loading

storiescollectionschaptersauthorsgenrestagsstories
KUNG AKO NALANG SANA (SEASON 3)

KUNG AKO NALANG SANA (SEASON 3)

Dex Pascual25 · 54 chapters · 106,350 words

KUNG AKO NALANG SANA

Paano kung isang araw may mag-sabi sayo na sila ang totoo mong Pamilya?

Handa kabang tanggapin ang katotohanan kahit kapalit nito ang iwan ang buhay na nakasanayan mo?

“Buong buhay ko isa lang palang malaking kasinungalingan? Tinago nyo ang pagkatao ko, Tinago nyo sakin kung sino ako”

Sino nga ba ang pipiliin mo?

Ang Pamilyang kinalakihan mo?

“Nagawa kolang yon anak dahil Mahal ka namin at ayaw ka naming mawala.”

O Ang Pamilyang matagal kanang hinahanap?

“Kami ang totoo mong Pamilya kaya samin ka sasama”

Dalawang Pamilya pero iisa lang ang dapat na piliin.

CHAPTER 1

DEX’S POV

Mabilis na lumipas ang mga araw at eto kami ngayon ni Miles papunta ngayon sa Job interview namin, Nakakaboring din kasing tumambay sa bahay kahit may business kami need ko padin maghanap ng trabaho eto kasing si Nathan gusto nang magbukod kami.

“Miles bilisan mo baka malate na tayo”

“Wait lang baks magreretouch lang ako.”

Kinuha ni Miles yung lipstick at foundation sa bag nya at nagpaganda na tapos ang ginamit pa nyang salamin ay yung salamin nang kotseng nakaparada sa harapan namin.

“Ano baks maganda naba ako?”

“Oo maganda kana, Tara na baka malate na tayo.”

“Ito naman saglit nalang, Malay mo nandyan sa Building nayan yung magiging love of my life ko.” -Miles

Kilig na kilig pa ang loka, Haha oo nga simula nang naging kaibigan Ko si Miles wala pa syang nagiging Boyfriend puro Crushes lang haha. Nirereto ko na nga sya ni Nathan sa mga kabarkada nya kaso itong si Miles pabebe.

Hinawakan kona yung kamay ni Miles para makapasok na kami pero biglang bumukas yung pinto nang sasakyan at tumama sa likod ni Miles at Natumba sya.

Nagulat din ako sa nangyari kaya hindi kona natulunga si Miles at ay lumabas na isang babae.

“Ooppss sorry nakaharang ka kasi.”

Tumayo agad si Miles at humarap sa kanya.

“Grabe ka naman makabukas dimo ba nakita na may tao?” -Miles

“Nakita”

“Yun naman pala eh, Bakit binuksan mo pa din? Alam mo namang may tao.” -Miles

“Kasi naiirita ako sa mga kagaya mo na feeling maganda, Next time kung magsasalamin ka dapat sa wash room oh di kaya bring your own mirror.” “Bakit masama naba magsalamin?” -Miles

“Yes, Lalong lalo na sa Car ko.”

“Ah miss sorry, Sige next time magdadala nalang kami ng salamin.” sumabat na ako sa usapan nila dahil baka kung saan pa mapunta, Alam nyo namang itong si Miles may pagka AMAZONA din yan baka mapaaway pa ng wala sa oras.

“Good, Atsaka ilayo mo nayang Kaibigan mo baka kagatin pa ako.” 

Hinila kona palayo si Miles dahil nakita kong umuusok na ang tenga nya sa sobrang galit.

~ “Nako Dex kung hindi mo ako hinila baka nakalbo kona yung Babaeng yon, Akala mo kung sinong maganda eh mukha namang retokada.” Gigil na gigil na sabi ni Miles.

“Hayaan mona yon.”

“Wag lang talaga mag krus ang landas namin baka kung ano pa ang magawa ko.” -Miles

Napangiti nalang ako kay Miles dahil sobrang G na G talaga sya haha.

“Miles hayaan mona yon ang kailangan natin gawin ngayon ay mag focus tayo sa job interview natin para makapag trabaho na tayo.”

“Ewan koba naman kasi sayo may business naman kayo bakit kailangan mopa maghanap ng trabaho?” -Miles

“Syempre kailangan kodin kumita ng sarili kong pera, Pano kapag nagka Pamilya na ako? Ayoko naman na umasa pa ako sa mga magulang ko.” 

“Bilib talaga ako sa Be, Matured kana sa edad mong yan.” -Miles

Habang bata ako kailangan kona umpisahan ang mga bagay na makakatulong sa future ko, Mahalaga ang bawat oras kaya dapat hindi ko ito sinasayang.

Pumasok na kami ni Miles sa Building kung saan kami iinterviewhen, Para akong maiihi sa sobrang kaba, Nanlalamig nadin ako parang gusto ko na ayaw kong ituloy.

Sumakay kami ng elevator para mas mabilis ang pagakyat namin kung maghahagdan pa kasi kami baka Hagardouz na ang itsura namin.

Sa hindi sinasadyang pagkakataon ay nakasabay namin yung babaeng nakaaway ni Miles.

“What a small world, I never thought na makikita ko kayo ulit.”

“Small talaga, Kasi andami namang pwede naming makasabay dyan ikaw pa.” -Miles

“Sorry pero hindi ako ang dapat mag adjust dito kayo yon, Baka hindi nyo nakikilala kung sino ang kausap nyo.”

“Hindi ka talaga namin kilala at wala kaming balak na makilala ka.” -Miles

“Miles tama na. Ah eh Miss sorry nga pala sa mga sinabi nitong kaibigan ko.”

Inawat kona si Miles para matapos na mukha kasing walang balak na magpatalo sa kanilang dalawa.

“Palibhasa mga galing sa eskwater kaya mga walang manners.” 

Medyo hindi ko nagustuhan yung sinabi nya, Mukha syang mayaman pero wala padin syang karapatan na maliitin ang taong nakatira sa eskwater.

“Miss mawalang galang na, Eskwater man kami galing o hindi at mas mayaman kayo samin naturuan naman kami ng mga magulang namin ng tamang asal.”

Tumingin sakin ng masama yung babae, Tingin na parang kakainin ako. Sakto bumukas yung elevator at lumabas na sya at ganon din kami.

“Tatandaan ko ang itsura mo, I think hindi pa ito ang last na pagkikita natin.”

Gusto kong mainis sa kanya pero may part sakin na parang gusto ko syang makilala at maging close.

So ayon na nga back to reality na tayo, Nandito na kami ngayon ni Miles sa labas ng office ng Boss dito.

Taray noh? Boss na ang mag iinterview samin actually 3rd and final interview na namin to ni Miles para ma Qualify sa Work inaapplyan namin and hopefully sana maging maganda ang resulta.

Habang nag-aantay kami ni Miles ay may lumapit samin na isang Babae.

“Hello po Sorry wala po dito si Sir. Diego Montes dahil may importante syang lakad pero nandito naman ang anak nya to represent him at Pinapapasok napo kayong dalawa ni Ms. Andrea Montes sa loob.”

Aww sayang naman pero okay nadin yon, kAsi pag yung Tatay medyo mas mataas yung standard na hinahanap kaya baka itong anak hindi masyado.

Pero nakakapagtaka lang kasi dalawa talaga kami pinapasok? Usually sa mga ganitong interview one on one lang.

“Dalawa talaga kami Miss?” takang tanong ko.

“Opo dalawa po kayo.”

Nagkatingin lang kami ni Miles tapos sumunod na sa babae papasok.

Pagpasok namin ay nakatalikod yung babae sa upuan nya, Lalo tuloy akong kinabahan. Huhu sana mabait sya at hindi masungit.

“Ma’am Andrea nandito napo silang Dalawa.” Q “Good, Iwan mo na kami dito.”

Lumabas na yung Babae at naiwan nalang kaming tatlo sa loob. Humarap samin yung babaeng kanina lang ay nakatalikod at nagulat ako sa nakita, Siya yung Babae na nakatalo mamin ni Miles.

“So kayo pala si Dex at Miles? Small world nga naman biruin nyo dito pa talaga kayo sa Company namin napunta, Is this what we called destiny?”

Lalo akong kinabahan sa pananalita nya kasi kahit nakangiti sya ay halata namang plastic.

“Pwede napo ba tayo mag start” Biglang sabat ni Miles.

“Ohh masyado kana mang hot, Ayaw moba muna makipag kakilala sakin?”   “Nandito kami for the interview hindi para makipag kaibigan.” -Miles

“Eh pano kung ayoko? at itapon ko nalang yang mga records nyo sa basurahan para masayang lahat ng efforts nyo.”

“Miss Andrea hindi naman po tama yon, Ginawa namin ang Best namin para makaabot dito.”

“I can do what ever i want dahil anak ako ng may-ari ng kompanyang ito.” -Andrea

“Mawalang galang napo kung may personal na galit po kayo samin labas po ang trabaho dito, Kaya kung okay lang po sana umpisahan napo natin ang Interview.”

“Inuutusan moba ako? Dex?” Tumingin si Andrea sakin ng pagkasama sama na parang kakainin ako.

“Sinasabi ko lang po kung anong tama.”

“Out!!”

Sumigaw na sya at pinunit yung mga records namin sabay hagis samin.

“Pero Ma’am?”

“I said out!! Wag nyong hintayin na tumawag pa ako ng mga guards para ipakaladkad kayo palabas ng building nato! Out!”

Hinila kona palabas si Miles ayoko na kasi humantong sa ganong eksena. Ewan koba kung mamalasin ka nga naman mainit ang dugo samin ng Andrea nayon eh wala naman kaming ginagawang masama.

“Nanggigigil talaga ako sa Babaeng yon napaka demonyita”

“Hayaan nalang natin sya Miles baka may pinagdadaanan lang. Hanap napang ulit tayo ng bagong mapapasukan.”

“Mabuti pa nga, Pero bago yon umuwe na muna tayo medyo nawalan ako ng gana dahil sa babaeng yon.” Miles

Siguro hindi pa ito ang tamang trabaho para samin pero hindi padin ako susuko magtatry pa din ako ng iba.

Unuwe na kaming dalawa ni Miles at pagdating ko sa tapat ng bahay namin ay may isang lalaki na nakaupo sa isang motor at parang may hinihintay, Inisip ko baka huminto lang pero pagdating ko sa tapat nya ay nagtanggal sya ng helmet kaya napahinto ako at humarap sa kanya.

“Ikaw?! Pano mo nalaman kung nasaan ako nakatira?”

“Sinabi sakin ng kaibigan mo.”

Si Miles talaga napaka daldal sinabi pa talaga sa lalaking to kung nasaan ako nakatira.

“Ano bang kailangan mo sakin?”

“Uulitin ko sayo matagal kanang pinapahanap sakin ng mga Montes.”

“Uulitin ko din sayo wala akong kakilalang mga Montes.”

“Hindi mo matatakasan ang tunay mong pagkatao, Malalaman mo din ang totoo.”

“Alam ko ang totoo at wala na akong dapat pang malaman.”

Medyo tahimik na ang buhay ko eh tapos eto na naman may biglang susulpot at sasabihing alam nya ang tunay kong pagkatao.

Bakit ano ba ako? Isda?

“Please Dex makinig ka muna sakin, Importanteng malaman mo kung sino ka talaga”

Naiinis na ako sa lalaking to, Ilang beses koba dapat sabihin sa kanya na kilala ko kung sino talaga ako at wala na akong dapat pang malaman sa pagkatao ko.

“Umalis kana bago pa ako tumawag ng Barangay at ipahuli kita.”

Kung hindi ko sya mapakiusapan sa maayos na salita siguro naman titigilan na nya ako kapag pinahuli ko sya sa Barangay.

Bigla namang dumating si Nathan sakay ng sasakyan nya at huminto sa tapat namin at lumabas.

“My Loves sino sya? Kilala mo ba yang lalaki nayan?” tanong agad nya sakin ng makalapit sya.

Napatingin ako kay Miguel at bumaling ulit kay Nathan.

“Ah hindi nagtatanong lang sya sakin ng street may hinahanap kasi sya.”

“O-opo boss naliligaw po kasi ako, Pero ayos na natanong kona din naman po sa kanya kung saan yon kaya mauna nadin ako.”

Umalis na si Miguel sakay ng motor nya at humarurot palayo samin. Sana lang talaga wag na sya bumalik dahil kahit anong sabihin nya hindi ako maniniwala.

Napatingin ulit ako kay Nathan at nakatitig lang sya sakin na parang ewan.

“Bakit ganyan ka makatingin?”

“Akala ko kasi My Loves lalaki mo yon eh.” -Nathan

Hinampas ko agad si Nathan sa may braso nya.

“Anong palagay mo sakin hindi marunong makuntento sa isa?”

“Joke lang My Loves alam ko naman na hindi mo ako ipagpapalit sa kahit na kanino kasi alam ko na ako lang mahal mo.” -Nathan

“Anong ikaw lang? May Mahal pa akong iba noh!”

“Sino?!” agad na tanong sakin ni Nathan

“Yung Pamilya ko malamang.”

“Mabuti naman My Loves akala ko may iba kapang Mahal bukod sakin.” - Nathan

“Bakit ka nga pala nandito My loves?” tanong ko kay Nathan.

“Gusto sana kita isama may ipapakita sana ako sayo.” -Nathan

“Pwede bang mamaya nalang? Pagod pa kasi ako galing interview (kahit wala naman talagang nangyaring interview).”

Nakakapagod kaya mag byahe tapos kakauwe molang at hindi kapa nakakapasok sa bahay nyo may nag-aaya na agad sayo na umalis.

“Sige na My Loves, Promise magugustuhan mo yon kapag pinuntahan mo.”

Hindi na ako nakaangal dahil hinila na agad ako ni Nathan papasok sa sasakyan nya. Hindi pa nga ako sumasagot na OO hinila nanya agad ako.

Kahit matagal konang kilala si Nathan minsan hindi ko parin nagagawang basahin kung ano ang nasa isip nya, Bigla bigla nalang kasi syang nagdedesisyon kahit hindi pa nya alam kung anong kakalabasan.

Habang nasa byahe kami ay tahimik lang kami pareho at yung isang kamay ni Nathan ay nakahawak sakin pero tinatanggal ko kasi baka maaksidente kami sa ginagawa nya. Alam nyo naman medyo pangit na pangyayari ang naging karanasan ko.

Huminto kami sa may isang Construction site at niyaya ako ni Nathan na lumabas.

“Nathan anong ginagawa natin dito?”

“Nakikita mo bayan My Loves?”

Tinuro nya sakin yung ginagawang ewan kasi mga naghuhukay palang yung mga lalaking nakita.

“Inuumpisahan na nilang gawin yung bahay natin.”

Tumabi sakin si Nathan at hinawakan ako sa kamay.

“Bahay? Natin?”

Medyo naguguluhan pa ako kasi may mga bahay namin kami at ayos-ayos bakit nya pa kailangan mag pagawa ng bahay?

“Oo My Loves ayan ang magiging bahay natin. Kapag natapos yan dyan na tayo titira.” -Nathan

“Sandali lang Nathan medyo naguguluhan pa ako, Ano ba talaga ang ibig mong sabihin?”

“Ang ibig sabihin lang nyan My Loves bubukod na tayo, Bubuo na tayo ng sarili nating Pamilya.”

Kinilig ako sa sinabi ni Nathan, Para sa katulad kong bakla isa ito sa mga pinaka pangarap naming mangyari ang makasama ang mahal namin at bumuo ng isang pamilya.

Pero sa kabilang banda ay nalulungkot padin ako at naaawa kay Nathan kasi hindi ko maibibigay sa kanya yung mga anak na pinapangarap nya.

“Oh My Loves bakit parang malungkot ka?” -Nathan

“Gusto ko lang magpasalamat sa lahat lahat, Sa Pagtanggap, Sa Pagtatanggol at Higit sa lahat sa pagmamahap mo sakin. Mahal na Mahal kita Nathan.”

Niyakap ko ng mahigpit na mahigpit si Nathan, Yung yakap na parang ayaw kona syang mawala sakin.

“Ito talagang si My Loves nagpapalambing na naman, Hayaan mo mamaya pag-uwe natin ikikiss kita ng maraming beses.” -Nathan

“Saan nga pala galing ang perang pangpagawa mo dito?” 

“Kay Daddy, Pero magwowork na ako sa Company nya at ang kikitain ko don ay ipangbabayad ko din kay Daddy..” -Nathan

Talagang nasa punto na kami ng buhay namin na kailangan namin bumukod para makabuo ng isang pamilya.

Excited na ako sa panibagong yugto ng buhay sana wala ng gulo at kung sino man ang mga Montes nayon ay hindi nila guguluhin ang nananahimik naming mga buhay.

CHAPTER 2

DEX’S POV

Panibagong araw na naman ang lumipas at eto ako wala pading nahahanap na trabaho kaya habang wala pa ay tutulong muna ako kay Mama na maglinis ng bahay.

“Ma may kilala ba kayong apelyido Montes?”

Tanong ko kay Mama habang naglilinis kami.

Napatigil naman sya bigla ginagawa nya at napatingin sakin.

“Wala, Bakit mo naman natanong?”

“Sigurado ka Ma?”

“Wala nga, San moba kasi nalaman yan?” -Mama

Ewan koba, Parang pakiramdam ko may hindi sinasabi sakin si Mama. 

“Meron kasing lumapit sakin na lalaki tapos sinabi nya hinahanap daw ako ng mga Montes.”

Natigil ulit si Mama ng ilang segundo at pagkatapos ay bumalik na sa ginagawa nya.

“Sinong lalaki yan? At naniwala ka naman? Alam mo kasi Dex marami ng masasamang tao ngayon at handa kang lokohin para makakuha lang ng pera.” -Mama

Napaisip ako bigla sa sinabi ni Mama, Siguro nga tama sya baka nagsisinungaling lang yong lalaki nayon para makakuha ng pera.

“Sorry Ma, Akala ko kasi may kilala kayo.”

“Sige na tapusin na natin to at marami pa tayong gagawin.” -Mama

Parang may Mali sa mga sinasabi sakin ni Mama. Parang may hindi sya sinasabi at ayaw nya talagang sabihin sakin.

Ano ba talagang kaugnayan ko sa mga Montes?

Buong maghapon lang ako nagmukmok sa kwarto ko dahil iniisip ko parin kung sino ba talaga ang mga Montes at bakit nila ako hinahanap?

At anong malalaman ko sa pagkatao ko kapag nakausap kona ang mga Montes?

Mayamaya ay naisip kong tawagan si Miles para magpasama papunta kay Nathan. Nasa work kasi si Nathan at gusto ko syang puntahan, Miss kona agad ang My Loves ko eh haha.

Oh bakit ka napatawag?’

’Miles samahan mo

ako’

‘Saan naman?’ -Miles

’Kay

Nathan’

‘Kay Nathan? Bakit anong nangyari sa kanya?’ -Miles

‘Walang nangyari sa kanya, Gusto kolang syang puntahan para kamustahin.’

‘Ay ang taray mo talaga, Kakastart palang nya sa work miss mona agad? Ano natatakot kang mapalitan?’ -Miles

‘Sige na Miles pleasssseeee’ 

Ewan koba gusto kolang makita si Nathan haha.

Ikaw nalang may gagawin pa ako.’ -Miles

‘Ililibre kita ng Milk Tea’ pagsuhol ko sa kanya.

’Talaga???? Ngayon naba? Sige bihis na ako tapos punta na tayo kay Nathan.“

Haha alam na alam ko talaga yung mga kahinaan ni Miles kaya alam kong mapapapayag ko sya.

Nagkita kami ni Miles sa isang Park malapit lang din samin. Dahil sabi nya ay may hihintayin din daw sya doon tinanong ko naman kung sino pero hindi nya sinabi.

Paglapit na paglapit palang ni Miles ay binatukan ko sya ng Mahina.

“Aray ko naman Dex bakit mo ako binatukan?”

Napahawak agad si Miles sa ulo nya.

“Pano kasi sinabi mo don kay Miguel kung saan ako nakatira.”

“Ay yon ba? Sorry na, Mapilit kasi sya kaya sinabi kona atsaka mukha naman syang mabait.” -Miles

“At pano mo nasabing mabait? Matagal naba kayong magkakilala?”

“Hindi pa, Pero ramdam ko na mabait sya. Bakit ba hindi mo nalang sya kausapin? Wala naman sigurong mawawala sayo diba?” -Miles

“Miles? Hindi kona sya kailangan pang kausapin, Para san pa?”

“Para malaman ang totoo, Alam kong curious ka sa mga sinabi nya, Malay mo hinahanap ka talaga ng mga Montes.” -Miles

Ano bang gagawin ko?

Bakit ba may ganitong eksena naman? 

Gusto kong maniwala sa mga sinabi sakin ni Mama pero, May part talaga sa utak ko na parang gusto kong malaman kung anong ibig sabihin ni Miguel.

“Sino ba kasi yung aantayin mo dito?” Tanong ko sa kanya.

“Wala pa nga eh, Baka hindi na matutuloy yon.”

“Tara punta na tayo nalang tayo kay Nathan.”

Habang naglalakad kami ni Miles ay bigla nalang nya akong pinigilan.

“Baks tingnan mo.”

Napatingin agad ako doon sa tinuro nya, At may nakita akong lalaki na nakaupo at nakatingin sa kawalan.

“Oh anong meron sa kanya?”

“Ang gwapo nya!!” -Miles

Hinampas hampas ni Miles ang balikat ko sa sobrang kilig.

“Anong gwapo dyan?”

“Grabe ka talaga palibhasa may Nathan kana kaya ka ganyan.” - Miles

Tiningnan ko yung lalaki, Gwapo naman sya pero wala akong paki haha may Nathan ako at marunong ako makuntento sa isa.

Biglang napatingin samin yung lalaki at itong babaeng katabi parang sinisilihan ang pwet sa sobrang kilig.

“Dex tumingin sya dito! OMG! Nakatingin sya sakin!!!” -Miles

“Sayo talaga??”

“Oo sakin nga, Tingnan mo papunta sya dito” -Miles

Tumayo yung lalaki na nakaupo at lumapit samin.

“Hello?”

Inabot nya yung kamay nya pero dinedma, Pero itong katabi ko masyadong maropokpok.

“Hi? Ako si Miles, Ito naman si Dex kaibigan ko. Kaya lang taken nayan, Ako single pa.” -Miles

Jusme ako tuloy yung nahiya sa mga pinagsasabi ni Miles, Hindi man lang nagpakadalagang Pilipina.

Napatangiti naman yung lalaki na nasa harap namin.

“My Name is Samuel, Samuel Montes.”

Montes????? Bakit parang nilalapitan ata ako ng mga Montes ngayon? Yung may ari ng inapplyan namin ni Miles is Montes ang apelyido at ganon din yung nakaaway namin ni Miles si Andrea Montes.

“Ang cute naman ng pangalan mo. Ikaw lang ba mag-isa? Wala kang kasama?” -Miles

Kainis tong si Miles kakakilala palang nila eh feeling close na agad.

“Actually meron yung friend ko then nakita ko kayo na nakatingin sakin kaya lumapit ako just to ask why? Na Curious lang ako.” -Samuel

“Ah eh kasi na gwapuhan lang ako sayo.”-Miles

“Kuya excuse lang po ha? May pupuntahan papo kasi kami nitong kaibigan ko kaya mauna napo kami.”

Hinila kona palayo si Miles baka kasi humaba pa ang usapan nila at makalimutan ko ang dapat kong pupuntahan.

Gusto ko lang muna malayo sa pangalang Montes, Hindi kasi maganda ang pakiramdam ko don eh.

Pumunta na kami sa Work ni My Loves at naabutan ko sya na nag-aayos ng maraming papers.

“Hi My Loves” bungad ko sa kanya.

“Oh My Loves anong ginagawa mo dito?” -Nathan

Lumapit sya sakin at kiniss ako sa lips. Ganito talaga kami ni Nathan kapag nagkikita.

“Wala lang gusto lang kita bisitahin.”

“Eto talagang si My Loves na miss agad ako.”

Lumapit sakin si Nathan at niyakap ako.

“Ehem, May tao oh.” -Miles

Haha nawala sa utak ko na kasama ko pala si Miles.

“Sorry, Kumain naba kayo? Tapusin kolang tong ginagawa ko then We will have lunch together.” -Nathan

“Sige My Loves antayin kana lang namin.”

Natutuwa ako kay Nathan kasi talagang nag matured na sya, Dati ayaw na ayaw nyang nagtatrabaho at hindi mo sya mapapagawa ng mahihirap na bagay pero ngayon ginagawa nya para samin.

After tapusin ni Nathan yung mga ginagawa nya kanina ay nag lunch kami dito sa isang Fast Food (Ayokong i mention ang name, Wala kasing bayad ang pag endorse haha)

“My Loves anong sayo?”

“Kahit ano, Parehas nalang tayo.”

“Ako din kung ano ang sa inyo.” -Miles

Haha madaling kausap pare-pareho kami.

“Punta lang akong Cr saglit.”

Tumayo na ako para pumunta sa Cr, Mabuti nalang wala masyadong tao. Habang nasa Cr ako ay may biglang kumatok, Hindi ko pinansin kasi nga common sense nalang kitang nakasara yung pinto, Malamang may tao sa loob bakit kailangan pang kumatok?

“My Loves ako to, Si Nathan.”

Binuksan ko ng konti yung pinto ay nakita ko si Nathan.

“Oh bakit may Problema ba? Ccr kadin? Sige wait lang pagtapos ko.”

Ilolock kona sana yung pinto pero biglang pumasok si Nathan.

“Nathan anong ginagawa mo???”

“My Loves sorry.” -Nathan

Nagulat ako sa sunod na ginawa ni Nathan ( Alam nyo nayon haha)

“Nathan dito talaga???”

“Sorry na My Loves. Napagod lang kasi ako kanina. Saglit lang to promise” -Nathan

“Pero si Miles???”

“Sya na yung pinag order ko.”-Nathan

Hindi ko akalain na magagawa namin ni Nathan yon, Wala akong choice na Corner ako eh.

“Bakit ang tagal nyo? kanina pa ako nag-aantay dito oh. Ano bang ginawa nyo?” Bungad samin ni Nathan ng makabalik kami.

“Sorry ang dami kasing pila tapos inantay kopa tong si Nathan kaya natagalan kami. Tara na kain na tayo.”

Ito talagang si Nathan minsan hindi nag-iisip, Chismakers pa naman tong si Milee.

ANDREA’S POV

Ako si Andrea Montes, Anak ng isa sa pinakamayaman na Business Man sa buong Bansa. Sabi nila na sakin na ang lahat, Pera, Ganda at kayamanan pero ang hindi nila alam naghahanap ako ng pagmamahal ng isang magulang na kahit kailan ay hindi ko maramdaman sa mga magulang ko dahil lahit anong sabi nila na mahal nila ako ay hindi ko padin magawang maniwala.

Gabi nang makauwe ako sa bahay dahil gumimik ako kasama ng mga kaibigan ko.

Tahimik na ang buong bahay sigurado ako na tulog na sila.

Didiretso na sana ako papunta sa kwarto ng mapansin kong nakabukas yung ilaw sa isa sa abandonadong kwarto sa bahay. Sumilip ako doon at nakita ko si Mommy na nakahiga at yakap yakap ang isang larawan. Larawan nang nawawala kong kapatid.

“Caliv anak? Miss kana ni Mommy. Sana makita kana namin at makasama para buo na ulit ang pamilya natin.”

Bigla nalang tumulo ang luha sa mga mata ko at inalala kung paano nawala ang kapatid ko.

…………………FLASHBACK……………………..

“ Oh Andrea san ka pupunta?“

“Mommy gusto ko yung Doll na nadaanan natin kanina.”

“Andrea? Andami monang nabili ah? Is this not enough for you?”

“But Mommy? I want to buy that doll”

“Stop it Andrea, Andami na nating nabili matatambak lang yan lahat.”

Kahit sinabi ni Mommy na wag kong bilihin yon ay nagpumilit padin ako, Tumakbo ako palayo kala Mommy para puntahan yong doll na nakita ko.

“Andrea! Wait!” rinig kong sigaw ni Mommy.

Pero hindi ako nakinig sa kanya at tumakbo padin ako hanggang sa maabutan nya ako.

“Andrea!”

“Mommy i really want to buy that doll!”

“Enough. Let’s go, Balikan na natin ang kapatid mo.”

Hinila na ako ni Mommy para balikan si Caliv at pagbalik namin don ay wala na yung kapatid ko.

“Caliv? Anak???”

Nilibot ni Mommy yung paligid para hanapin yung kapatid ko pero wala syang nakita.

“See what you’ve done??! Nawawala yung kapatid mo, Kapag hindi natin nahanap ang kapatid mo malilintikan ka talaga sakin Andrea.”

Kita ko yung galit sa mukha ni Mommy kaya Napaiyak nalang ako dahil sa takot, Asan ba kasi si Caliv?? Asan sya nagpunta???

Ilang minuto lang ay dumating na si Kuya at daddy, Pinauwe na muna nila ako sa Driver para hanapin ang nawawala kong kapatid.

…………END OF FLASHBACK……………….

Hanggang ngayon sinisisi ko pa din ang sarili ko kung bakit hindi namin kasama si Caliv ngayon. Kung maibabalik ko nga lang ang nakaraan hinding hindi ako susuway kay Mommy para hindi naiwan si Caliv at lalong hindi nawala.

“May tao ba dyan? Sinong nandyan?”

Narinig ko yung boses ni Mommy kaya nagtago agad ako at pumunta na sa kwarto ko.

Naawa ako kay Mommy dahil hanggang ngayon ay umaasa padin sya na babalik at makikita namin si Caliv.

Sobrang tagal na ang lumipas na panahon andami nadin nilang nasayang na pera para mahanap si Caliv pero hanggang ngayon ay wala padin nangyayari.

CHAPTER 3

NATHAN’S POV

“My Loves gising na, Uuwe na tayo.”

Ginising kona si Dex dahil uuwe na kami, Sabi ko kasi sa kanya na mauna na sya umuwe at gagabihin ako kaso sabi nya sabay nalang daw kami. Kaya ayon pinauna na nya si Miles pauwiin.

“Anong oras naba? Tapos kana ba sa mga ginagawa mo?” -Dex

“Oo My Loves tapos na, Kaya uuwe na tayo.”

Tumayo na si Dex at inayos yung gamit nya at lumabas na kami. Pagod ako sa trabaho pero dahil kay Dex nagiging full yung Energy ko.

Ang sarap kasi sa Feeling na kasama mo yung mga Mahal at sinusuportahan ka nya sa lahat ng ginagawa mo.

“My Loves ihahatid ba kita sa inyo?”

“Oo My Loves, Maghahatid pa kasi ako bukas sa kapatid ko.” -Dex

“Ganon ba? Sige. Gusto mo sunduin ko nalang kayo ni Kyline bukas?”

“Pano yung trabaho mo?” -Dex

“Edi tatapusin ko ng maaga para masundo ko kayo.”

“Sige ikaw bahala.” -Dex

Umidlip agad si Dex at hinayaan ko nalang sya na makapag pahinga mukha kasing pagod sya.

Ginising ko nalang sya ng nasa tapat na kami ng bahay nila. Hindi narin ako nagtagal dahil medyo pagod din ako.

DEX’S POV

“Mommy!!!!! Mommy!!!!!! where are you Mommy!!!”

May lumapit na isang babae sa bata at parang kinakausap nya ito. 

Kaya lang medyo malabo yung mukha ng Babae kaya hindi ko makita ang itsura nya.

Napabalikwas agad ako dahil sa mga nakita ko.

Nakita ko sa paniginip ko.

May isang batang lalaki na iyak ng iyak at parang hinahanap yung mommy nya.

Sino kaya yung batang yon?

Bakit sya nasa panaginip ko?

Dahil sa panaginip kung yon ay hindi na ako nakatulog.

Iniisip ko padin kung sino ang bata nayon. 

At ano ang ibig sabihin ng panaginip nayon?

Pasado alasais ng umaga ay bumangon na ako dahil ihahatid kopa si Kyline sa school.

“Good Morning kuya!” bati nya sakin ng makita nya ako.

“Good Morning din baby”

“Anak bakit parang puyat ka ata?” Tanong sakin ni Mama.

“Medyo late lang po ako ng tulog.” 

“Yan kasi puro ka Cellphone, Inaabot kana ng hating gabi kakapindot dyan sa Cellphone mo.” -Mama

“Si Mama talaga ang aga aga nag mimisa.”

Nitong mga nagdaang araw pakiramdam ko may hindi sinasabi sakin si Mama pero hindi ko naman sya magawang matanong dahil baka pagtalunan lang namin yon. Lumapit sakin si Mama at bigla akong niyakap.

“Anak lagi mong tatandaan na Mahal na Mahal ka namin ng Papa mo.”

Medyo nagulat ako sa sinabi ni Mama kahit alam ko naman na Mahal Na Mahal talaga nila ako. Iba lang kasi ang dating sakin ngayon.

“Mahal na Mahal ko din po kayo ni Papa at syempre si Kyline din.”

“Tayo lang ang totoong Pamilya, Kaya i promise mo na walang aalis at mang-iiwan kahit na anong mangyari.” -Mama

Ang weird talaga ni Mama ni Ngayon, Parang may something na hindi ko mawari kung ano.

“Syempre naman Ma.”

After namin mag almusal ay umalis nadin kami agad ni Kyline dahil baka malate pa sya alam nyo naman dito sa Pilipinas laging traffic, Kung mayaman nga lang kami bumili na ako ng hellicopter para hindi hustle ang byahe.

Hinatid kona si Kyline sa school nya at hinintay ko din sya hanggang mag-uwian wala din naman akong gagawin sa bahay kung uuwe pa ako atsaka susunduin din kami ni Nathan ngayon dahil may lakad daw kami.

Habang nag-aantay kami ni Kyline kay Nathan ay may isang lalaki na lumapit sakin. Isang lakaki na pilit sinasabi sakin na alam nya daw ang tungkol sa tunay na pagkatao ko.

“Miguel? Anong ginagawa mo dito??”

“Dex, Baka pwede mo na pakinggan ang mga sasabihin ko.” -Miguel

“Isa lang ang pamilya ko Miguel At hindi ang mga Montes.”

“Please Dex.” 

Biglang hinawakan ni Miguel yung kamay ko at parang gusto akong isama at dalhin kung saan. Mabuti nalang at saktong dating ni Nathan kaya napigilan nya si Miguel.

“My Loves anong nangyayari dito? Bakit ka nya hinihila?” Takang tanong ni Nathan, Sabay tingin nya kay Miguel at parang nakilala nya ito.

“Diba ikaw yung lalaking nakita ko sa bahay nila Dex na nagtatanong ng lugar? “

Hindi nakaimik si Miguel sa tanong ni Nathan, Ako naman tahimik lang habang hawakhawak ang kapatid ko.

“Anong kailangan mo sa My Loves ko??? Bakit mo sya hinila? Saan mo sya balak dalhin?” -Nathan

“Gusto kolang sana makausap si Dex” -Miguel

“At bakit gusto mo sya makausap? Ano kaba ni Dex?” -Nathan

“Nathan tara na umuwe nalang tayo.” inawat kona si Nathan para matapos na ang isyu.

“Wait lang My Loves tinatanong kopa sya.” -Nathan

“Gusto kona umuwe, Please.”

Nakiusap na ako kay Nathan na umuwe nalang kami, Mabuti nalang talaga at nakinig sya sakin.

“My Loves sino ba talaga yon?” tanong sakin habang nasa byahe kami.

“Wala, Wag mona lang pansinin yon”

“Pwede bayon? Hinila kana nga kanina tapos sasabihin mo sakin na wala lang yon?” -Nathan

“Nathan wag na natin sya pag-usapan, Masakit na ang ulo ko.”

“Alam kong may hindi ka sinasabi sakin kaya sabihin mona.” -Nathan

“Wala nga!”

Hindi ko napigilan ang sarili na masigawan si Nathan ayoko na kasing pag-usapan pa ang mga bagay nayon. Nagulat naman si Nathan sa ginawa ko at naguilty din.

“Sorry My Loves, Nabigla lang ako.”

Nakakainis pati tuloy si Nathan nadadamay dahil da issue na wala namang katotohanan.

“Okay lang My Loves baka pagod lang yan, Pagkahatid ko sa inyo magpahinga ka agad para maging okay kana.” -Nathan

“Pero pano yung lakad natin?”

“Marami pa namang Next time. Mas importante sakin is makapag pahinga ka.”

Tahimik lang kami pareho ni Nathan hanggang sa makarating kami sa bahay. Pero bago sya umalis ay nag goodbye kiss ako sa kanya at humingi ulit ng sorry.

MARIVICK’S POV

Dahil sa naging tanong sakin ni Dex tungkol sa mga Montes ay hindi ko maiwasang hindi kabahan at matakot.

“Marivick ano bang pag-uusapan natin?” Tanong sakin ng asawa ko.

“Vince dumating na yung kinakatakot ko.”

“Anong ibig mong sabihin?” -Vince

“Na malaman ni Dex ang tungkol sa pagkatao nya.”

“Pano mo naman nasabi?” -Vince

“Dahil nagtanong sakin si Dex kung may kakilala akong Montes.”

“Dahil sa ganong klaseng tanong natatakot ka?” -Vince

“At bakit hindi ako matatakot? Pwedeng mawala satin ang anak natin kapag nalaman nya ang totoo.”

“Hindi natin matatago kay Dex ang totoo.”-Vince

“Hindi nya pwedeng malaman yon, Please Vince wag mong sasabihin kay Dex. Anak natin sya at yon ang totoo.”

“Lalo molang pinapalala ang sitwasyon, Unti-unti na nyang nalalaman ang na hindi natin sya anak.” -Vince

“Anak natin si Dex! Tayo lang ang magulang ni Dex at Wala tayong sasabihin sa kanya. Masaya na ang pamilya natin sisirain mopa?”

“Pero nasa tamang edad na ang anak natin kailangan na malaman ni Dex ang totoo.” -Vince

“Ma? Pa? Ano pong Totoo? Ano ang kailangan kong malaman.”

Nagulat ako ng biglang sumulpot si Dex at Kyline. Kakauwe lang nila galing sa school mas maaga sa inaasahan kong oras 

Anong gagawin ko?

Pano ko sasabihin kay Dex ang totoo?

“D–Dex??? Bakit nandito na kayo agad? Diba dapat mamaya pa kayo??”

“Hinatid po kasi kami ni Nathan kaya mas mabilis ang byahe. Ma, Pa ano po ang kailangan kong malaman?” tanong ulit samin ni dex.

“May sasabihin kami sayo ng Mama mo.” -Vince

Nagkatingin kaming dalawa ni Vince at parang gusto kong makiusap sa kanya na wag sabihin kay Dex ang totoo dahil hindi ko kaya, Hindi koya na mawalan ng anak.

“Ano po yon???” -Dex

Mukhang sasabihin nya talaga ang Totoo sa anak namin.

“Balak kasi namin ng Mama mo na magpaparty sa Birthday mo diba malapit nayon? Kaya lang Hindi kita matiis at gusto konang sabihin sayo pero itong mama mo nagagalit sakin at sabi nya wag ko daw sasabihin sayo ang surprise namin. Pero dahil narinig mona wala na kaming matatago sayo.” -Vince

Nakahinga ako ng maluwag dahil sa sinabi ni Vince. Akala ko talaga sasabihin na nya huhu.

Tumingin ako kay Dex para alamin kung naniniwala ba sya o hindi.

“Ma? Pa? Kahit simpling ganap lang po ayos na sakin yon basta buo tayo at masaya kontento na ako don.” -Dex

Mabuti nalang at mukhang naniwala sya sa sinabi ng Papa nya akala ko mabubuko na kami.

“Syempre Iba na ang buhay natin ngayon gusto lang namin ng Mama mo na maranasan mo ang medyo magarbong kaarawan.” -Vince

Napaiyak nalang ako dahil nakita kong masaya si Dex.

Mahal na Mahal ko ang anak ko nato at hindi ko kakayanin na mawala sya sakin.

“Salamat po sa lahat ng efforts nyo.” -Dex

“Wala yon basta ikaw, Sige na magpalit na kayo ni Kyline may pag-uusapan lang kami ng Mama mo.” -Vince

Umalis naman agad si Dex kasama ang kapatid nya at dalawa na naman kami ni Vince ang magkaharap.

“Vince salamat hindi mo sinabi kay Dex.” 

“Hindi ko sinabi dahil bilang Ama tungkulin ko na panatilihing buo at maayos ang pamilyang ito, Pero hindi ibig sabihin na gusto ko ang ginagawa ko. Marevick tadhana na mismo ang naglalapit kay Dex sa katotohanan.” -Vince

“Sasabihin ko din kay Dex ang totoo, Bigyan mo lang ako ng panahon.”

“Sabihin mona, Bago pa nya malaman sa iba.” -Vince

Mahal na Mahal ko ang anak ko at ayaw ko syang mawalay sakin. Ayoko syang ibalik sa unay nyang mga magulang.

Pero tama batong ginagawa ko?

Ipinagkakait ko sa kanya ang katotohanan?

Dati palang alam kong darating ang tamang panahon na malalaman nya ang tungkol sa pagkatao nya pero hanggang ngayon at habang tumatagal lalong gusto kong akin lang ang anak at sana ako nalang ang tunay nyang Nanay.

NATHAN’S POV

Alam kong may problema ngayon si My Loves na ayaw nya lang sabihin sakin kaya sya ganon sakin kanina.

“Ikaw?? Anong ginagaw mo dito? at pano mo nalaman ang pangalan ko?”

Sya yung lalaki na kanina ay humila kay My Loves.

“Ako si Miguel, Isang Private Investigator.”

“Private investigator? At anong kailangan mo sakin?”

“Kailangan ko ng tulong mo para Makausap si Dex alam kong malapit ka sa kanya.” 

“At bakit naman kita paniniwalaan?”

“Dahil kailangan, Alam ko ang tungkol sa pagkatao ni Dex at malalaman nya lang lahat yon kapag nakausap na nya ako.”

Anong pinagsasabi ng lalaki nato?

At anong alam nya sa pagkatao ng My Loves ko?

Sapakin ko kaya to, Mukhang ang lakas ng trip eh.

“Sorry wala akong time sa mga ganyan, Kaya makakaalis kana.”

Pumasok na ako sa loob ng bahay at iniwan sya. Lakas ng trip nya sa tagal ko nang kilala si My Loves ngayon ko palang sya nakita kaya imposimbleng kilala nya si My Loves, Pwera nalang kung matagal na syang stalker.

CHAPTER 4

DEX’S POV

“Kuya Dex oh”

Inabot sakin ni Kyline yung isang tatlong piraso ng Chocolate.

“San galing to?”

Tanong ko sa kanya pero tumakbo sya palayo. San kaya nakuha ng kapatid ko to? 

Hay nako bahala na nga si Batman, Mukhang masarap eh haha.

Binuksan kona yung isa at tinikman, Masarap sya ayon lang ang macocomment ko haha.

“Ito pa kuya.”

May inabot naman sakin si Kyline na tatlong pirasong bulaklak na rosas.

“San galing to??”

Tumakbo ulit sya at hindi ako sinagot. Saan naman kaya galing to??? Nako baka binunot nya yung tanim ni Mama na rosas haha lagot sya kapag nalaman ni Mama yon.

Nilapag ko muna saglit yung mga rosas at nilantakan ulit yung tsokolate.

“Kuya Dex para sayo.”

Inabot sakin ni kyline yung isang pamilyar na Teddy Bear.

Tinitigan ko ng maigi yung Teddy Bear at siya si Nathan! May nakadikit na papel sa kanya at binasa ko yung nakasulat.

“Mommy wag ka nang malungkot, Nalulungkot din si Daddy eh. Dapat lagi kalang happy hindi kami sana na ganyan ka.”

Ewan koba parang may kirot sa puso ko pagkatapos kong basahin yon.

“Kyline san ba galing ang mga to???”

“Sakin My Loves.”

Napalingon agad ako sa boses na nagsalita, Si Kyline naman tumakbo palapit kay kuya Nathan nya.

“Nagustuhan moba My Loves??” Lumapit sakin si Nathan at tumabi sakin.

“Bakit may paganito? Monthsary ba natin?” takang tanong ko.

“Hindi, Pero gusto lang kita pasayahin, Napansin ko kasi parang may pinagdadaanan ka.” -Nathan

Napaiyak nalang ako bigla sabay yakap kay Nathan.

“Salamat My Loves.”

“Walang ano man My Loves basta ikaw, Malakas ka sakin eh.” -Nathan

“Kuya Dex punta po na muna ako kala Mama.” -Ky

“Sige Baby.”

“Dex pwede kobang malaman kung ano ang gumugulo sayo??” -Nathan Napatingin ako kay Nathan at naging seryoso.

“Nathan anong gagawin mo kung biglang may dumating at sinabi sayo na alam nya yung tunay mong pagkatao?.”

“Syempre aalamin ko kung anong totoo para walang gugulo sa utak ko.” -Nathan

“Kahit kapalit nito posibleng mawala yung pamilyang nakagisnan mo?”

“Alam mo My Loves ang tunay na Pamilya magkahiwalay man kayo, Magiba man ng landas ang isa inyo mananatili pa din kayong Pamilya dahil pinatibay na nang panahon ang ugnayan nyo sa isa’t isa. Bakit My Loves may lumapit ba sayo at sinabing alam nya ang tungkol sayo??” -Nathan

Boyfriend ko si Nathan at sigurado akong mapagkakatiwalaan ko sya.

“My Loves nito kasing mga nagdaang araw may lumapit sakin isang lalaki at pilit nyang sinasabi na alam nya daw ang tungkol sakin at hinahanap daw ako ng mga Montes.”

“Sya ba yung lalaking nakita ko sa school ni Kyline at yung lalaking sabi mo nagtatanong sayo ng direksyon??” -Nathan

“Oo My Loves sya yon, Si Miguel isang Private investigator daw ng mga Montes.”

“Natanong mona kala Mama ang tungkol dito?” -Nathan

“Oo pero wala daw silang kilalang Montes, Kaya lang narinig ko silang nag-uusap na parang tungkol sakin na malalaman at malalaman ko din daw ang totoo.”

“Anong balak mo ngayon My Loves??” -Nathan

“Ewan ko nga eh, Natatakot kasi ako na malaman ang totoo.”

“My Loves susuportahan kita sa lahat ng desisyon na gagawin mo, Hindi ka nag-iisa.” -Nathan

Mabuti nalang at nandyan si Nathan, May napagsasabihan ako ng mga hinanakit ko at may nagbibigay din sakin ng payo.

Pero sa totoo lang hindi ko padin talaga alam kung anong gagawin ko. Kung saan at Pano ako mag-uumpisa.

“My Loves mag bihis ka may pupuntahan tayo” Biglang sabi sakin ni Nathan.

“Saan naman?”

“Basta, Mag palit kana lang.” -Nathan

Hindi padin talaga nagbabago si Nathan, Kapag sinabi nya sinabi nya haha at wala kang magagawa kundi ang sumunod nalang.

At syempre todo madali ang lola nyo ni hindi na nga ako nakapag ganda eh #NaturalBeauty .

Pumunta kami ni Nathan sa isang pamilyar na mall, Hindi ko alam kung kelan ko sya huling napuntahan pero pamilyar sya sakin.

Pumasok kami ni Nathan sa loob at dumiretso sa isang tindahan ng mga cellphone.

“Naalala mo ba to My Loves?”

Napaisip ako bigla sa naging tanong nya pero wala akong maalala.

“Bakit anong meron dito?”

“Si My Loves talaga makakalimutin na, Dito kita dinala non nung nasira yung Cellphone mo.” -Nathan

Biglang bumalik sa isipan ko yung mga alaalang sinabi ni Nathan.

………………………..FLASHBACK………………..

“Hello? ako nga pala yung pinsan ni Nathan. kayo ba yung mga tropa nya?”

“Oo kami nga bakit” Sagot ng isang lalaki.

Napangiti naman ako bigla, Haha Pano bayan Nathan? Mukhang nasa akin ang halakhak ngayon.

“May ipapasa ako sa inyo na pictures ni Nathan”

“Picture na ano?”

“Ito oh”

Pinakita ko sa kanila yung mga pictures na kinunan ko nung gabing nagising ako haha.

Habang natutulog kasi Nathan ay kinuha ko yung kamay nya at pinasok ko sa ilong nya yung daliri nya hahaha tapos kinunan ko sya at nilagyan ko din ng bulak yunh dalawang butas ng ilong nya haha (ang bad ko) tapos kung ano ano pa ang ginawa ko sa kanya, Hindi sya nagising non kasi tulog mantika sya.

Yung mga tropa nya tawa ng tawa habang pinapasa ko sa kanila yung mga pictures, Pagkatapos non ay umalis na ako at bumalik sa pwesto namin ni Dan.

“Anong ginawa mo don?”

-Dan

“May pinasa lang ako sa kanila”

“Ano?”

-Dan

“Wala haha, Wag munang alamin”

Inantay kong makabalik si Nathan at tiningnan ko lang kung anong mangyayari, Nakita kong nagtatawanan yung mga tropa nya hahaha tapos bigla syang tumingin sa pwesto ko ako naman ay kunwari nagcecellphone.

Tapos mayamaya nasa tabi kona pala sya.

“Give me your phone”

-Nathan

Hinawakan ko agad ng maigi yung phone ko para hindi nya makuha.

“Ayoko ko nga”

“Give me your phone” Nathan

“Ayoko ko nga diba? Paulit-ulit? Bakit ba kailangan mo yung phone ko?”

“Bakit mo ako kinunan habang natutulog at kung ano ano pang ginawa mo sakin?”

-Nathan

Muntik na akong matawa dahil naalala kona naman kasi yung ginawa ko sa kanya haha.

“Anong sinasabi mo?” 

Lumapit sya sakin at biglang kinuha yung Cellphone ko.

“Hoy Nathan akin nayan”

Hindi nya ako pinansin at naglakad na sya palayo, Sinundan ko sya at nakaakyat kami hanggang 4th floor grabe yung hingal ko para akong sumali sa isang marathon.

“Hoy Nathan akin nayan, Sayo bayan?”

“Ibibigay kolang to kung idedelete mo yung mga pictures ko”

-Nathan

“Ano ba kasing Picture?” kunwari wala akong alam haha.

“Edi hindi ko to ibibigay sayo”

-Nathan

Tinaas nya yung kamay nya habang hawak yung phone ko, Pilit kong inaabot kaso mas matangkad sya sakin kaya tinatalon ko. At pagtalon ko ay naagaw ko naman kaso nabitawan ko at nalaglag sya!!!! Mula 4th floor hanggang baba!! Napasilip agad ako. Huhuhu Mama yung phone ko!! Sa sobrang taranta ko ay napatakbo agad ako pababa, Hindi kona naisip ang pagod.

Pagdating ko sa baba ay basag na yung Phone, Gusto kong maiyak dahil nasira yung phone ko huhuhu bakit!!! Pagtayo ko ay nakita ko si Nathan sumunod pala sya sakin.

“Kasalan moto!”

“Bakit ako? ikaw ang naglaglag sa Cellphone mo”

-Nathan

“Bwiset ka talaga! Bayaran moto!!!!! wala na akong pambili ng bago”

“Bakit ko babayaran? ako ba nakahulog”

-Nathan

Pagkasabi non ay tumalikod na sya, Bwiset talaga sya! Nakakainis na sya!!!! lahat nalang sinisira nya sakin! Sa sobrang inis ko sa kanya ay binato ko sa kanya yung sirang cellphone ko at this time tumama na sa kanya.

Lumingon naman sya at sinamaan kolang sya ng tingin, Naiiyak na talaga ako wala na akong cellphone bigay pa naman ni papa yon tapos nasira lang. Kasalanan to ni Nathan kung hindi nya biglang kinuha yung cellphone ko edi sana hindi nasira.

…………..END OF FLASHBACK……………

“Ano My Loves naalala mo naba?” tanong sakin ni Nathan.

“Oo naalala kona, Hinulog mo yung Phone ko kaya nasira.”

“Anong ako, Ikaw kaya yon. Pero dinala padin kita dito at binilhan ng bago.

…………………….FLASHBACK………………….

Kinuha ko yung gamit ko dahil nawalan na akong gana pumasok pa sa mga susunod na subjects, Medyo na stress kasi ako sa pagkasira ng Cellphone.

Mangiyak ngiyak ako habang pinagmamasdan yung nasira kong Cellphone, Wala na talaga sya huhu Pano pa ako makakabili ng bago eh wala naman akong perang pambili. Mahalaga pa naman sakin to kasi bigay to ni papa at alam kong pinaghirapan nya tong mabili tapos ganito lang ang mangyayari.

Kasalanan to lahat ni Nathan kung hindi nya inigaw yung Cellphone hindi na sana to nangyari.

“Hindi yan maaayos kahit umiyak kapa dyan”

-Nathan

Tssk ano na naman ginagawa ng lalaki nato dito, Talagang sinusundan nya ako eh para ano?

para pagtawanan?

Oo na panalo na sya at talo na ako.

“Anong ginagawa mo dito? Pampam ka? wala kang ganap sa buhay mo?”

“Tssk, Sinundan kita kasi baka mag suicide ka”

-Nathan

Ha! ha! nakakatawa grabe! ang sarap nyang pektusan sa sikmura!

“Pwede ba umalis ka nalang dika nakakatuwa”

“Tssk parang Cellphone lang umiiyak ka ng ganyan? parang hindi ka lalaki”

-Nathan

Aba nang asar pa! OO hindi ako lalaki! I mean lalaki ako pero babae ang puso ko na kulong sa katawan ng isang lalaki. 

At yung nakakainis pa kasi parang wala syang paki kahit sya ang dahilan kung bakit nasira yung cellphone ko! Ang sama talaga ng ugali nya.

“Wag mong pinaparang lang ang Cellphone ko, Dahil hindi mo alam kung gaano nag hirap yung papa ko maibili lang ako ng Cellphone! at hindi mo alam kung gaano kahalaga sakin to! Dahil kaming mahihirap magkagamit lang kami ng maganda talagang pinapahalagan at iniingatan namin hindi katulad nyo balewala lang kahit gaano pa kadami ang masirang gamit sa inyo dahil marami kayong pera!”

Napansin ko nalang na tumula na pala yung luha sa mata ko, Mas matindi to sa inis na naramdaman ko kay Nathan dati.

Nainsulto na kasi ako at syempre mahalaga sakin ang mga bagay na galing sa magulang ko tapos kung makapagsalita sya parang wala lang.

Tinalalikuran ko sya at habang paalis na ako ay bigla nya akong hinawakan sa kamay at hinila.

“Tssk”

-Nathan

“Hoy ano ba bitawan mo nga ako!!! uuwe na ako”

Hinampas hampas ko yung kamay nya pero hindi nya padin ako binitawan, Hinila nya ako palabas ng School at pumara sya ng Taxi at sapilitan akong pinapasok.

OMG! ano naman kaya ang binabalak nya? Baka i savage nya ako! Huhu wag naman sana marami pa akong pangarap sa buhay! Gusto kopang mahanap si the One!

“Nathan bababa na ako”

“Pwede ba manahimik ka”

-Nathan

Aba! sya pa ang may ganang magalit ngayon?! ako nga dapat ang magalit dahil hinila na naman nya ako basta basta at sinira nya yung CELLPHONE ko! Hindi ko sya mapapatawad akala nya!

Habang nasa byahe kami ay hindi kami nagpapansin ako, Ako naman dinadamdam padin ang pagkasira ng Cellphone ko.

Huminto kami sa tapat ng isang mall, Anong gagawin namin dito? Dito nya ba ako isasavage? Sa mataong lugar talaga ha? Ito talagang si Nathan kahit kailan kung ano ano iniisip.

“Baba”

-Nathan

Wala na akong nagawa kundi ang bumaba dahil wala eh bossy na naman sya.

Takbuhan ko kaya to? Haha, Pagbaba namin ng taxi ay hinila nya ako papasok ng mall, Bastos talaga tong lalaki nato eh.

“Nathan bitawan mo na ako pwede?”

“Ayoko nga baka tumakas eh”

-Nathan

Hala! Totoo nga!!!! Mama baka isavage nya ako huhuhu baka may naghihintay samin na mga kasabwat nya.

Sumigaw na kaya ako ngayon?

Madami namang tao eh baka mailigtas nila ako sa lalaking to.

Hindi nya padin ako binitawan at pumasok kami sa isang establishment.

Wait anong ginagawa namin dito?

bakit dito kami nag punta?

“Hi sir? Welcome”

Binati kami ng isang staff, Ngumiti nalang ako at napatingin kay Nathan. Bakit nya ako dinala sa bilihan ng mga Cellphone?

“Nathan anong ginagawa natin dito? May bibilhin kaba?”

“Tssk diba nasira yung phone mo? edi bumili ka ng bago”

-Nathan

.

“Ah eh wala akong pera”

“Wag monang isipin yon, Ako na ang magbabayad”

-Nathan

Hala! tama ba yung narinig ko? o nabingi langa ko? sya talaga ang magbabayad????

“Nathan totoo?”

“Tssk, ayaw mo ba? tara na umuwe nalang tayo”

-Nathan

Patalikod na sana sya pero hinawakan ko sya sa braso.

“Ito naman hindi mabiro, Ito na nga eh pipili na ako”

Nagdadalawang isip ako dito baka kasi kapag nakapili na ako bigla nya akong iwan, Pero Mukhang seryoso naman si Nathan kaya pumili na ako ng Cellphone, Sinamahan naman ako ng isa sa mga staff at na satisfy naman ako sa quality ng Phone kaya lang nagulat ako sa mahal ng Presyo. Napalapit tuloy ako kay Nathan.

“Ui Nathan, Ang mahal sa iba nalang kaya”

“Tssk, Ang arte mo ako na nga ang magbabayad”

-Nathan

“Oo na, Ito na nga”

After nang ilang minutong pamimili nakapili na ako, Medyo mahal sya pero binayaran padin ni Nathan.

Minsan talaga hindi ko mabasa kung anong nasaisipan ni Nathan, Pero masaya ako kasi napalitan yung phone ko.

“Nathan salamat dito ha?”

“Wala yon”

-Nathan

Hindi sya makatingin ng diretso sakin, Pero nagpasalamat padin ako sa kanya. Kahit may mga nagawang hindi maganda sakin si Nathan meron padin naman syang nagawang mabuti. Saka ko nalang siguro iisipin kung paano ako makakabawi sa kanya.

…………..END OF FLASHBACK……………..

“Kaya mo siguro ako binilhan dahil may gusto kana sakin non?”

Confident na sabi ko kay Nathan haha.

“Hoy wala pa noh! Naawa lang talaga ako sayo nung time nayon.” -Nathan

“Talaga ba????”

“Curious palang ako non.” -Nathan

“Sus! Deny pa more, Pero ano nga palang ginagawa natin dito? “

“Gusto kolang bumili ng Phone.” -Nathan

“Bakit sira naba yang ginagamit mo?”

“Hindi, Pero gusto ko kasing bumili ng Bagong Phone para sating dalawa yung magkaparehas tayo” -Nathan

“Sigurado ka? Sayang naman tong mga Phone natin kung bibili tayo ng bago.”

Gusto ko din naman yung point ni Nathan kaya lang alam nyo naman bago kami naging ganito eh simpleng buhay lang ang meron kami.

“Sige na My Loves pumayag kana.”

Nagpacute pa sakin si Nathan para mapapayag ako at syempre pumayag ako haha #Maropokpok.

“Oo na.”

“Thank you My Loves, I love you.” -Nathan

Namili na kami ni Nathan ng bagong phone na magkaparehas kami #Couplephone .

Si Nathan na yung pinapili ko dahil kanya yung pera hahaha (Kuripot kasi ako Sorry) Pero syempre ako ang namili ng Casing.

“My Loves Banyo lang ako, Antayin mo ako dito.”

Nagmadali agad si Nathan at iniwan sakin yung mga binili nyang Cellphone at naghintay ako sa may labas.

Habang nag aantay ako kay Nathan ay may nakita akong Nagpapa free taste haha, Dahil sa gusto kong matikman yon ay lumapit ako pero hindi ko nakita na may kasalubonb na pala ako.

“O! My! Gosshhhh!!!”

Nabitawan nung babae yung mga pinamili nya kaya tinulungan ko sya.

“Sorry Miss, Hindi ko sinasadya.”

“Tatanga tanga ka kasi, Hindi mo tinitingnan yung dinadaanan mo. Hindi moba alam kung magkano yan? Baka mas mahal payan sa buhay mo!”

Ay grabe sya magsalita, Mas mahal talaga sa buhay ko? Eh mukhang wala namang babasagin sa mga dala nya atsaka nag sorry nako.

Pagtingin ko sa babae ay pareho kaming nagulat ng makita namin ang isat-isa.

“Andrea/ Dex??” Sabay naming sabi.

“Tingnan mo nga naman, Hanggang dito ba naman sinusundan mo ako? Stalker ba kita?” -Andrea

“Hindi kita sinusundan, May binili lang ako dito”

“Really?, And where did you get a money to buy those kind of things?”

tumaas pa yung kilay nya tapos tinuro yung mga binili ni Nathan.

“Hindi ko kailangan mag explain sayo kaya kung saan man galing tong dala ko. That’s none of business.”

“Baka naman nag shop lift ka kaya ayaw mong sabihin, Tatawag naba ako ng mga securities?” -Andrea

“Ma’am Andrea hindi man po ako kasing yaman nyo pinalaki naman po ako ng mga magulang ko ng Maayos at gumawa ng tama.”

“My Loves tapos na ako.”

Pagkabalik ni Nathan ay medyo nagtaka sya dahil sa tinginan namin ni Andrea.

“My Loves tara na.”

Hinila kona paalis si Nathan dahil baka kung ano pang masabi ko kay Andrea. Bakit ba kasi lagi kaming pinagtatagpo ng babaeng yan? Eh sa tuwing nagkikita kami parang may something samin at kailangan talaga na nag-aaway kami.

MIGUEL’S POV

“Anong balita sa paghahanap mo? Nakita mo naba ang anak ko??”

“Yes Ma’am”

“Talaga?? Asan sya?? Ba’t hindi mo sya kasama??”

Kita sa mukha ni Mrs. Montes ang tuwa sa magandang balitang sinabi ko.

“Kaya lang po hindi sya naniniwala sa mga sinasabi ko, Ayaw nyang maniwala na isa syang Montes. Ilang beses kona syang kinukumbinsi pero ayaw nyang maniwala.”

“Asan sya ngayon? San sya nakatira? Gusto kong makita ang anak ko.”

“Ibibigay ko nalang po sa inyo yung address nya mas mabuti nadin po siguro na kayo na ang kumausap sa kanya.”

“Salamat Miguel, Because of that I’ll give your bonus.”

May inabot sakin si Mrs. Montes na isang puting sobre.

“Maraming salamat po, Pano mauna nadin po ako.”

“Sige, Maraming salamat.”

Sa ilang taon kong paghahanap sa nawawalang anak ng mga Montes napalapit nadin ang loob ko sa kanila kita ko ang kagustuhan nilang mahanap ang matagal na nawalay nilang anak kaya ngayong nakita kona si Dex masaya ako na mabubuo na ulit ang pamilya nila.

“So nakita mona pala si Caliv? Totoo ba talaga yan o pinapaasa mo lang si Mommy?”

“Kanina kapa dyan, Andrea?”

“Hindi naman, Sakto lang na narinig ko na nahanap mona ang nawawala kong kapatid.” -Andrea

“Oo nakita kona ang kapatid mo.”

“Sana This time tama na ang mga sinasabi dahil kapag palpak na naman yan at umiyak ulit si Mommy? Humanda ka sakin.” -Andrea

“At kapag totoo ang sinasabi ko?”

“Well it’s good to hear na totoo yang mga sinasabi mo, Now you can go.” -Andrea

Kahit kailan talaga napaka suplada nitong si Andrea sa tuwing pupunta nalang ako sa kanila lagi nya nalang ako sinusupladahan.

“Bakit ba ang init lagi ng ulo mo kapag nakikita mo ako? Siguro May gusto ka sakin.”

Nilapit ko yung mukha ko sa mukha nya at mabilis nya akong naitulak.

“Yuck! In you dreams! May Boyfriend na ako at kung wala man? Never akong papatol sa isang kagaya mo. But by the way pwede mo bang ibigay sakin yung address kung saan nakatira yung kapatid ko.” -Andrea

“Mommy mo ang nagbabayad sakin at hindi ikaw, Kaya kung gusto mo na malaman kunin mo sa kanya.”

Iniwan ko nalang si Andrea dahil hahaba lang ang usapan at hindi rin naman sya magpapatalo. Mabuti napagtyatyagaansya ng Boyfriend nya kahit ganyan ang ugali nya.

CHAPTER 5

DEX’S POV

“My loves sino ba kasi yung babae nayon??” takang tanong sakin ni Nathan.

“Wala yon My Loves, Wag mo nalang yon pansinin.”

“Kung wala yon eh bakit mo ako hinila palabas?” -Nathan

“Okay, Siya si Andrea. Medyo hindi naging maganda ang una naming pagkikita at ewan koba parang lagi kaming pinagtatagpo at sa tuwing nagkikita naman kami ay ang init ng dugo nya sakin.”

“Baka pinagtitripan kalang non My Loves.” -Nathan

“Trip? Lakas naman ng Trip nya.”

“So pano yan? Saan ang punta natin nito?” -Nathan

Napaisip tuloy agad ako kung saan maganda pumunta, Kaso hindi kasi ako kagala kaya wala ako masyadong alam na lugar.

“My Loves kain nalang tayo.”

“Saan naman?” -Nathan

“Basta magmaneho kalang ituturo ko sayo yung daan.”

Sumunod naman agad sakin si Nathan, Medyo malayo din yung lugar nayon pero keri lang mas matagal ang byahe mas masaya dahil makakasama ko si My Loves ng matagal.

“Ba’t dito mo naisip na kumain eh marami namang mas malapit na kainan?” -Nathan

“Kasi memorable tong lugar nato sakin.”

“Pano naman naging memorable?” -Nathan

“Hindi mo bato naalala?”

Kainis tong si Nathan kabata bata pa ulyanin na, Dito nya kaya ako tahasang pinakain ng sandamakmak na pagkain tapos nagsusungit pa sakin.

So ayon na nga sinimulan konang mag kwento dahil baka abutin kami ng hating gabi hindi pa tapos ang kwento ko hahaha char! Iiksian kolang promise.

…………………….FLASHBACK……………………

Nathan san ba kasi tayo pupunta? May klase pa kaya tayo. Baka malaman to ni Tita“

“So?”

-Nathan

“Anong so? So sowin ko kaya mukha mo dyan, Bigla bigla mo akong hinila palabas tapos sasabihin mo sakin so?”

Minsan talaga may topak din si Nathan eh paiba iba yung nasa utak, Pektusan ko kaya to? Para tumino haha. Gutom na ako nito pero ang hyper padin ng utak ko si Nathan kasi eh yung feeling na kahit may sakit kana tatayo ka talaga kasi nakakainis.

“Pwede ba sumakay ka nalang”

-Nathan

Ang yaman talaga nitong si Nathan laging may pang taxi ahaha ako nga jeep lang ang afford ko.

“Ayoko nga”

“Papasok ka o itutulak kita sa loob?”

-Nathan

“Syempre papasok! Tinatanong pa ba yon?”

Dali dali akong pumasok sa loob ng taxi at sumunod nadin sya, Kahit kelan talaga tong si Nathan feeling boss! Tapos yung mga gamit namin ay naiwan na naman sa school.

Akala nya may katulong sya!

Habang nasa byahe kami ay tahimik lang ako at inaalala ang mga nangyari kahapon.

Kamusta na kaya si Mark? Galit kaya sya sakin dahil sa ginawa kong pag amin?

Magkaibigan parin kaya kami?

Ano na kayang susunod na mangyayari samin dalawa ni Mark?

“We’re here”

-Nathan

Kahit kelan talaga basag trip to si Nathan nag eemote pa nga ako eh!

Kahit labag sa puso ko (Labag na labag) ay bumaba ako ng taxi.

Restaurant? anong ginagawa namin dito? 

“Pasok”

-Nathan

Naiinis nako dito sa lalaking to eh kung makapag utos wagas, Pasalamat sya mabait ako ngayon kaya hindi ko nalang sya papatulan.

Pagpasok namin humanap agad kami ng pwesto tapos nilapitan kami ng isang crew at inabutan ng Menu.

Halos malula ako sa mahal ng presyo! budget na namin to ng isang araw, Tapos dito isang putahe lang?

Grabe naman talaga!

Kahit gutom na gutom nako Hindi ako makapili dahil parang mabubutas ang bulsa ko.

Nilapitan si Nathan isang crew tapos sinulat yung mga inorder nya, Ako naman pinagmamasdan ko lang sya balasyajan magtutubig nalang ako o di kaya magfifishball sa labas.

Ilang minuto lang ay sinerve na samin ang sandamakmak na pagkain. WTF! Ano to fiesta?

“Kainin mo yan lahat” - Nathan

“Ano?!”

“Bingi kaba? ang sabi ko kainin moyan lahat”

-Nathan

Aba! Sumusobra na talaga ang lalaking to! Kung makapagutos talaga akala mo hari! 

“Seryoso ka? anong palagay mo sakin? bibitayin? Sa dami nyan hindi ko yan mauubos”

“Tssk, Nahimatay ka dahil sa gutom. Hindi ka naman namin ginugutom sa bahay diba?”

Tumango ako, Dahil may point sya.

“At binibigyan ka naman ni mommy ng baon para ipambili ng pagkain?”

Tumango ulit ako, Bigla tuloy akong nahiya dahil sa mga sinabi nya Ano bang ibig nyang sabihin?

“Sorry” Yan lang ang mga katagang nasabi ko.

“Tssk, Kumain ka nalang” -Nathan

Nalulula talaga ako sa mga pagkain pero kailangan ko itong ubusin.

“Nathan hindi kaba kakain? Ang dami nito baka gusto mo”

Tumingin lang sya sakin ng masama, Pero kumain din naman sya. 

Haha kunwari pa sya! Siguro sya talaga yung gutom kunwari lang na binili nya para sakin.

Yung sinabi sakin ni Nathan ay tumatak sa isip ko, Tama sya marami namang pagkain sa kanila at binibigyan naman ako ni tita Emman ng pera.

Ganito ba talaga ang gusto kong mangyari? Ang pahirapan ang sarili ko, Ganito ba talaga kalaki ang epekto sakin ng pag-amin ko kay Mark.

Halos hindi ako makahinga dahil sa sobrang kabusugan, Bukod sa masarap nakakakonsensya naman kung sasayangin lang kaya inubos ko talaga. Hindi kona nga din nalaman kung magkano yung lahat ng kinain namin basta si Nathan ang nakakaalam ahaha bahala sya, Sya naman nag bayad eh.

“Let’s go”

-Nathan

“Agad-agad? grabe ka naman busog pa nga ako eh, Hindi kopa kayang maglakad”

“Maglalakad ka o iiwan kita?”

-Nathan

Pagkarinig ko palang ng salitang iwan ay dali dali akong tumayo 

“Oh? Tara na san ba tayo pupunta? ang bagal mo naman”

Tumingin sya ng masama sakin tapos dirediretsong lumabas, Hinabol ko naman agad sya.

……………..END OF FLASHBACK…………….

Natawa nalang si Nathan ng maalala nya ang mga kalokohan na ginawa nya sakin.

Ganyan kami nagsimula lagi nya akong binubully pero syempre lumalaban padin ako sa kanya, Kahit sabi nila na Dragon sya ay hindi ako nagpatalo sa kanya.

“My Loves sorry sa mga ginawa ko sayo dati, Gusto lang talaga kita asarin kasi natutuwa ako kapag nakikita kitang napipikon.” -Nathan

“Grabe ka talaga, Hanggang ngayon padin naman lagi mo akong inaasar.”

“Pero Mahal na kita ngayon.” -Nathan

Napatigil nalang ako sa sinabi nya kasi seryosong seryoso sya tapos nakatitig lang sakin, Pereng Tenge!

“Pasok na nga tayo My Loves, Nagugutom na ako baka ikaw pa ang kainin ko dyan.”

“Anong sabi mo?” -Nathan

“Wala ang sabi ko tara na.”

Pumasok na kami ni Nathan sa loob at humanap na agad ng mapupwestuhan at pagkatapos ay pumili nadin kami ng kakainin namin.

This time dalawa na kaming kakain ng lahat ng order namin at syempre hati na kami sa bayad ayoko naman na palagi nalang si Nathan ang gagastos.

Actually hindi ako sanay na kumain sa mga ganitong klaseng restaurant pero dahil trip ko ay wala na kayong magagawa haha.

“My Loves ang takaw mo kaya ka tumataba eh.” Pang-asar sakin ni Nathan pagkatapos naming kumain.

“Wow kapal mo! Baka ikaw yon binabaliktad molang, Tara na nga!”

“Saglit lang busog pa ako.” -Nathan

“Tatayo ka oh iiwan kita?”

“Tatayo na, Ano tara na ang bagal mo naman.” -Nathan

Gusto kong humalakhak sa naging reaksyon ni Nathan kaya lang naisip ko na kailangan ko maikabagay sa mga taong kumakain eh mukhang yayamanin lahat! 

Ngayon alam na ni Nathan ang pakiramdam na busog na busog ka tapos pipilitin kang kumilos haha ganti ganti lang.

Habang nasa kalagitnaan kami ng byahe ay biglang tumigil yung sasakyan ni Nathan.

“Nathan anong nangyari? Ba’t ka tumigil ka?”

“My Loves diko tinigil, Kusang tumigil. Wait ichecheck kolang.”

Inistart ni Nathan yung kotse nya pero hindi ito umaandar, Nakailang subok nadin sya pero ganon padin kaya lumabas na talaga sya para tingnan kung anong nangyari.

Syempre lumabas din ako ng mga ilang imunot ay nasa labas padin si Nathan. Pashnea kasi bakit ngayon pa?

“My Loves matagal pa bayan??” 

Kainis naman bakit ngayon pa kami nasiraan, Kung minamalas ka nga naman.

“Ako na bahala My Loves relax kalang dyan.”

Dahil sabi nya ay mag relax lang ako. Edi nag relax lang ako haha char! Syempre bad yon! Ako yung taga abot ng mga kailangan nya.

Habang kinakalas ni Nathan yung pashneang gulong ay may huminto saming sasakyan at lumabas yung isang lalaki, At lumapit samin.

“Do you need help?”

Diba obvious?? tanong ko sa sarili ko.

Nakita na nga nya magtatanong pa.

Haha taray ko noh?

Tinitigan ko yung mukha nung lalaki at parang nakita kona sya dati.

“Samuel??”

Medyo nagtaka yung lalaki at tinitigan din ako at napangiti sya at parang naalala din ako.

“Dex right? Yung nakita ko sa Park? akalain mo yon Magkikita pa tayo ulit.” -Samuel

“Oo nga eh.”

“So ano bang nangyari?” -Samuel

“Nasiraan kasi kami kaya ayon kinakalas nya yung nabutas na gulong.”

“Oh I see, Maybe i can help you.” -Samuel

Nagulat ako sa sunod na ginawa ni Samuel nagtanggal sya ng tshirt nya!! Alam nyo yung paningin ko parang biglang nag slow mo.

Napatingin ako sa katawan nya at infairness maganda din.

“Anong ginagawa mo ba-bakit ka naghubad?”

Inabot nya sakin yung Tshirt nya.

“Pakihawak lang muna baka kasi madumihan.” -Samuel

Bigla naman lumapit sakin si Nathan at nagtanggal din ng Polo nya.

Ay ano to?

Hubadan time??

Lakas ng mga trip nila ha? Pero pang Bench body ang datingan ng katawan nila parang mga David licauco lang!

“My Loves pakihawak din baka madumihan.” -Nathan

Kapag dating lang naman sa pagandahan ng katawan ay talagang hindi magpapatalo ang My Loves ko!!!

Go My Loves!!!!

Laban lang!!!

Wag kang papatalo!!! 

Sinimulan na nilang kalasin yung gulong at mabuti nalang may extrang pang back up si Nathan sa likod ng sasakyan nya.

Pareho na silang tagaktak ng pawis at medyo madungis din. Pumason muna ako sa kotse at kumaha ng mga towel, Lumapit ako kay Nathan at pinunasan sya.

“Thank you My Loves.” Pasalamat sakin ni Nathan sabay kindat.

Pero syempre hindi naman ako ganon kasama kaya lang inabot kolang kay Samuel yung isang towel na dala ko. Pinapanood kolang silang dalawa dahil wala naman akong alam sa mga ganyan, Ilang minuto lang din at natapos na silang ikabit yung gulong salamat din kay Samuel at napabilis si Nathan sa tulong nya.

Nagpunas muna sila pareho sabay lapit sakin. Jusme parang gusto kong kumanta ng Tukso. Oh tukso!!! Layuan mo ako!!!!!!!!

“Dex pwedeng pausot sakin yung damit ko??”

“Ha? Pasuot? Bakit dika ba marunong?” tanong ko agad sa kanya at napatawa sya.

“Ofcourse not madumi lang kasi yung kamay ko baka madumihan lang.”

May point ka nga naman sya, Pero tumingin muna ako sa direksyon ni Nathan para sana magpaalam at pagtingin ko palang ay tumango na sya.

Alam kong payag sya kahit hindi sya magsalita, Kaya lumapit ako kay Samuel at sinuot sa kanya yung damit nya.

“Thanks Dex.”

“Kami nga ang dapat magpasalamat sayo kasi tinulungan mo kami.”

“No Problem, It’s my pleassure and by the way bro My Name Is Samuel, Samuel Montes.”

Lumapit sya kay Nathan at inabot yung kamay nya, Kinabahan ako kasi baka biglang tupakin si Nathan at snabin nya si Samuel.

“ Ako naman si Nathan, Boyfriend ni Dex.“

Nagkamayan silang dalawa at parang close na agad.

“Pano hindi na ako magtatagal, Nice meeting you again Dex.” -Samuel

“Thank you ulit sa tulong.”

Nag babye nalang ako may Samuel hanggang sa makasakay sya at makaalis.

“My Loves tara na, Baka abutan tayo ng hating gabi.” -Nathan

Pumasok na kami ni Nathan sa loob ng kotse nya At napansin kong hindi pasya nagsusuot ng damit nya.

“Nathan suotin mo tong damit mo baka lamigin ka.”

“Hindi na My Loves, Para makita mo yung ganda ng katawan ko mas maganda pa sa katawan ng Samuel nayon” -Nathan

Binato ko bigla sa mukha ni Nathan yung damit nya, Para kasing bata haha nagseselos na naman yon.

“Nagseselos kaba?”

“Ako Nagseselos bakit naman ako magseselos? Eh wala naman binatbat yun sakin.” -Nathan

Ay grabe sya haha Gwapong Gwapo lang sa sarili.

“Oo na Mas gwapo kana at mas maganda ang katawan, Pero magbihis kana muna baka magkasakit kapa sa ginagawa mo.”

“Pano nga pala kayo nagkakilala ni Samuel?” tanong sakin ni Nathan habang sinusuot yung damit nya.

“Sa Park, Bigla syang lumapit samin ni Miles. Kasi si Miles grabe nakatingin kay Samuel na Love at First sight ata tapos ayon na.”

“Ganon lang?” - Nathan

“Bakit meron paba dapat?”

“Eh ikaw hindi kaba nag ka Crush sa kanya?” -Nathan

“Ano bang klaseng tanong yan? Syempre hindi. Alam mo My Loves ikaw lang Mahal ko.”

“Talaga?” -Nathan

“Oo. Promise itaga mo yan sa bato.”

Napangiti nilang si Nathan sa sinabi ko at sinimulan ng magmaneho.

Kahit araw kong nakakasama at nakikita si Nathan hindi padin ako nagsasawa na mahalin sya, Kasi habang tumatagal mas lalo kopa syang minamahal.

SAMUEL’S POV

“Kuya Mabuti naman umuwe kana, Akala ko wala kanang balak umuwe san kaba kasi galing?” bungad sakin ni Andrea pagkakita nya palang sakin.

“Sa mga tropa kolang, Bakit ano bang meron??” 

“Ang sabi ni Miguel nahanap na daw nya si Caliv” -Andrea

Medyo nagulat ako sa sinabi sakin ni Andrea kasi halatang sigurado sya sa mga sinabi nya.

“Are you sure? Baka naman mali na naman yan si Miguel.”

“No kuya this time he assured me na tama sya, Na nahanap na talaga nya si Caliv.” -Andrea

“Then where is Caliv? Bakit wala sya ngayon dito kung talagang nakita na nya ang kapatid natin?”

“Ang sabi nya lang ay ayaw daw nito maniwala, Kaya binigay nya nalang kay Mommy yung Address kung saan matatagpuan ang kapatid natin.” -Andrea

“Well, That’s a good news mukhang makokompleto na ang Pamilya natin. Magiging masaya nadin sila Mommy at Daddy.”

“Sana nga” matamlay na sagot ni Andrea

“Bakit parang hindi ka Masaya na makokompleto na tayo?”

“Kuya Masaya ako, Pero hindi ko maiwasang isipin na maiichapwera na naman ako, Ngayong pangalang na wala si Caliv hindi ko maramdaman na Parte ako ng Pamilya na to, Ngayon pa kaya na babalik na sya?” -Andrea

Matapang na tao si Andrea at ayaw na ayaw nyang kinakaawaan sya at ni minsan hindi nya ipapakita na nahihirapan at kailangan nya ng karamay. Pero kahit anong tago nya ay hindi sya makakalagpas sakin dahil kuya nya ako alam ko kung nasasaktan sya o hindi.

Lumapit ako sa kapatid ko at niyakap sya ng mahigpit.

“Wag mong isipin na Porke’t babalik si Caliv ay mababalewala kana, Tayo. Mahal tayo nila Mommy at Daddy. Kahit minsan nagagalit sila satin kasi tayo naman talaga ang may kasalanan ay Mahal padin nila tayo.”

Walang magulang na gustong nasasaktan ang kanilang mga anak, Bilang panganay ay lagi kong pinapaalala kay Andrea kung gano kami kamahal ng mga Parents namin.

CHAPTER 6

DEX’S POV

“Baks malapit na Birthday mo ano palang ganap?”

“Wala, Kahit ano lang sapat na sakin ang importante makapagpasalamat ako dahil umabot pa ako sa edad nato.”

“Ang KJ mo talaga, Haler? Once in a year lang nangyayari ang Birthday mo hindi mopa icecelebrate?” -Miles

“Sila Mama meron daw silang pakulo pero kagaya nga ng sinabi ko kahit simple lang.”

“Basta ako may naisip na akong regalo sayo.” -Miles

“Ano naman?” agad kong tanong sa kanya.

“Secret lang muna, Pero for sure magugustuhan mo yan.” -Miles

“Siguraduhin molang na maayos lang regalo mo baka kung ano na naman yan.”

“Relax kaibigan mo ako wala akong gagawin na hindi maganda sa Birthday mo.” -Miles

Ewan koba kung maniniwala ako sa mga sinasabi ni Miles kasi gasgas na yung linyang yan.

Tuwing Birthday ko naglalabasan yung mga Throwback Pictures buti sana kung maayos eh kaso ang karamihan ang dugyot ko tingnan, Tapos meron pa Babatuhin ako nang itlog, Tawang tawa pa sila pero ang hindi nila nakakasakit na sila haha, Sila kaya batuhin ng itlog. 

“Dex pupunta ba si Mark at Dan sa Birthday mo?” -Miles

“Si Mark susubukan nya daw pero hindi sya sigurado si Dan naman malabo yon makapunta kasi nga may kontrata sya don diba?”

“Sana makapunta sila sobrang Miss na Miss kona kaya yung dalawa nayon.” -Miles

Ako din Miss kona sila, Kamusta na kaya sila?

Sana bumalik na yung dating pagmamahalan ni Sheena at Mark sa isa’t isa at si Dan naman sana masaya na sya ngayon sa pinili nyang landas at sana mahanap nya na din yung taong karapat dapat sa kanya.

Ngayong Araw na ang kaarawan ko isang taon na naman ang nadagdag sa edad ko Jusme tumatanda na ako haha.

Pagkagising ko palang ay naka recieve ako nang mahabang Birthday Greet kay My Loves.

Pati sa Facebook ko andami ding bumati kahit yung mga FB Friends kolang at hindi ko naman kakilala ay binati din ako. Pero syempre nakakalungkot lang dahil nakatanggaap ako ng message mula kay Dan na hindi sya makakapunta. Paglibot ko sa buong bahay namin ay hindi ko nakita sila Mama, Papa at kahit si Kyline. Siguro may pakulo na naman ang mga yon sabi ko nalang sa isip ko.

Mag-isa lang ako na nag almusal dahil ako lang ang tao sa bahay wala akong ideya kung nasan ngayon sila Mama. Habang kumakain ako ay nakatanggap ako ng tawag mula kay My Loves.

’ Hello My Loves napatawag ka?’

‘Kayo po ba si Dex?’

‘Opo ako nga, Sino to? Ba’t mo hawak ang Phone ni Nathan?’ nagulat ako kasi ibang boses ang nasa kabilang linya.

’ Hindi napo importante kung sino ako, Puntahan nyo po dito si Nathan sa may Marcos Hi-Way’ Natatarantang sabi nya.

’Naaksidente po

sya’

’Ano!!!!!“

Hindi kona pinatapos yung convo naman at dali dali na akong umalis para puntahan si My loves yung kaba sa dibdib ko sobra parang sasabog na. Lord sana okay lang si Nathan..

Pagdating ko sa mismong hi way andami kong nakitang mga tao na nakapalibot kaya pumunta agad ako don at nakita ko si Nathan na nakahandusay at ang daming dugo.

“Nathan!!!!!!”

Lumapit ako sa kanya at niyakap ko sya, Wala syang malay pero sinusubukan ko syang gisingin.

“My Lovessssss, Nandito na ako. Lumaban ka My Lovesss wag kang papatalo. My Loves!!! Hindi ko kaya kung mawawala ka!. Tulungan nyo kami please! Dahil natin sya sa Hospital!!!”

Hindi ko na napigilang ang hindi umiyak, Hindi pwedeng mawala sakin si Nathan dahil kabiyak na sya ng pagkatao ko at ikamamatay ko kapag may nangyaring hindi maganda sa kanya.

HAPPY BIRTHDAY TO YOU, HAPPY BIRTHDAY TO YOU

.“

Napalingon ako sa mga tao sa paligid ko, Nakangiti sila habang kumakanta. Anong ibig sabihin nito????

“Happy Birthday My Loves”

Nagulat ako ng marinig si Nathan na nag salita at unti unting bumangon sa pagkakahiga.

Akala koba naaksidenta sya??? Ano ba to? Niloloko nya lang ba ako?

“Nathan akala koba Naaksidenta ka?”

Lumapit sakin si Nathan at hinawakan yung dalawang kamay ko.

“Sorry My Loves, Wala kasi akong ibang naisip na paraan para masurpresa ka.” -Nathan

Sa kabilang banda ay kinilig naman ako sa pakulo nya. Pero nainis padin ako kasi pinag-alala nya ako ng sobra, Halos mamatay na ako sa sobrang takot.

“Wag mona ulit uulitin itong ginawa mo, Pinakaba mo ako ng sobra.”

“Sorry na My Loves, Sya nga pala ito na yung regalo ko sayo.”

Biglang lumuhod si Nathan sa harapan ko at may kinuha sa bulsa nya.

“Siguro nga maraming nagtataka na maraming babae dyan pero ikaw ang pinili, Ikaw ang Pinili kong mahalin at makasama. Pero wala akong paki sa ano mang sasabihin ng iba na mali ito, Na kasalanan to, Dahil isa lang alam ko yon ay Mahal kita.” -Nathan

“Nathan ano ba yang mga pinagsasasabi mo?”

“Dex Vasquez sa harap ng mga taong nakatingin satin, Gusto kong mas lumalim pa ang pagsasama natin, Dahil ayoko na basta lang maging Boyfriend mo, I Just wanted to be your Husband.”

Naiyak na ako habang nagsasalita si Nathan. Ramdam na ramdam ko ang senseridad at pagmamahal nya habang nagsasalita sya. Hindi ako nakaimik at pinakinggan kolang sya.

“Dex Vasquez, My Loves. Will you marry me?”

Pumuwesto bigla yung mga tao sa likod ni Nathan at may hawak hawak na salitang Will You Marry Me?

“Yesssss.” Sigawan nang mga tao na kilig na kilig.

Meron pang mga sumisigaw nang

‘SANA ALL’

Kinuha ni Nathan yung singsing at pinuwesto na sa daliri ko.

“Yes Nathan, I Will Marry You.”

Hindi na ako nagpakipot pa dahil wala naman dapat pang isipin mahal namin ang isa’t isa at tinanggap nya ako kaya sapat nayon para umuo ako. Sinuot ni My Loves yung singsing sa daliri ko at mahigpit akong niyakap.

Hinding hindi ko malilimutan ang araw nato, Ito na siguro ang pinaka magandang regalo na natanggap ko sa buong buhay ko.

“Salamat My Loves Mahal na Mahal kita.” -Nathan

“Mahal na Mahal din kita Nathan.”

“Pano tara na?? Baka hinihintay na nila tayo.” -Nathan

“Bakit sinong naghihintay satin?”

“Hindi lang ito ang surpresa namin sayo, Meron pa.” -Nathan

“Sandali lang, Aalis tayo na ganyan ang itsura mo?”

Ang dumi kasi nya tingnan pano ba naman kasi naglagay nang pintura para kunwari may dugo sya.

“Wag kang magalala My Loves may extra ako sa kotse. So tara na?”

Masaya kaming umalis ni Nathan na parehong may ngiti sa mga labi, Habang nasa byahe ay hindi ko padin mapigilan ang hindi kiligin sa ginawa nya. Kahit sino naman diba?

Atsaka pangarap kaya lahat ng bakla yan, Ang may mag aya sa kanila ng kasal.

Doon kami huminto ni Nathan sa bago nilang bahay.

Pagpasok na pagpasok palang namin ay sabag sabay nila ako binatin.

“ HAPPY BIRTHDAY DEX!!!!!!!!!“

Naiyak na naman ako sa surpresa nila sakib, Kainis napaka iyakin kopa din hanggang ngayon.

“Happy Birthday kuya!!”

Lumapit agad sakin si Kyline at may inabot na regalo.

“Salamat baby Girl.”

“Happy Birthday Dex.” bati sakin ni Mama at Papa at may inabot na regalo.

“Nandito pala kayo kaya pala walang tao kanina sa bahay ng magising ako.”

“Ito kasing mama mo sabi nya umalis na daw kami habang tulog kapa.” -Papa

“Haha sorry na, Diba na surpresa ka?” -Mama

“Pero salamat po sa efforts nyo.”

Niyakap ko sila Mama at Papa. Dahil isa sila sa dapat kong pasalamatan kung bakit nandito ako ngayon, Dahil kung hindi dahil sa kanila walang Dex na mabubuhay.

Lumapit sakin yung apat na tropa ni Nathan, Inimbitahan din pala sila.

“Happy Birthday My Loves, Ay Dex pala.” -Dave

“Happy Birthday Dex.” Bati naman sakin ng tatlo.

“Salamat.”

“Dex pwede ba naming mahiram si My Loves mo?, Tatagay lang kami.” - Dave

Napalingon agad sakin si Nathan at nag-aantay ng sagot ko.

“Sure, Basta wag dadamihan ha?”

“Oo naman kami paba?” -Dave

Hinila nang apat si Nathan kaya hindi na sya nakapalag pa.

“Happy Birthday Dex.”

Bati sakin Ni Tito Greg habang kasama si Tita Emman.

“Thanks po Tito Greg”

Syempre may natanggap akong gift mula sa kanya.

“Happy Birthday sa pinakamaganda kong pamangkin.”

“Thanks tita Emman.”

Mga bigatin ang mga invited sa Birthday ko haha daming paregalo.

“Bakssss Happy Happy super mega Bitthday!!! Tanders kana be!!!!”

Kahit kailan talaga basher kotong si Miles

“Tanders talaga? Excuse me bata padin ako.”

“Bata? Batang isip? Hahaha char! Ito pala yung regalo mo”

May inabot sya sakin isang maliit kahon

“Ano to?”

“Regalo? Haha Joke, Sige na buksan mo sigurado ako na magugustuhan mo yan.” -Miles

Naexcite naman ako sa sinabi ni Miles kaya nadali dali kong binuksan. Sa isip ko ay singsing ang laman non kaya lang hindi ko inexpect ang nakita ko.

Gusto nyo malaman kung ano? 

Isang brand lang naman ng Protection sa sex, Huhu condom mga besh, Madalas talaga may pag ka siraulo din tong kaibigan ko.

“Oh bakit pulang pula ka? Hindi moba nagustuhan ang regalo ko?” -Miles

“Loka ka talaga, Ba’t ganito????” 

“Hehe wala kasi akong maisip na iregalo sayo, Pero one hundred percent ako na magagamit moyan.” -Miles

“The Best, Bestfriend ka talaga.”

“Akala koba ako ang The Best, Bestfriend mo?”

Biglang may tumakip sa mata ko mula sa likuran.

“Mark????”

Tinanggal ko ang kamay nya sa mga mata ko at pagharap ko ay Si Mark nga!!!!

“Happy Birthday Dex.” bati nya sakin Sa sobrang saya ko ay niyakap ko sya nang mahigpit, Mahigpit na mahigpit. Dahil sobra kong na miss ang Bestfriend ko.

“Akala ko hindi ka makakadating eh.”

“Pwede bayon? Birthday nang pinakamamahal kong Bestfriend makakalimutan ko? Oh ito na yung regalo mo.” -Mark

Inabot sakin ni Mark yung bitbit nyang regalo ang sarap sa Feeling na nandito sya at makakasama ko sa pagcecelebrate ng Birthday ko.

“Asan pala si Sheena at ang anak mo? Ba’t dimo kasama?”

“May pasok kasi si Myla ngayon kaya ang sabi ni Sheena hindi sya makakasama pero ang Sabi nya ibati ko nalang daw sya.” -Mark

“Sayang naman, Na miss kopa naman din sila.”

“Wag kang mag-alala kapag walang pasok si Myla bibisatahin ka namin.” -Nathan

“Sige sabi mo yan ha?”

“Oo ikaw paba? Malakas ka ata sakin.” -Mark

Andito lahat ng mga dati kong kaibigan, Pati sila manang at Ate Erna nandito din. Si kenji at Irish pumunta din sila kaso sumaglit lang may aasikasuhin pa daw sila, Si Jasmine naman hindi makakapunta dahil may work sya pero babawi nalang daw sya sakin.

Pinagmamasdan kolang ang mga tao sa paligid ko lahat sila masaya habang kumakin at nagkukwentuhan, Sana ganito nalang kami lagi kasaya

“Hulihin nyo ang babaeng yan!” utos nang babae sa mga pulis, Agad naman silang lumapit kay Mama at pinusasan sya.

Lahat kami nagulat sa pagsulpot nang mga police at nang babae na hindi ko naman kakilala.

Hindi ko maintindihan kung anong nangyayari pero dahil ginaganon nila si Mama ay lumapit na ako.

“Sandali lang po mga Sir bakit nyo po hinuhuli si Mama? Ano pong nagawa nya?”

“Dahil ninakaw ka nya sakin” Saba’t nang babae kaya napalingon ako sa kanya.

“Hindi kopo kayo maintindihan Ma’am, Ano po bang kailangan nyo???”

“Ako si Aurora Montes ang tunay mong Ina, Matagal na kitang hinahanap anak.”

Nagulat ako sa sinabi nya at hindi ko alam kung nagsasabi sya nang totoo, Siya ba ang tinutukoy ni Miguel na nagpapahanap sakin??

Lumapit sakin si Aurora pero napaatras.

“Hindi po kayo ang Nanay ko, Baka nagkakamali po kayo please lang po umalis na kayo.”

“Nagsasabi ako nang totoo anak, Ikaw si Caliv ang matagal na nawawala kong anak.” 

Tumulo na yung luha sa mga mata ni Aurora at pakiramdam ko nagsasabi sya nang totoo.

Nalingon din ako kay Mama na umiiyak nadin.

“Ma? Sabihin mo sakin na hindi totoo ang sinasabi nang babaeng to, Sabihin mo sakin na anak moko, Sabihin mo sa kanya na anak mo ako! Anak mo ako diba?”

“Sorry Dex, Sorry.” -Mama

“Ma!! Oo o Hindi lang! Anak mo ako diba?”

Napailing si Mama sabay hagulgol ng iyak, Ako naman pinipilit kong maging matapang pero sadyang hindi nagpaawat ang pagtulo ng luha sa mga mata ko.

“Nakita mona? Nagsasabi ako ng totoo.” -Aurora

“Anak magpapaliwanag ako, Please pakinggan mo muna ako.” -Mama

“Tama na! Ayoko na muna marinig ang mga sasabihin nyo!!”

Napatakbo ako palabas ng bahay nila Tita Emman pero hinabol at sinundan pala ako ni Nathan.

“My Loves san ka pupunta?” -Nathan

“Hindi ko alam My Loves, Pero gusto ko munang mapag-isa.”

Pumara agad ako ng taxi mabuti nalang may saktong napadaan. Sobrang bigat nang nararamdaman ko parang sinasaksak ang puso ko ng mga katotohanang ngayon kolang nalaman.

Ang sakit lang kasi isipin na hindi pala ako tunay na anak nila Mama at tinago nila sakin yon sa loob ng mahabang panahon.

Isa pala akong Montes na matagal hinanap ng aking tunay na mga magulang.

Andaming tanong na gumugulo sa isip ko at sa sobrang dami ay gusto ko nalang iumpog ang ulo ko.

CHAPTER 7

DEX’S POV

“Sir san po ba tayo pupunta?” Tanong sakin ng driver.

“Sa Lugar po na malayo sa lahat, Sa lugar na tahimik at walang ibang taong makakakita sakin.”

Napakamot nalang sa ulo si manong driver dahil sa sagot ko.

“Meron po ba non?” Tanong nya ulit.

“Sige po ipagpatuloy nyo lang yung pagmamaneho, Wag kayo mag-alala magbabayad naman po ako.”

Sobrang gulo lang talaga ng pag-iisip ko ngayon, Hindi ko alam kung pano tatanggapin na hindi ako anak nila mama at papa at ang pinakamasakit sa lahat ay buong buhay ko at pagkatao ay isang malaking kasinungalingan dahil hindi pala ako si Dex, May iba pa pala akong katauhan at ibang Pamilya.

Nakailang missed calls na sakin si My Loves at Miles pero hindi ko sila sinagot pareho, Dahil gusto ko muna mapag-isa, Gusto ko muna mag sink in sa utak ko yung mga rebelasyong nalaman ko.

“Sir medyo malayo layo napo tayo hindi nyo padin po ba alam kung saan kayo bababa?”

Tiningnan ko muna ang paligid madilim na at nasa isang lugar kami at may mahabang tuloy na onti lang ang dumadaang sasakyan.

“Sige manong pahinto nalang po sa gilid”

Bago ako be bumaba ay nagbayad na muna ako at humingi ng pasensya dahil sa naging abala ko.

Napayakap nalang ako sa sarili ko ng dumampi sakin ang malamig na simoy ng hangin.

Habang naglalakad ako ay inaalala ko yung mga panahong bata pa ako at masaya kami nila Mama at Papa.

Naglakad pa ako hanggang sa makarating ako sa isang tulay, Tiningan ko ang ibaba at tubig ang nakita.

Malalim siguro yan sabi ko nalang sa sarili ko. Parang may part sa utak ko na nagsasabi na tumalon ako para matapos na ang lahat ng gumugulo sa utak ko.

Tinaas ko ang dalawang kamay ko (Yung parang sa Titanic haha) at muling dinamdam ang malamig na simoy ng hangin.

Ang sarap sa pakiramdam parang narerefresh ako. Habang nasa ganong moment ako ay may narinig akong bumusina, Nilingon ko yung likuran ko at may nakahintong sasakyan sa tapat ko. Dedma ko lang yon dahil baka hindi ako ang binubusinahan nya.

Pero nagbusina ulit sya ng malakas. Problema non?

Tanong ko sa sarili ko, Pampam sya?

Diba nya alam na nag eemote ako dito mag-isa?

Hindi ko ulit sya pinansin at back to position ako, Pinikit ko nalang ang mga mata ko at nag wish na umalis na yung kotseng yon.

Pero ilang segundo lang ang lumipas ay may naramdaman akong kumapit sa dalawang kamay ko at hinila ako palayo sa tuloy.

“SANDALI BITAWAN MO NGA AKO! Sino kaba?!”

Sigaw ko para marinig ng lahat haha baka mamaya sindikato sya na nangunguha ng kidney huhuhu.

“Sshh relax i am not a bad person, Gusto lang kita tulungan” Sabi nya sakin kaya napakalma ako.

“Tulungan bakit?” Takang tanong ko sa kanya.

“Kung may problema ka pwede mo akong kausapin hindi mona kailangan pang tumalon dyan dahil hindi mawawala akong problema mo sa gagawin mo.”

Lah pampam sya? Ba’t naman ako tatalaon ano ako baliw?

“Sino bang nagsabing tatalon ako?”

“Diba kaya ka nga nandyan para tumalon?”

“Excuse me lang ha? Mahal kopa ang buhay ko kaya never akong tatalon dyan.”

“Kung wala kang balak na tumalon ba’t ka nasa tulay?”

“Diba pwedeng magpapahangin lang? para marefresh? Hay nako mga tao nga talaga ngayon masyadong advanced mag-isip.”

“Sorry naman, akala ko kasi eh. Pero natakot talaga ako ng makita na nasa gilid ng tulay.”

“Ba’t ka matatakot? mukha naba akong multo?”

“HINDI naman, Pero syempre witness ako if ever na tumalon ka at wala man lang akong nagawa para iligtas ka.”

“Sorry kung nakonsensya pa kita, Pero wag kang mag-alala ayos lang talaga ako at hindi ako tatalon.”

“Ganon ba? By the way ako nga pala si Andrew, Andrew Santillan but you can call me Drew.”

Inabot nyo sakin yung kamay nya para makipag shake hands so i accept it.

“Ako naman si Dex”

“Dex nice name, Pauwe kana ba? Gusto mo ihatid na kita?” -Drew

“Nako hindi na, Maghahanap nalang ako ng masasakyan.”

“Sumabay kana sakin, Mahihirapan kang makasakay dito.” -Drew

Napaisip agad ako bigla sa sinabi nya, Tama sya wala masyadong dumadaan dito atsaka gabi na baka kung mapaano ako dito. Pero san naman ako pupunta? Ayoko muna magpakita sa kanilang lahat.

“Saan kaba umuuwe?” Tanong nya ulit sakin.

“Ah eh naglayas kasi ako samin kaya hindi ko alam kung saan ako pupunta ngayon.”

“Edi sama ka nalang sakin, Doon sa Condo ko.” -Drew

Lah? Ako sasama??? Close ba kami nito? baka mamaya sindikato talaga sya eh.

“Hindi na hahanap nalang muna ako ng ibanh matutuluyan.”

“Wag kana mahiya atsaka sinabi kona sayo na hindi ako masamang tao at wala akong gagawin na masama sayo.” -Drew

Mukha nga naman syang mabait haha kaya ang ending ay sumama ako sa kanya. Omagash sumama ako sa isang stranger??? Jusme! sana hindi ako mapahamak nito.

So ayon na nga sumama ako sa Condo nya at mga besh mukhang RK itong si Drew kasi ang ganda ng Condo nya at mukhang mamahalin pa ang mga gamit.

“Ikaw lang nakatira dito?”

“Oo, Pero minsan pumupunta dito yung Girlfriend ko.” -Drew

“May Girlfriend kana?”

“Oo meron na, Kaso hindi kami masyadong nagkakasama kasi lagi syang busy. Pero wag na muna natin syang pag-usapan, Kumain kana ba?” -Drew

Napahawak agad ako sa sikmura ko sa sobrang bilis ng pangyayari kanina hindi na ako nakakain.

“Mukhang gutom kana nga, Sandali lang kukunan kita ng makakain.”

Iniwan mona ako ni Andrew saglit kaya tiningnan ko muna yung paligid ang ganda talaga mas maganda pa sa bahay namin.

Napukaw ang atensyon ko sa isang larawan ng lalaki at babae, kinuha ko yung frame at tiningnan ito ng maigi. Si Andrew yung lalaki at yung babae? Hindi ako pwedeng magkamali si Andrea yon, Omagash! Napakaliit nga talaga ng mundo biruin mo Girlfriend ni Andrew si Andrea????

“Siya pala yung Girlfriend ko.”

“Ay kalabaw!” Muntik ko nang mabitawan yung hawak hawak ko dahil sa gulat kay Andrew.

“Ganon naba ako kapangit?” -Andrew

“Sorry nagulat lang talaga ako, Pero Girlfriend mo talaga si Andrea?”

“Wait kilala mo si Andrea? Magkakilala kayo?”- Drew

“Hindi naman masyado.”

Hindi kona sinabi sa kanya na hindi kami magkasundo ni Andrea dahil una palang kaming nagkita ay mainit na ang dugo nya sakin.

Mabait naman pala si Andrew hindi katulad ng iniisip ko na isa syang sindikato hahaha pinakain nya ako pinahiram ng masusuot.

Kahit paano naman ay iniisip kopa din sila Mama at Papa lalong lalo na si My Loves pero sa ngayon kailangan ko muna lumayo sa kanila para makapag-isip isip.

Marivick’s Pov

Ito na nga ba ang kinakatakot ko ang Malaman ni Dex ang katotohanan tungkol aa pagkatao nya.

Gusto ko mang sabihin ang rason ko kung bakit ko nagawa sa kanya yon pero hindi ko magawa dahil nandito ako ngayon sa kulungan.

Pero alam ng Diyos na kung gaano ko ka Mahal si Dex at kaya kong isakripisyo ang lahat para lang sa kanya.

“Masarap ba sa bilangguan? Magnanakaw.”

Napatingin agad sa nagsalita.

“Anong ginagawa mo dito Aurora?”

“Mabuti naman at nakikilala mopa ako? Nandito lang ako para i check na hindi kana makakalaya baka kasi kunin mopa ulit sakin yung anak ko.” -Aurora

“Please lang Aurora palayain mona ako, Kailangan ko makausap ang anak ko.”

Kung kinakailangan lumuhod ako sa harap nya gagawin ko basta makalaya lang ako dito.

“And what’s make you think na papalayain pa kita? And Correction lang Anak ko si Caliv!” - Aurora

“Aurora patawarin mona ako.”

“Naririnig moba ang sinasabi mo?! 23 years! 23 years molang naman nilayo samin ang anak ko! 23 years mo kaming pinahirapan! Sa tingin moba mababawi lahat ng ginawa mo sa isang sorry lang! Kahit lumuha kapa ng dugo hindi kana makakalaya dyan! mabubulak kana dito sa kulungan!” -Aurora

Tatanggapin ko lahat ng sasabihin sakin ni Aurora kahit masasakit payon dahil kasalanan ko naman. Napaupo nalang ako sa isang tabi at umiiyak, Hindi ko akalain na aabot sa ganito ang ginawa ko.

……………………FLASBACK……………………..

Habang nasa mall kami ni Vince ay may nakita kaming batang umiiyak kaya nilapitan agad namin.

“Mommy! mommy!!”

“Bata ba’t ka umiiyak?”

“Si mommy! mommy!”

Iyak padin ng iyak yung bata, naawa tuloy ako bigla sa kanya. Asan ba kasi ang mga magulang nya?? Bat nila iniwan tong bata.

“Bata wag kanang umiyak, Hahanapin na natin ang mommy mo.”

“Talaga po?”

“Oo naman, kAya wag kanang umiyak.”

Tumahan naman agad yung bata at sumama na samin, Ewan koba pero una ko palang nakita yung bata may iba na agad akong naramdaman.

“Anong balak mo sa bata nayan? baka hinahanap na yan ng magulang nya.” Saway sakin ni Vince.

“Sandali lang dimo ba nakikita nag eenjoy yung bata?”

Dinala ko kasi yung bata sa may palaruan para malibang sya at hindi na umiiyak.

At pagkatapos non ay pinakain din namin sya, Aaminin kona napukaw agad nung bata yung loob ko kaya mas pinili ko munang makasama sya kesa hanapin namin yung Mommy nya. 

Ilang taon nadin kasi kami nagsasama ni Vince pero hindi padin kami nabibiyayaan ng anak kaya sabik na sabik ako magkaanak. Dahil ilang oras naming ginala yung bata ay nakatulog  na sya.

“Marivick isaoli na natin yung bata, Baka hinahanap na sya ng mga magulang nya.”

-Vince

“Pwede bang atin nalang sya?”

“Nababaliw kaba? May magulang yang bata na yan na sigurado ako na hinahanap na sya ngayon.”

-Vince

“Please Vince, Kahit isang araw lang. Pagbigayan mona ako promise isasaoli kodin sya.”

Kinulit ko talaga ng gusto si Vince para mapapayag sya ag kahit labag sa kalooban nya ay pumayag din sya sa huli. Kaya isinama namin yung bata sa bahay namin at ang isang araw ay naging isang linggo, buwan at taon

.

………………END OF FLASBACK………………

Sabihin na nang lahat na magnanakaw ako pero hinding hindi ko ikakahiya na naging magulang ako kay Dex. Napalaki ko sya ng maayos at may takot sa Diyos kaya alam kong maiintindihan nya din ako.

CHAPTER 8

DEX’S POV

Sa Condo na ako ni Andrew nagpalipas ng gabi pero nagpaalam din naman ako sa kanya agad kinabukasan, Nakakahiya naman kasi kung magsstay pa ako ng matagal.

“Andrew salamat pala sa pagpapatuloy mo sakin.”

“Wala yon masaya nga ako na nakatulong ako sa iba. Pero kung kailangan mo ng makakausap o matutuluyan tawagan mo lang ako. here’s my calling card.”

Inabot sakin ni Andrew yung calling card nya kineme tapos non ay umalis na ako. Mabait naman pala talaga sya ako lang to ang masyado ang iniisip, pagkamalan koba namang sindikato hahaha. Tama nga ang kasabihan never judge a book by it’s cover.

Sa totoo lang hindi ko alam kung uuwe ako o magliliwaliw muna sobrang dami nang messages ang natanggap ko mula kay Nathan at sa pamilya ko pero ayaw ko silang replyan.

Paglabas ko sa Condo ni Andrew ay naghanap agad ng masasakyan kaso ang problema wala pala akong dalang cash pinambayad kona pala lahat don sa taxi.

Dahil sa wala akong pera ay naglakad nalang ako sa initan, Bahala na si Batman kung saan ako makarating.

“Kuya pahingi po ng pambiling pagkain, Nagugutom napo kasi ako.”

Lumapit sakin yung dalawang bata habang hawak hawak yung kanilang mga tiyan. Naawa tuloy ako bigla kasi sobrang hirap ang magutom dahil mahihirapan kang gawin yung mga dapat na kailangan dahil wala kang lakas.

Kaya lang naalala ko ulit wala pala akong Cash, Anong gagawin ko?  Hindi ko naman pwedeng iwan nalang tong mga bata nato.

“Ah eh mga be tara sama nalang kayo sakin papakainin ko kayo.”

“Talaga po??? Salamat po.” Kita ko sa mga mata nila yung saya ng malaman nilang makakakain sila.

Humanap agad kami ng pinaka malapit na kainan. At may nadaanan kami na isang maliit na Canteen. Nag-order agad ako ng makakain ng dalawang bata, Dahil alam kong nagugutom na sila.

Nang maihain na ang pagkain ay agad nila itong nilantakan na parang hindi sila nakakain ng ilang araw.

“Dahan dahan lang mga bata baka mabulunan kayo.”

“Sorry po, Gutom na gutom lang po talaga kami.”

“Sige lang kumain kayo ng madami”

Sobrang nakakaawa silang tingnan. Nakakalungkot lang na isipin na habang yung iba nagpapakasasa sa kanilang mga yaman ay may mga taong nagugutom at walang makain.

“Salamat po, Nabusog po kami.” Sabay nilang sabi sakin makatapos silang kumain.

“Walang anuman.”

Lumapit na ako sa medyo matandang babae para malaman kung magkano ang babayaran ko.

“Ate magkano po lahat?”

“165 lang po” sagot nya sakin.

“Tumatanggap po ba kayo ng Card? Naubusan napo kasi ako ng Cash eh.”

“Nako hindi po, Maliit na karindirya lang po ito. Cash lang po ang pwede.”

Paktay tayo dyan mukha pa naman syang masungit. Ito na nga ba ang sinasabi ko eh naawa lang talaga ako sa mga bata hindi ko naman silan pwedeng basta basta iwan.

“Ate pwede po ba balikan ko nalang? Mag wiwithdraw lang po ako.”

“Nako hindi po pwede mamaya hindi na kayo bumalik alam nyo naman na karindirya ang kinainan nyo tapos magtatanong kayo kung pwede ang Card, bayaran nyo nalang po ang lahat ng inorder nyo.”

Hala nagsungit na sya. Anong gagawin ko eh wala naman akong dalang Cash.

“Manang ako napo ang magbabayad.” Napalingon agad ako sa lalaking nagsalita.

“Miguel??”

“Ako nga Caliv” -Miguel

“Pano mo nalaman kung nasan ako?”

“Investigator nga diba? So malalaman at malalaman ko kung nasan ka.” - Miguel

“Investigator? Baka stalker. Umalis kana nga.”

“Ikaw na nga tinutulungan ikaw pa nagagalit, Hindi ka man lang magpasalamat.” -Miguel

“Hindi ko kailangan ng tulong mo, Kaya ko naman mag bayad.”

“Talaga? Sige hindi kona babayadan may pera ka pala.” - Miguel

Pashnea tong Miguel nato niloloko lang naman sya, Huhu wala lang talaga akong Cash.

“Sino ba talaga sa inyo ang magbabayad, Bilisan nyo at marami pa akong gagawin.”

Napatingin agad ako sa Tindera na halatang naiinis na sa tagal naming magbayad, Tapos tumingin ulit ako kay Miguel at tinawanan nya lang ako.

“Manang ako napo, Eto po sa inyo na yung sukli. Kain kasi ng kain yung iba dyan wala palang pambayad”

Ay talagang pag duldulan pa sakin? Maka hanap lang talaga ako ng ATM machine at makapag withdraw babayaran ko sa kanya at keep the change din!

“Kuya maraming salamat po ulit, Nabusog po talaga kami.”

Sana all ganyan yung mga bata kahit kapos ay hindi padin nakakalimutan ang magpasalamat.

“Walang anuman.”

Pagkatapos non ay umalis na yung magkapatid at ako naman ay katapat padin tong lalaking Stalker.

“Hoy Stalker ano na naman kailangan mo sakin ba’t moko sinusundan hanggang dito?”

“Hindi ako stalker, Investigator ako okay? CAPITAL IN VES TI GA TOR.” -Miguel

“Kung ano kaman bahala ka, Kailangan kona umuwe dahil baka hinahanap na ako samin.”

“Hindi ka pwede umalis dahil isasama na kita sa tunay mong mga magulang.”

Hinawakan ni Miguel ang kamay ko at hinila ako pero pinigilan ko sya.

“Ayoko nga, Isa lang ang Pamilya ko at doon ako uuwe sa kanila.”

“Sa ayaw at sa gusto mo isasama kita, Kaya wag kanang makulit.” -Miguel

“Kapag dimo ako binitawan sisigaw ako.”

“Subukan mo ikaw lang din ang mapapahiya.” -Miguel

Aba sinusubukan nya talaga ako? Pwes makikita nya.

“Tulong! Tulungan nyo po ako! Mamatay Tao to! papatayin nya ako!”

Nanlaki bigla ang mga mata ni Miguel dahil sa mga sinabi ko haha effective yung acting ko kasi may mga nakatingin na samin. At may lumapit na ilang mga lalaki.

“Mga Boss relax, Away mag Boyfriend lang to. Ito kasing Baby ko ayaw pang umuwe. Tara na baby.”

Mas nagulat ako sa sinabi nya habang nakahawak pa sya sa bewang ko sabay kindat.

Lumayo naman agad yung mga lalaki at hinila na ako paalis ni Miguel.

“Hoy anong baby ka dyan! Bawiin mo ang sinabi mo!”

Binungangaan ko sya habang naglalakad.

“Pwede ba Caliv tumigil ka muna sa kakadada ang sakit na sa tenga.” -Miguel

“Hayaan mona kasi ako umuwe sa Pamilya ko, Please.”

“At paano naman ang totoo mong Pamilya? Hindi mo lang ba sila Pupuntahan? Caliv kung alam molang ang mga naging sakripisyo nila para mahanap ka nila. Hindi mo alam kung paano sila nagpakahirap mahanap kalang.” -Miguel

Natigilan ako sa mga sinabi nya,Halata na sa boses ni Miguel na naiinis na sya. Pero sa ngayon naguguluhan padin talaga ako.

“Sige papayag na ako na puntahan ang mga Montes pero bago yon hayaan mo muna na makapunta ako sa Pamilya ko, Gusto ko lang talaga sila Makausap.”

“Tara na ihahatid na kita, Wala kanang pera diba?” -Miguel

Parang naalala ko bigla si Nathan sa attitude na pinapakita ni Miguel very bossy kasi. Biruin nyo ba naman hila hila ako papunta sa sasakyan nya.

“Miguel sandali.”

“Bakit Caliv?” -Miguel

“Pwede wag mona ako ihatid? Magpapasundo nalang ako.”

“Kanino sa Boyfriend mo?” -Miguel

Wow ang galing naman nahulaan nya, hindi lang pala sya stalker, Mind reader din.

“Oo sana.”

“Sige ikaw bahala, Pero sana tumupad ka sa usapan.” -Miguel

Pagkatapos nyang sabihin yon ay umalis na sya. Ako naman ay dali dali kong tinawagan si My Loves para magpasundo.

Ilang minuto lang ako naghintay at dumating na si My Loves, Pagkababa nya palang ng sasakyan ay niyakap nya ako ng mahigpit, Mahigpit na mahigpit.

“Aray ko Nathan, Hindi ako makahinga.”

“Sorry My Loves. Sa susunod wag mona ulit gagawin ang lumayas ng walang pasabi kung saan ka pupunta tapos hindi kapa sumasagot sa mga tawag at texts ko. Hindi mo alam kung gaano ako nag alala.” - Nathan

“Hindi na mauulit, Sorry talaga.”

“Talagang hindi na mauulit dahil simula ngayon hindi na kita hahayaan na basta basta nalang umaalis. Hindi ako nakatulog kagabi sa kakaisip sayo, Kung asan ka, Kung kumain kaba, Kung––”

Hindi kona pinatapos sa pagsasalita si Nathan dahil hinalikan kona sya, Nagulat naman sya sa ginawa ko.

“Para san yon? Ba’t mo ako hinalikan?” -Nathan

“Ang daldal mo kasi My Loves, Yan diba effective? Tumigil ka haha.”

“Di ako ready don My Loves ang daya mo, Gaganti ako sayo.” -Nathan

“Tsaka kana gumanti, Ihatid mo muna ako sa Bahay kakausapin kolang sila Mama.”

“Sige My Loves” -Nathan

Sumakay na kami pareho ni Nathan sa sasakyan nya at habang nasa byahe kami ay nakatingin sya sakin.

“Nathan bakit? may dumi ba ako sa mukha?”

“My Loves alam kong nahihirapan ka sa sitwasyon mo ngayon kaya kung hindi mona kaya magsabi kalang para madamayan kita.” -Nathan

“Nathan masama ba akong anak? Kasi ayaw kong makilala yung mga totoo kong magulang?”

“My Loves sa sitwasyon mo ngayon, Naguguluhan kapa pero hindi mo matatakasan ang katotohanan.” - Nathan

“My loves sobrang sakit, kasi hindi ko pala tunay na magulang ang mga taong nag-aruga, Nagpalaki at nagmahal sakin. Bakit ba kailangan pang mangyari to? Bakit ba hindi nalang sila ang mga naging magulang ko???”

Hindi kona na pigilan ang luha sa mga mata ko. Hininto ni Nathan ang sasakyan nya at niyakap nya ako ng mahigpit. Mabuti nalang at nandito si Nathan kahit paano ay napapalakas nya ang loob ko.

Mahal ko ang Pamilyang kinalakihan ko, Pero may Pamilya ding naghahantay na sa pagbabalik ko. Ayokong may masaktan sa kanilang lahat kung pwede silang lahat nalang kaso kailangan ko talaga mamili.

Pagkauwe ko sa bahay ang unang sumalubong sakin ay si Kyline dali dali syang tumakbo palapit sakin at niyakap ako.

“Kuya saan ka nagpunta? alalang-alala na kami sayo.” -ky

“Sorry baby, Sila Papa at Mama pala asan sila?”

“Si Papa andito pero si Mama wala.” -Ky

“Bakit asan si Mama?” Takang tanong ko sa kapatid ko.

“Kyline pumasok ka muna sa kwarto mo may pag-uusapan lang kami ng kuya Dex mo.”

Hindi ko napansin na nasa likuran kona pala si Papa.

“Pa? Sorry kung umalis po ako ng walang pasabi.”

“Kami ang dapat na mag sorry dahil sa matagal na panahon namin tinago ang katotohanan sayo.” -papa

“Bakit hindi nyo po sinabi sakin agad? Bakit pinatagal nyo pa nang ganito?”

“Dahil napa mahal kana samin ng Mama mo at natatakot kami na mawala ka samin. Ilang taon na ang lumipas kaya mas minabuti na namin na wag na magsalita. Dex anak mahal na mahal ka namin ng Mama mo minahal ka namin na parang isang tunay na anak.” - papa

“Alam kong Mahal nyo ako ni Mama, Ramdam ko yon simula pagkabata hanggang ngayon. Pero kasi hindi maalis sa isipan ko ngayon na parang pinalaki nyo ako sa isang kasinungalingan na habang kayo masaya may pamilya namang nagdurusa dahil nawalan sila ng anak.”

“Kung galit ka samin sige magalit ka, Pero kahit hindi ka namin kadugo mahal na mahal ka namin.” -Papa

“Yun na nga ang problema Pa, Hindi ko magawang magalit sa inyo dahil Mahal na mahal ko kayo ni Mama at Mahal na Mahal ko ang Pamilyang to.”

Naiyak na naman ako kasi sobra ko silang mahal. Lumapit sakin si Papa at niyakap nya ako ng mahigpit at ganon din ako sa kanya. Pagkatapos ay pinunasan nya yung luha sa mga mata ko.

“Pa asan pala si Mama?”

“Wala ang mama mo dito.” -Papa

“Bakit asan sya? Namili? Naglaba? O tulog pa?”

“Wala sya dito, Nakalimutan moba? pinahuli sya ng tunay mong nanay.” -papa

Oo nga pala, Bago pala ako umalis ay pinosasan sya ng mga pulis.

“Bakit hindi ba sya pwedeng magpyansa??”

“Masyadong malakas ang koneksyon ng mga Montes kaya nahihirapan kami na ilabas ang Mama mo.” -Papa

“Kala tito Greg humingi naba kayo ng tulong???”

“Oo pero, patong patong na kaso ang isinampa nila laban sa mama mo.” -papa

Si Mama nakakulong, Kailangan ko sya na mapalabas don kung kinakailangan na lumuhod ako sa mga Montes gagawin ko mapalaya lang mama ko.

CHAPTER 9

DEX’S POV

“Caliv anak???”

Lumapit agad sakin si Mrs. Montes at niyakap ako ng mahigpit, pero saglit lang yon dahil kumawala agad ako sa yakap nya.

Nagpatulong nga pala ako kay Miguel para malaman kung saan ko makakausap si Mrs. Montes.

“Ma’am hindi po ako nagpunta dito para sumama sa inyo nandito ako dahil may gusto lang po sana ako ipakausap”

“At ano naman yon?”

“Ako naman po ang kailangan nyo diba? Ako naman ba ang gusto nyo diba? Nakikiusap po ako bilang anak nyo. Pakawalan nyo napo ang Nanay ko.”

Kung kinakailangan lumuhod ako sa harap nya at halikan ang mga paa nya gagawin ko basta makalaya lang nanay ko.

“Sige pumapayag na ako, Pero sa isang kundisyon.” - Mrs. Montes

“Ano pong kundisyon??”

“Lalayo ka na sa Pamilyang yon, Hindi kana makikipag kita o Lalapit sa kanila. kailanman.” - Mrs. Montes

Parang ito na ata ang pinakamahirap na desisyon na gagawin ko sa buong buhay ko. Yung Pamilyang kinalakihan ko? Yung Pamilyang Minahal ko, Iiwanan at lalayuan ko nalang?????

“Hindi kopo kaya yang pinapagawa nyo, Pamilya ko pa din sila.”

“Kami ang totoo mong Pamilya hindi sila at ako ang mommy mo. Pero kung hindi mo gagawin yon, Mabubulok sa kulungan ang Nanay mo na nagpalaki sayo, Gusto mo ba yon??” - Mrs. Montes

Gusto kong umiyak sa harap nya pero hindi ko magawa dahil gusto kong maging matapang para sa Pamilya ko at ayokong magpakita ng kahit na anumang kahinaan.

Mahal ko ang mga Magulang ko at ayaw kong silang iwan, Pero mas hindi ko maaatim kung makukulong ang Mama ko. Pano nalang si Papa at Kyline kung wala si Mama.

“Sige po, Pumapayag napo ako. Pero may isa po akong gustong mangyari.”

“Sige ano bayon?” - Mrs. Montes

“Gusto kolang po makita ang Mama ko sa huling pagkakataon. Pagkatapos non hindi na ako makikipag kita sa kanila.”

“Hindi naman ako masamang tao kaya papayagan kita, Pero sasama ako.” - Mrs. Montes

Kahit isakripisyo kopa ang sarili kong kasiyahan ay gagawin ko basta masiguro kolang na maayos ang Pamilya ko bago ako umalis.

Marivick’s Pov

Ayoko na dito sa kulungan nato, Gusto konang lumabas. Gusto konang makita ang Asawa’t mga Anak ko, Lalong lalo na kay Dex dahil gusto kong magsorry sa kanya sa lahat ng kasinungalingan na nagawa ko.

“Mrs. Vasquez Laya napo kayo.”

Napatayo agad ako nang marinig ang sinabi ng Police binuksan nya ang Selda at lumabas agad ako. Parang kahapon lang sinabi ng abogado ni Ate Emman na mahihirapan ako makalabas dahil malakas ang ebidensya laban sakin, Pano nangyari yon?

“Mamang Police sino po ang nagpyansa sakin? abswelto napo ba ako?”

“Inurong na ni Mrs. Montes ang kaso nya laban sayo. Pasalamat ka naawa pa sya dahil kung hindi mabubulok kana dito.” Sagot nya sakin at pagkatapos non ay umalis nadin.

Totoo bang inurong na nya ang kaso? Pero bakit???

“Masarap ba sa loob ng bilangguan? Magnanakaw ng anak.” - Aurora

Napalingon agad ako sa babaeng nagsalita.

“Totoo bang inurong mona ang kaso? Anong dahilan?”

“Wag kana maraming tanong, Dapat nga magpasalamat kapa eh dahil kung ako lang? Hindi hindi kona hahayaan na makalaya kapa.” -Aurora

Tanggap kona na magnanakaw ako nang anak kaya manhid na ako sa lahat ng mga sinasabi nya. Sobrang sising sisi na ako dahil ginawa ko yon.

“Ma??”

Biglang dumating si Dex at hindi kona napigilan ang hindi umiyak sabay kaming napatakbo at mahigpit na niyakap ang isa’t isa.

“Dex anak, Sorry kung nagsinungaling ako sayo sa loob ng mahabang panahon. Sorry kung kinuha kita sa totoo mong mga magulang. Kung galit ka sakin sige magalit ka, Sumbatan mo ako tatanggapin ko ang lahat ng sasabihin mo dahil kasalanan ko naman to”

Umiyak na ako sa harap ni Dex, Dati ayaw na ayaw kong pinapakita na umiiyak ako sa harap ng mga anak ko kasi ayokong nakikita nila akong mahina, Dahil alam ko sakin din sila kumukuha ng lakas.

“Ma? Napatawad kona po kayo, Wag po kayong magSorry sakin dahil nagpakatotoo lang po kayo sa sarili nyo, Mas umiral sa inyo ang pagiging isang ina kaya kahit na kailan hinding hindi ako magagalit sa inyo. Oo sabihin na natin nagulat ako at nasaktan din, Pero hanggang don nalang yon hindi mapapalitan non ang lahat ng sakripisyo at pagmamahal na binigay nyo sakin.” -Dex

Natuwa ako sa mga sinabi ni Dex, Mabuti nalang at bukas ang kanyang Pag-iisip ang pagpapatawad.

“Maraming salamat anak, Si Papa mo pala at ang kapatid mo asan? Ba’t dimo sila kasama??” Takang tanong ko sa kanya.

“Nasa bahay po sila.” Matamlay na sagot nya sakin.

“Ganon ba? Tara surpresahin natin sila sa pag-uwe ko.”

Hinawakan ko sa kamay si Dex para yayaing umalis kaya lang tinanggal nya ang kamay ko sa kamay nya.

“Ma, Patawad po. Pero hindi napo ako makakauwe satin.” -Dex

“Ha bakit? Anong ibig mong sabihin?” -Mama

“Kapalit nang paglaya mo ay hindi na sya lalapit o titira pa sa inyo. Dahil isa syang Montes kaya dapat lang na samin sya Titira.”

Biglang singing ni Amanda Napalingon agad ako kay Dex na nagpupunas nang luha nya.

“Dex ano yung sinasabi nya? Ipaliwanag mo nga sakin. Naguguluhan na ako.”

“Ma totoo po ang mga sinabi nya sa kanila na po ako titira.” - Dex

Parang biglang gumuho ang mundo ng kumpirmahin iyon ni Dex.

Ito ba ang kapalit ng paglaya ko? Ang tuluyang pagkawalay ni Dex????

DEX’S POV

Kahit mahirap sa kalooban ko ay sinabi ko yon kay Mama, Sobrang sakit sakin na lalayuan ko nalang basta basta ang Pamilyang NapaMahal na sakin ng sobra. Lumapit sakin si Mama at niyakap ako nang mahigpit.

“Anak wag mong gawin to, Mas pipiliin kopang makulong kesa ang mawalay ka samin.” -Mama

Parang gusto kong sabihin kay Mama na ‘tama na Ma, Mas lalo lang ako mahihirapan.’

Pero mas pinili kong manahimik nalang.

“Ma aalis na po kami, Paalam po.”

Tinanggal ko ang mga kamay ni Mama para bumitiw sya sa pagkakayakap sakin.

At lumapit agad ako kay Ma’am, Kahit gusto ko nang umiyak ay mas pinili ko nalang na Ikimkim ang lahat nang sakit.

“Dex???!!!!!!” Sigaw ni Mama habang hawak hawak sya ng mga body guards na kasama ni Mrs. Montes.

“Tara napo.” Yaya ko sa kanya.

“Sandali lang Caliv.”

“Bakit po may problema pa po ba?”

“Ayokong isipin mo na masama akong tao at bilang Mommy mo ayaw kong nakikita kang nasasaktan ng ganyan. kaya sige puntahan mona ang Mama mo. Sa ngayon hahayaan kita na makasama sila, Bibigyan kita ng isang gabi at pagkatapos non ay uuwe kana satin.” -

Parang hindi ako makapaniwala sa mga sinabi nya.

Totoo ba talaga to??? Pumayag sya na makasama ko ang Pamilya ko kahit isang gabi lang.

“Totoo po ba yan??”

“Yes it’s true, Pero sana tumupad ka sa mga sinabi ko.” - Mrs. Montes

“Opo pangako yon, Maraming salamat po.”

Sa sobrang tuwa ko ay napayakap ako sa kanya ng mahigpit.

“Sige na puntahan mona ang Mama mo.”

Lumapit agad ako kay Mama para sabihin ang magandang balita Pagtapos din yon ay umalis nadin si Mrs. Montes kasama ng mga body guards nya hindi naman pala sya ganon kasama katulad ng inaakala ko.

Umuwe nadin kami ni Mama para surpresahin sila Papa. Kailangan kona sulitin ang mga huling sandali na makikita ko sila at makakasama dahil baka hindi na maulit to.

Pagkauwe namin ay nagulag si Papa ng makita nya si Mama pati si Kyline sobra ang tuwa.

“Wag na nga tayo mag-iyakan, Dapat mag Celebrate tayo. kaya magluluto ako ngayon ng maraming pagkain.” - Mama

Si Mama yung tipo ng tao na kahit nahihirapan ay ipapakita padin nya na okay sya.

“Tama si Mama, Kaya Papa at Kyline dyan na muna kayo at magluluto muna kami ni Papa.’

Nagmadali agad kami ni Mama pumunta sa kusina para makapag luto agad, alam nyo naman kokonting oras nalang ang nalalabi na makakasama ko sila so dapat wala akong sasayangin na oras.

“Sasabihin moba sa Papa mo ang naging kasunduan nyo ni Aurora?” Tanong sakin ni Mama habang naghihiwa sya ng sibuyas.

“Hindi ko nga po alam kung paano ko sasabihin kay Papa.”

“Wag kang mag-alala ako na ang magpapaliwanag sa Papa mo.” - Mama

Sa loob nang mahabang panahon sila ang kasama ko at halos buong pagkatao ko ay nakadikit na sa kanila kaya sobrang hirap talaga nito para sakin at syempre ganon din sa kanila.

“Ma wag na po muna natin pag-usapan ang tungkol dyan dapat mag saya na muna tayo ngayon.”

“Tama ka Anak.”

Napangiti nalang kami pareho at itinuloy yung pagluluto namin. Kung pwede lang sana na ganito nalang kami lagi kaso hindi pwede. Pamilya pang nag-aantay sakin.

Pagkatapos nang mahigit kalahating oras ay natapos nadin kami ni Mama at pinagtulungan namin ihain yon.

“Wow mukhang masarap po yan.” Tuwang tuwa na sabi ni kyline.

“Mukhang mapaparami ata ako ng kain.” -Papa

“Dapat lang Pa, Dahil pinahirapan namin yan ni Mama.”

“At syempre masarap yan dahil may sangkap na pagmamahal.” -mama

Sinimulan na namin ang pagkain at kita ko sa mga mata nila ang saya. Mamimiss ko ang ganito naming bonding, Mamimiss ko ang lahat sa Pamilyang to.

Habang kumakain kami ay biglang may nag dorbell.

May bisita ba kami? Tanong ko sa sarili ko.

“Oh Dex pinapunta moba ngayon si Nathan?” -Papa

“Hindi po, Wala naman kaming napag-usapan.”

“Nako sige na kumain lang kayo dyan ako na ang bahala tumingin kung sino yon.” -Mama

Tumayo si Mama para puntahan kung sino man yon haha.

At pagbalik nya ay hindi ko inaasahan ang dumating.

“Mark??”

“Magandang gabi po Tito, Dex. At sayo Kyline.” Bati samin ni Mark ng dumating sya.

Pinaupo sya ni Mama sa tabi ko at sinandukan din para makakain.

“Mark bakit ka pala napunta dito?” Tanong ni Mama sa kanya.

“Gusto kolang po mangamusta Tita, Nag-aalala lang po kasi ako sa Bestfriend ko.  Pero mukhang okay naman na po kayo.” -Mark

“Mark alam ba ni Sheena na nandito ka?” Tanong ko sa kanya.

“Galing kasi akong trabaho at naisip ko na dumaan muna dito.,” -Mark

Hindi na ako nag-usisa pa masyado kay Mark, Masaya din ako dahil nandito ngayon ang Bestfriend ko.

Pagkatapos naming kumain ay lumabas muna ako ng bahay para lumanghap ng hangin.

“Okay kana ba talaga?”

Napalingon ako kay Mark hindi ko napansin na nasa tabi kona pala sya.

“Oo naman.”

“Pero bakit parang hindi ka okay? Dex kahit hindi na tayo madalas magkita at magkasama alam kong nasasaktan ka. Bestfriend mo ako kaya alam ko yan.” -Mark

“Kung sasabihin kobang oo, Gagaan ba ang loob ko?”

“Kung nasasaktan ka wag mong itago ilabas mo lang ang hirap kasing may kinikimkim kang sakit.” -Mark

Naglakad kami pareho ni Mark habang nag-uusap.

“Mark ayaw ko kasing ipakita sa kanila na nasasaktan ako.”

Huminto si Mark at niyakap ako at nilagay yung ulo ko sa may dibdib nya.

“Sige Dex umiyak ka, Ilabas mo lahat ng sakit alam kong hindi mawawala ang sakit na nararamdaman mo pero sana makatulong.” -Mark

Iiyak nalang ba ako parati? Tanong ko sarili ko dahil mas nagmumukha akong mahina kapag palagi akong umiiyak kaya imbis na umiyak ay ipinikit ko nalang ang mga mata ko.

“Mark anong ginagawa mo?? Akala koba okay na satin ang lahat? May Asawa’t anak kana at kami ni Nathan nasa maayos na kaming pagsasama wag mona sana guluhin ang sitwasyon.”

“Sorry Dex, Hindi kolang napigilan.” -Mark

“Ayos na yon pero sa susunod wag mona gagawin yon.”

Naiinis ako kay Mark kasi napag-usapan na namin ang tungkol dito na hanggang mag Bestfriend nalang kami.

Maayos na ang kanya kanya naming buhay at okay nadin kami ni Sheena, Tapos eto na naman?

Tumayo na kami pareho ni Mark dahil gabi nadin at kailangan kona umuwe samin baka hinahanap na ako sa bahay.

Pagkatayo na Pagkatayo namin ni Mark ay nakita ko agad si Nathan at medyo nagulat ako.

Nakatingin kang sya samin ng masama at yung kamao nya, Parang nanggigigil.

Nakita kaya nya yung muntik na gawin ni Mark??

“Nathan??”

Tumakbo palapit samin si Nathan at binigyan nang malakas na suntok si Mark at napatumba ito.

“Tng In M* , Tumalikod lang ako saglit aahisin mona si Dex? May Boyfriend nayan kaya wag kana umasa na makukuha mo sya.”

Ngayon kolang nakita si Nathan na ganon kagalit, parang sa sobrang galit ay kaya nyang pumatay ng tao. Sa sobrang gulat ko at bilis ng pangyayari ay hindi ako agad nakakilos, Si Nathan tuloy tuloy lang ang pagsuntok kay Mark.

Bumalik lang ang diwa ko nang makita kong duguan na si Mark, Inawat ko si Nathan at tinulungan na makatayo si Mark.

“Nathan ano ba! Tama na! Dimo ba nakikita bugbug na yung tao?!”

“Dapat lang yan sa kanya, Alam mo kulang pa nga yan eh! Dapat dyan winasak yung mukha!” -Nathan

“Tama na! Sobra na yung ginawa mo!”

Tiningnan ko agad yung mukha ni Mark ang daming dugo sobrang nakakaawa ang itsura nya kung makikita nyo.

Dinukot ko agad yung panyo sa bulsa ko at pinunasan yung dugo sa mukha ni Mark.

“Sorry Dex, Pero mauna na ako.” -Mark

“May mga sugat kapa, Sumama kana muna sa bahay gagamutin kita.”

“Hindi na Dex, Kasalanan ko naman kung bakit nangyari sakin. Wag kang mag-alala hindi naman ako mamamatay malayo to sa bituka.” - Mark

Hindi kona napigilan si Mark na umalis, Sobrang naaawa ako sa kanya dahil sa ginawa ni Nathan.

“Talagang gusto mo pa syang isama sa inyo? Kung umasta ka parang wala kang Boyfriend ah?” -Nathan

Napalingon agad ako kay Nathan, Salubong ang mga kilay nya at halatang galit.

“Nathan Bestfriend ko yon, Anong mali don?”

“Ang mali ay yung nakita ko, My Loves hahalikan ka nya anong gusto mong gawin ko matuwa?” -Nathan

“Hindi nya ako nahalikan.”

“Hindi kasi dumating ako, Pano kung hindi ako dumating? Itutuloy nyo?? Bakit My Loves hindi paba ako sapat sayo? kulang paba ako sayo? Mas magaling ba sya sakin? sabihin mo? Ganyan ba talaga kayong mga B–”

Hindi kona pinatapos ang sasabihin ni Nathan dahil nasampal kona sya. Hindi ko akalain na sasabihin nya sakin ang mga bagay na ganon. Sa bawat salitang binibitawan nya ay para akong sinasaksak.

“Ganya kaming mga ano?? Ganito kaming bakla? Na katawan lang ng lalaki ang habol namin sa inyo na hindi kami marunong makuntento sa iisang lalaki? Ganon ba yung gusto mong sabihin Nathan? ganon ba?! Akala ko kilala mona ako, Akala ko kilala na kita.  Pero hindi pa pala.”

Umiyak nalang ako dahil sobrang sakit nang mga sinabi nya.

Kahit alam kong wala naman akong ginawang masama pakiramdam ko isang malaking kasalanan ang nagawa ko.

Lumapit sakin si Nathan para yakapin ako pero itinulak ko sya.

“My Loves sorry nabigla lang ako, Hindi ko gustong sabihin yon.” -Nathan

“Nathan ang tagal na nating magkakilala, Alam mong hindi ako ganong klaseng Bakla. Mahal kita kaya kahit kailan hinding hindi ko gagawin yon sayo, Na lokohin ka. Kahit ilang libong lalaki pa ang nasa harap ko ikaw at ikaw padin ang pipiliin ko kasi Mahal kita, Ikaw lang Mahal ko!”

Lumapit ulit sakin si Nathan at niyakap ako ng mahigpit napaiyak nalang ako habang nasa mga bisig nya.

“My Loves sorry na. Sobrang mahal na mahal lang kita at natakot lang ako na baka mawala ka sakin at hindi ko kakayanin pag nangyari yon.” -Nathan

“Nathan kung Mahal mo ako bakit kailangan sayo kopa marinig yung mga salitang yon.”

Alam nyo yung sobrang lungkot kona dahil huling gabi kona to, Na makakasama ang Pamilya ko tapos ganito pa dumagdag pa si Nathan. Hinawakan ni Nathan yung dalawa kong kamay at gamit yon ay sinampal nya yung sarili nya.

“Nathan anong ginagawa mo?”

“Sige My Loves saktan mo ako hanggat gusto mo, Mali talaga ako. Sorry na.” -Nathan

“Nathan pwede ba bukas nalang tayo mag-usap kapag kalmado na pareho ang mga utak natin”

“My Loves ayoko na matapos ang gabing to na hindi tayo nagkakabati.” - Nathan

“Okay fine, Apology accepted, Happy kana?”

“My Loves naman galit kapa eh, Sorry na kasi .” -Nathan

“Nathan uuwe na ako, Baka hinahanap na ako nila Mama at Papa.”

“Sige My Loves pero sasama ako sayo, Doon ako matutulog.” -Nathan

“May bahay ka naman diba? Edi doon ka nalang.”

“AH Basta sa inyo ako matutulog ngayon.”

Bigla akong hinila ni Nathan at wala akong nagawa, parang sya pa ang galit saming dalawa na dapat ako ang magagalit.

Pagdating namin sa bahay ay nabutan namin sila Mama na nanunuod ng movie.

“Dex asan si Mark? bat si Nathan na ang kasama mo?” Tanong sakin ni Mama.

“Umuwe na po Ma, Nadaanan kolang po si Dex sa labas.” -Nathan

Kainis tong si Nathan ako ang tinanong tapos sya ang sumagot.

“Ganon ba? dito kaba matutulog ngayon?”

“Opo Ma.” -Nathan

“Nako Nathan, Ayoko kopa maging Lola bata pa ako.” -Mama

Jusmiyo ayan na naman si mama sa mga kalokohan nya, Pero ayaw ko muna syang kontrahin ngayon dahil gusto ko masaya ang gabing ito.

“Ayaw pa nga po ni My Loves, masyadong mailap.” - Nathan

Sa sobrang inis ko ay tinapakan ko yung Paa ni Nathan pero pinigilan nya ang umaray. papansin kasi Masyado daw akong mailap eh nakailan na nga sya sakin! grr gigil nya si ako.

CHAPTER 10

DEX’S POV

“My Loves anong ginagawa mo? Alas Tres palang nang umaga Ba’t gising kana?”

Lumapit sakin si Nathan at tiningnan yung ginagawa ko.

“Nagsusulat ka? Para san?” Muling tanong nya sakin.

“Para kala Mama at Papa, Sa sulat nalang ako magpapaalam sa kanila.”

“Bakit san kaba pupunta?” -Nathan

“Sorry kung hindi ko agad nasabi sayo My Loves. Doon na kasi ako titira sa mga Montes, Babalik na ako sa tunay kong Pamilya.”

“Alam ba nila Mama at Papa ang tungkol dito?” -Nathan

“Si Mama alam nya pero si Papa hindi. Pero pareho nilang hindi alam na ngayon ako aalis.”

“Bakit ba hindi ka nalang magpaalam sa kanila.” -Nathan

“Ayon nga ang ayaw ko eh ang mag paalam sa kanila ng harapan kasi baka kapag nakita ko silang nalulungkot ay mas lalo lang akong  mahirapan umalis.”

“Kung ano man ang desisyon mo My Loves susuportahan kita.” -Nathan

“Salamat dahil nandyan ka  isa ka sa mga pinagkukunan ko ng lakas.”

Hinalikan ko sa noo si Nathan at pinagpatuloy ang pagsulat ko.

Ma, Pa.

Sana maintindihan nyo ako sa ginawa kong pag-alis. Ginawa ko to para sa ikabubuti nating lahat, Ayokong may mapahamak pa ng dahil sakin dahil hinding hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung isa sa inyo ang masaktan.

Mahal na Mahal na Mahal ko po kayo, Sobrang hirap man na iwan ang Pamilyang napaMahal na sakin ay kailangan kong gawin dahil ito ang Tama.

Ma, Pa lagi nyo pong aalagaan ang mga sarili nyo at kahit wala ako sa tabi nyo ay nandyan naman ako sa puso nyo at lagi ko din pong babaunin ang mga aral na itinuro nyo sakin.

Alagaan nyo din po si Kyline at pakisabi nalang na nagtatrabaho nako ayokong sa murang edad nya palang ay mag-isip na sya nang kung ano-ano.

Ma, Pa babalik ako at ipinapangako ko sa inyo na sa pagbabalik ko ay mabubuo na tayo at magsasama sama tayo ng masaya.

MAHAL NA MAHAL NA MAHAL KO PO KAYO, HANGGANG SA MULI.

Pagkatapos kong sulatin ang mga nais kong sabihin kala Mama at Pap ay pinunasan kona ang mga luha sa mata ko, Habang nagsusulat pala ako ay umiiyak na ako.

“My Loves, Pwede mong hindi ituloy kung nahihirapan ka.” -Nathan

Ngiti lang ang isinagot ko kay Nathan at tumayo na ako para makapag bihis at maihanda yung mga importante kong gamit.

Tinulong din naman nya ako at nagbihis nadin, Sya na daw ang maghahatid sakin sa bahay ng mga Montes.

After nang ilang minutong pag-aayos ay lumabas na kami ng kwarto ni Nathan pero dumiretso muna ako sa kwarto nila Mama.

Pinagmasdan ko sila at parehong mahimbing ang tulog lumapit ako sa kanila at hinalikan sila sa mga noo at iniwan ang sulat na ginawa ko sa table na malapit sa higaan nila at lumabas nadin.

“Nathan tara na baka magising pa sila.”

Nagmadali agad kami ni Nathan na lumabas at sumakay sa sasakyan nya. At habang nasa byahe ako ay ang bigat bigat ng pakiramdam ko parang ayaw kong umalis at pakiramdam ko ay naiwan ang kalahati ng pagkatao ko.

“My Loves?? Kung gusto mo pwede kitang samahan doon” -Nathan

“Salamat Nathan pero kaya kona to, Atsaka hindi kopa sila gaanong kilala.”

“Basta tawagan mo lang ako kapag inaapi ka nila don.” -Nathan

Kahit paano ay napapangiti ako ni Nathan siguro kung wala sya ngayon baka nabaliw na ako sa sobrang lungkot. Regalo talaga sya sakin ng may kapal.

Sinabi ko kay Nathan kung saang lugar kami pupunta, Mabuti nalang at may waze yung sasakyan nya at hindi kami nahirapan tutunin ang lugar.

Pagdating namin sa labas nang bahay ay tinawagan ko si Ma’am Aurora pasado alasais nadin kami nakarating. Grabe kung makikita nyo lang sobrang laki ng bahay at ang ganda pa halatang mas mayaman pa sila kala Nathan.

“My Loves mukhang mayaman pala ang totoo mong Pamilya.” -Nathan

“Oo nga eh, Pero wala naman sakin kung mayaman sila o mahirap dahil ang mahalaga ay makilala ko sila.” Habang nag-uusap kaming dalawa ni Nathan ay lumabas nadin si Ma’am Aurora.

“Caliv anak?” Dali dali syang lumapit sakin at niyakap ako ng mahigpit.

“Akala ko hindi kana pupunta.”

“Marunong naman po ako tumupad sa usapan Ma’am”

“Salamat, Pero bakit ang aga mo naman pumunta?” Tanong nya ulit sakin.

“Hindi kona po kasi inantay na magising sila Mama dahil baka mahirapan lang ako umalis.”

“Ganon ba? Pano tara na sa loob?”

“Wait lang po.” Sagot ko sa kanya at lumapit ako kay Nathan.

“My Loves salamat sa paghatid.”

“Wala yon, Basta para sayo lahat gagawin ko.” - Nathan

Yumakap ako kay Nathan at hinalikan ko sya.

“Ingat sa byahe My Loves.”

“Ikaw din ingat ka palagi, Itext mo lang ako kapag may problema.” -Nathan

Alam mo yung feeling na parang mag kakahiwalay kami ni Nathan dahil pupunta na ako sa malayong lugar.

“Caliv anak siguro dapat mong ipakilala sa Mommy mo kung sino yang kasama mo.”

Napalingon naman ako bigla nang mag-tanong si Ma’am Aurora.

Pero wala akong dapat ikatakot at lalong hindi ko dapat ikahiya si Nathan dahil kung ako nga ipinagsigawan nya na mahal nya ako kahit bakla ako.

“Si Nathan po, Boyfriend ko.”

Kahit nag proposed sakin si Nathan ng Birthday ko ay mas gusto ko padin syang tawaging Boyfriend lang.

“Really? How amazing. I hope one of this days makilala ko sya nang mas maigi dahil magiging part nadin sya ng Family natin.”

Natuwa naman ako dahil hindi sya nagalit sa nalaman nya.

“Ganon din po ako Ma’am.” Sagot naman ni Nathan

“Don’t call me Ma’am, You can call me Tita since you’re the Boyfriend of my Son Caliv.”

Mukhang maganda naman ang first impression nila sa isat isa at mukhang hindi na ako mahihirapan na ipakilala si Nathan sa buong pamilya ko.

Nauna na din umuwe si Nathan dahil may pasok pasya sa trabaho.

Ako naman ay sumunod na kay Ma’am Aurora papasok sa loob ng bahay nila.

Grabe kung anong ikinaganda sa labas ay mas maganda itong sa loob.

“Masaya kaba sa nakikita mo? Simula ngayon ay bahay mona din to.”

“Ang laki naman po ng bahay nyo Ma’am”

“Mommy, Mommy na ang itatawag mo sakin at gusto ko ang gagamitin mong pangalan ay  Caliv na dahil hindi na ikaw si Dex ikaw na si Caliv Montes.”

Simula bata Dex na ang pangalan ko. Dex na ang tawag nang mga kaklase at kalaro ko sakin.

Sa Dex na pangalan ako nakilala ng lahat ng mga naging importante sa buhay ko. Mula kay Mark, Dan at sa pinakaMamahal kong si Nathan. At higit sa lahat itong pangalan nato ang ibinigay sakin ng mga magulang ko.

“Sige po Mommy.”

“Tara sumama ka sakin ipapakilala ko nakan ang mga kapatid mo.”

Sumunod ako sa kanya at pumunta kami sa may malapit sa hagdan at may nakalagay dong tatlong malalaking pictures. Pero yung dalawa sa Pictures ay pamilyar sakin.

“Andrea? Samuel?”

Hindi ako pwede magkamali sila yung nasa Pictures at sigurado ako don.

“Kilala mo sila?”

“O-opo kilala ko sila.”

“Tingnan mo nga naman tadhana na talaga ang naglalapit sa inyong magkakapatid. Siya ang kuya Samuel mo ang panganay sa inyong magkakapatid at itong sa kabila naman ay si Andrea ang ate Mo at yung nasa gitna? Ikaw yon nung baby kapa ayan lang kasi ang naiwang picture mo samin dati kaya ayan lang ang nailagay ko.” -mommy

Hanggang ngayon hindi ko padin maiwasang mamangha sa ganda ng bawat sulok ng bahay.

At tingnan mo nga naman sobrang liit talaga ng mundo ate ko pala si  Andrea? At si Samuel ang kuya ko.

“Asan po pala ang asawa nyo?”

“Ang daddy mo? Nasa business trip sya ngayon pero uuwe din sya mamaya dahil binalita ko na nandito kana” -Mommy

Ano kayang itusra nya?

Mabait kaya sya?

Matatanggap ka nya ako bilang anak nya?

“Ah eh Ma’am, Ay Mommy pala. Asan po pala sila kuya Samuel?”

“Mga tulog payon ng ganitong oras, Ikaw kasi eh ang aga mo pumunta.” -Mom

“Sorry po.”

“Wag kana mag sorry ayos lang yon, Halika dadalhin kita sa kwarto mo”

Sumunod ako paakyat sa kanya at pumasok kami sa isang kwarto, Kwarto ko daw. Pagdating namin sa loob ay mas namangha ako dahil ang ganda at organize lahat ng gamit. May gamit pa na pang bata.

“Akin po talaga itong kwarto?”

“Oo sayo to, Wag kang mahiya na galawin ang mga gamit dito dahil sayo ito.” -Mom

Tiningnan ko ang buong paligid at may nakita akong isang larawan ng isang bata. lumapit ako don at tiningnan yon.

Ako ba yung batang ito?

“Ikaw yan nung bata kapa, Actually ayan yung last picture mo na magkakasama tayo. Kung alam kolang na mawawala ka nang araw nayon ay hindi na sana tayo umalis.”

Nakita kong tumulo ang mga luha ni Mommy Aurora, Kahit hindi nya sabihin ay ramdam ko yung sakit na naranasan nya ng mawala ako. Lumapit ako sa kaniya at pinunasan ang mga luha nya.

“Wag na po kayo umiyak, Nandito napo ako at hindi napo ako mawawala sa inyo.”

Masakit man iwan yung una kong naging Pamilya pero kailangan kong gawin para din sa ikasisiya ng totoo kong Pamilya.

Ilang minuto lang kaming nag-usap ay lumabas nadin sya dahil may aasikasuhin padaw sya ako naman ay humiga muna dahil  inaantok padin ako ang aga ko kasi nagising kanina.

MARIVICK’S POV

Maaga ako nagising para ipaghanda nang makakakain ang mag-aama ko. Pero ang bigat padin nang pakiramdam ko dahil ngayon din aalis ang anak ko, kung pwede lang sana na wag na sya umalis kaso hindi pwede. Tatayo palang sana ako nang mapansin kong may papel na nakaipit sa gilid ng higaan namin na nakapatong sa lamesa kaya agad ko itong kinuha at binasa yung ang nakasulat.

Ma, Pa.

Sana maintindihan nyo ako sa ginawa kong pag-alis. Ginawa ko to para sa ikabubuti nating lahat, Ayokong may mapahamak pa ng dahil sakin dahil hinding hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung isa sa inyo ang masaktan.

Mahal na Mahal na Mahal ko po kayo, Sobrang hirap man na iwan ang Pamilyang napaMahal na sakin ay kailangan kong gawin dahil ito ang Tama.

Ma, Pa lagi nyo pong aalagaan ang mga sarili nyo at kahit wala ako sa tabi nyo ay nandyan naman ako sa puso nyo at lagi ko din pong babaunin ang mga aral na itinuro nyo sakin.

Alagaan nyo din po si Kyline at pakisabi nalang na nagtatrabaho nako ayokong sa murang edad nya palang ay mag-isip na sya nang kung ano-ano.

Ma, Pa babalik ako at ipinapangako ko sa inyo na sa pagbabalik ko ay mabubuo na tayo at magsasama sama tayo ng masaya.

MAHAL NA MAHAL NA MAHAL KO PO KAYO, HANGGANG SA MULI.

Naiyak nalang ako nang matapos ko ang naging sulat ni Dex.

Wala na sya,

Umalis na ang anak ko.

Tiningnan ko ang natutulog kong asawa.

Paano ko ngayon sasabihin sa kanya na umalis na si Dex at bumalik na sya sa totoo nyang Pamilya.

DEX’S POV

Ilang oras lang din ako nakatulog at nagiging nako.

Medyo kumukulo nadin kasi yung tiyan ko haha nagutom na ako di kasi ako nakapag almusal kanina.

Tumayo muna ulit ako para tingnan yung iba pang mga gamit.

At habang tumutingin ay may nakita akong mga laruan. laruan ko siguro to nung bata pa ako sabi ko nalang sa sarili ko at habang tinitingnan ko ang iba pa ay bigla kong nabitawan yung hawak kong na laruan kaya dinampot ko agad at inayos ilang saglit lang ay bumukas ang pinto at halos mabitawan ko ang hawak ko ng makita si Andrea.

“Dex?????, Anong ginagawa mo dito!!?”

“Andrea magpapaliwanag ako.”

Hindi ko ineexpect na papasok si Andrea dito.

“Bakit hawak mo ang mga gamit ng kapatid ko? Siguro akyat bahay ka.” -Andrea

“Andrea hindi, Makinig ka muna sakin.”

“Yaya!!!! Yaya!!!!!”

Hindi kona napigilan ang pagsisigaw ni Andrea. Pano ako magpapaliwanag kung ayaw nya naman ako pakinggan.

“Mam bakit po?”

Naghihikahos na dumating ang Yaya na takot siguro sa boses ni Andrea.

“Tawagin mo ang mga Guards may nakapasok na magnanakaw” -Andrea

“Sige po”

Tumakbo na agad palabas yung yaya para tawagin ang mga Guards.

“Andrea hindi nga sabi ako magnanakaw.”

“Eh ano ka dito? Bisita? Pano mangyayari eh sa pagkakaalam ko lahat ng kilala at mga kaibigan ng Pamilya ko ay puro mayayaman.” -Andrea

Pano koba sasabihin sa kanya na ako si Caliv, Ako ang nawawala niyang kapatid at si Ma’am Aurora ang nagdala sakin dito.

Ilang minuto pa ay dumating na yung dalawang Guards.

“Ma’am Andrea ano pong nangyari dito?”

“Dalhin nyo sya sa prisinto, magnanakaw yan.” -Andrea

“Hindi totoo yan!”

Lumapit sakin yung dalawang Guards at hinawakan ako sa magkabilang braso kaya kahit anong palag ko ay hindi ako makawala.

Hinila nila ako palabas ng kwarto at ibinaba. Gusto kong magpaliwanag pero diko magawa parang ayaw bumuka ng bibig ko kaya imbis na magsalita ay napiyak nalang ako.

Palabas palang kami nang pinto ay biglang may nagsilata.

“What’s happening here??”

Nabuhayan ako loob nang biglang dumating si Ma’am Aurora bumaba sya nang hagdan ata lumapit samin. Tumigil naman yung dalawang Guards.

“Mommy buti nagising kana, Alam moba may nakapasok na magnanakaw dito. Mabuti nalang at nakita ko, Balak nya nakawin ang mga gamit ni Caliv.” -Andrea

“Hindi po totoo yan.” Mahina kong sagot.

“Shot up! Walang maniniwala sayo, huling huli kana nga mag dedeny kapa.”

Ewan koba parang sobrang personal ang galit sakin ni Andrea yung feeling na parang siguradong sigurado sya na magnanakaw na ako.

ANDREA’S POV

It’s my turn to shine sigurado ako na matutuwa sakin si Mommy dahil na protektahan ko ang mga gamit ni Caliv laban sa magnanakaw nato. Pero ang nakakapagtaka ay paano nakapasok si Dex sa bahay namin, Kulang ba kami sa security? O baka naman sadyang magaling lang tong si Dex kaya nalusutan nya ang mga bantay at talagang kami pa ang pagnanakawan nya? Siguro gumaganti sya dahil hindi ko sya tinanggap sa trabaho. Pero sorry sya, Nahuli ko sya at lagot sya kay Mommy.

“Bitawan nyo sya.”

Medyo nagulat ako sa sinabi ni Mommy kasi baka makatakbo pa si Dex at makatakas. Lumapit si Mommy kay Dex, Sigurado ako na sasampalin nya yon haha. Pero mas nagulat ako sa sunod na ginawa ni Mommy dahil imbis na sampal ay pinunasan ni Mommy yung mga Luha ni Dex.

“Ayos kalang ba?” Tanong ni Mommy kay Dex.

“Opo ayos lang ako, mabuti nalang po dumating kayo.”

“Mommy anong ibig sabihin nito? Magkakilala kayo??”

“Yes Andrea, at ako ang nagdala sa kanya dito.”

Hindi ako makapaniwala sa sinabi ni Mommy bakit nya sinama ang baklang yon dito??

“Pero Mommy nanakawin nya ang mga gamit ni Caliv kung hindi kopa sya nakita.”

“Enough Andrea hindi nya gagawin yon.” -Mommy

“And what’s make you think na hindi nya gagawin yon?  Eh hindi naman natin sya kilala. kaya Mommy dapat ipakulong nayan.”

“I said Enough!” -Mommy

“But Mom??”

“Narinig mo naman siguro ang sinabi ko diba?”

Sa sobrang inis ko kay Mommy ay padabog ako na umakyat papunta sa kwarto ko.  Kung kampihan nya si Dex parang mas anak nya payon kesa sakin.

Haysss bahala na nga sya!  Ginagawa ko na nga ang Best ko para sa Pamilyang to pero ako padin ang lumalabas na Mali.

Kung nandito lang sana si Daddy sana may kakampi ako at hindi ako nag-iisa.

“Andrea ba’t ang aga aga nakabusangot yang mukha mo?”

Tanong sakin ni kuya ng makasalubong nya ako.

“Nothing.”

Hindi kona pinansin si Kuya at pumasok nalang ako sa kwarto ko. Alam ko din naman ang sasabihin nya sakin. Na kaya ako pinapagalitan nila Mama ay dahil mahal nila ako at gusto lang nila itama ang mga Mali sakin.

CHAPTER 11

MARIVICK’S POV

Pano ko sasabihin sa Asawa’t anak ko na wala ni si Dex?

Na pumunta na sya sa totoo nyang Pamilya?

Habang naglilinis ako nang bahay ay nakatulala ako at malalima ang iniisip.

“Mama asan po si kuya Dex? Magpapaturo po kasi ako ng assignment ko.”

Bigla nalang akong napaluha ng banggitin ni Kyline ang pangalan ng kuya nya.

Lumapit ako sa kanya at niyakap sya nang mahigpit.

“Mama umiiyak poba kayo?” Tanong nya ulit.

Pinunasan ko yung luha ko at tumingin ulit kay kyline.

“Napuwing lang si Mama naglinis kasi ako. Ako nalang ang gagawa nang assignment mo mamaya.”

“Pero asan po si kuya?” -Kyline

“Nagtatrabaho na kasi ang kuya mo sa malayo.”

“Ano po? Kailan po sya babalik?” -Kyline

“Medyo matatagalan kaya ako nalang muna ang gagawa nyan, Kaya bumalik kana muna sa kwarto mo ha? Maglilinis lang muna ako.”

“Okay po, Pakisabi nalang po kay Kuya Dex na mag-iingat sya sa work nya “

Sumunod naman agad sya sakin mabuti nalang at matalinong bata si Kyline at naunawan na nya na wala ang kuya nya dahil nagtatrabaho.

“Nagtrabaho ba talaga si Dex o pumunta na sya sa totoo nyang Pamilya?”

“Vincent kanina kapa ba dyan?”

“Hindi naman, Wag kanang magsinungaling sakin. Nabasa kona ang sulat ni Dex satin.” -vincent

Lumapit ako sa asawa ko at sa kanya ako humagulgol ng iyak. Parang hindi ko kakayanin na mawala sakin si Dex mahal na mahal ko ang anak ko.

“Tama ba na hinayaan natin na umalis si Dex?”

“Ayon ang tama marivick dahil may totoo syang Pamilya na matagal nang nag-aantay sa pagbabalik nya.” - vincent

“Ang sakit lang kasi  dahil ako ang dahilan kung bakit wala sya satin ngayon, Sinakripisyo nya ang sarili nya para lang makalaya ako.”

“Dahil ganon tayo kamahal ni Dex, At kahit wala na sya dito ay baon baon nya ang lahat ng mga itinuro natin sa kanya at syempre hindi na tayo mawawala sa puso nya.” - Vincent

Tama si Vincent alam kong hindi kami makakalimutan ni Dex kahit nandon na sya sa totoo nyang Pamilya. Pero aantayin ko ang pagbabalik ng anak ko.

ANDREA’S POV

“Kuya anong meron bakit parang may party? Sino ang may Birthday.”

“Walang may Birthday.” Sagot nya sakin.

“So ano ngang meron?”

“I don’t know basta ang sabi ni Mommy may surprise daw sya satin na siguradong ikatutuwa natin.”

Ano kayang surprise yon?

New Phone?

New Clothes?

O New Car?

Kung ano man ang surprise ni Mommy sigurado na maganda yon at kailangan kong paghandaan yon.

“Kuya I have to go.”

“Oh san kana naman pupunta? Baka hindi mo maabutan yung surprise ni Mommy.”

“Secret.”

Iniwanan ko nalang si kuya dahil kailangan konang umalis para makapag salon gusto ko maging maganda ako sa harapan nila dahil for sure ako na kung ano man ang surprise ni Mommy ay kailangan talaga paghandaan.

Habang nag-aayos ako nang gamit ay biglang nag ring yung phone ko tiningnan ko kung sino ang tumatawag. Si Andrew lang pala, Hindi ko nalang sya sinagot at hinayaan nalang syang tumawag ng tumawag dahil magsasawa din sya.

DEX’S POV

Nakakakaba naman ngayon daw ako ipapakilala ni Mommy sa buong Pamilya. Kay  Daddy at maging sa mga kapatid ko.

Agad kong tinatawagan si Nathan para kamustahin at sabihin na okay lang ako.

“Hello My Loves? Ba’t na patawag ka? inaapi kaba nila dyan? Pupuntahan naba kita? Sandali lang magpapaalam lang ako.” Bungad nya sakin.

Natawa nalang ako sa naging reaksyon nya kasi masyadong OA hahaha.

“Okay lang ako wag ka mag-alala atsaka kaya ko naman ang sarili ko, Sa tingin moba magpapaapi ako? Dati nga nung binubully mo ako hindi ako nagpatalo sayo.”

“Sige My Loves balikan mo pa, Hindi naman kita binully dati inaasar lang kita.” -Nathan

“Haha ayos lang talaga ako dito, At wag mong iwan ang trabaho mo dyan mamaya mapagalitan kapa dahil sakin.”

“Pero seryoso ba’t ka nga napatawag? may problema kaba?” -Nathan

“Wala lang gusto lang kita makausap. Gusto kolang marinig ang boses mo.”

“Nako ang My Loves ko namiss na naman ako, Don’t worry kapag nagkita tayo? magpapakiss ako sayo sabay Hug” -Nathan

“Talaga? Kiss sabay Hug?” Tanong ko sa kanya.

“Oo ayaw moba?” -Nathan

“Sinabi koba?”

Naputol lang ang pag-uusap namin ng may pumasok sa kwarto.

“Sir baba na daw po kayo sabi ni Ma’am Aurora.”

“ My loves mamaya nalang ulit ha? may kailangan lang ako gawin. I love you.“ Sabi ko nalang sa kanya at sumenyas sa katulong na sandali lang.

“I love you too My Loves.”

Tiningnan ko muna ang sarili ko bago ako lumabas nang kwarto gusto ko maayos at presentable ako tingnan bago ako humarap sa kanila.

Kabado akong bumaba ng hagdan parang sasabog na ang dibdib ko ano mang oras, Ganito pala kapag haharap ka sa ibang tao na ngayon molang makikilala.

Dahan dahan akong pumunta da dinning room at nakita ko don si Mommy at si Andrea, pati din si Samuel atsaka kaya yung nasa center, siya siguro yung asawa ni Mommy huhuhu Lord help me! #struggleisreal

“Come on Dex let’s join us” tawag sakin ni mommy, Hindi ko alam kung susunod ba ako sa kanya o mag babackout nalang.

Pero syempre sumunod ako sa kanya doon ako tumabi kay Kuya Samuel na halatang nagtataka din kung bakit ako ngayon nandito, At ganon din yung lalaking nasa Center nakakatakot grabe at ito namang si Andrea ansama ng tingin sakin parang kakainin ako ng buong buo.

“Mommy ano ba talagang meron? Bakit andaming pagkain? Wala namang occation diba?” Biglang tanong ni Andrea

“That’s right Andrea, But this is more than just an occation.  Minsan lang mabuo ang Pamilya natin, Sama sama at sabay sabay kumain katulad nito and i’m so very happy. Sana ngayon mas madalas pang mangyayari ito.”

“Family? Then what hell is he doing here? He is not part of our family”

Tumingin sakin ng masama si Andrea Grabe talaga sya sakin, G na G? Wala nama akong ginagawang masama.

“Could you please straight to the point Aurora.”

Hala nagsalita na yung lalaking nasa Center!!! Laolo tuloy akong kinabahan kasi ang sungit ng dating ng boses nya.

Huminga muna ng malalim si Mommy Aurora atsaka muling nagsalita.

“Alam kong matagal na akong umaasa na makita muli si Caliv at maging kayo ay sumuko nadin, pero ako hindi. Dahil iba ang pagmamahal ng isang Ina dahil ramdam ko na makikita kopa sya ulit at makakasama, kahit ilang beses akong mabigo ay hindi ako sumuko dahil alam ko, ramdam ko na makikita kopa sya ulit. At ngayon kasama na natin sya ulit.”

Nakangiti lang sya habang nagsasalita pero yung luha sa kanyang mga mata ay tumulo na.

“What do you mean nakita mona si Caliv?”

“Oo Diego nakita kona sya at ngayon kasama natin sya.”

Biglang natuon sakin lahat ng atensyon nila maski ako hindi padin ako makapaniwala na anak nila ako at isa akong Montes.

“What?! No way! He can’t be my Brother!” -Andrea

“Aurora sigurado kana ba? Baka naman maling tao na naman yan.” Sabat ng lalaking nasa Center.

“Baka nangloloko lang yan Mommy at gusto nya lang makakuha ng pera satin.” - Andrea

“No, This time I assured that he is our Son, Diego. Siya talaga si Caliv, I’ve already done a DNA test and the result was positive.”

DNA? Tanong ko sa sarili ko. Pano ako nakuhaan nang DNA ng di ko nalalaman?

“Pa-Pano po kayo nakakuha ng DNA?” Tanong ko kay Mommy Aurora.

“Nung sinabi palang sakin ni Miguel na nakita kana nya ay inutusan kona agad sya na kumuha ng sample sayo, Sawa na kasi ako masaktan at umasa. Pero nang makita ko ang result? Confirmed, Ikaw nga si Caliv ang matagal na naming hinahanap.” -Mommy

“Anak?”

Napalingon naman ako kay sir Diego, Halos maluha sya nang malaman nya na ako ang matagal na nawawala nilang anak.

Lumapit sya sakin at niyakap ako nang mahigpit ramdam ko ang pagmamahal sa yakap nayon kahit ngayon lang kami nagkita.

“It’s been a decade simula ng mawala ka samin at walang araw na hindi ka namin inalala, Kahit may mga araw na sumuko na ako? Pero ang Mommy hindi, Kasi ang sabi nya ramdam nya na buhay kapa at babalik ka. At masaya ako na nangyari nayon.”

“A-ako din po sir Masaya din po ako, na makilala ang totoo kong Pamilya.” Nahihiya kong sagot.

“Wag mona akong tawaging sir, Daddy nalang.”

“O-opo Daddy.”

“No! Hindi totoo yan! Hindi sya pwedeng maging si Caliv!, Hindi sya ang kapatid ko!”

Napalingon lahat kami kay Andrea at halatang galit na galit sya sakin.

“Andrea?! Enough! Hindi ba dapat maging masaya kana lang dahil nakita na natin si Caliv?”

Hindi sumagot si Andrea sa sinabi ni Mommy Aurora bagkus ay padabog pa itong nagwalk out.

Pero dahil ayaw kong masira ang gabing ito ay sinundan ko sya.

“Andrea sandali”

Hinawakan ko ang kamay nya nang maabutan ko sya.

“Ano ba! Bitawan mo nga ako.” -Andrea

“San ka pupunta? Galit kaba?”

“Ano sa tingin mo? Dipa ba obvious? At pwede ba wag mona ako sundan and don’t act that you’re concern.”

Hindi kona napigilan makaalis si Andrea dahil hindi naman talaga sya magpapapigil sakin eh.

“Don’t worry about her, babalik din sya.”

Sumunod din pala si kuya Samuel samin.

“Sorry po, Mukhang nagalit ata si Andrea. Kayo po galit din po kayo?”

“At bakit naman ako magagalit? Masaya nga ako na nakita kana namin. Nung nagkita tayo sa Park sign na pala yon noh?”

Napaisip din ako sa sinabi ni kuya Samuel. Tama sya sign nayon at tadhana na talaga ang naglalapit saming magpapamilya.

“Oo nga po eh.”

“So tara na? Balik na tayo sa loob baka inaantay na tayo nila Mommy at Daddy. Si Andrea wag mona isipin yon babalik din yon.” -Samuel

Yung personality ni Kuya Samuel at Andrea sy magkabi kasi si Andrea parang ang laki ng galit sakin samantalang itong si kuya Samuel okay lang.

Umakbay sya sakin at bumalik kami sa loob. Masaya din pala magkaroon ng kuya.

Tinapos namin ang buong gabi nang masaya  at pinakilala ko din sa kanila ang Pamilyang nagpalaki sakin dahil hindi ko basta basta makakalimutan yon ng ganon ganon nalang.

At sana lang maging maayos ang pagtira ko dito at hindi magkaroon ng pangit na memories lalo na’t galit sakin si Andrea.

CHAPTER 12

SOMEONE’S POV

Kamusta na kaya sya?

Okay lang kaya sya?

Ganon padin kaya ang itsura nya?

Matutuwa kaya sya kapag nakita nya ako?

DEX’S POV

Maaga ako nagising para ipagluto sila Mommy at Daddy pati si Kuya Samuel at Andrea.

Alam nyo naiilang padin talaga ako na tawagin sila na Mommy at Daddy kasi hindi naman ako sanay, Ang alam kolang dati Mama at Papa pero since ayon ang gusto nilang itawag ko sa kanila ay ayon ang itatawag ko.

“Sir ako napo ang magluluto. Trabaho namin to” Awat sakin nang isang katulong.

“Nako okay lang po, Sanay naman po ako na ginagawa to.”

“Alam nyo hindi padin ako makapaniwala na nandito na kayo, Sa tagal kona dito hindi ko akalain na makikita kapa nila.”

“Gaano napo ba kayo katagal dito?”

“Maglilimang taon nadin, kaya masasabi ko na saksi ako sa mga hirap na pinagdaanan nila makita kalang.”

“Ganon po ba, Masaya din po ako na nakabalik ako sa totoo kong Pamilya.”

Habang nagluluto ako ay nakikipag kwentuhan ako sa kanya. Medyo madaldal sya kasi ang dami nyang naikwento sakin about sa mga Montes lalo na kay Mommy Aurora, Napakabait daw nito at ito talaga ag nagpupursigi na mahanap ako Kaya bilang sukli ay hindi ako magiging pabigat dito.

After naming magluto ay nagpatulong nadin ako maghain ng mga kakainan namin. At guest what kung anong niluto ko ngayong almusal? Edi nagprito lang ako dahil ayon ang pinakamadaling lutuin tortang talong and Ham. Sana kumakain sila ng tortang talong hehe.

Sabi kasi ng katulong ay hindi sila masyado nagluluto dahil busy lahat ng mga tao dito kaya madalas ay nagpapadeliver lang sila.

“Ate Sussie?? Anong klaseng amoy yon???? “

Biglang dumating si Andrea at tiningnan yung mga nakahain. Nakauwe na pala sya hindi ko napansin na nandito na sya.

“Ah eh Andrea nagluto ako ng tortang talong tapos ham, Masarap yan gusto mo ipaghain na kita?” Sabi ko sa kanya at napatingin ulit sya sakin.

“Pagkain ba yan ng mahihirap? Sorry hindi ako kumakain nyan. Ate Sussie, I want Bacon ipagluto mo nga ako.” -Andrea

“Masarap yan itry mo pa.”

“Nakakaintindi kana naman diba? Ang sabi ko hindi ako kumakain nyan, Kung gusto mo ipakain mo nalang yan sa mga alaga naming aso para hindi sayang ang efforts mo pero ewan kulang kung kakainin yan ng aso namin.” -Andrea

Medyo na hurt ako sa sinabi nya, Alam kong simple lang ang niluto ko at walang wala sa madalas nilang kinakain pero tama ba na sabihin pa nya yon?.

“Wow ang bango naman, Ano yon.”

Nagising nadin si kuya Samuel at agad na tiningnan kung ano ang nakahain sa lamesa.

“Tortang talong? Sino nagluto nito? Tagal kunang hindi nakakakain nito ah.” -Kuya Sam

“Ako ang nagluto nyan kuya, Pasensya kana wala kasi akong ibang maluto dito.”

“Bakit ka nagsosorry? Ayos lang yon, Mukha ngang masarap eh atsaka ngayon nalang ulit ako makakakain ng ganito, Puro kasi kami pork, beef and chicken.”

“Iww yuck” mahinang sabi ni Andrea pero narinig kopa din.

Inisip ko nalang na iba iba talaga ang panlasa ng mga Tao yung iba mahilig sa gulay tapos yung iba puro karne lang ang gusto.

Masaya ako dahil kahit paano ay nagustuhan ni Kuya ang luto ko. Ilang minuto lang din ay bumaba nadin sila Mommy at Daddy akala ko hindi nila magugustuhan ang luto ko pero nagkamali ko halos wala ngang natira sa niluto.

“Ngayon nalang ulit ako nakakain nito, sino ang nagluto?” Tanong ni Mommy.

“A-ako po, Wala po kasi akong magawa kaya nagprisinta na ako na magluto.”

“Marunong ka pala magluto.” - Mommy

“Opo tinuruan po kasi ako nila Mama at Papa sa bahay dati para kahit wala sila ay makakakain ako mag-isa.”

Huli kona na realize na hindi ko pala binabanggit ang pangalan nila mama at papa kapag kaharap ko sila.

Minsan talaga hindi maawat ang bunganga ko eh.

“Sorry po” ayon nalang ang nasabi ko dahil nahiya na ako. Kung papagalitan nila ako okay lang tatanggapin ko dahil kasalanan ko naman.

“It’s okay, Hindi naman namin maiaalis ang kinalakihan mong Pamilya sayo. Pero sana mas bigyan mo kami ng chance para maging pamilya sayo.”

Tama sya sa ngayon kailangan ko muna mag focus sa kanila pero hindi ibig sabihin non ay kakalimutan ko ang Pamilyang kinalakihan ko.

MILE’S POV

“Ano?! Sigurado ka!? Ate mo yung Bruhang yon!!!”

Tumawag sakin si Dex at sinabi nya na nandon na sya sa mga Montes. At ang nakakawindang nito ay kapatid nya pa si Bruhang Andrea at ate nya pa! Mukhang delikado ang kaibigan ko don!

“Okay kalang ba dyan be???? Nagmamaldita ba ang bruha? Gusto mo puntahan kita dyan para ako na kakalbo dyan.”

“Hindi na be, Ayos lang ako dito.” -Dex

“Basta kapag inapi kanon tawagan molang ako,. Yari yon sakin.”

“Haha oo sige.” -Dex

“May itatanong pala ako sayo.”

“Ano yon?” Tanong nya sakin.

“Diba kapatid modin si Samuel?”

#paraparaan #loveatfirstsight

“Oo, Tigilan mo ako dipa kami masyado close non kaya hindi kita malalakad sa kuya ko.” -Dex

“Grabe sya oh, Wala pa nga akong sinasabi.”

“Tigilan mo ako Miles alam kona yang mga galawan mo, Doon din yon papunta.” -Dex

“Ay doon din bayon? Haha sige pag close na kayo lakad mo ako”

Nagtawanan nalang kaming dalawa dahil ganyan ang mga galawan namin noon haha noong mga highschool palang kami.

Ay ako lang pala kasi yang si Dex loyal na loyal yan kay Mark, Akala ko nga haggang pagtanda si Mark padin ang mamahalin nya pero ngayon si Nathan ang nagwagi sa puso ng kaibigan ko.

Naiinggit nga ako kay Dex dahil sya may Lovelife at going strong pero ako until now wala padin. Kelan ko kaya mahahanap si Mr. Right?. Lord baka naman? Hahaha kahit yung kuya nalang ni Dex.

DEX’S POV

Naninibago padin ako sa bago kong bahay parang hindi padin ako makapaniwala na sa ganitong bahay talaga ako nakatira.

Pero ibang iba to sa mga napapanood ko sa TV dahil sila ay halatang walang kaarte arte sa buhay ewan ko nalang kay Andrea.

Nakwento kasi sakin ng isang yaya na bago pala sila yumaman ay nang galing din sila sa hirap.

Dahil sobrang boring at hindi ko makausap si Nathan dahil oras nang trabaho nya ay naisipan kong bumaba para maglibot libot at malibag.

Habang naglakad ako ay may narinig akong mga boses na nagtatawanan kaya naman tiningnan ko kung sino yon. Pagkakita ko ay sila kuya Samuel at Andrea lang pala.

Pinagmasdan ko lang sila at kita ko talaga ang labis na saya. Sana maging close kodin sila.

“Oh Dex? Halika dito sumali ka samin.” Yaya sakin ni kuya Samuel. Sa lalim ng iniisip ko ay hindi ko napansin na nakita na pala nila ako.

“Hindi na kuya, May gagawin padin kasi ako. Kayo nalang.”

“Wag kana mahiya, Halika kana dito.” -kuya

Tumayo si Kuya Samuel at hinila ako paupo sa tabi nila at binigay nya sakin yung isa pang controller.

“Okay ayan, Mag laro na tayo.” - Kuya

“Hindi na. ayoko na. kayo nalang nawalan na ako nang gana.”

Padabog na tumayo si Andrea at iniwanan kaming dalawa ni Kuya. Na guilty tuloy ako kasi ang sayasaya nila kanina tapos dumating lang ako wala na.

“Kuya aalis nalang ako, Kayo nalang ni Ate Andrea maglaro. Wait tatawagin kona sya.”

Tatayo na sana ako pero pinigilan ako ni Kuya Samuel.

“Hayaan mona yon, May topak lang yon. Wag kang mag-alala ako bahala don.” -Samuel

Naglaro nalang kaming dalawa ni kuya at syempre tinuruan nya ako kung pano laruin yon dahil nga sa first time ko at never kopang nalalaro yon (Bahala na po kayo mag imagine kung anong game yon haha).

Ilang oras kami naglaro at tawa lang kami ng tawa kasi baka matulo pa ako ng bata sa sobrang slow ko matuto.

“Next na maglalaro tayo dapat matuto kana para hindi ka natatalo.” -kuya

“Haha syempre ikaw bihasa kana eh ako kanina kolang nalaro.”

“Haha kaya mag practice ka. Grabe nagutom ako don oh.” -Kuya

“Ikukuha kita ng meryenda kuya.”

“Talaga? Sige nga, Kumuha kana din ng para sayo para sabay na tayo kumain.” -Kuya

Ganito pala ang pakiramdam magkaroon ng kuya ang sarap sa pakiramdam.

Ngumiti lang ako kay kuya at tumayo na para kumuha ng mamimeryenda gutom na din kasi ako.

Habang papunta ako sa may kusina ay nakita ko si Andrea na nakaupo at naisip ko na isabay nadin sya baka gutom lang yon kanina kaya mainit ang ulo.

Masaya akong nagpatulong kay Ate (Yung katulong diko kasi alam pangalan haha) nang mamemeryenda namin.

At sabi nya sakin ay paborito daw nila ang Turon kaya hindi mauubusan ng saging dito sa bahay.

Dahil lulutuin payon ay sinabi ko kay na matatagalan pa ang sagot naman nya sakin ay okay lang daw kasi naglalaro pa naman daw sya.

Ilang minuto lang din ay natapos na naming lutuin ang mga turon pero bago ako dumaan kay kuya ay dumaan muna ako kay Andrea . Pagdating ko sa tapat nya ay tinitigan nya lang ako nang masama.

“Andrea gusto mo?”

“Ayoko, Just leave me alone.” -Andrea

Hindi pa nga nya nakikita kung anong dala ko pero ayoko agad ang sagot nya.

“Turon to oh, diba favorite mo to? Masarap to  kami ang nagluto nito.”

“Dati favorite ko yan pero ngayon hindi na lalo na’t ikaw ang nagluto.” -Andrea

ouch! Grabe talaga sya sakin. Dipa nga natitikman eh.

“I try mo masarap to, Promise.”

Inabutan ko sya nang isang turon pero tiningnan nya lang yon.

“Ayoko nga.”

“Sige na itry mo kahit isa lang, Masarap to.”

Nilapit ko sa kanya yung turon na daladal ko dahil alam kong favorite nya to at di rin sya makakatiis.

“Ano ba! Sinabi nang ayaw ko eh!”

Hindi ko inexpect ang ginawa ni Andrea, hinawi nya ang kamay ko kaya nabitawan ko ang dala-dala ko at yung turon na pinaghirapan naming lutuin ay natapon lahat sa lapag, Pero ang mas nakakalungkot ay babasagin pa ang pinaglagyan ko.

“Ayan ang kulit kulit mo kasi, Sinabi nag ayaw ko pilit ka padin ng pilit.” -Andrea

Para akong maiiyak sa nangyari dahil nasayang yung mga turon pero pinigilan kong umiyak para lang mapakita sa kanya na hindi ako iyakin. Agad ko itong pinulot pero aksidente akong nasugatan nang bubog.

“Dex, Andrea? Anong nangyayari dito? Nag-aaway ba kayo?”

Diko alam kung anong isasagot ko sa tanong nya.

Dapat kobang isumbong si Andrea? O mananahimik nalang ako para hindi na lumala ang problema.

“Of course not, kahit itanong nyo pa sa kanya. Diba Dex?”

Tumingin sakin ng masama si Andrea na parang sinasabi na subuka kolang magsumbong at mayayari ako sa kanya.

“Ah eh opo, Nadulas lang po sa kamay ko kaya nabasag. Sorry po talaga.” Sagot ko nalang.

“Nasugatan ka, tara gamutin natin yan” -mommy

“Hindi napo, Ayos lang po ako malayo naman po sa bituka.”

“Ayos lang talaga yan si Dex Mom, Kasi nga galing yan sa hirap diba?  Kaya sanay nayan sa mga ganyan.” -Andrea

Ngumiti lang ako sa sinabi ni Andrea, Pero sa loob loob ko ay nasasaktan na ako kasi parang ang baba ng tingin nya sa mga mahihirap.

“Let’s go Dex gagamutin pa natin yan.” Yaya sakin ni Mommy.

“Pero pano po yung nabasag??”

“Wag kang mag-alala, Yung mga katulong na ang bahala maglinis nyan.” -Mommy

Hindi na ako nakahirit pa kasi sya na mismo ang nagsabi nakakahiya naman kung tatanggi pa ako at habang palayo kami ay ang sama nang tingin sakin ni Andrea.

Kinagabihan ay hindi ako makatulog dahil sobra konag namimiss sila mama at papa pati nadin si Kyline.

Kamusta na kaya sila?

Okay lang kaya sila?

Gusto ko mang tawagan sila pero hindi ko magawa dahil natatakot ako na baka mas mahirapan akong mapalapit sa totoo kong Pamilya hanggat nakikita ko sila. Pinagmasdan ko nalang ang mga larawan namin namag kakasama at hindi ko napigilang umiyak. Kawawa na naman ang unan ko dahil naranasan na nyang mabasa ng mga luha ko.

Ilang minuto lang ay biglang nag ring Yung phone ko, pagtingin ko si Nathan nakikipag video call. Syempre sagot ako para hindi tayo mapagalitan ni Master.

“Good evening My Loves?? kamusta ka dyan? Ako eto kakauwe lang galing work, Nakakapagod sobra.” Bungad sakin ni Nathan.

“Okay lang naman ako My Loves.”

“My Loves umiiyak kaba!??”

Patay napansin ata ni Nathan, huhu hindi nya pwedeng malaman dahil sigurado ako na paaalisin nya ako dito.

“Ako umiiyak hindi ah, Ba’t naman ako iiyak?”

“Wag ako My Loves kabisado na kita.”

Hindi talaga ako makakapag tago kay Nathan dahil kahit magkausap lang kami sa phone ay kita nya padin ang totoo dahil ramdam nya.

“Oo na, Umiiyak na ako.”

“Bakit inaapi kaba nila dyan????? Gusto mo sunduin na kita??? Sino nang aapi sayo????” -Nathan

“My loves wag kang OA, Umiiyak ako kasi na mimiss ko ang Pamilya ko at syempre ikaw din.”

“Ganon ba??? Hayaan mo pupuntahan kita dyan bukas na bukas.” -Nathan

“Bukas agad?? Pano yung trabaho mo??”

“Off ko naman My Loves, Kaya sayong sayo ako bukas, Ikaw na muna ang tatrabahuin ko” -Nathan

“Loko ka talaga, Matulog kana nga. Antok lang yan.”

“Ikaw din My Loves matulog na. See you tomorrow. I love you My Loves.” - Nathan

“I Love you too My Loves.”

Sa kabila nang lungkot na nararamdaman ko ay may isang Nathan na laging nyan para bigyang kulay ang malungkot kong buhay, lagi syang nandyan para pangitiin ako, para protektahan ako at lalong lalo na para mahalin ako. Ma swerte ako at sya ang naging BoyFriend ko.

CHAPTER 13

DEX’S POV

“Sir Dex may bisita po kayo.”

“Ha? Sino po?”

“Diko po kilala eh, Puntahan nyo nalang po nasa labas sya.”

“Sige po salamat.”

Sino kaya yon?

Bakit nya ako kailangan?

Lumabas agad ako para tingnan kung sino yon, Tanghaling tapat saka sya bibisita hindi ba sya naiinitan? Haha.

Pagbukas ko nang gate ay may taong nakasakay sa motor at naka helmet kaya hindi ko nakilala kung sino sya, Pero pag tanggal nya nang helmet si Nathan lang pala.

“Hi My Loves”

“Nathan??”

Itinabi nya muna yung Motor nya sabay lapit sakin at hinalikan ako sa may Noo.

“Seryoso ka pala sa sinabi mo na pupunta ka?”

“Oo naman, Alam ko naman kasi na na mimiss mo ako dinalhan nga kita ng mga paborito mo, Kwek-kwek at fishballs.” -Nathan

“Hindi kaya.”

“Talaga ba? Pero bakit ganyan ang ngiti mo?” - Nathan

“Secret”

“Ah sige uuwe nalang ako, Dimo pala ako na mimiss. Itatapon ko nalang tong binili ko”

Tumalikod si Nathan at maglalakad na sana pero hinawakan ko sya sa braso para mapigilan. Masyadong pabebe haha.

“Oo na. Namimiss na kita, Kainis to parang isip bata haha hindi mabiro.” “Isip bata? Pero Mahal mo?” -Nathan

Hindi na ako nakasagot sa sinabi ni Nathan dahil hanggang ngayon kahit matagal na kami hindi ko padin maiwasan ang hindi kiligin sa mga banat nya sakin.

“Hindi mo ba papapasukin ang bisita mo?”.

Napalingon agad ako sa nagsalita sa likod namin, Pagtingin ko si kuya samuel lang pala.

“Sino sya My Loves?” Tanong sakin ni Nathan.

“Ah sya pala si Kuya Samuel.”

“Samuel Montes, Brother ni Dex and you?” Inabot ni kuya Samuel yung kamay nya kay Nathan.

“I’m Nathan Fernandez, Boyfriend ako ni Dex”

Nagkamayan silang dalawa, Ako naman medyo kinakabahan kasi dirediretso agad yung pagkasabi ni Nathan na Boyfriend ko sya.

“Ba’t di mo sya nakwento samin?” -Samuel

“Ah eh kasi, Humahanap lang ako nang tyempo.”

“Doon kaya tayo mag-usap sa loob.” Yaya ni kuya samin.

Akala ko magagalit sya eh pero mukhang hindi naman. Sumunod kami ni Nathan kay kuya at pinaupo kami sa may sala.

“Oh may bisita pala tayo.”

Mayamaya si Mommy naman ang dumating, Tumayo agad si Nathan at nakipag kamay kay Mommy.

“Magandang tanghali po tita.” -Nathan

“Dex ba’t dimo sinabi na pupunta pala ang Boyfriend mo edi sana nakapag handa tayo.” -Mom

“Biglaan lang po kasi.”

“Mommy kilala nyo na sya?” Takang tanong ni kuya samuel

“Hindi pa masyado, Pero nagkakilala na kami before. Diba Nathan?”

Tumango lang si Nathan bilang pagsagot, Nahihiya din siguro ang loko haha.

“So Nathan,gaano na pala kayo katagal ng kapatid ko?”

Akala mo imbistigador si kuya samuel base sa pananalita nya.

Gaano na nga ba kami katagal ni Nathan?

Yung relationship kasi namin ay kami tapos nag break tapos naging kami tapos naghiwalay ulit kaya kung susumahin is……. Hindi ko nadin alam hahaha.

“Almost 7 years nadin.” Sagot ni Nathan.

7 years????!!!?!?!?? Ganon na kami katagal magkakilala este simula nang naging kami???? Kinekeme lang ata ako ni Nathan kahit ako nga hindi ko maalala eh.

“Paano kayo nagkakilala?” Tanong ulit ni kuya.

“I think we should wait your daddy before asking those questions to Nathan. Pababa nadin yon” Singit ni Mommy.

“It’s okay Tita, Nagkakilala kami ni Dex dahil tumira sya samin ang mommy ko at mama nya ay magkapatid.” -Nathan

“Magpinsan? Kayo?” Medyo may gulat pa sa pagkakasabi ni kuya. #TeamPinsan

“Let me finish first. Step mother ko lang ang tita ni Dex, Si Mommy. Kaya hindi yon naging dahilan para pigilan ko syang mahalin. Pinsan ko lang sya sa papel but not by blood” -Nathan Iiyak naba ako sa mga sinabi ni Nathan??

“Mukhang seryoso ang usapan nyo ha? Pwede ba akong sumali?”

Patay si Daddy!!! Nandyan na!!! Huhu what to do???? Matatanggap kaya nya yung tungkol samin ni Nathan??? O baka hadlangan nya din to???

“Since you’re here, May ipapakilala kami sayo. Si Nathan, Boyfriend ni Dex.”

Grabe si Mommy wala man lang pa effects! Sinabi agad.

“Good afternoon po sir, Ako po si Nathan Fernandez. Boyfriend nang anak nyo.”

Tumayo si Nathan para makipagkamay kaso imbes na makipagkamay si Daddy ay tiningnan nya lang si Nathan.

Pashnea!  kinakabahan ako baka ayaw nya huhuhu. Anong gagawin ko nito???

Huminga nang malalim si Daddy sabay upo sa may tapat namin. Napahawak nalang ako nang mahigpit kay Nathan dahil sobra na akong kinakabahan.

“Hindi ko alam kung anong klaseng pagpapalaki ang ginawa at tinuro sayo ng mga umampon sayo, Pero sino ba naman ako para pigilan ang gusto ng anak ko? Syempre kung saan ka masaya doon ako.”

Parang gusto ko magpaparty dahil sa mga narinig ko. Totoo ba talaga yon????  Di sya galit?? Di nya kami pipigilan? Di nya kami paghihiwalayin?

“Thank you sir.” -nathan

“Hindi po kayo galit??” Tanong ko sa kanya.

“Hindi, Dahil mga bata palang kayo ay nagpromise kami ng mommy nyo na ano man ang gusto nyo basta hindi kayo kakasakit ng iba ay susuportahan namin kayo.”

“Tama ang daddy mo Dex, basta wala kayong naapakang iba susuportahan namin kayo.” -Mommy

“May mga kaibigan din ako na ganyan kaya naman suportado ko kayo.” -Kuya sam

Sa sobrang tuwa ko ay napayakap ako ng mahigpit kay daddy hindi ko talaga inexpect na magiging maganda ang kalalabasan nang pagpapakilala ni Nathan.

Kasi alam ko kapag mga business man ay mas uunahin ang repostasyon nila kesa sa ibang bagay.

At tanggap nila ako bilang ako, At lalong lalo na tanggap nila ang mahal ko.

“Kaya kaba nagpunta dito ay dahil gusto mong hiramin ang anak ko?” Tanong ni Daddy kay Nathan.

“Opo sana, medyo na miss kona kas tong My Loves ko eh.

“Sige okay lang sakin, Basta ibabalik mo nang maayos ang anak ko “ - daddy.

“Okay po.” Nakangiti nyang sagot.

“Ano my loves tara na?.”

“Agad agad?? Paalisin mo ako nang ganitong itsura?”

“Sige na Dex magbihis kana, magpasama kana din dyan kay Nathan.”.- Daddy

Umakyat kaming dalawa ni Nathan papunta sa kwarto, yung tuwa ko ay wala pading paglagyan.

“Sabi ko sayo my loves magugustuhan ako ng Pamilya mo eh, Sa gwapo kong ito.” -Nathan

“Sandali bakit parang lumamig ata, Lumakas ata yung hangin dito.”

“Ha? anong hangin? Wala naman ah.” -Nathan

“Ang slow mo, Kainis ka.”

“Akala ko masungit sila kasi diba?  Yung nangyari sa Birthday mo pinahuli nila ang Mama mo.” -Nathan

“Oo nga eh, Pero naiintindihan ko naman sila syempre magulang din sila at naagawan ng anak kahit sino naman siguro ganon ang gagawin.”

“Ang yaman pala ng pamilya mo, Siguro mas mayaman pa sila samin.” -Nathan

“Hindi ko naman kailangan ng Yaman eh, Sapat na sakin ang masaya at buong Pamilya.”

Masakit sakin na iwan ang pamilyang nag aruga at nagmahal sakin, Pero hindi ko din naman maatim na hindi makasama ang totoo kong Pamilya.

……………………FLASHBACK……………………

Caliv anak hindi kaba masaya na nandito kana? Na nakasama mo kami, kami na totoo mong Pamilya?“

“Masaya naman po ako, Naninibago lang po Siguro ako.”

“Hayaan mo mamahalin ka namin nang higit sa pagmamahal na binigay nila sayo.”

“May isa lang po sana akong hiling, Pwede po bang Dex nalang po ang gagamitin kong pangalan? ayon napo kasi ang nakasanayan ko. Doon napo ako nakilala nang lahat”

Nag-isip muna sya nang ilang segundo bago sumagot.

“Sige papayag ako, pero yung promise mo na hindi kana lalapit sa Pamilya mo, okay bayon?”

Tango lang ang sinagot, Naiintindihan ko naman kung bakit nya sinabi yon. Dahil paano ko sila matatanggap at mamahalin kung nakatali padin ako sa nakaraan.

…………….END OF FLASHBACK…………….

Bago kami umalis ni Nathan ay ipinagpaalam nya muna ako pakiramdam ko ay prinsesa ako dahil kailangan ihatid ako ni Nathan bago mag-gabi.

“My Loves suotin muna yung helmet.”

“Bakit kasi naka motor tayo??” Inis kong tanong sa kanya.

“Para nga mas mabilis tayo makarating sa paroroonan natin.” -Nathan

“Eh san ba kasi tayo pupunta??”

“Kahit saan.” -Nathan

“Kahit saan? Meron bang ganon na lugar??”

“Basta sumama ka nalang sakin, kumapit ka para dika mahulog.” -Nathan

Kapit talaga? Bakit ihuhulog nya ba ako? haha loko to ah!

Dahil sa bilis nang pangyayari ay napayakap ako sa bewang ni Nathan dahil bigla nyang pinaharurot yung takbo ng Motor nya.

“Nathan ibaba mona ako dito!!! Mamatay ako nang wala sa oras!!!”

Sinigawan ko sya na may kasamang kagat sa likod haha trip kolang kagatin sya.

“Aray naman My Loves, Relax lang hindi ka mamatay dahil hindi ko hahayaan na mangyari yon.” -Nathan

“Ayaw mo pala edi dahan dahanin mo lang”

Nakinig naman sya agad sakin haha, Takot nya lang sakin.

“Grabe naman si My Loves ang bagal na nga lang takbo natin eh.” -Nathan

“My loves pwede ba i cancel na muna natin yung gusto mong puntahan?”

“Ha? Bakit naman?” -Nathan

“Gusto kolang sana makita yung kapatid ko sa school nila.”

“Pero?—” -nathan

“Saglit lang at hindi naman ako magpapakita sa kaniya, Gusto kolang talaga sya makita.”

“Sige My Loves ikaw bahala.”

Next time nalang siguro ako babawi kay Nathan na mimiss kolang talaga yung kapatid ko at gusto ko din malaman kung okay lang ba sya.

NATHAN’S POV

“My Loves sigurado kana ba? Pano kung malaman to ng Mommy mo? Baka magalit sya.”

“Nathan please kahit saglit lang, Gusto ko lang talaga makita ang kapatid ko.” -dex

Kita ko sa mga mata ni Dex ang labis na pag kagusto na makita ang kapatid nya.

Kung ako ang nasa kalagayan nya ganon din siguro ang gagawin ko dahil naging parte na sila nang buong pagkatao ni Dex.

Sinamahan ko si Dex papunta sa school ni Kyline at nagpromise sya na sisilipin nya lang ang kapatid nya.

Pagpasok namin ni Dex sa loob nang school ay pumunta agad kami sa room ni Kyline pero hindi kami masyado lumapit at nagtago kami sa may halaman.

Pinagmasdan kolang si Dex at habang tinitingnan nya yung kapatid nya ay umiiyak na sya, Sobra akong naaawa kay My Loves dahil sobra syang naiipit sa sitwasyon dahil hindi nya malapitan ang kapatid nya.

“My Loves sabi ko sayo wag na tayo pumunta eh, Tingnan mo nahihirapan ka tuloy.”

Pinunasan nya yung mga luha nya at humarap sakin.

“Ayos Lang ako My Loves masaya na ako na makita ang kapatid ko kahit sa malayo.”

“Ano nang sunod mong gagawin?” Tanong ko sa kanya.

“Uuwe nalang siguro ako.”

Kahit Hindi magsabi sakin si Dex ay alam kong sobra syang nasasaktan at bilang boyfriend nya ay kailangan nyang maramdaman na may kasama sya.

Umalis na kami ni Dex at huminto kami sa may nadaanan naming convenience store para bumili ng makakakain medyo nagugutom nadin ako.

“My Loves kumain ka muna.”

Inabot ko sa kanya yung binili ko pero ang lalim padin ng iniisip nya.

“My loves sorry kung nasira ko yung dapat na lakad natin.” -Dex

“Ayos lang marami pa naman Next time, Kaya wag kana malungkot.”

“Salamat kasi lagi kang nandyan kapag malungkot at may problema ako.” -Dex

“Syempre Boyfriend mo ako at mahal kita, Kaya dadamayan at sasamahan kita sa lahat ng problema mo basta lagi kalang magsasabi sakin.”

“Alam mo yung feeling na kahit anong panggap mo na okay ka pero ang sakit sakit padin? Akala ko kasi magiging madali lang lahat na kapag doon na ako nakatira sa mga Montes ay makakalimutan ko agad yung Pamilyang kinalakihan ko.”

Nagsimula na syang magsalita at umiyak sa tabi ko.

“My Loves hindi ko alam kung gaano kasakit ang nararamdaman mo ngayon, Pero nandito lang ako para sayo.”

“Alam ko naman yon kaya nga sobrang nagpapasalamat ako sayo eh.” -Dex

Parang ayaw kona tuloy iwan si Dex, sobra akong naaawa sa kanya kung pwede lang 24/7 .

“My Loves gusto mo sa inyo nalang muna ako tumira ako na bahala kumausap sa parents mo.”

“Hindi na My Loves, kaya ko naman atsaka malayo yung bahay namin sa work mo baka mas lalo kalang mahirapan.” -Dex

“Wag kana kasi malungkot para hindi ako nag-aalala sayo.”

“Hindi na nga promise, tingnan mo pa.” -Dex

Ngumiti ngiti sakin si Dex na parang bata, Sa sobrang tuwa ko sa kanya ay kinurot ko sya sa mag kabilang pisngi.

“Tsk”

“My Loves na miss ko yan!!!!” -Dex

“Ang alin???”

“Yung pa ‘tsk’ mo kasi dati ayan lagi ang naririnig ko sayo kapag galit ka sakin o di kaya naiinis. Galit kaba?” -Dex

“Ako galit? bakit naman ako magagalit sayo?”

“Eh ano ba kasing ibig sabihin ng ‘tsk’ mo?” -Dex

“Gusto mo ba talaga ng malaman?”

“Oo ano nga??” -Dex

“Tsk means ‘Tara sa Kama’”

Gusto kong humalakhak dahil sa naging reaksyon ni Dex haha niloloko ko lang naman sya pero sya masyadong seryoso.

“Siraulo ka! Kung ano ano sinasabi mo! Ano nga kasi!!” -Dex

“Yun nga yon, T - means Tara S - means Sa K - means Kama . Saktong sakto diba? Ba’t ayaw mo maniwala?”

“Sinungaling ka, Ano dati palang pinapantasya mona ako?” -Dex

“Medyo.”

“Bahala ka nga sa buhay mo” -Dex

“Hahahaha, Haha biro lang My Loves eto naman masyadong sineseryo haha Yung tara sa kama nabasa kolang talaga yon before. Pero kapag ginagamit ko talaga yung Tsk means naiinis ako or may something ako na hindi approved kung minsan naman ekspresyan kolang talaga kapag speechless ako.”

Masyadong seryoso si Dex haha hindi mo pwedenb biruin basta basta dahil naniniwala agad.

“Alam mo Nathan ang dami monang nalalaman, Puro kalokohan nga lang.”

Sumandal ako sa balikat ni Dex, Kabisado kona to si My Loves nagpapalambing lang to sakin kaya nag-gaganyan yan. Minsan nga tinatanong ko sya kung may buwanang dalaw sya kasi madalas mainitin ang ulo sakin pero ang ending nagagalit at napipikon sakin haha.

DEX’S POV

Hindi ko alam kung matutuwa ako na nakasama ko si Nathan ngayon, Wala kasing ibang ginawa kundi asarin at pikunin ako.

After naming kumain dalawa ay nagpahatid nadin ako sa kanya pauwe kasi nga ang bilin samin bago magdilim, Strict nang parents ko noh? Aanak anak kasi sila ng maganda eh! hahaha char!

“My Loves wala man lang bang Good bye kiss?” Sabi sakin ni Nathan nang makababa ako sa motor nya.

“Tsk” sagot ko nalang.

“My loves? Tsk? Niyaya moba ako?” -Nathan

Sarap talaga pektusan ni Nathan lakas padin mang-asar. May pagtanggal pa nang helmet nya para makita ko ang ekspresyon ng mukha nya.

“Umalis kana nga”

“Grabe ka sakin My Loves pinapaalis mona a—–?” -Nathan

Hindi kona sya pinatapos magsalita dahil hinalikan kona sya sa labi, Para manahimik na. edi na na himik nga ang loko.

“Sige na umuwe kana, Ingat. sila sayo.”

Yung relationship namin ni Nathan ay hindi puro kilig lang kasi kung baga sa ulam ang pangit kung iisang luto lang gagawin mo dapat itry mo din ang iba baka mas masarap.

Ayoko kasi nang puro lambing lang, Gusto ko kahit papaano may asaran at lokohan na nagaganap.

Umalis nadin naman agad si Nathan, pinauwe kona sya kasi may trabaho pasya bukas.

At habang papasok ako sa bahay namin ay may nakita akong lalaking nakatayo at nakatingin lang sa may gate namin.

sino kaya to?

May inaantay ka sya?

Ang ginawa ko nalang ay nilapitan ko sya para makita.

“Andrew??”

“Dex??”

“Andrew anong ginagawa mo dito??”

“Dito kasi nakatira yung Girlfriend ko. Ikaw bakit ka nandito?” -Andrew

Sasabihin koba sa kanya? o wag na muna hay bahala na nga.

“Dito din kasi ako nakatira.”

“Talaga? Bakit? Kamaganak kaba nila? O kaibigan?”

“Kapatid ko si Andrea.”

Medyo nagulat sya sa sinabi ko.

“Kapatid? Pano nangyari yon? Ang alam kolang na kapatid nya ay si Samuel.’ -andrew

“Ang hirap ipaliwanag eh, siguro si Andrea nalang ang bahalang magkwento sayo. Bakit nga pala nandito ka sa labas?”

“Ayaw kasi lumabas ni Andrea kanina pa ako text ng text at nakailang missed calls nadin ako kaso hindi nya sinasagot.” -Andrea

“Ganon ba? Tara na muna sa loob doon muna sya antayin ako na tatawag sa kanya.”

“Talaga? salamat Dex.”

Sumunod sakin si Andrew sa loob nakakaawa naman kasi kung mag-aantay lang sya sa labas.

“Dyan ka muna tatawagin kolang si Andrea.”

“Sige salamat ulit.”

Iniwan ko na muna si Andrew para puntahan si Andrea sa kwarto nya, Goodluck sakin sana lang talaga hindi mag init agad yung ulo nya. Nakailang katok ako bago sys lumabas at nang makita nya ako ay sumimangot agad sya.

“Ano bang problema mo?” Bungad nya sakin.

“Ah eh ano kasi, may bisita ka.”

“Sinong bisita? Importante bang bisita yan?” -Andrea

“Yung Boyfriend mo nasa baba, Inaantay ka.”

“At sinong nagpapasok sa kanya?” -Andrea

“Pinapasok kona kasi nandon lang sya sa labas eh.”

“So pinapasok mo nga? alam mo ikaw masyado kang pabida eh, Una kala mommy at daddy tapos si kuya gusto mo ikaw ang ka bonding, Tapos ngayon pati sa boyfriend ko?” -Andrea

Grabe ganyan na pala ang tingin sakin ni Andrea kahit wala naman akong ginagawang masama.

“Pinapasok ko lang sya kasi kawawa naman sya kung sa labas sya mag aantay.”

“At anong pinapalabas mo na ikaw ang mabait at ako ang masama?” -Andrea

“Hindi naman sa ganon”

“Ganon yon Dex, Ganon yon. Since ikaw naman ang nagpapasok sa kanya dito edi ikaw nadin ang mag entertain!”

Hindi na ako nakapag salita dahil sinarhan na nya ako ng pinto. Anong sasabihin ko nito kay Andrew? Grabe naman sya Hindi man lang nya hinarap kahit saglit lang kawawa naman yung tao. Bumaba nalang ako para naman hindi na sya maghintay sa wala.

“Andrew sorry, masama daw ang pakiramdam nya kaya hindi sya makakababa.”

“Ganon ba? Pakisabi nalang sa kanya paggaling sya ag message nya lang ako kapag okay na sya.” -andrew

“Oo sige, Pasensya kana talaga.”

“Okay lang Dex, Nice meeting you again.” -Andrew

Hinatid kona palabas si Andrew, Ako tuloy yung nahihiya sa nangyari, Kawawa naman yung tao.

CHAPTER 14

DEX’S POV

Ilang araw nadin simula nang tumira ako dito sa maganda at malaking bahay ng Montes, Pero hanggang ngayon ay naninibago padin ako.

Wala si Daddy ngayon nasa work daw si kuya Samuel naman may lakad at ang tanging kasama ko lang dito ay ang mga katulong si Mommy kaso tulog pa ata at si Andrea.

“Good Morning Sir.” Bati sakin ng isang katulong pagbaba ko.

“Nako wag nyo na po akong tawaging sir Dex nalang po.”

“Sige po.” Sagot nya.

“Gusto nyo po tulungan kona kayo dyan?”

Nagmamap kasi sya nang sahig.

“Wag napo, Kaya ko naman na po.”

“Hindi okay lang sakin.”

Kinuha kona yung Map na hawak na at sinimulan konang lampasuhin ang sahig. Hindi naman nadin kasi bago sakin ang ganito, Sanay na ako sa mga paglinis linis.

“Gano napo kayo katagal dito?” Tanong ko sa kanya.

“Bago lang po ako dito, Mga 2 months palang po.”

“Talaga? Kamusta naman dito?”

“Okay naman po, Mababait sila lalo na yung mag-asawa kaya lang medyo masungit yung isa nilang anak.”

Kahit hindi nya binanggit kung sino yon ay alam kong si Andrea yon, imposibleng si Kuya yon eh ang bait non. And speaking of Andrea, Nandito na sya papalapit samin.

“Mabuti naman at alam mo kung anong lugar mo dito sa pamamahay nato, Ganyan dapat ang ginagawa mo naglilinis wag kang feeling prinsesa.”-Andrea

Badtrip siguro to?

DEX kalma, Wag kang papatol mahaba ang pasensya mo diba?? Kalma kalang, hingang malalim.

Pinakalma kolang ang sarili dahil ayokong makipag talo sa kanya, Dapat umpisahan natin nang good vibes kaya Mop lang nang Mop.

Pero sadyang mapang asar si Andrea, Imbis na dumaan sa ibang dereksyon ay doon pasya dumaan sa nilalampaso ko.

“Ooooppsss Sorry”

Pangiti ngiti pa sya habang tinitingnan yung yapak nya at biglang………

“Araaaaayyyyyyy!!!!!!!!”

Si Andrea biglang nadulas… Ang bilis nga naman talaga nang karma, kaya minsan kaya ayaw ko ding gumanti dahil alam kong may gaganti para sakin.

Gusto kong maawa sa nangyari kay Andrea pero ewan ko ba ganito na siguro tayong mga Pinoy na kapag may dulas imbes na tulungan ay tatawanan pa, Pero hindi ako tumawa na malakas, Pinigil ko naman.

“Ang tinatawa tawa nyo dyan! magsilayas nga kayo sa harapan ko!”

Kasalanan nya din naman kasi alam nyang basa yung sahig doon pasya nag rampa rampa.

Umalis nalang kami nitong kasama ko, Ayaw nyang magpatulong eh edi nilayasan nalang namin madali naman akong kausap.

“Magkapatid ba talaga kayo?” Tanong nya sakin nang makalayo na kami.

“Opo bakit?”

“Iba kasi ang ugali nyo, Si Sir Samuel mabait naman pati ikaw mukhang mabait din pero bakit ganyan ang Ate mo?”

“Hindi ko nga din alam sa kanya kung bakit sya ganyan.”

“Haha saan kaya sya nagmana?”

Medyo may kalokohan din tong si Ate.

“Kanina pa tayo nag-uusap dito pero hindi kopa alam ang pangalan mo.” Sabi ko sa kanya.

“Ako nga pala si Madelyn, Madel nalang po ang itawag nyo sakin.”

Malapit sakin ang mga katulong, Dahil hindi lang sila basta mga katulong dahil mga kaibigan din sila. Naalala ko tuloy sila Ate Erna, Manang pati si Alex. Tagal kona din kasi silang Hindi nadadalaw.

////////

Tanging larawan nalang nila Mama, Papa at Kyline ang meron ako. Ni hindi ko sila malapitan at mapuntahan dahil hindi pwede. Kahit sobrang miss na miss kona sila ay tinitiis ko para lang sa ikakaayos ng Pamilyang ito.

Nagulat nalang ako nang biglang may humaltak sa Picture na hawak ko.

“Is this your cheap Family? Yung nanay mong magnanakaw at yung tatay mong hampaslupa? At sino naman to? Kapatid mo? Ano kayang magandang itawag sa kanya??……… Alam kona Batang Kalye? O di kaya batang Pulubi? Maganda ba?”

Ewan koba Parang manhid na ako sa mga sinasabi ni Andrea.

“Akin nayan Andrea.”

Kalma lang ako magsalita dahil ayaw ko nang away.

“Ayoko nga, Pinagmamasdan ko pa nga eh.” -Andrea

“Akin na sabi yan.”

“Relax Dex, Wag kang atat ibibigay ko din sayo. Pero ganito nga lang.” -Andrea

Katulad nang ginawa ni Andrea sa larawan nang Pamilya ko ay parang pinunit na nya din ang pagkatao ko. Kinuha ko agad yung mga pinut punit na larawan, Naiyak nalang ako kasi wala man lang ako nagawa para pigilan sya.

“Ahh kawawa ka naman, Alam mo katulad kadin ng larawan nayan kayong buong Pamilya mga basura. Hindi ko nga alam kung bakit sa tinagal tagal ng panahon eh ngayon kapa nagpakita, Dahil ba sa nalaman nyo na mayaman kami? Siguro plano nyo to, huhuthutan mo sila mommy at daddy para naman maambunan din ang pamilya mo nang karangyaan.” -Andrea

“Hindi totoo yan.”

“Well it is true.”

“Bawiin mo ang sinabi mo.”

“Bakit ko babawiin? Nagsasabi lang naman ako nang katotohanan mali bayon?”

Hindi kona napigilan ang sarili ko at tumayo ako at hinawakan ko sya sa braso, Nagulat naman sya sa ginawa ko.

“Maling mali, Hindi mo kilala ang Pamilya ko kaya wag na wag mo silang huhusgahan. Alam mo hindi ko alam kung bakit galit na galit ka sakin, Hindi ako umiimik sa lahat ng ginagawa at sinasabi mo sakin pero sumusobra kana. Sino ka para sabihan nang ganyan ang Pamilya ko?”

Tahimik at Mabait akong Tao pero kapag pamilya na ang usapan lalo na’t naapakan ang pagkatao nila ibang usapan nayon. Halatang gulat na gulat si Andrea sa ginawa at sinabi ko sa kanya.

“Oh my gash, What’s happening here????”

Kumalas agad si Andrea at lumapit kay Mommy para magpaawa.

“Lumalabas na ang asal eskwater nya sabi ko kasi sa inyo dapat hindi na muna natin sya pinatira dito. Baka mamaya hindi lang ako ang saktan nya.” -Andrea

“Anong sinasabi mo?  alam mo ang dahilan  kung bakit kita hawak hawak sa braso.”

“SEE? yan ba ang papatirahin natin dito? malay ba natin kung anong klaseng pagpapalaki ang ginawa nang mga magulang nyang magnanakaw sa kanya, Baka mamaya magnanakaw din yan.” -Andrea

“Maayos akong pinalaki nang magulang ko, Pinalaki nila akong wag magsisinungaling, Wag mananakit nang ibang tao at may takot sa Diyos. Pero sa ganitong sitwasyon? at ganyang pag-Uugali mo? Walang lugar ang pagiging kalmado.”

“Magsitahimik kayong Dalawa! ano ba talagang nangyari???  Dex,!? Andrea?!?! Explain it to me??………… Ano walang magsasalita!??”

“Sorry po, Hindi ko po talaga ginusto yung ginawa ko kay Andrea.”

Ako na ang magsosorry, Dahil mukhang walang balak si Andrea.

“Kita nyo na? Siya talaga ang nagsimula.”

“Nag sorry ako dahil mali na patulan kita, Pero hindi ibig sabihin non ako ang nag-umpisa.”

“Enough. Andrea mag sorry ka sa kapatid mo.”

“But why? Ako ang nasaktan dito tapos ako pa ang mag sosorry?” - Andrea

“Ikaw din Dex, magsorry kadin. Ate mo padin sya.”

“Sorry Andrea alam kong mali ang saktan kita, Hayaan mo next time mas hahabaan kopa ang pasensya ko.”

“Ikaw Andrea wala kabang sasabihin sa kapatid mo?” -Mommy

Tumingin lang sya sakin nang masama.

“Edi sorry!”

Pagkatapos nyang sabihin yon ay umalis na sya, Ayaw ko na sanang makipagtalo kay Andrea kasi Hindi na kami mga bata. Pero sya kasi ang nagsisimula nang gulo.

“Pagpasensyahan mo nalang ang Ate mo.”

“Opo”

Umakyat nalang ako sa kwarto ko para tingnan yung napunit na larawan at nagbabakasaling mabuo pa.Kaya lang wala nang pag-asa kasi sobrang punit punit na.

MILE’S POV

“Wag!!!! Mo syang papatayin!!!!!! Wag!!!!!!!”

Wala na patay na sya, Hindi pwede to;!!!!!! Kailangan nyang mabuhay!!!!

“Hoyy Miles manahimik ka nga nakakahiya sa mga kapit bahay.” Bulyaw sakin ni Mama.

Hindi ko kasi matanggap na patay na yung lalaking bida sa paborito kong Teleserye. Pano na yung babae??? Wala nang magmamahal at poprotekta sa kanya. Bakit hindi happy Ending ang nangyari???

“Ang pangit kasi nang Ending ma!!”

“Edi magalit ka Director.”

Nasa kalagitnaan kami nang pag-uusap ni Mama nang biglang may kumatok.

Sino kaya yong mokong nayon at grabe makakatok kulang nalang wasakin na ang pinto namin.

“DANNNNNNNN??????!!!!!!!!!”

Napatakbo agad ako palapit kay Dan at napayakap nang mahigpit.

“Miles Hindi ako makahinga”

Napabitaw agad naman ako sa kanya.

“Sorry, Na excite lang.”

“Kamusta na?” -Dan

“Ganon padin, Ikaw kamusta na? Kelan kapa dumating? Mukhang umasenso kana ha?”

“Last week pa ako nandito, Hindi kona tinapos Yung contract ko dahil sobrang na hohomesick ako,Mabuti na nga lang at kaibigan nang yumao kong tatay ang boss ko kaya nakauwe agad ako.” -Dan

“Mabuti naman kung ganon.”

“Kamusta na pala si Dex?”

“Si Dex??…….. Ayon sila padin ni Nathan.”

Ayoko sanang sabihin dahil baka masaktan sya pero naka move on naman sya siguro.

“Talaga?  Mukhang going strong ang relationship nila.” -Dan

“Oo mula mahal na mahal nila ang isat isa mula noon hanggang ngayon.”

“Doon padin ba si Dex nakatira sa dati nilang bahay? Kasi nagpunta ako don para sana. Makita sya kaso wala namang tao sa kanila.” -Dan

Sasabihin kona ba? Nako baka masakal na ako ni Dex sa kadaldalan ko.

“Ah eh ano kasi wala na si Dex sa kanila.”

“Ha? Bakit asan sya?” -Dan

“Basta mahabang kwento sya nalang siguro ang tanungin mo kapag nagkita kayo.”

“Pero saan koba sya pwedeng puntahan?” -Dan

Omagash??!!! Ibibigay koba yung address nila Dex??? Baka makalbo ako ni Dex atsaka baka pag awayan pa nila ito ni Nathan.

“Nako pasensya na, Hindi ko talaga alam eh. Hindi nadin kasi kami masyado nagkakausap ni Dex dahil sobrang busy na namin ako eto naghahanap nang trabaho tapos ganon din sya, at syempre iba na kapag may Love Life ang kaibigan mo nawawalan na nang Time Para sayo.”

Effective kaya yung acting skills ko??

“Ganon ba? Sayang naman….. Pero kapag tumawag sya sayo pakisabi naman na nandito nako.” -Dan

Lakas talaga nang Tama ni Dan kay Dex, Sayang nga lang at hindi na pwede dahil may Nathan na sa buhay nang kaibigan ko. At alam kong mahal na mahal nila ang isa’t isa.

“Dan pasok ka muna sa loob para naman maipaghanda kita nang meryenda.”

“Nako Miles, Wa na salamat nalang may pupuntahan din kasi ako.” -Dan

“Okay sige, Nice meeting you again.”

Kaibigan ko din si Dan pero ayoko naman basta makialam nalang, Maayos na si Dex at Nathan kaya wala na sanang gulo ngayong nagbalik na sya.

CHAPTER 15

ANDREA’S POV

Bwiset talaga yung Dex nayon sadyain ba naman madulas ako ang sakit tuloy nang balakang ko.

“Oh anong nangyari sayo?”

Tanong sakin ni kuya na nakangiti pa.

“Ba’t di mo itanong sa magaling mong kapatid? Kasalanan nya to eh.”

“Bakit nag-away na naman ba kayo?” - Kuya

“Itanong mo nga sa magaling mong kapatid.”

“Ang aga-aga napaka init ng ulo mo, Si Andrew nga pala nasa labas.”

“At anong ginagawa nya dito?”

“Malay ko, Ba’t dimo nalang kaya puntahan para malaman mo diba.”

Kahit masakit ang balakang ko ay napilitan akong tumayo, Bwiset na nga ako sa itrimitidang Baklang yon tapos da dagdag pa si Andrew. ggggrr ang pangit nang araw ko.

Pagbukas ko nang pinto ay bumangad sakin ang maaliwalas na ngiti ni Andrew, Nakakairita lalo.

“Anong ginagawa mo dito?”

“Nandito ako para bisitahin ka.” -Andrew

“Pwes hindi ko kailangan nang bisita, Kaya makakaalis kana”

Tatalikod na sana ako kaya lang biglang hinawakan ni Andrew ang kamay ko at pinigilan niya ako.

“Babe sandali lang, Kausapin mo naman ako. Pano natin maayos to kung hindi mo ako kakausapin.” -Andrew

“Wala na tayong aayusin kasi tapos na tayo, Nakipag hiwalay na ako diba?”

“Hindi ako pumapayag Babe kasi Mahal kita, Kaya nga ako nandito para makiusap na baka pwede nating maayos pa kung anong meron tayo.” -Andrew

“Ayoko na nga sabi eh, Di ka ba makaintindi? Umalis kana.”

“Hindi ako aalis dito hanggat di mo ako kinakausap.” -Andrew

“Don’t scare me Andrew,. Guards!!!”

Naiinis na ako sa lalaking to nakipag hiwalay na nga ako sa kanya ayaw padin akong tigilan. Hindi pa sya tinablan sa mga sinabi ko sa kanya na ayaw kona kasi diko na sya Mahal.

“Babe sandali lang Kausapin mo muna ako.”

“Mga kuya, Ilabas nyo yang lalaki nayan at siguraduhin nyo na hindi na sya makakapasok dito.”

“Opo ma’am”

Hindi na nakalapit sakin si Andrew dahil hawak hawak na sya sa magkabilang braso. Ayoko naman sanang umabot sa ipakaladkad ko pa sya palabas pero ayaw nya akong tigilan eh.

DEX’S POV

“Ate Madel ano yon?”

“Hala baka may nag-aaway tara silipin natin.”

Nakarinig kasi kami nang nagsisigawan kaya napatigil kami sa ginagawa namin.

Dahil sa na curious ako ay sinilip namin kung sino yon at nagulat ako nang makita ko kung sino yon, Si Andrew sumisigaw habang hinihila palabas nang mga gwardya.

“Ate Madel saglit lang ha?”

Tumakbo agad palapit kay Andrew, Para pigilan yung mga gwardya.

“Kuya saglit lang, Wag nyo na sya palabasin.”

“Pero utos po samin yon ni Ma’am Andrea.”

“Ako na po bahala kay Andrea, Pati po sa kanya.”

“Sige po ha? sagot nyo kami kay Ma’am Andrea.”

Tumango lang ako at nilapitan si Andrew kaya lang lumabas na sya at parang wala sa sarili. Sinundan ko naman sya para tanungin kung ano ba talaga ang nangyari.

“Andrew sandali lang.”

Tumigil naman din sya at humarap sakin.

“Hi Dex, Pasensya kana ha? Hindi kita napansin masyado.Salamat din pala sa ginawa mo na pagtulong sakin.” -Andrew

“Wala yon, ano ba talaga ang nangyari?”

“Wala na talaga kami, Tapos na kami ni Andrea.” -Andrew

Kita sa mga mata ni Andrew ang lungkot na nararamdaman nya.

“Ano? Baka pwede nyo pa pag-usapan yan, Kakausapin ko sya.”

“Hindi na Dex, Nakapag desisyon na sya at hindi na mababago yon.” -Andrew

Nakakaawa naman sya, Alam ko kung anong nararamdaman nya at kung gaano kasakit yon dahil minsan din akong nasaktan.

“San ka pupunta ngayon?”

“Kahit saan gusto kolang muna mapag-isa.” -Andrew

“Sigurado ka? Baka kailangan mo nang makakausap nandito lang ako.”

“Ayos lang talaga ako, Wag kang mag-alala hindi naman ako magpapakamatay.” -Andrew

“Hoyy grabe ka wala naman akong sinasabing ganyan, Baka gusto mo lang nang may makakausap. Pero wag mo din gagawin yon.”

“Dahil mapilit ka sige samahan mo ako.” -Andrew

Biglang hinawakan ni Andrew yung kamay ko at hinila papasok sa kotse nya.

“San mo ako dadalhin???”

“Diba sami mo kung gusto ko nang makakausap nandyan kalang? Edi samahan mo ako.” -Andrew

“Hindi pa ako nakapag paalam, Sandali lang.”

Mayayari ako nito eh, Baka mag hanap sila Mommy at pati si Nathan baka malaman nya pa to.

“Ano ba talaga ang ginagawa mo sa bahay nang mga Montes? Ano kaba talaga nila?” Takang tanong nya sakin. Sasabihin ko nalang siguro sa kanya ang totoo, hindi naman siguro masama yon.

“Isa rin akong Montes, Ako si Caliv Montes ang nawawala nilang anak at si Andrea kapatid ko sya. Diba nasabi kona yon sayo?”

“Diko na maalala, Ikaw talaga si Caliv??? Naikwento na din sakin yan ni Andrea dati. Grabe More than two decades din ang lumipas bago ka nila nahanap.” -Andrea

“Oo nga eh, Kahit ako nagulat din.”

“Masaya ako dahil buo na ang Pamilya nyo.” -Andrew

“Salamat, Bakit ka nakangiti?”

Para kasing ewan imbes na malungkot dapat sya, Nakangiti pa.

“Wala lang, Ang liit talaga nang mundo noh? Kapatid pala nang ex girlfriend ko yung niligtas ko.” -Andrew

“Anong niligtas?”

“Diba magpapakamatay ka non?” -Andrew

“Nagpapahangin nga ako non at hindi ako magpapakamatay”

“ Ikaw bahala, Sabi mo yan eh.“ -Andrew

“Pwedeng makihiram ng phone?”

“Sure” Inabot nya naman sakin yung phone nya.

“Meron kabang number nila Mommy? Magsasabi lang ako na kasama kita, Baka hanapin nila ako hindi pa naman ako nagpaalam.”

“Oo meron ako dyan, Wag ka mag-alala kapag binanggit mo ang pangalan ko hindi yon magagalit dahil alam nilang nasa mabuting kamay ka.”

Tinawagan ko si Mommy at sinabi kong kasama ko si Andrew at pumayag naman sya agad. Kaya ang sunod kong tinawagan ay si Nathan dahil baka tawag ng tawag nayon sakin, Naiwan ko kasi yung phone ko sa kwarto ko. Loko kasi tong lalaki nato eh, Bigla bigla akong hinila.

’ Hello My Loves??’

‘Dex?’

‘Oo ako to.’

’bakit iba na yung number mo? Nagpalit kana?“

‘hindi, Naiwan kolang kasi yung phone ko. Baka kasi magalit ka kapag hindi kita nasagot.’

“Eh asan kaba kasi ngayon?’

‘May lakad kasi kami nila Mommy at sa kamamadali ko naiwan ang phone ko.’

‘Ganon ba? Sige mag-ingat kayo sa pupuntahan nyo, Update mo nalang ako kapag nakauwe na kayo. Bye My Loves. i Love You.’

’I Love you too My

Loves’

Hindi ko pwedeng sabihin kay Nathan kung nasan talaga ako lalo na’t lalaki pa ang kassma ko panigurado magagalit yon at baka puntahan pa ako.

“May Boyfriend ka?”

“Oo, Bakit? masama ba?”

Kita kasi samukha nya na gulat na gulat sya na malaman na may Boyfriend ako.

“Hindi naman, Pero nakakagulat lang.” -Andrew

“Kasi nga dahil bakla ako?  ganon ba? Alam mo sanay na ako sa mga ganyang klaseng utak nang mga tao.”

“Sorry na wag kana magalit, Nagulat lang ako pero hindi ko naman Kayo idyajudge kasi buhay nyo yan at dyan kayo masaya at walang sino man ang pwedeng magdikta sa kung ano at sino dapat ang mamahalin nyo.” -Andrew

“Hindi ako galit, San ba kasi tayo pupunta?.”

Nagpatuloy lang sya sa pagmamaneho at siguro after more than 30 minutes ay nakarartinf nadin kami sa pupuntahan namin.

“Resto Bar nang ganito kaaga?? Bakit tayo nandito?”

“Sabi kasi nila para makalimutan mo yung sakit na nararamdaman mo ay iinom molang.” -Andrew

Pashnea mukhang mali ata na sumama ako sa kanya, ayoko pa naman sa mga ganong lugar ayaw na ayaw ko sa amoy nang alak (Except kala Nathan at Papa pag ila nag iinom haha)

“Ang alak lalasingin kalang nyan pero hindi nya mapapawala ang sakit na nararamdaman mo.”

“Ang dami mo talagang hugot noh?  ……. Tara na pumasok nalang tayo.” -Andrew

Hinila na nya ako papasok sa loob tahimik lang at iilan yung mga nagtatrabaho.

“Andrew sa iba nalang kaya tayo? Sarado pa ata sila”

“Ako ang may ari nito kaya ayos lang kung ano mang oras ako pumunta.”

“Sure kana talaga dito?”

Pano koba sasabihin sa lalaking ito na Hindi ako nag-iinom.

“Dito na tayo ako bahala sayo, Ano ba iniinom mamili kalang. Libre ko naman wag kang mag-alala.” -Andrew

“Eh ano kasi, Hindi ako umiinom nang kahit anong alak”

“Seriously?” Nakangiti nyang tanong sakin at tango lang sinagot ko.

“That’s not a problem, ako nalang ang iinom at samahan mo ako. Pero kung gusto mong itry pwede naman, Masarap kaya uminom.” -Andrew

“Hindi na ikaw nalang, Sasamahan nalang kita.”

After 20 Minutes

“Mahal na mahal ko ang kapatid mo at hindi ko kaya na mawala sya sakin.”

Ayan na nag start na sya magsalita may Tama na yung alak sa kanya.

“Pero bakit nya ako ginaganito? wala naman akong ginagawang mali sa kanya.”

“Pag-usapan nyo nalang baka maayos pa.”

“Hindi na namin to maayos, Kilala ko si Andrea kapag nasabi na nya ang isang bagay  wala nang bawian yon.”

Tungga pa din sya nang tungga nang alak yung parang wala nang kinabukasan.

“Sabi mo Mahal na Mahal mo sya? Kung mahal mo sya bakit ka susuko? Ang taong nagmamahal napapagod lang yan, nagpapahinga, pero never susuko.”

“Pero pano pa ako lalaban kung yung ipinaglalaban ko sumuko na?”

Nakakaawa tingnan si Andrew sobra talaga syang nasaktan sa paghihiwalay nila ni Andrea.

“Andrew tama na yan, Lasing kana siguro mabuti pa kung umuwe nalang tayo.”

“Hindi pa ako lasing ayos lang ako, Kaya kopa.”

Sige pa din sya ng inom at ilang saglit pa ay bumagsak na sya. Nagpatulong nalang ako sa nagtatrabaho don para maitayo si Andrew.

Agad ko naman kinuha yung phone nya at nag book ako nang masasakyan namin, Dahil hindi ako marunong mag drive. Bahala na yung sasakyan nya balikan nya nalang yon bukas.

Doon na kami dumiretso sa Condo nya mabuti nalang natandaan ko yung address habang nasa byahe kami ay tulog lang sya at ginising ko nalang nang makarating kami, Kaya lang medyo malakas padin ang tama nya kaya nagpatulong ako na maibaba sya at syempre sa huli ako din ang umalalay sa kanya hanggang sa makarating kami sa tapat ng condo nya.

Grabe ang bigat nya at habang naglalakad kami ay puro pangalan lang ni Andrea ang binabanggit nya.

Nang makapasok kami sa loob ng condo nya (Sinabi nya sakin yung Passcode, Susyalin yung Condo nya haha) ay diniretso ko agad sya sa kama nya at dahan dahan ng inihiga. Pero bigla nya akong hinawakan sa kamay  sabay banggit.  ‘Andrea Wag mo ako iiwan’ at nagulat ako sa sunod nyang ginawa nya hinila nya ako palapit sa kanya at hinalikan nya, Mariin ang halik nayon kaya nalasahan kona ang lasa ng alak sa bibig nya, itinulak ko naman din sya agad at wala padin syang malay. Akala nya siguro ako si Andrea. Malapit na mag gabi at hindi padin ako nakakauwe hindi ko naman maiwan si Andrew dahil kawawa naman sya.

CHAPTER 16

DEX’S POV

“Gising kana pala”

Bati ko Andrew habang nag-uunat sya sa higaan nya.

“Dex? Anong nangyari?”

“Wala kang maalala?”

“Wala eh, Naparami ata yung inom.” -andrew

“Sinabi mo pa, kulang na nga lang pati bote lunukin mo.”

“Pano nga pala tayo nakarating dito sa condo ko?” Takang tanong nya sakin.

“Ginamit ko yung phone mo para makapag book ng masasakyan natin, Tapos yung pinang bayad ko inutang kodon sa mga trabahador mo sabi ko singilin ka nalang.”

“Ganon ba? pasensya kana ha? Pati tuloy ikaw naabala pa.” -Andrew

“Ayos lang, Nakapag paalam nadin naman ako kay Mommy na dito ako matutulog dahil hindi kita maiwan mag -isa.”

“Sorry talaga Dex, Hayaan mo ako na mag eexplain kay Tita sagot kita.” -Andrew

“Wala kabang naaalalang nangyari kagabi?”

Napaisip agad sya sa tanong ko.

“Wala eh, May nangyari ba?……. Sandali bakit pala iba na yung suot ko?” Tanong nya sakin

“Binihisan kita ang baho na kasi ng mga suot mo.”

“Binihisan mo ako? Pinalitan mo lahat nang suot ko?” -Andrew

“Kung ano man ang iniisip mo hindi ko ginawa yon, Pinatay ko yung ilaw para hindi ko makita yung ano mo. Atsaka walang malisya sakin yon ako na nga ang nagmagandang loob ako pa ngayon ang masama?” Defensive kong sagot sa kanya haha.

“Wala naman akong sinasabing ganon, Pero ano ba talaga ang nangyari kagabi? may nangyari ba satin? Sorry hindi ko alam lasing lang ako.”

Pinag-sasabi nitong lalaki nato? samin may nangyari? Loyal ata to noh!

“Wag mo na ngalang isipin yung tanong ko, Mag kape ka nalang para naman mahimasmasan ka.

………………….. FLASHBACK………………….

Nang makapasok kami sa loob ng condo nya (Sinabi nya sakin yung Passcode,

Susyalin

yung Condo nya haha) ay

diniretso

ko agad sya sa kama nya at dahan dahan ng inihiga.

Pero bigla nya akong hinawakan sa kamay  sabay

banggit

.

‘Andrea Wag mo ako iiwan’

at nagulat ako sa sunod nyang ginawa nya hinila nya ako palapit sa kanya at hinalikan nya,

Mariin

ang halik nayon kaya

nalasahan

kona ang lasa ng alak sa bibig nya, itinulak ko naman din sya agad at wala padin syang malay.

Akala nya siguro ako si Andrea.

Malapit na mag gabi at hindi padin ako

nakakauwe

hindi ko naman maiwan si Andrew dahil kawawa naman sya.

“Andrea dito kalang please wag mo akong iwan.”

Lumapit ako sa kanya at tumabi pinagmasdan ko ang mukha nya at halata mo yung sakit na nararamdaman nya.

Hiniwakan ng mahigpit ni Andrew ang mga kamay ko at hinayaan ko nalang sya dahil ayoko nang

madagdagan

pa ang sakit sa puso nya.

Ilang minuto din siguro kaming nasa ganong pwesto at tinanggal ko din yung kamay nya nang masiguro ko na mahimbing na syang natutulog.

Hiniram ko saglit Yung phone nya at tumawag sa bahay para sabihing hindi ako makakauwe dahil hindi ko maiwan si Andrew. Pumayag naman si mommy dahil kilala nya naman daw nya si Andrew at mabait daw tong bata.

Pero si Nathan hindi kona tinawagan, Bahala na bukas.

Pagbalik ko kay Andrew ay na-isipan kong bihisan sya dahil amoy alak na sya.

Oo binihisan ko sya! pero hindi ako mapagsamantalang tao!

Nang mahanap ko yung mga damit nya ay binihisan ko sya agad pero Pinatay ko naman yung ilaw atsaka pumikit ako, Kapa kapa lang mabuti nalang hindi ko nakapa yung ano nya hehe.

……………END OF FLASHBACK………………

“Hindi nga Dex wala talagang nangyari satin kagabi?”

Muntik konang maibuga sa kanya yung iniinom so dahil sa tanong nayon.

“Wala nga atsaka hindi naman tayo magkatabi matulog, doon kaya ako sa lapag binihisan lang kita yon lang yon.”

“Meron o wala lang naman ang isasagot mo ang dami mopang sinabi.” -Adrew

“Ang kulit mo kasi, Sinabi konang wala. wala.”

“Oo na wala na. Pagkatapos pala natin dito ihahatid na kita sa inyo baka mapagalitan kapa ni Tita dahil sakin.”

Tiningnan kolang si Andrew, Mukha naman syang okay pero alam kong may sakit at kirot padin dahil sa nangyari sa kanila ni Andrea.

MILE’S POV

“Lord bakit ganon? Tatanda naba akong dalaga??? Ba’t wala padin akong Jowa???? Tinalo pa ako ni Dex! sya may Nathan na tapos may naghahabol pang Dan at Mark. Tapos sakin wala???? Bigyan nyo naman po ako kahit isa lang “

Nakakatawa mang isipin pero ayon talaga ang ipinag pray ko kay lord.

#jowangjowanako

After kong maikusap at mag makaawa kay lord na sana mag kajowa na ako ay lumabas nadin ako nang simbahan dahil bibisitahin ko si Dex sa kanila, Sasabihin kong nandito na si Dan.

Habang naglalakad ako papuntang sakayan ay may mga nag-aaway syempre dahil may pagkachismosa ako naki chismis ako haha.

Yung dalawang mag jowa pala nag-aaway in public dahil ito daw si boy nahuli si Girl na may kasama pang isang Boy.

Hay nako yan din kasi ang hirap sa ibang babae di marunong makuntento gusto daladalawa kaya maraming single eh, Imbes na one is to one ginagawa nilang dalawa. kami tuloy nawawalan.

Hindi ko nalang sila pinansin at nagtuloy tuloy nalang ako sa paglalakad, Kaya lang sa sobrang paglalakad kolang at dahil medyo engeng ako ay hindi ko napansin na may sasakyan pala nang tatawid na ako kaya ang ending muntik na akong mabangga.

“Hoyyyy bumaba ka dyan! Grabe ka alam mo namang tawiran to ang bilis bilis nang takbo mo! Bumaba kadyan”

Sa totoo lang ako talaga ang mali pero ewan ko kung bakit ganon ang reaksyon at mga nasabi ko, Siguro dahil sa kakabasa koto at kakanood ng mga Teleserye syempre kayo kaya ang walang lovelife!

“Miss sorry nasaktan kaba? Nagmamadali lang kasi ako.”

“Muntik lang! Mabuti nalang at hindi ako nabunggo! dahil kung nangyari yon!? Nako ipa………..”

Totoo batong nakikita????? Si!!!!!!!! Samuel!!!!!!!!!!!!! Pinikit pikit ko yung mata ko dahil baka na nanaginip lang ako kaso sya padin yon eh hindi sya naglalaho.

Lord ang bilis mo naman binigay yung wish ko! Thank you po!

“Sorry talaga, Hindi ko sinasadya.”

“Samuel?”

“Kilala mo ako?”

“Oo ano kaba,. Hindi mo ba ako naalala? Ako to si Miles yung kaibigan ni Dex.”

“Ahhh naalala na kita, Sorry hindi kita na mukaan kasi iba yung ayos mo ngayon”

Bakit pangit ba ako non? O mas gumanda lang lalo ako haha Grabe sya oh nakalimutan agad ako samantalang sya hindi ko nakalimutan! Ang sama nya!

“Nakalimutan mona agad, Grabe noh? Kapatid mo pala si Dex. Akalain mo yon may kapatid pala syang gwapo.”

Parang gusto kong tampalin ang bibig ko dahil kung ano ano ang lumalabas eh hindi pa naman kami ganon ka close.

“Oo nga eh, Pero sorry talaga nagmamadali lang talaga ako. Nasaktan kaba? O nagalusan?” -Sam

“Ako nasaktan? Hindi ah, ang layo layo naman sakin mabuti nga hindi mabilis ang takbo mo eh kasalanan ko din naman hindi ako tumitingin habang tumatawid.”

Nabitin yung moment namin ni Samuel ng biglang may bumisina ng malakas at sumigaw pa.

“Hoy ano ba!!! Hindi ba kayo tatabi!!!  Nakaka dagdag kayo sa traffic!!”

Pagtingin ko ay nag cause na pala kami ng traffic nasa gitna nga pala kami nang kalsada. Sorry naman! Kayo kaya kausap ang crush nyo ewan kolang kung makagalaw pa kayo!

“Pasok na muna tayo sa kotse” yaya nya sakin.

“Ha?? Bakit? Anong gagawin natin don?…… Ay este sige sige.”

Bastos talaga ang bibig ko kahit kailan huhu.

“Samuel hindi kaba malelate sa pupuntahan mo?” Tanong ko sa kanya nang makasakay kami na kami.

“Actually late nako, Pero okay nayon kakausapin ko nalang siguro sya mamaya. Ikaw san kaba pupunta? Gusto mo ihatid na kita?”

“Nako wag na nakakahiya naman sobra na akong nakakaabala sayo.”

“No it’s okay, San kaba papunta para maihatid na kita?”

“Ah eh ano kasi, Pupuntahan ko sana si Dex kasi may sasabihin ako sa kanya.”

“Si Dex? Hindi ko alam kung nasa bahay na sya ngayon kasi doon sya natulog kala Andrew kagabi.” -Sam

“Andrew? Sino yon?”

“Boyfriend nang sister ko.” -sam

Tumango nalang ako sa kanya. Ano na naman kayang kalandian to ni Dex, nakitulog sya sa bahay ng ibang lalaki?

DEX’S POV

Kabado akong umuwe samin pero kasama ko naman si Andrew sya na bahala mag explain.

“Dex, Mabuti naman at nakauwe kana.”

Bungad sakin ni Mommy pag-pasok ko, naabutan ko sila ni Andrea na nagbabrowse sa mga phone nila ewan ko kung ano yon.

“Tingnan mo nga naman nandito na yung magaling mong anak, Gawain ba nang matino yan? Ang hindi uuwe sa sariling bahay?” -Andrea

“Wag mona ulit gagawin yon Dex, Next time magpasundo ka nalang.” -Mom

“Sorry po.” Ya lang ang salitang lumabas sa bibig ko.

“Wala naman nang mangyayari kahit mag sorry kapa kasi tapos na.” -Andrea

“Ako ang may kasalanan, Samin sya natulog kasi binantayan nya ako kaya kung may dapat sisihin dito ako yon.”

Nakahinga ako nang maluwag nang dumating si Andrew may naiwan kasi sya sa kotse nya kaya ako ang naunang pumasok.

“Andrew? Anong ginagawa mo dito? Paano ka nakapasok? Magkakilala kayo ni Dex?” Sunod sunod na tanong nya.

“Oo magkakilala kami nang kapatid mo” sagot nya kay Andrea pero poker face lang sya “ Tita sorry po talaga kung hindi nakauwe si Dex ako po ang may kasalanan“ sabi naman nya kay Mommy.

“It’s okay Andrew, Wala namang kaso sakin kung ikaw ang kasama ng anak ko kasi alam ko naman na mapagkakatiwalaan ka. But by the way ano nga pala ang nangyari sayo? May problema kaba?”

Hindi pa siguro nya alam na wala na si Andrea at Andrew nako, nako.

“Medyo napasarap lang yan sa pag-inom kaya nalasing kagabi.”

Singit ko just to save andrew, Alam kong hindi padin nya tanggap na wala na sila ni Andrea.

“Tsk, Wag na nga natin yan pag-usapan and Mom marami pa tayong dapat asikasuhin for your Birthday .”

“Oo nga pala invited kadin sa birthday ko Andrew expected ko pupunta ka.” -Mom

“Syempre naman po tita.Kayo paba? Pano po mauna napo ako hindi na ako magtatagal.”

“Sige ingat ka.”

Nagyakapan pa sila sa isa’t isa , Nagpaalam din sakin si Andrew at umalis din agad. Dedmahan nalang din silang dalawang mag Ex.

“Ikaw din Dex magpalit kana para matulungan mo kami dito nang ate mo.”

“Malapit na po pala yung Birthday nyo?”

“Oo at mukhang ito ang pinakamasayang Birthday na mangyayari sakin dahil nandito kana at buo na ang Pamilya natin.”

Umakyat na ako papuntang kwarto ko para tingnan yung phone ko dahil baka nakailang tawag na sakin si Nathan.

Hindi nga ako nagkamali 30+ messages at 20+ missed calls grabe tinadtad ako ni Nathan yari ako nito. Agad kong dinial yung number nya para matawagan sya at masabing nakauwe na ako.

“Hello My Loves?? Asan ka?? Ba’t dimo sinasagot yung mga calls at texts ko sayo??? May nangyari bang hindi maganda?”

Kahit magkalayo kaming dalawa ni Nathan ay ramdam ko ang pag-aalala sa boses nya.

“Ayos lang ako My Loves wala namang nangyaring masama sorry kung hindi ko nasagot ang mga tawag mo.”

“Wag kanang magsorry My Loves ang importante nakauwe kana sa inyo. Busy kaba mamaya? Dadaan pala ako dyan may ibibigay ako sayo.”

“Hindi naman, Anong ibibigay mo?”

“Secret”

“Secret kapa dyan, Ano ngayon?????”

“Basta antayin mo nalang ako My Loves mamaya. I love you see you later.”

Magsasalita pa sana ako kaya lang pinatayan na ako ng loko. Nasa work siguro sya at tumakas na naman sa boss nya.

Hihiga na sana ako ng biglang may kumatok sa pinto ng kwarto ko. Pashnea naman oh hindi panga dumidikit yung likod ko sa kama may kumatok agad, Pero syempre pinuntahan kopa din yon baka mamaya importante.

“Kuya Samuel? bakit?”

“Mabuti naman at nakauwe kana, Meron kasi akong kasama na sigurado akong matutuwa ka.” -Kuya Sam

“Sino naman?”

“Dexxxxxxxxxxxxx!!!!”

“Miles??????????”

Sa sobrang tuwa namin sa isa’t isa ay nagyakapan kami ng mahigpit na akala mo’y hindi nagkita ng isang taon.

“Napadalaw ka?”

“Syempre na miss kolang ang kaibigan ko.”

“Pano maiwan ko muna kayo, Para makapag usap kayo ng maayos.” -Kuya Sam

“Sige Samuel salamat pala sa pagsasabay sakin papunta dito”

Nang makaalis si kuya ay binatukan ko si Miles mahina lang naman yung tipong umalog utak nya haha charot!

“Aray ba’t mo ako binatukan?”

“Ganda ka te? ganda ka? At pano naman kayo nagkasabay ni kuya?”

“Ano kaba Dex? syempre we are destined to each other, Tingnan mo tadhana na ang gumagawa ng paraan para magkita kami.” -Miles

Si Miles ba’tong kausap ko? Nagiging hugotera sya ah.

“Tadhana kapa dyan,Tara na doon na tayo mag-usap sa loob.”

Sumunod naman sya sakin at ang loka akala mo napunta sa ibang mundo.

“Be!!!! Ang ganda ng kwarto mo at ang laki parang kabuuhan na ng bahay namin to. Ang yaman mona talaga.” -Miles

“Hindi ako mayaman, Sila Mommy at Daddy lang yon.”

“Ganon nadin yon.”

Hindi kona sya napigilan at dumiretso sya sa kama ko at nagtatatalon talon.

“Bakit kaba kasi nandito?”

“Bakit ayaw moba ako nandito??” -Miles

“Hindi naman, Kilala lang kasi kita hindi ka pupunta kung wala kang sasabihin sakin. Ano ba kasi yon?”

“Wala gusto lang kita bisitahin” -Miles

“Yun lang? Sayang gusto pa naman ilakad kay kuya kaya lang wag nalang.”

“Grabe naman to, Wala namang ganyanan” -Miles

“Ano nga kasing sasabihin mo? bilisan mona bago pa magbago ang isip ko”

“Si Dan kasi nandito na at hinahanap ka nya.” Dirediretso nyang sabi. Si Dan???? Nandito na??at hinahanap ako?????

“Si Dan?”

“Oo, Ano masaya kana? Oyy yung usapan ha? Ilalakad mo ako sa kuya Samuel mo” -Miles

Nagbalik na si Dan???? Ano na kaya ang itsura nya? Medyo matagal nadin kasi kaming hindi nagkikita at ang huli naming pagkikita ay medyo emosyonal pa.

CHAPTER 17

DEX’S POV

“Be ang ganda talaga ng kwarto mo, Lalo na yung buong bahay nyo sobrang yaman talaga ng pamilya mo.”

“Alam mo Miles hindi ko naman kailangan ng  yaman dahil ang mas kailangan ko ang masaya at kompletong Pamilya.”

Balewala ang lahat ng karangyaang nararanasan ko kung hindi ko kasama yung Pamilyang kinalakihan ko.

Sabihin na natin na unti unti kona ding minamahal ang Pamilya Montes pero sa kabilang Banda hindi ko padin maiwasan ang maalala sila Mama at Papa.

“Oh Be bakit parang natulala ka? Naalala mona naman ba sila tita at tito?”

“Oo, Gustong gusto ko sila Puntahan para kamustahin at mayakap pero hindi ko magawa kasi ayokong may masasaktan.”

“Pwede mo naman sila dalawin diba? Kahit patago lang para kahit hindi mo sila nahahawakan, nalalapitan at nayayakap atlis nakikita mo sila.” -Miles

“Miles pwedeba akong humingi ng pabor sayo?”

“Ano yon?  Kahit ano basta para sayo.” -Miles

“Pwede bang lagi mong bisitahin sila mama at Papa? Pati si Kyline?”

“Yun lang ba? Oo naman basta ikaw.” - Miles

“Salamat”

“Pero maiba tayo, Nabanggit sakin yung kuya mo na hindi kadaw dito natulog kagabi? Doon daw kala Andrew? Sino yon?” -Miles

“Si Andrew ex yon ni Andrea, Hindi ko kasi sya maiwan kagabi dahil lasing na lasing at walang magbabantay sa kanya. Wag mo nalang sana sabihin to kay Nathan baka magalit payon sakin.”

“Ako paba Dex? Wag kang mag-alala hindi to makakarating kay Nathan.” -Miles

Kayo na ang magsabi kung dapat ba akong maniwala sa kanya? haha kilala ko kasi itong kaibigan ko nato, Madaldal to hehe.

“Talaga ba?”

“Oo promise” -Miles

Nagkwentuhan pa kami ni Miles ng mga maraming bagay, About sa family ko at pati sa pagkagusto nya kay Kuya. Itomg si Miles talagang na love at first sight sa kuya ko, Gusto pa nga nya dito matulog kaya lang baka masabunutan daw sya ng nanay nya.

Gabi na umalis si Miles samin dahil hindi namin namawalayan yung oras actually kulang pa nga yung time namin.

“Be una na ako.”

“Sigurado kaba na hindi ka magpapahatid?”

“Sino ba maghahatid sakin si Samuel?  Kung sya go ako.” -Miles

“Loka ka talaga, Nandon yon sa kwarto nya nakakahiya.”

“Haha biro lang. Sige una na ako wag mona akong isipin kaya kona sarili ko.”

“Wait lang, Antayin mo ako.” Pagpigil ko sa kanya.

Tumakbo ako papunta sa isa sa mga Driver namin, Para makisuyo kung pwede ipahatid si Miles. Hindi naman ako nabigo dahil pumayag sya.

“Nakakahiya naman Be.”

“Okay lang yan, alam mo namang Love na love kita kaya ipapahatid kita haggang sa inyo.”

“Salamat talaga.”

Yumakap muna sakin si Miles bago sumakay sa Van at tiningnan hanggang sa makaalis sya.

“ At sino nagsabi sayo na pwede mong ipagamit ang mga sasakyan dito na walang paalam?“

Napaharap agad ako ng marinig ang boses ni Andrea.

“Gabi na kasi delekado Kung maglalakad pa sya.”

“Marunong nga sya pumunta dito kaya dapat marunong din syang umuwe.” -Andrea

“Sorry, Ako nalang ang mag eexplain kala Mommy.”

Lumapit sakin si Andrea at tiningnan ako ng masama mula ulo hanggang paa.

“Hindi porket, Nalaman mo na isa kang Montes magagawa mona kung anong gusto mo. Just a sister advice, Hindi ka magiging prinsesa sa kahariang hindi ka naman parte at hanggang nandito ako hinding hindi ka mapapansin lahat. At kung inaakala mo na magbubuhay Prinsesa ka? nagkakamali ka.”

Pagkatapos nyang sabihin yon ay tinalikuran nya ako at pumasok na sa loob. Sumunod din naman ako papasok.

“Saan kayo galing dalawa?” Bungad samin ni Mommy nang makita kami.

“Nagpahangin lang po ako sa labas.” Palusot ko.

“Ganon ba? Sige na magbihis na kayo at may darating na bisita ang Daddy nyo.” -Mom

“Sino po?”

“Wag kana nga mag tanong,At kung gusto mo magkulong ka nalang sa kwarto mo at wag kana lumabas co’z  I’m pretty sure na hindi ka naman mag eenjoy kasi galing ka naman sa eskwater.”

“Stop it Andrea, Hindi mo dapat pinagsasabihan ng ganyan ang kapatid mo.” -Mom

“Okay lang po, Totoo naman kasi.”

“See? i’m just telling the truth mabuti nga concern pa ako.” -Andrea

“Pero gusto ng daddy nyo na kompleto tayo.”

“Mom? Kelan lang naman sya dumating dito, Sanay naman tayo nawala sya. Kaya wala namang bago.” -Andrea

“Sige po pupunta ako, Magreready na po ako.”

Lalong sumama ang tingin sakin ni Andrea, Bahala na kung magalit lalo sya. Gusto ko man syang patulan pero nahihiya lang ako kay Mommy.

After kong mag-ayos ay bumaba nadin ako at kompleto na sila, Tumabi nalang ako kay kuya kasi kung kay Andrea panigurado manggagalaiti yon sa galit.

“Kuya kilala moba kung sino yung darating na bisita ni Daddy?”

“Hindi eh, Pero ang sabi lang nya anak daw yon ng yumao nyang kaibigan.” -Kuya

“Oh ayan na pala yung hinihintay natin.”

“Sorry po tito medyo traffic lang kasi.”

“It’s okay Dan, Dipa naman kami nag sstart.”

Halos kumawala yung puso ko sa katawan ko dahil sa sobrang kaba nang makita ko ulit Si Dan. Anong ginagawa nya dito?

“Dan/Dex?” Sabay naming sabi na medyo ikinagulat din nila Mommy at Daddy.

“Magkakilala kayo?” -Mommy

“Opo schoolmates po kami when i was in Senior High to College.”

Hindi kopa naman pwedeng sabihin sa kanila na sya yung Crush ko na naging Boyfriend ko at ngayon ex kona.

“Wow what a coincidence.” -Mom

“How’s your day here Dan?” Tanong naman ni Daddy.

“Medyo nakakapagod po pero at the same time excited kasi makakasama ko na ulit si Mama. At syempre makikita kona ulit yung taong pinakamamahal ko.”

“Mukhang may Lovelife kana.” -mom

“Wala nga po, Kasi yung taong mahal ko may mahal nang iba.”

Napatungo nalang ako sa mga sinabi ni Dan, Alam ko kasi na ako ang pinapatamaan nya.

“Ayos kalang ba Dex?” Tanong sakin ni kuya, Napansin nya siguro na naiilang ako.

“Ah eh oo, Medyo sumakit lang ang ulo ko.”

“Umakyat kana kaya sa kwarto mo para makapahinga ka.” -Kuya Sam

“Excuse lang po, Babalik din po ako agad.”

Tumayo ako at pumunta sa terrace para magpahangin.

Bakit ba ako naiilang na nandito si Dan?

Siguro nahihiya dahil nasaktan ko sya?

Tumingin ako sa kalangitan at nag-aantay sa sagot sa tanong ko, kahit wala namang sasagot sakin.

“Iniiwasan moba ako?”

Napalingon agad ako ng may magsalita sa likod ko.

“H-ha? Nagpapahangin lang ako. ba’t naman kita iiwasan?”

“Ganon ba?  Akala ko iniiwasan mo ako.  Bakit nandito ka ss mga Montes,? anong ibig sabihin nito.” -Dan

“Isa din akong Montes, Parte ako ng Pamilyang ito.”

“Ha? Paano nangyari yon? Diba may Pamilya ka?” -Dan

“Mahabang kwento, Pero sila talaga ang totoo kong Pamilya.”

“Nakakabigla naman.” -Dan

“Kahit ako nabigla din, Na yung kinalakihan kong Pamilya ay hindi ko pala totoong Pamilya. Masakit na malaman pero ito yung totoo kaya kahit masakit mas pinili ko ang Tama.”

“Sila Tito at Tita kamusta sila?”

“Sa totoo lang wala nadin akong balita sa kanila, Kung okay lang ba sila o ano. Kasi natatakot ako na makita sila baka mas lalo lang akong mahirapan na mag move on.”

“Saglit lang ako nawala pero sobrang dami na palang nangyari.”

“Sobra talaga pero sa kabila non pinipilit ko pading magpatuloy dahil marami akong rason para magpatuloy sa buhay.”

“At isa nadon si Nathan?” - Dan

“Oo, Sobrang thankful ako kasi dumating si Nathan sa buhay, Kayo din na mga kaibigan ko sa inyo ako humuhugot ng lakas.”

“Lumipas man ang panahon pero yung pagmamahal ko sayo hindi padin lumilipas” -Dan

“Dan, Masaya na ako sa kung ano ang meron ako.”

“Alam ko Dex, At wala naman akong balak na manggulo o guluhin kapa. Kahit nasa ibang bansa ako ay ikaw at ikaw padin ang laman ng puso’t isip ko pero alam ko naman ang limitasyon ko at sapat na sakin na magkaibigan tayo.”

“Salamat, Masaya ako na nakabalik kana ulit sana magkabonding pa tayo hindi yung ganito masyadong madrama.”

“Oo naman basta ikaw, Anytime, Anywhere and anyplace.”

Sabay kindat pa sakin, Haha loko talaga to si Dan. Niyakap ko nang mahigpit si Dan dahil na miss kodin sya nang sobra wala namang ibig sabihin yon friendly hug lang ba kung baga.

“Dex? Dan?”

Napabitaw agad ako sa pagkakayakap kay Dan nang marinig ko ang pamilyar na boses. Boses yon ni Nathan hindi ako pwedeng magkamali.

Hawak hawak ni Nathan si Baby Nathan (Teddy Bear) at ang sama ng tingin samin.

Ilang segundo din syang nakatingin samin at pati ako ay hindi ko nading nagawang magsalita.

Tinalikuran kami ni Nathan at naglakad palayo, Sinundan kodin naman agad sya.

“Nathan sandali lang! Magpapaliwanag ako.”

Tumigil si Nathan sa paglalakad at lumapit sakin, Kitang kita ko ang galit sa mukha nya.

“Noong una si Mark, Tapos ngayon si Dan? Kelan pa kayo nagkikita ni Dan?”

“Nathan ngayon lang, Magkakilala pala sila ni Daddy.”

“Gusto kong maniwala sayo  My Loves pero nasaktan ako sa nakita ko. Yakap yakap mo yung Ex mo! Ex mo nayon My Loves!”

“Kaya nga magpapaliwanag ako, Pakinggan mo muna kasi yung side ko hindi yung nagagalit ka dyan.”

“So ako pa pala ang may kasalanan ngayon? Sorry ha? Kung medyo OA ako! Nakita kolang naman kasi na magkayakap kayong dalawa dapat pala matuwa pa ako!” -Nathan

“Masama naba yakapin ang kaibigan?”

“Para sayo hindi kasi lagi mo namang ginagawa yan sa mga kaibigan mo, Pero pano ako My Loves??!!” -Nathan

“Sorry kung nasaktan ka nang dahil sa ginawa ko pero kaya kong ipaliwanag kung bakit ko nagawa yon.”

Nakakainis na minsan si Nathan grabe sya magselos onting bagay lang magagalit na agad na hindi alam kung ano yung dahilan. Mayamaya ay biglang dumating si Dan.

“Tama si Dex, Nathan. Walang kahulugan yung pagyakap nayon, Mahal na Mahal ka ni Dex at hindi ka nya lolokohin Kaya wag kang magagalit sa kanya. Pano Dex and Nathan uuwe na ako, pag-usapan nyo lang yan nang maayos.”

Hindi naman nakaimik si Nathan sa mga sinabi ni Dan, Gusto kopa sanang makabonding kahit saglit si Dan kaya lang nagagalit naman tong isang. Nakatingin lang sa kawalan si Nathan at hindi nagsasalita. Ako ba ang dapat unang magsasalita? O siya?

“My loves sorry, Mali ako sa part na nagalit agad ako sayo kahit hindi ko naman alam yung dahilan. Sorry kasi napakababaw ko.”

Ramdam ko yung senseridad ni Nathan sa mga sinabi nya, Mahal na mahal ko sya at hindi ko din kayang magalit sa kanya. Lumapit ako kay Nathan at niyakap ko sya.

“Sorry din kasi akala mo niloloko kita. Alam mong mahal na mahal kita at hindi ko gagawin sayo yon.”

“Bati na tayo?” -Nathan

Nag-isip muna ako kunwari bago sumagot sa tanong nya.

“Hindi padin”

“My Loves? Wag kana magalit, Ano bang gusto mo?” -Nathan

Ako naman yung niyakap ni Nathan at naglambing sakin. Masasabi kong nagiging Marupokpok ako kapag si Nathan na ang naglambing sakin.

“Mukha bang Hotel to? At dito kayo naglalampungan?”

Hindi namin napansin na nandito din pala si Andrea at nakatingin lang samin.

“Sorry Andrea” sabi ko nalang sa kanya na medyo nahihiya. Inirapan nya lang kami at umalis nadin.

“Ganon ba talaga yung ate mo? Laging galit?”

“Wag mo nalang syang pansinin ganyan talaga yan. Akin na nga si baby Nathan.”

Inagaw ko sa kanya yung hawak hawak nya at niyakap yakap yon.

“Kamusta baby Nathan?  Pasensya kana nag-away kami ng daddy mo ha? masyado kasing seloso eh wala naman sa lugar.”

Para akong tanga na kinakausap yung manika, Tinuring na kasi namin syang anak kahit Teddy Bear lang sya.

“Nagsorry na nga po si Daddy, Dapat bati na kayo.”

Si Nathan yung sumagot para sa manika haha. (Diba ang lakas ng mga tama namin)

“Pag-iisipan ko baby.”

“Wag nyo napo pag-isipan, Mahal na Mahal ka kaya ni Daddy.”

“Kaya nga My Loves, Bati na kasi tayo. Wag mong ipakita kay Baby Nathan na nag-aaway tayo.” -Nathan

“Mommy wag kanang magalit ikikiss ka nalang ni Daddy.”

Tumabi sakin si  Nathan at hinalikan nya ako sa pisngi, Syempre ang lola nyo maropokpok ayon bumigay haha.

“Ano My loves galit kapa ba?”

“Okay na, Hindi na ako galit. Pero next time bago ka mag selos alamin mo muna yung totoo para hind tayo nag-aaway.”

“Copy po.”

Bumalik nalang kami ni Nathan kala Mommy at Daddy at tinanong nila kung bakit ang tagal ko ang sabi ko nalang inantay kopa si Nathan at umalis na si Dan kasi biglang nagka emergency mabuti na nga lang hindi nagsalita si Andrea.

CHAPTER 18

DEX’S POV

Maganda ang tulog ko dahil magkasama kami ni Nathan ngayon, Dito kona kasi sya pinatulog dahil gabi na din.

At eto nga ang himbing ng tulog nitong lalaki nato. Biglang may pumasok na kalokohan sa isipan ko hahaha.

Kumuha ako ng Marker at nag drawing ako sa mukha ni Nathan ang sarap maging bata ulit hehe, Sa ganito kasi kami nag start ni Nathan.

After kong sulatan yung gwapo at makinis nyang mukha ay kinuha ko yung phone nya at nagpicture ako kasama sya.

Gusto kong tumawa ng malakas dahil sa ginawa ko sa kanya kaya lang baka magising sya.

Diretso upload agad yung ginawa ko para wala na syang palag haha. Mayamaya ay nagising na sya habang nagcecellphone ako.

“Good morning My Loves.”

Bungad nya sakin nang makita nya ako.

“G–Ood Mo-morning din.”

Pashnea ang hirap mag pigil ng tawa.

“Anong nangyayari sayo My Loves?”

“Wala”

“Anong wala, Sino bayang ka chat mo.”

Biglang inagaw ni Nathan yung phone ko at ilang segundo lang ay napatingin sya sakin.

Sumingkit yung mga mata nya at ako naman ay nag peace sign lang. Tatayo na sana ako pero bigla akong hinawakan ni Natha sa magkabilang kamay at inihiga at pumatong sya sakin.

“Sorry na Nathan, Madami namang nag Likes eh.

Diko padin mapigilan yung tawa ko kaya lalo syang nainis sakin haha.

“Gusto mo talagang magahasa ng maaga My Loves?”

“Sorry na nga.”

Nilapit na nya yung mukha nya sakin kaya napapikit nalang ako, Mabuti nalang kamo ay may biglang kumatok kaya itinulak ko si Nathan para tingnan kung sino yon. Pagbukas ko ay si kuya Samuel lang pala.

“Good Morning kuya.”

“Good Morning din Dex, Naistorbo ba kita? May ipapasuyo lang kasi ako.” -Kuya

“Sige kuya ano bayon?”

“Pwede bang ikaw nalang ang mag-abot ni Kay Andrea kasi nagmamadali ako tulog pa kasi sya.”

May inabot sya saking Charger at ako nalang daw ang mag-abot kay Andrea dahil aalis na sya.

“Sige kuya ako na mag-aabot sa kanya mamaya.”

Pagkatapos non ay umalis nadin sya agad at mukhang nagmamadali. Pagbalik ko ay nakapag hilamos na agad si Nathan.

“Sino yon My Loves?”

“Si kuya, May binigay lang.”

“My loves may gagawin kaba mamaya?”

“Wala naman, Bakit?”

“Gusto ko sana bisitahin yung pinapagawa kong bahay natin.”

“Sige ba.”

Lumi level up na talaga yung pag-sasama namin ni Nathan, Yung nga lang diko pa alam kung papayagan ako nila Mommy at Daddy.

Pagkatapos naming mag-almusal ni Nathan ay iniwan ko muna sya kwarto ko, Dahil pupuntahan kona si Andrea at baka Hindi ko maiabot sa kanya aalis pa naman kami.

Bago ako kumatok sa pintuan ng kwarto ni Andrea ay huminga muna ako ng malalim dahil panigurado hindi pa ako nagsasalita ay umuusok na ang tenga nya.

Nakailang katok at tawag na ako sa kanya pero hindi padin sya sumasagot kaya sinubukan kong buksan yung pinto at sakto hindi naman naka lock kaya dumiretso na ako pumasok. First time kong nakapasok sa kwarto nya at ang ganda ng loob ang daming mga Pictures, trophies at mga certificate ng mga contest na sinalihan nya.

Swimmer pala si Andrea at madaming beses na sya nag champion ganon sya kagaling. Sana all marunong at magaling lumangoy haha.

“And what the hell are you doing here?”

Muntik kona mabitawan yung hawak ko dahil sa biglang pagsasalita ni Andrea sa likuran ko.

“Ah eh Andrea, May iaabot lang sana ako.”

“Hindi kaba naturuan na wag kang Basta basta papasok sa kwarto na hindi naman sayo?” -Andrea

“Nakailang katok na kasi ako kaya lang Hindi ka naman sumasagot kaya pumasok nalang ako.”

“Akin na yung ibibigay mo at pagkatapos umalis kana.” -Andrea

Binigay ko naman agad sa kanya yung charger at mataray nyang kinuha.

“Swimmer ka pala?”

“Ba’t ba ang dami mong tanong? Umalis kana nga lang.”

Hindi ko inexpect na itutulak nya ako kaya bahagya akong napaatras.

“Bakit ba galit na galit ka sakin? Ano bang ginagawa ko sayong mali?”

“Madami! Sobrang dami! Dahil simula nang mga bata palang tayo ikaw na ang paborito! Kapag umiiyak ka,kami ang napapagalitan! kapag nasusugatan ka kami ulit ang napapagalitan! Dahil nga ikaw daw ang bunso dapat inaalagaan ka namin! Kapag may binibili sila Mommy at Daddy ikaw agad ang unang pinapapili kung anong gusto mo kaya ang ending samin yung tira tira!”

Ramdam ko ang sakit at hinanakit ni Andrea, Galit na galit sya pero imbes na matakot ako ay naawa ako sa kanya.

“Hindi ko alam na ayan yung nararamdaman mo.”

“Hindi mo alam kasi ikaw ang laging napapansin! Nasayo lahat ng atensyon! Alam mo nung nawala ka tuwang tuwa nga ako eh, kasi akala ko kapag wala kana makukuha na namin ang atensyon nila Mommy at Daddy, Pero akala kolang pala yon. Alam moba kung anong nangyari? araw-araw pinaparamdam nila sakin na ako ang dahilan kung bakit ka nawala! araw-araw pakiramdam ko ang sama-Sama kong tao.  Nung araw na mawala ka mas lalo sila samin nawalan ng atensyon dahil lagi ka nilang hinahanap dumating na nga sa point na akala ko wala na akong magulang!” -Andrea

“Hindi ko alam kung gaano kasakit ang mga pinagdaanan mo, Pero ang alam kolang walang magulang ang hindi mamahalin ang kanilang anak. Siguro hindi molang nararamdaman kasi napupuno ng galit ang puso mo.”

“Madaling sabihin para sayo yan kasi hindi ikaw ang nasakalagayan ko dati! alam moba ang pinakamasakit na nangyari sa buhay ko? ay yung iwan nila ako sa araw ng graduation ko, Kasi may nagsabi daw sa kanila na nakita kana kaya ayon dali-dali silang umalis at binilin nalang ako sa isang maid para sumama sakin sa stage.” -Andrea

“Hindi lang ikaw ang nasasaktan, Nasasaktan din ako kasi buong buhay ko isang malaking kalokohan. Ilang taon ako nabuhay sa pagkataong hindi naman talaga ako.”

“Masaya na sana kami, Pero dumating ka ulit at nagulo na naman.” -Andrea

“Ano bang kailangan kong gawin para matanggap mo ako? Bilang Pamilya at Bilang  kapatid mo? Gagawin ko.”

“Umalis ka, Umalis ka dito at baka sakaling matanggap pa kita dahil hanggat nandito ka magiging sampid lang ako at masama sa Pamilyang to.” -Andrea

“Pamilya nyo din ako at hindi ako aalis.”

“So ayaw mong umalis?” -Andrea

Hinawakan ako ni Andrea sa braso at hinila palabas ng kwarto nya at hindi ko alam kung saan nya ako dadalhin.

“Andrea san mo ako dadalhin?”

“Diba sabi mo gagawin mo ang lahat matanggap lang kita? Pwes tingnan natin kung matatalo mo ako.” -Andrea

Mahigpit ang kapit ni Andrea sa braso ko at dinala nya ako sa labas ng bahay papunta sa may Pool.

“Anong ginagawa natin dito?” Takang tanong ko sa kanya.

“Simple lang, Kung matatalo mo ako pabilisan sa paglangoy, Pag-aaralan ko na matanggap kita. Pero Good Luck nalang sayo kung matalo mo ako.” -Andrea

“Andrea ano kasi, Pwede bang iba nalang?”

Pano koba sasabihin sa kanya na hindi ako marunong lumangoy? The last time na naligo ako sa ganito ay nalunod ako.

Yun yung time na hinagis ako ni Nathan sa Pool at nalunod ako.

“Oh ano?  Natatakot? Kasi alam mong matatalo?” - andrea

“Hindi naman sa ganon.”

“Ganon yon Dex, Ganon yon. Pero sige pagbibigyan kita mauuna kang lumangoy para naman hindi maging unfair sayo. Go.”

Magsasalita pa sana ako pero bigla nya akong itinulak dahilan para mahulog ako sa Pool. Malalim yung Pool at hindi abot ng mga Paa ko kaya humingi na ako nang tulong kay Andrea.

“Andrea tulungan mo ako!”

Nahihirapan na ako sumigaw dahil hindi na ako makahinga ng maayos. Parang anumang oras malalagutan ako ng hininga

ANDREA’S POV

Anong kaartehan na naman tong ginagawa ni Dex?

Diba sya marunong lumangoy?

O nagpapansin lang sya?

Bahala nga sya dyan, Wala akong time makipag biruan sa kanya.

“Andrea tulong!!”

Tinaasan ko lang sya ng kilay dahil alam ko naman na sinasadya nya lang yon para magpapansin. Ilang minuto din syang nagkakaway kaway sa Pool at biglang dumating yung Boyfriend nya na si Nathan at dali daling tumalon sa Pool para kunin si Dex.

“Anong nangyari???!!”

Tanong nya sakin ng maiakyat nya si Dex.

“Ewan ko, Hinamon kolang naman sya na magpaunahan kami sa pag swimming tapos ganyan na.”

“Hindi sya marunong lumangoy.”

Biglang akong kinabahan sa sinabi ni Nathan. So hindi pala nagloloko si Dex totoo palang nalulunod sya.

Sa sobrang takot ko ay tumakbo agad ako papunta kay Mommy para sabihin ang nangyari kay Dex.

NATHAN’S POV

Hindi ko alam kung ano talaga ang totoong nangyari pero sobrang nag-aalala talaga ako sa nangyari kay My Loves. Alam kong hindi aksidente ang nangyari sa kanya.

Iniwan na muna namin sya sa kwarto nya para makapagpahinga, Mabuti nalang talaga at naagapan ko.

“Ano ba talaga ang nangyari?” Tanong samin ni Tita

“Nakita ko nalang po na nalulunod si Dex kaya dali dali po akong tumalon para tulungan sya.”

“Andrea? Ikaw ang kasama ni Dex, Anong nangyari? Nag-Away na naman ba kayo?”

“Ofcourse not, Ganon ba ako kasama? para Everytime na nagkikita kami mag-aaway agad kami?” -Andrea

“Pero nakita monang nalulunod sya bakit hindi mo padin sya tinulungan?”

Naiinis na tanong ko kay Andrea.

“Is that really true Andrea?? Magkasama kayo ni Dex and you don’t do anything to help him?”

“Bakit parang ako ang sinisisi nyo sa nangyari sa kanya? Kasalanan koba na hindi sya marunong lumangoy?”

“Hindi mo kasalanan, Pero hindi mo sya tinulungan.”

“Could you please shut up, you’re not part of our Family. So? You can live.”

Hindi ko nalang pinansin si Andrea dahil mas nag-aalala ako ngayon kay My Loves, Wag Lang talaga may mangyaring masama kay My Loves dahil hindi ko alam ang magagawa ko sa kanya kahit babae pa sya.

“Wag na kayo mag-away dahil hindi nakakatulong, Atleast ngayon okay na si Dex antayin nalang natin sya magising para malaman ang totoo.”

CHAPTER 19

ANDREA’S POV

Kasalanan kobang nalunod sya?

Eh in the first place hindi nya naman sinabi sakin na Hindi sya marunong lumangoy.

Siguro plano nya to, Para magmukha na naman syang kawawa at palabasin na ako ang may kasalanan.

“Andrea magsabi ka nga sakin ng totoo, Aksidente lang ba talaga ang nangyari kay Dex? Alam kong may galit ka sa kanya, Pero kailangan bang umabot pa sa ganito? Muntik monang mapatay ang sarili mong kapatid.”

“Kapatid? Hindi ko sya kapatid at kahit kailan hinding hindi ko sya ituturing na kapatid.”

“Kapatid mo sya, Siya si Caliv Montes.”

“Hindi sya si Caliv, Dahil matagal ng patay si Caliv. Matagal kona syang pinatay sa isip at puso ko!”

Isang malakas na sampal ang tumama sa pisngi ko hindi ko akalain na gagawin sakin yon ni Mommy.

“Anong nangyayari sayo Andrea? Sarili mong kapatid gusto mo mawala? Ganyan ba kita pinalaki?”

“Oo na! Ako na ang masama sa Pamilyang to! Ako na ang palaging mali! At si Dex nayan ang laging Tama, Kasi sya naman talaga ang Paborito mo diba? Saming tatlo sya lang Mahal mo!”

Hindi kona napigilan ang sarili ko na ilabas ang sama ng loob, Ilang years kodin kinimkim to and finally nailabas kodin.

“Hindi totoo yan, Pantay-pantay lang pag-mamahal ko sa inyo pare-pareho ko kayong mga anak. Siguro minsan napapagalitan kita kasi mali na ang mga ginagawa mo, Pero kaya ko yon ginagawa kasi Mahal kita at gusto kong itama ang mga mali mo.”

“Kaya ako nagkaganito kasi pinaramdam nyo sakin ni Daddy na kahit anong gawin ko laging may kulang na hindi ako enough na pasayahin kayo kasi nga sinisisi nyo ako kung bakit nawala ang pinakamamahal nyong anak!”

“That’s not true, You’re more than enough. Mahal na mahal ka namin ng Daddy mo kayo ng kuya be mo, kayong tatlo.”

Gusto kong maniwala sa mga sinasabi ni Mommy pero may part sa isip ko na sinasabi na kaya lang nya to ginagawa ay para hindi ako magalit.

“To end this fight, Aalis nalang ako. Dahil hanggat isa samin ni Dex ang nandito at palaging nagkukrus ang landas namin ay hindi matatahimik ang Pamilyang ito.”

“Hindi mo kailangan gawin to Andrea, Pwede pa naman nating ayusin to.”

Niyakap ako ni Mommy ng mahigpit at nagsimula nading pumatak ang mga luha sa mata ko.

“Sige Mommy mamili ka, Ako ang aalis o papaalisin natin si Dex???”

Napabitaw si Mommy sakin at tumingin sa mga mata ko at parang gusto nyang sabihin na bakit?, Bakit ko kailangang mamili.

“Ako napo ang aalis, Tutal nagsimula lang naman ang gulo sa Pamilyang ito nang dumating ako, Kaya ako nalang po ang aalis.”

Napalingon kami bigla sa pinanggalingan nang boses, Si Dex gising na pala.

DEX’S POV

Nagising nalang ako nang maramdaman kong may nakapatong na mabigat sakin, Pag-tingin ko ay si Nathan pala.

Hinimas ko yung buhok nya at nagising agad naman sya.

“My Loves??  Gising kana? Okay kana ba? Wala bang masakit sayo?”

“Oo My Loves okay na ako.”

“Ano ba kasi nangyari? Nag-away ba kayo ng ate mo? Tinulak kaba nya?”

Biglang bumalik sa isip ko yung nangyari kanina, Nalunod ako kasi tinulak ako ni Andrea. Pero hindi naman nya alam na hindi ako marunong lumangoy, Siguro kung alam nya ang tungkol don hindi nya ako itutulak.

“My Loves asan sila? Mommy at Andrea?”

“Nasa ibaba nag-uusap pa ata.”

“Sandali lang My Loves.” Paalam ko sa kanya.

“Saan ka pupunta? Hindi kapa okay.”

“Kaya kona My Loves.”

Tumayo ako para puntahan sila Andrea. Siguro panahon nadin para sabihin ko yung Part ko, Ayokong makasira ng isang Pamilyang bago ko palang kakakilala.

Pababa palang ako ng hagdan ay may naririnig na akong nga boses na nagtatalo kaya dali-dali kong pinuntahan kung saa yon at nakita kong nagtatalo si Andrea at Mommy, Nung una ay pinakinggan ko muna sila at rinig na rinig ko ang lahat ng mga hinanakit ni Andrea pero sa huli lumabas nadin ako para matapos na.

“Sige Mommy mamili ka, Ako ang aalis o papaalisin natin si Dex???” -Andrea

Napabitaw si Mommy kay Andrea at tumingin sa mga mata nito at parang gusto nyang sabihin na bakit?, Bakit ko kailangang mamili.

“Ako napo ang aalis, Tutal nagsimula lang naman ang gulo sa Pamilyang ito nang dumating ako, Kaya ako nalang po ang aalis.”

Pareho silang napalingon sakin ng marinig ang boses ko.

“No, Walang aalis. Aayusin natin to bilang Pamilya.”

“Mommy ba’t mopa sya pipigilan? Gusto na nga nya umalis kaya hayaan na natin sya.”

Lumapit ako kay Mommy at hinawakan ang mga kamay nya.

“Maraming salamat po kasi kahit ilang taon akong nawalay sa inyo ay hindi nyo padin ako kinalimutan, Hindi nyo ako sinukuan haggang sa mahanap nyo ako. Masaya po ako kas nakilala ko kayo, Masaya ako na kahit saglit ay naging parte ako ng Pamilya nyo, Pero kung ako lang din naman po ang magiging rason ng away at gulo, Mas mabuti napong bumalik nalag ako sa dati kong Pamilya.”

Umiiyak na si Mommy habang nagsasalita, Pero si Andrea ay hindi makatingin sakin ng diretso.

“Dex hindi mo kailangan umalis, Tama na yung mahabang panahon na nawalay ka samin. Please stay with us.”

“Kung alam nyo lang po kung gaano ko gustong-gusto makasama at lalo pa kayong makilala, Kaso habang tumatagal mas lalong gumugulo at ayokong humantong pa ulit sa ganito na buhay na ang pwedeng mawala.”

“Kung aalis ka, Umalis kana hindi yung ang dami mopang kuda. Kinokonsensya mopa kami.” -Andrea

“Alam mo Andrea,  buong buhay ko pinangarap ko magkaroon ng ate. Dahil may magtatanggol at poprotekta sakin. Pero hindi pala ganon yon kadali, Aalis ako pero hindi ibig sabihin non ayaw kona maging parte ng Pamilya nato aalis ako kas gusto ko maging maayos lahat.”

“Dex, Pag-isipan mo muna bago ka gumawa ng final decision.” -Mom

“Buo napo ang Desisyon ko.”

Bago ako umalis ay yumakap muna ako ng mahigpit na mahigpit kay Mommy, Alam kong ayaw nya akong paalisin pero buo na ang desisyon at kahit masakit ay gagawin ko.

Pagbalik ko ay nag-aantay na sakin si My loves sa labas ng kwarto ko.

“My Loves san kaba galing?”

“Kala Mommy, May sinabi lang ako.”

“Pero bakit parang umiyak ka ata?” -Nathan

“Wala to, ayos lang ako. Pwede bang ihatid mo ako samin?”

“Sa inyo??” Takang tanong nya.

“Oo kala Mama at Papa.”

“Bakit?”

“Mahabang kwento mamaya kona lang siguro ikukuwento sayo kapag nasa byahe na tayo.”

Tinulungan ako ni My loves na ayusin ang mga gamit ko. Alam kong nagtataka sya pero  wala eh, Ito ang mas nakakabuting gawin hindi lang para sa sarili ko kundi para narin sa Pamilya ko.

Bago ako umalis ay pinigilan padin ako ni Mommy, Pero mas pinili kong gawin ang Tama.

MARIVICK’S POV

“Mama hindi papo ba uuwe si kuya Dex? Miss na miss kona po kasi sya eh, Matagal ba sya sa work nya?”

Nagkatinginan kaming mag-asawa dahil sa naging tanong ni Kyline, Ayokong sabihin sa kanya ang totoo kung bakit wala ngayon ang kuya nya.

“Anak medyo matagal pa, Pero babalik din sya.” Sagot ko nalang.

“Ang tagal Ma, Pwede po ba natin syang tawagan?”

“Hindi pwede anak, Kasi magagalit yung Boss nya.”

“Ganon poba? sayang naman po.” Bakas sa mukha ni Kyline ang lungkot dahil sa sinabi ko, Hinawakan nalang ni Vince sng kamay ko para palakasin ang loob ko.

“Ma? Pa? Kyline??”

Parang biglang tumigil ang mundo ko ng may marinig akong isang Pamilyar na boses. Boses na gustong gusto konang marinig.

Hindi ako makapaniwala na nasa harap ko ulit ang anak ko, Nakangiti habang may luhang pumapatak sa kanyang mga mata.

“Kuyaaaaaa Deeeeexxxxxxxx!!!!!!”

Bumalik lang ako sa realidad ng sumigaw si Kyline at tumakbo papalapit sa kuya nya. Nagyakapan silang dalawa, ang ganda nila pagmasdan halatang namiss nila ang isat-isa.

Sunod na tumayo si Vince at lumapit sa anak nya, Hindi kona nadin napigilan ang mga luha ko na bumagsak dahil sa sobrang saya. Lumapit sakin si Dex at tumayo nadin ako sa kinauupuan ko, Tinitigan ko ang mukha nya, Hinawakan ko ang pisngi nya baka kasi nananaginip lang ako. Pero sa huli ay niyakap ko din sya ng mahigpit na mahigpit.

“Ma, Hindi po ako makahinga.”

Napabitaw nama agad ako at hinawakan ang mga kamay nya.

“Ikaw ba talaga yan Dex??”

“Oo Ma, ako to. Bakit akala nyo ba artista? Thank you Ma!”

Napangiti naman ako sa naging sagot nya dahil totoong sya na talaga to! Totoong nandito at nagbalik na ang anak ko.

“Hindi lang ako makapaniwala na nandito ka ngayon, Akala ko hindi kana namin makikita ulit.”

“Pwede bayon Ma? Syempre hindi naman ako papayag na mangyari yon, Pagbalibaliktarin man natin ang mundo Pamilya ko padin kayo, At hindi mababago na kayo ang nagpalaki sakin at minahal nyo ako na parang tunay na anak.”

“Salamat anak kasi hindi mo kami kinalimutan.”

“Si Mama nagdadrama na naman…. Mukhang kumakain ata kayo ah? Pwede bang makisalo?”

“Oo tara ipaghahain ko kayo, Ilapag nyo muna yung mga dala nyo para sabay sabay na tayong kumain.”

“Kuya pwede poba ako sumama sa work nyo? Sabi kasi ni Mama maganda daw don kaya hindi ka makauwe agad.” -ky

Tumingin nalang ako kay Dex at pasimple syang sinabihan na sumangayon nalang sa tanong ng kapatid nya.

“Nako, bawal ang bata don. Pero kapag pwede ipapasyal kita.”

“Talaga po?”

“Oo,. Pero dapat mag-aral ka muna ng mabuti para isama kita.”

Masaya akong hinainan ang buong Pamilya. Sabay sabay na ulit kaming kakain dahil kompleto na ulit kami, Sana magtuloy tuloy nato.

DEX’S POV

Ang sarap sa pakiramdam na kasama kona ulit ang Pamilya ko. Masaya ako na makita silang masaya sa pagbabalik ko.

“My Loves ano ba talagang nangyari?”

Tanong sakin ni Nathan habang nag-aayos kami ng mga gamit ko.

“Dito na ulit ako titira.”

“Bakit? Nag-away ba kayo? Nang mommy at ate mo?”

“Wala nga problema kay Mommy My loves, Kahit kay kuya at Daddy ang bait nila sakin at hindi nila ako tinuring na bago.”

“Pero ang ate mo?” -Nathan

“Mabait naman si Andrea, Hindi lang talaga nya maipakita sakin siguro nasanay lang sya na matagal na akong wala at nabawasan ang atensyon nila Mommy sa kanya nang dumating ako. May mga pagkakataon na gusto ko syang labanan, Pero mas naniniwala ako na kapag naging mabuti ka sa isang tao ay magiging mabuti din sila sayo.”

“Pero muntik kanang mamatay dahil sa ginawa nya. Kahit hindi mo sabihin sakin alam kong hindi aksidente ang nangyari sayo.” -Nathan

“Gusto ko syang sumbatan, Pero anong mangyayari? Mas lalo lang lalala ang sitwasyon.”

“Pero hindi na tama yung ginagawa nya sayo.”

“Alam ko naman yon, Kaya nga umalis na ako. Ako na ang umiwas. Wag kang mag alala My Loves ayon na ang huling beses na sasaktan nya ako.”

Niyakap ako ni Nathan, At maya-maya ay pumasok si Mama sa kwarto ko.

“Naistorbo koba kayo?”

“Hindi naman po, Bakit ma?”

“Ah eh, Nathan pwede koba makausap muna ang anak ko?”

“Sige po, Lalabas napo muna ako.”

Lumabas na muna si Nathan para makapag-usap kami ni Mama.

“Kamusta pala ang pagtira mo sa mga Montes?” Agad na tanong ni Mama nang makaalis si Nathan.

“Okay naman po, Masaya. Mababait naman sila sakin at maayos naman akong tinatrato.”

“Pero bakit ka umalis?” -Mama

“Hindi naman ako umalis, Na miss kolang po kayo kaya pumunta ako dito.”

Niyakap ako ng mahigpit ni Mama at napansin kong umiiyak na naman sya.

“Alam kong may nangyaring hindi maganda sayo kaya ka umalis at kung ayaw mong sabihin sakin Naiintindihan kita. Pero sana wag mong papabayaan ang sarili mo, Hindi kita pinalaki para apiapihan lang. Hindi masama ang lumaban lalo na’t kung alam mong nasa tama ka”

Iba talaga ang pakiramdam ng mga Ina dahil sa pamamagitan lang ng kanilang mga yakap ay nararamdaman nila kung ano ang nasa loob ng kanilang mga anak.

CHAPTER 20

Medyo SPG medyo lang! Haha kaya kung ayaw mo wag mona basahin.

DEX’S POV

“My Loves kamusta ang pag-uusap nyo ni Mama?”

“Ayon okay naman, May konting iyakan pero masaya kami dahil nakita na ulit naman ang isa’t isa.”

“Mabuti naman at ngumi ngiti kana, Nito kasing mga nagdaang araw parang lagi kang Stress.” -Nathan

“Mukha ba akong stress??”

“Oo, Pero kahit ganon maganda ka padin sa paningin ko.” -Nathan

Napangiti ako sa sinabi ni Nathan sabay kurod sa tagiliran nya, Para kasheng Tenge!

“Nantitrip kana naman ba? My Loves? may stress ba na maganda?”

“Seryoso kasi ako, Kahit anong look mo ay maganda ka padin sa paningin ko.” -Nathan

Nakakainis tong si Nathan! Dahil sa mga katulad nyang lalaki kaya nauso ang salitang MARUPOK!

“Matulog kana nga baka inaantok kalang.”

Nilapit ni Nathan yung mukha nya sa mukha ko at dahil don hindi ako makakilos ng maayos, Kung titigan ang gusto nya paniguradong talo ako kasi naseseduce ako kapag tinititigan nya ako.

“Ano My Loves dika makatagal noh? Gwapo kasi nang Fiancé mo kaya mas lalo kang naiinlove.”

Pinakita nya sakin yung singsing sa daliri nya at ganon din ang ginawa ko.

“Nathan sigurado kana ba dito?”

“Sa alin My Loves?” -Nathan

“Dito, Sa pagyaya sakin ng kasal. Hindi kita mabibigyan ng mga anak na pinapangarap mo.”

“My Loves naman pagtatalunan na naman ba  natin ulit to? Diba sabi ko sayo dati na hindi nasusukat sa dugo ang pagiging magulang ng isang tao? Dahil sapat na ang pagmamahal na meron sila para matawag silang magulang.” -Nathan

“Marami pa tayong pagdadaanan kapag kinasal tayo.”

“Wala akong pakialam sa sasabihin ng ibang tao, Buhay ko to at buhay natin to.” -Nathan

“Pero ka——”

Magsasalita pa sana ako pero hinalikan na ako ni Nathan.

“Oh ayan My Loves, Edi natigil ka sa pagtatanong. Sapat na na mahal natin ang isa’t isa para magpatuloy at harapin ang mundong ginagalawan natin.” -Nathan

Wala akong masabi kay Nathan dahil ramdam ko na bawat letrang lumalabas sa bibig nya ay pawang katotohanan lang.

Mahal na Mahal kodin sya at handa akong lumaban sa mga taong manlalait at maninira samin.

“My Loves I Love you.” Ayan nalang ang nasabi ko sa kanya.

“I love you too, I Love you More and I love you forever My Loves.”

Nag kiss ulit kami ni Nathan, Smack lang haha sumusobra na sya sakin kotang kota na syang kung may bayad lang ang pagkiss nya sakin baka baon na sya sa utang  #gandanggandasasarili .

Hinakawakan ni Nathan ang kamay ko at nagulat ako sa sunod nyang ginawa dahil ipinatong nya sa ano nya!!! Yung ano nya! basta alam nyo nayon.

“Nathan??” Imbes na My Loves ang itatawag ko sa kanya ay natawag ko sya sa pangalan nya pano Kasi nakakagulat sya.

“My Loves naman nagugulat pa.” -Nathan

Medyo horny din talaga tong Fiancé ko, Ganito din kaya sya sa mga Fast Girlfriend nya? hehe wala lang bigla kolang naisip.

Hindi ako makatitig kay Nathan kasi naseseduce na talag ako at kailangan ko magpakatatag.

Dex! hingang malalim! Pagchecheer ko sa sarili ko.

Mayamaya ay biglang may kumatok. Nagsalubong bigla ang mga kilay ni Nathan, Kung sino man yon ay nasave nya ako ako sa Injection! Thank you Lord!

Si Nathan na ang bumangon para tingnan kung sino yon.

“Kuya Deexxx”

Tumakbo agad sakin si kyline at niyakap ako, Talagang na miss ako ng kapatid ko.

“May problema ba ang baby girl namin?”

“Wala po, Gusto kolang po kayo makasama. Pwede po bang dito ako matulog katabi nyo?”

Tumingin muna ako kay Nathan bago sumagot, Yung itsura nya parang nagsasabi na wag.

“Sige baby dito ka sa gitna namin ni kuya Nathan mo.”

Masayang humiga si Kyline sa tabi ko at si Nathan naman ay napakamot nalang sa ulo.

“Kuya Nathan tara napo.” Tawag ni Kyline sa kanya.

“Sige baby tabi kana sa kuya Dex mo.” -Nathan

“Galit kaba My Loves?”

“Punta lang ako nang CR” -Nathan

Ang layo ng sagot nya sa Tanong ko, Tinotopak na naman tong lalaki nato.

“Bakit My Loves masama ba ang timpla ng Tyan mo?”

“Oo, At alam mona kung bakit.”

Pumunta na nga si Nathan sa Cr at naiwan kaming dalawa ni Kyline, Dahil gabi na ay kinuwentuhan ko nalang sya para makatulog na. Hindi pa ako natatapos sa kwento ko ay nakatulog na ang kapatid ko.

“My Loves tulog na yung kapatid mo, Let’s continue.”

Kinuha ko yung isang unan tapos binato ko sa mukha nya.

“Matulog kana nga Nathan! Baka bukas paggising mo wala nayang libog mo!”

Ayoko sanang sabihin yon sa kanya pero nakakainis kasi haha, Bahala sya kung magalit sya sakin.

MILE’S POV

Nagising nalang ako dahil sa tunog ng phone ko, Sino kaya itong bwiset na tumawag ang aga-Aga namang nang-iistorbo. Pagtinging ko 11 am na pala ng umaga, Jusko napuyat na naman ako.

Hello sino ito?’ tamad kong sagot

’Si Sammuel

to’

Bigla akong nagising sa boses na narinig ko, Totoo bato? Si Samuel? Pero baka ibang Samuel naman to,Wait I’ll check baka mali ako.

Sinong Samuel?’

‘Samuel Montes, Yung kuya ni Dex. Remember?’

OO NAMAN! Pwede kobang makalimutan ang gwapong kuya ni Dex??????

Paano mo pala nakuha ang number ko?’

‘ah eh kinuha ko sa kapatid ko, kay Dex. Bakit bawal ba?’

‘Hindi naman, Nagulat lang ako akala ko kasi kung sino nang tumawag.’

’Sorry naistorbo ata kita, Sige ibababa

kona’

‘uii grabe naman to, Nagulat lang ako hindi ka naman nakakaistorbo bakit ka pala napatawag?’

‘May gagawin kaba ngayon? Or mamaya?’

‘Wala naman, Bakit?’

‘Pwede ba kitang yayain lumabas?’

Para akong nakuryente sa narinig ko at nagtatalon ako sa sobrang kilig pero walang sounds kasi baka marinig ako ni mama at akalain na nababaliw na ako.

‘Bakit san tayo pupunta?’

‘Gagala, Tapos kakain kung anong mga gusto.’

Gusto kita! Pwede bang akin ka nalang!?!?!

Anong oras ba?’

‘Ngayon na sana, Just give me your exact address ako na ang pupunta dyan para sunduin ka.’

‘Ha!’

‘Bakit may problema ba??’

-Sam

‘Ngayon na talaga???’

‘Oo Sana.’

Napabalikwas agad ako ng bangon dahil sa sinabi ni Samuel loko tong lalaki nato ah kakagising ko pa ngalang eh.

Itinext ko sa kanya yung exact address namin bago ako nagmadaling maligo at magbihis, Bahal na si Batman.

After 30 minutes

“Bakit ganyan ang itsura mo? Para kang sinampal ng sampong babae.”

Kinuha ko yung salamin sa bag ko at oo nga grabe ang pula ng pisngi ko, Agad akong kumuha ng tissue at pinunasan ang mukha ko.

“Okay naba yung ganito Ma?”

“Oo okay nayan, Bakit saan kaba pupunta may date kaba?” -Mama

“Date?  Wala akong date ngayon, Mag aapply lang ulit ako ng work.”

“Apply pala ha? Sige na umalis kana, Kanina kapa hinihintay ng bisita mo. Samuel daw ang pangalan nya at ipinagpaalam kana nya sakin.”

What!!!!??? Nandito na si Samuel???? At ipinaalam nya ako kay Mama? Ano kayang pinag-usapan nila????

“Kanina paba sya Ma?”

“Puntahan mona at baka mainip payon”

Agad ko namang pinuntahan si Sam dahil baka naiinip nayon, Si Mama kasi eh hindi sinabi na nandyan na pala sya edi sana mas binilisan kopa ang kilos ko.

“Samuel kanina kapa ba? sorry kung mabagal ako.”

“It’s okay, Hindi naman ako nainip atleast nakapag usap pa kami ng mama mo.” -Sam

“A-anong pinag-usapan nyo?”

“Wala naman, Ano shall we go?”

Ngumiti nalang ako at sumakay na sasakyan nya. Hindi na naman ako mapakali kung anong napag-usapan nila ni Mama.

“Ah eh Sam? San ba tayo pupunta?”

“Sa lugar kung saan tayo unang nagkita.”

Hindi sya nakatingin sakin pero nakangiti sya habang nagmamaneho. Timang lang? Haha

So sa park ang punta namin?

Pagdating namin sa park ay madaming tao, karamihan ay puro magjojowa ang sakit nila sa mata ang sarap pagsisipain, Yung iba grabe maglampungan ano live scandal lang?

“Tara hanap tayo nang pwesto.”

Nakagulat ako sa sunod na ginawa ni Sam, Dahil! HI-NA-WA-KAN nya ang kamay ko!!!!

Yung tibok ng puso ko grabe parang gusto nang lumabas sa katawan ko. Ito ba ang tinatawag nilang true loveeeee?????

Hinayaan ko nalang sya na hawakan ang kamay ko habang naghahanap ako ng mapupuwestuhan, Puno na. Ano ba kasing meron ngayon? Syempre wala haha.

“Walang magandang pwesto, Sa iba nalang kaya tayo?” -Sam

“Ikaw bahala.”

“Miles??”

Napalingon agad ako sa pinanggalingan ng boses.

“Sheena???”

Lumapit sya sakin at nakipag beso-beso. Napansin kong nakatingin lang sya sakin na parang may gustong itanong.

Napabitaw agad ako kay Sam nang maalala ko na hawak hawak nya pala ang kamay ko.

“Kamusta kana Miles? Anong ginagawa nyo dito?”

“Niyaya lang kasi ako nitong kasama ko.”

“May Date kayo?” -Sheena

Biglang uminit ang mukha ko dahil sa sinabi ni Sheena, Pakiramdam ko pulang pula na ako.

“Hindi, Hindi mamasyal lang kami. Atsaka kaibigan ko lang sya.”

“Ganon ba? Wala ba kayong mapwestuhan? Gusto nyo doon nalang kayo samin ni Mark.” -Sheena

Yung itsura ni Sheena parang ayaw maniwala sa sagot ko. Sumunod naman agad kami kay Sheena, Para tuloy nailang ako bigla kay Sam.

“Ninang!!!”

Tumakbo agad sakin papunta yung inaanak ko at nagmano sakin. Mukhang goodgirl na sya at hindi na tinuturaan mag maldita ng Mama nya haha.

Pati si Mark halata sa itsura na nagtataka kung sino ang kasama ko. Umupo naman kami ni Samuel sa pwesto nila Sheena, Bahala na si Batman.

“Miles kamusta na?” Tanong sakin ni Mark.

“Eto maganda padin.”

“Halata nga eh, Sino bayang kasama mo? Boyfriend mo?”

Isa patong si Mark! bastos ang bunganga! Boyfriend agad? Di ba pwedeng Friends lang kami!!!

“Oyy hindi, Kaibigan kolang sya. Siya nga pala si Samuel kuya ni Dex.”

“Talaga?”

Nagkamayan naman silang dalawa, Bahala sila mag-usap ang ginawa ko ay Tumabi ako kay Sheena at sa inaanak ko.

MARK’S POV

“Kuya ka pala ni Dex?”

“Oo, Kuya nya ako. Kaibigan mo din ba sya?”

“Hindi lang basta kaibigan,Kundi Bestfriend”

“Bago lang kasi namin nalaman na magkapatid kami, Kaya wala pa ako masyadong alam sa kanya.”

“Ayos lang yon, Pero kapag nakilala mo si Dex siguradong matutuwa ka. Pero maiba tayo? Kayo naba ni Miles??”

“H-hindi pa.” Pautal nyang sagot sakin.

“Hindi pa? So balak mong ligawan?”

“Oo sana, Kaso hindi ko alam kung paano ako magsisimula.”

“Simulan mo munang magtanong kay Dex, Kasi mas kilala nya si Miles at sigurado akong alam nya kung paano mo mapapa OO yang si Miles.”

“Mukhang seryoso ang pinag-uusapan nyo ha?” Tanong sakin ni Sheena “Hindi naman masyado.”

“Kain na muna tayo, Miles and Sam kain nadin kayo madami naman kaming dalang pagkain sakto nato para satin.” -Sheena

Masaya naming pinagsaluhan ang mga pagkain dala namin, Nagtatawanan at nagkwekwentuhan habang kumakain.

Si Miles naman hindi makatingin sakin ng diretso ayaw atang maasar ahaha.

MILE’S POV

Ano kayng pinag-usapan nila Mark at Sam kanina?

Gusto ko sanang itanong sa kanila kung ano kaso wag na.

“Mommy Bili nyo ako non!”

Tumakbo palapit sa nagtitinda ng mga laruan yung makulit kong inaanak kaya ayon sinundan nang kanyang Mama at Papa kaya kami nalang ni Sam ang naiwan.

“Masaya din pala kasama yung mga kaibagan mo noh?” Tanong sakin ni Sam

“Oo sinabi mopa, Lalo na kapag nakilala mopa yung iba naming kaibigan ni Dex. si Dan, Si Jasmine, Si Tyrone, Si Nicole, Si Kenji at Irish sigurado ako sobrang saya non kapag nagkataon.”

Sobrang na mimiss kona yung mga kulogo nayon, Bibihira nalang kasi kami magbonding ngayon masyadong busy na sa kanya kanya naming buhay.

“Wow ang dami pala, Sana makilala kodin sila Soon.” -Sam

Naiilang ako kay Sam kasi grabe sya makatingin sakin pakiramdam ko tuloy may dumi ako sa mukha.

“Ah Sam? may dumi ba ako sa mukha?”

“Mas maganda ka pala sa malapitan?”

Bumilis agad ang tibok ng puso ko dahil sa sinabi nya, Anong problema nya??? Ba’t nya nasabi yon!!!!!!????

“Ha?? Ako maganda? Nako baka lumalabo na ang mata mo”

“I’m serious. Mas maganda ka sa malapitan. Siguro marami kanang naging Boyfriend?”

Wow! Madami talaga? Kung alam nya lang talaga, NBSB ako! Akala ko kasi magiging boyfriend ko yung tropa ni Nathan kaso masyadong babaero baka makapatay lang ako haha.

“Wala pa akong Boyfriend. NBSB ako.”

“Seryoso?! Bakit naman??”

Gusto ko sanang isagot sa kanya na syempre hinihintay kita!

“Ewan, Siguro diko pa talaga natatagpuan yung lalaking para sakin.”

“Wag kang mag-alala baka nasa malapit nalang sya at humahanap ng tyempo.” -Sam

“Sana nga ganon, Dina rin kasi ako pabata gusto ko din naman magka lovelife.”

Sa totoo lang madami nadin namang nanligaw sakin ewan koba at nagsasawa agad ako sa kanila, Hindi naman sa maarte ako pero para kasing hindi ko nakikita sa kanila yung katauhan na gustong gusto ko sa isang lalaki.

Ilang minuto pa ay nakabalik nadin sila ang saya nilang tingnan pamilya, Gusto ko maging ganyan din kasaya ang pamilya ko balang araw at sana dumating nadin yung lalaking para sakin.

CHAPTER 21

DEX’S POV

Nagising nalang ako dahil may malambot na ewan na dumampi sa pisngi ko. Kaya dahan dahan kong minulat ang mata ko. Si Nathan lang pala hinalikan ako.

“Good Morning My Loves, Papasok na ako sa trabaho.”

“Ang aga naman?”

“Uuwe pa ako samin, Kukunin kopa mga gamit ko.”

“Kumain kana ba? Gusto mo ipagluto kita? Wait lang.”

“Hindi na My Loves ayos lang doon na ako sa office kakain. Bumalik kana sa pagtulog.” -Nathan

“Ihahatid na kita palabas.”

“Itong si My Loves talaga mahal na mahal ako, Kaya kona. Matulog kana lang ulit.” -Nathan

Hindi kona napilit si Nathan at bumalik nalang ako sa pag-tulog. Masaya ako dahil talagang sineseryoso ni Nathan yung promise nya sakin at talagang gusto na nya na magbukod kami.

Katulad nang nakasanayan ko ay pag-gising ko ay nakahanda na ang pagkain na niluto ni Mama (Tanghali kasi ako lagi magising) mabuti na nga lang at mabait tong Nanay ko kahit tanghali na ako gumising ay pinaghahandaan padin ako nang makakain.

“Pa kain tayo.”

Pag-anyaya ko sa kanya habang nagkukumpuni sya nang sirang Electric Fan.

“Sige na anak kumain kana dyan, Kumain na kami nila  Mama mo kanina.” -Papa

“Ganon ba, asan pala sila?”

“May binili lang saglit sa labas pero pabalik nadin yon.”

Kinain ko nalang mag-isa yung niluto nila sakin habang nanonood ng Tv. Ilang saglit lang din ay nakabalik na sila.

“Kuya Dex, Wala kabang pasok sa work mo ngayon?”

“Wala baby bakit?”

“Yehey! Makakasama pa kita nang matagal.”

“Bakit na miss moba si kuya ng sobra?”

“Opo, Sobra na miss po kita.”

“Hayaan mo dito na muna ako dina muna ako papasok ng work.”

Kita ko sa ngiti ni kyline na sobrang saya nya na nandito ako, Ako din sobrang saya ko na nakabalik na ulit ako sa Pamilya ko.

ANDREA’S POV

Nakakaboring dito sa bahay, Walang magawa dahil wala si Daddy busy sa work si kuya Sam naman may lakad at si Mommy ay nasa kwarto nya. Paglabas ko nang kwarto ko ay nakita ko si Mama na bihis na bihis at Mukhang may lakad.

Saan kaya sya pupunta?

Na naka curious ako ay sinundan ko si Mama.

Ewan koba pero parang iba ang pakiramdam ko sa pupuntahan nya.

DEX’S POV

“Ma kamusta na pala yung negosyo natin?”

“Ayon, Mas tumaas ang sales natin. Nakakatuwa nga kasi ngayon umaasenso na tayo at nakakabili na tayo ng mga bagay na gusto natin.”

Dati pangarap lang namin na yumaman pero ngayon halos abot kamay na namin, Yung perang galing kay Tito Greg ay napalago na namin, Sa umpisa mahirap pero kung talagang desidido ka sa isang bagay wag mo dapat basta basta susukuan.

“Masaya ako para sa Pamilya natin Ma.”

“Pero pano ang mga Montes? Hindi ba sila magagalit dahil nandito ka?” -Mama

“Maayos naman akong nagpaalam sa kanila at pumayag sila.”

“Yun lang ba talaga? Wala bang nangyari?” -Mama

Hindi ko pwedeng sabihin kay Mama ang totoo dahil sigurado ako na gera ang kakalabasan nito.

“Dex may bisita ka.” Pagpuputol ni Papa sa usapa namin ni Mama.

Inisip ko kung sinong bisita yon pero imposibleng si Nathan dahil dirediretso nalang sya dito sa bahay pati si Miles wala naman kaming usapan na pupunta sya.

Nagpaalam muna ako kay mama para puntahan kung sino ang tinutukoy ni papa na bisita.

“Dex anak?????”

Agad na tumayo si Mommy sa kinauupuan nyo at niyakap ako.

“Ano pong ginagawa nyo dito?”

“Nandito ako para sunduin ka, Ayusin natin to bilang Pamilya.”

“Siguro ang una nyong kinausap dapat ay si Andrea dahil sya lang naman ang may ayaw sakin.”

“Alam ko hinding naging mabuti sayo si Andrea pero lahat naman tayo deserve nang second chance, nakausap kona si Andrea at hindi kona hahayaan pa na maulit Yung nangyari sayo.” -Mom

“Ako napo ang lumayo sa gulo, Kaya sana po matanggap nyo din ang desisyon ko. mahal kopo kayo, Kayong lahat pero mahal kodin po ang sarili ko. Muntik napo akong mamatay dahil sa nangyari, Kaya mas mabuti na nandito ako.”

“Anong sabi mo? Muntik kanang Mamatay dahil sa ginawa sayo ng anak ni Aurora?”

Pareho kaming natigil ni Mommy dahil sa pagdating ni Mama.

“Ma, ano kasi–”

“Sabihin mo sakin Dex minamaltrato kaba nila habang nandon ka sa pamamahay nila?”

Halata sa boses ni Mama ang galit at pag-aalala.

“It was an accident hindi naman alam nang anak ko na hindi pala marunong lumangoy si Dex.” -Mom

“Aksidente lang? Pano kung hindi naagapan? Pano kung may nangyaring masama sa anak ko na anak mo din, Anong gagawin mo Aurora? Binalik ko si Dex sa inyo dahil kayo ang tunay nyang magulang at alam ko aalagan at mamahalin nyo sya katulad ng ginawa namin sa kanya.” -Mama

“Hindi ako perpektong Ina Marivick, Tha’t why i’m here para ayusin ang gulo sa pamilya namin.” -Mom

Hindi na ako makasingit sa pagtatalo nila dahil usapan ito ng Ina sa Ina.

“Kung mauulit lang ulit na sasaktan ng anak mo si Dex hindi na ako papayag na bumalik pa sya sa inyo kahit ipakulong mopa ako ulit. Ina kadin Aurora, Nasasaktan ka kapag naagrabyado ang anak mo.” -Mama

“Kaya nga ako nandito para kausapin si Dex na bumalik na samin, Ako ang ina nya kaya ako dapat ang poprotekta sa kanya at hindi ikaw, Pagbalibaliktarin man natin ang mundo ako padin ang totoong Ina nya at ikaw, Isa kalang dakilang magnanakaw ng anak.”

“Hindi man galing si Dex sakin, Hindi man ako ang nagluwal sa kanya pero pinalaki ko sya ng maayos, pinalaki ko syang mabuting tao at maging mabuti sa kapwa at lalong lalo na ang may takot sa Diyos. Eh ikaw? anong klaseng pagpapalaki ang ginawa mo sa anak mo at naging ganyan ang mga ugali nila?”

Nagulat ako nang biglang sampalin ni Mommy si Mama sa harap kopa mismo.

“Sino ka para kwestyonin ang pagiging ina ko? Sino ka para sabihin sakin ang mga bagay nayan?”

Napahawak sa pisngi si Mama dahil sa sampal sa kanya, Pero gumanti si Mama at sinampal nya din si Mommy. At hindi ko inaasahan na ang pagdating ni Andrea at inulak nya si Mama mabuti nalang at nasalo ko si Mama.

“How dare you to hurt my Mother!?”

“Andrea anong ginagawa mo dito?” -Mom

“Sinundan kita kasi alam kong dito ka pupunta, mabuti nalang at dumating ako dahil kung nahuli ako baka kung ano nang ginawa sayo ng mga to.” -Andrea

“Andrea nag-uusap lang kami.” -Mom

“Nag-uusap? Eh sinaktan kana nang babaeng yan.”

Humarap si Andrea kay Mama at akmang lalapit sya pero humarang ko, Kung bastos ang ugali nya pwes wag nyang babastusin ang Mama ko lalo na sa pamamahay pa namin.

“Subukan mo ulit saktan ang Mama ko at ako na ang makakalaban mo. Gusto mo nang away diba? Sige ngayon mo ako hamunin para maipakita ko sa iyo ang sinasabi mong asal eskwater.”

“Tinatakot moba ako?” -andrea

“Hindi kita tinatakot Andrea, Binabalaan lng kita.”

“Pwes hindi ako natatakot sayo, Dahil isa kalang lang langaw at alam mo ginagawa sa mga langaw? Ito oh.”

Sasampalin sana ako ni Andrea pero nasalag ko ang kamay nya at pinilipit yon papunta sa likuran nya. Ubos na ang pasensya ko, Sumusobra na sya.

“Ouch! Bitawan mo ako!”

“Binalaan na kita pero ayaw mo padin tumigil, Gusto mo muna umabot pa tayo sa sakitan.”

Ewan koba pero biglang nandilim ang paningin ko kay Andrea, Mabuti nalang at naawat ako ni Mama.

“Dex tama nayan, Hindi na dapat pinapatulan ang mga taong ganyan.” -Mama

Susugod pa sana si Andrea sakin pero pinigilan na sya ni Mommy.

“Andrea tama nayan, Umuwe na tayo.” -Mom

“No, Hindi pa ako nakakaganti sa baklang yan.”

“Stop it! umuwe na tayo.!”

Natahimik si Andrea at natigil sya dahil galit na ang boses ni Mommy. Bago sila umalis ay nagpaalam na muna si Mommy sakin at nagsorry din sya kay Mama dahil sa inasal ni Andrea.

ANDREA’S POV

NAKAKAINIS TALAGA YUNG BAKLANG YON! kung hindi lang talaga dahil kay Mommy ay baka kinalbo kona yon, Hindi pa nya nakikita ang pagka demonyita ko!

“Hindi ko ginusto ang inasal mo kanina”

Sermon sakin ni Mama pagkadating na pagkadating namin sa bahay.

“Mommy ipinagtanggol lang kita sa mga yon”

“Pero hindi ko sinabi na makialam ka sa usapan namin.” -Mom

“So ako na naman ang may kasalanan ganon ba? Ako na nga ang nagtanggol sayo ako padin ang mali? Kailan ba ako magiging tama sa pamilyang to?”

“Anong ibig mong sabihin?” Takang tanong ni Mommy.

Siguro panahon nadin para malaman nya ang totoong nararamdaman ko.

“Buong buhay ko ginagawa ko ang best ko pero hindi padin naging enough sa inyo! Dahil lagi nyong nakikita ang mga mali ko! siguro nga kaya ako nagkaganito dahil nadin sa inyo! Lagi akong gumagawa ng mga bagay na magpapasaya sa inyo, Pero anong pinaparamdam nyo sakin? Na kahit anong gawin ko ay may kulang, Na hindi mabubuo at hindi magiging masaya ang Pamilyang ito dahil may Kulang! At alam nyo yung mas masakit? Anak nyo ako pero hindi ko nakita yung pagsuporta nya sa mga gusto kong gawin, Lagi kayong kontra!”

Hindi kona napigilan ang emosyon ko at naibuhos kona ang matagal konang gustong sabihin.

“Ayan lang ba ang ikinasasama ng loob mo? ayan ba ang dahilan kung bakit naging ganyan ang ugali mo? Kami ba ang sinisisi mo kaya ka nagkaganyan?”

“Oo! Marami pa akong gustong sabihin, Pero kulang ang mga salita para sabihin ko sa inyo na wala kayong kwentang magulang! at wala kang kwentang Mommy!!!”

Isang malakas na sampal ang tumama sa pisngi ko at mas lalong tumulo ang mga luha sa mata ko.

“Hindi mo alam kung gaano namin kayo ka mahal, Iniisip lang namin ang tama para sa inyo at kung nararamdaman mong may kulang? Totoo yon,Dahil nawala si Caliv at hindi ko alam kung anong gagawin ko. Pero hindi ibig sabihin non ay pinabayaan ko kayo, At lalong hindi kita sinisi sa pagkawala ng kapatid mo. Oo nagalit ako sayo pero mas galit ako sa sarili ko, kung alam mo lang, Gabi gabi ako umiiyak dahil sinisisi ko ang sarili ko at nagagalit ako sa sarili ko dahil napapabayaan kona kayo, Pero kahit ganon ay pinilit kong maging isang ina sa inyo.  Noong graduation mo, Akala mo iniwan kita basta-basta? Hindi, sinugod ang lola mo sa hospital nung araw nayon pero bumalik ako kaya lang tapos na, Binilhan kita ng mga maraming damit at laruan na gusto mo at nilagay ko sa kwarto mo habang natutulog ka.”

Bigla tuloy bumalik sa alala ko yung araw nayon, Dahil sa sobrang iyak at sama ng loob ko ay nakatulog ako pero paggising ko ang daming regalo sa tabi ko kaya lang walang umaamin kung kanino galing yon.

“Dapat ba akong tumawa dahil binilhan mo ako nang mga mamahaling gamit?”

“Andrea makinig ka, Mahal kita. Mahal ko kayong magkakapatid at gusto kolang na mabuo tayo,. mali bayon?” -Mom

“Hindi mali yon Ma, Ang mali ay yong iparamdam mo samin na mas mahal mo si Dex kesa samin!  Kami ang kasama mo nang mas matagal! Pero bakit pakiramdam ko ay naitsapwera kami sa pagbabalik nya?”

“Sorry kung akala nararamdaman mo yon, Pero maniwala ka pantay-pantay lang ang pagmamahal ko sa inyo dahil pare-pareho ko kayong mga anak.”

Hindi kona kaya pang makipag-usap kay Mommy parang anumang oras ay sasabog na ang emosyon dahil sa sobrang sama ng loob.

Nag walk out nalang ako at nagkulong sa kwarto kahit tinatawag ako ni Mommy ay hindi ko sya pinansin.

MILE’S POV

“Mark mauna na kami ha? Nag-yaya na kasi itong kasama ko.”

“Ganon ba? Sige ingat kayo sa pag-uwe pakisabi kay Dex punta sya sa Birthday ng Anak ko.”. -Mark

“Oo ba pupunta kami, Salamat din pala sa pagkain nabusog ako.”

“Bye Ninang”

Lumapit sakin yung inaanak ko at yumakap sakin.

“Bye, Baby. Sheena, Mark mauna na kami.”

“Sige, Ingat kayo. Tol ingatan motong kaibigan ko ha?” Paalala ni Mark kay Samuel.

“Oo akong bahala iuuwe ko sya nang buong buo.”

Umalis na kami ni Samuel at sumakay na sasakyan nya.

“Bakit pala bigla kang nag-aya umuwe?” Takang tanong ko kay Samuel.

“Pasensya kana ha? Nag text kasi sakin si Adrea ang sabi nya nag-away na naman daw sila ni Mommy.” -Sam

“Ganon ba sige, Kahit wag muna ako ihatid pauwe samin unahin mo ang Pamilya mo.”

“Hindi ihahatid na kita, pasensya kana kung biglaan naputol ko tuloy yung pag-uusap nyo ni Mark.” -Sam

“Ayos lang yon, Syempre Pamilya mo yon.”

Hinatid ako ni Sam hanggang sa tapat ng bahay namin, Kahit gusto kopa syang makasama ay hindi pwede kasi may problema daw sa Family nila, Pero marami pa namang mga Araw kaya ayos lang.

CHAPTER 22

DEX’S POV

“Ma mahirap ba ang buhay mag-asawa?”

“Bakit mo naman natanong yan? Mag-aasawa kana ba?” -mama

“Nagbabalak na kasi kami ni Nathan, Pero natatakot ako baka hindi kopa kaya. Baka hindi pa namin kaya.”

“Alam mo Dex, Mahirap talaga ang buhay mag-asawa kasi marami kang iisipin. Gastusin sa bahay, Mga gamit sa bahay at higit sa lahat yung kakainin nyo araw-araw. Pero kung ready kayo at may ipon kayo bakit hindi? Sa panahon kasi ngayon hindi sapat na mahal nyo lang ang isat-isa, Dahil hindi ka mabubusog sa pagmamahal.” -Mama

“Pero kung mag-aasawa kami ni Nathan, Ayos lang ba sa inyo?”

Napabuntong hininga si Mama at humarap sakin.

“Malaki kana Dex, Kilala kita alam kong kaya mo. Ganon din si Nathan alam kong responsable syang lalaki at syempre nandito lang kami na Pamilya nyo para gabayan kayo.” -Mama

“Salamat Ma.”

“Kelan nyo naman balak?”

“Inaayos lang po yung pinapagawang bahay ni Nathan at doon na kami lilipat.”

“Hay, Malalayo kana talaga samin.” -Mama

“Wag kayong mag-alala Ma, lagi ko kayong bibisitahin.”

Habang nag-uusap kami ni Mama ay biglang tumawag sakin si Nathan.

Hello My Loves? Ba’t ka napatawag?’

‘Hi po, Ka trabaho po pala to ni Nathan medyo nakarami po kasi kami ng inom pauwe nadin po kasi ako kaya lang hindi ko maiwan si Nathan, Pwede nyo po ba syang puntahan?’

‘Ano?! Sige sabihin mo sakin kung saan yan at pupunta ako.’

Agad akong nagbihis at pinuntahan yung lugar na sinabi nang katrabaho ni Nathan.

Ano kayang naisip ni My Loves at nagpakalasing sya? Kokotongan ko talaga yon.

Bar??? Agad kong tanong sa sarili ko nang makita yung lugar na sinasabi ng katrabaho ni Nathan.

Sigurado bayon? At anong gagawin ni Nathan dito?

Hindi ko alam pero bigla akong nakaramdam nang kaba, Parang biglang bumigat ang dibdib ko. Dahan dahan akong pumasok at hinanap kung nasaan si Nathan, Nag text nadin ako na nandito nako.

“Kayo poba yung kausap ko kanina?”

Tanong sakin ng hindi ko kilalang lalaki, Pero malamang sya yung kausap ko kanina.

“Opo ako yon, Asan poba sya?”

“Andon po sa bandang likod, Puntaha nyo nalang po. Ito din pala yung phone nya pakibigay nalang sa kanya at pasabi nauna na ako.”

“Sige salamat.”

“Una napo ako.”

Lumabas na yung katrabaho ni Nathan at ako naman ay pinuntahan na sya.

Habang papalapit ako ay lalong bumibilis ang tibok ng puso ko. Totoo batong nakikita ko?

O dinadaya lang ako nang paningin ko?

Gusto kong sumabog sa nakikita ko ngayon, Pero parang biglang naubos ang lakas ko.

Parang unti unting dinudurog ang puso ko. Ang sakit, Ngayon nalang ulit ako nakaramdam nang ganitong sakit. Lumapit ako kala Nathan at tumayo lang sa harap nila habang pinapanood sila.

Nakaupo si Nathan habang nakapatong sa kanya yung isang Babae. Nakayakap sa kanya yung Babae at nilalamutak sya nang halik. Nakakadiri sila! Dito pa talaga sa ganitong lugar?

Tiningnan ko ang paligid at wala masyadong tao sa pwesto nila.

“Masarap ba? Masarap ba ang ginagawa nyo?”

Finally nagkaroon nadin ako ng boses para komprontahen sila.

Napatigil yung Babae sa ginagawa nya at napatingin ng masama sakin.

“Excuse me? Sino ka? Alam moba na bawal makialam dito? Kung gusto mo humanap ka nang sayo.”

Hindi ko pinansin yung Babae dahil nakita ko si Nathan na parang tulog na dahil sa kalasingan. Alam ba ni Nathan ang ginagawa nang babae sa kanya?

“Tulog na sya, Kaya iuuwe kona sya.”

“Anong tulog? Kanina nga lang gumaganti pa sya nang halik sakin. Sino kaba? Nakakaistorbo kana.”

“Iuuwe kona sya.”

Lalapitan kona sana si Nathan pero humarang yung Babae sakin.

“Pano kung ayaw ko? Costumer ko sya, at binayaran nya ako kaya nagbibigay lang ako nang serbisyo. Kaya pwede ba umalis kana.”

Nainis ako sa attitude nang Babae kaya tinulak ko sya at napasubsob sya upuan.

“Yung kakatihan mo ikiskis mo sa pader, Wag sa Fiancé ko. Wala akong pakialam kung ginagawa mo ang atrabaho mo pero wag kay Nathan, wag sa Fiance ko”

“Ang kapal nang mukha mo bak––”

“Subukan mong lumapit, Basag tong Bote sa mukha mo ewan kolang kung magustahan ka pa nang mga costumer mo.”

Kinuha ko agad yung bote na sa lamesa at akmang ipupukpok ko sa kanya.

Natakot naman sya sakin at biglang napaatras, Nilapitan ko si Nathan at sinubukang gisingin.

“My Loves?? Gising na. Uuwe na tayo.”

Mahina kong inalog si Nathan at sinampal sampal para matauhan.

“M-my loves?? Ikaw bayan?”

“Oo ako to, Tara na uuwe na tayo.”

Napahawak si Nathan sa ulo nya pero tumayo padin sya dahil pinilit ko sya. Tumawag nalang ako kay tita Emman para ipasundo kami dahil hindi ko kaya iuwe si Nathan mag-isa.

“Kuya Alex? Patulong naman po sa pagbuhat dito.”

“Sige Dex, Mukhang nalasing si Sir Nathan.”

“Oo nga po.”

Sinakay na namin sya sa sasakyan at ang loko tulog padin. Kotong talaga sakin to bukas pag-nagising sya.

“Hindi naman sa nakikialam ako sa inyo, Nag-away ba kayo?”

“Nako kuya Alex hindi ah, Bonding lang nila yan ng mga ka work nya ang kaso itong lalaki nato ay nasobrahan.” Natawa nalang si Kuya alex dahil sa pag-sagot ko.

Pagdating namin sa bahay ay sinalubong agad kami ni Tita Emman.

“Dex ano bang nangyari? Ba’t nalasing sya?” Tanong sakin ni Tita

“Hindi ko nga po alam, Nagulat nalang ako nang may tumawag sakin at sinabing lasing sya kaya ayon pinuntahan ko agad.”

“Pag-tulangan nalang natin sya iakyat.” -Tita

“Sige po.”

Inakyat namin sya sa kwarto nya, Tatlo na kami nang buhat pero nahirapan padin kaming iaakyat sya.

“Dex, Ikaw na bahala sa anak ko ha? Pasensya kana din hayaan mo pagsasabihan ko yan bukas.”

“Okay lang po tita, Salamat.”

Lumabas nadin agad si Tita kaya naiwan na kaming dalawa ni Nathan. Kumuha ako nang pamalit nya kasi ang baho nya amoy alak! Kumuha din ako ng basang bimpo at alcohol para punasan yung mga hinalikhalikan ng Malanding Babae nayon, mamaya may Virus yon mahawaan pa si Nathan.

“My Lovesss”

Biglang nagsalita si Nathan pero tulog sya. Lakas talaga nang tama nang lalaki nato.

Habang pinupunasan ko si Nathan ay bigla Kong naalala yung nakita ko kanina.

Kilala kaya ni Nathan yung Babae?

Alam ka nya yung nangyari?

Ginusto nya kaya yung nangyari?

Bukas pag-gising nya mag-kakaalaman kami.

NATHAN’S POV

Nagising nalang ako dahil sa sobrang sakit nang ulo ko, Naparami ata ako inom kagabi.

Gusto kona sana umuwe non kaso hindi ako pina-uwe ng mga katrabaho ko.

Pero si My loves nakita ko nandito sya sa kwarto ko, Nakaupo sa tabi ko at nakatingin sakin.

“My Loves anong nangyari??”

Napatingin sakin si Dex nang masama na parang nakagawa ako ng masama. Ano ba talagang nangyari? Wala akong maa-lala.

“Wala ka talagang naa-alala??”

“Wala, Masyado atang napadami yung……….Aray! My loves ang sakit!!!!”

Bigla akong piningot ni Dex nang sobrang sakit at parang nagising ang diwa ko.

“Ano wala ka pading naa-alala??”

“Wala ta-laga My Loves,,, aray…”

“Alam mo ba na May babae kang kasama kagabi!?? At nakapatong pa sayo! Gagawa kalang naman ng kalokohan nagpakita kapa!”

Babae?? Anong sinasabi ni My Loves??? May nagawa ba akong mali kagabi na hindi ko nalalaman?

“My loves hindi ko talaga yon alam.”

“My Loves mo ang mukha mo! Magsama kayo ng Babae mo!”

“Wala akong Babae, Hindi ko kilala ang sinasabi mo, Wala akong alam sa nangyari.”

“Pano kung hindi ako dumating!? May nangyari na sa inyo! Nathan Babae yon! At may mga naibibigay sila sa inyong mga lalaki na hindi namin maibibigay!!! Alam moba kung gaano kasakit yon??”

Umiiyak si Dex sobra syang nasaktan sa kasalanang hindi ko naman talaga sinasadya, Gusto kong mag explain pero hindi ko magawa kasi ako naman talaga ang mali dahil unang una hindi na dapat ako pumunta at sumama sa Bar nayon.

“My Loves sorry.”

“Uuwe na ako Nathan, Baka hinahanap na ako samin.” -Dex

“Pag-usapan na muna natin to bago ka umalis, Hindi ako mapapakali nito.”

“Sige na matulog kana, Sakit nadin kasi ng ulo ko.”

Tumalikod si My Loves at naglakad palabas, Hindi kona sya hinabol kasi kilala ko si Dex hindi papapigil yon. Pero kahit ganon, Naisip ko padin na hindi ko  dapat pinapalipas ang hindi namin pagkakaintindihan tumayo agad ako para habulin sya pero wala na sya. Nakaalis na sya.

“Oh Nathan gising kana pala.”

“Asan po si Dex, Mommy?”

“Kakaalis lang, Nagmamadali nga eh. Bakit hindi ba sya nag-paalam sayo.”

Napaupo nalang ako at napahawak sa ulo ko.

Ano bang nagawa ko????

“Nag-Away ba kayong dalawa?”

“Hindi po.” Matamlay kong sagot.

“Pero bakit sya umalis? Ano ba talagang nangyari?”

“I don’t know i was drunk last night.”

“Kausapin mo si Dex. Mag-usap kayo, Simpleng problema hindi na dapat pinapalaki pa.”

Tama si Mommy kailangan kong sundan si Dex. Kahit maghiga higa ako dito samin wala ding mangyayari, Lalo lang sasakit ang ulo ko.

DEX’S POV

Habang naglalakad ako papuntang sakayan ay may sasakyan na bumusina sakin pero hindi ko pinansin alam kong si Nathan lang yon.

Busina padin sya ng busina at ang sakit sa tenga kaya tumigil ako, Binuksan naman nya yung Bintana ng sasakyan nya.

“My Loves ihahatid na kita.”

“Hindi na! Kaya ko mag-isa, Doon kana sa Babae mo!”

“Hindi ko nga yun Babae, Ni hindi ko nga alam kung sino yon”

Hindi ko sya pinansin at naglakad nako palayo, Pero sinundan padin nya ako.

Sumakay na ako ng Jeep at akala ko tatantanan na nya ako pero nagulat ako ng biglan syang humarang sa Jeep.

“My Loves bumaba ka dyan! mag -usap tayo! Hindi ako tatabi hanggat dika lumalabas!”

What! The!!!!! Anong gingawa ni Nathan????!!

Puno na yung Jeep at ready na umalis kaya lang nakaharang si Nathan. Busina nang busina si Yung Driver pati yung ibang pasahero naiinis nadin.

Nilabas ko yung ulo ko sa bintana ng Jeep at sinigawan si Nathan.

“Nathan tumabi ka nga!!!!  Nakakaabala kana!!!!”

“Hindi ako aalis dito!! Kahit sagasaan nyo pa ako!!”

Sa inis ko ay umupo na ako ng maayos kaya lang napansin kong nakatingin na sakin ang mga pasahero.

“Sir bumaba napo kayo, para makaalis na kami.”  Sabi sakin ng driver.

“Oo nga bumaba kana, kausapin mona yon” sabi naman ng isang pasahero.

“Ano ba! Nakakaabala na kayo!” Sabi naman ng medyo maedad na babae.

“Pasensya na po.”

Dahil sa hiya ko ay bumaba nalang ako ng jeep at pinuntahan si Nathan. Nang nilapitan ko sya ay naka ngiti pa ang loko, akala naman nya nakakatuwa ang ginagawa nya.

“My Loves salamat at bumaba kana.”

Hindi na ako sumagot at hinila kona si Nathan papasok sa sakyan nya pero hindi ko padin sya kinakausap.

“Gusto mo ako ihatid diba? Sige na nandito nako, Paandarin mona.”

“My Loves sorry na talaga, Alam kong hindi dapat ako uminom pero hindi ko talaga kilala yon.”

Tumingin lang ako sa kanya ng masama.

Alam nyo sa totoo lang?

Insecure lang ako doon sa Babae, Syempre Babae yon eh anong laban ko don?

Pano kung nagustuhan yon ni Nathan at marealize nya na dapat hindi nalang ako ang minahal nya,?

Na dapat isang tunay na Babae ang minahal nya.

“Sige na Nathan ihatid mona ako.”

“Galit kapa ba???” Tanong nya sakin.

“Hindi.”

“hindi? Pero bakit parang galit ka padin?”

“Hindi na nga sabi” inis kong sabi sa kanya.

“Sige nga ikiss mo nga ako.”

“Ayaw ko nga.”

“Bakit ayaw mo? Siguro galit kapa sakin.” -Nathan

“Hindi na nga sabi.”

“Eh ayaw mo???? Galit kapa nga talaga.” -Nathan

“Oo na”

Dahil sa kulit nya ay ikikiss kona sya, Pero yung kiss na dapat sa pisngi nya lang ay biglang naging sa lips kasi bigla syang humarap tapos hinawakan ang ulo ko at hinalikan nya ako.

Bigla akong naestatwa sa halik nayon at hindi ako nakakilos agad ako, Parang may pampamanhid ang halik ni Nathan at hindi ako makakilos.

CHAPTER 23

CHAPTER 23

NATHAN’S POV

“Salamat sa paghatid, Sige umuwe kana para makapahinga kana.”

“Dito muna ako sa inyo.” Pagpilit ko sa kanya.

“Hindi na umuwe kana.”

“My Loves wag kana kasi magalit sakin.” Kahit ayaw nya ay hinawakan ko ang kamay nya at pumasok kami sa loob.

Ayokong mag-aksaya ng oras o kahit segundo na hindi kami magbabati ni My Loves at hindi kona talaga uulitin yung nangyari kagabi.

…………………….FLASHBACK……………………

“Pre sama ka samin ni Anjo?” Yaya sakin ng katrabaho ko sing Raymond.

“Saan naman?”

“Sa Bar, Maraming

chicababes

don hindi ka

maboboring

. Siguradong mag-

iinit

ka.“

“Hindi na kayo nalang, Medyo napagod din kasi ako kailangan kong magpahinga.”

“Saglit lang to Pre, Kahit sumama kalang tapos konting

tagay

.“.

-Raymond

“Oo nga Nathan, Hindi naman

malalaman

to ng Girlfriend mo.“

-Anjo

“Pasensya na talaga kayo nalang.”

“Ang KJ mo Pre, Wag masyadong magpaka under sa Girlfriend mo dapat minsan mag enjoy kadin, Ano tara?”

Mag-sasalita pa sana ako pero hinila na ako ng dalawa.

Dinala nila ako sa isang Bar medyo malayo sa Building namin. Huli kong punta sa ganitong lugar ay nung Teenager ako (Pasaway pa ako) at hindi kopa nakikilala si Dex non.

“Nathan,

Tutunganga

kana lang ba dyan?“

Pumasok kami sa loob at madaming tao (Malamang) maingay at madaming mga Babae.

“ Ang daming sexy mukhang

makaka

jackpot tayo dito.“

Pabirong

sabi ni Raymond.

Hind ko nalang sya pinansin at humanap na kami ng mapupwestuhan.

Agad naman kaming nag-order nang alak, Wala talaga akong balak na uminom dahil kapag nalaman to ni Dex mayayari ako nito. Habang umiinom kami ay may lumapit saming Babae.

“Hi mga

Pogi

?“

“Oh hi Miss” agad na tumayo si Raymond at hinawakan sa bewang Yung Babae pero tinanggal agad nito yung kamay nya.

“Sorry pero hindi ikaw ang gusto ko.”

Ngumuso sakin yung Babae pero wala lang sakin yon. Siniko ako ni Anjo at sabay bulong.

“Pre mukhang ikaw ata ang type.”

Ngumiti Lang ako at tumabi sakin yung Babae.

“Hi Ako nga pala si

Clarrise and you are?“

“Nathan.”

Nakipag kamay sakin yung Babae at nag stay nadin sya sa tabi ko.

Habang tumatagal ay napapansin kong panay hawak ng Babae sa hita ko kaya nag-paalam na ako na aalis na.

“Anjo, Raymond mauna nako. salamat nalang.”

Tatayo na sana ako pero hinila ako pabalik nung Babae.

“Aalis ka agad? Ayaw moba ako makasama?”

“Oo nga Pre,

Ubusin

nalang muna natin to.“

Umupo ulit ako at pinatagay pa nila ako ng pinatagay.

Makalipas ang ilang minuto ay nakaramdam na ako ng tama, gusto ko mang tumayo pero nahihilo na ako at pag katapos non hindi kona alam ang sumunod na nangyari.

…………..END OF FLASHBACK……………..

“My Loves kain na muna tayo, Medyo nagugutom na kasi ako.”

“Sige na ikaw nalang, Matutulog pa ako.” -Dex

“Ay hindi pa pala ako nagugutom tara tulog na muna tayo.”

Hindi padin ako masyado pinapansin si My Loves galit padin sya.

Sumunod nalang ako sa kwarto nya at magkatabi kaming humiga kaso nakatalikod sya sakin, Pero niyakap ko sya.

“My Loves sorry.”

Hindi sya sumagot sakin. Pinikit ko nalang ang mga mata ko at sana pag-gising ko okay na kami ni My Loves.

ANDREA’S POV

“Oh bakit parang ang laki ng ngiti mo? Nagkabalikan naba kayo ni Andrew?” Tanong sakin ni Kuya.

“Iww, Kuya wag mo ngang babanggitin ang pangalan ng lalaking yon.”

“Eh bakit nga ang saya mo?” -Sam “Basta.”

Napakamot nalang si kuya ng ulo at tumabi sakin.

Well masaya lang naman ang araw ko kasi this time hindi ako ang talunan at umuwing luhaan.

……………………FLASHBACK……………………

Kasalanan to lahat ni Dex hindi sana ako magkakanito at hindi kami magkakagalit ni Mommy kung hindi dahil sa kanya.

Dahil sa sama nang loob ko ay pumunta ako sa paborito kong lugar kapag may problema ako.

Pagpasok ko sa Bar na palaging pinupuntahan ay may nakita akong isang Pamilyar na mukha.

‘Si Nathan bayon?’

Agad na may pumasok na magandang plano sa utak ko, Kung hindi ko masira si Dex at Mommy sila nalang ni Nathan ang sisirain ko.

“Dito ka nag tatrabaho diba?”

Tanong ko sa Babaeng mukhang ewan ang itsura dahil sa ayos nya, Pero mukha syang pokpok.

“Oo bakit?”

“May gusto sana akong ipagawa sayo, Nakikita moba yung mga lalaki nayon?” Tinuro ko si Nathan at tumango sya sakin.

“Gusto kong lumapit ka sa kanya at lasingin mo sya at landiin mo since ayon naman ang trabaho mo.

“May pera kaba?”

“Oo, Gusto mong isampal kopa sayo?”

Kumuha ako ng cash sa bag ko at inabot ko sa kanya, Binilang pa nya yon at napangiti sya pagkatpos non ay pumunta na sya pwesto nila Nathan.

Pinagmasdan kolang sila at kitang kita ko kung paano nilalasing nang Babae si Nathan.

Tumayo yung kasama ni Nathan at nilapitan koyon.

“Hello po? Mukhang lasing na ata yung kasama nyo.”

“Oo nga eh naparami nang inom.”

“Bakit kaya hindi mo tawagan yung Girlfriend nya? Para ipasundo nyo na lasing na eh.”

Sumunod naman agad yung lalaki at kinuha yung phone ni Nathan at may tinawagan.

Tingnan natin kung anong magiging reaksyon ni Dex kapag nakita nyang may kalandian ang pinakamamahal nyang si Nathan.

Hindi nagtagal ay umalis nadin ang dalawang kasama ni Nathan kaya naiwan sya at yung Babae.

Sigurado ako anumang oras darating na si Dex at Good luck sa kaniya hahaha.

Umalis nadin ako dahil baka makita nya ako, At wala din akong balak makita ang gulo sa pagitan nila.

…………..END OF FLASHBACK……………..

“Ready kana ba para sa Birthday ni Mommy bukas?” Tanong sakin ni kuya.

“Syempre dahil may big announcement daw si Mommy and for sure para sakin yon.”

“Talaga lang ha?”

“Pwede ba kuya wag monang sirain ang masayang araw ko?”

“Ito talagang kapatid ko masyadong mainitin ang ulo.”

Kahit ganito kami mag-usap ni kuya ay mahal na mahal ko sya kesa naman kay Dex na Walang ibang ginawa kundi ang agawin ang lahat sakin, Kunin ang lahat ng sakin.

“Kuya parang ang fresh mo ngayon? Siguro may nililigawan kana??”

“Matagal na akong Fresh, Pero may Tao akong gusto kaso diko pa alam kung paano ko uumpisahan ang pangliligaw.” -Kuya Sam

“Torpe ka pala eh, Kailan ko naman makikilala ang maswerteng babae nayan?”

“Wag ka mag-alala makikilala mo din sya bukas dahil ni invite ko sya.”

“Dapat maganda yan ha? Baka chaka yan.”

“Maganda sya tapos mabait pa, Si Dex kaya pupunta din?”

Okay na sana yung pag-uusap namin ni kuya kaya lang bigla na naman nya siningit ang pangalan ni Dex.

“Sigurado ako na hindi pupunta yon.”

“Pano ka nama nakakasiguro?”

“Basta.”

Sa nangyari kagabi sigurado ako na super broken si Dex, Ikaw ba naman harap harapan mo makikita na may ibang nakapatong sa Boyfriend mo.

DEX’S POV

Alam kong na promise ako na hindi na ako magiging maropokpok pero iba kasi talaga pagdating kay Nathan. Nakahiga kami ngayon at nakayakap sya sakin. Mahimbing syang natutulog habang ako eto mulat na mulat. Maya-maya ay biglang kumatok si Mama.

“Dex may ibibigay ako sayo.”

Inalis ko muna yung kamay ni Nathan at lumabas para tingnan kung ano yung ibibigay nya.

“Invitation, Galing kay Aurora.”

Oo nga pala Birthday na ni Mommy Bukas, Nawala sa isip ko dahil sa mga nangyari.

“Pupunta kaba?” Tanong sakin ni Mama.

“Opo, Nag promise ako na pupunta ako.”

“Pero sigurado ako gulo na naman to kapag nagkita kayo ng ate mo.” -Mama

“Iiwas naman po hanggat maaari. Atsaka hindi lang ako ang pupunta, Isasama kopo kayo”

“Nako wag na sigurado akong mayayaman lahat ng pupunta don.” -Mama

“Ma? Ano naman? Tayo naman ang magkakasama don kata ayos lang.”

“Pero wala pa akong susuotin.” -Mama

“Problema bayon? edi bibili Tayo.”

“Sana lang talaga hindi magsisimula ng away ang ate mo dahil kung hindi baka mapatulan ko sya kahit mas bata pa sya sakin.” -Mama

“Ma? Ako na ang bahala sa kanya. Hindi ko hahayaan na may saktan sya sa Pamilya natin, Dahil hindi na ako natatakot sa kanya.”

Ayokong sirain ang araw ni Mommy bukas nang dahil sa kamalditahan ni Andrea. Iiwas ako hanggat kaya ko, Diko sya papatulan hanggat kaya ko.

“Sige na anak gisingin mona si Nathan, nakapag luto na ako ng aalmusalin natin. Para sabay sabay na tayo.”

Bumalik ako sa kwarto ko at ginising yung lalaking Babaero Slash lasenggero.

“Gising na Nathan, Nagluto daw si Mama.”

“Talaga My loves?”

“Oo kaya bumangon kana dyan, Sumunod ka nalang.”

Nauna akong lumabas kay Nathan, Ewan koba naiinis padin ako sa twing naalala ko yung Babae na nakapatong sa kanya although alam ko na mahal nya ako.

“Dex asan na si Nathan?” Tanong sakin ni Papa.

“Susunod nalang daw po sya.”

“Dex ano nga pala ang nangyari kagabi? Bakit bigla kang umalis tapos dika dito natulog?” Tanong naman sakin ni Mama.

“Bigla po kasi akong niyaya ni Nathan, Tapos gabi nadin kaya doon na nya ako pinatulog sa kanila.”

“Ganon ba?”

Maya-maya ay dumating na si Nathan pero hindi kopa din sya pinapansin.

“Ma dati ba nang Babae si Papa?” Wala sa lugar kong tanong na ikinagulat nila.

“Bakit mo naman na tanong yan?” -Mama

“Wala lang bigla kolang naisip.”

“Hindi, Mabait yang Papa mo at kung nang Babae man sya o mam Babae? Ewan kolang, Kakalbuhin ko talaga ang Babae ng Papa mo.” -Mama

“Ni minsan hindi ko pinagpalit ang Mama mo, Oo maraming Babae sa paligid pero kung talagang mahal mo ang isang tao hindi mo sya magagawang ipagpalit.” -Papa

“Wow naman pa, Sana ganyan lahat ng lalaki.”

“Bakit may Babae bang iba si Nathan???”

Muntik nang maibuga ni Nathan ang kinakain nya dahil sa tanong ni mama.

“Si Nathan?? Nako ma hindi, Mabait yan at wala yang Babae at hindi din yan mahilig pumunta sa mga Bar takot nya lang sakin. Diba My loves??”

“O-oo naman My Loves, Alam mo namang mahal na mahal kita.”

Talaga lang Nathan? mahal na mahal mo ako?

“Kumain na nga tayo, at marami pa tayong gawin.”

After naming kumain ay ako nadin ang nagligpit at naghugas (wala naman kasing ibang gagawa haha) habang naghuhugas ako ay biglang may yumakap mula sa likuran ko.

“My Loves galit ka padin ba?”

“Nag-huhugas ako Nathan wag mo ako guluhin.”

“Hindi kita bibitawan hanggat dimo sinasabing Okay na tayo, at mahal mo ako.” -Nathan

Lalo pang hinigpitan ni Nathan ang yakap nya sakin.

“Nathan ano na namang kadramahan to?”

“Bahala ka My Loves, hindi kita bibitawan.” -Nathan

Sa inis ko sa kanya (Talaga ba?) Ay hinarap ko sya at sobrang lapit nang mukha namin sa isat-isa.

“Hindi ako galit sayo Nathan okay? Naiinis lang ako, Pero sa kabila nang inis nayon ay mas nangingibabaw padin ang pagmamahal ko sayo, Dahil mahal na mahal kita! Alam mo ba yon?? Kaya nga kah—–”

Hindi kona natapos ang sasabihin ko dahil hinalikan na nya ako. Nakakailang halik nato sakin nang hindi nag-paalam.

“Ang dal-dal mo talaga My Loves, I love you.”

“Ehem”

Napa-ayos kami nang pwesto nang biglang dumating si Mama. Nahiya tuloy ako bigla.

Dumistansya sakin si Nathan para matapos kona ang ginagawa ko.

CHAPTER 24

ANDREA’S POV

Kanina pa ako nandito pero wala padin si Kuya kainis sya na nga lang ang pwede kong makausap dahil puro matatanda ang mga bisita dito, Inaantay nalang namin sila Mommy at Daddy dahil may big announcement daw sila.

“Hi Andrea ang ganda mo naman”

Bati sakin ng isang friend nila Mommy.

“Thank you po.”

Expected kona ako ang magiging pinakamaganda dito dahil kung icocompare sa mga ibang babaeng nandito ngayon? Magmumukha lang silang Yaya kapag tumabi sakin.

“Andrea nag start naba?”

Mayamaya ay dumating na din si kuya.

“Nagstart na pero inaantay pa sila Mommy at Daddy.”

“Ganon ba? Sorry ha, May sinundo pa kasi ako.”

“Who is she?”

Tanong ko kay kuya kasi may kasama syang Babae pero hindi ko masyadong nakita ang itsura nasa bandang likuran nya kasi.

“Ah si Miles pala, Kaibigan ni Dex.”

“What??”

“Miles excuse lang ha? Kakausapin kolang itong kapatid ko.”

Tumango lang si Miles sa sabi ni kuya at hinila na nya ako palayo sa Babaeng yon.

“Don’t tell me, Sya yung Babaeng tinutukoy mo na gusto mo.”

“Yes she is.”

“Kuya are you out your mind? In all people ayan talagang babae nayan ang pinili mo para ligawan?”

“What’s wrong Andrea? Mabait sya, Maganda at–”

“At manggagamit, Kuya ang daming Babae dyan na nagkakandarapa sayo, Mas magaganda at higit sa lahat mas mayayaman tapos eto ka pinili yung Babaeng low class?”

“Nirerespeto ko kung ayaw mo sa kanya pero  hindi ibig sabihin non pwede mo na syang bastusin.” -Kuya Sam

“I’m just giving you my best advice because you’re my Brother, Baka nakakalimutan mo MONTES ka at dapat doon ka lang sa mga ka level mo.”

“Alam mo Andrea hindi ko alam kung saan mo nakukuha yang mga sinasabi mo, Pinalaki naman tayo nila Mommy na Rumespeto sa kapwa.” -Kuya Sam

“Pero hindi kasama don ang magpagamit tayo sa mga eskwaters nayan, Magkaibigan nga talaga sila ni Dex. Didikit kung saan sila madaling aangat.”

“Bahala ka kung anong gustong isipin, Pero isa lang ang masasabi ko sayo. Mabubuti silang Tao kaya sana makita mo yon.”

Iniwan ako ni Kuya at bumalik sya sa Babaeng manggamit, Malaman kolang talaga na kaya lang sya dumidikit kay kuya para maambunan lang nang pera ako mismo ang kakaladkad sa kanya at magdadala kug saan nababagay ang mga kagaya nya.

Ang daming bisita nila Mommy kaya lang hindi na ako nag eenjoy, Nasira na ang gabi ko. Kainis! Talaga! Pumunta nalang ako sa banyo para makapag retouch medyo na Haggard ako sa pakikipag talo kay kuya kanina.

DEX’S POV

“Wow Ma ang ganda mo ngayon bagets na bagets” pabiro kong sabi kay Mama

“Ngayon lang? So pangit ako kahapon?”

“Haha si Mama talaga,. Biro lang.”

“Tara na late na tayo oh ang bagal mo kasi, Sayang naman tong mga suot natin baka di tayo papasukin.” -Mama

“Okay lang yan, di rin naman agad yan magsstart remember? Fililino Time? 6 ang usapan 8 magdadatingan.”

“Kuya, Mama!”

Pumasok si kyline sa kwarto ko kasama si Papa.

“Ang cute naman ng Baby namin.” -Mama

“Wow Pa, Ang gwapo natin ah! Lalong maiinlove sayo si Mama!”

Biglang namula si Mama sa sinabi ko at binatukan ako ng mahina haha #marupokpok haha sa kanya siguro ako nagmana.

“Ako na naman trip mo anak ha? Asan naba kasi ang magsusundo satin?”

Gusto kong tumuwa ng malakas dahil sa reaksyon ni Mama haha ang harot! Hahaha.

Mayamaya pa ay may bumusina sa labas nang bahay namin at alam kona kung sino yon.

“Oh ayan na sya tara na.”

Lumabas na kaming lahat at nandon na si Nathan nag-aanta samin.

Para akong matutunaw dahil sa ayos ni Nathan ang gwapo kasi!!  Hehe.

“Bakit My Loves pangit ba ang suot ko?”

Hindi ako nakasagot sa tanong nya dahil literal na natameme ako.

“Hindi pangit ang suot mo anak, Nainlove na naman itong anak ko sayo. Sus Dex! ang landi mo talaga!”

Kainis si Mama nag moment pa ako eh, binatukan ba naman ako.

“Tara na, Late na tayo diba?.”

Magkatabi kami ni Nathan sa harap tapos sila Mama sa likod pero hindi padin ako makatingin sa kanya dahil baka matunaw na ako.

Pagdating namin sa Venue ay parang gusto konang umuwe tama si Mama hindi namin ka level ang mga tao dito.

“Ang ganda po dito.” Masayang sabi ni Kyline.

“Baby wag malikot ha? Baka makasira ka mamahalin lahat ng gamit dito wala tayong ibabayad.” Saway ni Mama

“My Loves asan naba kasi ang Mommy mo?”

“Wait tatawagan kolang.”

Nakailang calls ako kay Mommy pero hindi nya ako sinasagot.

“Anong sabi anak?”

“Hindi po sumasagot eh.”

“Beeeeee!!!!!!”

May Pamilyar na boses akong narinig paglingon ko si Miles at kasama nya si kuya. hmmmm parang may something na talaga sa kanila.

“Miles anong ginagawa mo dito?”

“Yung kuya mo sinama ako dito.” -Miles

Kinurot ko sa tagiliran si Miles dahil ang harot nya hahaha.

“Mabuti naman at nandito na kayo, tara na doon na tayo sa bandang harap pumuwesto.” -Kuya

“Wait lang kailangan kolang kasi magbanyo, Samahan mo nga ako Dex.”

Aangal pa sana ako pero hinila na ako ni Miles kaya sinabihan ko nalang sila Mama na sumunod nalang kay kuya at sasamahan kolang itong kaibigan ko.

“Miles kayo naba ni kuya?” Tanong ko kay Miles habang naglalakad kami.

“Hindi pa.” -Miles

“Hindi pa? Ibig sabihin malapit na?”

“Hindi pa, kasi hindi pa naman sya nanliligaw. Ewan koba naman kasi sa kuya mo ang bagal bagal.”

“Baka kasi wala naman talaga syang balak na ligawan ka?”

“Hoyyy grabe ka! Ang nega mo! kaibigan ba kita?” -Miles

“Haha tara na nga bilisan na natin.”

Nagmadali na kami ni Miles at nang papasok na kami sa Cr at kung mamalasin ka nga naman talaga, Nakasa lubong namin si Andrea.

“Ikaw?  What are you doing here? Diba lumayas kana? So dapat hindi kana magpapakita pa samin.” -Andrea

“Inimbitahan kasi ako ni Mommy.”

“So dapat hindi kapa din pumunta, Diba gusto mong magkaayos tayo? Pwes lumayo ka samin at wag kanang magpapakita.” -Andrea

“Excuse lang ha? Kapatid mo din sya at isa syang Montes kaya bakit mo sya papalayuin eh hinanap nga sya ng mga magulang mo tapos ikaw papalayuin mo sya.” -Miles

“Shut up! I’m not talking to you. Kapamilya kaba namin?”

“Pasalamat ka naiihi na ako, Wait kalang saglit lang to.”

Nagmadaling pumasok si miles sa loob kaya naiwan nalang kaming dalawa ni Andrea.

“Andrea ayoko nang gulo, Kaya please wag ka mag-umpisa.”

“Wow?! Bakit parang ang bait mo ata ngayon? Siguro may binabalak kana naman noh? Ano bayon? Hihingi ka nang pera kay Mommy? Magkano ba ang gusto mo at ako na ang magbibigay sayo.”

May kinuha sya sa bag nya at nagbilang sya at may ibot sya saking pera. Pero hindi ko kinuha yon.

“Hindi ko kailangan ng pera at hindi pera ang habol ko sa Pamilya nato.”

“Kung ako sayo aalis na ako dito, dahil hindi kadin naman din mag eenjoy isama mo na din yang kaibigan mong ewan.”

Akala ko may gagawin sakin si Andrea pero wala naman nilagpasan nya lang ako at naglakad na palayo sakin. Congrats self! kalmado ka at hindi kayo nagkasakitan nang ate mo.

“Be asan na yung ate mong bruha??!”

“Wala na, kaya tara na bumalik na tayo.”

Bumalik na kami ni Miles at sakto nandon nadin sila Mommy at Daddy.

“Good Evening ladies and Gentlemen, Gusto kolang magpasalamat sa lahat nang pumunta ngayon sa aking espesyal na kaarawan. Sa lahat nang tumulong samin para sa espesyal na gabing ito, lalong lalo na sa aking pinakamamahal na asawa na si Diego Montes. Alam ko marami sa inyo dito ang nakakakilala sa Pamilya namin,  Pati na sa mga anak ko at Gusto kolang kunin ang pagkakataon na to para ipakilala sila sa inyo.”

Tinawag ni Mommy si kuya at Andrea at nagpalakpakan ang lahat ng mga tao sa paligid. Ang ganda nila pagmasdan parang isang perpektong Pamilya.

“Yung iba sa inyo alam ang tungkol sa nawawala kong anak, Nang mga panahon yon ay sobrang nalungkot ako at parang hindi kona kaya pero hindi ako tumigil dahil bilang ina alam ko at ramdam ko na darating ang panahon na makikita at makakasama ulit namin sya at kaya ko nasabing epesyal ang gabing ito, Dahil sa tagal ng panahon ay maipakikilala at maipagmamalaki kona din sa inyo ang isa kopang anak, Si Dex Montes.”

Tumuro si Mommy sa pwesto ko at napunta sakin ang atensyon ng lahat,. Hindi ko akalain na ipapakilala na nya ako sa mga business partners nila at sa mga buong Pamilya Montes. Dahil nabigla ako ay hindi agad ako nakaalis sa pwesto ko mabuti nalang at sinenyasan ako ni Nathan. Habang papalapit ako sa kanila ay grabe ang kaba ko pero sa kabilang banda ay natutuwa ako dahil ngayon alam na nang lahat na isa din akong Montes.

“Happy birthday po”

Ayan agad ang nasabi ko pagkalapit na pagkalapit ko.

“Salamat, Halika dito anak tumabi ka samin.”

Yumakap agad ako kay Mommy at napaluha nadin sa sobrang saya. Kung ang lahat ay natutuwa pero si Andrea mukhang hindi, Sobrang sama nang tingin nya sakin at alam ko na hindi matatapos ang gabing ito na hindi nya ako aawayin.

“You ruined my night, You stole my spotlight.”

Pabulong lang yung pagkakasabi ni Andrea pero malinaw na malinaw sakin yung mga sinabi nya.

Nakatuon na ang atensyon ng lahat sa amin, May mga kumukuha nang letrato at yung iba natutuwa pati sila Mama kitang kita ko na masaya din sila para samin.

Pagkatapos nang announcement nayon ay bumalik nadin ako sa pwesto namin at sila Mommy at daddy ay kausap yung ibang mga bisita.

“Mama ang sarap ng mga pagkain dito!” Masayang sabi ni Kyline.

“Talaga baby? Kain kalang magpakabusog ka.” -Mama

“Wow nagsama sama ang mga hampas lupang mga patay gutom.”

Biglang lumapit sa pwesto namin si Andrea kaya nagkatinginan kaming lahat.

“Patay gutom agad?  Hindi ba pwedeng nasarapan lang?” Biglang banat ni Miles.

“Syempre masarap talaga ang mga pagkain dito, Dahil wala nyan sa eskwater oh baka may mga plastic kayo dyan ha at mag take out pa kayo mahiya naman kayo.”

“Kayang kaya namin bumili nang ganito kung gugustuhin namin.” -Nathan

“Ang Pamilya mo OO, eh sila Dex kaya ba? Eh kung hindi nga lang dahil sayo baka nasa kangkungan yang mga yan, Baka nga ginagamit kalang nya at ang Pamilya mo para may mahuthutan sila.” -andrea

“Miles, Nathan,  Ma, Pa? Tara na po umalis nalang po tayo dito.”

Nagsitayuan kaming lahat para makaalis nadin dito sa Party ni Mommy. Hindi kona kasi kayang tiisin yung pangbabastos na ginagawa samin ni Andrea.

“Oh bakit kayo aalis? Tinablan naba kayo nang kahihiyan? Diba makakapal ang mukha nyo?.” -andrea

“Aalis kami kasi ayaw namin ng gulo.”

“Sana naisip mo yan bago ka pumunta dito!  Ang kapal ng mukha mo pagkatapos mong umalis babalik ka ulit at talagang inigaw mopa ang atensyon na dapat para sakin!” -Andrea

“Wala akong inaagaw sayo.”

“Talaga wala?”

Kumuha si Andrea ng isang basong wine sa may lamesa malapit sa kanya at itinapon sakin.

“Aba’t sumusobra kanang bruha ka ha!” -Miles

Susugudin na sana sya ni Miles kaya lang pinigila ko sya nakatingin nadin kasi samin yung ibang bisita.

“Sige lalaban ka? Baka nakakalimutan mo nasa teretoryo ko kayo, Baka gusto mong ipakaladkad ko kayo palabas!” -Andrea

“Andrea aalis na kami kaya pwede ba hayaan mo nalang kami.”

Tinalikuran ko si Andrea at maglalakad na sana ako paalis pero bigla nya akong sinabunutan at kinaladkad papunta sa isang lamesa at nginudngod yung mukha ko sa mga pagkain.

“Alam mo matagal konang gustong gawin sayo to kaya lang naaawa ako sayo, Pero ngayon? Wala nang makakapigil sakin!”

“Andrea tama na!” Lalapit sana si Nathan samin pero sinigawan lang sya ni Andrea.

“Wag ka makialam diton.! Away magkapatid to!”

Hindi ko alam kung bakit galit na galit sakin si Andrea kahit wala naman akong ginagawa sa kanya, Ako na nga yung umiiwas pero ayaw nya padin akong tantanan.

Nagsitayuan na yung ibang mga bisita dahil sa gulo namin ni Andrea. Pakiramdam ko nanliit ako dahil sa ginawa nya sakin kaya naman hindi kona napigilan yung sarili ko na labanan sya. Tumayo ako at sya mukha naman nya ang nginudngod ko.

“Umiwas nako diba? Pero ayaw mo padin akong tigilan, Nilait lait at minaliit mopa ang pamilya ko! Hindi kapa nakontento? gusto mopa talaga magsakitan tayo?”

“Let me go!!!!” -Andrea

“Eto ang gusto mo diba?? Away?! Sige pagbibigyan kita.”

Sa bilis nang pangyayari ay hindi na kami nagawang awatin nila Mama, pero naririnig kopa din silang sinasabi na tama na.

Mayamaya ay dumating si kuya Samuel at Daddy kasama nung ibang guards at inawat kami.

“What’s happening here! Anong kaguluhan to???!!!”

Galit na yung boses ni Daddy kaya natahimik ang lahat.

“Daddy sya ang nagsimula! Kitang kita ko nyo naman kung pano nya ako nginudngod! Look ang dumi dumi kona!” - Andrea

“Wag kang sinungaling!  Kitang kita nang lahat na ikaw ang nagsimula! At pinagtanggol kolang ang sarili ko!”

“Sorry Dex pero hindi magsisimula ng ganito si Andrea, Disente namin syang pinalaki at hindi nya ipapahiya ang magandang pangalan ng mga Montes.”  -Daddy

Tila lumakas ang loob ni Andrea dahil sa naging pagkampi ni Daddy.

“Hindi kopo kayo pinipilit na paniwalaan ako, Si Andrea yan eh mas matagal nyo syang nakasama kaya mas papanigan nyo sya. Pero hindi po ako ang nagsimula dahil pinagtanggol kolang ang sarili ko.”

Dumating nadin si Mommy at nagulat sa gulo ng veneu at sa mga taong nakatingin samin.

“Anong nangyari dito? Nag-away na naman ba kayong dalawa?? Nawala lang ako saglit ito na agad ang nangyari?” -Mommy

“Dapat kasi hindi nyo pinapunta yan sila Dex para hindi na sana nagkagulo dito.” -Andrea

“Ano gusto nyong mag-away?!!! Sige mag-away kayo??!!! Hindi nyo na ako nirespeto!!?? Hindi nyo na nirespeto ang Birthday ko??!!!”

Hindi ko akalain na magagalit ng ganon si Mommy, nagsisisigaw sya at pinagtutumba yung ibang lamesa.

“Ano bakit natahimik kayong dalawa?!!! Mag-away pa kayo!!! Sana naman naisip nyo muna yung nararamdaman ng mga magulang nyo sa tuwing nakikita nyang nag-aaway ang mga anak nila! Hindi ba talaga kayo pwedeng magkasundo?  Sana kahit ngayon lang pinagbigyan nyo ako mga anak.” -Mommy

“Sya naman kasi ang nagsimula” -Andrea

“Alam nang lahat kung sino ang nagsimula kaya wag mona akong baliktarin!”

“Tama na! Tama na please ….”

Biglang napahawak si Mommy sa dibdib nya at ang sumunod na nangyari ay nawalan sya nang malay . Bigla tuloy akong naguilty dahil sa nangyari. Kasalanan koba kung bakit nangyari to? Sana pala hind ko nalang pinatulan si Andrea.

CHAPTER 25

DEX’S POV

“Dex saan ka pupunta?”

“Kailangan kopong malaman ang kalagayan ni Mommy.”

“Pero nandon ang ate sigurado ako na pag-iinitan kana naman non.”

“Hindi kopo sya papatulan ang importante sakin ngayon si Mommy.”

“Ako napo bahala sa kanya Mama sasamahan kopo si Dex.” -Nathan

“Ako din Tita sasama, Hindi mapapanano si Dex.” -Miles

Sinamahan ako ni Miles at Nathan papunta sa pinagdalhan kay Mommy. Wala akong paki kung awayin na naman ako ni Andrea pero hindi ko sya papatulan.

“Anong ginagawa mo dito?! Umalis kana! Hindi ka namin kailangan dito!!”

Tinulak tulak at sinigawan ako ni Andrea pero hinayaan kolang sya dahil ang mas importante sakin ang malaman ang kalagayan ni Mommy.

“Andrea stop it! mag-aaway na naman ba kayo dito??!” Saway samin ni kuya Sam

“Kuya paalisin mo yang Baklang yan, Baka hindi ko alam kung anong magagawa ko sa kanya!”

“Gusto kolang naman malaman yung kalagayan ni Mommy, Promise hindi ako aalis agad ako.”

“Lumayas ka!! Hindi ka namin kailangan dito!”

Napaiyak nalang ako dahil sa galit ni Andrea sakin tinulak tulak at sinigawan nya ako, Hindi ako makalaban kasi kung lalaban ako mas lalong lala ang sitwasyon.

“Ikaw sumusobra kanang babae ka!”

Hindi ko akalain na sasabunutan ni Miles si Andrea at syempre hindi rin naman nagpatalo yung isa. Mabuti nalang at napaghiwalay sila nila Kuya at Nathan.

“Tama na! Hindi ba talaga kaya titigil!?” Pati si kuya Sam nagalit nadin.

“Pagsabihan mo yang kapatid mo! At yang magaling nyang alalay na lumayas dito!” -Andrea

“My Loves, Miles tara na umuwe nalang tayo.”

“Mabuti pa nga at umuwe na kayo, At wag na din kayong babalik.” -Andrea

Wala akong nagawa kundi ang umuwe nalang kasama si Nathan at Miles.

Sana okay lang si Mommy. Sana magising na sya at makapag sorry ako dahil sa pag-sira ko sa Birthday nya.

Kahit masakit ay napilitan akong umalis, Wala nading nagawa si Nathan at Miles kasi kung papatulan namin si Andrea sigurado ako magkakagulo na naman.

“My Loves tara na umuwe na tayo.”

“Oo nga be magpahinga kana muna sobrang gulo ang nangyari ngayong araw.” -Miles

“Tama kayo, Siguro palipasin na muna natin ang galit ni Andrea.”

Sumabay na samin si Miles pauwe dahil gamit naman ni Nathan yung kotse nya at sa bahay na muna sya dumiretso.

“Anak kamusta ang Mommy mo?” Tanong ni Mama pagkadating namin.

“Hindi kopo alam.”

“Bakit anong nangyari?” -Mama

“Pinagtabuyan po kasi sya ng ate nyang bruha.” -Miles

“Ano??! Sinasabi kona nga ba dapat sumama ako.” -Mama

“Ma hayaan napo natin sya, Kasalanan kodin naman kasi.”

“Wala man lang ginawa ang Daddy mo?” -Mama

“Wala po don si Daddy, Si kuya sinubukang awatin si Andrea kaso kami nalang ang umalis para walang gulo.”

“Hindi ko talaga alam kung anong klaseng pagpapalaki ang ginawa nila sa batang yon at naging ganon ang ugali nya.” -Mama

“Magpapahinga napo ako Ma, Napagod nadin kasi ako sa mga nangyari.”

“Sige anak.”

“Samahan kona muna sya tita.”

Sinamahan ako ni Miles sa kwarto ko at tinabihan nya ako.

“Dapat hindi ko nalang pinatulan si Andrea edi sana hindi nagkagulo at hindi nahimatay si Mommy. Kasalanan ko to eh dapat umiwas na ako.”

“Wala kang kasalanan Dex, yung ate mong pinaglihi sa sama ng loob sya yung may kasalanan atsaka kitang kita ng lahat na sya ang nag-umpisa.” -Miles

“Naging mabait naman ako diba? Pinilit kong tanggapin nya ako kahit mahirap, Tiniis ko lahat ng masasakit na salita galing sa kanya kasi gusto ko magkaayos kami at matanggap nya ako bilang kapatid. Kulang paba yon?”

“Ang kaso ayaw nya talaga sayo, Muntik kana ngang mamatay dahil sa kanya diba?” -Miles

“Pero alam moba Miles? Kahit ganon sya sakin mahal na mahal kopa din sya bilang Ate ko. At umaasa padin ako na isang araw magkakabati din kami.”

“Ang tanong kailan? Eh wala nga ata syang balak na makipag bati sayo, Sa tuwing nagkikita kayo laging nagkakagulo. Hindi naman sa sinisiraan ko ang kapatid mo pero ayon kasi ang lumalabas at alam kong napapansin mo din yon.” -Miles

“Ano bang dapat kong gawin? Sa totoo lang gulong gulo na ako, Sa sitwasyon ko na kailangan kong sumama sa isang Pamilya at iwan ang isa doon palang gulong gulo na ako “

Niyakap ako ni Miles at sinandal sa balikat nya. Ngayon nalang ulit kami nagkausap nang ganito, Yung seryoso madalas kasi puro lokohan at asaran lang.

“Minsan hindi masama na tanggapin sa sarili mo na hindi mona kaya, Na nasasaktan at nahihirapan kana mas mabuti nang maging mahina sa paningin ng iba kesa naman magpanggap ka na masaya at matapang pero deep inside gustong gusto mona sumuko. Kaya kung talagang gulong gulo kana umiyak ka lang, Dahil ang pag-iyak mo ay first step para mas lalo kang tumibay.”

“Miles salamat. Salamat din sa pagtatanggol sakin.”

“Wala yon ano kaba, Syempre magkaibigan tayo diba? At ang magkaibigan nagdadamayan.”

Niyakap ko ng mahigpit si Miles, Hindi lang kaibigan ang turing ko sa kanya kundi parang isang tunay na kapatid na.

“Mukhang malalim ata ang pinag-uusapan nyo.” -Nathan

“Nandyan kana pala Nathan, Nagdadramahan lang kami nito ni Dex.”

“Gusto nyo sa labas na muna ako? Para makapag-usap pa kayo?” -Nathan

“Hindi na. Aalis nadin kasi ako.” -Miles

“Gusto mo ihatid na kita?” -Nathan

“Kaya kona, Mas kailangan ka dito ni Dex.” -Miles

Hinatid nalang namin si Miles sa hanggang sa sakayan at pagkatapos ay bumalik nadin kami ni Nathan.

“My Loves nakakapagod ngayong araw noh?”

“ Sinabi mopa.“

“Ano kayang magandang gawin?” -Nathan

“Ang magandang gawin ay matulog na tayo.”

“Pero hindi pa ako inaantok” -Nathan

“Nathan anong ginagawa mo??”

“Ano paba My Loves?? Diba malungkot ka? Edi papaligayahin kita.”

Gumiling giling si Nathan si Harap ko tapos tinanggal yung damit nya at pinaikot ikot, Jusme para ako nasa Club kung saan may macho dancer.

“Itigil mo nga yan! Ang sagwa!”

Tumigil naman si Nathan at lumapit sakin.

“Bakit My Loves? Ayaw moba? Pangit naba ang katawan ko? Pangit naba ako? Sawa kana ba sakin?” -Nathan

“Anong sinasabi mo syempre hindi!”

“Eh bakit mo ako pinapatigil at sinabi mopa na ang sagwa???” -Nathan

“Kasi nga ang sagwa talaga, Atsaka naiilang ako sa ginagawa mo hindi ako sanay.”

“Eh ano bang gusto mo ganito??” -Nathan

Dahan-dahang nilapit ni Nathan ang mukha nya sa mukha ko ako naman ay umatras. Kainis talaga si Nathan talagang gusto nya akong i seduce. Lapit sya ng lapit sakin ako naman atras ng atras hanggang san hindi ko napansin na nasa dead end na pala ako ayon nahulog ako sa kama ko at naunang tumama yung pwetan ko kaya napasigaw ako sa sakit.

“Arraaaayyyyy!!!!!”

Medyo napalakas ang sigaw ko dahil unang una masakit, pangalawa nagulat talaga ako haha. Tinulungan naman agad ako ni Nathan makatayo tapos mayamaya ay dumating din sila Mama.

“Anak anong nangyari??” -Mama

“Diba halata Ma? Ang sakit ng pwetan ko”

Oopppsss!!! Wrong answer ata ako!!!

“Bakit anak? Pinilit kaba ni Nathan? Hindi moba kinaya??” -Mama

“Na excite lang sya Mama.” Sabat naman ni Nathan

“Ah ganon ba?”

“Ano bang pinagsasabi mo Ma? Nahulog ako at unang tumama yung pwet ko kaya ang sakit.”

Naka ngiti lang si Mama at Nathan.

“Sige na Matulog na kayo.”

Mabuti pa si Papa hindi nakikisali sa kalokohan nila Mama.

“Next time na may gagawin kayo, Wag masyadong maingay kasi nakakahiya sa mga kapit bahay.”

“Ma!!!???”

Nang-asar pa talaga si Mama bago sila umalis ni Papa.

“Ano My Loves ituloy naba natin?” Sinamaan kolang si Nathan nang tingin.

“Ituloy mo mag-isa mo matutulog nako! ang sakit kaya!”

Hindi ko nalang pinansin si Nathan dahil pagod nadin ako at wala akong balak gawin ang gusto nya, Bahala sya sa buhay nya haha.

///////////

“Dex!!!!!!???? Gising na!!!!”

Nagising nalang ako dahil may yumuyugyog sakin. Kainis naman oh sino bayon????

“Ano tulog mantika lang?? Di kana bata pero ang hirap mo pading gisingin.”

“Si Mama ang aga-aga nagrarap na naman, Ano bayon??”

“Bumangon kana dyan, Asikasuhin at ayusin mo ang sarili mo dahil kanina pa nag-aantay ang mga kaibigan mo sa labas.”

“Ha? Mga kaibigan? Sino naman?”

“Basta bilisan mona, magbihis ka tapos ayusin mo yung sarili mo at lumabas kana.”

Kahit hindi maintindihan ang ibig sabihin ni Mama ay sinunod ko padin sya, Wala naman kasi akong naalala na may lakad ako ngayon.

Pati si Nathan na wala sa tabi ko nang hindi nagpapaalam sakin at yung pwetan ko masakit padin haha.

After ilang minutes ay natapos nadin ako at agad na dumiretso sa labas at hindi ko inaasahan ang nakita ko.

“Miles? Jasmine?? Nicole? Tyrone? Irish? Kenji? Sheena? Mark? Dave? Steve? Matthew? Anthony ? Lahat kayo nandito??”

Hindi ako makapaniwala na lahat ng mga kaibigan ko ay nandito lahat at magkakasama.

“Yes nandito kami kanina pa at ikaw nalang ang inaantay namin.” -Irish

“Totoo ba talaga to? o baka na nanaginip lang ako?”

“Do you want me to slap you??” -Irish

“Hindi ka nananaginip My Loves totoo sila.” -Nathan

“Sorry nalate ako,. Ano tara na??”

Napalingon agad ako sa pinanggalingan ng boses at laking gulat ko nang makita ko si Dan.

“Dan? Ikaw din?”

“Oo My Loves, Inimbitahan ko din si Dan actually silang lahat.” -Nathan

“Pero bakit? anong meron?”

“Alam ko kasing sobrang stress kana dahil sa mga nangyayari sayo kaya naisip ko na imbitahan sila para naman maka bonding ulit tayo at syempre para sumaya kadin.” -Nathan

“Salamat Nathan.”

Sa sobrang tuwa ko ay niyakap ko sya nang mahigpit.

“Ehem nandito kami oh.” Biglang banat ni Dave kaya nagtawanan silang lahat.

“Oh Dex bakit nakahawak sa balakang mo? Siguro nakarami kayo ni Pareng Natha kagabi.” Bigla akong namula sa sinabi ni Tyrone, Loko talaga tong lalaki nato hindi man lang iniisip yung sasabihin nya.

“Loko ka! Nahulog lang ako!”

“Magdadaldalan nalang ba tayo dito o aalis na??” Mataray na tanong ni Irish.

“Oh ayan nagalit na ang mahal na reyna kaya tara na.” -Jasmine

“Sandali wala pa akong gamit.”

“Wag kanang mag-alala Dex naiayos kona para sayo.” -Nathan

Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko, Sobrang saya ko kasi sa sobrang tagal ng panahon nakasama ko ulit ang mga kaibigan ko at lahat ito ay dahil kay Nathan.

CHAPTER 26

ANDREA’S POV

Kasalukuyan kaming nag-aantay sa paggising ni Mommy, Kasalanan to ni Dex kung hindi na sana sya pumunta sa Party ni Mommy edi sana hindi nangyari to.

“Asan ako?  Anong nangyari?” Tanong ni Mommy nang magising sya.

“Nawalan ka nang malay after nang gulo.” -Daddy

“Mommy may masakit paba sayo?”

“Ayos lang ako, Si Dex asan sya?? Ba’t di nyo sya kasama.” - Mommy

“Ma ako yung nandito, Ako yung kaharap mo pero ano? Si Dex padin ang hinahanap mo?! Talagang pinaparamdam mo samin na mas mahal mo sya!”

“Andrea pwede ba? Wag mong pagsalitaan si Mommy nang ganyan.” -Kuya

“Bakit kuya? Totoo naman diba? Ikaw ni minsan ba hindi mo naramdaman na laging may kulang, Na hindi buo ang atensyon na binibigay satin ni Mommy??”

“Anak hindi totoo yan, Mg anak ko kayo kaya pantay pantay lang pagmamahal ko sa inyo.”

“Pero bakit hindi ko yon maramdaman? Bakit kahit anong sabi mo na Mahal mo kami ay hindi ko maramdaman?”

“Stop  it Andrea, Mommy mo padin ang pinagsasalitaan mo.” -Daddy

“Tutal nandito nadin naman tayong lahat bakit hindi pa tayo maglabas nang sama ng loob. Ikaw Daddy, Naging mabuti kaba talagang Ama samin? Eh mas mahal mo pa nga yang business mo kesa samin na Pamilya mo. Ikaw kuya? Kung ayos lang sayo na hindi pansinin nila Mommy pwes ako hindi.”

“Andrea Anak, Makinig ka. Mahal kita.”

“Pero mas mahal mo si Dex? Alam nyo minsan sumagi na sa isip ko na KUNG AKO NALANG SANA yung nawala baka na sakin lahat ng atensyon nyo, na KUNG AKO NALANG SANA si Dex baka nakaramdam din ako ng pagmamahal na matagal konang gustong maramdaman mula sa inyo.”

Niyakap ako nang mahigpit ni Mommy, Napaiyak nalang ako dahil sa unang pagkakataon parang naramdaman ko na mahalaga ako, Na mahal nya ako.

DEX’S POV

“Wow Tyrone ang ganda nang bahay nyo. Sinong nakatira dito?” -Miles

“Nandito yung Lola’t Lolo ko sila ang nakatira dito, Pero kapag may Time kami pumupunta din kami dito.” -Tyrone

“Para namang Haunted House to.” -Irish

“Grabe ka talaga Irish, Haunted house agad?” -Sheena

“Uii tama nayan baka marinig pa tayo ng lola’t lolo ni Tyrone” saway ko sa kanila.

“Tara na pasok na tayo sa loob.” -Tyrone

Bumaba kaming lahat sa van sumunod kay Tyrone, Medyo nakakatakot nga yung bahay kasi luma na at alam mo yung feeling na may nagbabantay na mga multo haha.

“Sila ba ang mga bisita mo Apo?”

“Ay mama mo kalabaw!” -Miles

Nagulat kami nang biglang may nagsalita sa likuran namin. Isang matandang Babae ang nakatayo sa likuran namin, lah? Pano sya napunta dyan? Kanina lang wala sya dyan.

“Ah eh Guys, Sya Pala si Lola Trinidad ang Lola ko.”

“Pasensya na kayo kung naguklat ko kayo”

“Medyo lang naman po Lola.” -Miles

“Lola asan po si Lolo bakit kayo lang mag-isa? “ -Tyrone

“Nandon sa likuran nagpapakain ng mga alaga nya.” - Lola

“Ganon po ba? Sila nga po pala ang mga kaibigan ko at si Nicole ang asawa ko.”

“Magandang hapon po Lola ako po si Dex.”

Lumapit ako kay Lola at nagmano ako.

“Tara na pasok na muna tayo sa loob para mailagay na natin yung mga gamit natin.” Yaya samin ni Tyrone at sumunod naman kaming lahat.

“Alam mo Tyrone kung ipaparenovate nyo itong bahay mas gaganda pa Ito, Pwede ko kayong matulong.” -Jasmine

“Talaga? Sige pag-iisipan ko.” -Tyrone

“Maganda yung lugar nato, Very relaxing malayo sa stress and Pollution ng maynila.” -Dan

“Pasensya na kayo ha?  Hindi masyado kalakihan yung bahay namin, Tatlo lang din yung kwarto kaso kala Lola Yung isa kaya hati nalang tayong lahat sa dalawa.” -Tyrone

“Wala yon Tyrone,. Ayos lang samin kahit sa salas na nga lang kami matulog eh.”

“Mga bisita ko kayo Syempre kaya gusto ko maging presentable kayo.” -Tyrone

“So ganito nalang magkakasama ang mga Girls, Syempre pati si Dex kasama samin. Tapos kayong mga boys magkakasama.”

“Wait lang Hindi naman ata tama yon, Lugi kami mas marami kaya kami.” Sabat ni Dave

“Tigilan mo ako Dave, Isa lang lamang nyo. Anim kami Pito kayo di kaba marunong magbilang?” -Miles

Si Miles talaga kahit kailan hahaha parang hindi nya nagustuhan dati si Dave haha.

“Sshh tama nayan pati tutulugan pag-aawayan nyo pa. Sige na okay na samin yung sinabi ni Miles.” -Matthew Mayamaya ay lumapit sakin si Nathan.

“Ikaw My Loves? ayos lang ba sayo?”

“Oo naman.”

“Nathan kahit ngayon lang maghiwalay na muna kayo ni Dex, Samin na muna sya.” -Miles

“Oo nga Tol hayaan mona si Dex matulog kasama sila Miles.” - Dave

“Sige na nga.” -Nathan

Ipinasok na muna namin sa kanya-kanya naming kwarto yung mga gamit namin para nadin makapag-ayos na kami.

“Sorry pala sa kwarto na to ha? Maliit lang kasi, Yung gusto sa kama doon nalang ako kahit sa sahig.” -Nicole

“Ako din kahit sa sahig ang sarap kaya sa sahig.” -Miles

“Bahala kayo basta ako sa kama.” -Irish

“Kung hindi kalang namin kaibigan Irish baka kanina kapa namin nakalbo dahil sa kaartihan mo.” -Jasmine

“Anong sinabi mo?”

“Tama nayan, baka kung saan pa umabot yan.” Saway ko sa kanila.

“Okay sige ang matutulog sa kama si Jasmine at Irish kami nalang nila Dex sa lapag.” -Miles

“Oo ayos lang yon samin.” -Sheena

Hindi na katulad nang dati si Irish, Oo may pagka maarte sya pero nagbago na sya hindi na sya yung dating mapanakit at gumagawa nang gulo.

NATHAN’S POV

“Hoyy gandang reunion nito, Yung First Love, Yung First Boyfriend, Ultimate Crush at First kiss magkakasama ngayon.”

Natigil kaming lahat sa pag-aayos dahil sinabi ni Dave. Nagkatinginan din kaming tatlo, Pero anong sinasabi niyang First kiss?

Binato ko sa kanya yung bag na dala ko mabuti nalang at nasalo nya dahil kung hindi tatama yon sa mukha nya.

“Gusto mo gulpihin kita ngayon?”

“Haha sorry na Boss Nathan, Nag bibiro lang ako.” -Dave

“At anong sinasabi mong First kiss? Ako ang First kiss ni My Loves.”

“Tanungin mo nalang si Tyrone.” -Dave

Napatingin ako kay Tyrone at napakamot sya sa ulo, Mayroon ba akong dapat malaman?

“Ah eh ano kasi yon Nathan,  Dati payon deal lang at sakto si Dex yung nandon at dahil wala akong choice kaya hinalikan ko sya. Atsaka matagal nayon at hindi pa kayo non.” -Tyrone Lumapit ako kay Tyrone at napaatras sya.

“Relax tol di naman ako nagagalit, Kiss lang naman yon atsaka ako naman ang nagwagi sa puso ng My Loves ko.”

“Yan ang gusto sayo Nathan nag matured kana talaga, Hindi na ikaw yung sumusugod kahit hindi alam yung totoo.” -Matthew

“Syempre naman, Di na tayo mga bata kaya dapat kalimutan na natin ang mga bagay na hindi naman dapat.”

“So okay na kayong tatlo?” Biglang tanong ni steve at nagkatinginan ulit kaming tatlo.

“Oo naman,. hindi naman kami nag-away at may kanya kanya nadin kaming mga buhay.” Sagot ni Dan.

“Tama sya, Tapos na yung mga panahon na may Team Bestfriend, Team Crush dahil nanalo na ang Team Pinsan.” -Mark

“Kayo talaga pinag-aaway nyo kami.”

“Hindi naman boss nag-tanong lang.” Maamong sagot ni Dave.

Tapos na ang mga panahon ng pagseselos at pagtatalo naming tatlo, Nakausap kona din naman sila.

…………………..FLASHBACK…………………….

“Anong ginagawa mo dito?”

Nagulat ako ng bigla akong puntahan ni Dan sa office ko.

“Hindi ako nagpunta dito para makipag away I just wanted to talk to you.”

Tumayo ako sa pwesto ko at pinasunod ko sya, Ayoko kasi na mag-uusap kami na may ibang tao na nakakarinig na dapat samin lang.

“Anong sasabihin mo sakin, Pakibilisan nalang dahil may trabaho pa ako.”

“Umuwe ako dito hindi para guluhin kayo ni Dex, Umuwe ako dahil sa Nanay ko,. Umuwe ako para makita yung mga kaibigan ko. Oo mahal ko si Dex pero hanggang doon nalang yon, Hindi ko sisirain kung anong meron Kayo. Sabi nga nila kapag mahal mo ang isang tao hahayaan mo sya na maging masaya. Gusto kolang kunin yung chance nato para mag sorry at sana maging magkakaibigan padin tayo.”

Kahit papano naging kaibigan ko din naman si Dan at alam kong mabuti syang tao nag mahal lang din naman sya.

“Kalimutan na natin ang nakaraan mag focus na tayo sa kung ano tayo ngayon.”

“Salamat Nathan.”

……………END OF FLASHBACK…………….

DEX’S POV

Kinagabihan ay sabay sabay din kaming naghapunan, Ipinagluto kami ng Lola grabe ang sarap nya magluto kaya naparami kami ng kain.

“Tyrone ang sarap magluto ng Lola.” Masaya kong sabi sa kanya.

“Talaga, salamat.” -Tyrone

“Halata nga My Loves, Dami mong nakain eh. Nako tumataba kana pano pa kita mabubuhat nyan?” -Nathan

“Ah ganon? Personalan?”

“Oo nga Dex tumataba ka.” Dagdag pa ni Mark

“Si Nathan kasi kung ano ano pinapakain kay Dex kaya tumataba.” Pang-aasar pa ni Dave.

“Ako tigilan nyo ako, Di ako mataba okay? Kumain na nga kayo.”

“Pero kahit tumaba pa yan si My loves mahal na mahal kopa din yan.”

Hinawakan ni Nathan yung isa kong kamay habang kumakain kami.

“Ayy sana all.” - Dave

Yung mga kaibigan ni Nathan mana din sa kanya, Madalas mang asar pero mas madalas may topak haha.

“Wala padin kayong pinagbagong lahat ang iingay nyo padin.” -Irish

Natahimik kaming lahat kasi nagmaldita na naman sya haha pano kaya sya hinahandle ni Kenji? Sabagay bully din naman si Kenji kaya bagay din talaga sya.

“Ikaw din hindi ka padin nagbabago maldita kapa din, Pero okay lang nasanay din naman kami sayo.” -Jasmine

“Tama na yan kumain nalang tayo.”

Hindi kami madalas magsamasama pero pagnasamasama kami para kaming mga bata na palaging nag-aasaran ang matalo kawawa haha.

Pag-katapos naming kumain ay ako na ang nagpresinta na mag-hugas nang pinagkainan namin, Nakakahiya naman kasi kung iiwan lang namin basta.

“Gusto mo tulungan na kita?” Tumabi sakin si Sheena at nilagay sa lababo yung ibang hugasin.

“Sige kung okay lang sayo.”

“Nakita pala namin si Miles nung nakaraan at kasama nya yung kuya mo.”

“Talaga?  Bakit daw sila magkasama?”

“Parang nagdedate sila eh.”

“Kaharutan talaga ng Miles nayon haha, Pero okay lang yon bagay naman sila ni Kuya.”

“Haha oo nga.”

Nagkwentuha pa kami ni Sheena habang nahuhugas ng plato, Nagsorry din sya sakin sa mga nagawa nya dati sabi ko nalang ayos nayon at wag na natin balikan.

Kinabukasan ay nagyaya si Tyrone na maligo daw kaming ilog, Dahil may ilog daw na malapit dito sa bahay nila.

Naexcite naman kaming lahat kaya ayon dali dali kaming nagpalit.

“Nathan bakit topless ka?” Pagsusungit ko sa kanya.

“Syempre maliligo tayo, Alangan naman mag long sleeve ako tapos pajama?” -Nathan

“Bahala ka nga dyan.”

“Ikaw nga ang ikli ng short mo.” -Nathan

“Short nga diba? May short bang mahaba?”

“Oii kayong dalawa dyan bilisan nyo na.”

Hindi halatang excited si Miles haha.

“My Loves wag kana magalit, Tara na sunod na tayo sa kanila.

// //

“Ang ganda talaga dito may ilog pa.”

“Omg! i am ready! Tara na guys!”

Tumakbo na papuntang ilog si Miles kasama yung iba pa, Si Matthew, Si Tyrone, Si Steve, Si Sheena At si Jasmine.

“My Loves tara na?”

“Sige na Nathan mauna kana susunod nalang ako.”

Sumunod nadin si Nathan kasama si Dan.

“Sigurado ba kayo na malinis dyan? Baka mangati ako.” -Irish

“Babe malinis yan syempre, Hindi naman tayo dadalhin nin Tyrone sa ikakapahamak natin.” - kenji

“Oo nga Irish kaya tara na, Ang sarap kaya.” -Nicole

Ang saya nila pagmasdan, para kaming bumalik sa pagkabata.

“Bakit dika sumama sa kanila? Ayaw moba maligo?” Tanong sakin ni Mark

“Alam mo naman diba? Di ako marunong lumangoy baka imbes na mag enjoy tayo ay masira ko lang.”

“Halika ka nga dito.” Biglang hinawakan ni Mark yung kamay ko at hinila palapit sa kanila.

“Mark sandali lang.”

“Tuturuan kita lumangoy para naman makapag enjoy kadin, Wag ka mag-alala magpapaalam ako kay Nathan.”

Pumunta si Mark sa gawi nila Nathan at kinausap nya ito at ilang saglit lang ay bumalik na sya.

“Okay na pumayag na ang Boyfriend mo.”

“Eh si Sheena?”

“Dex? Wag kang matakot, Bestfriend tayo diba? Atsaka walang malisya to. Ewan ko lang sayo.” -Mark

Hinampas ko nang mahina si Mark.

“Dami mong sinasabi turuan muna ako.”

So ayon na nga tinuruan ako ni Mark ng basic steps (taray noh!?) Para matuto akong lumangoy  At ang lalaki may paghugot pa alam nyo ba sabi nya? Syempre hindi pa, kasi diko pa naman sinasabi haha.

Ang paglangoy daw parang pagpasok sa bagong relasyon, Kailangan mong pakawalan ang lahat ng bigat na nararamdaman mo hanggang sa gumaan ang pakiramdam mo at maging okay  lahat, Dahil kung hindi mo gagawin yon dadalhin ka ng agos sa Hindi tama.

“Mark ang hirap naman diko padin magets, Lumulubog padin ako kahit anong gawin ko.”

“Hay nako Dex mag floating ka aalalayan kita,  kain ka kasi ng kain yan tuloy bumigat ka.” -Mark

“Ah ganon bastusan? “

“Hahaha joke lang ito naman hindi mabiro, Sige na ituloy na natin.”

Hindi ko nalang pinansin si Mark at nagpaturo na ulit ako, Kailangan ko din matuto para naman next time na may magtulak sakin ay hindi nako malulunod.

“Mark tama ba ang ginagawa ko?”

“Oo ganya nga, Ipagpatuloy molang yan sigurado ako mamaya lang magaling kana lumangoy.” -Mark

“Mukhang natututo kana Dex.” Mayamaya ay lumapit samin si Sheena.

“Oo nga eh, magaling kasi instructor ko.”

“Sinabi mo pa haha.”

Binasa ko nalang ng tubig si Mark sa mukha ang yabang kasi eh haha.

“Dyan na nga kayo.”

“Oh san ka pupunta? Dika pa nga tapos eh.” -Mark

“Ayos nayon, Pupunta muna ako kala Nathan. Salamat.”

Natutunan kona naman na ang basic step at kahit papano ay nagagawa konang pagaain ang sarili ko kaya pumunta na ako kala Nathan, Kaya lang nandon sila sa may Dulo at kailangan kong lumangoy para makalapit sa kanila.

So ayon kahit diko pa sure kung kaya ko ay sinubukan ko padin kaya lang mukhang hindi kopa ata kaya dahil nang nasa gitna na ako ay nalunod ako!!!

“ Tulong!!!! “

Ubod lakas kong sigaw kaya napatingin ang lahat sakin. Kita kong agad na lumangoy si Nathan papunta sakin at tinulungan ako.

“My loves!!!”

Hinawakan ako ni Nathan sa bewang at dinala ako sa mababaw na parte.

“My Loves!!??? Ayos kalang ba?????”

“It’s a Prank! Hahahahaha di ako nalunod ni try kolang kung mag-aalala ka.”

Di talaga ako nalunod guys gusto kolang talaga asarin si Nathan kasi nga diba kagabi panay asar nya na tumaba daw ako!

“Bakla ka! Pinag-alala mo kami! Dyan kana nga!”

Nagsibalikan silang lahat sa pag-ligo ng malaman na ayos ako.

“My Loves hindi nakakatuwa yung biro mo, Pinag-alala mo ako.”

“Prank nga diba?”

“Tsk, Akala mo natutuwa ako?” -Nathan

“Galit kana nyan?”

“Oo galit ako. Kaya kailangan pakalmahin mo to.”

“Ha??”

Diko na gets yung sinabi ni Nathan, Basta binuhat nya nalang ako at hindi ko alam kung saan nya ako dadalhin. Kita nyo na? Lakas nh topak nitong lalaki na to.

CHAPTER 27

DEX’S POV

“Nathan bumalik na tayo sa kanila.”

“Saglit lang to My Loves.” -Nathan

“San ba kasi tayo pupunta?”

“Basta My Loves sumunod ka nalang.” -Nathan

“Dimo sasabihin? Sige ka sisigaw ako.”

“At anong isisigaw mo? Na nirirape kita? Haha My Loves baka magising ang mga natutulog na engkanto dito dahil sa lakas ng boses mo.”

“Eh san moba kasi ako dadalhin?”

“Relax kalang pwede?  Wala naman akong gagawin sayo.”

Dahil sa sinabi ni Nathan ay kumalma ako, Magkahawak kamay kaming naglalakad. Minsan talaga hindi ko maintindihan ang mga tumatakbo sa ni Nathan.

///

Habang naglalakad kami ay may nadaanan kaming puno ng mangga na ang daming bunga, Bigla tuloy akong nangasim.

“My Loves ang daming mangga.” Pagpigil ko kay Nathan.

“Hayaan mona yan, may iba tayong pupuntahan.”

“Iiiiihhhhh gusto ko ng mangga, Ikuha mo ako.”

“My Loves naman, buntis kana ba at naglilihi ka?” -Nathan

“Basta ikuha muna ako please kahit mga lima lang.”

“What?! Seriously?! Ganyan kadami? Sigurado kang kaya mong ubusin lahat yon??” - Nathan

“Oo naman, Kaya sige na umakyat kana at ikuha muna ako.”

Hinila ko palapit si Nathan sa puno pero parang ayaw nya.

“My Loves, May pupuntahan pa kasi tayo kaya wag nalang. Hayaan mo kapag balik natin satin ibibili kita ng mangga kahit isang sako pa kain mo lahat. Atsaka hindi ako marunong umakyat ng puno” -Nathan

Ayon! Lumabas na ang totoo di pala marunong umakyat ng puno ang loko hahaha sabagay laking mayaman kasi sya.

“Ngayon ko gusto ng mangga, Ako na ang aakyat kalalaki mong tao dika marunong umakyat ng puno.”

Iniwan ko si Nathan at sinimulan ng akyatin ang puno ng mangga, Bata palang kasi ako sanay na ako umakyat ng puno. Alam nyo naman laking hirap haha ang hindi kolang talaga natutunan ay ang paglangoy.

“My Loves ikaw ang sumalo sa mga makukuha ko.” Sigaw ko sa kanya ng makaakyat na ako.

“My loves baka mahulog ka bumaba kana dyan.”

Hindi kona pinansin si Nathan dahil gusto ko kumain ng mangga ewan koba basta nah cacrave ako hahaha. Nang makita ko ang first target ko ay hindi na ako nagpatumpik tumpik pa agad akong lumapit at pinitas ko ito.

“Nathan saluhin mo!”

Hinagis ko yung mangga kay Nathan kaya lang ang loko iniligan, Ayon nag crack tuloy.

“Sinasalo po yan! Hindi iniiwasan!”

“Tatamaan kaya ako sa mukha!” Napakamot nalang ako sa ulo.

Kumuha nalang ako ng isa pa at muling hinagis kay Nathan kaya lang iniwasan nya padin.

“Kainis ka talaga! saluhin mo!”

“Dahan dahan lang kasi My Loves!”

Kumuha ulit ako ng isa pa at dahan dahan inihagis sa kanya at sa wakas nasalo na nya.

Kumuha ako ng dalawa pa at pagkatapos ay bumaba nadin.

“Ang pangit tuloy nang iba may mga Crack ikaw kasi dika marunong sumalo.”

“Tatama nga kasi sa mukha ko, Baka mamaya masira pa ang gwapo kong mukha.” -Nathan

“At talagang inuna mopa yang mukha mo kesa sa kakainin ko?”

“Relax My loves mangga lang yan, Buntis kana ba? Magiging daddy naba ako?” -Nathan

“Oo 14 months nato kaya umayos ka.” Natawa nalang si Nathan sa naging sagot ko.

“My Loves sigurado ka kaya mo tong ubusin?” -Nathan

“Oo naman, Kukuha ba ako ng hindi ko kaya?”

“Eh mas masarap pa ako dito.” -Nathan

“Nakakain kaba? Nakakabusog kaba? Bitbitin mo yang lahat para naman matuwa ako sayo.”

“Grabe ka talaga sakin My Loves.” -Nathan

“San pala tayo pupunta? At ba’t mo ako binuhat palayo sa kanila?”

“Nagpresinta kasi ako kay Tyrone na ako nalang ang kukuha ng kakainin natin na niluto ng lola nya,. syempre diko naman kaya yon mag-isa kaya niyaya kita.” -Nathan

Talaga tong si Nathan pwede nya naman isama sila Dave, Steve or si Tyrone mismo ako pa talaga ang sinama nya.

MILE’S POV

Ang sarap magtampisaw dito sa ilog, Malamig at malinis pa.

“Hoyy ano ba?! Para kang balyenang nalulunod.”

Okay na sana kaso may biglang asungot na nagsalita,Pero hindi ko nalang sya pinansin at nagtanong nalang ako kay Tyrone.

“San pupunta yung dalawa nayon?” Tanong ko kay Tyrone.

“Bakit inggit ka? Wala ka kasing Jowa.” Sabat nang asungot na Dave. Aba?! Personalan nato? Oo wala akong Jowa!!!!

“Wala kang Friends? Kasi pampam ka eh dika naman kinakausap.”

“Oh ba’t ka napipikon?” -Dave

“Hindi ako napipikon sadyang nakakainis lang yang mukha mo!”

“Talaga lang ha? Kaya pala dati patay na patay ka sa mukhang to? At nagpatulong kapa talaga kay Nathan para sagutin kita?” -Dave

Sa sobrang inis ko ay binasa basa ko sya, Parang ewan ako binabasa ko yung taong basa na haha.

“Hoy ang kapal mo!  Dati yon! At hinding hindi kona uulitin yon!”

“So inamin mo?” -Dave

“Bakit ba kita kinakausap?! Pampagulo kalang dito, Umuwe kana lang kaya.”

“Oyyyy nag aaway sila!” Sabat ni Steve.

Asungot din tong steve nato eh, Mabuti pa si Matthew tahimik lang! Pati si Anthony tahimik lang din sa kanilang limang magkakaibigan si Dave at Steve ang pinaka mapang-asar, Mabuti na nga lang napaamo ni Dex ang Dragon na si Nathan.

“Tigilan mo ako Steve, Kadiri! yuck!”

“Ganda mo din noh? Sa sobrang ganda mo hanggang ngayon wala kapading Boyfriend hahaha.”

Siraulo talaga tong Dave nato! Namemersonal na talaga! bigyan ko kaya ng isang sapak?

“Sorry ka, Pero may Boyfriend na ko!”

“Wow saan sa panaginip mo?” -Dave

“Sige lang asarin mo ako, Pero kapag nakita mo yon baka mamatay ka sa inggit.”

“At bakit naman ako mamatay? Baka mukhang pwet yon hahaha.” -Dave

“Sige tumawa kalang.”

“Tama nayan, Maligo nalang tayo para malamigan ang mga ulo nyo.” Saway samin ni Tyrone.

“Pero san ba kasi pumunta sila Dex?”

“May pinakuha lang ako sa kanila sa bahay pero balik nadin yon.” -Tyrone

“Eh anong pinakuha mo?”

“Yung kakainin natin.”

“Kaya mamaya pagbalik nila Dex kumain kayo ng marami baka gutom lang yan kaya nag-aasaran kayo.” -Nicole

Dina ako masyadong nag-usisa pa kay Tyrone at lumangoy nalang, ayoko na kausap si Dave! kapal ng mukha nya feeling pogi!  Eh mukha namang PAA! Sana pala sinama ko dito si Samuel para matigil sya sa kakaasara sakin.

DAN’S POV

“OH pre ba’t tulala ka dyan? Ang lalim ng iniisip mo, Si Dex na naman bayan?” Tanong sakin ni Kenji.

“Natutuwa lang ako kasi nagkasama sama ulit tayo, At syempre masaya ako na nakikitang masasaya ang mga kaibigan ko.”

“Pero ikaw masaya kaba?  Na yung taong mahal mo ay sa iba sumasaya?” -Kenji

“Ano bang klaseng tanong yan? Oo naman masaya ako. Sa haba ng panahon na realize ko din na hindi talaga kami para sa isa’t isa na sadyang pinagtagpo lang kami para maging magkaibigan.”

“Pre nag matured kana talaga, Yan ba ang epekto ng pagpunta mo sa ibang bansa?” -Kenji

“Haha parang ganon na nga,. kasi habang nandon ako paulit ulit kong tinatanong na.  Ano ba talaga ang dapat kong gawin?  Magpatuloy o tumigil nalang kasi umaasa padin ako na baka mahalin nya ako.”

“Humanap ka nalang nang iba, Hindi si Dex ang para sayo pinapaasa at sinasaktan mo lang sarili mo. Pero nandito tayo to relax and enjoy hindi para sa mga kadramahan nyo kaya please lang kung mag-uusap kayo ng mga ganyan, wag ngayon.” -Irish

Si Irish kilalang maldita yan pero nung lalo pa namin syang nakilala ay mabait din naman pala sya hindi nya lang maipakita dahil maldita na ang tingin ng karamihan sa kanya.

May point din naman sya nandito kami para mag enjoy kaya dapat ang mga problemang hindi naman dapat pinoproblema at matagal ng nabigyan ng kasagutan ay dapat ipag santabi muna.

DEX’S POV

“Kayo ba ang kukuha ng mga niluto ko?” Tanong sakin ni Lola ng makabalik kami dito sa bahay nila.

“Opo kami po.”

“Sige,. Naihanda kona yon kunin nyo nalang.”

“Salamat po.”

“My loves yung mga mangga mo iwan ko nalang dito.” -Nathan

“Oo iwan mo nalang.”

“Magkasintahan ba kayo?”

Taray ni Lola noh?! Ngayon ko nalang ulit narinig ang salitang magkasintahan haha sa mga panahon kasi ang madalas kong nariring, Jowa, Bebe mga ganon.

“Ah eh opo.”

“Matagal naba kayo?” Muling tanong nila Lola sakin.

“O-opo matagal na.”

“Nakakatuwa naman kayo, Akala ko walang nagtatagal na relasyon kapag pareho kayo nang kasarian. May mga kaibigan din kasi na katulad mo noong kabataan ko, At alam moba madalas silang umiiyak at naiiwang nasasaktan dahil minahal lang pala sila dahil sa pera, Pinakisamahan lang pala sila dahil may naibibigay sila.”

Ganyan ang tingin ng karamihan ng tao sa aming mga bakla na kapag may kasamang lalaki piniperahan na agad. Kasi ayan ang nakamulatan ng lahat, ang lalaki nakikisama lang sa bakla dahil may kailangan pero hindi ibig sabihin nito ay Mahal nya ito.

“Iba po si Nathan, Mahal nya ako, mahal ko dn sya. Mahal na mahal po namin ang isat-isa at naniniwala padin po ako na marami pading lalaki na gustong magmahal ng mga kagaya ko kaya lang natatakot lang sila mahusgahan ng mga taong sarado ang pag-iisip.”

Ngumiti lang si Lola sa mga sinabi ko sana dumating yung pagkakataon na pwede nating mahalin ang isang tao na hindi tayo nahuhusgahan.

/////

Pagkatapos naming kunin yung pagkain ay nagpaalam na din kami agad baka gutom na kasi ang mga kasama namin haha.

Si nathan nagdala ng kain at ulam syempre ako nagdala sa mga magagaan, Plato, Baso etc.

Pagbalik namin ay masaya pa silang naliligong lahat.

“Kainan na!!!!  Umahon na kayo dyan!!”

Sigaw ko sa kanilang lahat, at sabay sabay silang napalingon.

“My Loves grabe ka ha? Napalingon mo silang lahat sa lakas ng boses mo.” -Nathan

Hindi ko nalang pinansin si Nathan dahil aasarin na naman nya ako.

“Mga gutom lang yan haha.”

Umahon silang lahat at pumunta samin ni Nathan. Mabuti nalang at merong maliit na kubo malapit sa pinagliguan namin kaya maayos ang kakainan namin.

Kanya kanya silang sandok, Hindi halatang nagutom kakalangoy.

“Nakakagutom din palang lumangoy.” -Miles

“Nako ang sabihin mo matakaw kalang talaga.” -Dave

“Hehe nakakatuwa yon? “ -Miles

“Kayong dalawa kanina pa kayo nag-aaway para kayong mga aso’t pusa,. Baka kayo ang magkatuluyan nyan.” Saway ni Jasmine sa kanila.

“Nako di baleng mamatay akong single kesa makatuluyan ang lalaking kukang sa aruga.” -Miles

“Bakit tinanong modin ba ako kung gusto kita?” -Dave

“Kapag di kayo tumigil na dalawa hindi ko kayo papakainin.”

Tumahimik silang dalawa at kumain nalang, Masaya naming pinagsaluhan yung pagkaing niluto ng Lola ni Tyrone para samin.

At pagkatapo ng kainan ay kanya kanya silang turuan kung sino ang magliligpit pero nag presinga si Sheena na sya nalang daw para naman may maitulong sya. Nagpahinga lang kami ng mga ilang minuto pagkatapos ay lumusong ulit sa ilog.

“My Loves turuan mo nga akong sumisid.” Sabi ko kay Nathan.

“Diba marunong kana? Ang galing mo nga eh.” -Nathan

Seryoso akong nagsasabi dito sa lalaking to pero mukhang iba yung sagot nya.

“Ah ganon sige kay Mark nalang ako magpapaturo baka mas magaling sya.”

Pupunta na sana ako kay Mark pero hinila ako palapit ni Nathan at niyakap ako.

“Dito kalang, Akin kalang. Ako ang magtuturo.”

Malamig yung tubig pero parang biglang uminit yung katawan ko dahil sa sinabi nyang yon.

Kahit matagal na kami ni Nathan sobrang kinikilig padin ako sa mga banat nya kaya lang diko masyadong pinapahalata alam nyo naman dalagang Pilinina Yeh!

CHAPTER 28

DEX’S POV

“Uii be pahingi ako.”

Biglang kinuha ni Miles yung isang manggang babalatan ko.

“Akin yan, kumuha ka nalang nang sayo.”

“Ay ano buntis Lang? Naglilihi? Ang dami kaya nyan dimo mauubos yan.”

“Mauubos ko kaya.”

“Isa lang naman, grabe ka.” -Miles

“Oo na sige na umalis kana.”

Pinaalis ko muna si Miles dahil baka kumuha pasya at wala nang matira sakin haha.

“Hi Dex? Mukhang masarap yan ha? Saan galing yan?” -Jasmine

“Sa puno, Haha charot! Kinuha ko to kanina may nadaanan kasi kaming puno ng mangga.”

“Ikaw ang kumuha?” Takang tanong ni Jasmine sakin.

“Oo, Alam mo naman si Nathan laking mayaman kaya di marunong umakyat. Hagdan lang kaya nya haha.”

“Sana maulit ulit tong bonding natin nato.” -Jasmine

“Oo nga eh, Parang bumalik ulit ako sa pagkabata.”

“Sinabi mopa, Lalo na si Miles at Dave nako baka sila magkatuluyan.” -Jasmine

Para sakin kahit sino ang makatuluyan ni Miles, Pero syempre gusto ko yung mamahalin at ipagtanggol din sya.

Mabait naman si Dave madalas nga lang mapang-asar at si Kuya Sam naman masyadong tahimik nako baka maunahan pa sya.

“Kamusta na pala si Ana? Wala na kasi akong balita sa kanya.” Pag-iibako sa usapan.

“Ayon busy sa work, pero sabi nya uuwe din sya dito.” -jasmine

“Sabihin mo ako kapag nakabalik na sya para naman madalaw namin sya ni Nathan.”

“Sige sasabihin ko sa kanya.”

////

Kinagabihan ay nagkakayaan silang mag-inom dahil bukas ng tanghali ay uuwe na kami, Hindi kasi kami pwede magtagal lahat dahil meron pang trabaho ang iba at sila Mark at Tyrone may mga anak na dapat balikan.

“Dex tagay ka kahit Isa lang.” Pangtutukso ni Dave sakin.

“Hoy wag mo nga turuan ang kaibigan ko nang mga kasamaan mo.” Sabat ni Miles

“Inggit kalang kasi walang nag-aaya sayo.” -Dave

“Ayan na naman kayong dalawa, Salamat nalang Dave pero ayaw ko talaga.”

Nagpaalam muna ako sa kanila na lalabas para magpahangin pag dating ko sa labas ay Napayakap ako sa sarili ko dahil sa sobrang lamig na ihip ng hangin.

“Ang lamig dito noh?”

“Oh Dan? Bakit lumabas ka?”

“Wala kasi akong gana uminom.” -Dan

“Ganon ba?”

Hindi ko talaga alam kung paano kakausapin si Dan ng maayos, Medyo naiilang padin ako sa kanya.

“Kamusta naman ang pagiging Montes mo?” -Dan

“Masaya dahil nakilala kona yung totoo kong Pamilya, Pero ang hirap pala noh? Yung sa tagal ng panahon na wala ka, nasanay sila na sila-sila lang ang magkakasama.”

“Bakit hindi kaba nila Tanggap?” -Dan

“Tanggap naman, kaya lang ang hirap makibagay kasi iba yung klase ng pamumuhay na meron sila.”

“Nabalitaan ko pala yung nangyaring gulo sa Birthday ni Tita aurora.” -Dan

“Yun ba? Wala yon, Medyo hindi lang kami nagkaintindihan ni Andrea.”

“Kilala kita Dex, Hindi ka lalaban kung hindi ka sinaktan.” -Dan

“Pinilit ko naman umiwas at wag pansinin si Andrea pero hindi ko kasi matake yung mga sinasabi nya sakin.”

“Alam kong hindi ka nagsisimula ng away, Kaya mas paniniwalaan kita.” -Dan

“Salamat Dan, Pero maiba tayo pano nga pala kayo nagkakilala ng pamilya ko?”

“Yung daddy mo at Papa ko ay magkaibigan, Actually yung Daddy mo ang tumulong sakin para makapagtrabaho sa ibang bansa pero hindi kopa naman alam na sya yung daddy mo that time.” -Dan

“Grabe noh? Ang liit talaga ng mundo”

“At alam moba? Nung nasa tyan palang tayo ng mga nanay natin ay pinagkakasundo na tayo? Kapag daw babae at lalaki ang mga anak nila ay ipapakasal nila pagnasa legal age na, Kaya lang pareho tayo ng kasarian.” -Dan

Wow grabe pala, Nasa tyan palang ako pero nakaready na ako ipakasal haha.

“Kaya pala gumawa ng paraan ang tadhana para maging magkaibigan nalang tayo.”

“Kasi si Nathan talaga ang para sayo at ako? Itinadhana lang na mahalin ka at hindi magiging sayo. Pero Tanggap kona yon, Masaya na ako para sa inyo ni Nathan.” -Dan

“Salamat Dan, Sana mahanap modin ang taong para sayo, Yung taong mamahalin ka ng buong-buo at kayang ibalik yung pagmamahal na kaya mong ibigay.”

Kahit papano ay naging magaan ang loob ko dahil sa naging pag-uusap namin ni Dan at malinaw na samin na magkaibigan lang kami at wala nang hihigit padon.

Pagkatapos naming mag-usap ay sabay na kaming bumalik sa loob para tingnan pa yung iba naming mga kaibigan.

“My Loves nag-usap naba kayo ng maayos?”

Agad na tanong sakin ni Nathan pagkatabi ko sa kanya.

“Oo, Pano mo nalaman?”

“Syempre pagkalabas mo ay lumabas din si Dan kaya alam kong nag-usap Kayo.” -Nathan

“Okay na, na clear na namin na magkaibigan lang kami.”

“Nathan yung tagay mo kanina pa, Ano ikaw lang iinom? Paikot yan tol hindi one is to one.”

Biglang basag ni Steve sa usapan namin. Sinamaan sya ng tingin ni Natha at tinagay na yung inumin nya.

Pinanood kolang sila na mag-inom hanggang sa may mga Tama na sila, Lt pala kapag kasama mo sa inuman ang mga kaibigan mo although hindi ako umiinom ag daldal nila grabe at nag eenglishan na kaya lang wala silang binatba’t kay Nathan at Irish hahaha.

NATHAN’S POV

Nagising nalang ako dahil sa sikat nang araw na tumatama sa mukha ko at may napansin akong may mabigat na nakapatong sakin, Si My Loves tulog na tulog at nakayakap sakin.

“My Loves?? Anong nangyari kagabi? Pano ako napunta dito?”

Nakahiga kami ni My Loves sa kama habang sila Dan, Steve, Dave, Matthew at Anthony ay nasa lapag at mahimbing na natutulog.

“Nalasing kalang naman, Mabuti nalang at hindi ako umiinom kaya nadala kita ng maayos dito.”

“Asan yung iba???”

“Nandon sa kabilang kwarto.” -Dex

Napatingin ako sa sarili ko at wala akong damit tapos naka boxer nako.

“My Loves bakit ito lang ang suot ko?”

“Nasukahan mo kasi kagabi kaya hinubad ko hindi naman kita mabihisan kasi ang bigat mo.” -Dex

“Yung totoo My Loves? Baka sinamantala mo ang kalasingan ko ha?”

“Ang kapal mo! Kahit i check mopa Hindi kita ginalaw! Walang bawas yang ano mo!” -Dex

“Ang alin ang walang bawas My Loves?”

“Matulog kana nga lang ulit!” -Dex

Kahit masakit ang ulo ko ay napapangiti padin dahil sa mga reaksyon ni My Loves.

“Oyy ano ba ang ingayo nyo!  matulog muna kayo!” Saway ni Dave samin habang kumakamot sa ulo. Buhusan ko kaya to ng tubig para magising?

DEX’S POV

Tangghali na nang magkakayayaan na kaming umuwe para hindi kami abutin ng gabi.

At dahil iba-iba kami ng inuuwian ay naunag bumaba sila Dave, Steve, Matthew at Anthony.

Sumunod si Jasmine, Kenji at Dan. Sunod na bumaba sila Mark, Sheena at Miles.

Kaya kasabay namin ni Nathan si Irish dahil iisa lang ang way na uuwian namin.

“Gusto nyo kumain muna? May alam akong masarap nakainan dito.”

“Talaga? Sige ba.”

Sumama kami ni Nathan kay Irish at habang naglalakad ay nagtatawanan kami dahil si Nathan panay ang loko kay Irish dahil bumait na ito.

“Tingnan mo nga naman, May paiyak-iyak kapa dahil sa nangyari kay Mommy tapos eto  ka ngayon ang saya-saya mo.”

Napahinto kaming tatlo dahil hinarang kami ni Andrea,. talagang pinagtatagpo kami para mag-away.

“Andrea mali ka nang iniisip.”

“Paanong mali? Kitang kita kana nga magsisinungaling kapa.” -Andrea

“Bakit masama naba maging masaya kapag kasama anb kaibigan? O ang Boyfriend? Andrea Hindi ko alam kung bakit haggang ngayon ang kitid ng utak mo.”

“Anong sabi mo?!” -Andrea

“Ikaw ang nagsimula ng gulo sa Party, Nananahimik kami pero ikaw tong nanguna. Pinagtanggol kolang ang sarili ko.”

“Kung hindi ka pumunta sa Party hindi sana magkakagulo.” -Andrea

“Montes din ako, Ate. Hindi lang ikaw ang anak ni Mommy at Daddy kaya hindi ikaw ang magdidikta sakin.”

“Ang kapal talaga ng mukha mo.”

Sasampalin na sana ako ni Andrea pero may sumalag sa kamay nya.

“Hindi kita kilala at Wala akong balak na makilala ka pero mali ang ginawa mo sa kaibigan ko.” -Irish

“Sino kabang pakialamera ka? Bakit ka nakikialam?” -Andrea

“Bingi kaba? Ang sabi ko kaibigan ako ni Dex at kung talagang magkapatid kayo ni Dex at ate ka nya diba ikaw dapat ang unang nagtatanggol sa kanya? Pero sa nakikita ko ikaw pa ang nananakit sa kanya.” -Irish

“Bitawan mo nga ako! Nasasaktan na ako!” -Andrea

Gusto ko man silang awatin pero pinigilan ako ni Nathan.

“Talagang masasaktan ka kapag dimo tatantanan si Dex, Kung hindi lalaban si Dex? Pwes ako ang subukan mo nang magkaalaman kung hanggang saan aabot yang sungay mo!” -Irish

“Hindi moba ako nakikilala??  I am! Andrea Montes!”. -Andrea

“Wala akong pakialam kung sino ka at kung anong pangalang meron ka. Ako si Irish at itong pangalan nato ang dapat mong tandaan dahil kayang kaya kong tapatan ang pagiging maldita mo! At baka Hindi lang, Baka nga lagpasan kopa!” -Irish

Pagkatapos nyang sabihin yon ay itinulak nya si Andrea at niyaya nya kaming lumabas.

“Irish salamat.”

“Maliit na bagay Dex, Kulang pa yung nagawa ko bilang kabayaran sa mga nagawa ko sayo dati.” -Irish

“Irish wala nayon, Matagal ng tapos yon. Magkaibigan na nga tayo diba?”

“Matagal kana bang ginaganon ng ate mo?” -Irish

“Madalas mainit ang ulo nya sakin pero hindi nya naman ako madalas sinasaktan.”

“Pero sinasaktan kapa din nya, Bakit dimo sya isumbong sa Mommy at Daddy mo? Hindi tama ang ginagawa nya sayo.” -Irish

“Sinusubukan ko namang kausapin si Andrea, Kaya lang.”

“Kaya lang ano? Ayaw nya pa din? Alam mo this time hindi ako magiging mabait sayo, Gusto kong sabihin sayo na hindi kapa din nagbabago napakahina mo padin, Hinahayaan mo padin na sinasaktan ka ng ibang tao dahil naniniwala ka na pwede pa silang magbago.” -Irish

“At ayon nga ang nangyari sayo diba? Kahit sinasaktan mo ako, Kahit lagi mo akong inaapi ay hindi padin ako tumigil na umasa na balang araw na magiging magkaibigan tayong dalawa.”

“Kaya nga nagpapasalamat ako sayo, Dahil sayo maraming nagbago sakin natuto akong mag appreciate ng mga maliliit na bagay at higit sa lahat natuto akong makipag kaibigan. Pero sana may natutunan kadin sakin, Yun ang matuto kang ipagtanggol ang sarili mo dahil hindi sa lahat ng oras nandito kami sa tabi mo.”

Nag-iba na nga talaga si Irish sa loob ng mahabang panahon dahil lahat ng sinasabi nya ay may laman at talagang tatatak.

“Hayaan mo, susundin ko lahat ang mga sinabi mo.”

Niyakap ko nang mahigpit si Irish at ganon din sya sakin.

“Sorry pala dahil naudlot yung dapat na pagkain natin.”

“It’s okay marami pa namang next time.” -Irish

“Hayaan mo babawi ako sa susunod.”

“Pano Dex mauna na ako, Magkaiba tayo ng way eh. See you next time and Nathan? Bantayan mo tong kaibigan ko, Kapag nalaman kolang na nasaktan ulit sya lagot ka sakin.” -Irish

“Oo naman akong bahala sa My Loves ko.”

Umakbay sakin si Nathan at sabay kaming nagpaalam kay Irish.

“Nathan ang bigat mo alisin mo yung kamay mo.”

“My Loves doon na muna tayo dumoretso samin, Magluluto daw si Mommy para satin.”

“Wow talaga? Sige tara na.”

Hinila kona si Nathan para maghanap ng masasakyan papunta sa kanila, Wala kasi syang dalang sariling sasakyan kaya eto magcocomute kami. .

////

Pagdating namin sa bahay nila Nathan ay masaya kaming sinalubong ni Ate Erna.

“Dex kamusta kana? Mabuti napadalaw ka.”

“Okay lang naman po, Ganon padin maganda hahaha.” Pabiro kong sagot sa kanya.

“Ito Talagang bata nato palabiro.”

“Ate?! Grabe ka sakin di naman ako nagbibiro.”

“Ah ate Erna nandyan napo ba sila Mommg at Daddy?” Biglang singit ni Nathan

“Opo Sir, Kanina pa nandon po sila ngayon sa kanilang kwarto.”

“Ate Erna patulong naman kami na dalhin to sa kwarta namin.” -Nathan

“Sige po sir.”

Binigay ni Nathan kay ate Erna yung mga gamit namin.

“Dex??”

Isang Pamilyar na boses ang muli kong narinig.

“Alexandra!???”

Lumapit sya sakin at niyakap ako ng mahigpit.

“Akala ko hindi kana pupunta dito eh.” -Alex

“Medyo naging busy lang ako kaya hindi ako masydo nakakadalw dito.”

“Ganon ba? Kamusta ka naman?” -alex

“Eto nakipag bonding kami sa mga kaibigan namin,. medyo nakakapagod nga din ang byahe.”

“Edi magpahinga na muna kayo, mukha kana ngang pagod. mamaya nalang ulit tayo mag-usap.” -Alex

“Sige akyat na muna kami ni Nathan sa taas.”

.

Pagkapasok na pagkapasok ko sa kwarto ni Nathan ay humiga agad ako sa kama, Grabe napagod ako.

“My Loves dika ba magpapalit?”

“Mamaya nalang siguro, Tinatamad pa ako eh. Bakit mabaho naba ako?”

“Hindi naman.”

Humiga sa Tabi ko si Nathan at niyakap ako.

“Masaya kana ba My Loves?” Napalingon ako kay Nathan sabay ngiti.

“Nathan salamat, Kasi sa kabila ng mga di magagandang nangyari sakin dimo padin ako iniwan. Lagi kapa din nandyan sa tabi ko. Salamat sa lahat ng effort mo para mapasaya ako.’

“Syempre gagawin ko lahat para sa My Loves ko”

Paulit-ulit ako magpapasalamat sa May kapal dahil binigyan nya ako ng isang tulad ni Nathan, Na minahal at tinanggap ako sa kabila ng katauhan na meron ako.

CHAPTER 29

ANDREA’S POV

“Ma’am Andrea may bisita po kayo.”

“Sino naman?” Irita kong sagot, Nasakalagitnaan kasi ako nang pagchecheck ng mga reports ko kung okay lang ba tapos may biglang sisingit.

“Ako”

Hindi ko napigilan ang pag-init ng ulo ng makita ko si Andrew.

“Katheryn?! Diba ang sabi ko sayo wag na wag nyong papapasukin ang lalaki nayan? Bakit nandito sya?”

“Ma’am sorry po, Nagpumilit po kasi sya at ang sabi nya magwawala daw po sya ayaw ko naman po na maeskandalo kayo.”

“At sasagot kapa?!  You’re fired??!!”

“Pero Ma’am???”

“Bingi kaba? O baka naman gusto mo ipakaladkad pa kita sa mga guards?”

“Andrea wala syang kasalanan, Ako ang nagpumilit na pumasok dito.” -Andrew

“Anong ginagawa mo dito?! Umalis kana.”

“Bakit masama naba puntahan ang ex girlfriend ko?”

“Pwede ba Andrew sabihin mona ang gusto mong sabihin dahil marami pa akong gagawin.”

“Just give me 10 minutes, Para masabi ko sayo ang mga dapat kopang sabihin.” -Andrew

“Tapos na tayo diba? So ibig sabihin wala kanang dapat pang sabihin at wala na tayong pakialam sa isat-isa.”

“Please Andrea, 10 minutes lang hinihiling ko  sayo.” -Andrew

“Okay Fine”

Tinigil ko muna ang ginagawa ko at binalin ang atensyon ko sa kanya kasi kung hindi ko naman gagawin yon ay hindi nya din ako tatantanan at baka marinig pa kami ng mga empleyado dito sa kompanya.

“You timer starts now.”

“Andrea I still loved you. Ano bang nangyari sating dalawa? Wala namang Third Party diba? Wala naman akong nagawang mali sayo. Kaya paulit ulit kong tinatanong ang sarili ko kung bakit? Bakit kailangan tapusin ang kung anong meron tayo?” -Andrew

“Yan lang ba ang sasabihin mo? You’re Just wasted my time. Alam mo kasi Andrew nagsasawa na ako sayo, Yon lang.”

“Bakit ba parang andali sayo sabihin yan? Parang hindi mo ako minahal, O minahal moba talaga ako in the first place?” -Andrew

“Alam mong minahal kita, alam mong mahal kita.” Mariing sagot ko sa kanya.

“Then why did you choose to end our relationship?!” -Andrew

“Gusto mo talaga malaman ang totoo?!”

“Yes! Para hindi ako nagtatanong sa sarili ko kung anong mali sakin! Kung anong kulang sakin!” -Andrew

“Ako ang may mali! Ako ang may kulang! Sa mga nakalipas na mga araw na realize ko na hindi ko deserve yung pagmamahal mo at hindi moko deserve, Kasi hindi ko magawang  mahalin ang sarili ko! Dahil kahit anong gawin sinisisi ko ang sarili ko kung bakit nasira ang pamilya ko! kung bakit bawala ang kapatid ko!”

Hindi kona napigilan ang sarili ko at nailabas kona ang sama ng loob ko mabuti nalang at naka lock yung pinto at walang makakakita sa mga nangyari.

Magsasalita pa sana ako pero bigla akong niyakap ni Andrew at dahil sa yakap nayon ay parang nawala lahat nang sakit.

“Hindi ka nag-iisa, Nandito ako. At hindi mo kailangan makipaghiwalay sakin, Pwede naman natin magkasamang harapin ang mga bagay na pinoproblema mo.” -Andrew

“Sorry Andrew.”

Yan lang ang salitang lumabas sa bibig ko at pagkatapos ay hinalikan na nya ako, Hindi ko sya pinigilan sa halik nayon at gumanti din ako. Mahal ko si Andrew at magulo lang isip ko that time kaya ako nakipaghiwalay sa kanya isabay ba ang biglang pagsulpot ni Dex kaya sobrang naguluhan ako.

“Ang ibig ba sabihin nito ay tayo na ulit?” Nakangiting tanong sakin ni Andrew.

“Hindi padin. Dapat ligawan mo ako ulit hanggang sa mapasagot mo ako.”

“Sige ba.” -Andrew

“Ah eh Andrew, Pero bago yon Kailangan ko muna ayusin ang gulo sa Pamilya ko.”

“Handa naman akong maghintay ulit, Pero sana mapatawad mo din ang sarili mo at maging okay na kayong lahat lalong lalo na nang kapatid mo.” -Andrew

“Kung si Dex ang tinutukoy mo mukhang malabo atang mangyari yan, madami nang away ang nangyari saming dalawa.”

“Mabait naman si Dex, Kahit saglit kolang syang nakilala.” -Andrew

“Bakit ba lahat kayo ganyan ang tingin sa kanya?”

“Hindi ko alam ang buong kwento pero isa lang masasabi ko, Magkapatid kayo at dapat magkasundo kayo. Magkakampi kayo at hindi magkaaway.” -Andrew

“Sana nga ganon lang kadali ang sinasabi mo.”

Sa toto lang kung bakit ang hirap para sakin na tanggapin si Dex? Dahil natatakot ako na maetyapwera ulit, Na yung katiting na atensyon na meron ang Pamilya ko sakin ay baka mawala pa. Dahil lahat sila bukang bibig ay si Dex, Lagi nalang si Dex.

DEX’ POV

“My Loves naalala kolang Yung sinabi mo sakin dati na kapag magsasarili tayo ng bahay ay doon tayo titira sa bago nating bahay? Kaya bakit kaba nagpagawa ng bago? Sayang lang sa pera.”

Magkatabi kami ngayon ni Nathan sa kwarto nya habang nasakabila ko si Baby Nathan (Yung Teddy Bear)

“Masyadong malaki yon para satin, Baka hindi tayo magkakitaan My Loves.” -Nathan

“Kahit na sayang yung perang ginastos mo.”

“Akala koba nagustuhan mo yon? Bakit parang ayaw mo?”

“Hindi naman sa ganon, Naisip kolang na pwede sana madagdag yung pera nayon kunh gusto natin magpakasal balang araw.”

“Kaya nga ako nagtatrabaho diba? Para satin lahat ng ginagawa ko.” -Nathan

“Magtrabaho nadin kaya ako? Sayang naman kasi ang natapos ko kung hindi ako magtatrabaho.”

“Diba may business kayo?” -Nathan

“Oo pero gusto ko naman maiba.”

“Sa company namin? Or sa company ng pamilya nyo?” -Nathan

“Alam mo ang galing mo!”

Bakit bakit ba hindi ko naisip yon? Pwede akong pumasok kala tito Greg o di naman kaya kala Daddy.

Yung business namin kasi hahayaan kona sila Mama at Papa ang mamahala, Sila naman talaga ang dahilan kung bakit lumago yon.

“Sabi ko naman sayo magaling ako mag-isip kaya kung may itatanong ka sakin molang tanungin.” -Nathan

“Alam mo napuri kalang ng kaonti lumaki na agad yung ulo mo.”

“Ulo saan My Loves?” -Nathan

“Nakakatawa yan?”

Minsan talaga may pagka baliw mag-isip si Nathan, Ay mali ako madalas pala! Pero tinatanggap ko nalang kasi Mahal ko sya. Diba nga may kasabihan na kapag mahal mo ang isang tao tatanggapin mo ang lahat sa kanya, So ayon tinanggap ko sya kahit mahirap Haha charot lang!

“Ano My Loves? Sabihin molang sakin kung gusto mo ng work para masabihan ko sila Daddy.” -Nathan

“Hindi My Loves, Doon nalang siguro ako kala Daddy. Ayaw ko kasi na magkasama tayo sa iisang trabaho alam mo naman? Lahat issue baka sabihin pa ng ibang nandon na kaya ko nakuha o nakapasok don ay dahil sa boyfriend ko ang anak ng may ari don atsaka kapag magkasama tayo hindi ako makakalandi.” Pabiro kong sabi sa kanya.

“So may balak kang lumandi? Subukan molang My Loves baka mapatay ko kung sino ang lalaking lalapit sayo.” -Nathan

“Hoy ang OA mo! patay agad? Lalapit lang sakin? Pano kung nagtanong lang?”

“Yung seryoso kasi My Loves, Mapapaisip tuloy ako kapag di tayo magkasama at nagtatrabaho kana.” -Nathan

“Wag ka ngang Paranoid okay? Ako lang to, Yan kasi napunta ka sa isang Dyosa tapos matatakot ka maagawan.”

Medyo gandang ganda ako sa sarili sa part nato haha ang sarap lang kasi asarin ni Nathan pikunin, Pero mas pikunin ako.

“Basta My Loves, Promise mo hindi ka titingin sa iba.” -Nathan

“Sorry Nathan mukhang hindi ko maipapangako yan.” Seryoso kong sagot sa kanya.

“Ha? Bakit naman?”

“Kasi kung hindi ako lilingon baka madapa ako hahahahaha.”

Napahagulgol ako sa kakatawa haha ewan koba ang lakas ng tama ko ngayon at si Nathan ang napagbalinga ko.

Naluha na ako sa kakatawa at napahawak nadin sa tyan.

“Walang nakakatawa My Loves.” -Nathan

“Hahahahaha Sorry na hahaha.”

“Gusto mo talagang magahasa?!”

Bumangon si Nathan at pumatong sakin sabay hawak sa magkabilang kamay ko.

“Oyy Nathan biro nga lang.”

“Bahala ka My Loves.” -Nathan

Nagpupumiglas ako pero mas malakas sakin si Nathan at parang hinihigop ng mga titig nga ang ahat ng lakas ko. Kaya pumikit nalang ako at niready ko ang sarili ko sa mga RATED SPG na mangyayari.

Pero ilang segundo ang lumipas at hindi gumagalaw si Nathan kaya dinilat kona ang mga mata ko.

“Hahahahahaha si My Loves gusto din haha.”

Ngayon si Nathan naman ang tawa ng tawa mukhang na goyo nya ako don ah!!

“Nakakatawa yon?”

Sa inis ko kay Nathan at tumayo ako at sinamaan ko sya ng tingin.

“My Loves san ka pupunta?” Tanong nya sakin.

“Uuwe na ako.” Inis kong sagot sa kanya.

“Si My Loves naman napikon agad, Gusto mo ituloy na natin TSK.  Halika na ituloy na natin.” -Nathan

“Ituloy mo mukha mo!”

Naglakad na ako papalabas sa kwarto ni Nathan pero tumayo sya at hinabol ako hindi paman ako nakakarating ng pintuan ay nayakap na nya ako.

“Pikunin naman ni My Loves.”

“Kaasar ka kasi.”

“Pwede naman natin ituloy, Ano gusto mo ba?”

Maya-maya ay may biglang pumasok. Medyo nagulat ako kasi nakayakap pa sakin si Nathan. Hindi ba namin naisara ang pinto kanina?

“A-alex??  Bakit may kailangan ka??”

“Tawag na kasi kayo nila Sir Greg sa baba. Sorry bigla nalang akong pumasok, Hindi kasi naka lock kaya ayon dumiretso na ako diko naman kasi alam na may ginagawa kayo.” -Alex

“Wala naman kaming ginagawa, Susunod na kami pakisabi nalang kala Tito bababa nadin kami.”

Tumango lang si Alexandra at bumaba nadin.

“My Loves muntik na tayo don ah”

“Hindi mo kasi ni Lock Yung pinto. Tara na nga bumaba na tayo at nag-aantay na ang mommy at daddy mo.”

Nauna akong bumaba kay Nathan pero sumunod naman agad sya. Pagdating namin sa ibaba ay ang daming nakahandang pagkain akala mo may Party.

“Tita ano pong meron? Bakit ang daming pagkain?”

“Wala naman, Masaya lang ako kasi nandito ka.”

“Ganon po ba.”

“Sige na umupo na kayo para naman matikman nyo lahat ng pinaluto ko.” -Tita

“Kamusta naman Dex? Balita ko doon kana daw nakatira sa totoo mong Pamilya ngayon.” -Tito

“Opo doon po ako tumira pero bumalik po ulit ako samin ngayon.”

“Ha? Bakit naman?? May nangyari ba?” biglang singit ni Tita

“Meron lang pong hindi pagkakaintindihan pero babalik din naman po ako sa kanila kapag okay na ang lahat.”

“Ganyan talaga ang Pamilya maraming Hindi pagkakaintindihan pero in the of the day sila sila padin ang magtutulungan. Si Marivick kamusta na? Sigurado ako na masaya sya dahil nakabalik kana ulit.” -Tita

“Opo sobrang saya po nya, Pati din po ako masaya dahil nakasama ko ulit sila.”

“Ikaw Nathan kamusta sa work mo? Ayos naman ba?” Tanong ni Tito kay Nathan

“Oo Dad okay naman.”

“Goo. Pero ano itong nalaman ko sa Mommy na umuwe ka daw ng lasing na lasing dito?”

“Yun ba dad? Nagkayayaan lang kami ng mga ka workmates ko na uminom ng konti.” -Nathan

“Konti Daw, Kaya pala muntik na syang magalaw ng babae” pabulong kong sabi.

“May sinasabi ka Dex?”

“Wala naman po Tito sige po kausapin nyo lang si Nathan.”

“Mommy, Daddy may gusto po sana akong sabihin sa inyo.”

“Ano yon anak?” -Tita

“Gusto kopong pakasalan si Dex.”

Nagulat ako sa sinabi ni Nathan hindi ko akalain na sasabihin nya yon kala Tito Greg.

“Talaga anak? Nako nakakatuwa naman kayong dalawa.” -Tita

“Alam nyong dito satin hindi pinapahintulutan ang mga bagay na ganya.” -Tito

“Kung hindi dito edi sa ibang bansa kahit saan man kami abutin ay papakasalan ko sya.” -Nathan

“Masyadong mahaba at matagal na proseso ang gusto mong mangyari Nathan. Hindi paba sapat na magkasama kayo?”

“Handa kaming maghintay kahit gaano ma katagal, Hindi naman kami nagmamadali.”

Hinayaan ko nalang silang mag-salita dahil alam ko naman na kayang panindigan ni Nathan ang mga sinasabi nya.

“Okay sige pagkatapos nating kumain kakausapin ko kayong dalawa.” -Tito

Hala???? Pano ako makakakain nito ng maayos kung may aalalahanin ako? Ito kasing si Nathan biglang inopen yung topic nayon eh.

Pero sa kabilang banda ay masaya ako kasi seryoso talaga si Nathan sa lahat ng sinasabi at ginagawa nya.

CHAPTER 30

DEX’S POV

“Tito ano po pala ang pag-uusapan natin?” Medyo kabado kong tanong. kasi seryoso yung mukha nya parang bumalik sya sa dating ayaw nya pa sakin para kay Nathan.

“Alam kong mahal na mahal nyo ang isa’t-isa at maraming beses nyo nang napatunayan sakin yan at sa ibang tao. Pero sapat naba yon para lumagay kaya sa tahimik? Ang pag-aasawa? Hindi biro ang Pag-aasawa, Mahirap at kailangan handa kayo.” -Tito

“Hindi pa naman po kami magpapakasal agad ni Nathan ang balak ko nga din po ay maghahanap na ako ng trabaho para makapag-ipon nadin.”

“Mabuti naman kung ganon, Wag kang mag-alala nandito lang kami para sa inyo tutulong kami hanggat kaya namin. At yung kasal nyo? Tutulong din ako, Kahit saan pang lugar yan” -Tito

“Salamat po, Hindi nyo po alam kung gaano nyo po ako napasaya.”

“San mo nga pala balak magtrabaho? Gusto moba sa kompanya nalang namin?” -Tito

“Nako hindi napo baka kung ano pang isipin ng mga empleyado nyo, Magsasabi nalang po siguro ako kala Mommy baka mabigyan nila ako.”

“Sige basta kapag wala kang mahanap, Sabihan molang ako o di kaya si Nathan.”

“Opo Tito, Maraming salamat po talaga.”

Dahil sa sobrang tuwa ko ay napayakap ako sa kanya. Meron na kaming basbas mula sa Pamilya ni Nathan at ngayon naman ay kala Mama at Papa ko naman sasabihin.

///

“My Loves anong pinag-usapan nyo ni Daddy?”

“Ang sabi nya tutulong daw sya sa pagpapakasal natin.”

“Wow talaga?”

“Oo kaya kailangan kona din maghanap ng trabaho para dalawa tayong mag-iipon.”

“Doon kana lang kasi sa kompanya ni Daddy para magkasama tayo at mabantayan kita?” -Nathan

“Ha? Pano ako makakagalaw ng maayos kung babantayan moko? Ang hirap kaya non.”

“Basta lagi kang mag-uupdate sakin ha? Baka mamaya awayin kana naman ng ate mo.”

“Iiwas naman ako hanggat kaya ko, Wag kang mag-alala ipagtatanggol kona ang sarili ko.”

“Yan ang My Loves ko palaban, Hindi nagpapaapi kung alam nyang nasa tama sya.” -Nathan

“Hindi lang ako lumalaban kasi ayaw ko ng gulo.”

“Wag kang mag-alala My Loves ako ang lalaban para sayo.”

Nihawakan ako ni Nathan sa bewang at dinikit sa kanya.

“My Loves ihatid mona ako samin baka kasi mabungangaan na naman ako ni Mama, Alam mo naman yon. Tapos si baby Nathan pala isasama ko muna samin.”

“Bakit sya lang ang isasama mo? Pano naman ang Daddy nya?”

“Malaki kana, Atsaka may pasok kaba diba? “

Napakamot nalang sya at pumunta na sa kwarto nya para kunin ang mga gamit ko at so baby Nathan.

//////

“My Loves ihatid na kita sa loob.”

“Hindi na Nathan kaya kona, Atsaka kailangan mona din magpahinga may pasok kapa bukas.”

“Sige My Loves,I love you.” Sabay halik sakin sa Noo, Kilig naman ang Lola nyo! Hehe pereng tenge kese.

“I Love you too My Loves.”

Pagpasok ko sa bahay ay si Mama agad ang una kong nakita.

“Akala ko hindi kana uuwe eh.”

“Si Mama talaga, Dumaan lang kami kala tita Emman.”

“Oh kamusta naman sila Tita mo?”

“Ayon okay naman sila. Kinakamusta ka nga nila kaso busy sila kaya hindi nila kayo mapasyalan.”

“Syempre alam mo naman yang Tita mo nagpapayaman pa kahit mayaman na.”

“Sige ma, Pasok na muna ako sa kwarto ko para mailagay ko ang mga gamit ko.”

Ang layo na nang narating namin ni Nathan, Nagsimula sa pagiging magpinsan namin, Nag-asaran at awayan, Nagkagustuhan kahit bawal, Nagkahiwalay at muling nagkita, Nagkahiwalay ulit, Tinutulan ng Pamilya, Hinusgahan, Pero eto kami ngayon nananatiling matatag dahil magkasama naming hinarap lahat ng pagsubok.

At ngayon magpapakasal na kami isang panibagong yugto na naman sa buhay namin ang magaganap at sana lang ay maging maayos ang lahat.

MILE’S POV

“Anak may bisita ka!!! Bilisan mona dyan!!”

Sigaw sakin ni Mama.

“Ma naliligo pa ako, Sino bayon?”

Nagtapis ako ng tuwalya at lumabas para tingnan kung sino ang sinasabi nya.

“Hi Miles??”

Bigla akong naestatwa dahil sa nakita. Anong ginagawa ni Samuel dito? Wala naman akong naalala na susunduin o pupuntahan nya ako dito samin??? Napayakap tuloy ako bigla sa sarili ko at pagkatapos ay tumakbo ako pabalik sa Cr.

My gosh! Nakakahiya! Nakita nya akong nakatapis lang!!! Huhu nakakahiya!

Nagmadali tuloy akong maligo at magbihis para lang mapuntahan agad si Samuel.

“Ah eh Sam bakit ka nga pala nandito?”

“Sorry kung nabigla kita, Nakalimutan kasi kitang itext.”

“Ayos lang yon, Kumain kana ba? Tamang tama nagluto si Mama gusto mo sumalo kana samin.”

“Baka nakakahiya sa Mama mo.”

“Nako hindi yan ako bahala don, Sige wait mo ako dyan.”

Pumunta akong kusina para kumuha ng kakainin namin at naabutan ko si Mama na naghahanda na.

“Sino bayon Boyfriend mo?”

“Boyfriend agad ma? Diba pwede kaibigan lang?”

“Eh bakit pangalawang beses kana nya pinupuntahan dito?”

“Ma wag mo lagyan ng malisya yon.”

“Nako baka mag-aasawa kana, Subukan molang lagot ka talaga sa papa mo.”

“Ang advance nyo naman Ma, kaibigan nga lang diba? Atsaka ano naman? Nasa legal age naman na ako.”

“Umayos ayos ka Miles, Kakausapin ko muna yung lalaki nayan kung seryoso talaga sya sayo .”

“Ma wag!”

“At bakit??”

“Kasi ano, ….. Hindi pa naman sya nanliligaw.”

“Ha?? Nako Miles baka ma hopia ka dyan.”

“Ma ang nega mo, Suportahan mo nalang ako. Feeling ko naman manliligaw din sya sakin haha.”

Feeling kolang naman yon haha, pero kung wala naman syang balak ligawan ako ayos lang din pero masakit.

DEX’S POV

“Dex anak babalik kana ba dito? Dito kana ba ulit titira?”

“Pasensya napo pero haggang dipa po maayos ang lahat ay doon na muna ako kala Mama titira.”

Huminga muna sya ng malalim tapos tumabi sakin.

“Hindi naman kita mapipilit sa kung anong gusto mo. Bakit ka nga ba pumunta dito? May problema ba?”

“Wala naman po, Gusto ko po sana itanong kung pwede ako magtrabaho sa inyo. Wag po kayo mag-alala may natapos naman ako.”

“Kumpanya ng Pamilya natin yon Dex, Kaya syempre pwedeng pwede kadon. Don’t worry, I’ll talk to your dad about that but for now? Dito ka muna para naman makasabay ka namin sa hapunan I’m sure matutuwa ang Daddy at ang Kuya mo.”

“Sige po, Asan po pala si Ate Andrea?”

“Ayon nasa Office nagpapakabusy sa work pero pauwe nayon.”

“Ah eh Mommy gusto ko din po pala magsorry sa inyo dahil nasira yung pinakamagandang gabi sana ng buhay nyo.”

“Tapos nayon, Anak kalimutan na natin.”

“Sorry po talaga, Hindi ko naman po gustong manggulo o makagulo pero hindi kodin po kasi napigilan ang sarili ko.”

“Ang Birthday ko pwede pa naman natin icelebrate next year ang importante ay kayong mga anak ko, Gusto kolang naman na magkasundo kayo.”

“Yun din naman po ang gusto ko.”

“Kaya ipangako mo sakin na magkakaayos kayong dalawa ng ate mo ha? Dahil ayon nalang ang pinakamagandang regalong matatanggap ko.”

Sa totoo lang napaka hirap ang pinapagawa nya dahil lalapit palang ako kay Andrea ay nagkakagulo na, Pano ko kaya uumpisahan? Hayss bahala na.

“Opo Mommy, gagawin kopo ang lahat ng makakaya ko para magkabati kami ni Ate.”

Niyakap ako ni Mommy ng mahigpit at ganon din ang ginawa ko.  Sana lang talaga maging madali ang lahat para sakin.

“So nandito kana pala?” Kumalas si Mommy sakin at nilapitan si Andrea.

“Anak nandito kana pala, anong gusto mo? Cold water? Or coffee?”

“Mommy pwede nyo po ba kaming maiwan ni Dex? may pag-uusapan lang kami.”

“S-Sure”

Kinabahan naman ako dahil sa sinabi nya, Ano kayang pag-uusapan namin? Lumapit sya sakin at napaatras ako.

“Relax, wala akong gagawin sayo.”

“Ah eh ano bang pag-uusapan natin?”

“Marami, Akala moba makakalimutan ko yung ginawa ng kaibigan mo sakin? But this past few days I’ve realized a lot of things, Na mali ang mga ginagawa ko sayo. So i just wanted to say sorry for everything i’ve done to you.”

“Nag-sosorry ka sakin?”

Tama ba ang narinig ko ang matapang at palaban na Andrea nagsosorry sakin?

Hindi ba ako nananaginip?

“Hindi kona uulitin pa ang sinabi ko sayo.” Mataray nyang sabi.

“O-okay nayon Ate.”

Sa sobrang tuwa ko ay nilapitan ko sya at niyakap ng mahigpit na mahigpit.

“Hey, stop acting like a kid.”

“Sorry ate, Masaya lang ako kasi okay na tayo.”

“We’re not yet okay. Don’t expect too much.”

“Ang importante naman ngayon ay alam kong magkakasundo na tayo, Hindi man ngayon pero baka sa mga susunod na araw.”

“Maiwan na muna kita okay? Magbibihis na ako.”

“Sige ate.”

Yung ngiti ko ay parang aabot na hanggang tenga, kinikilig ako dahil sa nangyari.

Sobrang blessed ko ngayon, Una kompleto at masaya ang pamilya ko, pangalawa may nga kaibigan ako na laging nandyan, pangatlo si Nathan at yung kasal namin at ngayon naman nagsorry sakin si Ate Andrea at sana tuluyan na nya ako matanggap.

ANDREA’S POV

Alam kong kulang ang isang sorry para sa lahat ng mga ginawa ko kay Dex, Dahil sobra ang ginawa ko sa kanya, Mentally, Emotionally at physically.

…………………FLASHBACK……………………….

ANDREW san ba kasi tayo pupunta?“

“Eto na nandito na tayo, 1 2 3 SURPRISE!”

Tinanggal nya yung piring sa mata ko at bumungad sakin ang isang napakagandang lugar.

Meron isang Lames sa gitna na may dalawang upuan at ang nakakagulat ay yung mga desensyo sa paligid namin.

Puro pictures naming dalawa at ang daming mga bulaklak, halatang pinagisipan at pinaghandaan. At ang mas pumukaw ng atensyon ko ay yung isang makaling puso at may nakadikit na larawan ng buo kong Pamilya including Dex.

Ano to? Para san to?“

“Gusto kolang ipaalala sayo kung sino ka talaga dati.”

Inilapit nya ako sa mga Pictures namin.

“Ang saya natin dati diba? Marami tayong nagawang mga memories, at gusto ko madagdagan payan.”

“Pero bakit nandyan ang picture ng Pamilya ko?”

“Dahil gusto kong maalala mo na bago ako dumating sa buhay mo, Na bago mo ako nakilala ay sila muna ang nasa sentro ng puso mo at hinding sila mawawala sa puso mo dahil ang Pamilya paghiwalayin man yan ng tadhana, pagbubukludin padin sila ng mga puso nila.”

-Andrew

“Bakit mo sinasabi sakin ang mga nayan?”

“Dahil sobra kang naapektuhan sa nangyayari sa buhay mo at sa Pamilya mo, kaya nakalimutan mo yung mga taong mahal ka dahil nalason na ng inggit ang puso mo.”

-Andrew

Dahil sa mga sinasabi ni Andrew ay bigla kong naalala ang mga nasabi at nagawa ko kala Mommy at Daddy pati nadin Kay kuya.

Sobrang daming masasakit na salita ang nasabi ko sa kanila, nabastos at nasaktan ko din sila.

Lalong lalo na sa kapatid kong si Dex, hindi ko man lang hinayaan na maging masaya ang pagbabalik nya .

Ang sama-sama kong anak!  Ang sama-sama kong ate! Ahhhhhh!“

Hindi ko napigilan ang sarili ko na humagulgol. Niyakap ako ni Andrew at hinimas yung likod ko para pakalmahin ako.

Wag mona sisihin ang sarili mo hindi pa naman huli ang lahat pwede kapa naman bumawi sa kanila.“

“Pero pano?? Ang dami konang kasalanan?”

“Patawadin mo muna ang sarili mo, At kapag wala nang galit sa puso mo. Makakapag-isip kana ng mabuti at dapat mong gawin.”

-Andrew

“Andrew salamat, Salamat kasi hindi mo ako sinukuan, Salamat kasi minahal mo padin ako, Salamat kasi ginising mo ako sa katotohanan. Mahal na mahal kita.”

……………END OF FLASHBACK…………..

Sa totoo lang hindi lang naman si Andrew ang nagparealize sakin na mali ang ginagawa ko. Kahit si Kuya at si Mama kalmado at maayos akong kinausap.

Siguro nga naging masama akong anak at lalong lalo na kapatid pero marami pa namang pagkakataon para makabawi.

CHAPTER 31

MILE’S POV

“Samuel bakit ka nga pala nagpunta dito? May napag usapan ba tayo na aalis tayo?”

“Wala naman, Gusto lang kita puntahan kasi may gusto akong sabihin sayo.”

“Ano naman?”

Nakakatense naman tong si Samuel parang kinakabahan ako sa sasabihin nya.

“Diko alam kung saan at pano ko uumpisahan pero simula kasi nang nakita kita, Parang nasabi ko sa sarili ko na itong Babaeng ito ang gusto ko.  Pero syempre natotorpe pa ako non, Akala ko nga hindi na kita makikita pero sadyang tadhana na ang naglalapit sating dalawa akalain mo yon kaibigan kapa ng kapatid ko.”

Habang nagsasalita si Samuel ay grabe na yung pintig ng puso ko.

Alam kona kung saan papunta itong usapan nato pero kailangan kopa din maging kalmado.

“Ah eh Samuel? Ano ba ang ibig mong sabihin? Pwede ba diretsahin mona ako.”

“Kaya ako pumunta dito ay dahil gusto kong sabihin sayo ng personal na gusto kitang ligawan.”

Pagkasabi palang nya ng salitang LIGAWAN ay parang gusto konang sumigaw sa sobrang tuwa at gusto kong maglumpasay sa sobrang kilig. Totoo ba talaga ang mga sinabi nya?

Hindi ba ako nabibingi????

“Seryoso kaba Samuel?”

“Oo Miles seryoso ako sayo.”

“Baka naguguluhan kalang.”

“Seryoso ako Miles, Kaya nga ko nga sinasabi sayo to personally at kung gusto mo magpapaalam pa ako sa Parents mo. Ayaw moba?”

“Hindi naman sa ayaw ko kaya lang yung mundo natin magkaiba, Mayaman ka habang ako eto isang simpleng Babae lang.”

“Eh ano? Wala naman sa estado ng Pamumuhay yan, Nasa nagmamahalan yan. At kung iniisip ang Pamilya ko?  Wag kang mag-alala Mababait sila.”

“Pero si Andrea?” Bigla kong sabi sa kanya.

Hindi pa man nagsasabi sakin si Samuel na liligawan nya ako ay ang init na ng dugo sakin ng Babaeng bruha nayon. Pano pa kaya kapag naging kami na ng kuya nya? Ed rambulan na to char!! Haha

“Akong bahala kay Andrea. Ano payag kana?”

Kunwari nag-isip ako (Kunwari lang talaga haha) tapos tumango.

“ Silence means Yes .“ Sabi ni Samuel at bigla akong niyakap ng mahigpit.

“Samuel pumapayag palang ako na ligawan mo ako hindi pa kita sinasagot.”

Napabitaw naman sya dahil sa sinabi ko.

“Sorry natuwa lang ako.”

“Ayos lang.”

My Gosh!  Parang panaginip lang ang lahat ng ito.

“Sabihin naba natin sa Parents mo?” Tumayo si Samuel pero pinigilan mo sya.

“Samuel sandali lang.”

“Bakit may problema ba?”

“Wala naman, Kinakabahan lang kasi ako.”

“Wag kang kabahan nandito lang ako, Ako ang bahala sayo.”

Hinawakan ni Samuel ang kamay ko pagkatapos ay lumabas na kami. Kinakabahan talaga ako sa gagawin nya Parang masasakal ata nila Mama at Papa. Tamang tama nanonood sila ng balita.

“Ma? Pa may sasabihin po kami sa inyo.”

“Ano? Na Boyfriend mo sya? Ayos lang yun Miles basta siguraduhin molang na hindi ka papaiyakin ng lalaki nayan at napag-usapan na namin ng Papa mo ang tungkol dyan.”

Napanganga ako sa sinabi ni Mama. Pano nya nasasabi ang mga bagay na ganyan haha.

“Ah Tita hindi papo kami ng anak nyo, Nandito po ako para sana magpaalam na kung pwede ay ligawan ko ang anak nyo.”

Tinitigan kolang si Samuel at mukhang seryoso sya.

“Ganon ba? Mukhang napa sobra ata ako.”

“Basta payag ang anak namin payag nadin kami, kaya salamat din kasi nagpaalam kapa bilang respeto samin.” -Papa

“Para po malaman nyo din na seryoso talaga ako sa anak nyo.”

“Basta kapag sinagot mona ang anak ko wag mo sya lolokohin lagot ka talaga samin, Atsaka wag mo sya mamadaliin sa mga bagay na hindi pa dapat. NBSB yan kaya baka madala yan ng bugso ng damdamin.”

“Ma!!?? Hindi mo naman kailangan pang sabihin yan.”

“Wag po kayo mag-alala dahil hindi kopo gagawin yon.”

“Oh wala nang problema, Pumayag naman na ang anak namin.” -Papa

Akala ko talaga magagalit sila Mama at Papa alam nyo naman only child ako! At babae pa! haha GANDA KA GHORL???

Hindi rin nagtagal si Samuel sa bahay dahil may family dinner daw sila at kailangan kompleto sila, Hinatid ko naman sya hanggang sa labas ng bahay namin.

At hanggang makapasok ako ay hindi kopa din napigilan ang hindi kiligin.

“Yung ngiti mo baka mapunit yang bibig mo.”

“ Ma? Pano nyo pala nahulaan yung mga sinabi nyo kanina?“

“Syempre nahawa ako sayo kakanood sa paborito mong Teleserye.”

Ay haha sakin pala natutunan ni Mama yon, Kaya minsan maganda din manood kasi pwede mong mai apply in real life.

DEX’S POV

Talaga?????!!!!!’

‘Aray ko naman Dex, kahit sa cellphone ang sakit sa tenga ng boses mo.’

‘Haha sorry na, Totoo nga kasi? Nililigawan ka ni Kuya?’

’Oo nga kahit itanong mopa sa

kanya’

‘We baka niloloko mo lang ako?’

‘Bahala ka kung ayaw mo maniwala’ -Miles

‘Galit ka na nyan? Biro lang haha syempre naniniwala ako. Masaya ako para sayo, Sana si Kuya na ang The One na matagal monang hinahanap.’

’Sana nga Be!!! Mag dilang Anghel ka

!’

Kahit hindi ko nakikita si Miles ay alam kong sobrang saya nya, Mas mabuti nadin yung ganito na sa Phone lang kami magkausap kasi kung personal baka na bugbog na nya ako sa sobrang kilig nya. May sambunot, Hampas, Kurot at suntok akong aabutin.

‘Basta ako ang una mong sasabihan kapag naging kayo ni Kuya.’

‘Oo naman, ikaw pa ba? Pero may tanong ako, Mabait ba yung Mommy at Daddy nyo?’

‘Bakit mo naman natanong yan? Syempre OO, Wala naman taong likas na masama diba?’

‘Natatakot lang ako baka kasi katulad sila sa mga napapanood kong Teleserye na yung lalaki mayaman at yung Babae mahira lang, Tapos paglalayuin sila kasi hindi sila bagay sa isat-isa.’

‘Hindi ko man sila nakasama habang lumalaki ako pero alam kong hindi sila ganon, Trinato nila akong maayos sa sandaling nakasama ko sila. Mababait sila kaya wala kang dapat ikatakot.’

‘Salamat Be, Pero may isa pading problema yung ate mong Bruha sigurado ako Eepal na naman yon kaya ngayon palang magsosorry na ako sayo dahil baka makalbo ko yong ate mo kapag may ginawa syang hindi maganda.’

Hindi na gagawin yon ni Ate Andrea, Alam moba sa unang pagkakataon kinausap nya ako ng maayos at hindi inaway. Nagsorry panga sya sakin.’

‘At naniwala ka naman? Hay nako Be dapat sa panahon ngayon maging tuso ka Malay mo may hidden agenda pala yang Ate mo. Kunwari lang makikipagbati tapos sisiraan ka pala. May kasabihan nga tayo diba? keep your Friends Close and your Enemies Closer. Kaya dapat wag ka muna magtitiwala sa kanya.’

‘Pero sincere naman sya sa pagkakasabi nya.’

‘Basta be, Be wise imposible naman na naging mabait agad sya pagkatapos ng lahat lahat.’

‘Salamat sa Paalala, Nakay Ate Andrea nayan  kung sisirain nya ang tiwalang binigay ko basta ako naging mabuti sa kanya. Wag na nga natin syang pag -usapan diba dapat happy tayo kasi nililigawan kana ni Kuya?’

‘Oo nga sorry na na open kopa ang topic nayan.’

‘Asan na pala si Kuya? Nandyan paba sa inyo?’

‘Wala na, Kanina pa nakaalis.’

Nasa kalagitnaan ako nang pakikipagusap kay Miles ng biglang may kumatok.

“Sino yan?”

“Ah sir! Tawag napo kayo ni Ma’am Aurora kakain nadaw.”

“Sige po, susunod napo ako.”

Pagkatapos ko syang sabihin ay bumalik ulit ako sa pakikipagusap kay Miles.

‘Ganon ba? Sige be End Call ko muna, Nandito kasi ako ngayon sa mga Montes.’

‘Okay sige, Basta yung Paalala ko sayo ha?’

‘Oo be ako bahala. Salamat ulit and congrats. Bye!’

Finally sa tinagal tagal ng paghihintay at paghahanap nya kay The One ay natagpuan na nya ito at sa katauhan pa ni kuya Samuel.

Sana nga si kuya na ang First and last ni Miles dahil gusto kong maging masaya ang Kaibigan ko.

Pagbaba ko ay nandon na si Mommy at Daddy pati si Ate Andrea si kuya Samuel wala pa.

“Good evening po Daddy, Mommy at Ate.”

“Have a seat Dex, Dyan kana lang siguro sa tabi ng ate mo.”

Tumingin muna ako kay Ate Andrea at mukhang hindi naman masama ang loob nya kaya tumabi nadin ako.

“Nasa byahe na ang kuya nyo kaya mauna na tayo, Habol nalang daw sya. alam nyo naman masama pinaghihintay ang Pagkain.” -Mommy

“San daw po ba sya galing?”

“Well hindi nya sinabi pero hahabol daw sya.”

“Dex kamusta ka naman?” -Daddy

“Okay naman po.”

“Nabanggit sakin ng Mommy mo na gusto mo daw magtrabaho sa kompanya natin?”

“Opo sana, pero wag po kayo mag-alala may natapos naman ako.”

“Hindi naman importante kung may natapos ka o wala, Anak kita kaya meron kang lugar sa kompanya natin.”

“Salamat po Daddy.”

Habang patuloy kami na kumakain ay dumating nadin si Kuya at sa tapat namin pumuwesto.

“Dad, Mom sorry kung nahuli ako medyo traffic lang kasi.”

“San kaba kasi galing?”

“Pinuntahan kolang po yung nililigawan ko.” -Kuya

“Wow parang ang tagal na nung huling beses mong sinabi na may nililigawan ka And who’s the lucky girl?” Nakangiting tanong ni Mommy kay kuya.

“Makikilala nyo din sya kapag napasagot kona sya.”

“Just make sure na maayos na Babae yan.” -Dad

“Oo naman Dad, Maayos sya at sigurado ako na matutuwa ako kapag nakilala nyo na sya.”

“Then? I can’t wait to see her.” -Dad

“Nako ang mga anak ko, Mukhang mag-aasawa na ata lahat.” -Mom

“Hindi namin kayo pinagbabawalan na makipag relasyon pero sana wag kayong padalos dalos sa mga desisyon nyo sa buhay.” -Dad

Hindi ko magawang makisingit sa usapan nila kasi hindi kopa naman sila ganon ka close.

Masaya kaming nagsalosalo sa hapagkainan at sobrang saya sa pakiramdam dahil kompleto kami at walang nag-aaway.

At syempre masaya ako para kay kuya dahil alam kong si Miles ang tinutukoy nya.

/))/)

“Kuya ikaw ha? Liligawan mona pala si Miles”

“Nasabi na pala nya sayo.”

“Oo kanina lang.”

“Na Love at first sight kasi ako sa kaibigan mo.”

“Talaga kuya?”

“Oo, Noong nakita ko palang kayo sa Park nakaramdam na talaga ako ng iba sa kanya kaya nga naglakas loob ako na lumapit sa inyo.”

“Nako kuya kung alam mo lang din, Crush ka kaya ni Miles.”

“Talaga?” Nakangiting tanong ni Kuya at halatang nagpipigil ng kilig.

“Oo Crush ka non. Kaya nga nung nalaman nyang kapatid kita ay nagpatulong sakin yon na mapalapit sayo, kaso diko sya matulungan kasi dipa naman tayo masyadong close. Wag mo nalang sabihin sa kanya na sinabi ko baka masakal ako non haha”

“Sige secret lang natin na ikaw ang nagsabi sakin.”

“Kuya wag mong lolokohin si Miles ha? Mahal na mahal ko yon kahit ganon yon. Kung sakaling sasagutin ka nya ikaw ang first Boyfriend nya.”

“Bakit nga pala NBSB sya? Pwede moba akong kwentuhan ng tungkol sa kanya?”

“Si Miles mahilig yon sa mga teleserye at Kdrama’s kaya naman sobrang mapili nya sa mga lalaki kaya kahit may mga nagtatangka na manligaw ay basted agad.”

“Sa tingin moba sasagutin nya ako?” -Kuya

“Oo naman, tutulungan pa kita”

“Sige ba, Sabi mo yan ha?”

“Promise koyan kuya.”

“Salamat bunso.”

Niyakap ako ni Kuya at natuwa ako kasi ngayon kulang naramdaman ang isang yakap ng isang kuya.

“Kuya hindi ako makahinga.”

“Ay sorry haha, Picture naman tayo para maipakita ko sa mga kaibigan ko na may isa pa akong magandang kapatid.” -Kuya

“Si kuya naman binibiro pa ako.”

“Totoo nga, Maganda ka kaya.”

Kinuha ni kuya yung phone nya at nilagay sa camera. Lumapit sya sakin at nag smile ako para maganda ako sa Picture haha.

Siguro naka limang shots kami bago sya tumigil haha.

“Ayan Perfect! Meron nadin tayong pictures!”

“Kuya baka ang pangit ko dyan.”

“Hindi ah, Tingnan mopa.”

Tiningnan ko yung phone nya at maganda naman lahat ng kuha, pero may napansin ako na kasama sa picture agad kaming napalingon ni kuya sa likuran.

“Andrea kanina kapa ba dyan?” Agad na tanong ni kuya.

“Hindi naman halos kakadating kolang din, Bakit Naistorbo koba kayo.”

“Hindi ah, Nagpipicture lang kami ni Dex. Gusto mo sumama?”

“Ayoko kayo nalang.”

“Wag kanang maarte tara na.”

Hinila ni kuya si Andrea palapit sakin at ni ready yung camera nya.

“Oh ayan, 1.2..3 smile!” -kuya

“Okay na yung isa.” -Andrea

“Anong okay? Eh ang pangit nga ng kuha, Lumapit ka kasi kay Dex tapos mag smile ka.” -Kuya

Tumabi naman sakin si Andrea at ngumiti habang nagpipicture kami.

“Ayan maganda na, May picture nadin tayong tatlo na magkakasama.”

“Maiwan kona kayong dalawa dyan, May aayusin pa akong mga files para sa presentation bukas.”

Hindi na sya napigilan ni kuya dahil dirediretso na syang naglakad paalis.

“Pagpasensyahan mona yon ha? May toyo lang yon.”

“Ayos lang kuya.”

“Dito kaba matutulog ngayong gabi?”

“Uuwe muna ako samin, Sasabihin kopa kasi kala Mama na magtatrabaho na ako.”

“Ganon ba? Gusto mo ihatid na kita?”

“Hindi na kuya magpapasundo nalang ako kay Nathan.”

Masaya ang gabi ko ngayon dahil una yung nagsorry sakin si Ate Andrea pangala tungkol kay Miles at kuya at syempre yung bonding namin mag papamilya.

Sana maging okay na ang lahat samin, Lalo na samin ni Ate. Ayoko na kasi ng away, Sumasakit na ang ulo ko. Magfofocus na muna ako sa trabaho para makapag ipon sa kasal namin ni Nathan at LAHAT IMBITADO haha.

CHAPTER 32

DEX’S POV

“Mommy, Daddy, Kuya, Ate Andrea mauna napo ako.”

“Sige mag-iingat kayo.” -Daddy

“Nathan ingatan mo ang anak ko ha?  Diretso sa pag-uwe wag na pumunta kung saan saan.” -Mommy

“Opo tita ako bahala sa Anak nyo.”

Nagpaalam na ako sa kanilang lahat at umangkas na sa motor ni Nathan, Pero syempre safety first nagsuot muna ako ng helmet para pamprotekta sa ulo ko haha.

“My Loves kapit ka sa bewang ko.”

“Eh bakit kasi may pa motor, motor kapa?”

“Wala lang gusto kolang. masama ba?”

“Nako Nathan sabihin mo nagpapasikat kalang sa mga Babae, pa pogi kana naman.”

“Si My loves tamang hinala kanino naman ako magpapapogi?”

“Basta.”

“Alam mo naman na ikaw lang mahal ko kaya kahit ilang milyong babae pa ang nasa harap ko hindi ko sila papansinin,Kahit maghubad pa silang lahat sa harapan ko.” -Nathan

“Talaga? Hindi ka ttgsn kapag nakita mo silang nakahubad?”

“My Loves ano bang klaseng tanong yan?”

Kahit ako hindi ko din alam sa sarili ko kung bakit at paano ko nasabi kay Nathan ang mga bagay nayon haha. Kumain naman ako.

NATHAN’S POV

Ang My Loves ko tinotopak na naman, Kung ano-ano na naman ang sinasabi gusto lang ata magpalambing.

“My Loves gusto ko ice cream bili mo ako.”

“Ha? Gabi na, Atsaka malamig ang panahon gusto mo ubuhin? Pano ka makakapagtrabaho nyan ng maayos.”

“Sige na please gusto ko ng ice cream.” -Dex

“Hindi pwede baka ubuhin ka.”

“Sige na konti lang kakainin ko promise.” -Dex

“Hindi nga pwede My Loves, Gusto yung ice cream ko nalang unlimited pa.” Pabiro kong sabi sa kanya.

“Ayoko nga! Hindi naman matamis yan eh! Sige na My Loves please.” -Dex

“Hindi matamis pero sarap na sarap ka?”

“Wag na nga kung ayaw mo.”

Bumitaw si Dex sa pagkakakapit sakin at tiningnan ko siya sa may side mirror at nakabusangot ang mukha nya.

Ang sarap asarin ni  My loves dahil madaling mapikon haha. Sya ang magsisimula ng mga kung ano-anong topic pero pag-ako na ang bumanat eh naaasar na sya.

Pero dahil mahal na mahal ko si My Loves ay hindi ko sya natiis, Nang may nadaanan kaming convenience store ay huminto kami don para bilhan sya ng Ice cream.

“Akala koba ayaw mo ako pakainin ng ice cream?”

“Pero mas ayaw ko naman na makita kang nagagalit sakin.”

Hinawakan ko sya sa bewang at pumasok kami sa loob para bumili ng ice cream nya.

“My loves salamat!”

“Pasalamat ka Mahal kita kaya binilhan kita.”

“Mahal na mahal din kita!”

Pinagmasdan kolang si Dex habang kumakain ng ice cream at habang kumakain sya ay medyo naiilang ako kasi the way syang kumain ng ice cream parang ano yung konakain nya! Haha basta alam nyo nayon.

“My Loves ganyan kaba talaga kumain ng ice cream?” Tanong sa kanya.

“Oo bakit, may tama bang steps sa pagkain ng ice cream? Ba’t diko alam?”

Kinuha ko nalang yung tissue at pinunasan yung bibig ni Dex.

“Hay nako My Loves para kang bata kumain.”

Ang relasyon namin ni Dex ay hindi lang puro kilig, Meron din awayan at madalas asaran.

Dahil ang pagmamahalan ay parang pagluluto lang ng ulam kailangan kompleto ang rekado para mas lalo pa itong sumarap.

DEX’S POV

“Good Morning ma’am, Good Morning Sir.”

Bati samin ng mga empleyado pagpasok palang namin at ganon din yung iba naming nakakasalubong. Medyo nakakailang kasi hindi ako sanay sa ganon.

“Bakit ka nakayuko?” Takang tanong sakin ni Ate Andrea

“Nakakailang kasi eh hindi ako sanay.”

“Dapat masanay kana, Anak ka ng isang Kilala at mayamang negosyante kaya asahan  mo ang magalang na pagtrato sayo ng ibang tao.”

Ganito ba maging isang Montes?

Tinitingala at nirerespeto?

Ngayong araw ang panibagong yugto ng aking buhay kung saan magtatrabaho ako para makaipon. Sumusunod lang ako kay Ate kung saan sya pupunta. Malamang diko naman kabisado dito. Nakarating kami ni Ate sa mga maraming empleyado at pumuwesto kami sa gitna.

“Everybody listen, May gusto akong sabihin sa inyong lahat.” Napukaw ang atensyon ng mga empleyado ng magsalita si Ate, Lahat nakatuon ang atensyon.

“Siguro karamihan sa inyo alam na ang tungkol sa nawawala kong kapatid na si Caliv Montes, Pero ngayon nakita na namin sya. At kasama ko sya ngayon”

Gumilid si Ate Andrea para makita ako ng mga empleyado.

“He-hello sa inyo, Good Morning ako Si Dex.” Nahihiya kong Sabi. Hindi ko alam kung tama ba ang sinabi ko haha para akong naging isang bat na hiyang hiya.

“Starting to day lagi nyo na sya makikita dahil dito na din sya mag tatrabaho at gusto ko na respetuhin nyo din sya katulad ng pagrespeto nyo samin. Maliwanag bayon?”

“Yes Ma’am Andrea.” Sagot ng mga empleyado.

Pagkatapos sabihin yon ni Ate ay pumasok na sya sa loob ng office nya syempre sumunod naman ako sa kanya.

“Ate san ko pala ilalagay yung mga gamit ko?”

“Ilapag mo nalang sa kabilang table.”

Nilapag ko yung mga gamit ko at medyo kinakabahan ako kasi hindi ko pa talaga ang gagawin ko at kung saan ako magsisimula.

“Ayos kalang ba Dex? Bakit parang namumutla ka ata?”

“Ah eh ate kinakabahan kasi ako, Alam mona First time.”

“Sa umpisa lang yan, kapag nagtagal ay masasanay kadin.” -Andrea

“Saan ba ako magsisimula? Ano ba ang dapat kong gawin?”

“Una ituturo ko sayo ang tamang etiquette ng isang anak nang mayamang tao at kilalang negosyante sa bansa.”

“Kinakabahan naman ako sa sinabi mo ate.”

“Okay shall we start?” - Andrea

“Agad-agad???”

“Yes, dahil mamaya may imemeet tayong isang importanteng client at kailangan presentable tayo pareho kapag kaharap natin sya.”

Kinabahan naman agad ako sa sinabi nyang, Ako kasi yung tilo ng tao na hindi pa nga nasusubukan ang isang bagay eh kinakabahan na pero in the end nag gogo padin ako.

“Ate pano tayo magsstart?”

“Dahil gusto ni Daddy ako ang mga turo sayo, Kaya ituturo ko sayo ang mga natutunan ko. Simula sa tamang pag-upo, Tamang paghawak sa mga gamit, At higit sa lahat tamang pakikipag-usap sa kaharap. Sige nga ipakita mo sakin kung paano ka umupo.” -Andrea

Hay nako basic naman haha sa isip kolang sinabi syempre baka mahighblood sakin to. Umupo ako ng normal at tiningnan nya ako.

“Is that how you seat?”

“Oo ate, Bakit may problema ba?”

“Kung ako ang boss mo or client mo? Tatamarin akong makipag-usap sayo, Take a look at yourself para kang tambay sa kanto na nakikipag-inuman. Dapat ganito, Umupo ka then straight your upper body, Back in, Chest out at wag ka masyado bumukaka.”

Dinemo ni Ate lahat ng mga sinasabi nya at tama nga sya ang ganda tingnan sa kanya pranka sya magsalita pero totoo naman lahat. Past learner naman ako (haha yabang kono?!) Kaya hindi sya mahihirapan sakin.

“Ganito ba ate?”

“Yes ganyan nga, pero one more thing dapat kapag nakikipag usap ka is naka focus ka sa kausap mo.” -Andrea

“Akala ko madali hindi pala.”

“Walang madali sa mundo but everything can be learn. Itong baso hawakan mo.”

Inabot nya sakin yung baso na nakalapag sa mesa. Ano kayang gagawin ko dito?

“Para san to ate?”

“Hawakan mo.”

“Hinawakan kona.”

“Ganyan ba ang tamang pag-hawak? Para kang nakikipag tagaya sa mga kainuman mo.”

My gosh! Ang sungit naman ng teacher ko masyadong perfectionist.

“Pano ba?”

Kinuha nya sakin ang baso tapos pinakita ang tamang paghawak at tamang pag-inom.

Iba talaga paglumaki kang mayaman lahat kailangan naaayon hindi katulad samin kung anong gusto mo gawin mo basta hindi ka nakakasakit ng ibang tao.

“Marami pa akong ituturo sayo pero sa ngayon ayan na muna at kailangan mong isaulo lahat ng sinabi ko sayo. “ “Oo ate.”

Para akong tanga na inuulit yung mga tinuro sakin ni Ate, Napapatingin naman sya sakin at pasimple akong tinatawanan.

Alam kong marami pa akong dapat matutunan ngayong nasa poder na ako ng Montes at maraming bagay ang pwedeng mabago sakin.

////

“Ate san pala tayo pupunta?”

“May imemeet tayong isang importanteng client.”

“Talaga?”

“Yes, kaya dapat ma impress natin sya sa mga inihanda natin presentation.”

“Gaano ba kaimportante ang taong yan?”

“Si Misis Lauren Sandoval, Isa ding kilalang kaya naman we need her to our company at ang lagi nyang sinasabi ‘Age the doesn’t matter’ when it comes to business. “

“Ano ba ang maitutulong ko?”

“For now?  Panoorin mo muna ako on how to talk to our clients, Para next time ikaw naman ang kakausap sa kanila.”

Ngayon palang dapat mag ready na ako kasi sa susunod ako nalang ang gagawa nito mag-isa at hindi kona kasama si Ate Andrea. Bumaba kami ng sasakyan at pumasok sa isang restaurant Hindi masyadong matao pero halata mong pangmayaman talaga At habang naglalakad kami ay may nakabangga si Ate.

“Sheilla?? What the hell are you doing here?”

“Kung maka hell ka naman Andrea parang ang sama-sama ko naman.”

“Just straight to the point? Bakit ka nandito?”

“Bakit ikaw lang ba ang pwede makipag kita kay Misis Sandoval?  Wag kang mag-alala I’ll make sure na samin sya mapupunta.”

“Wag ka masyadong confident kasi baka umuwe kalang luhaan.” - Andrea

“Talaga? Baka ikaw yon, Tingnan mo nga nagsama kapa nang alalay mo.”

“Hindi ko sya alalay, He is my younger brother.”

“Oh? Sya ba yung nawawala mong kapatid then after so many years nakita nyo?.”

“Wala kanang pakialam okay? Si Misis Sandoval ang gusto kong makausap hindi ikaw.”

Inirapan lang sya ni Ate at pagkatapos ay umupo na kami. Sorry ka Girl! Atapang atao itong ate ko! Go ate Andrea! Haha

Nakailang tingin na ako sa relo ko pero wala padin yung dapat na imemeet namin, Asan na kaya sya.

“Ate matagal paba yung Misis Sandoval? Sasaglit lang ako sa banyo.”

“Sige, Pero bilisan mo lang ha?”

“Tingnan mo naihi na sa kaba ang kapatid mo kaya kung ako sa inyo umuwe nalang kayo kasi sakin naman mapupunta ang Oo ni Misis sandoval.”

Hay nako bahala na nga si Ate sa kanya basta ako magbabanyo na. Umalis agad ako para makabalik dahil baka nandon na si Misis Sandoval.

Palayo na sana ako nang biglang may narinig akong isang boses ng babae na humihingi ng tulong.

Hindi na ako nagdalawang isip pa at pumasok na sa Cr na pangbabae at nakita ko yung isang Babae na nakaupo at nakahawak sa ulo nya.

“Ma’am ayos lang po ba kayo???”

“Oo Anak salamat sa tulong mo ha? Medyo nahilo lang kasi ako eh tapos ayon natumba”

“Wala po yon.”

“Pero hindi kaba nailang o natakot kasi diba? Pambabaeng Cr ito pero pumasok kapadin.”

“Bakit naman po ako matatakot? Mas uunahin kopa poba ang sasabihin ng ibang tao kesa ang tulungan ko ang isang na ngangailangan? Ang pagtulong po sa kapwa ay walang pinipiling lugar, oras at kasarian.”

“Tama yang lahat ng mga sinabi mo, Natutuwa ako sayo kasi napakabuti mo napakaswerte ng mga magulang mo sayo dahil nagkaroon sila ng isang anak na matulungin.”

“Salamat po, Pero mas maswerte po ako sa mga magulang ko. Saan po ba kayo pupunta? Para maihatid kona kayo.”

“Sigurado ka? Baka may iba kapang lakad, May immeet kasi ako.”

“Opo  ayos lang sakin.”

Sinabayan ko yung Babae paglalakad, Maganda sya for her age at mukhang mayaman din sya.

Habang naglalakad kami ay napansin ko na parang pabalik kami sa lugar kung asan sila Ate Andrea. Inisip ko nalang na baka nandon din yung mga kakilala nya.

“Misis Sandoval? Dex? Magkasama kayo?”

Napalingon agad ako sa babaeng kasama ko. Capital O M G !!!! Sya si Misis Sandoval???!! How??

“So you are?”

“Andrea Montes, From Montes Corporation.”

Nagkamayan silang Dalawa at ako eto nakatulalala padin dahil hindi ako makapaniwala na ang kasama kong Babae ay si Misis Sandoval pala.

“And I Am Sheilla Ormis.”

Biglang sumingit Yung Sheilla tapos nakipagkamay din sya, Gaya-gaya sya haha.

“Sorry Girls but i need to cancel our Meeting, Medyo masakit ang katawan ko because of what happened a while ago,Salamat nalang dito kay Dex at tinulungan ako.”

“Your welcome po ulit.”

“Its okay misis Sandoval we can re-sched. Our meeting.” -Ate

“Sorry Again girls. But i think I’ve already made my decision, So maiwan kona kayo.”

Dumating na yung mga body guards ni Misis Sandoval at inalalayan sya palabas, Mayaman nga talaga sya kasi tatlong body Guards ang kasama nya. Nagpaalam naman kami sa isa’t-isa at mukhang may maganda ding na idulot ang pagpunta ko sa banyo.

“Dex pano mo nakilala si Misis Sandoval?“tanong sakin ni Ate.

“Narinig ko kasi sya na humihingi ng tulong tapos ayon tinulungan ko, Hindi ko naman akalain na sya pala si Misis Sandoval.”

“Alam mo dahil sa ginawa mo sigurado Ko na satin mag iinvest yon.”

“Wow? Talaga lang ha? Masyado ka nama atang confident?” -Sheilla

“Pwede ba Sheilla umuwe kana, Kasi may nanalo na.”

Ang taray ni Ate sa part nayon haha hinila nya ako pabalas at naiwang nang-gigigil yung Sheilla.

CHAPTER 33

DEX’S POV

“Dex mauna kana sa sasakyan mukhang naiwan ko ata yung bag ko sa loob.”

“Gusto mo samahan na kita?”

“Hindi na kaya kona mag-isa antayin mo nalang ako don.”

“Sige ate ikaw bahala.”

Binalikan ni ate yung bag nya sa loob tapos ako naglakad na papuntang sasakyan.

“Hey you, Ikaw yung nagsabotahe sakin.”

Napalingon agad ako sa babaeng nagsalita. Sheilla lang pala.

“Wala akong sinabotahe.”

“Oh really? Eh anong tawag mo sa ginawa mo kay Misis Sandoval.”

“Tumulong ako at wala akong ibang intensyon don.”

“Alam mo unang kita ko palang sayo kumukulo na ang dugo ko sayo, siguro dahil sa magkapatid kayo ni Andrea Kaya pareho kayong nakakaasar.”

“Excuse lang ha?  Pero mauna na ako sayo, Kung may nagawa man sayo ang ate ko ako na ang magsosorry at kung ano man yon dapat pag-usapan nyo yon ng maayos.”

Tatalikod na sana ako pero hinawakan nya ako sa braso, Madiin na madiin na parang ayaw nya akong pakawalan.

“Ano ba nasasaktan ako.”

“Alam mo bastos kadin noh? Kinakausap pa kita tapos tatalikudan mo ako, Hindi ba itinuro sayo ng ate mo ang good manners and right conduct?”

Hindi ko alam kung anong meron pero napapansin ko lapitin ako ng away, Wala naman akong ginagawang masama pero lagi nilang na misinterpret.

“Bakit ba galit na galit ka? Wala naman akong ginawa sayo.”

“Ikaw wala pero yung ate mo madami.”

“Kaya nga ako na ang nagsosorry.”

Alam kong maldita ang ate ko kaya sigury madami ang nagagalit sa kanya pero nagbabago naman na sya.

“Hindi ako madadalasa sorry, Alam mo kung anong magpapagaan sa loob ko? Ay yung saktan ang pinakamamahal na kapatid ng mortal enemy ko.”

Nakita ko kung pano ibinuwelo ni Sheilla yung kamay nya at ano mang oras ay tatama na sakin. Napapikit nalang ako at nag-antay ng tatama sakin pero walang tumama.

“Subukan mong saktan ang kapatid ko at pupulutin ka sa kangkungan.”

Bago pa man ako masampal ni sheilla ay napigilan na sya ni ate, Pinilipit ni ate yung kamay ni Sheilla kaya nabitawan nya din ako.

“Ano ba Andrea nasasaktan ako.”

“Masakit ba? Pwes mas masakit to.”

Lalo pang Pinilipit ni ate yung braso ni Sheilla kaya mas lalo itong nasaktan.

“Andrea bitawan mona ako!”

Binitawan naman ni ate si Sheilla yung nga lang tinulak nya ito kaya napasalampak ito sa sahig.

“Wag na wag mona ulit gagalawin ang kapatid ko, Dahil hindi lang yan ang aabutin mo sakin.”

Pagkasabi non ni Ate ay hinawakan nya ako sa kamay at pumasok na kami sa sasakyan.

Naawa ako kay Sheilla pero at the same time ang saya ko kasi pinagtanggol ako ng ate ko. Masaya pala kapag may kapatid na nagtatanggol sayo.

“Ate salamat sa pagtatanggol mo sakin.” Agad na sabi ko sa kanya pagkaupo napagkaupo namin.

“Syempre ipatatanggol kita, Kapatid kita eh pero syempre dapat matuto kadin ipagtanggol ang sarili mo.”

“Kaya ko naman,Pero babae sya at sa mata ng lahat ako padin ang may mali pagpinatulan ko sya.”

Matagal konang tanggap ang katotohanan nayan na kahit anong pananakit, Pangaalispusta ang gawin samin ng mga kababaihan (hindi ko nilalahat) ay kami padin ang magmumukhang masama kapag pinatulan namin.

“Pero pagdating kay sheilla dapat alam mo kung pano ihandle ang babae nayon.”

“Sino ba kasi yon? Bakit parang galit na galit sya sayo?”

“She’s my mortal enemy, Highschool palang kami ay inggit na inggit na sya sakin Kaya naman lahat gagawin nya para lang masira ako. Kaya nga lang mali syang binabangga, Dahil kung maldita sya mas maldita ako.”

Parang hindi ko maimagine yung away nilang dalawa, Siguro ang lala non.

Pero hiling ko na magkaayos din sila parang kami lang ni Irish.

////

First day ko palang to pero sobrang dami na agad nangyari, Sana bukas maging maayos na ang lahat. Maayos naman natapos ang unang araw ko madami din akong natutunang bago kay ate Andrea at mas madami pa daw syang maituturo sakin.

“Alam mo sigurado ako na satin mag iinvest si Misis Sandoval ang galing mo kasi eh.”

“Pero wala naman akong ginagawa.”

“Ano kaba, Syempre tinulungan mo sya so baka tanawin nya yon ng utang na loob sayo.”

“Ganon bayon Ate?”

“Oo kaya kapag nangyari yon? Sasabihin ko kay Daddy na ikaw ang dahilan kung bakit napa Oo natin si Misis Sandoval.”

Kung sa tingin ni Ate ay Oo  ang sagot ni Misis Sandoval dahil sa naging pagtulong ko sa kanya edi maganda. Medyo nakakapagod ang unang araw nato para sakin, Pero masaya kasi nakasama ko ngayon ng mas matagal si Ate Andrea.

Akala ko hindi na mangyayari to ang magkabati kami pero eto na totoong totoo na.

Pagkalabas namin ng building ay may nakaparadang sasakyan at may nakatayong lalaki sa labas, Tinitigan kong maigi kung sino yung lalaki.

“Andrew?”

Ngumiti sya at lumapit samin.

“Hi Dex, Hi babe.”

Nagulat ako kasi bigla nyang hinalikan si Ate sa pisngi at hindi man lang nagalit si Ate.

“Kanina kapa ba dyan Andrew?”

“Hindi naman halos kadadating kolang din.”

OMG! I SMELL SOMETHING FISHY!!! may hindi sila sinasabi sakin haha.

“Ano shall we go?”

Hinawakan ni Andrew yung kamay ni ate at wala padin itong reaksyon, Nakakagulat lang kasi nung nakaraan halos ipakaladkad na ni Ate si Andrew sa mga guards tapos eto holding hands na sila.

Mukhang nasa lahi na talaga namin ang pagiging #marupok haha.

“Ate kayo nalang, para mas makapag usap pa kayo ng dalawa lang.”

“Sigurado ka Dex Hindi ka sasabay samin?” Tanong sakin ni Ate Andrea.

“Hindi na ate, May magsusundo din naman sakin. Parating nadin yon.”

“Pano Dex mauna na kami ng ate mo ha?”

“Sige Andrew, Mag-ingat kayo sa Date nyo.”

“Basta kapag walang magsusundo sayo tumawag or magtext kalang kalang kila Mommy para mapasundo ka.”

Masaya ako dahil nagkabalikan na sila at ngayon alam kona din ang dahilan kung bakit unti-unti nang lumalambot ang puso ni Ate. Umupo ako sa may waiting shed dahil wala pa naman si Nathan.

“Sir Dex hindi papo ba kayo uuwe? Gusto nyo sunabay nalang kayo samin.”  Tanong sakin ng isa sa mga empleyado namin, Apat silang magkakasama.

“Nako hindi na, Sige na mauna na kayo may inaantay pa kasi ako.”

“Nako sir siguro boyfriend nyo ang inaantay nyo noh?”

Ngiti lang ang sinagot ko sa kanya, Ang galing nya sa part nayon haha nahulaan nya agad na Boyfriend ko ang inaantay ko.

“Sir Dex samahan kana po namin.”

“Mauna na kayo, ayos lang naman ako dito.”

“Sige na Sir hayaan mona na samahan ka namin.”

Hindi kona sila pinigilan na samahan ako maganda nadin yon para may kasama ako atsaka parating naman din yon si Nathan.

Ilang minuto lang din kami naghintay at dumating na si Nathan at gamit gamit na naman nya yung motor nya.

“My Loves sorry Na late, Kanina kapa ba naghihintay?”

“Hindi naman.”

“Sya po ba yung Boyfriend nyo Sir?” Tanong ulit ng isa.

“Oo boyfriend nya ako.” Sagot ni Nathan.

“Ang gwapo naman po pala ng Boyfriend nyo sir Dex.”

“Sana all my Boyfriend” dagdag pa ng isa.

“Salamat pala sa pagsama nyo sakin ha? Pano mauna na ako.”

“Wala yon sir, Sige po ingat kayo.”

//

Nagpaalam na ako sa kanila at umangkas na kay Nathan.

“Oh diba pati mga katrabaho mo nagagwapuhan sakin”

“Tuwang tuwa ka naman?”

“Si My Loves nagseselos na naman.” -Nathan

“Ako magseselos at bakit naman? At bakit motor ang gamit mo?” Inis na tanong ko sa kanya.

“Mas mabilis kasi kitang masusundo kapag ito ang gamit ko at wag kang mag-alala hindi ako nagpa cute sa mga babae dyan.”

Haha masyadong defensive si Nathan sa sinabi ko.

“Sige na paandarin mona.”

“Kamusta unang araw mo My Loves?”

“Basic lang. Hahaha charot! Eto medyo nahirapan kasi first time pero kaya ko naman.”

“Alam ko naman na kaya mo yan My Loves. Ikaw paba?”

Mabuti nalag at nandito si Nathan para palakasin ang loob ko sa twing kinakabahan ako at parang hindi kona kaya.

Hinatid ako ni Nathan hanggang sa tapat ng bahay namin at bago sya umalis ay humalik muna ako sa kanya at napansin kong may sugat sya sa gilid ng kanyang labi.

“Nathan napano ka? Bakit may sugat ka sa labi??”

“Wala to My Loves natamaan lang ako kanina, May ginagawa kasing sirang kisame samin.”

“Halika ka nga dito gagamutin ko yan.”

“Wag na My Loves malayo naman sa bituka.” -Nathan

“Kahit na, Halika na.”

Hinila kona si Nathan papasok sa bahay at wala na syang nahawaga dahil hindi kona binitawan ang kamay nya.

Pagpasok namin sa kwarto ko ay agad kong hinanap yung first aid kit ko at pinaupo ko si Nathan, Dahil mas maliwanag na dito ay kitang-kita kona ang sugat nya.

“Nathan yung totoo napano ba kasi yan?”

Alam ko kasi kung nagsisinungaling sakin si Nathan o Hindi at sigurado ako na meron syang hindi sinasabi sakin.

“Sorry My Loves, Ayaw ko naman sana pero hindi na kasi ako makapag timpi eh.”

“So ano nga ang nangyari?”

Nilagyan kona ng gamot yung sugat ni Nathan para mas madaling humilom.

“Kanina kasi narinig ko na pinag-uusapan tayo ng mga employee ni Daddy, at hindi maganda ang pinagsasabi nila. Bakit daw ako pumatol sayo hamak na bakla kalang madami naman daw babae dyan pero bakit sayo pa ako napunta, Baka daw ginayuma molang ako kaya naging tayo. Hindi ko nagustuhan yung mga sinabi nila kaya nakipag-away ako.”

Nakakalungkot lang isipin na hanggang ngayon ay may mga tao pading ganyan mag-isip, Hindi nalang sila maging masaya para sa iba.

“Dapat kasi hindi mo nalang pinatulan.”

Yung inis ko sa mga taong katulad nila ay sagot ni nathan napunta, Medyo napadiin ata yung paglalagay ko ng gamot.

“Aray ko naman My Loves dahan dahan naman. Ayaw moba non? Pinagtanggol kita? Syempre hindi ko naman hahayaan na may mang-aapi sayo.”

“Salamat Nathan, Dahil sa ginawa mo lalo molang pinatunayan na Mahal na Mahal mo ako.”

Hinawakan ni Nathan yung kamay ko at bigla nya akong hinalikan,Sa gulat ko ay hindi agad ako naka react.

“Mahal na Mahal kita Dex at kahit ano pa ang sabihin ng iba ay wala akong pakialam dahil ang Alam ko ay Mahal kita.”

“Mahal na Mahal din kita Nathan.”

Hinalikan ako ni Nathan at sa pagkakataong ito ay handa nako gantihan ang kanyang halik.

Si Nathan, Sya ang patunay na hindi lahat ng lalaki ay pera lang habol saming mga bakla.

Si Nathan, Sya ang patunay na lahat may karapatang mahalin at magmahal.

At higit sa lahat si Nathan ang patunay na ang posible talagang magmahalan ang dalawang taong pareho ang kasarian dahil puso dapat ang nangingibabaw at hindi isipan.

CHAPTER 34

DEX’S POV

“Ma!!!!!!!!!!!”

Naghihikahos naman na dumating si Mama sa kwarto ko.

“Oh bakit anong problema???”

“Ma!? Ba’t dimo ako ginising????”

Pagtingin ko kasi sa cellphone ko pasado alas dies na e ang call time namin is 10 am, Maliligo pako syempre, Kakain, Magbibihis at mag-aayos ng sarili.

“Sabi kasi ni Nathan wag na daw kitang gisingin at mukhang napagod ka daw sa trabaho mo, Bakit ano bang klase ang trabahong pinasok mo? Kargador?”

“Si Mama naman eh, late na nga yung tao aasarin pa.”

“Eh pano kasi kung yung ineemote mo dyan ay kumilos kana edi sana patapos kana.”

Bumangon agad ako at kinuha yung damit na susuotin ko. Bahala na kung hindi bagay sakin basta ang importante may dami ako na suot.

////

Kung may mas mabilis pa sa alas kwatro ay ako na ata yon kasi saglitan lang ako naligo, Nagtoothbrush at nagbihis hindi nadin ako kumain at nagsuklay, pagkatapos kung kunin yung mga gamit at bag ko ay nagmamadali na akong lumabas sa bahay.

“Anak hindi kaba kakain???!!!”

Pahabol na sigaw ni Mama.

“Hindi napo Ma! Doon nalang po ako kakain!”

“Okay sige, Ingat ka!”

Ganito lang talaga kami mag-usap ni Mama pero mahal na mahal namin ang isat-isa at syempre mataas ang pagrespeto ko sa kanya.

Dali dali akong pumuntang sakayan pero kung mamalasin ka nga naman punuan pa, Ilang Jeep nadin yung dumadaan pero halos lahat puno. Siguro nagtataka kayo kung bakit ako nagjejeep ngayon, Eh mayaman naman ang pamilya ko.

Sa ngayon kasi kala Mama padin ako tumutuloy at meron din naman kaming sasakyan kaya nga lang hindi naman ako marunong magdrive, Ayaw ko din naman magpahatid kay Papa kasi madami din syang ginagawa.

Dahil wala akong masakyan ay naglakad nalang muna ako baka sakaling may mapadaan na sasakyan na hindi masyado puno haha. Tiningnan ko yung phone ko para sana tingnan kung anong oras na, Pagkakita ko ay nakailang texts at missed calls na si Ate. Hindi ko kasi agad nasagot dahil naka silent yung phone ko.

Habang naglalakad ako ay isang malakas na busina ang yumanig sa buong katawan ko, Napahawak agad ako sa dibdib ko dahil sa sobrang kaba hindi ko napansin na may sasakyan na palang babangga sa gilid ko.

Napahinto yung sasakyan at may lumabas na isang matangkad na lalaki, Gwapo din sya pero mas gwapo si Nathan.

“Hoyyy magpapakamatay kaba? Kasi kung Oo wag dito para hindi ka nakakapurwisyo doon sa bangin tumalon ka.”

Parang nagpantig yung tenga ko dahil sa sinabi nyang yon. Mukha syang mayaman pero ang bastos ng ugali nya.

“Hindi ako magpapakamatay, Hindi kolang talaga napansin namay pararating na sasakyan.”

“Magpapalusot kapa, Siguro myembro ka ng isang sindikato? At modus nyo yung ganito para pagkaperahin kami.”

Masyado namang advance yung utak nitong lalaki nato,Sindikato agad? Itsura kong ito sindikato?

“Excuse me? Hindi ako sindikato okay? Sorry kung naabala kita hindi ko naman kasi napansin na may parating nasasakyan.”

Sana naman ma gets na nya agad kasi late na ako at wala na akong panahon makipagtalo sa kanya. Pagkatapos kong sabihin yon ay tinalikuran kona sya kaya lang palakad palang ako ay hinawakan na nya ako sa braso.

“At saan ka pupunta?”

“Bakit mo pa kailangan malaman? Malamang sa trabaho kaya pwede ba bitawan mona ako.”

“Hindi pwede dadalhin pa kita sa prisinto, Baka mamaya nagpapalusot kalang.”

“Hoy anong presinto ka dyan? Bitawan mona ako late na ako sa trabaho ko.”

Hindi nya ako binitawan ako at tangkang ipapasok sa kotse nya. Talagang inuubos ng lalaki nato ang pasensya ko ha? Bago paman nya ako maipasok ay kinagat kona yung braso nya para mabitawan nya ako. Wala na akong choice sobrang late na ako baka mamaya umuusok na ang tenga ni ate sa sobrang galit.

“Arayyyyy!!!! Bumalik ka dito!!!!”

Sigaw nya. Pero nagpatuloy lang ako sa pagtakbo.  Sorry nalang kay kuya di ko naman gustong gawin sa kanya yon eh.

RAYMOND’S  POV

Bwiset na baklang yon kinagat pa ako. Imbes na pupunta ako kaY Lola ngayon, Kailangan kopang dumiretso sa clinic para ipacheck tong kagat ko mamaya my rabbis pala yon. Habang nagmamaneho ako ay nagring yung phone ko si Lola Tumatawag.

“Hello apo, where are you? Mag start na.”

“Lola sorry hindi ako makakapunta ngayon, May nangyari lang Hindi maganda but i promise i’ll try my best if makakahabol ako.”

Importante pa naman sana yung pupuntahan ko kaso biglang nasira dahil sa kanya. Wag lang talaga mag krus ang landas namin dahil  pagbabayadan nya yung ginawa nya sakin.

DEX’S POV

Pagkadating ko sa labas ng building ay nagmadali agad akong pumasok, Kahit may mga bumabati sakin ay hindi ko sila pinapansin basta tumatakbo lang ako.

Halos mabuos na yung hanginsa katawan ko dahil sa bilis ng takbo ko kaya lang Hindi padin ako umabot, Sakto pagdating ko ay naglalabasan na yung mga tao at pati si Ate.

“Ate sorry, Hindi ko kasi namalayan ang oras.”

“Okay lang tapos nadin naman kami.” “Ate sorry talaga.”

Hindi nya ako pinapansin at patuloy lang sya paglakad mukhang galit ata sya sakin.

“Ate galit kaba?”

Tumigil sya sa paglalakad at tumingin sakin, Kinabahaan ako bigla kasi parang eto yung mga tinginan nya na aawayin nya ako. “Hindi ako galit Dex, Naiinis lang ako. Hindi kana bata so? You need to be more responsible sa mga bagay katulad nito, Hindi ang trabaho mo ang mag aadjust.”

“Sorry talaga, Promise hindi na mauulit.”

Napuyat kasi ako kagabi dahil kay Nathan (haha biglang nanisi) ang dami nyang kwento tapos pagpipikit na ako kikilitiin nya ako, Parang ewan sya.

“Dex???”

Napatingin agad ako sa babaeng nagsalita.

“Misis Sandoval??”

“Yes, ako nga. Bakit wala ka kanina? Hinahanap pa naman kita.”

“Sorry po medyo tinanghali lang nang gising.”

“Ganon ba? Gusto mo magcoffee? Don’t worry treat ko para naman makabawi ako sa pagtulong mo sakin.”

“Nako salamat nalang po, marami pa po kasi akong gagawin.”

“Pwede ko naman siguro mahiram saglit yung kapatid mo diba? Miss Montes?”

Bumaling yung tanong nya kay Ate Andrea, Tapos si Ate napatingin sakin.

“Sure, Why not.”

“Yun naman pala eh.”

Naglakad sakin palapit si Ate tapos may binulong.

’ Just make sure na mas lalo mong makukuha ang loob nya.’

Hindi ko naman kailang pang sumipsip kay Misis Sandoval para makuha ang loob nya, kung satisfy sya sa mga prinesent ni Ate edi maganda. Nakakailang sumabay kay Misis Sandoval kasi may kasama din syang Bodyguard.

Sumakay kami samay sasakyan nya at bumaba sa may isang coffee shop malapit lang din samin halos pwede mong lakadin.

“Wag ka mahiya Dex, pili kalang nang kung anong gusto mo.”

Ano bang pipiliin ko? Huhu hindi naman ako mahilig sa mga ganitong klaseng lugar

Pinili ko nalang yung madaling basahin dahil ganon naman talaga tayo pag first time natin haha aminin nyo kayo din?

Humanap kami ng pwesto at doon kami malapit sa may pinto.

“Darating pala dito ang apo ko, Ipapakilala kita sa kanya.”

“Talaga po?”

“Oo halos kaedad molang yon.”

“Asan po pala ang mga anak nyo?”

“Isa lang ang anak ko, At isa lang din ang apo ko. Yung anak ko nasa US doon na naninirahan pero kami nang asawa ko nandito lang kasama ang apo namin.”

“Ano po ba ang apo nyo? Lalaki o babae?”

“Lalaki sya.”

Sana gwapo! Haha char! Loyal ata ako noh! Kay Nathan lang ako walang titibag.

Nag-antay pa kami nang ilang minuto bago dumating ang apo na sinasabi nya.

“Oh ayan na pala ang apo ko.”

Napalingon agad ako sa sinabi nya kaya lang nang makita ko kung sino yung apo nya ay parang gusto konang umalis.

Apo nya Yung lalaking nambintang sakin na sindikato daw ako.

“What the hell are you doing here??!”

Ayan agad ang bungad nya sakin ng makita nya ako. Wala man lang pa goodmorning sa lola nya ttssk bastos!

“Niyaya lang ako nang lola mo dito.”

“Bakit apo, Kilala mo ba sya?”

“Yes, At hindi ko malilimutan ang mukha nya sya yung tinutukoy kong nangyaring hindi maganda. Alam moba ang ginawa nya sakin?  Kinagat lang naman nya ako. Pumunta nga ako agad sa clinic kasi baka may virus sya.”

“Excuse me? Wala akong Virus, Tsaka ayaw mo ako bitawan kaya no choice ako.”

“Bakit ba mag-kasama kayo ni Lola??”

“Apo, Anak sya ng bago nating business partner ang mga Montes.”

Hala maglola sila? Bakit parang ang layo ata ng ugali nila sa isat-isa? “Anak siya ni Ma’am Aurora?”

Kilala nya pala ang mommy? Hayss paano? Siguro noong mga panahon pa na hindi nila ako natatagpuan.

“Yes apo.”

“Kung talagang isa syang Montes bakit naglalakad sya sa kalsada? Diba dapat naka kotse ka? Or may naghahatid sayo?”

“Mahabang estorya po kung ikukwento kopa sa inyo.”

“Kung pangit man ang una nyong pagkikita kalimutan nyo nayon.”

“Lola tingnan mo nga ginawa sakin nyan, Kinagat ako mamaya may virus payan eh.”

“Wala nga akong virus ang kulit mo.”

“Wag na kayo mag-away, Apo umupo kana dito. Join us, But by the way Dex this is my only grandson Raymond Sandoval and Raymond this Dex, Dex Montes.”

Pinakilala kami ni Misis Sandoval sa isat-isa kaya nga lang mukhang wala syang balak na malaman maski pangalan ko.

Sorry sya ganon din ako! Kung hindi lang talaga dahil sa mabait ang lola nya nilayasan kona sya ang hirap kaya makipag plastican.

So ayon na nga, Kaming dalawa ay tahimik lang habang si Misis Sandoval ay ang daming kinukwento, Makwela pala sya kapag nakasama mo. Hindi ko nadin namalayan ang oras, Halos mag-iisang oras nadin akong kasama sila. Baka hinahanap na ako ni Ate.

“Ah eh Misis Sandoval mauna napo ako sa inyo, Baka kailangan na po ako ni Ate.”

“Ganon ba? Pasensya kana kung medyo napahaba ang pagkwento ko.”

“Wala po yon.”

“At sya nga pala don’t call me Misis sandoval you can call me, Tita Lauren.”

“Okay po.”

“Apo ihatid mona si Dex.”

Nagulat Kaming pareho ni mokong dahil sa sinabi ni Tita Lauren.

“Wag napo kaya ko naman mag-isa.” Mabilis kong sagot.

“Kaya nya nayan, Nangangagat kaya yan.” Sagot naman yan.

“Apo? Ganyan ba ang itinuro ko sayo?”

“Okay Fine, Tara na nga.”

Biglang hinawakan ni Mokong yung kamay ko at hinila palabas sa bilis ng pangyayari ay hindi na ako nakapagpaalam ng maayos.

“Makakaladkad ka naman wagas, Okay na ako kaya kona mag-isa atsaka malapit lang naman dito yung building namin.”

“Hindi na ihahatid na kita, Mahirap na baka may kagatin ka ulit.”

May kinuha syang headphone sa bag nya at sinuot nya. Parang wala din akong kasama kasi etong mokong nato Parang walang pakialam sa mundo.

Hinatid naman nya ako hanggang labas lang tapos nagdirediretso paalis wala man lang paalam.

Bilang pagbawi kay Ate ay ako lahat ang gumawa ng trabaho nya nagpaturo ako sa kanya kung anong gagawin ko.

Kung pano magedit ng mga files nya, Kung paano gumawa ng presentation, kung paano i check ang status ng kompanya dahil bilang COO malaki din ang responsibilidad na nakapatong sa kanya.

Natapo ulit ang buong araw ko na medyo stress dahil ang dami kong dapat imemorize ang dami kopang dapat malaman ang hirap talaga kapag baguhan kapa lang sobrang nakakapressure matuto.

/////

Pagdating ko sa bahay ay napasalampak agad ako sa higaan ko at pinikit ko agad ang mga mata ko. Matutulog ako ng maaga ngayon para hindi na maulit ang palpak na nangyari kanina.

Pero kakapikit kopa lang ng biglang tumawag sakin si Nathan.

‘My Loves kamusta?’

‘Ba’t di mo ako ginising nung umalis ka? Alam moba na nalate ako? At hindi naabutan yung dapat na meeting namin? Tapos mukhang galit pa sakin si Ate. Tapos may nakilala pa akong bwiset.’

‘My Loves relax lang, Hindi kita ginising kasi ang himbing nang tulog mo. Humihilik kapa nga eh.’

‘Hoy ang kapal mo! Hindi ako humihilik!’

‘Gusto mo ipakita kopa sayo yung video mo habang humihilik??’

‘binablockmail moba ako?’ inis kong tanong sa kanya.’

‘Hindi naman.’

‘so i delete mona yan.’

‘oo na My Loves idedelete kona baka magalit kapa sakin eh.’

‘Nathan bukas nalang ulit tayo mag-usap gusto ko muna magpahinga.’

Maysasabihin pa sana sakin si Nathan kaya lang pinatayan kona sya ng tawag. Inaantok na talaga ako atsaka kukulitin na naman nya ako baka mapuyat ulit ako at malate bukas.

CHAPTER 35

RAYMOND’S POV

“Dad? What are you doing here?”

“Oh bakit parang gulat na gulat ka sa pagdating ko my only son.”

Lumapit sakin si Daddy at ginulo yung buhok.

“Dad hindi na ako bata kaya wag nyo gawin sakin ngayon yung mga ginagawa nyo dati.”

“Raymond? Ganyan moba talaga ako dapat i treat?”

“Diretsohin mona kasi ako Dad, hindi kayo pupunta dito nang walang dahilan ano bayon?”

“Remember Ana? Ana Ramirez?”

“Oh what about her?”

“Nakausap ko ang daddy nya when i was on the State ang sabi nya single nadaw ngayon ang anak nya, Ba’t dimo kaya ligawan para naman kapag naging kayo pakasalan mona para mas maging maipluwensya ang pamilya natin.”

“What?? Ipapakasal nyo ako sa babaeng diko naman mahal?”

“Bakit hindi? Eh ano bang gusto mong gawin dito?  Magbulakbol at ubusin ang lahat ng pera na meron ka? Remember Raymond sakin padin nanggagaling ang pera na meron ka ngayon.”

“Dad? Meron ang girlfriend, kaya Hindi pwede yang sinasabi nyo.”

Wala na akong ibang maisagot kay Daddy yun nalang ang naisip kong rason para wag ipilit sakin na pakasalan o ligawan man lang yan si Ana Ramirez.

“Oh really? Come on Raymond alam natin lahat na hindi ka nagseseryoso sa mga babae, for sure na naging babae mo lang yan sa mga bars na napuntahan mo. Next week darating dito si Ana and i want you to be with me, Wag mo akong ipahiya.”

“Pero? Dad, May Girlfriend na nga ako eh.”

“Then? Show her, Kapag totoo yang sinasabi mo hindi kia ipipilit na makipagkilala kay Ana”

“Hayaan nyo Dad ipapakilala ko sya sa inyo.”

“Good, at kapag nagustuhan ko sya. Isasama ko kayo sa Us.”

“What?! What if hindi nyo sya magustuhan?”

“Edi maiwan ka dito sa lola mo”

Hindi ko nagawang umangal pa kasi umalis na si Daddy. Pano nato? Anong gagawin ko? Kapag wala akong maipakilala kay Daddy ay  Ipapakilala na nya ako kay Ana.

Matamlay akong pumasok ng kwarto ko at pasalampak na humiga at nag-isip nang pwedeng gawin para hindi matuloy ang plano ni Daddy.

Kailangan kong umisip ng paraan, Hindi pwede to sino ang pwede kong kunin para magpanggap na girlfriend ko?

DEX’S POV

Lumipas ang ilang araw, mas lalo pang dumadami ang mga natututunan ko sa trabaho ko pero sa kabila non ay mas lalo akong napapagod at nahihirapan ang oras ko, Lalo na samin ni Nathan.

‘My loves bakit di mo agad sinagot ang tawag ko?’

Bakas sa boses ni Nathan ang pag-aalala hindi ko kasi sinasagot ang mga tawag nya, May ginagawa kasi ako at ayokong may istorbo kapag nagcoconcentrate ako sa isang bagay.

‘May ginagawa ako My Loves mamaya ka nalang tumawag.’

‘Ha? Ngayon pa nga lang ulit tayo mag-uusap tapos mamaya nalang?’

‘Kailangan ko talaga matapos to ngayon my loves.’

‘Labas naman tayo, Miss na kita eh.’

‘sige na my loves may ginagawa pa ako eh, I Love you.’

Pinatayan kona ng call si Nathan at tinuloy ang ginagawa ko.

“Kuya laro tayo.”

Mayamaya pa ay si kyline naman ang lumapit sakin.

“Baby mamaya nalang ha? May ginagawa pa si kuya.”

“Sige na kuya please.”

Hinila hila ni Kyline yung kamay ko kaya mas lalo akong naguluhan sa ginagawa ko.

“Kyline ano ba? Dimo ba nakikita may ginagawa si kuya?! Mamaya kana maglaro.”

Pagkasabi ko non sa kapatid ko ay napatingin agad ako sa kanya. Napagtanto kodin agad na mali ang nasabi ko.

Tumayo agad ako para sundan sya pero nakatayo na pala si Maama sa may gilid lang.

“Ma kanina kapa ba dyan?”

“Oo at nakita ko ang ginawa mo sa kapatid mo.”

“Hindi ko naman sinasadya Ma, Nabigla lang talaga ako. Medyo nasstress lang talaga ako sa ginagawa ko.”

“Masaya ako dahil may trabaho kana pero kung ganyan naman, Dapat isipin mong mabuti kung paano mo hahatiin ang oras mo para sa pamilya mo at sa trabaho mo. May oras para sa trabaho anak, Pero dapat mas may oras ka para sa mga taong nakapaligid sayo.”

Hindi ako nakaimik sa sinabi ni Mama dahil tama naman sya sobrang mali ako sa pagsigaw sa kaptid ko.

“Ma saglit lang ha? Puntahan ko muna si Kyline.”

Agad kong sinundan si Kyline, Nandon sya sa kwarto nagmumukmok. Tumabi ako sa kanya at niyakap ko sya.

“Kyline? Sorry kung napagalitan ka ni Kuya ha? Pagod lang si kuya sa trabaho nya pero kung gusto mo pagkatapos ko sa ginagawa ko maglalaro tayo at wag mong isipin na galit ako sayo.”

Humarap sakin si kyline at tiningnan ako.

“Talaga kuya hindi ka galit sakin?”

“Bakit naman ako magagalit sa baby namin? Ano bang laro ang gusto mo?”

Masaya ako na nakangiti na ulit ang kapatid ko, Kahit pagod ko tila nawawala din.

“Bahay bahay po sana kaso wala naman si kuya Nathan, Sya sana ang daddy.”

“Edi iba nalang, gusto mo yung nilalaro nyo ni Mama yung ikaw yung bibili tapos kunwari ako ang magtitinda.”

“Maganda yan kuya.”

“Oh ano simulan naba natin?”

Tuwang tuwa na tumayo si Kyline at inayos yung higaan nya sya yung nag intruct sakin sa kung ano ang dapat kong gawin.

“Kuya ako ang bibili tapos ikaw ang magtitinda sakin, Ha?”

“Sige eh saan ka naman kukuha ng perang ipangbibili mo sakin?”

Nag-isip sya kunwari tapos may pinakitang mga punit na papel.

“Kuya ayan yung pera natin.”

“Ha? Papel?”

Nakakatuwa lang balikan nung mga panahon na bata pa ako, Naalala ko dati ang gamit pa namin na pera ng mga kalaro ay dahon.

“Kuya simulan na natin.”

Nagsimula na kaming maglaro ni kyline, kahit papano ay mas narelax ang utak ko kasi pansamantalang nakalimutan ko yung trabaho ko. Habang naglalaro kami ni Kyline ay biglang dumating si Mama.

“Mukhang masaya yang ginagawa nyo ha?”

“Hah ito kasing si Kyline ayaw akong tigilan.”

“Sige na mamaya nalang kayo ulit maglaro. Dex nandyan pala si Miles, Kasama yung kuya mo.”

“Si ate Miles? Asan po sya?” Tanong ni Kyline.

Lumabas naman agad kami para puntaha sila.

“Kyline!!!!” Tumakbo agad si Miles papunta sa kapatid ko at binuhat nya ito.

“Ang ganda ganda mo talaga Kyline.”

“Maganda ka din po. Sino po yang kasama nyo? Boyfriend nyo?”

“Kyline? Siya si kuya Samuel, kuya ko sya.”

Ako na ang sumagot dahil alam ko naman na  hindi pa sinasagot ni Miles si Kuya.

“Kuya? Kapatid nyo po sya? Kuya ko din poba sya?”

“Oo kuya ko din sya.” Agad kong sagot.

“Hi Kyline? Ako si Kuya Samuel.”

“Hello kuya Samuel, Kuya po namin kayo pero bakit dika po dito nakatira? Nag wowork kadin?”

Jusko mukhang may pinagmanahan nga talaga si Kyline sa kadaldalan.

“Ah eh oo nag wowork ako.”

“Kyline dito kana muna, tayo nalang muna maglaro.”

Yaya ni mama sa kapatid ko. Kinuha ni mama si Kyline at pumasok sila sa kwarto.

Niyaya ko sila na umupo muna sa may sala at nagpasama ako kay Miles na kumuha ng maiinom.

“Bakit ganyan ang itsura mo? Hagard na hagard kana be”

“Oo nga eh, dami kasing pinapagawa ni ate.”

“Nako sabi kona nga ba yang ate, Di talaga ako mapakali eh parang may gagawin sya sayong hindi maganda.”

“Miles? Okay na kami ni Ate wag mona syang pag-isipan ng hindi maganda.”

“Nag-iingat lang ako Dex, iba kasi ang kutob ko.”

“Kung ano man yang kutob nayan kalimutan mona kasi magkaayos na kami ni Ate.”

“Hay sya bahala kana nga, Pero mabalik tayo mukha kana talagang stress be tingnan mo sa salamin.”

Tumingin ako sa salamin na inabot ni miles at pinagmasdan ang sarili ko, Tama nga si siya ang pangit kona huhu masyado ata ako nagpakabusy sa trabaho ko.

“Hala Miles hindi kona napansin ganito na pala ako kamukhang stress.”

“Oo kaya kung ako sayo mag-ayos ayos kana kasi baka mamaya mapalitan ka ni Nathan.”

“Grabe ka hindi gagawin sakin yon ni My Loves”

“Talaga namang confident ka ha?”

“Mahal na mahal namin ni my loves ang isat-isa kaya malabo yang sinasabi mo. Eh kayo ni kuya? Ano nang label nyo?”

“Ayon nga diba sabi ko sayo nanliligaw padin sya.” -Miles

“Baka pahirapan mo naman ang kuya ko.”

“Sakto lang haha. Wag ka mag-alala sasagutin ko din naman ang kuya mo haha.”

Dahil sa kaharutan ni Miles ay batukan ko sya ng mahina.

“Ang landi nito, Di man lang nagpadalagang Pilinina.”

“Nagmana lang ako sayo noh?”

“Kumain naba kayo ni kuya? Gusto nyo dito nalang kayo maghapunan magpapaluto ako kay Mama.”

“Sige gusto ko yan.”

Bumalik na muna kami ni Miles kay kuya dahil baka mainip sya hindi pa naman yon sanay sa mga ganito.

ANDREA’S POV

“Anrdrea kamusta naman si Dex sa bago nyang trabaho?” Tanong sakin ni Mommy

“Ayon medyo naninibago pa pero matututo din naman sya pagtagal.”

“Wag mo muna sana bigyan ng mabibigat na trabaho ang kapatid mo ha?”

“Don’t worry mommy nandito naman ako para i guide si Dex atsaka fast learner naman sya.”

“Masaya ako dahil nakikita kong nagiging okay na kayong dalawa sana magtuloy tuloy nayan.”

Lumapit ako kay Mommy at niyakap ko sya.

“Mommy sorry sa lahat lahat, Sa mga nagawa ko at na sabi ko sa inyo. Ngayon po alam kona ang pagkakamali ko.”

“Wag kana mag sorry diba nga ilang beses kana nag sorry?, Hindi naman ako galit sayo at kung ano man ang nangyari noon? Kalimutan mona at mag focus na tayo sa ngayon.”

Kahit ilang beses pa ako magsorry kay Mommy at lalong lalo na kay Dex ay ayos lang sakin para makabawi ako sa kanila.

DEX’SPOV

Unang pagkakataon to na makakasama namin si Kuya na kumain dito sa bahay.

“Samuel ba tama ba? Pasensya kana ha? Hindi kalakihan ang bahay namin.”

“Ayos lang po yon, Wala pong problema.” -kuya.

“Mama anak nyo din ba sya? Kuya ko din sya?” Biglang tanong ni Kyline. Ang kulit talaga ni kyline hindi pa pala nya nakakalimutan yung kanina, Pano koba sasabihin sa kanya???

“Ah eh oo kuya mo din sya.”

“Wow talaga po? Ibig sabihin dalawa ang kuya ko? Si kuya Dex tapos sya po?”

“Oo baby dalawa ang kuya mo.”. -Mama

Manang mana talaga sa pinagmahan si Kyline wahaha ang daldal eh.

“Kumain na muna tayo baka lumalig ang pagkain.” PagSingit ni Papa sa usapan.

“Kuya sabihin molang kung ayaw mo ng ulam ha?”

“Hindi Dex ayos nato sakin, Mukha ngang masarap eh.” -Kuya

“Hindi lang yan mukhang masarap, Masarap talaga yan lalo na si tita ang nagluto.” -Miles

“Salamat Miles, mabuti kapa pinupuri ang luto ko di tulad ng iba dyan ang pangit daw ng lasa pero naubos naman.”

alam kong ako ang pinaparinggan ni Mama pero sorry sya gutom ako ngayon haha.

Habang kumakain ako ay bigla kong naalala si Nathan nababaan ko pala sya ng tawag kanina, Baka nagalit nayon sakin.

CHAPTER 36

DEX’S POV

Kahit papaano ay hindi naging stress ang araw ko ngayon unang una dahil sa makulit kong kapatid at pangalawa dahil bumisita si Miles at si kuya samin.

Kailangan ko matulog ng maaga ngayon dahil nandon sila Mommy at Daddy bukas kaya dapat mas maaga ako don.

Pagkahiga ko sa higaan ko ay agad kong pinikit ang mga mata ko. Pero ilang minuto palang ay may narinig na akong kumakatok sa may gate namin.

Medyo kinabahan ako kasi sunod sunod yung katok nya na Parang gusto na pagbuksan sya agad. Sino bayang makakatok na parang gusto nang sirain ang gate ng bahay namin.

Kahit antok na ako ay pinilit ko padin bumangon para silipin kung sino yon. Nakakahiya pati sa mga kapitbahay atsaka baka magalit si papa. Pagbukas ko ng gate ay si Nathan ang una kong nakita lumapit sya sakin at niyakap ako ng mahigpit.

“My loves bakit dimo sinasagot ang mga texts at tawag ko? Hindi moba alam kanina pa ako nag-aalala sayo kahit nasa trabaho iniisip kita kasi hindi ako sanay na hindi ka nag-a update sakin.”

“My loves sorry nakalimutan kong i charge nandito kasi sila kuya kanina kaya nawala sa isip ko.”

“My loves naman eh alam mobang pinag-alala mo ako? Sa susunod wag mona ulit gagawin yon.”

“Sorry sorry nawala talaga sa isip ko ang dami ko kasing ginagawa kanina tapos nandito nga sila kuya diba? Kumain kana ba? Tara na muna sa loob. “

“Hindi pa nga eh iniisip kasi kita kaya hindi ako makapag concentrate.” -Nathan

“Ganon ba? Tara na pumasok na muna tayo sa loob.”

Niyaya kona papasok si Nathan, Kawawa naman ang my loves ko hindi pa kumakain naguguilty tuloy ako. Nakalimutan ko kasing i charge ang phone ko.

Pinaupo ko muna sya at inayos yung mga gamit nya at kinuhaan sya ng makakain.

“My loves nandito ang kuya mo kanina?” -Nathan

“Oo at kasama nya si Miles, Dito din sila kumain kanina.”

“Sayang diko sila naabutan.”

“Hayaan mona marami pa namang next time, kumain kana muna dyan.”

Habang kumakain si Nathan ay pinagpapatuloy ko naman ayusin yung mga gamit nya.

“My loves sabayan mo ako kumain.”

“Hindi na, Kumain na ako kanina ikaw nalang.”

“My loves dito pala ako matutulog ngayon ha? Gusto kita makasama.” -Nathan

“Nathan maaga ako bukas wag mo ako kulitin ngayon patulugin mo ako.”

“My loves napapansin ko nitong mga nakaraang araw hindi kana masyado nagtetext sakin.” -Nathan

“Busy lang ako sa work ang dami kong kailangan tapusin at madami pa akong kailangan matututunan.”

“Pwede mo naman aralin paunti unti wa mo masyadong estresen ang sarli mo. Baka nakakalimutan mo may fiancé kana.” -Nathan

“Kaya nga ako nagtrabaho para satin din diba? Ayaw ko naman na ikaw lang ang gumagalaw habang ako nakatunganga.”

“Masaya nga ako dahil don pero kasi napapansin ko nawawalan kana ng time sakin katulad kanina pinatayan mo ako ng tawag dati naman dika ganon.” -Nathan

“Big deal bayon? Nathan naman, sabi ko naman sayo kanina busy ako diba?”

“Busy din ako My loves pero nagawa padin kitang tawagan.”

“Ayokong makipagtalo ngayon Nathan maaga pa ako bukas kaya kailangan maayos akong makatulog. Pagkatapos mo dyan palagay nalang sa lababo tapos sumunod ka nalang sa kwarto ko ha? Matutulog nako.”

Kapag kasi sinagot kopa si Nathan ay lalo lang hahaba ang lahat baka dipa ako makatulog nito.

Ilang minuto palang ako nasa higaan ay naramdaman konang tumabi sakin si Nathan at niyakap nya ako.

“My loves galit kaba?”

“Nathan bukas na tayo mag-usap please, matulog na tayo.”

Akala ko maku convince kona si nathan na matulog kami pero nagulat ako sa sunod nyang ginawa.

Hinawakan nya yung pwetan ko at pinisil yon ( Note : for open minded only if hindi mo matake skip mo nalang)

“Nathan ano bang ginagawa mo!” Inis kong sabi sa kanya.

“My loves please.”

“Wag ngayon Nathan, kailangan ko na magpahinga at maraming energy bukas.”

Tumigil naman sya at naramdam kong bumangon sya kaya naman napalingon ako sa kanya.

“Oh san ka pupunta?” Tanong ko sa kanya.

“Sa Cr, ayaw mo naman eh.”

“Anong gagawin mo Tatae?”

( Sorry sa word guys haha -author )

“Ano paba? Wala naman ako magagawa eh ayaw mo naman.” -Nathan

Parang naguilty tuloy ako dahil sa dismayadong mukha ni Nathan.

“Halika kana dito.” Yaya ko sa kanya.

“Sige na My loves kaya kona to mag-isa matulog kana at baka mapuyat kapa.”

Grabe nangonsensya pa talaga sya.

“So ayaw mo! Sige matutulog nalang ako ulit?”

Tumalikod ako sa kanya at nagsaklob ng kumot.

“May sinabi ba ako???” Rinig kong sagot nya.

(KUNG ANO MAN ANG NANGYARI SA KANILA KAYO NALANG MAG IMAGINE HAHA HINDI PWEDENG I DETAIL PARA IWAS REPORT)

RAYMOND’S POV

“Lola I need your help.”

“Mukhang malaki ata ang problema mo apo at kinakailangan mo ang tulong ko.”

“Malaking problema po talaga kapag nagkataon.”

“Bakit ano ba yon? Pano kita matutulungan?”

“Kasi si gusto nya ako ipakasal.”

“So? Nasa tamang edad ka naman na anong problema don?”

“Lola?! Bakit naman ako magpapakasal sa taong hindi ko naman mahal?”

“Anong naging sagot mo sa Daddy mo?” -Lola

“Syempre hindi ako pumayag at sinabi ko na may girlfriend na ako kaya hindi ako pwede magpakasal.”

“May Girlfriend kana?” Gulat na tanong sakin ni Lola.

“Wala akong Girlfriend Lola, Sinabi kolang yin para tigilan ako na Daddy kaya ang problema ko saan ako hahanap ng Girlfriend na maipakikilala ko kay Daddy?”

“Nako mahirap ngayan apo.”

“Lola please do something, Ikaw lang ang alam ko na makakatulong sakin.”

Napabuntong hininga nalang si Lola.  Alam kong hindi nya ako matitiis.

“Okay fine, hahanap tayo na magpapanggap na Girlfriend mo.”

“Thanks lola pero may isa pa, Kailangan hindi magustuhan ni Daddy ang magpapanggap na Girlfriend ko.”

“What? Girlfriend na dapat hindi magugustuhan ng Daddy mo?”

“Opo, Kasi kapag nagustuhan nya yung girlfriend ko malamang isasama nya kami pabalik ng states at ayaw kong mangyari yon.”

“Pasalamat ka Mahal kita kasi ikaw ang kaisa-isa kong apo.”

Doon palang sa sinabi ni Lola alam kong tutulungan nya ako.  Napaka swerte ko talaga na may Lola akong katulad nya.

“Super thank you lola. Saan po pala ang lakad nyo ngayon?”

“I have meeting with Mr. And Mrs. Montes, Gusto mo ba sumama?”

“Wag na La baka makita kopa yung baklang may Virus nayon.”

“Okay sige, Mauna na ako update nalang kita kapag may nakita na akong pwede maging fake Girlfriend mo.”

Sana lang talaga matinong babae naman ang makita ni Lola, Hayss nakaka stress naman si Daddy hanggang ngayon ginagawa padin akong bata pati mapapangasawa ko sya padin ang pipili.

Bahala na kahit sinong dalhin ni Lola ayos na sakin ang importante naman hindi sya magustuhan ni Daddy.

DEX’S POV

“Nathan bumangon ka dyan!”

Inalog alog ni Ko si Nathan para magising nag promise kasi sya sakin na ihahatid nya daw ako.

“My loves naman anong oras naba? Inaantok pako eh.”

“Bumangon kana kasi, Ihahatid mo ako diba??? Ikaw ang nag promise eh.”

Kahit antok pa si Nathan ay napilitan syang bumangon dahil alam nya siguro na hindi ko sya titigilan.

“My loves naman eh sarap pa nga ng tulog ko eh.”

“Maliligo nako pagkatapos ko ikaw na.” Mataray kong sabi sa kanya. “Sabay nalang kaya taya maligo My Loves? Para mas mabili”

“Sabay mo mukha mo.”

Iniwan kona si Nathan at pumasok na Cr haha akala nya siguro magpapadala ako sa pang-aakit nya. No way! Hahaha

So ayon na nga, Hinatid na ako ni Nathan pero Gusto nya pa ako ihatid papasok sa loob, gusto nya makita kung sino yung mga nakapaligid sakin baka daw kasi may umaaligid sakin haha ganda konoh?? Ganda ka ghurl?? Haha.

“Good Morning Sir Dex”

“Good Morning po.”

“Goo Morning Sir.”

Bati sakin ng mga nakakasalubong namin, Sa totoo lang medyo naiilang padib ako sa tuwing binabati nila ako ng ganon.

“Wow My loves boss kapala dito eh.” Nakangiting sabi ni Nathan at sabay umakbay sakin.

“Di ako boss dito ano kaba. Anak lang ako ng may ari ng company nato.”

Yung ibang nakakasalubong namin ay nakapako ang tingin samin, Pero dedma lang sila samin ni Nathan dahil sanay na kami sa mga katulad nila.

“My loves diba alam ng mga tao dito na may Boyfriend ka? Hindi moba ako pinapakilala sa kanila? Siguro kinakahiya mo ako?”

Binatukan ko ng mahina si Nathan haha para kasing ewan.

“Kakapasok kolang dito diba? Hindi kopa sila kilala lahat atsaka alangan naman isa isahin ko sila para lang sabihin na may Boyfriend ako.”

“Hay nako si My Loves ang bilis uminit ng ulo, Parang buntis.”

“Sabi mo ihahatid mo ako diba? Pero hindi kasama don na asarin mo ako.”

“Sorry na My loves.”

Pagdating namin sa office ni ate ay wala pa sya tiningnan ko yung oras 30 minutes akong mas maaga, pinauwe kona din si Nathan dahil baka mainip payon at kung ano pang gawin nya.

ANDREA’S POV

Magkakasama kami ngayon nila Mommy at Daddy sa sasakyan dahil ngayon palang nila i memeet si Mrs. Sandoval.

Alam nyo ba kung bakit wala si kuya o hindi sya mahilig sa ganito? Kasi dati palang sinabi nya kay Daddy na ayaw nya sa ganitong industry gusto nyang umiba.

Sa una nagalit si Daddy pero dahil sa pinanindigan ni kuya ang gusto nya ay napapayag nya din ito. Habang nasa byahe kami ay nakatanggap ako ng text mula kay Dex, Sabi nya nandon na daw sya.

“Nandon na daw si Dex”

Sabi ko kala Daddy.

“Wow ang aga nya naman, mukhang nagpupursigi talaga sya sa trabaho nya.” Masayang sabi ni Mommy.

“Alam mo Aurora natutuwa ako sa anak natin nayan, Napalaki talaga sya ng tama at maayos alam mo kung iba iba yon? Hindi nya pipiliin ang isang mababang posisyon at mas gugustuhin nya ang mas mataas at magaan na trabaho dahil isa anak sya ng isang mayaman na tao.” -Daddy

“Oo nga eh, Pero lahat sila na mga anak natin ay nakakaproud dahil ginagawa nila ang talagang gusto nila.” -Mommy

Masaya ako na makitang nakangiti ang dalawang espesyal na tao sa buhay ko, Masaya ako dahil napapasaya namin sila sa mga desisyon na nagawa namin.

“Bakit ka nakangiti Andrea?” Takang tanong ni Mommy napansin nya pala na nakangiti ako.

“Wala po may naalala lang ako.” Ngumiti din si Mommy at niyakap ako.

CHAPTER 37

DEX’S POV

Masyado pala akong napaaga sa pagpasok nasa byahe palang sila Mommy hayss ano kayang magandang gawin?

Pero mas kinakabahan ako kasi nandito sila mommy at daddy makikita nila ang mga kilos ko. Ilang minuto din ako nag-antay bago sila dumating.

“Matagal kabang nag-antay Anak?” Agad tanong sakin ni Mommy.

“Ayos lang po, medyo napaaga lang talaga ako.”

“Sabi ko kasi sayo eh doon kana ulit sa bahay tumira para sabay sabay na tayo.”

“Kumain kana ba Dex? Gusto mo sumabay ka muna samin?” Alok sakin ni Ate Andrea.

“Nako hindi busog nako.”

“Are you sure???” Tanong nya ulit. Tumango lang ako at ngumiti.

“Sumama kana samin Dex, mas mabuti nang may laman ang tyan bago sumabak sa gera.” -mommy

Haha gera talaga? Yung tinutukoy nya siguro yung kay Mrs. Sandoval sa totoo lang kinakabahan na ako na tatae ako na ewan.  First time ko kasi sa mga ganito at hindi ko alam kung saan at paano ako mag-uumpisa.

So ayon na nga lumabas ulit sila at hindi ko alam kung saan sila pupunta, niyaya naman nila ako pero ako lang itong may ayaw. Ewan koba nahihiya padin ako sa kanila kahit medyo matagal kona silang nakakasama.

Nagugutom naman talaga ako kaya ng mapansin kong wala na sila ay lumabas nadin ako para makahanap ng makakain. Sobrang daming makakainan pero alam nyo yon? Ang mamahal atsaka mag-isa lang ako.

Naglakad pa ako ng medyo malayo layo hanggang sa may nakita akong mga nagtitinda ng street foods. Dali dali akong lumapit para pumili ng kakainin ko haha kahit pala anong Buhay ang meron ako ngayon ay babalikbalikan kopa din ang nakasanayan ko.

“Kuya magkano fishball?”

“Piso dalawa po.” Nakangiting sagot nya.

Kumuha nako ng fishballs at nilagay sa baso tapos bihusan ko ng maanghang na suka.

Dimo muna ako umalis kasi mukhang makakarami pako haha hindi naman siguro mag sstart agad yung meeting nila haha sana lang talaga. Ang sarap talaga mag fishball lalo na pag maanghang yung sawsawan.

“Akala koba busog kana?”

Kakagat na sana ako pero may isang pamilyar na boses akong narinig.

“Da-daddy?”

“Oh bakit parang nakakita ka ata ng multo?”

“Ano pong ginagawa nyo dito???”

“Nakita kitang lumabas kaya ayon sinundan kita, tapos pinagmasdan lang kita at mukhang sarap na sarap ka sa kinakain mo.”

“Ah eh opo, masarap po talaga ito.”

“Fishball? Masarap nga yan.”

“Ano pong ginagawa nyo?”

Nagulat kasi ako ng bigla tumusok si daddy ng isang fishball tapos sinawsaw nya at kinain.

“Manong bilhin kona po ito Lahat.”

Hindi parin mag sink in sa utak ko ang ginagawa nya, kumakain sya ng mga ganitong pagkain? Kailan pa? I mean bibihira sa mga mayayaman ang kumakain ng mga ganito.

“Oh ba’t natulala ka dyan? Marami pa tayong uubusin kaya kumain kana dyan.” Masayang sabi nya sakin.

“Eh ano po kasi, talaga po bang gusto nyong kumain dito? Pwede naman po tayo lumipat sa mas gusto nyo.”

“Nahihiya kapa ba samin? O sakin? “

“Aaminin kopo medyo naiilang pa po ako sa inyo.’

“Dex anak? May ikukwento ako sayo. Kung ano man ako ngayon o kung anong man narating ng pamilya natin ngayon ay pinaghirapan ko to sa tulong nadin ng mommy mo. Hindi kami lumaki sa yaman, Naranasan din namin maghirap. Pero syempre dahil sa kagustuhan namin na umahon ay nagsikap kami, Naging mabuti ss kapwa at dahil don may nakilala kami na isang tao at sya din ang tumulong samin.”

“Asan napo ang taong yon?”

“Wala na sya, Matagal na syang wala. Pero hanggang ngayon malaki padin ang pasasalamat ko sa kanya at hindi ko yon malilimutan.” -daddy

“Sorry po dapat di kona pinaalala.”

“Ayos lang, Sige na kumain na tayo mas masarap to pag mainit.”

Grabe ang dami kopa palang hindi alam sa pamilya namin.

Akala ko mayaman talaga sila pero mali ako ng inakala nakuha pala nila ang lahat dahil sa ugali na meron sila. Masaya ako dahil kahit sa ganitong pagkakataon ay nakabonding ko ang daddy ko.

Hindi rin namin naubos yung mga tinitinda ni manong kaya napagdesisyonan namin at sinabi sa nagtitinda na ipamigay nalang Yun.

“Baka may gusto kapang kainin?” Tanong sakin ni Daddy habang pabalik kami.

“Wala napo, Nabusog napo ako don haha. Salamat po pala.”

“Salamat saan?” Takang tanong nya.

“Salamat po kasi nakasama kita kumain kahit    streetfood lang, Salamat po kasi binigyan nyo ako ng time haha.”

“Ako nga ang dapat magpasalamat kasi natikman ko ulit yon, pasensya kana ha? Nitong mga nagdaan hindi kita masyado nal bonding masyado akong nagpakabusy sa trabaho.” -daddy

“Wala po yon naiintindihan ko naman po eh.”

“Gusto moba magshopping tayo? Para naman mabilhan kita ng mga gusto mo at makabawi ako sayo.” -Daddy

“Nako hindi napo marami pa naman po akong mga gamit atsaka baka hinahanap napo nila tayo.”

“Sige na pumayag kana para sa kahit ganitong paraan lang ay makabawi ako sayo. Wag mo nadin alalahanin ang Mommy at Ate mo ako na bahala sa kanila.”

Tumango nalang ako at ngumiti, kahit nahihiya ay pumayag nadin ako para kahit sa ganitong paraan lang din ay makasama ko ng mahaba haba ang daddy ko hindi ko din kasi alam kung kailan ulit luluwag ang schedule nya.

Sumakay na kami sa kotse nya at pumunta kami sa isang mall at naghanap ng mga mabibilhan. Sumusunod lang ako sa kanya kasi mukhang kabisado nya to haha.

“Daddy ang mamahal naman po.”

Pagkatingin ko palang ss price ng damit parang gusto konang itapon hahaha.

Sa totoo lang pangarap ko naman talaga o kahit sino satin na magkaroon ng mamahalin na damit pero alam nyo yon? Nakakahinayang wahaha.

“Sige na pumili kana ng kung anong gusto mo ako ang bahala. Sobrang laki ng pagkukulang ko sayo kahit sana sa ganitong paraan ay makabawi ako kahit konti.”

“Hindi nyo naman po ako kailangan na bilhan pa ako eh.”

“Sige na anak pumayag kana.”

Hindi kona din pinilit pa si daddy dahil mukhang masaya naman sya sa ginagawa nya.

So ayon na nga pumili ako ng magagandang damit na babagay sakin bahala na.

ANA’S POV

“Ana!!!!!!!!”

Sigaw ni Jasmine nang makita nya ako at patakbo na lumapit sakin at niyakap ako ng mahigpit.

“Hindi ako makahinga.”

“Sorry sorry na miss lang kita ng sobra….  Ang ganda mo lalo mukhang nakatulong ang pag-alis mo ha?”

“Well nakatulong nga sakin.”

“Pero bakit parang mas napaaga ata yung uwe mo?” -Jasmine

“Si Daddy pinauwe nya ako dahil may ipapakilala daw sya sakin naisip ko na maganda nadin yon para naman nakakapag focus ako sa mga iba pang bagay.”

“Don’t tell me hindi kapa nakakapag move on kay Nathan?” -Jasmine

“Sino ba ang makakapag move on agad? That was my perfect moment but it’s ruined. Hay ayoko na nga pag-usapan ang mga bagay nayan.”

“Wala kana man sigurong balak na sirain sila Dex at Nathan diba?” -Jasmine

Maglalakad na sana ako pero bigla akong napahinto dahil sa tanong nayon ni Jasmine.

“Ano bang klaseng tanong yan? Syempre wala. Anong palagay mo sakin?”

Mukhang na convince ko naman si Jasmine sa naging sagot ko. Nagkalad na kami papunta sa magsusundo sakin.

Sa totoo lang mahal kopa si Nathan hindi naman madali kalimutan Yung pag-ibig ko sa kanya at syempre ikakasal na dapat ako sa kanya at higit sa lahat naging kahihiyan yon sa pamilya ko.

Pero katulad nga ng sinabi ko wala akong balak na guluhin pa sila.

DEX’S POV

“Masaya kana ba sa mga pinamili mo? Gusto mo paba?”

“Nako hindi napo, sobra na nga po ito eh atsaka nakakahiya din po.”

“Bakit ka mahihiya? Anak naman kita. Ilang taon kang nawala samin kaya dapat makabawi kami sayo. Wala kana ba talagang gusto?”

“Wala napo talaga, salamat po dito. Ah eh saglit lang po ha?”

“Bakit may nakalimutan kapa ba?”

“Si cr lang po ako, antayin nyo nalang po ako saglit lang ako.”

Ngumiti lang si Daddy at nagmadali na akong pumunta sa pinakamalapit na banyo.

Pagkatapos kong mag cr ay agad ako nagmadali pabalik kay Daddy kaya lang……..

……

……

……..

…….

“Sheilla??”

“Tingnan mo nga naman sa dinami daming tao na pwede kong makita ikaw pa talaga noh? Sinusundan moba ako?”

“Ah hindi ah, eto na nga eh aalis na ako. Bye.”

“Bakit natatakot kaba sakin?”

Bakit ba ganito? Lapitin ako ng mga malditag babae una si Irish, pangalawa si Sheena pangatlo si Ate Andrea pero lahat sila naging okay na ang pakikitungo sakin tapos eto na naman si sheilla huhu ano ba to?

“Hindi naman,. may nag-aantay lang kasi sakin kaya mauna na ako.”

“Pakisabi sa magaling mong kapatid na panalo man sya ngayon ay nasakin padin ang huling halakhak at ikaw? Hindi ko alam kung saan lupalop ka nang galing pero dahil magkapatid kayo ni andrea ay damay kana din.”

Kalma self wag mo patulan para dina lumala. Sabi ko nalang sa sarili ko.

“Andrea sorry talaga ha? Pero mauna nako.”

“Wait lang dipa nga ako tapos eh, Ayaw mo ba makita kung anong gagawin ko sayo?”

Dahil sa bilis ng pangyayari ay hini ko na pansin na sasampalin nya na pala ako kaya napapikit nalang ako pero walang tumama sa mukha ko.

“Bakit ka mo sya sasampalin?”

“Sino kaba at ano bang pakialam mo?” Iritang tanong ni Sheilla.

“Boyfriend nya kaya umalis kana.”

Pagkarinig ko ng Boyfriend ay napalingon agad ako sa nagsalita. Si Raymond?

Anong ginagawa mo dito. Halata sa mukha ni Sheilla na nagulat sya aa narinig nya kahit ako din eh.

Ano bang kalokohan to?

Pero salamat padin dahil umalis naman din si sheilla.

“Diba effective?”

“Effective? Bakit mo sinabing boyfriend kita?”

“Kunwari lang yon para umalis na yung babae. Ayaw mona atlis nagka boyfriend ka kahit joke lang.”

Ang kapal nitong lalaki nako baka isampal ko sa mukha nya si Nathan!

“Ano bang ginagawa mo dito?”

“Ikaw na pinagtanggol nag iinarte kapa.”

“Wow? Thank you ha?!”

“Pagsakin ang tapang tapang mo. Tapos doon sa babae kanina para kang basang sisiw.”

“Kasi babae yon, Sa mata ng lahat pag pumatol ka sa babae kahit tama ka nagiging mali kaya kung kaya mo umiwas ka nalang.”

“Kahit sinaktan kana dika lalaban?”

“Kung kaya nga diba?  Atsaka bakit ba pinipilit mo akong makipag away? Ang sama mo din noh?”

“Kasi nga baklang may virus ka nga diba? Kaya dapat kinakatakutan ka.”

“Talaga lang ha?  Eh bat ka nandito? Umalis kana nga.”

“Sorry immune ako sa mga kagaya mo.”

“Wala kana bang ibang sasabihin?? Pwede na siguro akong umalis??”

Wala akong time makipaglokohan sa kanya dahil kanina pa naghihintay sakin si Daddy baka mainip yon at iwan nalang ako huhu. Pero nakakalayo palang ako ng konti ay narinig kong sumigaw sya.

“Ingat baklang may Virus!”

Tssk nababaliw na talaga sya tama bang sumigaw! Sya kaya ang may virus. Tssssk sana diko na sya makita.

CHAPTER 38

DEX’S POV

’ Oh ba’t

napatawag

ka?’

’Yan talaga ang bungad mo sakin my loves? Dimo man lang ako

kakamustahin

?’

’Magkasama lang tayo kahapon diba? Bakit ka nga

napatawag

?’

Yayayain

sana kita mag date mamaya.’

‘Di ako pwede ngayon sorry, Marami pa akong kailangan tapusin.’

‘My loves naman eh di na nga tayo masyado nagkakasama simula nang pumasok ka dyan   nawawalan kana ng time sakin.’

‘My loves? Syempre trabaho to. Yung date nayan pwede naman nating gawin sa ibang araw wag lang ngayon.’

’Hindi natin pwede gawin to sa ibang

araw’

‘Bakit naman???’ takang tanong ko sa kanya.

’Basta

dadaanan

kita dyan sa inyo mamaya.’

‘Pero Nathan—???’

Hindi kona natapos ang sasabihin ko kasi pinatayan na nya ako. Loko talaga tong lalaki nato eh alam nya naman na busy ako tapos isisingit nya pa yung gusto nya. Hindi ba mahigpit sa trabaho nya at mayat maya sya tawag ng tawag sakin.

Hayss bahala na nga sya.

“O bakit mukhang stress kana naman?” Tanong sakin ni Mama.

“Si Nathan kasi Ma, Alam naman nyang busy ako tapos yayayain ako makipag date.”

“Oh ano naman? Boyfriend mo naman sya anong masama don?”

“Ma? Ang dami ko kasing ginagawa.”

“Makinig ka sakin Dex ayokong maging dahilan to ng pag-aaway nyong dalawa. Natural lang Yan habang nagmamature ang isang tao mas nahahati yung oras nya sa maraming bagay pero isipin mo din na hindi ka naman siguro papasok sa ganoong sitwasyon kung hindi mo kayang i handle diba?” -Mama

Madalas man kaming mag-asaran ni Mama pero sa mga ganitong sitwasyon maaasahan ko ang mga salita nya.

“Salamat Ma.”

“Sige na tapusin mona yan kung ano man ang ginagawa mo at pupuntahan kolang ang kapatid mo. Pero pag-isipan mo ang mga sinabi ko sayo.”

Ngiti lang ang sinagot ko kay Mama at pagkatapos ay pinagpatuloy kona ang ginagawa ko.

MILE’S POV

“Anak baka naman isuko mo agad ang perlas mo ha?”

“Ma naman! Diko pa nga sinasagot si Samuel eh, atsaka wala naman akong balak isuko ang perlas ko haha.”

“Nagpapaalala lang ako. Kailan moba kasi balak sagutin yang si Samuel?  Mukhang seryoso naman sya sayo atsaka mabait na bata naman sya.”

Simula kasi ng magpaalam si Samuel na liligawan nya ako ay madalas na sya dito sa bahay.

Minsan nga naaawa ako sa kanya kasi alam mo yung hindi sya sanay sa klase ng pamumuhay na meron kami, Hindi ko naman sya masisisi kasi galing sya sa mayaman na Pamilya. Pero natutuwa ako kasi nakikita ko talaga yung kagustuhan nya na mapalapit sa mga magulang ko at maranasan ang buhay na meron kami.

“Ma, Alis napo ako.”

“Sige ingat ka.”

May lakad kami ngayon ni Samuel at ngayon araw nadin nato ay balak kona syang sagutin.

Oo sasagutin kona sya kasi kahit sa maikling panahon ay nakita ko ang determinasyon nya at totoong pagmamahal nya sakin.

“Miles ano palang gusto mong sabihin sakin. Mukhang napaka importante.” Tanong nya sakin ng magkita kami.

“Ah eh ano kasi. Tutal nakikita ko naman yung determinasyon mo, Ano kasi.”

“Sabihin mona kinakabahan ako sayo eh.” -Sam

“Ano, Sinasagot na kita.”

Mabilis kong sabi sa kanya at parang nahinto sya ng ilang segundo.

“Sinasagot mona ako?? Tayo na? Girlfriend nakita???”

Tumango lang ako sa kanya at ngumiti sya.

Bigla naman syang tumayo at sumigaw.

“Yoooooo!!!!!!!! May Girlfriend nako!!!!!!!!! Sinagot nako ng taong mahal ko!!!!!!!!!”

“oyyy anong ginagawa mo??? Bakit ka sumisigaw??!” Pag-aawat ko sa kanya.

“Sobrang saya kolang kasi Girlfriend na kita at ipagsisigawan ko yon sa buong mundo.” -Sam

“Buong mundo talaga?”

“Oo, Kahit mapaos pa ako ay ayos lang sakin.”

Tumawa ako at lumapit kay Samuel. Kitang kita ko kung gaano sya kasaya sa naging pagsagot ko sa kanya.

“Samuel salamat kasi handa mong gawin yan, Pero hindi naman kailangan ipagsigawan mopa sapat na sakin na yung Pamilya at mga kaibigan lang natin ang nakakaalam.”

“Bakit ayaw mo ba yung ginawa ko?”

“Hindi naman sa ayaw, Alam mo kasi para sakin tama lang na alam natin ang isa’t isa at ganon din yung pamilya at mga kaibigan natin. Kasi yung ibang tao hindi mo mapiplease yan may masasabi at masasabi sila satin.”

“Sorry” napakamot nalang sya sa ulo nya.

“Okay nayon. At meron pang isa ah eh pwede bang ako nalang muna ang magsasabi kala mama at papa na tayo na? Ganon din kay Dex?”

“Oo naman walang problema. Ako naman ang may tanong sayo?”

“Ano?”

“Anong gusto mong tawagan natin? Loves? Baby? Mahal? Mine? Anong gusto mo?”

Diko alam kung matatawa ako sa tanong nayon ni Samuel, Ano nga ba? First relationship ko to kaya wala akong idea atsaka dati kapag nakakarinig ako ng mga ganyan nasusuka ako wahaha syempre except sa mga kaibigan ko.

“Ikaw na bahala mag-isip, Ayos lang sakin kahit ano.”

“Ah alam kona. baby?”

“Ha? ang lalaki na natin eh.”. Sagot ko sa kanya.

“Eh, Mine?”

“Masyadong common.”

“Eh Yung Mahal?”

“Ayoko non madami nang gumagamit non baka mamaya pag tinawag mo akong mahal eh iba yung lumingon.”

“Eh anong gusto mo?” Tanong nya ulit sakin.

“Ikaw nga bahala mag-isip.”

“Ang gulo mo naman eh, Ako mag-iisip tapos ayaw mo naman ang mga naiisip ko.”

Haha oo nga noh? May point sya don haha.

“Ay haha sorry, Sige kahit ano nalang ang maisip mo.”

“Babe nalang. Oh wag kanang aangal.”

Hindi na nga ako umangal sa naging sabi nya. Babe? Pwede nadin haha ang importante naman is yung nararamdaman namin sa isat-isa.

DEX’S POV

Ngayon nalang ulit ako mag-aayos ng sarili ko kasi nga date daw namin to. Kanina pa ako hindi mapakali dahil hindi ko alam kung ano ang susuotin ko.

“Oh bakit parang aligaga ka dyan?”

Tanong sakin ni Mama ng bigla syang pumasok sa kwarto ko para ilagay yung mga damit ko.

“Diko kasi alam kung anong susuotin ko Ma.”

“Meron akong mga dress don, Gusto mo hiramin?”

“Ma?!! Alam mo naman na hindi ako nagsusuot ng mga ganyan diba?”

“Haha biro lang ito naman masyadong seryoso. Kahit ano nalang mukhang bagay naman sayo lahat ng mga damit mo atsaka kahit ano pang suotin mo ay magugustuhan yan ni Nathan.”

Si Mama talaga kahit kailan pang-asar sakin haha.

Pagkatapos kong mapili kung anong susuot ko ay lumabas agad ako para tanungin sila kung okay lang suot ko.

“Okay lang ba hindi ba pangit?”

“Kuya ang gwapo nyo po.” Masayang sabi ni kyline.

“Ssshh kyline, Maganda yan.” Pang-aasar ni Mama.

“Bagay na bagay sayo anak. Manang mana ka talaga sakin ang ganda pumorma.” -Papa

“Nako nagbola kana naman sa anak mo, Mamaya maniwala yan.” -Mama

“Bahala ka dyan Ma.  Reregaluhan pa naman kita kasi may nakita akong magandang damit sa Mall kaso wag nalang. Inaasar mo ako lagi eh.”

Parang biglang kuminang yung mata ni Mama dahil sa sinabi ko at agad na lumapit sakin.

“Ito namang bata nato hindi na mabiro. Alam mo naman na ganito lang ako eh pero ang ganda mo ngayon.”

Gusto kong tumawa dahil sa naging reaksyon ni Mama pero nagpipigil ako baka masira yunh ayos ko eh. Mayamaya pa ay nakarinig na kami ng busina sa labas kaya naman nagpaalam na ako sa kanila.

“Nathan nakamotor ka?”

Ayan agad yung tanong ko sa kanya ng makita ko sya.

“Si My loves talaga laging naiinis sakin kapag naka motor ako.”

“Eh mas natatakot kasi ako kapag nakamotor.”

“Wag ka matakot dahil kasama mo ako, Syempre hindi ko naman hahayaan namay mangyaring masama sa pinakamamahal ko.”

“Dami mong alam.”

Kinuha ko yung helmet sa kanya bago umangkas at napahawak ako sa bewang nya ng bigla na nyang paandarin yung motor nya.

Walang akong idea kung saan man ako dadalhin ni Nathan at hindi ko din alam kung anong meron at bigla nya akong niyaya na makipag date sa kanya.

“My Loves?” Tanong sakin ni Nathan habang nagmamaneho sya.

“Oh bakit?”

“Gusto ko sakin kalang ngayong gabi, Sakin lang muna ang atensyon mo.  Walang trabaho o kahit anong nakaka stress na bagay gusto ko masaya lang tayong dalawa at walang iistorbo.”

“Oo walang iistorbo.”

“I promise mo sakin.”

“Oo nga Promise.”

Sana lang talaga at makisama ang tadhana at walang tatawag sakin patungkol sa trabaho ko. Sa totoo lang may pinapagawa na naman kasi sakin si ate, Syempre kailangan ko yon matapos agad para hindi sya ma disappoint sakin.

So ayon nag patuloy lang sa pagmaneho si NATHAN ako naman ay todo yakap sa kanya kasi ang bilis nya magpatakbo akala mo may sinalihang racing. Kaya ayaw na ayaw ko talaga na nagmomotor sya eh.

Habang nasa byahe kami ay nagiging Pamilyar sakin yung lugar parang napuntahan kona dati pero diko sigurado kung kailan.

“Oh nandito na tayo.”

Bumaba ako at pinagmasdan ang paligid.

Ito yung lugar kung saan nagsimula ang lahat.

Kung saan unang nag tapat sakin si Nathan ng pagmamahal nya.

Kung saan una nya akong hinalikan.

Bumalik sakin ang lahat kung paano kami humantong sa ganito. Pero hindi lang to basta simpleng highway nalang dahil Pinasadya na itong ayusin may red carpet at sa gilid nito ay may mga bulaklak at sa dulo non ay may isang maliit na lamesa at magkatapat na Upuan.

“Nathan? Bakit ganito?”

“Date nga My loves diba? Syempre dapat romantic.”

“Ang ganda My loves.”

“Sabi ko na nga matutuwa ka eh.”

Hinawakan ni Nathan yung kamay ko at naglakad na kami pero habang naglalakad kami ay may tumutugtog. Akala ko dati sa mga palabas lang to o di kaya sa mga binabasa kolang nangyayari pero totoo to at hindi ako nananaginip.

Pag-kaupo namin ni Nathan ay lumapit sa kanya Yung isang lalaki at may inabot.

“My loves buksan mo.”

Inabot din sakin ni Nathan yung inabot ng lalaki sa kanya.

“Ano to My loves?”

“Buksan mo nalang.”

Syempre excited kong binuksan yon at isang kwintas ang bumungad sakin. Lumapit si Nathan at sinuot nya sakin yon.

“My loves ayang kwintas nayan ay bigay pa sakin ni Daddy nung bata palang ako. Iningatan ko talaga yan, Sabi nya kasi sakin ibigay ko daw yan sa taong sigurado ako na makakasama ko habang buhay at ikaw yon Dex.”

Para akong maiiyak sa mga sinabi ni Nathan ramdam na ramdam ko talaga kung gaano nya ako kamahal.

“Salamat. Iingat ko to katulad ng unag kwintas na binigay mo sakin, Yung singsing na binigay mo sakin nung naging tayo.”

Lahat ng galing kay Nathan ay iningatan ko dahil importante sakin yon.

May nakaready nadin na pagkain at inumin sa harap namin.

Habang kumakain kami ay biglang nag ring yung phone ko. Si ate tumatawag sakin.

“My loves diba sabi ko sayo i off mo muna yung phone mo?  Para walang istorbo satin.”

“Si ate kasi Tumatawag.”

“Nag promise ka sakin na satin ang moment nato at Walang istorbo.”

“Oo nga, Pero…. Sasagutin kolang to baka importante kasi.”

Wala nadin nagawa si Nathan ng tumayo nako at sagutin ang tawag mula kay ate.

’ Hello ate??’

‘Oh my gosh Dex buti sinagot muna, Pwede kabang pumunta ngayon dito sa bahay sobrang importante lang. I need your help.’

‘Ate ano kasi hindi ako pwede ngayon, Kasama ko kasi si Nathan.’

‘But Dex?? Importante lang talaga.’

‘Ate sorry talaga.’

Pinatay kona ang tawag at bumalik na ako kay Nathan.

“Ano daw yon My loves?”

“Wala, Wag muna isipin yon.”

“Kung importante yon sige umalis kana ayos lang sakin.”

Kahit sinabi ni Nathan na ayos lang na umalis ako ramdam ko padin na gusto nyang magstay lang ako. Hinawakan ko ang kamay nya at tumitig sa mga mata nya.

“My loves di ako aalis, Di kita iiwan nag promise ako sayo na atin ang gabing ito at walang iistorbo diba? Atsaka mas importante ka kesa sa trabaho ko lagi mong tatandaan.”

Napangiti agad si Nathan sa mga sinabi ko.

“Salamat My loves, Ikaw din mas importante ka kesa sa lahat. Mahal na mahal kita at kapag kinasal na tayo? Bubuo tayo ng isang masayang pamilya.”

“Mahal na mahal din kita Nathan.”

Saka nalang ako ulit mag sosorry kay ate after nito pero for now ieenjoy ko muna ang moment naming dalawa. Habang kumakain kami ay may mga tumutugtog.

Nagawa na sakin ni Nathan to dati pero parang bago lang sakin ang lahat nakakakilig padin.

Ganon talaga kapag kasama mo ang mahal mo ay kikiligin at kikiligin ka sa mga efforts nya.

“My loves gusto mo ulit sumigaw? Katulad ng ginagawa natin dito dati?”

“Sige.”

Tumayo kami pareho at lumapit sa may bandang bangin. Oo takot ako sa matataas na lugar pero dahil kasama ko si Nathan ay nagkakaroon ako ng lakas ng loob para harapin ang takot ko.

“Lorrrddddd!!!!!! Salamat kasi dumating si My loves sa buhay ko!!!!!!! Dati pumupunta lang ako dito kapag may problema ako pero ngayon gusto kong ipagsigawan na masayang masaya ako!!!!!!!! At sya ang pinamagandang regalo na natanggap ko sa buong buhay ko!!!!!! Kaya iingatan ko sya!!!! Salamat po!!!!!”

Sana lang talaga hindi magising ang mga elemento sa pagbubulabog namin haha.

It’s my turn, Ako naman ang sisigaw.

“Lorrrrddddd!!!!! Alam kong hindi ako maganda!!!!!!  Hindi ako totoong babae!!!! Pero binigay nyo padin sakin si Nathan!!!!! Sobrang salamat po kasi merong taong nagmahal at tumanggap sakin!!!!  Kahit sabihin ng iba na mali ang umibig sa kapwa kasarian???!!! Ay ipaglalaban ko padin at ipagsisigawan ang nararamdaman ko!!!! Kasi alam ko na ang mali ay pilitin mong pigilin ang totoong nararamdaman mo!!!!”

Ang sarap talaga sumigaw, Lalo na kung nailalabas mo yung mga gusto mong sabihin.

Itong gabi nato ay hindi ko malilimutan dahil gumawa na naman kami ni Nathan ng isang masayang memory na magkasama.

CHAPTER 39

DEX’S POV

Mabuti nalang talaga at may free time ako dahil nag message sakin si Miles at may importante daw syang sasabihin.

Nakipag meet nalang ako sa kanya dito sa malapit na Resto para madali ako makabalik baka mamaya ma beast mode na naman sakin si Ate.

Pagdating ko sa meeting place ay nandon na sya.

“Kamusta Miles?”

“Eto maganda padin.”

Umupo nako ss harap nya at sinimulan ng tanungin kung anong sasabihin nya.

“Miles ano pala yung sasabihin mo?”

“Agad agad? Magkamustahan muna tayo haha.”

“Haha na miss molang ako eh kaya gusto mo humaba ang usapan natin.”

“Syempre naman.” -Miles

“Eto medyo nakakapag adjust nadin ako sa trabaho ko kaya lang ang hirap mag adjust samin ni Nathan. Sobrang naguguilty ako kasi wala na ako masyadong time sa kanya.”

“Nako be, Ayusin mo yab. Baka nakakalimutan mo gwapo ang jowa mo at maraming umaaligid dyan baka mamaya matuklaw yan ng iba.”

“Oyy grabe ka! Hindi gagawin sakin ni Nathan mahal na mahal nya ako.”

“Alam ko naman yon ang sinasabi ko lang eh yung posibleng mangyari.”

Kinabahan tuloy ako bigla sa sinabi nya huhu pano kung mangyari yon??? Pano kung habang nasa trabaho ako ay may lumalandi na pala kay Nathan??? No!!!!  Hindi pwede yonnnnnn!!!!

“Sabihin mo na nga lang kung anong gusto mong sabihin sakin. Loko ka kinabaha tuloy ako.”

“Haha sorry. Eto na nga ano kasi, pano koba sasabihin sayo??”

“Sige na pabitin ka naman eh.”

“Eto nga, Ano kasi sinagot kona ang kuya mo. Boyfriend kona sya..”

“We!!!!!!!”

Sa sobrang saya at bigla ko ay napataas ako ng boses.

“Oyy ano ba? Kailangan sumigaw?”

“Haha sorry nabigla lang ako.  Pero seryoso nga? Kaya na talaga ni kuya????”

“Oo nga sinagot kona sya.” Masayang sagot ni Miles.

“Congrats be! Finally nagka Boyfriend kana din at kuya kopa.”

“Oo haha hindi kopa nga din nasasabi kala Papa eh sayo palang.” -Miles

“Sigurado ako na magiging masaya sila para sayo.”

“Pero yung Family nyo kaya? Magiging masaya kaya kapag nalaman nila na isang simple at hindi mayaman ang naging girlfriend ng anak nila?”

“Oo naman, Atsaka nasa likod mulang kamo ni kuya kahit anong mangyari hindi ka namin papabayaan.”

“Salamat Dex napakaswerte ko talaga at may naging kaibigan ako na tulad mo.” -Miles

“Ako din naman swerte sayo at dahil dyan ako ang magbabayad ng kakainin natin ngayon.”

“Talaga??”

“Oo parang celebration nadin natin.”

Kita ko sa mga mata na Miles na sobrang saya nya talaga at masaya din ako sa kanya dahil finally ay nahanap nadin nya ang THE ONE nya.

Pumili na kami sa menu at medyo mahal ang mga pagkain haha pero okay lang minsan lang naman to mangyari.

“Dex sigurado ka ha? Pwede naman kahit sa tusok tusok nalang tayo.” -Miles

“Hindi sige okay lang, May extra pera pa naman ako.”

After naming mag order ay tuloy tuloy lang kami sa pagkukwentuhan hanggang sa dumating yung pagkain ay pinag-uusapan nadin ang tungkol sa kanila ni Kuya.

Masaya ako sa kanilang pareho at sana sila na talaga ang para sa isat isa dahil pareho silang importante sakin at ayaw kong isa sa kanila ang masasaktan.

RAYMOND’S POV

Habang nagmamaneho ako ay biglang tumawag sakin si Daddy at mukhang alam kona kung anong sasabihin nya sakin.

‘Hello Dad???’

‘Where are you? Asan na yung Girlfriend na sinasabi mo? I want to meet her.’

‘Eto na nga Dad susunduin kona sya.’

‘Give me the exact place? I’ll go too.’

‘What?? Hindi na kailangan Dad ako na ang magdadala sa kanya para makita mo na sya.’

‘Just give me the exact place. Okay?’

Patay mukhang hindi talaga ata ako makakalusot kay Daddy. Anong gagawin ko???

Eh wala naman talaga akong ipapakilala sa kanya???

Saan ako hahanap ng fake Girlfriend ko?????

Habang nagmamaneho ako ay may nakita akong isang Pamilyar na mukha.

Si Dex bayon??? At may kasama syang isang Babae.

Wala na akong choice ngayon bahala na.

Nag message ako kay Daddy kung nasan ako ngayon at ang sabi nya papunta nadaw sya.

Nasa labas lang ako at sinisilip ko sila sa loob at mukhag nagkakatuwaan sila. Sana naman hindi sila magtagal para pag dumating si Daddy is magkasama na kami.

DEX’S POV

“Nabusog ako sa kinain natin.”

“Oo nga eh lumaki yung tyan mo.” Natatawang sabi ko sa kanya.

“Sana mahaba haba naman yung time natin sa isa’t-isa.”

“Hayaan mo mag ooff din naman ako gagala tayo buong maghapon.”

“Ano kaba, gamitin mo yon para makabawi ka naman kay Nathan. Matagal na ang relasyon nyong dalawa at hindi ito ang sisira sa inyo.”

“Salamat sa paalala hayaan mo susundin koyang sinabi mo, Pero congrats ulit!”

“Salamat, Pano una nako ha? Ingat ka sa pag-uwe.”

Yumakap muna sakin si Miles bago sya umalis. Ako naman ay naglakad na palabas at sakto paglabas biglang…..

.

.

.

“Dad. Si Dex po sya po yung sinasabi ko sayo.”

Parang gusto kong sabihin na  HA? ANONG SINASABI MO? KAKALABAS KOLANG EH.

Medyo naguluhan ako sa sinasabi ni Unggoy. Anong sinasabi nya sa Daddy nya? Ano pinag-uusapan nila ako.

“Are you kidding me Raymond?? Bakla ang sinasabi mong Girlfriend mo??”

Nabigla ako sa sinabi ng Daddy nya. Ako magiging Girlfriend nya? Kelan at pano??.

Magsasalita na sana ako kaso biglang humigpit yung pagkakahawak nya sakin at parang sinasabi nya na makisakay lang ako sa kalokohan nya.

“Yes, Dad.”

“Nababaliw kana talaga. Kung pinag-lalaruan mo ako please lang itigil mona to dahil hindi ako natutuwa.”

“Totoo nga ito Daddy sya ang Girlfriend ko at mahal na mahal ko sya at handa ko syang ipaglaban kahit sa inyo pa.”

Biglang naging seryoso si Raymond akala mo naman totoo ang sinasabi nya.

“Well kung yan ang gusto mo? Pagbibigyan kita.”

Pagkatapos magsalita ng Daddy nya ay pumasok sya sa loob ng restaurant. Ano bang problema ng mag-ama nato?

Nang mawala na sa paningin namin yung Daddy nya ay inalis na nya yung pagkakakapit sakin.

“Tapos na ang actingan, masyado kanang nag-eenjoy sa kamay ko.”

Kung kanina na shocked ako sa mga pangyayari ngayon bumalik na ako sa wisyo haha paepal kasi to.

“Ang kapal mo akala mo naman gusto ko yang kamay mo, Sayo nayan.”

“Pero salamat, Salamat kasi hindi mo ako nilaglag sa daddy ko.”

“Alam mo naguguluhan ako sa inyo eh ano ba kasing meron???”

“Balak akong ipakasal ni Daddy sa babaeng hindi ko naman mahal at isasama nya ako pabalik sa US kaya sinabi ko sa kanya na may Girlfriend nako kahit wala at ang sabi nya gusto nya daw makilala ang Girlfriend ko at kapag nagustuhan nya daw ay dalawa Kaming isasama nya.”

“At ako ang napili mo?? Wow naman ang lakas ng tama mo sa daming babae dyan ako pa talaga? Babae ba ako??”

“Eh ikaw yung nasaktohan, Kaya please pumayag ka na .”

“Ayoko.”

“Please Dex kailangan lang naman natin magpanggap sa harap nila tapos kapag wala na pwede na tayo maghiwalay.”

“Ano bang akala mo sa sinasabi mo? Laro lang?”

Hindi ko gusto ang ideya nayon ni Raymond unang una wala syang sariling panindigan ao naman kung ipapakasal sya ng Daddy nya? Edi wag sya pumayag malaki na sya at kaya na nyang mag-isip.

Pangalawa may Boyfriend ako at pangloloko ang gagawin ko pagnagkataon.

“Hindi naman sa ganon.”

“Ganon yon Raymond! Ganon yon.  Sa ayaw at sa gusto mo sasabihin ko sa daddy mo ang totoo.”

Pagkatapos kong sabihin yon ay iniwan kona sya para habulin ang daddy nya.

“Sir?”

Kabadong pagsasalita ko, Napalingon naman agad sya at napahinto sa iniinom nya.

“Yes? May nakalimutan kapa bang sabihin?”

“Ah eh ano po kasi, yung sinasabi po ni Raymond. Wala pong katotohanan yon hindi kopo sya Boyfriend.”

Totoo naman eh bahala sya kung mag-away sila ng tatay nya wag nya akong idamay.

“Yan lang ba ang sasabihin mo?”

My gosh nakakatakot sya huhu masyadong seryoso naman makipag-usap.

“Opo.”

“Alam kong nagsisinungaling sya at sorry kung nadamay ka sa kalokohan ng anak ko.”

“Alam nyo po?”

“Ofcourse. Kilala ko ang anak ko at alam kong hindi ikaw ang klase ng tao na gugustuhin nya wag mo sanang mamasamain ang sinabi ko.”

“Ayos lang po sakin yon. Sige po mauna nadin ako.”

“Sandali.”

Aalis na sana ako pero napatigil ako ng magsalita sya.

“Bakit po?”

“Gusto kong turuan ng leksyon ang anak ko, Pero kakailanganin kopa din ng tulong mo.”

“Po???? Bakit ako??”

“Dahil ikaw ang pinakilala nya sakin kaya naman gusto kong ipagpatuloy molang ang pagpapanggap.”

Sa sobrang shock ko sa mga sinabi nya ay hindi ako makapagsalita. Magpapanggap ako bilang jowa ni Raymond??? No way!!!!!

“Sir mawalang galang napo, Pero siguro humanap nalang po kayo ng iba hindi po kasi ako pwede.”

“Please Dex. I only need 5 days before my birthday at gusto bago dumating ang araw nayon ay natutunan ni Raymond ang gusto kong matutunan nya.”

“Sir pasensya napo talaga pero hindi kopa kaya. Pwede nyo naman pong sabihin nalang sa kanya ang gusto nyong mangyari siguro naman po makikinig sya sa inyo.”

“Sana nga ganon kadali lang. Para hindi kona kailangan pa ng tulong mo.”

“Gusto kopo kayong tulungan pero may Boyfriend po ako at kung papayag ako sa gusto nyo parang niloko ko nadin sya.”

“Hindi mo naman kailangan sabihin sa kanya at hindi nya kailangan malaman 5 days lang Dex pagkatapos non wala na.”

Napaisip ako sa sinabi nya sobrang nagaalangan talaga ako sa gusto nya pero naawa ako kasi parang gusto nya talaga matuto ang anak nya.

“Kung magbabago ang isip mo ito ang calling card ko i text o tawagan mo lang ako.”

Pagkatapos nyang ibigay sakin ay umalis na sya.

Ano na naman ba tong gulong napasok ko?

Pero mas kailangan kong isipin muna ang samin ni Nathan kinuha ko ang phone ko at tumawag ako sa kanya.

‘Hello my Loves ba’t napatawag ka may problema ba???’

Agad na tanong nya sakin.

‘Problema agad? Hindi ba pwedeng gusto lang kita makausap?’

‘Haha bakit nga napatawag ka??’

‘Pwede kabang doon samin matulog mamayang gabi??’

‘Ha? Bakit naman??’

‘Basta pumayag kana.’

‘Nako My loves mukhang may masama kana naman balak sakin. Pero sige after ko sa work didiretso nako sa inyo. Susunduin paba kita??’

‘Hindi na susunduin naman ako ng driver ni Daddy. Sige na bye na mag focus kana sa trabaho mo. I love you.’

My gosh sana lang talaga umipekto ang gagawin kong plano huhu iniisip ko palang kinakabahan nako.

CHAPTER 40

DEX’S POV

“Ma ano bang ginagawa para maakit ang isang lalaki.”

Napaubo si Mama dahil sa tanong ko at napangiti.

“Ano bang klaseng tanong yan? At sino namang aakitin mo?? Si Nathan?”

“Oo sana Ma, Kasi diba nitong mga nakaraang araw sobrang wala kaming time sa isat-isa naisip ko baka mawala na yung pagmamahal nya sakin.”

“Alam mo Dex ang pagmamaha hindi yan basta basta nawawala pwera nalang kung may gustong sumira sa inyong dalawa. Pero mabuti nalang at sakin ka lumapit ang mga lalaki kasi madali lang tablan yan ng init kaya dapat maging wild ka.”

“Pano maging wild? Punitin ko yung damit nya?”

“Pwede din haha.”

“Ma makakakuha ba ako ng idea sayo? Kasi parang niloloko mona naman ako.”

“Mag search kana lang sa internet kung ayaw mo maniwala sakin.”

“Mabuti pa nga Ma.”

Tumayo ako at agad na kinuha yung loptop sa kwarto ko at nag search sa internet.

Mula sa setting taray no may pa setting? Haha pati sa mga right gestures on how to seduce your boyfriend or fiancé haha.

Since first time kong gagawin to ay kinakabahan talaga ako at wala akong gamit haha syempre di ako masyado ready at wala akong time para gumastos pa bahala na kung ano ang maging outcome.

After kong manood ay naghanap agad ako ng susuotin haha pasimple akong pumasok sa kwarto nila Mama at kumuha ng damit nya yung pangtulog nya haha nakalimutan ko kung anong tawag sa damit nayon basta damit sya haha.

Inayos kona din ang kwarto ko siguro inabot ako ng isang oras sa pagaayos dahil napapangitan ako sa gawa ko at nakailang ulit ako.

So thiz iz it panzit!! Isasagawa kona ang masama kong plano kay My loves haha.

Pinatay kona ang ilaw ng kwarto ko ng makareceive ako ng text sa kanya na nasa labas na daw sya. Pinapasok ko nalang sya ng diretso at ilang minuto lang ay bumukas na ang pinto ng kwarto ko.

“My loves???”

OMG! Andito na sya.  Kayo napong bahala sakin naway maging successful ang masama kong plano wahaha.

Binuksan ko agad ang ilaw at napalingon sya sa direksyon ko.  Tinitigan ko sya mulo hanggang paa ng pinakamapangakit ko na tingin haha nanood pako sa internet ng mga videos.

Lumapit ako kay Nathan at agad syang hinalikan hindi agad sya nakagalaw sa ginawa ko siguro hindi nya din ineexpect ang gagawin ko haha.

“My loves anong ginagawa mo???”

Kayo napo bahala sa gagawin haha susubukan kolang naman i seduce si Nathan sana umubra hehe.

Nilapit kopa ang mukha ko sa kanya at dahan-dahan tinanggal ang butones ng damit nya.

“My loves ano bang nangyayari sayo? Anong meron??”

“Sshhh.”

Tinakpan ko ang bibig nya gamit ng isang daliri ko para matahimik na sya haha. Then ayon tinuloy tuloy kona ang ginagawa ko pero hinawakan nya ang kamay ko at bigla akong hinalikan. Para akong nakoryente sa ginawa nya at lahat ng nasa isip ko na gagawin ko ay biglang nawala.

“My loves? Hindi ko alam kung anong meron pero mukhang hindi kapa bihasa para i seduce ang financé mo.”

Sumingkit ang mata ni Nathan tapos ngumiti ng nakakalokong ngiti alam mo yung parang may gagawin na masama? Kinabahan ako bigla. Lumapit sya sakin kaya napaatras ako.

“Oh bakit parang natatakot ka My loves?”

“Ah eh ano kasi Nathan?”

My gosh! Help me!!!! Diko na talaga alam ang gagawin ko ngayon nabablanko na ang utak ko.

“Kanina lang gusto mo akong i seduce pero bakit parang nanginginig ka ngayon?”

Ako dapat ang mangseseduce eh pero bakit parang ako ang naseseduce??? Tinulak ako ni Nathan sa higaan at alam nyo na nangyari mga besh pumatong sya sakin tapos may binulong.

“Ready kana ba My loves?”

“Ah eh Nathan sandali lang.”

“Bakit?  Ayaw moba??” -Nathan

“Wait lang hihinga lang ako.”

Huminga muna ako ng sobrang lalim siguro mga 20 feet char! Hahaha . Mga diwata ng kayo napong bahala sakin haha.

“Ano my loves okay naba.”

“Ah eh dahan dahan lang ah?”

Haha gusto kong matawa sa sarili ko dahil kung ano ano na ang lumabalas sa bunganga ko haha kala mo virgin pa eh hahaha ooopppss sorry sa word! Haha

Pinagplanuhan ko naman ang pagseseduce kay Nathan eh pero bakit parang ako ang naseseduce?????

“My loves ready kana ba? Sisimulan na natin?”

SO AYON NAGANAP NA NGA ANG DAPAT MAGANAP PERO DI KONA ISISIWALAT ANG NANGYARI SAMIN HAHA KAYO NALANG BAHALA MAG IMAGINE.

(AUTHOR’S NOTE : SORRY GUYS HINDI KO PWEDENG GAWING DETAILED ANG MGA GANITONG SCENE HAHA ALAM NYO NAMAN BAKA MA REPORT DAMI PA NAMANG HINDI MGA OPEN MINDED NA MGA TAO AKALA MO NAMAN EH AHAHA.)

Nagising ako dahil sa sinag ng araw na tumatama sa mukha ko nakalimutan ko palang isara ang bintana namin haha.

Tiningnan ko si Nathan mahimbing pasyang natutulog napagod siguro ang loko haha.

Nagpalit muna ako ng damit at nagsipilyo sabay hilamos bago lumabas ng kwarto.

Dumiretso agad ako sa kusina dahil nakaramda ako ng gutom. Saktong sakto naghahain na si Mama.

“Anak mukhang maganda ata ang gising mo ngayon ah?”

“Bakit Ma? Pangit ba gising ko kahapon?” Pabirong sagot ko kay Mama haha.

“Mukhang napalaban ka kagabi.” -Mama

“Anong pinagsasabi mo Ma? Ang aga aga eh.”

“Sus kunwari kapa.”

“Hay nako Ma kumain nalang tayo asan naba sila Papa.”

“Papunta nadin yon, Si Nathan gisingin mona din.”

Bumalik nako sa kwarto ko para gisingin si Nathan na nahihimbing ang tulog. Inalog alog ko sya ng malakas para magising haha sana di magalit.

“My loves ano bayon??”

Napakamot sya sa buhok nya pero nakapikit padin ang mata.

“Bumangon kana dyan at kakain na tayo.”

“Ha? Kakain ka ulit? Dika paba nabusog sakin?”

Yung seryoso ka tapos ganito isasagot sayo dipa pereng tenge!

“Bumangon kana dyan!!!!!!”

Nilakasan ko yung boses ko at napahawak sya sa magkabilang tenga nya haha.

“My loves naman eh eto nga eh babangon na, Ano Tara na.”

Napatawa naman agad sya haha sabi sa inyo may gamit din ang namana kong boses kay Mama.

“Sandali lang, Ano lalabas kang ganyan?????”

Napatingin agad sya sa katawan nya at nagmadaling kinuha yung damit nya at pumasok sa banyo.

Bago kami lumabas ay naghilamos muna sya alam nyo naman kailangan maayos at malinis padin kahit bagong gising.

“Hot at itlog??” Tanong ko ng makita ko ang pagkain sa harap ko.

“Oh bakit may problema ba? Ayaw moba nyan?” Takang tanong ni Mama

“kasi po HOTDOG at ITLOG din ang kinain ni Dex kagabi Ma kaya ayaw na nya.” Biglang sabat ni Nathan na ikinalingon ko.

“Ano? Eh baboy naman ang ulam natin kagabi diba?” -Mama

Sa inis ko kay Nathan ay tinapakan ko ang paa nya, tiningnan ko sya at halatang nagpipigil sya ng sakit sa ginawa ko haha.

“Ah eh kasi Ma itong si Nathan nag dala ng HOTSILOG kagabi kaya ayon kinain kona.”

“Ah akala ko naman kung ano eh.”

Hindi kona din pinauwe si Nathan dahil nagtext sakin si kuya at pinapapunta ako sa bahay isama kona din daw si Nathan.

MILE’S POV

“Babe may problema ba?”

“Kinakabahan kasi ako eh baka hindi ako magustuhan ng Pamilya mo lalong lalo na si Andrea diba nga nag-away na kami non?”

“Don’t worry about that sinabihan ko naman sya kagabi nung nag-usap kami at pupunta din si Dex tsaka si Nathan.”

“Talaga nandon din sila?”

“Oo kaya wag kana kabahan.”

Medyo nakahinga ako ng maayos dahil sa sinabi ni Samuel. May aircon naman ang kotse nya pero pinagpapawisan ako dahil sa kaba.

Pagdating namin sa tapat ng bahay nila ay binuksan na agad yung gate grabe ang laki talaga at ang ganda ng bahay nila.

“Babe nadito na tayo. Tara na?”

Bumaba muna si Samuel ng kotse para pagbuksan ako OMG! ETO NA! nandito nato! Wala nang atrasan!

Miles kaya mo yan!!!!! Fight lang!!!

“Magandang gabi po sir.”

“Magandang gabi din po, Asan po sila Daddy?”

“Nandon napo kanina pa kayo inaantay.”

Napahinto ako saglit dahil kinakabaha talaga ako pero hinawakan ni Samuel ang kamay ko at naramdam ko na pinapalakas nya ang loob ko kaya ayon dumiretso na kami.

Pagdating namin ay nandon na silang lahat ang Mommy at Daddy nya pati si Dex at Nathan nandon nadin tsaka si Andrea at yung Boyfriend nya.

“Hi Mom, Hi Dad.”

“Magandang gabi po ako po si Miles Girlfriend ng anak nyo.”

“Have a seat.”

Kinabahan ako ng magsalita ang Daddy nya parang nakakatakot sya huhu.

“So that’s the girl??”

“Opo Mom, Sya yung nakukwento ko sa inyo. Si Miles Girlfriend kona po sya ngayon.”

“Saan at pano mo naman nakilala si Miles?” Tanong ng Daddy nya huhu parang gusto konang umuwe parang ayaw nila sakin.

“Actually Dad Bestfriend po sya ni Dex. Simula ng makita ko sya ay hindi na sya nawala sa isip ko kaya hindi kona sya tinigilan.”

“Anong trabaho ng parents mo??” Tanong ulit ng Daddy nya.

“Yung Mama kopo sa bahay lang at yung Papa kopo nagtatrabaho sa isang factory. Hindi po kami kasing yaman tulad nyo.” Kahit kabado talaga ako ay pinilit ko pading sumagot nakahawak lang sa kamay ko si Samuel at si Dex ay nasa tapat kolang at nakangiti.

“Pero in all fairness anak maganda sya.” Sabi naman ng Mommy nya na ikina ngiti ko.

“Mommy, Daddy wag po kayong mag-alala matagal kona po yang kaibigan si Miles at mabuti po syang tao at Mababait din po ang parents nya tinuring nga din po nila akong Parang isang anak.” Sabat ni Dex sa usapan.

“Wow talaga? Sana ma meet din namin ang parents mo.”

“Sige po pwede kona man din po sila papuntahin dito kung gusto nyo po “

“Nakatapos kaba ng College?”

Ayan na naman nagtanong na naman ang Daddy nya huhu.

“Ah eh o-opo. Sabay lang din po kami nag graduate ni Dex.”

“Well that’s Good. Nakikita ko naman sayo na maayos ka and i know na hindi ka naman pipiliin ng anak ko for nothing.”

“Miles? Welcome to the Montes Family!”

Masayang sabi ng Mommy nya kanina ay kinakabahan ako pero ng makita kong nakangiti na ang daddy nya ay nawala lahat ng kaba ko.

Pero si Andrea, Hindi sya nagsasalita parang Hindi nya padin ako gusto.

“Nakakatuwa naman ang mga Babies ko may mga Boyfriends at Girlfriend na.” Nakangiting sabi ng Mommy nila.

Sabay sabay naming pinagsaluhan ang mga pagkaing nakahain sa lamesa, Nakakahiya man pero kinapalan kona ang mukha ko haha.

“Sabi ko sayo mabait sila eh.” Bulong sakin ni Samuel.

“Oo nga. Akala ko talaga ayaw nila sakin.”

“Wag kang mag-alala Babe makilala mopa sila pag nagtagal pero bago yon. I enjoy muna natin ang gabing ito.”

Gusto kopang makilala ang Pamilya ni Samuel mababait naman pala sila hayss akala ko kasi hindi ganon kasi ang napapanood ko sa mga teleserye eh haha.

DEX’S POV

Habang kumakain kami ay biglang nag ring ang phone.

“My loves sino yung tumatawag?”

“Unknown number, Saglit lang sasagutin kolang.”

Tumayo ako at lumayo sa kanila ng kaonti para sagutin kung sino man yon.

‘Hello sino to???’

‘Ano Dex pumapayag kana ba?’

‘Raymond???’

‘Yes your handsome fake boyfriend.’

‘Boyfriend mo mukha mo, Pano mo nakuha ang number ko??’

’ I have a lot of resources kaya hindi mo ako matatakasan.’

‘Ang kulit modin eh noh? Sabi ko ngang ayaw ko, A YAW KO!’

Pagkatapos kong humindi sa alok nya ay pinatayan kona sya ng tawag.

“My loves? Sino ang kausap mo?”

Muntik nakong atakihin sa puso ng bigla kong marinig ang boses ni Nathan dahan dahan akong lumingon sa kanya at nilagay yung phone sa bulsa ko.

“Ah eh M-My loves? Kanina kapa ba dyan?”

“Hindi naman kakadating kolang din. Sino bayong kausap mo? Parang nag-aaway kayo??”

Shemay!!! Ano bang isasagot ko.

“Ah yun ba? Isa lang yon sa mga kliyente namin ang kulit kasi.”

“Ganon ba? Wa mo masyadong istress ang sarili mo My Loves ha?”

Lumapit sakin si Nathan at inakbayan ako.

“Oo naman. Tara balik na tayo sa kanila.”

Hoooo nakahinga ako ng malalim mabuti nalang at nakalusot ako sasakalin ko talaga yung Unggoy nayon.

CHAPTER 41

MILE’S

“I never thought na ikaw ang babaeng ipapakilala ni kuya samin bilang Girlfriend nya.”

Huminga lang ako ng malalim dahil ayaw kong patulan si Andrea kahit sa loob loob ko gustong gusto kona syang kalbuhin hindi ko padin nakakalimutan ang mga pinaggagawa nya kay Dex.

“Excuse lang ha? Baka kasi hinahanap na ako ng kuya mo.”

Maglalakad na sana ako pero hinawakan nya ako sa braso.

“Sandali lang kinakausap pa kita.”

“Andrea Please ayaw ko ng gulo.”

“Gulo agad? Gusto kolang sana magsorry sa mga nasabi at nagawa ko sayo noon. Alam kong hindi madaling kalimutan yon pero sana maging okay din tayo katulad namin ni Dex since part kana din naman ng Family namin.”

Maniniwala ba ako sa babaeng to?? Eh parang kahit anong bait nya lumilitaw padin ang sungay nya eh hindi naman sa judgemental ako pero may something talaga eh hindi ko maexplain kung ano or mali lang ako?

“Okay na sana sakin yon Andrea, Kung ano man ang nangyari noon kalimutan nalang natin.”

“So ibig bang sabihin nito pwede na tayo maging magkaibigan??”

Inalok nya sakin yung kamay nya noong una parang nagdadalawang isip ako kung tatanggapin koba yon o hindi. Pero sa huli nakipag kamay nalang din ako sa kanya oo nagdadalawang isip ako pero syempre bibigyan ko sya ng chance wag lang talaga sya gagawa ng kalokohan at hindi ko sya aatrasan.

“Mukhang nagkabati na Kayo ah.”

Nakangiting sabi ni Samuel sabay akbay sakin.

“Oo naman kuya, Diba nga sabi ko sayo kahit sino pa ang babaeng ipakilala mo ay tatanggapin ko.” -Andrea

“Salamat Andrea.”

DEX’S POV

Kagabi opisyal ng pinakilala ni kuya si Miles sa Pamilya namin bilang Girlfriend nya maayos naman ang pagtanggap nila kay Miles at pati si Ate mukhang okay na sa kanya. At ngayon back to reality ulit work time ulit haha.

Dahil may taga sundo naman ako ay hindi na ako nahihirapan mag byahe papunta sa trabaho ko at ganon din sa pag uwe ko may naghahatid sakin ayoko naman talaga yon pero si Monmy ang mapilit kaya ayon pumayag nadin ako.

“Hi Dex???”

Bungad sakin ng lalaking kinakabwisitan ko.

“Anong ginagawa mo dito???”

“Sabi ko naman sayo diba? Hindi mo ako matatakasan. Ano? Papayag kana ba? Ikaw pa choosy ha? Ayaw monon ang gwapo ng Boyfriend mo?”

“Alam mo ikaw? Ang lakas din ng hangin mo sa katawan noh? Kahit anong gawin mo ayaw ko padin.”

“Bahala ka hindi kita tatantanan.”

Ang kulit talaga ng lalaki nato sarap bigwasan haha pektusan ko kaya to sa small intestine nya?

“Bahala ka sumunod ng sumunod sakin ikaw lang din mapapagod.”

Binilisan ko ang lakad ko pero binilisan nya din ang lakad nya, Sakto napadaan ako sa may comfort room ayon ang loko sumunod din.

“Dimo ba talaga ako titigilan?”

“Hindi.”

“Bahala ka nga.”

Pumasok ako sa may loob at kunwari nag cr haha tinagalan ko siguro mga 10 minutes siguro naman wala na sya pero paglabas ko mukha nya ang bumungad sakin.

“Ano payag kana ba?”

“NO”

Pinagdiinan ko talaga sa pagmumukha nya ang salitang NO ang kulit kasi eh sinabi konang ayaw ko ayaw padin akong tantanan. Naglakad na ako papunta sa office ni ate siguro naman doon hindi na nya ako masusundan.

“Ano Dex ayaw moba talaga?”

“NO, Kaya umalis kana mapapagod kalang kakabuntot sakin. “

pagkatapos kong sabihin na yon ay sinarhan kona sya ng pinto.

Umupo muna ako sa isang tabi habang inaantay si Ate. Ilang minuto lang din naman ay dumating na sya.

“Anong nangyari sayo? Bakit parang ang laki ng problema mo?”

Napansin siguro ni Ate na parang pasan ko ang daigdig haha char!

“Ah wala naman to may nakita lang kasi akong bwiset pero okay lang yon.”

“Nandito ba sya sa building? Gusto mo ipatawag natin ang security?”

“Nako ate wag na, Salamat nalang.”

“Sigurado ka ha?”

Tumango lang ako sabay ayos na ng mga gamit ko, Ngayon kasi may bagong ituturo sakin si Ate at sobrang excited na ako para don.

Ganito pala pag nasa malaking business industry ka kailangan mag-iisip ka ng panibago para sa Product mo, para yung mga tao mas tangkilikin ka.

“Sir Dex excuse Lang po may nagpapabigay po sa inyo.”

Pumasok yung babae tapos may inabot sakin na pagkain syempre nakabalot haha.

“Kanino daw po galing?”

“Hindi po sinabi ang pangalan pero Boyfriend nyo daw po.”

Hayss si My loves talaga may nalalaman pang pa deliver eh.

“Ate salamat po sa paghatid ha?”

Ngumiti lang sya sabay labas nadin.

“Mukhang Mahal na Mahal ka talaga ni Nathan.”

“Oo nga ate eh, Kayo pala ni Andrew kamusta na?”

“Eto okay na. Akala ko nga hindi na kami magkakabalikan eh but thank God hindi nya ako sinukuan.” -Ate

“Ganon naman talaga diba? Kapag mahal mo dimo dapat sinusukuan. Parang ako sayo kahit lagi tayong nag-aaway noon umaasa ako isang araw mag-kakaayos tayo at eto na nga.”

“Salamat kasi dimo din ako sinukuan at kahit gaano pa kasakit ang kasama ang mga ginawa ko sayo nandyan kapa din at patuloy akong iniintindi.”

“Syempre ate kita at ang magkapatid nagmamahalan hindi nag-aaway.”

“Napakabait mo talaga. Sige na kainin mona muna yang pinadala sayo ni Nathan baka lumamig pa yan.”

“Gusto mo ate? Hati tayo madami naman to eh.”

“Hindi na. Diet ako.”

Hindi ko na sya pinilit dahil baka mainis pa sakin haha.

Sinimulan ko nang kainin yung pinadala ni Nathan magpapasalamat nalang ako sa kanya mamaya.

Minadali kolang syang kainin dahil may mga gagawin pa kami ni ate tapos sakto pagtapos kong kumain may tumawag sakin sinagot ko naman agad kasi baka mamaya importante.

‘Hello? Sino to?’

‘Ako to si Raymond.’

‘Dimo talaga ako tatantanan noh?’

‘Relax Mahal ang puso mo.’

‘Mahal mo mukha mo!’

Tigas talaga ng mukha nitong lalaki nato na block kona nga yung isa nyang number para dinya ako kulitin at eto pa may bago na naman syang number.

‘Gusto kolang naman malaman kung naubos moba yung pina deliver kong pagkain dyan naisip ko kasi baka nagugutom kana.’

‘S-Sayo galing to????’

‘Oo bakit may iba pabang magpapadala sayo? Kaya ano pumapayag kana ba?’

‘NO!!!’

Binabaan ko ulit sya ng tawag.  Kainis galing pala sa kanya yung kinain ko ang akala ko galing kay Nathan kaya inubos ko huhu Kung alam kolanh edi binalik kona sana sa kanya.

Kung pwede kolang isuka yung kinain ko ginawa kona kaso sayang pagkain padin yon.

“Sino yang kausap mo?  Ayan ba yung sinasabi mong bwiset?”

“Oo ate, pero hayaan mona sya.”

NATHAN’S POV

Nag text sakin si Jasmine at sabi nya magkita daw kami kasi may importante daw syang sasabihin. Pumayag naman ako kasi importante nga daw.

Pagdating ko sa meeting place namin ay hindi ko nakita si Jamine.

“Hi Nathan.”

“Ana??”

“Kamusta kana Nathan, Hindi moba ako na miss?”

Nahihiya ako makaharap at makausap si Ana dahil sa laki ng kasalanan ko sa kanya.

“Kelan kapa naka balik??”

“Ilang araw palang naman ako dito.”

“Dahan dahan lumapit sakin si Ana pero umatras ako.

“Ah eh Ana, Kumain kana ba?”

Pag-iiba ko sa usapan.

“Well hindi pa nga eh, Tara kain na tayo sabi nila masarap daw mga pagkain dito.”

“Talaga?”

“Oo, at alam mo ba kung anong mas masarap?”

“Ano?” Takang tanong ko sa kanya.

“Ako” sagot nya sakin na ikinataka ko, medyo Hindi tuloy ako naging komportable sa kanya. “Oyy joke lang haha seryoso mo naman masyado. “

Bigla nyang dugtong ngumiti nalang ako sa kanya at sinabing mag order nalang.

“Asan pala si Jasmine?? Napansin moba sya?”

“Sorry Nathan pero ako kasi ang nag text non nakihiram ako ng cellphone kay Jasmine naisip ko kasi na baka pag ako nag text sayo ay hindi ka pumunta. Sorry.”

“Ganon ba?”

“Sorry talaga. Hindi naman siguro magagalit si Dex kapag nalaman nyang nagkita tayo.”

Napaisip ako bigla sa sinabi nya. Hindi naman siguro magagalit si My loves sakin atsaka wala naman akonh ginagawang masama.

“Ayos lang, hindi yon magagalit.”

“Alam mo Nathan siguro kung natuloy yung kasal natin? May anak na siguro tayo noh? Ang saya siguro natin. Pero syempre hindi na mangyayari yon kasi pinili mo si Dex.”

“Ana sorry kung nasaktan kita noon.”

“Ba’t ka nagsosorry? Wala na yon sakin. Maiba naman tayo. Wala kabang balak magkaanak? You know, Malabo na mag kaanak ka.”

“Meron naman, Pero wala akong balak na iwan si Dex Mahal ko sya at may anak man kami o wala magiging masaya padin kami.”

Bago ko minahal si Dex naisip kona ang tungkol sa bagay nayan at dahil mahal ko sya ay magfofocus ako sa kung anong meron kami at kung anong kaya namin.

DEX’S POV

“Dex hindi kapa ba uuwe? Mauna nako.”

“Sige ate mauna kana tapusin kolang tong ginagawa ko.”

“Pano alis nako, Ingat ka sa pag-uwe mo.”

Tumango at ngumiti lang ako sa kanya.

Naka received ako ng text sa driver nila Mommy na Hindi niya ako masusundo dahil nagkaroon sya ng emergency patay na pano ako uuwe nito????

Tinawagan ko si Nathan pero hindi nya ako sinasagot kaya nagdesisyon ako na mag lakad nalang at baka may madaan o makita akong masasakyan.

“Hi Mahal pauwe kana ba?”

Napahawak agad ako sa dibdib ko dahil nagulat ako sa unggoy na nasa tabi ko ngayon.

“Nandito kapa din????”

“Oo diba sabi ko naman sayo hindi kita titigilan hanggat dika pumapayag.”

“Ayoko nga.”

Naglakad nako paalis tapos sya sumakay na kotse nya akala ko dina nya ako susundan pero akala kolang pala.

“Mahal hatid na kita.”

“Pwede ba umalis kana? Atsaka wag mo ako matawag tawag na Mahal”

“Sumakay kana kasi, Gabi na oh baka mamaya may mangyaring masama pa sayo.”

Napatingin ako sa paligid oo nga wala na masyadong tao sa loob. Pero fake ang concern nya syempre may kailangan sya sakin kaya gusto nya ako isabay.

Binilisan kona lang ang lakad ko at patuloy nya padin akong sinusundan kung kelan kasi may sunod ng sunod sakin na Unggoy tsaka wala akong sundo hayss Kainis.

Habang naglalakad ako ay may nakasalubong akomg mga tanod apat sila dalawang lalaki at dalawa ding babae.

“Sir saan po kayo pupunta?” Tanong sakin nung isang babae.

“Uuwe napo”

“Alam nyo po ba na bawal ang palakad lakad ng gabi dito sa ganitong oras.”

Kinabahan ako bigla sa sinabi nya huhu ano huhulihin nila ako??????

“Ah eh ano po kasi.”

Kainis ayaw lumabas sa bibig ko yung gusto kong sabihin.

“Sumama kana lang muna sakin.”

“Ha? Sandali lang po galing po akong trabaho atsaka di naman napo ako minordeedad.”

Kasalanan kasi ito nung unggoy nayon kung hindi nya ako sinusundan edi sana hindi ako nagmamadali maglakad mukhang napagkamalan pa tuloy akong may ginawang masama.

Hinawakan nako ng isang tanod tapos may humintong sasakyan sa tapat namin, Alam kong kay Unggoy yon. Nasundan nya padin ako? Bumakas yung bintana ng kotse at nakita kona naman ang nakakairita nyang pagmumukha.

“San nyo po sya dadalhin?”

“Sa barangay po”

“Hindi napo kailangan ako po ang Boyfriend nya.”

“Kung boyfriend ka nya eh bakit naglalakad sya tapos ikaw naka kotse?”

“Medyo nagkatampuhan lang po kasi kami.”

“Kayo talagang mga bata kayo. Baka pinagloloko nyo lang kami.”

“Hindi po, Nagkatampuhan lang po talaga kami kaya ayon ayaw nya sumabay sakin kaya nga eto sinusuyo ko po sya. Mahal tara na.”

Sarap talaga kutusan nitong unggoy nato kung wala lang talagang mga tanod dito baka nasakal ko pa sya. “Sige nga kung talagang mag Boyfriend kayo anong patunay?”

Lah? Walang patunay kasi diko naman sya Boyfriend!!!!!

Bumaba si Unggoy sa kotse nya tapos lumapit sakin tapos hinawakan ako sa bewang.

“Mga Ma’am mga Sir pasensya napo sa abala uuwe nadin po kami.”

Ginulo gulo ni Raymond yung buhok ko tapos may binulong sya sakin.

‘Wag kana umarte makisama kana lang.’

“Sige na umalis na kayo sa susunod wag na kayo pagala gala pag gabi.”

Hindi na ako pumalag pa dahil baka mahuli pa ako ng wala sa oras nitong mga tanod.

Sumakay nako sa sasakyan nya sabay hinga ng malalim.

“Alam mo kung hindi kita tinulungan baka nasa Barangay hall kana ngayon at doon ka nagpapalipas ng gabi.”

“Ibaba mo nalang kaya ako kesa naman sumbatan mo ako.”

“Kung ibababa kita edi huhulihin ka ulit ng mga tanod. San kaba kasi nakatira para maihatid na kita.”

“Ba’t ko naman sasabihin sayo?  Baka mamaya guluhin mopa pamilya ko .”

“Sige kapag dimo sinabi sakin di tayo matatapos dito paikot ikot lang tong kotse ko.”

Lumapit ako sa kanya at hinampas sya ng bag na dala.

“Bwiset ka talaga!”

“Oh ba’t nagagalit ka ihahatid na nga kita sa inyo ayaw mopa.”

Dahil gabi nadin at wala na akong choice ay sinabi kona sa kanya kung saan ako nakatira.

***

“Dito ka nakatira?”

“Oo bakit?”

“Akala koba mayaman ang mga Montes pero bakit dito ka nakatira?”

“Mahabang kwento, Pano bababa nako salamat nalang sa paghatid.”

“Sandali lang.”

“Bakit na naman?”

“Ano papayag kana ba?”

“NO!”

Mabilis kong sagot sa kanya at agad akong bumaba sa sasakyan nya. Kahit ano pang gawin nya hindi ako papayag na magpanggap na magBoyfriend kami.

CHAPTER 42

DEX’S POV

“Dex!! Gising.”

Nagising ako sa mala lindol na alog sakin ni Mama. Ganyan talaga sya kahit noong nag-aaral palang ako haha magrarap payan.

“Ma bakit na naman? Maaga pa eh.”

“Basta bumangon kana dyan.”

“Five minutes lang Ma.”

“Anak pinalaki kita ng maayos, Kaya diko akalain na makakagawa ka ng isang kasalanan.”

Pipikit pa sana ako kaso nagtaka ako sa sinabi ni Mama, Kasalanan??

“Ma ano bang sinasabi mo? Anong kasalanan?”

“Akala koba Mahal mo si Nathan? Pero bakit??”

“Pinagtitripan moba ako Ma?”

“Mama mo ako kaya pwede mo sakin sabihin ang lahat, Kung nagkaproblema kayo ni Nathan pwede mo akong sabihan.”

Lakas ng trip ni Mama noh?  Anong problemang pinagsasabi nya.

“Ma diretsohin mona nga ako ano bang pinagsasabi mo??”

“Merong lalaki sa labas, Kanina kapa inaantay at sabi nya sya daw ang Boyfriend mo. Ayoko maniwala pero Boyfriend mo daw talaga sya.”

“Ano!!!!!”

Nawala ang antok ko dahil sa sinabi ni Mama. Bumangon agad ako para puntahan si Raymond alam kong sya ang tinutukoy ni Mama sabi ko na nga ba eh dapat hindi na ako nagpahatid sa kanya.

Paglabas ko ay nakita ko si Raymond na nakaupo at ngiting ngiti ng makita ako.

“Good Morning Mahal.”

“Anong ginagawa mo dito??????”

“Diba nga sabi ko sayo hindi ako titigil hanggat hindi ka pumapayag na maging Boyfriend mo ako.”

“Hindi nga pwede, kaya pwede ba umalis kana?”

“Grabe ka naman sakin Mahal papaalisin mo agad ako?”

“At isa pa, wag mo ako matawag tawag na Mahal.”

“Eh anong gusto mo? Babe? Love?”

“Ang gusto ko ay umalis kana.”

Lumapit ako sa kanya at hinawakan sya sa kamay at hinila palabas ayoko naman aana maging bastos pero pinipilit nya ako.

“Wag kana ulit babalik okay?” Babala ko sa kanya.

“Mahal naman eh.”

“Sige na umalis kana bye!”

Sinarhan kona sya ng gate dahil kukulitin lang naman nya ako. Pagpasok ko sa loob ng bahay ay nakaabang na sakin si mama alam mo yung  parang tumakas ka sa gabi tapos inumaga kana ng uwe haha.

“Sino Yung lalaki nayon? At bakit nya sinasabing  boyfriend mo daw sya? Hiwalay naba kayo ni Nathan? Kabit moba yon?”

“Ma?!?! Ano bang mga tanong yan?? Sasagutin ko yan lahat wait lang.”

Bumalik ako sa kwarto ko dahil hindi man lang ako nakapaghilamos dahil sa pagdating ni Raymond.

Pagtapos kong maghilamos ay lumabas agad ako para sagutin ang mga katanungan ni Mama.

“So sino nga ang lalaki nayon?”

“Si Raymond yon. Apo sya ng kliyente namin.”

“Oh tapos?”

“Ayon nga, Magulo ang pangyayari nakipag meet lang ako kay Miles non tapos paglabas namin ay bigla nya nalang sinabing Boyfriend ko daw sya.”

“Yun lang yon?? Ano sya baliw?”

“Ganito kasi yon Ma. Yung Daddy daw kasi nya ipapakasal daw sya sa babaeng di nya naman mahal at para hindi mangyari yon ay sinabi nyang may girlfriend na sya. At sakto naman ang labas ko kaya ayon ako ang pinakilala nya sa daddy nya.”

“Hindi ka man lang pumalag? Di mo sinabi na may Boyfriend kana?”

“Nagulat nga kasi ako, Nabigla ako sa pangyayari kaya hindi ako naka react agad pero hinabol ko naman ang Daddy nya para sabihin na hindi totoo yon.”

“Naniwala naman ba?”

“Oo, kaso lang may sinabi pa sya eh. Gusto nya na totohanin ko ang pagpanggap na Boyfriend ng anak nya dahil gusto nyang turuan ng leksyon ang anak nya.”

“Pumayag ka?”

“Hindi syempre. Pero itong Raymond nato ang kulit kulit palagi akong sinusundan tapos ngayon nalaman nya pa kung saan ako nakatira mas lalong hindi nya ako titigilan.”

“Eh ba’t hindi ka nalang kasi pumayag na maging Boyfriend nya?”

“Ma!!!!????? Ano kaba. May Boyfriend ako at mahal na mahal ko si Nathan.”

“Ang ibig kong sabihin pumayag ka na maging Boyfriend mo doon sa napagkasunduan ng Daddy nya para maturuan nadin sya ng leksyon at makabawi ka sa kanya.”

“Ayoko padin Ma. Malin padin.”

“Eh bakit hindi mo nalang kasi sabihin kay Raymond na may Boyfriend ka para tigilan kana nya?”

“Hindi ko nga masabi sabi sa kanya kasi nauunahan ako ng inis sa twing nagkikiga kami ang kulit kaya nya.”

“Kung ayaw mong sabihin sa kanya edi sabihin mo kay Nathan.”

“Mas lalong ayaw ko Ma. Mamaya bugbugin pa ni Nathan yon eh alam mo namang ayaw ko ng gulo.”

“So anong balak mo? Hahayaan mo nalang na kulitin ka ng lalaki nayon???”

Huhu kainis naman kasi hindi ko naman dapat pinoproblema ang mga bagay na ganito pero bakit?????

“Kapag nakita ko ulit si Raymond Ma sasabihin ko na may Boyfriend nako para tigilan na nya ako.”

“Very good anak pero pano kung dika padin nya tigilan? Kasi nga sobrang kailangan ka niya?”

“Bahala na Ma.”

“Wala kabang pasok ngayon?”

“Wala Ma nagpaalam kasi ako kay Ate na hindi muna ako papasok pupunta nalang muna ako kala Nathan.”

////////

“Dexxxxx”

Napayakap agad sakin si Tita ng makita nya ako matagal nadin kasi kaming hinding nagkikita eh.

“Kamusta na kayo Tita??”

“Eto okay naman po. Si Nathan po asan?”

“Andon sa kwarto nya tulog pa”

“Bakit po? Anong oras na ah?”

“Napuyat ata sa date nyo kagabi haha.”

“Date??”

“Oo date, diba magkasama kayo kagabi? Bakit hindi ba??”

“Ahhhhhh o-opo ha haha”

Mukhang may dapat ipaliwanag sakin Nathan. Date??? Eh di nya ako nasundo kagabi.

“Kumain kana ba??? May pagkain kami yung niluto ni Manang kanina initin nalang.”

“ Ah eh opo kumain napo ako bago umalis samin. Puntahan kolang po muna si Nathan para gisingin.“

“Sige gisingin mo na nga yung bata nayon.”

Umakyat nako papunta sa kwarto ni Nathan hindi nako kumatok at nagdirediretso na papasok.

Pagpasok ko sa kwarto nya ay Parang hindi kwarto ang napasukan ko haha Parang basurahan.

“Kainis talaga tong lalaki nato napaka kalat sa kwarto.”

Nilibot ko ang paningin ko at nakita ko ang makalat at magulong kwarto ni Nathan dinampot ko ang mga damit nya tapos pinuntahan ko sya sa higaan nya at ang loko tanghali na nakahilata padin.

Binato ko ng malakas sa kanya yung mga kalat nya haha tapos nagising naman din agad sya.

“Ano ba sabi ko diba ayokong may pumapasok sa kwarto ko ng hindi nagpapaalam???”

“Ah ganon sige lalabas nako.”

“My loves???”

Napabangon naman agad sya ng marinig ang boses ko haha akala nya siguro isa lang ako sa mga katulong nila.

“Gising na pala ang mahal na Prinsipe.”

“Anong ginagawa mo dito my loves???”

“Bakit diba ba ako pwede pumunta dito??”

“I mean, Bakit hindi ka nagsabi edi Sana nasundo kita.”

“Isusurprise nga sana kita kaso ako ang na surprised sa kalat at gulo ng kwarto mo para kang bata.”

“Sorry my loves mas madalas kasi ako sa work kaya hindi kona nalilinis ang kwarto ko atsaka alam mo naman na ayaw kong may ibang nakakapasok sa kwarto ko diba? Maliban sayo.”

“Sige na bumangon kana dyan at maglilinis tayo ngayon ng kwarto mo.”

Bumangon naman agad sya pero napakamot muna sa ulo nya.

Pero may napansin ako sa suot nyang polo kaya lumapit agad ako sa kanya para tingnan yon.

“Ano to? Lipstick ba to?”

“Ha? Saan?”

Napatingin din sya sa tinuro kong marka ng polo nya.

“Hindi ko alam kung ano yan, Hayaan mona yan my loves.”

“Parang lipstick to eh, San ka galing kagabi??”

“Sa trabaho my loves bakit??”

“Sa trabaho?  Pero bakit sabi sakin ni Tita kanina gabi kana nakauwe? Tapos nagtetext ako sayo para magpasundo pero dika nagrereply anong Ginawa mo kahapon hanggang gabi?”

“Ah eh My loves nasa trabaho lang naman ako tapos nag ot ako kasi marami pa akong inasikaso yun lang naman.”

“Eh bakit nga parang may kiss mark dyan sa polo mo??”

“Eto ba?? Hindi ko alam kung pano yan napunta dyan.”

“Siguraduhin mo lang baka mamaya may babae nang umaaligid sayo, Subukan molang talaga.”

“Babae? Walang babaeng umaaligid sakin alam nilang lahat na may nagmamay-ari na sakin ang My Loves ko.”

Lumapit sya sakin at niyakap yakap ako.

Kainis talaga to si Nathan napaka landi haha alam naman nya na marupokpok ako eh.

“Maghilamos kana amoy laway kapa.”

“Talaga??”

Nilapit lapit nya sakin yung mukha nya pero nilalayo ko sakin haha.

NATHAN’S POV

Hinubad ko agad yung polo ko dahil may napansin si Dex na kiss mark mausisa pa naman yon sana hindi na magtanong sakin kundi yari ako lakas pa naman topak non. Baka nailagay yon pagbuhat ko kay Ana kahapon.

…………….. FLASHBACK ………………….

“AH EH Ana? Mauna na ako may lakad pa kasi kami ni Dex.”

“Ganon ba? Sige mauna kana baka malate kapa.”

Pagkatapos kong magpaalam sa kanya ay tumayo nako pero hindi pa naman ako nakakalayo ay marinig na akong mga nagsigawan hindi naman malakas pero sapat na para mapalingon ako.

Nakita ko nalang si Ana na nakatumba kaya agad akong pumunta pabalik sa kanya para tingnan kung ano ang nangyari.

“Ana????”

“Sir?? Kayo po ba ang Boyfriend nya??”

“Hindi, Kaibigan kolang sya.”

Nattthhhann

???“

Mahinang sabi ni Ana, Mabuti nalang at nagkamalay sya.

Dahan dahan kong inalalayan pa tayo si Ana.

“Ayos kalang ba Ana??”

“Medyo nahilo lang ako.”

“May driver kaba? Para mapasundo kita.”

“Wala eh. Magtataxi nalang siguro ako bahala na kung anong mangyari.”

“Ihahatid nalang kita sa inyo.”

“Talaga? Pero may lakad kayo ni Dex diba?”

“Itetext ko nalang sya.”

Nakakakonsensya kasi kung iiwan at papabayaan ko nalang si Ana mag-isa mamaya kung ano pang-mangyari sa kanya eh.

Hinatid ko si Ana hanggang sa condo nya dahil walang aalalay sa kanya pansin ko kasi na parang mahina sya. Inihaga ko naman sya sa kama nya pagpasok namin.

“Ana ayos kana ba mag-isa? Gusto tawagan natin si Jasmine para may kasama ka?”

“Wag na, ayos nako salamat sa paghatid mo.”

Bumangon si Ana tapos lumapit sakin medyo nagulat ako kasi kanina lang parang hinang hina sya tapos ngayon parang okay na.

Pagkalapit nya sakin ay hinawakan nya ang mukha ko tapos bigla akong hinalikan sa leeg. Sa sobrang gulat ko ay naitulak ko sya.

“Ana anong ginagawa mo???”

“Sorry Nathan, Akala ko kasi wala na eh. Akala ko kasi okay na pero hindi pala. Mahal na mahal pa pala kita.”

“Ana alam mong may mahal na akong iba at si Dex yon at malapit na kaming

ikasal

.“

“Ikakasal kayo???”

“Oo Ana, Kaya kung ano man ang nararamdaman mo sakin kalimutan mo nalang.”

Lumapit ulit sakin si Ana at niyakap ako.

“Nathan please, Ako nalang Yung mahalin mo? Ako nalang yung pakasalan mo? Bakla si Dex at hindi ka nya mabibigyan ng mga anak hindi kanya mabibigyan ng

Pamilyang

pinapangarap

mo.“

Kinalas ko yung pagkakayakap nya at hinarap sya.

“Mahal ko si Dex at kahit ano pang sabihin mo Mahal ko sya at kahit hindi kami magkaanak? Mamahalin at mamahalin ko padin sya!”

Ayokong bastusin at saktan si Ana pero binastos na nya ako lalong lalo na si Dex.

Tinulak ko sya at napahiga sya sa kama nya sabay alis pero bago ako umalis ay nagsalita muna sya.

“Hindi matutuloy ang kasal nyo! Tandaan mo to!”

Hindi ko na sya pinansin at lumabas nako.

………… END OF FLASHBACK ………………

After kong maghilamos ay lumabas nako at nakita ko si Dex na inuumpisahan nang iligpit ang mga kalat ko.

Lumapit naman ako sa kanya at niyakap sya mula sa likod.

“Nathan ano ba? Nagliligpit ako wag kang magulo.”

“I love you my lovessssss.”

“Anong meron Nathan? Bakit nag a i love you ka?”

“Bakit masama naba mag I Love you sa mahal ko???”

Konting panahon nalang kapag naayos na ang bahay na pinapagawa ko at may sapat na ipon nako ay magpapakasal na kami ni Dex.

Mga My loves last 8 chapters nalang

CHAPTER 43

ANA’S POV

’Hello?

Nasimulan

mona ba ang pinapagawa ko sayo???’

‘Oo naman, Ako paba?’

’Ikaw paba? Bakit parang wala pading progress? Ano akala koba saglit lang yon sayo?? Siguraduhin mo lang na hindi ka

papalpak

’Oo na

mamadaliin

kona nga.’

Binabaan ko nalang ng telepono itong kausap ko. Naiinis lang ako kasi bago kami bumalik dito ay pinagplanuhan namin kung anong mangyayari kaso mukhang nahihirapan ata sya.

“Sino yang kausap mo? Parang nakakatakot naman ang pinapagawa mo.” Takang tanong sakin ni Jasmine.

“Never mind, Just focus on your design make sure na ako ang pinakamagandang babae sa Birthday ni Tito.”

“Oo na eto na nga eh.”

Magiging memorable sakin ang araw nayon dahil mararanasan din ni Dex kung pano mapahiya at masaktan sa harap ng maraming tao, Kung pano iwan ng taong mahal nya.

“Saang Birthday party ba ang pupuntahan mo bakit parang kailangan bongga ang suot mo? Parang ikaw ang mag Birthday ah.”

“Because that day? Will gonna be my Day.”

“Ha??”

Hindi ko nalang sya pinansin dahil hindi din naman nya maiintindihan ang sinasabi ko.

……………..FLASHBACK………………….

“Ana anak umiiyak kana naman ba?”

Lumapit sakin Si Mama at hindi ko napigilanal ang aking sarili at niyakap ko sya sobrang nalulungkot at nasasaktan padin ako hanggang ngayon dahil sa nangyari.

“Ma akala ko pagdating natin dito magiging okay nako, Akala ko mawawala na yung sakit pero bakit??? Parang mas lalo pa akong nasasaktan??”

“Nasasaktan ka kasi Mahal mopa, Nasaktan ka kasi nag mahal ka at hindi mo basta

matuturuan

ang puso na mag move on kung kelan mo gusto.“

“Ma ano ang dapat kung gawin?? Sobrang na

dedepress

nako, Hindi lang ako ang

napahiya

kundi buong Pamilya natin, Si Daddy sa mga business partners nya.“

“Wag mo isipin ang sasabihin ng iba mahal na mahal ka namin ng Daddy mo at nandito lang kami para sayo.”

“Salamat kasi kahit iniwan ako ni Nathan ay nandyan padin kayong dalawa ni Daddy.”

“Magulang mo kami kaya hindi ka namin iiwan.”

Lalo akong naiyak dahil sa sinabi ni Mama, Kahit papano ay napapakalma nya ako sa totoo lang mag mula ng umalis kami ng Pilipinas ay marami nakong nakakatakot na nagawa sa sarili ko.

Naglaslas nadin ako sa sobrang lungkot mabuti nalang at pumasok si Mama sa kwarto ko at naisugod agad ako sa Hospital.

Muntik nadin ako uminom ng maraming gamot ng sabay sabay mabuti nalang din at nakita ako ni Mama.

Nang mga oras nayon ang nasa isip ko nalang ay mamatay dahil hindi ko alam kung saan at paano ako magsisimula, Natatakot din ako sa sasabihin ng ibang Tao at higit sa lahat mahal na mahal ko si Nathan.

…………. END OF FLASHBACK…………

“Ana diba sabi mo sakin nung umuwe ka ay may ipapakilala sayo ang daddy mo?  Ano na pala balita sa inyo?”

“Yon ba?? Ah okay naman kami.”

“Ipakilala mo naman sya sakin para naman makilatis ko kung okay ba sya.”

“O-Oo ipapakilala ko sya sayo minsan.”

“Sana naman sya na yung taong para sayo, Yung taong makakasama mo habang buhay.”

“Malabong mangyari, Ginagamit kolang sya for my plan.” Mahina kong sagot sa sinabi ni Jasmine.

“Anong sabi mo??”

“Wala-wala ang sabi ko tapusin mona yan, Lalabas na muna ako para hindi ka maistorbo.”

Napatango nalang sya sakin at pinagpatuloy ang ginagawa nya.

DEX’S POV

‘Hi Mahal Good Morning.’

Ayan agad ang bumungad na text sakin ni Raymond bago ako pumasok.

‘Mahal mo mukha mo!’ reply ko sa kanya.

“My loves sino yang katext mo?”

“Ah eto ba? Ka work kulang wag mo nalang pansinin.”

“Talaga? Bakit parang nakasimangot ka? Patingin nga?”

Kukunin sana ni Nathan sakin yung cellphone ko pero iniwas ko sa kanya.

“Wala nga to.”

“Bakit ayaw mo ipakita?”

“Wala nga kasi to wag mona pansinin.”

“Haysss, Sige na nga. My loves hatid naba kita sa work mo??”

“Hindi na My loves baka malate kadin eh, Kayo ko naman na mag commute. Ako paba?”

“Ihahatid na kita baka mapano kapa sa daan.”

Hindi na kaya kona.“

“Bakit ayaw mo magpahatid sakin My loves? Anong meron? Dati namin gustong gusto mong nagpapahatid sakin.”

Nagulat ako sa sinabi ni Nathan kasi the way syang magsalita Parang naghihinala

“Problema don? Eh ayaw lang naman kita mapagod sa byahe.”

“Hayss sige na nga, Ingat ka nalang.”

Bago kami naghiwalay ni Nathan (Hiwalay lang ng Way wag kayong ano dyan) ay humalik muna sya sakin.  Ganda ko noh?

/////////

Pagpunta ko kasi kala Nathan kahapon ay doon nadin ako sa kanila natulog tutal naman may naiwan naman akong ilang mga damit sa kanila.

“Magandang umaga manong guard”

Masayang bati ko sa guard dito samin, Kailangan umpisahan ko ng Good vibes itong araw nato.

“Magandang umaga Mahal.”

Muntik nako atakihin sa puso dahil may unggoy na sumulpot sa harapan ko.

“Ikaw na naman??? Dikaba napapagod kakabuntot sakin?”

“Hindi, Hanggat dika pumapayag na maging Boyfriend mo ako.”

“Bahala ka mangisay dyan hindi padin pwede.”

“Bakit hindi pwede??”

Hinarangan ni Raymond ang dadaanan ko kaya nainis nako sa kanya.

“Raymond hindi pwede kasi may Boyfriend nako okay? May BOY-FRIEND NA AKO.”

sana naman ngayon ay magets na nya kung bakit ayaw ko pumayag sa plano nya.

“ May Boyfriend kana?“

“Oo kaya please lang tigilan mona ako, Iba nalang ang alukin mo.”

Siguro naman tatantanan na nya ako ngayong sinabi kona sa kanya ang totoo.

Pero imbis na umalis sya ay dahan dahan pa  syang lumapit sakin na Parang hahalikan ako pero may binulong lang sya.

“Edi wag natin ipaalam sa Boyfriend mo.”

Ilang segundo lang ako natigil pero mabilis ko din syang naitulak.

“Lakas ng tama mo Unggoy ka!”

Umalis agad ako dahil diko akalain na gagawin nya sakin yon, I mean para san?

Pero ang unggoy sadyang ayaw patinag hindi padin ako tinigilan.

“Ano ayaw mo talaga?”

Sa inis ko sa kanya ay hinarap kona sya.

“Kapag hindi ka tumigil tatawag nako ng security para palabasin ka dito.”

“Grabe ka naman sakin Dex.”

“Nakakainis kana kasi! Sinabi kona kasi na ayaw ko, Hindi naman sa nagmamaganda ako ha? Oo bakla ako pero hindi ako katulad ng iba dyan na basta basta  nalang pumapatol sa kung sino sinong lalaki, At isa pa may Boyfriend ako kaya humanap ka nalang ng ibang guguluhin.”

Natahimik naman sya sa mga sinabi ko ayaw ko sana humantong sa ganito dahil ayaw ko din naman makasakit pero ayaw nya talaga akong tigilan kaya wala akong choice.

“Sorry.” Mahinang sabi nya.

Dapat naiinis ako sa kanya pero bakit parang naguilty ako?

Tiningnan kolang sya sabay alis na. Hindi nadin sya sumunod sakin hanggang sa makarating ako sa office ni ate.

“Good Morning Dex.”

Bati sakin ni Ate pagka dating ko. Laging nauuna si Ate sakin kasi ayaw nyang nalelate haha sana all.

“Good Morning Din ate.”

“Bakit parang ang lungkot mo? May nangyari ba??”

“Ahh wala, Wala naman.”

“Ganon ba? By the way naka received pala ako ng invitation mula kay Mrs. Sandoval . Birthday daw ng kaisa isa nyang anak and she wanted us to come especially you.”

“Ha? Ako??”

“Oo bakit, Ayaw moba?”

My gosh bakit ba inimbitahan pa kami????? Makikita kolang don si Raymond eh.

“Kelan bayan ate?”

“This weekend na, Kaya mag ready ka mamaya magshoshopping tayo ng susuotin natin.”

Si ate halatang excited na excited habang ako nagdadalawang isip kung sasama ba unang una nandon si Raymond pangalawa puro susyal ang mga tao don anong gagawin ng isang kagaya ko don??

“Ate pwede bang hindi pumunta?”

“Ha? Why? They expected us.  May problema ba?”

“Ah wala naman.”

“Dex? Minsan lang to at kasama mo naman ako hindi ka maboboring don.”

Ngiti nalang ang sinagot ko kay Ate pero sa loob loob ko huhuhu pano bato???

NATHAN’S POV

Sa hindi malamang dahilan ay hindi ako makapag focus ngayon sa trabaho ko dahil naninibago ako kay Dex parang may hindi sya sinasabi sakin hindi ko alam kung bakit pero parang may mali sa kinikilos nya kanina.

“Hi NATHAN?” Bati ng isang Pamilyar na boses.

“Ana? Anong ginagawa mo dito?”

“Bakit parang nakakita ka ng multo? Nandito lang naman ako dahil may gusto akong ipakita sayo.”

“Marami pa akong inaasikaso kaya please wag kanang manggulo.”

“Grabe ka naman sakin Nathan, Tungkol naman kay Dex ang ipapakita ko sayo. Mahal na mahal mo sya pero sya? Mahal kaba talaga nya?”

“Anong ibig mong sabihin?”

“Hindi na ako magpapaligoy ligoy pa, Yang Dex na mahal na mahal mo? May ibang nilalanding lalaki.”

“Hindi magagawa sakin yan ni Dex.”

“Talaga? Bakit hindi mo tingnan to.”

Inabot sakin ni Ana yung phone at nakita ko don ang picture ni Dex na may kasamang lalaki at parang hahalikan sya o nahalikan na sya.

Gusto kong sabihin sa sarili ko na gawagawa lang to ni Ana pero imposible, Si Dex talaga yon.

“Ganyan kana ba talaga ka desperada? Gagawa ka ng paraan para masira si Dex?”

“Sabihin mona ang gusto mong sabihin sakin Nathan, Pero isa lang ang masisiguro ko yang Dex na mahal na mahal mo? Hindi yan Santa, May tinatago din yang landi sa katawan. Tingnan mo tong ipapakita ko sayo.”

Kinuha ni Ana yung phone tapos binigay ulit sakin.

“Ayan kita mona? Habang nasa trabaho ka may ibang sumusundo sa kanya.”

Kita sa larawan na sumakay si Dex sa sasakyan ng lalaki at ang masakit pa nito nakaakbay pa yung lalaki sa kanya.

Parang sinaksak ng maraming beses yung puso ko ngayon kona lang ulit naramdaman yung ganitong sakit. Totoo ba talaga yung nakita ko? Kaya bang gawin sakin ni dex yon??

“Umalis kana Ana.”

“Oh bakit? Masakit ba? Masakit ba malaman na  yung taong mahal na mahal mo ay niloloko kalang pala?”

“Umalis kana!!”

Napatingin yung mga katrabaho ko dahil sa pagtaas ng boses ko. Kailangan ko makausap si Dex, Mapapanatag lang ang loob ko kapag sa kanya na mismo nanggaling na hindi niya ako Mahal at gusto kong makilalala kung sino ang lalaking ipinalit nya sakin.

“Wag ka masyadong magbulag bulagan sa nararamdaman mo sa kanya ang bakla pagbalibaliktarin man natin ang mundo makati padin yan lalo na pag may umaligid na mga lalaki kaya sa tingin moba talaga magiging loyal sya sayo??”

“Sabi nang umalis kana eh!!!!”

Napatayo ako dahil sa sobrang galit kay Ana, Kung hindi lang sya babae baka kanina kopa sya nasapak.

“Ok fine, Aalis na. Just be thankful kung hindi dahil sakin baka hanggang ngayon pinagmumukha kapa ding tanga ni Dex.”

Hindi ko alam kung gawagawa lang ba lahat ni Ana yung mga sinasabi nya para sirain kami ni Dex pero isa lang ang paraan para malaman koyon, Kailangan ko makausap si Dex.

CHAPTER 44

DEX’S POV

Pagkatapos naming ayusin ni ate ang mga dapat naming ayusin ay umalis na kami dahil nga daw ay mamimili kami ng susuotin para sa Birthday ng kaisa isang anak ni mrs. Sandoval.

Pagdating namin sa loob ng mall ay naka received agad ako ng tawag mula kay Nathan hindi ko nalang yon pinansin pero di padin sya tumigil.

“Sino bayang tawag ng tawag sayo sagutin mona kaya.”

“Si Nathan ate sagutin kolang.”

“Sige baka importante yan.”

Lumayo ako ng konti kay ate bago sagutin ag tawag ni Nathan.

‘oh Nathan ba’t ka napatawag?’

‘Asan ka ngayon?’

‘Kasama ko si Ate ngayon bakit?’

‘Asan ka ngayon?’

’Nasa mall

sinamahan

ko si Ate.’

‘Saang mall yan?’

‘bakit?’

’Saang mall yan

itext

mo nalang sakin pupuntahan kita may kailangan tayong pag-usapan.’

Sasagot pa sana ako pero pinatayan nako ni Nathan. Hindi ko alam kung anong meron pero kinakabahan ako para kasing galit sya eh.

“Ano daw sabi?”

“Wala naman, Nagtanong lang kung nasan ako.”

Habang namimili kami ni ate nb susuotin ay lutang ako kasi iniisip ko si Nathan kung bakit ganon ang pananalita at kung anong pag-uusapan namin.

Siguro mga almost 1hr pa bago nakadating si Nathan pero hindi maganda ang bungad nya sakin na ikinataka ko hindi man lang nya ako binati oh kahit na si ate.

Bigla nya nalang hinawakan ang kamay ko at hinila naiwan tuloy namin si ate.

Dinala ako ni Nathan sa parteng wala masyadong tao.

“Nathan ano ba nasasaktan ako.”

Diko alam kung anong meron pero itong si Nathan bigla nalang ako hinila at parang gusto pang manakit.

“Isang tanong isang sagot may lalaki kaba?”

Kita sa mga mata ni Nathan yung galit. Ako naman ay kinabahan hindi dahil sa tanong nya kundi dahil sa reaksyon nya.

“Ha? Saan naman galing yang tanong nayan?”

“My loves yung tanong ko ang sagutin mo!”

Medyo tumataas na yung boses ni Nathan mabuti nalang at walang tao sa pinagdalhan nya sakin.

“Wait lang ha? Bakit mo naman na tanong yan?”

“May lalaki kaba o wala?!”

“Wala!”

Napataas nadin ang boses ko kasi hindi naman totoo yung sinasabi nya at ayoko sa lahat yung pinagdududahan ako.

“My loves magsabi ka sakin ng totoo kasi hindi ko alam kung anong magagawa ko kapag nalaman kong may iba ka.”

“Sino ba kasi ang nagsabi sayo nyan? At pano mo naman na isip namay lalaki ako?”

“May nagsabi sakin at may ibedensya sya nakita ko namay kayakap kang lalaki at sumakay kapa sa sasakyan nya.”

“Ano??? Wala akong lalaki okay.”

Ako may kasamang lalaki??

Wait……. Si Raymond lang naman ang buntot ng buntot sakin pero hindi ko sya lalaki at sino naman ang nagsumbong kay Nathan.

“Kaya pala nitong nakaraan napapansin ko malimit kana lang mag text at tumawag sakin, Kahit mag pasundo at magpahatid ayaw mo din kasi may iba kana pala.”

“Nathan wala nga, At kung may lalaki man ako hindi ko ipapakita yon sayo para ano? Para makasakit? At kung hindi kita Mahal sasabihin ko sayo yon! Kasi alam ko yung pakiramdam na hindi ka Mahal ng taong Mahal na mahal mo! Napakaliit na bagay pinapalaki mo.”

“Dex hindi yon maliit na bagay big deal yon para sakin.”

“Wala akong lalaki okay? Sino ba kasing nagsabi sayo nyan?”

“Si Ana. Sya yung nagsabi sakin at may pinakita syang magpapatunay namay kasama kang ibang lalaki.”

“Si Ana? Nandito sya?”

“Oo nakabalik nadin sya.”

Pero bakit gagawin yon ni Ana? Maayso naman kami bago sya umalis.  Humingi pa nga ako ng tawad sa kanya.

“Nagkikita kayo? Bakit hindi ko alam?”

Ako naman yung nagtanong sa kanya. Syempre ex nya padin yon kahit sabihin pa natin na hindi naman nya talaga minahal si Ana.

“Hindi kona sinabi sayo kasi wala naman yon. Pero yung sayo meron.”

“Sabihin na natin na totoo Yun nasa picture na pinakita nya sayo pero hindi ba pwedeng kaibigan kolang yon? Nathan maliit ang mundo madaming lalaki at babae na nakapaligid satin pero kung talagang mahal natin ang isat-isa magtitiwala tayo. Yung sumakay ako sasakyan? Ayon yung gabi na walang magsusundo sakin. Tinawagan kita, Tinext kita pero hindi ka sumasagot anong gagawin ko? Gabi na eh wala na akong choice. At yung may kayakap ako? Hindi ko alam kung saan nanggaling yon pero wala akong lalaki. Ikaw lang ang Mahal ko Nathan.”

Natahimik sya sa haba ng sinabi ko. Kapag ako may mali mananahimik lang ako at hindi ako sasagot sa mga salitang ibabato mo sakin pero kapag ako ang nasa tama? Asahan mo na idedefend ko ang sarili ko.

“Sorry My loves. Mahal na mahal lang kasi talaga kita kaya ako nagkakaganito.”

“Next time kumalma kalang ha? Kasi hindi tayo makakapag usap ng maayos kapag ganito.”

“Sorry My loves.”

Niyakap ako ni Nathan ng mahigpit na mahigpit.

“Okay na. Ayos na sakin yon basta sa susunod hinga lang ng malalim ha? Tapos Tsaka mo ako kausapin.”

“Sorry talaga my loves” mahinahong sabi ni Nathan.

“Tapos naba kayo magdrama??”

Napahiwalay ako sa pagkakayakap nawala sa isip ko na kasama ko pala si Ate.

“Ate sorry.”

“It’s okay, Tapos nyo na muna yan.”

“Pero mamimili pa pala tayo.”

“Bukas nalang siguro. Pag-usapan nyo nalang muna ang problema nyo.”

“Okay na kami ate, Tuloy na natin.”

Ngumiti muna si Ate bago sumagot.

“Nathan? Hindi ko nasaksihan kung pano kayo nagmahalan pero walang ibang lalaki ang kapatid ko. Dex? Sige na mag-usap pa muna Kayo pinapunta ko naman dito si Andrew para may kasama ako.”

“Sigurado ka ate.”

“Oo naman.”

Pagkatapos nyang sabihin yon ay umalis nadin sya

////////

“Oh My loves san na tayo??”

“Hmm sa bahay gusto ko muna magpahinga na stress ako sa mga tanong mo kanina eh.”

“Sorry na nga para makabawi ako sayo ititreat nalang kita.”

Hinawakan ni Nathan ang kamay ko syempre dina ako pumalag alam ko namang safe ako sa kanya.

Paglabas namin ng mall ay naglakad pa kami ng medyo mahaba haba hindi ko alam kung san nga ako balak dalhin haha.

Pero biglang kuminang ang mga mata ng huminto kami sa mga nagtitinda ng street foods my all time favorite.

“My loves para mawala inis mo sakin kumain na muna tayo nito.”

Napangiti ako sa sinabi sakin ni Nathan.

“Alam na alam mo talaga kung anong magpapasaya sakin ha?”

“Syempre ako paba?”

Tumusok si Nathan ng isang fishball tapos sinawsaw don sa maanghang na suka tapos sinubo sakin.

Yung ibang mga kumakain napatingin samin pero dedma lang kami ni Nathan kasi di naman namin sila kilala.

“Nathan, Subukan mo to.”

Ako naman ang nag subo sa kanya pero ang hindi nya alam may twist yon haha may kasamang sili. Unang nguya nya halatang sarap na sarap sya pero kasunod non ay napaubo na sya haha gusto kong tumawa ng malakas pero nagpipigil ako.

“My loves ba’t may sili?”

“Ha? May sili ba? O eto uminom ka.”

Kunwari hindi ko alam tapos inabutan ko sya ng binili Kong palamig.

“Ano Nathan okay na??” Tanong ko sa kanya.

“Oo okay nako, May nakain lang akong sili.”

////

Saglit lang din kami kumain ni Nathan dahil kailangan nya padaw bumalik sa work nya.

Yan kasi susugod ako pati trabaho iiwanan.

“My loves sorry talaga sa mga nasabi ko sayo kanina.”

“Wala nayon sakin, Sige na bumalik kana sa work mo baka mapagalitan ka ng daddy mo dahil bigla ka nalang umalis.”

“Sige mauna nako babawi nalang ulit ako sayo.”

Humalik muna sakin si Nathan bago tuluyang umalis.

Pagpasok ko sa loob ng bahay namin ay nakita ko si Mama na nagliligpit at may daladalang isang kahon.

“Ma san mo dadalhin yan?”

“Naglinis kasi ako sa bodega natin tapos eto nakita ko mukhang hindi naman na kailangan kaya itatapon kona.”

“Ma wait lang baka may mga importante pa dyan.”

Binaba muna ni Mama yung box na hawak nya at sinimulan kona agad tingnan ang nasa loob.

May nakita akong mga pictures nung bata pa ako ilang mga lumang damit pero may isang papel akong nakita pamilyar sya pero nakalimutan kona kung anong nakasulat don.

Kinuha ko yung papel at tiningnan kung anong nakasulat may nakasulat sa front na “PARA SA KAIBIGAN” biglang bumalik sakin ang nakaraan. Binasa ko ulit yung nasa loob.

“Unang araw sa eskwela

Ni isa wala akong kakilala

Pakiramdam ko nasa ibang mundo ako

Kung saan bawal ang mga katulad ko

Lahat natutuwa

Lahat magkakasama

Lahat magkakaibigan

Nararapat nga ba ako dito?

Pero nung dumating ka

Binigyan mo nang kulay ang mundo ko

Ikaw ang dahilan,

Bakit araw araw gusto ko pumasok

Ikaw ang dahilan

Kung bakit hindi nako natatakot

Ikaw ang dahilan

Kung bakit muling nabuhay ang natutulog kong puso

Nung unang araw tayo’y nagkita

Bumilis ang takbo ng oras

Nakita ko ang hinaharap ko na kasama ka

Ito na ba ang sinasabi nilang

LOVE AT FIRST SIGHT?

Tinanong mo ang pangalan

At sinagot naman kita

Tinanong mo kung pwede makipag kaibagan

At sinagot ulit kita

Pero ang tanong nagusto kong marinig

Ay pwede bang mahalin ka?

Sa araw araw na kasama kita

Lalo akong nahuhulog sayo

Sa bawat oras, Minuto at segundo

Gusto kitang makita

Bumuo tayo ng mga ala-ala

Nang magkasama

Pero hindi bilang magkasintahan

Kundi bilang magkaibigan Lang

Oo mahal kita, Mahal na mahal.

Pero natatakot ako.

Natatakot ako sa magiging sagot mo

Natatakot ako na baka masira

Ang pagkakaibang sabay natin iningatan“

Ito yung tulang ginawa ko noon para kay Mark na ni minsan hindi ko nabigay sa kanya at ni minsan hindi ko nagawang ipabasa o iparinig sa iba.

Ito yung mga panahong mahal na mahal kopa ang Bestfriend ko ito Yung mga panahon na hindi kopa nakikilala si Dan at kahit na si Nathan.

Ito yung mga panahon na sobra na akala ko walang may gusto sakin pero dumating si Mark at kinaibigan ako.

“Oh anak bakit natulala ka dyan ayos kalang ba?”

“O-opo Ma, Sige po pwede nyo nang itapon yung ibang nasa kahon.”

“Ano bayang nakasulat sa papel?”

“Wala lang to Ma.”

Tinupi ko yung papel pagkatapos ay nilagay ko sa bulsa ko.

Kahit papano naging parte padin to ng nakaraan ko at kung Hindi dahil sa nakaraan nayon ay hindi ako mahuhubog sa kung ano ako ngayon at hindi ko din makikilala si Nathan.

MARK’S POV

Habang kumakain kami ni Sheena at ng anak namin ay bigla akong naubo. Inabutan agad ako ni Sheena ng isang basong tubig.

“Sheena number.”

“Ha? Number?”

“Oo basta magsabi ka ng number.”

Kahit nagtataka si Sheena ay sinagot nya padin ako.

“Four”

A B C D. D???? DEX????? naalala ako ni Dex???

“Ano bang meron sa number? Naubo kalang eh? Mananalo naba tayo sa lotto nyan?” Natatawang tanong ni Sheena.

“Haha hindi. Meron kasing nakapag sabi sakin dati nakapag bigla kadaw naubo ay baka may nakakaalala sayo at tanungin mo daw yung katabi ng number tapos i tumbas mo sa letter at kung sinong pangalan ang unang maisip mo sya ang nakakaalala sayo.”

Napatango nalang si Sheena sa sinabi ko.

Medyo old school pero si Dex ang nasabi sakin non. Alam kong hindi na ako bata para maniwala pa sa mga ganon pero part nayon ng nakaraan ko na nakakatatak sa puso ko.

CHAPTER 45

DEX’S POV

“Wow mukhang ready na talaga ang mga anak ko ha.”

Masayang sabi samin ni Ate. Dahil nga sa hindi kona sya nasamahan ay binilhan nya nalang ako mabuti nalang at magaling sya mamili.

“Mommy okay lang ba suot ko?”

“Oo naman Dex.”

“Ako ang pumili nyan.” Sabat ni ate.

“Ay haha salamat ate pasensya kana pala hindi kita nasamahan.”

“Okay Lang.”

“Isama nyo kaya ang kuya nyo para may escort kayo.”

“Nako mommy si kuya?  Di sasama yon mas gugustuhin nya pang matulog.”

“Oh sya sige na mag-ayos na kayo baka mahuli pa kayo.”

Nagpahatid kami ni ate sa driver dahil hindi talaga namin napilit si kuya na sumama pag dating namin sa venue ay ang daming tao lahat ang gaganda ng suot. Humawak ako kay ate dahil medyo nanliliit ako.

“May problema ba?”

“Ah eh naiilang ako.”

“Masasanay kadin at sanayin mo nadin ang sarili mo sa mga bagay na tulad nito dahil ganito sa mundong Ginagalawan natin.”

Habang nag-uusap kami ni ate ay dumating yung daddy ni Raymond.

“Dex?”

“Ah hello po? Happy birthday po pala.”

“Thank you.”

“I am Andrea Montes.  Happy birthday din po.”

“Magkapatid pala kayo?”

Tumango nalang ako sa kanya.

“Buti pumunta ka, Ano pumapayag kana ba sa napagkasunduan natin?”

“Ah sir? Pasensya napo pero hindi po talaga pwede eh.”

“Oh mukhang hindi talaga kita mapipilit pero since nandito kana welcome to my party.”

“Thank you po pala sa pag invite.”

“Always welcome Mr. Montes”

Pag katapos non ay iniwan na nya kami ni Ate.

“Anong sinasabi nya?”

“Ah wala yon ate tara na hanap na tayo ng pwesto.”

Umupo nalang kami ni Ate at inantay mag-umpisa ang party. Ganito talaga pag mayaman bongga ang handaan pati venue haha.

Pinagmasdan ko ang paligid lahat nag eenjoy ako lang ata hindi haha. Mayamaya ay umakyat na sa stage yung daddy ni Raymond at may kasamang babae asawa nya ata nandon din si Raymond pati lola nya.

Nag speech pa sila tapos binati nila yung daddy ni Raymond bigla ko tuloy naalala ang papa ko sa birthday nya ay paghahandaan ko din. Pero sa lahat ng sinabi nila ito ang guminbal sakin.

“Gusto ko din pala ipakilala sa inyo ang pinakamamahal ng anak ko walang iba kundi si Dex Montes.”

Tumuro sakin yung Daddy ni Raymond at natuon sakin ang atensyon ng lahat.

Yung iba nagulat at nagbubulungan. Bumaba si Raymond at lumapit sakin ako naman ay gulat na gulat sa nangyayari.

“Dex please wag mo ako ipahiya ngayon.”

Inabot ni Raymond yung kamay nya pero nagdalawang isip pa ako kung tatanggapin ko yon, lumingon muna ako kay Ate pero hinawakan na ni Raymond ang kamay ko at sinama paakyat sa stage.

Kita sa mukha ng ibang mga bisita ang pagkagulat.

“Raymond bababa nako.” Mahinang bulong ko sa kanya.

“Dex tapusin lang natin ang gabing ito.”

“Dex?????!!!!!”

Halos takluban ako ng mundo ng makita ko si Nathan . Anong ginagawa nya dito??????

Nakipagtitigan ako sa kanya at kita ko sobra syang nagtataka at nasasaktan.

“Nathan” mahinang sabi ko.

Napailing si Nathan pagkatapos ay umalis na sya napahinto ako ng ilang segundo hanggang sa nag sink in na sakin ang mga nangyayari. Bababa na sana ako pero biglang may nagsalita sa mic.

“Wow!? What an amazing show!  Everyone lets all give them around of applause.”

Si Ana? Anong ginagawa nya dito?

“Ana???”

“Oh bakit parang gulat na gulat ka? Ayaw mobang makita ng lahat Kung gaano ka kalandi. SIYA si Dex and let me introduce him to all of you.  Ikakasal na sana ako almost perfect na ang lahat pero inagaw nya ang fiance ko at sa mismong kasal namin? Gumawa sya ng eksena kaya naman hindi natuloy ang kasal ko.”

Lumapit sakin si Ana at tiningnan ako mula ulo hanggang paa.

“Ana hindi totoo yan. Hindi ko inagaw sayo si Nathan.”

“Tapos ngayon may bago na syang Boyfriend? Habang sila pa ng ex fiance ko. Nakita nyo naman siguro kung gaano sya kalandi.”

Gusto konang tumakbo pero diko maigalaw ang mga paa ko. Gusto kong Umiyak pero natatakot ako.

Gusto kong habulin si Nathan para ipaliwanag na hindi totoo ang mga nakita at narinig nya. Hindi ko alam kung pano nangyari to pero parang gusto ko nalang maglaho na parang isang bula.

“Ana please Tama.”

“Oh? Hiyang hiya kana ba? Oh meron kapa ba non?”

Akala ko okay kami ni Ana bago sya umalis pero hindi pa pala.

Ang pusong nasaktan at iniwan eto ang kinalabasan.

Pero kailangan kong mahabol si Nathan bago sya makalayo.

“Aalis nako.”

“San ka pupunta? Dito ka muna hindi pa nga tayo tapos eh.”

Hinawakan ako ni Ana sa braso kaya hindi ako makaalis. Lahat ng bisita samin nakatingin at pakiramdam ko ang sama-sama ng tingin nila sakin.

“Ana please.” Hindi ko na napigilan ang pagtula ng luha ko.

“Pag-sinabi nyang bitawan mo sya bitawan mo sya.”

Para akong bilang nabuhayan ng marinig ko ang boses ni Ate bigla akong nagkaroon ng lakas kasi alam kong may kakampi ako.

“Sino ka?” Takang tanong ni Ana.

“Bitawan mo sya o gusto mong baliin ko ang braso mo.”

Diniinan ni Ate ang pagkakahawak sa kamay ni Ana kaya naman nabitawan nya ako.

“Dex habulin mona si Nathan ako ng bahala dito.”

“Salamat ate.”

Tumakbo agad ako palabas para habulin si Nathan mabuti nalang at nandyan si ate sana maging okay lang sya.

ANDREA’S POV

“Sino kaba?”

“Gusto mong makilala kung sino ako? Sigurado kaba?”

Isang malakas na sampal ang binigay ko sa kanya na halatang hindi nya inaasaban.

“How dare you!!”

Sasampalin nya sana ako pero nasalo ko yung kamay nya at sinampal ko ulit sya kabilang pisngi at sabay agaw ng mic. Sa kanya.

“Well? Ladies and gentle men the show is not yet done let me introduce myself first. I am Andrea Montes ang anak ng isa sa pinaka mayamang Negosyante sa Pilipinas si Diego Montes at yung kaninang pinahiya ng babaeng to? Siya lang naman ang kapatid ko na obviously isa ding Montes and hopefully wala ng makalabas pa sa insedenteng ito this is not a warning it is just a reminder at ikaw? (humarap ulit ako sa kanya) hindi ko alam kung gaano ka nasaktan pero isa lang masasabi ko hindi gugustuhin ng kapatid ko na manakit ng damdamin ng iba at sa susunod na may gawin ka laban sa kanya? Ako ang makakalaban mo.”

Pagkatapos kong sabihin yon ay umalis nadin ako. Sana lang talaga wala ng maglabas ng issue nato.

DEX’S POV

“NATHAN??” Ubod lakas kong sigaw pero hindi sya lumingon o tumigil man lang. Tumakbo ako palapit sa kanya at hinawakan ko ang kamay nya.

Humarap sya sakin at ang sama ng tingin halatang galit na galit sya.

“Dex ano yon! Anong ibig sabihin non!?”

“Nathan walang ibig sabihin yon.”

“Wala?! Ano ako bulag? Bingi!??? Nag announce sila Boyfriend mo yon! Tapos walang ibig sabihin? Niloloko moba ako dex!”

“Nathan hindi kita niloloko”

“Hindi ako tanga Dex! Tapos sasabihin mo na hindi totoo yung may kasama kang lalaki? Kailan kapa nagsisinungaling sakin?! Matagal mona ba ako niloloko???!!!!”

Lumapit sakin si Nathan at bahagya akong napaatras.

“Nathan hindi.”

“Hindi???!!!!!! Hindi ako naniniwala Dex.”

“Nathan paniwalaan mo ako. Kung mahal mo ako maniniwala ka sa mga sinasabi ko. Kahit kailan hindi kita magagawang lokohin, Mahal na mahal kita kaya nga tayo magpapakasal diba??”

“Kasal??? Wala nang kasalang mangyayari! Doon ka sa lalaki mo magpakasal.”

Para akong sinaksak ng sampong beses sa dibdib sa mga sinabi ni Nathan.

Naglakad palayo si Nathan pero hinabol kopa din sya habang umiiyak hanggang sa labas hinabol ko si Nathan pero hindi sya tumigil hanggang sa pumasok sya sa loob ng sasakyan nya.

“Nathan please, Mag-usap naman tayo.”

Kinatok katok ko ang bintana ng kotse nya pero hindi nya magawang tumingin sakin.

Iyak na ako ng iyak pero hindi nya ako pinapansin.

Pinaandar nya yung kotse nya at naiwan akong nakaupo tinawag kopa sya kahit mapaos nako pero walang nangyari humarurot na palayo ang sasakyan nya.

“Dex????”

Mayamaya ay dumating si Ate at niyakap ko sya ng mahigpit.

“Ateeeee”

“Anong nangyari? Nagkausap ba kayo ni Nathan???”

“Ate umalis na sya, Hindi nya ako pinakinggan.”

Hinimas himas ni ate ang likod ko at pinunasan din ang luha ko.

“Wag kana umiyak, Magkakaayos din kayo. Magulo lang ang sitwasyon ngayon pero sigurado ako bukas magiging okay na din.”

Inalalayan naman ako ni Ate patayo.

“Ate yung mga tao sa loob? Baka ang sama sama na ng tingin nila sakin.”

“Wag mo silang isipin okay?  Tara na umuwe nalang tayo.”

Mabuti nalang at nandito si ate at nacocomfort nya ako. Kailangan ko makausap si Nathan at maipaliwanag sa kanya na hindi totoo ang mga narinig at nakita nya.

RAYMOND’S POV

Kamusta na kaya si dex?

Ayos Lang kaya sya???

Habang hindi ako mapakali dito ay biglang dumating si Ana.

“What a great acting Raymond, I’m pretty sure na tuluyan ng magkakahiwalay ang dalawa nayon.”

“Okay ka naba? Tapos naba?”

“Oh bakit parang galit ka?”

“Kasi mali ang ginawa natin, Sinira natin ang relasyon nila.”

“Unang sinira ni Dex ang relasyon namin ni Nathan! Kaya dapat lang yon sa kanya. Ginusto mo din naman to diba????”

Natahimik ako bigla sa sinabi ni Ana.

…………….. FLASHBACK……………….

“Long time no see Raymond.”

“Anong ginagawa mo dito?”

“Bakit dimo ba na mimiss ang future wife mo?”

“Pwede ba Ana alam mo naman na hindi kita gusto.” Asar kong sabi sa kanya.

“Bakit tinanong modin ba ako kung gusto kita eh ang daddy molang naman ang nangungulit sa daddy ko na ipakilala ako sayo.”

“Kaya nga gumagawa ako ng paraan diba?”

“Alam mo may naisip nakong paraan pero kailangan ko ang tulong mo.”

“Anong klaseng paraan naman yan??”

May inabot sya saking pictures.

“Yan si Dex at Nathan.”

“Oh anong meron sa kanila??”

“Magkasintahan yang dalawa nayan at gusto ko tulungan mo ako na mapaghiwalay sila.”

“Ano? At bakit ko naman gagawin yon? Maninira tayo ng relasyon?”

“Diba ayaw mo sakin? Pwes kailangan mo humanap ng fake Girlfriend mo at si dex ang kailangan mo.”

“Pero hindi ako pumapatol sa bakla.”

“Hindi mo naman kailangan patulan si Dex, Pasakayin mo lang sya. Akitin mo hanggang sa makuha mo sya at ako na ang bahala sa mga susunod na plano.”

Hindi ko alam kung anong nasa utak ni Ana pero may choice paba ako?

Tumatakbo ang oras at ayaw kong mapakasal sa kanya o kahit kaninong babae na hindi

ko naman mahal.

………….END OF FLASHBACK………….

“Ana sasabihin kona kay Nathan ang totoo.”

“Wag mong sirain ang pinag-usapan natin please Raymond.”

Nakakaawa tingnan si Ana pero mas nakakaawa naman si Dex ang bait bait nya tapos mararanasan nya ang ganitong bagay.

MARK’S POV

‘MARK???’

“DEX!!!!!!”

Napabalikwas ako ng bangon dahil sa masamang panaginip nayon. Tumingin ako sa orasan at pasado alas tres na nang umaga.

“Mark?? Bakit?”

Pati si Sheena ay nagising nadin sa sigaw ko.

“Napanaginipan ko si Dex, Umiiyak sya at Parang kailangan nya ng karamay.”

“Ha? Okay naman siguro sya hindi naman sya papabayaan ni Nathan at kung talagang nag-aalala kapa din tawagan mo sya mamaya o di kaya puntahan mo sa kanila atsaka sabi nga nila kabaliktaran daw ang mga nangyayari sa panaginip.”

Bumalik nalang ako sa pagkakahiga. Sana okay lang si Dex at walang nangyari masama sa kanya.

CHAPTER 46

DEX’S POV

Pagkatapos ng nangyari ay nagkulong lag ako sa kwarto ko ayaw kong makita nila Mama at Papa lalo ni kyline ang sakit na nararamdaman ko. Kaya mas mabuti pang ganito nalang kaya lang mukhang napansin nila Mama na parang hindi ako okay.

“Ma gusto ko muna mapag-isa.”

Wala akong kasalanan

Wala akong niloko

Ang mali kolang ay hindi man lang pinigilan sila Raymond na ipakilala ako.

Alam kong mali ako, maraming beses na pwede akong magsalita pero naging tikom ang bibig ko.

“Sige anak, Pero nandito lang kami ng Papa mo ha? Kung kailangan mo ng makakausap.”

Bumalik na naman ako sa panahon na tanging ang unan kolang ang nakakaramdam ng sakit, Wala akong magawa kundi ang umiyak ng umiyak.

Kahit anong tawag at text ko kay Nathan ay hindi nya ako sinasagot.

MARK’S POV

Sobra talaga ang kaba ko dahil sa naging panaginip ko feeling ko talaga may hindi magandang nangyari kay Dex at wag naman sana mangyari yon.

Nandito nako sa tapat ng bahay nila at handa ng kumatok.

“Mark?”

“Miles?”

“Anong ginagawa mo dito Mark?”

“Bibisitahin kolang sana si Dex tagal kona din kasi hindi nadadalaw ang kaibigan natin. Ikaw?”

“Dadalawin ko din sya kasi nag text sakin si Tita at ayaw daw lumabas ng kwarto ni Dex ni hindi nga daw kumakain.”

“Ano???!”

Gulat kong sagot sa kanya.

“Oo kaya nga ako nandito eh.”

Hindi nako nagdalawang isip at agad ko kinatok ang gate nila Dex at pinagbuksan naman kami agad ng Papa nya.

“Magandang araw po tito, Si Dex po?”

“Nasa kwarto nya. Ayaw nga magpapasok eh nag-aalala na nga kami ng mama nya sa kanya.”

“Ano po bang nangyari?”

“Hindi rin namin alam, Ayaw nyang magsalita samin ang sabi nya gusto nyang mapag-isa.”

“Si Nathan po alam po ba nya ang nangyayari kay Dex????”

“Mas mabuti pa siguro na kay Dex ka nalang magtanong dahil sya ang nakakaalam ng lahat.”

Tumango nalang ako at pumasok na kami ni Miles sa loob ng bahay nila at agad na dumiretso sa tapat ng kwarto nya.

Agad akong kumatok at nakailang katok ako bago sya nagsalita.

“Gusto ko muna mapag-isa Ma? “

“Dex si Mark to at kasama ko din si Miles.”

“Anong ginagawa nyo dito????”

“Pumunta kami dito kasi nag-aalala na kami sayo.”

Ilang segundo lang kami naghintay at binuksan nadin ni Dex ang pintuan ng kwarto nya.

Sobrang namamaga ang mata nya at ang gulo gulo ng buhok nya kahit yung suot nya kusot kusot nadin. Lumapit agad si Miles sa kanya at niyakap sya.

“Dex anong nangyari sayo????”

“Eto ang sakit sobrang sakit”

Humawak si Dex sa dibdib nya at tumulo ang luha sa mga mata nya. Sa nakita kong itsura ni DEX ay nasaktan din ako hindi kopa alam ang totoong mangyari pero alam kong may kinalaman si Nathan dito.

“Dex pwede ba kita makausap??”

Napalingon silang dalawa sakin sabay tango.  Pumasok kaming kadalawa ni Dex sa kwarto nya at agad nya akong niyakap at umiyak sa dibdib ko.

“Markkk???? Ang sakit, Ganito masaktan ulit!”

“Dex ano ba talaga ang nangyari?? Nag-aalala nako.”

“Nag-away kami ni Nathan, Ilang araw na syang walang paramdam ilang araw nya nadin ako Hindi tinetext o kahit tinatawagan.”

“Aba loko pala yong Gg nayon eh!”

“Mark wag ka magalit sa kanya, Kasalanan ko naman eh. Dahil hindi man lang ako nag react sa taong gustong maging Boyfriend ko at lahat yon nakita ni Nathan.”

“Nagugulahan ako anong gustong maging Boyfriend mo??”

“Ganito kasi yon, Raymond ang pangalan nya at apo sya ng isa client ni Ate to make the story short gusto nyang maging Boyfriend ko sya para hindi sya ipakasal ng daddy nya sa iba.”

“At pumayag ka naman???”

“Syempre hindi, Ilang beses ako tumangi at sinabi kona sa kanya na may Boyfriend ako pero hindi nya padin ako tinigilan at yung time na nagattend kami sa isang party doon nangyari ang lahat ipinakilala nya ako at ang mali ko ay hind ko nagawang tumanggi dahil sobra akong nagulat at naawa din ako sa kanya kasi mapapahiya sya at ang Pamilya nya pagnagkataon.”

“Alam mo Dex? Kahit sinong lalaki masasaktan sa ginawa mo. Pero alam kong matalino ka at magiging okay din kayong dalawa.”

“Tanggap ko sa sarili ko na mali ako at handa akong tanggapin lahat ng sasabihin nya at kahit saktan nya pa ako ayos lang sakin basta maging okay lang kami. Mahal na mahal ko si Nathan kaya sobra akong nasasktan.”

“Anong balak mo??”

“Gusto kong puntahan si Nathan sa kanila.”

“Ganon ba? Sige sasamahan kita, Hindi ka nag-iisa nandito ako na Bestfriend mo.”

“Salamat”

Niyakap ako ng mahigpit na mahigpit ni Dex at pakiramdam ko ay kahit papano ay napagaan ko ang loob nya at lahat gagawin ko para sa Bestfriend ko.

“Sige na wag kana umiyak nandyan pa si Miles sa labas gusto kadin kausapin.”

Pinunasan ko ang luha sa mata nya at tumayo na para tawagin si Miles.

DEX’S POV

Mabuti nalang at may kaibigan ako na tulad nila na handang sumuporta sa lahat ng oras. After naming mag-usap ni Mark ay si Miles naman ang pumasok. Agad syang lumapit sakin at niyakap ako.

“Be anong nangyari sayo??? Ba’t naging haggard kana??”

“Wala eh, Broken ang kaibigan mo.”

“Ano ba kasing nangyari??? Binalita sakin ni Samuel yung nagyari sa party dahil na kwento daw ni andrea sa kanila.”

Alam nadin pala nila Mommy at daddy ang nangyari sakin ayoko na sana umabot pa sa kanila dahil ayaw kong dumagdag sa iisipin nila.

“Kasalanan ko naman yon eh, unang una may pagkakataon akong tumanggi o bumaba sa stage pero di ko ginawa.”

“Sorry be ha? mali ka talaga sa part nayon. Pero ang tanong ay? Pano napunta si Nathan  sa party nayon??”

Bigla akong napaisip sa sinabi ni Miles. Ano nga kaya ang ginagawa ni NATHAN don??

“Sa tingin ko may kinalaman si Ana sa nangyari, Kasi nung Araw din nayon ay pinahiya nya ako sinabi nya sa lahat ng tao na nandon na inagawan ko daw sya ng fiancé.”

“Si Ana? Nakabalik na sya?”

“Oo at mukhang galit na galit sya. Akala ko bago sya umalis ay okay na sya pero nagkamali ako.”

“Mukhang may kinalaman nga si Ana sa nangyayari sa inyo ni Nathan.”

“Kaya nga gusto ko nang puntahan si Nathan para makapagpaliwanag ako.”

“Nakakainis din naman kasi tong si Nathan hindi ka man lang pinakinggan? Sa tagal nyo na ha? Hindi kapa din nya kilala.”

“Wag mo na syang sisihin, Nangyari na ang nangyari dapat kumilos nako ngayon at wag nang patagalin ang away namin.”

Bago ako lumabas ay inayos ko muna ang sarili ko, kahit ako naawa sa sarili ko. Hindi ako to?

Pero bakit mangyayari to sakin?

Naging masama ba ko?

O masyado lang akong naging mabait?

Pagkalabas ko ng kwarto ay nasa labas na silang lahat hinihintay ako. Si kyline ang unang lumapit sakin at niyakap ako.

“Kuya Dex bakit hindi ka lumalabas ng kwarto mo?”

“Sorry baby, masama lang kasi ang pakiramdam ni Kuya at baka mahaawan kayo.”

“Ganon poba.”

“Dex ayos kana ba talaga?”

“Ma sorry kung pinag-alala ko kayo ni Papa.”

“Ikaw talagang bata ka, sa susunod pwede mo naman kaming kausapin ng papa mo. Wag mona ulit uulitin yon ha?”

“Opo Ma.”

Niyakap ko ng mahigpit si Mama at lumapit din ako kay Papa at niyakap kodin sya.

“Pa sorry din po.”

“Bat ka nagsosorry? Wag kana umiyak lalo kang nagiging kamukha ng Mama mo.”

Napangiti ako sa sinabi ni Papa sabay punas ng luha ko haha.

“Si Papa naman eh.”

“Bakit maganda naman ang Mama mo ah?”

Tumango nalang ako sabay ngiti.

“San nyo ba balak pumunta ngayon?” Tanong ni Mama.

“Kay Nathan po.”

“Sigurado kaba Dex??” Mukhang nag-aalal si Mama sa gagawin ko.

“Wag po kayong mag-alala Tita sasamahan po namin ni Miles si DEX hindi namin sya papabayaan.”

“Mabuti naman, Sige magiingat kayo ha?”

Nagpaalam na kami kala Mama at wala kaming sinayang na oras.

Pagdating namin kala Nathan ay si Alexandra ang sumalubong sakin.

“Sir Dex??”

“Hi Alex, Si sir Nathan mo?”

“Nandon po sa kwarto nya.”

“Kakausapin kolang sya.”

“Nako sir wag napo muna kayo pumasok”

“Bakit??”

“Eh kasi po natutulog pa sya alam mo naman yon ayaw magpaistorbo.”

“Ako nang bahala sa kanya.”

Nagdirediretso nalang ako at mas nagulat ako sa nakita ko sa loob ng bahay nila Nathan.

“Oh hello Dex?  Anong kailangan mo?”

“Ana anong ginagawa mo dito??”

“Bakit masama naba dalawin ang EX FIANCÉ ko? Nandito lang naman ako to comfort him kasi diba? Niloko mo sya? Pinagpalit mo sya sa ibang lalaki?.”

“Hindi totoo yang sinasabi mo.”

“Anong hini totoo eh kitang kita nga ng lahat kung pano ka ipinakilala ng mga Sandoval.”

“Alam ko ang totoo kaya nandito ako para magpaliwanag kay Nathan.”

“I think you should go home nalang kasi hindi ka naman papakinggan ni Nathan eh dahil sukang suka na sya sayo.”

Gusto kong kumalma pero parang hindi ko kayang tiisin dahil habang umaandar ang oras ay lalo kaming nagkakalayo ni Nathan.

“Kung meron mang dapat na umalis dito? Ikaw yon. Dahil ano kaba nya? Ex kalang at ipapaalala kolang sayo na kahit naging ex ka nya ako lang ang minahal nya at wag ka masyadong mag-assume na after nito? Mapupunta sayo? Gumising ka dahil hindi pa kami nagbebreak, may misunderstanding lang kaming dalawa.”

“Burn. Atsaka Girl wag mag feeling jowa ah? Ayan yung totoong jowa oh sa harap mo.” Sabat ni Miles sa usapan namin.

Hindi nakapagsalita si Ana sa mga sinabi ko pero nakikita ko na nanggigigil na sya. Maglalakad na sana ako pero humarang ulit sya.

“Wag mona kausapin si Nathan dahil masasaktan kalang.”

Hindi ko nalang pinansin si Ana at nilagpasan ko lang sya hindi na rin nya nagawang mag react pa dahil naka restback sila Miles at Mark. Nagmadali agad akong umakyat papunta sa kwarto ni Nathan at kinatok sya.

“Sino bayan?!”

“Nathan ako to, Si Dex.”

“Anong ginagawa mo dito??! Umalis kana.”

“Nathan mag-usap naman tayo, kausapin mo ako kahit saglit lang.”

Ilang segundo ay hindii sya sumagot yun pala ay binuksan na nya ang pintuan at hinarap ako. Agad ko naman syang niyakap pero mahina nya akong tinulak.

“Nathan sorry, lahat gagawin ko mapatawad mo lang ako. Kahit anong sabihin mo tatanggapin ko, Kahit saktan mo pa ako ayos lang kung ayon ang magpapagaan ng damdamin mo.”

“Umalis kana muna Dex, Ayaw na muna kita makita o makausap.”

Tinalikuran ako ni Nathan pero niyakap kopa din sya.

“Nathan please. Hindi ako sanay na nag-aaway tayo.”

Lumuhod ako sa harap ni Nathan lahat gagawin ko magkaayos kang kami.

“Dex tumayo kana.”

“Hindi, ayoko patawarin mo muna ako.”

“Dex itigil mona to.”

Pilit akong pinapatayo ni Nathan pero ayaw ko sobra nakong umiiyak sa harap nya pero tila bato ang puso nya. Dumating naman sila Mark at inalalayan ako patayo.

“Anong klaseng tao ka!” Biglang sabi ni Mark.

“Umalis na kayo.”

“Miles ilabas mona muna si Dex kakausapin kolang si Nathan.”

Natatakot ako sa pwedeng mangyari baka magpang-abot si Mark at si nathan.

MARK’S POV

Doon palang sa nakita kong pagluhod at pagmamakaawa ni Dex kay Nathan ay sobra nakong nasaktan gusto konang suntukin si Nathan pero ayaw kong ipakita kay Dex dahil lalo syang mahihirapan.

“Umalis na kayo.”

“Lalaki kaba talaga?! Bakit mo ginaganon si Dex! Mahal na mahal ka ng tao tapos dimo papakinggang ang mga explanation nya!!”

“Hindi mo alam kung gaano kasakit sakin ang nangyar! Hindi mo alam kung gaano natapakan ang pagkalalaki ko dahil sa ginawa ni Dex! At sumama pa talaga kayo? Kinunsinti nyo pa ang ginawa ng kaibigan nyo.?”

“Eh Gg ka pala eh! (Hindi kona napigilan ang sarili ko at nasapak kona talaga sya) hindi kunsinti tawag don! Suporta! Sinusuportahan namin si Dex dahil kaibigan namin sya! Kung sasaktan molang din naman si DEX nang ganito? Mas mabuti pa na makipaghiwalay kana lang sa kanya para hindi na umasa yung tao! Kung nasaktan ka nasasaktan din sya at doble yon!”

Hindi nakaimik si Nathan at iniwan kona din sya para sundan sila Dex.

DEX’S POV

“DEX wag kana umiyak magkakaayos din kayo.”

“Miles ayaw nya man lang ako pakinggan, Oo kasalanan ko pero kailangan talaga ganituhin nya ako?”

“Sarado pa sa ngayon ang isipin nya pero alam ko, At naniniwala ako na maayos to.”

“Salamat Miles at nandito kayong dalawa ni mark para damayan ako napakaswerte ko sa inyo.”

“Kaibigan mo kami at ang magkakaibigan nagdadamayan, Kaya wag mo isipin na nag-iisa ka sa Laban mo nandito lang kami. Lalo na ang pamilya mo.”

Lalo akong umiyak sa mga sinabi ni Miles mabuti nalang talaga ata sinamahan nila ako dahil kung hindi?  Baka hindi kona alam ang nangyari sakin.

CHAPTER 47

JASMINE’S POV

“ahhhhhhh!!!!!!!!”

“Oh Ana???? Bakit nagwawala ka??”

Nagulat nalang kasi ako pagdating na pagdating nya sa condo ay sumigaw sya tapos tinapon yung gamit nya. Dahil magkaibigan kami ni Ana at ako nadin ang personal designer nya ay dito nya nadin ako pinatuloy sa condo nya.

“That Dex!!!! Hindi pako tapos sa kanya !! Yung ginagawa ko?? Patikim palang yon!”

“Si Dex pano naman nadamay si DEX dito? At anong ginawa mo sa kanya.”

Tumingin lang sya sakin ng masama at hindi nako pinansin.

Ano kayang nangyari? Bakit galit na galit sya??? At anong ginawa nya kay Dex??

Pumasok ako sa cr para tawagan si Dex at mukhang matutulog naman na si Ana.

Agad kong na dial ang number ni Dex kaya lang out of coverage sya, Sinubukan ko padin syang i contact pero ayaw padin.

Paglabas ko ng banyo ay nakita ko si Ana nag-aayos mukhang may pupuntahan na naman ata.

“Kakadating mo lang ah? Aalis ka agad?”

“May aasikasuhin lang ako ikaw na muna bahala dito, Bye.”

Parang may mali sa ikinikilos ngayon ni Ana, Paglabas nya ay sinundan ko sya dahil pakiramdam ko dapat ko syang sundan.

Pagsakay nya ng sasakyan nya ay agad akong pumara nang taxi para sundan sya.

“Manong pasundan nalang po yung kulay black na sasakyan.”

Tumango lang si manong at nag focus na sa pagmamaneho.

Ewan koba grabe yung kaba ko ngayon feeling ko may mangyayaring hindi maganda.

Huminto yung sasakyan ni Ana sa isang bakanteng lote bumaba naman ako agad at sinundan si Ana meron din isang sasakyan at lumabas don ang isang lalaki nagtago ako sa isag gilid at pinakinggan ang pag-uusapan nila.

“Bakit mo ako tinawagan? At dito mopa talaga ako Pinapunta sa isang kadiring lugar nato? Ano ba kasing sasabihin mo?”

“Ana sabihin na natin kala Dex ang totoo, Na pinlano natin to lahat para mapaghiwalay sila   hindi na kaya ng konsensya ko sobrang naaawa nako sa kanila.”

“At ikaw, dika ba naawa sakin? Sinaktan din nila ako! Binabalik kolang yung sakit na naranasan ko dahil sa ginawa nila.”

“Pero alam mo naman sa umpisa na mahal nila ang isat-isa at ikaw isang malaking pagkakamali kalang!”

Nakita ko kung pano sampalin ni Ana yung lalaki dahil sa sinabi nito. Pero diko padin maintindihan kung bakit nila pinagplanuhan na paghiwalayin si Dex at Nathan.

“Nandito na tayo, Kaya tapusin na natin to at pagkatapos nito ay hindi na kita kakailanganin.”

Lalo akong kinabahan sa mga sinabi ni Ana mukhang may gagawin pa syang masama kala Dex at kailangan kong mabalaan si Dex.

Agad akong tumayo sa kinatataguan ko kaya lang may natapakan na isang maingay na bagay dahilan para makita ako nila Ana.

“Jasmine????”

Napalingon ako sa kanila at agad na tumakbo.

Kailangan ko magtago dahil sigurado ako na pipigilin ako ni Ana na sabihin kay Dex ang totoo.

Pumasok ako sa lumang bahay ata to o tindahan basta nataranta nako at nagtago nalang.

“Jasmine?? Magpakita ka sakin.”

Tinakpan ko yung bibig ko para hindi mag cause ng kahit anong ingay.

“Raymond kailangan mo mahanap si Jasmine dahil sigurado ako na narinig nya ang pinag usapan natin at sasabihin nya yon kala Dex at kung ayaw mo din malintikan? Hanapin mo sya.” Utos ni Jasmine sa lalaki.

Diko alam ang gagawin ko ng mga oras nayon pero kinuha kopa din ang phone ko para tawagan si Dex at Mabuti nalang at nasagot nya agad.

‘Hello Dex?? May kailangan ka malaman tungkol kay Ana at Raymond.’

‘Anong tungkol kay Ana at Raymond?’ tanong ni Dex sakin.

Pero magsasalita pa sana ako ng biglang may humablot ng cellphone ko.

“Ana sakin nayan, Ibalik mo sakin yan.”

“At bakit ko naman ibabalik sayo? Para ano magsumbong kay Dex? Over my dead body.”

Nilaglag ni Ana yung cellphone ko at tinapakan nya hanggang sa mabasag.

“Ana bakit mo ginagawa yon??”

“Balak moba talaga ako ilaglag? Diba magkaibigan tayo?”

“Oo magkaibigan tayo, Pero kaibigan kodin si Dex! At doon ako sa alam kong tama.”

Aalis na sana ako pero hinila ni Ana yung buhok ko.

“Ano ba Ana! Bitawan moko!”

“Hindi ako papayag na magsumbong ka kay Dex!”

Tinulak ko ng malakas si Ana kaya nabitawan nya ako, tumakbo ako pero naharang ako ni Raymond at naabutan din ako ni Ana.

“Ana please itigil mona to.” Pagmamakaawa ko.

“Titigil lang ako kung ipapangako mo na mananahimik ka.”

Dahil sa inaakto ni Ana ay parang hindi kona sya kilala parang ibang tao na sya..

Hinawakan ako nung Raymond at dahil lalaki sya ay hindi ako makawala. Lumapit si Ana sakin at hinawakan ang mukha ko.

“Kailangan mo muna manahimik hanggang sa matapos ko ang plano ko.”

Isang malakas na sampal ang binigay ni ana sakin dahilan para manghina ako.

“Hindi ikaw ang kilala kong Ana” Kahit nanghihina ako ay pilit akong nagsalita.

“Nung umalis ako dito akala ko okay na. Pero hindi pa pala? Na depressed ako Jasmine! At sinikreto lang yon ng parents ko! Sobrang kahihiyan ang inabot ng Pamilya ko. Pinagamot nila ako pero yung sakit nandito padin!”

“Kaya ngayon gumaganti ka??”

“Oo! At kung ayaw mo madamay mananahimik ka!”

“Sasabihin ko kala Dex ang totoo! At sisiguraduhin ko na magkakabalikan sila!”

“Shut up!!!!!!!”

Pinagsasampal ako ni Ana akala mo hindi kami magkaibigan, Ibang iba na talaga sya.

Mabuti nalang at inawat sya nung Raymond at akala ko titigil na sya pero may hinampas sya sakin At Pagkatapos non ay hindi kona alam ang nangyari.

DEX’S POV

Na mimiss kona si Nathan.

Na mimiss kona ang pagyakap nya.

Na mimiss kona ang paghalik nya.

At na mimiss kona ang pagtawag nya sakin na My loves.

Hanggang ngayon ay hindi kopa din nakakausap si Nathan nakinig ako sa payo nila Mark na palamigin muna ang sitwasyon.

Habang nakatunganga ako ay biglang tumawag sakin si Jasmine.

‘Hello Dex?? May kailangan ka malaman tungkol kay Ana at Raymond.’ bungad nya sakin.

‘Anong tungkol kay Ana at Raymond? He-llo?? Jasmine?? Jasmine??? Anong tungkol sa kanila??’

Hindi na natapos ni Jasmine ang sasabihin nya dahil biglang naputol ang connection.

Mukhang importante pa naman ang sasabihin nya sakin tungkol daw kay Ana at Raymond.

Nagpaalam ako kay Mama na lalabas lang saglit para puntahan sana si Jasmine dahil mukhang importante ang sasabihin nya sakin.

Pumunta ako sa bahay nila kaso ang sabi ng Mama nya ay nandon daw sa condo nila Ana. Kahit ayaw kong makita si Ana ay pumunta padin ako, Si Jasmine naman ang kailangan at hindi sya.

Wala akong sinayang na oras at dumiretso ako sa sinabing condo nila. Grabe yung kaba ko habang papalapit kay Jasmine kumatok ako sa pintuan ng condo nila at makailang katok ako bago may nagbukas.

“Dex? Anong ginagawa mo dito?”

“Ayaw ko ng gulo Ana, Si Jasmine ang kailangan ko gusto kolang sya makausap dahil may importante syang sasabihin sakin.”

“Wala dito si Ana kaya makakaalis kana.”

Isasara na sana ni Ana yung pinto pero pinigilan ko sya.

“Pero ang sabi ng Mama nya nandito daw sya.”

“Eh wala nga sya dito, Kung nandito man sya sigurado ako na lalabas yon para kausapin ka. Yun lang ba ang kailangan mo??”

Sumilip ako sa mula sa labas pero wala naman akong nakita kaya lang may narinig akong kalabog.

“Ano yon??”

“Wala yon baka yung pusa kolang, Don’t mind it.”

Sinarhan ako ni Ana ng pinto at hindi nadin ako namilit pa dahil tama sya kung talagang nandyan si Jasmine ay lalabas sya para kausapin ako.

DAN’S POV

‘Hello Dan? Busy kaba ngayon???’

‘Hindi naman bakit?’

‘alam mo naba ang nangyari kay Dex at Nathan?’

‘Hindi pa walang nababanggit sakin si DEX, ano bayon?’

Sinabi sakin ni Miles ang lahat ng nangyari kay Dex at sobra akong nasaktan dahil yung taong mahal na mahal ko ay muli na namang nasaktan dahil sa mahal nya.

Pinuntahan ko agad si Nathan para kausapin baka sakali na makinig sya sakin.

“Pinapunta karin ba dito ni Dex para kausapin ako?” Agad na tanong sakin ni Nathan.

“Walang kinalaman dito si Dex nagpunta ako dito ng ako lang dahil nabalitaan ko ang nangyari.”

“Alam moba na niloko ako ni Dex?” Madiing sabi ni Nathan.

“Alam kolang na mali ang ginawa nya pero hindi ka nya niloko, Mahal na mahal ka ni Dex sana naman alam mo yon.”

“Mahal ko din sya! Kaya nga ako nasasaktan ng ganito! Akala moba madali sakin to?”

“Kung ganon bakit ayaw mo sya pakinggan? Bakit pilit mo syang iniiwasan? Na realize mo din ba na dahil aa ginagawa mo ay unti unti mong pinapatay ang masiyahing Dex?”

“Dimo kasi alam kung gaano natapakan ang pagkalalaki ko!”

“Pero ang tagal tagal nyo ni Dex, kung umasta ka parang hindi mo sya kilala sa tingin moba talaga lolokohin ka nya?”

“Bakit ba parang ang galing galing mo? Ako ang Boyfriend at ikaw? Ex kalang!”

“Ex nga Lang ako pero kung umasta ka parang hindi ka Boyfriend!”

“Wag mong antayin na magsawa si Dex sa kakahintay sayo. Dahil pag nagkataon? Sisiguraduhin ko na ako ang nasa tabi sa oras na iwan mo sya.”

Sana mag marka sa utak ni Nathan ang mga sinabi ko sa kanya. Si Dex yung taong hindi deserve masaktan ng paulit ulit KUNG AKO NALANG SANA ang kanyang minahal hindi sya luluha ng ganito at masasaktan.

DEX’S POV

San ko ngayon hahanapin si Jasmine??  Hindi ko nadin sya macontact.

Habang naglalakad ako ay nakatulala nako hindi ko tuloy napansin na may sasakyan na pala sa daraanan ko. Lumabas tuloy yung driver.

“Dex?”

“Dan?”

Lumapit sakin si Dan at niyakap ako ng mahigpit. Naramdam ko bigla na parang importante ako.

“Dex san kaba pupunta?? Muntik nakita mabangga.”

“Sorry may iniisip lang kasi ako.”

“Sino si Nathan ba? Wag muna sya isipin dahil magkakaayos din kayo.”

“Pano mo nalaman?”

“Sinabi sakin ni Miles.”

“Talaga yung babae nayon, dinamay kapa.”

“Ayos lang yon handa naman ako damayan ka sa lahat ng oras.”

“Ah eh ano kasi hinahanap ko kasi Jasmine pero hindi ko naman sya macontact.”

“Ganon ba? Gusto mo samahan na kita?”

“Ayos lang ba? Pero kung busy ka okay lang.”

“Hindi. Wala naman akong gagawin.”

Sinamahan ako ni Dan na hanapin ang mga posibleng puntahan ni Jasmine pero ni isa don hindi namin sya nakita,. Bumalik din kami sa kanila pero hindi daw sya macontact ng parents nya nag-alala tuloy ako bigla.

“Bakit moba kasi gustong mahanap si Jasmine?”

“Dahil may gusto syang sabihin sakin na alam kong posibleng paraan para makapag-ayos kami ni Nathan kaya lang hindi nya natalos ang sasabihin nya.”

“Ano naman kaya yon?”

“Yun nga din ang gusto kong malaman kaya gustong gusto ko sya makita pero saan ko sya hahanapin ngayon?”

“Dex? Marami pang oras pero sa ngayon? Magpahinga kana muna. Ihahatid na kita sa inyo.”

“Salamat Dan kasi napakabuti mong kaibigan, sobrang nahihiya nako sayo dahil ang dami konang utang at hindi ko alam kung pano ko mababayaran.”

“Lahat ng ginagawa ko sayo, Gusto ko yon at hindi ako humihingi ng kapalit.”

“Salamat padin.”

Lumapit sakin si Dan at hinalikan ako sa noo ngumiti lang ako kasi wala naman sigurong masama sa ginawa nya diba?

CHAPTER 48

JASMINE’S POV

Dahan dahan kong minulat ang mata ko at pinagmasdan ang paligid.

Nandito ako sa condo ni Ana??? Nakatali ako sa upuan at nakabusal ang bibig para hindi makapag ingay.

Hindi ko akalain na gagawin sakin to ni Ana dahil lang sa pagmamahal nya kay Nathan parang ibang tao na sya. Pilit kong kinakalas ang pagkakatali pero sinugurado talaga ni Ana na hindi ako makakawala.

Habang pilitk kong kinakalas ang pagkakatali sakin ay may narinig akong pamilyar na bose, Si Dex bayon?????

Gusto kong sumigaw pero nakabusal ang bibig ko kaya pilit akong gumagawa ng ingay.

////

Ilang saglit pa ay bumalik si Ana at ang sama ng tingin sakin.

“Kahit anong gawin mo hindi ka makakaalis dyan, Hindi ko hahayaan na sirain mo ang mga plano ko.”

Gusto kong sabihin kay Ana na

’ Nababaliw kana!

Pakawalan

mo ako dito!!!’

“Magtiis tiis ka muna dyan Jasmine. Tsaka nilang kita papakawalan kapag nasigurado kona na hindi na magkakabalikan sila Dex at Nathan.”

Kahit nakabusal ako ay pinapakita ko padin kay Ana na sobra akong nagagalit sa kanya.

Mali na ang ginagawa nya, Kailangan kona talaga makaalis dito sa lalong madaling panahon.

//

Habang naliligo si Ana sa may banyo ay pilit padin akong kumakawala. Kailangan kong makaalis dito para masabi kala Dex ang totoo kaya hindi talaga ako tumigil hanggang sa mabuwal ko ang pagkakatali sakin. Inalis ko ang tali sa bibig ko pati narin ang sa paa at sakto ay may tumawag kay Ana kaya sinagot ko yon.

‘Hello Ana? Nandito nako sa lugar na pinag-usapan natin.’

Huminga muna ako ng malalim bago nag salita at medyo iniba ko ang boses ko para hindi mahalata ni Raymond.

‘San nga ulit yan?’

’Diba ikaw ang

nagbigay

sakin ng place nakalimutan mona agad?’

‘Hmmm ang dami ko kasing iniisip kaya sabihin mo nalang.’

Sinabi naman nya agad yung lugar kung saan sila magkikita at mabilis kong ibinalik ang phone ni Ana at naglagay ng busal sa bibig at bumalik agad ako sa upuan Kunwari’y nakatali padin.

Paglabas ni Ana ay tumingin sya sakin sabay diretso kuha ng phone nya at may tiningnan tapos nilapag ulit.

“Wag kang magtatangkang tumakas dahil may mga bantay ako sa labas.”

Kinabahan ako lalo sa sinabi nya pano ako nito makakatakas?? Nagbihis at nag-ayos lang si Ana pagkatapos ay lumabas na agad.

Mukhang mahihirapan akong makatakas nito pero mabuti nalang at naiwan nya ang phone nya kailangan kong matawagan si Dex o kahit na sino sa mga kaibigan ko. Tinawagan ko ang pwede kong matawagan mabuti nalang at memorize ko ang number nila Mama.

’Hell Ma?? Si Jasmine to kailangan ko ng tulong nyo

kinulong

ako ni Ana dito sa condo nya.’

‘Bakit naman nya gagawin yon?’

’Mahabang kwento Ma pero kailangan kona makatakas dito para matulungan si Dex. May mga tauhan si Ana sa labas kaya hindi ako basta-basta

makakalabas

.’

’Tatawag naba kami ng

pulis

?’

‘Wag Ma, Kilala nyo naman sila Tyrone diba? Baka pwede puntahan mo sila kailangan ko sila makausap.’

Umoo naman si mama sa sinabi ko, Habang umaandar ang oras lalong tumataas ang chances na masagawa ni Ana ang masama nyang plano.

NATHAN’S POV

“Jasmine anong nangyari sayo?? Bat ganyan ang itsura mo??.”

“Nathan ayos lang ako, Pero si Dex kailangan mo sya puntahan baka kung ano pang gawin ni Ana sa kanya.”

“Ano? Si Ana may gagawin kay Dex???”

Medyo naguguluhan ako sa sinabi ni Jasmine kasi nanginginig sya at takot na takot.

“Nathan lahat to plano ni Ana sa umpisa palang at kasama nadon ang pag-awayin kayo ni Dex hanggang sa maghiwalay kayo at nagtagumpay nga sya.”

Para akong binuhusan ng kumukulong tubig at bigla akong nahimasmasan dahil sa sinabi ni Jasmine.

“Pero bakit mo sinasabi to sakin? Hindi ba kaibigan mo si Ana?”

“Kaibigan ko din kayo ni Dex at doon ako sa alam kong tama kaya puntahan mona si Dex bago kapa mahuli.”

“Saan ko sya pupuntahan??”

“Ito yung address kung saan nila Dadalhin si Dex, Please lang iligtas mo ang kaibigan ko.”

“Gagawin ko talaga yan, Maraming salamat.”

“Nathan sandali. Sasama ako gusto ko makausap si Ana.”

Tumango lang ako at Wala na kaming sinayang na oras at pinuntahan namin ang lugar kung saan daw nila dadalhin si Dex.

RAYMOND’S POV

“Ana nababaliw kana ba?? Anong ginawa mo kay Dex??”

“Wag kang mag-alala hindi pa naman sya patay, Nakatulog lang sya.”

“Anong balak mo sa kanya anong gagawin mo??”

“Wala akong gagawin sa kanya pero ikaw? meron.”

Nababaliw na talaga si Ana kung ano-ano na ang pumapasok sa isip nya.

“Hindi na ako papayag sa mga plano mo, Aalis nako at isasama ko si Dex.”

“Subukan mo at may nag-aatay sayo sa labas may mga tauhan ako nanagbabantay at kapag hindi mo ako sinunod? Pareho kayong malilintikan sakin.”

“Tama na Ana! Hindi na normal ang ginagawa mo.”

“Ang dami mong sinasabi sumunod ka nalang, Ayaw mo naman siguro na mapahamak si Dex diba?”

Napatingin ako kay Dex wala padin syang malay. Kahit hindi ko naman matagal na kakilala si Dex alam kong mabuti syang tao.

“Sabihin mona ang ipapagawa mo para matapos nato.”

“Yan ang gusto ko sayo Raymond masunurin ka, Simple lang naman Sex with him.”

“Ano??? Gusto mong makipag Sex ako kay Dex?”

“Oo. Dahil sigurado ako na kapag nalaman to ni Nathan ay pandidirihan nya si dex at sigurado din ako na tuluyan na silang maghihiwalay.”

“Ayoko. Kahit saktan mopa ako hindi ako papayag.”

Lumapit ako kay Ana at walang sasabi ay sinakal ko sya hindi ko alam kung bakit ko nagawa yon pero biglang nagblanko ang isip ko sa kanya.

Pero nung nakita ko sya na parang nawawalan na ng hininga ay binitawan ko sya napaupo sya at napahawak sa leeg nya.

Nilapitan ko agad si Dex para gisinging pero mayamaya pa ay may malakas na bagay na humampas sa likuran ko dahilan para mawalan ako ng malay.

DEX’S POV

Nagising nalang ako dahil may mabigat na nakapatong sa dibdib ko pagmulat ko ng mga mata ko ay nakita ko agad si Raymond at magkatabi kami nakabalot ng kumot at wala man lang sya kahit na anong suot.

Anong nangyari????  Bat wala akong maalala pano ako napunta sa lugar nato??

.

…………………..FLASHBACK…………………….

“DAN salamat sa pagsama at paghatid sakin ha?”

“Wala yon basta ikaw at kapag kailangan mo ng makakasama tawagan mo lang ako.”

Ngumiti lang ako sa kanya at umalis nadin agad sya pero hindi pa man ako nakakapasok sa loob ng bahay namin ay may huminto na na van sa tapat ko.

“Ikaw ba si Dex Montes?”

Tanong ng lalaki sakin na may katangkaran at malaki ang pangangatawan.

“Opo ako nga—–”

Hindi ko pa natapos ang sasabihin ko dahil tinakpan na nya ang bibig ko at ipinasok sa kanilang van at pagkatapos non wala na akong malay.

………….END OF FLASHBACK…………

“Dex gising kana pala? Anong nangyari?”

“Anong nangyari? Tinatanong mo sakin kung anong nangyari???? Ikaw ang nagpadukot sakin diba??? At dinala mo ako dito!!!!”

“Dex sandali magpapaliwanag ako.”

“Napaka baboy mo!!”

Kahit bakla ako may respeto ako sa sarili ko at lalong lalo na may dignidad padin ako.

“Kung ano man ang iniisip nagkakamali ka,. Walang nangyari satin.”

“Kung wala bakit ka nakahubad???”

“Hindi ko alam, baka si Ana ang may gawa nito.”

“Si Ana? Bakit naman nasali si Ana dito?”

“Dahil plano ni Ana ang lahat ng ito.” Natigil agad ako bigla sa sinabi nya.  Anong plano ni Ana??

“Well? Mukhang nakapag-usap na ata kayo.”

Biglang bumukas ang pinto at pumasok si Ana.

“Anong ginagawa mo dito Ana.”

“Dipa pa obvious Dex? Lahat ng nangyayari sayo? Ako lahat ng may gawa? Doon sa party? Plano ko yon pati ang pagkakakilala mo kay Raymond? Ako padin ang nagplano.”

“Anong ibig mong sabihin???”

“Inutusan ko si Raymond na magpanggap bilang Boyfriend mo para mag-away kayo ni  Nathan at kaya nandon si Nathan sa party kasi pinapunta ko sya para makita nya kung gaano kalandi ang baklang mahal na mahal nya.”

Bigla kong naalala yung mga panahong kinukulit ako ni Raymond lahat pala yon plano ni Ana.

“Napakasama nyo!”

“Dex?” Mahinang tawag sakin ni Raymond.

“At ikaw anong naging kasalanan ko sayo para gawin mo sakin to?”

“Dex sorry, Nung una plano plano lang talaga lahat pero nung tumagal at nakilala kita na realize na mali to kaya nga hindi ako pumayag sa gusto ni Ana na may mangyari satin.”

“Tigilan nyo na nga ang mga kadramahan nyo.”

Napakasasama nila! Naging mabuti naman ako sa kanila pero bakit ito ang ginawa nila sakin.

“Dex Sana mapatawad mo ako sa mga nagawa ko sayo.”

“Wag mo ako lapitan Raymond!”

Napaiyak nalang ako sa ginawa nila sakin tatayo na sana ako pero hinawakan at niyakap ako ni Raymond.

“Dex sorry, Hindi kon sinasadya yon. Nagsisisi nako.”

“Hyp ka! Bitawan mo si Dex!!!!!”

Napatingin ako ng biglang dumating si Nathan at kasama nya si jasmine. Agad syang lumapit kay Raymond at ubod lakas nya itong sinapak. Hindi lumaban si Raymond.

NATHAN’S POV

“Nathan kinakabahan talaga ako baka kung anong gawin ni Ana kay Dex.” Kabadong sabi nj Jasmine.

“Wag kang mag-alala ililigtas natin sya.”

“Pero baka may nagbabantay don anong laban natin sa kanila???”

“Tumawag na ako ng back up at papunta nadin sila.”

Bago kami dumating sa lugar kung saan nila dinala si Dex ay nagkitakita muna kami ni Dave at ng iba pa sama-sama naming ililigtas si Dex.

Pagdating namin sa lugar ay maswerte kami at dalawa lang ang bantay kaya hindi kami nahirapan na malusutan yon, Gumamit nga lang kami ng dahas.

Naghiwahiwalay kami para mahanap si Dex at hindi naman ako nabigo kaya lang naaktuhan ko na niyayakap nung G*gong Raymond nayon ang  My loves ko kaya hindi ko napigilan ang sarili ko at sinugod ko agad sya.

“Hyp ka! Bitawan mo si Dex!!!!!”

Napalingon silang lahat sakin. Sa sobrang galit ko ay parang gusto konang patayin si Raymond pero inawat ako ni Dex.

“Nathan pano mo kami nasundan dito??”

“Hindi muna kailangan pang malaman Ana.”

“Pero mabuti nadin at nandito ka nakita muna kung gaano kababoy ang  Dex na mahal na mahal mo, Look nakikipag sex sya sa lalaki nya.”

“Sinungaling ka Ana!!” Sigaw ni Dex.

“Me? Liar? Oh c’mon Dex kitang kita na mismo ni Nathan mag dedeny kapa?”

“Tama na Ana!!! Hindi muna ako maloloko alam kona ang lahat! na plano molang to para masira kami ni Dex.”

“Sino nagsabi sayo?”

“Ako.”

Dumating na si Jasmine kasama sila Dave.

“Traydor ka talaga Jasmine.”

“Ana hindi ako traydor alam mong kapatid na yung Turing ko sayo kaya nga kita pinipigilan kasi alam kong mali nato. Kaya please lang itigil mona to nasabi kona din sa mommy at daddy mo ang tungkol dito at papunta na sila ngayon.” Mahabang sabi ni Jasmine na halatang nalulungkot din para sa kaibigan nya.

DEX’S POV

“Ana bakit kailangan umabot sa ganito?? Akala ko okay na tayo bago ka umalis? Akala ko magiging magkaibigan tayo.”

Lumapit ako kay Ana para sana yakapin sya kaya lang….

“Maraming namamatay sa maling akala at ikaw ang unang mamatay!”

Dinampot ni Ana yung isang tubo at mukhang balak nyang ihampas sakin peron inagaw agad yon ni Nathan at itinulak sya.

“Dadaan ka muna sakin bago mo masaktan si Dex!”

“Nathan? Isa lang naman yung gusto mahalin mo lang ako, Gagawin ko ang lahat mahalin mo lang ako kahit ano.”

Pumatak na yung luha sa mata ni Ana yung kanina lang ay matapang ngayon ay Parang isang maamong tupa na.

“Alam mong hindi pwede mangyari yan kasi si Dex lang ang mahal ko! Sya lang!

“Ana maganda ka, Mayaman at mabuti kang tao parang magmamahal sayo hindi mo ko deserve at may mahal akong iba.”

Lalong nanlumo si Ana dahil sa mga sinabi ni Nathan napaupo si Ana at humagulgol ayoko man maramdaman to pero bigla akong naawa sa kanya kaya lumapit ako sa kanya.

“Kung kailangan mo ng kausap nandito lang ako.”

“Bakit ang bait, bait mo padin?  Sa lahat ng nagawa ko sayo dapat sinasaktan mona ako.”

Tama si Ana dapat sa mga nagawa nya sakin nasaktan kona sya pero ako ang mas nakakaunawa at ako ang mas bukas ang isipan saming dalawa. “Higit na mas kailangan mo ng makakausap kesa yung sisihin kapa kasi lalo lang gugulo ang isip mo.”

Yumakap sakin si Ana at umiyak sa balikat ko kahit hindi sya magsalita kung gaano sya nasasaktan ay naramdaman ko yon.

“Dex wag kang maniniwala sa babaeng yan, Umaarte lang yan.”

“Nathan nakita mo naman kung gaano sya nagsisisi diba??”

“Kaya maniniwala ka agad?”

“Bakit hindi? Ang taong galit sila yung mga nakakagawa ng mga bagay na hindi nila gusto at ang mga taong nasasaktan nakakapagdesisyon kahit hindi nila pinag-iisipan kung anong kalalabasan nito. Tulad mo? Galit ka kaya hindi mo ako kinakausap, Nasaktan ka kaya mas pinili mo na wag akong pakinggan. Hindi mo pinakinggan yung side ko kasi naniwala ka. Kaya sabihin mo sakin? Bakit hindi ko sya papakinggan?”

Natahimik si Nathan sa sinabi ko. Niyakap ko nalang si Ana at this time ay kalmado na sya magulo lang ang isipan ni Ana at kailangan nya ng matinding pangunawa.

Hindi narin pa nagwala si Ana yumakap at umiyak nalang sya sa balikat ko. Mayamaya din ay dumating nadin ang parents nya at sinundo na sya humingi din sila ng sorry samin dahil sa nagawa ng anak nila.

Dumating din si Miles at kasama nya si Mark.

“Dex ayos kalang ba?  Sinaktan kaba ni Ana? Tinawagan kami ni JASMINE kaya nagmadali kami ni Mark na pumunta dito”  Alalang tanong ni Miles.

“Ayos nako, Gusto ko nalang magpahinga.”

“My loves ihahatid na kita sa inyo.”

“Wag mong lalapitan ang Bestfriend ko ako na ang maghahatid sa kanya.”

“Ako padin ang Boyfriend nya Mark.”

“Binalaan na kita na wag mong sasaktan si Dex, Pero anong ginawa mo? Hinayaan mo na umabot pa sa ganito kaya bakit ko ipagkakatiwala ulit sayo ang Bestfriend ko.”

Niyaya ako paalis ni Mark at iniwan namin si Nathan masakit para sakin yon pero mas masakit sakin na yung taong mahal na mahal ko ay hindi ako magawang paniwalaan.

“Mark tama ba na iniwan ko si Nathan?”

“Alam mo Dex kung talagang mahal ka nya hahabulin ka nya, Susuyuin ka nya ulit. Kaya kolang naman ginawa yon para marealize nya yung sakit na ibinigay nya sayo at bilang Bestfriend mo lagi akong nandito ano mang oras na kailangan mo.”

“Salamat.”

“Kaya wag mona isipin si Nathan, Pupuntahan kanon mahal ka kaya nya.”

Kailangan ko muna magpahinga para makapag-isip ng tama.

Ayoko dumating sa point na kailangan ko magdesisyon at yung desisyon nayon ay pagsisisihan ko.

CHAPTER 49

DEX’S POV

Pagdating namin sa bahay ay sinalubong agad kami nila Mama.

“Dex san kaba nanggaling nag-alala kami ng Papa mo sayo.”

“Ah eh binisita lang namin ni Miles si Mark. Low bat. Nadin kasi ako kaya di ako napag-paalam.”

“Totoo bayon Miles?”

Tumingin ako kay Miles para senyasan kilala kopa naman tong babae nato haha.

“Ah eh opo tita.”

“Hay nako kayo talagang mga bata kayo pinag-alala nyo kami ng sobra.”

“Sorry talaga Ma.”

“Oh sya sige na magluluto nako para sa hapunan dito ba kayo kakain na dalawa?”

“Ah hindi napo tita uuwe nadin po kami hinatid lang talaga namin si Dex.”

“Ganon ba? Salamat sa paghatid nyo ha?”

“Wala po yon.”

Mabuti nalang at hindi na masyado nag-usisa pa samin si Mama.

“Bakit hindi mo sinabi kala Tita ang totoong nangyari?”  Takang tanong ni Mark.

“Kasi ayaw ko nang mamroblema pa sila. Okay nadin naman ako kaya sana wag nyo nalang din sabihin  sa kanila. Sayo din Miles wag mo nalang din sana ipaalam kay Kuya kasi sigurado ako na sasabihin nya din yon kala Mommy at ayaw ko na nang mas malaking gulo.”

“Oo be pangako.”

“Dex kung may problema ka tawagan molang kami, Kung sinaktan ka ulit ni Nathan tawagan molang ako at ako mismo ang gugulpi sa kanya.”

“Salamat sa inyo kasi mga tunay ko talaga kayong kaibigan.”

Niyakap ko silang dalawa at hindi kona nama napigilan ang hindi umiyak sa milyong milyong tao kasi sa mundo isa ako sa mga nabigyan ng totoong kaibigan na tulad nila at hindi lang silang dalawa. Pati si Tyrone, Nicole, Kenji, Irish at maging si Sheena nadin.

NATHAN’S POV

Napaka tanga ko para magpabilog sa isang katulad ni Ana, Hinayaan ko na masira nya kami ni Dex ng ganon ganon lang??

Gusto kong saktan ang sarili ko dahil sa katangahan ko binalewala ko ang matagal na pagsasama namin dahil sa isang malaking kasinungalingan lang.

“Ahh!!n ang tanga tanga ko! Sobrang tanga ko para saktan si Dex at hindi man lang nakinig sa kanya.”

“Nathan tama na yan madami kanang naiinom” awat sakin ni Dave.

“Hindi. Hindi pako lasing uminom pa tayo.”

“Baka magalit ang mommy at daddy mo.”

“Pagbigyan nyo na ako para kahit paano ay mabawasan ang sakit na nararamdaman ko.”

“Pero bro?”

Kahit pinipigilan ako nila Dave ay hindi padin ako nagpaawat.

“Bro?  Itigil mo na yang pag-inom hindi yan makakatulong para magkaayos kayo ni Dex ang kailangan mong gawin ay puntahan mo si Dex,  kausapin mo sya at humingi ka ng tawad.”  Inigaw sakin ni Matthew yung isang baso ng alak.

“Tama ka kailangan kong puntahan.”

“Oh saan ka pupunta?” Takang tanong sakin ni Steve.

“Kay Dex.”

“Ha? Pero nakainom ka.” Alalang sagot nya.

“Kaya kopa naman magmaneho.” Medyo may tama nako pero kaya kopa naman.

Tumayo agad ako para puntahan si Dex bahala na kung anong mangyari basta ang importante ay makausap ko sya.

DEX’S POV

“Baby Nathan magkakaayos pa kaya kami ng Daddy mo?”

Mabuti nalang at nung huli akong pumunta kala Nathan ay nakuha ko sya kaya may kasama ako at nakakausap ako sa kwarto ko.

“Opo, Sigurado po ako na magkakaayos kayo ni Daddy mahal na mahal ka kaya nya.”

Alam kong isip ko lang din ang sumasagot sa lahat ng sinasabi ko pero sa ganoong paraan ay napapagaan ko ang dibdib ko. Ipinikit ko nalang ang aking mga mata at ipinagdasal na sana ay matapos na ang lahat ng ito at magkaayos na kaming dalawa ni Nathan dahil hindi ko alam kung kaya kopang magsimula ng wala sya.

“DEX!!!!!!!!!!!!”

Hindi pa man ako nakakapikit ng matagal ay may narinig ako na tumawag ng pangalan ko mula sa labas kaya naman agad kong sinilip kung sino yon.

“Dex!!! Kausapin mo naman ako!!! Hindi ako aalis dito hanggat di tayo nag-uusap.”

Anong ginagawa nya dito ng Ganitong oras hayss hindi talaga sya nag-iisip. Lumabas agad ako para puntahan sya dahil baka magising pa sila Mama kung patuloy syang magsisisigaw sa labas.

////

Pagbukas ko ng gate ay niyakap nya agad ako ng mahigpit na mahigpit ng makita nya ako naamoy ko din ang alak mula sa hininga nya.

“My loves mabuti at lumabas ka.”

“Nathan ano bang ginagawa mo dito???”

“Gusto lang kita makausap  My loves Madami akong gustong sabihin sayo.”

“Umuwe kana Nathan bukas muna ako kausapin kapag Hindi kana lasing.”

“My loves hindi ako lasing, Oo nakainom ako pero alam kopa din ang mga ginagawa at sinasabi ko kaya please mag-usap tayo.”

Hinawakan ni Nathan ang dalawa kong kamay at tumitig sakin.

“Ano bang pag-uusapan natin? Sige na simulan muna anong oras na kailangan kopa matulog dahil may pasok ako bukas.”

“My loves naman eh? Galit ka ba? Sorry kung Hindi ako naniwala sayo, Sorry kung nagpabulag agad ako sa mga kasinungalingan ni Ana. Sorry sa lahat lahat, kung gusto mo ako saktan sige saktan mo ako.  Wala kang maririnig na kahit na ano sakin.”

“Alam mo Nathan? Gustong gusto kitang saktan, Sumbatan at itulak palayo pero diko kaya kasi Mahal kita. At kahit hindi moko pinaniwalaan non ay Mahal padin kita.”

Marupok na kung marupok pero ayon talaga ang totoo. Kapag Mahal mo ang isang tao ay handa mopa din syang patawarin.

“My loves isang malaking katangahan ang nagawa ko, hinayaan ko na magpalamon ako sa pride ko kaya ngayon humingi ako ng isa pang chance para magpaka Boyfriend sayo.”

“Nathan hindi ka naman nawala isip ko eh lalong lalo na sa puso ko.”

Walang sabi-sabi ay siniil ako ni Nathan ng halik hindi na ako pumalag at gumanti ako sa halik nya nalasahan ko tuloy ang lasa ng alak.

“Nathan pasok na tayo sa loob gabi na at baka may makakita pa satin na kapitbahay at machismis pa tayo.”

“Eh ano naman? Mag boyfriend naman tayo? At ikakasal na tayo diba?”

“Akala koba hindi muna itutuloy ang kasal natin?” Pabiro kong tanong sa kanya.

“My loves galit lang ako non, Pero syempre itutuloy natin yon atsaka itigil muna ang kakatawag sakin na Nathan lang dapat My loves din.”

“Oo Nathan,. ayyyy My loves pala. Pasok na tayo sa loob malamig na eh.”

“Malamig? Edi painitin natin.”

Binuhat ako ni Nathan papasok sa loob ng bahay namin pero bumaba din ako kasi hindi namin nasara yung gate haha baka mamaya may makapasok.

“Nathan may pasok pa ako bukas alalahanin mo.”

“Kapag dika tumigil sa kakatawag sakin na Nathan ay hahalikan talaga kita.”

“Ah eh My loves tulog na tayo??”

“Ayoko.”

“Ha??  Gabi na oh?  Tsaka nakainom ka hindi kaba nahihilo??”

“Hindi ako nahihilo My loves kaya kopa sarili ko.”

Lumapit sakin si Nathan at mukhang may balak na namang gawing hindi kanais nais. Pero sumandal sya sa balikat ko at sa bigat nya ay napahiga kami pareho sa kama at ang loko! Nakatulog na sa kalasingan. Inayos ko nalang ang higa nya dahil kawawa naman sya haha parang batang napabayaan.

MILE’S POV

“Nagkikita ba kayo ni DEX? Nag-aalala kasi sila Mommy sa kanya nung huli kasi ay nakwento samin ni Andrea na pinahiya daw sya nung Ana na ex ni Nathan.”

Hindi ko pwede sabihin kay Samuel ang totoong nangyari dahil ayon ang bilin sakin ni  dex at nag Promise ako sa kanya na hindi ko sasabihin sa kuya nya.

“Si-si Dex? Ayos lang naman sya masaya naman sila ni Nathan.”

“Ganon ba? Bisitahin kaya natin sya.”

“Wag!”

Medyo na napalakas kong sabi na ikinataka niya.

“Ha? Bakit? May problema ba? Meron ba akong dapat malaman tungkol sa kapatid ko?.”

“Kasi ano, Umalis sila ni Nathan kaya hindi mo din sila mapupuntahan.”

“Talaga sayang naman, Pero okay nadin yon atleast Alam ko na nasa mabuting kalagayan sya.”

Natutuwa ako kay Samuel dahil napakabait nya na kuya sa kaibigan ko bigla tuloy akong naging proud sa kanya.

“Mahal na mahal mo talaga si Dex noh?”

“Oo naman kaming lahat mahal namin sya, Nung nawala sya sobrang nangulila kami sa kanya kaya ngayong nakita namin sya sobrang saya namin kaya lang may iba din syang pamilya kaya hindi namin sya makasama ng madalas.”

“Ano kaba pwede mo namang kausapin si Dex kung gusto nyo makipag bonding sigurado ako matutuwa yon alam mo ba?  Nung nalaman nya yung totoo sobra syang natuwa kasi pakiramdam nya buo na ang pagkatao nya. Hindi man kayo ang pamilyang kinalakihan nya ay Mahal na mahal nya kayo.”

“Kilalang kilala mo talaga si Dex, Maswerte ka kasi mas nakasama mo sya ng matagal.”

“Wala naman sa tagal yan, Nasa pagsasama yan. Pero matagal kona talagang kilala si Dex at masasabi ko na napakatibay nya sa lahat ng pinagdaanan nya at nagagawa nya pading magpatawad.”

“Ano bang pwede kong ibigay sa kanya? Wala pa kasi akong naibibigay sa kanya na kahit ano.”

Napaisip ako sa tanong nya. Hindi mahilig sa materyal na bagay si Dex kaya kahit ano basta bukal sa puso ay tatanggpin at sigurado akong magugustuhan nya.

“Kahit ano, Basta galing sayo sigurado ako na magugustuhan nya yon.”

“Sigurado ka??”

“Oo.”

“Eh ikaw anong gusto mo?? Kahit ano ibibigay ko sayo.”

“Ako? Ang gusto kolang ay ikaw, Maging masaya tayo at magtagal tayo.”

“Asus ikaw talaga.”

Haha ngayon lang ako bumanat ng ganito sa buong buhay ko at mukhang ang corny pa ata haha.

Pero masaya talaga ako na dumating si Samuel sa buhay ko dahil nagkaroon pa ako ng isang dahilan para matupad at makuha ang mga gusto ko.

DAN’S POV

Ilang taon din akong umasa na mamahalin ako ni Dex o baka mahalin nya ako pero hindi nangyari sadyang pinagtagpo lang talaga kami  pero hindi kami tinadhana.

Siguro panahon na para kalimutan ko kung ano man ang nararamdaman ko sa kanya kailangan kona din tanggapin na sila talaga ni Nathan ang para sa isa’t-isa.

“Oh tol? Mukhang malalim ang iniisip mo ah? Si Dex na naman bayan??”

“Oo alam kong pagtatawanan mo ako pero ayos lang.”

“Ba’t naman kita pagtatawanan? Hanga nga ako sayo kasi sa tagal ng panahon hindi nawala ang pagmamahal mo kay Dex.”

“Tanga na ba ako sa lagay nato?”

“Hindi ah, Sadyang totoong nagmahal kalang. Alam moba dati? Muntik nadin akong mainlove kay Dex?”

Kung kanina nalulungkot ako pero ngayon napangiti ako ni Kenji dahil sa sinabi nya. Seryoso ba sya? O pinapatawa nya lang ako.

“Seryoso bayan tol??”

“Haha oo nga alam kong mahirap paniwalaan pero totoo yon. Kasi dati lagi kong inaasar si Dex at sobrang saya ng araw ko sa tuwing inaasar ko sya tapos ayon naramdaman ko nalang na araw araw gusto ko sya makita pero pinigilan ko yon kasi alam kong may gusto kadin sa kanya.”

“Hindi ko akalain na muntik na pala kitang maging karibal.”

“Haha  pero dati nayon masaya na kami ni Irish ngayon kaya ikaw humanap kana din ng taong mamahalin mo at mamahalin ka din.”

Ang love hindi hinahanap yan kusang darating yan pero kung talagang jowang jowa kana pwede ka naman maghanap kaso baka Hindi pangmatagalan kasi ang pag-ibig na minamadali ay madali ding mabura.

MARK’S POV

Naniniwala ako na si Dex at Nathan talaga ang para sa isa’t-isa at maging tadhana ay umaayon dito.

“Daddy sa birthday ko gusto nandito si kyline pati yung kuya nya para may makalaro ako pati si ninang Miles dapat nandito.”

“Oo naman lahat ng mga kaibigan ni daddy dadalhin nya dito para makita nila na may maganda at mabait akong anak.”

Niyakap ko ang anak ko sa ngayon sya ang kayamanan ko sila nila Mama at Sheena.

“Oh bakit kayong dalawa lang magkayakap pano naman ako??”

“Mommy tara dito yakap tayong tatlo.”

Nagyakapan Kaming tatlo, Kontento at masaya na ako sa pamilyang mayroon ako naayos na namin ang gusot namin at mas mahaba nadin ang pang-unawa namin.

“Mark kamusta pala si Dex?”

“Ayon hinatid namin sa kanila.”

“Kawawa naman sya sana pala pumunta tayo sa kanila.”

“Hayaan mo sa susunod bibisitahin natin sya.”

Narealize nadin ni Sheena na magbestfriend lang talaga kami ni Dex at wala ng hihigit don kaya naman todo suporta nadin sya ngayon.

Hindi na sya katulad ng dati na susugod para  awayin si Dex kaya mas lalo ko sya minahal at mamahalin kopa sya habang buhay.

CHAPTER 50 - FINALE

DEX’S POV

Nagising nalang ako dahil may kung anong malambot na bagay ang dumadampi sa mukha ko at pag-mulat ng mata ko si Nathan lang pala hinalikan ako.

“GoodMorning My loves.”

Bungad sakin ni Nathan sabay halik sa lips ko.

“GoodMorning din My loves bakit parang ang aga mo ata nagising?”

“Kasi My loves may pupuntahan tayo ngayon kaya bumangon kana dyan para makapag-ayos kana.”

“Ha???? Saan naman at bakit hindi mo sinabi sakin agad??”

“Mahimbing kapa kasi natutulog kanina kaya hindi na kita inistorbo.”

“Napuyat kasi ako kagabi sayo.”

“Sakin bakit ano bang ginawa ko??”

“Gusto mo malaman? Akala ko lang naman nung bumagsak ka ay matutulog kana pero hindi pala aba ang daldal mopa kagabi, Panay sorry mo at ang lakas pa ng boses mo kaya nga tinatakpan ko ang bibig mo kasi natutulog sila Mama.”

“Talaga Ginawa ko yon? Sorry na. Mahal na mahal lang kasi talaga kita at ayaw kong nagagalit ka sakin.”

Niyakap ako ni Nathan ng mahigpit.

“Hindi ako makahinga bitawan muna ako para makapag-asikaso nako at mapuntahan na natin yung sinasabi mo.”

Napakadaya talaga ni Nathan sya bihis na bihis na tapos ako eto natataranta na naman.

“Oh my loves relax lang hindi naman ako nagmamadali.”

“Eh kasi bat dimo ako ginising?? Ang daya mo ikaw nakabihis na ako Hindi pa.”

“Edi maliligo ulit ako, Gusto mo sabay pa tayo eh.”

Binato ko nalag kay Nathan yung dala kong tuwalya hihirit pa kasi eh. Hindi ko nalang sya pinansin at pumasok na sa cr para maligo.

Habang naliligo ako ay may kumatok, hindi lang isa kundi sunod sunod na katok.

“Nathan ano na naman bayon?”

“My loves buksan mo.”

“Loko kaba alam mong naliligo ako.”

“Basta buksan mo, pag dimo binuksan sisirain kotong pinto.”

“Nababaliw kana naman. May hang over kapa ba?”

“Isa.”

Kainis talaga tong lalaki nato! Naliligo pa nga yung tao eh!!! Nagtapis ako ng tuwalya at pinagbuksan ko sya.

“Oh anong problema m––”

Hindi kona natapos ang sasabihin ko dahil siniil na nya ako ng halik. Para na namang may kuryenteng dumaloy sa katawan ko at bigla akong nag-init.

“I love you my loves. Sige na maligo kana.”

Nakangiting lumabas sa cr si Nathan ako naman ay naiwang nakatulala. Anong problem nya? Ang lakas ng trip!!!

Padabog kong sinira ang pinto at pinagpatuloy na ang pagligo.

Pagkatapos kong maligo ay naabutan kong nakahiga si Nathan at di ako makapaniwal sa Ginagawa nya. Apaka bastos!

Nakailalim yung isang kamay nya sa ulo nya at naka diretso ang dalawang papa nya! My gosh! Ano bang ginagawa nya!!!!

’ TAPOS

KANA BA MY LOVES? COME AND JOIN

ME’

“Oh my loves? Bakit may problema ba? Kung makatitig ka naman parang hinuhubaran mona ako.”

Bigla akong bumalik sa realidad ng magsalita si Nathan tiningnan ko sya ulit at wala naman syang ginagawa normal lang syang nakahiga.

Kinusot kusot ko yung mata ko dahil baka namamalik mata lang ako sa nakita ko kanina.

“My loves nakahiga kalang dyan?”

“Oo, tagal mo kasing maligo kaya humigo na muna ako bakit may mali ba sa paghiga ko?”

Luh!?????!!! Ano yung nakita ko kanina imagination lang?? Loko kasi tong si Nathan eh halikhalikan ako kanina tapos hindi itutuloy kung ano ano tuloy ang nakikita ko.

“Sigurado ka nakahiga kalang? Wala kang ibang Ginawa?”

“Wala nakahiga nga lang ako. Bakit moba tinatanong?”

“Never mind sige na bumangon kana dyan.”

Lokong imagination to kung ano ano pinapakita sakin mamaya maseduce na naman ako at kung ano pa ang magawa ko.

/////

“Ma? Pa? Aalis lang po kami ni Dex may pupuntahan lang kami.”

“Sige Nathan, alam naman namin na safe ang pupuntahan nyo pero syempre mag-ingat padin kayo.” Paalala samin ni Papa.

“Tapos Nathan pakibantayan nadin yang si Dex alam mo naman yang bata nayan napaka barabara kumilos.”

“Ma????”

“Hahaha biro lang sige na umalis na kayo. Ingat kayo.”

Si Mama talaga kahit kailan panira ng moment! Haha char!

“Kuya ingat po kayo ha.” Lumapit sakin si Kyline at niyakap ako.

“Oo baby salamat. Ma, Pa alis napo kami.”

Pagkatapos naming magpaalam ni Nathan ay lumabas nadin kami.

“MY loves san ba kasi tayo pupunta??”

Tanong ko kay Nathan pagsakay namin sa kotse nya.

“Basta wag kana lang umangal.”

Edi wag! Haha sabi ko sa sarili ko. Hindi nako masyado nagusisa dahil alam kong wala namang balak si Nathan na sabihin sakin.

Naglagay nalang ako ng earphone sa tenga ko at nagpatugtog sabay pikit haha malayo pa naman siguro ang pupuntahan namin.

“My loves nandito na tayo.”

Sinilip ko ang paligid at parang Pamilyar ang lugar parang napuntahan na namin sya dati.

“My loves?”

“Ano My loves maganda ba???”

Sa sobrang tuwa ko ay napayakap ako ng mahigpit sa kanya.

“My loves ito na bayon??” Masaya kong tanong sa kanya.

“Oo ayan na yung magiging bahay natin, Konti nalang ang aayusin at pwede na tayo lumipat dito. Gusto moba pumasok?”

“My loves ang ganda!”

Niyakap ko ulit sya bago kami pumasok sa loob at syempre sya ang tour guide ko haha.

“My loves hindi kalakihan tong bahay dahil gusto ko madali kitang makikita sa bawat sulok ng bahay natin.” Paliwanag nya sakin.

“Ayos lang sakin, Hindi naman ako naghahangad ng malaking bahay basta kasama kita ayos Kontento nako Kung anong meron.”

Dahil sa mga nangyari nawala din sa isip ko na may pinapagawa nga palang bahay si Nathan na kahit nag-away pa kami ay ipinagpatuloy nya padin.

Simple lang yung bahay pero maganda, May salas, kusina, Dining area ( taray noh! May pa dining area!).

“My loves akyat tayo tingnan nating Yung kwarto sa taas.”

Sumunod naman ako sa kanya paakyat.

“Dalawang kwarto ang pinagawa ko isa satin at isa para sa magiging anak natin.”

“My loves?”

Ewan koba sa twing pinag-uusapan talaga namin ang tungkol sa anak hindi ko maiwasang hindi malungkot. Lumapit sakin si Nathan at niyakap ako sabay halik sa noo.

“Alam ko na naman ang nasa isip mo, Eh ano ngayon kung hindi tayo magkakaanak? Pwede naman tayo mag adopt diba? Atsaka hindi lang naman basehan ang pagkakaroon ng anak ang pag-aasawa, bakit kaya moba papakasalan ang isang tao dahil lang sa gusto mo magkaanak? Diba hindi? Kasi kaya mo papakasalan kasi Mahal mo at pwede ka padin maging isang magulang sa maraming paraan.”

“Mahal na mahal kita Nathan.”

“Mahal na mahal din kita Dex at masaya nako na makasama ka hanggang sa pagtanda at gagawa pa tayo ng maraming magagandang memories.”

“Eh kailan ba tayo makakalipat dito?”

“Malapit na My loves, Ito naman gusto na agad makasama ako sa iisang bahay. Ikakasal pa nga tayo diba?”

“Kelan moba kasi balak na pakasalan ako? Naiinip nako”

“Inaayos na nila daddy ang venue kaya yung mga guest, theme at susuotin natin ang tatapusin.”

“Ba’t diko alam ang tungkol dyan?”

“Gusto nga kasi kita isurprise.”

“San naman tayo magpapakasal??”

“Sa ibang bansa my loves, doon sa place ng lola ko ang mommy ni daddy.”

“Lola mo???? Ibang bansa???? Bakit parang nakakabigla naman ata hindi mo man lang sinabihan agad.”

“Sorry. Pero eto nga sinabi kona para makapag ready kana, Nasabihan kona din ang mama at papa mo kaya wala ng problema sa kanila.”

“Desisyon ka?”

“Oo desisyon ako para sa my loves ko. Bat ayaw moba?”

“Bakit may sinabi ba ako?”

“Ito talagang si My loves.”

Niyakap ako ni Nathan at ganon din ako sa kanya. Ito na talaga konting panahon nalang ikakasal na kami ni Nathan at wala ng makakapigil samin.

“Nathan may gusto pa sana ako puntahan.”

“Saan naman?”

////////////

“Dex????? Mabuti naman at bumisita ka ulit.”

“Magandang gabi po mommy.”

“Pasok na muna kayo tamang tama nandito ang daddy mo ngayon.”

Pagpasok namin ay nakaupo si Daddy nanonood pala silang dalawa ang sweet naman. Lumapit kami ni Nathan at nagmano.

“Oh Dex kamusta? Napabisita ka.”

“Okay lang naman po ah eh Daddy about po kasi sa kasal namin ni Nathan.”

Hindi nako nagpatumpik tumpik ka sinabi kona agad dahil ito din naman ang sadya ko dito.

“Bakit may problema ba??”

“Wala naman po, Gusto kolang po sana na imbitahan kayo kung hindi kayo busy.”

“Ganon ba? Sige sabihin nyo lang sakin yung exact date para naman maipaayos ko ang sched. Ko. Syempre kasal yon ng anak ko kaya kailangan nandon kami.” Masayang sabi ni Daddy

“Wait lang may kukunin lang ako.”

Umakyat si Mommy pero bumalik din naman sya at may dala na syang kwintas na binigay sakin.

“Mommy para san po ito?”

“Galing payan sa lola mo at ang sabi nya sakin ibigay ko daw yan sa anak na unang magpapakasal tanda daw yan magsasama kayo habang buhay.”

Natuwa naman ako sa kahulugan ng kwintas na bigay ni Mommy.

“Marami pong salamat, Iingatan kopo ito.”

“Basta Dex kung may kailangan ka wag ka mahihiyang magsabi samin ng daddy mo nandito lang kami para sayo. Hindi man kami ang nagpalaki sayo, Hindi man kami ang nakasama mo ng mas matagal ay lagi mong isa puso na mahal na mahal ka namin.”

“Mahal na mahal kodin po kayo, Gusto kolang din po Sabihin sa inyo na kahit hindi man kayo ang magulang na kinalakihan ko? Hindi mabubura na kayo ang totoo kong magulang.”

Niyakap ko ng mahigpit si Mommy at hindi kona djn napigilan ang hindi umiyak akala mo aalis ako at pupunta sa malayong lugar.

“Daddy?”

“I don’t know what to say because i am not a showy person just like your Mom. Pero masaya ako sa pinili mong landas ngayon and we’re here to support you. I love you Dex.”

Alam kong marami pang gustong sabihin si Daddy kaya lang hindi nya masabi pero ramdam ko sa naging yakap nya kung gaano nya ako ka mahal.

“Masaya po talaga ako na kayo ang naging parents ko napaka swerte kopo sa inyo.”

“So kelan nyo ba balak magpakasal?”

“Mahabang process papo kas tito, Since hindi naman legal dito satin ang same sex marriage kaya naisip namin ni Daddy na sa ibang bansa nalang. Kaya sinabihan kona din ang mga kakilala at kaibigan namin about dito. Atsaka tito meron napo kaming place.”

“Good to hear. Tutulong nalang kami ni Aurora para mas mapabilis ang kasal nyo “

“Maraming salamat po tito.”

“Kami ang dapat magpasalamat sayo Nathan dahil minahal at tinanggap mo ang anak namin kahit sino pa sya.”

Tumingin sakin si Nathan at hinawakan ang kamay ko.

“Ang pag-ibig wala pong pinipiling kasarian yan, Hindi mo din mapipigilan kung sino ang mamahalin mo ang kailangan molang gawin ay mag ready hindi lang para sa inyo kundi para sa ibang tao.”

After namin kausapin sila Mommy ay pumunta naman ako sa kwarto ni Ate pagkatok ko ay binuksan naman nya agad at nakangiti nya akong pinapasok sa kwarto nya.

“Ate salamat nga pala sa pagtatanggol mo sakin doon sa party alam mo kung wala ka hindi ko talaga alam ang gagawin sa mga oras nayon.”

“Syempre Ate mo ako at ipinangako ko dati sa sarili ko na kapag nakita ipagtatanggol ka namin.”

Sa sobrang saya ko ay niyakap ko si Ate ito ang isa sa mga pangarap ko ang mabuo at maging masaya ang pamilya ko.

“Mabuti nalang at may ate at kuya ako na tulad nyo ngayon alam ko na bukod sa mga kaibigan ko ay meron pang magtatanggol sakin.”

“Kaya ikaw, Kapag may problema kayo ni Nathan wag ka mahihiyang magsabi sakin o kahit kanino dito. Sandali may ibibigay ako sayo.”

Tumayo muna si Ate tapos may kinuha sa cabinet nya at inabot sakin.

“Ate ano to?”

“Sige buksan mo.”

Agad ko naman binuksan ang regalo nya sakin at ang laman non ay isang barbie doll.

“Barbie?” Takang tanong ko.

“Oo diba ayan yung gusto mong hiramin sakin dati? Tinabi ko talaga yan kasi nung nawala ka sobra kaming nalungkot at sinabi ko sa sarili na bumalik kalang ay ibibigay ko yan sayo.”

……………… FLASHBACK………………

“Wow ang ganda naman nito.”

Hinawakan ko yung barbie at pinagmasdan ang ganda ganda nya.

“Anong ginagawa mo? Akin na nga yan!” Agad na kinuha sakin ni ate yung barbie na ikinalungkot ko.

“Hihiramin ko lang naman ate.”

“Ayoko nga baka mamaya masira mo pa to eh, atsaka pambabae to kaya hindi bagay sayo.”

………….END OF FLASHBACK…………

“Naalala kona! Hindi mo pinahiram sakin yan kasi sabi mo pambabae ito haha.”

“Kaya ngayon ibibigay kona sayo.”

“Pero ate? Sayo to.”

“Sige na kunin mona ingatan mo yan katulad ng pag-iingat ko.”

“Salamat ate, Wag kang mag-alala iingatan ko talaga to.”

“Ahem”

Napatingin kami ni ate sa pinanggalingan ng boses si kuya Samuel lang pala. Tinawag ko sya agad at tumabi samin ni Ate.

“Pano maiwan kona muna kayo.”

“Kakadating kolang aalis ka agad?”

“Kuya syempre moment nyo naman ni Dex.”

Tumayo na si ate at iniwan na kaming dalawa ni kuya.

“Malaki na talaga ang bunso namin, Mag-aasawa na inunahan pa si kuya.” Pabiro nyang sabi.

“Eh di yayain mo na din si Miles.”

“Meron pang tamang panahon para dyan, Syempre kailangan muna namin magkakilala pa ng mas matagal ni Miles. Pero sa inyo ni Nathan masaya ako.”

Masasabi kong napakaswerte kona dahil nabigyan ako ng mga totoong kaibigan, lalaking magmamahal sakin at higit sa lahat dalawang pamilya na mahal na mahal ako.

“Tama yan kuya mas mabuti na makilala nyo muna ang isat-isa.”

“Sya nga pala may ibibigay din ako sayo.”

Binuksan ko yung bigay ni kuya sakin feeling ko tuloy birthday ko kasi may mga pa regalo sila sakin.

Isang frame kung saan nakalagay yung picture naming tatlo nila ate. Ito yung unang picture na magkakasama kami.

“Kuya ang ganda naman nito.”

“Hindi kopa kasi alam kung anong mga gusto mo pero ang sabi sakin ni Miles kahit ano naman daw basta galing sa taong mahal mo ay tatanggapin mo.”

Naiyak naman ako sa sinabi nya. Kainis napakaiyakin ko talaga ito na siguro ang hindi mawawala sa ugali ko.

“Oo naman kuya at kahit kanino naman galing tatanggapin kopa din kasi regalo yan kaya dapat pahalagahan mo.”

“Oh bat ka umiiyak diba dapat masaya ka ngayon?”

“Masaya lang ako kuya.” Niyakap ko si kuya ng mahigpit.

Ngayon panatag nako na maayos ang pamilya ko, Na suportado nila ako mga desisyon ko sa buhay.

/////

Hindi narin kami nagtagal ni Nathan dahil gabi nadin atsaka marami pa kaming dapat asikasuhin ngayon.

“Kamusta naman ang pag-uusap nyo ng mga kapatid mo?”

“Ayon may konting iyakan pero masaya sila para sakin.”

“Ngayon okay na sa pamilya mo pwede natin simulan ang iba pang bagay.”

Dati naiingit ako sa mga napapanood ko sa mga Tv series, movies at maging sa mga nababasang kung libro.

Laging kung sinasabi na KUNG AKO NALANG SANA yung nasa character edi sana masaya ako at may lovelife din ako.

KUNG AKO NALANG SANA yung babae doon mamahalin at tatanggapin din ako ng isang lalaki at KUNG AKO NALANG SANA ang nandon sisiguraduhin ko na magiging happy ending ang LOVE STORY namin pero ngayon hindi nalang ako taga sana all o kung ako nalang sana dahil totoong nangyayari nato sa buhay ko at buong buhay ko itong iingatan at ipagpapasalamat .

KUNG AKO NALANG SANA ito yung mga salitang nagpaasa sakin at naging dahilan para mangarap na balang araw may magmamahal din sakin ng tao.

NOTE :

Wala akong enough time para pagkasyahin ang ending sa iisang chapter kaya naman abangan ang 2 special chapters kung saan mangyayari ang kasalang inaabangan ng lahat. I love you guys i hope you understand.

SPECIAL CHAPTER

“Kung Ako Na Lang Sana”

     Dati sa mga teleserye o movie kulang napapanood ang mga ganitong eksena pero ngayon ako naman ang makakaranas nakakakaba pala pero at the same time ay na eexcite ako.

Habang naglalakad ako papunta kay Nathan ay isang napaka gandang tugtog ang narinig ko “ KUNG AKO NALANG SANA“ itong kanta nato ang nagturo sakin kung pano umasa pero kung iisipin mo matuturuan ka din nito Kung paano magiging matatag.

May nakapagsabi din sakin na kapag nakita mona daw ang taong para sayo? Ay magiging STOP ang paligid mo yung tipong tumigil ang oras at tanging kayong dalawa ang nakakagalaw at parang sa inyo lang mundo.

At ang FASTFORWARD yung lahat naman sa paligid mo ay bumibilis. Nakikita mong magmamahalan kayo, Magiging kayo, Magpapakasal kayo, Magsasama kayo, Magkakaanak kayo at higit sa lahat ay kayo magsasama habang buhay.

Pero ngayong araw hindi STOP o FAT FORWARD ang nakita ko kundi NEXT CHAPTER. NEXT CHAPTER ng buhay namin ni Nathan.

“Kung Ako Na Lang Sana”

Heto ka nanaman Kumakatok sa ’king pintuan Muling naghahanap ng makakausap At heto naman ako Nakikinig sa mga kuwento mong paulit-ulit lang Nag-titiis kahit nasasaktan

(Dati akala ko hindi kona

matatagpuan

ang taong para talaga sakin. Palagi akong umaasa na sana may mag-mahal din sakin yung hindi ako lolokohin sa kabila ng kasarian ko.

Nainlove

ako sa Bestfriend ko at lahat na ata ng sakit naramdaman kona lahat na ata ng katangahan nagawa kona. Pero lahat pala yon may dahilan para sa mga susunod na

kabanata

ng aking buhay pag-ibig.)

Ewan kung bakit ba Hindi ka ba nadadala Hindi ba’t kailan lang nang ika’y iwanan nya At ewan ko nga sa’yo Parang bale wala ang puso ko Ano nga bang meron siya Na sa akin ay di mo makita?

(Masakit masaktan dahil sa pag-ibig pero mas masakit pala kung hindi mo

pipiliing

magmahal ulit. Sabihin man nilang tanga ka o baliw ka pero may isang bagay ka na nagawang tama ayon ay pinakita mo kung gaano ka katotoong magmahal.)

Kung ako na lang sana ang iyong minahal Di ka na muling mag-iisa Kung ako na lang sana ang iyong minahal Di ka na muling luluha pa Di ka na mangangailangan pang humanap ng iba Narito ang puso ko Naghihintay lamang sa’yo Kung ako na lang sana

(Ilang beses kong sinabi sa sarili ko na KUNG AKO NALANG SANA ang kanyang minahal hindi ko sya sasaktan o lolokohin kahit pa may iba syang mahal. Pero isang bagay ang nalaman na kaya tayo hindi nagagawang mahalin ng mga taong mahal natin ay dahil may iba pang nakalaan para satin at natagpuan kona ang taong para sakin.)

Heto pa rin ako Umaasa ng puso mo Baka sakali pang ito’y magbago Narito lang ako, kasama mo buong buhay mo Ang kulang na lang, mahalin mo rin akong lubusan

(Masaya ako, Sobrang saya kasi ikakasal ako  sa isang taong mahal na mahal ko at mahal din ako.)

Kung ako na lang sana ang iyong minahal Di ka na muling mag-iisa Kung ako na lang sana ang iyong minahal Di ka na muling luluha pa Di ka na mangangailangan pang humanap ng iba Narito ang puso ko Naghihintay lamang sa’yo

Oh…

Kung ako na lang sana

Oh…

(Lahat ng tao sa paligid ko ay masaya, Lahat sila tanggap kami at nagpapasalamat ako dahil nandito silang lahat para suportahan kami at masaksihan ang pagiging isa namin ni Nathan.)

Kung ako na lang sana ang iyong minahal Di ka na muling mag-iisa Kung ako na lang sana ang iyong minahal Di ka na muling luluha pa Di ka na mangangailangan pang humanap ng iba Narito ang puso ko Naghihintay lamang sa’yo Kung ako na lang sana

(At sa huli nagpapasalamat ako sa panginoon kasi nakilala ko si Nathan at sa kabila ng mga pinagdaanan naming hirap at sakit ay mas lalo Kaming naging matatag. Para sa iba mali ito, Masama o isang malaking kalokohan pero mahal ko si Nathan at wala akong pakialam sa sasabihin ng iba.)

Kung ako na lang sana ang iyong minahal Di ka na muling mag-iisa Kung ako na lang sana ang iyong minahal Sana

Kung ako na lang sana

///////////

Bago ako makalapit kay Nathan ay sinalubong ako ni Mama at Papa pati ni Kyline.

“Anak??”

“Oh ba’t umiiyak ka Ma?”

“Masaya lang ako kasi alam kong pangarap mo to.”

“Dex? Lagi mong tatandaan kahit kinasal kana? Welcome ka padin sa bahay ha?”

Niyakap ko silang tatlo ng pagkahigpit higpit.

“Mahal na mahal ko kayo at masaya ako dahil kayo ang naging pamilya ko.”

Niyakap ko ulit sila bago nagpatuloy sa paglalakad.

Nandon lahat ng mga kaibigan ko at masaya din sila para sakin.

Sunod na lumapit sakin sila Mommy ay daddy at niyakap ako na parang ayaw nakong pakawalan katulad nila Mama ay masaya din sila para sakin.

“My loves eto nato”

Inabot ni Nathan ang kamay nya sakin at hindi ako nagdalawang isip at sumama nako sa kanya. Humarap kami pareho sa pari at nagsimula na ang seremonya ng kasal.

Sagrado ang kasal kaya dapat sigurado kana talaga sa isang tao dahil hindi ito isang laro na pag-ayaw muna ay pwede ka nalang umalis at iwan ito para maghanap ng panibago. Ako? Sigurado na talaga ako kay Nathan sya na ang huling lalaking mamahalin ko at makakasama ko hanggang pagtanda.

/////

“Do you NATHAN, Take DEX to be your lawfully wedded husband, promising to love and cherish, through Joy and Sorrow, Sickness and health, and what ever challenges you may face, for as long as you both shall live?”

Tumingin sakin si Nathan at umuo sa tanong ni Father after non ako naman yung tinanong ni father.

“Do you DEX, take NATHAN to be your partner in life and to share a path of life; equal in love, embraced as a mirror for your true self, Promising to honor abd cherish him, through good times and, until death do you part?”

Walang pag aalin langan na oo ang sinagot ko, syempre alangan naman humindi pako eh mahal na mahal ko si Nathan, andami pang sinabi ni father pero english kasi  tapos nandon na kami sa isusuot na yung singsing andami palang sinabi pag kasal hahaha hindi ako na inform. Kinuha ni Nathan yung singsing at nagsimula nang magsalita.

“Dex? Eto na yung pinakahihintay natin at wala na talagang makakapigil pa, salamat kasi lagi kang nandyan sa tabi ko at hindi mo ako iniwan, inantay moko. Dex? mahal na mahal kita nang higit sa buhay ko at hindi ko kayang mawala ka.”

Kita ko sa mukha ni Nathan ang senseridad sa mga sinasabi nya.

“I give you this ring as an eternal symbol of my love and commitment to you.”

Huminto muna sya sa pag sasalita at humarap sa mga pamilya namin.

“Through this ring, i accept you as my husband now and for all time”

Pagkatapos mag salita ni Nathan ay isunuot nya na sakin yung singsing, basta ang haba pa nang sinabi nya kayo nalang mag imagine hahaha, now it’s my turn, ako naman yung kumuha nang singsing at nagsalita. Hindi ko na namang napigilang umiyak, pano ba naman kasi nakakaiyak talaga.

“Nathan hindi ko akalain na mangyayari lahat to sa buhay ko, yung may magmamahal sakin na lalaki at papakasalan ako lahat nang imposible naging posible magmula nong makilala kita”

Tapos ayon tumingin ako sa mga mata ni Nathan parang sinasabi nya na wag na akong umiyak. Kaya pinagpatuloy kona yung sinasabi ko.

“I give this ring, a symbol of my love, as i give to you, all that i am, and accept from you, all that you are”

Sinuot kona kay Nathan yung singsing na tanda nang aking pagmamahal, pagkatapos non ay nag salita na yung english speaking na pari mahaba haba din yung sinabi nya ang naintindihan ko nalang sa sinabi nya. “I now pronounce You marriaged”

Tapos sinabi nung pari ikiss na daw ako ni Nathan, walang sabi sabi ay hinila ako ni Nathan palapit sa kanya at hinalikan ako sa harap nang mga pamilya namin, hindi na ako nagpumiglas pa kasi wala namang masama sa ginawa nya, Agad akong binuhat ni Nathan na ikinagulat ko ikinagulat ko, nahiya tuloy ako.

“Nathan ibaba mo nga ako”

“Ayoko nga”

“Nakakahiya ano kaba?!”

“Basta ayoko, bahala ka dyan”

Wala na akong nagawa kasi sinabi nya eh, pagkatapos non ay dumiretso na kami sa may kaininan hindi rin masyado bongga kasi ang gusto namin simple lang. binati naman ako nang iba pang mga bisita.

SPECIAL CHAPTER

“KUNG AKO NALANG SANA”

“Nathan ano to? Bakit may paganito pa?”

Akala ko kasi after ng kasal ay tapos na uuwe na kami pero itong si Nathan ay may pahanda pa pala.

“Syempre my loves after ng kasal ay may kainan, Hayaan mo mamaya tayo naman ang magkakainan.”

Uminit bigla yung mukha ko dahil sa sinabi ni Nathan feeling ko tuloy namumula ako.

“Kumain ka mag-isa mo.”

“Dex????”

Tuwang tuwa na lumapit sakin si Miles at niyakap ako ng mahigpit.

“Aray ko naman Miles di ako makahinga.”

“Ay sorry haha, Congrats! Nakakaiinggit talaga kayo!”

“Darating kadin dyan kailangan molang mag-antay may tamang panahon para sa maraming bagay.”

“Hayss. Siya nga pala gusto ka daw kausapin ni Dan.”

Lumingon muna ako kay Nathan para alamin kung papayag ba sya o hindi at nang makita kong nakangiti sya ay alam kona ang ibig sabihin non. Agad akong pumunta kay Dan para malaman kung ano ang sasabihin nya.

“May sasabihin ka daw sakin?”

“Congrats. Masaya ako para sayo, Para sa inyong dalawa ni Nathan.”

“Salamat.”

“Isag favor nalang Dex, malapit na kasi ang birthday ni Mama at gusto ka nya makita bigla ka kasi nyang naalala at ang sabi nya ay papuntahin daw kita.”

“Yun lang ba? Oo ba na miss kona din ang mama mo matagal tagal nadin nung huli ko syang nakita.”

“Maraming salamat. Sige na bumalik kana don baka hinahanap kana ng iba pang mga bisita.”

Bago ako umalis ay niyakap ko muna si Dan.

Pagbalik ko ay sinalubong ako ni Nathan at binati kami ng iba pang mga bisita alam nyo nakakatuwa? Nakikita ko sa mga mata nila yung pagtanggap at hindi panghuhusga.

“My loves upo na tayo.”

“Ha? Bakit?”

“Basta panoodin mo nalang may hinanda akong surpresa sayo.” Natahimik bigla ang paligid ng pumunta si Sheena sa may gitna habang may hawak na Mic. Anong ginagawa nya???

“Ako nga pala si Sheena siguro lahat kayo maiinis sakin sa unang bahagi ng ikukwento ko. Nakilala ko si Dex nung highschool kami schoolmate kami at Girlfriend ako ng Bestfriend nya which is Mark. Maayos naman yung una naming pagkikita kaya lang nakaramdam ako ng inggit sa kanya hanggang yung inggit nayon ay napalitan ng galit. Kasi ako yung Girlfriend pero parang mas importante si Dex kesa sakin na Girlfriend kaya dati lagi kong inaaway si Dex lagi kong iniiskandalo. Pero sa lahat ng ginawa ko sa kanya, Ilang beses koman syang saktan? Kabutihan padin ang sinusukli nya sakin kaya nga dati hindi ko maiwasang hindi maisip na. Pano ko yon nagawa sa kanya? Ganong alam kong wala naman syang ginawang mali sakin? At kung may ipagpapasalamat man ako sayo kanya? Ayon ay ang natutunan kong bago ako gumawa ng hakbang pag-isipin ko muna at alamin kung ano ang magiging resulta nito. Kaya Dex masaya ako para sa inyo ni Nathan, Congrats.”

Lahat ng sinabi ni Sheena ay tumagos sakin bumalik yung mga panahon na nag-aaway pa kami dahil sa maling pananaw nya pero pag-naalala ko yon ay natatawa nalang ako. Lumapit sya sakin at niyakap ako ng pagkahigpit higpit.

Sunod naman na tumayo si Irish. Hindi ko alam kung anong pakulo to pero masaya ako na nakikita ang mga kaibigan ko at sinusuportahan ako.

“Hi? My name Is Irish at isa ako sa mga kaibigan ni Dex na katulad ng nauna sakin na si Sheena ay minsan kona din nakaaway si Dex. Ex ako ni Nathan and i was his first love kaya naman nung nalaman ko na may bagong kinahuhumalingan si Nathan ay gumawa ako ng paraan para mapaghiwalay sila pero sadyang pinoprotektahan sila ng tadhana laban sakin kasi kahit anong gawin ko? Lalo lang silang nagkakalapit. Marami akong nagawang hindi maganda kay Dex pero hindi sya lumaban sakin at umasa padin sya na balang araw magiging magkaibigan kami at eto nga nangyari na at ang natutunan ko sa kanya Your mortal enemy can be your friends too dahil sa kabutihan nya ay lumambot ang malditang Irish natuto ako mag appreciate ng mga small things at magpakumbaba at syempre hindi nadin ako basta basta nang aaway kaya malaki ang pasasalamat ko kay Dex kaso isa sya sa mga nagbago sakin kaya Dex? Masaya ako na naging kaibigan kita at kapag kailangan mo ng tulong? Nandito lang ako para sayo.”

Pagkatapos nyang magsalita ay sumunod naman nagsalita ang Boyfriend nya na minsan kona din nakatalunan haha pampam kasi sya dati.

“Maganda gabi po sa inyo ako naman pala si Kenji, Naging schoolmate ko din si Dex nung college and at the same time naging magkaibigan din kami. Pero bago kami naging magkaibigan ay naging magkaasaran din kami lagi ko kasi syang inaasar dati ewan koba parang hindi kompleto ang araw ko kapag hindi ko sya naaasar at hindi nakikitang napipikon. Wala kami masyadong madaming memories ni Dex pero sa mga panahong nakasama ko sya nakita ko kung gaano syang totoong kaibigan na uunahin nya muna ang iba bago ang kanyang sarili.”

Nagpipigil lang ako ng tawa dahil sa mga sinabi nya haha ganon pala sya kalakas mang bully sakin naalala ko non pati yung singsing na bigay sakin ni NATHAN ay tinapon nya. Pero sya din naman ang naghanap para mabalik sakin.

“Hi po? Ako po si Miles ang isa sa pinakamagandang Bestfriend ni Dex. Highschool palang kaibigan kona yan nasaksihan ko ang lahat sa kanya, Kung pano sya magmahal, umasa, masaktan, Magemote at muli na namang magmahal. Ayan kasing kaibigan ko marupok yan pero sobrang totoong magmahal at handa syang masaktan maging masaya lang ang taong mahal nya. Kaya nga ngayon na ikinasal na sya? Sobrang saya ko kasi alam ko na kahit wala ako sa tabi nya o kahit sino saming magkakaibigan ay alam kong hindi sya papabayaan ni Nathan, Nathan? Ingatan mo ang kaibigan namin ha? Magagalit kami sayo kapag nakita namin syang umiyak.”

Bumaba si Miles sa may stage at lumapit sakin niyakap nya ako at nag-iyakan kami na parang mga bata. Hindi lang basta Bestfriend ang turing ko kay Miles kundi isa nang kapatid at mahal na mahal ko sya marami na kaming pinagsamahan ni miles at kahit ni minsan wala pa akong naalalang nag-away kami ng malala. Sunod namang nagsalita si Jasmine.

“Goodevening po, Ako naman po si Jasmine obviously kaibigan ni Dex. Actually bago kami naging magkaibigan nyan nagkaroon din kami ng misunderstanding, Ikukwento kona sa inyo kung paano kami unang nagkakilala ni Dex naglalakad ako non tapos biglang may tumamang plastic bottle sa ulo ko kaya hinanap ko agad kung saan galing yon tapos ayon aksidente palang naibato sakin ni Dex aawayin ko sya dapat non kaso dumating yung night and shining armor nya walang iba kundi si Nathan. Tapos sa paglipas ng mga araw nagkakilala pa kami ni Dex at doon ko nalaman na mabait naman pala sya at napatunayan ko yon. Physically? Hindi palaban si Dex mas mabuti na syang masaktan wag lang makasakit pero yung mga salitang binibitawan nya? Ayon ang tatagos sa puso mo at tatatak sa isip mo kaya masaya ako at nagpapasalamat ako na naging kaibigan ko sya.”

Si Jasmine isa sya sa mga kaibigan kong pinagkakautangan ko dalawang beses na nyang niligtas ang relasyon namin ni Nathan. Una yung sa kasal ni Ana at Nathan kung wala sya don malamang hindi ako nakaabot at tapos na ang love story na meron kami ni Nathan. Pangalawa yung pangloloko samin ni Ana kung hindi din dahil sa kanya hindi maliliwanagan si Nathan at hindi din nila ako maililigtas.

“Congrats sa inyo” bati samin ni Jasmine. Tumulo na naman yung luha ko at niyakap ko sya Kainis napaka iyakin ko talaga haha tanda kona eh iyakin padin.

“Oh ba’t ka umiiyak?”

“Eh kasi sobrang thankful lang ako at naging kaibigan kita, Dalawang beses mona din niligtas ang relasyon namin ni Nathan kahit pa kapalit non ay mawawalan ka ng isa pang kaibigan.”

“Ginawa ko lang kung anong tama at syempre kaibigan din kita kaya tutulungan kita.”

“Maraming salamat ulit.”

Alam kong mahirap din para kay Jasmine na talikuran ang isa panyang kaibigan pero masaya ako dahil ginawa nya ang Tama.

“Ako naman po si Mark ang BESTFRIEND ni Dex, Since highschool magkakilala na kami kaya masasabi ko na kilala na namin ang isat-isa dahil sa mga pinagsamahan namin. Kapag papasok magkasabay kami nyan, Sa recess at maging sa uwian minsan nga doon pa sya natutulog samin at close nya nadin ang Mama ko. Maasahan na kaibigan si Dex sa maraming bagay kahit busy sya ay hindi ka nya mahihindian kaya. Malaki ang naging kasalanan ko kay Dex noon pero mas pinili nya pading patawarin ako, kaya naman kahit anong mangyari lagi lang ako nandito sa tabi nya at poprotektahan ko sya kahit pa may kanya kanya na kaming buhay.”

Si Mark. Ang first love ko, Ang first Bestfriend at ang first heartbreak ko pero tapos na ang chapter nayon maayos na kami at masaya kaya naman mas naging matibay pa ang pagkakaibigan namin.

Hindi ko narinig magsalita si Dan ano man ang dahilan nya ay naiintindihan ko sya. Hindi din nakapunta si Tyrone at Nicole dahil may importante silanh dapat asikasuhin.

/////

Ang gabi namin ay napuno ng saya, Saya na parang wala nang katapusan.

“My loves tara na?”

“Bakit, Saan tayo pupunta?” Takang tanong ko kay Nathan.

“Basta.”

Hinila na ako ni Nathan at wala na akong nagawa parang hindi nadin napansin ng mga tao don na umalis kami dahil naging busy nadin sila sa pagsasaya.

Dinala ako ni Nathan sa loob ng bahay nya at pumasok kami sa isang kwarto at inihiga nya ako sa kama.

“My loves anong Ginagawa mo???” Takang tanong ko kay Nathan.

“Si my Loves naman parang bago ng bago. Ano ba ang ginagawa ng mag-asawa pagkatapos ikasal?”

“Eh ano na nga ba? Magpapahinga? Kasi pagod diba?”

“Si My loves naman eh nagbibiro pa.” “Eh ano nga kasi?”

“Ganito to oh!”

/////

Ang buhay ay isang malaking sugal minsan panalo ka minsan natatalo at madalas nadadaya pero alam nyo? May isang bagay ka pading natututunan ayon ay mas nagiging matalino tayo sa pag-iisip upang maging maganda ang laro nito.

Ako si

Dex Vasquez

pero isa palang Montes. Lumaki sa isang simple pero masayang pamilya merong akong

naging

BESTFRIEND

Mark ang pangalan nya.

Siya ang unang lalaking minahal ko at sya ding ang dahilan kung bakit ako unang nasaktan sa pag-ibig pero hindi nya kasalanan yon dahil ako ang may kasalanan dahil naging marupok ako

at nahulog sa

BESTFRIEND

ko.

Pinilit ko mag move on lumipat ako ng ibang school at tumira sa Bahay ng Tita ko at don ko nakilala si

Nathan

ang Dragon kong

PINSAN

noong una para kaming aso’t pusa bangayan ng bangayan hanggang sa hindi namin namalayan na nahulog na pala kami sa isat isa.

Sa paglipat ko ng aking paaralan doon ko naman nakilala si Daniel pero mas gusto nya na tawagin ko syang

DAN

na

crush

at first sight ako sa kanya ang amo kasi ng mukha. At dito nagsimula ang labanan (Ganda konoh? Haha) ng #

TEAMBESTFRIEND

TEAMCRUSH

at syempre ang #

TEAMPINSAN

.

Pero sa isang labanan may natatalo, Maysumusuko at meron din namang nananalo at sa puso ko ang #

TEAMPINSAN

ang nanalo kaya naman hindi ko na sya pakakawalan at hanggang sa pagtanda magsasama kami.

Ako nga pala si

Dex

at dito nagtatapos ang aking kwento.


If you want an intense and revenge story? Basahin nyo lang ginawa kong story na SCARLET (The beautiful revenge) promise di kayo magsisisi.

AUTHOR’S NOTE

Hi mga MY LOVES??? So ayon tapos na ang kwentong inyong sinubaybayan. Sa hinaba haba ng kwento at tinagal tagal ng update ay natapos din.

Thank you sa mga loyal readers dyan na matyagang nag antay kahit gaano pa katagal. Hindi ko alam kung paano magpapasalamat sa inyo dahil natutuwa ako sa magandang feedback mula season 1 hanggang ngayong final season.

Sorry din po kasi matagal talaga ang update ko sobrang busy lang talaga, Sa school, Sa bahay at syempre sa Work kaya mahirap isingit sa oras pero ayon natapos padin.

Sana maraming kayong natutunan sa kwentong nagawa ko kahit hindi sya ganoon kaganda ay mas pinili nyo pading basahin.

If you want an intense and revenge story? Basahin nyo lang ginawa kong story na SCARLET (The beautiful revenge) promise di kayo magsisisi.

Promote kona din iba kopang account haha.

Instagram : @dex_pascual Twitter : @dexpascual36 Tiktok @dex_pascual25


Return to top?
WattHub

Install WattHub

Size unavailable

App name
WattHub
App version
1.48.250
App size
Description
A digital library of Wattpad stories and Filipino fiction, thoughtfully preserved for readers today and tomorrow.
Developer
WattHub Team

Dismiss install banner?

No problem. You can still install WattHub anytime from the download icon in the header.

WattHub

Notifications

Notifications are off

Get notified on this device when the library grows or changes.