loading

storiescollectionschaptersauthorsgenrestagsstories
LAMBINO

LAMBINO

kabrobars · 9 chapters · 11,909 words

DAYO

Isa na namang lalake ang bumihag sa mga mata ni Lambino. Panibagong estranghero na naman ang kanyang madadala at maaakit sa taglay nitong mahika.

Isang lalake na nasa edad bente kuwarto, matikas, guwapo at may taglay na pangangatawang tipo ni Lambino ang nooy dinidiskubre ang ganda at linaw ng tubig sa isang talon. Ang talon na kung tawagin ng mga taga roon Mari-it.

Binansagan ito ng mga residente ng Isla dahil sa di na mabilang na insidente at misteryuso pagkawala ng mga lalake sa talon. Na karamihan mga dayo.

Naakit si Lambino sa nasabing lalake, at hindi na nito nilubayan ng kanyang paningin. Natukso itong mag pagparamdam sa lalake. Ngunit hindi natinag ang lalake sa kanyang ginagawa. Masaya itong lumalangoy at naliligo sa talon. Balak na sanang lumapit ni Lambino nang tinawag ang lalake ng kasamahan nito.

“Arman pre, dumating na sila Santi at Makoy. Halika na ,tama na munang pag bababad iyan. Kailangan pa natin mag sukat ng damit.” Ang sigaw na pagtawag ni Hans kay Arman.

Agad namang umahon si Arman ngunit nang balikan na nito ang mga hinubad na damit na nilapag niya sa isang malapad na bato, wala na iyon doon. Hinanap niya ito sa paligid ngunit wala talaga. Inisip nito na kinuha ito ni Hans para e-prank ito.

Bumalik ito ng resort na naka boxer brief lang. At nang tanungin si Hans ,itinanggi naman ito ng Isa na kinuha nito ang mga damit ni Arman. Nagbiro pa si Hans na baka na maligno ito. Naging palaisipan para kay Arman ang nangyari sa kanya sa talon, ngunit binalewala niya lang ito at pinaniwalaan na lang ang sabi sa kanya ng staff ng resort na baka napag tripan ng mga unggoy dahil sa marami ngang galang unggoy sa paligid ng resort lalo na sa bahagi ng talon.

At habang nag uusap sina Arman at ang bantay sa resort isang staff pa ng resort ang nakarinig sa kanilang pinag uusapan at may sinabi itong babala kay Arman.

“Mag ingat kayo sa pag punta sa talon..Marami na ang mga nawawala doon at karamihan mga dayo. Maraming engkanto sa lugar na iyon. Kaya mag ingat kayo.” Paalala pa nito kay Arman.

Hindi naniniwala si Arman sa mga kuwentong probinsya, at lalo na sa mga maligno o engkanto. Pinagtawanan lang nito ang sinabi sa kanya.

Lingid sa kanila may munting nilalang na nakikinig at nakamasid lang sa kanila sa paligid. Si Lambino.

Simula noon naging masugid na,na bisita ni Arman ang lambana sa kanyang panaginip.

Sa paniginip ni Arman nag papakita si Lambino bilang isang maliit na lambana at dinadalhan ito ng mga iba’t ibang masasarap na pagkain at prutas. Hindi naniniwala si Arman sa mga uri ni Lambino. Ngunit may kung ano itong ginawa sa lalake na para bang manghang mangha si Arman sa kanya. Matapos bigyan ng pagkain ang lalake, dinadala nito si Arman sa ma talon. At kapag narating na ni Arman ang pinaka bungad ng talon nagigising na ito.

Kinabukasan noon, dinalaw ng wedding coordinator ang tinutuluyan ng mag babarkada para mag sukat ng kanilang mga damit para sa kasal ng kaibigan nilang si Tope. Nasa living area na ang lahat maliban kay Arman.

“Gin ,Hans diba room mate kayo, wala ba doon si Arman?” Tanong ni Tope sa mga kaibigan na kasama ni Arman sa kuwarto.

“Maaga akong nagising kanina , mga alas kwatro. Wala na sa kama niya si Arman. Akala ko nga maaga ding bumangon para mag kape. Pero nang binaba ko, hindi daw si nakita ng staff na bumaba.” Sagot ni Gin kay Tope.

Wala rin alam si Hans dahil pagkagising nito magisa na lang ito sa kanilang silid. Bago pa masayang ang oras, nagsimula na lang mag sukat ng damit ang iba.

Inakala ng lahat na babalik din si Arman ng mga sandaling iyon kaya nag hintay pa ang wedding coordinator. Ngunit tinanghali na ,wala paring Arman na nagpakita. Kaya matapos mananghalian nagpasya ang magbabarda na hanapin ang kaibigan.

Samantala, sa malakas na ingay ng pag bugso ng tubig sa talon , may mga mumunting bulong na naririnig si Arman sa paligid.

Hinanap ni Arman ang mga tinig na iyon na tila tinatawag ang kanyang pangalan. Sinuyod ni Arman ang mga naglalakihang mga bato sa paligid ng talon hanggang sa magawi ito sa isang maliit na yungib sa gitna ng mga bato. Sumilip sa doon. Maliit lang ang pasukan nito na kasya lang sa iisang tao habang nakayuko.

Walang pag alinlangan na pinasok iyon ni Arman. Sa kalagitnaan napa hinto at namangha sa kanyang nakita. Tila isang panibagong mundo ang bumungad sa kanya. Isang nakaka halinang ganda na sa pelikula niya lang nakikita. Makulay at kakaiba ang hangin sa loob.

Nakita ni Lambino ang reaksiyon ni Arman. Natuwa ito at nasiyahan. At hindi naman nito napigilan ang sarili na magpakita. Mula sa kung saan lumitaw si Lambino sa harapan ni Arman bilang isang maliit na lambana.

Nabigla at nagulat si Arman sa biglaang pagpakita sa kanya ni Lambino. Pinag sasampal ni Arman ang sarili sa pag aakalang Isa na naman itong panaginip. Ngunit napatunayan nitong totoo ang kanyang nakikita ,at gising na gising ito. Sinubukan nitong hawakan sa kanyang mga palad si Lambino at nag paubaya naman ang lambana.

Halos hindi makapaniwala si Arman na hawak niya sa kanyang mga palad ang nuoy kuwento-kuwento lang at karakter lang sa mga fantasy movie. May pag dadalawang isip man at kaba, mas nangibabaw kay Arman ang ma mangha at ma aliw sa kanyang nararanasan at nakikita.

Lumipad si Lambino mula sa mga palad ni Arman at tumayo ito sa isang malapad na bato . At sa isang kisap mata lang, lumaki si Lambino na kasing taas na ng isang tao. Na mas ikinamangha pa lalo ni Arman.

Sa puntong iyon, nag simula nang akitin ni Lambino si Arman. Tinanggal nito ang tabing sa kanyang harapan at sinimulang laruin ang kanyang pag aari. Napa atras sa gulat si Arman sa ginawa ni Lambino. At mas nagulat ito nang makita na mayroon din palang ari na parang sa tao ang lambana. May kahabaan at kalakihan na taglay ang ari ni Lambino. Tuloy lang sa paglalaro sa kanyang sarili si Lambino. Marahan nitong tinataas-baba ang kanyang kamay sa nagmumura nitong tarugo na tirik-na-tirik. Tinatakam nito ang titig na titig na si Arman.

Hindi maipaliwanag ni Arman ang nangyayari sa sarili, nag iinit ito. Unti unti na rin nabibigyan ng sigla at buhay ang pagkalalaki nito. Pansinin na ang hulmadong bakat nito sa puti nitong brief.

“Ano itong ginagawa mo?” tanong ni Arman bilang pagtataka sa mga nangyayari.

“Gusto kita , at nais kong magpakasaya na kasama ka. Ariin mo ako ng iyong ari. Angkinin mo ang katawan ko. At ialay mo sa akin ang katas mo. Halikan mo Ako Arman.” Tila isang utos mula kay Lambino.

Bigla nalang kinabig ni Arman ang mga labi ni Lambino at binigyan niya ito ng matinding halik na puno ng tamis at sarap. Nag palitan ng mga laway ang dalawa. labi sa labi , at dila sa dila. Pinaliguan ng halik ni Arman ang katawan ni Lambino. Mula sa leeg ,pababa sa dibdib at mga utong hanggang sa ibaba ng puson ni Lambino pinasadahan ni Arman ng pagdila at halik. At nang dumako na ito sa ulo ng tarugo ni Lambino. Napatigil ito.

Hinubad ni Arman ang suot na puting brief at inutusan si Lambino na gawin din sa kanya ang ginawa nito. Hindi naman tumanggi si Lambino at binigay kay Arman ang kanyang hiling.

Nagpakalunod sa romansa ang dalawa. Kapwa sabik at uhaw sa talpakan ang kanilang mga tarugo. Matindi Ang libog ang bumalot sa dalawa. Naka ilang pagpapraos na ang dalawa ngunit walang awat parin ang kanilang kantutan. Salitan at palitan lang ang dalawa hanggang sa pinaka huling patak.

Pagod at halos mawalan na ng lakas si Arman nang bitawan ito ni Lambino.

Pabalik sa resort, nagpasya na ang apat Gin, Hans, Makoy at Santi na hanapin na nga si Arman. Nag aalala na ang mga ito dahil sa hindi naman nila kabisado ang lugar.

Sinuyod ng apat ang banas pa puntang talon dahil naisip ni Hans na baka bumalik ng talon si Arman. Wala ma pan sila sa bungad ng talon nang bumuhos bigla ang malakas na ulan. Mabato na sa bahaging iyon at pahirapan ang pag akyat dahil sa mga lumot sa mga bato. Sa lakas ng ulan at sa takot na baka magkanda dulas sila at madisgrasya, napag pasyahan nila na bumalik na lang at hintayin si Arman sa resort.

Ngunit hapon na , wala paring Arman ang nagpakita. Kaba na at takot ang naramdaman nila. Dagdag pa ang walang tigil na lakas ng ulan.

“Mag tawag na lang kaya tayo ng rescue mga tol.” suhistiyon ni Gin sa lahat.

“Wala ngang signal dito, paano naman tayo tatawag. Nagpatulong na ako sa manager ng resort at sa mga taga rito. Kapag tumila na ang ulan subukan nilang hanapin si Arman.” Tugon naman ni Santi.

Inabot na nga nang hapon sa kahihintay ang lahat kay Arman ngunit wala parin ito. Katitila lang din ng ulan sa mga Oras na iyon kaya sumama na ang apat sa mga taga roon para hanapin ang kaibigan.

DALAW

Pinasok na nina Santi kasama ang mga taga resort at taga roon ang gubat papuntang talon, ngunit walang Arman silang nakita. Napagpasyahan na lang ng mga ito na kapag hindi pa bumalik si Arman, hihingi na sila ng tulong sa bayan.

Inabot na nang takipsilim si Arman galing talon. Wala itong imik at tahimik lang na bumalik sa tinutuluyan nilang resort. Na para bang walang nangyari

Papanhik na si Santi sa kanilang bahay pahingaan nang mapansin nito si Arman na naka upo sa balkonahe, tulala na tila malayo ang tinatanaw. Nagtaka pa si Santi nang may binabanggit na pangalan ang kaibigan.

Kinausap ni Santi si Arman at tinanong ito kung saan ba talaga ito nanggaling. Ngunit hindi man lang ito sinagot ng maayos ni Arman. Paulit ulit nitong binabanggit ang pangalan na Lambino. Inusisa nito kung sino si Lambino ngunit hindi nito maintindihan ang paliwanag ng kaibigan.

Nang mahawakan ni Santi si Arman na gulat ito sa subrang init ng katawan ng kaibigan. Nag aapoy ito sa lagnat. Agad na nagtawag ng tulong si Santi sa iba pang mga kaibigan.

Dinala nila si Arman sa silid nito at nilapatan agad nila ng gamot. Nag alala ang lahat sa kalagayan ni Arman. Nagkusa si Santi na punasan ng malamig na basahan si Arman para maibsan ang init nito sa katawan. Siniguro ni Santi na matugunan ang kondisyon ng kaibigan.

Nakatulog si Arman. Palaisipan sa lahat kung saan nang-gagaling sa buong araw at nang bumalik tulala na at may lagnat.

“baka na tuyawan po ang kaibigan niyo sir, napagkursonadahan sigurado iyan ng mga maligno at tamawo sa gubat. Mahilig talaga sa mga dayo ang mga nilalang na iyon. Ipa-tawas niyo kaya kaibigan niyo sir.” kuro-kuro pa ng isang lalaking staff ng resort.

“Meron pa ba niyan ngayon? Mga maligno. Sus naging ganito na Ang edad ko pero ni minsan wala pa akong nakitang patunay na totoo ang mga iyan. Naulanan lang iyang si Arman kaya nilagnat.” Tugon ni Hans.

“Subukan lang ng mga maligno na iyan na mag pakita sa akin at hahampasin ko talaga sila nitong titi ko. hahaha” Ang natawa pang sabi ni Makoy.

“Ayan na naman siya, pinaiiral na naman ang kanyang kamanyakan. Umayos ka nga bro, nakakahiya kay kuya baka isipin niya mga malilibog ang bisita nila dito.” Saway naman ni Gin sa kaibigan sabay tawa.

“Kuya wala bang spa dito na puwede kaming makapagpamasahe? Naninigas kasi mga ugat namin sa subrang lamig dito sa lugar niyo.” tanong pa ni Makoy na himas-himas ang bukol nito sa loob ng kanyang shorts. Halatang Inaakit nito ang staff na lalake na kanina pa nitong napapansin na panay ang titig at sipat sa shorts nito.

Napalunok na lang sa kaba ang lalaking staff nang mahalata ang sinyales sa kanya ni Makoy. Umiwas ito ng tingin sa tatlo.

“Meron naman sir, kaso gabi na ngayon. Naka uwi na ang mga manughilot namin dito. Bukas sir, papupuntahin ko na lang sa mga silid niyo. Sige maiwan ko na kayo, may gagawin pa ako.” Kabadong tugon ng lalake.

Paalis na ang lalake nang nilapitan ito ni Makoy at inakbayan sabay sinimplehang sinagi ang tigas nitong titi sa likod ng staff.

“Ikaw, baka naman marunong ka mag masahe. Gusto kasi namin ngayon na. Ikaw na lang mag masahe saming tatlo. Kaya mo ba? kuya?” Sabi pa ni Makoy.

Tumanggi ang lalaking staff, dali-dali itong bumaba at para iwasan ang pang aakit ng tatlo. Nang makaalis ito, halagpakan at tawanan ang magkaibigan sa ginawa ni Makoy. Narinig sila ni Santi mula sa loob ng silid kaya napalabas ito.

“Ano ba at ang ingay niyo? Nagpapahinga si Arman at may sakit. Ang iingay niyo. Ano ba Ang Meron?” tanong ni Santi ng lumapit sa mga kaibigan.

“ito kasing si Makoy pare, pinag tripan ba naman ang tumulong sa atin kanina.Ewan ko ba ito sa lokong ito kung ano ano na lang ang naiisip.” Sagot ni Hans.

“Never pa ako nagkamali sa mga hinala at kutob ko mga bro. Sa dami ng mga baklang nakatikim sa katawan ko, titig pa lang nila alam ko na. Minsan nga naaamoy ko pa nga eh” pag bida pa ni Makoy.

“Bakit ano na naman ang ginawa mo? Ikaw ha umayos ka. Hindi natin alam ang mga pag iisip ng mga tao dito. Baka mapahamak ka diyan sa mga ginagawa mo.” paalala pa ni Santi.

“bro, nag o-offer lang naman ako ng blessings, eh kung ayaw nila eh di sorry sila. pero kung game naman Sila, why not diba. don’t worry bro behave tayo dito.” tugon ni Makoy.

Oras na nang hapunan at sabay-sabay na kumain ang lahat sa pinahandang hapunan ni Tope. Nasa pool area ang lahat pati na ang ibang kasama sa entourage ng kasal nina Tope at Abby. Naiwan sa kuwarto nito si Arman na noon ay bumubuti na ang pakiramdam.

Habang nagkakasiyahan ang karamihan sa baba. Isang hindi inaasahang bisita ang pumasok sa silid kung saan nagpapahinga si Arman. Si Lambino.

Sa anyong lambana lumapit si Lambino kay Arman. hinalikan niya ito sa labi at may binulong dito. Nagising si Arman sa pagkakahimbing. Bumangon ito sa kama , napansin nito si Lambino na lumilipad sa kanyang harapan. Napangiti ito sa kanya.

Lumapit si Lambino kay Arman at hinalikan niya ito.

Muling na namang sinailalim ni Lambino si Arman sa kapangyarihan nito para muli itong mahumaling sa kanyang kaanyuan. At sa mga pagbulong ni Lambino, napasunod nito si Arman sa kanyang kagustuhan.

Sa utos ni Lambana, tumayo si Arman at lumabas ng silid. At habang abala ang iba, walang kamalay malay ang lahat sa nangyayari kay Arman. Tahimik na nakaalis muli sa resort si Arman. Kasama si Lambino tinungo muli nila ang talon kung saan malayang magagawa ni Lambino ang gusto nitong gawin sa katawan ni Arman.

Nahiga sa malapad na bato si Arman na walang saplot sa katawan na tila isang pagkain na nakahain sa hapag. Tuwang tuwa ang lambanang si Lambino na pinagmamasdan ang kabuohan ng lalake. Ramdam na nito ang kakaibang init ng kalibugan sa katawan. Unat na unat na ang tigas na nitong tarugo.

Magpalit na ito ng anyo upang maging kapantay na nito sa laki si Arman. Agad itong sumampa sa nakahaing katawan ng lalake. Agad namang napa bangon si Arman at kinabig ang balakang ni Lambino palapit sa kanya.

Pinaghahalikan nito sa dibdib si Lambino na nagdulot sa lambana ng kakaibang kiliti. Sarap na sarap ito sa bawat pag dila at pagsupsup ni Arman sa kanyang mga utong at dibdib. Napaliyad ito sa sarap. Tayong tayo narin ang nagwawalang tarugo ni Arman na kumikiskis sa hiwa ni Lambino. Gabakal na sa tigas ang kargada nito na sabik nang pasakan ang matambok na puwet ng lambana.

Nilaplap ni Lambino ang nguso ni Arman. Ginawa niya itong suso, higop laway at dilaan ang dalawa habang nag papagalingan sa halikan. Nilukob na ng matinding kalibugan ang dalawa at tangay na tangay na ang mga ito sa sarap nang kanilang pag bakbakan.

Pinahiga ni Lambino si Arman at umayos ito ng posisyon sa ibabaw ng lalake. Pinabuka nito nang husto si Arman at nang malantad na sa kanya ang kaharian ng lalake pigil hininga nitong sinubsob ang kanyang ulo sa pagitan ng hita ni Arman at sinubo ng buo ang mataba,mahaba at tirik na tarugo ng lalake. Walang sayad ,walang sabit ,swabeng swabe. Napaungol si Arman sa ginawang pag taas baba ni Lambino sa kanyang titi. Lalo na nang nilarolaro pa ni Lambino ng dila nito ang dulong butas ng ulo ng taru ni Arman.

Hindi mapigilan ni Arman ang mapamura at ungol sa galing ni Lambino sa pag subo. Habang nagpapakasawa ang lambana sa titi ni Arman, Nakatutok naman sa mukha ng lalake ang tigas din nitong tarugo na tila inaanyayahan si Arman na kainin din ito. At dahil sa tindi ng libog at kasarapan, natukso si Arman na isubo rin ang ahas ni Lambino.

Napahinto si Lambino sa kanyang ginagawa nang maramdaman ang pagsayad ng mga labi ni Arman sa kabuohan ng tarugo nito. Ang init ng hininga ni Arman ang lalong nagpatindi ng kalibugan ni Lambino kaya hindi nito napigilan na kaldagin ng biglaan ang bibig ni Arman. Halos maluha si Arman nang masagad hanggang sa lalamunan nito ang tarugo ni Lambino. Napansin ito ni Lambino kaya umayos ito para hindi masyadong mahirapan si Arman.

Nagpakasawa ang dalawa sa pagpapaligaya sa kanilang mga sarili at katawan. Walang tinira kahit huling patak si Lambino sa katas ni Arman. Pagod at lupaypay na si Arman ng hinintuan ito ni Lambino. Agad din naman nitong binalik ang lalake na parang walang nangyari gamit ang kapangyarihan nito.

Antok na ang lahat matapos nag kasarapan sa kuwentuhan sa baba, kanya kanya nang pasok ang lahat sa kanilang mga silid. Papasok na si Santi sa kanilang silid nang mapansin nitong bahagyang nakabukas ang pinto. At sa sahig ng pintuan may mga tuyong dahon at maliliit na talulot ng mga bulaklak na naka kalat. Nagtaka ito kung paano ito napunta iyon doon.

Agad na pumasok si Santi para tingnan si Arman. Nakahinga ito ng malalim ng makita ang tulog na kaibigan. Nilapitan niya ito para tingnan kung may lagnat pa ba ito. Ngunit nagulat ito nang mapansing basa ang katawan ni Arman, Wala na itong lagnat at inakala nitong pawis lang ito ng kaibigan. Ngunit nang tuklapin nito ang kumot tumambad sa kanya ang hubot hubad na katawan ni Arman at tila ba nababad ito sa tubig dahil pati ang hinihigaang kama ay basa. May mga tuyong dahon din at mga talulot ng mga bulaklak na nagkalat sa higaan ni Arman. May mga dumi rin ng lupa ang mga talampakan nito.

Nabahala man, mas inuna ni Santi na ayusin si Arman. Ginising niya ito para tanungin, ngunit wala itong nakuhang sagot kay Arman. Hindi rin nito alam kung ano ang nangyari sa kanya. Ayon lang kay Arman nanaginip itong naglalakad sa may gubat.

“Bumangon ka ba kanina pare?, nasaan na ang mga damit mo?. Kanina, nang iwan kita dito may damit ka pa. Sino ang naghubad sa iyo?” tanong ni Santi.

“Hindi ko alam pare, wala akong matandaan. Ngunit sa panaginip ko, naglalakad ako sa gitna ng gubat hanggang doon lang ang naalala ko.” sagot ni Arman.

“Anyway, lumipat ka muna sa kama ko. Tatawag lang Ako ng staff para palitan ang isang kama, tindi mo rin mag pawis pare ,basang basa ang higaan mo. Umihi ka pa yata. Tapos ipapalinis ko na rin ang mga kalat dito. Pano ba kasi napasok ang mga ito dito.” Sabi pa ni Santi.

“Pare, naniniwala ka ba sa mga fairies? mga lambana.” naitanong pa ni Arman.

“Ano ka ba pare, Ano ba klaseng tanong iyan?. siyempre Hindi. Tingin ko may lagnat ka pa. kung ano-ano iyang nasasabi mo. Magpahinga ka na at bukas mag sukat ka ng isusuot mo sa kasal. Kung saan saan ka pa kasi sumusuksok.” tugon ni Santi, bago ito lumabas ng silid.

Lingid sa dalawa nasa paligid lang si Lambino at nakikinig sa kanilang pag uusap.

BUYO

Paulit-ulit na lang ang nangyayaring iyon kay Arman. Alam ni Arman na totoo ang lahat, at hindi isang panaginip lang, Nasumpungan na naman nito ang sarili sa piling ni Lambino, hubo’t hubad. At gaya nang dati, pagtatalik ang kasunod noon.

Hapong-hapo na naman si Arman nang hugutin na ni Lambino ang matigas pa nitong tarugo sa kanyang butas. Halos wala ng lakas si Arman ngunit libog na libog parin ang lambana.

Hinatid ni Lambino si Arman sa kanyang silid, ganun parin gaya ng dati. Nagising si Santi na nakahubo’t hubad na naman ang kaibigan, may mga bahid na ng lumot ang katawan at basa ngunit tulog na tulog. Tila naligo na hindi natapos ang hitsura ni Arman dahil sa basa nitong buhok.

Bagaman may pagtataka sa nangyayari sa kaibigan,nagkibit balikat na lang ito. Napatayo na lamang si Santi nang katukin sila nina Hans, Makoy at Gin. Maingay ang dalawa ngunit balewala iyon kay Arman na parang mantika kung matulog. Nilabas ni Santi ang mga kaibigan.

“Anong meron, ang aga niyo namang mangbulahaw ng tulog.” reklamo ni Santi sa tatlo.

“tang ina, anong maaga? magtatanghali na boy. Pinapatawad na tayo ni Tope, nasa pool area na ang lahat may shooting tayo para sa prenup video nila ni Abby, at siyempre may pakain muli si mayor.” paalala ni Gin kay Santi.

“Ganun ba, sige mag aayos lang saglit ako at bababa na.” sabi ni Santi

“Isama mo na rin si Arman baka mawala na naman iyan bigla. Sabi ng staff dito. Napansin niya daw si Arman na bumaba kagabi.” sabat ni Makoy na sinilip pa sa loob ng silid ang natutulog na kaibigan.

“ok, gigisingin ko lang ito at sabay na kami bababa”.tugon ni Santi

Nasa pool area na ang lahat at bihis na bihis na para sa ganap nila sa araw na iyon. Maganda ang panahon na tila ba sumasang-ayon sa tema ng gagawin nilang prenup video. Nilapitan ni Abby ang fiancee na si Tope.

“Ang magical talaga ng lugar na ito babe, hindi ko akalaing May ganito ka gandang paraiso dito sa probinsya niyo. Naisip ko nga na after ng kasal eh dito na tayo mismo mag honeymoon. Nabanggit sa akin ng manager nitong resort na may isa pa silang resort sa kabila nito at may mga floating villas pa daw sa dagat. What do you think?”

“Kung iyan ang gusto mo, why not babe. Anything for you. Lahat ng ito ay dahil naman sa pagmamahal ko sa iyo.” tugon ni Tope sa magiging asawa nitong si Abby.

Masaya at naging maayos na natapos ang shooting nila. Nagkumpulan na naman muli ang mag babarkada, kasama na si Arman. Na open topic ni Gin ang nangyayari kay Arman sa kanilang usapan at natigilan sabay pa nagkatinginan ang lahat pagkatapos nag si tawanan ang mga ito nang mabanggit ni Arman ang salitang labana.

“The “F” dude, are you fucking serious? Lambana? at sa iyo pa mismo nanggaling ha. Ikaw na hindi naniniwala sa mga maligno at mga engkanto. Ano bang items meron ka diyan,lakas ng amats pre.“ reaksyon ni Makoy sa sinabi ni Arman.

“maniwala man kayo o hindi, nakita ko mismo. right there in front of me. Lambana talaga iyon, at hindi iyon hallucinations o panaginip. Dinadala niya ako sa kaharian niya, sa talon.” dagdag pa ni Arman sa mga kuwento niya.

“hindi lang pala mga alien ang nangi-ngidnap mga tol, may Lambana abduction na din pala. So ano ang mukha ng suitor mong lambana?, maganda ba?,sexy? mala Ivana Alawi ba? dahil kong ganyan, eh di magpapa kidnap narin kami diba mga pre?” ang tawang-tawa na sabi ni Hans.

“Lalake, magandang lalaking lambana si Lambino” seryusong sagot ni Arman.

Tawanan muli ang lahat sa narinig kay Arman. Hagikhikan ang apat sa sinabi ng kaibigan. Kulang na lang magpagulong-gulong ang mga ito sa tawa.

“bakla ang lambana na nagti-trip sa iyo pare? Iba din talaga ang kamandag mo sa mga bakla. Pati mga baklang lambana nabibihag mo. Lagot ka pag nalaman ni mamang Chuchay na may karibal na siya sa iyong maligno.” Ang hirit pa ni Gin ,na tinodo pa ang pagtawa.

Hindi nagustuhan ni Arman ang naging tugon sa kanya ng mga kaibigan, sa sama ng loob umalis ito. Napasunod naman sa kanya si Santi.

Hindi alam ni Santi kung paano at saan sisimulan ang pagkausap sa kaibigan, dahil siya mismo ay hindi naniniwala sa kuwento ni Arman. Ngunit ang mga gabing nawawala ito ay nakakapagtaka talaga, dagdag pa ang mga napapansin nito sa kanyang kakaiba. Gayun pa man mas pinili ni Santi na huwag paniwalaan si Arman dahil sa ayaw din nitong bigyan ng takot ang sarili.

“Hindi ako nananaginip pare, totoo ang lahat ng sinabi ko. And even worst, nakikipag sex ako sa nilalang na iyon.” ani pa ni Arman nang lapitan ito ni Santi.

“Ang lala na talaga iyan pare, are you saying na May kantutan session kayo ng sinasabi mong lambana? I can’t imagine pare, di man lang ba na durog ng titi mo ang Lambino mo na iyan?as far as I know kasing liit lang ng toothpick ang mga lambana.” pabirong tugon ni Santi na natatawa parin sa kaibigan.

“Seryoso ako pare, believe it or not. I was in that falls everytime na may nangyayari sa amin. Litong-lito na ako sa mga nangyayari sa akin but I swear ,totoo ang sinasabi ko.”

“I’m sorry pare, gusto ko na paniwalaan ka pero subrang insane kasi ng kuwento mo. Parang imposible kasi, not even in a movie would do that. Napaisip nga din ako if kinakantot din ba ni Peter pan si Thinker bell dahil diyan sa kuwento mo. But seriously pare, maybe exhausted ka lang, Alam ko ang pinag dadaanan mo, niyo ni Kath. Mahirap magpanggap na ok ,kahit hindi. But you need to set your self free. Kaya nga tayo nandito.” komento pa ni Santi.

“I’m done with her, ok ako pare, walang mali sa akin. “ Tugon ni Arman na may seryusong mukha at tinalikuran si Santi.

Napakamot na lang ng ulo nito si Santi. Napatingin na lang ito sa direksyon ng talon na sinasabi ng mga tagaroon na mahiwaga at balot ng kababalaghan. Sa ganda nga ng lugar hindi nga malabong pinagyayaman ito at pinamamahayan ng mga nilalang ng kalikasan. Sinundan ng tingin ni Santi si Arman na bumaba at binabagtas ang daan paakyat ng talon.

Alam ni Santi na naghahanap lang ng hingahan ang kaibigan kaya hinayaan niya na lang ito na mapag isa.

“TAGUAN”

Naging tambayan na ni Lambino ang resort dahil sa paghatid sundo kay Arman.  Nagiging masigla din kasi ito sa tuwing na gagawi doon. Bukod pa kasi kay Arman na unang umagaw ng atensyon niya, giliw na giliw din ito sa mga kaibigan ng lalake.

Maagang pinuntahan ni Santi si Tope sa pqapahingahan nito para makipag kamustahan at kuwentuhan. Simula kasi nang dumating sila sa resort naging busy na ito sa pag aasikaso sa kanyang nalalapit na kasal.

“Huwag mo nang alalahanin iyang bestfriend mo May isip na iyon. Ganun lang talaga kapag kagagaling lang sa hiwalayan. Parang tayo lang din dati. Ganyan din ako noong hiniwalayan mo ako dahil kay Abby. Kung ano-ano na lang naiisip ko.”

“Iyang bibig mo umayos ka nga baka may makarinig sa iyo dito.” saway ni Tope kay Santi sabay siko nito dito.

“Aray naman, bakit hindi ba?” Pang aasar pa ni Santi.

“Buwesit ka talaga, ito lang ba pinunta mo dito para asarin ako? Mabuti pa samahan mo na lang doon sina Hans, dinig ko mag ki- Cliff diving daw sila ngayon.”

“Paano kung ibang diving ang gusto ko.?” pabulong na tanong ni Santi kay Tope sabay ngisi nito. “Na miss kita, na miss ko iyong dati.” dagdag pa nito na May papungay pa ng mata.

Hindi agad naka tugon si Tope, palinga-linga ito sa paligid siniguradong walang tao doon. Tsaka hinila si Santi sa isang sulok at ginawaran ng masuyong halik sa labi. Mainit ang bawat palitan ng laway ng dalawa. Damang-dama ang matinding pananabik sa isa’t isa.

Samantala,tumulak na sa kanilang Cliff diving sina Hans, Makoy, Gin at Arman. Kasama ang dalawang tauhan ng resort na sina Joel at Tibor. Nakalabas na sila sa gate ng resort ng hinabol sila ni Chuchay ang image stylist ni Abby na bakla at patay na patay kay Arman. Sumunod din ang dalawang kaibigan ni Abby na sina Xyra at Ellaine.

“uy sakto may mga chikas tayong makakasama, hindi boring ang araw natin ngayon. Hi Xyra ang ganda mo sa suot mo.  Ang hot mo.” hirit agad ni Gin kay Xyra.

“Well appreciated Gin, pero sorry ha taken na kasi ako ni daddy Hans ko.” tugon ni Xyra na agad na umangkla sa braso ni Hans.

“Paano iyan dude, Manok na lumapit sa mais. Kay Ellaine ka na lang mukhang wala pang tantos iyan.” pang ininggit naman ni Hans kay Gin.

“sorry pare, nalawayan ko na iyang baby ko. Kay Chuchay ka na lang, paldo-paldo ka pa diyan.” sabat ni Makoy ,na hinila si Ellaine palapit sa kanya at hinalikan pa nito ang babae sa bibig.

“Ang i-epal niyo talagang dalawa, lahat na lang na nagugustuhan ko, sa inyo napupunta.” ang walang nagawang si Gin.

“ang bagal mo kasi, puro ka lang salita wala naman sa gawa. Alam mo tama si Makoy dude, kay Chuchay ka na lang” pang aasar pa ni Hans.

“Naku forever na ako kay daddy Arman ko nuh. Teka, kayo lang? Hindi ba sasama sa atin si Santi?” singit pa ni Chuchay.

“Si Santi nga pala, hindi nga namin napansin. Pre, wala ba si Santi sa room niyo?” Tanong ni Hans kay Arman.

“Wala na si Santi nang magising ako kanina, baka nasa canteen. Chuchay, balikan mo nga doon si Santi tapos sumunod na lang kayo. Kailangan na naming umalis, nagmamadali na sina kuya.” Tugon ni Arman.

“Ayoko nga, stylist ako dito, bisita at hindi niyo utusan nuh.  Kung may balak iyong sumama nandito na iyon dito.” Ani pa ni Chuchay.

Hindi na nga hinintay ng lahat si Santi, tumuloy na ang mga ito sa Cliff diving spot ng resort. May kaunting kalayuan ang area sa resort at may pahirapan ang daan dahil sa madulas at maputik dulot ng ulan . 

“Arman wait, sama tayo.” biglang angkla ni Chuchay sa braso ni Arman.

Nagpaubaya naman ang lalake dahil sanay narin ito sa panghaharot sa kanya ng image stylist. 

Nakasubaybay naman sa kanila si Lambino na,inis na inis sa paglalandi ni Chuchay kay Arman. Selos na selos ang lambana kaya gumawa ito ng paraan para malayo si Arman dito.

Bigla na lang inatake ng mga bubuyog si Chuchay, kaya nag tatakbo ito palayo habang tinataboy ang mga ito ng suot niyang scarf. Sa halip na tulungan, tinawanan lang ng mga lalake si Chuchay. Nag patuloy sila sa paglalakad habang si Chuchay ay mangiyak-ngiyak na dahil sa pambu-bully sa kanya ng mga bubuyog.

Hindi naman nila sinasaktan si Chuchay, sa halip paikot-ikot lang ang mga ito sa kanya na tila ba hinaharangan siya nito.

“Ayan kasi, hinaharot mo si Arman, ayan tuloy nag selos sa iyo ang jowang lambana nito. Ano nga iyong pangalan pare Lambanog?” nito pa ni Gin sabay tawa ng malakas.

Napailing na lang si Arman sa hirit ni Gin. Nagpatuloy pa. sila hanggang sa marating na nila ang diving spot. Namangha ang lahat sa ganda at linaw ng tubig. Mangasol-ngasul ang tubig sa ilog, nakakaakit ang mala kristal nitong tubig, bukod pa sa nakakahalinang ganda ng paligid.

Matapos magbigay ng ilang mga paalala ang tauhan ng resort sa kanila, atat na nag sitalunan na ang mga ito sa tubig, naiwan si Chuchay sa taas kasama ang mga tauhan ng resort.

“Ma’am, hindi ka ba tatalon? ang saya na nila sa baba” udyok pa ni Tibor kay Chuchay.

“Naku ang taas naman pala nito, dito na lang ako. Makikinood na lang ako sa kanila.”

“sayang naman ang outfit mo, baka balikan ka pa dito ng mga bubuyog na iyon.” sundot pa ni Joel.

“Kung gusto niyo, kayo na lang doon. Kuya Tibs , wala na ba’ng ibang parte dito na mas mababa lang?” tanong pa ni Chuchay.

“Sa may baba ma’am, may maliit na bukal doon. Hindi naman malayo ito dito, magingat lang kayo sa daan pababa.” sabi pa ni Tibor.

“Keri na iyan, para hindi naman masayang ang pagpunta ko dito.”

Tinungo nga ni Chuchay ang tinukoy na lugar ni Tibor . Habang nagkakasiyahan ang iba sa akyat baba at kakatalon sa ilog. Nagsosolo naman si Chuchay sa kabila. Nakamasid lang sa kanya si Lambino na May iniisip na di maganda dito.

Napagdiskitahan ng lambana ang mga damit at gamit ni Chuchay. Kaya nang maisipan ng huli na umahon, napasigaw ito dahil wala na sa nilagyan nito ang kanyang mga gamit. Sa lakas ng ngawa ng bakla tumalima ang lahat na puntahan ito. Liban kay Norman.

Walang nakapansin sa kanila na hindi pala ito umahon sa ilog. Hanggang sa naisipan na ng mga ito na bumalik na ng resort, doon palang napuna ni Hans na hindi nila kasama si Arman.

“Si Arman nga pala, hindi ba siya sumama sa atin?”  tanong ni Hans sa kanila ni Gin at Makoy.

“Ewan ,ito kasing si Chuchay exaggerated kung maka sigaw. Baka naiwan pa doon. Balikan niyo na lang, mauna na kami sa inyo ni Xyra,  isama na namin itong si Chuchay baka ito na naman ang mawala.“tugon ni Ellaine.

“oh sige, kami na lang titingin kay Arman, kuya Joel kayo na bahala sa mga babes namin , except sa isang iyan. Iligaw niyo na kung gusto niyo. “ ang natatawa pang sabi ni Makoy.

Binalikan ng tatlo si Arman sa ilog ngunit wala na silang inabutang Arman doon. Hinanap nila ang kaibigan sa paligid ngunit hindi nila ito makita, ang ipinagtaka pa ng tatlo, ay naroon pa doon ang mga gamit at damit ni Arman, walang nagalaw.

“BIHAG”

Naging bihag na nga ng pagnanasa si Arman. Hinahanap na nito ang mainit na katawan ni Lambino at ang maalab nilang romansa. Nananabik ito sa tuwing sumapit ang gabi. Upang muling maibsan ang libog na nararamdaman nito sa katawan.

Animoy gutom na hayop si Arman sa tuwing magtatalik sila ni Lambino.   Wala itong tigil ,walang awat hanggang sa masimot ang huling patak. Kung sapat na kay Arman ang makailang ulit ng putok. Salungat naman ito kay Lambino. Walang tigil at hindi ito napapagod kahit na ilang beses pa ito magpalabas. Ganito ka hayok sa pagtatalik si Lambino.

Kung kaya hindi sapat sa kanya ang Isa lang.

Kinabahan na naman ang tatlo sa pagkawala muli ni Arman. Nagtulong na ang mga ito sa mga staff ng resort sa paghahanap sa kaibigan. Nagalugad na nila lahat-lahat ang posibleng mapuntahan ni Arman ngunit wala talaga. Pati ang ilog kung saan sila na ligo.

Minabuti pa tayong tatlo bumalik muna sa resort baka nakabalik na rin si Arman doon.

“Alam niyo duda lang talaga ako sa Arman na iyan, di kaya may kinahuhumalingan na iyong taga rito?” hinala ni Gin.

“iyon nga din ang naiisip ko eh, nagdadahilan lang iyon para maka iwas sa atin. Para masolo niya ang perlas ng gubat.” pagsang-ayon naman ni Makoy.

“Ano iyon , nakipagkita siya sa babae ng nakahubad? Alam niyo may mali talaga na nangyayari sa tao na iyon. Mukhang maniniwala na talaga akong minamaligno iyang si Arman. Ayon sa isang staff na nakausap ko. Hindi lang ito minsan na may nangyaring ganito sa resort. Katulad din sa nangyayari kay Arman, hanggang sa bigla na lang nawala at naglaho ng tuluyan, hindi na nakita.” ayon pa kay Hans.

Naglalakad ang tatlo pabalik na ng resort nang masalubong nila ang isang matandang babae na may hawak na patong itim. Agad sila nilapitan ng matanda na may mabalasik na mukha.

Natakot ang tatlo sa paglapit ng matanda, napaiwas pa nga mga ito ngunit bigla na lang hinawakan ng matanda ang braso ni Hans.

“kayo na ang isusunod niya, Hindi niya kayo titigilan hanggat hindi niya kayo lahat makukuha.” ang bulalas ng matanda.

Nakita nina Joel ang panghaharass ng matanda sa tatlo, kaya lumapit ito at inilayo ang matanda sa kanila.  Napalapit na rin si Tibor sa tatlo upang kamustahin.

“Ganun talaga si Aling Rosal sa lahat ng mga dayo dito lalo na sa mga bisita namin sa resort. Nagkaganyan iyan noong nawala ang mag ama niya sa gubat, doon mismo sa Mariit na talon.” naikuwento pa ni Tibor.

kinilabutan na si Hans sa kanyang narinig sa kuwento ni Tibor . Nagmadali na silang bumalik ng resort. Agad naman sila inusisa ni Tope at Santi na nandoon sa may canteen at nag kakape.  Laking abala na sa lahat ang nangyayari kay Arman,kaya naisipan ni Tope na humingi na ng tulong sa ilang mga local malapit sa resort sa mungkahi na rin ng manager ng resort.

Isang taga roon ang nag mungkahi sa kanila na pausukan si Arman kapag bumalik na ito. Napagpasyahan din nila na kung hindi pa bumalik si Arman bago mag dilim, ay hihingi na sila ng assistance ng pulis sa kabilang isla.

Bumalik muna sa kani-kanilang mga silid ang lahat para makapagpahinga. Paakyat na sa silid nila si Santi nang mapansin nito ang bakas ng mga basang paa sa sahig na kawayan ng kubo. Papasok ang mga bakas sa kanilang silid.

At muli na naman nito napansin ang mga talulot ng bulaklak at mga pintas ng dahon sa pintuan ng kanilang silid. Pagkabukas ni Santi, nagulat ito nang makita ang hubo’t hubad na si Arman sa ibabaw ng kama nito. Nakadapa ito at basang-basa.

Mahimbing ang pagkakatulog nito dahil naririnig pa ni Santi ang mga hilik nito.  Agad na bumalik si Santi sa canteen para ipaalam sa lahat na nandoon na si Arman sa kanilang tulugan.

Tumalima naman agad ang magkakaibigan na silipin si Arman.

“Tang inang puwet niyan ang puti” ang unang napansin ni Gin nang sumilip ito sa kuwarto.

“Tarantado, umayos ka nga puro ka kalokohan. pero dude, sure ka ba talaga na si Arman iyan?” ani pa ni Makoy.

“Siyempre naman, siya iyan. Nagtataka lang ako bakit ganyan ang ayos niyan. Parang kakaahon lang sa tubig.” tugon pa ni Santi.

“Tara mga dude, humingi tayo ng permiso sa manager ng resort para ma check natin ang cctv. Mukhang hindi na kasi nakakatuwa itong nangyayari kay Arman. Ilang beses na ito.” ayon pa sa suhestiyon ni Hans.

Tinungo ng apat si Tope para samahan sila sa manager ng resort para matingnan ang cctv at para ipaalam narin sa kanila na bumalik na nga si Arman.

Ngunit sa kanila pag susuri, walang record na nakuhanan ang cctv ng pag balik ni Arman sa kanilang tulugan. Naging malaking palaisipan ito sa magkakaibigan. Gayun pa man pinag-sawalang bahala na lang nila ang kakatwang nangyayari sa kaibigan nilang si Arman.

Dumating na naman ang gabi at kinukutuban na naman si Hans tungkol kay Arman. Naisipan nitong lumabas sa kanilang tulungan at tumambay saglit sa balkunahe ng kubo. Tanaw mula doon sa kanya ang kubo naman nina Santi at Arman, halos katapat nga lang niya ito.

Nais ni Hans na bantayan ang mangyayari kay Arman ng gabing iyon. Nag abang pa ito. May isa’t kalahating oras na itong naka upo roon at naka ilang sindi na ito ng sigarilyo ngunit hindi nangyari ang inaasahan nito hanggang sa nainip na lang ito. Nagpasya si Hans na pumasok na ng silid dahil sa nakaramdam na ito ng antok ng bigla na lang narinig nito ang langitngit ng pintuan mula sa kubo nina Santi at Arman.

Napabalik sa puwesto nito si Hans, at nagtago sa haligi ng kubo habang sinisipat ang kubo ng dalawa.

Maya-maya pa ay bumukas ang pintuan ng kubo nina Santi at Arman. Tutok na tutok doon si Hans.

Nagulat ito nang makitang si Santi ang lumabas mula sa pintuan. Palinga-linga ito na para bang sinisiguradong walang taong gising sa mga oras na iyon. Napatingin pa ito sa direksiyon ni Hans ,kaya ganun na lang kung isiksik ni Hans ang sarili sa haligi,lamang hindi siya ma pansin ng kaibigan.

Naintriga si Hans sa kinikilos ni Santi. Iyong kilos niya kasi,parang may gagawing di maganda. Na para bang may tinatago.

Sa halip na si Arman ang subject ni Hans ng gabing iyon, nabaling kay Santi ang kanyang interes at atensiyon.

Bumaba si Santi mula sa kubo at tinungo ang direksiyon patungo sa villa ni Tope.

“Ano kaya gagawin nito sa villa ni Tope, panigurado may session itong mga ito. Mga lokong mga ito. Di man lang nag share sa amin. Sigurado pati si Arman pinapatira din ng mga ito,kaya kung ano-anong trip ang naiisip.” Hinala pa ni Hans.

Bumaba ito para sundan si Santi. Maingat ito ,upang di mahalata ng kaibigan. Napansin ni Hans na agad pinapasok ni Tope si Santi sa loob. Palinga-linga din muna ito na parang sinisiguradong walang ibang tao na nakakakita sa kanila.

Sarado ang buong villa, walang ano mang siwang o bukas na parte upang makita ang loob. Napadikit na lang si Hans sa dingding nito upang marinig Ang kung ano mang pinag uusapan ng dalawa sa loob. Gawa sa pinag halong , simento, pawid, kahoy at kawayan ang villa kaya maririnig mula sa loob ang ano mang ingay sa labas ganun din loob kung mula naman sa labas.

Ilang saglit pa, napaatras si Hans sa kakadiin ng tenga nito sa dingding. Mabilis itong umalis doon at bumalik sa kanilang kubo.

“TAGO-TAGUAN”

Sa pag mamasid ni Lambino sa mga bakasyunistang lalake, hindi lamang ang talon ang may kinukubling misteryo at lihim.

Bukod sa ang tunay na dahilan ng kanilang pagpunta sa isla ay para sa pag hahanda sa nalalapit na kasal ni Tope, pagkakataon din ito para sa kanila ni Santi na sulitin ang mga araw na makakasama nila ni Tope ang isa’t isa.

At sa punto nga nang pag uusap ng dalawa, narinig ni Lambino ang lihim na relasyon ng mag kaibigan. Natuwa naman ang lambana dahil sa natuklasan nito hindi na ito mahihirapan sa kanyang mga binabalak.

Hindi na nag tagal pa doon si Lambino, sapat na ang natuklasan nito. Lumipad ito at tinungo ang iba pa sa mga kaibigan ni Arman.

Ilang araw na lang at matatali na nang tuluyan si Tope kay Abby. Kaya habang may pagkakataon pa at hanggat may mga sandali pa para sa kanila ni Santi, kailangan niyang sulitin.

Muli nitong sinunggaban ng halik sa labi si Santi, lumaban naman sa kanya ng kagatan at sipsipan ng labi ang lalake.

Si Tope na naman ngayon ang nasa ibabaw ni Santi. Para itong asong gutom na dumidila ng buto habang nilalawayan ang tenga at leeg ni Santi. Impit na ungol naman ang tugon ng lalake sa mga paghimod na iyon sa kanya ni Tope.  Nakataas sa ulo ni Santi at ang magkabila nitong mga kamay, bilad na bilad kay Tope ang ang makinis at maputi nitong kilili na may maninipis na buhok na agad namang pinasadahan ng dila ni ni Tope.

Animoy natutunaw na ice cream kung makadila ng kili-kili ni Santi si Tope. Sa sensasyong dulot nito at kiliti sa lalake, napapaliyad sa sarap si Santi  kapag dumadampi na ang nguso at dila ni Tope sa kili-kili nito.

Walang ligtas din ang dalawang utong nito na naninigas narin sa sarap. Doon naman ibinaling ni Tope ang kanyang mga dila,marahan pa niya itong kinakagat sabay sup-sop doon.

Nababaliw na sa sarap at libog si Santi dahil sa ginagawa sa kanya ni Tope na pag brutsa gamit ang dila.

Tila hindi pa yata kuntento si Tope, at pumailalim na ito kay Santi. Itinaas nito ang magkabilang hita ng lalake at pinabukaka ng husto si Santi.

Nang nalantad na sa kanyang harapan ang butas ng lalake, doon naman nag focus si Tope sa pag dila. Salitan nitong dinidilaan at sinusupsop ang butas at ang pagitan ng mga bayag ni Santi. Nagdulot iyon ng matinding sarap kiliti sa kaibigan. Kasunod na nun ang pagsubo na ni Tope sa gabakal na tarugo ni Santi. Halatang sarap na sarap si Tope sa kakapangas ng tubo ni Santi.

Hindi na nakayanan ng kaibigan ang matinding libog at napa kaldag ito ng tudo sa bibig ni Tope.

Nang maramdaman na nitong naninigas na Ang mga hita ni Santi agad nitong niluwa ang naglalawang tarugo ng kaibigan.

Gamit ang laway sa tarugo ni Santi kumuha doon si Tope at ipinahid sa butas ng kaibigan.

“Tang Ina pare, ano ang binabalak mo? Yayariin mo tumbong ko?” Ang biglang gulat na reaksiyon ni Santi , napa angat ito.

“Pag bigyan mo na ako, kahit ngayon lang. “ pagmamakaawa pa ni Tope habang himas-himas ang tirik na nitong tarugo.

Nagdadalawang isip pa si Santi kung papayag ito, sa laki ba naman ng ulo ng tarugo ni Tope na mala kabute, tiyak ilang araw din itong hindi makakadumi ng maayos. Ngunit napapayag din ito ni Tope kalaunan.

Naglagay ng maraming lube si Tope sa butas ni Santi at sa ari nito.

“Dahan-dahan lang baka masakit.” Paalala ni Santi.

Tumango naman si Tope, unang beses na ipapagamit ni Santi ang kanyang butas kaya magkahalong kaba at takot ang nararamdaman nito, dahilan para lumaylay ang matigas nitong tarugo na kanina lang sing tigas ng bakal.

Sa unang turok pa lang napangiwi na sa sakit si Santi, natutulak na nito ang katawan ni Tope dahil sa di mawaring sakit. Ulo pa lang ng tarugo ni Tope pero parang nawasak na agad ang bahay tae nito. Gigil na gigil na si Tope  sa kanyang kalibugan agad nitong naitarak kay Santi ang tarugo nito. Napamura ng tudo si Santi at muntikan na mapasigaw sa sakit. Napakagat na lang ito sa kumot upang doon ibaling ang nararamdamang kirot.

Naging marahan Ang mga pag galaw ni Tope, mahinahon ang labas masok nito sa tumbong ni Santi. Hanggang sa nasanay na Ang butas ng kaibigan.

Samantala dahil sa mga narinig sa villa ni Tope, balisa sa higaan nito si Hans. Pabaling-baling ito ng higa. Sa ingay ng langitngit na kama nitong gawa sa kawayan nagising si Makoy.

“Nandito ka na pala , nakita kitang bumaba kanina susundan pa sana kita ngunit tinalo na ako ng antok. Saan ka ba galing?.” Tanong ni Makoy.

“Naghanap ng kape, kaso sarado na ang canteen. Dumaan ako sa kahera , pero wala akong inabutang gising, lahat ng staff tulog. Mukhang naka inum lahat ng pampatulog.” Tugon naman ni Hans.

“Kape lang pala hanap mo sana sinabihan mo ako. May limang 3 in 1 pa ako diyan sa drawer, tira pa iyan sa kinuha ko kahapon. May heater naman dito.”

Napabangon na lang din si Hans at kinuha ang kape sa drawer. Nag kape ang dalawa habang pinag uusapan ang kakatwang panaginip ni Makoy.

“Ano? Dinalaw ka ng isang lambanang lalake sa panaginip mo?” Ang natawang tanong ni Hans kay Makoy.

“Maniwala ka dude, parang totoo nga eh hindi Isang panaginip. Inalok pa niya ako ng mga ginto. Basta sumama lang daw ako sa kanya. Nang mag alangan ako,may inabot siya sa aking ginto, ang liit nga lang , parang kasing laki lang ng butones pero ginto talaga. Nahawakan ko pa nga eh.” Kuwento pa ni Makoy

“Huwag mong sasabihin na nagpapaniwala ka na rin sa mga lamba-lambanang iyan? Baka magulat na lang kami Ikaw na ang susunod na mawawala dito tulad ni Arman.” Sabi pa ni Hans sabay paalala sa kaibigan.

“Kaya nga hindi ako sumama, at isa pa panaginip iyon dude, malayo sa reality. Masyado lang siguro tayo apektado sa nangyayari kay Arman kaya nahahawa na tayo.” Ayon pa kay Makoy.

Akto sanang tatayo si Makoy para mag banyo nang pag alis nito ng kumot , may nakita si Hans na agad dinampot doon. Puti ang kumot ,pati ang kama kaya kitang-kita iyon. Nagkatinginan ang dalawa nang malapitang makita iyon. Isang bato na sin liit ng butones at kulay ginto ang nakita ni Hans sa kama ni Makoy. Nanghilakbot ang dalawa.

KOLEKSYON

Habang nasa balkonahe ng pavillion ang magkakaibigan. Napag-usapan nila ang nangyaring panaginip ni Makoy at ang nakita nilang tila butil ng maliit na ginto sa kanyang kama.

“And now you’re in it. akala ko ba hindi kayo naniniwala sa mga fairies tale thing na iyan pero parang ganado kayong pag-usapan natin ngayon iyan?”’tanong ni Arman sa tatlo habang nagkakape ang mga ito.

“curious lang kasi kami sa mga nangyayari sa iyo lately, Talaga bang wala ka naalala sa mga nangyayari sa’yo dude? Sa tuwing nawawala, lahat ng iyon wala kang naaalala?” tanong pa ni Gin kay Arman.

“Ang tanging naalala ko lang nasa isang magandang lugar ako kasama ang isang lalaking lambana. Hindi ko alam kung ano ang ginagawa ko roon, pero ang gaan-gaan ng pakiramdam ko habang kasama ko siya. Tapos bigla na lang ako napapagod iyong para bang, hinugutan ako ng lakas ng aking pagkalalake” naikuwento pa ni Arman.

“Di naman kaya bakla ang lambana na bumibihag at kumursunada sa iyo? At kaya ka nawawalan ng lakas sabi mo dahil tinuturutot ng lamabanang iyon ang tarugo mo at pinipiga ang lahat ng tamod mo pare.” wika pa ni Gin.

“Baka nga pare, kasi ayon kay Santi, nang una ka niyang napansin, nagsasalita ka habang tulala. Ang sabi mo pa ay nakipagtalik sa iyo ang isang lambana. Hindi namin iyon pinansin kasi ang akala namin nag ti-trip ka lang. “ pag sang-ayon pa ni Makoy.

“Hindi ko talaga alam, basta hanggang ganun na lang ang naalala ko sa mga panaginip ko. I personally don’t believe na may mga ganoong nilalang. Pero parang totoo siya sa panaginip ko. Sa katunayan marami na nga akong naipon na tulad nito sa tuwing nagigising ako. Hindi ako sigurado kung totoong mga ginto nga ba ito. Pero sa bawat pag gising ko meron nito sa unan ko.” Dagdag pa ni Arman sabay bulatlat sa harapan ng mga kaibigan ang isang maliit na box ng pabango. Laman nun, ang maliliit na tipak ng ginto na kasing liit ng butones.

Pinagkaguluhan iyon ng tatlo, lalo pa at may ganun ding nakita si Makoy at Hans sa higaan ni Makoy.

“Tang ina pare ang dami na nga niyan. Nangalahati na ng karton ang laman. Mahilig talaga ako sa ginto pare, at masasabi ko na tunay nga itong mga ginto. Katulad din ito ng nakita namin ni Makoy. Tingnan mo. “ ani pa ni Hans ,na kinagat-kagat pa ang mga tipak ng ginto mula kay Arman.

Naikuwento pa ni Makoy na bago nila nakita ang gabutones na ginto sa kanyang higaan. Nanaginip itong may kasamang lalaking lambana. Maamo at guwapo ang nasabing lambana.Ayon pa sa paglalarawan ni Makoy. Sumang-ayon naman si Arman na parehas ang nakilala nilang lambana sa kanilang panaginip.

“Ibig sabihin lang nito mga dude, pare. Natitipuhan kayo ng lambana na iyon. At ayon sa conclusion ko mga pare, bakla nga ang nagka-crush sa inyo at hindi lang basta lambana , mayamang lambana. Mukhang may minahan ng ginto eh. Ako kaya? Trip din kaya ako ng lamabanang iyon?” ayon pa kay Gin.

“Huwag ka na umasa pare, dahil alam mo na ang sagot. Masasaktan ka lang kapag sinagot ka ng lamabanang iyon.” Natawang saad pa ni Hans.

“Kung ganito karami ng ginto ang makukuleta ko sa lambana na iyon. Kahit bakla iyon, ayos lang na gabi-gabihin niya ako pare. Kung sa atin nga, bumibigay ako sa 150, ito pa! Tunay na ginto !” wika pa ni Makoy.

Ganun ang topiko nila nang lumapit sa kanila si Santi. Nakangiti itong papaakyat sa pavillion. Ngunit nang makita ito ni Hans ,agad na nagpaalam si Hans sa iba. Nilampasan lang nito si Santi at hindi man lang pinansin ang kaibigan na tinapik pa ang balikat nito. Nagtataka man, ngunit hindi na iyon pinansin ni Santi. Lumapit ito sa iba at nakipagkuwentuhan doon. Pabalik si Hans sa kanilang kubo at napadaan ito sa swimming pool kung saan nakasalubong nito si Tope, na agad naman siya inalok na makipag inuman.

Hindi na nakatanggi pa si Hans at sinabayan na nga si Tope. Hard ang tinira ng dalawa habang nakalubog ang mga katawan sa malamig na tubig ng pool. Meron kasing parang mini bar counter sa gilid ng pool na iyon. Bago pa man naging magtropa ang anim, nauna nang naging kaibigan ni Tope si Hans ,dahil pinsang buo niya ito.

“Handa ka na ba talaga para sa kasal mo next week?” bungad na tanong ni Hans kay Tope.

“Siyempre naman, wala tayo lahat dito ngayon kung hindi pa ako handa sa kasal ko.” Ang natawang tugon ni Tope.

“May ilang araw ka pa bro, mahal mo ba talaga si Abby?” hirit na tanong muli ni Hans sa pinsan.

“Oo naman , walang duda. Kaya ko nga papakasalan diba?Ano bang klaseng mga tanong iyan. Sa dami ng tao na puwede akong tanungin niyan, ikaw pa talaga ha. Saan ba patungo itong usapan natin? Let me guess, may gusto ka kay Abby?” pabirong tanong din ni Tope.

“I saw Santi last night and I heard you both.” bulalas ni Hans.

Biglang napalagok ng alak si Tope nang marinig iyon kay Hans. Natameme ito at hindi na makatingin ng diretso sa pinsan niya. Aahon pa sana ito para iwasan mapag-usapan ang pinupunto ng pinsan, nang, inakbayan ito ni Hans para pigilan.

“Hindi mo lang ako pinsan bro, kaibigan mo rin ako. At hindi kita jina-judge. Gusto ko lang malaman kung sure ka na ba diyan sa papasukin mo. Dahil once na lumusong kana, mahihirapan ka nang makaahon. Alam mo kung gaano ka kamahal ni Abby. At hindi niya deserve ito.” sabi pa ni Hans kay Tope.

“Kung ano man ang narinig mo labas ka na roon. This is me at buhay ko ito. Ipikit mo na lang ang mata mo at takpan ang tenga mo kung hindi mo masikmura. At kung nasusuka ka, you can have my car. Maari ka nang umuwi.” saad ni Tope, at tuluyan na nga itong umahon ng pool.

“Wait bro, ano ba ang pikon nito. that’s not what I mean, my god bro.” habol pa ni Hans kay Tope.

“What do you want to hear, that I’m gay. Yes, I’m gay bro. I need Santi and I also love Abby. Binabalaan kita, hayaan mo si Santi. At pakiusap lang pabayaan mo na ako sa diskarte ko. “ bilin pa ni Tope at iniwanan na si Hans sa pool.

Napabuntong hininga na lang si Hans sa gilid ng pool habang nakatingin sa papalayong si Tope. Napabaling ang tingin ni Hans sa iniwang pavilion kung saan nandun pa si Santi at masayang nakikipag-usap sa mga kaibigan.

Nag lublob muli ito sa pool at naligo na lang ito roon. Tama nga naman si Tope, buhay niya iyon. Hindi man pabor si Hans sa ginagawa ng pinsan tulad ng bilin ni Tope nagbingi-bingihan na lang ito at nag bulag-bulagan. Pagkaahon nito sa pool sinalubong naman ito ni Xyra na naka pampaligo kasama sina Abby, Ellaine at Chuchay.

“Gusto pa sana kitang samahan pero mukhang girl bonding niyo na ito. I’ll see you na lang later.” Tugon ni Hans kay Xyra sabay halik sa labi ng babae.

“That is so unfair sis, di ba ang rules no to something tayo? Pero mukhang may binabalak na yata kayo diyan later ha.” Pagputol ni Abby sa landian nina Hans at Xyra.

“Ok, naiinggit na bride. Sige baby break for a while na muna tayo baka wala pa iyong wedding day, uunahin na nito ang honeymoon. “ Ani pa ni Xyra na hinila na si Abby papuntang pool.

Ngumiti na lang si Hans sa sinabi ni Xyra at napasulyap kay Abby. Ngunit nang tingnan ito ni Abby umiwas ito ng tingin. Hindi niya kayang titigan sa mata si Abby, naawa ito. Walang kamalay-malay ang babae na ang papasukin nitong mundo ay puro kasinungalingan at hindi totoo.

SA SILONG NG BUWAN

“Hindi na nagkulang ng paalala ang tagarito sa mga dayo na iyan. Alam na nila ang bawal at kung ano ang dapat na gawin. Kung mangyari man ang nangyari sa iba wala ng sisihin doon kung hindi sila. “ Wika ni Jonas habang sinasalansan ang mga hinakot nilang mga kahoy sa kanilang dapog.

“Pero kuya, wala silang alam sa puwedeng gawin sa kanila ng mga lambana sa talon lalo na pagdating sa kapilyuhan ni Lambino. Kawawa naman kung maging katulad din sila ng iba na magiging bahagi na lang ng gubat nang hindi nila namamalayan.” Sabat ni Kulas sa kuya nito.

“Problema na nila iyon. Nakipagsundo na ako sa kanila na huwag na mangialam pa. At gaya ng nasabi ko, alam na ng mga dayo na iyan ang kanilang limitasyon. Pinagsabihan na sila. Pero sadyang ganyan ang mga paniniwala at ugali ng mga taga siudad. Hindi naman sila naniniwala sa mga ganyan. “ Saad pa ni Jonas sa kapatid.

Tanaw mula sa bahay ng magkapatid ang dulo ng resort, nasa tutok kasi ng isang burol nakatirik ang kanilang kubo. Matagal ng walang umuukupa sa resort simula noong nagkaroon nga ng ilang insedente ng mga nawawalang turista at mga bakasyunista nila. Kaya nga ikinagulat ng magkapatid na makitang may mga taga labas na namang nandoon sa kanila.

May kutob mang hindi maganda para sa mga bisita ng resort. Pinili na lang ni Jonas na huwag mangialam at magmasid na lang mula sa malayo.

Kabilugan ng buwan at maaliwalas ang kalangitan. Kitang kita ang kagandahan ng gabi dahil sa maliwanag na tanglaw mula sa buwan. Pabaling-baling lang sa kanyang kama si Santi. Nais nitong puntahan sa Tope sa kanyang Villa ngunit sinabihan na ito nang maaga ni Tope na huwag muna sila magtagpo at nakakahalata na nga si Hans sa kanila.

Alas diyes na iyon ng gabi nang silipin nito ang oras sa kanyang cellphone. Nang lingunin nito sa katabing kama si Arman, tulog na tulog ito. Saglit na bumangon ng kama si Santi para mag banyo. Kita pa nito ang mahimbing na natutulog na kaibigan. Ngunit nang lumabas na ito mula sa banyo, ikinagulat na lang nito nang wala na sa higaan nito si Arman. Bukas na ang kanilang silid.

Kinutuban na nang di maganda si Santi. Lumabas ito ng kanilang kuwarto at sinilip sa baba ang kaibigan. Maliwanag ang buwan kaya kahit may kadiliman sa ibang bahagi gawa ng mga mayayabong at makakapal na dahon ng mga puno at halaman, maaaninag parin ang daan na natatamaan ng liwanag mula sa buwan. At sa paghagilap nga ni Santi kay Arman nakita niya itong lumalakad papasok sa masukal na daan patungong gubat.

Ngunit ang ikinagulat atipinagtaka lang nito ay kung bakit hubo’t hubad ang kaibigan na nakabalandra sa ilalim ng lilim ng buwan.

Desidido na si Santi na alamin ang misteryo at sekreto ni Arman kung bakit bigla-bigla na lang ito nawawala gabi-gabi simula ng dumating sila sa resort na iyon. Pumanaog si Santi upang sundan ang kaibigan. Maingat ang bawat mga paghakbang ni Santi upang maiwasang makalikha ng ingay at mahalata ito ni Arman.

Saglit na napahinto si Arman, sa pag aakalang nakatunog ang kaibigan agad na nagkubli sa mayabong ng mga dahon si Santi.

“Anong trip kaya ang gagawin ng taong ito. Ano ang tingin nito sa sarili niya siya si Adan at naghahanap ng mansanas sa gitna ng gubat? “ Wika ni Santi sa isip nito nang makitang palinga-linga si Arman.

Muling umabante ng lakad si Arman. Tuloy lang sa pagsunod si Santi hanggang sa hindi na nito namalayan na malayo-layo na pala ang nilakad nila. Matatayog na ang mga puno doon at hindi na halos pumapasok ang liwanag ng buwan sa kapal ng mga dahon sa paligid. Doon na kinilabutan si Santi at binalot ng kaba. Padilim na ng padilim ang kanyang nakikita. Minsan pa aninag na lang ni Arman ang kanyang nasusulyapan.

Hindi niya kabisado ang gubat. Bukod doon ang ideya na pinamamahayan ng maligno at mga engkanto ang gubat, iyon ang mas kinababahala ni Santi. Nais nang tumigil nito sa kakasunod kay Arman at balak na lang bumalik nang bigla na lang lumiwanag ng bahagya ang paligid.

Namangha si Santi sa biglaang paglitaw ng mga alitaptap sa paligid, sobrang dami nun na nagawa ng mga nitong ilawan ang paligid. Sa tanang buhay ni Santi noon palang ito naka encounter ng totoo at buhay na mga alitaptap. Hindi lang iilan kung hindi mahigit libo ang dami ng mga ito. Ikina aliw iyon ni Santi. Natangay ito sa ganda ng mga insektong iyon. Naglaho bigla ang kanyang takot.

Sa puntong iyon muli na ngang nakita ng malinaw ni Santi si Arman na patuloy parin sa paglalakad.

Naging tanglaw sa daan ni Santi ang mga alitaptap kaya nagpatuloy din ito sa pagsunod sa kaibigan, hanggang sa bigla na lang nagpulasan ang mga alitaptap sa kung saang dereksyon. Muling nabalot ng dilim ang paligid. Ngunit hindi na ganun ka dilim. Tanaw na sa mga singit-singit ng mga sanga at dahon ang liwanag na nagmumula sa bilog na buwan.

Kasabay ng paglaho ng mga kinang mula sa mga alitaptap, nawala narin sa paningin ni Santi si Arman.

“Lang hiya kang bata ka, mukhang napaglaruan na yata ako ng mga maligno at engkanto rito, Arman!!! Arman pare nasaan ka na?! Arman huy walang ganyanan, nasaan kana pare? Arman? ! “ Sigaw ni Santi habang hinahagilap sa kadiliman ang kaibigan.

Tanging ang alingawngaw lang ng boses nito ang sumagot sa kanyang sigaw, walang Arman na tumugon. Naglakas-lakasan ng loob si Santi umabante. Subok sa buwan kung makikita niya pa ang kaibigan. Tanging ang pinagbasehan lang nito kung saan niya huling natanaw ang kaibigan.

Samo’t saring mga tunog ng hayop ang lalong nagpadagdag sa tensyon ni Santi ngunit ayaw na niya magpatalo sa takot at kaba. Kung si Arman nga gabi-gabi ng ganoon ang trip, siya pa kaya. Saad pa nito sa sarili na pilit pinalalakas ang loob. Sa pagpatuloy nga nito, biglang natigilan si Santi nang marinig ang lagaslas ng tubig mula sa talon. Mahina, pero alam niyang malapit lang ito sa kanya. Iyon ang naging gabay ni Santi.

Ilang mga paglakad pa, napawi ang pagod at kaba nito nang batiin si Santi ng mala kristal na tubig ng talon. Kumikislap ang tubig dahil sa pagtama ng liwanag ng buwan. Animoy mga brilyanteng bumabagsak ang tubig mula sa talon. Tanawing nakakalula pero nakakamangha.

At doon nga sa ilalim ng talon natagpuan nito si Arman na malayang lumalangoy sa mala kristal na tubig. Tutok na tutok si Santi habang nakamasid sa kahubaran ng kaibigan. Hindi nito inaasahan na sa ganong tagpo niya masisilayan ang alindog ng pagkalalake ni Arman.

NAKAW NA TAGPO

Nang mga sandaling iyon hindi lang pala si Santi at Arman ang nandoon. Lingid kay Santi sinundan din pala ito ni Gin na noon gising pa at naninigarilyo lang sa kanilang kubo. Nakita nito ang pagbaba ni Santi mula sa kanilang tulugan kaya na curious ito at naisipang sundan ang kaibigan.

Sakto lang ang layo ni Gin sa dalawa. Dahil sa magandang tanglaw mula sa buwan, malinaw nitong nakikita ang lahat. Nagaabang-abang.

“Ito pala ang trip ng dalawang ito tuwing gabi. Pero bakit dito? Kung gusto lang naman nila mag night swimming may malaking pool nama sa mismong resort. Hmmm mukhang ibang swimmingan ang kutob ko dito. “ Bulong ni Gin sa sarili na dilat na dilat ang mata nakamatyag sa dalawa.

Batid na noon ni Arman na hindi lang ito ang nandoon. Pumagitna pa ito sa tubig habang nakatihayang nag lalangoy at tumitingin sa buwan. Kumikinang ang kaputian ng katawan ni Arman sa tama ng liwanag ng buwan. At klarong-klaro sa mga mata ni Santi ang bawat ukit at hulma ng muscle ni Arman sa katawan. Pilit man nitong iiwas ang tingin, hindi nito maitanggi sa sarili na takam na takam ito sa hubad na katawan ng kaibigan.

Ramdam ni Arman ang mga matang lumalatay sa bawat bahagi ng kanyang balat. Kaya mas lalo inong naging mapanukso. Nilaro-laro nito ng mga kamay ang magkaparehong mga utong hanggang sa tumigas ito. Mula sa dibdib pababa naman  ang palad nito ibabang parte ng kanyang pusod.

Bawat galaw ni Arman, napapalagok na lang ng laway si Santi. Ginapangan na ito ng kalibugan sa katawan at nagsimula na rin itong laruin ang saril. Nang makitang himas-himas na ni Arman ang sariling ari napalipat agad ng puwesto si Santi. Napakubli ito sa malapad na bato sa kanyang kinatatayuan.

“Putcha, sini-seduce yata ako ng gagong ito ah. Hayop ka Arman kung ano man ang trip mo ngayon, hindi kita uurungan. Langhiya ka ito pala ang ginagawa mo kapag nawawala ka sa gabi. Pero sino naman kaya ang ka trip nito rito sa gitna ng gubat? “ saad pa ni Santi sa sarili.

Muli itong binalingan si Arman, sumilip ito sa pinagtataguang bato ngunit nagtaka na lang ito nang wala na roon ang kaibigan. Nalingat lang ito saglit pero ang bilis nawala ni Arman sa tubig ni hindi man lang nito narinig ang pag-ahon ng kaibigan.

Lumabas sa pinagtataguan nito si Santi at sinuri ang paligid. Walang bakas, wala na si Arman. Kinabahan bigla si Santi sa posibleng nangyari sa kaibigan, inisip nito na baka nalunod na iyon, o di kaya may kung anong hayop na humila sa kanya pababa sa ilalim ng tubig. Pabalik na ito para sana humingi sana nang tulong nang  bigla na lang nito narinig ang boses ni Arman sa gilid niya.

Napasandal sa bato si Santi ng makita si Arman na papalapit sa kanya.

“Sinusundan mo ba ako pare? “ Tanong ni Arman kay Santi habang nilalapit nito ang bibig sa tenga ng kaibigan.

“Nagkataon lang, sino ba kasi ang kinakatagpo mo sa ganitong lugar sa dis oras ng gabi? “ Tapon din na tanong ni Santi.

“Wala, maganda lang kasi ang bungad ng kalangitan. Nakakainit ng laman ang malamig na hangin. Gusto mo maligo pare, mainit ang tubig. “ Tugon ni Arman. Nagsimula nang laruin ng madaliri nito ang bibig ni Santi.

“Ano ang ginagawa mo pare? “ Tanong pa ni Santi. Hindi nito mapigilan ang mga mata na tumingin sa nang-aakit na mga tinginan ni Arman sa kanya.

Titig na titig lang ito.

“Wala ka bang gagawin sa akin?  Dahil ramdam ko ang mainit na buga ng hininga mo pare, Naiinit ka na ba? . “ Pang aakit pa ni Arman.

Wala ng sabi-sabi at agad na kinabig ni Santi ang ulo ni Arman palapit sa kanya at sinunggaban ito ng maalab na halik sa labi. Umatikabong labanan ng mga labi at dila ang pinamalas ng dalawa. Ang init ng laplapan nila na napamura na lang si Gin sa nasaksihan.

“Anak ng titi ni diwata, ano itong nakikita ko? Si Arman at Santi naglalapaan sa isa’t isa… “ Ang natigalgal na reaksiyon ni Gin ng makita ang pangasan ng dalawa.

Hindi naman bago ang eksenang iyon para kay Gin. Ngunit ang makita ang mga kaibigan na nasa ganoong tagpo ay lubhang ikinagulat nito. Hindi mawari ni Gin kung ano ang magiging tugon nito sa nakikita, nais niyang masuka, pero hindi naman nito mapigilan ang sarili na pagmasdan ang bawat salpukan ng dalawang barakong kaibigan. Lalo itong napalunok ng laway ng mas naging mapusok at agresibo na ang mga galawan nina Arman at Santi. Inumpisahan ng dalawa sa maalab na laplapan hanggang tumuloy sa nakakapasong romansahan. Kitang-kita ni Gin kung paano pasadahan ng dila ni Arman  ang bawat parte ng katawan Santi mula sa malapad nitong dibdib, sa paglaro at pagsipsip nito sa mga utong ng lalake hanggang sa pumaibaba ito sa pusod at puson ni Santi. Namangha si Gin kung paanong gamay na gamay ni Arman ang paggamit ng kanyang dila.

“Putang inang tarugo iyan ang laki naman.” bulalas ni Gin nang ibinaba ni Arman ang maiksing shorts na suot ni Santi at tumambad ang mahaba, matigas at maugat na kabute ng kaibigan. Sa haba nito halos lampas sa mukha ni Arman ang sukat nito.

Tila napako na sa eksena si Gin, nakaramdam na rin ito pangiinit ng tenga. Hanggang sa natagpuan na lang nito ang sariling kamay na himas-himas na ang nagsisimulang manigas na titi.

“Buwesit talaga kayong dalawa, ang galing niyo magtago. Pero  grabe ang galing niyo, pati ako nalilibugan dito.” ani pa ni Gin , habang minamasahe na ang tayong-tayo na tarugo.

Lalong nagliyab ang mga tagpo nang sinimulan ng isubo ni Arman ang tarugo ni Santi. Ramdam na ramdam ni Santi ang init ng hininga ni Arman na sumasayad sa kahabaan ng kanyang pagkalalaki. Umalingawngaw ang mga ungol at halinghing ni Santi na damang-dama ang sarap ng pag kain sa kanya ni Arman. Si Arman animo’y hayok sa titi kung maka supsup at nakadilat sa tarugo ni Santi.

“Grabe ka Arman,paano mo napasakto ng buo sa bibig mo ang titi ni Santi? Lang hiyang lalamunan iyan, parang gusto ko na rin yata magpasundo sa iyo.” Komento ni Gin, habang patuloy sa pag jabol sa sarili.

Salitan na nagsusuboan ang dalawa na lalong nagpainit sa tagpong iyon. Muling hinila pataas ni Santi si Arman upang muling magtagisan sa pasarapan at pagalingan ng romansa. Malayo man sa mga kaibigan, tila ramdam na ramdam din ni Gin ang kanilang ginagawa. Unang beses siyang nadala at nakaramdam ng libog sa dalawang lalaking nag roromansahan at bo-brutsahan. Hindi mapaliwanag ni Gin ang nangyayari sa sarili pero tangay na tangay na ito sa eksena.

Lalo na nang pinatuwad na ni Santi si Arman. Damang dama ni Gin ang bawat pag baon ni Santi sa loob ni Arman.

“shet ka Santi ang sarap mo panoorin habang kumakaldag sa tumbong ni Arman. Sarap mo sabayan gago.” usap pa ni Gin na todo rin sa pagtaas baba ng palad nito sa tirik na tirik na tarugo.

Walang humpay na ungulan ang namayani sa tahimik na gabing iyon. Ang mainit na eksena ay lalo pang pinainit nang humiga si Santi sa malapad na bato sabay taas ng dalawang mga hita upang malantad naman kay Arman ang kanyang hiwa.

“Ay gago, magpapatira rin ang loko. Mga putcha talaga kayong dalawa, na linglang niyo talaga kami ng husto. Kung magbidahan kayo dati sa mga babae niyo parang kayo lang ang sinasamba ng mga puki, Pero puking ina , mahilig din pala kayo sa may titi.”  Saad pa ni Gin nang umindayog na sa butas ni Santi si Arman.

Hindi tinapos ni Gin ang mga eksena, mabilis itong nagbati hanggang sa tumilamsik sa damuhan ang napakarami nitong pinakawalang tamod. Iniwan nito ang dalawa na tuloy parin ang kantunan sa isa’t isa. Nagmamadali Gin na makabalik agad ng resort.

Samantala makalipas ang ilan pang mga pagkiskisan, halos magkasabay na nagpasabog ang dalawa. Hingal na hingal si Santi na nakadagan sa dibdib ni Arman habang naka baon parin ang ari nito sa butas ng kaibigan. Isang matamis na ngiti ang pinakawalan ni Arman kay Santi. Ginantihan naman iyon ni Santi ng masuyong halik sa labi.

“Gawin natin ito ng madalas, dito mismo sa lugar na ito.” wika ni Arman.

“Ingat lang tayo na hindi makahalata ang iba.  Isekreto na lang natin ito sa kanila.” tugon ni Santi.

“Nararamdaman ko na matigas pa rin ang titi mo. Gusto ko…isa pa.” ani ni Arman sabay yakap ng mahigpit kay Santi.

Pinagbigyan naman ito ni Santi. Naka ilang ulit pa ang dalawa. Halos masaid na ang huling tamod na ilalabas ni Santi sa kanilang di maawat na bawian ng lakas.

Sa resort, nakabalik na si Gin sa kanilang kubo ng hindi namamalayan ng mga kasama. Nasa kama na ito ngunit hindi ito madapuan ng antok. Ang nasaksihang tagpo sa gubat ang siyang naiisip nito. At kapag ipipikit na nito ang mga mata ang kayuran nina Santi at Arman ang nakikita nito. At dahil sa di na nga makatulog naglaro na lang ito ng game sa kanyang cellphone. Ngunit kahit anong libang ang gawin nito, paulit-ulit parin ang eksenang iyon sa kanyang isipan.


Return to top?
WattHub

Install WattHub

Size unavailable

App name
WattHub
App version
1.48.250
App size
Description
A digital library of Wattpad stories and Filipino fiction, thoughtfully preserved for readers today and tomorrow.
Developer
WattHub Team

Dismiss install banner?

No problem. You can still install WattHub anytime from the download icon in the header.

WattHub

Notifications

Notifications are off

Get notified on this device when the library grows or changes.