KUNG AKO NALANG SANA (Season 1)
Dex Pascual25 · 77 chapters · 144,178 words
KUNG AKO NALANG SANA
TITLE : “KUNG AKO NALANG SANA”
Sa Milyong Milyong Tao sa Mundo Na pwede mong Mahalin Anong gagawin mo Kung sa BestFriend mo Tumibok ang Puso mo? Tatahimik ka nalang ba Para hindi masira ang Friendship nyo? O sasabihin mo dahil kailangan at ayon ang tama.
“Ano bang nangyayari sayo!? Bakit ka nagkakaganyan? Hindi na ikaw yung kilala ko! Hindi na ikaw yung BestFriend ko!”
Ang sakit marining na nagagalit sayo yung Bestfriend.
“Hindi paba? Obvious? Mahal kita! Mahal kita matagal na!”
At Paano kung isang araw magising kana lang na Inlove kana sa Pinsan mo?
Magagawa mo ba itong pigilan? O hahayaan mo nalang na ang puso mo na magdesisyon?
May mga bagay sa mundo Na bigla bigla nalang Nangyayari At wala tayong magagawa Kundi sumabay sa agos nang buhay
SALAMAT SA LAHAT NANG NAG COMMENT AT NAGBIGAY NG MGA SUGGESTION NILA! KUNG PWEDE LANG SANA LAHAT PILIIN KO. PERO GANON TALAGA SA BUHAY MINSAN HINDI KA PIPILIIN NG TAONG MAHAL PERO HINDI IBIG SABIHIN NON WALA KA NANG KWENTA, KUNDI MAS MAY BETTER LANG KESA SAYO!😊😊 LOVE YOU ALL!
CHAPTER 1 “SIMULA”
KUNG AKO NALANG SANA
DEX’S POV
Ako na yata ang pinaka maswerteng Tao sa mundo, Biruin nyo ba naman sa dinamadami nang tao na tumaya sa lotto ako ang kaisa-isang nanalo nang Mega Jockpot!
Nung una para akong hihimatayin dahil sa pagkapanalo ko pero tinatagan ko ang loob ko dahil sayang naman tong pera kapag inatake ako sa puso haha.
So ito na nga ikeclaim kona yung napanalunan ko pero pagabot sakin nang check ay biglang nagkagulo yung mga tao sa office dahil yumanig yung paligid. OMG! LUMILINDOL! Natakot ako kasi hindi pwede lumindol dahil hindi kopa nakukuha yung pera ko! sayang naman! dapat bukas nalang badtrip tong lindol.
“Anak gising na, Ano ba tanghali na hindi kapa ba papasok??!”
Haysss si mama lang pala! niyugyog na naman ako akala ko lumindol na. Kahit inaantok ako ay napilitan ako Tumayo.
“Ma? asan napo yung perang napanalunan ko? nakita nyo ba?” Tanong ko kay mama
“Anong pera ka dyan? Nanaginip kalang kung ako sayo tumayo kana at maligo na ng mahimasmasan kana”
Pagkasabi palang ni mama na nanaginip lang ako ay nahimasmasan nako, Huhuhu ibig sabihin panaginip lang ang lahat??? Why o Why? akala kopa naman talagang nanalo ako. Kainis naman si mama ginising gising pa kasi ako edi sana mega winner na ang anak nya.
“Ma kainis ka naman kukunin kona sana yung pera kaso ginising mo ako. Pera na naging bato pa”
“Tigilan mo nga ako sa mga kalokohan mo, Puyat ka kasi ng puyat kaya kung ano ano tuloy ang napapanaginipan mo. Sa susunod pagbabawalan na kita gumamit nang Cellphone sa gabi”
“Sige na Ma maliligo napo ako”
Iniba ko nalang yung usapan pano kasi gigisingin lang ako ni mama ang dami pang sinasabi huhu ang aga aga inaarmalite ako haha at hindi lang yon nauna pasya sa alarm clock ko pero kahit ganon love na love ko yon si mama.
Tiningnan ko muna yung oras sa phone ko, 9:30 palang naman si mama talaga 11:30 pa naman ang pasok ko.
“Aba’t mag cecellphone kapa talaga?”
“Ma tiningnan ko lang po yung oras, Eto na nga po maliligo na ang maganda nyong anak”
Kinuha kona yung uniform ko sa Cabinet at pumasok na sa Cr si mama tiningnan pa talaga ako hanggang makapasok haha grabe si mama 3 in 1 hindi lang Alarm Clock, CCTV at ARMALITE pa san kapa? haha.
Ako nga pala si Dex Vasquez 17 years old, Isang grade 12 student sa isang di kilalang school dito sa Antipolo.
Public lang sya kasi hindi namin afford kung mag eenroll pa ako sa Private school, Ewan koba naman kasi dito sa gobyerno hirap na nga kaming mahihirap mag-aral ay dinagdagan pa nang dalawang taon, Pero syempre wala akong choice kundi mag-aral.
“Oh anak pagkauwian dumiretso ka umuwe wag kanang pumunta kung saan saan”
Inabot sakin ni mama yung baon ko nang matapos kaming magalmusal, Sya nga pala only child lang ako at ang Papa ko naman isang Jeepney Driver at ang mama ko umiextra lang sa labada kaya sapat lang talaga ang kita nila para sa panggastos namin araw-araw.
“Madires? kelan po ba ako gumala alam nyo naman na bahay school, bahay school lang ako”
“Sinisigurado kolang”
Ngumiti lang ako kay mama at nag paalam na umalis, Dahil baka traffic na naman at malate pa ako.
////////////////
Pagdating ko nang school ay hindi pa naman ako late kaya binagalan ko lang ang paglalakad at habang naglalakad ako ay may tumakip sa mga mata ko.
“Wag mo nang takpan yung mata ko kilala na kita” inis na sabi ko.
“Ano bayan Dex akala ko hindi mo ako makilala”
“Sa araw-araw mo ba namang ginagawa yan sakin imposibleng hindi ko malaman”
“Haha, Oo nga noh”
Napakamot nalang sya ng ulo. Siya nga pala si Mark Ibarra ang kaisa isang Best Friend ko! Kaibigan ko sya mula nang Grade 8 kami.
Dahil walang gustong makipag kaibigan sakin dahil mukha daw akong attitude, Actually mukha lang naman pero mabait at makulit ako kapag nakilala nyo na. Gusto kolang naman mukhang attitude tingnan para hindi ako mabully dahil uso yon ngayon.
“Pwede ba Mark iba naman gawin mo dina bumibenta sakin yan”
Lumapit sya sakin at ginulo yung buhok ko.
“Ang init naman ng ulo mo, Kalma lang”
Hayys ang init na nga ng panahon sumasabay pa itong si mark, Kinuha ko yung baon kung Tubig dahil pakiramdam ko ay matutuyuan na ako, Pagkatapos kong uminom ay biglang inagaw ni Mark yung Tubigan ko at nakiinom din sya.
“Ay bigla bigla? wala man lang pasabi?”
“Sorry na Dex nauway lang din talaga ako haha”
Ganyan kami kaclose ni Mark ultimo sa tubig nagbibigayan kami, Kulang nalang magpakasal nadin kami.
“Nagawa mo naba ang assignment mo sa Math?”
Napakamot sya ng ulo at ngumit sakin, Alam kona yung ibig sabihin non hindi nya nagawa.
“Ah eh nakalimutan ko kasi kahapon, Pwede bang pakopya nalang?”
“Sa tingin moba makakahindi ako sayo?”
“Yonnn!! salamat Kaya love kita eh! Buti nalang ikaw ang best friend ko!”
Love din kita char! Lumapit sya sakin at niyakap ako nang mahigpit, Kulang nalang buhatin nya ako.
“Mark Hindi ako makahinga” angal ko sa kanya
“Ay oo nga sorry”
Binitawan naman din nya ako.
“Tara na habang wala pa yung teacher natin para makopya kona din”
Hinawakan nya ako sa kamay at hinila papuntang room.
Sa 4 years namin magkaibigan nasanay nadin ako sa mga ginagawa nya. Pero kahit ganon hindi ko paden maiwasan ang hindi mainlove sa bestfriend ko.
Oo sa 4 years naming mag bestfriend 4 years kona din syang palahim na minamahal hindi ko magawang sabihin sa kanya dahil ayokong masira ang pagkakaibigan namin, Ayokong mailang sya sakin at higit sa lahat ayokong mawala sya sakin, Dahil sya ang BESTFRIEND ko.
Pagdating namin sa room ay nakatingin na naman samin yung mga malesyosa at malesyo naming mga Classmates, Hayss Dedma sila sakin.
Hindi kami magkatabi ni Mark dahil nasa bandang unahan sya at nasa dulo naman ako.
“Uy Dex Kayo naba ni Mark?”
Muntik na akong mabulunan sa tinanong ni Miles, Seryoso talaga yung mukha nya ng magtanong sakin.
“Oo kami na may problema ba?”
“We!!! di nga?!! Ayiieeee!!”
Kulang nalang gilitan ako ni Miles dahil sa paghila nya sa Uniform ko, Grabe sya kilig na kilig.
“Hoy wag ka nga dyan, Binibiro lang kita. Hindi kami ni Mark, Uulitin ko sayo BestFriend kolang sya okay?”
“We? kaya pala magka holding hands kayong pumasok dito?”
Hala! we! OMG!!! Kaya pala Grabe makatingin yung mga Classmates namin kasi nakalimutan kong hinawakan nga pala ni Mark yung kamay ko! Huhuhu.
“Kita mo? BestFriend nga talaga kayo”
Hindi ko nalang sya pinansin dahil hahaba lang ang usapan. Bakit normal lang naman sa magkaibigan ang mag holding hands diba? tssk ang dudumi ng mga utak nila, Pagbabae sa babae okay lang pero pag bakla at lalaki may malisya? Asan ang hustisya mga bes!
Siya nga pala si Miles Talion, First day palang talaga dinadaldal nya na talaga ako mukha naman kasi syang mabait kaya inentertain kona din sya.
Hiyang hiya talaga ako sa nangyari kanina kaya nang mag uwian ay tinaguan ko si Mark mahirap na baka kung ano na namang isipin nang mga Classmates namin at tuksihin na naman kami haha madali pa naman ako mamula.
“Dex bakit ba parang may tinataguan ka?”
“Basta tara na wag kanang magtanong dyan”
7:30 pm kasi ang uwian naman kaya ng mag bell ay nagmadali na akong lumabas habang busy si Mark makipag usap sa iba naming classmates at itong si Miles ang nabitbit ko palabas actually sumunod lang sya sakin hahaha.
“Oy be nag chat sakin si Mark tinatanong kung nasan ka at kung kasama kita”
“Sabihin mo hindi mo ako kasama o di kaya wag mo nalang replyan”
“Hindi na kailangan Be ayan na si Mark” turo ni Miles
Nagulat nalang ako nang makita ko si Mark na nasa Harap na namin , Grabe sya ang bilis naman nya hahaha. Lumapit naman agad sya sakin.
“Oy Dex, Hinanap kaya kita kanina bakit mo ako iniwan?”
“Ah eh ito kasing si Miles hinila ako”
“Anong hi––”
Hindi kona pinatapos yung pagsasalita ni Miles dahil tinakpan kona yung bibig nya at ngumiti ngiti lang.
“Ganon ba? Tara na gabi na din”
Ito yung pinakaayaw ko kapag PM shift ka agawan na naman ng Jeep mga besh! huhuhu akala mo sumali kami sa Marathon.
Kapag may dumating na Jeep takbuhan kami at syempre wala munang kaibikaibigan haha dito masusukat ang pagkakaibigan nyo haha.
Aminin nyo yung feeling na gusto mo nang umuwe kaso hindi ka makasakay kasi iniisip mo yung kaibigan mo, Gusto mo sabay kayo.
Pero nakasakay naman kaming tatlo iisa lang kasi ang Jeep na sinasakyan namin pauwe sa kanya kanya naming bahay.
Habang papasok ako sa Jeep ay naumpog ako sa parang ilaw na nakalagay sa gitna ng Jeep, Shemay ang sakit! gusto kong manapak eh hahaha char!. bakit ba kasi sila naglalagay don eh takaw untog yung mga ganon, Ngarag na nga yung utak ko sa mga lectures namin tapos nauntog pa ako haha.
MARK’S POV
Ako nga pala si Mark Ibarra 18 years Old. Pinigilan kong matawa sa nangyari kay Dex pano kasi naumpog sya at mukhang na nadtrip hahaha. Umupo na kami at magkatabi kami dahil si Miles nasa kabila naka upo.
“Bakit naka ngiti ka dyan?” Takang tanong ni Dex
“Ah eh wala may naalala lang ako”
Hindi na nya ako pinansin at kumuha na sa bag nya ng pamasahe.
“Akin na yung pamasahe mo para isang bagsakan nalang”
Bagsakan talaga? Ito talagang si dex ang daming words na alam magugulat nalang ako minsan may sinasabi sya na hindi ko maintindihan. Kinuha nya din yung bayad ni Miles.
“Manong bayad po! Tatlong estudyante!”
Sigaw nya, kasi ang lakas ng tugtog sa Jeep pati tenga ko nagbavibrate.
“Naka megaphone kana naman”
“Syempre para marinig, Kainis kasi yung sounds hindi na tayo magkarinigan dito sa loob. Feeling ba nya nakakatuwa yung Tugtug nya”
“Galit kana nyan? Yung Puso mo ingatan mo haha”
“Hindi, Nagpapaliwanag lang at saka iniingatan ko talaga ang puso ko”
Nginitian ko nalang sya, Yan kasi si Dex mapag usisa sa mga bagay basta alam nyang mali palagi syang may nasasabi, Si Dex lang ang kauna una kong kaibigan na bakla iba kasi sya sa lahat ng baklang nakilala ko.
Simple lang sya Hindi katulad ng iba. Nauna silang bumaba ni Miles dahil mas malapit lang yung bahay nila kesa sakin. Nagbabye lang sila sakin at bumaba ng Jeep ako naman ay naidlip na muna dahil medyo malayo pa naman ang byahe ko.
DEX’S POV
Grabe ang sakit paden ng ulo ko bwiset kasi Yung Jeep namay bumbilya sa gitna lakas makapag biktima eh!
Pagdating ko sa bahay ay nanunuod na sila mama ng Tv dahil kanina pa sila tapos kumain, Nagmano muna ako sa kanila bago magpalot ng damit .
Pagkatapos kong kumain ay dumiretso na ako sa kwarto ko, OO may kwarto ako wag kayong ano dyan! haha NagOpen ako ng facebook at tiningnan ko kunh nakaopen din si Mark kaya chinat ko sya.
“Oy antayin mo ako bukas ha? sabay tayo pasok”
Chat ko sa kanya Nagreply naman agad sya.
Ganito yung mga taong gusto kong ka chat yung madaling mag reply, Kainis kasi yung mga taong iseseen kalang tapos iinbox zone ka kunwari di nila nabasa! tsssk sarap ipa tokhang haha.
“Sige sige, Antayin kita basta agahan mo ha? ayaw kong
naghihintay
. Sige na Good night na matutulog na ako“
“Oo aagahan ko. Good night naden”
Kinuha ko muna yung at bag ko para kunin yung ballpen at papel ko dahil dudugtungan ko kung ginagawa kong spoken words dahil umaasa ako balang araw matatapos kodin to at mapaparinig ko din kay Mark yung tunay kong nararamdaman.
Pagkatapos kong madugtungan ng ilang stanza ay Natulog nadin ako para hindi na ako mapuyat dahil baka mag rap na naman si mama bukas haha. At syempre panibagong araw na naman ng pagpapanggap na hindi ko mahal ang BestFriend na parang normal lang ang lahat sa amin saka ko nalang siguro aaminin sa kanya kapagnagkalakas na ako ng loob.
CHAPTER 2 “SELOS”
DEX’S POV
Eto na naman ako panibagong araw na pagpapanggap, Minsan pumapasok din naman sakin na umamin na talaga kay Mark.
Pero Hanggang ngayon wala paden akong lakas ng loob na sabihin sa kanya yung totoong nararamdaman ko dahil natatakot na baka mabago yung lahat sa amin. Na baka masira yung pagkakaibigan na iningatan namin pareho ng ilang taon Nag-aantay ako ngayon kay Mark dahil sabay nga kami papasok, Tssk kainis sya sabi nya kagabi aagahan nya pero ako pa pala ang nag-aantay sa kanya. Ilang saglit din ay dumating naman na sya.
“Sorry Traffic kasi” bungad nya sakin
“Tara na baka malate pa tayo”
Naglakad na kami papunta sa sakayan, at katakataka kasi tingin sya ng tingin sa Cellphone nya.
Sumakay agad kami sa Jeep at ang loko hindi nagsasalita dahil parang may Ka chat ata at parang kinikilig pa.
“Sino yan?” tanong ko sa kanya.
Bigla nyang tinago yung Cellphone nya.
“Ah eh wala mga kalaro ko lang”
“Kalaro? Pero bakit ka kinikilig? Siguro nililigawan mo yan ah?”
“Ha? Kalaro ko nga lang promise”
“Wag ako Mark, Ikaw ha nagsisinungaling kana sakin akala ko ba Bestfriends Tayo?”
“Promise nga mga kalaro ko lang yon”
Sumangayon nalang ako sa kanya Pero alam kong nagsisinungaling sya, Kilala ko si Mark alam ko kung nagsisinungaling sya o hindi.
Pero bigla akong nakaramdam ng kirot sa puso, Hayysss! Hindi ako mapakali! ano ba tong nararamdaman ko? Nagseselos ba ako? Hindi ito pwede! Hanggang sa makarating kami sa school ay tahimik lang ako muntik pa akong madapa dahil sa lalim nang iniisip ko, Mabuti nalang nakaalalay sakin si Mark.
“Ayos kalang ba? bakit parang ang lalim ng iniisip mo? may problema kaba?” Alalang tanong nya
“Ah eh wala, medyo masama lang yung pakiramdam ko”
Lumapit sya sakin at hinipo ang noo ko.
“Wala naman ah, Hindi ka naman mainit”
Hindi ko nalang sya pinansin at nagdire diretso papunta sa room.
“Girl anyare sayo? may LQ ba kayo ni Mark?”
Tiningnan ko lang sya nang masama, LQ talaga? Eh hindi nga naging kami ni Mark. Si Mark panay tingin sakin Pero hindi ako makatingin sa kanya ng diretso, Iniisip ko padin yung sa ka chat nya.
Ilang saglit lang ay dumating na yung Prof. namin sa subject na UNDERSTANDING THE SELF kaya umayos kami nang pwesto.
“Okay Class, i want you to choose who will be your partner dahil meron tayong activity na gagawin”
Tumingin agad sakin si Mark, Tumayo sya at lumapit sakin biglang bumilis yung tibok nang puso ko. Kakaiba to sa lahat ng naramdaman ko kay Mark dati kinakabahan ako na ewan.
“Dex partner na tayo”
“Sorry Mark partner na kami ni Miles”
“Ganon ba?”
Hala naguilty ako sa ginawa ko!! huhu
“Hindi Dex kayo nalang ni Mark ang magpartner, May partner nadin kasi ako”
Tiningnan ko nang masama si Miles tssk! hindi sya marunong makisama kainis naman sya eh!
“Yun naman pala eh”
Tumabi si Mark sakin at itong si Miles pumunta na sa kapartner nya at pangiti ngiti pa.
“Ngayon nakapili na kayo ng mga partner nyo, Ang activity na gagawin natin ay isusulat nyo sa isang papel ang first impression nyo sa kapartner nyo. Then iiexplain nyo yon isa-isa sa harap” nakangiting paliwanag ng prof. Namin
Nag-angalan yung iba kong Classmate dahil papapuntahin pa kami sa harapan, Kahit ako gusto kodin umangal kasi medyo nakakahiya.
Pero wala din kaming nagawa kasi estudyante lang kami Prof. sya. Kumuha ako nang papel sa bag para ma umpisahan ng magsulat pero wala akong maisip na isulat sa kanya dahil lahat halos ng magagandang salita pwedeng idescribe sa kanya. Napatitig nalang ako sa kanya at pinagmasdan ang maamo nyang mukha.
“Dex ayos kalang ba talaga?”
Bumalik ako sa katinuan nang magsalita si Mark.
“Ah eh oo”
Yumuko ako at inumpisahan na na magsulat.
Sulat dito……………..
Sulat doon………………
Tapos na haha…………….
Isa-isa nang tinawag ng prof namin ang mga Classmates ko, Yung iba nahihiya at yung iba tumatawa at tinatawanan nang iba.
Lalo akong kinabahan kasi baka tuksihin ako ng mga classmates ko.
Tumayo na kaming dalawa ni Mark dahil tinawag na kami ng Prof. nagka hiyaan pa kaming dalawa kung sino ang mauuna. Pero sa huli si Mark din ang nauna.
“Yung word na isinulat ko na unang impression ko kay Dex ay “ SERIOUS “, Serious kasi nang una ko syang makita ay hindi sya namamansin at panay aral lang”
Tumingin sya sakin, kaya napayuko ako. Pinagpatuloy na nya yung pagsasalita nya.
“Pero nang makilala ko sya, Serious talaga sya sa lahat ng bagay lalo na sa pagkakaibigan. Seryoso sya, kapag naging kaibigan mo sya makakasiguro ka na talagang magkakaroon ka ng isang kaibigan na mapag mahal, Matulungin, maasahan at totoong kaibigan. Yan ang Friendship na meron kami ngayon “
Kinurot nya ako sa pisngi kaya at itong mga classmates namin nakisawsaw na naman.
“ayyiieeeeee!!!”
Lalo tuloy akong kinabahan huhu nanlalamig na ako sa kaba, What to do guys!
SIMENTO help me kainin mona ako para hiindi ko muna makita ang mga classmates ko na pang-asar.
“Class Quiet magsasalita pa si Dex”
Sinimulan ko na ang magsalita sa harap para matapos na.
“Ang sinulat ko naman kay Mark ay “ EVERYTHING “, Everything kasi nang makilala ko si mark lahat nang katangian ng isang kaibigan nasa kanya na. Wala na akong mahihiling pa. Yun lang”
Pumunta agad ako sa upuan ko at pakiramdam ko namumula ako.
“Nako Girl, Everything pala ha?” Pang aasar sakin ni Miles ng makaupo ako
Hinampas ko ng mahina si Miles kainis kasi sya, dapat sya nalang ang partner. Kailangan ko maging relax para hindi ako mahalata, Huminga ako nang malalim at nakinig nalang sa iba ko pang mga classmates.
“Class Listen, sila din ang magiging ka partner nyo for your next Activity. Now i want you to create a video”
Sinulat nang Prof namin ang maging gagawin namin sa video Jusmeo wala pa ngang Finals pero andami na nyang pinapagawa samin.
After magsulat ay nagpaalam na sya samin dahil recess na.
MARK’S POV
Ano na naman kayang problema ni Dex at nag iba ang mood nya, Kanina lang bago kami sumakay ang saya saya nya tapos ngayon seryoso na naman at ayaw mamansin.
Nilapitan ko sya sa upuan nya.
“Ui dex tara recess tayo nagugutom na kasi ako eh”
“Ikaw nalang hindi ako gutom” matamlay na sabi ni Dex
“We? tara na kasi”
Hinila ko pa sya kamay pero ayaw nya talaga sumama sakin.
“Ikaw nalang nga okay! busog pa ako”
“Tol tara sama kana samin” yaya sakin ng mga lalaki naming classmates.
Tumingin ako kay Dex pero busy sya kaka Cellphone.
Hinayaan ko nalang sya dahil ayaw din naman nyang papilit, Mahirap na baka umusok na naman ang tenga nya. Pero habang kasama ko yung mga classmates kong lalaki ay naalala ko si dex, hindi kaya may problema sa bahay nila kaya sya nagkakaganon? Hindi kasi ako sanay na tahimik sya mas gusto ko yung masayahin at maingay na Dex.
DEX’S POV
“Girl ano na namang ini emote mo dyan?” Tanong sakin ni Miles.
“Wala, Tinatamad lang akong pumuntang canteen”
“Talaga ba? wag ako girl, Kung ako sayo umamin kana kasi kay Mark.”
Tumingin ako nang diretso sa kanya, Yung mukha nya seryoso talaga sya sa pagkakasabi sakin.
“Ano na namang aamin ko kay Mark?”
“Na mahal mo sya”
Natahimik ako sa sinabi nya at biglang bumilis ang tibok ng puso ko.
“Magkaibigan lang kami ni Mark, yon lang yon”
“Nako bahala ka ikaw den baka sa huli pagsisihan mo kasi hindi ka umamin sa kanya”
Tama naman si Miles pero wala pa talaga akong lakas nang luob na sabihin sa kanya eh.
Mayamaya ay dumating na si Mark at may binigay sya saking Tubig at tinapay.
“Bakit ka nandito? akala koba kasama mo yung mga classmates natin?”
“Syempre mas gusto kitang kasama, Ikaw kaya yung BESTFRIEND ko” nakangiti nyang sabi
Ouch! kailangan talaga ipagdiinan na bestfriend lang talaga kami? OO na BESTFRIEND LANG! alam ko naman yon eh huhuhu
Pero yung tampo ko sa kanya kanina ay napalitan ng kilig ngayon dahil mas inuna pa niya ako kesa sa iba naming classmates. Kainis ang rupok rupok ko.
“Ayan naka ngiti kana, Kanina kasi nakasimangot ka”
“Andaya naman Mark bakit si Dex meron tapos ako wala?”
Binatukan ko nang mahina si Miles.
“Wag ka nga dyan Miles, babayaran ko to noh. Magkano ba ito Mark?”
“Wag na libre ko nayan sayo”
“We talaga?”
“Ayaw mo?”
“Sinabi ko ba?”
Kinain ko nalang yung binili nyang tinapay kasi yung totoo? kanina pa talaga ako nagugutom.
Nagpapabebe lang talaga ako kanina. Ewan kopa parang gusto kong magpapansin kay Mark. Ito naman si Miles pangisi ngisi pa sarap kurutin sa singit.
Sabay na naman kaming umuwe ni Mark at katulad ng nagyari kanina busy na naman sya sa Cellphone nya at parang may ka chat, Tsssk kumirot na naman yung puso ko.
Ang sakit mga bes habang nasa byahe kami ay malalim na naman ang iniisip ko, Hindi ako napapansin dahil busy sya ka chat nya ayaw nya naman sabihin sakin kung sino yon. Grrr gigil si ako.
“Dex lutang kana naman dyan?”
Hindi ko sya pinansin kunwari wala akong narinig, Naiiyak ako ganito pala yung feeling na nagseselos ka wala kang magawa kundi ang manahimik dahil wala kang karapatang magalit.
Hanggang sa makarating ako ng bahay ay wala akong gana hindi ko nadin pinansin sila mama kasi dumiretso agad ako sa kwarto.
Kinuha ko ulit yung papael at ballpen ko para dugtungan ang spoken words na ginagawa ko, Konti nalang talaga malapit ko na syang matapos.
Hindi nadin ako nag open para hindi kona muna maalala si Mark lalo lang kasi akong nasasaktan. Naalala kodin tuloy yung sinabi sakin ni Miles na dapat umamin na ako bago mahuli ang lahat.
CHAPTER 3 “SIGNS”
DEX’S POV
“Dex ano bang nangyayari sayo?! Hindi ka naman dati ganyan ah parang hindi na ikaw yung Dex Na
Bestfriend
ko!“
Sigaw
sakin ni Mark.
Hindi ko na napigilan ang umiyak, sobrang bigat na kasi ng nararamdaman ko.
“Oo BestFriend mo lang ako! Bestfriend lang naman ako sa buhay mo diba?!”
“Ano bang pinagsasabi mo? Naguguluhan na ako sayo” -mark
“Mark manhid kaba? o sadyang tanga kalang? hindi mo ba
napapansin
na
MAHA
——“
"Anak gising na tanghali na!"
Bulyaw ni mama sakin, Kaya napabangon ako nang wala sa oras.
"Ma naman 5 minutes pa"
"Puro ka 5 minutes bumangon ka na dyan"
Kahit antok pa ay tumayo na ako, Ewan koba ang aga ko naman natulog ka gabi pero bakit parang puyat padin ako.
Pa Zombie akong naglakad papuntang Cr, Tumingin ako sa salamin at kinausap yung sarili ko.
"Hala panaginip lang pala, akala ko totoo na!"
bigla kong naalala yung sinabi ni Miles kahapon Na unamin na ako bago pa mahuli ang lahat.
Pero anong gagawin ko?
pano ako aamin?
pano ko sisimulan?
I need signs Lord, Kahit 3 signs lang.
First sign dapat may magandang balita o bagay ako na marerecieved ngayong araw the second one is dapat makakakita ako ng nag-aaway na mag jowa hahaha (ang bad ko noh?) at ang huli! dapat may humalik sakin! ha!ha! ewan kolang talaga kung meron hahaha. Naiimagine kona ang kakalabasan nito, Hindi ako aamin! haha para akong baliw na nagtatalon sa cr.
After kong maligo ay bumaba na ako para kumain. at habang kumakain ako ay lumapit sakin si mama at may nilapag na isang cellphone na mukhang bago.
"Ma kanino to?"
"Sayo yan, Bigay ng papa mo. Luma nadaw kasi yang cellphone mo kaya binilhan ka nya"
"What!" sigaw ko. OMG! hindi pwede to! bakit ngayon pa?! dapat bukas nalang! huhu
"Bakit ayaw mo ba? kung gusto mo sakin nalang"
Kinuha ni mama yung cellphone pero mabilis kong naagaw.
"Joke lang Ma, ito naman hindi mabiro nagulat lang ako kasi may bago na akong phone"
Ayiiee kinikilig ako sa tuwa dahil finally napalitan na yung luma kong phone.
Pero yung sign talaga huhu, Pero may dalawa pa naman ako eh, Siguro naman wala akong masasalubong na nagaaway na mag Jowa habang papasok ako.
"Sige kumain ka na dyan, baka kunin ko payang Cellphone mo"
"Opo ma, Kakainan"
Tinago kona sa bag ko yung Cellphone ko para hindi na kunin ni mama haha.
Pagkatapos kong kumain ay nagpahinga muna ako konti tapos nagpaalam na kay mama.
Maayos naman akong nakasakay sa ng Jeep hays medyo nakahinga ako ng maluwag dahil wala akong nakitang magjowang nag-aaway.
"Sino yang ka chat mo ha? babae mo siguro yan noh?" Inis na sabi nung girl
"anong Babae? classmate kolang yan nagtanong lang sakin" depensa ng boy
"Eh bakit mo tinago yung cellphone mo?"
Hinampas hampas nung girl si boy.
Ako? ayon natulala lang, Pano ba naman kasi yung pangalawang sign na hinihingi ko nakita ko na naman.
Sarap pektusan ng mag jowa ang dami daming lugar na pwede nilang pag-awayan sa jeep talaga? ano para mavideohan sila at mag viral? haha at ang malupit pa nito sa harap kopa huhu.
Lutang parin ako na bumaba sa Jeep, Isa nalang na sign aamin na talaga ako huhu lord sana naman wag haha.
Para akong tanga na nagtatago habang papunta sa room namin, Iniiwasan ko kasi Si Mark hindi ko din alam kong bakit ko ginagawa yon. Trip ko lang ata eh kahit ano namang gawin ko eh magkikita at magkikita kami kasi nga magkaklase kami haha.
Lord siguro naman walang hahalik sakin diba? sa buong buhay ko wala pang humalik sakin maliban nung baby ako haha.
Bukod sa wala namang may gustong humalik sakin, ay ayaw ko talaga kasi nga gusto ko yung first ko yung taong mahal ko! At Si Mark yon!
Pagpasok ko ng room ay nagkukumpulan yung mga lalaki kong classmate at nakangisi na parang mga baliw.
Nagulat nalang ako nang lumapit si Tyrone (classmate ko) Parang takot na takot sya na ewan, Tapos bigla nya akong hinawakan sa ulo at hinalikan a-a-ako!!!!!!!!!! Napadilat nalang ako sa ginawa, hindi ko kasi alam ang gagawin ko huhu. Nagtilian naman yung iba kong classmate at yung mga loko loko kong mga classmate nag tawanan pa. Ilang segundo din yung kiss nayon at tumigil na sya.
"Sorry Dex, Nataon lang na ikaw yung dumaan" paumanhin ni Tyrone sakin
"Ganon ba? Sa susunod kung mangtitrip kayo iba nalang? wag ako"
Padabog akong umupo sa upuan ko.
Unang una bastos sya hindi lahat ng bakla dapat binabastos.
Pangalawa ninakaw nya yung first kiss ko! Pasalamat sya hindi ko sya sinakal dahil sa ginawa.
Pangatlo naiinis ako wala na, ubos na yung signs ko. Aamin na talaga ako kay Mark.
Pagkaupo ko ay natahimik din silang lahat, Minsan lang kasi ako mainis.
"Dex ayos kalang? gusto mo isumbong natin sila guidance?"
"Wag na be hayaan mona sila, Masaya sila dyan eh basta wag lang nila ako saktan dahil makakatikim sila sakin"
"Ikaw bahala"
Kinuha ko yung phone ko at nag facebook nalang tutal wala pa yung prof namin.
"Ay iba sya oh! bago yung cellphone. Binyagan na yan"
"Gusto mo ikaw binyagan ko?"
"Joke lang, Ito naman highblood agad"
Ganito lang talaga kami mag usap ni Miles parang nagbabardagulan pero normal lang samin to.
Mayamaya ay dumating na si Mark at napansin nya siguro na parang badtrip ako kaya lumapit sya sakin.
"Dex ayos kalang ba? bakit parang badtrip ka?"
Nakita ko na naman si Mark, Naninikip na naman yung dibdib ko.
Dahil lahat ng signs na hiningi ko ay binigay sakin, Wala akong choice kundi ang umamin sa kanya.
"Oo ayos lang ako"
Mayamaya ay dumating na yung prof namin kaya bumalik nadin sya sa upuan nya.
Wala tuloy ako sa wisyo habang nagtuturo yung prof namin.
"Hoy! girl bakit tulala ka dyan?"
"Wala may iniisip lang ako"
"Hala be don't tell me na iniisip mo yung kiss sayo ni Tyrone? ano masarap ba?" Pang aasar ni Miles sakin.
"Tumigil ka dyan Miles, iba yung inisip ko atsaka yung kiss ni Tyrone wala lang yon"
"Bakit sino ba ang gusto mong humalik sayo si Mark?"
Sinamaan ko sya ng tingin dahil hindi nya ako natutulungan lalo nya lang ginugulo yung isip ko huhu.
Papunta kami ngayon ni Miles sa Canteen si Mark susunod nalang daw kasi may tinatapos pa.
"Dex!"
Napalingon ako sa sumigaw sakin, Si Tyrone tumakbo palapit sakin.
"Dex sorry ulit sa ginawa ko sayo kanina"
"Nako Tyrone wag mo munang kausapin tong friend ko badtrip to haha"
"Ganon ba? sige next time nalang. Basta sorry talaga"
Hindi ko pinansin si Tyrone at nagpunta nalang kami sa Canteen, Bumili muna kami atsaka humanap ng pwesto.
"Alam mo dex gwapo din si Tyrone"
"So?"
"Hindi kaba nakaramdam ng kilig sa halik nya?"
"Hindi! bakit naman ako kikiligin?"
"Edi hindi"
Ilang saglit pa ay dumating nadin si Mark dala yung binili nyang pagkain.
"Mukhang seryoso yung usapan nyo ha?"
"Wala yon, May tinanong lang ako sa kanya"
Sagot ko, Bigla syang lumapit sakin at inakbayan ako..
"Sige Dex, mag secret ka sakin. Akala koba bestfrienD tayo?"
Awww double meaning, siguro nga dapat na talaga akong umamin sa kanya para wala ng mabigat na sa damdamin ko.
Pero bakit sya may secret din naman sakin ah! hindi nya nga sinabi kung sino yung ka chat nya!
"Kumain na tayo, malapit na magtime"
Iniba ko nalang yung usapan dahil medyo naiilang nako sa pagkakaakbay nya sakin. Ito namang si Miles ang sarap tusukin ng tinidor pinandidilatan ko na nga ng mata kilig na kilig pa.
Katulad ng dati magkakasabay na naman kaming umuwe.
"Dex san ba tayo bukas? sa inyo o sa bahay nalang?"
Gagawin na kasi namin yung activity namin para wala na kaming poproblemahin, Baka kasi matambakan kami ng mga gagawin.
"Ikaw bahala kahit saan"
"Sige sa bahay nalang, diretso tayo don pagkauwian. Sasabihin ko kay mama na magluto ng masarap na pagkain dahil darating ka"
"Bakit kasi kailangan bukas pa at gabi? diba pwede weekends nalang?" angal ko sa kanya.
"Wag ka nang magreklamo, Ichachat ko nalang yung mama mo na sa amin ka matutulog bukas"
"Ano? sa inyo ako matutulog?"
"Oo alangan naman na umuwe kapa ng hating gabi eh nagkalat na yung mga adik ngayon"
"Sige sige, basta i chat mo si mama ha? alam mo naman yon"
"Oo ako bahala kay Tita"
"Mukhang nakakaistorbo ata ako sa inyo, mauna na ako"
Ay! ahahahhaa nawala sa isip ko na kasama namin si Miles! huhu ang bad ko.
"Ay sorry be naguusap lang kami haha"
Niyakap ko sya para malaman nya na sincere ako, Ito kasing si Mark eh.
Nakipag marathon na naman kami sa mga sasakyan at gabi na naman kami nakauwe, Next sem talaga magpapalipat ako ng Am shift nakakainis kasi kapag ganito nalang palagi pag uwian.
~~~~~~~~~
Paguwe ko lutang ako hindi kasi ako mapakali kung paano ko aaminin kay mark na Mahal ko sya huhu.
Ganito pala yung feeling na aamin ka sa taong mahal mo noh? Hindi ka mapakali, andami mong naiimagine na posible mong sabihin at posible nyang maging reaksyon.
Nakaka kaba na parang may nagawa kang kasalan huhu
"Oo mahal kita, Mahal kita,
Pero natatakot ako.
Natatakot ako
sa magiging sagot mo
Natatakot ako na baka masira
ang pagkakaibigan na
sabay nating iningatan"
Binasa ko yung parteng yan sa ginagawa kong spoken words at kapag nagkaroon ako ng lakas ng loob? maipaparinig kodin kay Mark ang buong tulang ginawa ko sa kanya.
Binuksan ko muna yung FB account ko dahil ayaw talaga akong dalawin ng antok, Bumaba muna ako para kumain medyo naramdaman kona kasi yung gutom.
"Ma anong ulam?"
"Nandyan sa ref kunin mo"
Papunta na sana ako sa kusina pero naalala ko, wala pala kaming Ref.
"Ma?! wala naman po tayong ref eh!"
Nagtawanan silang dalawa ni papa, nanunuod sila nang Tv. Ang sweet nilang dalawa kainggit! sana ako den.
"Haha nandyan sa lamesa nakatakip"
Kainis talaga si mama ang hilig mang loko haha pero love na love koyan si mama dahil, Hindi nya ako pinapabayaan pati din si papa. Masaya ako dahil sila ang naging mga magulang ko!
"Bakit hawak hawak mo yang Cellphone mo?" Sita ni Mama
"Masama ba ma?"
"Oo, Baka kung sino sino lang yung ka chat mo dyan"
"Si mama naman hindi napo ako bata alam kona kung sino ang hindi ko dapat ichat"
"Good, sige na kumain kana dyan. Tapos matulog kana at wag ka nang mag cellphone para hindi ka mapuyat"
"Copy ma!"
Napangiti nalang ako habang kumakain haha nakakainis na nakakatuwa si mama.
Pero hindi parin mawala sa isip ko yung gagawin ko na pag-amin kay Mark.
Bukas talaga aamin na ako sa kanya.
Lord kayo napong bahala sakin huhuhu.
# CHAPTER 4 "AMINAN"
DEX'S POV
This is it! aamin na ako kay Mark mamaya para matapos nato. Pero paano?
Habang naglalakad ako papuntang sakayan ng Jeep ay para akong tanga na nagpapractice kung ano ang sasabihin ko kay mark.
"
Mark mahal kita
"
Ang pangit parang masyado naman atang mabilis haha.
"
Mark mahal kita, dati pa
"
Ang pangit parin, Parang walang emosyon huhu ano bang dapat sabihin ko kay mark?
"
Mark may sasabihin ako sayo, Mahal na kita dati pa. Hindi lang kaibigan ang turing ko sayo"
Ahhhh!!! kinakabahan parin ako, Andaming pumapasok sa isip ko na posibleng mangyari.
Nanghihina na ako sa sobrang kaba, pakiramdam ko tinatawag ako ng kalikasan.
Ganito pala kahirap umamin sa taong mahal mo? yung akala mo sasabihin mo lang sa kanya ng harapan tapos ayon tapos na. Pero hindi eh iba talaga yung feeling, Sakit sa brain.
Pagpasok ko ay lutang na naman ako hindi dahil sa daming activities na pinapagawa samin kundi dahil sa gagawin kong pag-amin kay Mark.
“Uy be bakit tulala kana naman dyan?”
Tumingin ako kay Miles, Naisip ko bigla na baka matulungan nya ako sa problema ko tutal sya naman ang nag push sakin na umamin ako kay mark.
“Be tulungan mo ako, aamin na ako kay mark”
“Ayyiieeee!!!!!”
Tinakpan ko agad yung malaki nyang bunganga dahil baka may masabi pa sya na kung ano.
“ssshh wag ka nga maingay baka marinig ng iba nating classmates”
“Kasi kinikilig ako sayo, seryoso ka aamin kana talaga?”
“Oo nga, Mukha ba akong nagloloko? kaya tulungan mona ako”
“Ano ba kasing klaseng tulong ang kailangan mo?”
“Hindi ko kasi alam kung paano ako aamin sa kanya, kinakabahan ako hindi ko alam yung gagawin ko”
“Girl ang mapapayo kolang sayo, Just be yourself. Sundin mo lang kung ano ang sinasabi ng puso mo”
Simple lang yung mga sinabi nya pero tagos sa puso yung mga kahulugan, Ano ba talagang sinasabi nang puso? Hayyss bahala na nga si Batman. Basta aamin na ako kay mark mamaya.
“Salamat Miles, Ngayon alam kona ang gagawin ko”
“Kaya moyan Dex, ipagpe pray kita na sana maging successful yang pag-amin mo. Asan na pala si Mark? papasok bayon?”
“Oo papasok yon, malelate lang daw sya ng konti”
“Basta Dex, Lakasan mo yung loob mo isipin mo nalang na guguho na yung mundo at bago ka manlang mawala ay nasabi mo sa kanya na mahal mo sya”
Ang laki talagang tulong kapag mayroon kang kaibigan na maaasahan at sumusuporta sayo.
Wala man akong maraming kaibigan atlis nakatagpo ako ng dalawang totoong kaibigan sabi nga “Quality over Quantity” aanhin mo na man ang dami ng kaibigan kung sa oras ng kagipitan hindi mo maaasahan.
“Miles wag nalang kaya ako umain kay Mark?”
Yung ngiti nya ay napalitan ng simangot haha binibiro kolang naman sya.
“Subukan mong wag umamin, ako ang magsasabi sa kanya”
“Oo na aamin na ako, Niloloko kalang eh”
“Siguraduhin mo lang”
“Opo boss”
Mayamaya ay dumating na si Mark at kasunod nya yung prof namin at may kasamang isang studyante. Hindi ko sya kilala mukhang bago lang.
“Okay Class, Listen meron kayong bagong classamate”
Natahamik kaming lahat at sinabihan nya yung bago naming classmate na magpakilala. Tingin ko palang alam konang Gay sya, kahit hindi nya sabihin haha. Ewan koba madali kong nalalaman kung bakla o lalaki yung isang tao sa isang tingin lang.
“Good afternoon every one my name is Ryan Kirsten Flores and i’m 18 years old. That’s all”
Taray ng pangalan nya ah! lakas maka lalaki! Yumuko sya pagkatapos nyang magsalita, Ramdam ko sya dahil alam ko yung feeling na magpakilala sa harap nakakahiya kaya haha tapos nakaka kaba at nanlalamig kapa.
Pinaupo sya sa tabi namin ni Miles, Nginitian nya kami kaya ngumiti kami.
“Hi ako nga pala si Ryan Kirsten, Ryan nalang for short”
Inabot nya yung kamay nya samin, Nagpakilala naman din kami sa kanya. Kanina lang parang ayaw nya magsalita tapos ngayon ang daldal haha. Magaan yung loob ko sa kanya dahil mukha naman syang mabait.
Nang matapos yung klase namin ay lumapit samin si Mark.
“Dex recess na tayo nagugutom nako eh”
“Grabe ka Mark may Anaconda ba dyan sa tyan mo?” Singit ni Miles.
“Mauna kana susunod kami, hanapan mo nadin kami ng pwesto. Sya nga pala yung bago nating classmate si Ryan”
Nagkamayan naman silang dalawa.
“Sige sunod kayo ha?”
“Oo susunod nga kami!”
Sigaw ko sa kanya. Actually hindi naman talaga ako sumigaw natural voice ko yon haha yung kababasag na yung tenga nyo. Madalas akong mapagkamalan na may kaaway o di kaya galit dahil sa boses ko, Kung minsan nga pinapagilitan ako ni mama pero sinasabi ko lang na nagmana ako sa kanya kaya galit na galit sya sakin haha.
After naming mag-ayos ng mga gamit ay tumayo na kami, Baka kasi magalit yon si Mark kung matagalan kami.
“Pwede magtanong?”
“Oo naman pwede” Sagot ko sa kanya habang naglalakad kami.
“Boyfriend mo ba yung Mark?”
Napabuga ako dahil sa tanong nya Si Miles naman halatang pinipigilan ang pagtawa, Grabe sya Boyfriend talaga? Kung pwede nga lang eh haha kaso Bestfriend lang eh! BESTFRIEND LANG!
“Si Mark Bestfriend kolang yon, Sweet lang talaga yon sa mga kaibigan nya. diba Miles?”
Pinandilatan ko si Miles para maki oo sya sakin pero hindi ko pinakita kay Ryan. Baka isipin nya na may gusto ako don kay Mark! (Kahit Meron Talaga)
“Ganon ba? haha pasensya na sa tanong ko ha?”
“Wala yon, tara na nagugutom nadin kasi ako”
Pagdating namin sa Canteen ay kumakain na si Mark, Grabe gutom na talaga sya hahaha. Tumabi ako sa kanya at nasa harap namin yung dalawa.
“Bakit ang tagal nyo?”
“Anong matagal? nauna kalang naman ng konti”
Habang nakaupo kami ay biglang may pumaikot na mga estudyante nagtataka ako kung ano bang meron? eh hindi naman kami nasabihan na may event dito.
Meron isang babae na hinihila ng mga kaibigan nya sa gitna tapos iniwan din sya tapos yung isang lalaki naman lumapit sa kanya at may binigay na bulaklak. Sa isip isip ko (ang babata pa eh) #Bitter is me.
“Kilala nyo ba sila?” tanong ni Ryan
“Hindi eh baka ibang course yan” sagot ko.
“Ako kilala ko yan, Mag bestfriend yang dalawa nayan siguro mga 4 years yon. Itong si girl umamin kay Boy tapos nung umamin sya nalaman nya na si Boy may gusto din pala sa kanya”
Napatingin ako bigla kay Miles, Binabasa ko yung mata nya kung nagsasabi ba sya ng totoo o iniimbento nya lang dahil gusto nya ako patamaan.
“Saan mo naman napulot yan?”
“Wag kang ano dyan Dex, Kilala ko nga yang dalawa na yan. Alam nyo ba yung girl nung una nag iinarte pa na umamin kay Boy tapos sa dulo dulo aamin din naman pala”
“Kumain ka na Kaya Miles, Gutom lang yan”
“Mark Kung ikaw yung Boy anong gagawin mo kapag umamin sayo yung Bestfriend mo na Mahal o gusto kanya?”
Natigil si Mark sa pagkain, Kung may lupa lang dito iwiwish ko na sana lamunin na ako kaso simentado yung canteen. Humanda ka talaga sakin Miles! Nang aano ka eh! kulang nalang diretsohin niya na mahal ko si Mark!
“Kung ano naman yung Boy, Diko alam kung ano ang magiging reaksyon ko eh”
Ngumiti si Mark sabay akbay sakin, Tapos nagtinginan kami. Yung puso ko tuloy parang gusto ng lumabas sa katawan ko dahil sa sobrang bilis ng tibok.
“Hindi ko alam kasi hindi naman ako Magugustuhan nitong si Dex, Iba yung tipo nya at saka Bestfriend lang kami nito. Diba Dex?”
“Ah eh o-o”
Matutuwa ba ako hindi? kailangan talagang paulit ulit na Bestfriend nya ako? Kung alam mo lang talaga Mark! Kung alam mo lang na ikaw yung tipo ko nako, nako!
Nang makabalik kami sa room ay kinurot ko si Miles sa tagiliran.
“Aray naman, bakit ba?”
“Bakitin mo yang mukha mo!” Mahinang sabi ko sa kanya, baka kasi marinig ng mga katabi namin.
MARK’S POV
Pinagmamasdan kolang si Miles at Dex sa likod, mukhang nag-aaway na naman sila haha ang kulit nila parang mga bata yung bago naming classmate nasi Ryan mukhang naguguluhan sa kanila haha masasanay din sya sa gulo ng dalawang yon.
Nag message ako kay mama na magluto ng ulam dahil pupunta nga si Dex sa bahay dahil gagawin na namin yung activity namin para wala ng Problema.
Mabilis na natapos ang oras at uwian na. Pahirapan na naman kami sa pag sakay sa Jeep hirap talaga kapag uwian nyo is 8 na ng gabi.
“Kainis naman wala na namang masakyan, Next sem papalipat na ako ng AM shift” reklamo ni dex Pag maypasok kami reklamo sya ng reklamo namememorize kona nga yung mga pinagsasabi nya eh.
“Bakit ka tumatawa? May iniisip kaba?”
“Wala” tipid kong sagot Bigla syang natahimik. lah? ano kayang problema non bigla bigla nalang nabago yung mood.
Nang makasakay kami ay tahimik lang si Dex, napagod lang siguro sa mga tinuro samin. Naunang bumaba si Miles sa Jeep dahil mas malapit lang yung bahay nya kesa samin.
“Dex sandal ka muna sa balikat ko, gisingin nalang kita kapag malapit na tayo”
Tumingin lang sya sakin at sumandal na, Pagod lang siguro sya kaya biglang natahimik pero mamaya kapag natikman nya yung luto ni mama ewan kolang kung hindi pa sya sumigla.
DEX’S POV
Ang saya saya kona kanina eh kaya lang napansin ko na ngumi ngiti mag-isa si Mark, tinanong ko naman sya ang sabi nya lang wala daw.
Hayss siguro iniisip na naman nya yung Ka chat nya.
Medyo naging okay lang ako nung sumandal ako sa balikat nya..Grabe ito pala yung feeling na nagseselos ka pero wala ka naman karapatan magalit kasi hindi kayo ang magagawa mo nalang ay manahimik.
Pagdating namin sa bahay nila ay sinalubong kami nang mama nya si Tita Rose, Kaya nagmano ako sa kanya bilang paggalan.
“Sige na iakyat nyo nayang gamit nyo mark tapos bumaba na kayo dito para makakain na kayo” alok nya samin
“Sige po Ma”
Niyaya ako paakyat ni Mark para ilagay na dun yung gamit namin, Nagulat ako kasi bigla syang naghubad sa harap ko (Nakatalikod sya at Uniform lang)
“Bakit tulala kapa dyan? tara na”
“Ah eh sige”
Bumaba kami para kumain, Noong una nahihiya pa ako pero dahil sinabi ni Tita Rose na wag akong mahiya ay dinamihan ko na yung kain ko hahaha sorry na gutom lang.
“Kamusta pala sa school nyo? nag-aaral bato si Mark ng mabuti?” tanong ni Tita Rose sakin, Kaya napatingin si Mark.
“Nako Tita oo naman po, Nag-aaral yang anak nyo”
“Salamat naman”
“Si mama nag-aaral naman ako ng mabuti eh”
Wala na palang tatay si Mark sumakabilang bahay na at nag-iisang anak sya kaya sila nalang ng mama nya ang magkasama sa buhay, Pero nandito pala yung kapatid ng mama nya si Kuya Jay-R wala sya ngayon dahil may Trabaho, sayang. Pero dalawang taon lang naman ang tanda nya samin, Si kuya Jay-R ay bakla din kagaya ko kaya naman pagpumupunta ako dito ay sya lagi ang kadaldalan ko.
After naming kumain ay umakyat na kami ni Mark para makapag umpisa na, Paggabi nadin kasi.
“Dex anong una nating gagawin?”
Kinuha ko yung notebook ko at inexplain sa kanya kung ano ang mga scene na kukunan namin ngayon, Dahil hindi sya ready gumawa pa muna sya ng Script.
Kaya ang Ending hindi kami nakapag video dahil ang tagal nya gumawa ng script.
“Next time kasi gawa gawa din pag may time, Sayang yung oras eh”
“Haha sorry na, dina mauulit promise”
Ito na talaga wala nang urungan, Sasabihin kona kay Mark na Mahal ko sya ano man ang maging reaksyon nya bahala na si Batman.
“Mark may sasabihin ako sayo?”
Yung tibok ng puso grabe TUGS! TUGS! TUGS!
“Ako din may sasabihin sayo”
lah? gaya gaya lang sya? haha
“Talaga? sige ikaw na mauna”
“Hindi ikaw na”
“Hindi ikaw na nga, mukhang importante yang sasabihin mo eh”
“Ano kasi Dex, May nililigawan ako gusto sanang magpatulong sayo”
Parang sinaksak ako ng sampung kutsilyo sa puso dahil sa sinabi nya.
Ang sakit sobrang sakit ngayon kolang to naramdaman para akong hihimatayin sa panghihina.
“May nililigawan ka?”
“Oo yung schoolmate natin, Si Sheena kilala moyon?”
Inisip ko kung sino yung sheena, naalala ko sya yung magandang babae sa kabilang section pero hindi naman sya kilalang babae sa school simple lang at tahimik lang sya eh sa pagkakaalam ko.
“O-o ki-la-la ko sya”
“Talaga?? sorry ha kung ngayon kolang sinabi, sya pala yung nakita mong ka chat ko”
Huminga ako ng malalim ang sakit kasi eh, alam ko wala akong karapatan na maramdaman to pero anong magagawa ko nagmahal lang naman ako.
“Ano pala yung sasabihin mo sakin?”
“Ah eh wala, wag monang isipin yon hindi naman importante”
Hindi ko nalang siguro sasabihin sa kanya dahil mukhang alam kona ang magiging sagot nya. Ngayong may nililigawan na ang Bestfriend ko lalong wala na akong magagawa kundi ang maging Bestfriend nalang.
“Dex meron sana akong favor sayo?”
“Ano yon?”
“Gusto ko sanang tulungan mo ako kung paano ko sya mapapasagot, okay lang ba? pero kung hindi mo kaya okay lang den”
“Sige tutulungan kita”
Gusto kong sampalin yung sarili ko dahil sa tanga kong sagot, wala eh hindi ko matanggihan si Mark dahil Bestfriend ko yon kaya kahit masakit gagawin ko, kakayanin ko.
“Salamat!”
Sa sobrang tuwa nya ay niyakap nya ako ng mahigpit. Masaya sya pero ako nagdurugo ang puso sana pala hindi kona lang binalak na umamin para hindi kona nalaman na may nililigawan pala sya.
Sinabi ko nalang kay Mark na pagod ako kaya matutulog na ako, Humiga na rin sya at magkatabi kami. pero nakatalikod ako sa kanya naramdaman ko nalang na umiiyak na pala ako, Ang sakit pala malaman na yung mahal mo may mahal na iba At ikaw pa yung tutulong para maging sila ng taong mahal nya.
CHAPTER 5 “MARTIR NG TAON”
DEX’S POV
Hindi ako makatulog dahil paulit ulit sumasagi sa isip ko yung sinabi sakin ni Mark na may nililigawan na sya, Gusto kong umiyak ng malakas pero hindi ko magawa dahil ayokong marinig ni Mark.
Ganito pala yung Feeling na nasasaktan dahil may mahal na iba yung mahal mo, Parang dinudurog yung puso mo at gusto mong magalit pero dimo magawa.
Humarap ako kay Mark dahil alam kong tulog na sya, Tinitigan ko yung mukha nya. Pero bago paman ako masaktan ng lubusan ay tumalikod na ako sa kanya at natulog nalang.
Nagdasal na sana bukas wala na yung sakit, Na sana panaginip lang ang lahat ng ito.
Kinabukasan maaga talaga ako nagising para hindi na ako maabutan ni Mark ayoko kasing makita nyang namumugto yung mata.
“Dex, Uuwe ka na ba? Hindi kaba magaalmusal? Si Mark gising naba?” Tanong sakin ni Tita
“Hindi napo tita, Kailangan kona po kasi umuwe ng maaga para makapagpalit nako. May pasok pa po kasi kami mamaya. Si Mark po humihilik pa”
“Ganon ba? Sandali bakit parang namamaga yang mata mo umiyak kaba? Inasar kana naman ba ng anak ko?”
OMG! napansin pala ni Tita huhu, dapat pala bago ako bumaba inayos ko muna yung sarili ko.
“Medyo na puyat lang po ako tita” palusot ko sa kanya
“Talaga kayong nga kabataan oh, Laging nagpupuyat. Oh sya sige na mag-ingat ka ha” -Tita Rose
“Sige po tita, Bye”
Nakipagbeso beso muna ako kay Tita Rose bago umalis.
Sa Totoo lang, Wala talaga akong gana pumasok ngayon. Naiinis ako sa sarili kasi kahit anong bura ko sa isip ko nang mga sinabi ni Mark ay hindi ko magawa.
Habang naglalakad ako papunta sa sakayan ng Jeep ay may nakita akong dalawang pusa na naglalambingan.
“Edi kayo na masaya, Kayo na yung May Love life. Ako na wala, Ako na yung Broken hearted! Ming ming mag hihiwalay din kayo”
Para akong tangang nagagalit sa mga pusang naglalambingan, huhu pati sa pusa naiinggit ako.
MARK’S POV
Nagising nalang ako na wala na sa tabi ko si Dex, Tiningnan kopa kung nasa Cr sya kaso wala, Wala nadin yung gamit nya. An aga naman nya umuwe? at hindi man lang nagpaalam sakin talaga tong si Dex kung minsan tinotopak tatanungin ko nalang sya pag nagkita kami sa school mamaya haha.
Bumaba ako sa kusina dahil nakaramdam ako ng gutom.
“Anak kumain kana don, Ikaw nalang maghain sa sarili mo”
“Sige ma, Napansin nyo po bang umalis si Dex kanina?”
“Oo nagpaalam sya sakin ang himbing daw kasi ng tulog mo kaya hindi kana nya ginising. Nag-away ba kayo ni Dex?”
Medyo nagtaka ako sa tanong ni mama. Bakit naman kami mag-aaway ni Dex.
“Hindi po ma, Bakit poba?”
“Kasi kanina bago sya umalis parang namumugto yung mata nya ang sabi nya puyat lang daw sya pero bakit ikaw hindi naman”
Wala naman akong naalalang umiyak si Dex kagabi, Baka nga puyat lang sya si mama talaga masyadong mausisa.
“Tatanungin ko nalang po sya mamaya pag nagkita kami”
Kainis naman si Dex oh umuwe agad maguusap pa nga sana kami kung paano ko liligawan si Sheena, Wala kasi akong masyadong alam sa mga romantic na ligawan kaya nagpapatulong ako sa kanya.
Pagdating ko sa school ay hinanap ko agad si Dex pero wala paden sya kaya nagtanong ako kay Miles baka alam nya.
“Miles asan si Dex?”
“Ewan ko, Diba kayo ang magkasama?”
“Kagabi oo, Pero ngayon hindi na maaga kasi syang umuwe kanina eh”
“Baka late lang yon antayin mo nalang”
“Sige antayin ko nalang”
Bumalik ako sa upuan ko, Ichachat ko nalang sya kung nasan sya pero pag open ko naka offline naman sya. Asan na kaya yon? magsstart na yung First subject namin.
Inisip ko nalang na baka natraffic yon pero hanggang sa natapos ang first at second subject namin ay walang Dex na dumating. Nag-alala ako bigla kay Dex Dahil hindi yon basta basta umaabsent pwera nalang kung may sakit yon.
Pinuntahan ko muna si Sheena sa room nila dahil gusto ko sya na makasabay sa pagkain.
“Oh Mark bakit?”
Boses palang ni Sheena natatameme nako.
“Ah eh pwede kabang makasabay sa pag recess? libre ko”
“Talaga? sige ba, Kahit wag muna ako ilibre”
Grabe ang ganda na nga ang bait pa kaya hindi ako nagtataka kung bakit ako nagkagusto sa kanya, Sya kasi yung tipo ng babae na simple lang at talagang gugustuhin mo.
Sabay kaming pumunta ni Sheena sa Canteen at nakita ko si Miles at Ryan na magkasama na nagrerecess kaya lumapit kami sa kanila.
“Mark sino yang kasama mo?” Tanong ni Ryan sakin
“Sya pala Sheena, nasa kabilang section lang sya”
“Talaga? bakit kayo magkasama?” Tanong naman ni Miles
Sasabihin koba kay Miles na itong kasama kong babae ay nililigawan ko.
“Kasi ano, Nililigawan ko sya”
“What!”
Nagulat ako kasi biglang napatayo si Miles nagtinginan tuloy samin yung ibang mga kumakain.
“BakiT Miles may problema ba?”
“Wala haha, Alam naba to ni Dex?”
“Oo alam na nya kagabi kolang din sinabi sa kanya”.
Tumango nalang si Miles at nakisabay na kami sa kanila kumain. Nakipagkilala din sa kanila si Sheena masaya ako kasi nakagaan agad ni sheena yung ilan sa mga kaibigan ko.
Pero ang gusto nyang makilala ay ang bestfriend ko.
“Sayang wala si Dex ngayon, Gusto ko pa naman syang makilala” nakangiting sabi ni Sheena
“Oo nga eh pero baka bukas papasok nayon nako pag nakikilala matutuwa kadon, ang saya saya nya kasama at hindi ka maboboring”
“Talagang close kayo noh?”
“Oo close talaga kami, para na nga kaming magkapatid non eh”
“Alam mo Mark kakaiba ka kasi isa ka sa mga nakilala ko na may BestFriend na bakla”
“Bakit wala naman masama kung magkaroon ng kaibigan na bakla ang isang lalaki, Nakilala ko si Dex dahil sa mabait sya kaya napakagaan ng loob ko sa kanya at marami kaming pinagsamahan”
“Ang swerte ni Dex sayo”
“Mali ka ako ang swerte sa kanya, Dahil sa kanya hindi ako napunta sa mga maling tao dahil lagi syang nandyan para payuhan ako lagi syang nandyan kapag kailangan ko ng tulong. Kaya napaka swerte ko na nakilala ko sya”
Pagbalik balik tarin man ang mundo, si Dex paden ang pipiliin ko na maging BESTFRIEND.
DEX’S POV
Sa lahat ng sakit na naramdaman ko ito na ata yung pinakamalala, dahil ultimo pagkilos diko magawa.
“Ano hindi ka papasok? nako Dex dyan nag uumpisa yung pagbubulakbol. Sabi ko na nga ba dapat hindi ka muna nagcecellphone”
“Ma naman umabsent lang po ako, mag aaral pa naman po ako at hindi ako magbubulakbol”
“Dapat lang alam mo naman na edukasyon nalang ang mapapamana namin sayo ng papa mo, Sige na magpahinga kana dyan”
Dinakdakan na naman ako ng nanay ko dahil hindi ako pumasok kanina, Akala ko nga linggo kanina eh dahil ang haba ng misa ni mama.
Kung isa isa hin ko ay baka makagawa na ako ng libro haha pero alam ko naman na lahat ng yon ay dahil sa mahal lang ako ng mama ko.
Maghapon lang ako nakahiga sa higaan ko dahil sumama nadin ang pakiramdam ko, Kahit nasa bahay ako ay yung isip ko nasa school paden.
Ano kayang ginagawa ni Mark?
Nag aalala kaya sya na hindi ako Pumasok?
Naalala kaya ako ni Mark?
Kainis! Sinambunutan ko yung sarili ko dahil hindi ko padin makalimutan si Mark!
Lord kahit ngayon lang po please huhu gusto ko muna makapahinga yung isip at puso ko.
“Anak nandito yung kaibigan mo”
Rinig kong sigaw ni mama kaya napa bangon ako, Si mark siguro yon! Pero paglabas ko ay nakita ko si Miles kaya niyaya ko sya sa kwarto ko.
“Bakla ka bakit hindi ka pumasok?”
“Ah eh masama kasi yung pakiramdam ko”
“Ano palang nangyari kagabi sa inyo ni Mark? ano nasabi moba? anong reaksyon nya?”
Naalala kona naman tuloy yung nangyari kagabi.
“Akala ko magugulat sya kapag nasabi ko sa kanya na mahal ko sya, Pero ako pala yung nagulat sa sinabi nya sakin. Miles si Mark may nililigawan na”
“Speaking of that girl mag kasama sila ni Mark kanina”
“Talaga?”
“Oo at ang saya saya pa nilang dalawa kanina, Gusto ko na ngang sambunutan yung girl kaso nahiya lang ako kay Mark”
Akala kopa naman mamimiss ako ni Mark dahil hindi nya ako nakita, Yun pala masaya sya kasi kasama nya si Sheena.
“So ano na nga? Hindi mo nasabi mo?”
Umiling ako sa kanya sabay iyak na naman, para akong tanga kakaiyak ganito talaga siguro kapag broken hearted.
“Marami pa namang next time, Yun nga lang naunahan ka. Pero pasasaan pa’t mag hihiwalay din sila…. CharizZss! Haha!”
“Loko ka talaga wala pa ngang sila hiwalay agad”
“Aba syempre. Team Dex ata to!”
Mabuti nalang at may kaibigan akong supportive na tulad ni Miles.
“Miles salamat sa pagpunta dito ha? kahit paano nalilibang ako”
“Wala yon, Pero ano ba kasi ang dahilan kung bakit hindi ka pumasok”
“Hindi ko kasi kayang makita si Mark na kasama yung Mahal nya, At alam mo ba nagpapatulong pa sya sakin para ligawan si Sheena?”
“Anong sabi mo?”
“Pumayag ako”
“Dex naman! bakit ka pumayag? ano Pambansang Martir lang ang Peg? Martir ng taon? na kahit masakit na ay ayos lang basta para sa mahal nya? Ay ang sarap mong pektusan sa stomach”
“Anong gagawin ko Bestfriend ko sya at kailangan nya ng tulong ko”
“Dex wag mo akong niloloko, Tinitulungan mo sya hindi lang dahil sa bestfriend mo sya kundi dahil Mahal mo sya at handa kang mag paka martir para lang sa kanya” -Miles
“Alam ko naman yon, Pero wala eh mahina ako pag dating kay Mark”
“Basta Dex wag kang pumayag na tulungan mo sya”
May point naman ang sinasabi ni Miles pero naiisip ko palang na tatanggihan ko si Mark ay naguguilty nako, Kahit masakit handa kong tanggapin yon basta makasama ko lang sya at hindi sya magalit sakin.
Tanga man sa tingin ng iba pero ganito naman kapag nagmamahal ka diba? handa kang masaktan makita molang na masaya yung mahal mo. Yung sapat na sayo na makita mo sya. Nagkwentuhan pa kami saglit ni Miles pero nagpaalam nadin sya dahil gabi na baka maabutan pa sya ng curfew 18 na sya kaya pwede na syang makulong hahaha char!
Ano kayang mangyayari bukas? Handa kona kaya na makita si Mark na kasama si Sheena? kakayanin kopa kayang nakikita silang masaya? Hayyssss!!! Naiinis ako sa sarili ko dahil wala akong magawa kundi ang masaktan lang.
CHAPTER 6
DEX’S POV
Kahit nahihirapan akong pumasok ngayong araw ay pumasok paden ako dahil inalala ko yung mga mamimiss kong lectures kapag umabsent na naman ako at sigurado na yari ako kay mama baka isipin nya nagbubulakbol na ako.
Habang naglalakad ako papunta sa room ko ay nakita kong magkasamang naglalakad s Mark at Sheena, Bumalik na naman yung sakit na naramdaman ko nang sinabi sakin ni Mark na may nililigawan sya.
Kahit wala akong kasalanan ay nagtago ako sa kanila para hindi nila ako makita, Inantay ko muna na makadaan sila bago ako lumabas.
“Bakit ka nagtatago dyan?”
“Ay kalabaw!”
Jusko naman muntik na ko atakihin sa puso dahil bigla bigla nalang may nagsalita sa likod ko. Si Tyrone lang pala.
“Kalabaw talaga? sa gwapo kong to kalabaw?”
“Bakit ka kasi nanggugulat? at ano bang ginagawa mo dito?”
“Napansin kasi kita na nagtatago kaya nilapitan kita”
“Hindi kalang pala bastos, Chismoso kadin noh?”
Iniwan ko nalang sya dahil ayokong madagdagan yung iniisip ko, Ang sakit na nga eh! dadagdag pa sya.
Minsan may pagkatanga din ako kasi alam ko naman na magkaklase kami ni Mark pero tinataguan ko paden sya.
Pagpasok ko sa room ay dirediretso agad ako pumunta sa upuan ko at nang makita ako ni Mark ay nilapitan nya ako.
“Dex bakit hindi pumasok kahapon? may problema ba?”
“Problema? ah eh wala naman, Tinamad lang talaga ako kahapon hehe”
OO na! Marupok na ko! ako na yung mahina pag dating kay Mark. Sinabi ko sa sarili ko na hindi mona ako papaapekto sa kanya pero wala eh hindi sumusunod yung puso ko.
“Basta wag kana aabsent ha? ang lungkot kasi kapag wala ka eh”
OUCH so clown lang pala ako para sa kanya? na nagpapasaya sa twing malungkot sya na nagaaliw sa kanya kapag boring sya.
“Oo hindi na ako aabsent”
“Yowwn! alam mo ba gusto kang makilala ni Sheena kaya sabay samin kumain mamaya ha?”
Tumango lang ako at bumalik na sya sa upuan nya na abot tenga ang ngiti. Ako nakatulala lang iniisip kung ano ang susunod na mangyayari.
“Ano girl? oo lang ng oo?”
Napalingon ako kay Miles at nakasimangot sakin alam kona yung gusto nyang sabihin at tanggapin ko kung magagalit sya sakin dahil sa katangahan ko.
“Sorry Miles” yan lang ang nasabi ko sa kanya.
“Dex naman bakit ka naman pumayag na sumabay pa sa kanila? parang kumuha kana ng kutsilyo nyan at sinaksak sa puso mo ay kung hindi lang kita kaibigan sinabunutan na kita”
“Alam mo Miles siguro nga kabaliwan tong mga ginagawa ko pero hindi ko kasi mahindian si Mark dahil ayokong makita syang malungkot at kung ito lang yung paraan para makita ko sya na masaya? gagawin ko kahit kapalit man nito ay masaktan ako”
“Dex ikaw bahala, Pero pag masakit na? please lang itigil mona”
Tumango lang ako sa kanya, Wala akong masabi kay Miles napaka bait at maalalahanin nya kahit minsan ay lagi nya akong pinapagalitan.
Katulad ng sinabi ni Mark ay sumabay ako sa kanila na mag recess, Pero kahit kasama ko si Mark yung utak ko lumilipad sa kawalan.
Magkatabi si Mark at Sheena sa upuan at nasa harapan nila ako tiningnan ko silang dalawa at nasabi ko nalang sa sarili ko na
“BAGAY SILA”
“Dex anong kakainin mo?” Tanong sakin ni Mark
“Wala, busog pa ako kayo nalang”
“Haha ikaw masubog? eh ang takaw takaw mo nga”
“Sshh wag ka ngang maingay, kainis to!”
“See? Ano ba kasing bibilhin?”
“Wala nga, nagtitipid ako” inis na sabi ko sa kanya, Actually gutom na talaga ako pero wala akong gana kumain.
“Ano bayan, Ikaw Sheena anong gusto mo?”
“Ikaw bahala Mark” sagot ni Sheena
Ngumiti lang si Mark sabay alis para bumili ng kakainin nila, ako naman ay kinuha yung Phone ko at nagpakabusy sa pag fefacebook.
“Sobrang Close nyo ni Mark noh?”
Nagulat ako kasi biglang nagsalita si Sheena ayoko pa naman sanang umimik muna, Pero ayoko namang maging bastos kaya sinagot kodin sya agad.
“Oo matagal na kasi kaming magkaibigan nyan”
“Oo nga eh nakwenta nya sakin at alam mo ba kapag magkasama kami lagi ka nyang kinukwento sakin. Kaya nga excited ako na makita ka.”
Wow pinaguusapan pala nila ako mabuti nalang hindi ko nakakagat yung dila ko haha.
“Siguro kung ano ano ang kinuwento sayo ng lalaking yon”
“Wag kang mag-alala puro magaganda naman ang nakwento nya sakin”
“Buti naman haha kung hindi yari sakin yon”
Nagtawanan kaming dalawa at mayamaya ay dumating nadin si Mark at may inabot sakin na Fries namay kasamang fishballs.
“Alam mo talaga yung paborito ko ha?”
“Syempre Bestfriend kita, 30 lang yan” biro ni Mark
Isusubo kona sana yung Fries pero nilapag ko ulit kasi sinabi nyang may bayad.
“Busog pa pala ako”
“Hahaha joke lang libre ko nayan”
“Puro ka kalokohan! sumbong kita kay Tita Rose mamaya!”
“Sige subukan mo, Yari ka sakin”
“Kain na tayo? baka kasi lumamig yung pagkain hindi na masarap” pagputol ni Sheena sa usapan namin
“Haha mabuti pa nga”
Pinagmasdan kolang silang dalawa ang sweet nilang tingnan at si Mark halatang sobrang saya dahil kasama nya yung taong mahal nya.
Nahiya tuloy ako sa sarili ko pakiramdam ko kasi wala akong lugar dito at pinipilit kolang na ipagsiksikan ang sarili ko.
Yung Sakit na nararamdaman ko ay idinaan ko nalang sa pagkain, Wala din naman akong magagawa para hindi masaktan habang nakikita sila.
“Mark Cr lang ako”
“Ang bilis mo naman kumain, ang takaw mo talaga. Sige antayin ka nalang namin”
“Wag na ayos lang diretso nalang kayo sa room”
Ayokong makita nila na naiiyak nako, Tumakbo ako papuntang Cr at sinarado yung pinto para walang makapasok at makarinig sa pagiyak ko.
Yung luhang kanina kopa pinipigilan ay malayang nakalabas sa mga mata ko, Ang sakit pala mainlove lalo na kapag sa BESTFRIEND mo hindi mo magawang lumayo dahil may pinagsamahan kayo hindi mo kayang magsalita dahil wala din namang mangyayari.
“Sige lang iiyak mo lang yan, Masakit sa una pero masasanay kadin”
Napalingon ako sa nagsalita at nagulat ako kasi si Tyrone na naman, Tssk kabute ba sya at bigla bigla nalang sumusulpot kung saan.
“Anong ginagawa mo dito? sinusundan moba ako?”
“Hindi kita sinusundan, Nang Umihi lang ako nagulat na nga lang ako dahil may narinig akong umiiyak akala ko may multo na yun pala ikaw lang”
“Hindi ako umiiyak, May sipon lang ako” palusot ko sa kanya baka ipagkalat pa nitong lalaki nato ang nakita nya.
“Alam kong umiiyak ka, Bakit kaba kasi umiiyak?”
“Wala kana don at ano naman sayo kung umiiyak ako ha?”
“Wala, Pero sana iiyak ka dun sa walang nakakarinig sayo para hindi ka nakakaistorbo”
Aba! bastos din pala tong lalaki nato! sa tingin nya ba talaga na ginusto kong may makarinig na umiiyak ako? Malay koba na nandon sya.
“Edi sorry!”
Inayos ko muna yung itsura ko bago tumakbo palabas, Sana lang talaga hindi nya ipagkalat yung nakita nya dahil hindi kona talaga kakayanin kung machichismas pa.
MARK’S POV
“Salamat pala sa libre mo ha?”
“Wala yon basta para sayo”
“Haha sasusunod ako naman ang manlilibre sayo”
“Wag na, Ako ang lalaki kaya ako dapat talaga ang manlilibre lalo na nililigawan kita. Paano mo ako sasagutin kung kuripot ako”
“Puro ka talaga kalokohan, Alam mo masaya talagang kasama si Dex kahit saglit lang kami nagkausap”
“Oo masaya talaga yon kasama lalo na kapag naging close kayo”
Masaya ako dahil mukhang magiging magkasundo silang dalawa ni Dex akala ko hindi eh pero sadyang mabait lang talaga si Dex kaya hindi sya mahirap makasundo. Speaking of Dex bakit kaya bigla bigla yong umalis kanina, Nitong mga nakaraang araw napapansin kong parang naging malungkutin at seryoso nya ano kaya ang Problema nya?
Hinatid ko muna si Sheena sa Room nila bago pumunta sa room ko nakita ko si Dex na nakatungo, Nakakapanibago dahil kapag ganito lagi syang nakikipagdaldalan kay Miles. Umupo na ako sa Upuan ko pero iniisip ko parin si Dex dahil mukhang may problema sya.
“Tol diba bestfriend mo si Dex?” Tanong sakin ni Tyrone
“Oo bakit?”
“Nakita ko kasi sya na umiiyak kanina sa Cr”
Si Dex umiiyak?
bakit naman kaya?
“Sigurado ka?”
“Oo”
Tumingin ako sa pwesto ni Dex at nakatungo parin sya, Talaga kayang umiyak sya kanina?
Kung may problema sya bakit kaya hindi sya nagsasabi sakin. Hayss nagaalala tuloy ako sa kanya baka may pinagdadaanan sya at hindi nya lang sinasabi sakin dahil nahihiya sya.
Nag maguwian na ay nilapitan ko si Dex dahil gusto ko sana syang kausapin ng masinsinan.
“Dex sabay na tayo”
“Sigurado ka? pano si Sheena?”
“Itetext ko nalang sya na hindi ko muna sya maihahatid”
“Ikaw bahala baka magalit yon”
Mas kailangan ako ni Dex ngayon dahil ako ang BestFriend nya at kung may problema man sya dapat tulungan ko sya.
Pero itetext kopa lang sana si Sheena ng bigla syang dumating.
“Mark bakit ang tagal mo inantay kaya kita, Ano uuwe naba tayo? Hi Dex” nakangiting bati ni Sheena
“Hello sheena” mahinang sagot ni Dex
“Ah eh ano kasi Sheena sasa—”
“Sige kayo nalang, Sasabay nalang ako kay Miles para naman makapag usap kayong dalawa”
Hindi kopa natatapos ang sasabihin ko ay nagsalita na si Dex.
“Sigurado ka? pwede ka namang sumabay samin” suhestyon ni Sheena
“Hindi ayos lang, Nakakahiya naman kung makikisama ako sa inyo”
Nang dumating si Miles ay nagpaalam na si Dex samin, Nakaramdam tuloy ako ng guilty dahil hindi ko man lang nakausap ng masinsinan si Dex kung may pinagdadaanan ba sya o wala. Siguro bukas ko nalang sya kakausapin kapag kaming dalawa nalang.
DEX’S POV
Habang naglalakad kami papunta sa sakayan ni Miles ay lutang ako dahil iniisip kona naman si Mark at Sheena.
“Ano girl Martir talaga ang Peg? kahit masakit lang ayos lang?”
“Ayos lang ako Miles wag kang magalala”
“Nako Be wag ako, kahit naka ngiti ka iba yung sakit na nakikita ko sa mata mo. Ano hanggang kailan ka magpapanggap na okay ka?”
“Hanggang kaya ko, Hanggang kayo kong tiisin ang lahat ng sakit”
“Ay nako, Pag ako nainis ako mismo ang magsasabi kay Mark na Mahal mo sya para hindi kana nasasaktan”
“Miles salamat kasi dahil lagi kang nandyan sa tabi ko, Nagpapasalamat ako bukod kay Mark nagkaroon ako ng kaibigan na tulad mo. Pero sana hayaan mo nalang ako na magaabi kay Mark na Mahal ko sya. Sasabihin kodin naman sa kanya”
“Basta be, Support kita lagi lam moyan”
Kahit papano ay nakangiti ako dahil sa pagsuporta ni Miles Kahit papano nawala yung sakit at nakalimutan ko si Mark at Sheena.
Promise bigyan lang ako ng Perfect time aamin talaga ako kay Mark, Tanggapin man nya o hindi wala na akong pakialam basta ako nasabi ko ang nararamdaman ko.
CHAPTER 7
DEX’S POV
“Girl bakit tulala kana naman dyan?”
Habang papasok kasi kami ni Miles ay nakita kong magkasama si Mark at Sheena, Kahit mali ay nakaramdam ako ng inggit at selos sumagi sa isip ko na sana ako nalang yung kasama ni mark hindi si Sheena. At simula ng dumating si Sheena nabawasan na yung oras na magkasama kami ni Mark, Alam kong wala akong karapatan dahil Bestfriend lang ako pero ito kasi yung sinasabi ng puso ko.
“Tara na Miles baka dumating na yung Prof natin”
Hinila kona si Miles dahil ang sakit sakit na makita sila na magkasama at nagtatawanan na dati ako ang gumagawa non kay Mark.
Pasalampak ako na umupo ss upuan at tiningnan kung saan nakapwesto si Ryan at nagtataka ako kasi wala na naman sya.
“Bakit kaya absent na naman si Ryan?”
“Hindi ko din alam eh, Wala din naman akong number non” sagot ni Miles
“Chat kaya natin, Baka kasi may sakit yon”
“Mamaya be”
Tutal wala pa naman yung prof namin kinuha ko muna yung papel kung saan ko sinulat ang tulang ginagawa ko.
“Hanggang kailan ba yan matatapos?”
“Patapos na nga, Dalawang line nalang”
“TITIISIN KO KAHIT MASAKIT DAHIL NAG MAHAL AKO”
Ayan yung huling parte na naisulat ko sa tulang ginagawa ko, Finally natapos din sya.
“Ano yang ginagawa mo?”
Muntik konang maitapon yung papel na pinagsulatan ko ng tula dahil sa gulat kay Mark, Nagkatinginan kaming dalawa ni Miles Bigla bigla nalang syang nagsalita.
“Ah eh papel?”
“Patingin nga”
Biglang hinalbot sakin ni Mark yung kaya nataranta ako kasi baka mabasa nya yung tulang ginawa ko para sa kanya. Bago pa niya mabasa yung nakasulat ay Naagawa kona sa kanya yung papel.
“Grabe naman to patingin lang eh”
“Bawal nga, Hindi to pwede mabasa ng iba”
“Bakit iba ba ako sayo? ako kaya yung BestFriend mo kaya ipakita muna sakin yan”
Hindi to pwedeng makita ni Mark dahil pagnabasa nya ang nakasulat sa papel Malalaman nya ang lahat lahat ng nararamdaman ko para sa kanya.
“Tula lang tong ginawa ko, Hindi kopa kasi tapos isulat kaya hindi pwede mabasa ng iba, ako lang ang pwede”
“Tula lang pala dapat sinabi mo agad sakin, Good luck sa pagsusulat sana matapos mo”
Kung alam mo lang Mark, Matagal konang inumpisahan ang tulang ito at ngayon tapos kona hindi ko nga lang alam kung paano ko ipaparinig sayo ang tulang ito.
Dahil sa dumating na yung Prof namin ay bumalik nadin si Mark, Hayss nakahinga ako ng maluwag muntik na ako don.
“Huhu be muntik na tayo don”
“Oo nga eh”
Tinago kona sa notebook ko yung papel baka kasi makita pa ni Mark mahirap na.
“Okay Class dahil ngayong buwan ay ipinagdiriwang natin ang buwan ng wika, Ang ating eskwelahan ay may ilang patimpalak na ginawa para sa mga inyong mga estudyante”
Grabe tagalog na tagalog talaga magsalita si sir haha sabagay buwan ng wika ngayon kaya kailangan gamitin natin ang wikang atin.
“Meron ba sa inyo ang gustong sumali?” Tanong ng Prof namin
“Sir ano-ano po ba ang mga patimpalak na pwede naming salihan?” tanong ng isa kong kaklase.
“Marami, Katulad ng “Sanaysay, Sabayang pagbigkas, Tula at ang pinakapatok ngayon na SPOKEN WORDS POETRY” meron ba sa inying gustong sumali? wag kayong mag-alala may dagdag puntos ito para sa inyong grado“
Natahimik bigla yung mga kaklase kong maiingay haha wala siguro ang gustong sumali kahit ako ayaw ko kasi nakakahiya magsasalita ka sa harap ng maraming estudyante. Nagulat ako kasi biglang nagtaas ng kamay si Mark wow sasali sya?.
“Sir si Dex po magaling yang gumawa ng tula isali nyo sya” Sigaw ni Mark
Nanlaki ang mata ko tapos biglang bumilis ang tibok ng puso ko, Ano bang pinagsasabi nitong lalaki nato.
“Talaga?”
Tumingin sakin si sir lalo tuloy akong kinabahan.
“Sir wag po kayong maniwala kay Mark!”
medyo napalakas yung boses ko, pano kasi hindi ako pwedeng sumali ayokong humarap sa maraming tao.
“Sir magaling yang si Dex, isali nyo sya sa paggawa ng tula at spoken words poetry siguradong panalo yan”
Napatingin ako Kay Miles at nakangiti sya sakin. Jusmiyo marimar pati ba naman si Miles gusto akong sumali?
“Pano bayan Dex ililista kona ang pangalan mo”
Wala na akong nagawa kundi ang maupo nalang Pagkatapos non ay nagturo na sya, Anong gagawin ko? sa sunod na linggo nayon huhu kasalan to ni Mark eh. Mahiyain ako baka magkalat lang ako sa stage.
“Go be kaya moyan”
“Ayoko talaga be, Samahan mo ako mamaya sa faculty kakausapin ko si sir na wag hindi na ako sasali”
“Kailangan mong sumali Dex, Ito na yung tamang pagkakataon para maparinig mo kay Mark yung tulang sinulat mo”
Natahimik ako bigla sa sinabi nya, Tama sya mukhang ito na ang tamang pagkakataon para iparinig ko kay mark yung totoong nararamdaman ko.
“Tama ka Miles, pero kinakabahan talaga ako”
“Ano kaba wag kang matakot nandon kaming mga kaibigan mo at syempre ang buong section natin kaya wag kang matakot”
Ramdam ko ang suporta ni Miles sakin kaya naman kahit paano ay lumalakas ang loob ko.
Recess time na kaya niyaya nako ni Mark na kumain Pumayag naman ako pero si Miles sinamaan ako ng tingin.
“Dex Goodluck ha? galingan mo sa contest”
“Ikaw kasi pinasali sali mopa ako eh!”
“Haha ayaw mo non malalaman ng lahat kung gaano ka talaga kagaling”
“Sus binola mopa talaga ako”
“Dex maiba tayo, Gusto ko kasing idate si Sheena kasi wala akong alam sa mga romantic na date. Tulungan mo naman ako”
Naiba talaga ang mood ko dahil sa sinabi ni Mark, Sa tuwing nagpapatulong sya sakin para kay Sheena ay para kodin naman pinapatay ang puso ko.
“Alam mo kasi Mark, yang mga babae nayan kung talagang may gusto yan sayo kikiligin yan kahit anong gawin mo romantic man o hindi”
“Talaga? ano bang kailangan kong gawin?”
“Syempre kung nagdedate kayo dapat sunduin mo sya sa bahay nila at dapat mas maaga ka para hindi naghihintay yung babae at ang pinaka mahalaga sa lahat ay maging active ka sa lahat ng bagay hindi yung parang patay na bata para hindi maboring yung kadate mo”
Ang galing kong magadvice sa iba pero yung sarili ko hindi ko mabigyan ng advice para maging masaya.
“Salamat talaga Dex! the Best BESTFRIEND ka talaga!”
Sa sobrang tuwa ni Mark ay napayakap sya sakin ng mahigpit yung puso ko parang nangangarera na naman sa kilig kasi alam kong dahil sa sinabi ko ay napasaya ko sya.
“Mukhang sobrang tuwa nyo ah?”
Napabitaw kami sa yakap ng marinig namin na dumating na si Sheena.
“Sheena nandyan kana pala, pasensya kana masaya lang ako kasi—”
“Kasi sasali ako sa Spoken words competition”
Ako na yung nagsalita baka kasi kung ano oang masabi ni Mark at kung ano pa ang isipin ni Sheena.
“Talaga? wow magaling ka pala sa Spoken Words?”
“Hindi ah marunong lang”
“Atlis marunong galingan mo ha? manunuod kami, diba Mark?”
Humawak sya sa braso ni Mark kaya medyo nailang na naman ako hindi ko sila matingnan ng diretso.
“Ah eh oo manunuod kami kaya galingan mo”
“Salamat sa suporta, aasahan ko kayo don”
Pinilit ko maging okay sa harap nila kahit gustong gusto kona talagang umalis. Sabay sabay kaming kumain at ang sweet nilang tingnan na dalawa.
Totoo nga ang kasabihan na kahit gaano katalino ang isang tao pagdating sa love magiging tanga ka.
“Dex bakit parang ang lalim ng iniisip mo?” Tanong sakin ni Sheena
Nahalata siguro nya parang wala ako sasarili habang kasama nila.
“Ah eh iniisip kolang kasi yung sa competition”
“Yun ba? nako wag muna masyadong dibdibin yon basta kami susuportahan ka namin ni Mark”
“Tama Dex kaya mag relax ka muna may one week kapa naman”
Yung competition? Wala naman talaga sakin yon dahil salita lang yon, Pero ang makita sila na magkasama yun ang masakit at unti unting pumapatay sa puso ko.
“Mark gusto moba ng Coke?” Alok ni Sheena
“Nako Sheena bawal sya nyan kasi Acidic yan” ako na ang sumagot
“Talaga?”
“Oo nakalimutang sabihina sayo”
“Eh itong Siopao gusto mo?”
“Hindi yan kumakain ng siopao kasi gawa daw yan sa pusa haha”
Kawawa naman si Sheena nasayang yung mga binili nyang pagkain, ang malas nya kasi lahat ng binili nya hindi pwede kay Mark.
“Sayang naman pala tong binili ko”
“Sorry ha?”
“Ayos lang, Kami nalang ni Dex ang kakain”
kaming dalawa ni Sheena ang kumain ng binili nya, Si Mark bumili nalang ng sarili nyang pagkain.
MILE’S POV
Kainis talaga tong si Dex kahit nasasaktan na go lang ng go at ang nakakainis pa nito ay pumayag pa sya na tulungan si Mark na Manligaw don sa Sheena nayon.
“Bakit hindi ka sumama kala Dex?”
Nagulat ako kasi biglang lumapit sakin si Tyrone, Himala kinausap nya ako? sa pagkakaalam ko yung kinakausap nya lang ay magagandang babae at kilalang estudyante dito.
“Di kasi ako gutom kaya hindi ako sumama”
“Ganon ba? ano kasi Miles pwede ba akong humingi ng pabor sayo?”
Si Tyrone hihingi ng pabor sakin? Tiningnan ko sya mukhang importante yung pabor na hinihingi nya.
“Ano bayon?”
“Ano kasi, Pwede mobang kausapin si Dex na para makausap ako? Pagnakakasalubong ko kasi sya lagi nya akong tinatarayan”
“Bakit mo naman gustong kausapin si Dex?”
“Kasi diba yung nagawa ko sa kanya? Gusto kolang kasi magsorry ng maayos”
“Alam mo Tyrone si Dex ang kausapin mo tungkol dyan o di kaya yung BestFriend nya ako kasi hindi ako nangingialam sa mga gusto ni Dex pero susubukan ko”
“Salamat, Sige Kakausapin kodin si Mark”
Pagkatapos non ay umalis na sya, akala kopa naman kung ano ang hihingin nyang pabor sakin, Alam kong Badtrip si Dex kay Tyrone kaya ayokong makialam baka magalit pa sakin si Dex.
Hinanap ko sa Facebook yung pangalan ni Ryan baka sakaling nakalagay don yung address nya nag-aalala kasi si Dex kung bakit hindi sya pumapasok sayang naman kasi yung mga namiss nyang lectures. Magkasabay na bumalik si Mark at Dex. Pero si Dex halatang lutang na naman.
“Ano masakit ba?”
Tumingin sya sakin at tumulala ulit.
“Dex nakuha ko yung address ni Ryan bukas kung gusto mo agahan nating pumasok para madaanan natin sya”
“Sige, Ichat mo nalang ako kung saan at anong oras tayo magkikita”
“Yes boss”
Haha ayaw kasi ni Dex na nalelate kapag sinabi nya yung oras kailangan nandon kana, Ayaw na ayaw na nahuhuli marunong daw kasi sya sumunod sa usapan pwera nalang kung may emergency.
CHAPTER 8 “SELOS?”
MARK’S POV
Naghahanda na ang grupo para sa darating na laban namin sa ibang school kaya nagpapractice na kami dahil nakasalalay samin ang pangalan ng school at bukas nadin pala yon, Habang nag-aayos ako ng gamit ay lumapit sakin si Tyrone.
“Tol pwede kabang makausap?”
“Oo naman, Tungkol ba saan?”
“Tungkol kay Dex”
Kay Dex? ano naman kayang sasabihin nya tungkol sa bestfriend ko? haha mukhang natarayan na naman to ni Dex kaya magsusumbong sakin.
“Anong tungkol sa kanya?”
“Pwede bang kausapin mo naman yung Bestfriend mo na kung pwede ba kaming mag-usap?”
Hala bakit kaya nya gustong kausapin si Dex? Wag nyang sabihin sakin na popormahan nya ang Bestfriend ko? nako nako dadaan muna sya sakin bago Nya mapa OO si Dex.
“Bakit may gusto kaba sa Bestfriend ko?”
dirediretso kong tanong sa kanya at mukhang nagulat sya.
“Ha? ano wala, may gusto lang ako sabihin sa kanya”
“Buti naman wala, Kasi si Dex hindi mahilig sa gwapo yon at mababa ang taste nya pagdating sa lalaki at kung magkakagusto ka sa kanya wag na sa iba nalang dahil masyado kang gwapo para sa kanya”
Sinabi kolang yon para layuan na nya si Dex baka kasi pinagtitripan lang sya nitong si Tyrone at ayokong mapunta lang si Dex sa mga loko lokong lalaki dahil ayaw ko syang masaktan Gusto kolang ang the Best para sa Bestfriend ko .
“Wag kang mag-alala wala naman akong gusto sa Bestfriend mo, Gusto kolang talaga sya makausap. Ano matutulungan mo ba ako?”
“Good, Sige sige tutulungan kita ichachat ko muna si Dex Pag pumayag sya ichachat nalang din kita”
“Sige sige, Salamat ulit”
Mukha namang wala talaga syang gusto kay Dex, Ayos kong ganon mukhang hindi kasi si Bagay haha. Bilang Bestfriend nya dapat kilatisin kodin ng maigi kung sino ang mga lalaking aaligid kay Dex.
DEX’S POV
Magkasama kami ngayon ni Miles dahil pupuntahan namin ang bahay nila Ryan dahil nag-aalala lang kasi kami sa kanya kahit paano naman ay naging kaibigan din namin sya. Ilang araw nadin kasi syang hindi pumapasok at walang paramdam samin, Hindi rin sya naka open sa Facebook kaya hindi namin talaga alam kung ano ang balita sa kanya hanggaang sa nagdesisyon na kamkng dalawa ni Miles na hanapin sya.
“Be sigurado kaba na dito sya nakatira?”
“Oo ito yung nakalagay sa Facebook nya at parehas lang sa address na nakalagay sa form nya na hiningi ko sa Adviser natin”
Grabe kasi yung daan papunta kala Ryan ang putek at maraming tao nakakatakot tinginan palang makapanayo balahibo na.
Naglakad lakad pa kami ng konti at nagtanong tanong sa mga ilang taong nadadaanan namin hanggang sa makarating nga kami sa tapat ng bahay ni Ryan Nagkahiyaan pa kaming dalawa kung sino ang kakatok pero bandang huli ako nalang at sya nadaw ang magtatanong.
Pagkatok ko sa pintuan ay agad naman itong bumukas at bumungad samin ang isang babae na mas matanda samin.
“Sino po sila?” tanong ng babae
“Ah magandang umaga po, Nandyan po ba si Ryan? mga classmates nya po kasi kami”
“Ganon ba? Sige pasok kayo tatawagin kolang ang kapatid ko”
Ah! ate nya pala akala ko nanay nya, Pero ang bait ng ate nya ha? Mayamaya ay lumabas si Ryan at nagulat pa ng makita kami.
“Ah anong ginagawa nyo dito?”
“Nag-aalala kasi kami sayo kaya kami nandito, Ilang araw kana din kasing hindi pumapasok. Ano bang dahilan?”
“Ah eh ano,.Hindi na ako mag-aaral”
Parehas kami ni Miles na nagulat sa sinabi ni Ryan, Kakapasok nya lang tapos hihinto na agad sya? Sayang naman kung ganon.
“Ha? bakit naman? sayang naman. Bakit ka naman Titigil?” Tanong ko sa kanya
“May sakit kasi ang mama namin, Dahil lahat kami may mga trabaho kaya si Ryan ang magbabantay sa mama namin” Singit ng ati nya sa usapan namin, At naglagay ng maiinom sa harap namin.
Nalungkot ako para kay Ryan dahil alam ko na gusto pa nyang mag-aral kaya lang naiipit sya sa sitwasyon nila ngayon.
“Pakisabi nalang sa mga prof natin, mag dadrop out na ako wala kasing mag-aalaga sa mama ko”
“Sige sasabihin namin” -Miles
“Salamat pala sa pagpunta nyo dito ha? naappreciate ko yung effort nyo”
“Syempre kaibigan kana din namin at nag aalala kami sayo”
After naming nag-usap ay nagpaalam nadin kami kay Ryan at sa ate nya na aalis na dahil papasok pa kami, Sinilip din namin ang mama nya at nakahiga lang sa higaan naawa tuloy ako sa kalagayan nila.
“Oh be bakit nakasimangot ka dyan?”
Pagbukas ko kasi ng Facebook ng message sakin si Mark akala ko naman importante kaya nag madali akong buksan pero pagbasa ko sa chat nya. Lumapit daw sa kanya si Tyrone at gusto akong makausap.
“Nag chat kasi sakiN si Mark, Kinausap daw sya ni Tyrone at gusto ako makausap”
“Nako be lumapit din sakin yan si Tyrone humihingi ng tulong kung pwede ka daw makausap”
Ano bang gusto ng Tyrone nayon? at ginamit nya pa talaga ang mga kaibigan ko para lang makausap ako.
“Bahala sya dyan”
“Kausapin mona kaya para matapos na, Hindi din naman yan titigil hanggat hindi mo sya kinakausap”
Kahit labag sa puso ko ay nagreply ako kay Mark na pumapayag ako namikapag usap kay Tyrone, Ang sabi ko papunta na kaming school antayin nalang nya kami sa labas ng court.
Para matapos nato ay nakipag usap ako kay Tyrone pagdating ko sa labas ng court ay nandon sya naghihintay. Si Miles naman nagpaalam na sakin na mauuna na syang pumasok para makapagusap kami ni Tyrone.
“Salamat pumayag ka”
“Pakibilis nalang, May klase pa ako. Ano bang sasabihin mo?”
“Ang taray mo naman, Gusto ko nga lang magsorry sayo sa nagawa ko”
“Ano! Yun lang?”
“Nagsosorry ako sayo dahil ayaw kong isipin mo na bastos ako, At ayaw kong isipin ng ibang tao na wala akong modo”
Mukhang taos puso naman sya sa paghingi ng sorry.
“Okay apology accepted”
“Talaga? pano friends na tayo?” inabot nya yung kamay nya, Pero tiningnan kolang muna.
“Friend agad?”
“Ayaw mo ba? Andami kayang gustong maging kaibigan ako”
“Hindi naman, Alam mo gwapong gwapo ka sarili mo noh?”
“Haha totoo nga yung sabi ni Mark, ayaw mo sa mga gwapo”
Kita nyo? ang yabang noh? gwapong gwapo talaga sa sarili nya! OO gwapo sya pero kailangan talaga paulit ulit? narinig kuna eh.
“Sinabi nya yon?”
“Oo at ang sabi pa nya mababa daw ang taste mo sa mga lalaki at masyado daw akong gwapo para sayo”
Hala! Totoo kaya tong pinagsasabi ng lalaking to, Mamaya sinisiraan nya lang si Mark. Pero ang sakit non ha? haha
“Sinabi nya yon?”
“Oo sinabi nya talaga sakin yon”
Grabe naman si Mark sakin! anong gusto nyang sabihin? na walang magkakagusto sakin na lalaki? aba! porket may lovelife na sya gaganituhin nya ako!? how dare him!
“Anong pinaguusapan nyo?”
Nagulat ako ng biglang dumating si Mark, Wag na kayo magtaka kung bakit ako magugulatin kasi magugulatin talaga ako.
“Ah eh ito kasing si Tyrone niyaya akong kumain sa labas”
Lumapit ako Tyrone at hinawakan sya sa braso, Lord sana makisakay si Tyrone.
“Talaga?”
“Oo Tol niyaya ko yung Bestfriend mo”
Hayysss nakahinga ako ng malalim ng nakisakay si Tyrone akala ko hindi sya makikisama eh.
“Ganon ba? Sige ingat kayo, Basta ingatan mo yung Bestfriend ko”
“Oo naman Tol”
Pagkatapos non ay tumalikod na si Mark, Kah sya? hindi man lang ako binati! aalis agad? nagka lovelife lang isnabero na!
“Mark san ka pupunta?” sigaw ko sa kanya.
“May practice pa kasi kami kaya una ako”
Nagbabye lang sakin si Mark at bumalik na sa Court.
“Wala na sya pwede muna akong bitawan”
Napabitaw ako bigla sa hawak sa braso nya huhu nakakahiya napatagal ata yung kapit ko, Baka isipin ng lalaking to na gustong gusto ko ang kumapit sa kanya.
“Ah eh sorry”
“Bakit mo nga pala sinabi sa Bestfriend mo na niyaya kita kumain sa labas?”
“Basta, Pero please wag mong sabihin sa kanya na niloloko lang natin sya”
“Sige pero Basta Friends nadin tayong dalawa”
Inabot nya muli sakin yung kamay nya at this time nakipag kamay na ako sa kanya mukha naman gusto nya talaga na maging magkaibigan kami eh, Wala naman sigurong masama kung papayag ako don.
MARK’S POV
Sabi ko na nga ba pinopormahan ng Tyrone nayon ang Bestfriend ko, Nagsinungaling pa talaga sya sakin kanina na wala daw syang gusto kay Dex, Eh ano palang ibig sabihin na kakain sila sa labas? Napahawak nalang ako dahil sa tumama na bola sa ulo ko ang sakit.
“Mark! ano ba? Final Practice na natin to! Focus please! Focus!”
Nasigawan tuloy ako ng coach namin ng wala sa oras lutang kasi ako habang nagpapractice kami, Pinag break muna kami ni Couch ng ilang minuto para daw makapag refresh kami.
“Mark mukhang malalim ang iniisip mo ah? may problema ba? Babae yan noh?”
tanong sakin ng ka team ko. Ngiti nalang ang sinagot ko sa kanya.
“Nako Mark yang mga babae nayan wag mong dibdibin yan, Sabi nga sa kanta ng EX B ,HAYAAN MO SILA NA MAGHABOL SAYO” sabat ng isa pa.
Natawa ako sa mga pinagsasabi nila haha, Wala naman akong problema sa babae at wala akong problema kahit kanino. Iniisip kolang ang BestFriend ko.
After ng Practice ay nagbihis muna ako at sinundo si Sheena sa classroom nila, Recess na kasinat medyo nagugutom na ako.
“Sheena sunduin muna natin si Dex, pwede?”
“Sure, Kamusta pala practice nyo?”
“Ayon patayan, laban na kasi namin bukas”
“Galingan mo ha? manunuod ako bukas”
Kinilig naman ako sa sinabi ni Sheena, Lalo akong gaganahan nitong maglaro kung papanoorin nya ako.
Pagdating namin sa room ay wala na si Dex nasa Canteen nadaw, kaya Dumiretso na kaming dalawa don pagdating namin don ay nakita ko si Dex na kasama si Tyrone at Miles at mukhang masaya silang kumakain.
Humanap nalang kami ng ibang pwesto ni Sheena at umorder nalang ako ng makakain namin.
“Mark ayos kalang ba?”
“Oo, Bakit mo naman natanong?”
“Para kasing ang lalim ng iniisip mo eh, Magpahinga kana muna kaya baka pagod lang yan”
“Oo nga eh”
Hindi ko alam kung ano tong nararamdaman ko naiinis lang kasi ako na may ibang kasamang lalaki si Dex maliban sakin at sa papa nya at mukhang ang saya saya pa nya, Siguro nasanay lang ako na ako ang lagi nyang kasama dahil ako ang besffriend nya at wala talaga akong tiwala kay Tyrone.
CHAPTER 9
DEX’S POV
Nakakatamad ngayong araw wala naman kaming pasok ngayon pero kailangan namin pumunta sa ibang school para lang manuod ng laban ng School namin sa basketball, Wala naman kasi akong hilig sa larong basketball ang hilig ko ay mga player, Char! haha kung hindi lang talaga dahil kay Mark hindi ako pupunta don nangako kasi ako sa kanya na manunuod ako ng laro nya.
Ang problema kulang ngayon ay wala akong kasama papunta don, Dahil hindi makakasama si Miles may lakad daw silang pamilya At ang mama ko baka bungangaan na naman ako dahil manghihingi ako ng pera sa kanya kahit wala namang pasok haha.
Pag bukas ko ng Facebook ay may message nadon si Mark.
“Pumunta ka ha? Pagdika pumunta Lagot ka sakin”
Diba tinakot pa nya ako? para naman may choice ako, Tumayo na ako para makapag asikaso nadin. Kainis wala kasi si Miles dipa naman ako sanay sa mga byahe haha.
After kong maligo ay kumain ako para hindi na ako bibili sa labas para tipid haha, Nanghina na ako kay mama ng pamasahe at nagpaalam na ako sa kanya.
Habang nasa Jeep ako ay may umakyat na badjao ata yon? at may kasamang baby basta kung ano mang tawag sa kanila. Lumapit siya isa-isa sa mga pasahero at nagbigay ng sobre samin, Binasa ko yung nakasulat sa likod ng sobre.
“Ako po ay humihingi ng konting tulong, Pangkain lang po”
Hindi ko alam kung maaawa ako sa kanila o hindi dahil kung talagang wala silang makain.
Pano nila na afford ang madaming sobre? at take note ang ganda pa ng hand written mas maganda pa sa sulat ko ano kayang brand ng ballpen ang gamit nya?
Pero sa huli ay nagbigay ako ng konting barya, Konti lang kasi wala din naman akong pera mahirap lang kami haha. Kahit sa ganong paraan man lang ay makatulong ako. Gamitin man nila sa tama o hindi bahala na ang Diyos sa kanila..
Dapat pala inagahan ko ang alis dahil Pashnea! Traffic! Malelate ako nito baka pagdating ko don tapos na sila.
“Nag message ako kay Mark at sinabi kong nasa byahe na ako kaya lang traffic”
Nagreply naman sya agad.
“Sige ingat, Kita nalang tayo dito”
Napangiti naman ako sa nabasa ko, Hehe enebe! Ang sweet kasi ni Mark pero bigla kodin na naisip na hindi lang pala sya sakin ganon pati den sa iba.
Hagardouz na ako mga besh papunta palang ako pero mukha na akong uwian, Grabe na talaga ang init dito sa Pilipinas minsa naiisip ko pwede na akong mag ihaw sa bubong namin haha.
Pag dating ko sa School kung saan maglalaro sila Mark ay tumakbo agad ako papasok dahil sigurado ako kanina pa nagsstart ang laro nila.
Pero san ba ang court nila dito? kainis naman nagmamadali na nga ako eh, Nagtanong ako sa mga estudyante na nakasalubong ko at sinabi naman nila sakin kung saan.
Pagdating ko sa Court ay ang ingay ng mga estudyante na nandon, Pagkita ko sa score ay lamang yung kalaban ng 8 na puntos. Hala! bakit tambak ng 8! anong ba ang ginagawa nila?!
Tumawag ng Time out yung Team namin, Nakita ako ni Mark na nakatayo sa gilid kaya kumaway sya sakin at pinalapit ako nandon din si Sheena sa pwesto ng mga player.
“Dex bakit ngayon kalang?”
“Traffic nga diba? dika pa nasanay sa Pinas”
“Nako Dex kanina kapa hinihintay nyang si Mark”
“Talaga?”
“Oo kanina pa kita hinihintay, Kasi nga nangako ka sakin na manunuod ka diba? syempre inexpect ko na dadating ka”
Aww yun lang pala yon, Akala kopa naman kaya nya ako inaantay dahil sakin sya kukuha ng lakas para gumaling sa paglalaro.
Bumalik na ulit sila sa gitna at nagsimula na ang laro, Nasa Team namin ang bola kaya todo hiyaw ang mga estudyante mula sa school namin, Pati si Sheena todo hiyaw din nagFlying kiss pa sa kanya si Mark. Aray ha? harap harap nila akong sinasaksak! huhu Pero hindi ako papatalo ako ang Bestfriend kaya dapat mataas din ang energy ko.
“ Hoooo!!!!!!!! Go Mark!!!!!!! kaya moyan!!! galingan mo!!!!“
Napansin kong napatingin sakin yung ibang estudyante pati si Sheena at Mark para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil sa mga tingin nila.
“Go Blue dragons! (name ng team namin) Kaya nyo yan!” Dinamay kona yung buong team para hindi halata haha. Nasa Team paden namin yung bola at sa kabutihang palad na shoot yon kaya nagsigawang kaming lahat, Grabe ang saya palang manuod ng basketball nakaka excite pala at first time in my life naging wild ako.
Hawak ng kalaban ang bola at kasabay ng pagtalbog ng bola ay ang pagtibok ng puso ko. Nakakakaba din pala sya huhu. Habang nagdidrible yung kalaban ng bola ay naagaw yon ng isa sa Team namin at ipinasa kay Mark kaya lang nang ishoshoot na ni Mark ay kitang kita ng dalawang mata ko na sinadyang sikuhin si Mark ng kalaban, Naginit bigla ang dugo ko dahil sa ginawa nya! Sino sya para saktan ang Mahal ko! Este Bestfriend pala!
“Hoy lalaking mukhang Tuko! dapat ang sinalihan mo ay wrestling hindi basketball! Dahil mapanakit ka!”
Sigaw ko don sa lalaking nananiko, Tumingin tuloy sya sakin ng masama napaatras ako ng konti dahil nakakatakot sya tumingin parang sinasabi ng mata nya, AABANGAN KITA SA LABAS.
Nagpatuloy paden ang karo at dalawang puntos nalang ang lamang ng kalaban at isang minuto nalang ang natitira.
Yung Energy ko kanina ay biglang nawala dahil naka focus ako sa panonood grabe yung kaba ko kaya nagdasal ako na sana manalo kami. Si Mark halatang pagod na gusto ko muna sanang patigilin yung laro kahit saglit para makapag hinga sya.
Nakay Mark yung bola kaya napatayo ako sa kinauupuan ko, Sa kanya naka salalay ang pagkapanalo ng Team namin kaya nagdasal talaga ako ng sobra. Tumira si Mark ng Tres kaya napapikit nalang ako natatakot kasi ako na baka hindi pumasok.
Nagsigawahan lahat ng mga tao sa pagdilat ko nakita ko yung score lamang kami, Ibig sabihin Nashoot yung tira ni Mark.
Lalapitan kona sana sya pero naunang tumakbo si Sheena at binigyan ng tubig si Mark at pinunasan yung Pawis nya, Wala akong nagawa kundi ang tingnan sila. Dapat masaya ako dahil panalo kami, Pero bakit ganon? bakit ang lungkot ko? Nagseselos na naman ba ako?, Siguro nga nagseselos ako dahil sanay ako na ako ang tumutulong kay Mark.
Dahil sa mukha namang wala na akong papel dito ay nagdesisyon na akong umalis, Habang naglalakad ako may humarang sakin na lalaki at ang sama ng tingin. Sya yung lalaking naniko kay Mark.
“Sinong mukhang tuko satin?! Ang tapang mo kanina ah! ano papalag kaba?”
Grabe nakakatakot sya yung luha sa mga mata ko parang papatak na, Wala pa naman akong kakilala dito baka bigla akong bubugin nito.
“Ah eh kuya Sorry po, Hindi kopo sinasadya ang mga nasabi ko kanina”
“Hindi pala ah!”
Nakita kong naka pwesto na yung kamay nya para suntukin ako kaya napapikit nalang ako at nagantay na masuntok, Pero wala akong naramdaman kaya napadilat ako Pagtingin ko nakita ko si Tyrone sinalag yung suntok na dapat tatama sakin.
“Ito lang ba yung kaya mo? ang manakit ng taong walang laban sayo?”
“Sino kabang pakialamero ka?”
Susuntok pa sana yung lalaki pero naunahan sya ni Tyrone kaya napatumba sya sabay karipas ng takbo haha. Duwag pala sya eh! kanina ang tapang tapang nya tapos isang suntok lang ni Tyrone takbo na sya!
“Bakit kaba kasi mag-isa? asan yung kaibigan mo?” Takang tanong ni Tyrone
“Hindi kasi pwede si Miles ngayon, Si Mark naman nasa Court pa kaya ako lang ang mag-isa”
“Sa susunod kasi magiingat ka sa mga binibitawan mong salita, Dahil hindi lahat kayang sumakay sa mga sinasabi mo”
Alam ko naman na mali yon, Pero nadala lang talaga ako sa emosyon ko kaya ko nasabi yon.
“Oo nga eh, Pero salamat talaga”
“Wala yon”
Lumapit sya sakin at ginulo yung buhok ko, Kainis naman sya oh! Buhok talaga? ang hirap kaya mag-ayos ng buhok tapos guguluhin nyalang.
“Hoy ano ba yung buhok ko!”
“Haha nakakatawa ka talaga noh?”
“Alam mo tuwang tuwa ka talaga kapag nabubwiset mo ako noh?”
“Hindi naman, Natutuwa lang ako kasi masaya pala magkaroon ng kaibigan na tulad mo”
Bakit ano ba ako?
sabagay minsan lang siguro sya magkaroon ng kaibigan na kasing ganda ko, Yung gandang di mo inakala.
Dahil sa hindi na ako nakabalik kala Mark ay nag iwan nalang ako sa kanya ng message baka kasi isipin nya na basta nalang ako umalis. Gusto ko sana syang batiin ngayon sa personal kaya lang naisip ko baka masaya pa sya kasama si Sheena kaya bukas nalang, Alam ko naman na kay Sheena sya kumukha ng lakas para magpatuloy sa laro.
MARK’S POV
Sobrang saya ko dahil nanalo kami akala ko talaga hindi papasok yung huling tira ko.
Pagkapanalo namin ay lumapit agad sakin si Sheena at binigyan ako ng maiinom at pinunasan nya yung pawis ko, Inantay kong lumapit sakin si Dex pero wala.
“Sheena asan si Dex?”
“Si Dex? kasama kolang sya kanina eh pero bakit kaya biglang nawala yon?”
Saan kaya pumunta yon? hindi pa naman nya kabisado yung lugar dito baka mapagdiskitahan yon ng ibang team.
“Sheena sandali lang ha? hahanapin kolang sya, Dito ka muna pwede?”
“Sure, Sige na hanapin mo na sya”
Tumakbo agad ako para hanapin si Dex nagaalala kasi ako baka kung mapano yon, Pero nang makita ko sya mukhang ayos lang naman sya kasama nya si Tyrone at mukhang masaya sila. Kaya naman nagdesisyon ako na balikan nalang si sheena dahil mukhang ayos lang si Dex.
“Oh asan si Dex?”
“Ah eh nakauwe nadaw sya, Nagmamadali daw sya kaya hindi na nakapag paalam”
“Ganon ba? sayang naman hindi sya makakasama sa celebration, Siya kaya yung pinakamalakas na sigaw kanina”
Napangiti nalang ako sa sinabi ni Sheena, Naalala ko tuloy yung reaksyon ni Dex ng masiko ako ng kalaban haha LT sya halatang gusto nyang sugurin yung nakasiko sakin, At dagdag pa yung pagchicheer nya sakin kaya lalo akong ginanahan sa paglalaro.
After namin nanalo ay nang libre si Coach sa isang kainan at isinama ko si Sheena.
“Mark napapansin ko kanina kapa tulala, May problema kaba?”
Napansin siguro ni Sheena yung pagkatulala ko iniisip kolang kasi si Dex dati dati kasakasama ko sya sa mga ganitong selebrasyon sa buhay tapos ngayong nakilala nya lang si Tyrone hindi na sya sasama sakin.
“Ah eh napagod lang siguro ako sa laro”
“Nako mabuti pa umuwe kana para makapagpahinga kana din”
“Pero pano ka? Ihahatid pa kita”
“Wag na kaya kona ang sarili ko ang importante ngayon makapag pahinga ka”
Ang bait at maalalahanin talaga ni Sheena kaya lalo akong nahuhulog sa kanya. Pinauna ko munang makasakay si sheena bago ako sumakay pag bukas ko ng FB ay may message si Dex.
“Congrats Mark!”
Ayan yung message nya, Kahit maikli lang ramdam ko yung saya sa kanya at yung proud dahil na nalo ang Bestfriend nya. Nag reply lang ako sa kanya ng Thank you.
CHAPTER 10 “PARA SA KAIBIGAN”
DEX’S POV
Habang busy ang lahat sa pagsisimula ng mga patimpalak dahil sa buwan ng wika, ako naman ay kinakabahan bwiset kasi si Mark eh! sya ang may kasalanan nito kung hindi nya sinabi kay sir na marunong ako sa spoken words hindi na sana ako kasali ngayon.
Mabuti nalang din pumayag yung isa naming prof na iextend yung pasahan ng video na ginagawa namin dahil sa event nato.
“Be ang lamig mo”
Hinawakan ni Miles yung kamay ko, Grabe kasi ang kaba ko at pakiramdam ko tatawagin ako nang kalikasan anumang oras.
“Kasi be kinakabahan ako huhu”
“Wag kanang kabahan, nandito lang ako support kita atsaka manunuod si Mark diba? it is your time to shine” -Miles
Isa payan Kaya lalo akong kinakabahan dahil manunuod si Mark, Naiisip ko palang na nandon sya umuurong na ang dila ko.
Itong araw nato ang babago sa buhay ko. Hayss bahala na nga ano man ang mangyari alam kong ito talaga ang gusto ng tadhana na mangyari sakin.
Pumunta kami ni Miles sa organizer ng event para kumuha ng number, Para malaman ang pagkakasunod sunod ng mga kasali sa spoken words, Yung kaba ko grabe sumasakit nadin yung tyan ko. Kinuha nung organizer yung bowl kung saan nakalagay yung mga numbers at grabe din ang pagdadasal ko na sana wag ko mabunot ang number 1, Kahit anong number wag lang 1.
Pero sadyang mahina ako ngayon kay Lord dahil love na love nya talaga ako, Number 1 lang naman ang nabunot ko. Gusto kopa sana ulitin kaso bawal nadaw.
“Okay nayan, ayaw mo non ikaw unang matatapos?”
“Pero kinakabahan talaga ako”
“Wag kang mag-alala marami kaming sumusuporta sayo”
“Anong marami don? Eh dalawa lang naman kayo ni Mark ang gustong sumuporta sakin”
“Ano kaba! ang dami kaya, Ako si Mark, Yung mga classmates at syempre yung mama mo”
“Ha? si Mama?”
“Oo mama mo, ,inimbitahan ko kasi sya na pumunta dito”
“Ano!!” Medyo napalakas ang pagkakasabi ko non, pano kasi seryoso talaga sya na inimbitahan nya ang mama ko, Huhu lalo akong kakabahan nito.
“Oh ayan na pala si Tita”
Pagkalingon ko nakita ko si mama at yung ngiti nya abot tenga. Wow mas masaya pa sya kesa sakin at sinuot din nya ang bagong bili nyang damit pati yung mga alahas (Hindi mamahalin) nya na tinago sinuot nadin nya.
“Anak hindi paba nag sstart?”
“Hindi pa ma, Mayamaya pa po konti”
“Ano bayan akala ko late nako”
“Ma hindi ka late excited kalang”
Sinabihan ko si Miles na samahan si Mama para makaupo na sya, dahil ilang minuto nalang ay magsisimula na.
Pero hinahanap ko si Mark hindi ko sya makita, Nagiwan nadin ako sa kanya ng message kaya lang hindi din sya nagrereply huhuhu asan naba yung lalaking yon?! ang sabi nya manunuod daw sya ilang minuti nalang kaya.
Lalo akong kinabahan dahil hanggang ngayon wala paden si Mark.
“Be ano na magsisimula na yung kompetisyon”
“Saglit lang Miles, May hinihintay pa ako”
“Sino si Mark? halika kana duon mo nalang sya hintayin”
Hinila na ako ni Miles papunta sa stage, pero inaalala ko paden kung nasaan si Mark nag Promise sya sakin na manunuod sya.
“Be mag focus ka muna sa kompetisyon, Darating din yun si Mark baka na traffic lang yon”
Huminga ako nang malalim at pilit na pinalakas ang loob ko, Inisip ko nalang na nanonood si mama kaya kailangan kong galingan.
Nagumpisa na ang kompetisyon at tinawag na ako ng announcer para pumunta sa harap.
Para akong high sa sobrang kaba, Tiningnan ko ang mga tao sa harap ko at para akong nanliit sa kanila huhu lord kayo napong bahala.
Mark asan kana ba? Sabi mo papanoodin Mo ako? bakit wala kapa? Dati kapag may ganitong kaganapan sa buhay ko ikaw ang nangunguna para soportahan ako.
“Unang kalahok maari kanang magsalita”
Bumalik lang ako sa ulirat ng marinig ko ang boses ng annoucer. Nakailang tawag na pala sya sakin, Tumingin muna ako kung saan naka pwesto si mama at miles yung mga ngiti nila parang nagsasabing GO DEX! KAYA MOYAN! NANDITO LANG KAMI PARA SAYO. Dahil sa mga ngiti nila kahit papaano ay lumakas ang loob ko. Tinapat ko ang Mike sa bunganga ko at handa nang magsimula.
“Ang Tulang ginawa ko ay Pinamagatan kong, PARA SA KAIBIGAN “
Sa
Milyong
Milyong
tao sa mundo
Mapipili
moba kung sino ang
magiging
kaibigan mo?
Mapipili
moba kung sino ang
mamahalin
mo?
Hindi,
Dahil sadyang
mapagbiro
ang tadhana
Kung sino pang mahal mo
Siya pa ang hindi
pwedeng
maging sayo
Itutuloy kona sana yung pagsasalita pero bigla kong nakita si Mark at kasama nya si Sheena na nakahawak pa sa braso nya, Hindi ko alam kung bakit pero Naramdaman ko nalang na tumulo na pala ang mga luha ko.
Lumingon ako kung saan nakapawesto sila Miles at nagtaka sila kung bakit ako umiyak.
Para akong mamatay sa mga oras nayon, Oo nagselos ako kasi pakiramdam ko unti unti ng nawawala ang kaibigin ko at naiinis ako sa sarili ko dahil hindi ko man lang masabi sa kanya na mahal ko sya.
Nang mga oras nayon ay hindi kona inisip ang sasabihin nang ibang tao, Tumakbo ako pababa ng stage para makalayo sa kanila hindi ko na kasi kayang mag panggap na okay ako kahit ang totoo ang sakit sakit na.
Tumakbo ako palayo sa kanila at tumigil din kalaunan para ibuhos yung kanina kopang pinipigil na luha.
Ganito pala masaktan? Akala mo katapusan na ng mundo at wala ka man lang nagawa, Pakiramdam mo wala kang silbi.
“Dex bakit ka tumigil?”
Nang marinig ko ang boses ni Mark ay pinunasan ko ang luha ko.
“Umiiyak kaba?” Alalang tanong nya
“Hi-Hindi na puwing lang ako”
Lumapit sakin si Mark at tinitigan ako sa mukha
“Dex kaibigan mo ako alam kong umiiyak ka, Sabihin mo sakin kung anong problema makikinig ako”
“Kahit sabihin ko sayo wala kading magagawa”
“Kaya nga sabihin mo sakin para matulungan kita”
“Mark hindi mo ako matutulungan”
“Dex, Ano ba talagang problema? nitong mga nakaraang araw napapansin ko naging malungkutin ka. Kaibigan mo ako ramdam ko yon kahit hindi mo sabihin”
“Kung talagang ramdam mo dapat alam mo nayon sa sarili mo!”
Hindi kona napigilan ang hindi magtaas nang boses, Pakiramdam ko para akong bulkan na anumang oras pwedeng sumabog.
“Ano bang sinasabi mo?! Naguguluhan na ako sayo pwede bang diretsohin mona ako”
“Gusto mo talagang malaman? MARK GUS––”
Hindi kona natapos ang sasabihin ko dahil biglang dumating sila mama, Miles at Sheena.
“Anak anong problema? Nagaaway ba kayong dalawa?”
Tumingin muna ako kay Mark bago sumagot kay Mama
“Ma hindi po, Medyo sumama lang po ang pakiramdam ko”
“Ganon ba? gusto mo umuwe na tayo?”
Tumango lang ako kay mama hindi na ako nagpaalam pa kay mark at nagdirediretso nalang kami paalis, Sa susunod ko nalang siguro sya kakausapin kapag ayos na ako.
MARK’S POV
Nang makausap ko si Dex kanina alam kong nasasaktan sya, Pero hindi ko paden makuha ang point nya. Kung talagang may problema sya bakit hindi nya masabi ng diretso sakin?
Pero siguro nga may karapatan din syang magalit sakin dahil nitong mga nakaraamg araw hindi kona sya madalas makasama dahil busy ako sa panliligaw kay sheena.
“Mark ano kayang problema ni Dex?”
“Hindi ko din alam”
“Siguro dapat puntahan mo sya sa bahay nila baka kasi nahihiya lang yon magsabi sayo”
Napaisip ako sa sinabi nya, Tama sya dapat nga siguro makausap ko si dex baka makatulong ako para mabawasan kung ano namang problema nya ngayon.
“Salamat Sheena ha?, Pasensya kana pati ikaw namomroblema din”
“Syempre ang kaibigan mo, Kaibigan ko din. Ang mga taong mahalaga sayo Mahalaga din sakin”
Niyakap ko nalang sya ng mahigpit napa swerte ko dahil nakilala ko si Sheena napakabait nya at wala akong masabi sa ugali nya.
Nang makita ko si Miles ay nagpaalam muna ako kay Sheena sandali.
“Miles pwede kabang makausap?”
“Tungkol saan?”
“Tungkol sana kay Dex, Meron ba syang sinasabi sayo tungkol sa problema nya?”
Napaisip muna sya saglit.
“Kay Dex ka magtanong dahil sya lang ang makakaaagot sa lahat ng katanungan mo”
Pagkatapos non ay tinalikuran na nya ako, Nacucurious na talaga ako sa mga nangyayari meron bang nangyayari kay Dex na hindi ko alam? Ganon naba katagal nawala ang atensyon ko sa kanya kaya wala akong alam?
Ano man ang sagot sa mga katanungan ko dapat kausapin ko si Dex dahil tama si Miles sya lang makakasagot non.
DEX’S POV
Paguwi na paguwi namin sa bahay ay dumiretso agad ako sa kwarto ko. At pasalampak na humiga sa kama sabay yakap ng mahigpit sa aking unan.
Itong unan nato ang laging saksi sa lahat ng sakit na nararamdaman ko dahil nakikita nya kung paano tumulo ang mga luha sa mata ko, Sya ang sandalan ko sa mga oras na hindi kona kaya, sya ang gabay ko sa mga panahong gusto konang sumuko. Ang unan ko ang laging sumasalo sa mga luha ko.
Hindi padin mawala sa isip ko ang eksena namin ni Mark, Muntik konang masabi sa kanya na Gusto ko sya Gustong gusto ko sya pero natigil lang ng dumating sila Mama.
Naiinis ako sa sarili kasi ang tanga tanga at ang hina ko pagdating sa taong mahal ko. Gusto kong magalit pero wala akong magawa, Gusto kong sabihin sa kanya na Mahal ko sya pero hindi ko kaya.
Hindi kona talaga alam ang gagawin ko, Ano kayang mukhang ihaharap ko bukas sa harap ng maraming tao pagpasok ko? Hayyss nagpatanong patong na ang mga iniisip ko at sumasakit na ang ulo ko at niisa don hindi ko alam kung paano ko susulusyonan.
Pati mata ko ang sakit na dahil wala nang maipatak na luha, Nang marinig kong papasok si Mama sa kwarto ko ay nagtaklob agad ako ng kumot naramdaman ko nalang na tumabi sya sakin.
“Dex ano bang nangyari kanina? bakit bigla kang tumakbo at hindi mo tinapos ang tula mo? May problema kaba anak?” -mama
“Ma wala po, masama lang po talaga ang pakiramdam ko”
“Anak mama mo ako, Ina ako kaya ramdam ko kung may problema ang isang anak o wala. Pero kung ayaw mo talaga sabihin sakin ayos lang lang pero kapag handa kana magkwento nandito lang ako para makinig” -mama
“Sige po Ma , salamat po”
Kahit paano gumaan ang pakiramdam ko dahil alam kong mawala man ang lahat sakin hinding hindi ang pamilya ko. Napakaswerte ko kasi naiintindihan ako ni mama, Alam kong alam nya na may problema ako pero naghihintay lang sya na sabihin ko yon sa kanya.
Bigla tumunog ang phone ko, Si Mark tumatawag sakin hindi ko alam kung sasagutin koba o hindi. Pero sa huli hinayaan ko nalang sya na tumawag wala kasi akong lakas ng loob ngayon para kausapin sya.
Naka ilang missed call pa sya bago sya huminto kakatawag, Tiningnan ko yung mukha ko sa salamin at grabe yung mata ko namamaga kakaiyak, Ganito pala kapag Broken Hearted ka.
CHAPTER 11 “MARUPOK”
DEX’S POV
Akala ko kaya ko, Akala ko malakas na ako Pero hindi pa pala. Nakakaramdam padin ako ng sakit sa twing nakikita kong magkasama si Mark at Sheena, Gusto kong sumigaw pero hindi ko magawa. Pagbukas ko kasi ng facebook nakita ko agad yung picture na in upload ni Mark at magkasama sila ni Sheena.
Ang bigat ng pakiramdam ko at wala akong gana pumasok, Natatakot ako sa sasabihin ng iba nagkalat ako kahapon sigurado ako. Ako ang laman ng usapan sa buong school.
“Anak ayos kana ba? kung hindi pa magpahinga kana muna” alalang sabi ni Mama
Ngumiti lang ako kay mama, at nagtaklob ulit ng kumot.
Naguguluhan ako kung ano ang dapat kong gawin, Parang magkakasakit ako na ewan. Tumutulo na naman ulit ang mga luha sa mata ko, Kahit anong pigil ko ay wala akong magawa.
Si Mark naka ilang messages at tawag sakin pero ni isa hindi ko sinagot, Kahit si Miles hindi din ako nagawang makausap. Bumangon ako at kinuha yung papel sa bag ko kung saan nakasulat ang tulang ginawa ko para kay Mark tinitigan ko muna yon bago punitin at ibato sa sahig.
Wala na rin sigurong saysay kung maririnig pa ni Mark ang tulang to, Hindi na din mababago ang katotohanan na may mahal na syang iba.
MARK’S POV
Nakailang tawag at messages nako kay Dex pero hindi paden sya sumasagot, Nag-aalala na tuloy ako sa kanya. Pupuntahan ko nalang sya siguro mamayang uwian.
Habang nagcecellphone ako ay pumasok si Kuya Jay-r actually Gay sya pero kuya ang tawag ko sa kanya at magpinsan kami, off nya pala ngayon.
“Ang aga-aga nagcecellphone ka, Sino na naman yang ka chat mo?”
“Si Dex lang kuya. Pero ayaw nya sagutin eh”
“Ha? bakit naman? baka nagtatampo sya sayo”
Bakit naman nagtatampo sakin si Dex, Wala naman akong ginawa na makakasama kay Dex.
“Wala yong tampos sakin, Ang sabi nya lang may problema daw sya”
“Nako, Baka broken Hearted lang yon”
Napaisip ako sa sinabi ni Kuya, Pano kaya kung totoo ang sinasabi nya? Si Dex Broken hearted? kanina naman? eh wala namang boyfriend yon kung meron man dapat alam ko yon.
“Pano mo malalaman na broken hearted ang isang tao?”
“Simple lang, Titigan mo sya sa mga mata nya at malalaman mo ang sagot sa tanong mo. Kung hindi sya makatingin ng diretso sayo malamang broken hearted yon”
Ang lalim ng hugot ni kuya haha siguro naranasan na nya ang mabroken hehe.
“Kakausapin ko nalang siguro sya mamaya kuya para hindi ako nagiisip ng kung ano-ano”
“Mas mabuti pa nga, Pag nakita mo sya sabihin mo punta naman sya dito pag day off ko para makapag bonding kami”
“Sige kuya”
“Wait may itatanong pala ako sayo, Sino yung girl na kasama mo sa facebook?”
Ay nakita na pala ni kuya haha kaka upload kolang yon kagabi, Hindi pa siguro nakikita ni mama.
“Ah eh kuya si Sheena po, Nililigawan ko”
“What!?!?!”
“Kuya wag mo muna sabihin kay mama ha? ano nalang magsasabi sa kanya”
“Nako malalaman nya din yan, Ayon pa mukhang facebook din si tita eh haha. Pero seryos nang liligaw kana? nag bibinata na talaga ang pinsan ko”
“Kuya binata naman na talaga ako ha?”
“Sayang naman”
“Kuya anong sayang?”
“Akala ko kasi kayo ni Dex ang magkakatuluyan”
Muntik na akong mapabuga sa sinabi ni kuya haha saan naman nya nakuha ang bagay nayon? Kami Ni Dex magkakatuluyan? haha hindi kami talo non, BestFriend ko yon eh.
“Mapagbiro ka talaga kuya, Magkaibigan lang kami ni Dex. At wala nang hihigit don”
“Sabi mo eh, ikaw bahala”
Lumabas na sya dahil maglilinis nadaw sya nang bahay, Ako naman bumangon na para makapaghanda na din. Napangiti nalang ako sa mga salitang lumalabs sa bibig ni kuya haha.
Kung minsan talaga ang hilig nya magbiro. Ni minsan hindi sumagi sa isip ko na mangyayari yon dahil kaming dalawa ni Dex ay magkaibigan lang at imposibleng magustuhan ako ni Dex, Mahilig sa gwapo yun eh haha.
Habang naglalakad ako papunta sa classroom namin ay may kamay na tumakip sa mata ko, Napangiti ako kasi alam ko kung sino yon isa lamg naman ang mahilig gumawa sakin non.
“Dex, Alam kong ikaw yan. Wag munang takpan ang mata ko”
Bumitaw naman sya agad at pagharap ko ay medyo nagulat ako kasi hindi si Dex ang tumakip sa mata ko kundi si Sheena.
“Sheena? sorry akala ko si Dex”
“Ayos lang, Siguro nasanay kalang na si Dex ang gumagawa nyan sayo”
Biglang lumungkot ang mukha ni Sheena at medyo na guilty ako. Akala ko talaga si dex yon, “Pasesnya na ha?”
“Wala yon. tara na baka malate pa tayo sa klase natin”
Ngumiti nalang sya sakin pero alam kong kahit paano ay nasaktan sya. Hinatid ko siya sa classroom nila ako naman ay pumasok nadin.
Pagpasok ko ay yung pwesto agad ni Dex ang tiningnan ko kaso wala sya bakante yung upuan sa tabi ni Miles.
Lumipas ang ilang mga subjects ay walang Dex na dumating, Bakit kaya hindi sya pumasok? Hindi tuloy ako mapakali kailangan kona talaga syang makausap. Nang mag recess ay sinundo kona si Sheena para makakain kami.
“Mark Sigurado kang okay kalang?”
“O-oo naman”
“Ang lalim kasi nang iniisip mo, Siguro mabuti pa bumili na tayo”
Buong maghapon hindi kami nakapag usap ng maayos ni Sheena, Inaalala ko kasi ang kalagayan ni Dex.
“Sheena promise babawi ako sayo, Iniisip ko lang kasi si dex alam mo naman siguro yung nangyari kahapon diba?”
“Wag kang mag-alala Mark naiintindihan kita, Syempre bago ako dumating sa buhay mo si Dex ang kasama mo, Sya yung laging nandyan kapag kailangan mo ng tulong. kaya ayos lang sakin na isipin modin ang kaibigan mo” -sheena
“Salamat talaga”
Mabuti nalang talaga at malawak ang pag-iisip ni Sheena at naiintindihan nya ang sitwasyon ko
Nang mag-uwian ay nagsabi ako kay Sheena na hindi ko muna sya maihahatid dahil bibisatahin ko si Dex ngayong gabi para malaman kona kung ano ba talaga ang problema nya.
DEX’S POV
Buong maghapon lang ako naka stay sa kwarto, Dito nadin ako kumain. Nang maghapunan ay nagdesisyon na ako na sumabay kala mama at papa na kumain, Ayoko din naman na mag-alala sila sakin.
“Anak kumain kana dyan”
Umupo ako sa gilid nila mama at habang kumakain kami ay may kumatok sa pintuan. Sino naman kaya yon? Baka bisita lang nila mama.
“Gabi na ah? sino kaya yon?”
“Ako na ang magbubukas”
Tumayo si mama para buksan ang pintuan at pagbukas nya ay si Mark pala yon, Bigla akong kinabahan na ewan at hindi ko alam kung ano ang gagawin ko huhu.
“Magandang gabi po”
“Mark ikaw pala yan, Halika ka dito sumabay kana samin”
Lumapit si Mark samin at tumabi sya sakin hindi ako makatingin ng diretso sa kanya, Kumuha si mama ng plato at sinandukan si Mark. Hindi ito ang unang beses na nakasabay namin si Mark na maghapunan, Madalas kasi sya dito samin dati.
Sabay sabay kaming kumain na parang walang problema, Binilisan ko ang pagkain dahil hindi ko kaya na makasama si Mark para akong mahihimatay sa bilis ng tibok ng puso ko.
Pagkatapos kong maghugas ng kamay ay pumunta agad ako sa kwarto, Ilang saglit lang ay sumunod si Mark. OMG! Anong gagawin ko? Umayos ako at umaktong ayos lang ang lahat.
“Dex kamusta ka?” Tanong sakin ni Mark
“Ayos lang naman bakit mo na tanong?”
“Nag-aalala kasi ako sayo kahapon pa, Sinusubukan kitang tawagan pero hindi mo sinasagot”
“Ah eh kasi, Baka tulog ako ng tumawag ka”
“Dex kaibigan mo ako, Pwede kang magsabi sakin kung may problema ka baka matulungan kita”
“Mark ayos na ako, Salamat sa pagpunta mo”
“Dex sana simula ngayon bumalik na tayo sa dati ha? namimiss kona kasi yung dating Dex, Yung Dex na Masiyahin at Maingay”
“Bakit masiyahin parin naman ako ha? tingnan mo”
Ngumiti ako ng pagkalaki laki para ma convince ko sya na masiya talaga ako.
“Ayan ngumingiti kana ulit, Bagay sayo yan”
Lumapit sya sakin at kinurot ako ng malakas sa pisngi.
“Aray!”
“Hahaha namiss ko yung kulitan natin”
Tanga na kung tanga, Martir na kung Martir, Marupok na kung Marupok pero lahat ng sakit na ginawa ni Mark ay napalitan dahil sa simpleng bagay na ginawa nya ngayon, Wala eh Mahal ko sya anong gagawin ko? sabi nga ng iba “Pain is a part of life But suffering is Optional” At ito yung option na pinili ko, Masaktan man ako atlis sumaya ako.
“Mark kamusta na kayo ni Sheena?”
“Kami ni Sheena? haha wag na muna natin sya pag-usapan. Pagusapan natin ang tayo”
“ Tayo?“
“Oo tayo, Yung tungkol sa friendship natin ang tagal na kasi nating hindi nakakapag bonding, Gusto mo gala tayo?”
“Wala akong pera eh, next time nalang”
“Kuripot mo talaga, Libre kita”
“Kelan ba? ngayon naba? wait magbibihis lang ako”
“Haha sa weekend pa! ngayon talaga eh gabi na”
“Haha Joke lang! Ito naman hindi mabiro”
“Ayan tumatawa kana, Sa susunod kasi kung may problema ka sabihin mo sakin ano pang silbi ko bilang kaibigan mo?”
“Oo na, Thank you po”
“Yung video natin kelan ba natin uumpisahan? malapit na pasahan non”
“Kainis ka kasi dapat tapos nayon eh kaso wala kapa palang sasabihin”
“Haha sorry na hahaha, Pano papasok kana ba bukas?”
“Oo papasok na ako, Sayang yung mga activity na wala ako ayokong bumagsak no baka bungangaan ako ni mama”
“Alam mo sayang talaga yung laban mo kahapon Full support pa naman kami, Tutal hindi mo natuloy yung Spoken words mo pwede bang iparinig mo sakin ngayon?”
Hala! Seryoso sya? gusto nyang marinig yung tula ko OMG anong gagawin ko!!!! I am not ready!!
“Ah eh pwedeng sa susunod nalang? wala kasi ako sa mood ngayon eh”
“Sayang naman, Sige sa susunod ha? basta gusto ko ako ang unang makakarinig nyan”
“Yes boss, Promise ikaw ang unang makakarinig”
“Buti naman, dapat siguraduhin mong masa satisfy ako”
Satisfy talaga? ni hindi ko nga alam kung ano ang magiging reaction nya huhu baka yung friendship na iniingatan ko ay bigla nalang mawala na parang bula.
Ilang oras pa kaming nagusap ni Mark bago sya nagpaalam sakin na uuwi na dahil gabi na at baka hinahanap nadin sya ni Tita Rose, Nang mga oras nayon ay wala akong sakit na nararamdaman napalitan lahat ng kilig at saya alam kong mali pero naisip ko na sana kami nalang lagi, Na sana ako nalang ang dahilan kung bakit masaya si Mark.
CHAPTER 12 “DEAL”
DEX’S POV
Maaga ako nagising dahil naging maganda ang tulog ko (10 am na talaga yon haha ayun na pinaka maaga para sakin), Salamat sa pagpunta ni Mark ay gumanda ang pakiramdam ko.
“Anak mukhang maganda ang gising natin ha?”
“Syempre maganda ako” biro ko kay mama
“Gutom kaba Dex?”
“Oo ma”
“Kumain kana dyan, Kung ano-ano na kasi ang sinasabi mo”
Pumunta nalang ako sa kusina para mag-almusal, Si mama talaga kahit kailan hindi sinasakyan ang mga biro ko haha. Pero pag sya ang nagjojoke todo support ako sa kanya.
Pagkatapos kong kumain ay nag facebook muna ako, May Friend request sakin si Tyrone.
Iaaccept ko ba o hindi?
Syempre inaccept ko haha.
Tapos ilang segundo lang ay nag chat sya sakin ang sabi nya “Hi Dex! Salamat sa pag accept!” Hindi ko sya nireplyan inshort seenzone sya sakin haha tapos nag chat ulit sya.
“Ouch! Seenzone, Sakit naman”
Ano kayang problema nitong lalaki nato? wala ba syang kachat? boring ba ang buhay nya at kinukulit nya ako, Para matapos na nireplyan kona sya at naka CAPSLACK PA PARA DAMA HAHAHAH.
“BORING BA BUHAY MO?” tanong ko sa kanya.
“Hindi” reply nya agad.
“HINDI NAMAN PALA EH”
Pinatay kona yung Data para hindi na sya makapag chat sakin, Hindi naman sa ayaw ko sa kanya medyo hindi lang kasi maganda ang unang impresyon ko sa kanya at higit sa lahat malaki ang kasalanan nya sakin! DAHIL NINAKAW NYA ANG FIRSTKISS KO! para dapat yun sa taong mahal ko eh (KAY MARK) huhuhu.
TYRONE’S POV
Nakakatawa talaga tong si Dex napaka mainitin ang ulo haha muntik pa ako ma seenzone.
“Tol bakit ka nakangiti dyan, Sino yang kachat mo”
Biglang inagaw ni Oka (Tropa ko) yung phone ko, At nakiusyoso nadin yung dalawa kopang tropa na sina Christian at Arvin.
Nandito kami ngayon sa tambayan namin dahil napag usapan namin na maagang pumasok, Mga kaklase din namin sila ni Dex.
“Akin na nga yang phone ko!” sigaw ko sa kanila
“Ayyiiee ka chat mo pala si Dex ha?”
“Ano naman!?”
“Haha bakla na pala ang mga gusto mo ngayon ha? pano na si Nicole (Girlfriend ko) nyan?” Pang aasar ni Christian
“Tssk pwede ba tigilan nyo ako sa mga kalokohan nyo, Classmate lang natin si Dex yun lang yon pero si Nicole mahal koyon”
“Talaga ba?”
Nagtawanan pa silang tatlo at parang may sinend si Oka na kung ano kaya tumayo ako at inagawa sa kanila yung cellphone ko. Laking gulat ko ng nakita kong sinend nila yung picture ko kay Dex na naka topless at may nakasulat pang “Subuin moko mamaya sa CR”.
Yung dugo ko biglang umapaw sa ulo ko, pasalamat sila mga tropa ko sila kung hindi baka kanina kopa sila binigwasan.
“Mga Gg kayo! nag send pa talaga kayo! baka kung anong isipin non tsssk magagalit lalo sakin yon”
“Sorry na Tol, Dina mauulit”
“Talagang hindi na, Dinyo na mahahawakan tong Cellphone ko”
Idedelete kona sana yung sinend nila kaya lang naseen agad ni Dex. Patay nako nito.
“Pero maiba tayo bakit monga ka chat si Dex? Pano si Nicole break na kayo?”
“Wala nga lang yon! Mahal ko si Nicole may problema lang kami pero di kami magbebreak”
“Osige na naniniwala na kami”
Lumapit ako sa kanilang tatlo at pinagbabatukan sila para maalog naman puro nalang kasi kalokohan ang alam.
May Girlfriend ako Si Nicole at mahal na mahal ko sya kahit hindi nya ako kayang ipakilala sa pamilya, mga kaibigan nya at sa ibang tao.
Mga piling kaibigan lang ang nakakaalam sa relasyon namin dahil ayaw nya talaga malaman ng iba dahil baka mapatay daw sya ng papa nya, At nitong nakaraan lang ay sinabi nya sakin na maghiwalay na muna kami.
……………………FLASBACK……………………..
“Nicole ano bang paguusapin natin?”
“Tyrone nahihirapan na ako sa sitwasyon natin”
“Nicole hindi lang ikaw ako din naman, Bakit ba kasi ayaw mong samahan kita sa bahay nyo para masabi natin sa papa at mama mo ang tungkol satin”
“Hindi pwede Tyrone! Hindi pwede!”
“Bakit hindi pwede sabihin mo sakin!”
hindi kona din napigilan ang magtaas ng boses, Hindi ko kasi alam kung bakit ayaw nya ako ipakilala sa iba lalong lalo na sa mga magulang nya bilang boyfriend nya.
“Tyrone ayoko kanang mag explain, Please lang pabayaan mo muna ako”
“Ano bang gusto mong mangyari?”
“I want space!”
Tinalikuran nya ako at bago pa sya makaalis ay hinawakan ko sya sa kamay pero hindi sya nagpapigil sakin, Wala akong nagawa kundi ang pagmasdan syang umalis. Ano bang nagawa ko at nagkaganito kami? Minahal kolang naman sya.
………..END OF FLASHBACK……………….
Biglang tumunog yung phone ko may nagmessage sakin, Pagtingin ko si Dex WTF! nakalimutan ko palang sabihin sa kanya na hindi ako ang nagsend non, Kasalanan to ng mga mokong nato.
“HOY LALAKI KUNG MANGTITRIP KA WAG AKO! AKALA MO NAMAN INTERESADO AKO SA KATAWAN MO?! ANG KAPAL MO! FEELING YUMMY!”
Kahit message lang yon ramdam ko yung inis nya sakin, Kasalanan talaga to nila David eh.
Nagmadali tuloy akong pumuntang school para makita si Dex, Hindi naman kasi ako bastos na tao at ayaw ko namay naiinis o nagagalit ng dahil sakin.
DEX’S POV
Masaya akong naglalakad papuntang school kahit merong konting kaba dahil sa eskandalong nangyari noong nakaraang araw.
Pagtingin ko sa phone ko nagmessage na naman si Tyrone, Kainis talaga tong lalaki nato! Hindi naba nya talaga ako titigilan? Binuksan ko nalang yung message para matapos na at nagulat ako kasi nag send sya sakin ng TOPLESS!!!!!!!!! OMG MY VIRGIN EYES!!! tapos nakalagay pa “Subuin moko mamaya sa CR”, Yung dugo ko umakyat lahat sa ulo ko at nireplyan ko sya, Grrrr pagnakita ko talaga yung lalaking yon humanda sya sakin.
Habang naglalakad ako ay narinig kong may tumawag sakin paglingon si Tyrone kaya binilisan ko ang paglakad pero nagulat nalang ako ng masundan nya ako.
“Dex, Hindi ako ang nagsend non” -
Hindi ko paden sya pinansin at nagpatuloy lang sa paglakad pero sinundan padin nya ako at hinawakan ako sa kamay.
“Bitawan mo nga ako”
“Di kita bibitawan hanggat hindi mo ako kinakausap
“Ano bang problema mo? Trip mo talaga ako noh?”
“Hindi nga kasi ako ang nagsend non”
“Oo na hindi kana, bitawan mo na ako”
“Anong nangyayari dito? Bakit hawak niya yung kamay mo?”
Nagulat ako kasi hindi ko namalayan na nasa harap na pala namin si Mark at Mag kasama sila ni Sheena, Para akong binuhusan ng tubig huhu anong sasabihin ko sa kanya.
“Ah eh—–”
“Niyaya kolang ang kaibigan mo na lumabas sa weekend”
What!!!!!! ano bang sinasabi nitong lalaki nato?? Tumingin sakin si Mark at parang nagaantay nang sagot kung totoo ba talaga ang sinasabi ni Tyrone, Grabe yung tibok ng puso ko parang gusto ng lumabas sa katawan ko.
“Ah eh oo niyaya nya ako”
Gusto kong sampalin yung bunganga ko dahil bigla nalang ayan ang nasabi ko.
“Ganon ba? Diba lalabas din naman tayo sa weekend Sheena? Gusto mo tayong apat nalang?”
Mark naman! kainis ka! dapat tayong dalawa lang yun eh bwiset kasing Tyrone nato eh laging umieksena walang magawa sa buhay kaya nang iinis nalang.
“Oo tama yon parang doubledate”
Sinamaan ko nang tingin si Tyrone pero hindi ko pinahalata kala Mark.
“Maganda yon! Omg mukhang masaya yon ako at si Mark, Si Dex at si Tyrone”
“Oo nga Maganda yon”
Sumangayon nalang ako sa kanila mukhang wala na kasi akong choice kundi ang pumayag. Doubledate? ni minsan diko pa naranasan ang makipag date.
“Dex una na kami ihahatid kopa si Sheena sa klase nya”
“Sige”
Nang makaalis sila Mark ay humarap ako kay Tyrone at ang loko naka ngiti pa.
“Bakit mo sinabi yon?”
“Ang alin?”
Grabe sya nagka amnesia agad? iumpog ko kaya ang ulo nito sa pader ng makaalala sya.
“Bakit mo sinabi na lalabas tayo?”
“Yun ba? haha mabuti nga sinalo kita eh”
Salo? bakit nahulog ba ako? pektusan ko kaya to sa sikmura ng matigil na.
“Tapos kana? papasok nako, pwede? hiyang hiya naman kasi ako sa panghaharang mo”
“Bakit kasi hindi po sabihin na gusto mo sya?”
Paalis na sana ako pero natigil ako dahil sa sinani nya at hinarap ko ulit sya.
“Anong sinasabi mo?”
“Alam mo Dex mga tingin mopa lang kanina alam kong may gusto ka sa kaibigan mo”
“Lakas talaga ng tama mo noh? kung ano ano nalang kasi ng sinasabi mo”
“Bakit totoo naman diba? may gusto ka kay Mark, Na kaibigan mo?”
“Wala akong gusto sa kanya, Mag kaibigan lang kami”
Mukhang hindi kona sya macoconvince dahil alam na nya na may gusto ako Mark, Sa bagay sino ba naman ang hindi makakalam eh halos lahat na nga ata ng mga estudyante dito ganon ang iniisip dahil lagi kaming magkasama ni Mark.
Akala ko aasarin pa nya ako pero bigla nya akong niyakap at nilapit nya yung mukha nya sa tenga ko, WHAT THE ano bang ginagawa nya?????? pinilit ko syang inusog pero mahigpit ang yakap nya.
“Nakikita moba yung babae sa gilid natin?”
“Ha babae? sinong babae?”
Nilingon ko yung sinasabi nya at may nakita akong grupo ng mga babae na nagkwekwentuhan at nakatingin samin.
“Yung mga babae na naguusap, Yung maganda na nakatayo na mahaba ang buhok”
Nakita ko yung sinasabi nyang babae at nakatingin sya samin ni Tyrone, Sino kaya sya.
“Bakit ba sino bayon?”
“Sya yung Girlfriend ko”
Wow may Girlfriend pala tong lalaki nato? buti may nagtyaga sa kanya hahahaha. Umalis naman agad yung mga babae, naiilang na ako sa pwesto namin ni Tyrone may dumadaan nadin kasing mga estudyante.
“Nakitingin paba sya?”
“Ah eh hindi na kasi umalis na sila”
Kumalas na si Tyrone sa pagkakayakap sakin, Grabe na talaga ang mga nangyayari ngayong araw hindi ko kinakaya.
“Dex sorry ha?”
“Ayos lang, kung Girldfriend moyon bakit mo ako niyakap na alam mong makikita nya?”
“Nakipaghiwalay muna sya sakin dahil gusto nya daw ng space”
Biglang naging malungkot yung mukha ni Tyrone, Kanina naiinis pa ako sa kanya ngayon bigla akong naawa.
“Baka kasi kailangan nya talaga ng space”
Alam kong wala akong karapatang magsalita dahil wala naman akong alam sa kanila pero ewan koba sa bunganga ko bigla bigla nalang nagsasalita.
“Ganon bayon? Diba sa isang magkarelasyon dapat sabay nyong aayusin kung ano mang problema nyo?”
Wala akong nasagot sa tanong nya dahil hindi kopa naman naranasan ang makipagrelasyon, Pero posible kasing may rason din yung Girlfriend nya kaya kailangan nya ng space sa kanila.
“Wag mo nang sagutin, Hindi mo naman problema yon. Tara na? baka malate na tayo”
Hinawakan ni Tyrone ang kamay ko papunta sa room namin, Hindi na din ako nakaangal dahil ayaw kong makadagdag sa iniisip nya.
“Tyrone?”
“Bakit?”
“Kasi alam mona, Nakita tayo ng Girlfriend mo, Baka mamaya magulat nalang ako may hihila na sa buhok ko at kakaladkarin ako”
“Wag kang mag-alala hindi ko naman hahayaang gawin nya yon sayo”
“Talaga?”
“Oo naman syempre kaibigan nadin kita at ayaw ko na magkaroon ng gulo ng dahil sakin, Pero may Favor lang ako sayo”
“Ano yon?”
“Kung pwede lang sana hayaan mo na maging close tayo, Gusto kolang kasi malaman kung magseselos ang Girlfriend ko at kung gaano nya ako ka mahal”
Aba! gagamitin nya pa talaga ako pamain sa Girlfriend nya mamaya amazona pala yon at mabugbog pa ako ng wala sa oras, Pero naawa kasi ako kay Tyrone kung hihindi ako. Mukhang mahal na mahal nya talaga ang girlfriend nya.
“Sige papayag ako, Pero sana wag modin sasabihin kay Mark yung nalaman mo, ano Deal?”
“Sige ba, Deal ako dyan”
Sabay na kaming pumasok ni Tyrone at nalate kami nang 10 minutes pinagalitan tuloy kami sa harapan, Tiningnan ko si Mark at nakatingin lang din sya sakin. Ano na naman batong pinasok ko ngayong araw? Sana lang talaga kayanin ko, Hindi kopa nga maamin kay Mark na mahal ko sya tapos eto na naman may bagong problema edi ako na STRONG!
CHAPTER 13 “DOUBLE DATE”
DEX’S POV
Ano bang susuotin ko ngayon??? di ako makapili sa mga damit ko (Wala kasing pagpipilian) haha.
Kanina pa ako hindi mapakali ayoko namang mag mukhang basura sa tingin nila mamaya. Maya maya ay Nag message sakin si Tyrone.
“Papunta na ako sa inyo” -Tyrone
What! paano nya nalaman kung saan ako nakatira?! ang aga naman nya wala pa nga akong susuotin eh.
“Dex bakit ba hindi ka mapakali dyan? para sinisilihan ang pwet mo dyan”
“Ma hindi kasi ako makapili ng susuotin ko”
“Sus naman anak yun lang pala akala ko naman may nawawala na sayo, Bakit ba may ka date kaba?”
Natahimik ako sa sinabi ni mama pero hindi ko nagpahalata baka asarin na naman nya ako eh haha.
“Wala akong Date ma”
Ngumiti lang si mama at bumalik na sya sa paglilinis, Hays kahit ano na nga lang ang isusuot ko haha bahala sila. Nag T-Shirt nalang ako at nag pants.
Minadali kuna ang pagligo at pagbihis kasi papunta nadaw yung Tyrone nayon, Humarap na muna ako sa salamin at tinitigan ang mukha ko Grabe ang ganda ko talaga ( #Selfconfidence )Hahaha. Di naman ako mahilig mag lagay ng mga kolorete sa mukha sapat na sakin yung Pulbo.
Ilang minuto lang ay tapos na ako, Ready to go na me.
“Anak! may bisita ka!”
Grabe yung sigaw ni mama, Rinig ng buong barangay kalmado pa sya nyan. Pano pa kaya pag galit? Buong mundo na haha char!
“Ma hayaan mo sya dyan!”
Pumunta si mama sakin at pinandilatan ako, Takot si ako haha.
“Ano bang problema mo Dex? Nandon na yung ka date mo”
“Ma! hindi ko yon ka date”
“Sus anak, Pinagpaalam kana nya sakin. In Fairness anak Gwapo sya ha?”
“Aalis na kami ma”
Tumayo na ako at pinuntahan si tyrone kukulitin na naman kasi ako ni mama.
“Ano aalis na tayo?”
Gwapo nga talaga si Tyrone pero sorry sya hindi ko sya Type haha, At ano na naman kaya ang pinagsasabi nya kay mama. Paalis na sana kami pero si mama may pahabol pa.
“Tyrone anak, alagaan mo ang anak ko ha?”
“Opo tita ako po bahala sa kanya”
“Ikaw Dex, Magpakabait ka ha?”
“Opo ma, Alis napo kami”
Hinila kona palabas ng bahay si Tyrone at nagmadali ako sa paglalakad, Dahil naiinis na ako sa kanya. May pa Tita akala mo naman close sila ng mama ko.
“Uii Dex antayin mo naman ako”
Nagpatuloy lang ako sa paglalakad at hindi ko sya pinansin.
“Dex! Baka magalit sakin si Tita kapag hindi kita binantayan”
Tumigal ako sa paglakad at humarap sa kanya with matching taas kilay.
“Bantayan talaga? ano ako bata? at Feeling close kadin kay mama noh? Maka Tita ka akala mo close kayo”
“Oo bakit, close naman kami ah tuwang tuwa nga sakin yung mama mo at tinawag pa akong manugang”
“Ano?!!!! Sinabi ni mama yon?”
“Oo nga”
si mama talaga! Pinapangunahan ako huhuhu.
“Tara na nga baka malate pa tayo”
“Ikaw kasi eh, Bakit ba ang init ng ulo mo sakin lagi?”
Bakit nga ba? Hindi ko din alam eh siguro natataon lang na nakakainis sya kapag nagkikita kami.
“Drama mo, Tara na”
Ako na ang humila sa kanya para hindi na sya makapagsalita, Mabait naman ako eh hahaha hindi nga lang halata.
Pagdating naming sa meeting place namin ay nandon na sila Mark at Sheena, Nahiya tuloy ako sa sarili ko dahil kahit ang simple lang nang suot ni Sheena ang ganda nya paden.
“Sorry ha? ito kasing si Dex ang bagal eh” paninira sakin ni Tyrone
“Haha oo mabagal talaga yan, Dati nga kapag sinusundo ko yan sa kanila inaabot pa ako ng isang oras sa paghihintay” natatawang sagot ni Mark
“Grabe naman pala sya hahaha”
Aba! bastos tong dalawa nato ah! pagkwentuhan talaga ako?
“Wag nyo nang pagtawanan si Dex, Tara na para makapag enjoy tayo” awat ni Sheena
Actually wala talaga akong idea sa gagawin namin ngayon araw, nandito kami ngayon sa isang mall. Mall talaga? nagtitipid nga ako eh pero bahala si Tyrone sagot nya daw eh edi sya na mayaman. Kulang nalang nang langgam dahil sa ka sweetan ni Sheena at Mark, Lakas maka JADINE EH! may pa HHWW pa sila.
“Yung mata mo parang sasaktan mona si Sheena” Bulong sakin ni Tyrone, Pero hindi ko sya pinansin. Oo na iinggit ako pero hindi ako mapanakit na tao dibaleng ako nalang.
“San ba tayo pupunta?” tanong ko sa kanila.
“Pwede bang kumain muna tayo? nagutom na kasi ako” angal ni Tyrone
Gutom agad? Eh ilang minuto palang kami dito.
“Sige ba, Para marami tayong energy mamaya” sagot ni Mark
Nagdesisyon kaming kumain sa isang Fastfood at itong si Tyrone andaming inorder akala mo may Anaconda sa Tyan. Hindi ako makakain nang maayos dahil ang sweet talaga ni Mark at Sheena sinusubuan ni Mark si Sheena.
Dahil hindi kona naman kaya yung sakit tumayo ako sa kanila at nagpaalam na magCcr kunwari, Nang makapasok ako sa Cr ay hindi kona napigilan ang umiyak Pero pinilit kong palakasin ang loob ko dahil ayaw kong masira ang araw namin ng dahil lang sa nararamdaman ko. Pagbalik ko ay nagtatawanan silang Tatlo.
“Dex bakit ang tagal mo?” Takang tanong ni Mark
“Ah eh kasi ang may nauna pa sakin kaya nag-antay pa ako”
“Ganon ba? May inorder akong fries para sayo, Alam ko kasing Favorite moyon eh”
“Salamat”
Umupo ulit ako at itinuloy na ang pagkain, Si Tyrone naman panay ang tingin sakin. siguro pinagtatawanan na ako ng lalaki nato dahil sa katangahan ko pagdating sa pag-ibig.
Nang matapos kami ay nagpunta naman kami sa (WORLD OF FUN) nitong mall. Andaming Rides (mga 3 haha) marami pang iba hindi kona kasi alam yung tawag don haha basta marami kayo nalang mag imagine.
Una kong tinry yung mag huhulog ka ng tokken tapos kukunin mo yung stuff toy. Pero nakailang hulog nako wala man lang akong nakuha! Kainis to pinagloloko lang naman ata kami nito eh dahil ang hirap kaya manalo! Nasipa ko tuloy ng wala sa oras haha.
“Nilalaro yan hindi sinisira” pang aasar ni Tyrone
“Eh ang hirap kasi eh”
Nasa kabila sila Mark at Sheena naglalaro nung basketball ata yon.
“Ganito lang kasi yan”
Naghulog si Tyrone nang Tokken tapos hinawakan nya yung controler, Seryoso lang sya at pinagmasdan kolang kung paano nya makukuha ang stuff toy. At ilang segundo lang BOOM! nakuha nya!!!!!!! kinuha nya yung napanalunan nya at ipinakita sakin, Ako naman mangha mangha sa ginawa nya paano nya nagawa yon?!!!?! Ako nakailang hulog na pero walang nakuha pero sya isa lang nanalo agad??
“Sabi ko naman sayo madali lang eh”
“Pano mo nagawa yon? Mekus ka noh?”
“Kasi Gwapo ako” -Tyrone
Nice answer, Kinuha ko yung stuff toy na napanalunan nya at hinampas sa mukha nya hahanap nalang ako ng ibang malalaro.
“Hoy Dex wag mo akong iwan dito”
“Bahala ka sa buhay mo”
“Sige isusumbong kita kay Mark”
Natigil nako at binalikan ko sya.
“Ito naman hindi mabiro, San moba gusto? tara na wag kanang Pa bagal bagal dyan”
“Haha dun tayo kala Mark”
Talaga inaasar ako nitong Tyrone nato eh, Dahil wala akong Choice tumabi kami kala mark. Naghulog si Tyrone ng tokken at lumabas na yung mga bola.
“Ano papatalo kaba sa kanila?”
Nilingon ko yung dalawa at mukhang enjoy na enjoy talaga sila.
“Syempre hindi”
Kinuha ko yung isang bola at shinoot ko at na shoot koyon kaya natuwa ako, Nagshoot din si Tyrone para akong nakawala sa bundok haha. Konti nalang malapit na namin ma beat yung High score.
“Tyrone galingan mo naman, Ako nalang lagi ang nakakashoot” pagmamayabang ko.
“Sus yabang mo, Eh mas marami pangang na shoot sayo si Sheena”
Lalo akong na motivate sa pangaasar nya ginalingan ko pa sa pagshoot at yun na nga na beat namin ang high score at mas mataas ang puntos na nakuha namin kesa kala Sheena.
“YEHEY!!!!!!!!!”
Sa sobrang tuwa ko ay napayakap ako ng wala sa oras kay Tyrone.
“Dex, di ako makahinga”
“Ay sorry”
Napabitiw ako sa pagkakayakap sa kanya, haha nakakahiya.
“Ang sweet nyo naman” ani ni Sheena
“Oo nga eh ang sweet sakin nito kaya love ko to eh”
Umakbay sakin si Tyrone tssk di kaya ako sweet sa kanya! Bitter ako! Bitter!
MARK’S POV
Ngayon kona lang ulit nakitang ganyan kasaya si Dex pero sa pagkakataong ito hindi ako ang dahilan ng mga ngiting yon.
“Mark sorry kailangan konang umuwe” aligagang sabi ni Sheena
“Ha? Bakit naman??”
“Nagka emergency kasi sa bahay”
“Gusto mo ihatid kita?”
“Wag na Mark mag stay kana lang dito kasama nila, Ayoko namang masira ang magandang araw mo”
Nagpaalam din si Sheena kala Tyrone at Dex bago umalis. Kainis naman nawala tuloy bigla ang mga plano ko.
“Mark ayos kalang? Boring kana ba?” Tanong ni Dex sakin
“Ah eh hindi naman, Nandito kan man eh”
“Sus! kanina lang dimo ako pinapansin”
“Uii anong hindi! Selos ka ba? haha wag kang magselos kay Sheena ikaw padin naman ang Besyfriend ko”
Inakbayan ko si Dex, hindi naman ako boring ngayon kasi kasama ko ang Bestfriend ko.
“Ehem”
Napabitaw ako bigla kay Dex, Problema ni Tyrone? selos sigura sya kasi mas close kami ni Dex haha sorry nalang sya ako ang Bestfriend.
“Ano naba ang susunod nating gagawin?” Tanong ni Dezy
“Kahit saan maglibot nalang tayo dito”
Sinundan ko ko lang silang dalawa hanggang sa makarating kami sa may bilihan ng mga sapatos, Ang sarap sanang bumili kaya lang kulang ako sa budget ngayon. Napansin kong parang medyo boring na si Dex kaya naisipan kong ihalihin sya.
“Mark saan mo ako dadalhin?”
“Sa labas”
“Ha anong gagawin natin don? pano si Tyrone?”
“Basta, Hayaan mo na si Tyrone malaki na sya kaya na nya ang sarili nya”
Lumabas kami mg mall at dinala ko sya sa nadaan namin ni Sheena na mga nagtitinda ng streetfoods, Kita ko sa mata ni Dex na takam na takam sya.
“Kuha kana, Libre ko”
“We? dinga?”
“Ayaw moba? sige ikaw nalang magbayad”
“Ito naman niloloko kalang eh, Alam mo naman nagtitipid ako”
Habang nagsasalita sya ay sigeng tuhog nya ng fishball haha.
“Naalala moba dati Dex, Inuulam natin to nung Nasa Junior high palang tayo”
“Oo! hahaha ang sarap kasi lalo na kapag maanghang yung sauce”
Ang ingay naming dalawa ni Dex, Natatawa tuloy samin yung nagtitinda.
“Grabe mark, ang sakit ng tyan ko”
“Ang takaw mo kasi kulang nalang kainin mo yung nagtitinda”
“Haha baliw ka talaga”
“Haha sakto lang”
“Alam mo Mark na miss ko to, Akala ko hindi na kita makakasama ulit”
“Ako din na miss koto”
“Pero nag-aalala ako kay Tyrone baka hinahanap na tayo non”
“Wag kang mag-alala chinat kona kanina pagkalabas natin at nakauwe na siguro yon”
“Hay buti naman”
“May gusto kaba kay Tyrone?”
“Ako may gusto kay Tyrone???? wala noh!!! sya lang naman yung lapit ng lapit sakin”
“Mabuti naman, Pero kung magugustahan mo man sya kikilatisin ko muna”
Dahil madilim nadin ay nagdesisyon na kami na umuwe na, Kahit hindi ko nakasama ng matagal si Sheena atlis nakasama ko si Dex ang tagal nadin kasi namin na hindi lumalabas ng kami lang.
CHAPTER 14 “NICOLE”
DEX’S POV
“Be anong nangyari sa double date nyo kahapon?” Tanong sakin ni Miles
“Wala naman, kumain tapos naglaro ng kung ano-ano”
Nagulat nalang ako ng bigla akong batukan ni Miles ng mahina.
“Aray naman, Bakit mo ako binatukan?”
“Pano kasi sinungaling ka, Magkwento kana kasi”
Oo nga pala nakalimutan kong may pagkachismosa din pala si Miles gahaha, Kinuwento ko sa kanya na sinundo ako ni Tyrone sa bahay at ang loka todo kilig pinaghihila pa ang buhok ko, Tapos ayon kumain kami at nasaktan na naman ako dahil ang sweet ni Mark at Sheena. Tapos yung paghila nya sakin at pag iwan namin kay Tyrone para makapag bonding kami.
“Alam mo be, Kung ako sayo sabihin mona kay Mark na gusto mo sya”
“Hindi ko pa nga kaya sa ngayon”
“Hay nako be sinasaktan molang lalo ang sarili mo, Bahala ka ikaw den malay mo may gusto din sayo si Mark”
“Saan mo naman nakuha yan? eh may nililigawan ngayon”
“Malay mo, Bakit ba haha” -Miles
Malay lang pala eh! Imposibleng magkagusto sakin yon, Magkaibigan lang kami eh! Kaibigan lang ang turing nya sakin huhu.
Habang naglalakad kami ni Miles papuntang library ay dumating si Tyrone at inakbayan agad ako.
“Dex ang daya nyo kahapon ah, iniwan nyo ako”
“Ah kasi––”
“Ayos lang yon haha, Alam ko naman na mas gusto mo talagang kasama si Mark kesa sakin”
Hindi ako nakasagot sa sinabi nya bigla tuloy akong naguilty.
“Uii be ano yon? bakit parang close na kayo ni Tyrone?”
Nang makapasok kami sa library ay umupo muna kami at kinuwento ko sa kanya Na alam ni Tyrone na may gusto ako kay Mark at pati nadin sa naging kasunduan naming dalawa ni Tyrone.
“Bakit ka pumayag!?”
“Eh kasi baka sabihin nya kay Mark”
“Nako be kilala ko yung Girlfriend ng Tyrone nayon. Attitude yon”
Kinabahan naman ako sa sinabi nya, Na imagine ko tuloy yung itsura ni Nicole na galit na galit sakin tapos sasabunutan ako at kakaladkarin tapos bubuhusan ng tubig huhu. Ang lawak ng imagination ko noh? haha.
“Ah basta. Wala naman akong ginagawang masama hindi ko naman inagaw ang boyfriend nya”
Hanggat malinis ang konsensya ko hindi ako dapat kabahan ang kung may balak syang saktan ako syempre lalaban ako.
NICOLE’S POV
Habang naglalakad kami nila Julia At Chrisdel ay nakita ko si Tyrone lalapitan ko sana sya pero may nilapitan syang iba at inakbayan pa nya.
“OMG Girl, Diba si Tyrone yon? At yung inakbayan nya ay ayon din yung niyakap nya nuong nakaraang araw”
“Tssk kung sino mangyan lumalandi kay Tyrone makakatikim sya satin, Hindi ba nya alam na boyfriend na ang nilalandi nya”
“Pwede ba, ayoko ng gulo at ako naman ang humingi ng space kay Tyrone”
Kasalanan ko naman kung bakit may ibang nilalandi ngayon si Tyrone dahil hindi ko kayang ipaglaban ang relasyon namin dahil natatakot ako sa sasabihin ng mga magulang ko.
Kahit masakit ay nakipaghiwalay ako sa kanya dahil masyado na akong nagiging unfair kay Tyrone sya mahal na mahal nya ako pero ako? Lagi ko syang tinatanggi at kinahihiya siguro ito yung consequence sa ginawa ko.
Kung sino man ang taong kasama ni Tyrone ngayon sana lang mahal din sya dahil ayon ang hindi ko nagawa ng magkasama kami.
“Pero Nicole? Space lang hiningi mo hindi pa kayo totaly break pano kung nilalandi ng baklang yon si Tyrone? paano na kayo?” -
“Kung mahal ako ni Tyrone, Ako at ako lang ang pipiliin nya”
Pagkatapos non ay iniwan kona ang dalawa. Oo masakit dahil nakita ko may kasamang iba si Tyrone pero walang ibang dapat sisihin kundi ako lang kasi Ginusto ko naman ito eh.
……………….FLASHBACK……………..
Excited akong umuwe sa bahay dahil ngayon araw kolang din sinagot si Tyrone, Sa totoo lang ayaw talaga ng mga magulang ko na magboboyfriend ako pero sadyang mahal ko lang talaga si Tyrone, Pero sinagot ko sya sa kundisyong kami lang dalawa ang makakaalam pati ilang mga kaibigan tungkol sa relasyon namin.
“Pa may bisita po pala tayo”
Pagdating ko kasing galing school ay mag bisita na kaming isang medyo matandang lalaki at isang lalaki na siguro kaedad kolang.
“Oo anak maupo ka muna”
Nagmano muna ako kay Papa bago umapo. Seryoso silang lahat kaya medyo kinakabahan ako, Ano kayang meron? sino kaya yung mga bisita namin si mama naman ng handa ng meryenda para sa kanila.
“Anak nandito kana. Ngayon pwede na tayong magsimula”
Kasali talaga ako? kinabahan tuloy ako dahil hindi ko naman kasi kilala tong dalawang bisita namin.
“Nicole anak, Makinig ka. Siya si Mr. Lee at ang anak nyang si Tommy”
Nakipag kamay ako sa kanila bilang paggalang.
“At si Tommy ang
mapapangasawa
mo in the future“
Napatayo ako sa sinabi ni papa, Mapapangasawa ko ang isang lalaki na hindi ko man lang kilala. Balak kopa naman sana sabihin kala papa ang tungkol samin ni Tyrone kaya lang natakot nako bigla.
“Pa!? ano po ito? ipapakasal mo ako sa kanya?”
“Yes Nicole, Sa ayaw at sa gusto sya mapapangasawa mo”
“Pa naman! Hindi ako magpapakasal sa isang lalaking hindi ko kilala at lalong hindi ko mahal”
“Anak, Hindi pa naman kayo ikakasal sa ngayon kaya pwede mopa syang makilala”
Sa sobrang inis ko ay tumakbo ako papasok ng kwarto at ni lock yung pinto, Sobrang sakit kasi hindi man lang inisip ni papa ang mararamdam ko. At hindi ko kayang magpakasal sa iba dahil si Tyrone lang ang mahal ko.
Lumipas ang mga araw ay hindi ako pinapansin ni Papa sa bahay galit siguro sya dahil sa pagtanggi ko, Kaya hindi kona din naipaalam sa kanila ang tungkol samin ni Tyrone at simula non mas pinili kong lalong isekreto ang relasyon namin. Pero dumating sa point na hindi kona kaya, Kaya kinailangan ko ng space.
……………END OF FLASHBACK……………
Habang nasa klase ako ay hindi ako mapakali dahil narealize kona na hindi ko pala kayang mawala si Tyrone. Kailangan ko sya makausap. Tumayo ako at lumabas para hanapin si Tyrone.
DEX’S POV
“Miles samahan mona kasi akong ibalik itong hiniram nating libro sa library”
“Be, Tinatamad ako ikaw nalang. Kaya moyan”
Hindi kona sya napilit dahil hinawakan na nya ako sa balikat at tinulak sa palabas, Grabe talagang tamad ng babaeng yon.
Habang naglalakad ako papuntang library ay may humarang sakin na dalawang babae at nakataas pa ang kilay nilang dalawa.
Pero dahil sa hindi ko nga sila kilala wala akong balak na tanungin kung bakit nila ako hinarang, Lalapagsan kona sana sila pero hinawakan nung isang babae ang braso ko.
“Aalis kana agad eh hindi pa nga tayo nag-uusap” sabi nunh isang babae.
“Sino ba kayo?” tanong ko sa kanila.
“Ay sorry nakalimutan naming magpakilala, By the way ako nga pala si Julia at ito ang aking kaibigan na si Chrisdel”
“Hindi ko kayo kilala kaya pwede na bitawan mona ako”
“Hindi mo kami kilala pero ikaw kilala ka namin, Isang malandi at mang-aagaw ng boyfriend”
Ouch! grabe maka malandi ah! san ba nila pinagkukuha ang mga pinagsasabi nila eh wala naman akong inaagaw.
“Sorry miss ha? baka maling tao ang kinakausap nyo, Hindi ako yon”
Aalis na sana ako pero biglang hinila ni Julia ang buhok ko at mabilis na nila at tinulak.
“Sa susunod kasi pipiliin mo kung sino ang lalandiin mo”
Hindi na ako nakalaban dahil sa bilis ng pangyayari at ayaw kodin silang patulan dahil mga babae sila, Hindi ko din alam kung saan nanggagaling ang mga pinagsasabi nila huhu.
“Tigilan nyo na sya!”
Napalingo ako sa pinanggilang ng boses, Isang babae ang lumapit samin. Hindi ako pwedeng magkamali sya yung Girlfriend ni Tyrone.
“Nicole, Sayang hindi mo—–”
Hindi na natapos ni Julia ang sasabihin nya dahil nasampal na sya ni Nicole.
“Nicole bakit mo sya sinampal? Tinulungan ka na nga naman na iganti sa baklang yan”
“Hindi ko kailangan ng tulong nyo kaya umalis na kayo!”
Sinigawan nya yung dalawa at nagmadali silang umalis, Parang kanina mga dragon sila tapos biglang naging maamong tuta. Katakot pala tong si Nicole, Lumapit sya sakin at tiningnan ako OMG! handa na ako sa gagawin nya sigurado ako na kakalbuhin nya ako. Sa takot ko ay napapikit nalang ako at nagantay nalang sa susunod na mangyayari.
“Ayos kalang ba?, pasensya kana sa dalawang yon ha?”
Napadilat ako kasi yung inaasahan kong gagawin nya ay hindi nangyari, Ang aliwalas ng mukha nya at nakangiti sakin.
“Diba ikaw yung Girlfriend ni Tyrone?”
“Oo ako nga, at ikaw yung bagong nililigawan bya diba?”
What nililigawan? haha san nya naman nakuha yon?
“Nako nagkakamali ka, Ikaw lang ang mahal nya”
Dirediretso sagot, Totoo naman kasi eh at mas mabuti ng sinabi ko nang maaga baka kung ank pa ang isipin nya.
Tinulungan nya akong tumayo, Pero biglang dumating si Tyrone at itinulak si Nicole.
“Nicole anong ginawa mo kay Dex?!”
“Tyrone wala akong ginagawa sa kanya” mahinang sagot ni Nicole
“Anong wala?! kitang kita ko ayan ang ebidensya oh, Tinulak mo sya!”
“Tyrone nag––”
Hindi kona natapos ang sasabihin ko dahil pinigilan ako ni Tyrone, Kung inaakala nya na sinaktan ako ni Nicole nagkakamali sya.
“Hindi ko sya tinulak, Tinutulungan ko lang sya”
“Nicole wag kanang magpaliwanag, Umalis kana lang!”
Kita kong umiya si Nicole dahil sa pagsigaw sa kanya ni Tyrone, Gusto kong magsalita pero natameme ako dahil ngayon kulang nakitang magalit si Tyrone. Tumakbo palayo si Nicole, at tinulungan ako ni Tyrone na makatayo naaawa ako kay Nicole tinulungan lang naman nya ako pero sya pa ang napasama.
“Tyrone salamat”
“Wala yon Dex, Diba sabi ko sya hindi ko hahayaang saktan ka ni Nicole”
“Nagpapasalamat ako hindi dahil ipinagtanggol mo ako kay Nicole, Salamat kasi Concern ka sakin pero hindi ako sinaktan ni Nicole maniwala ka”
“Ano? Pero bakit nasa sahig ka at magkasama kayo?”
“Dahil tinulungan nya ako, Yung naabutan mo? tinutulungan ako ni Nicole. Hindi ko nasabi agad kanina dahil ayaw kong sumabay sa galit mo”
Napahawak nalang si Tyrone sa ulo nya at pinagsusuntok ang pader.
“Ang tanga tanga ko! kalalaki kong tao nananakit ako ng damdamin ng isang babae!”
Pinigilan ko si Tyrone sa ginagawa nga dahil nasasaktan na nya ang sarili nya.
“Tyrone tama na, Sundan mo si Nicole hindi paa sya nakakalayo. Magsorry ka sa kanya”
Nabuhayan si Tyrone sa sinabi ko at tumakbo sya paalis para sundan si Nicole. Sana lang talaga magkaayos na sila, Dahil ramdam ko kung gaano nila kamahal ang isat-isa at kung ano man ang humahadlang sa kanila ay sana malampasan nila yon nag magkasama.
NICOLE’S POV
Ang sakit nang nararamdaman ko ngayon dahil hindi man lang nya ako hinayaang magpaliwanag sa totoong nangyari, Ganon naba kalaki ang galit sakin ni Tyrone kaya hirap syang paniwalaan ako.
Umupo ako sa isang bench at doon umiyak, Hindi kona naisip kung may dadaan o makakakita pa sakin. Mahal na mahal ko si Tyrone at sobrang nagsisisi na ako dahil naging mahina at ako at hindi ko nagawang lumaban, Hinayaan ko ang sarili a lamunin ng takot kaya ito ang nangyari.
Habang umiiyak ako ay napansin kong may lalaking nakatayo sa harap ko at may inabot na panyo, pag angat ng mukha ko ay nakita ko si Tyrone. Anong ginagawa nya dito? akala koba galit sya sakin?
“Punasan mo nayang luha mo, Pumapangit ka kasi kapag umiiyak ka”
Natawa ako sa sinabi nya at kinuha yung panyo na inabot nya, at tumabi sya sakin.
“Nicole ano bang nangyari satin? bakit tayo umabot sa ganito? Minahal lang naman ang isat-isa diba?”
“Sorry Tyrone ako lahat ang dapat sisihin, Ako ang may kasalan kung bakit tayo nagka ganito”
“Kahit kailan hindi kita sinisi Nicole, Tinatanong kopa nga ang sarili ko kung may kulang pa ba sakin”
“Tyrone walang kulang sayo, Ako ang naging mahina at hindi lumaban. Pero nagising na ako simula sa araw nato ipaglalaban na kita”
“Anong ibig mong sabihin?”
“Ipapakilala na kita sa mga magulang ko”
Biglang sumaya ang mukha ni Tyrone at niyakap nya ako ng mahigpit.
“Wag kang mag-alala Nicole, Hindi ka nag-iisa nandito ako hindi kita iiwan”
Lalo akong nagkalakas ng loob dahil kay Tyrone, Tama sya hindi ako nagiisa at magkasama kami na haharapin lahat ng humahadlang samin.
“Pero Tyrone paano kayo ni Dex?”
Nagulat sya sa tanong ko, Na curious lang kasi ako sa closeness nilang dalawa.
“We’re Just Friends”
“Akala ko nilalagawan mo sya, At bakit kayo magkayap nuong nakaraan?”
“Saan mo naman nakuha ang chismis nayan? sa mga kaibigan mo siguro noh? Magkaibigan lang kami ni Dex. At yung yakap nayon, Sinadya ko talaga yon na ipakita sayo para alamin kung magseselos ka. Kaso hindi effective eh”
“Hoy anong hindi! nagselos kaya ako non”
“Nicole ikaw lang ang mahal ko, At wag kang magagalit kay Dex dahil kung hindi dahil sa kanya hindi tayo magkakaayos”
Sobrang saya ko dahil ayos na ulit kami ni Tyrone at nakahanda na ako sa sasabihin ng mga magulang ko ang importante ngayon ay magkasama kami.
Saka ko nalang din ikukuwenta sa kanya ang dahilan kung bakit ginusto kong manghingi ng space sa kanya. Magpapasalamat din ako kay Dex, Dahil kung hindi dahil sa kanya baka hindi kami magkakaayos ni Tyrone.
CHAPTER 15 “STOP & FAST FORWARD”
DEX’S POV
Masaya ako dahil mukhang magkakaayos na si Tyrone at Nicole sana lang talaga malampasan nila kung ano man ang bumabalakid sa kanilang relasyon.
“Dex!?”
Ito na naman ang isa sa mga problema ko, Si Mark dahil hanggang ngayon hindi ko padin nagagawang umamin sa kanya. Lumapit sya papunta sa sakin at todo ngiti, Bakit kaya nakangiti ang mokong nato? anong meron?
“Dex, Kailangan ko nang tulong mo”
“Bakit para saan?”
“Gusto kona kasing hingiin yung oo nya”
Natahimik ako sa sinabi nya, Talagang mahal na mahal nya si Sheena at mukhang wala na talaga akong pag-asa. Ito na naman nasasaktan na naman ang tanga kong puso, Mark hindi moba talaga alam na may gusto ako sayo???
“Dex ano tutulungan mo ba ako?”
Bumalik ako sa ulirat ng magsalita sya, Nakatulala na naman pala ako.
“Ah eh oo tutulungan kita”
Gusto kong bawiin yung sinabi ko dahil sa katangahan ng bibig ko.
“Talaga!?”
Sa sobrang tuwa nya ay niyakap nya ako ng mahigpit, Buti pa sya masaya eh ako? nagluluksa at durog na durog ang puso. Bakit ba ang unfair ng buhay? Kung sino pa yung mahal sya pa yung hindi pwede mapasayo, At sa dami dami ng taong pwede mong mahalin ay sa kaibigan mopa.
“Mark bitawan mona ako hindi ako makahinga” Malungkot kong pagkakasabi.
“Ay sorry, Pero bakit parang malungkot ka? Hindi kaba masaya para sa Bestfriend mo?”
“Ah eh ako hindi masaya? Syempre masaya ako” Pinilit kong ngumiti kahit ang totoo ay nasasaktan na ako.
“Wag kang mag-alala Dex, Ikaw paden ang kaisa-isa kong Bestfriend at hindi ka mapapantayan sa puso ko”
Bestfriend!
Bestfriend?
Oo na siguro nga dapat tanggapin kona yung katotohanan na hanggang Bestfriend lang ako sa buhay ni Mark at hindi na hihigit yon.
Umupo muna kami ni Mark sa isang Bench at nag-usap kung paano ang gagawin namin para mapasagot si Sheena, Naiisip kopa lang na kapag nalam ni Miles na ako ang tumulong kay Mark para mapasagot si Sheena ay natatakot na ako sa pwede nyang gawin at sabihin sakin, Siguro masasampal na nya ako sa sobrang katangahan ko (Sampal ng kaibigan).
“Dex kinakabahan talaga ako bukas”
“Ang OA mo dipa naman kayo iikasal”
“Kahit na, Pero alam mo darating din kami dyan dahil alam ko si Sheena na ang babaeng makakasama ko habang buhay”
Sige Mark ipamukha mopa sakin na mahal mo si Sheena, Kulang pa ata yung sakit para sakin.
“Hindi mo masasabi yan Mark dahil nababago ang panahon baka bukas yung mahal mo may mahal ng iba, At yung totoong nagmamahal sayo ay ayon ang makikilala mo”
Ang taray ko! may pag hugot haha double meaning yan! Sana lang tamaan si Mark.
“Wag ka ngang ganyan Dex, Naiisip kopa lang na maghihiwalay kami ni Sheena eh hindi kona kaya”
“Bakit totoo naman yung sinabi ko ha? Pero kung talagang kayo edi kayo”
“Pero Dex paano moba malalaman na sya yung taong para sayo?”
Napaisip ako sa sinabi ni Mark, Oo nga noh? paano mo kaya malalaman kapag nalaman mong sya na?
“Ibabalik ko sayo yung tanong Mark, Anong naramdaman mo nang makita mo si sheena?”
Nag-isip mona sya bago nya sinagot ang tanong ko.
“Nang makita ko si Sheena, Biglang nag STOP ang mundo yung parang kami nalang ang tao sa mundo. Walang ibang magkasama kundi kami lang at parang sa amin lang ang mundo”
Ang drama ni Mark kainis! Nag stop talaga? Pwes darating ako don para iPLAY ang mundong pinatigil nila (Feeling Kontrabida).
“Alam mo Mark mas naniniwala padin ako na kapag nakita mo ang mahal mo or Natagpuan mona si The One? Fast Forward ang makikita mo. Yung Feeling na kapag nakita mo sya biglang bibilis ang lahat makikita mo na masaya kayo na magkasama, Na magpapakasal kayo sa isang Simbahan at sabay nyong buuhin ang bahay na pinapangarap nyo at magkakaroon kayo ng mga anak at higit sa lahat hanggang sa pagtanda kayo paden ang mag-kasama.”
“Wow Dex Saan naman nanggaling ang Hugot nayan?”
Pashnea! nadala ako ng damdamin! Hindi ko namalayan ang mga pinagsasasabi ko huhu nakakahiya humuhugot na naman si Ako!
“Ah eh Basta wag muna tanungin”
Pagpapalusot ko sa kanya
“Bakit nahanap mona ba si The One? Sino yon Si Tyrone?”
“Hoy Anong si Tyrone!!! Magkaibigan lang kami!”
“Haha Joke lang ito talaga hindi mabiro, Pero Dex kung sino man yang Nagugustuhan mo napakaswerte nya at Napakatanga din nya kung hindi ka nya maappreciate”
Lumungkot bigla yung mukha ko,Gaano kaba katanga Mark?? dahil hanggang ngayon hindi mopa din alam na ikaw yung Mahal ko.
“Sana nga maappreciate nya ako”
“Mukhang inlove na talaga ang Bestfriend ko, Sino bayang maswerteng lalaking yan? kilala koba yon?”
“Oo Mark kilang kilala mo sya”
“Talaga? Sino yon? sabihin mona sakin nang makilatis ko kung talagang pwede sya sayo”
“Wag na Mark, Siguro sasabihin ko nalang sayo sa Tamang panahon”
“Ano bayan Dex and daya mo naman ako nga sinabi ko agad sayo namay nililigawan ako, Tapos ikaw may Tamang Panahon kapa talagang nalalaman?”
“Gusto mo ba talagang makilala kung sino sya?”
“Syempre oo”
Sasabihin koba o Hindi?? Parang may bumubulong sakin na “Dex Sabihin mona ito na ang tamang panahon na hinihintay mo” At yung isa pang bumulong “ Wag mong sabihin dahil masasaktan kalang sa magigiring reaksyon nya“.
Grrr kainis naman! Ganito ba talaga kahirap mag mahal? Yung tipong pag amin nalang nahihirapan ka na.
“Mark kasi Ikaw talaga yung Gu––––”
“Dex!!!!!!”
Hindi kona natapos ang sasabihin ko dahil biglang sumigaw si Miles. Jusko naman Miles ito na nga eh, aamin na nga ako pero bigla ka namang sumingit sa eksena.
“Anong problema Miles? Bakit parang hingal na hingal ka?”
“Be Halika kana”
Bigla akong hinila ni Miles kaya naiwan namin si Mark, Ano kayang ipapakita sakin nang babaeng to? Pag hindi lang talaga importante yon may kotong sya sakin (mga 3 jahhaha), Nakarating kami sa Quadrangle ng school at nakakapagtaka kasi ang daming mga studyante ano kayang meron may artista kaya? Nakisingit kami sa mga estudyanteng nag kukumpulan hanggang sa makarating kami sa pinaka Harap.
Nakita kong magkasama si Tyrone at Nicole, At sakto pagdating namin ay muling hiningi ni Tyrone ang matamis na oo ni Nicole, Umuo naman si Nicole sa kanya kaya todo kilig ang sangkabaklaan at mga kababaihan sa school, Kahit ako hindi naiwasang hindi kiligin. Buti pa sila hayss sana all my Love life din. Nang makita kami nila Tyrone ay lumapit sila samin.
“Congrats sa inyong dalawa” Bati namin ni Miles.
“Salamat Dex” sagot ni Nicole
“Dex Gusto kolang magpasalamat sa pagtulong mo sa amin”
“Wala akong ginawa Tyrone, Sadyang mahal nyo lang talaga ang isat-isa”
“Pero kahit na ikaw padin ang naging susi para maliwanagan kami. Kaya ikaw sana Masabi mona kay Ano na mahal mo sya bago oa mahuli ang lahat”
Pinandilatan ko naman si Tyrone kainis sya pasalamat sya nandyan si Nicole dahil kung wala baka nakatikim to sakin si Tyrone.
“Change topic” Sabi ko nalang para hindi na nila ako tuksuhin.
Masaya ako para kay Tyrone at Nicole sana nga talaga may Forever para sa kanila.
Lumapit din sakin yung dalawang kaibigan ni Nicole na sina Chrisdel at Julia. Humingi sila ng sorry dahil sa nagawa nila sakin alam ko naman na hindi nila sinasadya yon dahil nagawa lang nila yon dahil gusto nilang tulungan ang kaibigan nila kaya pinatawad kodin sila.
MARK’S POV
Kinakabahan na ako para sa gagawin ko bukas sana lang talaga magustuhan ni Sheena ang gagawin ko.
Maganda naman ang naging plano namin ni Dex mabuti nalang talaga meron akong kaibigan na maasahan at laging nandyan sa tabi ko at hindi ako iniiwan.
“Anong ginagawa mo dyan?”
Nasa harap ko na pala si Sheena, Hindi ko agad napansin kasi malalim ang iniisip ko.
“Ah eh nagpapahangin lang”
“Ganon ba? bakit wala ka sa Quadrangle kanina?”
“Bakit anong meron don?”
“Si Tyrone may ginawang surprise para kay Nicole na girlfriend na nya ngayon”
Ayon siguro yung dahilan kaya biglang hinila ni Miles si Dex, Hindi ko akalain na may nagugustuhan din pala yong lalaking yon.
“Alam mo sayang naman”
“Bakit naman sayang?”
“Kasi akala ko si Dex yung gusto nya, Diba nuong nakaraan lang magkasama yung dalawa at ang sweet sweet pa nila?”
Napaisip ako sa sinabi ni Sheena, Pero ang sabi sakin ni Dex kaibigan lang ang tingin nya kay Tyrone at base sa pagkakakwento nya sakin ay may iba syang gusto.
“Si Dex At Tyrone magkaibigan lang yon”
“Ay akala ko may something sa dalawa “
“Wag na natin silang pag-usapan”
Niyaya kona si Sheena na tumayo para hindi na namin pagusapan ang something tungkol kay Dex at Tyrone.
Buong mag hapon ay hindi ako makapag focus sa klase kakaisip sa gagawin ko bukas, Grabe na yung kaba ko ganito pala ang Feeling kapag hihingin mona ang Oo nang isang babae. Mas madali lang pala manuod sa mga video kesa sa actual na ikaw mismo ang gagawa.
“Mukha malaki ang problema ha?” Ani Tyrone
“Hindi, Sumakit lang bigla ang ulo ko”
Nagdahilan baka kung ano pang itanong ng mokong nato, Medyo naging close nadin kaming dalawa dahil kay Dex.
“Kung ano man yan Goodluck”
Easy easy lang sya palibhasa napasagot na nya yung Girlfriend nya, Ako kaya sasagutin din ni Sheena? sana Sagutin nya ako.
DEX’S POV
“Ano masakit ba?” bulong sakin ni Miles
Magkakasabay kasi kaming unuwe nila Mark at Sheena. Oo masakit talaga, Pero kaya kong magtiis kaya kong saluhin lahat ng sakit.
“Guys Gusto nyo ba sumama sakin?”
Biglang tanong ni Miles sa aming tatlo.
“San na naman yan Be?”
“Basta sumama na kayo”
Tiningnan muna ni Mark si Sheena at nagaantay ng sagot kung papayag sya, Tumango naman si Sheena kaya sumunod na kami Kay Miles. Saan kaya kami dadalhin ng babaeng to.
Pumasok kami sa mall at naglakad ba nang medyo mahaba at huminto kami sa tapat nang isang babae.
“Nandito na tayo”
“Ano bang gagawin natin dito?”
“Sya si Madam Hula, Kaya nyang hulaan ang kapalaraan ng isang tao”
“Miles? Naniniwala kapa din ba sa mga hula? nasa 21st Century na tayo”
“Nako be Magaling yan si Madam Hula”
Si Mark at Sheena naman nakatingin lang.
“Nakikita ko. May Mahal ka, Pero hindi mo masabi sa kanya dahil natatakot ka”
Natahimik agad ako sa sinabi nang manghuhula OMG! paano nya nalaman yon????? Totoo kayang manghuhula sya huhu.
“Ah eh hello Madam Hula? ano po yung sinasabi nyo?” Nagtanong ulit ako sa kanya kasi baka nangtitrip lang sya haha.
“Maupo ka”
Kinabahan ako bigla huhu, Katakot kasi sya parang mangangain ng tao char! Hinawakan nya yung kamay ko at tinitigan ang palad ko.
“Masasaktan ka, Hanggang Minamahal mo sya masasaktan ka. Kaya samibihin muna sa kanya hanggat maaga pa. May makilala kang isang taong gugulo sa puso mo pero mag paparamdam sayo ng tunay na pag-igib.”
Ay grabe sya sakin, Masasaktan talaga? Grabe naman ka malas nang love life ko. Tumayo na ako tapos tinawag nya si Mark.
“Bilog ang mundo, Ang nasa taas pwedeng bumaba. Ang Taong mahal mo pwedeng hindi muna mahal at ang isang naghihintay ang pwedeng pumalit”
Totoo kaya yung sinasabi nang manghuhula?
Nag matapos kaming hulaang apat ay umalis na kami, Pero nakatatak padin sa isip ko ang mga sinabi nya. Ano kayang ibig sabihin nang mga sinabi nya?
Hayyss pero kahit ano pang sinabi nya ako padin ang dapat gumawa ng sarili kong tadhana.
“Isang taong gugulo sa puso ko? Pero magpaparamdam ng tunay na pag-igib?”
CHAPTER 16 “BA’T DIKO BA NASABI?”
DEX’S POV
Ang bigat nang pakiramdam ko ngayon at parang ayaw kona namang pumasok, Siguro dahil ngayong araw na yung gagawing surpresa ni Mark kay Sheena. Pagopen ko ng Facebook ay andami na agad messages sakin ni Mark.
“Dex asan kana?”
“Dex agahan mo pumasok ha? mag aayos pa kasi tayo don”
“Dex asikaso nako, asikaso kana din para maaga tayo”
“Dex kita tayo sa school”
Kainis tinadtad na nya ako, Excited naman sya masyado eh maaga pa naman. Kahit labag sa puso’t isip ko ay bumangon ako pakiramdam ko lalagnatin ako sa sobrang pag-iisip sa mangyayari mamaya. Hindi kopa nga nasasabi kay Miles ang tungkol dito dahil sigurado ako pipigilan nya ako.
Pagdating ko sa school ay medyo madami nang tao sa quadrangle mga kakuntyaba ni Mark at nag-aayos na sila nang makita ako ni Mark na paparating ay agad syang lumapit sakin.
“Dex bakit ngayon kalang?” -Mark
“Traffic kasi, Sorry”
“Ayos lang, ano maganda ba?” -Mark
Tumango nalang ako at pinagmasdan ang disenyong ginagawa nila maraming balloons na nakalagay sa halaman, At mariming petals ng rose na kinorteng puso sa gitna ng quadrangle. At yunh mga estudyangteng may mga hawak ng mga Letters ay nagreready nadin. Okay naman na siguro ang lahat, Baka hindi na ako kailangan dito.
“Mark maganda sya, Mukhang wala na dapat idagdag. Paano una na ako ha? may gagawin pa kasi akong assignment”
“Sandali lang Dex, Ano kasi pwede bang ikaw ang mag-papunta kay Sheena dito? Please” -Mark
Ito na naman ang paawa effect, Gusto kong mainis sa kanya pero natatabunan yon ng pagmamahal ko.
“May klase yon ngayon, ayokong makaabala”
“Dex please gawan mo nang paraan pwede? Please lang Dex. “ -Mark
Makakahindi paba ako? pag humindi ako alam kong madidisappoint sya sakin at ayokong mangayari yon.
“Oo na, Ako na ang bahala”
Napayakap naman sakin si Mark sa sobrang tuwa nya, Minsan naiinis nadin ako sa sarili ko dahil sa mga tangang desisyon na nagagawa ko.
Inalis kona ang pagkakayakap nya at naglakad na ako palayo pakiramdam ko kasi ano mang oras bubuhos na ang mga luha sa mata ko.
Tumakbo ako palayo sa kanila at humanap na lugar kung saan walang makakakita sakin, Nakarating ako sa likurang bahagi ng school at doon ko binuhos ang lahat sakit at hapding nararamdaman ko. Ganito ba talaga kapag nagmamahal ka? Kailangan talaga nasasaktan ka? Humawak ako sa kaliwang bahagi ng aking dibdib, Nahihirapan ako huminga. Umiiyak ako na parang wala nang bukas pero iniwasan kong lumikha ng ingay dahil baka may makakita sakin para akong baliw dahil sa ginagawa ko.
Ilang minuto din ang luhang yon pero hinang hina ako, inayos ko ang sarili ko dahil kailangan kopang puntahan si Sheena, Nang mga aros nayon sumasagi din sa isip ko na wag nang puntahan si Sheena pero masyadong matibay ang pagiging magkaibigan namin ni Mark kaya kahit masakit gagawin ko kahit sa kabila nito ay namumukhang tanga na ako.
Nang makarating ako sa tapat ng room nila Sheena ay nakisuyo ako sa isa nyang Classmate na tawagin sya.
“Dex tawag mo daw ako?” -Sheena
“Ah eh oo, Kasi si Ano. Si Mark”
“Bakit anong meron sa kanya? wait are you crying?” -Sheena
WTF napansin nya siguro yung mata ko na pakiramdam ko nga namamaga eh.
“Hindi ah, Nasundot lang ni Miles kanina habang naghaharutan kami”
“Ganon ba? Ano nga ulit yon? may Nangyari ba kay Mark?” -Sheena
Lord help me anong idadahilan ko sa kanya, Hayss bahala na si Batman.
“Si Mark nabugbog nandon sya sa may quadrangle”
“Ano!!!! Sino ang bumubog sa kanya?” -Sheena
“Basta puntahan mo nalang”
“Sige, Sige”
Nagmadali tumakbo si Sheena halata sa mukha nya ang pag-aalala. Ako naman hindi kona nagawang sumunod dahil baka hindi ko makaya ang mga makikita ko mamaya. Siguro sasarilinin ko nalang ang sakit.
SHEENA’S POV
Grabe yung kaba ko dahil sa sinabi ni Dex, Bakit naman kaya mabubogbog si Mark eh wala naman syang kaaway.
Pagdating ko sa quadrangle ay lalo akong kinabahan kasi ang daming estudyante, Sumingit ako sa mga nagkukumpulang estudyante pero pagdating ko sa gitna ay wala naman don si Mark, May lumapit sakin na dalawang at hinila ako papunta sa gitna lahat sila nakatingin sakin OMG? ano bang nangyayari dito bakit lahat sila nakatingin sakin?? may mga lobo sa gilid. Meron kayang may Birthday? huli kona napansin na nasa gitna pala ako nang hugis puso na gawa sa mga petals ng rose. Mayamaya ay may Tumugtog, kanta yon ni ED SHEERAN na “PERFECT” Bawat linya ng kanta ay may lumalapit sakin na mga estudyante at may inaabot na roses. Ano ba talagang meron?? naguguluhan na ako. Nang patapos na yung kanta ay nakita ko si Mark at papalapit sya sakin, Yung ngiti nya sakin lalong nagpapasaya sa puso ko. Nang makalapit sya sakin ay may inabot ulit syang bulaklak.
“Mark ano to?”
Lumuhod sya sa harap ko, Sa harap ng mga estudyante dito meron din mga teachers na nanonood.
“Sheena? Mahal na mahal kita, Can you be my Girlfriend?” -Mark
Luminya ang mga estudyante at may mga letters silang hawak na naka sulat “CAN YOU BE MY GIRLFRIEND”. Tumingin ako sa mga mata ni Mark at nag-aantay nalang sya ng oo ko. Nagsigawan naman yung iba ng YES!!!!.
Dahil mahal ko din naman si Mark at Alam kong mahal nya din ako ay Umuoo na ako sa kanya.
Umingay naman ang buong paligid at ang ngiti ni Mark ay aabot na sa tenga, Masaya ako dahil alam kong masaya din si Mark.
“Sheena salamat” -Mark
“Bakit ka nagpapasalamat?”
“Kasi umuo ka sakin” -Mark
“Napilitan lang ako kasi ang daming tao, ayaw kitang mapahiya”
Lumungkot bigla ang mukha ni Mark dahil sa sinabi ko, Haha ang cute nya magtampo.
“Seryoso ka?” -mark
“Joke lang! ito naman hindi mabiro”
“Akala ko totoo yon, wag muna ako lolokohin sa susunod ha?” -mark
Ngumiti lang ako sa kanya, Sobrang tuwa ko dahil sa effort ni Mark sa pag surprise sakin at yung sinabi sakin ni Dex kanina parte lang pala ng plano nya haha paniwalang paniwala na ako eh. Pakiramdam ko ako na ata ang pinakaswerteng babae sa mundo dahil alam kong mahal ako ng mahal ko. Hinatid ako ni Mark hanggang sa room ko at grabe yung mga kaklase ko todo kilig, Tinalo pa ako parang sila yung sumagot na oo.
DEX’S POV
Dumiretso agad ako sa room namin kinuha ko yung gamit ko dahil uuwe nalang ako.
“Be saan ka pupunta?” -Miles
“Uuwe muna ako dahil sumama ang pakiramdam ko”
Lumapit agad sakin si Miles at hinimas ang leeg ko.
“Hindi ka naman mainit ah? Dex bakit namamaga ang mata mo, Umiyak kaba?” -Miles
“Napuwing lang ako Miles”
“Napuwing? bakit gaano ba kalaking dumi ang pumasok sa mata mo at namaga yan ng ganyan? Sabihin mo nga sakin si Mark na naman ba yan?” -miles
Hindi ako nakasagot sa sinabi nya, Hindi ko kasi alam kung paano sasabihin sa kanya.
“Sabi ko na nga ba eh, Dex ano bang nangyari?” -Miles
“Miles uuwe muna ako. Sa susunod nalang ako magpapaliwanag”
Nagpaalam na ako sa kanya at lumabas na ng classroom. Alam kong nag-alala sakin si Miles pero hindi ko pa talaga kayang mag kwento ngayon.
Hindi ko na nga din nagawang magpaalam sa mga teachers ko eh, Mabuti nalang close ko yung guard kaya pinalabas nya din ako agad.
“Dex!”
Paglingon ko si Tyrone kasama si Nicole. “Hello sa inyo?”
Hindi ako makatingin sa kanila dahil ayaw kong makita nila ako.
“Dex, Gusto lang namin mag thank you sayo dahil official na kami ni Nicole.” -Tyrone
“Talaga? mabuti naman kung ganon”
“Oo nga eh, Mabuti nalang nagkalakas ako ng loob para ipaglaban ang pagmamahalan namin ni Nicole” -Tyrone
Mabuti pa sya nagkaroon na ng lakas ng loob, eh ako kelan kaya? magkakaroon pa kaya?
“Masaya ako para sa inyo”
“Masaya pero bakit parang malungkot ka?” -Tyrone
“Wala masama lang ang pakiramdam ko, Pano una ako ha?”
Gusto kopa sanag makipag-usap sa kanilang dalawa kaso lang hindi kopa kayang makipagusap sa ngayon at ayaw kong makita nila na ganito ang itsura ko.
Kinuha ko yung earphone na nasa bag ko at nagpatugtog tinodo ko ang volume dahil ayaw ko muna marinig ang ingay ng paligid. Una kong napindot ang kanta ni Krizza Nerri na
“Bat diko ba Nasabi”
Heto na naman ako nag-iisa Nakalutang lang sa hangin at lagi nang tulala Sobra ang pagsisisi at parang hindi na tatagal Di ko nasabi na kita’y minamahal
“Kasalanan koba talaga? Ganon ba ako katanga dahil hindi ko nasabi sa kanya na mahal ko sya”
Pag bumabalik sa isip ko ang nangyari Kung paano ang damdamin ko’y di nasabi May pag-asa ba ang tulad kong hangal Di ko nasabi na kita’y minamahal
“Bakit ngayon alam kong sila Mark at Sheena na ay parang nagsisi ako dahil hindi ko nasabi sa kanya yon”
Ba’t di ko pa nasabi tanong ko sa sarili Panahong lumipas sa ‘tin ay nasayang lang Ba’t di ko pa nasabi ang puso ko’y nagsisisi Kung maibabalik ko lang sana Kung maibabalik ko lang sana
Sa tuwing nasasalubong kang kasama siya Masaya kayo sa piling ng isa’t isa Para bang ang puso ko’y sinasakal Di ko nasabi na kita’y minamahal
Ba’t di ko pa nasabi tanong ko sa sarili Panahong lumipas sa ‘tin ay nasayang lang Ba’t di ko pa nasabi ang puso ko’y nagsisisi Kung maibabalik ko lang sana Kung maibabalik ko lang sana Ooohhhh
Araw-araw sa isip ko’y ikaw Sa paghimbing maging sa panaginip Nangangarap baguhin ang ikot ng mundo Babalik sa mga sandaling ako pa ang mahal mo Hoooohhhhh
Ba’t di ko pa nasabi tanong ko sa sarili Panahong lumipas sa ‘tin ay nasayang lang Ba’t di ko pa nasabi ang puso ko’y nagsisisi Kung maibabalik ko lang sana Kung maibabalik ko lang sana Sana’y nasabi.
Nakakainis yung message ng kanta sapol na sapol talaga ako, Parang ginawa talaga sya para sakin. Habang tumitingin ako sa Cellphone ko ay may Sasakyan na pala na papalapit sakin agad kong tinanggal yung earphone sa tenga ko at napapikit nalang.
“Hoy!! Kung magpapakamatay ka wag dito!! wag kanang mandamay ng iba!”
Gumilid agad ako bigla, Mabuti nalang nakapreno agad yung sasakyan huhu mapalad padin ako, akala ko mababangga na ako eh.
HaBang pauwe ako sa bahay ay hindi ko padin maiwasan ang hindi isipin ang nangyayari sa school, Siguro nag saya saya na ni Mark dahil napasagot na nya si Sheena.
“Anak bakit ang aga mo namang umuwe?” -mama
“Ma wala po kaming Prof. kaya maaga ang uwian namin ngayon”
Dumiretso na agad ako sa kwarto ko at pasalampak na humiga at iniyakan ko na naman ang kawawa kong unan.
Masasabi kong isang kaibigan kona dina ng unan ko dahil kasama ko sya sa mga panahong malungkot ako at sya ang saksi sa bawat luhang lumalabas sa mata ko. Nagbukas ako ng Facebook dahil gusto kong makabalita, Ewan koba kahit nasasaktan na ako sige parin ako ng sige. Unang bumungad sakin yung status ni Mark. In a realionship with Sheena. Andami ng comment at binati sila, ako naman binasa kolang ang lahat ng mga comments don.
Wala eh ito yung choice ng puso ko kahit ayaw ng utak ko.
CHAPTER 17 “PAYONG KAIBIGAN”
MARK’S POV
Maaga akong gumising dahil susunduin ko si Sheena sa meeting place namin hindi kopa kasi sya pwedeng sunduin sa kanila dahil hindi pa nya nasasabi sa parents nya ang tungkol saming dalawa, Sobrang excited ko kasi ito ang unang araw namin biglang magkasintahan.
“Anak bakit abot tenga yang ngiti mo? Sinagot kana ba ng girlfriend mo?”
“Ah eh paano nyo po nalaman?”
“HighTech na ang panahon ngayon, Nakita ko sa Facebook”
Oo nga pala feeling millenial to si Mama haha mas updated pa nga sya kesa sakin eh, Ayaw nya daw kasi tumanda kahit wala na sa kalendaryo yung edad nya.
Lumapit sakin si Mama at ginulo ang buhok ko, Kainis naman si mama inayos ko kaya tong buhok ng matagal tapos guguluhin nya lang.
“Ma yung buhok ko po”
“Binata na talaga itong anak ko. May girlfriend na, kelan moba sya ipapakilala sakin?”
“Tatanong kopa po sa kanya ma, Kung kelan sya pwedeng pumunta dito”
“Sige anak”
Nagpaalam na ako kay Mama dahil baka matraffic ako, Mabuti nalang ayos lang kay mama at mukhang excited sya na makilala si Sheena.
Ngayon ko nalang ulit naranasan ang mainlove at kiligin ng ganito kaya sobrang excited ko talaga.
10 minutes na akong naghihintay kay Sheena pero wala paden sya, Nakailang messages nadin ako sa kanya pero walang reply.
Bigla ko tuloy naalala si Dex, Kasi kami pag magkikita kami kailangan talaga on time maliban nalang kung nagka emergency.
Habang nag-aantay ako kay Sheena ay nakita ko si Dex na naglalakad kaso bakit kaya hindi sya naka uniform, Nilapitan ko agad sya ay tinakpan yung mata nya katulad ng lagi kong ginagawa sa kanya. Kaya lang nagulat ako dahil nang humarap yung tinakpan ko ay hindi sya si Dex, Ibang tao sya.
“Bakit po may problema ba?”
“Ah eh sorry po, akala ko kasi ikaw yung kaibigan ko”
Umalis din naman agad sya Nakakahiya yung ginawa ko mabuti nalang hindi sya nagalit sakin. Nag-antay pa ako ng ilang minuto bago sya dumating.
“Mark sorry ha? traffic kasi eh, Kanina kapa ba dito?”
“Hindi naman, Ano tara na?”
Tumango lang sya sakin at naglakad na kami papunta sa sakayan ng Jeep, Habang naglalakad kami ay pasimple ko syang hinahawakan sa kamay (Hokage moves) at nang nahawakan ko yon ay hindi naman sya umangal kaya hindi kona binitawana ang kamay nya hanggang sa makasakay kami.
Ako nadin ang nagbayad ng pamasahe namin, At pinaypayan kodin sya ng mapansin kong naiinitin sya.
Gusto ko kasing ma feel ni Sheena na talagang mahal ko sya. Hinatid kodin sya hanggang sa makapasok sya at habang naglalakad ako ay nasalubong ko si Tyrone.
“Tol san ka galing?” Tanong nya sakin.
“Ah hinatid ko lang yung Girlfriend ko”
“Naks naman, Ang sweet mo namang boyfriend”
“Haha hindi naman, Parang ikaw hindi mo hinahatid ang girlfriend mo”
“Ganon talaga tol, Baka kasi may umaligid alam mo na”
May pag segurista din pala tong si Tyrone eh.
“Asan pala si Dex?”
Speaking of Dex kahapon kopa sya hindi nakikita, At hindi kona nadin sya nagawang ichat dahil nawala sa isip ko masyado kasi akong nasiyahan kahapon. Kung hindi dahil sa kanya hindi magiging tagumpay ang surpresa ko kahapon.
“Baka nandon nayon sa room”
Sabay kaming pumasok ni Tyrone at una kong tiningnan ay yung pwesto ni Dex, Pero sa kasamaang palad bakante yon. Sayang naman marami pa naman akong ikukwento sa kanya, Lumagpas ang isang subject pero wala padin si Dex. Inisip ko nalang na baka tinamad na naman yon.
DEX’S POV
Ganito pala pag broken hearted ka noh? tatamarin ka sa lahat ng bagay, Tiningnan ko yung oras at 10 na nag isip pa ako kung papasok ako o hindi.
Mayamaya ay narinig kona ang boses ni mama, Nako po ayan nasya maagang pamisa na naman ito nagtaklob agad ako ng kumot para kunwari tulog pa ako. Naramdaman ko nalang namay yumuyugyog sakin alam kong si mama yon kaya nagpanggap ako nakagigising lang.
“Ano Dex wala kang balak pumasok? anong oras na oh? Yan na nga ba ang sinasabi ko eh puyat ka kasi ng puyat. Nako sa susunod kukunin kona yang cellphone, Baka sa susunod malaman laman ko nalang na may boyfriend kana lagot ka talaga sakin”
Kita nyo guys? ang ganda ng gising sakin ni mama noh? at grabe sya nagcecellphone lang may boyfriend agad? haha pero hindi naman ako naiinis sa kanya kasi sanay nako, Natural nya kaya yon. Mas maiinis ako sa kanya kung tahimik sya haha.
“Ma linggo po ba ngayon?”
“Friday palang Bakit?” -mama
“Talaga ma? eh bakit nagmimisa kayo?”
“Puro ka talaga kalokohan Dex”
Lumapit sakin si mama at hinampas ako sa pwetan, Natawa naman ako kasi G NA G sakin si mama haha.
“Bumangon kana dyan anong oras na”
“Ma hindi po ako papasok ngayon, Bukas na”
“Anong bukas eh saturday na, M W F lang ang pasok mo” -mama
“Talaga ma? ay haha nakalimutan ko edi sa monday na”
“Nako Dex, dyan nag-uumpisa yan sa pagbubulakbol baka sa susunod hindi kana mag-aral”
Bulakbol agad hindi ba pwedeng broken lang si Ako, Oo tanga ako dahil kahit nasasaktan na ako ay nagagawa ko padin lumapit kala Mark pero may kahihiyan pa naman ako sa sarili ko ayaw ko naman na makita nila na malungkot ako habang sila masaya.
“Ma mag-aaral pa po ako, Umabsent lang ako ma hindi ako titigil”
“Osya sige na bumangon kana dyan at ikaw nalang ang bumili ng iuulam natin para mamayang gabi tutal hindi ka naman papasok”
“Mama naman, Ayaw kong pumuntang palengke”
“Sige pag-ako bumili wag kang kakain mamaya”
Bumangon agad ako, grabe talaga manakot si mama wala talaga akong pagpipilian.
“Ito na nga ma mag-aayos na nga ako”
Nakakatamad talaga pumuntang palengke ng ganitong oras kasi mainit, Ewan koba naman kasi kay mama at napagtripan akong utusan.
“Anak palengke ang pupuntahan mo hindi mall”
Napatingin tuloy ako bigla sa suot ko, Naka tshirt lang naman ako. Alangan naman magsuot ako ng punit punit.
“Ma, Syempre kailangan maayos akong tingnan”
“Sige na umalis kana, Ang daldal mo”
Wow? bandang huli ako pa ang naging madaldal haha.
“Ma paano ako makakaalis eh wala pa yung pera”
Binigay na sakin ni mama yung pera at umalis na ako para makabalik agad.
Kahit paano ay nalibang ako sa pag-uusap namin ni Mama nakakawala ng lungkot.
Nang makarating ako sa palengke ay parang nakarinig ako ng sampong mama ko sa ingay haha, Hinanap ko agad yung bilihin ng gulay dahil magpapakbet daw si mama wala kasi kaming budget pambili ng karne.
“Ganda dito ka bili samin mura lang”
Ang saya saya dito sa palengke lahat ng klaseng papuri na pwede mong matanggap ay makukuha mo. Lumapit ak sa kanya at tiningnan ang mga gulay nya.
“Sariwang sariwa yan kaya bili kana”
Napatingin ako sa talong at kinuha yon, Gusto sanang sabihin sa kanya na pano naging sariwa tong talong eh kulobot.
“Ate magkano sa talong nyo?”
“30 isa” binitawan ko agad, pano kasi ang mahal kasi paano ko pagkakasyahin ang dala kong pera kung ganito kamahal ang mga bilihin.
“Ate ang mahal naman”
“Nako Mura nayan, kung sa iba ka bumili mas mahal pero kung madami kang bibilhin bababaan ko para sayo”
Dahil sa madiskarte ako ay napagkasya ko yung dala kong pera, Kahit hindi pa naluluto ni mama ay naiimagine kona na masarap yon. OMG! EXCITED MUCH! Pagdating ko sa sakayan ay sumisigaw yung konduktor.
“Oh dalawa nalang! Dalawa nalang para sa magjowa!”
“Kuya paano pag magisa lang?”
“Wag munang ipilit kung alam mong para sa kanila lang dalawa”
Aww!! double meaning yon ah! parang gusto nyang wag na akong umamin kay mark at manahimik nalang ako.
“Pero kung ayaw mo silang magsama edi sumakay ka”
Grabe si Kuya humuhugot! This time parang gusto nyang sabihin sakin na may choice ako kung hahayaan ko sila na maging masaya at pumagitna sa kanila.
Hayss lalo lang ako naguluhan dahil sa mga sinabi ni kuya, Pero sumakay nadin ako dahil kung maghihintay pa ako ay matagal pa.
Pagsakay kopa sa Jeep yung tugtog pa parang na nanadya Tapos may mag jowa pang naghaharutan sa tapat ko ang sikip sikip na nga naghaharutan pa! ano bang akala nila sa Jeep? Park? Edi sila na masaya! ako na ang malungkot! sila na may lovelife ako na ang wala! hahaha di ako bitter (Medyo lang)
MILE’S POV
Dinamdam na naman siguro ni Dex ang nangyrai kahapon kay Mark at sheena ewan koba naman kasi sa baklang yon hindi naman ako nagkulang na sabihan sya na umamin kay Mark kaso ang lola nya tanga tangahan kahit nasasaktan na go lang ng go.
“Miles alam moba kung bakit hindi pumasok si Dex?
OO mark alam ko kung bakit, at ikaw ang dahilan non.
“Hindi eh, baka tinamad lang yon”
“Siguro nga”
Gusto ko sana sabihin sa kanya na kung tanga si Dex sya naman Manhid kasi imposible naman na hindi nya maramdaman na may feelings sa kanya si Dex.
Nang makauwe ako ay tinawagan ko agad si Dex, Alam ko kasi na nasasaktan yon dahil sa nangyari.
“Hello Dex? kamusta okay kana ba?”
“Oo be”
Kahit sinabi nya sakin na okay lang sya ay hindi ko magawang maniwala para kasing malungkot sya eh.
“Dex hindi masamang umamin kung nasasaktan kana”
“Be aaminin ko nasasaktan na talaga ako”
Naawa talaga ako kay Dex dahil sobra na ang sakit na nararamdaman nya dahil lang sa nainlove sya sa BestFriend nya kahit ako ay hindi ko alam kung paano ihahandle ang kalagayan nya.
Madali lang kasi magsalita dahil wala ka sa posisyon pero kapag nasa sitwasyon kana ng kagaya ng kay Dex kahit gaano ka katalino ewan kolang kung hindi ka maging bobo.
Gusto ko sanang puntahan si Dex para damayan sya kaso gabi na at wala din akong perang pamasahe papunta sa kanila.
“Hindi naman sa pinangungunahan kita o nakikialam ako, Pero siguro dapat this time pairalin mo naman yung isip mo wag lagi yung puso”
“Anong ibig mong sabihin?”
“Minsan kasi Dex puso ang nagiging dahilan kung bakit tayo nasasaktan pero kapag ginamit natin ang isip hindi man natin mapigilan na hindi tayo masaktan atlis malalaman natin kung hanggang kelan tayo magpapakatanga”
Kahit man lang sa mga salita ko ay matulungan ko si Dex para mapagaan ang dibdib nya.
“Salamat Miles, Mabuti nalang nandyan ka kahit paano ay naliliwanagan ako”
“Dex kaibigan kita kaya syempre tutulungan kita, Pero uulitin ko hindi masama ang umiyak kung nasasaktan kapa iiyak molang yan. Pero kung alam modin na marami na aapektuhan dahil sa pag-iyak mo ay mag-isip kana”
“Alam ko naiinis kana sakin Miles dahil sa katangahan ko” -
“Oo naiinis ako sayo, Pero humahanga din ako sayo dahil kahit nasasaktan kana ay nagpapatuloy kapa din. Hindi katulad ng iba Tanga na nga sa lovelife pinapabayaan pa ang sarili nila.”
Humaba pa ang naging pag-uusap namin ni Dex at sinanihan ko sya na pumasok na sa monday para harapin ang katotohanan base sa naging paguusap namin ay masasabi kong sa kabila ng kalungkutan nya ay may isang katangian sya na hindi nawawala ayon ay ang tumawa at pangitiin ang mga tao sa paligid nya.
CHAPTER 18 “MOVING ON”
DEX’S POV
Kahit wala akong gana pumasok ngayong araw ay bumangon padin ako.
Humarap ako sa salamin at tinitigan ang sarili ko, Ang laking ng eyebag ko at halatang stress ako.
Ganito ba talaga ang gusto ko?
Ang kawawain ang sarili ko?
Tama ba talaga ang naging choice ko na mahalin si Mark kahit ang kapalit ay masasaktan ako?
Andaming katanungan sa isip ko pero lahat yon hindi ko alam ang kasagutan, Alam kong sobra na akong nagpapakatanga siguro nga dapat may gawin na ako.
Kinausap ko si mama at sinabi sa kanya ang gusto kong mangyari tungkol sa pag-aaral ko.
Habang papunta ako sa school ay malalim ang iniisip ko, Sana lang talaga tama ang desisyon na gagawin ko. Makakabuti nadin siguro to para sakin para maka move on nadin ako.
Pagpasok ko sa room namin ay nandon na si Mark at nginitian nya ako pero hindi ko sya pinansin dumiretso agad ako sa upuan ko.
“Dex ayos kana ba talaga?”
“Oo be salamat pala sa mga sinabi mo nung nakaraang gabi ha?”
“Wala yon, kung kinakailangan kitang sabihan araw araw gagawin ko maliwanagan kalang na talagang sinasaktan mona ang sarili mo”
Maya maya ay lumapit sakin si Mark kaya tumigil muna si Miles sa pagsasalita, Kainis naman balak kopa naman sana na umiwas muna kahit ngayong araw lang.
“Dex bakit hindi ka pumasok kahapon?”
Tumabi sya sakin pero Hindi ko sya pinansin nagFocus nalang ako sa kunwaring ginagawa ko.
“Hoy bakit dika nagsasalita napipi kana ba?”
“Sayang hindi mo nakita yung Pag oo sakin ni Sheena, At sobrang saya nya”
Pinaalala na naman nya sakin, Gusto ko na nga muna wag isipin ang tungkol sa kanila para makapag focus ako.
“Dex salamat pala sayo ha, nako kung hindi dahil sayo hindi ko alam kung maging success ang ginawa ko kahapon”
“Mark pwebe ba? ayoko munang makipag usap ngayon! pwede?! at hindi ako interesado sa mga sasabihin mo!”
Hindi ko na pigilan na hindi magtaas ng boses, Napatingin tuloy yung mga kaklase namin pati si Miles nagulat sa ginawa ko. Tumayo si Mark at parang nalungkot.
“Sorry, akala ko kasi gusto mong marinig ang mga ikukwento ko”
“Minsan magtanong kadin kasi”
Kinuha ko yung gamit ko at lumabas, Yung mga kaklase magbubulungan lang abot hanggang kabilang bansa.
Na guilty ako sa ginawa at nasabi ko kay Mark, Sa buong buhay ko ngayon kulang sya nasigawan ng ganon. Pumunta ako sa guidance office dahil may kailangan akong gawin.
“Good afternoon po sir?”
“Yes come in, What can i do for you”
OMG! English huhu hindi pa naman ako magaling mag English baka dumugo ilong ko hehe.
“Sir? Ano po kasi, Balak ko na po kasi lumipat ng school after matapos ang sem nato”
“Bakit naman? ayaw mo na ba sa school natin?”
“Sir hindi naman po sa ganon, May problema lang po kasi kaya kailangan ko lumipat”
“I understand, Pero uunahan na kita dapat sa school na lilipatan mo ay same lang ng curriculum natin dito kasi baka hindi ma credits ang mga subjects na tinake mo. Sayang naman”
Naisip ko nadin ang tungkol dyan, Pero nakapag search na ako ng school na pwede kong lipatan ilang kilometro lang ang lapit.
……………….FLASHBACK………………………
Pagkatapos ng paguusap namin ni Miles ay medyo naliwanagan na ako. Matagal ko na din iniisip kung paano ko makakalimutan si Mark, Hindi ko man makalimutan ang lahat sa kanya pero baka makalimutan ko ang pagmamahal ko sa BestFriend ko. At magagawa kolang yon kung hindi ko makikita si Mark at ang paglipat ng ibang school ang tanging naisip ko para mangyari yon.
Kinabukasan ay kinausap ko agad si mama tungkol sa gagawin ko.
“Anak
sigurado
kaba dyan?“
“Opo ma”
“Ikaw bahala, Pero dapat ipaalam muna natin to sa papa mo ha? “
“Sige po ma”
“Bakit ba bigla bigla mo nalang naisip na lumipat sa ibang school? May nang aaway ba sayo sa school? Gusto mo puntahan ko?”
Kahit kelan talaga to si mama napaka warfreak haha tinalo pa si papa.
“Ma walang nang-aaway sakin, atsaka napagisip isip ko nadin yung offer sakin ni Tita na pag-aralin nya ako. Diba mas mabuti yon? para mabawasan ang iniisip nyo ni papa”
“Napaka bait mo talaga Dex, sorry kung hindi ka namin mapag-aral sa magandang school ha”
“Ayos lang yon ma, Walang problema sakin”
“Pero anak kung may nang aaway talaga sayo sa school. Sabihin molang reresbakan ko”
“Ma wala nga po”
Mabuti nalang hindi na masyado nagusisa pa si mama kung bakit bigla bigla ko nalang naisipan na lumipat sa ibang school. Si Mark naman talaga ang dahilan kung bakit gusto kong lumipat sa ibang school given nalang yung offer sakin ni Tita.
Naisip kodin kasi na sayang kung hindi ko igagrab ang oppurtunity at para makalimutan ko nadin yung feelings ko kay Mark.
…………….END OF FLASHBACK…………….
Inexplain sakin ni Guidance kung ano ang dapat kung gawin para maging maayos at madali ang paglipat ko.
Wala akong ibang pinagsabihan tungkol dito maliban kay Mama at kahit kay Miles hindi kopa nasasabi bukas nalang siguro kapag kalmado na ang pag-iisip ko.
Umupo ako sa isang tabi at yumuko, Ang sakit na kasi nang ulo ko kakaisip. Maya maya ay may naramdaman ako na tumabi sakin.
“Iiyak kana lang ba palagi?” Ani ni Tyrone
“Hindi ako umiiyak”
“Sus Dex, Kilala kita alam kong si Mark yan. Bakit hindi mona kasi sabihin sa kanya yung nararamdaman mo?” -Tyrone
“Para saan pa? Para masaktan ako?”
“Lalo kalang masasaktan kung hindi mo sasabihin sa kanya dahil hanggang hindi mo nasasabi yan hindi maalis sa puso sa isip mo ang lahat ng katanungan na gumugulo sayo ngayon”
Hindi na ako nakaimik sa sinabi nya, Tama naman silang lahat na dapat umamin na ako.
Pero anong gagawin ko?
Hindi ako kasing lakas ng iba para umamin sa mahal ko.
Umalis din agad si Tyrone dahil pupuntahan pa nya si Nicole, Masaya ako sa kinalabasan nang lovelife nya.
MARK’S POV
Hindi ko akalain na masisigawan ako ng ganon ni Dex kanina, Sa tagal naming magkaibigan ay ayon ang unang pagkakataon na nasigawan nya ako.
May problema kaya sya?
Pero bakit hindi nya sinasabi sakin?
Bestfriend nya ako kaya handa akong makinig sa ano mang sasabihin nya.
“Ui Mark”
Narinig ko nalang na nagsalita si Sheena, Nawala sa isip ko na magkasama pala kami ngayon. Iniisip ko kasi si Dex hindi ako sanay na ganon sya.
“Mark may problema kaba? bakit nakatulala ka?”
“Si Dex kasi mukhang may Problema sya”
“Kung may problema sya edi dapat kausapin mo sya diba mag Bestfriend kayo? Sigurado ako sasabihin nya yon sayo”
“Pero kasi kanina. Nasigawan nya ako at mukhang ayaw nya ng kausap ngayon”
Tumabi sakin si Sheena at niyakap ako.
“Wag kanang mag-alala Mark ako ang kakausap sa kanya, Baka sakaling kausapin nya ako”
“Talaga?”
“Oo naman, Syempre lahat ng kaibigan mo kaibigan ko nadin at lahat ng importante sayo ay importante nadin sakin kaya ako na ang bahala kumausap sa kanya” -sheena
“Salamat Sheena”
“Pero bago ang lahat kumain na muna tayo”
Napakabait talaga ni Sheena, Sana lang talaga ay makausap nya si Dex para malaman kona din kung ano ang problema nya medyo matagal nadin kasi nang huli akong pumunta sa bahay nila kaya hindi ko na natatanong si Tita tungkol kay Dex.
DEX’S POV
Final na talaga to wala nang atrasan, habang naglalakad ako ay pinagmasdan ko yung paligid ng school kahit saglit ako nandito ay marami na akong masasayang alala na nabuo dito kaya kapag umalis na ako mamimiss ko ang school. Habang naglalakad ako ay may tumawag sakin.
“Dex?!!!”
Hinarap ko si Sheena at hingal na hingal sya, san kaya sya sumali ng marathon?
“Dex buti nakita na kita, kanina pa kasi kita hinahanap”
Mukhang alam kona kung anong kailangan nya sakin.
“Kung inutusan ka ni Mark para kausapin ako please lang wag muna ituloy”
“Pero Dex, Nag-alala sayo yung kaigan mo. Anong problema mo?”
“Wala akong problema”
“Pero bakit ayaw mong kausapin si Mark? Galit kaba sa kanya”
Paali na sana ako pero hinawakan nya ang kamay ko.
“Hindi ako galit kay Mark!”
Tinanggal ko yung kamay at aksidente syang natumba, Lalapitan kona sana sya pero biglang dumating si Mark.
“Dex anong ginawa mo?! bakit mo tinulak si Sheena?”
Halata sa mukha ni Mark na nagagalit sya dahil sa nangyari.
“Mark hin––”
“Dex kung may problema ka sabihin mo! hindi yung nanakit ka! pati ba naman si Sheena? Alam mo hindi na ikaw yung kilala kong Dex, Ang laki nang ipinagbago mo”
Galit na talaga si Mark, Pero nagbago na nga ba talaga ako? kaya kolang naman nagawa ang mga nagawa ko kanina ay dahil naiinis ako sa sarili ko dahil wala akong magawa kundi ang magtiis at umiyal dahil wala naman akong karapatang magalit o ipakita sa kanila na nagseselos ako. Pero ang mas masakit yung sa tingin nya talaga kaya kong manakit ng ibang tao.
“Sa tingin mo ba talaga Mark nagbago ako? o baka naman sating dalawa ikaw lagi yung wala, Asan ka ng mga panahon na kailangan ko nang kaibigan? asan ka?!!!!”
Hindi kona napigilan ang mga luha sa mata ko. Gusto konang yakapin si Mark para sabihing mahal na mahal ko sya pero hindi ko kaya, Natatakot ako.
“Dex sorry Akala ko kasi tinulak mo siya”
“Bakit ka magsosorry? wala ka namang ginawa diba? Pero ito lang yung sasabihin ko sayo kahit kelan hindi ko magagawang manakit ng ibang tao maliban nalang kung sinaktan din ako”
Lumapit sakin si Mark at niyakap ako ng mahigpit ramdam ko sa yaka nayon ang pag-aalala nya, Pero kailangan kong tatagan ang loob ko kung gusto kong makalimot dapat kayanin kong tiisin sya.
“Mark uuwe na ako”
“Hindi pa tapos ang klase natin ha?”
“Sumama na ang pakiramdam ko, Sheena sorry pala hindi ko sinasadya.”
Ngiti lang ganti sakin ni Sheena, Alam ko naman na naging atittude ako dala narin siguro nang bugso ng damdamin.
“Dex kapag ready kana, Nandito lang ako at handa ko makinig”
Hindi na ako lumingon sa kanila at dirediretso nalang akong nanglakad. Sana talaga mapabilis na yung process para makalipat na ako sa ibang school Gusto kona din kasi makapag move on. Wala nadin kasing silbi kung aamin pa ako kay Mark, May Girlfriend na sya at lalo lang ako masasaktan kung sa bibig pa nya mismo manggaling na hanggang magkaibigan lang kami.
Pero kung gugustuhin ng tadhana na umamin ako, Hindi ako magdadalawang isip na sabihin Kay Mark na gustong gusto ko sya.
CHAPTER 19 “NATHAN”
DEX’S POV
Makalipas ang ilang araw ay natapos na ang mga kailangan kong tapusin para sa paglipat ko.
Wala na talagang makakapigil sakin, Ngayon nadin ang araw na paglipat ko sa bahay nang tita ko.
“Anak sigurado kaba na ayaw mong ihatid ka namin ng papa mo?”
“Ma kaya ko na po wag nyo na po ako alalahanin”
“Basta lagi mong tatandaan mahal na mahal ka namin”
“Iiyak na ba ako Ma? haha wag nga kayong ganyan nalulungkot ako eh. Wag kayong mag-alala pag wala po akong pasok pupunta ako dito”
Niyakap ako nang mahigpit ni Mama ngayon palang naiiyak na ako dahil mamimiss ko ang bunganga nya.
“Anak Magpakabait ka sa bahay ng tita mo ha?”
“Opo Pa, Kayo din lagi kayong magiingat ni mama”
Niyakap din ako nang mahigpit ni Papa at tinulungan nila ako na ilagay yung gamit ko sa taxi.
Mamimiss ko talaga sila nang sobra pero kailangan ko talagang gawin to para sa kanila dahil kapag nakapag tapos ako sa magandang university mas malaki ang chance na matulungan ko sila at para nadin sa sarili ko dahil kung patuloy kong makikita si Mark ay lalo kolang sasaktan ang sarili ko.
………………FLASHBACK………………………..
“Be mamimiss kita promise”
“Mamimiss din kita tsaka yung mga payo mo sakin”
“Basta Be wag mo akong kakalimutan ha? ako padin ang number 2 Bestfriend mo”
“Ha? Bakit number 2?”
“Kasi si Mark ang number at kahit kailan hindi ko sya mapapantayan”
“Miles? wag mong isipin kung paano mo sya mapapantayan dahil unang una magkaiba kayo, Magiba kayo bilang kaibigan sakin kaya napaka swerte ko na naging kaibigan kita”
“Pero Dex hindi mo man lang ba sasabihin kay Mark na aalis kana?”
“Ayoko, Dahil alam kong pipigilan nya ako at baka makagulo pa sya sa desisyon ko”
Hinawakan ni Miles ang kamay ko at tumingin sakin.
“Dex ayaw sana kitang paalisin dahil hindi matatapos ang problema mo kung hanggat hindi ka umaamin sa kanya. Pero dahil alam kong ito ang paraan para hindi kana masaktan susuportahan kita”
“Miles, Ikaw na bahala kay Mark ha? Kapag kailangan nya ng tulong sa mga assignments nya tulungan mo sya”
“Wag kang mag-alala ako na bahala sa kanya. Kaya dapat kapag nakalipat kana sa bago mong school ay magfocus kana lang muna don”
“Basta miles mamimiss kita”
Sa huling pagkakataon ay niyakap ko si Miles ng mahigpit, Masakit din pala magpaalam sa kaibigan dahil nasanay ka na kasama mo sya, Na sya yung kasangga mo sa lahat ng oras.
…………..END OF FLASHBACK………………
MARK’S POV
Simula nang hindi pagkakaintindihan namin ni Dex ay hindi kona din sya nakita at nakausap sinubukan kodin syang icontact kaso hindi sya nagrereply sakin nag-aalala na tuloy ako sa kanya.
Ano kayang nangyayari don bakit hindi pa sya nag-enroll ngayong Sem? Nang makita ko si Miles ay tinawag ko sya pero hindi nya ako pinapansin kaya hinabol ko sya.
“Miles sandali, Pwede ba kitang makausap?”
“Pakibilis lang malelate na ako”
“Tungkol sana kay Dex, May balita ka ba sa kanya? Bakit hindi pa sya nag-eenroll ngayon?”
“Hindi ko alam Mark wala syang sinasabi sakin”
Pakiramdam ko may hindi sinasabi sakin si Miles, Nang paalis na sya ay hinawakan ko sya sa braso.
“Alam kong may alam ka, kaya please lang sabihin mo sakin nag-aalala na kasi ako sa kanya”
“Seryoso ka? Nag-aalala ka talaga sa kanya? Eh diba simula ng nagka girlfriend ka kinalimutan mo na Kaibigan mo sya”
“Kahit kelan hindi ko kinalimutan na kaibigan ko si Dex, San mo nakukuha ang mga salitang yan?”
Siguro nga hindi kona madalas nakakasama si Dex pero ni minsan hindi ko sya nakalimutan, Bestfriend ko sya eh bakit ko naman gagawin yon.
“Mauna na ako Mark”
“Miles nakikiusap ako, Gusto kolang talaga malaman kung okay ang BestFriend ko. Kaya kung alam mo kung anong nangyayari sa kanya baka pwede kong malaman”
“Hindi kaba nagtataka Mark? Ikaw yung Bestfriend ni Dex pero wala kang alam sa nangyayari sa kanya. Wag kang mag-alala ayos lang si Dex at magiging maayos sya ngayong wala na sya dito”
“Anong wala na?”
“Hindi na sya dito mag-aaral, Lumipat na sya ng ibang school”
“Ano?! Bakit hindi nya sinabi sakin?”
“Wala ako sa lugar para sagutin lahat ng katanungan mo kung gusto mo malaman puntahan mo si Dex, Pero ewan ko nalang kung nandon pa sya sa kanila alam ko kasi ngayon ang alis nya”
Pagkasabi non ay umalis na sya, Ako naman hindi ko alam kung anong gagawin ko dahil naguguluhan ako sa nangyayari kay Dex, Bakit kailangan nya lumipat sa ibang school? At bakit ayaw nya akong kausapin? sa pagkakaalam ko wala naman kaming pinag awayan para hindi nya ako pansinin at kausapin ng ganito katagal.
Nagmadali agad ako pumunta sa bahay nila dahil ang sabi ni Miles ngayon ang alis nya sana lang talaga maabutan ko sya.
Pagdating ko sa bahay nila ay naabutan ko sa labas ang mama at papa ni Dex kaya dali dali akong bumaba ng taxi at lumapit sa kanila.
“Tita, Tito? Nandyan po ba si Dex?”
“Nako Mark huli kana kanina pa sya umalis, Hindi kaba nya nasabihan?”
“Hindi po eh”
“Talaga yong bata nayon, Pasensya kana ha? baka masyado lang naexcite kaya hindi ka nasabihan”
Tumango nalang ako kay Tita, Ano bang nagawa kong kasalanan kay Dex bakit parang galit sya sakin, Sinubukan ko syang tawagan pero hindi nya sinasagot.
Siguro nga tama si Miles na masyado akong nagfocus kay Sheena kaya nakalimutan ko na meron pala akong Isang Bestfriend na kailangan ng kausap.
Marami kaming pinagsamahan ni Dex kaya sobra syang importante sakin, Hindi naging Hadlang ang kasarian nya para maging magkaibigan kami tanggap at mahal ko sya kahit ano pa sya dahil pinakita nya kung gaano sya kabait.
Hindi na ako nagtanong kay Tita kung saan pupunta si Dex, Bumalik nalang ako nang school at bigla kong naalala yung mga panahong maayos pa kami at masaya yung feeling na walang makapaghihiwalay samin. Mahirap din pala mawalan ng isang tunay na kaibigan dahil nasanay ka na lagi syang nandyan.
DEX’S POV
Pagdating ko sa tapat nang bahay nila tita ay hindi ako makapaniwala sa ganda at laki, ibang iba sa bahay namin.
Si tita Emmanuel ay kapatid nang mama ko, Sinuwerte sa buhay kay ito yumaman nakapangasawa kasi nang amerikano. Pero sa kasamaang palad hindi sila biniyayaan ng sariling anak pero may anak yung asawa ni Tita sa dati nitong asawa na nandito din nakatira, Actualy hindi ko payon nakikita. Chismakers ko noh? hahaha well sinabi ko lang yon para may idea din kayo.
Matagal na ako gustong pag-aralin nang tita ko ako lang ang may ayaw dahil ayokong mapalayo kala mama at papa.
Nag dorbell agad ako at sinalubong nang isang katulong at pinapasok ako sa loob, Grabe mga bes mas maganda sa loob sinalubong naman ako ni Tita pati nang asawa nya na si Tito Greg nag mano naman ako sa kanila bilang paggalang.
“So you are Dex?”
OMG! ito na naman tayo sa english, mapapasabak na naman ako. Tumango nalang ako sa kanya.
“Dex umakyat kana muna para maayos muna din ang mga gamit mo papasamahan nalang kita sa magiging kwarto mo”
“Sige po tita Salamat”
Sinundan ko yung katulong at sinamahan nya ako mag ayos nang gamit sa kwarto ko.
Una kong pinuntahan yung kama grabe ang lambot firstime kong makahiga sa ganito kalambot na kama.
“Ang swerte mo napakabait nang mag-asawa nayan”
Nakakahiya para akong ignorante sa kama haha nawala sa isip ko na nandito pa pala yung katulong
“Oo nga po eh”
“Pero may isa kalang magiging kalaban dito”
“Ha kalaban sino naman po?”
Lumapit sya sakin at tumabi.
“Yung anak nila, Si Nathan”
Nathan! Oo nga pala yan yung pangalan nang pinsan ko, Ano kayang itsura nya sa personal? sa picture kolang kasi sya nakikita eh pagdumadalaw kasi si Tita samin hindi sya sumama.
“Bakit po ano pong meron sa kanya?”
“Bugnutin yon, Konting pagkakamali molang papagalitan ka. Sa mommy at daddy nya lang sya nakikinig”
Ay grabe naman pala itong si Nathan, Kwento palang ni manang nakakatakot na. Naimagine ko tuloy kung anong itsura nya kapag nagagalit.
“Pero wag kang mag-alala minsan naman may araw na mabait yon. Pano sige na maiwan na kita may gagawin pa ako sa baba. Kung may kailangan ka tawagin mo lang ako sa baba, siya ng pala ako si Manang baby”
Wow ang taray! baby haha. Sinalansan ko na lang ang mga gamit ko, Nahiga sa malambot na kama.
Nang hapunan ay tinawag ako ni Tita para sumabay na sa kanila nuong una nahihiya pa ako kumuha ng pagkain pero dahil sabi ni tita wag ako mahiya, Hindi na talaga ako nahiya haha.
Ang sarap nang ulam nila, Sa bahay namin tuwing may okasyon lang kami nagkakaulam ng ganito kasarap. Naalala ko tuloy sila mama ano kayang ulam nila ngayon? hayss tayawagan ko nalang sila mamaya.
Tinanong ko din kay tita kung bakit wala si Nathan ang sabi niya ay naki Party daw baka mamayang hating gabi pa yon uuwe, Aba buti pumapayag si tita samantala ako pag inabot nang hating gabi may isang pektus ako kay mama haha. Mas matanda sakin si Nathan ng dalawang taon.
After naming kumain ay tinawagan ko agad sila mama, Grabe wala pa akong isang araw na nandito pero miss kona agad sila.
Kung ano anong pwesto na ang ginawa ko pero hindi padin ako dinadalaw nang antok namamahay ata ako huhu mabuti nalag wala pa akong pasok bukas pero ayaw ko talagang mapuyat, Inumpog umpog ko yung ulo ko sa unan baka sakaling antukin ako at nakailangang umpog na ako wala padin effect.
Maya maya ay naramdaman kong bumukas yung pinto, Kinabahan ako kasi baka magnanakaw yon huhu baka patayin nya ako hindi to pwede marami pa naman akong pangarap sa buhay. Inayos ko yung higa ko at nagpanggap na tulog, Hindi ko sya mamukaan dahil nakapatay ang ilaw. Ilang saglit pa ay tumabi sya sakin WTF! Bumilis lalo ang tibok ng puso ko, Sino kaya sya? anong ginagawa nya sa kwarto ko??? Babangon na sana ako pero bigla nyang pinatong yung kamay nya sakin, sinubukan ko namang alisin kaya lang mabigat.
Narinig ko humihilik sya Ay ano to? magnanakaw na nakikitulog? lakas trip nya ah! at naamoy ko din na amoy alak sya..
Hayss kahit anong tanggal ko sa kamay nya ay masyado syang mabigat dinantay pa nya yung paa nya kaya lalo akong hindi nakawala. Hanggang sa nakatulog nalang ako.
Nagising nalang ako dahil may naramdaman akong mabigat na nakapatanong sakin, Naalala ko bigla namay pumasok pala na magnanakaw kagabi at bigla nalang tumabi sakin.
Dahan dahan kong minulat ang aking magagandang mata at nakita ko na mgkalapit na pala ang mukha naming dalawa at nararamdaman ko ang bawat paghinga nya. Napasigaw ako ng mega ultra sigaw.
“Ahhhhhhhhhh!!!!!!!!!!!”
Napabangon naman agad yung lalaki at halatang nagulat sa sigaw ko sorry sya 88% percent palang ng boses ko ang ginamit ko haha nagtira ako ng 12% para hindi sya mabingi.
“Who are you?!”
“Hoy anong who are you? ikaw ang who are you!”
“This is my room! and who the hell are you? and what are you doing here?”
Aba ang aga aga hinahamon ako ng lalaki nato sa english pwes hindi ko sya aatrasan!
“This is my room! and you? you are magnanakaw!”
hahaha hindi kona kaya mga bes, kinulang na ako sa english bukas nalang ulit.
“What are you talking about? This is my room! and definitely this is my house!”
Hinawakan nya ako at hinila palabas pero lumalaban ako, ang kapal nang mukha nya sya na nga ang biglang pumasok dito sya pa ang may ganang magpaalis? ganito naba ang modus nang mga magnanakaw ngayon?
Sayang sya gwapo pa naman kaso parang may pag ka engeng. Mayamaya ay dumating si tita narinig siguro ang ingay namin.
“Nathan? Dex? What’s happening here?” -
Nagkatinginan kami bigla kami nang magnanakaw na lalaki, OMG! Sya si Nathan? Siya ang Pinsan kong Amerikano? Hindi ko sya nakilala iba kasi ang itsura nya sa picture kesa sa personal.
“Mom? do you know him?”
“Yes son, He is your cousin” -Tita
“That guy is my cousin? no way!”
Wow makapag inarte sya akala mo kung sino sya! at grabe sya maka gamit ng HIM at GUY!
“Dex ano bang nangyari bakit kayo nagsisigawan?”
“Kasi tita yang anak nyo bigla bigla nalang pumasok dito kagabi tapos sasabihin nya kwarto nya to”
“This is my room!”
“Nathan this is not your room, Maybe you are drunk last night that’s why you did not notice that you entered in a wrong room” -tita
Go Tita! Ipagtanggol mo ako! Luminga linga sya sa paligid, ano sya ngayon? oo mahirap lang ako pero nagsasabi ako nang totoo, Pagkatapos nyang tingnan ang paligid ay lumabas na sya agad.
“Dex pagpasensyahan muna yung pinsan mo ha? ganon lang talaga yon pero mabait yon”
“Okay lang po tita”
Wow ayon na pala ang pinakamabait ni Nathan? ang manghila? Ito siguro yung kinukwento sakin ni Manang kahapon. Pwes hindi sya uubra sakin! char! hahaha katakot sya kanina parang mangangain ng tao.
Pero dahil nakikitira lang ako dapat padin akong makisama. Kung anong kinabait ng mga magulang nya ay syang kinaano ng ugali nya haha.
CHAPTER 20 “Dragon”
DEX’S POV
Isa pa naman sa dahilan kung bakit masaya ako na nandito ako dahil makikilala ko yung Pinsan ko kaya lang may sabit yung atittude nya haha, Saan kaya sya nag mana? yung daddy nya naman mabait, at lalong hindi sa tita ko. Siguro dun sya nagmana sa totoo nyang mommy, Judgmental ko noh? haha.
Sabay sabay kaming nag-almusal pero hindi ako makakaing ng maayos dahil minamata ako ni Nathan, Siguro buntis sya at ako ang pinaglilihian nya ngayon? nako! ang swerte nya ang ganda ng napaglihian nya.
“Dex bukas na ang start ng klase mo” ani ni Tita
“Oo nga po eh. Medyo kinakabahan ako”
“Sa una lang yan masasanay kadin, sigurado ako na magugustuhan mo sa bago mong school”
Ngumiti lang ako, Sa totoo lang nalulungkot padin ako dahil namimiss ko yung dati kong school syempre pati yung mga naging kaibigan ko at the same time sobrang excited ko dahil bukas na ako papasok sa bago kong school.
Pero si Nathan ang sama padin ng tingin sakin may hang over pa ata sya eh kaya ganyan kung makatingin.
After namin kumain ay tinulungan ko yung isa sa mga katulong na magligpit ng kinainan.
“Nako sir wag napo,Kaya ko napo ito”
“Hindi po gusto kopo talaga tumulong wala din naman ako gagawin ngayong araw”
Pumayag naman din sya, Mukhang mababait din ang mga katulong dito. Tumulong din ako sa paglilinis ng bahay dahil sa wala nga akong magawa. Katakata na nagbubulungan yung dalawang katulong kaya sa sobrang curious ko ay nilapitan ko sila.
“Ah hello po? ano pong pinagbubulungan nyo?”
Nagulat naman sila sa pagdating ko.
“Ay kalabaw!”
Grabe sya sa daming pwedeng banggitin kalabaw talaga? pwede namang ay maganda! ay dyosa! pero kalabaw talaga?
Bale apat pala ang katulong dito, Si manang baby ang mayordoma sa bahay nato dahil matagal na syang kasambahay dito si ate Lucy (yung tinulungan ko kanina na magligpit ng kinainan) medyo matagal nadin at itong dalawa na nasa harap ko si ate Vick short for Vicky at si ate Erna yung nagsabing “Ay Kalabaw!” Kanina kolang din sila nakakwentuhan after naming kumain.
“Nakakagulat ka naman Dex” Sabi ni Ate Erna
“Ano po ba kasing pinagbubulungan nyo dyan?”
“Ito kasing si Erna ang sabi ko sya na mag linis dito sa Sala kaso ayaw nya” sgaot naman ni ate Vick
“Ayoko nga ikaw nalang”
“Bakit po ba ayaw nyong maglinis dyan?”
Nakakapagtaka lang kasi, bakit parang natatakot sila na maglinis sa sala wag nilang sabihin sakin namay multo dito huhu.
Lumapit sakin si Ate Vick at may binulong.
“Nandyan kasi yung anak nila mam Emman, Baka masigawan kami. Para pa namang Dragon yon”
“Oo nakakatakot yon” dagdag pa ni Ate Erna
Ah kaya pala, Si Nathan lang pala ang kinakatukan nila.
“Mga ate wag napo kayo mag away dyan. ako na po ang maglilinis sa sala”
“Talaga?”
Sabay pa talaga sila na nagsalita at lumiwanag ang mga mukha nila parang nabunutan ng isang malaking tinik. Umalis na agad sila at ako naman ay pumunta na sa may sala nakaupo don si Nathan na nagcecellphone akala mo hari sya eh, Nang makita nya ako ay tumayo sya.
“What are you doing here?!”
Grabe naman to pinaglihi siguro sya ng mommy nya sa sama ng luob.
“Maglilinis?”
Pinakita ko sa kanya yung dala kong tambo at dust pan, Lalo tuloy kumunot ang nuo nya.
“I know, What do you think of me? Idiot?”
Hay nako ayokong masira ang magandang umaga ko kaya hindi ko nalang sya pinansin at nagwalis nalang. Dedma sya sakin noh! Kung Dragon sya ako ano, Ano nga ba? hahaha diko din alam.
Habang nagwawalis ako ay humarang sya sa harap ko, Aba nang iinis talaga tong lalaki nato ha? Inisan ba ang gusto nya? Pwes pagbibigyan ko sya. Dahil sa ayaw nya umalis ay winalis ko nalang ang paa nya, Mukhang nandiri sya sa ginawa ko.
“What the!? are you out of your mind?”
“Eh ayaw mo kasing umalis eh, kaya ayan tuloy winalis kita”
“Nanadya kaba talaga?!!”
Nagulat ako kasi kanina pa dinudugo ang ilong ko tapos marunong naman pala sya mag tagalog, Talaga naman ang lakas ng trip nitong lalaki nato eh.
“Marunong ka mag tagalog?”
“Ofcourse”
“Jusko naman Nathan, marunong ka naman pala. Pwede bang magtagalog ka nalang? sakit kasi sa head eh”
“What if, I dont want to speak tagalog?” -Nathan
“Kung ayaw mo edi wag, basta ako maglilinis dito kung ayaw mo umalis edi wawalisin kita”
Akma ko syang wawalisin pero sa sobrang inis nya ay umalis nalang sya haha mabuti naman umalis na sya wala nang bara sa paglilinis ko.
Yan naba yung Dragon na sinasabi nila?
Yun nayon? Sus! Basic!
MARK’S POV
Namimiss kona si Dex, Ilang beses kona din syang tinatawagan pero hindi nya sinasagot, Galit kaya talaga sya sakin? Pilit ko padin tinatanong sa sarili ko kung ano ba talaga ang nagawa ko sa kanya.
Kamusta na kaya sya sa bago nyang school? Mag kaibigan na kaya sya? Sana lang talaga may magtatanggol sa kanya kapag may umaway sa kanya dahil wala na ako sa tabi nya para ipagtanggol sya.
“Mark ang lalim na naman ng iniisip mo”
“Ah eh pasensya na Sheena”
“Si Dex na naman bayan?”
“Pasensya na namimiss kolang talaga si Dex”
“Mark? hayaan mona muna si Dex, Siguro kailangan nya din ng time para makapagisip. Kung talagang mag Bestfriend kayo hindi mawawala yon”-Sheena
“Sorry ha? kung palagi akong wala sa sarili kapag magkasama tayo”
“Ayos lang Mark pero sana sa susunod ako naman muna ang isipin mo”
Naawa tuloy ako bigla kay Sheena, Girlfriend ko sya pero iba ang nasa isip ko kapag magkasama kami wala ako sa sarili. Masyado akong apektado sa pag-alis ni Dex nasanay kasi ako na lagi syang nandyan sa tabi ko.
“Wag kang mag-alala Sheena babawi ako sayo”
“Sapat na sakin na lagi kang nandyan, Nakakausap at nakakasama”
Niyakap ko ng mahigpit si Sheena na parang ngayon lang namin nakita ang isat-isa.
“Sheena, Tutal malapit na ang monthsary gusto ko sana na ipakilala na kita kay mama”
“Sure, Kelan ba?”
Napangiti ako sa sagot nya dahil wala nasyang patumpik tumpik pa.
“Mamaya sana after ng class natin”
“Sige ba”
“Sigurado ako na matutuwa si mama kapag nalaman nyang pupunta ka sa bahay”
“Kinakabahan ako Mark”
“Wag kang kabahan mabait ang mama ko sigurado ako na magkakasundo kayong talaga”
Napangiti nalang si sheena sa sinabi ko halata yung excitement sa mukha nya.
Tinext ko agad si mama na pupunta si Sheena, Gusto ko kasi na makapag luto sya dahil sa bahay nadin maghahapunan si sheena
“Mark kinakabahan ako”
Nandito na kami sa tapat ng bahay pero nag-aalangan si Sheena, Kahit sino naman kasing babae kakabahan din kapag makikilala mona ang magulang boyfriend mo.
“Mabait ang mama ko kaya wag kang matakot, Hindi sya nangangain ng tao”
Pinalakas ko yung loob ni Sheena, Pagpasok namin sa bahay ay si mama agad ang sumalubong samin.
“Mark, Sya na ba ang Girlfriend mo?”
“Opo Ma, Si Sheena po”
“Good evening po tita”
“Nako ang ganda ganda mo naman pala kaya pala nainlove sayo ang anak ko”
Bago pa mag kwento si mama ng kung ano ano ay hinila kona si Sheena papunta sa may lamesa, Kilala ko kasi mama kapag may bisita ako kulang nalang ikwento nya kung saan ako pinanganak atsaka nagugutom nadin ako.
Inalalayan ko si Sheena na umupo alam ko kasing kinakabahan pa sya.
“Sheena wag kang mahiya sakin ha? kumain ka ng marami. Gusto ko maging healthy ang magiging Future manugang ko”
Napangiti naman kami pareho ni Sheena. Manugang talaga? Pero sa bagay dun din naman papunta to.
“Anak asan pala si Dex? bakit parang hindi kona sya nakikita at hindi nadin kayo lagi magkasama?”
Natahimik ako sa tinanong ni mama. Napansin nya nadin siguro na hindi na kami madalas magkasama ni Dex.
“Ah eh ma, lumipat napo kasi si Dex sa ibang school”
“Ano? Bakit naman? siguro inaway mo sya noh kaya nagtampo. Nako Mark sinasabi ko sayo”
“Ma wala po akong ginawa kay Dex, Nagulat na nga lang po ako lumipat na pala sya Hindi man lang nya sinabi sakin”
“Tama po si Mark tita kahit ako nga po nagulat din na bigla nalang lumipat si Dex”
“Ganon ba? alam nyo kasi parang anak nadin kasi ang turing ko kay Dex ang bait na bata kaya nya, Kaya nga tuwang tuwa ako na sya ang naging Bestfriend ng anak ko. Pero Kumain na kayo baka lumamig na yung pagkain haha”
Sabay sabay kaming kumain at itong si mama nagkwento na naman ng kung ano ano kay Sheena, Gusto kong magtago sa ilalim ng lamesa dahil sa kahihiyan.
After naming kumain ay nagpaalam nadin si sheena baka daw kasi magtaka yung mga magulang. Ang plano kasi naman kapag nag 1 month na kami ay ipapakilala na ako ni Sheena sa mga magulang nya.
“Mark si Dex padin ba ang iniisip mo?”
“Pasensya na ha? hindi kolang kasi maiwasan na hindi sya maalala”
“Ayos lang siguro namimiss molang sya dahil sa tagal nyo na naging magbestfriend Pero sa umpisa lang yan masasanay kadin”
Tama nga si Sheena masasanay din ako na wala dito si Dex. Hinatid kona sya hanggang sa sakayan dahil hindi ko pa nga siya pwedeng ihatid sa kanila.
DEX’S POV
Ito na naman ako ayaw na naman dalawin ng antok kainis naman oh, Hindi ako pwedeng maging zombie mode bukas first day ko yun eh.
Tumayo muna ako para kumuha ng maiinom sa kusina, At habang umiinom ako ng tubig nakarinig ako ng mga yabag kinabahan ako bigla kasi kung hindi yon multo malamang magnanakaw yon.
Hinanap ko kung saan ng gagaling yon at sakto pag dating ko sa main door may napansin akong tao hindi ko sya masyadong makita kasi na patay ang ilaw.
Lalo akong kinabahan OMG! may nakapasok na magnanakaw samin anong gagawin ko? Hays bahala na hinahanap ko agad ang switch ng ilaw pagliwanag ng paligid ay pareho kaming nagulat ng makita namin ang isat-isa.
“Nath–”
Hindi kona natapos ang sasabihin ko dahil tinakpan na nya ang bunganga ko.
“Shhh”
Tinanggal ko agad yung kamay nya at humarap sa kanya.
“Saan ka pupunta ng ganitong oras?”
“That’s none of your business”
“Kung ayaw mong sabihin ay isusumbong nalang kita sa mommy at daddy mo”
Pananakot ko sa kanya Grabe pala tong si Nathan napaka bulakbol.
Aakyat na sana ako sa kwarto nila tita pero bigla nya akong hinawakan sa kamay at hinila palabas.
“Hoy sandali saan mo ako dadalhin??”
“I will kill you”
What! may balak syang patayin ako? No no no hindi to pwede marami pa akong pangarap sa buhay, Gusto kopang mag ka boyfriend.
“Nathan maawa ka wag muna man ako patayin. Baka pwedeng pagusapan natin to”
“Tssk, Do you really think that i can kill a person? tssk crazy”
“Hoy hindi ako crazy ha! ikaw nga yung crazy dyan bigla bigla mo nalang ako hinila”
“Hinila kita para hindi ka magsumbong, understand?”
Kainis tong lalaki nato oh! matutulog na nga ako eh.
“Nathan pwede bang ikaw nalang umalis magisa? babalik nalang ako don. Promise hindi kita isusumbong”
Naglalakad na kami palabas ng subdivision nila ang tahimik na ng paligid maghahating gabi nadin kasi.
“Okay fine, But Make sure na hindi mo ako isusumbong kay mommy”
“Oo promise”
Yes makakatukog nadin ako! Wooooooooohh!
“Ingat kadin dyan meron kasi ditong gumagalang rapist” l
WHAT THE! napakapit ako bigla kay Nathan sa sobrang takot
“As if naman na marerape ka”
Okay na sana eh gumagaan na sana ang loob ko sa kanya pero lagi talaga syang nang iinis sakin, Hinampas ko sya sa balikat.
“Hoy ang kapal mo! kahit ganito ako Vir–”
Oopss! haha gusto kong sampalin ang bunganga ko dahil minsan may pagka bastos din eh.
“Tssk tara na nga” -nathan
Binilisan pa ni Nathan ang paglakad nya kaya sinundan ko sya natakot na kasi akong bumalik baka bigla kong makasalubong yung rapist at marape pa ako (Ganda ko noh?)
Nagpunta kami ni Nathan sa isang bar, Tinanong nya kung umiinom ako ang sabi ko hindi. Nahihiya naman ako magtanong sa kanya kung bakit sya nagiinom at laging umuuwe ng gabi.
Pero ayon sa nasagap kong chismis sa mga katulong, madalas daw talagang ganito si Nathan dahil baka stressed lang sya dahil sa paghihiwalay ng totoo nyang mommy at daddy nya, Actualy matagal na nangyari yon pero hanggang ngayon affected parin si Nathan. Laging bugnutin at hindi makausap.
Close naman sila ni Tita kahit hindi sila tunay na magina kaya lang itong si Nathan namana siguro ang ugali sa totoong mommy nua at dahil narin siguro sa naimpluwensyahan sya ng mga naging barkada nya.
CHAPTER 21 “NEW SCHOOL”
DEX’S POV
Woooo ito na to!! Naeexcite ako na kinakabahan dahil ito na ang unang araw na papasok ako sa bago kong school.
Tiningnan ko ang sarili ko sa harap ng salamin ang ganda ng uniform ko (parang ako) bagay na bagay sakin.
Kaya lang yung eyebag ko panira. Ito kasing si Nathan pinuyat ako kagabi.
“Dex tapos kana ba?”
“Opo Tita bababa nalang po ako”
Kinuha kona ang gamit ko at pumunta na sa labas nag-aabangan nadon si Nathan at nakasimangot na naman haha. Collage na pala sya at yung course na kinukuha nya is Architecture.
“Bakit ang tagal mo? anong oras na oh?” Inis na sabi sakin ni Nathan
“Sorry na po sir” kasalanan nya naman kaya ako late ng kilos.
“Wag na kayo magtalo, Nathan i want you to guide Dex okay? Because this day is his first time to your school”
“Mom really? what do you think of me? A tourist guide?”
“Basta wag mong iiwan ang pinsan mo”
Hinatid kami ni Tita hanggang sa sasakyan , Habang nasa byahe kami ay wala kaming imikan ni Nathan naka suot din kasi sya nang headset kaya wala din saysay kung magsasalita pa ako. Ilang minuto lang ang naging byahe namin at nakarating na kami sa school, Nauna akong lumabas sa sasakyan at halos lumuwa ang mata ko sa ganda at laki ng university sinampal sampal ko ang pisngi ko baka kasi na nanaginip lang ako.
“Tssk, Lets go”
Kainis tong si Nathan agaw eksena nagmomoment pa nga ako eh, Sumunod naman din ako agad sa kanya dahil baka maligaw ako wala pa nama akong alam sa pasikot sikot dito.
“Nathan ang ganda pala dito noh? mayayaman din ba lahat ng nag-aaral dito?”
Para akong tanga na nakikipagusap sa hangin kasi hindi nya na naman ako pinapansin, Kainis sya tinopak na naman.
“Uii Nathan mamayang break i tour mo ako dito ha? Para naman hindi ako maligaw”
“Pwede ba? Hindi ako tourguide para ilibot kapa dito malaki kana kaya mona ang sarili mo”
“Pero?”
Magsasalita pa sana ako pero iniwan na ako ni Nathan, kita nyo? Bastos talaga sya eh tama ba naman na iwan ako mag-isa, Huhu pano nato? Saan ako maguumpisa? Ang laki nitong School nato eh sana pala sumama na ako kay tita nung Pinaenroll nya ako para kahit paano nakapag tour din ako.
Para akong nanliliit sa sarili ko ang ingay ng mga estudyante sa paligid, Nagtatawanan at naghaharutan. Hays namiss ko tuloy bigla si Miles kamusta na kaya sya? kung nandito lang sana sya hindi ako maboboring.
Kanina pa ako palakad lakad pero hindi ko padin makita yung room ko, Nahihiya kasi ako magtanong sa mga estudyante dito eh. Habang naglalakad ako ay may nakita akong estudyante na nakaupo sa tabi at nagbabasa, Dahil wala na akong choice ay lumapit ako sa kanya at nagtanong.
“Kuya alam nyo po ba kung saan banda ang room 512?”
Tumingin sya sakin sabay ngiti, Mga besh! ANG GWAPO NYA!!! ang perfect ng smile nya! Para akong hihimatayin! Haha wala ganito talaga tayo nga bes! Marupok pag dating sa mga gwapo, Tinamaan ka noh? OO! IKAW NA NAGBABASA NITO! haha Pero aminin natin marami tayong crush pero isa lang ang mahal natin ganyan tayo kaloyal mga baks!.
“Nasa 5th floor yan, Left side”
“Ah–eh salamat po”
My Gosh! Nakakahiya nauutal utal pa ako, Nakakahiya naman kay KYAH.
“Bago kalang ba dito?”
“O-opo”
“Gusto mo samahan na kita?”
Lalo akong kinabahan ano bato si kyah kainis nanan! Siguro may gusto to sakin hahaha #assumera ng taon.
“Nako nako, Wag napo kaya ko na po”
“Okay sige”
Pagkatapos non ay bumalik na sya sa pagbabasa, Kainis naman dapat pala pumayag na ako para may kasama ako Ano kayang pangalan nya?.
Umalis na ako para pumuntang 5th floor, Naghagdan lang ako dahil natatakot ako sumakay mag-isa sa elevator mamaya biglang masiraan at makulong pa ako.
Dahil sa gumamit ako ng hagdan pagdating ko ng 5thfloor ay hingal na hingal ako at ito pang malupit HAGARDOUZ na ko, Yung tipong kakapasok mo palang mukha kanang uwian.
Tumakbo agad ako papunta sa room ko at sakto nandon na yung Prof. namin agaw eksena tuloy ako nakatingin silang lahat sakin.
“Good morning sir, I’m Sorry I’m Late”
“Come in, So you are the new transferee?” -Prof.
“Yes sir”
“Okay Introduce yourself” -Prof.
“Pardon sir?”
Parang nabingi ako sa sinabi ng prof namin, Seryoso magpapakilala ako sa harap huhu nakakahiya! Although kahit ilang taon kona to ginagawa still nakakahiya paden.
“Introduce yourself, Para makilala ka naman ng mga classmate mo” -prof.
“Sige po Sir”
Pumunta ako sa bandang harapan at tumingin sa mga bago kong classmates nakatingin din sila sakin, Kinakabahan parin ako!
“Hi Classmates ako nga pala si Dex Vasquez, 17 years old”
Hindi kona hinabaan dahil wala na talaga akong masabi dahil kinakabahan ako, Pinaupo naman ako ng Prof. namin sa bandang dulo.
Nakakapanibago wala akong imik at wala akong makausap napapanis na ang laway ko, Nang mag bell na ay naglabasan na yung mga classmates ko dahil recess na ako naman nagdadalawang isip pa kung bababa ba ako, Dahil unang una wala akong kasabay kumain magmumukha lang akong tanga Pangalawa nakakatamad bumaba kung bakit ba kasi nandito ako sa mataas na floor. Pero dahil bawal may maiwan sa loob ng room ay wala akong choice kundi ang bumaba.
Pagbaba ko sa canteen ay ang ingay ng mga estudyante akala ko sa public lang ang maingay pero pati pala sa private.
Ano bang kakainin ko? Nilinga linga ko yung paligid at nahagip ko si Nathan nakaupo sya kasama ata ng mga barkada nyang lalaki at nang makita nya ako ay sinamaan na naman nya ako ng tingin.
Lalapit pa naman sana ako sa kanya kaso wag nalang, Yung sama ng awra nya abot hanggang sa pwesto ko.
Tumingin nalang ako kung anong mga pagkain ang tinitinda nila, Wala din akong mapili mabuti nalang meron silang Fries na ultimate favorite ko sinaman ko nadin ng maiinom kaso ang problema wala akong mapwestuhan. Ganito pala kahirap na wala kang kakilala, Mag-isa ka at walang kausap kung nandito lang sana si Miles hindi sana ako ganito.
“Wala kang mapwestuhan?”
Muntik konang mabitawan yung dala ko dahil sa gulat, Pag-lingon ko sya ulit! Yung lalaking tumulong sakin kanina! Yung Crush ko! Hehe. Wag nyo ako i Judge! Crush lang naman.
“A–e oo eh”
“Gusto mo sama kana sakin?”
OMG saan nya ako dadalhin???? Dont tell me!!!!
“Saan mo ako dadalhin?”
“Haha wag kang matakot, Hahanap lang tayo ng pwesto”
Sumunod nalang ako sa kanya buti nalang nakahanap kami ng pwesto, Pero hindi padin ako mapakali naiilang ako.
“Ako nga Pala Daniel, Dan nalang for short”
“Ako naman si Dex”
“Nice name, Dex wag kanang mailang sakin pareho lang naman tayo na baguhan dito”
“Seryoso ka bago kalang?”
“Oo Katulad mo bago lang din ako”
“Eh bakit parang kabisado mo yung school?”
“Nakapag tour kasi ako bago ako pumasok dito”
Nagkwentuhan pa kami ni Dan habang kumakain mabuti nalang meron akong katulad na baguhan dito hindi ako maiilang, Kaya nga lang hindi naman kami classmate. Kainis kasi tong si Nathan eh iniwan ako humanda sya sakin mamaya isusumbong ko sya kay tita.
“Dex kilala moba yung lalaki na nasa dulo?”
Tiningnan ko yung sinasabi nya at doon nakapwesto si sungit este Nathan
“hay nako wag monang pansinin yan lakas lang ng topak nyan”
“Ang sama kasi makatingin eh, Boyfriend mo bayon?”
Muntik konang maluwa yung kinakain ko, Si sungit Boyfriend ko? No Way! atsaka hindi pwede yun magpinsan kami at syempre hindi ko naman sya type kapag ako nagmahal isa lang at wala nang iba.
“Pinsan ko yon, Ganyan lang talaga yan makatingin kaya wag mo nalang pansinin”
Tinapos ko na ang pagakin dahil 20 minutes lang ang break namin tapos yung room kopa nasa langit huhu.
Mabilis na natapos ang oras dumiretso agad ako sa parking lot dahil nag-aantay nadon yung driver. Pagbukas ko ng pinto ay nandon na si Nathan na nakasimangot paden, Ano kayang problema ng lalaki nayon sakin?
“It’s almost 2pm, Next time bilisan mo hindi yung pinaaantay mo kami” inis na sabi nya
Pareho kasi kaming am shift, Pero ewan koba dito masyadong nagmamadali.
“Galing pa kasi ako sa langit kaya natagalan ako”
“Tssk, Sa susunod iiwan kana naman”
“Ikaw kaya mag lakad mula 5th floor ewan kolang kung di ka matagalan”
“Meron kasing Elevator “
Meron naman talagang Elevator kaya lang ang problema ko di ako marunong mag pipindot baka mamaya ma trap ako don tapos di ako makahinga tapos mamatay ako ang dami kopa kayang pangarap sa buhay.
Akala ko okay na kami ng lalaking to pero hindi pa pala. Umupo na ako sa tabi nya at nagcellphone na muna nang nakita kong naka online si Miles ay nagvideo call ako, Kinuha ko nuna yung earphone ko para hindi marinig ni Nathan yung sinasabi ni Miles.
“Hi Miles miss na kita huhu”
“Ako din be, Ano kamusta Firstday mo?”
“Eto medyo boring, Pero may nakilala naman”
“Wow new friend nako baka kalimutan mona ako nyan ha?” -Miles
“Ano kaba syempre nag-iisa kalang na kaibigan ko”
“Dex sino yong katabi mo?”
Napansin nya siguro si Nathan.
“Bakit?”
“Ang gwapo ha? Boyfriend mo? ang bilis mo naman pala naka move on”
“Hoy! Hindi ah!”
Napaatas bigla yung boses ko at napatingin ako sa pwesto ni Nathan ang sama na naman ng tingin nya sakin.
“Anong problema mo? bakit ang ingay mo?!”
Hindi ko nalang sya pinansin at nilapit ko sa bibig ko yung earphone kung saan pwede magsalita at sinabi sa kanya na pinsan kolang yon. Nag sorry naman sya sakin dahil sa sinabi nya, Hindi nadin namin napagusapan si Mark.
Aaminin ko namimiss ko si Mark, Kamusta na kaya sya? may tumutulong kaya sa kanya na gumawa ng assignment nya? Hayss paano ako makakamove on kung paulit ulit ko paden malaman ang kalagayan nya.
MARK’S POV
Kanina kopa tinitigan dito ang math equation pero hindi ko padi ma gets kung paano sya makuha, Hayys bakit ba kasi ang hina ko pagdating sa math eh kung nandito lang sana si Dex sigurado akong matutulungan nya ako.
“Oh mukhang stress ka ha?”
“Nahihirapan lang kasi ako dito eh”
“Patingin nga”
Kinuha ni Sheena yung notebook at tiningnan yung sinasagutan ko.
“Nako madali lang to, Halika tuturuan kita kung paano to makukuha”
Tinuruan ako ni Sheena kung paano yon isosolve. Mabuti nalang lagi syang nandyan sa tabi ko para tulungan ako sa mga bagay na hindi ko alam, Kahit nawala si Dex sa tabi ko ay may pumalit naman.
Natatawa sakin si Sheena kasi kahit daw grade 7 kayang isolve yon ang sabi ko nalang mahina talaga ako sa math, Ang sabi nya naman ayos lang daw yon tuturuan nalang daw nya ako kapag may hindi ako maintindihan sa math subject ko.
Pagbalik ko sa room ay nakita ko si Miles tumingin lang sya sakin sabay ngiti, Simula din kasi ng umalis si Dex hindi nadin kami masyadong nag-uusap kaya hanggang ngayon yung mga katanungan sa isip ko ay wala padin kasagutan.
Bakit umalis si Dex?
Anong nagawa kong kasalanan sa kanya?
May nagawa nga ba talaga ako kaya galit sya sakin?
Nitong mga nakaraang hindi ako tumigil na tawagan sya kaso nagpalit na yata sya ng number, Sa messanger naman ayaw nyang sagutin at kahit yung mga messages ko sa kanya sa facebook ayaw nyang iseen. Kamusta na kaya si Dex ngayon sa bago nyang school sana makakita sya ng mga bagong kaibigan para hindi sya nag-iisa at para may magtanggol sa kanya kapag may nang-away sa kanya.
Namimiss kona kasi Si Dex, Yung asaran namin, Yung kulitan at yung mga araw na magkasama kami habang nagtatawanan. Hindi yon pwedeng mawala kasi nakatatak nayon, Mahalaga si Dex sakin kasi sya ang BESTFRIEND KO.
DEX’S POV
Pagdating namin sa bahay tamang tama nandon si Tita, Humanda ka sakin Nathan isusumbong kita wahahahaha.
“Dex, Kamusta yung First day mo?”
“Nako tita may sasabihin ako sayo alam mo ba—”
Magsasalita pa sana ako pero bigla akong inakbayan ni Nathan, Yung akbay na parang mag tropa lang as in pabagsak talaga kaya medyo masakit na nanandya talaga to eh!
“Nako mommy alam mo ba? itong si Dex ayaw nang humiwalay sakin kanina dahil natatakot daw syang mag-isa, Kaya hinatid kopa sya hanggang sa room nila at sinundo kopa after ng class nya”
SINUNGALING KA! ang kapal ng mukha nitong lalaki nato! Ni isa sa sinabi nya wala namang totoo! Pigilan nyo ako sisikmuraan kotong lalaki nato!
“Very Good Nathan, Haha okay lang yan Dex masasanay kadin kapag nagtagal”
Wala na akong nagawa kundi ang tumango nalang, May araw kadin saking lalaki ka Pangiti ngiti kapa ha? tingnan lang natin lintik lang ang walang ganti wa ha ha ha char!.
“Tita akyat napo ako ha? mag bibihis napo ako”
“Sige, Tapos bumaba kana para makakain ka” -Tita
Buti pa si Tita mabait pero itong step son nya? Grabe sobrang bait! yung sa sobrang bait ang sarap sapakin.
Humiga muna ako sa kama at kinuha yung phone ko sabay open ng facebook mabuti nalang may Wifi dito lahit paano hindi boring.
Ganon paden ang daming messages ni Mark pero wala akong balaka basabin at sagutin yon dahil hindi pa ako handa sa ngayon.
At may nag frend request sakin, pagtingin ko Daniel Santos. OMG! si Dan inadd ako! woooo kinilig naman ako kasi inadd ako ng crush at inaccept ko naman agad ang ganda ko sa part nato.
Syempre una kong tiningnan yung profile nyo grabe ang gwapo nya talaga ang perfect ng ngiti nya! inistalk kopa yung iba nyang mga pictures at base sa mga nakita ko wala naman syang girlfriend.
Syempre after ng kalandian ko tinawagan ko sila mama para mangamusta.
Ang haba ng naging pag-uusap namin alam nyo naman si mama akala mo ilang buwan hindi nakapagsalita haha namiss ko tuloy yung pagrarap nya tuwing umaga.
Sinabi din sakin ni mama na nakailang balik nadaw si Mark sa bahay at tinatanong kung kelan ako uuwe. Hays ano bang problema ni Mark? ako na nga ang lumayo pero sya padin yung gumagawa ng paraan para lagi ko syang maalala Hay Buhay nga naman ParanG Life.
CHAPTER 22 “MISSING HIM”
DEX’S POV
Wala si Tita ngayon nagpunta sa mga friends nya si Tito Greg naman nasa business trip nya kaya kami lang ang naiwan ni Nathan pati ng apat na katulong.
Maaga akong nagising dahil baka umangal na naman yung Sungit nayon. After kong mag-ayos ay bumaba na ako para magalmusal Maganda ang gising ko ngayon at ayaw kong may sisira nito, Nagtataka ako kasi wala si Nathan hindi kodin sya nakita pagbaba ko baka humihilik pa yon haha.
“Manang nakita nyo po ba si Nathan?”
“Nako Dex, kanina pa umalis nagmamadali nga kanina eh” -manang
“Ano?!”
Muntik konang mabuga yung kinakain ko, Bwiset talaga na Nathan yon! Iniwan ako! inagahan ko na ang gising eh yun pala inagahan nya din!! Hindi na talaga ako natutuwa sa kanya Grrrr.
“Bakit hindi kaba nya sinabihan?”
“Hindi po eh”
Kainis kailangan kopa tuloy mag commute, Ang sama talaga ng ugali nya. Wala naman akong ginagawa sa kanya pero ang lakas ng trip nya inaruga naman sya ng maayos nila tita bakit kaya ganyan sya. Pakitang tao pa sya pag nandyan sila tita ang bait bait pero pag wala topakin.
Nagmadali na akong umalis ng bahay dahil baka maabutan ako ng super duper mega Traffic haha alam nyo naman dito sa pilipinas akala mo isang malaking parking lot haha.
Nakakamimiss din pala mag commute ibat ibang klaseng tao ang nakikita mo pero bigla kong naalala si Mark, Sya yung laging kasama ko pagsumasakay ng Jeep. Napapikit nalang ako at binalikan ang masasayang araw namin ni Mark dito sa Jeep.
……………..FLASHBACK…………………………
Naalala ko yung sinabi ko dati na imbes na bayad po ay Pabili po.
“Manong pabili po”
Gusto kong sampalin yung bibig ko dahil sa sinabi ko napatingin sakin yung ibang nakasakay sa Jeep at halatang nagpipigil ng tawa. Ang lalim kasi ng iniisip ko kaya ayan ang nasabi ko, Kahit ako gusto kodin tumawa.
“Ay bayad po pala”
Nilingon ko si Mark nakahawak sya sa tyan nya at nagpipigil din ng tawa, Kinurot ko sya sa tagiliran dahil wala syang support sakin! How dare him!
“Aray ko Dex, ang sakit ng kurot mo”
“Para ka kasing Tanga tawa tawa kapa dyan”
“Eh kasi nakakatawa ka eh haha”
“Happy ka dyan? tssk”
Hindi ko sya pinansin, Nilingon ko naman yung mga pasahero sa Jeep nakangiti lang sila samin. Akala siguro nila may shooting ng isang teleserye sa Jeep haha.
At yung pangalawa ang hindi ko makakalimutan sa lahat ewan koba kung matutuwa ako oh mabubwiset.
Dahil sa agawan ng Jeep at dami ng pasahero wala kaming nagawa ni Mark kundi kalungin nya ako. Pero ang totoo talaga non ay ako ang naunang umupo tapos wala ng space kaya sasabit na sana sya kayang lang sabi ng driver bawal daw kasi may hulihan, Napatingin sakin si Mark at parang gustong sabihin na bababa nalang sya.
“Mark ikaw na umupo dito”
“Ha pano ka?”
“Edi kalungin mo ako”
Si Mark ang umupo at kumalong ako sa kanya dahil gusto ko kasi sabay kami.
“Dex ang bigat mo”
“Sige mangaasar kapa, Palit kaya tayo ako ang kakalong sayo”
Hindi na sya umangal haha, Nakaupo din naman ako ng maayos nang may bumaba sa Jeep.
…………END OF FLASHBACK………………
Hayss ano ba tong nararamdaman ko? katangahan na naman ba to? Bakit ba hindi sya mawala sa isip ko? Pinipilit ko naman eh.
Lutang ako habang Naglalakad papunta sa room ko parang hina hina ako at tinatamad na pumasok.
Habang naglalakad ako paakyat ay may kamay na tumakip sa mga mata ko, Biglang bumilis ang tibok ng puso ko Hindi ako pwedeng magkamali isa lang ang gumagawa sakin nito ,Sya lang Ang BestFriend ko Na mahal ko Pero anong ginagawa nya dito.
“Mark?”
Tinanggal ko yung kamay nya at parang nadismaya ako sa nakita ko. Hindi sya si Mark si Dan lang pala.
“Si Dan to, Haha sino Si Mark? Boyfriend mo siguro noh?”
Umupo muna ako sa hagdan at tumabi sya sakin.
“Sorry akala ko kasi ikaw ang BestFriend ko”
“Bakit asan ba yung Bestfriend” -Dan
Gusto ko sanang sabihin sa kanya na NANDON SA TAONG MAHAL NYA, Pero hindi ko sinabi dahil may mga bagay na ako lang ang pwede munang makaalam.
“Nasa ibang school sya nag-aaral”
“Siguro super Close kayo noh? Kasi halata sa sayo eh”
“Oo, Si Mark yung kauna unahan naging BESTFRIEND KO karamihan kasi ayaw sakin dahil nga sa bakla ako, pero si Mark iba sya sa lahat tinanggap nya ako kung ano man ang kasarian ko. Kaya simula non natuto akong maging matapang at maging malakas dahil sa tulong nya, Kapag kasama ko sya alam kong walang mananakit sakin, Kapag kasama ko sya alam kong safe ako at kapag kasama ko sya masaya ako.”
“Kung tinuruan ka nyang maging matapang at maging malakas bakit ka nageemote dyan?”
Napatingin ako sa sinabi nya, At nag-isip ng isasagot sa tanong nya. Bakit nga ba ako ganito kung tinuruan nya ako maging malakas? Umakbay sakin bigla si Dan.
“Haha wag monang isipin yung tinanong ko sayo, Siguro may mga tao lang na syang lakas natin at the same time ang kahinaan natin. Tara na baka malate pa tayo sa mga klase natin”
Tumayo kaming dalawa at naglakad paakyat, Pero hindi padin mawala sa isip ko yung mga sinabi nya na May mga taong lakas natin at the same time kahinaan din natin.
MARK’S POV
Habang nagpapractice kami ng laro ay aksidente kong nakagat yung dila ko, Tssk siguro pinaguusapan ako sino kaya yung mga loko loko nayon?
“Calvin, Magbigay ka nga ng number” Sabi ko sa kanya Teammate ko pala sya, Kay Dex kolang natutunan yung ganito eh na kapag nakagat modaw yung labi mo ay pinaguusapan ko o di kaya naalala ka.
“Para saan?”
“Basta magbigay ka ng number kahit ano lang”
“Oo na, 4 yan nalang”
Nagbilang ako ng 4 A, B, C, D. 4-D Katumbas ng 4 sa alphabet ay letter D. Letter D, Si Dex agad ang naisip ko wala din kasi akong ibang kakilalang Letter D sya lang talaga.
Kung si Dex man ang nakakaalala sakin ay masaya ako dahil hindi pa pala nya ako nakakalimutam. Asan na kaya sya? Ano kayang ginagawa nya?.
“Oh ano na? Bakit ka nakangiti dyan?”
“Wala, tara na magpractice nalang tayo”
Kahit paano kasi gumaan ang pakiramdam ko kasi posibleng hindi talaga galit sakin si Dex, Pagnakita ko talaga yayakapin ko sya ng mahigpit dahil ang tagal kona din syang hindi nayayakap sobrang miss kona sya,Yung ingay nya, Yung tawa nya at lalong lalo kapag magkasama kami.
NATHAN’S POV
Habang kasama ko yung mga katropa/Kaibigan ko ay napansin ko yung Pinsan kong Bakla mag-isa lang sya at mukhang malalim ang iniisip.
Actualy ayaw ko talaga sa mga bakla dahil hindi naging maganda ang karanasan ko sa kanila lalo na nung highschool ako, Yung mga teachers kong bakla hinaharass ako kaya simula non parepareho na ang tingin ko sa kanila. Pero hindi naman ako galit kay Dex, Gusto kolang syang pagtripan yun lang.
Nilapitan ko si Dex dahil alam kong magiinit na naman ang ulo nya sakin dahil iniwan ko sya kaninang umga, Sinadya ko naman talaga yon dahil wala naman sila Daddy at ang stepmom ko kaya walang magagalit sakin.
Tumayo ako sa harap nya pero nilagpasan nya lang ako na parang walang nakita, Problema non? Himala hindi ata nanggagalaiti sa sobrang galit, Imposible naman na hindi nya ako nakita? Alam kona! Baka nantitrip lang to haha lalo ko tuloy syang gustong inisin Pero tinawag na ako ng mga katropa/kaibigan ko.
“Nathan? sino yung hinarang mo kanina? Grabe ka lakas mo talaga mang trip” Biro ng isa kong kaibigan sabay tawa.
“Gg mabait ako, Pinsan kolang yon”
“We? may pinsan ka pala? Bakit hindi mo ipakikilala samin para maging tropa nadin natin”
“Bakla yon wag kayong ano Dyan”
Hindi ko nalang si pinansin at pasimple kong tinitingnan si Dex, Ano kayang problema non? dinamdam kaya nya yung pag-iwan ko sa kanya kanina? Tssk parang ayon lang nagkakaganyan na sya.
Pagkatapos nyang kumain ay tumayo na sya ewan koba kung anong naisip ko ay tumayo din ako at sinundan ko sya, Papunta sya sa Cr seryoso sya? hahaha dun sya pupunta sa CR ng mga lalaki, Haha may kakatakpuin siguro to don o di kaya may bobosohan tumakbo ako papunta sa pintuan ng Cr Para harangan sya.
“Oopss CR ng lalaki to, Lakaki kaba?”
Tumingin sya sakin, Pero wala akong nakitang inis sa mga mata nya bagkos ay parang malungkot pa.
“MagCCR ako tabi dyan”
“Ayoko, Dun ka sa pangbabae diba babae ka? Baka mamaya mamboso kalang dito, O di kaya may lalaki kang bibiktimahin dito nako Dex isusumbong kita kay Mommy”
“Pwede ba kung mangtitrip ka wag ngayon? Kasi wala akong oras makipagtalo sayo”
Tinalikuran na nya ako at naglakad palayo, Wala nga talaga sya sa mood dahil kung nasa mood sya malamang kung ano ano na ang sinabi nya sakin.
DEX’S POV
Gusto ko na nga matahimik eh kahit ngayon lang, Pero ayaw akong tantanan ni Nathan mabuti nalang hinabaan ko yung pasensya ko.
Mabilis na natapos ang klase namin at nagmadali akong lumabas dahil gusto ko nang makauwe, Alam kodin naman na iiwan ako ulit ni Nathan kaya hindi na ako umaasa na sasabay ako sa kanya. Diretso na ako sa gate at hindi sa parking lot.
Ang ingay sa labas dahil sa mga estudyanteng pauwe at papasok sa school kasama nadin ng mga sasakyan na dumadaan, Habang nag-aantay ako ng Jeep na masasakyan ay may bumusina sakin kilala ko yung sasakyan nayon kala tita yon so nandito pa pala si Nathan, Nilabis ni Kuya Alex (driver) yung ulo nya sa bintana at tinawag ako.
“Sir Dex tara napo”
Nagdadalawang isip ako kung sasabay pa ba ako o hindi kasi nandon si Nathan alam ko naman na labag sa kalooban nya na isabay ako pero dahil nahihiya ako kay Kuya Alex ay sumabay nako pero sa harap ako umupo hindi sa likod.
“Tssk kanina pa kami antay ng antay nandito kalang pala”
Hindi kona sya pinansin dahil baka mabadtrip lang ako sa kanya at masapak ko sya hahaha char! Malay koba na nagaantay pala sya! kung alam kolang edi sana pinag-antay kopa sya para makabawi man lang sa mga ginawa nya haha.
Habang nasa byahe kami ay sumandal muna ako at Binuksan ni Kuya Alex yung Radio at tamang tama tumugtog yung kantang “KUNG AKO NALANG SANA” Alam nyo feeling na bawat lyrics ng kanta ay parang patama sakin. Kung ako nalang sana ang kanyang minahal huhuhu.
“Sir Dex? Sir Dex?”
Nagising nalang ako ng may naramdaman akong yumuyugyog sakin, Pagdilat ko si kuya alex lang pala.
“Kuya nakatulog po ako?”
“Opo Sir”
“Nako kuya Dex nalang po, wag na sir at wag nadin po kayo mag po sakin”
“Sige po, Pero sino pala yung binabanggit nyong pangalan ng lalaki kanina?”
“Ha? ano pong pangalan??”
Omg! Meron ba akong nasabi nang hindi ko nalalamana!????
“Mark, Mark yung paulit ulit nyong binabanggit kanina habang tulog kayo”
WHAT THE! KABAYONG BUNDAT!! ANONG NAGAWA KO!!!!
“Hindi nga kuya seryoso????”
Ang lakas nang kaba ng dibdib ko dahil baka narinig yon ni Nathan.
“Oo parang umiiyak kapa nga habang sinasabi mo yung pangalan nya”
Ano tong kapalpakan ko???? nakakahiya!! umiyak pa talaga ako???
“Kuya asan po si Nathan??”
“Kanina pa pumasok”
Pagkasabi palang non ay tumakbo na ako papasok sa loob nang bahay huhu nakakahiya yung ginawa ko.
Nakakainis naman kasi si Mark kahit sa pagtulog ko hindi sya mawala! Bakit ganon?? yung taong gusto kong kalimutan ay hindi mawala sa isip ko lalong lalo na sa puso ko.
Nakasalubong ko si Nathan sa loob nang bahay pero tumingin lang sya sakin at wala naman syang sinabi, Medyo nakahinga ako nang maluwag dahil mukhang si kuya Alex lang ang nakarinig baka naka earphone yung lalaki nayon.
CHAPTER 23 “JASMINE”
DEX’S POV
Nakakapagtaka ngayon kasi hindi nagsusungit sakin si Nathan, Kasabay ko syang kumakain ngayon at pinagmamasdan kolang sya.
Ano kayang binabalak ng lalaki nato? May masama na naman ba syang gagawin sakin?
Nako kung ano man yan kailangan kong mag-ingat baka kasi ipalapa na nya ako sa ngayon o di kaya itulak nya ako sa hagdan.
“Ganon na ba ako ka gwapo para titigan mo?”
Aba! ang kapal nya ah! kaya kolang naman sya tinitigan dahil gusto ko alerto ako kasi nakakapanibago ang katahimikan nya.
“Gwapong Gwapo ka talaga sa sarili mo noh?”
“Oo bakit Gwapo naman talaga ako, Sino bang mas gwapo samin nang Mark mo? ako o sya?”
Natahimik ako bigla sa sinabi nya, Para akong binuhusan ng malamig na tubig tapod grabe yung kaba, OMG! narinig nya! nakakahiya!
“Ma-Mark?” kunwari nagmamaang maangan ako huhu
“Sus Kunwari kapa”
Hala! Narinig nya nga!!!!!!!! anong gagagwin ko! baka asarin na naman ako nito, o di kaya siraan ako kay Tita, Bakit ba kasi ako nag ka pinsan ng Ganito eh pero sabagay hindi naman kami magkadugo pero kahit na! Anak parin sya ni Tito Greg huhu baka siraan nya ako.
“Narinig moba?”
“Oo Rinig na rinig ng dalawang tenga ko, May paiyak iyak kapa dyan. Bakit sino bayon? lalaki mo?”
“Hoy anong lalaki ka dyan?! Kaibigan kolang yon!”
Medyo Napataas yung boses ko haha defensive lang.
“Siguraduhin mo lang, Dahil pinag-aaral ka nang pamilya ko kaya ayusin mo hindi inuuna mo ang kaharutan mo. Tapusin mona yung kinakain mo tapos aalis na tayo”
Pagkatapos non ay tumayo na sya, Tinopak na naman haha. Grabe sya makapagsalita ng kaharutan hindi ba pwedeng umiibig lang! palibhasa kasi pusong bato sya Atsaka inaayos ko naman talaga yung pag-aaral ko hindi lang dahil pinag-aaral nila ako kundi dahil para sa sarili ko nadin at lalong lalo na sa pamilya ko.
Habang nakasakay kami pareho ay tahimik lang kami sa loob ng sasakyan hanggang sa makarating sa school, Nauna syang bumaba pero sinundan kopa din sya.
“Bakit kaba sumusunod??”
“Hoy hindi kita sinunsundan, Pareho lang tayo nang school diba? so pareho din tayo nang daan”
Tumigil sya at humarap sakin, Ayan na naman yung scary eye nya parang kakainin ako ng buo.
“Stop Following me, Understand???”
Naglakad na sya palayo sakin, Gusto kolang naman kasi iclear sa kanya na hindi ko lalaki si Mark oo mahal ko pero hanggang dun lang yon, Baka kasi magkwento sya kala tita.
Pero dahil matigas ang ulo ko ay sinundan ko padin sya, Grabe ang lalaki ng hakbang nya sya naglalakad lang ako tumatakbo na ng dahan dahan baka kasi makita nya ako haha para tuloy akong spy.
Paglumilingon sya nagtatago ako haha, Pero nung nagtago ako tapos pagsilip ko nawala sya bigla. Lumabas ako sa pinagtataguan ko pero wala talaga sya, Hala san nagpunta yon? ang bilis naman nyang nawala.
“Diba sinabi ko sayong wag mona akong susundan?”
Nagulat ako dahil may nagsalita sa likod, dahan dahan akong lumingon sa likod at ngumiti ng pilit.
“Ah eh ano kasi”
“Pwede ba diretsohin mona ako kung may sasabihin ka. Hindi yung sinudundan mopa ako”
“Yung tungkol kay Mark kaibigan kolang talaga yon, Sana wag monang sabihin kala tita”
“That’s all?”
Tumango lang ako, Tapos mukhang nainis na naman sya at umalis na pero hindi kona sya sinundan baka kasi lalong mainis sakin eh.
NATHAN’S POV
Nakakainis yung Dex nayon ang kulit naalibadbaran ako Mabuti nalang hindi nya ako sinundan.
“Hi Nathan?”
Isa pato sa mga nakakainis. Sinamaan kolang sya nang tingin at nilagpasan pero hinabol nya ako at hinawakan sa kamay.
“What’s wrong with you!?”
“Nathan please, Let me explain. Yung nakita mo? Wala yon, I was drunk that night”
She was my Girlfriend before Pero nung mahuli ko sya na kahalikan ang isa sa mga barkada ko ay nakipagbreak ako sa kanya dahil matagal nadin ako sinasabihan ng mga tropa ko sa panloloko nya, Kahit anong explain nya ay hindi ko sya pinakinggan dahil sapat na yung mga nakita.
“I dont need your explanation, Could you please Just leave?! I dont wanna see your Face anymore!”
“Nathan please, I know you loved me kaya hayaan mo akong magpaliwanag” -Jasmine
“Hindi ko alam kung bobo kalang o sadyang tanga, I said Leave!”
Kinailangan kong sabihan sya nang masasakit na salita para malaman nya na ayaw kona syang makausap, Wala na akong nararamdam para kay Jasmine kaya bahala na sya sa buhay nya Tapos na kami nung gabing yon.
“Nathan?”
Nakita kong umiiyak si Jasmine pero hindi ko sya pinansin tss How desperate she is, Hindi na nya ako madadaan sa paiyak iyak nya.
Iniwan ko sya at naglakad nalang, Tssk Nainis na nga ako kay Dex kanina dahil sunos ng sunod sakin dumagdag pa sya.
Pagpasok ko tuloy sa classroom ay tahimik yung mga classmates ko natakot siguro sakin, Umupo ako sa pinaka dulo para wala akong katabi ayaw ko muna kasi ng makulit kota na ako sa kakulitan ni Dex ewan koba naman kasi sa dami daming pwedeng maging pinsan bakit sya pa? He is not my Ideal Cousin.
Mabilis na natapos ang oras at tumunog na ang bell tanda ng recess na, Sobrang ingay ng mga Senior High Student akala mo mga bata. Nagpunta ako sa pwesto namin at nandon na lahat ng mga barkada ko.
“Oh, Nath? Bakit parang Badtrip ka?” Ani ni Steve
“Nothing”
“Nako babae na naman ba yan?” Tanong naman ni Dave
“I said it’s nothing”
Ito na naman yung dalawa kong makukulit na barkada, Hobby talaga nila ang mang-asar sa taong trip nila.
“Okay sabi mo eh, Pero kung babae lang yan Marami ako ilan ba gusto mo?”
Sinamaan kolang sya nang tingin at dumampot sa binili nilang isang malaking junkfood.
Mabuti pa si Anthony tahimik lang at hindi nakikisawsaw sa dalawa at ito naman isa kong tropa si Matthew masyadong seryoso sa pag-aaral pag nakahawak na nang libro para nasa ibang mundo na.
Habang nagkwekwentuhan kami ay may lumapit sakin na isang Bakla, Tiningnan ko lang sya at namumula sya senior high student sya base sa suot nyang uniform.
“H-Hi po? Kuya Nathan pwede po bang mag pa picture??”
Halatang kabado sya sa pagsasalita at yung mga kasama nya ay todo kilig, tssk annoying.
Hindi ko sya pinansin at humarap nalang kala Dave. Pero kinalabit nya ako, Biglang tumaas ang dugo ko ang ayoko kasi sa lahat ay yung mga taong mahaharot makakakita lang nang gwapo kilig na kilig na at higit sa lahat pagayaw ko ayaw ko.
“Stay away from me!”
Napataas yung boses ko at nagulat sya sa ginawa ko, Napatingin naman yung ibang mga kumakain at mga tao sa canteen Pero wala akong paki alam.
DEX’S POV
Magkasabay kami ngayon ni Dan dahil chinat nya ako, Taray no ako talaga ang una nyang chinat hehe ang ganda ko sa part nayon.
Habang kumakain kaming dalawa ni Dan ay may narinig kaming sumigaw at nilingon ko agad kung saan galing yon.
“Dex diba pinsan mo yon? sino kaya yung sinagawan nya?”
Ang sama talaga ng ugali ng Nathan nayon, Mukhang kawawa naman yung sinigawan nya sumusobra na talaga sya hindi na tama ang ginagawa nya.
“Dan dito kalang ha? May pupuntahan kolang si Nathan”
“Ha? Gusto mo samahan na kita?”
“Wag na kaya ko nato”
Tumayo ako at agad na pinuntahan si Nathan, Para kasing may nagudyok sakin na tulungan yung sinigawan nya nakikita ko kasi yung sarili ko na dati lagi akong binubully sa school pero dahil sa mga nakilala kong kaibigan natuto akong ipagtanggol ang sarili ko at syempre hindi na ako natatakot mabully ulit dahil alam kong may magtatanggol sakin.
“Sorry napo kuya Nathan”
“Kung gusto mo magpapicture wag sakin”
Grabe na talaga yung Nathan nayon Ayaw nya padin tigilan yung tao, Agad kong nilapitan yung sinigawan nya.
“Hoy Nathan bakit mo sya sinisigawan?!”
“That’s none of your business”
“Business mo yang mukha mo! Grabe ka kahit sino nalang aawayin mo pag ginusto mo!”
“Nandito kaba kanina?”
“Wala”
“So? hindi mo alam ang umpisa? tssk makikisawsaw na nga lang sa mali pa ang pinanigan”
Pagkasabi non ay tinalikuran na nya ako, Ang bastos talaga nya hindi pa nga kami tapos mag-usap aalis na sya agad at kahit na itong sinigawan nya ang nag-umpisa ay mali padin na mamahiya sya at manigaw ng ibang tao.
“Ayos kalang ba?” tanong ko sa sinigawan ni Nathan
“Opo, Salamat po”
Sa inis ko kay Nathan ay kinuha ko yung plastic bottle namay lamang tubig at binato ko sa kanya, Ang kaso!!!!!!! Hindi ako magaling mag target ibang tao ang natamaan ko huhu.
Isang babae ang natamaan ko, sakto nya sa noo tumama huhu anong gagawin ko? Sa sobrang taranta ko ay nilapitan ko agad yung babae.
“Ate sorry, Hindi kopo sinasadya”
Nakahawak padin sya sa noo nya at tumingin sakin, Napalunok ako ng laway kinakabahan ako sa susunod na mangyayari.
Inayos nya yung sarili nya at tinulak ako nang malakas, Kinuha nya yung boteng tumama sa noo nya at binuksan yon sabay buhos sakin ng tubig.
Hindi ako nakagalaw agad dahil sa bilis ng pangyayari hindi naman talaga sya yung babatuhin ko eh. Alam kong mali ako sa part nayon pero nagsorry naman ako.
“Next time kikilalanin mo kung sino ang babatuhin mo, Ha! Pano kung nasira ang mukha ko? kaya mobang ipaayos?”
Galit na galit talaga sya dahil sa ginawa ko wala akong karapatang magsalita dahil ako ang may kasalanan. Tumayo ako at inayos ang sarili ko.
“Sorry po talaga, Hindi ko po sinasadya”
“Hindi mo sinasadya? Pwes ito sinasadya ko”
Kinuha nyo yung pagkain ng isang studyante at tinapon sa uniform ko, Nakatingin lang samin yung mga estudyante hindi ko alam kung anong gagawin ko lalaban ba ako? o iiyak nalang aksidente lang naman talaga yung nangyari, Napapikit nalang ako nang ihahampas nya sakin yung pinggan at nagaantay nalang na tumama sakin, Pero napadilat ako ng may marinig akong nag-salita.
“Dont you dare try to hurt my cousin”
Si Nathan! Bumalik sya, Para akong isang tao na niligtas nang isang super hero. Nilapitan nadin ako ni Dan.
Nang iwan ko si Miles at Mark at lumipat ako sa school nato akala ko sarili ko nalang ang magtatanggol sakin at wala nang magtatanggol sakin pero meron pa pala.
“That gay is your Cousin?”
“Yes Jasmine, Dex is my cousin”
Wait? magkakilala sila???? kahit gusto kong umiyak dahil sa ginawa sakin ni Jasmine ay napangiti padin ako dahil pinagtanggol ako ni Nathan at sa kanya mismo nanggaling na mag pinsan kami.
“Pero binato nya ako”
“I know, But he said it was accident”
“Kahit pa nasaktan padin ako”
“And you hurt him too”
Grabe sila namang dalawa ang nagtalo, sa isang maling bato kolang lumaki na yung issue hhuhu sa susunod mag-iingat na talaga ako.
“Dex ayos kalang ba?” Alalang tanong ni Dan
“Oo, Hindi naman masakit yung tulak nya”
“Pero yung uniform mo”
Tiningnan ko yung uniform ko at ang dumi dumi kona Wala pa naman akong dalang pamalit.
“NATHAN AKO ANG NASAKTAN DITO! TAPOS SYA PA ANG IPAGTATANGGOL MO? KAHIT PINSAN MO SYA SYA PADIN ANG MAY KASALANAN”
Nanggagalaiti na si Jasmine sa galit pero hindi sya pinansin ni Nathan.
“Dex lets go home”
Hinawakan ni Nathan yung kamay ko at hinila paalis sa canteen hindi na tuloy ako nakapagpaalam kay Dan.
Tiningnan ko si Nathan habang naglalakad kami seryoso ang mukha nya natatakot tuloy ako mag-salita.
“Nathan pano yung bag natin?”
“Wag monang isipin yon ipapakuha ko nalang sa mga tropa ko”
Dahil wala pa sa oras ang uwi namin ay wala si kuya alex, Nagtawag nalang tuloy sya nang taxi.
“Nathan salamat sa pagtatanggol mo sakin kanina”
“Tssk, pagsakin ang tapang tapang mo pero pag dating sa iba nagpapakawawa ka”
“Kasalan ko naman kasi”
“Kahit pa, Dapat pag may umaapi sayo ipagtanggol mo ang sarili mo” -Nathan
kahit nagagalit sakin si Nathan ay napapangiti padin ako sa kanya dahil nag-aalala sya sakin.
“Salamat talaga”
Hindi nya ako pinansin, Ayos lang na sinusungitan nya ako atlis alam kona na mabait naman talaga sya kaya lang natatakot lang sya ipakita.
Sino kaya yung Jasmine nayon? Huhu kinakabahan tuloy akong pumasok bukas baka kasi abangan nya ako, at mukhang matagal na sila magkakilala ni Nathan.
Hayss saka kona iisipin yon ang importante ngayon ay makaoagbihis na ako dahil ang lagkit lagkit kona.
CHAPTER 24
DEX’S POV
Pag-gising kinabukasan ay nakahain na ang almusal at nasa bahay nadin si Tita Emman.
“Dex buti gising kana, Halika na para makapag almusal kana” yaya sakin ni Tita
“Tita kelan po kayo nakauwe?”
“Nako gabi na haha, Kamusta pala dito nung wala ako. Si Nathan? Goodboy ba sya?”
Si Nathan Goodboy?? Nako ito na yung chance ko para isumbong sya wahahaha.
Pero bigla kong naalala yung ginawa nya kahapon.
“Opo tita, Goodboy si Nathan”
“Baka sinasabi molang yan dahil tinakot ka ni Nathan”
“Hindi po tita, Goodboy talaga sya”
“Speaking of Goodboy ayan na pala sya, Nathan Halika na dito sumabay kana samin”
Lumapit si Nathan kay tita at nagbeso pa sila, Naka uniform na si Nathan. Umupo sya sa tabi ko.
“Bakit hindi ka naka uniform hindi kaba papasok?”
Natigil ako sa pagkain ng magsalita sya.
“Oo nga Dex, Hindi kaba papasok?”
“Ah eh opo hindi po ako papasok ngayon, Tita pwede po ba akong umuwe muna samin? namimiss kona po kasi sila mama Friday nadin naman pero babalik din po ako ng sunday ng gabi”
“Ah ok, sige ikaw bahala”
“Tsk”
Mabuti nalang talaga madaling kausap si tita at pumayag siya pero itong si Nathan may pa tssk tssk pang nalalaman akala naman nya mapipigilan nya ako.
“Kung gusto mo sumabay kana din kay Nathan pag alis para ipahatid na kita kay kuya Alex”
“Sige po tita, Salamat po”
Tinapos ko muna ang pagkain at kinuha ko yung gamit ko, OMG! excited na akong umuwe.
Hindi na ako nagdala ng maraming gamit dahil meron pa naman akong naiwan sa bahay namin. Hindi kona din itetext si mama dahil gusto ko syang isurprise.
Bago ako umalis ay nagpaalam muna ako sa mga friends kong katulong at syempre kay Tita.
Kaso saglit lang kasi si Nathan excited umalis, Kahit kelan talaga basag trip sya!
“Dex uuwe ka ngayon sa inyo?” Tanong sakin ni kuya alex
“Opo kuya, Pero kuya alex unahin nyo nang ihatid si Nathan baka kasi malate sya”
“Okay”
“Tssk, Ideretso nyo na sa bahay nila Dex”
“Pero Sir? Malelate po kayo”
“So? I dont care”
Wala nang nagawa si kuya alex kundi ang sumunod, wala eh si Nathan ang boss kaya sya ang masusunod.
“Nathan okay lang ako, Ikaw na muna ang ihatid”
“Are you Deft? ang sabi ko sa inyo na idiretso”
Ayan na sya, G na G na naman huhu akala mo araw araw meron ahaha.
“Eh kasi malelate ka nga”
“I’m not going to school”
“Ano? eh saan ka naman pupunta?”
“Sa inyo”
Luh?? Desisyon?
Para akong nabingi sa sinabi nya, Siya pupunta samin??????? At anong nakain nya para pumunta sya sa bahay? Ano na naman kayang trip nya??
“Seryoso ka? ibig sabihin hindi ka din papasok?”
“Tssk”
Hala mukhang seryoso nga sya! Pero anong gagawin nya sa bahay? anong binabalak nyang masama? Nako hindi kopa naman na text si mama na uuwe ako ngayon at may kasama akong isang attitude huhu baka hindi nakapaglinis si mama, Judgemental pa naman tong si Nathan.
“Nathan hindi maganda yung bahay namin, Maraming lamok atsaka hindi malambot ang mga upuan, wala kaming aircon at higit sa lahat wala kaming Wifi”
Sana lang talaga umipekto ang mga sinabi ko para hindi sya makasama huhu, Lord help me.
Pero yung hindi na sagot na hinihintay ko ay hindi ko narinig kay Nathan Bagkos ay sinamaan nya lang ako nang tingin huhu.
Habang nasa byahe kami ay todo ako dasal na sana nakapaglinis si Mama at masarap ang ulam namin sa bahay para naman hindi topakin tong kasama ko.
After nang ilang minutong byahe ay nakarating nadin kami sa bahay, pinagmasdan kolang si Nathan kung anong itsura nya siguro sa isip isip nya nandidiri na sya. Nagpaalam nadin si Kuya Alex na babalik na sa bahay nila tita Emman.
“Nathan antayin molang ako ha? kakatok lang ako”
Hindi nya ako pinansin kaya dumiretso na ako sa gate ng bahay namin (Sosyal noh? may gate kami haha) Nakailang katok ako bago ako pagbuksan ni mama.
“Dex!!???”
Dali daling lumabas si mama ng gate at niyakap ako nang mahigpit, Grabe namiss ko yung yakap nya isang linggo lang ako nawala pero parang taon na ang lumipas.
“Ma hindi po ako makahinga”
“Ay sorry haha, Bakit bigla kang umuwe?”
“Ay ayaw nyo? so balik nalang ako kay Tita?”
“Ito naman nagtatanong lang, Bakit hindi ka nagsabi na uuwe ka? edi sana napagluto ko kita ng paborito mo”
“Gusto po kasi kita isurprise”
“Ay ang taray ng anak ko may pa surprise pa, Iiyak naba ako nyan?” -mama
Isa ito sa pinaka namiss ko ang makipag biruan kay mama.
“Ma pasok napo muna kami, Kasama ko po pala ang anak ni Tita si Nathan po”
“Talaga?”
Lumapit si mama kay Nathan at pinagmasdan ito mula ulo hanggang pa, Napakamot nalang ako ng ulo si mama kasi ang lakas maka pulis eh haha.
“Aba ka gwapong bata ah, ang puti, ang tangkad at ang tangos ng ilong”
Bago pa magsalita si mama nang kung ano-ano ay hinila kona si Nathan pa pasok nang bahay.
NATHAN’S POV
Hindi ko akalain na may kapatid pala ang step mom ko na katulad ng mama ni Dex, I mean sobrang layo ng personality nila si mommy kasi masyadong seryoso sa buhay samantalang ang mama ni Dex very positive and Joyful yung aura nya.
Hinila ako ni Dex papasok sa bahay nila, Hindi naman kagandahan at kalakihan pero maayos sya at hindi makalat. Pinaupo muna nya ako sa upuan nila, Totoo nga yung sinabi nya hindi nga malambot.
“Nathan anong gusto mo? Juice, Malamig na Tubig o Gatas?”
Gusto kong matawa sa kinikilos ni Dex dahil aligaga sya at hindi nya alam kung anong una nyang gagawin
“Wala ba kayong Beer?”
“Beer!! wala eh, wait bibilhan kita”
Paalis na sana sya pero pinigilan ko sya, Dahil niloloko kolang naman sya haha gusto kolang syang inisin dahil natutuwa ako sa kanya pag naiinis sya.
“Wait, I’m just joking. Cold water is enough”
Inirapan nya lang ako at kumuha nang malamig na tubig at nilapag sa lamesa kung saan ako nakatapat.
“Ayan napo sir”
“Are you mad at me??”
“Hindi, po, Sir. wala napo ba kayong kailangan?” -
“Wala na”
Pagkatapos non ay pumunta na sya sa kusina at lumapit naman sakin yung mama nya.
“Hi Nathan, I’m your Beautiful tita Marivick. Vick nalang for short”
Napaka Jolly nya haha, Nakakatuwa sya in all fairness.
“That’s true tita your so Beautiful”
“Really? nako Nathan salamat, Marunong kaba mag tagalog? Wala na kasi akong english eh naubusan na”
“Opo tita marunong ako”
“Hayss mabuti nalang, Mukhang hindi na dudugo ang ilong ko”
Napangiti nalang ako sa sinabi nya, Tiningnan ko si Dex mukhang nagluluto nang kung ano.
“Asan po pala yung asawa nyo?”
“Yung Tito Vincent mo? Nako nasa byahe yon, Driver kasi yun nang Jeep”
“Ganon po ba?”
“Oo eh kaso madaling araw pa dating non, Pasensya kana pala sa bahay namin hindi katulad ng sa inyo malaki at maganda”
“Its okay tita, No problem”
“Haha antay kalang dyan ha? nagluluto pa si Dex ng tanghalin natin sigurado ako magugustuhan mo ang tinola nya”
“Marunong po pala sya magluto”
“Oo sinabi mopa, bata palang yan tinuran kona yan sa maraming bagay para kapag nag-asawa sya marunong na sya, Kaso hindi ko alam kung mag-aasawa yan”
Napangiti nalang ako sa sinabi nya.
“Isang anak lang po ba sya?”
“Oo only boy namin yan, Ay Girl pala. Alam mo yan si Dex napaka bait nyan hindi yan pala barkada iilan nga lang mga kaibigan nyan eh”
Bigla ko tuloy naisip yung binanggit na pangalan ni Dex habang natutulog sya sa sasakyan nung isang araw.
“Tita may kaibigan pi ba si Dex na Mark?”
“Mark? Oo Meron, Bestfriend nya yon. Bakit?”
“Ah eh wala po nabanggit lang din kasi sakin ni Dex”
“O pano maiwan na muna kita dyan? maglilinis muna ako”
Tumango nalang ako sa kanya, at Nagbukas ng Cellphone nag message na sakin si DAve tinatanong kung nasan nako nireplyan kona lang sya na hindi ako makakapasok ngayon dahil may importante akong gagawin. Hindi ko din alam kung anong naisip ko bakit bigla kong naisipang pumunta dito.
DEX’S POV
Hindi ako mapakali habang nagluluto, Si mama kasi kausap si Nathan huhu baka kung ano na ang kinwento ni mama don. Nako baka asarin na naman ako ni Nathan bakit ba kasi sumama sama pa sya dito, Imbis na masaya ako eh.
Ilang minuto din silang nagusap tapos umalis na si mama, Maglilinis siguro. Hininaan ko muna yung apoy at nilapitan ko si Nathan.
“Anong pinagusapan nyo ni Mama?”
Tumingin muna sya sakin sabay inom nang tubig.
“Wala”
Imposibleng wala ang tagal kaya nilang nagusap ni mama, nako baka may sinabi si mama sa kanya.
“Ano nga kasing sinabi ni mama sayo?”
“Wala nga”
Aba ayaw talaga magsalita nitong lalaki nato, Tumayo nalang ako dahil baka masunog yung niluluta ko hays pasalamat sya. Lagyan ko kaya ng lason yung pagkain nya haha..
After kong magluto ay pinagsaing pa ako ni mama #Katulong kaya nga ako pumunta dito para makapag pahinga tapos sumabay patong si Nathan ano kayang trip nya at sumama pa sya hanggang dito.
Sakto alas dose ng tanghali ay kumain na kaming tatlo, Itong si Nathan napakatakaw pala! Pero hindi halata sa katawan nya.
“Kumain ka ng madami Nathan, Magpabusog ko”
“Opo tita”
Wow? close na agad sila ha? if i know sarap na sarap sya sa niluto ko haha. Si mama naman parang mas anak pa si Nathan kesa sakin.
“Nathan anong oras ka uuwe?”
“Dito ako matutulog, Hanggang sunday din ako dito sabay na tayo pauwe”
“What!!”
Hindi ko napigilang hindi mapasigaw kasi talagang inaasar ako nitong lalaking to.
“Bakit anak may problema ba?”
“Nako tita, Mukhang ayaw ako ni Dex dito gusto nya ata akong umuwe na”
Kapal talaga nya nagpaawa effect pa sya kay mama.
“Dex ano kaba, Ayaw mo ba makasama ang pinsan mo?”
“Sinabi koba ma? Nagulat lang naman ako”
Mukhang wala na akong magagawa dahil na hypnotise na nya si mama. Pagkatapos naming kumain ay syempre ako din ang naghugas, Samantalang si Nathan pacellphone cellphone long akala nya bisita sya? Bwisita kaya sya.
Mabilis na natapos ang buong maghapon at gabi kaya tulugan na akala ko makakapag pahinga na ako hindi pa pala.
“Anong ginagawa mo dito sa kwarto ko?”
“Matutulog?”
“At sinong nagsabi sayo na dito ka matutulog?”
“Si tita”
Lumakad sya papunta sa kama ko at humiga, Kapal talaga nya feel na feel nya pa talaga ang paghiga akala nya sa kanya tong kwarto. Lumapit ako sa kanya at hinila hila ko sya.
“Hoy wag kang humiga dyan, Tumayo ka”
Hindi ko sya maiangat dahil mas malakas sya sakin, Nagulat nalang ako ng hilahin nya ako napapatong ako sa kanya at muntik na kaming mag Kiss!!!! Hindi agad ako nakakilos at nagtagal kami sa posisyon na ganon.
Nang maalala ko na magpinsan pala kami, at naiinis ako sa kanya ay ako na ang tumayo. Bumangon naman din sya agad.
“Ayaw mopa kasi bumangon eh”
“Ang sabi kasi ni Tita dito nadaw ako matulog tutal pareho naman tayong lalaki, At pwede bang makahiram nang damit? bukas kopa kasi ipapakuha sa bahay yung damit ko”
“Wala akong damit na ipapahiram sayo”
“Bakit puro pambabae ba ang damit mo dito?”
Sinamaan ko sya ng tingin at ang loko ngumingisi ngisi pa, Akala ba nya natatawa ako? Wala sya sa teretoryo nya kaya wag syang magtapang tapang baka i savage ko sya!
“Hoy kahit ganito ako hindi ako nagsusuot nang pambabaeng damit”
“Yun naman pala eh, Edi pahiramin mona ako”
Sa sobrang inis ko ay kumuha ako nang isang tshirt sa cabinet ko at binato sa mukha nya.
“O ayan na ang dami mopang sinasabi”
“Ito naman pala eh”
Tiningnan muna nya yung damit at tinanggal yung uniform nya.
“Oh anong ginagawa mo?”
“Naghuhubad?”
“Alam ko, Eh bakit ka nga naghuhuhad?”
“Syempre magbibihis ako”
“Wag mo akong pinipilosopo Nathan, Dun ka magbihis sa CR”
“Bakit don? pwede naman dito? dont tell me ayaw mong makita ang katawan ko? Nako Dex pati ba naman ako, Magpinsan kaya tayo”
Kinuha ko yung unan at ayon naman ang binato sa mukha nya this time tumama na sa kanya.
Ang Kapal nya akala naman nya interesado ako sa katawan nya kahit maghubad pa sya sa harapan ko di ko sya papatulan. At hindi ako pumapatol sa Pinsan noh, Hindi ako ganon kadesperado.
Tumalikod nalang ako para makapagbihis sya at dahil wala akong choice ay nagtabi kami sa kama pero nilakihan ko ang higa ko para maliit lang ang mapunta sa kanya wahahaha akala nya ha panalo na sya neknek nya nasakin padin ang huling halakhak wha hahahahaha
CHAPTER 25
DEX’S POV
Nagising nalang ako na nakayakap ako kay Nathan, OMG! PULGOSO ASO NI MARIMAR!!! napatayo ako bigla Mabuti nalang tulog pa sya baka isipin nya pinagsamantalahan ko sya, Pagtingin ko sa orasan 9:30 na ng umaga.
Grr bago pa masira ang araw ko ay lumabas na ako ng kwarto para makapaghilamos na. Habang papunta ako sa CR ay nakasalubong ko si Mama.
“Anak anong nangyari sayo?”
“Ha bakit ma?”
Ang aga aga ang lakas na naman ng trip ni mama.
“Bakit puro sulat ang mukha mo?”
Ewan ko kung maniniwala ako kay mama o hindi kasi nakangiti sya habang nagsasalita.
“Ma? Maglaba napo kayo, Malabo lang ang mata nyo kaya hindi nyo maappreciate ang gandang #Wokeuplikethis”
Alam ko naman kasi na niloloko ako ni mama, Pano naman ako magkakasulat sa mukha ano yon Magic?
Pumasok na ako ng Cr at saktong sakto pagtingin ko sa salamin ay hindi kaaya aya ang nakita ng magandang mata ko, Yung mukha ko puro sulat!!! Totoo nga yung sinasabi ni mama hindi nga sya nagbibiro! Sino naman kaya ang gagawa nito???. NATHAN!!!!!!!!!!!! sya lang ang gagawa nito!!! Lumabas agad ako ng CR at tumakbo pabalik ng kwarto, Mahimbing padin na natutulog ang bwiset. Kinuha ko yung unan ko at pinaghahampas ko sya. Nagising din naman agad sya sa ilang hampas ko.
“Anong problema mo? natutulog pa ako eh” “
“Problema? Ginawa mo lang naman Papel yung mukha ko! yun ang problema”
“I dont know what your talking about”
“Maang maangan kapa!”
Hinampas ko ulit sya ng unan, Ang aga aga sinisira nya ang araw ko. Ang ganda na sana ng gising ko tapos sisirain nya lang.
“Stop it!, I am not the one who did that to you”
“Nagsisinungaling kapa, Sino naman gagawa sakin nito?”
Pinaghahampas ko padin sya nang unan, Magsisinungaling pa sya eh wala naman ibang gagawa sakin nito kundi sya lang, Sya lang naman ang mahilig mambwiset sakin. Mayamaya ay biglang dumating si mama.
“Anak ano bang ingay yan? Ang lakas ng boses mo rinig na rinig yung boses mo hanggang kabilang kanto”
Wow coming from her haha akala mo ang hina ng boses nya haha.
“Ma ito kasing si Nathan sinulatan ang mukha ko”
“Nako Dex, Hindi si Nathan ang nagsulat nya ako yon. Ang lakas kasi ng hilik mo kanina kaya naisipan kong sulatan ka haha”
“Ma!!!!!”
“See? Hindi mo muna kasi inaalam ang totoo bago ka manghampas dyan”
“Edi sorry!”
Malay koba na si mama yon, Eh sya lang kasi ang unang pumasok sa isip ko na gagawa sakin non.
“Oh sya Magalmusal na kayong dalawa At pagkatapos ay mamalengke kayo ng uulamin natin mamaya”
Aba ang susyal ni mama may pangpalengke na kami ah haha porket may bwisita lang.
After kong kumain ay kinuha kona yung susuotin ko at dumiretso agad ako ng CR para maligo, Pero pagtingin ko sa drum namin wala ng laman yung gripo wala ding lumalabas na tubig. Ano ba namang tubig to oh wala na ngang love life pati ba naman tubig wala din.
“Ma!!!!! wala na tayong tubig?????” sigaw ko kay mama mga level 5 lang ang ginamit ko para hindi malakas.
“Anak wala na! Ginamit ko sa paglalaba! mag-igib ka nalang sa poso dun sa kanto!”
Dahil wala akong choice ay kumuha ako ng timba at pumunta sa posohan, Pagdating kodon Medyo mahaba na ng pila siguro pang pito ako.
Sisingit sana ako kaso yung mga amazona naming kapit bahay ang nakapila haha baka sambunutan ako kapag sumingit ako, Ipinila ko nalang ang timba ko at bumalik na sa bahay mamaya pa kasi ako masasahuran, mag cecellphone nalang muna ako haha.
Habang naka upo ako ay nakita ko si Nathan, Walang pangitaas at may nakapatong na tuwalya sa balikat.
“San ka pupunta?” tanong ko sa kanya.
“Diba obvious? syempre maliligo”
Aba na milosopo pa, Akala naman nya may tubig sya na ipang liligo.
“Walang tubig kaya hindi ka makakaligo”
“Seriously? Pano ako makakaligo nyan?”
“Aba hindi kona problema yon, Kung gusto mo magkatubig edi mag-igib ka sa posohan kaso baka bukas kana masahuran dahil sa haba ng pila haha”
“Posohan? what’s posohan?” -Nathan
“Haha Edi I google mo ng malaman mo”
Pagkatapos non ay nagcellphone nalang ako, Haha akala nya sasabihin ko sa kanya kung saan manigas sya, Nakita ko nalang na kumuha sya ng timba at lumabas ng bahay. Bente makasahod sya haha.
Makalipas ang ilang minuto ay nagulat ako dahil nakabalik agad si Nathan at may laman ng tubig yung timba nya, Paano nangyari yon???
“Saan ka nakasahod?”
“Don sa posohan”
“Ano???!! Pano nangyari yon eh nauna akong pumila sayo”
Nagkibit balikat lang sya, Tumakbo ako palabas ng bahay papuntang posohan.
Pagdating ko ay nasa pang lima na ako, Pero paanong nauna sakin yong lalaki nayon? anong ginawa nya?? Lumapit ako sa mga babaeng nagkukumpulan at nagtanong sa kanila.
“Ate meron po bang galing ditong lalaki na nag-igib? matangkad sya at maputi”
“Ah Si Tisoy?” -ate
Wow makatisoy, Pero mukhang si Nathan yung tinutukoy nya.
“Opo sya nga”
“Oo dito sya nag-igib bakit?”
“Pano sya nakasahod agad?”
“Ah yun ba? Pinasingit namin sya. Kasi ang gwapo nya hehe”
Yown lumabas din ang totoo, dinaan sa mukha kaya nakasahod.
“Ate naman akala koba bawal singit dito?”
“Eh kasi ang gwapo nya nakakahiya naman maghintay sya dito baka masunog ang balat nya kinis pa naman, Bakit ano mo bayon?”
“Pinsan kopo”
“Talaga? anong pangalan nya?” -ate
“Ah eh bago kopo sabihin pwede po bang sumingit muna?”
Tutal mahaharot naman sila edi lubusin na natin ahhaa.
“Sige sige sumingit kana”
Dali dali kong kinuha yung timba ko at sinahuran yon baka magbago pa ang isip nila haha.
“Ate ang pangalan nya ay Jake”
“Jake? wow bagay sa kanya, Alam mo ang gwapo ng pinsan mo ha? tapos may Abs pa”
Kilig na kilig siya habang nagkwekwento sakin pati yung mga kasama nya kinikilig din akala mo ngayon lang nakakita ng gwapo pati Abs hindi nakalampas. Sinadya ko din na ibahin yung pangalan ni Nathan mamaya istalk pa nila eh mahirap na.
Pagkatapos mapuno ng timba ko ay bumalik agad ako sa bahay, Grabe ang hirap ng tubig dito samin pati pagligo kailangan tipirin.
Ilang minuto na ang nakalipas siguro naman patapos nayon maligo, Pagdating ko sa bahay ay naka sara padin ang CR tssk ang tagal naman nya, Nag antay muna ako nang more than 10 minutes pero hindi padin sya lumalabas kaya nagdesisyon na ako na kumatok.
“Nathan matagal kapa ba dyan?”
Bumukas naman yung pinto, at sumilip lang si Nathan na puro sabon ang mukha.
“What do you think?”
“Oo na, Bilisan mona kasi kanina kapa dyan para kang babae maligo aabutin ka ng kalahating oras dyan”
Magsasalita pa sana ako pero sinara na nya yung pinto. Bwiset talagang lalaki yon, Talagang nanadya pinagantay pa ako ng ilang minuto bago sya lumabas, Nginitian pa nya ako akala nya close kami.
“You’re Next”
Inirapan ko lang sya bago pumasok.
Paglabas ko ay nasa bahay na si Kuya Alex dala yung pinaka kuhang damit ni Nathan, Bakit ba kasi dito rin nag stay si Nathan eh hindi tuloy ako makakilos ng maayos baka matahin nya ako.
Hindi rin nagtagal si Kuya Alex at nagpaalam nadin syang umalis.
Akala ko matatahimik na ako pero hindi pa pala kasi kasama ko ngayon itong si Nathan papuntang palengke.
“Anong sasakyan natin?”
“Airplane, Bakit?”
“Really? Gaano pa kalayo yung sinasabi mong palengke?”
Tingnan nyo to palibhasa laki sa yaman kaya hindi alam yung palengke haha, Iligaw ko kaya sya? Char!
“Mag Jejeep lang tayo wag kang ano dyan, Baka yung Jeep hindi mopa alam?”
“I know what is Jeep, I am not Idiot”
Ayan na naman sya sa english nya sinabihan kona sya na pag magkasama kami ay dapat magtagalog sya at dapat talaga sya magtagalog dahil nandito sya sa Pilipinas.
Habang nakasakay kami sa Jeep ay napansin kong kinikilig yung dalawang babae sa tapat namimn ni Nathan, Tssk ang pangit pangit naman ka Ni Nathan!
“Dex malayo pa ba tayo?”
“Oo, Bakit?”
Napansin kong pawis na pawis na sya Pano kasi pupunta lang ng palengke naka polo pa akala mo naman kina gwapo nya yon. Pero ang nakakainis pa kahit pawis na ay mukha padin syang fresh asan ang hustisya don? Kinuha ko yung dala kong panyo at inabot sa kanya.
“Para san to?”
“Pamunas ng pawis hindi ba obvious?”
Kinuha nya yung panyo at nag punas sya.
Pagdating namin sa palengke ay gusto kong humalakhak dahil sa itsura ni Nathan haha ang ganda pa naman ng sapatos nya tapos palengke lang ang pupuntahan namin.
“Dex bakit hindi mo sinasabi na ganito dito?”
“Bakit nagtanong kaba?”
“No”
“Hindi pala eh, wag ka nang mag-inarte dyan. Saglit lang naman tayo dito”
“Ganda, Ganda? dito kana bumili mura na sariwa pa”
Ito talaga yung pinaka gusto ko sa palengke dahil dito naappreciate nila ang ganda ko haha. Lumapit ako kay ateng tindera at tiningnan yung karneng tinitinda nya.
“San ang maganda?”
Nilingon ko sya at nag killer eye ko, Kahit kailan talaga panira sya. Gustong gusto nya talaga na iniinis ako.
“Hanapin mo ng makita mo”
Lumingon lingon sya sabay ngisi, Lakas talaga ng trip nya pagdating sakin. Binilisan kona ang pagbili dahil ayaw kona makasama ang lalaki nato na hahighblood lang ako eh baka makalimutan ko na magpinsan kami.
“Dex???”
Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses at nakita ko ang mama ni Mark si Tita Rose.
“Tita Rose? Ano pong ginagawa nyo dito?”
“Namimili, Ikaw?”
“Namili din po”
“Ikaw ha ang tagal monang hindi pumupunta sa bahay, Nag-away ba kayo nang anak ko?”
“Nako tita hindi po, Busy lang po talaga sa school. Pero pag hindi na po ako busy bibisita po ako sa inyo”
“Sabi mo yan ah, Sino yang kasama mo Boyfriend mo?”
“Hindi po ah! Pinsan ko lang yan”
Bakit lahat ng nakakakita na kasama ko si Nathan ay napagkakamalan nilang boyfriend ko sya.
“Haha sorry”
“Tita, Mauna napo ako ha? Baka inaantay napo kasi ako ni Mama”
“Sige, Ingat ka ha? Dalaw ka sa bahay”
“Okay po”
Hinila kona paalis si Nathan at namili pa kami ng mga pangrekado haha pwede na talaga ako mag-asawa ang problema nalang ngayon ay kung sino.
“Hanggang kelan mo hahawakan ang kamay ko?”
OOPPPSSS! huhu hawak ko pala yung kamay nya! Napabitaw naman ako bigla.
“Ay sorry”
Hindi nya ako pinansin at nagkalad na paalis hinabol ko naman sya kasi ang bilis nya maglakad ang lalaki ng hakbang nya parang kapre.
Syempre dahil Gentleman sya ako ang nagdala nang mga binili namin, Ang bait nya kasi hiyang hiya ako sa kanya baka maabala ko sya.
MILE’S POV
Excited nakong makita si Dex, Miss na miss kona sya wala na akong kadaldalan palagi. Habang naglalakad ako palabas ng school ay nakita ako ni Sheena at Mark.
“Miles san ka pupunta?”
Hindi nya pwedeng malaman na kay Dex ako pupunta.
“Ah eh uuwe na”
“Talaga? edi sabay kana samin”
“Ay Madadaanan pa pala ako, Kayo nalang”
Naglakad agad ako paalis, Bahala na kung magtaka sila.
Pagdating ko sa bahay nila Dex ay niyakap namin agad ang isa’t-isa dahil ang tagal na ng huli kaming nagkita.
“Bakla na miss kita”
“Ako den, Na miss kita”
Habang nagkakamustahan kami ay may napansin akong lalaki na nakaupo, Ang gwapo nya. Pero anong ginagawa nya dito? Alam ko sya yung pinsan ni Dex eh.
“Dex sya ba yung pinsan mo?”
“Oo sya yon, Wag kang lumapit dyan nangangagat yan”
“Haha siraulo ka talaga Dex, Ipakilala mo naman ako”
“Hay nako Be sa iba nalang, Wag na dyan. Ayaw kitang masaktan”
Hinila ako ni Dex palayo sa gwapong lalaki, Sayang naman gusto ko pa namang sumilay haha ayos lang makikita kodin sya mamaya.
“Be parang tumaba ka”
“Wow? Ayan agad talaga napansin? sakit be ha?”
“Haha char lang! Kamusta na nga pala sa school mo?”
“Ayon maraming nagbago, Wala na akong totoong friend na katulad mo. Wala na akong kadaldalan at kasama tuwing nag rerecess”
“Same lang din tayo, Pero lilipas din yan”
Hindi kona inopen ang tungkol kay Mark dahil ayaw konang malungkot si Dex, Masaya na sya sa buhay na pinili nya ngayon at ayoko ko nang sirain yon.
Pero alam kong mahal padin ni Dex si Mark hanggang ngayon Kung ako lang ang tatanungin mas gugustuhin ko na umamin na talaga si Dex, Para wala na syang dinadala sa dibdib nya at makapag move on na talaga sya sa panibagong yugto ng buhay nya.
CHAPTER 26 “Stolen Shots’
DEX’S POV
“Nathan anong ginagawa mo?”
Magkatabi kami ngayon sa kama tapos bigla nyang hinawakan yung dalawa kong kamay.
“Ano pa ba sa tingin mo?”
Hala! We!? HINDI PWEDE TO! anong gagawin ko?!!!?! Bakit hindi ako makakilos ano bang nangyayari sakin??????? Para akong naestatwa, Tulungan nyo ako!?!?!?.
“Nathan Ano baaaaaaaa!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!”
Napabalikwas ako nang bangon, At napagtanto ko na panaginip lang pala yon huhuhu buti nalang akala ko totoo na! Tiningnan ko si Nathan Mahimbing syang natutulog, Bwiset na lalaking to hanggang sa panaginip ayaw akong Tigilan.
May kalokohan na pumasok sa isip ko wahaha makaka ganti na din ako sa kanya, Tingnan kolang kung hindi pa nya ako tigilan kakaasara wahahaha.
NATHAN’S POV
Nagising nalang ako na wala na si Dex sa tabi ko, Tiningnan ko yung oras sa phone ko 7:33 palang ng umaga. Ang aga naman non nagising?
Bumangon nadin ako dahil hindi na ako inaantok, Diretso agad ako sa Cr para mag sipilyo at maghilamos ng mapadaan ako sa kusina ay nakita ko si Dex na naghahain. Tumingin sya sakin at ngumiti, Bakit mukhang maganda ata ang gising nya? Hindi kaya may ginawa syang kalokohan sakin??? Tiningnan ko yung buong katawan ko, Wala naman akong nakitang kung ano. Pero hindi maganda ang kutob ko sa mga ngiti ni Dex, Parang may ginawa syang kalokohan.
“Nathan, Halika na dito para makapag-almusal kana”
Lumapit naman ako sa kanya at umupo na, Hotdog at itlog ang almusal namin Hindi ko padin inaalis ang paningin ko kay Dex at pilit na binabasa kung ano ang nasa isip nya. Tiningnan ko din yung pagkain na hinain nya.
“Wag kang mag-alala walang lason yan”
Mukhang totoo naman yung sinasabi nya pero pakiramdam ko talaga parang may mali.
“Asan nga pala si Tita?”
“Nandon sa labas naglilinis. Mayamaya nandito nayon” -Dex
Himala talaga dahil kalmado sya at hindi man lang uminit ang ulo nya haha, Baka narealize din nya na dapat hindi nya ako tarayan at siguro nagsawa nadin sya haha.
Mabilis na natapos yung oras at nagpalam na kami kay Tita na babalik na sa bahay dahil may pasok pa kami bukas.
“Ui Nathan balik ka dito ha?”
“Wow ma? si Nathan talaga unang sinabihan mong bumalik ha?”
“Haha syempre ikaw Den, Ito namang anak ko nagselos agad”
“Opo tita babalik po ako dito”
Ang saya din pala mamuhay sa simpleng buhay lang, Kahit hindi maganda at malaki ang bahay basta masaya sapat na. Ayon naman kasi talaga ang importante sa isang Pamilya.
Yung pamilya kasi na pinangarap ko Nasira tapos ngayon naman nakahanap ng bagong asawa ang Daddy ko si mommy Emman ang tita ni Dex. Maayos naman sila kaya lang si Daddy busy lagi sa work nya kaya siguro ganito din ako naghahanap ng konting saya, Kaya nga kahit paano ay sumaya ako ng dumating si Dex sa bahay dahil may pinagtitripan ako haha hindi ako lumulungkot.
“Sige na mga anak, Umalis na kayo gabi na”
“Sige po tita”
Habang nasa byahe kami ay di talaga maalis sa isip ko kung bakit ang saya nitong si Dex pakiramdam ko talaga may mali eh.
“Bakit ka nakatingin sakin?”
“Ha? Ako nakatingin sayo? Bakit naman kita titingnan?”
Assuming din tong si Dex tinitingnan ko daw sya haha.
“Ah okay”
Kalmado na naman ang sagot nya, Nay ginawa talaga tong si Dex eh sa oras na malaman ko kung ano yon yari talaga sya sakin.
DEX’S POV
Kanina kopa napapansin na tingin ng tingin sakin si Nathan haha akala nya ha? ako naman ang may bala sa kanya Subukan nya lang talaga na inisin ako yari sya sakin Wa ha ha ha.
Kinakabahan padin ako na pumasok bukas naalala ko kasi yung nangyaring insidente sa pagitan namin nung Jasmine baka mamaya abangan ko non huhu Lord wag naman sana mahal ko pa buhay ko. Pagdating namin sa bahay nila ay nandon na si Tita Emman at si Tito Greg.
“Good evening Tita, Tito Greg”
“Hello Dex, Kamusta pag stay nyo sa Bahay nyo?”
“Okay lang naman po tita”
“I’m tired, I need to rest”
Bigla na naman ang aura ni Nathan, Problema nung lalaki nayon? Kanina lang parang ang saya saya nya tapos ngayon biglang tinopak. Iniwan na kami ni Nathan ako tuloy ang biglang nahiya para sa kanya.
“Tita sundan kolang po si Nathan”
Tumango lang sya sakin, At tumakbo na ako para maabutan si Nathan ang bilis nya kasi maglakad.
“Uii Nathan sandali”
Hinawakan ko sya sa balikat, Tumigil naman sya at tumingin sakin ng masama napalunok tuloy ako ng laway.
“Ano na namang problema mo?”
“Ah eh kasi, Hindi moba babatiin yung daddy mo?”
Tumingin na naman sya ng masama sakin at nilayasan ako at pumunta na sya sa kwarto nya.
Topakin talaga tong lalaking to! Pasalamat sya Good mood ako ngayon Wa ha ha ha.
Katulad ng mga nakaraang araw ay maaga akong nagising para makapag asikaso na as usual mas naunang natapos sakin si Nathan wahaha G na G na naman sya sakin, Sakto lang talaga yung kilos ko kaso masyadong excited si Nathan.
Habang naglalakad kami ni Nathan ay nakasalubong namin si Dan, OMG si Crush! Ang gwapo nya haha.
“Hi Dex? Bakit hindi ka pumasok nung friday?”
“Ah kasi may pinuntahan lang ako”
“Ganon?”
“Oo, Bakit ba?”
“Kasi nakita kita baka wala kang kasabay, Sabay na tayo”
“Don’t you see i’m here?”
Paepal na naman si Nathan
“Sorry bro, Akala ko kasi–”
Hindi kona pinatapos mag-salita at hinila ko na sya baka kasi magkainitan pa silang dalawa.
“Nako Dan tara na, Nathan kita nalang tayo mamaya bye!”
Umalis na kami ni Dan, Hay nakahinga ako ng maluwag ito kasing si Nathan bigla bigla nalang tinotopak.
“Diba pinsan mo yon?”
“Oo pinsan ko yon, Hayaan mo na yon May topak lang haha”
“Haha, Pano dito nadin ako kita nalang tayo mamayang Recess
Nagbabye ako kay Dan, OMG! kilig si Ako! bakit ba ang gwapo nya? haha ayon pa naman ang weakness ko!
Habang naglalakad ako ay nakasalubong ko si Jasmine, Huhuhu! Kinabahan ako bigla seryoso ang mukha nya at parang susugurin ako. Lord ayaw ko nang gulo baka naman.
“Dex, Tama ba?”
“O-oo”
“By the way ako nga pala si Jasmine”
Inabot nya yung kamay nya at nagdalawang isip pa ako kung aabutin ko, Pero dahil mabait ako (Medyo lang haha) inabot ko.
“Gusto ko lang magsorry dahil sa ginawa ko nung una nating pagkikita, Badtrip lang kasi ako ng araw nayon kaya nabuhos ko sayo bigla ang galit ko”
Wow! Akala ko sasambunutan nya ako tapos kakaladkarin pababa haha.
“NAKO ako dapat ang magsorry sayo, Kasi kasalanan ko naman talaga”
“So Pinsan mo pala si Nathan?”
“Oo, Pinsan ko yon Bakit?”
“He was my Boyfriend” -Jasmine
Was? so ibig sabihin dati? ano yon break na sila? Nako baka kasalan na naman nitong si Nathan, Kawawa naman si Ate girl.
“Talaga? Nako pag pasensyahan mona yung Pinsan ko may topak talaga yon minsan”
“Wala yon, It was all my mistake kaya nakipag break sya sakin. Gusto lang sana mag sorry sa kanya kaya lang ayaw nya ako makausap baka pwedeng ikaw nalang ang magsabi para sakin”
“Oo naman ako bahala”
“Salamat”
Niyakap nya ako, Syempre niyakap ko din sya. Mabait naman pala sya nagkataon lang na masama ang araw nya nung una naming pagkikita. Ano kaya talaga ang rason bakit sila naghiwalay ni Nathan?
NATHAN’S POV
Magkakasama kami ngayon ng mga tropa ko papunta sa Canteen, Magkaklase din pala kami ewan koba kung pano nakapasok si Steve at Dave dito sa Course namin kung si Anthony at Matthew maniniwala pa ako kasi talaga namang nag-aaral sila.
“Ano kayang masarap kainin?” Tanong ni Steve
“Puro ka nalang pagkain” pang aasar naman ni Dave
“Eh bakit ba sa nagugutom nako eh”
“Pwede ba wag kayong maingay dalawa ang sakit sa tenga eh” inis kong saway sa kanila
“Nako si Boss nagalit na”
“Opo boss tatahimik napo kami”
Pagdating namin sa Canteen ay napansin ko agad si Dex at kasama na naman nya yung lalaki kanina at mukhang kilig na kilig pa sya, Tssk Pinag-aaral sya ni mommy tapos paglalandi ang inuuna nya dito.
Naglakad agad ako papunta sa kanya at kunwari nasagi ko sya, Tumingin naman sya agad sakin.
“Ooppss sorry”
“Problema mo ha?”
“Paharang harang ka kasi kaya nasanggi ka”
“Paharang harang talaga? eh ang laki laki ng daan”
Dumiretso nalang ako sa pwesto namin at hindi kona sya sinagot.
“Uii Nathan sino yon?” Tanong sakin ni Dave
“My Cousin”
“Wow? may Pinsan ka pala dito? bakit hindi mo ipakilala samin para mapasama sa tropa”
Napangiti nalang ako sa sinabi ni Dave haha si Dex? sasama sa grupo namin? Para ano? para harutin kaming lahat? haha kung grupo ng mga babae to baka sumali payon. Nakita kong nakatingin sya sakin at ang sama ng tingin nya, Nginitian ko lang sya haha nakapuntos na naman ako sa kanya ngayon.
DEX’S POV
Papansin talaga tong Nathan nato kahit kailan, Akala nya panalo na sya? Neknek nya! Humanda sya sakin ngayon.
Nang umalis si Nathan sa Pwesto nila ay lumapit agad ako sa mga ka grupo nya.
“Hello? ako nga pala yung pinsan ni Nathan. kayo ba yung mga tropa nya?”
“Oo kami nga bakit” Sagot ng isang lalaki.
Napangiti naman ako bigla, Haha Pano bayan Nathan? Mukhang nasa akin ang halakhak ngayon.
“May ipapasa ako sa inyo na pictures ni Nathan”
“Picture na ano?”
“Ito oh”
Pinakita ko sa kanila yung mga pictures na kinunan ko nung gabing nagising ako haha.
Habang natutulog kasi Nathan ay kinuha ko yung kamay nya at pinasok ko sa ilong nya yung daliri nya hahaha tapos kinunan ko sya at nilagyan ko din ng bulak yunh dalawang butas ng ilong nya haha (ang bad ko) tapos kung ano ano pa ang ginawa ko sa kanya, Hindi sya nagising non kasi tulog mantika sya.
Yung mga tropa nya tawa ng tawa habang pinapasa ko sa kanila yung mga pictures, Pagkatapos non ay umalis na ako at bumalik sa pwesto namin ni Dan.
“Anong ginawa mo don?”
“May pinasa lang ako sa kanila”
“Ano?”
“Wala haha, Wag munang alamin”
Inantay kong makabalik si Nathan at tiningnan ko lang kung anong mangyayari, Nakita kong nagtatawanan yung mga tropa nya hahaha tapos bigla syang tumingin sa pwesto ko ako naman ay kunwari nagcecellphone.
Tapos mayamaya nasa tabi kona pala sya.
“Give me your phone”
Hinawakan ko agad ng maigi yung phone ko para hindi nya makuha.
“Ayoko ko nga”
“Give me your phone”
“Ayoko ko nga diba? Paulit-ulit? Bakit ba kailangan mo yung phone ko?”
“Bakit mo ako kinunan habang natutulog at kung ano ano pang ginawa mo sakin?”
Muntik na akong matawa dahil naalala kona naman kasi yung ginawa ko sa kanya haha.
“Anong sinasabi mo?”
Lumapit sya sakin at biglang kinuha yung Cellphone ko.
“Hoy Nathan akin nayan”
Hindi nya ako pinansin at naglakad na sya palayo, Sinundan ko sya at nakaakyat kami hanggang 4th floor grabe yung hingal ko para akong sumali sa isang marathon.
“Hoy Nathan akin nayan, Sayo bayan?”
“Ibibigay kolang to kung idedelete mo yung mga pictures ko”
“Ano ba kasing Picture?” kunwari wala akong alam haha.
“Edi hindi ko to ibibigay sayo”
Tinaas nya yung kamay nya habang hawak yung phone ko, Pilit kong inaabot kaso mas matangkad sya sakin kaya tinatalon ko. At pagtalon ko ay naagaw ko naman kaso nabitawan ko at nalaglag sya!!!! Mula 4th floor hanggang baba!! Napasilip agad ako. Huhuhu Mama yung phone ko!! Sa sobrang taranta ko ay napatakbo agad ako pababa, Hindi kona naisip ang pagod.
Pagdating ko sa baba ay basag na yung Phone, Gusto kong maiyak dahil nasira yung phone ko huhuhu bakit!!! Pagtayo ko ay nakita ko si Nathan sumunod pala sya sakin.
“Kasalan moto!”
“Bakit ako? ikaw ang naglaglag sa Cellphone mo”
“Bwiset ka talaga! Bayaran moto!!!!! wala na akong pambili ng bago”
“Bakit ko babayaran? ako ba nakahulog”
Pagkasabi non ay tumalikod na sya, Bwiset talaga sya! Nakakainis na sya!!!! lahat nalang sinisira nya sakin! Sa sobrang inis ko sa kanya ay binato ko sa kanya yung sirang cellphone ko at this time tumama na sa kanya.
Lumingon naman sya at sinamaan kolang sya ng tingin, Naiiyak na talaga ako wala na akong cellphone bigay pa naman ni papa yon tapos nasira lang. Kasalanan to ni Nathan kung hindi nya biglang kinuha yung cellphone ko edi sana hindi nasira.
Pagkauwian namin ay hindi ko sya pinansin galit ako sa kanya!! hindi ko sya mapapatawad sa ginawa nya! Bayaran nya yon! Huhuhu
CHAPTER 27
DEX’S POV
Kinuha ko yung gamit ko dahil nawalan na akong gana pumasok pa sa mga susunod na subjects, Medyo na stress kasi ako sa pagkasira ng Cellphone.
Mangiyak ngiyak ako habang pinagmamasdan yung nasira kong Cellphone, Wala na talaga sya huhu Pano pa ako makakabili ng bago eh wala naman akong perang pambili. Mahalaga pa naman sakin to kasi bigay to ni papa at alam kong pinaghirapan nya tong mabili tapos ganito lang ang mangyayari. Kasalanan to lahat ni Nathan kung hindi nya inigaw yung Cellphone hindi na sana to nangyari.
“Hindi yan maaayos kahit umiyak kapa dyan”
Tssk ano na naman ginagawa ng lalaki nato dito, Talagang sinusundan nya ako eh para ano? para pagtawanan?
Oo na panalo na sya at talo na ako.
Talagang bisyo nya ang guluhin ako
“Anong ginagawa mo dito? Pampam ka? wala kang ganap sa buhay mo? Don ka na nga.”
“Tssk, Sinundan kita kasi baka mag suicide ka”
Ha! ha! nakakatawa grabe! ang sarap nyang pektusan sa sikmura!
“Pwede ba umalis ka nalang dika nakakatuwa”
“Tssk parang Cellphone lang umiiyak ka ng ganyan? parang hindi ka lalaki”
Aba nang asar pa! OO hindi ako lalaki! I mean lalaki ako pero babae ang puso ko na kulong lang sa katawan ng isang lalaki.
At yung nakakainis pa kasi parang wala syang paki kahit sya ang dahilan kung bakit nasira yung cellphone ko! Ang sama talaga ng ugali nya.
“Wag mong pinaparang lang ang Cellphone ko, Dahil hindi mo alam kung gaano nag hirap yung papa ko maibili lang ako ng Cellphone! at hindi mo alam kung gaano kahalaga sakin to! Dahil kaming mahihirap magkamit lang kami ng maganda talagang pinapahalagan at iniingatan namin hindi katulad nyo balewala lang kahit gaano pa kadami ang masirang gamit sa inyo dahil marami kayong pera! Kahit anong oras kaya nyong bumili ng bago!”
Napansin ko nalang na tumula na pala yung luha sa mata ko, Mas matindi to sa inis na naramdaman ko kay Nathan dati.
Nainsulto na kasi ako at syempre mahalaga sakin ang mga bagay na galing sa magulang ko tapos kung makapagsalita sya parang wala lang. Tinalalikuran ko sya at habang paalis na ako ay bigla nya akong hinawakan sa kamay at hinila.
“Tssk”
“Hoy ano ba bitawan mo nga ako!!! uuwe na ako”
Hinampas hampas ko yung kamay nya pero hindi nya padin ako binitawan, Hinila nya ako palabas ng School at pumara sya ng Taxi at sapilitan akong pinapasok.
OMG! ano naman kaya ang binabalak nya? Baka i savage nya ako! Huhu wag naman sana marami pa akong pangarap sa buhay! Gusto kopang mahanap si the One!
“Nathan bababa na ako”
“Pwede ba manahimik ka” iritang sabi nya sakin.
Aba! sya pa ang may ganang magalit ngayon?! ako nga dapat ang magalit dahil hinila na naman nya ako basta basta at sinira nya yung CELLPHONE ko! Hindi ko sya mapapatawad akala nya!
Habang nasa byahe kami ay hindi kami nagpapansin ako, Ako naman dinadamdam padin ang pagkasira ng Cellphone ko.
Huminto kami sa tapat ng isang mall, Anong gagawin namin dito? Dito nya ba ako isasavage? Sa mataong lugar talaga ha? Ito talagang si Nathan kahit kailan kung ano ano iniisip.
“Baba”
Wala na akong nagawa kundi ang bumaba dahil wala eh bossy na naman sya.
Takbuhan ko kaya to? Haha, Pagbaba namin ng taxi ay hinila nya ako papasok ng mall, Bastos talaga tong lalaki nato eh.
“Nathan bitawan mo na ako pwede?”
“Ayoko nga baka tumakas kapa eh”
Hala! Totoo nga!!!! Mama baka isavage nya ako huhuhu baka may naghihintay samin na mga kasabwat nya.
Sumigaw na kaya ako ngayon? Madami namang tao eh baka mailigtas nila ako sa lalaking to.
Hindi nya padin ako binitawan at pumasok kami sa isang establishment.
Wait anong ginagawa namin dito?
bakit dito kami nag punta?
“Hi sir? Welcome”
Binati kami ng isang staff, Ngumiti nalang ako at napatingin kay Nathan. Bakit nya ako dinala sa bilihan ng mga Cellphone?
“Nathan anong ginagawa natin dito? May bibilhin kaba? Dapat di muna ako sinama ano para inggitin pa ako? Pwes! Kahit isang milyon pa ang bilhin dedma sayo!”
“Tssk hanggang dito ba naman parang armalite yang bibig mo? diba nasira yung phone mo? edi bumili ka ng bago”
“Ah eh wala akong pera”
“Wag monang isipin yon, Ako na ang magbabayad”
Hala! tama ba yung narinig ko? o nabingi langa ko? sya talaga ang magbabayad????
“Nathan totoo?”
“Tssk, ayam mo ba? tara na umuwe nalang tayo”
Patalikod na sana sya pero hinawakan ko sya sa braso.
“Ito naman hindi mabiro, Ito na nga eh pipili na ako”
Nagdadalawang isip ako dito baka kasi kapag nakapili na ako bigla nya akong iwan, Pero Mukhang seryoso naman si Nathan kaya pumili na ako ng Cellphone, Sinamahan naman ako ng isa sa mga staff at na satisfy naman ako sa quality ng Phone kaya lang nagulat ako sa mahal ng Presyo. Napalapit tuloy ako kay Nathan.
“Ui Nathan, Ang mahal sa iba nalang kaya”
“Tssk, Ang arte mo ako na nga ang magbabayad”
“Oo na, Ito na nga”
After nang ilang minutong pamimili nakapili na ako, Medyo mahal sya pero binayaran padin ni Nathan. Minsan talaga hindi ko mabasa kung anong nasaisipan ni Nathan, Pero masaya ako kasi napalitan yung phone ko.
“Nathan salamat dito ha?”
“Wala yon”
Hindi sya makatingin ng diretso sakin, Pero nagpasalamat padin ako sa kanya. Kahit may mga nagawang hindi maganda sakin si Nathan meron padin naman syang nagawang mabuti. Saka ko nalang siguro iisipin kung paano ako makakabawi sa kanya.
Habang naglalakad kami ay Nakita ko si Sheena Pero may kasama syang lalaki at hindi yon si Mark.
Sino kaya yong kasama nya?
Kaibigan nya ata o di kaya Kamag anak nya yon? Pero nagulat ng mag holding hands sila.
What the!!!!?
bakit sila magka holding hands??
Anong ibig sabihin non???
Wala na ba si Mark at si Sheena???
Lalo akong nataranta ng maglakad sila papunta samin, OMG! anong gagawin ko? saan ako magtatago??, Lumingom lingon ako sa paligid pero wala akong mahanap na pwedeng taguan at kung tatakbo pa ako siguradong makikita nya ako.
Wala na akong Choice, Bahala na si Batman!! Ang ginawa ko ay Yumakap ako kay Nathan at sinandal yung ulo ko sa dibdib nya mas matangkad kasi sya kesa sakin kaya maitatago nya ako, Nakakahiya man pero kailangan kong gawin.
“Anong ginagawa mo?” Takang tanong nya
“Sshh wag kang magulo”
Grabe yung kaba ko, Sana hindi ako napansin ni Sheena.
“Ano ba kasing problema? Bakit mo ako niyayakap?”
Kala nya naman gusto ko syang yakapin, neknek nya.
“Nandyan paba sila?”
“Sino?”
“Yung dalawang magsyota na naka holding hands?? Yung babae mahaba yung buhok na naka dress tapos yung lalaki naka white na t-shirt?”
“Oo papunta na sila dito”
Lalo kong hinigpitan ang yakap kay Nathan para hindi talaga nila ako makita.
Mga ilang segundo lang ang lumipas ay tinanong ko ulit si Nathan.
“Ano nandyan paba sila?”
“Wala na nakalagpas na”
Bumitaw ako sa kanya ng yakap at nakahinga ako ng maluwag, Para akong kriminal na nagtatago sa mga police huhu.
“Sino bayong mga yon?”
“Basta”
Hinila kona sya palabas ng mall baka kasi makita pa ako nila Sheena dito, Nagpara ako ng Taxi dahil uuwe na kami.
“Nathan salamat pala dito ha?”
“Wag kang mag pa salamat, Small thing”
“Hoy! Anong maliit na bagay ka dyan, Ang mahal kaya nito eh kahit bumyahe ang papa ko ng isang linggo hindi nya kayang bilhin to. Wag kang mag-alala iingatan ko to”
Tiningnan nya lang ako sabay kuha ng headset sa bag nya at nilagay na naman sa tenga nya.
Hindi ko nalang sya kinausap baka kasi topakin na naman sya at bawiin patong binili nya haha. Pero hindi ko talaga inexpect na gagawin nya yon, Na ibibili nya ako ng Cellphone.
Pero mas hindi ko inasahan ang nakita ko kanina, Si Sheena may kasamang ibang lalaki bakit naman nya yon gagawin? Eh sila pa ni Mark? Hayss naguguluhan na talaga ako! Tatawagan ko sana si Miles kaso bigla kong naalala bago lang pala itong cellphone ko at hindi kopa nabubuksan, Mamaya ko nalang sya tatawagan kapag uwe ko.
MARK’S POV
Ngayon ang First Monthsary namin ni Sheena kaya gusto ko maging maganda at memorable to para sa kanya, Actualy nagpatulong pa talaga ako sa mga kasamahan ko sa basketball at syempre sa mama ko very supportive sya sakin at masaya ako don. Kaya lang hindi padin mawala sa isip ko si Dex, Kamusta na kaya sya? Naalala nya din kaya ako? sigurado ako kung nandito sya mismo ang tutulong sakin para sa espesyal na araw nato.
Nakahanda na ang lahat mula lamesa, Upuan, Kandila at sa mga pagkain. Syempre hindi mawawala ang chocolate at bulaklak na talaga namang pinag ipunan kopa mabili lang para sa kanya.
Sa isang park kolang ginanap ang date namin ni Sheena dahil wala pa naman akong budget para sa mamahaling restaurant o di kaya sa mga mamahaling lugar.
7pm ang usapan namin ni Sheena at 6 Palang ay nandito na ako, Sobra kasing excited ko at gusto ko pagdating nya nandito ako. Lumipas ang mahigit kalahating oras ay hindi padin dumadating si Sheena, Naka ilang text at calls na ako sa kanya pero ni isa hindi nya sinasagot. Hanggang sa inabot na ng isang oras ang paghihintay ko, Tatayo na sana ako dahil akala ko hindi na darating si Sheena pero mayamaya ay dumating sya.
“Mark!”
Sinalubong ko agad sya at niyakap ko sya ng mahigpit.
“Akala ko hindi kana darating eh, Nakailang text at calls ako sayo pero napakapatay yung Phone mo”
“Sorry sobra kasing traffic at na low bat. Ako kaya hindi ko nasasagot”
“Ayos lang ang importante dumating ka”
Inalalayan ko sya papunta sa lamesa namin, At manghang mangha sya sa nakita nya kaya masasabe ko na nagustuhan nya talaga.
“Ikaw ang gumawa nito?”
“Hindi lang ako, Marami kami”
“Grabe ang ganda talaga nya”
“Syempre para sa mahal ko ibibigay ko ang pinaka maganda”
Kinuha ko yung Bulaklak at Chocolates at binigay ko sa kanya.
“Happy 1st Monthsary Babe”
“Happy monthsary den”
Lumapit sya sakin at hinalikan ako sa pisngi, Parang gusto kong tumalon sa sobrang saya dahil sa ginawa ni Sheena. Napaka swerte ko talaga sa kanya! Alam kong mahal na mahal nya ako at ganon din ako sa kanya at pinapangako ko iingatan ko ang relasyon namin at hindi ko hahayaang may makasira nito.
Nagkwentuhan pa kami ng pagkahaba haba binalikan namin ang mga araw na nililigawan ko palang sya at syempre yung mga araw na nahihiya pa akong lapitan sya.
Natapos ang date namin ng may ngiti sa aming mga labi, Hindi man kasing mahal at bongga ng iba ang importante ay mahal namin ang isat-isa.
DEX’S POV
Hindi talaga ako mapakali sa nakita ko kanina, Sino yung Lalaking kasama ni Sheena? Kung kaibigan lang yon bakit sila magka holding hands?? Boyfriend nya si Mark at hindi ko hahayaan na lokohin nya ang Bestfriend ko.
Pero talaga nga Kayang si Sheena yung nakita ko? Posible kayang namalikmata lang ako? Tinawagan ko agad Miles para tanungin kung si Mark pata at si Sheena.
“Hello be may itatanong ako sayo”
Agad kong bungad sa kanya.
“Oh bakit? ano yon be?”
“Si Mark paba tsaka si Sheena?”
“Oo be bakit? Alam ko 1st monthsary nila ngayon, Bakit?”
“Wala, Wala”
Inend ko agad yung call dahil sapat na yung narinig ko mismo kay Miles na si Mark pa at si sheena, Baka namamalikmata lang ako sa nakita ko.
Pero hindi padin mawala sa isip ko na baka si Sheena nga talaga yung nakita ko, Pero paano ko mapapatunayon yon?
CHAPTER 28
DEX’S POV
Gusto ko mang kamustahin si Mark, Kaso hindi ko magawa kasi natatakot ako sa magiging sagot nya Baka marinig kolang mismo sa kanya na Mahal na mahal nya si Sheena at nagmamahalan silang dalawa.
Mananahimik nalang siguro ako dahil sabi Miles monthsary nila kahapon, Baka kamukha nga lang ni Sheena yung nakita ko kahapon.
“Mukhang malalim ang iniisip mo”
Umupo si Dan sa tabi ko, Nandito kami ngayon sa library dahil wala akong ibang lugar na maisip na tahimik kundi sa library.
“Dan anong gagawin mo kung nalaman mong niloloko ang Bestfriend mo ng taong mahal nya?”
“Kung ako man yon? Syempre sasabihin ko sa bestfriend ko na niloloko lang sya ng Mahal nya. At yung nanloko sa Bestfriend ko? nako baka hindi ko alam kung anong magawa ko sa kanya”
“Eh pano kung hindi maniwala sayo yung Bestfriend mo?”
“Maniniwala yon syempre Bestfriend kayo eh, Pero kung hindi man sya maniwala dahil nabubulugan sya sa pag-ibig, Hindi mona kasalanan yon dahil ginawa mona ang Parte mo bilang isang kaibigan. Pero mas mabuti padin na yung Bestfriend mo mismo yung gagawa ng aksyon kesa sating mga kaibigan lang”
Sa mga sinabi ni Dan ay narealize ko na mali ang manahimik ako, Pano kung niloloko lang talaga ni Sheena si Mark? Hahayaan koba na masaktan at lokohin lang ang BestFriend ko na Mahal ko?
“Salamat sa mga sinabi mo ha?”
“Bakit, Meron kabang Bestfriend na niloko?”
“Oo meron” Malungkot kong sabi sa kanya.
“Dex kung talagang mahal mo ang Bestfriend mo at importante sya sayo, Sasabihin mo sa kanya ang katotohanan”
“Tama ka Dan, Kung mananahimik lang ako parang ako nadin ang nagkait ng kaligayahan sa Bestfriend ko”
“Dex, Iinvite pala kita na Pumunta sa Birthday ko”
“Birthday? Seryoso ka?”
“Oo, Ikaw lang kasi ang kaibigan ko dito. Next week pa naman yon” -Dan
OMG! Si Dan? Niyaya ako na pumunta sa Bithhday nya. Kilig naman si Ako, Yung Crush ko pa talaga ang yumaya sakin.
“Marami bang pupunta sa Birthday mo?”
“Hindi naman, Ilan lang din sa mga kamag anak ko at yung mga kaibigan ko sa dati kong school”
“Hala weh? hindi ba nakakahiya?”
“Haha wag kang mahiya ako bahala sayo”
“Sige pupunta ako”
“Yown, Ano nga pala ang nangyari sa inyo ng pinsan mo kahapon? Nag-away ba kayo?”
“Wala yon, Asarang mag pinsan lang yon okay nadin naman kaming dalawa.”
“Pano Dex una na ako ha? May klase pa kasi ako, Aasahan kita sa Birthday ko”
“Oo pupunta ako Promise”
Pagkatapos non ay umalis na sya, Gusto kong tumalon sa sobrang kilig!!!! Kaso baka mapalabas ako hehe, Pakiramdam ko ang swerte ko kasi medyo Close kami ni Crush!! Ano kayang susuotin ko sa Birthday nya? wala pa naman akong bagong damit haha nakakahiya din naman huminga kay tita nang pera Pinapaaral na nya ako sa magandang school eh. Pero tama yung mga sinabi nya dapat malaman ni Mark yung totoo, Bilang Bestfriend hindi ko hahayaang masaktan ang Bestfriend ko.
Habang pauwe kami ni Nathan ay nagsasampung isip ako kung mangungutang ba ako sa kanya, Kailangan ko kasi bumili ng damit para sa Birthday ni Dan para naman mag mukha akong tao.
“Nathan?”
“Yes?”
Wow, Himala mukhang kalmado ata sya haha.
“Ah eh ano kasi, Pwede ba akong mangutang sayo?”
“Para saan?”
“Ah ano kasi, Birthday nang kakilala ko Ininvite nya ako”
“Tapos?”
“Wala kasi akong bagong damit, Kaya sana ano ako manghihiram sayo para bibili ako. Wag kang mag-alala babayaran kodin kapag nagka pera na ako”
“Kelan moba kailangan?”
“Ngayon na sana, para mayamaya ay pupunta akong palengke”
Ngayon na ako mamimili dahil sa weekend gusto ko nasa bahay ako, Kasama sila mama at para wala nadin akong iisipin pa.
Since Am Shift kami pareho around 2-3 pm nakakauwe na kami ng bahay.
“Mamaya pag uwe natin, ibibigay ko sayo. Wala akong dalang pera ngayon”
“Talaga? Nako salamat!!”
Nakahinga ako ng maluwag dahil papautangin ako ni Nathan, Mabuti pa sya ang dami laging pera Palibhasa kasi may sariling pera sa banko. Ako kaya kailan kaya ako yayaman??
Promise ko talaga na kapag nakatapos ako ng pag-aaral maghahanap agad ako ng trabaho at iaahon ko ang pamilya ko sa kahirapan.
Pagdating namin sa bahay nila ay dumiretso agad ako sa kwarto ko ayaw ko naman kasi kulitin sya baka mainis na naman at hindi ako pautangin.
2:30 kami nakauwe, Pagkapalit ko ay nahiga muna ako mga 3:30 nalang ako aalis para hindi mainit haha.
Nang mag 3 na ay nagbihis na ako dahil ilang minuto nalang ay aalis nako pero si Nathan hindi paden lumalabas ng kwarto nya. Pano yung inuutang ko? Nakakahiya naman na kumatok pa baka sabihin excited ako.
“Ate Erna nakita nyo po ba si Nathan?”
“Nako nandon yon sa kwarto nya, Katukin mo nalang. Pero baka mapagalitan kanon ayaw pa naman non na inistorbo”
“Sige po ate salamat”
Grabe talaga yung takot nila kay Nathan ano kayang klaseng tao sya dati nung wala pa ako dito? Siguro lagi syang nagwawala haha kaya natatakot ang mga katulong dito.
Dahil baka abutin ako ng gabi ay kumatok nalang ako sa kwarto ni Nathan, Pero nakailang katok at tawag na ako wala padin nagbubukas ng pinto.
Nathan naman asan kana ba? Maghahapon na oh (Hapon na pala haha) Paghawak ko ng door knob ay nakabukas yung pinto, Bakit kaya hindi naka lock? Baka nakalimutan nya haha.
Binuksan ko yung pinto at sinilip yung loob ng kwarto at namangha ako sa nakita ko, Ang ganda ng kwarto nya malinis at ang daming gamit dahil may pag chismakers ako ay pumasok ako sa loob ng kwarto. Ngayon palang ako nakapasok sa kwarto nya kahit mga katulong hindi nakakapasok dito kasi ayaw nya.
“Nathan??”
Naghanap pa ako sa buong kwarto nya pero wala talaga sya, Asan kaya yung lalaking yon?
Parang may nagtulak sakin na pumunta sa banyo at pag bukas ko ay!!!!!!!!!!!!!! Nakita ko si Nathan!! Nakatapis nalang ng tuwalya. Pareho kaming nagulat ng nakita namin ang isa’t-isa.
“Ahhhhhhh!!!!!!!!”
Sigaw ko, Hindi ko kasi alam kung ano ang gagawin ko at magiging reaksyon ko may virgin eyes huhu. Lumapit sya sakin at tinakpan ang bibig ko.
“Ssshh, Anong ginagawa mo sa kwarto ko? Sinong nagsabi na pumasok ka dito?!”
Tinanggal ko yung kamay nya at umayos ng Tayo, Pakiramdam ko nagkakasala ako dahil kita ko ngayon ang katawan ni Nathan. Lord bigyan nyo ako ng lakas huhu.
“So-sorry, Kanina pa kasi ako kumakatok kaso hindi ka sumasagot tapos hindi naka lock yung pinto kaya pumasok nalang ako”
“Tssk, Hindi mo ba alam ma bawal pumasok sa kwarto ko na walang Permission”
“Sorry na nga”
“Ano ba kasing kailangan mo?”
“Ah eh yung inuutang ko sayo kukunin ko sana”
Pumunta sya sa drawer nya at may kinuhang pera at inabot sakin yung 1000, Dami talagang pera nitong lalaki nato holdapin ko kaya sya hahaha.
“You can leave now, Masyado monang tinitigan ang katawan ko”
“Hoy ang kapal mo! Tinititigan ka dyan! Magbihis ka kasi! Kala mo naman ang laki ng katawan mo”
“Pano ako magbibihis kung nandito kapa?”
Oo nga noh? may point sya haha, Eh malay koba naman kasi na naliligo pala sya pero in fairness ha? maganda yung katawan nya hahaha.
“Opo sir lalabas napo, Pero salamat ulit sa pagpapautang”
“Oo na, Lumabas kana”
Hinawakan nya ako sa balikat at tinulak palabas ng kwarto nya. Umalis na agad ako dahil baka abutan pa ako ng gabi traffic pa naman, Nagpasama din ako kay Miles dahil sya ang magaling pagdating sa mga damitan mabuti na nga lang din at free sya ngayon.
“Be bakit ba kasi bibili ka ng bagong damit? Christmas party nyo na ba?”
“Haha hindi ah, Bibili lang ng damit christmas party agad?”
Hahaha may point sya, Kadalasan kasi tuwing christmas party lang ako nakakabili ng bagong damit dahil wala din naman kaming pera pambili ng maraming damit.
“Hahaha bakit ka nga kasi bibili ng bagong damit?”
“Kasi ininvite ako ng isang kakilala ko sa birthday nya”
“Lalaki yan o babae?”
“Lalaki bakit?”
“Bakla!”
Hinila hila nya yung damit ko at inalog alog pa ako.
“Aray ko be, Bakit ba?”
“Lalaki ininvite ka? ibig sabihin type ka non”
“Type agad? Hindi ba pwedeng magkaibigan lang?”
“Dyan din nagsisimula yon, Ayiieee Lumalovelife na sya!! ano gwapo ba? anong name nya?”
“Lovelife talaga? Daniel name nya at Oo gwapo sya”
Ang babaita lalo pang kinilig sa sinabi ko, Kinurot kurot pa ako kung iba iba lang sya baka nasampal kona sya haha.
“Bakla ikaw ha? Lumipat kalang dyan sa school mo napapaligiran kana ng mga gwapong lalaki, Makalipat na nga dyan bukas haha”
“Loka ka talaga, Kaibigan ko nga lang yon si Dan”
“We? talaga ba? Nako Dex wag ako”
“Edi Crush”
“Haha landi mo be! Pano na si Mark?”
“Crush lang naman, Si Mark Mahal ko yon”
Ooopppss bastos yung bibig ko kung minsan talaga walang preno at bigla bigla nalang may lumalabas na hindi dapat sabihin.
“Ayyyiiieeee!!!!! Loyal sya!!!! sana all loyal”
“Dami mong alam tara na nga para hindi tayo gabihin”
Hinila kona si Miles para hindi na magusisa pa ng kung ano-ano, Sana katulad kanina magka roon din ako ng lakas ng loob na sabihin kay Mark na Mahal ko sya at hindi lang Bestfriend ang tingin ko sa kanya.
Pagkatapos naming mamili ay nilibre ko ng makakain si Miles sa isang Canteen, Diko pa kasi afford mag fast food kulang ang pera ko hahaha Habang kumakain kami ay nag message sakin si Tita Emman na aalis daw sya dahil may aasikasuhin sya tungkol sa business nya at ako nadaw ang bahala kay Nathan. Jusme ang lalaki na non inaalala pa ni Tita Eh mas malakas payon sa sampung kalabaw.
“Naks naman be, Bago Cellphone ah? mukhang mamahalin pa sinong bumili?”
Napansin siguro ni Miles na iba na yung gamit ko at hindi na yung dati.
“Ito ba? Nasira kasi yung Dati kong Cellphone kaya ito binilhan ako ni Nathan”
“Yung pinsan mo binilhan ka?!”
“Oo bakit may problema?”
“Akala koba parang dragon ang ugali non, Tapos binilhan ka?”
“Akala ko din nung una dragon pero nang makilala ko sya hindi naman pala totoo, At sya din kasi nagsira nag dati kong Cellphone siguro nakonsensya kaya pinalitan”
“Wow, Ang swerte mo pala sa pinsan mo. Sana ako din may pinsan na RK”
“Haha sana nga, Ipagpepray ko wag kang mag-alala”
Masaya ako dahil nakasama ko ulit si Miles kahit na saglit na oras, Marami pa kaming napagkwentuhan pero sa tagal naming nag usap hindi ko man lang nasabi sa kanya ang tungkol sa nakita ko.
NATHAN’S POV
Nakakaboring naman ngayon dito sa bahay, Wala si mommy at si Daddy tapos yung pinsan kong maingay wala pa den. Asan na kaya yon? Kanina pa sya umalis tapos hanggang ngayon wala pa den, Baka sa America payon bumili haha. Wala din akong maasahan sa mga ka tropa ko dahil wala daw silang mga perang pang gali hindi daw kasi sila binigyan dahil puro bulakbol lang daw ang ginagawa nila.
Nanood nalang ako ng movie sa may laptop ko para may paglibangan ako at maya maya ay may kumatok sa pinto ng kwarto ko, Siguro si Dex yon. Dali dali akong tumayo para buksan yung pinto pero pagbukas ko si manang lang pala.
“Sir kakain napo”
“Manang nandyan napo ba si Dex?”
“Opo Sir nandyan napo bakit po?”
“Pakisabi sa kanya na sya ang magdala ng pagkain ko dito, Tinatamad kasi ako bumaba”
“Sige po sir”
Ilang minuto lang ang lumipas ay may kumatok ulit, Pagbukas ko si Dex na yon at dala dala yung pagkain ko.
“Ano nakabili ka?” tanong ko sa kanya
“Oo, Salamat ulit sa pagpautang”
“Eh bakit ang tagal mo?”
“Traffic kasi, alam mo naman dito sa Pilipinas”
Boring talaga ako ngayon kaya gusto ko ng kausap kaso masyadong seryoso sa buhay tong si Dex at mukhang walang balak makipagLokohan.
“Traffic talaga? baka may dinaanan kapang iba kaya ka natagalan”
“At sino namang dadaanan ko? Tamang hinala kana naman, Kumain kana dyan baka sabihin ni Tita ginugutom ka namin dito”
“Busog pa pala ako, Pakibaba nalang ulit”
“Hoy anong ibaba?! Kainin mo yan nagpakahirap akong iakyat yan tapos babalewalain molang”
“Eh sa busog pa pala ako anong gagawin ko”
Haha kita kona sa mukha ni Dex na naiinis na naman sya madali talaga syang mainis haha.
“Basta kainin mo yan pag hindi mo yan kinain”
“Anong gagawin mo?”
“Basta kainin mo yan, Wag kang magsayang ng pagkain hindi moba alam na maraming pamilya ang nagugutom at pangarap na kumain ng katulad ng hinain sayo tapos ikaw sasayangin mo lang”
Ayan na sya, Nag Drama na naman ahahaha pati na nanahimik na mga pamilya dinamay pa nya.
“Oo na kakainin kona ang dami mo pang sinasabi”
“Kakainin modin pala tapos ang dami mo pang arte”
“Oo na kakainin kona, Makakalabas kana”
“Ayoko Hindi ako lalabas hanggat hindi mo nauubos yang pagkain mo”
“Ano babantayan moko?”
“Oo bakit, May angal?
Hindi talaga umalis si Dex hanggat hindi ko natatapos yung pagkain na inakyat nya. Halos hindi nga sya kumurap eh, Ano kayang nakain nya at bigla syang tinopak ng ganyan.
Lakas ng trip eh bantayan ba naman ako sa pagkain, Ano ako bata? Kung alam kolang diko na sana sya pinatawag kay manang haha.
Balewala din yung kinain ko kasi hindi ako makapag concentrate kasi nakatingin sya sakin na parang saleslady sa isang mall na grabe makatingin sayo dahil akala magnanakaw ka.
“Very Good”
Nakangiting sabi nya pagkatapos ko kumain.
“Lumabas kana”
“Oo na! Sungit mo talaga!”
Pagkatapos nyang kunin ang pinagkainan ko ay lumabas nadin sya.
Nakakatawa talaga tong pinsan ko parang nag-iiba ang ugali kapag hindi nakakainom ng maintenance haha.
CHAPTER 29
DEX’S POV
OMG! Ito na! Birthday na ni Dan, Parang kailan lang inimbitahan nya ako Ang bilis talaga lumipas ng mga araw.
Excited kong sinuot yung damit na binili ko at humarap pa ako sa salamin at nagmodeling lang pa haha, Para aking timang sa pinaggagawa ko. Habang nag-aayos ako ay tumunog yung cellphone ko, Si Dan tumatawag.
“Hello Dex? Asan kana?”
“Nasa bahay pa, Pero paalis nadin ako. Ichachat nalang kita kapag malapit na ako sa inyo”
“Sige sige, Ingat ka ha?”
“Oo salamat”
Kainis si Dan wala man lang pa i love you! Haha char! Minsan napagtatanto ko medyo humaharot na ako haha Pero medyo lang naman.
Pagkatapos kong nagbihis ay kinuha kona yung maliit kong bag para pag lagyan ng pagkain magtetake out kasi ako hahaha.
Nagpaalam ako kay Tita bago ako umalis, Mabuti na nga lang at pinayagan nya ako. Si Nathan wala sa bahay nagpunta daw sa mga barkada nya, Talaga yung lalaki nayon napaka lakwatsero!
Paglabas ko ng Subdivision nila ay humanap agad ako ng taxi, Sosyal ko noh? Naka taxi haha. Pinagipunan ko talaga yung pang taxi ko ayaw ko kasi mag jeep baka maligaw ako haha atsaka ang dami pang sasakyan kapag hindi ako nagtaxi.
Habang nasa taxi ako ay tingin ako ng tingin sa salamin, Hindi ako mapakali sa istura ko kailangan mukhang fresh ako pagdating kodon haha ayaw ko naman na mukha akong Hagardouz.
Biglang tumunog yung phone ko akala ko tumawag si Dan pero unknown number sino kaya to? Sinagot ko padin kahit hindi ko kilala.
“Hello sino po ito?”
“Hello Dex? Si Tita Rose mo ito, Nakuha ko yung number mo sa kaibigan mo si Miles”
“Hi Tita kamusta po? Bakit po kayo napatawag?”
“Dex pwede kabang pumunta ngayon sa bahay?”
“Tita pasensya napo may lakad po kasi ako eh”
“Dex sige na, Please pumunta ka sa bahay. Kailangan ka ni Mark”
Natigilan ako ng binanggit ni Tita ang pangalan ni Mark, Kahit hindi ko sya nakikita ay ramdam ko ang pag-aalala nya.
“Bakit po ano pong nangyari kay Mark?”
“Hindi ko alam Dex, Kagabi pa sya hindi lumalabas ng kwarto at ayaw nya ding kumain. Sinubukan kong kausapin sya pero ayaw nya, Nag-aalala na ako sa anak ko. Baka matulungan mo ako Dex, Bestfriend ka nya baka makinig sya sayo”
“Sige po Tita susubukan kopong makapunta”
Pati ako kinabahan dahil sa mga sinabi ni Tita, Bakit naman gagawin yon ni Mark? May problema ba sya? Pero Birthday ngayon ni Dan, Sino ang uunahin ko sa kanila? Nangako ako kay Dan na pupunta ako Pero kailangan ako ni Mark.
“Manong pakiliko nalang po, Sa iba nalang po ako magpapahati”
“Sige po sir”
Alam kong nangako ako kay Dan na pupunta ako sa Birthday nya, Pero mas kailangan ako ni Mark ngayon Kailangan ako ng Bestfriend ko. Magsosorry nalang siguro ako sa kanya kapag nagkita kami.
DANIEL’S POV
Kanina pa ako naghihintay dito sa labas ng bahay, Pero wala padin si Dex. Asan na kaya yon? Hindi naman traffic papunta dito samin, Hindi kaya naligaw nayon?
“Anak pasok na inaantay kana ng mga kaibigan mo sa loob”
“Sige po ma, May hinihintay lang po ako”
Mayamaya ay may na recieve akong message galing kay Dex.
“Dan sorry, Hindi ako makakapunta ngayon sa inyo may emergency lang “
Nagreply naman agad ako sa kanya at sinabi kong “Okay lang, Unahin mo na yan meron pa namang next time “
Ano kayang emergency yung nangyari? Sayang akala ko makakapunta sya mas masaya sana kung kasama ko lahat ng kaibigan ko.
“Dan bakit pumasok ka? Wala paba yung kaibigan mo?”
“Hindi nadaw sya makakapunta Ma nagkaroon daw ng emergency”
“Nako sayang naman gusto ko pa naman sya makilala kasi parang importante yon sayo”
Napangiti nalang ako sa sinabi ni Mama kasi importante talaga sakin si Dex.
DEX’S POV
Paghinto ng Taxi sa tapat ng bahay nila Mark ay nagmadali agad akong lumabas pagka abot ko ng bayad. Wala padin pinagbago yung bahay nila, Ito parin yung bahay na madalas kong puntahan kapag magkasama kaming dalawa ni Mark. Kumatok agad ako at pinagbuksan ni Tita, Bakas sa mukha nya na talagang nag-aalala sya
“Tita Asan po si Mark?”
“Nandon sa kwarto nya ayaw lumabas”
“Ano po bang nangyari?”
“Hindi ko alam Dex, Basta isang beses umuwe sya na parang malungkot tapos ayon hindi na sya lumabas ng kwarto”
“Ganon po ba?”
Pumunta agad kami sa kwarto ni Mark kaso naka lock yung pinto, Lalo tuloy akong nag-alala Mark! Ano bang nangyayari sayo?? bakit mo ginagawa to?
“Tita may susi po ba kayo ng kwarto ni Mark?”
“Meron, Kaso sinabihan nya ako na wag akong pumasok dahil gusto nyang mapag-isa”
“Tita pakuha nalang po, Ako nalang po ang papasok baka sakaling makausap ko sya”
Kinuha ni Tita yung susi at pumasok aki sa loob noob ng kwarto ni Mark, Madilim yung kwarto kaya binuksan ko yung ilaw.
Nakatalukbong sya ng kumot kaya lumapit agad ako at umupo sa tabi nya.
“Mark?”
“Ang sabi ko gusto kong mapag-isa”
“Mark ako to, Si Dex”
Tinanggal nya yung kumot at sinilip ako.
“Dex anong ginagawa mo dito?”
“Tumawag kasi si Tita Rose sakin ang sabi nya hindi ka daw kumakain tapos ayaw mopang lumabas ng kwarto”
“Si mama talaga”
Na madikit yun balat ko sa balat ni Mark ay naramdaman kong mainit sya kaya hinipo ko yung noo at leeg nya.
“Mark ang init mo, Nilalagnat ka”
Hindi sya umimik, Kinumutan ko sya at lumabas muna ako ng kwarto.
“Dex kamusta si Mark?”
“Tita may lagnat po sya, Pwede po bang palutuan sya ng may sabaw?”
“Sige sige”
Ako naman ay kumuha ng tubig at towel tapos bumalik ulit sa kwarto ni Mark.
Pinunasan ko ang mga braso nya, Pati noo at leeg para mabasawan ang init nya. Pinunasan kodin yung mga binti nya pati yung dibdib nya.
Mark bakit kaba nagkasakit? hayss.
Mayamaya ay kumatok na si Tita at binigay yung sabaw na niluto nya, Nagdala nadin sya ng tubig pati gamot.
Inalalayan ko si Mark para makasandal sya ng maayos.
“Mark humigop ka muna para mainitan yung sikmura mo”
Pinaubos ko muna sa kanya yung sabaw bago ko pinainom yung gamot. Naawa ako kay Mark, Parang gusto kong kunin sa kanya yung sakit nya di baleng ako nalang ang mahirapan wag lang sya.
Tatayo na sana ako pero bigla nya akong hinawakan.
“Dex dito kalang, Wag mo akong iwan”
Nilapag ko muna yung mangkok at tumabi ako sa kanya, Nilalamig si Mark kaya lumapit ako sa kanya at niyakap ko sya ng mahigpit.
“Wag kang mag-alala Mark hindi kita iiwan, Nandito lang ako sa tabi mo”
Lahat ng kinimkim ko na pagmamahal kay Mark ay biglang lumabas ngayon, Mahal na mahal ko si Mark at handa kong gawin lahat para lang sa kanya.
Kailangan nya ako at hinding hindi ako aalis sa tabi nya.
Hindi agad ako natulog dahil dahil binabantayan ko kung tumaas ba o bumaba ang lagnat nya, Nilagyan kopa sya ng Bimpo sa noo para kahit paano ay gumaan ang pakiramdam nya.
Pinagmasdan ko lang ang natutulog na si Mark naawa ako sa kalagayan nya, Sumagi tuloy sa isip ko na KUNG AKO NALANG SANA ang kanyang minahal hinding hindi ko sya sasaktan.
MARK’S POV
Nagising nalang ako na nakayakap si Dex sakin. Nakatulog siguro sya habang binabantayan ako, Pati tuloy sya nadamay. Bumaba nadin ang lagnat ko, Pero yung sakit sa puso hindi padin mawala. Hindi ko akalain na magagawa akong lokohin ni Sheena sa kabila ng pagmamahal ko sa kanya.
…………………..FLASHBACK………………….
Habang nasa school kami nakita kong may kausap si Sheena na lalaki, Nung una akala ko kaibigan o Kaklase nya lang pero nung hawakan sya sa kamay at yakapin sya duon na ako nagtaka. Nilapitan ko agad yung lalaki at tinulak ko sya palayo kay Sheena.
“Mark?”
Pareho silang nagulat sa pagdating.
“Sheena anong ibig sabihin nito?!”
“Mark, Magpapaliwanag ako”
“Isa lang ibig sabihin nyan Pre hindi kana mahal ni Sheena dahil ako na ang mahal nya”
Parang nandilim bigla yung paningin ko dahil sa sinabi nung lalaki, Lumapit ako sa kanya at pinagsusuntok ko sya. Todo awat naman samin si Sheena.
“Mark pwede ba tama na!”
“Talagang pinagtatanggol mopa sya?”
“Mark umalis kana, tsaka nalang tayo mag-usap kapag malamig na yung ulo mo”
Inalalayan ni Sheena yung lalaki na makatayo at tinalikuran nila ako. Hinabol ko naman agad si Sheena.
“Sheena please mag-usap muna tayo”
“Bingi kaba ang sabi nya, Tsaka nalang kayo mag-usap kapag malamig na yang ulo mo”
Iniwan nila akong dalawa na parang wala lang, Ako yung Boyfriend pero ako yung iniwan, Ako yung Boyfriend pero ako yung walang nagawa.
Hindi padin ako makapaniwala na magagawa akong lokohin ni Sheena, Hindi ko matanggap sa sarili ko na niloko nya ako.
Ano bang ginawa kong mali sa kanya?!!!
May kulang ba ako?!!!
Dapat sinabi nya para binago ko hindi yung lolokohin nya ako!
Mahal na mahal ko si Sheena at gagawin ko ang lahat wag lang sya mawala sakin.
……………END OF FLASHBACK……………..
Inayos ko ng higa si Dex at kinumutan ko sya.
“Dex sorry kung nadamay kapa”
Ang tagal nadin nang huli kong nakita si Dex at masaya ako na makita ko sya pero sana sa hindi ganitong sitwasyon.
Tatayo na sana ako pero bigla syang nagising.
“Mark? Ayos kana ba? Wala kana bang lagnat?”
Hinipo hipo ni Dex yung leeg at noo ko, Daig nya pa yung Doctor sa ginagawa nya.
“Ayos na ako Dex, Salamat pala sa pag-aalaga mo”
“Ano kaba Mark syempre Bestfriend ako diba? sino pa ba ang tutulong sayo kundi ako den”
“Haha namiss kita Dex”
Lumapit ako sa kanya at niyakap ko sya ng mahigpit, Maswerte ako nagkaroon ang ng Bestfriend na tulad nya na laging nandyan kapag kailangan mo.
“Aray ko Mark, Hindi ako makahinga”
“Ay sorry haha”
Binitawan ko naman agad sya.
“Mark? Bakit ka nga pala nagkulong sa kwarto mo? Tungkol ba ito sa inyo ni Sheena? Nag-away ba kayo?”
Biglang naging seryoso si Dex sa tanong nya, Bakit kaya naisip na tungkol samin ni Sheena? May alam kaya sya?
“Ah eh hindi nagkaproblema lang sa mga barkada”
Hindi ko pwedeng sabihin kay Dex ang totoo dahil ayaw kong madamag pa sya dito. Ako ang may problema ako dapat ang sumulusyon, Tama nang ako nalang ang masaktan wag na yung mga taong importante sa buhay ko.
“Barkada? yan kasi ayaw unahin yung pag-aaral. Ang Barkada ginagawa yang inspirasyon hindi kunsumisyon”
“Haha sorry napo Boss hindi napo mauulit”
Mukha namang naniwala si Dex sa sinabi ko, ayaw kona syang madamay sa problema naming dalawa ni Sheena ayaw konang guluhin ang na nanahimik na buhay ni Dex.
Pero hanggang ngayon hindi padin mawala sa isip ko yung ginawa ni sheena sakin. Ang daming tanong na pumasok sa utak ko kung bakit nya ginawa yon.
Sinubukan ko naman syang kausapin pero ayaw nya padin ang sami nya kakausapin nya lang daw ako kapag Handa na akong makinig.
DEX’S POV
Alam kong nagsisinungaling sakin si Mark nang sabihin nyang hindi si Sheena ang dahilan kung bakit sya nagkakaganyan.
Sa tagal naming magkaibigan alam ko kung nagsasabi sya nang totoo o hindi, Pero kung ayaw nyang sabihin sakin ayos lang.
Gusto kong damayan si Mark kaso natatakot, Natatakot na baka masaktan na naman ako.
“Mark kung hindi mona kaya, Nandito lang ako handa akong makinig sayo”
“Anong hindi kaya? Ito nga oh ang lakas lakas ko”
Kahit anong gawin nyang pagpapanggap na okay sya kita ko padin sa mga mata nya na nasasaktan sya. Maaring nagsisinungaling ang bibig pero makikita mo sa mata ang katotohanan. Kinuha ko yung isang unan at binato ko kay Mark.
“Ang lakas mo pala ha? kaya pala kagabi nanginginig kana haha”
“Ahaha syempre ikaw kaya magkasakit, Pero salamat kasi hindi mo ako iniwan alam kong busy ka pero pinuntahan mo padin ako the Best ka talagang BESTFRIEND”
Ngumiti nalang ako sa sinabi nya. Pwede na talaga ako sabitan ng award na “BEST BESTFRIEND” in the Philippines Kailangan kong makausap si Sheena, Kailangan kong malaman kung bakit nya nagawang lokohon si Mark.
Hindi narin ako nagtagal sa bahay nila Mark dahil baka hinahanap na ako nila tita Emman.
Pero bago ako umalis sinigurado ko muna na okay si Mark at sinabihan kodin sya na wag pabayaan ang sarili nya Gusto kopa sanang magtagal kaya lang hindi talaga pwede at Sana lang talaga makinig sya sakin.
“Dex san ka galing bakit hindi ka umuwe kagabi?”
“Tita sorry po, Nagkaroon lang po kasi ng emergency sa isa kong kaibigan kaya hindi agad ako nakauwe”
“Ganon ba? Pero sa susunod magsasabi ka ha? para hindi ako nag-aalala”
“Sorry po tita hindi napo mauulit”
Umakyat agad ako sa kwarto dahil kailangan kopa magpahinga dahil medyo napuyat ako sa pagbabantay kay Mark at kailangan kodin ng lakas para harapin si Sheena marami akong mga bagay na gustong itanong sa kanya, Isa na dun ay kung bakit nya nagawang lokohon ang BestFriend ko.
CHAPTER 30 “PAG-AMIN”
MARK’S POV
Salamat sa tulong ni Dex at naging maayos ang pakiramdam ko, Ngayon handa na akong makausap si Sheena. Marami akong gustong itanong at malaman sa kanya na Hanggang ngayon ay gumugulo padin sa isipan ko.
Kinuha ko agad yung Cellphone ko para tawagan si Sheena, Sinagot naman nya agad.
“Sheena please mag-usap naman tayo, Hindi ako sanay na wala ka at magkagalit tayo”
“Sige Mark mag-usap tayo para matapos na”
“Anong matatapos?”
“Mark magkita nalang tayo mamaya, Itetext ko sayo yung address kung saan”
“Sige Sheena salamat, Mahal na mahal kita”
Magsasalita pa sana ako kaya lang pinatay na nya agad.
Kailangan maging okay kami ni Sheena, Simpleng away at hindi pagkakaunawaan lang to alam kong malalampasan namin to. Alam kong mahal din ako ni Sheena kaya kumpyansa akong magakakaayos din kaming dalawa.
“Mark ayos kana ba?”
“Opo ma”
“Ano ba kasing nangyari anak? Sabihin mo sakin makikinig ako”
“Ma meron po kasi kaming hindi pagkakaunawaan ni Sheena”
Lumapit sakin si Mama at inayos yung buhok ko.
“Mark anak, Kasama talaga yan sa relasyon. Kung talagang mahal nyo ang isat-isa magkakaayos at magkakaayos kayong dalawa”
Tama si Mama ayon naman talaga ang importante sa dalawang nagmamahalan ang Mahal ang isat-isa. Dahil kapag mahal nyo ang isat-isa magiging matibay ang pag-iibigan nyo dahil dalawa kayong bumuo ng isang relasyon na kahit anong mangyari ay hindi nyo hahayaang masira.
DEX’S POV
Kailangan kong makausap si Sheena pero paano? saan ako maguumpisa? Naawa ako kay Mark dahil mahal na mahal nya si Sheena pero sa kabila nito ay niloloko lang pala sya.
“Mukhang malalim ang iniisip mo ha?”
“Dan ikaw, pala yan”
“Tungkol bayan sa Emergency nung isang gabi?”
“Oo eh”
“Kung ano man yan sigurado ako na malalampasan mo yan”
“Sana nga, Pero maiba tayo kamusta pala yung Birthday Celebration mo nung isang gabi?”
“Ayon masaya, Pumunta yung mga dati kong kaibigan. Nag kwentuhan, kainan pati inuman din”
Dahil sa napuyat nga ako kaka bantay kay Mark ay hindi nadin ako nakapasok kahapon kaya hindi kona din nakausap si Dan.
“Wow mukhang masaya yung Birthday mo saya hindi ako nakapunta, Sorry talaga. Pano ba ako makakabawi sayo?”
“Wala yon, Syempre alangan naman unahin mo ako kesa sa emergency na sinasabi mo. Pwede ka naman bumawi sakin”
Bigla tuloy akong nalungkot sa sinabi nya, Papunta naman na talaga ako dapat sa birthday nya kaso Mas pinili kong puntahan si Mark dahil mas kailangan nya ako.
“Pano ba ako makakabawi?”
Kinuha bigla ni Dan yung phone ko at bigla din sya nag punta sa camera kaya naman naki pose nadin ako.
“Ayan, makakabawi kana sakin. Gusto ko iprofile mo yung picture nating dalawa for one week”
Natawa naman ako sa sinabi nya.
Yun lang ba? Sus napaka basic! Kahit 1 yr pa yan walang problema sakin.
Nagkwentuhan pa kami ng matagal ni Dan.
Masaya ako dahil kahit paano may nakakausap ako na tulad nya.
Pagkauwian ko ay tinawagan ko agad si Miles, Kailangan ko ang tulong nya para makita at makausap ko si Sheena.
“Hello ne asan ka?”
“Nasa school bakit?”
“Nandyan ba si Sheena ngayon sa school nyo?”
“Oo Nakita ko sya kanina, Bakit?”
“Be antayin mo ako dyan, Pupunta ako dyan ngayon”
“Ha bakit naman?”
“Basta mamaya kona ipapaliwanag”
“Sige sige ingat, Antayin kita dito”
Lumakad na ako agad dahil ayoko nang may masayang na oras nag paalam din ako kay kuya alex na hindi ako makakasabay sa kanila ni Nathan pauwe dahil may pupuntahan ako.
Pagdating ko sa dati kong school ay sinalubong ako ni Miles, Mabuti nalang kilala ko yung guard kaya nakapasok ako ng madali.
“Oh be? bakit ka biglang napasugod?”
“Asan si Sheena?”
“Nandon ata sa room nila. Bakit mo ba sya hinahanap?”
“Basta”
Hinila kona sya papunta sa room ni Sheena, Pero pag dating namin don wala na si Sheena nakaalis nadaw. Hinanap pa namin sya at nakita ko sya na palabas na sa school kaya tumakbo kaming dalawa ni Miles.
Sumakay si Sheena ng Tricycle kaya sumakay din kami, Saan kaya sya pupunta? Kikitain kaya nya yung lalaking nakita kong kasama nya nung nakaraan?
“Dex bakit ba natin sinusundan si Sheena?”
“Miles? Mamaya kona ipapaliwanag kailangan na muna natin mahabol si Sheena”
Tumango nalang sya sakin, Huminto kami sa isang Mall malapit lang din sa school ko dati.
Sinundan namin si Sheena hanggang sa makarating sa bandang gilid ng mall meron don mga upuan at duon sya umupo at parang may hinihintay.
Hindi na ako nagdalawang isip na puntahan sya dahil marami akong gustong itanong at malaman sa kanya.
“Sheena?”
Lumingon sya sakin at parang nagulat sa pagdating namin ni Miles.
“Dex? Anong ginagawa mo dito? Ikaw ba ang pinapunta ni Mark?“takang tanong sakin ni Sheena ng makita nya ako
“Walang kinalaman si Mark dito, Sinundan talaga kita dahil marami akong gustong itanong sayo”
“Tungkol saan?”
“Tungkol sa ginawa mo kay Mark”
“Sinabi na pala nya sayo”
“Wala syang sinasabi sakin, Dahil nakita kita noong nakaraan sa isang mall at may kasama kang ibang lalaki nuong una akala ko kaibigan mo lang o baka namamalikmata lang ako pero nang makita kong malungkot si Mark? Duon ka napagtanto na ikaw talaga yon”
“Wala kang alam Dex”
“Anong walang alam? Malinaw na malinaw na niloko mo si Mark! At pinagpalit mo sya iba!”
“Oo pinagpalit ko sya! Dahil sawang sawa na ako!” Sigaw nya sakin
“Dahil lang sa nagsawa ka kaya ka humanap ng iba? Dapat sinabi mo nalang sa kanya para hindi mo na sya nasaktan!”
“Nagsawa ako dahil araw-araw nyang pinapamukha sakin na mas the Best ka kesa sakin na Girlfriend nya!” Biglang tumulo ang mga luha sa mata ni Sheena.
Nagumpisa na kaming nag-init ni Sheena, Naguguluhan ako sa mga sinasabi nya dahil wala naman akong ginagawa para masira silang dalawa.
“Ako? mas the Best sayo? anong ibig mong sabihin?”
“Ako yung Girlfriend pero ikaw yung laging mukhang bibig ni Mark! Kapag magkasama kami hindi pwedeng hindi nya nasisingit ang pangalan mo! Kahit kapag kumakain kami lagi nyang sinisingit yung mga ayaw at paborito mo! Lahat ng kulang sakin ikaw yung pumupuno! Ako Yung Girlfriend nya pero bakit hindi ka nya mabitaw bitawan, Eh BestFriend kalang naman! Kaya Masisisi mo ba ako?!”
Sa sobrang galit ko ay nasampal ko si Sheena ng malakas, Hindi ko akalain na ganon pala ang epekto ko sa kanilang relasyon pakiramdam ko ako ang sumira sa kanila. Pero hindi padin sapat yon para lokohin at saktan nya si Mark.
“Kahit pa Sheena! Hindi padin rason yan para lokohin mo si Mark! Mahal ka nya! Tapos lolokohin molang sya!”
“Sheena? Dex? anong ibig sabihin nito? Bakit kayo nag-aaway?”
Nagulat ako sa pagdating ni Mark, Nakita nya siguro yung ginawa kong pagsampal kay Sheena. Nilapitan nya agad si Sheena pero umalis si Sheena, Iniwan nya si Mark.
“Dex anong ginawa mo?” Medyo galit na tanong sakin ni Mark
“Mark”
“Bakit mo sya sinampal?”
“Dahil niloloko ka nya Mark”
“Dex naman mag-uusap sana kami ni Sheena ngayon. Pero anong ginawa mo?! Umalis sya at lalong nagalit sakin”
“Mark sorry, Hindi ko naman sinasadya”
“Sorry? Bakit kaba kasi nandito ano bang ginagawa mo dito?!”
“Mark gusto kolang naman talaga kausapin si Sheena tungkol sa ginawa nya sayo”
“Dapat kasi hindi kana nakialam! Ako ang Boyfriend at Girlfriend ko si Sheena kaya dapat kaming dalawa ang aayos nito. Dahil—”
“Dahil ano Mark?! Dahil Bestfriend mo lang ako? OO! Bestfriend mo ako! Ako yung lagi mong kasama kapag kailangan mo nang kausap! Ako yung laging nagpapasaya sayo kapag malungkot ka! Ako yung tumutulong sayo kapag nahihirapan ka sa mga assignments mo! Ako yung laging nandyan kapag iniiwan ka ng ibang kaibigan mo! Ako yung laging umiintindi sayo kapag may topak ka! Lahat yon ako! ako yon Mark! Dahil Bestfriend mo ako! Yun lang naman talaga ako sa buhay mo diba? Bestfriend!”
Para akong bulkan na sumabog, Lahat ng kinikimkim ko ay inilabas ko dahil hindi kona kaya yung sakit sa puso ko.
Nagagalit sakin si Mark dahil lang sa umalis si Sheena, Dapat ba talaga ipamukha nya sakin na BestFriend nya lang ako at ayon din ang kauna unahang pagkakataon na nagalit sakin si Mark nang ganito katindi, Para bang naging masama akong kaibigan sa kanya.
Hindi ko na din napigilan na tumulo ang mga luha ko. Sa sobrang sakit parang hindi kona kaya humarap pa kay Mark. Tumakbo ako palayo pero sinundan padin ako ni Mark.
“Dex sandali, Sorry nadala lang ako”
“Sorry? Akala mo ba madali sakin na nakikita kang nasasaktan? Akala moba madali sakin na nakikita kong nagagalit sakin ang Bestfriend ko! Mark bakit ba ang manhid mo! Bakit ba hindi mo makita yung nararamdaman ko para sayo!”
“Hindi kita maintindihan Dex, Anong nararamdaman mo para sakin?”
Siguro ito na yung tamang pagkakataon para umamin ako kay Mark, Dapat kona din sigurong tapusin to para makapag move on na talaga ako sa panibagong buhay na pinili ko.
“Mark Mahal kita! Mahal kita matagal na! Mahal kita hindi lang bilang Bestfriend! Mahal kita kasi Mahal kita!”
Sa wakas nasabi kona din sa kanya ang katagang Mahal Kita na ilang taon kong itinago. Bakas sa mukha ni Mark ang gulat sa mga sinabi ko.
“Mahal mo ako? Dex baka naguguluhan kalang, Siguro masyado lang tayong naging close kaya akala mo mahal mo ako”
“Mark nasabi kona yung Matagal konang gustong sabihin sayo, Nasasayo nalang yon kung maniniwala ka”
Pagkatapos kong magsalita ay tumalikod na ako, Ayoko nang marinig pa ang mga sasabihin nya. Habang naglalakad ako ay tumutulo ang mga luha ko habang binabalikan ang mga masasayang araw namin Mark bilang mag BestFriend.
“Be iiyak molang yan”
Umupo kaming dalawa ni Miles sa gatter at duon ako umiyak mabuti nalang at wala masyadong tao, Pero kung meron man wala na akong paki.
“Be nasabi kona sa kanya, Pero bakit nasasaktan padin ako? akala ko kapag nasabi ko sa kanya ayos na, Pero bakit ganito yung nararamdaman ko?”
“Dex? Sa umpisa lang yan, Masasanay kadin kapag nagtagal ang importante sa ngayon ay nasabi mo sa kanya na mahal mo sya Ano man ang naging reaksyon nya o kalabasan ng mga sinabi mo siguro hayaan nalang natin muna ang tadhana na syang magdesisyon para sa inyong dalawa”
“Salamat Miles”
Mabuti nalang talaga kasama ko si Miles kahit paano nagkakaroon ako ng lakas ng loob, Dahil sa mga sinasabi nya nagkakaroon ako ng idea kung ano ang mga gagawin ko.
Ngayon nasabi kona kay Mark na mahal ko sya, Matapos na kaya dito ang pagkakaibigan namin? Kagaya ng sinabi ni Miles hahayaan ko nalang muna ang tadhana na magdesisyon para sa aming dalawa.
MARK’S POV
Paulit ulit kong naririnig sa isip ko ang mga sinabi ni Dex na Mahal nya ako matagal na.
Hindi ako makapaniwala na sasabihin yon ni Dex, Yung mga panahon na magkasama kami mahal na pala nya ako non, Yung mga panahon na masaya kaming dalawa iba na pala yung tingin nya sakin .
Ang dami ko nang iniisip at sumabay pa ang mga sinabi ni Dex, Hindi ko alam kung paano ko sya kakausapin.
Hindi ko alam kung sino kala Dex at Sheena ang una kong kakausapin. Hindi ko din alam kung anong mararamdaman ko sa mga sinabi sakin ni Dex.
CHAPTER 31
DEX’S POV
“Kaya mo na ba talagang umuwe mag-isa?” Alalang tanong sakin ni Miles
“Oo be kaya kona”
“Sige, Basta mag-ingat ka ha? Kapag kailangan mo ng kausap tawagan mo lang ako handa akong makinig sayo”
Ngumiti lang ako kay Miles at pagkatapos ay sumakay na ako ng Jeep, Habang nasa Jeep ako ay grabe padin yung sakit nararamdam ko.
Akala ko dati kapag nasabi kona kay Mark yung nararamdaman ko ay magiging maayos na ang lahat pero parang mali ako, Lalo pa ata akong nahirapan Dahil siguro ay umasa ako na baka ginawa kong pag amin ay may magbago.
Pagdating ko sa bahay nila Tita ay dumiretso agad ako sa kwarto ko at nagmukmok. Katulad ng ginagawa ko dati sa unan kona naman naibuhos ang lahat ng luha ko, Sa unan na wala namang kamalay malay.
Kahit gaano ka pala katalino sa mga academics mo ay pagdating sa pag-ibig ay Magiging Tanga ka.
Dahil sa nangyari kahapon ay sobra akong naapektuhan hindi ako nakatulog ng maayos at hindi rin ako nakakain dahil wala akong gana, Hindi mawala sa isip ko si Mark.
Hanggang ngayon nasasaktan padin ako dahil sa nangyari samin kahapon. Kahit sa mga lesson namin hindi ako makapag focus.
“Mr. Vasquez? Are you okay? Are you sick?”
“No ma’am”
Pinilit kong maging okay kahit nanghihina na talaga ako, Hindi kasi ako nakapaghapunan kagabi tapos kanina gatas lang ang inalmusal ko Wala rin kasi talaga akong gana kumain.
Hanggang sa matapos ang ibang mga subjects ay wala akong naintindihan ni isa sa mga tinuro ng mga Prof. Lutang na lutang ako at parang wala akong gana pumasok.
Hanggang sa magrecess ay wala akong kagana gana para akong naglalakad sa alapaap.
“Dex ayos kalang ba?”
Nagulat nalang ako kasi nasa tabi kona pala si Dan.
“Oo ayos lang ako”
“Sigurado ka pero bakit parang namumutla ka?”
Nag-iba bigla yung paningin ko naging malabo ang mga nasa paligid ko at bigla akong nahilo, Tapos hindi kona alam ang sumunod na nangyari.
DAN’S POV
Pagkadating ko sa Canteen ay nakito ko agad si Dex at napansin kong parang ang lalim ng iniisip nya. Lumapit ako sa tabi nya pero nakatulalal lang sya, Hindi nya siguro ako napansin.
Nang magsalita ako ay saka lamang sya parang bumalik sa sariling pag-iisip.
Napansin ko din na parang namumutla si Dex tapos mayamya ay nagulat nalang ako kasi bigla sya ng natumba.
Nilapitan ko agad si Dex at tinapik tapik ang pisngi nya kaya lang hindi sya gumigising, Nakatingin nadin samin ang iba pang mga estudyante. Hindi ko alam kung anong gagawin ko kay Dex kasi hindi ko inexpect na tutumba sya biglabigla.
“Tabi”
Biglang dumating yung pinsan ni Dex na lalaki at dali dali syang binuhat, Sumunod naman ako at dinala namin sya sa Clinic at duon ay inasikaso agad sya ng nurse. Pinalabas muna kami ng nurse at tatawagin nalang daw kami mayamaya. Ilang minuto lang kami nag-antay sa labas tapos pinapasok nadin kaming dalawa.
“Kaano ano po kayo ng pasyente?” Tanong nung nurse
“Kaibigan/Cousin” Sabay naming sabi.
“Ano pong nangyari kay Dex?”
“Wala naman syang sakit ayos naman yung temperature, Nahilo lang siguro sya dahil sa walang laman yung tiyan nya. Mayamaya lang ay magigising nadin sya”
Pagkatapos non ay umalis nadin yung nurse, Malaking bagay talaga na meron kaming clinic sa school. Nakahiga padin si Dex at mahimbing na natutulog.
“Ano ba kasing pinakain mo sa kanya?”
Biglang nagsalita si Nathan at parang medyo galit yung pananalita nya.
“Wala akong pinakain sa kanya, Nagulat na ngalang ako bigla syang natumba”
“Really? Ikaw ang kasama nya kanina baka naman may pinakain ka sa kanya na hindi dapat”
Mukhang hindi ko gusto ang tabas ng dila nang pinsan ni Dex, Parang ako yung sinisisi sa nangyari kay Dex.
“Wala akong pinakain sa kanya At kung papakain ko man sya bakit naman yung makakasama pa sa kanya. Narinig moba yung sinabi ng nurse nahimatay sya kasi nalipasan ng gutom. Baka naman kasi hindi mo pinapakain ng maayos si Dex”
Hindi sya nakaimik sa sinabi ko. Kaya pala madalas silang nag-aaway ni Dex dahil sa ugali na meron sya ngayon naiintindihan kona si Dex kung bakit inis na inis sya sa pinsan nya.
DEX’S POV
Nagising nalang ako dahil may narinig akong mga boses na parang nagtatalo, Pagmulat ko ay nakita ko si Nathan At Dan sa harap ko. Bakit sila magkasama? Ano bang nangyayari? Bakit ako nandito? Pilit kong inalala ang mga nangyari, Pero ang naalala kolang ay yung magkasama kami ni Dan na nagrerecess.
“Dex gising kana”
Lumapit sakin si Dan at mukhang nag-aalala, Ano ba talagang nangyari sakin at anong ginagawa ko dito sa clinic?
“Bakit ako nandito? Anong nangyari?”
“Nahimatay ka kanina, Kaya dinala ka namin dito”
Hala! ako nahimatay!? OMG! nahimatay ako dahil sa sobrang gutom. Napahawak tuloy ako sa tyan ko na kumukulo.
“Dex may masakit ba sayo?”
Ay grabe sya mag-alala sakin, Kakilig naman haha! nahimatay na nga ako nakuha kopang humarot.
“Tssk”
Hala ayan naman si Tssk haha bakit kaya mukhang galit na naman sya? Tinopak na naman siguro. Nagugutom na talaga ako, Napabayaan kona pati sarili ko dahil lang sa nasasaktan ako.
Ang hirap pala masaktan, Hindi lang kasi puso mo ang nasasaktan at nahihirapan pati katawan mo nadadamay. Tumayo ako dahil medyo okay naman nadin ako kaso biglang nanghina yung tuhod ko kaya natumba ako mabuti nalang at nasalo ako ni Nathan.
“Sa-Salamat”
“Tssk, Kahit hindi kasi kaya pinipilit pa”
“Akala ko kasi kaya ko eh”
“Minsan kasi kapag hindi mo kaya, Wag monang ipilit”
Aww double meaning sya ah! May pinanghuhugutan?
“Kaya ko naman talaga tumayo”
Tumayo ako sa harap nya with confident. Pero bigla nya akong hinila palabas.
“Hoy Nathan saan mo ako dadalhin? Si Dan naiwan sa loob”
“Wag mo na ngang isipin yung lalaking yon”
Grabe sya! Naawa tuloy ako bigla kay Dan iniwan nalang namin ng walang pasabi. Gusto ko sanang bumalik kaya lang hawak hawak ng magaling kong Pinsan ang kamay ko. Lumabas kami ng School at pumara sya ng taxi.
“Nathan san ba kasi tayo pupunta? May klase pa kaya tayo. Baka malaman to ni Tita”
“So?”
“Anong so? So sowin ko kaya mukha mo dyan, Bigla bigla mo akong hinila palabas tapos sasabihin mo sakin so?”
Minsan talaga may topak din si Nathan eh paiba iba yung nasa utak, Pektusan ko kaya to? Para tumino haha. Gutom na ako nito pero ang hyper padin ng utak ko si Nathan kasi eh yung feeling na kahit may sakit kana tatayo ka talaga kasi nakakainis
“Pwede ba sumakay ka nalang”
Ang yaman talaga nitong si Nathan laging may pang taxi ahaha ako nga jeep lang ang afford ko.
“Ayoko nga”
“Papasok ka o itutulak kita sa loob?”
“Syempre papasok! Tinatanong pa ba yon?”
Dali dali akong pumasok sa loob ng taxi at sumunod nadin sya, Kahit kelan talaga tong si Nathan feeling boss! Tapos yung mga gamit namin ay naiwan na naman sa school. Akala nya may katulong sya! Habang nasa byahe kami ay tahimik lang ako at inaalala ang mga nangyari kahapon.
Kamusta na kaya si Mark? Galit kaya sya sakin dahil sa ginawa kong pag amin? Magkaibigan parin kaya kami? Ano na kayang susunod na mangyayari samin dalawa ni Mark?
“We’re here”
Kahit kelan talaga basag trip to si Nathan nag eemote pa nga ako eh! Kahit labag sa puso ko (Labag na labag) ay bumaba ako ng taxi.
Restaurant? anong ginagawa namin dito?
“Pasok”
Naiinis nako dito sa lalaking to eh kung makapag utos wagas, Pasalamat sya mabait ako ngayon kaya hindi ko nalang sya papatulan.
Pagpasok namin humanap agad kami ng pwesto tapos nilapitan kami ng isang crew at inabutan ng Menu. Halos malula ako sa mahal ng presyo! budget na namin to ng isang araw, Tapos dito isang putahe lang? Grabe naman talaga!
Kahit gutom na gutom nako Hindi ako makapili dahil parang mabubutas ang bulsa ko.
Nilapitan si Nathan isang crew tapos sinulat yung mga inorder nya, Ako naman pinagmamasdan ko lang sya balasyajan magtutubig nalang ako o di kaya magfifishball sa labas. Ilang minuto lang ay sinerve na samin ang sandamakmak na pagkain. WTF! Ano to fiesta?
“Kainin mo yan lahat”
“Ano?!”
“Bingi kaba? ang sabi ko kainin moyan lahat” -Nathan
Aba! Sumusobra na talaga ang lalaking to! Kung makapagutos talaga akala mo hari!
“Seryoso ka? anong palagay mo sakin? bibitayin? Sa dami nyan hindi ko yan mauubos”
“Tssk, Nahimatay ka dahil sa gutom. Hindi ka naman namin ginugutom sa bahay diba?”
Tumango ako, Dahil may point sya.
“At binibigyan ka naman ni mommy ng baon para ipambili ng pagkain?”
Tumango ulit ako, Bigla tuloy akong nahiya dahil sa mga sinabi nya Ano bang ibig nyang sabihin?
“Sorry” Yan lang ang mga katagang nasabi ko.
“Tssk, Kumain ka nalang” -Nathan
Nalulula talaga ako sa mga pagkain pero kailangan ko itong ubusin.
“Nathan hindi kaba kakain? Ang dami nito baka gusto mo”
Tumingin lang sya sakin ng masama, Pero kumain din naman sya. Haha kunwari pa sya! Siguro sya talaga yung gutom kunwari lang na binili nya para sakin.
Yung sinabi sakin ni Nathan ay tumatak sa isip ko, Tama sya marami namang pagkain sa kanila at binibigyan naman ako ni tita Emman ng pera.
Ganito ba talaga ang gusto kong mangyari? Ang pahirapan ang sarili ko, Ganito ba talaga kalaki ang epekto sakin ng pag-amin ko kay Mark.
Halos hindi ako makahinga dahil sa sobrang kabusugan, Bukod sa masarap nakakakonsensya naman kung sasayangin lang kaya inubos ko talaga. Hindi kona nga din nalaman kung magkano yung lahat ng kinain namin basta si Nathan ang nakakaalam ahaha bahala sya, Sya naman nag bayad eh.
“Let’s go” -Nathan
“Agad-agad? grabe ka naman busog pa nga ako eh, Hindi kopa kayang maglakad”
“Maglalakad ka o iiwan kita?” -Nathan
Pagkarinig ko palang ng salitang iwan ay dali dali akong tumayo
“Oh? Tara na san ba tayo pupunta? ang bagal mo naman”
Tumingin sya ng masama sakin tapos dirediretsong lumabas, Hinabol ko naman agad sya.
Pumara ulit sya ng taxi, Kainis tong lalaking to hindi marunong magtipid puro taxi! Bakit kaya hindi sya mag jeep! Sumbong ko talaga sya kay Tita.
Pagkasakay namin ng taxi ay hawak hawak ko padin yung tyan ko, Umaalog kasi yung taxi pati yung tyan ko haha baka bigla akong tawagin ng kalikasan. Pero kanina pa kami bumabyahe ay napansin ko hindi naman ito yung daan pauwe.
“Nathan san na naman tayo pupunta?”
“Sa lugar kung saan dapat dinadala ang mga kagaya mo” -Nathan
Sa lugar kung saan dapat dinadala ang mga kagaya ko? Ano naman ang ibig nyang sabihin?????? Balak nya ba akong dalhin sa sementeryo para ilibing ng buhay? O di kaya dalhin nya ako sa mataas ng lugar tapos bigla nalang ihulog!!! Huhuhu anong gagawin ko? Pano ako makakatakas sa kanya???? Habang nasa byahe kami ay todo yung kaba ko, Lord naman broken hearted na nga ako eh tapos masasavage pa ako? Pinatigil nya yung taxi sa isang highway na hindi wala masyadong dumadaan, OMG! Ito na nga! baka ihulog na nya ako.
“Baba” -Nathan
Hindi ko sya pinansin, Bahala sya sa buhay nya.
“Nandito na tayo, Ano ayaw mo pa bumaba?” -Nathan
“Eh kasi bakit ba tayo nandito?”
“Tssk bahala ka nga dyan” -Nathan
Bumaba si Nathan ng taxi, Dahil takot din ako maiwan ay sumunod din ako sa kanya. Pero imbis na matakot ay namangha ako sa ganda ng lugar. Kitang kita mula sa taas ang ganda ng buong lugar sa baba, Tahimik at sariwa ang medyo malamig na hangin.
“Nagustuhan mo ba?” -Nathan
Tiningnan ko si Nathan, Nakatingin din sya sa baba.
“Oo ang ganda dito, Bakit mo nga pala ako dinala dito!”
“Kapag malungkot ako dito ako pumupunta, Kapag gusto ko mapag-isa dito ako pumupunta at kapag nahihirapan ako dito ako pumupunta” -Nathan
Totoo batong mga naririnig ko? Si Nathan Nalulungkot? Nahihirapan? Ang dragon na si Nathan may tinatagong kalungkutan?
“Pero pano mo naman nasabing bagay ako sa lugar nato?”
“Dahil nakita ko, Kagabi habang naglalakad ako malapit sa kwarto mo ay narinig kitang umiiyak. Sinilip kita pero yakap yakap mo ang unan mo, Napansin din kita na parang malungkot ka. Kaya nga nahimatay ka sa sobrang gutom diba?” -Nathan
Hala! Nakita at Napansin yon lahat ni Nathan??? Nakakahiya naman.
“Napansin mo pala?”
“Sino bang hindi makakapansin? Tssk ganyan kaba talaga magmahal? Pati sarili mo sinasaktan mo?” -Nathan
“Pano mo naman nalaman na tungkol sa pag-ibig to?”
“Tssk, Very obvious” -Nathan
Tumingin ako sa kalangitan, Banayad at napaka tahimik.
“Wala eh, Ganito talaga siguro ako katanga magmahal.”
“Sumigaw ka, Isigaw mo yang lahat ng nasa puso mo” -Nathan
Ano ba ito? Bakit parang ibang iba si Nathan sa nakilala ko, Parang bagong tao ang kasama ko ngayon. Inayos ko ang sarili ko at buong lakas na sumigaw.
“Ahhhhhh!!!!!! Dex!!!!!! Ang tanga mo!!!!!!! Ang tanga tanga mo!!!!!!!!! Bakit ba kasi pinapahirapan mo ang sarili mo kung pwede ka naman mag move on!!!!!!!!!!!!!!!!”
Halos malagutan ako ng hininga dahil sa pagsigaw ko, Huhu Tumingin ako kay Nathan at nakangiti lang sya sakin.
“See? Bagay ka talaga sa lugar nato” -Nathan
“Salamat, Salamat kasi may isang bagay akong narealize”
Lumapit ako kay Nathan at niyakap ko sya nang mahigpit na mahigpit. Narealize ko na kahit gaano pa ako nasaktan ay dapat padin ako magpatuloy dahil maraming tao sa paligid ko ang nag-aantay sakin.
Yung sakit na nararamdaman ko ay hindi man tuluyang nawala ay nabawasan naman at sa tingin ay mas handa na akong harapin ang panibagong bukas.
CHAPTER 32
DEX’S POV
Para makalimutan ko si Mark pati yung sakit na naramdaman ko dahil sa pagmamahal sa Bestfriend ko ay ginawa kong busy ang sarili ko.
Kapag may pasok nagfofocus talaga ako sa pag-aaral, Kapag nasa bahay naman ay tumutulong ako sa mga gawaing bahay. Syempre dinalasan ko din ang pakikipag bonding kay Miles binura ko na din sa Cellphone ko yung mga pictures namin together at ni block ko sya sa Facebook lahat ng makakapagpaalala sakin kay Mark ay binura ko na.
Kami naman ni Nathan para pading aso’t pusa, Lagi nya kasi akong pinagtitripan kung minsan nga sya na nga yung nanguna tapos kapag ginantihan ko sya pa ang magagalit sakin.
Kami ni Dan? ayon naging mas close din, Syempre ngayon mas maingat na ako ayoko na uli mahulog sa isang kaibigan kaya pinipigilan ko talaga ang sarili ko. Crush ko lang naman kasi si Dan at hanggang duon nalang yon.
Lumipas ang ilang araw at masasabi kong okay na ako, Dahil kahit paano hindi na ako masyadong nasasaktan kapag naalala ko si Mark isa nandin sa dahilan ay yung ginawa ni Nathan sa pagdala sakin sa isang lugar kung saan ko sinigaw ang lahat ng nararamdaman ko.
Masaya naman ang buhay ko kahit nawala ang bestfriend ko dahil may nawala mang-isa, Meron namang mga pumalit Si Dan at Nathan kung wala ang dalawang to hindi ko alam kung paano ako magsusurvive.
“Ui Dex nakatulala kana naman”
Magkasama kami ni Dan ngayon habang naglalakad paakyat papunta sa mga room namin.
“Wala may naalala lang ako”
“Dex pwede kaba This weekend? Sunday”
“This weekend? bakit anong meron?”
“May swimming kasi kaming magkakaklase, Bale wala na kasi kaming christmas party. Magsiswimming nalang daw. Gusto mo ba sumama?”
“Nako Dan, Nakakahiya naman sa inyo lang yong magkakaklase wag muna akong isama”
Nakakahiya naman kasi kung sasama pa ako, Anong gagawin ko don? sila magkakakilala tapos ako ano saling pusa lang hahaha at higit sa lahat kaya ayaw ko talaga ay hindi ako marunong lumangoy, Isa yun sa pinaka tinatago ko hahaha baka kapag sumama ako ay malunod pako ng wala sa oras.
“Sama kana please ako bahala sayo, Wala kasi akong masyadong close sa mga classmates ko. Atlis kung nandon ka may makakausap ako”
Ayan na naman si Dan, Nagpapacute na naman sakin! Alam na marupok ako eh! ENEBE!!! kurutin ko kaya tong si Dan sa liver!
“Sige pag-iisipan ko”
“Yown! Basta sumama ka ha? Pwede ka namang magsama kung gusto mo eh”
Sino namang isasama ko? Si Miles? Eh busy din yon dahil magchichristmas na.
“Hindi wala akong isasama ako nalang”
“Yung pinsan mo isama mo”
Si Nathan isasama ko? Hahaha bente sumama yon! Eh baka mainarte lang yon don atsaka pang mamahaling resort lang yon.
“Sige tatanong ko nalang sa kanya kung gusto nya sumama”
“Basta sa weekend ha? Sunduin nalang kita sa inyo, Para Sabay tayo”
Hala! Seryoso sya! Susunduin pa nya ako????? Grabe naman sya kung ano ang kina gentleman nya kabaliktaran si Nathan. Walang wala si Nathan kay Dan, Ang alam lang gawin ni Nathan ay mang-asar ng mang-asar at sirain ang magandang araw ko.
Masaya akong pumasok sa room ko at nagfocus ako sa mga lessons na tinuturo ng mga Prof. Pero sa kabili non ay pinaalalahanan ko padin ang sarili ko.
Dex! yung mga pinapakita sayo ni Dan? Lahat yon ay dahil sa kaibigan kalang nya at wala ng hihigit pa don, Magkaibigan lang kayo yun lang yon at wala ng iba pa.
Huminga ako ng malalim at muling nakinig sa tinuturo ng Prof. Natatakot ako kasi baka maulit kay Dan yung nangyari kay Mark at ayaw konang mangyari yon.
Mabilis na natapos ang oras at uwian na naman hindi ko alam kung paano sasabihin kay Nathan haha baka sungitan na naman ako.
“Nathan?”
“Yes?”
Nathan lang naman yung sinabi ko pero kung makatingin sya akala mo may nagawa akong mali.
“Grabe ka naman wala pa nga akong sinasabi kung makatingin ka akala mo may nagawa ako sayo. Sungit mo talaga”
“Dami mo namang sinabi, Ano ba kasi yon ?” -Nathan
“Ano kasi, Pwede kaba sa this Sunday?”
“Bakit anong meron?”
“Swimming kasi nila Dan kasama yung mga classmates nya eh niyaya nya ako tapos ang sabi nya pwede daw kita isama”
“Busy ako sa sunday, Iba nalang isama mo”
Pagkatapos nyang magsalita ay kinuha nya yung headset nya at nilagay sa tenga nya.
Di wag! Ako nalang kaya ko naman mag-isa eh! Kainis talaga tong si Nathan.
Habang nasa byahe kami ay nakatanggap ako ng message mula kay Miles.
“Be asan ka ngayon? Pwede kabang dumaan muna ngayon sa school? May importante lang akong sasabihin”
Ano kayang importante yon?
Pero pano to?
Pauwe na kami baka pag pinaliko kopa yung sasakyan ay umusok yung tenga ni Nathan. Pero kailangan ko pumunta sa school ni Miles dahil mukhang may importante talaga syang sasabihin. Kaya kahit nag-aalangan ako ay kinalabit ko si Nathan, At as usual Killer eye na naman sya.
“What’s Your problem?”
“Nathan pwede ba tayo pumunta sa dati kong school? may importante kasing sasabihin sakin si Miles”
Nag pacute ako kay Nathan para naman pumayag sya haha hinawakan ko pa sya sa kamay para talagang pumayag sya. Inalis nya yung kamay ko.
“Tssk, Dapat kasi kanina mo pa sinabi”
“Eh ngayon nga lang nag text, Anong gagawin ko?”
Sa huli ay pumayag din naman sya, Haha mabuti nalang pumayag sya. Pagdating namin sa school ay nag-aantay na si Miles sa labas ng school.
“Miles anong sasabihin mo sakin?”
“Dex sorry, Hindi talaga ako ang may sasabihin sayo”
“Ha? Eh sino naman?”
Biglang dumating si Sheena, Ano kayang ginagawa nya dito?
“Dex ako talaga ang gustong kumausap sayo”
“Sheena nanahimik na ako, kung mag kagalit parin kayo ni Mark labas nako don”
“Please Dex pakinggan mo muna ako, Wag kang mag-alala hindi kita sisihin may sasabihin lang talaga ako sayo”
“Sige sabihin mona, Para matapos nato”
“Pwede bang wag tayo dito mag-usap? Marami kasing mga estudyante dito”
Pumasok kami sa loob ng school at sinundan ko sya hanggang sa makarating kami sa bandang likuran ng building, Hindi kona pinasunod si Miles dahil ang sabi ko puntahan nya muna si Nathan baka mainip yon.
“Ano ba kasing sasabihin mo sakin?”
“Dex, Kailangan ko ng tulong mo. Tulungan mo naman ako para kausapin si Mark alam kong makikinig sya sayo dahil ikaw ang BestFriend nya. Mahal na mahal ko sya at hindi ko kayang Mawala sya sakin”
Lumapit si Sheena sakin at hinawakan ako sa kamay, Bumalik na naman tuloy sakin yung sakit na naramdaman ko noong oras na umamin ako kay Mark.
“Tama ka Sheena, BestFriend ako ni Mark. Pero katulad ng sinabi nya sakin? Kayong dalawa ang magkarelasyon kaya kayong dalawa din dapat ang umayos nito. Pasensya kana Sheena hindi kita matutulungan”
Pagkatapos kong sabihin yon ay tinalikuran ko sya pero bigla syang nagsalita.
“Ayaw mo akong tulungan dahil ayon ang sabi ni Mark? O dahil gusto mo na talagang Maghiwalay na kami dahil ayon naman talaga yung gusto mo dahil Mahal mo din si Mark?”
Natigil ako at humarap kay Sheena, Hindi ko alam kung bakit nya sinasabi sakin ang mga bagay nato.
“Bakit na tahimik ka Dex? Kasi totoo diba? Hindi lang Bestfriend ang tingin mo Kay Mark. Kasi Mahal mo sya!”
Dahan dahan akong lumapit kay Sheena, Kung kanina kaya kopang pakalmahin yung sarili ko pero mukhang hindi sa pagkakataong ito.
“Oo sheena Tama ka, Mahal ko si Mark! Mahal na mahal ko si mark at hindi lang Bestfriend ang tingin ko sa kanya. Pero ni Minsan hindi ko inisip na siraan ka sa kanya o sirain kayong dalawa. Sapat na sakin yung Mahal ko sya! kaya kahit nasasaktan ako tinitiis ko yon!”
“Kung makapagsalita ka parang ikaw yung mas nasasaktan kesa sakin, Tandaan mo ako yung Girlfriend! Kung meron man dapat masaktan dito ako yon at hindi ikaw!”
Isang malaks na sampal ang pinakawalan ko, Hindi ko nagustuhan yung mga sinabi sakin ni Sheena. Anong karapatan nya parang sabihin sakin na wala akong karapatang masaktan.
“Nasasaktan ako Dahil nagmahal ako! Nagmahal ako sa isang taong kahit kailan hindi ako magagawang mahalin ng taong Mahal ko! “
“Dex pareho lang tayong nagmahal”
“Mali ka Sheena, Hindi tayo pareho dahil ako hinding hindi ko lolokohin ang taong mahal ko para lang sa pansarili kong kaligayahan”
“Dex? Sheena? Ano na naman to? Nag-aaway na naman ba kayo?”
Hindi ko inaasahan na darating si Mark alam ko naman na ang kakampihan nya ay si Sheena pero umaasa padin ako na baka sa pagkakataong ito sakin sya kumampi.
“Mark anong ginagawa mo dito?”
“Sinabi sakin ni Miles, Nagmadali agad ako na pumunta dito dahil baka magpangabot kayo.”
Hindi ko mapigilang hindi na naman umiyak, Ewan ko ba akala ko kaya kona na kapag nakita ko si Mark hindi babalik sakin lahat ng sakit. Pero ito na naman naging mahina ako.
“Mark nag-uusap lang kami ni Sheena”
“Dex anong ginagawa mo dito? Talagang pinuntahan mopa si Sheena para lang awayin?”
“Wala akong ginagawa sa kanya”
“Dex ano bang nangyayari sayo? Hindi na ikaw yung kilala kong Dex. Nagbago kana talaga”
Isang sampal din ang binitawan ko kay Mark. Hindi ko akalain na masasabi sakin ni Mark, Kung pagsalitaan nya ako parang hindi nya ako naging kaibigan. Ganon na ba kalaki ang galit nya sakin?
“Ako pa talaga ang nagbago Mark? Ganon naba ako kasama sa paningin mo? sa tingin moba talaga kaya kong manakit ng walang dahilan?”
“Kaya nga hindi ko maintindihan Dex! Kung bakit ka nagkakaganyan, Hindi na kita makilala kung Ikaw paba yan!”
Lumapit ako kay Mark at pinaghahampas ko sya, Gusto kong ibuhos sa lahat ng sama ng loob ko Hinawakan ako ni Mark at itinulak akala ko babagsak ako pero nagulat ako ng may sumalo sakin, Pagtingin ko si Nathan. Lalong bumilis yung tibok ng puso ko ang sama ng tingin nya Mark.
“What do you think your doing?!”
Lumapit si Nathan kay Mark at sinuntok nya ito, Nagulat ako kasi hindi ko akalain na gagawin nya yon lumapit agad ako kay Nathan para awatin sya.
“Ito na ang huling pagkakataon na sasaktan mo si Dex, Dahil sa susunod baka hindi lang suntok ang gagawin ko sayo”
Kahit naawa ako kay Mark ay mas pinili kong awatin si Nathan, Hinila ko na sya palabas ng school bago pa magkaroon ng mas matinding Tensyon.
Pagsakay namin sa kotse ay pinunasan ko aagd yung luha ko si Nathan naman nakatingin lang sa may bintana.
“Nathan thank you”
“Thank you for what?”
“Thank you kasi pinagtanggol mo ako kung hindi ka dumating baka hindi ko alam kung anong gagawin ko”
“Pinagtanggol kita kasi Pinsan kita, Hindi ko hahayaang may manakit sa mga taong importante sakin”
Gumaan kahit paano ay ang loob ko dahil ngayon kolang narinig sa bibig ni Nathan na hindi nya hahayaang may manakit sa mga taong importante sa kanya. Ibig sabihin lang non ay importante ako sa kanya.
Lumapit ako sa kanya at niyakap ko sya, Hindi naman sya nagalit sa ginawa ko. Masaya ako na nagkaroon na pinsan na katulad ni Nathan.
Madalas man kaming magasaran pero isa lang masisiguro ko yung pagiging magpinsan namin ni Nathan ay mananatiling matatag.
MARK’S POV
Inalalayan kong makaupo si Sheena, Nasasaktan ako kasi nakikita kong umiiyak sya. Niyakap nya ako ng mahigpit habang umiiyak.
“Mark sorry, Alam kong kasalanan ko kaya tatanggapin ko lahat ng masasakit na sasabihin ko basta mapatawad mo lang ako. Mark mahal na mahal kita at nanganga ako sayo na hindi kona uulitin yung ginawa ko”
Kahit naman sinaktan at niloko ako ni Sheena hindi nawala at nabawasan ang pagmamahal ko sa kanya. Kahit masakit titiisin ko wag lang mawala si Sheena sakin, Wala eh kahit anong pilit ko si Sheena padin ang tinitibok ng puso ko.
“Sheena tahan na aayusin nating dalawa to”
“Talaga?”
Tumango ako sa kanya, At nakita ko na naman ang magandang ngiti ni Sheena niyakap nya ako ng mahigpit at ganon din ako sa kanya.
Pagkatapos non ay tumayo kaming dalawa at pinunasan ko ang mga luha sa mata nya.
Alam ko isa ako sa dahilan kung bakit sya umiiyak pero ang hindi ko maintindihan ay kung bakit kailangan pang saktan ni Dex si Sheena, Pwede namang kausapin nalang nya ng maayos at sinabihan kona sya na kaming dalawa ni Sheena ang dapat umayos nito. Pero hindi sya nakinig sakin talagang pumunta pa sya dito.
“Mark makinig ka, Lahat ng ginawa ko sayo ipapaliwanag ko. Handa akong marinig lahat ng sasabihin mo masakit man o hindi. Ginawa ko to kaya tatanggapin ko lahat ng consequences, Pero sana bigyan mo padin ako ng second chance”
“Sheena ang importante ngayon ayos na tayo, Hindi kaba nasaktan kanina?”
“Mark hindi ako nasaktan, Mas nasaktan si Dex dahil sa mga sinabi mo”
“Pero sinaktan ka nya”
“Katulad ng sinabi ko tatanggapin ko lahat ng consequences dahil sa mga ginawa ko. Ako ang nagpapunta kay Dex para sana makiusap na tulungan ako na makausap ka, Meron akong mga nasabi sa kanya na hindi dapat kaya nasaktan nya ako. Pero Mark hindi nya intensyon na saktan ako.”
Dahil sa mga sinabi ni Sheena ay parang gusto kong saktan yung sarili ko dahil sa mga nasabi ko kay Dex.
Tama si Dex hindi sya nagbago dahil kung meron man nagbago ako yon, Dahil hindi ko na isip yung mga pinagsamahan namin at sa apat na taon naming magkaibigan ay dapat alam kong hindi nya magagawang basta nalang manakit ng ibang tao.
Hindi ko man lang inisip yung mararamdaman nya, Haa!!!!!!! ang tanga ko para saktan ang taong walang ginawa kundi ang mapabuti ako, Yung taong laging nan dyan sa tabi ko kahit anong mangayari.
“Ang tanga ko si Sheena, Hindi ko inisip yung mga pinagsamahan namin ni Dex. Parang ako nadin mismo ang pumutol sa pagkakaibigan namin”
“Mark hindi pa naman huli ang lahat, Puntahan mo sya at humingi ka ng sorry. Sigurado ako na mapapatawad ka nya, Mag Bestfriend kayo diba? kaya Alam kong magkakabati din kayo”
Tama si Sheena kailangan kong puntahan si Dex para humingi ng sorry, Ako ang nanakit kay Dex ako din dapat ang gumawa ng paraan para makapag ayos kami.
CHAPTER 33 “KISS”
DEX’S POV
Maaga akong gumising ngayon dahil ngayon ang araw na magsiswimming kami, Ang sabi sakin ni Dan wag nadaw ako magdala ng pagkain kasi marami ng pagkain don at sya na daw bahala sa pang Entrance ko, Sosyal ko noh? Libre lahat! Hahaha ganito kasi talaga pag maganda hahaha char!.
Nuong araw na muli kaming nagtagpo ni Mark ay pinuntahan nya pa ako dito sa bahay pero hindi ko sya hinarap dahil ayaw konang lumala pa yung nararamdaman ko sa kanya, Masakit man na hindi sya kausapin pero kailangan kong tiisin para sa ikabubuti.
Habang nagaayos ako ng gamit ay may kumatok.
“Dex May tao sa baba, Dan ang pangalan”
OMG!!!! ayan na sya!!!
“Sige po manang, Pakisabi pakiantay nalang ako”
Andyan na si Dan, Humarap muna ako sa salamin at tiningnan ang sarili ko baka kasi mukha akong ewan. Kinuha kona yung bag ko at nagmadali bumaba, At isang magandang ngiti ni Dan ang sumalubong sakin. ENEBE! kinikilig si ako!!!! Why so gwapo Dan?
“Kanina kapa ba dito?”
“Hindi naman masyado”
“Sorry ha, Medyo mabagal lang kasi ako kumilos”
“Okay lang, Wala ka nabang nakalimutan?”
Tiningnan ulit ko yung laman ng bag ko, At kumpleto naman walang labis walang kulang.
“Wala na”
“So Tara na?”
“Hindi nyo ba ako hihintayin?”
Palabas na sana kami ng biglang dumating si Nathan, Nakaayos din sya at may dalang bag.
“Nathan? Bakit san kaba pupunta?” tanong ko sa kanya.
“Diba niyayaya mo ako, So sasama ako sa inyo”
“Akala koba busy ka?”
“Hindi na pala ako busy ngayon, Kaya makakasama ako. Bakit ayaw mo ba ako kasama”
Lakas talaga ng trip nitong si Nathan, Pabago bago ang iniisip sarap pektusan.
“Bakit sinabi koba?”
“Tara na, Baka mahuli pa tayo” pag singit ni dan
Lumabas na kaming tatlo at syempre nag jeep lang kami papunta sa resort kung saan magsiswimming sila Dan. Akala ni Nathan magtataxi kami neknek nya haha magtiis sya.
Pagdating namin sa resort ay nandon na yung mga kaklase ni Dan at pinakilala kami ni Dan sa kanila, yung mga babae naman kilig na kilig kay Nathan pero si Nathan Dedma lang.
“Dex, Bihis na kayo para makaligo nadin kayo”
“Sige mamaya na, Maaga pa kasi eh malamig haha”
“Tssk, Kambing” bulong ni Nathan
“Anong sabi mo?”
“Ang sabi ko magbibihis na ko”
Umalis na si Nathan at pangiti ngiti pa akala mo naman nakakatawa sya.
“Dex magpapalit nadin ako”
Tumango nalang ako at umupo sa isang tabi. Ayoko naman talaga maligo yun lang yon kasi hindi ako marunong lumangoy, Nakakahiya naman kung maliligo ako sa pambata baka pagtawanan nila ako.
“Dex ikaw hindi ka na ba magpapalit?”
Pagkatingin ko kay Dan ay para akong matutunaw, Sh*t ang hot nya! Naka short lang sya at walang pang itaas. Ang ganda ng katawan nya, Siguro nag gigym sya. Speechless ako mga bes! Try nyo sa kalagayan ko baka maglupasay na kayo. Tapos sinabayan pa ng killer smile ni Dan wooohh pinagpawisan ako.
“Dex ayos kalang?”
“Ah eh o-oo, Ayos lang a-ako”
Tumayo ako ng maayos at kinuha ko yung gamit ko.
“Sige Dan magbibibis na ako”
Tumango lang sya at tumakbo na ako papuntang CR. Muntik na ako don, Baka kung ano pang isipin ni Dan. Dahil sa katarantahan ko ay pagpasok ko sa CR ay may nakabangga ako, Ewan ko kung tao o sa pader ako bumango ang sakit kasi eh.
“Are you blind?”
Kilala ko yung boses nayon, Kay Nathan yon kaya agad ako napadilat. Tiningnan ko sya mula ulo hanggan paa. Alam kong mali to kasi pinsan ko sya pero masasabi kong ang gwapo ni Nathan at katulad ni Dan ay maganda din ang pangangatawan nya dumagdag pa sa kagwapuhan nya yung suot nyang shades.
Nasaan ang hustisya? Bakit kaming hindi masyadong biniyayaan ng magandang mukha ay kailangan pa magsuot ng magagandang damit para gumanda pero sila Nathan naka short lang pero talagang mapapalingon ka.
“Hanggang kailan mo tititigan yung katawan ko?”
“Hoy anong tinititigan? Paharang harang ka kasi, Tabi nga dyan!”
Hinampas ko ng bag si Nathan at pumasok na sa loob ng CR. Wooh nakakahiya! Baka kung anong isipin nitong si Nathan baka akalain nya pinagnanasahan ko sya! iwwww! Kadiriiiii!!! Yuckssss!!!!
Pagbalik ko ay nakita ko si Nathan na nakaupo malapit sa pool si Dan naman kasama yung nga classmates nya. Pero nang makita nya ako ay lumapit agad sya sakin.
“Dex ligo kana, Masarap maligo habang maaga pa haha”
“Haha mayamaya konti” pag dadahilan ko, Nako Dan kung alam molang talaga ang katotohanan
“Sigurado ka? Wala kana bang kailangan? Pano don muna ako sa mga classmates ko tawagin mo nalang ako kapag may kailangan ka”
“Sige”
Tumakbo ulit sya pabalik sa mga classmates nya, Mukhang masarap si Dan ay este yung mga pagkain na dala nila!
Yung mga girls ay nakatingin kay Nathan at kinikilig, Lumapit naman ako sa kanya at tumabi. Hindi naman sya umangal.
NATHAN’S POV
Kanina pa ako naiinis sa mga babae na nasa harapan ko, Ayoko sa lahat yung mga babaeng papansin. Napansin ko nalang na tumabi sakin si Dex, Hindi na ako umangal dahil may naisip akong gawin sa kanya haha.
“Bakit hindi kapa naliligo?”
“Malamig kasi” sagot nya sakin
“Malamang malamig to. Edi sana nag hotspring ka nalang”
“Bakit nangingialam ka sa gusto ko?”
“Sabihin mo ayaw molang maligo kasi kambing ka haha”
“Wow ha? Baka ikaw yon”
Bigla akong binasa ni Dex at tumakbo sya palayo sakin, Hinabol ko sya humanda sya sakin kapag naabutan ko sya. Naghabulan kami sa palabot ng Pool hanggang sa macorner ko sya.
“Huli ka”
“Hoy Nathan sandali lang”
Lumapit ako sa kanya at binuhat ko sya. Palag sya ng palag pero hindi ko sya pinakawalan.
“Nathan ibaba mo ako, Anong gagawin mo!!!”
“Binasa mo ako edi babasain din kita”
Hinagis ko si Dex sa may pool duon sa bandang malalim haha akala nya ha? Ngayon naka ganti ako sa kanya ako onting basa lang sya basang basa haha.
Pagkahagis ko kay Dex ay nagkakaway kaway sya sa gitna, Ang OA naman nya parang hindi sya marunong lumangoy.
Tinalikuran kona si Dex kasi parang nagloloko lang naman sya pero napahinto ako nang may sumigaw.
“Uii may nalulunod!! Tulungan nyo!!!!”
Lumingon ako sa kinaroroonan ni Dex at mukhang nalulunod nga talaga sya at hindi nya ako niloloko. Sa sobrang kaba ko ay napatalon agad ako bigla para sagipin si Dex, Tssk ano ba tong nagawa ko. Pagkakuha ko sa kanya ay wala na syang malay lumangoy agad ako para makaalis kami sa pool.
“Ano bang nangyari?” Gulat na tanong ni Dan
Hindi ako nakasagot sa tanong nya, It’s all my fault hindi ko naman kasi akalain na hindi pala marunong lumangoy si Dex.
“Let me handle this”
Lumapit ako kay Dex may pulso pa sya kailangan nya lang siguro mailabas yung tubig na pumasok sa katawan nya.
“Nako kailangan nyang i mouth to mouth”
Sabi nung isang nakikiososyo.
“Pero wala pa yung mga staff ng resort pano yon?” Sagot ng isa pa.
Dahil kasalanan ko yung nangyari kay Dex ako dapat ang gumawa nito para mailigtas sya. Kahit wala akong sa mga ganito ay gagawin ko.
Lumapit ako kay Dex at binigyan ko sya ng hangin, Oo nilapit ko ang labi ko sa labi nya. Hindi kona inisip kung anong sasabihin ng ibang tao, diniin kodin yung dibdib nya para mailabas nya yung tubig.
“Nathan alam mo ba ang ginagawa mo? Baka lalong mapahamak si Dex” pag sisingit ni Dan
“Pwede ba manahimik ka nalang hindi ka nakakatulong”
Muli kong binigyan ng hangin si Dex at sa pagkakataong ito ay nailabas na ni Dex ang tubig pero wala padin syang malay kaya naisip ko na imouth to mouth ulit si Dex.
Pero nagulat ako sa sumunod na nangyari, Yung mouth to mouth na ginawa ko ay hindi simpleng mouth to mouth lang. Ako lang ba yung nakakaramdam pero parang gumaganti si Dex sa ginagawa ko, Is he kissing me back? Hindi ko masyadong pinahalata sa mga tao sa paligid dahil kung anong isipin nila.
Nagising naman si Dex at nagkatitigan kami, Natigil lang kami ng dumating na yung mga staff ng resort at kinuha nila si Dex.
Ano bang nangyari?
Hinalikan ba talaga ako ni Dex?
DEX’S POV
Di nala nila ako sa isang room at duon ay chineck nila kung okay lang ako. Sinabi ko naman na okay na ako at nagsorry din sila sakin dahil sa hindi nila pagsaklolo ng mabilis.
Mayamaya ay Lumabas nadin sila at sinabi na tumawag nalang daw ako kapag may kailangan pa ako.
Akala ko mamatay na ako kanina mabuti nalang may nagligtas sakin. Alam kong si Nathan din ang nagligtas sakin pero nuong oras na nilalagtas ako ni Nathan ay si Mark ang nakita ko.
Napahawak ako sa labi ko, Anong ginawa ko? Bakit ko sya hinalikan? Bakit ko hinalikan si Nathan? Mayamaya ay bumukas ang pinto at pumasok si Nathan, Biglang bumilis yung tibok ng puso ko.
“Ayos ka na ba?”
“Oo ayos na ako”
“Sorry kung hinagis kita sa Pool hindi ko kasi akalain na hindi ka pala marunong lumangoy, Dahil sa ginawa ko muntik ka pang mapahamak”
Nakatalikod lang sya sakin habang nagsasalita, Alam nya kaya yung nangyari kanina? Pero bakit hinayaan nya lang yon?
“Nathan?”
Humarap sya sakin at lalo akong kinabahan, Parang gusto ko nang maglaho dahil sa ginawa ko.
“Nathan yung nangyari kanina, Hindi ko sinasadya akala ko kasi ikaw si—”
“Akala mo ako si Mark? Wag monang isipin yung nangyaring yon, Pasensya na talaga sa ginawa ko”
Pagkatapos nyang magsalita ay lumabas na sya, Bigla tuloy ako naguilty. Maling mali yung ginawa ko, Hindi tama na hinalikan ko si Nathan. Pano kung may iba pang nakakita? Ano nalang ang sasabihin ko. Mayamaya pa ay bumukas ulit yung pintuan at si Dan naman ang pumasok.
“Dex ayos ka na ba? ano ba kasing nangyari kanina bakit ka nalunod?”
“Hindi kasi alam ni Nathan na hindi ako marunong lumangoy kaya aksidente nya akong naihagis”
“Ano?! Ginawa nya yon?!”
“Wag kanang magalala ayos naman na ako, Pwede na tayong bumalik sa mga classmates mo”
“Pero okay ka naba?”
“Oo ayos na ako, Ayaw ko naman na sirain ang magandang araw mo kaya Bumalik na tayo don. Sorry ha? Gumawa pa tuloy ako ng eksena”
“Wag munang isipin yon Dex ang importante ay ok”
Bumalik kami sa may Cottage nila, Pero hindi na ako naligo nakaupo nalang ako sa upuan habang pinapanuod sila na naliligo. Hindi ko nadin nakita si Nathan, Tinatawagan ko sya pero hindi nya sinasagot. Pati si Dan wala bigla ding nawala hayss naiwan ako mag-isa.
“Diba kasama mo yung isang lalaki kanina? Yung pogi na maputi?”
Lumapit sakin yung isa sa mga kaklase ni Dan at mukhang ang tinutukoy nila ay si Nathan.
“Opo bakit?”
“Nandon kasi sya sa labas at mukhang nagtatalo silang dalawa ni Dan”
“Ano?!”
Napatayo agad ako bigla tapos kinuha ko muna yung mga gamit ko bago lumabas, Pagkadating ko ay nakatayo pareho si Dan at Nathan at magkaharap sila mukhang may tensyon sa pagitan nilang dalawa kaya tumakbo ako palapit sa kanila at pumagitna.
“Anong nangyayari dito?” Tanong ko sa kanilang dalawa.
“Pinagsasabihan kolang ang magaling mong pinsan, Hindi ka dapat nya ginaganon. Kung ituring ka nya para iba ka”
“Hindi mo alam ang totoong nangyari kaya manahimik ka”
“Alam ko yung nangyari, Na ikaw ang dahilan kung bakit muntik nang mapahamak si Dex”
“Bakit ba sobrang concern mo kay Dex? Ano kaba nya?”
“Dahil… Dahil kaibigan ko sya”
Jusmiyo para akong naipit sa dalawang bulkan na anumang oras ay sasabog. Tinulak ko sila pareho para magkalayo sila.
“Pwede ba tama na, Ayos na nga ako diba???? Bakit pa kayo nag-aaway?”
Ako ang nahihiya para sa kanila imbes na mag enjoy kami at syempre nakakahiya pa dahil sinama na nga lang kami ni Dan ay gumagawa pa kami ng gulo.
“Dex tara na”
Biglang hinila ni Dan yung isang kamay ko.
“Hindi sakin sya samama”
Hinila naman ni Nathan yung kabila kong kamay. Kung makapaghilahan sila akala nila hindi ako nasasaktan. Kinuha ko pareho yung kamay ko.
“Wala akong sasamahan sa inyong dalawa. Bahala kayo sa mga buhay nyo”
Nagwalk out ako, Uuwe nalang siguro ako para makapagpahinga nadin sobrang nakak stress ang mga kaganapan ngayong araw di man lang ako nag enjoy Nakakainis kasi sinabi ko na nga na okay lang ako tapos malalaman ko nalang na nagtatalo sila. Limang tulog nalang magpapasko na pero nagaaway padin sila.
Please support my new story “Ang Prinsipe ng Sitio Demonyo” and don’t forget to vote. Thank you in advance
CHAPTER 34 “WRONG LOVE”
DEX’S POV
Kainis yung dalawa na yon hindi padin magkasundo sarap pagkokotongan haha.
Napilitan akong magwalk out sa kanila dahil mukha namang wala silang balak pakinggan ako, Habang naglalakad ako ay biglang nasa tabi kona si Nathan.
“Anong ginagawa mo dito? diba nag-aaway kayo?”
“Uuwe na din ako, Bakit may problema?”
“Wala, sinabi kobang meron?”
“Tssk”
“Wag mo na nga ako sundan pwede?”
“Bakit naman kita susundan? Artista kaba? Malamang iisa lang ang daan natin pauwe kaya wala akong choice kundi ang makasabay ka”
Aba!!! Ang dating sya talaga ang nag adjust saming dalawa? Ako nga dapat ang galit eh, Pero sya tong tinotopak. Habang naglalakad ako ay nagulat nalang ako ng hawakan ni Nathan yung kamay ko at hilahin ng walang sabi sabi.
“Hoy saan mo ako dadalhin? Uuwe na ako ano kaba”
Hindi nya ako pinakinggan at hila hila pa din nya ako.
“Pwede ba tumahimik ka”
“Pano ako tatahimik eh hilala mo ako, Bitawan mona ako. Pag dimo ako binitawan sisigaw ako”
“Sige subukan mo”
“Aba hinahamon mo talaga ako?”
“Subukan mong sumigaw, Ipagkakalat ko na hinalikan mo ako”
Para akong nabingi dahil sa sinabi nya, Parang gusto ko nalang na matunaw at maglaho na parang isang bula.
“Hoy! Sinabi ko na nga na hindi ko sinasadya yon diba? Bakit akala mo ba talaga na gusto kitang halikan? Neknek mo! At tsaka kung hindi mo ako hinagis di tayo aabot sa ganon”
“Seriously? Eh mukhang nagenjoy ka nga”
Nagblush ako dahil sa sinabi nya, Inaasar ba nya ako? Hindi ko naman talaga ginusto yon bakit ba ayaw nya maniwala???
“Hoy ang kapal mo!!!!”
Pinaghahampas ko sya sa braso pero hilahila padin nya ako, ayaw nya talaga ako bitawan.
Pumara ulit sya ng taxi at sapilitan akong pinasakay, Hindi nadin ako umangal kasi baka iopen na naman nya yung about sa kiss namin. Huhuhu hini ko naman talaga gusto yon eh, Nadala lang ako ng bugso ng damdamin ko. Kung maibabalik kolang ang oras hindi ko gagawin yon HINDING HINDI.
Bumaba kami ni Nathan sa isang pamilyar na lugar, Yung lugar kung saan nya ako dinala nung sobrang nasasaktan ako.
Hawak hawak padin nya yung kamay ko habang naglalakad kami, Medyo naiilang na ako kaso nahihiya naman ako na magsalita.
“Nathan anong ginagawa natin dito?”
“Dex anong naramdaman mo nung nalaman mong mahal mona si Mark?”
Hindi ko alam kung paano ko sasagutin yung tanong ni Nathan. Dahil hindi ko din alam kung bakit nya biglang natanong ang bagay nayon. Pero umupo ako sa bandang may damo at pinagmasdan ang magandang tanawin umupo din si Nathan sa tabi ko.
“Alam mo kung ano yung naramdaman ko? Kasi given na yung gusto ko syang makasama at palagi syang nasa isip ko. Tsaka kolang narealize na mahal kona si Mark nung naiinis ako kapag may kausap syang ibang babae at nung nalaman kong may iba syang gusto ay sobra akong nasaktan”
“Andaya nang tadhana noh? Kasi minsan ginagawa nyang komplikado ang lahat”
Mukhang may pinagdadaanan ata si Nathan kasi biglang naging madrama sya eh haha.
“Bakit mo naman biglang natanong ang bagay nayon?”
Humarap ako sa kanya, Nagkatitigan kami. Para akong na estatwa at nagaabang nalang sa susunod na mangyayari.
Dahan dahan lumapit yung mukha ni Nathan sakin, Gusto kong gumalaw pero ayaw ng katawan ko. Gusto kong magsalita para sabihin kay Nathan na mali tong gagawin nya, Pero ni isang salita ay walang lumabas sa bibig ko.
Naestatwa ako pero yung tibok ng puso ko parang gustong lumabas sa katawan ko dahil sa sobrang bilis ng tibok ng puso.
Naramdaman ko nalang na dumikit na yung kabi ni Nathan sa labi ko, Wala na akong nagawa kundi ang pumikit nalang.
Matagal din yung halik nayon, Pero ako nadin ang tumigil ng marealize kong mali tong ginawa namin. Tumayo ako at inayos yung sarili ko.
“Nathan ano yon? Bakit mo ako hinalikan?”
“Sorry, Nadala lang ako”
“Nathan mali yon”
“But you kissed me back”
“Kaya nga mali eh”
“Dahil sa magpinsan tayo? we all know na we’re not real cousin”
“Ano bang pinagsasabi mo? Joke ba to? Kasi kung Joke to hindi nakakatuwa”
“Dex i think i like you”
Lalong bumilis yung tibok ng puso ko dahil sa sinabi ni Nathan, Hindi ko alam kung maniniwala ako sa kanya o magagalit kasi mukang niloloko nya lang ako.
“Nathan tama na, Hindi na nakakatuwa”
Tumalikod na ko sa kanya dahil hindi kona gusto yung mga naririnig ko, Pero habang naglalakad ako palayo ay niyakap nya ako kaya napatigil ako sa paglalakad.
“Dex hindi ko alam kung bakit at paano nangyari to, Basta naramdaman kona lang na naiinis ako kapag kasama mo si Dan at nasasaktan ako kapag naiisip ko na may iba kang mahal”
“Nathan bakit moba sinasabi ang lahat ng ito? Parte ba ’to ng plano mo para inisin ako?”
“Dahil ayoko nang maglihim, Hindi ko nga alam eh kung bakit. Nitong mga nakaraang araw Naguguluhan ako sa nararamdaman ko, Ngayon lang ako nakaramdam ng ganito sa buong buhay ko. Ngayon lang ako nakaramdam ng ganito sa isang katulad mo. Mahal na ata kita”
Hindi kona napigilan ang mga luha sa mata ko, Si Nathan? May Gusto sakin? Dapat ba akong matuwa dahil may isang taong umamin sakin na mahal nya ako o dapat akong Malungkot dahil mali to, Maling mali at hindi tama at higit sa lahat wala akong nararamdaman para kay Nathan.
Malaki din ang utang naloob ko sa pamilya ni Nathan at ayaw kong masira ang pagtingin nila sakin dahil sa pangyayaring ito.
Humarap ako kay Nathan at nilakasan ang loob ko.
“Nathan umuwe na tayo, Kung ano man tong nangyari isipin nalang natin na wala lang. Yung kiss? Isipin nalang natin na kaya moyon ginawa dahil kailangan ko ng tulong mo. Maling mali to kapag nalaman pa ito ni tita baka magalit sya sakin”
“Gusto kolang malaman kung Gusto modin ako?”
“Nathan magpinsan tayo ano bang klaseng tanong yan”
“Pero hindi tayo magkadugo, At Bakit mo ako hinalikan pabalik anong ibig sabihin non?”
“Nathan wag na nating gawing kumplikado to, Baka curious kalang siguro naguguluhan ka”
“Tama ka Dex baka nga masyado lang akong naging masaya nung dumating ka sa buhay ko, Baka nga hindi to pag-ibig.”
Sana nga walang magbago, Magkasabay padin kaming umuwe ni Nathan pero hindi padin mabura sa isip ko yung mga sinabi nya sakin. Lalong sumakit ang ulo ko pati yung puso ko, Nuong una samin ni Mark tapos ngayon naman itong pag-amin ni Nathan sakin.
Oo ginusto ko naman talagang magka lovelife, Pero hindi naman sa ganitong paraan na pati pinsan ko magkakagusto sakin kahit pa hindi talaga kami magka dugo ay mali padin yon dahil anak padin sya ni tita.
Hayss!!! Ano bang gagawin???? Sana last nato ang dami nang pasabog na nangyari sa buhay ko, Sa ngayong Pasko ay makaramdam naman ako nang kapayapaan sa puso ko.
Since wala na kaming pumasok ay nagpaalam muna ako kay Tita Emman na uuwe muna ako samin para duon magpasko, Kami ni Nathan ay hindi padin nagpapansinan hindi ko din kasi alam kung paano sya kakausapin.
“Anak na miss kita!!!!!”
Ayan agad yung bungad ni mama sakin pagkauwe ko.
“Ma namiss din kita”
“Anak bakit parang stress ang itsura mo? daig mo ako, Mas mukha kang matured sakin”
Ay Grabe si mama sakin, Realtalk yun eh haha. Pano ba naman kasi ako makakaayos eh hindi pa nga ako masyadong nakakamove on kay Mark tapos sumabay pa yung pag amin ni Nathan. Ayon tuloy Hagardouz ang momshie nyo!
“Ganda ka Ma eh? Hiyang hiya naman ako”
“Hahaha maganda talaga ang mama mo, Kaya ikaw mag ayos ayos ka para naman magka boyfriend kana”
Kung minsan talaga bastos din ang bibig ni mama haha pinapamukha talaga sakin na wala akong Boyfriend.
“Ma naman, Syempre study First”
“Weh study First? o wala talagang nangliligaw? haha”
“Ma!!!!! Isusumbong kita kay Papa mamaya pagdating nya!!!!”
Natural na talaga samin ni mama ang magsigawan actualy sa kanya ako nagmana ng kaingayan, Kung sa akin microphone sa kanya Mega phone! Yung Feeling na akala mo nag-aaway kami pero natural lang talaga samin. Pero kung minsan kalmado lang kami lalo na kapag nandyan si papa haha kasi kabaliktaran namin yun eh, ayaw na ayaw nya yung maingay.
“Dex kamusta pala duon sa bahay ng tita mo?”
“Ayon po masaya at nakakarelax kasi malambot ang kama at may aircon pa”
“Aba mukhang mas gusto mo nadon kesa dito satin ah!”
“Ano kaba ma? syempre iba parin dito satin, Walang makakampantay non. Pero hayaan mo ma kapag nakatapos ako? ibibili ko kayo ng bahay na mas malaki pa kesa sa bahay nila tita Emman at hindi nyo na kailangan magtrabaho ni Papa kasi ako na bahala sa lahat”
“Salamat Dex, Pasensya kana ha? Wala kasi kaming kakayahan ng papa mo na matustusan ang pag-aaral mo”
“Si Mama nagdrama na naman, Ipapadala ko naba yung kwento ng buhay natin sa mga TV stations?”
Haha ganyan lang talaga si mama kung minsan madrama din. Pero totoo talaga yung sinabi ko na kapag nakatapos ang ng pag-aaral ay magtatrabaho ako ng maayos at pinapangako ko na iaahon ko ang pamilya ko sa kahirapan.
Humiga muna ako sa kwarto ko dahil masakit pa talaga ang ulo ko dahil sa mga revelation na nangyari sakin, Akala ko sa mga teleserye lang may mga ganito pero pati pala sa totoong buhay meron, Hays sana lang paggising ko okay na ang lahat. Pero sana katulad ng isang Teleserye meron din katapusan ang mga bagay nato.
NATHAN’S POV
Hindi ko akalain na magkakagusto ako sa isang katulad ni Dex, Hindi kopa naramdaman ang ganitong feeling before.
Dahil lahat nang nagustuhan ko ay puro babae, At si Dex ang kauna unahang nagustuhan kong bakla.
Pagkauwe namin ni Dex ay hindi nadin kami nagusap dahil nailang na kami sa isat-isa hanggang sa nagpaalam sya kay mommy na uuwe daw muna sya sa kanila para duon magpasko ay hindi ko nadin sya tiningnan, Hinayaan ko nalang syang umalis.
“Nathan?”
“Yes Mom?”
“Bakit hindi mo man lang nilabas si Dex edi sana nakapag alam ka”
“Bakit pa? Eh babalik din naman sya dito”
“Kahit pa, Alam mo Nathan dapat maging mabait ka kay Dex kasi kayo na nga lang ang magpinsan hindi pa kayo magkasundo”
Kung alam molang mom na higit pa sa pinsan ang tingin ko kay Dex, Pero hindi pa pwedeng malaman ni mommy dahil alam kong magagalit sya.
“Mom? We’re closed sumama lang talaga ang pakiramdam ko kaya hindi ako nakalabas kanina”
“Okay, Sige na matulog kana ulit alam ko namang puyat ka”
Talagang puyat ako, Hindi din kasi mawala sa isip ko yung mga sinabi ko kay Dex.
Ano kayang iniisip ni Dex ngayon?
Kapareho din kaya ng sakin?
May Gusto din kaya sya sakin?
Yung halik kasi nya sakin ibang iba sa halik nung nasa resort kami. Pero alam ko naman na mahal pa nya yung BestFriend nya at wala na akong magagawa don hindi ko naman pwedeng ipagpilitan kay Dex na Sana ako nalang.
Pagkalabas ni mommy ay natulog na agad at nagbabakasali na baka paggising wala na itong nararamdaman ko.
CHAPTER 35 “NATHAN”
DEX’S POV
“DEX! GISING NA ANONG ORAS NA!!”
Halos matanggal ang kaluluwa ko dahil sa sigaw at alog ni mama sakin, Kaya kahit antok pa napalitan akong bumangon.
“Ma 5 minutes pa po”
Kinuha ko yung cellphone ko para tingnan yung oras, 7 palang naman ng umaga pero grabe makagising sakin si mama.
“Ayan kana naman sa 5 Minutes, Sandali bakit parang nag-iba ata yung cellphone mo?”
Hindi pa pala nasasabi kay mama na nasira yung binili ni papa na cellphone sakin, Pano koba sasabihin kay mama yon?
“Ma nasira po kasi yung binili ni Papa”
“Ano? ikaw talaga Dex pinaghairapan yon ng papa mo, Ingat ingat din kasi pag may Time”
“Ma sorry na, Hindi ko naman kasi sinasadya (Si Nathan kasi Yon)”
“Eh pano ka naman nakabili ng bagong Cellphone? Mukhang mamahalin payan”
“Si Nathan po, Binili nya sakin”
“Wow naman anak, Sabihin mo nga sa pinsan mo nasira din yung akin kaya bilhan nya ako”
“Ma!”
Si mama talaga kahit kailan, Galit galitan pa sya sakin kasi nasira yung Cellphone ko tapos ito din sya magpapabili haha.
“Joke lang, oh sya bumangon ka na dyan dahil nandyan si Nathan sa labas”
Wait! Tama ba yung narinig ko si Nathan nandito sa bahay???? What The? anong ginagawa nya dito?
“Si Nathan MAanandito?”
“Oo, Nandon sya sa Sala nanonood”
Pagkatapos non ay lumabas na si mama, Ako naman ay bumangon na para mag-ayos.
Jusme sa di malamang dahilan biglang bumilis ang tibok ng puso ko, Wala akong Choice kundi pakalmahin ang sarili ko. Dahan dahan akong lumabas ng kwarto para pumuntang Cr, Yung Cr kasi naman bago ka makapunta ay dadaan muna sa Sala kaya makikita at madadaanan ko din si Nathan.
Akala mo magnanakaw ako sa sarili kong bahay dahil dahan dahan akong naglalakad para hindi ako mapansin ni Nathan , Unang hakbang ko ay Success kasi hindi nya ako napansin hanggang nag pangalawa at pangatlo, Pang-apat pero nang panglima.
“Akala mo ba hindi kita mapapansin?”
Napahinto ako sa paglalakad at napatingin sa direksyon ni Nathan pero hindi sya nakatingin sakin dahil naka focus sya sa Tv Pero Grabe yung kaba ko parang maaano ako na ewan, Kung nakafocus sya eh pano nya ako nakita? OMG! Baka!!!! Baka may iba pa syang mata sa ulo!!!
“Ay Nathan nandyan ka pala?”
Tumayo sya at lumapit sakin, Dugdug! Dugdug!!! dug!! Grabe yung tibok ng puso ko parang gusto nang lumabas sa katawan ko. Ano batong nararamdaman ko? Bakit parang kinakabahan na ewan?
“Kanina pa ako nandito, Kaso tulog mantika ka”
“Ganon ba? Sige punta muna ako sa CR ha?”
Tumakbo agad papuntang Cr, Pagpasok ko humarap agad ako sa salamin at naghilamos ng mukha tapos huminga ng malalim.
“Dex relax, Si Nathan lang yon”
Hindi ko padin kasi makalimutan yung naganap na pag-amin nya sa sakin na Gusto nya daw ako hindi ko alam kung totoo yon o niloloko nya lang ako para asarin hayss bahala na!
Tinagalan ko talaga sa CR para paglabas ko wala na sya ang kaso nakalimutan kong maliit lang pala ang bahay namin kaya kahit anong gawin ko imposibleng hindi kami magkita ni Nathan, Pero sandali? Bakit nga ba ako ang dapat mahiya at umiwas sa sarili kong bahay? Diba dapat si Nathan?
Pagdaan ko ay kumakain na si Nathan kasabay si Mama.
“Dex, Kumain ka na muna” alok sakin ni Mama
Pagtingin ko sa lamesa ang daming ulam tapos mukhang masasarap pa.
“Ma anong meron? Bakit ang dami nyong niluto?”
“Ano kaba syempre nandito yung pinsan mo alangan naman pakainin natin sya ng Tuyo”
“Oo naman ma, Hindi naman maarte yan si Nathan”
Pinandilatan ako ng mata ni mama haha G na G sya, Pano kasi akala mo kung sinong bisita si Nathan ay bwisita kaya sya.
“Halika na nga dito, Baka maubusan kapa ikaw den”
Umupo ako sa tabi ni mama syempre hindi naman pwede sa tabi ni Nathan baka isipin nya gusto kong tumabi sa kanya.
“Dex ako na maghain sayo”
Nilagyan ni Nathan yung plato ko ng kanin at ulam na halos punuin na nya.
“Kumain ka ng madami”
“Wow ang sweet naman ng magpinsan” hirit ni Mama
“Opo Tita sweet po talaga kami sa katunayan nga po minsan tabi kami matulog ni Dex”
Hindi ko alam kung gusto kolang mag share ni Nathan o Gusto nya akong asarin. Sinenyasan ko si Nathan sa ilalim ng mesa gamit yung paa ko para tumigil na sya.
“Tingnan mo Dex ang bait pala sayo ng pinsan mo”
“Ma wag kang maniwala dyan”
“Sus Tita nahihiya lang po yan si Dex pero pag nasa bahay kami halos dina ako lubayan”
“Hayaan muna yan si Dex wala kasing Jowa yang anak ko kaya minsan bitter”
“Ma naman”
“Maiba tayo Anak meron ka na bang ireregalo sa mga inaanak mo?”
Natigil ako sa pagsubo dahil sa sinabi ni Mama, Oo nga pala! ilang araw nalang 25 na! Pero ni isa wala pa akong nabibiling regalo sa mga inaanak ko huhu.
“Ma? Kalma muna sila Estudyante palang ako haha, Sa susunod nalang kapag may trabaho na ako”
“Tumigil ka nga dyan Dex, Ilang taon munang sinasabi yan mahiya ka naman sa mga inaanak mo apat pa naman din yon”
“Bilang na bilang talaga ma?”
“Aba syempre, Kaya ikaw bumili kana ng ireregalo mo. Pagkatapos mong makikain sa kanila nung binyag nila tapos idideadma mo sila kada pasko”
“Ma isang beses lang naman ako nakikain sa kanila, Hindi naman taon taon”
Haha ang sarap sa feeling kapag kabiruan mo yung mama mo at nakikisakay din sya sa kabaliwan mo. Pero sa kalagayan ko ngayon wala pa talaga akong ipangreregalo sa mga inaanak ko haha wala din kasi akong ipon alam nyo naman hindi ako mayaman.
“Ma pakisabi nalang sa kanila Mahal na Mahal ko sila”
“Kung pera lang ang problema Meron ako dito”
Ooopss nandito pala si Nathan nawala sa isip ko, Masyadong akong nag enjoy sa pakikipag usap kay mama.
“O ayan naman pala Dex eh, Si Nathan na bahala”
“Ma? mahiya ka naman. Nathan hindi na madami na akong utang sayo, Baka mabaon na ako sa utang ko sayo”
“Bakit sino bang nagsabi na utang to? Ako na bahala libre ko”
“Pero?”
“Nako Nathan salamat, Ayan na Dex makakabili kana ng regalo para sa mga inaanak mo. Tamang tama may malapit na peryahan dito, Duon nalang tayo pumunta mamayang gabi meron din kasi akong bibilhin don”
Ayon si Mama napaghalataan haha magpapabili lang to kay Nathan ng Sando, Akala mo talaga dalaga sya haha FYI lang mas matanda si Tita Emman kay Mama pero mas mukhang Bata si Tita Emman kesa kay Mama haha.
“What is Peryahan?”
“Peryahan hindi mo alam yon? “ Takang tanong ni Mama
“Ma, Ang alam lang nya Amusement Park, Enchanted, Star City yung mga pangyayamanin”
“Ay talaga? Pero alam mo pag nakarating ka sa peryahan sigurado ako matutuwa ka kasi masaya don at marami kang pwedeng gawin”
Mukhang natuwa naman si Nathan sa mga sinabi ni Mama. Grabe sya lumaki sya ng ganyan ng hindi nalalaman kung ano ang peryahan? Haha Since wala syang idea yari sya sakin mamaya.
Kinagabihan ay umalis na kami para pumuntang peryahan.
Pagdating namin don ay ang daming tao, Akala mo may nagpoprotesta haha.
"Ito pala ang peryahan?"
"Oo bakit? Hindi ba maganda?"
Hindi sya sumagot sakin, Dahil seryoso syang nakatitig sa paligid naegnorante ata haha.
"Dex ikaw na bahala sa pinsan mo ha?"
"Bakit Ma saan kayo pupunta?"
"Ako na mamimili ng mga ireregalo mo para sa mga inaanak mo. Binigyan na kasi ako ni Nathan kanina ng pera, Pano chat chat nalang?"
Wala na akong nagawa kundi ang tumango, Grabe sya lakas maka millenial chat chat pang nalalaman.
"So? San tayo pupunta?" Tanong sakin ni Nathan
San nga ba? Hindi ko din alam eh haha.
"Ahmm tara dito"
May nakita kasi akong mga nagkukumpulan na mga tao tapos pag tingin ko mga naglalaro pala ng color game.
"Anong meron dito?"
"Color game yan, Pipili ka ng kulay tapos magtataya ka kahit magkano mo gusto at kung lumubas yung pinili mong kulay edi panalo ka dodoble yung pera mo"
Mahabang ekplenasyon ko sa kanya, Sana nga lang talaga naintindihan nya.
"Wow, How exciting"
"Oh basta manuod ka ha?"
Kinuha ko yung 20 pesos sa bag ko at nilagay ko sa kulay red, Kaso ang lumabas na kulay ay kulay green, White at Blue pashnea yan talo ako haha, Syempre never give up ako at dahil loyal ako sa red ay duon padin ako tumaya 50 pesos naman Pero natalo na naman ako
Badtrip tong si kuya eh! Ang pangit ng bola nya! dahil kailangan kong mabawi yung 70 ko ay tumaya ulit ako ng 50 nagdasal pa ako dahil last money ko nato. Pero parang hindi umaayon sakin ang pagkakataon talo na naman ako! yung 120 ko nawala sa isang iglap lang!!!!
"Oh anong nangyari?"
"Talo ako kainis"
"I want to try"
"Sige ikaw bahala"
Tumaya sya sa kulay red ng 100 pesos, Wow sa red pa talaga eh naka ilang taya ako dyab hindi naman lumalabas.
Pero pagbola ni kuya ay lumabas ang tatlong red, Halos lumuwa ang mata ko kasi yung 100 ni Nathan naging 300!!!! Bakit kanina nung tumaya ako hindi lumabas yang red nayan!?
Natuwa naman si Nathan dahil panalo sya yung mga katabi namin ay nakatingin sa kanya, Sa ibang kulay naman tumaya si Nathan sa pangalawang pagkakataon ay nanalo ulit si Nathan hanggan sa maka apat na sunod sunod syang nanalo, Yung mga katabi namin Nakatingin sa kanya tapos yung kuyang nagbobola ay napapakamot nalang haha. Grabe si Nathan yung 100 nya sa isang iglap naging 1000.
Dahil hindi na ako kumportable ay biglang hinila si Nathan palayo sa color game.
"Uii anong problema mo? Naglalaro pa ako"
"Ano kaba? Tama nayan panalo kana eh, Mamaya mabawian ka. Pera na maging bato pa"
Pero ang swerte nya talaga kanina kasi lahat ng tinatayaan nyang kulay ay lumalabas, Samantala ako yung 120 ko huhuhu nawala pa!
"So what's next?"
Aba? Mukhang nageenjoy si Nathan dito ah.
"Gusto mo mag perris wheel?" tanong ko sa kanya.
"Sure"
Bumili ako ng ticket para sa aming dalawa, Hindi kami magkatabi sa upuan magkaharap kami. Habang umaandar ay hindi ko magawang tumingin kay Nathan ng diretso naiilang padi. kasi talaga ako.
"Dex ayos kalang ba?" Alalang tanong nya
"Ah eh oo, Bakit?"
"Napansin ko kasi parang hindi ka komportable, Dahil ba ito sa sinabi kong Gusto kita?"
Lalong bumilis ang tibok ng puso ko, Dugdug! Dugdug! parang hindi na ako makahinga dahil sa sobrang lakas ng tibok.
"Nathan?"
"Kung hindi ba tayo naging magpinsan, Magugustuhan mo din ba ako?"
WT! nahahot seat na ako sa mga tanong ni Nathan ano ba ang isasagot ko sa tanong nya?
"Alam mo kasi Nathan, Gwapo ka naman mabait lahat na ata na sayo pero kasi yang sinasabi mo na gusto mo ako masyadong kumplikado. Unang una Kahit hindi kaman kadugo ni Tita Anak ka padin nya legally at higit sa lahat bakla ako, Maraming huhusga sayo"
"Alam ko naman yung lahat nang yan, Pero sana dumating yung araw na sana maging okay ang lahat satin, Yung wala tayong iisipin sa mga sasabihin ng ibang tao"
Mabuti nalang ay tapos na yung oras namin at bumaba na kami, Habang naglalakad kami ni Nathan ay tahimik lang kami pareho kanina ang sigla sigla kong pumunta dito tapos ngayon parang naubos ang lahat ng lakas ko.
"Tara sakay tayo don"
Tinuro ni Nathan ang Octopus, Jusme wag na! Napaatras ako ng konti sa ayaw ko sa mga ganyang rides baka mamatay ako.
"Nako Nathan ayaw ko, Ang sakit ng ulo ko eh"
"Tara na"
Magsasalita pa sana ako pero hinila na nya ako palapit don, pagkabili nya ng tickets ay sumakay na kami. Hindi paman nag uumpisa ay todo kapit at pumikit na ako at sinamahan pa ng matinding dasal.
"Hindi pa nga nag sstart natatakot kana agad?"
"Eh kasi takot nga ako dito tapos dito mopa ako niyaya"
"Mukhang masaya nga dito eh, Kaya ienjoy mo nalang"
"Pano ako?--- Ahhhhhh ahhhhhh mama!!mama!!!mama!!!ma!!!!!!!!?"
Magsasalita pa sana ako pero biglang umikot yung octopus kaya wala na akong nagawa kundi ang sumigaw.
Nung una dahan dahan lang pero nung tumatagal ay bumilis na, tapos ang mas malala pa yung upuan namin ay umiikot din.
"Mama!!!!! ayaw kona dito!!!!! bababa nako!!!! Kuya itigil nyo to!!!! Ma!!!!! Ahhhhhh!!!!"
OA NA KUNG OA! pero mahina talaga ako sa mga ganitong rides! at ang nakakainis pa yung feeling na halos matanggal na yung ugat ko sa leeg eh si Nathan pangisi ngisi lang at mukhang masaya pa sa dinadanas ko.
Pagkatapos ng ilang minuto na pagdurusa ay naramdaman ko nalang na tumigil na, Hayss sa wakas.
"Okay na, Pwede kanag bumitaw sakin"
Pagdilat ko ng mata ko ay napabitaw agad ako kay Nathan hindi ko namalayan na napayakap pala ako sa kanya dahil sa sobrang takot.
Pagkababa namin ay medyo hilo hilo pa ako, Akala ko katapusan kona kanina huhuhu pero mabuti nalang naka survive ako.
"Ang saya pala dito sa perya"
"Oo masaya talaga, Pero yung ginawa mong pagsakay sakin sa octopus ayon ang hindi maganda halos mamatay na ako kakasigaw tapos ikaw tuwang tuwa pa"
"Haha sorry na natuwa lang kasi ako sayo, Ililibre nalang kita ng makakain para makabawi ako sayo"
Lumapit sya sakin at inakbayan ako tinanggal ko naman din yon kaso binalik nya ulit sa balikat, Ano ba tong ginagawa ni Nathan?
Hindi talaga ako komportable sa ayos namin ni Nathan gusto koman tanggalin yung pagkakaakbay nya kaso lang ang bigat ng kamay nya. Habang naglalakad kami ay bigla syang tumigil.
"Oh bakit anong problema?" tanong ko sa kanya
"Wait lang"
Naglakad sya palapit doon sa may mga nagshoshoot ng bola tapos kapag napasok mo may price kang makukuha.
"Luh? Marunong kaba nyan Nathan?"
"Ako paba? Varsity ata toh" pagyayabang nya.
Varsity? Kelan pa? eh ni minsan nga hindi ko yan nakitang naglalaro ng basketball. Imbento talaga sya kahit kailan.
Ang sabi ng kuya sa kanya ay kapag na shoot nya yung tatlong bola ng sunod sunod ay mananalo sya pero kapag isa don ang sumablay automaticaly talo na. Haha Goodluck sa kanya kung mashoot nya.
Pumwesto na si Nathan at ako naman ay nakatingin lang sa kanya, Pag hindi talaga to na shoot tatawanan ko si Nathan ng Malakas hahaha.
Pagkahagis ni Nathan ng bola ay saktong sakto sa butas ng ring, Shoot!. Sus tyamba lang sabi ko sa sarili ko.
Kinuha nya yung pangalawang bola at nashoot na naman, Tssk mukhang ang swerte nitong lalaki nato ngayon pero tingnan natin kung mashoot pa nya itong pangatlo.
Napapikit nalang ako dahil ayaw kong makita yung pagtira ni Nathan, Dumilat nalang ako ng may marinig akong nagpapalakpakan. Luh? San galing tong mga tao nato? ano may fans club si Nathan? kanina lang wala sila dito ah? Lumapit sakin at may daladalang isang malaking teddy bear wow nanalo siguro sya, Varsity nga talaga sya haha.
"Para sayo"
Inabot sakin ni Nathan yung napanalunan nyang teddy bear, Ito na naman tayo bumilis na naman ang tibok ng puso ko. Pakiramdam ko naginit ang pisngi ko.
"Ha? para sakin? Eh ikaw ang naglaro eh"
"Basta sayo nayan"
Inabot nya sakin yung Teddy Bear at dahil mapilit sya ay kinuha kona.
"Ayiieeee!!!!!"
Sabi ng mga tao na nakapaligid samin, OMG! Nandito pa pala sila???? Nakakahiya! huhuhu
Hinila na ako ni Nathan palayo sa mga tao, Hayss salamat sa kanya.
"Nathan salamat pala dito sa Teddy Bear ha?"
"Haha wala yon, Kaya talaga ako naglaro para sayo, Ingatan mo yan ha at gusto ko ang ipangalan mo dyan ay NATHAN"
"Ha? Bakit naman Nathan?"
"Para hanggat kasama mo yan ay lagi mo akong maalala"
Alam nyo nakakakilig naman talaga si Nathan sino ba namang hindi kikiligin sa kanya, Manhid nalang siguro ang hindi.
Pero hanggat maaga ayaw kong lumala to, Dahil baka sa huli pareho pa kaming mahirapan.
Chinat kona si mama kung nasaan sya at ang sabi nya ay magkita nalang daw kami sa may foodcourt.
Nagulat ako pagkakita ko sa kanya dahil ang dami nya pinamili, Ilang plastics din kasi ang hawak nya. Magkano kaya yung binigay ni Nathan sa kanya?
"Ma yung totoo? Para sa mga inaanak ko ba yan O para sayo?"
"Haha syempre meron din ako. at
Ano kaba, Binilhan din naman kita pati si Nathan"
"We? talaga ba?"
"Oo nga tingan mo pa, Ang ganda naman nyang hawak mo saan galing yan"
"Ninakaw kopo"
"Ha?! anong sabi mo?!"
"Haha joke lang, Napanalunan to ni Nathan"
"Wow ang galing naman"
Bago kami umalis ay kumain muna kami, Tapos naglibot pa dahil sabi ni mama baka hindi na maulit to kaya dapat sulitin na namin. Kita ko naman sa mga ngiti ni Nathan na talagang nageenjoy sya sa pagsama samin.
# CHAPTER 36 "KEY CHAIN"
DEX'S POV
Pagkauwe namin sa bahay ay dumiretso agad ako sa kwarto ko para magpalit ng damit medyo inaantok nadin kasi ako, Nilapag ko muna si Nathan (Teddy Bear) sa may drawer ko At nagpalit ng pangtulog.
Nagtataka ako kasi hindi pa pumapasok si Nathan sa kwarto ko kaya lumabas ako para hanapin sya. Nang makita ko sya ay naglalatag sya ng banig sa may sala.
"Nathan anong ginagawa mo?"
"Ah naglalatag ako, Dito nalang ako matutulog"
Bigla tuloy akong naguilty, Ano ba Dex! Napa rupok mo talaga!
"Wag kana maglatag duon kana sa kwarto ko matulog, Tutal kasya naman tayo don"
"Talaga?"
Biglang Napangiti si Nathan sa sinabi ko, Tapos niligpit nya ulit yung nilatag nya haha. Syempre bisita namin sya kaya dapat maayos ang tutulugan nya. Kapag nandon ako sa kanila maayos naman nila akong pinapatulog at may sarili pa akong kwarto.
Pagpasok namin sa kwarto ay binigyan ko sya ng sarili nyang kumot at unan.
"Nathan wag mong isipin na kaya kita pinatulog dito dahil gusto ko, Kailangan lang kasi baka sabihin ni Tita pinapabayaan ka namin. Naintindihan mo?"
"Oo"
Kumindat sya sakin at kinuha yung teddy bear na napanalunan nya at nilagay sa gitna ng higaan.
"Bakit mo nilagay dyan?"
"Wala lang, Bakit masama ba?"
"Sinabi ko ba?"
Humiga na kami at nasa gitna namin si Nathan (Teddy Bear) Pinikit kona agad ang mga mata ko dahil magiging busy na naman kami bukas dahil noche buena na.
"Goodnight Dex"
Napadilat ako at napatingin sa pwesto nya nakatingin sya sakin at nagkatitigan kami.
"Goodnight Den, Matulog na tayo para hindi tayo puyat bukas"
Pumikit nako at niyakap ko nalang si Nathan, Panibagong araw na naman ang natapos.
Ang daming nangyari pero may isa akong natutunan ngayong araw na ang
"PAG-IBIG AY WALANG PINIPILING EDAD, KASARIAN, LUGAR, ORAS AT LUGAR. DAHIL KAPAG TINAMAAN KA, TINAMAAN KA"
NATHAN'S POV
Nang magising ako ay nakita kong mahimbing na natutulog si Dex at mahigpit na nakayakap kay Nathan, Tumayo ako para kumutan sya baka kasi lamigin sya. Pagkatapos ay bumalik nadin ako sa pagkakatulog.
Kinabukasan ay nagising nalang ako na wala na si Dex si Tabi ko, Pagtingin ko ng oras ay 10:15 am na. Masyado kasi akong nagenjoy kagabi sa perya kaya napuyat ako, Paglabas ko ng kwarto ay nakasalubong ko si Tita.
"Tita Asan po si Dex?"
"Nako nandon sa labas, Nakikipagchismisan sa mga kaibigan nya sa labas"
Haha ang agaaga chismis talaga? Si Tita talaga kahit kailan napaka palabiro.
"Ganon po ba? Mga anong oras po ba pupunta dito si Mommy?"
"Mga 6 pa ng hapon yon"
Napagdesisyonan kasi namin ni mommy na dito na magcelebrate ng Noche Buena sa bahay nila Dex, Para mas marami mas masaya. Si Daddy kasi as usual hindi makakarating, Yung feeling na kung sino pa yung mga hindi ko talaga kadugo sila pa yung totoong nagmamalasakit sakin.
DEX'S POV
Masasabi ko na isa ito sa mga pinakamasayang Noche Buena na darating dahil bukod sa Kompleto kaming pamilya na magcecelebrate ay may dumagdag pa si Nathan at Tita Emman.
Hindi ko nga akalain na dito nila pipiliin na magcelebrate ng Noche Buena kesa sa maganda at malaki nilang bahay.
After kong makipag chismisan sa mga kapitbahay namin ay pumasok na ako sa loob ng bahay at nakita kong nagaalmusal na si Nathan si Mama naman nakaupo sa may Lamesa at maysinusulat na kung ano.
"Anak anong gusto mo ngayong pasko?"
"Wow ma? Totoo bayan?"
"Oo nga, Ano bang Gusto mo?"
"Ma wala na po akong mahihiling pa pero may isa lang akong gusto"
"Ha? Akala koba wala kang mahihiling pa tapos may isa kang gusto? Ang Gulo mo naman Dex"
"Ma!? Seryoso ako"
"Haha, Ano ba kasi yung Gusto mo? Kung lalaki yan sorry wala akong mabibigay sayo"
"Si Mama talaga, Ang gusto kolang naman ay Paper plate"
"Ha? Bakit naman paper plate?"
"Kasi mama kawawa naman ako nyan pagkatapos ng kainan, Imagine Paskong pasko naghuhugas ako ng plato"
Haha kabisado ko yan si Mama ilalabas na naman nya yung mga tinago nyang mamahalin at magaganda naming plato sa kanyang mahiwagang kahon.
"Tumigil ka nga dyan Dex, Sayang naman Yung mga plato namin kung hindi natin gagamitin"
"Eh basta ma, Magpepaper plate tayo"
Dahil kinulit ko talaga ng bongga si mama ay pumayag nadin sya. Kawawa kasi talaga ako kung magkataon ang isisipin ko nalang ay yung mga kawali at kaldero na pinaglutuan haha atlis kahit paano mababawasan.
Mabilis na lumipas ang oras at dumating na si Tita Emman at ang dami nyang pinamili, Ang sabi nya kailangan maraming handa dahil first time naming magsasama samang lahat.
7 nang gabi ay inayos na namin ang mga lulutuin namin, Nagtulong tulong kami nila mama, Tita Emman pati nadin si Nathan si papa kasi mamayang gabi pa uuwe sayang daw kasi yung byahe nya.
Hinanda muna namin ang gagamiting rekado para sa mga lulutuin namin.
First time kong makakaranas na ganitong karaming pagkain sa Noche Buena. Magluluto kami ng Spaghetti my Favorite, Pancit, Shanghai at Fried Chicken tapos Gagawa pa kami ng Fruit Salad at Bumili din si Tita ng Cake at Tinapay at balak pa nya magpa deliver ng Pizza Diba Foodtrip lang? Haha.
Mga bandang 11 Pm ay natapos na namin ang lahat ng lutuin, Nailagay na namin sa lamesa ang mga pagkain at higit sa lahat dumating nadin si Papa at hinihintay nalang namin ang hating gabi para sabay sabay na pagsaluhan ang mga inihansa namin.
Habang tumutulong ako sa pag-aayos ni mama ay napansin kong lumabas si Nathan kaya sinundan ko sya, Saan kaya sya pupunta?
Paglabas ko ay naabutan ko si Nathan na nakaupo sa labas ng bahay namin nakatingin sya sa langit at parang malalim ang iniisip, Dahil sa may pagchismosa ako ay tumabi ako sa kanya.
"Nathan ayos kalang ba? Mukhang malalim ang iniisip mo ha?"
"Masaya pala ang pagpasko kapag kasama mo ang buong pamilya mo"
Hindi sya lumingon sakin at nakatingin padin sya sa magandang kalangitan
"Oo naman, Ayon naman talaga ang pinakaimportante sa lahat ang magkakasama kayo buong pamilya marami mang handa o wala"
"Ang swerte mo pala, Kasi ikaw lagi mong kasama ang pamilya mo. Ako? Taon taon hindi kami nakokpleto kaya nga minsan pinag-darasal ko na sana wala nalang pasko"
Hindi ko akalain na ganito pala ang pinagdadaanan ng dragon na si Nathan, Siguro kaya sya nahubog nalang sya ng mga pinagdaanan nya kaya madalas ay topak sya.
"Alam mo Nathan wag monang isipin yung nakaraan ang pagtuunan mo ng pansin ay yung ngayon, Masaya ang pasko natin ngayon dahil magkakasama tayo kaya wag kanang magdrama dyan"
Humarap sya sakin at kitang kita ko sa mukha ni Nathan ang isang magandang ngiti na hindi ko madalas makita sa kanya, Lumapit sya sakin at niyakap ako ng mahigpit.
"Dex salamat dumating ka, Dahil binigyan mo ng panibagong kulay ang buhay ko"
Hindi ako nakaimik sa sinabi ni Nathan, Hinayaan kolang na yakapin nya ako para maramdaman nyang hindi magiging malungkot ang pasko nya ngayong taong dahil papasayahin namin siya.
"Nathan Pasok na tayo sa loob baka hinihintay na nila tayo"
Sabay kaming pumasok sa loob dahil ilang minuto nalang magaalas dose na, Magkatabi kami sa upuan at sabay sabay naming hinantay ang kapaskuhan..
"MERRY CHRISTMAS!!"
sabay sabay naming sabi at nagumpisa nang kumain, Una kong kinuha ang Spaghetti syempre all time Favorite ko to haha. Mabuti nalang talaga pumayag si mama na gumamit kami ng paper plate kundi patay na naman ako bukas haha Paskong pasko naghuhugas ako.
Masaya naming Pinagsaluhan ang mga pagkain na nasa aming harapan habang nagkwekwentuhan at nagtatawanan, Actualy si mama talaga halos nagkwento eh alam nyo naman sya? haha.
After naming kumain ay tumayo si Tita at may kinuhang mga regalo, Una nyang binigyan si Papa at ang alam nito ay bagong damit at bagong towel na pwede nyang magamit sa pamamasada, Sunod naman nyang binigyan si mama isang mamahaling pabango ang binigay nya kay mama si Mama naman ngiting aso dahil sa gustong gusto nya talaga ang niregalo sa kanya ni Tita.
Inabot nya sakin yung para sakin, Inumpisahan kong buksan at halos mapatalon ako sa tuwa dahil sa niregalo sakin ni Tita, Isang Pares ng sapatos lang naman! Haha diko na sasabihin yung Brand name nya pero mamahalin sya. First time kong makatanggap ng ganito sa buong buhay ko, Dati pangarap kolang magkaganito tapos ngayon hawak hawak kona.
"Tita Salamat po"
Ang bait talaga ni Tita wala akong masabi, Pinag-aaral na nga nya ako tapos niregaluhan nya pa ako nang ganito.
Huli nyang binigyan ng regalo si Nathan, Pero hindi yon binuksan ni Nathan. Kainis sya Gusto ko pa naman sana makita kung anong regalo sa kanya ni Tita.
Syempre hindi din ako magpapatalo nagbigay din ako ng regalo kala mama at papa pati nadin kay Tita Emman, Si Nathan naman biglang sumimangot kasi hindi ko sya binigyan hahaha.
Pinatulog na ako ni mama dahil sya nalang daw ang magliligpit sa mga pinagkainan namin.
Pagpasok ko sa kwarto ay nakahiga nadon si Nathan.
"Hoy Nathan Tulog ka na ba?"
Hindi nya ako sinagot, Pero alam kong gising pa sya. Ano yon kakapasok palang nya tulog agad?
"Sayang may regalo pa naman ako sayo"
"Talaga? Asan?"
Yung Feeling na pagkasabi ko non ay bumangon agad sya at lumapit sakin.
"Oh akala koba tulog kana?"
"Ha? ako Tulog? Hindi ah. Asan na yung regalo ko?"
Inabot ko sa kanya yung Regalo ko at agad naman nyang binuksan.
"Key Chain?"
"Oo, Bakit ayaw moba? Pasensya kana ha hindi yan mahal pero galing yan sa puso ko"
"Hindi ah, Basta galing sayo kahit ano payan. Ako din may regalo sayo"
May inabot sya sakin na maliit na kahon at nag effort pa talaga sya na balutan, Pagbukas ko ay isang singsing yung laman non.
"Bakit ito yung niregalo mo sakin?"
"Actualy tag-isa tayo nyan"
Ipinakita nya sakin yung singsing na nakasuot sa daliri nya, Kinuha nya yung singsing na hawak ko at sinuot sa daliri ko.
"Nathan salamat dito"
"Walang anuman Dex, Basta kahit anong mangyari wag mong huhubarin yan"
"Grabi sya eh pano kung maliligo ako?"
"Basta gusto ko kapag nakita kita ay suot suot mo yan, Ayan ang tanda na AKO'Y SAYO AT IKAW AY AKIN LANG"
Dug! dug! dug! biglang timubok ng mabilis ang puso ko, Ano tong nararamdaman ko?
Bakit ba sinasabi to ni Nathan? Akala koba malinaw na sa kanya na hindi pwede at malabong mangyari?!!
"Nathan?"
"Dex? Hindi ko naman pinipilit na magustuhan mo ako, Pero sana hayaan mong Mahalin kita sa paraan na kaya ko"
Hindi ko alam kung anong isasagot ko sa sinabi nya dahil mali to, Maling mali kapag nalaman to ni Tita sigurado ako magagalit yon sakin Lalong lalo na ang mga magulang.
Hinahayaan kolang na sabihin at gawin ni Nathan kung ano ang gusto nya dahil ayaw ko syang masaktan, Alam ko kasi yung Feeling na nagmahal ka sa isang taong hindi ka naman mahal Alam kodin kasi ang feeling na mareject.
Minsan kasi sadyang mapagbiro talaga ang tadhana ilalagay ka sa isang sitwasyon na hindi mo inaasahan na maaring makasira sayo at sa mga tao sa paligid mo.
# CHAPTER 37 "CHRISTMAS GIFT"
DEX'S POV
Alasiete palang ng umaga ay nagising nako dahil alam kong maagang magsusuguran yung mga inaanak ko, Syempre Gusto ko naman pagnakita nila ako ay fresh ako hahaha.
Habang nag-aantay ako sa kanila ay nakarecieve ako ng Message kay Miles.
'Be!!!! Merry Christmas!!!!!!!!!'
Ay oo nga pala! Nawala sa isip ko na batiin si Miles, Dali dali akong nagreply sa kanya at binati ko din sya.
'Be may gagawin ka mamaya?, Sama ka sakin' -Miles
'Saan naman?' reply ko sa kanya
'May Christmas party kami sa room ngayon, Sama ka dali' -Miles
'Nako hindi na, Hindi nyo na din naman ako nag-aaral dyan'
'Noh bayan! Sumama kana sige na, Naging classmates modin naman kami last Sem. Diba?' -Miles
Hindi lang naman yon ang inaalala ko, Si Mark baka nandon sya hindi kopa sya kayang harapin sa ngayon.
'Be alam mo naman na hindi ako pwedeng pumunta dyan dahil nandyan si Mark'
'Si Mark na naman? Hanggang kailan kaba iiwas sa kanya? Be Pasko ngayon dapat alisin muna natin yung mga bumabagabag sa puso mo atsaka marami naman tayo don wag mo nalang siguro pansinin si Mark' -miles
Tama si Miles, Hanggang kailan koba iiwasan si Mark? Nasabi ko naman nadin siguro lahat ng dapat komg sabihin kay Mark. Wala nadin siguro pang dahilan para umuwis ako dahil kung patuloy akong iiwas lalo lang akong nagmumukhang bitter.
'Sige be pupunta ako, Anong oras bayan?'
'Mga 10 be, Basta hihintayin kita don ah! Merry Christmas ulit!' -Miles
"Sino yang katext mo?"
"Ay tae ng kalabaw! ano bayan Nathan bakit ka nanggugulat?"
"Sino yang Katext mo? Bakit parang namomroblema ka?" - Nathan
"Si Miles inimbitahan akong pumunta sa Christmas party nila ngayon"
"Anong problema don?" -Nathan
"Ang problema don, Nandon si Mark"
"Tssk, Kung patuloy kang iiwas sa Mark nayan parang sinabi mo nadin na patay na patay ka sa kanya" -Nathan
"Galit kaba Nathan?"
Bigla kasing nagsalubong yung kilay nya tapos nagiba pa yung tono ng pananalita nya.
"Ako galit? Hindi ako galit, Naiinis ako sayo. Kasi kahit alam mona sa sarili mo na hindi ka nya mahal ay patuloy mo padin kinukulong ang sarili mo sa pagmamahal mo sa kanya. Kaya hindi ka nakakamove on eh" - Nathan
Ouch! Realtalk yung mga sinabi nya ah!? Yung mga sinabi nila Miles sakin ay iisa lang ang gusto nilang ipahiwatig. Na dapat Harapin kona si Mark dahil walang mangyayari sakin kung patuloy ko syang iiwasan.
"Nathan may gagawin kaba mamaya?"
"Wala naman, Why?" -Nathan
"Ah eh yayayain sana kita na sumama sa X'mas party nila Miles, Kung gusto molang naman pero kung ayaw mo okay lang. Ako nalang"
"Tssk, Syempre sasama ako. Baka saktan kana naman ni Mark, Atleast kapag nandon ako may poprotekta sayo" -Nathan
Ayan na naman sya, Magseseryoso tapos biglang babanat ng nga da moves nya.
After kong naipamigay yung mga regalo ko sa mga inaanak ko ay umalis na kaming dalawa ni Nathan. Bumili muna kami ng pagkain (Si Nathan yung gumastos, Support lang ako) dahil nakakahiya naman kung pupunta kami don nang walang dala
Pagdating namin ni Nathan sa Room ay madami nang tao, Pero hindi pa nagsisimula.
"Be! akala ko hindi kana pupunta eh"
salubong samin ni Miles
"Haha akala mo lang yon"
"Kasama mo pala yung pinsan mo? Hi Nathan" - Miles
Kahit hindi sabihin ni Miles ramdam ko yung kilig nya.
"Dex! Long time no see!"
Kilala ko yung boses nayon, Hindi ako pwedeng magkamali si Tyrone yon. Lumapit sya sakin at bigla nalang ako inakbayan medyo nasaktan ako kasi ang bigat ng braso nya.
"Aray ko naman Tyrone"
Tinanggal ko yung kamay nya mula sa pagkakaakbay sakin.
"Haha sorry na, Natuwa lang ako na makita ka dito. Akala ko hindi kana bibisita dito" -Tyrone
"Ah eh inimbitahan kasi ako ni Miles dito, Tutal wala naman akong ginagawa kaya pumunta nalang ako dito"
"Ganon ba? sino naman yang kasama mo? Boyfriend mo?" -Tyrone
Bakit ganon kapag ang mga babae may kasamang babae bestfriend or Friend lang ang iisipin ng iba, Pero pagdating talaga saming mga bakla may makita lang na kasamang lalaki Boyfriend aga.
"Hoy bunganga mo, Pinsan nya yan"
pagsingit ni Miles sa usapin namin, Hays nakahinga ako ng maluwag thanks to miles. Nilingon ko naman si Nathan nakangiti lang sya, Luh? Problema non? Bakit biglabigla nalang ngumingiti.
Niyaya na kami ni Miles na umupo, Hindi kopa nakikita si Mark baka nalate na naman ng gising yon. Si Tyrone naman tumabi din samin at tanong ng tanong nang kung ano ano sakin, Si Miles kasi dahil sya ang President ng room busy busyhan ang peg nya.
"Dex kamusta sa bago mong school? -Tyrone
"Ayon nung una nakakapanibago, Pero medyo nasasanay nadin ako"
"Bakit kasi lumipat kapa? Wala na tuloy maingay dito" -Tyrone
"Talaga? Eh anong tawag mo sayo?"
"Grabe ka sakin Dex, Mapagtanong lang talaga ako pero hindi ako maingay" -Tyrone
"Haha kamusta na pala kayo ni Nicole?"
"Ayon still strong paden, Salamat sayo kasi mas lalo pang tumibay ang pagmamahalan namin" -Tyrone
Aww!!! Buti pa yung ibang lovelife natulungan ko, Pero yung sarili ko ni hindi man lang.
"Bakit wala pala sya ngayon dito?"
"Meron din kasi silang Party ngayon, Mamaya nalang kami magkikita after nito" -Tyrone
Habang nag-uusap kami ay biglang dumating si Mark at kasama nya si Sheena, Nagtama ang aming mga mata at naramdaman ko na parang tinutusok ang aking puso.
Kahit anong sabi ko sa sarili na kapag nakita ko si Mark idedeadma ko sya, Hindi ko sya titingnan sa mata at hindi ako magpapaapekto sa kanya. Pero lahat yon nabura ng makita ko sya, Lalapit na sana sila sa pwesto namin pero biglang nagsalita yung Prof. nila at pinaayos na kami ng upo.
Si Miles ang naglead ng prayer pagkatapos ay maguumpisa muna sa pa games bago kumain.
Inexplain ni Miles ang unang games na lalaruin nila, Paper dance yon kaya kailangan by partner.
"Dex partner tayo" -Tyrone
"Ha? Haha ayaw ko para sa inyo lang yan"
"Ang KJ mo naman Christmas naman ngayon" -Tyrone
"Haha ayaw ko nga, Atsaka dimo ako kaya"
"Kaya yan, Dipa nga nasusubukan eh" -Tyrone
"Tanong mo muna kung pwede ako sumali kahit outsider ako"
"Sige" -Tyrone
Tumayo si Tyrone at lumapit sa prof. nya tapos mayamaya ay bumalik na sya.
"Ano sabi sayo?"
"Oo daw pwede" -Tyrone
Ngumiti lang ako tapos tumingin kay Nathan, Parang badtrip na naman sya haha.
"Be sinong partner mo?" -Miles
"Si Tyrone, Ikaw?"
"Wala pa nga eh" -Miles
Lumingon lingon ako sa paligid halos karamihan sa kanila may mga partner na, Nakita ko si Nathan pero hindi ko alam kung papayag sya.
"Nathan pwede mobang ipartner si Miles?"
"Sure" -Nathan
Hindi ko naexpect na papayag agad sya, Tumayo sya at niyaya papunta si Miles sa gitna. Hays mabuti naman wala syang topak ngayon, Pumunta nadin kami ni Tyrone sa Gitna at inayos yung dyaryo.
"Dapat manalo tayo dito" -Tyrone
"Ang competitive mo naman"
"Haha ganon talaga" -Tyrone
"Mabigat ako ha? Bahala ka dyan"
"Haha ayos lang ako bahala" -Tyrone
Nagpatugtog na yung isa nilang Classmate at nagumpisa na kaming sumayaw, Haha actualy ayaw ko talaga ang sayaw Galaw galaw lang ng kamay.
Pagkahinto ng kanta ay pumaton na agad kami sa dyaryo, Tapos tinupi namin yung dyaryo nagplay ulit tapos pinause dahil hindi na masyado malaki ang dyaryo ay magkaharap na kami ni Tyrone. May ilang mga natanggal dahil lumagpas yung paa nila. Tinupi ulit namin yung dyaryo tapos galaw galaw ulit kami, Nakakakaba din pala yung larong ito haha.
Huminto ulit yung tugtog tapos tumayo kami ni Tyrone sa may dyaryo pero nakatingkayad na kami pareho at mas malapit na kami sa isat-isa ang tagal pa magsalita nung prof. balak ata kaming gawing estatwa nang maramdaman kong parang matutumba na ako ay napakapit ako sa bewang ni Tyrone, Si Miles naman naka patong sa likod ni Nathan Si Mark at Sheena naman magkadikit lang din.
"Ui Dex, Tapos na" -Tyrone
Napabitaw ako bigla kay Tyrone ng marinig ko syang magsalita.
"Sorry, Hindi ko kasi narinig"
Tinupi ulit nya yung dyaryo Jusmiyo ang liit na pano yung gagawin namin ngayon? sigurado natatalo na kami. Lima nalang na partners kaming naglalaro.
Hindi ko padin maalis ang paningin ko kay Nathan at Miles mukhang nageenjoy talaga silang dalawa, Mabuti nalang hindi tinopak si Nathan. Si Mark at Sheena naman nagtatawanan pa.
Nagulat nalang ako ng bigla akong buhatin ni Tyrone.
"Hoy bakit mo ako binuhat?"
"Kung hindi ko gagawin yon hindi tayo mananalo" -Tyrone
Nakakahiya huhu ang bigat kopa naman haha, Pero hindi ko naman nabakas sa mukha ni Tyrone na nabibigatan sya sakin.
Natanggal na yung dalawa naming kalaban kay ang natira nalang ay kami ni Tyrone pati si Miles at Nathan, At si Mark at Sheena.
Tinupi na naman namin sa mas maliit yung dyaryo, Sana manalo kami. Pagkahinto ng tugtog ay binuhat agad ako ni Tyrone.
Kami ang nanalo kasi biglang nabitawan ni Nathan si Miles, Tapos hindi kona alam kung pano natalo si Mark at Sheena.
"Yes panalo tayo!!!" -Tyrone
Haha grabe sya, Akala mo naman house and lot ang prize eh 100 pesos lang naman haha.
Dahil napagod nako ay bumalik na ako sa upuan, Nakaupo nadin si Nathan sa pwesto namin.
Meron pang second game at naglaro pa yung iba nilang classmates at pagkatapos ang pinakaaantay ng lahat ay ang kainan.
"Nathan kakain kaba?"
"No, i'm full" -Nathan
"Sige ikaw bahala"
Tumayo na ako para kumuha ng makakain at sa kasamaang palad ay nagkasabay kami ni Mark.
"Sige ikaw na mauna" -Mark
"Hindi ikaw na, Hindi naman ako nagmamadali"
"Kamusta kana pala?" -Mark
Dex hinga ng malalim, Hindi ka naman mamatay kapag sinagot mo sya. Nagawa mongang umamin sa kanya tapos ang harapin at kausapin sya hindi mo kaya? Sabi ko sa sarili ko.
"Ito okay lang naman"
Naguusap kami habang kumukuha ng pagkain, Hindi ko pinakita sa kanya na hindi ako komportable na makausap sya.
"Dex sorry sa lahat ng mga ginawa ko sayo" -Mark
"Wala ka naman dapat ipag sorry, Wala ka naman ginawa sakin diba? Balik na ako sa pwesto ko nagugutom nadin kasi ako eh"
Iniwan kona si Mark at bumalik na ako sa pwesto namin ni Nathan. Medyo gumaan din yung pakiramdam ko dahil nagawa kong harapin si Mark.
MARK'S POV
Hindi ko masabing galit sakin si Dex kasi habang kausap ko sya ay nakangiti lang sya.
Sa isang iglap yung matagal naming pagkakaibigan ay biglang nawala, Hindi ko din kasi alam kung anong mararamdaman ko sa pagamin sakin ni Dex, Mahal kodin naman kasi talaga si Dex pero hanggang kaibigan ngalang.
"Anong napag-usapan nyo?" -Sheena
"Nagsorry lang ako sa kanya"
"Talaga? Anong sabi nya?" -Sheena
"Ang sabi nya hindi ko daw kailangan magsorry sa kanya sahil wala naman akong ginawa sa kanya"
"Ha? Galit kaya sya?" -Sheena
"Hindi ko alam, Nakangiti lang kasi sya kanina sakin"
"Mark siguro dapat makapagusap talaga kayo nang masinsinan para matapos na yung gusot sa inyon dalawa para makapag move on nadin tayo" -Sheena
"Ayom nga yung problema eh, Hindi ko alam kung paano ko sya makakausap ng kami lang dalawa"
Tiningnan ko si Dex at katabi na naman yung lalaki na kasama nya yung huli kaming nagkita.
Sino kaya yung kasama nya? Bakit lagi silang magkasama? Boyfriend kaya ni Dex yon?
Pero kung sino man sya masaya padin ako kasi alam ko kahit paano ay may poprotekta na sa BESTFRIEND KO.
DEX'S POV
Ang saya nang X'mas party nila hindi boring haha, Buti pa dito sa Public school kahit hindi sila mayayaman ay masasaya naman hindi katulad sa school ko ngayon masyadong mga high class yung mga estudyante sa sobrang high ang hirap i reach.
Mabilis ma natapos yung X'mas party at naguwian na yung iba.
"Be salamat sa pagpunta ha?" -Miles
"Haha wala yon, Ikaw paba"
"Ingat kayo sa pag-uwi" -Miles
"Sige be, Una na kami"
Nagpaalam na ako kay Miles pati kay Tyrone, Nagkatinginan lang kami ni Mark at lumabas na kami ni Nathan.
"Mukhang ang saya mo ha?" -Nathan
"Syempre nakita ko ulit yung mga dati kong classmates at naka bonding ko si Miles"
"Si Miles lang ba talaga? O baka naman si Tyrone at Mark?" -Nathan
"Ha? Pano naman nadamay si Tyrone dito?"
"Tuwang tuwa ka nga kanina habang buhat buhat ka nya" -Nathan
Gusto kong matawa dahil sa mga pinagsasabi ni Nathan, Pati ba naman si Tyrone pinagiisipan ng kung ano-ano haha.
"Tigilan mo nga ako, Magkaibigan lang kami non. Eh ikaw nga tuwang tuwa kapa habang buhat buhat si Miles, Paarte arte kapa eh tuwang tuwa ka naman"
"Bakit nagseselos ka?" -Nathan
"Ako magseselos? Bakit naman ako magseselos?"
"Kung hindi ka nagseselos eh bakit nagbablush ka?" -Nathan
Ha????!!! ako nagbablush??? huhuhu nakakahiya naman!! Napahawak ako bigla sa pisngi ko at napayuko.
"See? You are jealous" -Nathan
"Hindi nga sabi!!!!!!!"
Lumapit sya sakin at inakbayan ako.
"Wag kang mag-alala, Para saan patong mga singsing na suot natin kung hindi din naman natin tutupadin ang promise natin" -Nathan
"Hoy anong promise? Walang akong maalala na nag promise ako sayo"
"Tssk, Basta" -Nathan
"Dex!!!"
Napalingom ako ng may narinig akong pamilyar na boses. Lumapit si Mark sakin at may binigay.
"Para sayo yan Dex, Merry Christmas" -Mark
Speechless ako mga Bes, Hindi ko alam kung kikiligin ba ako o ewan wala eh marupok ako. Syempre naman kahit pagbalibaliktarin natin ang mundo Mahal ko pa din si Mark. Ayaw ko naman na mag mukhang masama kaya kinuha kona yung regalo.
"Salamat, Merry Christmas den"
"Pano Dex mauna nadin ako" -Mark
"Sige lang"
Umuwe nadin kaming dalawa ni Nathan, Duon pa kasi magsstay sa bahay hanggang New year.
Ewan koba kasi dito sa lalaking to sunod ng sunod sakin.
# CHAPTER 38 "NAGSASALITANG PUSO"
DEX'S POV
"Binigyan kalang ng regalo kilig na kilig ka naman dyan"
Naglalakad na kami ngayon pauwe samin, Gusto kolang maglakad para naman makapag-isip-isip.
"Kilig agad? Hindi ba pwedeng masaya lang?"
"Tssk, Parang nakalimutan mona agad kung pano ka nya sinaktan"
Pano nga ba ako sinaktan ni Mark?
Sinaktan nga ba nya talaga ako?
Sabihin nyo ng tanga ako, Maarupok ako At bobo ako pagdating sa pag-ibig. Pero kasi habang tumatagal meron akong mga bagay na narerealize.
Unang una nadon ako naman talaga ang pumili nito kaya ako nasaktan, Pangalawa hindi naman kasalanan ni Mark na hindi nya ako mahalin kasi meron naman talaga syang ibang mahal at Pangatlo ako lang naman ang nananakit sa sarili ko dahil patuloy ko padin syang minamahal kahit alam kong imposibleng mahalin nya din ako dahil Hanggang BESTFRIEND lang ako sa kanya.
"Nagseselos kaba Nathan?"
Tanong ko sa kanya, Pakiramdam ko kasi nagseselos talaga sya kay Mark.
"Ako magseselos? Sa gwapo kong to pagseselosan kon yon?"
"Ah okay sabi mo eh, Tara na uwe na tayo"
Maglalakad na sana ako pero biglang nagsalita si Nathan.
"Dex? Pangako mo sakin, Kahit may mga dumating at bumalik sa buhay mo hindi mo ako iiwan"
Natigil ako sa paglalakad at bumilis na naman ang tibok ng puso ko, Madalas Kapag kausap ko lang si Nathan nagiging abnormal ang tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung bakit Pero para kasing may mali na.
Lumapit ako sa kanya at hinawakan ko sya sa kamay nangingig din ang kamay ko sa di malamang dahilan.
"Nathan? Hindi ako ganong tao, Hindi ako basta basta nang-iiwan lalo na kapag mahalaga sakin"
Lumapad ang ngiti sa kanyang mga labi at niyaya na nya ako umuwe. Pero yung tibok ng puso ko ay medyo mabilis padin at kinakabahan ako na ewan.
Pagkauwe namin sa bahay ay binuksan ko agad yung regalo na binigay sakin ni Mark.
Isang kwintas ang laman non at may kasamang papel na may nakasulat.
'Hi Dex
Kamusta kana? Masaya kaba dyan sa bago mong school? Ako eto na mimiss ka wala na kaso akong
BestFriend
.
Alam kong galit ka sakin, Pero sana lagi mong tatandaan na Mahal na Mahal kita hindi man katulad ng pagmamahal mo sakin pero Mahal kita bilang Bestfriend. Sorry kung may nagawa akong mali sayo, Sana
mapatawad
mo ako.
Dex, Sana dumating ang tamang panahon na maging okay tayo at sana makapag-usap din
tato
ng tayong dalawa lang para maayos natin kung ano man ang hindi natin
pagkakaintindihan
.
Pasensya kana din pala sa regalo ko ayan lang nakayanan ko, Wala pa kasing trabaho ang Bestfriend mo. Sana palagi mo yang
isuot
para kahit wala man ako sa tabi mo ay
mararamdaman
mo na hindi ka
nag-iisa
dahil
suot
suot
mo yang regalo ko.
Merry Christmas Dex!
Thank you for being my BestFriend!'
Gusto kong maiyak dahil sa mga sinabi ni Mark sa sulat. Habang ako nagagalit at pilit na lumalayo sa kanya sya naman ay Gusto akong makausap para maayos na ang hindi namin pagkakaintindihan.
Pakiramdam ko ang samasama at ang selfish ko dahil sarili kolang ang iniisip ko hindi ko man lang naisip ang nararamdaman ng BestFriend ko.
"Wow Dex, Ang ganda ng kwintas ah Kanino galing yan?"
Tinupi ko muna yung papel at nilagay sa bulsa ko.
"Kay Mark po Ma, Binigay nya po sakin kanina"
"Akin na isuot ko sayo"
Kinuha ni mama yung kwintas sakin at sinuot sa leeg ko.
" Ayan bagay sayo! Oo nga pala hindi kona nakikita yung bata nayon, Bakit ba hindi na sya pumupunta dito? "
"Busy lang po kasi sa school ma"
"Sabihin mo pumunta sya dito, Na mimiss kona din kasi yung Future son in law ko"
"Ma!? Hanggang ngayon ba naman? Bestffriend lang kami non"
"Nako Dex, Dyan nagsisimula yon"
Dahil nga sa sobrang close namin ni Mark dati ay palagi syang nandito sa bahay kaya naman sobrang tuwa ni mama kapag lagi syang nandito.
"Ma, Bestfriend lang talaga kami at may Girlfriend nayon si Mark"
"Asawa nga naaagaw Boyfriend pa kaya?"
Haha ang bad ni Mama, Turuan ba naman akog mangagaw. Kahit naman Mahal ko si Mark hindi ko magagawang sirain sila ni Sheena dahil alam kong mahal na mahal nila ang isat-isa.
"Ma ang bad mo bat naman ako mangaagaw?"
"Haha Joke lang, Pero Wala kabang Feelings Kay Mark?"
Para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil sa tanong nya, Hindi agad ako makasagot.
"Ma?"
"Dex mama mo ako, Alam kona na hindi lang Bestfriend ang tingin mo kay Mark dahil kapag nandito sya sa bahay at magkasama kayo iba yung ngiti sa mga labi mo iba yung kinang sa mga mata mo"
Alam na pala ni mama, Akala ko hindi pa pero mas maganda nadin yon para naman hindi na ako mapagod mag explain sa kanya. Iba talaga ang power ng isang nanay.
"Ma pano nyo ba malalaman na sya na Yung The One na hinahanap mo?"
"Kasi Dex marami kasing paraan para malaman mo kung sya na talaga yung The One na hinahanap mo. Yung iba na niniwala sa Slow mo, Yung tipong pag nakita nila yung taong yon biglang babagal ang paggalaw ng mga bagay sa mundo. Pero kasi yung nakita ko ang papa mo nagsalita yung puso ko"
"Nagsalita yung puso nyo?"
"Oo Anak, At alam mo ba yung sinabi nya? 'Dugdug! dugdug!' "
Pagkasabi palang ni mama nang mga salitang yon ay biglang bumalik sakin ang maalala na kasama ko si Nathan, Kung kay Mark naramdaman ko ang Fastforward kay Nathan naman sa kanya ko narinig na magsalita ang puso ko.
Anong ibig sabihin nito?
In love ba ako kay Nathan?
Inlove ba ako sa sarili kong pinsan?
Hindi pwede to! Bakit ba napaka komplikado nang mga nangyayari sakin nuong una sa Bestfriend tapos ngayon sa pinsan naman?
"Bakit Dex? Ano bang naramdaman mo kay Mark?"
Hindi na ako nakasagot kay Mama at nagmadali na ako pumunta sa kwarto ko.
Pagdating ko don ay nandon si Nathan nakahiga sakto nagkatitigan kami pagpasok ko, Dugdug! Dugdug! Ayan na naman sya huhuhu what is the meaning of this?
"Bakit ka ganyan makatitig sakin?"
Tumayo sya at lumapit sya sakin, Dugdug! Dugdug! Lalo pang lumakas at bumilis ang tibok nang puso ko.
"Ah eh wala"
Tinulak ko sya nang mahina at kunwari ay ayos lang ang lahat, Pero ang totoo naguguluhan ako sa nararamdaman. Pagkatulak ko sa kanya ay hinawakan nya ako sa kamay at hinila palapit sa kanya.
"Alam kong may gusto kang sabihin sakin"
Nilapit nya yung mukha nya sa mukha ko.
"Wala nga sabi, Ang kulit mo"
"Talaga?"
Lalo pa nyang nilapit yung mukha nya sa mukha ko. Lord help me? Baka diko kayanin at bumigay ako alam nyo naman na marupok ako huhu, Ang ginawa ko nalang ay pumikit at antayin ang susunod na mangyayari. Bahala na si Batman!
Nakahinga ako nang maluwag ng tumunog ang cellphone ko, May tumatawag. Si Dan.
'Hello?'
Lumayo muna ako kay Nathan baka kasi kung ano na naman ang isipin nya.
'Merry Christmas!'
'Merry Christmas den'
'Kamusta Christmas mo?'
'Ito masaya naman kumpleto kami kagabi, At kasama din namin sila Tita'
'Wow ang saya naman pala, Yung regalo ko ha?'
Natawa ako sa sinabi nya haha diko akalain na pati ako hihingan ni Dan.
'Haha wala nga akong pera sakin kapa talaga nanghingi, Next time nalang pag may trabaho na ako'
'Hahaha Joke lang, Ako may regalo sayo' '
Hala!!!!!!! Seryoso???!!!?? Ayiieeeee kilig naman si Ako!!!!!!!! ENEBE!!!!
'WE DINGA?'
'Oo nga promise sa pasukan ibibigay ko sayo'
'Salamat, Pasensya kana wala akong gift sayo wala kasi akong pera ngayon eh'
'Ano kaba wala yon, Basta ikaw'
Habang naguusap kami ni Dan ay pinipigilan ko yung kilig ko dahil malapit lang si Nathan baka kung ano na naman ang isipin.
Nagkwentuhan pa kami ni Dan nang mga ilang minuto bago matapos yon.
Ano kaya yung regalo sakin ni Dan? Hindi na ako makatulog huhuhuhu, Wag naman sana Bracelet dahil kung magkataon pwede na ako maging jewelry store, May singsing na. May kwintas na at pati ba naman Bracelet? Huhuhu wag naman sana.
Kinagabihan ay magkatabi na naman kami matulog ni Nathan, Wala akong choice eh alangan naman patulugin ko sya sa lapag edi abubug aberna ako ni mama haha.
"Nathan wala ba kayong bonding nang mga Barkada mo?" Tanong ko sa kanya habang nag-aayos ako ng higain namin tapos sya nag-aayos ng mukha nya sa salamin.
"Meron, Bakit?"
"Eh bakit nandito ka? Dapat sumasama ka sa kanila kasi mga barkada mo sila"
"Mas gusto ko dito"
"Seryoso ka? Eh ang boring nga dito"
"Simple lang naman Nandito ka kasi at mas masaya ako na nandito"
Natigil ako sa pag-aayos at pinakiramdaman ko ang tibok ng puso ko, Dugdug! dugdug! Jusme ayan na naman sya.
"Drama mo. Gutom lang yan"
Pinilit ko nalang ibahin yung usapan baka kasi kung saan pa mapunta.
"Dex kung hindi ba tayo naging magpinsan Mamahalin modin ba ako?"
Parang gusto konang himatayin dahil sa mga tanong nya, Parang hindi na din ako makakilos sa sobrang kaba.
"Nathan ano bang klaseng tanong yan?"
Lumapit na naman sakin si Nathan at hinarap ako sa kanya.
"Yes or No lang"
Nagkatitigan kami ni Nathan at mukhang seryoso talaga sya, Huhuhu hindi ko na kaya! Para na akong bulkan na sasabog.
Ang lalo pang nagpalala nang sitwasyon ay nang walang sabi sabi ay hinalikan nya ako, Para akong nakoryente sa halik nayon kaya hindi ako nakakilos, Pero sa isip ko pilit ko padin nilalaban ang emosyon ko dahil hindi ako pwede magpatalo dahil maling mali to.
"So it's yes"
Si Nathan din ang tumigil sa halik nayon, Hindi padin ako makakilos. Niyakap nya ako nang mahigpit na mahigpit, Naiyak nalang ako sa nagawa ko akala ko kaya ko. Akala ko matitiis ko, Pero hindi pala.
Ngayon sigurado na ako sa sarili ko na nagugustuhan ko nadin si Nathan, Alam kong mali pero anong magagawa ko marupok ako eh, Atsaka ganito naman talaga siguro kapag bakla ka madali kang magmamahal, Madal kadin masaktan, Madali kadin mag move on at madali kading mafall.
"Nathan?"
"Dex, Wag kang mag-alala walang makakaalam nito"
Hindi ako makasagot, Dahil walang salita na gustong lumabas sa bibig ko. Hindi kasi mawala sa isip ko ang mga posibleng mangyari, Pwedeng magalit sakin si Tita at tigilan ang pagtustos sa pag-aaral ko at higit sa lahat si mama at si papa, Ano nalang ang sasabihin nila kung magkataon. Pati yung sasabihin ng ibang tao.
Gabi na pero ayaw padin akong dalawin ng antok, Iniisip ko paden kasi yung kanina. Hanggang ngayon naguguluhan padin ako sa nararamdaman ko kanina kay Nathan dahil alam ko sa sarili ko na hanggang ngayon ay si Mark padin yung mahal ko, Yung kay Nathan hindi ko masami kung ano yon.
"Dex?"
Oopss gising paden pala sya. Hindi ako sumagot sa sakanya at nagkunwaring natutulog.
"Ito yung unang pagkakataon na mainlove ako sa isang katulad mo, Na isang Bakla. Dati kasi gusto ko lang magkaroon ng kaibigan na katulad mo kasi Masaya daw kapag may friend kang bakla. Pero hindi ko akalain na ito yung kakahantungan"
Buti pa sya, Pero si Mark? Wala eh hanggang Bestfriend lang talaga ako sa buhay nya hindi naman ako pwedeng magalit kay Mark kasi wala akong karapatan.
"Pero Dex, Alam ko naman na si Mark padin yung nasa puso mo. Pero maghihintay padin ako na dumating yung tamang panahon na ako naman ang pumalit sa pwesto na kailan man hindi nya pinahalagahan"
Napaiyak nalang ako sa mga sinabi niya, Kahit ako kasi hindi ako makapaniwala na ang isang kagaya ni Nathan ay magkakagusto sakin. Ano nga ba ako? eh isang hamak na bakla lang naman ako.
# CHAPTER 39
DEX'S POV
Mabilis na lumipas ang mga araw, Mga araw na gulong gulo ako sa totoo kong nararamdaman, Mga araw na sana nagsasaya ako pero hindi ko magawa, Mga araw na sana naghahanda kami para sa pagdating ng bagong taon.
Ilang oras nalang ang hinihintay namin para sa pagsapit ng bagong taon.
"Ui Dex parang ang lalim ng iniisip mo?"
Nakatutulala ako habang nakatingin sa napakaganda at tahimik na kalangitan. Buti pa yung langit payapa lang at relax hindi katulad ko parang sasabog na ang utak kakaisip.
"Ah eh wala to"
"Bago yung kwintas mo ha? kanino galing yan?"
Napahawak ako bigla sa kwintas na bigay ni Mark, Ayokong sabihin kay Nathan na kay Mark galing to dahil alam kong magagalit lang sya sakin.
"Ito ba? Bigay to ni Miles sakin"
Tumango lang sya at tumabi sakin at tahimik lang din na pinagmasdan ang kagandahan ng gabi.
Ilang minuto din kaming nakatulala, Nakatingin ako sa kalangitan pero pinapakiramdaman ko si Nathan naiilang padin talaga ako sa kanya.
"Ano bayan masyadong malungkot!"
Kinuha nya yung Cellphone nya at pinindot yung camera.
"Oh anong gagawin mo?"
"Obvious ba? Edi magpipicture tayo, Para naman may remembrance tayo bago mag end ang year. Para hindi na mukha nyo ni Dan ang nakalagay sa Cellphone mo naasiwa kasi ako kapag nakikita ko" -Nathan
"At sino gusto mo ilagay dito? Ikaw? Nako wag na, Pangit ako sa picture---"
Magsasalita pa sana ako pero nag click na agad sya kaya wala na akong nagawa kundi ang ngumiti, Medyo naiilang pa nga ako kasi habang nagpipicture kami ay nakahawak sya sa bewang ko, Nakailang kuha din kami at yung pinaka last ay bigla akong hinalikan ni Nathan sa pisngi sa gulat ko ay naitulak ko sya ng mahina.
"Ano ba? Bakit mo ginawa yon?"
"Haha sorry, Nabigla lang" -Nathan
"Wag monang uulit yon, Pano kung makita tayo ni mama at Papa?"
"Hindi yan, Busy sila"
"Panong busy eh tapos na magluto si mama"
"Alam mo nayon"
Kahit hindi sabihin ni Nathan ay alam kona kung ano ang nasa isip nya, Kinurot ko sya sa tagiliran at niyaya na syang pumasok sa loob.
Pagsapit nang hating gabi ay lumabas muna kami nang bahay para mag-ingay since bawal ang paputok si mama bumili ng mga torotot Tawang tawa pa nga ako kasi para kaming mga bata, Dahil iwas disgrasya den Bumili din si mama nang ilang mga paputok na hindi delakado yung mga pailaw lang ba. After namin don ay nagsalo-salo kami sa MediaNoche, Si tita Emman kasi duon sa bahay nila maghahanda dahil darating daw si Tito Greg. Naiinis nga ako dito kay Nathan eh ayaw umuwe sa kanila sinabi ko na nga na umuwe sya para kompleto sila kaso ayaw din nya.
"Mga Anak kumain kayo nang madami ha?
"Syempre ma, favorite ko kaya to lahat"
"Eh lahat naman ata favorite mo, Ang takaw takaw mo pero hindi ka naman tumataba"
"Ma! Pa si mama oh"
"Haha tama na yan wag na kayong mag-asaran nasa harap tayo ng pagkain"
Haha buti nalang nandito si papa at may kakampi ako laban kay mama Haha.
"Ma diba sabi ko gagamit tayo ng Paper Plate?"
"Hindi na ako nabili busy ako masyado"
Patay na naman ako nito bukas huhuhu bagong taon na bagong taon maghuhugas ako nang pinagkainan namin, Si mama talaga kahit hindi naman sya busy ayaw nya lang sabihin na gusto nya lang talaga ipagamit ang mga platong tinabi nya para sa mga ganito okasyon.
Pagkatapos naming magkainan (Nang Pagkain) ay syempre ako din ang nagligpit pero tinulungan naman ako ni Nathan, Si Mama kasi ang daming alam na kalokohan nauna na sila ni Papa matulog.
"Ang kulit talaga nang mama noh?"
"Hay nako sinabi mo pa hahaha"
"Ang saya siguro magkaroon nang mama na tulad nya
"Oo naman, Pero dapat hindi ka humihiling ng mga ganyan dahil si Tita Emman kahit pagbalibaliktarin mo man ang mundo mommy mo padin sya"
Natahimik sya bigla sa sinabi ko, Naiinis kasi ako sa mga taong ganyan mag-isip na akala mo sobrang laki ng kasalanan ng magulang nila para humiling sila na magkaroon ng ibang magulang.
"Happy New year Dex"
"Happy New den"
Medyo late na kami nagbatian pero okay lang yon ang importante masaya kami pareho sa pagpasok nag bagong taon. Bagong taon, Bagong buhay, Bagong Buhay at Bagong pag-asa.
"Dex anong gusto mo sa birthday mo?"
Nagulat ako sa tinanong nya, Dahil pano nya nalaman na malapit na ang Birthday ko? Sino nagsabi sa kanya eh wala naman akong sinabi sa kanya.
"Pano mo nalaman?"
"Syempre ako pa ba?"
"Pano nga kasi??? Sino nagsabi sayo??"
"Kiss mo muna ako para sabihin ko sayo"
Biglang nag-init yung mukha ko dahil sa sinabi nya, Ayan na naman sya sa mga hirit nya.
"Kiss mo mukha mo! Pano mo nga kasi nalaman?"
"Haha narinig ko kasi si Tita at si Tito na nag-uusap tapos naitanong ko na din at nalaman ko na Birthday mo pala yon"
"May pagka Chismoso kadin pala noh?"
"Bukod sakin, Ano pang gusto mong matanggap sa Birthday mo?"
"Hoy ang kapal mo! Anong bukod sayo!?. Isa lang naman ang gusto kong matanggap bukod sayo ay Este sa Birthday ko. Gusto ko lang makapunta sa Concert ni Ken Mendoza!!"
"Ken? Sino yon"
"Ano bayan dimo kilala yon di kaba active sa social Media? Sikat kaya sya"
"Eh bakit mo naman gusto pumunta sa Concert nya?" -Nathan
"Malamang Idol ko yon, Bukod sa myembro sya ng LGBT nakakainspire pa yung love story nya. Pero mukhang hindi rin naman ako makakapunta kasi wala akong pera pambili nang Ticket"
Hayyss yung feeling na gustong gusto mo pumunta sa concert ng idol mo kaso wala kang pera huhu. Mag-aabang nalang siguro ako sa social media.
"Bakit ano bang meron sa love story nya?"
"Hay nako Nathan, sobrang haba kapag kwinento ko sayo baka abutin tayo ng ilang buwan i search mo nalang"
Napakamot nalang sya sa ulo nya, Haha di sya maka relate kasi hindi naman nya Idol si Ken.
Pagkatapos naming magligpit ay pumunta na kami sa kwarto.
"Dex nagka boyfriend kana ba dati?"
"At bakit mo naman na tanong yan?"
"Basta sagutin muna kasi"
May pagka bossy talaga tong pinsan ko gusto agad agad sagutin.
"NBSB ako. Happy?"
"So kung sakali ako pala ang First Boyfriend mo?"
Kumuha ako ng isang unan at binato ko kay Nathan.
"Wala pa sa isip ko yung mga bagay nayan atsaka sinabi ko naman na sayo na mag pinsan nga tayo ang kulit mo talaga"
Bigla akong hinila ni Nathan at hiniga sa kama ko at pagkatapos ay pumatong sya sakin.
"Nathan anong ginagawa mo??? Baka makita tayo nila Papa yari ka talaga"
"Ano bang gingawa kapag New year"
Kumakain? Naghahand? Tanong ko sa isip ko.
"Malamang naghahanda, Ng cecelebrate ano paba? Bitawan muna kasi ako"
"Eh pano kung ayaw ko?"
"Sisigaw ako"
"Kapag sumigaw ka maririnig ka nila Tito at pagkatapos ay pupunta sila dito at madadatnan nila tayo sa ganitong pusisyon"
"Nathan dika ba naka inom ng gamot? Tinutopak kana naman. Bitawan muna kasi ako"
"Bibitawan lang kita kapag nagawa kuna yung gusto ko"
Bigla akong kinabahan sa sinabi nya para kasing naging wild sya bigla.
"Anong plano? Nathan umayas ka ahhh! Virgin pako! Gusto ko sa taong mapapangasawa kolang ibibigay ang katawan ko!" OA kong sabi sa kanya.
Pero di nya ako pinakinggan at nilapat nya yung labi nya sa Tenga ko at bigla syang tumawa.
"Hahahaha binibiro lang naman kita masyado kang seryoso"
Namula ako sa sinabi nya. Akala ko talaga totoo na aanuhin nya ako.
"Ewan ko sayo!" Tumalikod ako sa kanya dahil sa inis pero bigla nya akong niyakap.
"Naiinis kaba kasi biniro kita o baka naiinis ka kasi hindi ko tinuloy? Sabihin mo lang sakin pwede ko naman gawin tutal sabi mo Virgin kapa"
"Nathan!!! Ang manyak mo! Matulog kana nga!"
Humanda talaga sakin ang lalaki nato dahil gagantihan ko sya!
MARK'S POV
"Happy New Year Ma"
"Happy New Year din anak"
Tatlo lang din kami nagcecelebrate ng New Year ako, Si mama pati yung pinsan ko.
Masaya naman kahit tatlo lang kami ang importante naman kasi kompleto kami.
"Anak dapat niyaya mo dito si Sheena"
"Hindi po sya pwede ngayon eh, Meron din silang celebration gusto nya daw kasi kompleto sila"
"Ganon ba?, Nako magpicture na muna tayo para naman may ma ipost ako"
Haha si mama talaga lakas maka millenial, Pumayag na kaming dalawa nang pinsan ko dahil mukhang hindi naman sya papayag hanggat hindi kami nagpipicture.
"Ayan Perfect!" -Mama
Pagkatapos magpicture ay nagcellphone na muna sya sigurado ako na ipopost na naman nya yon sa Facebook nya.
Pagkatapos kong kumain ay Lumabas muna ako at tinawagan ko agad si Sheena para batiin ng HAPPY NEW YEAR, Sayang nga lang at hindi kami magkasama ngayon pero marami pa namang araw. Pagkatapos ko syang kausapin ay saktong narinig kong sumigaw si mama kaya agad akong bumalik sa loob, Nakita ko nalang si mama na nakaupo at nakahawak sa paa nya at namimilipit sa sakit.
"Ma ano pong nangyari?"
"Natapilok ako anak, Madulas kasi yung tsinelas na sinuot ko"
Sa di malamang dahilan ay bigla kong naalala si Dex.
....................FLASHBACK...........................
"Aray ko, Mamatay na ata ako"
"Patay agad ang lalayo naman nyan sa bituka"
"Eh sa masakit eh"
"Yan kasi dika kasi tumitingin sa dinadaanan mo, Tinitingnan mopa kasi yung gwapong lalako yan tuloy"
"Wow sinisi mopa talaga ako? Salamat sa Concern ha nakakatulong ka grabe"
"Hahaha Joke lang ito naman galit agad"
"Mama ang sakit anong gagawin ko dito, Baka hindi ako makaabot ng New Year mapagalitan ako ni Mama"
Naaawa na natatawa ako kay Dex kasi yung istura nya parang ginahasa haha, Stress talaga sya haha.
Galing kasi kami sa Birthday ng Classmate masaya naman kami kaya nga lang natapilok tong si Dex.
"Halika ka bubuhatin nalang kita"
"Ano bubuhatin mo ako?"
"Oo bakit ayaw mo?, Sige ikaw den baka dito kana abutan ng New Year"
"Ah!! Kainis ka naman eh! May sinabi ba akong ayaw ko?"
Binuhat kona si Dex para makauwe na kami tutal malapit lang din naman yung sakayan dito.
"Dex ang bigat mo naman"
"Alam ko, Paulit ulit talaga? Bilisan mo na kaya maglakad para makauwe na tayo"
"Pano ko bibilisan eh ang bigat mo"
Nagulat nalang ako nang bigla nya akong hinampas sa balikat.
"Aray" Daing ko sa kanya.
"Lakas mo kasi mang asar eh, Nasasaktan na nga yung tao aasarin mopa"
Haha ganyan si Dex sa totoo lang saming dalawa sya talaga ang malakas mang-asar at sya din ang pinaka mabilis mapikon.
Binuhat ko si Dex hanggang sa sakayan pero aray padin sya ng araw, Hindi ko alam kung bakit pero imbis na maawa ako sa kanya ay natutuwa pa ako lalo na kapag may mga sumasakay nasasanggi yung paa nya napapangiwi na lang sya sa sakit. haha ganito talaga ang tunay na kaibigan tatawanan kapa kapag napahamak ka.
Hindi ko pa sya hanggang sa kanila para lang masigurado na maayos syang makauwe nagpaalam na din ako agad para makaabot ba sa New Year.
...............END OF FLASHBACK................
Inalalayan ko si Mama na makaupo at kumuha agad ako ng Yelo at inilagay yon sa na mamaga nyang paa.
Wala talaga akong alam pagdating sa mga ganito pero sabi nila wag daw galawin baka lalong mamaga.
Hinatid ko muna si mama sa kwarto nya at nang okay na sya ay Tinawagan ko agad si Dex para batiin ng Happy New Year.
"Hello Mark bakit ka napatawag?"
Mabuti nalang sinagot nya agad nito kasi nagdaang araw ay ayaw nyang sagutin at ayaw nya akong kausapin.
'Gusto lang sana kitang Batiin ng Happy New Year'
'Salamat, Happy New Year Den'
'Natutulog kana ba? Halata kasi sa Boses mo'
'Oo eh, Nagising lang ako kasi tumawag ka'
'Ganon ba? Sige i end kona pasensya na, Tulog kana lang ulit'
'Okay, Bye'
I end kona sana yung call pero nauna na si Dex na mag end.
Masama padin kaya ang loob nya sakin? Hayss sana dumating tamang panahon na maging okay din kami at maibalik pa yung dating pagkakaibigan namin.
Sana din talaga makahanap na sya ng taong magmamahal sa kanya, Yung taong hindi sya sasaktan. Hindi katulad ko.
SOMEONE'S POV
"Nakahanda napo ang mga gamit nyo"
"Talaga po?"
"Yes po mam at makakabalik napo kayo sa Pilipinas"
Yes! Kay tagal kong hinintay na mangyari to, Sa wakas mababalikan kona din yung taong mahal ko sana lang talaga pagbalik ko ay magkaayos na kami.
# CHAPTER 40 "Irish Zapanta"
DEX'S POV
Sabi nila bagong taon, BAGONG BUHAY. Kaya ang New year's Resolution ko ay This Time hindi na ako magiging Marupok, Tama na siguro yung ilang taon kong pagiging tanga at mahina siguro panahon nadin para maging bagong ako Hindi naman sa sinasabi ko na magbabago ako para ipamukha sa kanila na ako pala yung sinayang nila. Gagawin ko to dahil ito ang gusto ko at ito ang Tama.
Ilang araw pagkatapos nang New year ay bumalik na kami ni Nathan sa kanila, Hindi muna kami pumasok dahil sigurado naman na wala pa kaming gagawin. Hindi naman sa tama ako pero parang ganon nan nga haha.
Isang umaga habang tumutulong ako kala manang na maglinis ay naisip ko na linisan yung kwarto ni Nathan dahil baka nakatira na don si Spiderman.
Ayaw kasi ng mga katulong na bastbasta nalang pumasok dahil baka mabugahan sila ng apoy, Ako naman tuloy tuloy lang subukan nya ako bugahan nang apoy diko sya uurungan haha.
Hindi naka lock yung pinto ni Nathan kaya dirediretso akong pumasok kahit kailan talaga napaka burara nitong lalaki nato, Yung kama nya ang gulo akala mo may nag-away na aso't pusa tapos yung mga damit nya nandon pa ang ang nakakadiri pa pati yung underwear nya nandon tssk kurot talaga sya sakin kapag nakita ko sya.
Habang nagwawalis walis ako ay may napinsan akong isang picture frame malapit lang din sa higaan nya kaya lumapit ako at kinuha parang ngayon kulang nakita to, or sadyang diko lang napansin.
Si Nathan yung nasa picture at may kasama syang babae. Sino naman kaya itong babae? Ate nya? Nagulat nalang ako nang biglang may humablot ng picture.
"Anong ginagawa mo dito?"
Pagharap ko kay Nathan ay napatakip na naman ako ng mata pero may butas konti haha pano kasi naka tapis lang sya, Nakakainis bakit ba kapag pumapasok ako dito sa kwarto nya ay lagi syang naka ganyan? sinasadya nya ba yon?
"Ah eh Naglilinis kasi ako"
"Sino nagsabi sayo na maglinis ka dito?"
"Ako lang, Bakit?"
"Next time magpapaalam ka muna sakin, Hindi yung basta basta ka nalang pumapasok sa kwarto nang iba tapos mangingi alam kapa ng gamit"
"Sungit mo naman! Bagong taon tapos ganyan ka? Bakit sino ba yang nasa Picture?"
"That's none of your business"
Gusto ko pa sana magtanong sa kanya pero tinulak na nya ako palabas. Kita nyo na? May topak talaga yung lalaking yon noong nakaraang araw lang ang bait bait sakin tapos ngayon sinusungitan ako?.
Sino ba kasi yung kasama nya sa picture? Bakit parang ayaw nya pag-usapan? Hayss bahala na nga sya maglilinis nalang ako para may magawa pa ako.
Dahil sa natapos na ako maglinis ay naupo muna ako para makapagpahinga tatlo lang naman kasi sila pero ang laki ng bahay tapos puro pa busy sa kani kanilang mga businesses, Mabuti nalang may Wifi sila dito kaya hindi masyado boring haha.
Habang nanonood ako ng paborito kong video ay may narinig ako sa taas na parang sumisigaw, Napatayo agad ako at pinuntahan yung pinanggalingan ng boses.
Pagdating ko don si Nathan nagagalit at pinapagalitan nya yung isa sa mga kasambahay nila na si ate Erna.
Lumapit agad ako kay Ate Erna dahil nakita kong umiiyak na sya.
"Sir sorry po hindi ko naman po sinasadya" -Ate Erna
"Ilang beses kobang sasabihin sa inyo na wag kayong papasok sa kwarto ko na walang paalam"
"Sir sorry po, Ibawas nyo nalang po sa sweldo ko yung nasira ko"
"Nathan kung makipag usap ka naman parang kaedad molang yung kinakausap mo"
Hindi ko na napigilan ang hindi makialam, Alam kong masungit at topakin tong si Nathan pero hindi ko akalain na kaya nyang manigaw nang mas matanda sa kanya.
"Sir Dex, Wag na po kayo makialam. Kasalanan ko naman po kasi"
"Kahit pa Ate Erna hindi padin tama yon, Bakit ano po ba yung nasira nyo?"
"Pinakuha kasi sakin ni Manang yung mga labahin ni Sir Nathan tapos aksidente kong nahulog yung picture frame tapos nabasag"
"Picture Frame?"
Tumango lang si Ate Erna sakin, Nang dahil lang sa picture Frame nagalit sya nang ganon? Anong klaseng dahilan yon? Ang Picture Frame napapalitan pero ang moral nang isang tao hindi na. Humarap ako kay Nathan at sinamaan ko sya nang tingin, Oo aaminin ko sumasagot ako sa mga magulang ko pero para sigawan ang mas matanda sakin ng dahil lang sa isang Picture Frame? Ayon ata ang hindi ko magagawa.
"Nathan, Picture Frame lang yon. Mapapalitan payon"
"Wala kang alam" -Nathan
"Edi sabihin mo sakin kung bakit ka nagagalit nang ganyan, Pwede naman pagusapan yan nang maayos hindi yong magagalit ka ng ganyan"
"Tssk"
Pumasok si Nathan sa kwarto nya at sinaraduhan kami, Inalalayan ko naman si Ate Erna pababa at binigyan sya ng malamig na tubig.
"Dex salamat ha"
"Nako wala po yon"
"Pero sana hindi kana nakialam, Kayo pa tuloy nagaway magpinsan"
"Wag nyo na po intindihin yon ako bahala don"
Hindi talaga ako natuwa sa naging attitude ni Nathan, Dahil lang sa Picture Frame magkakaganon sya? Bakit saan ba gawa yon, Sa Ginto? Grrr gigil nya si ako!!
Nakalimutan na naman nya siguro uminom nang gamot kaya nagkakaganon sya.
NATHAN'S POV
Nakakainis, Sinabi ko na nga sa kanila na wag silang papasok sa kwarto ko nang hindi ko sinasabi. Tiningnan ko yung Frame na nabasag at tinapon nalang sa basurahan.
Pasukan na naman parang kailan lang nagcecelebrate pa kami ng Christmas at New Year tapos pasukan na naman.
Pagdating ko sa kusina para magalmusal ay wala si Dex don, Tssk tulog pa siguro yon. Hindi ba nya alam na may pasok kami ngayon?
"Manang Pagising naman si Dex"
"Nako Nathan, Kaalis lang ni Dex"
"Ano?! Bakit hindi yon nagsabi sakin?"
"Hindi ko alam don, Basta ang sabi nya sakin kanina aalis na sya dahil magcocommute pa sya. Pero kung hahabulin baka maabutan mopa"
"Sige po manang"
Kainis naman yon oh! Ano bang problema nya bakit hindi sya nagsabi sakin? Hindi na ako nag almusal at tinawag kona si Kuya Alex para magpahatid. Naabutan namin si Dex na naglalakad palabas nang subdivision.
"Kuya Alex businahan nyo po nang malakas"
"Seryoso po sir?"
"Oo kuya"
Binusinahan ni kuya Alex at natawa ako kasi kita ko ang labis na gulat sa mukha ni Dex. Binuksan ko ang bintana nang sasakyan at sinabayan namin sya sa paglalakad.
"Anong problema mo?"
"Wala"
"Anong wala?, Sasakay kaba o bubuhatin kita papasok dito?"
"Magcocommute ako, Mauna na kayo"
Tssk kung topakin ako mas malakas ang topak nito, Pinahinto ko kay Kuya alex yung sasakyan at bumaba ako nilapitan ko si Dex at binuhat.
"Ano ba ibaba mo ako!"
"Pwede ba wag kanang maginarte, Gustong gusto mo din naman na binubuhat kita"
Pinasok ko si Dex sa loob nang sasakyan at pinaandar kona kay kuya alex bago pa makaangal tong si Dex.
Habang nasa byahe kami ay tahimik lang si Dex at hindi maipinta ang mukha, Tssk ano bang problema nya? Meron ba sya ngayon at nagkakaganyan sya?
Kinuha ko yung phone ko at nagchat ako sa kanya.
'Ano bang problema mo?'
Hindi sya nagreply sakin, Pero na seen nya.
'Tssk, Ano bang problema mo?'
'Wala nga akong problema'
'Eh bakit ayaw mong sumabay sakin?'
'Naiinis kasi ako sayo'
'Bakit ka naiinis sakin, Dahil ba sa nangyari kahapon?'
'Oo!'
'Yun ba? Sorry na'
'Wag kang magsorry sakin, Dun ka kay ate Erna mag sorry'
'Sige magsorry ako mamaya kapag uwe ko'
Naglike lang sya sakin. Hanggang sa makarating kami sa school ay hindi nya padin ako pinapansin, Nauna syang bumaba at naglakad palayo.
Hayss kailangan kona talaga magsorry kay Ate Erna para hindi nagagalit si Dex.
DEX'S POV
Hindi naman ako galit kay Nathan naiinis lang, Habang naglalakad ako papunta sa classroom ko ay may napansin ako sa Quadrangle na nagkukumpulan na mga estudyante ewan koba pero parang may humila sakin papunta don.
"Dex!!!"
Napalingon ako nang marinig ko ang boses ni Dan, Tumakbo sya palapit sakin.
"Dex Happy New Year"
"Happy New Year den"
"Saan ka pupunta?"
"Sisilipin kolang kung bakit nagkakagulo yung nga estudyante"
Hinila kona papunta don si Dan, Merong nakatayong babae don na maganda at parang may binabasa sa announcement board.
"Sino yon?"
"Hindi ko alam eh, Pero ang ganda nya ha. Bago siguro sya dito"
Minsan lang ako maka appreciate nang magandang babae haha, Kaya naman pala nagkukumpulan itong mga lalaki nato. Pero parang nakita kona itong babae nato hindi ko lang maalala kung saan, Basta nakita kona sya.
"Wag kayong magpapalinlang sa ganda nyan"
Napalingon ako nang may magsalita sa likuran namin, Si Jasmine lang pala yung Ex ni Nathan na muntik konang makaaway pero nagkabati din naman kami.
"Anong ibig mong sabihin Jasmine?"
"Kung ano ang kinaganda ng mukha nya, Sya namang kinapangit at kinapeke nang paguugali nya"
Napalingon ulit ako sa babae, Seryoso kaya si Jasmine sa sinabi nya? Ganyang itsura masama ang ugali?
"Mukhang hindi naman, Wag mo muna syang i judge hindi pa naman natin sya nakikilala"
"Kayo hindi pa, Pero ako kilala lang kilala ko sya"
"Talaga?"
"Oo, Sya si Irish Zapanta ang Ex girlfriend ni Nathan"
We???!! Gusto kong isagaw yung salitang we??!! Pero hindi ko magawa.
"Diba ikaw yung ex ni Nathan?" Takang tanong ko
"Oo Ex nya ako, Pero mas nauna si Irish. Sya yung one great love ni Nathan, Kumbaga ako panakip butas lang nung nawala sa eksena si Irish." -Jasmine
Tama! Naalala kona! Yung kasama ni Nathan sa Picture sya yon!!! So ibig sabihin ayon ang ex nya.
"Pero paano mo naman nasabing masama ang ugali nya?"
"Mahabang kwento kung sasabihin kopa sayo, Basta lumayo ka sa kanya. Sigurado ako na ikaw ang tatargeten nya lalo na't malapit ka kay Nathan"
Pagkatapos non ay umalis na sya, Huhu kinabahan ako don ha. Mukhang nagsasabi ng totoo si Jasmine pero ayaw ko naman basta basta mag judge nang isang tao lalo pa't hindi kopa nakikilala.
"Dex tara na baka malate pa tayo" aya ni Dan
"Ay oo nga tara na"
Habang naglalakad ako ay hindi paden maalis sa isip ko si Irish, Sya pala ang One Great Love ni Nathan. Hindi ko alam kung bakit pero parang nanghina ako bigla.
"Dex ayos kalang ba?"
"Ah eh oo"
"Wag monang isipin yung sinabi ni Jasmine, Akong bahala sayo hindi ka mapapahamak hanggat kasama mo ako"
"Haha sabi mo yan ha?"
"Oo ako bahala sayo, Sya nga pala ito pala yung regalo ko sayo"
May inabot sya sakin at agad ko naman binuksan, Alam nyo sakto yung hula ko hahaha pwede na akong maging jewelry store dahil bracelet ang niregalo sakin ni Dan.
"Salamat dito"
Sabay kaming umakyat ni Dan, Pero kahit anong gawin ko hindi padin mawala sa isipin ko si Irish. Sya nga talaga kaya ang One Great Love ni Nathan? Bakit hindi sinabi sakin ni Nathan?
# CHAPTER 41
DEX'S POV
"UI Dex bakit nakatulala ka dyan? Iniisip mo padin ba yung sinabi sayo ni Jasmine?"
"Ha? Hindi na, Medyo na nibago lang ako. Medyo na pasarap kasi yung naging Bakasyon ko"
Nagsinungaling ako kay Dan, Iniisip ko talaga yung tungkol kay Irish.
Kung sya yung One Great Love ni Nathan, Bakit sila nagkahiwalay?
Naiinis ako kay Nathan kasi hindi nya man lang sinabi sakin.
Pagtingin ko don sa pwesto nila Nathan ay ang sama nang tingin nya sakin, Hindi ko alam kung bakit wala naman akong ginagawang masama. Ako nga dapat ang sumama nang tingin saming dalawa dahil sa ginawa nya kay ate Erna tssk. Biglang tumunog yung phone ko may nag message pagtingin ko si Nathan lang pala.
'
Sa harapan ko pa talaga kayo nagde date ha?
'
Date?! Anong Date ang pinagsasasabi nitong lalaki nito? Sinong ka date ko si Dan? ha ha nababaliw na talaga sya.
'Date agad? Di ba pwedeng sabay lang mag recess' Reply ko sa kanya.
'Tssk, Dapat ako lang ang lagi mong kasamang lalaki'
'Wow? Boss kita? Pati ba naman
pakikipagkaibigan
bawal?
Tinalo
mopa ang future boyfriend ko ahhh'
'Oo. At ako
ang
future boyfriend mo'
Hindi kona sya nireplyan dahil alam ko naman papansin lang yan eh, Pabebe akala naman nya aamuhin ko sya neknek nya!.
"Sino yang ka text mo?"
"Ah eh si Mama, Nangangamusta lang"
"Ah, Dex may gagawin ka ba mamaya?"
"Ako? Wala naman bakit?"
"Ano kasi, Yayain sana kita na manuod nang short film na ginawa ng secrtion namin"
"Sige ba"
Hindi na ako humindi dahil nakakarami na kong pagtanggi kay Dan kahit man lang dito ay makabawi ako.
Habang kumakain kami ay napadaan sa amin si Irish at may kasama syang dalawang babae, Sinundan kolang sya nang tingin at pumunta sya kung saan naka pwesto sila Nathan.
Nagulat ako kasi biglang hinalikan ni Irish si Nathan sa pisngi, Si Nathan naman napatingin sa direksyon ko.
Sa hindi malamang dahilan ay parang nawalan ako nang gana, Niyaya kona lang si Dan na umalis na mabuti nalang patapos nadin kami.
Sigurado ako masaya ngayon si Nathan dahil bumalik na yung One Great love nya.
NATHAN'S POV
"What do you think you're doing?"
Hindi ko akalain makalipas ang dalawang taon ay makikita ko ulit si Irish. Pagkahalik sakin ni Irish ay sya namang pag-alis ni Dex gusto kopa sanang magpaliwanag kaya lang nakaalis na sya.
"Ganyan mo ba sasalubingin ang Girlfriend mo?"
"You are not my Girlfriend"
"Nathan? Hanggang ngayon ba naman?"
"Irish tapos na tayo, Sa loob nang dalawang taon maraming nagbago. Simula nang umalis ka tapos nadin tayo"
"But i still love you"
"Sorry Irish, I already loved someone. Someone that is better than you"
Pagkatapos kong sabihin yon ay nilayasan kona sila Pero hinabol pa ako ni Irish at hinawakan ako sa kamay.
"Nathan please mag-usap naman tayo"
"Wala na tayong dapat pag-usapan matagal na tayong tapos, Just Accept it"
Inalis ko yung kamay nya sa pagkakahawak sakin, Ayoko naman maging bastos sa isang babae pero hindi kolang talaga kayang matagalan si Irish.
Kung ano mang meron samin ni Irish matagal nayong tapos, Simula nang umalis sya inalis kona din sya sa buhay ko lalong lalo na sa puso. Dumating na si Jasmine kahit hindi naging maayos ang relasyon namin masasabi kong naging masaya ako, At ngayon si Dex na ang bagong mahal ko.
....................FLASHBACK........................
"Bakit hindi mo sinabi saking aalis ka?"
"Kaya hindi ko sinabi sayo dahil alam kong hindi ka naman papayag"
"Alam mo naman pala eh, Pero bakit ginawa mo padin? Bakit aalis kapa?"
"Nathan alam mong matagal konang pangarap na pumanta sa Paris, France. Para sa pangarap ko maging isang sikat na Fashion designer"
"Hindi ba pwedeng dito ka nalang? Sabay nating gagawin ang mga pangarap mo"
"Nathan wag na nating gawing komplikado to. Alam mong Walang mangyayari sakin kung dito ako masstay"
"Kung mahal mo ako mag sstay ka pero kung hindi sige hahayaan kita na umalis"
"Sorry"
Bumitiw si Irish sa pagkakapit ko. Duon palang alam kona na mas mahal nya ang pangarap nya kesa sakin. Mahal na mahal ko si Irish pero wala eh tinapos na nya ang lahat samin para sa pangarap nya.
Ilang buwan din ako nalungkot sa pag-alis ni Irish pero narealize ko na walang mangyayari sa buhay ko kung patuloy kong iisipin si Irish hanggang sa nakilala ko si Jasmine, Minahal ko din sya kaya ngalang may nagawa sya na hindi dapat
...............END OF FLASHBACK.................
Pinuntahan ko agad si Dex sa room nya, Gusto ko mag sorry sa kanya dahil sa mga nakita nya. Kahit hindi sabihin sakin ni Dex ramdam ko nasaktan sya, Naiinis ako sa sarili ko dahil nagagalit ako dahil kasama nya si Dan pero ako hinalikan pa nang Ex ko.
DEX'S POV
Hayyss nakakatamad naman, Ano kayang ginagawa ni Nathan at Irish? Siguro ang sweet na nila ngayon.
"Dex may naghahanap sayo sa labas"
sabi sakin ng isa sa classmate ko, Nakakatunganga kasi ako sa room habang malalim ang iniisip.
"Ha sino daw?"
"Hindi ko kilala eh, Lalaki sya at ang gwapo ha?"
Ang harot! Sino naman kaya yon? Siguro si Dan, Tumayo agad ako para puntahan si Dan pero paglabas ko ay si Nathan ang nakita ko.
Lumapit agad si Nathan sakin at niyakap ako na mahigpit, Hindi na ako nakagalaw at nakapagsalita dahil hindi ko inexpect na gagawin to ni Nathan.
"Dex sorry"
Ha? Bakit sya nagsosorry sakin? Wala naman syang ginawa sakin. Tssk siguro may ginawa na naman tong kalokohan o di kaya pinagtitripan na naman ako.
"Dex sorry, Yung nakita mo kanina. Wag mong Isipin yon. Matagal na kaming tapos ng babaeng yon"
Bumitaw si Nathan sa pagkakayakap sakin at hinarap ako.
"Nathan hindi mo kailangan mag sorry, Wala naman akong magagawa kung sino ang mga taong nakapaligid sayo"
"Pero sinabi ko sayo na mahal kita"
Hinila ko si Nathan papunta sa wala masyadong mga estudyante baka kasi may makarinig samin.
"Nathan uulitin ko, Hindi mo kailangan magsorry. Yung kanina na paghalik sayo ni Irish? Wala yon sakin."
"Kilala mo si Irish?"
"Oo, Sinabi sakin ni Jasmine na sya ang ex Girlfriend mo"
"She was my past, But you are my Present and definitely my Future"
Niyakap ulit ako nang mahigpit ni Nathan, Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa mga sinabi nya Hanggang ngayon kasi hindi padin ako sigurado sa kung anong nararamdaman ko para kay Nathan.
"Nathan baka may makakita satin dito"
"So what?"
"Ano kaba, Ano na lang iisipin nang makakakita satin? Na yung pinsan ko nilalandi ko?"
"Sorry Dex"
Hinatid nako ni Nathan sa room ko at umalis nadin sya. Dapat ngayong 2019 relax na ako eh iwas stress muna pero bakit ganon? Gulong gulo na naman ako?
Sinundo ako ni Dan sa room ko dahil nga sa inimbitahan nya ako na manuod nang short film nila, Nagtext nalang ako kay Nathan na hindi ako makakasabay sa kanya pauwe.
IRISH POV
"OMG girl, Mukhang wala nang feelings sayo si Nathan"
"Shut up Bea, Hindi ka nakakatulong"
"Tama si Bea Irish mukhang wala na talagang feeling sayo si Nathan"
Isa patong si Venus, Ang sarap nilang pag untugin imbis na tulungan ako kung paano ang gagawin ko para maging okay kami ni Nathan.
"Alam nyong dalawa kayo? Kasalanan nyo to eh"
"Pano naman namin naging kasalanan?"
"Kung binantayan nyo sana si Nathan habang wala ako edi sana okay kami ngayon"
"Anong tingin mo samin mga guards? Para araw araw bantayan yang Ex mo? Atsaka hello? Two years ka kayang nawala mabuti nga at pinayagan ka mag online class kaya kahit wala ka ay kabatch kapadin namin"
"Pero kilala nyo ba kung sino yung tinutukoy ni Nathan kanina?"
"Hindi namin kilala, kasi bukod kay Jasmine wala na kaming nabalitaan na naging girlfriend nya"
"What?! Jasmine? The Nerdy Girl?" Gulat na tanong ko.
"Correction, Hindi na sya Nerd ngayon ang ganda ganda na kaya nya"
"Whatever! once a panget always a panget"
Jasmine? Naalala ko yung babae nayon, Isa yon sa mga makukulit at patay na patay kay Nathan. Hindi ko akalain na habang wala ako ay inaahas na nya pala ang Boyfriend ko.
Parang dati sunod sunuran lang sya samin, Let see kung anong pinagbago nya sa loob nang 2 years na wala ako.
Pero kung sino man yung lumalandi kay Nathan ngayon, Humanda sya sakin. Hindi ba nya alam na may nagmamay ari na kay Nathan? Wag lang talaga mag krus ang mga landas namin dahil ipapakita ko sa kanya kung sino ang inagawan nya.
"Ikaw kasi Girl eh paalis alis kapa yan tuloy hahabol habol ka ngayon" pang aasar ni Bea
"Trueeee" sagot naman ni Venus
"Kapag hindi kayo tumigil dalawa kayo ang ihahagis ko papuntang Paris"
Natahimik naman sila, Tssk ang dadaldal hindi ako makapag isip. Bakit ba sa dinami dami nang pwedeng maging alalay eh mga boba pa.
JASMINE'S POV
Hindi ako mapakali ngayon lalo na't alam kong nagbalik na si Irish. Hindi ko makakalimutan ang mga ginawa nya sakin dati.
Pinahiya nya ako at siniraan sa harap ng maraming estudyante, Pina mukha nya sakin na pangit ako at wala akong lugar para sa school nato. Pero hindi na ngayon ibang iba nako, Binago ko ang sarili ko para kapag nagkita kami ulit ipapamukha ko sa kanya na ako ang dating pangit na binu bully nya.
"Oopss sorry"
Nagulat nalang ako nang may bumuhos na malamig na tubig sakin, Pagtingin ko sina Irish at ang dalawa nyang alepores at nakangiti pa sila.
"Sorry ha? Nadulas kasi yung baso sa kamay ko"
Tssk ang plastic nya, Kahit anong gawin nyang pag ngiti nakikita padin ang sungay nya.
Kinuha ko yung Minudo na kinakain ko at binuhos sa kanya, Halatang nagulat sya sa ginawa ko.
"Ooppss sorry din, Nadulas lang" nakangiting sabi ko
"You bitch!" Sigaw nya na parang lalabas na yung sungay nya sa sobrang galit.
"Sinasabihan mo ba ang sarili mo?"
"Look what you've done!" Inis na sabi ni Irish
"Sorry na nga diba? Nadulas lang"
Sasampalin sana ako ni Irish pero sinalag ko yon, Natuto nako sa mga pinagdaanan ko sa kanya.
"Kahit gumanda kapa, Ikaw parin yung dating nerd na pangit! At mahina" dagdag pa nya.
"Oo nerd ako dati pero nag bago nako at hindi na ako yung dati lang n inaapi api mo. Eh ikaw? Kung anong kinasama mo dati sya pading kinasama mo ngayon"
"Matapang kana sa lagay nayan? Akala mo ba hindi ko alam na naging kayo ni Nathan? Gumanda ka nga pero hindi padin nabago ang pagiging ugaling aso mo. Galing na nga sa iba kinuha mo pa"
Dahil hindi ko nagustuhan ang sinabi nya ay masasampal ko sana sya pero nasalag nya din, At itinulak nya ako nang malakas.
"Gumanda ka lang, Pero hindi padin mababago ang katotohanan na mahina ka! hahaha"
Iniwan nila akong tatlo, Grr nakakainis! Sa susunod na magkita kami ni Irish hindi na ako papayag na masaktan pa nya ako ulit.
# CHAPTER 42
DEX'S POV
Magkasama naming pinanood ni Dan yung Short Film na ginawa nang section nila Dan basta short love story lang yon tapos yung character ni Dan sya yung leading man at tawang tawa ako kapag yung eksena na ni Dan yung pinapanood namin wala lang nakakakilig kasi Tapos sya namumula na haha nahihiya siguro sya sakin (Sakin talaga haha #assuming) , Kahit sa Camera ang gwapo padin nya. Asan ang hustisya? Kapag Gwapo kahit saan gwapo talaga, Pero kami? Kailangan pang i edit at Walang kamatayan na Filter para lang umayos ang mukha.
"Haha nakakatawa yung mga eksena mo noh?"
"Anong nakakatawa don? hindi naman yon Comedy
"Wala lang, Hindi ko kasi akalain na magaling kadin pala umarte try mo kaya mag artista Tutal gwapo ka naman (Oooopppssss) I mean maayos ka naman tingnan"
"Ayoko mahirap pumasok sa mga ganon"
Howooooo! Muntik na ako don huhu pashnea talaga tong bibig ko minsan may pagka maharot din.
"Haha tama ka, Pero kapag nag artista ka ako unang magiging fan mo!"
"Talaga? Pero Dex salamat sa pagpunta ha"
"Ano kaba, Wala yon haha basta ikaw"
Magkasabay kaming lumabas ni Dan at nagulat ako pagdating pagkalabas namin nandon si Nathan sa labas nang sasakyan nya.
"Let's go home"
"Diba nag text na ako sayo? Akala ko umuwe kana"
"Nandito pa ako diba? So hindi pa ako umuwe"
Aba namilosopo pa ang loko! Nakakatawa yung joke nya grabe dami kong tawa mga tatlo Ha ha ha.
"Dan, Mauna na ako ha? meron kasing asungot dito eh"
"Grabe naman sayo yung pinsan mo over protective"
"Haha ganon lang talaga yon, Hayaan mo na lang"
"Haha sige, Bukas nalang ulit" -Dan
"Bye Dan bukas nalang u-----"
Hindi kona natapos ang sasabihin ko dahil hinila na ako ni Nathan.
"Tama nayan, Umuwe na tayo"
"Oo na, Nag babye pa nga ako eh"
Sumakay na kami ni Nathan sa loob nang sasakyan at hindi kami nagpapansinan. Pano kasi naguusap pa nga kami ni Dan eh tapos hinila na nya ako agad Hindi tuloy ako nakayakap! Haha Char!
"Wala kabang sasabihin sakin?"
"Ano bang dapat sabihin ko sayo?"
"Di kaba magsosorry?"
"Ha? Bakit naman ako magsosorry sayo May ginawa ba ako sayong masama?"
"Tssk Never mind"
Edi never mind, Bakit naman ako magsosorry sa kanya eh wala naman akong ginawang kasalanan sa kanya.
IRISH POV
"Alam mo Irish, Nawala ka man nang matagal dito sa school natin pero ikaw padin ang nag iisang Queen" proud na Sabi ni Bea
"Syempre naman walang makakapantay sakin, kung meron sisiguraduhin ko mawawalan sya ng lugar sa school nato at yung Jasmine nayon kayang kaya ko sya patalsikin dito"
"Ay grabe sya, Ang bad mo talaga" sabat ni Venus
"Oo bad talaga ako, Gusto mo i try?"
"Haha joke lang"
"Eh pano yan? Mukhang may bagong nagugustuhan si Nathan ngayon at Better than you daw" ani ni Bea
"Shut Up! Alam kong mahal pa ako ni Nathan, Siguro Gusto nya lang nasuyuhin ko sya"
Habang naglalakad kami palabas ng mga alipores kong boba ay may napansin si Bea.
"Speaking of Nathan, Ayun sya oh"
Tinuro ni Bea ang direksyon kung nasaan si Nathan at nakita ko sya na may kausap na dalawang lalaki, At yung isa hinawakan nya sa kamay at hinila papasok nang sasakyan. Sino kaya yon? Kabarkada nya? Pero bakit ganon makakapit ng kamay si Nathan.
"OMG! GirlS!" Tili ni Venus
"Oh bakit anong problema?" Iritang tanong ni Bea
"Ang gwapo nung isang lalaki yung nakatayo"
Yung tinutukoy ni Venus ay yung lalaking naiwan na nakatayo. Si Bea naman binatukan si Venus.
"Akala ko naman kung napano kana"
"Kayong dalawa kilala nyo ba yong hinila ni Nathan papasok sa sasakyan nya?"
"Amm Hindi naman sya kilala pero alam ko Pinsan nya yon"
"Pinsan?"
"Oo, Bago lang din yon dito. Bakit may problema ba?"
"Wala naman, Lets go na"
I need to know who is that guy, Parang may mali kasi hindi maganda ang kutob ko sa pinsan nayon.
Pero kung ano man yon isa lang ang goal ko ang magkabalikan kami ni Nathan alam ko kahit hindi nya sabihin mahal padin nya ako dahil ayon ang nararamdaman.
Kaya kolang naman sya iniwan para matupad ang mga pangarap ko at ngayon nakabalik na ako sabay na namin tutuparin ang mga pangarap namin nang sabay at magkasama.
DEX'S POV
Pagdating namin sa bahay ay nakasalubong namin si Ate Erna hinawakan ko agad sa braso si Nathan para hindi sya makaalis.
"Ate Erna may sasabihin po si Nathan sa inyo"
"Ako may sasabihin?"
"May ipaguutos po ba kayo sir?"
Pinandilatan ko nang mata si Nathan, Alam naman nya siguro yong gusto kong sabihin.
"A-Ate Erna So-Sorry"
"Ano bayang sorry nayan parang napipilitan lang"
Tumingin sakin si Nathan pero Kinurot ko sya sa may tagiliran, Subukan nya lang hindi ayusin yung pagsosorry nya yari sya sakin.
"Ate Erna sorry po dahil nasigawan ko kayo"
"Nako sir wala po yon, Kasalanan ko naman din po kasi pumasok ako nang walang paalam"
"It's okay Ate Erna, Sa susunod po magsasabi nalang ako sa inyo kung magpapalinis o may ipapakuha ako"
Tumango lang si Ate Erna at umakyat na kami ni Nathan sa taas.
"Dex?"
"Bakit may kailangan ka?"
Bigla akong hinila ni Nathan papasok sa kwarto nya.
OMG! Anong gagawin nya sakin??????? Bumilis bigla yung tibok nang puso ko, Pagpasok namin sa kwarto niya ay dinala nya ako sa drawer malapit sa kama nya at pinakita nya sakin yung picture na nakalagay. Pero hindi nayon yung picture nila ni Irish, Picture na naming dalawa.
"Irish is my past and your my present"
"Nathan baka may makakita nyan dito"
"So what? Iisipin lang nila na super close tayo at we love each other as a cousin"
Hinayaan ko nalang si Nathan tutal may point naman sya, Magkatabi lang naman kami sa picture iisipin nalang nang makakakita na close kaming dalawa.
Bumalik ako sa kwarto at humiga, Gulong gulo na ako sa nararamdaman ko para kay Nathan. Hindi ko alam kung ano ang reaksyon na dapat kong gawin Na dapat ba akong matuwa kasi Mahal nya ako o dapat bang hindi kasi Mali to dahil magpinsan kami.
Akala ko wala nang mas hihirap pa kapag na inlove ka sa Bestfriend mo pero mukhang mas mahirap to dahil sarili mo pang pinsan ang umamin sayo na gusto ka nya.
Napatingin tuloy ako sa singsing na binigay nya At kinausap yon (Diba mukha akong tanga) Nathan? Bakit ba ang gulo mo, Pinsan mo ako tapos mahal mo ako? Bakla ako tapos mahal mo ako? Ang daya mo naman eh.
Tapos nasulyapan ko naman yung bracelet na binigay sakin ni Dan Kinausap ko din haha (Wala kasi akong kausap)
Daniel/Dan? Alam mo super crush kita! Kaya nga sobrang kilig ko kapag nakikita kita lalo na kapag nakakasama kita. Pero alam ko naman na hanggang magkaibigan lang din naman tayo eh. Pero sana wag mo nalang ako masyadong pakiligin baka kasi kapag nafall ako hindi mo naman ako kayang saluhin.
At ang pinakahuli ay ang kwintas na binigay sakin ni Mark (Ang yaman kona puro ako alahas haha)
Mark? Pano naman kita makakalimutan nyan kung binigyan mo ako nito? Pano kita makakalinutan kung araw araw may nagpapaalala sakin na naging bahagi ka nang buhay ko.
Ahhhhhh!!!!!! Oo dati hiniling ko at todo hiling ako na sana magka LOVELIFE na ako pero hindi ko akalain na ganito ang ibibigay sakin ni LORD Hoooowoooooo!!! Minsan tuloy hindi mawala sa isip ko at lagi kong naitatanong. Maganda ba ako? (Oo sabi nang nanay ko) . Akala ko imposible na may magkagusto sakin dahil nga sa bakla ako pero yung imposible naging Posible dahil kay Nathan.
Nag video call agad ako kay Miles dahil alam kong matutulungan nya ako sa problema ko.
'Oh be bakit ka napatawag?'
'Asan ka ngayon?'
'Nasa school pa ako bakit?'
Haha bakit ko panga tinanong kung nasaan sya obvious naman sa suot nya naka uniform sya.
'Be may problema kasi ako'
'Ha? Anong problema sige ikwento mo makikinig ako'
Sinabi ko kay Miles ang tungkol sa pag-amin sakin ni Nathan at halata sa mukha nya ang pagkagulat.
'Nako Be problema nga yan'
'Kaya nga eh, Ano bang dapat kong gawin?'
'Mahal mo ba sya?'
Natahimik ako sa tanong ni Miles, Mahal ko nga ba si Nathan.
'Hindi ko alam be, Naguguluhan ako'
'Ito lang masasabi ko sayo, Alamin mo muna kung anong nararamdaman mo dyan si pinsan. Kapag alam mona doon mo lang malalaman kung ano ang dapat at susunod mong gagawin'
'Pero pano ko malalaman?'
'Sabi nga nila always follow your heart, Kasi maaring mabago ang nilalaman nang isip pero ang puso hinding hindi.'
'Hindi kona alam kung anong gagawin ko, Masyado kasing komplikado ang sitwasyon'
'Isang tanong isang sagot, May gusto karin ba sa pinsan mo?'
Hindi ako nakaimik sa tanong nya, May gusto nga ba ako kay Nathan? Ahhhh!!!! Hanggang ngayon hindi ko padin alam!!!
'Be? Magiging komplikado talaga yan kung hanggang ngayon si Mark padin ang nandyan sa puso mo. Pag-isipan mo yung nga sinabi ko sayo, Ano ba talaga yung nararamdaman mo para kay Nathan? '
Hanggang duon nalang ang naging pag-uusap namin dahil may klase pa daw sya.
Buti nalang meron akong kaibigan na katulad ni Miles na laging nandyan kapag naguguluhan ako, Siguro kung nandito si Mark matutulungan nya din ako.
MARK'S POV
"Sheena ano ba sa tingin mo ang magandang regalo kay Dex, Malapit na kasi yung Birthday nya"
"Talaga? Alam mo dapat alam mo yan kasi ikaw ang Bestfriend, Pero para sakin kahit ano payan magugustuhan yan ni Dex lalo na't galing sa Bestfriend nya"
Malapit na kasi ang Birthday ni Dex at naubusan na ako nang mga ireregalo sa kanya at tsaka medyo matagal nadin kaming hindi nagkakasama kaya hindi ko alam kung nabago ba o hindi ang mga gusto nya.
"Sana dumating yung time na okay na talaga kami ni Dex para naman makapag bonding ulit kami, Namimiss ko na din kasi yong Bestfriend ko na makulit"
"Darating din yon magtiwala kalang, Siguro hayaan na muna natin si Dex sa buhay na pinili nya"
"Tama ka, Pero pag dumating yung araw na maging okay na talaga kami? Masasabi kong kompleto na ang buhay ko. Dahil sa tagal naming magkaibigan ni Dex naging bahagi nadin sya nang buhay ko"
"Ang swerte pala ni Dex na nagkaroon sya nang Bestfriend na tulad mo"
"Haha ako yung swerte alam mo ba yon? Kasi si Dex maraming naitulong yan sakin, Kapag malungkot ako pinapatawa nya ako, Kapag na hihirapan ako sa mga subjects ko ay tinuturuan nya ako minsan pa nga pinapakopya pa. Syempre higit sa lahat hindi nya ako iniwan kahit alam ko sa mga panahon na magkasama kami ay nasasaktan ko na sya"
"Hindi mo naman ginusto ang nangyari, Walang may gusto sa nangyari"
Kahit isipin ko man na walang may gusto sa nangyari hindi padin mawala sa isip ko na ako padin ang dahilan kung bakit wala ngayon si Dex dito at Kung bakit ang Bestfriend ko ay nasasaktan ngayon.
# CHAPTER 43
DEX'S POV
"Manang asan na po si Nathan?"
"Nako Dex, Hindi pa bumababa"
Talaga yong lalaking yon! Kapag ako yung na late grabe maka usok yung tenga nya. Tapos sya hanggang ngayon tulog paden?
Umakyat ako para katukin si Nathan.
"Nathan asan kana? Anong oras na oh"
"Nathan??? Hoy!!! Malelate tayo"
Todo katok pa ako sa pinto nang kwarto nya para talagang magising sya.
"Hindi ako papasok ngayon"
"Ha? Bakit naman?"
"I'm not feeling well"
"We di nga?"
"Oo nga!"
Ay grabe sya makasigaw hahaha, Sinubukan kong buksan yung pinto kaso naka lock. Kinuha ko nalang yung phone ko at nag message sa kanya.
'Pagaling ka!'
'Thank you'
Masama pa pakiramdam nya sa lagay nayan ha? Ang bilis mag reply haha.
'Papasundo nalang ako kay Dan'
Tatry kolang kung maasar sya, Alam ko kasi na allergic yon kay Dan eh haha.
'Subukan mo magpasundo yari ka sakin'
Diba? Hahahahaha G na G ang mayor nyo. Feeling boss yon akala mo naman kung makabakod asawa ko sya.
'Joke lang ito naman, Sige magpahinga kana, Papahatid nalang ako kay kuya Alex'
Hindi na sya nagreply sa message ko sa kanya. Nagpahatid ako kay Kuya Alex at tamang tama ay nakasalubong ko si Dan at parang may hinahanap sya banda sa likod ko.
"Sinong tinitingnan mo?"
"Ikaw lang mag-isa? Asan yung pinsan mo?"
"Si Nathan? Wala sya ngayon. Masama daw pakiramdam"
"Yes!"
"Anong Yes don?"
Parang masaya pa sya na wala si Nathan ngayon. Sabagay ako din naman masaya ako dahil wala nang feeling boss, I AM FREE TODAY!! Howoooo!!!!
"Ah eh wala, Yes kasi walang topakin ngayong araw"
"Haha tama ka"
"Pero tinatablan din pala yon nang sakit, Akala koba dragon yon?"
"Lokoloko ka talaga, Tao yon hindi yon Dragon"
Nakakatuwa yung mga hirit nya kay Nathan, Pero nag-alala ako bigla kasi baka hindi uminom yon ng gamot ayaw pa naman non magpapasok sa kwarto nyo, Kainis naman bakit ba kasi nakalimutan kong ibilin kay Manang.
Pagka recess ay sabay din kami ni Dan, pag ka bili namin nang pagkain ay nagpaalam sya sakin na mag-Ccr daw muna sya. Tumango nalang ako at binantayan yung mga pagkain namin.
"Hello pwedeng umupo?"
Nagulat ako kasi si Irish yon, Bumilis bigla yung tibok nang puso ko at kasama nya pa yung dalawa nyang kaibigan. Asan na ba kasi Si Dan bakit ang tagal nya?
Mukhang malaki naman yung space wala naman sigurong masama kung makikiupo sila.
"Ah eh opo pwede po"
"Wag mo na akong i po, Hindi pa naman ako ganon katanda"
"So-sorry po"
"By the way ako nga pala si Irish"
Inabot nya yung kamay nya, Makikipagkamay ba ako? Anong gagawin ko? Nakakanerbyos naman. Pero sa huli nakipag kamay nadin ako.
"Ako naman si Dex"
"Dex, Nice name. Sila naman yung mga kaibigan ko si Venus at si Bea"
Napangiti nalang ako sa sinabi nya at nakipag kamay din sa dalawa, Ewan koba pero kinakabahan padin ako eh hindi ko alam kung bakit
"Oh bakit parang may hinahanap ka?"
tanong nung bea sakin.
"Kasi hinahanap ko yung kasama ko"
"Diba ikaw yung Pinsan ni Nathan?"
Natahimik ako bigla sa tanong nya tapos lalo akong kinabahan para kasing seryoso sya na malaman ang sagot sa tanong nya.
"Opo pinsan nya ako"
"Wow, Really? Alam mo ba na ex girlfriend nya ako?"
Umiling lang ako sa kanya, Kunwari hindi ko alam.
"Ah siguro nga hindi mo pa alam kasi bago ka palang dito"
Mayamaya at dumating nadin si Dan, Yes! mabuti nalang.
"Dex sino sila?"
"Ah, Si Irish tapos yung dalawa nyang kaibigan si Venus at Bea"
Napansin kong parang kinilig si Venus nang makita si Dan, Huhu Crush nya siguro si Dan.
Sabay sabay na kaming kumain, Mukha namang mabait si Irish taliwas sa mga sinabi sakin ni Jasmine. Pero bakit naman gagawa nang kwento si Jasmine para siraan lang ang isang tao.
"What are you doing here?!"
Nagulat kaming lahat sa biglang pagdating ni Nathan, Tumayo naman si Irish para sana makipag beso kay Nathan pero nilayo agad sya ni Nathan.
Bakit nandito si Nathan? Sabi nya sakin masama yung pakiramdam nya tapos ngayon nandito sya? Talaga tong lalaki nato minsan talaga manloloko, Nag-alala pa naman ako sa kanya kanina dahil wala syang kasama sa bahay at walang mag-aalaga sa kanya tapos eto pala sya mukhang mas malakas pa sa kalabaw Kotong talaga sya sakin mamaya pag uwe, Hindi ba nya alam na nag-alala ako.
"Bakit ka nakikipag-usap kay Dex?!"
"Relax Nathan, Nakikipag kaibigan lang ako sa Pinsan mo Wala akong gagawing masama. Diba Dex?" -
"Ah eh oo"
"Stay away from my cousin"
Hinawakan ni Nathan si Irish sa braso.
"Aray ko Nathan nasasaktan ako"
"Nathan tama na yan nakakasakit kana"
Binitawan bigla ni Nathan si Irish at umalis agad sya. Nilapitan ko naman si Irish para alamin kung nasaktan sya (Kahit nasaktan talaga) .
"Irish ayos kalang ba?"
"Oo okay lang ako hindi naman masakit yung ginawa ni Nathan"
"Nako pagpasensyahan mo nayon ha? Minsan talaga may sayad yon"
"No problem, I understand"
"Wag kang mag-alala kakausapin ko yong lalaki nayon"
"Really? Baka naman pwede pasabi din na kung pwede magusap kami, Yung kami lang dalawa"
"Ah eh sige, Kakausapin ko sya"
"Talaga???!! Nako salamat!!!"
Niyakap ako bigla ni Irish, Mukhang mabait naman talaga sya baka medyo may hindi lang sila pagkakaunawaan ni Jasmine kaya nasabi nyang masama si Irish.
Umalis nadin kami ni Dan dahil baka malate kami sa susunod naming subject.
"Dex bakla ba yung pinsan mo?" -Dan
Gusto kong matawa sa tanong ni Dan hahaha si Nathan bakla? eh dragon na dragon nga yon!
"Ha bakit mo naman naisip yan?"
"Kasi pumapatol sya babae, Nakita mo ba yung ginawa nya kay Irish kanina"
"Ganon lang talaga yon, Laging may baltik ang utak haha. Pero mabait naman yon"
"Dapat hindi pa din sya nananakit nang babae. Kaya ikaw kapag sinaktan ka nya sabihin mo lang sakin ako ang bubogbog don"
"Talaga? gagawin mo yon?"
"Oo naman Dex, Kaya wag kalang talaga nyang sasaktan"
Lah? Grabe sya! Pakiramdam ko tuloy super safe ako kapag kasama ko si Dan.
"Haha ano kaba Dan, Hindi mona kailangan gawin yon kaya kona si Nathan kapag sinaktan ako non ako mismo ang bubugbog don"
Napangiti lang si Dan sakin, Awww!!!!! Huhu kilig si Ako!! Kahit sino naman kikiligin lalo na't kasama yung crush nila. Sino bang hindi kikiligin??? Lalo akong naiinlove sa smile ni Dan lalo kasi syang gumagwapo.
Habang naglalakad kami ay nakasalubong namin si Jasmine.
"Dex binalaan na kita na wag kang lalapit kay Irish"
"Pero mukhang mabait naman sya, Nakipag kilala pa nga samin eh"
"Basta Dex binalaan kita, Pero kahit anong mangyari tutulungan kita kapag may gagawing masama yang Irish nayan"
"Salamat sa concern Jasmine, Pero sa tingin ko naman walang gagawing masama sakin si Irish"
"Sana nga Dex wala, Sana wala"
Tumuloy na kami ni Dan paakyat. Ayan na naman si Jasmine sa paalala nya dumagdag na naman sa alalahanin ko.
IRISH POV
"Girl hindi ko akalain na sasaktan ka ni Nathan nang ganon ha?"
"Kaya nga, Siguro waeffect na yung Beauty mo kay Nathan. Kumbaga sa pagkain expired kana kaya kailangan na nang bago"
"Hahahahahaha" Sabay nilang tawa, Tssk sarap pag untugin nitong dalawang ito.
"Pwede ba wag kayong Nega dyan. Sigurado naman ako na magkakaayos din kami ni Nathan, Nagpapakipot lang yon sakin."
"We talaga ba? Eh galit na galit nga sayo eh" -Venus
"At pano ka naman nakakasiguro na magkakaayos kayo? kung ayaw ka nga nyang kausapin?" -Bea
"Ang boba nyo talaga noH? saan ba kayo pinaglihi nang mga mommy nyo? Alam nyo Hindi nyo ginagamit ang utak nyo. Syempre may ibang gagawa non para sakin. My Gosh sayang ang ganda nyo kung wala naman kayong utak"
"Ha? Sino naman?"
"Ang boba nyo talaga. Yung pinsan nya, Yung Dex. Mukha namang uto uto yon kaya sigurado ako matutulungan nya ako para maging kami ulit ni Nathan"
"Haha ang bad mo talaga Girl"
Nagtingin lang kaming tatlo ay humarap sa salamin nang Cr at ngumisi kami. Gagamitin ko si Dex para muli akong mapalapit kay Nathan.
"Hindi ako Bad. Marunong lang talaga ako mag-isip at sa tingin ko matutulungan talaga ako nang Dex nayon"
"Pero in fairness ha? over protective si Nathan sa pinsan nya"
"Wala akong paki kung over protective sya, Basta ako gagawin ko ang lahat
magkabalikan lang kami ni Nathan"
"Support ka namin girl"
Confident ako na magkakabalikan talaga kami ni Nathan, Dahil alam ko na mahal pa nya ako hindi man nya sabihin ay nararamdaman ko yon.
DEX'S POV
Sabay kaming umuwe ni Nathan pero habang nasasakyan kami pareho ay hindi kami nagiimikan. Hindi ko din kasi alam kung pano sasabihin sa kanya na mali yung ginawa nya kay Irish kanina.
Nakasalpak na naman sa tenga nya yung Headset nya ako naman tamang scroll down at share lang nang mga memes sa Facebook, Pero palihim kong pinagmamasdan si Nathan nakaharap lang sya sa bintana nang sasakyan mukhang malalim ang iniisip at nakatingin sa kawalan.
Pagkababa namin nang sasakyan ay duon lang sya nang salita.
"Ayoko na makikita ka na kausap mo ang Irish nayon"
"Pero Nathan wala namang ginagawang masama sakin si Irish"
"Dex please gawin mo nalang"
"Mukha namang mabait si Irish eh, Nakipagkilala pa nga sya sakin kanina"
"Hindi mo kilala si Irish"
"Nathan hindi ko alam kung saan nanggagaling yang galit mo. Pero yung ginawa mo kanina kay Irish mali yon, Kahit gaano kapa nya nasaktan hindi mo padin dapat sya ginaganon atsaka gusto kalang naman nya makausap"
"Hindi mo ako maiintindihan dahil wala kang alam sa totoong nangyari, Hindi mo alam kung anong sakit ang pinagdaanan ko kaya madali lang sayo para sabihin na kausapin ko sya"
Medyo nasaktan ako sa sinabi ni Nathan. Ako pa naman yung tipo nang tao na mabilis maluha kahit pinagsasabihan lang sa madaling salita iyakin ako.
"Sorry Ha? wala nga kasi akong alam. Bakit nga ba ako nangingialam? Hayaan mo Next time magtatanong muna ako para naman maka relate ako"
Pagkatapos kong sabihin yon ay nagwalk out na ako. Bahala na nga sya sa buhay nya hindi na ako makikialam sa kanya, Ako na nga itong nagmamagandang loob ako pa ang nasasaktan.
# CHAPTER 44 "HAPPY BIRTHDAY"
DEX'S POV
WEEKEND NGAYON HUHU at alam nyo ba kung anong meron ngayon? BIRTHDAY ko lang naman.
Tinatamad akong bumangon dahil wala naman ganap at parang wala naman nakakaalala, Huhu Bakit ganon? Dapat masaya ako eh pero parang malungkot ako, Hayss ganito ba talaga kapag Birthday mo kailangan talaga malungkot ka.
Nag open ako nang Facebook nagbabakasakaling may bumati sakin haha, Hindi naman ako nadisappoint dahil ilan sa mga kakilala at mga dati kong classmates ang mga nakabati na sakin.
Nagmessage din sakin si Miles nang pagkahabahaba tapos ang malupit pa tinag pa nya ako nang mga epic kong pictures, Jusme kaya ayaw kong magBirthday eh naglalabasan ang mga epic pictures.
Bumangon nalang ako dahil medyo nakaramdam ako nang gutom, Pagdating ko sa kusina ay meron asungot na kumakain. Himala ang Aga nyang nagising.
Kumuha lang ako nang makakain at umupo sa bandang harap nya tsaka kumain, Haha akala naman papansinin ko sya neknek nya dapat suyuhin nya muna ako (#Gandako)
"Hindi mo ba talaga ako kakausapin?"
Hindi ako umimik, Nagpatuloy lang ako sa pagkain.
"Sayang meron pa naman ang tickets para sa concert ni Ken Mendoza bukas"
Parang may dumaang anghel nang marinig ko yung sinabi ni Nathan, Totoo ba yon meron syang Ticket???????? Pero parang ginogoyo lang ako nang lalaking to.
"Talaga? Patingin nga?"
"Ikiss mo muna ako"
"Tigilan mo nga ako paraparaan kadin noh? Embento ka akala mo naman meron ka talagang ticket"
"Bakit wala ba"
May winagayway syang dalawang tickets at halos kuminang na yung mata dahil totoo nga! ticket yon sa Concert ni Ken bukas!!
"Ui Nathan tag-isa tayo"
"Akala koba imbento lang ako?"
"Ito naman hindi na mabiro, Syempre Joke lang yon alam mo naman ako komidyante haha masyado ka namang seryoso sa buhay"
"Ibigay ko nalang kaya to sa iba"
"Nathan wag naman"
"O eto na"
Inabot sakin ni Nathan yung isang ticket at mabilis ko yong kinuha dahil baka magbago pa ang isip nya at bawiin pa nya.
OMG!!! THIS IS IT!!!! FIRST TIME KONG MAKAKAPUNTA SA CONCERT NYA!!! Lahat ng bakla pangarap makapunta sa Concert ni Ken huhu at maswerte ako dahil makakapunta ako.
"Happy Birthday Dex" nakangiting bati nya sakin
"Thank you"
Isa na ata ito sa pinakamagandang birthday gift na natanggap ko, Dati pangarap kolang to pero ngayon magkakatotoo na.
Sa sobrang saya ko ay hindi ko napigilan ang mapayakap kay Nathan. Super duper thankful ako kay Nathan kasi dahil sa kanya makakapunta ako sa Concert ni Ken!!!!!!!
"Ang sabi ko kiss hindi hug"
"Ay sorry na bigla lang ako"
"Oh asan na yung kiss ko?"
"Kiss ba?"
Lumapit ako sa kanya at kinurot ko sya nang malakas sa pisngi at sabay takbo hahaha hindi kona tuloy natapos yung pagkain ko..Super kilig ko dahil makakapunta ako sa concert ni Ken bukas!!!! OMG!!!! Totoo ba talaga to?? Baka nanaginip lang ako. Sinampal ko yung pisngi ko at nasaktan ako haha totoo nga ito!! Hindi to panaginip.
Pero bago yon ay uuwe muna ako sa bahay para makapag celebrate ako magluluto daw kasi si mama nang pancit para humaba ang buhay ko.
Hapon na ako umuwe sa amin at naabutan kodon si mama at si papa.
"Happy Birthday Dex" bati sakin ni Papa
"Thank you Pa"
"Happy Birthday sa Anak kong maganda, Dalaga kana wag ka munang magpapaligaw ha?"
"Si Mama talaga! Pa si Mama oh pinagtitripan na naman ako"
Si Mama talaga lagi akong pinagtitripan minsan nakakasakit na sya haha. Pero alam nyo yung maganda don? Ay yung tanggap ako ng pamilya ko. Kahit ganito ako ni minsan hindi nila sinumbat sakin kung ano ako, Sinuportahan lang nila ako sa kung ano talaga ako. Kaya sobrang saya ko kasi sila ang naging magulang ko. Kung magkakaroon ng pagkakataon na papipiliin ako sa kung sino ang magiging magulang ko sila padin ang pipiliin ko.
"Anak bakit wala si Nathan?"
"Nako ma hindi ko alam don, Hayaan nyo nayon"
"Sayang naman ang dami ko pa namang niluto"
"Okay lang yan ma ilagay mo nalang sa ref natin"
"Sige, Pero sandali wala naman tayong Ref diba?"
"Ay wala ba ma? Haha akala ko meron. Bigyan nalang natin yung mga kapit bahay"
"Oo na dami mong sinasabi ang daldal mo talagang bata ka, Saan kaba nagmana?"
"Siguro sa Kapitbahay ma"
"Ah kaya pala"
Tinulungan ko si Mama sa pagluluto at natapos kami medyo padilim na, Natagalan pa kami kasi may kasamang daldalan si Papa naman nanonood lang TV hindi na namin pinagtulong para makapahinga sya. Nagpalit lang ako nang damit dahil may pupuntahan ako.
"Ma may pupuntahan lang ako ha? Babalik din ako"
"Saan na naman? Baka kung saan saan lang yan ha"
"Ma? dyan lang sa tabi tabi"
"Anong tabi tabi? Saan nga?"
"Ma duon sa lagi kong pinupuntahan pag Birthday ko, Alam mo nayon"
Lumabas na ako para puntahan ang pinaka memorable na lugar sakin.
NATHAN'S POV
Kainis yong Dex nayon hindi man lang ako sinabihan na uuwe sya sa kanila, Tssk ayaw nya siguro ako imbitahan oh baka naman papapuntahin nya si Dan don kaya hindi nya ako sinabihan. Napatayo ako nang wala sa oras at lumabas nang bahay, Pupunta ako sa bahay nila Dex ngayon kailangan kasama ako sa Memorable date nya. Kinuha ko kay Manang yung susi gagamit nalang ako ng sasakyan para mapabilis ako. Para kasing may nagtutulak din sakin na puntahan si Dex.
Pagdating ko sa bahay nila ay naabutan ko si Tita at si Tito pero wala si Dex don.
"Tita Asan po si Dex?"
"Nako Nathan wala sya dito ngayon umalis, Pero babalik din agad yon"
"Saan naman po sya pumunta?"
"Ah dyan lang sa labas malapit lang dito"
Nagpaturo ako kay Tita kung paano puntahan yung sinasabi nya.
DEX'S POV
Tumingin ako sa puno nang Mangga, Dito ako palagi pumupunta kapag Birthday ko, Dito sa puno nabuo ang ilan sa mga magagandang alaala nang aking buhay. Dito sa puno nato madalas kaming tumambay ni Mark lalo na kapag may problema ang bawat isa samin. Umupo ako at sumandal sa malaking puno at tinitigan ang ganda ng kalangitan.
"Sabi ko na nga ba nandito ka eh"
"Mark? Anong ginagawa mo dito?"
"Dex syempre alam ko naman na tuwing Birthday mo dito ka nagpupunta, Diba nga sabay pa nga tayong pumupunta dati dito para magkwentuhan"
Bigla kong naalala yung mga panahong magkasama kami ni Mark dito, Tuwing birthday ko kasi nakasanayan ko na talaga pumunta dito sa puno nang mangga malapit sa lugar namin..Marami kasi akong magagandang alaala dito, Nuong bata ako madalas kaming umakyat dito para kumuha nang mga bunga at dito ako pumupunta tuwing may problema o gusto kong mapag-isa.
"Naalala mo pa ba tuwing Birthday ko nandito tayo palagi?"
Tumabi si Mark, At nakatingin lang sya sa kalangitan.
"Oo naman, Makakalimutan koba yon? Eh tuwing Birthday mo nagdadrama ka dito Ang sabi mo, 'Huhu ito na yata ang pinakamalungkot na Birthday ko' ".
Natawa naman ako sa kanya dahil hindi pa pala nya nakakalimutan yon haha at ginaya nya pa talaga yung boses ko.
"Bakit ako lang ba nagdadrama ikaw din kaya"
"Haha wag monang ipapaalala yon. Pero Dex Happy Birthday. Nako ang tanda mona"
Ginulo ni Mark yung buhok at tumawa, Grr kainis sya! Buhok pa talaga ang ginulo nya.
"Mark!"
"Haha sorry na, Pero namiss ko yang Pagka mainisin mo"
"Hoy hindi na ako pikunin"
"Talaga lang ha? Kaya pala parang namumula kana sa sobrang galit"
"Hoy Hindi kaya!, Normal lang to sakin"
"Dex sorry pala ha?"
Bigla kaming natahimik at parang lumamig ang paligid.
"Mark kung ano man yung nangyari satin, Kalimutan na natin yon. Yung inamin ko sayo? kalimutan nalang natin yon"
Hinawakan ni Mark yung kamay ko at tumingin sakin, Hindi ako makatingin nang diretso sakin dahil naiilang ako.
"Dex mabait ka, Kahit sino pwede kang mahalin. Maraming magmamahal sayo kaso hindi talaga ako yung taong yun. Pero gusto kolang malaman mo na hindi nagbago ang pagtingin ko sayo ako padin ang Bestfriend mo at ikaw padin ang Bestfriend ko"
Gusto kong maiyak sa mga sinabi ni Mark, Para akong nabunutan ng tingin.
Pero mas nagulat ako ng biglang nakita ko si Nathan nasa harap namin. Nakatingin sya sakin, Napabitaw ako kay Mark. Akala ko magagalit si Nathan pero tumalikod lang sya tumayo naman ako at nilapitan si Nathan.
"Nathan sandali, Kanina kapa ba?"
"Hindi naman, Bakit nakaistorbo ba ako sa inyo?"
"Nathan galit kaba?"
"Bakit naman ako magagalit? Dapat ba akong magalit?"
Kahit nakatalikod sakin si Nathan ay ramdam kong nagagalit sya huhu naguilty tuloy ako. Pero wala naman akong ginagwang masama.
"Nathan kung may nagawa akong mali sorry na"
Humarap sakin si Nathan at nagulat ako sa nakita ko para kasing may lungkot sa mga mata nya, Ayon ang kauna unahang pagkakataon na nakita ko sya ng ganon.
"Wala kang Dapat ipag sorry"
Ngumiti si Nathan pero halata padin sa mga mata nya yung lungkot.
"Dex may problema ba?"
Lumapit na pala samin si Mark, Huhu pano nato anong sasabihin ko?
"Wala kaming problema, Pinuntahan ko lang sya dahil hinahanap na sya ni Tita"
"Talaga? Nako pasensya na ha, Medyo napatagal ang pag-uusap namin. Pero pauwe nadin ako"
"Wag ka munang umuwe sumama kana samin, Sigurado ako kapag nandon ka magiging masaya si Dex"
Natahimik lang ako sa sinabi nya, Pumayag naman si Mark at naglakad na kaming tatlo pauwe samin.
Habang naglalakad kami ay nakayuko lang ako hindi ko sila magawang kausapin para kasing kapag magsasalita ako ay magagawa akong kasalanan.
Pagka dating namin sa bahay ay si mama ang sumalubong samin.
"Oh nandito na pala kayo, Tamang tama nasa loob na yung mga kaibigan nyo"
"Ha? Sinong mga kaibigan?"
"Happy Birthday Be!!!!!!!!!!!"
Lumapit sakin si Miles at nandon din si Nicole at Tyrone at hindi ko inexpect na nandito din si Dan.
"Happy Birthday Dex"
"Happy Birthday" bati naman sakin ni Nicole
"Salamat sa pagpunta"
"Happy Birthday Dex" at ito pa si Dan nandito din
"Dan pano mong nalaman?"
"Anong silbi nang Facebook? Di mo man lang ako sinabihan ganyan kana sakin"
"Haha sorry na, Akala ko kasi walang ganap kaya hindi nadin ako nag invite"
"Tama nayang daldalan nyo kumain na muna tayo" awat ni mama samin
Nagtawanan naman kaming lahat, Sobrang saya ko ngayong Birthday ko dahil hindi ko akalain na darating ang mga taong naging part na ng buhay. Hindi man ganon ka engrande ang Birthday ko ay masasabi kong kontento na ako.
"Be ganda mo noh"
"Alam ko nayon di mona kailangan i remind sakin"
"Ay iba den sya confindent sa pagiging maganda. Nagustuhan mo ba ang surprise namin sayo?"
"Oo be, Akala ko malungkot na naman yung Birthday ko eh pero dahil nandito kayong lahat ay masaya na ako"
"Okay na ba kayo ni Mark?"
"Kanina nag-usap kami, At masasabi kong okay na siguro kami"
"Eh yung tungkol kay Nathan?"
Hinila ko si Miles papunta sa kwarto ko baka kasi may makarinig pa.
"Hindi ko padin alam be, Naguguluhan na ako"
"Eh sino naman yung Dan nayon?"
"Si Dan? Friend ko lang yon"
"Talaga? Eh grabe ka nga makatingin don kanina"
"Friend lang kami promise"
"Wag ako be kilala kita"
"Oo na Crush ko yon, Pero crush lang naman"
"Hay nako dyan din yan nag uumpisa sa crush hanggang maging Love"
"Wag na nga muna sila pag-usapan, Tara na baka hinahanap na nila tayo"
Hinila kona si Miles palabas baka kasi saan pa mapunta ang usapan namin.
Sa totoo lang hindi naman talaga malabong mangyari ang sinasabi nya mabait kasi si Dan kaya hindi sya mahirap mahalin. Pero since ang new years resolution ay Hindi na ako magiging Marupok ay kasama nadin don ang pagiging matalino ko pagdating sa love.
Kahit masaya ang Birthday ko ay may gumugulo padin sa isip ko hindi kasi ako mapakali dahil kapag kakausapin ko si Mark baka isipin nila marupok ako at hanggang ngayon ay mahal ko pa din si Mark.
Pagkakausapin ko naman si Dan baka asarin nila ako lalong lalo ni mama.
At higit sa lahat si Nathan, Wala lang naiilang lang ako kausapin sya.
Hindi nadin sila nagtagal lahat dahil gabi na nga mahirap ang byahe.
Una kong hinatid palabas si Tyrone, Nicole at Miles.
"Ingat kayo ha. Salamat sa pag punta" Bilin ko sa kanila
"Sige be una na kami, Happy Birthday ulit"
"Dex Happy Birthday ulit"
"Bye Dex, Balikan mo na yung tatlong manliligaw mo don" pang aasar sakin ni Tyrone
"Hoy anong manliligaw!? Kaibigan kolang yung mga yon atsaka pinsan ko yung isa don. Loko loko ka talaga"
"Haha ganon ba? Sige una na kami"
Umalis na silang tatlo at bumalik na ako sa loob. Talaga tong si Tyrone kung ano ano ang iniisip, Manliligaw talaga? mga Friends ko nga lang sila eh.
Pagpasok ko sa loob ay nakaupo si Mama at si papa kasama nung tatlo at parang seryos ang pinag uusapan.
"Anong meron?"
Napatingin naman silang lima sakin.
"Wala anak may pinagusapan lang kami" sagot ni MamA
"Ano yon?"
"Secret"
Umupo nalang ako sa gitna nila mama, Alam ko naman na chinismis na naman ako ni mama eh ganyan yan kapag may kakilala ako na pumunta sa bahay ikukwento nya lahat nang pangit sakin kaya nga minsan ayaw kona magpapunta ng kakilala sa bahay eh haha.
Naunang nagpaalam samin si Mark ihahatid kona sana sya pero sabi ni mama ay sya nalang daw si papa naman ay pumunta na sa higaan nila ni mama kaya naiwan kaming tatlo ni Nathan at Dan.
Para kaming mga baliw dahil hindi kami nagiimikan, Pero para matapos nato ay ako na ang nagsalita.
"Hindi paba kayo uuwe? gabi na"
"No/Hindi" Sabay nilang sagot
"Ha? Eh anong gagawin nyo dito? Tapos na ang kainan?"
Huhu umuwe na kayo please para makapahinga na yung isip ko, Naguguluhan na ko ang hirap kasi maging maganda (san banda?).
"Sige Dex uuwe na ako pagabi nadin eh" paalam ni Da
"Ihatid na kita"
"No,Ako na ang maghahatid sa kanya" suhestyon ni Nathan
"Anong ikaw? Bakit hindi kaba uuwe?"
"Dito ako matutulog nagsabi na ako kay Tita"
"Wag na Tol, Kaya konang umuwe. Pano Dex kita nalang tayo sa monday"
"Sige Dan, Salamat ulit sa pagpunta"
Nginitian lang ako ni Dan at nagpaalam na sya umalis, Ako naman ay niligpit yung mga kalat nilang lahat. Kainis tong si Nathan ihahatid ko pa nga si Dan eh kumontra pa sya.
Pero ayaw ko nang isipin ang ang mga magpapastress sakin, Dahil maganda ang kinalabasan nang Birthday ko at syempre bukas pupunta ako sa Concert ni Ken kailangan Fresh ako at hindi mukhang Zombie.
# CHAPTER 45 "CONCERT"
DEX'S POV
OMG!!! ITO NA THIS IS IT!!! CONCERT NA NI KEN MAMAYA!!! Pero wala padin akong masuot huhu! Kanina pa ako hindi mapakali dito sa kwarto dahil wala akong mapili na susuutin (Kasi wala naman talaga) tapos hindi kopa alam kung anong magiging look ko.
Lumabas muna ako para puntahan si Nathan gusto ko kasing makita kung anong susuotin nya para mamaya.
Kumatok muna ako baka kasi mabugahan ako nang apoy alam nyo naman yung lalaking yon bigla biglang tinotopak.
"Sino yan?!"
Rinig kong sigaw nya, Kahit gusto kong mainis sa kanya ay masaya padin ako dahil sa sobrang excitement ko.
"Ako lang to si Dex"
"Anong kailangan mo?"
"Hindi mo man lang ba ako papasukin?"
"Why should i?"
"Should i mo yang mukha mo"
"Don't you dare try to get inside or else"
"Or else ano?"
Kahit wala syang sinabi ay pumasok ako ahaha pero pagpasok ko parang gusto konang lumabas dahil sa nakita ko.
"WwwwwwAhhhhhhh!!!!!!!!" sabay naming sigaw.
Napatakip ako bigla nang mata, Kaya pala ayaw nya ako papasukin dahil nagbibihis pala sya. Wala naman akong nakita dahil tatanggalin palang nya yung tuwalya pagkapasok ko.
"Magbihis ka nga!!!!" sigaw ko sa kanya.
"Tssk, Sabi kong wag kang papasok eh!"
"Eh malay koba na nagbibihis ka, Sana sinabi mo diba para na inform ako"
Ilang minuto lang nakatakip yung mata ko tapos tinanggal kona dahil sinabi nya na tapos na daw sya magbihis.
"Ano ba kasing kailangan mo? Namimiss mo na ba ako agad?"
"Hoy ang kapal mo! bakit kita mamimiss???"
"Bakit ka nga nandito?"
"Kasi titingnan kolang kung nakabihis kana"
"Really? O baka naman gusto mong makita na nakahubad ako"
Manyak talaga tong tao nato san kaya sya nag mana.
Dahan dahan lumapit sakin si Nathan habang nakangiti at parang tinitempt ako huhu dahil new resolution ko ay hindi na ako magiging marupok, Nilakasan ko ang loob ko haha.
"Ah eh Nathan lalabas nadin pala ako kasi mamimili pa ako ng isusuot ko"
Tumakbo na agad palabas nang kwarto nya, ho!!! Success sabi ko sa sarili ko.
Bumalik na ako sa kwarto ko para makapagbihis super excited ko talaga kasi first time ko pumunta sa concert ni Ken.
"Bakit ba panay tingin mo sa mukha mo eh wala namang mababago dyan"
Kanina pa kasi hindi mapakali sa ayos ko, Para kasi pakiramdam ko ang pangit pangit ko.
Tinigilan ko yung pagsasalamin at tiningnan ng masama si Nathan.
"Pampam ka noh? Palibhasa gwapo ka ganyan ka"
"Gwapo talaga ako"
Grabe lalong lumakas ang aircon ng sasakyan dahil sa sobrang kahanginan ni Nathan, Natatawa nalang tuloy si Kuya Alex sa amin.
"Nathan ano okay na ba yung itsura ko?"
"Ang sagwa"
"Uii Nathan!? Ano nga? Yung seryoso"
"Tssk, You look so cute"
Ayiieee!!! Kinilig naman ako sa sinabi nya, Cute pala ako haha akala ko pa naman maganda na ang sasabihin nya. Pero okay nayon atlis cute ako!
Pagdating namin sa Venue ay medyo madami na yung tao, Akala mo nagkaroon ng reunion ang mga member ng LGBT dahil sa dami nila nasa paligid. Super duper love talaga nila si Ken kaya nandito sila para sumuporta.
"Tutulala ka nalang ba dyan? O papasok na tayo?"
"Ah eh sorry haha ito na nga eh, Papasok na"
Hinila ko na sya papasok sa loob at nagulat ako sa sobrang daming tao, Ganito pala kadami ang mga humahanga kay Ken hindi lang dahil sa talentong meron sya kundi sa kabutihan na meron sya.
Ilang minuto lang kaming nag antay ay nagstart na yung Concert na si Ken, Lalo umingay ang buong paligid nang lumabas na si Ken para sa kanyang opening production. Pati ako napaindak sa pagkanta at pagsayaw nya.
Sa sobrang saya ko ay hindi kona napansin na may kasama pala ako. Nang matapos ang Opening ay umupo muna ako, Sobrang hingal ko haha pakiramdam ko yung itsura ko parang ginahasa na.
"Nathan naiinip kana ba? Pasensya kana ha? alam kong napilitan kalang na sumama sakin"
"Tssk, Wag mo nang isipin yon. Pumunta ako dito dahil ginusto ko"
Ayan na naman sya, Nathan? Bakit ba ganyan ka?
"Salamat talaga, Ito na talaga ang Best gift na natanggap ko"
Mayamaya lumapit samin na isang gay, Actualy alam ko naman na kay Nathan sya lumapit.
"Hello po kuya? Ano pong Name nyo? Sinong kasama nyo dito?"
Ay grabe sya nakita na nga magkatabi kami tapos tatanungin kung sino ang kasama nya ano bulag lang?
Si Nathan naman tumingin lang, Ang ginawa ko ay kinalabit ko si Nathan para sagutin nya yung gay.
"My name is Nathan, I'm sorry but i am already taken"
Tumabi sakin si Nathan at inakbayan ako, Napayuko nalang ako sa ginawa nya dahil pakiramdam ko nagiinit yung pisngi ko.
"Ay ganon? Sorry ha" -Gay
Umalis naman agad yung gay dahil sa sinabi ni Nathan.
"Bakit mo sinabi yon?"
"Ang alin?"
"Yung ano!"
"Na Taken na ako?, Sinabi kolang naman yon para umalis na gay nayon dahil alam ko naman na nagseselos kana eh"
"Hoy anong nagseselos???!! Hindi totoo yan!"
"Talaga?"
Mabuti nalang ay bumalik na agad si Ken sa Stage at pinunta ko nalang don ang atensyon ko. Iba talaga ang boses ni Ken kaya pala nagkaroon sya nang magandang lovelife sana maganda nalang din boses ko kaso hindi eh haha.
Total package na yung concert nya may comedy, May kantahan at may sayawan tapos meron din syang mga guest performers kaya super sulit talaga ang pagpunta dito at ang pinakaaabangan nang lahat ang pakikipag duet ni Ken sa mga fans nya, May ilang mga pinalad na makapag perform sa stage kasama si Ken pero ako pinanood ko nalang sila, Nagkwento din sya nang mga ilang karanasan na pinagdaanan nya at tumatak sakin yung ilan sa mga sinabi nya na "Wag mong iisipin na bakla kalang, Lagi mong tatandaan na purpose tayo sa mundong ito", Namalayan ko nalang na tumutulo na pala ang luha ko dahil sa mga sinabi nya.
Bago mag end ang concert nya ay nagpasalamat sya sa amin na mga fans nya, at sa mga taong naging bahagi ng buhay nya.
"Nathan?"
"Ano na naman?"
"Ano kasi, Na ccr ako"
"So?"
"So, Samahan mo ako"
"Tssk, Paabutin mo nalang sa bahay yan"
"Ihhh, Naiihi na talaga ako"
"Tssk"
Naglakad na kami ni Nathan at hinanap yung cr bakit ba kasi ngayon pa ako naihi eh.
After naming mahanap ang Cr ay gumaan bigla yung pakiramdam ko hahaha success na naman.
At habang naglalakad kami ni Nathan palabas ay may nakita kaming bata na nakatayo at parang walang kasama. Dahil na curious na naman ako ay nilapitan ko ang bata, Grabe ang cute at ang gwapo ng bata kanino kaya syang anak?
"Hello baby, Mag-isa kalang? Sino kasama mo?"
"I'm lost, Please help me to find my mommy and my daddy?"
Ay pashnea!!! Englishero ang bata!! Pano nato???? anong gagawin ko?
Lumapit agad ako kay Nathan para humingi ng tulong alam ko naman na magaling sya sa English eh.
"Nathan tulungan mo nga ako na kausapin yung bata"
"Bakit hindi kaba marunong magsalita?"
"Englishero eh, Sige na ikaw na kumausap"
Nilapitan ni Nathan yung bata tapos nagusap sila, Hindi kona alam kung anong pinagusapan nila basta naglakad nalang kami hanggang sa nakarating kami sa security area at doon ay may tinawagan sila.
"Tristan!"
May narinig kaming boses na sumigaw at paglingon ko ay hindi ko akalain na si Ken ang makikita ko!!!! at yung asawa nya si Terrence!!! so????!! Itong bata na to ay ang anak nila????? Huhuhu totoo ba talaga to????
"Tristan? Diba sinabi ko sayo na wag kang lalayo" alalang sabi ni Ken
"Sorry mommy"
"Wag mo na ulit gagawin yon ha? Pinagalala mo kami ng daddy mo" -Ken
"Yes mommy, I will never do this again"
"Nathan?"
"Yes?"
"Kurutin mo nga ako, Baka kasi nananaginip lang ako"
Lumapit sakin si Nathan at kinurot ako sa tagiliran.
"Aray! Ang sakit naman!?"
"Sabi mo kurutin kita?"
Hala! Totoo nga ito! Hindi ito isang panaginip.
Lumapit samin si Terrence, omg!! ang gwapo nya pala sa personal, Dati kasi sa picture ko lang sya nakikita pero ngayon malapitan na.
"Kayo ba yung tumulong sa anak ko?" Tanong samin mk Terrence Pero diko padin maalis ang tingin ko sa kanya
"Ah eh ih o-opo kami nga"
My gosh nanginginig ako sa sobrang kaba.
Sunod naman na lumapit samin ay si Ken, Huhu sobra sobrang gift na ang natanggap ko sa Birthday ko.
"Maraming salamat sa inyo ha"
"Wala po yon, Kahit sino naman gagawin yon"
Hindi padin talaga ako makapaniwala na makakaharap at makakausap ko ang isang Ken Mendoza, Akala ko hindi na mangyayari to pero ito na talaga nasa harapan kona siya.
"Ano bang pwede naming magawa para masuklian ang ginawa nyong pagtulong sa anak namin?" Tanong samin ni Ken
"Nako, Nako wala napo. Nandito lang din naman po kami kasi nanood lang kami ng concert mo"
"Talaga?"
"Opo, Super fan nyo po kasi ako. Pwede po bang magpapicture sa inyo?"
"Sure"
Susulitin kona ang pagkakataong ito dahil baka hindi na maulit pa, Binigay ko kay Nathan yung phone ko at nagpapicture ako sa kanya. After kong magpapicture kay Ken ay nagpapicture din ako sa asawa nya at sa anak nila.
Hinding hindi ko talaga makakalimutan ang gabing ito, Totoo nga ang sabi nila at mga napapanood ko mabait nga talaga si Ken.
"Pano mauna na kami ha? meron pa kasi kaming ibang lakad. Salamat ulit at sana magkita pa tayo ulit, Para naman mas makapag-usap tayo ng maayos"
Nagpaalam na sila samin naiintindihan ko naman kung bakit siya nagmamadali dahil masyado syang busy dahil sa mga commitments nya.
Pinagmasdan kolang sila habang naglalakad palayo, Sana makita ko din ang lalaking makakasama ko sa pagbuo ng pamilya yung lalaking katukad ni Terrence na hindi ako ikakahiya sa kung ano man ako.
"Tutulala ka nalang ba dyan?"
"Ay sorry, Pano tara na?"
"Syempre alangan naman mag stay pa tayo dito"
"Nathan saglit lang"
Lumapit ako kay Nathan at kiniss ko sya sa labi na iki nagulat nya.
"Ohh ayan ahhh thank you ko yan sa pagbili sa ticket ng concert ng idol plus sinamahan mopa ako"
Napangiti lang sya sakin at hindi nag salita.
"Ano na estatwa na?"
"Kiss lang? Dapat kiss sabay hug"
Mabilis nyang sabi na parang may iba pang meaning "kiss sabay hug"
"Anong sa bay*g! Bastos ka talaga NATHAN! kakabarkada mo yan kaya kung ano anong lumalabas dyan sa bibig mo. Tara na uwe na tayo"
Hindi ko nalang sya pinansin dahil ayaw kong masira ang magandang gabi ko, Pasalamat sya good mood ako ngayon kaya wala akong time sa kanya para makipagasaran.
Habang nasa byahe kami ay hindi ko maiwasan ang hindi tingnan yung mga picture naming dalawa ni Ken, Sobrang saya ko talaga dahil kahit saglit lang ay nakasama at nakausap ko ang Idol ko.
Napalingon ako kay Nathan at napansin kong natutulog na sya. Pero mas nagpapasalamat ako kay Nathan dahil kung hindi dahil sa kanya hindi mangyayari ang lahat ng ito. Kung hindi bumili ng ticket si Nathan hindi ako makakapunta sa concert ni Ken, Ano kayang magagawa ko para makabawi sa kanya? Si Nathan nalang kasi lagi ang sumusorpresa sakin siguro panahon naman na ako na dapat ang bumawi sa kanya.
*Kindly Visit my official FB page : M2M Love Story (Same profile lang din)
Who's your bet?
Dan, Mark or Nathan?
Team Crush?
Team Bestfriend? or
Team Pinsan?
# CHAPTER 46
NATHAN'S POV
Pagkadating ko sa kusina ay si Dex ang naabutan ko.
"GoodMorning Nathan, Kain kana ako nagluto nyan"
Pinagmasdan ko lang sya at mukhang masaya sya, Ano kayang nagyari sa kanya bakit parang ang ganda ata ng gising nya. Hanggang ngayon ba naman hindi padin sya maka get over sa concert ng Idol nya.
Umupo ako at hinainan nya ako, Hinayaan ko nalang sya dahil gusto nya yun eh.
"Bakit ikaw ang nagluto asan yung mga katulong? Si Mommy asan?"
"Si tita tulog pa yata, Hindi kona ginising dahil alam kong pagod yon. Tsaka ako na yung nagsabi kala ate Erna na ako nalang ang maghanda ng almusal natin"
"Ano namang nakain mo at nagluto ka?"
"Kainis ka talaga Nathan hindi ka marunong mag appreciate, Nagluto ako para naman makabawi ako sayo. Pasalamat ka nilutuan kita"
Haha pikunin talaga sya gusto ko lang naman talaga sya mainis dahil ang cute nya kapag naiis sya. Atsaka Pritong itlog at hotdog lang naman ang niluto nya akala mo naman napakahirap gawin yon haha.
"Gusto mo talaga makabawi sakin?"
"Oo, Kaya nga kita pinagluto diba"
"Kung gusto mo makabawi sakin sumama ka sakin mamaya"
"Saan na naman? Baka kung saan mona naman ako dalhin ha"
"Wag kang OA, Pupunta lang tayo sa party ng isa sa mga kaibigan ko"
"Ano na namang gagawin don?"
"Malamang makikiparty, Alangan naman humiga tayo don"
"Haha nakakatawa, Baka puro inuman na naman yan isusumbong talaga kita kay Tita"
"Minsan lang naman to wag kang KJ dyan bakit ikaw hindi kaba umiinom?"
"Umiinom syempre! Pero tubig lang. At Nakakahiya kasi baka hindi ako belong don ma OP lang ako" -Dex
"Sinabi kona sa kanila na isasama kita, At hindi ka maOOP don kasama mo naman ako"
Nakakatawa talaga si Dex nakakawala sya ng stress. Sabay kaming nag almusal tapos nagasi kaso nadin dahil may klase pa kami.
DEX'S POV
Party na naman? Sa lahat ng ayaw ko ang pumunta sa party hindi kasi ako sanay na makihalubilo sa iba maliban nalang kung mga kilala ko. Atsaka kilala ko yung mga mukha ng mga kaibigan ni Nathan kahit mayayaman ay halatang mga lasenggo din haha.
Habang nasa byahe kami ay nagfacebook muna ako at pagtingin ko may nag friend request sakin, Chineck ko agad at pagtingin ko si Irish inaccept ko agad.
'Hi Dex? Thanks for the accept'
Nag message sya agad sakin, Mukha namang mabait talaga si Irish hindi lang siguro sila nagkaintindihan ni Jasmine nuon.
'Welcome'
reply ko agad sa kanya, Typing naman agad sya.
'Dex kamusta na pala yung Favor ko sayo? Nasabi mo na ba kay Nathan na mag-usap kami?' - Irish
Hala! Oo nga pala! Hindi kona nasabi ulit kay Nathan ang tungkol duon masyado kasi akong naka focus sa concert ni Ken.
'Hindi pa ako maka tyempo eh, Lagi kasing Badtrip si Nathan baka mabugahan ako ng apoy😂😂'
'Haha sige antayin ko nalang, Message me nalang if ever nasabi mona or mag-uusap na kaming dalawa' -Irish
Napatingin nalang ako kay Nathan ng wala sa oras. Pano koba sila magagawang pag-usaping dalawa? Eh banggitin ko pa nga lang ang pangalan ni Irish ay nanlilisik na agad yung mata nya sa inis. Gusto ko din silang tulungan na magkausap malay mo magkabalikan pa sila dahil sa tingin ko mahal na mahal padin nila ang isat-isa.
Sunod na nag chat sakin ay si Dan tinatanong nya kung nasaan na ako, Huhu kilig sa ako masaya na ako na chat ko yung Crush ko hindi lahat ng tao nabibigyan ng chance para maging close yung mga crush nila.
'Dex asan kana? Antayin kita sa gate ng school'
'Malapit na ako, Sige antayin mo nalang ako'
Wala na akong patumpik tumpik pa reply na agad haha ganyan kasi akong klaseng tao mabilis mag reply. Hirap kasi sa iba dyan kahit alam na nila na minessage sila ayaw pang replyan kunwari hindi nabasa! Hindi naman sa nagpaparinig ako sa nagbabasa nito pero parang ganon na nga haha.
Pagdating namin don ay nasa labas na si Dan naghihintay.
"Dan kanina ka pa ba?"
"Hindi naman kakadating kolang din" -Dan
"Sorry ha, Traffic kasi eh"
"Wala yon haha, Tara na?" -Dan
Papasok na sana kami pero may biglang humawak sa kamay ko kaya napahinto ako.
Nandon pa pala si Nathan akala ko na una na syang pumasok sa loob.
"Dex may problema ba?" -Dan
Huhu ito na naman tayo, Si Nathan ayaw bitawan yung kamay ko.
"Ah eh wala baka may nakalimutan lang sya, Sandali lang ha? Kakausapin kolang to"
Tumango lang sakin si Dan at hinila kona palayo si Nathan.
"Nathan ano na naman yon?"
"Kailangan talaga lagi kayong magkasabay?" -Nathan
"Syempre magkaibigan kami alangan naman hindi diba, Bakit masama ba?"
"Oo masama" -Nathan
"Anong masama don?"
Hindi ko alam kung anong vitamins ang tinake ni Nathan nung bata pa sya at bigla bigla nalang nagbabago ang mood nya.
"Masama kasi, I'm Jealous" -Nathan
Natahimik ako sa sinabi nya, Yung puso ko naging abnormal na naman ang pagtibok narinig ko na naman ang DUG! DUGDUG!. Akala ko sa pagpasok ng bagong taon ay kasabay na nawala ang feelings ni Nathan inisip ko kasi na baka naguguluhan lang sya.
"Nathan?"
"Never mind, Sige na sumabay kana sa kanya" -Nathan
Umalis na si Nathan at iniwan ako, Bumigat na naman tuloy ang pakiramdam ko. Bumalik nalang ako kay Dan pero hindi padin mawala sa isip ko si Nathan.
"Dex ayos kalang ba?" -Dan
"Ah eh oo ayos lang ako, Bakit?"
"Para kasing nag iba yung awra mo parang masaya ka kanina tapos ngayon parang lumungkot. Inaway kana naman ba ng pinsan mo? Gusto resbakan kona yon?" -Dan
"Nako wag na, Hindi naman kami nag-away Medyo sumama lang kasi yung pakiramdam ko pero okay nako"
Tumango na lang sya at sabay na kaming umakyat papunta sa mga classroom namin.
Wala akong gana sa klase namin as in lutang ako kahit nagtutura yung teacher ko ay walang pumapasok sa utok ko.
Pagka recess na ay hindi ko nakita si Dan kaya ako nalang ang mag-isang bumaba papuntang Canteen at nagrecess ako mag-isa.
"Hi Dex? Pwede maki upo?"
"Oo naman"
Umupo si Irish sa harap ko kasama yung dalawa nyang kaibigan
"Bakit mag-isa kalang? Wala kabang kasama?" -Irish
"Wala nga eh"
"Ganon ba? Eh bakit ayaw mo sumabay kay Nathan?" -Irish
"Kasi lagi yon kasama ng mga kaibigan nya"
"Ay oo nga pala noh? Alam mo ba nung kami pa lagi akong kasama sa grupo nila parang ako yung prinsesa nila, Ay hindi pala Reyna pala. Diba girls?" -Irish
Ngumiti lang yung dalawa niyang kaibigan, Naniniwala naman ako sa sinsabi nya dahil yung ganda nya ay pang Queen naman talaga.
"Irish hindi naman sa nakikialam ako, Bakit ba kayo nagkahiwalay ni Nathan?"
Bigla syang natahimik sa tinanong ko at napatingin sya sa dalawa nyang kaibigan, Curious lang kasi ako sa nangyari sa kanilang dalawa ni Nathan.
"It's a long long story Dex, Pero sana matulungan mo ako na makausap si Nathan. Gusto kolang kasi na maayos kung ano man ang nasira sa amin" -Irish
Mukhang mahal na mahal ni Irish si Nathan, Hindi kaya si Nathan ang nagloko kaya sila nagkamalabuan?
"Oo tutulungan kita"
"Talaga super thank you talaga. Pano Friends na tayo?" -Irish
Inabot ni Irish yung kamay nya at hindi naman akk nagdalawang isip na kamayan sya.
"Friends" Sagot ko sa kanya, Napangiti nalang ako kasi sa ilang buwan ko sa school nato ay nadagdagan nadin ang kaibigan ko.
"Alam mo Dex gusto mo ba na sumali sa grupo namin? Para naman makilala kadin sa school nato at malay mo baka maging sikat kapa" -Irish
Mukhang maganda ang alok sakin ni Irish, Parang maganda yon na makikilala ako sa school nato pero sa kabilang banda ay naiisip ko yung mga mangyayari.
"Irish pag-iisipan ko muna"
"Hay nako Baks wag monang pag-isipan minsan lang mag-alok si Irish, Andami kayang gustong mapasama samin" Sagot ng isa nyang kaibigan
Ngumiti nalang ako dahil hindi ko talaga alam ang isasagot ko sa alam nila sakin.
IRISH POV
"Girl sigurado kaba na isasalo mo si Dex sa grupo natin? Haler all girls kaya tayo tapos hahaluan mo ng bakla?" -Bea
"Boba kaba? Sa tingin mo ba makikipag kaibigan talaga ako sa isang low Class na tulad ni Dex? Syempre kailangan kopa si Dex para makuha ulit si Nathan, Syempre kailangan ko munang maging close si Dex. Penge nga sanitizer"
Inabot sakin ni Venus yung sanitizer at pinunas ko sa kamay ko, Mahirap na baka may bacteria yung kamay ni Dex galing pa naman sya aa mahirap na pamilya baka magkasakit pa ako
"Ang bad mo talaga Irish" -Venus
"Hindi pa ako bad non, Mabait pa ako sa lagay nayon"
Bad naba na magatawag yon? Nagpatulong lang naman ako kay Dex at pumayag naman sya anong masama don?
"Grabe ka talaga Irish, Sa iba mo pa talaga ipapagawa yung bagay na ikaw dapat ang gagawa" -Bea
"Pumayag naman sya kaya walang masama don. At pwede ba manahimik nalang kayong dalawa"
"Whatever" -Bea
Itong dalawa kong alalay lagi nalang kontra sakin, Parang hindi nila ako kaibigan sa ginagawa nila.
Pero mabuti nalang nandyan si Dex at may tutulung sakin na magkaayos kaming dalawa ni Nathan.
DEX'S POV
Nag mag uwuian na ay nakaabang na si Nathan sa labas ng room ko.
"Shall we?" -Nathan
"Saan tayo pupunta?"
"Sa Party" -Nathan
"Ano?! Bakit ang aga naman? Hindi pa nga tayo nagpapalit"
"It's a long hour celebration, atsaka okay nayang suot natin" -Nathan
Pumunta muna kamin sa tambayan nila at naabutan namin don sila Dave na nag-aantay, Kilala kolang si Dave kasi sya yung pinasahan ko ng picture dati ni Nathan haha.
"Nat ang tagal mo naman" -Dave
"So?, Ano hindi pa ba tayo aalis?" - Nathan
"Wait lang magyoyosi lang ako" -Dav
e
Kumuha si Dave ng sigarilyo at napatingin sa direksyon ko, Paano sila nakapagpuslit ng ganyan dito? Tssk mga matitigas talaga ang ulo.
"Hi Dex? Yosi Gusto mo?" -Dave
Nagulat ako sa sinabi nya hindi kasi ako naninigarilyo, Lumapit naman si Nathan kay Dave at binatukan si ito tapos kinuha pa yung yosi at tinapon.
"Tssk, Wag mong itulad si Dex sayo. Bawal manigarilyo dito diba?"
"Haha sorry na ito naman masyadong mahal na mahal yung pinsan nya" -Dave
"Shut up" -Nathan
"Ah eh sinong bang may Birthday?" tanong ko sa kanila, Iniba ko nalang yung usapan baka kasi kung saan pa mapunta
"Si Matthew ang may Birthday" -Dave
Napatingin ako sa direksyon ng Matthew isa sya sa tahimik lang sa grupo nila hindi katulad ni Dave at Steve napaka ligalig tapos yung isa naman na kaibigan nila na si Anthony ay masyadong seryoso laging may hawak na libro.
"Happy Birthday Matthew"
"Thank you" Sagot naman nya.
Hindi pa muna kami ulis dahil nag kwentuhan pa sila. Ako naman pinagmamasdan kolang silang lima mukha naman masaya sila sa isat-isa akala molang mga lokoloko pero mababait pala, Atsaka walang pangit sa kanila lahat may hitsura kaya hindi kataka taka na halos karamihan sa mga babae dito ay may gusto sa kanilang lima. Medyo matanda din sila sakin ng ilang taon dahil senior high palang ako college na sila.
Sabay sabay kaming anim na pumunta sa bahay ni Dave at mga besh ang ganda ng bahay nila labas palang, Ano pa kaya sa loob?
"What's wrong?" -Nathan
"Ah eh Nathan? Uwe nalang kaya ako? Baka kasi puro mayayaman ang nandito"
"Tssk" -Nathan
Hinawakan ako ni Nathan sa braso at hinila papasok aa bahay ni Dave wala na akong nagawa dahil ang higpit ng hawak nya.
Pagpasok namin ay marami nang tao at karamihan puro mga kasing edad lang nila.
Pumasok muna kami sa loob at umupo sa may pwesto namin. Taray ng bahay nila ang ganda!
Sana balang araw makabili rin ako ng ganito at ireregalo ko yon sa mga magulang ko dahil alam ko na matagal na nilang pangarap ang tumira at magkaroon ng malaking bahay.
Naglapag agad si Dave ng beer para sa kanila inalok pa nga nya ako pero humindi ako.
"Nathan wag ka nang uminom, Baka malasing ka yari tayo kay tita nito" Bulong ko kay Nathn.
"Okay Fine" -Nathan.
Nilayo ni Nathan yung Beer, Mahirap na baka maparami pa sya magbabyahe pa naman kami atsaka baka malaman ni Tita ako pa ang mapagalitan dahil hindi ko pinigilan si Nathan.
Kumain nalang kami ni Nathan habang yung apat ay umiinom at nagtatawanan.
Natatawa nalang ako sa pinagkukwentuhan nila dahil puro kalokohan ni Dave ang topic nila. Si Dave naman namumula na sa sobrang kahihiyan hahaha.
Gabi na kami nakauwe ni Nathan dahil hindi sya pinayagan umalis ni Dave, ang kulit nga ni Dave eh dahil medyo lasing na.
# CHAPTER 47
DEX'S POV
Naglalakad ako sa hallway nang bigla kong makasalubong si Irish pati yung dalawang kaibigan nya.
"Hi Dex" masayang bati nya sakin
"Hello?"
"Dex wala ka bang gagawin ngayon? Gusto mo sumama samin?"
"Nako may klase pa kasi ako eh, Next time nalang"
"Mag skip ka muna sa klase mo sumama ka muna samin, Minsan lang naman to eh"
"Kaya nga naman Dex, Hindi ka naman babagsak dahil lang sa hindi ka pumasok ngayong araw"dagdag naman ni Venus
"Pasensya na talaga Hindi pwede eh, San ba kayo pupunta?"
"We're going to mall, Magshoshopping"
"Lalong hindi ako makakasama sa inyo, Wala din kasi akong pera ngayon"
"Don't worry about the money akong bahala sayo, Kaya tara na wag ka nang pumasok"
Magsasalita pa sana ako pero hinila na ni Irish ang kamay ko kaya wala na akong nagawa. Pero grabe padin ang kaba ko dahil first time gagawin na mag cutting class, Sana lang hindi to makaabot kala tita.
Sumakay kami sa saksakyan ni Irish mayaman nga talaga sya at bagay na bagay silang dalawa ni Nathan.
Habang nasa byahe kami ay hindi paden ako makaimik dahil kabado talaga ako pakiramdam ko ano mang oras baka may makakita sakin.
"Dex okay kalang ba? Kanina kapa kasi tahimik:
"Ah eh oo, Okay lang ako"
"Wag mo nang isipin yung hindi mo pagpasok minsan lang naman to and i promise hindi na mauulit and if ever man na malaman to ni Nathan Ako ng bahala mag explain sa kanya"
Medyo nakahinga ako ng maluwag sa sinabi nya, Siguro kasi na kapag nalaman to ni Nathan yari ako don. Sinabihan pa naman nya ako na wag lalapit kay Irish.
Pagdating namin sa mall ay pumasok agad kami sa bilihan ng damit, Namili naman agad silang tatlo ako naman nakatayo lang at pinapanood sila.
"Dex pili kana ng kung anong gusto mo"
"Sige lang kayo nalang, Wala akong pera eh"
Nakaka hiya naman kung magpapalibre pako sa kanya.
"Ano kaba, Ako ang magbabayad sige na pumili kana"
"Irish wag na, Nakakahiya naman atsaka ang mamahal ng damit dito"
"Wag ka nang mahiya, Sige kung ayaw mo ng bigay edi utang mo sakin to at bayaran mo nalang kapag may pera kana"
Nakakahiya man ay pumili nadin ako ng magagandang damit mapilit kasi si Irish hindi nya talaga ako tinigilan ang hanggat hindi ako pumipili.
Mabait naman pala si Irish, Hindi ko naman nakikita yung mga sinabi ni Jasmine na masamang ugali ni Irish ang nakikita ko ngayon ay ang mabuting Irish.
After naming mamili (Nila pala haha) Ay kumain kami nakakahiya man pero nilibre na naman ako ni Irish wala akong ginastos kahit piso. Dumaan pa kami sa mga bilihan ng make up, Ganito pala kapag babae ka ang dami din gastos para sa mga kolorete sa mukha.
"Irish salamat pala dito ha? Promise babayaran ko to kapag may pera na ako"
"It's okay, But for now sumama ka muna samin meron pa tayong pupuntahan"
"Ha? Saan naman?"
"Basta sigurado ako na magugustuhan mo don"
Gusto ko na sana humindi kay Irish pero nakakahiya naman kung hihindian ko sya, Chineck muna yung oras dahil baka maghanap yon si Nathan hindi pa naman ako nagsabi sa kanya malolow bat. Nadin ako huhu bakit sumabay pa.
Akala ko naman kung saan kami pupunta yun pala magpapa footh spa lang sila iba talaga kapag maraming pera lahat pwede mong gawin, Dahil nahihiya na ako kay Irish ay sinabi ko nalang na hihintayin ko nalang sila at ako na ang bahalang bantay sa mga gamit nila.
IRISH POV
Habang nakaupo kaming tatlo nila Bea at Venus, Itong si Bea ay hinipo hipo ang leeg ko.
"Anong problemo mo Bea?"
"Ikaw ba talaga si Irish?"
"Anong klaseng tanong yan?"
"Hindi ikaw si Irish, Sino ka? Anong ginagawa mo sa katawan nya?"
Sa inis ko kay Bea ay Binatukan ko sya, Kung ano ano kasing Pinagsasabi. Mukha akong ibang tao? Hindi ko alam kung anong klaseng utak meron sya.
"Kapag hindi ka tumigil sa kabaliwan mo ipapa mental talaga kita"
"Mental agad? Sorry naman. Nakakapanibago lang kasi ang bait bait mo ngayon"
Alam kona kung anong tinutukoy nya, Napatingin ako sa gawi ni Dex nakaupo sya at binabantayan ang mga gamit namin.
"Ngayon lang to dahil may kailangan pa ako kay Dex, Sa tingin mo ba talaga magtatyaga akong makisama sa Dex nayan kung wala akong mapapala?"
"Ang bad mo talaga, Mukha pa namang gusto ka talaga ni Dex maging kaibigan" sabat ni Venus
"Hayaan mo sya, One day marerealize nadin nya kung saan sya nararapat sumama"
"Tama ka girl"
Pagkatapos naming magpa footh spa ay nagpa manicure na din kami, Inabot din kami ng lagpas isang oras hanggang sa inabot kami ng dilim. Si Dex naman nakaupo lang at hinihintay kami.
"Dex sorry ha? Natagalan kami"
"Hindi okay lang"
"Talaga?"
"Oo okay lang"
"Dex pwede bang ikaw na yung magdala nung mga pinamili namin? Bagong manicure lang kasi kami alam mona, Baka masira. Kung pwede lang naman"
"Sige sige ako na magdadala"
Binibit ni Dex ang lahat ng pinamili namin, Madali naman pala syang kausap. Habang naglalakad kami ay may napansin akong magandang background.
"Dex pwede bang picturan mo kami?"
"Sige, Wait lang ibababa kolang to"
Nilapag nya yung mga pinamili naman tapos binigay ko sa kanya yung phone ko.
Ginawa naming photographer si Dex kasi nagpapicture kaming tatlo isa-isa tapos iba iba ding post tapos yung magkakasama kaming tatlo.
Ilang minuto din kaming nagtagal dahil sa picture taking nayon. si Dex naman ay parang aligaga parang may iniisip sya na ewan.
NATHAN'S POV
Kanina pa ako naghihintay sa sasakyan pero walang Dex na dumadating. Tsk asan na naman bayon?
"Kuya Alex hahanapin kopo muna si Dex"
"Sige po Sir"
Lumabas na ako agad para puntahan si Dex sa room nya pero pagdating ko don ay ibang section na ang nandon.
Asan na ba yon??? Sinubukan ko syang tawagan kaya lang nakapatay na yung phone nya. Dex asan kana ba?? Pinuntahan ko din si Dan sa Room nya baka sakaling alam nya kung nasan si Dex.
"Dan nakita mo ba si Dex?"
"Hindi bakit?"
"Wala pa kasi sya, Kanina pa ako naghihintay sa kanya"
"Baka nauna na umuwe sa inyo, Hindi ko na din sya nakita mula kanina"
Mukhang tama si Dan baka nauna na sakin si Dex, Pero bakit hindi man lang sya sakin nagsabi? Hindi ba nya alam na nag-aalala ako sa kanya o baka naman talagang gusto ny akong asarin, Yari talaga yon sakin pag-uwe ko.
Nagmadali agad akong umuwe para malaman kung nasa bahay naba talaga sya, Pero pagdating ko don ay wala pa si Dex.
"Nathan bakit ikaw lang asan si Dex?"takang tanong sakin ni Mommy
"Mom? Wala pa po ba si Dex dito?"
"Wala pa why?" -Mom
WT?!? Dex asan kana ba?? Sinubukan ko ulit syang tawagan pero nakapatay padin yung phone nya, Kaya naisipin kong tawagan yung mama nya baka sakaling napadaan sya don.
'Hello Tita?'
'Hi Nathan, Napatawag ka?'
'Ah tita itatanong kolang po kung nandyan po si Dex sa inyo?'
'Wala sya dito Bakit?'
Pagkasabi palang nya na wala ay pinatay kona agad yung call, Tsk Asan ba si Dex?? Hindi kaya nakipag kita yon kay Mark?
"Nathan, Is there anything wrong?"
"Nothing Mom, Just don't mind me"
Umakyat nalang ako sa kwarto ko, Sinubukan ko padin syang tawagan pero wala padin. Nagmessage nadin ako sa kanya ng maraming beses pero ni isa don walang reply.
Buong maghapon ay walang paramdam si Dex, Hanggang sa umabot na ng gabi hindi tuloy ako mapakali pakiramdam ko may masama ng nangyari sa kanya.
Hindi naman kasi gawain ni Dex yon, Lagi yung nagtetext sakin kung may pupuntahan syang iba. Pero bakit ngayon wala?
DEX'S POV
Huhu siomai, Lumpiang shanghai! Inabot na ako nang gabi, Low bat pa yung phone ko sigurado ako na tadtad nayon ng message mula kay Nathan.
Mabuti nalang hinatid ako ni Irish hanggang sa tapat ng bahay nila Nathan kaya hindi na ako nahirapan sa byahe.
"Irish, Salamat ulit dito tsaka salamat sa pag-hatid"
"No problem, Basta tulungan molang ako na makausap si Nathan"
"Sige akong bahala, Gagawa ako ng paraan para makapag usap na kayo"
Nagbabye na ako kay Irish, At dahan dahang pumasok sa bahay nila Nathan mahirap na baka makita ako haha, Mabuti nalang alam kon yung techinque kung paano buksan yung gate nila..
Tiningnan ko muna yung oras at pasado 8 palang ng gabi. Pashnea ganon pala kami katagal at inabot kami ng gabi? Huhu.
Dahan dahan akong umakyat sa hagdaan at pumunta sa kwarto ko pero bubuksan ko palang sana yung pinto.
"Saan ka nanggaling"
"Ay kalabaw, Nathan naman wag ka nga bigla biglang nanggugulat aatakihin ako sayo sa puso"
"Saan ka nanggaling?"
"Ah eh sumama lang ako sa mga bago kong Friend"
"Saan kayo nagpunta? Saan galing yang mga dala mo?"
"Sa mall, Ito ba? Wala to binigay lang nila sakin"
Hindi ko pwedeng sabihin sa kanya na ang kasama ko ay sila Irish dahil sigurado ako magagalit tong lalaki nato.
"Bakit hindi ka man lang nagtext o tumawag?!"
"Sorry kasi na Low bat yung phone ko, Hindi ko nadin kasi namalayan yung oras."
Akala ko magagalit sakin si Nathan pero hindi ko akalain na yayakapin nya ako, Yung yakap na akala mo ngayon lang kami nagkita. Kaya yung puso grabe naman ang Kabog.
"Sa susunod wag kang bigla biglang aalis, Mag sasabi ka o di kaya magtetext ka. Hindi mo alam kung gaano mo ako pinag-alala"
Bigla tuloy akong nakaramdam ng guilt, Mali naman kasi talaga yung ginawa ko. Dahil sa ginawa ko may mga tao pa tuloy akong napag-alala.
"Nathan sorry, Hindi ko naman talaga sinasadya"
"It's okay basta next time wag mona ulit yon gagawin. Akala ko tuloy kasama mo si Mark"
"Oo, Promise. At bakit naman nadamay si Mark?"
Ako na yung bumitaw sa pagkakayakap nya mahirap na baka makita pa kami ni Tita.
"Maalis mo ba sakin yon?"
"Kung magkasama man kami ni Mark walang masama don dahil magkaibigan naman kami."
"Kahit pa, Ayaw kolang na umasa kana naman tapos masasaktan ka"
"Salamat sa concern, Pero wag kang mag-alala hindi ko naman kasama si Mark kanina"
Ewan ko ba dito kay Nathan, Sa sobrang talino kung ano-ano na ang pumapasok sa utak nya.
"Good to hear, Kumain kana ba?"
"Hindi pa, Pero ako nalang bababa mamaya magbibihis lang ako"
Nagpaalam nalang ako kay Nathan na papasok na ako sa kwarto ko mabuti nalang nadin at hindi nya inusisa kung sino talaga ang kasama ko.
Lord? Bakit ganito yung nararamdaman ko? Hindi ako pwedeng ma fall kay Nathan, Hindi ako pwedeng ma fall sa pinsan ko. Bakit ba pagdating sa love life ko laging napaka komplikado? Hindi ba pwedeng mahal ko nalang at mahal nalang ako sana ganon nalang kadali para hindi na ako nahihirapan pa.
# CHAPTER 48
DEX'S POV
Habang tumatagal lalo ako naguguluhan sa nararamdaman ko, Hindi naman sa nagmamaganda ako pero kasi aaminin ko sa sarili ko na hanggang ngayon ay mahal ko pa din ang BestFriend ko. Pero kasi iba yung nararamdaman ko kapag kasama ko si Nathan.
"Dex?"
"Ay kalabaw! Dan naman, Alam mong magugulatin ako"
"Haha sorry na, Ang lalim kasi nang iniisip mo. Sino na naman ba yan?"
Umupo kaming dalawa ni Dan sa may Bench, Tutal maaga pa naman at wala akong klase.
"Dan posible bang magka gusto ang isang lalaki sa isang baklang katulad ko?"
Tumingin ako sa kanya at nagong seryoso din sya. Gusto lang malaman kong posible talaga yon, Gusto ko malaman sa bibig mismo ng isang lalaki na posible nga yon. Sa panahon kasi natin ngayon napakahirap paniwalaan na ang isang lalaki pwedeng mainlove sa isang gaya ko lalo na't walang involve na pera.
"Alam mo Dex, Malayo na ang inunlad ng pag-iisip ng mga tao sa ating lipunan. Bukas na sa kanila ang mga bagay na Ganyan. Kaya kung ako ang tatanungin mo? Posible yon, Lalo na kung yung baklang yon ay talaga namang deserving para mahalin ng isang lalaki"
Hindi ako nakasagot sa sinabi nya, So posible nga? Nakatingin lang si Dan sakin at lalo sya naging seryoso.
"Bakit Dex, May nagkagusto na ba sayo na isang lalaki?"
Ano bang klaseng tanong yan huhu, Huminga ako ng malalim at sinagot ko sya.
"Wala, Tinatanong ko lang kasi alam mo na Bakla ako nangangarap din naman ako na mahalin ako"
Hindi ko pwedeng sabihin na si Nathan, Wala dapat makaalam dahil panigurado malaking eskandalo to.
"Meron yan maghintay kalang, Malay mo nandyan lang sa tabi tabi hindi mo lang napapansin"
Luminga linga ako pero wala naman akong nakitang tao, Ano kayang sinasabi nyang nasa tabi tabi lang? Hays ang labo naman kausap ni Dan.
"Dan wala naman eh"
"Wala talaga yon, Dahil hindi mata ang ginagamit don kundi puso atsaka hindi mo naman mapapansin ang isang taong nagmamahal sayo kunh hindi ka interesado sa kanya"
Lumapit sakin si Dan sabay kurot ng malakas sa dalawa kong pisngi. Ang labo talaga nya pano makikita ng puso yon eh wala naman yong mata.
Hinabol ko si Dan pero mas mabilis sya sakin, Tumigil nalang ako sa pagtakbo dahil hinihingal na ako haha hindi kasi ako sanay sa takbuhan.
"Pagod kana agad?"
"Ang daya mo! Mamaya kalang sakin kapag nakapahinga ako"
Habang naglalakad kami paakyat ay nakasalubong ko sila Irish kasama na naman yung dalawa nyang kaibigan.
"Dan mauna kana, Kakausapin kolang sila"
"Sige Dex kita nalang tayo mamaya"
Nauna nang umalis sila Dan at hinarap kona sila Irish.
"Uii Girl ipakilala mo naman ako don kay Pogi" ani ni Venus
Si Dan siguro yung tinutukoy nya.
"Sige ipapakilala kita next time"
"Talaga?! Nako salamat ha?!"
"Dex anong nangyari kagabi? pinaglitan kaba?" Alalang tanong ni Irish
"Hindi naman"
"Buti naman, Sorry talaga ha? Hindi ko kasi namalayan ang oras yan tuloy ginabi ka"
"Ayos lang yon, Hindi din naman ako pinagalitan"
"By the way, May lakad ulit kami ngayon gusto mong sumama?"
"Next time nalang siguro, Dami ko din kasing gagawin eh atsaka wala din akong pera nakakahiya naman kung ikaw ulit gagastos"
"Hmm okay fine, Pero yung favor ko sayo ha? "
"Oo gagawan kona ng paraan"
"Salamat Dex, Your so kind talaga. Pwedeng pakibigay nadin to kay Nathan?"
May kinuha sya sa bag nya at inabot sakin, Isang chocolate lang naman.
"Sige ako bahala makakarating sa kanya to"
"Salamat, Pano alis na kami"
"Okay, Ingat"
Umalis na silang tatlo ako naman pumunta na din sa room ko. Ayaw ko din talagang sumama dahil meron pa akong mga mas importanteng bagay na dapat gawin, Ewan koba kala Irish parang wala pang sa kanla pero sabagay mayayaman naman sila.
Mahal na mahal talaga ni Irish si Nathan binigyan pa talaga ng chocolate tapos itong si Nathan pabebe pa, Kakausapin lang eh ang arte pa.
Pagka recess ay sabay ulit kami ni Dan, Hindi ako sumasabay kay Nathan kasi lagi nyang kasama yung mga kaibigan nya, Nakasabay din namin si Jasmine.
"Dex anong pinag-usapan nyo ni Irish"
"May pinaabot lang sya sakin, Iabot ko daw kay Nathan"
"Dex wag ka nang lumapit kay Irish mapapahamak kalang"
"Mabait naman si Irish"
"Hindi mo kilala si Irish, hindi yon basta basta nakikipag usap sa iba lalo na't wala syang kailangan"
Hindi ko talagang magawang paniwalaan si Jasmine, Mabait naman kasi si Irish kahit saglit lang kami nagkasama.
"Jasmine subukan mo din kayang kausapin si Irish malay mo magkabati kayo"
"Never kong gagawin yon, Yung mga kagaya ni Irish? Hindi marunong yon makipagkaibigan"
"Bakit ba kasi ayaw nalang kausapin ng pinsan mo si Irish. Dapat silang dalawa ang nag-uusap"
Sumingit si Dan sa usapan namin, Hayss mabuti nalang para hindi sagutin ang sinasabi ni Jasmine.
"Ayaw na ni Nathan, Banggitan ko pa nga lang ang pangalan ni Irish nagagalit na sya"
"Eh bakit kasi pumayag kapa sa sinabi ni Irish?"
"Kasi nakita kong mahal na mahal pa ni Irish si Nathan, Malay mo maayos pa nila yung relasyon nila"
"Tinanong mo na ba si Nathan tungkol dito? inalam mo ba kung anong nararamdaman nya?"
Natahimik ako sa sinabi ni Dan, Tinanong ko naman si Nathan tungkol dito pero wala talaga ayaw nyang kausapin si Irish.
Mali ba tong ginagawa kong pakikialam? Tumingin ako sa direksyon ni Nathan at saktong sakto na nagtama ang aming mga mata.
Isang bagay ang narealize ko, Ang wag manghimasok sa damdamin ng ibang tao pero gusto ko lang naman sila matulungan baka sakaling magkabalikan pa silang dalawa.
"Dan mali ba ako sa desisyon kong tulungan silang dalawa?"
"Alam mo Dex tama naman yon kasi baka nga mahal pa nila ang isat-isat, Pero sa tingin mo ba mahal pa ni Nathan si Irish? ang hirap kaya na ipilit ka sa isang taong hindi mo naman mahal"
Bigla kong naalala ang mga sinabi sakin ni Nathan
'Dex mahal kita'
. Hayss bahala na nga naguguluhan na ako.
Pero ano nalang sasabihin ko kay Irish nito? Umasa pa naman sya na gagawin ko yo .
Paalis na sana kami ni Dan pero biglang pumunta si Nathan sa pwesto namin.
"Mag-usap nga tayo"
"Ako ba?"
Tanong ko sa kanya, Haha baka Kasi si Dan ang gusto nyang makausap eh wala naman kaming dapat pag-usapan.
"Tsk"
Hinawakan ni Nathan ang kamay ko, Ano na naman kayang problema nya.
"Nathan, Ano bang sasabihin mo?"
"Pano mo malalaman kung hindi ka tatayo dyan"
"Kasama kopa si Dan at Jasmine"
Hindi naman ako basta basta nangiiwan ng kaibigan.
"Edi magpaalam kana"
"Sige na Dex baka importante sasabihin sayo ng pinsan mo" malumanay na Sabi ni Dan
Kainis tong si Nathan, Panira ng moment! Alam ba nyang nag eenjoy ako kasama si Dan.
Sinundan ko sya at hinihingal ako kasi ang lalaki ng hakbang nya palibhas a malalaki ang biyas nya kesa sakin.
"Nathan san mo ba kasi ako dadalhin?"
Hindi sya sumagot sakin, Hanggang sa nakarating na kami sa rooftop ng school.
"Nathan anong gagawin natin dito"
"Mag-uusap"
"Ha?! Mag-uusap lang tayo tapos dito pa talaga?"
"Baka kasi may makarinig"
"Ano ba kasi yon?"
"May gusto kaba kay Dan?"
Medyo nagulat ako sa tanong nya, Saan naman nang galing ang tanong nya na ganito.
"Ha?! Ano bang klaseng tanong yan?"
"Kapag nakikita kasi kita na kasama mo si Dan iba yung saya sa mga mata mo"
Yung kaninang seryoso na mukha ni Nathan ay biglang lumungkot.
Kinuha ko yung Chocolate sa bulsa ko at binigay sa kanya.
"Kainin mo yan, Ang drama mo kasi"
"Hindi ako madrama, Nagseselos ako kapag nakikita ko kayong magkasama"
Kinuha ko yung kamay nya at nilagay don yung chocolate na bigay ni Irish.
"Si Dan Crush ko lang yon, Masama nabang makipag close sa iba?"
Napatayo naman si Nathan sa sinabi ko, Ang OA nya parang bata haha.
"Crush?!??!"
"Ay paulit-ulit?"
"Promise mo sakin na hanggang crush mo lang sya, Dahil ako lang dapat ang Love mo"
Kikiligin na ba ako? Syempre hindi dapat. Ayoko kolang saktan yung damdamin ni Nathan kaya wala akong sinasabi sa twing sasabihin nya sakin na mahal nya ako.
"Kainin mona yang chocolate nayan, Galing yan Irish"
Oooppsss napatakip ako bigla ng bibig, Pashneang bunganga to! Huhu
"Kay Irish?!"
Napilitan akong tumango, Itinapon ni Nathan yung chocolate na bigay ni Irish.
"Hoy bakit mo tinapon!?!?!"
"Galing kay Irish eh, Anong gusto mong gawin ko kainin ko?"
"Ano ba sayang yon, Dapat binigay mo nalang sakin"
"Tsk, Bakit ba ganyan ka? Pilit mo akong nilalapit sa taong hindi kona mahal"
"Ayaw moba na mag kaayos kayo? Diba sya yung Great lOve mo?"
"Noon yon Dex! Pero iba na ngayon, nagbago ang lahat dahil sayo! Dahil ikaw na ang mahal ko"
"Sorry"
Yan lang yung salitang lumabas sa bibig ko, Nahiya kasi ako bigla sa sinabi ni Nathan pakiramdam ko napaka pakialamera ko.
Lumapit sakin si Nathan at niyakap ako ng mahigpit.
"Hindi mo kailangan mag sorry" Hinarap ako ni Nathan ni sa kanya at nagkakatitigan kami.
"Nathan? Tama na. Mali nato"
"Anong mali?"
"Nathan magpinsan tayo, Ano nalang sasabihin ng iba kapag nalaman nila to?"
"Bakit ba lagi kang naka dipende sa ibang tao? Sila ba ang nagmamahalan? Diba tayo naman?"
Lord? Bakit po ganito kakomplikado? Akala ko kapag pasok ng bagong taon ay mababawasan na ang problema ko, Hindi pala dahil panibagong problema na naman to.
Nahihirapan na ako dahil isipin kopa lang yung sasabihin ni tita Emman natatakot nako, Lalo na ang sasabihin nila Mama at papa.
MARK'S POV
"Mark kamusta na si Dex, Nakapag usap na ba kayo ng maayos?"
Since classmate ko si Miles ay madalas din kaming nagkakasama.
"Oo nung Birthday nya"
"Alam mo Mark matagal ka nang mahal na mahal don, Pero hindi nya magawang sabihin sayo dahil ayaw nyang masira ang friendship nyo"
Mahal ko naman si Dex pero hanggang kaibigan lang, Mabait naman si Dex kaya hindi sya mahirap mahalin.
"Sana mahanap nadin ni Dex yung lalaking mamahalin din sya"
"Sana nga"
"Pero ako padin yung Bestfriend nya hindi na mababago yon, Poprotektahan ko padin sya sa mga aaway sa kanya tawagan nya lang ako kahit anong oras darating ako"
"Wow tapang ha?"
"Haha hindi naman, Syempre Bestfriend ko yon eh"
"Ako din kapag kailangan ni Dex ng kausap nandito lang ako, The Best Bestfriend yun si dex"
Hindi ko man mabigay yung pagmamahal na hinihingi ni Dex, Maiparamdam ko man lang sa kanya na importante sya sakin. Namimiss ko na din maka bonding yon, Sana magkaroon kami nang bonding dalawa.
# CHAPTER 49
DEX'S POV
Back to reality na naman magkasabay kami ulit ni Nathan pumasok na parang walang nangyari, Na parang ayos lang kaming dalawa.
"Tita babye napo"
Nagpaalam muna ako kay tita bago kami umalis, Mabuti nalang at madalas na sya nandito na babantayan na nya si Nathan kaya lang si Tito Greg minsan lang sa isang linggo kung umuwe.
"Sige Dex ingat kayo, Ikaw Nathan ingatan mo yang pinsan mo ha?"
"No problem Mom, Akong bahala dito"
Lumapit sakin si Nathan at inakbayan ako.
"Ang sweet nyo namang dalawang magpinsan"
"Ah eh tita Mauna napo kami, Baka kasi malate pa kami"
"Sige ingat kayo"
Pagkalad namin sa labas ay kinurot ko si Nathan sa tagiliran.
"Aray bakit mo ako Kinurot?"
"Eh kasi ikaw may paakbay akbay kapang nalalaman"
"Gusto mo naman?"
"Gusto mo mukha mo"
"Pero si Nathan lagi mong niyayakap"
Yung tinutukoy nya yung teddy bear napa nalunan nya duon sa may perya.
"Kasi ayon masarap yakapin, Malambot pa at Nathan hindi ako dito uuwe mamaya"
"Ha? Saan ka naman uuwe?"
"Malamang sa bahay haler namimiss kodin sila mama noh"
"Sige basta bumalik ka agad"
"Opo boss"
Paepal talaga to kahit kailan si Nathan ang aga-aga sinisira ang araw ko.
Pag may time talaga ako magpapaturo ako kay kuya alex na mag drive para ako nalang ang madrive para sa sarili ko at hindi kona kailangan sumabay kay Nathan. Pero si Nathan marunong na sya pero ayaw pa sya pagamitin bast-basta ni Tita dahil baka maaksidente pa sya.
Nang magkahiwalay kami ng way ni Nathan ay nakasalubong ko si Irish kasama yung mga kaibigan nya.
"Hi Dex"
"Hello"
"Alam mo Dex dapat sumama ka samin kahapon kasi we had so much fan, Diba girls?"
"Yah that's true"
"Irish may sasabihin ako sayo"
"About? Don't tell me pumayag na si Nathan? OMG!! super thank you talaga"
Sa sobrang tuwa ni Irish ay niyakap nya ako ng mahigpit. Pano kaba sasabihin kay Irish nang hindi sya nasasaktan? Huhu ako tuloy ang nahihiripan sa sitwasyon.
"Ah eh Irish, Ano kasi Hindi kasi pumayag si Nathan na makipag usap sayo"
Yung kaninang masayang mukha ni Irish ay napalitan ng pagkadismaya.
"Seriously?"
"Oo eh, Sorry"
"Pero sinabi mo sakin na tutulungan mo ako, so i expected na magagawan mo ng paraan yung favor ko sayo pero hindi mo pala kaya"
"Yun na nga eh, Sorry talaga"
"It's okay alam ko naman na nagpapakipot lang sakin si Nathan, Ako nalang ang gagawa ng paraan. Akala ko pa naman matutulungan mo ako"
"Sorry talaga"
"I am already late to my class, Nice meeting you again Dex"
Pagkatapos non ay umalis na silang tatlo, Kahit hindi sabihin sakin ni Irish alam kong galit sya kasalanan kodin naman kasi dahil nagpromise ako sa kanya umasa sya na gagawa ko pero anong ginawa ko? Wala.
IRISH POV
AHHHH bwiset!!!!!! Ano pa bang kailangan kong gawin para kausapin ako ni Nathan? Ilang beses na ako humingi ng sorry sa kanya pero wala pa din! Alam kong mahal pa nya ako at hindi ako titigil hanggang hindi sya bumabalik sakin.
"Girl kawawa naman ang mga halaman, Inaaway mo ng walang kalaban laban" nakangiting sabi sakin ni Bea.
Sa sobrang inis ko kasi ay pinagbubunot ko yung mga halaman na nadaanan namin.
"Nakakainis kasi! Akala ko pa naman matutulungan nya ako"
"Eh sa ayaw ngang makipag usap ni Nathan anong magagawa mo?" Sabat naman ni Venus
"Magagawa? Syempre marami akong magagawa!"
"Ano na naman yang binabalak mo?"
"That's none of your business"
"Okay"
Wala din palang silbe yung baklang yon dapat pala hindi nalang ako humingi ng favor sa kanya. Ginamit kona naman tuloy ang plastic form ko para lang makatagal sa Dex nayon.
Habang naglalakad kaming tatlo ay may nakasalubong kaming isang lalaki, Tiningnan ko sya mula ulo hanggang paa at may hawak syang bulaklak, Don tell me na ibibigay nya sakin yon? So kadiri, Walang wala sya kay Nathan mukha lang syang ewan. Tapos ang kapal pa nu salamin nya halatang nerd talaga.
"Kung ibibigay mo sakin yan, Mas mabuti pa na itapon mo nalang yan dahil hindi ko yan tatanggapin"
Seryoso lang ang mukha nya, Wala eh ganito talaga ako magsalita kapag may nakikita akong mga nakakairitang mukha katulad ng lalaking to.
"Ah eh Irish hindi naman to para sayo, Para to kay Bea"
Lumagpas yung nerd sakin at binigay nya yung flower kay Bea. Aba!!! Bastos din sya noh? Akala naman nya kung sino syang gwapo? Iww as if naman na nag expect ako na sakin nya ibibigay ang bulaklak neknek.
"Salamat sa flower" mukhang asong ngiti ni Bea. Da! Lapitin talaga sila ng mga pangit
"Wala yon, Basta ikaw"
"Pwede ba kung maggaganyanan kayo sa labas nalang? Nakakadiri kasi, Tara na nga!"
Sumunod maman agad sakin yung dalawa kong alalay. Ito namang si Bea akala mo ngayon lang naka recieve ng flower kung makaharot wagas. Eh galing naman sa isang nerd.
"Bea kilala mo ba yon?"
"Hindi nga eh"
"Iba talaga ang kamandag mo girl, Kahit nerd naaakit mo"
"Well? That's me"
Kanina pa ako naiirita sa dalawang to dahil hindi padin sila tumitigil sa pag-uusap about sa bastos na nerd nayon.
"Pwede ba tumigil na kayong dalawa? At itapon mo nadin ang bulaklak nayan"
" Ha?! Eh bigay sakin yun ng nerd eh sayang naman"
"Itatapon mo yan o ihahampas ko yan sa mukha mo? Itapon mo na yan ibibili nalang kita ng bago"
"Na hopia kalang eh kaya ka nagkakaganyan, Akala mo kasi sayo ibibigay ang bulaklak"
Nagngisihan silang dalawa at nang humarap ako ay tumigil sila.
"Ikaw kasi Bea ang papangit ng mga nagkakagusto sayo yan tuloy nagagalit si Irish"
"Eh bakit ikaw meron bang nagkakagusto sayo?"
"Wala"
Tsk nag usap na naman ang mga boba at Ako nag expect na sakin ibibigay yon? over my dead body, Iwww di baleng walang magbigay sakin kesa makatanggap ako sa isang nerd atsaka marami na akong natanggap na ganyan galing kay Nathan mas magaganda na mas mahal pa.
DEX'S POV
Sobrang naguguilty talaga ako dahil halatang nagalit sakin si Irish, Pero anong gagawin ko? Ayaw ko naman na ipilit kay Nathan na kausapin si Irish dahil baka sakin naman sya magalit.
"Dex para kang pinagtakluban ng tadhana" alalang sabi sakin ni Dan
"Sorry may iniisip lang ako"
"Sino na naman yon? Boyfriend mo?"
"Pano ako magkakaBoyfriend eh hindi pa nga nagiging tayo?"
"Anong sabi mo?"
"Ah eh wala wala, Ang sabi ko taran na? Baka mawalan tayo ng pwesto sa canteen"
Pashneang bunganga to ang sarap busalan, Kung ano anong lumalabas sa bibig. Mabuti nalang talaga hindi narinig ni Dan kundi lagot ako nito.
Mabuti nalang pagkadating namin ay wala pa masyadong mga estudyante kaya nakahanap agad kami ng pwesto.
Wala akong mapili sa mga paninda dahil paulit-ulit lang naman atsaka nagtitipid din ako dahil marami pa akong mga utang na dapat bayaran haha, Lalo na yung utang ko kay Nathan na hanggang ngayon ay hindi kopa nababayaran baka isipin nya abusado ako.
Kaya ang binili ko nalang ay isang tubig at isang biscuit, Tama nayon sakin kakain nalang ako pag-uwe ko.
"Dex mabubusog kaba dyan?"
"Oo, Diet ako eh"
"Sige na pili kana, Ako na magbabayad"
"Hindi na Dan, Nakakahiya naman tama na tong binili ko"
"Kuya ito napo yung binili nyo"
Inabot sakin nung tindera yung Fries, Sandwich na may kasamang pizza roll. Wow ang sarap naman isip-isip ko kaya lang baka namali lang yung ate.
"Ate hindi po ako bumili nyan"
"Ay sir sa inyo po talaga yan"
"Ate Biscuit at tubig lang po yung binili ko"
"Para sa inyo po talaga yan" pagpupumilit ng tindera
"Ate baka namali lang kayo, Hindi talaga ako bumili nyan"
"Meron po kasing nag order nyan para po talaga sa inyo"
"Ha sino naman po?"
"Hindi kopo kilala, Basta ang sabi nya kainin nyo daw yan dahil yari daw po kayo sa kanya kapag hindi nyo kinain yan"
Ay grabe sya! Hindi ko na nga kilala kung sino sya tapos may pagbabanta pa. Pano ko kakainin to kung hindi ko alam kung saan galing.
"Ate wala man lang clue kung sino ang nagpabigay nito?"
Mayamaya ay biglang tumunog yung phone ko at naka recieve ako ng message galing kay Nathan.
"Kunin mona yan, Wag ka nang mag-inarte
"
Now i know kung kanino galing to, Akala ko kung kanino galing sa kanya lang pala.
Kinuha ko nalang yung pagkain at syempre pati yung binayad ko sa tubig at biscuit haha may pagkain na kasi eh.
"Kanino kaya yan galing?" Takang tanong ni Dan.
"Hindi ko nga alam eh"
Hindi kona sinabi sa kanya na galing kay Nathan to dahil baka kung ano pang-isipin nya.
"Baka kung kanino lang galing yan, Dapat hindi mona tinanggap"
"Haha kung kanino man to galing, Salamat sa kanya dahil mabubusog ako at hindi nabawasan ang pera ko"
Ako kasi yung tipo ng tao na kahit magutom basta may maipon lang na pera.
Humanap na kami ng pwesto ni Dan dahil natatakam na ako sa pagkain haha.
Habang kumakain kami ni Dan ay napadaan sila Irish sa pwesto namin pero dinedma nya lang ako.
"Dex galit ba si Irish? Hindi ka kasi pinansin"
"Oo nga eh, Sinabi ko kasi sa kanya kanina na ayaw makipag-usap ni Nathan sa kanya at baka hindi kona sya matulungan. Nagtampo yata."
"Pero ginawa mo naman ang Best mo para tulungan siya diba"
Actually hindi ko naman talaga ginawa ang best ko para ma convince si Nathan na kausapin si Irish.
"Yung mga ganyang babae hindi na dapat tinutulungan yan"
Biglang dumating si Jasmine at nakiupo na samin.
"Ang init talaga ng dugo mo kay Irish noh?" Sabat ni Dan.
"Talaga, Dahil hinding hindi ko makakalimutan kung gaano ka demonyita yang babae nayan, Kaya ikaw Dex lumayo layo ka sa kanila"
"Jasmine mabait naman si Irish siguro wag mo naman sya i judge ng ganyan"
"Hay nako Dex, Hindi mo kasi kilala yang si Irish pero kung ako sayo wag monang kilalanin dahil hindi mo magugustuhan"
May mga times na natatakot na talaga ako sa mga pinagkukwento ni Jasmine tungkol kay Irish pero ganon ba talaga kasama si Irish dati? Baka naman nagbago nadin sya ngayon.
"Pwede moba kasing ikwento kung anong nangyari sa inyo? Kahit konti lang"
"Sige makinig kayo ha, Dati isa akong certified alalay ni Irish kaya alam ko lahat ng mga kasamaang ginagawa nya merong nanampal sya ng mga estudyanteng hindi pumapalag sa kanya, sinisiraan nya, tinatakot nya hanggang sa umalis nalang kung sino mang target nya"
"Yun naman pala eh magkasama kayo dati" pagputol ni Dan sa kwento ni Jasmine
"Hanggang sa nakilala namin si Nathan, Nagkamabutihan silang dalawa habang ako may lihim na pagkatingin Kay Nathan. Pero di nagtagal nalaman ni Irish ang sikreto ko kaya naman gumawa sya ng paraan para maalis ako sa landas nya"
"Anong ginawa sayo ni Irish?"
"Lahat ng klaseng pagpapahirap ginawa nya sakin, merong binuhusan nya ako ng tubih, Tinatago ang mga gamit ko, Inaasar, Sinasaktan at kung ano ano pa. Pero hindi nya ako nagawang mapaalis dahil isang araw nabalitaan ko nalang n umalis na pala si Irish"
Grabe pala ang pinagdaanan ni Jasmine pero kung ano pa man ang ugali meron sya hindi padin tama na husgahan sya basta-basta dahil lahat ng tao sa mundo ay kailangan ng respeto atsaka baka nag bago naman na ang tao.
Pagkauwian ay nagpahatid ako kay kuya alex hanggang sa bahay mabuti nalang hindi na sumama si Nathan at makakapag relax din ang utak ko.
Iba padin talaga ang pakiramdam kapag nandon ka sa sarili mong bahay.
# CHAPTER 50
DEX'S POV
Since galing akong bahay hindi na ako nakasabay kay Nathan pag-pasok, Pero kahit paano nakakamiss din pala yung lalaking yon.
Pagkapasok ko sa school at Habang naglalakad ako ay may lumapit sakin na isang estudyante.
"May nagpapabigay po sa inyo"
Inabot nya sakin yung isang box, Medyo malaki yon. Kinabahan din ako kasi baka pagbukas ko ay bomba ang laman non haha.
"Ah eh kanino po galing to?" Tanong ko sa kanya.
"Hindi ko din po kilala, Pero ang sabi niya iabot ko daw sa inyo"
Pagkatapos non ay umalis nadin sya. Actualy my clue na ako na si Nathan yon dahil sya lang naman ang mahilig gumawa nito.
Gumilid muna ako para tingnan kung anong laman non. Pagbukas ko ay larawan namin ni Nathan ang nakalagay, Naka frame na sya. Ito yung kuha namin nung New Year at nakakiss sya sakin. Binalik ko agad sa loob yung frame na may picture namin dahil baka may makakita non.
"Dex anong ginagawa mo dyan?"
"Ay kalabaw!"
"Haha sorry nagulat kita, Ano ba kasing ginagawa mo dyan?"
Kinabahan ako akala ko kung sino na
Si Dan lang pala.
"Ah eh wala may chineck lang kasi ako sa bag ko"
"Amo yang hawak mo?"
OMG napansin nya yung hawak ko! What to do? Huhu
"Ito? wala to hehe"
Niyaya kona paalis si Dan para hindi na sya masyado mag-usisa haha.
Habang naglalakad kami ni Dan ay naka recieve ako ng message galing kay Nathan.
'Dex akyat ka mamaya sa rooftop'
Ano ba kasing gusto ni Nathan, Bakit ba nya ako pinapahirapan? Hindi na ako nagreply sa kanya.
NATHAN'S POV
"Hoy bro? Bakit ka nakangiti dyan?" Pang aasar sakin ni Dave
"Paki mo?"
"Sino ba kasi yang Ka text mo?"
"Baka bago nyang babae hahaha" pag gagatong pa ni Steve
Nagtawanan pa sila na may kasamang apir, Tsk mga immatured talaga. Kapag hindi ko hinabaan ang pasensya ko sa kanila baka mabugbog kopa sila haha.
Habang nag-uusap kami ay may hindi inaasahang dumating na nagpabago sa mood ko, Kanina ang saya kona pero nang dumating sya walang nangyari.
"What are you doing here?!"
"Nathan, Alis na muna kami ha?"
Iniwan ako ng apat kong kaibigan pati yung mga kasama ni Irish umalis din kaya kami nalang dalawa ang natira.
"I said what are you doing here?!"
"Nathan please, Mag-usap naman tayo"
"Para saan pa Irish?"
"Nathan pag-usapan natin yung tungkol sa ating dalawa, Alam kong mahal mo pa ako kaya please kausapin mo naman ako"
"Wala na tayong dapat pag-usapan pa Irish, Matagal na tayong tapos kaya pwede ba tigilan mona ako"
"Bakit Nathan? Dahil may bago ka nang mahal? Sino yang babae na yan?"
"Oo may bago na akong Mahal, Pero hindi mona kailangan malaman mung sino sya"
Kung ano man yung meron kami ni Irish matagal ng tapos yon, Wala na akong nararamdaman sa kanya dahil may bago na akong mahal.
"Nathan sinasabi mo lang yan dahil nagagalit ka sakin, Pero alam kong ako padin ang mahal mo"
"Pano ka naman nakaka siguro?"
Lumapit si Irish sakin at hinalikan ako pero itinulak ko naman din sya agad.
"Ngayon mong sabihin sakin na hindi mo ako mahal?"
"Uulitin ko, Hindi Kita Mahal. Kaya bigyan mo ng kahihiyan yang sarili mo at wag na wag mo na ako ulit kakausapin"
"You can't do this to me Nathan! Kung sino man yang babae mo I'll make sure she will regret having an affair with my Man!"
"Wag kang umate na parangmay tayo pa, Matagal na tayong tapos kaya wala kanang karapatan sakin"
Pagkatapos non ay tinalikuran ko sya, Ayaw ko na sanang makausap pa si Irish pero tama din siguro to para matapos na at tigilan na nya ako.
IRISH POV
Sige lang Nathan magpakipot kapa alam ko naman sa huli magiging akin kadin, At kung sino man ang bago mong babae sisiguraduhin ko pagsisihan nya na inagaw ka nya sakin at nilandi ka nya.
Dahil sa wala na ako sa mood ay niyaya ko nalang si Bea at Venus na mag cutting class.
"Irish, Pwede bang ikaw nalang? Baka kasi bumagsak na ako nito at sigurado mapapatay ako ng mommy ko" angal ni Venus
"Me too, Ano na naman ba kasing problema?"Dagdag pa ni Bea
"Si Nathan kasi, Nagkausap na kami kanina kaya lang pinamukha nya lang sakin na hindi na nya ako mahal at may bago na sya"
"Yun naman pala eh, Bakit ba kasi hindi mo nalang sya pakawalan?"
"Gaga kaba? Kaya nga ko nagbalik dito dahil kay Nathan tapos sasabihin mo na pakawalan ko sya?"
"Sorry na Girl, Ang akin lang naman siguro hanggang dito nalang kayo"
"No! This is not the end I'll make sure na bandang huli sakin din mapupunta si Nathan"
"Bahala kana nga dyan, Basta wag lang kami madadamay dyan sa mga kalokohan mo dahil kapag nalaman to ng mommy ko baka ilipat nya ako sa ibang school"
Dahil wala naman akong mapapala sa dalawa kong kaibigan ay iniwan ko nalang sila, Pero nagulat nalang ako ng mapansin kong sumusunod sila sa likuran ko.
"Hanggang kailan nyo ako bubuntutan?"
mataray na tanong ko sa kanila, Kainis kasi hindi sila pwede maging spy dahil ang bilis nila mapansin.
"Haha kasi ano, Gusto ka kasi naman samahan ni Venus"
"Akala koba ayaw nyo dahil baka magalit ang mga mommy nyo?"
"Hindi naman siguro kung walang magsasabi"
Naglakad nalang ako at sumunod sila sakin, Hindi pwedeng matapos ang araw nato na hindi ko naaayos ang samin ni Nathan.
"Be hanggang anong oras ba tayo maghihintay dito sa labas? Ang sakit na nang biniti ko kakatayo" Angal ni Venus
"Kaya nga Irish, Bakit ba kasi tayo nandito sa labas ng classroom ni Nathan?"
"Syempre para kausapin sya"
"Eh pano kung hindi ka nya kausapin? Sayang lang yung effort natin sa pagtatayo dito"
"Alam nyo ang dami nyong reklamo, Kung gusto nyo umalis edi umalis kayo pero itetext ko ang mga mommy nyo"
"Wag na, Ito na nga diba? Sana tagalan pa ni Nathan para hanggang mamaya tayo dito"
Haha mga plastic! Takot yan sila sakin dahil isang text kolang sa mga mommy nila ay sigiruda yari sila hahaha malaki kasi ang utang ng mga parents nila sa parents ko kaya ayon malaki ang utang na loob nila samin.
Ilang oras din kami nakatunganga sa labas ng room ni Nathan hanggang sa lumabas sya, Hay sa wakas sabi ko sa sarili ko. Pano ba naman kasi halos ugatin na kami kakahintay
Pero nang makita nya kami ay parang wala lang syang nakita at tinalikuran kami pero hinabol ko sya.
"Nathan please, kausapin mo naman ako"
"Stop following me"
"Titigil lang ako kapag naging okay na tayo"
Humarap sya sakin at tiningnan lang ako nang masama, Pero ako confident padin ako kasi alam kong hindi ako magagawang saktan ni Nathan.
"Kailangan koba talaga ipaulit ulit sabihin sayo na HINDI! NA! KITA! MAHAL!"
Bawat salitang binigkas ni Nathan ay parang unti unti akong pinapatay, Ang sakit kasi akala ko mahal pa nya ako, Ang sakit kasi akala ko may babalikan pa ako pero wala na pala.
Pagkatapos nyang sabihin yon ay umalis na sya.
"Irish halika na narinig mo naman siguro yung sinabi nya diba?" Pilit akong hinihila ni Bea pero pinipigilan ko sya.
"No!"
Nagmadali agad ako para sundan si Nathan hanggang sa makarating kami sa rooftop.
Ano kayang gagawin nya sa rooftop? Dahan dahan naming binuksan yung pinto at sumilip duon, at nakita namin na nandon si Dex at parang may pinaguusapan silang importante.
Hindi masyadong marinig yung mga boses nila pero kitang kita naman namin sila.
May inabot si Dex na isang kahon kay Nathan at parang may pinagtatalunan. At ang isa sa ikinagulat naming tatlo ay nang biglang yakapin ni Nathan si Dex.
Umalis muna kami malapit sa pinto para makapag usap.
"OMG! girls? Is this for real? My affair silang dalawa?" Gulat na sabi ni Venus
"Kaya pala ayaw ka nyang tulungan sa pinsan nya dahil sya ay may gusto din kay Nathan"
I still can't believe it, Dahil ba kay Dex kaya ayaw na sakin ni Nathan?
Pinagpalit nya lang ako sa isang bakla? At bakit nila ginagawa to diba magpinsan sila?.
Kaya pala masyado silang close dahil may relasyon na pala silang dalawa, at ngayon alam kona kung bakit hindi ako matulungan ni Dex dahil sya mismo ay may gusto din kay Nathan.
DEX'S POV
"Nathan ano to? Para san to?"
"Para sayo yan, Bakit hindi moba nagustuhan?"
"Nathan nag-iisip kaba talaga? Bakit mo ginawa to? Pano kung may makakita nito?"
"Sorry akala ko kasi matutuwa ka"
"Nagpapasalamat ako dahil sa mga efforts pero kasi mali nato, Hindi tama at hindi dapat"
"Bakit dahil ba sa magpinsan tayo?"
"Oo Nathan! Dahil sa magpinsan tayo! Kaya kahit mahal na kita pinipigilan ko dahil mag pinsan tayo! Kahit gustong gusto kong hawakan ang kamay mo hindi ko magawa dahil magpinsan tayo! Kahit masaya ako kapag kasama kita pinipigilan ko dahil ayaw kong mahulog ako sa pinsan ko!"
"Anong sabi mo? Mahal mo ako?"
Lumapit sakin si Nathan at niyakap ako ng mahigpit wala na akong nagawa kundi ang damhin nalang ang yakap nya.
Alam kong mahirap ipaliwanag pero, Sa ikalawang pagkakataon muli na naman akong nainlove sa isang tao at sa pinsan kopa. Sino ba naman kasi ang hindi maiinlove sa mga pinapakita ni Nathan? Kahit sino naman siguro mahuhulog at mahuhulog sa kanya, Bakla ako at hindi maiialis sakin na mahulog sa isang lalaki, Hindi ako marupok dahil sinabi ko lang naman yung totoong nararamdaman ko.
Sana lang tama ang desisyon na ginawa ko, Sana lang wala akong pagsisihan dito.
"Nathan?"
"Wag kang mag-alala Dex, Hindi ko hahayaang masaktan ka poprotektahan kita laban sa mga taong huhusga sayo"
Gusto kong matuwa dahil sa sinabi nya, Pero sa kabilang banda naiisip kona ang magiging reaksyon nila mama at lalong lalo na si Tita Emman at Tito Greg.
Sabay kaming Bumaba ni Nathan mula sa rooftop, Wala padin akong imik dahil alam kong malaking eskandalo to kung magkataon.
IRISH POV
"VENUS pakisampal nga ako? Baka kasi namamalikmata lang ako"
Lumapit nga si Venus kay Bea at sinampal nya ito.
"Aray ko naman! Ang sakit!"
"Ang sabi mo kasi sampalin kita, Edi sinampal kita"
Tsk, Nag-away na naman ang dalawang boba.
Nandito kami ngayon sa rooftop kung saan namin nakita si Nathan at Dex na magkayakap, Hindi ko akalain na may relasyon pala sila.
Nakita ko yung kahon na hawak hawak ni Dex kanina at nakita ko don sa loob ng kahon ang picture nilang dalawa magkatabi silang dalawa at si Nathan naka kiss sa pisngi ni Dex.
"Hala! Totoo nga may relasyon nga sila!"
"Si Nathan pumatol sa bakla? At pinsan nya pa? OMG it is a big scandal"
Hindi ko mapigilan ang hindi magalit at hindi masaktan dahil sa nakita ko. May tinatago din palang kakatihan amg baklang yon akala mo hindi makabasag pinggan pero malandi din pala.
"Pero Irish, Ano nang sunod mong gagawin ngayon alam na natin na si Dex pala ang bagong kinahuhumalingan ng pinsan mo?"
"Ano ba ang ginagawa sa mga makakati? Ipapakita natin sa Dex nayan kung sino ang dapat mapunta kay Nathan, And i'll make sure na ako yon!"
Sanay ako na nakukuha ko lahat ng gusto ko at hindi ako pinalaki ng parents ko para lang makihati sa iba lalong lalo na sa isang bakla!
Kaya pala hindi nya ako natulungan kasi may gusto pala sya Kay Nathan.
DEX'S POV
"Dex, Ano ba kasing hinahanap mo?"
"Yung box! Nandon yung picture natin hindi yon pwede makita ng iba"
"San kaba kasi pumunta kanina?"
Bigla kong naalala na ang huli kong pinuntahan ay sa rooftop, Tumakbo agad ako papuntang rooftop dahil hindi pwedeng may ibang makakita non. Pero pagdating namin ni nathan don ay wala kaming nakita. Nagpatulong nadin kami sa mga Janitors, Pero wala kaming nakita.
"Dex Relax, It is Just a Picture"
"Nathan hindi yon basta Picture lang, Picture nating dalawa yung nandon. Mukha natin"
Inabot na kami ng isang oras pero wala kaming nakita, Kahit kinakabahan ay wala akong nagawa kundi ang umawi nalang at nanalangin na sana walang makakita dahil kung magkataon, Isang malaking Eskandalo to!
# CHAPTER 51
DEX'S POV
Halos hindi ako nakatulog mag damag dahil sa nawawalang picture namin ni Nathan, Huhu walang pwedeng makakuha at makakita non malaking eskandalo yon kung magkataon.
Maaga akong nagising dahil gusto kong mahanap yung Box na yon.
Hindi na ako sumabay kay Nathan dahil ayoko nang madagdagan pa yung gulo sa utak ko dahil sa mga sinabi ko sa kanya kahapon. Akala ko kaya kong pigilan ang Feelings ko pero hindi pala, Kapag tinamaan ka talaga wala kanang magagawa kundi sundin ang sinasabi ng puso mo.
NATHAN'S POV
Hindi ko akalain na sa kabila ng sakit na ginawa ni Irish dahil sa pag-iwan nya sakin ay magagawa ko pang magmahal ulit, At sa hindi inaasahan sa isang bakla pa na pinsan kopa pero hindi naman talaga kami magdugo.
Hindi ako nakatulog magdamag dahil paulit ulit kong naririnig yung mga sinabi sakin ni Dex kahapon, Na Mahal na nya ako. Mahal na ako ni Dex akala ko hindi nya ako mamahalin dahil si Mark padin ang nasa puso nya.
Masaya akong gumising at bumaba para mag-almusal pero na pansin kong wala pa don si Dex.
"Manang asan po si Dex?"
"Maaga syang umalis Nathan, Nagmamadali nga eh"
Si Dex?? Bakit naman sya aalis nang maaga at hindi nagsasabi sakin? Hindi kaya? Sumubo lang ako ng konti tapos nagmadali na akong naligo at nagbihis. Baka hahanapin nya yung picture naming dalawa.
Ang tanga tanga ko kasi, Bakit ba hindi ako nag-iisip?!?!?!! Sarili kolang kasi ang iniisip at hindi ko naisip yung eskandalong mangyayari. Pero sa kabilang banda ay may maganda ding naidulot yon dahil nalaman ko na mahal din ako ni Dex.
Pagdating ko sa school ay nakasalubong ko sila Irish.
"Hi Nathan? Sinong hinahanap mo? Si Dex ba?"
Tsk, Hindi ko alam kung ilang beses ko kailangan sabihin sa kanya na ayaw at hindi kona sya gustong makausap.
Nagtuloy tuloy lang ako sa paglalakad dahil wala akong oras para makipag usap sa kanya, Dumiretso agad ako sa rooftop pero wala sya don, Pumunta din ako sa room nya pero wala din sya. Tsk, Dex asan kaba?????.
Nag message din ako kaya lang hindi sya nagrereply sakin.
Saan ba pwede pumunta yon??
Nagtanong tanong din ako sa mga kaklase niya pero hindi din nila alam kung nasan sya.
"Tol sino bang hinahanap mo?" Tanong sakin ni Steve
"Si Dex"
"Yung pinsan mong bakla? Bakit mo naman hinahanap yon?"
"Pwede ba wag mo syang sasabihan ng bakla dahil may pangalan sya"
"Relax, Masyado ka naman hot haha"
"Bakit moba kasi hinahanap yon?" Sabat naman ni Dave
"Basta"
"Ayiie concern sya sa pinsan nya" pangloloko ni Steve.
Dapat pala hindi na ako pumunta dito sa tambayan namin dahil hindi naman ako nakakahanap ng matinong kausap puro may topak lahat.
Pero talagang concern ako kay Dex syempre Mahal ko yon eh kahit na magpinsan kami
DEX'S POV
Asan naba yung Picture nayon??? Huhuhu bumalik nadin ako sa rooftop pero wala talaga, Kaya nagtanong ako sa mga Janitor pero wala daw silang napansin, Nagkalkal nadin ako sa basurahan kung saan tinatapon yung mga basura sa buong campus pero wala akong nakita.
"Kuya wala po ba talaga kayong nakuha na kahon sa rooftop?" tanong ko kay kuya Janitor
"Nako sir, Wala po talaga. Baka may ibang mga estudyante na naka kuha non"
Huhu hindi pwede yon! Ano nalang mukhang ihaharap ko kapag may nakakita non.
Habang naglalakad ako sa may corrider ay may lumapit sakin na dalawang estudyante.
"Kayo poba si Dex?"
"Opo ako po bakit?"
Sagot ko sa kanila, Ngumiti sila bigla sakin tapos nagulat nalang ako ng bigla nila akong buhusan ng mga papel na nilukot lukot, Wala akong nagawa dahil hindi ko inexpect na ibubuhos nila sakin yon.
Ano bang problema ng mga yon? Bakit nila ako tinapunan ng mga papel? Mukha ba akong basurahan, Saktong-sakto may dumaan na Prof. at pinagalitan ako akala nya siguro ako yung nagkalat non. Ahhhhh kung minamalas ka nga naman.
Matamlay ako na pumasok sa room ko wala nadin akong paki kung amoy basura ako o kung haggard ako dahil wala nang maslalala pa kung may makakakitang iba sa picture nayon.
"Dex may pumuntang lalaki dito kanina hinahanap ka"
"Sino naman?"
"Si Nathan, Yung pinsan mo"
"Ah ok"
Napa tungo nalang ako dahil na sstress na talaga ako hindi ko alam kung anong una kong iisipin.
Dalawang subjects ang natapos pero walang pumasok na bagong kaalaman sa utak ko dahil lutang na naman ako.
"Dex ayos kalang ba? Bakit parang malalim ata ang iniisip mo?" Alalang tanong sakin ni Dan
"Meron lang kasi akong nakalimutan na bagay at hindi ko malaman kung nasaaan"
"Wag mona masyadong isipin yon. Wag mong hanapin kusa yang magpapakita sayo?"
Tumango nalang ako, Tama si Dan pero hindi padin talaga ako mapalagay huhu.
Habang kumakain kami kasi recess ay nagulat nalang ako ng may bumuhos na malamig na tubig sa uniform ko.
"Oopsss Sorry, Nadulas sa kamay ko"
Lumapit agad sakin si Dan at tinulungan ako na punasan yung basa tapos umalis din agad si Irish at umupo malapit lang din sa pwesto namin.
"Dex ayos kalang ba?"
"Oo, tubig lang naman to"
"Galit padin ba si Irish sayo?"
"Hindi ko nga alam eh, Pero kung oo mag sosorry nalang siguro ako sa kanya"
Tumayo agad ako at pumunta sa pwesto nila Irish, Kung galit man sya dahil sa hindi ko pagtulong at pag tupad sa promise ko handa naman akong magsorry.
"Irish galit kaba sakin?"
Tumigil sya sa pagkain at tumingin sakin.
"No"
"Kung nagalit ka man sa hindi ko pagtulong sayo, Sorry talaga"
"Sa tingin moba talaga magagalit ako dahil lang sa simpleng bagay nayon? Kung wala kanang sasabihin you may leave, Nag-uusap pa kami"
Alam kong galit talaga sakin si Irish, May pinagsamahan naman kami kahit paano kaya ayokong magkagalit o magkatampuhan kami.
"Irish sorry talaga, Ginawa ko naman talaga lahat para kausapin ka ni Nathan pero ayaw nya talaga"
"Oh really? Baka naman kasi inuuna mopa yung kalandian mo?"
Nagtaka ako kasi san nanggaling ang kalandian? Paano ako naging malandi?
"Irish anong sinasabi mo?"
"Never mind"
Hindi ko alam kung anong pinanggagalingan ni Irish para sabihin nya ako ng ganon, Pero mukhang galit na talaga sya sakin.
"Irish sorry talaga"
"I said leave"
Medyo tumaas na yung boses nya kaya nagdesisyon nadin ako na umalis nalang tsaka ko nalang siguro sya kakausapin kapag malamig na ang ulo nya. Pero papaalis na sana ako ng biglang may pumatid sakin at natumba ako, Alam kong may pumatid sakin pero hindi ko alam kung sina sa kanilang tatlo.
Lumapit naman agad si Dan sakin nang makita nya akong nakatumba at tinulungan ako na tumayo.
"Dex anong nangyari? Bakit ka natumba?"
Napatingin muna ako kala Irish bago ko sinagot si Dan.
"Napatid lang ako sa paa ng upuan"
"Ganon ba? Sa susunod mag-ingat ka nalang"
"Oo, Tara balik na tayo sa pwesto natin?"
Halos hindi kona malunok yung kinakain ko dahil nakatingin sakin si Irish, Alam nyo yung feeling na kumakain ka pero hindi ka naman nabubusog?
Pano nato? Basa yung uniform ko, Ang dugyot kona tingnan.
"Dex?!"
Habang naglalakad ako paakyat sa room ko ay narinig kong may tumawag sakin, Si Nathan.
Kunwari hindi ko sya narinig at nagmadali akong umakyat. Pero ilang saglit lang ay hawak na nya agad ang kamay ko.
"Dex iniiwasan moba ako?"
"Ha? Ikaw iiwasan ko? Bakit ko naman yon gagawin?"
"Bakit hindi ka sumabay sakin kanina? Hinahanap kita kanina pa pero hindi kita makita"
"Ah eh ano kasi Nathan, Hinahanap ko pa din kasi yung Box na bigay mo sakin kahapon"
"Dex alam mo hayaan na natin yon"
"Anong hayaan?! Pano kapag may ibang nakakita non?"
"Dex Picture lang yon, Pwede tayo mag aliby na close lang tayo kaya nagpicture tayo"
Mukhang may point naman si Nathan sa sinabi nya, Kahit paano ay nabawasan ang iniisip ko.
"Eh pano naman yung kiss mo? Naisip mo bayon?"
"Edi sabihin natin na part lang yon nang Pose natin"
"Sana nga ganon lang kadali yon Nathan, Sana ganon lang kadali sabihin sa ibang tao"
Hinawakan ni Nathan ang kamay ko At tumingin sakin.
"Magtiwala ka Dex, Hindi ko hahayaan na mapahamak o masaktan ka"
Sana nga Nathan, Dahil ayoko nang masaktan ulit, Ayoko nang madurog ulit ang puso ko at ayokong kamuhian ako ng maraming tao dahil lang sa nahulog ako sa pinsan ko.
"Dex Basa bayang Uniform mo? Anong nangyari dyan?"
"Wala to natapunan lang ako kanina sa canteen, Pero okay naman na medyo patuyo na"
"Tsk, Sa susunod kasi mag iingat ka"
Nagulat ako kasi biglang hinubad ni Nathan yung uniform nya.
"Nathan anong ginagawa mo?"
"Basa yung uniform mo diba? Edi gamitin mo muna yung akin" -Nathan
"Pang college yan, Senior palang po ako. Atsaka anong gagamitin mo?"
"I have extra on my locker, Isuot mo nayan baka magkasakit kapa"
Dahil sa mapilit si Nathan Ay sinuot kona yung iniform nya medyo maluwag sakin pero keri na.
Naka tshirt nalang tuloy sya, Pero ang sosyal nila may mga LOCKER palibhasa mga RK eh hahaha samantalang kami wala.
"Bagay sayo"
"We? Baka inuuto molang ako"
"Tsk, Bahala ka nga kung ayaw mong maniwala"
Hindi padin talaga nagbabago si Nathan dahil hindi padin nawawala sa kanya ang pagiging topakin nya.
Hinatid ako ni Nathan hanggang sa room, nakatingin tuloy sakin yung mga classmates ko kasi iba yung suot na uniform ko haha pang college, Nakakahiya tuloy.
IRISH POV
"OMG, ang sweet naman nila nakakainggit" kilig na reaksyon ni Bea
"Shut up"
Sakto kasi habang pabalik kami sa room namin ay nakita namin si Dex at si Nathan, Kainis dito pa talaga sila naglalandian at nakakadiri pa! Hindi ko akalain na papatol si Nathan sa isang bakla.
"Nako Irish na ungusan kana ni Dex, Biruin mo nakatulong pa yung pagbuhos mo sa kanya"
"Kung alam kolang, Sana asido na ang binuhos ko sa kanya para mawala ang kakapalan ng mukha nya. Pati pinsan nya pinatulan nya napaka desperadang bakla"
"So what's your next plan?"
"Magpakasaya na sya ngayon, Dahil sa mga susunod na araw ipaparanas ko sa kanya ang tunay na hagupit ni Irish. Pagsisisihan nya na nilandi pa nya si Nathan"
"Tha's the figthing spirit, Wag kang magpatalo sa bakla nayon. DA! Ikaw ang babae kaya ikaw dapat ang mas maganda"
"I know right, Ngayon lang naman sya magiging masaya pero sa susunod luha na ang kapalit nyan"
"Yung picture na nakuha natin anong gagawin mo?" Tanong sakin ni Bea
"Relax, May naisip na ako na magandang gawin don, Eh yung Video? Nasayo paba?" Tanong ko kay Bea at bigla naman sya napakamot sa ulo nya.
"Yun na nga Girl hindi ko pala napindot ang play kaya wala akong nakunan"
"What!!!??" Inis na sigaw ko. "Bakit hindi mo agad sinabi sakin?"
"Eh kasi alam kong magagalit ka"
"My gosh Bea! Napaka Boba mo talaga!"
Yung buhos na ginawa ko kay Dex kanina, Warm up palang yon! There's more to come kaya maghanda sya! Hindi ako makakapayag na matatalo lang ako ng isang bakla, Hindi ako makakapayag na mawala sakin si Nathan
# CHAPTER 52
DEX'S POV
"Okay class, Mag kakaroon ang school natin ng Grand Ball at required lahat na sumama" pag aannounce ng Orof namin
Required talaga??? Sa lahat nga ayan ang pinaka ayaw ko kasi alam ko naman na hindi ako mageenjoy Maiinggit lang ako sa mga magjowang magsasayawan, Sino ba ang sasayaw sakin? Wala naman. Yung iba excited pero ako ayaw ko talaga. Atsaka gastos lang yon wala akong pera saan naman ako kukuha ng pambili o pang rent sa damit na susuotin ko.
Nagbulungan agad yung iba kong mga classmates sa kung anong susuotin at magiging ayos nila.
Ako naman tamang basa basa lang ng mga lectures sa notebook #Feelingmatalino bahala sila sa buhay nila basta ako hindi sasama magdadahilan nalang siguro ako sa prof. ko.
Pero sa kabilang banda ay masaya padin naman ako ngayon dahil P.E namin ngayon ang isa sa mga paborito kong subject haha kahit hate na hate ko ang pagsasayaw at feeling singer ako.
Pinagbihis na kami ng prof namin dahil baka maubos daw yung oras nya.
Pinapila nya kaming lahat tapos pinapunta na sa court.
"Dex pupunta ka ng Ball?" Tanong sakin ng isa kong classmate
"Hindi ko nga alam eh"
"Nako pumunta ko sigurado ako magiging masaya yon"
Kinilig naman sya ng bahagya pagkasabi non.
"Bakit naman magiging masaya?"
"Kasi kasama din natin yung mga college! Ang dami pa namang gwapo don"
Hala sya, Kilig na kilig. So ibig sabihin makakasama din namin sila Nathan.
Dumiretso na kami sa Court at tinuruan lang kami ng Prof namin ng basic sa pagsayaw ng falk dance, Hiyang hiya ako sa sarili ko dahil parehong kaliwa ang paa.
Nang matapos kami sa Pagsasayaw na ewan haha ay bumalik na kami sa room para makapag palit, Pero pagdating ko sa room ay nawawala ang bag ko kung saan nakalagay ang uniform ko.
Hinanap ko sa buong paligid ng room pero wala akong nakita, Naiiyak nako kasi baka may nagtitrip sakin. Tinulungan din ako ng iba kong Classmates pero wala kaming nakita.
Lumabas muna ako para hanapin baka kasi niloloko ako ng mga classmates ko tapos nilagay sa labas, May nakita akong Janitor na naglilinis sa labas kaya nilapitan ko sya.
"Kuya pwede pong magtanong?"
"Ano po yon?"
"Kanina po kasi nag P.E kami at naiwan yung mga gamit namin sa loob ng room, Naglinis po ba kayo sa loob?"
"Hindi po, Bakit po?"
"Nawawala po kasi yung mga gamit ko"
"Kanina may nakita akong mga estudyante dyan na pumasok tapos mga nagmamadaling lumabas Halos kaalis lang din, Akala ko dyan sila nagroroom kaya hindi kona sinaway"
Kinabahan ako bigla huhu baka may kinalaman sila sa pagkawala ng mga gamit ko.
"Kuya wala po kayong napansin na dala nila?"
Nag-isip pa muna si kuya bago sinagot yung dala ko.
"Ahm may dala dala silang bag, kulay red"
Kinabahan ako lalo ng sabihin nya yung kulay ng bag, Kasi kulay bag din ang bag ko. Huhu baka ayon nayon, Pero sino naman ang kukuha non?
"Manong saan po sila pumunta?"
"Hindi ko alam pero bumaba na sila, Baka maabutan mopa yon"
"Sige po manong salamat po"
Kahit pagod pa ako galing sa P.E ay tumakbo padin ako pababa, Baka kasi bag ko nga yong kinuha ng mga estudyante nayon.
Pagbaba ko sa building ay hindi ko alam kung saan ko sila uumpisahan hanapin dahil ang laki ng school.
Pumunta akong Canteen, Library at AvR pero wala akong nakita. Imposible naman na pupunta sila sa isa sa mga School Department dahil hindi basta basta nakakapasok don dahil chinicheck ang mga bags at nakalagay yung ID ko sa bag.
Pagod na pagod na ako pero hindi ako pwedeng sumuko, Habang naglalakad ako ay may napansin akong tatlong estudyante sa bandang tapunan ng basura sa school at parang may sinusunog sila at nakasuot sila ng itim na jacket.
Nang mapatingin sila sa direksyon ko ay nagmadali silang nagtakbuhan, Ako naman lalong kinabahan at lumapit ako sa nasusunog.
Pagkakita ko sa nasusunog ay halos gusto kong humagulgol dahil nakita ko yung bag ko na unti-unting nasusunog.
Tumakbo agad ako sa room ng mga janitors para manghiram ng timba, Tumakbo na naman ako at sinalinan yun ng tubig at habang pabalik na ako sa nasusunog kong bag ay nadapa pa ako kaya natapon yung dala dala kong tubig, Wala akong nagawa kundi ang umiyak nalang sinahudan ko ulit ng tubig yon at binuhat papunta sa nasusunog kong bag kaya lang huli na ang lahat halos maabo na yung bag ko dahil sa sobrang pagkasunog.
Napaupo nalang ako sa isang tabi at umiiyak nalang. Yung mga importanteng gamit ko sa school nandon lahat at kasamang nasunog.
Bakit???
Anong ginawa ko sa kanila para sunugin nila ang mga gamit ko?
Ano bang atraso ko sa kanila??
DAN'S POV
Excited nako sa gaganaping Grand ball, Sino kayang pwede kong i date? Hayss bahala na kahit sino nalang, Si Dex kaya pupunta din yon?
Kanina pa ako naghihintay kay Dex sa Canteen pero hindi pa sya dumadating, Si Jasmine lang ang dumating at nagtanong din sya kung bakit wala si Dex. Kadalasan kasi lagi yung nauuna sakin kasi gutumin yon eh pero bakit kaya hanggang ngayon wala pa sya.
Umupo muna ako, Baka kasi nalate lang magpalabas yung Prof nya.
"Hi Dan sinong hinihintay mo si Dex?"
Nagulat ako ng biglang lumapit samin si Irish at nakangiting nagsalita.
"Oo eh"
"Nako wag mona hintayin yon, Baka dina darating yon"
"Ha? Bakit naman?"
"Malay mo, Kasi diba kung mag rerecess yon dapat kanina payon nandito"
May point naman si Irish, Pero naghintay padin ako kay Dex kaya lang hindi sya dumating Kaya nagdesisyon nalang din ako na umalis. Si Jasmine naman halatang ayaw makita si Irish ang laki talaga nang galit nya kay Irish.
"Problema ng babaeng yon? Anong elemento ang sumanib sa kanya at nilapitan nya tayo?" Iritang Sabi ni Jasmine.
"Hayaan muna mukhang nagtatanong lang naman kasi napansin nya atang hindi natin kasama si Dex"
"Asan naba kasi si Dex?"
"Di ko din alam dapat nandito nayon eh"
Hanggang sa matapos kami kumain ni Jasmine ay walang Dex na dumating kaya naman napagdesisyon nalang namin na bumalik na sa kanya kanya naming room. Mamaya ko nalang siguro hahanapin si Dex.
Habang naglalakad ako pabalik sa room ko ay nakasalubong ko si Dex at nakayuko sya kaya lumapit agad ako.
"Dex saan ka galing?"
Hindi sya umiik pero napansin kong parang umiiyak sya kaya tiningnan ko yung mukha nya.
"Dex umiiyak kaba?"
"Dan, Yung bag ko" biglang yumakap sakin si Dex at humagulgol ng iyak
"Bakit anong meron sa bag mo?"
"May nagsunog sa bag ko"
Hindi ko masyadong naintindihan ang sinasabi ni Dex dahil umiiyak sya habang nagsasalita.
"May nagsunog sa bag mo?"
Tumango lang sya at yumakap ulit sya sakin habang umiiyak, Ngayon kolang nakita na ganito si Dex kasi napaka masiyahin nya tao tapos ngayon umiiyak sya.
"Dex, ano bang nangyari paano nasunog ang bag mo?"
Umupo muna kami ni Dex tapos pinunasan ko ang luha nya.
"Kanina nag P.E kami tapos iniwan ko yung gamit ko, Pero pagbalik ko wala na sa room kaya hinanap ko tapos nakita ko nalang sinunog na nila"
"Sino namang susunog non?"
"Hindi ko alam, Naka jacket sila namay hood kaya hindi ko masyadong naaninag mga hitsura nila"
"Wala ka namang kaaway dito diba?"
"Wala"
Kita ko talaga kay Dex na nasasaktan sya kaya ako nasasaktan at naaawa din sa nangyari sa kanya, Pero sino naman kaya ang gagawa non? Kung sino man yon napaka laki naman ng galit nya para gawin nya yon kay Dex.
"Dex tara"
"Saan tayo pupunta?"
"Irereport natin sa guidance ang nangyari"
"Wag na, Wala nadin naman tayong magagawa dahil sunog na"
"Kailangan mareport natin to para maparusahan sila sa ginawa nila sayo"
Sa huli ay pumayag naman si Dex at nagsumbong kami sa Guidance na ngako naman sila na hahanapin agad kung sino ang mga estudyante sa likod ng pangyayaring yon.
DEX'S POV
Kung sino man ang nagsunog sa gamit ko ay napakasama nya hindi ba nya alam na pinaiyak nya ako dahil sa ginawa nya mabuti nalang nandito si Dan.
"Dan salamat sa pagsama"
"Wala yon, Syempre magkaibigan tayo kaya natural lang na tulungan kita" -Dan
Ayiie!!! Kakilig naman!! Yung crush mo na kaibigan mo din sana kapa?! dito kana!
Lalo tuloy gumwapo si Dan sa paningin ko, Pero Crush kolang sya! Crush lang talaga!
Para akong baliw no? Nag harot pa talaga ako Kahit nasunugan nako ng gamit.
"Dan pasensya na hindi kita nasabayan kanina busy kasi ako sa paghahanap sa bag ko"
"Oo nga eh, Hinantay kaya kita pero ayos lang yon. Sorry hindi kita nasamahan edi sana nahuli natin yung baliw nayon"
Walang ano-ano ay biglang nalang akong napayakap kay Dan, Hindi naman sya nagalit at pumalag..
"Dan salamat sa pagtulong, Sana mahuli nayong mga sumunog sa bag ko"
"Sana nga, Wag kanang umiyak lalo kang pumapangit eh"
"Dex?!"
Napabitiw agad ako kay Dan ng may marinig akong pamilyar na boses.
"Nathan?"
Sinamaan nya ako ng tingin na parang ang laki ng nagawa kong kasalanan.
"Dex mukhang may sasabihin sayo si Nathan, Pano una na ako? Chat chat nalang"
"Sige"
Umalis na si Dan ako naman nakatayo lang, Tapos si Nathan lumapit sakin yung kaba ko grabe huhu.
"Anong ibig sabihin non?"
"Ang alin?"
"Tsk, Yung pagyakap ano paba?"
"Nagpasalamat lang ako kasi tinulungan nya ako"
"Kailangan talaga magkayakap?"
"Bakit nagseselos kaba?"
"Ako magseselos hindi ah! Atsaka bakit ganyan ang hitsura mo para kang batang naglaro sa lansangan, Tapos umiyak kaba?"
Hindi puwing to, Patay na napansin na nya.
Pinunasan ko yung mata ko para kunwari napuwing talaga ako. Pero hinawakan ni Nathan yung kamay ko.
"Umiyak kaba? Pinaiyak kaba ni Dan?"
"Nako Hindi, Ano kasi"
"Bakit nga??"
"Meron kasing sumunog sa bag ko"
Ayaw ko na sanang sabihin sa kanya para hindi na nya ako kaawaan at ang nakakainis pa napaiyak na naman ako dahil sa nangyari sa gamit ko napakaiyakin ko talaga.
"Sumunog? Bakit hindi mo sinabi sakin?"
"Hindi kona kasi alam ang gagawin ko kanina, Pero sinamahan nadin ako ni Dan sa guidance"
"Tsk, Sino ang sumunog nakilala moba?!"
"Hindi ko nakilala"
Niyakap nalang ako ni Nathan na lalong nagpaiyak sakin, Awang awa ako sa sarili ko dahil wala akong nagawa.
"Dex sorry, Pero promise aalamin ko kung sino ang may gawa non at sisiguraduhin kong magbabayad sila"
"Sana nga mahuli na sila para matanong kodin kung bakit nila sinunog yung gamit ko"
Wala akong maisip na gagawa sakin ng bagau nayon dahil wala naman akong maalala na nakaaway ko o may galit sakin.
Kaya kahit masakit ay umuwe nalang ako at nagmukmok sa kwarto, Inisip ko kung paano ako makakapasok kung sunog na ang mga gamit mo. Kung sino man sila si Lord na ang bahala sa kanila.
IRISH POV
Sige lang Dex, Umiyak ka hanggang sa ikaw na mismo ang gumawa ng paraan para lumayo kay Nathan. Dahil si Nathan matagal nang akin kaya kung inaakala mo na maagaw mo sya at mapupunta sya sayo ng ganon kadali nagkakamali ka.
Hindi ako papayag na matalo lang ako ng isang baklang kagaya mo. Ako si Irish at lahat ng gusto ko nakukuha at ang akin ay akin lang wala nang pwedeng umankin pa.
Don't forget to follow me on my social media accounts :
INSTGRAM : @dex_pascual
TWITTER : @dexpascual36
# CHAPTER 53
DEX'S POV
Dahil sa nangyari kahapon ay nagdesisyon muna ako na hindi pumasok, Nalaman din ni tita ang nangyari kaya ang sabi nya sakin ay sya na ang bahala kumausap sa Guidance para mahuli kung sino ang sumunog sa gamit ko.
Hindi nadin ako nagsabi kala mama dahil baka mag-alala lang sila at naiimagine ko yung magiging reaksyon ni mama haha baka umusok ang tenga non ayaw pa naman non na naagrabyado ako.
Nagtalukbong nalang ako ng kumot dahil matutulog nalang din ako ulit, tutal maaga pa naman.
Pero habang nakahiga ako ay may naramdaman akong tumabi sakin at niyakap ako, Pagtanggal ko ay si Nathan at nangiti pa shemai!!! Ang gwapo nya!!
"GoodMorning Dex"
Hindi ako nakasagot agad dahil hindi pa ako nagmumumog hehe, Nagtakip nalang ako ng kumot bago nagsalita.
"Anong ginagawa mo dito?"
"Bakit masama ba?"
"Oo, Baka biglang pumasok sila manang Makita pa tayo"
Tumayo si Nathan at pumunta sa may pinto, Tapos tumabi ulit sakin.
"Oh ayan naka lock na"
Ngumiti sya nang nakakalokong ngiti, Yung puso ko tumibok na naman ng pagkabilis bilis huhu what to do?
"Ano ba kasing kailangan mo?"
"Gusto kolang naman i check kung okay kana"
"Okay nako Nathan salamat sa concern"
"Wag kang mag-alala Dex dahil pinapahanp kona kala Dave kung sino nag sunog sa bag mo"
"Nathan ayan nalang natin sila"
"Anong hayaan? Hindi pwede sakin yon"
"Salamat Nathan"
"Sorry Dex kasi wala ako kahapon para samahan ka"
"Wag mo sisisihin ang sarili mo wala namang may gusto sa nangyari pero Hindi kaba papasok ngayon?"
"No, Mas gusto ko dito sa tabi mo"
Niyakap na naman ako ni Nathan, Lord bakit ganon? Pano ko pipigilan ang feelings ko kay Nathan kung lagi syang ganito sakin?
"Nathan ano na namang Trip to? Pumasok kana"
"Bakit ayaw mo ba ako na nandito?"
Nagpout sya tapos tumalikod, Kainis! Ang OA nya! Para syang batang nagpapabebe
"Hoy Nathan hindi bagay sayo magpabebe"
"Pero mahal mo?"
Hindi ako agad nakasagot sa sinabi nya dahil yung puso ko grabe yung tibok pakiramdam ko nga naririnig na ni Nathan eh.
"Nathan malelate kana"
"Hindi ako aalis dito hanggat hindi mo sinasabi sakin na Mahal mo ako"
Ayan na naman sya binablockmail na naman ako, Parang may choice ako eh.
"Oo na!"
"Anong oo na?"
"Oo Mahal na kita"
"Pakilakas baka hindi ko narinig"
"Bakit ko lalakasan? Edi narinig nila tayo"
Napakamot sya ng ulo tapos ngumiti.
"Haha oo nga noh, By the way malapit na pala yung Grand Ball pupunta kaba?"
"Hindi"
Haha madali akong kausap hindi agad ang sagot ko, Dahil ayaw ko talaga wala nang mahabang explanation.
"Ang Kj mo naman"
"Eh sa ayoko nga, Gastos lang yan"
"Pupunta ka, I will tell to my mom about our Grand Ball and i think she can help you"
"Wag na Nathan, Nakakahiya na kay Tita pinapaaral na nga nya ako tapos gagastos pa sya sa mga ganito"
"You should come"
"Bakit ba pinipilit mo ako na pumunta dyan?"
"Co'z you will be my date"
Natahimik ulit ako sa sinabi nya, Kainis na talaga sya! Ayan na naman sya sa mga banat nya ako naman eto palihim na kinikilig.
Lord sorry alam kong mali nato, Pero wala eh puso na ang nagdesisyon.
"Nathan ayaw ko, Ako talaga? Bakla talaga idedate mo? Wag nalang baka asarin kapa ng mga kaibigan mo"
"I don't care, Basta pumunta ka"
"Ay ewan, Bahala na"
Ayan nalang yung nasabi ko dahil nag aapat na isip pa ako kung pupunta ba ako o hindi.
Dumapa si Nathan habang yung isang kamay nya nakayakap sakin.
"Hoy Nathan bumangon kana hindi kaba papasok?"
"No"
"Anong No? Pumasok kana!"
Pinilit kong tanggalin yung kamay nya kayang lang nakikipagmatigasan din sya alam kong inaasar nya lang ako pero kumalma lang ako.
Hinayaan ko nalang sya na yakapin ako dahil dun sya masaya eh bahala sya sa buhay nya.
Kainis naman tong lalaki nato paano ako makakakilos kung nakadagan ang kamay nya.
"Nathan, Maghihilamos muna ako. Tanggalin mona yung kamay mo"
Hindi sya sumagot, tiningnan ko yung mukha nya at nakapikit sya. Grabe sya! tulog agad?
Pumikit nalang din ako dahil maaga pa naman at inaantok pako at inisip ang tungkol samin ni Nathan.
Tama ba ang ginagawa ko?
Tama ba na nainlove sa Pinsan ko kahit hindi talaga kami magkadugo?
Pero bakit hindi ko makita kay Nathan yung Fast Forward na hinahanap ko, Dahil iba yung naranasan ko sa kanya, Yung puso ko ay Nagsalita at sinasabing DugDug! Dugdug!
IRISH POV
"Irish himala wala ngayon si Dex"
"Malamang ikaw ba naman masunugan ng Bag pati gamit"
"Shh, Pwede ba tumahimik kayong dalawa baka may makarinig sa inyo"
Natahimik naman sila agad, Tsk, Ayoko na munang isipin si Dex ngayon dahil kailangan ko mag ready para sa darating na Grand Ball, Kailangan ako ang maging pinakamaganda at sa akin nakatuon ang atensyon ng lahat lalong lalo ni Nathan.
"Irish san ba tayo pupunta?"
"Sa libingan nyong dalawa"
"Ano?!?! Ililibing mo na kami???"
"Boba talaga kayo noh? Anong palagay nyo sakin killer? Pupunta tayo sa Designer ng pamilya ko, Kailangan ko na magpagawa ng gown na gagamitin ko"
"Talaga? Kami din magpapagawa na"
"Edi tara na"
"Ano magka cutting classes na naman tayo?" Angal ni Venus
"Ofcourse, Hindi naman nila tayo ibabagsak nyan" sagot ko sa kanya
"Wow confident ha?" Sabat naman ni Bea
"Alam nyo ang dami nyo laging sinasabi bakit hindi nalang kayo sumama para makahanap nadin kayo ng gusto nyong isuot at nang gumanda naman kayo"
"Grabe ka talaga samin"
Wala na silang nagawa kundi ang sumama sakin, Excited na ako sigurado ako na ako na naman ang pinakamaganda sa gabing yon.
DAN'S POV
Nakakaboring naman ngayon, Wala si Dex, Wala tuloy maingay. Pero naiintindihan ko naman sya dahil sa nangyari kahapon
"Nathan bakit mag-isa kalang? Asan si Dex?" Tanong sakin ni Jasmine
Mag-isa lang kasi ako ngayon na nagrerecess, Hindi kasi pumasok si Dex dahil sa nangyari sa kanya kahapon.
"Wala sya"
"Bakit asan sya?"
"Hindi mo pa ba alam ang nangyari kahapon?"
"Bakit anong nangyari?"
"May sumunog kasi ng mga gamit nya kahapon"
"Ano?! Sinasabi ko na nga ba"
Biglang naging seryoso si Jasmine na parang alam nya kung sino ang gumawa non.
"Bakit Jasmine? Kilala mo ba kung sino ang gumawa non?"
"Oo, At sigurado ako na si Irish yon"
"Irish? Bakit naman gagawin yon ni Irish?"
"Hindi nyo kasi kilala si Irish, Kung anong ginanda ng mukha nya sya namang ipinangit ng ugali nya"
"Hindi kita maintindihan, Bakit naman gagawin yon ni Irish kay Dex? Wala namang ginagawa so Dex sa kanya"
"Hindi ko din alam, Pero dapat tanungin mo si Dex kung nagka problema sila dahil baka mas lumala pato"
"Lumala?"
"Oo, Kilala ko si Irish lagi yang may hinandang pasabog lalo na sa mga kaaway nya lalong lalo na sa mga kinaiinisan nya"
Kung totoo man ang sinasabi ni Jasmine kailangan kong masabihan si Dex, Dahil hindi sya pwedeng mapahamak at masaktan lalo na ngayon sigurado ako. At kailangan kodin malaman kung talagang sila Irish ang may kagagawan kung bakit nasunog ang mga gamit ni Dex.
DEX'S POV
"Aray!"
Pashnea bigla ko nalang nakagat yung labi ko, Nako baka pinaguusapan na ako ng kung sino-sino lang.
"Nathan gising"
Inalog-alog ko si Nathan hanggang sa magising sya.
"Ano yon?"
"Number"
"Ha? Number?" Takang tanong nya
"Oo basta bigyan mo ako ng number"
"Don't tell me ginising mo lang ako para humingi ng number?"
"Oo"
Napakamot lang sya ng ulo tapos bumalik ulit sa pagtulog, Dahil hindi ako mapakali ay ginising ko ulit sya haha.
"Okay fine, Number 4"
4? A B C D???? D??? Si Dan!?!?! Pero bakit naman nya babanggitin ang pangalan ko.
Pero sa hindi mapaliwanag na dahilan ay napangiti ako (Syempre Crush ko yon).
"Bakit ka naka ngiti?"
"Wala! Matulog kana ulit"
Haha napakamot nalang ulit si Nathan sa ulo nya nainis siguro haha, Bakit silang mayayaman hindi uso yung mga ganon na kapag nakagat mo yung dila mo ibig sabihin may bumanggit ng pangalan mo.
Sabay na kaming lumabas ni Nathan para makapag almusal nadin, Taray nang almusal namin mag eeleven na haha.
Dahan dahan kong binuksan yung pinto at sinilip kung may tao ng makita kong wala ay niyaya ko na si Nathan.
"Dex? Nathan?"
Parang nabuhusan ako ng malamig na tubig ng bigla nagsalita si Manang, OMG! San sya nanggaling? Kanina wala naman sya don.
"Ma-Manang? kanina pa po kayo dyan?"
"Hindi naman, Kakaakyat kolang dahil kukunin ko sana kay Nathan yung mga labahin nya. Magkasama pala kayo?"
Napatingin agad ako kay Nathan, Huhu anong isasagot ko kay Manang?. Nathan do something huhu.
"Manang may kinuha lang po ako kay Dex, Tara na po kunin mona yung mga labahin ko"
Inakbayan ni Nathan si Manang tapos naglakad na sila palayo, Si Nathan naman bago umalis may pakindat pa. Huhu mabuti nalang nakalusot kami, Akala ko mag-uusisa pa si Manang.
Pagbaba ko ay nasalubong si Tita Emman.
"Good Morning Dex"
"Good Morning Din po"
"Kumain kana, Atsaka mamaya pala pupunta ako sa school nyo para kausapin yung SD(School director) don tungkol sa nangyari sayo"
"Tita Thank you po"
"No problem, Sige na kumain kana tatawagin kona si Nathan"
"Tita wag nyo nalang po sabihin kay Mama ang tungkol dito"
"Bakit naman?"
"Ayaw ko na po kasi sila mag-alala, Atsaka si mama baka sumugod po yon"
"Haha sige, Kilala ko talaga yung mama mo nanunugod pa naman yon"
Kilala din pala ni Tita si Mama, Warfreak talaga yon.
Napa swerte ko talaga dahil ang bait bait ng tita ko sakin, Pakiramdam ko ang sama sama ko dahil nagsisinungaling ako kay Tita, Pero nagsisinungaling nga ba ako? O nagkamali lang? Wala naman kaming relasyon ni Nathan kaya ang pagkakamali kolang ay hindi ko napigilan ang nakakainis kong Puso! Huhu
# CHAPTER 54
DEX'S POV
"Flowers for you"
"Seryos sakin yan?" tanong ko don sa lalaki
"Oo para sayo yan"
Andaming nakatingin samin, Nahiya tuloy ako. Pero marami din nagulat at kinilig dahil aa ginawa nya.
Hindi ko maiwasan ang hindi kiligin, Dahil pakiramdam ko ang ganda ko talaga haha.
Kaya lang ang problema yung lalaking nasa harap ko ay hindi ko masyadong maaninag ang mukha.
Ilang saglit pa ay nagising nalang ako, Hayss panaginip lang pala akala ko totoo na. Sayang naman, Lovelife na naging bato pa. Pero sino kaya yung lalaking yon? Sana sa next na panaginip ko makita ko na yung mukha nya ng maliwanag kaya lang ang sabi nila hindi nangyayri sa real life mga nangyari na sa panaginip mo.
Mabuti nalang marami akong uniform kaya hindi kona kailangan bumili pa ng bago, Binilhan din ako ni Tita ng mga bagong gamit (Ang bait nya) Nahihiya pa nga ako nung una pero ang sabi nya ay wag na ako mahiya dahil tulong na nya sakin yon.
Katulad ng nakagawian ay sabay ulit kaming pumasok ni Nathan, Kung ako lang sana ayaw ko na muna na magkasabay kami dahil baka makahalata si Kuya Alex.
"Kapag kailangan mo ng tulong Just text me" Bilin sakin ni Nathan pagkababa namin ng sasakyan.
"Kaya kona ang sarili ko, Wag mo na ako alalahanin"
"Tsk, Basta Text me if you need my help"
"Opo boss"
"Hi Dex?"
Pareho kaming napalingon ni Nathan ng makarinig kami ng pamilyar na boses, Tumingin naman ako kay Nathan at mukhang nabago yung mood nya si Irish naman nakangiti lang pati yung sila Venus at Bea.
"He-Hello"
"Dex ayos kalang ba? Nabalitaan ko yung nangyari sayo"
"Oo ayos lang ako, Hindi naman ako nasaktan"
"Sigurado ka? Na riport mo naba sa Guidance yung nangyari?"
"Oo, Iimbistigahan daw nila"
"Nako sana mahuli nila agad yon, Para naman hindi na maulit yon. Alam mo na baka hindi lang gamit mo ang sunugin malay mo baka ikaw na yung sunugin"
Natakot naman ako bigla sa sinabi nya, Grabe naman siguro yon kung pati ako susunugin eh wala naman ang naalala na may naagrabyado akong tao.
"Hindi naman siguro"
"Who knows? Iba na ang panahon ngayon, Pero baka lang naman haha wag mo masyadong isipin ang sinabi ko"
Ngumiti lang si Irish kaya napangiti nalang din ako.
"What ever happen i will protect my cousin, I won't let anybody to hurt him at kung sino man ang gumawa non sa gamit ni Dex? I'll make sure na mag sisisi sya sa ginawa nya"
Hindi ko akalain na sasabihin yon ni Nathan sa harap ni Irish, Huhu ano na naman ba ang nasa isip nitong si Nathan.
"Ahh nakatutuwa naman, Sobrang close talaga kayo noh? Alam nyo kung hindi lang kayo mag-Pinsan iisipin kong May gusto kayo sa isat-isa"
Natahimik kami pareho ni Nathan, Grabe tuloy yung kaba ko dahil sa sinabi nya huhu baka nakahalata na si Irish, Sabi ko na nga ba eh dapat hindi na muna kami masyado naglalapit ni Nathan.
"Haha i'm just Joking, Alam ko naman na hindi mangyayari yon eh, Right Dex?"
"Ah eh oo syempre naman, Hindi mangyayari yon kasi magpinsan kami"
"Is that all? Kung wala ka nang sasabihin mauna na kami, You just wasting our time. Let's go Dex"
Naglakad na palayo si Nathan, Ngumiti nalang ako kay Irish at sumunod nadin. Woo muntik na kami don akala ko nakahalata na talaga si Nathan.
IRISH POV
Akala mo kung sinong santa santita yang Dex nayan eh may tinatago din namang landi, Kunwari pa tahimik pero ang totoo mas masahol pa dahil biruin mo dahil sa kadesperahan ng bakla pati pinsan nya nilandi nya alam kaya ng tita nya at nang magulang nya ang ginawa nya.
"Irish, Bakit kasi hindi mo sinabi na alam mona yung relasyon nila para matakot sila sayo diba?" Suhestyon ni Venus
"Kaya nga"
"Hindi pwede, Dahil gusto ko makikita ng lahat kung ano talaga ang meron sa kanila"
"OMG Irish ano na naman yang binabalak mo?"
"You will find out soon but for now? We need to be ready for the grand ball"
"Yah I'm so excited na talaga"
Sigurado ako na kapag nakita ni Nathan ang ganda ko ay babalik na sya sakin at ipapaalala ko sa kanya na ako si Irish ang babaeng tunay na mahal nya at yang Dex nayan ay katulad lang din sya ni Jasmine panakip butas lang dahil gustong takasan ni Nathan na ako padin ang mahal nya.
DEX'S POV
Yung mga classmates ko walang ibang mukhang bibig kundi ang grand ball, Kung anong isusuot nila, Kung anong magiging itsura na at syempre kung sino ang isasayaw at gusto nilang makasayaw.
Super excited talaga nila pero ako? Wala tinatamad.
"Dex anong isusuot mo sa Grand ball?"
Tanong sakin ng isa kong classmate
'Damit malamang' haha pero sa isip kolang sinabi.
"Wala pa nga eh, Ikaw meron na?"
"Oo meron na nag rent lang kami"
Halatang excited talaga sya, Ewan koba para talagang ayaw ko pumunta sa Grand ball nayon.
"Dex buti naka pasok kana"
bungad sakin ni Dan ng magkita kami
"Oo bakit namiss mo ako?"
Haha yung mga tanungan ko lakas makapahiwatig haha
"Oo, Syempre wala akong makulit na kaibigan"
Ouch! Kaibigan na naman??? Bakit ganon? haha
"Palagay mo sakin, Clown?"
"Hindi, Tara na nga kumain na tayo. Baka gutom lang yan"
Sabay kaming pumunta ni Dan sa Canteen, Nakakatuwa lang dahil maswerte ako sa pangalawang pagkakataon nagkaroon ako ng lalaking kaibigan sa katauhan ni Dan.
Si Dan yung naging kaibigan ko ng pumasok ako sa school nato. Mabait si Dan, may mga lalaki padin talaga na ayos lang magkaroon na kaibigan na bakla.
Sabay kaming kumain ni Dan, Si Nathan hindi ko din napansin hinahanap kodin si Jasmine kasi close nadin kami nunh babae nayon hindi lang halata haha.
"Dex sino ang date mo sa Grand ball?"
"Date? Hindi kona kailangan yon, Atsaka wala namang magdededate sakin (Maliban kay Nathan) "
"Edi ako nalang"
Muntik na akong mabulunan dahil sa sinabi nya, Napainom tuloy ako ng tubig ng wala sa oras.
"Ikaw? Seryoso ka?"
"Bakit ayaw moba?"
"I mean bakit ako? Ang dami dami namang babae dyan, Baka masira lang yung gabi mo kapag ako idate mo haha"
Ang hirap paniwalaan noh? Isang bakla niyaya ng isang lalaki para maka date nya sa Grand Ball, Kahit ako hindi makapaniwala pero seryoso talaga si Dan sa pagkakasabi nya.
Hindi naman sa nagmamaganda ako pero alam nyo yon, Pwede namang iba yung piliin nya, Babae yung piliin nya pero why Me? ENEBE!
"Seryoso ako, Ano okay lang ba?"
Hala! mukhang seryoso nga sya, Anong gagawin ko? Yari ako nito Kay Nathan kapag nalaman nya, Pero? Okay lang naman din kung si Dan, Pagiisipan ko nalang siguro (Ganda ko noh?)
"Pag-iisipan ko"
"Wag mo nang pag-isipan, Umuo kana agad mamaya magbago pa isip ko. Sayang naman."
"Pag-iisipan ko pa nga"
"Sasayaw lang naman tayo"
"Yun na nga eh sa lahat ng ayaw ko ang sumayaw"
Ewan koba halos karamihan sa mga bakla magagaling sumayaw ako parehonb kaliwa, Natutulog ata ako ng magsabog ng kagalingan sa pagsayaw.
"Hello sa inyo?"
Ayan na dumating nadin si Jasmine kanina lang pinag-uusapan namin sya.
Tumabi sya sakin at nilapag yung pagkain na binili nya.
"Hi Jasmine" Bati ko sa kanya
"Anong pinag-uusapan nyo?"
"Ito kasing si Dex niyaya kong maging D----" -Dan
"Niyaya nya akong maging Designer, Oo designer kaya lang sabi ko wala akong alam sa mga ganon"
"Talaga? Hanap ka nalang marami namang pwedeng i hire" -Jasmine
"Oo, Tama ka maghahanap nalang siguro ako"
"By the way Dex kamusta kana pala? Nabalitaan ko ang nangyari sayo" pag iiba ni Jasmine sa usapan.
Hala? Pati pala dito sa Private school mga chismakers ang mga tao haha akala ko sa Public lang. Speaking of Public School, Iba padin talaga kapag galing ka sa Public dahil duon molang mararanasan maging masaya at magkaroon ng maraming kaibigan.
"Ayos na ako, Hindi naman ako nasaktan"
"Dex mag-iingat ka, Alam kong si Irish ang nasa likod ng nangyari sayo"
"Si Irish? Pano mo naman Nasabe na si Irish yon?"
"Hindi ko alam, Basta alam ko lang. Hindi ko din alam kung bakit ikaw ang target nya basta mag-iingat ka at wag kang magtitiwala sa babaeng yon"
Naniniwala ako na hindi magagawa sakin yon ni Irish dahil kahit paano ay may pinagsamahan kami, At mabait naman si Irish kasi kung masama sya sana nuon palang na nagkita kami may ginawa na sya sakin.
"Jasmine wag ka naman siguro masyadong mag judge, Wala pa naman tayong ebidensya atsaka mabait naman sakin si Irish at alam kong hindi nya gagawin yon"
"Sana nga Dex, Sana"
Hindi tuloy ako nakaayos ng pagkain dahil sa sinabi ni Jasmine, Posible nga kayang si Irish yon?
Pero bakit?
Anong nagawa ko?
"Tama na yan dapat ang isipin natin ay ang tungkol sa Grand ball tama na muna yang nga negative vibes" awat ni Dan sa usapan namin.
"Oo nga tama ayon nalang pag-usapan natin"
Mabuti nalang very optimistic si Dan kaya kahit paano nawala sa isip ko ang tungkol sa nangyari sakin, Sana lang talaga mahanap na kung sino ang gumawa non para magkaalaman na kung sino talaga ang taong yon.
MARK'S POV
"Anak kailan ba pupunta dito si Dex? Namimiss kona kasi yung batang yun eh"
"Sasabihan kopa sya ma na bumisita naman dito"
Kahit ako namimiss kona din si Dex, Wala na akong maingay na kaibigan yung laging nagpapatawa sakin kahit pagod na sa school.
"Sabihin mo ipagluluto ko sya ng paborito nyang sinigang"
"Ma, Adobo paborito non"
"Ay nabago naba? Sorry diko alam"
"Haha, Hindi nabago ma. Hindi molang talaga alam"
"Haha ganon ba?"
Mayamaya ay tumawag sakin si Sheena.
'Hello babe asan kana?'
'Nasa bahay pa, Bakit?'
'Wala lang'
'Na miss mona agad ako?'
'Hindi noh!'
Isa pa to sa pinaka pinagsasalamatan ko ang dumating si Sheena, Ilang months nadin ang nakalipas simula ng mapa oo ko si Sheena, Nawala man si Dex sa tabi dumating naman si Sheena para pasiyahin ako.
"Tama nayan ang aga-aga"
Haha inggit lang yan si mama, Kasi sya gustong gusto magka lovelife. Ako din gusto ko din magkalove life si mama para naman mas lalo syang sumaya iba padin kasi ang saya na nabibigay ng love life.
'Sige na babe, Kita nalang tayo sa school bye'
'Sige babe, Bye din'
Iingatan ko talaga si Sheena at gagawin ko ang lahat para maging maayos ang relasyon namin.
"Ma una napo ako, Papasok nako"
"Sige anak ingat, Yung bilin ko sayo ha? papuntahin mo dito si Dex"
"Yes ma, Copy"
Pagkatapos kong magpaalam ay umalis nadin ako, Habang papuntang school ay iniisip ko kung paano ko mapapapunta si Dex.
# CHAPTER 55 "PASABOG"
DEX'S POV
Ngayon na ang araw nang Grand Ball, Ayaw ko na sanang sumama pero itong si Nathan sinabi na pala kay Tita Emman na may Grand ball kami.
Kaya itong si Tita Emman sinama agad ako sa patahian.
Naghire din si Tita Emman nang magaayos sakin dahil kahit bakla ako ay wala akong kaalam alam pagdating sa make up haha ang alam kolang ay ang paggamit ng pulbo haha.
"Ayan Perfect! You look so gorgeous"
Tumingin ako sa salamin at nagulat ako sa nakita ko.
OMG! totoo ba to? si Liza Soberrano ang nakikita ko? Hahaha joke! Mukha akong fresh ngayon sa make up ko hindi mukhang hagardouz.
"Wow Dex, Ang ganda mo naman"
"Thank you tita, Mana lang ako sayo"
"Haha ikaw talaga binobola mopa ako"
"Hindi Tita, Promise ang ganda nyo at nagmana lang ako sa inyo"
"Talaga? Sige na kung tapos kana labas ka nalang at ipapahatid ko kayo kay Kuya Alex"
"Sige po tita Lalabas nadin po ako"
Tumingin ulit ako sa salamin dahil ang ganda ko talaga! Promise walang halong biro haha Actually hindi ako naka gown dahil hindi naman ako sanay na nagsusuot ng pambabae. Si Nathan kaya anong itsura non?
Paglabas ko ng kwarto ay nakasalubong ko si Nathan, Napanganga ako dahil sa ayos nya lakas maka Enriqie Gil! Wala akong masabi kahit ano talagang isuot nya bagay na bagay sa kanya. Effortless kumbaga.
"Gwapong gwapo kana naman sakin kaya ka nakatulala dyan?"
Nawala yung mga iniimagine ko ng marinig ko ang boses ni Nathan.
"Hoy Hindi ah!"
"Really? Kaya pala tumulo na ang laway mo"
What!! Ako tulo laway? Napahawak tuloy ako sa labi ko, Pero wala naman akong nahawakang laway.
"Wala naman ah?"
"Wala nga"
Inirapan ko nalang si Nathan kasi nakakainis sya ang lakas nya mang trip.
"Dex may naghahanap sayo sa baba"
Bungad sakin ni ate Erna ng makita nya ako.
"Sino po?"
"Daniel daw"
OW EM! Si Dan nasa baba? Bakit? Paano? Ang usapan namin ay sa Venue na kami magkikita.
"Tsk"
"Nathan puntahan ko lang si Dan ha?"
Hindi sya sumagot sakin pero alam kong inis sya haha, Bumaba na ako para puntahan si Dan at naabutan ko sya na kausap si Tita at nga bes!!!! Hindi kayo maniniwala! ang gwapo ni Dan!!!! Lord why? Bakit ang gwapo nya?
Nang makita nila ako ay nilapitan ako ni tita.
"Dex hindi mo naman sinabi sakin na may Gwapo ka palang manliligaw"
Biglang nag-init yung mukha ko dahil sa sinabi ni Tita, Si Dan naman napangiti lang.
"Tita Hindi po, Kaibigan ko lang yan"
"Sus naman Dex san ba nagsisimula yan diba sa pagkakaibigan?"
Sa pagkakaibigan nga ba nagsisimula ang lahat? Bigla ko tuloy naalala si Mark, Dati kaibigan lang ang tingin ko kay Mark pero habang patagal ng patagal ay nagulat nalang ako isang araw Mahal kona pala ang Bestfriend ko.
"Tita, We're Just Friend"
See?
Friends nga lang Kami Eh!!! Friend lang!!! Haha, Lakas nya maka Tita Close agad sila.
"Tsk, Tara na baka Ma late pa tayo"
Biglang sumingit si Nathan sa usapan naming tatlo.
"Wow ang gwapo naman ng Anak ko, Pero wait lang dyan muna kayong Tatlo ha?"
Nagmamadaling Umakyat si Tita at iniwan nya kaming tatlo, Gusto ko din sanang umakyat dahil pakiramdam ko umiinit ang Tensyon haha.
Ilang saglit pa Nakabalik na si Tita at may dala dalang Camera.
"Okay Pipicturan ko kayong tatlo"
Ngumiti nalang ako at nasa gilid ko yung dalawang lalaki haha lalaki din pala ako haha.
"Dan at Nathan dumikit kayo kay Dex tapos Nathan akbayan mo si Dex"
Ay grabe si Tita lakas maka photographer, Bigla tuloy akong nailang sa pagakbay ni Nathan at lalo akong nagulat ng hawakan ako ni Dan sa bewang. Hala! Wala namang sinabi si Tita ganon ah!
"Ayan Perfect! Sige na baka malate pa kayo"
Nagpapaalam kami kay Tita atsaka lumabas, Nanliliit ako sa dalawang kasama ko dahil parang hindi nila ako bagay kasama.
"Dex bagay sayo yung suot mo"
"Thank you Dan"
Mabuti pa si Dan marunong maka appreciate pero yung isa sa tabi ko? hindi marunong makaramdam, Hindi kona sasabihin kung sino sya basta sya yon haha.
Hindi naman importante sakin na maging maganda ang suot ko sapat na sakin na makarating don, Syempre hindi mawawala yung bracelet na bigay sakin ni Dan pati yung kwintas na bigay sakin ni Mark at syempre yung singsing na galing kay Nathan.
Yung nga bigay nila sakin lahat yon iniingatan ko lalo na kapag galing sa mga espesyal na tao.
Pagdating namin sa Venue ay madami nading tao, Sobrang liwanag ng paligid at ang ganda ganda pa. Kaya pala excited ang lahat kapag may mga ganitong Event.
"Nathan! Ang gwapo natin ngayon ha?"
Salubong samin ng isa sa mga kaibigan nya.
"As always"
"Hi Dex kamusta?"
"Okay lang naman"
Binati din nya si Dan saka hinila si Nathan kaya kami nalang ni Dan ang naiwan.
"Hanap na tayo ng pwesto natin?" Alok ni Dan sakin
"Sige"
Habang naghihintay kami na magsimula ay dumating nadin si Jasmine at ang ganda nya hiyang hiya tuloy ako.
"Be ang ganda mo" papuri ko sa kanya
"Mana sayo"
Ay grabe sya nang uto pa haha.
Ilang saglit pa ay nagsimula na din, Syempre hindi mawawala ang pag ppray at yung opening Number.
Medyo nakaka enjoy din pala kasi nakatuwa yung mga host nagpapatawa sila at hindi boring.
Pero ang pinakaayaw ko sa lahat ang magsasayawan na. Isa isang pumunta sa gitna yung mga magjojowa tapos nagsayawan sila, Ah ang sweet nila nakakainggit! Sana all!
"Dex sayaw tayo"
Lumingin ako kay Dan at nakatayo sya sa gilid ko at nakaabot yung kamay nya sakin.
"Ha hindi na! nakakahiya"
"Bakit ka naman mahihiya?"
"Oo nga be, Kaya ano pang hinihintay mo dyan tumayo kana"
Wala na akong nagawa kundi ang tumayo dahil pinagkaisahan na nila akong dalawa.
May ilang mga nakatingin sakin kaya napayuko nalang ako sa balikat ni Dan, Ito kasi ang hirap sa mundo eh kapag member ka ng LGBT nalilimitahan ang mga bagay na gusto mong gawin. Marami kang hindi pwedeng gawin dahil natatakot ka sa sasabihin ng ibang tao.
"Bakit ka nakayuko?"
"Wala lang, Naiilang lang kasi ako"
"Wag mona kasing isipin yung iba ang importante nag eenjoy ka"
IRISH POV
Naiinis na talaga ako sa baklang yan nakita pang sumayaw akala mo naman kung sinong maganda, Tingnan natin kung may mukha pa syang ihaharap sa gagawin ko sa kanya.
"Ang landi talaga ng Dex nayan pati Si Daniel ko nilalandi din nya!" Inis na sabi ni Venus
"Easy lang, Makakaganti nadin tayo sa kanya Hayaan na muna natin sya magsaya sa ngayon"
Ano sa Akala nya? Magiging masaya sya? Sinira nya kami ni Nathan kaya sisirain ko din sya sa maraming tao.
DEX'S POV
Syempre pag tapos ng sayawan ang pinakahihintay ng lahat lalong lalo na ako ang kainan!!!!!! Haha.
After ng kainan may mga grupo ng estudyante na nag perform, May mga sumayaw at kumanta.
Pero ang lalong nagpa ingay ng gabi ay nang magpatugtog ng rock song. Magkasama kasi ang College at Senior High kaya ayon ang resulta parang mga asong nakawala sa hawla haha.
Yung mga estudyante akala mo nakulong ng ilang taon tapos kakalabas lang haha, Hindi na ako nakisali kasi hindi naman ako marunong sumayaw.
Si Nathan nasa kabilang lamesa lang at nakatingin sakin pakiramdam ko tuloy nakagawa ako ng malaking kasalanan.
Nang matapos rock song ay sweet dance naman ang sumunod ayan na naman ang mga magjojowa alam kaya ng mga magulang nila to? Haha
6PM-12MN lang ang BALL namin, Yung iba ang sabi bitin daw pero wala naman silang nagawa kasi ayon lang ang napag usapang oras.
After nang walang kamatayang sayawan ay ang pinakahihintay ng lahat! Ang mga awards hindi na ako umaasa sa mga ganon.
King & Queen of The night and Star of the Night lang ang award na ibibigay nila, Sino kaya ang tatlong maswerteng yon.
Si Nathan at Jasmine ang tinanghal na King & Queen of Night habang si Irish naman ang Star of Night.
Nagpalakpakan naman kaming lahat pero nagsalita ulit yung host.
"Meron pa pala tayong isang award na ibibigay at ito ang 'Center of Attraction' "
Wow ang taray Center of attraction? San galing yon? Haha.
"At ito ay walang iba kundi si Dex Vasquez ng Senior high"
Wait?!?!?!
Tama ba yung narinig ko????
Binanggit nya yung pangalan ko??!?
Ako Center of attraction?
Paano at bakit?
Kahit hindi ako makapaniwala ay umakyat ako at kinuha yung award ko, Nagpalakpakan naman ang lahat ng estudyante.
Pagbabae ko ay nilapitan agad ako ni Dan at Jasmine, Pero si Nathan biglang nawala hindi ko alam kung saan nag punta.
"Wow Grabe Center of attraction?"
Lumapit sakin si Irish na nakangisi at pumapalakpak pa, Masaya siguro sya para sakin.
Umakyat si Irish sa stage at kinuha yung mic ng host.
"Ladies and Gentlemen, Bago matapos ang gabing ito hayaan nyo patunayan ko sa inyo na si Dex talaga ang karapat dapat na kumuha ng award nayan"
Hindi ko alam kung ano yung tinutukoy ni Irish at sa hindi malamang dahilan ay kinabahan ako bigla.
Pero mas lalo akong kinabahan ng lumabas sa malaking screen yung picture naming dalawa ni Nathan, Yung Picture na katulad sa nakaFrame na binigay sakin ni Nathan.
Biglang umingay ang paligid, Pati si Dan nagulat din sa nakita nya. Ako naman parang gusto ko nang magpakain sa lupa dahil sa sobrang kahihiyan, Bakit? Kailangan pa sa ganitong paraan makita ng iba. Gusto ko mang tumakbo palayo pero kahit ang mga paa ko ay hindi ko maigalaw.
Nagsalita ulit si Irish at dahan dahang lumapit sakin.
"Nakita nyo ba? Para sa kaalaman ng lahat Yan si Nathan at Dex, Magpinsan silang dalawa"
Lalong lumakas ang bulungan ng mga estudyante, Nasan kana ba Nathan? bakit kung kelan kailangan kita ngayon saka ka naman nawala.
"Nakakadiri diba? Pero totoo yang nakikita nyo, May relasyon silang dalawa."
Hindi ko maintindihan kung bakit ginagawa to ni Irish, Akala ko Okay kami, Pero bakit?
"Dahil kay Dex kaya hindi na kami nagkabalikan ni Nathan, Dahil nilandi nya ang Boyfriend ko!"
"Irish hindi totoo yan" Hiyang hiya na ako dahil sa mga sinabi nya, Hindi ko nadin napigilan ang mga luha sa mata ko.
"Alin ang hindi totoo Dex? Na Wala kayong relasyon ni Nathan?" Pinapamukha talaga ni Irish lahat ng sinasabi nya sakin.
"Wala kaming Relasyon"
"Anong wala?! Paano mo maipapaliwanag ang picture nayan?"
"Nagsasabi ako ng totoo, Wala kaming relasyon at lalong hindi ko sya nilandi"
"Kitang kita na ang ibedensya kaya wag kanang mag deny"
"Irish bakit mo ginagawa to? May nagawa ba ako sayo?"
"Tinatanong mo ako kung meron? Bakit kaya hindi mo itanong sa sarili mo kung sino ang nilandi mo"
"Irish hindi ko nilandi si Nathan, Bakit ba ayaw mong maniwala?"
"Walang maniniwala sayo Dex, Alam mo sa lahat ng bakla ikaw ang pinaka desperada dahil pati pinsan mo tinalo mo at ngayon pati si Dan? Wow ganda mo, Kulang paba ang mga ginawa ko sayo para magising ka sa katotohanan na akin si Nathan"
"Ginawa? Anong ibig mong sabihin?"
"Yung pagtapon ko ng tubig sayo? Hindi yon aksidente, Dahil sinadya ko yon. At ako din ang nagsunog sa mga gamit mo"
Hindi ko akalain na magagawa yon sakin ni Irish pero sa bibig nya mismo nanggaling na sya ang gumawa.
"Irish tama na"
Yan nalang ang lumabas sa bibig ko, Pakiramdam ko ay hihinatayin na ako dahil sa kaganapan, Wala na akong mukhang maihaharap sa kanilang lahat. Pati mga Prof. Nakita nadin nila.
"Bakit Dex nahihiya ka naba? Dapat inisip mo yan bago mo nilandi ang Pinsan mo"
"Tama na!"
Bigla akong bumalik sa ulirat dahil sa sigaw ni Dan, Mukhang galit sya si Jasmine naman ay lumapit din sakin.
"Tama na Irish!" Muling sigaw ni Dan
"Bakit Dan? Masakit ba? Masakit ba na malaman na yang baklang kinakaibigan mo ay nilandi ang sarili nyang pinsan"
"Dex umuwe kana, Jasmine pakisamahan na palabas si Dex" ani ni Dan
Dan sorry, Sana hindi ka galit sakin. Nangyari na ang pinakatatakutan ko ang malaman ng lahat ang tungkol samin ni Nathan. Totoo nga ang kasabihan na walang lihim na hindi mabubunyag.
Habang naglalakad kami palabas ni Jasmine ay nakayuko ako dahil nasa akin lahat ng atensyon, Awang awa ako sa sarili ko dahil parang ang sama sama ko.
"Jasmine dito nalang ako, Salamat sa paghatid"
"Wala yon, Dex totoo ba yung mga sinasabi ni Irish?"
"Maniwala ka sakin Jasmine wala kaming relasyon, aaminin ko gusto ko si Nathan pero wala kaming Relasyon"
"Binalaan na kita kay Irish pero kinaibigan mo padin ang babaeng yon, Ang magagawa ko nalang ay tulungan ka laban sa babaeng yon"
Ngayon naiintindihan kona kung saan nanggagaling ang galit ni Jasmine kay Irish, Hindi ko akalain na kayang gawin yon ni Irish ang manira ng ibang tao sa harap ng maraming tao. Ngayon sirang sira na ako ano nalang ang mukhang ihaharap ko sa school panigurado ako na ang topic nila.
At higit sa lahat sana hindi na umabot pa kay Tita Emman dahil baka magalit sakin yon, Pati sa mga magulang ko dahil ayaw kong madissapoint sila sakin.
Dahil sa nangyari ay umuwe agad ako, Mabuti nalang talaga nandon si Dan dahil kung hindi baka hindi ko alam kung paano makakalabas sa lugar nayon.
Pagkauwe ko ay dumiretso agad ako sa kwarto ko at dumiretso sa higaan ko, Muli sa unan kona naman binuhas ang lahat ng nararamdaman ko.
Sana panaginip nalang ang lahat ng ito, Sana paggising ko ay ayos lang ang lahat.
Kung panaginip lang to gusto konang magising dahil ayaw kona, Sobra na akong nasasaktan at nahihirapan.
"Asan ba kasi si Nathan?"
Hindi ko alam kung nasan si Nathan sa mga oras nato sobra ko syang kailangan pero wala sya.
---- Alam kong sobrang daming typo at mali maling words, Paki comment nalang para ma edit ko. pasensya na.
# CHAPTER 56
DEX'S POV
Sana nanaginip nalang ako, Sana hindi nalang nangyari yon dahil hindi ko alam kung paano haharap sa maraming estudyante na nakakita sa nangyari kagabi.
Pero yung taong inaasahan ko na poprotekta sakin ay wala, Ang sabi sakin ni Nathan poprotektahan at hindi nya ako hahayaang masaktan pero nasan sya? Bakit wala sya sa mga oras na kailangan ko sya?
Hindi din ako nakatulog ng maayos dahil nakita ko na kumalat ang picture namin ni Nathan sa Group ng School namin, Maraming masasakit na salita akong nabasa kaya nagdesisyon ako na mag deactivate nalang ng account.
Alam na kaya ni Nathan ang tungkol dito?
Ilang saglit pa ay may narinig akong kumatok kaya bumangon ako para buksan yung pintuan, At pagbukas ko ay nasa labas si Nathan.
Hindi ko alam kung matutuwa ako o masasaktan ng makita ko sya, Pumasok sya sa kwarto ko at niyakap ako ng mahigpit.
"Dex sorry, Sorry dahil wala ako kagabi para ipagtanggol ka, Sorry kasi iniwan lang kita bigla"
Wala akong nasagot sa sinabi ni Nathan, Alam na siguro nya yung nangyari sakin kagabi Napaiyak nalang ako dahil naalala kona naman yung nangyari sakin.
"Dex sorry wala ako don, Hindi ko naman akalain na may gagawin na ganon si Irish"
"Bakit ba kasi nawala ka kagabi?"
"Aaminin ko Dex nagselos ako sa inyo kagabi ni Dan kaya ako umalis hindi ko kasi kayo kayang makita, Si Dan pwede kang makatabi eh ako? Hindi, At si Dan pwede kang maisayaw pero ako hindi dahil maraming masasabi ang mga tao kapag nakita nila tayong dalawa"
Umalis si Nathan dahil sa nagseselos sya? Hindi ko naman intensyon yon eh ayaw kolang talaga humindi kay Dan kasi importante din sya sakin.
"Nathan wala na, Alam na ng lahat at sigurado ako malalaman din ni Tita to"
"Dex magtiwala ka, Hindi kita iiwan ako na ang magsasabi kay mommy ng tungkol dito"
Sana nga lang ganon kadali ang lahat na kapag sinabi ni Nathan kay Tita Emman ay maiinimtindihan nya.
"Hindi ko alam kung may mukha pa akong ihaharap sa school pag pasok ko"
"Lagi mong tatandaan na Nasa tabi molang ako, At hindi na mangyayari yung nangyari kagabi dahil lagi na ako sa tabi mo"
Kahit paano ay medyo gumaan yung pakiramdam ko pero sana nga maging maayos na ang lahat at matapos na agad ang issue nato.
Pagtingin ko sa salamin ay namamaga na yung mata ko kakaiyak, Hindi padin ako makapaniwala na magagawa sakin yon ni Irish dahil akala ko magkaibigan na kami.
Dahil nadin sa sinabi ni Nathan ay pumasok na ako kinabukasan alam kong hindi ako nag-iisa nandyan din si Dan at Jasmine para tulungan ako.
Pagpasok palang namin sa school ay nagbulungan na agad yung mga estudyante ng makita nila na magkasama kami ni Nathan.
"Don't mind them"
Nagpatuloy lang kami sa paglakad ni Nathan at para akong unti unting namamatay dahil sa talim ng kanilang mga tingin samin.
Habang naglalakad kami ni Nathan ay may nakita kaming mga nakapaskil sa dingding na mga Pictures namin, Lumapit agad ako dito at isa-isa yong tinanggal. Sino kaya ang nagdikit nito dito? Nang matanggal ko lahat ang mga nakadikit ay lumapit ako kay Nathan habang may luha sa mga mata at niyakap sya nang mahigpit.
"At talagang pinanindigan mo ang paglalandi sa pinsan mo?"
Napabitaw ako sa pagkakayakap kay Nathan at nakita ko si Irish nakataas ang kilay at kasama nya sila Bea At Venus.
"Irish mali ka ng iniisip"
"Ano magdedeny kana naman? Kita kita na Dex magsisinungaling kapa"
"Irish wala talaga kaming relasyon"
"Hindi kalang malandi noh? Sinungaling kadin, Alam mo Kagabi kopa gustong gawin sayo to eh"
Napapikit nalang ako nang sasampalin na ako ni Irish pero walang kamay na tumama sa pisngi ko, Pagmulat ko ay nakita kong sinalag yon ni Nathan.
"Don't you dare try to hurt him"
"Nathan bitawan mo ako, Nasasaktan ako"
"Talagang masasaktan ka kung hindi mo titigilan si Dex"
"Nathan bitawan mo na sya"
Binitawan naman agad ni Nathan si Irish, Lalapitan kona sana si Irish pero bigla silang umalis na tatlo.
Yung feeling na wala na akong mailuha dahil naubos kagabi kakaiyak ko.
Hinatid ako ni Nathan hanggang sa room ko at pagpasok ko ako ay nakatingin lahat ng mga classmates ko sakin, Okay na sana kung nakatingin lang pero hindi eh pinagbubulungan pa nila ako buti ba sana kung hindi ko naririnig.
'Grabe pati pinsan pinatulan?'
'Baka ginayuma nya lang si Nathan'
'Alam kaya ng magulang nya yung ginagawa nya?'
'Akala mo kung sinong tahimik may landi din palang tinatago'
Ilan lang yan sa mga salitang narinig ko, Alam nyo yung Feeling na kahit hindi kapa nakikilala ng isang tao ay hinusgahan kana agad nya? Ang sakit kaya non.
Ni isa sa mga classmates ko ay walang tumabi sakin, Gusto kona namang umiyak ng mga oras nayon pero pinipigilan kolang dahil ayaw kong isipin nila na umiiyak ako para kaawaan nila.
Tahimik lang ang buong klase ng dumating Ang Prof. namin.
Nang matapos ang ilang subjects ay tumunog na ang bell ibig sabihin recess na, Nagdalawang isip pa ako na lumabas dahil baka pagchismisan na naman nila ako Pero narinig ko kasi yung isa kong classmates na nagsalita.
'Be mag recess na din kayo, Baka agawin pa ng isa dyan yung Jowa mo"
Sabi nya sa classmates naming mag jowa, Kahit hindi nya binanggit ang pangala ko ay alam kong ako ang tinutukoy nya.
Paglabas ko nang room ay nasa labas na si Nathan kasama yung apat nyang kaibigan na sina Steve, Dave, Matthew at Anthony.
"Nathan anong ginagawa nyo dito?"
"Hindi ba Obvious? Hinihintay ka"
"Alam ko, I mean bakit kayo nandito?"
"Samin kana sasabay mag recess"
Magsasalita pa sana ako pero hinila na ni Nathan ang kamay ko, Kainis na naman sya gumagawa na naman sya ng sarili nyang batas kahit hindi ako kinokunsulta.
Syempre nakatingin na naman samin ang mga estudyante, Nakayuko na nga lang ako para hindi ko makita ang nakakasakit nilang mga tingin.
Dinala ako ni Nathan sa tambayan nila, Kita nyo loko loko talaga tong lalaki nato sabi nya magrerecess daw tapos dinala ako sa tambayan nila.
"Akala koba magrerecess bakit dito mo ako dinala?"
"Tsk"
Umalis si Nathan at tinalikuran ako. Kainis talaga sya! Dadalhin dalhin nya ako dito tapos iiwan nya ako..
"Nathan! Hoy san ka pupunta?"
"Babalik din yon wag kang mag-alala" ani Dave
"Oo nga, Masyado mo naman namiss agad ang kaibigan namin" sabat naman ni Steve
"Anong na miss? Syempre hinila nya ako tapos iiwan nya lang ako dito"
"Bakit ayaw mo ba kami makasama?"
"Ah eh hindi naman"
"Wag ka nang mahiya samin, Kapag mahal ng kaibigan namin Syempre mahal nadin namin"
Lumapit sakin si Dave at inakbayan ako, Alam kona ngayon kung bakit topakin si Nathan nahawa ata sa dalawang to. Mabuti pa si Matthew at Anthony tahimik lang sa isang tabi.
"Pst hoy! Baka maabutan ka ni Nathan magulpi kapa non" saway ni steve
"Ay haha oo nga noh"
Tinanggal naman agad ni Dave yung kamay nya sa balikat ko.
"Pero seryoso Dex, Mahal kana ng kaibigan namin" pag-iiba ni Steve sa usapan
Biglang natahimik ang paligid parang may dumaang anghel.
Ano bang Dapat isasagot ko sa sinabi nya?
"Tama si Steve, Kilala namin si Nathan kapag inlove yon. Medyo nagulat nga kami ng malaman namin na sayo sya inlove. Iba talaga ang nagagawa ng pag-ibig pag tinamaan ka tinamaan ka"
"Pero naaawa din kami don kasi hindi sya makakilos ng maayos dahil nalilimitahan sya ng pagiging magpinsan nyo at alam moba sobrang nagselos sya ng makita nya na kasayaw mo si Dan"
Akala ko lang ang may ganong iniisip pati din pala si Nathan, Akala ko ako lang amg hihirapan at nasasaktan si Nathan din pala.
"Pero diba hindi naman talaga kayo magka dugo?" Tanong ni Dave
Tumango lang ako sa tanong nya.
"Edi walang masama kung maging kayo"
"Hindi kaba nag-iisip Dave? Sa mata ng Batas anak na ni Tita Emman si Nathan so? Magpinsan padin sila Legally"
Napatingin kami bigla ng magsalita si Matthew, Wow nagsasalita pala sya? Haha akala ko kasi puro libro lang ang kinakausap nya.
"Kahit pa, Basta mahal mo ang isang tao walang batas na makakapigil sayo"
"Ano bang pinaglalaban mo? Ikaw ba yung na inlove?" Asar na Sabi ni Steve
"Hindi"
"Hindi naman pala eh"
Ang kukulit nila haha, Actually sila lang dalawa kasi yung dalawa nilang kaibigan masyadong seryoso sa buhay ewan ko nga kung paano sila naging magkakaibigan.
NATHAN'S POV
Nakakainis yung mga taong pag-uusapan ka akala mo alam nila yung totoong nangyari.
Habang papunta ako sa canteen para bumili ng makakain ni Dex ay nakasalubong ko si Dan.
"Nathan asan si Dex? Kamusta na sya?"
"Don't worry about him, Okay na sya"
"Pumasok ba sya ngayon? Pwede ko ba syang dalawin sa inyo?"
"Bakit ba ang dami mong tanong? May gusto kaba sa kanya?"
Hindi ko alam kung bakit ko yon nasabi sa kanya, Pero ayos nadin yon para magkaalaman na. Natahimik naman sya bigla sa sinabi ko.
"Concern lang ako sa kalagayan ni Dex dahil sa nangyari kagabi"
"Yung tanong ko ang sagutin mo, May gusto kaba sa kanya?"
"Oo meron"
Sabi ko na nga ba, Tingin palang nya kay Dex ay iba na ang nararamdaman ko.
"Kung ako sa yo itigil mo yang Feelings mo sa kanya dahil wala kalang mapapala"
Maglalakad na sana ako pero bigla syang nagsalita.
"Bakit kasi may gusto kadin sa kanya? Kung meron mang dapat tumigil dito ikaw yon. Dahil ikaw ang dahilan kung bakit nasasaktan ngayon si Dex"
Natigilan naman ako sa sinabi nya, Pagkatapos nyang sabihin yon ay umalis na sya.
Ako nga ba ang dahilan kung bakit nasasaktan ngayon si Dex? Ako ba ang dahilan kung nangyayari to ngayon?
"Kahit ano pang sabihin mo ako padin ang mahal nya"
"Sobrang confident mo naman ata? Ipapaalala kolang sayo mag pinsan kayo kaya Kahit anong pilit mo hindi pwedeng maging kayo"
"Alam mo pasalamat ka wala ako sa mood makipag away ngayon" inis na sabi ko kay Dan.
"Asan ba kasi si Dex"
"Nandito sa puso ko" nakangiting sagot ko sa kanya at pagkatapos ay iniwan kona sya.
DEX'S POV
"Ang tagal naman ni Nathan, Sa Edsa siguro yon bumili" angal ni Steve
Speaking of Nathan maya maya ay dumating nadin sya at may dalang pagkain.
"Kainin mo yan"
Grabe makasalita si Nathan wala man lang ka sweet, Sweet! masyadong bossy.
"Nathan bakit sya lang paano naman kami?" Angal ni Dave
"May pera kayo diba? Bumili kayo"
"Dave share nalang tayo dito, Madami naman yung binili nya eh"
"Talaga? Hay nako mabuti pa si Dex mabait" Dave
Lalapit na sana sakin si Dave pero hinirang ni Nathan.
"Pwede ba dun nalang kayo sa isang sulok wag nyo nang guluhin si Dex"
"Grabe kana talaga samin Nathan porket may Lovelife kana ginaganyan mona kami" ani ni steve
Haha ang kukulit nila haha, May paiyak iyak pa silang nalalaman eh wala namang luha.
Tumabi ulit sakin si Nathan at grabe makatitig hindi tuloy ako makakain ng maayos.
"Binili ko yan para sayo kaya ubusin mo yan"
Paano ko kaya to mauubos kung nakatingin sya, Ang hirap kaya kumain ng pinapanood ka.
"Nathan salamat dito"
"Wala yon, Simula pala ngayon samin kana sasama, Samin kana sasabay mag recess at kapag may nang bully pa sayo sabihin molang samin"
"Salamat ulit"
Wala na akong ibang masabi kundi puro salamat lang.
"Sabi ko nga sayo lagi na kitang poprotektahan at hindi kona hahayaang maulit yung nangyari sa Grand ball"
Ngayon medyo lumakas na ang loob ko dahil may mga tao pading gusto akong protektahan at hindi ako hahayaang masaktan. Sana dumating din yung araw na maipasok ko sa isip ng mga estudyante sa school nato na mali ang manghusga sa isang tao lalo na't hindi mo alam ang totoong pangyayari.
# CHAPTER 57
DEX'S POV
Alam nyo kung kanta lang ang chismis nilang lahat sakin na LSS nako, Hindi padin kasi sila tapos sa pagsabing Malandi ako, Kadiri atbp.
Gusto ko mang umiyak pero hindi ko magawa, Ano ba ang dapat kong gawin para magising sa bangungot nato?
Pagkatapos nang klase namin ay nagmadali agad akong lumabas at tumakbo na parang walang ibang nakikita kundi ang daanan lang.
Habang naglalakad ako ay naisipan kong tawagan si Miles dahil alam kong matutulungan nya ako.
'Miles?'
'Hello be, Kamusta kana?'
'Eto okay lang naman'
Umupo muna ako sa isang tabi para mas makausap ko ng maayos si Miles
'Umiiyak kaba?'
Napansin na siguro ni Miles na umiiyak ako base sa boses ko.
'Miles alam na nila'
'Ha? Anong alam nila?'
'Yung tungkol samin ni Nathan'
'OMG! BE seryoso ka?'
'Oo be'
'Hala? Pano nila nalaman? sino sino ang nakaalam?'
'Alam na lahat dito sa school namin'
'What????, Ano kamusta kana dyan?'
'Eto hindi okay'
'Be sorry wala ako dyan, Nako kung nandyan lang ako kakalbuhin ko isa-isa yung mga nang-aaway sayo'
Napangiti naman ako sa sinabi ni Miles, Sana katulad ako ni Miles na matapang kaya lang sa sitwasyon nato hindi ko kayang maging matapang.
'Haha wag kanang pumunta dito, Sapat na makausap kita'
'Alam ba ni Mark ang tungkol dito?'
'Nako be wag mo nang sabihin hayaan mo na sya nanana Himik na sya ayaw ko na sya madamay sa gulo ko'
'Pero Bestfriend mo parin si Mark, Baka matulungan ka nya' -
'Miles please wag mo nalang sabihin'
'Sige be, Ikaw bahala'
"Sino yang kausap mo?"
Kainis tong si Nathan bigla bigla nalang sumusulpot.
"Si Miles bakit?"
"Wala lang, akala ko kasi si ano eh"
"Sino?"
"Wala, Pero gusto ko sa susunod sasabihin mo sakin kung saan ka pupunta at kung anong oras matatapos ang klase mo at kailangan wala kanang tatawagan na ibang lalaki"
"Grabe sya, Ano Boyfriend lang kita?"
"Bakit don din naman yon papunta diba?"
"Wow agad agad, Hindi ka pa nga nanliligaw sakin"
"Edi liligawan na kita, Ano ngayon naba?"
"Bahala ka sa buhay mo Nathan kung ano ano nalang desisyon mo, Hindi mo pinagiisipan nang maigi"
"Wala naman na akong dapat pang pag-isipan kasi sigurado na ako sa nararamdaman ko sayo"
Kahit sino naman mafafall kung ganito magsalita at kaseryoso ang isang lalaki, Pero kaya lang mas nangigibabaw padin sakin ang pagiging magpinsan namin.
"Nathan siguro magpalamig muna tayo, Hot topic pa kasi tayo"
"Basta ako na bahala, Pero umuwe na tayo para naman makapag pahinga ka nadin"
Tumabi sakin si Nathan at inakbayan ako pero tinanggal ko din kasi baka issue na naman to.
Trending topic padin ako sa school namin mabuti nalang hindi ako iniwan ni Nathan kaya kahit paano ay hindi at natatakot, Pero dahil sa pagsama ko sa kanya mas lalong lumala ang Chismis saming dalawa.
MILE'S POV
"Miles bakit tulala ka dyan? May problema ba?" Tanong sakin ni Tyrone
"Si Dex kasi"
"Oh anong meron kay Dex?"
"May problema kasi sya ngayon"
"Problema? Ano naman?"
Sasabihin koba dito kay Tyrone? Baka magalit sakin si Dex eh.
Pero sa huli sinabi ko din kay Tyrone yung problema ni Dex since magkakaibigan din naman kami, Simula kasi nang lumipat si Dex sa ibang School sila Tyrone, Nicole, Sheena at Mark na yung naging kaibigan ko.
Si Mark at Tyrone Classmates ko silang dalawa iba kasi yung course ni Sheena at Nicole kaya hindi ko sila madala makausap.
"Ano?!"
Medyo OA yung reaksyon nya pagkatapos kong sabihin yung problema ni Dex pero hindi ko naman sya masisisi kasi kahit ako naging ganon ang Reaksyon ko.
"Oo ganon na nga ang nangyari, Kaya nga gusto ko sanang puntahan si Dex para maka musta sya"
"Si Mark alam nya naba yung tungkol dito?"
"Hindi pa, At wag mong sasabihin kay Mark yung sinabi ko sayo ayon kasi ang bilin ni Dex"
"Ano ang hindi nyo dapat sabihin sakin?"
What the??????!!! Si Mark! Narinig kaya nya yung pinaguusapan namin ni Tyrone? Sana hindi huhu.
"Ma-Mark kanina kapa ba dyan?"
"Hindi kadadating kolang din, Ano yung hindi nyo dapat sabihin sakin?"
Umupo si Mark sa tabi namin at kami naman ni Tyrone nagkatinginan hindi kasi namin akalain na darating agad si Mark.
"Ano kasi Mark, Si Dex may Problema"
Pagkasabi palang ni Tyrone namay problema si Dex halata sa mukha ni Mark ang labis na pag-aalala.
Gusto ko sanang batukan si Tyrone dahil sa kakatihan ng dila nya pero di ko nalang ginawa. Kakasabi ko palang na wag sabihin, Tapos sinabi nya.
"Bakit ano bang problema ni Dex? Miles ano?"
"Si Dex nalang siguro ang magsasabi sayo"
Dahil wala na akong choice ay umuo nalang ako na may problema talaga si Dex Pero hindi ko sinabing tungkol kay Nathan ang Problema nya dahil wala ako sa lugar para pangunahan si Dex.
Naaawa kasi ako sa kaibigan kong yon, Napaka Malas sa lovelife una nainlove sa BestFriend tapos ngayon sa Pinsan naman ano na naman kaya ang susunod? Sana naman last nato para hindi na sya mahirapan.
DEX'S POV
Ano bang pwede kong gawin na pwedeng magpalibang sa utak ko? Ang Sakit na kasi ng ulo ko kakaisip sa nangyari sakin. Hindi naman ako makagamit ng social media dahil alam kong puro masasakit na post at messages lang sakin ang makikita ko.
Si Nathan kasi pagka uwe namin umalis agad kasi may gagawin pa daw sila nila Dave, Haysa ang boring. Si Tita Emman naman ayaw kong makita kasi naguguilty ako kapag nakikita ko sya.
Buong hapon lang ako nakamukmok sa higaan ko, Halos sumakit na yung likod ko kakahiga at kakapaikot ikot sa higaan, Mayamaya ay may kumatok sa pintuan kaya tumayo ako para pagbuksan yon.
Si Nathan kaya yon? Pagbukas ko ay si Manang ang bumungad sakin.
"Dex may bisita ka sa baba"
"Sino naman po?"
"Isang babae tsaka isang lalaki, Hindi kona natanong ang pangalan eh pero bumaba ka nalang para makita mo"
Sino naman kaya yon? Babae tsaka lalaki? Si Dan kaya pati si Jasmine?
Bumaba na agad ako para tingnan kung sino ang sinasabi ni Manang na bisita.
"Dex!"
"Miles?"
Tumakbo agad sakin si Miles at niyakap ako na mahigpit, Niyakap ko nadin sya dahil sobra ko din syang namiss.
"Bakla na miss kita grabe!"
"Ako din na miss kita, Upo muna tayo"
"Be ano kasi may kasalanan ako sayo"
Lumingon si Miles sa kasama nyang lalaki at mukhang alam kona kung anong kasalanan nya sakin. Si Mark kasi ang kasama nya ngayon.
"Ayos lang Miles"
"Pero in fairness ang ganda ng bahay ng tita kaya pala gustong gusto mo dito"
"Haha hindi naman, Syempee iba padin yung bahay namin"
"Eh si Nathan asan?"
"Wala sya dito umalis ako lang dito tsaka yung mga katulong"
Umupo kaming dalawa at nasa may harapan namin si Mark, Tinawag ko si Manang para magpa kuha ng meryenda para sa kanila.
"Manag pakuhaan naman po sila ng Meryenda"
"Sige"
"Dex sasama na ako kay Manang para alam mona haha"
Kami nalang ni Mark ang naiwang dalawa at hindi ko alam kung paano magsisimula ng conversation sa kanya.
"Dex kamusta kana?"
"Eto okay lang naman"
"Dex alam kong hindi ka Okay, Sinabi sakin ni Miles na may problema ka. Ano ba yung problema mo?"
Dapat kopa bang sabihin kay Mark ang tungkol sa problema ko? Dapat kopa bang guluhin ang nananahimik kong Bestfriend?
"Hindi naman masyado malala yung Problema ko kaya wala kanang dapat ipagalala. OA lang siguro magkwento si Miles" palusot ko sa kanya.
"Sigurado ka?" Tumayo si Mark at tumabi sakin at hinawakan amg kamay ko.
"Dex alam kong may pinagdadaanan ka ngayon Hindi mo man sabihin sakin kung ano yon, Basta lagi mong iisipin na nandito lang ako lagi. Para saan pa na naging mag BestFriend tayo kung hindi natin tutulungan ang isat-isa."
Ramdam ko na nag-aalala talaga sakin Si Mark kaya lang hindi ko pwedeng sabihin sa kanya kung ano talaga ang problema ko.
"Mark salamat sa Concern pero okay lang talaga ako"
"Talaga? Eh bakit hindi ka nakangiti?"
"Panong ngiti ba gusto?"
Pinakita ko kay Mark yung ibat-ibang klase na ngiti na alam ko para lang maniwal sya na okay lang ako.
"Haha ang pangit mo ngumiti"
"Hoy anong pangit? Ang ganda kaya nang ngiti ko. Baka yung sayo yon"
Napaaray nalanga ko bigla ng hilahin ni Mark yung dalawa kong pisngi.
"Ayan ngumingiti kana, Mas bagay sayo kapag nakangiti ka"
"Alam ko, Atsaka kahit ano naman bagay sakin eh alam mo naman pinanganak ako na Perfect"
"Perfect? Aray ko parang sumasakit ata yung dibdib ko"
Umarte si Mark na kunwari inaatake sya sa puso haha mukha syang tanga sa ginagawa nya, Kinuha ko naman yung isang unan sa sofa at hinampas hampas ko sa kanya.
"Ang OA mo Mark! Grabe ka talaga sakin"
"Haha Joke lang ikaw naman masyadong seryoso"
Nakakamiss yung mga ganitong eksena namin ni Mark yung masaya lang kami nagtatawanan at nagaasaran. Mga panahong wala pa akong Feelings sa kanya at hindi kopa sya minamahal ng todo.
Mayamaya ay bumalik nadin si Miles at may dalang Meryenda medyo matagal sya. Siguro sinadya nya talaga yon para makapag usap pa kami ni Mark.
"Ano yang pinag-uusapan nyo at ang saya saya nyong dalawa?"
"Anong ano? Baka sino?"
"Edi sino, Sino bang pinag-uusapan nyo?"
"Secret bawal sabihin"
"Ano bayan, Ang daya nyo"
Natawa nalang ako Miles kasi hindi nya talaga ako tinigilan na sabihin sa kanya kung sino ang pinag-uusapan namin hahaha paniwalang paniwala sya kahit wala naman talaga.
Bago umalis si Mark at Miles ay nagpasalamat muna ako sa kanila dahil sobrang napagaan nila ang loob ko sa simpleng pagdalaw nila sakin.
Kahit saglit nawala yung mga problema sa utak ko. Sa kabilang banda maswerte padin ako kasi nagkaroon ako ng mga kaibigan na tulad nila.
"Dex pano aalis na kami, Tawagan mo nalang kami kapag may problema ka"
"Oo Mark, Salamat ulit sa pag punta"
"Wala yon, Ikaw paba? Syempre malakas ka sakin eh isang tawag molang pupunta ako, Ganyan ka kaimportante sakin"
"Asus tama nayan, Baka magkaiyakan pa kayong dalawa"
Hinila na paalis ni Miles si Mark haha, Sana sa susunod maka bonding kopa sila nang matagal. Nabitin kasi sa sandaling oras na kasama ko sila.
# CHAPTER 58 "LABAN DEX!"
IRISH POV
"Irish mukhang hindi padin sapat ang ginawa mo kay Dex at nakukuha nya pang pumasok" sulsol sakin ni Venus
"True, Mukhang wala lang sa kanya ang nangyari" dagdag naman ni Bea
Talagang iniis ako nang baklang yan, Akala kopa naman tatantanan na nya si Nathan dahil sa ginawa ko sa kanya Pero eto sya nakukuha pang iharap ang mukha nya.
"Hayaan nyo sya"
"Anong hayaan? Wala ka bang gagawin?" Iritang sabi ni Venus
"Syempre meron, Sa tingin nyo ba hindi ko kayang mapasuko yang Dex nayan?"
Nagkatinginan kaming tatlo na parang alam na yung iniisip nang isat-isa.
DEX'S POV
"Dex tara na"
Bungad sakin ni Nathan at nakangiti pa sya.
"Nathan hindi mona ako sasabay sayo mamaya atsaka wag na muna tayong mag-usap sa school"
"Bakit naman?"
"Magpalamig na muna tayo, Masyado pang mainit ang mga mata ng mga estudyante satin"
"Ayoko sasabay ka sakin sa ayaw at sa gusto mo"
"Nathan ang kulit mo, Makinig ka muna sakin please kahit ngayon lang"
Lumabas agad si Nathan ng bahay at hindi na nagpahatid kay kuya Alex, Mukhang nagalit sya sakin. Kainis bakit ba kasi ang hirap ng sitwsyon ko.
"Saan pupunta si Sir Nathan?" Tanong sakin ni kuya Alex
"Papasok po"
"Hindi ba sya sasabay satin?"
"Mukhang hindi po kuya Alex baka po magcocommute nalang yon"
Habang nasasakyan ako ay naguguilty ako dahil sa mga nasabi ko kay Nathan pakiramdam ko ang selfish selfish ko dahil hindi ko man lang inisip kung ano yung nararamdaman nya pero para din kasi samin tong ginagawa ko. Para matigil na ang bulong bulungan samin.
Dahil sa pagdalaw ni Miles at Mark sakin ay nagkaroon ako nang karagdagang lakas para magpatuloy, Tama sila hanggang alam ko na nasa Tama ako wala akong dapat na ikahiya.
Hindi muna kami nagsabay ni Nathan para humupa muna ang chismis saming dalawa, Ayaw pa nga nyang pumayag dahil baka kung ano na namang gawin sakin ni Irish pero sinabi ko na kaya ko ang sarili ko.
Habang paakyat ako papunta sa room ko ay nasalubong ko si Dan, Ngayon ko nalang ulit sya nakita pagkatapos ng insidenteng naganap.
"Dex kamusta kana? Ayos kana ba?"
"Eto medyo okay, Salamat pala sa pagtatanggol sakin nong Grand ball"
"Yon ba? Wala yon, Syempre kaibigan mo ako natural lang na ipagtanggol kita"
"Alam mo kung hindi mo ginawa yon, Hindi ko talaga alam gagawin nong mga oras nayon"
"Ikaw kasi hindi mo naman sinabi sakin na may something pala sa inyo ni Nathan"
"Pati ba naman ikaw Dan?"
"Haha joke lang, Alam ko naman na hindi mo gagawin yon"
"Sana lahat ganyan mag-isip"
Bigla akong inakbayan ni Dan medyo nagulat ako kasi hindi ko akalain na gagawin nya yon. Syempre medyo hiya pa ako kasi syempre si Krasssss inakbayan ako.
"Dex mamaya may sasabihin ako sayo sa Canteen"
"Anong sasabihin mo? at bakit sa Canteen pa?"
"Mamaya na para surprise"
"Surprise? Bakit ba hindi ngayon nalang?"
"Basta"
"Ano bayan"
Ano kayang sasabihin nito? Nacucurious tuloy ako bigla, Kaso ayaw naman sabihin ngayon mamaya pa daw.
Kahit ilang araw na ang lumipas hindi padin nawala ang issue samin ni Nathan, Hanggang pagpasok ko sa room nakatingin padin sila sakin at yung iba nagbubulungan pa at walang gustong tumabi sakin.
DAN'S POV
Magugustuhan kaya ni Dex tong ibibigay ko?
Pinagmasdan ko yung singsing na hawak ko, Balak kona kasing umamin kay Dex tungkol sa nararamdaman ko.
Hindi ko akalain na mahuhulog ako kay Dex, Si Dex kasi yung nagparamdam sakin na hindi ako nag-iisa dito at higit sa lahat mabait sya.
First time ko magkagusto sa isang kagaya ni Dex kaya medyo kinakabahan at hindi ko pa alam kung ano ang dapat kong gawin.
"Oyyy ano yan?"
Muntik konang nabitawan yung singsing na hawak ko dahil nagulat ako kay Jasmine, Kinakabahan na nga ako tapos gugulatin pa ako.
"Wow, Ang ganda naman kanino yan?"
"Ito ba?"
Hindi ko alam pero bigla nalang akong napangiti dahil naalala ko si Dex.
"Anong ngiti yan? Wag mong sabihin magpopropose kana?"
"Hindi ah, Manliligaw palang ako"
"Ligaw? Sinong liligawan mo?"
"Secret, Malalaman mo mamaya"
"Ano bayan. Pero kilala koba?"
Tumango lang ako sa tanong nya.
"Hala?! sino kaya yon?"
"Malalaman mo din mamaya, Relax kalang dyan"
"Asan na pala si Dex?"
"Hindi ko nga alam eh, Dapat kanina payon nandito"
Asan na kaya yon si Dex? Baka may nangaway na naman sa kanya o di kaya may ginawa na naman sila Irish.
Speaking of Irish nandito sila ngayon kasama ng mga kaibigan nya at dumaan sila sa harap namin.
DEX'S POV
Pagka tunog na pagka tunog ng bell ay lumabas nadin agad ako dahil ang sabi ni Dan ay may sasabihin daw sya sakin.
Sa exit ako dumaan para wala akong makasalubong na mga Chismosa.
Pero habang naglalakad ako napansin kong may sumusunod sakin na dalawang lalaki kaya binilisan ko ang paglakad Grabe ang kaba ko ng mga oras nayon dahil hindi ko alam kung anong gagawin nila sakin.
Kaya lang naabutan ako nang isang lalaki at tinakpan agad yung bunganga ko para hindi ako makapag ingay.
Hindi ako nakapalag dahil mas malakas sila sakin.
Hinila nila ako papunta sa utility room kung saan nilalagay yung mga gamit ng janitor at kinulong nila ako don.
"Ano ba buksan nyo to!!!!!!"
Hindi ako makakilos nang maayos dahil masikip sa loob. Sino kaya yung mga lalaking nagdala at nagkulong sakin dito.
Bigla kong naisip na baka kagagawan na naman to ni Irish, Ano ba talagang gusto nyang mangyari? Hindi pa sapat sa kanya yung mga ginawa nya?
Pinilit kong buksan yung pinto pero kahit anong gawin ko hindi ko mabuksan.
"Tulong! May tao ba dyan?! Buksan nyo to!!!!"
Kaka onting liwanag lang ang nakikita ko mula sa labas at nahihirapan na ako gumalaw.
Mayamaya ay may narinig ako kumaluskos sa labas kaya nagsalita ako.
"May tao po ba dyan? Pabuksan naman!"
Ilang saglit pa ay may nagbukas na nang pinto, Nagulat din si Ateng Janitor nang makita nya ako sa loob.
"Ate salamat po ha?"
"Ano ba kasing ginagawa mo dyan?"
"Mahabang kwento po, Pero thank you po talaga"
Tumakbo na agad ako para hanapin si Irish, Alam kong sya ang may kagagawan nito.
Dumiretso agad ako sa canteen dahil alam kong nandon sya. Hindi naman ako nabigo nakito ko sya kasama yung dalawa nyang kaibigan.
"Dex?"
Hindi kona napansin si Dan dahil mas nakatuon ang isip ko kay Irish.
"IRISH!"
Hindi kona napigilan ang sarili ko at pagkaharap na pagkaharap nya ay sinampal ko sya at ikinagulat nya yon.
"What the!?"
"Ano bang ginawa ko sayo at ginaganito mo ako?! Kulang paba yung pagbuhos mo nang tubig sakin? Ang pagsunog sa mga gamit ko? At pagpapahiya sakin sa harap ng maraming tao at ngayon kinulong mo pa ako. Ano ba talagang gusto mong mangyari?!"
"Well gusto ko lang naman na makita kung paano ka magalit! Para makita nang lahat nang tao dito na hindi kalang Malandi! Masamang tao kapa!"
Talagang inuubos ni Irish ang pasensya ko.
"Gusto mong makitang magalit ako?"
Kinuha ko yung isa sa mga upuan at ihahampas ko sana sa kanya pero naalala ko na pwedeng maapektuhan ang pag-aaral ko sa gagawin ko.
"Laban! Laban!"
Sigaw nang mga estudyanteng nasa Canteen, Mukhang nageenjoy na pa sila na panoodin kami imbes na awatin kami sa posibleng mangyari.
"Ano bakit hindi mo tinuloy? Sige ihampas mo sakin! Alam ko naman na kating kati kana na gantihan ako diba?! Then do it! You're free to hurt me!"
Huminga muna ako nang malalim at binalik sa ayos yung upuan, Yung mga taong katulad ni Irish dapat hindi na pinapatulan dahil mas lalo lang lalala ang lahat.
"Hindi ko gagawin yan Irish, Dahil hindi ako kagaya mo na kayang manakit ng ibang tao basta makaganti lang at hindi ako bababa sa level mo"
Sasampalin sana ako ni Irish pero binalaan ko sya.
"Isang maling sampal mo lang sakin kakalimutan kong babae ka wag mo ako sasagarin Irish dahil kapag sobra na kaya kong lumaban"
Kinuha ko yung juice na iniinom nila at binuhos koyon sa ulo ni Irish.
Pagkatapos non ay tumalikod na ako kay Irish at naglakad palayo sa kanya. Pero humarap ako sa kanya sa huling pagkakataon.
"Wala na kayo ni Nathan bago pa man kami nag kakilala kaya kung meron mang namamagitan samin. Labas kana don"
Pero sadyang pinaglihi ata sa sama ng loob si Irish hinawakan nya ako sa braso at hinarap nya ako sa kanya at dalawang magkakasunod na sampal ang binigay nya sakin.
"Malandi ka!! Mangaagaw!"
Lalaban sana ako pero bigla ako akong kinapitan ng dalawang alipores nya.
"Ano ka ngayon Dex? Ilabas mo ang tapang mo!"
Susugod na sana si Irish sakin pero biglang nakisali si Jasmine at hinili nya sa buhok si Irish sabay tulak sa sahig.
"Wag kang magkakamaling saktan si Dex dahil makaka laban modin ako!"
Tumingin naman sya sa dalawang kaibigan ni Irish na nakahawak sa kamay ko.
"At kayong dalawa kapag di nyo binitawan si Dex paguuntugin ko kayo"
Nagkalasan naman yung dalawa at pinuntahan nila si Irish.
"Dex ano bang nangyari? Ayos kalang ba?" Tanong ni Dan
"Si Irish kasi pinakulong ako sa Utility Room"
"Ano nagawa nya yon?"
"Hay nako Dan wag kanang mabigla, Ganyan kasama yan si Irish. Pero sana Dex hinampas mona sa mukha nang babaeng yon yung upuan ng malaman nya kung anong gulo ang hinahanap nya"
"Hindi na Jasmine pero salamat pala sa tulong mo ahhh"
"Wala yon Dex para san pat naging magkaibigan tayo"
"Hayaan nalang natin sya . Wait lang Dan diba may sasabihin ka sakin?"
"Ah eh yon ba? Wala, Wala yon wag mo nalang isipin"
"Talaga? Baka importante yan, Makikinig naman ako kung sasabihin mo sakin ngayon"
"Haha wala yon"
Hindi kona pinilit si Dan na sabihin sakin kung ano man yon dahil parang hindi naman kasi importante.
"Pero Dex sana ituloy tuloy mo yang ganyang attitude para naman matakot sayo si Irish at hindi kana nya awayin"
"Alam mo Jasmine ayaw ko naman talaga sana sampalin si Irish kanina, Napuno nalang siguro ako"
Oo mali si Irish dahil sa mga ginawa nyang hindi maganda sakin pero alam ko din dahil sa ginawa ko ay binuksan kona naman ang panibagong pintuan na paglalabanan namin.
Sana nalang hindi na makarating sa Discipline Office ang naging away namin dahil sigurado ako may pagkalalagyan ako.
IRISH POV
Bwiset na baklang yon sinampal pa ako. Naglagay agad ako ng foundation para hindi mahalata yung pamumula ng pisngi ko at yung Juice ang lagkit!!! Mabuti nalang extra akong damit
"Girl mukhang masakit yung sampal sayo ni Dex at may pag buhos pa ng Juice" sabi ni Venus
"Kaya nga namula eh" dagdag naman ni Bea
"Alam nyo ang boboba nyo din, Nakita nyo naman na sinampal ako tapos wala man lang kayong ginawa"
"Kasi hindi naman namin inexpect na sasampalin ka ni Dex, Pero in fairness matapang din pala sya"
"At talagang masaya pa kayo? akala nang Dex nayan papalampasin ko yung ginawa nya sakin, Pwes nagkamali sya nang kinalaban"
"Pero himala hindi nya kasama si Nathan"
"Kaya nga baka nag Break na sila"
Hinayaan ko nalang mag-usap yung dalawa kong kaibigan dahil mas iniisip kung paano ako makakaganti kay Dex, Pinagmukha nya akong mahina sa harap ng maraming estudyante at wala akong pake kung break na sila ni Nathan.
# CHAPTER 59
NATHAN'S POV
Nakakainis si Dex bakit ba lagi nalang nya iniisip yung sasabihin nang ibang tao, Ayaw nya pa sumabaw sakin dahil natatakot sya sa sasabihin ng iba.
Tsk, Kailangan kona siguro sabihin kay mommy ang tungkol dito para matapos na.
Nauna akong umuwe sa bahay dahil ayaw nga muna akong makasabay ni Dex.
"Nathan bakit ikaw lang, Asan yung Pinsan mo?" Tanong sakin ni Mommy
"Mom we need to talk"
"Tungkol saan naman?"
Nilapag ko muna yung bag ko at dumiretso agad sa may garden, Sumunod naman agad sakin si Mommy hindi ko alam kung paano ko sisimulan sabihin sa kanya pero kailangan ko pa din sabihin kesa naman sa ibang tao nya pa malaman.
"Ano bang pag-uusapan natin. Mukhang seryoso ka"
"Mom sorry"
"Sorry? Bakit ka naman nagsosorry may nagawa kabang kasalanan?"
"Meron po akong taong gusto, Kaya lang hindi pwede"
"Talaga? Sino naman yang lucky girl nayan at bakit hindi pwede ayaw ba sayo ng parents nya?"
Masaya pa si Mommy ng malaman nya na may tao akong gusto, Alam ko kasi na gustong gusto ni mommy na magka Girlfriend nako.
"Mom, She is not a girl"
"What do you mean?"
"He is a gay"
"What? Nathan niloloko mo ba ako?" Gulat na sabi ni Mommy
"No, I'm Not Joking"
Lumapit sakin si Mommy at hinawakan ako sa kamay at tumingin sakin ng seryoso.
"Nathan anak, Kahit hindi ka man nanggaling sakin mahal na mahal kita dahil sayo naranasan ko kung paano maging isang ina, Pinaramdam mo sakin na kaya kong maging ina. Kaya kahit sino pa ang mamahalin mo susuportahan kita"
Hindi ako makapaniwala sa magiging reaksyon ng mommy ko, Akala ko magagalit sya sakin kapag nalaman nyang nagkagusto ako sa isang bakla.
"Mom thank you"
"Your welcome, Pero sino bayang maswerte na nagugustuhan mo?"
"Si Dex po"
Yung masayang mukha ni Mommy ay napalitan ng pagkagulat.
"Si Dex?"
Tumango lang ako, Sa tanong ni mommy.
"Nathan are you out of your mind? Sa dina daming tao na pwedeng mahalin bakit si Dex pa? Bakit ang pinsan mo pa?!"
"Mom i don't know, Basta isang araw na realize ko nalang na mahal kona si Dex. Na Mahal kona ang pinsan ko"
Napawahak si Mommy sa ulo nya at nagpalakad lakad sabay pumasok sa loob ng bahay, Pumunta sya kusina para kumuha ng tubig, Sinundan ko naman sya.
"Nathan, Hindi ko alam kung anong Magiging reaksyon ko. Magagalit ba ako o matutuwa?"
"Mom hindi ko naman po kayo pinipilit na intindihin nyo, Ang akin lang sinabi ko sa inyo dahil kayo padin po ang mommy ko, Sinabi ko kesa sa iba nyo pa malaman"
"Si Dex? Alam ba nya na may gusto ka sa kanya?"
"Yes mom"
"Kelan pa to? Matagal nyo bang nililihim samin ng daddy mo to? May relasyon na ba kayo?"
"Wala po kaming relasyon ni Dex, Humahanap lang po talaga kami ng tyempo para sabihin sa inyo"
"Nathan katulad nga ng sabi ko sayo susuportahan kita, Pero kasi sa ganitong sitwasyon hindi ko alam kung paano kita susuportahan. Paano kapag nalaman to ng daddy mo? Sigurado ako na papabalikin ka niya sa US."
"Si Daddy? Ano pa bang bago sa kanya, Eh mas importante pa ata yung mga negosyo at repotasyon nya kesa satin na sarili nyang pamilya"
"Nathan alam mong hindi totoo yan, Kung hindi dahil sa mga ginagawa ng daddy mo hindi sana ganito ang buhay natin"
"Yun na nga mommy lagi nalang tayo naka dipende sa kanya, Pano naman ang mga gusto natin?"
"Katulad ng ano? Ang mahalin mo si Dex? Ang mahalin mo ang sarili mong Pinsan? Nathan alam mong mali ang magkagusto sa isang kamag anak."
"Pero hindi kami magkadugo"
"Tama ka, Pero sa batas anak padin kita at magpinsan kayong dalawa. Kaya please lang Nathan habang maaga pa tigilin mo na to"
"Mahal ko si Dex at ipaglalaban ko ang kung anong nararamdaman ko, Kahit magalit kayo sakin ayos lang basta ako susundin ko ang sinasabi ng puso ko"
"Anak hindi ako nagagalit na nagka gusto ka kay Dex, Pero kasi naka kulong kayo sa isang sitwasyon na mahirap labasan"
Lumapit sakin si Mommy at niyakap ako ng mahigpit, Si Mommy Emman ang tumayong mommy at daddy ko sa bawat araw na wala si Daddy kahit hindi kami magkadugo ay ni minsan hindi nya pinaramdam sakin na hindi kami magkadugo.
DEX'S POV
Pagkauwian ay hindi ko na nakita si Nathan, Talagang sineryoso nya ang sinabi ko na hindi na muna kami magsasabay.
Pero kahit wala si Nathan sinamahan naman ako ni Dan hanggang sa parking lot.
"Dex ingat, See you tommorow"
"Sige ingat ka din"
Naninibago ako kay Dan kasi parang ang saya saya nya ngayong araw, Yung ngiti nya abot hanggang Tenga hahaha amg cute nya tuloy lalo kapag ngumingiti sya haha char!
"Dex sino yon?"
Tanong sakin ni kuya alex pagpasok ko.
"Kaibigan ko po bakit po kuya?"
"Wala naman may binilin lang kasi sakin si Sir Nathan"
"Bilin ano naman po yon?"
"Ang sabi nya kasi sakin, Sabihin ko daw sa kanya kapag may kasama kang ibang lalaki maliban sakin o sa kanya"
Pashneang lalaki yon! Hindi nga nya ako sinasabayan pero may mga mata palang umaaligid sakin, Panigurado ako pati yung mga tropa nya naka aligid din sakin.
"Kuya Alex ano pa pong binilin sa inyo ni Nathan?"
"Ang sabi pa nya ingatan daw kita pauwe"
Ahhhh!!!! Ang sweet!!!! hehehe medyo bumawi sya sa part nayon! Kaya lang medyo OA sya akala naman nya may mangyayaring masama sakin haha.
"Kuya Alex wag nyo nalang po intindihin si Nathan minsan kasi nakakalimutan non uminom ng gamot nya wag nyo nalang banggitin ang tungkol kay Dan"
Tumawa naman kaming dalawa ni Kuya Alex, Siguro dumugo na yung dila ni Nathan sa kakakagat dahil pinag-uusapan namin sya.
Ewan koba kung saan ko natutunan na kapag nakagat mo daw yung dila mo ay pinag-uusapan ka.
"Pero Dex ang laki ng pinagbago ni Sir Nathan, Dati kasi lagi syang galit at parang kalaban nya yung mundo pero ngayon ngungiti na sya at nakikipag kwentuhan na samin na mga tauhan nila. Nangyari lahat ng yon Simula ng dumating ka sa bahay nila"
"Talaga kuya Alex? Baka niloloko molang ako nyan"
"Oo nga seryoso ako, Kaya wag kanang aalis sa bahay nila ha? Para palagi nalang mabait si Sir Nathan"
Bakit naman ako aalis sa bahay nila tita eh nag-aaral pa ako at higit sa lahat nasanay nadin ako at napamahal na sakin ang bahay nayon.
"Kuya Alex hindi po ako aalis, Syempre napamahal na kaya kayo sakin"
Naiiyak na naman ako haha, madali talaga akong maluha kaya minsan akala ng iba mahina ako, Na iyakin ako. Pero ang totoo nito sa luha kolang nailalabas ang totoo kong emosyon kung gaano ka importante sakin ang isang tao.
Pakiramdam ko may mangyayaring hindi maganda grabe kasi ang kaba ko, Huhu ano na naman kayang mangyayari?
Maayos naman akong nakauwe sa bahay at wala naman nangyaring masama sakin.
Didiretso na sana ako paakyat pero narinig ko ang boses ni Tita na tinawag ako.
"Dex"
"Bakit po tita?"
"Pwede ba tayong mag-usap mamaya? Duon sa kwarto ko"
"Tungkol po saan Tita?"
"Basta, Pagkatapos mong magbihis punta ka nalang sa kwarto ko" -Tita
Mukhang seryoso ang sasabihin sakin ni Tita, Nagmadali agad akong nagpalit at pagkatapos ay dumiretso na ako sa kwarto ni Tita Emman.
Syempre kumatok muna ako alangan naman bigla bigla nalang akong papasok.
"Dex halika ka dito, Maupo ka"
Pinaupo ako ni Tita sa tabi nya, Hindi ko alam pero kinakabahan talaga ako.
"Tita Ano pong pag-uusapan natin?"
"May gusto kaba sa anak ko?"
Para akong nabihingi sa sinabi ni Tita, Nabinga nga ba talaga ako? Totoo kaya yung sinabi nya?
"Tita Ano pong klaseng tanong yan?"
"Dex wag ka nang magkaila alam kona, Sinabi na sakin ni Nathan, Ngayon ang gusto kong malaman kung may gusto karin ba sa anak ko?"
Wala namang ginagawang nasama sakin si Tita pero bigla nalang tumulo ang luha sa mata ko, Kainis napaka iyakin ko talaga.
"Tita Sorry pinigilan ko naman po nahulog nadin po ako sa anak nyo"
"Bakit ka nagsosorry? Hindi mo naman kasalanan kung ayan ang sinasabi ng puso mo"
"Hindi po kayo galit?"
"Bakit naman ako magagalit? Sino ba ako para husgahan ang mga taong nagmamahalan? Pero Dex alam ko naman na matalino kang bata at alam mo din na hindi tama tong nangyayari"
Akala mo magagalit sakin si Tita pero nagkamali ako, Ayos lang sa kanya kung ano naman ang meron samin ni Nathan pero katulad nang lagi kong tinatatak sa isip ko ang salitang
"Hindi Pwede, Kasi mag Pinsan kayo".
"Tita Alam ko naman po yon, Pero hindi ko po kasi alam kung anong gagawin ko"
"Alam mo Dex hindi naman sa ayaw kita para kay Nathan pero sana ikaw nalang ang umiwas kay Nathan, Sana ikaw nalang ang lumayo sa kanya"
"Ano pong gusto nyong gawin ko?"
"Iwasan mo si Nathan, Ikaw na ang lumayo sa kanya"
Napaisip muna ako sa sinabi ni Tita, Dapat ba akong lumayo kay Nathan? Dapat kobang layuan ang lalaking napaMahal na sakin?
"Sige po tita, Iiwasan kona po si Nathan"
Masakit na masakit sakin yung naging Desisyon ko pero ito yung dapat at pinaka tama kong gawin.
Niyakap naman ako ng mahigpit ni Tita, Pero yung luha ko muli na namang tumulo.
"Dex salamat, Sorry din kasi kinailangan kong hingin sayo na layuan mo si Nathan. Malaking gulo kasi to kapag nalaman pa to ng tito Greg mo."
"Pero tita kung hindi po ba kami naging magpinsan ni Nathan tanggap nyo po ba ako para sa anak nyo?"
"Syempre kung mahal ng anak ko, Mahal ko nadin. Kahit ano payan o kahit sino payan"
Bigla tuloy pumasok sa utak ko na sana hindi nalang kami naging magpinsan ni Nathan, Na sana hindi nalang Pina legal ni Tita ang pagiging Nanay nya kay Nathan, Na sana sa kabila nito pwede pa kaming magsamang dalawa.
"Tita wag po kayong mag-alala hindi po ako gagawa ng ikakasira ng pamilya natin"
"Dex salamat"
Pagkatapos naming mag-usap ay nag-isip agad ako nang sasabihin at idadahilan ko kay Nathan kung bakit ko kailangan gawin yon.
Sana lang talaga maintindihan nya ako dahil hindi kolang naman ginagawa to para sa sarili ko, Kundi para sa kabutihan ng lahat para hindi na lumaki pa ang issue.
Kinagabihan habang natutulog ako may naramdaman nalang akong tumabi at yumakap sakin. Nakalimutan kona naman ilock yung pinto, Alam kong si Nathan yon pero hindi na ako gumalaw at nagpanggap nalang na tulog.
"Good Night Dex" -Nathan
Pagkasabi nya non ay lumabas nadin sya. Kung buo na yung desisyon ko na layuan si Nathan pero ngayon lalo akong naguluhan.
Ito ba talaga ang gusto kong mangyari?
Ito ba talaga ang magpapasaya sakin?
Ito ba talaga ang sagot para matapos na to?
Ilan lang yan sa mga katanungan pang gumugulo sa isip ko.
Hayss Sana panaginip nalang to at bukas magising ako na ayos na ang lahat.
Hello sa mga nagbabasa! Thank you sa inyo, Sana ma share nyo din to sa mga friends nyong beks para mainspire din sila.
Follow me on my social media accounts
Instagram : @dex_pascual
Twitter : @dexpascual36
FB Page : M2M Love Story (Search nyo nalang same profile din)
# CHAPTER 60
DAN'S POV
Magkasabay kami ni Dex ngayon dahil galing kami sa Canteen wala yung pinsan nya kaya walang asungot.
"Dex ano bang gusto mo sa isang lalaki?"
Medyo nagtaka sya tanong ko at napatingin sya bigla, Sh*t tama ba na tinanong ko sya.
"Bakit mo naman biglang natanong yan?"
"Wala lang curious lang ako"
"Ah okay, Una gusto ko Masipag at hindi tatamad tamad"
Ooy ako yan, Masipag ako haha
"Pangalawa Mabait"
Ako ulit yan, Mabait kaya ako halika kayo ililibre ko kayo.
"Pangatlo Tanggap ako at mahal ako kahit ano pa ako"
Ako Dex mahal kita at tanggap kita kahit bakla kapa, Wala akong paki sa sasabihin ng iba ang importante mahal kita.
"Ayaw mo ba sa mga gwapo, Malaki yung katawan yung mga ganon"
Hindi kolang naiwasan na hindi tanungin kasi alam nyo na hindi naman sa nanghuhusga ako pero ayon kasi ang basehan ng mga bakla para magustuhan nila ang isang lalaki.
"Aanhin ko ang gwapo kung hindi naman ako mamahalin ng totoo diba nga kapag gwapo daw mas marami kang makakaagaw at aanhin ko ang malaki ang katawan kung hindi naman ako kayang ipaglaban. Siguro yung mga ganyang characteristics ng isang lalaki additional nalang siguro"
Hindi naman sa pagmamayabang pero lahat ng katangian na gusto ni Dex ay nasa akin additional pa gwapo ako (Sabi ng mama ko) haha kaya lang hindi gaano kalaki ang katawan ko, Hindi kasi ako mahilig sa Gym.
Kaya ko nagustuhan si Dex kasi napaka simple nya lang at totoo sya yung tipo ng tao na hindi tumitingin sa panlabas na kaanyuan dahil mas importante padin yung ugali ng isang tao.
"Nahanap mo na ba yung taong sinasabi mo?"
"Oo, Nahanap ko na sya"
"Talaga sino naman?"
"Secret, Bawal sabihin"
"Ang daya naman"
Sino kaya yon? Ibig sabihin nahanap na ni Dex yung lalaking yon?
"Eh bakit ikaw nahanap mo na ba?"
"Oo nahanap kona din sya"
"Talaga? Sino?"
"Ikaw"
Parang gusto kong magtago bigla dahil sa naging sagot ko, Ewan ko ba parang may sariling buhay ang bibig ko at bigla bigla nalang magsasalita ng kung ano-ano.
"Ako?"
"Ah eh ang ibig kong sabihin Ikaw, Ikaw muna ang magsabi bago ako"
"Ah, Akala ko kasi ako yung taong hinahanap mo"
'Ikaw nga, At nahanap na kita kaso ang problema hindi ko masabi sayo nang diretso' Sabi ko sa isip ko.
"Haha hindi ah"
Nagpatuloy nalang kami sa paglakad at nakasalubong namin yung mga kaibigan ni Nathan.
DEX'S POV
Napapansin ko medyo nagiging weird si Dan, Nuong una may sasabihin daw sya sakin pero wag nalang daw kasi hindi naman importante tapos ngayon bigla nyang itatanong sakin kung anong gusto ko sa isang lalaki, Parang may mga hugot sya sa buhay na ewan.
Hindi ko nalang muna inisip yon dahil hindi naman big deal sakin yon. Habang naglalakad kaming dalawa ay nakasalubong namin sila Dave.
"Hi Dex" bati sakin ni Dave
"Hello, May kailangan kayo?"
"Meron pwede kaba namin mahiram muna saglit dyan sa kasama mo?"
Hiram talaga? Ano ako laruan? Pasalamat sila alam ko na mabait din naman sila pero kung hinid nila ako makakausap haha. Sinabihan ko nalang si Dan na mauna na sya at kakausapin kolang itong apat. Pero akala ko kakausapin nila ako tapos hinawakan nila ako at hinila.
"Hoy saan nyo ako dadalhin?" Tanong ko kala Dave, Steve, Matthew at Anthony. Bigla nalang kasi sumulpot tapos hihilahin nalang ako basta-basta.
"Basta, Wag ka nang umangal"
"Anong Basta? Baka kung saan nyo lang ako dalhin"
"Grabe ka naman samin mukha naba kaming masamang tao?"
"Kayong dalawa ni Steve oo, Pero kami ni Anthony hindi"
Singit ni Matthew sa usapan namin.
"Grabe ka samin Matthew"
"Saan nyo ba kasi dadalhin?"
"Napag-utusan lang kami ni My Loves mo"
"My Loves sino yon?"
"Sino paba edi si Nathan"
Sabi na eh! ano na naman kayang gustong mangyari ni Nathan? Bakit kailangan pa nya ako ipakuha sa apat nato eh pwede naman nya akong sabihan nalang may ganito-ganito pa syang nalalaman. At kelan ko pa sya naging My Loves? Ano na namang pauso ito.
"Bitawan nyo na kaya ako pwede? Hindi naman ako tatakas"
"Sinisigurado lang namin baka kasi tumakas ka yari kami sa My loves mo"
Dinala ako ng apat sa rooftop, Bakit kaya dito? Balak kaya akong ihulog ni Nathan? Huhu wag naman sana.
Pagdating namin sa rooftop ay nakatayo na si Nathan pero nakatalikod sya.
"Boss Nathan nandito na ang my love's mo!!"
Sigaw ni Steve.
"Good Job! You can go now"
"Copy sir!"
"Galingan mo Nathan para mapa oo mona ang my love's mo!" -Dave
Nag-alisan naman yung apat at kami nalang Dalawa ni Nathan ang naiwan.
Humarap sakin si Nathan at nakita kong may dalawa syang bulaklak, Dahan dahan syang lumapit sakin at kita ko sa mukha ni Nathan ang kasiyahan.
"Dex, For you" Inabot sakin ni Nathan ang bulaklak pero hindi ko tinanggap, Nagulat naman sya sa naging reaksyon ko.
"Nathan ano to? Bakit may ganito?"
"Dex diba sabi ko sayo liligawan na kita at ngayon ang umpisa nang panliligaw ko sayo. Hindi mo ba nagustuhan?"
"Nathan itigil mo nato, Tama na please"
"Anong ibig mong sabihin? Ayaw mo ba na ligawan kita?"
"Nathan hindi paba malinaw sayo? Magpinsan tayo, Kaya hindi pwedeng maging tayo. Kaya dapat itigil na natin to"
"Pero mahal kita, Mahal mo din ako diba?"
Hindi ako nakasagot sa tanong nya, Tumalikod ako at pumatak na naman ang mga luha sa aking mata mga luha na ang ibig sabihin ay labis akong nasasaktan.
Lalo pa akong napaiyak nang yakapin ako ni Nathan ng mahigpit mula sa likod.
"Dex please wag ka namang sumuko, Kaya ko nga to ginagawa dahil mahal kita na kahit mag pinsan tayo Mahal padin kita at kaya kitang ipaglaban"
Kahit masakit ay nilakasan ko ang loob ko. Kinuha ko yung sa daliri ko ang singsing na bigay sakin ni Nathan at humarap sa kanya at binalik iyon.
"Nathan kung ano man ang nararamdaman natin sa isat-isa kalimutan na natin, Siguro sapat nalang na mag Pinsan tayo"
Kita ko sa mga mata ni Nathan na nasasaktan na sya, Yung bulaklak na hawak hawak nya ay pinaghahampas nya hanggang sa nasira.
"Dex naman! Bakit ba ang dali para sayo na sabihin na itigil kona ang mahalin ka?! Bakit ba ang bilis mo sumuko?!"
"Akala mo ba madali sakin to?! Nathan masakit din sakin, Masakit kasi yung taong minahal ko hindi na naman pwede maging akin! Kasi mag pinsan kami! Pero ito yung dapat at tama kong gawin para sa ikabubuti ng lahat!!"
"Sige Dex umalis kana! Sana hindi ka nalang dumating sa buhay ko kung iiwan mo lang din ako!"
Naglakad paalis si Nathan pipigilin ko sana sya pero hinawi nya lang ang kamay ko.
Napaupo nalang ako sa sobrang sakit, Sa pangalawang pagkakataon nasaktan na naman ako dahil sa komplikadong sitwasyon sa pag-ibig. Nathan sorry kasi ginulo ko yung nananahimik mong buhay, Sorry kasi hindi ko man lang naiparamdam sayo na mahal kita.
Akala ko masakit na yung sitwasyon na minahal ko ang Bestfriend ko at hindi nya ako minahal kasi Hanggang Bestfriend lang ang tingin nya sakin. Pero mas masakit pala na hindi kayo pwedeng magmahalan kasi magpinsan kayo.
Pag-uwe ko sa bahay ay nakasalubong ko si Tita at napansin agad nya na namamaga ang mata ko.
"Dex ayos kalang ba? Anong nangyari?"
"Tita nagawa kona po yung sinabi nyo sinabihan kona po si Nathan na layuan na ako, Naitigil na nya yung nararamdaman nya sakin"
Lumapit sakin si Tita Emman at niyakap ako nang mahigpit, Napaiyak na naman tuloy ako.
"Dex sorry"
"Tita bakit po kayo nagsosorry?"
"Kasi ako ang nagsabi sayo na layuan mona ang anak ko"
"Tita hindi nyo po kasalanan yon, Bilang ina duon kayo sa tama at makakabuti para sa pamilya nyo at yung sinabi nyo sakin tama po yon"
"Alam mo Dex hanga ako sayo kasi ang tapang mo, Kahit masakit at mahirap ay pinili mo pading gawin ang tama"
Matapang nga ba ako?
Kung matapang ako bakit ako sumuko agad?
Kung matapang ako bakit hindi ko pinaglaban yung pagmamahal ko kay Nathan?
Kung matapang ako bakit ako natatakot magmahal sa isang taong mahal ko naman talaga?
Pagkatapos naming mag-Usap ni Tita ay umakyat na ako sa kwarto ko para mag impake.
Oo, Aalis na ako dito babalik na ako samin pero sa duon padin ako mag-aaral.
Sa ganitong paraan kasi mas makakalimutan ko si Nathan, Sa ganitong paraan mas makakalimutan namin ang nararamdaman namin sa isat-isa.
Habang nagliligpit ako nang mga gamit ko ay nakita ko si Nathan yung manikanh bigay sakin ni Nathan, Kinuha ko yon at pinagmasdan.
"Baby Nathan? Aalis mona si Mommy ha? Pero promise babalik din ako agad"
Nilapag kona ulit sya at pinagpatuloy ang pagliligpit ng mga gamit ko.
Nagpaalam ako sa lahat ng katulong at kay kuya Alex lahat sila nagulat sa biglaan kong pag-alis ko ang sabi ko nalang kailangan ng mama ko ng makakasama.
Nagpaalam din ako kay Tita Emman at ipinahatid pa nya ako hanggang sa bahay, Si Nathan missing in action hanggang sa pagalis ko.
"Dex ingat sa byahe"
"Sige po tita salamat, pakisabi nalang po kay Nathan na umalis na ako"
"Ako na ang magpapaliwanag sa kanya"
Pagdating namin sa bahay ay Si mama lang ang sumalubong sakin dahil nasa byahe pa si papa at baka bukas pa ang uwe o mamaya.
"Welcome back anak!"
Napahawak agad ako sa tenga ko ng marinig ko ang boses ni mama, Grabe talaga ang bunganga wala padin pinagbago.
Tinulungan nya ako sa pagpasok sa mga gamit ko.
"Anak bakit naman biglaan ang uwe mo? May nangyari bang hindi maganda?"
Oo nga pala hindi pa pala alam ni Mama ni ang tungkol samin ni Nathan, Huhu paano koba sasabihin sa kanya.
"Wala lang ma gusto kolang po umuwe kasi na miss ko kayo, Bakit ayaw nyo ba ako nandito? sige babalik nalang ako ulit kala tita"
"Ito naman hindi mabiro, Nagtatanong lang masama ba magtanong?"
Haha namiss ko yung mga ganitong conversation namin ni mama at ngayon ay magiging madalas na dahil dito na ulit ako titira.
"Anak pagtapos mo dyan tulungan mo ako mag luto"
"Yes ma"
Umakto ako ng normal sa bahay dahil ayaw kong makahalata sa si mama, Kung ano man ang problema ko ay iniwan kona muna sa labas dahil dito sa bahay magfofocus na muna ako sa pamilya ko.
# CHAPTER 61
DEX'S POV
Kasabay nang lungkot na nararamdaman ko ay ang pag buhos nang malakas na ulan.
Pati na naman ang langit nalulungkot din? Bakit ba kasi ang malas ko pagdating sa pag-ibig? Sinumpa ba ako na laging masasaktan kapag nagmahal ako?
Gabi na pero hindi padin ako dinadalaw ng antok kanina pa ako nagpagulong gulong pero wala padin saysay, Hindi padin ako makatulog.
"Dex!!!!!"
Napatayo agad ako sa kinahihigaan ko ng may marinig akong pamilyar na boses, Hindi ako pwedeng magkamali si Nathan yon. Pero anong ginagawa nya dito ng ganitong oras at malakas pa ang ulan.
Lumabas agad ako ng kwarto para puntahan si Nathan sa labas.
"Anak sino yong sumisigaw sa labas?" Kabadong tanong ni Mama
"Si Nathan po Ma"
"Ha? Bakit ano namang kailangan nya?"
"Hindi ko po alam ma, Pero pupuntahan ko po muna sya"
Kinuha ko agad yung payong at lumabas nang bahay, Ano ba kasing kailangan ni Nathan.
"Nathan ano bang kailangan mo?"
"Dex, Wag kanang lumayo please"
Napansin kong parang nakainom si Nathan, Lumapit agad ako sa kanya at pinayungan sya dahil basang basa na sya.
"Nathan pumasok muna tayo sa loob, Baka magkasakit ka"
"Dex sabihin mo sakin na mahal mo ako"
"Nathan naka inom ka, Bukas nalang tayo mag-usap"
"Ayos lang ako alam ko ang ginagawa ko"
"Ano ba kasing naisip mo at pumunta kapa dito kahit alam mong malakas ang ulan"
"Kasi gusto kitang makita"
Inalalayan ko si Nathan na makapasok sa bahay, Pati ako nabasa nadin dahil nagkadikit kaming dalawa.
"Jusko po, Nathan bakit ka nagpakabasa sa ulan?"
Nagpatulong ako kay mama na dalhin si Nathan sa kwarto ko at hiniga ko sya don, Kumuha agad ako ng towel para mapunsan sya.
"Ma pakuhaan naman po ako ng mga hindi na ginagamit ni papa na damit"
"Sige anak"
Naawa tuloy ako bigla kay Nathan, Sobrang naguguilty tuloy ako sa ginawa ko sa kanya.
Ilang minuto lang nakabalik na si mama daldala yung mga damit ni papa.
"Ma ako napong bahala kay Nathan"
"Talaga? Bakit parang nakainom ata sya, Alam ba ni Tita Emman moto? Baka nag-aalala nayon"
"Ako nalang po magsasabi kay Tita Emman"
"Sige ikaw bahala"
Lumabas na si mama at naiwan nalang kami ni Nathan, Naaawa talaga ako kay Nathan.
Tinanggal kona yung suot nyang damit at pinunasan sya para hindi sya lamigin.
"Dex?"
"Bakit?"
Bumangon si Nathan at hinawakan ako sa ulo tapos hindi kona napigilan ang sumunod na nangyari. Hinalikan nya ako, Para akong nakuryente sa halik nayon at hindi ako nakakilos agad.
Mahal ko si Nathan pero napakahina ko hindi ko matumbasan yung tapang nya para lang ipaglaban ako.
Gumanti ako sa halik ni Nathan para maramdaman nya na Kahit hindi kami pwede ay mahal ko sya.
Bahala na!
Hiniga ako ni Nathan at nagpatuloy padin kami sa halikang ginagawa namin. Nalilito nako sa mga nangyayari at parang hindi nako nakakapag isip ng tama.
"I love you Dex" mahinang bulong ni Nathan sa tenga ko pero diko sya sinagot .
Hinalikan ni Nathan ang leeg ko at nakaramdam ako ng bahagyang sakit dahil sinis*ps*p nya yung parteng yon.
Pinilit ko hindi gumawa ng ingay lalo pat walang pintuan ang kwarto ko baka biglang pumasok sila Mama at maaktuhan kami sa milagrong ginagawa namin.
"Nathan tama ba 'tong ginagawa natin?"
"Please Dex don't stop"
Wala pakong experience pero para kay Nathan gagawin ko ang best ko. Gagayahin ko nalang yung mga napapanood ko.
Pumunta ako sa parteng ibaba ni Nathan at ginawa kona ang dapat kong gawin.
Binilisan ko ang ginagawa ko dahil kinakabahan ako baka biglang pumasok sila Mama.
"Ahhhhh" pag pipigil ni Nathan mukhang nawala ang lasing nya.
"Dex i think i'm going to explode"
Hindi ko alam kung anong ibig nyang sabihin pero bigla nya akong hinawakan sa ulo at diniin sa ano nya.
Wala akong choice kundi lunuk*n kung ano mang sumabog sa bibig ko dahil sa higpit ng pagkakapit nya sa ulo ko.
"Thank you Dex"
Nang mabitawan nya ako ay tumakbo ako papuntang Cr tapos niluwa ko yung ibang natira.
Dex akala koba lalayuan muna si Nathan???
Pero bakit may nangyaring ganon???
Para akong tangang pinapagalitan ang sarili ko dahil sa Katangahang ginawa ko.
Pag balik ko sa kwarto ko at tulog na si Nathan kaya naman inayos ko nalang ang higa nya at tumabi nadin ako sa kanya.
Kinumutan ko muna si Nathan para hindi na sya lamigin bukas ko nalang sigura tatawagan si Tita dahil gabi nadin.
Kinaumagahan ay nagising nalang ako dahil naramdaman kong parang nanginginig si Nathan, Bumangon agad ako para hipuin sya.
"Nathan may lagnat ka"
Tumayo agad ako para magpainit ng kape, Tamang tama naman gising na si mama para magluto ng almusal namin.
"Anak himala ang aga mo magising"
"Si Nathan po kasi nilalagnat"
"Ano? Hala may gamot dyan painumin mo sya"
"Opo ma, Iinitan kolang po sya"
Hindi tuloy ako mapakali dahil nag-aalala ako sa kalagayan ni Nathan, Ano ba kasi ang naisip nya at nagpaulan sya.
Pagkatapos kong magTimpla ay binalikan kona agad si Nathan, Tinulungan ko sya na makabangon para mainitan ang sikmura nya at painumin nadin sya nang gamot.
"Salamat Dex"
"Wag mona ulit gagawin yon ha? Wag kanang magpapa ulan ayan tuloy nagkasakit ka"
"Sobra lang kasi akong nasaktan dahil mga sinabi mo tapos umalis kapa sa bahay"
"Nathan alam kong alam mona kung anong isasagot ko dyan"
"Yun na nga eh kahit alam kona yung tama, Nasasaktan padin ako hindi ko pa din matanggap"
"Nasasaktan din naman ako pero ito kasi yung tama, Kaya nga ako umalis para madali nating makalimutan ang isat-isa"
"Pero yung kagabi? Anong ibig sabihin non?"
"Nathan nadala lang ako, pero hindi ibig sabihin ay pwede na maging tayo"
"Sabihin mo sakin na hindi mo ako mahal at ako na mismo ang lalayo sayo"
Biglang naging seryoso si Nathan, Kaya kobang sabihin sa kanya na hindi ko sya mahal? Kahit ang totoo mahal na mahal ko sya.
"Hindi na kita Mahal"
Parang gusto kong saktan ang sarili ko dahil sa naging sagot ko, Parang ako nadin ang pumatay sa puso ko.
Tumayo naman si Nathan pagkatapos kong sabihin yon.
"Nathan saan ka pupunta?"
"Aalis na"
"Pero hindi kapa okay, Mahina kapa at baka kung mapano kapa"
"Wala naman siguro pang mas sasakit sa nararamdaman ko ngayon, Pero salamat. Wag kang mag-alala hindi na ako lalapit sayo"
Hindi kona napigilan ang pag-alis ni Nathan, Ang nagawa ko nalang ay umiyak (Napaka iyakin ko talaga) Akala ko magiging madali kung iiwasan ko nalang si Nathan, Pero bakit ang hirap at ang sakit? Bakit parang hindi ko kaya?
"Dex saan pupunta si Nathan?"takang tanong ni Mama
"Uuwe na daw po sya"
"Akala koba may lagnat sya?"
"Duon nalang daw sya magpapahinga sa kanila, Baka kasi hinahanap nadin sya ni Tita"
"Ganon? Bakit parang umiyak ka?"
"Ha? Ako iiyak bakit naman, Napuwing lang ako ma"
Sorry ma kung nagsisinungaling ako ngayon, Promise sasabihin kodin sayo kapag kaya kona.
Lumipas ang ilang araw at hindi na nga ako nilapitan ni Nathan, Nagkikita kami pero hindi na nya ako pinapansin yung issue samin medyo humupa nadin.
Na realize ko na mas okay nadin to, Para makapag focus na ako sa pag-aaral ko dahil ito naman talaga ang main purpose ko ang makapagtapos ng pag-aaral para matulungan ko ang pamilya ko.
"OMG, Dex tingnan mo si Nathan"
Lumingon agad ako pagkaturo ni Jasmine at nakito ko na magkasama silang dalawa ni Irish.
"Parang kailan lang galit na galit si Nathan sa kanya tapos ngayon Sila na ulit" sabat naman ni Dan
"Hay nako hayaan na natin sila dyan sila masaya eh" -
Hindi ko maiwasang mapatingin sa kanila at pagnagkakatinginan kami ni Nathan ay walang emosyon yung tingin nya sakin.
"Dex ayos kalang ba?"
"A-ako? Oo ayos lang ako"
Habang kumakain kaming tatlo ay napadaan sila sa pwesto namin, Hindi ko alam kung nagkataon lang o sinasadya nila.
"Babe anong gusto mong gawin?"
"Kahit ano Babe"
Ouch! Babe agad? Kailan pa kaya sila nagka-ayos?
"Okay sige"
Hindi ko nalang sila pinansin dahil wala naman akong mapapala kung magpapaapekto ako sa kanila.
"Kainis yang Irish nayan napaka Arte sarap kalbuhin akala mo naman kung sinong maganda eh mas maganda naman tayo diba Dex?"
"Haha oo naman" Tipid kong sagot sa kanya.
Mabuti nalang nandito tong dalawa nato at hindi masyado naka tuon ang atensyon ko kay Nathan.
"Ano ba!? Bulag kaba o sadyang tatanga tanga?!"
Napalingon lahat kami ng marinig namin yung sigaw ni Irish, Meron syang sinisigawan na isang estudyante.
"Sorry po hindi kopo sinasadya"
"Ang tanga tanga mo kasi!"
Pinaghihila ni Irish yung buhok ng babae at ni isa walang gustong tumulong kahit si Nathan nakatingin lang din.
Dahil hindi kona kaya ay lumapit na ako kay Irish para awatin sya, Nakakaawa kasi yung babae.
"Irish tama na, Kawawa naman yung tao nagsorry nadin naman sya sayo"
"Wow? nandito na pala ang malandi ng taon"
"Wala ka nabang ibang sasabihin sakin kundi malandi? Sige kung dyan ka masaya edi sabihin mo Basta alam ko sa sarili ko na hindi totoo yang sinasabi mo"
Inalalayan ko paalis yung babae, Nakakaawa yung mga taong binubully danas kona kasi yon oo tanga ako sa pag-ibig, Hindi ako basta basta lumalaban pero kapag nasaktan na ako ng pisikal ibang usapan nayon.
Mayamaya ay naramdaman ko nalang namay humila sa buhok.
"Alam mo pikon na pikon na ako sayo akala moba nakakalimutan kona yung ginawa mo sakin"
Tinanggal ko naman yung kamay nya at itinulak ko sya.
"Irish hindi kaba napapagod? Ano pa bang gusto mo? Nasayo na si Nathan diba?"
Lalapit pa sana sakin si Irish pero hinawakan sya ni Nathan.
"Let's go"
Aangal pa sana si Irish pero hinila na sya paalis ni Nathan.
"Dex ayos kalang ba?"
"Oo ayos lang ako hindi naman ako nasaktan"
"Nako Dex pasensya kana hindi ako nakaresbak ang bilis kasi nang pangyayari"
"Ayos lang yon Jasmine"
Hindi naman talaga dapat pinapatulan ang mga kagaya ni Jasmine kaya nga kahit hinila nya ang buhok ko ay hindi ako basta basta gumanti dahil ano namang mapapala ko kung sasaktan ko sya.
Lalo lang lala at hindi matatapos ang galit nya sakin, Pero si Nathan hindi ako makapaniwala na ayos na sila ni Irish parang kailan lang galit na galit sya.
Maganda nadin siguro yon para makalimutan na namin ang isat-isa. Ginusto ko to kaya dapat panindigan ko.
IRISH POV
Kung hindi lang ako inawat ni Nathan baka nakalbo kona yunh baklang yon, Masyadong ilusyanada eh ano bang pinagmamalaki? Ang lakas ng loob nya para labanan ako.
"Nathan bakit mo ba ako pinigilan? Edi sana nakalbo kona yung baklang yon!"
"Don't you dare try to hurt him again" seryosong sabi ni Nathan
"At bakit hindi? Eh pakialamero sya ang dapat sa kanya kinakalbo"
Bigla akong hinawakan ni Nathan sa braso at galit na galit sya sakin.
"Akala koba galit ka sa kanya? Dapat ako ang kinakampihan mo dahil ako ang mahal mo"
"Sino nagsabi sayong Mahal kita? Matagal na tayong tapos, Ginagawa kolang to dahil gusto kong ipakita sa kanya na hindi ako naapektuhan kahit ang totoo nasasaktan ako! Sa harap nya okay tayo pero kapag wala na, Wala nadin tayong dapat pag-usapan"
Tumalikod si Nathan pero bago sya umalis ay may iniwan pa syang mga salita.
"Hindi kopa nakakalimutan lahat ng ginawa mo kay Dex sa ngayon papalampasin ko muna lahat pero humanda ka"
Grr Magiging akin kadin! Babalik kadin sakin Nathan! Hindi ako susuko hanggat hindi ako ang mamahalin mo ipapakita ko sayo na hindi ka bagay ka kay Dex. Dahil tayo lang ang bagay.
VISIT MY PAGE para sa mas updated na mga chapters😊😊😊 : M2M Love Story (Yung profile is same lang din ng ginamit ko dito
# CHAPTER 62 "7 DAYS"
DEX'S POV
Panibagong araw na naman ang dumating, Eto padin ako medyo nakaka move on na kahit paano, Medyo lang naman.
Kahit hindi na ako nakatira kala tita Emman ay sya padin ang daw ang magbabayad ng tuition fee ko although hindi naman ganon kalaki kasi nga Senior High at may Voucher kami.
"Dex gising na! Anong oras na!"
Isang sigaw palang ni mama kahit mahimbing pa ang tulog ko ay nagising ako nang wala sa oras grabe sya parang alarm clock na upgraded haha.
"Ma grabe ka naman, Ano pati kapit bahay gigisingin mo din?"
"Para magising kana, Alam ko kasing si 5 minutes ka eh. Bumangon kana dyan para makasabay kana sa papa mo na mag-almusal"
"Yes ma, Babangon na"
Bumangon na ako dahil gusto ko din makasabay si Papa sa almusal si Papa kasi kalmado lang si Mama naman masyadong wild.
"Good Morning Pa"
"Good Morning den, Maupo kana para makakain kana habang mainit pa"
Habang kumakain kami ay pinagmasdan ko si papa. Sobrang hanga ako sa kanya dahil kahit Jeepney Driver lang sya ay napapakain nya kami ng maayos, Kung may pagkakataon ako na pumili ng bagong tatay? Hindi ko gagawin kasi kuntento na ako na sya ang tatay ko. Bukod sa masipag, Maalalahanin at mabait pa.
"Bakit Dex may dumi ba ako sa mukha?"
"Haha wala po pa, Tiningnan ko lang kung magka mukha tayo"
"Wala kang kamukha samin nang papa mo kasi napulot kalang namin sa basurahan haha"
Napulot talaga???
Pero kapag pumupunta nga yung mga ibang kamag anak namin lagi nilang sinasabi na hindi ko kamukha ang mga magulang ko.
"Kamukha ko kaya si Papa, Diba Pa?"
Tumango naman si Papa sakin.
"Sus syempre alangan namin sabihin ng Papa mo hindi"
Ayan na naman si Mama komontra na naman, Grabe talaga sya sakin Palibhasa pagnandito ako mas close kami ni papa haha.
"Atsaka Ma!? Basurahan talaga? Pero okay lang sabi nga sa kasabihin may ginto sa basura. At ako yung ginto nayon"
"Kayo talagang dalawa nagtatalo na naman. Dex gusto mo ba na ihatid na kita sa school nyo?" Alok ni Papa sakin
"Talaga pa?"
"Bakit ayaw moba?"
"Syempre gusto ko"
Ayyiieee ihahatid ako ni papa!!!! Sasakay ulit ako sa Jeep nya haha. Dati kasi sumama ako sa kanya para maging taga abot ng bayad at taga sukli haha. Pero ngayon nag improve ihahatid na nya ako!!! Howooooo.
Hinatid ako ni papa hanggang sa school gamit ang Jeep nya.
"Anak baon mo"
May inabot sakin si papa na 100 pero hindi ko tinanggap.
"Pa wag na po may pera pa naman po ako dito"
"Sigurado ka?"
"Opo pa"
"Sige, Pano alis na ako"
"Okay Pa ingat po"
Niyakap ko muna si Papa nang mahigpit bago sya umalis.
At biglang may huminto sakin na sasakyan pagbukas nang bintana, Si Irish lang pala.
"Iww hinatid nang Jeep"
Hindi ko nalang pinansin si Irish dahil wala naman akong mapapala kung papatulan ko sya. Sya din naman ang mapapagod sa mga ginagawa nya sakin. Atsaka ano namang kadiri kung hinatid ako nang Jeep?
Medyo humupa na ang isyu samin ni Nathan dahil may mga tumatabi na sakin at kumakausap, Akala ko talaga buong taon ang pagpipistahan ng mga chismosa't chismoso.
Habang naglalakad ako pababa ay Nakasalubong ko si Jasmine at hinila nya agad ako.
"Ui Be saan mo ako dadalhin?"
"Basta"
"Anong basta? Saan ba kasi tayo pupunta?"
"Basta nga haha, Napag-utusan lang ako"
Nautusan sya? Si Nathan kaya ang nag-utos sa kanya? pero bakit? Akala koba titigilan na namin ang isat-isa.
"Dan anong ibig sabihin nito?"
"Dex, Akala ko dati wala lang to. Pero nitong mga nagdaang araw unti-unting nagbago ang pagtingin ko sayo"
Hindi ko alam kung anong balak ni Dan, Pinagtitripan ba nya ako? Naiilang na ako kaso madami nang nakatingin tapos idagdag pa na nandon si Nathan at nakatingin lang.
"Dex habang tumatagal kita na nakakasama narealize ko na masaya ako kapag nakikita kita at nalulungkot ako kapag may kasama kang iba"
"Dan diretsohin mo na ako"
"Dex Gusto kita, Alam kong mahirap paniwalaan pero Gusto kita"
Lumalakas bigla yung sigawan sa paligid ramdam ko ang kilig nang iba.
Si Dan Gusto ako? Yung Crush ko Gusto ako?
"Dan Joke ba to?"
"Dex hindi ako nagjojoke seryoso ako at kaya kong ipagsigawan sa lahat nang tao dito na gusto kita" -Dan
Ano bang nangyayari sa buhay ko puro nalang surpresa, Ano bang dapat na maging reaksyon ko sa mga sinabi ni Dan?
"Dan Gusto mo ako?"
Hindi padin kasi talaga ako makapaniwala na nangyayari to at sasabihin sakin ni Dan na gusto nya ako.
Panaginip ba to? Kasi kung oo gusto ko munang magising para makapag-isip ako nang tama.
"Oo Dex Gusto kita, At kaya ko sinasabi sayo to dahil gusto kitang ligawan"
Lumuhod si Dan sa harap ko at umingay na naman ang paligid, Napatingin ako kay Nathan pero wala syang kaemoemosyon sa nagaganap.
"Dex isang oo lang ang kailangan ko para malaman ko kung papayag ka na ligawan kita"
Sa totoo lang nahahati talaga yung utak ko dahil parang may bumubulong sakin na mag OO ka dahil yung Crush mo gusto ka, Magiging Choosy kapa ba?
At yung isa naman sinasabi na wag kang oOO dahil may masasaktan, Nakatingin sayo si Nathan at sigurado ako masasaktan yon.
Lord Help me to think, Napatingin ulit ako kay Dan at naghihintay sya nang sagot ko. Huhuhu Ano bang isasagot ko? Naguguluhan na ako.
"Oo Dan pumapayag ako, Pero--"
Magsasalita pa sana ako pero niyakap na ako ni Dan nang mahigpit.
"Talaga?????"
Halos hindi makapaniwala si Dan sa naging sagot ko, Ayaw ko kasi na magreject ng isang alam ko kasi yung feeling na mareject ka ng taong Gustong Gusto mo.
Mabait si Dan kaya hindi malabong hindi ko sya magustuhan Pero alam ko sa sarili ko na si Nathan padin ang mahal ko.
Lalong umingay ang buong paligid si Jasmine naman ay lumapit sakin at tuwang tuwa sya. Pero nilingon lingon ko si Nathan kaya lang hindi ko na sya nakita, Umalis na siguro.
"Be anong shampoo mo?"
"Bakit?"
"Ang haba kasi nang hair mo eh"
"Haha akala ko naman kung ano"
"Jasmine, Pwede koba munang makausap si Dex?"
"Okay sige, Good luck sa inyong dalawa"
Umalis na si Jasmine at naglakadlakad muna kami ni Dan, Ayokong maging unfair kay Dan kaya kailangan ko maging totoo sa kanya.
"Dan?"
"Bakit?"
Sagot nya agad.
"Alam mo ba hanggang ngayon hindi ako makapaniwala na May gusto ka sakin, Kasi sa totoo lang matagal na kitang Crush Una palang kita nakita dati Crush na kita"
"Ako Crush mo? Bakit hindi mo sinabi sakin?"
"Baka kasi layuan mo ako, Alam mo na Bakla kasi ako diba?"
"Hindi naman porke bakla wala nang karapatang magka Crush, Ano bang kinakatakot mo Layuan kita? Bakit ko naman gagawin yon wala ka namang ginagawang masama. Para sa mga lalaking bukas ang pag-iisip hindi kami makakaramdam nang galit, Matutuwa pa nga kami kasi meron palang isang taong humahanga samin"
Marami pa palang mga lalaki sa mundo na tanggap at mahal ang mga bakla, Maraming beses kona tong napatunayan.
Unang una na ang Papa, Kahit ganito ako tanggap at mahal nya ako at ni minsan hindi nya ako kinahiya.
Pangalawa si Mark, Hindi sya nagdalawang isip na maging kaibigan ako kahit na bakla ako dahil ang pagkakaibigan walang pinipiling kasarian.
Pangatlo si Nathan, Maraming beses nyang pinatunayan sakin na mahal nya ako at handa nyang ipagsigawan sa lahat na mahal nya ako.
At ngayon naman si Dan, Kahit bakla ako nagustuhan nya pa din ako dahil ang pag-ibig kapag tinamaan ka, Tinamaan ka.
"Dan sigurado kaba na liligawan mo ako?"
"Oo, Bakit hindi kaba naniniwala?"
"Hindi naman sa ganon, Alam mo naman Bakla ako sigurado maraming huhusga sayo"
"Alam ko naman yon, Pero kasama naman talaga sa buhay natin yon. Hindi naman sila ang mangliligaw sayo ako naman kaya wala silang pakialam"
"Atsaka Dan, Ano kasi hindi pa ako ready na mag ka Boyfriend"
"Dahil ba to kay Nathan?"
"Paano naman nasali si Nathan sa usapan natin?"
"Kahit hindi mo naman sabihin sakin napapansin ko na May gusto kay Nathan. Yung mga tingin mo sa kanya yung ngiti mo kapag nakikita mo sya lahat yon kakaiba dahil hindi lang pinsan ang tingin mo sa kanya"
Natahimik ako bigla sa sinabi nya, Tama kasi lahat yon. Pati pala si Dan matagal nang alam yung nararamdaman ko kay Nathan.
"Dan, Hindi ko naman ginusto yon eh. Pero nangyari na lang"
"Dex kahit 7 days lang, Bigyan mo ako nang 7 days para patunayan sayo kung gaano kita kagusto. At kapag natapos ang 7 days nayon na wala padin. Titigil na ako"
Napatingin ako kay Dan at mukhang seryoso sya. 7 days? At sa 7 days nayon kung wala padin akong nararamdaman sa kanya, Titigil na sya.
"Sige Dan, 7 Days"
Alam kong napaka bilis ang 7 days para masabing mahal o gusto mona ang isang tao, Pero sapat nayon para mapansin mo sa sarili mo na masaya kana kapag kasama mo sya.
"Talaga?"
Niyakap ako ni Dan ng mahigpit na halos hindi na ako makahinga.
"Ah eh Dan, Yung yakap mo"
"Ay sorry, Medyo Happy lang haha"
Si Daniel, Siya yung taong una kong nakilala sa school maliban kay Nathan. Si Dan na Crush ko, Pero posible kayang mahalin ko din ang Crush ko?
NATHAN'S POV
"TOL anyare sayo ng My Loves mo? Akala koba kayo na, Ano yon? Bakit may nanliligaw pa?" Sabi ni Steve
"Kaya nga, Gusto mo abangan namin yon? Inaagawan kapa sa my Loves mo" dagdag naman ni Dave
"Wala akong paki alam sa kanila, Bahala sila kung anong gusto nilang gawin"
"Ang labo mo din Nathan akala koba Mahal mo? Bakit parang susuko kana?" Sabat ni Matthew
"Tama si Matthew dapat kapag Mahal mo ipaglaban mo" - Anthony
Ipaglaban?
Ilang beses naman akong lumaban, Ilang beses kong pinaglaban Yung pagmamahal ko para kay Dex kaya lang si Dex ang ayaw lumaban.
Paano pa ako lalaban kung ang taong ipinaglalaban ko ay sumuko na?
"Sshh manahimik na nga kayong dalawa, Alam ni Nathan ang ginagawa nya kaya hayaan na natin sya"
Bakit ganon Dex, Bakit parang ang dali lang sayo na kalimutan ako. Pati yung singsing na binigay ko sayo nagawa mong isauli sakin.
Mayamaya ay dumating si Irish kasama ang dalawa nyang alalay.
"Hi Boys, Hi Nathan."
"What are you doing here?"
"Kinakamusta kolang naman yung babe ko, Alam ko kasing broken hearted ka alam mo na yung nangyari kanina"
"That's none of your business"
Umupo Si Irish sa tabi ko.
"Alam mo kasi Nathan dapat kalimutan mona yung baklang yon, Nakita mo kung gaano sya kalandi? Pinagpalit ka agad"
"Anong sabi mo kay Dex?"
"Malandi sya, Bakit totoo naman diba?"
Dahil hindi ko nagustuhan ang sinabi sakin ni Irish ay parang nandilim ang paningin ko sa kanya, Nasakal ko sya bigla mabuti nalang at naawat ako ni Steve dahil kung hindi baka kunh ano na ang nagawa ko kay Irish.
Wala syang karapatan para sabihan si Dex na malandi dahil hindi nya kilala si Dex.
"Tol babae yan" awat ni Steve
"The next time na babastusin mo si Dex sa harap ko hindi lang yan ang aabutin mo sakin"
Pagkatapos kong sabihin yon ay umalis na ako. wala akong paki kung nasaktan man sya sa sinabi ko dahil ibang usapan na kapag si Dex na ang nilalait at sasaktan. Kahit naiinis ako kay Dex ay hindi ko padin sya matitiis.
Hindi ko man sya maprotektahan bilang Mahal nya pero poprotektahan ko sya bilang Pinsan nya.
Ano kaya ang mga Mangyayari sa loob ng 7 days???
Visit my page : M2M Love Story (same profile lang din)
# CHAPTER 63 "DAY 1"
DEX'S POV
'Nako be, Ikaw na talaga. Ganda mo masyado'
Tinawagan ko kasi agad si Miles tungkol sa panliligaw sakin ni Dan. Syempre kahit naman malayo kami sa isat-isa ni Miles, Magkaibigan padin kami.
'Haha ewan ko nga ba kung bakit maraming nagkakagusto sakin' Biro ko kay Miles.
'Ay iba din, Bigla tuloy lumakas ang hangin'
'Haha Joke lang. Pero seryoso ako dapat ba na pumayag ako sa 7 days?'
'Kung ako sayo be, Push mo nayan wag kanang mag pa 7 days. Mukhang bet ka naman ni Dan atsaka diba matagal mo nayong Crush? Kaya go lang. Sino bang inaalala mo si Nathan, Remember magpinsan kayo kaya ekis ang love story nyo'
'Alam ko naman yon'
'So? Wala nang patumpik tumpik ka, Go na Team Crush!!!"
"Anong Team Crush?"
"Team Crush, Si Dan"
Haha Team Crush talaga, May Fan na agad si Dan haha.
This time maaga na ako nagising, Baka kasi marinig kona naman mag rap si mama mahirap na haha.
Kinuha kona yung Uniform ko at tuwalya para makaligo na ako.
Paglabas ko ng kwarto ay nag unat-unat pa ako with kasamang hikab, Pagdilat ko ay parang namalikmata ako. Nakita ko kasi si Dan kasama ni Mama.
"Dan anong ginagawa mo dito?"
"Sinusundo ka"
"Ano? Kanina ka pa ba nandito?"
OMG nakakahiya yung mga pinaggagawa ko, Nakita lahat ni Dan huhu mukha pa naman ang ewan don.
"Oo anak kanina payan nandito, Ang aga nga nang manliligaw mo dumating eh"
Napalingon agad ako bigla kay Dan at pangisingisi pa sya. Bakit nya sinabi kay mama huhu.
"Ma anong manliligaw? Kaibigan kolang po yan"
"Tigilan mo nga ako Dex, Sinabi na sakin kanina ni Dan nagpaalam pa nga sya sakin. Diba Dan?"
"Ah eh opo Tita"
What!? Tita!!!!???? Close na agad sila ni mama???? Kanina lang sya pumunta close agad?
Wala nadin akong choice dahil mukhang sinabi ni Dan kay mama.
"Dex maligo kana nga, Ampangit mo nakakahiya naman dito kay Dan baka humanap nayan ng kapalit"
Wow? Pangit talaga? Grabe si Mama sakin. Kung pangit ako edi pangit din sya kasi nanay ko sya eh haha.
Lumapit ako kay Dan at hinila sya papunta sa may kusina, Baka kasi kung ano pa ang masabi ni mama.
"Dan pag pasensyahan mona si mama madaldal talaga yon"
"Haha okay lang, Ang Cute nga tingnan tita eh
Wow cute? San banda? Baka kailangan na ni Dan mag salamin medyo malabo na ata ang paningin nya. Char!!
"Dan bakit mo nga pala ako naisipan sunduin?"
"Remember ngayon ang unang araw ko sa 7 days?"
Ay oo nga pala, Ngayon nga pala yon. Mukhang seryoso talaga si Dan sa panliligaw sakin.
"Sige, Antayin mo lang ako dyan. Maliligo na ako bibilisan ko Promise"
"Sige"
Nataranta tuloy ako bigla hindi ko naman kasi akalain na nandito si Dan, Plus baka kung ano ano pa ang sinabi ni mama kay Dan huhu.
Nagmadali talaga ako maligo as in madali talaga, Sa sobrang kamadalian ko nga hindi ko alam kung saan ko naipatong yung tuwalya na hawak hawak kolang kanina.
Hala? Saan naman yon mapupunta? Tanong ko sa sarili ko.
Dahan dahan kong binuksan ang pintuan at tama nga ako nang hinala, Naipatong ko nga sa lamesa kung saan ko iniwan si Dan. OMG? WHAT TO DO?
"Dex may problema ba?"
Parang gusto ko ulit magtago nalang dahil nakita pala ako ni Dan na nakasilip.
"Ah eh Dan pwede bang pakiabot yon"
Tinuro ko yung tuwalya na nasa lamesa at agad namang nyang kinuha at inabot sakin.
Pinakain din ni mama si Dan at take note kulang nalang subuan nya si Dan sa sobrang pag-asikaso.
After naming kumain ay nagpaalam nadin kaming umalis.
"Ma alis na kami"
"Tita Alis napo kami"
"Sige ingat kayo, Dan ingatan mo ang anak ko ha?"
"Opo Tita ako po bahala dito"
"Ma ang OA mo, Akala mo naman may mangyayaring masama sakin"
"Syempre malay mo, Iba na ang panahon ngayon kagabi nga napanood ko sa Tv yung babae na ------"
Hindi kona pinatapos ang sasabihin ni mama at nakipagbeso beso na ako sa kanya, Kung papatapusin ko pa ka sya baka matapos nya ang buong Balita na pinanood nya, Ilang oras din yon.
Dahil wala naman kaming sasakyan commute lang ang peg namin, Pero okay nadin yon ang importante naman makarating sa paroroonan.
"Ang kulit ng pala talaga ng mama noh?"
"Hay nako Dan sinabi mopa, Yung kaninang nakita mo? 1/4 palang yon. Pag naging close mo pa yon nako baka makabuo nayon ng isang libro sa dami nyang kwento"
"Haha talaga?"
"Oo"
"Kaya pala ang dami nyang kinuwento sakin kanina"
Natigil agad ako sa paglalakad, Kinabahan ako kasi baka kung ano ano naman ang kinuwento ni mama kay Dan.
"Anong sinabi nya?"
Hindi sya umiik at ngumiti lang kaya lalo ang na curious sigurado talaga ako na meron yon huhu ano kaya yon?
"Dan anong sabi nya?"
Hinawak hawakan ko yung kamay nya para sabihin nya sakin kung anong sinabi sa kanya ni mama.
"Ang sabi nya lang ako daw yung una mong manliligaw"
"Oh tapos?"
"Tapos, Hindi kapa daw nagka boyfriend dahil hindi ka daw basta basta nakikipag close sa mga lalaki at madami ka daw kinatatakutan katulad ng higad, Ipis at higit sa lahat ay palaka"
Parang gusto konang magpakain sa lupa dahil sa mga sinabi ni Dan. Pati ba naman yon sinabi nya? Si mama talaga lahat nalang, kulang nalang ikwento nya yung buong buhay ko.
"Hindi totoo yon, Wala akong kinatatakukan"
"Ui May palaka"
"Ay mama!!!!"
Napayakap ako bigla kay Dan, Kasi sa totoo lang takot talaga ako sa palaka ewan koba kung bakit. Basta takot ako period. Pero ng mapansin kong wala naman ay lumayo agad ako sa kanya at hinampas ko sya.
"Aray, Bakit mo ako hinampas?"
"Puro ka kasi kalokohan, Kahit wala naman"
Pagdating namin sa school sa ay hinatid pa nya ako hanggang sa room, Sinabi ko na nga wag na pero sadyang mapilit talaga sya.
Pagka recess ay sinundo nya din ako at sya din ang nagbayad ng mga kinain ko.
Tapos pagka uwian ay sinundo nya pa din ako, At habang naglalakad kami ay hindi inaasahan na nakasabay namin si Nathan at Irish. Si Irish grabe makahawak sa braso ni Nathan akala mo iiwan sya.
"Dex kain muna tayo ng Fishball sa labas gusto mo?"
"Sige ba, Basta libre mo"
"Oo ako bahala sayo"
'Tsk"
Rinig kong sabi ni Nathan, Tapos hinila nya si Irish palabas. San kaya sila pupunta? Curious lang ako malaman hehe.
Paglabas namin ni Dan ay nakita namin sila Nathan na kumakain din ng fishball, Wow si Irish kumakain ng Street food?
Dahil wala kaming choice ay wala kaming nagawa kundi lumapit sa kanila. Duon lang kasi may nagtitinda ng Fishball the rest iba na.
Tutusok na sana ako pero biglang nagsalita si Manong.
"Ay sir, Nabili napo yan lahat"
"Ha? Sino pong bumili?"
Tumingin si Manong kay Nathan, Kaya alam kona agad na si Nathan nga ang bumili. Pero grabe naman lahat talaga? eh hindi naman nila kayang ubusin yon.
"Excuse me lang, Narinig mo naman diba? Binili nato ng babe ko lahat para sakin kaya sa iba nalang kayo" pagmamayabang ni Irish
Babe, Ouch ang sakit non ha? May tawagan na agad sila.
Hayss ano batong iniisip ko? Dapat nga matuwa ako kasi nakakapag focus na si Nathan sa ibang bagay. Pero bakit parang may kirot? Bakit parang medyo masakit?
"Dex, May Cotton Candy don. Ayon nalang ang bilhin natin"
"Sige ayon nalang"
Sayang favorite ko pa naman ang fishball kaya binili na pala lahat ni Nathan. Pumunta nalang kami ni Dan sa may kuyang nagtitinda ng Cotton Candy kaya lang pati yon nabili nadaw ni Nathan.
"Ano?! Binili?"
"Opo binili po nung lalaki kanina"
What? Parang ilang minuto lang silang nauna lumabas samin tapos nabili agad ni Nathan? Ano sinasadya talaga.
"Mukhang nananadya yung Pinsan mo"
"Hayaan mo nayon sa uwe nalang siguro tayo, Duon nalang ako kakain sa bahay"
"Seryoso ka?"
"Oo"
"Sige ihatid na kita"
Pabalakad na sana kami ni Dan kaya lang nakasalubong ulit namin yung dalawa.
"Oh saan kayo pupunta? Aalis na agad kayo?"
"Oo, Iuuwe kona si Dex"
"Wow ang sweet mo naman, Sige ihatid mo nayan"
Hindi na ako nakisabat pa sa kanila dahil nakatingin ako kay Nathan, Hindi sya makatingin ng diretso sakin alam kong galit pa sya sakin kaya kung galit talaga sya handa naman akong tanggapin yon.
"Dex alam mo kung hindi lang kita iniisip, Baka napatulan kona yung Pinsan mo. Halata kasing iniinis nya lang tayo dahil nagseselos sya"
Si Nathan nagseselos? Hayss sya pa may ganang magselos eh sya nga tong grabe maka dikit kay Irish ay may pa babe, Babe pa sila. Akala naman nila maiinggit ako, Hindi ah! Bakit naman ako maiingit. Huhuhu
"Dan pasensya na talaga sa ugali ni Nathan, Wag nalang siguro natin sila pansinin"
"Katulad ba ng ginagawa mo kay Irish?, Napansin ko kasi kahit na anong inis nya sayo hindi ka lumalaban"
"Hindi naman sa hindi ako lumalaban, Ayaw kolang kasi talaga ng gulo. Ano bang mapapala ko kung papatulan ko sya? Diba lalo lang mas lala? Atsaka salita lang naman yon, Pero ibang usapan na kapag sinaktan na nya ako ng pisikal syempre lalaban na ako non"
Tumabi naman sakin si Dan ng mas malapit at inakbayan ako.
"Kaya kita nagustuhan eh, Dahil dyan sa ugali mo"
Hindi na ako umangal sa pag-akbay nya, Hinayaan ko nalang sya na umakbay hanggang sa makasakay kami.
May ilang mga nakatingin pero hindi ko nalang pinansin kasi kung papansinin ko sila isa-isa ako lang din ang mapapagod.
IRISH POV
Kainis naman si Nathan idedate na nga lang ako dito pa sa labas lang ng school at fishball pa ang kakainin? So kadiri! Malay koba kung anong klaseng bacteria ang meron sa pagkaing to, Tapos yung nagtitinda pa mukhang ewan.
Pero ang sweet nya sakin, Biruin mo talagang binili nya pa lahat para lang sakin. Diba ang Sweet!!!
"Babe bakit ba kasi dito tayo ng Date?"
"This is not a date"
"Okay Fine, Bakit ba kasi Dito mo ako dinala?"
"First of all stop calling me babe, Ikaw naman ang kanina pa lapit ng lapit sakin diba?
Pagkatapos nyang sabihin yon ay Tumalikod na sya.
"Nathan saan ka pupunta?"
"Sa lugar kung saan malayo sayo"
"What?!?! Pano naman tong binili mo para sakin?!"
"Edi ubusin mo, Sayo nayan lahat"we qee
Ahhhhh!!!!!! How dare him!!!! How could he do this to me!!!!!!! Pagkatapos nyang bilhin lahat iiwanan nya lang ako mag-isa.
"Mam kaya nyo pa ubusin to lahat?"
Tanong sakin ng tindero, Tsk iniinsulto nya ba ako? Sino naman kayang tao amg kayang umubos ng sandamakmak na fishball at kikiam.
"Sa tingin mo ba kaya ko? Sayo nayan lahat!"
Nagwalk out na ako dahil wala naman akong mapapala, Akala ko date na pero hindi pa pala. Hanggang ngayon ba naman si Dex padin ang gusto ni Nathan. Ano bang meron sa baklang yon na wala sakin? Bakit ba patay na patay si Nathan sa kanya.
Follow me :
Instagram : @dex_pascual
# CHAPTER 64 "DAY 2"
DEX'S POV
Ilang buwan nalang matatapos na ako sa Grade 11, Grade na ako howoooo!!!! Ang bilis talaga ng panahon Parang kailan lang uhugin pa ako ahahaha pero ngayon, Iyakin nalang haha. Dati ang nainlove ako sa Bestfriend ko tapos ngayon sa Pinsan ko, Kanino na naman kaya susunod? Haha sana wala na dahil naaawa na ako sa puso ko.
Ito pa pala ang isa si Daniel. Siya yung Crush ko na umamin sakin na gusto nya daw ako at hindi sya nagdalawang isip na ligawan ako kahit bakla ako.
kaya ang lola nyo gandang ganda tuloy sa sarili haha.
Sabay na naman kami umuwe ni Dan at niyaya nya ako at may pupuntahan daw kami.
"Dan saan ba kasi tayo pupunta?"
"Basta sigurado ako na magugustuhan mo don" -Dan
Hindi na ako masyado nag-usisa kay Dan kasi sabi nya magugustuhan ko daw eh. Hindi naman nya siguro ako dadalhin sa ikakapahamak ko haha.
Sobrang excited ako kung saan nya ako dadalhin pero pagdating namin sa lugar nayon ay parang gusto ko nang umuwe.
Alam nyo kung bakit? Dinala lang naman ako ni Nathan sa isang hanging bridge dito sa antipolo.
Gusto ko nang umatras sa mga oras nayon dahil sa totoo lang. Ayoko sa mataas, Takot ako sa mataas.
"Dex bakit parang namumutla ka ata?" -Dan
"Ah eh wala to, Medyo mainit lang lang talaga"
Huhu paano ko ba sasabihin kay Dan na takot ako sa matataas? Ayoko naman masayang yung effort nya dahil lang sa kinatatakutan ko atsaka nakabayad na sya sayang naman yung pera.
"Ano Dex tara na?" - Dan
"Si-Sige"
Lord kayo na pong bahala sakin. Kung ngayon napo ako mamatay kayo napo bahala sa pamilya ko. Pero kung hindi man bigyan nyo po sana ako ng lakas at tapang, OA na kung OA pero takot talaga ako.
Unang hakbang medyo okay pa, Pangalawa, Pangatlo, Pang-apat, Panglima pero nang pang-anim na hindi na ako natutuwa. Hindi kona maikilos ang mga paa ko sa sobrang takot, Pakiramdam ko ay may hihila sakin pababa, Lalo pa akong natakot ng makita yung ibaba. Mama! Help me!!!!!!!
"Dex ayos kalang ba?" - Dan
"Ako oo naman ayos lang ako. MAMA!!!!! IBABA NYO NA AKO DITO PARANG AWA NYO NA!!! BAKA MAHULOG AKO!!!!!"
Medyo okay na sana ako eh dahil nalalabanan kona yung takot ko, Kaya lang biglang may nag-alog nang hanging Bridge at akala ko mapuputol yon. Kaya napasigaw ako.
Pasheneang mga estudyante yon, Balak ba nila akong patayin???
"Next time kasi kung takot ka wag kang pupunta dito, Hindi bagay sa lugar na to ang mga mahihina" -Irish
"Irish? Anong ginagawa mo dito?"
"Bakit sayo bato? Wag kang mag-alala hindi kita sinusundan dahil nag punta kami dito ng babe ko hindi para sayo" -Irish
Una binili nila yung Fishball na dapat kakainin namin, Tapos ngayon naman nandito din sila?
Dahil sa takot ko ay napahawak ako kay Dan, Mahigpit na mahigpit baka kasi mahulog ako.
Sila Irish at Nathan naman dinaanan lang kami at nauna na sila sa may Over looking.
"Dex okay kalang ba?" -Dan
"Medyo, Akala ko mamatay na ako kanina"
"Sorry hindi ko kasi alam na takot ka pala sa matataas" -Dan
Mali ka Dan, Hindi ako takot. Takot na takot ako huhu pagnasa school nga nasagilid ako dumadaan dahil takot ako sumilip sa matataas.
"Ayos lang gusto ko din naman, Pero natakot lang talaga ako kanina dahil akala ko mahuhulog na ako"
"Wag kang matakot mahulog, Dahil nandito ako sasaluhin kita" -Dan
Hala sya! Humugot pa! Nasa peligro na nga ang buhay ko huhugot pa sya.
"Excuse me po, Baka po pwedeng padaan"
Napalingon ako sa babaeng nagsalita at nahiya tuloy ako bigla kasi marami na pala silang hindi makadaan dahil nakaharang kami ni Dan.
Tumuloy na kami ni Dan at nakaalalay lang sya sakin, Pero ako nakapikit lang habang naglalakad at halos tawagin kona ang lahat ng santo maka survive lang ako sa sitwasyon na to.
Dumilat nalang ako ng sabihin ni Dan na nasa itaas na kami.
"Dex nandito na tayo" -Dan
Minulat ko ang mga mata ko at madami nading tao sa taas, Lahat sila pinagmamasdan ang paligid mula sa dito sa itaas.
"Dex lapit tayo para mas makita natin" -Dan
"Dan ikaw nalang"
"Wag ka nang matakot ako bahala sayo, Mawawala yang takot mo kapag nakita mo ang magandang tanawin" -Dan
Kahit natatakot ay sumilip padin ako, Tama si Dan ang ganda nga kitang kita ang magangandang tanawin. Yung takot ko ay napalitan ng excitement.
"Diba sabi ko sayo maganda, Pero mas maganda dito kung gabi sana tayo pumunta" -Dan
Gabi talaga, Baka gerahin ako ng mama ko non. Only Child kasi ako kaya over protective sila sakin char! Haha
"Dan asan yung Cr dito?"
"Dun sa baba, Gusto mo samahan na kita?" -Dan
"Wag na Dan ako nalang saglit lang din naman ako"
Bumaba agad ako para hanapin yung Cr, Pashnea yan naihi tuloy ako sa sobrang kaba ko kanina. Pumasok agad ako, Mabuti nalang walang tao kasi nakakailang umuhi sa CR ng mga lalaki.
Bakla kasi ako kaya iba talaga yung Feeling, Sana lang gumawa narin lahat ng mga Establishments, Restaurants at Malls ng CR para samin member ng LGBTQ hindi naman sa nagpaparinig ako pero parang ganon nadin.
Minadali ko agad ang Pag CR kasi nga hindi ako komportable, Pero syempre don ako umihi sa may Cubicle para may pinto haha.
Paglabas ko ay nakita ko si Nathan na nakatayo at nakatingin sakin na parang kakainin ako, Huminga ako ng malalim at tsaka naglakad pero hinawakan nya ako sa braso at sinarado yung Pinto.
"Nathan lalabas na ako"
"Pano kung ayaw kitang palabasin?" -Nathan
"At bakit hindi mo ako papalabasin? Sayo bato? Binili mo bato?"
Kainis nato si Nathan, Lumalayo na nga ako tapos sya naman tong lalapit ng lapit sakin.
"Hanggang kailan mo ba to gagawin?" -Nathan
"Ang alin?"
"Ang iwasan ako at magpanggap na hindi natin kilala ang isat-isa" - Nathan
"Hanggang makalimutan mo na minahal mo ako at mahal kita"
"Kaya mo ba ginagawa to? Kaya kaba pumayag na ligawan ni Dan para makalimutan mo ako?" -Nathan
"Sabihin na nating kasama nadin yon, Pero pumayag ako hindi para makalimutan ko Pumayag ako kasi gusto ko. Ikaw nga dyan nagkabalikan na kayo agad ni Irish"
"At sinong nasabi sayo na nagkabalikan kami?" -Nathan
"Wow? Hindi pa ba obvious? Kung maglambingan nga kayo para na kayong lalanggamin tapos tawagan nyo pa babe"
"Yun ba? Bakit nagseselos ka?" -Nathan
Natahimik agad ako sa sinabi ni Nathan. Ako nagseselos? It's a BIG NO! Embento sya masyado, Ako magseselos? Mukha ba akong nagseselos?
"Hindi ah! Bakit naman ako magseselos?"
"Talaga?" -Nathan
Sinandal ako ni Nathan sa may pader at kinulong sa dalawa nyang kamay, Grabe na naman yung Tibok ng Puso ko.
"Nathan? Ba-baka hinahanap na ako ni ----"
Magsasalita pa sana ako pero hinalikan ako ni NATHAN.
Oo hinalikan nya ako ng walang pahintulot ko, Wala na akong nagawa dahil para akong nakuryente at naistatwa sa halik nayon. Pero yung puso ko grabe magwala sa dibdib ko at parang gusto ng lumabas.
Pagkatapos ng halik nayon ay tinulak ko sya, Hindi na dapat nangyari yon. Mali yon! Maling mali! Magpinsan kami kaya wala dapat mamagitan samin.
"Sige na baka hinahanap kana ni Dan" - Nathan
Lumabas agad ako at tumakbo palayo, Huminto muna ako umupo inalala ko ulit yung halik nayon ni Nathan. Bakit parang naguluhan ulit ako?
"Dex"
Tumingin ako kay Dan at papunta sya sakin.
"Dex ayos kalang ba? Bumaba na ako dahil ang tagal mo kasi" -Dan
"Medyo nahilo lang ako"
"Ganon ba? Gusto mo umuwe nalang tayo?" - Dan
"Sige"
Gusto ko pa naman sana magtagal kasi first time ko sa lugar na to at maganda talaga sya kaya lang nandito kasi Nathan hindi rin ako makakapag focus.
IRISH POV
Nagvideo call sa dalawa kong kaibigan, Para naman makita nila na talagang nagdedate kami ni Nathan. Ayaw kasi maniwala ng dalawang gaga At ang sabi pa nila nageembento lang ako o di kaya napilitan lang si Nathan.
'Oh nasan si Nathan?' - Venus
'Kaya nga asan sya?' - Bea
'Relax, Eto oh'
Pero paglingon ko wala na si Nathan sa likuran ko. What the? Asan na yung lalaking yon? Tumingin tingin ako sa paligid pero wala akong Nathan na nakita.
'See? Wala, Baka naman niloloko molang kami?' -Bea
'Hay nako Girl malala kana, Baka wala naman talaga si Nathan dyan. Imagination molang yon haha' -Venus
'Shut up! Nandito nga sya kanina, Pero hindi ko alam kung saan sya nagpunta'
'Baka iniwan kana' - Venus
'Hindi gagawin sakin ni Nathan yon, Baka nag Cr Lang yon'
'Okay sige, Sabi mo eh' - Venus
Inend ko na yung call dahil hindi naman sila nakakatulong dahil imbes na matuwa sila dahil lumalapit na sakin si Nathan eh mga Nega pa sila. Kapag naging kami lang talaga ulit ni Nathan kotong sila sakin.
Bumaba ako para hanapin si Nathan, Hinanap ko sa Cr at sa ibang parte dito pero ni anino nya hindi ko nakita.
Ahhhhh!!!!! Ano yon iniwan na naman nya ako na bigla?! Pagkatapos nya akong isama-isama dito iiwan nya lang ako mag-isa? Kainis!! Ano bastusan lang? Iniwan ako dito na parang tanga.
DEX'S POV
Hinatid ako ni Dan hanggang sa bahay, Ang bait talaga ni Dan at halatang seryoso at Desidido talaga sya sa panliligaw sakin.
"Dan gusto mo bang pumasok sa Loob?"
"Hindi na Dex, Uuwe na din ako" -Dan
Tumalikod na si Dan at naglakad palayo pero tinawag ko sya.
"Dan!!"
Huminto naman sya at tumingin sakin, Lumapit naman ako sa kanya at kiniss ko sya sa pisngi.
"Dex para san yon?" -Dan
"Thank you ko para sayo, Sige na bye bye!"
Gumihit naman ang malaking ngiti sa mukha ni Dan, Halatang masaya sya ginawa ko. Wala kasi akong maisip na pangganti sa mga efforts nya lagi kasing may sabit eh.
Pumasok na ako sa loob ng bahay at nakaabang na sakin si mama na naka pamewang na parang kontrabida sa isang teleserye.
"Ano yon?" -Mama
"Ang alin ma?"
"Yung Pag kiss mo kag Dan" -Dan
"Wala yon ma"
"Tigil tigilan mo nga ako sa kaanohan mo Dex, Dapat maging dalagang Pilipina ka naman. Magpakipot ka" -Mama
"Kaanohan agad ma? Haha sorry na, Next time magpapakipot na ako"
Grabe talaga yung radar ni mama biruin nyo nakita pa pala nya yon At akala ko galit talaga sya yun pala may lecture lang sya haha.
"Bakit kasi hindi mo nalang pinapasok yung Future manugang ko?" -Mama
"Anong Future manugang ma?"
"Bakit duon din naman yon papunta diba?" -Mama
"Ang OA mo ma, Ang bata ko pa. Tsaka masyado kang advance mag-isip"
"Sige na magbihis kana don ang dami mo pang sinasabi" -mama
Hala ako pa talaga ang madaming sinasabi? Haha bandang huli ako pa tuloy ang may kasalan huhu.
Ganyan lang talaga ang boses ni mama Akala mo galit pero normal nya yon, Sanay na din ako kay mama kasi mula nung maliit ako ganyan na sya kaya hindi na ako nagugulat haha.
# CHAPTER 65 "DAY 3"
NATHAN'S POV
"Nathan pinapapunta ka ni Mrs. De leon sa Guidance kakausapin ka daw" - Matthew
"So? What's the matter?"
"Matter? This past few days hindi ka pumapasok marami kang na missed na mga lectures at hindi alam ng mga Prof. kung saan ihahatak yon" - Matthew
"Tsk"
"Nathan baka malaman to ng mommy mo yari ka" -Steve
Tsk, Kainis hindi kasi ako makapag focus dahil sa nangyayari samin ni Dex. Bakit ba ganon kahirap yung sitwasyon namin? Nagmahal lang naman kami.
"I can handle this"
"Nathan you should focus first to your study, Yung lovelife nandyan lang yan pero ang pag-aaral kapag bumagsak ka hindi mona mababago yon" -Matthew
Si Matthew minsan lang yan magsalita pero kapag nagsalita yan may laman at siguradong tatamaan ka.
"Nathan pwede kaba makausap?" -Dan
Napalingon kami lahat ng dumating si Dan sa tamabayan namin, Tsk anong kailangan nitong lalaki nato? Sino nagsabi sa kanya na pwede syang pumunta dito?
"Anong kailangan mo sakin?"
"Tungkol sana kay Dex" -Dan
"Anong tungkol sa kanya?"
"Kung pwede lang sana tayong dalawa lang ang mag-usap" -Dan
Sinenyasan ko yung apat na umalis muna para magka-usap na kaming dalawa ni Dan, Mukha kasing seryoso ang magiging usapan namin.
"Wala na sila, Sabihin mo na sakin para matapos nato"
"Pwede bang lumayo kana kay Dex" -Dan
"Bakit ko naman gagawin yon?!"
Hindi ko nagustuhan yung sinabi nya sakin dahil sino sya para sabihan ako na lumayo kay Dex.
"Alam mong mag-pinsan kayo kaya dapat lumayo kana sa kanya" - Dan
"Yes, We're cousin pero ako ang mahal nya. Bakit mo ba ako pinapalayo sa kanya? Dahil hindi mo makuha ang atensyon nya dahil alam mong ako ang gusto nya"
"Kung mahal ka ni Dex bakit sya pumayag na ligawan ko? Kaya wag kanang umasa na magkakatuluyan kayo ni Dex dahil hindi kayo bagay" -Dan
"At sinong bagay sa kanya, Ikaw?"
"Oo ako ang bagay sa kanya. Kaya sinasabi ko sayo ngayon palang lumayo kana" - Dan
"Pano kung hindi ko sya layuan? May magagawa kaba?"
Medyo umiinit na yung tensyon sa pagitan namin ni Dan, Talagang Desidido sya na layuan ko si Dex pero hindi padin ako susuko.
DEX'S POV
Himala hindi ako sinundo ngayon ni Dan para sabay kaming mag recess, Asan na kaya yung lalaki nayon?
Bumaba nalang ako baka sakaling nauna na sya, Pero habang naglalakad ako ay napansin kong nagtatakbuhan yung mga estudyante.
Ano kayang nangyayari sa mga estudyante at nagkakagulo sila? May sunog ba? May lindol? May nanggugulo?
Tinanong ko yung isang estudyante dahil nacucurious ako kung ano ba talaga yon.
"Ano pong meron, Bakit kayo nagtatakbuhan?"
"May laban sa court"
"Anong laban?"
"Basta puntahan mo nalang"
Iniwan na nya ako at nagmamadali syang pumunta sa court.
Ano ba kasing meron don? Hayss kainis naman, Wala sa sariling napalakad ako papunta don.
Pagdating ko andaming mga estudyante at ang ingay ang sakit sa tenga.
Sumingit singit ako para mapunta ako sa harapan at nakita ko si Dan at si Nathan na naglalaro.
Anong ginagawa nilang dalawa? Bakit sila naglalaro? Anong meron?
"Dex nandito kana pala?"
Nasatabi kolang pala sila Steve haha.
"Steve anong meron dito?"
"Ano paba edi naglalaban sila ni Dan" -Steve
"Alam ko pero bakit nga sila naglalaban?"
"Hindi ba obvious? edi pinaglalaban ka ng my loves mo" -Steve
Ano na naman bang gusto ni Nathan?
Pero habang naglalaro sila ay biglang nagkatensyon at nag-agawan sila ng bola.
Pumunta ako sa gitna at sinigawan ko silang dalawa.
"Dan! Nathan! Itigil nyo nayan!"
Tumigil naman silang dalawa at humarap sakin, yung paligid na kanina maingay ay biglang tumahimik.
Naiinis kasi ako kung bakit nila kailangan gawin to, Akala ba nila natutuwa ako sa ginagawa nila.
Lumapit ako sa kanila at kinuha yung bola na pinag-aagawan nila at binato ko sa malayo.
"Ano Bang gusto nyo mangyari?!"
"Dex?" -Dan
"Gusto nyo nang laban? Sige maglaban kayo! Bahala na kayo sa mga buhay nyo!"
Naiyak nalang ako sa nangyayari, Alam ko naman na kasalanan ko kung bakit sila nag-aaway. Ako ang dapat sisihin kung bakit nangyayari to.
Tumakbo ako palayo sa kanila at napaupo nalang sa isang tabi.
"Ano masaya kana? Masaya kana dahil nag-aaway sila dahil sayo?"
Napaangat ako nang marinig ko ang boses ni Irish.
"Irish?"
Isang malakas na sampal agad ang tumama sa pisngi ko.
"Matagal ko nang gustong gawin yan sayo pero ngayon lang ako nagkaroon ng pagkakataon"
Isang malakas na sampal ulit ang tumama sa kabilang pisngi ko.
"Diba matapang ka? Bakit hindi ka lumaban?" - Irish
Kahit ako gusto ko din itanong sa sarili ko kung bakit hindi ako makalaban, Yung lakas ko ay parang biglang nawala at naubos.
"Irish bakit ba galit na galit ka sakin?"
"Kasi hindi ko matanggap na pinagpalit lang ako ni Nathan si isang kagaya mo, Ano bang meron sayo? Bakla kalang naman" - Irish
"Oo Irish bakla ako Pero hindi ibig sabihin non hindi ako pwedeng mahalin"
Sasampalin na sana ako ni Irish pero may pumigil sa kamay nya.
"Sinabihan na kita na wag na wag mong sasaktan si Dex"
Itinulak ni Nathan si Irish at natumba to, Hinawakan naman ni Nathan ang kamay ko at hinila ako.
Hindi na ako umangal pa kung saan kami pupunta, Pumara sya ng taxi at parang mukhang alam kona kung saan kami pupunta kasi parang pamilyar sakin yung mga dinadaanan namin.
Hindi nga ako nagkamali dito din kami pumunta dati. Sabi sakin ni Nathan sumigaw lang daw ako dito mababawasan na ang sakit na nararamdaman ko.
Ang lamig ng hangin na dumadampi sa aking balat.
"Dex, Kapag nawala ba ako sa buhay mo magiging masaya kana?" -Nathan
Natigilin ako bigla sa sinabi ni Nathan. Nawala? bakit mamatay na ba sya?
"Anong ibig mong sabihin?"
"Babalik na ako sa US" - Nathan
Sabihin nyo saking nabibingi lang ako, Sabihin nyo sakin na namali lang ako ng narinig, Sabihin nyo sakin na hindi yon sinabi sakin ni Nathan.
"Nathan, Nagbibiro kaba?"
"Hindi ako nagbibiro Dex, Tama ka ng narinig babalik na ako sa US" - Nathan
Gusto ko nang maiyak dahil kahit sinasabi palang ni Nathan na aalis sya parang hindi kona kaya, Parang gusto ko nang magwala at pigilin sya na umalis at wag na ituloy yung binabalak nya.
"Bakit ka aalis dahil ba sakin?"
"Oo Dex dahil sayo, Dahil gusto kong patunayan sayo na kahit magpinsan tayo pwede padin tayong magmahalan" - Nathan
"Yun naman pala eh! Bakit kailangan mo pang umalis???"
"Dahil kailangan, Nasa US ang daddy ko at gusto ko syang kausapin tungkol dito" -Nathan
"Nathan pano kung hindi pumayag si Tito Greg?"
"Magtiwala ka sakin Dex, Oo aalis ako pero babalik ako at sa pagbabalik ko okay na ang lahat satin." -Nathan
"Nathan wag kana umalis"
Lumapit sakin si Nathan at hinawakan ako sa mukha, Kita ko na umiiyak nadin sya at halatang nasasaktan. Tumulo na naman ang luha sa mata ko.
"Dex wag kanang umiyak lalo lang akong nasasaktan" - Nathan
"Paanong hindi ako iiyak?? Aalis ka"
Pinunasan ni Nathan yung luha sa mata ko at niyakap ako ng mahigpit.
"Babalik din ako, Gagawin ko to para satin. Kaya please lang wag kanang umiyak" - Nathan
"Nathan sorry"
"Bakit ka nagsosorry sakin?" -Nathan
"Sorry kasi naging mahina ako. Sorry kasi naging duwag ako. Sorry kasi kahit mahal kita pinilit kong layuan ka. Sorry kasi------"
Magsasalita pa sana ako pero hinalikan na ako ni Nathan, Ramdam ko sa halik nayon yung pagmamahal nya sakin.
Ngayon sobra na akong nagsisisi dahil wala akong ginawa kundi takbuhan ang pag-ibig, Naging mahina ako at hindi ako lumaban katulad ng ginawa ni Nathan.
"Dex Gusto ko sa pagbabalik ko ako padin ang mahal mo" - Nathan
"Oo naman, Atsaka saglit kalang naman diba?"
"Hindi ko alam kung gaano ako katagal, Pero sana hintayin mo ako" -Nathan
"Kahit gaano payan katagal hihintayin kita. Basta ang importante babalik ka"
"Iyakin mo talaga, Wag kanang umiyak kasi ang pangit mo" - Nathan
"Kung pangit ako bakit mo ako minahal?"
"Hindi ko nga din alam, Baka ginayuma mo lang ako" -Nathan
Kinurot ko si Nathan sa tagiliran at tumalikod ako, Pero mayamaya ay naramdaman ko na niyakap nya ako mula sa likod.
"Wag ka nang magtampo binibiro lang kita" -Nathan
"Hindi magandang biro yon"
"Sorry na, Ano bang gusto mong gawin ko? Ikiss kita?" -Nathan
"Kiss mo mukha mo, Nakakadami kana sakin"
"Eh anong gusto mong gawin ko?" - Nathan
"Wala, Ang gusto ko lang dito kalang sa tabi ko. Gusto ko makasama muna kita, Gusto ko sulitin ang oras na kasama kita"
"Ang sweet naman ng my loves ko" -Nathan
"Anong my loves?"
"Ikaw yung my loves ko bakit ayaw mo ba?" -Nathan
"Bakit sinabi ko ba?"
My loves talaga? Ayyieee!!! Hehehe ENEBE!
Masasabi ko na maswerte akong tao dahil kahit bakla ako, May isang lalaki na tumanggap at nagmahal sakin ng bago.
Nagtagal pa kami ni Nathan don bago kami umalis.
Ayoko pa sana matapos ang oras lalo na't alam kong aalis sya, Aalis sya para samin.
Ngayon narealize ko na isang malaking katangahan ang nagawa ko. Bukas itatama kona yung mga bagay na nagawa ko.
Katulad ni Nathan ilalaban ko na din ang nararamdaman ko bago man lang sya umalis atlis may nagawa ako.
*Kung may mga typo paki intindi nalang muna😅 hindi ko pa kasi na dodouble check
# CHAPTER 66 "DAY 4"
DEX'S POV
Buong gabi ko pinag-isipan kung ano ang mga dapat kong gawin at ngayon sigurado na ako.
Maaga ako nagising para makausap si mama at si papa, Mabuti nalang at mamaya pa ang byahe ni papa.
"Oh Dex ang aga mo naman nagising?" - mama
"Ma may sasabihin po ako sa inyo"
Umupo ako at huminga muna ng malalim, Kinakabahan ako pero kailangan kong sabihin kala mama ang totoo.
"Ano bang sasabihin mo anak?" Takang tanong ni Papa
"Pa, May nagugustuhan na po ako"
Pareho silang natigilan sa pagkain dahil sa sinabi ko, Huhu galit ba sila?
"Alam na namin yan, Si Dan yan diba? Yung manliligaw mo?"
"Ma hindi po si Dan"
"Ha? Sino naman?"
"Si Nathan po"
Nanlaki ang mata ni mama sa sinabi ko at si papa naman napa inom bigla sa kape nya.
"Si Nathan yung pinsan mo?"
"Opo ma"
"Anak binibiro mo ba kami ng papa mo? Prank ba to?"
"Seryoso po ako Ma, Si Nathan po talaga ang gusto ko"
"Dex naman ano bang pumasok sa isip mo at nagkagusto ka sa pinsan mo? Pano pag nalaman to ng tita at tito mo? Atsaka magpinsan kayo kaya hindi pwede"
"Alam ko naman po yon, Pero nahulog na po ako kay Nathan at ganon din sya sakin. Alam nadin po ni Tita ang tungkol dito at katulad nyo nagulat din sya at halatang ayaw"
"Dex anak makinig ka, Hindi ka namin pinagbawalan sa kung ano naman ang gusto mo. Tinanggap ka namin kung anong pinili mo, Pero alam mong mali to, Mag pinsan kayo. Ano nalang sasabihin ng ibang tao?" Seryosong sabi ni Papa
"Ma? Pa? Opo magpinsan kami, Pero alam nyo din na hindi kami magkadugo at mahal ko po talaga si Nathan at importante po sakin ang pagtanggap nyo"
Napaiyak na ako habang nagsasalita ang sakit kasi gusto kolang naman mahalin ako pero bakit napakahirap ng sitwasyon, Tumayo naman si mama at lumapit sakin sabay yakap ng mahigpit.
"Wag ka nang umiyak Dex, Sige na kumain kana at papasok kapa"
"Ma?"
"Pinalaki ka namin ng papa mo ng maayos at matalinong bata, Kaya alam ko kung ano man ang desisyon na gagawin mo ay tama"
"Ma ano pong ibig nyong sabihin?"
"Bago kapa umamin samin, Sinabi na samin ng Tita mo ang tungkol sa inyo ni Nathan inantay lang talaga namin na ikaw ang magsabi samin at nagpagusapan na namin ng papa mo ang tungkol dito"
Napalingon ako kay Papa at nakangiti lang sya, Hindi ko maintindihan kung bakit ganito ang mga reaksyon nila. Ineexpect ko kasi na galit sila sakin dahil na inlove ako sa pinsan ko.
"Ma hindi po kayo galit sakin?"
"Bakit naman kami magagalit? Nagmahal kalang naman, Kaya sundin mo lang ang sinasabi ng puso mo at sigurado naman ako namay gagawing aksyon si Nathan" nakangiting sabi ni Papa na lalong ikinasaya ko
"Ma? Pa? Salamat po"
Naiyak ako sa sobrang tuwa, Akala ko kasi magagalit sila sakin pero hindi nila ginawa. Napaka swerte ko dahil nagkaroon ako ng mga magulang na tanggap ako at higit sa lahat naiintindihan ako.
"Pero Dex hindi ibig sabihin na pumayag kami ng papa mo ay tama na yung ginagawa mo at kinukunsinti ka namin, Siguro dapat kausapin nyo muna ni Nathan ang Mommy at Daddy nya"
"Opo ma"
"Sige na kumain kana, Lumamig na tuloy yung niluto ko"
"Proud ako sayo anak kasi naging matapang ka, Pero kagaya ng sabi ng mama mo. Ayusin nyo ni Nathan ang dapat nyong ayusin"
Hindi ko na naman napigilan ang luha ko, Sobrang sarap kasi sa pakiramdam na naiintindihan ka ng pamilya at may tiwala sa mga gagawin mong desisyon.
Oo mali dahil magpinsan kami, Pero naisip ko na hindi naman talaga kami magkadugo at baka magawan pa namin ng paraan. Ang sabi sakin ni Nathan kakausapin nya daw ang daddy nya at kailangan nya munang umalis, Ayaw ko sana na umalis sya pero nag promise sya sakin na babalik sya at sa pagbabalik nya magiging okay na ang lahat samin.
Masaya akong umalis sa bahay at excited ako na sabihin kay Nathan ang reaksyon nila mama, Pero may isa pa akong kailangan sulusyunan si Dan.
Pagdating ko sa school ay nakita ko si Dan na nagnakatayo sa labas ng classroom ko at nang makita nya ako ay lumapit sya agad sakin.
"Dex, Galit kaba sakin dahil sa nangyari kahapon?"
"Hindi ako galit"
"Talaga?"
Niyakap naman ako bigla ni Dan pero kumalas agad ako.
"Dan pwede ba tayo mag-usap muna?"
"Sige ba, Ano bang pag-uusapan natin?"
Hinila ko si Dan kung saan wala masyadong tao, Para walang makarinig sa pag-uusapan namin.
"Dex anong pag-uusapan natin?"
"Dan gusto ko lang sana na itigil mo na yung panliligaw mo sakin"
"Ano? Bakit naman? Dahil ba sa nangyari kahapon? Sorry na, Ano bang gusto mong gawin ko para mapatawad mo ako"
"Hindi naman dahil don yon"
"Dahil ba kay Nathan? Siniraan ba nya ako sayo?"
"Wala syang sinabi tungkol sayo at lalong hindi ka nya siniraan. Dan gusto ko lang magpaka totoo sayo, Sinubukan ko naman na magustuhan ko pero iba pa din yung sinisigaw ng puso ko at si Nathan yon. Oo Crush kita, Super Crush kita pero hanggang doon nalang yon hindi talaga ako yung taong para sayo hindi ako deserving sa pagmamahal mo"
Ito na naman ako naiyak na naman, Kainis! Sobrang iyakin ko talaga parang hindi ako nauubusan ng luha kakaiyak kolang kanina sa bahay tapos eto na naman.
"Wag ka nga umiyak dyan, Alam ko naman na mas mahal mo si Nathan sakin pero thank you paden kasi binigyan mo ako ng chance para ipakita sayo na gusto kita"
"Sorry talaga"
"Wala yon"
Lumapit sakin si Dan at niyakap ako, Niyakap ko din sya kasi napaka bait nya at naiintindihan nya ako. Pero at the same time na guguilty paden ako sa pagreject ko sa kanya.
"Dex?!"
Napabitaw ako bigla ng marinig ko ang boses ni Nathan at halatang galit. Hala?! Anong ginagawa nya dito????
"Nathan?"
Tumalikod si Nathan at naglakad palayo pero hinabol ko sya.
"Nathan sandali lang, Nagkakamali ka ng iniisip"
"Wag kang mag-alala Nathan wala kaming ginagawang masama ni Dex at ikaw lang Mahal nya"
Sumunod din pala si Dan samin, Umalis din sya agad pagkasabi nya non. Pero si Nathan hindi padin umiimik.
"Hoy Nathan, Galit kaba?"
"Oo"
"Wag kana magalit, Narinig mo naman yung sinabi ni Dan diba?, Kaya wag kanang mag inarte dyan"
"Sa susunod kasi wag kang yumayakap sa kung sino sinong lalaki"
"Opo boss!"
"Tsk, Tara na nga" -Nathan
"Saan mo ako dadalhin? may klase pa ako"
"Tsk, Saan paba edi ihahatid na kita sa room mo baka makipagkita kapa kasi kay Dan"
Kung hindi kolang Mahal tong lalaki nato binatukan kona sya haha seloso kasi kainis! Sorry sya nagmahal sya ng maganda! Hahahaha joke!
Paghatid sakin ni Nathan ay nakatingin naman sakin yung mga classmates ko pero hindi ko nalang sila pinansin kasi mga kulang sila sa aruga noong bata sila, Lahat nalang gustong gawing Issue. Nakakainis lang kasi magbubulungan sila pero rinig sa kabilang barangay, Pano naging bulong yon?
Ngayon medyo patanag na ako kasi nasabi kona sa magulang ko at masaya ako sa naging resulta tapos si Dan kahit alam kong nasasaktan sya alam kong masaya sya para sakin.
Pagkauwian ay sinundo din ako ni Nathan kasama ng mga kaibigan nya.
"Dex wag ka munang umuwe"
"Ha? Bakit naman?"
"Basta"
"Bakit nga kasi?"
"Magmomovie marathon kasi kami kala Matthew at itong si Nathan gusto kang isama" pagsingit ni Steve
Si Nathan sinamaan na naman ng tingin si Steve, Pano kasi hindi na sya nakapagsalita dahil sinabi na ni Steve lahat.
"Yun lang pala, Edi tara na!"
Kahit medyo close ko na silang lahat ay hindi ko padin maiwasan na hindi manliit sa estado ko sa buhay kasi sila mga RK tapos ako, Mayaman lang sa pagmamahal ng magulang.
Pero bago kami pumunta sa bahay nila Matthew ay nag grocery muna kami kasi magluluto daw si Anthony ng kakainin namin masarap daw kasi yun magluto.
Andami ko pang nalaman dahil sa kadaldalan ni Steve at Dave mabuti nalang nasa bandang likuran sila Nathan kaya hindi niya naririg. Nalaman ko din yung mga kalokohan na nangyari kay Nathan habang iniiwasan ko sya.
Pagpasok namin sa bahay nila Matthew ay kanya kanya kaming upo, Nagulat pa nga ako sa kanila kasi at home na at home sila.
Pagkaupo namin ni Nathan ay kinurot ko agad sya.
"Aray ko naman my Loves bakit mo ako kinurot" pag angal ni Nathan
"My Loves mo yang mukha mo, Ano yung sinabi sakin nila Steve na pinapapunta ka daw sa guidance? Anong kalokohan ang ginawa mo?"
Nandito kami ngayon sa bahay nila Matthew dahil magmomovie marathon daw sila, Si Nathan napatingin agad ng masama kay Steve tapos si Steve naman napakamot sa ulo nya.
"Hehe Sorry Nathan, Na excite lang kasi ako"
Lalapitan na sana ni Nathan si Steve pero hinawakan ko sya.
"Tumigil ka nga dyan, Para kang bata"
"Let me explain"
"Wag kana mag explain basta ayusin mo yung kalokohan na ginawa mo"
"Opo boss aayusin ko yon"
"Siguraduhin mo lang kung hindi yari ka sakin"
After naming kumain ay ako na ang nagboluntaryong magligpit at maghugas nakakahiya naman kasi sa may-ari ng bahay.
"Alam mo mahal na mahal ka nyan ni Nathan"
Muntik ko nang mabitawan yung platong hawak ko dahil biglang nagsalita si Matthew sa tabi ko.
"Pano mo naman nasabi?"
"Kasi kaibigan namin sya, Alam namin kung masaya sya o hindi. Simula nang dumating ka sa buhay nya naging seryoso at umayos yung buhay nya, Dati kasi nung nahiwalay sila ni Irish akala mo kaaway nya ang buong mundo nagulat na ngalang kami isang araw nagbago sya at lahat yon dahil sayo. Nung sinabi mong lumayo na sya dinamdam nya yon, Parang bumalik ulit sya sa dating sya"
Hindi ko akalain na malaki pala ang naging epekto ko sa buhay ni Nathan, Sobrang sakit pala ng mga pinagdaanan nya.
"Hindi ko din naman gusto yon, Naipit lang talaga ako sa sitwasyon"
"Naiintindihan ka naman namin, Kaya lang si Nathan matigas ang ulo kapag gusto nya, Gusto nya at wala syang pakialam sa kakalabasan maganda man o hindi"
"Haha kaya nga eh"
"Pano puntahan ko muna yung apat baka sirain nila yung mga gamit dito sa bahay"
Ngumiti lang ako sa kanya at tinapos na ang paghuhugas.
Nakadalawang movie lang kami na pinanood at nagsiuwian nadin kami, Horror yung pinanood namin pero naging Comedy kasi ang kulit ni Steve at Dave tapos sinabayan pa nang pagkapikunin ni Nathan.
Gabi na kami natapos kaya hinatid ako ni Nathan hanggang sa tapat ng bahay namin.
"Sige na Dex pasok kana"
"Nathan may sasabihin din pala ako sayo"
"Ano yon?"
"Sinabi kona kala mama at papa ang tungkol satin at ayos lang sa kanila"
"Really?"
Tumango ako at niyakap nya ako, Syempre niyakap ko din sya.
Sana hindi nalang umalis si Nathan dahil mamimiss ko sya ng sobra pag nangyarin. Ngayon pa nga lang naiiyak na what more pa kaya kapag umalis na sya edi humagulgol na ako.
# CHAPTER 67
DEX'S POV
Sobrang sorry talaga ako kay Dan dahil sa ginawa ko sa kanya, Nagka chat pa kami nang gabing yon at nagsorry ako sa kanya ang sabi nya sakin ayos lang daw Masakit man pero kailangan tanggapin at nagpapasalamat din sya sakin kasi nagpakatotoo ako sa damdamin ko.
Si Nathan naman pumunta sa bahay kasi pinapapunta daw nila papa at mag-iinom sila.
"Good Morning My loves"
"Hoy ano kaba baka marinig ka nila mama"
"Ano naman, Eh alam nadin naman nila"
"Kahit pa, Atsaka pumayag ka talaga na makipag inuman kay papa?"
"Syempre alangan naman tumanggi ako kay Papa"
"Anong papa ka dyan? Tatay mo bayon? Ano magkapatid tayo?"
"Haha joke lang ito naman hindi mabiro, Sabi nga pala ni Tita bumibili daw tayo sa palengke nasa lamesa ang bibilhin natin"
"Bakit nasaan si Mama?"
"Umalis sila ni Tito, Pero babalik din daw agad"
Ang daya nila mama hindi na naman ako sinama, Huhu baka kumain na sila sa restaurant o di kaya nag mall na. Kaya pala ang lakas ng loob ni Nathan na tawagin akong my loves kasi kami lang ang tao.
OMG!?!? Kami lang ang tao?!!!!!?????!? dumiretso agad ako sa kabinet ko at kumuha ng susuotin ko.
Syempre kasama ko si Nathan sa pamamalengke, Ako yung naiilang sa kanya kasi hindi sya bagay sa palengke haha.
Habang namimili ako ay parang may nakita akong kamukha ni Ate Erna kaya lumapit ako para malaman ko kung sya talaga.
"Ate Erna?"
"Dex?"
"Ate ano pong ginagawa nyo dito? Bakit nagtitinda napo kayo dito, Hindi napo ba kayo nagtatrabaho kala Tita Emman?"
"Ah kasi may nangyari lang"
Mukhang alam kona kung anong ibig sabihin nya, Tiningnan ko naman si Nathan pero sa ibang direksyon sya nakatangin. Kinurot ko sya sa tagiliran dahil alam kong may kinalaman sya kung bakit nandito si Ate Erna ngayon.
"Aray ko naman My Lo--, Dex ang sakit" pag angal nya.
Pinandilatan ko agad sya dahil muntik na nyang masabi yung hindi nya dapat sabihin.
"Bakit wala na sa inyo si Ate Erna?"
"Ah eh kasi, Ano"
"Ano nga?"
"Dex okay na, Baka mag away pa kayong dalawa"
"Wala yon ate ako bahala kay Nathan, So Nathan anong ginawa mo?"
"Mamaya ko nalang sasabihin sayo pag-uwe natin"
"Okay sige madali akong kausap, Ate Erna bumalik kana don kala Tita Emman alam ko naman na ayaw mong umalis don eh"
"Talaga?"
"Opo, Diba Nathan?"
"O-oo ate Erna balik kana sa bahay" -Nathan
"Nako Dex salamat talaga, Sir Nathan sorry din po pero salamat din" -Ate Erna
Kung hindi pa ako nagpunta dito sa palengke hindi ko pa malalaman na umalis na pala si Ate Erna kala tita Emman dahil sa kagagawan ni Nathan ano naman kayang ginawa ng lalaking to at umalis si ate Erna.
...............................FLASHBACK.....................................
"Mam salamat po sa lahat pero magpapaalam napo ako"
"Sigurado ka ate Erna?"
"Opo mam hindi ko na po kasi kaya yung ugali ng anak mo, Nitong mga nakaraang araw po kasi lagi syang galit at lagi kaming sinisigawan"
"Sorry po sa mga ginawa ng anak ko, Hayaan nyo pagsasabihan ko yon"
"Sige po mam, Pero aalis na po talaga ako. Alam nyo mam simula ng umalis si Dex bumalik ulit yung ugali ni Nathan"
"Talaga? napansin mo yon?"
"Opo mam, Kaya sana na nga po nandito si Dex para maging mabait na ulit ang anak nyo"
......................END OF FLASHBACK........................
Pagkatapos naming makipag kwentuhan kay Ate Erna ay bumili na kami ni Nathan para makabalik ulit at maagang makapag luto si Mama.
"My Loves galit kaba?"
Hindi ko pinansin si Nathan haha pabebe muna ako syempre! Atsaka naiinis din ako sa kanya kasi ang bait bait ni Ate Erna tapos papalayasin nya lang.
"Uyyy sorry na, Stress lang talaga ako ng araw nayon"
"Kung Stress ka dapat hindi ka nandadamay ng ibang tao"
"Sorry na nga"
Hindi ko ulit sya pinansin at nagtuloy tuloy ako sa paglalakad haha akala nya madadala nya ako sa pagpapacute nya? No way! Bahala sya dyan.
Nagulat nalang ako kasi inunahan nya ako sa paglalakad, Aba? At iiwan nya pa ako sa lagay nayan ha? sya na nga may mali tapos sya pa mah ganang mang iwan.
Pero huminto sya sa gilid ng kalsada at tumayo don, Yung mga dumaan tuloy nagsibusinahan. Ano bang kabaliwan ang nasa utak ni Nathan.
"Nathan anong ginagawa mo dyan? Umalis ka nga dyan"
Nagbubusinahan na yung nga sasakyan at nakatingin nadin yung mga napapadaan na mga tao.
"Hindi ako aalis hanggat hindi mo ako napapatawad"
"Ano?! Halika na nga dito, Nakakahiya na!"
Sigaw ko sa kanya, Jusko po ano kayang pumasok sa utak ni Nathan at naisipan nya pa talagang tumayo sa gitna ng kalsada.
"Hindi ako aalis dito" -Nathan
"Hoy ano ba! Magpapakamatay kaba!!!!" Sigaw ng isang driver.
"Nathan!! Tara na kasi dito!! Oo na pinapatawad na kita!"
"Talaga???"
"Oo nga paulit-ulit?"
Lumapit naman agad sakin si Nathan at abot tenga ang ngiti, Grr kainis sya! Hindi naman kasi ako galit sa kanya pero ang OA ng ginawa nya.
"My loves sorry na talaga"
"Oo na nga, Basta wag mo na ulit sisigawan o papagalitan ang mga katulong nyo kasi tao din sila may damdaming nasasaktan"
"Yes my loves, Promise hindi kona gagawin yon"
"Sige na tara na, Baka nag-aantay na satin sila mama"
"Galit kapa yata sakin eh"
"Ha ako galit mukha ba?"
Ngumiti ngiti ako sa harap nya para malaman nya na hindi talaga ako galit.
Pero biglang kinurot ni Nathan yung dalawang pisngi ko kaya napaaray ako.
NATHAN'S POV
Pagbalik namin ni Dex sa bahay nila ay nandon nadin sila Tita, Naka ready na yung iinumin kaya tumabi na ako kay tito.
"Seryos kaba talaga sa anak ko?" Bungad nya sakin medyo nakakakaba pala pag ganito.
"Ah eh o-opo tito Seryoso po talaga ako kay Dex"
"Anong gagawin mo ngayong magpinsan kayo?"
"Pupunta po akong US tito kakausapin kopo si Daddy tungkol samin ni Dex"
"Alam mo kasi kaisa-isang anak lang namin si Dex kaya mahal na mahal namin yon at ayaw namin na masaktan sya kaya nga kahit mali na mahalin ka nya ay sinuportahan namin sya kasi alam kong duon sya magiging masaya"
"Salamat po tito"
"Pero mali padin na magkaroon kayo ng relasyon, Tama na siguro muna yung ganito kayo. Kapag naayos muna yung dapat mong ayusin edi wala ng hahadlang sa inyo"
"Opo tito tatapusin ko po talaga, gagawin ko ang lahat para maging maayos ang lahat"
Mabuti nalang mabait pareho ang magulang ni Dex at naiintindihan nila kami, Ngayon isa nalang ang problema namin ayon ang pagiging magpinsan namin.
"Sige na uminom na tayo baka abutin pa tayo ng gabi"
Tumagay na ako ng beer na nagkwentuhan pa kami ni Tito, Si Dex naman tsaka si Tita nagluluto ng hapunan namin.
"Pa wag kayo masyadong uminom, May byahe pa kayo bukas"
"Mild lang to anak hindi nakakalasing"
"Kahit pa, Ikaw din Nathan wag kana uminom ng marami uuwe kapa"
"Opo" Sagot ko nalang.
Si Dex ang dahilan kung bakit ako nabago, Mahal ko sya kahit sino at ano pa sya, Mahal ko sya kahit bakla pa sya dahil minahal ko sya sa taglay nyang kabutihan. Wala akong pakialam sa sasabihin ng iba, Basta ako mahal ko sya.
Ewan ko ba, Una ko palang nakita si Dex iba na yung naramdaman ko, First time ko yon naramdaman kasi nga sa babae lang ako nagkakainteres dati pero ngayon iba na.
"Oh ito na yung pulutan nyo"
"Salamat Ma" Tawag ni Tito kay Tita, Haha nakakatuwa sila kasi sa edad nilang yan halata padin na mahal na mahal nila ang isat-isa.
"Nathan wag ka masyado magpakalasing baka magalit mommy"
"Opo tita"
"Sige na, Iwan nyo na kami may pag-uusapan pa kaming dalawa"
"Okay, Tara na Dex"
Niyaya na ni Tita si Dex paalis at naiwan nalang kaming dalawa ni Tito.
"Pagpasensyahan mo na yung mag-inang yon ganon lang talaga ang bunganga ng mga yon"
"Haha ayos lang po sakin, Sanay napo ako kay Dex"
Ganito sana ako na pamilya ang gusto ko, Kahit hindi mayaman basta masaya at kompleto masaya na ako don.
DEX'S POV
Hindi rin naman sila nagtagal sa pag-iinom dahil hindi ko tinigilan si Nathan, Haha pano kasi uuwe pasya baka kung ano pang mangyari sa kanya.
Pagkatapos naming kumain ay humiga muna kami ni Nathan.
"Nathan?"
"Yes my loves?"
"Kelan mo ba balak umalis?"
"Next week pa, Bakit mamimiss mo ako?"
"Syempre"
"Gagawin ko naman yon para satin, Kaya wag kana magdrama dyan"
"Basta bumalik ka agad ha?"
"Oo naman, Kaya ikaw wag kang titingin sa ibang lalaki habang wala ako"
"Grabe sya, Edi nadapa ako non"
"Pilosopo ka naman my loves eh"
"Haha Joke lang, Oo hindi ako titingin"
"Promise?"
"Oo Promise, Ikaw ang wag titingin sa ibang babae kapag nasa US kana. Madami pa namang americana don mga sexy at magaganda pa"
"Dito nga maraming babae hindi ako tumingin doon pa kaya? Wag kang mag-alala hindi kita ipagpapalit"
"Sigurado ka?"
"Oo"
Hindi narin umuwe si Nathan sa bahay nila kasi ang sabi nya nakapag paalam nadaw sya kay Tita kaya hinayaan ko nalang din sya dito.
Kasi gusto ko din masulit ang mga araw na nandito sya kasama ko.
MARK'S POV
Ano kayang sasabihin sakin ni Sheena mukhang importante kasi nakipagkita sya sakin.
"Mark buntis ako" masaya nyang sabi sakin.
"Talaga??"
Tumango si Sheena sakin kaya alam kong totoo na yung sinasabi nya, Sa sobrang tuwa ko ay niyakap ko sya pero napansin kong parang hindi sya masaya.
"Sheena anong problema? Bakit parang hindi ka masaya?"
"Mark, Pano na yung pag-aaral ko? Paano na yung mga pangarap ko? Ano nalang sasabihin sakin ng magulang ko? Masyado pa tayong mga bata para pumasok sa ganitong buhay" -Sheena
"Sheena makinig ka sakin, Kasama mo ako dito hindi kita iiwan papanagutan ko ang magiging anak natin."
"Pero Mark?"
"Wala nang pero pero, Kay mama na muna natin sabihin saka nalang natin pag-isipan kung paano natin sasabihin sa magulang mo"
Niyakap ko ulit si Sheena ramdam ko kasi yung kaba nya at halatang hindi nya pa alam kung ano ang gagawin nya.
Gusto kong maramdaman nya na kasama nya ako at hindi ko sya iiwan.
Nakakakaba pero masaya kasi magiging tatay na ako, Nag bunga yung pagmamahalan namin ni Sheena.
Bata pa ako pero gagawin ko ang lahat para maging isang mabuti at maayos na ama sa magiging anak namin.
*Is this really the End for Team Crush and Team Bestfriend???
# CHAPTER 68
DEX'S POV
Tunawag sakin si Miles nangangamusta at gusto nya daw makipag kita sakin kasi miss na miss na daw nya ako at may importante syang sasabihin sakin, Ano kaya yon?. Pumayag naman ako kasi miss kona din sya at mukhang importante din ang sasabihin nya sakin.
Habang naglalakad ako sa hallway ay may nakita akong nakadikit sa dingding na mga pictures namin ni Nathan.
Pinagtatanggal ko naman agad at tinanong ko sa mga estudyante kung sino ang nagdikit non pero ni isa walang nag-salita.
Pero alam ko naman na si Irish lang ang may gawa nito, Bakit ba hindi parin sya tumitigil? Ano pa bang gusto nya?
Maganda na sana ang umaga ko pero nasira na dahil sa mga pinagdidikit ni Irish at ang mas malala pa may nakasulat pa sa poster.
'Ako si Dex nainlove ako sa Pinsan ko'
Akala ko tapos na ang issue pero sinisimulan na naman nya.
Nang matanggal ko lahat ng nakadikit ay hinanap ko agad si Irish, Hindi naman ako nahirapan dahil nakita ko agad sya sa room nila hindi ako nagdalawang isip na pumasok don kahit teritoryo nya pa yon. Ibinato ko sa kanya yung mga papel na kinuha ko, Nagulat naman sya sa ginawa ko.
"What the?!!!!! Anong problema mo?!!!" - Irish
"Problema? Ikaw ang problema ko Irish at yang makitid mong utak!"
"Ano bang pinagsasabi mo?!" -Irish
"Wag kanang magmaang maangan alam ko naman na ikaw ang nagdikit nyan para pag-usapan na naman ako. Hindi kapa nagsasawa? Hindi kaba napapagod na awayin at sirain ako? Kasi ako pagod na!"
"Kung napapagod ka hindi kona problema yon, At para sa kaalaman mo hindi ako mapapagod hanggat hindi mo tinitigilan yang kalandian mo at pang-aahas kay Nathan" -Irish
"Wala akong inaahas at hindi ko din kasalanan na mas mahal ako ni Nathan kesa sayo dahil dyan sa ugali mo"
"At proud kapa na pumapatol ka sa sarili mong Pinsan? Ganyan kana ba kadesperada?" -Irish
"Kahit kailan hindi ako naging desperada katulad mo. Dahil hindi ko kayang manira at manakit ng ibang tao para lang makuha ang gusto ko"
"Desperada pala ha?"
Sasampalin na sana ako ni Irish pero sinalag ako at binitawan ko ang kamay nya.
"Sa susunod na siraan mo pa ako makikita mo ang hinahanap mo. At kayong lahat OO nainlove ako sa pinsan ko, Mali man para sa inyo pero ito lang ang masasabi ko sa inyo. Kapag nainlove kayo hindi nyo mapipili kung sino ang mamahalin nyo"
Lalapitan na sana ako nila Bea at Venus pero nagsalita ako.
"At kayo? Kinukunsinti nyo pa talaga ang mga ginagawa ng kaibigan nyo?"
"Ano bang pakialam mo kung kinukunsinti namin sya?" -Venus
"Meron akong paki kasi ako ang nasasaktan ako ang nasisira oo mali nga na nainlove ako alam ko yon. Pero kailangan talaga sirain nyo pa ako sa ibang tao?"
"How dare you!" -Irish
Isang malakas na sampal ang tumama sa pisngi ko, Pero hindi ako gumanti kung dito sya magiging masaya edi ibibigay ko sa kanya para matapos na. Kinuha ko yung kamay nya at pilit na sinasampal sa mukha ko.
"Sige sampalin mo pa ako kung dito ka magiging masaya, Sampalin mo lang ako hanggat gusto mo hindi ako lalaban sayo. Sampalin mo na ako para matapos na! Sawang sawa na ako sakaka sabi sayo na hindi ko inahas sayo si Nathan, Mahirap bang intindihin yon?!"
Pero ni isang sampal hindi binigay sakin ni Irish hindi ko alam kung bakit pero maging sya ay natahimik at umalis nalang.
Yung mga tao sa paligid ay tahimik lang nang lumabas ako.
NATHAN'S POV
"Mga tol kailangan ko ng tulong nyo"
Sabi ko sa apat kong kaibigan.
"Anong klaseng tulong bayan?" -Steve
Sasabihin kona sana sa kanila pero may isang estudyante na umistorbo samin.
"Nathan, Nathan yung pinsan mo nakikipag away kay Irish"
"Asan sila???"
"Nandon sa 3rd floor"
Pagkasabi nya palang na nakikipag away kay Irish yung pinsan ko ay kumaripas agad ako ng takbo. Tsk wag nya lang talaga sasaktan si Dex at hindi nya magugustuhan ang gagawin ko sa kanya.
Pagdating ko sa 3rd floor ay nakasalubong ko si dex na naglalakad mag-isa, Sa sobrang alaala ko ay niyakap ko sya.
"Dex ayos kalang ba? Wala bang ginawa sayo ni Irish?"
"Oo ayos lang ako" -Dex
"Bakit ang sabi sakin nakikipag away ka daw???"
"Pinaglaban ko lang yung sarili ko dahil sobra na sila sa pamamahiya sakin" -Dex
"Bwis*t na Irish yon kapag nakita ko sya humanda sya sakin"
"Wag na, Siguro naman natauhan nayon sa mga sinabi ko sa kanya" -Dex
"Sigurado ka My loves?"
"Oo kaya wag monang isipin yon dahil kayang kaya ko na yon" -Dex
Medyo napanatag ako kasi mukhang ayos lang naman si Dex. Ano kayang nangyari sa kanila ni Irish at parang confident sya na magiging okay na ang lahat.
Nagmatured na talaga si Dex, Ngayon
n panatag ako na iiwan ko sya dahil alam kong kaya na nya na ipagtanggol ang sarili nya laban sa mga taong mang-aapi sa kanya.
DEX'S POV
Buong klase hindi ko nakita si Dan, Hays asan kaya sya? Galit kaya sya sakin???? Sana naman hindi kasi ayoko ko mawala sya sakin kasi kaibigan kona din sya at mahalaga na din sya sakin.
Nakakapanibago lang kasi dati naman sabay kaming nagrerecess ni Dan pero ngayon hindi sya pumasok hays sana okay lang sya.
Sinundo ako ni Nathan sa room ko ng uwian na dahil ang sabi nya habang nandito pa sya ay susulitin na nya ang oras na magkasama kami. Ayyiieee kilig si Ako!!! ENEBE!!!!
"My loves hahatid na ba kita pauwe?" -Nathan
"Hindi na may dadaanan pa kasi ako"
"Saan naman yan pwede bang sumama?" -Nathan
"Nako wag na, Si Miles lang naman pupuntahan ko"
"Talaga ba? Bakit ayaw mo akong isama? Baka may kinikita kana my Loves" -Nathan
"Ang OA mo Nathan! Si Miles lang yon"
"Haha joke lang may tiwala naman ako sayo" -Nathan
"Aba dapat lang haha"
Hinatid lang ako ni Nathan sa meeting place namin ni Miles at nagpaalam nadin si Nathan.
Habang tumatagal lalo akong nahuhulog kay Nathan dahil sa mga ginagawa at pinapakita nya sakin at napatunayan nya na kahit bakla pa ako ay pwede din akong mahalin.
"Ano?! Buntis si Sheena?"
"Aray ko be, Ang sakit sa tenga ng boses mo. Oo buntis nga" -Miles
Ayan agad yung sinabi sakin ni Miles pagka upo namin, Ang sabi nya buntis daw si Sheena.
Hindi ako makapaniwala sa sinabi nya grabe ang bata pa nila Mark para maging isang magulang.
"Sigurado ka? Sino naman nagsabi sayo?"
"Oo nga buntis nga, Kalat na kalat na nga sa school" -Miles
Magiging tatay na si Mark, Kayanin kaya nya? Masyado pa syang bata para maging isang ama at pano na kaya yung mga pag-aaral nila? Ano nalang kayang magiging reaksyon ni Tita Rose?
"Miles ilang buwan na daw?"
"Ay ayan ang hindi ko alam, Hindi ko pa kasi natatanong kay Mark" -Miles
"Ganon ba?"
"Oh bakit parang lumungkot ka ata? Hindi kaba masaya na magiging tatay na yung bestfriend mo?" -Miles
"Hindi naman sa ganon, Iniisip ko lang kasi na masyado pa silang bata para sa ganitong sitwasyon"
"Hay nako be hayaan na natin sila, Bilang kaibigan support nalang tayo sa kanila. Wala na din naman tayong magagawa buntis na eh" -Miles
"Tama ka dapat suportahan nalang natin sila"
"Kelan ba ulit kayo huling nagka-usap ni Mark?" -Miles
Kelan nga ba? Hindi ko na din kasi matandaan, Kahit sa chat hindi kami nagkakausap.
"Hindi kona matandaan Miles"
"Puntahan mo kaya sa kanila baka mabigyan mo yon ng lakas ng loob" -Miles
"Bakit ko pa kailangan pumunta?"
"Syempre kaibigan ka, Bestfriend pala. Wala kana din naman sigurong nararamdaman kay Mark diba?" -Miles
"Ano bang klaseng tanong yan syempre wala na. At kung meron man akong nararamdaman para kay Mark, Pagkakaibigan nalang siguro"
Kung dati si Mark yung sinisigaw ng puso ko ngayon si Nathan na, Si Nathan na nagpakita sakin na importante at kamahal mahal ako.
Napaaray nalang ako ng bigla akong batukan ni Miles, Pero mahina lang naman batok ng isang kaibigan.
"Aray ko Miles, Bakit ka ba nambatok?"
"Wala lang masaya lang ako kasi nag matured kana talaga, Hinid na ikaw yung dating Dex na iyakin" -Miles
"Haha iyakin padin naman ako, Yun nga lang mas natutuo na ako ngayon"
"Ay iba! Humuhugot ang bakla, Dahil bayan kay Nathan?" -Miles
Napangiti nalang ako nang banggitin nya yung pangalan tapos bigla nya akong sinambunutan.
Grabe bugbog na ako sa babaeng to, May batok na may sambunot pa.
"Aray ko naman Miles, Kailangan talaga pagkinikilig manakit?"
"Haha sorry na be, Nakakakilig lang kasi parang dati ikaw ang habol ng habol pero ngayon ikaw na ang hinahabol" -Miles
"Well Maganda kasi ako" Biro ko sa kanya.
"Oo nga ganda ka eh noh? Ganda ka?" -Miles
"Haha Miles san ka pala mag-aaral pag college mo?"
Iniba ko nalang yung usapan, Ilang buwan nalang din kasi graduate na kami.
"Edi duon padin. Free tuition lang kasi don, Ikaw?" -Miles
"Pag-aaralin padin kasi ako ni Tita kaya duon padin haha"
"Buti kapa may magpapaaral sayo sa magandang school, Asan pala yung Boyfriend mo bakit hindi mo kasama?" -Miles
"Boyfriend ka dyan, Hindi ko pa boyfriend yon"
"Edi manliligaw" -Miles
"Hindi din"
"Ha!?!? Edi ano?? Walang label????" -Miles
"Oo"
"Ay bakla ka, Bakit ka pumapayag ng ganon??? dapat sa love may label para naman hindi mo matatanong sa sarili kung mag-ano ba kayo? Ano ka ba nya o ano mo ba sya?" -Miles
Natahimik ako bigla sa sinabi ni Miles,Tama siya sa part nayon, Ano nga ba kami ni Nathan? Ano nga ba ako sa kanya? Sapat na ba na mahal lang namin ang isat-isa?
"Miles ano bang dapat kong gawin?"
"Ano paba edi tanungin mo sya, Syempre malay mo biglang mag-iba ang ihip ng hangin at mambabae yang si Natnan, Ano nalang gagawin mo? Eh wala namang kayo? Kaya tanungin mo sya para naman malaman mo" -Miles
"Salamat be"
"Always welcome ikaw pa ba? Malakas ka sakin eh" -Miles
Mabuti nalang talaga nandito si Miles at nabigyan nya ako ng idea sa kung ano ang dapat kong gawin. Akala ko kasi sapat na mahal ko si Nathan at Mahal nya ako, Dapat pala may label den.
Nagkwentuhan pa kami ni Miles ng matagal tapos picture picture bago nagpaalam sa isa't isa.
Hindi padin talaga ako makapaniwala na buntis si Sheena at magiging tatay na si Mark, Parang ang bilis ng pangyayari.
Dati tinulungan ko palang si Mark na mapasagot si Sheena tapos ngayon magiging magulang na sila.
Ang bilis talaga ng buhay hindi mo namamalayan ang mga nagaganap. Pero ang moral lesson dito dapat maging handa tayo na harapin ang mga bagay na nangyari, nangyayari at mangyayari palang.
# CHAPTER 69
DEX'S POV
Biglang tumunog yung phone ko si Tita biglang tumawag.
"Hello po tita?"
"Asan ka ngayon?"
Hala mukhang galit si Tita, Baka ayaw nya talaga kami ni Nathan.
"Nasa school po, Bakit?"
"Dumiretso ka agad dito sa bahay may pag-uusapan tayo"
Pagkatapos inend na ni Tita, Pashnea galit nga sya sakin???? Huhuhu anong gagawin ko? Hinanap ko agad si Nathan pero hindi ko sya nakita, Pati yung mga kaibigan nya wala din.
Asan sila?
Bakit wala sila???
Itong si Nathan kung kelan kailangan ko sya tsaka naman sya nawawala.
Pagdating ko sa tapat ng bahay nila tita ay parang gusto konang umuwe dahil sa sobrang kaba, Si ate Erna ang nagbukas sakin masaya ako dahil nakabalik na pala sya.
"Ate Erna si Tita po?"
"Nasa loob Dex kanina kapa hinihintay"
Huhu eto na talaga wala ng atrasan to, Pumasok ako sa loob at nagulat ako kasi nasa loob din sila Mama, Papa, Miles, Tapos yung mga kaibigan ni Nathan.
"Mabuti naman at nandito? Kanina kapa namin hinihintay"
Mukha talagang galit si Tita.
"Pasensya napo traffic po kasi"
"Okay lang, Hindi naman talaga ako ang nagpapunta sayo dito kundi ang anak ko"
"Si Nathan po?"
Mayamaya ay lumabas si Nathan at iba yung ngiti sa kanyang labi, Lumapit sya sakin at lumayo muna si Tita.
"Nathan anong ibig sabihin nito?"
Parang gusto konang mahimatay dahil sa sobrang kaba ko.
Lumuhod si Nathan sa harap ko na lalong nagpaiyak sakin, Naghalo halo na yung nararamdaman ko. Kaba, Tuwa at kilig hindi ko alam ang gagawin ng mga oras nayon.
"Dex? Simula ng dumating ka sa buhay ko, Nabago ako, Sayo ko naramdaman yung pagmamahal na hindi ko naramdaman sa iba. Wala akong paki sa sasabihin ng iba na magpinsan tayo o kahit nainlove ako sa isang bakla ang importante yung nararamdaman natin sa isat-isa.
Kahit tadhana ng humahadlang hindi padin ako susuko, Ganon naman talaga kapag nagmamahal ka diba? Dapat hindi ka susuko at matutu kang lumaban"
Umiiyak na talaga ako dahil sa sinasabi ni Nathan, Alam nyo kasi para sa aming mga bakla kapag may nagmahal sayo at may nagseryoso sayo grabe yung epekto non sayo, Kasi hindi lahat ng bakla minamahal ng too. Kaya maswerte ako kasi isa ako sa maswerteng tao at natagpuan ko si Nathan.
"Dex bago ako umalis gusto kong maging tayo na, Can you my Boyfriend?" Mangiyak ngiyak na tanong ni Nathan.
Totoo ba 'to??
Hindi ba ako nananaginip??
"Yesssss nayan!!!!!" Sabay sabay nilang sigaw.
Tumingin muna ako kay Nathan bago sabihin ang magiging sagot ko.
"Oo naman"
"Talaga?!"
Tumango ako at umingay ang buong paligid lahat sila masaya dahil sa naging sagot ko.
Sinuot ni Nathan yung singsing na kinuha nya mula sa bulsa nya, Ito din yung singsing na una nyang binigay at binalik ko sa kanya.
Sino ba ako para hindian ang taong mahal ko? Sino ba ako para hindian ang taong mahal ako?
Si Nathan yung lalaking nagmahal sakin ng ganito at tinuring ako na parang isang babae at araw araw pinaparamdam sakin kung gaano ako kaimportante sa kanya.
Sa harap nilang lahat ay hinalikan ako Ni Nathan at sa pagkakataong ito walang nakapigil samin para patuloy na magmahalan, Kahit si Tita Emman nakatingin lang at mukhang masaya din sya sa nangyayari.
"Dex pwede ba tayong mag-usap?"
Tumingin muna ako kay Nathan at tumango sya sakin kaya sumunod ako kay Tita.
"Tita Ano pong pag-uusapan natin?"
"Alam mong sinabihan na kita na layuan si Nathan"
"Opo tita, Sorry po kasi kahit anong iwas ko tadhana po ang naglalapit samin"
Mukhang galit ata sakin si Tita, Huhu pano nayan?????
"Tadhana? kung tadhana na ang gumawa ng paraan para mangyari to may magagawa pa ba ako?"
"Ano pong ibig nyong sabihin???"
"Ang ibig sabihin ni Mommy ayos na sa kanya na maging tayo" Biglang singit ni Nathan sa usapan namin.
"Talaga?"
"Yes Dex, Nag-usap na kami ni Nathan ng masinsinan at talagang mahal na mahal ka ng anak ko at handa syang gawin ang lahat para lang mawala yung mga bagay na hadlang sa inyo. Kaya ngayon balak nyang puntahan ang tito Greg mo para kausapin"
Niyakap ko si Tita kasi kahit mali at mahirap para sa kanya ay pilit nya padin kaming iniintindi. Pagkatapos non ay nakipag-usap na sya kala mama.
"Be!!!!!!"
Sigaw ni Miles at mabilis na yumakap sakin.
"Aray ko Miles hindi ako makahinga"
"Haha sorry na, Ayyiiee!! Ayan na may label na talaga kayo ni Nathan. Kaya ikaw Nathan wag mong sasaktan tong kaibigan ko"
Bunganga talaga ni Miles ayaw paawat haha, Inakbayan naman ako ni Nathan sabay kindat sakin. Ayyiieee!!! Enebe!!!
"Oo naman hindi ko sasaktan ang my Loves ko"
"Wahhhhh!!!! Ayiee ang ganda mo talaga Dex, Pahingi naman kahit konti"
"Haha sige bukas bigyan kita"
"Bakit bukas pa? ngayon na may mga gwapo kaya dito"
Lumingon sya sa direksyon nila ng mga kaibigan ni Nathan, Mukhang alam kona haha bet nya ang isa don.
"Sino bang bet mo sa apat???"
"Ayun oh, Yung naka polo na Red"
Tinuro nya si Dave, Haha halaka kay Dave talaga? Eh kwento sakin ni Nathan babaero daw yon at hindi nagseseryoso nako baka masaktan lang si Miles.
"Be wag na don iba nalang"
"Ha bakit naman??"
"Basta maniwala ka sakin"
"Ay grabe sya, Nathan ipakilala mo naman ako don" sabi ni Miles kay Nathan habang kinikilig.
"Sure"
Kilig to the max naman si Miles ng umuo si Nathan haha nawala yung pagkadalagang Pilipina nya.
"My loves samahan ko lang tong kaibigan mo"
"Sige na samahan mo nayan baka hindi payan makatulog"
Pinagmasdan ko lang si Miles habang pinapakilala sya ni Nathan, Grabe talaga ang babaeng to basta pagdating sa pogi haha.
"Dex?"
"Bakit Pa?"
"Masaya ako para sayo"
"Pa salamat po kasi hindi kayo nagalit sakin, Salamat po kasi tinanggap nyo kung ano ako, Salamat kasi tinanggap nyo kami ni Nathan kahit pa sa kabila ng pagiging magpinsan namin"
"Syempre anak kita, Susurpotahan kita sa lahat ng gusto mo basta nasa tama at alam kong duon ka magiging masaya"
Niyakap ko ng mahigpit si papa kasi sobrang pasasalamat ko at sinusuportahan nya ko sa bagay na magpapasaya sakin.
MILE'S POV
Huhuhu kinakabahan ako haha ipapakilala na kasi ako ni Nathan kay Crush haha.
"Ayos kalang ba Miles?" Tanong sakin ni Nathan napansin nya sigurong tumahimik ako.
"Ah eh oo ayos lang ako"
Paglapit namin sa kanila ay parang gusto ko nang natunaw sa sobrang kaba, Ang gwapo nilang lahat pero Mas gwapo yung Crush ko sa malapitan hehe.
"Guys this is Miles, Kaibigan ni Dex"
Isa isa ko silang kinamayan at syempre hinuli ko yung kay Crush huhu para akong nakoryente sa sobrang kilig.
Lord pwede nyo na ako kunin nahawakan kona ang kamay ni Crush, Nalaman ko din na Dave ang pangalan nya shomai! Pangalan palang nakakainlove na!!
"Miss yung kamay ko pakibitawan na"
"Ay sorry po"
Medyo nahiya tuloy kasi sa kakaimagine ko nawala sa isip ko na hawak hawak ko pala ang kamay ni Dave.
"It's okay"
lah!!!!! Ang gwapo nya lalo nang ngumiti sya.
"Pano Miles iwan na muna kita sa mga to, Balikan kolang si Dex"
"Ha?? nakakahiya naman"
sabi ko sa kanya, Pero sa loob loob ko sige umalis kana haha isama mo nadin yung tatlo para masolo ko si Crush.
"Wag kang mahiya sa mga yan, Kapag may ginawa silang kalokohan sabihin mo lang sakin"
"Grabe ka naman samin Nathan anong palagay mo samin hindi marunong rumespeto sa babae?"
Lalo akong kinilig sa sinabi ni Dave.
Respeto???
Kahit bastusin mopa ako Dave ayos lang.
Charizzzz!!!!!!
"Oo bakit hindi ba?"
"Kainis ka naman tol sinisira mo ang image namin, Umalis kana balikan mona si Dex"
Kaya nga Nathan umalis kana isama mona yung tatlo para kami nalang dalawa ni Bebe Dave.
"Oo na aalis na ako, Pero ayusin nyo" pahabol ni Nathan
"Oo na umalis kana balikan mona yung my loves mo"
Hinawakan naman ni Dave si Nathan sa balikat at pinaalis na haha grabe sila, Magkaibigan nga talaga sila parang kami lang din ni Dex nagsasampalan, Hampasan, Sabunutan pero lahat yon normal lang samin.
DEX'S POV
"Oh bakit mo iniwan don si Miles, baka pagtripan lang yon ng mga kaibigan mo"
"Hindi yon, Takot lang nila sakin"
"Eh basta"
Lalapitan kona sana si Miles pero hinawakan ako ni Nathan sa kamay at hinila paakyat.
"Hayaan mona sila"
"Nathan ano ba kasi ang gagawin mo?"
"Wala lang gusto lang kita masolo, Masama ba?"
"Bakit sinabi ko ba?"
Pumasok kami sa loob ng kwarto ni Nathan at sabay na nahiga.
"Nathan?"
"Bakit?" Sagot nya agad.
"Kailangan mo pa ba umalis? Pwede bang dito ka nalang?"
"Bakit mamimiss mo ako?"
"Puro ka naman kalokohan seryoso kasi ako"
"Haha sorry na, Aalis ako para matapos na yung humahadlang satin"
"Ano ba kasing binabalak mo pagpunta mo sa US? Hindi ba pwedeng tawagan o video call mo nalang si Tito Greg?"
"Dex? Kilala ko ang daddy ko iba ang tumatakbo sa utak nya kahit si mommy ayon din ang gusto ang puntahan ko ng personal si Daddy"
Tama si Nathan, Ano nalang ang magiging reaksyon ni Tito Greg na ang karelasyon ng anak nya ay isang bakla at higit sa lahat pinsan pa nya. Kahit sinong magulang naman magugulat kapag sa kanila nangyari to.
"Sorry Nathan, Akala ko kasi ganon lang kadali"
"Wag ka na nga magsorry, Ikikiss nalang kita"
Lumapit sakin si Nathan at kiniss ako sa noo, Lord?? Sobra sobrang kilig napo ang nararansan ko ngayon kaya salamat po talaga.
"Dex ako ba ang first kiss mo?"
Oooppsss Natigil ako sa tanong ni Nathan, Ano naman kaya ang naisip nya at bigla nyang natanong yon.
"Bakit natahimik ka?"
Huhu ano kasi hindi kasi ang first kiss paano koba sasabihin sa kanya?
Naalala ko tuloy yung unang lalaking nagnaka ng first kiss ko. Walang iba kundi si Tyrone.
"Ah eh Nathan ano kasi hindi ikaw ang first kiss ko?"
"Sino Si Mark??"
"Hoy hindi ah!"
"Eh sino pala si Dan??"
Grabe sya! Kung sino sino nalang sinasabi nya palagay nya sakin maharot? Haha excuse me dalagang pilina ata ako.
"Hindi din, Si Tyrone kasi ang first ko Kilala mo naman yon diba? Pero aksidente lang talaga yon hindi intensyon"
"Wag kanang magpaliwanag may tiwala naman ako sayo, Pero ito nalang napapansin ko lagi mong suot yung kwintas mo? Kanino ba galing yan?"
Napansin na pala nya, Nawala na din sa isip ko na hubarin dahil sa nangyari atsaka kwintas lang naman to.
"Sandali nga bakit ba ang dami mong tanong sakin, Imbistigador kaba?"
"Syempre Boyfriend mo ako kaya dapat marami na akong alam tungkol sayo"
"Oo na, Galing to kay Mark binigay nya to sakin dati at itong bracelet naman galing kay Dan."
"Hubarin mo nayan"
"Ha?! Bakit ko naman huhubarin?"
"Ako ang boyfriend kaya dapat yung mga galing lang sakin ang susuotin mo"
"Ang sungit mo namang Boyfriend"
Nagkwentuhan pa kami ni Nathan tungkol ng tungkol samin, Sa mga hilig, Karanasan, Ayaw at marami pang iba.
Hindi na nga din namin alam ang nangyari sa mga tao sa labas dahil hindi namin namalayan ang oras dahil masaya kami sa ginagawa namin.
Sorry if my typo, Paki intindi nalang.
twitter : @dexpascual36
Please support my other Stories
Together Forever and Ang Prinsipe ng Sitio Demonyo.
Salamat guysssss Love you all
# CHAPTER 70 "PAGLISAN"
Nathan's Pov
Kanina pa ako tingin ng tingin sa phone ko at nag-aantay ng message kay Dex, Ilang oras nalang aalis na ako pero hindi man lang sya nagmemessage sakin.
Tinatawagan ko sya pero hindi naman nya sinasagot, Tsk may problema kaya sya??
"Nathan, Is there anything problem?" -mom
"Si Dex po kasi, Hindi pa tumatawag"
"Baka nalulungkot lang yon kasi aalis kana" -Mom
Siguro nga tama si Mommy, Sana nasa tabi ako ni Dex ngayon para sabihin sa kanya na wag na syang malungkot dahil para samin din naman tong gagawin ko at hindi ako mawawala ng matagal.
Masakit din naman sakin tong gagawin ko pero kailangan, Sa totoo lang hindi ko din talaga alam ang gagawin ko kapag nasa sa US na ako pero kailangan ko subukan baka sakali na magawan ko ng paraan ang pagiging magpinsan namin baka kasi maayos ko pa ang mga papers tungkol sa pag adopt sakin ni Tita baka sakali na mapawalan ko ng bisa.
Sana maging madali lang sakin ang gagawin ko at mahintay ako ni Dex sa pagbabalik ko.
"Nathan Mahal mo talaga si Dex noh?" -Mom
"Opo ma, Hindi lang Mahal. Mahal na mahal. Oo magpinsan kami pero hindi naman kami magkadugo diba? Pero kaya nga po kakausapin si Daddy para matapos na kung ano man ang humahadlang samin ni Dex"
"Kung saan ka masaya susuportahan kita" -Mom
"Thank you mom"
"Always welcome my dear" -Mom
"Mom may ibibilin lang po sana ako sa inyo"
"Ano yon?" -mom
"Si Dex po sana po pakibantayan nalang sya habang wala ako, Hindi ko po kasi alam kung kelan ako makakabalik."
"Bakit hindi mo nalang kasi sinabi sa kanya na baka matagalan ka don" -Mom
"Ayaw ko po kasi sya malungkot, Kapag nalulungkot sya nalulungkot din ako"
"Nag matured kana talaga Nathan, Before you're Just a little boy but Now? You are a Man" -Mom
Nagbago lang talaga ako nung dumating si Dex sa buhay ko kung dati wala akong pakialam sa nararamdaman ng iba ngayon meron na, Kung dati akala ko wala ng patutunguhan ang buhay ko dahil iniwan ako ng isang taong akala ko makakatuluyan ko ngayon nagkaroon na ng direksyon.
Kaya Mahal na mahal ko si Dex kahit ano pa sya at kahit ano pa ang kasarian nya.
DEX'S POV
"Anak ngayon na ang alis ni Nathan hindi mo ba sya ihahatid?" -Mama
"Hindi napo siguro ma baka lalo lang po kasi ako mahirapan kapag nakita ko syang umalis"
"Pero baka hinihintay ka nya" -Mama
"Itetext ko nalang po sya na hindi ko na sya maihahatid"
"Sige ikaw bahala, Pero kung magbago ang isip mo puntahan mo nalang sya mamaya pa naman ang flight nya" -Mama
Nagtaklob nalang ako ng kumot at ang sakit na nang ulo ko kakaisip pati yung puso ko sumasakit na din, Ganito pala kapag aalis ang taong mahalaga sayo parang hindi mo kaya.
Ilang oras ako nag-isip bago ko napagdesisyonan na sumama sa paghatid kay Nathan.
Bumangon agad ako at nagbihis na, Kailangan kona magmadali baka makaalis na sya.
"Ma pupuntahan ko lang po si Nathan"
"Talaga? GO Dex! Sigurado ako aabutan mo pa ang My loves mo!" -Mama
"Thank you sa pagmotivate ma"
"Sige na anak ingat sa byahe" -Mama
Tumakbo na ako palabas ng bahay at naghanap agad ng taxi na masasakyan.
Nagpahatid ako hanggang sa bahay nila tita baka kasi nandon pa si Nathan.
"Kuya paantay nalang po ako dito" Sabi ko sa taxi driver.
"Sige po"
Bumaba agad ako at nagmadaling nagdorbell sa bahay nila tita.
"Dex wala na dito sila Mam nasa airport na" -Manang
"Talaga po? Kanina pa po ba sila nakaalis?"
"Hindi naman mga ilang minuto lang ang nakalipas. Bakit may problema ba?" -Manang
"Manang pasesnya napo pero kailangan ko muna puntahan sila Tita"
Hindi pa naman siguro sila nakakalayo, Sana maabutan ko pa sila dahil pagsisisihan ko to kung sa huling saglit lang ay hindi ko nakasama si Nathan bago sya umalis.
"Kuya sa airport po"
Parang gusto kona ipaturbo kay kuyang driver yung taxi parang lang makarating agad kami kaso nandito nga pala kami sa Pilipinas, Sobrang traffic. Ang bilis ng takbo ng oras baka hindi ko sila maabutan, Nakakainis naman bakit pa kasi nagpabebe pa ako at hindi na ako sumabay kala Nathan.
"Kuya wala po bang ibang way? Yung wala masyadong traffic? Baka po kasi hindi kona maabutan yung hinahabol ko"
"Nako sir wala po eh, Antayin nyo nalang po tutal malapit nadin tayo"
Malapit na nga lang pero usad pagong naman yung traffic wala ding saysay aabutin ako ng siyam siyam dito at hindi kona maabutin si Nathan.
Kumuha ako ng pera sa bag at ibabot sa driver.
"Kuya ito po yung bayad ko"
Bumaba ako ng taxi at tumakbo papunta sa airport, Wala akong paki kung mainit o mahagard pa ako ang importante ngayon ay maabutan ko si Nathan.
'Nathan antayin mo ako, Malapit na ako' Sabi ko sa sarili ko.
Pagdating ko sa airfort ay hinanap ko agad sila, Pero ilang minuto na ako palakad lakad hindi ko padin sila nakita.
Hays nakaalis na yata si Nathan. Dex! Ang tanga tanga mo kasi nag pabebe kapa!
Umupo nalang ako at yumuko nalang, Naiinis kasi ako sa sarili ko at hindi ko naabutan si Nathan.
"Anong ginagawa mo dyan??"
Napaangat agad ako ng mukha ng marinig ang boses ni Nathan, Sa sobrang tuwa ko ay niyakap ko sya ng mahigpit.
"Aray ko my loves hindi ako makahinga" -Nathan
"Sorry natuwa lang ako ng nakita kita akala ko kasi nakaalis kana"
"Pwede ba yon? Aalis ako na hindi ko nakikita ang my Loves ko?" -Nathan
"Dex bakit ba ngayon kalang?" -Tita
"Sorry po tita, Medyo magulo lang ang isip ko kanina"
"It's okay mom, Ang importante nandito na si Dex" -Nathan
Inakbayan nya ako at naglakad na kami, Akala ko talaga nakaalis na sya huhu mabuti nalang hindi pa pero kahit ganon nalulungkot padin ako kasi aalis na sya.
"My loves wag kanang umiyak, Lalo akong nahihirapan sa pag-Alis ko" -Nathan
"Eh sa iyakin talaga ako anong magagawa ko?"
"Sige na baka mahuli pa ako sa flight ko" -Nathan
"Okay basta pagdating na pagdating mo sa US tawagan mo ako"
"Yes My loves, Makakalimutan ko ba yon?" -Nathan
"Nathan baka Mahuli kapa" -Tita
Nagpaalam na samin si Nathan at naglakad na palayo. Kung ako lang ang masusunod ayoko sana na umalis pa si Nathan, Parang hindi ko kakayanin mahal na mahal ko sya at nasanay na ako na lagi syang nasa tabi ko.
Pinagmasdan ko lang si Nathan habang naglalakad palayo, Yung luha ko hindi ko na naman napigilin pano kasi kung kailan naman maayos na kami tsaka nya naman kailang umalis.
"Nathan!!!!"
Hindi ko na napigilan ang emosyon ko, Huminto naman sya at tumakbo agad ako papunta sa kanya at niyakap ko sya ng nahigpit na mahigpit.
Kita ko din sa mga mata ni Nathan na napaluha na din sya, Bago sya umalis ay hinalikan nya muna ako (Goodbye kiss) ramdam ko sa halik na yon yung pagmamahal nya sakin.
"My loves sige na sumama kana kay mommy pauwe" -Nathan
"Nathan bumalik ka agad ha?"
"Ito naman hindi pa nga ako nakakaalis gusto mo na ako pabalikin? Promise babalik ako agad" -Nathan
"At wag ka ding titingin sa ibang babae"
"Oo naman, Loyal ata tong Boyfriend mo" -Nathan
Bago umalis si Nathan ay hinalikan ko ulit sya, May mga bagay talaga na kahit mahirap kailangan mo tanggapin, May mga tao talagang kailangan umalis para sa ikagaganda ng lahat.
habang naglalakad si Nathan palayo ay sya naman pagagos ng luha sa aking mga mata.
"Dex tara na?" -Tita
"Sige po"
Pinunasan ko muna ang luha ko at saka sumabay na kay tita pauwe.
Bago umalis si Nathan binilin nya sakin na duon daw ako sa bahay nila tumira at duon ako mismo sa kwarto nya matulog, Pero ang sabi ko hindi na sa bahay nalang uuwe kasi kapag nandon pa ako sa kanila titira baka lalo lang ako mahirapan at lalo kolang sya mamiss.
Nagpahatid ako kay Tita hanggang sa bahay at dumiretso agad ako sa kwarto ko at nagmukmok sa higaan habang yakap yakap si Nathan, Yung teddy bear na binigay sakin ni Nathan. Binigay ulit sakin ni Nathan para daw kapag gusto ko syang yakapin ay yakapin ko lang yung manika.
'Nathan? Wala na yung daddy mo pero nag promise naman sya sakin na babalik sya agad'
Para akong tanga na nakikipag-usap sa isang teddy bear habang tumulo na naman ang luha ko.
Naramdaman ko nalang na may yumugyog sakin, Nakatulog pala ako ng hindi ko namamalayan.
"Dex anak kumain kana" -Mama
"Hindi po ako nagugutom"
"Anak naman? Sige na kumain kana sa tingin mo ba matutuwa yang boyfriend mo kapag nalaman nya ginugutom mo ang sarili mo?" -Mama
"Sorry ma pati kayo nag-alala pa sakin"
"Dex alam kong masakit yang nararamdaman mo pero wag mo naman na sana pahirapan ang sarili mo" -Mama
Tama si Mama bakit ko pa kailangan pahirapan ang sarili ko? Meron namang Video call para makapag usap kami atsaka saglit lang naman si Nathan sa US at babalik din sya agad kaya dapat hindi ako nagkakaganito dahil baka pagbalik mukha akong ewan.
# CHAPTER 71
DEX'S POV
"Dex mahal na mahal kita"
"Mahal na mahal din kita Nathan"
Hindi ko akalain na makakabalik agad si Nathan, Tinupad nya ang pangako nya sakin. Binalikan nya agad ako. Pero parang may mali? Si Nathan kasi parang unti unting naglalaho sa paningin ko
Napabalikwas ako ng bangon dahil sa eksenang yon, Hayss panaginip lang pala. Pero parang totoo talaga na kasama ko si Nathan at mukhang malungkot sya habang sinasabi na Mahal na mahal nya ako.
Kinuha ko agad yung phone ko dahil hindi maganda ang pakiramdam ko, Pagbukas ko ay may message na agad sakin si Nathan. Video message yon kaya plinay ko agad.
'Hi My loves wag kang papagutom kumain ka ng marami para hindi ka pumayat at wag mong papabayan ang pag-aaral mo at wag kanang umiyak para hindi ka pumangit. I love you my loves'
Eto na naman ako huhu kahit kakasabi palang ni Nathan na wag akong iiyak, Naiyak padin ako sa Video na pinadala nya. Isang araw palang ang lumilipas pero parang pakiramdam ko taon na agad.
Syempre gumawa din ako ng video ko.
'Nathan miss na miss na kita! Bumalik ka agad ha??? I love you too'
Ang hirap pala kapag malayo ka sa taong Mahal mo pakiramdam mo parang hindi ka nya babalikan.
Humiga muna ako ulit at nagsampung isip kung papasok ba ako hindi? Para kasing wala akong kagana gana, Nandito nga yung katawan ko pero yung puso at isip ko parang sumama kay Nathan paalis.
Pero naalala ko bigla yung sinabi ni Nathan na wag akong papagutom at wag kong papabayaan ang pag-aaral ko.
Tumayo ako bigla at kumilos na, Dapat maging normal padin ang lahat sakin dahil hindi matutuwa si Nathan kapag nalaman nya na nagpalosyang ako haha baka ipagpalit nya ako.
Pumunta agad ako sa kusina para magluta nga aalmusalin namin.
Paggising nila mama ay nakahanda na lamesa yung kakainin nila.
"Good Morning MA! Pa! Kain napo kayo"
Lumapit naman si mama sakin at hinipo ako sa noo at leeg.
"Ma anong ginagawa nyo?"
"Sinisigurado ko lang baka kasi nilalagnat ka" -Mama
"Ma wala akong lagnat kaya kumain nalang kayo ni papa dyan masarap yang niluto ko"
"Sigurado kang okay kalang talaga?" -Mama
"Oo naman ma bakit nyo ba gustong malaman kung okay na ako?"
"Kasi kahapon lang iyak ka ng iyak, Tapos kagabi hindi ka kumain at nag mukmok sa kwarto mo. Anyare ngayon? bakit parang sumigla ka ata?" -Mama
"Si mama talaga parang bago ng bago. Ganito naman talaga ako dati"
"Sige na magsikain na kayo, Dex gusto mo ba ihatid na kita sa school mo?" -Papa
"Kayo po bahala pa"
Ano kayang problema ni Mama haha? Ganito naman talaga ako dati, Masaya akong kunain pero si mama nakatingin padin sakin yung parang gustong basahin kung ano ang nasa isip ko.
Pagkatapos kong kumain ay naligo na ako at nagbihis. Hinatid ako ulit ni papa sa school, Ayaw kong malaman ni Nathan na pinapabayaan ko ang sarili ko lalong lalo na ang pag-aaral ko.
Habang naglalakad ako ay nakasalubong ko si Jasmine.
"Hi Dex kamusta? Nabalitaan ko umalis daw si Nathan" -Jasmine
"Eto medyo nalulungkot pero syempre kailangan padin magpatuloy"
"Tama yan Dex wag kang mag-alala babalik din yon, At nandito naman kaming dalawa ni Dan para hindi kana malungkot" -Jasmine
Speaking of Dan ilang araw kona din pala syang hindi nakikita, Galit kaya sya Sakin? Pero ang sabi nya hindi naman daw.
"Jasmine nakita mo ba si Dan?"
"Alam mo hindi ko na nga sya masyado nakikita at nakakasabay parang iniiwasan nya din ako. Dahil alam mona" -Jasmine
Umiiwas si Dan? Naguguilty tuloy ako sa ginawa ko sa kanya alam kong masakit yon dahil dana kona ang mareject at hindi mahalin ng taong mahal natin.
Pero sa kabilang banda ay tama padin na sinabi ko sa kanya yung totoo kong nararamdaman kesa naman masaktan ko pa sya sa kasinungalingan.
"Pupuntahan ko nalang siguro sya mamaya"
"Nako Dex wag na muna siguro, Baka nagmomove on payon at baka kapag pinuntahan mo sya ay lalo lang syang mahirapan na kalimutan ka" -Jasmine
"Pero gusto ko sanang magsorry sa kanya at sana maging magkaibigan padin kami"
"Palipasin mo muna Dex, Sigurado naman ako na sa kabila ng pagamin nya sayo ay pwede padin kayong maging magkaibigan" -Jasmine
Napahawak ako bigla sa kwintas na suot suot ko na bigay sakin ni Mark. Siguro nga dapat palipasin ko muna at kagaya ng nangyari samin ni Mark ay baka pwede kaming maging magkaibigan.
Nagkwentuhan pa kami habang naglalakad natapos lang ng magkahiwalay kami kasi nagkaiba ang way namin papunta sa mga room namin.
Dahil nadin sa bilin sakin ni Nathan ay talagang nakinig ako sa mga lessons namin ngayong araw.
At nung nagrecess hindi ko din nakita si Dan hinintay ko pa nga sya kaso hindi ko din nakita hanggang sa umabot na ng uwian ay hindi ko man lang nakita si Dan.
Habang naglalakad ako ay hinarang ako nila Irish kasama ni Bea at Venus.
Lalagpasan kona sana sila pero hinawakan ako ni Venus sa braso at hinila papunta sa harap nila.
Bakit ba ayaw nila akong tantanan? Umiiwas na nga ako pero sila padin ang lapit ng lapit sakin.
"Ngayong wala na si Nathan wala ng magtatanggol sayo. Kawawa ka naman." -Venus
Lumapit sakin si Venus at akmang sasampalin ako, Pero mas nagulat ako ng pigilan ni Irish ang kamay nya.
"Irish ano ba bitawan mo nga ako!" -Venus
"Just leave him alone!" -Irish
"What?! Are you out of your mind? Chance na natin to para magantihan yang baklang yan sa pangaagaw nya sayo kay Nathan at pagakit pati kay Dan!?" -Venus
"I said! Leave!"
Hindi ko akalain na sisigawan nya ng ganon si Venus, Maski si Bea hindi rin inexpect na gagawin yon ni Irish.
Nagdabog paalis si Venus at sinundan naman sya ni Bea kaya naiwan kaming dalawa ni Irish.
"Irish thank you"
"Sa susunod kasi kung alam mong sasaktan kana dapat lumaban ka. Hindi yung hahayaan mo lang na sinasaktan ka ng ibang tao" -Irish
Hindi ko alam kung pinagsasabihan nya ako o pinapagalitan pero pasalamat padin ako sa kanya dahil pinigilan nya si Venus.
"Irish? Gusto ko lang sana magsorry sayo kung inisip mo na inagaw ko sayo si Nathan pero promise hindi ko talaga ginawa yon"
"Wag mong isipin na porket tinulungan kita ay magkaibigan na tayo" -Irish
Naglakad na palayo si Irish grabe sya ang taray padin haha, Pero bago paman sya nakalayo ay sumigaw ako.
"Irish!!!! Sana dumating yung time na pwede na tayong maging Friend!!"
Huminto lang sya saglit at naglakad na palayo, Alam ko at nararamdaman ko ay mabuting tao padin naman si Irish nabubulugan lang sya ng pagmamahal nya kay Nathan kaya nakagawa sya ng mga bagay na hindi maganda at sana dumating talaga yung time na maging kaibigan ko sya.
IRISH POV
"Irish ano bang pumasok sa utak mo at pinigilan mo akong sampalin yung baklang yon?" -Venus
"Nothing"
"Nothing? Ano to biglang nagbago ang ihip ng hangin at bigla kang bumait??" -Venus
Hindi ko na napigilan ang sarili ko at nasampal ko si Venus.
"Bakit ano bang tingin mo sakin? Masamang tao? Oo aaminin ko naging Masama ako pero lahat yon dahil nabulugan ako sa pagmamahal ko kay Nathan"
.............................FLASHBACK.......................................
"Nathan anong bang pag-uusapin?"
"Tungkol sana kay Dex, Gusto na wag mo nayang gagawan ng hindi maganda" -Nathan
"Para ano? Para maging masaya na kayong dalawa? Habang ako mag-isang nasasaktan? no way! Ano bang nakita mo sa kanya na wala sakin???? Nathan bakla sya ako babae ano bang mapapala mo sa kanya?"
"Si Dex mahal ko at mahal nya ako ayon ang importante sa lahat kaya wag monang itanong sakin kung ano ang mga nakita ko sa kanya kung bakit sya ang mahal ko ngayon." -Nathan
Sobrang masakit na marinig mismo sa taong mahal mo na may iba na syang mahal.
"Nathan sabihin mo sakin kung ano ang dapat kong gawin para mahalin mo ulit ako? Kung gusto mo titigilan ko na si Dex pero sana sakin kana lang ulit"
"Irish alam mong hindi na mangyayari yang sinasabi mo dahil may mahal na akong iba, Kaya sana tanggapin mo nalang. Alam mo ba nung iniwan mo amo dati sobrang naging madilim yung mundo ko akala ko hindi na ako makakabangon pero nung dumating si Dex binigyan nya ng liwanag at binigyan nya ako ng panibagong pag-asa. Kaya sana lang Mahalin mo din yung mga taong mahal ko" -Nathan
"Hindi ko alam kung makakaya koyang sinasabi mo"
"Irish hindi mo naman kailangan na kaibiganin si Dex gusto ko lang na kapag wala na ako ay hindi mo na sya gagalawin" -Nathan
"Wala? Bakit saan ka pupunta?"
"Susundan ko si Daddy sa US kaya sana habang wala ako gusto na ikaw ang magbantay at magprotekta kay Dex" -Nathan
"Bakit mo sinasabi sakin ang mga bagay na ganyan? Hindi mo ba naisip na pwede kong gamitin ang pagkakataon nato para gantihan yang Dex nayan?"
"Alam ko naman na hindi mo yon gagawin. Yung Irish na kilala ko mabait at matulungin pero kung may mga nagawa kaman dati na hindi maganda alam ko naman na hindi mo yon sinasadya" -Nathan
Bakit ganito ang nararamdaman ko? Dapat natutuwa ako na aalis si Nathan dahil wala nang makakapigil sakin na gantihan si Dex Pero bakit nalulungkot ako para sa kanilang Dalawa? At pakiramdam ko ang samasama ko nang tao.
............................END OF FLASHBACK........................
"Pwede ba itigil nyo na yan hindi dapat tayo nag aaway away" -Bea
"Irish Sorry kung nasabihan kita na masama nanibago lang kasi ako" -Venus
"Okay na yon"
Niyakap ako ng mahigpit ni Venus at ganon din ako sa kaniya, Si Venus at Bea lang kasi ang tagal sa ugali ko kaya kahit hindi ko man madalas maipakita sa kanila ay importante silang dalawa sakin.
# CHAPTER 72 "GRADUATION"
DEX'S POV
Ngayong araw ang Graduation namin, Sa sobrang excited ko ay hindi ako nakatulog ng maayos.
Parang kailan lang kakaumpisa ko palang ng Senior High pero ngayon Gagaraduate na ako sayang lang at wala si Nathan ngayon, Hindi nya makikita ang isa sa pinakamagandang kaganapan sa aking buhay at ang mismong pagsabit sakin ng medal.
Isang linggo nadin pala ang nakalipas simula ng umalis sya at hanggang ngayon ay hindi pa sya bumabalik, Kapag tinanong ko naman sya ang lagi nyang sinasagot babalik sya sa agad.
"Dex tara na baka malate pa tayo"
"Saglit lang ma, Tatawagan ko lang si Nathan"
"Sige basta bilisan mo ha?"
"Okay ma"
Nagvideo call agad ako kay Nathan at sinagot naman nya agad.
'
Wow ang ganda naman ng my loves ko'
'Sus! Bolero! Alam ko naman na maganda talaga ako'
'My loves congrats, College kana next school year'
'Oo nga eh. Kinakabahan ako'
'Wag kang kabahan lagi naman akong nasa puso at isip mo'
'Kelan kaba kasi babalik?'
'Bakit miss mo na ba ako?'
'Aba syempre! Kaya bumalik kana'
'Wag kang mag-alala my loves babalik din ako agad may inaasikaso lang ako'
"Dex tara na!!!" Rinig kong sigaw ni mama.
'
Sige na My loves galit na ata si Tita, Goodluck and congrats sayo. I love you!'
'I love you too My loves'
Kinuha kona agad yung toga ko at lumabas na baka maarmalite pa ako ni Mama.
At guess what kung anong sinakyan namin? Syempre yung Jeep ni Papa haha.
Alam kong super proud nila sakin dahil nagbunga na yung mga paghihirap nila at syempre nagpasalamat din ako kay Tita kasi sya yung nagbayad lahat ng gastusin ko sa school.
Pagdating namin sa event center ay madami nang mga estudyante, Lahat sila nagniningning ang mga ngiti sa mga labi.
Lalo na ang mga ngiti ng mga magulang na sobrang saya dahil nagbunga na ang kanilang mga pagod.
Ilang minuto lang kaming naghintay at nagsimula na ang Graduation namin.
Yung tuwa ko walang mapaglagyan lalo ng isabit nila mama at papa yung medal ko alam kong sobrang proud sila sakin dahil sa na achieve ko.
Sayang at wala dito si Nathan sana nakita nya yung isa sa importanteng kaganapan sa buhay ko.
"Congrats anak" bati sakin ni Mama
"Thank you ma"
"Proud na Proud kami sayo"
"Thank you din Pa, Para po sa inyo to. Hindi mangyayari to kung hindi dahil sa sipag at tyaga nyo."
Niyakap ko silang dalawa na sobrang higpit.
Pagdating namin nila mama at papa hindi ko iniexpect na nandon yung iba naming mga kamag anak at may pa tarpaulin pa sila! Yayamin haha, Ang expected ko talaga kami lang tatlo ang magcecelebrate at hindi lang yon nandito din si Miles pati si Mark ang dalawa sa mga kaibigan ko.
"Congrats Dex!!!"
Sabay sabay nilang bati sakin, Naiyak na naman tuloy ako sa sobrang saya.
Isa isa naman silang lumapit sakin at niyakap ako.
"Be Congrats Sayo!!!"
Bati sakin ni Miles sabay yakap ng mahigpit.
"Congrats den! Graduate na tayo woooh"
Mas nauna lang kasi ang graduation nila Miles kesa samin at syempre pumunta din ako sa bahay nila Miles non para makipag Celebrate.
"Ang taray mo be may pa Medal ka" puri sakin ni Miles
"Haha ganon talaga kapag inspired ka"
"Kaya nga eh, Kaya tulungan mo na ako mapalapit kay Dave para naman mainspire nadin ako, Pleaseeeeee"
Hinawakan ni Miles yung kamay ko at nag paawa effect sakin.
"Oo na tutulungan na kita"
"Talaga??!!?!?!! Salamat!!!!!"
Grabe yung saya ni Miles sa pag-oo ko haha kulang nalang bugbugin nya ako sa sobrang kilig.
"Dex Congrats"
Lumapit sakin si Mark at niyakap ako, Kumawala ako agad kasi hindi ako kumportable sa yakap nya.
"Thank you Mark, Congrats din sayo kasi Graduate kana din ng Senior High"
"Oo nga eh akala ko talaga hindi na ako makakapasa"
"Hanggang ngayon ba naman wala kapa ding bilib sa sarili mo?"
"Meron naman haha"
"Ah eh pano, Duon na muna ako kala tita para makapag-usap kayo"
Iniwan na kami ni Miles at parang may dumaan na anghel at natahimik kami.
"Nabalitaan ko buntis daw sya, Kamusta na sya?"
Ako na amg bumasag sa katahimikan para mawala yung awkwardness saming dalawa.
"Eto nakakapressure at nakakatakot pero masaya at excited kasi magkaka baby na kami"
Kita ko sa mukha ni Mark ang labis na kaligayahan at masaya aki dahil don.
Wala naman akong hiniling kundi ang maging masaya sya at ngayong magiging tatay na sya Sana maging masaya pa ang buhay nya.
"Eh kayo ni Nathan kamusta na?"
Natahimik ako bigla sa tanong nya, Alam na kaya nya ang tungkol samin ni Mark? Ang natatandaan ko wala naman akong nababanggit na kahit ano sa kanya.
"Ano bang sinasabi mo dyan?"
Hinawakan ni Mark yung kamay ko at tumingin sakin, Hindi naman ako makatingin ng diretso sa kanya kasi ang awkward lang.
"Wag ka nang magsinungaling sakin Bestfriend mo kaya ako at sinabi na din pati sakin ni Miles ang tungkol don"
Sabi na eh, Lagot ka talaga sakin mamaya Miles ang daldal mo talaga.
"Sinabi na pala nya sayo"
"Masaya ako para sayo Dex dahil nahanap mo na din yung taong Para sayo, Yung taong Deserve mo na mahal ka katulad ng pagmamahal mo. Sorry kung nasaktan kita, Hindi ko naman sinasadya yon"
"Kung nasaktan mo man ako noon tapos na yon ang importante ay yung ngayon. Alam mo Mark nagpapasalamat pa nga ako kasi sinaktan mo ako kung hindi mo ginawa yon hindi ko makilala si Nathan, Hindi ko mararanasan ang maging masaya at mahalin katulad ng pagmamahal ko"
Kung ano man ang nararamdaman ko para kay Mark pagkakaibigan nalang siguro yon.
Masaya na ako sa kung anong nangyari sa mga buhay namin ngayon at ngayon pareho na namin natupad yung isa sa pangarap namin ay ay ang maka graduate sa senior high.
Nagulat nalang ako ng bigla nya akong kinurot sa pisngi, Grabe ang sakit kulang nalang tanggalin nya ang balat ko.
"Aray! Bakit mo ako kinurot??!"
"Ang drama mo kasi, Hindi pa din nagbabago"
Tumayo si Mark at ginulo yung buhok ko sabay takbo alam na alam padin ni Mark kung ano ang ang mga hindi ko gusto isa na don ang guluhin ang buhok ko, Tumayo naman ako para habulin sya pero bigla kong naalala ang liit lang pala ng bahay namin para mag marathon haha.
Lumapit nalang kala mama at nakipag kwentuhan.
"Oh ayan na pala yung matalino kong anak"
"Ma? Matalino agad?"
Nahiya tuloy ako sa mga tita ko na pumunta, Si mama talaga haha.
"Bakit talaga naman ah kaya ka nga nagka Medal"
"Kumain na po ba kayo?"
Pag-iiba ko sa usapan haha pinipigilan kona si Mama dahil baka kung ano ano pa ang sabihin nya sa mga tita ko sa side ni papa. Baka isipin nila mayabang si Mama.
"Mamaya nalang siguro Dex"
"Kumain napo kayo masarap po yung mga pagkain Dito"
Hinila ko na sila para makakain nadin, Alam ko kasing gutom nadin sila sa paghihintay sakin.
MILE'S POV
Napansin kong parang nalugi ang mukha ni Dex kaya lumapit ako sa kanya, Dapat masaya sya ngayon dahil graduate na sya at hindi lang yon Honor student pa sya kaya dapat masaya sya ngayon.
"Be anong problema? Bakit ganyan ang mukha mo?"
"Hindi pa kasi tumatawag si Nathan"
"Akala ko naman kung ano na, Baka busy lang yon kaya hindi ka natatawagan alam mo naman magkaiba ang oras dito at sa kanila"
"Siguro nga busy lang sya"
"Wag kana mag mukmok dyan dapat masaya ka kasi College kana next school year"
Ngumiti din naman agad si Dex, Mahal na mahal na nya talaga si Nathan huli ko syang nakitang nagkaganyan ay yung inlove na inlove pa sya kay Mark.
"Tara na nga kumain nalang tayo, Masarap ang mga niluto ni Mama
"Mabuti pa nga, Baka gutom lang yan"
Kahit nakangiti si Dex kita mo parin sa mga mata nya na parang may hinahanap sya at may kulang sa kanya.
Pero bilang kaibigan kailangan pasayahin ko sya dahil nung mga panahong malungkot din ako si Dex ang nagpapatawa sakin ngayon turn ko naman para pasayahin sya.
Hindi rin kami nagtagal ni Mark at nagpaalam nadin kay Dex, Gusto ko pa sana magtagal kaso Pagabi nadin kasi.
"Dex uwe na kami, Congrats ulit"
"Congrats ulit"
"Ingat kayo ha? Salamat sa pagpunta nyo"
"Bye Dex kitakits nalang"
Naglakad na kami ni Mark palayo pero iniisip ko padin si Dex, Oo nakangiti sya pero iba kasi yung sinasabi ng mga mata nya.
"Mark?"
"Bakit? May problema ba?"
"May gusto kasi akong gawin kay Dex at kailangan ko ng tulong mo para magawa yon"
"Sige ano ba yon?"
Pinaliwanag ko kay Mark kung ano ang balak ko, Sana sa gagawin namin ay maibsan kahit konti yung kalungkutan ni Dex dahil sa pagkamiss sa Boyfriend nya.
DEX'S POV
Kanina ko pa minimessage si Nathan pero hanggang hindi padin sya sumasagot.
Ano kayang nangyari don? Ngayon lang nya ginawa sakin to dati naman halos oras oras magka-usap kami.
Hindi ko tuloy maiwasan na hindi mag-isip ng hindi maganda.
Pati si Tita Emman hindi din sinasagot yung mga calls and texts ko huhu ano kayang nangyayari??
Nagsend nalang ako ng Voice message sa kanya.
'My Loves kamusta kana? Miss na kita.'
Pagkatapos non ay natulog nalang ako.
Sana bukas paggising may reply na sya sakin, sana busy lang talaga sya at walang nangyaring masama sa kanya.
.
.
.
*Sino kaya kala DAN, MARK, NATHAN at DEX ang magsasabi ng "KUNG AKO NALANG SANA"
# CHAPTER 73
DEX'S POV
Ano na kayang nangyari kay Nathan? Bakit kaya hanggang ngayon wala padin syang reply.
Pagkatapos kong maglinis ng bahay at tumulong kay mama sa iba pang gawaing bahay ay nagpaalam ako sa kanya na pumunta sa bahay nila tita Emman.
"Manang nandyan po ba si Tita?"
"Nako Dex wala ngayon dito si Mam may business trip sya kaya matatagalan syang bumalik"
"Ganon po ba, Sige manang una na ako"
"Hindi kaba papasok?" Tanong sakin ni Manang
"Hindi na po, May gagawin padin po kasi ako"
Kung mamalasin ka nga naman pati si Tita wala din, Bakit ba kasi ayaw akong contactkin.
"Dex!"
Tawag sakin ni Kuya Alex kaya napahinto ako sa kanga.
"Bakit po kuya?"
"Bago umalis si Sir Nathan may iniwan sya sakin ang sabi nya ibigay ko daw sayo, Pasensya na ngayon kolang nabigay sayo nawala kasi sa isip ko"
"Ayos lang po kuya"
Inabot sakin ni Kuya yung isang papel, Kinuha kona agad yon at binasa habang naglalakad .
'Hi My loves Mahal na Mahal kita, Hindi ko alam kung anong pinakain mo sakin at Mahal na Mahal kita. Ngayong graduate kana sana wag kanang maging iyakin at gusto ko habang wala ako wag kang titingin sa ibang lalaki dahil akin kalang. Antayin mo ako, Pangako babalik ako'
Ayon lang ang nakasulat sa papel at wala ng iba. Hindi din naman nakalagay kung kelan sya babalik o kung bakit matagagalan sya sa pagbalik.
Ilang araw na syang ganito sakin, Sabi nya babalik sya agad pero bakit hanggang ngayon hindi padin sya bumabalik?
Sobra na yung pag-alala ko kasi hindi ko alam kung anong nangyayari sa kanya, Kung ba sya o baka naman nakahanap na sya ng bago.
Pero may ilan pa akong kilala na baka alam nila kung ano ang nangyayari kay Nathan. Ang mga kaibigan nya.
Dali dali akong pumunta sa bahay nila Steve pero maging sya hindi nya din alam, Simula daw ng umalis si Nathan wala nadin syang balita.
Sumunod naman ang pumunta sa bahay nila Anthony at Matthew pero pati sila wala ding balita.
Huli kong pinuntahan ang bahay ni Dave.
"Dex napadalaw ka? May problema ba?" Tanong sakin ni Dave
"Gusto ko lang kasi sanang malaman kung alam mo kung anong balita kay Nathan"
"Si Nathan? Bakit hindi ba kayo nagkakausap?"
"Hindi eh, Magdadalawang linggo na syang hindi nagmessage o sumagot man lang sa mga messages at calls ko"
"Nako Dex pasensya na wala din akong balita, Subukan mong tanungin si Tita Emman baka alam nya"
"Yun na nga din eh wala si Tita"
"Ganito nalang kapag nag message sakin si Nathan ipapaalam ko agad sayo"
"Sige, Sige Salamat. Nag-aalala lang kasi ako"
Tumayo na din ako at nagpaalam na sa kanya, Kahit pala mga kaibigan ni Nathan hindi din alam kung anong nangyari sa kanya, Hinatid naman ako ni Dave palabas sa kanila.
"Dave salamat sa time hindi na din ako magtatagal, Una na ako"
"Sige ingat"
Maglalakad na sana ako pero bigla syang nagsalita.
"Wag kang mag-alala Dex Mahal na Mahal ka ni Nathan at hindi kanon ipagpapalit kahit ilang daan pang babae ang nasa paligid nya"
Napahinto ako at napalingon kay Dave sabay ngiti at naglakad na paalis.
Tama sya hindi dapat ako mag-alala dahil Mahal ako ni Nathan at panghahawakan ko yon.
Inabot na ako ng gabi dahil sa pagpunta ko sa mga bahay ng mga kaibigan ni Nathan, Nakailang missed calls nadin pala sakin si Mama.
Pumara agad ako ng taxi para makauwe na (Rk na ako haha naka Taxi na)
Habang nasa byahe ako si Nathan padin ang nasa isip ko sobra na akong nag-aalala sa kanya. Sa buong buhay ko ngayon lang ako nakaramdam ng ganito.
"Sir san po tayo?"
tanong sakin ng driver.
Gusto ko sanang isagot na 'Kuya pakidala naman po ako kay Nathan sobrang miss na miss kona po kasi sya' Kaso baka isipin ni kuyang driver nababaliw ako.
"Manong sa may Hi-way po"
Yung tinutukoy kong Hi way ay yung lugar na pinupuntahan ni Nathan kapag gusto nya mapag-isa o di kaya nalulungkot sya.
Ilang minuto din ang byahe namin bago makarating malamig na ang simoy ng hangin, Gabi na pala sigurado ako nag-aalala nadin sakin si Mama.
"Kuya pwede po bang pahintay? 5 minutes lang po"
"Sige po sir"
Bumaba na agad ako ng taxi at lumapit sa may bangin, Dati takot ako sa mataas pero ngayon hindi na dahil tinuruan ako ni Nathan na maging matapang.
"Nathan!!!! Asan kana ba!!!!!????? Sabi mo babalik ka agad???? Pero hanggang ngayon wala kapa din?!!!!!!!"
Halos maputulan na ako ng ugat dahil sa lakas ng pagsigaw ko, Nagbabakasali kasi ako na baka marinig nya yung boses ko kung nasaan man sya naroroon.
"Nathan!!!! Sobrang miss na miss na kita!!!? Bumalik kana please!!!!"
Sa pagkakataong ito ay napiyak na naman ako, Andami kasing katanungan sa isip at ni isa walang kasagutan.
Mamaya ay lumapit sakin yung driver, Napansin siguro nya na umiiyak nako.
"Sir ayos lang po ba kayo? May problema po ba?"
"Wala po kuya, Ayos lang po ako. Tara na po"
Pinunasan ko muna yung luha sa mata ko bago sumakay.
Habang nagbabyahe kami pauwe ay sobrang sakit padin ng nararamdaman ko, Ewan ko ba kung bakit.
"Sir pwede po bang magtanong?"
"Ano po yon?"
"Pwede ko bang malaman ang pangalan nyo?"
"Dex po"
Hindi na ako nagdalawang isip pa na sabihin ang pangalan ko dahil mukha naman syang mabait.
"Bakla po ba kayo?"
"Yes po, Bakit?"
Hindi ko alam kung bakit nya tinanong yon pero kung ano naman ang intensyon ni kuya ay bahala na sya basta ako proud ako sa kung ano ako dahil maraming nagmamahal sakin sa kung ano man ang pinili ko ngayon.
"Ako naman si Juanito, Kuya Juan nalang ang itawag mo. Alam mo ba meron din akong anak na bakla"
"Talaga po?"
"Oo kaso patay na sya" malungkot nyang sabi
Bigla naman ang nalungkot sa sinabi ni kuya. Patay na ang anak nya, Ano kayang nangyari?
"Ano pong kinamatay nya? Ano pong sakit?"
Napatanong nalang din ako dahil na curious ako ng sobra at the same time naawa bigla kay Kuya Driver.
"Hindi sakit ang kinamatay nya. Namatay sa dahil na bully sya. Na bully sya dahil sa kasarian nya, Na bully sya dahil sa bakla sya.
Mabait na bata ang anak ko wala syang ibang gusto kundi ang mapasaya ang mga tao sa paligid nya pero sadyang naging madaya ang tadhana sa kanya. Yung mga taong nakapaligid sa kanya ay nilalait at sinasaktan sya hanggang sa buhay na nya ang kinuha"
"Ano pong nangyari sa nang bully sa anak nyo?"
"Nakakulong na sila ngayon. Dapat nila pagbayaran ang ginawa nila sa anak ko, Mahal na mahal ko yong anak kong yon tapos ginanon lang nila"
Bigla kong naalala sa kanya si papa kaya sinabi ko sa kanya na ihinto muna, Lumipat ako sa harapan at niyakap si kuya ng mahigpit sa ganitong paraan man lang mapagaan ko ang loob nya ramdam ko kasi yung sakit at hirap na nararamdaman nya.
"Manong sige po iyak lang po kayo"
"Pasensya kana ha? Bigla ko lang kasi naalala yung anak ko sayo halos kasing edad mo lang kasi sya"
"Wala pong problema yon"
Sana dumating yung time na wala ng bakla ang masasaktan dahil sa pangungutya at pang bubully ng mga tao.
Sana marealize din nila na ang mga bakla ay tao nadin na may puso at kailangan respetuhin.
Ang hirap kasi sa ibang tao hindi nila alam yung totoong nararamdaman ng mga kagaya ko, Na sa bawat pangmamata, panlalait at pananakit na ginagawa nila ay parang unti unti nadin nila kaming pinapatay.
Sa bawat araw na ginawa ng Diyos ang hirap makisalamuha sa mundong puno ng mga taong mapanghusga ang hirap magpakatotoo dahil nakakatakot ang sasabihin ng iba.
Sana Lang, Sana lang dumating ang time na matanggap kami ng buo mahalin at respetuhin ng tama.
"Kaya ikaw Dex kung ano man ang dahilan ng pag-iyak mo sana maging okay kana at Sana hindi yan ang maging dahilan para mahirapan ka"
Naiyak tuloy ako sa sinabi ni Kuya para kasing si papa sya kung magsalita, Sigurado ako nung buhay pa ang anak nya ay mahal na mahal nga yon.
Akala ko sobrang hirap na ng problema ko pero mas mahirap pala ang kay Kuya Sam kase sakin pwede pang bumalik ang sa kanya hindi na.
Nagpahatid na ako kay kuya sa bahay at masaya akong nagpaalam sa kanya.
Sana malampasan nya kung ano man ang pinagdadaanan nya ngayon.
Pagpasok na pagpasok ko palang sa bahay ay sinalubong na ako ni Mama.
"Dex ano kaba naman san kapa nagpunta? bakit hindi ka nagtext? Bakit hindi mo sinasagot ang nga tawag ko? Hindi mo ba alam kanina pa ako hindi mapakali dito dahil akala ko may nangyari ng masama sayo"
"Ma sorry na namatay na kasi yung phone ko"
Niyakap ko si Mama at halatang nagtataka sya sa ginawa ko.
Masaya lang ako kasi maswerte ako na may magulang ako na tumanggap at nagmahal sakin sa kabila ng kasarian ko.
"Anak kung may problema ka pwede mo naman akong kausapin, Kami ng papa mo"
"Ma ayos lang po ako"
"Sigurado kaba?"
"Opo ma, Ayos lang talaga ako"
After kong kumain ay pumunta na ako sa kwarto ko para matulog at nakita ko si Nathan (Yung Teddy Bear) Kinuha ko sya at itinabi sakin paghiga.
"Nathan? Asan na kaya yung Daddy Nathan mo noh? Sana okay lang sya, Sana nakakatulog sya at sana bumalik na din sya kasi kahit anong gawin ko parang may kulang padin"
Para akong tanga na naghihintay ng sagot sa isang manika.
Tapos tiningnan ko yung singsing na bigay nya sakin.
Hihintayin kita Nathan hanggang sa makabalik kana, Alam ko ang ginagawa mo dyan ngayon ay hindi madali kaya ipagdadasal ko na maging okay ka dyan. Sana pag balik ay maging okay na ang lahat sa atin.
Basta Hihintayin kita kahit na ano man ang mangyari.
# CHAPTER 74
DEX'S POV
"Miles? Anong ginagawa mo dito?"
"Bumangon kana dyan bakla, Kanina pa kami nandito grabe ka naman matulog. Tulog mantika" -Miles
"Kami? Sinong kayo?"
"Kami nila Mark, Sheena, Tyrone, Nicole at ang Crush mo si Dan" -Miles
"Ha?!?!?! Seryoso ka???? Pati si Dan?"
"Oo be kaya bumangon kan dyan" -Miles
"Ano ba kasing meron? Bakit kayo nandito???"
"Basta lumabas kana tapos magbihis ka at magdala ka ng extra damit may pupuntahan tayo" -Miles
Pagkatapos non ay lumabas na si Miles at wala na akong nagawa kundi ang bumangon at magbihis.
Ano kayang meron at kompleto sila?
Wala naman sigurong may birthday sa kanila.
Paglabas ko ay kompleto nga sila Don, Nakakatuwa lang kasi nakita ulit si Nicole, Tyrone pati si Sheena at syempre hindi ko inaakala na nandito si Dan.
"Oh ayan na tara na" -Miles
"San ba kasi tayo pupunta?"
"Sa Bahay ng lola ko sa Tagaytay" -Tyrone
"Ha? Seryoso kayo? Wala akong pera huhu"
"Wag kanang mag-alala Dex nakahanda na lahat" -Dan
"Wag kanang umangal bakla tara na"
Wala na akong nagawa dahil hinila na ako palabas ni Miles. Sabi nya sakin pinaalam na daw nila ako kay mama at papa.
At ang mga loko naka ready na talaga kasi may pa Van sila.
Si Tyrone ang nagdadrive at katabi nya si Nicole tapos nasa gitna sila Sheena, Mark at Miles tapos kami ni Dan ang magkatabi sa likod.
Habang nasa byahe kami sobrang daldal ni Miles kaya hindi pwedeng hindi din kami magsalita.
"Dex kamusta kana?"
Biglang sumeryoso si Dan pero hindi sya naka tingin sakin.
"Eto okay lang naman" Maikli kong sagot.
"Nabalitaan ko yung pag-alis ni Nathan at alam kong nalulungkot ka ngayon" -Dan
Tama ka Dan! Kung alam mo lang talaga, Sobrang lungkot ko ngayon. Sobrang dami kasing tanong sa isip ko tungkol kay Nathan.
"Sa umpisa lang naman siguro to masasanay din ako atsaka babalik din naman si Nathan"
"Basta kapag kailangan mo ng kausap nandito lang ako, Kami ng mga kaibigan mo" -Dan
"Dex balita ko May boyfriend kana"
Singit ni Nicole mula sa unahan.
"Ah eh oo"
"Iba na talaga kapag gumaganda, Pakilala mo naman samin Boyfriend mo" -Nicole
"Wala sya ngayon dito pero pagbalik nya (Kelan kaya?) Ipapakilala ko sya sa inyo"
"Ako nakita kona yung Boyfriend nya, Mas gwapo pa din ako"
Singit naman ni Tyrone.
Hinampas naman agad ni Nicole si Tyrone at nagtawanan kami.
Si Sheena naman nakasandal lang sa balikat ni Mark at tahimik lang sa buong byahe.
"Dex tulog ka muna sandal ka muna sa balikat ko" -Dan
"Hindi na Dan ayos lang ako"
"Alam kong inaantok kapag kasi inistorbo ka namin sa bahay nyo" -Dan
Hinawakan ni Dan yung ulo at nilagay sa balikat nya, Hindi na din ako umangal at ipinikit ko nalang ang mga mata ko.
Nagising nalang ako dahil naramdaman kong may tumatapik sakin.
"Dex gising na nandito na tayo" -Dan
Grabe nakatulig pala ako ng hindi ko namamalayan? Iba talaga kapag stress ka.
Pagbaba ko ng Van ay bumungad sakin ang isang medyo kalakihang bahay na medyo luma nadin ang disensyo ng pagkakagawa, Marami din mga puno at halaman.
"Guys pasok na tayo" -Tyrone
Kinuha namin yung mga gamit at sinundan na si Tyrone papasok.
Sinalubong kami ng dalawang mag-asawang matanda na lola't lolo ni Tyrone at isa isa kaming nag mano.
"Pasensya na medyo luma tong bahay pero matibay pa to kaya safe tayo" -Tyrone
"Ayos lang yon Tyrone ang importante magkakasama tayong magkakaibigan" -Miles
"Tama yan kaya ilagay nyo na ang mga gamit nyo para mai tour kona kayo sa labas" -Tyrone
"Eh san namin ilalagay?" -Mark
"Sa mga kwarto nyo, Meron pang tatlo dito kaya pili nalang kayo kung sino ang magkakasama" -Tyrone
"Kami na ni Sheena sa isang kwarto" -Mark
"Oh sige, Tapos kami naman nila Nicole at Miles sa isa tapos si Dan at Dex sa isa pa" -Tyrone
"Ha??!?!"
"Wag ka nang umangal Dex" -Miles
Wala na akong nagawa kasi isa isa na silang nagpasukan kaya pumasok nadin kaming dalawa ni Dan para mailagay na namin ang mga gamit namin.
"Dex ayaw mo ba akong makasama?" -Dan
"ha?? Saan naman nang galing yan?"
"Para kasing ayaw mo eh" -Dan
"Anong ayaw ka dyan? Tumigil ka nga dyan, Tara na para makapag tour na tayo mukhang maganda dito"
Niyaya kona palabas si Dan at ayon ang nangyari Tinour nga kami ni Nathan.
Nakakatuwa kasi andami nilang alagang hayop tapos ang daming tanim na ibat ibang klase ng gulay.
Nauna sa paglalakad yung tatlong lalaki tapos nakasunod naman si Nicole at Miles kaya nasa bandang likuran kami ni Sheena.
"Sheena ilang buwan na yang Tiyan mo?"
Tanong ko sa kanya. Ang pangit naman kasin tingnan na magkasabay kami na naglalakad pero hindi nagpapansin dinaig pa namin ang magkaaway.
"2 Months na" -Sheena
"Wow, Congrats pala sa inyo at magkaka Baby na kayo"
"Salamat" -Sheena
Nagkwentuhan pa kami ni Sheena ng medyo Mahana haba hanggang makarating kami sa taniman ng mga mangga hindi sya ganon kataas kaya kayang kaya talaga akyatin. Naglaway agad ako sa nakita ko, Andami nyang bunga huhu parang Gusto kong umakyat kaya nga lang hindi ako marunong Favorite ko pa naman ang mangga.
"Tyrone kuha mo ako ng mangga" -Nicole
"Sige ba" -Tyrone
Umakyat naman agad si Tyrone ng puno, Grabe hindi ko akalain na may lahi palang unggoy itong si Tyrone.
"Ako din Mark kuhaan mo" -Sheena
"Sige" -Mark
Umakyat din si Mark para ikuha si Sheena ng Mangga. Hay, Buti pa sila may kukuha sa kanila kung nandito lang sana si Nathan ipapakuha ko yan lahat sa kanya.
"Dex gusto mo ba ng Mangga?" -Dan
"Oo, Manghihingi na lang ako sa kanila"
"Wag na ikukuha na kita" -Dan
Pumunta agad si Dan sa may puno para umakyat seryso pala talaga sya.
"Dan wag na baka mahulog ka"
"Hindi ako mahuhulog Dex, Kung mahulog man ako alam kong naman nandyan ka para saluhin ako" -Dan
Kumindat muna sakin si Dan atsaka umakyat nadin.
Bawat pitas ni Dan ng mangga ay hinahagis nya sakin at sinasalo ko, Tinitingnan ko palang yung mga mangga naglalaway na ako.
Nang medyo madami na silang nakukuha ay bumaba nadin silang tatlo.
"Dan ang dami ng kinuha mo baka hindi ko maubos yan"
"Edi dalhin mo yung iba pauwe" -Dan
Medyo madumi yung mukha ni Dan sa pag-akyat nya, Mabuti nalang may dalawa ang towel (Pasmado kasi ako kaya kailangan may Towel) Lumapit ako sa kanya at pinunasan yung mukha nya.
"Ayan malinis na ulit"
Nagtaka pa ako kasi pagtapos kong punasan ang mukha nya ay nakatitig lang sya sakin, Pakiramdam ko tuloy ako ang may dumi sa mukha.
"Bakit Dan may dumi ba ako sa mukha?"
"Ha? Ah eh wala, Wala tara na?" -Dan
Kinuha namin yung mga mangga na nakuha namin at bumalik na sa bahay ng lola ni tyrone ang ganda sa lugar nato nakaka relax, Parang kapag tumira ka dito hindi ka mahahagard kasi very refreshing yung place.
At ang nakaka enjoy pa ay naligo kami sa may poso.
Ako na ang naunang pumasok sa kwarto namin para magbihis at sumunod naman si Dan at nakahubad na (Ng Damit wag kayong ano)
"Dan san ka magbibihis?" tanong ko sa kanya.
"Dito"
What??!!!?! OM! My Virgin eyes! Si Nathan nga hindi nagbibihis sa harap ko tapos sya gagawin nya.
"Seryoso ka??"
"Oo, Bakit pareho naman tayong lalaki diba?" -Dan
Kinuha ko yung unan na nakalagay sa kama at binato sa kanya.
"Dyan kana nga ang dami mong alam"
Lumabas na ako para makapagbihis na sya at mula sa bintana ay tinanaw ko muli ang ganda ng kapaligiran sana makabalik pa ako dito.
Kinagabihan ay napagdesisyon nila na mag inuman nang matapos kaming kumain.
"Dex inom ka" -Miles
"Cancel ako be alam mong hindi ako umiinom"
"Grabe sya, Minsan lang naman to atsaka konti lang promise" -Miles
"Ayoko talaga be kayo nalang"
Hindi na nila ako napilit at sila nalang ang nag-inuman.
Kami lang ni Sheena ang hindi kasi bawal sa kanya ang alak kasi may baby na sya baka maapektuhan ang baby nila ni Mark.
Yung sinabi ni Miles kanina na konti lang ay nasundan pa ng nasundan hanggang sa malasing na sila, Inalalayan ni Nicole si Tyrone papunta sa kwarto nila ganon din naman si Sheena kay Mark. Si Miles medyo hindi lasing kasi sya tanggera baka nandadaya sya haha.
Ako naman ang umalalay kay Dan papasok sa kwarto namin, Grabe ang bigat nya.
"Dan maglakad ka nga ang bigat mo"
"Sorry Dex" -Dan
Parang biglang lumakas si Dan at dumirediretso papasok sa kwarto namin at humiga. Lumapit naman ako sa kanya at inayos sya ng higa.
Kumuha naman ako ng damit sa bag nya para palitan sya medyo amoy alak nadin kasi yung damit. Hinubaran ko sya (Nang damit) Pero mas nagulat ako sa sumunod na nangyari.
Hinawakan ni Dan yung ulo ko at hinalikan ako, Ilang segundo din akong na estatwa bako bumalik sa ulirat at tinulak ko sya.
Pero nakapikit pa din sya at mukhang walang alam sa ginawa nya.
Tatayo na sana ako para kunan sya ng pamunas pero bigla syang nagsalita.
"Dex, Kung ako nalang Sana ang pinili mo hindi ako mawawala sa tabi mo. Kung ako nalang sana ang minahal mo hindi ka masasaktan ng ganito. Kung ako nalang Sana Dex" -Dan
Nakapikit padin sya habang nagsasalita.
Dan Hindi ka naman mahirap mahalin mabait ka, Gwapo kaya marami pang magmamahal sayo at hindi ako ang taong yon. Pagkatapos ko yong sabibin sa isip ko ay lumabas na ako para kuhaan sya ng pamunas.
Nilinisan ko muna si Dan kasi amoy alak sya at binihisan nadin at tumabi na sa kanya sa pagtulog.
Bukas kaya maalala pa kaya nya yung paghalik nya sakin pati yung mga sinabi nya?
Lasing lang siguro sya kaya nagawa at nasabi yon.
DAN'S POV
Nagising nalang ako dahil naramdaman ko na sumasakit ang ulo ko. Hang over ata medyo napadami ata ang inom ko kagabi si Miles kasi grabe makatagay kulang nalang ipatungga samin yung iniinom namin.
Napansin kong may kamay na nakapatong sa tiyan ko pagtingin ko si Dex mahimbing na natutulog.
Yung sakit ng ulo ko ay biglang nawala ng makita sya at matitigan bigla na lang akong napangiti.
Lumapit pa ako sa kanya at hinalikan sya sa noo.
"Dex Alam kong si Nathan padin ang Mahal mo at sinabihan mo na din ako na kalimutan na kita pero wala eh hanggang ngayon mahal padin kita. Hindi ko alam kung anong pinakain mo sakin at nagkakaganito ako sayo, First time ko magmahal ng isang kagaya mo"
Hininaan ko lang ang boses ko dahil baka magising pasya alam kong napuyat sya sa pag-aalaga sakin dahil kahit lasing ako alam ko yung mga nangyari, Yung Paghalik ko sa kanya lalong lalo na yung mga sinabi ko.
Kung Ako Nalang Sana kasi ang minahal nya hindi ko sya iiwan kagaya ng ginawa ni Nathan.
# FINAL CHAPTER
DEX'S POV
Nagising nalang ako dahil may naramdaman akong mabigat na naka patong sa katawan ko pagmulat ko si Dan nakayakap na sakin pero gising sya at nakatitig lang sakin.
"D-Dan? May problema ba?"
"Wala, Pinagmamasdan lang kita kahit kasi natutulog ka bakas padin sayo ang lungkot"
Buong magdamag kasi Si Nathan ang nasa isip ko, Kahit anong gawin ko hindi ko sya mabura sa isip ko.
Pilit kong iniisip kung ayos lang basya at kung babalikan pa nya ako.
"Sorry iniisip kolang kasi si Nathan"
"Ayos lang, Syempre Boyfriend mo yon natural lang iisipin mo yon"
Umayos ng higa si Dan at humarap sa kisame.
Naalala nya kaya yung ginawa nyang paghalik sakin at yung mga sinabi nya.
Napansin kong nakahawak sya ulo nya na parang masakit ito, Dala nadin siguro dahil napari ng inom kagabi.
"Dan? Gusto mo ba ikuha kita ng Malamig na tubig?"
"Sige Dex, Medyo masakit pa kasi ang ulo ko"
Pumunta ako sa kusina para kumuha ng tubig ang taray nila kahit medyo luma na yung bahay nila ay may ref sila tinalo pa kami haha.
"OH Dex para kay Dan bayan?"
"Oo may hang over pa ata, Dami nyo kasing nainom"
"Oo nga eh, Si Miles kasi grabe mag tagay"
Kumuha din si Mark ng tubig at uminom.
Parang kailan lang Mahal na Mahal ko sya, Umamin ako sa kanya at ngayon magkaibigan padin kami.
"Bakit ka nakatingin sakin? May dumi ba ako sa mukha?"
"Ako nakatingin? Sige ihatid kona to kay Dan baka hinihintay na nya ako"
"Sige pakisabi sa kanya may round 2 pa haha"
Ngumiti nalang ako at bumalik na sa kwarto namin ni Dan, Nakahiga na sya at nakahawak sa ulo nya.
"Dan ito na yung malamig na tubig"
Bumangon naman sya at inabot ko sa kanya yung tubig.
Grabe kasi tong mga to ang babata pa pero grabe kung makalaklak.
"Ang sakit ng ulo ko, Parang umiikot ang paligid"
"Kasi iinom inom ng marami"
"Masaya lang ako kasi nakasama kita at masaya din kasama ang mga kaibigan mo"
Natahimik ako bigla sa sinabi nya at parang ako naman ang sumakit ang ulo.
"Oo nga pala Dan pano ka pala napasama samin?"
"Yun ba? Yung kaibigan mong si Miles pinilit ako na sumama, Sinabi nya sakin na kasama ka daw kaya hindi na din ako nagdalawang isip na sumama"
Now i know, Pakana na naman to lahat ni Miles. Sigurado ako na may iba pa syang sinabi dito kay Dan kaya lang nakakahiya naman magtanong.
"Sige na Dan humiga kana muna dyan, Tutulong lang ako sa labas"
"Sige Dex"
Lumabas na ako para tumulong sa ibang gawain sa bahay nakakahiya naman kasi kung wala kaming gagawin ang kaso mga bagsak pa yung mga naginuman, Kaya lumabas nalang ako ng bahay at nakita ko na naka upo yung dalawang mag-asawang matanda at yung babae nakasandal sya sa balikat ng asawa nya.
Ang sweet nila kahit may edad na sila, Ganito din kaya ako pagtanda ko?
Meron kayang taong magpaparamdam sakin na Mamahalin nya ako hanggang pagtanda.
Umupo muna ako sa isang tabi at pinagmasdan lang sila, Naalala ko bigla si Nathan kung nandito sana sya mas marami kaming mga memories na mabubuo, Kung nandito sana sya mas masaya sana ako, Kung nandito sana sya hindi sana ako nahihirapan ng ganito.
Mayamaya ay may tumabi sakin. Si Mark at tumingin din sya sa dalawang matanda.
"Ang sweet nila noh?"
" Oo nga eh"
"Bakit parang ang lalim ng iniisip mo? kahapon ko pa napapansin, Kamasama ka nga namin pero yunh isip mo lumilipad. Si Nathan ba ang iniisip mo?
Tumingin muna ako sa kanya tsaka bumuntong hininga at inumpisahan ang sasabihin ko.
"Bakit ganon Mark? Kung kelan naman nahanap kona yung taong Minahal at tinanggap ako tsaka naman sya biglang umalis?"
"May dahilan naman siguro kung bakit sya umalis diba?"
Oo at ako ang dahilan kung bakit sya umalis, Gusto nya matapos na ang ugnayan namin bilang magpinsan.
"Alam ko naman yon, Pero ang hindi ko maintindihan bakit hindi sya nagpaparamdam sakin? Hindi nya ba naisip namay nag-aantay sa kanya na halos mabaliw na sa kakaisip kung asan na sya? Kung okay lang ba sya at kung babalik pa sya."
Napaluha na pala ako habang nagsasabi ng sama ng loob kay Mark, Ngayon nalang ulit kami nakapag usap ng ganito kaseryoso.
Hinawakan ni Mark yung ulo ko at sinandal sa balikat ko.
"Dex hindi ko alam kung anong dahilan ng boyfriend mo kung bakit hindi sya nagpaparamdam sayo. Pero sana wag mo naman hayaan yung sarili na puro lungkot nalang kaya ka nga namin sinama dito para magsaya hindi para malungkot"
Pinililit ko naman maging masaya pero wala eh, Kahit anong gawin ko hindi padin maalis sa puso at isip ko ang labis na pagkamiss kay Nathan.
"Mark kung ikaw yung nasa kalagayan ko anong gagawin mo kung bigla nalang hindi nagparamdam ang mahal mo?"
"Sa totoo lang hindi ko alam, Isipin ko pa ngalang na iiwan ako ni Sheena parang hindi kona kakayanin. Kaya nga hanga ako sayo eh kasi nagagawa mo pa din ngumiti kahit paano at sumama kapa dito samin"
"Bakit kasi ang daya ng tandahana? Dati naninlove ako sayo na Bestfriend ko, Tapos ngayon nainlove ako sa sarili ko pang Pinsan at ngayon wala ng paramdam sakin."
"Hindi ko alam kung pano lalaban ang tadhana, Pero kung kayo talaga ni Nathan ang para sa isa't-isa walang kahit ano ang makakapigil sa inyo"
"Sa tingin mo posible kaya na may babae si Nathan kaya wala syang paramdam sakin?"
"Sa tingin ko wala naman, kasi lalaki ako at nakita ko sa mga mata ni Nathan kung gaano ka nya ka Mahal at kung meron man syempre hindi ko naman hahayaan na maagrabyado ang Bestfriend ko, Wag lang sya mambabae dahil ako mismo ang bubugbog sa kanya"
"Bugbog talaga?"
"Oo ganyan ka kaimportante sakin ikaw kaya ang The Best Bestfriend in the Whole world, Kapag kailangan mo ng tulong o kausap tawagan mo lang ako darating ako. Kaya wag kanang lumungkot lalo kang pumapangit"
Biglang ginulo ni Mark yung buhok ko sabay takbo syempre kapag buhok ng nagulo ibang usapan nayon tumayo na din ako at hinabol ko sya. Kaya lang ang bilis tumakbo ni Mark kaya hindi ko din sya naabutan.
Ramdam ko na naapektuhan din si Mark sa nangyayari sakin at masaya ako dahil nandyan sya tabi ko at hindi hahayaan na masaktan ako.
Kinabukasan na kami umuwe at pagdating ko sa bahay back to normal na naman, Malungkot at nag-iisip.
"Nak kamusta sa tagaytay?"
"Masaya naman po"
"Masaya? Pero yung mukha mo parang pang byernes santo" -Mama
"Namimiss ko lang si Nathan"
"Anak? Hinayaan ka namin mag Boyfriend para gawin mong inspirasyon hindi para mag pag stress ka ng ganyan. Alam kong mahirap kasi kahit anong tanong mo wala ni isa ang makasagot. Pero hanggang kailan ka magkakaganyan? Hindi lang si Nathan ang buhay mo, Hindi lang sa kanya umiikot ang mundo mo. Paano ang pag-aaral mo? Dex bata kapa, Kung babalik sya edi bumalik sya pero sa ngayon dapat mag focus ka muna sa mga bagay na nandito."
Pati pala si Mama naapektuhan nadin dahil sa nangyayari sakin, Ilang buwan nadin pala akong ganito.
"Ma salamat po kasi nandyan kayo lagi ni Papa"
"Syempre magulang mo kami. Iwan kaman ng lahat ng tao sa paligid mo kami hinding hindi ka namin iiwan"
Niyakap ko ng mahigpit si Mama, Sila nalang talaga ni Papa ang natitirang hindi nang-iiwan sakin.
Hindi ako sumuko sinubukan ko pa din malaman kung anong nangyari kay Nathan kung bakit hindi nya sinasagot ang mga calls at texts ko, Nagmumuka na nga akong tanga kakapabalik balik sa mga kaibigan ni Nathan baka sakali kasi na may balita na sila at Kay Tita Emman pero maging sya walang sinabi sakin kung kailan babalik si Nathan ang sabi nya lang ayos lang daw ang anak nya.
Pakiramdam ko may hindi sinasabi sakin si Tita Emman pero kahit anong pabalikbalik ko sa bahay nila iisa lang ang sinasabi nya. Ayos lang si Nathan.
Lumipas pa ang isang buwan Pero walang Nathan na bumalik, walang Nathan na dumating at walang Nathan na nagparamdam.
Yung ipinangako nya sakin na saglit lang ay inabot na ng halos dalawang buwan, Dalawang buwan na walang paramdam.
Pero ako eto umaasa padin na babalik sya at magrereply sya sakin. Halos hindi ko na nga mabitawan ang Phone ko kakaantay lang kung may message na sya.
Kahit mapudpod ang mga daliri ko kakatype kung
Asan sya?
Kung ayos lang ba sya?
At kung kelan sya babalik
Lahat yon titiisin ko basta bumalik lang sya.
Pero nangako din ako sa sarili ko na mag-aaral ako ng mabuti, Kaya ngayong college na ako magfofocus nalang siguro muna ako sa pag-aaral.
Pano mo nga ba masasabi na nakita mona si The One?
*Ito ba yung sinasabi nilang Slow motion?
Tipong kapag nakita mo sya ay babagal ang takbo ng oras.
*Ito ba yung sinasabi nilang Stop?
Na kapag nakita mo sya hihinto ang oras at lahat ng tao sa paligid nyo ay hindi gumagalaw.
*Ito ba yung FastForward?
Yung kapag nakita mo sya biglang bibilis ang takbo ng oras, Makikita mo na magpapakasal kayo, Magkakaanak kayo at sabay kayong tatanda.
O ito yung sinasabi nilang Sigaw ng Puso?
Na kapag daw nakita mo na sya, Biglang titibok ng malakas yung puso mo yung parang gusto na nitong kumalawa.
Iba't iba man tayo ng karanasan kung paano natin nakita o nakilala si The One ang mahalaga masaya tayo sa taong pinili nating mahalin.
Nuong bata pa ako wala akong paki sa mga lovelife, Lovelife nayan. Pero nang nakilala at naging kaibigan ko si Mark duon ako nag-umpisang magpakatanga at magmahal ng sobra.
Dati tinanong ko lagi sa sarili ko meron pa kayang pagkakataon na magka lovelife ang isang katulad kong Bakla?
At lahat ng imposible ay naging posible ng makilala ko si Nathan, Minahal nya ako sa kabila ng mga hadlang samin dalawa at sa kabila ng kasarian ko at hindi lang yan ng makilala ko Si Dan natutuo akong humanga sa isang tao, Minahal nya ako pero iba yung sinisigaw ng puso ko.
Asan na kaya si Nathan?
Babalikan pa kaya nya ako?
Meron pa kayo akong hinhintayin?
Dapat ko pa bang hintayin ang isang taong nangako sakin na babalikan ako pero bigla nalang hindi nagparamdam?
Andaming katanungan sa isip ko na gumugulo pero isa lang ang bagay na itinatak ko sa puso ko.
'Aantayin ko ang pagbabalik ni Nathan, Ang pag-ibig kayang maghintay dumaan man ang araw, Linggo, Buwan o kahit ilang taon payan.'
Panghahawakan ko yung sinabi sakin ni Nathan na babalik sya, Babalikan nya ako.
*****************************************
If you want an intense and revenge story? Basahin nyo lang ginawa kong story na SCARLET (The beautiful revenge) promise di kayo magsisisi.
# AUTHOR'S NOTE
So ayon tapos na nga ang unang Season ng "KUNG AKO NALANG SANA"
Salamat at sinamahan nyo si Dex na umiyak, Umasa, Masaktan at Magmahal ng sobra.
Salamat sa mga taong nagbabasa at nakabasa na sa kwentong ito.
Alam kong hindi perfect ang story na to pero ginawa ko talaga ang best ko para mabigyan kayo ng Inspirasyon na sa kabila ng kasarian natin pwede padin tayo magmahal.
Lalo na sa Team Facebook dahil sa inyo kaya mas lalo akong ginaganahan na magsulat.
Abangan nyo nalang ang Season 2 malapit na yon haha.
Abangan nyo kung anong mangyayari sa kanila lalo na sa.
TEAM PINSAN
TEAM CRUSH
at
TEAM BESTFRIEND
If you want an intense and revenge story? Basahin nyo lang ginawa kong story na SCARLET (The beautiful revenge) promise di kayo magsisisi.
Please support nyo din yung bago kong story na "Ang Prinsipe ng Sitio Demonyo" maganda din sya guys please take time to read po.
Don't forget to follow me :
Twitter : @dexpascual36
Instagram : @dex_pascual
YouTube :. Dex Pascual

