loading

storiescollectionschaptersauthorsgenrestagsstories
KUNG AKO NALANG SANA (SEASON 2)

KUNG AKO NALANG SANA (SEASON 2)

Dex Pascual25 · 64 chapters · 119,770 words

KUNG AKO NALANG SANA

Sabi nila kapag MAHAL mo Ang isang tao

Handa kang maghintay, kahit gaano pa katagal

Handa kang umasa, Kahit gaano pa kasakit

Pero Hanggang kailan nga ba Kayang mag-tiis ang puso?

Hanggang kailan nga ba Kayang umintindi ng isip?

Sa buhay ng tao may mga nawawala at may bumabalik Pero ang pinakaimportante sa lahat, Kahit may nawala man Dapat padin tayo magpatuloy. At wag hayaan na tumigil Ang ating mundo Sa iisang tao lamang.

Ako si Dex at ito ang pagpapatuloy ng aking Kwento.

CHAPTER 1

DEX’S POV

“Dex!!!! Gising na!!!!!!”

Ayan na naman ang armalite ni mama, Kahit inaantok pa ako ay napabangon na ako ng wala sa oras.

“Ma ang OA mo manggising”

“College kana kaya dapat maaga ka gumigisng” -Mama

“Yes ma ito na nga eh babangon na”

Dalawang buwan na pala ang nakalipas, Parang kailan lang Kakagraduate ko palang tapos eto na ako College na.

Dalawang buwan nadin na hindi nagpaparamdam sakin si Nathan, Pero araw-araw parin akong nagmemessage sa kaniya at ni isa don wala syang sagot.

Pabalik balik na din ako kala tita pero kahit sya walang masabi sakin, Pakiramdam ko may tinatanago sya kaya lang hindi ko naman sya mapilit dahil baka makulitan sakin.

Pero katulad ng sinabi ko sa sarili ko, Kailangan kong magpatuloy. Kung babalik man si Nathan nandito lang naman ako naghihintay sa kanya.

Business Ad. major in Marketing ang kinuha ko wala lang trip ko lang haha, Char! Gusto ko lang maging manager mga ganon basta lahat ng sakop ng marketing papatusin ko.

After kong kumain, Maligo at magbihis ay nagpaalam na ako kay Mama first day ko to kaya ayaw kong malate.

Pero naalala ko ulit na nandito nga pala ako sa Pilipinas na kada lunes ng umaga ay pahirapan ang pag-sakay.

Pashnea ilang minuto na akong naghahantay ng masasakyan ay hindi pa ako nakakasakay huhu malelate na ako nito.

Pero nakasakay naman din ako ng maayos (Pawisan nga lang) Yung feeling na papasok ka palang pero mukha ka ng uwian.

“Uii Dex kamusta bakasyon?”

Nagulat nalang ako ng may biglang umakbay sakin, Si Dan lang pala.

“Eto sa bahay lang, Ikaw?”

“Sa bahay lang din” -Dan

“Parehas lang pala tayo, Wala kasi akong pera kaya sa bahay lang”

“Dex gusto mo sumama sakin mamaya? Sa bahay lang naman? atsaka may ipapakilala ako sayo na kaibigan ko” -Dan

Ay iba? Nirereto agad ako haha.

“Hindi ako pwede, May interview pa kasi ako mamaya para sa inapplyan ko ang mahal kasi ng tuition dito nakakahiya naman kay Tita”

“Ano ba ang inapplyan mo?” -Dan

“Manager”

sagot ko sa kanya, At halatang nagulat pa hahaha . “Seryso Manager?” -Dan

“Hahaha Syempre hindi, Service crew lang mga ganon”

“Gusto mo samahan kita?” -dan

“Nako hindi na, Kaya ko nato”

“Sige ikaw bahala, Pero mamaya pa namang gabi yon ano pwede kaba?” -Dan

“Ah sige na nga, ichat mo nalang sakin yung address tapos susunod nalang ako”

“Yonnnn” -Dan

Niyakap ako ng mahigpit ni Dan na halos hindi na ako makahinga.

“D-Dan hindi ako makahinga”

“Ay sorry haha” -Dan

Naglakad nalang kami ng sabay ni Dan, Si Dan? Sya yung nakakausap ng mga panahon na walang paramdam sakin si Nathan.

Lagi nya akong minomotivate sa mga messages nya.

May pagkakataon na sinabihan nya ako na ‘Tayo nalang kaya, Tutal hindi na ata babalik si Nathan’

Pero humindi ako sa kanya, Alam ko sa sarili ko at naniniwala ako na babalik si Nathan at panghahawakan ko ang mga pangako nya sakin.

Wala man si Nathan sa tabi ko pero nandito naman sya sa Puso at Isip ko.

Hinatid pa ako ni Dan hanggang sa labas ng room ko, Pagpasok ko nakatingin agad sila sakin Pero dedma lang sila sakin haha sanay na ako sa mga tingin nila na mapanghusga.

Nang mag-uwian ay dumiretso na agad ako sa interniew ko.

‘Lord sana po matanggap ako para makatulong nadin ako financially sa Pamilya ko’

Para akong tanga na kinakausap ang sarili ko.

Pagpasok ko palang ay parang gusto ko nang lumabas sa sobrang kaba.

Pero pumikit ako at huminga ng malalim sabay taas noo at naglakad kaya lang hindi ko pala napansin na may kasalubong ako.

Ayon nagkabanggaan at NATAPUNAN sya ng Ice Cream na dala.

Nang mga oras nayon ay hindi ko alam ang gagawin ko, Pero kumuha agad ako ng panyo sa bag ko at pinusan yung lalaking natapunan ko.

“Sorry po hindi ko sinasadya”

Pero habang pinupunasan ko sya ay hinawakan nya ako sa kamay at diniinan yon.

“Bulag kaba? Hindi mo ba alam kung magkano tong damit na tinapunan mo lang?!”

Ay Grabe sya mukhang galit na huhu, Hindi ko sya matingnan ng diretso kasi parang anumang oras ay kakainin nya ako.

“Sorry po talaga ikaw kasi bigla kang sumulpot”

“At ako pa talaga ang may kasalanan?! tsk, Palibhasa Bakla kaya lalampalampa”

Binitawan nya yung kamay ko at nilagpasan ako, May ilan nadin na nakatingin sami at bigla akong nanliit sa sarili ko meron na naman kasing kumwestyon sa kasarian ko.

“Oo Bakla ako pero hindi ako lampa sadyang bigla kalang sumulpot at nagsorry na ako sayo diba? Ikaw nga lalaki ka nga pero ang sama naman ng ugali mo!”

Dirediretso kong sabi sa kanya, Napahinto naman sya at naglakad palapit sakin. Anong pakialam ko kung nasaktan sya sinabi ko, Bakit totoo naman na masama ang ugali nya dahil nagsorry na nga ako lalaitin nya pa ako dahil lang sa bakla ako.

“Anong sabi mo?”

Hindi ako nagpasindak sa kanya at mayamaya ay may guard na lumapit samin at pinalabas kami.

“Kuya may interview pa po ako sa loob”

“Nako sir wag napo muna  kayo pumasok baka mag-away na naman kayo ng kasama mo nakakaistorbo kayo sa ibang kumakain” -Guard

“Kuya hindi ko po kilala tong lalaki nato”

Dinuro duro ko talaga yung lalaking nakabanggaan ko, Bwiset sya kung tinanggap nya na lang sana yung sorry ko edi sana hindi kami napalabas. Huhu pano na ang Interview ko? Kailangan ko pa naman ng trabaho.

“Sir sige na po baka ako po ang mapagalitan dito” -Guard

Wala akong Choice kundi ang hindi pumasok, Kainis talaga san ako nito mag-aapply? Bakit ba kasi nakasalubong ko pa ang Attitude na lalaki nato?!

“Yan kasi kung inaayos mo ang tingin mo edi hindi sana tayo napalabas”

Ngayon natitigan ko na sya sayang gwapo pa naman kaya lang attitude!!!!

“Dapat ikaw na lang ang pinalabas, May interview ako ngayon pero dahil sayo hindi na ako pinapasok!”

“Bakit ako? Eh ikaw nga dyan yung biglang lumakas yung boses”

Mukhang wala talagang balak mag sorry sakin si Attitude, Tsskkkkk.

Mayamaya ay tumunog yung phone ko si Dan tumatawag.

‘Hello Dex? Kamusta Interview?’

‘Walang nangyaring interview’ inis kong sagot kay Dan.

‘Ha? Bakit wala?’ -Dan

‘Basta ikukwento ko sayo mamaya’

Napansin kong naglalakad na si Kuyang Attitude kaya binaba ko muna yung phone ko.

“Hoy attitude san ka pupunta???”

“May lakad ako, Ano bang pake mo?”

“Hindi ka man lang ba magsosorry sakin?”

Inis kong sabi sa kanya.

“Bakit naman ako magsosorry?”

Naglakad na sya palayo at hindi ko na sinundan. Tsk kung mamalasin ka nga naman sa dinadaming tao ang pwede kong makasalubong bakit isang attitude na lakaki pa? Porke bakla ako dapat bastos din ang pakikitungo nya sakin?? Na receive kona yung sinend ni Dan sakin na Address nang bahay nila.

First time kong pumunta sa bahay nila, Wala din naman akong gagawin kaya pupunta nalang ako.

Gusto ko din naman maglibang para hindi puro si Nathan ang nasa isip ko, Pagganon kasi hindi ako makapag focus sa mga bagay na kailangan kong gawin.

DAN’S POV

“Anak nandito na si Kenji” -mama

“Sige ma papasukin mona”

Nang makapasok si Kenji ay binigyan ko agad sya ng maiinom. Napansin ko din na nakasimangot sya at parang ang dumi ng damit nya.

“Bro bakit ganyan ang itsura mo may problema ba?”

“Kanina kasi may nakasalubong ako na bakla tinapunan ba naman ako ng Ice Cream at ang malupit pa nito sya pa ang galit” -Kenji

“Haha Anong ginawa mo?”

“Hinawakan ko sya sa kamay gusto ko na sanang patulan kaya lang baka umiyak pa” -Kenji

“Hindi man lang ba nag sorry sayo?”

“Nagsorry, Kaya lang hindi naman mababalik ng sorry nya yung ginawa nya sakin” -Kenji

“Alam mo Bro, Nagsorry naman pala sya sayo dapat hinayaan mo nalang.”

Simula kasi ng makilala ko si Dex nagkaroon na ako ng malasakit sa mga bakla dahil hindi talaga madali ang mabuhay sa mundong puno ng mapanghusga.

Nang makilala ko si Dex nagbago ang tingin ko sa mga bakla, Dati kasi akala ko ang mga bakla na ang gusto lang nila sa mga lalaki ay katawan lang.

Pero lahat yon nagbago dahil kay Dex, Dahil meron pading mga bakla na may respeto sa sarili nila.

“Wag na nga natin sya pag-usapan. Nasan naba yung isa mong kaibigan?” -Kenji

“Papunta nadin yon antayin nalang natin”

Niyaya ko muna si Kenji na kumain habang hinihintay namin si Dex, Sigurado ako na magkakasundo sila kapag nagkita tong dalawa.

Si Kenji pala ang kaibigan sa dati kong school at naging kaibigan ko talaga sya, Medyo sersyo  nga lang syang tao kaya akala ng iba masungit sya haha at kung sino man ang nasungitan ni Kenji sana okay lang sya.

DEX’S POV

GRRRRRR gigil talaga ako sa attitude nayon! Wag lang talaga magkrus ang landas namin dahil!!! Basta!!! Napatingin nalang ako sa Cellphone ko at naka Wall Paper ang picture naming dalawa ni Nathan.

Kamusta na kaya sya?

Ayos lang kaya sya?

Kelan kaya sya babalik?

Meron na kaya syang bago??

Pagdating ko sa bahay nila Dan ay sinalubong ako ng mama nya.

“Good Afternoon po tita, Asan po si Dan?”

“Pasok ka, Nandon sya sa loob kasama ni Kenji” -Tita

“Sige po”

Yung Kenji siguro na sinasabi nya ay yung kaibigan ni Dan na ipapakilala nya sakin. Dumiretso agad ako sa sala para puntahan sila.

“Dex nandito naka pala” -Dan

“Pasensya na may epal lang kasi akong nakilala pero okay na ako”

“Okay lang, By the way ito pala yung kaibigan ko. Si Kenji” - Dan

Humarap si Kenji samin at nang makita ko ang mukha nya ay parang gusto ko nalang syang patalikudin.

“IKAW/IKAW!!!!”

sabay naming sabi.

“Anong ginagawa mo dito?” -Kenji

“Ikaw anong ginawa mo dito?”

“Bahay to ng kaibigan ko ikaw anong papel mo dito?” -Kenji

Kainis! Gigil nya si ako! Napaka attitude!! Feeling nya bahay nato eh kay Dan naman to.

“Sandali magkakilala kayo?” -Dan

“OO/OO”

sabay ulit namin sabi ni Attitude.

“Sya yung sinasabi kong tinapunan ako ng Ice Cream!” -Kenji

“Hoy anong tinapunan? Wag ka ngang imbento hindi ko naman sinasadya ba magkasalubungan tayo”

“Pwede ba maupo muna tayo” -Dan

Kainis talaga sya sinungaling pa! Tinapunan talaga? Eh hindi ko naman sinasadya sya kaya yung biglang sumulpot! Mabuti nalang nandito si Dan dahil kung hindi baka hindi ko na alam kung anong nagawa ko kay Attitude.

Pano kaya naging kaibigan to ni Dan?

Hindi ko padin makakalimutan na sinabihan nya ako na baklang lampa! Kung nandito lang talaga si Nathan panigurado hindi nya hahayaan na may manlait sakin.

SEASON 2

*ANG PAGBABALIK NI Nathan

*Paano makakaapekto si Mark sa buhay ni Dex?

*Maging mag kaibigan na kaya si Irish at Dex?

*Ano magiging papel ni Kenji sa buhay ni Dex? 

Ilan lang yan sa mga dapat abangan sa Ikalawang Season ng “Kung Ako Nalang Sana”

CHAPTER 2

DEX’S POV

Nanggigil talaga ako dito sa Kenji nato napaka Plastic! Akala mo kung sinong mabait eh sa totoo lang Ang sama ng ugali nya!!

Pangiti ngiti pa sya sakin pero ang totoo pinapatay na nya ako sa isip nya. Kung hindi lang talaga dahil kay Dan hindi ko kakausapin tong Kenji nato.

“Dan may Girlfriend kana ba?” -Kenji

“Ah eh wala pa, Yung nililigawan ko kasi binasted ako” -Dan

Tumingin sakin si Dan at napayuko naman ako, Alam kong ako ang pinapatamaan sya. “Ano bayan ang hina mo kasi gayahin mo ako tatlo Girlfriend” -Kenji

Tsk! Ang yabang! Akala mo kung sinong gwapo! Tatlo talaga? baka imagination nya lang yon. Si Nathan nga na mas gwapo pa sa kanya ako lang mahal!

“Wala eh lakas ng tama ko don sa nililigawan ko atsaka ayaw ko nang marami masama yon” -Dan

Tama yan Dan! Dapat isa-isa lang! Wag mong gayahin yang mayabang mong kaibigan!

“Bakit maganda ba sya? sexy? Ipakilala mo naman sakin” -Kenji

Oo Maganda ako! At sexy pa! Pero sorry ka may Boyfriend na ako at hindi kita Type dahil attitude ka.

“Hindi lang naman pisikal na katangian ang nagustuhan ko sa kanya kundi yung kalooban nya” -Dan

“Ang drama mo Bro, Lumipat kalang ng School naging ganyan kana” -Kenji

“Dan napanood mo ba sa balita yung lalaki na pinutulan ng ano ng asawa nya”

singit ko sa usapan nila.

“Oo bakit?” -Dan

“Wala lang, Ang hirap kasi sa mga lalaki hindi makontento sa isa ang lakas ng loob mag hanap ng iba akala mo naman kung sinong mga GWAPO”

Diniinan ko talaga yung salitang GWAPO  ang yabang kasi ni Kenji, Tatlo daw yung Girlfriend nya? Iwww so Iwwwww!!!!

“Eh napanood nyo ba sa Tv yung pinutulan ng dila?” -Kenji

“Ha meron ba? hindi ko napanood yon” -Dan

“Meron isang bakla na pinutulan ng dila kasi talak ng talak naiinis na siguro yung tao ayon pinutulan sya ng dila.” -Kenji

Ay grabe sya!!! Pigilan nyo ako! Pigilan nyo ako! Sisikmuraan ko tong lalaki nato! Alam kong ako ang pinapatanaan nya, Ang sama talaga ng ugali nya Grrrr.

“Ang hilig nyo palang manuod ng balita noh? Pero tama nyan iba nalang ang pag-usapan natin” -Dan

Mabuti nalang at nandito si Dan kahit paano kumakalma ako sa pagkainis sa lalaking to! Napaka yabang! Ibang iba sya kay Nathan.

Ako na ang nagbolontaryong maghugas ng mga pinagkainan namin nakakahiya din naman kasi sa nanay ni Dan.

“Ako ba ang pinapatamaan mo kanina?”

Kung minamalas ka nga naman, Talagang malas na ang lumalapit sakin.

“Bakit tinatamaan kaba?”

“Hindi, Bakit naman ako tatamaan hindi naman totoo” -Kenji

“Hindi naman pala eh, Ano pang ginagawa mo dito?”

“Wala lang, Pakibilisan nalang ang paghuhugas” -Kenji

Aba! Kung makapag utos akala mo sa kanyang bahay! Sa sobrang inis ko sa pag uugali nya ay tinapakan ko yung paa nya.

“Araaaaaayyyyy!!!”

Sigaw nya at halatang nasaktan talaga sya, Wa ha ha ha ha buti nga sa kanya.

Mayamaya ay lumapit samin si Dan narinig nya siguro yung sigaw ni Kenji.

“Bro anong nangyari bakit ka sumigaw?” -Dan

“Eh ito kasing si—” -Kenji

“Grabe naman yang kaibigan mo may nakita lang na ipis sumigaw na agad, Kalalaking tao takot sa ipis”

Muntik ng matawa si Dan dahil sa sinabi ko pero pinigilan nya din hahaha.

Si Kenji naman biglang naningkit ang mata pero hindi ko nalang sya pinansin.

Ilang oras pa ako nag tyaga na makasama si Kenjo pero sa awa ng Diyos nauna syang umuwe.

Ako naman ay nagpaalam nadin kay Dan kasi gabi nadin atsaka Traffic baka maarmalite ako ng nanay ko.

“Alam mo Dan nagtataka talaga ako kung paano mo naging kaibigan yung Kenji nayon”

“Haha mabait naman yon, Siguro hindi lang naging maganda ang una nyong pagkikita pero mabait talaga sya” -Dan

Mukha namang totoo ang sinasabi ni Dan, Sabagay bakit nga naman magkakaroon ng kaibigan na attitude si Dan.

“Dan wag mona akong ihatid kaya kona ang sarili ko”

“Gabi na baka kung mapano ka” -Dan

“Okay lang talaga ako atsaka nakakahiya na hindi mo naman obligasyon na ihatid pa ako”

“Sigurado ka kaya mona?” -Dan

“Oo naman At kung meron mang magtatangka ng masama sakin ako na bahala”

Napakamot nalang ng ulo si Dan. Ayoko naman kasing abusuhin ang kabutihan sakin ni Dan at lalong ayoko na magkaroon pa na mas malalim kaming ugnayan. Mahal ko din naman si Dan pero hanggang Crush nga lang.

Lumapit sakin si Dan at hinawakan ako sa ulo at kiniss nya yung Noo ko.

“Dex ingat” -Dan

“S-sige Salamat Ulit”

Hindi ko inexpect na gagawin nya yon.

“Tawagan mo lang ako kapag kailangan mo ng tulong” -Dan

Tumango lang ako at nag babye na sa kanya, Minsan naiilang na talaga ako sa mga kasweetan sakin ni Dan pero hinahayaan ko nalang sya dahil alam kong duon sya masaya, Sino ba naman ako para pigilan ang kasiyahan nayon?

Naglakad na ako papuntang sakayan Pero mukhang mali ata ang naging desisyon ko na wag ng magpahatid kay Dan.

Hindi naman kasi ako na inform na madilim pala ang daanan dito.

Binilisan kona ang paglakad at pakiramdam ko parang may nakatingin at sumusunod sakin huhu baka marape ako dito, Wag naman sana.

Maayos naman akong nakauwe sa bahay at walang nangyari sakin.

“Dex bakit ngayon kalang?” -Mama

“Pumunta pa po kasi ako kala Dan”

“Ah, Kamusta Interview?” -Mama

Hay nako, Pinaalala na naman ni Mama.

“Ma hindi po natuloy ang Interview ko” “Ha bakit naman?’ -Mama

“Meron po kasi akong nakaaway duon mismo ayon pinlabas kami ng Guard”

“Bakit ka kasi nakikipag away?” -Mama

“Ma naman alam nyo naman na hindi ko ugali yon, Sadyang masama lang ang ugali non”

“Oh pano na yan?” -Mama

“Maghahanap nalang ulit ako ng maapplyan”

“Kumain kana ba?” -Mama

“Opo ma, Pasok napo ako sa kwarto ko”

Dumiretso na ako sa kwarto at nagbihis sabay humiga na.

Katabi ko si Nathan (yung teddy bear) at kinausap ko sya.

“Nathan kelan kaya babalik ang daddy mo?”

“Babalik din sya, Malapit na” Sagot nya sakin.

“Talaga?”

“Oo kaya wag kanang malungkot babalik na si Daddy”

Joke!! Hindi talaga nagsasalita yung Teddy Bear imagination ko lang na nag-uusap kaming dalawa.

Sana nga totoo yong sinabi nya na malapit na bumalik si Nathan, Sobrang miss na miss kona sya.

Pero bago ako natulog katulad ng nakasanayan kong gawin ay nag message muna ako kay Nathan.

’ Hi My Loves! College nako! Kamusta kana? Ayos kalang ba? Alam mo may nakilala akog lalaki ubod ng yabang! Bumalik kana please ipapabugbog ko sya sayo, Joke lang! Kelan kaba kasi babalik? Sobrang miss na miss na kita. I love you my loves!’

Napansin ko nalang na umiiyak na naman pala ako, Hayss hindi padin ako nagbabago napaka iyakin ko padin.

Pagkatapos kong masend sa kanya ay natulog nadin ako dahil bukas panibagong araw na naman ng pakikipag sapalaran.

//////

Kinabukasan habang naglalakad ako papunta sa library ay nakasalubong ko ang ang grupo ni Irish, Dahil ayaw ko ng gulo ay naglakad ako pabalik pero hinabol at hinarang nila ako.

“Dex sandali lang” -Irish

“Irish ayaw ko ng gulo”

Dahan dahan lumapit sakin si Irish alam kong sasampalin nya ako at naka ready na ako para sampal nya.

“Ganyan ba talaga ang tingin mo sakin? Don’t worry Dex hindi kita sasaktan dahil bago umalis si Nathan nag promise ako sa kanya na wala akong gagawin sayo” -Irish

Totoo bato? Totoo kaya yung mga sinasabi nya?

Nakapag usap pa sila ni Nathan?

“Ya that’s true kaya wag kanang matakot samin” -Bea

“Sorry talaga sa mga nagawa namin sayo before” -Venus

Mukhang seryoso sila sa mga sinasabi nila. Mukhang ito na ang matagal konang hinihintay ang maging magkakaibigan kami.

“Hoyyyy!!!!! Anong ginagawa nyo Kay Dex!?”

Biglang dumating si Jasmine, Akala nya siguro may ginagawa sakin sila Irish.

“Kayong tatlo hindi nyo padin talaga tinitigilan si Dex? Ano ba talagang gusto nyo? Away?” -Jasmine

“Tsk, So Cheap Girl. Wala kaming ginagawa sa kaibigan mo you can ask him pero baka mapahiya kalang” -Irish

“Wag ka masyadong palengkera dahil wala tayo sa eskwater” -Venus

“Jasmine kung ano man ang mga nagawa namin sayo tapos nayon, let’s move on” -Bea

“Aba!”

Lalapit na sana si Jasmine kay Irish pero inawaat ko sya.

“Be kalma wala naman silang ginagawa sakin”

“Ha anong wala?” -Jasmine

Umalis naman agad yung tatlo kaya kami lang ni Jasmine ang naiwan.

“Oo wala, Sa totoo lang gusto pa nga nila na maging kaibigan ako”

“At naniwala ka naman? Dex kilala ko ang mga bruha nayon may pinaplano sila kaya gusto nilang makipag kaibigan sayo” -Jasmine

Hindi ko naman masisisi si Jasmine kung bakit ayaw nya magtiwala kala Irish dahil sa pinag-awayan nila Before Pero ramdam ko naman na totoo ang sinasabi nila lahat naman kasi pwedeng magbago at may likas na kabutihan sa puso kaya si Irish alam ko na gusto nga talagang makipag kaibigan sakin.

Sana nga ito nadin akong pagkakataon para maging magkakaibigan kami.

“Jasmine kung ano man ang nasa isip ni Irish siguro dapat hayaan nalang natin sya malay mo nagbago na talaga sya”

“Nako Dex babantayan ko padin yung bruha nayon baka kung ano na naman ang balak sayo” -Jasmine

“Jasmine salamat sa Concern”

“Wala yon, Pero kung hindi mo lang talaga ako pinigilan? Baka nakalbo kona yon” -Jasmine

Sobrang thankful ako kasi kahit wala man ngayon si Nathan sa tabi ko ay meron parin na mga tao na nasa tabi ko. Nathan sana bumalik kana mas masaya kasi kapag nandito ka.

Pero ngayon magfofocus muna talaga ako sa pag-aaral ayon naman talaga ang main goal ko sa buhay ang makatapos para masuklian ko ang paghihirap ng mga magulang ko.

Dumiretso na ako sa library para manghiram ng libro.

Sana talaga maging magkaibigan na kaming dalawa ni Irish, Nathan? Salamat kasi kinausap mo si Irish para maging okay kami.

*Para sa mas updated na mga chapters just visit my FB Page M2M Love Story same profile lang din. *Again kung may typo paki intindi muna wala pa akong time para iedit

CHAPTER 3

DEX’S POV

Bago nagsimula ang klase namin ay may inannounce yung Prof. Namin na meron daw kaming bagong Classmate.

Sa isip isip ko sana Gwapo haha at syempre mabait!

Pero lahat ata ng katangian na gusto ko sa isang magiging Classmate ko ay wala ni isa sa kanya.

WHAT THE!!!! Sa dinami dami ng pwedeng maging Classmate bakit itong Attitude na to?? Pangiti ngiti pa sya eh mukha naman syang usa kapag nakangiti.

“Introduce your self para naman makilala ka ng mga Classmates mo” -Prof

Nako ma’am kahit wag na syang mag introduce hindi naman ako interesado na makilala ang mokong nayan!

“Good Morning Everyone My Name is Kenji Montenegro 19 years old”

Saglit lang yung introduction nayon pero yung mga kaklase kong haliparot grabi ang kilig. Iww! Yuck! kadiri! Ano kayang kakilig kilig sa lalaking to?

“Okay, Thank you Mr. Montenegro you can now sit down beside’s Dex”

Parang nabangi ako sa sinabi ni Ma’am Evanada (Prof namin) Andaming space na pwedeng paglagyan kay Kenji bakit sa Tabi ko pa????

“Ma’am duon nyo nalang po sya ilagay sa kabila. Ayoko po kasi ng may katabi”

“Bakit ayaw mo ba katabi si Mr. Montenegro?” -Prof

“Hindi naman po”

“So? What’s the problem?” -Prof

Hindi na ako nakaimik sa tanong ni Mam sakin, Wala na akong nagawa kundi ang pumayag na tumabi sakin si kenji.

“Hi Classmate”

Bati nya sakin, Pero dedma ko lang sya kunwari wala akong narinig.

“Uii Pansinin mo naman ako Grabe ka naman sakin, Ganyan kaba makitungo sa bago mong Classmate?” -Kenji

Hindi ko padin sya pinansin wala naman kasi akong mapapala kapag kinausap ko sya, Unang una hindi kami Close at pangalawa may kasalanan pa sya sakin.

Pero mukhang pinaglihi ata sya sa kabwisitan Sa pangatlong pagkakataon kinakausap na naman nya at this time with matching kalog pa ng balikat. See? Bastos talaga Feeling close lang.

“Ano bang problema? Nakikinig ako diba nakita mo? Bakit mo ba ako kinakausap close ba tayo?”

Hindi kona napigilan ang sarili ko at napatayo na ako at medyo tumaas ang boses ko. Kainis kasi manhid lang? dapat alam na nya una palang na hindi ako interesado makipag usap sa kanya.

“Dex if you don’t want listen to my class, You Can leave!”

Hala mukhang nagalit si Mam sa ginawa ko huhu, Hindi ko naman sinasadya na mapalakas ang boses ko. Sorry na nag mana lang talaga ako kay Mama hehe.

“Ma’am sorry po ito po kasing lalaki nato dinadaldal ako!”

Dinuro duro ko talaga si kenji with matching laki mata pa para dama nya sagad hanggang sakaibuturan niya!

“Ma’am tingnan nyo po oh, Nanduduro pa sya”

Aba gumatong pa talaga sya! Akala mo kasali aa usapan.

“Ma’am Wag kayong maniwala sa lalaking yan!”

“Dex are you Shouting at me?” -Prof

“Ma’am hindi po”

kung alam lang ng Prof namin na natural voice ko palang to 5% palang ang ginagamit ko huhu.

“Get out of my class” -Prof

“Pero Ma’am?”

“I said get out” -Prof

Grabe naman yung Prof ko palabas agad? Pero ang may pinaka kasalanan at puno’t dulo ng lahat walang iba kundi si Kenji.

“Bye Classmate” -kenji

Aba ng asar pa talaga sya akala nya siguro panalo na sya? Kinuha ko yung bag ko at sinukbit sa likod at tinapakan ko ulit yung paa nya at diniinan ko pa haha. Nangiwi naman sya sa sakit pero hindi na sya nagsalita.

Nakakahiya mukha akong tanga sa labas ng room at nakaupo lang, Kasalanan to lahat ng Kenji na yon. Kung hindi nya ako kinulit sa kakatanong nya edi sana hindi ako mapapasigaw.

Naghintay lang ako sa labas hanggang sa matapos amg klase ni Ma’am at pagkatapos non ay bumalik na din ako sa loob.

Umupo ako sa upuan ko at syempre katabi ko pa din sya.

“Oh nandito kapa pala?” -Kenji

“Ay hindi Picture ko lang to” Pilosopo kong sabi sa kanya.

“Talaga? Pero In fairness mas maganda ka sa Picture sana Picture ka nalang” -Kenji

“Nakakatawa yon?”

Iniripan ko nalang sya, Hindi ko alam kung anong nakain nya at ayaw nya akong tigilan.

Tsk kapag nandito na si Nathan at ginaganyan pa nya ako sigurado makakatikim sya ng gulpi sa Boyfriend ko.

Kinuha ko nalang yung Phone ko at tiningnan yung mga Pictures namin ni Nathan wala pa kasi yung Next Prof. kaya tamang Cellphone lang kaming magkakaklase.

“Sino yan kapatid mo?” -Kenji

“Hindi”

Banas kong sagot sa kanya.

“Kaibigan mo?” -Kenji

“Hindi”

“Alam kona Pinsan mo!” -Kenji

Oooppsss!! Tama sya Pinsan ko pero hindi lang basta pinsan dahil Mahal ko to. Mahal ko si Nathan higit pa sa pagiging mag-pinsan namin.

Pero bakit ko nga pala kinakausap pa ang lalaking to eh papansin lang naman sya.

“Ang dami mong tanong noh? Close ba tayo?”

Bigla naman syang natahimik sa tanong ko. Hayss sa wakas na nahimik din sya akala ko hindi na nya ako titigilan sa kakatanong nya.

Hindi ko na sinabi sa kanya na yung lalaking kasama ko sa Picture ay ang Boyfriend ko dahil hindi naman na nya obligasyon pang malaman.

“Oh Dex bakit parang badtrid ka ata?”

tanong sakin ni Dave ng makadating ako sa tambayan nila.

“Wala to, Meron lang kasing epal na sumira ng araw ko”

“Ganon ba? Sino ba gusto mo resbakan na namin?” -Steve

Kahit kailan warfreak tong si Steve haha pero masaya ako kasi nandyan padin sila sa tabi ko.

Bago daw kasi umalis si Nathan binilin nya sa kanila na tuwing recess sa kanila ako sumabay at ang malupit pinapabantayan ang mga kilos ko.

“Hayaan nyo nayon, Ano wala kayong balak kumain?”

“Meron naman ang tagal mo kasi dumating eh” -Dave

Haha nasisisi pa tuloy ako. Yung Prof. kasi namin kahit time na sigeng turo padin hindi nya alam nagugutom na kami. “Tara na” Yaya ko sa kanilang apat.

Nagsitayuan naman sila at magkakasanay pumuntang Canteen. Pagdating namin don ay nakatingin na naman sakin yung ibang estudyante. Sabagay sino ba naman hindi mapapatingin eh kasama ko lang naman ang apat sa pinapantasya ng mga kababaihan at kabaklaan dito.

Nang makita ko si Dan ay pinansin ko sya pero yung kasama nyang Attitude hindi ko pinansin.

KENJI’S POV

Hindi ko inexpect na magiging Classmate ko si Dex haha ang sarap nya talaga asarin kasi pikunin. Pero hindi ko naman kasalanan kung bakit sya napabalas kanina, Kasalanan nya yon kasi ang ingay ng bunganga nya.

Lumipat ako dito kasi ang pangit sa dati namjng School puro lang kami bayad ng tuition pero wala kaming natututunan lagi kasing walang pasok natatapat sa mga event ng school kaya ayon, Walang Klase.

“Bro kamusta dito?” -Dan

“Eto nakakapanibago pero masaya din”

Nakangiti kong sagot sa kanya.

“Bakit parang abot tenga ang tingin mo?” -Dan

“Classmate ko kasi yung Baklang kaibigan mo”

“Si Dex?” -Dan

“Oo ayon, At alam mo ba napalabas yon kanina? Kasi ang ang lakas ng boses”

“Seryoso? Asan na sya ngayon?” -Dan

“Kanina pa lumabas baka nasa Canteen nadin yon”

Halata sa mukha ni Dan na nag-aalala sya kay Dex pero para kasing iba yung ekspresyon nya sa sinabi ko hindi ko lang maexplain kung ano. Pero may iba talaga.

Pagdating namin sa Canteen ay madami nading tao at habang naglalakad kami ay nakasalubong namin si Dex at may kasama syang apat na lalaki.

“Hi Dan? Sa kanila muna ako sasabay ha?” -Dex

“Sure”

Pagkasabi non ay umalis nadin si Dex kasama yung apat nyang kasama kami ni Dan ay humanap nadin ng Pwesto.

“Dan sino yung mga kasama ni Dex?”

tanong ko kay Dan, Na Curious lang kasi ako bigla.

“Mga kaibigan yon ng Boyfriend nya” -Dan

“Boyfriend? Si Dex may Boyfriend??”

Hindi ko makapaniwalang tanog. Pano nagka Boyfriend yong baklang yon?

“Oo May Boyfriend si Dex” -Dan

“Eh nasan yung Boyfriend nya bakit parang hindi ko nakikita?”

“Nasa US yung Boyfriend nya may inaasikaso lang” -Dan

Hindi padin talaga ako makapaniwalang nagka Boyfriend sya, Pano nangyari yon? Nako baka ginayuma nya.

Pero si Dan napansin ko parang nag-iba na naman yung aura nya.

“Bro ayos kalang ba?”

“O-Oo ayos lang ako” -Dan

Wala naman akong nasabing hindi maganda, Bakit kaya sya biglang nagkaganyan?

Inisip ko nalang na baka masama ang Pakiramdam nya.

Parang natakot na tuloy akong asarin si Dex mamaya magsumbong sya sa mga kaibigan ng Boyfriend nya at ipabugbog ako.

DEX’S POV

Akala siguro ng Kenji nayan papansinin ko sya? No way! Masasayang lang ang oras ko kapag ginawa ko yon.

Siguro naman hindi na nya ako aasarin dahil nakita nya yung mga kasama ko haha.

Nang mag-uwian naman ako nalang mag-isa ang naglakad papuntang sakayan hindi ko kasi nakita si Dan kaya wala akong kasabay.

“Bakit mag-isa kalang?”

“Ay kalabaw!!”

“Kalabaw talaga?” - Kenji

“Bakit kasi nanggugulat ka?!”

“Malay kobang magugulatin ka” -Kenji

“Eh bakit kaba sumusunod sakin?”

“Ako sinusundan ka? Dito din kasi ang daan ko kaya wala akong Choice kundi ang makasabay ka” -Kenji

Ang yabang talaga ng lalaki nato! Pigilan nyo ako makakatikim na talaga sakin to! Parang kasalan ko pa talaga na nagkasabay kami.

Hindi ko sya pinansin at binilisan ko nalang ang lakad ko, Pero ang asungot binilisan nya din ang lakad at halatang sinusundan nya ako.

“Bakit nga kasi mag-isa ka? Asan yung mga kaibigan ng Boyfriend mo?” -Kenji

Napahinto ako sa sinabi nya, Pano nya nalaman na may Boyfriend ako? Ano stalker talaga.

“Pano mo nalaman na may Boyfriend ako?”

“Sinabi sakin ni Dan, Pero hindi nga ako makapaniwala eh ginayuma mo ba yung lalaki?” -Kenji

Lord patawarin nyo po ang lalaking to sa mga pang-aasar nya sakin hindi nya po alam ang mga sinasabi nya.

At patawarin nyo po ako sa gagawin ko. Lumapit ako sa kanya at sa pangatlong pagkakataon ay tinapakan ko yung paa nya ng ubod lakas at tumakbo ako palayo pero narinig ko pa syang sumigaw.

“Yari ka sakin kapag nagkita tayo!!!!!!”

Kasalanan naman nya yon kung bakit ko ginawa, Pagbintangan ba naman ako na ginayuma si Nathan sorry sya Ganda ng pag-uugali ko ang naging Puhunan ko para makuha si Nathan kaya lang ako medyo sumama ngayon dahil sa kanya.

Kapag dumating talaga si Nathan ipapamukha ko sa kanya na hindi ko ginayuma si Nathan.

Dahil ang pagmamahal kusang darating yan, Sa tamong oras, Panahon at ss tamang tao.

CHAPTER 4

SHEENA’S POV

“Mark anong gusto mong maging pangalan ng Baby natin?”

“Kapag lalaki Prince tapos kapag babae Princess” Mabilis nyang sagot habang nakahiga kami.

Simula ng sinabi ko sa Parents ko na buntis ako ay dito na ako tumira kala Mark Nuong una nagalit sila kasi pano na daw ang pag-aaral ko Pero kalaunan ay Natanggap din nila.

Si Mark naman todo alaga sakin ramdam ko talaga na mas lalong tumindi ang pagmamahal nya sakin dahil sa Magkakaanak na kami.

“Bakit Prince at Princess?”

“Kasi You’re my Queen and i am your King”

Hirit nya, kinurot ko sya sa tagiliran kasi kinilig ako sa banat nyang yon hehe.

“Aray ko naman Mahal Pinaglilihian mo ba ako?” -Mark

“Ang Corny mo kasi”

“Corny pero kinilig ka?” -Mark

“Ewan ko sayo”

Sa Panibagong Yugto nang aming buhay sana maging maganda ang Tadhana samin lalo na ngayon na may isang buhay na padating.

“Eh ikaw anong gusto mong maging pangalan ng baby natin?” -Mark

“Gusto ko Angelo or Angel dahil gift sila satin ng Nasa Taas pero parang mas maganda din kung Brian pag boy tapos Myla kung girl? Kasi alam mo yan parang matapang”

“Wow ang Ganda naman ng naisip mo, Excited na talaga ako na lumabas si Baby” -Mark

Kung meron man mas excited samin ako yon, Dahil lahat ng babae pangarap ang maging isang Ina. Pero isa itong mabigat na responsibilidad na hindi pwedeng balewalain.

“Mark kamusta na pala si Dex?”

pag-iiba ko sa usapan.

“Hindi ko na nga din nakakausap yon eh, Huli kaming nag Chat tinanong ko kung nakabalik na yung Boyfriend nya ang sabi nya wala pa the rest hindi ko na alam, Bakit mo na na tanong?” -Mark

“Wala lang, Syempre Bestfriend mo yon diba? Atsaka sinabi ko sa kanya na magnininong sya sa anak natin”

“Yun na nga eh ako ang Bestfriend pero hindi ko alam kung anong nangyayari sa kanya, Kung okay lang ba sya o may pinagdadaanan sya” -Mark

Ramdam kong nag-aalala nadin si Mark kay Dex, Dati aaminin ko nagseselos ako kay Dex kasi ako ang Girlfriend pero si Dex ang laging mukhang bibig ni Mark. Kapag magkasama kami dati ni Mark hindi pwedeng hindi nya naiisingit ang pangalan ni Dex.

Pero ngayon narealize ko na wala naman akong dapat ipagselos kasi hindi naman aagawin sakin ni Dex si Mark dahil hindi sya ganong klaseng tao at si Mark alam kong Mahal nya ako at maraming beses ko nang napatunayan yon lalo pa ngayong magkaka baby na kami.

“Bakit hindi mo kaya sya puntahan sa kanila baka kailangan nya ng kausap”

“Sigurado ka Mahal?” -Mark

“Oo, Ayos lang ako dito atsaka nandito naman si Tita Rose”

“Sige sige mamaya pupuntahan ko si Dex” -Mark

Masaya ako kasi Kahit sa ganitong paraan ay napasaya ko si Mark sino ba naman kasi ako para hadlangan silang Mag Bestfriend? Sila muna ang naunang nagkakilala bago ako dumating sa buhay ni Mark.

KENJI’S PO

“Dan sino bang inaantay natin dito?”

tanong ko sa kanya, Kanina pa kasi kami nakatayo dito sa labas ng School at parang may inaantay talaga sya.

“Si Dex” -Dan

“Ha? Yung baklang yon? Tara na wag na nating intayin yon”

“Saglit lang parating nadin yon” -Dan

“Bakit ba kasi kailangan mo pa syang intayin? Malaki nayon”

“Sige na Bro mauna kana, Baka kasing walang kasabay si Dex” -Dan

Ano kayang meron at gustong makasabay ni Dan si Dex? Meron ba akong hindi alam?

Masyado kasing paimportante yung baklang yon biruin mo inaantay pa talaga namin sya? tsk hindi pa ako nakakabawi sa ginawa nya sakin kahapon.

Namilipit kaya ako sa sakit ng paa grabe yung paa nya parang paa ng Kabayo.

DEX’S POV

Dati sobrang excited ako na mag College iniisip ko pa kung anong Course ang kukunin ko. Pero ngayon? Hindi na ako natutuwa haha.

Second week palang kasi ng klase namin tambak na agad ang gawain palibhasa tri-sem kami kaya mas rush talaga ang mga gawain.

Palabas na akong School ng Makita ko si Dan na nasa labas at kasama nya yung lalaking attitude.

“Dex sabay kana samin pauwe” -Dan

“Ha? Hindi na kaya ko naman mag-isa”

“Tsk, Inantay na nga nag-iinarte pa” -Kenji

Pampam talaga tong lalaki nato hindi naman sya ang kausap nakikisawsaw pa.

“Dan sige na umalis na kayo mukhang may nagagalit ata na isa dyan”

Tumingin ako kay Kenji at iniripan ko sya kunwari attitude din ako.

“Ha? Hindi yan akong bahala dito sa kaibigan ko” -Dan

Kinuha bigla ni Dan yung bag ko at sinukbit sa likod nya sabay lakad wala na akong nagawa kundi ang sumunod din.

“Ano bang pinakain mo sa kaibigan ko?” -Kenji

“Wala”

Magkasabay kaming naglalakad kasi nauuna si Dan.

“Sigurado kaba? Bakit parang may something kayong dalawa?” -Kenji

“Alam mo parang hindi ka lalaki putak ka kasi ng putak”

Binilisan ko ang paglakad at sumabay na kay Dan. Nakakatamad kasing kausap si Kenji wala naman syang ginawa kung hindi ang magtanong tapos kapag sinagot ko naman hindi maniniwala. Parang eng-eng lang

“Dan bakit mo pa ba ako hinintay?”

“Wala lang gusto ko lang” -Dan

“Ano kasi, Alam mo naman na ano diba”

Ewan koba pero hindi ko sya madiretso na dapat hindi nya ginagawa to kasi may Boyfriend nako.

“Alam ko yon Dex, Alam ko din na kahit wala si Nathan sya padin ang gusto mong gumagawa sayo nito” -Dan

“Hindi naman sa ganon”

“Ganon yon Dex, Pero sana hayaan mo nalang ako na gawin to. Hindi ko naman hinihiling na magustuhan mo din ako, Okay na sakin yung ganito” -Dan

Kung pagbibigyan lang ako na magmahal ulit si Dan ang mamahalin ko kasi sa bait nya hindi nya deserve masaktan, Pero kailangan ko padin magpakatotoo sa sarili ko na si Nathan ang Mahal ko.

“Bro taxi nalang tayo mainit kasi eh” -kenji

Lah? San galing tong lalaki nato? Parang kabuti bigla bigla nalang sumusulpot, Pa taxi taxi pa palibhasa mga RK! Ako eto tamang Jeep lang.

“Ah eh Mag jejeep nalang kami wala kasing kasabay si Dex” -Dan

“Hayaan mo na yan malaki na sya kaya na nya sarili nya” -Kenji

Pigilan nyo ako! Bibigwasan ko na talaga tong lalaki nato! Grr gigil nya si ako.

“Sige na Bro ikaw na lang sasabay nalang ako Kay Dex” -Dan

Buti nga sayo lalaking mayabang! Inasar ko muna sya at naglakad na kami ni Dan papuntang sakayan.

Mas masarap kayang sumakay sa Jeep kasi mura lang atsaka mas marami kang makikitang panibagong mukha.

Si Dan ang nagbayad ng pamasahe ko at hindi na ako pumayag magpahatid hanggang sa bahay baka isipin nya abuso ako.

Pagdating ko sa bahay Back to Normal na naman ako kung anong ikinasaya ko sa School sya namang ikinalungkot ko pag-uwe ko.

Sa school kasi kahit paano nalilibang ako eh dito sa bahay wala akong ginawa kundi ang mag-isip ng mag-isip kung kelan babalik si Nathan o kung babalik pa ba sya?

Grabe nadin kasi yung tatlong Buwan okay lang naman sana kung nakakapag usap kami through social media or phone kaso wala eh, Wala syang paramdam sakin.

Habang gumagawa ako ng assignment ko ay may biglang tumakip sa mata ko. Hindi ako pwedeng magkamali isa lang ang taong gumagawa sakin nito.

“Mark?”

“Ano bayan Dex, Nahulaan mo agad?” -Mark

“Yung style mo kasing Ganyan bulok na hindi na benenta sakin”

“Haha sa susunod babaguhin kona” -Mark

“Mark anong ginagawa mo dito?”

“Bakit hindi ko na pwedeng bisitahin ang Bestfriend ko?” -Mark

“Hindi naman, Sino nagpapasok sayo?”

“Si tita Pinapasok nako” -Mark

Niligpit ko muna yung mga gamit ko para makapag-usap kami ng maayos ni Mark.

“Mark anong meron bakit bigla kang napadalaw?”

“Wala lang na miss kita, Bakit hindi mo ba ako na miss?” -Mark

“Na miss din”

“Gusto lang kita kamustahin kung maayos kaba” -Mark

“Sa totoo lang hindi ako okay”

Hindi ako pwedeng magsinungaling sa kanya dahil kabisado ako ni Mark sa tagal ba naman ng pagkakaibigan namin alam na nya kung nagsasabi ako ng totoo o hindi. Tumabi sakin si Mark at niyakap ako.

“Si Dex iiyak mo lang yan hanggang sa mawala yung sakit nandito lang ako hindi kita iiwan” -Mark

Dahil sa sinabi nya ay hindi ko napigilan ang emosyon ko at umiyak na ako.

Inisip ko agad kung anong nangyari samin ni Nathan bakit hindi pa sya bumabalik at hindi na nagpaparamdam sakin.

Yung luhang matagal kong inipon dahil nagpanggap ako na kaya ko at okay kang ako kahit ang totoo nasasaktan at nahihirapan na ako lahat yon ay biglang bumuhos.

Pagkatapos kong umiyak kay Mark ay medyo gumaan ang pakiramdam ko ngayon ko nalang ulit nagawang umiyak sa harap nya.

“Ano ayos ka naba?” -Mark

“Oo medyo ayos na ako”

sagot ko sa kanya

“Babalik din yon, Wag ka nang masyadong umiiyak at mag-isip baka mahagard ka sige ka naka pag-uwe ni Nathan umalis agad sya” -Mark

Hinampas ko naman si Mark sa balikat kasi umiiyak na nga ako nakuha pang magbiro.

“He! Mahal ako non!”

“Haha Joke lang pinapatawa lang kita” -Mark

“Pero Mark salamat kasi dumating ka napagaan mo talaga ang loob ko”

“Syempre ako yata ang The Best Bestfriend sa buong mundo kaya kapag kailangan mo ako Just call my name and i’ll be there” -Mark

Maswerte ako dahil kahit may hindi kami pagkakaintindihan dati ni Mark ay bumalik kami sa dati. Yung nag-uusap at nagdadamayan. Maswerte ako kasi napapaligiran ako ng mabubuting kaibigan na handang dumamay ngayong malungkot ako.

Nathan sana bumalik kana para hindi na ako nalulungkot.

Nathan kung nasan ka man mahal na mahal kita at handa akong maghintay kahit gaano pa katagal. Panghahawakan ko ang pangako mong babalik ka.

Nagkwentuhan pa kami ng sobrang haba ni Mark bago sya nagpaalam sakin na uuwe na dahil baka kailangan ni Sheena ng tulong nya.

“Mark ingat sa pag-uwe, Pakisabi nalang kay Miles miss kona sya”

“Sige sasabihin ko kapag nagkita kami. Ikaw wag kanang masyadong mag-isip” -Mark

“Yes boss! Salamat ulit sa pag-punta”

Masaya ako dahil nakapagkwentuhan ulit kami ni Mark ng matagal sana magkaroon ulit kami ng Chance para makapag-usap ng mas mahaba pa.

CHAPTER 5

DEX’S POV

Wala ngayon si Dan dahil may inaasikaso daw sya kasama ang mama nya kaya ako lang mag-isa pauwe. Ayaw ko naman sumabaw sa apat na kaibigan ni Nathan dahil puro naka kotse yon mga RK kasi tapos si Jasmine naman mamaya pa ang uwian kaya ako lang talaga mag-isa.

Habang naglalakad ako napansin kong may asungot na sumusunod sakin, Hindi to nagkataon lang dahil alam kong nananadya na sya. San kaya sya pinaglihi ng Mommy nya at ganyan ang ugali nya?

“Bakit mo ba ako laging sinusundan?”

“Ako sinusundan ka? Kung may iba nga lang daanan duon ako dadaan para hindi kita makasabay” -Kenji

Ay day ako din! Ewan ko nga ba at kung bakit palagi ko syang nakakasabay. Siguro sinasadya nya talaga para asarin ako.

“Pwes mag pagawa ka ng sariling daanan para hindi kana makapag bwiset sakin”

“Bukas magpapagawa ako” -Kenji

Kita nyo na? Hindi lang masama ang ugali nya napakayabang pa! Binilisan ko nalang ang paglakad dahil parang hindi ko kakayaning makasabay pa sya.

Pero kung mamalasin ka nga naman bigla akong natapilok hindi ko kasi napansin na may sira yung dinaadanan ko katulad ng sira sa ulo ni Kenji.

Napangiwi ako sa sobrang sakit at parang gusto ko nang tawagin ang lahat ng santo nanlamig din ako bigla at parang nawalan ng lakas.

“Oh ilang isda nahuli mo?” -Kenji

Yung namimilipit kana sa sakit tapos may isang asungot pang mang-aasar sayo. Ang Sarap lang manakal!

Bakit ba kapag kasama ko sya ang malas ko! Lahat ng kamalasan dumadapo sakin! Una hindi natuloy yung Interview ko.

Pangalawa pinalabas ako ng Prof. sa room. Tapos ngayon eto! Natapilok ako. Ano pang susunod?

Kainis sya! Isa syang malaking sumpa!

“Alam mo kasalanan mo to eh!” Bulyaw ko sa kanya kahit namimilipit pa ako sa sakit.

“Ha? Ako pa talaga ang may kasalanan, Yan kasi hindi tumitingin sa dinadaanan alam na nga na lampa hindi pa nag-iingat” -Kenji

Sa lahat ng taong nakilala ko sya na talaga ang pinaka masama! Nakita na nga nya na nahihirapan ako wala man lang Concern! Huhu kung kelan wala si Dan tsaka pa nangyari sakin to.

Pero lumapit sakin si Kenji at tinanggal yung sapatos at Medyas ko.

“Anong gagawin mo?”

“Tsk ikaw na nga ang tutulungan ikaw pa ang nag-iinarte” -Kenji

“Bakit sinabi ko bang tulungan mo ako?”

“Anong palagay mo sakin masamang tao? Syempre konsensya ko pa kung iiwan kita” -Kenji

Kumuha ng panyo si Kenji at tinali sa paa ko, In fairness marunong sya mag tali baka napag-aralan nila dati.

Pero kasalanan naman nya kung bakit ako natapilok kaya patas na kami.

“Kenji salamat” sabi ko sa kanya pag katapos talian ang paa ko at alalayan ako na makatayo.

Hindi naman ako kagaya nya na hindi marunong mag appreciate.

“Wala yon, Pero ang baho ng paa mo ah” -Kenji

Okay na sana eh! Medyo mabait na yung tingin ko sa kanya tapos eto na naman magsisimula na naman sya.

“Hoy ang kapal mo! Walang amoy yan kahit dyan kapa tumira!”

“Ang daldal mo talaga noh? Buti hindi ka hinihiwalayan ng Boyfriend mo dahil sa bunganga mo” -Kenji

“Natural lang talaga sakin to lalo na kapag nakaka encounter ako ng mga kagaya mo”

“Daming sinasabi, Tara na nga” -Kenji

Umupo si kenji sa harap ako pero nakatalikod sya sakin, Napaisip ako kung anong ginagawa nya kasi mukha syang tanga haha.

“Ano na naman yang ginagawa mo?”

tanong ko sa kanya

“Sampa na sa likod ko para makaalis na tayo” -Kenji

“Ano!”

“Sasampa ka sa likod ko o bubuhatin kita?” -Kenji

“Ah eh kaya ko naman maglakad”

Humakbang ako pero paghakbang ko natumba ako mabuti nalang nasalo nya ako, Lalo tuloy sumakit yung paa ko.

“See? Wag kanang magpanggap na kaya mo kasi ang totoo nahihirapan ka” -Kenji

Ouch! Double meaning ah! Parang pinatamaan nya ako tungkol samin ni Nathan na wag na akong magpanggap na kaya kong wala si Nathan sa tabi ko dahil ang totoo nahihirapan na ako sa sitwasyon.

“Pwede ba alalayan mo nalang ako maglakad?”

Hindi kasi ako kumportebla kung sasampa pa ako sa likod nya.

“Sasampa ka sa likod ko o Bubuhatin kita?” -Kenji

Huhu bakit parang binabantaan nya ako? Grabe naman kasi Ipi Piggyback nya pa talaga ako pwede namang alalayan nalang.

“Ano? Ang bagal mo namang sumagot” -Kenji

“Oo na! Eto na nga eh, Excited lang?”

Dahil mapilit sya ay sumampa na ako sa likod nya. Pero wag nyong isipin na gusto ko yon wala lang talaga akong Choice dahil masakit ang paa ko.

Habang naglalakad kami, Actually sya lang pala ay nakayuko ako sa balikat nya.

Andami kasing nakatingin samin sigurado ako na hindi maganda ang iniisip nila sakin.

“Magtataxi nalang tayo para mas madali” -Kenji

“Wala akong Perang pambayad sa taxi”

“Ako nang bahala wag ka nang mamobrelama” -Kenji

“Sigurado ka? Baka mamaya kung anong singilin mo sakin”

“Ang daldal mo talaga” -Kenji

Mayamaya ay pumara na sya ng taxi at sumakay na ako.

Ang sakit padin ng paa ko paano ako makakapasok nito? Kung minamalas ka nga naman oh.

Hinatid ako ni Kenji hanggang sa bahay may Good points sya sakin ngayon sana lang wag na nya ako asarin para hindi na ako minamalas ng ganito.

“Dex anong nangyari sayo? Sino yang kasama mo?” -Mama

“Natapilok ako ma, Sya nga pala si Kenji Classmate ko”

“Magandang Hapon po tita” -Kenji

Ngumiti lang si mama at lumapit sakin para tingnan yung namamaga kong paa.

“Kenji maupo ka muna”

“Hindi na Dex mauna na din ako” -Kenji

“Sigurado ka?”

“Oo may gagawin padin kasi ako eh” -Kenji

Nagpaalam din naman agad si Kenji dahil nga may gagawin pa daw sya pero nagpasalamat ulit ako sa paghatid nya sakin.

“Dex sino yon? Ano mo yon?” seryosong tanong ni mama.

“Si Kenji ma, Classmate ko”

“Sigurado ka? Dex may Boyfriend ka ha? Dapat hindi ka nagpapapunta ng kung sino sinong lalaki dito” -mama

“Ma, Wag kang OA Classmate ko lang”

“Haha para kasing may gusto din sayo eh” -Mama

Gusto kong tumawa sa sinabi ni Mama dahil saan kaya nanggaling na may gusto sakin si Kenji eh mukhang wala ngang alam yon sa buhay kundi ang asarin ako at bigyan ako ng kamalasan.

“Ma? Imposible yang sinasabi mo”

“Naniniguro lang dahil ako Bukod kay Nathan mas Bet ko padin si Dan At Mark” -Mama

Tumayo si mama at kumuha ng Yelo at ipinatong sa paa ko. Mukhang hindi talaga ako makakapasok nito pero sana mag himala at gumaling agad yung paa.

Nagpatulong ako kay Mama papuntang kwarto ko para makapag pahinga nadin ako pero bago yon kinuna ko muna yung phone ko at nag-iwan ng Message kay Nathan.

‘Hi My loves? Ang sama ng araw ko ngayon biruin mo natapilok ako pero mabuti nalang may tumulong sakin kaya nakauwe ako ng Maayos. Sana ikaw okay kalang dyan at sana maka balik kana dahil hinihintay na kita’

Marami pa akong gustong sabihin kay Nathan pero sa personal ko nalang siguro sadabihin sa kanya kapag nagkita na kami.

MARK’S POV

“Mark kamusta na pala si Dex?” -Sheena

“Ayon medyo hindi okay medyo na mimiss pa siguro yung Boyfriend nya”

“Eh anong ginawa mo?” -Sheena

“Hinayaan ko lang sya na umiyak hanggang sa gumaan ang pakiramdam nya”

“Kawawa naman pala si Dex noh? Bakit kaya hindi mo puntahan ulit” -Sheena

“Sigurado ka?”

“Oo samahan mo muna si Dex hanggang sa maging okay sya  diba pupunta naman ako sa bahay ngayon kaya puntahan mo na si Dex alam kong kailangan ka nya” -Sheena

Oo nga pala Uuwe si Sheena sa kanila dahil ayon ang sabi ng papa nya .

Hinatid ko muna si Sheena sa sakayan bago dumiretso sa bahay nila Dex, Nagpaalam din ako kay mama na baka duon na ako matulog kala Dex.

Nagpapasalamat din ako kasi naiintindihan ni Sheena ang kalagayan ni Dex kaya ang magagawa ko nalang bilang Bestfriend ni Dex ay samahan sya.

Pagdating ko sa bahay nila Dex ay sinalubong ako ng mama nya.

“Magandang gabi po tita, Si Dex po?”

“Nandon sa kwarto nya” -tita

Pinapasok na ako ni Tita at dumiretso na agad sa kwarto ni Dex. Hindi na ako iba kala Dex kaya dirediretso na ako.

Naabutan ko si Dex na nakahiga at napansin kong may tali yung paa nya.

“Mark? Anong ginagawa mo dito?” -Dex

“Wala lang, binibisita ka. Anong nangyari sa paa mo?”

“Ah eh natapilok lang ako kanina pero okay nako” -Dex

“Sigurado ka? Uminom kana ba ng gamot?”

“Oo pinainom ako ni mama” -Dex

“Bakit ba kasi natapilok ka? Dapat kasi nag-iingat ka”

Kilala ko tong si Dex medyo may pagka lampa talaga to kaya hindi ako nagugulat kung bakit natapilok sya.

“Sorry na nga diba? Alam mo naman ako medyo lampa” -Dex

“Basta sa susunod mag-iingat ka nalang alam mo naman wala ako sa tabi mo kaya hindi kita mababantayan”

Gusto kong bumawi sa mga pagkakataon na wala ako sa tabi ni Dex sa mga panahon na kailangan nya ng kausap at Besfriend na masasandalan at mahihingan ng tulong.

Umupo ako sa tabi ni Dex at tiningnan yung paa nya, Namamaga nga at mukhang hindi sya makakalad ng maayos nito.

“Mark anong oras ka uuwe baka hanapin ka ni Sheena” -Dex

“Wala si Sheena ngayon umuwe sa kanila kaya masosolo mo ang Bestfriend mo” Biro ko sa kanya.

“Alam ko na ang ibig sabihin nyan dito ka matutulog noh?” -Dex

“Ah eh oo sana, Pero kung hindi naman uuwe nalang ako”

“Sige na dito kana matulog hindi ka naman na iba samin ni mama at mamaya kung mapano kapa sa labas kargo de konsensya pa namin” -Dex

Kala Dex nadin ako naghapunan dahil nagluto si Tita at dumating din si Tito kaya magkakasabay kaming kumain.

Pagkatapos kumain bumalik na kami sa kwarto. Kumuha ako ng Kumot at unan at Tumabi na ako kay Dex ngayon nalang ulit kami magsasama sa pagtulog.

Kaya lang bigla akong nainitan.

“Dex wala kabang electric fan dito?”

“Ah eh wala eh nasira, Bakit naiinitan kaba? Gusto mo kunin ko yung kala mama” -Dex

“Wag na Dex nakakahiya kala Tita, Pwede bang mag hubad nalang ako?”

“Ano?! Maghuhubad ka?” -Dex

Natawa ako sa reaksyon ni Dex mukhang alam kona yung nasa isip nya pero kung ano man nagkakamali sya.

“Oyy damit lang naman ang init kasi eh”

“Hoo akala ko kung ano na eh, Linawin mo kasi. Okay lang naman kung maghubad ka, Nang Damit.” -Dex

Tinanggal ko ang Damit ko at parang na preskohan ako, Iba na talaga ang panahon ngayon kahit gabi na ang init padin.

Napansin ko nakatitig si Dex sakin kaya napatingin ako sa katawan ko baka kasi may dumi, Pero pag tingin ko wala naman.

“Dex may problema ba?”

“Ha? Ah eh wala wala, May naalala lang ako bigla” -Dex

Siguro ang naalala nya ay si Nathan, Naaawa talaga ako kay Dex kasi kahit anong ngiti ang pinapakita nya ay nababasa ko sa mga mata nya yung sakit na nararamdaman nya.

Maaring makapag sinungaling sya sa iba pero hindi sakin na Bestfriend nya.

CHAPTER 6

DEX’S POV

“Good Morning Dex”

Bungad sakin ni Mark pag mulat ng mga mata ko, Oo nga pala dito pala sya natulog dahil wala naman daw si Sheena sa kanila.

“Good Morning Den, Mark anong oras na?” Sagot ko sa kanya.

“Mga 8 na ata” -Mark

Haha mukhang hindi pa sya sure kaya kinuha ko yung phone ko at tiningnan ang oras. 8:23 palang nang umaga.

“Bakit hindi mo ako ginising? Edi sana nakapag luto ako ng almusal natin”

“Hindi na kita ginising para makapag pahinga kapa, Pano ka makakapag luto eh namamaga yang paa mo?” -Mark

“Ay oo nga noh? Nawala kasi sa isip ko”

“Pahiram nga ng phone mo” -Mark

Bigla nyang hinalbot sa kamay ko yung phone ko.

“Mark ano bang gagawin mo dyan?”

“Magpipucture lang tayo, tagal nadin kasi nating walang Picture dalawa” -Mark

Tama sya matagal nadin nung huli kami nagkaroon ng Picture together at hindi na nasundan yon dahil sa sobrang daming nangyari.

Pinindot nya yung Camera, Syempre lumapit nadin ako sa kanya at naki pose nadin.

Ang dami naming kuha siguro nga 20+ haha sobra kasi naming na miss ang mag selfie.

“Mark pumunta ba dito si Mama?”

Nagtaka lang ako kadalasan kasi pag ganitong oras inaarmalite na ako ng nanay ko.

“Oo nag bilin sya na magluto nalang daw tayo kasi May date ata sila ni Tito” -Mark

“Date? ganito kaaga?”

“Oo mukhang bihis na bihis sila Eh” -Mark

What the!!! Natahimik ko ng bigla kong naalala na ngayon pala ang 5th  wedding Anniversary nila! huhu anong klaseng anak ako hindi ko man pang naalala! Medyo late nadin kasing nagpakasal si mama at papa dahil sa kakulangan namin sa Financial, Pero ang importante nakasal sila at mahal nila ang isat-isa. Kaya pala ang aga nila umalis panigurado gabi na naman sila makaka uwe. Ayyieee mukhang magiging ate nako! Haha char! Kahit ganito na edad ko noh gusto ko padin naman magkaroon ng kapatid ang sarap kaya magkaroon ng kapatid.

“Dex dyan kalang ha? Magluluto lang ako babalikan nalang kita kapag naluto na”

Tumayo na sya at nang palabas na sya ay tinawag ko sya may nakalimutan kasi akong sabihin sa kanya.

“Mark sandali”

“Bakit may kailangan kapa?” -Mark

“Pwede magbihis kana? Masyado nang naeexpose yang katawan mo buti ba sana kung mala James Reid yan”

“Uii bakit hindi ba?” -Mark

Tinaas nya yung braso nya at pinagyabang pa sakin yung muscles nya pati yung abs nya natawa nalang ako sa pinag gagawa nya. Actually maganda din naman ang katawan nya pero syempre wala pading tatalo kay James Reid.

“Oo na! magbihis ka na nga tapos mag luto kana nagugutom nako”

“Oo na boss” -Mark

Kinuha nya yung damit nya at lumabas na nang kwarto.

Ano kayang lulutuin nyang ulam eh wala naman kaming ulam sa bahay at wala kaming Ref para makapag stuck ng ulam haha.

Ilang minuto lang ako naghintay tapos bumalik na sya agad.

“Dex luto na yung ulam” -Mark

“Mark anong ulam ang niluto mo?”

“Pritong itlog, Wala kasing ibang maluluto sa kusina nyo eh. Mabuti na nga lang nakapag saing na pala si Tita bago umalis” -Mark

Sabi ko na nga ba eh, Itlog na naman grabe purgang purga na ako sa itlog. Hindi man lang ako iniwan ni mama pangbili ng masarap na ulam sila masarap ang kakainin sa date nila tapos ako dito maghapong puro itlog ang kakainin.

Inalalayan ako ni Mark papuntang kusina at sya din ang naghain sakin ng pagkain ko hindi padin kasi ako makakilos ng maayos.

“Mark anong oras ka uuwe sa inyo?”

“Mayamaya pero babalik din ako dito kukuha lang ako ng damit pamalit” -Mark

“Ha? Bakit kapa babalik?”

“Wala ka kasing kasama dito atsaka binilin sakin ni Tita na wag muna kita iwan hanggat wala pa sila” -Mark

“Hindi kaba papasok ngayon?”

“Hindi na muna wala din naman kaming masyadong gagawin sa school” -Mark

Grabe naman si Mama sakin hindi naman ako nalumpo, Natapilok lang ako hahaha. Hindi na nahiya kay Mark nakakaabala na sya.

“Mark sige na ayos lang ako dito baka marami kapang gagawin makaabala pa ako”

“Wala naman akong gagawing iba, Atsaka kahit kailan hindi ka nakaabala sakin” -Mark

Napatingin sakin si Mark ng diretso at ganon din ako sa kanya.

“Ah eh Mark kain na muna tayo”

So ayon na nga sabay na kaming kumain ni Mark tapos sya na din ang nagligpit nang kinainan namin ako naman dumiretso na lang sa sala para maunod ng Tv medyo nailalakad kona kasi yung papa ko si Mama at Mark lang talaga ang OA.

Tapos mga bandang Tanghali ay nagpaalam sakin si Mark na uuwe na muna sya pero babalik din naman agad .

Nang maiwan ako mag-isa ay humiga nalang ako kasi wala naman akong gagawin, Inopen ko yung data ko para mag Facebook nalang ako tamang Scroll down lang and shares ng mga Memes. Pero nagulat ako ang daming messages yung natanggap ko pagtingin ko isa nadon si Miles.

‘Baks ano yan? Kayo na ni Mark????????’

Nagulat ako kasi saan nang galing yung tanong na yon? Pagtingin ko nag reply at react pala sya sa My Day ko. Pero wala naman akong naalala na nag My Day ako.

Pagtingin ko ay yung Picture naming dalawa ni Mark ang naka My day tapos ang mas malala pa Top Less pala sya!! Huhuhu andaming reactions yung iba may Haha, Love, Wow tapos may nag angry. Naka recieve din ako nang message galing Kay Dan.

‘Dex bakit kayo magkasama? Bakit ganyan ang ayos ni Mark?’

Huhu pashenea paano koba ieexplain to? Hindi ko naman pwede basta basta idelete yung My Day ko panigurado mag tataka yung iba kong Friends.

‘Ah eh dito kasi natulog si Mark mainit kasi kaya nagtanggal sya ng damit. Pero picture lang talaga yan’ Sagot ko kay Dan.

May messages din akong na recieve galing kay Tyrone at ang mokong nang-aasar pa talaga.

‘Ay iba hanggang ngayon ba naman hindi ka padin nakaka move on sa Bestfriend mo? Ayiieee si Dex’

Sumagot naman ako agad kay Tyrone, Kainis talaga yung lalaki nayon binibigyan agad ng malisya.

‘Hoy lalaking umagaw ng First Kiss ko! Friendly Picture lang yon wag kang ano dyan’

Nag offline nalang ako ulit kasi pare pareho lang naman ang sasabihin nila sakin.

Yari talaga sakin si Mark mamaya pagdating nya kaya pala hiniram pa nya yung phone ko kahit may Sarili na sya. Huhu issue na naman to.

Magdidilim na nang nakabalik si Mark sa bahay at pagdating na pagdating nya ay hinampas ko agad sya.

“Aray ko naman Dex bakit mo ako hinampas?” -Mark

“Eh kasi bakit ka nag My Day ng Picture nating dalawa?”

“Bakit masama ba yon?” -Mark

“Hindi”

“Hindi naman pala eh, bakit andami na naman nag react? Hayaan mo na yang mga yan lahat naman gagawin mo hindi pwede hindi sila mag react atsaka walamg masama don, Mag Bestfriend tayo diba?” -Mark

Tama si Mark wala akong dapat ipagalala dahil wala namang masama sa Picture nayon,Nagiging masama lang dahil sa mga taong sarado ang pag-iisip.

“Mark dito kaba ulit matutulog?”

“Dipende kung bukas pa uuwe ang Mama at Papa syempre ayaw ko naman na iwan ka dito mag-isa alam ko naman matatakutin ka” -Mark

“Hoy ang kapal mo matapang kaya ako!”

“Sige na sige na, Nagdala pala ako ng pagkain namin nagluto kasi mama” -Mark

“Talaga? Nako sana makadaan ako sa bahay nyo para naman mabisita ko si Tita”

“Nako pag dumaan ka sa bahay panigurado matutuwa si mama miss kana kaya non pati ni kuya” -Mark

“Promise pag may Time ako pupunta ako sa bahay nyo”

“Talagang I promise mo” -Mark

Gabi na pero hindi padin nakakauwe sila mama masyado sigurong nag enjoy sa date nila hindi nila naisip na may naiwan silang magandang anak haha.

Nakakahiya tuloy kay Mark pati sya naabala namin dapat ang kasama nya si Sheena at hindi ako.

“Mark ang boring naman ano bang pwedeng gawin?”

“Wala din akong maisip eh, Meron kabang Baraha dyan?” -Mark

“Wala eh hindi naman ako sugarol. Pero may naisip na ako”

“Ano?” -Mark

“Jack ’N Poy, Kung sino matalo susulatan sa mukha”

“Sige mukhang exciting yan” -Mark

Wahaha yari sakin to si Mark gagawin kong libro yung mukha nya dahil sigurado ako na matatalo ko sya wa ha ha ha.

5 Minutes later

“WahahHaha ang pangit mo Dex! hahaha” -Mark

“Oo na! Kainis to!”

Pashnea hindi ko akalain na magaling pala si Mark sa Jack ’N Poy! Bakit hindi ako na inform don? Huhu parang nabaliktad ata ako yung nag mukhang libro. Habang naglalaro kami ay biglang tumunog yung phone ni Mark may tumatawag ata pero hindi nya sinagot at humarap ulit sakin.

“Mark sino yong tumatawag?”

“Wala yon si Sheena lang” -Mark

“Anong lang ka dyan, Sagutin mo baka importante yon”

Nang tumawag ulit si Sheena ay sinagot na ni Mark at lumayo muna si Mark para makausap nya si Sheena. Pero mayamaya lang din ay bumalik na si Mark.

“Oh anong sabi ni Sheena?”

“Wala naman, Wag mo nang alalahanin yon” -Mark

“Sigurado ka? Baka pinapauwe kana nya, Baka mamaya magalit pa sakin yon”

“Hindi yan ako bahala don, Atsaka hindi kita iiwanan noh wala ka kayang kasama dito” -Mark

Hindi na ako masyadong nag-usisa pa kay Mark mukhang sigurado naman sya na hindi sya kailangan ni Sheena, Kaya ko naman kasi talaga mag-isa sya lang talaga tong mapilit.

Sila mama at papa baka mamaya pang hating gabi makauwe, Sana lang talaga may pasalubong sila sakin.

*Kung may Typo man kayo na muna mag adjust tsaka ko nalang po ieedit.

CHAPTER 7

DEX’S POV

“Kamusta na yung paa mo hindi naba masakit?” -Kenji

Wow totoo bato? Tinatanong nya kung hindi na masakit ang paa ko? Himala Concern sya akala ko kasi mangasar lang ang alam nyang gawin.

“Ah eh oo hindi na masakit”

“Sa susunod kasi tingin-tingin sa dinadaanan” -Kenji

“Eh pano ako makakapag Concentrate sa paglalakad kung lagi mo akong iniinis”

“Oh bakit ako na naman” -Kenji

“Basta kasalanan mo yon”

“Ikaw na nga tinulungan ko makauwe sa inyo ako pa sisisihin mo, Bahala ka nga dyan” -Kenji

Aww mukhang nagalit ata sya, Naglakad sya ng masmabilis. Naguilty tuloy ako, Ganito talaga ako mabilis maguilty lalo pag alam kong sumusobra na ang pinagsasabi ng bunganga ko.

“Kenji!”

Napahinto sya sa paglalakad at lumingon sakin, Huminga muna ako ng malalim saka nagsalita muli.

“Kenji salamat!”

Nakita kong ngumiti sya pero nagtuloy tuloy na sya sa paglakad, Alam ko sa ngiti nayon ay hindi sya galit sakin. Binilisan kona din ang paglakad para maabutin ko sya.

Parehas lang din naman kami ng room at magkatabi pa sa upuan kaya magkikita at magkikita kami.

Dahil two days akong hindi nakapasok marami din akong na missed na mga lectures at kailangan ko maghabol para hindi ako bumagsak.

Habang nagtuturo yung Prof. Namin ay walang pumapasok sa utak ko. OO nakatingin ako pero ewan koba wala talagang pumapasok sa utak ko.

“Okay Class get 1/4 sheet of paper, I have a short quiz for all of you”

OMG!!!! sabi ko sarili ko, Huhu ito yung ayaw ko sa lahat bakit may pa surprise quiz pa????? Bakit ngayon pa kung kelan lutang ako? Pano ako makakasagot nito? Dahil sa advance na ang pagtuturo dito sa school namin ay naka Projector na kami haha kaya ng flash sa harapan namin yung mga questions ay ni isa wala akong alam although tinuro nya lang to kanina. Ilang minuto kong tiningnan yung mga questions pero wala talaga akong maisulat sa papel.

“Okay Class, Pass your Paper” -Prof

Huhu pano nato wala akong sagot, Lord what to do? Help me Please.

Mayamaya ay may papel na nilapag si Kenji sa Table ko, Tiningnan ko yung papel may mga sagot nayon.

“Ipasa na daw sabi ni Ma’am” -Kenji

“Pero?”

Hindi ko kasi alam kung bakit nya ginagawa to kung anong intensyon nya sa pagbigay ng papel.

“Sulatan mo na yan ng pangalan kung ayaw mo ma zero” -Kenji

Dahil natakot din ako na ma zero ay sinulatan kona ng pangalan ko atsaka pinasa.

Pero may bahagi ng utak ko ang nagsasabi na baka yung sagot na binigay sakin ni Kenji ay mali at gusto nya talaga ako na ma zero. Grr subukan nya talaga! Yari sya sakin.

Random checking ang ginawa ni Ma’am binigay nya din sa mga classmates ko yung mga papers at hindi ko alam kung kanino kamay napunta ang papel ko pero kung nasan man sya sana nasa maayos syang kalagayan wahaha.

Yung hawak kong papel na ka 6/10 sya mataas nayon para sakin, Eh ako kaya?? wuhuhuhu. Binalik din namin kay Prof. yung mga papel na na chikan namin at isa isa yung tiningnan at mukhang hindi maipinta ang mukha nya.

“Dalawa lang sa inyo ang naka Perfect at may ilang mga naka 9 and 8 the rest bagsak” -Prof.

“Ma’am sino po ang ka Perfect?” Tanong ng isa kong Classmate.

“Ahmm si Kenji and Dex sila lang dalawa” -Prof.

What!!! Tama ba ang dinig ko!!! Perfect?? Napatingin ako kay Kenji at nakangiti lang sya.

Hindi pala mali yung binigay nya kundi Perfect.

Woooohooo Perfect is Me dont touch me i’m

*Genios,

*Ginyos

*Geenious

wahaha joke lang si Kenji talaga yon.

Pagkaalis ng Prof. namin ay kinausap ko agad si Kenji.

“Uii Kenji bakit mo ginawa yon?”

“Ang alin?” -Kenji

“Yung binigyan mo ako ng sagot”

“Nakakaawa ka kasi kaya ayon tinulungan kita” -Kenji

Magsasalita pa sana ako pero bigla syang Tumayo, Kainis tong lalaki nato nagsasalita pa nga ako lalayasan ako agad.

“Kinakausap pa kita, San ka pupunta?”

“Magrerecess nagugutom na ako kaya pwede kung may sasabihin ka mamaya nalang” -Kenji

Tuluyan na talagang lumabas si Kenji at iniwan ako, Hay nako medyo okay na sana sya sakin kaya lang bigla bigla nalang totopakin.

Bumaba nadin ako para makapag recess na, Hindi na muna ako sasabay kala Dave para naman makasabay ko sila Dan.

Pagdating ko sa Canteen ay nakita ko agad si Dan sya lang mag-isa kaya agad akong lumapit sa kanya.

“Dan bakit ikaw lang mag-isa asan yung kaibigan mong mokong at si Jasmine?”

Nag-antay ako ng sagot pero wala syang sinagot sakin, Dedma ang lola nyo mga mamsh.

“Dan may pwedeng maki upo?”

Hindi ako pinansin ni Dan pero umupo padin ako. May problema siguro sya himala kasi hindi nya ako pinansin.

“Dan mukhang masarap yang kinakain mo ah, Pahingi nga”

Kumuha ako ng konti sa kinakain nya at sa pangalawang pagkakataon dedma na naman ako.

“Dex bakit kayo magkatabi ni Mark? tapos nakahubad pa sya.” -Dan

Napahinto ako sa pagkain ng magsalita si Dan hay sa wakas kinausap nadin nya ako.

“Diba sabi ko sayo na nainitan lang sya kaya nakahubad sya”

“Eh bakit nandon sya sa inyo?” -Dan

“Kasi nga nung araw nayon namamaga yung paa ko kaya nga hindi ako nakapasok ng dalawang araw diba? Nataon kasi non na wala din sila mama kaya ayon sinamahan nya ako”

“Wala kayong ibang ginawa?” -Dan

“Syempre meron, Ang boring kaya kung wala kaming gagawin” Sagot ko sa kanya.

“Anong ginawa nyo? Wag mong sabihin sakin” -Dan

Mukhang alam kona kung anong ibig sabihin ni Dan, Wahaha ano kayang pumasok sa utak nya at naisip nya yon anong palagay nya sakin marupok?

“Hoy kung ano man yang iniisip mo walang nangyaring ganon, Naglaro lang kami then natulog na”

“Sigurado ka?” -Dan

“Oo nga, Alam mo kainis ka tatanong tanong ka tapos hindi ka maniniwala”

“Dex sorry” -Dan

“Oh bakit ka naman nag sosorry?”

“Sorry kasi umaakto ako ng ganito, Aaminin ko nung nakita ko yung My day mo nang araw nayon nag selos talaga ako at iniisip ko na sana ako nalang yung katabi mo. Alam kong wala akong karapatan para maramdam to pero nagseselos talaga ako” -Dan

Eto na naman yung mga tinginan ni Dan naguguilty tuloy ako sa tuwing nahihirapan at nasasaktan sya ng dahil sakin, Habang masaya kasi ako nakakasakit din ako at the same time.

“Dan? Katulad mo Si Mark kaibigan ko lang yon, Bakit pwede kadin naman matulog sa bahay namin kung gusto mo ah”

“Talaga pwede akong matulog???” -Dan

Biglang lumiwanag yung mukha ni Dan na kanina lang ay hindi maipinta, Sinabi ko lang naman na pwede syang matulog samin anong maganda don?

“Oo pwede”

“Sige mamaya duon ako matutulog sa inyo” -Dan

“Ha?! Ano?! Mamaya agad???”

“Bakit ayaw mo ba?” -Dan

“Hindi naman”

“Hindi naman pala eh, So duon ako matutulog sa inyo mamaya” -Dan

Mukhang desidido na talaga sya at hindi kona sya mapipigilan bakit parang big deal ang matulog sya samin. Pero kung dyan sya masaya edi bahala sya haha.

IRISH POV

Sa paglipas ng mga araw marami din akong pinagsisihan lalo na sa mga nagawan ko ng kasalan dahil alam kong nasaktan ko sila ng sobra.

I admit na masamang tao pero ngayon nagsisisi na ako at pinapangako ko sa sarili ko na hindi na ako gagawa ng mga bagay na makakasakit sa ibang tao.

“Jasmine pwede kabang makausap?”

Nilapitan ko si Jasmine ng makita ko sya library.

“At talagang dito kapa maghahanap ng away? Hoy Irish library to hinidi Fighting area kung gusto mo akong hamunin duon sa labas wag dito” -Jasmine

Ayan ako yung sagot nya sa sinabi ko, Hindi ko naman sya masisisi sa bawat paghaharap kasi naming dalawa ay lagi kaming nag-aaway.

Masaya ako kasi hindi na sya yung dating Jasmine na laging kawawa at laging nagpapaapit, Ngayon naging palaban na sya.

“Hindi ako nagpunta dito para makipag away, Gusto lang talaga kita makausap para makapag sorry na din ako sa mga nagawa kong kasalanan sayo”

Hinawakan ako ni Jasmine sa braso, Hinila nya ako at dinala sa isang sulok.

“Kung si Dex naloko mo sa bait baitan effect mo, Pwes ako hindi” -Jasmine

“Jasmine maniwala ka gusto ko talaga magsorry”

“Alam mo Irish sa dami ng ginawa mo saking kasalanan hindi ko alam kung sasapat pa yang sorry mo sakin at hindi ko alam kung dapat ba kitang paniwalaan” -Jasmine

“Hindi ko naman sinasabi na paniwalaan mo ako agad pero Sorry talaga sa mga nagawa ko sayo”

“Sana lang talaga nagsasabi ka ng totoo dahil sa oras na niloloko mulang kami? Lalong lalo na si Dex? Hindi mo magugustuhan ang ganti ko sa yo. I’ve learned from the best kaya sana nagbago kana talaga” -Jasmine

Pagkatapos nyang sabihin yon ay iniwan na nya ako, Hindi ako naiinis sa mga sinabi nya dahil hindi ko naman sya masisisi at kasama to sa paghingi ko ng sorry ang tanggapin ang lahat ng sasabihin at mga sumbat nila sakin kahit sa masakit pa na paraan.

DEX’S POV

So ayon na nga seryoso talaga si Dan sa sinabi nya na sa bahay sya matutulog at magkatabi kami at ang magaling kong nanay pinagluto pa sya ng makauwe kami.

“Dan dyan kana sa kama matulog sa lapag nalang ako”

“Ano? Wag na tabi na tayo malaki naman tong kama mo, Si Mark nga nakatabi mo ako pa kaya?” -Dan

Naweweirdohan na talaga ako kay Dan alam ko naman na may gusto sya sakin (Hindi sa pagmamayabang) Pero kasi dapat hindi na nya ginagawa to dahil alam nyang hanggang Crush lang talaga sya sakin.

“Oo na sige na tabi na tayo”

Tumabi na ako kay Dan at humiga na. Tumingin muna ako sa kisami at nagmuni muni hindi pa kasi ako dinadalaw ng antok.

“Dex?”

Biglang binisag ni Dan ang katahimikan na nakapaligid samin.

“Oh bakit?”

“Salamat” -Dan

“Salamat? Para saan?”

“Salamat kasi kahit may Boyfriend kana ay hinayaan mo padin na maging ganito ako sayo, salamat kasi kahit alam kong hanggang Crush mo lang ako hinahayaan mo lang ako” -Dan

Hinawakan ko si Dan sa mga kamay at tinitigan sya.

“Dan? Mabait ka, Gwapo kaya hindi mahirap na mahalin ka. Hinahaayan kita kasi alam ko na dun ka sasaya, Hinayaan kita kasi alam kong alam mo ang ginagawa mo. Pero kapag alam kong sobra na ako na mismo ang titigil”

“Alam ko naman ang limitasyon ko sa buhay mo, Alam ko naman na kahit wala dito si Nathan sya padin ang sinisigaw ng puso mo” -Dan

Hindi na ako sumagot sa sinabi nya at binalik ko nalang ulit ang tingin ko sa kisame.

Sana lang talaga makita na ni Dan ang taong para sa kanya, Yung taong deserving sa pagmamahal nya dahil hindi ako yon. Hindi ko deserve ang mahalin nya dahil hindi ko sya kayang mahalin ng higit sa pagmamahal nya sakin.

At kung sino man ang taong mamahalin ni Dan? Napaka swerte nya dahil napaka bait ni Dan.

Pero ang pinaka gusto kong mangyari sa lahat ayon ay walang iba kundi ang makabalik si Nathan.

Tatlong buwan nadin syang walang paramdam sakin at hindi kona alam kung ankng nangyayari sa kanya, Kaya sana makabalik na sya para mas marami pa kaming memories na mabuo na magkasama

CHAPTER 8

DEX’S POV

’Hanggang kailan nga ba kayang maghintay ng Puso?

Hanggang kailan nga ba kayang Umintindi ng Isip?

Sa taong walang kasiguraduhan Kung babalik pa ba.

Isang pangakong tila ba’y Napapako.

Napapako at unti-unti na nga bang naglalaho?’

Finally natapos ko na din ang huling stanza ng tulang ginawa ko para kay Nathan.

Sa muling pagkakataon nakagawa ulit ako ng isang tula para sa taong mahal ko. Natatandaan ko na ang huling tulang ginawa ko ay para kay Mark at hindi ko natapos sabihin yon dahil nakita ko sila na magkasama ni Sheena.

Ang araw na din yon ay huling beses na sumali ako sa isang patimpalak para sa pagtula. At mula non tumigil na ako dahil akala ko wala nang silbi ang isang tula kung wala kang Inspirasyon Pero ng dahil kay Nathan nagawa ulit ako ng panibagong tula at sana balang araw marinig din nya.

Tiningnan ko yung singsing sa kamay ko sabay tinanggal. Pinagmasdan ko ang ganda ng singsing nayon.

Hindi lang ito basta singsing lang dahil may halaga ito sakin lalo na’t galing sa taong Mahal na mahal ko.

“Ang pangit naman nyan”

Biglang hinalbot ni Kenji yung singsing sa kamay ko at tiningnan nya yung singsing na parang may inuusisa.

“Kenji akin nayan”

“Ang damot mo naman parang titingnan ko lang” -Kenji

“Akin na sabi baka mahulog mo pa” Sobrang iniingatan ko talaga ang singsing na bigay sakin ni Nathan.

Bwiset talagang Kenji nato bigla bigla nalang susulpot tapos eto na naman sya at guguluhin ako.

Nandito pala kami ngayon sa Garden School dito kasi ako dumiretso para makapag relax at sumagap ng sariwang hangin, Recess ngayon pero hindi ko alam kung bakit nandito sya siguro sinusundan nya talaga ako.

“Ang pangit naman nito tsaka mukhang mumurahin” -Kenji

Nagulat ako ng biglang ihagis ni Nathan sa halamanan yung singsing ko.

“Bakit mo ginawa yon?!”

“Pangit naman yon kaya hayaan mona” -Kenji

“Bwis*t ka talagang lalaki ka! Umalis kana nga!”

Tinulak ko sya at hinanap yung singsing ko.

Bwiset talaga sya! Itapon ba naman yung singsing ko! Nilait lait na nga nya tapos itatapon pa nya!

Dahil sa paghahanap ko ay hindi kona napasukan ang ilang subjects ko. Hindi kona kasi pwedeng ipagpabukas to dahil baka mas lalong hindi kona makita.

KENJI’S POV

Ano kayang meron sa singsing nayon at ganon nalang ang reaksyon nya? Hay nako bahala na nga sya sa buhay nya basta ako papasok na Babalik din naman siguro sya.

Lumipas ang isa, Dalawa at tatlong subject pero walang Dex na dumating. Yung gamit nya nandito naman, Hanggang sa mag-uwian ay hindi sya dumating. Tapos mayamaya ay dumating si Dan sa room namin at hinahanap si Dex.

“Kenji nakita mo ba si Dex?” -Dan

“Hindi bakit?”

“Ang sabi nya kasi sakin sabay daw kami pauwe pero wala naman sya” -Dan

Speaking of Dex after naming mag-away kanina dahil sa singsing nya na mukha namang mumurahin ay hindi na sya pumasok ng ilang Subjects, Pero ang pinagtataka ko yung mga gamit nya nasa room paden.

“Hindi na sya pumasok kanina pero naiwan dito yung gamit nya”

“Ha? Pano naman nangyari yon? Saan pupunta si Dex? At bakit nya iiwan basta ang gamit nya?” -Dan

“Hindi ko alam sa baklang yon baka umuwe na”

“Hindi uuwe basta si Dex dahil may usapan kami at nandito yung gamit nya” -Dan

Kinuha ni Dan yung gamit ni Dex at Nagpaalam sakin na hahanapin nya daw.

Ano bang espesyal sa baklang yon? bakit parang nag-aalala sya don? Baka naglakwatya lang yon o di kaya hanggang ngayon hinahanap pa din nya yung singsing?.

Dahil pumasok sa utak na baka hinahanap pa nga ni Dex yung singsing ay binalikan ko yung lugar kung saan kami nagtalo, Sa Garden ng school.

Pagdating ko don ay hindi nga ako nagkamali, Nandon nga sya at naghahanap padin.

“Hanggang kailan ka maghahanap dyan?”

Tanong ko sa kanya ng makalapit ako at sandali syang tumingin sakin at naghanap muli.

“Umalis kana” -Dex

“Bakit ba kasi hinahanap mo pa yon eh singsing lang yon, kung Gusto mo bibilhan nalang kita ng bago”

Huminto sya sa paghahanap at humarap sakin, Seryoso yung mukha nya pero napansin ko na parang patulo na ang luha sa mga mata nya.

Ngayon ko lang sya nakitang ganon, Madalas kasi laging nakunot ang noo nya at parang kakain ng tao Pero ngayon parang malungkot sya. Ganon nalang ba kaimportante sa kanya yung singsing nayon?

DEX’S POV

Nangako ako kay Nathan na iingatan ko yung singsing na binigay nya sakin Pero ngayon baka hindi mangyari yon kapag hindi ko mahanap ang singsing.

Ilang oras nadin ako kakahanap ni Hindi na nga din ako nakabalik sa Room at nakapasok sa klase.

Tapos ngayon nandito si Kenji at bumalik, Sinabihan pa nya ako na wag na ako maghanap dahil bibilhan nya na lang ako ng bago.

“Hindi mo alam kung gaano ka importante sakin na mahanap ang singsing nayon, Bigay sakin ni Nathan yon at nangako ako sa kanya na iingatan ko yon. Kung para sayo balewala lang yon pwes sakin importante yon”

This time hindi ko na naman napigilan ang luha na pumatak sa mga mata ko, Tinitigan ko sya para mas malaman nya kung ano ba talaga ang nararamdaman ko. Napakamot naman sya sa ulo nya at ngumiti.

“Parang singsing lang nagkakaganyan ka bibilhan nalang kita ng katulad non mas mahal pa” -Kenji

“Ano ba ang akala mo sakin Kenji? Nagbibiro?  Hindi porket lagi akong nakangiti sa mga pang-aasar mo hindi ako na aasar! Hindi porket hindi ako nagsasalita sa mga ginagawa mo sakin hindi ako nasasaktan! Bakit ba lagi mo nalang ako binubully? Dahil ba sa bakla ako? Oo bakla ako! Mahina! Lampa! Duwag! Pero hindi ibig sabihin non hindi ako nasasaktan sa mga ginagawa mo sakin! Tao din ako Kenji! Nasasaktan. Ngayon kung wala ka nang sasabihin pa sakin makakaalis kana dahil hahanapin kopa yung singsing ko na tinapon mo lang”

Para akong bulkan na biglang sumabog kaya ko nasabi ang lahat ng yon kay Kenji, Oo minsan nakikipagbiruan ako Pero may limitasyon din ako katulad nalang ng ginawa nya. Tinapon nya lang alaala na bigay sakin ni Nathan.

“Dex sorry nagbibiro lang naman talaga ako hindi ko naman akalain na importante sayo yung singsing nayon” -Dan

“Nagsosorry ka sakin? Tapos ano pagkatapos? Aasarin mo na naman ako Bukas at sa susunod na mga araw?”

“Pano kung hindi mo mahanap yung singsing?” -Kenji

“Kenji ipagdasal mo na mahanap ko yung singsing nayon dahil kung hindi? Hindi ko alam kung kaya pa kitang kausapin.”

Tinalikuran ko sya at muling hinanap yung singsing na nawawala. Hindi pwedeng mawala yon, Mahalaga sakin na mahanap yon.

Hindi kona pinansin si Kenji at nagpatuloy lang sa paghahanap, Hinawi kona yung mga halaman at naghanap sa mga damo. Asan na ba kasi yon? Dito lang yon tinapon ng bwiset na lalaki nayon.

Kahit pagod na ako ay hindi parin ako huminto sa paghahanap. Mayamaya ay biglang dumating si Jasmine

“Dex anong hinahanap mo dyan?” -Jasmine

“Yung singsing ko nagaling kay Nathan nahulog ko dito”

“Ano?! Panong nangyari yon?” -Jasmine

“Basta mahabang kwento”

“Ah okay, Tulungan nalang kita para mas mapabilis” -Jasmine

Sinamahan ako ni Jasmine na maghanap kaya lang hindi din sya nagtagal dahil may klase pa sya. Nagpasalamat naman ako sa kanya sa pagtulong na ginawa nya sakin.

Naka recieve din ako ng message mula kay Dan, Tinatanong kung nasaan ako at nasa kanya daw yung gamit ko ihahatid nalang daw nga sa bahay.

Oo nga pala may usapan pala kami ngayon na sabay kami pero hindi nangyari yon dahil nandito ako. Mabuti nalang din at daladala ko ang phone at wallet ko nang bumaba ako.

Dahil nga sa kanina pa ako naghahanap at napapagod nadin ako ay nagdesisyon ako na ipagpabukas nalang ang paghahanap.

Nagtext nadin kasi sakin si Mama at nagtatanong sya kung bakit mas nauna pa makadating ang gamit ko kesa sakin.

Sana lang talaga pagbalik ko bukas ay mahanap kona sya dahil kung hindi para ko na din tinapon si Nathan sa buhay ko, Bwis*t talagang Kenji nayon! Pag hindi ko lang talaga nahanap yon isusumpa ko ang buong pagkatao nya!.

Pagdating ko sa bahay ay tinanong agad ako ni mama kung anong nangyari sakin.

“Anak anong nangyari sayo bakit ganyan ang itsura mo? Atsaka bakit si Dan ang naghatid ng mga gamit mo? San kaba nanggaling? At bakit parang umiiyak ka?”

Sabi sa inyo eh rapper talaga ang nanay ko, Walan pa nga akong sinasabi sya naka apat na tanong na agad.

“Ma yung singsing po kasi na bigay sakin ni Nathan nawawala at kaya ako nagtagal dahil hinanap ko pa kaya lang hindi ko din nakita”

“Dex alam kong importante sayo yon, Pero sana nagsasabi ka samin para alam namin kung anong nangyayari sayo at dapat nagpatulong ka sa mga Janitor’s Sa school nyo o di kaya sa mga kaibigan mo” -Mama

“Ma sorry kung nag-alala kayo, Nawala na din po kasi sa isip ko. Ang nasa isip kolang kanina ay mahanap yung singsing na bigay ni Nathan.”

“Paano ba kasi nawala ang singsing nayon?” -Mama

“Ah eh nabitawan ko po kasi”

“Dapat kasi hindi mona tinatanggal sa daliri mo alam mo naman na may pag careless ka kumilos” -Mama

Malulungkot na sana ako pero narinig ko yung Careless na word na sinabi ni Mama, Wahaha ang taray nya lakas maka English! pano nya natutunan yon? Haha char!

Hindi kona din sinabi kay Mama kung ano talagang nangyari baka mamaya sugudin nya pa si Kenji mahirap na. Mas mabuti ako nalang ang pagalitan ni Mama kesa ang ibang tao.

Kinagabihan bago ako matulog ay nag message muna ako kay Dan at nagpasalamat sa pagdala nya sa gamit ko.

Sana bukas mahanap kona yung singsing dahil kung hindi ko mahanap yon? Hindi ko talaga kakausapin yung Kenji nayon! At syempre kapag hindi ko nahanap yon ay parang tinapon ko nalang yung mga Promises sakin ni Nathan.

CHAPTER 9

DEX’S POV

Kinabukasan ay inagahan ko talaga ang pagpasok para hanapin yung singsing ko baka kasi kapag pinatagal kopa ay mas lalong hindi kona makita. Marami pa namang mga Janitor ang naglilinis tuwing umaga.

“Dex hindi ka man lang mag-aalmusal?”

“Hindi na po ma, Duon nalang po sa school”

“Sige ikaw bahala basta siguraduhin mo lang na kakain kadon mahirap na, Baka magkasakit kapa”

“Bye ma alis na ako”

Pagdating ko sa School ay nagkasalubong kami ni Kenji pero hindi ko sya pinansin, Hanggat hindi nababalik sakin yung singsing ko dedma sya sakin. Kasalanan nya kung bakit nangyayari to sakin kaya dapat lang sa kanya na hindi pansinin. Nilapag ko muna yung bag ko at muling naghanap.

’ Asan kaba kasi? Bakit ayaw mong magpakita sakin?’ Sabi ko nalang habang naghahanap.

Napansin ko din na nasa tabi lang si Kenji at tinitingnan ako, Tssk tuwang tuwa siguro sya kasi nagmukha na naman akong aso.

“Ito po ba yung hinahanap nyo?”

Napatingin ako bigla sa Guard na nagsalita, May pinakita sya sakin na singsing at hindi ako pwedeng magkamali! Ito yung singsing ko.

“Kuya paano po ito napunta sa inyo? San nyo po nahanap?”

“Ay hindi ako nakahanap nyan kundi sya”

Tinaas ni kuyang Guard yung kamay nya at tinuro nya si Kenji.

Si Kenji ang nakahanap ng singsing ko? Pero paano? Hindi kaya all this time nasa kanya talaga yung singsing ko at pinagmukha nya lang akong tanga kakahanap at pinagtitripan nya lang amo?

“Si Kenji po?”

“Oo sya yon, Nagpatulong pa nga sya sakin kagabi para mahanap lang yan. Alam mo ba na hindi sya tumigil kagabi sa kakahanap sa singsing nayan”

Naghanap sya kagabi??? Dahil sa mga sinabi ni Kuyang Guard ay parang biglang lumambot ang puso ko, Napatingin ako sa Direksyon ni Kenji at nakatingin lang din sya sakin.

Hindi ko akalain na naghanap pala sya kagabi.

“Kuya sigurado po ba kayo na sya yon?”

“Oo sya yon, Sobrang porsigudo nga sya na mahanap yan dahil ang sabi nya kapag hindi nya mahanap yan ay baka hindi na sya kausapin ng kaibigan nya”

Naguguluhan talaga ako sa mga nangyayari, Si Kenji ang nagtapon ng singsing ko tapos sya din ang naghanap? Hindi kaya binayaran nya lang tong Guard nato para magsinungaling sakin?

Pero kung ano man ang totoo wala na akong pakialam basta ang importante ngayon ay nabalik na yung singsing ko.

“Kuya salamat po ulit”

“Nako wag ka sakin magpasalamat duon ka sa kaibigan mo magpasalamat dahil sya talaga ang nakahanap nyan. Napakaswerte mo dahil may kaibigan kang Tulad nya” -Guard

Kaibigan? Magkaibigan nga ba talaga kami ni Kenji? O sadyang nakokonsensya lang sya?  Pero ano pa man ang dahilan nya dapat padin akong magpasalamat sa kanya dahil nahanap nya yung Singsing.

Nagpaalam na si Kuyang Guard sakin tapos ako naman ay nilapitan ko si Kenji.

“Kenji salamat”

Wala akong ibang masabi sa kanya kundi salamat lang, Naguguluhan padin kasi ako sa ugali na meron sya.

“Sorry kung lagi kitang Binubully, Sorry kung hindi ko iniisip kung anong nararamdaman mo”

Totoo ba to? Si Kenji nagsosorry sakin at inaamin na binubully nya ako?

“Kenji kung ano man yung mga nagawa mo sakin pinapatawad na kita, Atsaka tapos nayon ang importante humingi ka ng tawad”

Ako yung tipo ng tao na kapag nagsorry sakin at alam ko naman na sincere sya? Papatawadin ko agad. Ayaw ko kasi na merong kagalit, Kahit madaldal ako hindi padin ako sanay makipag away.

“Alam mo hindi na ako nagugulat kung bakit ka nag ka Boyfriend at kung bakit gustong gusto ka ni Dan kasama. Mabait ka nga talaga”

“Marunong lang talaga ako makisama at hanggat maaari ayaw kong nang bubully o na nanakit kasi alam ko yung feeling na nabubully at nasasaktan”

“Promise ko sayo hindi na kita ibubully”

“Talaga? Baka nag jojoke kalang”

“Hindi ako nagbibiro Dex, Gusto din kasi kitang maging kaibigan. Kung Pwede lang naman”

Inabot nya sakin yung kamay nya at tinitigan ko muna yon.

Totoo kaya na gustong makipag kaibigan sakin ni Kenji? O baka kasama na naman to sa isa sa mga Trip nya?

Pero sa huli ay inabot ko din ang kamay nya.

“Oo naman pwede, Basta sa susunod wag mona ako ulit ibubully”

“Oo hindi kona ulit gagawin yon at dahil magkaibigan na tayo sumama ka sakin”

Hinila ni Kenji yung kamay ko at wala na akong nagawa kundi ang sumunod nalang.

“Kenji san mo ako daldalhin?”

“Wag kang mag-alala sabay lang tayo papasok ngayon, Pero mamaya ililibre kita”

Nang marinig ko ang salitang libre ay parang kuminang ang mga mata ko haha basta pag libre G ako dyan.

Masaya ako dahil nadagdagan na naman ang mga kaibigan ko Mula kay Mark, Miles, Tyrone, Nicole, Sheena, Dan at ngayon naman si Kenji sana lang talaga pati sila Irish ay maging kaibigan kona dahil kapag mas marami mas masaya Dati akala ko hindi ako magkakaroon ng maraming kaibigan dahil sa kasarian ko pero ngayon ay nagkaroon ako ng maraming kaibigan at sana din makabalik na si Nathan dahil kapag kumpleto mas masaya. Kelan kaya babalik si Nathan? Sobrang miss na miss kona kasi sya 3 buwan na syang walang paramdam sakin pero eto padin ako umaasan na baka isang araw magparamdam na sya.

( 2 month’s Later )

Ang bilis ng panahon parang kelan lang kaka enroll ko lang tapos eto naman ako busy nadin Para sa buwan ng Wika. 2 buwan na ang lumipas pero limang buwan na ding walang paramdam sakin si Nathan.

Sa lahat ng buwan ng klase ang Agusto ang pinaka paborito ko dahil sa buwang ito nailalabas ko ang talento ko sa pagsusulat lalo na sa mga paggawa ng tula, Sanaysay at iba pa.

Natatandaan ko pa na ang huling sinalihan ko ay duon sa dati kong school at hindi ko yon natapos dahil may nangyari noon na hindi ko kinaya.

Pero ngayong taon sasali ako sisiguraduhin ko na mananalo na ko.

“Dex Good luck sayo, Susuportahan ka namin”

“Salamat Dan alam mo kinakabahan talaga ako eh”

“Wag kang kabahan nandito kami lahat para suportahan ka”

Mabuti nalang nandyan yung mga kaibigan ko para sumuporta sakin kahit next week pa naman ang kompetisyon ay kinakabahan kasi haharap ako sa maraming tao

Kung nandito lang sana si Nathan kahit humarap pa ako sa buong mundo, Wala akong pakialam basta nasa Tabi ko lang sya.

“Para hindi kana kabahan ililibre nalang kita ng paborito mong Fishball”

“Sige ba”

Naglakad kami ni Dan palabas nang school at pumunta kami agad sa nagtitinda ng Fishball.

Kumuha na ako ng stick at tutusok na sana ako ng biglang magsalita si Kuyang Tindero.

“Kayo po ba si Dex?”

Wow kilala nya ako? Paano? Tiningnan ko yung ID ko nakatalikod naman pero pano nya nalaman ang pangalan ko?

“o-opo, Pano nyo po nalaman ang pangalan ko?”

“May nagsabi lang po sakin”

“Ha? Sino naman?”

“Hindi ko po sya kilala, Pero binili nya po lahat ng Tinda ko ang sabi nya ipaubos ko daw po lahat sa inyo”

Ha!? Sabi nyan uubusin ko mag-isa gusto nya ba ako mapurga. Pero ang pinagtataka ko lang sino yong sinasabi nya na Bumili ng mga paninda nya.

“Kuya ano pong itsura ng bumili sa inyo?”

“Matangakad po na lalaki tapos maputi”

“Kuya nasan po sya nagpunta?”

“Doon po”

Tinuro sakin ng Tindero kung saan nya nakitang dumaan yung sinasabi nyang lalaki.

“Dan antayin mo lang ako dito ha?”

“Ha? Bakit naman?”

“Basta mamaya na ako magpapaliwanag”

Tumakbo agad ako sa way kung saan dumaan yung sinasabi nyang lalaki, Hindi ako pwedeng magkamali ramdam ko si Nathan yon.

Nilinga linga ko ang tingin ko baka sakaling makita ko sya pero hindi ko din sya nakita.

Susuko na sana ako pero may lalaki akong nakita na nakatalikod at nilapitan ko yon.

“Nathan?”

Paglingon nya ay ibang tao pala, Nagsorry nalang ako sa abalang ginawa ko.

Si Nathan nga ba talaga yon? Pero bakit hindi sya nagpapakita sakin?

Kahit dismayado ay bumalik padin ako kay Dan.

“Dex ano bang nangyari Bakit bigla ka nalang tumakbo?”

“Akala ko kasi si Nathan yon”

“Si Nathan? Dex hindi naman sa ayaw kong dumating si Nathan pero kasi kung talagang sya yon bakit hindi sya nagpakita sayo agad? Boyfriend mo sya kaya dapat isa ka sa makakaalam kung nakabalik na sya”

Tama si Dan, Kung talagang nandito na at nakabalik na nga si Nathan dapat nagparamdam nayon sakin.

Ayoko sana umasa lalo na’t walang kasiguraduhan pero kasi iba yung sinasabi ng puso ko, Ang lakas ng kutob ko na posibleng si Nathan nga talaga yon. Pero bakit hindi man lang sya nagpakita sakin?

“Pero Dan? Ang lakas talaga ng kutob ko na si Nathan yon”

“Sige sabihin na natin na si Nathan nga yon pero nasan sya? Bakit hindi man lang nagpakita sayo?”

“Hindi ko alam kung anong dahilan nyo kung bakit hindi sya nagpakita sakin, Pero ramdam ko na nakabalik na sya”

Hindi ko na naman napigilan ang sarili ko at umiyak nalang ako, Niyakap naman ako ni Dan para pagaanin ang loob ko.

“Dan pasok na tayo sa loob medyo sumama lang kasi ang pakiramdam ko”

“Sige ihatid na kita”

“Ah sir pano po itong binili ng lalaki?”

“Kuya pabigay nalang po sa mga bata dyan”

Pumasok na kami ni Dan sa loob pero hindi padin mawala sa utak ko ang posibilidad na baka si Nathan nga yon, Na baka bumalik na nga talaga sya pero bakit hindi man lang nagpakita sakin?

NATHAN’S PO

Dex sorry kung nasasaktan at nahihirapan ka ng dahil sakin. Napaka walang kwento kong lalaki para saktan ko ang katulad mo, Pero kahit paano naman panatag ang loob kasi may mga

taong

nakapaligid

sa kanya na

totoong

mahal sya.

MALAPIT NA SILANG MAGKITA HUHU kung may Typo paki intindi nalang medyo walang time para iedit haha para sa mas updated na mga chapters just visit my FB PAGE “M2M Love Story” Same profile lang

CHAPTER 10

DEX’S POV

Excited na ang lahat dahil ngayon ang araw ng labanan ng mga patimpalak na isinagawa ng aming schools ang daming mga estudyante ang mga nakabarong.

“Anak Goodluck sayo, Itayo mo ang bandera ng mga Vasquez” Masayang sabi ni Mama

Itinaas ni Mama yung banner na dalawa nya with matching sayaw pa.

“Ma? Nakakahiya wag kanang sumayaw”

“Bakit mo ako ikakahiya? Ang galing kaya ng sayaw ko”

“Haha oo na Ma magaling kana”

Kasama din ni Mama manood sina Dan, Miles, Kenji, Sheena at Mark kaya kahit kinakabahan ako ay nagagawa ko padin ngumiti kahit grabe na talaga ang kaba ng dibdib.

Bago magsimula ay pinabunot muna kami ng mga numero para malaman ang mga pagkakasunod sunod at ang nabunot ko ay Number 3, Hindi nadin masama para matapos ako agad.

Nang magsimula na ang patimpalak ay na pressure ako kasi ang galing ng dalawang nauna akin.

‘Kaya ko kaya to?’ Sabi ko sa sarili ko.

Pero nilakasan ko ang loob ko at umakyat na sa stage, Kinuha ko ang Mic at huminga ng malalim.

At hindi ko inaasahan ang nakita ko.

“Nathan?”

Totoo ba tong nakikita ko? Si Nathan nandito??

Tumingin lang ako sa kanya at ganon din sya sakin, Para akong na estatwa sa kinatatayuan ko at hindi makapagsalita.

Yung kalabog ng puso ay mas lalong lumakas at parang gusto nang lumabas sa katawan ko.

Pinikit ko ulit ang mga mata dahil baka namamalikmata lang ako at pagmulat ko ay nandon padin sya, So hindi ako namamalikta mata si Nathan nga ang nakikita ko ngayon.

“Ikatlong kandidato maari mo nang simulan ang iyong tula”

Sabi sakin ng Host pero binigay ko sa kanya yung Mic at tumakbo papunta kay Nathan. Wala na akong paki sa kompetisyon dahil ang mas importante ay malapitan ko si Nathan. Malas ata talaga ako sa mga ganito dahil pangalawang beses kona sumasali at pangalawang beses nadin na hindi ko natutuloy.

Napatayo din sila mama at tiningnan ako kung saan ako papunta. Paglapit ko kay Nathan ay niyakap ko agad siya ng mahigpit, Mahigpit na mahigpit.

“My loves hindi ako makahinga” -Nathan

Bumitaw ako kay Nathan at tinitigan ko sya habang may namumuong luha sa mga mata ko. Walang nagbago sa kanya, Gwapo padin sya haha.

“Ikaw ba talaga yan, Hindi ba ako nanaginip?”

Hinawakan ni Nathan ang ulo ko at hinalikan ako sa harap ng maraming tao, Hindi ko akalain na gagawin nya yon. Saglit lang yong halik nayon pero dama ko yung love na nanggagaling sa kanya.

“Hindi ka nanaginip My loves ako to, Nagbalik nako”

Ang dami kong gustong itanong kay Nathan pero hindi ko alam kung saan at paano ako magsisimula.

“Kelan kapa naka uwe? Bakit hindi ka nagpaparamdam sakin?”

“Relax lang My loves, Sasagutin ko ang lahat ng katanungan mo Pero sumama ka muna sakin”

“Saan mo ako dadalhin?”

“Saan pa ba edi sa paborito nating puntahan kapag gusto nating mapag-isa or tayo lang dalawa”

Alam ko na kung saan yung sinabi nya, Hindi padin talaga ako makapaniwala na nasa tabi kona ngayon ang lalaking pinakamamahal ko.

“Sandali lang magpapaalam na muna ako kala mama”

“Sige na Dex sumama kana sa Boyfriend mo at mukhang marami kayong pag-uusapan”

Sa sobrang saya ko na lapitan si Nathan ay hindi kona namalayan na nakasunod pala sila mama.

“Oo nga bakla sige na sumama kana” pag uudyok ni Miles

“Pano My loves tara na?”

Inabot ni Nathan yung kamay nya sakin at syempre sumunod ako sa kanya.

Hindi na ako nakapag paalam kala Dan dahil hindi kona na sya nakita at si Mark naman busy katabi si Sheena.

Sumakay kami sa dala ni Nathan na sasakyan at umalis ng School.

“Bakit hindi mo tinapos yung tula mo? Gusto ko pa naman sana marinig”

“Pano ko matatapos eh bigla kang dumating”

“So kasalanan kopa pala?”

“Naghalo na kasi ang emosyon ko ng makita kita, Lumapit agad ako kasi baka iwan mona naman ako at ayoko nang mangyari ulit yon”

Hinawakan ni Nathan ang kamay ko habang ang isa naman ay nagmamaneho.

“Hindi na ulit mangyayari yon dahil hindi na ako aalis hindi na kita iiwan”

Ang sarap sa pakiramdam ng mga sinabi ni Nathan, Ngayon mapapanatag na ako dahil hindi na nya ulit ako iiwan katulad nang ginawa nya sakin 5 months ago.

“Buti pinayagan ka ni Tita na gumamit ng sasakyan?”

“Nasa Right age nako My loves kaya pwede na kita dalhin kahit saan mo man gusto”

“Wala naman akong ibang gustong puntahan kundi sa tabi mo lang”

“Ito namang My Loves ko Masyado akong na miss”

“Malamang hindi ka kaya nagparamdam sakin ng 5 months Natural ma mimiss talaga kita”

Nang makarating kami sa lugar kung saan kami madalas magpunta ay sabay namin pinagmasdan ang ganda ng paligid, Nakayakap lang ako sa bewang ni Nathan dahil natatakot ako na baka iwan na naman nya ako.

“Nathan pwede ko na ba umpisahan ang pagtatanong ko?”

“Sige My Loves, Lahat ng katanungan mo sasagutin ko”

Huminga muna ako ng malalim at inisip kung ano ang mga itatanong ko sa kanya.

“Bakit hindi ka nagparamdam sakin ng limang Buwan? Meron kana bang iba?”

“My Loves wala akong iba, Hindi kita ipagpapalit dahil nag promise ako sayo na ikaw lang. Pagdating na pagdating ko sa US ay kinausap ko agad si Daddy wala akong sinayang na oras, Sinabi ko sa kanya ang tungkol satin. Sinabi ko sa kanya na mahal kita”

Nakahinga ako ng maluwag ng malaman ko na wala palang iba si Nathan.

“Ano naman naging reaksyon ni Tito Greg?”

“Syempre nagalit sya sinabi nya na isa daw malaking kalokohan na magmahal ako ng isang bakla, Pero pinaglaban kita sinabi ko sa kanya na hindi porket bakla ka hindi na kita pwedeng mahalin”

“Kung nagalit pala sya bakit hindi ka bumalik agad?”

“Dahil sinabi nya na kung Babalik ako at patuloy kitang kakausapin ay ititigil nya ang pagpapaaral sayo at natakot ako na mangyari yon. Alam kong gusto mo makapagtapos at makapag aral sa magandang paaralan at ayaw kong kunin sayo ang pagkakataon nayon kaya kahit masakit sakin at nag stay ako don.”

Hindi ko akalain na ganon pala ang paghihirap ni Nathan, Akala ko ako lang ang nahihirapan sa sitwasyon pati din pala sya.

“Nathan sorry, Ako naman talaga ang puno’t dulo ng lahat ng ito kung hindi sana ako dumating sa buhay mo hindi sana aabot sa ganitong sitwasyon.”

“My Loves wala kang kasalanan, Hindi kita sinisisi. Pareho lang naman tayong naipit sa sitwasyon”

“Pero pano na tayo ni Nathan? Pwede pa ba tayong magmahalan kahit magpinsan na tayo? At paano ka nakauwe kung binalaan ka ni Tito Greg?”

“Nagkausap na kami ni Daddy at pumayag na sya basta wag kulang daw papabayaan ang pag-aaral ko at tungkol naman sa pagiging magpinsan natin, Hindi pala talaga ako legally adopted ni Mommy”

“Ano? Hindi ka legal na Anak ni Tita? Pero bakit hindi nya sinabi satin? Or kahit sayo man lang bakit sinabi nya satin na anak kana talaga nya.”

“Yan din ang katungan ko ngayon My Loves pero masasagot lang yan kapag nakausap na natin si Mommy”

Hindi legal na anak ni Tita Emman si Nathan? Pero bakit hindi man lang nagsalita si Tita? Bakit hinayaan nya lang na umalis si Nathan? Bakit wala syang ginawa?

“Pero hindi padin ako kombinsido na talagang pumayag na si Tito Greg.”

“Magtiwala kalang sakin my loves.”

Dahil nasagot na ni Nathan ang mga katanungan ko ay nagdesisyon na muna kami na umuwe sa kanila para kausapin si Tita, May mga bagay lang ako na gustong itanong sa kanya.

DAN’S POV

Masaya ako dahil nakita ko na masaya si Dex sa pagbabalik ng totoo nyang Mahal. Ayon din naman ang gusto ko eh ang makita na nakangiti si Dex.

“Bro bakit ka umalis hindi pa tapos ang Contest” Sinundan din pala ako ni Kenji ng bigla nalang ako umalis.

“Wala na din naman yung sinusuportahan ko don kaya wala ng silbi kung mag sstay ako don”

“Dumating na pala yung Boyfriend ni Dex, Mukhang mahal na mahal nila ang isa’t isa”

“Oo tama ka sa sinabi mo, Mahal na mahal talaga nila ang isat-isa kaya nga kahit gaano kakomplikado ang sitwasyon nila ay hindi padin sila sumuko. Sana lang talaga sa pagkakataong ito hindi na masaktan si Dex dahil ayoko syang nakikitang nahihirapan at nasasaktan”

“Sobrang close talaga kayo ni Dex noh? Ang swerte nya dahil may kaibigan sya na tulad mo”

“Ako ang maswerte kay Dex, Dahil natutunan ko sa kanya ang totoong kahulugan ng pag-ibig. Ang pag-ibig na hindi tumitingin sa panlabas na kaanyuan kundi sa taglay na kabutihan.”

“Dan wag mo sanang mamasamain ang itatanong ko sayo matagal kona din kasing napapansin. May gusto kaba kay Dex?”

Dapat kona din siguro sabihin kay Kenji kung ano talaga ang tunay na nararamdaman ko para kay Dex, Alam kong nakakahalata na din sya pero nahihiya lang sya magtanong.

“Oo Kenji may gusto ako sa kanya at sya din yung sinasabi ko sayo na niligawan ko pero binasted ako”

“Bro hindi ako makapaniwala, Pero sadyang napaka lawak talaga ng definition ng Love”

“Kung makakasama mo lang si Dex, May huhulog ka talaga sa kanya dahil sa ugali nya. Sya yung tipo ng tao na kahit ano mang itsura o kasarian ay mamahalin at mamahalin mo”

Wala na akong secret na maitatago kay Kenji, Nasabi kona ang dapat kong sabihin. Ngayong nakabalik na ulit si Nathan siguro panahon nadin para mag move on.

DEX’S POV

Pagdating namin sa bahay nila Nathan ay kinausap ko agad si Tita, Nagulat pa sya ng sabay kaming dumating ni Nathan.

Sinabihan ko din si Nathan na ako na muna ang kakausap kay Tita dahil may mga gusto lang akong itanong sa kanya.

“Tita bakit hindi nyo po sinabi samin na hindi nyo pala legally adopted si Nathan? Bakit hinayaan nyo pa sya na umalis?”

“Gusto nyo talagang malaman kung bakit ko ginawa yon? Kung bakit nag sinungaling ako sa inyo? Dahil ayaw kong matulad si Nathan sakin”

Nagumpisa nading tumula ang mga luha sa mata ni Tita.

“Ano pong ibig nyong sabihin?”

“Alam mong hindi ako pwedeng magkaanak at kahit kailan hindi ako magkakaroon ng anak, Anak na galing talaga sa sinapupunan ko at ayaw kong maranasan yon ni Nathan gusto ko magkaroon sya ng mga anak, Gusto kong maranasan nya ang bagay na hindi ko naranasan”

“Bakit Tita? Dahil sa bakla ako? kaya hindi nyo sinabi samin dahil gusto nyo na magkaroon ng anak si Nathan na kahit kailan ay hindi ko mabibigay kasi nga bakla ako”

Hindi ko nadin napigilan ang hindi umiyak lumapit naman sakin si Nathan at hinamashimas ang braso ko para kumalma , Hindi ko akalain na magagawa sakin ni Tita to. Oo naiintindihan ko ang pinanggagalingan nya pero ang hindi ko maintindihan ay kung bakit kailangan pa umabot sa ganito.

“Dex sana maintindihan mo ako, Gusto ko lang ang tama para sa anak ko”

“Alam ko po yon at nirerespeto ko kayo bilang tita ko at mommy Ni Nathan. Pero hindi lang naman ang pagiging magkadugo ang basehan ng pagiging isang magulang diba? Tulad nyo hindi nyo katugo si Nathan pero minahal at inalagaan nyo sya na parang isang tunay na anak nyo na. Meron nga dyan sariling anak nila pero hindi nila kayang alagaan at tinatapon nalang kung saan-saan. Kaya magdugo man kayo o hindi basta kayang mong mag-alaga ng isang anak, Pwede ka padin maging isang magulang”

Natahimik si Tita sa mga sinabi ko at lalong napaiyak ako naman lumapit sa kanya at niyakap sya nang mahigpit. Ramdam ko yung sakit at hirap na pinanggagalingan nya.

“Dex sorry kung nagawa ko sa inyo yon, Ang lako ng kasalanan ko sa inyong dalawa dahil nagsinungaling ako. Akala ko kasi ito ang makakabuti para sa lahat pero nagkamali ako. Sorry talaga”

“Tita wala po kayong kasalanan nagpakaina lang kayo kay Nathan”

“Nathan anak? Sorry”

Nilapitan ni Tita si Nathan at niyakap nya ito ng mahigpit. Mabuti nalang at naiintindihan din ni Nathan ang pinanggaling ni Tita kaya wala ng nangyaring iba.

Sana magmula ngayon ay maging maayos na ang lahat.

Sana ito na ang panibagong simula ng aming mga buhay.

Sana wala nang masasaktan. Sana wala nang aalis.

at Sana maging maayos na ang bawat isa samin.

CHAPTER 11

DEX’S POV

Masaya ako dahil okay na ang lahat samin ni Nathan, Nakabalik na sya at hinding hindi na nya ako iiwan.

Pumasok muna kami sa kwarto ni Nathan para magpahinga lang saglit.

Makalipas ang limang buwan ngayon nalang ulit ako naka punta dito. Humiga muna kami ni Nathan pero nakayakap ako sa kanya, Ang sarap sa pakiramdam na nayayakap kona ulit sya akala ko hindi na mangyayari to pero eto na yakap yakap kona sya.

“My loves dito kana ulit tumira para magkasama tayo” -Nathan

“Sige pag-iisipan ko”

“Bakit mo pa pag-iisipan? Pumayag kana” -Nathan

“Syempre magpapaalam na muna ako kala mama”

“Papayag yan sila tita basta ako kasama mo” -Nathan

“Pano ka nakasisiguro?”

“Ano kaba malakas kaya ako kay Tita” -Nathan

“Oo nga eh napansin ko, Parang ikaw ang mas anak kesa sakin”

“Dex nung wala ako ano ano ang mga pinagkaabalahan mo?” -Nathan

Biglang nag-iba yung usapan namin at naging seryoso sya.

“Bukod sa umiyak mas pinili ko padin ang mag focus sa pag-aaral ko”

“Pasensya kana My loves kung iniwan kita, Marami tuloy luhang nasayang sayo” -Nathan

“Wala yon My loves ang importante ngayon ay nandito kana”

“Napaka understanding mo Talaga My Loves kaya love na love kita eh” -Nathan

Hindi na talaga ako nananiginip, totoo na talaga to kasama kona si Nathan, Katabi ko na sya at nahahawakan pa.

“Love na love din kita Nathan”

“Napansin ko lang kanina My loves buntis na pala yung Girlfriend ni Mark, yung Sheena bayon?” -Nathan

“Oo 5 months nayon, Kinuha pa nga nila akong ninong ng baby nila”

“Anong sagot mo?” -Nathan

“Syempre pumayag ako kasi ang sabi nila masama daw tumatanggi sa ganon”

“Okay lang ba talaga sayo na maging ninong ka? Alam mo na” -Nathan

Alam kona kung anong ibig sabihin ni Nathan, Kahit wala syang sinasabi alam ko kung ano ang gusto nyang iparating.

“Nathan? Kung ano man yung iniisip mo matagal ng tapos yon, Naka move on na ako. Ikaw na ang Mahal ko. Kami ni Mark magkaibigan padin pero maniwala ka ikaw lang mahal ko”

“Alam ko naman na ako lang Mahal mo kaya munga ako nahintay diba?” -Nathan

“Malamig ba don sa America?”

“Oo bakit?” -Nathan

“Para kasing dinala mo dito yung malamig na hangin, Ang hangin mo kasi” biro ko sa kanya.

“Si My loves naman binibiro pa ako, Gusto mo gayahin din natin sila Mark?” -Nathan

“Anong gayahin?”

“Alam mo nayon My Loves” -Nathan

What the?!?! Namula ako bigla dahil sa sinabi ni Nathan hindi ko inexpect na sasabihin nya yon. Tumayo ako at kinuha ko yung isang unan at binato sa mukha nya.

“Tara na nga, Para makuha na natin ang mga gamit ko ayaw kong abutin ng gabi”

“Ayaw mo ba talaga My Loves?” -Nathan “Ewan ko sayo!”

Lumabas na ako ng kwarto dahil baka kung saan pa mapunta ang usapan namin ni Nathan.

Masyado pa akong bata para sa mga ganong eksena wahaha kahit bakla ako hindi ako marupok sa mga bagay na ganon, May prinsipyo ako. Makakapaghintay naman yon pero hindi pa sa ngayon.

Pagdating namin sa bahay ay sinalubong kami ni Mama with matching ngiting tagumpay.

“Saan kayo galing anak?” -Mama

“Sa bahay lang din po nila Nathan?”

“Sigurado ka?” -Mama

“Opo ma bakit may iba paba kaming dapat puntahan?”

“Oo, Alam mo nayon” -Mama

Gusto kong magtago sa isang sulok, Dahil sa pinagsasabi nya, Anong klase syang ina para isipin agad sakin yon? Haha joke!

“Ma!? kung ano-ano ang iniisip nyo”

“Biro lang anak, Masyado ka namang seryoso” -mama

“Ma duon napo ako ulit titira kala Nathan”

“Okay kunin mo nalang yung mga gamit mo sa kwarto mo nakaayos nayon” -Mama

Napanganga nalang ako sa sinabi ni Mama, Para kasing alam na nya talaga na aalis ako kaya nakapag ready na sya.

“Pano nyo nalaman ma?”

“Ano kaba sinabi na ni Nathan sakin yon bago pa kayo nagkita kaya naeready kona yung mga gamit mo” -mama

Napatingin ako kay Nathan at nakangiti pa sya sakin, Kinurot ko naman sya sa tagilirin.

“Sorry na My loves gusto lang talaga kita surpresahin sa pagbalik ko kaya sila Tita na muna ang unang nakaalam na nakabalik nako” -Nathan

“Anak wag monang sisihin yang Boyfriend mo sige ka baka umalis ulit yan” -Mama

“Sinisi koba ma? Advance ka talaga mag-isip. Tara na nga Nathan kunin na natin yung mga gamit ko”

Hinawakan ko si Nathan sa kamay at hinila papunta sa kwarto ko. Pagpasok ko don ay talagang naka ready na ang mga gamit ko, Mabuti narin to atlis hindi ako nakapagod haha thanks to my mama.

“Mabuti naman hindi mo pinabayaan si Baby Nathan” -Nathan

Hawak hawak na pala ni Nathan yung Teddy bear na napanalunan nya at binigay nya sakin at pinangalanan pa nyang Nathan.

“Syempre naman ako pa ba?”

“My loves wag mo na kayang dalhin yung iba mong mga gamit, Bibilhan nalang kita ng bago” -Nathan

“Tumigil ka nga dyan Nathan magagamit patong lahat atsaka sayang yung pera kung bibili ka ng bago”

“Sige ikaw bahala” -Nathan

Kinuha ni Nathan yung dalawang maleta ko at sya ang nagdala, Magtatagal kasi ako sa kanila kaya kailangan madami din akong dadalhin. Ako naman ang nagdala kay Baby Nathan.

“Ma hindi napo kami magtatagal aalis napo kami”

“Sig anak mag-ingat kayo sa byahe, Nathan alagaan mo ang anak ko ha?” -Mama

“Syempre naman po tita my loves ko yan eh” -Nathan

“Si Mama ang OA na naman ilang kilometro lang naman ang layo ng bahay nila Nathan”

Kahit madalas kaming mag okrayan ni Mama ay love na love ko sya pareho sila ni Papa.

Alam kong naiiyak din sya sa pagalis ko, Kung pwede kolang sila isama ni Papa para hindi na sila pati ako malungkot. Kaso nakakahiya na kung pati sila kasama.

Nagpaalam na kami ni Nathan kay Mama dahil baka gabihin kami sa byahe si Papa naman nasa byahe pa kaya hindi kami nakapag paalam.

Pagbalik namin sa bahay nila Nathan ay sinalubong kami nila ate Erna, Ate Vicky pati ny Manang.

“Welcomeback Dex” -Ate Erna

“Kami na magaakyat ng gamit mo” -Ate Vicky

“Ay hindi napo, Kaya napo namin to ni Nathan”

“Sigurado ka?” -Ate Vicky

“Ah eh opo”

Inakyat na namin ni Nathan yung mga gamit ko, Didiretso na sana ako sa dati kong kwarto pero pinigilan ako ni Nathan.

“Saan ka pupunta?” -Nathan

“Sa kwarto ko bakit?”

“Dito kana lang sa kwarto ko para magkasama tayo” -Nathan

Kinuha ni Nathan yung dala ko at dumiretsobsa kwarto nya. Wala na akong nagawa kundi ang sumunod nalang, Ayan na naman sya bossy na naman haha.

“Nathan pano pala yung pag-aaral mo?”

Tanong ko sa kanya habang nag-aayos ako ng gamit.

“Next sem. mag eenroll nako para magkasama na tayo at mabantayan kita” -Nathan

“Bantayan talaga?”

“Syempre My loves alam kong nasa paligid lang si Dan baka mamaya agawin ka nya sakin” -Nathan

“Grabe ka naman kay Dan hanggang ngayon ba naman nagseselos ka sa kanya? Crush ko lang yon”

“Ano Crush Mo sya?!” -Nathan

“Oo, Pero ikaw ang mahal ko”

“Eh sino yung lalaking kinuwento sakin ni Tita na naghatid sayo sa bahay nyo?” -Nathan

“Ha?! Sinong lalaki?”

“Yung natapilok ka daw tapos hinatid ka nya, Sino yon My Loves?” -Nathan

Si Mama talaga!!! Ni report agad kay Nathan yung mga nangyari sakin huhu pati ba naman si Kenji kinuwento pa nya?

“Ah yun ba? Classmate ko lang yon si Kenji”

“Eh bakit ka nya hinatid at buhat buhat kapa nya” -Nathan

“Natapilok nga ako diba? Syempre tinulungan nya ako nagmagandang loob lang naman yung tao”

Humanda talaga si Mama sakin pag nakauwe talaga ako ulit sa bahay kung ano ano na naman ang sinabi nya kay Nathan.

“My loves may ibibigay nga pala ako sayo”

Pumunta sya sa may Cabinet nya at may kinuha sya don.

Inabot nya sakin yung kulay Red na tshirt at binasa ko yung nakalagay. ‘My’ yan yung nakasulat.

My?? Anong meron sa My?? Ba’t ang ikli lang?

“Nathan para san to?”

“Basta gusto ayan ang isuot mo bukas”

“Bakit anong meron bukas?”

“Tsk, Nakalimutan mo na ba?”

“Ano ba kasing meron?”

“5th monthsary natin bukas, Buti pa ako naalala ko pero ikaw nakalimutan mo” -Nathan

CAPITAL O! M! G! OO NGA PALA!!!!! SA DAMI NG NANGYARI NAWALA SA UTAK KO HUHU 5TH MONTHSARY NA NGA PALA NAMIN BUKAS.

NAKAKAGUILTY NAMAN KASI SI NATHAN NAALALA PALA PERO AKO NAKALIMUTAN KO.

“Nathan sorry nakalimutan ko”

“Hindi ko matatanggap yang sorry mo”

Tinalukaran ako ni Nathan, Hala!? Nagalit sya sakin?????

Gusto kong sampalin ang sarili ko dahil sa katangahan ko ang dami dami kasing pwedeng makalimutan ko bakit ang monthsary pa namin.

“Nathan sorry na talaga, Promise babawi ako sayo bukas”

Humarap sya sakin pero seryso padin ang mukha.

“Talaga?”

“Oo”

“Sige, Pero Pa kiss muna”

Lumapit sakin si Nathan at bigla akong hinalikan ni Nathan sa lips, Smack lang yon Pero para akong nakuryente at hindi agad naka kilos.

Ang sarap sa pakiramdam na kasama kuna yung taong mahal ko, Ngayong nandito na sya ulit sabay kami bubuo ng mga panibago at magagandang memories na magkasama.

Pagkakaisipan ko din pala kung anong ireregalo ko sa kanya bukas, Kailangan espesyal yon kasi bukas ang kaunaunahang pagkakataon na magcecelebrate kami ng Monthsary na magkasama at si Nathan ang kauna-unahan kong Boyfriend kaya sobrang excited talaga ako sa mangyayari.

CHAPTER 12

DEX’S POV

“Be ano ba kasing gingawa natin dito?” Takang tanong ni Miles

“Kasi nga magpapatulong ako sayo kung anong magandang regalo kay Nathan”

“Bakit ano bang meron?”

“5th monthsary kasi namin ngayon at nag promise ako sa kanya na babawi ako”

“Sakin ka talaga humingi ng tulong ha? Alam mo namang NBSB (No Boyfriend Since Birth) ako”

Oo nga noh?

Ba’t diko na isip yon? Wahaha.

Basta ko nalang kasi niyaya si Miles dito sa Palengke sa Taytay para mamili ng ibibigay ko kay Nathan, Wala kasi akong malaking pera para sa mall pa bumili.

“Kahit na be basta tulungan mo nalang ako”

“Dapat kasi si Mark ang niyaya mo sya kaya yung lalaki samin dalawa kaya for sure mas alam nya kung anong regalo ang makaka satisfy sa isang lalaki”

Tama sya babae pala si Miles dapat ang niyaya ko ay si Mark, Kaya lang baka busy kasi yon eh alam nyo na sa pag-aaral at pag-aalaga sa mag-ina nya.

“Si Mark busy yon kaya hindi kona iniistorbo, At ayokong makaabala”

“At bakit ka naman makakaabala?  Haler? Bestfriend ka kaya nya kaya kung sinabihan mo sya kanina edi sana kasama mo sya ngayon”

“Sandali nga Miles, Ang sabihin mo ayaw mo lang ako kasama”

Kunwari nagtampo ako sa kanya ta naglakad ng mabilis Pero hinabol nya ako at hinawakan sa kamay.

“Eto naman si Bakla nagtampo agad ang sinasabi kolang mas okay kapag kung si Mark ang isinama mo”

“Hindi ayaw mo lang ako kasama”

“Drama mo bakla tara na nga”

Hinila na ako ni Miles papasok sa Palengke at nag-umpisa na kaming maghanap nang ibibigay kay Nathan, Andaming pag-pipilian pero ni isa wala akong mapili wahaha ang gaganda kasi lahat kung pwede lang bilihin ko sila lahat gagawin ko, Kaso wala akong Pera.

NATHAN’S POV

“Tol ano okay na bayan?”

“Yes Boss okay” nakangiting sabi ni steve

“Parang sobra naman ata Nathan” sabat ni Matthew

“Hindi sya sobra Matth kulang pa sya, Sa limang buwan kong nawala at iniwan si Dex ngayon palang ako makakabawi sa kanya”

“Grabe talaga ang Tama mo kay Dex noh? Sadyang kakaiba nga talaga ang pag-ibig kasi magkapareho man kayo ng kasarian pero pinagbuklod padin kayo ng tadhana para magmahalan” pang aasar ni Dave

Lumapit ako kay Dave at binatukan sya ng mahina.

“Aray ko naman! Bakit mo ako binatukan??”

“Wala lang Trip ko lang, ang drama mo kasi at kung ano ano ang lumalabas sa bibig mo”

Tinawagan ko kasi tong apat kong Kaibigan para mag patulong sa pag-aayos eto kasi ang first date namin ni Dex kaya gusto ko Romantic at siguradong hinding hindi nya makakalimutan ‘I want it to be Perfect.’

“Nathan kung ano man ang piliin mong direksyon ay susuportahan ka namin, Nandito lang kami” ani ni Anthony

“Alam ko naman yon kaya nga kayo ang tinawagan ko para magpatulong sa pag-aayos”

Nag bro Hug kaming apat. Kahit madalas mga wala sila sa sarili mahal na mahal ko silang Apat sa totoo lang maswerte ako dahil sila ang naging kaibigan ko.

Sobrang thankful ako kasi sa kabila ng pagpili ko kay Dex ay hindi nila ako nilayon bagkos ay lalo pa nila akong sinuportahan.

Kahit naglolokohan kami ay maayos padin naming natapos ang gusto kong disenyo para sa 5th monthsary namin ni Dex sana lang talaga ay magustuhan nya ito.

DEX’S POV

“Be sigurado kaba na magugustuhan to ni Nathan?”

“Oo naman, Atsaka basta galing sayo magugustuhan nya yan”

“Sigurado ka?”

“Oo nga, Kaya tara na pumasok na tayo sa loob para makapag paganda kana dapat Gandesa ka mamaya”

Hindi ko alam kung maniniwala ba ako Miles na ayos lang talaga ang regalo ko Kay Nathan para kasing hindi seryoso ang mukha nya.

Gusto nyo bang malaman kung ano ang regalo ko kay Nathan?

Syempre secret muna malalaman nyo din mamaya haha.

Nauna syang pumasok sa loob ng bahay namin na parang sya ang may ari haha ako naman sinundan na sya.

“Anak aalis muna kami ng papa mo ha? May pupuntahan muna kami”

“Saan po kayo pupunta ma?”

“Basta malalaman mo din”

Ay iba, May pa secret si Mayora haha si Mama talaga ang daming kaalaman minsan.

“Saan nga kasi?”

“Basta nga diba? Mag paganda ka nalang dyan para hindi ka naman mukhang hagard sa date mo, Yung Boyfriend mukhang artistahin tapos ikaw mukhang..”

“Mukhang ano Ma?”

“Mukhang alam mo naman yon, Sige na baka hinahantay na ko ng papa mo sa labas”

Magsasalita pa sana ako pero umalis na agad si Mama, Saan kaya sila pupunta ni Papa? Ano kayang secret nila sakin? Huhu gusto ko talagang Malaman.

“Bakla tara na baka mahuli kapa sa date nyo”

Hinila na ako ni Miles papunta sa kwarto at sinimulan na akong ayusan.

AFTER 5 MINUTES

“ARAYYYYYYYYYY!!!!!”

Sigaw ko habang isa isang chinachani ni Miles yung kilay ko, Grabe ang sakit na makati First time ganunin.

“Kalma lang Dex hindi ka mamatay dito kilay lang yan”

“Eh ang sakit kasi”

“Tiisin mo kung gusto mong gumanda”

Ito na nga siguro ang sinasabi nilang tiis ganda, Ilang minuto din akong binunutan ni Miles at ng mga oras nayon ay parang gusto ko nang umiyak.

Kung ano-ano din ang nilagay nya sa mukha ko, May pa concealer, Powder pero hindi ako pumayag na mag-lagay ng Make-up.

A FEW MINUTES LATER

“Miles sandali lang naluluha na ako, Kailangan ba talagang lagyan pa ako nyan? Okay naman na yung mata ko eh”

“Kailangan to be para mas gumanda ka”

Ito kasing si Miles pinahiram sakin yung Contact lense nya, Pampaganda daw lalo yon.

Nailagay nya Din naman kaya lang naubos ata yung luha ko.

Syempre yung damit na suot ko ay tamang pants lang na color bag with Polo na Light Pink Hindi kasi ako mahilig sa mga damit pang babae.

“Ayan!!!! Ang Ganda mona!!!!” -Miles

Humarap ako sa salamin at akala ko nakita ko si Liza Soberrano ang Ganda ko kasi!!! Haha char!

Ngayon nalang ulit ako nakapag ayos ng ganito syempre kailangan ko din magmukhang tao sa harap ni Nathan baka isipin nya hindi man lang ako nag effort.

Habang tumitingin ako sa salamin ay bigla kong naalala yung binigay sakin ni Nathan na Red Tshirt sabi nya ito daw ang isuot ko.

“Be wait lang papalit lang ako”

“Ha? Maganda na nga yang suot mo”

Sinuot ko agad yung bigay sakin ni Nathan at nagtaka din si Miles kung bakit My lang ang nakasulat pero hindi nadin sya masyado nag usisa pa.

Mayamaya ay May nagbusina na sa labas ng bahay namin kaya kinuha kona yung gift ko kay Nathan at lumabas nadin kami ni Miles.

“Dex pinapasundo kana po ni Sir Nathan” -Kuya Alex

“Saan po ba tayo pupunta kuya Alex?”

“Secret daw po ayaw ipasabi ni Si Nathan” -Kuya Alex

Kainis naman yung lalaki nayon may pa secret secret pang malalaman eh pupunta din naman ako don.

“Tara na nga lang kuya”

“Dex sandali lang mag piring ka muna”

“Ha? Bakit kailangan ko pa mag Piring?”

“Pasensya kana Dex napag utusan lang ako ni Sir Nathan”

Lumapit sakin si Kuya Alex at piniringan ang mata ko, Todo hawak naman ako kay Miles natatakot ako baka kasi kung saan nila ako dalhin.

Inalalayan nila ako hanggang sa makapasok ng sasakyan at naramdaman ko nalang na umandar na yung sasakyan.

Kurot talaga sakin to si Nathan kapag nagkita kami ang dami nya kasing kaalaman may pa piring pa syang nalalaman.

After ng ilang minuto ay huminto na yung sasakyan at tinulungan ako ni Miles na makababa.

“Pwede kona ba tanggalin tong piring?”

“Oo Dex pwede na”

Pagtanggal ko ng Piring ay namangha ako sa nakita ko ang ganda ng lugar dahil puno ng ibat-ibang klaseng bulaklak ang lugar tapos may mga pictures namin ni Nathan na nakalagay at may pa balloons pa.

Sinalubong ako ni Nathan at inabot nya sakin ang boquet na daladala nya.

“Flowers for you My Loves” -Miles

Kung pwede lang mamigay ng kilig ginawa kona, Sobra sobra na kasing kilig yung binigay ni Nathan.

Akala ko sa panaginip lang to mangyayari pero ngayon totoong too na.

Hindi ko akalain na may isang tao na mag eeffort sakin ng ganito kahit sa kabila ng kasarian ko.

Naupo na kami pareho ni Nathan pero nahihiya akong humarap sa kanya nagbablash na kasi ako sa sobrang kilig.

“Happy 5th Monthsary My Loves” -Nathan

“Happy 5th Monthsary din”

Guys help me!!! I need oxygen mawawalan na ako nang hangin sa sobrang saya at kilig ko.

Napansin kodin yung suot ni Nathan na red shirt na may nakasulat na Loves.

Naka couple shirt pala kami ngayon, Kaya pala nagtataka ako bat kulang yung nakasulat.

“My loves ito nga pala yung una kong regalo sayo” -Nathan

Una talaga? So May iba pa? Haha May inabot sya sakin na isang Teddy Bear na kulang Pink, Ang ganda nya at ang lambot hawakan.

“Salamat Nathan”

“Ayan pala yung regalo ko sayo nang 1st Monthsary natin kaya lang hindi ko nabigay dahil magkalayo tayo”

“Nathan ako din May regalo sayo pero mamaya kona ibibigay”

“Ito naman yung regalo ko sayo para sa 2nd Monthsary natin”

May inabot sya sakin na kahon at ng buksan ay Relo yung laman non at mukhang mamahalin.

“Nathan hindi ba parang ang mahal naman ata nito?”

“Hindi naman importante kung gaano kamahal ang ibibigay ko sayo dahil ang mas importante ay ang pagbibigyan ko, Ito naman yung para sa 3rd Monthsary dapat natin”

Tumayo muna sya at kinuha yung regalo nya, Grabe mga bes ang laki!!! Nang regalo nya.

“Nathan ayan talaga yon?”

“Oo naman, Sige buksan mo” -Nathan

Tinanggal ko yung balot at bumungad sakin yung pictures namin ni Nathan, Isang malaking Frame at nakalagay ang picture naming dalawa.

“Nathan ang laki naman nito”

“Gusto ko yang ilagay sa kwarto nating dalawa, Para bago tayo matulog may titingnan tayo”

Ayoko na talaga mga bes! Suko na ako sa kilig. Parang gusto ko nalang tuloy itago yung mga regalo ko kay Nathan.

“Nathan sobra thank you talaga”

“Wait there’s more”

May kinuha si Nathan na paper bag tapos inabot sakin.

“Buksan mo.”

Nagmadali ako buksan at isang mamahaling damit ang binigay nya sakin.

“Wala na kasi akong maisip na iregalo sayo non, Kaya ayan yung nakita ko.”

“Ayos lang Nathan.”

Wala na talaga akong masabi kay Nathan, Speechless na ako. Kung kayo ang nasa kalagayan ko baka himatayin na kayo sa sobrang kilig.

Akala ko nang mga panahon na magkalayo kami ni Nathan ay kinalimutan nya ang tungkol saming dalawa mali pala ako, Dahil kada buwan na lumilipas ay tinatabi nya yung regalo nya para sakin.

“My love ito na man ang Regalo ko sayo ngayon”

Tumayo sya at pumuwesto sa likod ko, Tinanggal nya yung kwintas na suot ko na bigay ni Mark. Pinalitan nya ng kwintas na regalo nya sakin. Dinampot ko nalang yung kwintas na bigay ni Mark at nilagay sa bag ko.

“Nathan hindi ko alam kung anong sasabibin ko sayo pero thank you talaga sa mga bigay mo”

“Ikaw My Loves ano regalo mo sakin?”

Huhu iibigay ko pa ba? Para kasing nahiya bigla yung regalo ko sa mga regalo nya.

“Ah eh Nathan uunahan na kita yung mga regalo hindi kasing mahal nang sayo”

“Walang Problema My Loves basta galing sayo”

Dahil sinabi nyang walang problema ay nilabas kona yung una kong regalo isang bracelet pero sariling gawa ko. Ngumit naman si Nathan at sinuot yon.

First Monthsary kasi namin non at wala akong maisip na iregalo kay Nathan kaya bracelet nalang ang napili ko.

Pangalawang regalo ko ay isang maliit na staff toy na dragon.

“My Loves ang cute naman nito pero bakit dragon?”

“Kasi kapag nagagalit ka, Parang dragon na bumubuga ng apoy”

“Talaga?”

Lumapit si Nathan ng bahagya at kinurot ang magkabilang pisngi ko.

“Ito na yung regalo ko para sa 3rd Monthsary natin”

Inabot ko sa kanya yung isang papel at parang nagtaka pa sya.

“Love Letter yan, Wala kasi akong budget ng araw nayan kaya Love Letter nalang ang ginawa ko at ito naman ang pang-apat couple ring naman”

“Wow My Loves ang ganda naman nang singsing”

Parang bata si Nathan na tuwang tuwa sa mga binigay ko sa kanya, Hindi ko alam kung satisfy sya sa mga binigay ko at pinapakita nya lang na nagugustuhan nya para hindi ako malungkot.

Pasesnya sya mahirap lang ako, Hindi ko afford ang mga mamahaling material na bagay.

At ang huli kong regalo ay inabot ko nalang sa kanya, Ito yung regalo na binili namin ni Miles kanina.

Huhu ewan ko nga ba kasi dito kay Miles kung bakit ayon ang pinili. Pinagtitripan na naman siguro nya ako.

“Boxer Brief My Loves?”

Huhu hindi ako makatingin ng diretso sa kanya, Kung alam nya lang talaga si Miles naman talaga ang nagsabi sakin na ayan nalang ang iregalo ko.

“Ah eh oo wala kasi akong makita kanina atsaka kulang ako sa budget”

“Mukhang ni reready muna talaga ako sa laban ha?”

“Hoy hindi!! Kumain na nga lang tayo sayang yung pagkain na hinanda mo lumalamig na”

Binalin ko nalang ang atensyon ko sa pagkain pero alam kong nakangisin sya habang pinagmamasdan ang huli kong regalo sa kanya.

Mayamaya pa ay may biglang tumugtog at niyaya nya ako na sumayaw kami.

Hindi na talaga ako nanaginip tutuong nangyayari na to sakin,Maswerte ako kasi nakatagpo ako ng lalaking magmamahal at tatanggap sakin.

Ang masaya pa dito ay pareho pala naming sinecelebrate ang monthsary namin kahit nasa magkabilang mundo kami.

CHAPTER 13

DEX’S POV

After naming magsayaw ni Nathan ay lumapit samin si Matthew at may dalang wine at nilagyan nya yung mga baso namin.

“Nathan hindi ako umiinom”

“Try mo lang My Loves hindi naman yan nakakalasing” -Nathan

Buong buhay ko never pa talaga ako uminom o nakainom ng kahit na anong klase ng alak.

Pero mukhang hanggang dito nalang yon dahil hindi ko naman pwede tanggihan si Nathan. Hindi ako pwedeng maging KJ kasi Monthsary namin to.

Bahala na si Batman sabi ko nalang sa sarili, Kinuha ko yung baso at nagmadali akong ubusin yon. Inubos kona para tapos na agad ang problema haha, Kaya lang parang wrong move ata ako. Bigla kasi akong nahilo pagkainom ko, Ganito ba talaga kapag First time?

“Nathan nahilo ako bigla”

“Pano naman kasi My loves ininom mo kasi lahat dapat konti-konti lang” -Nathan

“Eh kasi ikaw sabing hindi ako umiinom eh pero pinilit mo pa ako”

“Wine lang naman yan kaya hindi malakas ang tama” -Nathan

Wala naman talaga syang lasa kaya lang nahilo ako bigla. Siguro dahil nadin sa first time ko at bago saking panlasa kaya medyo shakey ang paningin ko.

“My Loves sino ang nag organize nito?”

“Bakit nagustuhan mo ba? Kasama ko ang mga kaibigan ko na gumawa nito para maging maganda at maging memorable ang Monthsary natin dahil ito yung unang pagkakataon na magcecelebrate tayo” -Nathan

“Nathan Thank you. Thank you kasi pinaranas mo sakin ang isang bagay na akala ko sa imahinasyon ko mararanasan kasi kahit ata maging sa panaginip hindi ito mangyayari sakin”

May luha na naman na tumulo sa mata ko pero hindi ito luha ng kalungkutan. Luha ito ng sobra sobrang kagalakan.

“Si My loves naman napakaiyakin” -Nathan

Masasabi ko na isa ito sa mga pangyayaring hindi ko malilimutan buong buhay ko.

Bago kami umalis ni Nathan ay uminom muna ako ng kalahating basong wine nasarapan lang ako haha.

“My loves san ba tayo uuwe sa amin o sa inyo?” -Nathan

“Pwede bang samin nalang muna? Gusto ko kasing malaman kung nakauwe nadin sila mama”

“Sige ikaw bahala” -Nathan

Habang nasa byahe kami ay naidlip muna ako dahil medyo sumakit ang ulo ko, Yung rigalo sakin ni Nathan na malaking Frame pinauwe nya nalang kay Kuya Alex. Ginising nalang nya ako  nang makarating kami sa bahay.

Pagpasok namin ay nandon na sila Mama at Papa, At ang dalawa magkatabi pa habang nanonood ng Tv.

Alam kong sweet talaga silang dalawa pero iba kasi ang feeling ko para talagang may hindi sila sinasabi sakin.

“Anak kamusta date nyo?” -Papa

“Okay lang naman pa”

“Sige na pumasok na kayo sa kwarto mukhang pareho ata kayong pagod” -Papa

Dumiretso nalang kaming kwarto pero may gumugulo padin talaga sa utak ko parang may hindi sila sinasabi sakin.

“Nathan wala kabang napansin kala Mama at Papa kanina?”

“Wala naman, Bakit?” -Nathan

“Para kasing iba yung sweetness nila”

“My loves hayaan mona sila ang atupagin mo ay ang sweetness nating dalawa” -Nathan

Biglang nilapit ni Nathan yung Mukha nya sa Mukha ko, Palapit ng palapit ako naman ay dahan dahang umatras.

Lord? Give me strenght wag nyo po akong hayaang mag padala sa tukso.

“Ah eh Nathan anong ginagawa mo? Pwedeng matulog nalang tayo? Ang sakit nadin kasi nang ulo ko”

“My loves may alam akong gamot sa sakit ng ulo” -Nathan

Unti-unti pading lumalapit si Nathan ako naman paatras ng patras.

“Anong gamot naman?”

“Kisspirin” -Nathan

“Kisspirin? Ano yon?”

Jusmiyo naman to si Nathan pag-iisipin pa ako ng KISSPIRIN, Ano yon? Gamot ba talaga yon?

“Gusto mo talaga malaman?” -Nathan

Bigla akong hinalikan ni Nathan at sa sobrang gulat ko ay napaatras ako pero hindi ko ini expect na wala na pala ang aatrasan.

Ayon nahulog ako at unang tumama ang bandang pwetan ko.

“Arayyyyy!!!!!!!!”

Napasigaw ako kasi ang lakas ng impact ng pagkakalaglag ko kaya talagang masakit. Lumapit naman sakin si Nathan at inalalayan ako patayo.

Ang sakit mga besh napahawak nalang ako sa pwet ko para mawala yung sakin (May powers kasi yung kamay ko) Haha char! Ganon naman yon dito kapag may masakit sayo tapos hinahaplos haplos mo parang nawawala yung sakit.

Sila Mama at Papa naman ay napapasok nalang sa kwarto at halatang nagulat pa sila sa nakita nila.

“Dex anong nangyari bakit ka nakahawak sa pwet mo? Pinilit kaba nya? Pinilit kaba ni Nathan??” -Mama

“Anak bakit ka bumigay? Ang bata bata mo pa” -Papa

Kung meron mang dapat magulat ako yon. Dahio kung ano ano ang lumabas sa bibig nila, Anong pinilit? Anong bumagay? Saan lahat nang galing yon.

“Ma? Pa? Anong pinagsasabi nyo? Nahulog lang ako sa kama kaya ako napa aray at tinulungan lang ako ni Nathan.”

“Sigurado ka? Ibig sabihin walang nangyari?” -Mama

“Anong nangyari?”

“Yung alam mo na” -Mama

Sumenyas pa sakin si Mama, At parang gusto kong magpakain sa lupa dahil sa iniisip nila ni Papa. Huhu pano nila naisip sakin yon???

“Ma!!! Walang nangyaring ganon, Grabe kayo sakin”

“Haha akala lang kasi namin” -Mama

“Ma labas nalang po kayo kasi baka totohanin na namin ni Nathan yung mga iniisip nyo”

“Sige anak basta minimize your voice lang ha?” -Mama

“Ma!!!!!!!!”

“Haha joke lang ito na nga eh lalabas na kami ng papa mo” -Mama

Hinila na palabas ni Mama si Papa at ako naman ay napahiga nalang ulit, Jusme na stress ako don ha? Ako nga hindi ko naisip yon tapos sila naisip yon.

Tiningnan ko naman si Nathan at nakatingin lang din sya sakin at nakangiti.

“Anong nginingiti ngiti mo dyan?”

“Totoo ba yung sinabi mo kala tita kanina?” -Nathan

“Na ano?”

“Na gawin natin yung iniisip nila” -Nathan

Kumuha ako ng isang unan at binato ko sa mukha nya para matauhan sya kung ano ano kasing kabastuhan ang pumapasok sa utak nya. Kahit ganito ako, Ganito talaga ako.

“Matulog ka na nga para hindi kung ano ano ang pumapasok dyan sa utak mo”

Humiga naman agad si Nathan at niyakap ako.

“My Loves effective yung Kisspirin ko noh?” -Nathan

Napaisip ako bigla, Medyo effective nga sya pero mas lalo naman akong na stress kasi dahil don kaya kung ano ano ang inisip nila mama.

“Hindi sya effective lalo lang sumakit ang ulo ko”

“Talaga? Gusto mo Try ulit natin?” -Nathan

“Tigilan mo ako sa mga The Moves mong ganyan, Nakakarami kana sakin. May bayad na yung mga susunod”

“Magkano ba ang singil mo My Loves? Babayaran ko basta wag mo lang ipagdamot sakin ang iyong” -Nathan

Natawa naman ako bigla kay Nathan kasi tumulis yumg nguso nya haha at ang malupit pa nito grabe ang tagalog nya parang dati lang puro english sya.

Sabagay puro kasi nagtatagalog ang mga nasa paligid nya kaya natututo na sya. Para matapos na ay kiniss ko nalang si Nathan pero saglit lang.

“Okay Na?” tanong ko sa kanya.

“Oo My Loves” -Nathan

Tumayo naman si Nathan at nagtanggal ng mga damit nya.

“Anong ginagawa mo? Nathan tigil tigilan mo ako ha”

“My loves naman, Magpapalit lang ako papatulugin mo ba ako na ito padin yung suot ko? Atsaka gusto kong suotin yung regalo mo sakin” -Nathan

Huhu pinaalala na naman nya sakin yon! Nakalimutan ko na nga eh, Pashnea kasing Miles yon eh sya naman talaga ang namili napa oo nalang ako kasi wala na akong time para maghanap pa.

“Uyy labhan mo muna yan baka mangati ka”

“Ayos lang My loves” -Nathan

“Bahala ka nga dyan”

Tumayo na ako para kumuha ng pang tulog ko haha nawala sa isip ko na magpalit.

Syempre duon ako sa Cr nagbihis mamaya maakit pa sya sa katawan ko #assumera at makagawa pa sya nang kung ano.

“Goodnight My Loves” -Nathan

“GoodNight den”

Mabuti nalang Sunday bukas kaya wala kaming pasok makakatulog ako ng mahaba haba nito. Pero bago ako natulog ay nag Pray muna ako.

‘Lord? Ang tangi ko lang pong masasabi sa inyo ay Salamat, Salamat kasi dinala nyo sakin ang lalaking to (Si Nathan) Salamat kasi kahit bakla ako ay pinaranas nyo sakin ang magmahal ng ganito at Mahalin ako sa kabila ng Kasarian ko. Salamat po kasi pinatagtag nyo ang relasyon namin ni Nathan na kahit nagkalayo kami ay hindi nyo hinayaan na matapos ang kung anong meron samin. Alam ko pong mali ang magmahal sa kapwa ko lalaki ang kasarian pero naniniwala po ako na sa paningin nyo lahat pantay pantay, Lahat may karapat magmahal at mahalin kahit ano paman ang kasarian nito. Yun lang po, Maraming salamat.’

Pero bago ako natulog ay pinagmasdan ko muna yung mga pictures namin together ni Nathan, Kahit limang buwan na kami ay hindi ko pa din maiwasan ang hindi kiligin sino ba naman kasing hindi kikiligin?

Panibagong araw na naman bukas at sisiguraduhin ko na magiging masaya at memorable ang mga araw na magkasama kami ni Nathan dahil babawiin ko ang halos limang buwan na hindi ko sya nakasama.

Kung May Type of error man sorry muna huhu tsaka ko nalang sya aayusin, Paki intindi nalang salamat.

INSTAGRAM : @dex_pascual

CHAPTER 14

DEX’S POV

Nagising nalang ako nang wala na si Nathan sa tabi ko, Napabangon tuloy ako nang wala sa oras. Nang tingnan ko ang ay mag aalas dies na nang umaga, Napahaba pala ang tulog ko.

“Nathan??”

Walang sumagot sakin kaya hinanap ko sya sa buong bahay pero hindi ko sya makita.

Kinabahan tuloy ako bigla, Baka kasi umalis na naman si Nathan at hindi na nagpaalam sakin.

Natakot ako bigla kaya napalabas ako nang bahay baka sakali na maabutan ko sya.

“Dex anong nangyari bakit parang nagmamadali ka?” -Mama

“Ma nakita nyo po ba si Nathan? Alam nyo po ba kung nasan sya?”

“Oo, Bakit?” -Mama

Lumapit ako kay Mama at hinawakan sya sa dalawa nyang kamay. Ewan ko ba kung bakit ako nagkakaganito, Siguro natatakot lang ako na baka mawala na naman si Nathan at iwan na naman nya ako.

“Ma asan po si Nathan?”

“Nagpasama kasi ang papa mo na mamili at ang sabi ko si Nathan nalang ang isama. Hindi ka nya ginising kasi ang lakas pa daw ng hilik mo” -Mama

Nakahinga ako nang maluwag dahil sa sinabi ni Mama, Huhu akala ko talaga umalis na naman si Nathan at hindi man lang nagpaalam sakin.

“Ma ano po bang bibilhin ni Papa at kailangan nya pang magpasama kay Nathan?”

“Basta malalaman mo din mamaya, May sasabihin kami sayo ng papa mo mamaya.” -Mama

Biglang naging excited si mama, Na pa isip tuloy ako kung bakit parang ang excited nya masyado. Wala namang may Birthday samin.

“Bakit ma ano bang meron?”

“Basta nga diba? Malalaman mo din mamaya, Kaya ikaw maghilamos kana don. Tingnan mo nga yang itsura mo para kang ginahasa, Pinilit ka siguro ni Nathan kagabi noh?” -Mama

“Ma!!!!!????? Puro talaga kayo kalokohan, Kahit ganito ako hindi ako katulad nang iba dyan na marupok”

“Sige na ang dami mo pang sinasabi Oo o Hindi lang naman ang isasagot mo” -Mama

Pumasok nalang ako at naghilamos na. Pagtingin ko sa salamin, Tama nga si Mama ang gulo ng buhok tapos kusot pa yung damit ko.

Ganon lang talaga magsalita si Mama kasi may pagka kalog sya ayaw nya kasi na puro iyakan at malungkot, Kaya nga lang minsa sumusobra nadin sya sa kadaldalan kaya nga naibigay nya sakin yung iba.

Pero kahit ganon si Mama mahal na mahal ko sya at hindi ko sya ipagpapalit sa kahit anong materyal na mga bagay.

Tanghali na nang makabalik sila Nathan at ang dami nga nilang binili akala mo may party dito sa bahay.

“Nathan kanina kapa hinahanap nyang anak ko, Akala siguro iiwan mo na naman sya” -Mama

Salubong ni Mama kala Nathan, Napangiti lang sakin si Nathan sabay lumapit.

“My loves naman diba nag promise na ako sa na hindi na kita iiwan?” -Nathan

“Eh kasi nagulat lang ako kanina kasi wala kana sa tabi ko”

“Nagapasama lang kasi sakin si Tito, Hindi na kita ginising kasi humihilik kapa” -Nathan

“Hoy!!! Ako humihilik? Hindi ako humihilik! “

“Dex tama na nga yan. Tulungan mo nalang ako lutuin tong mga to” -mama

“Ma ano ba kasing Meron?”

“Gusto mo talagang malaman?” -Mama

Pumasok sya sa kwarto nila at pagbalik nya ay may binigay sya sakin, Isang Pregnancy Test.

“Ma ano pong ibig sabihin nito?”

“Anak buntis ako 2 weeks na” -Mama

Para akong nabingi sa sinabi ni Mama, Buntis sya? Pano nangyari yon??

“Ma seryoso bato?”

“Oo Dex seryoso yan, Magkakaruon kana nang kapatid” Singit ni Papa sa usapan namin.

Sa sobrang tuwa ko naman ay napalit agad ako kay Mama at hinimas himas ang tyan nya.

Nakaramdam ako ng sobrang excitement kasi sa tagal ng panahon magkakaroon na ako ng kapatid, Magiging Ate na ako haha.

“Oh ngayong alam mona kung bakit may mga ganito, Isa itong blessing satin kaya dapat lang tayo na magcelebrate” -Mama

“Ma kami nalang magluluto ni Nathan magpahinga ka nalang”

“Anak buntis lang ako, Wala akong sakit kaya tayo na ang magluluto” -Mama

“Tita kami nalang po ni Dex para matuto din po ako na magluto”

“Sige na nga” -Mama

Kinuha ni Nathan yung mga pinamili nila at dinala sa kusina.

“My Loves pano bato?” -Nathan

“Ilabas mo muna sa plastic yang pinamili nyo, Para maayos na natin”

“My loves ang feeling mo ngayon dahil magkakaroon ka nang kapatid?” -Nathan

“Sobrang sayo ko syempre, 18 na ako at akala ko hindi na ako magkakaroroon nang kapatid sa edad kong ito. Alam moba naiinggit ako dati sa ibang bata kasi sila may mga kalaro na kapatid habang ako mag-isa lang Pero ngayon buntis na si Mama magkakaroroon na nang baong anghel sa bahay namin”

“Ang sarap siguro magkaroon nang baby sa bahay noh? Ako kasi only child lang din ako kaya hindi ko alam yung feeling na magkaroon nang kapatid” -Nathan

“Nathan? Naisip mo ba na imposible kang magkaroon ng anak kung ako ang makakatuluyan mo?”

Hindi ko alam kung bakit ko natanong yon pero nasabi ko nalang bigla.

“Naisip ko din yan My loves, Pero anong magagawa ko kung ikaw ang Mahal ko. Diba nga sabi mo kay Mommy hindi lang naman pagiging magkadugo ang basehan para maging isang magulang ka diba? Madali lang naman solusyunan yang problema mo eh edi mag adopt tayo kung gusto mo” -Nathan

Sa sobrang tuwa ko sa sinabi ni Nathan ay niyakap ko sya ng mahigpit. Napaka swerte ko talaga sa kanya dahil malawak ang pag-iisip nya, Tama sya hindi ang pagiging magkadugo ang basehan para masabi o matawag kang isang magulang. As long as kaya mong mag-alaga ng isang bata at palakihin ito ng tama, Pwede kanang matawag na isang magulang.

“My loves lutuin na natin to mamaya na tayo magdramahan baka pumangit ang lasa ng pagkain” -Nathan

Sinimulan na namin ni Nathan ang pagluluto, Pero bago yon tinuruan ko muna sya kung pano magbalat at maghiwa ng sibuyas. Syempre pinakita ko din sa kanya kung pano magluto ng minudo, Sana lang talaga naisalulo nya lahat. At ang loko tinuruan ko pa kung pano magsaing.

Palibhasa lumaki sa yaman kaya walang kaalam alam sa mga pagluluto.

Pagkatapos naming magluto ay hinain na namin yung ulam. Si Nathan naman todo sabi na sya daw ang nagluto, Eh naghalo lang naman sya. Pero hinayaan ko nalang sya dahil first time.

Nag-usap din kami ni Nathan na dito muna ako sa bahay titira para matulungan ko si Mama, Pumayag naman sya dahil iniisip nya din si mama.

Excited na ako na magkaroon ng baby dito sa bahay sana babae sya para mas masaya.

IT’S MONDAY!!!!!

Back to school na naman, Syempre kailangan ko mag-sipag sa pag-aaral para sa Future ko at ayaw kodin na masayang yung ganitong chance at nangako ako kala mama na iaahon ko sila sa hirap.

Sinundo ako ni Nathan at hinatid ako hanggang sa School.

Next sem. Mag eenroll na sya, At ang loko kaya daw mag eenroll para daw mabantayan ako baka daw may umaligid sakin #anggandako .

Pasenya ang ganda kasi ng Jowa nya kaya marami syang kaagaw.

“My loves susunduin nalang kita mamaya ha?”

Bago umalis si Nathan ay hinalikan nya muna ako sa may nuo.

“Totoo nga ang balita, Nakabalik na si Nathan” -Irish

Napaharap nalang ako nang may marinig akong pamilyar na boses. Si Irish kasama si Venus at Bea.

“Oo kababalik lang ni Nathan”

“Good For you” -Irish

Pagkatapos nyang sabihin yon ay tumalikod na sya at naglakad pero tinawag ko sya at napahinto naman sya.

“Irish!”

“Yes? May nakalimutan kapa bang sabihin?” -Irish

“A-ano kasi, Sana maging magkaibigan na tayo”

Lumapit sakin si Irish at parang mangangain na naman sya ng tao.

“Hindi porke hindi kita sinasaktan at hinahayaan kitang maging masaya ay ibig sabihin pwede na tayong maging magkaibigan, Tandaan mo ikaw pa din ang rason kung bakit imposible na kaming magkabalikan ni Nathan” -Irish

Kahit hindi sabihin sakin ni Irish ang totoo alam ko at ramdam ko na nasasaktan sya. Kung may magagawa lang sana ako para mabawasan yon gagawin ko.

“Irish alam ko, Ako ang sinisisi mo Pero sana wag mong isip na inigaw ko sayo si Nathan. Kahit na may nagawa kang masama sakin gusto padin kitang maging magkaibigan, Hindi man ngayon pero sana soon”

Walang emosyon sa mukha ni Irish, Tinalikuran na nya ako at naglakad palayo. Pero naiwan si Venus at kinausap ako.

“Dex sorry sa naging attitude ni Irish, Sana hindi ka magsawa na magpasensya sa kanya.” -Venus

“Wag kang mag-alala naiintindihan ko naman si Irish”

“Salamat talaga, Alam mo hindi na ako nagtataka kung bakit ikaw ang minahal ni Nathan. Kamahal mahal ka nga talaga.” -Venus

“Salamat sa mga sinabi mo”

“Dex naniniwala ako na magiging magkaibigan din kayo ni Irish, Hindi pa siguro nya matanggap sa ngayon alam mo naman yon ayaw nyang nakikita ng iba na mahina sya. Pero sa loob loob non gusto ka din nya maging kaibigan” -Venus

“Sana nga maging magkaibigan na kami”

“Sana nga, Tayo pwede ba tayong maging magkaibigan?” -Venus

“Oo naman”

Gumuhit ang malaking ngiti sa mukha ni Venus at niyakap ako nang mahigpit.

“Dex salamat ha? Sorry din pala sa mga nagawa ko sya. Hayaan mo icoconvince ko talaga si Irish na makipag kaibigan sayo sasabihin ko sa kanya kung gaano ka kabait” -Venus

“Salamat”

Pagkatapos naming mag-usap ay umalis nadin sya, Ayos lang naman sakin kung hindi kami agad maging magkaibigan ni Irish alam ko naman na natatakot lang sya na ipakita sa iba na mabuti din syang tao.

Sanay nadin kasi ang ibang tao sa matapang at palaban na Irish pero katulad nga ng sinabi ko ramdam ko na gusto talagang makipag kaibigan ni Irish.

Habang naglalakad ako sa Corridor ay nakita kong naglalakad si Dan kaya sinigawan ko sya.

“Dan!”

Nagtuloy tuloy lang sya sa paglakad, Hindi nya suguro ako narinig. Sumigaw ulit pero hindi padin nya ako narinig.

Naisip ko na tumakbo nalang palapit sa kanya, Pero dahil sa kagustuhan kong makalapit kay Dan ay hindi ko napansin na may basa palang part sa dinaanan ko kay na out of balance ako, Huhu naiimagine kona kung paano ako lalagapak.

Bahala na si Batman, Napapikit nalang ako at aantayin nalang ang sakit ng pagbagsak ko.

Pero Hindi nangyari ang iniisip ko dahil may sumali sakin.

“Hay nako hanggang ngayon lampa paden” -Kenji

Napamulat agad ako ng marinig ko ang pamilyar na boses. Umayos naman agad ako ng tayo at humarap sa kanya.

“Salamat”

“Sa susunod kasi tumingin ka sa dinadaanan mo pano kung hindi ako napadaan dito edi naaksidente kana?” -Kenji

“Pinagsasabihan mo ba ako o pinapagalitan?”

“Parehas, Bakir ka kasi nagmamadali? Maaga pa naman ah” -Kenji

“Hinahabol ko kasi si Dan, kaya lang hindi ko naabutan”

“Dex may Favor ako sayo, Pwede bang wag mo muna lapitan si Dan?” -Kenji

“Ha? Bakit ko naman gagawin yon?”

“Dex sinabi sakin ni Dan na ikaw ang niligawan nya, Alam ko na din na ikaw yung palagi nyang kinukwento sakin, Kaya sana layuan mo muna sya” -Kenji

“Hindi ko sya pwedeng layuan dahil magkaibigan kami”

“Yun na nga Dex eh magkaibigan lang kayo, Hindi mo ba naisip kung anong nararamdaman nya para sayo? Kaibigan ko din si Dan kaya nga sinasabi ko to sayo para maging okay na ang lahat hayaan mo muna mapag-isa si Dan para makapag-isip isip din sya” -Kenji

“Sige gagawin ko yan. Pero sana pakisabi sa kanya na kapag kailangan nya ng kausap nandito lang ako”

“Sasabihin ko yon, Tsaka masaya nga pala ako dahil nakabalik na ang Boyfriend mo” -Kenji

Hindi na ako nagsalita at pinagmasdan nalang na umalis si Kenji.

Tama nga ba yung naging desisyon ko na hayaan dati si Dan na maging mas close kami?

Nakatulong nga ba ako o mas nakalala lang?

Hindi ko naman intensyon na makasakit ng ibang tao. Kung pwede lang na piliin ko din si Dan gagawin ko, Pero hindi pwede eh si Nathan talaga ang Mahal ko.

Kaya sana makahanap nadin si Dan ng taong magmamahal sa kanya, Yung taong deserve sya kasi hindi ako yon.

CHAPTER 15

DEX’S POV

“Kenji masama ba akong kaibigan?”

“Kung ako ang tatanungin Dex, Hindi. Kasi kahit grabe ang ginawa kong pang-aasar sayo ginawa mo padin akong kaibigan mo” -Kenji

“Pero bakit pakiramdam ko ang sama sama ko kasi nasasaktan ko si Dan?”

“Dex? kung ako ulit ang tatanungin ang tanging kasalanan mo lang ay hinayaan mo sya na patuloy kang mahalin kahit alam mo sa sarili mo na hindi pwede dahil may Boyfriend kana” -Kenji

“Yun na nga eh, Ano bang dapat kong gawin?”

“Hayaan mo muna siguro syang makapag-isip syempre nasasaktan payon ngayon” -Kenji

“Tama ka kakausapin ko nalang siguro sya kapag ayos na ang lahat.”

“Bakla!!!!!!!!”

Napatigil kami ni Kenji sa paglalakad ng marinig namin ang sigaw ni Jasmine. Dali dali syang lumapit samin at parang may importanteng sasabihin.

“Oh bakit anong problema?”

“Kamusta kayo ni Nathan? Ano nagloving loving ba kayo?” -Jasmine

“Sshh wag kang maingay dyan baka kung anong isipin ng mga makarinig”

“Ay sorry na, So ano ngang nangyari pagkatapos mong mag walk out Queen bakla ka Famous kana sa school natin” -Jasmine

“Walang nangyari samin ni Nathan”

Oo nga pala panigurado ako trending topic na naman ako after kong mag walk out. Bahala na si Batman mag-iisip nalang siguro ako ng valid reason sa Prof. ko kung bakit ko nagawa yon.

“Ngayong nandito na si Nathan paano na si Dan?” -Jasmine

Nagkatinginan kami bigla ni Kenji nag-aantay din sya ng magiging sagot ko.

“Hindi ko alam”

“Basta Girl sundin mo lang ang sinasabi ng puso mo sigurado ako na hindi yan nagsisinungaling” -Jasmine

Sinasabi ng Puso? Parang ‘Dugdug dugdug’

“Sus, Tigilan nyo na nga yan kabata bata nyo po puro kayo lovelife mag-aral muna kaya kayo” -Kenji

“Palibhasa kasi wala kang lovelife” -Jasmine

“Eh bakit ikaw meron?” -Kenji

“Wala, May sinabi ba akong meron?”

Close na pala sila? Hindi naman ako na inform na close na pala sila.

“Oyyy dyan nagkatuluyan ang lolo at lola ko”

Pareho naman sila napatingin sakin ng masama Binilisan ko nalang ang paglakad ko baka kasi kainin nila ang nang buhay haha.

Hanggang mag recess ay hindi ko nakasabay si Dan, Nakakapanibago lang kasi dati naman lagi kaming sabay pero ngayon wala sya.

Nasaktan ko nga talaga sya. Sobrang sorry ko talaga kasi hindi ko nasuklian ang pagmamahal nya sakin.

Habang kumakain ako mag-isa ay naka recieve ako ng call galing kay Mark. Ano kayang kailangan nya?

“Mark napatawag ka”

“Dex diba ang sabi mo dadalawin mo sa mama? Magluluto kasi sya mamaya at pinapapunta ka nya, Pero kung busy ka naman okay lang. Sabihin ko nalang kay Mama na marami kang ginagawa” - Mark

Nag-isip muna ako sandali kung may mga gagawin pa ako o pupuntahan.

“Hindi wala akong gagawin, Sige pupunta ako antayin nyo nalang ako”

“Sige sige sabihin ko kay Mama” -Mark

Pumayag na ako kasi na mimiss ko na din si Tita Rose at sigurado marami kaming mapagkukwentuhan.

After nang uwian ay sinundo ako ni Nathan. Richkid lang ang peg ko kasi naka Kotse.

“Nathan?”

“Bakit My Loves” -Nathan

“Pwede ba akong pumunta kala Mark mamaya? Bibisitahin ko lang yung mama nya. Na mimiss kona din kasi si Tita Rose eh”

Ilang segundo munang tumahimik si Nathan habang nagmamaneho kinabahan tuloy ako baka kasi hindi sya pumayag. Alam nyo naman.

“Sige, Basta itext mo nalang ako mamaya kung magpapasundo ka” -Nathan

“Talaga?”

“Bakit ayaw mo ba?” -Nathan

“Hindi naman, Akala ko lang kasi hindi ka papayag”

“My Loves may tiwala naman ako sayo atsaka wala namang masama kung bibisita ka sa mama ng Bestfriend mo, Mas nauna ka kaya nilang nakilala bago ako” -Nathan

Ayyieee!!!! Kikiligin na ba ako???? Lorrddd???? Akala ko talaga sa mga libro lang ang may ganito, Pero meron din pala sa totoong buhay. Lumapit ako kay Nathan at hinalikan ko sya sa pisngi.

“Para san yon?” -Nathan

“Wala lang gusto lang kita ikiss bakit masama ba?”

“Sinabi ko ba? Isa pa nga My Loves” -Nathan

“Tigilan mo ako Mahal yung kiss ko”

“Talaga ba? Sige ka pag walang kiss hindi kita papayagan na pumunta kala Mark” -Nathan

“Ano?! Ang daya mo naman kainis ka talaga!”

“Kiss o Hindi?” -Nathan

Wala akong choice kundi ikiss nalang si Nathan, Kahit gusto ko naman din. Syempre kailangan ko maging pabebe para naman hindi nya akalain na patay na patay ako sa kanya.

Hinatid ako ni Nathan hanggang sa bahay at hindi nadin sya nagtagal.

Kung dati ang malas ko pag dating sa lovelife ngayon masasabi ko na napaka swerte ko dahil nakatagpo ako ng isang lalaking minahal at tinanggap.

Marami mang naging balakid samin. Kasarian ko, Mga tao sa paligid namin at lalong lalo na ang pagiging magpinsan namin Pero lahat ng yan ay hindi naging hadlang para maging kung ano man kami ngayon.

“Magpakasal na kaya kayo ni Nathan tutal naman para na kayong mag-asawa talaga”

Bungad sakin ni Mama ng makapasok ako habang kumakain ng manggang hilaw, Nangasim tuloy ako. Dadampot sana ako ng isang hiwa pero hinampas ni mama yung kamay ko.

“Aray naman Ma”

“Kasi naman mangga ko yan bumili ka ng sayo” -mama

“Grabe sya isang hiwa lang”

Hindi nya ako pinansin at patuloy lang sa pagkain grabe sya isang hiwa lang naman. Pero sa kabilang banda naiintindihan ko naman si Mama ganon talaga siguro kapag naglalahi. Ako kaya pag nabuntis ako ano kayang paglilihian ko? Gusto ko si Nathan nalang para magandang lahi haha. Joke lang hindi naman ako mabubuntis kasi nga bakla ako haha.

“Ma pupunta pala ako kala Mark mamaya. Magluluto daw si Tita Rose”

“Sige basta sabihin mag take out ka” -Mama

“Magluto kana kang dyan ma, Nakakahiya naman”

“Sus wag ka nang mahiya para namang wala kayong pinagsamahan ni Mark diba nga?–” -Mama

“Ma wag munang ituloy ang tagal na kaya non naka move on nako”

“Okay. Sabi mo eh” -Mama

Bakit ba hindi matapos tapos ang issue sa pagitan namin ni Mark? Oo minahal ko si Mark pero dati yon hindi na ngayon.

“Sige na magbibihis lang ako tapos pupunta na ako kala Mark”

“Sandali lang, Nagpaalam kana ba kay Nathan?” -Mama

“Yes ma, Ako pa ba?”

Dumiretso na agad ako sa kwarto ko para makapagbihis.

Si mama talaga hindi ko alam kung nag-aalala ba sya sakin o nang-aasar.

SHEENA’S POV

Masyadong aligaga si Tita Rose hindi ko alam kung bakit, Kanina pa kasi sya hindi mapakali sa sangkap ng lulutuin nya.

“Mark may problema ba si Tita?”

“Wala naman bakit?” -Mark

“Para kasing hindi sya mapakali ng kakatangin sa lulutuin nya. Ano ba kasing meron at parang masarap ang lulutuin ni Tita para sa hapunan natin”

“Darating kasi si Dex dito mamaya dito maghahapunan” -Mark

“Talaga?”

“Oo na miss na kasi ni Mama si Dex kaya pinapunta nya dito” - Mark

“Sobrang close nila noh?”

“Sinabi mo pa, Dati kasi parang dito na nakatira si Dex kaya ayon naging super close sila.” -Mark

“Mark kung hindi mo ba ako nakilala posible kayang magustuhan mo din si Dex?”

“Bakit mo naman na tanong yan?” - Mark

Ngumiti muna ako sa kanya bago sumagot. “Wala lang bigla ko lang naisip”

“Siguro” -Mark

“Siguro?”

“Siguro pwede kong magustuhan si Dex, Alam mo kung bakit? tanga nalang siguro ang hindi mag kakagusto kay Dex dahil sa pag-uugali na meron sya” -Mark

Gusto nyo malaman ang resksyon ko? Nagulat ako sa sagot nya pero hindi ko pinahalata, Nasaktan ako sa sagot nayon.

Siguro pumasok din sa isip nya na ang tanga tanga nya kasi sinaktan nya si Dex at hindi sya nahulog dito.

“Mark balik na muna ako sa kwarto”

“Ha? Bakit naman? Parating na si Dex mayamaya lang” -Mark

“Medyo sumama lang kasi ang pakiramdam”

“Bakit may nararamdaman kaba? Gusto mo dalhin na kita sa Hospital?” -Mark

“Hindi na ipapahinga ko lang to”

“Sige, Ihatid na kita” -Mark

“Hindi na Mark kaya ko na mag-isa antayin mo nalang si Dex”

“Sigurado ka?” -Mark

Tumango nalang ako at dumiretso na sa kwarto namin.

Totoong masama ang pakiramdam ko ayon ay dahil sa naging sagot ni Mark.

ROSE POV

“Anak asan na ba si Dex? Mamaya hindi yon pumunta”

“Ma? Pupunta yon basta ikaw ang nagsabi” -Mark

Ilang minuto lang ang lumipas ay dumating na si Dex.

“Magandang gabi tita” - Dex

“Magandang gabi din Dex, Tagal din nating hindi nagkita ah? Kamusta kana?”

“Okay lang naman po. Maganda padin” -Dex

“Haha wala kapa rin talagang pinagbago, Ang hilig mo padin mag Joke”

“Hindi ako nagjojoke tita, Bakit hindi ba kayo naniniwala na maganda ako?” -Dex

“Naniniwala”

Ganito lang talaga kami pag-naguusap ni Dex, Sa palagi nyang pagpunta dito samin dati ay para ko na rin syang naging kaibigan.

Pinauna kona silang dalawa sa kusina dahil hinahanda ko pa ang kakainin.

“Mark asan si Sheena? Hindi ba sya sasabay sa pagkain satin?”

“Hindi po ma, Masama daw ang pakiramdam nya” -Mark

“Ganon? Sayang naman ang dami kopa namang niluto”

“Okay lang yan tita kami ni Mark ang bahala” -Dex

“Oyy hindi ako mahilig sa rice, Ikaw lang yon dinamay mo lang talaga ako” sagot naman ni Mark

“Oh sya tama nayan kumain na tayo baka kung saan pa mapunta yan. Dex mamaya magdala ka para sa mama”

“Sige po tita” -Dex

Tumigil naman silang dalawa at tinikman na ang specialty ko. Mayamaya ay dumating si Sheena at nakisalo din samin.

“Dex kamusta na pala ang pag-aaral mo? Balita ko Sa Private ka daw nag-aaral ha? Iba na talaga ang yumayaman”

“Nako tita hindi, Pinapaaral lang ako ni Tita Emman” -Dex

“Emman? Diba ayan yung mommy ng Boyfriend mo?”

“Opo, bakit?” -Dex

“Wala lang, Masaya lang ako kasi nakahanap ka nadin ng Boyfriend finally. Ito kasing si Mark eh”

“Ma? Nadamay ako dyan? Wala naman akong ginagawang masama.” -Mark

“Ang ibig kong sabihin dapat kasi hinanapan mona dati si Dex edi sana ang dami na nyang naging Boyfried”

“Si Mama talaga hindi naman ganyan si Dex” -Mark

“Mark, Tita balik na po ako sa kwarto” -Sheena

“Bakit? Hindi mo ba uubusin ang pagkain mo? Sayang naman”

“Hindi napo Tita, Pasensya napo medyo sumama lang ang pakiramdam ko” -Sheena

“Ma ihatid kolang po si Sheena” -Mark

Tumango lang ako. Iniisip ko nalang na baka dala nadin ng pagbubuntis nya 5 months nadin kasi ang tyan nya at ilang buwan nalang magiging lola na ako huhu.  Ang tanda kona talaga.

DEX’S POV

Grabe nabusog ako sa sobrang dami ng nakain ko ang sarap kasi ng luto ni Tita, Sana all masarap magluto.

“Dex marami pang ulam kumain kalang hanggat gusto mo wag kang mahiya” -Tita

“Nako tita Hindi napo busog na po ako, Naparami nga po ako eh”

“Haha sige ipagbabalot nalang kita para matikman din ng mama mo” -Tita

“Sige po”

Tinulungan ko si Tita na magligpit at bumalik ulit dahil ikukukwento ko pa kay Mark ang tungkol sa Blessing na dumating samin.

“Mark sigurado kang Okay lang si Sheena?”

“Oo, Medyo sumama lang talaga ang pakiramdam non” -Mark

“Mark may sasabihin pala ako sayo”

“Ano?” -Mark

“Si Mama buntis”

“Buntis si Tita?!?! Nako dapat pala pumunta ako sa inyo para ako ang magpaglihian nya” -Mark

Napangiti nalang ako sa sinabi nya, Pareho kasi sila ng sinabi ni Nathan. Grabe na talaga ang mga tao ngayon ang daming hangin sa katawan haha.

“Bakit ka nakangiti?” -Mark

“Wala lang may naalala lang ako”

Gusto ko pa sanang magtagal kala Mark kaya lang iniisip ko si Mama wala syang kasama sa bahay may byahe kasi si papa.

Nagpasundo ako kay Nathan at syempre dahil Prinsesa nya ako ay sinundo nya ako at hinatid ng maayos sa bahay.

CHAPTER 16

JASMINE’S POV

“Ate Jasmine hindi na ako makakasali sa Miss Gay”

“Ha bakit naman?”

“Ano ko kasing kailangan ayusin at kung sasabay ba yung pageant baka bumagsak ako”

“Sige, Naiintindihan kita. Hahanap nalang ako ng papalit sayo”

“Salamat ate”

Tumango nalang ako sa kanya bilang sagot.

Saan na ako hahanap ng kapalit nya? Bakit ba kasi kung kelan malapit na ang pageant tsaka sya nag back out.

Ako kasi ang President ng department namin at each department dapat may tig dalawa o isang representative.

Isa na nga lang ang representative namin nawala pa.

Pinikit ko yung mata ko at nagdasal. Lord tulungan nyo po ako na makahanap ng papalit sa kanya.

“Jasmine okay kalang?”

Napadalit agad ako nang marinig ko ang pamilyar na boses.

Lord Thank you po. Sinagot nyo agad yung hiling ko.

DEX’S POV

“Bakla sumali kang Miss Gay” ayan agad yung bungad sakin ni jasmine.

“Ha? Nagpapatawa kaba? Hindi ako mahilig sa mga ganyan atsaka alam mo naman na hindi ako nagsusuot ng mga pambabae diba?”

“Sige na minsan lang naman to atsaka isang beses kalang naman magiging babae” -Jasmine

“Hay nako ayaw ko nga. Iba na lang pasalihin mo”

“Bahala ka malaki pa naman ang Premyo, Sayang din yon” - Jasmine

“Kahit isang milyon pa yan hindi mo ako mapapapayag na sumali sa mga ganyan”

“Sumali kana kasi please” -Jasmine

“Bakit mo ba ako pinapasali?”

“Para naman may representative yung Department natin” -Jasmine

Oo nga pala hindi ko nasabi sa inyo na 2nd year college na si Jasmine at pareho lang din kami ng course Business Ad. si Nathan kasi Architecture.

“Ayaw ko talaga, Iba nalang pasalihin mo hindi rin naman ako mananalo pag ako ang representative nyo”

“Ang Nega mo naman, Hindi pa nga nag-uumpisa yung Contest talo agad ang iniisip mo” -Jasmine

“Eh kasi dun din naman papunta yon”

“Basta sasali ka ipapalista na kita para maging official candidate kana” -Jasmine

“Hoyyy wag mong gagawin yan, Sige na ayaw ko talaga”

“Dex? Hindi isasali kung alam kong hindi ka mananalo, Magtiwala kalang sa sarili mo” -Jasmine

“Pwede bang pag-isipan kona muna?”

Nag-isip muna sya saglit bago nag-salita. Pashnea pano ako napasok sa sitwasyon na ganito?

“Hmmm sige, Wag kana ding mag-alala sa mga susuotin mo dahil sponsor natin ang department at ako na din ang bahala sayo sisiguraduhin ko na magiging dyosa ka sa kagandahan.” -Jasmine

Hindi pa nga ako umuoo pero parang confident na talaga si Jasmine na sasali ko. Huhu bigla tuloy akong kinabahan, Kung magkataon ito ang pinaka unang contest na sasalihan ko at ang unang pagkakataon na magga gown ako.

“Jasmine ako talaga? Seryoso ka?”

“Oo be, Wag mo pala kalimutan mamaya meron kayong orientation ng 3pm Sa AVR punta ka na lang don” -Jasmine

Alam mo yung Feeling na sumabak ka sa gera pero ikaw lang mag-isa ang lalaban huhu hindi pa nag-uumpisa pero grabe na ang kaba ko.

NATHAN’S POV

“Ayan Perfect!”

“Sir ang ganda na po” -Ate Erna

Nagpatulong pala ako kay Ate Erna na ikabit at ayusin yung pinasadya kong Malaking Frame na may mukha naming dalawa ni Dex.

“Ate Erna salamat po sa tulong”

“Wala po yon Sir” -Ate Erna

“Nathan nalang ang itawag nyo sakin, Wag na Sir”

“Sige po Sir, Ay Nathan pala” -Ate Erna

“Ate Erna maganda naba ang ayos?”

“Oo maganda na sya, Ang ganda tingnan” -Ate Erna

Lumayo muna ako ng kaunti Pinagmasdan ko ang picture, Lutang na lutang talaga ang mukha namin ni Dex.

“Sige na Ate Erna balik kana sa ginagawa mo ako na bahala dito”

“Mahal na mahal nyo po talaga si Dex noh? Akalain nyo pinagawa nyo po” -Ate Erna

“Oo Mahal na mahal ko sya, Wala akong paki kung bakla man sya o magpinsan kami sa mata ng iba. Basta ang alam ko lang mahal ko sya”

“Tama yan ipakita nyo sa iba na pwedeng magmahalan ang dalawang tao kahit pareho sila ng kasarian. Masaya ako para sa inyo” -Ate Erna

“Salamat Ate Erna”

“Wala yon Sir, Ay Nathan” -Ate Erna

Pagkatapos naming mag-usap ni Ate Erna ay lumabas nadin sya ako naman ay nag-aantay nalang ng oras dahil susunduin ko pa si Dex, Ilang weeks nalang din naman at matatapos na ang Sem at pwede na akong mag enroll ulit para lagi na kaming sabay pumasok.

Nakarecieve ako ng message mula kay Dex na Itetext nya nalang daw ako kapag magpapasundo na sya, Hindi nya daw kasi alam kung anong oras matatapos ang orientation.

‘Para san ang orientation?’ tanong ko sa kanya.

‘Basta sasabihin ko sayo mamaya’

Hindi na ako masyadong nag-usisa pa alam ko naman kasi na school related lang din naman yon.

DEX’S POV

Ito na nga ba ang sinasabi ko eh, Ang daming sumali. Bigla tuloy akong nanliit sa sarili ko at napatanong ‘Kaya koba talagang manalo? Baka unang round palang ligwak na ako’

“Hi diba ikaw si Dex?” tanong sakin ng isang di katangkarang babae.

“Opo ako nga”

“Ako nga pala si Jenny, Sasali ka din ba sa Miss Gay?” - Jenny

Hindi ba obvious? Alangan naman pumunta lang ako dito para kumain.

“Ah eh oo sasali ako”

“Talaga? Sige na isulat mo nalang yung pangalan mo dito Then signature sa gilid” -Jenny

Nakakatuwa si Ate kasi para Close kami tapos ang ganda pa ng awra nya kasi nakangiti lang sya.

Inabot nya sakin yung papel at nagsulat na ako ng pangalan ko at syempre yung pirma kong pang Doctor haha.

“Ate pano mo pala nalaman ang pangalan ko?”

Na curious lang talaga ako kung pano nya na alam ang pangalan ko. OMG! don’t tell me stalker sya???

“Syempre kilala ka kaya dito sa Buong University, Diba Boyfriend mo si Nathan? Yung Pogi?” -Jenny

Ayon si ate hindi na napigilan na kiligin pag kasabi ng pangalan ni Nathan. Sa dami ng nangyari dito sa school namin nakilala nalang ako ng karamihan sa mga estudyane pano ba naman last school year hot topic ako dahil sa issue namin ni Nathan at away namin ni Irish.

“Ate pwede naba ako umupo?”

“Oo naman, Duon ka nalang sa bandang likod” -Jenny

Ngiti nalang ang sinagot ko sa kanya. Jusmiyo marimar ang daming sumali ang dami din pala ng population ng mga gay dito sa school namin at lahat sila mukhang mga biterena na pagdating sa ganitong Pageant.

So ayon na nga nag umpisa na yung Orientation, Sinabi samin kung paano ang magiging flow ng Pageant .

Meron kaming 1 week preliminary competition at duon malalaman kung sino ang aadvance sa Next Round.

Overall 26 candidates kaming sumali mula sa ibat-ibang department syempre sinali nadin nila ang mga senior High para mas marami mas masaya. Pero ako hindi ako natutuwa, Kinakabahan na ako.

Pinabunot din kami ng mga number dahil ayon na daw ang magiging official number namin, At ang nabunot ko ay number 17.

‘Bahala na si Batman’ sabi ko nalang sa sarili ko.

After nang orientation at tinawagan ko agad si Miles para sabihin sa kanya ang tungkol sa pagsali ko.

‘What?!?!?!?!?!! OMG be support kita dyan!’ ayan yung sagot ni Miles matapos kong sabihin na sasali ako ng pageant.

‘Sa tingin mo ba talaga kaya ko?’

‘Ayan kana naman bakla eh, Napaka Nega mo talaga syempre kaya mo yan ikaw pa ba? Eh mala Pia at Catriona ka pag dating sa chukchakan.’ -Miles

‘Oyy hindi ah, Hindi ko nga alam kung paano ako magsisimula eh’

‘Basta be ako bahala sa look mo, Ako ang mag-aayos for free’ -Miles

‘Talaga?’

‘Oo naman ikaw pa, Malakas ka sakin eh’ -Miles

‘Salamat Miles’

Nagpasundo nalang ako kay Nathan para makapag pahinga na ako, Parang na stress ako ngayong araw.

Bigla akong napasok sa isang sitwasyong hindi ko alam kung paano ko lalabasan.

“Hi My Loves kamusta araw” -Nathan

“Eto stressfull”

“Ha? Bakit naman?” -Nathan

“Pano kasi si Jasmine bigla akong sinali sa Miss Gay eh wala naman akong kaalam alam sa mga pageant”

“Ayos lang yan My loves” -Nathan

“Anong ayos don? Ngayon pa ngalang kinakabahan na ako. Ano pa kaya sa Preliminary?”

“Wag ka kasing kabahan isipin mo lang na mananalo ka” - Nathan

“Pano ako mananalo eh ni Tamang paglakad nga lang hindi ko alam”

“Wag ka kasing panghinaan agad ng loob, Papanoorin kita pati nila Tita at Tito susuportahan ka namin kaya kailangan galingan mo” -Nathan

Huhu Lord kayo napong bahala sakin, Sana po makaabot ako kahit next round lang.

Hinatid na ako ni Nathan hanggang sa bahay at duon nadin sya naghapunan.

Mga 10 pm nadin sya nagpaalam sakin na uuwe na baka abutin pa sya ng hating gabi sa daan.

Mabuti nalang nandyan si Nathan at pinapalakas ang loob ko.

Sana lang talaga Manalo ako, Dahil maraming naniniwala na mananalo ako.

MARK’S POV

“Mark ibili mo nga ako ng mangga” -Sheena

“Mangga? Gabi na eh san ako makakahanap ng  Mangga?”

“Sige na please gusto ko lang talaga ng mangga ngayon” -Sheena

“Sige ibibili kita”

“Salamat”

Wala akong Choice kundi ang sundin nalang si Sheena, Ganyan talaga sya minsan. Kakaiba nga sya maglihi sa lahat eh.

Nagbihis nalang ako para makabili na ng mangga.

“Anak san ka pupunta?” -mama

“Bibilhan ko lang po si Sheena ng mangga?”

“Gabi na ah?” -mama

“Eh gusto nya po ng mangga kaya kailangan kong humanap”

“Kakausapin ko yang si Sheena hindi na maganda ang mga inuutos nya sayo” -Mama

“Ma wag na, Parte lang siguro yan ng paglilihi nya”

“Bakit ako? Hindi naman nahirapan ang papa mo sakin nung naglili ako, Pero ayang si Sheena ang daming arte” -Mama

“Intindihin nyo nalang po si Sheena ma, Para din naman sa magiging apo nyo yon”

“Sige na bumili kana para makabalik ka agad” -mama

Saan kaya ako makakanahap ng mangga? Bahala na nga basta kailangan kong makahanap.

Hindi rin naman ako nabigo at nakahanap agad ako ng mangga dinamihan kona ang bili para pag nang hingi si Sheena may ibibigay ako.

Pagbalik ko sa bahay ay masayang kinain ni Sheena yung manggang binili ko. Kumuha pa sya ng suka para mas masarap daw. Inalok nya ako pero ang sabi ko sya nalang ang kumain para mabusog sya.

CHAPTER 17

SHEENA’S POV

“Mark sino bayang kausap mo?”

Para kasing seryoso sya at mukhang masaya pa.

“Si Dex bakit?” -Mark

“Bakit anong meron?”

“Niyaya nya kasi ako na manood Next week sa school nila sumali kasi sya sa Pageant.” -Mark

“Anong sagot mo?”

“Pumayag ako” -Mark

“Diba Next week din ang Check up ko, Nakalimutan mona ba?”

“Talaga? Sorry nakalimutan ko” -Mark

“Oo next week nayon”

“Sige sige uunahin kona ang Check up mo, Mas importante si Baby” - Mark

Mabuti naman at inuna ni Mark ang magiging baby namin kesa sa Bestfriend nya.

Nitong mga nakaraang araw lagi nalang si Dex

ang laman nang bibig nya pati si Tito Rose puro Dex nalang.

DEX’S POV

Ngayon ang araw na mag eensayo kami ni Jasmine para sa tamang paglakad ang sabi nya importante daw yon sa isang pageant kaya dapat ayon muna ang una kong matutunan.

“Uii be iba nalang ayoko nyan”

“Ano kaba kailangan talaga to kaya isuot mo na” -Jasmine

“Eh hindi nga ako marunong gumamit nyan”

“Kaya nga suotin mo para maturuan kita” -Jasmine

Ito kasing si Jasmine pinipilit akong pasuotin ng 4 inches na Heels. Sa buong buhay ko hindi pa ako nakapag suot ng ganon, Ngayon palang.

Wala akong choice kundi suotin itong Heels na bigay nya. Nandito nga pala kami sa bahay nila Nathan dahil mas malawak ang space dito para magpractice.

Pagkasuot ko ng Heels ay parang matutumba ako ang sakit sa paa grabe.

“Ayan bagay naman sayo eh, Basta gayahin mo lang ang lakad ko” -Jasmine

Naglakad sya papunta sa harap with matching kembot ng bewang at ang last ay nag pose sya.

“Ayan lang?”

“Oo, Basta lakad cross your legs. Left, Right, Left, Right. Basta sundan mo lang ako” -Jasmine

Parang ang Basic lang naman ng ginagawa ni Jasmine lalakad lang naman, Anong mahirap don? eh araw araw akong naglalakad.

Pinaka ko kay Jasmine ang aking Killer walk, Panis yang Lava Walk nila. Pagkatapos kong mag walk ay nag pose ako kagaya ng ginawa ni Jasmine kanina.

Kaya lang imbes na ma appreciate nya ay parang nagpipigil sya ng tawa, Namumula na kasi sya.

“Oh bakit anong nakakatawa?”

Huminga muna sya ng malalim pero halata pading nagpipigil sya ng tawa. Bakit may mali ba sa ginawa ko? Ginaya ko lang naman yung lakad nya eh.

“Be ano bang klaseng lakad yon? Para kang siga sa kanto na naglalakad hahaha” -Jasmine

“Grabe ka sakin, Eh hindi nga kasi ako sanay sa mga ganito”

“Haha sige na ulitin natin ulit, Basta gayahin mo lang ako at lagyan mo ng konting lambot ang paglakad mo” -Jasmine

“Sige sige, Mauna ka susundan kita”

Bakit parang pinapanuod mo lang napaka basic pero kapag ikaw na ang magtatry napaka hirap pala.

So ayon na nga naglakad na ako at ginaya ko sya pero pangalawang hakbang ko ay nawalan ako ng balanse at muntik matumba, Mabuti nalang may sumalo sakin.

“My Loves naman pano kung hindi ako dumating edi nahulog kana?” -Nathan

Speechless ako mga bes wala eh para ako na hypnotise sa kagwapuhan ni Nathan, My Heart beating so Fast at parang lalabas na sa katawan ko. Kahit 5 months na kami ni Nathan hindi padin nawawala ang kilig Grrr Haha.

“My Loves ayos kalang ba? Bakit ka natulala?” -Nathan

“Ah eh oo, A-ayos lang a-ako”

Pashnea nautal utal pa ako, Inalalayan ako ni Nathan na makatayo at pinuwesto ng maayos. Huhu struggle IS REAL.

“My loves iwan ko muna kayo ha? Bibili lang ako ng makakain natin” -Nathan

“Sige, Ingat ka”

Umupo muna ako saglit para makapagpahinga, Sumakit kasi ang paa ko. “Be anong beauty soap gamit mo?” biglang tanong sakin ni Jasmine.

“Bakit?”

“Eh kasi masyado kanang maganda baka pwede mo naman ibahagi sakin yung secret mo para magka lovelife nadin ako” - Jasmine

“Haha akala ko naman kung ano na, Wala naman sa sabon na gamit yan. Kusa nalang darating yung lovelife mo mag antay kalang”

“Kailan kaya darating yung akin?” -Jasmine

“Hay nako bago ka mag-antay sa lovelife mo, Turuan mo muna ako ng tamang paglakad para naman hindi ako mukhang siga na ewan haha”

“Oo na ito naman, Palibhasa may Lovelife kana kaya ka ganyan sakin” -Jasmine

Hindi ko nalang pinansin si Jasmine at umayos nalang ako ng pwesto, Medyo nahihirapan padin ako sa pagtayo dahil hindi ako sanay mag suot ng Heels. Pero Fight lang!

Si Jasmine yung babaeng matapang pero madrama din pala, Naalala ko pa yung una naming encounter medyo hindi maganda yon dahil nabato ko sya sa may ulo haha pero nag sorry naman ako kaya ayon nagkabati din kami at ngayon ng friends na.

5 HOURS LATER

“Be grabe ka ang hirap mo palang turuan ng tamang paglakad”

Napaupo nalang si Jasmine sa sobrang pagod, Naawa tuloy ako bigla sa kanya.

After nya akong turuan sa tamang paglakad at sa magiging intro ko ay nagpaalam nadin sya na uuwe na at bukas nalang namin itutuloy.

Ako naman ay pasalampak na umupo sa sofa nila Nathan grabe ang pagod.

“My loves kamusta ka?” -Nathan

“Eto napagod sakit pala sa paa pag naka Heels”

“Gusto mo hilutin ko ang paa mo?” -Nathan

“Nako wag na, Kaya ko pa naman”

“Sige na My loves para naman mawala na yung sakit” -Nathan

Wala nadin akong nagawa kasi pumuwesto na si Nathan sa bandang paa ko at hinilot na nya ako.

Sobrang saya lang sa pakiramdam kasi alam ko na sinusuportahan talaga ako ni Nathan sa mga ginagawa ko.

“Nathan asan pala si Tita?”

“As usual nagaasikaso ng busuness namin” - Nathan

Kahit hindi sabihin sakin ni Nathan alam kong medyo nagtatampo sya kala Tita at Tito dahil hindi sya masyado nabibigyan ng atensyon.

“Nathan pwede bang dito nalang ako matulog sa inyo?”

“Oo naman My Loves, Pero pano si Tita?” - Nathan

“Itetext ko nalang sya”

“Bakit mo naman gusto na dito matulog?” -Nathan

“Wala lang gusto lang kita makasama, Masama ba?”

Gusto kong maramdaman ni Nathan na hindi sya nag-iisa. Na nandito lang ako sa tabi nya at hinding hindi ko sya iiwan.

“Hindi naman, Ito talagang My Loves ko mahal na mahal ako. Tara na nga” -Nathan

Bigla akong binuhat ni Nathan at naglakad sya.

“Uii ibaba mona ako masyado akong mabigat haha”

“Haha ayoko nga” -Nathan

“Nathan Isa, Ibaba mo na ako. Dalawa”

Kahit anong sabihin ko ay hindi ako pinakinggan ni Nathan, Dinala pa nya ako sa kwarto nya at nagulat ako sa nakita ko. Yung picture namin naka display na.

“Nagustuhan moba?” -Nathan

“Oo sobra, Salamat”

“My Loves Salamat kasi dumating ka sa buhay ko” -Nathan

Biglang naging seryoso si Nathan.

“Ako ang dapat mag sabi nyan, Salamat kasi dumating ka sa buhay ko dahil may nagmahal at tumanggap sakin sa kabila ng kasarian ko. Akala ko dati walang magmamahal at seseryoso sakin”

“My Loves? Wag mong isipin yan dahil marami pang magmamahal sayo” -Nathan

Lord? Super Thank you talaga kasi dumating si Nathan sa buhay ko.

Ngayon ang araw ng Preliminary, Taray noh? Parang miss universe lang ang Peg haha.

“Be this is it wag kang kabahan Just be yourself lang ha?” -Miles

“Medyo kinakabahan padin ako”

“Ano kaba wag kang kabahan, Isipin mo lang na para sa Family mo to at lalong lalo na para kay Nathan” -Miles

Huminga ako ng malalim. Tama si Miles dapat wag akong kabahan napaghandaan ko naman to kahit paano.

Kompleto na kaming 26 Candidates kaya pinapila na kami base on our number. “Diba ikaw si Dex?” tanong sakin ng kasunod ko sa pila.

“Oo ako nga”

“Ako nga pala si Arvin” Inabot nya sakin yung kamay nya at hindi inabot ko din naman agad.

“Hello Arvin Nice meeting you”

Mukhang marami akong magiging kaibigan after ng pageant nato dahil mukhang mababait silang lahat.

“Goodluck satin pareho sana makaabot tayo sa Next round”

“Oo nga eh” sagot ko sa kanya, Hindi ko kasi sure kung kaya ko makapasok sa Next round eh ang dami namin tapos 12 lang ang pipiliin.

“Wag na kayong umasa na mananalo kayo sa competition nato dahil hindi kayo mananalo samin at kung makaabot man kayo sa Next round wala ding silbe yon dahil kami ang mananalo.”

Nagulat nalang ako ng biglang sumingit sa usapan yung Candidate na nasa unahan namin, Medyo masama ang tingin nya samin at akala mo may ginawa kaming kasalanan sa kanya.

“Okay lang kahit hindi kami manalo ang importante ng enjoy kami”

“Well mag enjoy na kayo ngayon dahil for sure hindi naman kayo makakapasok sa Next round”

Pagkatapos nyang sabihin yon ay pumila na ulit sya, Grabe ang taray nya mukhang hindi ko sya magiging kaibigan.

“Wag munang pansinin yon si Rolando ganyan lang talaga yan kulang ata sa aruga nung bata pa sya” -Arvin

“Rolando?”

“Oo Rolando ang name nya, Lakas maka lalaki noh? Haha pero babae ang pagkatao nya haha.” -Arvin

Medyo natawa ako sa sinabi nya, Lalaking lalaki nga ang pangalan pero ang pagkatao babaeng babae.

Hindi ko nalang pinansin ang mga sinabi ni Rolando dahil kagaya nga ng sinabi ko nandito ako para mag enjoy hindi para makipag-away.

Ilang minuto lang ay nag start na ang Preliminary round, Isa-isa kaming rumampa at nagpakilala sa unahan.

Mabuti nalang nakatulong yung mga naturo sakin ni Jasmine at hindi ako naging katawa tawa sa harap ng mga Judges at Other Candidates, Syempre hindi ko nawala sa ang Smile dahil sabi ni Jasmine ayon daw ang magiging bala ko laban sa ibang Candidates.

After naming Rumampa lahat ay pinagready na kami para sa sports competition.

Kasama ko nga pala si Miled ngayon dahil sya ang nag memake up sakin. Wala talaga akong hilig sa mga make up pero dahil need kong manalo ay wala akong choice kundi mag make up atsaka ngayon lang naman to kaya hindi na ako nag enarte.

“Ayan na baks ang ganda mona para kanang babae” -Miles

“Sigurado ka? Hindi ba ako parang si Chackie?”

“Oo nga kaya gora na” -Miles

Mabuti nalang kasama ko si Miles ngayon kahit paano ay may nagpapalakas ng loob ko.

Pagdating ko sa stage ay nandon nadin yung iba at grabe ang gaganda nila para talaga silang mga babae, Bigla tuloy akong nahiya sa itsura ko.

Tapos si Rolando ang sama ng tingin sakin akala mo talaga may nagawa akong kasalanan sa kanya.

Pero kailangan ko mag focus sa pageant nato at hindi sa kanya, Wala naman mangyayari kung papatulan ko sya.

Maayos namang natapos ang Preliminary Round namin bale Next week ang Coronation Day.

Goodluck sakin sana lang kahit makapasok sa Next round para hindi masayang ang effort namin, Lalo ni Jasmine at Miles dahil silang dalawa ang nag effort para maka survive ako sa pageant nato. Kaya ibibigay ko ang 101 percent ko para manalo.

CHAPTER 18

DEX’S POV

Ngayon na ang araw ng competition pagkatapos ng halos isang linggong Preliminary Rounds (Taray noh? may pa Preliminary pa haha) at kagabi palang hindi na ako makatulog. Naghahalo yung emosyon ko super excited ako na kinakabahan.

Si Miles ang nagayos sakin at si Jasmine naman ang nagpahiram ng mga susuotin ko.

Andaming magagandang bakla para talaga silang mga babae, Sana lang talaga makapasok ako kahit sa Next round lang.

“Dex ilang minutes nalang magsstart na, Pwesto na tayo sa likod” -Jasmine

“Pwede bang sandali lang? May hinihintay pa kasi ako”

“Sige pero basta sumunod ka” -Jasmine “Oo promise”

Asan na kaya Si Mark? Sabi nya pupunta sya at papanuodin nya ako pero bakit hanggang ngayon wala pa sya? Nag message nalang ako sa kanya para alamin kung nasan na sya.

‘Mark san kana?’

Nagreply naman agad sya sakin.

‘Dex sorry baka hindi makakanuod ngayon, Ngayon din kasi ang check up ni Sheena. Pero pag may oras pa hahabol talaga ako. Sorry talaga’ -Mark

‘Sige okay lang, Unahin mo muna ang Baby mo’ sagot ko sa kanya.

Sayang akala ko pa naman makokompleto ang suporta sakin ng mga taong importante sakin.

Pero okay nadin yon marami padin naman ang sumusuporta sakin.

“Dex ang ganda mo ngayon, Para kang babae” biro sakin ni Dave.

Bigla namang sumingit si Nathan sa gitna namin at tinulak sya ng mahina.

“Tssk, Wag ka ngang ganyan sa My Loves ko” -Nathan

“Sus ito naman selos agad, Hindi ko aagawin yang My Loves mo. Sinabihan ko lang ng maganda nagseselos ka agad” -Dave

Natawa nalang ako sa dalawa kasi napakababaw na dahilan nagtatalo pa sila para talaga silang mga bata haha.

Pero habang nagtatalo sila ay napansin ko si Dan nakatingin sya sakin at nakangiti pero umalis din agad, Ako naman ay tumakbo para sundan sya.

“Dex san ka pupunta? Malapit na magstart” -Jasmine

“Wait lang may kakausapin lang ako”

Hinabol ko agad si Dan at nang maabutan ko sya ay hinawakan ko ang kamay nya.

“Dan pwede ba tayong mag-usap? Kahit saglit lang”

Humarap sya sakin ng nakangiti, Alam nyo yung feeling na super guilty kayo kasi nakakasakit kayo ng ibang tao ganon ang nararamdaman ko.

“Sure, Ano bang pag-uusapan natin?” -Dan

“Dan galit kapa ba sakin?”

“Bakit naman ako magagalit sayo?” -Dan

“Dan wag ka ngang magsinungaling sakin, Lalo lang ako naguguilty eh”

Napaiyak na naman ako kahit ayaw ko, Napaka babaw talaga ng luha ko konting emosyon lang iyak agad.

Lumapit sakin si Dan at pinunasan ang luha ko.

“Wag ka nang umiyak, Sayang yung ganda mo. Wag kang mag-alala hindi ako galit sayo kinailangan ko lang dumistansya kasi hindi na tayo kagaya ng dati may Boyfriend kana at ayaw ko makagulo pa sa inyo” -Dan

“Dan hindi ka naman nakakagulo samin ah”

“Pero Dex alam mo kung anong nararamdaman ko sayo, Mahal kita hindi bilang kaibigan o Crush mo lang. Mahal kita kasi Mahal kita” -Dan

“Dan?”

“Pero okay na ako ngayon, Siguro sa una lang masakit at paglipas ng ilang araw o linggo mawawala din to.” -Dan

Hanga ako sa pinapakitang ugali ni Dan, Hindi lahat ng lalaki ganyan mag-isip iilan nalang sila ngayon. Niyakap ko nalang si Dan para kahit paano ay mapagaan ko ang loob nya.

“Pwede pa naman tayo maging magkaibigan diba?” tanong ko kay Dan, Habang may luha paden sa mata.

“Oo naman, Kaya nga ako nandito ngayon para panuorin ang kaibigan ko” -Dan

Kumalas ako sa pagkakayakap at tumingin sa kanya.

“Talaga papanuorin mo ako?”

“Syempre, Papalampasin koba to?” -Dan

“Be tara na magsstart na bilis!” sigaw ni Jasmie sakin.

“Sige na sumunod kana kay Jasmine, Susunod nadin ako” -Dan

“Basta promise mo manonood ka”

“Oo, Promise yan” -Dan

Sumunod na agad ako kay Jasmine dahil baka pagalitan na naman nya ako haha.

Mabuti nalang na sanay na ako magsuot ng heels kaya hindi na ako masyado nahihirapan.

“Anak Good Luck sayo” -Papa

“Galingan mo ha? Dapat iuwe mo ang korona” - Mama

“Gagalingan ko po Ma, Pa para sa inyo”

Lumapit ako sa kanila at niyakap ko sila ng mahigpit. Sobrang sarap sa pakiramdam na sinusuportahan ka ng pamilya mo sa mga bagay na ginagawa mo.

“My Loves Galingan mo” -Nathan

“Oo My Loves ibibigay ko ang 101 % best ko”

Lumapit sakin si Nathan at bigla akong hinalikan sa labi mga ilang segundo din yon, Medyo schock parin ako kasi harap pa nila mama at papa nya yon ginawa.

“Nathan para san yon?”

“Good luck kiss para mainspire at manalo ka” -Nathan

“Oh sya tama nayan, Tara na Dex para maayusan ka ni Miles nahulas na yung make up mo” -Jasmine

Nagpaalam na ako sa kanila huhu kinabahan na naman ako, Pero kailangan ko padin gawin.

Para sa Korona!

Para sa mga kaibigan!

Para kay Nathan!

at Para kala Mama at Papa.

Ni retouch muna ako ni Miles para mag mukha ulit akong Fresh.

So ito na talaga wala nang atrasan, Tinawag na isa-isa ang mga kandidata.

“Dex nakakaba talaga noh?” -Arvin

“Oo nga eh, Pero kailangan pa din natin i push”

This time kailangan ko palakasin ang loob namin.

“Kung ako sa inyo uuwe nalang ako, Kasi wala naman kayong pag-asang manalo mga ilusyanadang bakla” -Rolando

“At bakit kami uuwe? Kung gusto mo ikaw nalang wag mo kaming idamay” -Arvin

Biglang nagsalubong ang kilay ni Rolando dahil sa pagsagot ni Arvin.

“Anong sabi mo?!” -Rolando

“Ah eh ang sabi nya ikaw na yung tinatawag ng host”

“Pasalamat kayong dalawa at tinawag na yung number ko” -Rolando

Nakahinga ako ng maluwag nang makaalis si Rolando. Pero kinabahan padin kasi ako na ang next na tatawagin.

Pagtawag ng pangalan ko ay parang na estatwa ako sa likod ng stage, Parang ayaw ko nang lumabas mabuti nalang at nandon si Arvin.

Paglabas ko sa stage ay ang daming tao pero natatanaw ko sila Mama at Papa, Si Nathan at yung apat nyang kaibigan, Si Miles at Jasmine nandon din sila Irish pati si Kenji at Dan nanood din Sobrang liwanag ng paligid.

“Good evening Everyone, My Name is Dex Pascual ang Nadine Lustre ng Antipolo City!!! Representing Business Ad. Department. Na nag-iiwan sa inyo ng isang katagang ’Puso ang nagsasabi kung sino ang dapat mong mahalin hindi ang bunganga ng mga chismosang walang alam kundi ikaw ay husgahan at sirain.”

Pagkatapos kong sabihin yon ay narinig ko ang sigawan nila Nathan at syempre ang pinaka nangibabaw ay ang sigaw ni Mama na akala mo naka mega phone haha.

After nang Introduction ay tinawag lahat ng 26 Candidates para sa susunod round, Ito na yung pinakahihinyat ko.

Pumuwesto sa gitna yung Host at sinumalan na ang pagtawag sa Top 12.

Unang tinawag si Candidate number 7 sumunod si 11,3,4,22,9,26,14, at pagkatawag sa 16 ay umirap pa si Rolando samin sumunod namang tinawag ang 18 ang number ni Arvin.

Huhuhu dalawa nalang pero hindi pa natatawag ang number ko.

“Okay ang nakakuha ng 11th spot ay si Candidate number 17!”

Pagkasabi non ay narinig ko nalang na nagsigawan ulit sila mama. Grabe hindi ako makapaniwala na nakapasok ako sa next round.

At ang huling number na tinawag ay Number 20. 12 kaming natira at 14 ang natanggal huhu mabuti nalang at nakaabot ako sa Next Round.

“Be ang galing mo! Pasok ka!” -Miles

“Oo nga eh akala ko talaga hindi na ako makakapasok”

“Sabi ko sayo magtiwala kalang sa sarili mo at makakaya mo. Kaya magbihis kana para sa next round” -Miles

Sport’s wear ang Next round namin, Si Jasmine ay pinahiram nalang ang ng pang Volley ball medyo naiilang ako kasi ang iksi ng short.

Saglit lang ang time namin kaya diretso agad sa Next Round, Ang gaganda ng suot ng iba hindi ko tuloy maiwasan ang i compare ang sarili ko.

Dito sa Next round ay 6 na ang pipiliin at napaka swerte kona talaga kung makakapasok ako sa Top 6.

After naming rumpa ay balik kami agad sa Stage para sa pag announce ng Top 6. Unang tinawag si 18 ang number ni Arvin sumunod si 9, at 16 tapos si 20 at 7 isang spot nalang ang natitira at mukhang wala na talaga akong pag-asa na manalo.

“At ang nakakuha ng 6th and last spot ay walang iba kundi si Candidate number 17! Dex Vasquez! of Business Ad. Department!”

Nagtayuan sila Mama pati yung iba kong mga classmates grabe hindi ako makapaniwala na sa huling spot tinawag ang pangalan ko! Akala ko talaga talo na ako.

Pinagready na kami para sa Q & A round at dahil last akong tinawag ay huli din akong sasagot.

Bago ang Q & Q round ay kumanta muna yung school band namin, Tapos may isang nag spoken poetry pa about sa mga Member ng LGBT.

“Be ito na talaga yon wala nang atrasan, Konti nalang malapit kana sa korona” -Miles

Inayusan ulit ako ni Miles, Mabuti nalang at nandito tong babaeng to dahil kung hindi baka kanina pa ako Hagardouz.

Mula sa Back stage ay naririnig ko ang mga sagot ng ibang candidates at grabe yung sigawan sa labas sobrang nakaka Pressure.

Pagkatawag ng pangalan ko ay dumiretso agad ako sa gitna bumunot kung anong klaseng question ang sasagutin ko.

“Okay ang tanong na napunta kay Candidate number 17 ay ito, “Anong mas gusto mo? Maging Kapuso o Maging kapamilya?”

Hindi ko alam kung matatawa ako sa Question oh ano pero ayon talaga ang Question at wala akong magagawa kundi ang sumagot.

Kaya lang sasagot na sana ako pero bigla akong na blanko, Ayaw bumuka ng bibig ko at kinakain ako ng kaba. Anong gagawin ko?

Yung mga audince at Judges ay naghihintay na sa magiging sagot ko.

“Go My Loves!!!! Kaya mo yan!!!!!!! Nandito lang kami para sayo!!!! I love you!!!!”

Bigla akong bumalik sa ulirat ng marinig ko ang Boses ni Nathan, Para nya akong binigyan ng gamot at nagkaroon ako ng bagong lakas.

Naibuka ko nadin ang aking bibig at naka-isip na nang isasagot.

“Kung papipiliin po ako sa kung anong gusto ko, Kung Maging Kapuso o Maging kapamilya ang pipiliin ko ay maging kapuso bakit? Kasi aanhin mo ang Kapamilya o Pamilya kung mga wala namang puso at hindi ka itinuturing na isang pamilya dahil kapag may Puso ka pwede kang magkaroon ng bago at mas malaking pamilya dahil hindi lang naman pagiging magkadugo ang basehan ng pagiging mag Pamilya dahil puso ang nagsasabi kung sino ang iyong pwedeng maging pamilya. And I Thank You!”

Umingay na naman ang buong paligid pero hindi ko alam kung sapat na ang naging sagot ko para makapasok sa Final 3

Sobrang pasalamat ko kay Nathan dahil kung hindi dahil sa ginawa nya ay baka nagkalat na ako sa gitna kanina.

Bago iannounce ang pasok sa Top 3 ay namigay muna ng special award with Cash pa, Lima yon at ni isa wala akong nakuha pero okay nadin yon sapat na sakin na makaabot ako sa Top 3.

“Okay ladies and Gentlemen here our Final 3”

Grabe yung kaba ko ng magsimula nang magsalita yung Host yung kaba ko wala ng paglagyan.

“Our First Candidate to move to the Final 3 is Candidate number 16!”

Number yon ni Rolando at ang dami nya ding supporters.

“Our Second Candite to move to The Final 3 is Candidate number 17!”

Kita kong nagtayuan sila mama mula sa pwesto nila, Totoo bato? Pasok ako sa Final 3?!?!?!?! Is this for real????!!!!

Pumunta ako sa gitna at tumabi sa pwesto ni Rolando.

“Ang swerto mo din noh? Nakaabot kapa hanggang Final 3” -Rolando

“Alam mo Rolando hindi to swerte dahil pinaghirapan ko to”

“Wag mo nga akong matawag tawag na Rolando kasi hindi tayo Close, At ito lang ang sasabihin ko sayo ako padin ang mananalo sa huli kaya watch and learn” -Rolando

Hindi ko nalang pinansin si Rolando at inantay ang pagannounce sa huling pasok sa Top 3 at sa kasamaang palad ay hindi nakapasok si Arvin dahil si Candidate number 9 ang pasok.

Hindi na nila kami pinaalis sa Stage dahil diretso Final Q & A agad, Unang sumagot si Rolando at dahil naka head phone kami ay wala kaming narinig sa naging sagot nya o kahit ang question hindi namin narinig.

Tinawag na ako ng Host at hinanda kona ang sarili ko para sa pagsagot sa magiging tanong sakin.

“Okay Candidate number 17 ‘Kailan nga ba nagiging tama ang mali?’.”

“ I believe kailan ba nagiging tama ang mali? Kapag pinili mong mahalin ang taong mahal mo kahit alam mong maraming balakid, Kahit alam mong hindi pwede. Oo Mali ang ibigin sya dahil sa isang dahilan pero nagiging tama yon dahil ayon ang sinisigaw ng puso mo, Nagpakatotoo kalang sa sarili mo at alam mong duon ka sasaya, Duon kayong dalawa sasaya at kahit para sa iba mali yon basta alam mo sa sarili mo ayon ay tama, Gawin mo dahil in the end ikaw padin ang mag dedesisyon sa kung ano ang tama sa Mali and I Thank you!“

Sinabi ko sa sarili ko na bahala na hinayaan ko nalang kung anong salita ang lumabas sa bibig ko. Pero habang sumasagot ako nakatingin ako kay Nathan dahil sya ang inspirasyon ko sa sagot ko kung ano man ang maging resulta tatanggapin ko ng maluway sa puso dahil i believe binigay ko na ang Best ko.

Bago i annouce ang winner ay nagpasalamat muna sila sa mga Judges at mga contestant na sumali.

Manalo matalo ayos lang sakin kasin very memorable ang gabing ito para sakin. Ito ang kauna unahang sumali ako sa isang patimpalak at suportado ako ng mga kaibigan ko, Pamilya at lalong lalo na ni Nathan.

So ayon na nga tinawag na ulit kaming tatlo para sa pag announce ng winner. Hawak kamay kaming tatlo at ramdam ko din sa mga kamay nila na kinakabahan sila.

“Okay Ladies our second runner up is, Candidate number 16!”

Masaya ako para kay Rolando kasi naka 2nd runner up sya, Pero iba yung nakita ko sa mukha nya para dissappointed pa sya.

“Ladies isa sa inyo ang tatanghalin 1st Runner Up at syempre isa din sa inyo ang mamanalong Miss Gay Rendon! (Rendon pangalan ng University namin) ! ang unang pangalang babambigitin ko ay syang Miss Gay Rendon at ang hindi naman ay first runner up.”

Lalo akong kinabahan dahil sa boses ng host parang kanina lang okay na sakin na makapasok lang ako sa Top 12 pero ngayon gusto konang manalo.

“Our Miss Gay Rendon 2019 is Candidate . . . . . . . . . . . . . . . . . . Grabe yung pabitin ng host lalo tuloy akong kinabahan.

Lord okay na sakin kung 1st runner up lang, Pero kung ako man ang manalo super Thank you.

“Ang nanalo ay si Candidate number 9!!!!”

Biglang umingay ang paligid ng manalo si Candidate number 9, Ako ang tinanghal na First Runner up.

Naglapitan naman agad sila mama sakin.

“Ma, Pa sorry kasi hindi ako nanalo”

“Ano kaba naman Dex ayos na yung 1st runner up kesa sa iba na walang Place” -Mama

“Tama ang mama mo. Ginawa mo naman ang Best mo” -Papa

Sa sobrang saya ko ay napaiyak nalang ako tapos niyakap ko ng mahigpit sila Mama at Papa.

“Be ang galing mo! Dapat ikaw yung nanalo ang ganda kaya ng sagot mo! Hay nako Luto yon” -Miles

“Hoy ano kaba baka may makarinig sayo”

“Eh ano naman? Totoo naman eh ang ganda kaya ng sagot mo, Kaya dapat ikaw ang nanalo” -Miles

“Ayos lang yan basta para sakin si My loves ang panalo” -Nathan

Bigla naman akong kinilig sa banat ni Nathan, Yung feeling na kahit hindi ako nanalp, Panalo padin ako sa puso ni Nathan. Ayyyieeee!!! Enebe!!!

“Hay nako ayan na naman kayong dalawa, Nakakaiinggit!” -Miles

“Eh bakit kasi hindi ka makipaglandian kay —–”

Hindi kona natapos ang sasabihin ko dahil tinakapan na ni Miles yung bunganga ko.

Alam nyo yung pakiramdam na kahit hindi ako panalo pero masaya padin ako kasi nakapaligid sakin yung mga taong importante sakin, Duon palang parang ako na ang Grand Winner.

Isa lang ang natutunan ko sa pagsali ko sa pageant nato ayon ay lahat tayo ay may kanya kanyang ganda at kakayahan kailangan lang natin ipakita at wag magpadala sa kaba.

At ang pinaka magandang award na pwede mong makuha ay ang pamilya at mga taong totoong nagmamahal sayo.

INSTAGRAM : @dex_pascual TWITTER : @dexpascual36 FB PAGE : Dex Pascual Don’t forget to follow me on my SOCIAL MEDIA ACCOUNTS

CHAPTER 19

MARK’S POV

Ngayon ang pageant ni Dex kaya lang hindi ako makakapunta kasi mas kailangan ko unahin si Baby.

“Mark?! Mark?!” -Sheena

“Bakit may problema ba?”

Nakakunot na ang noo ni Sheena at hindi ko alam kung bakit.

“Problema? Baka ikaw ang may problema kasi kanina pa ako nagsasalita pero ang layo ng iniisip mo” -Sheena

“Sorry hindi ko kasi napansin na nagsasalita ka pala”

“Sino ba kasi yang iniisip mo? Si Dex na naman ba?” -Sheena

“Pano naman na sama si Dex sa usapan natin?”

“Bakit sino paba ang iisipin mo? Diba yang Bestfriend mo? Bakit gusto mo ba manuod sa pageant nya edi pumunta ka iwan mona ako dito kaya ko naman mag-isa” -Sheena

“Pag-aawayan na naman ba natin to?”

“Alam mo kasi Mark naiintindihan ko na mag Bestfriend kayo at hindi kona maiaalis yon pero sana naman kapag kasama mo ako, Sakin nakatuon ang atensyon mo hindi sa taong hindi mo naman kasama ngayon” -Sheena

Niyakap ko nalang si Sheena mula sa likod at hinimas himas ang tyan nya.

“Sorry Sheena, Wag kanang magtampo”

Alam ko naman na mali ako sa part nayon pero hindi ko pa din talaga mawala sa utak ko na isipin si Dex lalo na sa mga ganitong ganap sa buhay nya.

“Basta i promise mo na kapag ako ang kasama mo wala kanang ibang iisipin” -Sheena

“Oo promise ko yan”

Biglang lumiwanang ang mukha ni Sheena at lumapad ang ngiti nya sabay yakap sakin ng mahigpit.

DEX’S POV

Hindi man ako nanalo pero para sa mga taong nakapaligid sakin ako ang panalo at duon palang masaya na ako.

“Dex congrats” -Kenji

“Salamat”

“Congrats Dex ang galing mo kanina” -Dan

“Haha salamat, Magaling naba yon? Eh hindi nga ako nanalo”

“Ayos lang yon, Suguro hindi mo lang Time pero malay mo kapag sumali ka ulit baka manalo kana” -Dan

“Ay nako ayaw kona napilitan lang ako na sumali dito kasi kailangan para may representative ang Department namin”

“Basta para sakin ikaw padin ang panalo” -Dan

“Ahem, Ahem” -Nathan

Biglang lumapit sakin si Nathan at inakbayan ako.

“Bakit Nathan may problema ba?”

Alam kona kasi yung mga datingan ni Nathan nayon, Sigurado ako pinagseselosan na naman nya si Dan.

“Wala naman My Loves, Nagyayaya na kasi sila Tita umuwe”

Habang nag-uusap kami ay biglang lumapit sakin si Irish kasama si Bea at Venus agad naman humarang si Jasmine at Miles.

“Wag kayong mag-alala icocongrats kolang si Dex. ‘Congrats Dex’ .” -Irish

“Salamat”

Pagkatapos sabihin ni Irish yon ay umalis na sila, Alam kong darating ang Time na magiging magkaibigan din kami.

Nagpaalam nadin sila Dan at Kenji samin ito kasing si Nathan masyadong Protective Boyfriend. Wala eh ganon talaga ganda ko eh hahaha.

Habang naglalakad kami palabas ng school ay may humarang samin na sasakyan at lumabas don si Tita Emman at kasama nya pa si Tito Greg.

OMG!!! anong meron???? Bakit nandito si Tito??????? Biglang lumakas ang tibok ng puso ko at parang gustong lumabas sa katawan ko.

“Dex ikaw ba ang nanalo?” -Tita

“Hindi nga po eh”

“Nako sayang naman” -Tita

Pano nalaman ni Tita na sumali ako sa pageant??? Napalingon agad ako kay Nathan at napakamot nalang sya sa ulo nya halatang sya ang nag-sabi.

“Dex pwede ba tayong mag-usap?” -Tito

Lalo akong kinabahan ng biglang nag-salita si Tito Greg

Hinawakan ni Nathan ng mahigpit ang kamay ko.

“Dad ako nalang po ang kausapin nyo” -Nathan

“Hindi Nathan ako na ang kakausap kay Tito”

Tumingin ako kay Nathan at ngumiti ako tanda na kaya ko. Sila Mama at Papa naman alam kong ayaw nilang makialam dahil may tiwala sila sakin.

Pumasok kami ni Tito sa sasakyan nya para duon kami mag-usap. Yung bibig ayaw bumuka sa sobrang kaba.

“Tito ano pong pag-uusapan natin?”

Kinakabahan talaga ako sa pag-uusapan namin ni Tito Greg, Hindi ko kasi inexpect na bigla syang darating.

“Kamusta na kayo ni Nathan?” -Tito

“Okay lang naman po”

Huhu Mas nakakakaba to kesa sa naganap na pageant kanina.

“Alam mo ba na pinaglaban ka talaga ni Nathan? At handa syang mawala ang lahat sa kanya para sayo?” -Tito

“Ah eh o-opo alam kona sinabi napo sakin yan ni Nathan pagkauwe nya”

“Napaka tigas talaga ng ulo ng batang yon, Alam mo Dex tanggap kita bilang bakla walang problema sakin yon. Nirerespeto ko ang kasarian mo, Pero bilang Ama ni Nathan gusto ko lang ang dapat para sa kanya” -Tito

Kahit hindi ako ni diretso ni Tito sa kung anong ibig nyang sabihin ay alam kona ang gusto nyang ipahiwatig.

“Alam ko naman po kung anong ibig nyong sabihin, Pero nagmamahalan po kami ng ni Nathan sana po maintindihan nyo”

May kinuhang papel si Tito sa bag nya at sinulatan yon at binigay sakin, Nagulat pa ako ng makita ko ang nakasulat. Si Tito binibigyan ako ng malaking halaga ng pera.

“One Million Pesos kapalit ng paglayo mo kay Nathan, Siguro naman sapat na ang halaga nayan para makapagsimula kayo ng panibagong buhay” -Tito

Isang Milyon? Kahit anong kayod ang gawin ko hindi ako basta basta makakakuha ng ganon, Pero ang pera nauubos hindi ang pagmamahal.

Mahal ko si Nathan at hindi yon nabibili o napapalitan nang kahit anong bagay.

“Tito pasensya napo pero hindi ko matatanggap ang ganito kalaking halagang pera”

“Bakit kulang paba? Gusto mo dagdagan natin, Dex marami pa akong plano sa anak ko at gusto ko rin na magkaapo” -Tito

Bakit ba laging issue nalang ang kakayahang magkaroon ng anak? Required ba talaga yon? Kaya nga ba tayo nag-aasawa para lang magka-anak para sa pagtanda natin meron mag-aalaga satin.

“Mawalang galang na po, Hindi po ako nabibili ng kahit magkanong pera pa yan at uulutin ko po Mahal ko po ang anak nyo hindi ko man po sya mabigyan ng anak atlis maipapangako ko na mamahalin ko sya”

“Mga bata nga naman ngayon hindi nag-iisip, Hindi mo man tanggapin ang perang to sa ngayon pero darating ang araw na kakailangan mo din to at ikaw mismo ang lalapit sakin” -Tito

Kung ako lang ang tatanungin? Oo tama si Tito Greg kailangan ko talaga ang pera pero hindi ko kayang ipagpalit si Nathan sa perang ibibigay nya ang pera kaya yang kitain pero kapag iniwan ko si Nathan baka wala na akong balikan.

Hindi rin nagtagal ang pag-uusap namin ni Tito Greg at bumalik na ako kala Nathan dahil kanina pa sila naghihintay sakin.

“Nathan asan pala sila mama?”

“Pinauwe kona sila ang sabi ko ako nalang ang maghahatid sayo pauwe” -Nathan

“Ganon ba? Tara uwe na tayo”

Maglalakad na sana ako pero bigla akong hinawakan ni Nathan aa kamay.

“My Loves anong pinag-usapan nyo ni Daddy? May sinabi ba syang hindi maganda?” -Nathan

Ayoko sanang magsinungaling kay Nathan pero kailangan ko, Ayaw kong ako ang maging dahilan para mag-away silang mag-ama.

“Wala naman syang sinabing hindi maganda My loves basta ang sabi nya wag daw natin pabayaan ang pag-aaral natin”

“Sigurado ka ayon lang ang sinabi ni Daddy?” -Nathan

“Oo yun lang talaga, Bakit may dapat ba syang sabihin sakin?”

“Wala naman, Tara na My Loves hatid na kita sa inyo alam kong pagod kana din kasi” -Nathan

“Mabuti pa nga haha”

Bakit ganon? Akala kopa naman okay na, Tapos eto na naman si Tito Greg binabayaran ako para layuan ko si Nathan.

Naiisip ko palang na malalayo ako kay Nathan nahihirapan at nasasaktan na ako ano pa kaya kapag nangyari nayon.

Hinatid ako ni Nathan hanggang sa bahay, Pero hindi padin maalis sa utak ko yung naging pag-uusap namin ni Tito Greg.

Pero katulad ng sinabi ko kanina buo na ang desisyon ko hindi ko lalayuan si Nathan, Mahal na mahal ko si Nathan at hindi ko sya ipagpapalit sa kahit na anong salapi.

NATHAN’S POV

Kahit ako hindi ko inexpect na uuwe si Daddy ng Pilipinas, Alam ko may kailangan sya dito.

Sigurado ako na importante ang pinag-usapan nila ni Dex ayaw lang nya sabihin sakin.

Pagdating ko sa bahay ay naabutan ko don sila Daddy kumakain.

“Nathan let’s join us here” -Dad

“Sorry dad but I’m full”

Wala akong gana makiharap sa kanila alam kong ihihiwalay lang nila ako kay Dex.

“C’mon Nathan kakabalik kolang dito ayaw mo ba akong sabayan man lang?” -Dad

“Dad ano ba talaga ang ipinunta nyo dito? Anong sinabi nyo kay Dex?”

Hindi kona napigilan ang sarili ko at natanong kona si Daddy si Mom naman napatayo agad.

“Nothing, I’m Just tell him that he is lucky to have you” -Dad

“No Dad, Ako ang maswerte dahil kay Dex”

“Nathan? Please listen to me, You’re too young for this kind of relationship. Siguro naguguluhan kalang pero I know someday you will realize na hindi tama ang ginagawa mo. Ano nalang ang sasabihin ng mga business partners natin? Na sa bakla lang napunta ang anak ko?” -Dad

“Dad sorry pero hindi lang basta bakla si Dex. Dahil kahit bakla sya may puso sya at pinaramdam nya sakin yung pagmamahal na hindi nya naiparamdam dahil wala kayong inatupag kundi ang business nyo!”

Alam kong mali na pagtaasan ko ng boses ang daddy ko pero kasi hindi kona napigilan ang emosyon ko. Kapag si Dex na talaga ang pinag-uusapan ipaglalaban ko sya.

“Nathan stop it! Daddy mo ang kausap mo!” -Mom

“Ganyang attitude ba ang nakuha mo kay Dex? I’m so disappointed Nathan. Alam kong mabuting bata sya at tanggap ko na bakla sya pero sana naman this time makinig ka sakin. HINDI SI DEX ANG PARA SAYO” -Dad

“Uulitin ko Dad Mahal ko si Dex, Sorry Dad pero pagod po ako”

Tinalikuran kona si Daddy at umakyat na ako sa kwarto ko, Kanina lang ang saya-saya ko tapos eto na naman may panibagong problema ang dumating.

Kamusta kaya si My Loves? Ano kaya ang napag-usapan nilang dalawa ni Daddy? Sana okay lang sya.

CHAPTER 20

MILE’S POV

Magkakasabay kaming lumabas nila Tyrone at Nicole, Kahit hindi na kami magkakaklase ay patuloy padin ang friendship namin.

“Miles kamusta na pala si Dex?” -Nicole

“Okay lang naman”

“Sana makabonding ulit tayo” -Nicole

“Sasabihin ko yan sa kanya sigurado ako papayag yon”

“Sige sabibin mo be” -Nicole

“Oo maganda yon lalo na kasama nya yung Boyfriend nya” -Tyrone

Sana nga makabonding kami ulit, Sobrang sarap siguro sa pakiramdam non lalo pa  ngayon na nabuo na ulit ang puso ni Dex hindi kagaya dati nung huli kaming nagkakasama sama malungkot kasi may problema si Dex. Pero ngayon nakabalik na si Nathan masaya na ulit ang puso ni Dex.

DEX’S POV

‘Hindi na kita Mahal!’

‘Hindi totoo yang sinasabi mo! Sinasabi mo lang yan dahil gusto mo layuan kita!’

‘Totoo ang sinasabi ko! Kaya pwede ba layuan mona ako! Hindi na kita Mahal! Dahil—’

‘Dahil ano?’

‘Dahil may mahal nako’

Hindi kona napigilan ang sarili ko at tumulo na ang luhang kanina kopa pinipigilan.

Hindi kona kinakaya ang mga nangyayari Huhu anong gagawin ko?

Bakit ba kasi kailangan mangyari to?

Bakit kailangan may masaktan?

Bakit ba Hindi nalang pwedeng maging masaya ang dalawang pusong nagmamahalan?

Nakaramdam nalang ako ng masakit sa ulo ko, Pagtingin ko si Mama binatukan na pala ako.

“Anong kadramahan yan? Bakit umiiyak ka?” -Mama

“Si mama basag eksena eh, Syempre nakakaiyak yung pinapanuod ko”

Fan kasi ako ng teleserye nina Michael at Anna, Sobrang naiiyak ako para kay Michael kasi niloko lang sya ni Anna pagkatapos nyang ibigay lahat para kay Anna pero nagawa padin syang saktan at lokohin nito.

“Wag kana nga manuod ng mga ganyan hindi naman totoo yan” -Mama

“Alam ko, Pero naiinspire ako eh”

“Ano nga pala yung pinag-usapan nyo ng Tito Greg mo?” -Mama

Biglang iniba ni Mama yung usapan. Naalala kona naman tuloy yung pinag-usapan namin ni Tito Greg. Binibigyan nya ako ng Pera para layuan ko si Nathan kaya lang hindi ko tinanggap dahil hindi kona naman kailangan ng pera dahil kahit mahirap kami nagkakaroon naman kami ng pera.

“Pinag-usapan lang namin yung tungkol samin ni Nathan”

“Sigurado ka? Wala nang iba?” -Mama

“Opo ma, Wala na” -Mama

Tumalikod nalang si mama at naiwan ako mag-isa, Natapos nadin pala ang pinapanood ko.

Sana matanggap nalang kami Tito Greg at hindi na umabot sa puntong kailangan nya akong bayaran para lang lumayo ako kay Nathan.

“Anak mamaya pala dadaan dito si Ate Tes mo” -mama

“Bakit ma anong kailangan nya?”

“Ipapaalaga nya daw sayo yung anak nya may lakad kasi sya mamaya” -mama

“Ma!? Alam mo naman na ayaw kong mag-alaga ng bata kasi madali maubos yung pasensya ko lalo na sa mga bata”

Sa totoo lang gustong gusto ko ang mga bata pero ang mag-alaga? No way haha, Ayaw ko kasi yung mga pasaway na bata kasi baka makotongan ko sila ng wala sa oras (Bad ko noh? Pero yun talaga ang totoo)

“Wag kanang mag-inarte dyan Dex ayaw mo non makakapag practice kana, Para pag labas ng kapatid mo ikaw ang mag-aalaga” -Mama

“Eh ilang taon naba yung anak nya?”

“5 years old na yon kaya hindi na kargahin” -mama

Nakahinga ako ng maluwag hindi na pala sya kargahin kaya makakahiga higa ako hahayaan ko nalang sya na mag-laro haha.

Ilang minuto lang ay dumating na nga si Ate Tes at dala nya yung anak nyang batang lalaki ang cute ng bata at mukhang maamo ang mukha.

Sinabi nya na ilang oras lang daw sya mawawala at babalik din.

“Baby anong name mo?”

“Gelo”

“Wow ang cute naman”

“Bakla ka?”

Nagulat ako sa sinabi ng bata ang daming pwede itanong Bakla talaga? Kainis ha? Hahaha.

“Oo, Bakit?” tanong ko sa bata.

“Bakit ka bakla?”

Aba pigilan nyo ako, Asaaaar tong batang to ah.

“Gelo gutom kana? Gusto mong kumain?”

“Ayaw ko gusto kong mag play”

“Okay sige mag play kana lang dyan, May dala kabang toys?”

“Wala”

“So pano ka mag-lalaro?”

“Edi tayo mag-laro”

“Ayoko ko may gagawin pa ako, Dyan kalang wag kang makulit”

Iniwan ko muna yung bata at pumunta ako sa kwarto ko para kunin yung assignment ko.

Pagbalik ko naglalaro sya mag-isa kinuha yung nga maliliit na staff toy na naka display sa bahay.

Nilapag ko sa lamesa namin yung gamit ko at sinimulan nang sagutan ang assignment ko.

Habang nagsasagot ako ay may tumama sa ulo ko, Pagtingin ko si Gelo tinamaan ako habang naglalaro sya.

“Duon ka nalang Gelo maglaro sa kwarto nila Mama”

“Ayaw” -Gelo

Binato nya ulit ako ng hawak nya at tumama sa mukha ko.

Lord alam kong masama pumatol sa bata pero paisa lang po, Promise hindi kona uulitin. Tumayo ako at nilakihan ko ng mata si Gelo sumigaw naman sya at tumakbo.

“Ahhhh!!!! Monster!!!!” -Gelo

“Hoy anong Monster? Sa mukha kong to???”

Tumakbo si Gelo palabas ng bahay pero nasalubong nya si Nathan at yumakap sya don.

“Kuya May Monster” -Gelo

“Gelo? Hindi ako Monster”

“May Loves anong nangyayari dito? Sino tong batang to?” -Nathan

“Ah eh ayan yung anak nang kapit bahay namin, Pinabantay lang sakin”

“Kuya Monster sya” -Gelo

“Ano bang ginawa mo My Loves bakit parang natakot ata yung bata?” -Nathan

“Wala naman akong ginagawa dyan nagulat na nga lang ako natakot sya sakin”

Maya-maya ay lumabas na si Mama at kinuha si Gelo kaya naiwan na kaming dalawa ni Nathan.

Grabe si Gelo nilakihan ko lang naman sya ng mata monster agad? Ginawa kolang naman yon para tumigil sya sa kakulitan nya.

“My loves anon bang ginawa mo sa bata?” -Nathan

“Wala nga My loves promise”

Hinawakan ni Nathan yung mukha ko at hinarap sa kanya, Eye to eye kami mga bes kilig is meeeee. Grabe! Grabe!

“My Loves yung totoo?” -Nathan

Kilala na talaga ako ni Nathan at mukhang hindi ako makakapagsinungaling sa kanya.

“My Loves dinilatan ko lang naman sya ng mata ang kulit kasi nya gumagawa ako ng assignment eh”

“Ano ba kasing assignment yan?” -Nathan

Tiningnan ni Nathan yung assignment ko at kinuha yung ballpen ko.

“Anong gagawin mo?”

“Sasagutan ko” -Nathan

“Uyy alam mo ba yan?”

“Oo ako paba” -Nathan

Inumpisahan na ni Nathan ang pagsagot sa assignment ko at grabe nagulat ako kasi nasagutan nya talaga ilang minuto nya lang binasa tapos nasagutan na nya. Hala ang galing!

“O ayan My loves tapos na” -Nathan

“Hala!? Salamat!”

Niyakap ko si Nathan dahio natuwa ako ng masagutan nya grabe ang talino talaga ng My Loves ko.

“Sabi ko sayo My Loves ako paba? Pero dapat hindi kana mananakot ng ganon sa mga bata” -Nathan

“Sorry na, Mamaya lalaruin kona lang si Gelo”

“Ayan dapat maging mabait ka My Loves pano kapag nag-kaanak na tayo papaluin mo silang lahat?” -Nathan

“Anak talaga?”

“Oo Gusto ko isang dosena” -Nathan

“Ano?!?!? Isang dosena? ang dami naman”

“Gusto lang isang dosena kasi sabi nila mas madami mas masaya” -Nathan

Nakakataba naman ng puso yung mga sinasabi ni Nathan kasi kahit alam nyang hindi ko sya mabibigyan ng anak at hindi kami magkakaroon ng anak ay Very optimistic padin sya.

“Nathan bakit ka nga pala nandito? May kailangan kaba?”

“Ah eh Gusto lang sana kita yayaing mag mall” -Nathan

“Nako sorry hindi kita masasamahan may alaga ako eh, Next time nalang promise sasamahan kita”

“Problema bayon My Loves? Edi isama natin yung bata” -Nathan

“Si Gelo isasama natin? Nako My Loves wag na makulit yon baka makasira lang sya”

“Hindi yan My Loves ako bahala, Magbihis kana para makaalis na tayo” -Nathan

Dahil sabi ni Boss ay magbihis na daw ako ay Nagbihis na nga ako. Ewan kolang talaga kung tama ang desisyon namin na isan pa si Gelo.

Yari talaga sakin yon pag nagkulit yon haha char! Biro lang, Hanggang dilat lang naman ako ng mata pero hindi ako mapanakit sa mga bata.

So ayon na nga nandito na kami sa mall,  At kasama namin itong bulinggit nato. Alam nyo ba na ayaw nyang sumama sakin kasi Monster daw ako. Haler? Sa Ganda kong ito? Mukhang kulang pa sa aruga itong si Gelo haha.

“Kuya Karga napapagod na ako maglakad” -Gelo

“Psst, Gelo kakalakad lang natin pagod ka agad?”

“Okay lang My Loves” -Nathan

Kinarga naman agad ni Nathan si Gelo, Mabuti pa si Nathan mahaba ang pasensya ako kasi hindi eh.

Ang sabi sakin ni Nathan bibili daw sya ng bagong sapatos pero andito kami ngayon sa palaruan ng mga bata.

Si Nathan bumili ng sandamakmak na tokken at pinasakay si Gelo sa halos lahat ng Rides. Ako? Syempre hindi din ako papatalo haha naglaro din ako, Nilaro ko yung basketball yung magshoshoot ka tapos may makukuha kang tickets.

After naming mag arcade siguro isang oras din yon ay kumain kami syempre treat lahat ni Nathan #Walangperahere .

Wala kasi talaga akong pera para sa mga ganitong kaganapan sa buhay ko hanggang tusok tusok lang ako sa labas.

At yung balak kong mag apply ayon hindi na natuloy nandito na kasi si Nathan at napunta yung focus ko sa kanya at syempre sa magiging kapatid ko.

“Kuya Gusto ko Chicken madami” Sabi ni Gelo kay Nathan

“Chicken? Sige bibilo tayo” - Nathan

“Madami ah” -Gelo

Napangiti nalang si Nathan sa sinabi ng bata, Matakaw pala si Gelo haha kabata bata pa eh.

“Gelo? Nakakahiya kay Kuya Nathan”

“My Loves ayos lang nakakatuwa nga tong batang to eh” -Nathan

Hindi nga masyadong obvious kay Nathan na natutuwa sya kay Nathan.

“My Loves pili kana lang dyan kahit anong gusto mo” -Nathan

Pag-tingin ko sa menu parang gusto ko nalang ibalik sa waiter ang mahal kasi haha.

“Nathan sa iba nalang kaya tayo yung medyo mura”

“My Loves hanggang ngayon ba naman nahihiya kapa din? Wag kang mag-alala ako na muna ang magbabayad sa ngayon pero kapag may pera kana edi ikaw naman ang manglibre sakin” -Nathan

Kailan kaya ako magkakapera? Eh parang After naman naming kumain ay bumili na si Nathan ng sapatos, Parang gustong lumuwa ng mga mata ko dahil sa mahal.

Jusme kong sa palengke ako bumili baka ilang sapatos pa ang mabili ko haha.

“Nathan Cr lang ako”

“Sige May Loves” -Nathan

Iniwan ko muna silang dalawa at pumunta na ako sa CR. Alam nyo isa ito sa mga pinoproblema ko dahil hindi ko alam kung sa CR ng Babae o Lalaki ako papasok, Sana kasi lahat nalang ng mall may CR na para sa mga member ng LGBT para hindi na kami mahirapan.

Syempre kailangan ko sumunod sa dapat kaya sa CR ako ng lalaki umihi.

Pagbalik ko karga karga na ni Nathan si Gelo nakatulog na pala sa sobrang kakulitan haha.

“My Loves kanina pa yan tulog?”

“Actually kakatulog lang nya napagod ata” -Nathan

“Ako na kakarga sa kanya mukhang mabigat yan eh”

“Hindi na My Loves kaya kona to “ -Nathan

Hindi kona pinilit si Nathan kasi sabi nya kaya nya daw kaya ako nalang nagbitbit ng mga binili nya at may kasama pang mga laruan na goyo ata ni Gelo si Nathan haha.

Mabuti nalang naka Kotse kami kaya  hindi hastle ang byahe, Alam nyo kakasama ko kay Nathan tinatamad na ako mag commute parang gusto nalang palaging na kotse, haha.

Habang nasa byahe kami ay nakarecieve ako ng tawag mula kay Mama.

“Ma bakit ka napatawag?”

Sigurado ako pumunta na si Ate Tes at kukunin na si Gelo, Pero iba ang sinabi ni Mama na halos ikahina ko.

Yung tibok ng Puso parang gustong kumawala sa katawan ko dahil sa sobrang kaba.

Bakit kailangan mangyari yon?

Totoo ba yung sinabi ni Mama o niloloko nya lang ako?

“My Loves ayos kalang ba? bakit parang namumutla ka” -Nathan

“Nathan wag na muna tayo umuwe may pupuntahan tayo”

“Ha? Saan naman” -Nathan

“Basta mamaya kona lang ipapaliwanag”

Sinunod naman agad ako ni Nathan, Huhu Lord sana hindi yon totoo sana niloloko lang ako ni Mama.

CHAPTER 21

DEX’S POV

Pagdating namin sa Hospital ay tumakbo agad ako sa room kung nasaan si Papa, Kahit si Nathan nagtatanong din kung ano ang ginagawa namin sa Hospital pero hindi ko agad nasagot yung tanong nya dahil mas kailangan kong unahin na makita at malaman ang kalagayan ni Papa.

“Ma asan si Papa anong nangyari sa kanya???”

“Hindi ko alam anak pero ang sabi ng mga kasamahan nya bigla nalang daw hinimatay, Inatake daw sa puso” -Mama

“Inatake? Si papa may Sakit? Bakit hindi natin alam?”

“Siguro matagal nya nang dinadamdam anak pero hindi nya lang sinasabi sa atin dahil ayaw nyang mag-alala tayo sa kanya” -Mama

“Kamusta na si Papa ayos na ba sya?”

“Hindi ba lumalabas yung Doctor” -Mama

“My Loves kumalma ka muna antayin nalang natin ang pag-labas ng doctor” -Nathan

“Pano ako kakalma kung nasa ganong kalagayan si Papa?!”

“Sorry My Loves” -Nathan

Naguilty tuloy ako nang masigawan ko si Nathan, Karga karga padin nya si Gelo at hindi alintana ang bigat ng bata.

“Sorry Nathan”

“Wala yon My Loves basta lagi lang akong nandito para sayo” -Nathan

Niyakap ko nalang ng mahigpit si Nathan, Mabuti nalang nandito sya at may pinagkukunan ako ng lakas ng loob bukod kay Mama.

Ilang minuto pa kami nag hintay bago lumabas ang Doctor at meron syang dalang Good and Bad News.

Good kasi stable na si Papa pero Bad kasi kakailanganin namin ng malaking halaga para sa Agarang operasyon ni Papa.

Kaya pala nitong mga nakaraang araw parang napapansin kong laging nakahawak si papa sa dibdib nya sign na pala yon na may nararamdaman na sya.

Hindi nya lang siguro sinasabi samin para hindi na kami mag-alala.

“Anak san tayo kukuha ng pera?” -Mama

“Ma hindi ko po alam pero gagawa ako ng paraan”

“Tita, My Loves susubukan ko pong sabihin kala daddy ang nangyari kay Tito baka makihingi tayo ng tulong” -Nathan

“Nathan salamat” -Mama

“Nathan hindi mona problema to masyado ng sobra yung natulong ng pamilya mo gagawa nalang kami ng paraan”

“My Loves kailangan nang maoperahan si Tito, San ka makakakuha ng malaking halaga sa sandaling panahon lang?” -Nathan

“Hindi ko alam, Pero gagawa ako ng paraan”

Hinawakan ni Nathan ang dalawang kamay ko at tumingin sya sa mga mata ko.

“My loves? Listen, Ang pera nababayaran yan, Maibabalik, Pero ang buhay kapag nawala hindi na maibabalik pa. Kaya tanggapin mona yung tulong ko kahit bayaran mona lang pakonti-konti” -Nathan

Niyakap ko nalang ng mahigpit si Nathan, Sana lang talaga magawan nya ng paraan Pero babayaran ko naman sya hindi porke’t Boyfriend ko sya aabusihin ko na sya ang utang ay utang kaya kailangan bayaran.

“Anak umuwe muna kayo may pasok kapa bukas, Ako na muna ang magbabantay sa papa mo” -Mama

“Ma sasamahan kopo kayo”

“Wag na Dex kaya kona to sigurado kung gising ngayon ang papa mo sya mismo ang magsasabi na pumasok atsaka kailangan mona ibalik si Gelo sa Mama nya” -Mama

“Pero Ma?”

“Sige na Dex wag matigas ang ulo, Nathan pakihatid nalang si Dex sa bahay” -Mama

“Okay po Tita”

Kahit labag sa kalooban ko na iwan si Mama ay sinunod ko padin sya. Hinatid muna namin si Gelo sa bahay nila at tsaka ako hinatid ni Nathan sa bahay.

“My Loves dito nalang ako matutulog sa inyo para may kasama ka” -Nathan

“Wag na Nathan baka hanapin ka sa inyo, Kaya ko namang mag-isa”

“My Loves? Wag matigas ang ulo tara na sa loob, Sasamahan na kita hindi ko naman maatim na iwan ka mag-isa” -Nathan

Nauna nang pumasok si Nathan sa loob at hinabol ko sya at niyakap mula sa likuran nya.

“My Loves salamat, Salamat kasi nandyan ka at pinapalakas mo ang loob ko”

Tinanggal ni Nathan yung kamay ko sa bewang nya at humarap sakin sabay hawak sa mga Kamay ko.

“Syempre Boyfriend mo ako kaya wag kang panghinaan sa mga problema mo dahil nandito ako” -Nathan

Kahit medyo hindi maganda ang pakiramdam ko dahil sa nangyari kay Papa ay nagawa padin akong pakiligin ni Nathan.

Sa bawat araw na magkasama kami walang oras, Minuto o segundo na hindi nya ako napapakilig, Makita ko palang sya kinikilig at kompleto na agad ang araw ko.

Sa bahay na nga natulog si Nathan pero gabi na at hindi padin ako dinadalaw ng antok sobra kasi akong nag-aalala sa nangyari kay Papa.

Sana pala napansin na namin na may nararamdaman sya baka naagapan pa namin at nakagawa na kami ng paraan.

“My Loves?” -Nathan

Hindi ko sinagot si Nathan at nagpanggap nalang ako na kunwari ay tulog.

“Ngayon lang kita nakitang ganyan madalas kasi masiyahing Dex ang nakikita at nakakasama ko, Sana wag kanang malungkot dahil kakausapin ko sila Daddy para tulungan kayo” -Nathan

Sorry Nathan kasi nakikita mo akong ganito, Iba kasi kapag magulang kona ang nasa ganitong sitwasyon parang nauubos din ang lakas ko dahil sila ang source ng lakas ko.

Ayaw ko din masyadong umasa na matutulungan ako ni Nathan dahil alam ko naman ang gusto ng daddy nya. Ayon ay Layuan ko sya.

Kinabukasan nagising nalang ako nang wala na si Nathan sa tabi ko kaya agad syang hinanap sa bahay (Feeling ang laki ng bahay namin haha) Naabutan ko sya na naghahanda ng almusal.

“Ikaw lahat ang naghanda nyan?” tanong ko sa kanya at napatigil naman sya sa ginagawa nya.

“Good Morning My Loves, Gising kana pala. Oo ako lahat ang naghanda nito kaya kumain kana at papasok kapa” -Nathan

Ahh!!!! Kilig is me!!!! ang aga aga may isang gwapong lalaki ang nagpapakilig sakin.

“Nathan hindi muna ako papasok ngayon, Gusto ko kasing puntahan sila Mama”

“My Loves wag na, Ako nalang pupunta sa kanila diba nga sabi ni Tita pumasok ka” -Nathan

“Pero–”

“Wala nang pero, Pero. Kumain kana at maligo tapos ihahatid na kita sa school nyo” -Nathan

Wala na akong nagawa kundi ang sumunod kay Nathan, After kong kumain at maligo ay hinatid na nya ako hanggang sa school at nagpromise sya sakin na sya na muna ang sasama kay Mama Para mag bantay at kakausapin nya daw ang Daddy nya para matulungan kami sa pr0blema namin.

Habang naglalakad ako papunta sa room ko ay lutang ako as in lutang, Naglalakad ako pero yung isip ko nandon kala Papa.

Dapat nandon ako ngayon sa tabi nila at sinasamahan si Mama. Hindi ko namalayan na may nakabangga na pala ako.

“What the!?!?! Are you blind?!”

Paglingon ko sa nabunggo konay Si Rolando lanh pala (Yung nakalaban ko sa Pageant) Biglang tumaas ang isang kilay nya sakin.

“Sorry, Hindi ko napansin”

“Hindi mo napansin kasi? Tanga ka? Ang laki laki ng daanan tapos hindi mo ako nakita? Ano to na nanadya ka?!” -Rolando

“Hindi ko talaga sinasadya, Sorry na”

Nagpapakumbaba na ako kasi kasalanan ko naman talaga kung nakafocus ako sa dinadaanan ko edi sana hindi ko sya nabangga.

“Anong hindi sinasadya eh halata naman na binangga mo talaga ko, Naghahamon kaba ng away?!” -Rolando

“Ayaw ko ng gulo at mas lalong ayaw ko ng away”

“Pwes ako gusto ko” -Rolando

Akmang sasampalin ako ni Rolando pero may biglang nagsalita mula sa likuran ko na ikinagulat ko.

“Subukan mong idampi ang palad mo sa mukha ni Dex, I’ll make sure that you will regret that” -Irish

Kasama ni Irish si Bea at Venus, Walang nagawa si Rolando kundi ang umalis nalang. Iba talaga si Irish kapag sya ang nagsalita natatakot ang lahat.

“Irish salamat”

“Dex? Dito sa Campus natin hindi lang ako ang nag-iisang demonyita actually marami kami. Kaya kung mahina ka wala kang lugar sa Campus nato. Kaya dapat matuto kading ipaglaban ang sarili mo dahil hindi sa lahat ng oras ay may lalaban para sayo” -Irish

“Pero salamat padin kasi pinagtanggol mo ako”

“Hindi kita pinagtanggol Dex, Pinutol kolang ang sungay ng Baklang gustong magreyna reynahan” -Irish

Pagkatapos nyang sabihin yon ay umalis na sya at sumama naman agad si Venus at Bea pero nag piece sign sila sakin.

Hindi ko alam kung anong pumipigil kay Irish para kaibiganin ako, Pero alam ko talaga na gusto na nya akong maging kaibigan.

IRISH POV

“Irish anong kadramahan na naman to? akala ko ba gusto monang maging kaibigan si Dex?” -Venus

“Kaya nga, Pero bakit tinatarayan mo padin sya?” -Bea

“Gusto ko naman talaga na maging kaibigan sya, Pero–”

“Pero ano?” -Venus

Kung alam lang talaga nila kung gaano kona gustong makipag kaibigan kay Dex.

Pero naiipit din ako sa sitwasyon, Ayaw ko naman na isipin nya na kaya gusto ko lang syang maging kaibigan ay para mapalapit kay Nathan at dahil may Hidden Agenda ako.

…………………………..FLASHBACK……………………..

Habang nag-aantay ako ng sundo sa labas ng school ay may sasakyan na huminto sa tapat ko, Pagbukas ng bintana ay nakita ko ang Daddy ni Nathan, Si Tito Greg.

“Long time no see Irish” -Tito

“Hi Tito, Kelan pa po kayo nakabalik ng Pilipinas?”

“Almost a week” -Tito

“Ganon po ba?”

“Sino bang hinihintay mo? Gusto sakin ka nalang sumakay at ako nadin ang maghahatid sayo” -Tito

“Nako wag na Tito, Parating nadin naman ang sundo ko”

Nung kami pa ni Nathan ay na meet ko na si Tito Greg at masasabi kong mahigpit sya na Daddy kaya nga dati super tigas ng ulo ni Nathan ayaw makinig, Gusto nya lang sya lang ang tama.

“Hindi na ako magpapaligoy ligoy pa, I want to talk to you” -Tito

Bigla naman akong nakaramdam ng kaba dahil sa sinabi nya, Bakit naman kasi ako gustong kausapin ni Tito Greg? Ano kayang itatanong nya?

Bilang paggalang ay pumasok ako ng sasakyan nya tutal wala padin naman ang sundo ko.

“Tito ano pong pag-uusapan natin?”

“Didiretsuhin na kita, Bilang businessman gusto kolang ang tama para sa anak ko kaya gusto kong tulungan mo ako para mapaghiwalay sila ni Dex” -Tito

Hindi ako makapaniwala sa sinabi ni Tito, Gusto nyang paghiwalayin si Nathan at Dex? Pero bakit? At bakit ako ang sinabihan nya?

“Tito Bakit ako pa? Wala napo kami Ni Nathan matagal na”

“Pero mahal mo padin ang anak ko hanggang ngayon?” -Tito

Natahimik ako sa sinabi nya, Totoo naman kasi hanggang ngayon mahal ko padin si Nathan pero ang kaibahan nga lang nagagawa konang labanan ang feelings ko para sa kanya.

“So silence means Yes?” -Tito

“Opo Tito i still your son, Pero hindi ko magagawang manira ng relasyon na alam kong pinaghirapan at pinaglaban ng dalawang taong tunay na nagmamahalan”

Tanggap ko na din kasi sa sarili ko na si Dex at Nathan na at maging ako ay kinikilig din para sa kanilang dalawa

“Pero may Part din sa sarili mo na gusto mong makuha ang anak ko?” -Tito

“Sorry po, Pero nandyan na po kasi ang sundo ko”

Lumabas na ako ng sasakyan, Oo mahal ko padin si Nathan pero hanggang duon nalang siguro yon.

Mabuti nalang din ay saktong dumating ang sundo ko kaya nakahanap ako ng paraan para iwan si Tito Greg, Sigurado ako na kapag sinabi ko to kay Nathan magagalit sya sa daddy nya.

……………………END OF FLASHBACK………………

“Hoy Irish bakit ka nakatulala?” -Venus

Bumalik nalang ako sa ulirat nang magsalita si Venus.

“Wala, May naalala lang ako”

“Ano naman ang naalala mo at bigla kang napatulala?” -Venus

“Basta, wag kanang magtanong kung ayaw mong mainis ako sayo”

Natakot naman agad sakin si Venus at biglang tumahimik pinagtawanan tuloy sya ni Bea haha.

DEX’S POV

After ng klase ay napagdesisyonan ko na dumiretso nalang ng Hospital para tulungan si mama sa pagbabantay kay Papa.

Hindi din kasi pwede mapagod si Mama dahil baka makaapekto sa baby sa tyan nya.

Habang naglalakad ako ay nakarecieve ako ng tawag mula kay Miles.

‘Uyyyy be!!!!!’

Bungad nya sakin pagkasagot ko ng tawag nya, Para tuloy nabasag ang ear drum ko huhu baka magkaano ako nito (Alam nyo na yon #L haha)

‘Grabe ang bunganga be ah’

‘Bakla ka nabalitaan ko ang nangyari kay TitoAno kamusta na sya? Ayos ba sya? Ikaw ayos kalang din ba? Si Tito baka kung mapano yon may baby pa naman yon sa Tyan nya’ -Miles

‘Miles isa isa lang mahina ang kalaban’

‘Ay sorry’ -Miles

‘Hindi ayos lang sanay na ako sayo ano kaba, Nasa school ako ngayon pero papunta na ako sa Hospital ngayon’

‘Ganon ba? Sige be ingat nalang tapos balitaan mo ako kapag okay na yung Papa mo’ -Miles

After namimg mag-usap ni Miles ay bigla kong nakasalubong si Tito Greg.

Ano kayang ginagawa nya dito sa school namin?

Kasama nya kaya si  Nathan?

“Nabalitaan ko ang nangyari sa Papa mo at gusto ko lang sabihin sayo na gusto kong tumulong” -Tito

Para akong nabunutan ng tinik dahil sa sinabi ni Tito, Tutulungan nya kami? So ibig sabihin gagaling na si Papa.

“ Talaga po Tito?“

“Oo naman, Pero sa isang kondisyon alam na siguro yon dahil napag-usapan na natin ito” -Tito

Kahit hindi ako diniretso ni Tito ay alam kona kung ano ang ibig sabihin nya.

Gusto nya akong tulungan, Pero may kapalit. Ayon ay ang layuan so Nathan.

“Tito Hindi ko po magagawa yan, Hindi ko kayang layuan si Nathan”

“Really? How about your Papa? Pano sya gagaling? Saan kayo kukuha ng pera para sa operasyon nya? Kaya kung ako sayo tanggapin mona  yung inaalok ko” -Tito

Si Papa kailangan na nyang maoperahan sa lalong madaling panahon

Pero anong gagawin ko?

Tatanggapin koba ang inaalok ni Tito para kay Papa? O mas pipiliin ko padin si Nathan dahil mahal ko sya.

CHAPTER 22

DEX’S POV

Habang papunta ako sa Hospital ay magulo ang isip ko, Inaalala ko si Papa at yung alok sakin ni Tito.

Anong gagawin ko?

Tatanggapin koba ang alok ni Tito Para sa paggaling ni Papa?

O mas pipiliin ko na manatili kay Nathan dahil sa mahal ko sya?

Nasa sitwasyon na naman ako na kailangan kong pumili sa dalawang importanteng bagay.

Pag-ibig O Pamilya? Bakit kasi kailangan pa natin mamili sa dalawang bagay na kailangan naman natin.

Alin nga ba ang mas mahalaga?

“Anak bakit ngayon kalang?” -Mama

“Sorry Ma traffic po kasi”

“Dex may Good news ako sayo, Tuloy na ang operasyon ng Papa mo” -Mama

Medyo nagtaka ako sa sinabi ni Papa, Parang kagabi lang nag-aalala kami at nag-iisip kung saan kami hahanap ng pera.

“Ma saan kayo kumuha ng Pera?”

“Tumawag sakin si Nathan kanina at ang sabi nya naka-usap na daw nya ang daddy nya at pumayag daw ang Tito Greg mo” -Mama

Si Tito Greg pumayag? Kanina lang kausap ko sya eh. Anong nangyari? at ano kaya ang napag-usapan nila ni Nathan.

“Ma pwede ba kitang iwan muna? May pupuntahan lang ako”

“Ha? Kakarating mo lang aalis ka ulit, Saan kaba pupunta?” -Mama

“Basta ma, Promise babalik ako agad”

Tumakbo na ako palabas. Kailangan ko makausap si Nathan, Kailangan ko malaman kung paano nya napapayag si Tito Greg na sagutin ang operasyon ni Papa.

Ramdam ko na may pinag-usapan silang dalawa, At may hiningi si Tito na kapalit.

Naghanap agad ako ng masasakyan papunta kala Nathan, Sana mali ang kutob ko dahil kung mangyari yon ay hindi kona kakayanin. Nawala na si Nathan sakin at ayoko nang maulit payon.

Pagdating ko sa tapat ng bahay nila Nathan ay Nagdorbell agad ako, Yung Dorbell na akala mo sisirain kona. Pinagbuksan naman agad ako ni Manang ng gate.

“Oh Dex napadalaw ka?” -Manang

“Manang si Nathan po?”

“Wala sya dito, Bakit?” -Manang

“Asan po sya? Alam nyo ba kung nasan sya?”

“Nako Dex kakaalis lang nya, Pero ang sabi nya may pupuntahan daw sya. Magrerelax at Gusto nyang magpahinga” -Manang

Hindi ko alam kung bakit kailangan magpahinga at makapag relax ni Nathan pero ang alam ko ngayon ay Kung nasaan sya.

Kung hindi ako nagkakamali ay nandon sya sa lugar na palagi namin pinupuntahan.

Pagdating ko sa lugar nayon ay hindi nga ako nabigo dahil nakatayo si Nathan habang nakatingin sa kawalan at mukhang ang lalim ng iniisip.

NATHAN’S POV

Nandito na naman ako sa isang sitwasyon na kailangan kong mamali sa kung ano ang tama at kung ano ang magpapasaya sakin.

Mahal ko si Dex, Pero kung kapalit naman non ay may mawala na isang taong importante sa kanya ay kaya kong magsakripisyo para kay Dex.

Kahit ipagsigawan ko sa Buong mundo na Mahal ko si Dex ay gagawin ko at hindi ako matatakot, Dahil ayon ang nararamdaman ko at sinasabi ng puso ko.

Ang sarap lang balikan ng mga araw na una kaming nagkita, Hindi naging maganda yon dahil unang una ayaw ko talaga sa mga bakla lalo na yung maiingay, Pangalawa ayaw kolang talaga na may ibang tao sa paligid ko bukod sa mga kaibigan, Kasambahay at Parents ko.

Dati asar na asar talaga ako kay Dex pero habang tumatagal nahuhulog ako sa kanya hanggang eto na nga minahal kona sya. Maraming nagsasabi sakin na

‘Bakit pumatol ka sa bakla?’

‘Bakla kana din ba?’

‘Pre sayang lahi mo’

Lahat yan ay hindi ko pinansin dahil mahal ko si Dex.

…………………………FLASHBACK………………………………..

“Dad pwede ba tayong mag-usap?” “About what?” -Dad

“Yung Papa po kasi ni Dex––”

“Yung Papa ni Dex na inatake sa Puso at kailangan ng malaking halaga para sa agarang operasyon? Tama ba?” -Dad

“Pano nyo nalaman?”

“Because i was there, Nang inatake sya” -Dad

Medyo nagulat ako sa sinabi ni Daddy, So ibig sabihin mag kasama sila ng atakahin sa puso ang papa ni Dex?

“So you mean magkasama kayong dalawa?”

Pilit kong binabasa kung ano ang nasa utak ni Papa. Ayoko kong isipin na may ginawa syang masama o mga sinabing masasakit kaya inatake ang Papa ni Dex.

“Bakit ganyan ka makatingin Nathan? Yes, Magkasama kami pero nag-usap lang naman kami other than that wala na akong ginawa” -Dad

“Anong pinag-usapan nyo?”

Huminga muna ng malalim si Dad at tumayo sa kinauupuan nya.

“I’ll be honest with you Nathan hindi pa din nagbabago ang desisyon ko na hiwalayan mo si Dex kaya kinausap ko ang Papa nya para sila nalang ang lumayo” -Dad

“What?!  Ginawa nyo yon?!”

“Ofcoure. Co’z  I am your Father! And i want the best for you, Mali ba yon?” -Dad

“Oo dad maling mali!  Bakit ba kasi ayaw nyong hayaan nalang kami ni Dex?! Dahil ano?! Dahil sa bakla sya? Eh ano?! Mahal ko sya ayon ang importante!”

“Lintik na Pagmamahal yan! Nathan are you out of your mind?! Lalaki ka! Dapat sa babae kalang!” -Dad

“Again Dad, Kahit anong sabihin nyo hindi ko padin lalayuan si Dex!”

“Sige Nathan makipag matigisan ka sakin tingnan natin kung hindi ka magmakaawa para lang matulungan ang pinakamamahal mo, Remember kailangan ni Dex ng pera para sa operasyon ng Papa nya at ako lang ang makakatulong sa inyo” -Dad

Ayokong iwan si Dex pero mas lalong ayokong mawala yung isa sa pinakamamahal nya kahit alam kong may magagawa naman ako para matulungan sya.

Ang hirap mamimili kahit anong piliin ko sa dalawa ay alam kong masasaktan at masasaktan si Dex.

………………………END OF FLASHBACK…………………

Nandito ulit ako sa lugar na paborito kong puntahan sa tuwing gusto kong mapag-isa. Sana lang makatulong to para makapag-isip ako ng tama at maayos.

Habang nakatingin sa kawalan ay naramdaman ko nalang na may yumakap sakin mula sa likuran, Kahit hindi ko pa nakikita ang mukha nya ay alam konang si Dex yon.

Humarap naman ako sa kanya at napansin kong parang namumugto ang mga mata nya at anumang oras ay papatak ang luha sa mata nya.

“My Loves umiiyak kaba?”

Pinunasan naman agad nya yung mata nya at ngumiti sakin.

“Hindi ah, Napuwing lang ako” -Dex

Tsk, Nagsisinungaling sakin si My Loves. Halata naman kasi na umiyak sya.

“Sabi mo eh, Ano palang ginagawa mo dito diba dapat nandon ka sa Hospital nagbabantay kay Tito?”

“Oo nandon dapat ako pero kasi hindi ako mapakali hanggat hindi kita nakakausap.” -Dex

“Bakit My Loves anong pag-uusapan natin?”

“Hindi ko alam kung paano nangyari na may nagbayad para sa Operasyon ni Papa, Si Tito Greg ba ang nagbayad non?” -Dex

Alam na pala ni Dex hayss. Pero bakit pa nga ba ako magtataka eh malalaman at malalaman din naman nya yon.

“Oo si Daddy kinausap ko sya at luckily pumayag sya”

Hinawakan ni Dex yung kamay ko at nagtitigan kaming dalawa, Parang binabasa nya ang nasa isip ko.

“Nathan anong kapalit?” -Dex

Hindi agad ako naka-imik sa tinanong nya, Alam na kaya nya? Mukhang hindi na ako makapagsisinungaling pa sa kanya.

“Sorry Dex, Wala akong Choice”

Bumitaw si Dex ng hawak sakin sabay napaatras at kita ko na tumulo na yung luha sa mga mata nya.

“Ano iiwan mo naman ako? Nathan My Choice ka naman eh pero pinili mo na iwan ako?” -Dex

Wala pa akong sinasabi pero mukhang alam na talaga ni Dex na ito ang kapalit para mapagamot ang Papa nya.

“My Loves sorry”

Nakayuko lang ako at hindi ako makatingin ng diretso sa kanya naguguilty kasi ako. Pero sa kabila non ay niyakap padin nya ako ng mahigpit.

“Nathan salamat kasi dahil sayo mapapagamot na ang Papa ko. Pero bakit kailangan mangyari na naman to? Bakit kailangan masaktan na naman tayo?” -Dex

“Kung ako lang ang masusunod hindi ko pipiliin to, Pero dahil mahal kita mas uunahin ko ang mapagamot ang papa mo”

“At ano nang mangyayari satin ngayon?” -Dex

“Sasama ulit ako kay Daddy pabalik ng US”

“Ang daya mo naman Nathan!? Sabi mo hindi kana aalis? Sabi mo hindi mona ako iiwan??!” -Dex

Lalo akong nasaktan at nahirapan ng makita kong umiiyak si Dex, Ayoko na sana syang makita pang umiiyak kasi mas doble ang nararamdaman ko.

“Basta lagi mong iingatan ang sarili mo ha? Wag kang papagutom tapos yung Pag-aaral mo wag mong papabayaan”

“Nathan pwede bang dito ka nalang? Pwede bang magkasama nalang tayo?” -Dex

Hinawakan ko ang dalawang pisngi ni Dex at pinunasan ang luha nya.

“Wag kanang umiyak please lalo lang ako nahihirapan. Basta lagi mong iisipin na Mahal kita, Kaya ko pinili to”

“Nathan hindi ko alam ang isasagot ko sayo, Sige na umalis kana.” -Dex

“My Loves Galit kaba?”

“Dex nalang Nathan, Dex nalang ang itawag mo sakin” -Dex

“Anong ibig mong sabihin?”

“Tapos na tayo, Tama na siguro yung Pait at sakit baka makalimutan ko na mahalin ang sarili ko” -Dex

“Dex wala namang ganyanan, Akala mo ba madali sakin to?”

“Bakit akala mo ba madali lang din sakin na makipaghiwalay sa lalaking nagmahal sakin ng totoo? Tapusin na natin to Nathan, Hindi mo ba napapansin? Tadhana na ang naglalayo satin? Salamat kasi nakilala kita at tinulungan mo ako para mapagamot ang Papa ko” -Dex

Pagkatapos makipaghiwalay ni Dex ay umalis nadin sya agad, Napasigaw nalang ako sa sobrang inis sa sarili ko.

Ako ang lalaki pero ako ang hindi makapag-isip nang maayos,  Sa isa pang pagkakataon ay nasaktan kona naman si Dex.

DEX’S POV

Ang sakit

Sobrang sakit.

Ayoko sanang humantong pa sa hiwalayan pero ayon na din siguro ang pinakatama kong gawin.

Ganon din naman eh, Aalis din si Nathan. Iiwan na naman nya ako ulit.

Dapat ba akong matuwa dahil mapapagamot na si Papa o dapat ba akong masaktan dahil wala na kami ng taong mahal ko?

Ayos nadin siguro ang ginawa ko, Mga bata pa naman kami marami pang pwedeng mangyari sa mga buhay namin.

Kung kami talaga sa huli, Edi kami. Pero sa ngayon kailangan ko muna magpatuloy para sa pamilya ko.

Oo sobrang sakit sakit makipag hiwalay kaya lang kailangan kong tanggapin ang lahat ng sakit dahil parte ito ng pag-ibig.

Nakatanggap pa ako ng tawag mula kay Nathan pero hindi kona sinagot yon dahil mas lalo kolang papahirapan ang sarili ko.

Pagbalik ko sa Hospital ay napansin agad ni Mama na umiyak ako.

“Dex saan kana nanggaling? At bakit parang namamaga ang mata mo? Umiyak kaba?”

Nagdahilan nalang ako ng kung ano ano sa kanya. Ayoko na kasing dumagdag pa sa alalahanin nya.

“Ah eh ma, Yung pusa kasi nila Miles namatay na”

“Eh bakit parang ikaw ang umiyak ng sobra?” -Mama

“Eh kasi ma napamahal nadin sakin yung pusa nayo”

Napatango nalang sya sa sinabi ko, Sa tingin ko naman naniwala .

“Anak may pera na tayo para makapag-umpisa ulit” - mama

May pinakita sakin si Mama na pera na nasa loob ng Bag nya.

“Ma san galing yan?”

“Sa Tito Greg mo, Ang bait nya noh?” -Mama

Ito ba ang kapalit ng paghihiwalay namin ni Nathan?

Alam kong pati Si Nathan nahihirapan sa sitwasyon naming dalawa, Kaya lang hanggang dito nalang siguro yung love story namin ang sad lang kasi HINDI HAPPY ENDING.

CHAPTER 23

DEX’S POV

Wala na.

Tapos na.

Wala na kami ni Nathan, Tinapos kona ang lahat sa amin.

Ayoko kasi na umabot pa kami sa puntong sobra na kaming nasasaktan.

Oo masakit sobrang sakit, Pero mas makabubuti siguro ito para samin ang mahalaga muna sa ngayon ay ang Pamilya ko.

“Anak anong nangyari? Bakit namamaga yang mata mo? San kaba ng galing?” -Mama

Hindi ako nakapagsalita dahil tumulo na naman ang luha sa mata ko. Niyakap ko nalang ng mahigpit si Mama, Gusto kolang ngayon ng Comfort dahil sa nangyari.

“Dex ano ba talagang nangyari?” -Mama

“Ma, Wala na po kami ni Nathan”

“Ano? Paano?” - Mama

“Masyado na po kasi kaming nasasaktan kaya ako na mismo ang tumapos sa kung anong meron kami”

“Pero, Talaga bang ito ang gusto mo?” -Mama

Napaisip ako sa sinabi ni Mama, Ito nga ba talaga ang gusto ko?

O ginawa ko lang ito dahil ito ang tamang gawin?

Tumango nalang ako kay Mama at niyakap ko nalang ulit sya ng mahigpit na mahigpit. Sa ngayon sila muna ni Papa ang importante sakin at syempre ang magiging kapatid ko.

Mabuti nalang nandito si Mama at may napaglalabasan ako ng mga nararamdaman ko, Ayoko na sanang sumabay pa sa alalahanin ni Mama kaya lang wala eh napaglaruan na naman ako ng Tadhana.

Pagkatapos kong Masaktan sa BestFriend ko na naging First Love ko, Ngayon naman nasaktan na naman ako dahil sa Pinsan ko na naging First Boyfriend ko.

Ganito nga siguro ang tadhana ko ang masaktan sa mga lalaking nagpatibok ng Puso ko.

Dahil sa nakuha naming Pera mula kay Tito Greg ay natuloy ang operasyon ni Papa, Sa Awa ng Diyos naging mabuti naman ang kondisyon nya at ang sabi ni Mama yung natitira sa Pera ay gagamitin namin para sa panibagong Yugto ng aming Buhay ang sabi ni Mama magnenegosyo sya daw at kapag lumago ay Grocery diba ang taray ng imagination nya?.

Napagdesisyonan din namin na umuwe sa Masbate (Probinsya ng Mama ko) at duon na muna pansamantalang manirahan, Hindi narin ako tumutol dahil naisip ko maganda narin yon para makalimot at makapagsimula ng panibagong buhay.

Simula ng magkahiwalay kami ni Nathan ay hindi kona sya nakausap o kahit nakita man lang hindi nadin sya nagparamdam sakin kahit sa Chat.

Siguro sumama na sya sa daddy nya pabalik ng US, Kahit paano masaya padin ako para kay Nathan dahil ngayon matutupad na nya ang mga pangarap nya ng walang huhusga sa kanya dahil sakin.

Naramdaman ko nalang namay Bumatok sa ulo ko.

“Aray ko naman” Angal ko at napakamot sa ulo.

“Eh kasi tulaley ka dyan, Sino ba kasi ang iniisip mo? Si Nathan na naman ba?” -Miles

Bigla akong natahimik sa sinabi ni Miles, Nanghihinayang kasi ako na hindi man lang naging maayos ang pagpapaalam namin ni Nathan sa isat-isa.

“Ay sorry” -Miles

“Wag kang magsorry, Totoo naman eh iniisip ko ngayon si Nathan”

“Hay nako Be tama nayang Nathan nayan, Sabi mo sakin kakalimutan mo na sya diba?” -Miles

“Oo nga pero hindi ko naman basta basta makakalimutan si Nathan dahil sa magagandang memories namin together”

After kong sabihin kay Mama na nagbreak na kami ni Nathan ay si Miles agad ang sunod kong tinawagan at ang loka hindi makapaniwala at hindi naubusan ng super daming tanong.

“Basta be pagdating nyo sa Masbate tawagan mo agad ako ha? Mamimiss talaga kita” -Miles

Niyakap naman ako ng mahigpit ni Miles, Sa totoo lang mahirap talaga sakin na iwan yung buhay na nakasanayan kona, Yung mga nakilala ko at yung mga totoong kaibigan ko.

“Oo naman, Ikaw din mamimiss ko”

“Eh ako mamimiss mo din ba?”

Nagulat ako ng marinig ko ang pamilyar na boses. Napatingin agad ako kay Miles, Dahil sigurado ako na nagdaldal na naman sya.

Sya lang naman sa mga kaibigan ko ang sinabihan ko tungkol sa pag-alis namin ngayon, Tapos eto may dumating na iba. Nagpiece sign sakin si Miles at biglang nagexit.

“Mark? Anong ginagawa mo dito?”

“Bakit hindi mo sakin sinabi na aalis na pala kayo? Kung hindi pa sakin sinabi ni Miles hindi ko pa malalaman. Akala koba Bestfriend mo ko?” -Mark

“Ah eh sorry ayoko na kasing marimi pang makaalam para hindi ako mahirapan sa pag-alis namin”

“Bakit ba kasi lilipat pa kayo ng tirahan?” -Mark

Huminga muna ako ng malalim bago sinagot si Mark.

“Andami na kasing nangyari Mark, Kailangan din namin makalapit para makalimutan ang mga masakit na alaala dito kaya–”

Hindi kona natapos ang sasabihin ko dahil bigla akong niyakap ni Mark, Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko yung puso ko biglang bumilis ang tibok.

“Basta kapag nakalipat na kayo ipaalam mo agad sakin ha? at dapat ako padin ang Bestfriend mo” -Mark

Lalo tuloy akong nahirapan dahil sa inaasal ni Mark, Para kasing gusto nya na dito nalang kami at wag na kaming lumipat.

Pinunasan ko muna yung luha ko atsaka bumaling sa kanya.

“Syempre naman ikaw pa ba? Wala namang tatalo sayo kasi ikaw ang Bestfriend ko”

“Dapat lang, Kaya kapag may nagbully sayo don tawagan mo lang agad ako at pupunta ako don para rumesbak” -Mark

Medyo OA si Mark sa part nayoN, Pero nakakatuwa lang kasi meron akong kaibigan na handang tulungan at protektahan ako.

“Talaga?”

“Oo naman, Pero sandali lang asan pala si Nathan? Bakit wala sya ngayon? Hindi ka ba nya ihahatid?” -Mark

Hindi ko pa pala nasasabi kay Mark ang tungkol samin ni Nathan, Nawala sa isip ko dahil sa daming nangyari.

Pero kapag sinabi ko ba sa kanya ang totoo may mababago ba? O baka mas lumala lang ang sitwasyon?

“Ah eh si Nathan? May inasikaso lang syang importante”

“Gaano kaimportante? Mas importante pa sayo?” -Mark

Ay iba, Grabe sya sakin. Importante naman ako kay Nathan kaya lang tadhana na talaga yung pilit na naglalayo sa aming dalawa.

“Oo importante ngayon at hindi na pwedeng ipagpa bukas”

“Ganon ba? Meron pa nga palang gustong kumausap sayo” -Mark

“Gustong kumausap sakin? Sino naman?”

“Magandang umaga Dex”

Paglingon ko ay hindi ko akalain na nandito din sya. Humanda talaga sakin si Miles! May isang kotong yon sakin mamaya, Kabilin bilinan ko sa kanya na wala syang pagsasabihan na iba.

“Pano Dex, Maiwan ko muna kayo” -Mark

Pumunta muna si Mark kala mama para tumulong sa pag-liligpit ng mga gamit namin.

“Dan? Pati ikaw nandito din?”

“Bakit ayaw mo ba na nandito ako? Sige uuwe nalang ako”

Akmang tatalikodi si Dan pero nilapitan ko sya at hinawakan sa braso para pigilan.

“Sandali lang, Wala naman akong sinabi na ayaw kitang nandito. Nagtatanong lang naman ako”

“Nabalitaan ko yung nangyari sa inyo ni Nathan” -Dan

What the! Humanda talaga sakin si Miles, Pati ba naman yon sinabi ni Miles kay Dan.

“Ha? Anong sinasabi mo? Wala naman nangyari samin ni Nathan”

Sana lang maniwala sya sinabi ko ang hirap kasing magpanggap na ayos lang ako kahit ang totoo sobrang nasasaktan at nahihirapan na ako.

Lumapit sakin si Dan at yumuko ng bahagya, Medyo matangkad kasi sya sakin. Hindi ko akalain na hahalikan nya ako sa noo.

Ano bang ginagawa ni Dan?? Parang ang weird na naman nya.

“Kung Ako Nalang Sana, Dex.” -Dan

Isang Sentence lang ang sinabi nya Pero napaka raming kahulugan.

“Dan?”

“Wag kang mag-alala Dex alam ko naman na si Nathan pa din ang Mahal mo at kahit kailan hindi ko sya mapapantayan sa Puso mo” -Dan

Kung pwede kolang talaga hatiin ang puso ko, Gagawin ko para wala na akong nasasaktan na tao.

Hindi deserve ni Dan na masaktan dahil napaka buti nyang tao. Pakiramdam ko tuloy ang sama-sama kong tao.

Mabuti nalang at dumating si Mama kaya natigil ang pag-uusap naming dalawa. Tumulong din si Dan at Mark sa pagliligpit namin ng mga gamit, Pati pala si Miles tumulong din at ang loka tuwang tuwa pa sa kalokohan nya at nakita nya daw ang ginawang pagyakap sakin ni Mark at paghalik sa noo ko ni Dan.

Pagkatapos naming magligpit ay nilabas na namin lahat ng importante naming gamit at sa huling pagkakataon ay sinilayan ko ang bahay namin.

Marami akong alaala dito na hinding hindi ko makakalimutan at dadalhin ko hanggang sa paglipat namin sa bago naming tirahan.

At syempre yung tatlong taong naging malapit sakin, Si Dan, Si Miles at si Mark.

Sayang nga lang at wala dito si Tyrone at Nicole, Busy daw kasi ang sched. nila ang sabi sakin ni Miles.

At syempre yung isang asungot na naging kaibigan ko, Si Kenji.

May klase daw kasi ngayon yon kaya hindi na nasama ni Dan.

MARK’S POV

Kahit hindi sabihin sakin ni Dex ang totoo alam ko may pinagdadaanan ang pamilya nila ngayon.

Hindi naman kasi sila aalis basta-basta ng walang dahilan kaya lang hindi ko naman sya magawang matanong kasi alam ko magsisinungaling lang din sya sakin kagaya ng pagsisinungaling nya na walang nangyari sa kanila ni Nathan.

“Hindi paba kayo uuwe?” -Miles

“Ako uuwe na, Nice meeting you again Miles, Mark.” -Dan

“Sige Tol ingat”

Umalis nadin agad si Dan, Nagtaxi nalang kasi sila Dex kaya hindi na namin sila nasamahan.

“Ano, Mark? Hindi kapa ba uuwe?” -Miles

“May iitatanong lang ako sayo Miles”

“Ano yon?” -Miles

“Anong dahilan ng pag-alis nila Dex?”

Natahimik sya sandali sa tanong ko, Alam kong alam ni Miles ang totoo.

“Kasi nga gusto daw nila magbakasyon, Pansamantala lang naman yon at babalik din sila” -Miles

Hindi ako naniniwala sa sinabi nya, Halata kasing nagsisinungaling lang sya sakin.

“ Please Miles sabihin mona sakin ang totoo“

“Yun nga lang yon, Wala ng iba” -Miles

“Miles ako ang Bestfriend ni Dex kaya dapat alam ko din ang nangyayari sa buhay nya kaya please lang sabihin mona sakin”

Kilala ko si Miles madaldal to kaya sigurado ako na sasabihin din nya sakin ang katotohanan.

“Sige na nga, Pero i promise mo na hindi mo sasabihin kay Dex na ako ang nagsabi ha?” -Miles

“Oo Promise”

“Ganito kasi Yon, Nagbreak na kasi Dex at Nathan pero hindi ko alam kung paano at kung bakit. At yung Papa nya kakatapos lang ng operasyon kaya kailangan talaga nila ng bagong lugar at tirahan para naman makalimutan nila yung mga nangyari at makapagsimula ulit” -Miles

“Bakit hindi sinabi sakin ni Dex lahat yan?”

“Simple lang, Dahil ayaw na nya makagulo pa sa buhay mo. Hindi na kayo katulad ng dati Mark, Mag kakaanak kana kaya dapat sila ang unahin mo.” -miles

Ang dami na palang pinagdaanan ni Dex pero wala man lang akong kaalam alam sa mga nangyayari sa kanya. Anong klase akong Bestfriend?

Durog na durog na pala si Dex pero wala man lang akong nagawa para matulungan sya.

Ano kaya ang dahilan kung bakit sila naghiwalay ni Nathan?

At si Tito may nangyari na palang masama sa kanya pero wala din akong naitulong.

Mabuti pa si Dex kapag kailangan ko sya lagi syang nasa tabi ko pero nung sya na ang may kailangan wala ako sa tabi nya at hindi ko sya na suportahan bilang Bestfriend nya.

Kung maibabalik kolang sana ang oras gagawin ko, Para matulungan sya sa pinagdadaanan nya.

CHAPTER 24

MILE’S POV

Mamimiss ko talaga yung baklang yon! Huhu lalo na yung mga kulitan namin. Bwiset kasi na Nathan yon eh! Akala ko pa naman hindi nya sasaktan ang kaibigan ko.

“Miles alam mo ba kung saan yung sasakyan nila Dex?” -Mark

“Oo bakit?”

“Saan????” -Mark

“Bakit gusto mong malaman?”

“Basta, Please sabihin mona sakin. Ako na bala sa recess mo for 1 month” -Mark

Ay iba mga bes! May pasuhol pa ang lalaking ito. Akala naman nya magpapadala ako sa kanya? Daaaa!!! Syempre sinabi ko sa kanya haha, Sayang yun eh. Biruin nyo makakatipid ako for 1 month.

“Miles salamat”

Agad namang tumakbo si Mark. Luh??

Anong problema non?

Hayss bahala nga sya dyan basta ilibre nya ako.

DEX’S POV

Kahit paalis na kami may bigat padin sa puso ko na pumipigil sakin na umalis. Ganito pala yung pakiramdam na iiwan mo yung buhay na nakasanayan mo yung mga kaibigan na nakasama at syempre ang iwan ang taong Mahal mo.

“Dex ayos kalang ba?” -mama

“Opo ma”

“Pwede pa naman tayong bumalik kung ayaw mo talagang umalis” -Mama

Napatingin ako bigla sa direksyon ni Papa mahimbing syang natutulog.

“Hindi na Ma, Nandito na tayo kaya ituloy na natin to”

“Ikaw lang kasi ang inaalala ko, Baka kasi nahihirapan ka oh di kaya nabibigla kalang” -Mama

“Ma? Buo na ang desisyon ko atsaka mas mabuti nadin to para makapagsimula tayo ng bagong buhay”

Nagsimula nang umandar yung Bus na sinasakyan namin eto na talaga toh, Wala nang atrasan.

Pumikit muna ako dahil mahaba haba ang byahe nato mas maigi kung makakapag pahinga ako.

Si Nathan kaya?

Alam nya kaya na paalis ako?

Bakit kaya hindi man lang sya nagparamdam after kong makipag hiwalay sa kanya?

Ito rin kaya ang gusto nya?

Ang magkahiwalay kami?

Papikit na sana ako ng may marinig akong Pamilyar na boses.

Hindi ako pwedeng magkamali, Si Mark yon. Pero anong ginagawa nya? Sumilip ako sa bintana para masiguro na tama ang pandinig ko at hindi nga ako nagkamali. Si Mark yon nang nakita nya ako na sumilip ay sumigaw sya at kumaway sakin.

“Dex!!!!!!!”

Anong gagawin ko? Umaandar na ang Bus? Pero pano Mark? Ano ba kasing pumasok sa utak ng lalaking yon at humabol pa sya?

“Dex sino yon?” -Mama

“Si Mark ma”

“Ha? Bakit kaya sya sumunod dito?” -Mama

“Hindi ko po alam”

“Nako baka may importante syang sasabihin sayo” -Mama

Napaisip ako sa sinabi ni Mama, Ano naman kaya ang sasabihin nya? Nakapagpaalam naman ako sa kanya ng maayos kanina.

Baka nantitrip lang yong lalaking yon. Dahil sa hindi ko natiis si Mark ay lumapit ako sa kunduktor at Driver at nakiisip na kung pwede ay pahintuin muna ang Bus dahil may importante lang akong kakausapin.

Dahil sa gandang taglay ng lola nyo ay napakiusapan ko naman na huminto saglit, Saglit lang talaga dahil baka magalit yung ibang pasahero.

Pagbaba ko sa Bus ay tumakbo palapit kay Mark, Tumakbo din sya palapit sya sakin at nang magkalapit kami ay niyakap nya ako nang mahigpit medyo nagtaka pa nga ako sa pagkakayakap nya.

“Mark sandali hindi ako makahinga, Bakit mo pa ako sinundan dito?”

“Dex May sasabihin ako sayo” -Mark

“Ano naman yon? Pwede pakibilis pinahinto kolang kasi saglit yung Bus”

“Dex Mahal kita” -Mark

Para akong na blanko sa sinabi ni Mark, Mali lang ba ako nang pandinig?

“Ha? Ano bang sinasabi mo?”

“Dex Mahal kita” -Mark

“Mahal? Syempre Bestfriend mo ako kaya Mahal mo ako”

“Dex Mahal kita hindi dahil sa mag Bestfriend tayo, Mahal kita higit pa sa pagiging Mag Bestfriend natin” -Mark

This time nag sink in na sakin lahat ng sinabi ni Mark, Pero hindi padin ako makapaniwala sa mga sinasabi nya. Mahal ako ni Mark? Higit pa sa Bestfriend nya?

“Mark sigurado kaba dyan sa sinasabi mo? Magkakaanak kana at Sheena anong balak mo sa kanya?. Ano to lokohan?”

“Hindi to lokohan, Totoo ang sinasabi ko. Mahal Kita. Ngayon ko lang na realize pero simula ng umamin ka sakin hindi kana mawala sa isip ko lalong lalo na sa puso ko at ngayon sigurado nako. Mahal kita. Wala na kami ni Sheena.” -Mark

“Alam mo Mark kung noon mo sinabi sakin yan baka meron pang tayo. Kung Ako Nalang Sana ang minahal mo dati hindi na aabot sa ganito, Pero iba na ang sitwasyon ngayon marami ng nagbago”

Hindi ko alam kung bakit sinasabi sakin ito ngayon ni Mark.

Mahal nya ako? Siguro naguguluhan lang sya sa mga nangyayari.

“Dex?  Wala kana bang nararamdaman para sakin?” -Mark

Ano nga ba ang nararamdaman ko para kay Mark?

Dapat nga ba akong matuwa kasi Finally Mahal na din ako ng Bestfriend ko? Kaya lang sya ba Mahal ko?

“May nararamdaman ako sayo Mark”

“Talaga?” -Mark

Parang biglang nabuhayan si Mark sa sinabi ko.

“May nararamdaman ako sayo dahil Bestfriend kita. Oo Mahal kita, Pero bilang Bestfriend lang at kung higit padon? Sorry hindi ko kayang ibigay ang hinihingi mo. Atsaka paalis na yung Bus baka magalit sakin yung mga pasahero at maiwan pa ako”

“Pero Dex?” -Mark

Sinubukan pa akong Pigilan ni Mark pero bumitaw na ako, Naaawa ako para sa kanya pero nagpakatotoo lang ako.

Dahil si Nathan na ang mahal ko ngayon.

Masakit din sa part ko na makitang nasasaktan ang Bestfriend ko kaya lang ito ang pinaka tama kong gawin.

Kailangan kong umalis para matahimik muna ang isip ko lalong lalo na ang puso ko.

Tumakbo ako palayo kay Mark dahil baka maiwanan na ako, Hindi narin ako tumingin sa kanya dahil baka lalo lang akong mahirapan.

Pinunasan ko muna yung luha ko dahil baka makahalata si Mama na umiyak ako.

“Dex anong pinag-usapan nyo ni Mark?”

Tanong sakin ni Mama ng makabalik ako, Si Papa naman mahimbing padin na natutulog bumabawi siguro ng lakas.

“Wala naman Ma, Nagpaalam lang po sya sakin”

“Talaga? Nako Mag Bestfriend nga talaga kayo” -Mama

Ngumiti nalang ako pero Deep inside lalo akong nasasaktan at nahihirapan.

Gusto ko mang balikan si Mark pero hindi ko magawa dahil ayokong paasahin si Mark sa isang bagay na hindi kona kayang ibigay sa kanya.

Siguro Kung Ako Nalang Sana yung Minahal nya dati baka may nangyari pa, Pero iba na kasi ngayon simula ng dumating si Nathan sya nalang yung laman ng Puso ko.

MARK’S POV

Nakaalis na si Dex.

Hindi ko man lang sya napigilan.

Ako na siguro ang Pinakatangang lalaki sa mundo dahil huli kona narealize na Mahal ko pala si Dex na Mahal kona pala ang Bestfriend ko kung kailan may Mahal na syang iba.

…………………………..FLASHBACK………………………………

Habang nagrereview ako para sa Finals namin ay nakita kong palabas ng bahay si Sheena at may dalang maleta.

Hinabol ko naman sya para tanungin kung sya pupunta.

“Sheena san ka pupunta?  Bakit may maleta ka?”

“Mark itigil na natin to. Ayoko na” -Sheena

“Ha? Bakit? Anong ginawa ko?”

“Gusto mong malaman kung anong ginawa mo? Araw-araw lang naman pinapamukha mo sakin na The Best Bestfriend si Dex! At lagi mo akong kinukumpara sa kanya!  Oo kasama nga kita pero yung isip mo? Nandon kay Dex! Kulang na nga lang sya yung maging ina ng magiging anak mo!” -Sheena

“Sheena sorry kung ayan yung nararamdaman mo”

“Mark tapatin mo nga ako, Mahal mo paba ako?” -Sheena

“Anong klasing tanong yan?”

“Sagutin mo yung Tanong ko, MAHAL-MO-PABA-AKO? hindi ka makasagot kasi sigurado ako na si Dex na ang laman nyan!” -Sheena

Diniinan ni Sheena yung dibdib ko at nagsimula nang bumagsak ang luha sa mga mata nya.

“Sheena sorry, Hindi ko sinasadya”

“Hindi mo sinasadya?! Hindi mo sinasadya na saktan ako!? Akala ko Mark iba ka! Aalis na ako ayoko nang makisama sa isang taong Hindi na ako ang Mahal” -Sheena

Hindi ko gustong saktan si Sheena pero Hindi ko din kayang magsinungaling sa kanya.

Nitong mga nakaraang araw kasi napapansin ko sa sarili ko na Parang gusto ko laging kausap at kasama si Dex kaya lang hindi ko magawa dahil nga sa may Boyfriend na sya.

“Sheena baka pwede nating pag-usapan to, Pano si Baby?”

“Wag kang mag-alala Mark ikaw padin naman ang tatay ng anak natin, Kaya lang ayoko din magpakatanga dahil lalo ko lang sasaktan ang sarili ko. At kung may hiling man ako sayo, Sana This time ipaglaban mona yung isang tao na dapat dati mo pa pinaglaban” -Sheena

“Mark anong nangyayari dito? Sheena san ka pupunta bakit may dala kang Maleta?” -Mama

Hindi kami nakaimik pareho ni Sheena.

“Ano walang sasagot sa inyo?!” -Mama

“Si Mark nalang po ang tanungin nyo” -Sheena

Tuluyan ng umalis si Sheena at hindi ko man lang sya napigilan.

Sobrang naiinis ako sa sarili ko dahil wala naman ginawa si Sheena pero nasaktan ko pa din sya.

“Mark ano ba talagang nangyayari??” -mama

“Ma anong gagawin mo kapag narealize mo na yung dating ni reject mo ay Mahal mo na ngayon? Pero may kinakasama kana?”

Tumahimik muna si Mama at umupo muna sa may upuan.

“Alam mo mahirap yan anak, Pero dapat piliin mo yung sinisigaw ng puso mo. Si Dex ba ang tinutukoy mo anak?” -Mama

“P-Pano nyo po nalaman?”

“Syempre nanay mo ako, Atsaka matagal konang napapansin na iba ang ngiti mo kapag pinag-uusapan natin si Dex” -Mama

“Pero Ma? Pano si Sheena At yung baby namin?”

“Malaki kana Mark at may tiwala ako sa magiging desisyon mo. Pero ang maipapayo kolang sayo, Wag mo nang pakawalan yung matagal na dapat na sayo” -Mama

Medyo hindi ko na gets kung ano ang ibig sabihin ni Mama, Pero isa lang naman ang laging sinasabi ng iba. Sundin kung ano ang sinasabi ng Puso.

……………………END OF FLASHBACK……………………….

Gusto ko mang sisihin ang sarili ko pero wala nading silbi ang tanga tanga ko kasi eh dahil huli kona narealize na Mahal ko si Dex kung kailan meron na syang Mahal na iba.

Kung maibabalik kolang ang panahon, Ibabalik ko yung panahon na umamin sakin si Dex at sasabihin kong Mahal ko sya.

Kaya lang may isa pa akong problema, Galit sakin si Sheena at umalis sya nang bahay.

Pano na yung baby namin? Ayoko naman na lumaki sya ng walang ama, Ako alam ko yung pakiramdam na walang Ama at mahirap yon.

Umuwe nalang ako sa bahay dahil sobrang bigat ng pakiramdam ko, Ganito din siguro yung naramdaman ni Dex ng ireject ko sya.

“Mark anong nangyari?” -Mama

“Ma, Umalis na sila Dex”

“Ano? Saan naman sila pupunta?” -Mama

“Duon daw sa Probinsya nila at duon muna sila For Good”

“Pero nasabi mo sa kanya? “ -Mama

Tumango lang ako kay Mama.

“Nasabi mo naman pala eh, Bakit parang malungkot ka? Diba dapat maging masaya ka” -Mama

“Huli na Ma, May mahal na syang iba at mukhang wala na akong magagawa lalo pa ngayon na malayo na sya sakin ang tanga tanga ko kasi eh”

“Umalis man si Dex pero hindi ibig sabihin non hindi sya babalik, Kung kayo talaga ang itinakda kahit paghiwalayin pa kayo ng tadhana magkikita at magkikita kayo” -Mama

Mabuti nalang nandito si Mama at nakakakuha ako ng lakas ng loob, Sayang at wala na dito si Kuya sigurado ako marami din syang maipapayo sakin.

At hihintayin ko ang araw na muling pagkikita namin ni Dex at sisiguraduhin ko na Oo na ang isasagot nya sakin.

CHAPTER 25

DEX’S POV

Pagtapos ng Mahabang byahe sa wakas ay nakarating nadin kami sa Probinsya nila Mama.

Ganito din pala sa Probinsya marami nadin mga establishment na nakatayo.

Sumakay kami ng Tricycle papunta sa bahay na tutuluyan namin at syempre hindi mawawala ang kwento ni Mama yung feeling na parang nagbasa ako ng isang libro haha char!

At syempre panibagong adjustment na naman specially sa study ko panigurado na iilang subjects lang ang makikiCredit sakin  the rest kailangan ko itake.

Pagdating namin sa bahay na tutuluyan namin ay madami agad nakatingin haha akala siguro ng mga taga dito artista ako.

“Ma ganito ba talaga yung mga tao dito?”

Sumenyas ako sa kay Mama para makita nya yung nakikita ko at Napangiti nalang sya.

“Hindi naman, Syempre natutuwa lang ang iba dyan kapag may bagong dating lalo na taga Manila. Pero mababait naman ang mga tao dito” -Mama

“Ipasok ko na muna tong mga gamit natin” -Papa

“Sige po, Tulungan kona po kayo”

Pinasok naming lahat yung mga dala naming gamit at in all fairness malinis na yung bayad talagamg hinanda sa pagdating namin. Kaya ang ginawa nalang namin ay inayos yung mga gamit namin.

“Ma sino palang nakatira dito?”

“Wala na, Pero dati ang nakatira dito ay ang lola at lolo mo kaya lang pareho na silang wala.  Pinaayos to dati ng Tita Emman po para sa kanila” -mama

Sayang at hindi ko man lang naabutan sila Lolo at Lola huli ko silang nakita ay maliit pa ako.

Ang kaibihan lang dito sa Probinsya ay kahit mainiit malamig padin ang dampi ng hangin hindi katulad sa Manila lahat mainit pati mga ulo ng tao mainit.

And speaking of mainit, Gusto konang maligo dahil init init na ako pero syempre nagpahinga muna ako bawal kasi maligo ng Pagod baka mapasma ako.

Pagpasok ko ng Cr ay feel na Feel kona naman. Nag-ala Singer at Dancer na naman ako haha. Pero pagbukas ko ng Gripo ay walang tubig na lumalabas.

Lumabas muna ako para itanong kay Mama kung bakit walang tubig at ang magaling kong ina ayon nakikipag chikahan na sa isang kapitbahay namin.

“Ma bakit walang tubig satin?”

“Ay oo nga pala nakalimutan ko sabihin sayo matagal nadin kasing hindi nakakapagbayad sa tubig dahil walang nakatira kaya ayon naputulan” -Mama

“Ayan na ba imong (ang iyong) anak? Ay grabe kagwapong (Gwapo) bata”

“Sya nga pala si Ate Candy mo, Kababata namin sya ng Tita Emman mo” -Mama

“Hello po Ate Candy”

Luh? Ganda kaya! Haha. Ngumiti nalang ako sa sinabi nung isang babae, Hindi paba obvious na maganda ako? Ay grabe sila sakin. Pero mabuti nalang at naturuan ako ni Mama ng mga basic Visayan Words at hindi kona daw kailangan pang aralan yung dialect nila dahil karamihan sa mga tao dito magaling na magtagalog.

“Ma pano ako maliligo?”

“May balon dito na pwede kang mag-igib malapit lang naman yon dito” Singit nung babae sa usapan namin.

“Ganon po ba? Sige po salamat po”

“Gusto mo pasamahan kita sa anak ko para hindi kana maligaw.”

“Nako wag na po—”

“Anak!! John Paul labas ka muna dito”

Hindi kona natapos ang sasabihin ko dahil bigla nang sumigaw si Ate Candy, Now I know kung bakit sila naging magkababata ni Mama haha.

“Nako mukhang magkakasundo kayo ng anak ko, Halos kaideran mo lang yun eh” -Ate Candy

Napangiti nalang ako sa sinabi nya, Sana nga para may ka close naman ako dito. Mayamaya ay may lumabas na morenong lalaki at naka topless, Jusme! My Virgin Eyes!

“Ma ano bayon?”

“Samahan mo nga muna tong anak ng Ate Vick mo, Duon sa May balon baka kasi maligaw pa” -Ate Candy

Napatingin naman sakin si John Paul na parang kinikilatis ako. Tapos napakamot sya ng buhok nya.

“Si Mama naman natutulog pa ako eh”

“Puro ka kasi Cellphone kaya ka napupuyat mamaya ilalabay (Ibabato/Ihahagis) koyan” -Ate Candy

Hala? Ang galing parehong pareho sila ni Mama kapag puyat ako Cellphone agad ang unang sinisisi.

“Ate Candy wag na po. Kaya ko naman po mag-isa”

“Hindi na sasamahan ka nitong anak ko, Diba anak??” -Ate Candy

“Oo Na” -John

Mukhang naalimpungatan ata Si John baka mamaya patayin ako nito tapos itapos nalang talahiban.

Kumuha muna si John ng Timba tapos sinamahan na nya ako. Uso ba talaga dito sa Probinsya ang naka topless?

Habang naglalakad kaming dalawa ay tahimik lang sya. OmG!? Siguro iniisip na nya kung paano ako papatayin? Lumingon lingon ako sa paligid at karamihan sa mga nadadaanan namin ay talahiban.

“Bayot kaba?”

Oopss haha napansin na siguro nya.

“Oo bakit may problema ba?”

“Wala naman, Napansin kolang” -John

“Malayo paba yung iigiban natin?”

Napansin ko kasing ilang minuto na kaming naglalakad, Mamaya patayin ako nito tapos itapon nalang sa damuhan haha char! #Badmagisip

“Malapit na” -John

After nang ilang minuto ay nakarating na kami sa balon na sinasabi ni ate Candy, Marami ding nag-iigib at naliligo.

Pumili muna kami tapos nang kami na ay namangha ako sa balon kasi ang lalim nya as in hindi ko makita ang ilalim, Siguro marami ng hinulog at pinatay dito.

Wahaha bakit ba puro patayan ang nasa isip ko ngayon?

“Ako na ang magbubuhat”

“Hindi na ako na, Baka hindi mo to kaya” -John

“Lah? Kahit sumama kapa kayang kaya ko. Do not underestimate me”

Taray! English! Wahaha pinag-aralan ko yon ng isang taon.

“Sus, Ako na” -John

Wala na akong nagawa kasi buhat buhat na nya, Bahala sya dyan.

“John bakit ang straight ng tagalog mo?”

“Taga Manila din kasi talaga kami, Nagkasakit lang kasi ang Lolo ko at nataon na walang mag-aalaga sa kanya kaya umuwe kami dito. Pero syempre nag-aaral din ako ng language dito, Si Mama marunong na sya kasi dito sya lumaki eh”

“Ah kaya pala, Nagtataka lang ako kasi ang galing mo magtagalog”

“Hindi lang naman ako ang magaling magtagalog dito, Karamihan din sa mga tao dito nagtatagalog na. Alam mo naman ang tingin kasi sa mga Visaya parang low standard kaya ayon para makasabay sa High standard nag-aaral sila Magtagalog”-John

Nagbabago na nga talaga ang mundo at kasabay non ang pag-iwan at paglimot sa mga bagay na nakasanayan natin.

“Sino yang kasama mo?”

Nagulat nalang ako ng may humarang samin na tatlong babae tapos yung nasa gitna ang sama ng tingin sakin sya ata yung leader nila.

Bigla ko tuloy naalala sa kanila sila Irish, Venus at Bea.

“Asawa ko” -John

Bigla akong inakbayan ni John. What the?!?! Anong sinasabi ng lalaking to? Kakakilala palang namin asawa agad? At may kasama pang paakbay.

“Ano?!?! Bayot ang asawa mo?? Sinungaling ka, Baka sinasabi mo lang yan para layuan kita!”

“Gusto mo nang Proof?” -John

Dahan dahang Nilapit ni John yung mukha nya sa mukha. Huhu kakadating ko palang dito may ganitong eksena na agad?

“Wag na!!!!”

Biglang nag walk out yung tatlo kaya tumigil na din si John. Hooowoooo! Nakahinga ako nang maluwag akala ko ikikiss na talaga nya ako eh.

“Dex pasensya na ha? Kinailangan ko lang gawin yon para lubayan na ako ng babaeng yon” -John

“Ah eh sino ba kasi yon?”

“Si Isabel, May gusto sakin wala naman akong gusto sa kanya pero habol sya ng habal sakin. Kaya sorry talaga” -John

“Wala yon”

Medyo same sila ni Irish, Kinabahan lang ako kanina kasi akala ko kakalbuhin na nya ako eh haha Sana maging kaibigan ko din si Isabel. Naniniwala kasi ako na wala namang taong pinanganak na masamang ugali.

Dipende lang talaga sa way of living ng isang tao at syempre sa pamilyang nagpalaki sa kanya.

Ilang minuto lang kaming nagkasama ni John pero marami na syang naikwento sakin at ang sabi nya itotour nya pa daw ako dito, Tawagin ko lang daw sya.

Mabait naman pala sya haha masyado lang talaga akong Judgemental na tao. At finally makakaligo na ako haha.

“Dapat  pinakain mo muna dito yung anak ni Ate Candy mo. Ano nga ulit pangalan non?”

“John, Ma”

“Nakakahiya naman kasi, Pinag-igib mona tapos wala ka man lang binigay”

“Next time nalang. Nandyan lang naman yung bahay nila oh”

“Alam mo ba nung bata pa kami nila Ate Candy mo amg sabi namin pagnakaanak kami ay sila ang pag-aasawahin namin. Kaya lang hindi pwede kasi lalaki ka din. Kaya nung nag-usap kami kanina ang sabi ko pwede naman kasi pusong babae ka naman -Mama

“Ma!? Pinagbibile nyo naman ako eh”

“Wag kang OA dyan, Ikaw na nga ang nilalakad sa bagong Boylet eh” -Mama

Aba si mama may nalalaman ng pa boylet boylet, Sumbong ko kaya to kay Papa? Haha

“Kakabreak kolang diba Ma? Past muna ako sa mga ganyan”

“Weh? Di nga?” -Mama

“Pinaglilihian mo ba ako Ma? Nako Good Choice ka Ma, Sigurado akong malaanghel si baby paglabas nya”

“Nako Dex init lang yan. Sige na Maligo kana at marami pa akong aayusin dito”

Ang bad talaga sakin ni Mama, Hindi man lang ako sinuportahan. Bakit totoo naman ah magiging malaanghel ang baby ni Mama kung ako ang paglilihian. Agree kayo diba?

MARK’S POV

Nakailang Missed Calls na ako kay Dex pero hindi padin nya sinasagot kahit sa messages ko wala din syang reply.

Ngayon alam kona ang pakiramdam kung paano mareject, Ganitong ganito rin siguro ang pakiramdam ni Dex ng sabihin ko sa kanya na Hindi ko sya Mahal at hanggang Bestfriend lang talaga kami.

Mayamaya ay pumasok si Mama sa kwarto ko at umupo sa higaan ko.

“Ano sumagot naba si Dex?” -mama

“Hindi pa nga po eh”

“Siguro Mark palipasin mo muna ang sitwasyon, Malay mo nabigla lang din si Dex ikaw kasi bigla bigla ka nalang umamin sa kanya syempre naguluhan yung tao” -Mama

“Sa tingin nyo ba Ma kakausapin pa ako ni Dex pagkatapos kong umamin sa kanya?”

“Syempre naman, Kilala ko si Dex matalinong bata yon at alam ko na nag-iisip nayon kung ano ba ang dapat nyang gawin. Pero Mark, Alam mo naman siguro na may mahal na syang iba kaya wala ding kasiguraduhan na ibibigay nya yung pag-ibig na hinihingi mo” -Mama

Tama si Mama may iba nang mahal si Dex ngayon kaya wala ding kasiguraduhan na Mamahalin din ako ni Dex pabalik. Siguro kung sya nalang ang Minahal ko una palang hindi na sana umabot pa sa ganito.

“Ma ano ba ang dapat kong gawin? Si Sheena umalis na din”

“May mga bagay kasi na kaya lang natin gusto dahil duon tayo sasaya dapat kung magdedesisyon tayo duon tayo sa Tama na at ang tama ay puntahan mo si Sheena at kausapin mo sya mahirap kung isisilang nya ang bata ng walang ama sa tabi nya” -Mama

Mahal ko si Dex at Mahal ko din si Sheena pati ang magiging anak namin. Ayaw kong lumaki ang bata na walang kilalaning Ama.

CHAPTER 26

DEX’S POV

Gamit ang sobra na pera sa binigay ni Tito ay nagsimula kami sa panibagong yugto ng aming buhay lalo pa ngayon ay magkakaroon na nang panibagong myembro ang pamilya namin.

Nagtayo si Mama nang isang sari-sari store para kahit walang trabaho si papa ay may pagkunan kami ng pinansyal.

Habang hindi pa ako nakakapag enroll sa panibagong school ko ay nagtour muna ako dito sa lugar namin at syempre kasama ko si John sya ang naging Tour Guide ko.

“Ang ganda din pala dito sa Probinsya noh? May sariwang hangin at simple lang ang pamumuhay hindi katulad sa Manila, Maingay at Magulo”

“Totoo yan, Dati ayaw ko talaga na pumunta kami dito kasi nga Boring at malalayo ako sa mga kaibigan ko at higit sa lahat walang Wifi. Pero habang tumatagal nagugustuhan kona dito” -John

Sana nakikita din to ni Nathan, Sana kasama ko sya dito para naman ma refresh din sya alam ko kasi na stress na stress na sya.

“John pwede mo ba ako samahan sa tabi nang dagat?”

“Sige ba, Pero saglit lang ha? May kukunin lang ako” -John

Tumango nalang ako at hinintay syang makabalik.

Pagbalik nya ay may suot suot na syang shades in all fairness bagay sa kanya ang gwapo nya tingnan.

“Tara na?” -John

“Ayan lang ang binalikan mo?”

“Oo haha ang init kasi” -John

Ngumiti nalang ako haha, May point naman sya. Gusto ko talagang pumunta ng dagat kasi simula nang isilang ako never akong nakaligo sa dagat kaya excited much ako haha.

Wala masyadong tao sa dagat kaya mas tahimik at nakaka refresh.

“Nakakaitim ba ang maligo sa dagat?”

“Oo, Tingnan mo yung nangyari sa kulay ko” -John

Hindi ko alam kung nagjojoke sya sakin o seryoso talaga. Hindi naman sya ganon kaitim moreno lang sya tingnan.

“John ilang taon kana pala?”

“Ako? 18 palang bakit?” -John

“Wala lang natanong kolang, Magka edad lang pala tayo”

“Hi John, Maliligo kadin ba? Gusto mo sabay na tayo?”

Ayan na naman si Isabel haha gusto ko sanang Matawa eh kaya lang baka mapikon at ma pompyang ako tatlo pa naman sila wala akong laban.

Pano kasing hindi ako matatawa bigla bigla nalang silang susulpot at ang kapal ng Foundation at putok na putok ang mga labi kahit tirik ang araw.

“May kasabay na ako kayo nalang” -John

“Bakit kaba ganyan sakin? Ano pabang kulang sakin? Maganda naman ako, Sexy at higit sa lahat tunay na babae”

Nanlaki pa yung mata nya pagkasabi nya nang tunay na babae. Ay day pigilin nyo ako! Pigilan nyo ako! ipagdiinan talaga na babae sya? Oo na alam ko naman na bakla ako, Hindi na nya kailangan pang iremind sakin.

Ang ginawa ko nalang kumapit ako sa braso ni John at sumandal sa balikat nya.

“Sorry ha? Kami kasi ang magkasama ngayon, Kaya kung Pwede iba nalang ang yayain mo wag ang asawa ko”

Biglang kumunot ang noo ni Isabel kinabahan tuloy ako. Lord kayo napong bahala sakin at sa pamilya ko, Para kasing susugudin ako ni Myla at hindi nya ako papauwiing buhay.

“Edi magsama kayong dalawa!” Galit na sabi ni Isabel

Napawalk out nalang sya sa sobrang inis pati yung dalawa nyang kasama. Si John naman tahimik lang at walang imik, Baka nagulat sya sinabi ko haha wala na kasi akong ibang naisip na ipang-aasar kay Isabel kaya ayon nalang ang sinabi ko.

“Galing ko umacting noh? Very Convincing”

“Ah eh Oo, Mabuti nalang sinabi mo yon at umalis na” -John

“Haha dapat kasi sabihin mo nalang sa kanya na ayaw mo sa kanya para hindi ka nya lapit-lapitan”

“Sinabi kona sa kanya yon nang paulit-ulit pero sadyang makulit talaga yung babaeng yon, Ayaw akong tantanan” -John

“Nako mahirap nga yan”

“Pero dahil nandito kana. baka lubayan na nya ako” -John

“Oh ano namang kinalaman ko sa paglayo ni Isabel sayo”

“Syempre diba sinabi mo na mag-asawa tayo kaya baka lumayo na sya sakin” -John

Kaya nga ako pumayag na pumunta kami dito sa probinsya para makapag relax pero parang masstress na naman ata ako huhu.

Habang tumatagal kami na nagsstay dito sa probinsya at naging mas close kami ni John at nalaman ko namay Girlfriend na pala sya sa Manila at LDR silang dalawa.

Nag enroll nadin ako dahil sayang ang oras, minuto at araw kung papalipasin kopa. Sana lang talaga maging mabuti sakin ang tadhana at makaclose lahat ng mga Classmates ko.

After 7 Years

Marami na ang nagbago sakin at syempre pati sa pamilya ko Hindi tumigil ang mundo ko kay Nathan sa Loob ng 7 years.

Yung maliit na sarisari store ni Mama? Ayon naging isang grocery na at may apat na branches dito sa Masbate, Kahit ako hindi ko ineexpect na lalago ang simpleng tindahan lang na pinatayo ni Mama.

At ako naman ay Graduate na. Bachelor Of Science in Business Administration Major in Marketing. Hindi madali ang mag-aral lalo na baguhan ako at kailangan ko mag adjust sa maraming bagay.

Kasalukuyan akong nagaapply sa malalaking Company para maging CEO hahaha charot lang! Bale kami ni Mama ang nagmamanage sa Business namin at syempre si papa hindi na namin pinagtrabaho kahit gusto pa nya.

Ang samin kasi ni Mama sapat na yung kinikita naman at hindi na nya kailangan bumalik sa dati nyang trabaho dahil baka maulit pa ang nangyari sa kanya 7 years ago.

“Kuya Dex Laro po tayo”

“Sige Kyline, Tatapusin kolang tong ginagawa ko ha?”

“Okay po”

Siya nga pala si Kyline ang baby Girl namin, 5 years old na sya at ilang buwan nalang ay mag aanim na sya. Parang kailan lang nasa loob pa sya ng tyan ni Mama tapos ngayon ang laki-laki na nya.

“Anak pwede kaba maistorbo saglit?” -Mama

“Oo naman Ma ano po ba yon?”

“Matagal na kasi naming napag-usapan nang papa mo to at balak namin na dalhin sa Manila ang business natin dahil sigurado ako na mas lalago patong business natin” -Mama

May point si Mama. Halos kasi nang mga taga probinsya ay nasa Manila na dahil akala nila na ang Manila ay isang paraiso na pwedeng magbigay sa kanila nang magandang Buhay.

“Sige Ma kung sa tingin nyo po makakaganda sa Business natin, Go lang ako”

“Pero sigurado kaba? Pano kung makita mo si Mark o kahit si Nathan?” -Mama

“Ma? 7 years na ang lumipas at yung dalawang yon wala nang paramdam sakin siguro may sari-sarili na silang mga Pamilya at ang laki nang Manila para makita ko silang dalawa”

“Sigurado kaba talaga dyan?” -Mama

“Yes naman Ma atsaka maganda narin na bumalik tayo nang Manila para naman makita kona din si Miles, Miss kona din kasi yung babaeng yon eh”

Sa Seven Years na nakalipas marami nang nagbago, Masasabi ko na naka move on na ako sa lahat ng nangyari sa buhay ko.

Yung sakit ay napalitan ng ngiti nang makita kong unti-unti nang guminhawa ang buhay namin.

At ngayon muli kaming babalik sa lugar kung saan nagsimula ang lahat at sana lang wag nang mag krus ang mga landas namin dahil baka gumulo na naman ang tahimik kong buhay.

MILE’S POV

CAPITAL O! M! G!

Babalik na ulit si Dex dito sa Manila!

Makikita kona ulit yung baklang yon!

Sobrang miss kona talagang sakalin yon haha char!

Excited nadin akong makita ang inaanak ko na si Kyline dahil puro picture nyalang ang nakikita ko pero madalas nakaka videocall ko sila at ang cute nag bata mukhang mabait din pagnakita ko talaga yon sa personal ay kurot kurot yon sakin haha.

Huli kaming nagkita ng personal ay 7 years ago pa, Tapos puro nalang Video Call at si Bakla may sinabi pa sakin.

Na yung araw daw na umalis sila ay hinabol pa siya ni Mark at sinabing mahal sya nito.

Tingnan nyo nga naman bilog talaga ang mundo yung dating Hinahabol mo sya namang humabol sayo.

“Anak nandito si Mark sa labas” sigaw ni Mama sakin.

Speaking of Mark nandito na naman sya, Actually palagi syang nandito at kinakamusta si Dex, Sabi naman ni Dex ay hayaan ko nalang daw kasi magsasawa din si Mark pero hindi ganon ang nangyari sa loob ng seven years hindi sya tumigil kakapunta sa bahay para lang malaman kung ayos lang ba si Dex, Kung kelan sya babalik eh mas Boyfriend pa nga sya kesa kay Nathan eh.

Si Nathan naturingang Ex Boyfriend wala man lang paramdam, Syempre kahit mag ex na sila dapat kinakamusta padin ni Nathan ang Kaibigan ko lalo na’t mahal naman nila ang isa’t-isa.

“Hi Miles” -Mark

“Hello, At Hello din sa maganda kong inaanak”

Lumapit ako kay Sammy (Anak ni Mark at Sheena) at kinurot ko sya sa Pisngi. “Ninang it’s Hurt” -Sammy

Grabe talaga tong batang to, Kabatabata maldita na sa totoo lang simula nang magkabalikan si Mark at Sheena.

Nag-iba na ang attitude ni Sheena kapag nagkakaaalubong nga kami minsan dedmahan lang at ngayon mukhang namana ni Sammy yon.

“Sammy Play kalang dyan ha? Mag-uusap lang kami ni Ninang Miles mo” -Mark

“Okay”

Alam kona man kung anong pinunta nya dito, Mangangamusta lang sya tungkol kay Dex.

“Miles alam kong alam mo kung anong nangyayari kay Dex, Ano ayos lang ba sya? Kelan ba sya babalik dito?” -Mark

“Ayos lang si Dex, Mark may pamilya kana kaya bakit ba interesado ka pading malaman yung kalagayan nya?”

“Dahil hanggang ngayon Mahal ko padin si Dex” -Mark

“Pano si Sheena? at ang anak mo? Suggestion kolang Ha kung ano man ang nararamdaman mo para kay Dex itigil mo nayan pareho na kayong masaya sa mga buhay nyo ngayon wag mo nang gawing komplikado ang lahat”

Hindi sya nakaimik sa sinabi ko. Tama naman kasi ako, Anong balak nyang gawin kay Dex? Gawing kabit? Mabait na tao si Mark pero iba na kasi ang sitwasyon ngayon may Anak na sya at si Dex naman naka move on na tapos guguluhin na naman nya ulit.

“Sorry Miles, Hayaan mo ititigil kona ang pang gugulo kay Dex. Sorry nga pala kung palagi kitang kinukulit” -Mark

“Alam mo Mark maswerte si Dex dahil may nagmamahal sa kanya na tulad mo, Siguro kung sya nalang Sana yung pinili mo dati? Baka kayo pa yung nagkatuluyan.”

“Pakisabi nalang kay Dex na Miss na Miss na sya ng BestFriend nya” -Mark

Ramdam ko yung lungkot ni Mark, Kinuha nya yung bata dahil uuwe na sila.

“Mark sandali”

“Ano yon Miles?” -Mark

“Sigurado ako na Miss kana din nang Bestfriend mo”

Biglang sumaya si Mark at nakangiting lumabas nang bahay namin. Ayon nalang kasi ang tanging magagawa ko para sa kanila.

Kahit pagbalibaliktarin natin ang mundo mag Bestfriend padin silang dalawa.

CHAPTER 27

DEX’S POV

“AFTER SEVEN YEARS “

Nakabalik nadin kami sa Manila, Andaming nabago sa nakalipas na Pitong taon.

Madaming nagtataasan na mga buildings at iba’t ibang klaseng mga establishment ang nadaanan namin.

Kaya lang parang mas lalong uminit at mas lumala ang traffic #forever, Mabuti nalang nakabili na kami nang sasakyan (Taray noh?) Dahil sa lumago naming negosyo ay nakapag pundar kami nang sasakyan.

“Dex okay kalang ba?” -Mama

“Opo Ma, Bakit?”

“Kasi nakatulala ka dyan, Parang ang lalim nang iniisip mo. Si Nathan na naman ba yan?” -Mama

Ngumiti ako at humarap kay Mama, Nakasandap sa kanya si Kyline na mahimbing na natutulog.

“Ma? Naninibago lang po ako ngayon. Nasanay lang po kasi ako sa Buhay Probinsya”

“Talaga ba? Pero bakit iba ang sinasabi nang mga mata mo?” -Mama

“Ma Please, Ayaw kona muna pag-usapan ang mga ganitong bagay lalo na ang tungkol kay Nathan”

“Pagpasensyahan mona ang mama mo Dex, Ganyan talaga ang bunganga nyan hindi kana nasanay” -Papa

Oo nga noh? Bakit hindi paba ako nasanay sa bunganga ni Mama.

Bigla ko tuloy naalala si John sayang lang at wala sya dahil mas pinili na nilang manirahan sa Probinsya, Sa loob kasi nang Pitong Taon naging malapit na kaibigan ko si John kapag nahihirapan ako makipag communicate sa mga Bisaya ay tinutulungan nya ako.

Kaya nga nang magpaalam ako sa kanya na aalis na kami ay nalungkot sya at syempre pati ako nalungkot din, Mamimiss ko kasi sya lalong lalo na yung mga pinagsamahan namin.

…………………………..FLASHBACK…………………….

“Dex bakit mo nga pala ako pinapunta dito sa inyo, Ano bang pag-uusapan natin?” -John

“Ah eh kasi, John babalik na kaming Manila”

Natahimik sya sa sinabi ko. Ewan ko ba parang ang bigat ng pakiramdam ko na magpaalam sa kanya, Nasanay nadin kasi ako na kasama sya.

“Talaga, Bakit nyo naman biglang naisipan na bumalik nang Manila?” -John

“Si Mama kasi nag suggest na Magtayo kami nang panibagong Branch sa Manila, Naisip ko din kasi na kapag nangyari yon mas lalago pa ang negosyo namin lalo pa’t matao don”

“Iba na talaga ang umaasenso, Baka Pagdating mo nang Manila makalimutan mona ako ha” -John

“Pwede ba naman yon? Ikaw makalimutan ko? Never noh”

Naiyak ako habang nag-uusap kami, Sobrang mamimiss kotong lalaki nato lalo na yung mga kabaliwan nya tuwing magkasama kami, Kapag may Time talaga ako babalik ako dito.

………………….END OF FLASHBACK………………..

“Taran! Nandito na tayo!”

Sigaw ni Mama, Actually nya sigaw yon #NaturalVoice pero makabasag tenga na. Nandito na pala kami sa tapat nang dati naming bahay.

Bigla tuloy bumalik sa alaala ko yung mga memories na nabuo dito.

“Kuya Dex kanino pong bahay to?” -Kyline

“Bahay natin, Dito kami nakatira dati”

“Talaga po? Wow gusto konang pumasok” -Kyline

Bata pa si Kyline pero ang galing nanya magsalita panigurado ako na malayo ang mararating nya balang araw Hindi lang kasi sya sa pagsasalita magaling, Naturuan din namin syang gumalang sa mas nakakatanda at higit sa lahat ang maging mabuti sa kapwa.

“Nako mukhang marami pa tayong aayusin at lilinisin dito ang tagal din nating hindi natirahan ang bahay nato” -Papa

“Oo nga po eh”

“Ano ba kayo masyado kayong Nega dyan, Ako paba? Syempre bago tayo dumating dito napaayos kona ang mga kailangang ayusin napalinis kona ang mga dapat linisin. Kaya wala na tayong dapat ipag-alala” -Mama

Nagkatinginan kaming dalawa ni Papa, Mukhang alam kona yung plano ni Mama.

“Galing naman ni Mama advance mag-isip”

“Syempre ako paba?” -Mama

“Yung totoo Ma, Matagal munang plinano at pinaghandaan ang pagpunta natin dito noh?”

“Ah eh oo, Sorry na Excited lang ako” -Mama

Sabi ko na eh, si Mama talaga. Yung pagsabi nya sakin na kaya lang kami pupunta ay dahil business matter pero ang totoo Gusto nya talaga bumalik dito.

Pagpasok namin sa bahay ay namangha ako kasi hindi ganito ang dati naming bahay, Hindi ganito yung bahay nato dati.

Bagong pintura at halos bago lahat ang mga gamit, Syempre dumiretso muna ako sa kwarto ko. Bago din ang sapin at halatang nilinis talaga.

Habang pinagmamasdan ko ang buong palibot nang kwarto ko ay may biglang nahulog, Yung Manikang bigay sakin ni Nathan. Nandito pala to? Sapag kakaalam ko dinala kona to sa bahay nila Nathan, Pero bakit nandito? Dinampot ko yung Teddy Bear at pinagmasdan ko ito.

………………………….FLASHBACK………………………

“Oh bakit anong problema?” tanong ko sa kanya

“Wait lang” -Nathan

Naglakad sya palapit doon sa may mga nagshoshoot ng bola tapos kapag napasok mo may price kang makukuha.

“Luh? Marunong kaba nyan Nathan?”

“Ako paba? Varsity ata toh” -Nathan

Varsity? Kelan pa? eh ni minsan nga hindi ko yan nakitang naglalaro ng basketball. Imbento talaga sya kahit kailan.

Ang sabi ng kuya sa kanya ay kapag na shoot nya yung tatlong bola ng sunod sunod ay mananalo sya pero kapag isa don ang sumablay automaticaly talo na. Haha Goodluck sa kanya kung mashoot nya.

Pumwesto na si Nathan at ako naman ay nakatingin lang sa kanya, Pag hindi talaga to na shoot tatawanan ko si Nathan ng  Malakas hahaha.

Pagkahagis ni Nathan ng bola ay saktong sakto sa butas ng ring, Shoot!. Sus tyamba lang sabi ko sa sarili ko.

Kinuha nya yung pangalawang bola at nashoot na naman, Tssk mukhang ang swerte nitong lalaki nato ngayon pero tingnan natin kung mashoot pa nya itong pangatlo.

Napapikit nalang ako dahil ayaw kong makita yung pagtira ni Nathan, Dumilat nalang ako ng may marinig akong nagpapalakpakan.

Luh?

San galing tong mga tao nato?

ano may fans club si Nathan?

kanina lang wala sila dito ah?

Lumapit sakin at may daladalang isang malaking teddy bear wow nanalo siguro sya, Varsity nga talaga sya haha.

“Para sayo” -Nathan

Inabot sakin ni Nathan yung napanalunan nyang teddy bear, Ito na naman tayo bumilis na naman ang tibok ng puso ko. Pakiramdam ko naginit ang pisngi ko.

“Ha? para sakin? Eh ikaw ang naglaro eh” “Basta sayo nayan” -Nathan

Inabot nya sakin yung Teddy Bear at dahil mapilit sya ay kinuha kona.

“Ayiieeee!!!!!”

Sabi ng mga tao na nakapaligid samin, OMG! Nandito pa pala sila???? Nakakahiya! huhuhu Hinila na ako ni Nathan palayo sa mga tao, Hayss salamat sa kanya.

“Nathan salamat pala dito sa Teddy Bear ha?”

“Haha wala yon, Kaya talaga ako naglaro para sayo, Ingatan mo yan ha at gusto ko ang ipangalan mo dyan ay NATHAN” -Nathan

“Ha? Bakit naman Nathan?”

“Para hanggat kasama mo yan ay lagi mo akong maalala” -Nathan

……………….END OF FLASHBACK……………

Naramdaman ko nalang na tumulo na ang mga luha sa mata ko Naalala ko yung salitang binitawan nya na hanggat kasama ko ang Teddy Bear nato lagi ko syabg maaalala, May napansin akong nakaipit na Papel at kinuha ko yon at binasa ang nakasulat.

’Hello My Loves, Sorry kung Nasaktan na naman kita, Sorry kung Iiwan na naman kita ang hina kasi nang Boyfriend mo eh.

Naiinis ako sa sarili ko dahil hindi man lang kita naipaglaban, Nagpatalo ako sa sitwasyon.

My Loves kung nababasa mo man to ngayon lagi mong iisipin na Mahal Na Mahal kita. Sana alagaan mo lagi ang sarili mo. Sobrang saya ko dahil nakilala kita. Marami akong natutunan simula nang nakilala at Minahal kita.

I LOVE YOU MY LOVES’

Gusto kong humagulgol dahil sa sulat na nabasa ko, Matagal na siguro nya itong sinulat para sakin.

Bumalik lahat nang sakit na naramdaman ko 7 years ago, Akala ko limot kona pero hindi pa pala. Akala ko hindi na ako maaapektohan pa ni Nathan.

“Kuya umiiyak kaba?”

Biglang pumasok si Kyline sa kwarto ko, Nilapag ko muna si Nathan (Yung Teddy Bear) at pinunasan yung luha ko.

“Hindi Kyline, Nasundot ko lang yung Mata ko”

“Ah, Tawag ka po pala ni Mama” -Kyline

“Sige susunod na ako”

Mabuti nalang nandito si Kyline sa tuwing nakikita ko kasi sya parang gumagaan ang pakiramdam ko at isama mo pa na parang matanda na sya mag-isip at makipag-usap.

“Ma tawag mo daw ako?”

“Oo, Nakalimutan ko kasi wala pala tayong pagkain dito” -Mama

Inabot ko yung kamay ko kay Mama, Alam kona kung anong ibig sabihin nya.

“Ano bang bibilhin ko ma?”

“Nako salamat, Isda nalang anak sawa na kasi ako sa mga karne” -Mama

“Okay”

Nagpalit muna ako nang damit, Akala ko makakapagpahinga nako ako uutusan pa pala ako ni Mama. Tinawagan ko si Miles para magpasama ako sa kanya baka kasi maligaw na ako dito sa Manila.

“Bakla!!!!!! Bakit ngayon kalang tumawag sakin??!! Asan kana??? Akala koba uuwe kana dito”

Napahawak ako sa tenga ko nang marinig ang boses ni Miles, Grabe akala ko si Mama.

“Nandito nako samin”

“Talaga???!!!? Bakit hindi mo sinabi sakin edi sana nasundo kita” -Miles

“Haha para surprise”

“Yung pasalubong ko, Meron ba?” -Miles

“Ikaw pa ba? Syempre wala”

“Grabe ha? Wala talaga?” -Miles

“Haha sorry na, Biglaan kasi ang pag-uwi namin kaya wala akong nabili. Bawi nalang ako sayo”

“Sabi mo yan ah?” -Miles

“Oo Promise, Pwede moba akong samahan ngayon sa Palengke? Si Mama kasi inutusan ako eh”

“Palengke talaga? RK kana eh kaya dapat Super Market or Grocery” -Miles

“Hoy hindi ako RK, Tara na samahan mona ako”

“Oo na, Magkita nalang tayo. Itetext nalang kita” -Miles

Sa Pitong taong nakalipas yung bunganga ni Miles ay wala pading pinagbago katulad nang dati, Parang mas lumala pa nga eh.

Kaya siguro hanggang ngayon wala pa syang Boyfriend haha ipakilala ko kaya sya kay John para naman magka Lovelife na sya.

MILE’S POV

Nang makita ulit si Dex ay agad ko syang niyakap nang mahigpit. Sobra ko kasi syang na miss eh.

“Aray ko beh hindi ako makahinga” -Dex

“Haha sorry na, Na miss lang kita”

Ibang iba na ang itsura ni Dex ngayon, Simple lang yung suot nya pero mukhang yayamin talaga.

“UII Be ang Ganda mo na! Iba na talaga ang umaasenso”

“Haha natural Beauty lang to” -Dex

“Natural daw, Edi ikaw na. Bakla ka Bigyan mo naman ako nang lalaki para magka Boyfriend na ako”

“Ikaw kasi eh sabi ko sayo wag ka nang madaldal para magka Boyfriend kana” -Dex

“Kaya nga eh, Ano nga ulit pangalan nang kaibigan ni Nathan? Dave bayon? Hindi kona nakita yon sayang naman”

Parang gusto kong Tampalin ang bunganga ko dahil sa pagbanggit ko sa pangalan ni Nathan.

“Si Dave? Malay mo magkita kayo Soon” -Dex

“Sana nga”

Habang sinasamahan ko si Dex mamili ay napansin ko si Sheena at papunta sya sa direksyon ko mabuti nalang nakatalikod si Dex. OMG! hindi pa sila pwedeng magkita ni Dex sa ngayon.

“Dex bili mo nga ako nang palamig nauuhaw na kasi ako”

“Ha? Mamaya nalang pagtapos natin dito” -Dex

“Sige na Dex, Please. Nauuhaw na talaga ako”

Wala nang nagawa si Dex dahil tinulak ko na sya, Napakamot nalang tuloy sya nang ulo.

Sakto paglapit ni Sheena ay umalis na si Dex.

“Oh Miles namimili kadin?” -Sheena

Huhuhu sana matagal pa si Sheena.

“Ah eh Oo, Ikaw din ba?”

“Oo. May kasama kaba?” -Sheena

“Ako may kasama? Wala ah. Mag-isa lang ako”

“Para kasing may kausap ka kanina eh” -Sheena

Huhu sana hindi nya nakilala si Dex. Dex tagalan mo pa.

“Wa-wala akong kausap ah, Baka namamalik kalang.”

“Siguro nga, Pano una nadin ako” -Sheena

“Sige ingat ka. Pasabi nalang sa inaanak ko musta na”

“Okay sabihin ko sa kanya” -Sheena

Mabuti nalang mukhang nagmamadali si Sheena at wala na sya nang makabalik si Dex.

Kahit Seven Years na ang nakalipas pero mukhang hindi padin sapat yon para hindi sila magtagpo tagpo.

Sana lang wala nang mangyaring hindi maganda ngayong nandito na ulit si Dex.

CHAPTER 28

DEX’S POV

Parang kailan lang hindi pa pinapanganak si Kyline pero ngayon eto na sya ang laki na nya at papasok na sya sa school.

“Dex ikaw na muna ang maghatid sa kapatid mo ha, May lakad kami nang papa mo” -Mama

“Ma, Hindi nga ako marunong mag drive eh”

“Sabi ko sayo mag-aral kana mag drive o di kaya kumuha nalang Tayo nang Driver” -Mama

Hanggang hindi padin ako makapaniwala na yung pera na galing kay Tito Greg ay napalago namin nang ganito.

Akala ko hanggang pangarap ko nalang na guminhawa ang buhay namin pero ngayon nangyari na.

“Next time nalang Ma, Asan naba si Kyline?”

“Nandito na po ako Kuya” -Kyline

Biglang dumating si Kyline na nakasuot nang uniform nya, Grabe ang Cute nya kasing Cute nya ako nung bata pa ako haha.

“Ang Cute naman nang kapatid ko Mana sakin”

“Tumigil ka nga dyan Dex, Sakin nagmana yan” -Mama

“Kontrabida ka talaga sakin, Tara na nga Kyline ihahatid na kita”

Kinuha kona yung bag ni Kyline at lumabas na kami nang bahay baka kasi laitin pa ako ni mama.

Grabe talaga sya sakin Parang hindi nya ako Anak huhu.

Nag Grab nalang kami (Taray Grab #RK haha) ang hirap kasi mag commute sa panahon ngayon yung Feeling na papasok kapalang mukha kanang uuwe, Hagardouz kana agad.

Pagdating namin sa School ni Kyline ay ang dami ding mga bata at ang cute din nila, May mga nagiiyakan at nagpupumiglas dahil ayaw magpa iwan sa kanilang mga Nanay.

“Kyline Be GoodGirl ha? Makipagkaibigan ka sa mga Classmates mo”

“Opo kuya”

“At galingan mo sa klase”

“Opo”

Mabuti nalang at madaling kausap ang kapatid ko Kung hindi nyo naitatanong Pero tanungin nyo na din ako ang nagturo sa kapatid ko haler?

May Honor ata ako nung Kinder nga lang haha, Hinatid ko sya hanggang sa room nya at nagpaalam din ako sa kanya na uuwe na muna ako at susunduin ko nalang sya mamaya, Binilinan ko din yung Teacher nya na pakitingnan nalang sya.

MARK’S POV

“Mark ihatid mona si Myla” -Sheena

“Interview ko ngayon, Ikaw nalang”

“Ano ba naman yan diba sabi ko sayo may lakad ako ngayon”

Nawala sa isip ko na nagpaalam nga pala sakin si Sheena na may lakad daw sya ngayon kasama nang mga kaibigan nya Pero sumabay kasi ngayon ang Interview ko para sa inaapplyan kong Trabaho.

“Sige na, Ihahatid kona muna si Myla”

“Mabuti naman, Pano una nako ha?” -Sheena

Nagmadali nang umalis si Sheena dahil baka malate pa sya.

Ako naman binihisan na si Myla at hinatid sa school nya.

“Myla susunduin nalang kita Mamaya ha? Antayin mo nalang ako”

“Okay daddy”

Iniwan ko na din si Myla dahil baka malate pa ako, Pero habang naglalakad ako ay may nakabangga akong bata mabuti nalang at nahawakan ko sya.

“Bata sorry ha, Ayos kalang ba?”

“Opo ayos lang ako”

Ang Cute nang bata at parang may kamukha sya hindi ko lang masabi kung sino pero meron talaga. Yung itsura nang bata ang amo at mukhang magkasing edad lang sila nang anak ko.

“Bata anong pangalan mo?”

“Kyline po, Kayo Po anong pangalan nyo?”

“Ako pala si Kuya Mark”

“Okay po, Pasok napo ako”

Pumasok na sa loob si Kyline, Hindi ko maipaliwanag pero parang pamilyar sakin yung bata Hindi kolang talaga maintindihan kung paano.

POINT OF VIEW

Habang nasa klase si Myla ay bagot na bagot na sya dahil wala pa talaga sa interes nya ang mag-aral ang gusto nya lang ay maglaro at manuod nang mga paborito nyang Movies at Videos sa Internet.

Habang bagot si Myla ay may napansin syang isang bata na Nakikipagtawanan at nakikipag-usap sa iba pa nyang mga kaklase at hindi naging maganda ang dating nito sa kanya inisip nya na pabida ang bata. Lumapit ang bata kay Myla na may malapad na ngiti.

“Hello ako nga pala si Kyline, Ikaw ano nga pala ang pangalan mo?”

“Myla”

“Wow ang ganda naman nang pangalan mo pwede ba tayo maging magkaibigan”

Medyo nainis si Myla sa inasta ni Kyline dahil ayaw nya sa mga batang madadaldal, Inabot ni Kyline ang kamay nya pero hindi tinanggap ni Myla yon.

“Ayoko nga”

“Bakit naman?”

“Basta ayaw ko”

“Sige na, Magkaibigan na tayo”

Hinawakan ni Kyline ang kamay ni Myla na lalong kinainisan nya kaya tinulak nya ito.

“Ayoko nga sabi eh, Bakit ba ang kulit mo?!”

Napaiyak nalang si Kyline dahil lakas nang pagtulak ni Myla sa kanya. Napalapit naman sa kanila ang kanilang Guro.

“Mga bata anong nangyayari dito? Nag-aaway ba kayo?”

Sasagot na sana nang Oo si Kyline pero pinandilatan sya nang mata ni Myla kaya sa takot nya ay Hindi ang naisagot nya.

“Hindi po Mam nadulas lang po ako” sagot ni Kyline

“Ganon ba? Sige maupo kana”

Inalalayan si Kyline nang kanilang Guro na makabalik sa kanyang kinauupuan.

Buong klase si Kyline ang naging bida dahil sa pagiging bibo nito at pagsagot sa mga katanungan nang kanilang Guro kaya mas lalong nainis si Myla sa kanya dahil inisip nito na pabida si kyline.

Nang mag-uwian ay inabangan ni Myla si Kyline.

“Pabida ka noh, Alam mo ba yon?”

“Anong sinasabi mo?” takang sagot ni Kyline

“Gusto mo ikaw ang bida sa klase kaya nga ikaw ang sumasagot sa lahat nang katanungan diba?” Mataray na sabi ni Myla.

“Sumasagot ako kasi alam ko ang sagot”

“Ang sabihin mo pabida ka!”

“Hindi totoo yan”

“Pabida ka talaga!”

Hinila ni Myla ang buhok ni Kyline at ginulo gulo ito.

“Tama na, Tama na” sigaw ni Kyline. Dahil sa nasasaktan na si Kyline sa ginagawa ni Myla ay naitulak nya si Myla nang malakas kaya natumba ito sa sahig.

MARK’S POV

Sa kasamaang palad hindi ako tanggap sa inaapplyan kong trabaho, Ganito pala kapag hindi ka nakapagtapos nang pag-aaral mas mababa ang oportunidad mo na makahanap nang magandang trabaho.

Hiyang hiya ako sa sarili ko lalo na kay Mama dahil hindi ko natupad ang mga pangarap namin, Mas inuna ko kasi ang anak namin ni Sheena naghanap ako nang trabaho pagkanganak nya kaya hindi ako nakapag focus sa pag-aaral.

Nagtext sakin si Sheena na sabay nalang daw kami magsundo kay Myla dahil gusto nadin nyang umuwe.

Sabay kaming nagsundo ni Sheena sa anak namin at pagpunta namin sa tapat nang room nya ay kitang kita ko na itinulak sya nang bata.

Napatakbo naman agad kami ni Sheena palapit sa anak namin.

“Myla ayos kalang ba?” -Sheena

Biglang umiyak si Myla nang makita nya kami.

“Mommy, Daddy inaaway nya ako” -Myla

Tinuro ni Myla yung batang tumulak sa kanya. Nakilala ko agad yung bata ito yung bata na kausap ko kanina paghatid ko sa anak ko.

Lumapit naman agad si Sheena sa bata at hinawakan ito sa braso.

“Bakit mo tinulak ang anak ko?” -Sheena

“Sheena kumalma ka nga, Nasasaktan na yung bata sa ginagawa mo”

Napansin ko kasi na medyo napapalakas na ang paghawak nya sa braso ni Kyline.

“Sya po kasi ang nauna, Pinagtanggol ko lang po yung sarili ko” -Kyline

“At sumasagot kapa ha? Bastos kading bata ka ah” -Sheena

Hindi ko akalain ang susunod na mangayayari nakahanda na ang kamay ni Sheena pero may biglang dumating at pinigilan sya.

Biglang bumilis ang tibok nang puso ko, Naalala ko matagal na itong tumibok nang ganito kalakas.

Tama ba ang nakikita ko?

Hindi ba ako na nanaginip?

Si Dex ba talaga ang nasa harapan ko ngayon?

DEX’S POV

Pagdating ko palang sa tapat nang school nila Kyline ay mabigat na agad ang pakiramdam ko parang may hindi magandang mangyayari.

Kaya nagmadali agad ako na puntahan ang kapatid ko at hindi ko nga nagustuhan ang nakita ko.

Isang babae ang may hawak hawak sa braso nang kapatid ko at parang sinasaktan nya ito at ang sumunod na eksena ay parang papaluin nya ang kapatid ko napatakbo agad ako para pigilan ang babae.

“Subukan mong saktan ang kapatid ko makikita mo ang hinahanap mo”

Hindi ako palaaway na tao, Ayoko sa gulo. Umiiwas ako hanggat kaya kong umiwas pero hindi ang sa kapatid dahil ibang usapan na pagsinaktan nila si Kyline.

Kinuha ko si Kyline sa pagkakahawak nang babae at pagtingin ko ay hindi ko inaasahan ang nakita ko, Si Sheena at Si Mark.

Pinakalma ko ang sarili ko at hindi nagpahalata na naapektuhan ako nang makita ko silang dalawa.

“So kapatid mo pala yang malditang batang yan? Hindi mo ba alam na ayang kapatid mo ay sinaktan ang anak namin” -Sheena

“Hindi ako naniniwala sa sinasabi mo”

Kilala ko si Kyline, Tinuruan namin siya nila Mama na maging mabait at wag basta basta mananakit.

“Totoo yon Dex, Kitang kita namin na tinulak nang kapatid mo ang anak namin” -Mark

“Kuya Dex hindi po totoo yon, Si Myla po kasi ang nauna sinaktan nya po kasi ako kaya naitulak ko sya”

Naawa tuloy ako sa kapatid, Yung buhok nya gulo gulo at umiiyak pa sya kung hindi siguro ako nakadating nang mas maaga ay baka nasaktan na sya ni Sheena.

“At sinungaling kadin palang bata ka ha?!”

Lalapitan na sana ni Sheena ang kapatid ko pero hinarang ko sya.

“Hindi sinungaling ang Kapatid ko, Dahil tinuruan namin sya na magsabi nang totoo. Mahiya ka nga sa sarili mo pati bata papatulan mo”

Hindi ko na din napigilan ang sarili ko, Iba kasi yung pananalita ni Sheena parang ang laki talaga nang galit nya.

“Sheena tama nayan umuwe nalang tayo” awat ni Mark kay sheena.

Pero hindi talaga nagpapigil si Sheena.

“Bakit gusto mong umuwe Mark? Dahil ba dito sa baklang to? Mark naman anak natin ang sinaktan nang kapatid nya, ano? Hahayaan nalang natin yon” -Sheena

“Pero si Myla nga nanguna” -Mark

“At mas paniniwalaan mo pa ang kaibigan mo kesa samin nang anak mo?” -Sheena

“Sige Mark iuwe mo na yan si Sheena baka makasakit pa yan”

“Talagang makakasakit ako lalo na kapag anak kona ang sinaktan, Kaya ikaw ayusin mo ang tinuturo mo sa kapatid mo” -Sheena

“Maayos ang tinuro ko sa kapatid ko, Pero hindi ko alam kung ganon din ang tinuro mo sa anak mo”

“Anong ibig mong sabihin na hindi ko naturan nang maayos ang anak ko?” -Sheena

“Ikaw ang nasabi nyan Sheena”

“Pwede ba tama na yan, Sheena tara na umuwe na tayo” -Mark

Hindi makatingin sakin si Mark nang diretso, Inuwe na nya ang mag-ina.

Naging magkaibigan naman kami ni Sheena dati pero anong nangyari ngayon? Bakit parang ang laki nang galit nya.

Akala ko magpapangabot pa kaming dalawa ni sheena, Iba yung galit nya sakin kita ko sa mga mata nya na gusto na nya akong saktan.

Akala ko kapag nakita ko sila ulit ay magiging ayos na ang lahat pero hindi pala, Parang mas lalo lang gumulo at lumala ang sitwasyon.

Sana ito na ang huling beses na magkukrus ang mga landas namin dahil hindi kona alam kung ano pa ang susunod na mangyayari.

Niyakap ko nalang ang kapatid ko at inayos yung gulo-gulo nyang buhok.

“Kuya sino po sila?”

“Wala yon Kyline wag mo nalang silang pansinin ha? At wag mong sabihin kay mama ang tungkol dito”

“Pero diba sabi nyo masama ang magsinungaling?” -Kyline

“Oo masama, Pero gusto mo ba na makipag-away din si Mama? Sige ka baka masaktan din sya. Kaya wag mong sasabihin ito kay Mama”

“Sige po” -Kyline

Mabuti nalang napakiusapan ko si Kyline dahil sigurado na kapag nalaman ni Mama to mas lalong lalaki ang gulo at ayon ang ayaw kong mangyari, Kaya kami pumunta dito para maging maayos hindi para pumasok na naman sa isang gulo.

CHAPTER 29

SHEENA’S POV

Ngayong nagkita na ulit si Mark at Dex panigurado itsapwera na kami nang anak ko at ayon ang hindi ko hahayaang mangyari kung nagawa kong maging akin si Mark dati kaya ko ulit gawin yon ngayon.

Naging magkaibigan din naman kami ni Dex kahit papano pero sa tuwing naalala ko na sya ang dahilan kung bakit hindi kami okay ngayon ni Mark naiinis at nagagalit ako sa kanya bakit kasi bumalik balik pa sya?

“Mommy sino po yung kaaway nyo kanina?” -Myla

“Yun ba? Sya yung gustong kumuha sa daddy mo satin, Kaya wag kang lalapit don ha?”

“Yes po” -Myla

“At yung Kyline nayon? Wag kang papatalo don ipakita mo na mas magaling ka don at kapag sinaktan ka ulit nya labanan mo wag kang papatalo”

“Yes Mommy” -Myla

“Ano ba naman yang tinuturo mo sa anak mo?” -Mark

“Bakit masama na ba na ituro na lumaban kapag nasasaktan?”

“Hindi naman, Pero mali padin na turuan mo sya na makipag-away” -Mark

“Alam ko ang tinuturo ko sa anak ko kaya hayaan mo nalang ako”

Kung hindi lang talaga ako inawat kanina ni Mark baka nasaktan kona yon si Dex.

“Kaya natututong manakit ang anak natin eh kasi ayan ang tinuturo mo” -Mark

“Kapag iba ang inaway ni Myla kinakampihan mo? Pero kapag kapatid ni Dex hindi? Ano to? Namimili kana ngayon”

“Hindi naman sa ganon Sheena, Pero kasi—” -Mark

“Ganon yon Mark, Obvious naman na mas kinakampihan mo sila kesa samin nang anak mo”

Nakakapangliit lang kasi akala ko ipagtatanggol din kami ni Mark pero mas kinampihan padin nya ang Bestfriend nya.

MARK’S POV

“Bakit mo pa kasi ako inawat kanina” -Sheena

“Syempre ayaw ko nang gulo”

“Naagrabyado na ang anak mo ayaw mo padin nang gulo?” -Sheena

“Narinig mo naman kanina diba, Si Myla ang nanguna”

“At mas naniniwala kapa talaga sa mga sinungaling nayon?” -Sheena

“Ano bang problema mo Sheena?”

“Problema? Tinatanong mo sakin kung anong probolema ko? Ang Problema ko ay ang Bestfriend mo! Si Dex!” -Sheena

“At bakit naman naging Problema mo si Dex? Wala naman syang ginagawang masama sayo”

“Mark gusto mo talagang isa-isahin ko pa sayo?  Una, Sya ang dahilan kung bakit nawala ang pagmamahal mo sakin diba totoo yon? Dahil nakikisama ka nalang sakin dahil kay Myla. Pangalawa, Araw-araw pinaparamdam mo samin na wala ka Oo kasama ka namin pero yung isip at puso mo wala samin dahil mas abala ka kakaantay sa pagbabalik nang Bestfriend mo. At ngayon nandito na sya itsapwera na kami nang anak mo” -Sheena

Tanggap ko naman lahat nang sinasabi nya, Mali ako dahil naiparamdam ko sa kanila na may kulang sa pamilya namin.

“Hindi totoo yan, Importante kayo sakin nang anak mo”

“Sana totoo yang sinasabi mo at wag nang dumating sa time na kailangan mong mamili samin ni Dex” -Sheena

Bigla tumulo ang mga luha sa mata ni Sheena. Nakaramdam tuloy ako nang guilty dahil sobra kona pala syang nasasaktan.

“Mommy, Daddy? Nag-aaway po ba kayo?” -Myla

Huminga muna ako nang malalim at bumaling sa anak ko, Si Sheena naman ay pumasok na sa kwarto namin.

“Hindi kami nag-aaway anak nag-uusap lang kami”

“Pero bakit umiiyak si Mommy?” -Myla

“Anak? Bata kapa at hindi mo pa maiintindihan ang mga nangyayari kaya pumasok kana sa kwarto mo”

Sumunod naman agad sakin si Myla masyado pa syang bata para masangkot sa mga eksenang ganito.

Gusto kong lumaki sya sa isang maayos na pamilya ayaw kong makita nya ang mga hindi magagandang nangyari samin. Sumunod naman agad ako kay Sheena para makapag-usap kami nagsasawa nadin kasi ako sa ganito na lagi kaming nag-aaway sa mababaw na dahilan.

“Sheena mag-usap tayo”

“Tsaka mona ako kausapin kapag handa kana na piliin kami ng anak mo kesa sa Bestfriend mo” -Sheena

“Sheena hindi kaba napapagod? Lagi nalang ba tayo ganito? Puro away, Nakakasawa na”

“Oo Mark! Pagod na Pagod na ako. Pagod na ako na maging pangalawa sa Puso mo! Pagod na ako na maramdam na yung taong Mahal ko ay May mahal na iba! Pagod na ako maging pangalawa sa Bestfriend mo!” -Sheena

Hindi ako nakasagot sa sinabi ni Sheena, Bilang lalaki mas nasasaktan ako dahil nakakasakit ako nang isang babae.

Mahal ko naman si Sheena eh, Pero mas mahal kona si Dex, Si Dex na Bestfriend ko.

Nagtaklob na nang kumot si Sheena ako naman ay lumabas nalang, Kailangan ko muna sumagad nang hangin masyado nang toxic sakin ang mga kaganapan.

“Hanggang kailan ka makukulong sa ganitong sitwasyon anak?”

Napalingon ako kay Mama at tumabi din sya sakin.

“Ano pong ibig nyong sabihin?”

“Pitong taon nadin ang nakalipas anak at pitong taon ka nading nahihirapan sa sitwasyon, Kahit hindi mo sabihin sakin alam kong pinapakisamahan mo nalang si Sheena dahil sa Anak nyo” -Mama

“Mahal ko naman po si Sheena”

“Pero mas Mahal mo si Dex?” -Mama

Natahimik ako sa sinabi ni Mama, Hindi ko talaga akalain na mawawala yung Pagmamahal ko kay Sheena at mamahalin ko si Dex.

“Ma naguguluhan napo ako”

“Mark? Piliin mo kung ano ang mas matimbang, Kung Pipiliin mo si Sheena isipin mo kung anong posibleng maging epekto nito sayo at ganon din kay Dex” -Mama

“Pero Ma pano ko po malalaman kung sino ang dapat kong piliin sa kanila?”

“Utak ang mag-iisip pero Puso ang magdedesisyon, Pero kung sino man ang piliin mo sa kanilang Dalawa susuportahan kita” -Mama

Ang sarap sa pakiramdam na may Nanay na sumusuporta sayo kahit nasa tamang edad kana.

Kung ano man ang maging desisyon ko sana maging tama at magiging masaya ako.

DEX’S POV

“Ano?!?!?!?!?! Nagkita na kayo nila Mark?!?!?!”

Ayan agad ang reaksyon ni Miles matapos kong ikwento sa kanya yung pagkikita namin nila Mark.

Bago kasi kami umuwe ni Kyline ay dumaan muna kami kala Miles.

“Oo”

“Anong nangyari?” -Miles

Sinabihan ko muna si Kyline na maglaro muna dahil may pag-uusapan pa kami nang ate Miles nya.

“Ayon hindi maganda, Nagkasagutan kami ni Sheena”

“Hala bakit namin?” -Miles

“Sinaktan kasi ni Sheena ang kapatid ko, Syempre alangan naman manahimik lang ako”

Kinuwento kapa kay Sheena yung ginawa ni Sheena kay Kyline.

“Bruha talaga yung babae nayon nako kung nandon ako baka kinalbo ko yon. Pero be wag kang magagalit kay Myla ha? Mabait naman yon kaya lang nahahawa sa nanay nyang impakta” -Miles

“Oo naman syempre bata padin yon, Pero bakit ganon si Sheena parang ang laki nang galit nya sakin diba okay naman kami dati?”

“Ayan din ang napansin ko Be bigla nalang sya nagbago eh kahit nga ako halatang nakikipag plastikan lang sya sakin” -Miles

Hindi ko alam kung saan nanggaling ang galit sakin ni Sheena pero isa lang ang alam ko hindi ako pwedeng magpaapekto sa kanya at sa susunod na saktan nya ang kapatid ko lalaban na ako.

“So ano nang balak mo ngayong nagkita kita na kayo? Sa dami ba naman kasi nang eskwelahan bakit sa parehong school pa nag-aral ang kapatid mo at ang anak nila” -Miles

“Hindi ko pa alam, Siguro kapag nakita ko sila idededma ko nalang muna.”

“Pero be si Mark” -Miles

“Anong meron kay Mark?”

“Si Mark kasi, Simula nang umalis ka lagi ka nyang kinakamusta sakin kung okay kalang at kung kelan ka babalik naubusan na nga ako nang idadahilan sa kanya” -Miles

Ano ba talagang balak ni Mark? Bakit hindi na lang nya ako tigilan? Sinabi ko naman sa kanya na Mag Bestfriend lang kami.

“Hayaan mo nalang sya magsasawa din yon”

“Pero be? Wala ba talagang Pag-asa sayo si Mark? Isipin mo matagal kanang single at wala na din naman kayo ni Nathan at higit sa lahat na inlove ka din naman sa kanya dati diba?” -Miles

“Miles makinig ka sakin, Mag Bestfriend lang kami ni Mark at oo na inlove ako sa kanya pero dati yon at ayokong makasira nang relasyon”

“Ayon lang ba talaga ang dahilan? O baka naman hindi ka padin nakaka move on kay Nathan hanggang ngayon?” -Miles

Hindi ako nakasagot sa tanong ni Miles, Siguro may kasi may part padin talaga sa puso na magkakabalikan kami ni Nathan na kahit lumipas ang pitong taon umaasa padin ako na bago matuloy pa yung naudlot naming pagmamahalan.

“Hay nako be, Pano ka makakabaante kung naka stack ka padin sa Past? Move on, Move on din pag may Time, Pitong taon walang paramdam sayo yung tao tapos aasa ka padin? Sabi nga nila ‘The Show must go on’ Kaya dapat ikaw mag focus ka sa mga taong nakapaligid ngayon sayo hindi don sa mga taong matagal nang wala at imposible nang bumalik” -Miles

Bawat letrang lumalabas sa bibig ni Miles ay tagos sa puso, Para akong nagising sa Matagal na pagkakatulog andami kong narealize all this time niloloko kolang pala ang sarili ko na okay ako na naka move on na ako pero ang totoo hindi pa pala.

“Miles Salamat”

Niyakap ko nang mahigpit si Miles sobrang thankful ako na may kaibigan ako na tulad nya. Siguro kung wala sya baka hanggang ngayon hindi pa ako magigising sa katotohanan.

“Okay lang yan Be, Lahat naman tayo hindi natin masasabi kung hanggang kailan tayo makakapag move on Pero ang importante alam natin kung saan at paano tayo magsisimula.” -Miles

“Salamat talaga”

Hindi nadin kami nagtagla kala Miles dahil baka hanapin kami ni Mama, Atsaka nakatulog nadin si Kyline kakalaro.

Ngayon alam kona kung paano ako magsisimula, Magfofocus muna ako ngayon sa mga taong nandito hindi sa mga taong wala.

MARK’S POV

Dahil sa sama nang loob ko ay pumunta muna ako kala Tyrone.

“Tol mukhang may problema ka?” -Tyrone

“Oo Tol meron, Nag-away na naman kasi kami ni Sheena”

“Away na naman? Mukhang napapadalas ata yung pag-aaway nyo, Si Dex na naman ba ang dahilan?” -Tyrone

“Oo, At nakita kona si Dex”

“What?! Anong nangyari?” -Tyrone

“Hindi maganda, Nagtalo silang dalawa”

“Patay na mukhang malaking gulo to” -Tyrone

“Kaya nga ako dito”

“Alam kona ang ibig mong sabihin, Alak lang ang katapat nyan” -Tyrone

Inutusan ni Tyrone si Nicole na kumuha nang alak lagi kasi yang may tabing alak sa ref nila.

Mabuti pa si Tyrone maganda ang pagsasama nilang dalawa ni Nicole mula Highschool hanggang ngayon.

“Mark mukhang may problema kana naman ah?”

Tanong sakin ni Nicole pagkalapag nya nang alak sa lamesa, Ngiti lang sinagot ko sa kanya.

“Pano kasi nagkita na sila ni Dex” -Tyrone

“Talaga????? Anong nangyari? Kamusta na si Dex? Ano nang itsura nya? Asan sya nakatira ngayon?” -Nicole

“Kanina ko lang nakita si Dex at hindi ko alam kung saan sya nakatira ngayon, Wala naman nagbago sa kanya”  sagot ko kay Nicole.

“Ano ba yan Miss ko na yong baklang yon sana makita ko na ulit sya” -Nicole

“Hayaan kapag nakita ko ulit sya sasabihin ko na hinahanap mo sya”

Sana pagkatapos kong uminom nang alak mawala na lahat nang iniisip ko, Gulong gulo na talaga ako sa kung ano ang pipiliin ko. Kahit sino kasi sa kanilang dalawa ang piliin ko may masasaktan ako.

CHAPTER 30

DEX’S POV

Dahil sa mga nasabi sakin ni Miles ay napag-isip isip ko na pagtuunan kona muna nang pansin ang sarili ko.

“Ma pupunta lang ako nang mall ha?”

“Mall ano namang gagawin mo don?” -Mama

“Basta Ma, Kasama ko naman si Miles”

“Nako baka manlalaki lang kayo don ah, Ikaw Dex umayos ka baka mabuntis ka nang wala sa oras” pabirong sabi ni Mama

“Si Mama talaga, May bibilhin lang ako don. Wish ko nga din mabuntis eh kaya lang imposible, Pakisabi nalang kay Papa na umalis ako.”

Grabe talaga si Mama sakin aalis lang ako mabubuntis agad?

Ano lahat nang lalaki na makikita nakakabuntis gamit ang tingin. Lakas talaga nang trip ni Mama sakin.

Nagkita kami ni Miles sa isang Mall dahil nagpasama ako sa kanya na bumili ng nga bagong damit magaling kasi si Miles sa fashion kaya sya agad ang nilapitan ko. At syempre binilhan ko din si Miles, Regalo ko nalang din sa kanya dahil wala akong pasalubong pagkadating ko dito.

“Bakla salamat talaga dito ang gaganda nito”

“Wala yon basta ikaw”

“Iba kana talaga Dex ang yaman mona talaga” -Miles

“Mayaman ka dyan Hindi ba pwedeng nakakaluwag luwag lang”

Habang naglalakad kami ay napahinto si Miles.

“Bakit be anong nangyari?”

“Be Cr lang ako hindi ko na talaga kaya, Antayin mo nalang ako dito ha”

“Sige be basta bilisan mo lang”

“Oo kaya antayin mo lang ako”

Si Miles talaga kung kelan palabas na kami nang mall tsaka pa sya naihi.

Inantay ko nalang sya sa labas nang mall at kung mamalasin ka nga naman merong tatlong lalaki na papapunta sa direksyon, Kinabahan ako kasi huminto sila sa tapat ko huhu lord please help me.

“Hi? Sinong inaantay mo?”

Ay iba feeling close si kuya pero halatang nakainom amoy na amoy kasi yung alak.

“Ah eh yung kaibigan ko lang po, Pero palabas nadin yon” Sagot ko sa kanya.

Lumapit sakin yung isang lalaki at hinawakan ako sa bewang, Teka parang hindi na maganda to tinulak ko yung lalaking humawak sa bewang ko.

“Ano po bang kailangan nyo?” Tanong ko sa kanila.

“Wag kanang pakipot alam naman na gusto mo din to, Diba ang mga bakla mahilig sa lalaki”

Medyo nainsulto at nanliit ako sa sinabi nang lalaki, Ganon ba talaga ang tingin nila sa mga bakla? Na walang ibang habol sa lalaki kundi ang katawan?

“Kuya lasing po kayo, Umuwe na po kayo”

“Wag ka ngang mag-inarte dyan ikaw na nga tong nilalapitan ikaw pa ang umaayaw”

Hinawakan nya ang braso nang malakas medyo nasaktan ako kaya nasampal ko sya nang malakas.

Kinabahan din ako sa ginawa ko dahil hindi ko alam kung anong ganti nila sakin.

“Aba’t nananakit kapa?!”

Biglang pinuwesto nung lalaki yung kamao nya para suntukin ako sa takot ko ay napapikit nalang ako.

Ilang segundo akong nag-antay nang suntok mula sa lalaki pero walang tumama sakin.

“Ang bakla minamahal yan, Hindi sinasaktan”

Nakarinig ako nang isang pamilyar na boses kaya idinilat ko agad ang mga mata ko.

At hindi ako makapaniwala sa nakita ko, Si Dan nasa harapan ko ngayon.

“Sandali sino kaba?!” Sigaw nang isang lalaki.

“Magpapakilala pa ba ako sayo?”

Sinuntok nang isang lalaki si Dan pero nakaiwas sya, Para akong nanonood nang live na action na suntok si Dan pero mas natalo nya ang tatlong lalaki kasi nga mga lasing nayon.

Mabuti nalang may dumating na mga guards at hinuli yung tatlong lasing na lalaki.

Hindi ako nakaalis sa pwesto ko dahil hindi ako makapaniwala na nasa harapan ko ngayon si Dan, Nilukot lukot kona ang mata ko pero si Dan talaga sya.

Unti-unti syang lumapit sakin na nakangiti padib kahit napaaway na.

“Dex ayos kalang ba?”

Hinawakan nya ako sa magkabilang balikat. OMAGAD si Dan nga! Hindi ako nananaginip! Si Dan nga talaga sya!

“Omg! Dan is that you???!?!?!??!?!”

Bumalik nalang ako sa ulirat nang marinig ko ang boses ni Miles. Lumapit agad samin si Miles at tinitigan nang maigi si Dan at hinawakan pa ang mukha.

“Relax Miles, Ako to si Dan”

“O M, Ikaw nga!” -Miles

Natawa nalang si Dan kay Miles at muli syang tumingin sakin.

“Dex ayos kalang ba talaga?” muling tanong sakin ni Dan.

“Ah eh oo a-ayos lang ako”

“Hindi kaba nasaktan nang mga lalaking yon?”

“Sandali anong lalaki? At anong nasaktan? May nangyari ba habang wala ako?”

“Ano kasi Miles may mga—”

“Wala naman nangyari. Tara uwi na tayo?”

Hindi kona pinatapos si Dan sa pagsasalita dahil sigurado ako na hahaba lang ang usapan haha gusto kona kasi talagang umuwe.

Syempre nilakihan ko nang mata si Dan para makisakay nalang sya sakin.

“Gusto nyo ihatid kona kayo?”

“Nako hindi na, Baka makaabala pa kami”

“Sige Dan ihatid mona kami para makatipid kami sa pamasahe” nakangiting sabi ni Miles

Napa Oo nalang tuloy ako dahil si Miles nauna na samin papunta sa sasakyan ni Dan.

Hanggang ngayon hindi padin ako makapaniwala na nasa harapan ko si Dan, Ibang iba na si Dan kesa sa dati maayos na ang pananamit nya at mukhang umasenso na naka kotse na sya.

Naunang bumaba si Miles dahil mas nauna naming nadaanan ang bahay nila kaya ang ending kami nalang ni Dan ang natira.

Habang nasa byahe kami ay hindi ako umiimik dahil medyo hindi ako komportable.

“Kamusta kana Dex?”

Biglang bumilis ang tibok nang puso ko nang magsalita si Dan.

“E-Eto o-Okay lang naman”

“Sigurado ka? Pero bakit nauutal ka?” -Dan

“Wala to, Ganito lang talaga”

“Saan nga pala kita ihahatid? hindi ko kasi alam kung saan ka nakatira”

“Doon padin sa dati”

“Talaga? Mabuti naman” -Dan

“Anong mabuti naman?”

“Wala, Ang ibig kong sabihin ihahatid na kita”

Habang nagmamaneho si Dan napansin kong may sugat sya sa gilid nang bibig nya kaya kinuha ko yung panyo sa bag ko at pinunasan yung dugo, Napatingin naman sya sa ginawa ko sabay ngiti.

“Sorry pala ha dahil sakin nasaktan kapa tuloy”

“Wala yon Dex mas hindi ko naman papayagan na ikaw ang masaktan”

“Salamat talaga, Ano palang ginagawa mo sa mall kanina?”

“Actually pauwe na talaga ako tapos nakita kita nung una inisip ko na baka kamukha mo lang pero nang lumapit ako sayo ay walang duda na ikaw nga”

“Mabuti nalang pala nakilala mo ako dahil baka nasuntok na ang nang mga lasing nayon”

“Kaya nga eh, Siguro tinadhana talaga na magkita tayo”

Medyo double meaning sakin yung sinabi ni Dan hindi tuloy ako nakaimik sa sinabi nya.

“Dan kamusta kana pala, Ano may asawa kana ba?”

Iniba ko nalang ang usapan dahil baka kung saan pa mapunta, Pero sadyang walang pakisama ang bibig ko dahil ganong klaseng tanong pa talaga ang nasabi ko natawa tuloy bigla si Dan.

“Asawa? Girlfriend nga wala ako asawa pa kaya”

“Ha bakit naman? sa 7 years na lumipas wala kang naging Girlfriend?”

“Oo wala, May inaantay pa kasi ako. Pero ngayon nakita kona sya baka magkaroon na ako”

“Yun naman pala eh, Ipakilala mo sya sakin kapag nagkita na ulit kayo”

“Hindi na kailangan kasi nasa harapan kona sya”

Biglang bumilis yung tibok nang Puso ko dahil sa sinabi nya, Tumitig sya sa mga mata ko dahilan para maestatwa ako sa kinalalagyan ko.

Unti-unti lumapit sakin si Dan pero hindi padin ako makakilos alam kona ang susunod na mangayayari kaya nilakasan kona ang loob ko.

“Ah Dan malapit na tayo samin”

Umayos naman nang pwesto si Dan at nagFocus sa pagdadrive nya.

“Sorry Dex”

“Ah eh ayos lang yon”

“Pitong taon na ang Lumipas pero wala padin nangyari, Pitong taon padin ako na umaasa na babalik ka at sa pagbabalik mo baka sakaling Ako nalang Sana”

“Dan?”

“Hindi mo naman kailangan pilitin ang sarili mo na Mahalin din ako pabalik ako lang naman si Tanga at patuloy padin na umaasa”

Napansin ko nalang na nasa tapat na pala kami nang Bahay namin, Naunang lumabas nang Pinto si Dan at pinagbuksan din ako.

“Dan salamat sa paghatid”

“Wala yon Dex, Sige na pumasok kana para makapagpahinga kana din”

Paalis na sana si Dan pero hinabol ko sya at niyakap mula sa likuran nya, Hindi ko alam kung bakit ko nagawa yon basta kusa nalang naglakad ang mga paa ko papunta kay Dan.

“Dan sana balang araw masuklian ko din ang lahat nang pagmamahal mo sakin”

Humarap sakin si Dan at hinawakan ako sa kamay.

“Bakit hindi natin subukan”

“Subukan ang alin?”

Medyo kinabahan ako sa suggestion nya haha rated SPG kasi ang unang pumasok sa utak ko.

“Na pumasok sa isang relasyon, Relasyon na tayong dalawa naman ang bubuo”

Seryoso ang pananalita ni Dan at nakatitig lang sya sakin.

“Sige Dan susubukan ko”

Gumuhit ang malaking ngiti sa mukha ni Dan. Wala naman sigurong masama kung papasok na ako sa isa pang relasyon.

Matagal kona din pati kilala si Dan at sya nga ang #ULTIMATECRUSH ko eh.

Siguro naman kaya kong turuan ang puso ko na mahalin din si Dan katulad nang pagmamahal ko kay Mark at Nathan.

Habang nakayakap ako kay Dan ay may napansin akong lalaki na nakatingin samin medyo madilim sa parteng yon kaya hindi ko makilala kung sino yon.

Kahit madilim alam kong lalaki sya base palang sa tindig nya.

Napabitaw ako kay Dan at inaninag yung lalaki kaya lang hindi ko talaga sya makilala.

“Bakit Dex may problema ba?”

“May lalaki kasi sa likuran natin”

Tinuro ko kung saan ko nakita yung Nakatayong lalaki pero nawala na sya.

“Wala naman ah”

“Kanina nandyan lang sya pero bakit nawala”

“Baka namamalikmata kalang”

Wala na talaga akong makitang lalaki, Siguro nga namamalikmata lang ako.

“Sige na Pumasok kana”

“Sige, Ikaw ingat sa byahe”

Lumapit sakin si Dan at hinalikan ako sa noo. Hindi ko akalain na gagawin nya yon, Naestatwa na naman ako sa kinatatayuan ko habang pinagmamasdan na umalis si Dan.

MARK’S POV

Buo na ang desisyon ko, Kakausapin ko si at sasabihin ko na Mahal na Mahal ko sya at ayoko lang na mag Bestfriend kami dahil higit pa sa pagiging magBestfriend ang tingin ko sa kanya.

Bago ako pumunta kala Dex ay dumaan muna akong flower shop at pumili nang magandang bulaklak na ibibigay sa kanya sana lang talaga tanggapin at magustuhan nya.

Excited akong bumayahe papunta kala Dex kaya lang hindi ko inaasahan ang nakita ko, Si Dex may Dex may yakap yakap na isang lalaki. Parang sinaksak nang maraming beses ang puso ko, Tinangnan ko nang maigi kung sino yung lalaki nayon at nagulat ako kasi si Dan yon.

Anong ginagawa nya dito?

Bakit sya niyakap ni Dex?

Sila na ba?

Kailan pa? at Paano?

Dahil sa eksenang nakita ko ay nakaramdam ako nang selos at kirot sa dibdib, Para akong unti-unting Pinapatay Yung Bestfriend ko kasi Na Mahal kona ay may Mahal na namang iba.

Bakit ba hindi pwedeng kami nalang?

Hindi nga ba talaga pwedeng magmahalan ang dalawang magkaibigan?

Itinapon ko nalang ang daladala kong bulaklak sa basurahan na nakita ko wala nadin kasing saysay kung ibibigay kopa kay Dex baka hindi nya lang tanggapin o di kaya balewalain.

CHAPTER 31

DEX’S POV

Nagising nalang ako dahil sa lakas nang yugyog ni Mama, Araw-araw ganito lagi ang eksena namin. Si Mama ang alarm clock.

“Ma ano po ba yon?”

“Bumangon na nga sabi, May bisita ka. Kanina pa nag-aantay sayo sa labas” -Mama

“Sino namang bisita Ma?”

At sino naman kaya ang bibisita sakin?

Kakabalik palang namin dito at si Miles at Dan palang ang nakakaalam na nandito ulit ako.

“Yung nanligaw sayo dati, Si Dan. Mukhang manliligaw na naman ulit” -Mama

Napabalikwas ako nang bangon nang banggitin ni Mama ang pangalan ni Dan, Nahulog pa nga ako sa higaan ko sa sobrang taranta.

Bakit nandito si Dan?

Anong kailangan nya?

“Ma seryoso ka?”

“Oo nga, At wag kang masyadong pahalatang excited maging dalagang Pilipina ka naman” -Mama

“Si Mama talaga lagi akong inaasar”

“Alam mo naman na Love kita” -Mama

Lumapit sakin si Mama at hinawakan ang dalawang kamay ko, This time naramdaman kong sumiryoso na sya.

“Dex anak? Sana hayaan mo naman ang sarili mo na sumaya, Palayain mona ang sarili mo mula sa mapait na nakaraan at kung si Dan ang makakatulong sayo bakit hindi mo subukan” -Mama

Madalas puro biro si Mama pero kapag nagseryoso na sya kailangan pakinggan mo yon kasi lahat nang sinabi nya sakin Tama.

“Wag kang mag-alala Ma, Hindi na ito yung dating Dex na iiyak nalang this time mas matapang na ako”

“Oh sya sige na, Aasikasuhin ko pa ang pagpasok nang kapatid mo. Puntahan mona ang manliligaw mo baka mainip payon” -Mama

“Ma hindi ko manliligaw si Dan”

“Hindi daw pero may dala syang Bulaklak”

Ngumisi nalang palabas si Mama, Alam kong pumayag ako na itry namin ni Dan pero as in ngayon na talaga? Masyado syang mabilis excited sya masyado haha. Naghilamos nalang ako at nag toothbrush para naman maayos akong haharap sa kanya.

Paglabas ko ay naabutan ko syang nakikipaglaro kay Kyline.

“Dan napadalaw ka, Bakit anong meron?”

“Wala lang gusto lang sana kita yayaing mamasyal” -Dan

Wow! Mamasyal? Mukhang Yayamanin na pala talaga itong si Dan haha.

“Gusto ko sana kaso ihahatid kopa ang kapatid ko sa school”

“Edi sama nalang ako sa inyo. Ihatid kona kayo” -Dan

“Nako wag na, Nakakahiya naman”

“Ayos lang yon, Ang cute kaya nang kapatid” -Dan

Kinurot ni Dan nang mahina ang pisngi ni Kyline, Mukhang close na agad sila nang kapatid ko.

“Sige ikaw bahala”

So ayon na nga hinatid nga kami ni Dan sa school ni Kyline, Kaya lang napansin kong parang walang ganang pumasok ang kapatid ko.

“Kyline may problema ba?”

“Kuya natatakot ako baka awayin na naman ako ni Myla at nang mommy nya” -Kyline

Kita ko sa mata ni Kyline na natatakot sya.

“Makinig ka sakin Kyline ha? Wag ka matakot, Basta mag-aral kalang at wag mo silang pansinin kapag may nang away sayo isumbong mo sa teacher mo at syempre sakin din at lagot sila sakin”

“Talaga kuya?” -Kyline

“Oo kaya tara na at ihahatid kana namin ng kuya Dan mo”

Hinatid na namin si Kyline papunta sa room nya at katulad nang inaasahan ko nagkita ulit kami ni Sheena at Mark.

Si Sheena ang sama nang tingin sakin pero si Mark hindi makatingin ng diretso sakin.

Nagpansinan naman sila ni Dan, Hindi pa kasi alam ni Dan yung issue samin nila Mark at Sheena.

“Dan Cr lang ako ha?”

“Gusto samahan na kita?” -Dan

“Wag na antayin mo nalang ako dito”

Grabe sya samahan talaga? Wahaha baka kapag sinamahan nya ako may maganap pang kababalaghan kaya wag nalang wahaha.

Pagdating ko sa tapat nang Cr ay huminto muna ako. Hanggang ngayon kasi naiilang padin ako kung saan ba talaga dapat mag CR ang tulad ko, Sa Cr ba nang Lalaki? O Sa Cr nang Babae? Sana talaga magkaroon nang pantay na pagtingin sa mga katulad kong member nang LGBTQ.

“Ang hirap mag decide noh? Kung saan ka dapat lulugar, Katulad nang samin ni Mark wala ka naman talagang lugar pero lagi kapa ding nakikisali”

Napatingin ako sa likuran nang may nagsalita.

Si Sheena nakangisi at nakataas ang isang kilay.

“Kung ano man ang problema nyo ni Mark labas na ako don”

Hanggat maari gusto kong makaiwas sa gulo magkaibigan kami dati ni Sheena kaya hindi ko gusto na makaaway sya. Papasok na sana ako sa Cr Pero hinawakan nya ako sa Braso.

“Bakit kasi bumalik balik kapa? Medyo okay na nga kami nang wala ka, Tapos ngayon bumalik kapa. Para ano? Para guluhin kami? kunin sakin si Mark?” -Sheena

“Ano bang sinasabi mo? Kahit kailan hindi ko inagaw sayo si Mark Oo magkaibigan kami pero hanggang dun nalang yon”

“Ito lang ang sasabihin ko sayo Dex wag na wag mong susubukang agawin sakin si Mark dahil hindi mo magugustuhan ang gagawin ko” -Sheena

“Uulitin ko sayo at itatak mo sa makitid mong utak, Magkaibigan lang kami”

“Mabuti nang nagkakaintindihan tayo Dex, Para wala nang masaktan. Duon ka nalang kay Dan tutal naman mukhang patay na patay padin sayo yon, Grabe yung alindog mo Dex kahit bakla ka may nagkakagusto padin sayo” -Sheena

Medyo nainis ako sa sinabi nyang yon.

Ano porket Bakla hindi na pwedeng mahalin?

Wala nang pwedeng magkagusto?

Ang love walang pinipili yan basta tinamaan ka, Tinamaan ka.

“Hindi kasi sa kasarian nag babase ang mga lalaking nagkakagusto sakin kundi sa ugali na meron ako. Kaya ikaw bagu baguhin mo ang ugali mo para hindi ka iwan ni Mark”

Ayoko sanang sabihin yon pero uminit nadin kasi ang tensyon sa pagitan namin ni Sheena.

“Ayan lumalabas din ang tunay na kulay mo kunwari kapang mabait pero ang totoo may tinatago kading landi sa katawan, Saan mo natutunan yan? Sa nanay mo? Nako baka manahin din yan nang kapatid mo, Baka tawagin kayong Pamilyang malandi kaya—”

Hindi kona pinatapos ang sasabihin ni Sheena dahil sinampal kona sya nang malakas, Sampal na gigising sa kanya para malaman nya na hindi totoo ang mga sinasabi nya.

“Alam mong hindi ako mahilig makipag-away, Mahaba ang pasensya ko pero hindi pagdating sa pamilya ko! sino ka para sabihin yon?! Hindi mo kilala ang pamilya ko para sabihan sila nang ganon, Kung may galit ka sakin sakin mo lang ibuhos hindi pati Pamilya ko dinadamay mo!”

“Matagal na talaga akong inis sayo eh, Pinigilan ko lang dahil Mark. Yung pakikipagkaibigan ko sayo dati? hindi yon totoo nakikipag Plastican lang ako sayo. Pero ngayon hindi na ako papapigil” -Sheena

Lumabas din ang tunay ni Sheena, Akala kopa naman magkaibigan kami pero ang totoo pinaplastic lang pala nya ako. Lumapit sakin si Sheena at hinala ako sa buhok .

“Ano ba Sheena bitawan mo ako!”

“Diba matapang!? Bakit hindi mo ilabas ang tapang mo ngayon?!” -Sheena

Hinila ako ni Sheena pero lumaban na ako, Oo ayaw kong nakikipag-away pero kapag sinaktan na ako Physically at alam kong nasa tama ako syempre ipagtatanggol at ipaglalaban ko din ang sarili ko.

Natigil lang kami nang may mga umawat na samin na ibang parents at mga teachers na nakakita samin.

Tapos dumating nadin si Dan at Mark na mukhang nagulat din sa nakita nila.

“Anong nangyari dito?” -Mark

“Ayan kasing Baklang yan! Inaway ba naman ako syempre lumaban lang ako!” -Sheena

Hindi ko alam kung paano naaatim ni Sheena na gumawa nang kwento para lang kampihan sya.

“Sheena wag kang sinungaling alam natin kung sino ang nanguna!”

“Tama na! Lagi nalang ba kayo mag-aaway? Dex wala kang karapatan na saktan ang asawa ko”

Nagulat ako sa sinabi ni Mark, May part kasi sakin na ineexpect ko na ako ang kakampihan nya pero mali pala ako mas kinampihan nya si Sheena.

“Pinagtanggol ko lang ang sarili ko”

“Kahit pa! Babae pa din si Sheena kaya hindi mo padin dapat sya pinatulan! anong laban nya sayo? Kahit bakla ka lalaki kapa din!” -Mark

Ouch! Parang dinurog yung puso ko dahil sa mga sinabi ni Mark, Tama naman sya na mali ang pumatol ang Bakla sa Babae dahil pagbali baliktarin mo man ang mundo lalaki padin ang Bakla.

Pero hanggang kailan nga ba dapat magtimpi ang isang Bakla sa pang-aapi ng isang Babae?

Ano bang dapat gawin sa mga babaeng mapanakit sa mga bakla?

Ipagwawalang kibo nalang ba?

“Tol tama nayan” -Dan

Humarang na si Dan, Kung umasta si Mark parang hindi nya ako kilala. Parang hindi nya alam na hindi ako bastabasta nakikipag-away.

“Dan tara na. Hayaan na natin sila”

Hinila kona si Dan paalis para matapos na ang gulong to.

Sumakay na kami sa sakyan ni Dan pero hindi padin mawala sa isip ko yung mga sinabi ni Mark sakin parang galit na galit talaga sya sakin.

“Dex ano ba talagang nangyayari? Meron ba akong dapat malaman?” -Dan

Wala nadin siguro ako dapat isekreto pa kay Dan dahil mapagkakatiwalaan ko naman sya.

“Seven years ago, Bago ako umalis umamin sakin si Mark na Mahal nya ako pero sinabi kong hanggang magkaibigan nalang kami. Tapos ito nga nagkita kita ulit kami at Sheena iniisip nya na ako ang dahilan kung bakit hindi masaya ang relasyon nila”

“Ang loko umamin nadin pala sayo” -Dan Natawa si Dan hindi ko alam kung bakit. Hala baliw naba sya? wahaha.

“Bakit ka tumatawa?”

“Matagal kona kasing napapansin na may gusto yon sayo kaya lang hindi ko naman maitanong nang diretso dahil baka mali lang ako.” -Dan

“Pero matagal nayon, Magkaibigan lang talaga kami”

Hinawakan ni Dan ang isang kamay ko habang nagmamaneho sya.

“Dex gagawin ko ang lahat maging deserving sayo kaya kong gawin ang mga ginawa ni Nathan sayo dati mapasaya kalang” -Dan

Napakaswerte ko kasi kahit bakla lang ako may nagmamahal padin sakin nang totoo, akala ko para sa mga straight lang ang true love.

“Hindi mo kailangan maging si Nathan o gawin yung mga ginawa nya dahil magkaiba kayo. Gusto ko yung mamahalin ko ay yung totoong ikaw hindi yung ibang tao na ginaya mo lang”

“Salamat Dex” -Dan

Ngiti nalang ang sinagot ko kay Dan, Mabait si Dan, Mapagmahal at higit sa lahat tanggap nya ako sa kabila nang kasarian ko kaya hindi ako mahihirapan na mahalin sya.

MARK’S POV

Parang unti-unting sinasaksak yung puso ko nang makita kong magkasama ulit si Dan at Dex, Bumalik na naman yung eksenang nakita ko kagabi.

“Mark salamat” -Sheena

“Salamat saan?”

“Sa pagtatanggol mo sakin, Akala ko kakampihan mona naman yung baklang yon. Nako kung wala lang talagang umawit samin baka nakalbo ko nayon”  -Sheena

“Pwede ba tumigil kana sa pakikipag-away”

“Hanggat hindi sya tumitigil sa paglandi sayo hindi rin ako titigil na awayin sya” -Sheena

“Ilang beses kobang sasabihin sayo na hindi nya ako nilalandi”

Nagsasawa na akong magpaliwanag kay Sheena kasi hindi naman talaga sya nakikinig sakin sarili nya lang ang pinapakinggan nya.

“Wag ko lang talaga makita kayo na magkasama dahil hindi ko alam ang magagawa ko” -Sheena

Nauna nang naglakad si Sheena. Ako naman iniisip ko padin yung mga sinabi ko kay Dex, Alam kong nasaktan ko sya at mas nasasaktan ako pero nasabi ko lang naman yon dahil naiinis ako na magkasama na naman sila.

Umupo muna ako para marelax ang isip ko, Sumasakit na kasi ang ulo ko.

“Kayo po yung asawa nang babaeng nakikipag-away kanina diba?”

tanong sakin ng isang babae, Si Sheena siguro ang tinutukoy nya.

“ako nga po bakit?”

“Wag po kayong magagalit pero yung asawa nyo po talaga yung nanguna. Kitang kita kopa na bigla nalang nya hinila yung buhok nang bakla tapos pinagsasambunutan nya”

Parang gusto kong saktan ang sarili ko dahil sa mga nalaman ko, Inaway ko pa si Dex pero sya din naman pala ang totoong biktima.

Badshot na nga ako mas lalo pang na Badshot.

Ano nalang gagawin ko?

Kailangan kong kausapin si Sheena, Wala syang karapatan na saktan ang BESTFRIEND KO.

CHAPTER 32

SHEENA’S POV

Finally natalo kodin si Dex.

Ang sarap palang makita na nagagalit sa kanya si Mark, Kasalanan naman din kasi nya yon kung hindi na sana sya bumalik dito edi sana ayos ang lahat.

“Anong meron at nag-iinom ka? Diba magsusundo kapa sa anak mo mamaya?”

Isa patong asungot sa buhay ko, Kung hindi lang sya nanay ni Mark baka pinatulan kona sya.

“Wala naman po Tita, Wag po kayong mag-alala masusundo ko si Myla mamaya”

“Siguraduhin mo lang, Asan na pala si Mark?” -Tita

“Pauwe na po yon Tita nauna lang ako sa kanya”

Pagkatapos non ay umalis na din si Tita Rose, Simula nang nagsama kami ni Mark mabigat na ang loob ko sa kanya pano ba naman kasi lagi nyang pinapamukha sakin na mas better si Dex, Kaya hindi din nila ako masisisi kung bakit naiinis ako kay Dex.

Mayamaya ay dumating nadin si Mark, tumayo ako at sinalubong ko sya.

“Mark kumain kana nagluto ako don, Gusto mo ipag-hain kita?”

“Sino talagang nagsimula nang away?”

Nagulat ako kasi inopen na naman ni Mark yung issue nayon.

“Bakit mo pa ba yan tinatanong?”

“Sagutin mo yung tanong ko, Sino ang nagsimula?” -Mark

“Mark gutom lang yan, Tara na ipaghahain na kita”

Aalis na sana ako papuntang kusina pero hinawakan ni  Mark yung braso ko, Hindi lang basta hawak kasi nasasaktan nako. Pinagmasdan ko si Mark at mukhang galit na galit sya sakin.

“Si Dex ba talaga ang nagsimula? O Ikaw?!” - Mark

“Ano ba Mark nasasaktan ako!”

“Talagang masasaktan ka sakin kapag hindi mo sinabi ang totoo! Sino ang nagsimula!?” -Mark

Gusto kong maiyak dahil parang ang laki nang nagawa kong kasalanan kay Mark, Akala ko magiging okay na kami pagkatapos ng nangyari kanina pero eto na naman panibagong gulo na naman.

“Oo na! Ako na ang nagsimula! Inaway ko si Dex kasi naiinis ako sa kanya! Naiinis ako kasi hanggang ngayon sya padin ang mahal mo! Na kahit anong gawin ko talagang wala na ako sa utak mo! Lalong lalo na sa puso mo!”

Halata kay Mark na nagpipigil sya nang galit sakin, Bakit? Totoo naman talaga lahat nang sinabi ko sa kanya.

“Ikaw pala ang nagsimula, Alam mo ba dahil sa ginawa mo baka lalo akong masira kay Dex”

“Kahit ano naman mangyari si Dex naman talaga ang kakampihan mo diba? Kung sakaling ako naman yung sinaktan nya kakampihan mo din ba ako?” -Sheena

“Hindi”

Medyo nasaktan ako sa naging sagot nya, Kahit pala anong gawin ko mali parin ako sa paningin ni Mark lalong lalo na pagdating kay Dex.

“Hindi kasi kahit kailan hindi magagawa ni Dex na basta nalang manakit nang ibang tao, Kilala ko si Dex mamanakit lang sya kapag sobra na at naagrabyado na sya” -Mark

Ganon ba talaga kabait si Dex?

Pakiramdam ko tuloy parang ang sama-sama kong tao.

“Edi magsama kayo nang Bestfriend mo! Dun kana sa kanya tutal naman mas gusto mo sya kesa samin ni Myla diba? Pero ito lang sasabihin ko sayo, Kapag pinili mo si Dex! Hindi mona makikita ang anak mo!”

Ayokong mag mukhang desperada pero ito lang ang magagawa ko para hindi ako iwan ni Mark at hindi nya piliin si Dex. Padabog na umalis si Mark at hindi ko alam kung saan sya pupunta.

Sa aming dalawa mas higit akong nasasaktan kasi patuloy akong umaasa na mahalin ako nang isang taong may mahal nang iba, Na patuloy kong ipinagsisiksikan ang sarili ko sa taong matagal ng wala sakin. Araw-araw nararamdaman ko na hindi ako belong sa pamilyang ito.

DEX’S POV

Medyo dissappointed ako kay Mark kasi parang hindi nya ako kilala. Alam naman nyang kahit na kailan hindi ako nananakit nang walang dahilan pero mas pinili at kinampihan padin nya si Sheena.

“Dex okay kalang ba?” -Dan

“Ah eh oo”

“Basta kapag ginulo ka ulit nila, Sabihin mo lanh sakin ako nang bahala” - Dan

“Salamat Dan”

Bumaba na ako sa sasakyan ni Dan at nagpaalam na sa kanya, Medyo na walan ako nang gana dahil kay Mark. Expected ko kasi na ako ang kakampihan nya over kay Sheena kasi mas kilala nya ako.

Buong maghapon wala ako sa mood kaya si mama na ang nagsundo sa kapatid ko. Hanggang sa pagkain sa hapunan ay wala din akong gana, Iniisip ko kasi si Mark. Dati palagi kaming magkasama masaya kami sa twing magkasama kami pero biglang nabago ang lahat simula nang umamin ako sa kanya.

Ilang saglit lang ay biglang bumuhos ang malakas na ulan, Tumakbo agad papuntang bintana at pinagmasdan ang pagbuhos nang malakas na ulan parang gusto kong maligo at damhin ang malamig na ulan.

Lumabas ako nang kwarto at dumiretso pa labas nang bahay.

“Anak san ka pupunta?” -Papa

“Maliligo lang po sa ulan”

“Gani na, Baka magkasakit kapa” -Papa

“Saglit lang Pa, Na miss kolang kasi talagang maligo sa ulan”

Napakamot nalang nang ulo si Papa, Kung si mama yung nakakita sakin panigurado na armalite nako.

Paglabas ko palang nambahay ay bumungad na sakin ang malamig na simoy nang hangin kasabay nito ang malamig na buhos nang ulan.

“Dex?”

Ilang minuto palang akong nasa ulanan nang may marinig ako na pamilyar na boses.

“Mark? Anong ginagawa mo di—”

Hindi kona natapos ang sasabihin ko dahil niyakap na nya ako nang mahigpit.

Para akong naestatwa sa pagyakap sakin ni Mark iba yung epekto sakin nang pagyakap nayon kaya lang mali to, Sinubukan ko syang itulak pero masyadong mahigpit ang pagkakayakap nya kaya hindi ko sya nagawang itulak.

“Dex please kahit ngayon lang, Hayaan mo ako na mahalin ka”

Pinakawalan ako ni Mark at Humarap sya sakin, Parang kinurot ang puso ko nang makita ko sya.

Umiiyak ba sya?

Pero bakit?

“Mark Papasok nako sa loob”

Babalik na sana ako samin pero pinigilan ulit ako ni Mark.

“Dex mag-usap naman tayo, Kahit bilang magBestfriend lang” -Mark

“Mark nakainom kaba?”

“Oo nakainom ako, Pero alam ko ang mga ginagawa at sinasabi ko” -Mark

“Mark mauna na ako”

Tinalikuran ko si Mark at naglakad papasok samin, Kaya lang bigla akong nakaramdam nang konsensya.

“Mark!”

Tumingin si Mark sakin at naglakad na ako palapit sa kanya.

“Pumasok na muna tayo sa loob, Mahirap na baka magkasakit pa tayo”

Pagkatapos kong sabihin yon ay naglakad na ako papasok samin, Si Mark naman ay sumunod din sakin.

“Oh Dex bakit basang basa ka san ka galing?” -Mama

“Ah eh naligo lang po ako sa ulan”

“Naligo sa ulan? Ano ka bata?” -Mama

“Kanya-kanyang trip lang yan Ma”

“Magandang gabi po tita” -Mark

“Mark? Anong ginagawa mo dito? Naligo kadin ba sa ulan?” -Mama

“Ma magpapalit lang po kami ng damit ang lamig nadin po kasi”

Hinila kona agad si Mark dahil baka kung ano pa ang masabi at itanong ni Mama.

“Mark antayin mo lang ako dito ha?”

“Sige”

Pumunta ako kay Papa para hiramin yung mga luma nyang damit at ipagamit kay Mark. Kahit naman may misunderstanding kami ni Mark ay Bestfriend ko padin sya at hindi ko mapapalagay kung iiwan at hahayaan kona lang sya sa ulanan.

MARK’S POV

Ang laki na nang pinagbago ng bahay nila Dex dati simple lang ngayon mas marami na silang mga gamit at mukhang mamahalin pa, May sasakyan nadin sila (Napansin kolang pagpasok namin)

“Mark oh”

May inabot sakin si Dex na damit pero hindi ko naman alam kung para san.

“Ano to Dex?”

“Damit ni Papa yan. Suotin mo muna para hindi ka magkasakit, Medyo malaki yan sa nang kaonti pero okay nayan kesa wala” -Dex

Kahit hindi sabihin sakin ni Dex alam kong Concern sya sa kalagayan ko at masaya ako kasi nakakasama ko ngayon ang Bestfriend ko.

“Dex salamat dito”

“Sige na magbihis kana, Tapos mamaya sumabay kana samin mag hapunan” -Dex

“Saan ako magbibihis?”

“Sa kwarto ko, Halika dito” -Dex

Kahit magkausap kami mi Dex halata padin sa kanya na parang napipilitan lang sya na kausapin ako.

Sinundan kolang si Dex hanggang sa kwarto.

“Dex dito talaga ako magbibihis?”

“Bakit ayaw moba? San moba gusto? magbanlaw ka pala muna baka magkasakit ka” -Dex

“Hindi naman sa ayaw ko, Ano kasi kung dito ako magbibihis edi makikita mo ako”

“Edi lalabas na” -Dex

Napansin kong namula si Dex sa sinabi ko ang cute nyang tingnan haha.

“Okay lang naman din sakin kung nandito ka”

“Lalabas nako. Dami mo pang sinasabi magbihis kana lang dyan”

Kahit sinusungitan ako ni Dex masaya padin ako kasi alam kong concern sya sakin, Ramdam ko may part padin ako sa buhay nya.

Pagkatapos kong magbihis ay lumabas na ako, Medyo masakit ang ulo ko dahil nagpaulan pa ako kanina tapos nakainom pa ako.

Naabutan kong nasa lamesa na si Dex kasama sila Tita at Tito pati yung kapatid nya.

“Mark tapos kana pala, Halika ka dito sumabay kana samin” -Tita

“Sige po”

Lumapit ako sa tabi nang kapatid ni Dex para don umupo.

“Mark duon kana umupo sa tabi ni Dex” -Tita

“Dito napo ako tita ayos lang sakin”

“Duon kana sa tabi ni Dex wag kanang makulit” -Tita

Kilala ko si Tita hindi nya ako titigilan hanggat hindi  ako tumatabi kay Dex, Dahil wala akong choice ay tumabi na ako kay Dex.

“Diba kayo po yung daddy nang umaway sakin?” tanong sakin nang kapatid ni Dex.

“Umaway sayo? Ano yun anak? -Tita

Patay, Nakilala pala ako ni Kyline mukhang hindi pa sinasabi nila Dex yung tungkol sa away ng mg bata.

“Ma anong away? ang sabi ni Kyline Sayaw hindi away” Nakisingit na si Dex sa away namin.

“Sayaw ba? Ang sabi nya away” -Tita

“Nabibingi kalang Ma, Linis linis din kasi nang tenga pag may Time.” -Dex

“Ano ba? Kakain ba tayo o magdadaldalan lang?” -Tito

Mabuti nalang nagsalita si Tito at natigil na ang usisaan nila.

Ngayon nalang ulit ako nakasabay sa pagkain sa kanila ang huli pa ay 7 years ago at wala pa si Kyline non.

DEX’S POV

As usual ako na naman ang nakatoka para sa pagligpit nang kinainan namin.

“Dex tulungan na kita” -Mark

“Hindi na Mark kaya ko nato”

“Sige na tulungan na kita” -Mark

Wala na akong nagawa kasi kinuha ni Mark yung dala kong hugasin, Kaya lang nakakailang hakbang palang sya ay nabitawan nya yung dala nya at sabay hawak sa ulo nya.

Ako naman ay lumapit sa kanya at inalalayan sya at don ko naramdaman na mainit si Mark, Hinipo ko agad ang noo at leeg nya ganon din, Mainit.

“Mark may lagnat ka”

Hindi nya ako sinagot, Si Mama naman ay agad na lumabas nang marinig yung nabasag na hugasin.

“Dex anong nangyari?” -Mama

“Ma kayo napo muna magligpit nyan ha? Dadalhin kolang po si Mark sa kwarto ko ang taas po kasi nang lagnat nya”

“Sige ako na bahala dito, Meron pala tayong gamot dyan painumin mo nadin sya.” -Mama

“Opo Ma”

Inalalayan ko si Mark papunta sa kwarto ko at hiniga sa kama ko.

Kumuha agad ako nang basang towel at pinunasan ko si Mark para mabawasan ang init ni Mark. Tatayo na sana ako para kunin yung gamot pero biglang nagsalita si Mark.

“Dex wag mo akong iwan” -Mark

Pinagmasdan ko si Mark giniginaw sya, Agad ko naman syang kinumutan.

Jusko kinabahan tuloy ako kasi first time kong mag-alaga nang may sakit.

Tinabihan ko muna si Mark at niyakap ko sya para hindi na sya ginawin.

Nang mapansin kong nakatulog na sya ay tumayo na ako para ihanda yung gamot nya.

“Dex kamusta na si Mark?” -Mama

“Mataas padin po yung lagnat nya”

“Anak hindi naman sa nakikialam ako pero ano ba talaga ang balak mo kay Mark? Hanggang kailan mo sya iiwasan?” -Mama

“Hanggat kaya ko Ma”

“Bakit moba kasi sya iniiwasan? Ano ba ang pumipigil sayo?” -Mama

“Natatakot ako Ma, Natatakot ako na baka mahulog ulit ako sa kanya. Ayon ang dahilan kung bakit ko sya iniiwasan, Ngayong wala na si Nathan may posibilidad na mahulog ako kay Mark ngayong alam kong may gusto din sya sakin. Natatakot ako Ma, Bakla ako eh. Mahina ako sa mga ganito.”

“Bakit mo sinasabi ang lahat nang yan?” -Mama

“Kasi Ma. Naguguluhan ako, Hanggang ngayon Mahal ko padin si Nathan at si Dan gusto ko syang makasama tapos si Mark sumali pa. Hindi ko alam kung sino sa kanilang tatlo”

“Anak puso ang magsasabi kung sino sa kanila ang mas karapatdapat” -Mama

Napaisip ako sa sinabi ni Mama, Sino nga ba sa Kanila ang mas matimbang?

Si Nathan na Minahal ako nang totoo pero ilang beses na akong iniwan?  at hindi ko alam kung makikita kopa o babalik pa.

O Si Dan na laging nandyan pero kahit anong gawin ko iba yung sinisigaw nang puso ko.

O si Mark na Bestfriend? Si Mark na sinaktan ako hanggang sa umamin sakin kaya lang may mahal na akong iba.

Sino nga ba sa kanila?

CHAPTER 33

MARK’S POV

Nagising nalang ako nang may maramdaman akong mabigat na nakapatong sa akin.

Pagmulat ko nang mata ko si Dex agad ang nakita ko, Nakayakap sya sakin at mahimbing na natutulog.

Medyo umayos nadin ang pakiramdam ko dahil magaling ang nurse ko.

Nang maramdaman kong nagigising na si Dex ay nagkunwari akong tulog, Sobrang saya ko dahil nayayakap at nakasama kona ulit si Dex sana dumating na yung time na maging okay ang lahat sa amin.

Mayamaya ay bumangon na si Dex at ako naman ay bumalik ulit sa pagkakatulog, Hindi ko alam kung nasan ko naiwan hindi ko tuloy na text si Sheena kung anong nangyari sakin panigurado umuusok na naman ang tenga non.

Ginising nalang ako ni Dex dahil kakain na daw.

“Ano, ayos kana ba?” -Dex

“Oo ayos na ako ang galing kasi nang Nurse ko, Parang ang sarap ulit magkasakit”

“Tumigil ka nga dyan, Wag mong hilingin na magkasakit ka dahil may mga taong nag-aalala sayo” -Dex

“Parang wala naman ata”

“Ako nag-aalala sayo, Ay ang ibig kong sabihin kami ni Tita Rose. Kaya tara na para makapag-almusal na tayo” -Dex

Aalis na sana si Dex pero hinawakan ko sya sa kamay na ikinataka nya.

“Bakit may kailangan kapa ba?” -Dex

“Ah eh wala naman, Masaya lang ako kasi okay na tayo”

Ngiti lang ang sinagot ni Dex at naglakad na aya papunta sa kainan nila ako naman ay sumunod nalang sa kanya na may ngiti sa mga labi.

DEX’S POV

“Mark lumabas ka dyan!!!!!!”

Sabay-sabay kaming napatayo nila mama nang may narinig kaming sumisigaw sa labas nang bahay namin.

“Sino yon?” -Mama

“Ma ako na po ang titingin”

Tumayo na ako para puntahan kung sino ang sumisigaw sa labas nang bahay namin.

Alam kong si Sheena yon, Pero hindi ako sigurado kung sya talaga yon.

Paglabas ko nang bahay ay naabutan ko si Sheena, Mukhang galit na galit talaga sya.

“Asan si Mark!? Ilabas mo si Mark!” -Sheena

“Ano bang problema mo? Magkaroon ka naman ng konting hiya, Wag kang mag eskandalo dito nakakahiya sa mga kapit bahay”

“Wow ako pa talaga ang dapat mahiya? Hindi ba dapat ikaw yon, Kasi asawa ng may asawa nilalandin mo pa!” -Sheena

“Hindi totoo yan, Pwede ba tumigil kana”

“Bakit ayaw mobang marinig ng mga kapit bahay mo na malandi ka? Ayaw mo ba na malaman nila na naninira ka ng pamilya.” -Sheena

Hindi ko alam kung paano ko eexplain kay Sheena na hindi ko nilalandi si Mark at wala akong balak na sirain ang pamilya nila, Masyadong sarado ang utak ni Sheena kaya hindi nya tatanggapin ang mga paliwanag ko.

Mayamaya ay lumabas nadin si Mama at kasama si Mark.

“Sheena anong ginagawa mo dito?” -Mark

Lumapit agad si Sheena kay Mark at isang malakas na sampal ang pinakawalan nya.

“Buong magdamag ako nag-antay sayo, Alalang-alala ako dahil baka kung napaano kana o di kaya kung ayos kalang ba o kung kumain kaba. Tapos eto lang ang makikita at malalaman ko? Nandito kalang pala kala Dex!” -Sheena

“Sorry Sheena naiwan ko yung Phone ko kala Tyrone kaya hindi ko nasabi sayo kung nasaan ako”

“Kaya nga eh, Mabuti nalang at si Tyrone ang sumagot. Kaya nalaman ko na umalis kadin sa kanila agad at naisip ko na baka nagpunta ka dito at hindi nga ako nagkamali.” -Sheena

“Tara na umuwe na tayo” -Mark

“Hindi ako uuwe, Ipapamukha kopa dito sa Bestfriend kung saan lang dapat sya lumugar sa buhay mo” -Sheena

Lumapit sakin si Sheena at mabilis akong sinampal sa kanang pisngi.

“Para yan sa lahat ng sakit na naidulot mo sakin”

At isang sampal naman ang tumama sa kaliwang pisngi ko.

“Para naman yan sa pagulo sa pamilya na pinapangarap ko”

Sasampalin pa sana ako ni Sheena pero sinalag ni Mama yung sampal nya.

“Wala kang karapatang sampalin ang anak ko” -Mama

“At bakit? Malandi ang anak nyo, Inaagaw nya si Mark inaagawan nya nang tatay ang anak ko! Alam mo bayon? O baka naman kinukunsinti mo lang ang mga ginagawa ng anak mo?! Dahil katulad mo malandi ka din!? -Sheena

Hindi ko nagustuhan ang sinabi ni Sheena kaya ako na ang lumapit sa kanya at hinawakan ang dalawang kamay nya para pigilan sya.

“Wag mong ubusin ang pasensya ko Sheena”

“Ikaw na ang nang agaw. Ikaw pa ang nagmamatapang” -Sheena

“Uulitin ko sayo Sheena at ipasok mo dyan sa makitid mong utak. HINDI-KO-INAAGAW-SI-MARK!  Mahirap bang intindihin yon?”

“Sinungaling ka! Hindi ako naniniwala sayo” -Sheena

“Sinabi kona ang dapat kong sabihin at hindi kona kasalanan kung ayaw mong maniwala.”

Pagod na ako mag explain pa kay Sheena, Kahit ano naman kasing paliwanag ang gawin ko hindi rin sya makikinig dahil yung alam nya lang ang pinaniniwalaan nya.

Lalapit pa sana sakin si Sheena pero pinigilan sya ni Mark.

“Tama na Sheena! Hindi kaba nahihiya sa ginagawa mo?! Bigyan mo naman nang konting kahihiyan ang sarili mo” -Mark

“Kayo ang dapat mahiya dahil sa ginagawa nyo, Mga manloloko!” -Sheena

“Wala kaming ginagawang masama” -Mark

“Mark ayoko na! Pagod na pagod na akong umintindi sayo! Ngayon mamili ka, Kami nang anak mo? O ayang Bestfriend mo?!” -Sheena

“Sheena ano bayang pinagsasabi mo. Hindi naman kailangan umabot pa sa ganito”

“Manahimik ka Dex, Hindi ikaw ang tinatanong ko” -Sheena

Hindi nakaimik si Mark sa sinabi ni Sheena. Kahit hindi ko alam kung anong magiging sagot nya, Pero kung ako ang tatanungin dapat mas piliin nya si Sheena at ang anak nila dahil Bestfriend lang naman ako.

“Ano bang klaseng tanong yan Sheena?” -Mark

“Bakit hindi ka makasagot agad? Mahirap ba? O baka naman mas pinipili mo si Dex kesa samin nang anak mo!” -Sheena

“Mark sige na iuwe muna si Sheena para makapag-usap kayo nang maayos, At Sheena kahit kailan hindi ko ugali ang manira nang pamilya. Sorry kung iniisip mo na inaagaw ko sayo si Mark, Sorry kung akala mo na mas mahal nya ako kesa sa inyo ng anak mo. Pero maniwala kaman o hindi, Wala akong ginagawang masama” Hindi na kaimik si Sheena sa sinabi ko ni minsan hindi sumagi sa isip ko na manira nang pamilya para lang makuha ang taong gusto ko. Nagbalik ako dito dahil gusto kong mas lumago pa yung negosyo nang pamilya pero biglang ganito ang kinalabasan yung mga taong dating naging parte nang buhay ko ay isa-isa nang nagbabalikan. Pumasok na kaming dalawa ni Mama, Away nilang dalawa yon at labas na ako ang magagawa ko nalang ay sabihin ang totoo na wala kaming ginagawang masama ni Mark, Dahil kami mag Bestfriend lang. . . . . . MILE’S POV

“BINIBIGYAN NALANG PO NAMIN KAYO NANG DALAWANG ARAW PARA MAKALIPAT! KUNG HINDI MAPIPILITAN KAMING PAALISIN KAYO!”

Lalong uminit ang ulo nang mga kapit bahay ko dahil sa sinabi nang lalaking mayabang.

Pinaalis na kami sa titirhan namin dahil may nakabili na daw nang lupa, Nakakalungkot lang kasi dito ako sinilang at lumaki sa lugar nato tapos papaalisin lang kami.

Pero syempre bilang mga tao, Lumalaban kami at hindi kami bastabasta papayag na mapaalis kami dito.

Lumapit ako sa isang lalaki na mukhang mabait at nakiusap.

“Sir baka naman magbago pa ang isip nyo, Wala kaming matitirhan kaya please wag nyo na kami paalisin” pagmamakaawa ko.

Kung kinakailan na lumuhod ako gagawin ko wag lang kami mapaalis dito.

“Miss napag-utusan lang kami nang nakabili nang lupang ito, kaya kung makikiusap ka wag sakin”

“Kanino ako makikiusap sabihin nyo kuya” Lumapit sakin si kuya at bumulong.

“Kay Mr. Ramirez”

“Ramirez? Saan ko naman sya matatagpuan?”

Desperada na akong malaman kung saan ko makikita ang nakabili nang tinitirikan nang bahay namin.

Binulong ulit ni kuya sakin kung saan ko pwedeng matagpuan yung Mr. Ramirez nayon, Ramirez? Parang pamilyar sakin yung surname nya hindi ko lang maalala kung kailan at saan.

Kailangan ko talaga syang makausap para mapakiusapan ko na wag na kaming paalisin.

“Bibigyan namin kayo nang isa pang linggo para makaalis sa lugar nato! At pagkatapos non ay pasensyahan nalang po tayo!”

Nakakainis talaga, Bakit kasi sa nilawaklawak nang Pilipinas dito pa talaga sa lugar namin napili nilang magtayo nang mga buildings nila.

Kaya kailangan kona talaga maka-usap ang Mr. Ramirez nayan dahil hindi ako makakapayag na paalisin nya nalang kami.

DEX’S POV

“Dex saan mo gustong pumunta?” Tanong sakin ni Dan.

Magkasama kami ngayon dito sa bahay dahil pursigido daw sya na mapa OO ako #habananghair .

Hindi mahirap mahalin si Dan dahil halos nasa kanya na ang lahat ng katangian na hinahanap mo sa isang lalaki.

“Dan sigurado kaba talaga?”

“Sigurado saan?” -Dan

“Na ligawan ako”

“Oo naman, Bakit? Ayaw moba?” -Dan

“Hindi naman sa ayaw, Kasi alam mona Bakla ako maraming huhusga sayo, Maraming tao ang hindi makakaintindi sayo at maraming tao ang pagtatawanan ka”

Biglang sumiryoso si Dan at tumingin sakin.

“Naisip ko rin ang bagay nayan dati Dex, Sinubukan ko naman pigilin pero anong magagawa ko? Sadyang hindi mo mapipigilan ,,p pusong nagmamahal” -Dan

“Salamat kasi hindi ka nagsawang mahalin ako, Salamat kasi kahit ilang beses na kitang nasaktan hindi mo padin ako iniwan”

“Kasi nga Mahal kita” -Dan

Dahan-dahan lumapit sakin si Dan at nilapit nya ang mukha nya sa mukha at ang sumunod na nangyari ay hinalikan nya ako.

Hindi ako nakagalaw sa halik nayon, Parang kinuryente ang buo kong katawan.

“Oopss sorry mukhang nakaistorbo ata ako”

Natigil kami pareho ni Dan nang marinig namin ang boses ni Mama. Para tuloy akong binuhusan nang malamig na tubig, Si Dan naman ay pinagpawisan.

“Ma? Ka-ni-na paba kayo dyan?”

“Hindi naman sakto lang” -Mama

“Magandang hapon po tita” -Dan

Lumapit si Dan kay Mama at nagmano sya dito, Gusto kong tumawa kasi alam kong ayaw ni mama ng mga ganon dahil nakakatanda daw ahahaha.

“Nako ito namang manugang ko, Beso-beso nalang dapat lakas kasi maka Lola ng pagmamano eh” -Mama

“Ah sorry po tita, Sige po next time”

“Wag na tita itawag mo sakin, Mama nalang dun din naman papunta yon” -Mama

Parang gusto kong matunaw sa mga sinasabi ni Mama huhu pano nya nasasabi yon?

“Ma? Anong sinasabi nyong Manugang? At Mama?”

“Bakit hindi paba? Kayo na diba?” -Mama

“Ma naman advance kayo masyado. Nanliligaw palang po si Dan”

“Opo Tita, Ay Mama pala. Nanliligaw palang po ako sa anak nyo” -Dan

“Oh sya kayo bahala, Basta sabihan nyo nalang kami kapag magpapakasal na kayo” -Mama

“Ma isusumbong talaga kita kay Papa”

“Sige isusumbong din kita nakikipag kiss ka” -Mama

“Charot lang Ma, Kayo naman hindi mabiro. Sige na Ma puntahan muna sila Papa”

Si Mama kahit kailan talaga kontrabida sa buhay ko haha.

“Ang kulit talaga ni Mama noh?” -Dan

“Mama talaga?”

“Diba nga sabi nya dun din naman yon papunta?” -Dan

“Dyan ka na nga Maliligo na muna ako”

“Samahan na kita Gusto mo?” -Dan

“Gusto mo sapak?”

“Sabi ko nga hihintayin nalang kita dito” -Dan

Pati si Dan tuloy nadadamay na sa kalokohan ni Mama, Samahan daw ba ako sa pagligo? Nako wag na baka may mangyaring hindi maganda Wahaha.

CHAPTER 34

Kindly visit my FB PAGE  M2M Love Story para sa mas updated na mga chapters. Same Profile lang din, Thank you.

DEX’S POV

So ayon, Nandito ulit si Dan samin at sobra kong naappreciate yung effort nya halos araw araw nya kasi akong binibisita.

Bakla ako at hanggang ngayon ay hindi padin ako makapaniwala na may mga lalaking magmamahal sakin nang totoo at sana balang araw, Makilala at mahanap kona talaga ang lalaking para sakin.

Yung lalaking hindi ako iiwan at makakasama ko hanggang sa pagtanda.

“Gusto ka palang makilala ni Mama”

Nabigla naman ako sa sinabi nya, Pakilala agad?  Agad-agad?

“Hala we? Nakakakaba naman yan”

“Wag kang kabahan, Mabait yon si Mama” -Dan

“Kasi alam mona, About sakin”

“Kung about sa Gender mo walang problema yon dahil nasabi kona kay mama matagal na ang tungkol sayo, At ang sabi nya basta mahal ko Mahal na din nya.” -Dan

“Pwede bang wag muna ngayon? Nahihiya pa talaga kasi ako eh”

“Okay lang Dex hindi naman kita pinipilit basta ang importante ngayon ay matuloy yung Date natin” -Dan

Speaking of date, Ayan pala yung dahilan kung bakit nya ako sinundo sa bahay. Magdedate daw kami para makuha na nya ang matamis kong OO #Gandakonoh? #habanghair

“San ba kasi tayo pupunta?”

“Basta sumama ka nalang” -Dan

OEM G! San nya kaya ako dadalhin? Baka sa ano nayon haha, Alam nyo nayon. Nagbihis na ako para maalis nadin kami ni Dan at syempre simple look lang ako alangan naman mag gown pa ako.

Nagpaalam muna kami kay Mama dahil wala ngayon si Papa, Napapansin nitong mga nagdaang araw laging wala sa bahay si Papa at madalas umaalis ganon din si Mama, Tinanong ko naman sila Minsan kaso ang sagot nila ay may pinuntahan lang sila pero pakiramdam ko may tinatago talaga sila sakin.

“Ma aalis muna kami ni Dan”

“Okay, Ingat kayo” -Mama

Wow? Grabe talaga si Mama wala man lang pag-pigil na naganap? Parang hindi sya nag-aalala sakin huhu.

“Sige Ma alis na kami”

“Dan Ingatan mo ang anak ko ha? Baka dalhin mo yan sa ano, Basta alam mo nayon” -Mama

Parang gusto kong matunaw sa sinabi ni Mama huhu, Ano bang nasa isip nya? Kahit hindi nya direktang sabihin yon alam ko kung anong ibig sabihin nya.

“Haha opo Ma, Ako pong bahala sa Anak nyo” -Dan

“Aalis na kami Ma, bye!”

Hinila kona palabas nang bahay si Dan dahik baka kung ano naman ang masabi ni Mama sa kanya.

“Ang kulit talaga ni Mama noh?” -Dan

“Ah eh sinabi mo pa”

“Nako sigurado ako pagnagkita sila ni Mama magkakasundo sila, Medyo makulit din kasi ang Mama ko” -Dan

My gosh?! Meron pang kagaya ni mama? Isa nga lang halos hindi kona kinakaya, Madadagdagan pa? What the!!!!

“Talaga? Gusto kona nadin makilala si Tita”

“Okay sige, Next time ipapakilala na kita sa kanya” -Dan

Excited na ako sa pupuntahan namin ni Dan, Pero kung saan man yon ay okay lang.

Huminto kami ni Dan sa isang kalye at bumaba na kami.

“Dan anong ginagawa natin dito?”

Nagtatakang tanong ko.

“Diba mahilig ka sa mga street foods? So dinala kita dito. Alam ko kasi mas magugustuhan mo kung dito kita dadalhin” -Dan

Hindi pa pala nakakalimutan ni Dan ang tungkol sa nbagay nayon. Pinagmasdan ko ang paligid medyo maraming tao at nagkalat ang ibat-ibang nagtitinda ng street foods.

Sobrang namiss ko ang pagkain sa mga ganito, Lumapit agad ako sa nagtitinda nang kwek-kwek.

“Mukhang na Miss mo ang ganito ha?” -Dan

“Nako sinabi mo pa, Salamat talaga”

Tumusok agad ako nang kwek-kwek at sinawsaw sa sukang maanghang. Sumabay nadin si Dan at panay ngiti lang sya, Hindi ko tuloy maiwasang hindi kiligin dahil sa mga ginagawa nya.

Sunod na kinainan namin ay yung nagtitinda ng fishball at kikiam, Grabe sobrang enjoy ko talaga ang bawat minutong pagkain ko.

At syempre hindi mawawala ang nagtitinda ng mga masasarap na palamig. Simple at mura lang ang date nayon pero sobrang saya ko naman dahil nakain ko ulit ang mga paborito ko.

“Dan salamat ha? Nabusog talaga ako. Sobra kong na miss ang ganito”

“Wala yon Dex basta ikaw, Kapag gutom ko pa kuha kolang ako bahala” -Dan

“Nako ayaw kona, Baka hindi na ako makalakad pauwe”

“Edi bubuhatin kita” -Dan

Hinampas ko ng mahina si Dan.

“Kikiligin naba ako sa sinabi mo?”

“Ikaw bahala,.Pero marami pa akong gagawin na mas ikakikilig mo pa” -Dan

Naexcite nama tuloy ako bigla sa mga sinabi nya. Nagbyahe ulit kami ni Dan, Huminto kami sa isang sementeryo. Nagtaka ako bigla kasi ano namang gagawin namin dito? Sumunod lang ako kay Dan hanggang sa huminto kami sa isang puntod, Yung awra ni Dan ay biglang naging seryoso.

“Hi Papa, Ito nga pala si Dex yung lagi kong kinukwento sa inyo. Alam nyo ba nililigawan kona sya ngayon at OO nalang nya ang hinihintay ko” -Dan

Hindi ko alam pero parang may kurot sa puso ko ang mga sibabi ni Dan, Patay na pala ang Papa? Bakit hindi man lang nya nasabi sakin dati?

“Dan?”

Humarap sakin si Dan at ngumiti sakin pero kita kopa din ang lungkot sa mga mata nya.

“Ayan ang Papa ko, Kaya lang wala na sya kaya hindi mona sya makikilala ng lubos. Pero mabait yan si Papa.” -Dan

Niyakap ko nalang si Dan para kahit sa ganoong lamang ay mabawasan ang bigat na nararamdaman nya.

“Hindi pa naman huli ang lahat para makilala ko ang Papa mo diba? Pwede mo naman ikwento sakin kung ano ang ginawa nya nung nabubuhay pa sya”

Sabi nila kapag pinakilala kadaw nang lalaki sa magulang nya ibig sabihin ay seryoso talaga yon.

“Sige pag may time ikukwento ko sayo” -Dan

“Dan kapag kailangan mo nang seryosong kausap nandito lang ako ha? Wag kang mahiyang mag kwento sakin”

“Oo naman, Basta Wag mo ako iiwan ha?” -Dan

“Bakit naman kita iiwan?”

“Pano kung bumalik si Nathan?” -Dan

Sandali akong natahimik sa sinabi ni Dan, Pano nga kaya kung bumalik si Nathan? Lalong gugulo ang sitwasyon lalo pa ngayon at malapit na kami ni Mark.

“Kung may babalikan pa sya”

Ayan yung mga salitang kusang lumabas sa bibig ko.

“Anong ibig mong sabihin Dex?” -Dan

“Pano kung Mahal na kita? Alam mo kasi Dan aaminin ko sayo hindi madaling kalimutan si Nathan kasi ipinaramdam naman talaga nya sakin yung tunay na pagmamahal, Pero siguro pinagtagpo lang kami pero hindi kami naka tadhana para sa isat-isa. Pitong taon na ang lumipas at sa pitong taon nayon ay wala syang paramdam at ang tanging hawak kolang ay ang sulat na iniwan nya sakin. Sa tingin mo dapat pa ba akong umasa? Siguro dapat mas unahin at intindihin ko kung sino ang mga taong nakapaligid sakin ngayon kesa sa mga taong umalis at walang posibilidad na babalik pa”

Tumingin sakin si Dan at kita ko yung saya sa mga mata nya at dahan dahan syang lumapit sakin at hinalikan ako, This time ito yung halik na parang mahal na mahal nyo yung isat-isa.

Hindi mahirap Mahalin si Dan dahil nasa kanya na ang hahanapin mo sa isang lalaki. Kasama nadon ang pagtanggap sa pagkatao at kasarian ko.

“Mahal na Mahal kita Dex, Mula Noon hanggang ngayon” -Dan

“Mahal din kita Dan”

“So tayo na?” -Dan

Ngumiti ako at tumango sa kanyo.

“Talaga?” -Dan

“Bakit ayaw mo ba?”

“Yes!!!!!!!!” -Dan

Sa sobrang saya ni Dan ay binuhat nya pa ako, Pero saglit lang yon dahil mukhang nabigatan sya sakin haha char!

“Narinig mo bayon Pa? Kami na ni Dex sinagot na nya ako”- Dan

“Dan wag kang maingay baka magising lahat ng patay dito”

“Haha sorry na masaya lang ako, Mamaya pag-Uwe ko sasabihin ko kay Mama na tayo na” -Dan

“Sige ikaw bahala, Ako din sasabihin ko din pag-uwe ko mamaya”

Hindi ko na pinatagal ang pagsagot kay Dan , Dahil seryoso naman sya sakin. Alam kong hindi ako sasaktan ni Dan, Pero kung saktan man nya ako sigurado akong may dahilan sya.

Hinatid ako ni Dan pauwe samin at syempre sinabi ko agad kala Mama at Papa ang tungkol samin ni Dan, Si Papa pinayuhan ako na dapat mas maging matalino na ako sa pag-ibig ngayon dahil sa naging karanasan ko at si Mama naman ay tuwang tuwa dahil may anak na daw syang lalaki.

Kinabukasan ay tumawag sakin si Miles dahil may sasabihin daw sya sakin at sinabi ko din sa kanya na maysasabihin din ako.

“Be anong sasabihin mo sakin?” Tanong ni Miles sakin.

“Kami na ni Dan”

Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa at sinabi kona agad sa kanya.

“Talaga!!!!! Wow! Congrats!!!” -Miles

“Eh ikaw anong sasabihin mo sakin?”

“Ano kasi be, Pinapalayas na kami sa lupang kinatatayuan ng bahay namin” -Miles

“Ano?! Bakit naman?”

“Syempre papatuyuan nila ng mga bagong establishment at building yung lugar namin” -Miles

“So ano nang gagawin nyo? San na kayo titira?”

“Yun na nga be eh, Kaya kita tinawagan dahil magpapasama sana ako sayo para kausapin si Mr. Ramirez” -Miles

“Mr. Ramirez? Sino yon?”

“Sya yung may-ari nang lupa samin, At gusto na nya kami paalisin. Kaya be samahan mo ako, Natatakot kasi ako na Mag-isa” -Miles

“Sige be sasamahan kita”

“Yowwn, Salamat” -Miles

Hindi ako nagdalawang isip na samahan si Miles dahil kaibigan ko sya at kung ang pagsama ko sa kanya ang matutulong ko para hindi sila mapaalis ay gagawin ko, Tutulungan ko di sya na makausap si Mr. Ramirez para lang mag stay sila sa tinitirhan nila.

“Kuya baka pwede po naming makausap si Mr. Ramirez” pagmamakaawa ni Miles sa Guard.

“Mam hindi nga po pwede, Kailangan po may appointment kayo sa kanya.”

“Kaya nga po, Saan po kami pupunta para makapag appointment sa kanya?” -Miles

“Pasensya na po Mam masyado po syang busy baka hindi nya lang kayo pansinin”

Nakakainis yung Guard kasi halata naman na ayaw nya kaming kausapin.

“Kuya baka naman po may ibang paraan para makausap namin si Mr. Ramirez”

Nakisali na ako sa usapan nila, Naaawa kasi ako kay Miles. Time is Gold kaya kailangan na nyang makausap yung Mr. Ramirez nayon.

“Ang kulit nyo naman sinabi ngang hindi pwede, Umalis nalang kayo dahil nakakaistorbo lang kayo sa ibang taong pumapasok dito”

“Sir, Saglit lang po kakausapin kolang po talaga sya saglit” -Miles

Disidido talaga si Miles na makausap yung Mr. Ramirez kaya papasok na sana sya kaya lang naitulak sya ng  Guard. Agad naman akong lumapit kay Miles at tinulungan sya na makatayo.

“Kuya bakit nyo naman po sya tinulak?”

Medyo napataas na ang boses ko kasi hindi tama ang ginawa nya at nakasakit na sya ng ibang tao.

“Kasi ang kulit nyo, Sinabi ko na ngang bawal namimilit pa kayo”

“What’s happening here?”

Napatingin agad ako sa nagsalitang Babae, tinitigan ko sya mula ulo hanggang paa at masasabi ko na maganda sya at mukhang mayaman.

“Mam kasi po namimilit po sila na pumasok” -Guard

“Mam pasensya napo, Gusto lang po talaga makausap ng Kaibigan ko si Mr. Ramirez” sagot ko sa babae.

Huminga nang malalim gung babae, Bago nagsalita.

“Okay  fine, Sumama na kayo sakin papasok”

“Pero Mam baka magalit si Boss kapag nagpapasok ako nang wala nyang pahintulot”

“Did you hear me? Ako na ang bahala kaya wala kanang dapat ipagalala”

Wala nang nagawa yung Guard ng mag salita na si Ateng Girl, Kanina para syang liyon tapos ngayon biglang naging kuting.

Sumama na kami papasok ni Miles, Grabe mga besh kung maganda ang labas mas maganda sa loob at halos lahat ng makasalubong namin ay binabati sya.

Siguro boss sya dito? O baka naman Girlfriend nang may ari o di kaya sa kanila tong building nato.

Ilang minuti din ang paglakad namin hanggang sa makapasok kami sa office nya at yung bag na dala nya ay nilagay nya sa lamesa.

“By The Way ako nga pala si Analiza Ramirez Ana nalang for short”

“Kaano-ano nyo po si Mr. Ramirez?” tanong ni Miles.

“He is my dad” -Ana

Unti-unti naging malinaw sakin kung bakit hindi nakapalag yung guard sa kanya kanina, Tapos yung mga employees na nakakasalubong namin ay sobrang galang sa kanya. Anak pala sya nag may-ari ng building nato.

“Nako Mam sorry po, Hindi po namin alam”

“No it’s okay, Bakit nyo nga pala hinahanap ang daddy ko?” -Ana

“Mam baka po matulungan nyo kami na hindi mapaalis sa tinitirhan namin, Yung daddy nyo po kasi may ipapatayo ata don kaya gusto kaming paalisin” -Miles 1 Napabuntong hiningi si Ana at naupo, Kahit hindi kami ang mapapalayas ay kinakabahan padin ako kasi baka hindi matulungan ni Ana sila Miles.

“Okay, I will talk to my dad about that. But i can’t promise na macoconvince ko sya” -Ana

“Okay lang po yon Mam basta makausap nyo lang ang daddy nyo at baka sakaling magbago ang isip nya” -Miles

Biglang nabuhayan nang loob si Miles dahil sa naging sagot ni Ana, Mabait naman pala sya hindi sya kagaya ng ibang mayayaman na matapobre na akala mo mabibili ang lahat ng pera.

Hindi rin kami nagtagal ni Miles sa Pakikipag-usaap kay Ana mukhang marami pa kasi syang gagawin.

“Be sana makausap ni Mam Ana yung daddy nya para hindi kami paalisin sa tinitirhan namin” -Miles

“Sana nga.”

Sana hindi sila Mapaalis dahil pagnagkataon ay walang tutuluyan sila Miles.

Pashnea kasing mga negosyanteng yan eh, Hindi nila iniisip yung maapektuhan basta sila lumago lang ang negosyo nila para yumaman ng yumaman.

CHAPTER 35

DEX’S POV

“Anak inuumpisahan nang itayo yung isa pang Branch nang Grocery Shop natin, Pupunta kami don ngayon nang Papa mo pati ni Kyline. Gusto mo ba sumama?” -Mama

“Next time nalang Ma, May lakad pa po kami ni Dan ngayon.”

Kinurot naman ako bigla ni Mama sa tagiliran kaya napasigaw ako.

“Maaaaaaaaaa!!!!!!”

Weakness ko kasi ang tagiliran konting sagi lang nakikiliti agad ako.

“Ang OA mo Dex” -Mama

“Eh kasi, Alam mo naman na may kiliti ako dyan eh”

“Ay oo nga pala noh? Sorry nakalinutan ko, Hayaan mo Next time sa leeg naman” -mama

“Joke yan Ma?”

“Hindi, Bakit?” -Mama

“Isusumbong kita kay Papa inaaway mona naman ako. Pero maiba tayo Ma, Kamusta na pala yung Pag-aaral ni Kyline hindi ko nadin kasi sya naihahatid eh”

“Okay naman ang kapatid mo” -Mama

“Talaga Ma? Wala bang umaaway sa kanya?”

“Wala naman, Bakit?” -Mama

“Wala yon. Naisip ko lang kasi alam mona away bata”

“Nako subukan lang nila awayin ang kapatid mo lagot silang lahat sakin.” -Mama

Kita nyo na? Ganyan ka warla ang Nanay ko lahit bata papatulan nyan basta naapi kami hahaha. Kaya nga hindi kona pinaalam sa kanya yung ginawa nang lukaret na asawa ni Mark.

Subukan nya lang talaga ulitin yon at malaman ko lang na sinasaktan nya ang kapatid ko ay ako Mismo ang makakalaban nya.

“Ma akala koba aalis na kayo? Bakit ang tagal nyo pa dito?”

“Eto nga aalis na, Pero Anak yung pisngi mo pakiayos dahil para kang sinampal ng elepante” -Mama

Nakangising lumabas si Mama ng kwarto at agad naman akong tumingin sa salamin at nakita ko na palaban ang pisngi ko dahil sobrang pula. Nagtry lang naman kasi ako pero hindi ko naman akalain na pupula ng ganito kumuha agad ako ng wipes at kinuskos ang mukha ko.

Nagkita kami ni Dan sa isang park dahil gusto nya daw ma relax, Sa isip-isip ko pano sya marerelax eh ang daming tao sa park baka maingayan lang sya. Pero ng tanungin ko sya ay kaya daw Park ang napili nya dahil duon daw sya madalas dahil ng Papa nya.

Ang daming dalang pagkain ni Dan at tinulungan ko syang ilatad, Mga besh may pa Picnic ang mayor nyo haha.

Sa sobrang daming pagkain na dala ni Dan ay hindi ko alam kung anong uunahin ko, Lahat kasi masarap.

“Dex subuan kita” -Dan

“Ha? Wag na kaya ko na”

“Sige na, Boyfriend mo ako kaya dapat isusubo mo to” -Dan

Medyo na Green ako sa sinabi ni Dan ahaha alam nyo nayon mga VAKLA!! Vaklang twooo!!

Naiilang kasi talaga ako dito sa park ang daming tao tapos kung makatingin pa parang may ginagawa kang mali. Pero dahil boyfriend ko nga daw sya ay Wala akong Choice.

“Bakit ka tumatawa?”

“Wala” -Dan

Wala daw pero halatang pinipigilan nya yung tawa nya.

“Bahala ka nga dyan”

Kunwari nagtampo ako, Binaba ko yung kinakain ko at tumalikod sa kanya. Mayamaya ay may yumakap sakin.

“Sorry na Babe” -Dan

“Babe mo mukha mo”

“Sorry na nga” -Dan

Humarap ako kay Dan pero kunwari galit ako haha. Ang Cute ni Dan sarap biruin.

“Eh bakit ka tumatawa?”

Kumuha ng panyo si Dan at pinunasan ang gilid ng labi ko.

“May dumi ka kasi sa mukha” -Dan

“Talaga? Yun lang?”

“Oo promise, Alangan naman pagtawanan ko ang Babe ko” -Dan

“Sandali nga lang kanina kopa naririnig yang Babe mo, At kelan mo pa naisip na tawagin ako nyan?”

“Kanina lang” -Dan

“Masyado nang Common ang Babe”

“Okay lang yon, Babe is just a word ang importante mahal natin ang isa’t isa” -Dan

May point si Dan, Hindi naman importante ang mga words nayan at mga tawagan nayon dahil ang tunay na mahalaga ay yung feelings nyo.

“Ang drama mo ngayon Dan”

“Pasensya na Babe, Hanggang ngayon hindi padin ako makapaniwala na tayo na” -Dan

“Ako din naman, Kasi hindi ko akalain na sa pangalawang pagkakataon ay may magmamahal sakin at tanggap ako at ang kasarian ko.”

“Bakit ba isyu lagi ang kasarian ng isang tao?” -Dan

“Kasi nga, Lalaki at Babae ang para sa isa’t isa at ayon ang nakasanayan ng tao at syempre sabi daw sa bible si Adan ay para lang kay Eba, hindi katulad nito.”

“Pero wala namang nasabi na hindi pwedeng magmahal si Adan ng isa pang Adan diba?” -Dan

“Pero salamat talaga Dan sa pagtanggap at pagmamahal”

“Wala yon Babe” -Dan

Hahalikan na sana ako ni Dan nang biglang may narinig kaming sumigaw.

“Help!!!!!!!!!” rinig naming sigaw, Kinabahan ako bigla kahit hindi ko naman alam kung kanino galing yon.

“Ano yon?”

“Hindi ko alam Babe” -Dan

Tumayo kami pareho at nakita namin yung isang babae hinahabol yung mama na tumatakbo at halatang magnanakaw yung mamang yon.

Pagdating nung mama sa direksyon namin ay pinatid sya ni Dan kaya natumba sya at nabitawan yung bag agad ko namang kinuha yon, Wala nang nagawa yung magnanakaw kundi ang tumakbo paalis kasi marami nading tao sa park at kung hindi sya aalis kaagad ay baka mabugbog sya ng mga tao dito.

“Thank your for helping me”

Pagabot ko sa bag nang babae ay namukhaan ko sya.

“Ana?”

“Dex?”

“Magkakilala kayo Babe?” -Dan

“Ah eh oo, Pero mahabang kwento basta kilala ko sya haha”

“What a small world, Hindi ko akalain na magkikita tayo ulit at sa ganitong situation pa. But again thank you” -Ana

“Wag ka sakin mag Thank you, Sa kanya ka magpasalamat sya naman ang pumatid dun sa magnanakaw”

Humarap naman sya may Dan at nakipag kamay.

“Thank you Mr.?” -Ana

“Daniel, Dan for short. Boyfriend ni Dex”

Pashnea to si Dan dirediretso wala man lang preno haha.

“Oh really? Ang cute naman” -Ana

“Ano palang ginagawa mo dito sa Park?”

“Inaantay kolang yung Fiancè ko, Madalas kasi kami dito sa Park” -Ana

Wow? Ikakasal na sya?! Ahhhhhhh buti pa sya, Ako kaya kailan ikakasal?

“Talaga? Congrats ha”

“Thank you, By the way Birthday na pala nya next week and i want you come” -Ana

May kinuha sya sa bag nya at inabot sakin.

“Here’s the invitation isama mo na din ang Boyfriend mo pati yung kaibigan mo” -Ana

“Hindi ba nakakahiya? Mukhang mayayaman lahat ng pupunta dito at baka sabihin ng Fiancè mo mga outsider kami”

“It’s okay Dex, Pumunta na kayo para maipakilala ko din kayo sa Fiancè ko anf I’ll tell him na tinulungan nyo ako para makuha yung gamit ko sa magnanakaw. Pano una ako ha? aasahan ko kayo Don. Thank you again” -Ana

Hindi na ako nakapagsalita dahil umalis na agad si Ana, Huhu gastos na naman to.

“Babe ayaw mo ba pumunta?” -Dan

“Hindi naman sa ayaw, Kasi baka ma OP lang tayo don”

“Hindi yan, Kasama mo naman ako. Pati si Miles” -Dan

Ewan koba para kasing may pumipigil at nagsasabi sakin na wag pumunta sa party nayon. Dahil may mangayayaring hindi maganda.

Habang nasa byahe kami ni Dan ay iniisip ko padin kung anong dadalhin kong regalo para sa fiancé ni Ana.

“Dan ano kayang magandang regalo?”

“Nako Babe hindi ko alam, Iba-iba kasi ang taste naming mga lalaki” -Dan

“Eh ano bang taste mo?”

“Ikaw”

agad na sagot sakin ni Dan at ngumisi pa, Hinampas ko nalang sya kasi seryoso yung tanong ko eh.

“Loko ka talaga”

“Oo nga pala Babe, Gusto kana pala makilala ni Mama” -Dan

Narinig ko palang yung salitang Mama ay kinabahan na agad ako huhu pano nato? Anong gagawin ko? Pano ko kakausapin si Tita?

“Dan kinakabahan ako”

“Wag kang kabahan kasama mo ako at hindi kita iiwan” -Dan

Ang sarap pakinggan yung mga salitang ‘KASAMA MO AKO AT HINDI KITA IIWAN’  ayoko na ulit maranasan ang maiwan kaya ipapangako ko na gagawin mo ang lahat para hindi ako iwan ni Dan.

Pagdating namin sa tapat nang bahay nila Dan ay lalo akong kinabahan, Pero hinawakan ni Dan ang kamay ko kaya kahit paano ay lumakas ang loob ko. Ang ganda nang bahay nila ni Dan at halatang umasenso na.

Pagpasok namin sa loob ng bahay ay nakasalubong agad namin ang Mama nya. Huhu mga baks ang sama ng tingin ni Tita parang hindi nya ako gusto dito.

“Siya ba si Dex?”

“Opo Ma” -Dan

“Good evening po Tita”

“Sige na pumunta na kayo sa kusina nagluto ako para makakain na kayo”

Pagkatapos yon sabihin ni Tita ay umalis na sya. OW EM Bakit parang galit sya?

“Dan ayos lang ba talaga na nadito ako?”

“Oo naman bakit?” -Dan

“Para kasing galit ang Mama mo”

“Ganon lang talaga yon, Hindi yon galit”

Inakbayan ako ni Dan at naglakad na kami papuntang Dining area nila.

Mayamaya ay dumating nadin ang mama nya at dala ang ulam na niluto nito, Amoy palang mukhang masarap na.

“Kumain na kayo habang mainit pa” -Tita

“Ma kukuha lang po ako nang Juice sa Ref” -Dan

Tumango naman si Tita kaya naiwan nalang kaming dalawa lalo tuloy akong kinabahan.

“Gusto kolang ang Tama para sa Anak ko, Nakita ko kung gaano sya kalungkot nang malaman nyang yung taong Mahal nya ay may mahal nang iba at Mas nalungkot pa sya nang iwan mo sya” -Tita

Kanina natatakot ako kay Tita pero ngayon nalulungkot na ako dahil kita ko sa mga mata nya na nasasaktan din sya.

“Sorry po”

Ayan lang ang salitang lumabas sa bibig ko, Hinawakan ni Tita ang isang kamay ko.

“Wag mo na ulit iiwan ang anak ko ha? Mahal ko yon eh sya nalang ang meron ako. Kaya lahat ng Mahal nya ay Mahal ko din” -Tita

“Salamat po, Wag po kayong mag-alala hindi ko po iiwan ang anak nyo”

“Salamat Dex” -Tita

“Tita ayos lang po ba sa inyo na ang karelasyon ng anak nyo ay isang gaya ko?”

“Bakit may mali ba don? Oo Babae at lalaki ang normal na magkarelasyon pero kung doon kayo sasaya pipigilin nyo bayon? Hahayaan nyo ba na ibang tao ang magdedesisyon para sa inyo? Alam mo Dex, May dahilan kung bakit ikaw ang pinili nang anak ko. Wag mong iisipin na Bakla kalang, Dahil espesyal ka, Lahat tayo espesyal at may karapatang mahalin”

Ang sarap sa pakiramdam ng mga sinabi ni Tita para akong nabuhayan at naka achieve nang isang bagay na gusto konang makuha.

Mayamaya pa ay dumating na si Dan at may dalang Juice.

“Buti naman nakapag-usap na kayo” -Dan

“Ah eh oo, Tagal mo kasi eh”

“Sabi ko sayo mabait si Mama eh” -Dan

“Oo mabait nga si Tita”

Tumitig nalang ako kay Dan, Sobrang thankful ako kasi nakilala ko at dumating sa buhay ko si Dan isa sya sa mga taong nagtanggol sakin at nagtiwala na kaya ko kahit bakla ako.

“Babe bakit ka nakatitig sakin?” -Dan

“Wala, May naalala lang ako”

“Nako babe baka lalo kang mainlove sakin” -Dan

Ilang beses koman nasaktan si Dan pero hindi nya padin akong sinukuan.

Ilang beses koman nasabi kay Dan na hindi ko sya Mahal pero patuloy nya padin ang minahal.

At iniwan ko man sya ay naghintay padin sya sakin at umasang babalik ako at sa pagkakataon nayon ay Love Story naman namin ang bubuuhin.

Tanga nalang siguro ang iiwan at mananakit sa gaya ni Dan.

CHAPTER 36

DEX’S POV

Aligaga na naman ako dahil hindi ko alam kung anong susuutin ko huhu.

Bakit ba kasi na invite pa kami sa party ng Fiancé ni Ana, Pero may isang bagay ako na naalala.

Ngayong araw din ang Birthday ni Nathan, Naghanda din kaya si Nathan ngayon?.

Ilang minuto akong nakatanga bago ko napagdesisyonan kung anong susuutin ko, Sinundo ako ni Dan at dinaanan naman namin si Miles.

Naawa padin ako kay Miles kasi iniisip pa din nya kung paano sila hindi mapapaalis, Kung May magagawa lang talaga ako.

Pagdating namin sa bahay nila Ana na mala Palasyo ay nagsampong isip pa ako kung tutuloy kami kasi parang mayayaman talaga ang mga inbititado, Bawal ding pumasok kapag walang invitation

Habang hinahanap namin ang pwesto namin ay may napansin akong mga lalaki, mga lalaki na kakilala ko at naging parte din ng Highschool life ko.

“MATTHEW? STEVE? DAVE? ANTHONY?”

Para silang nakakita nang multo nang isa-isa kong binanggit ang mga pangalan nila.

“Dex? A-anong ginagawa mo dito?” -Dave

“May nag Invite lang samin dito, Kayo bakit kayo nandito? Kilala nyo ba yung May Birthday?”

Hindi ko alam kung ako lang ang nakapansin pero biglang naging aligaga yung apat, Parang may hinahanap sila na ewan.

“Ano kasi Dex si––”

“Dex”

Hindi na natapos ni Dave yung sasabihin nya dahil biglang dumating si Ana at nakipag beso beso samin. Inabot naman agad namin yung binili naming regalo para kay Ana.

“I’m glad you’re all here, Akala ko hindi kayo pupunta eh” -Ana

“Medyo traffic lang kasi kaya na late kami”

“Pano pupuntahan ko muna yung Fiancè ko ha? Later ipapakilala ko kayo sa kanya” -Ana

Ngumiti lang si Ana samin at naglakad palayo, Ang ganda ni Ana sa ayos nya para syang artista.

“Dex kamusta kana? Tagal din nating hindi nagkita ah” bati sakin ni Anthony.

“Oo nga eh at dito pa talaga tayo magkikita kita”

“Kilala mo din pala si Ana? Paano? At kailan pa? Matagal naba kayong magkakilala?”

Sumingit bigla sa usapan namin si Steve at andami agad tinanong.

“Relax kalang sasagutin ko yan lahat. Nakilala namin si Ana dahil yung daddy nya ay bumibili sa lupang kinatitirikan ng bahay nila Miles at bago lang kaming magkakilala nyan”

“Talaga?  Eh yung fiancè nya nakita mo na ba?” -Steve

“Hindi pa, bakit? ikaw nakita mo naba?”

Biglang natahimik si Steve sa tanong ko at napatingin sa tatlo nya pang kaibigan, Parang nag-aantay ng sagot.

“Babe CR Lang ako saglit” -Dan

“Sige, Antayin ka namin dito”

“Babe? anong ibig sabihin non?” tanong sakin ni Steve nang marinig nya si Dan.

“Ang ibig sabihin lang non, Boyfriend ni Dex si Dan inshort mag jowa sila” Biglang singit ni Miles.

“Kelan pa? Matagal na ba kayo?” -Steve

“Bago lang sila” -Miles

“Mabuti naman naka Move on kana”

“At bakit hindi sya makaka Move on? Mas deserving naman si Dan kesa dyan sa Kaibigan nyo na nawala nalang na parang bula” -Miles

“Ay nako Miles ikaw ba ako? Ikaw na kasi sumagot lahat eh”

“Ay hahaha sorry na Beks, Nadala lang akes” -Miles

Si Miles talaga kaya minsan ayaw kong nagkukwento sa kanya kasi kapag naumpisahan yan nako Non-stop yan.

“Dex hanggang anong oras kaba dito? Hindi ba kayo uuwe?” -Steve

Parang may mali talaga sa kinikilos nilang apat,  Parang gusto na nila kaming paalisin at parang may tinatago sila hindi ko lang alam kung ano yon.

“Bakit gusto mo na ba kaming pauwiin?”

“Hindi naman sa ganon, Natanong kolang kasi diba hindi ka naman mahilig sa mga ganito dati” -Steve

May point naman si Steve kaya lang dati yon. Everything changed in the past seven years, Maraming nang nagbago sakin. Natigil lang kami sa pag-uusap nang magsalita si Ana sa Mike.

Pumuwesto na kami sa mga kanya kanya naming upuan at tumingin at nakinig kay Ana ang sosyal ng Birthday nato, Sabagay mga RK sila kaya ganito ka bongga ang Birthday Celebration.

Nagpasalamat si Ana sa mga dumalo sa Party ng Fiancè at pagkatapos non ay tinawag nya yung Fiancè nya paakyat sa stage at ikinagulat ko ang sumunod na nangyari.

Tama ba ang nakikita?

Hindi ba ako namamalikmata?

Tama ba ang pangalan na narinig?

Hindi ba ako namamali ng pandinig?

Si, Si Nathan ang Fiancè ni Ana?

Sandaling tumigil ang mundo ko at nakatoon ang atensyon ko kay Nathan. Hindi ako pwedeng magkamali si Nathan nga yon, Parang unti unting nadurog ang puso kong kakaayos lang mula sa pagkawasak.

Alam ko na hindi dapat ako naapektuhan ng ganito pero hindi ko padin mapigilan ang damdamin ko, Parang biglang bumalik lahat ng sakit ng makita ko si Nathan.

“Babe ayos kalang?” -Dan

Napatingin ako kay Dan at mukhang nag-aalala sya sakin, Pero nilakasan ki ang loob ko at umaktong normal lang lahat.

“Oo naman”

“Gusto mo ba umuwe na tayo?” -Dan

“Hindi babe ayos lang talaga ako, Nakakahiya naman kay Ana kung basta nalang tayo aalis ng walang paalam”

“Basta kung hindi kana komportable magsabi kalang, Uuwe na tayo” -Dan

Ngiti lang sinagot ko kay Dan si Miles naman ay napahawak nalang sa kamay ko at kahit hindi sya magsalita alam ko na nag-aalala sya sakin.

Sandali kaming nagkatitigan ni Nathan at halatang nagulat din sya nang makita nya ako, Nandon din pala sila Tita Emman at Tito Greg sa party kaya lang hindi na nila ako napansin dahil may mga kausap din sila.

“Dan Cr lang ako”

“Gusto mo samahan na kita?” -Dan

“Hindi na kaya kona mag-isa”

Naglakad na ako papuntang Cr at habang naglalakad ako ay halohalong emosyon ang nararamdaman ko kaya parang naglalakad ako sa kawalan.

Bakit sa dinadami na pwedeng makita ay si Nathan pa?

Akala ko kapag nagkita kami ulit ay kaya kona at hindi na ako maapektuhan pa, Pero bakit ganito ang nararamdaman ko ngayon?

Pagpasok ko sa Cr ay tumingin agad ako sa salamin at pinagmasdan at kinausap ang sarili ko.

’Dex bakit ang hina mo??? Bakit ang rupok mo??? diba pinangako mo sa sarili mo na hindi ka magpapaapekto pa kay Nathan kahit kailan?!

Naghilamos nalang ako para mahimasmasan ako at pagtingin ko ulit sa salamin ay Nakita ko si Nathan, Kaya napaharap ako bigla.

“Kamusta kana Dex?”

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko at na estatwa ng marinig ko ulit ang boses ni Nathan at makita ko sya ng malapitan. Pero may natitira pa naman akong lakas ng loob , kaya huminga ako ng malalim at sinagot sya.

“A-ayos lang naman”

“Wala pading nagbago sa itsura mo” -Nathan

“Talaga? Baka sa sabon kolang na ginagamit yan, Pano una na ako ha? Baka hinahanap na nila ako sa labas”

Lalabas na sana ako pero bigla akong niyakap ni Nathan mula sa likod..

“Dex namiss kita, Alam mo ba nang makita kita kanina sobrang saya ko akala ko hindi na ulit kita makikita” -Nathan

Ano bang sinasabi ni Nathan? Nagjojoke ba sya??? tinanggal ko yung kamay ni Nathan sa bewang ko humarap sa kanya.

“Masaya ako ng makita ulit kita, Pero May nag aantay sakin kaya Next time nalang tayo mag-usap”

Sa pangalawang pagkakataon ay pinigilan ulit ako ni Nathan na makalabas, Dahil ang sunod nhang ginawa ay hinalikan nya ako. Hindi ako nakakilos sa ginawa nyang halik at para ang na hypnotise sa ginawa nya, Ayaw nang isip ko pero gusto ng katawan ko. Gumanti ako sa halik ni Nathan pero bigla kong naalala si Dan kaya naitulak ko sya.

“Nathan ano ba?! Nababaliw kana ba?! Bakit mo ginawa yon?”

“Dex bakit ba nagagalit ka? Hindi mo ba ako na miss?” -Nathan

“Hindi, At wag mona ulit gagawin yon dahil ayaw kong maging kabit at tigilan mona ako”

“Dex seven years tayong hindi nagkita hindi mo man lang ba ako kakamustahin? Hindi ka man lang ba masaya dahil nagkita tayo ulit?” -Nathan

“Anong gusto mong gawin ko? Magtatatalon ako sa tuwa dahil nakita kita? Nathan maraming nagbago sa nakalipas na pitong taon at wag mong isipin na parang wala lang nangyari”

“Kaya nga mag-usap tayo diba? Para mapag-usapan natin ang satin” -Nathan

“Satin? Nathan matagal ng walang satin, Kaya please lang palabasin mona ako”

“Hindi ka pwedeng lumabas hanggat hindi mo ako kinakausap” -Nathan

“Ano ba talagang gusto mong sabihin?! Sabihin mona para matapos nato”

“Dex mahal kita! Hanggang ngayon mahal padin kita, Pitong taon akong nagtiis na hindi ka makasama pero Dex kung alam mo lang Madalas kitang dinadalaw sa probinsya nyo dahil gusto kong malaman kung okay kalang at kung masaya ka don. Hindi ako nagpapakita sayo dahil ayaw na kitang istorbohin alam ko kasing makakagulo lang ako sa buhay mo” -Nathan

“Akala ko sumama kay Tito Greg pabalik sa U.S?”

“Hindi ako sumama sa kanya dahil katangahan lang yon kung iiwan kita ulit” -Nathan

“Nathan naguguluhan padin ako”

“Tsaka kona ipapaliwanag, Sumama ka muna sakin” -Nathan

“Nathan hindi pwede”

“Bakit? Ayaw mo ba akong makasama?” -Nathan

“Maraming nagbago sa Nakalipas na Pitong taon, May Fiancè kana diba?”

“Hindi ko mahal si Ana, Napilitan lang ako kasi tinakot ko ni Daddy na sasaktan ka nya at hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyaring masama sayo” -Nathan

“Nathan may Boyfriend nako, Mahal nya ako at hindi ko kayang saktan sya.”

“Pero mahal mo ba sya?” -Nathan

“Oo Mahal ko sya at hindi ko sya sasaktan kaya palabasin mona ako dahil baka hinihintay na nya ako”

Wala nang nagawa si Nathan kundi ang palabasin ako, May part sa puso ko na masaya ako dahil nakita ko si Nathan pero hindi ko naman maatim na saktan at lokohin si Dan dahil mahal ko sya at kapag mahal mo ang isang tao hindi ka gagawa ng isang bagay na ikakasakit nya.

DAN’S POV

“Miles wala paba si Dex?”

“Wala pa nga eh, Baka mahaba ang pila” -Dan

Hindi maganda ang kutob ko. Siguro dahil nakita ko ulit si Nathan, Kanina kitang kita ko kung paano napako ang atensyon ni Dex kay Nathan medyo nasaktan ako sa part nayon kasi parang apektado padin si Dex kay Nathan.

Mayamaya ay nakabalik na din si Dex kaya lang parang malungkot sya.

“Sorry natagalan ako ang dami kasing tao” -Dex

“Sabi ko sayo Dan eh, Mahaba nga ang pila” -Miles

“Ganon ba, Tara maupo na muna tayo”

Niyaya kona silang umupo at ilang saglit pa ay dumating ulit si Ana at kasama nya si Nathan.

“Dex, Miles, Dan. Si Nathan nga pala may Fiancè” pakilala Ni Ana samin, Tssk kung alam nya lang na kilala namin ang lalaking yan.

“Nice meeting you all” -Nathan

Pinagmasdan ko si Dex at hindi sya makatingin ng diretso kay Dan pero nakangiti padin naman sya.

“Nathan sila nga pala yung kinukwento ko sayo na tumulong sakin. Si Dex at yung Boyfriend nya na si Dan” -Ana

“Boyfriend?” -Nathan

“Oo, Boyfriend. Why?” -Ana

“Oo Nathan Boyfriend ako ni Dex, Congrats nga pala at ikakasal kana sana maging masaya kayo”

Bakas padin sa mukha ni Nathan ang pagkagulat na ako ang Boyfriend ni Dex.

“Thank you Bro” -Nathan

“Welcome Bro”

This time naramdaman kong ako naman ang nanalo sa puso ni Dex, Sorry nalang si Nathan na sa akin na ang sinayang nya.

Hindi rin nagtagal sila Nathan sa pakikipag-usap samin dahil niyaya na sya ni Ana para kausapin ang iba pang bisita.

“Grabe ang liit talaga ng mundo noh?” -miles

“Gusto ko nang umuwe” -Dex

“Sigurado ka?”

“Oo, Medyo sumama kasi ang pakiramdam ko” -Dex

Nagpaalam na kami kay Ana bago kami umalis at hinatid ko si Dex hanggang sa kanila hindi ko na din sya tinanong kasi alam kong magsisinungaling lang din sya sakin.

NATHAN’S POV

Masaya ako dahil nakita ko ulit si Dex, Masaya ako dahil alam kong okay sya. Pero masakit kasi may Boyfriend na sya.

“Ana uuwe na ako”

“Ha? Hindi pa tapos ang Party, Baka hanapin ka nila” -Ana

“Then Entertain them”

“Sasama ako sayo” -Ana

“No need, Kaya kong mag-isa”

“Nathan please, I’m your Fiancè hayaan mong samahan kita” -Ana

“Bahala ka”

Sumama sakin si Ana hanggang sa bahay, Nawalan na ako ng gana sa Party na sila lang din naman ang may gusto. Pero thankful ako kasi dahil don ay nakita ko ulit si Dex.

“Nathan ano bang nangyari?”

“Nothing”

“Alam kong may problema ka, Tell me baka matulungan kita” -Ana

“Bakit ba ang dami mong tanong?! Sinabi ko na ngang wala diba?!”

“Nathan bakit ba ganyan ka sakin?” -Ana

“Wag mo akong tanungin baka masaktan kalang sa isasagot ko sayo”

Ayaw ko naman talaga maging bastos sa isang babae lalo na kay Ana pero kapag naalala ko kung paano kami pinagkasundo ng mga magulang namin ay naiinis ako sa sarili.

Sumama si Ana hanggang sa bahay namin pero hindi ko na sya pinapasok sa kwarto ko.

“Nathan bakit ba ayaw mo akong papasukin sa kwarto mo?” -Ana

“Basta, Ako lang ang pwedeng pumasok dito. Sa guest room ka nalang. Sige na inaantok na ako”

“Nathan kahit ginaganito mo ako hindi padin ako titigil na Mahalin ka. Dahil ang taong nagmamahal hindi sumusuko.”  -Ana

Ang taong nagmamahal hindi sumusuko? Parang hindi ko nagawa ang bagay nayan nung kami pa ni Dex dahil mahina ako at hinayaan ko na magkahiwalay kaming dalawa..

“Salamat sa mga sinabi mo dahil may na realize ako. Wag kang mag-alala dahil hindi ako susuko kung dati hindi ko nagawa. Ngayon gagawin kona”

Iniwan kona si Ana sa labas at pumasok ako sa kwarto ko. Ayaw na ayaw ko talaga kasing may pumapasok na ibang tao sa kwarto ko.

Hanggang ngayon kasi nakadikit padin sa kwarto ko ang malaking larawan namin ni Dex na magkasama.

Masaya pa kami dati pero nagbago lang dahil sa isang pangyayaring hindi namin sinasadya.

CHAPTER 37

DEX’S POV

Habang nasa byahe kami ni Dan ay pareho lang kaming tahimik, Nauna kasi naming hinatidi si Miles.

Iinisip ko padin ang naging tagpo namin ni Nathan, Aaminin ko may part padin sakin na masaya ako kasi nagkita kami ulit pero hanggang dun lang talaga yon.

Hanggang sa makarating kami sa bahay ay walang imikin, Bumaba si Dan at pinagbuksan ako ng Pintuan pero hindi man lang sya umiimik, Naglakad na ako paalis pero wala man lang sya sinabi na kahit ano.

Galit kaya sakin si Dan???

Tumakbo ako palapit kay Dan at hinalikan ko sya.

“Para san yon Dex?” -Dan

“Wag mong isipin na porke si Nathan magbabago ang lahat satin, Sinagot kita dahil gusto ko, Sinagot kita dahil Mahal kita. Kaya sana walang magbago”

Gumuhit ang malaking ngiti sa labi ni Dan at hinalikan nya din ako pabalik.

“Salamat Dex” -Dan

Hindi rin nagtagal si Dan at umalis nadin sya, Magaan na ang pakiramdam ko kasi alam kong okay kami ni Dan. Kahit bumalik na si Nathan ay wala padin dapat magbago, Dahil ang nakaraan hindi na dapat pang balikan lalo na kung puro masasakit ang naidulot sayo.

Oo naging masaya ako kasama si Nathan, Pero tapos nayon nasa next chapter na ako ng buhay ko.

Pagpasok ko sa bahay ay sinalubong ako ni Mama.

“Ma kamusta pala ang lakad nyo kanina?”

“Ayon okay naman, Maganda yung lugar at sigurado ako na magiging matao yon pag-nagkataon. Eh yung lakad nyo ni Dan kamusta?” -Mama

“Okay lang naman Ma, Medyo nakakapagod”

“Ano?! Pinagod ka ni Dan?!” -Mama

“Ma?! Nakakainis ka talaga, Seryoso ako”

Kung alam lang talaga ni Mama yung nangyari kanina, Na muling nag krus ang landas namin ni Nathan at nakita ko din sila Tita Emman at Tito Greg.

“Joke lang anak binibiro lang kita, Masyado kasing seryoso ang mukha mo ano bang nangyari at napagod ka?” -Mama

“Sa byahe lang Ma”

“Talaga? Sabi mo eh. Pero kausapin mo nga muna yung kapatid mo, Bigla-bigla ayaw nang pumasok sa school” -Mama

“Ano? Bakit daw?”

“Hindi ko nga alam, Ayaw sabihin sakin” -Mama

“Sige Ma, Ako na kakausap kay Kyline”

Bakit kaya biglang ayaw pumasok ng kapatid? Imposobleng walang dahilan yon. Pinuntahan ko agad si Kyline at naabutan ko syang naglalaro.

“Kuya!!!!!”

Tumakbo agad sya sakin at niyakap ako ang sweet talaga ng kapatid ko.

“Kyline ano yung sinasabi ni Mama na ayaw mona daw pumasok?”

“Kasi kuya ang hirap po nang tinuturo eh” -Ky

“Diba tinuro namin sayo na bawal mag sinungaling?, Yung totoo? Ano talaga ang dahilan?”

Kilala ko ang kapatid ko at alam ko kung nagsisinungaling sya o hindi.

“Kasi po kuya” -Ky

Hinawakan ko si Kyline para masabi nya sakin kung ano man ang gusto nyang sabihin.

“Wag kang matakot magsalita, Ano ba kasi yon”

“Aray!” -Ky

Napahawak agad si Kyline sa braso nya na hinawakan ko, Nang tingnan ko kung bakit ay nagulat ako sa nakita ko. May pasa si Kyline.

“Kyline anong nangyari dyan? Napano yan?”

“Yung Mama po ni Myla” -Ky

“Myla? Yung umaway sayo dati?”

“Opo” -Kyline

“Ganon ba? Sige matulog kana bukas kakausapin natin sila at wag ka nang matatakot dahil nandito si Kuya hindi kita papabayaan”

Naawa ako sa kapatid ko pero mas naiinis at nagagalit ako kay Sheena.

Anong kasalan ng kapatid ko para saktan nya?!

Kung may galit sya sakin dapat ako ang awayin nya hindi yung dinadamay nya ang walang kamuang muang na bata.

Kinabukasan ay sinamahan ko nga si Kyline na pumasok sa School nila, Kahit ayaw ni Kyline ay pinalakas ko ang loob nya.

Habang papunta kami sa room nya ay nakasalubong namin si Sheena kasama yung anak nyo.

Gusto ko man syang saktan agad dahil sa ginawa nya sa kapatid ko, Pero pinakalma ko muna ang sarili ko.

“Hi Dex? Long time no see, Hi Kyline akala ko hindi kana papasok?”

Bungad ni Sheena samin ng magkasalubong kami.

“Bakit naman hindi papasok ang kapatid ko? Bawal ba?”

“Hindi naman, Pero kasi alam mona baka nagmana din yang kapatid mo sayo na mang-aagaw at baka imbes na yung anak ko ang First honor ay agawin pa ng kapatid mo” -Sheena

Dahil sa hindi ko nagustuhan ang sinabi nya ay isang sampal ang binigay ko sa kanya na ikinagulat nya.

“Ano masakit ba? Nagising kana ba sa mga kabaliwan at kapraningan mo?”

“Ano bang problema mo Dex?!

“ Nakalimutan mo na naman bang uminom ng gamot mo at nagkakaganyan ka?!“ -Sheena

“Wag kanang magmaang maangan, Sinabihan na kita na wag monang uulitin na saktan ang kapatid ko”

This time hindi kona napigil ang sarili ko at hinawakan ko sya ng mariin sa braso. Kung Dati yung Dex na kilala nya ay hindi marunong lumaban at hahayaan lang na masaktan pero iba na ako ngayon. Natuto na akong maging matapang at lumaban dahil sa mga pinagdaanan ko.

“Wala akong alam sa binibintang mo kaya pwede ba bitawan mona ako!” -Sheena

Pilit tinatanggal ni Sheena ang pagkakahawak ko sa braso nya, Pero nakipag matigasan ako sa kanya.

“Anong gusto mo iumpog ko yang ulo mo sa pader para maalala mo kung ano ang ginawa mo sa kapatid ko!”

Gusto ko mang kumalma pero hindi ko magawa ngayon, Para akong bulkan na sumabog dahil sa ginawa nya sa kapatid ko. Kami nga hindi namin pinapalo si Kyline tapos sya sasaktan nya lang kapatid ko.

“Kung kaya mo” -Sheena

“Wag mo akong susubukan Sheena, Kaya kong manakit para sa Pamilya ko”

“Andami mo pang sinasabi, Puro ka satsat pwes ako gagawin ko” -Sheena

Biglang hinila ni Sheena ang buhok at balak nya akong iumpog sa pader pero napigilan ko sya at natanggal ko yung kamay nya sa buhok ko at tinulak ko sya.

“Alam mo Sheena sayang, Kasi akala ko dati okay tayo. Na magkaibigan tayo, Pero bakit naging ganyan ang ugali mo. Ayaw ko sanang makipag-away pero pinuno muna ako. Kilala mo Ako Sheena mabait akong tao hindi ako nakikipag away pero kapag sobra na, Lalaban na ako.”

Labag din naman sakin na saktan at awayin si Sheena kasi naging magkaibigan din naman kami dati, Actually okay naman talaga kami. Pero ngayon ang laki ng galit nya sakin.

“Yun na nga ang problema Dex, Dahil sa mabait ka nagmumukha akong masama sa iba lalong lalo na kay Mark” -Sheena

“Sheena ilang beses kobang uulitin sayo Bestfriend ko lang si Dan at may Boyfriend na ako, Si Dan. Kaya hindi ko aagawin sayo si Mark at wala akong balak na agawin sya sayo”

“Boyfriend mona si Dan?”

Pareho kaming napalingon ni Sheena ng marinig namin ang boses ni Mark.

“Oo Mark.  Boyfriend kona si Dan”

“Talaga? kelan pa? Bakit hindi mo sinabi sakin?” -Mark

Bigla tuloy akong naguilty dahil sa mga tanong ni Mark, Nawala kasi talaga sa isip ko na sabihin sa kanya.

“Bakit mo pa ba tinatanong yan Mark? Ano naman kung Boyfriend ni Dex si Dan, Bakit nagseselos kaba?” -Sheena

Umayos nang tayo si Sheena at lumapit kay Mark.

“Hindi ako nagseselos, Tinatanong kolang.” -Mark

“Yun naman pala eh, Edi wala nang problema  mag focus nalang tayo sa kanya-kanya nating lovelife” -Sheena

“Meron pading problema Sheena, Yung ginawa mo sa kapatid ko. Pasalamat ka dumating si Mark at kumalma ako pero sa susunod na ulitin mo pa ang ginawa mo sa kapatid ko hindi lang tulak ang gagawin ko sayo”

Pagkatapos kong sabihin yon ay umalis na ako at iniwan kona silang dalawa. Bahala na silang mag-usap tutal sila naman ang mag-asawa kaya dapat labas na ako don. Hinatid ko si Kyline sa room nila at nagbilin ulit sa teacher nila na pakibantayan ang kapatid ko. Mayamaya ay biglang nag ring yung phone ko, Si Dan tumatawag.

‘Hello babe asan ka?’ -Dan

‘Nasa school ni Kyline, Pero pauwe nadin ako. Bakot?’

‘Wala lang na miss lang kita’ -Dan

‘Miss agad?’

‘Oo, Punta nalang ako sa bahay nyo ngayon. Wala kasi akong magawa eh’ -Dan

‘Sige ikaw bahala’

Mabuti nalang okay na kami ni Dan akala ko kasi galit sya sakin, Pero hindi ko naman sya masisisi kung magalit sya wala eh marupokpok ang lola nyo haha.

MARK’S POV

Masakit malaman na si Dan at Dex na pala, Parang sinaksak na naman ng maraming beses ang puso ko.

Bakit ba kasi hindi pwedeng kami naman ni Dex?

Bakit ba hanggang Bestfriend lang kami?

“Mabuti nalang may Boyfriend nayong Dex nayon at hindi na sya magkakainteres sayo” -Sheena

“Pwede ba Sheena manahimik ka nalang”

“At bakit? Nagseselos ka? Nasasaktan ka? Mark naman may Boyfriend na yung tao kaya pwede ba tigilan mo na din sya at wag kanang umasa na mamahalin ka din nya dahil Bestfriend kalang nya at hindi na hihigit pa don” -Sheena

Masakit man marinig ang katotohanang sinabi ni Sheena ay tinanggap ko yon. Kung una palang tinanggap kona yung pagmamahal sakin ni Dex edi sana wala ng ganito.

Sa inis ko ay iniwan ko nalang Sheena at pumunta kala Tyrone, Sa kanila ako pumupunta kapag may problema ako.

Naiinggit nga ako sa kanila eh hanggang ngayon sobrang tibay at tatag ng relasyon nila at syempre nabiyayaan nadin pala sila ng isang anak na lalaki, Si Kelvin inaanak ko yon matanda lang si Myla ng 2 years.

Pagdating ko sa bahay nila Tyrone ay sinalubong agad ako ni Kelvin at niyakap ako.

“Oh Tol, Napadalaw ka. May problema na naman ba?” -Tyrone

“Oo eh”

“Nicole kunin mo nga yung paboritong inumin ni Mark, Mukhang may problema na naman ata” -Tyrone

Alam na alam na talaga ni Tyrone ang gagawin tuwing pumupunta ako sa kanila, Nagpapasalamat din ako namay kaibigan ako na tulad nya.

Ayaw ko nadin kasi ipaalam kay mama yung mga problema ko dahil ayoko na syang nag-alala pa.

“Ano na naman bang problema mo? Nag-away na naman ba kayo ni Sheena?”

Tanong sakin ni Tyrone pagkalapag nya ng alak.

“Hindi Tol, Si Dex”

“Oh bakit anong meron kay Dex?” -Tyrone

“Sila na ni Dan”

“Bakit anong masama don? Hindi ba dapat maging masaya ka dahil masaya ang Bestfriend mo?” -Tyrone

“Yun na nga ang problema ko eh, Dapat masaya ako pero bakit nasasaktan ako? Parang gusto ko saktan yung sarili ko dahil hindi ako ang nagpapasaya kay Dex.”

“Nasasayo naman yan Tol meron kang Choice, Una hayaan mo nalang si Dex. Pangalawa ipaglaban mo kung anong nararamdaman mo, Baka hindi pa huli ang lahat. Sabi nga nila ang taong nagmamahal napapagod lang yan pero hindi yan sumusuko kaya kung Mahal mo si Dex ipakita mo sa kanya, Hindi naman siguro manhid si Dex para hindi nya ma appreciate yon.” -Tyrone

Napatayo ako bigla dahil sa sinabi ni Tyrone para akong nabigyan nang panibagong pag-asa.

“Oh Tol bakit?”

“Salamat Tol, Pero mauna na ako”

“Bakit san ka pupunta?” -Tyrone

“Pupuntahan ko si Dex, Ipapakita ko sa kanya kung gaano ko sya kamahal at ako dapat ang piliin nya.”

“Sige Tol, Goodluck sayo” -Tyrone

Nagmadali akong lumabas ng bahay nila Tyrone para pumunta kala Dex, Ngayon ako magsisimula sa panliligaw sa kanya at ipapakita ko na hindi lang ako hanggang Bestfriend dahil pwede din ang ako maging Boyfriend.

NATHAN’S POV

Alam kong mahal padin ako ni Dex at naguguluhan lang sya sa mga nangyayari pero ipapaalala ko sa kanya yung mga nakaraan namin kung paano kami nagmahalan at kung paano namin nalagpasan ang mga pagsubok namin dati.

“Nathan san ka pupunta?” tanong sakin ni Ana ng makita nya ako. Hindi pa pala sya umaalis sa bahay namin.

“May lakad ako”

“Saan? Gusto mo samahan na kita?” -Ana

“Hindi na, Sige na mauna na ako. Kung gusto mo kumain magsabi kalang sa mga katulong.”

Nagmadali na akong lumabas ng bahay para pumunta kala Dex, Ayoko nang may masayang pang minuto at kahit segundo dahil naniniwala ako na kapag wala akong ginawa ay mawawalan ng saysay ang muli naming pagkikita, Siguro tadhana nadin ang gumawa ng paraan para magkita kami.

Kaya ngayong araw sisimulan kona ang pangliligaw kay Dex at gagawin ko ang lahat mabalik lang sya sakin, Dahil ako naman talaga ang tunay nyang mahal.

CHAPTER 38

DEX’S POV

Habang nasa byahe ako pauwe ay bigla akong nakaramdam ng kaba at parang may nagtutulak sakin na umuwe agad. Parang may hindi magandang mangyayari.

“Dex bakit bumalik kana agad? Ang bilis mo naman?”

“Bakit ma? Kailangan ba magtagal ako don?”

“Hindi naman, Wala kabang ibang gagawin?” -Mama

“Wala Ma bakit?”

Nakapagtataka si Mama kung ano ano ang sinasabi.

“Baka may Bibilhin ka, Bilhin mona” -Mama

“Ang weird mo Ma, Hindi paba nagpunta dito si Dan?”

“Si Dan? Wala pa. Wala pa sya” -Mama

“Ganon ba, Sabi nya kasi sakin pupunta sya dito.”

“Wala pa si Dan, Gusto mo bang kumain? Nagluto ako tara sa kusina” -Mama

Hinila ako ni Mama papunta sa kusina pero narinig ko bigla yong boses ni Dan sa may Sala namin.

“Ma si Dan bayon?”

“Si Dan? Ang alin?” -Mama

“Wait lang Ma para kasing boses ni Dan yung narinig ko”

“Hindi sya yon Dex baka namali kalang ng dinig” -Mama

Kanina pa ako nagtataka dito kay Mama parang may tinatago sya sakin na ayaw nyang malaman ko.

Pagdating ko sa May Sala ay nagulat ako sa nakita ko, Kaya pala aligaga na naman si mama ito pala yung ayaw nyang makita ko.

“Dan? Nathan? Mark? Anong ginagawa nyong tatlo dito?”

Sabay sabay silang napatingin sakin. Magkakatabi silang tatlo at nasa harapan nila si Papa.

“Mabuti naman at nandito kana Anak” -Papa

“Anong ibig sabihin nito?” Nagtataka kong tanong, Hindi ko kasi inexpect na nandito sila, Si Dan alam kong pupunta pero si Mark at Nathan hindi. Ano to reunion?

“Dinadalaw ka daw nila, Kaya kinausap kona sila” -Papa

“Kanina paba sila nandito?”

“Oo, At nasabi kona din sa kanila yung mga dapat nilang gawin” -Papa

“Gawin? Ano yon?”

“Diba nanliligaw silang tatlo sayo? Bilang manliligaw kailangan muna nila kami mapasagot ng mama mo bago ikaw” -Papa

“Pero Pa? Boyfriend kona si Dan kaya hindi na nya kailangan manligaw at hindi kona kailangan pang magpaligaw sa iba.”

“Nag-usap na kami ni Dan tungkol dito at pumayag naman sya kung talagang mahal ka nya gagawin nya ang lahat mapasagot lang kami ng mama mo” -Papa

Jusmiyo Marimar! Pati si Papa nahawa nadin kay Mama huhu ano na naman tong pauso nila? Sigurado ako na pakana na naman to lahat ni Mama

“Pero Pa?”

“Wala nang pero, Pero. Magsisimula na silang tatlo bukas kaya piliin mo kung sino ang mas matimbang” -Papa

Napabuntong hininga nalang ako sa sinabi ni Papa, Ano pa nga ba ang magagawa ko? Si Papa na ang nagdesisyon eh. Minsan lang magdesisyon si Papa para sakin kaya hindi ko dapat suwayin, Pero hindi padin kasi ako komportable dahil iniisip ko si Dan.

“Pano maiwan ko muna kayong Apat dyan, Pag-usapan nyo na ang mga dapat nyong pag-usapan.” -Papa

Umalis na si papa kaya naiwan nalang kaming apat sa may sala at hindi ako makatingin sa kanila ng diretso.

“So anong plano nyong tatlo? Seseryosohin nyo talaga yung sinabi ni Papa?”

“OO” sabay sabay nilang sagot.

“Alam nyo hindi ko talaga alam kung anong isasagot sa inyo kasi kahit ako naguguluhan sa mga nangyayari. Kanina lang may Boyfriend pa ako tapos ngayon isa na sa mga manliligaw.”

“Ayos lang yon Dex, Alam ko naman sa huli ako padin ang pipiliin mo. Sabi nga nila ang taong marunong magtiis at maghintay ay syang makakakuha ng tagumpay” -Dan

“Dex, Naniniwala padin ako na hindi lang tayo basta mag Bestfriend dahil alam kong pwede pang humigit don at kung minahal mo ako dati magagawa mo ulit akong mahalin ngayon” -Mark

“Ilang beses konang ipinagsigawan na Mahal kita kahit bakla ka at kaya ko ulit gawin yon kung hahayaan mo lang ako na mahalin ka” -Nathan

Gusto ko mang kiligin sa mga sinasabi nila pero pinigilan ko kasi ayaw kong isipin nila na three timer ako haha #Gandanggandasasarili .

“Dyan lang kayong tatlo ha? nauuhaw ako”

“Ako na kukuha Dex ano bang gusto mo Juice?” -Dan

“Ayoko ng Juice masyadong matamis, Lalo lang akong mauuhaw” Sagot ko kay Dan.

“Alam kona Gatas ang gusto mo, Wait ikukuha kita” -Mark

“Wag na, Para kasing hindi naman nakakatanggal ng uhaw yon”

“Softdrinks? Anong gusto mo? Bibilhan kita” -Nathan

“Acidic ako bawal sakin ang softdrinks”

“Eh anong gusto mo?” Sabay sabay ulit nilang tanong sakin.

“Ang OA nyong tatlo, Tubig lang ang kailangan ko kung ano-ano na ang mga sinasabi nyo. Dyan na nga kayo”

Tumayo na ako para kumuha ng maiinom, Jusko lalo akong natuyuan sa mga pinagsasabi nila.

Juice?

Gatas?

Softdrinks?

Anong palagay nila sakin naglilihi?

Pagdating ko sa kusina ay nandon si Mama kasama si kyline kumakain sila ng Prutas.

“Ano kamusta yung tatlo hindi ba nagbabangayan?” -Mama

“Hindi naman”

“Taray ng anak ko ha? Ang ganda! Mana sa Mama, Tatlo tatlo ang lalaki” -Mama

“Ang OA ng lalaki, Hindi ba pwedeng manliligaw lang?”

“Ay haha sorry na, Basta ako Team Pinsan” -Mama

“Ako naman Team Crush” singit ni Kyline.

“Sandali ano yang Team, Team nayan?”

“Nakwento ko kasi dito sa kapatid mo yung tungkol sa kanila at ayon binigyan namin ng mga Team, Team Pinsan para kay Nathan, Team Crush para kay Dan at Team Bestfriend para kay Mark” -Mama

Ang taba talaga ng utak ng nanay ko, Kung ano ano ang naiisip. Akalain nyo yon nakaisip na nang mga Team names.

“Dyan kana nga Ma babalikan kolang yung tatlong yon”

Pagbalik ko ay tahimik lang sila, Wow ang bait isip-isip ko.

Ngayon nagbalik na ulit silang tatlo sa buhay ko ano na naman kayang mangyayari? 

Tama kaya ang naging desisyon ni Papa?

Tama kaya na manligaw silang tatlo sakin?

“Pwede na kayong umuweng tatlo”

“Ako dito muna ako” -Mark

“Ako din” -Dan

“Ako kahit dito na ako tumira basta makasama kalang” -Nathan

“Ang kulit nyo talagang tatlo, Pano ako makakapag-isip nyan kung nandito kayo? I need some space to think.”

Wow English! Hahaha pag stress talaga ako napapa English.

“Sige Babe una na ako, Ayaw ko naman na mahirapan ka”

Tumayo si Dan at lumapit sakin sabay halik sa pisngi ko.

“Una na din ako Dex” -Mark

“Basta babalik pa din ako” -Nathan.

Hinatid ko silang tatlo para masigurado na makakaalis na sila, Na Stress kasi ako bigla ng nakita ko silang nagsama-sama.

“Dex una na ako” -Dan

“Ingat ka Dan, Pasensya kana pala sa naging desisyon ni Papa.”

“Okay lang yon Dex, Para matapos nadin to para magkaalaman na kung sino ba talaga sa aming tatlo. Ayaw ko naman na maging tayo tapos iba ang Mahal mo.” -Dan

Hindi ako nakaimik sa sinabi nya, Pinagmasdan ko nalang sila na kanya-kanyang umalis.

Jusko sana po maging maayos ang susunod pa na mga araw sakin.

Nagsialisan na silang tatlo kaya nakapahinga saglit ang utak ko, Pumunta muna ako sa kwarto ko at pasalampak na humiga sabay tingin sa kisame.

“Nandito padin pala si Nathan”

Napabalikwas ako ng bangon ng marinig ko ang boses ni Nathan sa loob ng kwarto ko.

“Nathan? Anong ginagawa mo dito? pano ka nakapasok sa kwarto?”

“Ayaw ko pa kasi umuwe, Nagsabi naman ako kay Tita at pumayag naman sya. Sorry kung bigla nalang ako pumasok sa kwarto mo” -Nathan

“Next time kakatok ka aatakihin ako sa puso eh”

“Sorry na, Inaalagaan mo pa pala si Nathan akala ko pinabayaan mona sya eh” -Nathan

Yung tinutukoy nya ay yung teddy bear na bigay nya sakin.

“Syempre hindi naman ako pabayang tao”

“Sorry kung iniwan kita, Sorry kung pinabayaan kita, Sorry kung hindi ako nagpakita sayo ng ilang tao, Sorry kasi sinaktan kita.” -Nathan

Biglang sumiryoso si Nathan at kita ko sa mga mata nya kung gaano sya kalungkot.

“Nathan tapos nayon ang importante yung ngayon”

“Dex, Kung ako nalang Sana yung Mamahalin mo ipapangako sayo hindi na ulit kita iiwan.” -Nathan

Pumunta sa si Nathan sa direksyon ni Nathan (Yung teddy bear) at kinuha yon.

“Nathan nandito na si Daddy, Inalagaan kaba ni Mommy habang wala ako?”

Parang tanga si Nathan kinakausap yung teddy bear mamaya biglang sumagot yan nako takbuhan to.

“Inaalagaan ko yan”

“Eh bakit ang baho ni Nathan? Hindi mo siguro pinapaliguan dahil busy ka kay Dan”-Nathan

“Hoy hindi ah! Alagang alaga yan!”

Lumapit ako kay Nathan at kinuha ko sa kanya si Nathan.

“Umuwe ka nalang kaya,  Nang-aasar kalang eh”

Tumabi sakin si Nathan at kinurot ang magkabilang pisngi ko.

“Ang cute mo talaga mainis Dex, Na miss ko ang pagka Pikunin mo.” -Nathan “Hindi ako Pikon!”

“Talaga eh bakit pasigaw ka magsalita?” -Nathan

“Natural ko lang to. Umuwe kana nga, Mamaya marinig pa tayo nila Papa dito eh.”

“Edi maganda, Para malaman nila na ako ang mas bagay at karapatdapat sayo” -Nathan

“Oo na, Malalaman natin yan. Kaya umuwe kana para mapag handaan mo kung paano mo ako mapapa OO, Dahil baka isa kala Mark at Dan ang sagutin ko.”

“Alam ko naman na ako padin ang pipiliin mo sa huli” - Nathan

“Wag ka masyadong confident dahil iba na ang sitwasyon ngayon”

“Iuuwe ko muna si Nathan samin ako naman ang mag-aalaga sa kanya.” -Nathan

Parang wala lang kay Nathan yung mga sinasabi ko sa kanya, Kainis sya masyadong confident!

“Hindi pwede dito lang sya, Mamaya saktan at pabayaan mo lang sya don at baka magalit pa ang Fiancè mo.”

“Ako ang Bahala kay Ana, Subukan nya lang saktan ang anak natin ako mismo ang makakalaban nya” -Nathan

Mahalaga kasi talaga sakin si Nathan (Yung teddy bear) Dahil ayon ang lagi kong kasama at kausap kapag gusto ko mapag-isa. Sya ang laging nakakasaksi sa mga pag-iyak ko sa twing ayaw ko ipakita sa iba na nasasaktan at nahihirapan ako, Kaya kahit Teddy bear lang sya ay importante sya sakin.

“Bakit ba kasi kailangan mo pa syang isama?”

“Wala lang, Bakit masama? Kung gusto mo sumama kana din kung wala kang tiwala sakin”

Naisip ko agad yung posibilidad na mangyari kung sasama ako sa kanya, Pwede kong makita ulit sina Tito at Tita ta baka mas lalo na namang gumulo ang sitwasyon at mamaya baka nandon din si Ana at mag-isip pa ng hindi maganda.

“Hindi na, Pero aalagaan mo sya ha?”

“Oo naman takot ko lang sayo” Kinuha ni Nathan si Nathan at kumindat sakin.

Hindi narin sya nagtagal at umalis na, Kahit kailan talaga to si Nathan pang-asar sakin.

Pano kaya sila nagkasundo ni Ana?

At mabuti nalang napagtyagaan ni Ana ang ugali ni Nathan?

Pag-ibig nga naman.

ANA’S POV

Sana dumating yung araw na matutunan din akong mahalin ni Nathan, Handa ako maghintay kahit gaano pa katagal basta dumating lang ang araw nayon.

Fiancè ko nga sya pero hindi ko naman hawak ang puso nya, Halatang napilitan lang sya dahil sa mga magulang nya.

Simula nang nakilala ko si Nathan sa kanya na umikot ang mundo ko, Mahal na Mahal ko sya sobra kahit lagi syang naiinis sakin.

Isa sa pangarap kong mapuntahan ay ang kwarto nya kasi ni minsan hindi pa ako nakakapasok wala tuloy akong ideya kung anong meron sa loob.

Dahil iniwan na naman ako ni Nathan ay naglibot libot nalang ako sa bahay nila ang laki din kaya lang masyadong tahimik parang nawalan ng sigla.

Habang naglalakad ako ay nakita ko si Manang na naglilinis kaya agad akong lumapit sa kanya para magtanong.

“Manang alam nyo po ba kung saan pupunta si Nathan?”

“Nako Mam hindi ko po alam, Ganyan talaga yan si Sir laging umaalis. Dati nga gabi nayan nakakauwe eh” -Manang

“Talaga po?”

“Oo pero nagbago naman sya simula ng dumating yung pinsan nya.” -Manang

“Pinsan? Bakit parang wala naman akong nakikilalang pinsan nya?”

“Matagal na kasi yong umalis, Pumunta ata ng Probinsya. Alam mo bago kayo nagkakilala ni Sir Nathan ay akala namin mapapariwara na sya sobra kasi syang nasaktan sa pagkawala ng pinsan nya.” -Manang

“Bakit naman? Sobra ba silang Close?”

“Oo” -Manang

“Manang may tanong lang po ako, Nakapasok napo ba yung pinsan nya sa kwarto ni Nathan?”

“Ay oo madalas pa, Samantalag kami ay kapag may pahintulot lang ni Nathan” -Manang

Sana makilala ko yung pinsan ni Nathan para naman makahingi ako ng tulong sa kanya, Baka sakaling makausap nya si Nathan na baguhin ang pagtrato sakin.

“Manang babae po ba sya  o lalaki?”

“Bakla po sya Mam” -Manang

Medyo nagulat pa ako sa sinabi ni Manang, Sobrang close nila kahit bakla sya.

“Talaga po?”

“Opo Mam, Pero mabait na bata yon wala kang masasabi sa ugali nya sya nga ang nagpatino sa mala Dragon na Nathan” -Manang

“Sayang at hindi ko sya nakilala, Asan na po ba sya?”

“Ay ayan ang hindi ko alam, ang huli kong balita ay pumunta daw sa Probinsya nila.” -Manang

“Sayang naman po, Gusto ko pa naman syang makilala”

“May picture ako nya, Gusto mo ipakita ko sayo?” -Manang

“Sige po”

Umalis agad si manang para kunin yung picture na sinasabi nya, Ano kayang itsura ng pinsan ni Nathan? Sana pagnagkita kami ay makasundo ko sya at matulungan nya ako na mapalambot si Nathan. Habang hinihintay ko si Manang ay biglang tumawag sakin si Daddy.

“Hello Dad? Bakit napatawag ka?”

“Where are you?  We need to talk” -Dad

“Okay Dad”

Alam ko naman ang pag-uusapan namin eh ang tungkol sa kasal namin ni Nathan. Maganda narin siguro na makausap si Dad para masabi kona din sa kanya na wag nang ituloy yung pagpapalayas sa mga mahihirap para lang makapag patayo ng building para sa business nya. 

Kawawa naman kasi ang maraming pamilya pag nagkaganon, At syempre yung kaibigan ni Dex na si Miles. Kaya sana mapakiusapan ko talaga ang daddy ko.

Hindi kona nahintay si Manang at umalis na agad ako, Baka kasi mapagalitan ako ni Daddy kapag nagtagap ako. Marami pa naman time para makilala ko ang pinsan ni Nathan at sana kapag nagkakilala kami ay magkasundo kami.

CHAPTER 39

DEX’S POV

IT’S MONDAY!!!!!!!!!!!!!!!!!!

THANK YOU LORD I’M STILL ALIVE AND STILL BREATHING!

Ang sarap talaga gumising lalo na’t alam mo na maganda ang magiging araw mo. Ewan koba basta pagkagising ko palang ay maganda na agad yung Pakiramdam ko para bang may nakahanda nang magandang surprise sakin ngayong araw.

Masaya akong bumangon at pumasok sa Cr para maghilamos kaya lang naubusan ako ng toothpaste kaya napilitan akong lumabas para sa may kusina na magsipilyo.

At dahil nga Good Mood ako ay pasayaw sayaw pa ako habang may nakapasak na sipilyo sa bibig ko, Parang tanga lang pero masaya haha.

“Anong ginagawa nyo dito???”

Gulat na gulat ako habang may salpak na toothbrush sa bibig ko. Tumakbo agad ako sa lababo para mag hugas ng bibig na puro bula, Tsaka bumalik sa kanila.

“Anong ginagawa nyo dito???”

Pashnea tong tatlong to nandito na naman, Baka maguluhan na naman ako sa kanila lalo na’t nagsama-sama nila.

“Ako gusto lang kitang puntahan, Ewan kolang sa dalawa dyan” -Dan

“Sabi ko sayo babalik ako diba” -Nathan

“Hindi kasi ako mapakali pag nasa bahay ako, Baka maunahan ako nang dalawa” -Mark

“Kailangan talaga sabay sabay? Ano to racing? Tigil tigilan nyo ako baka nag usap-usap kayo ah”

“Nako Babe nagkataon lang talaga, Akala ko nga masosolo kita ngayon kaso nandito din sila” -Dan

“Syempre alangan naman hayaan namin na masolo mo si Dex” -Mark

“Para walang away umuwe nalang kayong dalawa ako nalang dito” -Nathan

“Tama na nga yan, Naguumpisa na naman kayo para kayong mga bata”

“Mabuti naman at nandito na kayong tatlo, Pero bago ang lahat mag kape muna tayo”

Biglang dumating si Papa, Kanina pa siguro nyang hinahantay ang tatlong ulupong nato.

“Sige po Pa, Ay este Tito pala” -Mark

Sumunod yung tatlo kay Papa at ako? Eto naiwang nakatayo at tulala padin sa mga nangyayari. Totoo ba talaga to? Ganito ba talaga ako kaganda para magustuhan ng tatlong lalaki?

Sumunod din ako sa kanila at ngayon nandito kami sa mini Garden namin, Mini kasi hindi naman sya kalakihan haha.

“Nakikita nyo bayan?”

Tinuro ni Papa yung tatlong malaking kahoy namay katabing mga itak. Tumango naman ang tatlo bilang sagot. At dahil itsusera ako ay ako na ang naunang nagtanong kay Papa kung para san yon.

“Pa ano yan? Anong gagawin nila dyan?”

“Dati nung nanligaw ako sa Mama nagpakahirap ako hindi yung isang kindat at Text lang kayo na agad. Kung talagang mahal mo ang isang tao dapat paghirapan mo na makuha sya dahil walang madali sa mundong ito” -Papa

“So ano ngang gagawin nila Pa?”

Pabiro kong tanong kay Papa, Napakamot nalang sya ng ulo hahaha pano kasi grabe yung hugot nya.

“Magsisibak sila ng kahoy” -Papa

“Ano?! Seryoso?”

“Oo, Mukha ba akong nagbibiro?” -Papa

“Sabi ko nga seryoso ka”

Aba si Papa marunong nadin magjoke haha tinuruan siguro ni Mama.

“Pero Pa, Bakit pa nila kailangan magsibak ng kahoy eh hindi na uso yon ngayon atsaka hindi naman sila marunong sa mga ganyan”

“Sabi ko nga kapag Mahal mo ang isang tao paghihirapan mo na makuha yung pag-ibig nya at kung talagang mahal ka ng tatlong yan kakayanin nila ang simpleng pinapagawa ko” -Papa

“Pa baka pwedeng iba nalang ipagawa mo sa kanila”

Nagsasampong isip ako kung kakayanin ba nila ang pinapagawa ni Papa eh mukhang hindi nga rin sila humawak ng kutsilyo tapos gagamit pa sila ng itak.

“Ano kaba Dex, ako paba? Syempre kaya yan. Alam mo naman na galing din ako sa hirap kaya wag mo akong isipin. Ewan ko lang sa mga iba dyan kung kaya nila.” -Mark

“Ako kaya ko Din, Madali lang naman yan.” -Dan

“Basta para sayo lahat gagawin at kakayanin ko. Kaya kahit magsibak ng kahoy gagawin ko.” -Nathan

“Oh sya sige mag umpisa na nga kayo baka kung saan pa mapunta to.”

“Pumuwesto na kayo, At ikaw Dex dyan kalang at panuorin mo sila” -Papa

Wala akong Choice kundi ang panuorin silang Tatlo, Naawa nga ako sa kanila eh dahil kailangan pa talaga nila gawin to.

Yung porma nila nasayang lang dahil sa ginawa nila haha tirik na tirik ang araw tapos mga naka Polo at longsleeve sila.

Nagpaalam din si Papa samin na Papasok muna sa Loob dahil may gagawin pa sya kaya ako ang naiwan para magbantay sa Tatlo.

“Oy anong ginagawa mo?”

“Maghuhubad?” -Mark

“Alam ko, Pero bakit ka maghuhubad?”

“Kasi mainit?” -Mark

“Oo nga parang ang init” -Nathan

“Ang hirap talaga pag hot ka” -Dan

Isa-isa silang nagtanggal ng mga damit At sobrang pawis na pawis sila. My Gosh!!!! Bakit sila ganito??? Alam naman na maropokpok ako eh haha char!

“Mag damit nga kayo, Mabuti ba sana kung ang gaganda nang katawan nyo”

Pero inner me, Ganda ng katawan nila at lahat may abs haha.

“Bakit hindi ba?” -Nathan

Tumayo si Nathan at pinakita sakin yung muscles nya tapos yung abs nya akala naman nya hindi ko nakikita eh kitang kita naman ng dalawang mata ko at tsaka dati kopa nakita yon! .

“Nag gygym kaya ako”

Si Dan naman ang sunod na nagpakita sakin ng katawan nya. Ngayon kolang yon nakita, Pero in all fairness maganda nga. At wag nyo nang tanungin si Mark kasi ang loko nakigaya din. Para akong nanonood ng Live show ng mga macho dancers haha lakas kasi ng mga tama nila eh, Sila sila na nga lang nagyayabangan pa.

Ang ending hindi na nila nagawa yung pinapagawa ni Papa kasi ang mga lokoloko nagyayabangan sa mga katawan nila. Tssk gigil si Ako! Sarap nilang kagatin! Charot! Batukan pala. Pero syempre umakto parin ako na walang epekto sakin ang mga ginagawa nila.

“Okay sige, Ekis kayo saking tatlo ngayon kung ano ano kasing inuuna nyo kesa sa pinapagawa ni Papa.”

Para silang mga robot na bumalik sa mga kani-kanilang ginagawa haha ang cute nilang tingnan. Pero mas cute si ano! haha secret na muna.

Habang patuloy sila sa pagsisibak ng kahoy na pinag-utos ni Papa ay nakabalik na si Papa.

“Aba mukhang masunurin tong mga batang ito” -Papa

Nako Papa! Kung alam nyo lang kung anong ginawa nila, Nagpagandahan pa ng mga katawan nila.

“Meron paba kayong ipapagawa Tito? Sabihin nyo lang po” -Mark

“Wala naman, Tapusin nyo na yan at mamaya sumabay na kayo samin magtanghalian. Magluluto ang Tita nyo.” -Papa

“Okay Tito, Mukhang mapaparami ang kain ko ngayon ah” -Dan

“Dex tawag ka pala nang Mama mo” -Papa

Mukhang alam kona ang ibig sabihin ni Papa, Sigurado ako na uutusan na naman ako ni Mama para mamalengke. Pumasok agad ako sa loob para puntahan si Mama.

“Ma anong bibilhin ko? Manok, Baboy o Gulay?” Bungad ko agad ng makita ko si Mama.

“Pano mo nalaman na uutusan kita??” -Mama

“Nako Ma, Masyadong obvious. Ano nga ang bibilhin ko?”

“Manok nalang. Magpasama ka nalang sa mga Boys mo para may taga bitbit ka, Medyo marami ang ipapabili ko sayo.” -Mama

“Boys ko talaga Ma? Ako nalang kaya ko naman, Baka magbangayan pa sila kapag sinama ko sila.”

“Magpasama kana kahit isa lang sa kanila Para mas mapabilis ka.” -Mama

Eh sino naman ang isasama ko sa kanila? Sigurado ako na kapag may sinama akong isa ay magtatampo ang dalawa.

“Dex saan ang CR dito?”

Mukhang hindi kona kailangan mamili sa kanila dahil nandito na sya.

“Mark samahan mo nga ako sa Palengke may bibilhin lang ako”

“Sige ba, Kaya lang baka hanapin ako ni Tito.” -Mark

“Ako na bahala kay Papa, Sige na samahan mona ako”

“Pero amoy pawis ako” -Mark

Kinuha ko yung towel na nakasampay at binato kay Mark.

“Ayan mag punas ka, Bilisan mona para makabalik agad tayo.”

Mas maganda kasi kasama si Mark dahil madals kona syang kasama sa pamamalengke dati at sanay sya sa tawaran kaya talagang makakatipid kami.

Napakamot nalang nang ulo si Mark at napilitang sumama sakin, Haha kapag si Nathan kasi ang isasama ko puro pa cute lang yon kapag si Dan naman baka isipin nya abuso ako.

“Dex matagal nadin nung huli nating nagawa to noh?” -Mark

“Oo, Pero naalala ko padin yon. Lalo na yung mga kalokohan mo”

“Oy anong kalokohan ang sinasabi mo? Wala akong maalala” -Mark

“Talaga ba? Sige ikukwento ko sayo”

So ayon na nga kinuwento ko sa kanya yung mga pinaggagawa nya dati at ang loko tawang tawa pa. Dati kasi niloloko nya yung mga tindera magtatanong sya nang presyo ng nga paninda tapos ang ending hindi naman nya bibilhin haha napagod lang yung tindera magsalita.

Nagkwentuhan pa kami ni Mark habang nakasakay sa Jeep ang sarap lang balikan yung mga masasayang araw nyo dati na magkasama. Ang dami kong memories together kay Mark at lahat yon hindi ko pwedeng makalimutan.

Pagdating namin sa palengke ay binili agad namin ang mga sinabi ni Mama, Akala mo nga may pa Fiesta kami kasi tatlong putahe ang lulutuin ni Mama. At syempre napasabak kami sa tawaran yung ibang mahaharot na tindera kindatan lang ni Mark ay bababaan na agad ang presyo.

“Ayos na siguro tong napa mili natin noh?” Tanong ni Mark sakin.

Sya Lahat ang may dala dahil ayaw nya ako pagdalhin baka daw mapagod ako. Mapilit kasi sya kaya hinayaan ko nalang din.

“Oo Pwede nayan ang dami na nga eh”

“Tingnan mo nga naman dito pa talaga tayo magkikita kita, Hindi ko inexpect na magkasama kayong dalawa.”

Pareho kaming nagulat ni Mark nang makita namin si Sheena.

“Sheena?”

“Oh? bakit parang nagulat ata kayo? Hindi nyo ba inexpect na makikita nyo ako?” -Sheena

“Sheena ayaw namin ng gulo”

“Gulo agad? Napakasama naman ng tingin mo sakin Dex. Pero mas masama pa ako sa inaakala mo!” -Sheena

Isang malakas na sampal ang tumama sa pisngi ko.

“Malandi ka! Hindi mo talaga tinitigilan ang pang-aahas kay Mark! Kasalanan mo ang lahat ng ito kaya ngayon hiwalay na kami ni Mark”

“Hiwalay?”

“Oo! Hiwalay na kami ni Mark! Nakipaghiwalay na sya sakin dahil sayo! Pero akala moba ganon ganon nalang yon? Lintek lang ang walang ganti”- Sheena

Lalapit pa sana sakin si Sheena pero pinigilan na sya ni Mark.

“Sheena pwede ba! Tama na! Tapos na tayo kaya tigilan mona ako lalong lalo na si Dex! Si Dex na ang mahal ko at hindi ikaw! Nakipaghiwalay ako sayo ng maayos kaya sana tanggapin mo din ng maayos” -Mark

“Hindi ko matatanggap Mark! Dahil pinagpalit mo lang ako sa isang Bakla! Ano bang nakita mo sa kanya? Eh wala namang Matres yan at hindi ka nya mabibigyan ng anak na kaya kong ibigay sayo!” -Sheena

“Bakit Sheena? Anak lang ba ang habol nang isang lalaki sa isang Babae? Wag mong idadahilan sakin na kaya mong magkanak dahil ang pagmamahal wala yang pinipili Babae kaman o kahit bakla kapa. Kaya sana tumigil kana, Tapos na kayo ni Mark kaya Mag move on kana!”

Marami nang nakatingin samin, Pero nawala yung hiya ko dahil sa sobrang inis kay Sheena. Grabe nya kasi apakan ang pagkatao ko, Oo bakla ako! bakla lang ako pero may mga bagay ako na magagawa na hindi nya kayang gawin.

“So inaamin mona namay relasyon kayo ni Mark?!” -Sheena

“Wala akong inamin at wala akong aaminin dahil wala kaming relasyon.”

“Eh anong tawag sa relasyon nyo? Bestfriend with Benefits? Wow naman Dex, Kahit sino ang makakita alam na may relasyon kayo” -Sheena

“Para sayo oo, Pero para sa mga taong bukas ang pag-iisip ayos lang.”

“Magkano ba ang binigay mong Pera kay Mark para piliin kanya? Isang libo? Dalawa? Tatlo? O baka naman mas malaki pa? Ano magkano ang —–” -Sheena

Hindi kona pinatapos ang sasabihin ni Sheena dahil ako naman ang sumampal sa kanya.

Lalapit naman agad sya sakin pero hindi ako nagpasindak sa kanya.

“Subukan mong lumapit at tatama sa ulo mo tong hawak ko ewan kolang kung hindi tumino ang pag-iisip mo”

Kinuha ko yung upo na binili namin ni Mark at tangkang ihahampas sa kanya, Napaatras naman si Sheena dahil akala nya talaga ay tototohanin ko na hampasin sya.

“Pwede ba tamaa na! Ikaw Sheena umalis kana! Tapos na tayo diba? kaya tigilan mona ako! Tigilan mona si Dex!” -Mark

“Sige Mark, Titigilan ko kayo pero ngayon lang. At ikaw Dex tandaan mo ang araw nato, Hindi pa tayo tapos.” -Sheena

Umalis na Sheena pero alam kong babalik pa sya para guluhin ako.

Umalis na kaming dalawa ni Mark dahil marami nading nakatingin samin.

“Dex pasensya kana talaga kay Sheena” -Mark

“Wala yon Mark sanay na ako, Pero sa susunod baka hindi kona mapigilan ang sarili ko.”

“Wag kang mag-alala kakausapin kona lang ulit sya para tigilan kana nya.” -Mark

“Pero talaga bang nakipaghiwalay kana sa kanya?”

“Oo, Nagsasawa nadin kasi ako sa relasyon namin. Pagod na ako umintindi sa ugali na meron si Sheena. Atsaka pangit naman kung lolokohin kopa ang sarili ko na makikisama pa ako sa kanya kahit may mahal na akong iba.” -Mark

“Pero pano ang anak nyo?”

“Syempre naman hindi ko padin papabayaan si Myla, Kahit naman wala na kami ni Sheena ay anak ko padin sya at hindi mababago yon” -Mark

Ngayon humahanga ako kay Mark kasi kahit wala na sila ni Sheena ay hindi padin nya nakakalimutan ang obligasyon nya kay Myla bilang Ama nito.

Alam kong nahihirapan ngayon si Mark at bilang Bestfriend ay susuportahan ko sya sa lahat ng desisyon nya.

NATHAN’S POV

Kainis tong si Mark naisahan kaming dalawa ni Dan ang sabi nya mag CCR lang daw sya yun pala sasama na kay Dex. Tsk, Ano na kayang ginagawa nila? Baka sinisiraan na kami ni Mark kay Dex. Habanh hinihintay ko si Dex ay tumawag sakin si Ana.

‘Hello?’

‘Hi Nathan? Asan ka ngayon? Nandyan kaba sa bahay nyo?’

’ Wala ako sa bahay’

‘Eh asan ka? Gusto mo puntahan kita? Saan bayan?’ -Ana

‘No need’

‘Pero Nathan diba dapat pinag-uusapan natin ang tungkol sa kasal natin.’ -Nathan

Inend kona agad yung call. Kailangan kopa palanh ayusin ang tungkol sa kasal namin ni Ana dahil hindi pwedeng maging kami ni Dex kung nakatali pa ako sa isang tao.

Pagbalik nila Dex ay ginisa agad namin ni Dan si Mark at ang loko kung ano ano pa ang sinabi samin hindi ko tuloy maiwasan ang hindi magselos lalo pa’t mag kasama silang dalawa.

“Next time kasi bilis bilisan nyo” pangiti ngiting sabi ni Mark samin.

“Nakaisa kalang ngayon pero hindi na mauulit yan” -Dan

“Wag na nga kayo magtalo dahil sakin din naman mapupunta si Dex”

“Talaga lang ha?” -Mark

This time I will make sure na matutuloy na yug Naudlot na Love Story namin ni Dex.

Wala nang hahadlang samin.

Magiging masaya kami.

Gagawa kami ng isang Pamilya.

At ipapangako ko na magiging masaya na kami at hindi kona hahayaang masaktan si Dex. Tanga na ako non kung gagawin kopa ulit yon.

CHAPTER 40 “TEAM BESTFRIEND”

DEX’S POV

Pagsabi palang sakin ni Mark na gusto daw akong makita nila Nicole ay hindi ako nagdalawang isip na sumama sa kanila miss kona din kasi yung dalawang yon.

Kaya imbes na sumama kay Nathan at Dan ay mas pinili ko munang sumama kay Mark dahil may next time pa naman para sumama sa dalawa.

“Dex???”

Nagulat si Nicole nang makita nya ako na kasama ni Mark. Lumapit agad sya sakin at niyakap ako ng mahigpit.

“Dex ikaw na bayan?” - Nicole

Tumango ako at niyakap nya ulit ako nang mahigpit.

Na miss ko din si Nicole Matagal nadin kasi nung huli kaming nagkita.

“Long time no see, Dex” - Tyrone

Ang sarap sa pakiramdam na makita mo ulit yung mga kaibigan na  matagal mo nang hindi nakikita.

“Kumain naba kayo? May niluto ako” -Nicole

“Medyo gutom na nga kami” -Mark

“Tara na? Habang mainit init Pa” -Nicole

Sumunod kaming dalawa ni Mark kala Nicole, Nakakatuwa lang na sobrang tatag na ni Nila.

Siguro sila na talaga ang tinadhana para sa isat-isa. Ako kaya sino kaya ang tinadhana sakin?

“Dex kamusta kana pala, Tagal din nating hindi nagkita ah” Tanong sakin ni Tyrone nang makaupo kami.

“Eto ganon padin, Halos wala namang nagbago”

“Talaga ba? Pero parang mas gumanda ka ata ngayon” -Tyrone

“Haha loko ka talaga”

“San ka pala nakatira ngayon?”-Tyrone

“Doon padin sa dati, Bali pinarenovate lang namin para mas lumaki”

“Mukang umasenso kana” -Tyrone

“Haha hindi naman, Sakto lang”

“Tol asan pala yung anak nyo?” -Mark

“Nako wala dito, Nandon sa bahay nila Mama hiniran mona nila.” -Tyrone

“May anak na kayo?”

“Oo meron, Next time na pagpunta mo dito ipapakilala kita sa kanya.” -Tyrone

Sobrang tagal na nga namin hindi nagkita kita biruin mo may anak na pala sila sana ma meet ko sya. Sino kaya ang kamukha nya? Si Nicole o si Tyrone?

Habang nagdadaldalan kami ay naghain na si Nicole ng kakainin namin nagalok pa nga ako ng tulong kaso wag na daw kasi bisita ako.

“Mabuti pumayag ka na pumunta dito” tanong sakin ni Nicole ng mataas nya ang ginagawa nya at tumabi na din kay Tyrone.

“Sinabi kasi sakin ni Mark na dadaan daw sya sa inyo kaya naisip ko na sumama na miss kona din kasi sayo”

“Nakakatouch naman, Ikaw din na miss namin. Akala nga namin hindi kana namin makikita” -Nicole

“Bakit naman hindi, Hindi naman ganon kalayo ang agwat ng mga tirahan natin.”

“Ano Tol tagay naba tayo after nito?” biglang singit ni Tyrone.

“Sige ba” masayang sagot ni Mark. At bakit sila magtatagay? Anong meron?

“Sige inom pa, Pag ikaw nagkasakit ewan ko lang sayo” -Nicole

“Sorry na, Konti lang naman. Magcecelebrate lang kami ni Pareng Mark” -Tyrone

“At anong ipagcecelebrate nyo?” -Nicole

“Basta” -Tyrone

Kumindat si Tyrone kay Nicole, Pero si Nicole tinarayan lang si Tyrone pero si Tyrone niyayakap yakap si Nicole. Ang cute nila tingnan sana all.

“Ahem, Ahem” -Mark

Natigil naman ang dalawa sa ginagawa nila at mukhang nahiya samin.

“Pasensya na kayo ha, Ito kasing lalaki tong nakakainis. Kumain na kayo habang mainit pa yung niluto ko” -Nicole

Sabay sabay kaming kumaing apat, Syempre dinamihan kona ang kain ko ang sarap kasi ng luto ni Nicole.

After naming kumain ay kami na ni Nicole ang nagligpit kasi yung dalawa mag-iinom na daw para maaga matapos.

“Lagi bang nandito si Mark sa inyo?” tanong ko kay Nicole habang nagliligpit kami ng pinagkainan.

“Ay Oo, Madalas kasi may problema yan si Mark at dito ang takbuhan nya” -Nicole

“Problema? Gaya nang?”

“Sa tuwing nag-aaway sila ni Sheena, Si Mark nalang ang lumalayo para wala nang gulo. Naawa na nga ako dyan minsan eh ewan koba kasi kay Sheena masyadong selosa hindi naman ganyan yan dati” -Nicole

Naawa tuloy ako bigla kay Mark inaaway away kopa naman sya tapos yun pala may problema syang pinagdadaanan at dumagdag pa ako don.

“Mabuti nalang nandyan kayo para tulungan sya”

“Oo, Pero alam mo ba Dex. Tuwang tuwa si Mark nang makita ka nya ulit pero may Time na pumupunta yan dito pero hindi nya sinasabi samin kung anong problema nya pero ang alam namin tungkol sayo yon.” -Nicole

Natahimik ako bigla sa sinabi ni Nicole at pinagpatuloy nya ang pagsasalita.

“Simula nang umalis ka naging malungkutin si Mark anak na nga lang nya pati si Tita Rose ang nagpapasaya sa kanya. Kung alam molang Dex kung gaano ka ka Mahal ng Bestfriend mo. Sana lang makita mo yon, Minahal mo din naman sya dati diba? Baka pwedeng mahalin mo ulit sya” -Nicole

“Hindi ko pa alam ang isasagot ko sayo Nicole pero ang alam ko lang sa ngayon ay importante sakin si Mark at ayaw ko syang nakikitang nasasaktan”

“Tama na nga ang usapang ito baka magkaiyakan pa tayo, Magsaya nalang tayo dahil ngayon nalang ulit tayo nagkita. Videoke tayo ano, G?” -Nicole

Natuwa agad ako sa sinabi ni Nicole favorite ko kasi ang videoke!!!!!

Kahit pangit ang boses ko

#kantaislife #videokepamore #ggsaboses

Tinapos muna namin ang ginagawa namin bago kami nag-umpisa sa pagseset ng videoke namin.

MARK’S POV

“Mukhang Goodmood ka ata ngayon ah” -Tyrone

Ewan ko ba, Pero bigla akong napangiti sa sinabi sakin ni Tyrone.

“Pano mo naman nasabi?”

“Eh kasi yung ngiti mo parang aabot na sa tenga, Ano kayo naba ni Dex?” -Tyrone

“Hindi pa kami ni Dex, Pero sana maging kami na”

“Ang bagal mo kasi Tol, Kung ako sayo binibilisan kona kasi isang pagkakamali mo lang pwede kang maunahan nang dalawa” -Tyrone

“Alam ko naman yon, Pero kasi hindi ko alam kung paano ko mauungusan ang dalawa. Sila naging Boyfriend na pero ako hanggang Bestfriend lang”

“Wag kang mag-alala Mark hindi pa naman tapos ang laban” -Tyrone

“Ano ba kasing dapat kong gawin?”

“Ganito lang yan, Ipakita mo ulit kay Dex kung bakit at paano ka nya minahal dati.” -Tyrone

“Gagana bayon?”

“Wala kabang tiwala sakin?  Kapag ako ang nagsalita sigurado ako mapapasagot mo si Dex” -Tyrone

Nabuhayan ako bigla sa sinabi ni Tyrone, Tama sya minsan na akong minahal ni Dex at baka mangyari ulit kung ibabalik ko ang dati.

Habang nag-uusap kami ni Tyrone ay marinig kaming kumakanta.

“Mukhang nagkakasiyahan nadin yung dalawa dun ah” -Tyrone

“Kaya nga eh, Tara punta tayo sa kanila.”

Tumayo kami pareho ni Tyrone at pinuntahan namin ang dalawa.

Masaya ako dahil kasama ko si Dex ngayon, Sana lang talaga ma appreciate na ako ang dapat nyang piliin dahil mas matagal na kaming magkakilala at infact mag Bestfriend pa kami.

DEX’S POV

Nag-uumpisa palang kami sa pagkanta ay bigla na ding dumating si Mark at Tyrone. Sakin nakatabi si Mark habang si Tyrone naman kay Nicole.

“Dex pili kana nang kakantahin mo” -Nicole

“Hindi na kayo na muna, Mamaya na ako. Wala pa kasi sa kondisyon ang boses ko haha”

Taray ko sa part nayon. Wala talaga sa kondisyon? O wala sa Tono hahaha.

“Ako na nga”

kinuha ni Mark yung Songbook at pumili nang kakantahin nya.

Ang sinalang nyang kanta ay “KUNG AKO NALANG SANA” ni Bituin Escalante

Medyo nagtaka pa ako kasi pambabae yon, Pero baka yun yung trip nya kaya hindi ako nag react.

“Dex para sayo to”

Biglang naging seryoso si Mark at inumpisahan na ang pagkanta.

Nakatitig lang sakin si Mark habang kumakanta ramdam ko ang kahulugan nang bawat salitang lumalabas sa bibig nya.

KUNG AKO NALANG SANA minsan kona ding nasabi yon sa kanya, Kung nalang sana ang minahal nya dati hindi na sa naging ganito ang sitwasyon ngayon mas komplikado at magulo.

Kahit paano ay kinilig din ako sa naging pagkanta ni Mark dahil alam kong para sakin ang kantang yon, Pagtumitingin naman ako kala Tyrone at Nicole ay pati sila kinikilig din.

Nang matapos ni Mark ang kanta ay nakakuba sya ng 97 almost perfect na.

“Naks naman Tol humuhugot kapa” biro ni Tyrone kay Mark

“Oo nga galing mo pala kumanta Mark, Dex wala bang kiss dyan” biro naman ni Nicole.

Nagkatinginan naman kaming dalawa ni Mark at naghihintay nang susunod na mangyayari.

“Sa susunod ko nalang ikikiss si Dex pag naging kami na” -Mark

“Don’t tell me hindi mo pa nakikiss si Dex kahit sa pisngi lang?” -Nicole

Tumango lang si Mark at natawa bigla si Tyrone.

“Seryso ka Tol? Naunahan pa pala kita?” -Tyrone

Bigla kong pinandilatan nang mata si Tyrone, My Gosh bakit nya pa pinaalala yon eh matagal ng nangyari yung kiss nayon.

“Naunahan? Bakit nahalikan mona ba si Dex?” -Nicole

“Mali ka nang iniisip Nicole, Deal lang yon dati”

Kinuwento Ko kay Nicole kung paano ako nahalikan ni Tyrone at mabuti nalang ay naiintindihan atsaka matagal nang tapos yon. Ewan koba naman kasi kung bakit humingi pa ako ng signs para umamin lang ako kay Mark tapos lahat nangyari.

…………………………FLASHBACK……………………..

I need signs Lord, Kahit 3 signs lang. First sign dapat may magandang balita o bagay ako na marerecieved ngayong araw the second one is dapat makakakita ako ng nag-aaway na mag jowa hahaha (ang bad ko noh?) at ang huli! dapat may humalik sakin! ha!ha! ewan kolang talaga kung meron hahaha. Naiimagine kona ang kakalabasan nito, Hindi ako aamin! haha para akong baliw na nagtatalon sa cr.

After kong maligo ay bumaba na ako para kumain. at habang kumakain ako ay lumapit sakin si mama at may nilapag na isang cellphone na mukhang bago.

“Ma kanino to?”

“Sayo yan, Bigay ng papa mo. Luma nadaw kasi yang cellphone mo kaya binilhan ka nya” -mama

“What!” sigaw ko. OMG! hindi pwede to! bakit ngayon pa?! dapat bukas nalang! huhu

“Bakit ayaw mo ba? kung gusto mo sakin nalang” -mama

Kinuha ni mama yung cellphone pero mabilis kong naagaw.

“Joke lang ma, ito naman hindi mabiro nagulat lang ako kasi may bago na akong phone”

Ayiiee kinikilig ako sa tuwa dahil finally napalitan na yung luma kong phone. Pero yung sign talaga huhu, Pero may dalawa pa naman ako eh, Siguro naman wala akong masasalubong na nagaaway na mag Jowa habang papasok ako.

“Sige kumain ka na dyan, baka kunin ko payang Cellphone mo” -mama

“Opo ma, Kakain na”

Tinago kona sa bag ko yung Cellphone ko para hindi na kunin ni mama haha. Pagkatapos kong kumain ay nagpahinga muna ako konti tapos nagpaalam na kay mama.

Maayos naman akong nakasakay sa Jeep hays medyo nakahinga ako ng maluwag dahil wala akong nakitang magjowang nag-aaway.

“Sino yang ka chat mo ha? babae mo siguro yan noh?” -girl

“anong Babae? classmate kolang yan nagtanong lang sakin” -Boy

“Eh bakit mo tinago yung cellphone mo?” -girl

Hinampas hampas nung girl si boy. Ako? ayon natulala lang, Pano ba naman kasi yung pangalawang sign na hinihingi ko nakita ko na naman.

Sarap pektusan ng mag jowa ang dami daming lugar na pwede nilang pag-awayan sa jeep talaga?

ano para mavideohan sila at mag viral?

haha at ang malupit pa nito sa harap kopa huhu. Lutang parin ako na bumaba sa Jeep, Isa nalang na sign aamin na talaga ako huhu lord sana naman wag haha.

Para akong tanga na nagtatago habang papunta sa room namin, Iniiwasan ko kasi Si Mark hindi ko din alam kong bakit ko ginagawa yon. Trip ko lang haha.

Lord siguro naman walang hahalik sakin diba? sa buong buhay wala pang humalik sakin maliban nung baby ako haha.

Bukod sa wala namang may gustong humalik sakin, ay ayaw ko talaga kasi nga gusto ko yung first ko yung taong mahal ko! Si Mark!

Pagpasok ko ng room ay nagkukumpulan yung nga lalaki kong classmate at nakangisi na parang mga baliw.

Nagulat nalang ako nang lumapit si Tyrone (classmate ko) Parang takot na takot sya na ewan, Tapos bigla nya akong hinawakan sa ulo at hinalikan a-a-ako!!!!!!!!!! Napadilat nalang ako sa ginawa, hindi ko kasi alam ang gagawin ko huhu. Nagtilian naman yung iba kong classmate at yung mga loko loko kong mga classmate nag tawanan pa. Ilang segundo din yung kiss nayon at tumigil na sya.

“Sorry Dex, Nataon lang na ikaw yung dumaan” -Tyrone

“Ganon ba? Sa susunod kung mangtitrip kayo iba nalang? wag ako”

Padabog akong umupo sa upuan ko.

Unang una bastos sya hindi lahat ng bakla dapat binabastos.

Pangalawa ninakaw nya yung first kiss ko!

Pasalamat sya hindi ko sya sinakal dahil sa ginawa nya.

Pangatlo naiinis ako wala na, ubos na yung signs ko. Aamin na talaga ako kay Mark.

Pagkaupo ko ay natahimik din silang lahat, Minsan lang kasi ako mainis.

……………………END OF FLASHBACK………………

After naming magkantahan ay nagpaalam nadin ako kala Nicole kasi gabi nadin si Mark naman ay huminto muna sa pag-iinom dahil gusto nya daw akong ihatid.

“Dex ihahatid na kita” -Mark

“Wag na Mark kaya kona ang sarili ko”

“Hindi Dex ihahatid na kita, Wag kang mag-alala hindi pa naman ako lasing konti palang naman naiinom namin” -Mark

“Sige na, Ako nalang ang uuwe mag-isa. Nakakahiya naman kala Nicole kung aalis kadin.”

Maglalakad na sana ako pero bigla akong hinawakan ni Mark sa kamay at hinila palapit sa kanya at hinalikan ako, Hindi ko akalain na gagawin nya yon sa sobrang bigla ko ay hindi agad ako nakakilos.

Nalalasahan ko ang alak sa bibig nya, Ilang segundo lang ang halik nayon pero parang naubos bigla ang lakas ko.

“Dex sorry, Nabigla lang ako” -Mark

“Sige na Mark baka hinahanap kana sa loob”

“Hindi Dex ihahatid na kita” -Mark

Hinayaan ko nalang na ihatid ako ni Mark pero habang nasa byahe kami ay pareho kaming tahimik hanggang sa makauwe kami sa bahay.

“Dex salamat sa Time mo at pumayag ka na sumama sakin” -Mark

“Wala yon, Mabuti nga at sinama mo ako at nakita ko ulit si Nicole at Tyrone at syempre mas masaya ako dahil naka bonding kita, Galing mo din pala kumanta”

“Hindi ah ang pangit nga ng boses ko” -Mark

“Sus pa humble pa, Dyan kana nga. Umuwe kana mamaya ha? Wag ka masyadong mag-inom dahil magbabyahe kapa pauwe”

“Sige Pasok kana, Wag kang mag-alala iingatan ko ang sarili ko para sayo.” -Mark

May pahugot pa talaga si Mayor bago umalis. Kung nakapagpaalam lang ako kala mama kahit bukas na sana ako uuwe nabitin kasi ako sa bonding namin parang gusto kopa ulit maulit.

Papasok palang ako sa gate namin nang may marinig akong magsalita.

“Sobra namang concern mo sa Bestfriend mo”

“Nathan? Anong ginagawa mo dito?”

“Kanina pa ako nandito hinihintay talaga kita” -Nathan

“Bakit hindi ka pumasok sa loob?”

“Ayaw ko eh, Tara na sumama ka sakin” -Nathan

Biglang hinila ni Nathan ang kamay ko pero nagpapigil ako.

“Nathan sandali kakauwe kolang ano aalis ulit ako? Gusto mo makakbo ako nila Mama?”

“Tsk, Pinagpaalam na kita kala Tita kaya Wag kanang umangal” -Nathan

“Pero gusto kona magpahinga”

“Tsk, Pagkay Mark sumasama ka pero sakin hindi? Sige na pumasok kana para makapagpahinga kana” -Nathan

Binitawan ni Nathan yung kamay at naglakad na sya papunta sa sasakyan nya. Nakonsensya tuloy ako. Hinabol ko ulit si Nathan at sumakay na ako sa sasakyan nya at halatang nagulat sya.

“Akala koba magpapahinga kana?” -Nathan

“Naawa kasi ako sayo kaya sasama nalang ako”

“So napipilitan kalang? Sige na bumaba kana nakakahiya naman sayo” -Nathan

Tsk kainis si Nathan masyadong pabebe! Kinurot ko naman sya sa pisngi at napaaray sya.

“Ang drama mo! Magmaneho kana nga baka magbago pa ang isip ko”

“Sus, Hindi mo lang ako matiis kasi Mahal mo ako” -Nathan

“Magmamaneho ka o bababa na ako?”

“Magmamaneho na po boss, I love you Dex.”  -Nathan

Hinalikan ako bigla ni Nathan sa pisngi nang walang pasabi tapos nag maneho na sya.

Pashnea talaga tong lalaking to, Bumabalik na naman yung ugali nyang Bossy at saan naman kaya nya dadalhin nang ganitong oras?

CHAPTER 41 “TEAM PINSAN”

DEX’S POV

Kaninan lang kasama ko si Mark tapos ngayon ay hinila ako ni Nathan at hindi ko alam kung saan lupalop nya ako dadalhin.

“Nathan san ba kasi tayo pupunta?”

“Hay nako My loves, Hindi kapadin nagbabago madaldal kapa din. Wala kabang tiwala sa EX BOYFRIEND mo?”

Diniin nya talaga yung salitang Ex Boyfriend at syempre narinig ko na nama ang salitang My Loves.

“My loves mo mukha mo, San mo ba kasi ako dadalhin?”

“Basta, Mag relax kalang dyan dahil hindi naman kita dadalhin sa lugar na mapapahamak ka edi para kona ding sinaktan ang sarili ko, Kasi ikaw ang buhay ko” -Nathan

Ano kayang nakain ni Nathan ngayon at mukhang hugot na hugot sya. Hindi nalang ako sumagot baka isipin nya kinikilig pa ako.

“Nathan bakit tayo nandito? Baka makita tayo nila Tita Emman at Tito Greg, Baka magalit sila.”

Kabado kong sabi kay Nathan, Ewan koba kasi sa lalaking to at naisipan nya ako na dalhin dito. Talagang hindi sya nag-iisip.

“Wala sila dyan, Nandon sila sa bago naming bahay.”

Nakahinga ako nang maluwag dahil sa sinabi ni Nathan, Mas mabuti nang nag-iingat dahil hindi ko pa alam ang gagawin ko kapag nakita ko ulit sila.

“Ano tatayo nalang ba tayo dito?” -Nathan

“Eto nga papasok napo, Excited lang?”

Natawa nalang si Nathan sakin at sabay kaming pumasok.

Pagpasok kopa lang sa bahay nila ay andami na agad na memories ang nagbalik lalo na yung una naming pagkikita ni Nathan.

……………………………FLASHBACK…………………….

Kung ano anong pwesto na ang ginawa ko pero hindi padin ako dinadalaw nang antok namamahay ata ako huhu mabuti nalag wala pa akong pasok bukas pero ayaw ko talagang mapuyat, Inumpog umpog ko yung ulo ko sa unan baka sakaling antukin ako at nakailangang umpog na ako wala padin effect.

Maya maya ay naramdaman kong bumukas yung pinto, Kinabahan ako kasi baka magnanakaw yon huhu baka patayin nya ako hindi to pwede marami pa naman akong pangarap sa buhay.

Inayos ko yung higa ko at nagpanggap na tulog, Hindi ko sya mamukaan dahil nakapatay ang ilaw.

Ilang saglit pa ay tumabi sya sakin WTF! Bumilis lalo ang tibok ng puso ko, Sino kaya sya? anong ginagawa nya sa kwarto ko??? Babangon na sana ako pero bigla nyang pinatong yung kamay nya sakin, sinubukan ko namang alisin kaya lang mabigat.

Narinig ko humihilik sya Ay ano to?

magnanakaw na nakikitulog?

lakas trip nya ah! at naamoy ko din na amoy alak sya.

Hayss kahit anong tanggal ko sa kamay nya ay masyado syang mabigat dinantay pa nya yung paa nya kaya lalo akong hindi nakawala. Hanggang sa nalatulog nalang ako.

Nagising nalang ako dahil may naramdaman akong mabigat na nakapatanong sakin, Naalala ko bigla namay pumasok pala na magnanakaw kagabi at bigla nalang tumabi sakin.

Dahan dahan kong minulat ang aking magagandang mata at nakita ko na mgkalapit na pala ang mukha naming dalawa at nararamdaman ko ang bawat paghinga nya. Napasigaw ako ng mega ultra sigaw.

“Ahhhhhhhhhh!!!!!!!!!!!”

Napabangon naman agad yung lalaki at halatang nagulat sa sigaw ko sorry sya 88% percent palang ng boses ko ang ginamit ko haha nagtira ako ng 12% para hindi sya mabingi.

“Who are you?!”

“Hoy anong who are you? ikaw ang who are you!”

“This is my room! and who the hell are you? and what are you doing here?”

Aba ang aga aga hinahamon ako ng lalaki nato sa english pwes hindi ko sya aatrasan!

“This is my room! and you? you are magnanakaw!”

hahaha hindi kona kaya mga bes, kinulang na ako sa english bukas nalang ulit.

“What are you talking about? This is my room! and definitely this is my house!”

Hinawakan nya ako at hinila palabas pero lumalaban ako, ang kapal nang mukha nya aya na nga ang biglang pumasok dito sya pa ang may ganang magpaalis? ganito naba ang modus nang mga magnanakaw ngayon?

Sayang sya gwapo pa naman kaso parang may pag ka engeng.

Mayamaya ay dumating si tita narinig siguro ang ingay namin.

“Nathan? Dex? What’s happening here?” -tita

Nagkatinginan kami bigla kami nang magnanakaw na lalaki, OMG! Sya si Nathan? Siya ang Pinsan kong Amerikano? Hindi ko sya nakilala iba kasi ang itsura nya sa picture kesa sa personal.

“Mom? do you know him?” -nathan

“Yes son, He is your cousin” -Tita

“That guy is my cousin? no way!” -Nathan

Wow makapag inarte sya akala mo kung sino sya! at grabe sya maka gamit ng HIM at GUY!

“Dex ano bang nangyari bakit kayo nagsisigawan?” -Tita

“Kasi tita yang anak nyo bigla bigla nalang pumasok dito kagabi tapos sasabihin nya kwarto nya to”

“This is my room!” -Nathan

“Nathan this is not your room, Maybe you are drunk last night that’s why you did not notice that you entered in a wrong room” -tita

Go Tita! Ipagtanggol mo ako! Luminga linga sya sa paligid, ano sya ngayon? oo mahirap lang ako pero nagsasabi ako nang totoo, Pagkatapos nyang tingnan ang paligid ay lumabas na sya agad.

“Dex pagpasensyahan muna yung pinsan mo ha? ganon lang talaga yon pero mabait yon” -Tita

“Okay lang po tita”

Wow ayon na pala ang pinakamabait ni Nathan? ang manghila? Ito siguro yung kinukwento sakin ni Manang kahapon. Pwes hindi sya uubra sakin! char! hahaha katakot sya kanina parang mangangain ng tao.

Pero dahil nakikitira lang ako dapat padin akong makisama.

Kung anong kinabait ng mga magulang nya ay syang kinaano ng ugali nya haha.

…………………..END OF FLASHBACK……………….

Kahit paano pala kasakit ang naging nakaraan mo may mga ala-ala padin na ang sarap sarap balikan lalo na kung naging espesyal sayo.

“My Loves bakit ka nakangiti?” nakangiting tanong sakin ni Nathan.

“Bakit masaba ba?”

“Nako My loves parang alam kona ang iniisip mo, Ano tara sa taas?” -Nathan

Sa inis ko kay Nathan ay hinampas ko sya, Para kasi syang tanga kung ano-ano ang iniisip. Ako nga hindi yon pumasok sa isip ko yon kahit isang beses.

“Wag nga ako Nathan”

“Ayaw mo talaga My loves?” -Nathan

“Ayaw mo talaga tumigil? Nabalitaan mo sa TV yung lalaki pinutol yung Ano nya kasi ang kulit?”

“Si My loves talaga masyadong sesryoso, Binibiro lang naman kita. Atsaka may respeto ako sayo kaya hindi ko gagawin yon.” -Nathan

“Mabuti naman, At eto pa itigil mo yung pagtawag sakin na My Loves lalo na kapag kaharap natin sila Mama pati si Dan at Mark.”

“Okay My Loves, Pero habang ako ang kasama mo hayaan mo muna na tawagin kitang My Loves.”

Inakbayan ako ni Nathan at sabay na pumasok sa loob nang bahay nila. Sa nakalipas na pitong taon ay marami nading nagbago mula sa kulay pati sa mga disenyo.

“Nathan bakit pa kayo lumipat nang bahay eh mukhang bago at maganda pa naman to.”

“Dahil gusto nila Daddy dito kami titira ni Ana kapag naging mag-asawa na kami.”

Natahimik ako bigla sa sinabi ni Nathan, Oo nga pala ikakasal na sya.

Tama kaya ang desisyon ko na ligawan nya ulit ako?

baka makasira lang ako nang relasyon.

“Pero syempre gusto ko tayo ang titira dito, Kung dati hindi kita naipaglaban ngayon kaya kona. Wala akong paki sa sasabihin nila dahil Mahal kita at ayon ang mahalaga.” -Nathan

“Nathan? Hanggang ngayon ba umaasa kapa din sa Happy Ending nating dalawa?”

“Oo naman, Kasi kapag Mahal mo ang isang tao kahit maraming hindi magagandang bagay ang nangyari mananatili ang pagmamahal nayon at ang pagmamahal nyo sa isat-isa ang magiging sandigan nyo para sumaya.” -Nathan

Ang lalim nang mga hugot ni Nathan talaga namang tagos sa puso.

“Dex? Ikaw bayan?”

Napalingon agad ako sa tumawag sakin.

“Manang?”

Sa sobrang tuwa ko ay lumapit ako sa kanya at niyakap sya nang mahigpit.

“Ang laki muna Dex, Akala ko hindi na kita makikita eh” -Manang

“Manang na miss kita, Ba’t nagtatrabaho pa kayo?”

Sa edad kasi ni Manang parang hindi na nya kaya magtrabaho.

“Mukha lang akong matanda pero malakas pa ako. Atsaka hindi ko maiwan tong alaga ko hindi pa sya marunong sa buhay magpapahinga lang ako kapag nakapangasawa na sya atlis alam ko may mag-aalaga na sa kanya.” -Manang

“Si Manang talaga, Wag kayo mag-alala manang matagal kona pong nahanap ang taong mag-aalaga sakin. Diba Dex?” -Nathan

“Manang ilibot nyo nga muna ako sa bahay nila Nathan”

Iniba ko nalang ang usupan dahil hindi ko alam ang isasagot ko kay Nathan. Iniwan namin si Nathan at naglibot kaming dalawa ni Manang.

“Dex alam mo ba ang tungkol kay Ana?” Natigilan agad ako sa tanong ni Manang.

“Opo”

“Malaking gulo kapag nalaman nya ang tungkol sayo lalo na’t ikakasal na sila at syempre sila Sir Greg at Mam Emman.” -Manang

“Alam ko naman po yon manang, Pero kasi sadyang matigas ang ulo nang alaga nyo.”

“Kasi nga Mahal ka talaga nya, At alam moba sa mga nakalipas na taon? Ngayon ko nalang ulit sya nakitang ganyan ka saya at dahil yon sayo.  Kaya wag mona ulit iiwan si Nathan.” -Manang

“Hindi natin masasabi yan Manang lalo na ngayon na ikakasal na sya at may mga tao ding naghihintay sakin.”

“Matalinong bata si Nathan at alam ko na hindi ka nya babalikan kung iiwan kalang din nya ulit. Sigurado ako may binabalak sya para sayo at sa inyong dalawa kaya magtiwala ka sana sa kanya.” -Manang

Ngiti nalang ang isinagot ko kay Manang at nilibot na namin ang bahay nila kaso konti lang ang napuntuhan ko kasi masyadong malaki at yung mga desenyo ibang iba sa dati nitong ayos.

“Ano My Loves kamusta ang Tour?” tanong sakin ni Nathan nang makabalik kami.

“Okay lang kaya lang ang laki nang bahay nyo parang mas lumaki kesa dati.”

“Okay lang yon My Loves kapag nagpakasal na tayo magiging bahay mo din to at malilibot mo din.” -Nathan

“Nako Nathan malabong mangyari yan, Baka kayo ni Ana kasi nga malapit na kayo ikasal diba?”

“Oh sya matutulog na ako bahala na kayong dalawa dito” singit ni Manang samin.

“Sige po Manang Goodnight”

Napaka loyal ni Manang sa Pamilya nila Nathan kasi halos buong buhay nya nandito na at kung tutuusin si Manang na ang pangalawang Nanay ni Nathan.

“My Loves akyat na tayo sa kwarto” -Nathan

“Bakit anong gagawin nadin don?”

“Matutulog? Relax My Loves wala akong gagawin sayo. Diba nga May respeto ako s—”

“Tsk, Ang daldal mo Nathan para kang babae. Tara na at inaantok nako”

Tinakpan ko ang bunganga ni Nathan para hindi na makapagsalita pa tapos umakyat na ako papunta sa kwarto nya kaya lang nang bubuksan ko yung pinto ay naka lock.

“Bakit naka Lock?”

“Syempre para walang makapasok alam mo naman na ayaw ko na nagpapasok sa kwarto ko” -Nathan

“So bawal ako?”

“Syempre pwedeng pwede ka My Loves kasi pag naging asawa na kita magiging kwarto mo din to at syempre kwarto nating dalawa.” -Nathan

Aaminin ko kinikilig ako sa mga banat ni Nathan pero gusto kolang maging Fair sa kanilang lahat dahil gusto ko munang timbangin kung sino ba sa kanila ang dapat kong Piliin Hindi na ako sumagot kay Nathan at dumiretso pasok nalang nang mabukasan nya ang Pinto.

Pinagmasdan ko ang paligid at wala halos nagbago kahit pitong taon na ang nakalipas.

Nagtuloy tuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa makita ko si Nathan (yung teddy bear) na nakahiga sa kama ni Nathan agad naman akong lumapit dito at kinuha sya.

“Hi Nathan, Na miss mo ba ako? Inalagaan kaba dito?”

Biglang kinuha ni Nathan si Nathan at tumabi sakin.

“Opo Mommy inalagaan ako ni Daddy” Kunwari yung Teddy Bear yung nagsasalita pero si Nathan naman talaga, Pinipigilan ko lang ang sarili ko na matawa sa kanya.

“Mabuti naman, Akala ko pinabayaan kana nya dito eh”

“Hindi po Mommy,  kaya i kiss nyo si Daddy”

Loko talaga tong Nathan nato kung ano ano ang lumalabas sa bibig. Pati tuloy ako nahahawa na sa kanya, Kinakausap ko yung teddy bear kahit sya naman talaga ang nagsasalita.

“Baby Nathan? Bawal ang kiss”

“Sige na Mommy, Iiyak ako pag hindi mo kiniss si Daddy ahhhhhh”

Pashneang Nathan to nag-iyakiyakan pa at ang sakit sa tenga kaya wala akong choice kundi halikan sya sa pisngi para lang tumigil sya.

“Okay na Na kiss kona”

“Gusto ko sa Lips”

Aba humirit pa ang loko, Kinurot kona lang sa tagiliran si Nathan para tumigil na sya at tawang tawa pa talaga sya sa ginawa nya.

“Si My loves talaga masyadong mainitin ang ulo” -Nathan

“Ang dami mo kasing alam”

Napatingin ako bigla sa isang malaking larawan na nakadikit sa dingding sa bandang uluhan ng higaan. Yung larawan naming dalawa ni Nathan na niregalo nya sakin dati.

“Nagustuhan mo ba My Loves? Walang gumalaw dyan, Iningatan ko yan at wala akong pinahintulutan na makapasok dito.” -Nathan

“Nathan? Bakit ba ganyan ka?”

“Bakit My Loves hindi moba nagustuhan?” -Nathan

“Bakit ba lagi mo akong pinapahirapan? Bakit ba lagi mong pinapahirapan ang damdamin ko?”

Niyakap ako bigla ni Nathan nang mahigpit na mahigpit at ganon din ako sa kanya at hindi kona napigilan ang mga luha sa mata ko.

“Dex Mahal na Mahal kita, Wala akong paki kung Bakla ka kasi Mahal kita dahil Mahal kita. Alam ko na hindi na kagaya dati ang pagmamahal mo sakin dahil nandyan na sila Dan at Mark pero ipapakita ko padin sayo na ako ang karapat-dapat para sayo” -Nathan

Si Nathan nga ba ang tama para sakin?

Sya nga ba ang dapat kong Piliin?

Mahal ko si Nathan pero Mahal kona din si Dan at Mark at ayaw kong may masaktan sa kanilang tatlo kaya nga kahit mahirap ay pilit ko silang pinapakisamahan at kung dumating man ang araw na kailangan konang mamili ay sana mapili ang The Best Para sakin.

CHAPTER 42 “HULI”

SHEENA’S POV

“Mommy san tayo pupunta?”

“Basta, Wag kanang maraming tanong”

Niligpit ko ngayon ang mga gamit namin ni Ana dahil lalayas na kami dito, Ayoko na pagod na ako. Mahirap makipaglaban kung yung taong ipinaglalaban mo ay may ibang ipinaglalaban.

“Mommy pano si Daddy? Kasama ba sya?” -Myla

“Hindi, Sumama na sya doon sa kabit nya. Wala na ang daddy mo dahil kinuha na sya satin”

“Ano, Sino pong kumuha” - Myla

Tinigil ko muna ang pagliligpit at humarap sa anak ko.

“Makinig ka sakin Myla, Si Dex ang umagaw sa Daddy mo kaya ayaw na nya satin. Sya yung kapatid ni Kyline yung nakaaway mo sa school. Remember?”

“Opo Mommy” -Myla

“Kaya kapag nakita mo sya magalit ka sa kanya dahil sya ang dahilan kung bakit ayaw na satin ng daddy mo”

“I hate him! I hate that Dex!” -Myla

“Don’t Cry baby”

Niyakap ko nalang si Myla para hindi na sya magdamdam. Kasalanan lahat ni Dex to dahil okay na sana ang lahat kaso bumalik balik pa sya.

“Sheena? Anong ibig sabihin nito?”

Habang nagliligpit ako ay dumating si Mark mabuti nalang at Patapos na ako.

“Aalis na kami ng anak mo Mark at hindi mo kami mapipigilan”

“San kayo pupunta? San mo dadalhin ang anak ko?” -Mark

“Sa lugar kung saan hindi mo kami mahahanap”

“Sheena please wag mo naman gawin sakin to hindi ko kayang malayo sa anak ko” -Mark

“Bakit Mark? Nakinig kaba sa pakiusap ko na tigilan mona si Dex at kami nalang nang anak mo? Nakinig kaba?!  Diba hindi?! Kaya bakit ako makikinig sayo?”

Kinuha ko si Myla pati yung maletang may laman ng mga gamit namin. Si Myla naman ay iyak ng iyak habang nakayakap sa daddy nya pero hinila ko pa din ang bata palayo kay Mark.

“Sheena Please” -Mark

“Buo na ang desisyon ko Mark, Ngayon malaya kana na gawin ang lahat ng gusto mo. Pero ito lang sasabihin ko sayo kung akala mo titigilan ko si Dex? Nagkakamali ka dahil marami akong gagawin sa kanya.” “Anong binabalak mo?” -Mark

“Surprise nalang siguro Mark, Bye!”

Kinuha kona si Myla at umalis na kami. Ito na siguro ang pinakatama kong gawin dahil ayaw ko naman na ipagsisiksan ang sarili ko sa bahay nato na si Dex naman ang gusto.

Hindi pa kami tapos ng baklang yan ilalayo kolang ang anak ko at ipapakita ko sa kanya kung gaano ako ka impakta.

DEX’S POV

Ngayon nalang ulit ako makakatulog sa kwarto ni Nathan na kung tawagin ko dati ay ‘Kwarto ng dragon’ Pano kasi dati super attitude nya dahil lagi nya akong nilalait at inaasar.

Pero hindi ko akalain na magiging ganito kaming dalawa from enemy to lovers.

“Nathan pahiram ng damit pang tulog”

“Sige My Loves kuha ka nalang sa Cabinet natin” -Nathan

Natin daw? dumiretso ako sa malaki nyang Cabinet at pagbukas ko sandamakmak na mga damit ang nakita ko pero kahit madami yon ay naka organize padin.

Kaya lang ang problema malalaki sakin yung mga damit nya tsak kapag sinuot koyon mukha akong Jeje Pero dahil wala akong choice ay pumili na ako, Yung pinili ko ay kulay red dahil ang ganda nya tingnan.

“Ayan My loves bagay sayo” -Nathan

“Sus bolero! Eh ang laki kaya sakin!”

“Mukha ba akong nagbibiro? etong gwapong mukhang to? Magbibiro?” -Nathan

“Dami monh sinasabi Nathan matulog na nga lang tayo”

“I Love My Loves, Wala ka man lang bang I love you too dyan?” -Nathan

“Wala” sagot ko sa kanya with kasamang irap.

“Ah ganon?” -Nathan

“Wahahahahahahahahhahaha NAAAAATHAAANNNNN ANO BAAAAA?!!!?!?! AHAHAHAHAHAHAHHHHHAAAAA itigil mo yannnnn hahahahahaaahahaha”

Bigla akong kiniliti ni Nathan sa tagiliran kaya hindi ko napigilan ang sarili ko na hindi mapahalakhak, Bwiset na Nathan to alam na alam yung weakness ko.

“Sabihin mo muna I love you too para tigilan ko to” -Nathan

“Tama na hahahahahhaa hindi na ako makahinga hahahaha”

“I love you o kiliti?” -Nathan

“Oo na hahaha I Loveeee youuuu Nathan hahaha”

“Hindi ko marinig” -Nathan

“I loveeeee Youuuuu Nathannnnn!!!!!”

Kahit pagod na ako kakatawa ay nilakasan kona ang boses ko para tigilan na nya ang ginagawa nya.

“I love you den My Loves” -Nathan

Tinigil naman agad ni Nathan ang pagkiliti sakin at pashnea naubos ang lakas ko don. Napahiga nalang ako sa sobrang panghihina, Tapos si Nathan biglang tumayo.

“Sige na My Loves matulog kana maaga pa kita ihahatid sa inyo?” -Nathan

“Eh san ka matutulog?” tanong ko kay Nathan, Tumayo kasi sya bigla at parang lalabas.

“Doon ako sa kabilang kwarto” -Nathan

“Ano? Dito ka nalang Tabi na tayo malaki naman tong kama mo.”

Nahiya kasi ako bigla sya matutulog sa kabilang kwarto habang ako nandito sa kwarto nya at isa pa natatakot ako mag-isa sa kwarto nya ang laki laki pa naman mamaya may akyat bahay tapos walang magtatanggol sakin.

Lumapad bigla ang ngiti ni Nathan at agad na tumabi sakin.

“Dimo ako kayang hindi katabi noh?” -Nathan

Kinuha ko yung isang unan at binigay kay Nathan.

“Matulog ka nalang, Baka magbago pa isip ko”

“Goodnight My Loves” -Nathan

Nahiga na sa tabi ko si Nathan at nakayakap sya sakin ako naman ay pumikit nadin at sinimulan nang matulog.

Kung titingnan mo si Nathan parang kampante lang sya at walang problemang darating dahil sa ginagawa namin, Hindi ko rin maisip kung bakit pumapayag ako sa ganitong set up kahit alam kong may Fiancè na sya.

Pero isa lang ang alam ko, Masaya ako ngayong nakasama ko ulit si Nathan.

Kinabukasan nagising nalang ako dahil sa malakas na sinag ng araw na nakatutok sa mukha ko. Wala na din si Nathan sa tabi ko kaya bumangon na ako.

Asan na kaya yung lalaking yon?

Hinanap kona sya sa buong kwarto nya pero hindi ko sya nakita kaya nagdesisyon na ako na lumabas nalang.

San ka hahanapin yung lalaking yon eh ang laki ng bahay nila? Bumaba nalang ako dahil baka nasa may kusina lang sya at naghahanda na makakain namin (Gutom na kasi ako haha) .

Papalakad palang ako papuntang kusina nang may tumawag sakin na pamilyar na boses.

“Who are you?”

Para akong na estatwa sa boses nayon, Hindi ako pwedeng magkamali kay Ana yon. Bumilis bigla ang tibok ng puso ko at hindi ko alam kung paano ako haharap sa kanya.

“I Said, Who are you??!”

Hindi ako nakilala Ni Ana dahil nakatalikod ako, Pano kaya kung tumakbo nalang Ako? Oo Tama tatakbo nalang ako tutal hindi nya naman ako nakilala.

Pero sadyang nakikisama talaga ang katawan ko ang dahil kahit ayaw ng isip ko ay napilitan akong tumakbo para hindi makita ni Ana. BAHALA NA SI BATMAN.

“Wait!”

Rinig kong sigaw ni Ana at hinabol nya ako, Tumakbo ako at naghanap ng matataguan kaya lang na corner na ako.

“Who the hell are you?! Humarap ka sakin, Or else tatawag ako ng pulis at ipapahuli kita” -Ana

Kinabahan ako bigla sa banta ni Ana, My Gosh ayaw ko pang makulong gusto ko pang magka pamilya.

“Wag! Wag kang tatawag”

Kabado akong humarap kay Ana pero nakayuko ako dahil sobra akong nahihiya sa sasabihin nya.

“Dex?” -Ana

“H—Hi Ana?” kabado kong sagot at my gosh basang basa na ata yung kilikili ko sa sobrang kaba.

“Anong ginagawa mo dito?” -Ana

“Ah eh ano kasi”

Huhu ano bang sasabihin ko sa kanya?

Ah Ana ano kasi ako yung Ex ng Fiancè?

Nililigawan ako ng Fiancè mo ?

Mahal ako ng Fiancè?

Ganyan ba ang dapat kong sabihin?

Huhuhu anong isasagot ko?

Magsasalita na sana ako nang biglang dumating si Nathan.

“Ana? Anong ginagawa mo dito?” -Nathan

“Binibisita ka? Bakit masama naba bisitahin ang Fiancè ko?” -Ana

“Hindi naman, Pero bakit biglaan ata?” -Nathan

“Wait nga naguguluhan ako, Bakit muna nandito si Dex? at bakit sya tumakbo? Magkakilala ba kayo? Meron ba kayong hindi sinasabi sakin?” -Ana

Huhu hot seat ako sa mga tanong ni Ana, Pero nakasalalay padin kay Nathan ang resulta ng magiging sagot nya wag lang talaga sya mamamali ng sagot.

“Meron akong sasabihin sayo Ana wag ka sana magagalit” -Nathan

No Nathan wag ka aamin kay Ana! Hindi pa ako ready huhu, Wag muna please.

“Si Dex, Sya yung Pinsan ko” -Nathan

Nakahinga ako ng maluwag dahil sa naging sagot ni Nathan akala ko talaga aamin na sya.

“Pinsan? So you mean si Dex yung Pinsan na nakwento sakin ni Manang?” - Ana

“Oo sya nga” - Nathan

“But i’m still confuse, Bakit nung pinakilala ko si Dex sayo nung Party mo ay hindi mo agad sinabi sakin na mag Pinsan kayo at ngayon naman nung tinawag ko sya ay bigla syang tumakbo” -Ana

“Dahil may tampo ako kay Nathan nang araw nayon”

Bigla na akong sumingit sa usapan nila.

“Tampo? Bakit naman?” -Ana

“Ito kasing Fiancè mo, Ayaw kang ipakilala sakin. “

“Talaga? Wag monang pansinin yan si Nathan minsan talaga may topak yan ang importante ngayon ay alam kona na ikaw ang pinsan ni Nathan” -Ana

Lumapit sakin si Ana at niyakap ako nang mahigpit akala ko ay sasambunutan nya ako pero hindi pala.

“Hindi ka galit A-Ana?”

“Ako galit? Bakit naman ako magagalit? Masaya pa nga ako dahil nakilala ko na yung Pinsan ni Nathan at dobleng saya pa kasi ikaw pala yon. Tingnan mo nga naman ang liit talaga ng mundo.” -Ana

“Oo nga eh”

Sorry Ana kung nagsinungaling ako sayo, Promise sasabihin ko sayo yung totoo kaya lang hindi pa pwede ngayon.

“Last Question, Bakit ka tumakbo ng tinawag kita?” -Ana

Pashnea naman tong si Ana ayaw tumigil sa kakatanong, Ano Teacher lang?

“Ah eh ano kasi, Akala ko magnanakaw kaya natakot ako. Sorry talaga”

“Ganon ba? Sorry din kasi hindi kita namukhaan” -Ana

“Wala yon Ana”

“OKay let’s Celebrate? Welcome to our Family again Dex.” -Ana

“Ana pauwe na Dex hindi sya pwedeng magtagal” -Nathan

“Really? Sayang naman Gusto ko pa naman maka bonding si Dex.” -Ana

“Oo pauwe na ako. Sorry Ana, Next time nalang. Pano una na ako?”

“Wait My L—  Dex” -Nathan

“Bakit Nathan may sasabihin kapa ba?”

“Ah ano kasi, Nakapangtulog kapa baka gusto mo munang magpalit bago umuwe?” -Nathan

Napatingin ako bigla sa suot ahaha oo nga noh nakapangtulog pa pala ako.

“Sabi ko nga eh”

Nagpaalam muna ako sa kanila saglit at umakyat na para magpalit, Nagmadali na ako para makaalis nadin. Bahala na muna si Nathan makipag-usap kay Ana.

Pagbaba ko ay mag kausap silang dalawa medyo naguguilty ako dahil hindi ko nasabi kay Ana yung totoo pero anong gagawin? Sigurado ako na kapag sinabi ko yon ay baka kalbuhin nya ako.

“Pano mauna na ako”

“Ihatid na kita Dex” -Nathan

“Hindi na Nathan samahan mo nalang si Ana”

“Sige na Dex ihahatid na kita, Okay lang naman kay Ana” -Nathan

“Oo Dex ayos lang sakin, I’ll wait here.” -Ana

Magkasabay na kaming lumabas ni Nathan, Pagkasakay namin ng sasakyan ay tahimik lang ako at nakatingin sa kawalan.

“My Loves ayos kalang ba?” -Nathan

“Nathan hanggang kailan tayo magsisinungaling? Pano kapag nalaman ni Ana yung nakaraan natin? Anong gagawin ko?”

“My Loves makinig ka sakin, Sasabihin ko din kay Ana pero hahanap lang ako ng tyempo.” -Nathan

Hindi na ako sumagot kay Nathan, Bakit pag dating sa mga ganitong sitwasyon hindi ako makapag isip ng tama sana lang hindi ko pagsisisihan ang pagpili ko sa ganitong sitwasyon.

Hinatid ako ni Nathan hanggang sa bahay at wala akong naabutang tao hinatid siguro nila Mama si Kyline sa eskwela pero nag-iwan naman si Mama ng sulat.

’Anak ng nanay mong maganda, May ulam dyan sa ref kumain ka ng marami dahil alam kong Pinagod ka ni Nathan ay este pagod ka. Malelelate kami ng uwe dahil may pupuntahan pa kami ng Papa mo. Nag text pala sakin si Dan pupunta daw sya ngayon dyan.

Nagmamahal Nanay mong maganda’

Pati sa sulat patawa si Mama kelan kaya sya magiging seryoso haha. Si Dan pupunta dito? Ano naman kayang gagawin nya?

DAN’S POV

“Tama ka ng pintuhan Dan, Alam na alam ko ang mga hilig ni Dex” -Miles

“Talaga? Pwede mo ba akong matulungan?”

“Syempre naman, Ikaw paba? malakas ka sakin eh” - Miles

Nandito ako ngayon kala Miles para magpatulong sa panliligaw kay Dex, Alam kong matutulungan ako ni Miles dahil matagal na silang magkaibigan ni Dex.

“Ano bang gusto ni Dex sa isang lalaki?”

“Si Dex? Hindi yon mapili, Basta mahal sya mahal nadin nya. Kaya lang kahit Mahal mo sya kung tatlo naman kayong Mahal nya ewan ko nalang kung sino ang pipiliin nya” -Miles

“Mahilig ba si Dex sa Romantic Date?”

“Nako Dan Oo naman, Pero mas gusto non kung magdedate kayo sa mga turo turo. Mahilig kasi yon sa mga street foods” -Miles

“Eh lugar? San ba sya mahilig pumunta?”

“Kahit saan basta masaya yung kasama nya, Ayos lang sa kanya” -Miles

Nakakatuwa lang malaman yung mga impormasyon tungkol kay Dex kasi wala syang kaarte arte base sa mga naging sagot ni Miles.

“Sa tingin mo pano ko kaya malalamangan si Nathan at Mark?”

“Nako mahirap yan, Kasi si Mark Bestfriend yon at kilalang kilala nya si Dex. At si Nathan naman Ex yon ibig sabihin dati na syang sinagot ni Dex at posible ulit mangyari yon. Pero ang lamang mo sa kanila sila may mga sabit ikaw wala gamitin mo yong advantage sa kanila.” -Miles

“Salamat sa mga info Miles, Ngayon may idea na ako kung paano mapapasagot si Dex.”

“Gusto ko yang fighting spirit mo Dan” - Miles

Habang nakala Miles ay naka recieve ako ng message mula sa mama ni Dex at sinabing samahan ko daw muna ang anak nila dahil may lakad sila.

Nagpaalam naman agad ako kay Miles para puntahan si Dex sa kanila dahil alam kong mag-isa na sya ngayon at gagamitin ko itong chance nato para makalamang sa kanila.

CHAPTER 43 “TEAM CRUSH”

DEX’S POV

Hayss nakakatamad naman ako na naman ang mag-isa sa bahay iniwan na naman nila ako. Minsan gusto ko nang tumahol dahil ako nalang ang palaging bantay haha.

Pero muntik na talaga ako kanina, Mabuti nalang napaniwala namin si Ana dahil kung hindi tsak malaking gulo na naman to.

Kinuha ko yung Cellphone ko at tinawagan ko si Miles.

‘Hello Miles asan ka ngayon?’

‘Nasa bahay, Bakit?’ -Miles

‘Pwede kaba pumunta ngayon dito samin? Wala kasi sila Mama. Naboboring ako’

‘Nako Baks pasensya na may lakad din kami ngayon. Alam mona malapit na kami palayasin dito diba? Kaya naghahanap nadin kami ng bagong malilipatan.’ - Miles

‘Sige Miles, Next time nalang’

Oo nga pala nawala sa isip ko na tulungan si Miles sa problema nya pano ba naman tatlong problema ang sunod-sunod na dumating sakin.

Hindi kona tuloy natulungan si Miles.

“Fishball! Kikiam! Kwek kwek!”

Napatayo agad ako sa kinahihigaan ko at mabilis na sumilip sa bintana.

Kelan pa nagkaroon ng mga nagtitinda ng street foods dito samin? At mga favorite ko pa talaga. Dahil bigla akong nag Crave ay lumabas agad ako para bumili.

“Ate pabili po”

“Sige po kuha lang po kayo dyan” Sagot sakin ng isang babae na todo ngiti na parang super close namin.

“Ate matagal napo ba kayong nagtitinda dito? Ngayon kolang po kasi kayo nakita dito”

Nacurious kasi ako bigla pakiramdam ko parang may mali.

“Ay hindi po, Ngayon lang po ako nagawi dito. May nag request lang po kasi sakin na pumunta dito at binili nya lahat ng paninda ko para sayo”

“Nag request? Sino naman po?”

“Basta Gwapo sya”

Kinilig pa si Ate habang sinasabi yung salitang gwapo. Tapos mayamaya ay may dumating na nagtitinda ng cotton candy pero parang pamilyar yung nakasakay may takip kasi sa mukha kaya hindi ko ma identify kung sino. Bumaba sya at dahan dahang lumapit sakin.

“Nagustuhan mo ba?”

“Dan?”

Kahit may takip sya ay nakilala ko pa din sya. Isang gwapong mukha ang bumungad sakin.

“Nagustuhan mo Ba? Babe?” -Dan

“Ano to bakit may paganito?”

“Diba nga sabi ko sayo gagawin ko ang lahat para ako ang piliin mo saming tatlo. Alam ko kasi na ito ang gusto mo kaya ako na mismo ang nagdala sayo” -Dan

Kikiligin naba ako? Alam na alam na talaga ni Dan kung ano ang gusto ko. Kahit kasi nagbago na ang buhay ko ngayon ay hindi padin nagbago ang mga hilig ko.

“Grabe ka naman nakakakilig kayo ang swerte mo kasi may lalaking nag eeffort sayo” biglang sumingit yung ateng nagtitinda sa usapan namin.

“Oo nga po eh”

“Alam kasi na ganito ang dream date mo” -Dan

“Pano mo nalaman?”

“Sinabi sakin ni Miles” -Dan

“Ah kaya pala”

Ako kasi yung tipo ng tao na kontento na sa simpleng date, Kahit hindi romantic basta nakikita ko yung mga paborito ko at syempre kasama yung taong Mahal ko.

Sabay kaming kumain ni Dan ng mga Fishballs at kikiam tapos yung kwek-kwek si Dan nga sinusubuan pa ako. At syempre hindi mawawala yung picture taking.

“Wow ang sweet naman, Biruin mo dinalhan kapa ng boylet mo ng mga ganito”

Napalingon kami pareho ni Dan ng marinig namin si Sheena.

“Anong ginagawa mo dito?”

“Bakit? Bawal naba ako dito? Bawal naba bisitahin ang dati kong kaibigan?” -Sheena

“Kung nandito ka para manggulo please lang tigilan mo”

“Ang hard mo naman sakin Dex, Gulo agad? Bisita nga diba. Pero sige kung gusto mo ng gulo edi go.” -Sheena

“Pwede ba Sheena umalis kana lang wag mo na kami guluhin” Singit ni Dan sa usapan namin.

“Ang sweet mo naman Dan, Talagang mahal na mahal mo yang baklang yan noh? Kahit alam naman natin kung sino ang Mahal nya.  Ewan ko nga ba sa inyo ni Mark kung bakit patay na patay kayo kay Dex, Ano bang meron sa kanya? Ano bang pinakain nya sa inyo? Wala naman yang matres kaya hindi kayo magkakaanak. Kaya kung ako sa inyo maghahanap nalang ako ng iba, Syempre yung Babae” -Sheena

Medyo na hurt ako sa mga sinabi ni Sheena isa sa masakit na realidad na hindi ko kayang ibigay ang anak na gusto ng makakatuluyan ko.

“Kahit ano pang sabihin mo wala akong paki dahil kapag mahal mo ang isang tao hindi mo iisipin ang mga bagay na wala sya at hindi nya kayang ibigay sayo.” -Dan

“Dan pumasok na tayo sa loob wag nalang natin sya patulan”

Ayoko na nang gulo, Napapagod nadin kasi ako makipagtalo kay Sheena. Kahit ano kasing explain ko sa kanya wala din naman mangayayari.

“Oh bakit ka aalis? Masakit ba? Masakit ba na marinig ang katotohanan? kung ako sayo Dex lalayo nalang ako sa kanila para hindi na sila madamay sa kamalasan ko at galit sakin ng mga tao at syempre para hindi na masira ang mga buhay nila. Alam mo na pag Bakla salot” -Sheena

Hindi ko nagustuhan ang sinabi ni Sheena kaya humarap ako sa kanya.

“Kung meron mang salot dito hindi ako yon, Ikaw yon. At ang mga katulad mo na sarado ang pag-iisip na walang ibang ginawa kundi saktan at laitin ang mga katulad ko. Ngayon mo sabihin sakin kung sino sating dalawa ang salot. Ako na bakla lang o ikaw na Babae pero walang ibang ginawa kundi ang manakit at manggulo.”

Nakakainis lang na isipin na ang tingin nila sa aming myembro ng lgbt ay mga salot.

Salot ba yung pinili mo kung anong sinasabi ng puso mo?

Salot ba yung wala kang ibang ginawa kundi pasayahin ang mga tao sa paligid mo?

Salot ba yung pinipilit mo naman maging mabuting tao?

Sino nga ba ang tunay na salot?

Kaming myembro ng LGBT o Silang Straight pero walang ginawa kundi gumawa ng kasamaan?

“Tutal ang tingin mo naman sakin ay mapanakit at mapanggulo bakit hindi natin i try sayo?”

Kinuha ni Sheena yung lagayan ng suka na sawsawan sa kwek kwek at binuhos sakin.

“Diba mahilig ka naman makisawsaw sa relasyon ng iba? at gusto mo tatlong lalaki ang sasawsaw sayo? Kaya bagay lang yan sayo. Sawsawan ng bayan.” -Sheena

“Sheena ano ba?! Hindi mo dapat ginawa yon. Sumusobra kana” -Dan

“Tama lang yan sa kanya, Sanay naman yan kasi nga—–”

Hindi natapos ni Sheena yung sasabihin nya dahil binuhos ko sa kanya yung matamis na sawsawan ng kwek kwek.

“Ano masarap din ba? Don’t worry bagay sayo yan, Kasi masyado kanang Bitter kaya kailangan mo ng konting sweet sa katawan. Pasalamat ka nga hindi kumukulong mantika ang binuhos ko sayo para tuluyan ng mabura yang kasamaan ng ugali mo”

“Hyp ka talagang bakla Ka! Akala mo kung sino kang mabait eh D*monyo ka din naman” -Sheena

“Relax Sheena, Yung sungay mo lumalabas sa sobrang galit. Correction lang hindi ako D*monyo dahil mabait pa ako sa lagay nayon. Sabi ko naman sayo wag mo akong sasagarin dahil kaya kong lumaban lalo na kung sobra na ang pananakit sakin.”

“Walang hiya ka talaga!” -Sheena

Lumapit sakin si Sheena pero pinigilan ko sya at tinulak ko sya kaya natumba sya.

“Dan pumasok na tayo sa loob, Wag na nating pag-aksayan ng oras ang Babaeng yan”

Niyaya kona papasok si Dan, Sayang tuloy yung mga tinderong inarkela ni Dan pinaalis nalang nya.

“Bumalik ka dito Dex hindi pa tayo tapos!” -Sheena

Naawa ako para kay Sheena kasi hindi naman sya datinh ganyan. Alam ko nabubulagan lang sya sa galit sakin pero mabuti syang tao.

Lumapit sakin si Sheena pero napigilan sya ni Dan.

“Sheena Tama na! Sumusobra kana!” Halata sa boses ni Dan yung galit.

“Pinagtatanggol mo pa yang Baklang yan dimo ba alam na dahil sa kanya wala na kami ni Mark?! Dahil sa kanya nasira ang Pamilyang pinangarap ko! At dahil sa kanya nawalan ng tatay ang anak ko!” - Sheena

Dahil sa mga narinig ko kay Sheena ay para akong nakagawa ng isang krimen, Kasalanan koba talaga kung bakit nangyayari ang lahat ng ito? Ako nga ba talaga ang dapat sisihin?

“Wala na kayo ni M-Mark??”

“Oo at kasalanan mo yon, Ano masaya kana ba? Masaya kana dahil nasira mo kami ni Mark?” -Sheena

“Sorry, Hindi ko alam”

“Ayan kasi ang hirap sayo Dex masyado kang paawa akala mo kung sino kang mabait pero ikaw naman talaga ang puno’t dulo ng lahat ng kaguluhang ito” -Sheena

“Tama na Sheena umuwe ka nalang” -Dan

“Aalis ako pero hindi pa tayo tapos Dex. Sinira mo ang buhay ko? Sisirain ko din ang sayo”

Pagkatapos sabihin yon ni Sheena ay umalis na sya. Sobra akong naguguilty dahil sa mga nangyari, Kasalanan ko nga talaga ang lahat.

“Dex ayos kalang ba?” -Dan

“Oo, Sanay nadin naman ako kay Sheena”

“Nakakainis na talaga yung Babaeng yon, Kung hindi lang talaga masama manakit ng Babae Baka nakatikim nayon sakin.” -Dan

“Hayaan mona sya magsasawa din yon.”

“Pano kung hindi sya magsawa at patuloy kapa din nyang inisin?’ -Dan

“Edi patuloy ko din syang lalabanan, Hindi na pwede na papayagan ko nalang sya na saktan ako syempre lalaban din ako.”

“Wag kang mag-alala Babe hindi kona hahayaan na masaktan kapa ulit ng Sheena nayon at hindi kona hahayaan na makalapit pa sya sayo” - Dan

“Wag na muna natin syang pag-usapan ayokong masira ang magandang araw ko”

“Pero yung mga sinabi sayo ni Sheena kanina, Wag mo isipin na ikaw ang dahilan ng lahat” -Dan

Ngiti nalang ang sinagot ko kay Dan at Nagpaalam ako sa kanya na maliligo muna ako dahil amoy suka ako, Kainis kasi si Sheena ayaw padin akong tigilan Pero naiintindihan ko naman sya kasalanan ko din naman kasi dapat umpisa palang nilayuan kona si Mark para hindi na ako nakasira ng Pamilya.

After kong maligo ay pinuntahan ko agad si Dan baka kasi nainip na sya.

“Matagal ba ako?”

“Hindi naman, Sorry nasira yung date natin” -Dan

“Wala tayong magagawa eh biglang dumating si Sheena”

“May naisip ako tara sumama ka sakin” - Dan

“Saan naman?”

“Basta sumama ka sakin” -Dan

Sumama naman ako kay Dan kasi alam ko na hindi nya ako dadalhin sa lugar kung saan mapapahamak ako.

Dinala ako ni Dan sa isang simbahan malapit lang din samin.

“Anong ginagawa natin dito?”

“Dito sa lugar nato, Gusto mangyari ang pagiisang dibdib namin ng taong Mahal ko” -Dan

Humarap sakin si Dan at hinawakan ang kamay ko. At naglakad kami papasok sa simbahan.

“Pero Dan alam mo naman dito satin hindi pwede magpakasal ang dalawang taong pareho ang kasarian. Dahil sabi nila kasalanan daw yon sa mata ng Diyos.”

“Bakit ba lagi nilang dinadamay ang Diyos?” -Dan

“Hindi ko alam, Sabi kasi nila nilikha ng Diyos ay Babae at lalaki lang walang Bakla at Tomboy. Kaya si Adan ay para kay Eba lang hindi para sa isa pang Adan.”

“Wala akong pakialam sa sasabihin ng iba Basta ang importante wala tayong inaapakan na ibang tao. Kaya Dex, Makinig ka sakin. Dito sa mundo kahit anong gawin mo may masasabi at masasabi sayo ang ibang tao pero ang importante ay kung saan tayo sasaya.” -Dan

Hindi ko alam kung bakit pero napaluha nalang ako sa mga sinabi ni Dan, Napayakap tuloy ako sa kanya ng mahigpit.

Dahil sa mga sinabi nya nabigyan ako ng lakas ng loob para mas ipakita sa ibang tao kung sino at ano ba ako. Maipagmamalaki ko din sa iba na isa akong magandang likha ng Diyos at hindi ako salot.

Dahil ang tunay na salot ay yung mga taong walang ibang gustong gawin kundi ang mang-apak at manakit ng kapwa nila. Pumasok kami sa simbahan ng may ngiti saming mga labi.

ANA’S POV

Nakakainis naman tong si Nathan iniwan na naman ako. Wala tuloy akong Choice kundi ang bumalik nalang sa office. Mayamaya ay pumasok sa office ko yung secretary ni Daddy.

“Mam Nandyan po sa labas sila sir Greg at Mam Emman”

“Sige papasukin mo”

Pagpasok nila Tita at Tito ay lumapit agad ako sa kanila at nakipag Beso Beso.

“Oh Hija, Where’s Nathan? I thought magkasama kayo ngayon?” -Tito

“kanina po magkasama kami, Pero bigla syang umalis”

“Pagpasensyahan mona yung anak namin Ha? Ganon lang talaga yon” -Tita

“It’s okay Tita, Sanay na ako and by the way na meet kona pala yung pinsan nya.”

“Pinsan?” -Tita

“Yes po, Si Dex”

“Si Dex???” -Tita

“What??” -Tito

Pareho silang nagulat sa sinabi ko at sabay na nagkatinginan.

“Opo, May problema po ba?”

“Kelan mo pa nakilala si Dex?” -Tita

“Before po nong Birthday ni Nathan na meet ko si Dex and kanina nandon sya sa dati nyong bahay kasama si Nathan”

“Nandon si Dex? Bakit daw sya nandon?” -Tita

“Hindi ko po alam eh”

“Thanks for the Info. Ana, I will talk to Nathan about your wedding. Kailangan na matuloy ang wedding nyo As soon as possible” -Tito

“Sige po Tito kayo ang bahala”

Nakapagtataka naman si tito Greg parang nagmamadali sya na ewan.

Hindi din sila nagtagal ni Tita Emman dahil kakausapin na daw nila si Nathan, Sa kabilang banda ay maganda nadin yon dahil mas mapapabilis ang kasal namin ni Nathan.

Pero bago yon magpapatulong muna ako kay Dex para mas makilala ko pa si Nathan.

CHAPTER 44

DEX’S POV

Ngayon sigurado na ako sa desisyon ko at kailangan kona gawin to para matapos na.  Masyado nang lumalaki ang gulo at kailangan konang bawasan.

Kinuha ko ang Cellphone ko at tinext si Mark na magkita kami dahil may sasabihin ako sa kanyang importanteng bagay.

Pero bago yon kailangan ko muna pumunta sa Mall dahil may 50% off sila. Sayang naman kung hindi ako pupunta. Niyayaya ko nga si Miles kaya lang hindi sya pwede dahil tinutulungan nya ang parents nya na maghanap nang bagong malilipatan dahil mukhang papaalisin na talaga sila.

Ang tanging magagawa ko nalang ngayon ay tulungan sila na makahanap ng bagong matutuluyan o di kaya kakausapin ko nalang si Nathan na kausapin si Ana na baka pwede nitong pakiusapan ang daddy nya na wag nang ituloy ang demolition.

So ayon na nga mag-isa nalang ako pumunta sa Mall kaya lang iba yung pakiramdam ko kasi nga mag-isa lang ako. Na miss ko tuloy bigla yung tatlong mokong na kumukulit sakin.

“Ano ba! bulag kaba o sadyang tatanga-tanga kalang?! Hindi moba alam kung magkano ang bag nayan!?”

Kinuha ko agad yung bag na nahulog nung babaeng nakabanggaan ko, Pashnea kasi kung saan saan nakatuon ang atensyon.

“Sorry hindi ko talaga sinasadya”

“Kaya Tanga ka diba?”

Grabe naman si Ate Girl makatanga, Oo na kasalanan kona pero hindi ko naman talaga intensyon na banggain sya.

“Sorry na nga diba?”

“It’s been seven years mula nang huli tayong nagkita, Nice meeting you again. Dex?”

Kilala nya ako?

Pagtingin ko sa babaeng nakabangga ko ay isang dating kakilala ang nakita ko. Hindi ko inaasahang magkikita kami ulit.

“Irish???”

“Yes, It’s me Irish. The one and The Beautiful Irish.”

Hindi ko alam kung bakit pero sobrang saya ko nang makita ko sya at niyakap ko sya ng mahigpit. Pero saglit lang baka kasi mainis sya sakin, Alam nyo naman haha.

“Irish kamusta kana? Grabe wala kapa ding pinagbago ang ganda ganda mo pa din.”

“Ofcourse I’m Beautiful. I was Born beautiful and You? I must say na nagbago kadin, Medyo umayos nadin ang itsura mo” -Irish

“Irish pwede mamaya mona ako insultuhin? Tara sumama ka sakin, Kakain tayo”

Hinawakan ko si Irish at hinila ko sya palabas ng Mall. Hindi na sya nakapalag sakin kasi mas maganda na ako sa kanya ngayon haha char!

Paglabas namin sa mall ay humanap agad ako ng tuhog tuhog dahil dun ko sya gusto pakainin.

“OMG, What’s that?” -Irish

“Ang arte mo naman, Parang hindi ka naman nakakain nito dati”

“Tsk, Shut up. I don’t eat those kind of foods” -Irish

Hindi ko mapigilang matawa kay Irish habang tinuturo nya yung mga pagkain with matching pandidiri Face Pa.

Pero totoo naman talaga ang sinabi ko, Kumain naman talaga sya ng street food nung nagkasama silang dalawa ni Nathan.

“Sige na kumain kana, Libre ko yan wag kang mag-alala”

“I said. I DONT” -Irish

“Kakain ka oh ikaw ang tutuhugin ko at ilalagay kita sa kumukulong mantika?”

Napalunok naman sya sa sinabi ko sabay napaatras ng kaunti.

“Haha Charot Lang! Anong palagay mo sakin Bad Person? Never kong gagawin yon. Kaya sige na kumain kana baka magbago pa ang isip ko.”

“Is this an order or a threat?” -Irish

“Bahala ka kung anong gusto mong isipin basta ako sinabihan na kita”

Hindi na nakapalag sakin si Irish at napilitan syang kumain ng mga favorites ko haha.

“By The way Dex, Kamusta kana pala? Kayo ni Nathan?” -Irish

Wow himala kinamusta ako ni Irish.

“Totoo bato kinakamusta mo ako?”

“You know what Dex hindi naman kita masisisi kung hindi ka maniniwala agad, Syempre madami akong nagawang masasamang bagay sayo dati but i swear nagbago na ako. Hindi na ako yung dating Irish na masamang tao na palaging nang-aaway sayo. Because i already found My Sunshine and he changed me a lot” - Irish

“Eh bakit ang arte-arte mo kanina?”

“It’s a joke, Sinusubukan ko lang kung anong magiging reaksyon. Kaya lang mukhang hindi na umeepekto sayo ang mga kaartehan at kamalditahan ko” - Irish

“Alam mo ba kung bakit? Kasi dati palang gusto na kitang maging kaibigan, Pero pano mangyayari yon kung sasabayan ko ang kamalditahan mo”

“You’re One of a kind Dex. Ngayon hindi na ako magtataka kung bakit minahal ka ni Nathan. Oo nga pala bakit hindi mo sya kasama ngayon?” -Irish

“Ah eh ano kasi Irish, Matagal na kaming wala ni Nathan.”

“Oww, Sorry to hear that.” - Irish

“Okay lang. Pero ikaw may LoveLife kana, Ipakilala mona man sya sakin.”

“Don’t worry Dex you already know him.” - Irish

“Anong ibig mong sabihin?”

“Tara ipapakilala kita sa kanya.” -Irish

This time ako naman ang hinila ni Irish at pumasok ulit kami sa mall. Mukhang excited na talaga syang makilala ko ang Jowa nya.

Nag-antay pa muna kami nang ilang minuto sa  Boyfriend nya.

“Oh ayan na pala sya eh”

Napatingin agad ako sa lalaking palapit samin. Totoo bato?

Sya ang Boyfriend ni Irish??

Mabilis na lumapit samin ang lalaki at agad nyang niyakap si Irish at ako naman ay hindi padin makaniwala sa nakikita ko.

“Kenji? Ikaw ang Boyfriend ni Irish?”

“Oo Dex ako ang Boyfriend ni Irish” -Kenji

Capital O! M! G! sila nang dalawa??!?!?!?!?!? Pero pano nangyari yon?

“Gaano na pala kayo katagal?”

“Almost 2 years palang kami, Wala bang na ikwento sayo si Dan?” -Kenji

“Wala, Kaya nga nagulat ako ngayong malaman ko na kayo palang dalawa”

“Kahit ako nga din hindi ko akalain na mapapasagot ko ang Mataray na Babaeng to.” -Kenji

“Because i don’t have a choice. Bina blockmail mo kaya ako” -Irish

“Sus Love, Ang sabihin mo patay na patay ka sa kagwapohan ko.” - Kenji

Ahhh!! ang sweet nila tingnan dalawa! Sana all may ganyan.

“Hindi padin talaga mag sink in sa utak ko na liligawan mo si Irish at sasagutin kadin nya kasi nga nag-aaway din kayo dati?”

“It’s a long long story, Don’t worry ikukwento ko sayo kapag nagkita ulit tayo. Oo nga pala ano palang ginagawa mo dito?” - Irish

“Kasi ano, May nakita ako dito na 50% off kaya pumunta ako. Sayanag naman kasi.”

“Really? Gusto mo samahan kana namin?” -Irish

“Talaga? Sige kayo bahala”

Yehey hindi na ako mag-isa may kasama na ako haha. Kaya lang nakakailang kasi ang sweet nilang dalawa sana ako din meron ganyan.

Namili nadin silang dalawang magjowa ako naman ay hinanapan kona din sila Mama at Papa para naman may bago silang damit.

After naming namili ay tsaka kolang naalala yung dapat kopang gagawin. Pashnea may usapan pala kami ni Mark na magkikita ngayon huhu nawala na sa isip ko masyado akong natuwa sa pagkikita namin ni Irish.

“Masaya ako na nakita ko kayo ulit, Pero mauna na talaga ako may pupuntahan pa ako”

“Sige, Mukhang importante yan.” -Kenji

Gusto kopa sana silang makasama kaya lang baka nag-aantay na sakin si Mark atsaka importante din talaga ang sasabihin ko.

Tumakbo agad ako palabas nang mall at naghanap nang masasakyan papunta sa meeting place namin ni Mark.

Pagdating ko don ay nakatayo na sya, Napili kong kausapin sya dito sa punong madalas naming tambayan dati.

“Dex ano palang pag-uusapan natin?” -Mark

“Mark Gusto ko lang na malaman mo na espeyal ka sakin at nagpapasalamat ako kasi nakilala kita. Pero gusto ko lang magpakatotoo sa nararamdaman ko, Hanggang pagkakaibigan nalang talaga ang kaya kong ibigay sayo. Sorry talaga pinilit ko naman na mahalin ka pero wala talaga eh kung magagalit ka sakin okay lang tatanggapin ko lahat ng sasabihin mo.”

Nag-umpisa na namang tumulo ang luha ko.Mahal ko naman si Mark pero hanggang Bestfriend lang, Ganon pala yon kapag may dumating na bago makakalimutan mo din ang dati mong minahal. Lumapit sakin si Mark at pinahid yung luha ko.

“Wag ka mag sorry Dex, Wala ka naman kasalanan. Kaya wag kanang umiyak lalo kang pumapangit eh.” - Mark

“Hindi ka galit sakin?”

“Bakit naman ako magagalit sa Bestfriend ko?Pano na ngayon yan sino ngayon sa dalawang mokong ang pipiliin mo?”-Mark

Ngayong wala na si Mark. Sino nga ba kay Dan at Nathan ang dapat kong piliin?

“Malalaman mo din”

“Ibig sabihin nakapili kana?” - Mark

“Oo”

“Kung sino man sa kanila ang piliin mo sigurado ako na Mamahalin ka nila at kung saktan ka nila reresbak agad ako.” -Mark

“Mark may isa pa sana akong gustong sabihin sayo”

“Ano yon “ - Mark

“Pwede bang magkaayos na kayo ni sheena? Alam ko ako naman ang dahilan kung bakit kayo nasira.”

“Hindi ikaw ang dahilan kung bakit kami nasira, Ako yon. Kaya wag kang mag-alala aayusin ko ang nasira ko, Pangako ko yan”

Bago paman dumating si Dan at Nathan sa buhay ko mas nauna ko munang nakasama at nakilala si Mark.

Napaka buting Bestfriend ni Mark, Tinanggap nya ako kahit bakla ako. Kasi kung tutuusin mahirap para sa isang lalaki na magkaroon ng baklang kaibigan dahil may posibilidad na tuksuhin din sya.

Pero binalewala lahat yon ni Mark dahil nga gusto nya daw akong maging kaibigan.

NATHAN’S POV

Nasa kalagitnaan ako nang tulog na may kumatok sa kwarto ko kaya dalidali akong napangon.

“Manang ano bayon? Natutulog pako”

“Nathan ang Mommy at Daddy nyo nasa baba” -Manang

Ano naman kaya ang gagawin nila dito?

Kahit inaantok pa ako ay napilitan akong bumaba para harapin sila.

At paglapit ko kala Daddy ay isang suntok na agad ang binungad nya sakin.

“Akala mo hindi ko malalaman?!  Hanggang kailan mo balak na ilihim samin na nakikipagkita kana pala kay Dex?! At dinala mopa talaga sya dito at pinakita mopa kay Ana.Ano bang pumasok sa kokote mo at nagkakaganyan ka?! Do you really want to ruin your life?!” - Dad

“Bakit Dad? Hindi paba sira ang buhay ko? Simula ng lumayo ako kay Dex nasira na yung Buhay ko! Pinilit nyo akong pakasalan ang isang taong hindi ko naman Mahal!”

“Whether you like it or not magpapakasal ka kay Ana” -Dad

“No Dad, I don’t wanna ruin my Life Again!”

Isang malakas na suntok ang tumama sakin at napatumba ako, Kita ko kay Daddy na talagang galit sya si Mommy naman ay inaawat lang si Daddy habang umiiyak nadin.

“I am still your Father, Kaya ako ang dapat masunod. Kaya kung patuloy mong gagawin yang kabaliwan mo? Kukunin ko ang lahat nang meron ka!” - Dad

“Sige Dad kunin mo! Hindi na ako natatakot.”

“Tama nayan wag na kayo mag-away”

Umawat na si Mommy habang umiiyak at lumapit sya sakin.

“Nathan listen to me, Sundin mo nalang ang Daddy mo para walang gulo ang gusto lang naman nang daddy mo yung best para sayo.” - Mom

“Mom?! Hanggang kailan tayo magsusunod sunuran sa mga gusto nya? Mom ito nalang ang Happiness ko, Si Dex nalang ang Happiness ko ilalayo nyo pa?”

“Hindi paba sapat yung pinag-aral kita!? Pinakain, Binihisan at Binigyan nalang nang gusto mo? Hindi kapa ba masaya don?” -Dad

“Dad masaya ako sa lahat ng binigay nyo and thank you for that. Pero si Dex? Sya yung nagbibigay sakin ng true happiness na kahit kailan hindi mabibigay sakin ng mga material na mga bagay.”

“Nathan kasalanan sa Diyos ang ginagawa mo,  Dahil ang Lalaki para lang sa Babae hindi para sa Bakla!” -Dad

“Pwede ba Dad sawang sawa na ako sa kasabihang yan at wag nyo idadamay ang Pangalan nang Diyos dahil kahit na minsan hindi gugustuhin ng Diyos na gamitin o idamay ang pangalan nya para manlait at mang apak nang isang tao.”

Pagkatapos kong sabihin ang mga salitang yon ay umalis na ako. Kailangan kona tapusin ang kahibangan na to sasabihin kona kay Ana ang totoo ayoko na lokohin at saktan ang isang kagaya ni Ana.

CHAPTER 45

ANA’S POV

Excited na ako sa nalalapit na kasal namin ni Nathan. Nakatanggap kasi ako nang message mula kay Tito Greg na mas paaagahin daw ang kasal namin.

Pero parang iba ang pakiramdam ko parang may mangyayaring hindi maganda.

“OMG Ana, Bakit mo sinuot ang damit mo?”

“Bakit Jasmine hindi ba bagay?”

Nakakagulat naman kasi yung reaksyon ni Jasmine parang pangit na pangit sya sa gown ko.

“Hindi naman, Pero kasi ang sabi nila kapag sinuot mo daw ang Gown na pangkasal nang hindi pa araw ng kasal ay may mangyayaring hindi maganda. Baka hindi matuloy ang kasal mo.” -Jasmine

Kinabahan ako bigla sa sinabi nya, Totoo kaya yon?

Siya nga pala si Jasmine isa sa mga paborito kong designer kaya sya ang pinili ko para gumawa ng gown na isusuot ko.

“Nako Girl wag ka masyadong OA, Tuloy na tuloy na ang kasal ko at wala nang makakapigil don. It’s just an old Phrase kaya wag kang maniwala sa mga ganyan.”

“Sige ikaw bahala basta ako nagsabi lang. Pero maiba ako ang tagal na nating magkakilala pero ni minsan hindi kopa nakikita yung mapapangasawa mo” - Jasmine

Speaking of Nathan ayaw nya kasi sumama sa mga lakad ko at ayaw nya din magpa picture kaya wala akong maipakita sa mga kakilala at kaibigan ko. Kahit social media wala din sya.

“Makikita mo din sya sa araw nang kasal ko, Pero dahil malakas ka sakin ipapakita ko sayo yung picture nya kaya lang medyo bata bata sya dito.”

“Sige okay lang.” -Jasmine

Mabuti nalang may mga pictures si Nathan sa bahay nila at ayon nalang ang kinunan ko.

Pinakita ko kay Jasmine ang nakunan kong larawan ni Nathan.

“Si Nathan? Sya ang Fiancè mo?” - Jasmine

“Oo bakit? Kilala mo ba sya?”

Kitang kita sa mukha ni Jasmine na gulat gulat sya nang makita ang picture ni Nathan.

“Oo kilala ko sya, Ex ko si Nathan.” - Jasmine

“What? Is this kind of a joke?”

Ako naman ngayon ang nagulat sa sinabi ni Jasmine. Ganito ba talaga kaliit ang mundo naming lahat?

“Oo Pero matagal nayon kaya wala kanang dapat alalahanin.” - Jasmine

“That’s Good,  Pero after mo meron pabang ibang naging Ex si Nathan?”

Curious lang ako na malaman kasi hindi padin ako magawang mahalin ni Nathan.

“Oo meron pa, Kaso baka hindi ka maniniwala sa sasabihin ko sayo” -Jasmine

“Bakit ano bang meron sa Ex nya?”

“Kasi after ko may naging Ex sya kaso hindi Babae” -Jasmine

“Anong ibig mong sabihin?”

“Bakla ang sumunod nyang karelasyon” -Jasmine

Hindi ako makapaniwala sa sinabi ni Jasmine. Si Nathan nagkaroon nang relasyon sa kapwa nya kasarian? Sa isang Bakla?

“Totoo ba talaga yang sinasabi mo?”

“Oo at alam mo Ba na kahit Bakla yon ay tinuring nya yon na parang isang tunay na Babae, Marami silang pinagdaanan pero pinaglaban nya padin si Dex.” - Jasmine

“Wait, Dex?”

Biglang lumakas ang tibok ng puso ko nang marinig ko ang sinabi ni Jasmine, Tama ba ang narinig ko o nabibingi lang ako?

“Oo Dex ang pangalan nya” - Jasmine

Dali dali kong kinuha ang Cellphone ko at pinakita kay Jasmine ang Picture ni Dex, Sana lang talaga ibang Dex ang tinutukoy nya.

“Ito ba yung Dex na tinutukoy mo?”

“Oo sya nga, Bakit ka may Picture nya? Nakilala mona ba sya?” - Jasmine

Bigla akong nanghina sa mga sinabi ni Jasmine Matapos nyang kompirmahin na ang Dex na Ex ni Nathan ay ang Dex na kakilala ko din.

Pero bakit kailangan nilang magsinungaling sakin?

Bakit hindi nila agad sinabi sakin?

Dali dali kong hinubad yung gown na suot ko at nagpalit nang damit. Kailangan ko makausap ang isa sa kanila, Kailangan ko malaman ang sagot kung Bakit!? Bakit nila ako kailangan lokohin?

“Ma’am Ana San kayo pupunta?” -Jasmine

“May pupuntahan lang ako, Ikaw na muna ang bahala dito.”

“Sige”

Nagmadali na akong lumabas, Habang tumatakbo ako ay ang lakas ng tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung iiyak ako o magagalit sa kanila, Pero kagaya nga nang nasa isip ko kailangan ko sila makausap para malaman ang katotohanan.

NATHAN’S POV

Bakit may mga magulang na hindi kayang makita na masaya ang kanilang Anak?

Bakit may mga magulang na ang gusto lang nila ang nasusunod?

Buong buhay ko sinunod ko naman si Daddy ngayon ko Na nga lang susundi ang sinasabi ng puso ko.

Pero dahil mas mahal ko si Dex ay mas pinili ko sya kahit galit ang mga magulang ko.

Nagmadali agad ako papunta kala Dex kaya lang bilang may humarang na kotse sa dadaanan ko mabuti nalang at nakapag preno ako kaya napababa ako sa sasakyan ng wala sa oras. At bumaba din yung nasa kabilang kotse.

“Ana?”

“Saan ka Pupunta? Kay Dex ba?” -Ana

“Basta”

“Sabihin mo sakin ang totoo at wag na wag kang magsisinungaling sakin.” -Ana

“At ano naman ang dapat kong sabihin sayo?”

“Marami Nathan, Marami. Yung tungkol sa inyo ni Dex. Bakit dimo sinabi sakin ang tungkol sa inyo? Na hindi lang pala kayo basta magpinsan dahil Ex mo sya!” -Ana

Nagulat ako sa sinabi ni Ana. Pano nya nalaman na Ex ko si Dex?

“Pano mo nalaman? Sino ang nagsabi sayo?”

“Hindi ko na kailangan pang sabihin kung pano ko nalaman o sino ang nagsabi sakin ang importante ay alam kona ang totoo ngayon.” -Ana

Wala na akong maitatago pa kay Ana dahil mukhang alam na nya talaga ang tungkol sa nakaraan namin ni Dex. Pero maganda nadin siguro na nalaman na ni Ana ang totoo para hindi na ako mahirapang mag explain sa kanya.

“Sorry, Kung hindi ko man nasabi agad sayo. Pero masisisi mo ba ako? Akala ko wala na yung nararamdaman ko para kay Dex pero nung nakita ko ulit sya ay nanumbalik lahat,  Actually hindi naman talaga nawala yon. Nadagdagan lang lalo nang makita ko sya ulit.”

“Please Nathan wag mo akong iiwan, Malapit na ang kasal natin.” -Ana

“Ana alam mong si Daddy lang ang may gusto na ipakasal ako sayo.”

“Pero pwede mo naman subukan diba? Pwede mo naman akong matutunan na mahalin, I can be better than Dex.” -Ana

Kita ko sa mga mata ni Ana ang sakit na nararamdaman nya, Pero wala naman may ka gustuhan na managyari to pareho lang kami naiipit sa sitwasyon.

“Ana Listen, Hindi ako ang tamang tao para sayo. May nagmamay ari na nang puso ko.”

“Bakit Nathan paano ka nakasisiguro na Mahal ka ni Dex? Hindi ba may Boyfriend na sya?” -Ana

“Alam kong ako ang Mahal ni Dex.”

“Nathan ngayong linggo na ang kasal natin, Hindi ka pwedeng umatras dahil sigurado ako na gagawin ni Tito Greg ang lahat matuloy lang kasal at kung kinakailangan kaladkarin ka nya ay gagawin nya Just to make sure na nandon ka” - Ana

Totoo lahat ng sinasabi ni Ana tungkol kay Dad, Kasi ganon naman talaga ang ugali nya.

“Makukuha nya ako pero hindi mababago non na si Dex lang ang mamahalin ko.”

“Ganon ba talaga ako kahirap mahalin Nathan? Hindi mo ba talaga kayang turuan ang puso mo na mahalin ako?” -Ana

“Ginawa ko Ana pero wala eh si Dex padin ang Mahal ko.”

“Basta ako hihintayin kita sa araw nang kasal  natin.” -Ana

“Bahala ka kung ano man ang gusto mo, Pero nasabi kona sayo ang dapat kong sabihin.”

“Ganon mo ba talaga kamahal si Dex? Na kahit sarili mong magulang ay susuwayin mo?” -Ana

“OO, Dahil simula nang makilala ko si Dex nagbago ako, Tinuruan nya ako kung pano maging masaya, Naranasan ko sa kanya yung pagmamahal ng isang pamilya kaya kahit ano pang sabihin ng iba ay wala akong pakialam kasi hindi naman sila yung nagmamahal eh ako yon.”

“Ang swerte naman ni Dex” -Ana

“Mali ka Ana, Ako ang maswerte sa kanya. Kung alam mo lang talaga yung mga ginawa sakin ni Dex kaya ganito ako ngayon.”

Halatang pabagsak na ang mga luha sa mata ni Ana, Ayoko naman talaga syang saktan pero mas maganda nang masaktan sya sa katotohanan kesa naman magsinungaling pa ako sa kanya.

Hindi narin ako nagtagal sa pakikipag-usap kay Ana dahil kailangan kona makausap si Dex, Kailangan konang malaman kung ako ba talaga ag pipiliin nya. Kung hindi man ako wala akong choice kundi pakasalan si Ana.

DEX’S POV

Ang bigat ng pakiramdam ko ngayong araw parang may hindi magandang mangyayari.

“Kuya Dex nandyan po si Kuya Dan sa labas” -Ky

Napabangon agad ako sa kinahihigaan ko. Ano naman ginagawa dito ni Dan?

Lumabas agad ako at isang napagandang ngiti ni Dan ang sumalubong sakin.

“Oh Dan napadalaw ka ulit?”

“May sasabihin ako sayo na importante” -Dan

Mukhang importante nga ang sasabihin nya kaya naupo kami pareho, Ako naman biglang kinabahan sa sasabihin nya.

“Anong sasabihin mo?”

“May nag offer kasi sakin nang work, Actually matagal nato inantay kolang yung result kung approve ba o hindi at ngayon na approved ako.” - Dan

“Talaga? Edi maganda, Congrats.”

Akala ko naman bad news eh Good news naman pala.

“Work abroad yon Dex at ngayong linggo na ang alis ko” - Dan

Nabigla ako sa sinabi ni Dan parang hindi nag sink in sakin ang mga sinabi nya.

“Abroad?”

“Oo Dex, Pero pwede naman na hindi ko yon ituloy kung pipigilan mo ako. Kung ako ang pipiliin mo samin.” - Dan

Natahimik ako sa sinabi ni Dan para akong nasa kalagitnaan nang isang contest at worth 1 million ang mapapanalunan ko kung tama ang magiging sagot ko.

“Dex?”

Napalingon agad ako ng dumating naman si Nathan. Ano na naman kayang sasabibin nya?

“Nathan anong ginagawa mo dito?”

“Dex kailangan konang malaman ang sagot kung ako ba talaga ang pinipili mo samin.”

Dirediretsong sabi ni Nathan kaya lalong naguluhan ang utak ko.

“Sandali lang, Naguguluhan ako sa inyong dalawa.”

“Dex makinig ka sakin, Ngayong linggo na ang kasal namin ni Ana pero ayaw kong magpakasal sa kanya dahil alam mong ikaw ang mahal ko. Kaya please sabihin mo kung ako ba.” -Nathan

Ano bang nangyayari sa Earth at ganito na naman ang nangyayari sakin, Bakit kailangan ko na namang mag desisyon.

Mahal ko sila pareho kaya ayaw konang may masaktan pa na isa.

“Dex pag-isipan mo ang mga sinabi ko sayo, Mag-aantay ako sa araw ng alis ko.” - Dan

“Dex ikaw nalang makakapigil sa kasal namin.” -Nathan

“Sige pipili na ako sa inyong dalawa, Bigyan nyo muna ako mg sapat na Panahon at kung sino ang pupuntahan ko sa inyo ayon ang pipiliin ko.”

Isa na siguro ito sa pinakamahirap na pangyayari sa buhay at kailangan kong pumili ng tama, Tamang tao para sakin. At kung sino sa kanilang dalawa yon ay kailangan kong pag-isipan.

“Sige Dex, Kung ano man ang magiging desisyon mo ay tatanggapin ko.” - Dan

“Sige na umuwe na kayong dalawa. Kailangan ko muna mapag-isa para makapag-isip isip ako.”

Lord love life lang naman ang hiningi ko sa inyo, Pero bakit ganito naman ka komplikado ang binigay nyo?

Umalis maman agad ang dalawa, Hindi kasi ako makakapag isip ng maayos kung makikita ko sila.

“Mukhang malalim at Ang iniisip mo?” -Mama

Nakatunganga lang kasi ako sa lamesa habang iniisip kung sino nga ba kay Dan at Nathan ang pipiliin ko.

“Ma kung kayo ang tatanungin sino nga ba ang dapat kong piliin kay Dan at Nathan.”

Napabuntong hininga si Mama at hinawakan ang kamay ko.

“Alam mo Dex, Alam mo na sa sarili mo kung sino sa kanila ang pipiliin mo. Naguguluhan kalang kasi nga importante din sayo yung isa at ayaw mo itong masaktan.” -Mama

Kung ako ang tatanungin ayokong may masaktan sa kanila di baleng ako nalang.

“Ma naalala nyo pa ba yung sinabi nyo sakin, Na kapag nahanap mona si The One ay may mararamdaman ka?”

“Yon ba? Oo may mararamdaman ka. ‘Fast Forwad’ , Yung tipong kakakita mo palang sa kaniya nag Fafast Forward na ang mundo mo. Makikita na magiging kayo, Magpapakasal, Magkakaroon ng masayang pamilya at higit sa lahat sabay kayong tatanda. Ang tanong ngayon ay Kanino mo naramdaman ang Fast Forward?” -Mama

Sana sapat na ang ilang araw para makapili ako sa kanilang dalawa. Masyado nang magulo ang mga buhay namin siguro naman panahon na para malagay kami sa maayos at magandang sitwasyon.

CHAPTER 46 “BFF FOREVER”

DEX’S POV

“Be ang hirap nga nang Sitwasyon mo, Pero ako duon padin ako sa talagang mahal mo. Ang tanong sino nga ba sa kanila?” -Miles

Kasama ko ngayon si Miles sa isa sa mga Branch ng Grocerie Store namin nirarayuma kasi si mama (haha matanda na kasi char!)  Joke! Tinatamad lang daw sya at madami pa syang lilinisin sa bahay. (Taray noh? May ari na kami ng isang Grocerie Store na more than 5 Branches) . Kung ano man ang narating ng pamilya namin ngayon ay dahil yon sa sipag at tyaga namin at syempre dahil nadin sa perang binigay ni Tito Greg.

“Naguguluhan padin kasi ako Miles, Pareho ko silang Gusto at ayaw kong may masaktan sa kanila.”

“Hindi ko alam kung makakatulong to pero malay mo naman.” -Miles

“Bakit ano bayan?”

“Pumikit ka tapos huminga ka ng malalim at isipin mo silang dalawa, Isipin mo yung mga araw na kasama mo sila,Tapos dumilat ka at kung sino ang huling makikikita mosa isip mo sya ang Dapat mong piliin” -Miles

“Talaga ba? Ano yon? Magic?”

“Bakla ka seryoso ako” -Miles

Hindi ko alam kung pinagtitripan lang ako ni Miles o nagsasabi sya ng totoo sakin Pero sinunod ko nalang ang sinabi nya, Pumikit ako at inisip ko ng maigi ang itsura nila Nathan at Dan, Inisip ko yung masasayang araw ko na kasama sila at pagkatapos ay dahan dahan kong iminulat ang mga mata ko.

Totoo nga ang sinabi ni Miles may isang mukha ang tumatak sa isipan ko, Isang mukha na hindi naman talaga nawala sa Isip, Isang mukha na laging nandyan at hindi ako iniwan.

“Ano Be meron?” -Miles

“Oo Miles, Salamat.”

“Sabi ko naman kasi sayo eh” - Miles

Ngayon sigurado na ako kung sino kapa Nathan at Dan ang pipiliin ko. Hindi madali sakin na mamimili sa kanilang Dalawa dahil pareho ko silang Gusto at pareho nila akong minahal nang totoo.

“Dex bakit nga pala wala na sa choices mo si Mark? Diba sya ang First love?” -Miles

“Oo sya nga, Pero mas mabuti nadin siguro na maging mag Bestfriend nalang kami”

“Alam mo Correct ka dyan, Para hindi kana din awayin ng bruhang Sheena nayon.” -Miles

Tiwala ako kay Mark na maayos nya to, Lumaki syang walang tatay at alam kong ayaw nyang maranasan yon ng anak nya.

“Miles kamusta na pala sa bago nyong bahay?”

“Ayon naninibago, Pero okay naman” -Miles

“Pasensya kana hindi kita nasamahan sa paglipat nyo, Busy lang talaga.”

“Ano kaba wala yon, Alam ko naman na mahirap ang pinagdadaanan mo. Pero Sayang noh hindi siguro nakausap ni Ana ang daddy nya.” - Miles

Speaking of Ana, Isa payon sa problema ko. Kailangan kona sabihin sa kanya ang tungkol samin ni Nathan baka isipin nya na may relasyon pa kami ng Fiancè nya kasi hindi ko man lang sinabi ang tungkol sa nakaraan namin ni Nathan.

“Dex?”

Napatigil kami pareho ni Miles nang biglang sumulpot si Sheena.

“At anong ginagawa mo dito? Pano mo nalaman na nandito kami? Grabe talaga ang pang-amoy Girl.” - Miles

“Sheena kung nandito kalang para awayin ako pwes hindi kita uurungan, Tama na yung ilang beses mo akong saktan at siraan.”

“Dex hindi ako nagpunta dito para awayin ka, Nandito ako para makipag-usap.” -Sheena

“Wow Big Word, Makipag-usap? Kelan kaba nakipag-usap lang sa kaibigan ko? Edi ba lagi mo nga syang inaaway.” -Miles

“Miles pwede iwan mo muna kami?”

“Pero Dex? Baka maging war freak na naman tong Babaeng to” -Miles

“Sige na Miles, Please”

Gusto ko nadin kasing matapos to, Ayaw kona nang gulo at kung gusto makipag usap sakin ni Sheena sino ba naman ako para hindi sya pagbigyan?

“Sige Be, Pero saktan kalang talaga nya kakalbuhin ko yan” - Miles

Nakakatuwa naman si Miles kasi over protective sya, Maswerte ako na may kaibigan ako na tulad nya.

“Dex hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. Gusto ko humingi ng sorry sayo, Sa lahat-lahat ng nagawa ko. Alam kong kulang pa yung sorry ko kaya kung gusto mo ako saktan sige gawin mo hindi ako lalaban, Hindi ako gaganti.” - Sheena

Parang ibang Sheena ang kaharap ko ngayon, Malayong malayo sa Sheena na umaaway sakin.

“Hindi kita sasaktan, Kasi kapag ginawa ko yon ano namang mapapala ko? Gusto ko nang matapos ang gulo sa pagitan natin kaya Apology Accepted”

Nakangiti ako habang sinasabi ko ang apology accepted, Mukhang bukal naman sa puso ni Sheena ang pag hingi ng tawad sakin kaya sino ba naman ako para hindi sya patawarin.

“Nahihiya ako sayo Dex kasi kahit anong sama ko sayo ganyan padin ang pinapakita mo sakin kaya hindi na talaga ako magtataka kung bakit maraming nagmamahal sayo at kung bakit mas minahal ka ni Mark sakin.”- Sheena

“Mahal ka naman Ni Mark siguro may nagbago lang pero pwede nyo naman maayos yon.”

“Inuumpisahan na namin ni Mark yon ngayon at salamat sayo.” - Sheena

“Masaya ako para sa inyo ni Mark ngayon sana magkaayos na talaga kayo, Para mabuo na din ang dream Family mo.”

“Salamat talaga, Ihingi mo nalang ako ng Sorry sa kapatid mo dahil sa nagawa ko sa kanya pero pupunta din kami ng anak ko sa bahay nyo para personal na humingi ng sorry at syempre para maging magkaibigan nadin sila ng anak ko.”  -Sheena

“Nako panigurado ako na matutuwa si Kyline nyan.”

“May isa pa pala akong request sayo” - Sheena

“Ano yon?”

“Gusto ka daw makausap ni Mark for the last time” - Sheena

“For the last time? Bakit?”

“Napag-usapan kasi namin na pumunta nalang sa probinsya nila para makapag simula ng panibagong buhay.” - Sheena

Nalungkot ako bigla sa sinabi ni Sheena, Aalis na pala sila hindi kona makikita madalas ang Bestfriend ko. Mababawasan nadin ang mga bonding moments namin.

“Saan ko daw sya pupuntahan?”

“Susunduin ka nalang nya sa bahay nyo mamaya.” - Sheena

Sa lahat ng bagay na ayaw kong mangyari sa buhay ko ay yung may umalis. Kasi ang sakit lang sa feeling na yung taong nakasanayan mong makita at makasama ay aalis na at ikaw eto maiiwan.

Nag-usap din si Miles at Sheena dahil gusto ko wala nang away at magkakabati na.

Mabuti nalang at hindi nahirapan si Sheena na magsorry kay Miles.

Ngayong nabawasan ang problema ko isa nalang ang dapat kong isipin, Si Ana.

DAN’S POV

“Pa, Kamusta kana dyan? Miss kana namin ni Mama.”

“Nako Dan baka biglang sumagot yang Papa mo” -Mama

Nandito kami ngayon ni Mama sa tapat ng Puntod ni Papa, Anibersaryo kasi ng kamatayan nya. Parang kailan lang ay kasama pa namin sya.

“Ma ikwento mo nga sakin kung pano ka niligawan ni Papa at kung pano mo sya sinagot”

“Alam mo kasi yang Papa mo Crush kona talaga yan dati kaya lang medyo Bad boy kaya medyo na turn off ako. Hanggang isang araw nagpadala sya ng sulat sakin na may kasamang bulaklak. Natatawa nga ako sa kanya kasi Bad boy nga Torpe naman.” - Mama

“Sinagot nyo ba agad si Papa?”

“Hmm Oo, Siguro Two weeks lang” -Mama

“Ang bilis naman?”

“Kasi nga Crush kona sya dati. At kapag Crush mo ang isang tao madalas nauuwe sa Love yan kaya hindi na ako nagpa kipot pa sinagot kona agad baka maagawan pa ako ng iba.” - Mama

“Mabuti pa kayo ang ganda ng nangyari sa inyo”

“Akala mo lang yon, Nagkahiwalay din kami ng Papa mo kasi masyadong babae ang lumalapit sa kanya. Pero pinaglaban nya ako kaya ayon bandang huli kami ang nagkatuluyuan. Walang Perpektong pagmamahalan pero syempre kapag may mali ka itama mo para sa ikabubuti nyong dalawa.” - Mama

“Sa tingin mo Ma ako kaya ang Pipiliin ni Dex?”

“Hindi ko masasabi yan Anak kasi si Dex lang ang nakakaalam nyan pero ano man ang mangyari, Ako? Hinding hindi kita iiwan.” -Mama

Niyakap ko nang mahigpit si Mama, Buong buhay ko sya ang naging kasama ko kaya higit kanino man mas hindi ko kayang mawala sya sakin, Syempre Mama ko yan eh. Kung hindi man ako ang piliin ni Dex maluwag kong tatanggapin, Pero kung ako? Sobra sobrang tuwa ang mararamdaman ko. . . . . DEX’S POV

Saan kaya kami pupunta ni Mark?

Ngayon gusto kona muna sulitin ang mga huling araw na kasama ko si Mark, Gusto ko maging memorable to.

“Anak nandyan na yung sundo mo!!”

Sigaw sakin ni Mama. Grabe talaga sya wala padin pinagbago ang boses laging naka Volume 100 hahaha.

Excited akong lumabas para puntahan si Mark.

Pagkakita ko kay Mark ay ibang iba ang awra ang gwapo nya tingnan sa suot nya, Simpleng polo lang yon pero bumagay sa kanya.

“Titig na titig kana naman sakin? Gwapo koba?” Biro ni Mark

“Hindi ah! Ang pangit mo kaya!”

“Sus, Maloloko mo ang lahat pero hindi ako na Bestfriend mo.” -Mark

“Oo na. Ang Gwapo mo ngayon sa suot mo.”

“Haha parang napilitan kalang ata eh.” - Mark

“San ba kasi tayo pupunta?”

“Papasyal lang tayo.” - Mark

“Saan nga?”

“Basta, Tara na para hindi tayo abutin ng hating gabi” -Mark

“Eh kasi naman magyayaya ka gabi na.”

“Edi tara na” -Mark

Bigla akong hinablot ni Mark mabuti nalang at nakaayos na ako.

“Sandali lang baka hanapin ako ni Mama.”

“Kanina kopa nakausap si Tita at tsaka malakas ako sa kanya kaya wala kanang dapat ipag-alala.” -Mark

Na miss ko tong ginagawa namin ni Mark dati kasi madalas naming takasan si Mama para lang makagala pero syempre pag uwe ko niraratrat ako ni Mama.

“Dex pasensya kana kung magcocommute lang tayo, Wala kasi akong kotse katulad nila Dan at Nathan.” -Mark

“Ano kaba, Ayos lang yon. Masaya kaya mag commute.”

Pumara si Mark ng sasakyan kaya lang punuan na naman pero dahil sanay kami sa takbuhan at agawan ay nakasakay din kami.

“Na miss mo?” -Mark

“Oo sobra, Akala ko hindi kona mararanasan ang makipagtakbuhan para lang makasakay haha.”

Huminto kami ni Mark ni Sa isang hindi pamilyar na lugar tapos naglakad kami hanggang sa huminto kami sa tapat ng isang Kiddie Park.

Tahimik na ang paligid at tanging ilaw nalang sa mga poste ang nagsisilbing liwanag para makita mo ang paligid.

“Bakit tayo nandito?”

“Gusto ko lang maging memorable ang gabing ito” - mark

Hindi ko alam kung anong pumapasok sa isip ni Mark ngayon pero hindi na ako masyadong nag-usisa pa parang masaya namin kasi sa lugar nato, Tahimik at medyo malamig ang simoy ng hangin.

“Gusto mo Itry mag-siso?” - Mark

“Sige ba”

Pumuweste kami ni Mark sa magkabilang dulo at inumpisahan na ang pag taas baba. Hindi ko sya maiingat kasi ang bigat nya kaya ang ending ako ang laging nasa taas.

“Oyyy ibaba mona ako!!”

“Haha edi magpabigat ka para ikaw naman ang nasa ibaba.” -Mark

Pashnea talaga tong lalaki to, Disavantage din pala sa mga magagaan ang paglalaro nito.

“Pag-ako talaga nakababa yari ka sakin.”

“Kung makakababa ka, Pero maiba tayo Dex aalis na pala kami nila Mama kasama si Sheena at Myla magsisimula ulit kami nang panibagong buhay.”

Biglang naging seryoso si Dan at ibinaba ako pagkatapos ay lumapit sya sakin.

“Masaya ako na malaman na okay na kayo ni Sheena”

“Nag Promise kasi ako sayo at ayokong sirain yon. Kaya ngayon ikaw naman ang mag promise sakin” -Mark

Naglakad kaming dalawa ni Mark papunta sa may swing at magkatabi kaming umupo don at mahinang dinuduyan yon.

“Anong ipapromise ko sayo?”

“Na Pipiliin mo yung taong talagang Mahal mo sa taong duon ka talaga liligaya. Gusto ko kapag wala na ako maayos ka. Yung may lalaking poprotekta at magmamahal sayo. Kasi ayokong nakikita kang nasasaktan” -Mark

Napaiyak ako sa mga sinabi ni Mark para kasing hindi na magkikita pa.

“Oo naman. Pangako ko yan.”

Pinunasan ni Mark yung luha ko at kinurot ako sa magkabilang pisngi .

“Wag kanang umiyak, Wala namang nakakaiyak sa mga sinabi ko.” -Mark

Sa sobrang lungkot na nararamdaman ko ay napayakap ako ng mahigpit kay Mark, Mahigpit na mahigpit na madadala nya hanggang sa makaalis sya.

“Mark mamimiss kita, Kung ako lang ang tatanungin gusto ko dito kalang. Pero syempre doon ako sa mas makakabuti sayo at sa buong pamilya mo. Basta ako padin ang Bestfriend mo ah?”

“Oo naman, Bestfriend For Ever!” - Mark

Sabi nila madaling makahanap ng mga kaibigan pero mahirap makahanap ng totoong kaibigan.

Kasi may mga tao na kaibigan ang turing sayo kapag may nakukuha sila sayo at nawawala sila kapag wala kanang pakinabang sa kanila.

Kaya nga nahihirapan ako na malalayo kay Mark kasi naging totoo syang kaibigan sakin,  nasanay ako na lagi syang kasama, Nasanay ako na kasama sya sa mga kalokohan ko at nasanay ako na sya ang takbuhan ko sa tuwing may problema ako. Biglang tumayo si Mark at pumunta sa likuran ko akala ko kung anong gagawin nya yun pala iduduyan lang ako ng malakas.

“Mark!!!!!! Itigil mo yan baka malaglag ako!!!!!!”

“Haha edi kumapit ka” -Mark

“Puro ka talaga kalokohan ibaba mona ako sabi!!!!”

“Sulitin mona ang kalokohan ko dahil panigurado ako na mamimiss moto.” -Mark

Nawala bigla yung takot sakin, Imbis na mainis ay natuwa pa ako. Talagang mamimiss ko si Mark at hinding hindi sya mawawala sa isip at puso Forever dahil bukod kay Papa ay si Mark ang unang lalaki sa Buhay ko.

CHAPTER 47

DEX’S POV

Maghahating gabi na ng makauwe ako samin sinulit kasi namin ni Mark ang mga oras na magkasama kami kasi baka hindi na maulit yon.

Hinatid nadin ako ni Mark pauwe samin dahil baka pagalitan daw sya ni Mama kapag nalaman nitong mag-isa lang ako na umuwe.

“Sandali!!!!!”

Napalikwas ako ng bangon at sobrang bigat ng pakiramdam ko at may luhang umagos mata ko.

Panaginip lang pala akala ko totoo na. Ngayon alam kona talaga kung sino ang pipiliin ko dahil malinaw kong nakita sa panaginip ko ang itsura nya.

Dahil hindi na ako nakatulog ay bumangon nalang ako para mag-almusal medyo nagugutom nadin kasi ako.

Pero papaunta palang ako sa kusino ay napaahinto ako sa may sala nang makita ko sila Mama at Papa, Kausap si Tito Greg at Tita Emman.  Anong ginagawa nila Dito?

“Dex gising kana pala” - Papa

Nakatingin sakin yung mag-asawa mas lalo akong na pressure.

“Come here Dex let’s join us” -Tito

Lumapit ako sa kanila at tumabi ako kay Mama, Parang mainit na agad ang tensyon sa pagitan nila.

“Ano po bang meron?”

“Okay i will make it short, Alam na namin na nakikipag kita kana ulit kay Nathan at ginugulo mo ulit sya.” - Tito

“Hindi ko po ginugulo si Nathan.”

“So anong balak mo? Bakit ka nakikipagkita ka kay Nathan? Alam mo ba na ikakasal sya? Nakagraduate kana naman diba? Alam mo naman siguro ang salitang Edukado” - Tito “

“Alam namin yon, Kayo po ba alam nyo?”

Biglang sumingit si Mama sa usapan namin ni Tito. Kilala ko si Mama sa mga ganitong sitwasyon alam nya kung ano ang mga dapat nyang gawin at sabihin.

“Ofcourse” - Tito

“Pero bakit patuloy nyo padin na minamaliit ang mga taong mas mababa ang estado kesa sa inyo?” -Mama

“Dapat sa anak nyo tinuturo yan para alam nya kung saan sya dapat lumugar.”

“Mawalang galang napo, Kung babastusin nyo lang po ako at ang pamilya ko sa mismong bahay namin maluwag po ang Pinto at makakaalis na kayo. At wag ho kayo mag-alala babayaran namin kung ano ang binigay nyo, Walang labis walang kulang.”

“Ganyan kana ba talaga ngayon Dex? Nakatikim kalang nang konting karangyaan sa buhay ganyan kana kung umusta baka nakakalimutan mo kung ano ka dati.” -Tito

“Hindi ko po nakakalimutan kung ano ako dati. Kasi kung hindi dahil sa mga pinagdaanan namin wala kami sa kinalalagyan namin ngayon at marunong ako lumingon sa pinanggalingan.”

“Well? It doesn’t matter kung babayaran mo ako o hindi. The only thing that want is,  I-WANT-YOU-TO-STAY-AWAY FROM MY SON.” - Tito

“Hindi po ako isang taong bayaran na susunod lang sa inyo, Anak nyo ang lapit ng lapit sakin kaya kung meron kayong dapat kausapin sya yon hindi po ako.”

Sa totoo lang ayoko naman talaga sana na sumagot sa mas nakakatanda sakin kaya lang kasi hindi ko matiis yung mga sinasabi ni Tito Greg, Ganon ba talaga ako kapangit? Para pandirihan nya? At higit sa lahat nabastos nya ang mga magulang ko at walang anak na gustong nababastos ang kanyang magulang. Si Tita Emman naman ay nakaupo lang at hindi makatingin sakin ng diretso.

“For the last time, I want you to stay away from my Son. Magkano ba ang kailangan mo? One Million? Two million? Or higher than that? Sabihin mo lang sakin Dex at ibibigay ko sayo” - Tito

“Hindi po ako nabibili ng Pera, Kung nagawa koman po yon dati ayon ay dahil para sa pamilya ko. At for the last time din po maluwag ang pintuan namin makakaalis napo kayo.”

Alam kong galit sakin si Tito Greg dahil sa mga sinabi ko sa kanya, Pero wala akong Choice kung hindi ako magiging matapang mamaliitin nya lang ang pagkatao ko at ang pamilya ko.

“Dex pagpasensyahan mo na ang tito Mo.” - Tita

“Ayos lang po sakin yon, Sige na tita Sundan nyo na po amg asawa nyo.”

Lumapit sakin si Tita at niyakap ako ng mahigpit na mahigpit.

“Hanga ako sayo Dex, Kasi napalaki ka ng maayos ng mga magulang mo. Sana kasing tapang mo din ako.” - Tita

“Alam mo Tita likas naman satin ang pagiging matapang, Kaya lang minsan naduduwag tayo kasi inaalala natin ang magiging resulta ng gagawin natin.”

“Ngayon hindi na talaga ako magtataka kung bakit mahal na mahal ka ng anak ko, Kasi pinaramdam mo sa kanya na ang pagmamahal ay hindi nagbabase sa kung mukha o anong kasarian kaman, Kundi nararamdaman sa kabutihan ng isang tao.” - Tita

Naaawa ako para kay Tita Emman kasi parang may kulang padin sa pagkatao nya. Mabait naman si Tito Greg dahil hindi sila pinapabayaan sa mga pagkain at maraming materyal na bagay kaya lang si Tito Greg ang nagdedesisyon para sa kanila.

“Hanga ako sayo anak, Kasi naging matapang ka.” -Papa

“Nagmana lang po ako sa inyo ni Mama.”

“Alam mo ba kung bakit hinayaan lang kita na magsalita? Kasi alam kong marami kang sasabihin na matagal monang gustong sabihin sa tito mo, Pero subukan kalang nyang saktan baka hindi na sya makalabas ng buhay dito.” - Papa

“Grabe si Papa haha.”

“Syempre ganon talaga ang isang Ama hindi nya hahayaang may masaktan sa pamilya nya. Mahal na mahal ko kayo ng Mama mo at ng kapatid mo kaya hanggat kaya ko poprotektahan ko kayo.” -Papa

Na touch naman ako sa sinabi ni Papa, kaya niyakap ko nalang sya ng mahigpit. Pati si Mama nakiyakap nadin samin.

Ang saya maging parte ng ganito kasayang pamilya, Pamilyang handa kang tanggapin kahit ano kapa at Pamilyang poprotektahan ka sa lahat ng mananakit sayo.

Pagbalik ko sa kwarto ko ay nakatanggap ako ng tawag mula sa unknown number, Pero sinagot ko pa din kasi mamaya importante pala.

‘Hello? Sino to?’

‘It’s me Ana’

Si Ana tinawagan ako? Bakit? At pano naman nya nalaman ang number ko?

‘Oh Ana, Bakit ka napatawag? May problema ba?’

‘Yes i have a big Problem’

‘Talaga? Ano naman yon?’

‘Pwede kabang pumunta ngayon sa office namin? Gusto kasi kita makausap ng personal.’

Mukhang malaki nga ang problema ni Ana, Kasi hindi naman nya siguro ako papapuntahin kung maliit lang yon atsaka Good opportunity nadin to para sabihin sa kanya ang Totoo.

‘Sige Ana, Maliligo lang ako tapos pupunta na ako dyan’

‘Okay, Thanks. Ingat.’

Nagmadali agad ako na maligo at magbihis para mapuntahan si Ana, Pero sa kabila nito ay mabigat padin ang pakiramdam ko parang may mangyayaring hindi maganda.

Pagdating ko sa tapat ng Building nila ay pinapasok agad ako ng guard, Siguro alam na nya na pinapapunta ako dito ng boss nya.

Nung huli ko kasing punta dito ay halos kaladkarin na kami ni Miles para lang hindi makapasok. Dumiretso agad ako sa office ni Ana dahil alam kona din naman yon.

“Hello Ana”

“You’re here have a sit” -Ana

“Salamat. Bakit mo nga pala ako pinapunta dito? Anong pag-uusapan natin?”

“Dex didiretsohin na kita. Alam kona yung tungkol sa inyo ni Nathan at kung ano ang nakaraan nyo.”

Nabigla ako sa mga sinabi ni Ana, Alam na nya ang Tungkol samin ni Nathan? Anong gagawin ko?

“Pa-pano mo nalaman?”

“Hindi na importante kung pano o kanino ko nalaman ang importante alam kona, Hanggang kailan nyo balak ilihim sakin yon? Ano kinakaibigan mo ako tapos yung totoo balak mona pala ahasin yung Fiancè ko?” -Ana

“Sorry kung hindi ko man nasabi agad sayo pero wala akong balak na asahin si Nathan sayo.”

“Bukas na ang kasal namin ni Nathan, Wala ka naman sigurong balak na pigilin ang kasal namin?” -Ana

Hindi ko alam kung anong isasagot ko kay Ana dahil nahihiya ako sa kanya.

“Bakit hindi ka makasagot? Balak mo bang pigilan ang kasal namin?” -Ana

Sa pangalawang pagkakataon ay natameme ulit ako, Naguguluhan na ako at hindi ko alam kung anong isasagot ko kay Ana. Pero mas nagulat ako sa sunod na ginawa nya, Lumuhod sya sa harapan ko at hinawakan ang dalawang kamay ko.

“Ana anong ginagawa mo?”

“Alam kong ikaw ang Mahal ni Nathan, Kaya nakikiusap ako pabayaan mona kami. Si Nathan nalang ang kaligayahan ko kaya pwede bang akin nalang sya? Akin nalang yung Mahal mo? Akin nalang si Nathan? Ano bang gusto mo sabihin molang Pera? Alahas? Ano ibibigay ko sayo basta ipaubaya molang sakin si Nathan” -Ana

“Alam nyo kayong mayayaman dinadaan nyo lagi sa pera ang lahat, Dahil akala nyo porket madami kayong pera ay mabibili nyo na lahat.  Hindi ko kailangan ng pera mo Ana, May sasabihin kapa ba? Kasi kung wala na aalis na ako.”

Tumayo si Ana at nakipag titigan sakin.

“Nakiusap ako sayo pero ano? Balewala lang sayo, Kung inaakala mo na mapipigilan mo ang kasal namin? Pwes hindi mangyayari yon. And one last thing Hindi ba may Boyfriend kana? Yung Dan Bayon? Alam nya ba na nilalandi mo pa din si Nathan?. For sure hindi nya alam kasi kung alam nya sigurado ako na isusuka ka nya.” -Ana

“Ano tapos kana?”

Wala akong time makipag talo kay Ana, Marami pa akong mga problema at wag na syang dumagdag pa.

Nakapag sorry nadin naman ako sa kanya, Alam kong hindi sapat ang sorry nayon pero anong gagawin ko? Sarado pa ang utak nya para pakinggan ako.

Pero alam ko din ang pagkakamali ko at hihingi ako ng tawad sa kanya sa abot nang aking makakaya.

NATHAN’S POV

Sana dumating yung time na maging okay na ang lahat samin ni Dex, Gusto konang lumagay sa tahimik kasama sya. Pero pano ko magagawa yon kung ang daming pilit na humahadlang?

“Mukhang malalim ata ang iniisip mo?”

Tanong sakin ni Matthew, Nandito kasi sila sa bahay namin dahil pinapunta ko sila para may makausap ako.

“Iniisip ko kasi si Dex. Pati yung tungkol sa kasal namin ni Ana.”

“Tol talaga bang magpapakasal ka kay Ana? Diba si Dex ang mahal mo?” -  Dave

“Oo nga naman Nathan” - Steve

“Tama sila Nathan, kung talagang mahal mo si Dex diba dapat ipaglaban mo ang pag-ibig nyo? Minsan na syang nawala sayo, At kapag natuloy ang kasal nyo malabo na matuloy ang love story nyong dalawa.” - Anthony

“Pano ako lalaban kung yung taong ipinaglalaban ko ay hindi lumalaban?”

Maraming nagbago simula ng magkahiwalay kami ni Dex alam kong hindi na nya ako Mahal katulad ng dati dahil naging sila din ni Dan.

“Malalaman natin yan sa araw ng kasal mo kung talaga bang hindi kana mahal ni Dex.” - Matthew

“Alam nyo mag Beer house nalang tayo para makalimutan ni Nathan yung problema nya maraming babae don sigurado makakalimot sya.” -Dave

“Kaya walang sumiseryoso sayo kasi babaero ka” - Anthony

“Wow nagsalita ang hindi Babaero kaya pala dalawang babae yung naghahanap sayo noong isang araw, Michaella bayon tsaka Katty haha” - Dave

Ewan ko kung pano ko naging kaibigan tong mga loko loko nato, Nagtatalo pa sila eh pareho pareho naman silang Babaero kaya ayan tuloy hanggang ngayon wala pading mga asawa kahit girlfriend wala, Kasi ang mga nagiging girlfriend nila one week lang tumatagal maswerte na kapag umabot ng 1 month.

Kamusta na kaya si Dex ngayon?

Ano kaya ang ginagawa nya?

Ako parin kaya ang piliin nya?

Umaasa padin ako na sana ako ang piliin nya dahil hindi ko alam kung anong gagawin ko kapag si Dan ang pinili nya.

CHAPTER 48

ANA’S POV

Humarap ako sa salamin at tiningnan ang sarili ko, Bumagay sakin ang gown na napili ko. Ceremony nalang ang kulang at magiging mag-asawa na kami ni Nathan at makakalimutan na nya si Dex at syempre matututunan nya din akong mahalin.

“Pak ang ganda mo!” -Jasmine

“Syempre ang ganda ng nag-ayos sakin.”

“Sus binola mo pa ako, Pero girl tuloy na tuloy na ang kasal mo” -Jasmine

“Oo nga eh, At wala na talagang makakapigil nito.”

Kung may binabalak man si Dex na pigilin ang kasal namin ni Nathan pwes wag na syang magtangka pa dahil hindi ko sya hahayaan na gawin yon.

“Jasmine ito ang mga guest list, Wag na wag kayong magpapasok kung wala ang pangalan dyan.”

“Bakit pa kailangan yan? Eh simbahan naman ang pupuntahan natin?  Wala naman sigurong mag gegate crush don.” -Jasmine

“Naninigurado lang ako, alam mo naman ang panahon ngayon nagkalat na.”

“Sabagay tama ka dyan.” -Jasmine

“ Pero wag kang mag-alala nagpalagay na din ako ng security sa labas ng simbahan para masigurado ang safety ko at nang lahat ng mga bisita at syempre para matuloy ang kasal namin ni Nathan.“

“Mukhang ayaw mona talaga pakawalan si Nathan.” -Jasmine

Talagang hindi kona papakawalan si Nathan dahil mahal na mahal ko sya at gagawin ko ang lahat para lang walang makasira samin.

“Ano maganda naba talaga ako? Wala nabang kulang?”

“Hay nako Ana maganda kana nga sabi, Sigurado ako na kapag nakita ka ni Nathan baka mapa Yes Father agad sya.” - Jasmine

“Mabuti nama”

Ayokong may makasira sa magandang araw ko nato, Dahil lahat ng Babae pangarap na mangyari to sa kanila ang maikasal sa lalaking mahal na mahal nila.

DEX’S POV

Maaga palang ay nagising na ako, Actually hindi talaga ako nakatulog dahil ngayong araw gagawa ako nang isang malaking desisyon na pwedeng magpago sa buhay ko. Ngayong araw nadin kasi ang alis ni Dan at ang kasal ni Nathan.

“Ano anak nakapili kana ba?” -Mama

“Opo ma”

“Ano pang hinihintay mo? Lumarga kana at baka mahuli kapa” - Mama

“Salamat Ma, Una na po ako.”

“Wait lang Dex, Gusto mo samahan na kita?” -Mama

“Wag na sasamahan naman po ako ni Miles.”

“Ganon ba? Sige Ingat nalang” -Mama

“Una na ako ma”

“Wait lang.” -Mama

“Bakit Ma? May nakalimutan kapa ba?”

“Good Luck!” -Mama

Napangiti nalang ako sa sinabi ni Mama at tumakbo na ako palabas samin.

Ito na ang pagkakataon para ipaglaban ko ang pagmahahal ko, Sawa na ako na itago yung nararamdaman ko.

Kapag nagkita kami ay sasabihin ko sa kanya kung gaano ko sya kamahal sana nga lang ay umabot pa ako at hindi pa huli ang lahat.

Dumaan na lang ako sa bahay nila Miles para sunduin sya, Mabuti nalang free time nya sya. Kailangan ko kasi ng support nya dahil parang may mangyayaring hindi maganda haha.

NATHAN’S POV

Ilang minuto nalang at magsisimula na ang kasal namin ni Ana, Pero hanggang ngayon hindi padin dumadating si Dex.

Siguro pinili na nya si Dan kesa sakin. Masakit man pero kailangan kona din sigurong tanggapin ang katotohanan na yung Love Story namin ni Dex ay wala na talagang happy Ending.

“Tol pwede kapang umatras kung gugustuhin mo” bulong sakin ni Dave

“Hindi na. Nandito naman nato.”

“Pero pano si Dex?” - Dave

“Ang sabi nya samin ni Dan kung sino ang pupuntahan nya ayon ang pinipili nya at mukhang hindi ako pinili nya.”

“Kapag nakasal na kayong dalawa ni Ana magiging kanya kana, Isipin mong mabuti to Nathan. Pano kung nalate lang si Dex at may nangyari lang hindi maganda?” - Anthony

Gusto kong isipin na sana ganon nalang, Sana nga nalate nalang si Dex pero kasi iba ang pakiramdam ko.

“Basta kami nandito lang nang tropa para suportahan ka.” - Dave

Ganito pala kasakit sa pakiramdam yung hindi ka piliin ng taong mahal mo dahil may na pala syang iba, Nasa huli talaga ang pagsisisi kung maibabalik kolang talaga ang nakaraan hinding hindi ko sya iiwan.

Habang nag-aantay kami sa pagdating ng bride ay lumapit muna sakin si Mommy.

“Nathan may hinihintay kapa ba?” -Mom

“Wala napo”

“Wag kanang magsinungaling sakin, Si Dex ba?” -Mom

“Opo, Umaasa po kasi ako na darating sya at pipigilan nya ang kasal namin ni Ana.”

“Magtiwala kalang anak, Kung talagang kayo ni Dex ang para sa isat-isa, Gagawa ang tadhana para kayo ang magkatuluyan.” -Mom

“Salamat po sa suporta.”

“Syempre Mommy mo ako. Kaya lagi mong tatandaan na kung ano man ang maging desisyon nakasuporta ako sayo.” - Mom

Hindi ko man kadugo si Mommy Emman pero ni minsan ni nya pinaramdam sakin na hindi nya ako anak dahil Inalagaan nya ako at minahal. Sa totoo lang mas naging magulang pa sya sakin kesa kay Daddy.

“Mom kung sakali mang matuloy ang kasal namin ni Ana, Baka pwedeng ikaw nalang ang magsabi kay Dex na mahal na mahal ko sya at iyakap mona din ako sa kanya ng mahigpit na mahigpit.”

Niyakap ko si Mommy ng Mahigpit na mahigpit, May part kasi sa puso ko na tanggap na hindi ako ang pinili ni Dex, Kasi kung ako pinili nya dapat nandito na sya.

DEX’S POV

Nakakainis naman bakit ngayon pa nagkaroon ng megang traffic, kung kelan nagmamadali ako eh. Kapag nagtagal pato ay baka hindi kona maabutin si Dan.

“Ano bayan, Bakit may traffic pa.”

“Nako Beks baka hindi na tayo umabot nito.” -Miles

Lalo tuloy akong kinabahan sa sinabi ni Miles.

“Anong gagawin ko baka hindi na natin sya maabutan?’

“Sir mukhang nagmamadali po ata kayo” Tanong sakin ng driver

“Opo kasi paalis napo yung taong importante sakin at baka hindi kona sya maabutan.”

“Kaya lang po traffic.”

“Manong malapit nalang po ba dito yung airport????”

“Nako sir medyo malayo papo”

“Talaga po? Pwede bang paturo nalang samin yung way papunta don?”

“Dirediretso lang tapos kakanan kayo.”

“Salamat po, Sige po bababa nalang Kami.”

Lumabas nalang kami ng taxi at tumakbo papuntang airport wala akong paki kung mainit man o kung anong maging itsura ko dahil ang mas importante ay maabutan ko si Dan.

Tumakbo kaming dalawa ni Miles sa gitna ng hi-way ang daming nakatingin samin pero hindi ko sila pinansin dahil ang importante maabutan ko si Dan.

“Dex mukhang malayo pa, Pagod na ako” -Miles

“Miles sorry ha? Pero kung napapagod ka talaga dito ka nalang ako nalang ang pupunta”

“Hindi Be sasamahan kita, Ano pang silbi ng pagkakaibigan natin kung hindi kita susuportahan.” -Miles

Kumaripas ulit kami ng takbo ni Miles hanggang sa marating na namin yung airport.

Pagpasok namin sa may Airport ay hinanap kona agad si Dan naghiwalay kami ni Miles para mas mapadali ang paghanap,hindi na ako nagsayang pa ng oras dahil baka wala na akong maabutan. Ilang minuto na akong naghahanap pero hindi kopa din sya makita, Mangiyak ngiyak na ako kakahanap. Dan asan kana ba???????!!??

“Miles nakita mo ba?”

“Hindi be, Nako baka nakaalis na.” -Miles

“Wag mong sabihin yan, Kailangan kong makita si Dan.”

“Pero kanina pa tayo naghahanap wala padin tayong nakikita” -Miles

Gustong gusto ko mang sumuko nalang, Pero mas nananaig padin sakin ang makita si Dan kaya nilibot ko padin ang paligid hanggang sa makita ko sya.

“Dan sandali!!!!”

Napalingon sakin si Dan na may malaking ngiti sa kanyang mga labi.

Mabuti nalang nakaabot pa ako akala ko hindi kona maabutan si Dan.

Tumakbo ako papalapit kay Dan at niyakap ko sya ng mahigpit.

“Dex hindi ako makahinga” -Dan

“Sorry, Na excite lang ako”

“Akala ko hindi kana dadating” - Dan

Hindi ko sinagot si Dan at niyakap ko sya ng mahigpit habang may tumutulong luha sa mga mata ko.

“Wag kanang umiyak, Lalo lang akong masasaktan eh” - Dan

“Mabuti nalang naabutan kita, Akala ko nakaalis kana, Akala ko hindi ka na kita makikita.”

“Hindi ako umaalis kasi hinihintay talaga kita.” - Dan

“Talaga? Pano mo naman nalaman na darating ako?”

“Wala lang naramdaman ko lang.” - Dan

“Eh kung hindi ako dumating?”

“Alam kong darating ka, Dahil hindi ikaw yung tipo ng tao na basta basta nang iiwan at hahayaan na lang na umalis yung taong mahalaga sayo ng walang paalam.” -Dan

Napayakap ulit ako ng mahigpit na mahigpit kay Dan.

Sana tama ang desisyon.

Sana wala nang mangyaring hindi maganda, Nakakapagod nadin kasi.

Hiniling kolang maman na may magmahal sakin pero sangkaterbang kamalasan naman ang dumating pero sa kabila non hindi ko maitatangging naging masaya ako.

GREG’S POV

This is what i want, Ang maikasal ang anak ko sa anak ni Mr. Ramirez para mas lumaki ang negosyo ko ang totoo hindi lang naman para sakin to, Dahil ginagawa koto para sa anak ko.

“Bakit parang hindi ka ata masaya na ikakasal na ang anak mo?” tanong ko kay Emman dahil hindi sya mapakali sa pwesto nya at hindi maipinta ang mukha.

“Masaya ako dahil ikakasal na si Nathan.” -Emman

“Yun naman pala eh, Bakit parang hindi maipinta yang mukha mo?”

“Dahil alam kong hindi masaya si Nathan sa nangyayaring to.” - Emman

“Even he liked it or not, Matutuloy ang kasal.”

“Ganyan kaba talaga Greg? Walang malasakit sa nararamdam ng sarili mong anak?” -Emman

“Stop acting like i am the bad person here ginagawa ko lang naman to hindi lang para satin kundi para sa magandang future ng anak natin.”

“Para sa magandang future ba talaga ni Nathan? O baka naman para sa future mo?” -Emman

“What do you mean?”

“Greg matanda na si Nathan, Kaya hindi mona dapat sya dinidiktahan sa mga dapat nyang gawin at hindi ikaw ang dapat pumili sa taong mamahalin nya at papakasalan nya.” -Emman

“At sinong gusto mong pakasalan ni Nathan? Si Dex? In you dreams i will never let that happen. Over my dead body.”

“Sana dumating yung time na marealize na ang pagmamahal hindi pinipilit yan, Kasi kung talagang mahal mo ang anak mo? Hahayaan mo syang pumili sa taong mamahalin nya.” -Emman

“Ayoko nang makipag talo pa sayo Emman, Mag sstart na ang wedding ceremony kaya kung ako sayo mananahimik nalang ako.”

Bakit ba hirap na hirap sila na intindihin ako? Ginagawa ko naman to para sa kanila, Para magkaroon sila ng maganda at marangyang Buhay.

Dapat matutuo silang tanggapin na kahit kailan walang magiging happy Ending ang lalaki at ang isang Bakla.

NATHAN’S POV

Mukhang hindi na talaga darating si Dex, Siguro dapat ko nalang tanggapin na magpapakasal ako kay Ana.

Mabait naman si Ana at siguro matututunan ko din syang mahalin.

Pero umaasa padin ako na darating si Dex at pipigilan nya ang kasal namin ni Ana.

CHAPTER 49

DEX’S POV

Hindi biro ang ginawa ko at pinagdaanan ko para piliin ang tamang tao para sakin lalo na pareho silang mahalaga sakin.

“Sige na Dex baka maiwan na ako, Puntahan mona si Nathan dahil baka mahuli kapa. Diba sya naman talaga ang pinipili mo?” -Dan

Nagulat ako sa sinabi ni Dan, Pano nya nalaman na si Nathan ang pinili ko?

“Pano mo nalaman?”

“Lalaki ako Dex, Alam ko kung talagang mahal ako o hindi. Ramdam ko na minahal mo talaga ako pero mas mahal mo si Nathan diba?” - Dan

“Sorry, Pinilit ko naman talaga eh”

“Wag kang humingi sakin ng sorry dahil nagpaka totoo kalang, Mas mabuti ng masaktan ako sa katotohanan kesa naman magpanggap ka na ako ang mahal mo kahit hindi naman. At kapag nalaman kong nasaktan kana naman dahil kay Nathan? Uuwe agad ako at bubugbugin ko sya” - Dan

“Dan salamat sa lahat lahat, Sana makatagpo kadin ng isang taong tunay na magmamahal sayo yung hindi sasayangin yung mga pagmamahal na binibigay mo. Lagi kang mag-iingat at sana pagbalik mo may maipakilala kana sakin.”

Sa huling pagkakataon ay niyakap ko ng mahigpit si Dan. Maswerte ako at nakakilala ako ng isang taong tulad nya, Napaka swerte ng taong mamahalin ni Dan dahil napakabait nya at sobra sya kung magmahal kaso nga lang mukhang hindi ako ang tamang tao para sa kanya.

Nakangiti akong pinagmasdan si Dan naglalakad palayo, Lord thank dahil kahit paano ay nakasama ko si Dan at minahal ko sya sana ibigay nyo na sa kanya yung taong mamahalin din sya.

Naramdaman kona naman ulit yung naramdaman nung nagpaalam sakin si Mark ang hirap talaga kapag nagpaalam sayo na aalis yung isang importanteng tao sayo.

“Be akala ko si Dan ang pinili mo” -Miles

“Hindi eh, Si Nathan padin talaga yung sinisigaw ng puso ko. Naalala mo yung pinagawa mo sakin?  Si Nathan yung nakita ko non.”

“Ganon ba? So ano ng sunod nating gagawin?” -Miles

“Pupunta tayo sa kasal ni Nathan at pipigilan ko yon”

“Edi tara na baka mahuli pa tayo.” -Miles

Tumakbo ulit kami ni Miles palabas at naghanap agad ng masasakyan, Sana makaabot pa ako at hindi mahuli ang lahat.

ANA’S POV

Mukhang wala na talagang makakapigil sa kasal namin ni Nathan, Sobrang saya ko dahil mag iisang dibdib na kaming dalawa.

Kompleto ang buong pamilya ko para saksihan ang pinakamasayang pangyayari sa buhay ko.

Marahan akong naglalakad sa gitna at sinundo ako ni Daddy.

“You look so Beautiful, My daughter” -Dad

“Thank you dad”

Si Nathan naman nag-aantay lang sakin sa harap, Alam kong nagdadalawang isip si Nathan pero wala na syang magagawa.

Balang araw matututunan nya din akong mahalin at makakalimutan nya si Dex.

Pagdating ko sa harap ay hinawakan na ni Nathan ang kamay ko at pumunta kami sa may gitna. Medyo mabigat ang pakiramdam ko parang may hindi magandang mangyayari.

“Father pwede simulan napo natin agad?”

“Sige po, Pero bago tayo magsimula. Meron ba sa inyo ang nais pumigil sa kasal?”

Medyo nainis ako sa sinabi nung father, Kailangan pa talaga inaannounce? Tahimik lang ang lahat kaya nagsimula nang magsalita ang father. Sinabihan ko syang pakibilisan dahil masama ang pakiramdam ko.

“Do you Ana Ramirez, Take Nathan to be your lawfully wedded husband, promising to love and cherish, through Joy and Sorrow, Sickness and health, and what ever challenges you may face, for as long as you both shall live?”

“Yes Father” mabilis kong sagoy

“Do you Nathan, take  Anna Ramirez to be your partner in life and to share a path of life; equal in love, embraced as a mirror for your true self, Promising to honor and cherish her, through good times and bad times, until death do you part?”

Hindi agad nakasagot si Nathan at parang nag-iisip pa kaya inulit ulit ni Father yung sinabi nya pero hindi padin sumagot si Nathan.

“Nathan ano ba? Sumagot kana”

“SANDALI!!!!”

Biglang bumukas yung pintuan ng simbahan at napatingin kaming lahat sa sumigaw.

What the!!!

Si Dex??

Pano sya nakapasok??

Pano nya nalampasan yung mga guards na na hire ko?

Sino ang nagpapasok sa kanya?

Kita kong napangiti si Nathan at nakatitig kay Dex.

“Nathan!!!!!” muling sigaw ni Dex.

Iniwan bigla ni Nathan yung engagement ring namin.

“Sorry Ana” -Nathan

Sinubukan kong pigilan si Nathan pero tinanggal nya lang yung kamay ko sa braso nya at tumakbo na sya papunta kay Dex. Kahit ang daddy nya ay walang nagawa.

“Nathan bumalik ka dito!! Hindi mo akong pwedeng iwan sa mismong kasal natin!”

Wala akong nagawa kundi ang umiyak nalang lumapit sakin sila Daddy At Mommy para i comfort ako pero masyado talagang masakit yung nangyari, Sobrang nahihiya ako.

Bakit kailangan pang mangyari to?

Tumakbo na paalis si Nathan habang buhat buhat si Dex, Wala na sira na ang akala kong magandang pangyayari sa buhay ko.

“Ana sorry sa ginawa ni Nathan. Don’t worry i will talk to him hindi nya dapat ginawa to sayo.” -Tito Greg

“Enough Mr. Greg. Maybe this is the End of our partnership” - Dad

“What do you mean Mr. Ramirez?” -Tito Greg

“After what happened? Do you really think that i will trust you again? Your son hurt my Daughter! And what do you expect? That i will invest a big amount of money to your company? No way!” -Dad

“Let’s talk it First Mr. Ramirez” -Tito Greg

“Please Stop! Wag na kayong mag-away, Dad umuwe nalang tayo please.” Pakiusap ko sa daddy ko.

Sa sobrang sakit na nararamdaman ko ay parang nauubusan ako ng lakas at anumang oras ay tutumba nalang ako. Sigurado ako na magiging hot topic na naman ako lalo na sa mga business partners ni Papa.

DEX’S POV

Kung pwede lang paliparin yung sinasakyan namin ni Miles ay ginawa kona para makarating agad kay Nathan.

Pagkabayad namin ni Miles ay tumakbo na naman kami papuntang simbahan, Para kaming sumali sa marathon dahil kanina pa kami takbo ng takbo.

“Sandali san kayo pupunta?”

Biglang may humarang samin na mga lalaki.

“Ah eh kuya, Kasal kasi ng friend namin kaso medyo na late kami.” -Miles

“Anong pangalan nyo?”

“Ako po si Miles at sya naman si Dex” -Miles

Lumapit yung lalaking sinabihan ni Miles doon sa mga babaeng nakaupo sa labas ng simbahan at may binulong tapos bumalik din sya agad samin.

“Pasensya napo pero wala po kayo sa guest list kaya hindi po kayo pwedeng pumasok”

“Kuya please papasukin nyo na kami, Baka nakalimutan lang ilagay yung mga pangalan namin.” - Miles

“Pasensya na talaga mahigpit na ipinagbilin samin na wag papapasukin ang mga wala sa listahan.”

Lalo akong kinabahan sa sinabi nung lalaki samin, Bawat segundo ay mahalaga sa mga oras nato dahil baka nagsisimula na ang kasal at mahuli ako.

“Kuya saglit lang kami may kakausapin lang kami pagkatapos aalis na kami agad.” pakiusap ko sa lalaki.

“Wag na kayong makulit dahil hindi namin papapasukin”

Dahil wala na talagang akong choice ay tinakbuhan ko yung lalaki kaya lang papasok palang ako ay may humarang na sakin na mga lalaki at hinawakan ako.

“Ano ba bitawan nyo ako!”

“Ang tigas ng ulo mo sinabi nang bawal kang pumasok”

Hinila ako palayo ng mga lalaki, Pumapalag ako pero hindi nila ako binibitawan. Lord help me, Baka hindi kona mapigilan ang kasal ni Nathan.

“Anong nangyayari dito?”

Biglang may dumating na babae kaya napatigil sila sa paghila samin.

“Mam ito po kasi nagpipilit na pumasok. Hindi naman sya imbitado.”

“Jasmine???”

Nabuhayan ako bigla ng loob nang makita ko ang isang dating kaibigan.

“Dex??” -Jasmine

“Mam kakilala nyo po sya?”

“Yes kuya, kaya bitawan nyo na sya.” Utos ni Jasmine sa mga lalaki.

Binitawan naman ako ng mga lalaki at umalis nadin agad.

“Dex anong ginagawa mo dito??” - Jasmine

“Salamat at nakita kita, Pero tsaka na ako magpapaliwanag. Nagsimula naba ang kasal??”

“Oo, Pero makakaabot kapa naman” -Jasmine

“Talaga??? Jasmine thank you ulit, Pero kailangan kopang puntahan si Nathan baka mahuli pa ang lahat.

“Okay sige” -Jasmine

Wala na akong sinayang na segundo at tumakbo na agad papasok sa simbahan at binuksan ang malaking pintuan.

“SANDALI!!!!”

Napatingin agad sakin lahat ng mga tao sa loob sa isang iglap lang ay nakatuon sakin ang kanilang mga atensyon.

“Nathan!!!!!!”

Nakita ko si Nathan na katabi si Ana, Diyos ko sana nakaabot pa ako.

Napatingin sakin si Nathan at biglang ngumiti sabay takbo papunta sakin, Nang magkalapit kami ay nagyakapan kaming dalawa.

“Akala ko hindi kana darating eh, Akala ko tuluyan na talaga nawala ang pagmamahal mo sakin” -Nathan

“Kahit na minsa hindi nawala ang pagmamahal ko sayo Nathan, Dahil umpisa palang ikaw na talaga ang minahal ko.”

“Kikiligin naba ako My loves?” -Nathan

“Ewan ko sayo”

“Kanina pa ako hindi mapakali dahil akala ko hindi ako pipiliin mo” -Nathan

“Pwede bayon? Syempre Mahal na Mahal kita.”

“Mahal na Mahal na Mahal din kita My Loves” -Nathan

Isang halik ang binigay sakin ni Nathan at hindi ako nagdalawang isip na halikan din sya pabalik.

Mahal na mahal na mahal ko si Nathan at hindi kona hahayaang syang mawala pa sakin.

“NATHAN!!! COMEBACK HERE!!! YOU CAN’T DO THIS TO ANA!!!”

Natakot ako bigla sa sigaw ni Tito Greg, Halatang galit na galit sya. Pati yung mga tao ay nagbubulungan na halatang naguguluhan din sa mga nangyayari.

“Sorry Dad pero Mahal ko talaga si Dex.” - Nathan

Hinawakan ni Nathan ang kamay ko at bigla akong binuhat.

“Nathan anong ginagawa mo?”

“Aalis na tayo dito” -Nathan

Tinakbo ako Nathan palabas ng Simbahan ang nagawa ko nalang ay yumakap sa kanya at magtiwala sa mga gagawin nya.

“Omagash Be!!! Akala ko hindi muna maabutan si Nathan ng single ang status.”

bungad samin ni Miles ng makita nya kaming lumabas.

“Dex? Anong ibig sabihin nito? Nathan bakit nandito ka? Hindi ba ikakasal ka kay Ana?” -Jasmines

“Alam mo naman siguro kung sino ang Mahal ko” -Nathan

“Now i know, Kayo padin pala hanggang ngayon.” -Jasmine

“Oo Jasmine, At salamat sayo kasi kung hindi ka dumating baka hindi kona naabutan si Nathan at tuluyan na syang naikasal.”

“Masaya ako para sa inyong dalawa lalong lalo na sayo Dex, Akala ko hindi na tayo magkikita” -Jasmine

“Jasmine pasensya kana ha? Pero kailangan na naming umalis, Imememssage nalang kita sa facebook para makapagpasalamat ako sayo ng maayos.”

“Walang ano man Dex, Sige umalis na kayo baka maabutan pa kayo dito. -Jasmine

Nagmadali na kaming umalis nila Nathan at Miles para hindi na kami maabutan tsaka na siguro namin iisipin ang posibleng consequences nito ang importante ngayon ay magkasama na kami ni Nathan.

CHAPTER 50

(Opend minded only)

DEX’S POV

Hinatid muna namin si Miles sa kanila at nagpasalamat ako ng sobra sa naging tulong nya sakin.

Tunay ngang kaibigan si Miles kasi lagi syang nandyan sa tuwing kasama ko sya hindi lang sa saya maging sa paghihirap din.

“Nathan san tayo ngayon?”

“Hindi kodin alam My Loves, Pero ang importante ngayon ay magkasama tayo.” -Nathan

“Pero pano ang daddy mo? sigurado ako galit na galit nayon sayo lalo na sakin kasi ––”

Hindi kona natapos ang sasabihin ko dahil tinapalan ni Nathan ang bibig ko ng isa nyang Dalirim

“Sshh, My Loves Relax. Wag mo muna silang isipin. Isipin mo ang tayo dahil simula ngayon wala nang maglalayo pa satin. I love you my Loves” -Nathan

“I love you too din My Loves”

Hininto muna ni Nathan ang sasakyan nya sa isang tabi at Isang halik ang binigay sakin ni Nathan at hindi ako nagdalawang isip na gumanti.

Mahal ko si Nathan at handa kong ibigay sa kanya kahit ano, Kahit ang sarili ko pa. Biglang uminit ang katawan ko sa mga sumunod na eksena medyo kinakabahan pa ako kasi first time kong gagawin to.

Nagtanggal si Nathan ng damit nya at lumipat kami sa likod ng sasakyan nya.

“My Loves bakit nanginginig ka?” - Nathan

“Eh kasi ano”

“Wag mong sabihin sakin na first time mo?”- Nathan

Tango lang ang sinagot ko at ang loko natawa pa, Akala nya siguro natutuwa ako.

At malamang first time ko noh

Anong akala nya nakadami na ako?

“Anong nakakatawa?!” masungit kong tanong sa kanya.

“Wala My Loves masaya lang ako, Don’t worry I’ll be gentle. But kung ayaw mo o hindi kapa ready ayos lang, Marami pa namang next time.” -Nathan

Kinuha ni Nathan yung damit nya at akmang susuotin yon pero pinigilan ko sya.

“Nandito nato, Kakayanin ko dahil Mahal kita.”

Napangiti si Nathan sa sinabi ko at hindi na talaga napigil ang mga maiinit na tagpo. Kung dati napapanood at naririnig kolang ang mga ganitong eksena, Ngayon nararanasan kona.

Yung kaba sa dibdib ko ay hindi parin mawala pero sa kabila nito ay may excitement padin akong nararamdaman.

Sandali kaming nahinto ni Nathan dahil may kinuha sya sa may wallet nya na parang isang maliit na lagayan.

“Ano yan?” tanog ko sa kanya.

“Protection My Loves” - Nathan

“Protection para san?”

“Basta My Loves mamaya malalaman mo din”

Nakakainis kasi wala akong kaalam alam sa mga bagay na ganito, Kaya itong si Nathan tuwang tuwa kasi nga parang sya lang ang may alam.

15 minutes later.

“My Loves ayos kalang?” -Nathan

“Loko ka! Sabi mo Gentle?!”

“Sorry My Loves na excite lang ako, Atsaka sa umpisa lang yan sa mga susunod hindi na” -Nathan

“Anong susunod? Wala nang susunod!”

Hinampas ko si Nathan ng malakas, Nakakainis kasi nahihirapan na nga ako tuwang tuwa pa sya.

( AUTHORS NOTE : Hindi ko pwedeng gawing detailed ang mga ganitong klaseng eksena, Unang una para iwas report, Pangalawa ayokong isipin nang ibang readers na hinahaluan ko ng malaswang eksena ang kwentong ito at pang huli hindi ko talaga mga forte ang ganitong klaseng scene)

“Uwe na muna tayo samin, Baka hinahanap na ako nila Mama at Papa.”

“Sige iuuwe na kita, Pero My loves may gusto lang akong sabihin sayo.”

Biglang naging seryso si Nathan habang inaayos yung suot nya.

“Ano yon?”

“Pwede bang magsama na tayo? Ayoko na kasing magkahiwalay pa tayo gusto ko lagi tayong magkasama.” - Nathan

“Nathan tatapatin kita yung mga bagay na ganito ay wala pa sa isip ko. Pero sige susubukan ko, Kaya lang kailangan ko muna hingiin ang opinyon nila Papa.”

“Sige My Loves kahit ano pang desisyon nila Tito At Tita ay gagalangan ko dahil mahal kita at ang mga taong mahal mo ay mahal kona din.” -Nathan

Sabay na kaming umuwe ni Nathan, Ako naman medyo hirap maglakad ganito pala ang pakiramdam kapag ginawa mo ang isang bagay na katulad non.

“My Loves gusto mo buhatin na kita?”

“Hindi na kaya kopa namang maglakad.”

Inalalayan nalang ako ni Nathan hanggang sa mga pasok kami sa loob ng bahay.

“Oh Dex anong nangyari bakit parang hirap ka ata maglakad?”

Bungad sakin ni Mama ng makita nya kaming dalawa ni Nathan.

“Nadulas kasi ako kanina Ma” Palusot ko.

“Ganon ba? Si Nathan pala ang pinili mo?” -Mama

“Opo Ma”

“Masaya ako para sayo Anak kasi nakatagpo ka ng taong tunay kang Mahal at hindi ka lolokohanin, At ikaw Nathan wag mo na ulit iiwan ang anak ko ha? Yari ka sakin.” -Mama

“Ma asan pala si Papa at Kyline?”

“Nandon sa kusina nagluluto sila para sa hapunan natin alam kasi namin na darating kayo kaya nagluto ang Papa mo.” -Mama

“Ma punta lang kami ni Nathan sa kwarto, Magbibihis lang kami tapos bababa na.”

Tumango kang si Mama at pumunta na kami ni Nathan sa kwarto ko. Umupo muna ako sa kama dahil sobrang bigat ng pakiramdam ko para akong lalagnatin na ewan.

“My Loves diba may naiwan ako ditong damit? “ -Nathan

“Oo nandon sa Cabinet kunin mo nalang”

Pumunta sya sa may Cabinet ko at sinumulang hanapin yung damit nya, Pagkatapos ay sinumalang tanggalin yung damit nyang pangkasal.

“Ikaw My Loves hindi ka Magbibihis?” -Nathan

“Magbibihis, Pero bakit dito ka sa harapan ko nagpapalit?”

“Bakit My Loves Bawal ba? Nakita mona din naman ang buo kong katawan.” - Nathan

Kinuha ko yung isang unan at binato ko sa kanya.

“Nakakainis ka Nathan puro ka kalokohan”

Parang bumabalik na naman kami sa dati naming ginagawa aasarin nya ako at mapipikon naman ako.

“Haha sorry Na My Loves, Pero round 2 ayaw mo?” - Nathan

“Magbibihis ka o puputulin ko yang ano Mo?”

“Magbibihis napo boss” -Nathan

Pumasok na si Nathan para magpalit ng damit ako naman ay kumuha nadin ng pamalit.

After ilang minuto ay lumabas nadin kami ni Nathan. Magkatabi kaming dalawa habang nasa harap namin si Kyline at Mama.

“Kumain kayo ng Marami dahil mamaya mag-uusap tayo tungkol sa inyong dalawa.” -Papa

Bigla akong kinabahan sa sinabi ni Papa. Huhu pano ako nito makakakain ng maayos kung ganito? Si Papa kasi may Pa suspense pa eh.

“Kuya Dex, Top 1 po ako sa room namin ngayon.” singit ni Kyline sa usapan.

“Talaga baby? Nako mana ka talaga sa kuya.”

“Anong mana sayo? Sakin nagmana yang kapatid mo” -Mama

Si Mama talaga hadlang sa kaligayahan ko haha char! Napansin kong tahimik lang si Nathan habang kumakain. Ano kayang nasa isip nya ngayon?

After naming kumain ay ako na ang nagligpit at pagkatapos ay hinanap ko si Nathan bigla kasi syang nawala sa paningin ko.

Nakita ko si Nathan sa labas mg bahay namin na nakatayo at nakatingin sa magandang kalangitan, Lumapit ako sa kanya at niyakap ko sya mula sa likod.

“Nathan May Problema kaba? Para kasing ang tahimik mo kanina”

“Naiinggit lang ako sa Pamilya mo My Loves, Kasi ang saya saya nyo at sinusuportahan nyo ang isa’t isa sa lahat ng bagay. Ni Minsan hindi ko yon naramdam sa Pamilya ko kasi Madalas sila ang pumipili sa mga bagay na dapat kong gawin at dapat na mangyari sakin.” -Nathan

Ramdam ko ang hinanakit ni Nathan, Alam ko isa yon sa mga dahilan kung bakit sya naging dragon dati.

“My Loves simula ngayon ay hindi mona mararanasan yon dahil ang pamilya ko ay pamilya mona rin.”

Ang tanging magagawa ko nalang ay palakasin ang loob ni Nathan. Humarap sya sakin na nakangiti pero halatang may luha sa mga mata nya kaya alam kong nasasaktan talaga sya.

“Salamat My Loves, Kaya simula ng nakilala kita nagkaroon ng panibagong direksyon ang buhay ko.” - Nathan

“Kayong dalawa dyan pumasok na kayo! Tawag na kayo ng papa nyo!” 

Grabe yung sigaw ni Mama gabi na pero naka volume 100 padin, Kawawa naman yung mga kapitbahay namin nabubulabog.

Pumasok kami ni Nathan sa loob at naupo sa tapat nila Mama at Papa, Jusme nakakakaba naman to.

“Ano nang balak nyong dalawa?” -Papa

“Ah eh wala pa po” sagot ko kay Papa.

“Balak po sana namin ni Dex na bumukod na”

Medyo nagulat ako sa sinabi ni Nathan pero hinawakan nya ng mahigpit ang kamay ko at parang sinasabing magtiwala kalang. Napabuntong hininga naman si Papa sa narinig nya.

“Hindi biro ang bumukod lalao na’t wala pa kayong mga trabaho, San kayo kukuha ng mga pang-araw araw nyong gastusin? Bago nyo gawin ang isang bagay ay pag-isipan nyo muna ng sampong beses.” -Papa

“Alam kopo Tito, Pero bilang lalaki responsibilidad ko po ang anak nyo at hindi ko sya pababayaan dahil mahal na mahal kopo si Dex.” -Nathan

“Naniniwala naman ako sa mga sinasabi mo, Sa panahon kasi ngayon hindi sapat na mahal molang ang isang tao. Mahal mo nga eh pareho naman kayong mamamatay sa gutom ano pang silbi non?” -Papa

“Magtatrabaho po ako Tito at gagawin ko ang lahat magkaroon lang nang maayos na buhay si Dex.” 

Sa sarap marinig ng mga sinasabi ni Nathan.

“Mga bata nga talaga ngayon, Wala naman akong magagawa kung yan ang gusto nyo ang tanging magagawa nalang namin ay suportahan kayo. Pero may isa pading problema ang daddy mo, Alam na ba nya ang tungkol dito?” Papa

“Opo Tito, Pero wag po kayong mag-alala i can handle it.” - Nathan

“Yun naman pala eh, Welcome to family!” -Papa

Masaya ako kasi sa pangalawang pagkakataon ay na welcome ulit si Nathan sa pamilya namin.

“Dex bumili kadaw ng alak sa labas magsasaya ang papa mo at si Nathan.” - Mama

“Ma bakit ako?”

“Sige na MY Loves tayong dalawa nalang may sasakyan naman ako.” -Nathan

Bahala sila sa mga buhay nila kung iinom sila ng alak basta ako never akong titikim nyan.

NATHAN’S POV

Hindi panga kami nag sstart uminom ay itong si My Loves todo bilin na sakin na wag daw akong magpapakalasing.

Kaming dalawa lang Ni Tito ang iinom at silang dalawamg magina ay magkausap sa kabila.

“Narinig mo sinabi ng anak ko wag ka daw magpapakalasing.” - Tito

“Oo nga po eh”

“Pagpasensyahan mona yon, Madaldal lang talaga yon naman sa Nanay.” -Tito

“Sanay napo ako Tito.”

“Papa nalang ang itawag mo sakin, Tutal parang anak nadin naman kita.” -Tito

“Sige po Tito, ay Papa pala.”

“Mahal na mahal namin si Dex kaya nga ng malaman namin na may Boyfriend na sya ay pinayuhan agad namin sya. Kasi alam mona dahil sa kasarian nya baka mahirapan sya makatagpo nang taong magmamahal sa kanya, Hanggang sa dumating ka at nagbago ang lahat.” -Papa

“Alam nyo Pa? Masaya nga po ako ng makilala ko si Dex kasi dati wala talagang direksyong ang buhay ko dahil nga sa sitwasyon ng pamilya ko. Pero simula ng dumating si Dex nagkaroon ng kulay ang madilim kong mundo”

“Sana magtagal kayo ng anak ko at maipakita nyo sa ibang tao ang tunay na kahulugan ng pag-ibig na hindi lang babae at lalaki ang may karapatang sumaya.” -Papa

Mukhang hindi ko maipapangako kay My Loves na hindi ako malalasing nito dahil ang daming alak ang nakalapag sa lamesa.

CHAPTER 51

NATHAN’S POV

Medyo nararamdaman kona ang tama ng Alak sakin. Si Papa kasi grabe makatagay parang wala ng bukas. Mayamaya ay lumapit na samin si Dex at pinapatigil na kami.

“Pa, Nathan tama nayan kanina pa kayo” -Dex

“Malapit na to Anak, Masyado mo naman na mimiss agad si Nathan.” -Papa

“Oo nga Pa miss na agad ako ng anak nyo” sinakyan ko nalang ang biro ni Papa kay Dex, Natutuwa kasi ako kapag napipikon ang My Loves ko.

“Mamaya nalang kayo mag Loving Loving pagkatapos nito.” -Papa

“Si Papa lasing na talaga kung ano ano na ang sinasabi.” - Dex

“Biro lang Anak, Sige na bumalik kana don sa Mama mo tatapusin lang namin to ng manugang ko.” - Papa

Lasing na nga talaga si Papa, Manugang na ang tawag sakin haha. Si Dex naman ay wala nadin nagawa kundi anh balikan si Mama.

“Pa ubusin nalang natin to, Medyo napaparami narin po tayo eh”

“Oo nga eh, Pero maiba tayo Nathan. May nangyari naba sa inyo ng anak ko?” -Papa

Muntik ko na maibuga yung alak na iniinom ko at parang nawala bigla yung lasing ko dahil sa tanong nayon. Bigla kong naalala yung nangyari samin ni Dex.

“Ba’t dika makasagot? Haha okay lang yan natural lang yan sa magkasintahan pero hinay hinay lang ha? Mga bata pa kayo.” -Papa

Tumango nalang ako sabay tagay ulit ng isa pang baso, Na hot seat ako don haha.

DEX’S POV

Naiinis na naman ako dito kay Nathan, Sinabihan kona na wag masyadong magpakalasing ayon ayaw padin tumigil.

Binalikan ko ulit si Nathan ng mapansin kong tapos na sila sa iniinom nila.

“Ano? Hindi paba kayo tapos?”

“Tapos na kami My Loves” -Nathan

“Oo nga eh halata nga sa ayos nyo.”

Si Papa bagsak na sa may upuan at itong si Nathan medyo zombie na sarap kotongan.

“Tulog na tayo My Loves nahihilo na ako.” -Nathan

Tinawag ko muna si Mama para gisingin si Papa at lumipat sa kwarto nila at ako naman Inalalayan ko si Nathan papunta sa kwarto namin, Grabe ang bigat nya para akong nagpasan ng ilang sakong bigas tapos sumasabay pa ang sakit ng balakang ko dahil sa nangyari samin kanina.

“Good Night My Loves, Mahal na Mahal kita.”

Pinagmasdan ko lang si Nathan, Nagsasalita sya habang natutulog. Tumabi na ako sa kanya at niyakap ko sya.

“Mahal na Mahal din kita Nathan.”

Pinikit kona din ang mga mata ko. Ang sarap lang sa pakiramdam na kasama kona ngayon yung taong Mahal ko, Katabi at nayayakap. Sana wala ng problemang dumating Pa.

//////

Kinabukasan nagising nalang ako dahil parang may umaalog sakin, Pagdilat ko si Nathan ginigising na pala ako.

“Oh bakit? May problema ba?”

“My Loves kuhaan mo nga ako ng malamig na tubig ang sakit ng ulo ko.”

“Hay nako bahala ka dyan, Yan kasi iinom inom ng marami di naman pala kaya.”

“Sige na My Loves, Please.”

“Nako Pasalamat ka”

“Pasalamat na?” -Nathan

Pasalamat ka Mahal kita dahil kung hindi hahayaan kita dyan na sumakit ang ulo buong maghapon.

Bumangon na ako para kuhaan ang mahal na hari ng malamig na tubig, Sila Mama at Papa tulog padin kasi naman 5 am palang ng umaga kung makagising tong si Nathan akala mo 10 am na.

“Oh lalaking lasenggero bumangon kana dyan at inumin moto.”

Bumangon naman agad si Nathan at ininom yung dala kong tubig, Pagkatapos nilapag sa tabi yung dala kong tubig at bigla akong hinila papunta sa higaan.

“Ano My Loves, Round 2?” -Nathan

“Lasing kapa ba Nathan?”

“Oo lasing na lasing ako sayo” -Nathan

Jusmiyo, Lord bigyan nyo ako ng lakas huhu alam nyo naman maropokpok ako sa mga bagay na ganito.

“Titigil ka o lalabas ako?” bigla akong sumiryoso, Nakakainis kasi ang sakit pa nga ng ginawa nya sakin tapos dadagdagan pa nya ulit. 

“Joke lang My Loves, I love you.”

Hinalikan nya ako sa may Noo at humiga na ulit habang nakayakap sakin.

Mga lalaki nga naman paiba-iba ng mood, Minsan baliw madalas Baliw talaga haha. Pero kahit baliw yang si Nathan baliw talaga yan! Haha char! Mahal na Mahal ko sya.

EMMAN’S POV

“Kuya Alex dito nalang po ako sa tabi”

“Sigurado kayo Mam? Gusto nyo samahan kona kayo?”

“Hindi na kuya kaya kona to.”

Lumabas na ako ng kotse at naglakad papunta sa bahay nila Marivick at naabutan ko sya na nagwawalis sa tapat ng bahay nila.

“Marivick?”

Napahinto sya sa ginagawa nya at halatang nagulat sa pagdating ko.

“Ate? Anong ginagawa mo dito?”

“Gusto kolang Malaman kung nandito ba ang anak ko at si Dex? Nag-aalala na kasi ako kay Nathan.”

“Wala sila dito, At bakit ka nag-aalala? Sa tingin moba mapapahamak ang anak mo dahil kasama nya ang anak ko?” -Vick

“Hindi naman sa ganon syempre ina ako at nag-aalala ako sa sitwasyon ngayon ng anak ko, Kaya please kung nandyan sya ipakausap mo naman sya sakin.” 

“Wala nga sya dito kaya makakaalis kana.” -Vick

“Bakit ba parang galit ka sakin?”

“Wag mo nang tanungin kung bakit galit ako sayo dahil baka hindi mo magustuhan ang mga sasabihin ko.” -Vick

“Sige, Sabihin mo sakin kung bakit.”

“Dahil sa asawa mo, Muntik na mamatay ang asawa ko dati. Akala mo hindi namin alam na ang asawa mo ang huling kausap ng asawa ko bago sya inatake sa puso?” - Vick

Nagulat ako sa sinabi ni Vick, Si Greg? Pero hindi gagawin yon ni Greg. Oo mapagmataas sya pero hindi sya killer.

“Hindi totoo yang sinasabi mo.”

“Malamang hindi mo ako paniniwalaan kasi nga kapatid molang ako diba? Syempre doon ka maniniwala sa asawa mo. Ate sobra na, Sobra na ang asawa mo sa panlalait sa pamilya ko lalong na kay Dex! Kung ako ang nilait nya okay lang sakin kaya kong mag timpi pero kapag anak kona? Hindi ko kayang tiisin yung sakit!” -Vick

“Kung may galit ka sa asawa ko bakit pati ako dinadamay mo?”

“Kasi hindi mo tinatama ang mga mali nya! Mag-asawa kayo pero wala kang nagagawa? Alam mo ate dati hanga ako sayo at inggit na inggit kasi ikaw maginhawa yung buhay habang kami isang kahig isang tuka, Pero ngayon hindi na kasi yung totoo mahina ka dahil sunod sunuran kalang sa asawa mo!” -Vick

Para akong sinasaksak ng bawat salitang binibitawan ng kapatid ko, Totoo kasi lahat yon. Hanggang ngayon si Greg padin ang nagtitikda sa mga dapat kong gawin at ni minsan hindi ako nagkaroon ng lakas ng loob para suwayin sya.

“Anak ko lang ipinunta ko dito, kaya Wag monang pahabain pa ang usapan.” 

“Alam mo ate hindi na ako magtataka ngayon kung bakit mas gusto ni Nathan ang lumayo sa inyo dahil may mga magulang nga sya hindi naman iniisip ang makakabubuti para sa kanya.” -Vick

Isang sampal ang pinakawalan ko kay Marivick hindi ko kasi nagustuhan ang panghihimasok nya sa pagiging magulang ko.

“Wala kang karapatang kwestyonin ang pagiging magulang ko kay Nathan bakit ikaw naging perpekto kaba sa pagpapalaki sa mga anak mo?!”

Ako naman ang sinampal ng kapatid ko.

“Hindi ako perpektong magulang pero pinalaki ko ang mga anak ko na may takot sa Diyos! Pinalaki ko sila na wag mangapak sa mga taong mas mababa sa kanila at higit sa lahat pinalaki ko sila para hindi laitin at saktan lang nang ibang tao!”

Bawat salitang lumalabas sa bibig ni Marivick ay ramdam ko ang sakit, Parang matagal na nyang kinikimkim ang galit nya.

“Ate mo pa rin ako kaya wala kang karapatang sagutin ako ng pabalang!”

“Ate? Hindi na ikaw yung ate ko! Dahil yung ate ko hindi sunod sunoran, Yung ate ko may paninindigan at yung Ate ko itatama yung mga mali na nagagawa ng pamilya nya. Eh ikaw? Naitama mo ba yung pagkakamali ng asawa mo?” -Vick

Nasasaktan ako sa mga sinabi nya kasi totoo lahat yon. Ni minsan hindi ko kinontra si Greg dahil ang alam ko iniisip lang nya ang makakabuti samin ni Nathan pero hindi ko namamalayan kinokontrol na pala nya kami.

“Tama ka mahina ako, Pero pinagsisisihan kona ang lahat ng yon. Kaya nga gusto kong makausap ang anak ko para maitama ko ang mga mali ko.” 

“Bumalik kana lang sa susunod kapag sigurado kana, Pero sa ngayon sarado ang pinto ng bahay ko para sayo at lalong lalo na asawa mo.” - Vick

Pumasok si Marivick sa loob ng bahay nila at pinagsarahan ako ng gate. Napaupo nalang ako sa isang tabi at walang nagawa kundi ang umiyak.

………………… FLASHBACK ……………………

“Oh Marivick bakit ka umiiyak?”

“Ate inaway po ako ng mga kalaro ko.” - vick

“Ano?! Asan sila? Tara puntahan natin.”

Bilang Nakakatanda at Ate ni Marivick ay masakit para sakin na nakikita syang umiiyak kaya bilang ate nya ako ang magiging tagapag tanggol nya.

Dali dali kong pinuntahan ang umaway sa kanya at pinagalitan ko yung batang maldita nayon.

“ Bakit mo inaway ang kapatid ko?!“

“Eh kasi ang kulit nya sabi na nga na hindi sya pwede sumali nagpupumilit pa sya!”

“Kahit pa, Dapat hindi nyo padin sya inaway. Umuwe na nga kayo!”

Nilakihan ko sya ng mata at ayon nagtakbuhan sila paalis. Bahala sila kung magsusumbong sa mga nanay nila.

“Oh nakita mo yon? Inaway nadin ni Ate yung mga umaway sayo.”

“Salamat ate, Kaya idol kita eh. Kasi ang tapang tapang mo. Kapag lumaki na ako? Gusto ko maging katulad mo at ako naman ang magtatanggol sa mga aaway sayo.” -Vick

………… END OF FLASHBACK ………….

Ang sarap lang balikan ng mga panahong sobrang close pa kaming magkapatid at lagi kaming magkasama.

Simula kasi nang nagsipagasawahan na kami, Hindi narin kami masyadong nakakapag bonding hanggang sa dumating na nga na nagkoroon ng conflict ang mga pamilya namin. Pero bilang ate ako dapat ang umayos nito.

DEX’S POV

“Nathan gising na!”

Sinigawan kona si Nathan para magising sya, Pano kasi kanina kopa sya ginigising parang walang pakialam.

“My Loves naman, Inaantok pa ako tapos masakit pa ang ulo ko.” - Nathan

“Yan inom pa more, Bumangon kana dyan magsisimba tayo.”

“Sige My Loves” -Nathan

Iniwan kona muna si Nathan para makapag handa ng aalmusalin namin. Paglabas ko ng kwarto ko ay nakasalubong ko si Mama at napansin kong umiiyak sya.

“Ma umiiyak kaba?”

“Hindi Dex, Napuwing lang ako habang nagwawalis sa labas kanina.” -Mama

“Ma yung totoo?”

Mama ko sya kaya ramdam ko kung nagsasabi sya sakin ng totoo o hindi, At ngayon kolang sya nakita na umiiyak.

“Nagkausap kami ng Tita mo kanina, Ayon nagkalabasan ng sama ng loob at nagkasagutan. Pero wag monang isipin yon away magkapatid lang to.”

Niyakap ko nalang si Mama, Ramdam ko yung sakit na nararamdaman nya ngayon kahit nya sabihin sakin. Ngayon kolang sya nakitang ganito kalungkot, Masiyahing tao kasi si Mama at ayaw na ayaw nya na may iyakan

CHAPTER 52

DEX’S POV

Ready na kaming lahat para pumunta sa simbahan, Hindi para magpakasal ako (Papunta na don) kundi para magpasalamat sa Panginoon sa mga biyayang natatanggap ng pamilya ko at sa dahil maayos kaming lahat at syempre dahil kasama kona ngayon si Nathan.

“Kuya Dex bilhan mo din ako ng new toys after po nating mag-simba.” -Ky

“Kyline? Marami kanang toys diba? Next time nalang ulit” 

Medyo nalungkot si Kyline sa sinabi ko, Pero ang turo kasi samin ni Mama ang mas unahin namin ay yung kailangan namin hindi yung gusto lang namin.

“Ako na ang bibili sayo, Ilan ba gusto mo? Sampo? Ibibili kita.” sabat naman ni Nathan.

“Talaga po??” -Ky

“Oo naman, Basta lagi kalang magpapaka Behave” -Nathan

“Okay Po.” -Ky

“Oh sya tara na baka mahuli pa tayo sa misa.” -Mama

Pumasok na kami sa sasakyan at si Nathan ang magmamaneho at nasa tabi nya ako.

“My Loves bakit ang tahimik mo may problema ba?” -Nathan

“Ewan koba, Para kasing may hindi magandang mangyayari ang lakas ng kaba ko eh.”

Kanina pa ako kinakabahan sa hindi ko maipaliwanag na dahilan pero hindi ko nalang masyado pinapansin dahil baka natural lang to.

“Wag kang matakot My Loves kasama mo ako at walang mangyayaring masama sayo.” -Nathan

Pagdating namin sa simbahan ay madaming tao, Kaya ngayon kolang narealize na kahit ang daming masasama sa mundo ay mas madami padin ang nakakaalala sa Panginoon.

Humanap na kami na mapupwestuhan at inantay na magsimula ang misa.

Sana balang araw maikasal din ako sa ganitong simbahan, Alam kong imposible pero umaasa padin ako na balang araw matatanggap din kami ng buong buo ng lipunan.

Buong misa ay magkahawak ang kamay namin ni Nathan at sabay na pinapakinggan ang mga turo at salita ni Father.

“Ma, Pa bili nyo ako non” 

Pilit na hinihila ni Kyline sila MamA at Papa para bilhan sya nang nakita nyang laruan.

“Wait lang Dex ha? Bibilhan lang namin tong kapatid mo para manahimik na” -Mama

“Sige Ma antayin nalang namin kayo ni Nathan dito.”

Mga bata nga naman ngayon kapag may nakitang kung ano ano gusto agad magpabili, Samantalang ako pandilatan lang ako ni Mama dati, Wala na, Cancel na ako.

“Ikaw My loves wala kabang gustong bilhin?” -Nathan

“Wala na, Nakuha kona kasi ang gusto ko.”

“Talaga? Ano?” -Nathan

“Ikaw”

Gusto kong magpakain sa lupa dahil sa banat kong yon huhuhu, Pashnea ka Nathan kiligin ka naman please!!! haha

“Kikiligin naba ako My Loves?” -Nathan

“Syempre! Pinagisipan ko kaya yon.”

Lumapit sakin si Nathan at bigla akong hinalikan sa labi.

“I Love you My Loves, Forever.” -Nathan

Kainis!!!!

Dapat sya yung kikiligin pero bakit ako ang kinikilig?????

Lord why?

Why so maropokpok?

Habang magkausap kami ni Nathan ay may lumapit samin na tatlong babae at may kasama pang dalawang lalaki.

“Hi kuya ano pong Name nyo?” tanong nung isang babae na halatang kinikilig.

“Sorry miss taken na ako.”

Ayon agad ang sagot ni Nathan at bigla akong hinapit papunta sa kanya.

“Bakla??? Seryoso ka?? Kuya ang gwapo mo sayang lahi mo. Dapat sa babae ka nalang kasi wala kang mapapala sa mga yan, Salot kaya yan ng lipunan.”

Biglang nag pantig ang tenga ko sa sinabi nung babae, Kung makapag salita sya sakin parang magkakilala kami at kilalang kilala nya ako. Nakita kodin si Nathan na parang nagalit din sa babae kaya nagsalita na ako

“My Loves ako nang bahala”

Hinawakan ko si Nathan sa kamay para mapakalma sya.

“Salot kaming mga Bakla?”

“Oo salot naman talaga kayo” Mataray na sabi sakin nang Babae.

“Sige tatanggapin ko na salot kami, Kung may maipapakita ka sakin na proweba na naging salot kami. Sino ba ang madalas na babalita sa Tv na nagnanakaw? Pumapatay, Nangrerape, Nanghohold up at Gumagamit ng droga? Hindi ba kayo namang mga straight? At wag mong gagamitin ang salita ng Diyos at lalong lalo na ang pangalan nya para manapak at manakit ng kapwa nyo dahil ni minsan hindi gugustuhin ng Diyos na namay nasasaktan at nahihirapan ng dahil sa kanya.”

Natahimik sila sa mga sinabi ko, Nakakainis lang kasi lagi nilang dinadamay ang Diyos kapag may sasabihin sila samin. Hindi nila alam dahil sa ginagawa nila ay mas mukhang ginagamit sila ng Demonyo.

Umalis nalang sila ng walang ano mang sinasabi sana marealize nila na tao din kaming mga member ng LGBTQ at hindi salot.

“My Loves ang tapang mo ha?” -Nathan

“Sa ganong sitwasyon My Loves kailangan ko talaga maging matapang.”

“Kaya Love na Love kita eh.” -Nathan

Hinalikan ako ni Nathan sa may Noo at sabay na naglakad para hanapin sila Mama.

“Nathan Cr lang ako”

“Tara samahan na kita” -Nathan

“Hindi na, Ako nalang antayin mo nalang ako dito. Baka kasi bigkang dumaan sila Mama.”

“Sigurado ka?” -Nathan

“Oo kaya ko na nga, Diba nga sabi mo kanina matapang ako? So kaya kona mag-isa.” 

Iniwan kona lang si Nathan at naghanap na ako ng Cr habang naglalakad ako ay may napansin akong sumusunod sa akin, Pagtumitigil ako ay hihinto din sya at kunwari ay may kausap sa Cellphone.

Binilisan ko ang lakad ko at ganon din ang ginawa nya kaya napagtanto ko na talagang sinusundan nya ako. Jusmiyo dapat pala pinasama kona si Nathan kung alam kolang na may ganitong eksena.

Nagtago ako sa isa sa mga puno at sinilip kung nandon pa ang lalaki, Ilang minuto din akong nagtago hanggang sa lumabas na ako dahil sa tingin ko ay wala na sya ’ Hay sa WAKAS’ sabi ko sa sarili ko ng masiguro na wala na talaga sya, Pero sino kaya yung lalaki nayon? Bakit nya ako sinusundan? 

Kailangan na naming makaalid dito nila Nathan dahil baka may mangyari pang hindi maganda. Maglalakad na sana ako nang biglang may tumakip sa sakin ng panyo at ng maamoy ko yon ay bigla nalang ako nawalan ng malay.

NATHAN’S POV

Asan na kaya si My Loves parang ang tagal naman ata nya, Dapat pala sinamahan kona lang sya dahil baka kung napano na sya.

“Nathan asan na si Dex? Hindi ba kayo magkasama?” -Mama

“Magkasama po kami kaso mag Ccr daw po muna sya.”

“Talaga namang si Dex, Nagugutom na ako eh.” -Mama

“Sige po mauna na kayo aantayin ko nalang sya.”

“Hindi na, Mas maganda kung sabay sabay tayo baka pabalik na din yon.” -Papa

Pero Lumipas ang ilang minuto at walang Dex na dumating, Kaya nakaramdam na ako ng kaba. Hindi naman ganito si My Loves, Hindi sya nawawala na agad na parang bula.

“Ma, Pa hanapin kolang po muna si Dex.”

“Sige Nathan, Kami din hahanapin din namin sya baka may binili lang yon at medyo napatagal.” - Mama

Sana nga tama si Mama na may binili lang si Dex.

Pumunta agad ako sa may nga pinakamalapit na Cr at inisa-isa kung nandon si Dex pero ilang minuto na akong naghahanap ay hindi ko padin sya nakikita. Kaya bumalik na ako para hanapin sila Mama baka kasi nakita na nila si Dex.

“Ma, Pa nakita nyo ba?”

“Hindi eh, Tumingin na nga din kami sa mga tianggian pero wala sya.” -Mama

Lalo akong kinabahan sa binalita nila sakin, Asan si Dex????!! Asan si My Loves??!?!?!

“Tawagan mo kaya” - Papa

Dali dali kong tinawagan si Dex, Baka sakaling sumagot sya at malaman namin kung nasan sya.

“Ano sumagot?” -Mama

“Hindi pa po, Naka off yung phone nya.”

“Ano?!” -Mama

Hindi na talaga maganda ang kutob sa nangyayari. Baka nasa hindi magandang kalagayan ngayon si My loves.

“Magnahanap nalang ulit tayo.” -Papa

Naghanap ulit kami kung saan saan. Ako naman nagtanong tanong ako sa mga taong nakakasalubong ko at pinapakita ko ang picture ni Dex kaso hindi rin nila nakita.

Asan kana ba MY LoveS?????

DEX’S POV

Ang bigat nang pakiramdam ko pero pinilit ko pading idilat ang mga mata ko at nagtaka ako sa nakita, Para akong nasa loob ng isang sasakyan.

“Mabuti naman at gising kana?”

Napalingon agad ako sa pamilya na boses na nagsalita.

“Tito Greg? Ba-bakit ako nandito? Pano ako napunta dito?”

“Hindi na importante yon, Dahil ang importante ngayon ay magkaliwanagan tayo.”

Pano ako napunta sa sasakyan ni Tito Greg? 

Pinilit ko pading inalala yung nangyari bago ako napunta dito At bumalik sa isip ko na may lalaking sumusunod sakin na tinaguan ko at biglang may tumakip sakin at ayon biglang nagblanko na ang lahat.

“Kayo po ang nagpadukot sakin?”

“I don’t have a choice Dex, Dahil alam ko na kapag sa maayos na paraan kita kakausapin ay wala ding mangyayari.” -Tito

Bigla kong naalala si Nathan pati sila Mama baka nag-aalala na sila sakin ngayon.

“Kailangan kona pong umalis baka hinahanap na nila ako.”

“Just a little bit moment Dex.” -Tito

Hinawakan ni Tito ang kamay ko at napatingin ako sa kanya, Parang ang lungkot nya at naramdaman ko na may pinagdadaanan sya kahit hinawakan nya lang ako.

“Sige po Tito, Makikinig ako sa inyo pero hindi ko po maipapangako na susundin ko ang mga sasabihin nyo sakin.”

Nagsimula nang umandar yung sasakyan at hindi ko alam kung saan kami papunta.

“I am not a bad person Dex, All i want is the Best for Nathan and i don’t want him to be judge by other people because of loving you. Let’s accept the fact that living in this world as member of LGBT is so hard.” -Tito

“Opo talagang Hard, Pero kinakaya namin at someday marerealize nyo din ang importansya namin sa mundong ito.”

“That’s why i admire you, You are strong person. Alam mo kung pano dalhin ang isang bagay, Marunong kang magpakumbaba at higit sa lahat mabuti kang tao.” -Tito

Totoo ba tong naririnig ko? Si Tito Pinupuri ako? Pero mukha naman syang nagsasabi ng totoo.

“Bakit nyo po sinasabi sakin yan?”

“Dahil nagising nako, Nagising na ako sa isang bagay na dapat noon kopa ginawa.” - Tito

“Sorry Tito pero hindi kopo kayo maintindihan.”

“I know that is hard to believe, But believe it or not i just want to say sorry. Sorry for everything that i’ve done before not just for you but also to your family.” -Tito

Gusto kong maniwala sa mga sinasabi ni Tito pero may part padin sa utak ko na wag ako basta basta maniniwala dahil baka may hidden agenda sya.

“Tito Greg kung pagpapatawad lang po ang hihingin nyo sakin tatanggapin kopo yon, Pero sana maintindihan nyo po ako kung hindi na mababalik yung tiwala ko.”

“It’s okay Dex, I understand and i hope someday we will become a family.” - Tito

May part sa pagkatao ko na gusto kong magalit dahil sa ginawa nya sakin at kay Papa pero sa kabila non ay hindi ko magawang magalit dahil daddy padin sya ng taong mahal ko.

“Tito Greg kailangan kona po umalis, Baka hinahanap na ako nila Mama.”

“Wait lang Dex, Gusto ko ding malaman mo na tanggap na kita para sa anak ko.” -Tito

“Thank you po”

Kahit hindi pa ako sigurado kung totoo ba talaga ang mga sinasabi nya ay gusto nang lumabas sa tuwa ng puso ko.

“Sir nawawalan po ng preno yung sasakyan”

Biglang sabi ng driver na ikinagulat ko.

“What the!?” - Tito

Medyo pababa pa naman ang way namin at marami kaming mga kasalubong.

Bakit ngayon pa nasiraan ang sasakyan???

“Sir babangga po tayo” -Driver

Nakita ko na may kasalubong kami na isang malaking truck, Hindi ko alam kung anong gagawin ko.

Tatalon ba ako sa pinto? O hahantayin nalang kung anong mangayayari, Nang makita kong malapit na kami tumama sa kasalubong na truck ay niyakap ko si Tito Greg para takpan sya, Dahil alam kong hindi kakayanin ni Nathan kung may masamang mangyayari sa Daddy nya.

NATHAN’S POV

“Sir hindi po kami pwede gumawa ng order hanggat wala pang 24 hours nawawala yung taong sinasabi nyo.”

“Anong klaseng Protocol yan?! Kailangan pa bang umabot ng 24 hours bago kayo gumawa ng aksyon?! Pano kung may nangyari ng masama sa kanya?!”

Gusto ko mang kumalma pero hindi ko magawa dahil sa nakakabobong protocol ng mga pulis.

“Sir Pasenya napo talaga kayo, Kami po sumusunod lang kami dito. Marami po kasing ibang posibilidad na pwedeng mangyari malay nyo baka nandon lang sa mga kaibigan nya gusto lang mapag-isa.”

“Kung makapag salita ka parang mas kilala mo sya kesa samin ah! Anong akala mo samin hindi nagtanong sa mga kaibigan nya?!”

Lalapitan kona sana yung pulis pero inawat ako nila Mama at Papa. Sinubukan kong tawagan si Miles pero ang sabi nya hindi daw sila magkasama ni Dex.

“Nathan, Kumalma kalang hindi nakakatulong ang pagiging agresibo mo” -Mama

“Sorry po Ma, Nag-aalala lang po kasi talaga ako kay Dex.”

“Alam ko yon Nathan kami din naman nag-aalala ng Papa mo para sa anak namin pero wala tayong magagawa ganito talaga ang batas natin.” - Mama

“Tama ang Mama mo Nathan, Kumalma kalang at magdasal muna na nasa maayos na kalagayan si Dex.” -Papa

Hindi ako pwedeng manahimik, Mahalaga ang bawat segundo kaya Dapat mahanap kona si Dex at mukhang alam ko kung saan ko sya matatagpuan.

“Nathan san ka pupunta?” -Mama

“Sa taong may alam kung nasan si Dex.”

Isa lang ang kilala ko na pwedeng gumawa nito, Masakit mang isipin pero si Daddy lang ang may kakayang gumawa nito at sya lang ang may ayaw kay Dex.

CHAPTER 53

NATHAN’S POV

Nagmamadali akong pumunta sa bahay namin para komprontahin ang daddy ko sya lang ang kilala ko na pwedeng kumuha kay Dex at sigurado ako na may ginawa na syang hindi maganda.

Ayaw ko sana mag-isip nang hindi maganda pero habang tumatakbo ang oras lalo akong kinakabahan, Ganito pala yung pakiramdam kapag hindi mo alam kung asan yung taong mahal mo sobra yung takot mo at hindi ka mapalagay.

Pagdating ko sa tapat ng bahay namin sinigawan ko si Daddy at kinalampag ang gate.

“Daddy lumabas ka dyan!!! Harapin mo ako!!!!!”

Halo halo na ang emosyon na nararamdaman ko, Sobrang nag-aalala na talaga ako kay My Loves hindi ako sanay na bigla nalang syang nawawala.

Nakailang kalampag ako ng gate bago ito bumukas.

“Nathan anong ginagawa mo?” -Mom

“Asan ang magaling mong asawa?”

“Wala sya dito ang sabi nya sakin may lalakarin daw sya.” -Mom

Hindi ako naniwala sa sinabi nya kaya pumasok na ako sa loob para hanapin si Daddy.

“Dad!! Lunabas ka! Harapin mo ako!!”

“Nathan please stop it! Kahit anong sigaw mo kahit magwala kapa wala ding mangyayari kasi nga wala dito ang daddy mo.” -Mom

“Asan sya? Sabihin mo sakin kung nasan sya.”

“Hindi ko alam Nathan, Bakit mo ba sya hinahanap??” -Mom

“Dahil nawawala si Dex! At alam kong si Daddy lang ang pwedeng kumuha sa kanya dahil sya lang naman ang may ayaw sa relasyon namin diba?”

“Hindi magagawa yan ng daddy mo” -Mom

“Mommy hanggang ngayon ba naniniwala kapa din sa asawa mo?? Hanggang kailan kaba magpapakatanga?? –”

Hindi kona natapos ang sasabihin ko dahil nasampal na nya ako.

“Oo tanga na ako! Pero masisisi mo ba ako? Mahal ko ang Daddy mo kaya kahit masakit na tinitiis ko dahil mahal ko sya.”

Kita ko sa mga mata nya ang sakit na nararamdaman nya, Alam ko matagal na nya yung kinikimkim pero hindi nya lang mailabas dahil sa natatakot sya kay Daddy.

“Kung wala dito si Daddy hahanapin ko padin sya dahil alam ko sya lang ang may hawak kay Dex.”

Aalis na sana ako nang biglang may tumawag sa kanya.

“Ano?!” sagot ni Mama sa kausapa nya “Nasa Hospital si Greg??!!”

Bigla akong kinabahan sa sinabi nya dahil nasa hospital daw si Daddy.

“Nathan ang Daddy mo nasa Hospital pa.” -Mom

“Pakana na naman ba nya yan? Sorry busy ako, Kailangan kopa mahanap si Dex.”

Maglalakad na sana ako nang biglang may sabihin si Mommy na ikinahinto ko.

“Nasa Hosoital din si Dex.”

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko sa balita ni Mommy. Anong ginagawa ni Dex don????

“Bakit mapupunta sa Hospital si Dex??”

“Hindi ko alam Nathan pero ang sabi ng tumawag sakin ay Nakaaksidente daw yung sinaksakyan ng Daddy mo at may kasama sya bukod sa driver at mukhang si Dex ang tinutukoy nya.” -Mom

“Saang Hospital yan?”

Dalidali akong lumabas para puntahan yung sinasabi ni Mommy, Pinaandar ko agad yung sasakyan at pinaharurot. Kulang nalang paliparin ko ang kotse ko para lang makarating agad kay Dex wala akong paki kung anong mangyari sa daan basta makarating lang ako.

Lord sana okay lang si Dex dahil hindi ko kakayanin kapag may mangyaring hindi maganda sa kanya.

Mamaya ko nalang sasabihin kala Mama ang nalaman ko kapag natiyak ko na si Dex nga yon.

Pagdating ko sa Hospital ay hinanap ko agad kung nasan si Dex.

“Miss san po dito yung tatlong lalaki na nabunggo? Dito daw po kasi sila dinala.” tanong ko sa nurse.

“Wait lang sir, Check ko lang.”

Hinanap pa nung babae kung merong nakalista katulad lang nang tinutukoy, Pero wala na akong time kaya umalis nalang ako para hanapin si Dex, Wala akong pakialam kung libutin ko man ang buong Hospital basta ang importante matagpuan ko lang ang My Loves ko.

MILE’S POV

Habang naghuhugas ako ng mga pinagkainan namin ay bigla akong kinabahan, Hindi ko alam kung bakit pero parang may mangyayaring hindi maganda.

Actually kanina pa talaga ako kinakabahan simula ng tumawag sakin si Nathan at hinahanap si Dex, Asan kaya yon? Imposible namang bigla nalang nyang iwan sila Nathan ng ganon ganon lang, Pwera nalang kung may nangyaring hindi maganda.

“Miles ayos kalang ba?” tanong sakin ni Mama at tinulungan ako na magdampot ng mga bubog.

“O-opo ma”

“Sigurado ka? Ako nalang kaya magpatuloy” -Mama

Mayamaya ay biglang tumunog yung phone ko. Si Nathan ang tumatawag kaya sinagot ko agad.

‘Hello?’ tanong ko sa kanya.

‘Miles si Dex’ - Nathan

‘Oh bakit anong meron kay Dex? Nakita mona ba sya?’

‘Oo. Nandito ako ngayon sa Hospital’ Bakas sa boses ni Nathan ang kaba at lungkot.

’Bakit anong nangyari???

Sinabi sakin ni Nathan ang dahilan kung bakit sya nandon, Si Dex daw naaksidente.

Nagmadali agad akong magbihis para mapuntuhan sila. Ibinalita kona din sa mga magulang nya kung anong nangyari dahil hindi daw nya alam kung paano sasabihin sa mga ito ang nangyari sa anak nila.

NATHAN’S POV

Kanina pa ako naghihintay sa labas ng pintuan kung nasaan si Dex ngayon. Bakit ba ang tagal lumabas ng Doctor?! Kainis nag-aalala na ako sa My Loves ko.

“Nathan ang Daddy mo okay lang ba?”

Biglang dumating si Mommy at lumapit sakin.

“Kasalan to ni Daddy kung bakit nangyari to, Kung hindi nya sana kinuha si Dex wala sana sika dito!”

“Anak please don’t blame your daddy, Alam ko na hindi nya naman ginusto ang nangyari.” -Mom

“Mali ka. Gunusto nya, Kaya nga sila nandito diba?”

“Wag na tayo magsisihan ang kailangan natin ngayon ay suporta ng bawat isa.”

Umupo nalang ako sa isang tabi at naghintay sa paglabas ng doctor at ilang sandali lang din ay dumating na si Miles kasama sila Mama at Papa.

“Nathan kamusta si Dex?” -Miles

“Hindi ko pa alam”

“Anong nangyari sa anak ko??? Bakit sya naaksidente???” -Mama

“Mamaya nalang po ako magkukwento Ma”

Ngayon kolang nakitang nalungkot ang Mama ang ni Dex kasi kapag nakikita ko sya lagi syang nakatawa at nakangiti kaya hindi ako sanay na ganito sya. Napatingin sya bigla sa direksyon ni Mommy at pinunasan ang luha nya.

“Mukhang alam kona kung bakit nandito si Dex, Kasalanan na naman ng Daddy mo.” -Mama

“Sorry Ma.” 

“Wag ka Mag sorry sakin, Hindi mo kasalanan ang ginawa ng daddy mo.” -Mama

“Walang kasalanan si Greg” sagot naman ni Mommy.

Biglang uminit ang tensyon sa pagitan nilang dalawa mabuti nalang lumabas na ang Doctor.

“Sino po dito ang Pamilya ni Mr. Greg?” tanong ng doctor.

“Ako ang asawa, Kamusta napo sya??”

“Okay na sya hinihintay nalang yung result sa naging test sa kanya.”

“ Yung anak ko Doc. Si Dex, Kamusta na sya?“

“I’ll be honest with you Misis, Unlike Mr. Greg mas malaki ang naging damage ni Dex until now inoobeserve parin namin sya.”

“Doc please gawin nyo ang lahat para maging okay lang sya.”

“Don’t worry we will do our best para maging okay ang anak mo.”

Pagkatapos sabihin yon ay umalis na yung doctor si Mama naman ay biglang nawalan ng malay kaya binuhat namin sya ni Papa papunta sa isang upuan para mahimasmasan.

“Nathan pupuntahan kolang ang daddy mo.”

Hindi kona pinansin si Mommy at tinuon ko nalang ang pansin sa Mama ni Dex dahil kung mas nasasaktan at nahihirapan ako mas doble ang sa kanila.

Inantay muna namin sabihin nang doctor na pwede nang puntahan si Dex bago kami pumasok.

“Sige na Nathan, Ikaw na muna ang pumasok.” -Papa

“Sige po.”

Sobrang bigat ng pakiramdam ko nang makapasok ako sa loob ang hirap pala kapag nakikita mo nakaratay at walang malay ang Mahal mo.

KUNG AKO NALANG SANA yung nakaratay di sana nararanasan to ni My Loves hindi sana nahihirapan at nasasaktan yung mga tao sa paligid nya na Mahal na Mahal sya. Dahan dahan akong lumapit sa kanya at tumabi.

“My loves? Nandito na ako. Pwede kanang gumising.”

Alam kong hindi sasagot si Dex pero baka marinig nya ang boses ko at magkaroon ng isang himala at bigka sya magising.

“Wag kang susuko ha? Mamahalin pa kita eh. Promise kapag nagising ka hinding hindi na kita iiwan, Aalagaan at iingatan na kita hindi kona hahayaan na may mangyari pang masama pa sayo. Papakasalan pa kita, Kaya please lumaban ka.”

Niyakap ko nang mahigpit si Dex, Sobrang sakit parang unti unti ding pinapatay ang puso ko. Sana ako nalang yung nakaratay dahil ayokong nahihirapan si Dex.

MARIVICK’S POV

Matapos sabihin samin ng Doctor na nasa malalang kondisyon si Dex at kailangan pa nila ng obserbasyon ay lalo akong pinanghinaan ng loob.

“Vincent masama ba tayong tao?” tanong ko sa asawa ko.

“Hindi tayo perpekto pero pinipilit nating magpakabuti.”

“Pero bakit kailangan mangyari sa anak natin to? Una ikaw, Tapos ngayon naman si Dex. Sino pa ang susunod??”

“Wala nang susunod, Wag kang panghinaan ng loob makakaya ni Dex yan diba nga malakas at matapang sya?” -Vincent

Tama sya malakas ang anak namin at hindi ito ang magpapatigil sa buhay, Pero isa lang ang dapat sisihin sa lahat ng nangyayaring ito. Walang iba kundi si Greg!

“Ma, Pa. Pahinga napo kayo ako na muna ang mag-babantay kay Dex.” -Nathan

“Hindi na Nathan, Dito lang ako gusto ko pagnagising ang anak ko nandito ako.” 

“Tama si Nathan umuwe na muna tayo, Para makapahinga nadin kayo ni Kyline.”

Tiningnan ko si Kyline mahimbing sya na natutulog at walang alam sa totoong nangyari. Sinabi ko lang sa kanya na may lagnat ang kuya Dex nya kaya dito mona matutulog.

“Basta kapag may bagong update sa kalagayan ni Dex tawagan mo lang kami ha?”

“Opo Ma.”

Gusto kopa sana magstay pero naawa din kasi ako kay Kyline, Atsaka kailangan ko din mag-ipon ng lakas para maging matatag sa pagsubok nato.

“Asan na pala si Miles?”

“Umuwe nadin po, Babalik nalang daw po sya bukas.” -Nathan

“Bago kami umalis ay pinagmasdan ko muna si Dex at niyakap sya ng mahigpit.”

Mahal na mahal ko ang anak ko at hindi ko kakayanin kung may mangyayaring masama sa kanila o isa sa kanila ang mawawala.

ALEXANDRA’S POV

“Ate nagugutom nako” angal sakin ng kapatid.

“Sige mangungutang lang si ate sa tindahan ha?”

Ako si Alexandra Magpantay, Alex kung tawagin nila.

Maaga kaming naulilang magkapatid kaya simula non ako na ang umako ng lahat ng responsibilidad.

Napakahirap ng walang magulang pero kinakaya ko hindi lang para sa sarili ko kundi para narin sa kapatid, Kasi kung susuko ano nang mangyayari samin?

“Ate Lany pwede po bang pakuha ng isang latang sardinas?”

“Nako Alex tadtad kana ng utang halos mapuno na nga ang listahan ko kakautang mo pero ni isa hindi mo parin nababayaran.”

“Sige na po Ate Lany babayaran ko din naman po kapag nagkapera na ako.”

“Eh kelan pa?? Puro kana naman pangako lagi namang napapako.”

Ang hirap maging mahirap kasi kapag wala kang pera wala kang makakain, Wala kang malalapitan at higit sa lahat karamihan ayaw sayo.

Pano na ngayon yan?

Saan ako kukuha ng pangkain namin?

Ako kaya ko magtiis pero ang kapatid ko hindi ko kayang nakikitang nahihirapan.

CHAPTER 54

EMMAN’S POV

“Greg??”

Nagmadali agad akong lumapit sa asawa ko ng makitang kong nagising na sya.

“Greg kamusta pakiramdam mo? May masakit paba sayo??? Tatawag ako ng Doctor.”

Lalabas na sana ako pero biglang hinawakan ni Greg yung kamay ko.

“Wag na Emman hindi na kailangan, Gusto ko lang malaman kung anong nangyari?”

Bakas padin sa boses ni Greg ang panghihina pero sa kabila nito ay pinilit nya pading magsalita.

“Ang balita lang sakin ay nawalan ng Preno yung sasakyan nyo at nabangga kayo tapos eto sinugod kayo sa Hospital.”

“Si Dex asan sya??, Kamusta sya??” -Greg

“Hindi ko alam kung anong kalagayan nya ngayon, Hindi ko pa sya napupuntahan.”

“I want to see him, I want to know if he is fine.” -Greg

“Greg magpahinga ka muna, Mahina kapa atsaka hindi makakatulong sa sitwasyon kung magpapakita ka sa kanila.”

“Emman you don’t understand me, I am reason why all these things happened.” - Greg

“Ano ba kasi talagang nangyari?? Sabihin mo nga sakin, Bakit kayo naaksidente? At bakit kasama mo si Dex? Totoo ba na dinukot mo sya?”

“Yes it’s true, Pinadukot ko si Dex.” - Greg

“Greg are you out of your mind? Why did you do that?”

“Because I want, I mean i want to make a conversation with him at ang pagdukot kay Dex ang naisip kong paraan para makausap sya.” - Greg

“Pero Greg mali padin ang ginawa mo may Pamilya si Dex na nag-aalala sa kanya pati yung anak mo halos mabaliw kakahanap sa kanya. Hindi mo ba naisip yung mga consequences na pwedeng mangyari??”

“I Know, But believe me nag-usap lang talaga kami at yung aksidenteng nangyari walang may gusto non.” -Greg

“Greg gusto kong maniwala pero ang hirap kasi. Pinadukot mo si Dex tapos naaksidente kayo, Ano yon? Coincedence lang?”

“I know it’s hard to believe pero totoong nag-usap lang kami ni Dex, Nagsorry ako sa kanya dahil sa mga nagawa ko at sinabi ko sa kanya na tanggap kona sya para sa anak ko, Kay Nathan. “ -Greg

Pwedeng mapaniwala ako ni Greg pero si Nathan hindi ko alam kung maniniwala pa sya sa daddy nya masyado nang lumaki ang alamat sa pagitan nilang mag ama at hindi ko alam kung kelan ito maayos.

Pinagpahinga ko muna si Greg dahil para makapag ipon pa sya nang lakas atsaka ayaw ko muna ng bangayan sigurado ako na kapag nakita na naman siya nila Marevick at Vincent ay baka gulo na naman ang mangyari.

NATHAN’S POV

Naramdaman ko nalang na may tumatapik sakin at dahan dahan kong dinilat ang mga mata ko, Si Mama lang pala. Tumingin ulit ako kay Dex pero wala padin syang malay.

“Kayo pala Ma, Kanina paba kayo?”

Nakatulog na pala ako kaka bantay kay My Loves.

“Kakarating lang namin ng Papa mo, Mukhang napuyat ka ha?” -Mama

“Hindi po kasi ako makatulog gusto kopo kasi pagna gising si Dex ay makikita nya agad ako.”

“Ikaw talaga na Bata ka. Sige na kumain ka muna dinalhan ka namin ng maalmusal ako na magbabantay kay Dex. Wag mong papabayaan ang sarili mo.” -Mama

Sa totoo kang wala akong gana kumain, Gusto kolang ay sa tabi ni Dex hanggang sa magising sya. Pero tama si Mama kailangan kodin magpalakas.

Kahit kumakain ako ay hindi padin mawala ang atensyon ko kay Dex, Gusto ko kasi kapag nagising sya nandito ako at makita nya.

Habang kumakain ay biglang bumukas ang pinto at pumasok si Mommy.

“Anong ginagawa mo dito?” tanong agad ni Mama.

“Marevick hindi ako nagpunta dito para makipag away sayo nandito ako dahil gusto lang namin makita si Dex.” -Mom

“Kami? Bakit sinong kasama mo?” Nagtataka kong tanong.

Tumuloy si Mommy papasok sa loob at kasunod nya si Daddy na naka wheel chair at bakas sa buong katawan nya ang aksidente na nangyari. Biglang bumalik ang lahat ng galit ko pero mas pinili kong kumalma.

“Umalis na kayo, Ayaw na namin ng gulo.” -Mama

“Please Marevick let me stay here to check if your son is okay.” -Dad

“Ichecheck mo kung okay ang anak ko?! Bakit Doctor kaba? Ayon ba talaga ang pinunta mo? O gusto mong icheck kung patay na sya? Pwes hindi ka nagtagumpay dahil buhay pa ang anak ko. Pero dahil sayo nandito sya! Ikaw yung dapat nandyan hindi yung anak ko!, Pero sa bagay mahirap nga talagang mamatay ang masamang damo” 

Nagsimula nang lumabas ang emosyon ni Mama umiiyak na sya habang hawakhawak sya ni Papa. Mabuti nalang at laging kalmado lang si Papa, Kailangan nya din kasi yon lalo na’t may sakit sya sa puso.

“Marevick ano kaba? Nandito nga lang kami para makipag-usap ayaw namin ng gulo.” - Mom

“Yon naman pala eh! Eh bakit pa kayo nagpunta dito? Hindi nyo napapansin na nagkakaroon lang nang gulo sa tuwing lumalapit kayo samin!” -Mama

“Sorry for what happened pero walang may gusto nito.” -Dad

“Umalis na kayo, Baka kung ano pa ang magawa ko sa inyo. Alis!” -Mama

Agad naman umalis silang dalawa at ako naman ay sumunod.

“Sandali”

Napahinto sila ng marinig ang boses ko.

“Nathan?” -Dad

Lumapit agad sakin si Daddy habang nakasakay sa wheel chair nya.

“Dyan kalang, Wag mo akong lalapitan.”

“Nathan please makinig ka muna sa mga explanations ko.” - Dad

“Makinig? Ako ba pinakinggan mo nung nagpapaliwanag ako about samin ni Dex? Ako ba pinakinggan mo sa gusto kong mangyari sa buhay ko? Diba hindi?! Kasi sarili molang ang iniisip mo! Pati ang pinakamamahal mong negosyo! Tingnan mo yung nangyari ngayon nag-aagaw buhay yung taong mahal ko!”

“Nathan please give me chance to prove that i’ve changed.” - Dad

“I don’t need your explanation because one thing is very clear to me. Once a monster always be a monster.”

Pagkatapos kong sabihin yon ay umalis na ako, Masakit sakin sabihin yon sa sarili kong daddy pero kung ayon lang ang paraan para magbago na talaga sya ay gagawin ko. Bumalik agad ako kala Mama para tingnan kung okay na sya.

“Ma pasensya na po.”

“Wala kang kasalanan Nathan.” -Mama

“Nathan wag mo sanang mamasamain ang desisyon namin ng mama mo.” -Papa

“Bakit ano po ba yon?”

“Sobra na, Sana maintindihan mo kami dahil kung mahal mo talaga si Dex ay hahayaan mo kami at bilang magulang nya ay doon kami sa makabubuti sa kanya.” -Mama

“Ano pong ibig nyong sabihin?”

“Ilalayo na muna namin si Dex, Malayo sayo at sa pamilya nyo.” -Mama

Para akong sinaksak ng sampong kutsilyo sa dibdib ng marinig ko ang sinabi ni Mama.

“Ma bakit? Maayos naman sya dito diba?”

“Nathan hindi mo kami naiintindihan, Hanggang nandyan ang daddy mo laging nasa panganib si Dex at natatakot ako dahil baka buong pamilya kona ang madamay.” -Mama

“Kung si Daddy lang inaalala nyo ako ang bahala sa kanya, Kakausapin ko sya basta wag nyo lang ilayo sakin si Dex.”

“Pansamantala lang naman to Nathan, Kapag naayos mona ang relasyon mo sa daddy mo babalik kami.” -Mama

“Ma hindi nyo pwedeng gawin to nangako kami ni Dex sa isa’t isa na hindi na kami maghihiwalay.”

Naiisip ko palang na mawawala ulit sa tabi ko si Dex ay parang mamatay na ako. Lumapit sakin si Mama at pinunasan yung luha ko.

“Sabi nila kapag umiyak daw ang lalaki ay talagang mahal ka nya. Alam kong Mahal na Mahal mo ang anak ko at katulad mo mahal ko din sya at bilang ina nya doon ako sa makabubuti sa kanya.” -Mama

“Pwede naman po ako sumama kung aalis kayo, Basta wag lang ako malayo kay Dex.”

“Nathan hindi pwede dahil alam mong hanapin at hahanapin ka ng daddy mo. Sundin mo nalang yung sinabi ko, Ayusin mo muna anv relasyon mo sa daddy mo bago mo makasama si Dex at kapag dumating ang araw nayon wala na talagang hahadlang sa inyo.” -Mama

Sa sobrang sakit ng mga desisyon na ginawa nila ay napatakbo nalang ako sa labas. Napahinto ako sa isang gilid at napasuntok ng ilang beses sa pader hanggang sa dumugo ang kamay ko.

“Ahhhhh!!!!!” sigaw ko at nagtingin sakin yung ilang nurse at ibang pasyente.

Bakit ba kailangan mangyari ulit to?

Bakit kailangan magkahiwalay ulit kami?

Hindi ba pwedeng magkasama nalang kami?

Pumunta agad ako sa parking lot at pinaandar yung sasakyan ko. Hindi ko alam kung saan ako pupunta pero kailangan ko muna mapag-isa para makapag-isip.

Pinaharurot ko ang sasakyan ko ng mabilis, Wala akong paki kung mabangga man ako o may mabangga dahil sobrang sakit ng nararamdaman ko parang gusto konang mamatay.

MARK’S POV

“Mark bakit parang natulala ka diyan?” - sheena

“Bigla ko kasing naalala si Dex tapos kinabahan ako”

“Ano? , Tawagan mo kaya sya tapos kamustahin mo.” -Sheena

Ngayon lang ulit ako kinabahan ng ganito at si Dex agad ang unang pumasok sa utak ko parang may nangyari sa kanya na hindi maganda. Kinuha ko agad yung phone ko para tawagan si Dex.

Pero nakailang dial na ako pero hindi padin nya sinasagot.

“Hindi sinasagot eh”

“Si Miles subukan mong tawagan baka ayon macontact mona” -Sheena

“Wala akong number ni Miles.”

“Baka na miss molang si Dex kaya ka nagkakaganyan, Alam mo Mark imbes na mag-isip ka ng hindi maganda bakit kaya hindi ka mag-isip ng mga positibong bagay. Mamaya masaya pala si Dex tapos kung ano ano ang iniisip mo.”

Tumango nalang ako sa sinabi ni Sheena. Pero iba padin talaga ang nararamdaman ko.

Sa tagal naming magkaibigan ni Dex ay parang naging isa nadin kami kaya kung may mangyari man na hindi maganda ay nararamdaman ko.

Sana okay lang si Dex at walang nangyaring hindi maganda sa kanya, Pero sa kabilang banda ay panatag padin ako dahil alam kong hindi sya papabayaan ni Nathan.

CHAPTER 55

NATHAN’S POV

Bakit ba ganito yung love story na meron kami ni Dex? 

Bakit ba kahit anong gawin namin ay pilit kami na pinaglalayo ng tadhana?

Hindi paba sapat yung pagmamahal namin sa isa’t isa para maging okay ang lahat?

Hindi ba pwedeng maging masaya naman kami dahil sa dami naming pinagdaanan?

Bakit ba sa tuwing masaya kami ay may dumarating na problema?

“Tol tama na yung pag-inom nakakarami kana” saway sakin ni Steve.

Wala kasi akong maisip na puntahan kaya sa kanila nalang ako dumiretso para maglabas nang sama ng loob.

“Hayaan mo nalang ako Steve baka sakaling sa pag-inom ko ay mawala yung sakit na nararamdaman ko.”

“Ayos lang naman sakin yon Tol walang problema kaso mag babyahe kapa pauwe baka maaksidente ka.” -Steve

“Mabuti nadin siguro yon, Para magkasama na kami Dex. Para hindi lang sya yung nag-aagaw buhay.”

“Alam mo Nathan matagal na kayo ni Dex marami na kayongg nalagpasan na pagsubok, Ngayon kapa ba susuko? Hindi ba dapat mas ipaglaban mo sya.” - Steve

“Pero magulang na nya mismo ang nagsabi na ilalayo na muna nila si Dex.”

“Ikaw lang makakapag desisyon nyan kung alam mo yon ang tama at makakabuti para kay Dex siguro hayaan mo nalang pero kung mahal mo talaga sya at ayaw mong mawalay sa kanya gagawa ka ng paraan para hindi ka mapahiwalay sa kanya.” - Steve

Mahal na mahal ko si Dex at ayaw kona na may mangyari pang hindi maganda sa kanya. Dahil kapag may mangyari pa ulit ay baka hindi kona kayanin.

“Hindi sa nangingialam ako Nathan, Pero si Tito Greg ba talaga ang may kasalanan sa nangyaring aksidente?” - Steve

“I don’t know dahil tinatanggi nya, Pero umamin na sya na sya ang kumuha kay Dex at mataas ang posibilidad na sinadya nya yon.”

“At pwede ding hindi, Kilala ko si Tito oo istrikto sya but he is not a murderer. Malay mo gusto nya lang talaga makausap si Dex at hindi nya sinasadya yung nangyari.” - Steve

“Hindi ko alam kung maniniwala pa ako kay Daddy andami na nyang ginawa para mapaghiwalay kami ni Dex.”

Alam kong hindi murderer ang daddy ko pero may part sa isip ko na sya ang sinisi ko kung bakit nangyari ang aksidente. Kasi in the first place kung hindi nya kinuha si Dex hindi sila maaksidente.

“So ano nang balak mo? Ipaglalaban moba si Dex o hahayaan mo sya kung saan sya mapapabuti at aayusin mo muna ang relasyon mo sa daddy mo.”

Gusto kong maging okay si Dex pero ayaw ko naman syang mapalayo sakin. Pero kung mas uunahin ko ang sarili ko mas lalong hindi magiging okay ang lahat.

MILE’S POV

“Tita sigurado po ba kayo na ilalayo nyo muna si Dex?”

“Buo na ang desisyon namin.” -Tita

“Pero si Nathan po? Anong reaksyon nya? Pumayag sya?”

“Ayon hindi pumayag, Pero bilang magulang mas uunahin ko ang kapakanan ng anak ko. Babalik din naman kami sa oras na okay na si Dex at okay nadin si Nathan at ang daddy nya.” -Tita

“Basta ako Tita kung saan makakabuti si Dex doon ako.”

“Salamat, Napakabuti mo talagang kaibigan kasi sa hirap at ginhawa ay hindi mo iniwan ang anak ko.” -Tita

“Ganon din po kasi sakin si Dex at para kona din syang kapatid. Basta po lagi nyo akong tatawagan ha? Para updated ako sa kondisyon ng kaibigan ko.”

“Oo naman.” - Tita “Ate Myles mamimiss po kita.” Lumapit sakin ang cute na cute na si Kyline.

“Ako din baby, Hayaan mo laging tatawag sayo si Ate Myles para hindi mo sya ma miss.”

Lumapit muna ako kay Dex para pagmasdan sya, Wala padin syang malay mas napuruhan sya kesa sa Tito nya.

Mabuting tao si Dex at hindi nya deserve ang mga nangyayari sa kanya ewan koba kung bakit nagmahal lang naman sya pero bakit ganito pa ang kailangan mangyari sa kanya?

Sana dumating ang araw na puro saya nalang ang maranasan nya dahil ayon ang tunay na deserve nya. Si Dex ang isa magpapatunay na ang LGBTQ members ay hindi dapat minamaliit at sinasaktan dahil sa kabila ng panglalait at pananakit sa kanila ay mas pinipili padin nilang magpakabuti.

2 MONTHS LATER 

ALEXANDRA’S POV

“Gulay! Gulay kayo dyan!” back to business na naman ako, Balik sa pagtitinda ng gulay. Kanina pa ako naglalako pero kokonti palang ang bumibili sakin sa panahon kasi ngayon nawawala na talaga ang gulay dahil puro karne nalang ang madalas ulamin ng mga tao. “Alex pabili nga!” tawag sakin nang mga lasinggero kong kapitbahay. Syempre lumapit ako sayang kasi ang benta.

“Anong gulay ang gusto nyo?” mahinahong tanong ko. Tumayo si Mang Albert at lumapit sakin.

“Kung inasawa mo nalang kasi ako edi sana hindi kana nagpapakahirap maglako dito.”

Kilala si Mang Albert sa lugar namin na babaero at madalas din nya akong lokohin na gusto nya akong asawahin.

“Bibili po ba kayo?”

“Masyado ka namang Hot Alex, Dito kana muna samin.”

Bigla nya akong hinawakan sa bewang at na gulat ko ay nasampal ko sya sabay tawanan ng mga kainuman nya.

“Mawalang galang napo, Kung wala kayong bibilhin aalis napo ako dahil ilalako kopa ang mga paninda ko.”

Nilayasan kona sila dahil baka kung ano pa ang magawa ko mga bastos sila hindi porket wala kaming makain at wala kaming pera ay bibigay na ako basta basta. Dumiretso na agad ako sa tindahan para bumili ng isang latang sardinas na iiuulam sakin ng kapatid ko.

“Isang latang sardinas nga po”

“Alex hindi ba kayo nagsasawa ng kapatid mo dyan?” tanong sakin ng tindera.

“Hindi po, Kasi po paborito po namin to ng kapatid ko.”

Inabot kona yung bayad ko at pagkatalikod ay may bigla akong nakabanggaang matanda at nahulog yung mga daladala nya. 

“Nako sorry po.”

Tinulungan ko sya damputin yung mga gamit nya.

“Salamat anak.”

“Manang Emelda?”

Isang pamilyar na mukha ang muli kong naalala. Kung hindi ako nagkakamali sya gustong umampon sakin dati.

“Alex? Ikaw na ba yan?” 

“Opo ako na to.”

“Ang laki mo na ah dalaga kana.”

Nagmano ako kay Manang, Akala ko hindi na nya ako maalala.

“Kamusta kana? Nabalitaan ko yung nangyari sa mga magulang mo kaya lang hindi ako nakapunta noon kasi busy sa trabaho.” -Manang

“Okay lang naman po ako. Medyo mahirap pero kinakaya naman po.”

“Anong trabaho mo ngayon?” -Manang

“Wala nga po eh, Balak kona nga din pong maghanap kaso wala pa akong makita.”

“Edi sumama kana lang sakin, Tamang tama yung amo ko naghahanap ng mag-aalaga sa anak nya.” -Manang

“Talaga po?”

“Oo at malaki ang sweldo.” - Manang

“Kaso po walang mag-aalaga sa kapatid ko.”

“Pwede mo naman syang isama, Mabait naman yung Amo ko kaya sigurado ako na papayag yon.” -Manang

Natuwa ako sa sinabi ni Manang, Ngayon magkakatrabaho na ako at hindi kopa kailangan mahiwalay sa kapatid ko.

“Kunin kona lang ang number mo para matawagan kita at matext ko sayo kung kelan ang alis natin, Wag mo ding isipin ang pamasahe nyo dahil ako na ang sasagot.”

“Maraming salamat po Talaga.”

Kanina lang para akong pinagtampuhan ng langit tapos ngayon eto na may magandang pangyayari na ang dumating sakin.

Magkakaroroon nadin ako ng trabaho sana lang talaga mabait yung batang aalagaan ko.

Masaya akong umuwe sa bahay para sabihin sa kapatid ko ang magandang balita.

“Ate!!!!” Bungad nya sakin ng makita nya ako.

“Ate anong dala mong ulam?”

“Hulaan mo”

“Si ate naman eh pinapahula pa talaga ako.” -Isabel

“Taran!” Pinakita ko sa kanya yung dala kong ulam.

“Ate sardinas ulit?” tanong sakin ng kapatid ko.

“Pasensya kana Isabel ha? Iyan lang ang nakayaan ni Ate wala kasi masyadong bumibili ng mga gulay.”

Sa totoo lang gusto konang sumuko pero sa tuwing nakikita ko ang kapatid ko ay nabibigyan nya ako ng lakas para magpatuloy.

Wala akong permanenteng trabaho dahil walang magbabantay sa kapatid ko kaya nagtatanim ako sa likod ng bahay namin nang mga gulay at iyon ang tinitinda ko kaya lang hindi padin talaga sumasapat, Kulang pa nga.

“Ate paglaki ko magkakaroon tayo ng malaking bahay at maraming maraming pagkain.”

“Talaga? Mangyayari lahat yan kapag nakatapos ka ng pag-aaral at gagawin ni ate ang lahat para makatapos ka.”

Dahil nga sa hirap ng buhay ay high school lang ang natapos ko at ngayon itutuon ko nalang ang oras ko sa kapatid at ang pangarap na hindi nangyari sakin ay sa kanya ko gusto matupad.

“Ate kain kana, Sarap pa naman nito baka maubusan kita.”

“haha sige na nga”

Masaya kaming kumain ng kapatid ko kahit sardinas ang ulam ay talagang mabubusog kami.

Ito ang kagandahan sa pagiging mahirap marunong ka mag appreciate nang maliit na bagay hindi katulad ng mayayaman hindi marunong makunti hanggat hindi nila nakukuha ang gusto nila.

“Isabel magkakaroon na nang trabaho si Ate at alam mo ba kasama kita.”

“Wow talaga? Edi makakabili na tayo nang fried chicken?” -Isabel

“Oo naman kahit ilan pa ang gusto mo, Basta wag kalang magkukulit don ha?”

Kapag nag umpisa na ako sa trabaho ay gagawin ko ang best ko para mahalin at magustuhan ako ng magiging amo ko at syempre yung promise ko na bibilhan ko ang kapatid ko ng paborito nyang fried chicken.

CHAPTER 56

ALEXANDRA’S POV

Ang laki ng bahay parang cr lang siguro yung bahay namin kung ikukumpara dito.

Tiningnan ko muna yung house number kung kapareho ba sa binigay sakin ni manang.

“Wow ate ang laki at ang ganda ng bahay dito na ba tayo titira? “ 

“Hindi Isabel, Dito lang magtatrabaho si Ate kaya mag pakabait ka para hindi tayo paalisin.”

“Okay ate.”

Nagdorbell na ako para makapasok na kami ng kapatid. Hindi na kami na samahan ni Manang kasi magbabakasyon daw muna sya samin kaya ayon binigay nya nalang sakin yung address.

May lumabas na isang babae na hindi masyadong maedad at lumabas ng gate.

“Sino po sila?”

“Ah magandang hapon po ako po pala si Alexandra sabi daw po kasi ni Manang Emelda naghahanap daw kayo ng mag-aala sa anak ng amo nyo.”

“Ikaw pala yon? Na text kana sakin ni Manang. Hali kayo doon na tayo mag-usap sa loob.”

Kung ano ang kinaganda ng labas ng bahay ay syang mas kinaganda ng Loob nito. Sobrang yaman siguro ng may-ari nito.

“Mauopo na muna kayo, Ikukuha kolang kayo ng maiinom.”

Umalis muna yung Babae pero bumalik din naman at may daladalang malamig na tubig.

“Sya nga pala ako si Erna, Katulong din ako dito.”

“Matagal napo kayo dito?”

“Oo, Pero paalis alis din ako tapos babalik.” -Ate Erna

“Ganon po ba. Ate Erna ito po pala yung kapatid ko si Isabel.”

“Wow ganda naman ng kapatid mo” Puri nya.

“Thank you po.” Sagot naman ng kapatid ko na halos umabot ang ngiti sa tenga.

“Tara na sa kwarto nyo? Para makapahinga nadin kayo at mukhang mahaba haban ang binayahe nyo.”

Tumayo na kami at binibit yung nga bag namin at sumunod kay Ate Erna. Mukhang magiging masaya ako dito dahil ang gaan agad ng loob ko kay Ate Erna mukhang mabait sya.

Pumasok kami sa isang kwarto na malaki at hindi mo aakalin na kwarto ng mga katulong.

“Dito ang kwarto natin, Magkakasama tayo dito. Doon ka nalang sa pangatlong kama wala na kasi yung dating katulong dito. Tapos yung mga gamit nyo ilagay nyo nalang sa cabinet.”

“Sige po, Salamat.” -Ate Erna

“Ate Erna wala po ba yung mga amo natin?”

“Wala sila ngayon pero babalik din mamaya.” - Ate Erna

Naeexcite na tuloy ako na makilala ang mga magiging amo ko at syempre yung aalagaan ko. Sana hindi sya makulit at sana cute sya haha.

“Pano Alexandra mauna na muna ako ha? May gagawin pa kasi ako kung may tanong ka hanapin molang ako. At kung gusto mo lumibot ka muna dito sa buong bahay para maging pamilyar sayo.” - Ate Erna

“Sige po Ate Erna aayusin kolang po itong mga gamit namin tapos lalabas din ako. Salamat po ulit.”

Sinimulan konang ayusin ang mga gamit namin para makapagsimula nadin maglibot sa bahay nato.

Pinatulog ko muna si Isabel para makapag pahinga nadin sya alam ko kasing napagod din sya sa byahe.

Pagkatapos kong magligpit ay lumabas na ako para hanapin si Ate Erna at magtanong ng iba kong dapat gawin.

Nilibot ko ang paningin ko sa buong paligid, Sobrang ganda ng bahay at mukhang mamahalin ang mga gamit. Sana isang araw magkaroon din ako ng mga ganito.

Dumako ako sa may mga picture frame at tiningnan iyon isa-isa ang ganda nung babae at ang gwapo nung lalaki na magkatabi sa Picture, Siguro sila ang mga magulang ng aalagaan ko.

Tumingin pa ako sa isang picture frame hanggang sa napukaw ang atensyon ko sa gwapong lalaki na nasa larawan. Kinuha ko ito at tiningnan, grabe ang gwapo nya para syang artista.

“Sino ka?”

Muntik konang mabitawan yung hawak kong frame nang biglang may magsalita.

Sa takot ko ay binalik ko agad at tumingin sa Babae.

“Ah eh ako po pala yung bagong yaya” mahinahon kong sagot.

“So ikaw pala yung sinabi sakin ni Manang Imelda.”

“O-opo”

Nako parang masungit ata itong Babae huhu, Tatagal kaya ako dito?

“Ate Erna!?” Sigaw nya na parang irita.

Galit ata sya, Baka hindi nya ako tanggapin.

“Yes Mam Emman?” Halatang hiningal si Ate Erna sa pagtakbo.

“Pakiakyat naman itong bag ko at kakausapin kolang itong bagong yaya.”

Hala?!

Seryoso?

Agad agad????

Hindi man lang ako nakapag ayos medyo hagard pa nga ako eh.

“Okay Mam.”

Kinuha ni Ate Erna yung bag nung Babae at iniwan na kaming dalawa, Lalo tuloy akong kinabahan para kasing ang sungit nya talaga.

“Ano ngang pangalan mo?”

“Ako po si Alexandra, Alex nalang po for short.”

“Nice Name, I am Emmanuel but you can call me Emman. Have a seat.”

Nakahinga ako ng maluwag ng bigla syang ngumiti sakin, Akala ko kasi mataray sya yun pala hindi. Umulo ako sa bandang harapan nya syempre medyo kinakabahan padin.

“Ilang taon kana pala?” -Mam Emman

“Ako po? 23 po”

“Really? Ito ba yung unang work mo as yaya?” sunod na tanong nya sakin.

“Opo, Pero sanay napo ako mag-alaga ng bata dahil halos ako napo ang nag-alaga sa kapatid ko.”

Bigla syang napatawa sa sinabi ko hindi ko alam kung bakit.

“Pero hindi bata ang aalagaan mo.”

“Ano po? Akala kopo ba bata?”

“He is already 25 years old” -Mam Emman

“Seryoso po?”

Nakakaloka naman pala akala ko mga 5 years old below tapos 25 pala? Ay ano to care giver?

“Hindi ba nasabi sayo ni Manang?”

Umiling nalang ako dahil hindi padin ako makapaniwala sa sinabi nya. Tumayo si Ma’am Emman at kumuha ng isang picture at inabot sakin Pagtingin ko iyon yung gwapong lalaki na tinitingnan ko kanina lang.

“Sya si Nathan ang kaisa-isa naming anak.”

Mukha namang maayos itong si Nathan pero bakit kaya kailangan pa nya ng yaya?

“Ma’am pasensya napo sa itatanong koha? May sakit po si Nathan at kailangan nya ng yaya?”

“Walang sakit ang anak ko, Masyado lang syang malungkot dahil sa nangyari sa kanya. It’s a long long story at hindi naman importante pa na malaman mo yon ang mas importante ay kung tatanggapin mo ba ang trabaho?” -Ma’am Emman

“Opo”

Hindi na ako nagdalawang isip pa na mag Oo Dahil sayang ang trabaho baka hindi na ako makahanap pa ng iba kapag pinakawalan ko ito.

At kung ano man ang problema ni Nathan sana maging okay na sya kasi kahit hindi ikwento sakin ni Ma’am Emman alam kong nahihirapan sya kasi hindi naman sya kukuha ng yaya kung okay lang ang lahat.

“So bukas mag start kana. Magpahinga ka muna ngayon para bukas may lakas ka.” -Ma’am

“Ma’am Emman kasama kopo pala yung kapatid ko ang sabi po kasi ni Manang pwede kopo daw isama.”

“No problem as long as hindi sya magkukulit alam mo naman ang mga bata.” -Ma’am

“Salamat po, Wag po kayong mag-alala ako po bahala sa kapatid ko.”

Pagkatapos naming mag-usap ay Umakayat na sya. Mabuti nalang at mabait si Ma’am Emman, Yung asawa nya kaya mabait din? Eh yung anak nya?? Hayss bahala na bukas!

Maaga ako natulog para bukas hindi ako zozombie zombie, First day kaya dapat fully charge ako.

“Kamusta ang naging pag-uusap nyo ni Ma’am Emman kanina?” tanong sakin ni Ate Erna habang nag-aayos din ng hihigaan nya.

“Ayos naman po, Akala ko nga nung una masungit sya pero hindi naman pala.”

“Mabait yon si Ma’am wala kang masasabi.” -Ate Erna

“Ate Erna matanong kolang po, Dalawa naman kayo ni Manang at malaki na yung anak nila bakit kailangan pa nang isang yaya?”

Hindi kasi ako makontento sa sagot sakin ni Ma’am Emman kanina, Parang may hindi siya sinasabi.

“Kasi wala ngang mag-aalaga sa anak nila si Manang nasa bakasyon ako naman syempre dito naka focus sa gawaing bahay at silang dalawang mag-asawa busy paminsan minsa sa mga businesses nila, Pero hindi katulad dati mas marami na silang oras ngayon kay Sir Nathan.”

“Ganon ba? Sige Ate Erna salamat, Matutulog na ako maaga pa akong gigising bukas.”

Kinabukasan ay maaga nga akong nagising halos sabay lang kami ni Ate Erna kasi maghahanda daw sya ng iaalmusal nila Ma’am Emman at nang asawa nya. Sumama ako kay Ate Erna at tinulungan ko syang magluto at maghain sa lamesa.

“Ikaw ba ang bagong yaya?” tanong sakin ni Sir.

“He-hello po Good Morning O-opo ako po yon”

“I hope na magtagal ka.”

Grabe parang may gustong sabihin si Sir sa magtagal ka.

“Alex hatidan mona lang si Nathan mamaya ng almusal nya ha?”

“Sige po.”

Saglit lang sila Kumain at nagpaalam na din sila agad ganito pala kapag mga busy sa work saglit lang kung kumain.

Ako na ang nagligpit ng pinagkainan nila dahil wala pa naman akong gagawin si Ate Erna sinimulan na ang paglilinis para daw maaga syang matapos.

“Ate Erna ano po bang madalas kinakain ni Sir Nathan?”

“Gatas at tinapay lang ang kinakain non sa umaga.” -Ate Erna

“Ah sige po.”

Nagtimpla na ako ng gatas at kumuha na nang tinapay dahil papakainin kona ang alaga ko haha.

Umakyat na ako at hinanap yung kwarto ni Sir Nathan at nang makita ko ay kumatok ako pero walang sumagot at nagbubukas kumatok ulit ako pero ganon padin.

Paghawak ko sa door knob ay hindi ito naka lock kaya dahan dahan kong binuksan yung pinto at pumasok sa loob.

“Sir Nathan?” Mahina kong sabi. 

Dumire diretso pa ako hanggang sa makarating ako sa kama nya nakita ko agad sya nakahiga at nakatalukbong ng kumot.

Parang ang lungkot ng kwarto nya ang gulo at walang kadating dating pero napako ang atensyon ko sa isang malaking larawan sa bandang ulunan ng kama nya.

Dalawang lalaki na nagkiss?

Ano yon?

lakaki sa lalaki?

O bakla yung isa sa kanila?

Nilapag ko muna saglit yung dala ko at tinitigan yung picture parang si Sir Nathan yung isa sa kanila.

“Who the h*ll are you?”

Muntik na akong mapasigaw sa sobrang gulat, Paglingon ko wala na yung nakahiga isang lalaking walang pang-itaas ang nasa harap ko magulo ang medyo mahaba na buhok at may bigote at balbas nadin.

“I said who h*ll are you?”

Nako mukhang galit at sya.

“Ako nga po pala yung bagong yaya.”

“Get out!” bigla nyan sigaw na lalong kinatakot ko.

“Pero sir naghatid lang po ako nang—” “Get out!!!” 

Napalakas pa lalo yung sigaw nya kaya sa takot ko ay napalabas agad ako at nagmamadaling bumaba.

“Oh bakit parang hinahabol ka ng sampong kabayo?” 

“Kasi nasigawan ako ni Sir Nathan.”

“Ano? Bakit naman?” -Ate Erna

“Wala naman akong ginagawa hinatidan kolang naman sya ng gatas at tinapay.”

“Pumasok kalang basta basta?” -Ate Erna

“Opo, Wala kasing sumasagot kaya ayon pumasok na ako”

“Hay nakalimutan kong sabihin sayo, Wag ka nga pala basta basta papasok sa kwarto nya ng walang permiso nya kung ayaw mong masigawan.”

Grabe naman pala si Sir Nathan maninigaw agad ako porke hindi lang nagpaalam kaya siguro walang nagtatagal na yaya kasi sinisigawan nya.

“Masungit naman pala sya.”

“Hindi masungit si Sir Nathan mabait kaya yon.” -Ate Erna

“Kung mabait sya bakit sya naninigaw?”

“May pinagdadaanan lang yon.” -At Erna

Kung ano man ang pinagdadaanan nya hindi padin yon sapat na dahilan para manigaw sya.

Sayang gwapo pa naman sya tapos ganon ang ugali nya.

Ano kaya talaga ang nangyari?

Parang ibang iba na yung itsura nya kesa sa picture parang mas tumanda sya ngayon.

At yung picture na nakita ko ano kayang ibig sabihin non

CHAPTER 57

ALEXANDRA’S POV

“Alex Relax, First day mo palang kaya mo to”

Pilit kong pinapalakas ang aking loob, Nakakatakot naman kasi talaga si Sir Nathan akala mo kakain ng tao.

Pero mas malaking tanong para sakin yung nakita kong larawan.

“Ate Erna pwede po bang magtanong?”

“Ano yon?” Sagot sakin ni Ate Erna.

Kanina pa kasi hindi mapakali sa nakita ko.

“Bakla po ba si Sir Nathan?”

Napatingin agad sakin si Ate Erna at halatang nagpipigil ng tawa.

“At bakit mo naman natanong yan?” 

“Eh kasi may nakita akong malaking Picture nya sa kwarto nya na may kahalikan syang lalaki.”

“Ano kaba hindi bakla si Sir Nathan, Lalaki yon.” paliwanag sakin ni Ate Erna.

“Eh bakit ganon yung Picture?”

“Alam mo Alexandra wala ako sa lugar para magkwento sayo, Kung gusto mo malaman kay sir Nathan ka mismo magtanong Pero ewan kolang kung sasagutin ka nya.”

Natakot naman ako bigla sa sinabi ni At Erna, Pano ko tatanungin si Sir Nathan eh ayaw nga magpapasok sa kwarto nya atsaka magsasalita palang ako papaalisin na nya agad ako.

“Sorry Ate Erna na curious lang talaga ako.”

“Wala yon, Sige na umakyat kana ulit don tapos kunin mo yung mga labahan ni Sir Nathan.” Utos sakin ni Ate Erna.

“Ate Pwede ba ikaw nalang?”

“Ikaw na, Kumatok ka muna bago ka pumasok. Wag kang mag-alala hindi naman na ngangain ng tao si Sir.” -Ate Erna

Dahil wala akong choice at umakyat na ako ulit pabalik sa kwarto ng dragon. Jusmiyo naman first day ko sa trabaho parang last kona ito.

Dahan dahan akong lumapit sa pinto at huminga muna ng malalim bago kumatok.

“Sir Nathan?”

Naka pitong katok ako bago bumukas yung Pinto at sumilip ang isang dragon (Si Sir Nathan)

“You Again?! What’s your Problem”

Nakakunot agad yung noo nya at magkasalubong ang dalawang kilay. Pero mas nabahala ako sa English nya huhu hindi ba sya marunong magtagalog?

“Ah Sir ano kasi yung ano nyo daw, Pinapakuha ni Ate Erna.”.

“What?” Sagot nya sakin.

“Yung mga labahan nyo na damit pinapakuha po ni Ate Erna maglalaba napo ata sya.”

Pumasok si Sir Nathan pero iniwan nyang bukas yung pinto. Ako naman hindi ko alam kung anong gagawin ko kasi wala naman syang sinabi sakin basta nya nalang ako iniwan. Ilang saglit lang ay bumalik ulit sya na salubong ulit ang mga kilay.

“What are you waiting for?”

“Ano ba yon sir?”

Medyo na slow ako sinabi nya sakin at hindi ko alam kung anong isasagot ko.

“Tatagalugin ko. Ano pang hinihintay mo? Diba sabi mo inutusan ka ni Ate Erna na kunin yung labahan edi kunin mona.”

Nataranta ako bigla sa sinabi ni Sir Nathan kaya napapasok agad ako sa loob.

Tinuro nya sakin yung mga labahan nya at mga besh akala mo may nag wrestling dito kasi sobrang kalat parang kung saan saan nalang sya nagbibihis.

Syempre ang ginawa ko ay dinampot ko isa-isa at ang nakakaloka may nadampot ako na ano! Yung ano! Basta alam nyo na yon.

Nang matapos kong damputin yung mga basura ay este mga labahan ni Sir ay muling napako ang atensyon ko sa malaking larawan na nasa ulunan ng kama ni Sir. 

Sino kaya yung kahalikan nya?

At bakit sila nag kiss eh pareho silang lalaki?

“Tititig kana lang ba dyan?”

Muntik konang mabitawan ang hawak ko dahil sa gulat ko kay Sir Nathan.

“Ay sir sorry”

“Sige na lumabas kana.”

Ayan na naman sya back to sungit na naman.

Tumingin ako kay sir Nathan at medyo ibang iba sya sa picture na nakita ko sa ibababa kahapon.

Kasi parang nag matured sya medyo mahaba na ang buhok nya tapos may balbas at bigote na sya.

“Sir pasensya na talaga ha? Pero sino po yung kasama nyo? sa Picture.”

Ganito kasi talaga ako hindi ako mapakali hanggat hindi ko malalaman ang sagot sa katanungan na gumugulo sakin. Super Curios lang kasi talaga ako.

Tumitig sakin si Sir Nathan at tumingin din sa Picture na tinuro ko.

“Siya si Dex ang Pinakamamahal ko.”

Nagulat ako sa sinabi ni Sir Nathan, Pinakamamahal?

“Siguro nagtataka ka kung bakit pareho kami ng kasarian, Bakla si Dex. Pero hindi kosya tinuring na bakla dahil tinuring ko syang isang tunay na Babae.”

Seryoso si Sir Nathan habang sinasabi nya yon at parang ang lungkot lungkot nya kahit nya sabihin sakin dahil ramdam kona agad sa pananalita nya palang.

“Nagkagusto po kayo sa isang Bakla?”

“Yes, Alam ko hindi ka makapaniwala kung pano nangyari yon. Basta nagising nalang ako isang araw mahal kona sya at wala akong pakialam sasabihin ng iba kung bakla man sya o ano dahil ang alam ko Mahal ko sya.”

Kita kong may tumulong luha sa mata ni sir Nathan pati tuloy ako nalungkot.

“Napakamakapangyarihan talaga ng pag-ibig sir noh? Kasi hindi malalaman kung sino ang pipiliin nya para sayo.” 

“Oo, At si Dex ang pinili nya para sakin. Hindi kaba nandiri dahil sa nalaman mo?” -Sir

“Bakit naman po ako mandidiri? Wala naman nakakadiri sa inyo, Nagmamahalan lang naman po kayo diba? Ang mas nakakadiri yung mga taong nagpapanggap na mahal nila ang isa’t isa para lang ipakita sa iba na may mga jowa sila at hindi sila Single.”

“Sana lahat kagaya mo mag-isip.” -Sir

“Alam mo kasi sir yung iba bitter lang wag nyo nalang pansinin magsasawa din ang mga yan.”

“Tama ka, Basta mahal namin ang isa’t isa wala dapat kaming ikahiya.” -Sir

“Ganyan dapat Sir think positive, Pero Asan po ba si Dex ngayon?”

Lumingon sya sakin at bumaling ulit sa larawan.

“Nagpapahinga lang, At kapag okay na ang lahat babalik na ulit sya.” 

Hindi ko alam kung ano ang kwento nila pero base sa pananalita ni Sir Nathan ay sobrang mahal nya si Dex at ganon din ito sa kanya na kahit pareho sila ng kasarian ay hindi ito naging hadlang sa dalawang pusong nagmamahalan.

Kung kanina ay medyo naiinis ako kay Sir Nathan at natatakot ngayon ay humahanga na ako sa kanya, Kasi sya ang tunay na lalaki dahil hindi sya natatakot na ipaglaban at ipagsigawan sa buong mundo kung sino at ano ang mahal nya.

“Sana Sir maging okay na si Dex para maging okay nadin kayo, Wag po kayong mag-alala ipagpepray ko yan.”

“Salamat, Sige na Ibababa mona yan baka hinahantay kana ni Ate Erna.”

“Sir ayos lang po ba na iwan ko kayo?”

“Ofcourse, Pasensya kana nga pala kung nasigawan kita kanina medyo masama lang kasi ang gising ko.” -Sir

“Wala po yon Sir, Kasalanan kodin naman po kaso dahil basta nalang akong pumasok ng walang paalam.”

“Sandali ano nga pala ang pangalan mo?” Tanong sakin ni Sir Nathan.

“Alexandra po Alex nalang po for short at your service 24/7”

Akala ko talaga masungit si Sir Nathan pero hindi naman pala.  Masaya akong bumaba at kinuwento kay Ate Erna ang nangyari natuwa naman sya kasi okay na kami ni Sir Nathan nagsimula nadin syang nagkwento sakin ng Love story ni Sir Nathan at Dex.

Nalaman ko kay Ate Erna na si Dex pala ang nagpatino sa mala Dragon na si Sir Nathan Pero sobrang dami nilang pinagdaanan ilang beses na silang nagkahiwalay pero sila padin ang pinagtatagpo.

Sana makilala ko din si Dex para maging kaibigan ko sya kahit hindi kopa sya nakikilala ramdam kona agad na mabuti syang tao.

NATHAN’S POV

Pinaalis ko muna si Alex bago ako muling tumingin sa larawan namin ni Dex. Ilang Buwan nadin ang nakararaan simula ng huli ko syang makita, Wala nadin akong balita sa kanya at hindi ko alam kung gising naba sya ang sabi kasi sakin nila Mama ay kapag gising na daw si Dex ay tatawagan nila ako agad pero hanggang ngayon ay wala naman.

Kahit si Miles hindi narin nagpaparamdam sakin.

Kamusta na kaya si My Loves? Miss na Miss kona sya. 

Nilapitan ko si Babay Nathan (Yung Teddy Bear) at kinausap ko sya.

“Baby Nathan miss mona ba si mommy? Kasi ako miss kona sya. Promise kapag gumaling na sya at nakasama na ulit natin sya hinding hindi kona sya papabayaan at gagawin ko ang lahat maprotektahan ko lang sya.”

Alam kong hindi sya sasagot sakin pero sya lang kasi ang pwede kong pagsabihan ng saloobin ko.

……………………….FLASHBACK…………………

“Nathan buti umuwe ka”

Lumapit sakin si Mommy at niyakap ako ng mahigpit si Daddy naman ay nakaupo sa wheel chair nya.

“Hindi ako nagpunta dito para dito ulit tumira at makisama sa inyo. Nandito ako para sabihan si Daddy na tantanan na ang pamilya ni Dex lalong lalo na si Dex.”

Lumapit sakin si Daddy at hinawakan ang kamay ko pero hindi ako makatingin sa kanya, Nagagalit ako sa kanya dahil sya ang may kasalanan kung bakit nangyayari ang lahat ng ito.

“Nathan alam ko hindi ako naging Perpektong ama sayo pero maniwala kaman sa hindi? Tinanggap kona si Dex bilang Mahal mo. At nung araw ng aksidente? Nagsorry ako sa kanya sa lahat ng nagawa ko. Alam ko hindi sapat ang sorry lang para matakpan ang lahat ng kasalanan ko pero gagawin ko ang lahat mapatawad nyo lang akong lahat.” - Daddy

“Gusto kong maniwala Dad, Pero bakit ang hirap? Bakit ang hirap na paniwalaan kayo?”

“Alam kong hindi ka maniniwala agad pero gagawin ko ang lahat para mapatawad mo ako lalong lalo na nang pamilya ni Dex.”

“Hindi mona kailangan humingi ng tawad sa kanila dahil matagal kana nilang napatawad ikaw lang tong gumagawa ng paraan para magalit sila sayo.”

“Sorry Nathan, Pero sana give me a chance to prove na magbabago na ako.” -Dad

“Sige, Pero wag ka munang umasa na mababalik agad yung dating respeto ko sayo.”

Pagkatapos kong sabihin yon ay umalis na ako, Hindi kopa kasi kayang makasama si Daddy. Kapag nakikita ko sya naalala ko na sya ang dahilan kung maghihiwalay na naman kami ni Dex.

……………….END OF FLASHBACk………….

Ngayon unti-unti na kaming nagkakaayos ni Daddy nakikita kona kasi na nagbabago sya.

Nagkaayos nadin kami ni Ana at humingi ako nang tawad sa laki ng naging kasalanan ko sa kanya, Napatawad naman nya din agad ako.

At syempre nalaman din ni Dan at Mark ang nangyaring aksidente at galit silang dalawa sakin ako ang sinisisi nila kung bakit nangyari yon kay Dex, Hindi daw ako naging mabuting Boyfriend dahil hinayaan ko na mangyari sa kanya yon.

Hindi ko din naman sila masisisi dahil totoo naman. Pero bandang huli ay nagkabati bati din kami alang alang kay Dex.

Si Dex nalang talaga ang kulang para mabuo na ang pamilyang pinapangarap ko.

Sana maging okay na sya dahil hindi nya alam kung gaano kona sya ka miss.

CHAPTER 58

DEX’S POV

Dahan dahan kong idinilat ang mga mata ko, Una kong natanaw ang maliwanag na ilaw sa itaas.

Diyos ko ano to? 

Patay naba ako?

Nasa langit naba ako?

Nilingon ko ang paligid at nakita ko sila Mama at Papa na nakihaga kasama si Kyline.

Nakahinga ako ng maluwag kasi akala ko patay na talaga ako.

Medyo mabigat padin ang pakiramdam ko at parang galing ako sa mahabang pagkakatulog.

Nagtaka ako kasi hindi ito yung bahay namin tapos may nakalagay pa sa bibig ko na kung ano.

“Ma?”

Pilit kong tinawag si Mama kahit hindi pa ako masyado makapagsalita. Nakailang tawag muna ako bago sya nagising.

“Dex???!!!?!?!?”

Lumapit agad sya sakin at niyakap ako nang mahigpit.

Ay ano to?

Bakit may pagyakap?

“Ma hindi ako makahinga.”

“Ay sorry, Mabuti naman at nagising kana sobrang nag-aalala na kami ng Papa mo.” -Mama

“Nagising? Bakit Ma? Matagal ba akong natulog?”

“Oo, Dalawang buwan na tayo dito sa Hospital pagkatapos mong maaksidente.” - Mama

Bumalik sakin bigla yung araw na naaksidente kami ni Tito Greg. Ibig sabihin dalawang buwan akong nakaratay dito.

“Ma asan po si Nathan? Bakit wala po sya dito?”

“Nilayo ka namin sa kanya, Kasi naisip namin ng Papa mo na kailangan nya muna ayusin ang relasyon nya sa mga magulang nya bago kayo magsama dahil natatakot kami na baka maulit pa itong aksidente nato at ayaw na naming mangyari yon.” -Mama

“Sana maintindihan mo kami Dex, Magulang mo kami at gusto lang naman na mapabuti ka.” -Papa

Andami palang nangyari matapos ng aksidente, Akala ko ilang oras lang ako nakatulog yon pala dalawang buwan.

“Wala po yon, Naiintindihan ko kayo. Pero pwede kona po ba syang makausap? O puntahan?”

“Anak mahina kapa, Hintayin na muna natin yung sasabihin ng Doctor.” -Papa

Tama sila mahina pa ako at kailangan kopa bumawi ng lakas.

“Kuya Dex?????”

Tumakbo agad sakin si Kyline ng makita nya akong gising na.

“Kuya Gising kana, Sobra kitang na miss wala na kasi ako makalaro eh.”

“Miss nadin kita Baby, Hayaan mo kapag nakalabas na ako dito? Maglalaro tayo palagi.”

“Talaga po? yehey!!!!” -Ky

“Pero bago yan kailangan muna magpalakas ni Kuya.”

Pinapunta nalang nila Mama si Miles para bisitahin ako at ang loka sobrang tuwa ng makita akong gising na.

Sinabi din nya sakin na pumunta dito sila Dan at Mark nang malaman nila ang nangyari sakin at muntik pa daw silang magkagulo dahil sinisisi nila si Nathan sa nangyari sakin, Si Miles talaga laging updated at detailed kapag magkukwento sakin with matching action pa haha.

ALEXANDRA’S POV

This is it! Second Day kona! 

“Good Morning Ate!”

Bungad sakin ni Isabel, Nang magising ako ay nagising nadin sya.

“Good Morning din ang aga pa ha? Ba’t ang aga mo din nagising?”

“Syempre maaga din po ako natulog kagabi.” -Isabel

“Oh sya sige na bumangon na tayo para makapag almusal na at si ate magtatrabaho pa. Pero dito kalang ha? Wag kang magkukulit dahil baka magalitan tayong dalawa.”

“Opo Ate dito lang ako Promise.”

Bumangon na kaming dalawa ni Isabel para makapag almusal na si Ate Erna kasi kanina payon nagising para magluto nang kakainin nila Ma’am Emman at Sir Greg at syempre ako naman ay ihahanda kona yung kakainin ni Sir Nathan.

Pagkatapos naming kumain ay lumabas na ako para tumulong muna kay Ate Erna mamaya kona lang hahatidan si Sir Nathan tanghali naman din kasi yon kapag magising.

“Good Mornig Ma’am Emman”

Bati ko nang makasalubong ko sya.

“Good Morning din Alexandra, Mukhang maganda ata ang gising mo ngayon. Nagkasundo naba kayo ng Anak ko?”

“Hmm Medyo po.”

“Good to hear that, Sabi sayo mabait yon eh.” - Ma’am

“Wala po ba kayong pasok ngayon?”

“Ah wala, Pwede mo ba akong tulungan ngayon sa garden? Aayusin kolang kasi yung mga halaman at bulaklak kodon.” -Ma’am

“Oo naman po, Ngayon napo ba?”

“Oo sana, Medyo mainit na kasi mamaya. So shall we?” -Ma’am

Sa totoo lang ang alam ko sa mayayaman ay tanghali na kung gumising pero itong si Ma’am Emman pasado alasiete palang gising na.

Sumunod nalang ako sa kanya papuntang Garden at nagtanong ako kung ano ang mga dapat kong gawin.

Ang ganda ng Garden nila andaming bulaklak at iba’t- ibang klaseng halaman.

“Kayo po bang lahat ang nagtanim nito?” 

“Yung iba oo, Pero yung iba binili kolang. Mahilig kasi talaga ako sa mga halaman kami ng kapatid ko.” -Ma’am

“Wow talaga po? Eh asan po yung kapatid nyo?”

Biglang natigil si Ma’am Emman sa ginagawa nya at napatingin sakin, Ewan ko pero parang bigla syang nalungkot sa tanong ko.

“May pamilya nadin sya kaya hindi na kami magkasama ngayon.”

“Ganon po ba, Pero sigurado po ako na kapag nakita nya ito at matutuwa sya.” 

“Sana nga”

Habang nag-aayos kami ng mga halaman ay may biglang nag dorbell. Tatayo na sana si Ma’am pero ako na ang nagprisinta na pumunta para makita kung sino yon. Pagbukas ko ng gate ay may bumungad sakin na isang lalaki, Lalaki na may maamong mukha.

“Nandyan ba si Nathan?”

Bungad nya sakin ng makita nya ako. Sino kaya sya? Bakit hinahanap nya si Sir Nathan? Siguro magkaibigan sila.

“Opo Sir, Kaso tulog pa po.”

Parang nakita kona tong lalaki nato, Hindi kolang alam kung saan at kelan pero pamilyar talaga yung mukha nya.

“Pwede ba akong pumasok? Kailangan kolang kasi sya puntahan.”

Nako papapasukin koba sya? Mamaya sindikato to eh ayoko mag judge pero syempre bilang katulong kailangan kong protektahan ang mga amo ko.

“Sino po ba sila? Pasensya napo ha? Baka mapagilatan po kasi ako ng mga amo ko kapag nagpapasok ako basta basta.”

“Okay Lang, Wag kang mag-alalala hindi naman ako masamang tao. Kahit tawagin mo pa ang mga amo mo kilala nila ako.” sagot nya sakin.

“Ganon ba? Sige po pasok kana.”

Mukha naman syang mabait kaya pinapasok kona.

“Pwede mo ba akong samahan papunta sa kwarto ni Nathan?”

“Sige po.”

Sinamahan ko sya papunta sa kwarto ni Sir Nathan. Kanina kopa tinitigan yung lalaki pero hindi kopa din mawari kung saan ko nga ba sya nakita.

“Okay na ako dito, Salamat.”

“Wala po yon Sir, Pero sigurado po ba kayo na papasok kayo dyan?”

Nako baka masigawan din sya ni Sir Nathan.

“Oo, Salamat ulit. Sige bumalik kana sa trabaho mo baka mapagalitan kapa nila Tita Emman ako na bahala dito hindi ako masisigawan ni Nathan dahil takot sakin yon haha.”

So alam nya din? Siguro nga magkakilala talaga sila atsaka alam nya ang pangalan ni Ma’am Emman.

Iniwan ko nalang sya at bumalik na ako papuntang Garden dahil baka hinahanap na ako don.

NATHAN’S POV

Panibagong araw na naman at wala padin akong balita kay My Loves, Ni hindi ko nga alam kung anong kalagayan nya ngayon.

Nakakatamad kumilos dahil wala sa tabi mo yung lakas mo, Ano pa bang silbi kung magpapakasaya ako habang yung mahal ko nasa hindi magandang kalagayan.

Pinikit ko nalang yung mga mata ko para makatulog ulit. Mayamaya ay may biglang nagbukas ng pinto at pumasok.

Tssk, Sinabihan ko naman sila na kumatok muna. Si Alexandra na naman siguro yon.

“Mamaya na ako kakain, Iwan mo nalang yung dala mo tapos lumabas kana.”

Nakihaga lang ako habang nagsasalita at hindi ko sya pinapansin.

“Ayaw mo akong papasukin? Sige lalabas nalang ulit ako.”

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko nang marinig ko ang isang pamilyar na boses. Boses na matagal konang gustong marinig.

Tama ba ako narinig?

O guniguni ko lang?

Bumangon ako para klaruhin kung tama ang hinala ko. At para akong sasabog sa sobrang tuwa ng makita ko ang taong pinakamamahal ko.

Nanaginip lang ba ako???? Kasi kong Oo ayaw konang magising.

Tumakbo agad ako kay Dex at niyakap ko sya ng mahigpit, Sobrang higpit na parang ayaw kona syang pakawalan.

“Aray My Loves, Hindi ako makahinga.”

Bumitaw muna ako sa pagkakayakap sa kanya at tinitigan ko sya at Hinawakan ko ang mukha nya. Totoo nga to.

Hindi ito panaginip.

Hinalikan ko si Dex nang buong pagmamahal at gumanti din sya.

“My Loves anong nangyari sayo?” tanong nya sakin.

“Bakit? Ako ang dapat magtanong nyan sayo? Kelan kapa nagising??”

“Nung isang araw lang, Hindi pa ako pinayagan nila Mama na puntahan ka. Kaya ngayon lang ako nakapunta.” - Dex

“Sorry kung wala ako sa tabi mo, Sorry kung napabayaan kita.”

Aaminin ko na guguilty ako dahil hindi kona nasamahan at nabantayan si Dex.

“Ano kaba Nathan wag monang isipin yon, Nakwento nadin sakin nila Mama na hindi ka talaga nila Pinayagan na Makita ako hanggat hindi kayo nagkakaayos ng Pamilya mo.” -Dex

“Wag kang mag-alala Dex naayos kona ang relasyon ko sa Pamilya ko at wala nang makakahadlang satin.”

“Talaga? Mabuti naman, Magandang Balita yan.” -Dex

“Eh ikaw ayos kana ba talaga? Wala bang masakit sayo? Ano ba kasi talagang nangyari bakit ka naaksidente?”

“Mahabang kwento Nathan, Sa susunod ko nalang ikukwento sayo ang importante nandito na ako.” -Dex

Tama si Dex ang importante ngayon ay nagbalik na sya at ngayon magkasama na ulit kami pwede na kaming sabay na bumuo nang mga bagong alaala.

Sa sobrang tuwa ko ay hinalikan ko ulit sya.

“Nathan nakikiliti ako sa balbas mo, Mag-ahit ka nga.” -Dex

“Haha sorry My loves napabayaan kodin kasi yung sarili ko.”

“Hay nako, Dapat dimo pinapabayaan ang sarili mo tingnan mo tuloy medyo nag matured ka.” - Dex

“Bakit dimo naba ako Mahal dahil ganito na ang itsura ko?”

Kunwari nalungkot ako, Itetesting kolang kung lalambingin nya ako haha.

Lumapit sya sakin at kinurot ako sa ilong.

“Drama mo, Syempre kahit ano pang itsura mo Mamahalin kita. Pero mag-ahit ka muna para mas mahalin kita.” - Dex

“Pero bago yan may gagawin muna tayo.”

“Ano yon?” takang tanong nya sakin. Binuhat ko agad si Dex at dinala ko sa kama.

“Nathan anong gagawin mo???” - Dex

“Na miss lang kita My Loves.”

“Loko ka, Joke bato???” - Dex

“Seryoso ako My loves.”

“Nathan sandali.” -Dex

“Bakit?”

“Yung pinto hindi naka lock baka may biglang pumasok.” -Dex

Natawa ako sa sinabi ni Dex kaya tumayo ako para i lock yung pinto.

Ngayong nandito na ulit si Dex ay sisiguraduhin kong wala nang masamang mangyayari at hinding hindi kona hahayaan na magkalayo pa kami.

Mahal na mahal ko sya at handa kong ipagsigawan yon sa buong mundo.

CHAPTER 59

ALEXANDRA’S POV

“Sino yung nagdorbell Alex?”

“Hindi ko po sya kilala Ma’am nakalimutan ko po kasi itanong yung pangalan nya, Pero ang sabi naman po nya kilala nyo sya. Alam pa nga po nya yung pangalan nyo tapos kilala nya din si Sir Nathan.”

Napaisip saglit si Ma’am tapos tumayo.

“Asan na sya?” -Ma’am

“Nasa kwarto po ni Sir Nathan sinamahan ko.”

“Baka isa sa mga kaibigan lang ng anak ko yon” -Ma’am

“Baka nga Ma’am atsaka mukha namang disente yung tao at hindi gagawa ng masama.”

Pero sa totoo lang hanggang ngayon ay napapaisip padin ako kung sino talaga sya, Para kasing nakita kona sya kaya lang hindi ko maalala.

……………………FLASHBACK…………………….

“Sir pasensya na talaga ha? Pero sino po yung kasama nyo? sa Picture.”

Ganito kasi talaga ako hindi ako mapakali hanggat hindi ko malalaman ang sagot sa katanungan na gumugulo sakin. Super Curios lang kasi talaga ako.

Tumitig sakin si Sir Nathan at tumingin din sa Picture na tinuro ko.

“Siya si Dex ang Pinakamamahal ko.”

Nagulat ako sa sinabi ni Sir Nathan, Pinakamamahal?

“Siguro nagtataka ka kung bakit pareho kami ng kasarian, Bakla si Dex. Pero hindi kosya tinuring na bakla dahil tinuring ko syang isang tunay na Babae.”

Seryoso si Sir Nathan habang sinasabi nya yon at parang ang lungkot lungkot nya kahit nya sabihin sakin dahil ramdam kona agad sa pananalita nya palang.

“Nagkagusto po kayo sa isang Bakla?”

“Yes, Alam ko hindi ka makapaniwala kung pano nangyari yon. Basta nagising nalang ako isang araw mahal kona sya at wala akong pakialam sasabihin ng iba kung bakla man sya o ano dahil ang alam ko Mahal ko sya.”

Kita kong may tumulong luha sa mata ni sir Nathan pati tuloy ako nalungkot.

“Napakamakapangyarihan talaga ng pag-ibig sir noh? Kasi hindi malalaman kung sino ang pipiliin nya para sayo.” 

“Oo, At si Dex ang pinili nya para sakin. Hindi kaba nandiri dahil sa nalaman mo?” -Sir

“Bakit naman po ako mandidiri? Wala naman nakakadiri sa inyo, Nagmamahalan lang naman po kayo diba? Ang mas nakakadiri yung mga taong nagpapanggap na mahal nila ang isa’t isa para lang ipakita sa iba na may mga jowa sila at hindi sila Single.”

“Sana lahat kagaya mo mag-isip.” -Sir

“Alam mo kasi sir yung iba bitter lang wag nyo nalang pansinin magsasawa din ang mga yan.”

“Tama ka, Basta mahal namin ang isa’t isa wala dapat kaming ikahiya.” -Sir

“Ganyan dapat Sir think positive, Pero Asan po ba si Dex ngayon?”

Lumingon sya sakin at bumaling ulit sa larawan.

“Nagpapahinga lang, At kapag okay na ang lahat babalik na ulit sya.” 

….,…………END OF FLASHBACK…………

OMG! POSIBLE KAYANG SYA YON? Si Dex ang lalaki na kanina lang ay kausap ko????

“Ma’am kilala kona po kung sino yong lalaki na dumating.” 

“Sino?” sagot nya sakin.

“Si Dex po.” mabilis kong sagot.

“Pano mo nakilala si Dex?” takang tanong nya sakin.

“Nakwento po sya sakin ni Ate Erna at nakita kopo yung Picture nya sa kwarto ni Sir Nathan.”

“Kung totoo nga yang sinasabi mo kailangan kong makasiguro.”

Tumayo agad si Ma’am Emman at pumasok sa loob ng bahay ako naman ay sumunod nalang, Hindi ako pwedeng magkamali si Dex nga talaga ang nakita ko

DEX’S POV

“My Loves mahal na mahal kita”

“Mahal din kita My Loves.”

Para sa katulad kong bakla parang isang malaking panaginip lang na may seseryoso samin na lalaki pero iba ang nangyari sakin dahil pinatuyan yon ni Nathan na kaya nyang mag mahal ng isang bakla.

“Sandali lang Nathan asan pala si Nathan (yung teddy bear)”

Hinanap ko agad si Nathan at nakita ko sya sa isang upuan at kinuha ko agad at bumalik sa pwesto ko.

“Nathan ba’t ang baho nya? Siguro pinabayaan mo sya noh?”

Sinubukan ko lang si Nathan kung idedefend nya ang sarili nya.

“Nako My Loves alagang alaga yan.” -Nathan

Tinitigan ko ng masama si Nathan sabay amoy kay Nathan (yung teddy bear) in all fairness mabango sya at mukhang malinis.

“Baby Nathan kamusta kana? Nandito na si Mommy miss moba ako? Kasi na miss din kita.”

Minsan talaga may pagka baliw ako eh kasi kinakausap ko yung mga bagay na wala namang buhay.

“Miss nadin kita Mommy, Sino ang mas miss mo ako o si Daddy?”

Hindi yung teddy bear yung sumagot sakin kundi si Nathan (Yung tao na haha)

“Syempre ikaw baby” agad kong sagot.

“Ah ganon? Mas na miss mo sya?“Biglang naging seryoso si Nathan at parang nagtampo.

“Ang OA mo! Pati Teddy Bear pagseselosan mo”

Kinuha ko yung isang unan at hinampas sa kanya. Ang Bango din ng unan nya halatang malinis talaga.

“Nathan Bakit parang amoy pabango ng Babae yung unan mo? May dinala kabang Babae dito?” pabiro kong tanong sa kanya.

“OO, Nalasing kasi ako non tapos pag gising ko may katabi na pala akong Babae at wala nadin kaming damit.”

Biglang naging seryoso si Nathan at ako naman ay parang sinaksak sa puso ng maraming beses.

“T-totoo bayan?”

“Sorry MY Loves hindi ko sinasadya.” -Nathan

Natahimik ako bigla hindi ko kasi alam kung anong isasagot ko kay Nathan mukha kasi syang seryoso.

“Ganon ba? So May nangyari sa inyo?”

Kahit anong pigil ko sa luha ko ay kusa padin itong punatak pero natatakot ako na makita ni Nathan na mahina ako.

Lumapit sakin si Nathan at hinawakan yung mukha ko sabay titig sakin.

“My Loves Biro lang, Wag kanang umiyak never kong gagawin na magdala ng Babae dito kasi ikaw lang mahal ko. Wala akong Babae.”

Yung sakit ay napalitan ng inis at syempre tuwa nadin dahil ginugood time lang pala ako nitong My Loves ko. Sa inis ko ay kinurot kurot ko sya.

“Sa susunod wag kanag magbibiro ng ganon! Naniniwala ako eh! kainis ka!” 

“Haha Sorry na My Loves, Ngayon napatunayan ko na Mahal na Mahal mo ako.” -Nathan

Niyakap ko nalang ng mahigpit si Nathan dahil ngayong okay na ang lahat ayaw kona syang mawala sakin.

“Dex nakita kana ba nila Mommy?” - Nathan

“Hindi pa. Pagdating ko kasi dito iba yung sumalubong sakin tapos sinamahan nya nalang ako dito.”

“Ganon ba, Tara baba na tayo para makita kana ni Mommy sigurado na matutuwa yon kapag nakita ka nya.” -Nathan

“Pwede bang mamaya nalang?”

“Bakit naman?” -Nathan

“Kasi parang nabinat ata ako sa ginawa mo.”

“Sorry na My Loves, Ikikiss nalang kita para mawala ang sakit.”

Hinalikan nya ako sa may Noo, Nakakainis si Nathan! Kasi yung tipong maiinis dapat ako sa kanya pero kapag tumititig sya sakin para akong nawawala sa katinuan #Maropokpokhahaha.

“May pang shave kaba?”

“Bakit My Loves anong aahitin mo? Nako My Loves parang gusto mo pa ng Round 2 ha?” -Nathan

Ngumisi pa ang loko, Pero hindi ako nagpatalo sa kagwapuhan nya kinurot kurot ko sya sa tagiliran.

“Round 2 mo mukha mo! Syempre aahitin ko yang ano mo!”

“Yung ano My Loves?” - Nathan

“Yung bigote at balbas mo.”

Mabilis kong sagot sa kanya, Ito talagang si Nathan may pagka manyakis din sinasamantala nya ang kahinaan ko (Haha maharot) .

“Wait lang My Loves.” 

Tumayo si Nathan at pumasok sa Cr, Ilang minuto din sya bago lumabas at paglabas nya ay malinis na sya. I mean wala na syang balbas at bigote nag-ahit na pala ang loko.

“Ano My Loves gwapo naba ulit ako?”

Tinitigan ko sya mula ulo mukhang paa ay este hanggaang paa. Sa totoo lang kahit anong look kaya Nathan bagay sa kanya ang gwapo padin nya kahit siguro punit punit na damit ipasuot sa kanya artistahin padin ang dating nya.

“Oo na gwapo kana.”

Lumapit si Nathan sa tabi ako at niyakap ako.

“Yan ang gusto ko sya nagsasabi ng totoo, Kaya Mahal na Mahal kita eh” -Nathan

Habang yakap nya ako ay may biglang kumatok sa pinto.

“Ako na”

Sabi ni Nathan sabay tayo, Pero dahil na curious agad ako kung sino yon ay sumunod ako sa kanya.

Pagbukas ng pinto ni Nathan ang bumungad samin ay si Tito Emman tsaka yung babae na nagpapasok sakin.

“D-Dex??”

Lumapit agad sakin si Tita At niyakap ako ng mahigpit.

“Dex ikaw naba talaga yan???” -Tita

“Opo tita ako na po ito.”

“Bakit ngayon kalang nagparamdam? Alam mo ba na sobra kaming nag-aalala sayo?” -Tita

“Noong isang araw lang po kasi ako nagkaroon ng malay Tita.”

Hinawakan ni Tita yung mukha ko na parang hindi makapaniwala na nandito nako, Grabe din naman kasi yung nangyari sakin dalawang buwan akong nakaratay.

“Ayos kana ba talaga? Baka may nararamdaman kapa.” -Tita

“Ayos napo ako Tita.”

Sa totoo lang medyo nanghihina pa ako syempre sa mahabang pagkakahimbing at doon sa ginawa namin ni Nathan (alam nyo nayon).

“Kumain kana ba? Gusto mo dito kana mag Breakfast magpapaluto ako.” - Tita

“Sige po Tita, Medyo nagugutom nadin po kasi ako.”

Tinapay lang talaga ang naalmusal ko kasi pumunta agad ako dito kay Nathan.

Bago nila itong bahay pero ang nakakatuwa yung ayos ng kwarto ni Nathan ay walang pinagkaiba sa dati.

“Alex pakisabihan namin si Ate Erna na magluto sabihin mo may bisita tayo.” Utos ni Tita sa Babae na kasama nya.

“Okay Ma’am” sagot nito.

“Pano Dex mauna na ako para makapag handa na kami sunod nalang kayo ni Nathan.” -Tita

“Sige po Tita Susunod nadin kami.”

“Dex ano yang nasa gilid ng Bibig mo gatas?” takang tanong sakin ni Tita.

Ano naman yon? Napahawak agad ako bigla sa tinuro nya at OMG! parang gusto konang magpakain sa lupa!!!!!!!!!!!

“O-opo Ininom kopo kasi yung gatas ni Nathan” palusot ko huhu sana tumalab.

“Ganon ba? Sige bababa nako.”

Bumaba na si Tita Emman at ako naman ay namula sa sobrang kahihiyan paglingon ko kay Nathan ay nagpipigil sya ng tawa.

“Anong nakakatawa?”

“Wala My Loves, Ininom mo pala yung gatas ko ha?” -Nathan

“Tawa tawa kapa dyan! Sayo naman galing to!”

Iniwan kona si Nathan at bumababa na ako, Aasarin na naman kasi ako ng loko nayon.

ALEXANDRA’S POV

“Ate Erna may luto kana daw po pakidagdagan nalang daw po kasi may bisita tayo.”

“Bisita sino naman?” -Ate Erna

“Si Dex po.”

“Si Dex???? Asan sya????” -Ate Erna

“Nasa Taas pa po.”

Kita ko sa mukha nya ang sobrang saya mg malaman nyang nandito si Dex. Mabait ba talaga si Dex at parang mahal na mahal sya ng mga tao dito?

“Ate Erna???”

Napalingon kami pareho ng may marinig kaming isang boses.

“Dex? ikaw bayan?”

Lumapit agad si Ate Erna at niyakap nya si Dex.

“Dex ikaw nga, Kamusta kana? Nabalita ko yung nangyari sayo.” -Ate erna

“Medyo okay napo, Kayo po tagal nyo nadin po dito ah.” -Dex

“Oo kasi mabait ang mga Amo.” - Ate Erna

“Si Manang po asan?” -Dex

“Nako sayang wala sya, Nagbakasyon kasi .” -Ate Erna

“Ganon ba, Sayang naman.” -Dex

Pinagmamasdan ko lang silang dalawa habang nag-uusap halatang close talaga sila.

“May ipag-uutos kaba?” - Ate Erna

“Wala po, Gusto kolang lumibot dito sa bahay nila Tita.” -Dex

“Sige Mamaya ililibot kita, Pero magluluto muna ako ng kakainin nyo.” -Ate Erna

“Ate Erna ako napo ang maglilibot sa kanya.” 

bigla kong singit sa usapan nila. Kahapon kasi nag-galagala ako dito para makabisado ko ang bahay.

“Talaga?” -Ate Erna

Sinamahan ko si Dex na maglibot dito sa bahay ng mga Amo ko, Ewan ko pero kinakabahan ako ngayong katabi ko sya.

“Matagal kana ba dito?” biglang tanong sakin ni Dex.

“Hindi naman po, Kahapon lang ako nagsimula.”

“Talaga? Ikaw si Alex diba? Ako naman si Dex. Salamat ulit sa pagsama kanina.”

Humarap sya sakin at inabot yung kamay nya, Tumingin muna ako sa kanya tapos nakipag kamay din.

“Wala po yon.”

“Wag kanang mag Po sakin, Hindi pa naman ako ganon katanda. Dex nalang.” -Dex

“Okay Po.”

Nagka kwentuhan pa kami ni Dex habang naglilibot. Nakwento nya din sakin kung gaano ka Dragon si Sir Nathan dati. Ang Cute nilang mag Jowa sana makahanap din ako ng lalaking magmamahal sakin.

CHAPTER 60

DEX’S POV

“Alex May Boyfriend kana ba?” bigla kong tanong sa kanya.

“Nako wala pa, Wala akong time sa mga ganya eh mas inuuna kopa ang kapakanan namin ng kapatid. Yung Jowa nayan? Ma sstress kalang dyan.” -Alex

“Bakit? Asan ba ang magulang nyo?”

“Wala na sila pareho, Kaya simula noon naiwan na sakin yung responsibilidad sa pag-aalaga sa kapatid ko.”

Ramdam ko ang sakit sa bawat hugot ni Alex, Mahirap talaga ang walang magulang dahil walang gumagabay sayo.

“Sorry na open kopa ang tungkol dyan. Pero asan pala ang kapatid mo?”

“Ayos lang Dex, Kasama ko sya ngayon dito nandon sya sa kwarto namin.” -Alex

“Talaga? Ilang taon na?”

“7 na sya.” -alex

“Wow sigurado ako na magkakasundo sila ng kapatid ko kapag nagkita sila.”

“May kapatid ka na bata?” -Alex

“6 years old na sya, Medyo late na kasi nasundan.”

Para akong nakahanap ng bagong kaibigan dahil sa pag-uusap namin ni Alex, Mukha naman syang mabait at sigurado na magiging magkaibigan din kami pagtagal.

Sinundo na ako ni Nathan para kumain dahil nakahanda nadaw ang mga niluto ni Ate Erna.

“Dex kamusta na pala ang Mama mo?”

Tanong agad sakin ni Tita ng makaupo ako. Alam kong hindi sila okay ni Mama, Dahil sa mga nangyaring hindi maganda.

“Ayon po masaya na ulit dahil nagising na ako.”

“Masaya din kami dahil nagising kana, Dito kana din maghapunan kung okay lang para makausap mo din ang tito Greg mo.” - Tito

Si Tito Greg mabuti nalang hindi sya masyado napuruhan hindi tulad sakin. Noong araw na naaksidente kami mas pinili ko talaga na ipangsalag ang sarili ko para maprotektahan lang sya alam nyo kung bakit? Dahil ayaw ko syang mawala kahit marami syang nagawang hindi maganda sakin at sa pamilya ko.

Una kong naisip ay si Nathan gusto kong mabuo at maging maayos ang pamilya nya at hindi mangyayari yon kung may mangyayaring hindi maganda kay Tito Greg.

“Oo nga My Loves antayin mo nalang si Daddy, Wag kang mag-alala ihahatid kita ng safe sa bahay nyo.” Sabat ni Nathan.

Inaalala kolang kasi sila Mama baka mag-alala yon sakin kakagising kolang mula sa mahabang pagkakatulog kaya todo bantay sila sa sakin.

“Sige dito na muna ako.”

“Oh sya sige na kumain na muna tayo mukhang masarap yung luto ni Ate Erna.” -Tita

“My Loves gusto mo subuan kita?”

Nakakainis si Nathan parang nangaakit yung boses nya at yung mga tinginan nya.

FIY! pinasubo na kaya nya ako kanina! Ano ulit uli? The!? Dapat matuto ako sumubo ng sarili ko.

Oh? Mga green na naman yung mga utak nyo! pinasubo nya sakin yung pagkain na nasa kwarto nya baka kasi nagutom ako wag kayong mga ano dyan! Isyo na naman kayong mga Readers! Haha char!

“Nathan ako na, Kaya ko naman na.”

“Oo nga naman Nathan hayaan mona si Dex, Masyado mo namang Mahal na Mahal eh.” -Tita

“Mommy? Hayaan nyo na ako sobrang Na miss kolang kasi tong My Loves ko.”

Sabay kindat sakin ni Nathan. Kung kami lang dalawa pwede kaso kaharap namin si Tita medyo naiilang ako hehe enebe!

Pagkatapos namin kumain ay nagkwentuhan muna kami ni Tita tapos bumalik na kami ni Nathan sa kwarto nya para doon magpahinga habang hinihintay si Tito Greg.

“My Loves anong gusto mong gawin? Boring kasi eh.” tanong sakin ni Nathan.

“Ewan ko, Wala akong maisip eh.”

“Ano bayan My Loves ngayon na nga lang ulit tayo nagkasama tapos wala kapang maisip na gawin” -Nathan

“Wala nga akong maisip.”

Tumahimik muna sya saglit tapos nag-isip.

“Alam kona!”

“Ano?” Tanong ko sa kanya.

“Jack ’N Poy nalang.” -Nathan

“Jack ’N Poy talaga? Para naman tayong bata nyan”

“Edi lagyan natin ng twist, Kung sino ang matatalo may gagawin na consequence na iuutos ng nanalo.” -Nathan

Jusme pagdating talaga sa kalokohan ang taba ng utak ni Nathan nako! Kung hindi kolang talaga sya Mahal!

“Ano namang consequence?”

“Kapag nanalo ako ikikiss mo ako, Kapag natalo ka ikikiss mo ako.” -Nathan

“Ano? Parang unfair naman ata non? Kapag na nalo ka ikikiss kita tapos kapag ako naman ang nanalo ikikiss padin kita?”

“Oo My Loves ang kaibahan lang kapag ako ang mananalo ako ang pipili kung saan mo ako ikikiss pero kapag ikaw naman ang nanalo ikaw na bahala kung saan mo gusto, Wag kanang umangal ako ang nakaisip ng laro kaya sakin ang rules.” - Nathan

Andaya talaga ng lalaking to, Nag-isip ng laro na pabor lang sa kanya.

Nakakainis!

pereng tenge!

Nag ready na kaming dalawa, Seryosong laro to kaya hindi dapat ako matalo. Kahit boyfriend ko sya hindi ko sya pagbibigyan. Isang bagsak lang ang ginawa namin at unang bagsak ay nanalo sya kasi gunting sya at Papel ako.

“Pano bayan My loves? Ikikiss mo ako.” -Nathan

“Saan mo naman Gusto?”

“Sa Pisngi nalang muna My loves.” -Nathan

Lumapit agad ako sa kanya at hinalikan ko sya sa pisngi tapos bumalik agad ako sa pwesto ko at nag ready ulit.

Pero sa kasamaang palad talo na naman ako.

“Nako My Loves talo ka ulit, O ikiss mo naman ako sa Noo.”

Pashneang lalaki to mag papakiss lang dinaan pa sa ganito sana sinabi nya nalang sakin.

“Babawi ako kala mo dyan ha!”

Tinarayan ko si Nathan at nagseryoso na, Kailangan kong manalo para hindi ako pagtawanan ng lokong to. Maglalaro pa sana kami ulit pero biglang may kumatok kaya napasimangot si Nathan at tumayo para tingnan kung sino yon.

“Sino yon?” tanong ko sa kanya ng makabalik sya.

“Sila Dave daw nasa baba.”

“Talaga? Tara puntahan natin.”

Hinili ko agad si Nathan pababa para makita yung mga kaibigan nya. Pagbaba namin ay nagulat sila ng makita ako, Hindi pa pala nila alam na nagising na ako.

“ Gising kana Dex?“ tanong sakin ni Dave

“Malamang nakita mona diba? Nakatayo nga sa harap mo.” si Nathan na ang sumagot para sakin.

“Kelan kapa nagising?” -Dave

“Noong isang araw pa sya nagising” -Nathan

“Talaga? Mabuti naman at okay kana ulit hindi na iiyak tong si Boss Nathan.”

Nagtawanan namn silang apat dahil sa sinabi ni Dave, Loko loko talaga tong si Dave pikunin pa naman si Nathan.

“Hindi ako umiyak. Ano bang ginagawa nyo dito?”

“Eto namang si Nathan masyadong Hot, Easy lang. Yayayain kalang sana namin uminom.” -Dave

“Kaya Lang mukhang hindi ka Pwede kasi nandito na pala si Dex.” Sabat naman ni Steve

“Hindi sige okay lang isama nyo na si Nathan.”

“Talaga? Maraming babae don.” Biro ulit ni Dave

“Ayos lang.”

“Talaga My Loves?” -Nathan

“Oo nga”

Nag Oo lang ako pero sa loob loob ko subukan lang ni Nathan na sumama lalo na’t maraming Babae? Nako! Putol yang ano nya sakin! Hahaha char!

“Sige My Loves bihis lang ako tapos sasama na ako sa kanila.”

Aba! Hindi nga nagpapigil itong lalaki nato Sasama talaga?! ah ganon? Hinahamon nya talaga ako ha! Wait lang may naisip ako haha.

“Matthew, Diba marami kayong mga businesses?”

“Oo bakit?” -Matthew

“Pwede ba ako sayo magpaturo ng mga Idea or ways para mas mapalago yung negosyo namin?” malambing kong pagkakasabi.

“Oo naman, Sige kelan moba gusto?” -Matthew

“Kami My Loves may business din gusto mo magpaturo?” sabat bigla ni Nathan

“Diba may Lakad ka? Sige na sumama kana, Pero iwan nyo si Matthew ha?”

“My Loves nagseselos kaba?” Biglang tanong sakin ni Nathan

“Ako nagseselos? Bakit naman? Pinapayagan na nga kita ayaw mo pa?”

Biglang lumapit sakin si Nathan tapos hinawakan ako sa bewang at nilapit sa kanya.

“Sorry Dave pero hindi muna ako pwede gumimik ngayon baka mapagalitan ako ni Boss.” -Nathan

“Haha ganon ba? Nako Tol Under kana pala ngayon.” -Dave “Hindi under tawag dito, This is what we called love. Alam mo kasi kung mahal mo talaga ang isang tao hindi ka gagawa ng ikasasama ng loob nya.” -Nathan

“Aba humuhugot kapa ah.” -Dave

“Malalaman mo din yan kapag nakahanap kana ng true love mo.” -Nathan

Sa kanilang lima si Nathan palang ang may Jowa dahil sadyang maloko talaga si Dave at Steve samantalang si Anthony at Matthew naman masyadong seryoso sa buhay.

Pero naniniwala padin ako na may taong nakalaan sa kanila yung taong magpapago at magpapakita ng tunay na kahulugan ng pag-ibig.

NATHAN’S POV

Imbes na magkaroon pa kami ng bonding moment ni Dex ay hindi na namin nagawa kasi nandito yung apat na tukmol at nanggugulo na naman sa buhay ko haha.

“Akala koba may lakad kayong apat? Ba’t nandito pa kayo?”

“Nagbago na isip namin Nathan, Dito nalang muna kami. Ayaw mona ba kami makasama?” Nagkakabwiset tong si Steve na pabata pa eh halata namang matanda na sya.

“Oo kaya umalis na kayo”

“Mamaya nalang Nathan, Tuturuan ko muna si Dex.”

Naglakad si Matthew at tumabi kay Dex. Aba! Gusto atang magilitan nitong si Matthew.

“Dex ano sisimulan naba natin?”

“Simulan ang alin?” -Dex

“Yung sinabi mo” -Matthew

“Ah! ayun ba? Sige.” -Dex

Anong gagawin nila? Anong sinabi ni Dex kay matthew???????? Pumagitan agad ako sa kanila at hinawakan sa kamay si Dex, Kainis kasi tong si Matthew nagpapacute pa kay Dex.

“Problema mo Nathan?” takang tanong sakin ni Dex.

“Saan kayo pupunta ni Matthew? Anong gagawin nyo?”

Seryoso akong nagtanong kay Dex pero hindi ko alam kung bakit sya napatawa.

“Magpapaturo lang ako about sa mga businesses, Sinabi kona yon kanina diba? Ano naguulyanin lang?” - Dex

“Ako nalang ang magtuturo sayo, Wag na kay Matthew baka kung ano pa ang maturo nya sayo.”

“Nako parang nagseselos si Nathan kay Matthew” pangaasar sakin ni Dave

Ako???

Magseselos?

No way!

Mas gwapo kaya ako sa kanya at Mas Mahal ako ni My Loves kesa sa kanya.

“Umalis na nga kayo.”

“Nathan? Mga bisita yan, Kumain naba kayo?” -Dex

“Hindi pa nga eh, May pagkain ba kayo dyan?” -Dave

“Wala, Kaya umalis na kayo”

“Oo meron, Tara ipaghahanda ko kayo.”

Sumunod silang apat kay Dex at syempre sumunod nadin ako baka mamaya landiin nila si My Loves ko. Ewan koba kung bakit ako nagkaroon ng mga kaibigan na tulad nila.

DEX’S POV

Ang sarap lang pagmasdan ni Nathan na naaasar haha masyado kasing seloso! Sorry sya nag Jowa sya ng maganda haha (Wag na kayo umangal! Support nalang) Pagkatapos kumain ng apat ay nagkwentuhan pa sila, Tawanan, Lokohan at asaran. Grabe yung samahan nila pinagtibay na ng panahon.

Sana makita ko ulit sila Mark, Sheena, Irish, Kenji, Dan at Jasmine para kompleto kami syempre hindi mawawala si Miles na nandyan palagi sa tabi ko.

Pinanood kolang silang lahat hanggang sa inabot na kami ng dilim at dumating nadin si Tito Greg.

“Dex?” nagulat sya ng makita ako, Pero ngumiti lang ako.

“Good Evening po Tito”

“Kelan kapa? Nagising?” -Tito

“Sige mag-usap na muna kayong mag Tito aalis na muna kami.” 

Niyaya na ni Tita si Nathan para makapag usap kaming dalawa ni Tito. Halos maluha si Tito ng makita nya ako.

“Dex sorry for everything that i’ve done to you before.” ayan agad ang nasabi nya sakin ng malapitan nya ako.

“Tito Greg wala po yon, Kalimutan nalang po natin ang mga masasamang nangyari sa nakaraan at harapan nalang po natin ang ngayon at ang mga darating pang bukas.”

“Bakit ba napakabuti mo padin? Kasi kubg ako ang nasa kalagayan mo? Hindi ko mapapatawad ang taong ilang beses na akong nasaktan at muntik na akong patayin.”-Tito

“Alam nyo Tito? Galit po talaga ako sa inyo dati kasi hindi ko maintindihan kung bakit galit na galit kayo sakin. Pero mas nangibabaw kasi sa puso ko ang maayos ang pamilya natin kaya mas pinili kong magpatawad at kalimutan ang nakaraan.”

“I hope someday makabawi ako sayo.” -Tito

“Sapat napo sakin na Okay na tayo.”

Hindi naman talaga madali ang magpatawad pero kung mahal mo talaga ang mga tao sa paligid mo mas mangingibabaw sayo ang kagustuhang magkaayos ang lahat.

Naiintindihan kodin naman kasi si Tito, Nagpapakatatay lang naman sya kay Nathan at Nagpapakatatay sa kaniyang Pamilya.

Lumapit sakin si Tito at niyakap ako ng mahigpit kaya mas naramdaman ko ang sinseredad sa lahat ng mga sinabi nya.

“Dex kung ano naman ang balak nyo ni Nathan nandito lang ako para suportahan kayo.” -Tito

“Sa tinagal ng panahon ayan lang po ang gusto kong marinig sa inyo ang suportahan kami ni Nathan sa pagmamahalan namin.” 

“Sorry kung ngayon kolang nasabi sayo masyado lang siguro ako natakot sa pagkasira bg repustasyon ng pangalan ko.” -Tito

“Hayaan napo natin yon Tito, Tara na po balik na tayo sa kanila.”

Ayoko nang pahabain pa ang isyung hindi naman talaga pinahaba umpisa palang. Ngayong okay na kami ni Tito at ganon din sila ni Nathan ang tanging kulang nalang ay magkaayos sila nila Mama at syempre ang makita ko ulit ang dalawa pang espesyal na tao sa buhay ko, Si Mark na Bestfriend ko at Si Dan na Crush ko.


# CHAPTER 61

DEX'S POV

"Good Morning My Loves."

Gwapong mukha agad ni Nathan ang bumungad sakin.

"Good Morning Din."

Pagtingin ko sa Phone ko ay pasado alas otso na nang umaga, Napabangon agad ako dahil sigurado ako na dadakdakan na naman ako ni Mama pag nagkataon.

"My Loves bakit nagmamadali ka?" takang tanong sakin ni Nathan.

"Ano kaba, Gusto mo bang maarmalite ako ni Mama. Maghapon kaya ako dito sa inyo."

"Ganon ba? Sorry Ha na miss lang talaga kasi kita. Antayin mona ako, Ihahatid na kita sa inyo." -Nathan

"Ayos lang yon, Sorry din medyo limited lang ang time natin para sa isa't-isa."

"My Loves bakit kaya hindi nalang tayo mag-sama? Para hindi na ganito, Lagi nalang tayo naghihiwalay." - Nathan

Pashneang suggestion, Hindi naman sa ayaw ko pero kasi masyadong mahirap yung sinasabi nya.

"Nathan seryoso kaba? Baka hindi mo alam ang buhay Pamilya lalo na't wala kang trabaho baka mamatay tayo sa gutom."

"Seryoso ako Dex, Wala kabang tiwala sakin? Magtatrabaho ako para satin." -Nathan

Huminga muna ako ng malalim bago sumagot sa kanya.

"Sige na, Pero bago yan ihatid mo muna ako samin dahil kapag na beast mode si Mader pareho tayong lagot."

Napangiti nalang si Nathan Sa sinabi ko at nagbihis nadin, Alam nyo kung makikita nyo lang ang kwarto ni Nathan maiinis kayo kasi sobrang kalat parang hindi marunong maglinis kung saan saan nakakalat yung mga pinaghubadan nya.

Bago akO Umalis ay nagpaalam muna ako kala Ate Erna, Alex pati don sa kapatid nya at syempre kala Tita At Tito ayaw pa nga sana nila ako paalisin pero sinabi ko hinahanap na ako nila Mama.

"My Loves kelan ka ulit pupunta sa bahay? O gusto mo ako nalang pumunta sayo?" -Nathan

"Eto naman parang hindi tayo magkikita ng matagal nyan."

"Sige na kasi My Loves magsama na tayo." -Nathan

"Pag-iisipan ko muna pwede?"

May point naman yung sinasabi ni Nathan kasi nga hindi nadin kami mga bata, Pwede narin kami lumugar sa tahimik. Pero syempre kailangan ko padin malaman kung ano ang sasabihin nila Mama at Papa.

Habang pasakay kami ni Nathan sa sasakyan nya ay may bumisina na kotse malapit samin kaya napatigil kami at inantay na lumabas kung sino ang tao na nasa loob.

Nagulat ako ng biglang lumabas si Ana at kasama nya si Jasmine.

"Ana?"

"Ow, Hi Dex. Long time no see, Okay kana ba? Nabalitaan ko kasi yung aksidente na nangyari."

Nakipagbesobeso sakin si Ana pero medyo awkward padin kasi alam nyo na yung nangyari ng kasal.

"Oo okay na ako."

"Good to hear that, By this is my Designer Jasmine. Alam ko kilala nyo na din sya." - Ana

Lumapit sakin si Jasmine at nakipag beso beso din, Hindi ko pwedeng makalimutan si Jasmine kung hindi dahil sa kanya baka hindi na kami magkasama si Nathan dahil kasal na sya.

"A-Ana? pwede kabang makausap saglit?"

"Sure, Ano bayong pag-uusapan natin?"

Lumayo muna si Nathan at Jasmine para makapag usap kaming dalawa.

"Ana, Gusto kolang magsorry sa mga nagawa ko sayo. Lalo don sa nagawa ko nung araw ng kasal mo."

Sobrang nahihiya talaga ako kay Ana anumang gawin at sabihin nya sakin tatanggapin koyon.

"Alam mo ba nung araw nayon gusto kitang patayin? Kasi sinira mo ang pinakamagandang araw sana ng buhay ko. Inagaw mo sakin si Nathan, Pinahiya mo ako sa harap ng maraming tao." -Ana

"Maniwala ka sakin Ana Hindi ko naman gusto na saktan ka pero mas hindi ko naman makakaya na mawala sakin si Nathan."

"I know, Pero masakit padin eh." -Ana

"Sorry Ana, Alam kong hindi mababawasan o mapapalitan ng isang sorry kulang ang ginawa ko sayo."

"Tapos nayon Dex wag na natin balikan pa, Nagpunta lang ako dito para kamustahin ka." -Ana

Kung ako man ang nasa kalagayan ni Ana magagalit talaga ako kung sakin man nangyari yon.

"Okay na Ako Ana wala naman na akong nararamdaman na hindi maganda. Pano mo pala nalaman na nandito ako kala Nathan?"

"I have my resources, So pano? Una nadin ako baka hinihintay na ako nila Daddy." -Ana

"Aalis kana agad? Hindi kaba kakain o makikipag kwentuhan pa?"

"Hindi na, See you next time nalang." 
Habang naglalakad si Ana ay tinawag ko sya.

"Ana? Pwede bang maging magkaibigan tayo?"

Huminto sya at lumingon sabay ngiti, Alam kong kahit hindi nya sabihin ay gusto nya din ako maging kaibigan kaya hihintayin ko ang araw na pwede sya.

"Ano My Loves hatid na kita?"

"Tara na"

Sobrang saya ko kasi wala nang taong may problema sakin. 

Sa ngayon maayos na ang lahat kaya pwedeng pwede na kami magsimula sa panibagonh yugto ng aming mga buhay.

Pagdating ko sa bahay ay si Mama agad ang sumalubong sakin.

"Akala ko hindi kana uuwe eh." -Mama

"Sorry na Ma, Hindi kasi ako pinauwe ni Nathan."

"Nako yang Boyfriend mo talaga, Magpakasal nalang kaya kayo para hindi na kayo nahihirapan." - Mama

Kung alam nyo lang Ma haha balak nadin namin yan ni Nathan.

"Si Mama talaga, Bata pa kaya ako."

"Talaga ba? Kaya pala sabi ng Papa may nangyari nadaw sa inyo ni Nathan."

Namula agad ako sa sinabi ni Mama, Kainis wala talagang preno yung bunganga nya.

"Maaaa!!! Baka may makarinig."

"Bakit? Ano bang sinabi ko?" -Mama

"Balakajan Ma, Asan si Kyline at si Papa?"

"Yung Papa mo may binili lang tapos yung kapatid mo tulog pa." -Mama

"Sige Ma bihis lang ako."

"Sandali lang Dex, May itatanong lang ako sayo." -Mama

"Ano yon Ma?"

"Magkaayos naba kayo ng Tito Greg at Tita Emman mo?" -Mama

"Opo Ma, Nagsorry naman din po sila sakin at syempre pinatawad kodin sila."

"Sana kasing lakas at tapang modin ako. Sana ganon kalang din mapatawad ang mga taong nanakit sa Pamilya ko." -Mama

"Ma? Hindi rin naman talaga madali mag patawad pero kung iisipin mo ang magandang kakalabasan nito magagawa mo din. Atsaka ikaw ang nagturo sakin na wag magtanim ng galit sa kapwa diba?"

"Kaya nga eh ako ang nagturo pero bakit ang hirap para sakin na magpatawad? Bakit parang gusto ko silang sumbatan sa mga ginawa nila satin?" -Mama

Ayokong husgahan si Mama dahil ibaiba talaga ang kapasidad ng mga tao pagdating sa pagpapatawad pwedeng ako Madaling magpatawad at pwede din naman na yung iba ay kailangan pa ng time to heal.
Lumapit ako kay Mama at niyakap ko sya.

"Sige po Ma, Ilabas nyo lang yang kinikimkim nyo para mabawasan ang bigat na nararamdaman nyo. Darating din ang oras na Magpapatawad din kayo."

"Tama na nga tong dramahan nato, Pumapangit lang ako lalo." -Mama

Biglang tumawa si Mama kahit may luha pa sa Mata. Kapag si Mama ang kausap mo hindi pwedeng hindi ka maloloka, Biruin moba naman seryoso ang usapan nyo tapos hahaluan nya ng kalokohan.

"Ma wala namang nagbago."

"Loko tong bata nato, Sige na Magbihis kana at Maligo ka dahil Amoy Nathan kana." -Mama

"Ma? Anong Amoy Nathan?"

"Basta, Sige na maligo kana." -Mama

Magsasalita pa sana ako pero tinulak tulak na ako ni Mama.

Ano kayang Amoy Nathan anong ibig nyang sabihin?

Inamoy ko ang damit ko at amoy mabango naman. 

Ano kaya yung sinasabi ni Mama na amoy Nathan.

Hay Nako bahala na nga si Mama.

ANA'S POV

"Ana buti naka move on kana noh?"
Tanong sakin ni Jasmine habang nasa byahe kami.

Actually hindi pa talaga ako totally na naka move on pero nagmomove on. Syempre hindi din naman madali sakin yung nangyari na sa mismong kasal kopa iiwan ako ng taong pinakamamahal ko pero syempre i need to accept the fact that Nathan and I are not meant to be.

"Jasmine gaano mona katagal kakilala si Dex at Nathan?"

"Matagal din since college. Si Nathan ang una kong nakilala, Nasabi kona din naman sa inyo na naging Ex ko sya at nagkahiwalay kami at doon na dumating si Dex. Actually Silang Dalawa ay magpinsan kaya nga nagulantang ang buong university na magkarelasyon sila at syempre yung part na pumatol si Nathan sa isang katulad ni Dex, Na isang Bakla. Pero alam moba kahit anong pagsubok ang dumating sa kanila ay hindi padin sila nasira ng mga ito.Kasi totoo nga ang kasabihan na kapag mabuti kang tao mabuti din ang babalik sayo." - Jasmin 

Sa mga nakwento sakin ni Jasmine napapaisip nalang ako na They deserve each other kasi kung ikukumpara ako kay Dex? Anong binatbat ko sa mga nagawa nya para manatili lang si Nathan?

"Andami na pala nilang pinagdaaan na hirap kung para sa mga pinagdaanan ko." 

"Tama ka Ana, Pinagtibay na ang relasyon nila ng mga pinagdaanan nila."

Darating yung time na makaka move on din ako sa sakit na naranasan ko pero sa ngayon kailangan ko munang lumayo to be a better woman that i need to be. Hahayaan ko nalang muna ang tadhana na magdesisyon kung ano ang dapat na mangyari sa mga buhay namin.

"Eh ano na ang balak mo ngayon?" -Jasmin

"Sa ngayon ang plano ko is Bumalik na muna sa Canada, Na mimiss kona din kasi ang mga lola't Lolo ko."

"Mabuti yan para hindi kana nasstress dito." -Jasmin

"Jasmine Thank you for everything that you've done to my life, Hindi ko malilimutan yon kahit magkalayo tayo."

Si Jasmine ay hindi lang basta designer ko she is also my Friend, Madalas sya ang nasasabihin ko kapag may problema natatakbuhan ko kapag kailangan ko ng kausap. Kaya may malaking part nadin sya sa buhay ko.

"Ano kaba syempre kaibigan mo ako at ang mag kaibigan nagdadamayan." -Jasmine

Sa panahon ngayon madaling maghanap ng kaibigan pero mahirap ng totoong kaibigan. Kasi may mga kaibigan na nandyan lang kapag nakakaangat ka at nawawala din kapag nakikita nila na bumabagsak pero ang totoong mga kaibigan makikilala mo sila sa oras ng kagipitan.

DEX'S POV

'Hi Dex kamusta kana?'

'Eto maganda padin' sagot ko sa kanya

'Nako mukhang hindi kapa okay, Pa check up ka kaya'

'Ay grabe sya sakin.'

Kilala nyo ba kung sinong kausap ko? 
Malamang hindi kasi hindi kopa sinasabi haha.

Kausap ko nga pala ngayon si Dan, Oo si Dan pero walang malisya dahil magkaibigan lang kami.

'Joke lang haha, Ito naman masyadong seryoso.' -Dan

'Kelan ang balik mo?'

'Bakit na mimiss mona ba ako Babe?' -Dan

'Uii tigilan mo nga ang pagtawag sakin nyan mamaya marinig ka ni Mama at sabihin nya pa kay Nathan.'

'Edi maganda, Para pagnag-away kayo ni Nathan sakin kana mapupunta.' -Dan

'Ay ang bad mo.'

'Biro lang Babe ay este Dex pala, Masaya na ako para sa inyong dalawa ni Nathan. Pero saktan at paiyakin kalang talaga nya uuwe talaga ako para makatikim sya sakin.' -Dan

'G na G si kyah?'

Na mimiss kona din tong si Dan sana makauwe na ulit sya para makapag Bonding kaming lahat na magkakaibigan.

At syempre ang hiling ko para kay Dan ay mahanap na nya ang taong deserve nang pagmamahal nya kasi hindi talaga ako yon.

# FINALE

DEX'S POV

"Good Morning Dex!!!!"

"Iba ata ang energy mo Ma? Bakit anong meron?"

"Syempre ngayon ang pinakamagandang araw ng buhay ko, Ngayon ay aking B--" 

"Bakit ano bang meron?"

Hindi ko na pinatapos ang sasabihin ni Mama dahil alam kong sasabihin nya na Birthday nya. Pero kailangan kong magpanggap na wala akong alam dahil may surprise pa kami sa kanya.

"Nakalimutan mo na ba?" -Mama

"Ay oo nga Ma, May sales pala sa isang Mall malapit lang satin diba? Nako buti nalang pinaalala mo."

Biglang lumungkot ang mukha ni Mama huhu sorry Ma, Happy Birthday pero mamaya na kita babatiin titiisin ko muna para masurprise ka ng bonggang bonga mamaya haha.

"Yung Papa at kapatid mo? Asan sila?" -Mama

"Nako Ma maaga umalis, Baka gabihin nadaw sila."

"Ha? Saan daw sila pupunta?" -Mama

"Ewan, Wala namang sinabi sakin. Pano Ma ligo na ako dahil sigurado ako madaming tao sa Mall."

"Gusto mo samahan kita?" -Mama

"Hindi na Ma, Kasama ko naman si Miles."

Naglakad na ako papunta sa kwarto ko, Sobrang naguguilty ako sa ginagawa ko Kay Mama huhu. Actually si Nathan ang nagplano nito, Tinanong ko kasi sa kanya kung anong magandang pakulo sa Birthday ni Mama at ganito ang sinabi nya.
Kahit sobrang guilty ako ay umalis ako sa bahay at iniwan ko si Mama mag-isa. Nagpasama ako kay Miles para bumili nang mareregalo ko sa napakaganda kong Nanay.

"Be kanina pa tayo paikot-ikot dito wala kapa bang nahahanap?" angal sakin ni Miles.

Taon taon kasi na Birthday ni Mama ay lagi akong may regalo kaya ngayon ay nahihirapan ako kung ano ang ireregalo ko sa kanya.

"Wait lang, Eto na maghahanap na nga."

Naglakad lakad pa kami hanggang sa mapadpad kami sa isang Beauty Product Store. 

Pero hindi kami pumasok don tumingin lang sa labas kaya napakamot na naman si Miles sa sobrang loka sakin haha, Naisip ko kasi na yung dapat na ireregalo ko kay Mama ay yung tumatagal at magagamit nya talaga, Kaya ang ending damit ang naisip ko na iregalo sa kanya haha.

Habang naglalakad kami ni Miles ay may napansin akong lalaki na kanina pa nakabundot samin kaya kinabahan agad ako.

"Miles nakikita mo ba yung lalaking nakaitim sa likuran natin?"

"Asan?" -Miles

"Ayon oh"

Tinuro ko sa kanya yung lalaking nakaitim na kanina kopa napapansin na nakabuntot samin.

"Ano kaba baks baka hindi naman, Bakit naman nya tayo susundan? Hindi naman tayo mga anak mayaman." -Miles

"Hindi ko alam, Pero iba yung pakiramdam ko. Tara na umuwe na tayo."

"Wait lang naman baks, Pano yung regalo mo sa Mama mo?" -Miles

"Okay na siguro yung mga nabili natin, Atsaka mas may maganda akong regalo kay Mama. Kaya Tara na."

Hinila ko na si Miles at wala na syang nagawa.

Sino kaya yung Lalaki na kanina pa sumusunod samin?

Imposibleng tauhan sya ni Tito, Dahil okay na kami at nangako sya sakin na sosoportahan nya kami ni Nathan.
Sino kaya sya???

Nang masiguro kong hindi na nya kami nasundan ay binitawan kona si Miles.

"Baks wala tayo sa teleserye relax kalang, Okay?" -Miles

"Hindi ako nagbibiro may sumusunod nga talaga satin kanina."

"At sino naman ang sumusunod satin? At bakit naman nya tayo susundan?" -Miles

"Basta Miles, Iba yung pakiramdam ko eh."

Kung sino man sya alam kong hindi sya mabuting tao at kapahamakan lang ang maidudulot nya samin.

"Dex Vasquez"

Muntik na akong atakihin sa sobrang gulat sa nagsalita.

Pagtingin ko sa mukha ay sya yung lalaking kanina pa sunod ng sunod samin.

"Kunin nyo na po ang lahat samin, Basta wag nyo lang kaming papatayin."

Nagmakaawa agad ako sa lalaking nasa harapan namin. 

Lord ilayo nyo po kami sa kapahamakan.

"Kuya Please gawin nyo ang lahat samin basta buhayin nyo lang kami." -Miles

Medyo OA si Miles sa part nayon haha, Gawin talaga lahat? Mamaya marape sya ng wala sa oras eh haha char!

Okay seryoso na ulit, So ayon na nga todo pagmamakaawa kami sa lalaking nasa harap namin.

"Dex Vasquez matagal na kitang hinahanap."

Medyo napatigil ako sa sinabi nya at napatingin ng diretso sa kanya. Bakit naman nya ako hinahanap?

"A-ako hinahanap mo?"

"Oo matagal kanang pinapahanap sakin nila Mr. and Mrs. Montes and finally i found you."

Medyo blangko padin ako sa mga pinagsasabi nya sino naman yung Mr. at Mrs. Montes nayon? At bakit nila ako pinapahanap?

"Wait lang ha? Baka nagkakamali kalang, Wala akong kilalang ganyang apelyido kaya sa tingin ko mali ka ng taong nahanap."

Siguro budol tong lalaki nato. Ako pa lolokohin eh sa tagal konang nabubuhay sa mundong ito wala naman akong kilalang ganyan.

"I am Miguel Lorenzo, Isang private investigator ng mga Montes."

Nagtanggal sya ng salamin nya kaya kitang kita na namin ang mukha nya, Si Miles naman ay biglang napakapit sakin at bumulong.

"Ang gwapo ni kyah."

Hindi ko pinansin si Miles dahil kahit gwapo sya mas gwapo padin si Nathan!

"Sorry ha? Wala talaga akong kakilalang Montes kaya pwede kung tapos kana uuwe na kami."

"Sandali lang Dex, Importanteng malaman mo ang tungkol sa pagtao mo." - Miguel

"Bakit anong alam mo sa pagkatao ko? Kung nangbubudol ka pwede wag ako? Iba nalang, Wag mong sirain ang magandang araw ko dahil lang sa mga pinagsasabi mong kung ano-ano."

"Hindi ako budol, Kaya please pakinggan mo muna ako." - Miguel

"Sorry wala akong Time."

Nilayasan kona sya kesa makarinig pa ako ng kung ano-ano.

Unang una hindi kami close para makinig ako sa kanya.

Pangalawa hindi ko sya kilala kaya hindi dapat ako maniniwala sa mga sinasabi nya.

Bakit ano bang meron sa pagkatao ko? 

Anak ba ako ng isang mayaman at hinahanap ako ng mga magulang ko?
Imposible ang mga sinasabi nya, Sobrang imposible.

Habang naglalakad ako ay napansin ko nalang na wala si Miles sa tabi ko.
Saan na naman kaya nagsususuot yong Babae nayon? Hay nako itetext ko na nga lang sya baka malate pa ako sa surprise party ni Mama.

Pagdating ko sa bahay nila Nathan ay nakahanda na ang lahat. 

Simula sa set up pati sa mga pagkain at maging mga bisita halos kompleto na, Si Mama nalang ang kulang.

"My Loves bakit ngayon kalang? Asan si Miles diba magkasama kayo?" tanong agad sakin ni Nathan ng makalapit ako.

"Bigla kasi kaming nagkahiwalay pero natext kona din naman sya na sumunod nalang dito."

"Okay sige, Si Mama na tawagan mo naba na pumunta dito?" -Nathan

"Ay oo nga pala sige tatawagan."

Tinawagan ko si Agad si Mama para papuntahin sya dito another kasinungalingan na naman ang sasabihin ko sa kanya huhu.

MARIVICK'S POV

Nakakalungkot naman ako lang mag-isa dito sa bahay yung asawa't mga anak ko wala din dito.

Hindi ba nila naaalala na Birthday ko ngayon?

Taon taon naman namin to sini Celebrate bakit ngayon nalalimutan na nila?

Habang nagmumukmok ako dito sa isang tabi ay nakatanggap ako ng tawag mula kay Dex.

'Oh ba't ka napatawag?' tamad kong tanong sa kanya.

'Ma, Si Papa.'

Kinabahan agad ako sa tono ng pananalita ni Dex.

'Bakit anong nangyari sa Papa mo????'

'Basta Ma, Pumunta kana dito. Itetext ko sayo yung address bilisan mo lang Ma. Bago mahuli ang lahat.'

Pagkatapos non ay nag end call na agad. Lalo akong kinabahan sa sinabi nyang bago mahuli ang lahat. Tsk ano ba kasing nangyayari???

Dali dali akong umalis nang bahay para pumunta sa lugar na sinasabi ni Dex.

Naghanap agad ako ng masaskayan hanggang napadpad ako sa isang malaking bahay.

Ito ba talaga yon?

Nagbayad ako sa sinakyan ko at pumunta na sa tapat ng malaking bahay at nag dorbell na.

May lumabas na isang katulong at pinagbuksan ako ng gate.

"Kayo po ba yung nanay ni Dex?"

"Oo ako nga, Bakit?"

"Tara na po sa loob kanina papo nila kayo hinihintay."

Ako kanina pa hinihintay? Nako baka may masama nang nangyari sa asawa ko.

Dali dali akong sumunod sa katulong at nagmamadaling pumasok at pagbukas ko ng pinto ay nagulat ako sa nadatnan ko.

"HAPPY BIRTHDAY!!!!!!!!!"

Sabay sabay nilang sigaw pagkadating na dating ko.

Kompleto silang lahat, Si Dex, Si Kyline Yung asawa ko pati si Ate Emman at Si Greg kasama din si Nathan.

Hindi ko mapigilang hindi maiyak dahil sa mga nakikita ko. Akala ko nakalimutan na nila yung Birthday ko, Sayang at hindi ako nakapag bihis ng maganda hehe.

Unang lumapit sakin si Kyline at si Vince.

"Happy Birthday Mama" 

Bati sakin ni Kyline sabay abot ng regalo nya na maliit at kasing cute nya.

"Thank you baby girl."

"Happy Birthday sa napakatahimik at napakaganda kong asawa." -Vince

Kiniss nya ako (Feeling teenager lang haha) at nag-abot din nang regalo.

"Kaya pala wala kanina sa bahay nandito kalang pala."

"Pagalitan mo ang anak mo sya ang may pakana nitong lahat."

Sabi ni na nga ba si Dex ang may pakana nitong lahat, Kaya pala nililigaw nya yung usapan namin kanina.

"Happy Birthday Mama" Bati nilang dalawa sakin at syempre may pag regalo din.

Para akong bumalik sa pagkadalaga na may roong 18 Gifts haha.

"Sino nag-isip nito?"

"Ah eh si Nathan Ma, Tapos ako na nag-ayos ng lahat haha." -Dex

"Kasi sabi po ni Dex gusto ka daw nya na isurprise kaya sabi ko ganito ang gawin nya." - Nathan

"Diba Ma effective? Naiyak kana nga eh." -Dex

"Ako umiyak? Hindi ah."

"Sus si Mama ayaw pa aminin." -Dex

"Pero salamat talagang dalawa sa effort nyo, Sobra akong ma surprise, Akala ko talaga walang nakaalala sa Birthday ko."

"Pwede bayon Ma? Eh araw to ng pinakamaganda at pinaka the Best na Mama in the whole Universe! And I thank you." -Dex

"Universe talaga? Salamat din sa regalo nyo, Dapat sa next Birthday ko APO na ang regalo nyo sakin."

"Wag kayong mag-alala Ma aaraw-arawin ko tong My Loves ko hanggang sa makabuo kami." -Nathan

Muntik na ako matawa sa sinabi ni Nathan, Loko talaga tong bata nato haha. Si Dex naman ay napayuko na lang sa sobrang hiya.

"Gusto mo araw-araw na suntok?" - Dex

"Biro lang My Loves, Ang ibig kong sabihin ay aaraw-arawin ko ang pagmamahal ko sayo. Bakit ano ba ang nasa isip mo? Hay nako My Loves ang dumi ng utak." -Nathan

"Ma wag nyo lang pansinin si Nathan hindi kasi yan nakainom ng gamot, Meron pa palang gustong kumausap sa inyo." - Dex

Umalis muna si Dex at lumapit sakin si Greg. Sa totoo lang hindi ko alam kung anong dapat na maging reaksyon ko ngayon.

"Happy Birthday Marevick."

Inabot nya sakin yung regalo nya, Tiningnan ko muna yon ay Tinitigan sya.

Sa huli ay tinanggap ko din naman.

"Thank you Greg."

"Marivick gusto kong kunin yung time nato para magsorry sayo, Mag sorry sa lahat nagawa ko sa pamilya mo. I know i am not a good person pero hindi ako kasing sama katulad ng iniisip mo. Sana mapatawad mo ako sa lahat lahat ng nagawa kong hindi maganda." -Greg

Sobrang dali lang naman talaga magpatawad pero ang mas mahirap ay yong magtiwala, Maniwala na totoo ba ang sinasabi nya.

"Matagal na kitang pinatawad. Siguro kailangan ko din talaga magpatawad para makapag move on nadin tayo sa mga kanya-kanya nating buhay. Mahirap kasi yung araw-araw may dala-dala kang galit. At syempre sinabi sakin ni Dex na dapat na ako magpatawad."

"Salamat, Hindi ko sasayangin yung second chance na binigay mo sakin. Wala na akong gagawin laban sa pamilya mo o ano man na laban kay Dex at Nathan." -Greg

Napayakap nalang sakin si Greg at ganon din ako sa kanya, Sobrang gaan talaga sa pakiramdam kapag nakapagpatawad kana.

"Marevick?"

Napabitaw ako kay Greg para matingnan ang isang pamilyar na boses.

"Ate?"

Hindi kona naman napigilan ang luha ko at napayakap kay ate Emman.

"Happy Birthday sa napaganda kong kapatid." bati nya sakin.

"Salamat Ate"

"Sorry kung ngayon lang ako nagkaroon ng lakas ng loob para harapin ka, Sorry kung hindi ako nagpaka ate sayo, Sorry kung hinayaan ko na masaktan ang pamilya mo, Sorry sa lahat-lahat." - Ate Emman

"Wala namang may gusto ng lahat ng nangyari, Sorry din kung naging bato ang puso ko para mapatawad kita agad."

Kami nalang ng ate ko ang natitira sa pamilya namin dahil wala na kaming magulang kaya hindi ko babalewalain ang matagal naming pagsasama nang dahil lang sa isang kasalanan.

"Promise babawi ako sayo, This time itatama kona ang mga pagkakamali ko at syempre bilang ate mo poprotektahan ko din ang pamilya mo." - Ate Emman

Lalo akong napaiyak sa mga sinabi nya, Naramdaman ko ulit namay ate ako na handang magprotekta at magtanggol sakin.

"Ate na miss kita nang sobra."

"Ako din, Pano bati na tayo ha? Wala nang awayan." -Ate Emman

"Oo naman, Wag na nga tayo umiyak nakakapangit lalo." Biro ko sa kanya.

Ngayon okay na kami ni Ate, Okay na din ang lahat. Wala nang manggugulo at hindi kona iisipin na may mananakit sa pamilya ko.

Ito lang naman ang pangarap ko simula palang ang magkaroon ng masaya at tahimik na buhay.

Pinagsaluhan naming lahat yung pagkain na inihanda nila para sakin, Ngayon lang ako nasurpresa ng ganito sa Birthday ko at syempre nagpapasalamat din ako kay Dex dahil sa kanya naging maganda ang kinalabasan dahil nagkabati na kami ni Ate at okay na kami ni Greg.

DEX'S POV

Bilang anak ang sarap sa pakiramdam na nakikita mo yung mga magulan mo na masaya. Mabuti nalang okay na ang lahat, Wala nang gulo at Wala nading awayan.

Si Miles naman ay nakahabol pa sa Birthday ni Mama, Tinanong ko sya kung bakit sya natagalan ang sabi nya traffic daw at hindi na nya nasabi sakin kung bakit sya biglang nawala.
Pero may isa pading gumugulo sa isipan ko ngayon.

Yung lalaki kanina, Anong alam nya sa pagkatao ko? 

At sino sina Mr. And Mrs. Montes?

At bakit nila ako hinahanap?

"My Loves ayos kalang ba? Mukhang malalim ata yung iniisip mo ah." -Nathan

"Ah eh wala to, Masaya lang ako na okay na yung mga Parents natin."

"Ako din My loves masaya ako." -Nathan

"Nathan, I love you." Bigla konalang nasabi.

"Nako si My Loves naglalambing na naman sakin, I love you too My loves."
Bigla akong binuhat ni Nathan sa kinauupuan ko.

"Nathan anong ginagawa mo? Saan mo ako dadalhin?"

"Basta My Loves." -Nathan

"Oh Nathan san kayo pupunta?" tanong ni Mama kay Nathan.

"May Pupuntahan lang po kami ni Dex pero babalik din kami agad." -Nathan

"Okay sige, Pero basta ibalik mo nang buong buo yang anak ko ha?" -Mama

"Opo naman."

Wala na akong nagawa dahil buhat buhat na ako ni Nathan at isinakay sa sasakyan nya.

Ano naman kayang balak nang lalaki nato?

Saan nya kaya ako dadalhin?

May topak na naman ba sya?

Habang nasa byahe kami ay hindi kami nag-uusap na dalawa dahil seryoso lang sya sa pagmamaneho at wala pang isang oras ay nakaratin na kami sa destinasyon namin.

Ito yung lugar kung saan nagsimula ang lahat samin ni Nathan dito sa Highway na pinupuntahan nya kapag may problema sya.

"Anong ginagawa natin dito?"

"Gusto kolang ipagsigawan sa buong mundo na Mahal na Mahal kita." -Nathan

Lumapit si Nathan sa may Bangin at sumigaw.

"Mahal na Mahal kita My loves!!!!! Salamat dumating ka sa buhay ko!!!!! Dahil sayo nagbago ang buhay ko!!!!!!!! Kaya kung papipiliin ako kung sino ang Mamahalin ko???? Ikaw padin ang pipiliin ko!!!!!!!"

Ramdam ko yung pagmamahal sakin ni Nathan sa bawat salitang binibigkas nya, Hindi ko alam kung bakit ganito kaganda ang Lovelife na meron ako pero nagpapasalamat ako ng sobra kay Lord dahil pinakilala nya sakin si Nathan.
Tumabi ako kay Nathan at sumigaw din.

"Mahal na Mahal din kita Nathan!!!!!!!!!! Salamat dumating kadin sa buhay ko!!!!!!! Ipinakita at ipinaramdam mo sakin na kahit bakla ako ay kamahal mahal din ako!!!!!!!!!!!! Mahal na Mahal kita kahit Minsan dragon ka!!!!! At kahit na kailan hinding hindi mona sasabihin ang salitang "KUNG AKO NALANG SANA!!!!!!!" dahil kahit anong mangyari ikaw at ikaw padin ang pipiliin ko!!!!!"

Pagkatapos kong sumigaw ay niyakap ko nang mahigpit si Nathan.

Salamat nakilala ko yung Pinsan ko

Na naging kaaway ko

Na naging kaibigan ko

At ngayon Boyfriend kona.

Marami mang dumating na pagsubok samin isa lang ang aral na natumatak sakin.

Kung Mahal mo ipaglaban mo, Kung napapagod kana magpahinga kalang at lumaban ulit kapag okay kana.

Para kahit na kailan hinding hindi mo sa sasabihin ang katagang "KUNG AKO NALANG SANA"

The End

*****************************************
If you want an intense and revenge story? Basahin nyo lang ginawa kong story na SCARLET (The beautiful revenge) promise di kayo magsisisi.

# AUTHOR'S NOTE

Sooooo ayooooonnnn finally natapos nadin ang SEASON 2!!!

PASENSYA NA KUNG MEDYO MATAGAL ANG UPDATE MEDYO NAGING BUSY LANG.

MARAMING SALAMAT SA MGA SUMUPORTA SA KWENTONG NILIKHA KO MULA SEASON 1 AT SEASON 2. ALAM KONG HINDI PERFECT ANG GAWA KO PERO GINAGAWA KO NAMAN ANG BEST KO AT KUNG MAY MGA MALI MALI MANG WORDS PAG PASENSYAHAN NYO NA WALA PA AKONG TIME MAG EDIT EH HAHA.

Season 2 is not the end of the story, Meron pang SEASON 3!!!! at ayon ang abangan nyo lalo pa't may panibagong character ang dumating.

Season 3 will be post next year!

 JANUARY 1 to be exact! Pero kung gusto nyo na mabasa ang SEASON 3 just visit my FB page "M2M Love Story" yung profile nya is -Kung Ako nalang Sana Season 3-

If you want an intense and revenge story? Basahin nyo lang ginawa kong story na SCARLET (The beautiful revenge) promise di kayo magsisisi.

Please Follow me :

Twitter : dexpascual36
Instagram : dex_pascual
FB : Dex Pascual

Return to top?
WattHub

Install WattHub

Size unavailable

App name
WattHub
App version
1.48.250
App size
Description
A digital library of Wattpad stories and Filipino fiction, thoughtfully preserved for readers today and tomorrow.
Developer
WattHub Team

Dismiss install banner?

No problem. You can still install WattHub anytime from the download icon in the header.

WattHub

Notifications

Notifications are off

Get notified on this device when the library grows or changes.