.“

Wala pa siyang reply

“ Caju huy! Magsabi ka nga, ano ba problema .“

“Wala akong problema ang kulit mo!”

“Sige solohin mo yan tapos sabihin mo wala ako ginawa.”

Naaasar na ako sa mga reply ni Caju na walang pinupunto. Hindi naman siya dating ganito na mausisa sa mga ginagawa ko. Pilit ko lang inililihis ang usapan patungkol kay Yuya o talagang may problema siyang dinadala na hindi sinasabi sa akin.

“ Caju ano na?

“ Inaanatok na ko pwede.“

“Oo may gusto ako kay Yuya,masaya ka na?”

“Sasagot ka rin pala dami mo pa sinasabi. Sige, good night!”

Inis at pag-aalala ang nararamdaman ko sa huli niyang mensahe.

Inis dahil sa nasabi kong may gusto ako kay Yuya. Pag-aalala na alam niya ang nangyari ng magkakasama kami.

Nasasaktan ako sa mga naiisip ko na kaya siya nagkakaganoon ay di niya ang tanggap ng lubusan na lantad ako, na ang bestfriend niya ay talagang bumigay na.

Paano kung pati siya ay kagaya din ng iba na nilayuan ako. Mabait at disenteng tao ang kaibigan ko kaya malayo sa hinagap ko na layuan ako. Galit nga siya sa akin sa nagawa namin Yuya at ang nakakahiya ay katabi lang namin siya at ni hindi ko isinaalang-alang na ang ganoong pribadong bagay ay ilantad ko rin sa kanya.

Kasalanan ko na naman ito. Nagakamali ako na hayaang may mangyari sa amin ni Yuya.

Masisi ko ba siya kung hindi sumama ang loob niya sa akin? Di ko pa nalalampasan ang eskandalo na nagawa bibiua na naman agad ako ng isa pa.

Tama nga siguro si Caju na magalit sa akin. May karelasyon si Yuya. Nasa akin ang problema. Paano kung ako ang maging dahilan ng kaguluhan ng dalawa? Paano kung maulit uli ang nangyari sa amin? Paano kung masira na naman ako sa mga pinaggagawa ko? Paano kung sugurin ako ng kabit niya?

Ano ba itong naiisip ko…

“ Sorry na Dre, di mo lang kasi alam na nahihirapan din ako..“

Isa pang text ko kay Caju. Gusto ko lang magkaayusan kami. Di ako makakatulog dahil sa pangyayaring ito. Ngayon lang kami nagkaroon ng away sa isat isa.

Walang pa ring reply.

Lalong sumasakit ang kalooban ko sa nangyayari sa akin. Ayaw kong mawala si Kaju. Matapat ko siyang kaibigan at kailanman ay lagi niya akong pinagbibigyan. Inuuna pa niya ako bago ang kaniyang sarili. Kung tutuusin siya pa ang kumumbinsi sa tatay niya na magbigay sa akin ng dugo noong nagkasakit ako kaya ganoon na lang ang laki ngbutang na loob ko sa kaniya.

At ngayong galit siya sa akin ay di ko kakayanin. Sa tabi ko lang siya lagi pagkailangan. Sa tabi ko noong kailangan ko ng kadamay.

Naging mapusok ako at di ko pala naiisip ang mga mga ginagawa ko.

“ Dre, sorry. Kung ano man ang nagawa ko. Ayaw ko nagkakaganito tayo.“

Pakiusap ko na magkaayos kami.

Wala pa ring reply.

Gusto ko ng maiyak.

Sumigaw.

Magwala.

Mas masakit pa ito kesa sa ginawang sa aking scandal.

Ang magalit sa akin ang matalik kong kaibigan.

Natuwa ako ng makatanggap muli ng mensahe. Akala ko ay di na siya magrereply.

Akala ko lang. Si Mama Chona pala ang ang nagtext.

Nabigla ako sa aking nabasa.

“ Ano yung text sa akin ni Caju na di na siya sasama sa laban? Na ayaw na raw niya. Magkasama ba kayo?“

Lumala na ang nangyayari. Pati ang pagsali namin sa contest ay naapektuhan na ng dahil sa akin.

“Mama Chona kausapin ko na lang po baka may problema lang.”

Ayaw kong lumala pa ang sitwasyon at madamay pa si Mama Chona sa gulo. Ako ang may kasalanan kaya ako ang dapat na gumawa ng paraan para maayos ito.

“ Magkita tayo sa court mag-usap tayo.“

Sa ganitong pagkakataon nais kong makausap si Caju. Ayaw ko ng may hidwaan kami lalo pat malapit na rin ang contest. Ayaw kong madamay si Mama Chona.

Lumabas ako ng bahay at nagtungo sa court. Isang bahagi ng poste lang doon ang maliwang. Malapit sa guard house ang court at kilala ako ng bantay. Kayat di ako nag-aalala na baka sitahin ako.

Naupo ako sa may gutter sa gilid ng court. Makikita niya ako dito kung sakaling dumating siya.

Lumabas siya ng kanto malapit sa bahay nila.

Kahit paano ay di ako binigo ni Caju, may pag-asa pa para magkaayis kami.

“ Ano yung sabi mo kay Mama Chona na di ka na sasali.“

“Ayaw ko na e.”

“Paano naman ako?”

“Anong paano naman ikaw?”

“Dre dalawa tayo nagdesisyon sumali tapos iiwan mo ako?”

“Wala na ba akong karapatang magdesisyon para sa sarili ko?”

Naguguluhan na ako kung bakit nagkakaganito si Caju. Parang ang tindi ng galit niya sa akin.

“Di ko alam bakit ka nagkakaganyan. Galit ka ba sa sinabi ko tungkol kay Yuya?

“Yan ang hirap sa iyo eh! Lagi kang walang alam.”

“Ayusin natin to dre,sorry kung may nagawa ako mali na di mo gusto. Pinagsisisihan ko na yung mga nagawa ko noon. Nakamove on ako dahil sa iyo. Dahil sa iyo nagkaraoon ako ng pag-asa na akala ko tinalikuran na ako ng mundo. Pero nandoon ka sa oras ng kailangan ko. Nandoon ka sa tabi ko. Wag naman tayo magkasiraan ng dahil ka Yuya.”

“Wala namang problema kay Yuya eh, nasa iyo. Sa utak mo. Kung ano man ang desisiyon ko sa pag-atras sa contest desisyon ko yun. For once, ako muna magdedecide sa sarili ko. For once di muna ako didikit sa iyo. Pansamantala lang naman ito. Kaibigan mo pa rin ako. Sabi mo nandito ako lagi. Isang text mo lang agad ako napunta. Isang tawag mo lang katabi mon na ako agad. For once ako naman ang magdedecide sa sarili ko pwede?”

Tumalikod siya papalayo sa akin,di ko na nakuhang tumayo para habulin siya.

Inabuso ko ang kabaitan ng bestfriend ko para sa mga bagay na akala ko ay magpapaligaya sa akin.

Sising- sisi ako na nilihim ko ang pagkatao ko, ang pakikipagrelasyon sa internet, ang scandal ko at ang nagawa ko kay Yuya.

Paano ba ako nagkaroon ng hiya kung lahat pala ng pagkakamali ko ay tinatanggap na lang ni Caju. Hindi ako nakinig sa mga payo nila bagkus naging palalo pa ako at hindi inisip na babalik sa akin ang mga maling ginagawa ko.

Napaka tanga ko talaga!

Ginulo ng pagkatao ko ang buhay ko. Nawala na lahat sa akin. Pati ba ikaw Caju mawawala pa?


Nagkakalabuan na ang magbestfriend. Paano kaya ang contest na sasalihan nila? May lihim na mabubunyag sa next chapter two days from now!

Chapter 12

Galit na galit si Mama Chona sa ginawang desisyon ni Caju. Nagpaalam siya na aatras na ng di sinabi ang dahilan kung bakit.

Di ko masabi na ako ang dahilan kaya siya umayaw. Masama talaga ang loob niya sa akin sa nagawa ko. Maging sa aming trabaho ay di siya pumasok.

“Kausapin mo yang kaibigan mo ha. Kung kelan malapit na dun pa siya dadagain? Anu yan? Paggusto niyang umatras wala lang? Dapat sa una palang sinabi niya na ayaw niya. Kumpleto na ang slot ng candidates, dalawa kayong pasok sa mga napili tapos aatras? Kausapin mo yan ha !”

Ngayon lang nagalit si Mama Chona sa amin at ayaw kong makadagdag pa sa sitwasyon. Kailangan ko na talagang kausapin ng masinsinan si Caju. Kung kailangang lumuhod ako sa pagsosorry gagawin ko magkaayos lang kami. Hindi dahil sa contest kundi sa ayaw ko siyang magalit sa akin.

Ayaw kong nagkakasamaan kami ng loob ng dahil sa ginawa namin ni Yuya.

Inabala ko ang sarili ko sa trabaho sa fastfood matapos kaming mag-usap sa phone ni Mama Chona. Tila robot akong gumagawa na lang ng di ko namalayan na uwian na pala.

Nagmamadali akong nag-ayos para mapuntahan si Caju sa kanila. Nang marating ko ang subdivision namin. Di na ako sumakay ng tricycle, ikalawang kanto lang naman ang bahay nila kayat madali kong nilakad na lang.

Sa daan nag-iisip na ako kung paanong bungad ba ang sasabihin ko.Tumabi ako sa gilid ng kalsada ng maramdaman kong may paparating sa likuran ko. Huminto sa gilid ko. Isang motor. Si Yuya…

“Punta ka ng court ?”

Tanong niya sa akin.

Di ko inaasahang magkita kami.

“Kina Caju sana…wala ka bang hahatid mamaya?”

“Mamaya pa 8 ng gabi hatid ko. Tara kina Caju .”

Wala na akong magagawa kundi ang umangkas. Walang rason para tanggihan ko siya sa kanyang paanyaya papunta sa aking pakay. Iba naman ang rason ko kay Caju. Kailangan kong ipaunawa sa kaniya na kasalanan ko rin ang nagawa namin ni Yuya.

Dumating kami sa tapat ng bahay nina Caju. Alam kong dinig sa loob ng bahay nila ang aming pagdating kayat maririnig ni Caju na narito lang kami sa labas.

Kailangan nang magkalinawan sa aming tatlo na ang nagyari sa amin ni Yuya ay dala lang ng kalasingan.

Mama ni Caju ang lumabas ng tumawag kami. Wala siya at nagpunta sa kaniyang tito sa Bicutan. Di na namin inalam ang dahilan kung bakit kayat umalis na lang kami ni Yuya pabalik sa aming mga bahay.

Sa daan iniisip ko na baka emergency lang ang dahilan kung bat di siya nakapasok sa trabaho at wag sanang dahilan ang di namin pagkakaunawaan.

Nakarating kami ng bahay. Ipinuwesto muna ni Yuya ang motorsiklo sa gilid ng kalye at saka ako bumaba.

Nais kong magkaroon ng tuldok ang nararamdaman ko para kay Yuya dahil di maaring lumalim pa ang nangyari sa amin. Ayaw kong tumalon sa konklusyon na gusto rin niya ang ginawa ko laya siya nagpaubaya.

“ Dre pwede ba tayo mag-usap ?“

Kabado ako na buksan ang tungkol sa nangyari sa amin noong lasing kami.

“ Bakit dude,may problema ba?“

Kung sa ibang kagaya ko malaking panghihinayang siguro na bumitiw sa nararamdaman ka Yuya. Pero kailangan ko ring isaalang alang ang mga pangyayari sa buhay ko na dapat maging maingat sa lahat ng desisyon na gagawin.

Tama si Caju kung bakit siya nagagalit sa akin. Dahil sa masyado akong mapusok.

“ Dre sorry sa nagawa ko sa iyo ha.“

Ayan na sabi ko na!

“ Huh? Sorry? Bakit ka nagsosorry ?’

Pagtataka niya sa aking nasabi.

“ Sorry sa nagawa ko sa iyo…“

“Dude, anong sorry? Di kita magets?”

“I mean sorry sa nagawa ko sa iyo nung nag-inuman tayo.”

“ Nag-inuman tayo? Dude inaway mo ba ako nun?“

“Wala kang matandaan?”

“Matandaang ano? May sakit ka ba? Ano ba yang pinagsasabi mo?

“Nung gabing lasing tayo? Nung magkakatabi tayong matulog? Di mo natatandaan yun?”

“O nakatulog ako, tapos wala na maayos naman akong nakadapang natulog noon? Maayos naman tayong naghiwahilay kinaumagahan anong dapat ipag-sorry mo?”

“Wala kang natatandaan na may nangyari sa atin?”

Pati ako nalilito na rin sa nangyayari.

“Dude walang nangyari sa atin. Ano ba yang sinasabi mo?”

Inalala ko ang gabi na magkakasama kami. Imposibleng panaginip ang lahat ng iyon dahil gising kami pareho. Ang paghawak ko sa kaniyang hita at sa harapan niya. Ang pagababa ng kanyang zipper at pantalon . Ang pag subo ko sa ari niya. Ang papupunas niya ng matapos niyang labasan. Imposibleng di niya alam ang lahat.

“ Nung sumuka ka nag-ayos pa kami ng kalat natin. Natandaan ko pa na nagwalis pa si Caju ng sala. Tapos umuhi ako, kasunod siya. Sabay kami pumasok. Tapos yun nahiga siya sa right side mo, ako naman sa kaliwang side mo dumapa.“

Kaliwang side…pucha!

Sa kaliwang side natulog si Yuya?

Anak ng…

Nanglambot ang tuhod ko na mabuo sa isip ko ang lahat ng pangyayari.

Hindi si Yuya ang nakasiping ko ng gabing iyon kundi si…si..si Caju ang natikman ko?!

“S-sige dre pasok muna ako sa bahay,baka naghihintay na si nanay .”

Alibi ko na lang sa kanya dahil sa gulo ng utak at narardaman ko.

Nanlalamig ang aking mga palad ng pumasok derecho sa aking kwarto. Ni hindi ko na napansin ang nanay. Pata ang katawan ko sa natuklasan na hindi si Yuya kundi si Caju pala ang ginapang ko.

Ngayon ko napagtanto kung bakit iwas sa akin ang bestfriend ko.

Gusto ko siyang makita ng personal. Gusto ko siyang makausap at linawin ang nangyari sa amin.

Nalilito na ako sa nangyayaring sa amin ng kaibigan ko….


Dalawa lang ang posibleng mangyari, may masisira ba may mamumuo kaya sa magkaibigan. Next Chapter po uli!

*sorry ha ha ha.napaaga ang gawa ko akala ko after two days pa ako makakagawa. Kung kakayanin po ng sched baka maisingit ko. Super busy lang po kasi sa trabaho.

Again, thanks sa mga votes ang good comments sa mga previous work ko. Inspiring po yung mga sinabi nyo. Salamat po sa lahat.

Chapter 13

Ilang tawag na ang ginawa kay Caju subalit nakapatay ang kaniyang cellphone. Marami na akong text na pinadala,nagbabakasakaling mabasa niya ang aking mga mensahe. Nakailang charge na ako wala pa ring pa reply. Hatinggabi na at di pa rin makatulog sa nadiskubre ko.

Hindi pa rin ako makapaniwala na may nangyari sa amin ni Caju ng gabing iyon.

Ang buong akala ko ay si Yuya ang nakaniig ko kundi siya pala.

Naalala ko tuloy kung gaano ako kasiya na magawa ko iyon. Sa pag-aakalang gusto ni Yuya ang ginawa ko.

Sa dilim, akala ko ay kay Yuya ang hinipo ko. Naramdaman ko pang unti-unting tumigas iyon ng ipahipo niya sa kamay ko. Ang paghubad niya sa kaniyang pantalon at igiya ang ulo ko pababa sa kaniyang ari at ipasubo sa akin. Hinayaan niya ko na gawin ko at hindi siya tumutol. Tahimik lang siya ng matapos. Tumalikod sa akin pagkatapos na parang walang nangyari.

Nanliit ako sa aking ginawa na parang nagparaos lang ako. Na ang sex ay hindi lang tawag ng laman,ito’y isang pribado at gawain lamang ng dalawang nagkakaunawaan, ng nagmamahalan…

Paano kung gusto nya rin talaga na gawin ko sa kaniya iyon. Paano kung di ko rin kilala si Caju na gaya ng inaakala ko? Paano kung pareho kami ng pagkatao at ayaw din niyang malaman ko ang katotohanan na isa rin siyang bisexual.?

Please naman Caju sagutin mo na ang text ko!

Gusto kong humingi ng tawad. Pakiusapan siya na magkaayos na kami. Di ko kayang saktan ang damdamin niya.

Marami na akong nagawang mali at ayaw ko ng maulit pa lalo pa at madadamay ang aming pagkakaibigan.

Kung pwede lang na gaya ng isang pelikula na i-rewind ang gabing iyon sana ay di ko na ginawa. Kung pwede lang na di na ako naging bakla ay wala sana akong problema.

Nagising ako kinabukasan. Nakatulugan ko na pala ang paghihintay sa mga reply ni Caju. Wala pa rin ni isang sagot.

Matamlay akong bumangon, nag-agahan at pumasok ng trabaho. Nadagdagan pa ng balita na nagresign pala si Caju sa trabaho ayon sa aming manager effective ngayon araw.

Naiinis ako sa kaniya kung bakit pati trabaho ay dinamay niya. Okay lang umayaw siya sa pageant,matatanggap ko. Ayaw na talaga niya ako makasama.

Sa kabila ng inis ay naawa ako sa kaniya. Nang dahil sa akin kaya ganito ang nangyayari. Sa akin na lang niya ibunton ang galit niya. Ako na lang ang gantihan niya. Hindi yung ganito na lahat ay nadadamay na. Ang sakit e.

Ano na kaya ang ginagawa niya? Ano na kaya ang iniisip niya sa akin? Ang plano niya? Sa pagkakaibigan namin?

Huwag naman na lumala pa ang ganito at di ko kaya.

Noon akala nasupil ko na ang naramdaman ko sa kaniya dahil kaibigan ko siya. Ngayong may nangyari sa amin, posible na ipagpatuloy ko iyon.

“ Kung pwede, sana si Caju na lang.“

Yun ang sabi ko noon dahil mabait siya at at kilala ko ng lubusan.

“ Pwedeng pwedeng si Caju!

Sana si Caju na lang!“

Madaling sabihin na sana maging kami ni Carl Julian.

Pero di ko alam ang takbo ng utak niya ngayon.

Paano kung lumayo na siya ng tuluyan sa akin at tuldukan na ang aming pagkakaibigan.

Dalangin ko na wag namang umabot pa sa ganun. Mahal ko ang kaibigan ko. Mahal ko siya hindi dahil sa may nangyari sa amin kundi mahal ko talaga siya.

Nalilito na ako sa nararamdaman ko…

Mahal ko ba siya bilang tunay na kaibigan o higit pa?

Para na akong tanga.

Gaya kahapon na para na naman akong robot na paulit-ulit ang gawain sa trabaho. Napagalitan pa ako ng manager na parang wala sa sarili. Pansin na din pala nila ang kabigatang dinadala ko.

Derecho ng uwi pagkatapos ng trabaho. Ngayon ko naramdaman na mag-isa na talaga ako. Malaking kawala sa akin kung mawawala pa si Caju sa buhay ko.

Ang gulo talaga!

Kung alam ko lang na gusto niya dapat noon ko pa ginawang makipagrelasyon sa kanya.

“ Makausap lang kita, bigyan mo lang ako ng pagkakataon na magpaliwanag liligawan kita Caju.“

Walang tulak kabigin kung si Caju nga at ako ang magkatuluyan.

Kilala siya ng nanay at malabong kumontra yun.

Please Caju magparamdama ka naman.

Bago umuwi ay dumaan ako sa kanila. Sa ikalawang pagkakataong nagbabakasakali na naroon na siya. Sana..

At sa ikalawang pagkakataon ay bigo ako dahil di pa siya nauwi.

“ Ewan ko ba sa batang iyon at padalus-dalos magdesisyong magresign sa trabaho. May alitan ba sa inyong dalawa ha? Ngayon ka lang ata nawalan ng alam sa kaibigan mo?’

Isang tanong mula kay Tita.

Nakakahalata na rin siya sa amin ng kaibigan ko.

“ Pakisabi na lang po kung tumawag siya kung pwedeng pakisabi na kinakamusta ko siya.“

Pakiusap ko kay tita.

“ Mabuti pa puntahan mo na lang kesa maghintay ka. Teka, bigay ko sa iyo ang address. Madali lang makita ang bahay ng kapatid ko sa Bicutan.“

Kumuha ng ballpen at papel si tita at isinulat ang address kung saan naroroon si Caju.

“ Eto ang Address ha. Marcelo village may 7eleven yung gilid nun,unang kanto sa kaliwa tapos kanan ka ikatlong bahay sa kaliwang side. Madali mo makikita yun.“

Nabuhayan ako ng loob dahil kahit papaano ay may pagkakataon kong makausap si Caju.

Nagpasalamat ako at agad umuwi upang magpaalam kay nanay na aalis muna.

Nagtungo ako ng Bicutan upang makita ang kaibigan ko. Kahit madilim na ay madali ko nahanap ang address na binigay sa akin.

Ikatlong bahay sa left side. Half concrete at grill na bakal ang bakuran kaya kita ko na agad ang kabuuan ng bahay.

Tumawag ako at nakita ako ng isang matandang lalake. Nakilala ko ang tito niya dahil ilang beses na kaming nagkita sa mga handaan sa bahay nina Caju.

“ O Randolf! Ikaw pala yan? Halika pasok ka.

Kinabahan ako kahit kilala ko si tito at giliw na pinapasok ako. Maskinabahan dahil makikita ko na si Caju.

Pinaupo ako sa sa sofa.

“ Caju may bisita ka!“

Tawag ni tito sa kaibigan ko.

Isang bata ang patakbong lumabas, pinsan iyon ni Caju na nasa edad anim marahil. Umupo pa siya sa kaharap na sofa para makita kung sino ang bumisita.

Nadoble ang kaba ko ng lumabas ang gulat kong kaibigan ng makita niya ako na nakaupo sa maliit na sala.

“ Kuya siya ba yung boyfriend mo?“

Ang gulat namin sa sinabi ng bata at sabay kaming nmula ang mukhang nagkatinginan.


Chapter 14

Grabe ang sa sinabi ng bata pagkakaita sa akin.

Kung pwede lang maging pagong at itago ang ulo ko sa hiya.

Para naman talagang akong aakyat ng ligaw sa eksena namin.

“ Jeswil wag maingay pag may bisita.“

Saway ng tito ni Caju na busy sa nagtitimpla sa isang pitsel.

Si Caju namay kahit medyo napahiya ay matabang ang reaksyon sa akin. Pasalamat pa rin at hinarap niya talaga ako. Nandoon pa rin ang malasakit niya sa akin.

Umupo siya sa ka sofa ng hindi natinhin sa akin.

“ Umm…sinabi kasi sa inyo na nandito ka raw kaya nagpunta ako. Gusto ko sana makipag-usap sa iyo.. Sa…

Nahinto ako sa aking sasabihin dahil lumapit sa amin si tito at naghain ng malamig na orange juice.

“O, uminom ka muna iho.”

Nagpasalamat ako sa matanda sa kaniyang kabutihan,saka siya nagpaalam at nagtungo sa labas para sa aming pag-uusap ni Caju.

Sa aking pagpapatuloy…

“ Ano…kasi..kaya ako narito kasi gusto ko sana..“

Di ko alam kung paano ko sisimulan…takte! Hinintay ko pa ipinid ang pinto na sala  na lumabas si tito.

“Kuya Caju dito rin ba siya matutulog ?”

Sabat uli ng bata…

Anu ba beh di na ako makatapos! Sa isip ko.

“Di ba sabi ng tatay Milo wag daw maingay.”

Bulong ni Caju sa bata.

“Ano..di ba tayo magkakaayos?

I mean sorry sa nagawa ko.“

“Ano ba ang nagawa mo na dapat mong ihingi ng patawad?

Ginusto ko rin naman yun…

Ingat si Caju sa bibitiwang salita dahil sa kandong niya ang bata.

… yung nangyari sa atin.“

Pagpaaptuloy niya .

“Sorry talaga kasi akala ko ikaw…”

“Akala mo ako si Yuya? So, si Yuya talaga ang target mo?”

“Caju, di naman sa ganun.”

“Yun na nga di ba? bakit ka pa nagpunta kung si Yuya ang hanap mo?”

Naiiyak na ako sa pananabla ni Caju.

“ Di ko kayang gawin sa iyo ang gusto ko dahil natatakot ako na mandiri ka sa akin. Natatakot ako na dahil sa pagkatao ko at hangarin ko na makipagrelasyon sa iyo ay umayaw ka at mag-iba na ang pagtingin mo sa akin. Takot akong ikaw mismo ang magreject sa akin dahil baka layuan mo ako o layuan kita sa hiya. Pinaglabanan ko ang tukso na magkagusto sa iyo dahil malaki ang naitulong mo sa akin. Dugo mo rin ang nagdugtong sa buhay ko dahil sa tatay mo. Kahit gusto ko ng ipagtapat sa iyo ang katotohanang bi ako, di ko kaya dahil natatakot ako…Nalilito sa tunay kong kasarian noon. Noong iwan ako ng akala kong mga kaibigan nandoon ka lang sa tabi ko. Nagkamali ako sa mga nagawa ko pero ikaw ang nagtulak sa akin na magpatuloy.

Caju sabihin mo sa akin.

Maiisip ko pa bang samantalahin ang pagkakataong mahal kita gayong napakarami ko pang atraso sa sarili ko…sa iyo…

Ayaw kitang mawala, alam ko nasaktan ka sa mga desisyon ko ng hindi ka kasama. Naramdaman ko rin ang sakit dahil di mo rin ako sinama sa mga desisyon mo.“

Umiyak na ako ng tuluyan habang nakatingin sa kaniya. Maging siya ay nangingilid na rin ang luha.

“Caju please magkaayos na tayo. Sorry na. Bumalik ka lang sa dati, magsisimula uli ako

basta nadoon ka lang…sa tabi ko .“

Pakiusap ko kay Caju. Iba na ang nararadaman ko. Di na ito pakiusap ng isang kaibigan kundi isang panunuyo.

Mahal ko talaga siya.

“ Kuya Caju kawawa naman siya. Bati na kayo.“

Sabat muli ni Jeswil na nahawa yata sa aking pag-iyak dahil sa nakafrown face niyang awa sa akin.

“ Bati mo na siya kuya. Naiiyak ako e.“

Hinawakan pa ni Jeswil ang mukha ni Caju. Nagtitigan pa silang magpinsan na nakikiusap na magbati na kami.

Sinsero ang sinabi ko kayat maging ang bata ay nadama ang mga binitiwan kong salita. Na kay Caju na lang ang desisyon kung patatawarin pa niya ako.

Huminga ng malalim si Caju at nagpunas pa ng kaniyang mga luha.

“ Sige na sige na! ayos na tayo, bati na tayo.“

Parang magic word ang aking narinig na nagbukas ng isang nakasarang pinto ang mga tinuran ni Caju. Muli akong naiyak dahil sa kasiyahan na ayos na kami.

Lumipat ako sa kanilang kinauupuan at niyakap siya. Sa katuwaan ko, pati pala si Jeswil ay kasama sa mahigpit kong yakap.

“ Yey bati na sila ng boyfriend ni Kuya Caju!“

Sigaw ng bata sa kasiyahan dahil sa wakas natuldukan na ang aming di pagkakaunawaan.

“ Jeswil di ba sabi wag maingay.“

Si tito ang nagsalita sa labas, nadoon lang pala siya sa may pinto at na naninigarilyo. Napahiya na naman ako dahil narinig ng Tito niya ang mga sinabi at pagtatapat ko kay Caju.

“ Eh kayo rin pala magkakatuluyan pinatagal nyo pa. Talaga kayo oh.“

Medyo nakakatawa dahil parang hindi bago sa tito ang ganitong pangyayari. Okay lang sa kaniya na ako ay magtapat sa kaniyang pamangkin.

“ Wag ka na umuwi Randolf at masyado ng gabi. Magpaalam ka na lang sa nanay mo na dito ka matutulog. Bukas isama mo na pauwi yang pamangkin ko. Baka pagnagtagal pa yan dito maagaw na sa iyo ng iba yan.“

Napatanga naman ako dahil ganito kaopen si tito sa aking kasarian at maging sa kaniyang pamangkin.

Ang cool!

Pinakain nila ako ng hapunan. Mag-isa lang akong hinainan ni Caju dahil nakakain na pala sila. Siya namay pinapanood akong kumakain. Masaya akong kumain habang tinitingnan niya ako. Panay naman ngiti ko sa kaniya at kunwang sisimangot siya sa akin na nanunuya dahil sa kasalanan ko.

Okay na kami ng kaibigan ko.

Dahil higit pa sa mga sinabi ko ang pagbubukas ng pinto ko para sa aming dalawa na pwede pala kaming maging magnobyo.

Malakas na ang loob ko dahil sa mga pinagtapat ko sa kaniya kaya nahahawakan ko na ang kaniyang kamay. Pinagbibigyan naman niya ako pero manaka-naka naman niyang pinipitik dahil di ko siniseryoso ang pagkain. Nasa kwarto na ang Tito at anak nito kaya malakas ang loob ko sa aking mga ginagawang paglalambing sa kaniya.

Kinuwento din niya kung bakit ganoon ang Tito Milo ka-open sa aming relasyon. Bisexual din pala si Tito na nagkapamilya. Maayos naman ang pagsasama nilang mag-asawa. Naging seryoso lang ito ng magkaanak sampung taon na ang nakakaraan.

Pati pala sitwasyon namin ay naisumbong na niya kay Tito. Kaya pala ng dumating ako kung makangiti sa akin ganoon na lang.

Matapos kumain at hugasan ang pinagkainan ay pumasok kami sa kwartong tinutulugan ng mga bisita. Biyudo ang tito ni Caju kaya may nakalaang matutulugang silid siya pagnabisita dito.

Pinahiram niya ako ng sando na baon niya. Hinubad ko na lang ang aking patalon at boxer short ang itira. Ganun din ang kaniyang suot sa pagtulog. Pangdalawahang tao ang kama kaya magkatabi kami ngayon sa pagtulog.

Nahiga kami.

Ngayon ko nadama na mahal ko nga Caju. Ngayon ko narealize na nasa tabi ko lang pala ang tapat na magmamahal sa akin.

Magkaharap kaming nakatagilid. Bukas ang ilaw. Sinadya kong wag niyang i-off ito dahil gusto ko siyang masilayan.

“ Namiss kita.“

Totoo ang sinabi ko habang nakatingin sa kaniyang mga mata. Gaya kanina sa kusina ay pabiro na naman siyang nagsimangot.

Nagkatitigan kami.

Hinihintay ko ang kaniyang tugon sa tanong ko.

Hindi ko inakala na bigla niya inilapit ang kaniyang mukha sa akin at hinalikan ako sa labi.

“ Mahal kita Randolf…“


  • oh nagkalabasan na talaga ang whos who sa dalawang magkaibigan.

Antay na lang po uli ng susunod na chapters.

Chapter 15

Niyakap ko siya ng marinig ko sa kaniyang mga labi na mahal niya ako. Dinama ko ang pagkatao niya sa harap ko.

Pinadama ko naman na mahal ko talaga siya.

Madali daw mafall ang isang bisexual.

Pero sa akin, kay Caju gusto ko mastranded. Gusto ko ng huminto ang bawat minuto ko na para sa kanya lang. Yung wala ng kawala at ibuhos sa kaniya ang mga nasayang na panahon ko sa pagtatago at paglaban sa naramdaman ko noon na hinanap ko sa iba.

Ang laki ng pagsisi ko kung bakit hindi pa noon ako nagsabi sa kaniya ng tunay na pagkatao ko, matagal na sana kami nagkatuluyan. Mas masaya sana at walang komplikasyon ang buhay ko.

Nagpapasalamat pa rin ako na sa kabila ng nangyari nalaman ko na kasama ko siya. Katabi ko siya ngayon at naiba na ang tinatahak naming pagkakaunawaan.

“ Mahal na mahal kita Caju.“

Isang nanggigil na yakap ang ginawa ko dahil sa akala ko ay di ko na siya makikita. Akala ko ay lalayo na talaga siya.

Nagpapasalamat ako dahil sa nalaman ko na higit din pala sa pagkakaibigan ang gusto niya sa akin.

“ Official na bang tayo na?“

Ang tanong ko para makasigirado.

“ Tanga mo naman talaga oh. Eto na nga oh! Oh? Ano pa ba?

Kumalas siya ng yakap at iniliyad ang kaniyang mga bisig.Pinanlakihan pa niya ako ng mata sa kakulitan ko.

Niyakap ko muli siya at siya ay ganun din.

“ Kung di ka nagselos kay Yuya,siguro di ko malalaman na gusto mo ako…“

Para akong bata na siniksik ko pa ang mukha ko sa kaniyang dibdib.

“ Excuse me di ako nagselos!“

Depensa ni Caju.

“ Nagselos ka, ayaw mo lang aminin…pero thankfull pa rin ako kasi kung di ka umalis di ko malalaman ang lahat.“

“ Ang alin?“

“Na mahal mo pala ako.”

“ Randolf,mahal kita bilang kaibigan. Lagi kitang kasama sa lahat. Magkadikit kahit saan. Noong nasaktan ka sa scandal na kumalat para na rin akong nasaktaan nun. Dalawang sakit yun ! Doble ang dating .

Paano ba naman kasi nagawa mo yung ganung bagay sa di mo lubusang kilala. Ako ang kaibigan mo ni hindi mo sinabing bisexual ka pala. Hinayaan ko lang yun, kahit masakit sa akin dahil kaibigan kita.

Pero ng gabing may mangyari sa atin, nag-iba yung naramdaman ko sa iyo. Yung akala ko ay hindi ko maibibigay sa iyo ang …yung ganun…dahil kaibigan mo ako.

Gusto kong lumigaya ka noong gabi na yun. Wala akong choice kundi ibigay ko rin dahil …ayaw ko ring may mangyari sa inyo ni Yuya.

Kagagaling mo lang sa ekandalo dadagdagan mo na naman isa pa.

Magsimula ka muli at gusto kong kasama ako dun. Noong gabing may mangyari sa atin, maligaya ako. Hindi ako nalito sa kasarian ko dahil ginusto ko yun.hindi ko alam kung gay o bi ako. Ang alam ko pwede kitang mahalin ng higit pa.“

Nakayakap lang ako sa kaniya at nakikinig. Kahit hindi ako tumingin sa kaniyang mga mata ay alam ko na taos sa puso ang kaniyang sinasabi.

Mga ilang minuto kaming magkayakap. Tahimik lang kaming nagpapakiramdaman. Sinusulit ko naman ang pagkakataon na ito dahil sa kasiyahang si Caju at ako na.

Kami na ng bestfriend ko!!!

Itinaas ko ang aking mukha at tiningnan siya. Iba na ang rehistro niya sa akin. Dati parang normal lang sa akin na makita ang kagwapuhan niya. Pero iba na ngayon ang dating niya sa akin.

Ang pagmumukhang ito ang ibabalandra ko balang araw sa madla na boyfriend ko . Walang pagsisisi ko itong gagawin dahil alam ko na mahal niya ako at di lolokohin kailan man.

Mamahalin ko si Caju ng higit pa sa aking kakayanan.

Hinalikan ko siya sa labi. Ngayon ko lang ito nagawa at sa kanya pa. Di na ako magtatanong kung bukod sa akin ay may nahalikan na siya. Basta ang mahalaga ay maipahayag ko ngayon ang aking nararamdaman.

Walang kaba sa aking dibdib ng gumanti siya ng halik. Panay haplos ko sa kaniyang mukha. Kung panaginip man ito ayaw ko ng magising.

Kung nagkakasabay naman kaming magkatinginan sa paghalik ay nangingiti kami. Ang dating magkaibigan ay magka’ibigan’ na ngayon at naghahalikan.

Pareho kami ng nadarama ngayon. Iisa ang ang ninanasang umabot sa ikalawang pagkakataon.

Ako na ang naging malikot sa ginagawa namin. Gumapang na ang kamay ko sa dapat niyang puntahan. Mula sa kaniyang pisngi,dibdib,tiyan,balakang papunta doon sa harapan niya.

Ibinaba niya ang suot niyang boxer short habang patuloy kami sa aming halikan. Tumulong akong ibaba iyon kayat nakita ko rin ang dati kong naisubo sa dilim.

Ngayon ako kinabahan…

Ito pala ang aking natikman noong gabing nag-inuman kami. Hinawakan ko ito ng may pananabik. Si Caju namay namula at natatatawang tinakpan pa ang kaniyang mukha ng unan.

“ Nahiya ka pa e pinasubo mo na sa akin ito.“

Tukso ko kay Caju

“ Gago, lasing ako nun!“

Hinampas naman niya ako ng unang gamit niya.

“ Lasing e halos ingudngod mo ito sa mukha ko.“

Natatawa kami sa aming pinag-uusapan at muli ko siyang hinalikan sa labi.

Kung noon ay mga hreen jokes ang aming pinagkukuwentuhan na wala lang. Iba na ngayon.

Maskomportable na ang usapan namin pagdating sa ganitong pagkakataon dahil personal at pribado na kami lang ang dapat makaalam.

Di nagtagal at iginiya na naman niya ang ulo ko sa ari niya. Wala na ang kaba sa aking dibdib at sinimulan ko na ang gusto niya. Nang gusto ko.

Pinagtaas baba ko muna ang aking kamay sa kaniyang ari. Pinatigas ko pa lalo ito upang i-condition ko ang aming mga sariling libido.

Nakahiga siya at ako ay nakapuwesto sa kaniyang ibaba. Tiningnan ko pa siya na parang nagpapaalam pa ang aking mga mata na bigyan niya ako ng permiso na isubo ko na ito.

Tumango siya sa akin bilang pagpayag.

Isinubo ko iyon ng dahandahan. Nilawayan ang kabuuan ng sandata niyang nasa 6 na pulagada. Ikalawang beses ko pa lang ito nagagawa at sa ikalawang pagkakataon sa iisang lalaki rin.

Sa liwanag ng silid na ito kitang kita ko ang ekspresyon ni Caju habang nagtataas baba ang aking ulong subo-subo ang pagkalalake niya. Siyang-siya siyang pinapanood ako.

Panay singhap sa tuwing itotodo ko ang pagsubo nito sa loob ng aking bibig. Napapataas naman ang kaniyang balakang sa tuwing sumasagad sa aking lalamunan ang pinaka ulo nito.

Maging ang buhok sa kaniyang puson ay pinadaan ko ng aking dila. Ang magkabilaang singit at ilalam ng kaniya itlog. Canidoso si Caju,bukod sa gwapo,at hanggang sa ano niya ay mabango.

Iba ang nararadaman ko pagsubo ko ang ari niya. Nalilibugan ako sa bawat singhap niya ay sarap para sa akin. Inalis ko na rin ang aking saplot sa ibaba.

Umayos ako at nahiga.

Nais kong siya ang trumabaho sa aking bibig.

Sa pagitan ng kaniyang mga hita ang aking dibib. Itinukod niya ang kaniyang kamay sa pader at itinapat ang kaniyang matigas na ari sa aking bibig. Umayuda ang kaniyang balakang at pinapasok ang bibig ko. Kung nabibilakukan ako ay humihinto pansamantala. Naging aware siya kung nahihirapan ako sa posisiyon na iyon kayat maingat niyang ibinabaon ang ari niya sa aking bibig.

Sinapo ng aking kaliwang kamay ang kaniyang puwitan bilang giya kung paano maglabas masok ang katigasan niya sa bibig ko habang ang kanang kamay ko ay abala sa pagbayo ng aking ari.

Nasanay ako sa kaniyang ginagawang pagpasok. Halos naamoy ko na ang precum na nailabas niya. Naghalo na ang laway at pawis namin na lalo pang nagpalibog sa akin kaya di ako tumigil sa pagsupsop.

Tinitingnan ko lang siya habang kinakanyod ang bibig ko. Napakakisig talaga ni Caju sa posisyong ito na subo ko ang kaniyang ari at natatanaw ang kaniyang pawisang katawan at sarap na sarap sa aming ginagawa.

Lumalalim na ang kaniyang paghinga. Malapit na siyang labasan kayat pinaghusay ko pa ang paglalaro dito ng aking mga labi. Itinigil niya ang pag-ayuda at kamay na niya ang nagpatuloy sa pagpapalabas. Ayaw ko pang tumigil sa pagsubo kayat ang ulo nito ang nasa loob ng bibig ko. Nais niyan alisin ang pagkakasubo ko subalit tumanggi ako. Gusto kong malasahan ang ilalabas niya na hindi ko natikman noong unang gabi namin.

Nais kong sa bibig ko ibuhos niya ang lahat ng pagkakataong nasayang ko na dapat matagal ko ng ginawa sa kaniya.

Nanginig ang kaniyang balakang, huminto ito. Parang dumoble ang laki ng ulo ng ari niya at naramdaman kong pumulandit na nga ang inaasahan kong katas. Panay na rin ang bayo ko sa aking ari at lalabasan na rin ako.

Nilunok ko ang katas na nilabas ni Caju habang nakatingin siya sa akin. Hingal na hingal siya habang ako ay patuloy na subo pa rin at sinasaid ang ari niya hanggang sa labasan na rin ako.

Gaya ni Caju na parang nakuryente akong napaliyad din sa sarap. Di gaya ng pagpapaligaya lang sa sarili. Kakaiba ito dahil may kasama akong naghahati sa nararamdaman kong kaligayahan.

Hingal kaming pareho ng bumalik siya sa pagkahiga sa tabi ko. Nasipat niya ang mga lumabas sa akin.

“ Dami mong baon…ha ha ha“

Biro niya sa dahil sa daming lumabas na modta sa akin na umabot sa aking dibdib ang mga tumalsik.

“ Sira ulo ka talaga!“

Mahinang ganting suntok naman ang ginawa ko sa kaniyang balikat. Inapuhap ko ang aking boxer at nagpunas ng mga lumabas sa akin at muling bumalik sa aking pagkakahiga sa tabi ni Caju.

Magkayakap lang kami. Hanggang ngayon ay lasa ko pa rin ang nailabas niya sa aking bibig. Parang nakasabit pa nga ata sa lalamunan ko dahil sa lasa at amoy nito.

Pero masaya ako dahil kay Caju ito. Kailangan kong masanay dahil maraming pagkakataon na gagawin na namin ito.

Patunay na kung nagawa kong kainin ang katas niya ay mas pahahalagahan ko pa ang pagsasamahan namin ng higit pa sa aming pagkakaibigan.

Tahimik lang kaming magkayakap. Ni hindi na namin nakuhang magbihis pa.

“ Wag na muna natin sabihin kung ano tayo. Hanap tayo ng pagkakaton kung pwede na. Mahirap na baka di nila tayo maintindihan.“

Tahimik lang akong nakikinig sa kaniya. Sa ngayon ipapaubaya ko kung ano ang plano niya sa aming relasyon. Siya ang magdedesisyon ng aming relasyon.ipapaubaya ko na bilang submission ko sa pagmamahal niya sa akin. Siya na bahala at aminado namang palpak naman talaga pagdating sa mga desisyon.

Bukas uuwi na kami ni Caju. Uuwi kong kasama ang aking kaibigan/boyfriend ng buhay ko.

Kayakap kong nakatulog ang aking mahal na si Caju.

“ Thank you Caju dahil tayo rin pala …“


Next up may darating na problema. Isang kontrapelo na mangugulo.

Sino yun? Abangan!

*Credits to inyego_jr for my book cover.salamat sa pagkakagawa bro!

Chapter 16

Masaya kaming umuwing  upang simulan ang aming bagong relasyon. Sa ngayon lihim na muna  ang namamagitan sa amin. Ngayon wala na akong pakiaalam kung malaman ng iba na kami na, pero aantayin ko pa ang go signal ni Caju kung pwede ng lumantad.

Parang tumapang ngayon ako na ilabas ang tunay kong pagkatao. Ano ngayong kung may karelasyon na ako. Kilala ko na naman ang mga taong tanggap ako. Di ko na inisip ang pangungutya na maaring kaharapin ko pa. Nagkascandal na ako dahil sa pagkakamali ngayon pa bang tamang lalaki na ang tumanggap sa akin? Ngayon pa ba ako maduduwag?

Kay Caju ko na ipagkakatiwala ang relasyon namin. Sa kanya ko na ibubuhos ang lahat ng atensyon ko dahil sa pagkakataong ito.

Ito na nga yata ang pinaka tamang desisyon na nagawa ko.

Magkatabi kami sa van habang nabiyahe. Noon nagagawa kong sumandig sa kaniyang balikat pag inaantok na kaniyang laging pinagbibigyan hangang sa akoy makatulog ng walang reklamo.

Ngayon higit pa roon ang nagagawa ko dahil magkahawak na kami ng kamay,bagamat natatakpan ng kaniyang back pack.

Ngayon ko naappreciate ang pagiging gentleman ni Caju. Naroong ayusin pa niya ang pagkakasandig ng ulo ko sa kaiyang balikat. Ang alukin pa ako ng baon niyang tubig o abutan ako ng candy. Ngayon ko napagtanto na ang mga concern na ginagawa niya sa akin ay noon pa pala niya ginagawa at binabalewala ko lang.

Ang swerte ko pala ay nasa tabi ko na noon pa.

Masyado ko ngang sinamantala ang kaniyang kabaitan. Si Caju na taga absorve ng lahat ng problema, nandoon siya para makinig lang sa mga sumbong, kasama pagnababagot, kabuntot kahit saan ng walang reklamo. Inuuna pa niya ang pagtulong sa akin bago ang sarili niya. Ang tanga ko talaga kung papalagpasin ko pa ang isang kagaya niya.

Kung pwede nga lang halikan siya  minuminuto para bawiin ang lahat ng kakakulangan ko.

Makakapagtiis pa naman ako. Kung may pagkakataon baka higit pa sa blow job ang magawa ko para sa taong ito, malaman lang talaga niya kung gaano ako kaseryoso sa aming relasyon.

Nakarating kami sa aming subdivision. Pinatambay ko muna siya sa aming tahanan upang makapagmirienda. Magkatabing nanood ng tv, nagkwentuhan, nakawan ng halik kung wala si nanay sa paligid.

Corny sa iba, pero parang nalungkot ako ng nagpaalam na siya para umuwi. Ayaw ko ng matapos ang maghapon namin.

Ganito pala ang mainlove?

Pasensya na po pero wala talaga akong naging karelasyon sa buong buhay ng pagbibinata ko.

Tamang taong bahay pagkagaling ng eskwela at basketball. Mabuti nga at nakapagtrabaho para makaranas ng hirap. Si Caju ang numero unong nagdrive sa aking mag-apply sa fast food. Laking kawalan talaga ng malaman  ko na nagresign siya kaya ganito ako kadesperado dahil ayaw kong magkahiwalay kami.

Kulang ako kung wala ka - mga ganung theme song.

Lalong laking kabawasan kung sasayangin ko nag pagkakataong minahal niya ako.

“ Sige na uwi ka na. Text-text tayo mamaya?“

Paalam ko sa kanya habang hinahatid ko siya sa labas ng bahay.

“ Oo naman,mamaya text tayo.“

Masaya niyang paalam habang palabas

“ I love you.“

Pabulong kong paalam.

“Gagu wag ka maingay.Sige na pasok na kasi! Mamaya uli…”

Sinara niya ang gate bago makalayo ay hinalikan pa niya ako ng patago. Kinilig naman ako ng sa malayo ay kita kong labi niyang nag muestra ng I LOVE YOU sa akin.

Hindi ako makapaniwalang kami na ni Caju.

Para akong isang bagong nilalang na pumasok sa aking silid at inalala ang nangyari kahapon. Nasabik ako na makasama siyang muli. Nawala ang pagod at puyat ko sa ginawa namin kagabi sa tuwing naiisip ko siya.

Ang sarap pala ng ganito!

Ang malaman mo na may nagmamahal sa iyo ng totoo…ng totoo at hindi sa monitor lang.

Sa katuwaan ay ibinalita kong bumalik na si Caju kay mama Chona at di na aatras pa sa contest. Tuloy ang laban namin kayat maging siya ay tuwang tuwa. Di ko muna ipinaalam sa kaniya na kami na ng bestfriend ko. Baka maloka ang lola kaya huwag na muna.

Dahil sa good news marami pa siyang ibinilin sa akin na bawal muna kaming mag-inom o lumabas ng gabi, iwas muna sa mga  ganoong bagay lalo malapit na nga naman ang laban namin. Nabanggit din na may mga practice din kaming gagawin ng ilang araw kasama ang ilang mga contestant na makakalaban namin.

Titigil na nga rin pala ako ng pagtatrabaho dahil malapit na rin ang pasukan. Sa ngayon magpapakaabala ako sa mga practice para sa contest at siempre para kay Caju.

Muli siyang bumalik ng madilim na. Gaya ng lagi naming ginagawa noon na nakatambay lang sa harap ng bahay at nakukuwentuhan.

Iba ngayong gabi na ito dahil feeling ko, para siyang umaakyat ng ligaw. May palibre libre pa ng softdrinks na aming iniinom. Kahit gusto ko siyang hawakan sa kamay o akbayan ay makakapagtiis pa ako. Sa ngayon mga tagong himas sa likod at pangigigil sa tagiliran lang muna ang magagawa ko. Natutuwa naman ako dahil nagagawa naman niyang himasin din ng patago ang hita ko pagmagkatabi nakupo.

Sa kalagitnaan ng kwentuhan ay dumating si Yuya. Nagkatinginan kami ni Caju dahil kasama niya ay isang babae at di kagandahan. Seksi, oo! pero sa panlasa ko kung lalake ako hindi.

“ Uy nakauwi ka na pala!“

Bati niya kay Caju.

“Si Lhen nga pala asawa ko.”

Pakilala niya sa amin. Alam na namin ang istorya ng kanilang relasyon kaya di na kami tutol pa sa sinabi ni Yuya. Nakipagkamay kami dahil magiliw din sa amin si Lhen.

Tumanggi na kami ng magyaya sila ng konting inuman dahil sa bilin ni Mama Chona na bawal ang alak kaya kwentuhan ang nangyari sa aming apat ng yayain nila kami sa loob ni Yuya.

Nagluto si Lhen at di na kami nakatanggi dahil isang kaserolang sinigang na baboy ang kaniyang niluto.

Di pa ako natatapos ng marinig ko ang isang kilalang boses.

“ Randolf nandyan ka ba?“

Si nanay ang tumatawag sa labas kayat dali dali akong tinungo siya sa harap ng bahay.

“ Nay bakit po?“

“Umuwi ka muna at ang tatay mo nasa bahay, gusto ka raw kausapin.”

Nagpaalam ako sa aking mga kaibigan para umuwi sandali. Dumating na pala ang tatay ng di ko namamalayan kaya dalidali akong nagtungo sa amin.

Kasabay ko si nanay pumasok sa loob ng bahay. Naroon si Tatay na nakaupo  sa sala. Kakauwi nga lang niya at mukhang pagod pa sa biyahe.

Lumapit ako para magmano subalit ubod lakas niyang itinulak ang ulo ko palayo at napaupo ako sa sofa.

Pareho kaming nabigla ng nanay sa ginawa ng tatay sa akin dahil puno ng galit ang kaniyang mga mata sa akin.

“ Puro ka katarantaduhan!

Nakakahiya ka!

Ganito ba pinaggagawa mo ng wala ako dito?!“

Sigaw ng tatay sa akin. Para akong nabingi na tila may nag-init sa aking tainga ng makita kong inilahad pa niya sa maliit na lamesa ng sala ang cellphone niya. Naroon ang isang larawan kong nakahubad at nakatayo pa ang aking ari na tila nilalaro pa ito. Nakalimot nga pala ako sa nangyari ng ilang araw at nagmulto na muli ang kinatatakutan ko.

Napatingin ako kay nanay. Nakatakip lang siya ng bibig sa pagkabigla. Alam nga ng nanay ang pagkatao ko at batid niya ang scandal na kumalat ngunit ngayon nya lang nakita ang mga ginawa kong katangahan.

Napayuko na lang ako ng sasaktan pa ako ng tatay subalit pumagitna sa amin si nanay upang awatin siya.

“ Tama na Rodolfo wag mo ng saktan ang anak ko!“

Halos maiyak ako dahil sa nalaman na ng itay ang mga pinaggagawa ko. Nalaman na niya ang kumalat na scandal ko. Nalaman na niya na ang anak niya ay isang bakla pala…

Mahina ang inay kaya madali lang kay itay na tabigan siya. Kinuwelyuhan ako ng itay at isinandal sa pader. Galit na galit siya sa akin. Naiyak ako ng makita ko si nanay na walang tigil ang pag-agos ng luha dahil sa akin.

Ngayon ko lang siya nakitang umiyak sa tanang buhay ko at ako ang may kagagawan.

“ Tay sorry po! Sorry po!“

Yun lang ang tangi kong alam na sabihin dahil isang kasalan naman talaga ang ginawa ko sa aming pamilya. Kasalanan sa aking sarili at di nag-isip ng tama.

“ Sorry? Ano magagawa ng sorry kung pinagtatawanan na tayo ng mga tao ?“

Nakauma na si itay at tangkang susuntukin ako. Pumikit ako at naghihintay na saktan muli ng ng biglang may yumakap sa harapan ko upang harangan ang pagitan namin ng itay.

Tito, tama na po!“

Si Caju ang nakayakap sa akin ng idilat ko ang aking mga mata…


Chapter 17

Yakap ako ni Caju upang harangin ang maari kong matanggap na suntok kay tatay.

Natakot din ako na baka masaktan din siya kay nagpilit akong kumalas sa kaniyang pagkakayakap. ikinubli niya pa niya ang aking ulo sa kaniyang mga dibdib at mga bisig. Naririnig ko rin si nanay sa pag-awat kay itay.

“ Julian lumabas muna kayong dalawa, isama mo muna sa inyo ang kaibigan mo.

Rodolfo tama na at nakakahiya na sa mga kapitbahay!“

Nagmamakaawa na si inay, di ko alam kung paano ako nailabas ni Caju ng di nasasaktan muli ni Itay. Mabilis kaming lumabas ng bahay habang panay tulo ng mga luha ko. Nagsama naman ang takot at hiya sa akin ng tuluyuang nakalabas ng bahay dahil sa mga ilang kapitbahay namin na nakiusyoso sa aming gulo.

Nakita ko pa si Yuya at ang kaniyang kinakasama sa kanilang bakuran na sinundan kami ng tingin. Alam niya ang nangyari dahil pader lang naman ang pagitan ng aming mga bahay.

Awa at pag-aalala ang nakita ko sa kaniyang mga mata ng madaan kami sa harapan nila.

Doon kami nagtungo ni Caju sa kabilang bahay namin. Ayaw kong sa kanila magtungo at baka makagawa kami ng eksena sakaling sumunod si tatay at muling pagbuhatan ako ng kamay.

Sa terrace pa lang ay ibinuhos ko na ang sama ng loob sa aking sarili,sa aking mga nagawa. Kasalanan ko naman talaga ang lahat.

Maging ang mga aso ko ay nararamdaman ang sakit nanararanasan ko sa ngayon.

Katabi ko si Caju, tahimik lang siyang nakaakbay sa akin. Takip ng aking mga kamay ang aking mukha dahil sa nangyari.

Ngayon lang ako pinagbuhatan ng kamay ni Itay at ngayon ko lang naranasan ang ganoon.

Ang sakit sa kalooban na kaya pala niya akong saktan.

“ Nakakahiya akong anak.“

Iyon ang pumapasok sa aking isip.

Isa akong kabiguan sa inaasahan nila sa akin. ako na may dunong, na may malasakit, masipag, mabait,magalang ngunit may bahong itinatago.

Ano pang mukha ang maihaharap ko kung mismong ang ama ko ay kinakahiya ako?

Na ang dapat na makaunawa sa akin, una ang pamilya bago ang iba.

Hindi ko akalain na darating pala sa akin ang ganito. Natatakot ako na balang araw ay itakwil ako ng itay sa kaniyang nalaman. Na ang bunso niyang anak ay hindi tunay na lalake. Rumehistro sa isip ko kung paano makatingin ang kaniyang mga mata matapos niyang itulak ako kanina. Nakakatakot na parang hindi ko siya ama, na parang ibang tao siya at ako ay hindi niya anak.

Hindi kami makapasok sa loob dahil sa naiwan ko ang susi sa kabilang bahay. Sa ngayon kailangan ko munang mag-isip ng dapat kong gawin sakaling palayasin nga ako ni tatay. Pihadong itatakwil na niya ko sa kaniyang mga nalaman.

Tiningnan ko si Caju ng kumalma na ako sa kakaiyak. Niyakap niya ako, muli akong umiyak dahil higit kanino siya na lang ang nakakaunawa sa akin sa mga oras na ito bukod kay Nanay. Hindi ko na alam kung ano na ang kinabukasan ko.

“ Tahan na, nandito naman ako e. Lilipas din yan. Nabigla lang si Tito.“

Iyak lang ang tugon ko sa kaniyang pagkanlo sa akin.

Nabigla nga si Itay sa kaniyang nalaman… maging ako ay nabigla rin dahil hindi ko naiisip na ganito pala kabilis ang karma ng mga pinaggagawa ko.

Masisisi ko ba ang lahat kung ganito talaga ako, ako ang may kagagawan kaya dapat kong tanggapin na hindi lahat ng tao pantay-pantay ang pang-unawa.

Nagtahulan ang mga aso…

Natakot ako na baka sinundan kami ni Tatay. Nagkamali ako sa aking inaakala,sa daan ay iniluwa ng dilim si Yuya na nagmamadali at nag-aalala. Kasama niya si Lhen na tahimik lang ding kasunod niya.

“ Ano balita doon?“

Tanong ni Caju sa mga dumating.

“Hindi na naman nag-aaway. Si nanay mo lang ang nairinig ko nagsasalita. Si tatay mo naman medyo kalmado na.”

Natahaimik kami panandali.

Iniisip ang pwede kong gawin.

Hindi ako makakauwi, hindi rin pwede kina Caju dahil baka madamay siya.

Sarado dito sa lumang bahay at malabong doon ako kina Yuya magpalipas ng gabi. Dito na lang ako sa terrace matutulog kasama ng mga aso.

Sabagay baka aso nga naman ang tingin sa akin ng iba kaya ganoon na lang ang trato ni tatay sa akin kanina.

Hinihintay nila ang desisyon ko kung ano ang aking gagawin. Ayaw ko pang makaabala sa kanila sa pag-aalala baka tuluyan din silang madamay sa galit ng tatay.

Baka kay Mama Chona na lang ako makitulog ngayong gabi or makitira at kung sakaling palayasin ako ng tatay.

Di pa ako nakakapagsalita sa plano ko ng muling kumahol ang mga aso. Aninag ko ang liwang ng Flashlight na paparating. Kilala ko ang liwanag na iyon at maging ang may tangan.

Si nanay pala.

Naiyak ako ng lapitan at yakapin ng nanay sa aking pagkakaupo.

wala na akong nasabi kundi ang umiyak sa kanyang dibdib. Rinig ko rin ang pag-iyak niya habang hinihimas ang ulo ko.

“ Huwag mo ng isipin yung sinabi ng tatay mo. Nabigla rin yun sa ginawa niya kanina.“

Naawa ako kay nanay dahil naiipit siya sa amin ng tatay ko.

“ Sorry nay..hu hu hu hu …“

Iyon lang ang alam kong dapat sabihin sa kanya dahil nagkamali ako sa mga desisyon ko na pumatol sa udyok ng isang walang kwentang tao.

“ Huwag kang gagawa ng isa pang ikasisisra mo. Nag-usap na kami ng tatay mo. Pinaliwanagan ko ang mga nangyari.Nagkamali ka at biktima ka rin.

Kaya kung mag-uusap kayo wag ka ng matakot ha?“

“Nahihiya po kasi ako sa mga nagaawa ko.

Yung mga kaibigan ko na halos pagtawanan at kutyain ako dahil sa scandal ko.

N agkamali ako pero di habang buhay ako yun.

Pinagsisihan ko na yung nagawa ko! Nagkamali ako!

Biktima din ako.

Oo, bakla ako pero hindi ako masamang tao.

Kahit kailan hindi ninyo ako nakitang nakipag-away, kahit kailan hindi ko kayo binastos.

Dahil mahal ko kayo!

Dahil alam ko kayo ang kakampi ko.

Yung time na nadedepress ako naisip kong magpakamatay sa kahihiyan dahil alam ko ang gagawin sa akin ng tatay.

Pero Nay!

Ikaw at si Caju ang umunawa lang sa akin.

Kayo lang ang naramdaman kong malapit na tumanggap sa akin.

Ang hirap Nay eh.

Ang hirap itago yung tunay na ako. Niloko ko na mga kaibigan ko,niloko ko na kayo,

pati ba sarili ko lolokohin ko pa rin? Noong nalaman na nila ang totoo nasaan sila?

Di ba niloko din nila ako?

Yun ang masakit Nay?

Akala ko mahal ako ng tatay?

Akala ko ang magulang ay hindi titingin kung ano ang kakulangan ng isang anak ,nang anyo, o ng kasarian. Niloko nya rin ako gaya ng mga kaibigan ko na tumalikod sa akin. Na nang-iwan sa akin at nadiri sa mga nagawa ko ng hindi kinukuha ang panig ko.

Tanggap ko naman ang maaring gawin ng tatay eh.

Bigyan lang naman ako ng pagkakatong marinig yung side ko. ang sakit Nay eh!“

Nailabas ko na ang lahat ng himutok ko. Ang tagal kong kinimkim ang naramdaman ko noong kumalat ang scandal. Ganito pala kahirap ang malaman ng lahat na aking sekreto.

“ Tahan na tahan na.“

Yakap pa rin ako ni Inay ng muling magkahulan ang aso.

Di ko nakuhang lingunin ang dumarating pa dahil yakap pa rin ako ni inay. Kumalas siya sa pagkakaykap ngunit may yumakap muli sa akin. Amoy na pabangong Old spice…si tatay ko ang yumakap sa akin.

Lalo akong naiyak ng isandig niya ang aking mukha sa kaniyang dibdib. Umiyak ako ng malakas. Para akong isang bata sa pumapalahaw sa kalungkutan dahil narito ang padre de pamilya namin na kanina ay galit sa akin.

“ Sorry, sorry anak…“

Umiiyak siya, umiiyak ang tatay ko.

“Nabigla lang ako kanina sa nagawa ko, hindi ko naiisip ang kapakanan mo. Naging makasarili ako. Nagpabuyo din ako sa mga natawa at nangutya sa iyo.

Narinig ko lahat ng sinabi mo anak. Nagkulang din ako dahil wala ako noong oras na kailangan mo ng karamay. Mahal ka namin ng nanay mo. nabigla lang ako kanina….

Sorry, sorry anak…“

Niyakap ko siya at umiyak na lang ako.

iba na ang iyak ko. May kasiyahan, may kaluwagan sa damdamin dahil inaayos na ni tatay gusot ng aming di pagkakaunawaan.

Katahimikan…

Tumayo ako at niyakap si tatay. Hinalikan niya ako sa pisngi bilang paghingi pa ng tawad. Maging si nanay ay yumakap sa amin. Narinig na lamang namin na pumalakpak pa si Lhen sa katuwaan dahil ayus na ang lahat sa amin ng tatay ko.

Umuwi kaming sabay sabay sa kabilang bahay upang magsimula muli matapos ang nangyari sa amin. Di ko na kailangan pang ipaalam kay itay kung ano ako dahil di na kailangan.

Alam na niya dahil anak niya ko at tangap na niya kung ano ako…


next chapter may magdedate!!!!

Chapter 18

Wala na ang kabigatan na dinadala ko sa aking dibdib mula pa kagabi. Tuluyan na akong naging malaya dahil tinanggap na ng aking mga magulang kung sino si Randolf. Wala na akong pakialam sa sasabihin ng iba.

Tuyain man ako sa aking kasarian okay lang. Di ko sasakyan ang iba sa anumang gusto at ayaw nila para sa akin.

Katawan ko ito,puso ko ito, desisyon ko ito kung ano ako.

Isang normal na umaga para sa aming tatlo ng mga magulang ang nangyari. Parang walang dramang naganap kagabi at ang aming samahan ay lalo pang tumibay.

Lalo kong minahal ang nanay dahil hindi siya nagpabaya sa akin. Maging si Tatay ay higit kong pinahlaagahan dahil sa ginawa niyang pagpapakumbaba at paghingi ng tawad sa akin. Nasaktan man niya ako ay agad kong kinalimutan na dahil pamilya ko sila. Nagpapasalamat din ako at pinalaki nila akong may paggalang dahil hindi ako sumagot o lumaban. Ngayon higit sa sino pa man, pamilya pa rin ang kakampi ko.

kinaumagahan ay nagreport kami upang formal na magresign sa aming trabaho. Valid naman ang reason namin dahil malapit na rin ang magpasukan. Masuwerte at hindi kami gaano nakarinig ng sama ng loob sa aming manager at agad kaming nauunawaan sa aming desisyon.

Nakakatuwa at nakuha din namin ang huli naming sasahurin sa loob ng huling dalawang linggo pagsisilbi sa fastfood. plano kong magcelebrate sa araw na ito. Ewan ko,parang masaya ang pakiramdam ko at nais kong ibahagi ito kay Caju. Niyaya ko siya sa malapit na mall. Tiningnan ang schedule ng oras na palabas sa mga sinihan. Umakyat sa second floor upang bumili ng ticket sa napili naming oras.

May isang oras bago magsimula ang panonoorin namin kaya naisipan na muna naming manghalian.

Isang normal na umaga…na kasama ko ang matalik kong kaibigan at kakampi. Masaya ko na kasama siya ngayon dahil mas makabuluhan na para sa akin na kasama siya.

Feeling ko protektado ako ng mga akbay niya sa akin. Dati kabuntot o kadikit ko lang siya sa lakaran, kasama lang, kasangga lang. Iba na ngayon… may pagpapahalaga at kalidad. kung pwede lang makipagholding hands, kung pwede lang.

Sa ngayon titiisin ko dahil sinabi naman ni Caju na siya na ang bahala sa aming relasyon kung sakaling kailangan na ngang lumantad at magkalaman.

bumaba kami sa food court upang kumain, Lutong bahay ang aming inorder. Pareho kaming sawa na sa mga pagkaing kagaya na aming sinisilbi sa dating trabaho.

Ngayon ko naapreciate ang pagkagemteleman ni Caju. Matapos kaming umorder ay pinaupo muna niya ako sa kalapit na lamesa, pinaghintay sandali at siya na ang nagdala ng tray ng pagkain na aming pagsasaluhan. Magiliw niyang inayos sa harap ko ang bawat plato at baso. nangingiti ako sa pinagagawa niya dahil sa panay kindat ng kaniyang mata.

“ Pra kang timang.“

Pabulong kong saway sa kaniya.

Ang totoo kinikilig ako sa inaarte niya. Kung dati ay magkatapat sa lamesa kung ganito ang sitwasyon, ngayon iba na. Siya na mismo ang tumabi sa akin at halos magbanggaan lagi ang aming mga siko habang nakain.

Parang walang nangyari kagabi at hindi iyon sumagi sa paksa ng aming usapan. Hindi ko na pansin ang mga tao na kasabay naming gutom at abala sa pagsubo ng mga kinakain.

Noon 10 minuto lang ubos na ang nasa harap namin, pero ngayon nasisisyahan akong kumain ng mabagal dahil walang alalahaning kailangang magmadali. Ang sarap kumain lalo na kung kasalo mo ang taong gusto mong kasama.

Samahan pa ng selfie-selfie na magkasama kami. Ito ang unang pagkakataon naming kumain bilang magboyfriend.

Grabe!

Unang lunchdate namin pala ito?!

Matagal na kaming magkakakilala at dalawang araw pa lang kaming mag-On!

kakainis!

Ang pogi ng date ko! ha ha ha!

Matapos kumain ay nagpababa muna kami ng kabusugan. Patuloy lang kami sa aming kwentuhan at kulitan. May pagkakataong natatawa na lang kami kung may mga babaeng nahahalata naming nagpapacute sa amin o mga lalake tingin ng tingin sa amin na halata mong umaawra.

Patay malisya na lang kami at di na lang namin pinapansin dahil madalas namang mangyari sa amin ang ganoon kahit pa sa dati naming pinagtatrabahuhan.

Si Mama Chona lang naman ang malakas ang loob na lumapit sa amin at nagpakilala noong inalok niya kaming sumali sa bikini contest. Sampung minuto bago ang palabas kaya bumalik na kami sa sinehan. Nasa loob na ang kasabay naming parokyano kaya nagmamadali kaming pumasok sa loob.

Bago maupo ay nagbawas muna kami sa banyo,naghugas ng kamay at nag-ayos. Pareho kaming vanidoso ni Caju.

Kami yung salaminkero na nagaayus pa ng bawat hibla ng buhok, nagpapantay pa ng kwelyo at nagpupulbo kung kumikinang na ang mga mukha. Wala kaming kasabay sa banyo. Kami lang dalawa dahil nagsisismula na nga ata ang palabas sa aming naririnig na entrada ng musika sa sine. Matapos makapag-ayos ay nagkatitigan kami sa salamin ni Caju. Loko to ah… humarap ako sa kaniya dahil alam ko na ang gusto niyang mangyari. Agad din siyang humarap at lumapit sa akin. Isang halik sa kaniyang labi ang aking binigay. Loko nga talaga at nilabas pa ang dila na sumagi pa sa aking labi.

Napangiti ako kaya sige na lang sa gusto niya at ilang segundo rin kaming naghalikan. Concious na baka may pumasok at baka mahuli kami. Para na naman akong kumain ng ng panghimagas sa sarap ng kaniyang labi.

“Bitin! Pwede mamaya?”

Turan ni Caju.

Nakaharap na kami muli sa salamin habang nag-uusap.

“Anong mamaya?”

Tanong ko.

“Mamaya check in tayo.”

Pangiti niyang sinabi at saka hinila ako palabas upang manood. Madilim ang sinehan bagamat aninag kahit papaano ang loob. Last daw pala ang palabs kaya mangilan ngilan lang ang nanonood. Nakahanap kami ng pwesto. Sa isang row malayo sa ilang manonood kami naupong magkatabi Kaswal kaming naupo pero magkahawak ang aming mga kamay. Napukaw ang aming atesyon ng nasa loob pa ang crew ng sinehan na nag-aalok ng popcorn at maiiinom.

Bumili kami ng makukutokot. Isang large size ang pinagitnaan naming popcorn at large softdinks ang aming nabili.

Wala na kaming pinagkaiba sa ilang napapansin kong mag-asawa o magsyotang estudyate na kasabay naming nanonood. Nakaakbay ang mga lalake sa buhay nila. Palibhasa madilim kaya ang lalake sa buhay nakaangkla rin.

Kalagitnaan ng palabas ng maalaala ko ang sinabi ni Caju na magchecheck in kami. Medyo naexcite ako dahil may mangyayari sa amin dahil gusto ko naman talaga siyang kasama bukod sa kumain at manood ng sine.

Iba na kasing putahe at eksena ngayon ang pagsasaluhan namin mamaya. Natapos ang palabas,at kinakabahan na ako kung saan kami susunod na tutungo.

Nakaakbay siyang siya sa akin, ako namay parang nabiktima ng budol-budol dahil sunud-sunuran lang ako kung saan kami pupunta.

Kabado ako dahil kahit may nangyari na sa amin ay first time sa sinasabi nyang check in. Konting lakad lang mula sa labas ng mall at nagcheck in kami sa isang motel.

Nahalata siguro ni Caju na nahihiya ako dahil sadyang alam nila kung bakit kami gagamit ng kwarto.

Pinaupo niya ako sa isang upuan malayo sa front desk. ilang sandali pa binalikan niya ako kasabay ang isang roomboy at sinamahan kami papunta sa aming nakuhang kwarto.

Pinapasok kami, pinagbukas kami ng tv (Xxx rated movie agad na m2m ang palabas) at aircon.

Nagbilin pa na kung gusto naming umorder ay may tumawag na lang sa telepono.

“Enjoy your stay sir.”

Paalam ng roomboy at iniwan kami sa loob.

Maganda pala ang silid ng motel. Dito pribado talaga at walang kakaba kaba. Chineck ko ang banyo at muling nagbawas, inayos ko muli ang sarili.

Sorry ,Vanidoso talaga ako. Natawa naman ako ng  lumabas ng banyo dahil naabutan ko ng wala ng pang-itaas at pang-ibaba at tanging brief na lang ang suot ng kasama kong nakahiga at nakalagay pa sa kaniyang batok ang mga kamay na parang isang buffet sa fiesta.

Nakatingin lang siya sa akin, naghihintay ng aking gagawin… Tumayo ako sa harap ng kama at tinitigan siya sa kaniyang mga mata habang isa-isa kong hinuhubad ang aking mga damit. Gaya niya ay itinira ko rin ang aking pangloob na saplot. Dahan dahan akong tinungo ang kaniyang pagkakahiga at pumatong sa sa kaniyang katawan. Hinalikan ko siya sakaniyang labi.

“I love you Caju…”

Napakasaya ko ngayon dahil kasama ko siya ng wala ng problemang dinadala.

Tanggap na ako ng mga magulang ko at kasama ko ngayon ang best friend ko sa kabila ng mga nangyari. Hindi na nakatiis si Caju at inihiga niya ako. Sa aming dalawa siya ang dominante sa aming ginagawa.

Ako ang nagpapaubaya sa nais niyang mangyari dahil gusto kong siya ang maghatid sa akin sa kaligayahan.

Hinalikan niya akog muli at naglaban ang aming mga dila. Maingay ang kaniyang halik sa akin at nakakadarang ang init ng kaniyang katawan.

Tinalo pa ang lamig ng aircon sa ginagawa niyang pagpapainit sa akin sa kama. Hinihingal ako sa pananabik kung saan aabot ang gagawin namin. Wala na akong maiisip sa ngayon kundi lahat ay isusuko ko na sa kanya. Umayos siya ng sa pagkakapatong sa akin.

Gaya ng huli naming pagtatalik ay pinagitnaan ng kaniyang mga hita ang dibdib ko at itinutok ang mamula mula niyang ari sa bibig ko. At gaya ng dati, isang kasiyahan para sa akin ang muli ko itong isubo sa ikatlong pagkakataon.

Kabisado ko na ata ang hulma ng kaniyang alaga. Sukat na sa aking bibig, ang amoy nito, ang trim na buhok sa kaniyang puson.

Panay din ang pag-ungol niya sa tuwing isusubo ko ito ng todo at tatama sa aking lalamunan. namaster ko na rin kung paano huwag mabilaukan kung todo at mabilis ang pagsupsop dito.

Ewan ko pero ang sarap sa pakiramdam na subosubo ko ito na parang karugtong ng buhay ko ang paligayahin siya. lalo akong tinitigasan sa ginagawa kong pagpapaligaya sa kaniya kaya maging ang kamay ko ay abala sa pagtaas baba sa akin ari.

“uhhhhh…uhhhh…woooosssssss..”

Yun na lang ang narrinig ko sa habang subo ko ang kaniyang kaselanan. Nakapikit ang aking mga mata na ninanamnam ang bawat centimetro ng kaniyang sandata. Huminto siya at umayos sa pagkakapatong.

Muli siyang bumalik sa aking labi at hinalikan akong muli. Panay lamas naman siya sa aking katawan. Mayamaya ay isinubo nya ang kaniyang hinlalatong daliri sa aking bibig. Gaya ng ginawa ko sa kaniyang ari ay dinilaan ko ito at isinubo.

Nilaro ng aking dila maging siya ay dinalaan din iyon. Nasarapan ako sa ginagawa naming pagdila sa kaniyang daliri dahil sa pagbabanggan ng aming mga labi.

Pinaghiwalay ng kaniyang binti ang aking mga hita. pinagpatuloy niya ang paghalik sa akin at ang kamay naman niya ang naglikot sa butas ng puwet ko. Nilaro ng kaniyang daliring kanina lang ay subo ko ang butas ng puwetan ko.

Nakiliti ako sa kaniyang ginagawang paglikot doon. Nasarapan ako na parang may hinahanap na kung ano na dapat ay nandoon. Unti-uniti niyang ipinasok ito sa loob ng aking butas. Medyo nahiya pa ako dahil di ako sanay na may humawak lalo pa at daliri niya ang naroon.

Nakaramdam ako ng kakaibang sensasyon ng pumasok ang daliri niya. Pinagpaawisan ako sa sarap ng ginawang niyang paglabas-masok ng kaniyang daliri.

“SHITTTT…Ohhhh…”

Ang sarap pala….

Naramdaman ko namang umangat muli si Caju at ibinuka pa ang mga hita ko. Di nakuntento at kumuha pa ng unan at isinalalay ang puwitan ko sa unan.

Dumura siya sa kaniyang palad at ipinalibot sa kaniyang ari. Gusto niya akong pasukin. Kabado at nanabik ako sa gagawin niya sa akin.

Di ako tututol dahil gusto kong maranasan ang kabuuan niya bukod sa bibig ko. Inayos muli niya ang aking mga hita, at itinutok sa butas ko ang ulo nito.

Tahimik akong nakatingin sa kaniya habang ang palad ko ay nakalapat sa kaniyang tiyan. Muli niyang nilawayan ang kaniyang palad at ipinaglaro sa kaniyang ari. Itinutok muli sa aking lagusan. Naramdaman ko ang ulo na unti-unting pumapasok.

Dama kong kalakihan niyon. Di ko inaasahang masakit pala iyon na para kang madudumi subalit papasok ang nararamdaman ko. Di ako makaangal dahil ayaw kong mapahiya si Caju. Iba ang kaniyang pagkatao ngayon. nasa impluwensiya siya ng pagkahumaling sa akin kaya titiisin ko.

“Ahhhhh….Ahhhhh…ahhh…”

Iyon lang ang nasasabi ko habang unti-unting dumidiin ang kaniyang pagkalalaki sa kalooblooban ko. Lumapat ang kaniyang katawan. Tiningnan niya ako sa mga mata, Naipasok na niya ng todo ang kabuuan niyon.

May pag-alalang banaag sa kaniyang mukha na nasasaktan ako kaya naroon ang mga halik niya na nagpapawal ng kirot sa aking nararamdaman. Unti-unti ko ng naramdaman ang kaniyang pagulos sa akin.

Dahan-dahan, taas-baba,dahan dahan, taas baba…

Nasanay ako at ang sakit niyon ay sinabayan na ng di ko maipaliwanag na sarap. May kung ano siyang ginagawa sa kalooblooban ko na masarap sa pakiramdam at maging ang ari ko ay tigas na tigas ngayon.

“Ahhhhhh…Sige pa…sige pa…”

Sa bawat inadayog ng kanyang pagkakabaon sa akin ay nagdudulot ng kakaibang sensasyong ngayon ko lang naranasan. Inilapat ni Caju ang kaniyang mukha sa aking balikat. Dinig ko nag kaniyang paghingal at ingay ng kamang lumalangitngit sa kaniyang paggalaw.

Kahit ngawit na aking mga hita sa pagkakabukaka at nakakaranas ng sarap at sakit ay hinayaan ko siyan masarapan. Hinugot niya ang kaniyang ari at pinaluhod niya ako. Agad akong tumalima…

Nakita ko sa alamin kung paano niya unti-unting ibinaon muli ang kaniyang ari. Kita ko rin sa salamin ang matigas kong kaselanan na dapat ay lumambot ito sa nararamdaman kong pagbaon niya subalit nanatili itong matigas. Binayo muli ako ni Caju, tagaktak na ang pawis sa kaniyang dibdib na nakapatong sa aking likuran.

“ Ahhhh….Ahhhh…Ahhhh… Cajuuuuu….ahhhhh…sige pahhhh…“

Kakaiba naman ang naramdaman ko sa posiyon na ito na parang lalong humaba yata ang ari niya at nakikiliti pa akong lalo. May tinatamaan siya sa kaloob-looban ko na di ko maipaliwanag ang sarap. Pabilis ng pabilis na ang paghugot at pasok niya. Iba na rin ang nararamdaman ko dahil parang sasabog na ako ng hindi ko man lang hinahawakan ang ari ko. Sumasakit na ang puson ko, sumasakit na ang ilalaim kabuuan ng ari ko, bibigay na ang tuhod ko…nanginig ako dahil malapit na nga akong labasan…

“Ahhhh…shitttt…..Ahhhh…”

Pinahinto ko siya sa pagpaggalaw sa likuran ko dahil tumulo na ang katas mula sa butas ng aking ari.

Ngayon lang nangyari sa akin na labasan ako ng ganito kasarap ng hindi hinahawakan ang ari ko. Kakaiba ang ginawa sa akin ni Caju…kakaiba ang sarap na ito. Matapos kong labasan ay pinagpatuloy naman ni Caju ang ginagawa. Ngayon siya naman ang humawak sa ari ko at piniga-piga ito upang magpatuloy sa pagtigas. Di nagtagal at panay panay na ang pagpasok niya.

“sa loob mo iputok Caju…”

Pakiusap ko sa kaniya.

Nais kong maging tanda ang ilalabas niya na ako ay kanya lamang at siya ay akin. Niyakap niya ako mula sa aking likuran at ibinaon pa ng todo ang kaniyang harapan sa butas ko tanda ng nilabasan na nga siya. Abot-abot ang hingal niya sa pagod hanbang nakakubabaw sa akin. Dumapa ko kasabay ang pawisan niyang katawan ng hindi nahuhugot ang ari niya.

Hinalikan niya ako sa batok at dahan dahang hingot ang nakapsok sa aking likuran. Patang pata siyang nahiga sa tabi ko, ako namay yumakap sa kaniya kahit masakit at pakiramdam kong namamamaga ang aking pwerta ko ay di ko na ininda. Niyakap niya ako at hinalikan sa noo.

“I love you Randolf…”

At ipinaling ang halik saking labi. Hinila ko ang kumot upang ikubli ang aming katawan dahil nakakarmdam na kami ng lamig mula sa aircon. Nilipat ko naman sa ibang channel ang palabas dahil naaasiwaan ako sa m2m na palabas dahil tanging hubad na katawan lang ni Caju ang nais kong makita sa oras na ito.

“Shower na tayo?”

Aya ko sa kanya.

Niyakap pa niya ako ng mahigpit at walang pa atang balak bumangon.

“Ano oras tao lalabas dito?”

Tanong ko sa kanya.

“Alas kwatro pa lang mahal ko, mamaya pa tayo 10 ng gabi lalabas.”

Sagot niya na nakayakap at di inaalis ang labi sa aking leeg.

Natuwa ako dahil 8 oras pala kaming magkasama ni Caju sa pribadong lugar na ito.

Mas natuwa ako dahil narinig ko kung ano ang tawag sa kin ni Caju.

Tinawag niya akong “mahal ko” Kaya kahit dalawang round pa kami ay payag ako.

Magkayakap kaming habang nagpapahinga at manakanakang naghahalikan. ang saya ko dahil si Caju rin pala ang makakatuluyan ko.

“ Mahal ko…sana wala ng problemang dumating. Masaya na ako ng ganito tayo lagi.“

Bulong ko sa kaniya .

“Wala na yan, nandito na ako eh.”

Ang ganti niyang bulong sa akin at muli niyang hinalikan ang noo ko. …at tahimik kaming nagpahinga upang muling magpalipas ng oras sa loob ng silid na ito.


N

e

xt Chapter, May nakaraang mumultuhin si Randolf na susubok sa pagmamahalan nila CaJu.

Makahula may special mention sa last chapter ha ha ha.

*thanks po sa mga nangungulit na nabitin daw sa follow up ko. pasensya na po at busy lang po talaga ng sobra. salamat po uli sa mga nagvotes at nag-add sa mga nagawa ko at sa authors na nakakausap ko dito, masasabi ko lang, babait nila.

Chapter 19

Kabado ako ngayon dahil ito na ang gabi ng paghuhusga.

Magkatabi kami ni Caju na nakikipagkwentuhan sa mga kakilala naming mga contestant ng bikini open.

Mga Personal assistant, managers at make up artist ang naritong kasama namin na abala para sa opening ng programa.

Ilang araw din kaming naghanda para dito. Tatlong araw na practice sa stage blocking at open number naming mga kalahok kasama ang mga kandidatang mga babaeng kasabay naming sumali.

Nakapaghanda na rin kami ni Caju ng masususot na irarampa. Pasalamat talaga ako sa nanay at naiarkila nya kami ni Caju ng magagamit na suit ngayon. Kasama namin si Mama Chona na abala din sa pagaayos at pag-aaaikaso sa aming dalawa.

Sa ngayon ay sports wear ang intro ng aming irarampa. Ngayon lang ako kinabahan ng ganito dahil madami ang taong nanonood hindi gaya ng nasalihan ko noong una. Apat na beses ang dami ng mga taong naghihintay na magsimula kami.

Hindi rin kasi biro ang premyo na maari naming mapanalunan. Bukod sa karangalan at cash prize na 50,000, awtomatikong may trabaho kami sa sa ilalim ng pamamahala ng munisipyo at pagmomodelo ng damit sa isang brochure ng isang clothing apprel na sponsor na mall ng contest. Malaking tulong ang maaring matanggap na talagang pinaghandaan ni Mayor.

Taon-taon naman kada fiesta ay hindi nawawala ang ganitong contest, kada linggo ay iba-iba ang pakulo bago sumapit ang mismong araw ng fiesta. Una ang Kantahan,sayawan, miss gay at huli ngayon, ang bikini open.

Parang sabungan ang dressing room namin sa ingay. Akala mo reunion ng isang pamilya na kaytagal na nawalay at muling nagkita. kamustahan, biruan, asaran at nakakatawang patutsadahan ng mga managers.

Isang relasyong aakalain mong away nila pero isang unawaan na lahat sila ay magkakaibagan. Walang pake pake ang mga tao dito at lahat sila ay masayahin at pantay pantay ang trato sa isat isa sa kabila ng naranasan din ng iba ang nararanasan kong diskriminasyon mula sa ibang tao na makikitid ang isip,hindi bukas sa pag-unawa at walang respeto.

Nanood lang kami ni Caju at talagang napapatawa kami sa mga baklang nagtutulungan sa isat isa. Kahit hindi nila talent ay inaasikaso ng mainam. Naroong make-up-an o ayusan ng buhok. Ang iba ay nagbibigay ng mga pointers sa paglalakad. Nakakatuwa sila kaya naenjoy namin ni Caju ang paghihintay sa pagsisimula ng contest.

Nawala na ang kaba sa dibdib ko dahil parang isang pamilya talaga ang makakalaban ko.

“ O bakit ang dalawa mong alaga Mama Chona walan pang make up?“

Pansin ng isang make up artist.

“ Ay! Wag mong pakialaman yang mga alaga ko! Keri na yang walang mukap!“

Nagkatingin lang kami ni Caju at natawa sa usapan nila. Hindi talaga kami pinalalagyan ni Mama Chona ng make up kahit noong una pa naming laban. Ayaw niyang itago ang naturalesa naming mukha sa makapal na make up. Asset din daw kung may kapintasang makikita dahil wala naman daw talagang perpekto. Para sa kaniya nawawala ang essence ng isang pagkatao kung itatago ito.

Nais niyang husgahan kami sa natural na paraan. Pulbos lang talaga talo-talo na. Narinig namin ang music intro sa labas hudyat iyon magsisimula na kami.

Agad kaming pinapila ayon sa aming pagkakasunod-sunod gaya ng napractice namin. Sa bandang unahan si Caju apat na contestant ang pagitan namin kaya medyo kabado pa rin ako. Di ko alam kung ano mangyayari dahil marami din kaming maglalabanlaban.

Sinenyasan na kami para sa pagrampa ng sports wear. Si Caju ay naka pang tennis look ako na may naka pang thai kickboxer.

Pinili talaga ni Mama Chona na simple ang aming sports wear dahil mas tipid iyon. Nagkataon namang wala kaming katulad na irarampa dahil dalawa sa kalaban namin ay nagkataong parehong naka golf look kaya pati manager nila nagtatalo ng di sinasadya.

Salitan ang cat walk namin. Mauuna muna ang lalake tapos ang babaeng kasama sa kabilang entrance ng stage,salubungan. Nakakagulat at nakakaexcite dahil jammed pack ang plaza sa dami ng mga nanonood.

Talagang dinayo pa ng ilan para suportahan ang kanikanilang pambato. Di ko na makita kung saan nakapwesto sina nanay at tatay dahil nakakasilaw ang mga ilaw na nakatutuok sa amin.

Nakaramdam ako ng adrenaline rush, naexcite ako sa pagpose at paglalakad. Pakiramdam ko ang pogi ko talaga at walang panama ang mga kalaban ko kahit nakaharap pa kami sa mga hurado. Lakad sa kaliwa, pose ng konti,lakad sa gitna at konting pose muli.

Nang parang biglang may nakita akong pamilyar na tao na nakaupo kasama ng mga hurado. Inisip ko kung saan ko siya nakita …

Lakad muli sa kanan at kaunting pose. Isang pasadang tingin muli sa mga hurado. Tama at sigurado akong nakita ko ang dulong hiradong ito na nakaupi sa dulo…

Pagkatapos noo’y bumalik muli sa aming changing area. Sa kabila ng pagmamadali ng mga kasamang kong contestant at mga managers na abala sa pagpapalit ng formal wear, bumagal naman ang sandali ko sa kaiisip sa nag-iisang judge na iyon.

Habang nagbibihis kami ay narinig kong ipinakilala na ng host ang mga judges na huhusga sa amin.

Pinakinggan ko isa-sa… Isang Ad Campaign manager ng Mall sa lugar namin,ang councellor ng bayan, city engineer ng kalapit na bayan, at si Mayor. Hindi nakarating ang isang judge na isang professional photographer kaya ang assitant na lang nito ang nag proxy sa kanya.

Nag-init ang tainga ko sa aking narinig at nakaramdam ng panlalamig sa aking mga palad. Parang may isang apoy nag gustong lumabas sa aking bibig ng marinig ko ang pangalan niya.

Di nga ako nagkamali!

Ang walang hiya!

Narito si Brian!!!

Si Brian ang huling judge na ipinakilala.

Namumula ako sa galit at nagtungo ako sa labas. Nakihalubilo ako sa ilang mga tao at sinilip ang mga hurado.

Totoo ngang si Brian iyon!

Poser talaga ang taong ito. Malayo sa itsura na pinapadala niya sa akin noong nagcha-chat pa kami. May katabaan na siya at parang dalawang taon na yata yung mga larawan na nakita ko sa dummy fb account niya.

Gusto kong lumapit upang komprontahin siya at bawian sa ginawa niya sa buhay ko.

Natauhan na lang ako ng may humawak sa braso ko. si Mama Chona.

“ Ano ginagawa mo dito! Di pa naayos ang neck tie mo! Sino bang tinitingnan mo dyan?“

Di na ako umimik at nagbalik ako sa loob ng galit na galit. Gigil na gigil ako sa mga oras na ito. Nilapitan ko si Caju para mapayapa niya ako. Sa mga oras na ito nais kong nasa tabi ko siya dahil naghahalo na ang nararamdaman ko. Nagulat pa siya ng sinabi ko kung sino ang judge na narito. Maging siya ay nainis din. Niyakap niya ako at binulungan.

“ Hayaan mo na lang siya. Tapos na yun, nangyari na yun. Patunayan mo na di siya hadlang sa iyo. Manalo, matalo wala kang kasalan. Isipin mo patas ka. Wag kang gagawa ng ipagsisisi mo sa huli. Tandaan mo na narito pa rin ako sa likod mo.“

Gusto ko siyang halikan dahil sa kaniyang sinabi. Bagamat may nararamdaman akong galit ay naluwagan ang dibdib ko sa mga payo niya. Pero may agam-agam pa rin ako na baka maging kasiraan ko na naman ang pagdating niya. Siya ang dahilan ng ilang linggo kong hinanakit at sama ng loob. Ang bilis ng pangyayari dahil nagkrus ang aming landas sa hindi inaasahang pagkakataon.

Ang malas niya at Home Court ko pa ang dinayo niya.

Ano naman gagawin ko kung sakali?

Makatiempo, sasapakin ko…tapos?

Ganun lang?

Tama nga siguro si Caju na palagpasin ko na ang lahat ng ginawa niya. Hindi ito ang pagkakataon na bumawi pa dahil higit pa ang ginawa niya sa inaakala ko.

Kailangang ipakita ko na di ako nasadlak sa kahihiyan, kaialangan kong ipakita na nakabangon ako sa aking pagkakabagsak,sa mga ginawa kong pagkakamali at pagtitiwala sa isang taong mapagsantala.

Kasama din pala ako sa dapat sisihin kung bakit nangyari ang lahat ng pinagdaanan ko. Haharapin ko siya ng taas noo at ipapapakita ko na hindi ako talunan.

Gaya kanina ay isa isa na naman kaming rumampa suot ang aming mga formal wear at isa isa ring pinakilala.

Nang ako na ang pinakilala ng host ay isa isa kong tumingin sa mga hurado, hinuli ko si Brian. Nakakainsulto ang kaniyang tingin na sinabayan pa niya ng pagtaas ng kilay na parang nagbabanta na ako ay mapapahiya. Isasawalang bahala ko na lang na narito siya na huhusga sa akin.

Sa kabila ng lakas ng loob na humarap ay nawalan na ako ng pag-asa na manalo. Pero hindi pa rin ako susuko dahil hindi pa tapos ang laban.

Narito na ako…

Wala ng atrasan..

Lalaban pa rin ako…

Dahil hindi ako takot sa iyo Brian…


Chapter 20

Second segment na ang aming gagawin. Pagkatapos kumanta ng nakaraang champion sa singing contest ay formal wear na ang isusunod na irarampa.

“ Kinakabahan ka ba?“

Tanong sa akin Caju.

Tiningnan ko siya sa mata at nginitian. Para aking boksingero na nilalaro ko ang laban sa utak. Pinaplano ang gagawin sa mga posibleng mangyari.

Gaya kanina damit lang namin ang nabago sa ikalawang pagrampa at kaunting interview mula sa host. Inalam nila ang aming background.

Nauna si Caju sa akin.

Mga tanong na pang-condition at kaunting patawa upang ma-entertain ang mga manonood. Halatang magaling ang host dahil walang pang-o-okray na nangyari. Malinis at walang kaberdehan ang mga jokes nito. Seryoso ang labanan kaya di bastos ang nagaganap sa entbablado na may respeto.

Pagkatapos ni Caju,apat pa ang sinundan ko na rumampa at naiterview.

Ang sa akin ay inalam nila ang background ko, ang mga libangan, dating trabaho, patungkol sa aking kursong physical theraphy , at mga trivial na tanong na nasagot ko naman ng mainam.

Hindi ako makasulyap kay Brian ng matagal. Parang mayroon siyang ilulutong contestant ngayong gabi at alam ko na kung sino.

Para akong nasa firing squad na nag-aabang na lang ng balang tatatama dahil hintay pa namin na matapos ang lahat ng kalahok na na matapos mainterview.

Manaka-naka ang sulyap ko kay Brian.Masayahin at nakikipagtalakayan sa mga kasamang hurado. Hindi halata na may alam siya tungkol sa akin. Marumi maglaro ang taong ito kayat paniguradong marumi din ito sa paghuhusga.

Kung ganoon nga siya ay wala ng pag-asang manalo. Pero nandito na ako kahit nakakaramdam na ako ng kabiguan.

Sinulyapan ko si Caju. Nagkatinginan kami. Maskara ang ngiti niya sa akin dahil alam kong nag-aalala siya sa mangyayaring lutuan. Napilit niya akong ngumiti ng kindatan niya ako. Kahit kailan ay lagi lang siyang nakaantabay sa kalagayan ko. Tagasalo sa tuwing babagsak. Mas pinahalagahan ko ngayon ang pagkatao ni Caju dahil bukod sa matalik at matapat na kaibigan ay nobyo ko pa.

Isa-isa ng tinawag ang top 5 na lalake at babaeng kasali. Laking tuwa ko ng pangalawa si Caju sa nakapasok. Mas nagulat ako ng ikalima ako sa tinawag na pasok sa final round.

Masaya kaming ipinakilalang muli at ngayon agad naman kaming nagpalit ng bumalik sa dressing room para sa swimsuit at huling round.

Di ako makapaniwala at kasama ako. Tuwang tuwa si Mama Chona dahil dalawa kami sa alaga niyang pasok. Ipinagmamalaki talaga niya na walang talo sa amin dahil karangalan na ang makapasok sa huling limang natawag para sa finale ng gabi.

Ang ilang mga hindi pinalad ay magiging background na lang namin sa paglabas. Ang kapareha naman naming babae na pasok din sa top 5 ay aming lakambini at kami ang konsorte.

Ayon sa aming ranking ay isa-isa na naman kaming lumabas kasabay ng isang masayang musika. Dinig na ang hiyawan ng mga manonood. Nang mga miron na tuwang tuwa sa kanilang kandidato at kandidata.

Mga instant fans na siyang-siya, kinikilig at nagpapalakpakan. Nakita ko na naroon din ang Nanay at Tatay na full support sa akin sa isang tabi. Maging ang ilang mga kaibigan ko na halatang nakipamiesta muna bago nanood sa amin.

Bagamat tinalikuran ako alam ko nandoon sila para sumuporta, o panoorin ang kahihiyan ko bilang miembro ng third sex.

Wala na rin sa akin ang mga sasabihin nila dahil mas kilala ko ang sarili ko kesa sa kanila na tumalikod sa akin. Nakita nila ang tunay na Randolf at nakita ko rin kung sino-sino sila.

Sa huling pagkakataon ay tinawag na kaming maglalaban. Ako ang panghuli.

Matikas akong lumakad suot ang puting bikini style speedo. Proud ako at nagbunga talaga ang walong buwan namin ni Caju sa pag-gi-gym. Pasalamat din ako dahil talagang inalagaan ako ni Nanay na hindi masugatan noong bata pa kaya wala man lang akong bakas ng sugat sa katawan.

Nakatingin sa akin ang mga manonood. Sinulyapan ko si Brian na sinusundan ako ng tingin na parang gusto pa akong hubaran. Talop na ako sa mga contest na sinalihan nilakaran noon. Marami na ang nakakita ng katawan ko. Marami na ang nag-imagine o nagnasa. Maging ang sukat at laki ng kaumbukan ng harap ko nakita na ng marami, pero ngayon ako nakadama ng hiya…

Bumalik sa akin ang ginawa kong paghuhubad sa chat. Ang lihim ng tunay kong pagkatao ng ilang taon. Ang katangahan na ginawa ko sa pagsunod sa kagustuhan ni Brian.

Kailangan kong bumalik sa focus na ito ay laban ko at patunayang di ako ang may kagustuhan ng scandal na yun kundi si Brian lang.

Ito na ang huling pagsubok.

Ang huling question and answer portion.

Pinabunot kami ng bola ng pingpong. Numero ang nakasulat. Ito ang numero ng aming pagkakasunodsunod. Pang-apat si Caju Pang lima muli ako.

Isa-isa ng tinawag ang mga numero. Magaganda ang sagot ng nauna at palyado ang dalawa dahil sa kinabahan ata.

Maganda rin ang sagot ni Caju sa tanong na binigay ng isang judge. Random ang judge na nagtatanong. Parang isang kwentuhan lang at di nakaprograma.

Ngayon ako naman ang huling tatanungin.

Tinapik ako ni Caju sa likod.

“ Kaya mo yan!wag kang aatras!“

Nagulat din ako dahil malakas ang sigaw niya sa akin. Tumingin ako sa mata niya at ngumiti. Isang bro hug ang binigay ko sa kaniya.

“ Kaya natin ’to.“

Ang bulong ko sa kaniya at pumunta sa unahan katabi ng host.

Kung kanina ay hiya at kaba ang bumabalot sa akin ngayon ay tapang na ang pumalit. Nawala ang agam-agam ng pagkatalo dahil wala naman talaga akong ginawang masama.

Haharap ako ng taas noo sa bawat tanong nila sa akin. Tatlong hurado ang magtatanong. Panay buntong hininga ako sa paghahanda.

Tagumpay ako sa dalawang tanong tungkol sa current events. Nasagot ko ng kampante at tama ayon sa aking kaalaman. Isa na lang at matatapos na rin ang huling pagsubok.

Nakahinga ako ng maluwag dahil hindi si Brian ang judge na magtatanong sa akin.

“ Randolf, ano masasabi mo about sa gay rights. Are you in favor of gay marriage?“

Tanong ng Add Campaign Manager na hurado sa akin. Di man aminin pero halatang tibo ang babae sa obserbasyon ko.

Tumingin ako sa nagtanong at gumanti ng ngumiti.

Sumagot ako.

“ Sino ho ba ang may karapatang magsabi ng tama o mali sa ganoong relasyon. Ang pananaw ko po sa ay ang karapatang pumili ng kung sino ang paglalaanan mo ng pagmamahal. Ang tanggapin ka kung ano ka. Karapatang ng isang straight ay karapatan din dapat ng isang bakla o ng isang tomboy. Lahat ay may karapatan,lahat ay pantay pantay. Walang pagtatangi at walang pinipili.

Kung kasal lang ang kahahantungan ng same sex relation bakit ang hindi…’

Dudugtungan ko pa sana ang sagot ko ng biglang nagtanong si Brian.

“ Ano ang masasabi mo sa mga gay na may scandal ngayon? Hindi ba nakakahiya yon?“

Nag-init ang tenga ko dahil isa itong patibong ni Brian mapahiya ako muli. Narinig ko ang ilang bulungan mula sa manonood. Napatakip naman mag nanay ng kaniyang bibig dahil alam niya ang issue ko sa ganoong bagay. Maging ang itay ay napayuko dahil batid ko na mauungkat ang kahihiyang nagawa ko.

Lumingon ako kay Caju.

Sa mga sandaling ito muli akong kukuha ng lakas ng loob sa kaniya.

“ Sorry judge Brian at hanggang tatlong question lang tayo per contestant.“

Bawi ng host sa bigalaang tanong. Subalit pinigil ko ang host.

“ Sasagutin ko po sir ang tanong kung okay lang.“

Napatingin ang host. Natahimik siya sa seryoso kong sinabi. Ilang segundo rin iyon. Pursigido ang mga mata ko na sagutin ang huling tanong at itinapat muli niya ang microphone sa akin.

Sumagot ako…

“ Sa katanungan kong nakakahiya ang scandal,opo nakakahiya po. Sa lahat po ng gender kung mamamarapatin ninyo. “

Matapang ko na sagot.

“ Maging ako po ay may scandal. Ang lahat ng iyon ay nagbigay sa akin ng kalungkutan at takot ng malaman ko na mayroon pala ako na kumalat sa internet. Hindi ko po kagustuhan ang nangyari. Yes I am gay, and proud of being gay. Opo may scandal din ako. Nagpapasalamat pa ako sa taong nagpakalat noon dahil nakilala ko ang tunay na sarili ko. Nakilala ko ang mga taong nakisipmpatiya sa dinanas ko.

Nilayuan ako ng akala kong tunay kaibigan dahil sa nangyari at nakita ko rin ang tunay na nagmamalasakit at totoong nagmamahal sa akin. Sa mga nakakarinig na mga kabataan na narito. Iwasan natin ang buyo ng iba para sa pansarili nilang kasiyahan. Naging biktima ako ng sarili kong pagtitiwala sa iba dahil nagpabiktima ako. At para din sa nagpakalat ng scandal ko pinasasalamatan ko siya dahil nakatayo pa ako sa tulong ng mga magulang ko…ng tunay na kaibigan ko…kung wala sila di ko wala ako sa harap nyo ngayon. Yun lang…at salamat po.“

Mangilid-ngilid ang luha ko ng matapos kong sagutin ang tanong. Isang palakpakan naman mula sa karamihan ang binalik sa akin.

Sinulyapan ko muli si Brian at nawala ang ngiti niya gaya ng kanina na parang nagmamalaki pa sa akin. Nakahinga ako ng maluwag ng bumalik sa aking pwesto. Kinamayan ako ng ilang kalaban ko.

Sa kasiyahan ay niyakap ako ni Caju.

“Talo na ako ha ha ha!”

Bulong niya sa akin. Di ako nakatiis at yumakap na rin ako. Hinalikan ko ang kaniyang balikat sa kasiyahang nakalaya na ako ng lubusan sa sama ng loob kay Brian.

Malaya na ako!

Payapa na ang kalooban ko dahil tanggap ko na ang nakaraan ko na humila sa akin pababa ng ilang linggo.

Grabe, nawala ang kaba ko ng muling bumalik sa aking pwesto.

Natapos ang mga tanungan. Naghihinaty kami ng resulta kung sino na ang mananalo ng pabalikin kami sa aming dressing area.

Parang party ang loob dahil panay kamay naman sa akin ng mga kasama ko sa kanilang nalaman sa akin. Hindi dahil sa ako ay lumantad sa kasarian ko kundi sa katapangang pagsagot.

Muli kaming pinabalik para sa announcement ng mananalo ngayong gabi. Naghihiyawan na ang mga tao dahil ang tagal ng delibirasyon. Mga nakatayo na ang mga hurado, mainit ang usapan maging ang mayor namin ay halatang galit na sa nangyayari.

Naroon ang hepe at ilang pulis. Mainit ang usapan at nagtatalo sila. Ganoon ba kahirap ang pagbibigay ng puntos sa amin at nasa puntong galit ang mga bulungan nila. Maging ang ibang manonood ay pinagtitinginan na ang mga kaguluhan sa unahan.

Ilang sandali pa ay nakita ko na lang na umalis si Brian kasama ni hepe,ng tatay at ni Mama Chona.

Di ko alam ang nangyayari ngayon.

“ Sorry for the long wait at nagkaroon lang tayo ng delibiration problem…“

Paumanhin mula sa host.

Wala kaming alam sa nangyayari kung ano ang ibig sabihin ng pagkakaalis ni Brian bilang hurado.

Eto na ang pinakahihintay naming lahat.

Abot-abot na ang kaba namin. Inakbayan ako ni Caju sa balikat at kumapit naman ako sa kabilang beywang niya habang hinihintay na banggitin kung sino na ang nanalo…


salamat po sa mga votes at comments ninyo. Medyo loaded lang sa trabaho kaya bumagal ang updates.salamat po uli and keep safe!

Chapter 21 Finale

Ito na ang oras na pinakahihintay namin.

Inihanda ko na ang sarili ko sa mga pagkakataong tagumpay o kabiguan ang tatanggapin ko sa gabing ito.

Katabi ko si Caju.

Nararamdaman ko rin ang kaba niya habang nakaakbay siya sa akin. Panay ang piga niya sa aking balikat. Sinulyapan ko si nanay sa kaniyang pwesto. Tahimik siyang nakayuko na naghihintay.

Kanikaniyang hiyawan ang mga manonood kung sino ang gusto nilang manalo. Inabot na sa host ang clip board ng resulta. Nakayuko akong naghihintay.

“ Our third place!…contestant number 6! *

Jason Perey

!“

Nangiti ako dahil may nabuksang pag-asa. Tatlo na lang ang kaagaw ko sa title ng bikini open. Kung tutuusin hindi ko ko rin naman kalaban si Caju. Kunh sino man ang palarin sa aming dalawa ay masaya na ako.

“ For our second place! Is contestant number 7 Randolf Amores!!!“

Second placer ako!

Kahit hindi champion, malaking bagay na para sa akin ang mabanggit ang pangalan ko bilang ikalawang nanalo.

Masaya akong nagtungo sa unahan upang tanggpin ang sash, certificate at tseke. Di ko na nabasa kung magkano ang nakasulat doon nakita ko na lang na mula ito sa shopping mall na sponsor ng contest. Nakatanggap din ako ng ilang gift certificates. Hindi na masama para sa pangalawang pwesto.

Kahit nabanggit na ang pangalan ko ay naexcite pa ako lalo. Dahil hindi pa nababangit ang talagang nanalo. Nilingon ko si Caju. Nakatingin siyang abot-abot ang saya para sa akin. Di yata alam ng mokong na ang pagkakataong manalo ay nasa panig niya.

Humina bahagya ang palakpakan ng inanounce na ang grand winner para sa kalalakihan.

“And our grand champion for tonight is…contestant number 2!

Carl Julian Sanchez

!“

Hindi ako makapaniwalang nanalo ang mahal ko na dating second placer lang ang nakukuha sa mga huling laban namin.

Gusto ko siyang yakapan at i-Dawn Zulueta sana ngunit sa dami ng mga dala kong napanalunan ay pinanood ko na lang siya sa kaniyang kagalakan.

Panalo si Caju! Isang karangalan na ang nobyo ko ang nanalo. Napakasaya ko dahil malaking bagay talaga ang premyong makukuha niya na magagamit niya sa pag-aaral.

Nagbunga ang training sa amin ni Mama Chona at talagang napakinabangan namin ang hirap at pagtitiyaga niya ng ilang buwan.

Walang pagsidlan ang kasiyahan namin dahil hindi kami uuwing bigo. Natapos ang programa, binati kami ng mga judges sa aming tagumpay. Bumalik kami sa aming dressing area upang magbihis. Masaya naman ang pagtanggap ng mga kalaban namin kahit hindi sila ang nanalo. Nandoon pa rin ang kasiyahan nila para sa aming mga napili.

Sa labas ay naroon si Nanay na hinihintay kami.

Tuwang-tuwa na niyakap kaming dalawa. Inabot ko sa kaniya ang tsekeng napanalunan dahil iyon nama’y para talaga sa kanila ng tatay. Doon ko rin nalaman na 10 libo din pala ang napanalunan ko. Hindi na masama at malaking kagaangan talaga ang nakuha ko.

Naroon din ang nanay ni Caju at maiyak-iyak pa na niyakap rin kaming dalawa. Gaya ko ay inabot din ni Caju ang premyo niya sa mama niya.

Ang sarap sa pakiramdam na nakatulong kami sa kanila sa kabila ng minamaliit ng ilan ang bikini contest na sinasalihan namin. Kung sa iba ay kababawan at superficial ito ang sa akin ay marangal at malinis ang intesyon ko basta makatulong sa mahal kong pamilya.

Matapos nooy hinila na ako ni nanay sa kalapit na munispyo para sa isang reklamo. Kalapit lang ng plaza ng bayan ang munisipyo namin.

Naabutan ko sa Mama Chona, ang tatay at ang Mayor namin kasama si Hepe. Naroon din si Brian na namumula at parang takot na takot.

“ Iyan mayor ang biniktima ng sira ulong yan!“

Galit na galit si Mama Chona ng pumasok na ako sa opisina ni hepe.

“ Totoo bang siya yung nagpakalat ng mga larawan mo sa facebook?“

Nasa ibabaw ng mesa ang cellphone ni Mama Chona at nakarehistro doon ang facebook ng scandal ko. Muli na naman ako nahiya dahil kita doon ang hubad na larawang kuha pinagpiyestahan ng ilan.

Di ako makapagsalita ng maayos dahil interugasyon pala ito ng mga ginawa ni Brian. Tahimik lang siya na nakatingin sa akin. Malayo sa malainsultong mata kanina sa contest.

Tumango lang ako, hudyat na siya nga ang taong gumawa ng eskanadalo ko.

Natahimik ang lahat.

“ Alam mo ba ang sakop ng RA.10175, Cyber Crime law?

Cyber squatting ang tawag sa ginawang paninira sa reputasyon sa biktima mo. Kung makakasuhan ka nasa 10 hanggang 200 libo ang piyansa o maari kang makulong ng habang buhay?“

Ngayon na ako naliwanagan na ito pala ang araw ng pagbabayad ni Brian sa ginawa niya sa akin. Galit na galit naman ang tatay pero pigil siya ng nanay na huwag patulan ang may sala.

“Hepe you have the proofs about this case. Ayaw kong makabiktima pa uli ang sira ulong yan. Nakakahiya at kinuha pang judge yan! Gawin nyo lahat ng imbestigasyon. I-trace nyo ang ginawa nyan ng makulong yan. Baka marami pang nabiktima yan!”

Galit ang mayor namin dahil sa ginawa ni Brian. Maging ako ay pinagsabihan din sa mga ginawa ko. Tama din siya sa kaniyang paalala na may kasalanan din ako sa pangyayari kaya nagkaroon ng ganitong problema.

Hindi ako nakipag-areglo kahit anong pakiusap ni Brian. Maging ang mga kasamang judges ay galit na galit sa ginawa niya sa akin dahil hanggang sa stage ng contest ay inabuso niya ako upang ipahiya.

Sinampahan ko siya ng kaso ayon sa batas kaya bahala na sina Hepe sa kaniya.

Maluwag ang aking kaloobang nakauwi sa bahay kasama ang mga mahal ko. Nakuha ko ang dobleng tagumpay ngayong gabi.

Doon kami sa lumang bahay nagcelebrate ng mga magulang namin,kasama ang nobyo kong champion, si mama Chona,ilang nakalaban sa contest at si Yuya na tahimik lang pala na pinanood kami kanina.

Binati kami ni Yuya sa aming natanggap na panalo at hiniritang i-treat siya kinabukasan.

May part two ang celebration na ito para sa aming tatlo bilang bagong magkakasangga. Masaya ako dahil naroon si Yuya ng walang pagpapanggap.

Nagkwentuhan kami tungkol sa naganap na contest at gulo sa munisipyo habang hinihintay amg niluluto ni nanay at mama ni Caju na spaghetti.

Si tatay naman at ang ilan ay nag-iinuman na pala sa terrace kasama si Mama Chona na bumabangka sa mga patawa.

Kami Caju nama’y nagtungo sa aking silid. Abala ang lahat nanakikicelebrate sa tagumpay namin ni Caju. Pagkasarang pagkasar at lock ng pinto ay niyakap ko si Caju.

“Congrats Carl Julian…”

Mahigpit din ang ganting yakap niya sa akin. Di siya nakatiis at hinalikan niya ako sa labi. Akala ko ay sandali lang gagawin niya pero nagtagal iyon. Nasabik ako sa halik niya dahil sa ligayang nanalo kami.

“ Dito tayo matulog mamaya ha?“

Salabaheng bulong ni Caju habang hinahalikan ako. Halik lang ang tugon ko sa request niya, sino ba ako para tumanggi sa isang pagkakataong ganito na magsosolo kami muli.

“ Wag kang iinom ha.“

Paalala ko dahil kailangang nasa kondisyon kami pareho sa inaasahan naming gagawin mamaya. Nagkatawanan kami at muling lumabas para saluhan ang mga bisita.

Masaya kaming pinakin ni nanay ng kanilang niluto at kalaunan ay nagpaalam na sila. Ako at si Caju na lang ang naiwan muli sa bahay na ito. Nag-imis kami ng mga pinagkainan at kalat ng inuman kanina. Patay malisya sa pananabik dahil alam kong pareho kaming nagmamadali para matapos na ang pagliligpit.

Ayos na ang lahat at kahit pagod ay naligo kami ni Caju. Sa totoo lang. Ngayon lang namin ginawa ito. Sa banyo pa lang pinapak na niya ako ng halik sa pananabik sa akin. Di rin ako nagpatalo dahil paglabas pa lang namin patungo sa kwarto ay nagmadali kami para sa aming ikalawang gabi.

Napakasaya ko dahil nakamtan ko ang hustisya, ang manalo ang isa sa amin ni Caju at higit sa lahat ang kasama ko ngayon gabi dito sa aking kwarto.

“ I love you Caju!“

Yun lang ang tangi kong masasabi sa kanya dahil iyon naman ang totoo.

Napakasaya ng gabi ko dahil sa lahat ng pangyayaring pinagdaanan ko ay nalampasan ko. Dahil may mga taong nakaalalay sa akin.

Lantad na ako sa mga magulang ko at mga kaibigan. Pero sa ngayon sila na lang ang bahalang umalam kung ano ang estado namin ni Caju. Hindi muna ngayon, hindi muna bukas. May tamang pagkakataon na malaman nila na kami na ni Caju at ipagtitiwala ko na lang sa kanya ang aming relasyon kung kelan kami aamin na kami na.

Napakaswerte ko pa rin dahil kasama ko ang mga matatapat at mga mahal na kaibigan at magulang na handang tanggapin ako. Natuto ako sa aking pagkakamali at pumili ng dapat kung kapitan para umahon.

May direction na muli ako para makamit ko ang mga plano ko sa buhay. Kasama ko si Caju at alam ko na hindi niya ako pababayaan.

“I love you too Randolf. “

Isang halik muli ang ginawad niya sa akin at isang gabi na naman ang aming pinagsaluhan.

Ang saya ko dahil wala na akong mahihiling pa….

The end


I just thought to make this story short para po sa lesson na gusto kong ipahayag sa mga nangyari kay Randolf. Be wise sa mga nakakasalamuha natin sa internet at baka isang araw magaya tayo kay Randolf. So keep safe po sa lahat ng bagay.

  • Abangan nyo yung Jason Perey na nabanggit po. May story ako niluluto doon. “ Ang

Pag-ibig ni Jason na Wala Tayong Alam“ ang title. Tapusin ko lang yung dalawang story na on going ha.

Salamat po uli sa mga follower,add, votes,comments and suggestion ng story na to.

Thanks din pala kay:

inyego_jr , bro thanks sa cover sana wala ka lagi ginagawa!

otoy69 at a_supertramp sa request kong manghula sa mga nagyayari.

Salamat po uli and keep safe.


R.A. 10175 (ANTI CYBER CRIME LAW)

Republic Act 10175 or the Cybercrime Prevention Act of 2012 that will punish libel online and combat Internet-related offenses in the country.

The punishable acts under the new law are offenses against the confidentiality, integrity and availability of computer data system, illegal access, illegal interception, data interference, system interference and misuse of devices.

Also covered are computer-related offenses such ascomputer-related forgery, fraud and identity theft, crimes rampant over the Internet.

Also punishable under the new law are content-related offenses like cybersex and child pornography, unsolicited commercial communications or cyber squatting.

Cyber squatting is the acquisition of a person’s domain name in bad faith to profit, mislead, destroy the reputation and deprive others from registering the same.

RA 10175 also punishes libel.

Under the new law, unlawful or prohibited acts of libel as defined in Article 355 of the Revised Penal Code, as amended, are those “committed through a computer system or any other similar means which may be devised in the future.”

The government classified cyber crimes in the Philippines into two categories: Internet and commercial crimes committed with the use of the Internet.

Existing Philippine laws punishing Internet crimes are RA 9995 (Anti-Photo and Voyeurism Act of 2009), RA 9775 (Anti-Child Pornography Act of 2009), and RA 9208 (Anti-Trafficking in Persons Act of 2003).


Return to top?
WattHub

Install WattHub

Size unavailable

App name
WattHub
App version
1.48.250
App size
Description
A digital library of Wattpad stories and Filipino fiction, thoughtfully preserved for readers today and tomorrow.
Developer
WattHub Team

Dismiss install banner?

No problem. You can still install WattHub anytime from the download icon in the header.

WattHub

Notifications

Notifications are off

Get notified on this device when the library grows or changes.