KUNG AKO NALANG SANA (THE MARRIED LIFE)
Dex Pascual25 · 5 chapters · 4,775 words
ANNOUNCEMENT
Hi mga My loves medyo natagalan pero this is it! pancit!!! Ito na ang last and Final season ng Kung ako nalang sana!!!!! Sana magustuhan nyo!! Enjoy guys!!! I love you all.
Sa mga loyal readers ko dyan! Super duper thank you sa inyong lahat!
Sa mga naki Team Pinsan dyan!! Congrats sa inyo!!! #TEAMPINSAN!! #DEXANDNATHAN #MYLOVES
at sa mga hindi pa nagpaFollow dyan?? What are you waiting for!!???
INSTAGRAM : @dex_pascual TWITTER : @dexpascual36
TML 1
DEX’S POV
After nang kasal namin ni Nathan ay bumalik nadin kami sa Pilipinas at dahil kasal na nga kami ay ang balak namin ay tumira na sa pinagawa nyang bahay at magsama na nga bilang mag-asawa. “Anak bumisita ka lagi dito ha?”
“Syempre naman Ma wag ka na nga umiyak naiiyak din ako eh.”
Tinulungan ako ni Mama na magligpit ng mga gamit ko. Sa totoo lang mahirap sakin na umalis dahil buong buhay ko ay sila ang kasama ko.
“Kuya babye po.”
“Anak yung mga turo namin sayo ah?” Medyo naluluhang paalala ni Papa.
Kainis haha ang drama ng Pamilya namin. Pero ramdam ko talaga ang lungkot sa mga boses nila.
“Wala man ako lagi sa tabi nyo ay panghahawakan kopo ang mga aral na tinuro nyo.”
Hindi nadin kami nagtagal ni Nathan at gabi na kailangan nadin naming umuwe sa bago naming bahay.
Pagdating namin sa tapat ng bahay ay tinitigan ko muna saglit. Ito na ang panibagong yugto ng buhay namin at sana maging masaya at maganda ang pagsasama namin.
“Nathan? Gusto kolang magpasalamat sa lahat lahat ng ginawa mo sakin. Hindi mo alam kung gaano ako kasaya ngayon dahil lahat ng pangarap ko lang dati ay totoong totoo ngayon. Napakaswerte ko kasi may lalaking katulad mo na nagmahal at tumanggap sakin.”
“My loves? Thank you din kasi dumating ka sa buhay ko hindi ka man tunay na babae pero tinuturing kitang reyna ng buhay ko.”
“Sus! Talaga lang ha?” Biro ko sa kanya.
“Oo bakit ayaw moba maniwala?” Bigla akong binuhat ni Nathan.
“Oyy ibaba mo nga ako!”
“Bago ang bahay natin? Saan moba gustong magsimula?”
“Simula?? Ano yon?”
“Alam mo nayon My loves.”
Mukhang alam kona talaga ang ibig sabihin ni Nathan kahit kailangan talaga napaka ano nya haha.
“Ibaba mona ako.”
“Si My Loves talaga naglalambing lang ako eh.”
“Eh kasi naman magpahinga na muna tayo dahil bukas mapapalaban tayo.”
“Laban? Anong laban?”
“Eh kasi bukas bibili na tayo ng ibang mga gamit para dito sa bahay natin.”
“Ah yun lang ba?? Wala bang ano?”
“Tigilan moko wala ako sa mood ngayon.”
Kailangan kong iserve ang lakas ko para bukas kaya tiis muna si Nathan haha may kamay naman sya eh edi gamitin nya. Alangan naman subuan kopa sya sa pagkain. (OYY Green Minded yung nagbabasa!! Haha)
//////
Maaga palang ay umalis na kami ni Nathan para maghanap ng mga gamit para sa bago naming bahay. Ganito pala ang feeling kapag nagasawa kana tapos tumira na kayo sa bago nyong bahay.
“My loves ano bang mga bibilhin natin?”
“Basta. Konti lang naman kaya wag kang mag-aalala.”
Haha sana nga konti lang.
Pagdating namin sa isang store na bilihin ng mga gamit na pang bahay ay agad akong pumili.
Una kong nakita yung magandang kama tamang tama para sa kwarto namin ni Nathan.
“Hi sir? Gusto nyo po bang matulog ng mahimbing at maaliwalas! Tamang tama po ang kama nato para sa inyo matibay at subok na.”
Wala pa nga Kaming sinasabi pero nakadami na yung saleslady bigla ko tuloy naalala si Mama.
“Ate matibay ba talaga yan?” Tanong ni Nathan sa saleslady.
“Ay opo sir.”
“Oh my loves matibay pala eh ayan na kunin natin pwede tayong mag one on one.”
Kinurot ko agad si Nathan sa tagiliran dahil kung ano anong lumalabas sa bunganga nya. Kaya minsan Ayaw ko syang pinapapunta sa bahay kasi nga diba? Yung Mama ko madaldal at na aadopt naman nitong lalaki nato.
“Aray ko naman My loves.”
“Manahimik ka nalang kasi okay? Ako na ang Pipili.”
“O-opo boss.”
Natawa nalang yung saleslady sa asal namin ni Nathan.
Kahit hindi na kami mga bata ay may pagka-isip bata padin kami haha.
Naghanap pa kami ng ibang mga gamit ni Nathan actually ako lang pala sumama lang sya walang kaalam alam eh.
Bumili kami ng Tv, Ref., Cabinet, Lagayan ng plato, Mga plato, Kutsara etc. Basta lahat ng makita ko na magagamit sa kusina.
“My loves magagamit ba natin lahat yan?”
“Oo naman bakit?”
“Sabi mo konti lang?”
“Eh ang daming kulang at kailangan sa bahay eh anong gagawin ko?’
Hindi na sya kumontra sakin at napakamot nalang sa ulo nya Bumili din ako ng dinning table isang set na,. pati may nakita din akong isang magandang sala set kaya kinuha kona din.
Pati pang design sa bahay kinuha kona din mula sa kurtina, Flower vase, Frames at marami pang iba kulang nalang nga kunin ko lahat ng nasa store nato haha.
Lumapit nako sa cashier para malaman kung magkano ang babayaran ko at na shocked ako haha.
“My loves akin na yung card mo.”
“Ha? Bakit yung akin??” Gulat na tanong ni Nathan.
“Eh mas marami yang laman eh baka mashort ako.”
“My loves naman eh ang dami mo naman kasing binili pwede naman sa susunod nalang.”
“Okay lang yan at least tuloy tuloy ang ayos natin diba?? Atsaka babayadan ko naman sayo yung iba”
“Mag boyfriend po ba kayo?” Nahihiyang tanong samin ng cashier na ikinatingin naming dalawa.
“Actually mag-asawa na kami kakakasal lang namin.” Pagmamalaki ni Nathan. “Wow talaga po? Sana all. Congrats po.”
Nakakatuwa lang isipin na may mga tao na natutuwa kapag may nalalaman sila na mga katulad naming magjowa, magkalive in or mag asawa na yung iba kasi madalas sabihin
‘AY SAYANG NAMAN’
Pagdating namin sa bahay ay tinawaga ko si Miles at sinabihan ko sya na pumunta dito sa bago naming bahay dahil magpapatulong ako na mag-ayo. Nag-oo naman sya sakin at isasama nalang daw nya si kUya Samuel.
////)
“Be?? Ang ganda ng bahay nyo ah, In all fairness dito kay Nathan pinaghandaan nya talaga.”
“Oo nga eh kaya nga eto bumili kami ng konting gamit para magkalaman itong bahay.”
“Asan na pala si Nathan?” Tanong ni Kuya Samuel.
“Nandon sa kwarto kuya tumutulong ipasok yung kamang binili namin.”
“Edi mag-ayos nadin tayo para matapos na.”
Tumango nalang ako kay Miles at nagumpisa na kaming nag-ayos.
Sila kuya at Nathan ay doon sa mabibigat na gamit actually may mga nirentahan naman kami na magbubuhat pero wala eh gusto nilang tumulong.
“Grabe Dex ang dami nyo namang pinamili, pero sabagay madami naman kayong pambili.”
“Kulang pa nga yan eh.”
“Kami kaya kailan kaya kami magkakasariling bahay ni Samuel?”
Kinilig pa ang loka habang nagsasalita.
“Edi sabihin mo kay kuya.”
“Joke lang be dipa din naman ako ready atsaka hindi pa naman kami ganon katagal ng kuya mo.”
“Bakit masama ba sabihin? Wala naman sa tagal yan nasa tao yan meron nga dyan isang dekada ng nagsasama tapos naghihiwalay pa.”
“Hayss mag-ayos na nga lang muna tayo baka Wala tayong matapos dahil sa kakadaldal natin.”
Buong araw kaming nag-ayos nang bahay hindi naman kalakihan ang bahay namin kaya natapos namin at syempre sa tulong nadin nila kuya at Miles.
“Babe pawis na pawis ka.”
Lumapit si Miles kay Kuya at pinunasan nya ang pawis nito. Ahhhhhh!!!! Ang sweet nila haha.
“Salamat Babe.” Sagot ni kuya.
“My loves ako din pawis na.” Singit ni Nathan.
“Edi magpunas ka may towel dyan eh.”
Bakit ganon? Nung nagliligawan palang kayo ang sweet sweet nyo sa isa’t-isa tapos ngayong matagal na kayo parang nagpepelosopohan na kayo haha.
Pero syempre sweet padin naman kami ni Nathan at hindi mawawala yon.
Lumapit na ako kay Natnan at pinunasan ko ang pawis nya.
“Kuya Sam may extra kabang damit dyan?”
“Oo dex meron ako nagdala kami ni Miles kasi alam naming pagpawisan kami.”
“Sige na kuya magpahinga na muna kayo dyan ni Miles aakyat lang ako sa kwarto para ayusin yun wag kayo mahiya feel at home.”
“My loves sama ako.”
Sumama sakin si Nathan pero hindi naman sya tumulong. Humiga lang sya at naglaro na naman ng kinaaadikan nyang online game kaya wala akong Choice kundi ako nalang mag-isa.
Kasalukuyan na akong nagkakabit ng binili kong kurtina kaso medyo mataas.
“My loves tulungan mo nga ako dito hindi ko maabot.”
Lumapit naman agad sakin si Nathan haha masunuring bata.
“Sige My loves iaangat kita.”
Tumango nalang ako sa kanya at inangat nya ako kaso ang loko hinawakan ako sa pwet tapos pinisil pa! Parang ewan talaga tong lalaki nato.
“Nathan ano ba!? Pano ako matatapos sa ginagawa ko kung ang gulo-gulo mo.”
“Haha ito namang si My loves pahawak lang eh.”
“Tigilan moko Nathan sa kaanuhan mo baka makita pa tayo nila kuya.”
“Hindi yan busy sila sa baba. Atsaka mag-asawa naman tayo diba? Anong masama don?”
“Mamaya kana kasi gumanyan. Tapusin na muna natin lahat ng gawain.”
“Sige.”
Si Nathan nalang ang pinakabit ko ng kurtina dahil mas matangkad naman sya sakin.
“Ayan ang ganda!” Tuwang tuwa kong sabi.
“Pero mas maganda ka dyan.”
“Sus! Bulero! Tara na nga at ng makakain na baka nagugutom nayon sila kuya.”
“My Loves maliligo lang ako amoy pawis ako eh.”
“Sige My loves bababa lang ako.”
“Hindi mo ba ako sasamahan?”
“At bakit? Dika ba marunong maligo ang laki laki muna.”
“Ehhh samahan mona ako.” Ang kulit ni Nathan parang bata.
“Magtigal ka.”
“Mabaho kana din kaya. Kaya maligo kana din sabay na tayo.”
“Sige na mauna kana mag oorder lang ako online ng makakain natin.”
“San ka kukuha ng pambayad?”
“Kukuha ako sa wallet mo papalitan ko nalang.”
Napakamot nalang si Nathan sa ulo nya haha ang sarap nya talagang asarin.
Dahil hindi panga kompleto ang mga gamit namin at wala pang laman ang ref. Namin ay nagpadeliver muna ako para naman may makain kami. Mabuti nalang at sanay si Miles sa kahit ano, Yang kaibigang kung yan hindi mapili at si Kuya Sam naman ayos lang din sa kanya.
Hindi nadin sila nagtagal dahil gabi nadin at malayo pa ang uuwian nila kaya nagpaalam nadin sila samin.
“Kuya salamat ha? Pati sayo Miles.”
“Always welcome.”
“Kuya pasabi nalang din kala Mommy na tsaka nalang ako dadalaw kapag naayos na namin itong bahay.”
“Sige, Ingat kayo dyan ha?”
“Nathan ingatan mo ang kaibigan ko ha? Wag mo syang papaiyakin yari ka sakin at sa kuya nya.”
“Kahit hindi mona sabihin yan miles. Mahal na mahal kotong my loves ko eh.”
Inakbayan ako ni Nathan at pinagmasdan lang namin na umalis sila Miles sakay ng kotse ni Kuya.
“My loves wala na sila “
“So???”
“So? Edi susubukan natin yung bagong biling kama kung matibay talaga.”
Hindi na ako nakaangal dahil binuhat na nya ako papasok ng bahay namin. Hayss kawawang kama char!!! Hahaha.
TML 2
DEX’S POV
Dahil wala ngayon si Natha ay naisipan ko munang pumunta sa bahay dahil wala naman akong gagawin samin tutal tapos nadin naman ako maglinis.
Bago ako umalis ay nagpaalam din ako kay Nathan ( Kailangan
lagi daw syang updated haha ) Pumayag naman sya basta daw wag lang ako papagabi.
Pag-dating ko samin ay sinalubong agad ako ni Kyline at Mama.
“Kuya!!!!!” Masayang sabi nya sakin at niyakap ako.
“Oh anak kamusta sa bago nyong bahay?”
“Eto Ma nakakapanigo pero makaka adjust din naman kami paunti-unti. Asan po pala si Papa?”
“Nandon nanonood.”
Panatag na ang loob kasi kahit wala ako dito ay alam kong maayos ang kalagayan nila dahil patuloy padin naman ang mga negosyo na pinatayo namin dati.
Sabi kodin sa kanila na kahit wag na silang magtrabaho at dito sa bahay dahil sapat naman ang kita ng business namin.
“Pa?”
Lumapit ako sa kanya at niyakap sya. Kahit hindi na ako bata ay naglalambing padin ako sa kanila na parang bata haha.
“Bakit ikaw lang mag-isa nasan ang asawa mo?”
“Pumasok sya Pa.”
“Ganon ba? Kumain kana ba? May niluto ang Mama mo.”
“Hindi pa nga Pa.”
“Oh tara na kumain na muna tayo.” Singit ni Mama.
Tumayo naman kami ni Papa at sumunod sa kusina.
Nilapag ni Mama yung niluto nya at pinaghain kami.
“Anak dapat matuto kana ng mga gawaing bahay at marunong kana ding magluto para ipagluto ang asawa mo.”
“Marunong naman ako Ma.”
“Ay oo nga pala tinuruan nga pala kita.”
“Kuya Dex sama ako sa bahay nyo.”
“Nako kyline sa sunod nalang ha? May klase kapa eh.”
“Sige po.”
Ang sarap sa pakiramdam dahil sabay-sabay ulit Kaming kumakain habang nagkukwentuhan.
“Dex mamaya pag dating ng asawa mo may lulutuin kana ba?”
“Wala pa nga po.”
“Dapat mag-isip kana, kasi alam mo anak isa sa pinakamahirap sa pag-aasawa ang pagluluto. Alam mo kung bakit? Kasi syempre araw-araw iisipin mo din kung anong lulutuin mo para sa kanya.”
“Mamaya Ma Samahan mo ako mamili.” “Sige ikaw paba? Malakas ka sakin eh.”
////////
After naming kumain at magpahinga ay namili nadin kami ni Mama sya ang pinagdesisyon sa bibilhin namin dahil mas marami syang alam tungkol sa pagluluto.
Medyo kinakabahan ako kasi first time kong magluluto para samin ni Nathan bilang mag-asawa na.
Naghiwalay nadin kami ni Mama sa sakayan dahil sabi nya ay umuwe nadaw ako para mapaghanda ko ng makakain si Nathan.
“Ma sigurado ka gusto mo ihatid na kita?”
“Hindi na Dex kaya kona ang sarili ko. Sige na para makapag handa kana.”
Pagdating sa bahay ay excited kong inayos yung mga pinamili namin nilagay ko yung iba sa ref at yung mga gagamitin ko sa pagluto ay iniwan ko sana lang talaga ay magustuhan ni Nathan ( takot nya lang sakin haha )
/////////
Bago paman makauwe si Nathan ay hinanda kona yung mga kakain namin at sya nalang ang kulang.
“My loves kumain kana muna. Nagluto ako ng makakain mo.”
“Hindi na My loves kumain na ako kasama ng mga katrabaho ko.”
Dumiretso na agad si Nathan sa kwarto namin.
Medyo nalungkot ako kasi pinagluto kopa naman sya tapo hindi lang pala sya kakain.
Sinong kakain ng mga niluto ko? Hindi ko mauubos lahat hayss kung alam kolang.
Umupo nalang ako at mag-isang kinain yung niluto ko. Ganito pala yung feeling kapag nasayang yung efforts mo, masakit pala.
Habang kumakain ako mag-isa ay biglang dumating si Nathan at tumabi sakin.
“Wow My loves mukhang masarap lahat ng niluto mo ah.”
“Oo pero itatabi ko nalang sa ref. Yung iba pwede pa naman to bukas hindi ko kasi kayang ubusin lahat eh.”
I hate this feeling! Parang gusto ko na namang maiyak huhu.
“Edi ubusin natin.” Masayang sabi ni Nathan sabay sandok ng kanin at ulam.
“Akala koba kumain kana kasama ng mga katrabaho mo?”
“Oo nga pero hindi ko naman sinabi na busog nako diba? Don’t tell me dinamdam mona naman yung kanina? Pwede ba namang hindi ko kainin ang luto ng my loves ko?”
Napangiti ako sa sinabi ni Nathan akala ko talaga ako lang mag-isa ang kakain ng niluto ko.
Yung plato ni Nathan ay pinuno nya ng mga pagkaing nakahain sa lamesa akala mo nasa fiestahan sya.
“Oyy Nathan mauubos moba yan??”
“Oo naman luto kaya to ng My Loves ko na asawa kona.”
Hindi ko mapigilang hindi kiligin sa nga banat ni Nathan. Bakit ba ganyan sya!!! Haha.
“Nako tataba kana nyan.” Pagbibiro ko sa kanya.
“Hindi ah. Bakit ayaw mona ba sakin kapag tumaba ako?”
“Syempre hindi. Kumain na nga tayo ang dami mopang sinasabi.”
Kung kanina malungkot ako pero ngayon ay masaya na dahil nasarapan ang asawa ko sa pagkaing hinanda ko sa kanya.
“My loves ang sarap mong magluto san mo natutunan yan?”
“Si Mama, Dati kasi pinapanood ko sya habang nagluluto tapos ayon unti-unti natutunan kodin.”
“Kapag ganito lagi ang pagkain ay tataba talaga ako nito.”
Alam kong busog na si Nathan at pagod sya kaya kailangan na nya magpahinga pero heto padin sya at sinaluhan ako. Tumayo ako at hinalikan ko sya pisngi.
“Para san yon My loves?” Takang tanong nya.
“Thank you sa lahat lahat my Loves.”
“Si My Loves naglalambing na naman. Sige mamaya pagpasok natin sa kwarto.”
Hinampas ko si Nathan sa braso at napaaray sya.
“Yan kana naman eh seryoso ako.”
“Haha joke lang. I love you too my loves.”
Kulang ang salitang Mahal kita para iparamdam ko kay Nathan kung gaano ko sya kamahal.
Pagkatapos naming kumain at magligpit ay humiga na kami.
Yumakap sakin si Nathan at hinalikan ako sa leeg.
“I love you my loves.”
“I love you too.”
Akala ko matutulog na kami pero kinuha nya yung phone nya at may inopen na isang app. Game app sya.
Tapos ang loko Hindi na ako pinansin at nagpatuloy sa pag-lalaro akala ko ba pagod sya???
Hindi ko muna sya pinansin at ang loko tuloy tuloy lang sa paglalaro parang walang pasok bukas.
“Oyy Nathan matulog kana.”
“Tapusin kolang to my loves.”
Ito yung mga nakikita ko sa social na dahilan kung bakit madalas nag aaway ang mga mag jojowa dahil sa online games na kinaaadikan nila.
Pero syempre may nakita din akong paraan kung pano mapapatigil ang jowa mong naglalaro.
Yumakap ako kay Nathan at dahan dahang bumaba ang kamay ko sa Ano nya (alam nyo nayon haha)
“My loves naman?”
“Sige na maglaro kana basta wag ka magpupuyat.”
Tumalikod ako kay Nathan at nagtaklob ng kumot. Bahala sya sa buhay nya wag lang sya aantok antok bukas at hihilahin ko talaga.
Maya-maya ay tinanggal ni Nathan yung kumot at niyakap ako.
“Galit kaba my loves?” “Sige na maglaro kana matutulog nadin ako.”
“Si My loves naman nagagalit agad. Syempre mas uunahin kita kesa sa game nayon.”
Humarap ako kay Nathan at kinurot yung dalawa nyang pisngi.
“Mukhang galit na ang dragon ha?“natatawang sabi ko.
“Ikaw kasi ginalit mo eh kaya ngayon lagot ka.”
Wala na akong nagawa dahil corner nako ni Nathan at magtatagumpay na naman sya sa masamang balak nya sakin.
//////////
“My Loves gising na.”
Inalog alog ko si Nathan para magising sya dahil may pasok pa sya at bala malate sya.
“My loves antok pako.”
“Gumising kana aba. Anong antok ka dyan?? Yan kasi puro ka online games bumangon kana dyan.”
“Opo boss.”
Napakamot nalang ng ulo si Nathan at bumangon din.
“Naka ready na yung susuotin mo kaya maligo kana.”
Lumapit sakin si Nathan at niyakap ako bigla kaya natumba ulit kami sa kama.
“My loves inaantok pako, Ayaw ko muna pumasok.”
“Hoyy tumigil ka magagalit ang daddy mo sayo atsaka wag kang tatamad tamad aba. Bumangon ka dyan.”
Hayss hindi pala madaling mag-asawa pero syempre napapalitan lahat ng hirap na yon kapag nakita mo ang taong mahal mo.
Habang naliligo si Nathan ay niready kona yung pagkain nya para dirediresto na sya.
“My loves ang bango naman ng niluto mo, Kung ganito ba naman palagi ay gaganahan ako pumasok.”
“Syempre nag-asawa kaba naman ng magaling magluto eh.”
Napa ngiti nalang si Nathan sa sinabi at sabay kaming kumain.
Bago umalis si Nathan ay katakot takot na paalala ang mga sinabi nya sakin.
“My loves i lock mo yung pinto ah? Mahirap na atsaka pag may problema tawagan molang ako o di kaya ang Mama at Papa mo pati yung Daddy at Mommy mo.”
“Ang OA mo Nathan sige bye na.”
Hinalikan ko si Nathan bago sya sumakay sa sasakyan nya.
Sinarado ko naman yung pinto at dumiretso na sa kwarto namin at humiga.
Hayss ganito pala pakiramdam pag-ikaw nalang mag-isa tapos nasa trabaho yung asawa mo ang lungkot parang gusto mong kasama nalang lagi sya.
Announcement
Hey my loves! Wala muna tayong update ngayon! Focus muna tayo kay Scarlet! Wag nyo pong kalimutang i add to library at i vote ang SCARLET (The beautiful revenge) maganda sya promise di kayo magsisisi.
TML 3
DEX’S POV
Pumasok na si Nathan ako na naman naiwan mag -isa.
Medyo nakaka boring dahil wala kang makausap pero ganon talaga hindi sa bawat oras kasama natin ang mga mahal natin.
Kinuha ko nalang phone ko at tumawag ako kala Mama.
“Hi Kuya Dex!!!!!!”
Energetic na bungad sakin ng kapatid ko pagkasagot na pagkasagot sa tawag ko.
“Hello Kyline? Kamusta kana nag-aaral kaba ng mabuti??”
“Opo kuya.”
“Hindi kaba nag-kukulit???”
“Nako Dex mabait na bata yang kapatid mo syempre mana sakin.”
Napangiti nalang ako sa sinabi ni Mama very confident kasi sya haha.
“Parang hindi naman Ma, Kay Papa ata sya nagmana.”
Kung meron man nag mana kay Mama ng ugali siguro ako yon pareho kasi kaming maingay.
“Bakit parang malungkot ka ata?” Tanong ni Papa sakin.
“Wala lang po. Na miss ko lang kayo dyan.”
Ganito pala sa feeling pag nag-iba kana ng bahay tapos hindi mona kasama yung mga taong madalas mong kasama.
“Edi bumisita ka dito bukas naman ang pintuan ng bahay natin para sayo.”
“Sige Pa. Pupunta talaga ako dyan isama kona din si Nathan.”
“Pag may Time din kami pwede kami pumunta dyan ng Mama mo at ng kapatid mo.”
“Talaga????”
Natuwa ako sa sinabi ni Papa hindi talaga ako sanay na malayo sa kanila.
“Oo naman, Eh yung Mommy at Daddy mo tinawag mo na ba?”
“Hindi pa po, Mamaya nalang siguro.”
Hindi ko man sila totoong magulang, Hindi man ako nanggaling sa kanila pero hindi na mababago ang katotohanan na Mama at Papa ko sila.
NATHAN’S POV
“Goodmorning sir Nathan.”
Bati sakin ng mga nakakasalubong ko sa totoo lang hindi ako komportable sa mga trato nila sakin medyo naiilang ako hindi naman kasi ako sanay sa ganitong pakikitungo.
Habang naglalakad ako may nakita akong mga nagkukumpalan kaya naman nilapitan ko sila at agad silang nagkalasan.
“Anong meron?”
“G-Good morning Sir? A eh ano po kasi binbentahan kopo sila ng tinda kong pabango need kolang kasi ng extra income. Baka po gusto nyo?”
Tiningnan ko muna sya at agad syang napayuko akala nya siguro nagagalit ako.
“Sige magkano bayan?”
“Nako Sir murang mura lang po, Merong pang lalaki po tapos meron din pang babae sir pwede nyo po iregalo sa Girlfriend nyo sir.”
“I don’t have Girlfriend because I’m already married.”
“Ganon po ba?? Pwede din naman po ibili nyo asawa nyo.”
“Sige ipili moko ng dalawa isa sakin at para sa asawa ko.”
“Ako po pipili?”
“Ayaw moba?”
“Nako sir hindi naman po, Sige po sir ihahatid ko nalang po sa Office nyo.”
Pagkatpos non ay naglakad nako paalis, Hindi naman ako masungit pero gusto kolang talaga magmukhang estrikto sa paningin nila, Kahit dati nung nag-aaral palang ako ganon na talaga ang ugali ko isa lang naman ang taong pumapalag sakin palagi eh yung Pinsan ko, naging Boyfriend ko at ngayon asawa kona.
DEX’S POV
Habang nanonood ako ng paborito kong SHOW sa TV ay biglang tumunog yung doorbell kaya naman napatayo ako para puntahan kung sino yon, Wala naman akong inexpect na bisita ngayon eh. Pagbukas ko ng pintuan ay nakita ko si Tita Emman kaya naman lumapit ako sa kanya at niyakap ko sya.
“Tita Emman?? Napadalaw po kayo”
“Kamusta Dex.”
“Mabuti naman po tuloy po kayo.”
Pinapasok ko si Tita Emman At pinaupo muna.
“Sakto lang pala sa inyo yung bahay maganda sya.”
“Oo nga po. Surprise sakin ni Nathan.”
“Ewan koba naman kasi sa anak ko sabi ko doon nalang kayo tumira sa luma naming bahay pero ang sabi nya masyado daw malaki para sa inyo.”
“Ayos lang naman po sakin kahit saan kami tumira ang importante magkasama kaming dalawa. Kumain napo kayo? May luto po akong ulam.”
“No need Dex busog pa naman ako, Binisita lang naman kita naisip ko baka naboboring ka dito wala din naman kasi ako magawa sa bahay at ang tito Greg mo busy din.”
“Workaholic po si Tito Greg noh?”
“Nako sinabi mopa ang yaman na nga nya gusto pa magpayaman kung ako nga lang? Patitigilin kona sya tutal naman ay may stable business kami na mag susupport samin.”
“Pero atleast Tita maayos at maganda na ang pamumuhay nyo.”
“Siya nga pala Dex ang Mama mo bumisita naba sayo dito?”
“Opo kaso dirin sya nagtagal, Pinapauwe nga muna nya ako sa bahay eh para may kasama ako sabi ko naman ayos lang ako naman ako dito aantayin ko nalang si Nathan.”
“Ganyan talaga buhay mag-asawa Dex masasanay kadin pero kung gusto mo tutulungan kita mag tayo ng business mo para naman may pagkakaabalahan ka at makakatulong kapa kay Nathan na kumita.”
“Sige po Tita pag iisipan kopo tsaka tatanungin kodin muna si Nathan.”
“Nako baka mamaya kumontra na naman yon alam mo naman yung bata nayon mahal na mahal ka mas mabuti nang sya ang mapagod wag kalang.”
Kahit ako ang nasa kalagayan ni Nathan yun din ang gagawin ko.
Ilang oras din tumambay sa bahay si Tita Emman bago sya nag-paalam na uuwe na sya kaya naman nag-isip nako ng lulutuin ko para sa hapunan namin ni Natha.
Ano kayang masarap na ulam ang pwede kong lutuin para sa pag-uwe ni Nathan???
Hayss ganito pala pag nasa bahay kalang mahirap din akala nila madali lang tumambay.
Pagkadating na pagkadating ni Nathan ay nilapitan ko agad sya para kunin yung dala nya tapos pagkalapit ko sa kanya ay naamoy ko agad ang pabango nya.
"Ang bango mo ah? Bagong pabango?"
Tanong ko sa kanya ngayon kolang kasi naamoy yung ganong pabango sa kanya.
"Ah oo binentahan kasi ako ng isa sa mga staff don syempre tulong kona din."
"Talaga??"
Napatingin sya sakin sabay ngiti.
"Bakit dika ba naniniwala sakin??"
"Hindi naman. Nagtatanong lang."
Inakbayan nya ako at naglakad na kami papunta sa kwarto namin.
Nagtanggal sya ng damit sabay bagsak ng katawan sa kama.
"My loves mukhang pagod ka ha?"
"Oo my loves sobrang dami lang paper works ang pinagawa sakin ang sakit sa ulo."
Lumapit ako kay Nathan at hinalikan sya sa noo.
"Sorry ha" malumanay na sabi ko sa kanya.
"Ba't ka nag sosorry???"
"Eh kasi hindi ka naman sanay mag trabaho pero ginagawa mo padin para sakin."
"My loves ayan kana naman eh. Diba nga sabi ko sayo magtatrabaho ako para satin at ibibigay ko lahat ng pangangailan mo, Natin dalawa. Kaya ikaw wag kana mag-isip dyan kayang kaya koto."
Diko na naman napigilan ang hindi maluha talagang ganito na talaga ang personality ko haha mababa ang luha.
"I love you My loves." Sabay yakap ko sa kanya.
"I Love you too My loves."
"Nathan ano kaya kung mag trabaho din ako? Para dalawa na tayong may work?"
Biglang kumunot ang noo ni Nathan. May nasabi ba akong mali?
"Wag na My loves kaya ko naman mas mabuti nang nasa bahay ka para may mag babantay at maglilinis din dito sayang naman tong bahay kung walang maiiwan."
"Naisip kolang naman pero kung ayaw mo ok lang naman. Tsaka galing din pala dito yung mommy mo kanina tapos inalok nya ako kung gusto ko mag negosyo sabi ko naman tatanungin muna kita."
"Saka nalang yan My loves, Baka mamaya mawalan ka nang time sakin edi sino na mag-aalaga sakin?"
May point din naman sya sino maglilinis ng bahay?
Sino maglalaba ng mga damit namin?
Sino mag- aasikaso kay Nathan pag uuwe sya galing work??
"Nako My loves ako nalang."
"My loves may niluto pala ako baka gusto mo kumain?"
"Busog pa ako My loves eh."
Kainis natong si Nathan di man lang nagsasabi na kakain na sya don edi sana hindi nako nagpakahirap magluto.
"San ka kumain?"
"Nagpa deliver ako."
"Sus mas masarap pa luto ko don."
Hinila ni Nathan ang kamay ko at nahiga ako sa tabi nya.
"Syempre mas masarap ang asawa ko ay este ang luto ng asawa ko." Pabiro nyang sabi.
"Sayang na naman niluto ko di ka pala kakain."
"Wag kana magtampo My loves."
"Hindi ako nagtatampo. Sige na magpalit kana ililigpit kolang yung pagkain sa lamesa."
Tumayo ako para iligpit yung pagkain na hinain ko ilagay ko nalang sa ref. Para hindi masira initin ko nalang bukas para may almusal kami.
Pero habang nagliligpit ako biglang dumating si Nathan at niyakap ako mula sa likuran.
"My loves wag muna iligpit yan sabay na tayo kumain."
"Akala koba busog kapa?"
"Ako busog? Syempre pag luto ng asawa ko dapat kakainin ko."
"Sus tigilan moko, Kung napipilitan kalang wag na lang."
"Ba't parang galit ka?"
"Hindi ako galit."
"Alam kona gusto molang magpalambing eh."
Hinarap ako ni Nathan sa kanya at hinalikan ako sorry na mga besh marupokpok lang talaga ako pag dating sa kanya.
"Yung pagkain lalamig na kumain na muna tayo"
Pag-iiba ko ng usapan kaya natigil sya at hinainan kona sya ng makakain.
Sabi nila kapag mag-aasawa dapat handa ka sa Pisikal at Pinansyal dahil hindi biro ang pag-aasawa lalo na sa sitwasyon namin.
Madaming huhusga dahil iba kami sa dapat na nakikita nila.
Pero bilang asawa ni Nathan mamahalin ko sya at pagsisilbihan ko sya habang buhay dahil ayan ang sinumpa ko sa kanya.

