loading

storiescollectionschaptersauthorsgenrestagsstories
LAHING ASWANG

LAHING ASWANG

sdemacha · 16 chapters · 23,056 words

PROLOGUE

“ASWANG! ASWANG! ASWANG!”

Naririnig kong sigaw ng ilang kabataang lalaki sa isang batang babae. Umiiyak ito dahil sa pangbubully ng mga ito sa kanya.

“Hoy, bakit niyo siya inaaway?” Lumapit ako sa kanila at sinaway ang mga bata.

“ Tigilan niyo na nga yan, di niyo ba nakikitang umiiyak na siya?“ Galit kong sita sa mga bata.

“ Eh paano kasi, pamilya sila ng mga aswang. Lola niya si Manding Wana na kilalang aswang dito sa barangay natin.“ Matapang na sagot ng isang bata.

Nainis ako dahil sa narinig. Hello, 2022 na may ganito pa ring paniniwala sa lugar namin?! Bakit kailangan nilang itanim sa utak ng mga bata ang ganyang kalokohan.

“ Umuwi na kayo!“ taboy ko sa kanila. “ At sa susunod na makita ko kayong binubully siya, isusumbong ko kayo sa mga magulang niyo.“ Hindi na sila sumagot at agad namang nagtakbuhan papalayo.

“Ate, salamat po…” ang may paghikbing sabi ng bata sa akin.

“Walang anuman, sige umuwi ka na at magagabi na lalo’t nag-iisa ka lang baka bumalik ulit yung nang-aaway sa’yo.” Tumango ito at napangiti sabay takbo pauwi sa kanila.

Mga bata talaga, kung anu-ano ang pinaniniwalaan. Aswang for real? Napabuntong hininga nalang ako dahil sa isang alala noon- sa isang aswang daw. ###

A/N: This story is a product of my imagination. Para sa akin, hindi totoo ang mga aswang. Anyway, kung totoo man sila, sila ang swerte sa panahon ngayon, dahil sa sobrang mahal ng presyo ng gasolina. Imagine that, di nila kailangan mamasahe, lilipad lang sila. Eh di tipid. Char.

[ITUTULOY]

PART 1

“Muta”

Taong 2005

Sa bayan ng Dolores na kinalakhan ko,  halos magkakilala ang mga tao. Kung hindi man sa pangalan, pamilyar sa mga mukha. Lalo  na sa aming barangay. Magkakakilala ang lahat.

Ang isa sa mga katangian ng aming mga kababaryo ay magpapaniwala sa iba’t ibang elemento.  Gaya ng mga diwata, kapre, duwende at iba pang lamang-lupa lalung-lalo na ang ‘aswang’ . Isama mo pa ang konsepto ng barang at kulam.

Siguro, ginagawa nilang buhay ang ganitong paniniwala bilang pananakot sa mga bata. Para huwag lumabas ng bahay pagsapit ng gabi.

Bilang iyon ang nakagisnan, sadyang tumatak ito sa akin. Pero wala pa naman akong nabalitaang bata o taong kinain ang kanyang laman ng isang maligno o ng isang aswang.

Kaya ang pamilyang pinaghihinalaang aswang, kinatatakutan at iniiwasan.  Isa sa mga napapabalitang aswang ’ daw’ sa bayan namin ay ang pamilya ng mga Claro. Na nagkataong kabarangay namin.

Kung tutuusin isa sila sa pinakamayaman sa aming bayan. May-ari sila nang malalawak na lupain. May sakahan sila ng palay at niyog at marami din silang mga alagang hayop. Nagmamay-ari din sila ng maraming bangkang pumapalaot upang mangisda.

Mabait ang kanilang pamilya. Madalas nga silang magsponsor tuwing may okasyon  sa barangay  o sa bayan. Pero sa kabila ng kanilang mga naitutulong, nananatiling mailap karamihan sa amin dahil bantog silang aswang.

Ang lahat ay nag-ugat sa kwentong ang pinakamatandang Claro noon ay nakita di umano na nagpalit ng anyo. Naging isang malaki at maiitim daw ito na aso. Na sinundan pa ng kwentong nakita itong di pang-karaniwang aso na kinakain ang laman-loob ng isang kambing. Ayon sa mga nakakita, gamit ang itak, tinaga nila ang nasabing pinaghihinalaang aswang na nag-anyong aso.

Natamaan ang hayop sa may bandang leeg  Agad daw itong tumakbong duguan. Mula sa patak ng dugo, nasundan ng mga humahabol ang nag-aanyong asong aswang papunta sa pamamahay ng mga Claro. Kinabukasan, ang matandang Claro ay nabalitaang nasa ospital dahil nagtamo umano ito nang malaking sugat. Kaya’t, pinagdugtong-dugtong nila ang kwento hanggang sa umigting ang balibalitang aswang ang pamilya nila.

Nakapanghihinayang lang na may  ganoong bahid ang pamilya nila. Sa totoo lang, pamilya sila ng mga mestizo.  Maliban sa lahing aswang, may lahi silang Kastila.

Ang mga kalalakihang Claro ay matatangkad, may matitikas at  magagandang pangangatawan. Likas din na mga gwapo. Lalo na si Felestino III o mas kilala sa tawag na Thirdy, ang bunsong apo ng kanilang pamilya.

Si Thirdy ay nasa fourth year  highschool sa isang pribadong paaralan sa aming bayan. Balitang dapat nasa kolehiyo na ito kaso nagloko kaya umulit daw.

Siya ang tipong hindi palakibo at palakaibigan. Hindi ko nga alam kung nakikita ka ba niya o hindi kung nagkakasalubong kayo kasi derecho lang siyang naglalakad o nagmomotor. Dahil sa ganitong pinapakita niya, kilala siyang napakasungit. Hindi palangiti. At hindi rin pala-barkada. Siguro sa barangay namin, wala talaga siyang matatawag na kaibigan. Ang mga kaedaran niya’y hindi na rin lumalapit sa kanya, dahil na rin siguro sa imahe ng kanilang pamilya.

Naalala ko pa nga noon, batang-bata pa ako at isa ako sa mga nambubully sa kanya. Sorry na kung bully ako noon . At malakas ang boses na tawagin siyang, “aswang… aswang.”

Sabado. Nagising ako sa lakas ng ingay na nanggagaling sa tindahan namin- may bibili malamang. Isa kami sa may tindahan sa lugar namin.

Agad akong bumangon at hinanap sila nanay at ang mga kapatid ko.  Ngunit walang sumagot. Bagamat nagtaka kung nasaan silang lahat at iniwanan ang tindahan na walang nagbabantay. Agad kong tinungo ang pintuan kung saan may lagusan sa aming sari-sari store.

“Pabili… pabili..” ang patuloy na tawag ng boses ng isang lalaki sa labas.

Inaantok pa ako kaya di ko mapigilang mainis.  “Saglit lang.” Sobrang istorbo naman nito sa loob-loob ko.

“Ano ba ang bibilhin mo?” Nakapikit pa ako halos na humarap sa bibili.

“Kanina pa ako dito tawag ng tawag. Aba kung ayaw niyo ng may bumibili eh di magsara na kayo!” puno ng inis na pagkakasabi ng boses.

Tila binuhusan ako ng malamig na tubig at tuluyang nagising ang buong diwa dahil sa narinig. Di ko mapigilang sumimangot.

“ Naku pasensya na po at kagigising ko lang po.“ Agad naman akong napatingin sa lalaking customer. Napadilat ang mata ko nang bumungad sa akin ang galit nitong mukha.

Ay anong ginagawa niya dito? Bakit nandito siya, si Thirdy ba ito? Ay malamang bibili, may tindahan kayo anang utak ko nang tuluyan itong nagising.

Kahit nagulat dahil sa di inaasahang customer. Hindi ko maiwasang pasadahan ang mukha  nitong nahaharangan ng grills. Ngayon ko lang siya nakita nang malapitan. Ganito pala siya kagwapo.  Binatang-binata na.

Siguro nasa elementary palang ako noon nang huli ko itong makita kahit kapit-bahay lang namin siya. Tsaka hindi naman ata to naglalabas ng bahay kapag walang pasok. Natatanaw ko lang  siya dati na nagmomotor. Di tulad ngayon na kaharap ko na sa malapitan.

“Alam ko, dahil may muta ka pa sa magkabilang mata!” What?!

Bakit pakiramdam kong gusto ko nalang magpalamon ng lupa ngayon dahil sa sinabi nito. Nakakahiya amputa!

Bakit muta ang napansin niya? Sobrang laki ba ng muta na yan para agad niyang mapansin? Ugh. Bigla tuloy akong nahiya’t na-conscious sa hitsura. Bakit ngayon pa talaga kung kelan bago akong gising. At di man lang nanalamin muna.

Agad akong nagkubli sa mga nakasabit  na kape’t milo upang  pasimpleng magtanggal ng muta. Sinama ko na ring himasin ang gilid ng bibig ko baka may natuyo pang laway. Madudouble kill pa ako nito sa hiya. 

“Ano bibilhin mo?” boung tabang ko nalang tanong.

“ Sunsilk dalawang sachet “.

Luh, bakit sila bumibili ng tingi? Naghihirap na ba sila? Char. 

“ At limang pisong asin,“ dagdag nito. Teka  lang, di ba ang sabi nila, ang mga aswang ay kumokontra sa asin? Eh bakit nandito itong si Thirdy  bumibili ng limang pisong asin.  Anong pagpapanggap ito? Paki-explain.

Di ko tuloy maiwasang muling mapatingin sa kanya. Siguro nabasa niya ang takbo ng utak ko. “

Naubusan

kami..“

So gumagamit talaga sila ng asin? Kung ganun, eh hindi totoong kontra ang aswang sa asin? Ewan.

Tumango nalang ako habang kinukuha ang shampoo at asin. Pagkaabot niya ng bayad, napalabi ako nang makita ang buong 500 na papel.  Seryoso ba siya? Sampung piso lang naman lahat tapos magbabayad siya ng 500.

“ Wala

akong

panukli

.“ Matapos makitang di aabot ang nasa lalagyan ng pera. Mukhang balak lang pala nito magpabarya kaya bumili.  Sa susunod nga,  maglalagay na ako ng paskil na barya lang sa umaga para sa ganitong nagpapalit lang.

“ Wala ka bang barya lang?“ Umiling-iling ito. “ Sunod

mo

nalang

bayaran.

Utang

in

mo

nalang

muna

.“

Iniabot ko sa kanya ang binili niya. “

Sige

.“ Saka ito tumalikod at umalis.

Nakahinga ako ng maluwag matapos ang lahat.

Pero bakit naalala ko pa rin ang kaninang masungit pero gwapo niyang mukha? Animoy  tumatak sa utak ko ang makinis niyang pisngi, mapupungay na mata. Kahit masungit ito at hindi ngumingiti, magandang lalaki pa rin. Bagay sa kanya ang kanyang morenong balat. At matangkad siya. Kinakailangan ko pa nga siyang tingalain kanina. Tapos  malaman ang kanyang pangangatawan.

Walang duda. Gwapo nga siya. Pero sayang. Sayang at aswang daw. Pero punyeta kung  ganito kagwapo ang isang aswang, willing akong  magpalapa. Now na. ###

[ITUTULOY]

PART 2

“Bote”

Simula nang masilayan ko ng malapitan ang gwapong mukha ni Thirdy, hindi na siya mawala sa isip ko.  Naging instant crush ko siya bigla. Redundant ka na teh. Pero di ko ring mapigilan mahiya sa tuwing naaalala ko yung muta. Kaya simula noon, lagi na aking nagpopolbo at nanalamin para siguraduhing wala akong muta.

Kasalukuyan akong nasa sala nag-babantay sa tindahan at baka bumalik si Thirdy. May sampung pisong utang pa yun. Mukhang di pa siya bumabalik para magbayad. Isipin mo yun, ang pinakamayaman sa barangay namin may utang sa amin. Awow hah.

“Vic anak, may iuutos ako sa ’yo .” tawag sa akin ni nanay.

Gusto ko sanang sabihan si mudra  na Victory na ang itawag sa akin at wag yung Vic. Ayoko ng Vic lakas kasi maka-angkol.

Paano Victorino ang totoo kong pangalan. At JUNIOR pa. Kapangalan ko tuloy si Tatay na mahilig manood ng noon time show ni Bosing. Idol niya daw ito kasi kapangalan niya si Bosing Vic. Mema connect lang si pudra din.

Nakita ko si Nanay na papalapit. Nagbabasa din ako ng Precious Hearts Romance na pocket book. Yun kasi ang usong libangan dati. Hiraman at palitan ng novel. Naabutan ko pa ngang may napaparenta ng pocket book. Palibhasa di pa kasi uso ang cellphone noon. Pag naka-3210 o 3310, sikat ka na sa barangay namin. Parang isang luxury ang magkaselpon noon lalo sa lugar naming liblib.

“Ano po ’yun?” ang maikli kong sagot habang patuloy na nagbabasa. Nasa sex scene na ako at ayokong mabitin.

Pwede

bang

mamaya

mo nalang

ako

utusan

nay?

“Kunin mo ang bote ng Red Horse kina Segundo, dalawang case ’yun. At ako ay pupunta ng bayan para mamili.” Segundo ang palayaw ng tatay ni Thirdy dahil Felestino II ito.

Nang marinig ko yun. Bigla akong kinabahan. Pinapapunta ako sa bahay nila Thirdy para sa basyo ng bote.

Sa true lang nangangamba ako na excited. Kahit gusto kong makita si Thirdy pero ayokong pumuntang mag-isa sa kanila.  Sa bahay nila,  na mga aswang? Seryoso  ba si Nanay? Dagdag pang nasa sex scene na ako sa binabasa ko’t ayaw na ayaw kung  mabitin.

“Eh nay, mabigat kaya ’yun, hindi ko kayang dalhin ’yung dalawang kahon,” reklamong kong sagot.

“Di, paisa-isa mong kunin… dalian mo na at maliligo na ako.” Hindi na ako nakasagot dahil dumerecho na siya sa kusina kung saan nandun ang banyo namin.

Inis akong bumangon. Mukhang wala na akong magagawa nito.

Pag bigla akong nawala at di na naka-uwi, kayo ang mananagot!

Kahit may takot at pag-aalinlangan, napilitan akong  maglalakad papunta sa bahay nila. Di ko rin maitago ang pananabik na baka makita kong muli si crush. Nasa bahay nila kaya ito? Sana.

Nakarating na ako. Ito ang unang beses kong makapunta dito sa malapitan. Natatanaw ko lang ito dati nung maliit pa ako dahil sumasama akong maghanap ng gagamba sa mga kalaro ko. At minsan napapadpad kami malapit sa bahay ng mga Claro.

Kung tutuusin, malapit lang naman ang bahay nila sa amin. Walang kalahating kilometro ang layo nito kaya lang papasok ito mula sa main road.  Walang ibang kabahayan. Puro bakanteng lote lang ang nakapaligid. Sa bagay, sa lawak ng kanilang lupain walang talaga silang magiging kapitbahay.

Nilibot ko ang tingin sa lugar. Maganda ang kanilang bahay. Malaki. Gawa ito sa bato at may pinturang puti. Bagama’t makaluma ang desinyo, hindi maitatago ang karangyaan.  Sa unang tingin, hindi naman nakakatakot- mukhang hindi nga bahay ng aswang. Napaka-sopistikado ngang tingnan. Halatang alaga ang front yard kasi may mga tanim na bulaklak na napapaligiran ng bermuda grass.

“Tao po… tao po… mang Gundo!” Malakas kong tawag  mula sa kanilang gate dahil may kalayuan ito sa mismong bahay nila.

“Tao po!” Patuloy kong tawag. Mukhang walang tao o baka tulog dahil napakatahimik ng boung kabahayan. Baka hindi nga nila ako naririnig sa loob.

Nagpalinga-linga ako. Pag may nangyari talaga sa akin nito parang walang makakaalam dahil  walang ibang tao. Bigla akong kinabahan sa naisip. Pag wala pa ring sumagot nito, uuwi na talaga ako. Bahalang magalit si nanay.

Paalis na sana ako, bumukas ang malaking main door ng bahay. Iniluwa ang isang lalaking nakahubad pang-itaas. Gulong-gulo ang buhok. Halatang bagong gising. Shit si Thirdy?!

“Sino ’yan… Anong kelangan mo?” Sigaw nito. Halata ang sobrang pagkainis sa kanyang boses. Naabala siguro ang kanyang afternoon nap.

Naglakad papalapit ito sa may gate. Agad naman niya akong nakita. Rumihestro sa mukha nito ang pagtataka. Iniisip nito kung ano malamang ang ginagawa ko sa kanila.

Napatingin ako sa mukha niya. Ano ba yan, bat ang gwapo kahit bagong gising? Tsaka bakit wala siyang muta? Ang unfair  lang.

“ Anong

kelan

mo

? “ ulit nito. Di ko namamalayang nakatitig na pala ako sa kanya.

“ Er.. diyan ba… Tatay mo?“ Hoy bakit ako nagstutter? Porket kaharap si instant crush, nauutal na.

“ Pinapakuha kasi ni Nanay ’yung…. ’yung bote daw ng Red Horse na binili nila ahhhhhm…. kagabi,“ ang kabadong kong sagot.

Pero di ako sigurado ba’t ako kinakabahan. Dahil ba nasa papamahay ako ng pinaghihinalaang aswang o dahil kaharap ko si Thirdy.

Binuksan nito ang kanilang bakal na gate at tumambad sa akin ang  nakasimangot niyang mukha. Ganito ba dapat, sa tuwing  makikita ko siya, mukhang laging naiinis?

Nang tuluyang bumukas ang gate, tuluyan ko ring nasipat ang kanyang katawan. Pota. Wala siyang suot pang-itaas. Kitang-kita ko sa malapitan ang kanyang malapad at makinis na dibdib. Naghuhumindik ang maganda at pinkish niyang utong. Oh shit. Sarap dilaan.

At mukhang tutulo na ang laway ko nang makita ko ang kanyang abs. Ba’t ganun, hulmang-hulma ito sa kanyang tiyan. Ilan ba yan, anim? Sarap sanang bilangin.

Napalunok ako nang mapasadahn ang kanyang tiyan.  Kita ang kanyang pusod na may pinong buhok na nakapaligid pababa. Ano nga ba tawag sa buhok na yun? Karug?

Bumalik ako sa tamang wisyo nang sumagot ito.

“Natutulog pa si Papa, dahil lasing pa yun.” Nakakunot ang noo nito. Siguro nahalata niyang kanina ko pa tinitingnan ang kanyang katawan. Behave bakla pagkakastigo ko sa sarili.

“ Err… siguro ’yung bote… pwede ko nang kunin?“ masayado pa rin akong distracted sa katawan niyang nakadisplay.

“Pasok ka, at kukunin ko lang sa likod ng bahay.” Hindi pa rin maipinta ang mukha nito. Pero at least,  mas niluwagan nito ang pagkakabukas ng gate para makapasok ako sa loob.

“Dito nalang ako sa labas… baka may aso kayo. Ayokong makagat. Dito ko na lang aantayin… ’yung bote.”  

Ayoko nga. Iba na rin kasi ang naglalaro sa isip ko. Ang daming ‘baka’ na pumapasok.

Wala

kaming

aso

.“ Nahihimigan ko pa rin ang inis sa kanyang boses.

Tumalikod ito’t naglakad.  Naiwan ako sa may gate habang tinatanaw ang likod nang papalayong lalaki. Halatang gwapo ito kahit nakatalikod.

Pagkatapos ng ilang minuto, bumalik si Thirdy. Hawak niya sa kanyang dalawang kamay ang kahon ng Red Horse. May nakapatong na ring puting t-shirt sa kanyang kanang balikat.

“Ayan na ’yung bote.” Pagkatapos niyang mailapag sa lupa ang dalawang kahon.

Mukhang mabigat tingnan. Hindi ko ata kayang buhatin ng sabay ang dalawang kahon.

“Salamat ha, paki-sabi na lang kay Mang Gundo kinuha ko na ang bote.”

Binuhat ko yong isang kahon. Napangiwi ako dahil may kabigatan nga. May tira-tira pa kasi ang iba.

“Paano itong isang kahon?” pahabol niyang tanong. Nakakailang hakbang na ako.

“Babalikan ko nalang, mabigat kasi… di ko kayang buhatin ng sabay.”

“Paano, bakla na payat pa. Hindi naman nakapagtataka.” Mahinang pagkakasabi nito pero nadinig ko.

Biglang uminit ang ulo dahil nabibigatan ako sa dala ko.  Kaya’t agad kong ibinababa ang kahon at humarap sa kanya.

“Oo bakla ako pero hindi ako payat- SLIM lang!” asik ko dito. Alam kong hindi ako malakas. Pero ang ipamukha sa’yo na mahina ka. Nakakabanas.

Palibhasa may taglay lang na kapangyarihan kaya malakas. At ganun nalang makalait sa tulad kong mahina. Pwes, ipapakita ko sa kanya na kaya kong buhatin ang dalawang kahon. Calling, adrenaline rush  baka naman.

Babalikan ko sana ang naiwang kahon, nang nakita ko siyang sinusuot ang kanyang t-shirt. Pagkatapos agad dinampot ang isang kahon ng bote’t naglakad papalapit sa akin.

“Ako nalang magdadala nito, baka magkabali-bali pa ang SLIM mong katawan.”

Bigla niyang kinuha ang isa pang kahon. Bitbit ang dalawa, derecho itong  naglakad papunta sa direksyon ng bahay namin.

Anong

nangyari?

Naiwan akong gulat ngunit hindi ko mapigilang kiligin. Ba’t siya ang nagbuhat?

Malapad na ang ngiti kong hinahabol ngayon ang lalaki.###

[ITUTULOY]

PART 3

“ Friend “

Matapos ang buhat-boteng eksena sa amin ni Thirdy, tila lalong tumindi ang nararamdaman kong paghanga sa kanya. Hindi ko mapigilan ang aking sarili at lagi ko siyang naiisip at  pinagpapantasyahan. Ay malandi din.

Kaya’t kung wala kaming pasok sa eskwela, ako na mismo ang nagbubulontaryong magbantay sa tindahan. Madalas na kasing bumili si Thirdy ng kung anu-ano. Nakakapagtaka lang, hindi naman siya ganito dati.

At sa tuwing bumili siya, sinasadya ko talagang magpacute. Ewan ko lang kung nahahalata niya ang mga ginagawa ko lalo kung kami lang dalawa ang nasa tindahan. Pero di pa rin nagbabago ang facial expression nitong parang laging may kinaiinisan.

Isa sa mga libangan naming magkakaibigan ang maglaro ng volleyball tuwing hapon doon sa bakanteng lupa na pagmamay-ari ng pamilya nila Thirdy.  Kasama ang matalik kong kaibigang bakla ding si Mel at ilang kababatang pinsan. Minsan dumadayo kami sa ibang purok at nakikipagpustahan ng laro. Lagi kaming nananalo.

Kasalukuyang kaming naglalaro. Nakita kong paparating si crush sakay pa rin kanyang motor. Kaya, binalak ko talagang mapunta ang bola malapit sa kalsada para malapitan ko siyang makita. Tamang pagpapansin lang sana. Kaso nung tinamaan ko ang bola, napasobra ang lakas dahil sa excitement ata. Muntik nang mahagip si Thirdy.

Bahagyang gumewang ang kanyang motor nang tangkaiin niyang iwasan ang paparating na bola. Patay!

Agad nitong inihinto ang motor. Galit na bumaba.

“Hoy! Kung maglalaro kayo siguraduhin niyong ’di kayo makakaperwisyo sa dumadaan!” Nakatingin siya sa akin dahil ako ang nakita niyang huling tumira ng bola.

Hindi ako nakasagot. Umurong ang dila ko sa kaba. Kahit gusto kong humingi ng sorry pero hindi ako makapagsalita.

Parang napipi ako. Narinig kong nagsalita si Mel.

“ Hindi

naman

sinasadya

ni

Victory yun.

Kasalanan

ng

bola

bakit

napunta

sa’yo .“ Isa din itong baklang to. Maiyak-iyak na nga ako’t pinipigilan ko lang. Nagagawa pa niyang pilosopohin ang galit na lalaki.

Kinuha niya ang bola at sinipa dahil sa inis ’yun.

“Hoy, bola yan

ng

volleyball at

hindi

ng

soccer,“ pamimilosopo ulit ni Mel.

Buti’t umalis ito at hindi pinatulan si bakla.

Bigla rin ako nakaramdam ng guilt dahil sinadya ko talaga na mapunta sa kanya ang bola. Paano nga kung natumba ito? Parang di ko ata kakayanin na masasaktan siya dahil sa kalandian ko.

Kanina pang gusto kong umiyak dahil sa epic fail na pagpapansin. Pinigilan ko lang ang sarili. Nakakahiya naman kung sa harap ng mga pinsan at barkada ako. Baka magtaka ang mga ito sa reaksyon ko. Di ko pa kasi naikwi-kwento kay Mel na crush ko si Thirdy.

“Baks, ba’t ganyan ang mukha mo? Parang naiiyak ka?” Usisa nito.

Nawalan na ako ng gana. Nagpaalam akong uuwi. Kahit kita ko sa mga mukha nila ang pagdududa, hindi ko nalang binigyan pansin. Ang mahalaga makaalis ako. Baka bumalik ulit ang lalaki. Ayaw ko muna itong makita.

Pagdating ko sa bahay, derecho ako sa kwarto. Doon tuluyang ibinuhos ang sakit at sama ng loob. Hiyang-hiya ako sa sarili ko. Hindi ko alam kung paano ko siya pakikiharapan sa susunod, kung magkita man kami.

Hindi pa nga nagsisimula feeling basted na agad ako. Wala pa nga, wala na agad akong chance kay Thirdy. Galit ito. Galit ito sa akin.  Iniisip ko palang, parang may pinong kurot sa puso ko.

Umiyak ako nang umiyak hanggang sa makatulog ako.

Kinabukasan, pinapaamin ako ni Mel.

“ Baks, anong drama mo kahapon? Wag mong sabihin crush mo si Thirdy?“

Napatango ako at nagtapat nalang. Naikwento ko sa kanya yung una naming pagkikita at maging yung pagpunta ko sa bahay nila.

“Naku baks. Mag-ingat ka diyan sa feelings mo. Alam mo naman kung ano ang imahe nila dito sa atin.” Napayakap nalang ako sa kaibigan.

Kung crush ko lang naman siya. Siguro mawawala rin itong nararamdaman ko sa kanya. Sana.

Matapos ang insidenteng ’yun, hindi na rin ako sumasamang maglaro ng volleyball. Iniiwasan kong makitang dumaraan si Thirdy. Hindi na rin ako nagbabantay sa tindahan.

Sa ilang araw na pag-iwas. Napapansin ni na nanay na hindi ako masyadong naglalalabas. Minsan, napapagalitan ako dahil di ko pinapansin ang mga bumibili.

Pero sa totoo lang, miss na miss ko na siya ng sobra. At sa tuwing naiisip kong galit siya sa akin, lalo akong nalulungkot. Akala ko nga, maglalaho yung nararamdaman ko sa lalaki. Pero bakit tila lumalala?

Sabado. Muli akong inutusan ni Nanay na kunin ang mga bote ng Red Horse sa bahay nila mang Gundo. Gustuhin ko mang tumanggi pero wala akong kapani-paniwalang dahilan.

Di ko naman kayang sabihin na ayokong makita si Thirdy. Na galit ito sa akin.

Desidido akong hindi pumunta kaya naisipan kong pakisuyuan ang isa kong pinsan na siya nalang ang kumuha. Palabas na ako ng bahay. Saktong nakita kong papalapit si Thirdy sa tindahan namin. Bitbit ang dalawang kahon ng basyo ng bote.

Bakit? Talagang mapagbiro ang tadhana kung kelan haggard ang hitsura ko saka ko siya nakikita. Ito ang unang beses na nakita ko siya matapos niya akong awayin at pagalitan. Bigla akong napapasok sa loob ng bahay namin. Nanalamin. Nagpolbo. Dapat wala akong muta.

Naghahalong kaba at tuwa ang nararamdaman ko dahil alam kong nasa labas lang ng aming tindahan ang lalaking iniiwasan ko.

Narinig ko ang boses niya’t bibili daw.

Deadma. Parang hindi ko pa kayang humarap sa kanya. Pero paano ’to? Walang ibang magbi-benta kundi ako lang. Si Nanay naliligo. Hindi pa dumarating ang mga kapatid ko. Kung papatagalin ko’t hihintayin matapos si nanay. Baka mapagalitan ako at mabungangaan. Mas ayoko nun. Ayokong marinig ni Thirdy na pinapagalitan ako.   Mas nakakahiya yun kung sakali.

“Pabili.. Pabili…” Wala akong balak lumabas.

Sana lang umalis na ito bago pa matapos si nanay. Pero sa kaibuturan ng aking damdamin, gusto ko siyang makita. Miss na miss ko na siya.

“Vic, pabili. Alam kung nandiyan ka.” Ay alam niya. At mukhang walang balak itong  umalis.

Napabuntong-hininga nalang ako. No choice. Lakas loob akong naglakad pa puntang tindahan.

“Dinala ko na ’yung mga bote para hindi ka na mahirapan sa pagkuha,” mayamaya sabi nito.

“Ssss..salamat…” mahina kong sabi. Sinadya kong magtago sa likod ng mga nakasabit na kape’t gatas at ilang chichirya.

Lumipas ang mahabang katahimikan.

“Galit ka ba sa akin?” Napsilip bigla ako sa kanya. Oh fuck. Bakit lalo siyang gumagwapo. Ilang araw nga lang na di ko siya nakita.

“Bakit

mo

ako

iniiwasan?“

“Hindi ahhhhh!” Pabigla kong pagtanggi.

“Parang ayaw mo kasi akong makita?”

“Di na kasi kita nakikita dito sa tindahan niyo at sa pinaglalaruan niyo ng volleyball,” dagdag pa nito.

Ay halata bang iniiwasan ko siya? Pero bakit? Anong paki-alam niya?  Matapos niya akong awayin, ngayon umaasta itong hinahanap ako. Labo din.

“Di

daw,

eh

bakit

nagtatago

ka

sa

likod

ng

paninda

niyo

?“ Oo nga pala.

“Ano kasi…. nahihiya ako sa’yo… dahil dun sa nangyari sa may volleyball court…” mahina kong sabi na napapakagat labi pa. Dahan-dahan na akong lumabas mula sa pagkakakubli.

“Ahhh, tungkol dun. Okay na ’yun. Mainit lang ulo ko nun kaya agad ako nagalit.”   Animo nabuhayan ako ng loob nang marinig ko ang sinabi niya 

So, hindi talaga siya galit. Parang tanga lang ako na umiiwas sa kanya ng ilang araw. Wala lang naman pala. Ako lang ang nag-iisip ng ganun. Sarap dagukan ni self.

Napangiti ako’t napatingin sa kanya. “ So friends

na

tayo

?“ di ko mapigilang itanong.

Gusto kong makipag-ibigan sa kanya. Kung walang patutunguhan itong nararamdaman. At least gusto ko na lang mapalapit kahit kaibigan lang niya.

Bahagya itong tumango. At tipid na ngumiti.  Oh no! Mas lalo siyang  gumwapo sa paningin ko dahil ito ang unang beses na nakita ko siyang ngumiti. Nginitian niya ako for real. Di ko tuloy maiwasang kiligin dahil sa isang ngiti.

Tuluyan nang nawala lahat ng awkwardness ko sa kanya. Officially,  magkaibigan na kami. Kahit paano, ito na ang simula.

“Thirdy, ano pala…” alanganin kong sabi. Tumingin siya sa akin na nagtatanong ang mga mata.

“May sayawan kasi sa plaza mamayang gabi para sa fiesta.”

“Hmmm, baka gusto mong sumama sa amin.” As a friend you know.

Gusto ko sana itong yayain at isama. Dahil alam kong hindi ito mahilig sumali sa mga gawain sa barangay gaya ng sayawan. Pagmalapit na ang fiesta sa amin, sunod-sunod ang sayawan.

Tila nag-isip siya saglit saka sumagot. “Sige, anong oras kayo pupunta?”

“Mga alas dies ng gabi.” Nabuhayan ako ng loob. Buong akala ko tatanggi ito. Napangiti akong nang buong tamis.

“Ahh. Sabay na tayong pumunta sa sayawan. Daanan nalang kita mamaya. Angkas ka nalang sa akin sa motor.”

Hoy, bakit niya ako niyayaya? Apakabilis naman ata. Kanina lang ayoko siyang makita tapos heto’t  nag-offer siya na sasabay sa kanya.

“Sige, ikaw ang bahala,” pilit kong itinago ang nabubuhay na kilig. Parang kelan lang pinagpapantasyahan kong nakaangkas ako sa kanya. At mamayang gabi, mukhang matutupad na.

“Vic.. “ tila nagising ako sa aking pagpapantasya nang marinig kong tinawag niya ako.

“Yung binibili ko…” Napakamot ako sa ulo dahil nawala sa isip ko ’yun. Hmp, inuna pa kasi ang kalandian. Kanina pa  niya nasabi ang bibilhin nito.

Nakita ko siyang bahagyang natawa sa tila pagkalutang ko. “Wag mo kasi akong laging titigan para di ka nakakalimot.”

Napasimangot ako. Nakita ko ulit siyang  ngumiti. Marunong pala siyang ngumiti. Dapat lagi siyang nakangiti para lalong nagiging maamo ang kanyang mukha. At least siya lang ang may maamong mukha na aswang. 

Iniaabot ko sa kanya ang binili niya. Ewan ko lang kung sinadya niya hawakan ang kamay ko o sadyang nagkataon lang.

Lihim akong napangiti sa pagdidikit ng aming mga palad. At nagpaalam na ito.

Umalis na siya habang ako naiwan na hindi makapaniwala at kilig na kilig pa rin. Excited na ako mamayang gabi. ###

[ITUTULOY]

PART 4

“Itlog”

Hindi pa rin ako makapaniwalang, sasama sa akin este sa amin mamaya si Thirdy. Di ko mapigilang kiligin. Ngayon palang parang hindi na ako mapakali. Sana gumabi na agad.

“Bakla, anong outfit mo mamaya?” tanong sa akin ni Mel, ang best friend kong si Melandro na junior din. Ewan parang lahat atang bunsong anak na lalaki na ginawang JR ay matic na nagiging bakla. Share ko lang. 

“For sure maraming dayong boys dun galing ibang barangay,”   dagdag pa nito. In fairness naman sa barangay namin. Kahit remote ito, maraming magaganda dito. Kaya pag may sayawan. Yung mga kadalagahan, laging niyaya ng mga organizers pang hatak sa mga binata as an income generating activity.  Ang kikitain ng sayawan ay mapupunta sa simbahan o pang gastos sa darating na piyesta.

“Siguro magdri-dress nalang ako, yung nabili natin sa ukay..” sagot ko. In fairness din sa pamilya ko, tanggap nila ang pagiging bakla ko. Suportado nila kasi kahit papaano matino at academic achiever ako. Since bata palang, nakakitaan na ako ng signs and symptoms ng pagiging bakla. Bagama’t alam kong disappointed si tatay dahil ang nag-iisang busong anak niyang na lalaki at Jr pa  naging bakla.

“Sige, sige hihiramin ko ang make-up ni Ate Andrea para gamitin natin mamaya ,” nangingiti at excited ring sambit ni Mel.

Ganito kami lagi ni Mel kapag may ganitong okasyon o dumadayo sa ibang barangay para makisayaw sa piyesta, nagbibihis babae kami. Gusto lang namin magpapansin at magpasikat sa mga boys, ganern. Plus, magaling pa kaming sumayaw lalo ang ballroom dance. 

“Ahmm… Mel, di pala ako sasabay sa’yo pagpunta sa plaza mamaya…” nag-aalangan kong sabi.

“Bakit naman?” nagtatakang tanong niya. “Eh lagi naman tayong magkasamang pumupunta sa plaza ah.”

“Eh kasi…… kasi kasama ko si Thirdy…… mamaya….. aangkas ako sa motor niya…”

“Ano baks??!”  Nagulat  niyang tanong dahil hindi rin ata makapaniwala. 

Una, aloof ang lalaki sa amin. Di ko pa kasi naikwentong opisyal na kaming magkaibigan ng lalaki simula kanina.

“Niyaya ko kasi… Ayun pumayag naman at gustong sumama,” sagot ko. Wala naman  itong nagawa kundi pumayag. Ramdam ko mula sa kanya ang pag-aalala. Hoy, sasabay lang ako sa kanya hindi ako magpapalapa. Rawr!

Matapos mapagkasunduang sa bahay nalang nila kami mag-aayos at magpapaganda mamaya. Nangingiti akong umuwi. Sobrang excited lang sa sayawan mamaya. Hindi ko rin maiwasang mag-imagine na sumasayaw kami ni Thirdy ng isang sweet dance. Habang nakahilig ang ulo ko sa kanya. At siya nakahawak sa bewang ko. Isipin ko pa ngalang na aangkas ako sa kanya mamaya, parang gusto ko nang maihi sa kilig.

Maliligo ako mamaya ng Bambini cologne para siguradong mabango.

Gabi na. Pagkatapos maligo at kumain, nagpaalam na ako na pupunta sa bahay nila Mel. Suot ang sleeveless black dress na hindi umabot sa tuhod ang ikli. Nagpaikot-ikot pa ako sa salamin para kilatisin ang hitsura. Mukhang bagay naman sa akin.

Bago pa umalis ng bahay, halos maubos ang bagong bili kong pink Bambini sa kapapahid  sa aking katawan at damit. Bambini kasi ang uso noon. Mabango na’t mura pa.

Naglalagay na sila Mel ng make-up pagdating ko. Mas pinili kong maglagay ng kaunting eyeshadow at eyeliner, kaunting blush on at lipstick. Ayoko ng  heavy make-up dahil for sure mabubura lang yun mamaya pag pinapawisan. Tsaka hindi pa ako ekspertong  maglagay noon. 

Nakahanda na kami lahat para pumunta sa plaza. Pero kanina ko pa iniisip, paano pala ako masusundo ni Thirdy nito. Gayong nasa bahay ako nila Mel at wala kaming communication sa isa’t isa. Ganun kahirap dati, di gaya ngayon na ang bilis na.

Balak ko sanang bumalik nalang sa bahay at doon sa labas nalang tindahan siya hintayin. Palabas na sana ako, nang marinig namin ang bagong dating na motor.

Sumilip sa bintana si Mel pagkakuwa’y narinig ko siya. “ Bakla, diyan na ang sundo mo.“ Napangiti ako.

Mabilis akong lumabas at nakita ko nga si Thirdy. Walang reaksyon ang kanyang mukha. Pero parang may kakaiba sa tingin niya. Nalalaswaan ba ito sa suot kong dress?

Lihim ko naman siyang pinagmasdan. Nakasuot ito ng maong pants, fitted na white shirt at puting rubber shoes. Ang simple lang pero ang gwapo niyang tingnan. Naku, wag lang sanang umulan mamaya dahil baka biglang maging brown yang suot niyang sapatos. 

Nahihiya pa akong lumapit sa kanya pero nagawa ko siyang batiin. “Hi.”

“Dumaan ako sa inyo, sabi ng Nanay mo, nandito ka daw,” sabi nito.

Napangiti nalang ako na hindi pa rin makapaniwalang sinundo nga niya ako. 

Bumalik ako sa loob ng bahay para magpaalam. “Baks, aalis na kami. Kita nalang tayo sa plaza.”

Bago pa ako tuluyang makalabas narinig ko ang hindi ko mawari kong seryoso o biro niyang paalala.

“Ingat ka baks, mamaya kainin ka niya kabilugan pa naman ng buwan.”

Oo nga pala bilog na bilog ang buwan kaya may liwanag sa labas kahit gabi na.

“Eh di kakainin ko rin siya.  Magkakainan pa kami.” ganting biro ko nalang.

Hindi na talaga ako natatakot dahil nanaig ang kilig ko kay Thirdy. Kahit isa  daw itong aswang. Gwapong aswang. Pero duhh, mga bakla na ngayon ang modern aswang dahil sila ang sumisipsip. Di pa kasi ako nakasipsip eh.  Pero wait lang naman, aswangin ko kaya ito si Thirdy para makasipsip na ako? Weird, pinaghihinalaang aswang aaswangin? Erase. Erase.

Erase.

Pagbalik ko sa lalaking naghihintay. Muli kong nasilayan ang kakaiba niyang titig. Pero di ko nalang binigyan pansin.

“Ba’t ka naka-dress?” nahimigan ko ang inis sa boses niya.

“Alam mo namang aangkas ka sa motor ko.”

“Eh kasi gusto ko kasi maging maganda ngayon sa sayawan.”  Problema nito, eh gusto ko lang naman maging maganda ngayong gabi. Hindi porket friend na kami pwede  na niyang sitahin ang outfitan ko.

“Sino ba dun ang gusto mong pagandahan?” Ikaw. Gusto ko sanang isagot pero di nalang ako umimik. 

“ Angkas na.“ Tahimik akong sumampa sa kanyang motor.

Ito ang unang pagkakataon na magkadikit halos ang aming katawan. Nalanghap ko ang kanyang mabangong lingkuran. Hindi ako pamilyar sa panlalaki niyang pabango. Mukhang mamahalin. Sabagay, mayaman naman sila.

Lihim akong nangingiti at kinikilig habang sinisinghot ko siya. Subalit,  lahat ng yun ay biglang naglaho dahil sa sinabi niya.

“ Kumapit ka sa akin baka malaglag ka pa. Lumabas pa yang itlog mo..“

Parang binuhusan ako ng tubig sa hiya dahil  sa narinig ko. Anong problema niya sa itlog ko?

[ITUTULOY]

PART 5

“Sweet Dance”

“ Kumapit ka sa kin baka malaglag ka pa. Lumabas pa yang itlog mo.“

Parang paulit-ulit na naririnig ko ang sinabi nito.  Sa halip na kiligin habang nakaangkas sa kanya, nawalan ako ng gana. Inaano ba siya ng itlog ko at yun ang napagdiskitahan niya. Eh may itlog naman siya. Baka nga mas malaki pa ang itlog niya sa itlog ko . Grrrrrrrrr!

Pag dating  namin sa plaza, alam kong pinagtitinginan kami o mas tamang sabihin si Thirdy ng mga kababaryo ko. Ito ata ang unang beses niyang pumunta sa sayawan at kasama ko pa. Mukhang alam ko na ang tsimis na lalabas bukas sa aming tindahan.

“Ahhh Third, hanapin ko lang sina Mel sa loob.” Nakapwesto kami sa gilid ng simbahan kaharap lang ang plazang puno ng sumasayaw sa awitin ng Sex Bomb . Get, get aw! Tumango lang ito.

Kaya pumasok na ako sa loob para hanapin si Mel. Mas nauna kasi silang nakarating dahil sa shortcut sila dumaan.

Madilim sa loob, tanging liwanag lang  mula sa disco lights ang nagbibigay tanglaw. Dikit-dikit dahil lahat ay nagpapamalas ng kani-kanilang galing sa pagsayaw.

Nakita ko na si bakla. Nagpapakitang gilas sa pagiling pababa at pataas dahil napapalibutan ng mga kabarangay naming lalaki. Bida yern.

Lalapit na sana ako sa grupo nila nang may biglang humila sa akin. Si Joshua pala, kaklase ko.

“Sayaw muna tayo Victory.” Tatanggi sana ako pero naging mapilit ito. Wala na akong nagawa kundi pagbigyan siya. In fairness dito, marunong at magaling itong sumayaw. Palibhasa parehas kaming kasali sa school dance troupe.

Nagpakitang gilas ito ng kanyang malambot na katawan habang nakadikit at gumigiling sa akin. Taray ng giling steps- left and right, up and down. Nadala na rin ako kaya sinabayan ko siya nang bongga. Gumiling din ako. Mas malambot ang slim kong katawan. Wag kayo.

Dahil na-enjoy na rin ako sa pagsasayaw, naging bigay todo kami. Nawala na rin ang inis ko kanina dahil sa itlog

ko. Kaya naka-agaw pansin kami. Natuon bigla ang atensyon ng iba sa aming dalawa ni Joshua.

Naririnig ko pa ang sigaw nilang lower. Napangiti ako at lalong ginanahan. Lower daw. Eh di i-lower pa natin. Sayang naman ang pagdri-dress kung hindi natin ilo-lower.

Sa panahong yun usong-uso ang lower style sa pagsasayaw. Sex bomb moment. Wag kayong ano.

Si Joshua naman sumabay din sa paggiling pababa’t pataas. Spaghetti yarn. Parang hindi na namin alintanang sobra lapit at lapat na ng aming mga katawan. Hataw na hataw lang.

Hanggang sa unti-unting humihinto ang music at lumiliwanag ang dance floor. Patapos na ang disco music. Unti-unti nang nag-aalisan ang iba sa gitna ng dance floor.  Hinila ako ni Joshua, palabas.

Habol ang hiningang naglalakad pabalik sa may simbahan nang mahagip ko ang matalim na tingin sa amin ni Thirdy. Parang galit. Bakit galit yarn?

Nagdadalawang-isip ako kung lalapitan ko agad siya o hindi. Sa huli humakbang ako papalapit sa kanya. Kawawa naman wala siyang kasama at kausap.

Nakalapit na ako wala pa rin itong kibo. Napansin kong umiinom pala siya ng red horse.

“Mukhang enjoy na enjoy ka kanina sa

paglolower

dun sa kasayaw mo.“

tila may inis na bigla niyang nasabi. Nakita niya pala ang ginawa namin.

“Ahhh, kaklase ko yun si Joshua.” hindi ko maiwasang magpaliwanag sa kanya. Kahit inis ako sa kanya. Ayokong isipin niya na kalandian ko si Joshua.

“Kaya ka pala nag-dress.” may pang-uuyam na sabi nito.

Aba teka lang. Ba’t parang badtrip ito? Dahil ba iniwan ko siya kanina at nakipagsayaw ako. “

Galit

ka ba?“

Hindi ko na mapigilan ang sarili ko dahil nainis na ako sa pinapakita niya. Tumingin lang ito sa akin pagkatapos tinungga ang alak na kanina pa niya hawak-hawak.

Lumipas ang mahabang katahimikan.

Eksaktong, disco music naman ang pinapatugtog ng dj ngayon after ng ilang sweet music na may bayad.

Ang sistema sa sayawan, kapag disco music walang bayad. Parang dance for all. Pero ang sweet dance, yun ang may bayad ng sampung piso.

May mga dalagang naka-upo sa loob ng sayawan. At pwede kang mamili kung sino ang isasayaw mo sa kanila. Pwede ring magrequest ng special dance. Yung solo or group kayo na sasayaw sa gitna with your chosen partner/s.  Magbabayad ka lang ng singkwenta. Kapag special dance walang pwedeng makihalong iba maliban sa’yo or sa kagrupo mo of course with your requested song. Most requested song noon ang Hotel California by The Eagles kasi mahaba. Sa intro palang ng kanta makakapanligaw na ang lalaki sa dalaga.

“Gusto mong

sayaw

ta-.“ Di pa ako tapos magsalita bigla nalang niya akong hinila papuntang plaza. Papasok sa dance floor.

Habang hawak-hawak niya ang pulsuhan ko, nahagip ng paningin ko siya Joshua papalapit sa pwestong pinanggalingan namin. Kumakamot-kamot sa likod ng ulo nito.

Nagpatianod nalang ako sa kanya kahit alam kong pinagtitinginan Kami.  Malamang nagtataka sila.

Pumwesto kami sa gitna ng dance floor. Crowded talaga. Halos magdikit na kami ng lalaki. Sa simula hindi ako makasayaw nang maayos dahil pagbangon ng kaba sa dibdib ko. Sa sobrang lapit namin sa isa’t isa lalong nag-iinit na ang pakiramdaman ko.

“Ngayon ka maglower sa akin,” mahina niyang bulong. Bahagya pa itong yumuko.

Awtomatiko akong napatingala. Palibhasa, nasa 6 ft ata ang tangkad nito kumpara sa aking nasa 5’4 ft lang. “Anong sabi mo?”

“Sa akin ka na

gumuling

.“ nakita ko siyang nakangisi na. Mukhang di na galit.

Ano daw? Gusto niyang gilingan ko siya. Seryoso? Pumaibabaw muli ang Sexbomb song. Di ko na

Mapipigilan

. Pwes, hindi rin ako papipigil.

Giling pala ang hinahanap nito. Kulang ata sa giling kaya siguro, galit kanina. Eh di pagbigyan.

Tumalikod ako sa kanya. At sadyang idinikit sa kanyang harapan ang pwetan ko. Bahala na. At nagsimula na akong gumalaw-galaw. Giling ba kamo? Pwes, shake my booty ang peg. Nicki Minaj who. Pak.

Habang nagpapatuloy sa pag sayaw, napangiti ako lalo nang paglingon ko nakita ko siyang nakangiti. Parang nasasarapan ah. Giling lang pala ang gamot. More booty shake because giling is life. Tangna, hindi pa nagtwi-twerk si Miley Cyrus, nauuna na pala akong magtwerk. Char.

Dahil sa sobrang siksikan pa rin, lalo akong nadidikit sa kanya. Naramdaman ko namang tila idinidiin pa niya lalo ang kanyang hinaharap sa pwetan ko. Kaya parang nagbounce ito. Err tumatalbog-talbog pabalik-balik.

Pota.  May nasalat naman ang pwetan ko na parang matigas na wala kanina. Belt niya ba yun? Baka.

Patuloy ako sa paggiling. Hindi dapat ako mapagod. Kaya binigay todo ko na. Ngayong gabi, giling is the key.

Hanggang sa unti-unti na muling nagliliwanag ang dance floor tanda na magpapalit na ng music, sweet music. Hinila ko siya paalis na sana ng dance floor. Pero nanatili lang siyang nakatayo.

Bagama’t di pa rin lubusang maliwanag, naaninag ko ang kanyang mukha. Ang gwapo niyang mukhang pawisan. At ang kanyang mga matang nakatitig sa akin. Ayaw ba niyang umalins. Bakit?  Sasayaw ba kami ng sweet dance?

Palingon-lingon ako sa paligid. Nakita kong ang kaninang punong dance floor ay nabawasan na.  Siguro nasa sampu nalang kaming pares  na naiwan.

Gusto ko sanang kumaripas ng tumakbo at iwanan ito. Pero nakahawak siya sa pulsuhan ko nang mahigpit. Confirmed. Gusto niyang sumayaw kami. Bahala siyang magbayad ng sampung piso.

Walang anu-ano’y unti-unting pumapainlanlang ang intro ng Hotel California. Dafuck

!

[Hotel Cal intro]

Nanginginig na ako sa halo-halong emosyon. Kaba, hiya at gulat. Pakiramdam ko lalo kaming pinagtitinginan. Nang bigla niya akong hapitin sa bewang, papalapit lalo sa kanya.

OMG. First sweet dance ko. At kay Thirdy pa, na crush ko! 

On a dark desert highway

Cool wind in my hair

Warm smell of colitas

Rising up through the air

Up ahead in the distance

I saw shimmering light

My head grew heavy and my sight grew dim

I had to stop for the night

Nanghihina ako dahil hindi pa rin makapaniwalang, ka- sweet

dance ko siya. Bilang suporta, ipinatong ko ang dalawa kong braso sa kanyang balikat. Nakapulupot ang mga braso niya sa beywang ko.

Kung titingnan mukhang nagyayakapan na kami.

Sa sobrang lapit namin sa isa’t isa na aamoy ko ang kanyang mabangong katawan kahit pawisan.

There she stood in the doorway

I heard the mission bell

And I was thinking to myself

This could be Heaven or this could be Hell

Then she lit up a candle

And she showed me the way

There were voices down the corridor

I thought I heard them say

Halos mabingi ako sa lakas ng tibok ng puso ko dahil sa kaba. Hindi pa rin maproseso ng utak ko ang nangyayari. Parang nahihirapan akong huminga. Marahan kong siyang itinulak  pero lalo pa nitong hinigpitan ang pagkakasikit sa akin.

Bakit ang ibang sumasayaw may space pa sa gitna? Hindi sila ganun kadikit. Bakit sa amin ay dikit na dikit?

Welcome to the Hotel California

Such a lovely place (such a lovely place)

Such a lovely face

Plenty of room at the Hotel California

Any time of year (any time of year)

You can find it here

Pag-angat ko nang mukha, nakita ko siyang nakangiti. Parang tuwang-tuwa.

Hindi pa rin ako makapaniwala. Kung kanina ini-imagine ko lang na, heto kasayaw ko na si Thirdy ng ganito.

Her mind is Tiffany-twisted

She got the Mercedes Benz

She got a lot of pretty, pretty boys

She calls friends

How they dance in the courtyard

Sweet summer sweat

Some dance to remember

Some dance to forget

So I called up the Captain

Please bring me my wine

He said, ’We haven’t had that spirit here“

“Since 1969”

And still those voices are calling from far away

Wake you up in the middle of the night

Just to hear them say

Sa sobrang saya at kilig ko ngayong gabi, parang ayaw ko ng matapos ang kanta.

Mirrors on the ceiling

The pink champagne on ice

And she said, ’We are all just prisoners here“

“Of our own device”

And in the master’s chambers

They gathered for the feast

They stab it with their steely knives

But they just can’t kill the beast

Last thing I remember, I was

Running for the door

I had to find the passage back

To the place I was before

“Relax, “ said the night man

“We are programmed to receive”

“You can check-out any time you like”

“But you can never leave!”

At mukhang magiging favorite song ko na itong Hotel California simula bukas.  Makapagpaburn nga ng cd nito. ###

[ITUTULOY]

PART 6

“CD Burn”

Parang nakalutang pa rin ako sa tuwing naalala ko ang sweet dance namin ni Thirdy. Sadyang hindi ko lang akalain na makakasayaw ko siya. O mas tamang sabihin hindi ako makapaniwalang isinayaw niya ako. Kaya’t hindi ko tuloy maiwasang isipin na baka crush niya din ako.

Well, hindi naman sa pagmamayabang gwapo daw ako sabi ng nanay ko. Sabi-sabi nga sa barangay namin na magaganda kaming magkakapatid. Kung ang mga kaibigan ko ang maglalarawan sa akin, agad nilang sasabihing mukha akong babae. Hindi naman sa pagiging boastful no, may ipagmamayabang din ako. Kasi kahit probinsya ako lumaki, makinis ang maputi kong bilat este balat. Marami ngang nanghihinayang at naging bakla ako.

At ang banggit pa ng mga matatabil ang dila na mga kapitbahay, kung naging totoong babae nga daw ako, mas maganda pa ako sa mga kapatid ko. Well, well apat kaming magkakapatid. Ang aming panganay na si Ate Kris, nasa Manila, may asawa na. Samantalang ang pangalawa ay nasa kabilang bayan at graduating ng BS Education si Ate Daisy,  kasama si Ate Anne, ang sinundan ko na kasalukuyang  2nd year level at kumukuha ng kursong Business Ad. Tuwing weekend lang sila umuuwi o pag walang pasok.

Nasa halos anim na taon ang agwat namin ni Ate Anne. Dahil ang naririnig ko sa tuwing may inuman sa bahay at nalalasing si Tatay. Gustong-gustong magkaroon ito ng anak na lalaki. Kaya pilit na humabol kaya naging menopause baby ako. Sa sobrang tuwa pa nga ni Tatay nung nalaman niyang finally lalaki ang bunso, ginawa niya akong JUNIOR. At nagkatay ito ng isang kalabaw at dalawang baboy nung bininyagan ako sa sobrang pasasalamat. Buong barangay daw ang kanyang inimbita. Parang naging piyesta nga ang dating nung binyag ko sa dami ng handa at bisita.

Pero habang lumalaki ako, nakakakitaan nila ako ng pagiging malambot. Siguro, environmental factor ang isang dahilan bakit ako naging bakla dahil puro babae ang nakikita ko sa bahay. Kilos babae ang nagagaya ko.

Alam kong disappointed si Tatay dahil ang inaakala niyang tanging anak na lalaki ay di niya akalaing magiging babae rin. Pero pasalamat din ako dahil kahit kelan, hindi ako napalo o pinagbuhatan ng kamay ni Tatay dahil sa pagiging bakla ko. Tanggap at suportado nila kung ano at sino ako.

Pagkatapos ng klase agad akong nagtungo sa nag-iisang computer shop sa aming bayan ng Dolores para magpaburn ng kantang Hotel California. Kaso pipila pa dahil maraming customer. May gustong magpa-encode, paprint, magcomputer at gaya ko magpaburn ng mga kanta sa CD. Yun kasi ang uso noon—wala pa ang bluetooth at usb.

Pagtingin ko sa suot kong relo, malapit nang mag-alas sies ng gabi. Bigla akong kinabahan dahil hanggang six lang ang huling biyahe ng tricycle papunta sa barangay namin. Pero dahil sa kagustuhang maburn na ang bagong paboritong kanta, hinintay kong matapos. Pagsilip ko muli sa orasan, malapit nang mag-6:30. Pagkatapos,  lakad-takbo ako papunta sa paradahan ng tric nagbabakasakaling may biyahe pa. Nanlumo ako nang makarating, na wala akong naabutang sasakyan. Bigla akong nangamba. Potang kalandian to, mapapahamak ako. Paano ako nito uuwi? Kulang-kulang isang oras ang biyahe sa barangay namin. At kung maglalakad ako, delikado dahil mag-isa lang ako. Paburn pa more. 

Lihim nalang akong nanalangin na sana may kabarangay pa akong nasa bayan para maki-angkas. Kung maghahanap ako ng tric para sa espesyal na biyahe, sisingilin ako ng P50.00-100.00. Di kasya ang pera ko dahil nagbayad ako sa pagpapaburn ng CD. Pero naisip kong sa bahay nalang ako magbabayad. 

Ngunit kalahating oras na akong nag-aabang, wala pa rin akong makitang tricycle. Nagsimula na akong kabahan dahil mag-isa lang ako sa paradahan. Sa kaibuturan ko, nagbabakasakaling susunduin ako ni Tatay. Pero bigla kong naalala na hindi pala nila alam na hindi pa ako naka-uwi. Nagsabi sila kanina na pupunta sa kabilang barangay para sa pa-40 days ng isang naming kamag-anak. Tiyak may inuman dun at gagabihin sila sa pag-uwi. So wala talagang nakakaalam na hindi pa ako nakakauwi. Alas otso na ng gabi.

Naiiyak na akong nakaupo, nilalamig at nag-iisa sa paradahan. Niyakap ko ang aking sariling habang nakayuko ang ulong nakalapat sa tuhod dahil sa frustration. Tinitiis rin ang kagat ng mga lamok. Hindi ako pwedeng umalis dito dahil baka hanapin at sunduin ako bigla ni Tatay.

Makalipas ang ilang minuto, narinig ko ang paparating na motor. Napaangat ako ng tingin. Nasilaw sa ilaw na nanggagaling sa headlight. Sa una, di agad makita’t makilala ang bagong dating dahil sa nakskasilaw na ilaw. Pero lahat ng kaba ko kanina’y lahat napawi nang marinig ko ang pamilyar na boses. “Bakit ka ginagabi?” May inis na sabi ni Thirdy na parang magulang na naninita ng anak na late umuwi.

Pinahid ko ang luha sa mukha ko. Di ko mapigilang mapangiti. Pero bakit siya nandito?

Klarong-klaro na ngayon ang kanyang  seryoso ngunit gwapo pa ring  mukha. Bakit parang nag-aalala ito? Paano niya nalamang nandito ako? Lumapit siya sa akin. Hinawakan niya ang isang kong  kamay para alalayan akong tumayo. Napaigtad ako bigla nang maglapat ang aming mga balat dahil may kakaibang sensasyong bumalot. Agad akong kinabahan at bumilis ang tibok ng puso ko. Shit

 

na

malagkit

.

“Di ko kasi naabutan yung last trip, may ginawa pa kasi ako sa computer shop… eh maraming tao,” mahina kong pagpapaliwanag. Sa kabila ng biglang pag-iinit ko lalo na sa mukha dahil sa tuwa’t kilig. Parang nabunutan ako ng tinik dahil alam kong makaka-uwi na rin ako nang ligtas. Lihim akong nanalangin ng pasasalamat.

“Ano ba yang kantang pinaburn mo na hindi makapaghintay at pinilit mo talagang magpagabi?”

Napaawang ang labi ko dahil sa gulat at pagtataka . Bakit niya alam na nagpaburn ako? Akala ko pauwi palang siya, ginabi din at sadyang nagkataon lang na nadaaanan niya ako.

Napatingin ako sa seryoso niya pa ring mukha. Nakasampa na siya sa kanyang motor. “

Bakit

mo

alam?“ Mukha lang akong timang, yung tinanong ka pero sinagot mo ng balik-tanong. Pag crush nga naman ang kaharap nakakalutang. Confirmed. Pero

paano

nga

niya

nalaman?

“Angkas na..”

madiing utos niya lang. Sungit naman.  Agad akong lumapit sa kanyang motor at sumakay sa likuran.

Muli kong nalanghap ang pamilyar niyang pabango. Bango talaga nito. Ganito ba kabango kapag aswang. Char. Habang inaamoy-amoy ang kanyang likuran at batok, hindi ko maiwasang ma-consious sa amoy ko lalo’t gabi na. May bisa pa rin kaya ang Bambini?

“Kumapit ka…” aniya. Lihim akong napangiti at ipinulupot sa kanyang beywang ang dalawa kong braso. Hindi ito ang una kong angkas sa kanya pero ito ang unang beses na nakapulupot sa kanya. Pero bakit wala nga pala siyang dalang bag? Hindi ba siya galing school? Pero naka-uniform naman siya ah. Agad ko namang iwinaksi ang mga katanungan ko dahil nag-uumapaw na kilig. Kung kanina labis akong nangangamba pero ngayon, masaya na ako. Parang savior lang ang peg ni Thirdy. Mas lalong tumindi ang paghanga ko sa kanya. Ayieeeee .

Habang nagbibiyahe, wala kaming imikan. Madilim ang kalsada. Tanging tunog ng mga kuliglig na humahalo sa tunog kanyang motor ang maririnig. May kaunting liwanag din ang buwan. At ang mga butuin ay nagsisikislapan. Mapayapa ang gabi. Parang ang sarap matulog lalo’t nakahilig ako sa likuran ni Thirdy. Feel na feel ko ang pagkakayakap sa kanyang malapad na likod. Ang kanyang natural na init ay nakakatulong para labanan ang malamig na simoy ng hangin.

Walang anu-ano’y biglang napahinto ang motor. Dahil sa impact, muntik akong malaglag buti’t nakakapit ako sa matigas niyang beywang.

Magtatanong na sana nang mapansin ko ang isang itim na bagay sa harapan namin. Nang maitutok ang ilaw ng sasakyan, bumulaga ang isang itim at napakalaking aso. Hindi pangkaraniwang ang laki nito. Nakaharang sa kalsada. Kaninong alaga ba ’to. Pota nakakatakot ang hitsura. Kitang-kita ang mga matang nitong tila nagliliyab na parang apoy dahil natatamaan ng ilaw. Pakiramdam ko’y pinagmamasdan kami nito.

“Third… yung aso baka.. baka..” nababahala kong sabi. Hindi ko rin masabing baka kagatin o lapain kami dahil hindi naman ito nagpapakita ng pagiging agresibo. Parang nakatingin lang ito sa amin, pinag-aaralan kami.

Hindi siya umimik at muling binuhay ang kanyang motor. Balak niya bang sasagasaan ang aso? Kahit nakakatakot ito pero nakakaawa din. Sa muling pagsulyap ko, nakita kong tumakbo na ito sa madilim na bahagi ng kalsada. Ang kanyang itim na kulay ay humalo sa dilim at tuluyang naglaho. Di ko na makita ngunit naririnig ko pa ang mga kaluskos nito.

“Huwag ka nang lumabas ngayong gabi sa bahay niyo!” Habilin niya sa akin matapos akong maihatid.  Buti nalang, wala pa sina nanay.

“Huwag na huwag kang lalabas!” may diing pag-uulit sa habilin nito. ###

[ ITUTULOY ]

PART 7

“Cutie Wang”

H apon ng Sabado. Kasalukuyan nasa bakanteng lote kami kung saan naglalaro kami ng volleyball.

“Baks, anong oras ka pala naka-uwi kahapon?”   tanong ni Mel. “ Kasi pumunta ako sa inyo para sana bumuli kaso sarado kayo. Nakita ko nga si Thirdy dun sa tindahan niyo.“ dagdag pa nito.

“Si Thirdy?” parang inulit ko lang ang sinabi ni Mel. “Oo siya. Nabanggit ko nga na baka hindi ka pa naka-uwi dahil pumunta ka pang computer shop para magpaburn ng kanta,” pagpapatuloy nito.

Parang naputol ang dila ko sa narinig.  So, pinuntahan pala ako ni Thirdy dun, para sunduin. Hindi lang yun nagkataon. Omgeeee! Rumihestro sa mukha ko ang ngiti at kilig. Parang gusto kong maglupasay sa bermuda grass dahil sa nalaman. Like he cares. He really cares!

Nangingiti akong napatingin sa kausap . “Oh, ba’t parang kilig-kilig ka diyan, ano ba ang nangyari sa’yo?” pagtatakang tanong nito.

Pinili ko nalang ilihim  ang nangyari. “ Wala, nakakita ako ng kabarangay natin, sa kanya ako naki-angkas dahil di na ako umabot sa huling biyahe ng tricycle.“   Mabuti naman hindi  na ito muling nagtanong, mukhang kumbinsido sa sagot ko. 

Tuloy naalala ko yung kakaibang asong nakita namin. Sino kaya may-ari nun? Parang wala naman akong nakikita o nababalitaang taga-rito sa amin na may ganung klaseng alagang aso. Ano kaya breed nun? Palahian ko kaya ang aso naming si bantay para hindi na  kami nananakawan sa tindahan.

Naagaw ang pag-iisip ko sa kakaibang hayop nang makita namin ang paparating ang motor ni Thirdy. Lihim akong napangiti’t bahagyang kinabahan. Buti nalang sinundo niya ako. Thoughtful pala ang aswang.

“Baks, andiyan si ‘cutie wang’ mo?” bulong ni Mel. Cutie wang? Sino yun?

“Huh, sinong cutie wang?” nagtatakang napatingin ako sa kanya . “Si Thirdy ba. Cutie wang for cute na aswang, duhh!” nakangising sagot nito. Muntik ko na siyang kurutin dahil sa sinabi. Ang lokaret talaga kung anu-anong pangalan ang naiisip. Pero infer cute ng cutie wang . My cute na aswang.

Ang gwapo niyang tingnan na nakasakay sa kanyang black Honda XRM. Parang commercial model ang kanyang dating. Bahagya siyang nakayuko’t nakapatong ang kanyang dalawang siko sa handlebars ng motor. Nakatingin siya sa pwesto namin.

Ngumiti ako. Nagdadalawang-isip kong lalapitan o kakawayan siya. Mas pinili ko nalang na kawayan siya at sinenyasang lumapit. FC lang, na sundo lang si bakla feeling close na agad sa lalaki. 

Agad naman itong tumalima. Naglakad papalapit sa amin. Nakatutok lang ako sa kanya’t pinapanood ang bawat galaw. Mula sa kanyang tuwid na katawan, at maangas na paghakbang na parang siya ang pinakagwapo sa lahat.

“Maglalaro kayo?” nang tuluyan na itong makalapit. Namumula na ang mukha dahil sa lihim na kilig sa paraan ng pagtitig niya sa akin. Pero bago pa ako makasagot, naunahan na ako ni Mel.

“Kita mong nagkakabit na ng net at may dala kaming bola baka trip lang namin magswimming dito,” sarcastic at pamimilosopo nito. Lihim ko namang siniko si bakla. Baka magalit ito at palayasin kami. Pagmamay-ari pa naman nila ang lupang ito.

Hindi ko naman nakakitaan ng kahit anong reaksyon si Thirdy kaya’t lihim akong nagpasalamat. Hindi ito napahiya o naiinis sa pagtataray ng kaibigan ko. Pahamak si accla.

Buong ngiti akong bumaling sa kanya. “Oo maglalaro kami. Gusto mong sumali?” Lihim akong nanalangin na sana’y pumayag ito para makasama ko pa siya ng mas matagal. “ Sige ba, wala naman akong ibang gagawin.“ At ngumiti ito lalo. Nginitian niya ako?

Shitt naman. Mapipigtas na talaga itong panty ko dahil sa ngiti niyang pamatay. Kitang-kita ko lalo ang kanyang pantay-pantay at mapuputing ngipin. Pero ba’t siya walang pangil? Char. Lihim kong kinastigo ang sarili dahil sa naisip.

“Kung sasali kayong dalawa, punta na kayo dito. Wag na kayo diyang maglandian.” Pagtatawag ni Mel. Tangna talagang bunganga nitong bakla, di rin mapigilan. Lalo pang namula ang pes ko dahil sa pagkakapahiya. Baka isipin ni Thirdy na nilalandi ko siya. Ano ba, eh totoo naman sigaw ng utak ko.

Mabilis akong tumakbo sa improvised court na ginawa namin. Tama ang sukat nito at ang taas ng net dahil alam namin. Palibhasa parehas kami ni Mel player ng volleyball nung elementary. Sumasali nga kami ng mga inter-school at divsion competition. At pag may oras, sumasali kami sa mga pambarangay na liga kapag may piyesta. Magaling kami sa laro, hindi sa pagmamayabang. Dahil yun ang sports naming mga bakla. Kung ang mga kababata kong lalaki, basketball ang kinahuhumalingan, sa amin ay volleyball.

Si Mel,  kaya niyang maging outside hitter at blocker. Ako naman, takot talagang matamaan ng bola sa mukha kaya di ko bet maging blocker. Kaya mas pinili kong maging setter at libero. Pero dahil hindi naman ito professional game, lahat ng postion ay nagagawa ko depende sa sitwasyon. Sa totoo lang pangarap din naming maging pofessional volleyball player gaya sa mga nasa UAAP. Pero dahil malayo kami sa kabihasnan at walang oportunidad. Hindi nalang namin pinush. 

Alam naming kulang lang kami sa professional training. Pero kaya naming makipagsabayan. Sa amin nga rough na agad ang training. Dahil  sa damuhan o lupa o di kaya sa court na sobrang gaspang ng semento kami naglalaro. Kahit ganun,  nasanay at willing kaming magdive para mahabol o masave ang bola di bale nang magasgasan. Idagdag mo pagbabad  sa init  ng araw dahil hindi naman iyon covered court.

Kaya ngayong araw, kailangang kong ipakita kay Thirdy na marunong akong maglaro. Na magaling akong maglaro ng bola. Kung gusto niya, yung bola niya ang i- mine at lalaruin ko kahit ilang beses pa akong magdive. Gagawin ko. 

Kasama ko si Thirdy sa team. Nagpustahan kami na ang matatalo ang siyang bibilli ng tinapay at softdrinks. Well, hindi naman ako takot matalo dahil may tindahan kami. Pag nagkataon, palihim lang akong kukuha mamaya.  Kupit is the key.

Nagpagkasunduan naming rally scoring na five-set matches. Pinilit kong tig-25 points  ang apat na sets at ang panglimang set in case may tie ay 15 points para mas mahaba ang laro. Sa true lang, gusto kong makasama si Thirdy nang mas mahabang oras. Paruparaan din.

Hindi ako nagpakampante dahil kalaban namin si Mel. Tiyak hindi rin ito papakabog. Kasama din nila ang apat kong pinsang babae at lalaki na pawang magagaling din. Bale bawat team ay may tig-limang players.

Hindi ko alam paano maglaro si Thirdy. Di ko nga alam kung marunong talaga ito. Anyways, support nalang siya sa grupo kung sakali. Di rin naman kami papatalo dahil ang kasama kong dalawang lalaki na pawang kababata, pamatay din kung magspike. This is just a friendly game, paalala ko sa sarili.

It’s show time na. 

Pinaka-unang serve sa team nila Mel at siya ang unang magsi-serve. Nakangisi itong nakatanaw sa pwesto ni Thirdy. Mukhang balak sa kanya ipatama ang bola. Nainis ako dahil pinupuntirya niya si cutie wang. Palibhasa parehas kaming nag-aakalang hindi ito marunong maglaro. Kaya iniisip siguro nitong weakest player namin ang lalaki.

Tinoss ni Mel ang bola. Nagjump serve ito. Naging alerto ako sa susunod na takbo ng bola. Alam kong masakit ito kung tumama sa balat dahil sadyang malakas si bakla palibhasa kaya nitong magbuhat ng isang sakong copra.

Agad akong napatingin sa pwesto ni Third at namangha dahil sa porma niya– magkahiwalay ang kanyang dalawang paa, ang kanyang kanang kamao ay nakatiklop sa kanyang kaliwa, at tuwid ang kanyang mga siko’t mga bisig. Handang-handa na siyang salubungin ang bola. Aba mukhang marunong siyang maglaro ah.

Dahil sa tamang pwesto niya sa pag-receive.  Hindi naging mahirap tanggapin ang bola. Sisiw . Matapos itong tumama sa kanyang bisig, nagpaikot-ikot ito pataas. Hindi naman lumayo kaya’t agad kong hinabol sabay talon para i-set. Ngunit kanino, sa kanya ba? Pagtingin ko sa kanya. Tila nabasa ko sa kanyang mga mata ang ‘mine’. Sana all mina-mine . Agad k9 namang tinoss ang bola sa pwesto niya. Mabilis naman itong tumalon, nakatutok ang mga mata sa bola. At sa isang iglap, isang malakas na hampas ang kanyang pinakawalan. Kita ko ang mga ugat na nagsigalawan sa kanyang braso pagkatapos patamaan ang bola pabalik sa kabila. Shit ang hot niya.

Nakita ko naman ang dalawa kong pinsan na sabay tumalon para i-block ang tira ni Thirdy. Pero dahil sa sobrang lakas nito. Tumama ito sa kanilang nakaangat na mga kamay sabay talsik sa labas ng court. Off the block.  Narinig ko namang napaagik-ik ang pinsan kong isa dahil sa kanya tumama ang bola. Mukhang sobrang lakas nga ng palo nito. 

Muntik na akong mapayakap sa kanya dahil siya ang nakapagbigay ng unang puntos. Proud

gf

yarn.   Pota ang galing niya palang maglaro.

Nagpatuloy ang laban. Bawat kupunan ayaw patalo. Lalo na ako. Sinabayan ko ang galing ni Third.  Kapag maganda ang received  ng bola. Maayos ko itong na-isiset sa kanya. Kapag maganda kasi ang set  walang kahirap-hirap siyang nagspike kaya’t nakakalusot ito sa blockers ng kalaban.

Nasa huling set na,  lamang pa rin kami. Di rin nagpatalo ang team nila Mel kahit nahihirapang harangin ang mga spikes ni Thirdy. Palibhasa mataas itong tumalon tila lumilipad. Awts, mukhang sanay lumipad ah. 

Pare-parehas na kaming pagod at tumutulo na halos ang pawis ko. Pero ganado pa rin akong  maglaro. Di talaga nakakapagod kapag kasama si crush. See kaya kong mag-five rounds este sets pala! Char.

Sa huling set, nasa 14-point na kami at 9-point ang team nila Mel. Pero determinado pa rin si accla na humabol. Ayaw talaga pakabog kahit hingal na hingal na. Gusto atang malagutan ng hininga. Charing. Buti sana kung talo-chupa ang pustahan na ganun nalang siya ka-dedicated. Competitive din.

Bola namin. Ako ang magsi-serve. Kung makakapuntos sa round na ito, panalo na kami. Walang akong balak mag-ace dahil pagod na rin ako. Nung tinira ko ang bola napunta kay Mel. Walang kahirap-hirap niya itong na-recieve pagkakuwa’y umuntol lang pataas. Hinabol naman ito ng isa kong pinsan para i-set kay Mel. Kitang-kita sa mukha ni Mel ang pangigil. Pagkatapos nitong tumalon, buong lakas niyang pinatamaan ang bolang umiikot. Pero nakahanda ang dalawa naming blockers. Kasabay ng pagpalo ni Mel, sumabay din ang kanilang pagtalon na nakaangat ang kanilang dalawang kamay. Tumama ang bola sa gilid ng isang kamy. Hindi nito matagumpay na naibalik sa kabila.

Akala ko’y mapupunta sa likuran ang bola pero hindi pala. Sa gitna lang pala babagsak. Kaya bilang frustrated libero mabilis ko itong  hinabol para sana sa isang dig. Sa kasamaang palad, may ugat na nakausli kaya napatid ako.

Pumikit ako. Tanggap ko nang mapapasubsob ako sa damuhan at lupa. Hello bangas 2005! Ngunit bago pa tuluyang maramdaman ang lupa sa mukha. May humila sa braso ko. Buong lakas niyang iniangat ang katawan ko at niyakap. Pumailalim ang katawan nito sa akin. Unang bumagsak ang katawan nito. Samantalang ako ay nakapatong sa isang katawan matigas at nakasubsob sa kanyang leeg- mabangong leeg. Pota kanino ’to?

Nanatili akong nakapikit. Sarap

sa

feeling.   Kapwa namin habol ang mga hininga. Pakiramdam ko’y nagpapaligsahan sa bilis ang tibok ng aming mga puso. Tatayo na sana ako pero mas diniin niya pa lalo ang pagkakahapit sa katawan ko sa ibabaw niya. Kaya’t nanatili nalang akong patuloy na dinama ang sarap ng katawan sa ilalalim ko.  Aarte pa ba? Ilang  minuto din kami sa ganung  posisyon. 

Maya’t may tumikhim ng malakas. Agad naman akong napabalik sa reyalidad. Pagdilat ng mata, nasilayan ko ang mukha ni Thirdy. My gosh! Siya pala ang savior  ko.

“Okay ka lang?” mahina niyang tanong. Kung kanina’y sarap na sarap ako, ngayon parang binuhusan ako ng malamig na tubig dahil sa pagkakapahiya.

Magkayakap kami kanina at maraming nakakita. Kahit sabihing  aksidente yun. Nakakahiya pa rin.

Mabilis akong bumangon at patakbong umalis para umuwi sa bahay. Bahala na ang pustahang snacks. Sa kanila na lang ’yun. Ang mahalaga’y makaalis ako. ###

[ITUTULOY]

PART 8

“Miss Gay”

M abuti nalang wala akong narinig na panunukso mula kina Mel dahil sa nangyari sa court. Parang himala ata at si bakla tahimik sa ganap. Samantala ako ilang gabi ding hindi nakatulog ng maayos dahil sa nangyari.

“ Baks nga pala. May amatuer Ms. Gay sa barangay natin sa sunod na Sabado para sa piyesta,“ balita nito sa akin. “ Ang pwede lang sumali ay yung mga hindi pa nakakasali sa miss gay. Kaya pasok ka dun.“

“ Baks, alam mo namang wala akong mga gamit pagdating diyan. Tsaka bakit ikaw, ayaw mo ba?“

“ Ay naku baks, ang kontes ay pagandahan hindi katatakutan. Alam mo namang borta ako dahil banat ang katawan ko sa trabaho. Eh di, magiging katatawanan lang ako dun.“ sabi nito.

“ Eh di at least, darling of the crowd ka..“ patola kong sabi. Hindi pa kasi nauuso ang Miss Gay Pangkalawakan noon. Nasanay ang mga tao sa amin na ang Miss Gay, labanan ng mga diyosang bakla o nagfifeeling diyosa lang.

“ Wag kang mag-alala, tutulungan ka namin ni Ate Andrea. Tuturuan ka sa paglakad, at pagsagot. At ang gagamitin mo kami na ang bahala.“ Si ate Andrea ay ang baklang kabarangay namin na kamag-anak ni Mel. May parlor ito sa bayan at laman din ito ng mga miss gay contest. Dumadayo pa nga ito sa ibang bayan para sa gay pageants.

“ Ang

gagawin 

mo

nalang

ay

sumali

,

magmaganda

at manalo,“ full of confidence  na sabi nito. Taas ng expectation ni baks sa akin, kaloka.

“ Eh kailangan ko pang magpaalam kina nanay. Alam mo naman kahit suportado ako sa kabaklaan ko, iba pa rin yang miss gay. Baka mapahiya ako dun.“

“ Naku, hindi ka mapapahiya dun kasi maganda ka at matalino. Baka ilampaso mo pa nga ang iba dun dahil pareparehas kayong mga first timer sa contest.“ Kampanteng sabi nito. Iba din talaga si friend.

Nasa parlor kami ngayon ni Ate Andrea nag-aaral maglakad. Every lunch break pumupunta kami ni Mel dito. Malapit lang naman kasi sa school namin. Buti nalang pumayag si nanay na sumali ako. Wala rin siyang nagawa dahil sa pangungulit ni Mel at ipinangako nitong wala kaming gagastusin.

Sa simula nahihirapan akong maglakad. Nasa 5-inch kasi ang pinasuot sa aking sandals. Pero sa huli, sa paulit-ulit na subok,  nakuha ko na ang tiknik at nakakalakad na ako nang maayos. Sunod kung inaral ang Q&A na naka-timer. Mahigpit na bilin ni ate Andrea na mag-focus lang ako sa tanong at huwag kabahan. Pwede ba yun eh first time ko nga? Paano kung bigla akong magkaroon ng anxiety attack? Jusko wag naman sana mangyari.

Sa gay pageant sa aming barangay, tatanghalin ang Miss Gay Santa Clara 2005 at dalawang runners up. Ang title holder ay makakatanggap ng 2,000.00; ang 1st runner up ay 1,500.00; at ang 2nd runner up ay 1,000.00. Ang lahat ng major awards ay may tig-200.00 cash prize– Best in Swimsuit, Best in Talent, Best in Gown at Best in National Costume. Ang lahat naman ng mga contestants na di papalarin ay makakatanggap ni tig-300.00 consolation prizes. Sa panahong ito, malaki na ang ganitong papremyo for amatuer miss gay contest.

Naihanda na ni Ate Andrea ang lahat ng gagamitin ko. Although naging usapan namin na kung sakaling manalo, hati nalang kami sa mapapanalunang cash prize. Alam ko namang nag-invest siya dito kahit sabihin pang tinutulungan niya lang ako. Alam kong gumastos din ito.

“Baks, alam mo bang kinuha ang mga Claro na maging judge sa Miss Gay?” Napahinto ako bigla sa paglalakad nang marinig ko ang sinabi ni Mel.

“ Kasi nga daw nung nagconduct ng solicitation sa atin sina secretary para sa pakontes. Malaki daw ang binigay nila. Kaya ayun, ininvite na mag-judge.“ Kinabahan ako sa nalaman. Paano kung siya ang kuning judge sa pamilya nila? Pero mukhang malabo ata.  Sana wag lang siya lihim kong dasal. Please .

At bigla tuloy ko siyang namiss. After nung nangyari sa amin sa court. Hindi ko pa siya muling nakikita.  Parang wala pa akong lakas na makita ko siya. Feeling ko, nararamdaman ko pa yung init ng kanyang katawan.  Nahihiya pa rin ako.

“Kinuha din si Vice-mayor Enriquez na maging judge at ang kasalukuyang Miss Dolores natin dahil kaibigan pala yun ng anak ni Kapitan.” Mukhang mga bigatin pala ang mga kinuhang hurado ng organizers kaya para lalo akong kinabahan.

Miss Gay Pageant Night

Nasa likod kami ng stage at nag-aayos. Nilagyan lang ng harang para hindi kami makita ng mga gustong makiusyuso. Walo kaming candidates. Pare-parehong kinakabahan dahil ito ang una naming karanasan. Nung nagbunutan kanina para sa pagkakasunod-sunod, pang number four ako.

Nakasuot na ako ng pang-national costume inspired by rooster ata to. Gawa ni Ate Andrea. Isang tube at panty lang ang suot na nababalutan ng mga balahibo ng manok. Kaya litaw na litaw ang mapuputi kong binti at tiyan. May nilagay din siyang palamuti sa braso ko at binti na kadesinyo ng head dress. Ang head dress ko ay napapalamutian ng balahibo na may kaunting beads na kumikinang kinang kaya’t nakaka-agaw pansin. Hindi naman ito mabigat kaya komportable pa rin akong nakakalakad. And to complete the over all design ng costume,  pinasuot sa akin ang dalawang pakpak na kadesinyo din ng head dress ko.

Inspired daw sa mga sugarol ng sabong itong attire ko. Palibhasa maraming sabungero sa amin. Infer kay Ate Andrea bumagay sa akin ang suot ko.  Napaka-daring lang. Feeling ko nga, nakahubad na ako. Mahigpit namang ipinaalala nito sa akin kung kelan ko ibubuka ang  dalawa kong pakpak.

Nagsimula na competition at inisa-isa na kaming tinawag ng host. “Ang now, lets welcome candidate number fourrrrr!”

Parang tumatambol-tambol ang dibdib ko sa sobrang kaba nang magsimula na akong maglakad papuntang center stage. Kahit nanginginig ang mga paa, hindi ko ipinahalata. Nakangiti lang ako na parang nang-aakit. Kaya ko to.

Narinig ko naman ang palakpakan at sigawan ng mga manunood nung lumabas ako. Tangna talaga ni Mel, lakas ng sigaw, dinig na dinig. “ Kaibigan ko yan!!“ Papansin ang bakla. Pero kahit papaano lumakas ang loob ko sa suporta nila.

Pagdating ko sa gitna ng stage, tumalikod ako. Dahan-dahang humarap.  Sabay buka ng mga pakpak ko at tamang giling lang. Lalo namang nagsigawan ang audience dahil mas naging dramatic ang national costume ko.

Muli akong humarap. Tamang angat ng pakpak uli at tamang pose lang. Mga ganitong paandar noon, mabenta na.

Nagsimula na akong maglakad papunta sa harap ng stage habang sumasabay sa beat ng background music. Pagtapat ko sa mic, humito rin ang music. Bago ako magsalita, tumingin muna ako sa mesa kung saan nakaupo ang panel of judges.

Muntik na akong matumba nang dumako ang paningin ko sa isang judge. Hindi maipinta at madilim ang mukha nito. Galit na naman ba ito? Pero bakit siya ang ginawang judge? Tangna naman bakit siya pa? Lalo tuloy akong kinabahan sa paraan ng pagtitig niya. Hindi man lang ito ngumingiti. 

Buti agad akong nakabawi at mabilis na binanggit ang kinabisado kong intro spiel. Pero bago ako umalis ng stage, tumalikod ulit ako. Gumiling-giling,  sabay angat uli ng pakpak. Kitang-kita lalo ang likod ko at ang hulma nang beywang kong 22-inch. Muling naghiyawan ang manunood. Tangna, saka ko lang narealize na litaw pala ang dalawang pisngi ng pwet ko sa suot. Parang gusto ko tuloy tumakbo paalis ng stage. Pero naalala ko ang laging bilin ni ate Andrea. Always observe  grace and poise. Kaya pagharap ko ulit sa audience, ngumiti ako nang ubod tamis upang itago ang kaba’t panghihina. Gusto ko nang umupo, sa totoo lang.

Pagbalik ko ng backstage, niyakap ako ni Ate Andrea. “ Galing mo Victory, parang beterena ka na sa pageant sa ipinakita mo. Nakita ko ang mukha ng mga judges, natuwa sila sa performace mo, “ puri nito sa akin. Yung kaba ko parang hindi pa rin nawala kahit nasa likod na ako’t nakaupo.

Matapos ang presentation ng national costumes. Saka lang ini-announce ng host ang panel of judges. “And our last judge is one of our major sponsors for this event. Kilala po natin ito dahil kababrangay natin siya. Ladies and gentlemen, a big hand to Judge FELESTINO GONZALES CLARO III or simply called as

Thirdy

!!!

Nagpalakpakan sa labas kasunod ang malakas na pagtambol ng kaba sa dibdib ko. Shit bakit siya ang judge? Baka bigla niya akong ilaglag at matalo pa ako. Naalala ko tuloy ang galit niyang mukha kanina. Hindi ba siya nagandahan sa suot ko eh nagpakita na nga ako ng pwet?

Sa talent portion, ballroom dancing ang ipinamalas ko kapartner ang pinsan kong lalaki. Sinabi kasi ni ate Andrea na mas maganda kung lalaki ang kapareha at hindi si Mel. Baka masapawan pa ako ni bakla at makalimutan nitong hindi siya candidate. Competitive pa naman yun.

Matapos ang talent portion ng lahat, susunod na ang suimsuit competition. Ipinasuot sa akin ang black two-piece bikini. Mukhang wala na akong itatago sa suot. Tamang ipit lang naman ng pototoy ko’t hindi na siya mahahalata. Kasi sadyang maliit lang naman talaga siya. Buti nalang naging bakla ako’t wala talaga akong ipagmamalaki.

Pinaikot-ikot ako ni ate Andrea at pinabukaka para sipatin kung may babakat. Buti nalang wala at hindi ko kailangan ng packing tape. Kaya’t pinahiran nalang niya ako ng oil para mas kuminang daw ang balat ko mamaya. In fairness, wala naman siyang ipinahid na pang-body concealer dahil sadyang makinis lang ako. Walang dapat i-conceal dahil walang namumuong masamang lagay ng panahon. Gifted yarn.

Pinasuot din sa akin ang black at straight human hair na wig para mas bumagay sa suot kong two-piece bikini. At para magmukhang may suso, inipit lang ang kaunting taba sa dibdib ko at tamang contour lang ginawan ni Ate Andrea para may ilusyong may cleavage.

“Again, let’s welcome candidate number four for the swimsuit competition,” anang host.

Unti- unti na akong nasasanay kaya hindi na ako masyadong kinakabahan. Maliban nalang kung napapatingin ako kay Judge Thirdy dahil hindi ko mapigilang kabahan talaga. Gaya kanina nung sumayaw ako. Nakita ko naman ang kanyang madilim na mukha. Pota.  Hindi talaga siya natutuwa sa performace ko.

Bago pa ako maglakad, naririnig ko na muli ang hiyawan ng mga manunood syempre lutang na lutang ang boses ng eksaheradang si Mel. “Gooooo Victory!!” Napangiti nalang ako. Hindi kaya to mapaos bukas dahil sa kasisigaw?

Pagpasok ko sa stage, lalong lumakas ang hiyawan at sigawan. May narinig pa akong sumipol. Muli pag dating ko sa  gitna, tumalikod ako. At dahan-dahang humarap sabay tanggal sa manipis na shawl na nakabalot sa aking pangbaba. Tuluyan nang tumambad sa kanila ang suot kong bikining hapit na hapit sa aking katawan. Nagpatuloy ang malakas na hiyawan at sigawan nila.

Wala man akong boobs pero bawing-bawi naman sa natural na maumbok kong pwet, maliit na beywang, maputi’t makinis na balat. Wala pang pills ’yarn. Char. 

Tamang pose lang muna bago maglakad papunta sa harap ng mga judges. Iniiwasan ko sanang mapatingin kay Thirdy pero nahagip siya ng paningin ko. Parang nakaawang ang kanyang mga labi’t gulat na gulat sa kanyang nakikita. Nagagandahan ba to sa akin? Bahala ka diyan.

Hindi ko muna siya binigyan pansin dahil natutuwa ako sa reaksyon ng audience. Lalong-lalo na ang grupo nila Mel. Ang ingay. Pasikat sina bakla.

Pagdating ko sa harap, tumalikod ako.  Tuluyan nang naka-expose ang makinis kong likod at pwet dahil sa kaparinggot lang na suot. Tama nga si ate Andrea iba ang effect  nung body oil na ipinahid sa akin.

Lalong lumakas ang sigawan ng mga manood. May gusto pa ngang lumapit sa stage para klaro nila akong makita. Buti nalang agad naagapan ng mga tanod. Lihim akong natawa sa reaksyon nila. Pagkatapos ng ilang sandali muli akong humarap at tamang flex at pose lang saka naglakad na pa-exit.  Hindi ko na muling sinulyapan si Thirdy. Again,  bahala siya kung hindi siya natutuwa sa akin at performance ko.

Nangingiti akong sinalubong ni Ate Andrea sa back stage. “Ramdam ko na ang crown, pag nailaban mo ang Q&A, wala na, finish na. Ikaw na ang tatanghaling title.” Ramdam ko ang kanyang confidence. Hindi alintana na naririnig siya ng ibang candidate at handler. Lihim nalang akong nanalangin na sana manalo nga. Kahit papaano ayoko din masayang ang efforts nila.

After nung evening gown competition, inanunsyo ang mga winners ng major at minor awards. Surprisingly, hakot ko ang major awards- best in  national  costume,  gown, suimsuit at talent. Hindi naman sa dahil home court ko ito at kilala ko ang ibang judge pero duhh. Walang kokontra,  ako ang pinakamaganda sa walong candidates. Akala ko nga ibabagsak ako ni Third. Objective pala siya magbigay ng scores.

Matapos nun, inanunsyo din agad ang top five. Of course kasama ako dun as expected. Nakatayo na kami ngayon for the final Q&A.

Nakasuot ako ng isang halter-styled silver long gown na may mahabang slit abot sa singit at open ang likod. Kumikinang ang mga beads at sequins nito kapag natatamaan ng ilaw. Nilagyan din ni Ate Andrea ng padding sa dibdib para may umbok ang hinaharap ko.

“ Candidate number 4, your judge is…..“ sabi ng host.  “ is Judge Felestino III!“ Parang nanghina ako nang marinig ko ang sinabi nito. Pagkakataon nga naman sobrang nananadya. Bakit siya pa?

“Hi Candidate Number four.” Parang nabingi ako sa baritinong boses nito. Sinasadya niya bang magpasexy ng boses? Kasi hindi naman siya ganito pag nakakausap kami.

“You look so beautiful tonight…” Kung kanina parang nabingi ako ngayon parang hihimatayin ako dahil sa compliment niya. Totoo ba yun or just for formalities? Pero duhh, alam kong araw-araw akong maganda. Apaka concieted ko din talaga sigaw ng utak ko.

“Ms. Victory…” Luh, for the first time tinawag niya akong Victory . Napangiti ako na parang kinikilig. Sarap pala pakinggan ng pangalan ko kapag siya ang nagsasabi. Ewan ko parang na-fuel ang fighting spirit ko. Goodbye kaba na. Kailangan kong magpa-impress kay judge crush and for the two thousand pesos. This is it!

“ My question is, do you think a straight guy can fall in love with a gay or a transgender woman?“   (Pause) nakatitig siya sa akin. “Ahmm, let say,

like

you? Why?“  

Natigilan ako. Di ko mawari pero iba ang titig niya sa akin kahit seryoso ang kanyang mukha.

Bakit parang kakaiba naman ata ang tanong na napunta sa kanya? Samantalang ang mga nauna sa akin ang tanong, “how are you going to describe color yellow to a blind person” at yung isa “what is the essence of the gay in our society.” Pero bakit yung sa akin parang mas personal? Malaman nga bukas sino ang gumawa ng mga tanong.

“ Hi Judge Thirdy.“ Bahagya akong napawingi nang banggitin ko ang pangalan nito.

“ And good evening ladies and gentlemen!“

Tamang pause lang para maka-isip ng isasagot .

“Thank you for that wonderful question.”

Sabi kasi ni ate Andrea, wag kalimutang sabihin lagi ang thank you for that wonderful question kahit  hindi naman talaga ito wonderful.

“I think it is possible, for a straight guy to fall in love with a gay or transwoman, like me.”   Tahasan kong sagot. Napatingin ako kay Thirdy. Sumilay sa kanyang ang isang mabilisang ngiti.

“ Because I believe that true love has no gender. I think we should be able to love without the fear of being judged. Afterall we all deserve love and respect no matter who we are! Thank you.“

Sa kabila ng kaba, naproseso ko sa utak ang sagot. Hindi ko na pinahaba baka magkalat pa. Matapos maibigay ang feeling winning answer.  Narinig ko silang nagpalakpakan. Yung ibang judge nakikita ko pang tumatango-tango. Yung iba siguro nakipalakpak lang kahit hindi naman talaga naintindihan ang sagot ko. Well, bahala sila basta maganda ang delivery at hindi ako nagstutter kanina.

Muli akong napasulyap kay Thirdy. Hindi ko maintindihan ngayon ang ekspresyon ng kanyang mukha. Nakakatitig lang ito sa akin. Parang may kakaiba-parang seryoso na may iniisip. Naintindihan kaya niya ang sagot ko. Tangna, dapat tinagalog ko nalang baka bobo ito sa English. Char.

After nung computation at final tally ng scores.  As expected, nakuha ko ang title. Tuwang-tuwa naman si ate Andrea. Sa sobrang saya ko nagyakapan kami Mel.

Naalala ko pa kanina nung nagkamay kami ni Thirdy nung inabot sa akin yung bouquet, trophy at cash prize. Siya ang nagsuot ng sash sa akin. At ang reigning Ms. Dolores naman ang naglagay ng crown sa ulo ko.

Di ko pa maiwasang mainis kasi nakita kong inaalayan ni Thirdy yung Ms. Dolores pagbaba sa stage. Feeling gentleman din itong aswang na ’to.

Pero agad namang nawala yun nang magsimulang mag-akyatan sina ate Andrea, Mel at mga pinsan ko para bumati. Parang hindi pa rin ako makapaniwalang beauty queen na ako kahit barangay level lang. Kakaiba rin talaga ang sayang hatid.  Nakakaproud sa sarili kahit papaano. Hello, ako lang naman ang bagong Miss Gay Santa Clara 2005!

Matapos kaming mag-ayos at masigurong lahat ng mga gamit ay walang nawawala. Kasi uso pa naman sa mga pageants ang nakawan. Marami ding mga matingerang bakla. Naghati na kami ng premyo ni Ate Andrea.

Pauwi na kami nila Mel.  Nakita namin si Thirdy sa labas ng plaza. Mukha may inaabangan. Lihim naman akong siniko ni Mel.

“Bakla si cutie wang mo, mukhang hinihintay ka.

Siya

daw

kasi

ang

totoong prize

sa

kontes

. Claim

mo

na

.“ Bahagya pa akong itinulak nito. Napangiti ako sa kalokohan ni bakla.

Nang tuluyan na kaming makalapit, nagsalita ito.

“ Vic… ako na maghahatid sa’yo.“###

[ITUTULOY]

PART 9

“Snow bear”

Sa pangatlong pagkakataon, nakaangkas muli ako sa motor  ni Thirdy. Tahimik naming binabaybay ang madilim na kalsada. Kanina pa ito walang kibo. Hindi ko alam ang tinatakbo ng kanyang  utak.

Kampante lang akong nakayakap sa kanyang bewang. Animoy nasanay  na ako sa kanyang natural na amoy na nakaka-adik.

Mabagal niyang pinapatakbo ang kanyang motor. Walang pagmamadali  tila ninamnam ang mapayapang gabi.

Napatingala ako sa buwan na para bang nakasunod sa amin. Hindi pa man ito kabilugan, tama lang ang liwanag na binibigay.

“ Thirdy,  salamat  pala

sa

inyo. 

Dahil

nanalo

ako

,“ pagbubukas ko ng topic. Ako na ang magsisimula.  Baka kasi mapanisan kami ng laway  kung hindi kami magkikibuan.

“ Deserve

mo

namang

manalo

.“   Napangiti ako.

Pero sa true lang  naman. Obvious  na Obvious  kaya. Parang  all the stars aligned ngayong gabi ang peg sa akin kaya nasungkit ko ang  korona.

“ Ahmm

, maganda 

ba

 

ako

kanina

? Naseksihan

ka

ba

sa

akin?“ Buong-tapang kong tanong. Di ko pa rin kasi makalimutan yung  mukha niya kanina.

Lumipas ang ilang saglit, wala akong narinig  na sagot.

Ay mukhang  hindi nga siya nagandahan. Echos lang yung  kanina. Di ko mapigilang  makaramdam ng lungkot.

“ Oo

.

Ayoko

lang sa

mga

pinagsusuot

mo

!“ S eryoso nitong sagot.

Ayaw niya sa suot ko? Eh nakuha nga ang lahat ng major awards.

“ Ay

bakit?

Ang

ganda kaya

ng

mga

gawa

ni

Ate

Andrea. Cute

nga

,

kita

pwet

ko

.“ Napahagikhik ako nang maalala ang pinaggagawa ko sa pageant.

Infer, nabigyan ko ng justice  yung mga outfitan ni ate.

Walang anu-ano’y nauntog ang noo ko sa kanyang matigas na likuran nang bigla itong prumeno.

“ Ouch!

Bakit

ka

biglang

tumigil

? “ napasapo ako sa noo ko.

“ Nakita

mo

ba

ulit

yung

malaking

itim

na

aso

? “  Taka kong tanong habang hinahapuhap ang noo kong bahagyang may kirot. Palibhasa puro muscle ata ang likod nitong singtigas ng bato.

Lumingon siya sa akin. Mula sa liwanag  ng buwan, kitang-kita ang singdilim ng gabi nitong mukha.

“ Hoy anong  problema, 

ba’t

  ganyan ang

mukha

mo

?“ Takang-taka pa rin ako bat bigla nalang itong nagmukhang galit.

“ Wag na wag ka nang magsusuot na nagpapakita ng katawan!“ may pagbabantang utos nito.

“ Luh, bakit? Eh contest  naman yung sinalihan ko. Kaya  normal lang na magpakita ng balat at maging daring. Hello?“  Besides bagay naman sa akin. Di ko mapigilang magtaray dahil litung-lito na ako sa ikinikilos niya.

Di ko siya maintindihan  bakit  bigla-bigla nalang itong nawawala sa mood gaya ngayon. Sino ba kasi kaaway nito?

Iniharap nito ang kanyang  katawan. Habang ang isang paa ay nakatungkod sa lupa. Magkaharap na ang mga mukha namin. Kita ko tila nagtatagis ang kanyang mga pangil, ay ngipin pala.  Napasimangot ako.

“ Huwag kang

magsuot

ng

bikini o ng daring. Ayokong may 

nakakakitang

iba

.

Sundin

mo

nalang

ako

!“ Madiin niyang salitang halatang nagpipigil. Duhh, pigil ng what?

Can’t help to roll my eyes at him because I’m definitely pissed off. See, dahil sa badtrip nakakapag-English ako. Iba kasi ang sinasabi niya sa pinapakita niya. Apaka inconsistent.

“ Eh

bakit

nga

?!“ may kalakasan kong tanong. Nakakagigil.

Pinagbabawalan ako. For what reasons? So ayaw din nitong sasali ulit ako ng contest.  Ay bakit, tatay lang? Strict ang parent ang paandar nitong aswang na to.

Lihim akong nainis. Sana lang pala di na ako umangkas sa kanya. Tuloy, nagtalo kami.

“ Basta

.

Ayokong

nakikita

ka

ng

ibang

lalaki

na

ganun

ang

suot

.

Ayokong

pinagpiyestahan

ka

nila!“   Muntik pa akong mabuwal sa lakas ng pagkakasabi nito. Buti nakahawak ako sa gilid.

Napalabi nalang ako. Di ko gets ang point niyang pagbawalan ako.  Anong karapatan niya? Nanay ko na ba siya? Buti sana kong boyfriend  ko siya. Pwe–. Wait? Nagseselos ba ito? OMG! Kaya parang possessive ang drama niya dahil selos yarn? Seryoso siya? Weh?

Napatingin ako sa kanyang seryosong mukha para alamin kung nagseselos nga ba ito. Pero di ko alam. Ano ba ang mukha ng nagseselos? Paano malalaman? Wala pa akong karanasan sa ganyang rela-relasyon dahil bata pa ako. Magfo-fourteen  palang ako actually. Nasa crush stage palang ako na ang definition ko ng crush is paghanga sa taong tanga. Anobah?

Kahit gustong-gusto kong itanong kung selos ba ang dahilan bakit siya umaastang ‘overprotective bf’, pinili ko nalang sarilinin. Ayoko ring mapahiya.

“ Ihatid

mo

nalang

ako

sa

bahay

.

Madaling

araw

na

.

Gusto

ko

nang

matulog.“ Pagpuputol ko sa pagtatalo namin kung pagtatalo man ang itatawag dito. Hmp! Di nalang kasi umamin.

Walang imik niyang binuhay ang kanyang  motor. Tahimik naming binaybay ang daan pauwi ng bahay.

“ Salamat .“ tanging nausal ko pagbaba ng kanyang motor. Nasa tapat na kami ng bahay.

Patalikod na sana ako nang bigla niya akong hilahin papalapit sa kanya. Dahil sa gulat, muntik na akong matumba.  Pero agad naman niya akong nasalo. Tuloy,  dama ko ang kanyang matitigas na mga bisig na nakapulupot sa akin.

Lumakas ang tibok ng puso ko. Parang nanghina ang tuhod ko kaya mahigpit akong kumapit sa katawan niya.

Dahil sa kaba, lito at excitement, naguguluhan ako sa sunod niyang gagawin. Pagtingala ko, nagtagpo ang aming mga mata. Kitang-kita ko ang gwapo niyang mukha, matangos na ilong at ang kanyang labi. Shit oo ang kanyang labing mapula. Ang labi nitong…. papalapit sa…   labi ko?  Omg! May balak ba siyang halikan ako?

Gusto ko sana siyang itulak pero mas humigpit pa ang kanyang pagkakahawak sa akin.  Tangina, teka lang. Bakit naman  pabigla-bigla? Ano ba? Di ako prepared. Kanina, inis na inis ako kay cutie wang tapos ngayon. Ugh.

Yung utak kong naghuhuramintado parang naparalisa nang tuluyan ng lumapat ang labi ni Thirdy sa labi. Wow. Napakalambot ng labi niya. Mainit. Masarap. At nakakapang-init. Pero wait,  bakit parang lasang snowbear?

Nanginginig ako habang magkadikit pa rin ang dalawa naming sensitibong balat. Feeling ko, para akong tuod.  Hindi ko kasi alam paano tutugon sa halik niya. Kakagatin o sisipsipin ko ba? I’m completely clueless  sa mga ganitong eksena. Kahit naman malandi ako mag-isip, gumalaw at magsalita, v na v pa rin ako. Tanging ginataang kuhol lang ata ang nakakahalikan at sipsipan ko nang matagal.  Hello, this is my first kiss! At wala akong pagsisising ibinigay ko to sa aking cutie wang!

Nanatili lang akong nakapikit habang nilalasap ang init ng kanyang mga labi. Feeling ko, dinuduyan ako ng mga aswang este anghel sa sarap. Wala akong naririnig kundi ang mabilis na tibok ng aming mga puso tila iisa ang ritmo. Ganito ba talaga yun?

Marahang gumalaw ang dila ni Third, animoy nagpipilit pumasok sa loob ko. Kaya binuka ko ang aking bibig upang bigyan daan ang dila nito. Tangna, nalalasahan ko na ang laway niyang mabango at lasa talagang snow bear.

Kumawala ang aking mahinang ungol Mayamaya pa naramadaman ko ang paglayo ng labi ni Thirdy.  Ay bakit, parang bitin naman. Nakakabitin. I want more. More tsula pa sana. Parang kumikibot-kibot pa ang labi ko animoy naghihintay ng isa pa. Pero wala na pala.

Napadilat nalang ako at bumungad sa akin ang nakangiting mukha nito. Seryoso,  nakahalikan ko ang ganito kagwapong lalaki? Lalo akong napatitig sa kanya.  Mukhang nagdilang-anghel nga si Mel na si cutie wang talaga ang totoong  prize sa miss gay. Dahil di ko akalaing mauuwi sa halikan ang kaninang pagtatalo namin.

“ Sundin

mo

nalang

ako

.

Kapag

sinabi

kong huwag, huwag mong

gawin

,“ malambing at pinal niyang sabi. Napatango nalang ako  dahil lutang pa rin ako sa katatapos lang na halikan.

Sa di kalayuan, may kaluskos dahil  nagtatago ang isang itim na nilalang. Sa tuwing matatamaan ng sinag ng buwan ang mga mata nito tila nagliliyab itong pinagmamasdan ang kaganapan sa dalawang nilalang. Nang umalis na ang lalaki. Mabilis din itong tumakbo at naglaho dahil muling nilamon ng kadiliman. ###

[ ITUTULOY]

PART 10

“ Bawal“

Hindi ko mapigilang pamulahan ng mukha sa tuwing maaalala ko ang gabing nakahalikan ko si Thirdy. Wala sa loob kong napahawak sa labi. Gosh. Hindi na ito virgin.

Aminado akong nasarapan pero bakit niya nga ba ako hinalikan?

Lihim na umasa ang puso kong may gusto din sa akin ang lalaki. Sana. Dahil mas tumitindi lalo ang nararamdaman sa kanya. Hindi nalang ito crush, mas malalim pa dun.

Sa kabila ng pangungulit ni Mel. Hindi ko magawang magkwento. Ayokong sabihin baka tuksuhin nila ako. Mamaya kumalat. Tsismosa din kasi si bakla.

Maski ako, hindi ko alam anong relasyon meron kami ni Thirdy. Naguguluhan ako. Mahirap mag-assume.

Bisperas ng kapiyestahan sa amin. Marami ang nagsi-uwian galing ibang lugar. Gaya nalang ni ate Kris na kasamang umuwi ang bayaw ko at pamangkin kong three-year old na si Mathew. Cute na cute si baby Mat-mat. Kapansin pansin ang sobrang kaputian nito at pagiging chubby.

Kasalukuyan akong inaayusan ni Ate Andrea dahil may parada mamaya para sa piyesta sa pangunguna ng elementary school band ng aming barangay. Isa ako sa maglalakad bilang nanalo sa Miss Gay kasama ang itinanghal ding Little Mr.&Ms. Santa Clara na isang money contest, at ang bagong Miss Santa Clara na si Ate Jade.

Sabi ni Mel, pamangkin daw ng hermano mayor na galing Maynila ang maging escort ko’t kaedaran ko lang. Pinakiusapan daw ito nina secretary at pumayag naman. Mukhang kinikilig pa nga itong nagkwikwento dahil gwapo daw.

Sus. Walang pa ring tatalo sa kagwapuhan ni cutie wang ko.

Nung nalaman kong kasali ako sa parada, balak ko sanang yayain si Thirdy na maging escort ko. Pero di pa muling bumili sa tindahan. At di ko rin alam paano siya papakiharapan matapos ang nangyaring halikan.

Nasa labas na kami ng simbahan. Naghihintay sa pagsisimula ng parada. Malapit lang naman ang lalakarin dahil sa proper lang ng barangay.

Nakasuot ako ng isang hapit na kulay beige modern Filipiñana gown. Simple ang design nito. Ang kakaiba lang, bukas ang likod nito. Kaya nakalitaw ang likuran ko.

Siguro kung makikita ako ni Thirdy, hindi ata ito magagalit. Likod ko lang naman ang kita at hindi pwet. Ay, talagang naisip ko siya.

Katabi ko si Mel habang pinapaypayan ako. Nakakatuwa din si bakla kasi napakasupportive niya sa akin.

“Bakla, diyan na ang escort mo!” Nagpipigil itong tumili. Animo kilig na kilig.

Napatingin ako sa lalaking papalapit sa amin. Oo nga. Infer dito, gwapo. Matangkad. At malinis tingnan palibhasa maputi. Nakasuot ito ng off white barong.

“ Hi. I am Nathan. Short for Nathaniel ,“ nakangiting nakalahad ang isang kamay nito sa akin nang makalapit. At ang gwapo rin ng boses tunog nag-aral sa isang exclusive school.

Tinanggap ko at ngumiti. Parang nahiya ako kasi mukhang mas malambot pa ang kamay niya sa akin.

“ You must be Ivory?“ Aba Englishero. Mapapalaban ata ako.

“ It’s Victory actually.“ Nakangiti kong sabi. Nalito lang siguro dahil katunog naman ang Ivory sa Victory.

Nakita ko itong ngumiti. Cute niya lalo. “Oh my mistake. I was just confused. But you are really beautiful, Victory. “

Namula ang mukha ko dahil sa tahasang puri nito. Napatango nalang ako at nagpasalamat.

“ No offense,

I

really thought you are a

girl

when I first saw you.“ Napatingin ako sa kanya kungnagbibiro ito. Pero mukhang seryoso naman.

“No offense taken.

I’m

actually flattered.“ Nangingiti pa rin ako kahit sa true lang nahihirapan na akong mag-English. Marunong ba tong mag-Tagalog or kahit Bisaya nalang?

“By the way Nathan, this is my bestfriend, Mel,” sabay hawak sa balikat ni bakla. Pass muna ako sa English. Si Mel naman.

Nakita ko si bakla tila namutla at natigilan. Hi lang ang nasabi nito. Hala si baks may hiya din pala. Mukhang natakot sa Englishan.

Nakipagkamay din si Nathan kay Mel. Mukhang friendly at mabait naman.

Tinawag na kami ni secretary para pumila. Nagsimula nang tumugtog ang school band. Una sa parada ang hermano mayor na sinudan ni kapitan. Nakasunod kami sa little Mr.&Ms barangay.

Maraming lumabas ng kanilang bahay nasa gilid ng kalsada para manood at hinihintay ang pagdaan namin. Yung iba, naririnig kong halos di daw nila ako makilala. At syempre, marami namang naggwagwapuhan at kinikilig kay Nathan. Parang artista kung tilian. Palibhasa bagong mukha.

Habang naglalakad, very gentleman itong nakaalalay sa akin. May bahagi kasi ng kalsadang hindi pantay ang pagkakasemento. Mahirap maglakad lalo’t may kataasan ang takong ng suot ko.

Marami kaming napag-usapan ni Nathan. Tungkol sa kanyang pag-aaral sa Manila, hobbies and even his love life. Single pa raw siya.

Dahil sadyang masayahin siyang kausap, di ko namalayang malapit na kaming bumalik sa simbahan. Buong parada akong nakangiti dahil joker din pala ito. At buti nalang nagta-Tagalog ito. Although, English daw ang kanyang first language.

Mula sa mga nanunood nakita ko ang pamilya kong tuwang-tuwa at kumakaway. Si Ate Kris, busy kakapicture gamit ang dala nilang digi-cam. Si Nanay naman parang proud na proud ang histura dahil dalaga na ang kanyang bunsong anak. Char. Sayang hindi sumama si Tatay at bayaw dahil sila ang taga-luto.

Habang papalapit sa kanila, bigla akong natisod. Hindi ko napansin ang bato. Agad naman akong naalalayan ni Nathan para hindi matumba. Tuloy nakapulupot ang isa niyang braso sa beywang ko.

In fairness, alerto at gentleman talaga. Di gaya ni Thirdy. Walang ibang ipinapakita kundi mainis. Nang maalala ko ito. Di ko maiwasang bigla kabahan. Pero ipinagwalang-bahala nalang. For sure hindi yun manunood.

Malapit nang matapos ang parada. Nakaalalay pa rin si Nathan sa akin. Nakahawak ang kanyang kanang kamay sa naka-expose kong likuran.

Nasa ganun kaming pwesto nang mapansin ko ang isang pamilyar na galit na mukha mula sa mga nanunood. Naningkit ang mga nito at nakakunot noo.

Bigla akong napatigil. “ Is something wrong?“ nagtatakang tanong ni Nathan.

Naagaw ang pansin ko sa kanya. Siguro nahalata nitong na-tense ako bigla.

Pagtingin ko muli, bigla itong nawala. Namamalikmata lang ba ako? Pero parang nakita ko ang galit na mukha ni Thirdy.

“ Wala, medyo sumakit lang ang paa ko.“ pagdadahilan ko.

Nagpatuloy kaming naglakad hanggang makapasok sa loob ng simbahan. Parang na-relieved ako nang maka-upo. Nakakapagod din pala. Nakaalalay pa rin si Nathan at binigyan ako ng tubig.

Nakapagpahinga na kami. Di ko pa rin makalimutan yung nakita kanina. Totoo kaya yun o namalik-mata lang ako.

“ Victory, would you like to come with us? We’ve prepared food at my uncle’s house. You know, he’s the hermano mayor,“ nakangiting imbita ni Nathan.

“ Do you like

lechong

baka

?“ Tumango ako at umuong sasama.

Kahit sa maikling panahon ko siyang nakakasama. Parang nakapalagayan ko na agad ng loob. Kung wala lang si Thirdy, baka crush ko na ito.

Nakangiti kaming lumabas ng simbahan. May dala daw itong sasakyan.

“ I’ll just take you home later,“ sabay kindat akmang bubuksan ang pinto ng sasakyan.

“ No! Ako ang maghahatid sa kanya pauwi!“

Parehas kaming napalingon sa lalaking bigla nalang nagsalita.

Muli kong nasilayan ang pamilyar na mukha niyang galit. Ano naman ang problema ng lalaking ito?

“ Thirdy

?“ usal ko. Bakit siya ngayon umi-eksena?

“ No bro, I’ll take home Victory later right after naming kumain.“ ani ni Nathan. Pinasadahan niya ng tingin si Thirdy at tumaas ang isang kilay nito.

“Hindi siya sasama sa’yo!” Walang emosyong sabi nito. Hindi man lang natitinag.

“Victory, sorry, who is he? Your boyfriend?” Bakas sa mukha ni Nathan ang pagtataka.

“No. He is a friend, my neighbor.” Nagpalit-palit ako ng tingin sa kanilang dalawa.

“So a

friend

.

“ May emphasis sa salitang friend.

Bumaling ito sa lalaki. “You can come with us bro, if you want.” Akmang tatalikod na siya nang magsalita si Thirdy.

“ Victory is not going anywhere. He is coming with me.“ Laban niya sa Englishan.

Ganda na sana. Kasi feeling ko pinag-aagawan ako. Kaso he ang pronoun sa akin.

Hindi na niyang hinintay na makasagot si Nathan. Bigla niya akong hinawakan sa pulsuhan at hinila.

Napalingon nalang ako sa isang lalaki. “ It’s

okay Nathan.

Next

time

nalang

.“ Halatang disappointed siya.

Nagpatianod nalang ako kay Thirdy dahil parang kinakaladkad niya ako.

“ Ano

ba

? Wag

mo

akong

kaladkarin

.

Mataas

ang

takong

ko

.“ Asik ko dito.

Ungentleman talaga. Kung hilahin ako animoy naghihila lang ng baka.

Bumagal itong naglakad pero tangay pa rin ang kamay ko. Iwinaksi ko ang pagkakahawak niya.

Ang

rude

mo

!“ Galit kong sabi. Parang binastos niya si Nathan. Eh, bisita yun.

“ Pasok

,

“ utos nito. Di ko namalayang nakabukas na ang Ford ranger nila.

Wala akong nagawa kundi maupo sa shotgun seat dahil napagod bigla ang paa ko. Nanggigil ako sa inis.

“Ano ba ang problema mo at galit ka na naman?” Nakaupo na kami sa loob.

“ Basta! Hindi ka sasama dun sa lalaking yun.“ Madiing sabi nito.

“At bakit? Tatay ba kita para pagbawalan ako?” Kung dati kinakabahan ako sa tuwing nakikita ko siyang galit. Ngayon, kaya ko nang makipagtalo.

Pinaandar nito ang pickup. Marunong pala ito magdrive. Akala ko motor lang ang alam. Sabagay marunong nga itong lumipad. Ba’t di ito magpiloto?

“ Basta hindi ka sasama sa Englishero na yun?“

Akala mo kaanu-ano kung makapagbawal. Kaibigan lang naman. At ano ang problema niya sa lalaking yun? Maayos naman itong nagyaya. Siya pa nga itong naging bastos.

“Bakit?” Lalo akong nainis sa kanya.

Tangna. Bakit niya ito ginagawa? Trip niya lang bang kontrolin ako. Dahil wala siyang magawa sa buhay. Worst, wala siyang ibang kaibigan na pwedeng pagtripan palibhasa bored sa buhay niyang aswang.

“Bigyan mo ako ng dahilan!” Nagpipigil akong umiyak.

Hindi ko maintindihan ang sarili ko na nasasaktan. Oo masakit isiping pinagtritripan lang niya ako kasi umaasa ako na lahat ng mga pinapakita niya ay may kakaibang kahulugan.

Wala siyang sagot.

“ Alam mo ang hilig mong

magsabing

bawal. Pero wala

namang

malinaw

na

dahilan.“ Di ko namalayang tumulo na pala ang luha ko.

“Kung di lang ako bakla. Matagal ko nang

inakalang

nagsiselos

ka sa mga

pinapakita

mo.“ Tuloy ang pagpatak ng luha ko.

Ano ba? Kanina gusto ko lang naman kumain kasama si Nathan. Ba’t ngayon umiiyak na ako? Nakakasira ng make-up tuloy. Magpipicture pa naman kami sa bahay mamaya.

“Thirdy, please kung pinagtrip-

tripan

mo lang akong. Please stop.“

Parang hahagulhol na ako sa sobrang sama ng loob. Sobrang bigat sa pakiramdam.

“ Alam mong bakla ako. Marami akong insecurities dahil hindi ako

babae

. Alam mo naman

sigurong

gusto kita

. Na

crush kita .“ Yung luha ko talaga ayaw din tumigil.

Mahabang katahimikan ang namayani matapos aminin ang nararamdaman.

Hindi

kita

pinagtritripan!“

“ Eh

kung hindi,

ano

?“ matapang kong sagot sa kanya.

“Fuck! Hindi ko alam.” Nagulat ako nang bigla niyang hampasin ang steering wheel.

Kung sa ibang pagkakataon ito, malamang kakabahan ako sa hitsura niya. Pero dahil nasasaktan ako, hindi ako pasisindak.

“ Please, huwag mo akong bigyan ng false hopes sa mga pinapakita mo. Dahil alam kong lalaki ka at babae ang hanap mo.“

Masisi niya ba akong umasa at mag-isip ng iba? Pota. Niyakap niya ako, sinundo, isinayaw at hinalikan. Anong iisipin ko dun sa mga pinagagawa niya?

“ Ayokong

masaktan

lalo sa huli.“ Pagsusuko ko. Tahimik lang akong umiyak. Nakatingin sa labas.

At least, nasabi ko ang gusto kong sabihin. Maganda klaro ang lahat. Kung malabo siya kasalungat ng apelyido niya. Bahala siya.

Sinibukan kong pihitin ang pinto ng sasakyan pero naka-lock ito. Balak ko sanang lumabas.

“ Gusto

ko

nang

umuwi.“

Mukhang kailangan ko na siyang iwasan. Dahil baka lalo lang ako mahulog sa kanya. Sa huli, ako rin ang masasaktan. ###

[

ITUTULOY]

PART 11

“ Fiesta“

Rejection ang isa siguro sa nakakatakot na bagay sa buhay. Dahil lahat ng mga insecurities mo ay ma-magnify nito. Lalo na kung bakla ka.

Pagkatapos ng nangyari kagabi. Tahimik kong tinitiis ang sakit. Kahit fiesta, hindi ko maramdamang maging masaya. Kahit sa pagkain, parang nawalan ako ng gana.

So ganito pala ang pakiramdam kapag hindi ka gusto ng gusto mo.

Kaya ako nalang ang nagkusang magbantay kay baby Mat-mat para may dahilan akong magtambay sa loob ng kwarto. Kahit papaano nalilibang ako sa kakyutan nito at pagiging bibo.

Di ko kasi maintindihan ang sarili bakit bigla nalang ako napapahikbi dahil sa lungkot.

Nakahiga ako’t nagpapatulog kay baby nang tawagin ako ni Ate Kris. May naghahanap sa akin. Hapon na kaya’t wala na kaming halos bisita. Mga iilang nag-iinuman nalang na mga kamag-anak at kumpare nila Tatay ang naiwan sa labas.

“Sino ate Kris ang

naghahanap

?“ takang tanong ko.

Wala naman akong inaasahang bisita dahil kanina pa sila nagsipunta. Kahit anong  pilit  nga nila Mel na sumama ako para makikain sa kanila at sa ibang kong pinsan at manood ng palaro sa plaza. Tumanggi ako dahil may iniiwasan akong tao. Siguro nagtatampo’t nagtataka yun sa biglaang pagbabago ko.

Agad akong lumabas. Nakita ko ang malapad na ngiti ni  Nathan. Nakakahawa ang ngiti niya kaya napangiti din ako.  Gwapo ang hitsura nitong nakasuot ng casual.

“ Oh, I just paid a visit to

check

if you’re okay. You

know

, yesterday.“ Nag-alala pala ito. Buti pa siya.

“ By the way, your much prettier without make up. I like it.“ Muli akong napangiti dahil sa tahasang papuri nito. Ganito ba talaga paglaking syudad. Direct sila magsalita.

Niyaya ko siyang kumain. Di naman ito tumanggi kahit sobrang busog na daw.

“ Fiesta  celebration here is awesome. Did you know,  naka-five ako ng bahay na

pinuntahan

kanina?“ Natatawa itong nagkwikwentong  namamangha.

Ay five lang. Kaunti pa nga yun.

“ And this is my 6th house, saving the best for last,“ sabay kindat.

Ano daw? So sinadya niya palang huling pumunta dito sa amin. Daming pabanat nitong Englishero ah. Maloko din talaga.

“ Lahat nang pinuntahan mong bahay, ganyan ka kumain?“ tanong ko sa kanya.

Kasi kung nakalima na to. Bakit parang madami at magana pa rin tong kumain. Akala ko busog. Tumingin siya sa akin.

“ Yeah..“ sabay sumubo ng dessert.

“Takaw mo pala.” natatawa kong sabi. Tuluyan na akong nahawa sa masaya niyang awra.

Marami pa itong naibahaging karanasan. Manghang-mangha daw ito dahil ito ang unang fiesta experience niya dito sa Santa Clara.

“Would you like to come with me?” Aniya pagkatapos kumain.

Namumungay ang mga mata nitong nagpapacute.

“Di tayo natuloy kahapon eh. We still have lechong baka. I asked uncle na tirahan ka coz I told him you are coming.”

Natawa nalang ako sa pinapakita nitong kakyutan. Lihim akong nagpasalamat dahil kay Nathan, nabawasan ang sama ng loob na dinadala ko.

Nagbihis lang ako ng maikling shorts at maluwag na t-shirt. Maganda naman ang mga binti ko. Tsaka dito lang naman kami sa barangay namin pupunta. Napagpasyahan kung sumama. Total magagabi na, malabo na sigurong makasalubong ang taong kanina ko pa iniiwasan.

“I borrowed my uncle’s motorcycle. Okay lang ba?” Nakalabas na kami ng bahay.

“Oo naman. Sanay ako sumakay ng motor.” Hello. Probinsya to. Habal-habal is life.

Nasabi ko kay Ate Kris na aalis ako. Magpapaalam sana ako kay Tatay nang marinig ko ang usapan ng mga kainuman nito na nakaagaw sa akin pansin. Palihim akong nakinig.

“Yung bunsong apo ni Tinong aswang, kanina ko pa napapansing padaan-daan dito. Sa tuwing tumatapat sa bahay niyo aba’y tumitingin. Pre Vic, baka iba ang naamoy.” anang isang kainuman ni Tatay.

Mukhang si Thirdy ang pinag-uuspan nila. Bigla akong kinabahan.

“Baka yang apo mo,” gatong din ng isa. Halatang may kakaibang tinutumbok.

“ Eh bakit, napamanahan na ba yan ng kinaadman? Parang bata pa naman,“ anang isa na nakakalokong tumawa.

“ Eh bakit padaan-daan at patingin-tingin dito? Eh di syempre may

naamoy

yun.“ sagot nung nakapansin.

Luh? Mga tao talaga apakalawak ng imahinasyon. Di ko mapigilang mainis sa usapan nila.

Pero bakit nga naman daan ng daan siya? Nagkataon lang ba o totoong may inaamoy ito? Ano ba? Dapat di ko dapat siya iniisip. Self, stop.

Matapos makapagpaalam, umaangkas ako sa motor ni Nathan. Sobrang bango din ng lalaki. Kinabog ang Bambini ko.

Nang makarating sa bahay ng uncle nito. Nahiya ako dahil pinakilala ako sa mga kamag-anak nila. Kahit yung iba kilala ko naman dahil kabarangay naman namin. Kilala din ako ng iba niyang pinsan niya dahil nakapanood ng miss gay.

“ Ay ikaw pala ang bunso ni Vic. Aba’y ang gandang bata parang hindi junior,“ sabi ng isang matandang tiyahing pinsan ni Nathan.  Muntik pa akong mapalabi sa narinig buti napigilan ko.

Agad naman akong niyaya sa kumedor. Mabilis akong umalis sa tumpukan ng mga may edad. Di ko bet ang mga sinasabi nila. Kakawala ng ganda.

Halos dumugo ang ilong ko nang makilala ang bunsong kapatid ni Nathan. Mas malala ito dahil di talaga nagta-Tagalog.

Nakaupo ako sa dining table habang hinahanda na nito ang pagkain. Totoo ngang may bakang lechon. Sa mga mayayaman,  uso ang may ganitong lechon kapag may okasyon. Mayaman  din naman talaga ang uncle nito.

Naglabas siya ng dalawang set ng plato’t kutstinidor. 

“Hoy kakain ka ba ulit? Bakit dalawa?”

Tumango ito. “Para mas ganahan kang kumain.” Natawa nalang ako. Ang takaw talaga. Buti hindi ito tumataba?

“Grabe ka, ang

takaw-takaw mo rin pala talaga.“ Napapailing ako.

“Mahilig talaga akong kumain,” sabay kindat at ngiti. Parang natanga lang ako dahil iba ang dating ng sinabi niya. Tila naswitch on ang utak kong malaswa. Behave.

Nilagyan niya ng pagkain ang plato ko. At sadyang dinamihan.

“You should eat more.

Payat

ka eh.“

“Oi hindi ako

payat

. Slim ako.“ Napatigil ako sa pagsubo ng may maalala. Kagaya ni Thirdy,  sinabihan  niya rin akong payat.

“ If you want,

subuan

kita.“ Nakangiti itong nakatingin.

“No, kaya ko,” tanggi ko.

Ano ba? Nakakahiya sa mga kamag-anak nila. Di ako handa sa reaksyon nila once makita  nila akong  sinusubuan ni Nathan. Baka ano ang isipin.

Habang patuloy kaming kumakain, napatitig ako sa kanya. Apaka sweet siguro nitong maging boyfriend. Mukhang maalaga. Swerte ng babae kung sakali.

Nasa sala na kami matapos kumain kasama ang kapatid ni Nathan . “Ate Victory,  are you a trans po?” inosenteng tanong nito.

Bahagya akong natigilan. Buti pa itong batang to. Mukhang  oriented na sa gender and development. Pero di ko din alam ang isasagot. Alam kong bakla lang ako. Pero utak at kilos babae ako. Pwede na ba yung matawag as transgender?

“ Kuya told me you’re a boy. But your too pretty po to be a boy,“ dagdag nito.

Sa huli,  pinili ko nalang  sabihin transgender para di na siya malito.

Mag-aalas siete na ng gabi. Inihatid  na ako ni Nathan pauwi sakay ng kanilang motor. Bago pa siya umalis, nagsabi itong dadalaw muli bago sila bumalik ng Manila.

Oo nga pala nagbabakasyon lang ito. Nakaramdam ako ng lungkot.  Kahit  araw palang ko lang siyang nakikilala, itinuring ko na siyang kaibigan. Mamimiss ko siya for sure.

Nginitian ko siya bago umalis. Gusto ko sanang yakapin at magpasalamat dahil nalibang ako kahit papaano. Pero nahiya din ako. Baka anong isipin.

Nang mapag-isa, muling nabalot ako ng kalungkutan. At nanumbalik yung sama ng loob at sakit.  Pansamantala ko lang pala itong nakalimutan.

Matamlay akong humakbang papasok ng bahay. Malapit na ako sa kawayan na gate namin. May biglang humila sa akin.

Kinilabutan ako dahil sa gulat. Sisigaw na sana ako ngunit agad niyang tinakpan ang bibig ko. Nagpupumiglas ako para makawala. Pero bigla niya akong binuhat ng walang kahirap-hirap. Papalayo sa bahay.

Naiiyak na ako sa takot. Sino siya at bakit niya ako gustong dukutin? Anong balak niya?

Nang mailayo, ibinaba niya ako. Patuloy akong nagpupumiglas. Pero agad niya akong niyakap. Balak ko sanang sumigaw subalit mukhang nawalan ako ng boses dahil sa pagkalito at shock.  Nanginginig ang buo kong katawan.

Mahigpit lang niya akong niyakap. Ramdam ko ang mainit na singaw ng kanyang katawan at ang manit niyang hininga. Pero, pero bakit pamilyar yung hulma ng katawan at amoy nito kahit nahahaluan ng alak?

“ Di ba sabi ko sa’yo wag kang sumama sa  Englisherong yun!“ Tuluyan  akong  napahaguhol nang makilala ang lalaki. Hindi ako sigurado kung ang pag-iyak ko lalo ay dahil sa takot o dahil sa lalaki mismo.

Tangna niya. Anong karapatan niyang gawin to sa akin. Hindi niya ba alam na mas lalo akong nasasaktan. Balak ko siyang iwasan para makalimutan. Pero bakit siya itong lapit ng lapit.

Gusto ko siyang itulak pero nanghihina pa ako. Parang tinakasan ako ng lakas.

“ Bakit mo ba ito ginagawa sa akin?“ Sa kabila ng pag-iyak nagawa kong maitanong sa kanya.

“Bakit

?“ nanghihina pa rin ako. Sa kabila ng takot ko di ko maikakailang gusto ko ang yakap niya. Na namiss ko to. Yung amoy niya at tigas ng kanyang katawan. Ang rupok ni self.

Unti-unting bumabalik sa normal ang nararamdaman ko matapos ang ilang saglit. Aaminin kong gustong-gusto ko ang yakap niya pero kailangan kong itigil to.

“Third, 

uuwi

 

na

ako.“ Lumuwag ang pagkakayakap niya sa akin. Napaangat ako ng ulo. Kahit madilim, mababanaag ko pa rin ang gulong-gulo niyang mukha.

Itinulak ko siya. Kinastigo ko ang aking sarili. Hindi dapat ako nagpapadala sa mga ginagawa niya. Dahil tulad nitong pagyakap yakap niya, wala itong ibang kahulugan.

“Victory…” mahinang sambit niya.

Natigilan ako. Parang may kakaibang kiliti ang hatid sa akin sa paraan ng pagbigkas niya ng pangalan ko. Ang sexy ng boses. Ugh! Bakit ako naapektuhan?

“I….” 

“I like you.”

[ITUTULOY]

PART 12

“Sigbin”

“I Like you.”

 

Tila naging tuod ako dahil sa narinig. Pakiramdam ko lalo akong kinabahan.

Gusto niya ako? Anong klaseng gusto ako, as a friend?

Ilang minuto akong  nanatiling nakatayo na hindi man lang siya nililingon. Kasi sa totoo  lang, hindi ko alam anong sasabihin.

Di ko maiwasang isipin baka trip niya lang lahat ng ito lalo’t umamin na ako ako ng nararamdaman sa kanya. Di ko mapigilang  magduda. Baka dahil lasing o nakainom lang ito.

Kahit gustong-gusto kong sumabay sa trip niya ngayong gabi pero natatakot ako. Kaya mas pinili ko nalang muna ang lumayo. Mag-isip. Kumaripas ako ng takbo.

Kinabukasan, nagkagulo sa bahay dahil biglang nagkasakit si baby Mat-mat. May sinat at namumula’t may pantal-pantal at itim-itim ang balat. Sa unang tingin, mukha itong rashes. Siguro nanibago lang si baby sa klima at lugar dito sa amin hula ko.

Pero sila ate iba ang naisip at sobrang nag-aalala. Agad dinala ito sa isang albularyo baka raw nabati o nakursunadahan. So, kapag nasa probinsya na maligno agad?

“Ate, dalhin niyo kaya sa health center o clinic si baby muna.” Di ko mapigilang mairita dahil sa kanilang paniniwala.

Walang masamang maniwala sa traditional o spiritual healing kung yan ang tawag nila diyan. Pero sa kaso ni baby,  hindi albularyo ang kailangan kundi medical doctor. Parang nilalagay nila lalo sa at risk yung kalusugan ng bata.

Pero sa huli dahil siya ang magulang,  mas pinili nila ang albularyo. Saka nalang daw yung sa doktor.

Si ate Kris talaga.  Nakapunta na ng Manila pero nanatili pa ring funny, funny-walain. Nag-aalala din kasi ako sa bata.

Kaya ako ang naiwang magbantay sa tindahan. Si Nanay kasi namimili ng paninda sa bayan kasama si Ate Anne. Si Ate Daisy naman sumama kina Kuya at Ate Kris. Si Tatay tulog pa dahil sa sobrang kalasingan.

Kasalukuyan akong nakikinig ng music mula sa isang FM radio. Pansamantalang nawala sa isip ko yung nangyari kagabi  dahil sa pag-aalala kay baby Mat-mat.

At ngayong mag-isa. Pumasok sa isip ko bigla ang sinabi ni Thirdy. At hanggang ngayon ay naguguluhan pa rin ako. Papaniwalaan ko ba ang sinabi  nito? Pero may bahagi sa akin ang umasang totoo yun at nagsisisi kung bakit ko siya biglang iniwanan kagabi.

Masisi ba niya ako kung pagdududahan ko siya gayong ang dami kong insecurities? Bilang hindi tunay  na  babae.

Muntik na akong mabuwal sa kinauupuan kong stool nang pagtingin ko sa labas. Nakita ko ang mukha ni Thirdy.  Kanina pa ba niya ako pinagmamasdan? Hindi ko man lang napansin ang kanyang pagdating.

Nakatitig siya sa akin. Mukhang kulang siya sa tulog dahil kita sa mukha niyang.. malungkot? Pero bakit ang lungkot ng awra niya ngayon?

“ Victory…“ mababang boses niyang tawag.

Shit. Ba’t ang sarap pakinggan ng tinig niya. Iba yung kiliting hatid sa katawan ko sa paraan ng pagbigkas ng pangalan ko. Nakakapang-init. At mukhang nasasanay na rin siyang tawagin akong Victory. At least.

“Yung nang—–”

“Tang ina naman!”

Parehas kaming nagulat sa lakas ng boses na sumapaw. Parang boses ni ate Kris. Galit.

“Bat anak

ko

pa

ang

nagpagkursunadahan?“

Dali-dali akong lumabas. Sino ba kaaway nito at galit na galit?

“Ate, anong nangyari?” Buong pagtataka kong tanong.

“Yung mga perwisyo kasi. Pati bata hindi pinapalgpas. Di na naawa’t inaswang pa!”

Anong pinagsasabi ni ate Kris? Anong inaswang? Sino?

“Ikaw?” Si ate Kris nakaduro siya kay Thirdy. 

“Kaya ka siguro nagkukunwaring bibili sa amin dahil may naamoy kayo. Naamoy niyo ang anak ako!”

“Ate Kris!” Saway ko sa kanya. Bakit bigla nalang itong  nagagalit kay Thirdy. 

“Sus kunyari pa kayo. Yung anak ko, kinagat kagabi ng sigbin. Kaya nagkasakit!” Ayaw paawat ni ate Kris.

Nakakahiya na ang mga pinagsasabi nito kay Thirdy.  Tahasan niyang pinaparatangan ang lalaki.

“May nakapagsabi sa akin na daan ka ng daan ka dito kahapon. At lagi kang  napapaatingin dito. Bakit, dahil balak niyo nang ipakagat sa sigbin ang anak ko?”

“Please ate, tumigil

ka

na.“ Napalakas ang boses ko.

Ako ang hinahanap niya kahapon kaya siya daan ng saan at patingin-tingin. Hindi para mangaswang. Gusto ko sanang ipagtanggol si Thirdy.

Naaawa ako sa hitsura niya. Tahimik lang ito na parang biglang umamong tuta. Kung dati lagi siyang mukhang maangas at mayabang. Ngayon, naging maamo ang mukha nito habang pinapagalitan ni ate.

“Third, umuwi ka  na lang.” Ayokong  marinig niya pa ang ibang sasabihin ng kapatid ko.

Agad naman itong tumalima. Lalo akong naawa dahil nakita kong laylay ang kanyang mga balikat. At ang mas lalo itong nalungkot tingnan dahil siguro sa pagkakapahiya. Buti nalang walang ibang tao.

“ Ate ano ba ang nangyari?“ Di ko mapigilang maiinis dahil sa irasyonal na kilos at mga salita nito kanina.

Nakaupo na siya sa sofa sa sa loob ng bahay namin. Katabi na niya si bayaw habang karga si baby Mat-mat. Mukhang humupa na ang galit nito.

“Sabi ni Apoy Teban, kagat daw ng mga sigbin yung pantal-pantal at itim-itim kay baby.  Dahil inaswang daw.”

Wtf. Inaswang si baby? At naniwala naman ito? “Bakit ka naman maniniwala doon kay Apoy Teban.”

“At bakit hindi?  Yung mga Claro na malapit lang sa atin ay mga aswang. Kaya walang ibang gumawa nito kay baby kundi sila lang.” Puno ng kasiguraduhang sagot nito.

Lalo akong nainis kay Ate dahil basta nalang siyang nagpapaniwala. Kahit wala namang matibay na katunayang kinagat nga si baby ng sigbin. Sigbin in your face.

Sa lugar namin,  may paniniwalang ang mga aswang ay may alagang sigbin. Ayon sa mga sabi sabi, ang sigbin ay isang nilalang na kasing laki ng tuta na kadalasan gumagala kapag gabi. Hindi ito nakikita pero naririnig dahil may taglay itong kakaibang tunog nito. Ito raw ay sumisipsip ng dugo ng mga bata maging ng mga buntis. 

“Ate,

ba’t

naman

pinagsabihan

mo

ng

ganung

yung tao? Nakakahiya.“ Nakakafrustrate ang nangyari.

“ At

bakit

ako

mahihiya

sa

kanya

Vic

?

Eh

sila

nga

itong

nakakaperwisyo

dahil

sa

kaaswangan

nila,“ sagot nito.

Gusto ko pa sanang sumagot at makipagtalo kaso dumating na sila nanay. Naikwento naman ni ate ang nangyari. Kaya’t napagpasyahan nalang nilang wag na muna palabasin o patambayin si baby sa labas habang nandito sila.  Para maiwasan daw sa mainit na mga mata ng kanilang pinaghihinalaan.

Halos padabog akong pumasok sa kwarto dahil sa sobrang banas sa kanila. Nag-aalala ako kay Thirdy. Baka nagtampo o nagalit ito sa akin dahil sa mga pinagsasabi ni Ate Kris. Grrrrr, si ate talaga pahamak.

Kahit inis ako sa lalaki din. Pero ayokong tuluyan itong  magalit sa akin. Di kaya ng puso ko. Naku ate ha, pag naudlot itong lablyp ko. Papaiyakin ko si baby Mat-mat talaga.

Ba’t naman kasi sila naniniwala sa ganyan– sa mga sigbin? Bakit ang bilis nilang mamaratang sa iba kapag may nangyayaring kakaiba o kamalasan. Tila sumakit ang ulo ko sa kaiisip 

Kailangan kong makausap si Thirdy. ###

[ITUTULOY]

PART 13

“Sore eyes”

Kanina pa ako nandito sa kanto papasok sa bahay nila Thirdy.  Nagbabakasakaling dumaan siya. Di ko kasi maiwasang mag-alala sa kanya dahil sa mga pinagsasabi ni Ate Kris. Animo pati ako nasaktan din.

Si ate kasi. Iniisip ko nalang na kaya niya nagawa yun dahil isa siyang ina na nag-aalala para sa anak. Mali lang na agad siyang  namaratang nang walang  matibay  na ebedinsya.

Halos isang oras na akong naghihintay pero wala pa rin. What if puntahan ko nalang siya? Siguro nasa bahay lang ito. Sana.

Namalayan ko nalang ang aking mga paa na dinadala sa pamamahay ng mga Claro.

Sa pangalawang pagkakataon,  nakarating ako dito.  Katahimikan ang bumungad sa akin. Nakakabinging katahimikan. 

Ilang minuto akong nakatayo sa harapan ng kanilang bakal na gate.  Nagdadalawang isip kung kakatok. Pero nag-uumapaw ang kagustuhan kong makausap ang lalaki. Marahan kung hinampas ang bakal para makagawa ng ingay.

Paulit-ulit at palakas ng palakas ang paghampas. Ba’t di nalang kaya ako sumigaw?  Pero mukhang bibigay ang boses ko dahil  sa kabang bumabalot sa akin. Sana, marinig ni Thirdy yung pangagalampag sa gate nila.

Lumipas ang ilang sandali, bigo pa rin ako sa ginagawa ko dahil tila walang bakas na may tao sa loob. Nasaan ba sila? Jusko. Magtatakip-silim na. Di ko maiwasang kabahan pero nananaig pa rin ang kagustuhang makita’t makausap siya.

Muli, ang tunog ng bakal na hinahampas ang tanging pumapaibabaw sa payapang kabahayan. Ano ba? Seryoso ba, walang tao? Pero nasa loob ang saksakyan nila pati ang motor ni Thirdy. Kung tama ang hinuha ko, nasa loob lang sila ng bahay at hindi umalis. Di ba talaga ako nila naririnig?

Nagsisimula ng dumilim ang paligid at unti-unting nang humahalo ang huni ng mga kuliglig sa kapaligiran.

Dahil sa pag-aalala at tila panghihina napaupo ako sa damuhan. Determinado pa rin akong makausap siya.

Ang daming tumatakbo sa isip ko~galit siya sa akin at sa pamilya ko! Kaya ayaw na niya akong makita. Bumalot ang sakit sa puso ko, parang tinutusok-tusok ng pinong-pino.

“Anong

kailangan

mo

?“

Bigla akong napatayo matapos marinig ang boses na may hatid kilabot. Tila tumayo ang balahibo ko sa takot.

Awtomatiko akong napatingin sa pinanggagalingan ng boses. Tumambad sa akin ang isang matandang lalaking maputi. Napatitig ako sa kanya. Alam kong hindi maganda ang tumitig sa kapwa, ika nga it is rude. Pero di ko maiwasang aralin ang hitsura niya.

Bagama’t masasabing magandang lalaki ito sa kabila ng katandaan. Pero ang kanyang balat ay kakaiba ang pagkaputi, parang di na sisikatan ng araw. Ang kanyang mga mata. Teka lang, ba’t parang ang pula at hindi makatingin sa akin ng derecho. Panahon

ba

ngayon

ng

sore

eyes?

Ang kanyang awra ay kakaiba animo’y may hatid kilabot. O sadyang pakiramdam ko lang ’to. Pero sino nga ba siya? Omg! Natigilan ako ng mahinuha kong ang kaharap ko ay ang Lolo ni Thirdy,  si Tino o kilala sa tawag na ’

Tinong

Aswang

.’

Lumakas ang kabog ng dibdib ko sa nerbyos. Hindi ko mapigilang makaramdam ng takot. Sa totoo lang ngayon ko lang siya nakita kasi hindi naman ito lumalabas ng bahay.

“Ah- a-ako po si -si Victory… a-anak ni V-vic.” Pinipilit kong ipakita na hindi ako natatakot ngunit ipinagkakanulo ako sa pautal-utal kong pagsasalita.

“Anong kailangan mo?”

Oo nga pala ito ang tanong niya hindi kung sino ako. Sadyang nakakatanga talaga ang takot.

“ Ah gu-gusto ko sa-sanang makausap si-si Thirdy.“ Kahit anong pilit kong maging matatag ngayong kaharap ko na ang bantugang aswang sa lugar namin. Di ko pa rin  magawa.

“Bakit?” Ramdam ko ang talim ng tingin niya sa akin na parang nag-iinit ang balat ko at hindi ako mapakali.

Sasagot na sana ako nang marinig ko ang pamilyar  na motor na papalapit. Nabaling ang atensyon ko sa liwanag na biglang tumutok sa akin. 

Nakahinga ako ng maluwag matapos kong makita ang lalaking dahilan bakit ako napasugod sa pamamahay nila.

“ Angkas ka na Victory.  Hatid na kita sa inyo.“ Walang emosyong sabi nito.

Naramdaman ko ang paghawak niya sa kamay ko. Nakikita ko sa kanyang mukha ang ibat ibang emosyon.  Tila may takot,  galit, awa at lungkot? Lalo na nang maramdaman niya ang panginginig ko at panlalamig dahil  sa takot.

Nang tuluyan na akong makasampa sa kanyang motor. Unti-unti na akong nakakaramdam ng ginhawa lalo na ng malanghap ko ang kanyang pamilyar at mabangong katawan. Pakiramdam ko, ligtas ako sa piling niya.

Bago pa niya pinaharurot ang motor,  napalingon ako sa matandang lalaki. Muling sumalubong sa akin ang kakaiba niyang titig~ may talim at may hatid na kilabot at takot. Bakit

ganun

? Totoo kayang aswang ang matandang Claro. Hindi ko maiwasang malungkot para kay Thirdy.

Matapos niya akong ihatid sa bahay hindi man lang niya ako kinibo. Hindi na rin ako nagpilit na magkausap kami dahil naubos ang lakas ko kanina sa pagkikita namin ng matandang Claro. Wala rin akong lakas ng loob sabihin kina Tatay ang nangyari. Baka pagbawalan nila akong lumapit kay Thirdy. Mukhang di ko kaya.

Kaya heto ako halos hindi makatulog dahil sa nangyari kanina.  Tila nagrereplay sa utak ko ang hitsura ng Lolo ni Thirdy. Kahit pilit kong winawaksi, hindi ko makalimutan ang paraan ng pagtitig niya na may hatid na kilabot.

Nagising ako dahil puputok na ang pantog ko. Pero bakit ang tahimik ng bahay? Kakaiba ang katahimikan. Nasaan ang mga kapatid ko? Alam kong gabi pa dahil madilim sa labas.

Sa kabila ng antok, derecho ako sa banyo para magbawas.

Pabalik na sana ako sa kwarto nang marinig ko ang kaluskos sa labas. Kaluskos na parang may umaaligid-aligid. Sino? May gustong magnakaw sa amin?

Walang anu-ano’y halos maduwal ako nang biglang mabalot ang buong kusina ng isang masangsang at mabahong amoy. Saan ba yan galing? Bakit may nakakasulasok na amoy?

Napaigtad ako nang maramdamang papalakas ng papalakas ang kaluskos sa labas. Parang may malaking hayop na umaaligid. Anong klaseng hayop ba yan?

Gusto ko na sanang tumakbo pabalik ng kwarto pero naging tuod ako sa aking kinatatayuan. Hindi ko maigalaw ang aking mga paa. Tuluyan na akong binalot ng takot. Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Animoy may pwersang pumipigil sa akin para gumalaw.

Napasigaw ako dahil ang higanteng hayop sa labas ay gustong pumasok. Ginigiba niya ang kahoy naming pinto.

Patuloy akong nagsisigaw.  Baka sakaling magising sila Tatay at Nanay. Ngunit nasaan ba sila? Sila ate at ang bayaw ko, asan sila? Hindi ba nila naririnig ang nangyayari dito sa kusina?

Takot na takot na akong umiiyak habang patuloy na ginigiba ng kung sino mang dambuhalang nilalang ang pintuan namin. Hindi ko pa rin maigalaw ang aking katawan.  Bakit?

Sa isang iglap pa, tuluyan nang nasira ang pinto at tumambad sa akin ang isang napakalaking aso. Maitim at may sa demonyo hitsura. Nakakatakot. 

Nakatingin ito sa akin na parang handang-handa na akong lapain. Ang kanyang mga mata ay mala-impyernong nagliliyab. Tumutulo ang kanyang mga  laway. Nakakasindak ang kanyang nagtatalasang mga pangil.

Anong klaseng nilalang itong nasa pamamahay namin. Ito ba ang sinasabi nilang aswang?

Pero bakit nandito siya? Kailan man wala pa akong nababalitaang taong nilapa o kinain ng aswang. At bakit pamilyar sa akin ang paraan ng pagtitig niyang may talim? Parang nakita ko na ang ganitong mga  matang mapupula.

Patuloy akong nagsisigaw. Hindi ko alintana kung mapaos ako at masakit na ang lalamunan ko. Nagbabakasakaling magising sila Nanay. Nasaan ba sila?

Dahan-dahang lumapit sa akin ang dambuhalang nilalang. Lalong lumakas ang napakasangsang na amoy. Halos bumaligtad ang sikmura ko.

Tahimik akong nanalangin.

“Panginoon, iligtas mo ako sa kapahamakan!”

Gusto kong lumaban. Gusto kong tumakbo pero ang katawan ko hindi maigalaw. At nang tuluyan nang makalapit sa akin ang mala-demonyong aso. Ibinuka nito ang kanyang bibig para tuluyan na akong lapain. Kasabay nang pagbaon ng kanyang mga pangil sa aking leeg. Ay ang huling sigaw ko dahil sa sobrang sakit.

“AHHHHHHHHHHHHHHHH!!”

Ito na ba ang katapusan ko? Mamatay

nalang

ba

ako

ng

ganito

? Ngunit paano na si Thirdy?

“ Vic! Vic!“

“Gumising ka! Binabangungot ka!”

“Diyos ko si Victory, inaapoy ng lagnat!”

[ITUTULOY]

PART 14

“BJ”

Matapos ang ilang araw kong pagkakasakit. Tuluyan nang  nanumbalik ang aking lakas. Bagamat sina ate Kris ay bumalik na sa Manila. Maging si Nathan na dumalaw pa sa akin nung nabalitaan nitong nilalagnat ako bago din sila bumalik sa syudad.

Ilang araw ko na ding hindi nakikita si Thirdy. Wala akong  balita sa kanya. Di ko nga alam kung nalaman  ba niyang nagkasakit ako bigla matapos ang pakikipagkita sa kanyang Lolo.

Napapikit ako. Muli kong naalala ang kakaibang pakiramdam ng sandaling yun. May kinalaman kaya ito sa naging bangungot ko? At kahit ni isa, wala akong pinagsabihan sa naging laman ng masamang panaginip ko. Pero bakit pakiramdam ko’y parang totoo ang lahat?

Kasalukuyan akong nasa tindahan at nagbabantay. Mamayang hapon pa sila Mel pupunta.   Napagkasunduan kasi naming mag-b-BJ trip mamaya. Yes, BJ like buko juice trip. Nagpipilit ang bakla kasi maganda raw na makainom ako ng bj dahil galing akong nagkasakit. Mas makakatulong daw ito para sa tuluyan kong paggaling. Nutritionist  yern.

“Victoryyyy!”

Tili ng isang pamilyar na boses.  Mula sa loob ng tindahan nakita ko si Ate Andrea nakangiti. Di ko pala naisasauli ang damit na sinuot ko nung parada dahil nangyari.

“Ateeee!” Ganti kong tili sabay yakap pagkalabas ko ng aming tindahan.

Akala ko, yung damit ang sadya niya yun pala sinabihan lang ako kung sasali daw ako ulit ng Miss Gay sa kabilang barangay. Hindi na kasi siya pwede dahil may age limit. Twenty years old below lang ang pwedeng makasali. Kaya siya nalang ang magiging handler ko. Bago ako makapagbigay ng sagot, kailangan ko muna magpaalam kina Nanay. Mahirap na.

Pagkaalis ni ate Andrea saka naman dumating sina Mel. As usual ang iingay. Agad naman kaming pumunta sa niyugan kasama ang iba ko pang pinsan.

Naging masaya ang BJ trip namin dahil puro kalokohan sina Mel. Kahit papaano nakalimutan ko ang lungkot dahil ilang araw ko na ring hindi nakikita si Thirdy. Galit pa rin ba siya dahil sa mga sinabi ni ate?

Gabi ng Miss Gay Pageant sa kabilang barangay.  Kasama ko sina ate Andrea at Mel sa likod ng stage. Same din ang flow ng contest, may production number, national costume, talent portion,  swimsuit at gown competition at panghuli ay ang Q&A.

Marami akong kasabayang matagal nang sumasali sa ganitong patimpalak. Bagama’t kinabahan, pinilit kong lumaban.  At sa huli,  itinanghal akong first runner up. Not bad sa tulad kong pangalawang beses palang sumasali sa ganitong contest.  Ika nga marami pa akong kakaining bigas para ma-maintain ang pagiging title holder ko. Char.

“Hi Victory…” Nagulat ako nang biglang lumapit sa akin ang maloko kong classmate na si Joshua. 

Kasalukuyan kaming naghahanda sa pag-uwi. Mag-ala una na rin.

“Ang ganda mo talaga. Para sa akin ikaw ang title holder,” dagdag pa nito.

“Naku, tigil-tigilan mo nga ako sa pambobola mo Josh.” Natatawa kong sagot sa kanya. Pero deep inside, nakakatuwa dahil kahit paano nasasatisfy ang validation kong hinahanap bilang isang hindi tunay na babae.

“Hatid na kita,” alok ni Josh.

“Naku day! Sumabay ka na sa boylet mo dahil hindi tayo kasya sa motor ko.” Matinis na sabat ni Ate Andrea.

Oo nga, mukhang hindi kami kasya sa motor niya dahil kasabay na namin si Mel at ang daming pang bitbit na mga gamit.

Lumapit ako sa nakangiting si Joshua. Masaya yern.

Cute naman talaga itong loko-loko kaso payatin lang kaya di ko masyadong bet. Mas bet ko kasi mga machohin kagaya ni cutie wang kasi feeling ko mas daks. Shit, naisip ko na naman siya.

“Angkas ka na sa akin.” Malambing na wika ni Josh. Ipinilig ko nalang ang aking ulo dahil sa naisip.

Paangkas na sana ako ngunit napatigil ako sa paghakbang nang marinig ko ang pamilyar at galit na boses.

“HINDI KA AANGKAS SA KANYA!” Madiin at galit nitong sabi.

Animo’y naparalisa ako at hindi makagalaw. Hindi ako makalingon sa kanya. Nilukob ang katawan ko ng kaba. Shit! Bakit siya nandito?

Napatingin ako kay Josh na parang humihingi ng saklolo.

“Ihahatid ko si Victory.” May diin ding sabi nito.  Nakakunot ang kanyang noo at handang makipagbugbugan.

“Huwag ka nang magmatigas bata, umuwi ka nalang bago pa kita lumpuhin!” Puno nang panguuyam ang sagot ng isang lalaki.

Seryoso ba siya? Papatulan niya si Josh. Eh mas hamak na malaki siya dito. Kung magkakasuntukan man. Sadyang dehado ito. Ako ang natakot para dito dahil hindi ko alam ang takbong ng isip nitong isang sira-ulo. Kaya’t no choice na ako kaysa magkagulo pa. Ganda ko naman masyado para pag-agawan.

“Ahhhhmmm, Josh… sasabay nalang ako kay Thirdy. Kita nalang tayo sa school.” Napabuntong-hininga nalang siya tanda ng kanyang pagsuko. Pagkuway nagpaharurot papaalis.

Naiwan kaming balot ng katahimikan. Awkwardddd .

“Kumusta ka na Vic?” Matapos ang mahabang katahimikan.

Agad akong napatingin sa kanyang mga mata. Bagama’t nandun ang pilit na ikinukubling galit, parang naaaninag ko ang kanyang pag-aalala. Concern yern?

“Okay lang.” Tipid kong sagot.

Ano bang sasabihin ko~na binangungot ako at nilagnat ng ilang araw after kong ma-meet ang kanyang Lolo? Tsk.

Mahabang katahimikan.

“Hatid na kita.” Nahihimigan ko ang galit sa tinig  nito.

Teka ba’t na naman ba ito galit?

Ano

naman

ba

ang

problema

?

Humakbang ako papalapit sa kanya. Kahit sa totoo lang naman gustong-gusto ko siyang yakapin dahil namiss ko siya ng bongga. Huminto ako sa tabi niya at napatitig sa gwapo niyang mukha kahit nakabusangot.

“Sasakay

ka

ba

o

bubuhatin

pa

kita

?“  Bakit ba kasi naiirita siya? Kaya tuloy di ko mapigilang maiinis din.

Sa halip na sumakay nanatili akong nakatayo na tila naghahamon. Sige

nga

kung kaya

mo

!

Nakita ko siyang tumayo mula sa pagkakaupo sa kanyang motor at humakbang papalapit sa akin.

Tangna si gago mukhang totohanin. Hala di na mabiro! Nang tuluyang makalapit ng sobrang lapit. Nalanghap ko na naman ang kanyang nakakabaliw na amoy. Shocks ang bango talaga niya.

Walang pag-aalinlangan niyang hinawakan ang baba ko at iniaangat ng bahagya pagkakuwa’y dahan-dahang bumaba ang kanyang mukha.  Palapit ng palapit sa mukha ko. Hanggang sa maglapat ang mga labi namin. Teka lang akala ko bubuhatin ako pero ba’t naging ganito?

Napadilat ang mga mata ko kasabay ng malalakas na pagtambol ng puso ko.

Lub-dub

Lub-dub

Lub-dub

Naramdaman ko ang mainit niyang mga labing parang puno ng pananabik. Tuluyan akong ginupo ng kakaibang kiliti. Napapikit nalang ako habang hinahayang malasap ang pag-iisa ng aming mga labi. Ang paghahalo ng aming mga laway. Ang laway niya. Ang laway niya na singtamis ng BJ. HOY!

10 seconds

20 seconds

30 seconds

40 seconds

Patuloy pa rin ang aming pag-iisa. Hanggang unti-unti ko nang nasusundan ang kanyang ritmo. At nakakayang ko nang tugunan ang kanyang ekspertong halik.

50 seconds 6 0 seconds

Beep. 

Nararamdaman ko nalang ang unti-unting paglayo ng kanyang mga labi sa labi ko. Hoy teka naman. Parang nabitin ako. Wait lang. More! More! Sigaw ng utak ko.

Mahabang katahimikan. Pakiramdam ko mas nakakabingi ang lakas ng  pintig ng puso ko.

“Hatid

na

kita

.“ Tila bumalik ako sa reyalidad sa lambing ng boses niya.

Napadilat ako ng mata at nakita ko ang mukha niyang napakagwapo. Nakangiti. Masaya. Oh God. Hindi ko nalang siya gusto. Mukhang mahal ko na siya. 

At umangat ang mukha ko. Sa ikalawang pagkakataon ng gabing iyon, muling nagtagpo ang aming mga labi.  ###

[ITUTULOY]

PART 15

“Sapol, Sapo”

Tahimik naming binabaybay ang madilim na kalsada. Sa muli, nakayakap ako sa likuran ni Thirdy. Patuloy pa rin na nag-iinit ang pakiramdam dahil sa nangyaring halikan kanina. Parang ang sariwa pa ng kaganapan. Animoy nalalasahan ko pa ang malambot na labi at masarap na laway ng lalaki. Kaya’t idinikit ko lalo ang may kailiitan kong katawan sa malapad niyang likod. Hindi na ako nakaramdam ng hiya. Bakit pa naglaplapan na nga?

Dala nang pagkalunod sa sitwasyon, namalayan ko nalang na huminto ang motor nito.  Napatingin ako sa paligid. Hindi ito pamilyar at mas lalong hindi ito ang bahay namin. Nasaan ba kami?

“Baba ka na..” malambing niyang sabi. Luh, anong meron pati pagsasalita nito biglang nagbago? Samantalang lagi naman itong naiinis at galit. 

“Nasaan pala tayo?” Madilim ang paligid. May naaaninag ako na kubo sa malapitan. Naririnig ko rin ang mahinang lagasgas ng tubig. Malapit pa ba kami sa may ilog?

“Sumunod ka sa akin.” Hindi niya ako sinagot. Derecho lang itong naglakad patungo sa kubo. Napilitan akong sumunod kahit marami pa akong katanungan.

Pumasok ito sa loob.  Wala akong choice at pumasok din, mukhang sa kanila naman ito dahil sa hawak nitong susi. Agad siyang nagsindi ng ilaw na de gas. Nang lumiwanag, nakita ko ang malinis ang pagkakaayos ng iilang mga gamit. May mesa at dalawang silya.  Nakita ko ring may nakasabit na gitara sa dingding na sawali. 

“Dito ako nagtatambay pag gusto ko mapag-isa,” pagkuway sabi nito.

Napatingin  ako sa kanya. Hindi ko mabasa ang kanyang nararamadam dahil ang kanyang mga mata ay puno ng halo-halong emosyon. Napatango nalang ako. Malamang parte pa rin ito ng kanilang malawak na lupain.

Kinuha niya ang gitara. Di ko mapigilang mamangha. Lalo akong napatitig sa kanyang mga galaw. May talent din pala ito sa pagtutog.

Shutta. Isa pa naman sa gustong-gusto ko sa lalaki ay marunong tumugtog ng instrument. At si Thirdy marunong maggitara. Nakakainlab.

Bumasag sa katahimikan ang nakakaakit na tugtugin na pamilyar sa akin. Lalo akong napatitig sa kanya habang  ang kanyang mga  daliri ay ekspertong nagtitipa at  naglalaro sa strings. Shit naman sa fingerboard.

Bakit lalo siyang gumagwapo sa paningin ko? At bakit may estrangherong  hatid sa akin habang pinagnamamasdan ang galaw ng kanyang mga daliri? Ang galing niya at ang galing niyang  puminger. KFC yern.

Patuloy lang siya sa pagtipa. At halos lumuwa ang mga mata ko at maihi sa kilig nang magsimula siyang kumanta. Pumaibabaw ang boses niyang kay sarap habang inaawit ang You and Me ng LifeHouse. Bakit ang perfect niya? Sa totoo lang hindi ko ineexpect na maganda ang boses niya.

Pakiramdam ko’y hinihigop ako ng kanyang boses. Nagtama naman ang aming mga mata. Nakatitigan. Nangungusap. Tila walang gustong bumitaw. Shit. Lalo siyang gumagwapo sa  aking paningin. At sadyang  apacca romantic naman nitong sandali. Siya at ako sa kubo habang tumutugtog ng gitara. Kinakantahan ako. Ganda ko naman masyado.

Bumaba ang titig ko sa kanyang bibig at mga labi. Ang labi niyang kay lambot at sarap. Nakaramdam ulit ako ng init at pagnanasang muling maramdam ang init nito. Hindi na ako nagpatumpik tumpik pa. Lumapit ako sa kanya at hinalikan ko siya. Oh bakit? nakakadik siyang halikan eh.

Parang naging mas agresibo na ako. Hanggang sa mas lumalim pa ang aming halikan. Pakiramdam ko sinisilaban na ako sa init. Nakakapanghina. Nanginginig na ako sa aking halo-halong emosyon. Kahit di ako sanay sa ganito, pilit akong lumalaban. Sumasabay sa kanya.

Naramdaman kong unting gumagalaw ang mga kamay ni Thirdy at humihimas sa katawan ko. Di ko mapigilang di makiliti. Inangat ni Thirdy ang suot kong t-shirt. Gusto ko sanang tumutol. Subalit marupok na ako. Napaungol nalang ako nang bumaba ang halik ni Thirdy sa leeg ko. Shiit ang sarap. Nakakakiliti lalot may maninipis siyang balbas.

“Thi….rd waaag.” Animoy bumalik ako sa reyalidad ng sinubukan niyang hubuin ang suot kong shorts. Biglang nilukob ako ng kaba. Shutta. Kahit malandi akong mag-isip pero wala pa akong karanasan. At wala sa isip ko na ngayon araw mabibinyagan ako.

“Please…” Nagsusumamong daing nito. Napatingin ako sa mukha niya. At nakita ko ang kanyang mga matang puno ng pagnanasa at nakikiusap.  Lalong nadagdagan ang takot ko dahil di ko alam ang gagawin.

Pota. Titirahin  ba niya ako sa pwet? Naririnig ko lang sa mga bakla na ganun ang kantutan ng mga bakla. Sa pwet sila pinapasok. Pero wala pa akong karanasan. At alam kong masakit iyon. Nangilabot ako at umurong ang nararamdaman kong pagnanasa slash init slash libog. At wala pa akong balak magtiti reveal sa kanya. Di ko pa kaya.

Lumapit siya sa akin at niyakap ako. Agad ko siyang itinulak ng maramdaman ang init ng kanyang katawan. Pero niya lang ako ng mahigpit. Tangena. Hubad na pala siya. Di ko man lang maramdaman na naghubo siya. “Victory…” Padaing niyang tawag sa akin.

Mas lalong idinikit niya ang kanyang katawan sa akin. Dama ko lalo ang kanyang matigas na bukol sa ibaba. Bat parang ang laki naman noon. Mas umigting ang nararamdaman kong takot. Parang nag-auto reflex ang paa ko. Agad ko siyang nasipa, sapol ang kanyang bukol.

Napatayo ako at mabilis na tumakbo palabas ng kubo. Iniwan ko siyang dumadaing, nakalukot sa sahig,  sapo  ang kanyang bukol.

Sumalubong sa akin ang malamig na hangin. Parang naibsan ang kaba ko. At naalala ko muli ang nangyari kanina. Sa totoo lang, nakonsensya ako sa ginawa ko kay Thirdy. Alam kong masakit iyon. Pero masisi ba niya ako kung matakot ako at mag-aalala. Eh virgin pa ako. Hindi naman ako ganun ka inosente upang hindi malaman ang gusto niyang mangyari. Syempre, nanaig ang pag-aalala ko. Maliban sa sakit mas natatakot akong isipin paano kung matae ako. Eh mas lalong nakakahiya yun. Mamatay siguro ako sa  hiya pag nagkataon. Nangilabot ako habang iniisip yun. Dapack.

Biglang nahilo ako sa tila roller-coaster na emosyon. Ano ba yan from elya to biglang shookot. Plus ang antok. Kaloka.

Kahit nilalamok na ako sa labas. Ayoko pa ring pumasok sa loob ng kubo.  Dahil nahihiya akong harapin siya.  Handa akong magtiis. Kung di lang nakakatakot maglakad pauwi. Kanina pa sana ako umuwi. Pero di ko nga din alam kung saang lupalop ako dinala niya.

Makalipas ang ilang saglit.  Nakita kong lumabas ito mula sa kubo. Naaninag ko ang badtrip niyang mukha. Galit? Malamang, masipa ka ba naman sa churla at mabitin. Tiyak magagalit din. Lumapit ito sa akin.

“Sorry.” Narinig kong mahina niyang sambit. Napatingin ako sa kanya.

“Hatid

na

kita

.“ Sasagot na sana ako nang marinig ko ang kaluskos sa dilim. Kasbay ang pagpilitaw ng maitim na nilalang na naging laman ng bangungot ko.

Napasigaw ako sa takot. ###

[ITUTULOY]


Return to top?
WattHub

Install WattHub

Size unavailable

App name
WattHub
App version
1.48.250
App size
Description
A digital library of Wattpad stories and Filipino fiction, thoughtfully preserved for readers today and tomorrow.
Developer
WattHub Team

Dismiss install banner?

No problem. You can still install WattHub anytime from the download icon in the header.

WattHub

Notifications

Notifications are off

Get notified on this device when the library grows or changes.