LANGOY
kabrobars · 16 chapters · 47,400 words
Ang Isla Buras
Kabanata 1
Matapos mapadpad ang apat sa Isla na tinatawag na Buras, at sa tulong ng mag kapatid na Amir at Dantoy nakakita ng kaligtasan ang apat. Isang linggo matapos sila kupkupin ng Isla Buras, naka recover na sa pagkahilo si Nicolo, Nakakalakad narin ng maayos si Angel at bumabalik na ang lakas ni Tony.
“Maraming salamat sa tulong pare,” Sabi ni Benson nang lumapit ito sa nagsisibak ng kahoy na si Amir. Bitbit nito sa kamay ang tasa ng mainit na salabat. “mag salabat ka muna, ako naman diyan.” At pag alok pa nito sa lalake.
“Salamat dito, mabuti naman at maayos na ang mga kasama mo. Sabi nga pala ni tatang ituloy lang ang pagpapainum ng halamang gamot sa kasamahan mong na nalason para tuloy-tuloy na ang kanyang pag galing.” tugon ni Amir.
“kayo lang ba talaga dito sa Isla na ito?” tanong ni Benson.
“Maliit lang itong Isla, kaya nga ikutin ito ng isang araw. Kaya ang mga nakatira dito ang mga iilang bangkero lang.” ayon pa kay Amir.
“pansin ko ngang wala masyadong babae dito sa inyo. Si Dantoy nga lang yata ang nakita kong binatilyo dito sa Isla.” puna pa ni Benson sa lugar na iyon.
“Kaya nga minsan na itong binansagan ng mga tagalabas na Isla tamodales kasi puro mga lalake lang ang nakakasalamuha nila dito. Nasa ibayong Isla kasi ang pamilya ng mga kalalakihan dito, doon mas maraming pasilidad at kuryente.” Sabi pa ni Amir.
Kuwentuhan lang ang dalawa nang makarinig sila ng sunod-sunod na putok ng baril malapit sa kanila. Agad na hinatak ni Amir si Benson papasok ng bahay. Tsaka nag sara agad ito ng mga bintana at pinto. Nagulat ang lahat sa kinikilos ni Amir, lalo na nang makita nilang may hinugot na baril si Amir mula sa sekretong taguan sa sahig. Sumilip si Amir sa siwang ng pintuan na tila ba may kinakatakutan ito. Lumapit sa kanya si Angel na nag aalala.
“Anong nangyayari, saan galing ang mga putok na iyon?” tanong ni Angel.
“Tahimik, nagsisimula na naman sila.” Sabi pa ni Amir.
Tuloy-tuloy parin ang mga putukan, kasunod nito ang mga sigawan ng ilang mga kalalakihan na tila mga takot. Nang biglang bumukas ang pintuan sa likuran ng bahay, at pumasok si Dantoy na hingal na hingal at pawisan. Agad itong nilapitan ni Amir at inusisa ang kapatid.
“Kuya limang ka Isla na naman ang kinuha nila.” ayon pa kay Dantoy.
“Hindi na talaga ligtas ang Isla na ito para sa atin. Nasaan na sila?” ang nabahalang wika ni Amir.
“Paalis na, pero sa tingin ko babalik pa ang mga iyon. May mga hinahanap silang tao. Tingin ko sila ang hinahanap nila kuya.” nang nginuso ni Dantoy ang apat.
Nagtataka ang lahat sa palitan ng usapan ng mag kapatid. Kaya nagtanong na si Tony.
“Sino ba ang mga tinutukoy niyo? bakit nangunguha sila ng mga taga Isla.?” tanong ni Tony
“Mga layag ang tawag namin sa kanila, mga armadong pirata,dati akala namin mga militar dahil naka uniporme at may mga baril. Ito ang tunay na dahilan kung bakit wala kayong nakikitang buong pamilya dito, walang mga babae at mga bata. Nang dudukot sila ng mga kalalakihan, karamihan mga binata, mga binatilyo. Hanggang sa naisipan ng mga kalalakihan dito na ilikas mula dito ang kanilang pamilya.” Kuwento pa ni Amir.
“Bakit hindi niyo na lang lisanin ang buong Isla, at ano ang ginagawa nila sa mga dinudukot nila?” tanong pa ni Benson.
“Si tatang ang kaunaunahang nabiktima nila hanggang sa nakatakas ito at nagtago dito. Ayon kay tatang ginagawa silang laruan ng mga ito na parang hayop na pinaglalaban hanggang sa magkamatayan. Narito sa isla na ito ang kabuhayan ng mga taga Isla na bumubuhay sa kanilang pamilya na nasa ibayong Isla. At ang Isla na ito ang yaman ng aming kanuno-nunuan. Kaya ipagtatanggol namin ang Isla hanggang kamatayan.” Ang tugon ni Amir.
“Di kaya sila din ang nagpahirap sa atin sa Isla Libogantes?” Naisip naman ni Nicolo.
Nagkatitigan ang apat at binigyan pansin ang hinala ni Nicolo. Nang masiguro ng lahat na humupa na ang tensiyon sa labas. Binuksan na ni Amir ang kanilang bintana. At mula doon, tanaw nila ang mga kaisla na nagtutulungang buhatin ang mga lalaking sugatan. Lumabas sila at nakibalita sa mga nangyari.
Tatlo sa mga taga Isla ang sugatan at Isa naman ang namatay. Dinala ng mga kalalakihan ang mga sugatan sa bahay ng matanda na si Tatang. Sumama si Benson kay Amir sa bahay ng matanda. Hinarang ang dalawa ng isang lalake na halos ka edad lang din nila. Galit ito at sinumbatan si Amir.
“Dahil sa iyo kung bakit muntikan ng mawala si Raul. Sila ang pakay ng mga layag. Tayo ang binalikan nila dahil sa pagtulong niyo sa kanila.” ayon pa sa lalake.
“Matagal nang hindi pinatatahimik ng mga iyan ang Isla na ito. At hanggat naduduwag tayo sa kanila.Paulit ulit lang nila tayo sisikilin dito. At huwag ka nga mang bibintang, salta ka rin dito sa Isla, kinupkop ka rin ng islang ito. Ni hindi nga namin alam kung saan ka galing.” Ang tugon ni Amir sa lalake at nag patuloy na ito sa bahay ng tinatawag nilang si Tatang.
Napansin naman ni Benson na tila may kakaiba sa mga kinikilos ng mga tagaroon. Balik na uli sa normal ang pamumuhay ng mga kalalakihan doon. Na tila ba normal na lang ang mga ganoong pangyayari sa Isla.
At kapansin pansin pa sa Isla na halos wala pang kwarenta ang mga kalalakihan dito. At bagamat may mga edad na Ang Ilan sa mga ito, malalaki at magaganda ang hubog ng mga katawan, matitikas at hindi maitatago ang magagandang mukha ng mga ito. Tila ba sinadya talaga silang dalhin sa Isla na iyon upang pagsamasamahin.
Nang wala ng tao sa kubo ng matanda, pumasok na si Amir sa loob at sumunod naman si Benson. Inalok ng matanda ng tuba ang dalawa. Nag usap ang tatlo sa labas ng Kubo habang nakatingin sa malawak na karagatan na nakatingala sa burol kung saan naroon ang Kubo ng matanda.
“Kamusta na ang mga kasamahan mo? Kung kaya niyo nang mag bangka, lisanin niyo na ang islang ito, isama niyo na itong si Amir at kapatid niya bago pa bumalik ang mga iyon.” biglang sabi ng matanda kay Benson.
Nabigla si Amir sa sinabi ng matanda, maging si Benson nagtaka rin kung bakit pinapaalis na sila ng Isla.
“Hindi ako aalis dito tang, haharapin ko sila kapag bumalik pa sila dito. Sa atin ang Isla na ito.” pagtutol pa ni Amir.
“Wala tayong laban sa kanila, tingnan mo ang nangyari sa mga kasamahan natin. Hanggat may makukuha sila dito sa Isla hindi nila tayo titigilan.” Ayon pa sa matanda.
“Ano ba talaga ang pakay nila sa mga dinudukot nila, bakit hindi na lang kayo humingi ng tulong sa mga pulis.” sabat pa ni Benson.
“Pulis?” at natawa ang matanda “ may nakita ka bang pulis sa lugar na ito? Tanod nga wala. Hindi sila takot sa mga ganyan. At sinubukan ko rin iyan minsan, ngunit wala rin, nagpang abot pa din kami dito. Akala ko nakatakas na sko sa kanila noon. Ang hindi ko alam bumalik lang pala ako sa dati kong kulungan. Buti na lang matanda na Ako at Wala ng silbi sa kanila.“ kuwento pa ng matanda.
“Hindi kaya ang mga tinatawag niyong mga layag ay ang mga responsable din sa nangyari sa amin sa Isla, tatang?” hinala pa ni Benson.
“posible, kaya nga kailangan niyo nang makaalis agad dito bago pa nila malaman na narito kayo. Amir sumama ka na din sa kanila. Ilayo mo dito ang kapatid mo. Sa hilaga kayo dumaan hindi na nila kayo masusundan doon.” ayon pa sa matanda.
Hindi talaga makuha ni Benson ang tunay na larawan na ipinapakita ng Isla na iyon at nang mga kalalakihan na nakatira doon sa lugar. Sa ilang mga araw pa nang pananatili nila sa naturang Isla, naging mapanuri na si Benson. Inu-obserbahan nito ang lahat na naroon sa Isla. Ang mga gawain at uri ng pamumuhay ng mga nakatira doon. Sa kung paano sila kumikilos sa araw-araw. At ito ang mga napansin ni Benson. Napapaligiran ang Isla ng mga hiwahiwalay na kubo, malayo ang agwat ng Isa sa Isa. May mga Ilan na nasa niyugan ang bahay. At bawat bahay ay meron dalawa o tatlo na nakatira. Walang kuryente sa naturang Isla kaya pagkagat ng dilim halos hindi mo tanaw ang buong paligid. May mga Ilan na gumagamit ng gasera, ngunit pag patak ng alas siete patay na lahat ng sindi. Bawal ang mag tira ng ano mang uri ng ilaw sa gabi. Maaga kung matulog ang mga tagaroon. Alas singko pa lang mula sa daungan ng mga bangka nag titipon ang mga kalalakihan at sabay na kumakain ng hapunan. Liban sa kanila ni Amir. Matapos ang kanilang maiksing pagtitipon at salo-salo kanya kanya na sila sa kani-kanilang kubo.
Sa unang pag tilaok pa lang ng mga manok sa umaga, gising na ang karamihan at diretso agad sa kanilang mga bangka para mangisda. Ngunit ayon kay Amir ang iba sa kanila sa mga Oras na iyon ang pag dalaw nila sa kanilang mga asawa at pamilya sa ibayong Isla. Sa isala Diwal. Hindi pamilyar ang nasabing Isla para sa kanila ni Benson, maging ang islang kumupkop sa kanila ay bago lang din sa pandinig nila. Para nga lang itong Isla Libogantes na kahit sa pinakamatandang mapa ng Pilipinas hindi mo ito makikita o mababasa. Sa pag mamasid pa ni Benson sa lugar, kapuna-puna na madalang lang nag uusap ang mga nakatira doon. Minsan pa nga, tila nag-iiwasan pa ang mga ito na tila may kanya kanyang mundo Ang bawat Isa.
Hindi uso ang kanin sa Isla, tanging mga halamang ugat lang tulad ng kamote at kamoteng kahoy ang nag sisilbing kanin ng mga taga roon. Marami ang niyog at hitik sa bunga, may mga kambing, baka ,baboy ,manok at mga bibe ding alaga ang Ilan sa kanila. Ngunit wala man lang aso o pusa kang makikitang gumagala sa Isla. Isda at mga pagkain dagat ang madalas na hinahain kapag Oras na ng kainan. Sagana sa seafood Ang Isla. Mas malawak ang sakop ng Isla ngunit wala pang limangpu ang mga nakatira doon.
Ang simple ngunit ang nakakaintrigang gawain ng mga taga Isla ,ang naghimok sa interes ni Benson na tuklasin ang tinatagong kuwento ng Isla Buras.
Alas kuwatro ng umaaga, kakatapos lang mag saing ni Benson ng kamoteng kahoy nang maisipan nitong maglakad lakad sa dalampasigan at para narin abangan ang pagpapalaot ng mga kalalakihan doon.
Wala pang ni Isa na naroon sa daungan ng mga bangka, at may kadiliman pa ang paligid. Maaliwalas ang panahon, tanaw pa Ang mga bituin at buwan sa kalangitan. Malamig ang yakap ng malakas na hangin mula sa dagat. Nakakatukso ang pagsuyo ng mga alon sa dalampasigan.
Naisipan ni Benson na maligo sa dagat nun ,agad ito nag tanggal ng lahat ng saplot sa katawan. Madilim pa ang paligid kaya wala na itong itinirang takip sa kanyang balat. Naghanap ito ng malapit na bangka para pagpatongan ng hinubadan. Nang walang ano-ano may narinig itong ungol at mga halinghing malapit lang sa kanya.
Batid nito kung ano ang mga ungol na iyon. Agad na kinapitan ng kakaibang init sa katawan si Benson. Maingat nitong hinanap ang pinanggalingan ng ingay. At doon nga, sa gilid ng isang bangka tumambad sa kanya Ang tagpong iniisip niya.
Madilim man ang paligid, dulot ng buwan at malinaw na kalangitan, klaro sa mga mata ni Benson ang buong eksena. Tinablan agad ng libog si Benson sa kanyang nakita. Naghanap ito ng magandang puwesto para maayos na mapanood ang lahat.
Habang pinagmamasdan ang dalawang lalake na nag kakaskasan sa buhanginan. Bumalik sa ala-ala ni Benson ang nangyari sa kanila ni Cris sa Isla. Hindi na namalayan pa ni Benson na nilalaro na nito ang kanyang nag mamatigas ng kahabaan habang dinadaliri ang magkabilang utong nito na tumigas narin sa kakakiliti dito. Sinabayan ni Benson ang bawat pag kaldag at pag bayo ng isang lalake sa Isa pa,habang jinajabol naman ng kinakaldagan ang burat nito.
Hindi na nakatiis pa si Benson at mas hinigpitan pa nito ang pagkakasakal sa kanyang kargada. Naging mabilis ang bawat pag taas baba ng palad niya dito. At kasabay nga sa pagpapakawala ng dalawang lalake, sumambulat din ang napakaraming katas ng kalibugan sa kabute ni Benson. Kamuntikan pa itong mahuli nang hindi nito napigilan ang mapa halinghing sa sarap. Buti na lang at sumabay ang boses niya sa ungol ng dalawa.
Nang mapansin na patayo na ang dalawa, dumapa naman sa buhangin si Benson at sumiksik sa nakataob na bangka. Nakiramdam ito, at nang masiguradong umalis na ang mga lalake, Agad naman itong tumayo. Ngunit nanglaki ang mga mata nito na sa kanyang pagtayo, isang lalake ang nakatayo sa harapan niya na nasa kabilang bahagi lang ng bangka at nag hihintay lang pala na lumabas ito.
Hindi alam ni Benson kung alin o saan sa katawan niya ang kanyang tatakpan dahil sa puntong iyon, wala pa rin itong suot na kahit ano.
“Huwag mo nang takpan, nakita ko na iyan kanina pa. Malibog ka rin ano? Buti na lang hindi ka na huli. Ako nga pala si Manuel. Nagkita na tayo, hindi nga lang tayo nagkausap.” At inabot ng lalake ang kamay nito kay Benson para maki pag kamay. “Punasan mo muna, baka may mahawakan akong ibedinsiya.” Biro pa nito, sabay ngiti.
Nagpunas nga si Benson at nakipagkamay din dito. Tsaka nagpakilala. Dali-daling nag suot ng damit at short si Benson nang lumipat sa puwesto nito si Manuel.
“Sanay na kami dito sa mga ganung tagpo. At kahit mag bilad kapa ng katawan mo dito, ay ayos lang. Walang sisita sa iyo. Iyon nga lang baka matipuhan ka at mangyari sa iyo ang ginawa nila kanina. Pero aminin mo, nagustuhan mo. Nilabasan ka nga diba?” sabi pa ni Manuel habang sinasabayan sa paglalakad si Benson sa dalampasigan.
“Ano ka dito?” tanong ni Benson.
“Ampon din ng Isla na ito, mas nauna nga lang ako dito ng ilang buwan sa Inyo. Kaya parang taga dito na din ako.” sagot ni Manuel.
“Pansin ko, hindi kayo magkasundo ni Amir. May namagitan ba sa Inyo? ibig kong sabihin magkaaway ganun.” Sabi pa ni Benson.
“Pakiramdam niya kasi ,inagawan ko siya ng puwesto dito sa Isla. Akala niya sinusulot ko siya. Anong magagawa ko ,eh mas magaling yata ako sa kanya.”
Nagtaka si Benson sa mga binibitawang salita ni Manuel. Ngunit wala naman ito sa lugar para ipadetalye sa lalake ang ibig nitong sabihin. Kakakilala lang nila nito, at hindi pa niya gamay ang ugali ng lalake.
Pansin na ang pag silip ng araw at unti-unti na rin nagsisidatingan sa daungan ang mga kalalakihan sa Isla. Nakatayo lang ang dalawa ,habang pinagmamasdan ang mga kalalakihan na nag aayos ng kanilang mga lambat ,gamit sa pangingisda at magkatuwang na inuusad Ang kani-kanilang mga bangka sa dagat.
Isang bangkero ang kinawayan ni Manuel at sinigawan pa niya ito. Nagulat si Benson at nahiya sa ginawa ni Manuel na nakatawa pa.
“Ginalingan mo na naman, Mukhang nakarami kana yata ah, isang linggo sunod-sunod!” sigaw ni Manuel sa lalake. At ang lalake na tinutukoy nito ay ang Isa sa mga lalaking binusohan ni Benson.
Tumalikod na lang si Benson sa subrang hiya. Iniwan nito si Manuel nang mapansin na papalapit na sa kanila ang lalake. Nagpaalam si Benson sa dalawa,at bumalik sa bahay nila ni Amir.
Pabungad palang ito sa bakud nina Amir nang sinalubong na si Benson ni Amir na nakakunot ang nuo.
“Iwasan mo ang mag didikit sa tao na iyon, hindi siya dapat pagkatiwalaan. Siya nga pala, pag maliwanag na kukunin na natin ang bangka niyo sa niyogan. Aayusin na natin iyon nang maka alis na kayo.” Sabi agad ni Amir kay Benson.
“kami na ang gagawa mamaya. Nakapag almusal ka na ba? nag saing ako ng kamoteng kahoy diyan. Hmmm nakita mo pala kami ni Manuel. Mainit talaga ang dugo mo sa kanya nuh? Mukhang mabait naman ang tao…” Ayon pa kay Benson.
“Kung nais mo, bukas ang bahay ko kung nais mong lumipat sa kanila.” Ang mapait na tugon ni Amir at iniwan si Benson upang tunguhin ang mga alagang manok nito.
Napansin ni Angel ang naging reaksiyon ni Amir sa pag uusap nila ni Benson. kaya tinanong nito ang kaibigan. “Anong nangyari doon? Bakit ang aga mo naman yata nagising.” tanong ni Angel
“Hindi lang siguro maganda ang gising. Hayaan mo na tol ,aayos din iyan mamaya. Galing ako sa daungan , nakikinood sa mga mangingisda na nag papalaot. Naisip ko ,ano kaya kung sasama tayo sa kanila mangisda. Habang hindi pa ayos ang bangka natin.” Tugon ni Benson.
“Sabagay naisip ko din iyan, nakakahiya nang humilata dito kina Amir. Ang tanong diyan, pasasamahin kaya tayo?” ayon pa kay Angel.
“Magpapatulong ako kay Manuel. Baka ito narin ang chance na makabalik tayo sa atin. Balita ko kasi, dumadaan sila sa ibayong Isla. Eh doon may mga access daw sila sa mga telepono. Dito may cellphone nga pahirapan naman sa signal, swertihan pa kung maka konek. “ Sabi pa ni Benson.
Hindi nga lahat sa Isla may cellphone, dahil wala rin namang silbi ito doon. Ito ang plano nina Benson at Angel, ang sasama sa mga mangingisda upang makatawid sa ibayong Isla.
Hindi pa tapos Ang isang buong araw, ngunit dahil sa sitwasyon ng pamumuhay sa Isla, mabagal ang takbo ng buhay. Na para ba ang isang araw doon ay isang buong linggo na sa siyudad tulad ng Manila.
Sa pag bungad natin sa panibagong yugto ng kuwento, muli natin nasilayan ang Ilan sa mga pamilyar na karakter mula sa Isla Libogantes. Ipinakita na ang panibagong Isla na siyang magiging pangunahing tagpuan ng mga mahahalagang tao sa kuwentong ito. Pinasilip na din sa umpisa pa lang ang Ilan sa mga panibagong pangalan na maging parte ng aklat na ito.
Tinanghali na sa niyogan sina Benson, Angel, Tony at Nicolo. Kasama si Dantoy ang kapatid ni Amir tinungo nila ang pinagtaguan nila ng kanilang bangka. Naka amoy ng inihaw na baboy si Nicolo, kaya napa mura talaga ito. Matagal na din kasi silang hindi nakakakain ng karne.
Galing sa isang Kubo ang usok at amoy ng inihaw. Agad na sumigaw si Dantoy. Tinawag nito ang may-ari ng Kubo. Isang matipunong lalake ang lumabas mula sa likuran ng bahay at tinawag ang pangalan ni Dantoy.
“Halikayo, makikikain tayo sa kanila.” at nanguna ang bata sa kanila.
LAYAG
Ikinagulat ng apat nang makilala ang kuwento ng lalake na may-ari ng kubo. Nakikain ang mga iyon doon matapos nila maamoy ang ini-ihaw nitong karne.
Si Claudio , isang marino na aksidenteng na padpad sa Isla matapos lumubog ang sinasakyan nitong cargo vessel malapit sa Isla. Simula noong na dayo ito sa Isla hindi na ito, nagawang maka alis pa roon.
“limang taon na ang nakalipas, limang taon ko nang hindi nakikita ang mag iina ko. At sa loob ng limang taon na iyon, ito ang napala ko.” at hinubad ni Claudio ang suot nitong damit, at ipinakita sa apat ang mga pilat at bakas ng mga sugat sa kanyang katawan.
Sa mga naikuwento ng lalake at sa ipinakita nito sa apat. Lalong sumidhi ang kagustuhan nina Benson at Angel na maka alis na sa naturang Isla sa lalong madaling panahon.
“May mga bangka kayo dito, bakit hindi na lang kayo umalis?” tanong pa ni Nicolo.
“walang kalayaan ang sino mang makulong sa Isla na ito. Hawak nila ang karagatan paikot sa Isla. Makaalpas ka man ,siguradong si Kamatayan ang susundo sa inyo. Dalawa lang ang kailangan niyong desisyon habang nandito kayo, ang pumatay, o mamatay.” tugon ni Claudio , na tila binabalaan na ang apat sa posibleng mangyari sa kanila sa naturang Isla.
“Ang mga mangingisda, diba tumatawid sila sa Isla? Bakit hindi na lang kayo humingi doon ng tulong?” ayon pa kay Benson.
“Nabilang niyo ba kung Ilan ang umalis at kung Ilan ang mga bumabalik? Walang ganoong Isla. walang ligtas na Isla sa lugar na ito. At kung ano man ang naririnig ninyo patungkol doon, lahat kasinungalingan.” sagot pa ni Claudio.
“si Amir, sabi niya. Sabi din ni Tatang at ng ibang taga dito.” Sabi pa ni Benson.
“Alam ni Amir ang lahat. Hindi ba Dantoy?” pagbaling ni Claudio kay Dantoy na abala sa pag kain ng buto.
“Walang nakukuwento si kuya tungkol diyan. Ang alam ko lang, bata pa lang ako ng dinala kami dito ni tatay. Dito na ako nagkaisip at lumaki. Sabi ni kuya pumalaot noon si tatay ngunit hindi na nakabalik. Hindi na kami binalikan. Hindi ko na tinatanong si Kuya sa mga ganyan. Babatukan lang ako noon.” ayon pa kay Dantoy.
Matapos ang usaping iyon, hindi na nag sayang pa ng Oras ang apat at agad na dinala sa tabing dagat ang bangka sa tulong na din ni Claudio. Tanging makina lang naman ang malaking sira ng bangka bukod sa mga kahoy na nawasak at nabali dahil sa bagyo.
Naging katuwang ng apat si Claudio sa pag kukumpuni ng kanilang bangka. At ilang araw din ang kakailanganin para tuluyang maayos ito.
Isang buong linggo na naman ang lumipas sa apat, nakaramdam na nang pagka bagot si Tony, gayun din si Nicolo. Naisipan ng dalawa na mag ikot-ikot sa Isla. Sa kakahuyan nila naisipang dumaan upang makatawid agad sa kabila. Hindi gaanong mapuno ang Isla, mas marami talaga mga niyog, saging at pandan. Sa kanilang pag tahak sa magubat na na parte. May narinig ang mga ito.
Noong una inakala pa ng dalawa na hayop ang lumilikha ng tunog hanggang sa naging malinaw na sa kanila ang salitan ng mga ungol at halinghing mula sa likod ng isang puno.
Nagkatitigan ang dalawa, nagkasundo ang mga ito na silipin ang pinag Mulan ng mga ungol. Nauna si Tony na dahan dahang lumalapit sa isang puno ng mahogany. Maingat ang kanilang mga hakbang. At mula sa kanilang pinag tataguang mga halaman, kitang kita ng dalawa ang isang tagpo na kanilang kinabigla.
At doon nga tumambad sa dalawa si Amir na halinhinang kinakayod na parang bao ng niyog ng dalawang lalaking pawang naka hubot hubad. Pansin pa nina Tony at Nicolo na tila sarap na sarap si Amir sa ginagawa sa kanya ng dalawang lalake. Nagulat man sa nakita, hindi na iyon bago para sa dalawa, dahil sila man minsan narin nakaranas at gumawa ng ganun.
Hindi na tumagal pa sa kakapanood si Nicolo at umalis din ito doon. Sumunod sa kanya si Tony. Habang naglalakad ang dalawa nakikita parin ni Nicolo sa kanyang isipan ang tagpong kanilang nasaksihan. At bumalik din sa ala-ala nito ang nangyari minsan sa kanila ni Tony sa loob ng kanyang tent sa kasagsagan ng malakas na ulan. Nakaramdam ito ng pang iinit ng katawan.
“Parang gusto ko maligo sa dagat, Tara pare, maligo na lang tayo. Mukhang mas nakaka libang iyon kaysa mag ikot-ikot.” mabilis na nag lakad pa balik sa dagat si Nicolo habang naka sunod lang sa kanya si Tony.
Agad na nagtanggal ng damit at pantalon si Tony na agad nag timpasaw sa malamig na tubig ng dagat.
“Oh ano? Akala ko ba gusto mo maligo, halika na pare, malamig ang tubig.” sigaw pa ni Tony nang mapansin si Nicolo na nakatayo lang sa may buhangin at nakatingin lang sa kanya.
“huy Nik ano na?!” isang sigaw pa ni Tony. At doon na kumilos si Nicolo. Naghubad narin ito, at lumusong sa tubig. Lumangoy ito pagitna. Palayo kay Tony.
Hinabol naman ito ni Tony na sumisid agad upang di mahalata ni Nicolo.
Palinga-linga si Nicolo nang hindi na nito nakita si Tony. Nang biglang lumubog ito, may humila sa kanyang mga paa pailalim sa tubig. Agad itong nagpupumiglas, hanggang sa naka ahon ito.
Tawang tawag si Tony sa reaksiyon ng mukha ni Nicolo. Pulang-pula ang ilong nito sa takot.
“Hayop ka pare, buwesit ka , makakaganti din ako sa iyo.” Ang Sabi ni Nicolo, na hinahabol padin ang hininga.
“iyon kung mahahabol mo ako,” asar pa ni Tony at lumangoy pa ito sa mas malayo.
Bumalik sa pagkabata ang dalawa habang nilalasap ang ganda at lamig ng tubig dagat. Harutan lang ang dalawa na tila ba walang paki-alam sa mundo. Sisiran , unahan sa pag langoy, patagalan ng hininga sa tubig at hampasan ng tubig lang ang dalawa. Nang biglang niyapos na lang bigla ni Tony si Nicolo mula sa likuran nito. Napalingon si Nicolo ,dahilan para mag tama ang kanilang mga tinginan.
“Takas na tayo pare, masyado na malamig ang tubig,” Sabi ni Nicolo, sabay iwas. Lumangoy na ito palayo kay Tony nang huminto ito sa pagtawag ng kaibigan.
Lumapit si Tony sa kanya ,at binigla siya nito ng malalang halik sa labi. Mapusok ang pag atake ni Tony, sakmal agad ito sa labi ng lalake. Hindi na nanglaban pa si Nicolo nang sinibasib na siya ng husto ni Tony. Nagpangpaabot ang kanilang dila. Tinanggap nang malugod ni Nicolo ang maalat alat na labi ng kaibigan. Nagkalaplapan ang dalawa. Nakahanap ng kapayapaan ang dalawa sa isa’t isa.
“Sumunod ka sa akin, doon tayo sa likod ng malaking bato na iyon.” bulong ni Tony kay Nicolo.
At doon nga, Sa tahimik na bahagi ng kabatuhan nagsalo muli sa ikalawang pagtatagpo ang dalawa. Muling naranasan ni Nicolo ang galing ni Tony, ang mga hagod ng dila ,at mga kamay nito na lalong nagpainit ng husto sa katawan ni Nicolo.
“I want you pare…” Paghingi nang pahintulot ni Nicolo kay Tony.
“Dahan dahanin mo lang pare, maalat alat pa iyan. Baka masugatan ako. Mahapdi ang tubig dagat.” Ang tugon ni Tony na napangiti pa kay Nicolo.
“Nakakahilom kaya ang alat sa sugat,…” Sagot pa ni Nicolo, habang sinimulan na nitong hagurin ng daliri nito ang hiwa ni Tony sa likod.
At iyon nga ang hudyat upang mag volt in ang dalawa. First time ni Tony na maging bottom, kaya napapadalas ang ngiwi nito sa bawat pag tama ng maliit na ulo ni Nicolo sa puwerta nito. Ilang beses din nitong natutulak si Nicolo sa laki ng pag aari ng lalake. Ngunit.matiyaga si Nicolo, binasa nito ng husto ng laway ang kanya. Dahan-dahan, pa unti-unti hanggang sa tuluyan na ngang naibaon nito ang kalahati ng kanyang kabute.
“kaya pa?” tanong nito kay Tony.
“kakayaning for today’s video pare, huwag mo lang biglain , na tatae Ako.” pabirong sagot ni Tony kay Nicolo.
At ang maingay na hampas ng mga alon sa mga bato, sa dalampasigan ay sinabayan na nang mga sunod-sunod na hungol at sigaw ng kalibugan. Sa bawat pag urong sulong ng mga alon, hugot baon naman si Nicolo kay Tony.
Hanggang sa sumambulat ang pinakawalang dagta ng dalawa. Marami ang naitapon sa buhangin, na agad namang hinigop ng alon papuntang dagat. Hingal na hingal ang dalawa na nahiga sa buhangin.
“Tang Ina pare, parang ilang araw din akong hindi magbabawas nito. Ang laki ng damage.” Sabi pa ni Tony ,na nakangiti kay Nicolo.
“masakit?… sorry.“tugon ni Nicolo.
“Ayos lang, nasarapan din naman ako.Ikaw?” ayon pa kay Tony.
“Na enjoy ko. naparami nga eh. Sana ganito na lang tayo , walang problema , puro pasarap na lang.” Ang tugon ni Nicolo ,sabay buntong hininga.
Bumaling si Tony kay Nicolo, at hinalikan nito sa labi ang lalake. “Makakabalik din tayo sa atin ng ligtas. Mag tiwala lang tayo sa isa’t isa.” Sabi pa ni Tony.
Doon na nagpalipas ng dapit hapon ang dalawa, papadilim na nang bumalik sila sa bahay nina Amir. Agad silang sinalubong ni Angel na hindi maipinta ang mukha. Medyo galit itong pinaalalahanan ang dalawa.
“Alam niyo naman na hindi ligtas ang Isla na ito hindi ba? Kung wala kayong concern sa mga tao dito, sa mga kasama niyo. well, kami nag aalala sa Inyo. Alam niyo ba na kanina pa kayo hinahanap ni Amir? Maging responsable naman kayo. Lalo ka na Nik. “
“wait nga Gel, hanggang ngayon ba nagdududa ka parin sa akin? Wala ka pa din tiwala? “ Tugon ni Tony kay Angel.
“After what happened?, ano sa tingin mo? Remember ikaw ang nag dala sa amin dito, kung tutuusin ikaw Ang dahilan ng lahat ng ito! “ pagdidiin pa ni Angel.
Hindi na nakapag timpi pa si Tony at sinagot nito ng malutong na suntok si Angel sa mukha. Natumba si Angel at hindi na naka ganti dahil inawat na nina Nicolo at Benson ang dalawa.
“Tumigil ka na pare, masyado mo nang ginagalingan. Pero sa totoo lang, Isa ka din sa dapat sisihin sa nangyari. Kung hindi ka sana nawala sa gubat na iyon at napilay. Buo pa sana tayo. At marahil naka uwi na tayo!” sabat ni Nicolo.
Hindi nakaimik si Angel, pumagitna na si Benson sa bayangan ng tatlo. “Mag sisihan man tayo dito, hindi na maibabalik pa ang nangyari. Para kayong mga bata”
Nagkanya kanya ang tatlo, lumabas si Angel at tinungo ang dalampasigan. Sumunod sa kanya si Benson.
“Buhay pa kaya sila, na miss ko na si kuya Kurt.” paglapit ni Benson kay Angel.
“Hindi na ako makakatagal dito, bukas din aalis na ako sa islang ito.” Sabi ni Angel na may punto parin ng galit sa kanyang pananalita.
nabigla si Benson sa sinabi ni Angel, “paano? hindi pa ayos ang bangka natin.”
“nanakawin ko ang disagwan nina Amir, hindi ko na kaya ang Isa pang araw na nandito tayo.” ayon pa kay Angel.
“iyon ba talaga ang dahilan? Hindi niyo man aminin , alam ko ang tungkol sa Inyo ni Nik. Narinig ko kayo. Selos iyan pare, nag seselos ka sa dalawa.” para pa kay Benson.
“Nakakatawa, bakit naman ako mag seselos, ano ko ba si Nik? kung may narinig ka man noon, matagal na naming tinapos at napag usapan ang lahat. Wala lang talaga ako tiwala kay Tony. Alam ko nag bait baitan lang iyan. Kumukuha ng lakas ,at tiyempo. Ngayon pa na alam natin na posibleng may kaugnayan ang nangyari sa atin sa mga nangyayari dito.” hinala pa ni Angel.
Napapaisip na rin si Benson sa sinabi na iyon ni Angel. At hindi naman talaga malabong mangyari ang iniisip nito. Ayaw na rin makasiguro ni Benson. Dahil kung may isang tao lang na para sa kanya , na puwede nitong pagkatiwalaan, si Angel lang iyon. Dahil bukod sa matagal na nitong kakilala, si Angel ang naging anak-anakan din ng kanyang lola.
Nakisundo ito kay Angel na sasama sa plano nitong pag alis. Madilim na ang paligid at tulog na ang lahat sa Isla.
Maaliwalas ang panahon at bilog ang buwan kaya malinaw padin ang lahat sa mata. Hinintay ng dalawa na mahimbing na ang lahat. Nang masiguradong wala nang gising, naunang bumaba si Angel na sinundan ni Benson.
Agad na tinungo ng dalawa ang dalampasigan kung saan naroon ang bangka. Bitbit ang sagwan maingat na itinulak ng dalawa ang bangka sa tubig. Pataas ang tubig dagat kaya hindi na nahirapan ang dalawa. Nang masiguro na nakalutang na sng bangka, sumampa na sa loob ang dalawa. Agad na nag sagwan si Angel, ganun din si Benson.
Tahimik ang dagat kaya maayos na nakausad ang dalawa. Mabilis ang kanilang pag sagwan ,kaya malayo agad ang tinakbo ng kanilang bangka.
Hindi inalintana ng dalawa ang pagod sa kamay, sagwan lang dito, sagwan pa doon. Halos hindi na nila tanaw ang dalampasigan ng Isla. Malayo na ang mga ito nang may napansin si Benson na tila may kumikislap na ilaw sa unahan. May kalayuan ito sa kanila ngunit tanaw ng dalawa ang kislap ng ilaw. Batid nila na mas maliwanag ito sa malapitan. Kaya nagpasya si Angel na lapitan nila iyon para siyasatin.
“hindi natin alam kung ano iyan pare ,” pagdadalawang isip ni Benson.
“kaya nga tingnan natin. kung may ilaw, malamang may tao. kung may tao, makakahingi tayo ng tulong.” Ayon pa kay Angel.
“paano kung masasamang tao?” pangamba ni Benson.
“huwag naman sana.”
Nag sagwan pa ang dalawa, may kalayuan ang nasabing ilaw. Masuwerte ang dalawa at kalmado ang dagat. Ang gaan lang ng kanilang pag sagwan.
Nagising si Amir, nang mapansin nito na wala si Benson sa papag na tinutulugan nito. At nang silipin din nito ang higaan ni Angel, Wala din iyon doon. Inisip nitong baka na ihi lang ang dalawa at lumabas.
Lumabas si Amir, sa kanyang pag bukas sa bakod , napansin nito na wala na doon ang kanyang sagwan. Kinutuban na ito. At nang tingnan ang kinaroroonan ng kanyang bangka, Wala na ito doon. Tsaka na nito ginising ang iba pa, upang ipaalam ang kanyang na diskubre. Nagkahanapan ang lahat. Ngunit huli na dahil naka layo na sina Angel at Benson.
Sa mga sandaling iyon malapit na nga ang dalawa sa nakita nilang ilaw, at tama nga ang kutob ni Benson, Isa nga itong maliit na parola na nakatayo sa isang maliit na tila isla. At doon pa ,isang tila gusali ang napansin ng mga ito na pinalilibutan ng mataas na pader. Sa itaas ng bawat sulok ng pader may mga armadong tao na nakabantay doon.
Naghanap ng makukublian sina Angel, nagsagwan pa ang mga ito , sa tila yungib na bato ang napali ng dalawa. Maingat ang bawat ginagawa nilang kilos. Pinagtulungan ng dalawa na itabi sa yungib na iyon Ang kanilang bangka upang hindi tangayin ng dagat.
Tinungo ng dalawa ang dalampasigan, upang lalong makalapit sa nakita nilang pasilidad.
“hindi natin ito napansin nang marating natin ang Isla, mayroong pala niyan dito.” ayon pa kay Angel.
“Baka ito ang ibayo na tinutukoy ni Amir, na pinupuntahan ng mga taga Isla.“Sabi pa ni Benson.
“imposible, maliit lang ang pulong ito, Wala nga tayong napansing ibang bahay o ano man bukod diyan. Ano kaya ang meron sa loob at maraming bantay sa taas. “ tugon pa ni Angel.
“Baka isang kulungan, o di kaya chemical lab ng mga druga, ganitong ganito ang nakikita ko sa mga pelikula.” Ayon pa kay Benson.
Habang nag uusap ang dalawa napa-kubli ang mga ito nang may narinig silang tunog ng makina papalapit sa pulo. Isang malaking sakayan ang duma-ong malapit sa dalampasigan, isang malaking yate., Sinundo naman agad sila ng mga nakabaril na kalalakihan. Mula sa sakayan, pinababa ang tatlong lalake na naka posas ang mga kamay.
Nanglaki ang mga mata ng dalawa nang makita nila at makilala ang mga nakaposas na iyon.
“Sina kuya Kurt, buhay sila.” Halos hindi makapaniwala si Benson na muli nilang makikitang buhay ang kanilang mga kaibigan. Nais na nitong lapitan ang tatlo ngunit pinigilan ito ni Angel.
“Buhay sila ,may chance pa na makakasama natin sila. Pero kailangan natin mag ingat. Hindi natin alam kung sino ang mga iyan. At kung bakit kasama nila sina Cris at bakit naka posas ang tatlo.” Sabi pa ni Angel.
“Bumalik tayo ng Isla, humingi tayo ng tulong. Iligtas natin sina kuya.”
“Paano kung kasabwat din ng mga iyan ang nasa Isla. Hindi kaba nag tataka, malapit lang ito sa Isla na pinanggalingan natin. Imposible namang wala silang alam dito.” ayon pa kay Angel.
“Mga Layag, baka sila ang tinutukoy ni Tatang. Diba sabi niya, hawak ng mga ito ang mga lalapit na Isla dito. Sabi pa ni Tatang may alam siya na daan upang hindi tayo masundan. Humingi tayo ng tulong.” pakiusap ni Benson.
“kung gusto mo, Ikaw na. Dito lang ako. Mag mamanman ako. Bilisan mo lang baka pagbalik mo wala na rin ako. Mag ingat ka.”
Kumilos agad si Benson. Nag paiwan si Angel. Doon pa nga nakita nito na dinala nga sa loob ng pasilidad sina Banjo, Cris at Kurt. Lumapit pa nang husto si Angel. Isang baraks ang nakita nito. Tinungo niya ito, walang tao ngunit nakabukas ang pintuan. Walang ilaw sa loob nang sumilip si Angel. May kaba man sa posibleng panganib na nasa loob. Iyon lang ang nakita ni Angel na puwede niyang pagtaguan.
Pag pasok ni Angel sa loob nangapa ito sa sobrang dilim, hanggang sa nakapag adjust ang kanyang paningin. Kinapa kapa nito ang dingding sa loob, Walang ano man ang meron doon , nang may nasagi ang kanyang paa. Tila naka usling platform sa sahig. kinapa kapa iyon ng kanyang paa, May napansin itong tila liwanag na sumisilip mula sa maliliit na siwang sa sahig. Tiningnan iyon ni Angel at kinapa ang sahig, isang pintuan ang natagpuan nito. Sumilip ito sa siwang, nakita ni Angel ang isang hagdan pababa.
Agad nitong hinanap ang hawakan ng pinto upang buksan , nang makarinig ito ng mga tinig na nag uusap, papalapit sa kanya. Nakiramdam si Angel.
“Tumakas na naman si Red, at naiwan na namang bukas ang pinto.” Wika ng isang lalake.
“Isara mo na lang nang maka balik tayo, inaantok pa ako. Hayaan mo na siya mag explain kay Uno. Inabutan siguro ng libog, hindi naka-tiis kaya naghanap na naman ng tampal pu-ke na matutuhog” Sabi pa ng Isa.
Isinara na nga ng dalawa ang baraks na iyon habang naroon pa sa loob si Angel. Lalong kinabahan si Angel dahil nakakulong na ito sa loob. Hindi na nito maitulak ang pinto dahil na ka lock na ito mula sa labas.
No choice na si Angel, binalikan nito ang sahig at sinubukang buksan ang nahanap na pinto. At iyon ,nakapa na nga nito. Mabigat ang nasabing pinto na gawa sa kahoy at bakal. Nahirapan ito sa pag angat, ngunit kailangan. Naiangat na nga ni nito ang pinto. Doon , bagamat malabo ang ilaw at hindi masyado maliwanag sa loob, kita roon ang bakal na hagdan pababa.
Dahan-dahan ang kilos nito dahil masyadong madulas ang hagdan. May kataasan ang hagdan pababa. Isa itong lagusan pababa sa isang tunnel o banker. Malabo ang mga ilaw sa naturang tunnel. At sa tantiya pa ni Angel may kahabaan ito. May tubig sa loob, dahil maapakan ito ni Angel, madulas ang dingding dahil sa mga lumot gawa ng mga tubig na tumatagas sa dingding. Wala itong nakitang iba sa loob kung hindi ang malawak at mahabang tunnel. Nagpatuloy si Angel, Wala itong naririnig na ano mang ingay sa loob kung hindi ang mga patak lang ng tulo na bumabagsak sa tubig sa baba. Napansin din nito na may hangin sa loob ng tunnel. Nag patuloy pa ito.
Nakabalik na si Benson sa Isla, agad itong sinalubong nina Amir, na agad namang tinanong kung nasaan si Angel.
“Maniwala kayo pare, nakita namin sina Banjo, Cris at kuya Kurt. Hawak sila ng mga armadong lalake doon sa isang pulo malapit lang dito. Nag pa iwan si Angel para mag man-man doon, Amir pare kailangan ko ng tulong ni Tatang at ng mga taga rito, “
“Hindi ganun kadali ang lumusob na lang bigla. Mabuti at hindi kayo nahuli. Kailangan malaman ito ni Tatang, pero sa atin na lang muna ito. Hindi lahat sa Isla na ito mapagkakatiwalaan lalo na si Manuel. Mag pahinga ka na muna at bukas, pag uusapan natin iyan kasama si Tatang.” ayon pa kay Amir.
Hindi rin makapaniwala sina Nicolo at Tony sa ibinalita ni Benson. Dahil dito, muling nabuhayan ng pag-asa ang dalawa na muli pa silang magsasamang lahat.
“Hindi na tayo mag hiwahiwalay nito, ililigtas natin sila. Lalaban tayo. At kung sino man ang nasa likod nito, malas niya at tayo ang napagtripan nila.” ayon pa kay Tony.
“Kailangan natin ng bala at baril pare, madugo ang gagawin nating rescue misyon.” Sabi pa ni Nicolo.
“Huwag kayong mag alala, meron tayo niyan.” sabat ni Amir sa dalawa, sabay lagay ng malaking bag sa harapan nila at binuksan iyon sa harapan ng dalawa.
Tumambad sa kanila ang laman ng bag, Mga mahabang armas, mga bala, patalim at mga pampasabog ang laman nito.
“Ilan lang ito sa meron ako. Ang iba naka libing lang sa likod ng kusina. Gusto kong tumulong sa Inyo.” Sabi pa ni Amir.
“Saan ito galing, bakit marami ka neto?’” tanong pa ni Tony kay Amir na manghang mangha sa kalibre ng mga armas na meron si Amir.
“May aaminin ako sa Inyo.” sa puntong iyon, inilahad na ni Amir ang lahat tungkol sa pagkatao nito.
At ang totoong kuwento sa likod ng Isla Buras ay sinimulan ng nilatag ni Amir. Nakinig lang ang tatlo sa lahat ng mga sinasabi at pag aamin ni Amir. Sinimulan nito ang lahat noong nasaksihan nito ang nangyari sa kanyang ama at sa ama ni Dantoy. Bago at nang mapadpad sila sa isla na iyon.
PLANO
“Linggo noon sa pagkaalala ko, sakay ng aming bangkang pangbiyahe ,upang puntahan sana sa bayan sina mama na nasa hospital dahil sa malubhang sakit. Nang harangin kami ng mga armadong kalalakihan. Lulan noon sa bangka ang lima pang mga pasahero. Labing isang taong gulang ako noon. Kasama namin sina Dantoy na noon nasa limang taon palang. Takot ang umiral noon sa amin.”
“Mga pirata” Ang naalala kong binulong sa akin ni papa.
“Sa pag aakalang mga gamit at pera lang ang kailangan nila, agad na nilabas ng lahat ang lahat na meron sila. Pera, mga bagay at mga alahas. Ngunit higit pa doon ang kinuha nila. Pinasunod ng Isa ang bangka namin sa kanilang dala. At dito na nga kami na padpad sa Isla na ito.”
“Naging kalmado ang unang dalawang araw namin sa Isla. Pinapakain at pinaiinum kami ng mga pirata. Hanggang sa sumapit ang ikatlong araw. Naglaho na lang Ang apat na babaeng kasama namin, tatlong matanda at isa bata pa na nasa bente ang edad. “
“Saan niyo dinala Ang mag Ina ko, mga hayop kayo!” Ang narinig ko mula sa isang matandang lalake na kasama namin. Asawa at anak niya pala ang dalawa sa nawala.
Ang sumonod na nangyari ay nag bigay na ng takot sa akin. umalingawngaw ang isang putok ng baril na nag patahimik sa nag mamakaawang lalake.
“papa, papatayin din ba nila tayo?” tanong ko na takot na takot habang nakayakap kay papa. Nakita kong umiiyak si Dantoy habang yakap din ito ng kanyang ama. Nilapitan ko siya .
“Huwag ka ng umiyak , poprotektahan kita.” Sabi ko, at tumahan ito.
“Hindi ko man kinakitaan noon ng takot si papa, alam ko nangangamba din ito sa kaligtasan namin.”
“Dumating ang mga sumunod na araw, panibagong mga tao naman ang dinala ng mga pirata sa Isla. Mga lalake, mga binata at hindi masyado matatanda. At lima sa kanila ang sinubukang tumakas sa pamamagitan ng pag langoy ngunit hinabol sila at pinaslang sa harapan namin. Upang mag silbing babala sa sino mang nag babalak.”
“papa, miss ko na sina mama. umuwi na tayo.” Sabi ko pa noon kay papa. At sa unang pagkakataon nakita ko ang pumatak na luha sa mga mata ni papa.
“Kinabukasan,panibagong mga kalalakihan na naman ang dinala nila, mga binatilyo, binata pabata ng pabata ang mga bihag nila. Mga lalaking alam mo na galing sa mga mayayamang angkan, mapuputi, may itsura at may tindig. “ “lumipas pa ang araw at na papansin ko na paparami na kami sa Isla. maging mga banyaga dinudukot nila.”
Tulog na ang lahat nagising na lang ako nang kalampagin Ako ni Dantoy sa aking higaan.
“Kuya, gising kinuha nila mga papa natin.” nagising ako sa sinabi ni Dantoy, agad kung hinabol sa dalampasigan ang bangka na sinakyan nila ni papa. Tanging pangalan ko na lang ang narinig kong sinisigaw ni papa.
Tinawanan lang kami ng mga piratang naiwan doon habang umiiyak kami ni Dantoy
“Huwag kayong mag alala, makikipag laro lang ang mga papa niyo. At balang araw, kayo naman.” Tumatak sa akin ang sinabi na iyon ng Isa sa kanila.
“Simula noon, hindi na muling bumalik sina papa, Nag hintay ako ng ilang araw, linggo, buwan hanggang sa taon. Ngunit wala parin si papa, at wala na si papa. Doon na nagsimulang mabuo ang galit ko dito sa loob ko.”
Hanggang isang araw, iniwan na lang kami bigla ng mga armadong lalake dito sa Isla. Marami ang sumubok na tumakas ngunit lahat bangkay na ng matagpuan na palutang lutang na lang sa dagat.
Bawat araw na dadagdagan ang mga bihag dito sa Isla, Ang iba sugatan, mahina, mukhang galing sa isang labanan. isang malaking sakayan ang minsan dumating, nag baba ng mga kagamitan sa pag buo ng mga kubo, mga kagamitan at mga hayop. Ginawa nilang isang maliit na kumunidad ng mga kalalakihan ang Isla na ito.
Doon na napag tanto ng lahat na wala na talagang pag asa pang makalaya ang lahat sa Isla. Ang bawat sakayang pangisda na ninanakaw nila iniiwan nila dito.
Parang hayop ang kahalimbawa ng mga nandito sa Isla. Pinapakain, pinapataba bago hanguin at pagkakakitaan. Ito ang lihim ng islang ito. At ang mga naglalayag tuwing madaling araw, hindi pangingisda ang ginagawa nila.
Araw -araw pumupunta sila sa natagpuan niyong pulo para sa kanilang buhay. Kung kaya iilan na lang ang nakakabalik dito. Ito na ang nakasanayan ng lahat na nandito sa Isla. Kung dito lahat sama sama, pagdating sa pulo lahat kalaban ang isa’t isa.
“Malaki ang premyo sa bawat panalo. Karangyaan sa mga naiwang pamilya at yaman na kailangan man hindi mo matatanggihan. Ngunit sa Oras na umayaw ka , buhay at kabuhayan ng mga naiwan mo Ang kapalit.”
Ito ang kabuohang ng paglalahad ni Amir patungkol sa buhay nito at ng Isla. Ngunit hindi parin nito nasagot ang tanong ni Tony kung saan ba nito nakuha ang mga matataas na kalibre ng baril, mga bala at mga pampasabog na kanyang ipinakita sa tatlo.
“Minsan ka na ba napunta doon?” tanong ni Benson kay Amir.
“Oo, pero hindi para lumaban. Nagtatrabaho ako bilang tagaaliw ng mga guwardiya nila doon. Hindi pinahihintulutan ang babae doon. Kaya sabik sa init ng butas ang karamihan sa kanila at iyon ang ibinibigay kong serbisyo. kapalit ng oportunidad na mapasok ko at mapag aralan ang pasilidad nila.” pag siwalat pa ni Amir.
“ibig sabihin nag papagamit ka sa mga iyon doon?At ang mga baril, paanong marami ka nito?” tanong muli ni Tony.
“Katawan ang naging puhunan ko para sa mga plano ko. Dinadala ko dito ang Ilan sa kanila ng lihim upang makuha ko ang aking gusto. Kung gaano ka dami ang mga nakita niyong baril ganun din kadami Ang mga nailibing ko na dito sa Isla na ito.” Isa pa sa mga rebelasyon ni Amir.
Nagdulot ng iba’t ibang reaksiyon sa tatlo ang mga pag amin na iyon ni Amir sa kanila. Gayun paman malaki ang dulot ng impormasyon na iyon para sa kanilang tatlo. Nangako nanam na mananatiling sekreto ang lihim ni Amir sa mga taga roon lalo na kay Manuel. Na pinangingilagan ni Amir na mata at tenga ng mga layag sa Isla.
Bago pa ang unang tilaok ng manok sa umaga, tinungo na ni Amir ang matanda .Upang ipaalam ang plano ng tatlo. Nag alala bigla ang matanda nang mailatag na ni Amir ang balak nilang gawin.
“Paano sila napunta doon? nilalagay lang nila sa panganib ang mga buhay nila. At bakit ka naman sasama sa kanila doon. Alam mo naman kung gaano ka panganib sa lugar na iyon diba? Bakit hindi na lang kasi kayo tumakas? mas matutulungan ko pa kayo.” ayon pa sa matanda.
“Nakita nila doon ang tatlo pa sa mga kasamahan nila nang tumangkang tumakas sina Angel at Benson. Nagpa iwan nga doon si Angel, tang,” Sabi pa ni Amir.
“Naku naloko na, para niyo lang pinapain Ang mga sarili niyo sa mga pating sa dagat. Sabihin mo sa kanila, huwag na ituloy ang plano. Delikado. Lalo ka na, paano na lang si Dantoy? Mas gugustuhin ko pang nandito ka , nakikita ko na ligtas ka.”
“pero tang , Ako lang ang nakakaalam ng pasikot-sikot doon. Makakatakas agad kami.” dugtong pa ni Amir.
“Sino ba sa atin ang tumagal na sa lugar na iyon? Ako ,doon na Ako tumanda sa pasilidad na iyon.At sa tagal ng panahon may narinig ka na bang nakatakas ng buhay?”
“opo, Ikaw.” mabilis na sagot ni Amir
“Pero nasaan ako ngayon? nagtatago dito sa Isla, Sa Isla na pagmamay-ari pa din nila.” tugon pa ng matanda.
“Ah basta hindi ako kumporme sa plano niyo. Hahanap tayo ng ibang alternatibo. Huwag iyan.hindi kayo magtatagumpay, mapapahamak pa kayo. Sabihin mo iyan sa kanila .” dugtong pa nito
“Paano na si Angel , at ang mga kasamahan nila?” pag alala pa ni Amir
“ipagdasal na lang natin ang katangahan niya. Sugod ng sugod ni Wala man lang dalang armas kahit tinidor. At Wala na tayong magagawa sa iba pa nilang kasama. Liban na lang kung manalo sila. Tiyak dito rin ang bagsak nila.” Sabi pa ng matanda.
Bigo si Amir na kumbensihin ang matanda. At wala naman itong magagawa dahil ang utos lang din ng matanda ang ng sinusunod nito.
Nakatulugan na ni Ang pagod ngunit narating na nito ang dulo ng tunnel, ngunit nakasara sa taas nito ang Isa pang pintuan pa akyat. Mas mahirap itong buksan dahil gawa sa bakal at nasa labas ang pihitan.
Hindi namalayan ni Angel ang pag bukas ng naturang pinto,at pag baba doon ng isang lalake na may baril. Huli na para kay Angel dahil nakita na siya nito. Nakipag buno ito sa lalake, at lumaban ng sapakan at suntukan. pantay lang ang laki at taas ng dalawa, kaya alam ni Angel na kaya niya ito. Sa kanilang pag wrestling nabunot ni Angel ang baril sa holster ng lalake, hindi na pumalag ang lalake ng tinutukan na nito ni Angel. Sanay sa baril si Angel, asintado kaya nasa kanya ang alas.
Nakita ni Angel na tila may kinakapa sa dingding Ang lalake habang tinataas nito ang kamay. kaya ,walang ano-ano binaril niya ito sa nuo. Bulagta ang lalake, nilapitan nito ang dingding kung saan may kinakapa ang lalake.
At doon nga isang sekretong button ang nakadikit sa dingding. Isa itong alarm system. Na buti na lang hindi na pindot ng lalake. Hinubaran ni Angel ang lalake at sinuot Ang lahat na meron dito. Pagkatapos hinila na nito ang lalake sa isang sulok. Isa pang device Ang nakita nito sa bulsa ng vest ng lalake. Isang tila ear plugs na umiilaw ilaw pa. Sinubukan niya ito sa kanyang tenga.
“oh ano , matagal ka pa ba?, ngawit na Ako sa puwesto ko. Ikaw naman dito. “ Ang narinig ni Angel.
Hindi nito alam kung paano tumugon. tiningnan nito muli ang device at sinubukang pindutin ang green na button at binalik sa kanyang tenga , tsaka nag salita.
“papunta na ako” pag papanggap ni Angel.
“good, dala mo ba ang susi, ni lock nila ang pintuan. Sige brad, iiwan ko na sa iyo ang poste ko. Bilisan mo diyan baka masilat na walang tao sa tower one.” tugon ng kabila
“copy, ako na ang bahala diyan…brad” sagot pa ni Angel. Agad nitong kinapa ang lahat ng bulsa sa suot nito. Wala itong nahanap kung hindi ang isang maliit na card na parang lagayan ng sim.
Binalikan nito ang katawan ng lalake at hinanap pa doon ang tinutukoy na susi. Maging ang na tirang brief ng lalake binulatlat ni Angel. Ngunit wala. Sinubukan din nito ang nakuhang relo kung ano ang meron doon, ngunit ordinaryong relo lang din ito.
Patakbo itong bumalik sa kanyang pinasukang pinto. At doon nga sinubukan nito ang card na nakita. Hinanap niya doon sa pinto ang puwedeng pag lagyan ng card , hanggang sa napansin nito ang maliit na pasukan na parang sa ATM . nang mapasok na niya ito roon, nakarinig ito ng pitik at pagkatapos niluwa ang card bumukas ang agad ang pinto.
Lumabas si Angel na palinga linga sa paligid. Nang tinawag ito ng isang lalake na naka tayo malapit sa dalampasigan.
“saan ang puwesto mo brad?” tanong nito kay Angel.
“tower one” sagot ni Angel.
“ganun ba, sige brad”
Dumeritso lang si Angel , dahil hindi man lang nito alam kung nasaan ang sinasabing tower one. Napansin ito ng nauna, kaya nilapitan siya nito.
“Akala ko ba sa tower one ka brad?, papuntang tower four na diyan ah.” paglapit pa ng lalake.
“iihi lang ako brad , paputok na eh.” alibi pa ni Angel,
Nang napansin na ito ng lalake, “Hindi kita Kilala ah, bago ka lang ba dito?”
“oo kasama ako sa mga dumating kaninang hating gabi, Sige brad aakyat na ako, bad trip ka. Umurong tuloy pag ihi. Bumalik ka na doon, baka mapansin na iniiwan mo Ang poste mo.” Ayon pa kay Angel.
“Ok, pasensiya na brad. nag sisiguro lang, may namataang kasing bangka malapit lang sa area. Sige, balik na Ako.” at umalis na din Ang lalake.
Nakahinga ng malalim si Angel. Agad na itong umakyat sa puwesto na dapat sa lalaking binaril nito. At mula doon sa taas nakita nito ang lapad ng pasilidad at ang dami ng gwardiya sa paligid. Bawat sulok meron.
At alam ni Angel na hindi maililihim ang ginawa nito sa isang gwardiya. Kaya habang kinakabisado ang paligid. Nag iisip na ito ng mga susunod na hakbang upang makapasok sa loob bago pa matuklasan ang ginawa nito.
Parte ng nakaraan
Dismayado ang tatlo, dahil hindi pumayag ang matanda sa binabalak nila. Ngunit hindi ito nabale ang kagustuhan ni Benson na balikan sa polo Ang mga kasama. Gamit ang di sagwan na bangka ni Amir, pumuslit ito at naglayag na mag isa, huli na nang makita ito nina Nicolo at Tony. Sinubukan pa itong languyin ni Tony para habulin ngunit malayo na ito.
Nakita ito ni Amir, kaya naki gamit din ito ng bangka para sundan sana si Benson,ngunit pinigilan ito ng matanda.
“Huwag mo nang dagdagan ang problema Amir, hayaan mo siya ginusto niya iyan. Hindi makakatulong Ang padalos dalos na desisyon. Hindi niyo alam ang kinakalaban niyo.” ayon pa sa matanda.
Papasikat na ang araw sa dagat at tanaw na ni Benson ang ulo ng polo. Kinakabahan man ito sa kanyang gagawin, nag aalala naman ito kay Angel at sa mga kasamahan nila. Hindi naman ito umalis na walang dala, bukod sa bangka, nagpuslit din ito ng dalawang baril mula sa mga tinatago ni Amir. Papalapit na si Benson sa polo nang may namataang ito na patungo sa kanyang direksiyon. Dalawang bangkang di motor ang mabilis na umuusad pasalubong sa kanya.
Wala na itong oras pa para umiwas pa, alam ni Benson na nakita siya ng mga ito at siya ang talaga ang pakay ng mga sakay dito. Kumalma si Benson at mahinahon na nag sagwan, sinalubong ang mga ito. Nang makadaupang palad na nito ang dalawang malalaking bangka na may mga sakay na armadong kalalakihan na hindi banana sa apat bawat Isa ang sakay, yumuko lang si Benson.
“Sa Buras ka ba galing?” tanong ng isang lalake kay Benson.
Tumango lang si Benson at sinabing patungo ito ng Isla.
“Mukhang nahuli ka yata? “ Sabi pa ng Isa.
“Nasira kasi Ang makina ng bangka ko, kita niyo naman de sagwan lang itong dala ko.” tugon pa ni Benson.
Hindi na inusisa pa ng mga ito si Benson. Nakahinga ng maluwag si Benson. Mabilis agad itong nag sagwan hanggang sa marating nito ang polo. iniwan nito ang bangka sa batohan. Kinabahan ito ng hindi na nakita doon si Angel. Inisip na nitong baka nahuli na ng mga taga polo ang kaibigan.
Nang bigla na lang may humatak sa kanya mula sa pinagtataguan nitong bato.
Pabalik sa Isla, paksa parin ng dalawa Nicolo at Tony sina Benson at ang mga kasamahan nila. Hindi na rin ng mga ito maiwasan ang magalala sa mga nangyayari sa kanila na para bang pinaglalaruan lang ang mga ito.
“Kung ganito rin lang , wala ng dahilan para manatili pa dito. Mas nanaisin ko pang mamatay na lumalaban para sa buhay ko. At tama sina Benson, kung hindi tayo kikilos, baka maging laruan na lang talaga tayo ng kung sinong may kakagawan nito sa atin.” ayon pa kay Nicolo
“Tama ka, kung hindi tayo kayang tulungan nina Amir, tayo na lang ang kikilos. Gusto ko na rin matapos ang lahat ng ito. Na mimiss ko na ang normal kong buhay, ang buhay natin dati. Siguro nga ako talaga ang may sala sa kapahamakan na nangyari sa atin. Kung hindi ko na inerekuminda at pinilit ang Isla Libugates, siguro magkakasama pa tayo.” Sabi pa ni Tony.
“Kung hindi pa natin magagamit ang bangka, magnakaw na lang tayo ng masasakyan. Huwag na natin ipaalam sa kanila. Malapit lang naman daw dito ang nasabing polo.” ayon pa kay Nicolo.
Nang araw din na iyon nag plano ang dalawa. Batid naman nina Amir na hindi talaga titigil ang mga ito hanggat wala silang napapatunayan. Maging si Amir man tila nabuhayan ng lakas dahil nakatagpo ito ng mga tao na may katulad na layunin sa kanya. Ilang taon din pinaghandaan ni Amir ang maipaghiganti ang pagkawalay nito sa magulang lalo na sa kanyang ama.
“Naiintindihan kita, kahit na Ako, gusto ko ding ipaghiganti Ang mga nangyari sa akin, At ilang beses ko na tinangkang gawin iyon. Pero tumanda na lang Ako, nariyan parin ang kasamaan nila. Nauulit lang sa paglipas ng panahon. Para na kitang anak Amir, kayo ni Dantoy ,kayo na lang ang pamilya ko. Ayukong may masamang mangyari sa iyo, sa Inyo.” Ayon pa sa matanda.
“Pero hanggang kelan ako mananatiling takot Tatang, nasa edad na Ako para gawin ang mga bagay na matagal ko nang gustong gawin. At ngayong may mga kasama na Ako alam ko na madali na lang ito sa akin. Alam kong mapanganib ngunit sawa na Ako sa islang ito. Walang gabi na hindi ko inaalala ang kapatid ko at si mama.” tugon pa ni Amir.
“Bueno, mukhang buo na din ang pasya mo. Magpasama kayo kay Claudio, nag usap kami noong nakaraan,at handa siyang tumulong sa Inyo.” Sabi pa ng matanda.
Tahimik ang buong Isla, karamihan kasi sa mga nandoon nag layag, Ang iba naman nagpapahinga sa kani-kanilang mga kubo. Nakasalubong ni Amir si Manuel na kagagaling lang ng paliligo sa dagat. Agad nitong tinanong si Amir tungkol sa pag alis nina Angel at Benson, nakita pala ito ni Manuel noong tinangay nila ang bangka.
“Tinakot mo ba ang mga bisita mo, kaya gusto na nilang umalis dito?” tanong ni Manuel, na sinabayan sa pag lalakad si Amir.
“Wala ka nang pakialam sa kanila, kung gusto man nilang umalis, kagustuhan nila iyon. At bakit ka ba nagtatanong?Ayos ba tayo?” tugon ni Amir dito.
“Ikaw? Ikaw lang naman sa ating dalawa ang may kinikimkim diyan sa loob. “ayon pa kay Manuel.
“Tigilan mo na ang pagpapanggap, dahil kahit anong gawin mo, hindi mo mabibilog ang ulo ko. “ Sabi pa ni Amir.
“Ikaw ang nagpahamak kay Migs, kaya huwag mo ibaling sa akin Ang sisi. Alam mo sa sarili mo na Ikaw Ang dahilan kung bakit namatay siya. Pero tinatanggi mo sa sarili mo dahil ayaw mong ma lamunin ka ng konsensiya mo.” biglang sumbat ni Manuel kay Amir.
“Ikaw ang nag sama sa kanya sa polo, Ikaw ang nagdala sa kanya sa panganib. Ikaw Ang dahilan kung bakit namatay siya!” sagot ni Amir.
“Namatay siya dahil sa pag aalala sa iyo. kaya kung may sisihin man , Ikaw iyon. Dahil makasarili ka!”
Biglang sinuntok na lang ni Amir sa mukha si Manuel. Nag pang abot Ang dalawa, nagsuntukan, nag sapakan, pagtulong gulong Ang mga ito sa buhangin malapit sa dalampasigan. Kapwa nagpalabas ng kanilang init sa katawan ang dalawa. Pagkalaon nahinto din Ang mga ito ng makaramdam ng pagod. Hapong hapo Ang dalawa na naka higa sa buhanginan.
“minahal ko siya.” ang nasabi ni Amir.
“mahal ko din siya.” ganun din si Manuel
“kaya inagaw mo siya sa akin.” ayon kay Amir
“pero pinili ka niya” Ang tugon naman ni Manuel.
Ang malalim na dahilan ng hindi paguunawaan ng dalawa ay muling nabuksan sa pagkakataon na iyon. Nabuksan Ang parte ng kanilang kuwento na hindi man lang na lagyan ng wakas at simula.
Nauna lang ng ilang araw si Amir sa Isla , bago si Manuel na kasama naman noon ang kanyang kuya ng madukot sila. Ganun din si Migs. Halos mag kakasabay na, na nagbinata ang tatlo sa Isla. Sa mga panahon na iyon, sila lang ang mga bata doon bukod kay Dantoy. Naging matalik na magkaibigan ang tatlo. At dahil sa wala namang ibang babae sa naturang Isla, isang espesyal na relasyon ang nabuo sa tatlo. Relasyon na higit pa sa magkakaibigan.
Nang kinakitaan na ng potensiyal ang tatlo ng mga taga layag, sinasama na Ang mga ito sa mga pagsasanay. At habang tumatagal unti-unting nabubuo Ang mas malalim na ugnayan ng tatlo sa isa’t isa. Lalo na si Amir na tahasang umamin ng nararamdaman nito para kay Migs. At hindi iyon kaila kay Manuel na may nararamdaman din sa lalake.
Ang mga panakaw na sandali Ang naging paraosan ng kanilang mga nararamdaman. Hanggang sa nagkaroon na ng lamat ang kanilang pagkakaibigan.
Ngunit isang araw , tuluyang nag bago ang lahat nang may nangyaring masama kay Migz. Dahilan upang lalong naputol Ang mabuting samahan noon nina Amir at Manuel.
Sa ilang mga buwan na pabalik balik sina Amir sa Isla ng kung saan sila sinasanay, madalas na nila nadadaanan ang polo. Nalaman nito na sa polo na iyon dinadala Ang mga kalalakihan na sinasama nila mula sa Isla Buras. Kaya naisip nito na baka nandoon pa ang ama nito na matagal nang nawalay sa kanya. Pinag planohan ni Amir ang pag puslit sa naturang Isla. At alam iyon ni Migs na tutol sa balak nito.
“Para saan pa ang pagsasanay nila sa atin para sa pakikipaglaban kung hindi ko susubukan.” Sabi pa ni Amir
“Hindi mo alam kung ano Ang meron sa polo na iyon. Baka mapahamak ka lang.” ayon pa kay Migs.
“Kaya nga titingnan ko, para malaman ko. At walang mangyayari sa akin. Kaya ko nang protektahan ang sarili ko. Para saan pa ang natutunan natin sa pagsasanay kung hindi ko susubukan.” Sabi pa ni Amir.
“Sasamahan kita.”
“Huwag na, mas madali sa akin Ang kumilos kapag walang inaalala. Mag iingat ako para sa iyo. Babalik akong ligtas.” At niyakap nito si Migs.
Gayun pa man, hindi parin pumayag si Migs sa balak ni Amir. Gabi , at hindi na rin nakayanan ni Migs ang pagsundo ng antok, sa kakabantay kay Amir , nakatulog ito. Ito ang pagkakataon na hinihintay ni Amir. Dahan-dahan itong lumabas bitbit Ang gasera. Agad na tinungo ang nakadaong na bangka. Maingat nitong itinulak ito sa tubig. Mataas ang dagat sa mga sandaling iyon at masyadong madilim Ang kalangitan na may pag babadya ng unos. Ngunit hindi ito napigilan ang kagustuhan ni Amir, nag layag ito.
Nagising sa malakas na kulog at kidlat si Migs. Tila naalimpungatan ito ng makitang wala na sa tabi niya si Amir. Malakas ang buhos ng ulan ng sumilip si Migs sa pintuan. Lumabas parin ito at hinanap sa paligid si Amir, ngunit Wala na ito doon. Wala na rin Ang kanilang bangka.
Napansin ito ni Manuel mula sa kanyang kubo. Tinungo ito si Migs na noon, tulak-tulak ang isang bangka pa punta sa dagat.
“Migs, ano Ang ginagawa mo? “ tanong ni Manuel sa lalake.
“Susundan ko si Amir.” tugon ni Migs
“Ano? bakit? bumalik ka na, malakas ang mga alon. Ipagpabukas mo na lang iyan. Sasamahan kita. Sa ngayon bumalik ka na muna sa kubo. Magkakasakit ka niyan sa ginagawa mo!” sigaw pa ni Manuel.
Ngunit hindi nagpaawat si Migs, tinuloy pa din nito ang pagtulak ng bangka sa dagat. Hindi natiis ni Manuel Ang kaibigan at pinagamit dito ang de makinang bangka at sinamahan na si Migs.
“Maiwan ka na dito, Ako lang ang aalis.”
“Sasamahan na kita, malakas ang bagyong ito. Baka mapa ano ka, iba nang may kasama.” ayon pa kay Manuel.
Nasa kalagitnaan na sila ng laot ng mag Loko Ang makina ng bangka. Hindi na ito gumana. Malalaki at malalakas Ang alon na humahambalos sa kanilang bangka. At sa Hindi inaasahan, isang malakas na kidlad Ang tumama sa kanilang bangka. Nasunog ito. At iyon ang huling sandaling naalala ni Manuel na kasama niya si Migs.
Nagising na lang ito sa loob ng bangka ng mga armadong lalake. Mag-isa ,at wala na si Migd. Narinig na lang nito sa mga ito na patay na si Migs at iniwan na lang nila sa gitna ng dagat.
Nang lumipas ang bagyo, ligtas naman na naka balik si Amir ngunit hindi na nito nadatnan pa si Migs sa kanilang kubo. Hindi na rin nito mahanap sa Isla si Manuel. Pagkalipas ng isang buwan dinala pabalik ng Isla si Manuel ng mga armadong mga lalake na tinatawag na nilang mga layag. Ibinalik nila si Manuel sa Isla na hinanghina at maraming pasa sa katawan. Doon din inusisa ni Amir si Manuel tungkol kay Migs.
Nang malaman ni Amir ang nangyari sa kaibigan. Nagalit ito kay Manuel. Hinusgahan nito ang lalake na hindi man lang inalam Ang tunay na dahilan. Mula noon, hindi na naging mabuti Ang tunguhan ng dalawa.
Sa pagkawala ni Migs, mas lalong sumidhi ang galit ni Amir at ang nais nitong gumanti sa mga taong may dahilan kung bakit hanggang ngayon nasa Isla parin ito.
“ Hindi ako ang dapat na kinakalaban mo, matagal na tayong magkasama dito. Kung may dapat kang pagkakatiwalaan Ako iyon. Aksidente ang nangyari kay Migs, kaya palayain mo na ang pagsisisi diyan sa dibdib mo.“ Sabi pa ni Manuel, tumayo ito at iniwan si Amir na naka higa parin sa buhangin.
Sinusubukan padin nina Tony na ayusin ang kanilang bangka. Buong araw na nasa bangka lang ang dalawa. Dumating naman si Claudio na may dalang galon ng krudo at nilapitan ang dalawa.
“Ako na bahala sa pag ayos ng makina, magpahinga na muna kayo. “
“Kaya na namin ito, pero kung hindi na talaga maayos gagawin na lang namin itong de sagwan.” Sabi pa ni Tony.
“De motor ang gamit ng mga kalaban, hindi uubra ang sagwan. Huwag kayong mag alala marami na akong naayos tulad nito. “ tugon pa ni Claudio.
“Paano mo nalaman?” pagtataka ni Nicolo.
“Sasamahan ko kayo, sawa na din Ako sa Isla na ito. Tama ang mga kaibigan niyo, kung walang maglalakas loob na kalabanin sila, hindi matatapos ang lahat. At mauulit lang Ang mga kalupitan nila. Sasama ako sa Inyo” ayon pa kay Claudio.
Lalong nabuhayan ng loob ang dalawa at nakahanap sila ng kakampi.
Sa polo, ikinagulat ni Benson ng makita si Angel na naka uniporme ng tulad ng mga guwardiya sa polo. Dinala ni Angel si Benson sa pinasukang nitong banker tunnel kung saan dito ito nagtatago kapag nagkakaroon salitan sa mga bantay.
“Ano iyong naamoy ko? parang patay na daga.” pansin pa ni Benson ng pababa na sila sa tunnel.
“Tiisin mo lang, bangkay ng may ari nitong uniporme ang naaamoy mo.” Sabi pa ni Angel.
“Nakapatay ka?”
“Kinakailangan, kamuntikan na kasi akong mauna. eh. kaya pinauna ko na.” sagot pa ni Angel.
Nagulat si Benson nang makita ang bangkay sa loob ng tunnel. Nagpigil na lang ito ng hininga dahil sa nakakasulasok na amoy. Nagpatuloy pa sila sa loob, nang may narinig sila. Tumingala si Angel sa itaas na daanan. Napansin nito na tila may pumipihit na naman sa hawakan ng takip.
Pinahanda nito si Benson. Nag abang ang dalawa. May isang lalake na bumaba mula doon. Naka uniporme din ito ng guwardiya.Nang nasa baba na ito , pinag tulungan agad ng dalawa Ang lalake at hindi na hinayaan pang makaganti. Sa lakas ng pag kakasakal ni Angel, Nangisay na lang Ang lalake.
Agad nilang hinubaran ito, tsaka sinuot naman ni Benson. Itinabi nila ang katawan sa tabi ng bangkay. Bumalik sa taas Ang dalawa at pinagplanuhan Ang susunod na gagawin.
“Magpalipas tayo dito ng dilim tsaka natin papasukin Ang loob. “ Sabi pa ni Angel.
“Ano ba ang nasa loob ng facility?” tanong pa ni Benson
“Hindi ko alam, hindi kita mula sa taas Ang loob , ngunit napaka lawak at malaki ito. Maraming mga bantay sa paligid, hindi ko nga mabilang dahil naka ilang salitan ng bantay sa labas at taas kada Oras. “ tugon pa ni Angel.
“Paano kung magtaka sila sa atin.?”
“sa dami nila dito, hindi lahat magkakakilala. Nakita mo itong numero sa badges ng uniporme. Dito sila nagkakakilanlan kaya dapat alam mo ang code ng may-ari ng uniporme na suot mo.” ayon pa kay Angel.
“Wala bang makain dito?, ginutom ako sa eh.”
“Hindi ko alam kung kelan umiikot ang rasyon dito, pero kaninang madaling araw, dinalhan Ako ng maliit na termos ng kape, at aroz caldo na matabang. Huwag kang mag alala, hahanap tayo ng makakain mamaya. Tiis lang muna.”
Nag tiyagang mag hintay ang dalawa sa loob. Napasilip sa pinto si Angel. May nakita itong tatlong Yate na papalapit sa polo.
“may mga dumadating, baka mga panibagong bihag na naman. “ Sabi pa ni Angel.
“Baka dumaan iyan dito at makita tayo.” pag alala pa ni Benson.
“Pang exit lang banker na ito huwag ka mag alala. Teka dito ka lang at uusisain ko.”
Papalabas na sana si Angel nang makita nitong umiilaw ang nasa tenga ni Benson, sumenyas ito ng tahimik at pinindot Ang buton sa aparatonh iyon.
-G57 dumating na sina general, kailangan ka na dito. Eeskurtan pa namin sila.- nang marinig nila Ang nag sasalita.
kinuha ni Angel ang ear device kay Benson at siya ang kumausap sa nagsasalita.
“Si BL69 ito, nagkaproblema sa tiyan si G57, Ako na muna papalit sa kanya, nasaang puwesto ba iyan?” Sabi pa ni Angel
“Dito sa deck , bilisan mo lang walang tao sa monitoring room. out.” tugon ng kabila.
Agad na lumabas si Angel at iniwan ang card key kay Benson. Agad na tinungo ni Angel ang deck. Ito iyong parang parola na kita mula sa malayo. At habang paakyat ito sa deck, nasa daungan na Ang mga Yate. Parang mga turista Ang sakay ng mga Yate. Nagpatuloy pa si Angel at doon sa tinatawag na monitoring room. Napansin nito ang napa karaming mga monitoring screen na nakakonekta sa lahat ng mga CCTV camera sa buong pasilidad. Ito ang control room, at mula doon , malinaw na nakikita ni Angel ang bawat sulok ng loob at labas ng pasilidad.
Dito natuklasan ni Angel na may higit sa limangpong seldang malalaki Ang loob nito. Na may hindi bababa sa bente ang mga nakakulong sa bawat kulungan. May mga pribadong silid din ito. mga kumon na palikuran at paliguan. May malawak na kusina, malawak na kainan, mga silid na may tig iisang mga tao. At ang umagaw talaga ng pansin kay Angel ay ang tila isang close door ring sa gitna ng pasilidad na para bang ginagamit sa isang wrestling fight. Kita din mula doon ang paligid ng compound, maging ang quarters ng mga bantay, at Ang control power ng buong pasilidad, kung saan kita din doon ang access papasok ng tunnel.
Malaking bentahe ito para kay Angel para masilip nito at mapag aralan ang buong lugar. Napadako Ang mga mata ni Angel sa CCTV malapit sa daungan kung saan malinaw na nakikita nito ang mga bumababa mula sa mga Yate. At doon nga isang pamilyar na mukha Ang nakita nito. Isang mukha na hindi nito inaasahan na makita. Na ang buong akala nila patay na.
“Si Lester?” Ang nagulat na reaksiyon ni Angel.
Gamit ang aparatong mula sa guwardiya, hinanap nito ang frequency code ni Benson. At nang mahanap na, agad nitong tinawagan si Benson. At pinaalam niya dito ang kanyang natuklasan. Inutusan na nitong kumilos agad si Benson habang may pagkakataon pa ito.
“Pare, umakyat ka na , kapag nasa loob ka na, hintayin mo Ang instructions ko. “ Sabi pa ni Angel.
“Copy, aakyat na Ako.” tugon ni Benson.
Sa tulong ni Angel agad naka puwesto ng maayos sa loob ng Electrical power room. Si Angel naman, habang naroon, sinusulit ang pagkakataon para mapag aralan ang mga pasikot sikot sa loob. Hinanap din nito sa mga seldang naroon sina Kurt, Banjo at Cris.
Sa loob ng bitag
Naayos na nga ni Claudio ang problema sa sakayan Nina Tony, at handa na ito mag layag ano mang Oras. Nagsimula na rin sila mag akyat doon ng mga kakailanganing bagay para sa kanilang misyon.
“Marunong naman siguro kayo gumamit ng baril?” tanong ni Claudio.
“Oo naman , nakakatama din naman kahit papano.” tugon ni Nicolo.
“Ngunit hindi lang basta sa putok kayo maalam. Gamitin niyo Ang mga ito.” itinapong ni Claudio sa buhangin ang mga patalim. Nagtaka ang dalawa.
“Ano ang gagawin namin dito?” tanong ni Tony.
“Pumili kayo sa mga iyan at sugurin niyo Ako gamit iyan. Siguraduhin niyong masusugatan niyo Ako. Tuturuan ko kayo kung paano dumepensa at lumaban gamit lamang Ang bilis at talas ng inyong mga mata. Kung nais niyong mailigtas Ang mga kaibigan niyo, kailangan bihasa kayo sa lahat ng laban.” Sabi pa ni Claudio.
“seryuso ka? hindi ba puwedeng kahoy lang muna gagamitin natin, baka masugatan ka talaga namin.” pag dadalawang isip pa ni Nicolo.
“Kung kaya niyo akong sugatan ibig sabihin mas magaling kayo sa akin. At mas mainam na mag practice ng totoo. Ngayon lusob.” panghahamon pa ni Claudio.
Mula sa kanyang bangka, tanaw ni Manuel Ang ginagawa nila Tony at Nicolo kasama sina Claudio, nandoon din sina Amir at Tatang. Nakatutok lang ito sa kanila. Nang q ito nang di sinasadya. May nakita itong lalake na pinagmamasdan din sina Claudio. Ngunit nang makita nito na lumingon sa kanya si Manuel, nagmamadali itong umalis.
Hindi naman lahat ng naroon sa Isla ay araw-araw umalis at nag lalayag papuntang polo. May mga iilan din na naiiwan doon upang mag palakas , mag ensayo o di naman kaya nagpapagaling. At kapag wala namang naglayag sa kanila, tsaka lang sila puwersahang susunduin ng mga armadong kalalakihan para ibiyahe sa polo.
Hindi na ito pinansin pa ni Manuel. Naisipan nitong mag ikot-ikot sa Isla. Sakay ng maliit nitong bangka, tinungo nito ang likurang bahagi ng Isla. Mabato ang parte na iyon, kantelado ang tubig at malalakas ang hampas ng mga alon dito dahil nakaharap ito sa open sea. Matagal na sa Isla si Manuel ngunit hindi pa nito nasubukang mag layag sa parte na iyon ng Isla. At habang sinusuyod pa nito ang dagat, may nakita ito na mga bagay na palutang lutang sa may pangpang, malapit sa dalampasigan. Nilapitan iyon ni Manuel at nagimbal ito sa kanyang nakita. Mga bangkay ng tao ang mga nakita nitong lumulutang sa dagat. Sa tantiya ni Manuel mga bago pa lang Ang mga ito doon. Agad na bumalik si Manuel sa pinanggalingan nito.
Kabado naman sa mga Oras na iyon si Angel nang makita na patungo sa tower deck ang mga dumating na bisita ng polo kasama si Lester. Kinukutuban ito na baka pumasok Ang mga ito sa silid na naroon siya. Taranta ito habang nag iisip ng gagawin. Tinawagan nito si Benson, at may pinagawa siy dito.
Biglang nag alarm ang buong paligid at nawalan ng power supply ang buong pasilidad. Nagkagulo ang lahat ,maging ang mga bisita.
“Ano Ang nangyari? Ayusin niyo ito nakakahiya sa mga bisita.” utos ng isang lalake na may mataas na posisyon sa polo sa kanyang mga tauhan.
Hindi naman nag tagal Ang power interruption at muling bumalik ang elektrisidad. Muling nag salita ang lalake.
“Tuloy na po tayo sa taas boss.”
“Hindi na, gusto na mag pahinga ng mga kasama ko. ilabas na ang pagkain at kakain kami.” tugon ng lalake na si Lester.
Kita mula sa monitor na hindi na nga tumuloy ang mga ito. Agad na hinagilap ni Angel si Benson nang hindi nito nakita ang kasama sa puwesto niya. Agad niya itong tinawagan ngunit wala itong tugon. Nang mahagip sa isang CCTV camera Ang mukha nito na papasok sa silid ng mga guwardiya. Muli nitong sinubukang kontakin si Benson.
“Ano ang ginagawa mo diyan?, Sabi ko sa iyo hintayin mo ang signal ko. Mapapahamak ka riyan.” Ang nag aalalang si Angel.
“Nakita ko si Banjo, naka pang guwardiya din siya.” tugon ni Benson.
“Ano? sigurado kang siya iyon?”
“Hindi, pero aalamin ko.” sagot pa ni Benson.
“Anak ng tinapa naman pare, madidisgrasya tayo diyan sa mga kinikilos mo. Hindi pa natin kabisado ang lugar na ito.” ayon pa kay Angel.
“relax pare, nagiingat Ako. Kita mo naman ako sa monitor diba? tulungan mo na lang Ako hanggat may access pa tayo diyan.” Sabi pa ni Benson at nag finger heart pa sa CCTV
Iyon na nga ang ginawa ni Angel. Tutok na tutok ito sa monitor na hindi nito napansin na may nakapasok na pala sa loob. Napalingon na lang ito nang magsalita na ang lalake.
“Wag mo masyadong idiin sa mga monitor ang mukha mo, hindi naman nila alam kung ano ginagawa natin dito.”
“Nakabalik ka na pala.” tugon ni Angel sa lalake.
“Hindi pamilyar sa akin Ang mukha mo tol, baguhan ka lang ba dito?” tanong pa ng lalake kay Angel at hinila nito ang isang upuan, umupo doon at humarap kay Angel.
“Kahapon lang, Ikaw matagal ka na ba dito?” tanong ni Angel.
“May dalawang linggo na, kaya medyo nakaka inip na din dito. Wala kang ibang nakikita kung hindi itong lugar na ito at ang malawak na dagat sa paligid. Wala man lang babae ito. Na miss ko na tuloy Ang lasa ng puke. Ikaw ba tol? siguro nagpakasawa ka muna sa mga bilatan sa siyudad bago ka sumama dito?” Sabi pa ng lalake.
Napangiti lang si Angel at bahagyang tumango. “so ano ang pinagkakaabalahan niyo dito kapag inabotan kayo ng pagkabagot?” tanong ni Angel.
“kamay kamay lang, minsan may mga taga Isla na dumadaong dito.Sa kanila kami nagpaparaos. Dahil sa trabahong ito napasubo na akong tumikim ng burat makapagpaawas lang ng libog sa katawan.” rebelasyon pa ng lalake.
Sa kanilang pag uusap, nalaman pa ni Angel na hindi lang pala mga taga Isla ang dumadayo sa polo para lamang maging kalahok sa tinatawag nilang knights of fury. Bago sa pandinig ni Angel ang kanyang narinig, ngunit hindi ito nagpahalata sa kausap. Nakisakay lang ito at kunwari alam na alam ang lahat. Bumida pa ang lalake kay Angel na minsan na raw itong naging chaser sa isang Isla kung saan nagaganap Ang special na events. Ang mga chasers Ang mga nagiging kalaban ng mga kalahok sa tinatawag nilang death play , na siyang naranasan nila noon sa isla libugates.
Napagtagpi tagpi ni Angel ang mga sitwasyon at mga pangyayari mula sa maliliit na impormasyong nakuha nito sa pakikipag usap sa lalake. Ang BlackPearl, ang grupo sa likod ng lahat ng ito. Ito ang Isa sa mga natuklasan ni Angel.
Samantala, sa harapan ng mahabang hapag kainan kung saan nag titipon doon ang lahat ng mga miyembro ng BlackPearl, isang lalake ang hinarap sa kanila ng mga guwardiya. Nagmamaka awa ito para sa kanyang buhay ngunit nang walang anu-ano, umalingawngaw ang putok ng baril mula sa kamay ng leader ng grupo, Si Fabio.
“He wants freedom, ibibigay natin. Sana nga lang sa langit ang punta niya. Ilabas na iyan dito at ipakain sa mga pating.” utos pa ni Fabio sa mga guwardiya na agad namang hinila palabas ang katawan ng lalake na wala ng buhay.
Nagpatuloy sa pagkain Ang lahat ng naroon na tila ba walang nangyari.
“Unti-unti nang nabibigyan ng mukha ang BlackPearl matapos may makatakas sa Isla Fuego. At kumikilos na ang militar at coast guard para suyurin ang kasulok- sulukang Isla ng Pilipinas. Sumisikip na ang balwarte natin.” balita ng isang miyembro.
“BlackPearl will always find its way to survive. Hindi lang tayo naka dipende sa iisang venue. Hayaan niyo na mabaliw sila sa kasusuyod sa atin. Wala silang mahahanap na bakas , ni anino ng BlackPearl.” Tugon ni Fabio.
“Paano kung masilip nila ang Santuwaryo? May nakarating na balita sa base, na may mga nakatakas sa Isla Libogantes. At walang may alam kung nasaan sila ngayon.” Ayon pa sa isang lalake.
“Dahil iyan sa kapabayaan ni Maskara, masyado kasing niluwagan ang laro, mabuti na lang at rumesponde agad kami. Na contain namin ang tatlo sa kanila dito.” pagtukoy ng isang lalake kay Lester.
“Kung hindi kayo nangialam, hindi sana nagka problema. Alam ko nagpapasikat ka sa harapan ni supremo, pero hindi iyan matatakpan ang irigularidad at baho ng Santuwaryo, Talim. Kaya huwag mo akong pangunahan kung ayaw mong magkalabasan tayo dito ng sekreto.” nakangiting tugon ni Lester.
Sa gitna ng parinigan ng dalawa, inutusan ni Fabio Ang tauhan nito na bigyan ng tig iisang baril sina Lester at Talim.
“Nakakabingi ang mga pagtatalo niyo. Ang sakit sa tenga. Ayan magbarilan kayo, mas gusto ko pang makarinig ng putok ng baril kaysa sa mga boses niyo. Magbarilan kayo, Sige na! Magbarilan kayo, o ako ang babaril sa Inyo!!!” sigaw pa ni Fabio.
Alam ng dalawa na hindi nag bibiro si Fabio. Nagpakiramdaman ang dalawa habang tinititigan ang inilagay na baril sa ibabaw ng kanilang plato. Alam ng bawat Isa na Isa lang sa kanila ang matitira sa sandaling iyon. Kaya pabilisan at paunahan na lang sa pag dampot ng baril.
Halos magkasabay Ang dalawa sa pagdampot ng baril at pagpaputok nito.
Natalsikan ng dugo ang mga katabi ni Talim,matapos tamaan ng bala ang dibdib nito. Pumalakpak si Fabio sa ginawa ni Lester. Kinuha ni Lester ang baril sa kamay ni Talim, at nagulat ito na Wala itong laman na bala. Napatingin nito na puno ng katanungan kay Fabio.
“This is the reason why you here. And since Wala na si Talim ,Ikaw na ang hahawak ng Santuwaryo simula sa araw na ito. “ Ang sabi pa ni Fabio.
Lahat ng iyon, nasaksihan ni Angel mula sa monitor sa kanyang harapan. Nakakabahala ang nakita ni Angel, kung ganun ganun na lang kung paglaruan ng mga iyon ang buhay ng mga tao ,tiyak hindi na ligtas pa sa kanila ang lugar na iyon. Nag hanap ng dahilan si Angel upang makaalis doon at para mapuntahan si Benson na noon nasa loob na ng pasilidad.
“Tol, kailangan ko muna mag banyo, kanina pa kumukulo itong tiyan ko.” Sabi pa nito.
“Sige tol, balikan mo na lang Ako dito pagtapos kana, iidlip na muna ako.” Tugon pa sa kanya ng lalake.
Kabisado na ni Angel ang puwesto ng mga CCTV kaya madali na lang sa kanya Ang sumalisi sa loob. Maging ang mga pasilyo sa loob ng gusali at puno ng mga bantay. Maraming pasikot-sikot at pintuan sa loob dahil sa laki at lapad ng pasilidad. Nasa bandang dulo ang silid ng mga guwardiya kung saan naroon si Benson.
“Benson, naririnig mo ba ako?” Sabi ni Angel habang sinusubukang kausapin si Benson.
“Nandito lang ako, grabe ,…Ang daming quarters dito. Ibig sabihin marami nga talagang tauhan dito. Mukhang mahihirapan nga akong makita dito si Banjo.” tugon ni Benson.
“Kalimutan mo na muna si Banjo,pumermi ka diyan. Pupuntahan kita, may dapat kang malaman. At huwag kang magpahalata sa mga nandiyan. Umayos ka.” paalala pa ni Angel.
“Copy ’yan, bilisan mo lang baka magtaka sila bakit Ako naka tambay dito.” sagot pa ni Benson.
Sa kakasuyod ni Angel sa hallway napadaan ito.sa isang rehas na pintuan patungo sa Isa pang hallway. At sa pagka alala nito papunta ito sa mga selda sa kabilang bahagi ng facility, kung saan naka bilanggo Ang mga kalalakihang nakita nito. Kinuha nito ang parang card key sa kanyang bulsa. Akma na nitong isasalpak sa lagayan ng susi para bumukas ang rehas na pintuan nang madaanan ito ng Isa pang bantay na nag ro-roving sa area na iyon. Sinita siya nito dahil hindi pa iyon oras ng pag pasok ng mga bantay sa area na iyon.
“Saan ba ang puwesto mo? Hindi pa oras ng pagbibilang. Bumalik ka doon. Bawal ang pakalat-kalat dito lalo na at nariyan si Supremo.”
“Pasensiya na Buddy, baguhan lang kasi Ako dito. Kinakabisado ko pa ang bawat sulok. Galing ako sa deck.” Tugon ni Angel.
“Ganun ba? Kung nais mo talaga malaman ang pasikot sikot dito, diyan sa may kanan, may blueprint diyan. Gamitin mo ang tracker mo para Hindi ka maligaw. Sige na, bago kapa masita dito ng iba.”
Tumango si Angel at umalis din sa lugar na iyon. Sinunod nito ang sinabi sa kanya ng bantay. At gamit nga ang tila tracker pad na meron ito, mabilis nitong narating Ang quarters ng mga bantay. Ngunit marami itong mga compartment sa loob. At bawat compartment may mga numero sa parang pinaka pintuan nito.
Ngunit Wala na itong inabutang mga tao doon sa loob, nakabukas ang lahat ng mga compartment. Tinawagan nito si Benson.
“Nasaan kana? diba sabi ko pumermi ka lang dito.”
“Oras na daw ng pagkain, wala din dapat maiwan sa loob, kaya sumama na ako. Nasa tila canteen kami.” sagot pa ni Benson.
Napakamot na lang ng ulo si Angel, palabas na ito sa nasabing quarters nang may tumawag sa kanya. Napalingon ito ng marinig ang pamilyar na boses.
“Banjo?”
“Angel pare? Ikaw nga.”
Napayakap agad si Angel kay Banjo nang makita niya ito. Ngunit kumalas agad si Banjo sa kanya. Hinila siya nito sa blind spot malayo sa mga mata ng CCTV.
“Paano ka nakapasok dito? at bakit naka pang guwardiya ka ding uniform?” pagtataka pa ni Banjo.
“Mahabang kuwento, kasama ko si Benson” Tugon ni Angel.
“Ano? si Benson? ang iba ,…ano ligtas ba sila?” usisa pa ni Banjo.
“Tsaka mo na ako tanungin, sagutin mo muna ako. Bakit naka ganyan ka? Nasaan sina Kurt at Cris? Nakita kayo namin nang dinala kayo dito.” tanong ni Angel kay Banjo.
“Maayos sila, Nagpapanggap lang ako. Balak namin tumakas na tatlo dito. Kaya ito ang ayos ko.” ayon pa kay Banjo.
“Kung ganun, tatakas tayo. Kinabisado ko na ang mga exit location sa facility na ito. Makakakilos tayo ng maayos. Pero kailangan puntahan muna natin si Benson. Nasa canteen siya ngayon kasama ang iba pang mga bantay.” Sabi pa ni Angel.
“Oras nga pala ng pagkain. Tara bilisan natin, may tatlopung minuto lang ang pagkain nila dito.”
“Paano mo nalaman?”
“Narinig ko sa iba kanina.” sagot pa ni Banjo.
Tinungo ng dalawa ang nasabing canteen, sa lawak ng loob nito at sa dami ng mga guwardiya na kumakain doon, nahirapan silang hanapin si Benson. Hindi na naman nila maaring Isa-isahin ang mga naroon baka magtaka Ang mga ito at mahalata sila. Nakipila Ang dalawa sa mga kumukuha ng pagkain at palinga-linga ito na kunwari nag hahanap ng mauupuan.
Si Benson ang unang nakapansin kay Angel. Sumenyas ito sa pamamagitan ng pagtakas ng hawak nitong kutsara. Nang makakuha na ng rasyon ng pagkain, tinungo agad ng dalawa ang lamesa ni Benson. Halos hindi mapigilan ni Benson ang sarili ng makita nito at makatabi si Banjo. Ngunit walang emosyon na tinugon sa kanya si Banjo. Maging si Angel nagkunwari itong hindi kilala si Benson. Umayos naman ng kilos si Benson nang mapansin ang nasa harapan nila na nakatingin sa kanya. Naka ilang subo pa lang sina Angel nang tumunog ang alarma. Hudyat na tapos na Ang oras ng pagkain. At balik na Ang lahat sa mga puwesto nila.
Dinala sila ni Banjo sa isang bahagi ng pasilidad, hindi ito nakita ni Angel mula sa blueprint o maging sa monitor ng CCTV, kaya nagtaka ito kung paano ito alam ni Banjo, gayung wala pang dalawang araw sila dinala sa lugar na iyon. Matatandaan pa na halos mag kasabay lang na araw dumating sa polo ang tatlo. At sa araw din na iyon napadpad sina Angel at Benson.
Sa mga nangyari sa Isla Libogantes nag karoon na ng mga pagdududa si Angel. Tumatalas na din Ang pakiramdam nito. Alam niya na may mali sa mga sandaling iyon. Ngunit hindi ito nagpahalata. Sumunod pa rin ito sa agos.
“Bilisan niyo nasa kabila lang nito sina Kurt at Cris.” ayon pa kay Banjo.
“Mabuti naman at nahanap niyo ang lugar na ito na hindi kayo napagjahalata ng mga guwardiya.” Sabi ni Angel kay Banjo. na tila ba ay hinuhuli nito sa kanyang pa-in ang kaibigan.
“Aksidente lang Ang pagkatuklas namin dito habang nag hahanap kami ng mapagtataguan. Wala ng dumadayo sa lugar na ito. “ sagot ni Banjo.
“Para saan kaya ang parteng ito, baka naman kulungan din ito ng mga bihag pare?.” Sabi pa ni Angel.
“Safe dito,” ayon pa kay Banjo.
Nagpatuloy pa ang tatlo, hanggang sa tumigil Ang mga ito sa isang bilog na pintuang bakal sa sahig. Pinihit ni Banjo ang pinaka hawakan ng pintuan at tsaka ito binuksan. Katulad ito ng pinasukang daan nina Angel, Madilim ang baba kaya gumamit ng flashlight na dala si Banjo at inilawan ang loob nito. Napansin nina Angel at Benson ang bakal na hagdan pababa. Lalong kinutuban ng hindi maganda si Angel.
Naunang bumaba si Banjo, sumunod si Benson at si Angel ang huli. Hindi nito sinagad Ang pagkakasara ng pinto.
Sa siyudad, sa lugar kung saan nanggaling ang magbabarkada na sina Angel, Banjo, Benson,Cris, Kurt at Tony, halos hindi na mapakali Ang mga magulang ng mga ito dahil sa ilang buwan na silang nawawala. Si General Suarez na ama ni Nicolo, kumasa na ng rescue misyon para nawawalang anak at sa mga kaibigan nito.
“This BlackPearl, ang sinasabing responsable sa mga series of abductions sa ilang mga maliliit at isolated na mga Isla ng bansa. At target nila ang mga turista, mga dayuhan and most of them mga kalalakihan, mga kabataan. Ayon sa ilang mga survivor. Puwersahan silang ginagawang mga kalahok, para sa isang nakakasuklam na laro. Ginagawa silang mga laruan upang pagkakitaan at paglaruan. And I can’t stay calm here, knowing na Isa doon ang anak ko! At kung sino man ang nasa likod nito, Magtago na kayong mabuti, dahil hindi kami titigil hanggat may Isa na matitira sa inyong buhay!” Ayon pa sa statement ng ama ni Nicolo sa nilabas na press conference.
Para pa sa ibang magulang ng anim, tanging dasal ang kinakapitan nilang pag asa. At kung Ang ibang kaanak ay nag aalala sa buhay ng kanilang mga anak. Ang pamilya naman ni Banjo ay umiiwas sa isyung ito. Na para bang balewala lang sa mga ito ang nangyari sa kanilang anak.
Habang nag titinda ng isda sa palengke ang ama ni Banjo, isang reporter ang lumapit dito, at sinubukan itong kunan ng pahayag ukol sa pagkawala ng anak. Ngunit sa halip na paunlakan Ang reporter nagalit ito sa kanila. At itinanggi na anak nila si Banjo.
“Hindi namin anak Ang sinasabi niyong nawawala, wala kaming anak na hayop! Kaya makakaalis na kayo, sinasayang niyo lang ang Oras ko!” pag taboy pa nito sa mga reporter.
Bagamat walang panayam na naganap, nakuhanan naman ito ng kamera, at kumalat agad ang bidyo na umani ng samot saring reaksiyon at kumento. Dahil dito naging paksa ng mga tao ang pangalan ni Banjo, at kung ano ang buhay na meron ito, bago ito nawala. At kung bakit tinawag itong hayop ng sariling ama, matapos siya nitong itanggi.
Ang pangyayaring iyon ay nag bunsod ng malaking problema sa pamilya ni Banjo, lalo na sa ama nito.
“TAKBUHAN”
Kuwento ni Banjo
“Napapadalas na dito ang Lester na iyan. Hindi ko gusto ang mga naririnig ko sa inyo diyan sa labasan” Ang tanong agad ng ama ni Banjo nang makabalik ito mula sa paghatid kay Lester sa sakayan ng jeep.
“Pinanapansin niyo naman kasi ang mga tsismisan diyan Tay. Eh wala namang ginagawang matino ang mga iyan, kung hindi ang bantayan ang mga buntot ng kapitbahay nila. “ tugon ni Banjo na padabog.
“Walang may mapupuna, kung wala kayong ginagawang masama. Tapatin mo nga ako Banjo, bakla ka nga ba?!“Ang may puntong galit na tanong pa ng ama.
Ngunit hindi tumugon si Banjo sa ama sa halip pumasok lang ito sa kanyang silid , nagbihis, tsaka umalis din agad ito na tila ba iniiwasan ang talak sa kanya ng kanyang ama.
Dumiretso ito sa billiard hall na tambayan nila ng kanyang mga barkada. Friday ng araw na iyon kaya maraming estudiyante sa lugar. Hindi agad nito nahanap ang mga kaibigan ,nang may humawak sa kanyang balikat. Napalingon ito,
“Kanina ka pa pare? Wala pa sila dito. Baka hindi muna pupunta dito ang mga iyon. Tumawag si Tony kanina, may pinuntahan sa Ilo-ilo urgent daw. Sina Kurt at Benson naman sumama sa reunion nilang mag anak. Si Angel susubukan daw pupunta rito, pag maagang matapos ang shift niya sa call center. Samantala si Nicolo ayun nasa girlfriend.niya. Kaya ako lang libre ngayon.” pag sabi pa ni Cris kay Banjo.
“Si Lester hindi ba dumaan dito?” tanong pa ni Banjo.
“hindi ba kayo ang magkasama mula kahapon. Di ko siya napansin dito pare. “
“ganun ba, boring naman ng araw na ito. Wala man lang ganap. “ Sabi pa ni Banjo.
“Alam mo tamang tama pare, may bagong bukas na Hideout sa district, doon tayo tumambay. Baka maka silat tayo ng mga chikas doon. Malay mo maka score pa tayo. Nang libre…” Nakangiting bulong ni Cris kay Banjo.
“Naku pare dito na lang ako. Hindi ko afford ang mga libangan doon pare. Papiso-piso lang ang kaya ko. Ikaw na lang. Mga tulad niyo lang ang bagay sa lugar na iyon. Mga class,mga sosyal. Iwan mo na ako dito. Mag bibilyard na lang ako.” tugon pa ni Banjo.
“Loko ito, sino ba ang sosyal sa atin pare? Pareparehas lang tayo dito. Mga parents lang namin ang may pera, pare. Kaya nga nagtatrabaho din kami kasi ayaw namin na umasa sa kanila.” ayon pa kay Cris.
“At least kayo may trabaho. Eh ako, hanggang ngayon , malas parin. Nahihiya na nga ako kina tatay eh. Nagbibingibingihan na lang ako sa mga galit niya. Maka jackpot lang ako ng milyon pare. Gugulatin ko talaga ang lahat. Lalo na ang mga pakialamerang mga kapitbahay namin.” Sabi pa ni Banjo.
“May business naman kayo ah, malaki Ang puwesto niyo sa palengke. May sarili kayong bangka, de motor pa. Bakit di mo na lang tulungan tatay mo doon. Tiyak kapag Ikaw nakabantay doon mas lalong kikita ang isdaan niyo.”
“Tama na pare, iwan mo na lang ako dito. “
“Hindi pare, samahan mo ako. Mag i-enjoy tayo. Ako ang bahala ,sagot kita.”
Dumaan muna ang dalawa sa bahay ni Cris at nagbihis muna ang mga ito. Pinahiram nito ng magagarang damit si Banjo. Sakay ng kotse ni Cris, pinuntahan nila ang sinasabing lugar aliwan ng mga kabataan. Gabi na nang makarating sila doon. Huling araw ng pasok sa eskuwela, kaya karamihan sa mga nandoon mga estudiyante. Naghanap ng bakanteng parking area ang dalawa.
“Diyan tayo pare, sa Hyperzone Alley, pero dito tayo sa Sky Tower. Wala pang isang buwan iyan pero kita mo naman, jam-packed sa dami ng mga tao dito. At hindi mga basta-basta lang ang pumupunta dito. Tingnan mo iyon. Kilala mo ba ang sports car na kotse na iyon pare? Kotse iyon ni Kid Calvin anak ni Paul Martin Borras ,Isa sa mga prominenteng pamilya dito at negosyante. At iyan ang sports car naman na iyan kay Miko Marazigan, anak ni councilor Marazigan.” Sabi pa ni Cris , habang naghahanap ang mga ito ng parking space.
Siksikan nga ang mga magagarang kotse sa lugar na iyon. Hindi lang puno dahil sa mga kabataang hayok sa kasayahan at alak. Pati na rin sa mga naghahanap ng grasya at kayananan sa lilim ng mga nag kikislapan at nagsasayawang mga ilaw, at sa maantang usok ng paligid.
Kakababa lang ng dalawa sa kanilang kotse. Nang may lumapit sa kanilang lalake. May inalok ito sa kanila.
“Bagong hit ito ngayon dito mga brad. Mas malakas ang tama kumpara sa mga dati. Ako lang ang meron nito dito. Pinag aagawan na ito ng iba. Papahuli pa ba kayo?” ayon pa sa lalake.
“Ano pare, gusto mo ba? Total gusto naman natin mag enjoy. Lubusin na natin.” tanong pa ni Cris kay Banjo, na tila interesado sa alok sa kanyang druga ng lalake
“Hindi ba tayo delikado diyan. Baka may mga parak sa paligid. Baka asset pa iyan. Sinusubukan lang tayo.Pumasok na lang tayo sa loob pare.” Ang desisyon pa ni Banjo.
Sumangayon naman si Cris. Pumasok na ang mga ito sa loob ng bar. Puno at siksikan ang tao na halos hindi na ma-singitan ng hangin sa dami ng mga kabataan sa loob. Nag vip ang dalawa upang makaiwas sa siksikan. Pinaakyat ang dalawa sa taas ng waiter at iginiya sa kanilang upuan. Doon katabi nila ang mga prominenteng anak ng mga politiko at negosyante.
Noong una medyo nailang pa si Banjo ,dahil first time lang nito sa ganong lugar. Ngunit nang nadiligan na ito ng alak at nakarami na, naging mas maligalig pa ito kay Cris na panay ang sayaw at sigaw habang nakikisabay sa tugtog ng DJ sa entablado.
Napahinto lang ito ng napansin nito si Cris na may tinitingnan sa kabilang mesa.
“Sino ba ang mga iyan pare, bakit tutok na tutok ka naman sa kanila masyado. Kakilala mo ba ang mga iyan?” Tanong pa ni Banjo kay Cris.
“Siya ang anak ni Paul, si Kid. Tingnan mo nga ano. Sino ang mag aakala na sa kakisigan at gandang lalake ni Kid, bakla pala iyan. Tingnan mo, kung paano siya makipaglaplapan sa kasama niyang lalake, pro na pro.” Sagot pa ni Cris.
“May problema ka ba sa mga bakla pare?”
“Wala naman, nagulat lang ako sa nakita ko. Anyway, ang mabuti pa magdadagdag tayo ng pampa boast ng saya natin. Wait lang pare, babalikan kita.” Sabi pa ni Cris at pansamantala nitong iniwan si Banjo.
Ilang minuto na ngunit hindi pa nakabalik si Cris, kinabahan na ito, dahil sa pag aalala na baka siya pa ang magbabayad ng lahat ng mga inorder nila. Lalo na nang lapitan na ito ng isang waiter.
“Sir pinapatawag po kayo ni boss, nasa kabilang table lang po sila.” Sabi pa ng waiter kay Banjo.
Ayaw pa sana na sumama ni Banjo, ngunit nang tumayo ang Isa sa mga naroon sa mesang tinuturo ng waiter at kumaway sa kanya. Napangiti na rin ito. Agad na lumapit doon si Banjo at binati ang lalaking kumaway sa kanya.
“Lang hiya pare, nagulat naman ako nang makita ka. Akala ko ba allergy ka sa mga ganitong lugar?” pagsalubong ni Lester kay Banjo.
“Kasama ko si Cris pare.”
“I know, nakita ko nga siya kanina. By the way I want to introduce you to Benito, my friend.” pagpapakilala pa ni Lester sa kaibigan nito kay Banjo. “Type ka niyan pare.” bulong pa ni Lester kay Banjo .
“Ano tingin mo sa akin call boy? Bakit mo ako nirereto diyan pare? “ pabulong din ni Banjo.
“Relax pare, hindi ganun. Basta sakyan mo na lang. Gusto mo ng mapagkakakitaan diba? Ito na iyong sagot sa napag usapan natin.” Sabi pa ni Lester.
“Don’t be afraid dude, I don’t have any bad intentions towards you. We will only talk about business here. Come join us. And we will make a lot of money. Lester pare, mag order kapa ng drinks para kay Banjo.” singit pa ng kaibigan ni Lester na si Benito.
Naging maganda ang usapan nila sa mesang iyon. Nakisabay na rin sa kanila si Cris nang dumating ito. Inumaga na si Banjo nang pag uwi. Lasing pa ito ng dumating sa kanila. Inihatid naman ito ni Benito sakay ng kanyang sasakyan. Ngunit hindi man lang ito makapasok sa kanilang gate dahil na ka kandado na ito, at hindi man lang ito pinagbuksan sa kanila. Napasalampak sa simento si Banjo at napasandal na lang sa kanilang gate.
Bumaba si Benito ,nilapitan nito si Banjo at itinayo.
“Ang mabuti pa, you just come with me. It seems that they really have no intention na pagbuksan ka nila ng gate. Doon ka na magpalipas ng umaga sa akin.” pag alok pa ni Benito kay Banjo.
At doon na nga nagpababa ng amats kay Benito si Banjo. Sa sobrang kalasingan at sa tinira nitong druga, halos lantang sitaw na si Banjo na hindi ito makatayo at makalakad ng maayos. Sa tulong ng mga tauhan ni Benito, binuhat nila si Banjo at dinala sa silid na itinuro sa kanila ng lalake.
“Napapadalas yata ang pag uwi mo ng late, at may bitbit ka pang pasalubong. Is that for me?” tanong ng isang lalake kay Benito. Naka robe lang ito na nakabukas at wala man lang itong ano mang panloob sa katawan. May malaking albino phyton na nakasukbit sa mga balikat nito,at may hawak itong red wine sa kamay. Lalaking lalake ang tindigan ng katawan nito dahil sa mga hulmadong muscle nito. Ngunit manipis ang kilay at may mataas na false eyelashes sa mata. At pumipilantik ang mga daliri na humahagod sa ulo ng kanyang ahas. Kumakambiyo din ang balakang nito habang papababa ng hagdan.
“Akin siya. and don’t make any mistake of messing with him. Siya nga pala, ano itong nakarating na balita sa akin,may mga kumakalat na na pink bubbles sa mga bars lalo na sa district. May alam ka ba dito Fabio?” pagsalubong na tanong ni Benito kay Fabio.
“May kanya kanyang pinagkakaabalahan tayo. You have yours, and I have mine. It’s not my habit to interfere in business that isn’t mine. You know me. Sirena ang kapatid mo. The sea is mine and I leave the land to you. Maliban sa gubat siyempre, akin ang lahat ng hayop sister Benny “ tugon pa nito kay Benito.
“Just make sure lang, that you have nothing to do with it. Dahil hindi mo gugustuhin na ako ang makakalaban mo. if I find out na pati ako kinakalaban mo na. Kalimutan mo ng magkadugo tayo.” paalala ni Benito sa kapatid.
““don’t worry dear, I will try to find out kung sino ang mga umaahas sa iyo at sa negosyo mo. Kapatid mo ako and I will not be a threat to you sistah. Even in your business.” tugon naman sa kanya ng kanyang kapatid.
Anak sina Fabio at Benito ng isang kilalang business tycoon at drug lord na Intsik. Magkapatid sila sa ama. Pinay ang Ina ni Fabio at Pinay-intsik naman ang Ina ni Benito.
Naging malapit si Banjo sa magkapatid, lalo na kay Benito. At sa mga tulong ni Benito kay Banjo unti-unting nag bago ang lifestyle nito. Hindi na ito umuuwi sa kanila. Dahil ikinuha ito ni Benito ng sariling condo. Naging maayos ang buhay ni Banjo sa piling ni Benito. Naging lihim ang relasyon ng dalawa na tanging si Lester lang ang nakakaalam. Dumating na sa punto na unti-unti nang binubuksan ni Benito ang lahat ng sekreto nito kay Banjo. Pati na Ang mga iligal na negosyo nito.
Sa biglaang pag angat ni Banjo, at sa kabila ng kanyang pagbabago. Hindi parin ito naging kalugod lugod sa mata ng kanyang ama. Lalo na ng naaktuhan mismo ang kahalayan na ginagawa nila ni Benito sa loob ng kotse nito.
Gabi na noon ng papauwi na Ang ama ni Banjo galing palengke, nang madaanan nito ang nakaparadang kotse sa gilid ng eskuwelahan. Madilim sa bahagi na iyon dahil sa hindi na abot ng poste ng ilaw ang parte kung saan naka park ang itim na kotse. Dagdag pa ang makakapal na dahon ng punong mahugani sa magkabilaang daan na tumatakip sa liwanag ng poste.
Noong una hindi ito pinansin ng ama ni Banjo. Ngunit nagulat ito ng bigla na lang gumalaw ang kotse na tila ba niyuyugyog ng malakas. Kinutuban ito. At may pakiramdam na may ginagawang kalaswaan ang sino mang nasa loob ng kotse na iyon. Iiwas na sana ito at tatawid na lang sa kabilang daan ,nang biglang bumukas sang ilaw sa loob ng kotse. At dahil katabi niya lang ito, kitang kita nito ang mga tao sa loob.
Halos masuka ito sa tagpong kanyang nakita. Tinitira si Banjo ni Benito patalikod. Kitang kita pa ng ama ni Banjo ang reaksiyon nito na tila ba ay sarap na sarap sa ginagawang pagbayo sa kanya ni Benito. Sa galit ng ama nito ,dumakot ito ng malaking bato at binato sa kotse. Dahilan para umalarma ito. Nagulat naman ang dalawa sa loob. Nang akmang sisitahin na ito ni Banjo nang lumabas ito. Namutla ito nang makita ang ama na galit na galit ang mukha.
“Mga bastos, mga baboy!” Ang naiwang salita ng ama ni Banjo.
Lumalim pa ng husto ang lamat ng mag ama. Inakala ni Banjo na ang kahirapan nila ang balakid kung kaya hindi ito matanggap ng ama. Kung kaya pinasok na nito ang iligal na negosyo , ang pag benta ng druga. Gamit pa din ang kanyang katawan.
“Nakita kita kasama ang asawa ni Bragaez. Akala ko ba masama ang pakiramdam mo kaya hindi mo ako masamahan. Iyon pala may minamasa kang iba. Ano ang ugnayan mo sa asawa ni Bragaez? “ usisang tanong ni Benito kay Banjo.
“Ano ka ba, it’s all about business. Para din ito sa atin, sa iyo. Alam mo naman ang mga koneksiyon ng asawa ni Bragaez, mga artista, kung ma penetrate natin sila mas makikilala tayo at lalawak ang market natin. Eventually ma papatumba na natin ang mga kakumpetinsiya mo.” paliwanag pa ni Banjo kay Benito.
“Hindi ako tanga, I know if the person in front of me is fooling me. Kaya huwag mo na akong paikutin pa sa mga kasinungalingan mo. Minahal kita Banjo , alam mo iyan. At alam mong galit ako sa mga traidor. Bakit ka nagdididikit ka kay Fabio. Talaga bang kinakalaban mo na Ako?” Ang galit pa na tugon ni Benito.
“Nakikipagkaibigan lang sa akin si Fabio, Ben. Nasa sa iyo ang katapatan ko. Pero kung ganito rin lang na pinag iisipan mo ako ng Hindi maganda, mabuti pa tapusin na natin ito.” Sabi pa ni Banjo.
“Nagmamalaki ka na, tandaan mo hindi mo pa alam ang pinasok mo. Pero sige…kung gusto mong tapusin natin ito. I won’t stop you. Pero alalahanin mo wala ka ng proteksiyon pagkalabas mo dito.Hindi ka kawalan sa akin.” huling tugon pa ni Benito bago ito umalis sa restaurant na pinagtagpuan nina Banjo at sumakay na ito sa kanyang kotse.
Simula nang magkahiwalay sila ni Banjo at Benito, naging makipot na ang daan nito. Nakailang beses na itong muntikang malagay sa piligro ng minsan ng ma raid ang bar na nagsisilbing tambayan nito at ginagawang drug den ng grupong kanyang sinasamahan. At ang pagkasangkot nito sa mga sindikato ay mahigpit na lihim sa kanyang mga matalik na barkada, maliban kay Lester na tulad ni Banjo na nasa sabak din ng sindikato.
“So paano ngayon iyan pare, wala ka nang proteksiyon. Kinana mo pa kasi si Benito. Alam mo naman na siya ang mayor pag dating sa bintahan ng druga dito. Tapos sinulot mo pa. Gahaman ka din kasi eh.” Sabi pa ni Lester ng mag kausap sila ni Banjo.
“Nais ko lang naman kumita ng extra, alam mo na para sa mga magulang ko sa pamilya ko. Ayuko namang matali ng forever kay Benito. Masyado siyang seloso, possessive di gaya ni Fabio. “ ayon pa kay Banjo
“so tama pala ang bulalas sa akin ni Benito, kinakalantari mo din ang kapatid niya. Iba ka din pare, wala kang takot. Alam mo ba kung sino ang mga iyon? Lalo na si Fabio?” tugon na tanong pa ni Lester.
“Ang landi ko naman sa titulong mangangalantari, Wala kaming relasyon ni Fabio, nakikipag kaibigan lang iyon sa akin. Magkasundo lang kami. Tinulungan niya akong ma exposed sa ibang kalakaran nila. Bakit pare, ano pa ba ang alam mo sa kanila?” Sabi pa ni Banjo.
“Huwag mo ng alamin pare, at huwag mo na din subukang alamin. Baka mapasubo ka. Siya nga pala pare, hindi naman ba nagtataka ang tropa sa biglaang pag boom ng career mo?” tanong pa ni Lester.
“Nagtatanong., sinabi ko na lang na may trabaho na ako, Hindi naman mausisa ang mga iyon. At kahit na malaman pa nila, wala naman silang magagawa choice ko naman ito. At buhay ko ito.” ayon pa kay Banjo.
“Talaga ba? sana nga lang ganun. Kung alam mo lang ang tingin sa iyo nina Nicolo at Angel. Kaya lang naman close ang mga iyon sa iyo kasi nauutos utusan ka nila.Hindi mo lang napapansin kasi masyado kang nabibilib sa kanila. At si Kurt ,bait baitan lang iyon pero ang totoo naiinis iyon sa iyo.”
“Iba na yata ang mga tirada mo pare, hindi ganun sila, matagal na kaming magkakasama. Oo iba ang estado ko sa buhay kumpara sa kanila pero mga totoong kaibigan sila. At paano mo na sasabi ang mga iyan eh ngayon ka lang sumipot sa tropa. Kung hindi dahil kay Tony, Wala ka naman talaga sa grupo. At tigil tigilan mo na nga iyan, daig mo pa ang babae kung gumawa ng tsismis.”
“Hindi Ako umiipal sa tropa niyo pare, sinasabi ko lang sa iyo Ang narinig ko at nalalaman ko. Nakikita ko lang ang sarili ko sa iyo. Nasa sa iyo na iyan kung maniwala ka o hindi.” Sabi pa nito kay Banjo.
“Matanong ko lang pare, matagal ka na ba sa grupo nila, alam ba ito ni Tony?” tanong ni Banjo, hindi nito maiwasan ma curious kung bakit sa tila kilalang Kilala na nito ang magkapatid na Benito at Fabio.
“Bago pa lang ako tulad mo. Pero matagal ko nang kakilala si Fabio, siya ang tumulong sa akin ng muntikan na akong makulong dahil din sa drugs. Mula noon pinasama na niya ako sa mga tauhan niya. “
“Eh sa kuya Tony mo, alam ba niya?” tanong pa ni Banjo.
“Paki alam naman nun sa akin. May kanya kanyang buhay na kami. Wala na kaming paki alaman sa isa’t isa. Paalala lang pare ngayong wala kana kay Benito, mag-ingat ka. Hindi basta basta nakakalimot Iyon.” babala pa ni Lester.
Binawi ni Benito ang ibinigay na condo nito kay Banjo, kaya napilitan itong lumipat sa mas maliit na unit at mura. At dahil may mga nakilala ng mga malalaking pangalan si Banjo, naging madali na lang sa kanya ang pagbangon. Bukod sa iligal na pag benta ng druga, naging puhunan at pang collateral na rin nito ang kanyang katawan sa mga prospect at customer. At sa artistahing dating nito, pinasok na rin nito ang pag e-escort. Kahit papano natutustusan naman nito ang kanyang layaw. Naging maganda ang mga simula ni Banjo matapos ito kumalas sa relasyon nila ni Benito. Hanggang sa nabalitaan na lang nito sa balita sa tv na namatay ito. Natagpuan na lang ang katawan ni Benito sa bathtub ng sarili nitong hotel na wala ng buhay. Ayon sa ulat , overdose daw ang ikinamatay ni Benito. Hindi na pina imbestigahan pa ni Fabio ang nangyari sa kapatid at agad din naman niya itong Pina cremate.
Nakahinga ng maluwag si Banjo, dahil nawala na ang bubog sa kanyang mga paa. Malaya na itong makakalakad na walang iniindang takot na baka balikan ito ni Benito. Naging laman na ng mga mamahaling bar si Banjo. At minsan ,siya na mismo ang nagyayaya sa mga tropa nito sa mga lugar na dati ayaw niyang puntahan.
Minsan, umuwi ito sa bahay, sa kanyang mga magulang. Ganun pa din ang ayos ng bahay, Wala man lang may nag bago. Indikasyon na hindi talaga ginamit ng kanyang ama ang perang iniwan nito sa kanyang kapatid. Mula sa sakay nitong sarili ng sasakyan bumaba si Banjo. Bitbit nito sa mga kamay ang mga pasalubong para sa magulang at mga kapatid. May ibinaba pa itong kartong -karton na mga groceries.
Kumatok ito sa kanilang gate, ngunit humaba lang ang leeg nito pero Wala man lang ni Isa Ang nagbukas nito sa kanya. May lumapit na babae sa kanya, si Mayet kapitbahay nila. Sinabi nito may isang buwan ng lumipat ng bahay ang mga magulang nito. At iba na ang nakabili sa kanilang bahay.
“Alam niyo ho ba kung saan sila lumipat?” tanong pa ni Banjo.
“Hindi ko alam, walang nakakaalam dito. Basta bago sila umalis may nagpunta ditong mga lalake. Gabi iyon. Kinabukasan umalis na sila. Naku Banjo asensado ka na talaga ang gara ng kotse mo,pang mayaman.”
“Sinuwerte lang ho.”
Umalis si Banjo na may bigat na pasan sa kanyang dibdib. Talagang ayaw na ng kanyang pamilya sa kanya. Pinuntahan nito ang ama sa kanilang puwesto sa palengke. Inabutan nito noon Ang kanyang Ina. Bigla siya nitong niyakap. Ipinagtapat ng Ina Ang dahilan ng kanilang pag alis. Isang grupo ng mga armadong lalake ang pumunta noon sa kanila at hinanap siya. Sa kalagitnaan ng pag-uusap ni Banjo at ng kanyang Ina ,pasugod namang dumating ang ama nito. At agad siya nitong sinapak sa mukha. Galit ito.
“Umalis ka ditong hayop ka! Wala akong anak na baboy, hindi namin kailangan Ang Pera mo. Perang galing sa pagpuputa! Umalis ka dito, hindi mo na kami binigyan ng kahihiyan, pinag yayabang mo ba ang kababoyan mo. Layas!” bulyaw pa ng ama.
Sa pagtakwil ng ama nito kay Banjo. Nagtanim ito ng puot sa ama.At dahil narin sa nangyari nagdulot ito ng labis na lungkot sa kanyang Ina. Nagkasakit ito at namatay. Sa araw ng burol ng Ina, sa ikatlong pagkakataon pinagtabuyan muli ito ng kanyang ama. Sa kanya parin sinisisi ang pagkamatay ng kanyang Ina. Salot Ang tingin ng ama nito kay Banjo.
“Hayaan mo na ang tatay mo pare, balang araw marealize din nun ang halaga mo. Bakit ba kasi ganun na lang ang galit niya sa iyo?” tanong ni Angel kay Banjo.
“Ewan, hindi ko alam. Matagal din kasi akong walang trabaho, siguro ganun.” tugon pa ni Banjo.
“iinom mo na lang iyan pare, move on. Kaya mo na ngayon mag-isa. May Pera kana pare. At huwag mo nang isipin na Wala kang pamilya,kami na ang pamilya mo noon pa man.” Sabi pa ni Kurt ,sabay abot ng beer kay Banjo.
“Siya nga pala, napansin ko na madalas kayong magkasama ni Lester, may sinisekreto ba kayo sa amin?” tanong naman ni Curt kay Banjo.
“Wag niyo nang gawan ng isyu ang bagay na iyan. Buti pa nga si Lester ,palagi siyang nandiyan pag kailangan ko ng kasama. “ tugon ni Banjo.
“Tingnan niyo ito mga pare parang ingot. Alam mo namang may mga personal na obligasyon din kami. Di naman kami katulad ni Lester na panay tambay lang ng bar. “sabat pa ni Nicolo sa kanila.
“Hayaan niyo na nga si Lester, wala namang ginagawang masama sa atin ang tao. Aminin niyo nga sa akin mga pare,ayaw niyo ba kay Lester?“tanong pa ni Banjo sa mga kaibigan.
“Eh ang kuya niya nga hindi ok sa kanya, kami pa? Tatapatin na kita pare, duda talaga ako sa galaw ng bituka nun. Malihim, maging si Tony hindi makuha ang timpla ng kapatid.” dagdag pa ni Nicolo.
“Next month libre ako, balak ko sanang mag out of town tayo. Mamundok. Mag unwind at mag relax. Mag camping tayo. I know a place, sa Lakawon. Escape muna tayo sa stress.” Mungkahi pa ni Angel.
“Tamang tama iyan pare matagal na tayong hindi nakapag celebrate ng sabay. Kol kami diyan. Ipapaalam ko agad ito kay Tony para makapag adjust ito sa schedule niya.” pagsang ayon agad ni Kurt.
Napapayag din si Banjo. Kinasa ng magbarkada ang naisip nilang plano.Naging maganda Ang simula ng kanilang plano, kumpleto ang lahat. Nasa lugar na sila kung saan nila plano mag trekking at mag camping. Ngunit ang masaya sanang bonding ng magbabarkada ay biglang nabalot ng pangamba at panganib. Isang bagyo ang sisira sa kanilang masayang araw. Bagamat may panganib na dulot ng bagyo, tumuloy parin Ang mga ito.
Hanggang sa nangyari ang hindi inaasahang trahediya. Nawala sa gubat si Lester at pinaniniwalaan na tinangay ito ng malakas na daluyong ng ilog. Ilang araw din ang ginawang pag hahanap sa katawan ni Lester, ngunit hindi nila ito natagpuan. Ikinalungkot ng lahat ang nangyari kay Lester, ngunit mas dinibdib ito ni Banjo..Siya kasi ang nag imbita kay Lester na sumama sa nasabing outing. At sinisisi nito ang sarili sa pagkawala ni Lester.
“Mahigpit isang buwan ng walang balita kay Lester, masakit man kailangan na nating mag move on pare. Tanggap ko na nawala na ang kapatid ko. Kaya tanggapin mo na rin na wala kang kasalanan pare. Aksidente ang lahat. Pakawalan na natin si Lester, para matahimil na rin iyon kung nasaan man siya.” Ayon pa kay Tony, na pilit na pinapagaan ang nararamdaman ni Banjo.
Matagal bago natanggap ni Banjo ang lahat. Ngunit sa pag usad ng mga araw at mga buwan,Ang nangyaring iyon ay unti-unti ng nakalimutan. Nagpatuloy ang buhay ng magbabarkada. Lalo na si Banjo. Dumating Ang buwan ng kaarawan ng mag babarkada. Iisang buwan lang Ang kapanganakan nila. Bagay nagpapatibay sa kanilang samahan.
“Next month na ang mga kaarawan natin mga pare, ano ang plano?” tanong ni Kurt sa lahat.
“Sa condo ko, mag hire tayo ng mga babae, mag enjoy ,full straight isang linggong walang hinto-hinto” mungkahi agad ni Cris.
“Mag out of town kaya ulit tayo mga pre?” tanong pa ni Angel.
“Ayan na naman kayo, hindi pa ba tayo nadala sa nangyari noon? At itong si Banjo, siguradong hindi ito papayag.” Sabi pa ni Cris.
“Hindi kaya time na din para harapin natin ang takot. Best way din ito para makapag move on tayo, Lalo na itong si Banjo.” sabat pa ni Nicolo.
“May point ka pare, life must go on. Sige payag Ako. Saan tayo?” nakangiting tugon ni Banjo.
“Ok iyan pare, may suggestion Ako, why not mag island adventure tayo. I know this desert island na tiyak magugustuhan niyo mga pare.” Ang sabi naman ni Tony.
At sakay ng demotor na bangkang panlayag, tinungo nila Ang isang Isla na kung tawagin Isla Libogantes.
Paglalayag sa kasinungalingan
“Bukas na ang alis namin, nakahanda na ang lahat Tatang”
“Ikaw na ang bahala sa kanila, si Amir huwag mong ilayo sa paningin mo. Umaasa ako sa iyo Claudio.”
“Napansin ko nga pala si Manuel, tingin ko minamanmanan niya ang kilos namin. Ano sa tingin mo?” tanong ni Claudio.
“Hayaan mo siya, ang kanyang kilos ang pagdadala sa kanya sa kanyang kapahamakan.” Tugon naman ng matanda.
Tuloy na ang binabalak nilang pag tulong kina Angel at Benson. Handa na sina Tony at Nicolo na harapin ang panganib na makakasalubong nila sa pag punta nila sa polo. Habang naghahapunan napag usapan nila ang mga gagawing plano kapag nakarating na sila sa polo.
“kami ni Claudio ang unang magpapakita sa mga nagbabantay sa Isla. Hindi nila kami paghihinalaan doon dahil madalas na rin kaming pumupunta roon.” Paglatag ni Amir ng kanilang gagawin.
“Hintayin niyong dumilim tsaka kayo lalabas ng tolda. At hanggat walang hudyat mula sa Isa man sa amin ni Amir, walang kikilos sa Inyo.” Sambit pa ni Claudio.
“Kung ano ang nakakabuti sa plano. Kayo Ang mas nakakaalam sa lugar na iyon.” tugon ni Tony.
“Kamusta na kaya Ang dalawa?” pagkaalala bigla ni Nicolo nang maisip sina Angel at Benson.
“Ayaw ko mang bigyan kayo ng maling pag-asa, manalig na lang tayo na walang masamang nangyari sa kanila.” tugon ni Amir kay Nicolo.
“Sana nga, dahil sa higpit ng seguridad sa polo, swerte at himala na lang ang tutulong sa dalawa.” sabat pa ni Claudio.
Sa labas ng bahay naroon si Manuel at narinig nito lahat ang plano ng apat. Sa natuklasan ni Manuel nabigyan ito ng pag asa upang maisakatuparan ang matagal na nitong gustong gawin simula nang mapadpad ito sa Isla na iyon.
Umuwi ito sa tinutuluyang Kubo at agad na naghanda ng mga gamit at kagamitang gagamitin nito sa kanyang sariling plano. “Makakalaya narin ako sa Isla na ito.” sambit pa nito sa sarili.
Abala si Manuel sa kanyang ginagawa at hindi nito namalayan ang pagpasok ng isang lalake sa kanyang kubo. Gamit ang isang hawakan ng mahabang baril hinampas nito sa ulo si Manuel habang nakatalikod. Bumulagta ito at napasubsob sa kanyang higaan.
Dalawang katao pa ang sumunod na pumasok sa kubo nito.
“ibiyahe niyo na iyan. Para naman may babati sa mga panauhin natin bukas” Utos pa ng naunang lalake na humataw kay Manuel
Kumilos ang dalawa at binitbit Ang walang malay na si Manuel.
Pabalik sa kanila ni Amir, napansin ni Nicolo na bigla na lang nawala si Claudio doon. Hinanap niya pa ito sa palibot ng kubo ni Amir. Tinanong din nito ang batang si Dantoy, ngunit wala din itong alam.
“Nagpaalam na si Claudio na umuwi sa kanyang kubo, kailangan din iya ihanda ang para sa kanya bukas.” Biglang salita ni Amir nang marinig kay Nicolo ang pagtanong nito kay Dantoy.
Tumango na lamang si Nicolo. Lumabas ito ng kubo at pinuntahan si Tony na nuoy nasa dalampasigan naka tingin sa gagamitin nilang bangka papuntang polo.
“Saan ba tayo dadalhin ng mga pangyayaring ito pare, Sa dami ng mga pinagdaanan natin, pakiramdam ko nasayang lang lahat ng effort ko sa buhay. Hindi ko maiwasang tanungin ang sarili ko kung may bukas pa bang nakalaan sa akin.” wika pa ni Tony .
“Tulad mo bumabagabag din Ako ng walang kasiguraduhan. Ngunit nang marinig ko kay Benson na buhay sina Kurt,kumapit Ako sa gabutil na chance na makakaahon din tayo sa masalimuot na alon na ito. At sabay nating malalampasan ito. Tatapusin natin ito.” ayon pa kay Nicolo na niyakap na lang si Tony mula sa likuran ng mahigpit.
Ang tagpong iyon ay kita ni Amir mula sa kinatatayuan nito. Nakikita niya sa dalawa ang kanyang sarili noon kasama ang dating taong mahalaga sa kanya, si Migs. Lalong sumidhi ang kagustuhan ni Amir na gawing katuparan Ang lahat ng kanilang plano.
Samantala, nagkakagulo ang lahat ng mga gwardiya at miyembro ng BlackPearl sa polo dahil sa natuklasan na ng Isa sa mga gwardiya ang ginawang pagpaslang ni Angel sa dalawang gwardiya ng pasilidad na iyon.
“Hanapin niyo kung sino ang may gawa nito! Walang hihinto hanggat hindi ko nakikita ang ulo ng mga may gawa nito!” Ang galit na galit na utos ni Fabio sa kanyang mga tauhan sa Isla.
“Wala silang nakitang kahinahinala na nakunan ng CCTV boss, may hinala kami na narito lang sa loob ang mga may gawa nito. Minumungkahi ko na paimbetigahan natin ang mga bagong dating na guwardiya, may hinala ako na Isa sa mga ito ang may kagagawan nito.” Bulalas pa ng isang tauhan ni Fabio.
“Eh di hanapin niyo!!! Mga inutil! Iharap niyo siya sa akin! kung hindi nais na kayo ang makakatikim ng ngitngit ko!” bulyaw pa ni Fabio sa mga tauhan nito.
Nang makaalis ang mga tauhan ni Fabio, Ang siyang lapit naman ni Lester sa kanya. May bagay itong naitanong kay Fabio. Sa pag ikot-ikot kasi ni Lester sa pasilidad nakita nito ang dating kaibigan na ngayon Isa nang miyembro ng guwardiya doon. Si Banjo.
“Bakit dito niyo nilagay ang tatlo, at ginawa niyo pang guwardiya mo dito si Banjo. Hindi sa nag iisip ako ng masama. Baka magiging problema lang natin sila. “ sambit pa ni Lester.
“Ganyan mo ba tratuhin Ang mga kaibigan mo?Alam ko ang iniisip mo Maskara. Pero sa totoo lang malaki ang pakinabang ko sa mga iyan.Hindi man naging maayos ang kinalalabasan ng nangyari sa Isla Libogantes. Dahil sa kanila nabigyan ako ng panibagong ediya. At si Banjo, siya ang magiging bida sa palabas na ito Maskara.” pagsisiwalat pa ni Fabio.
“Ano ang ibig mong sabihin?” tanong ni Lester
“Malalaman mo sa takdang panahon. At kakailangan kita sa araw na iyon, Maskara.” tugon lang ni Fabio at ngumiti ito.
Hindi na tumugon pa si Lester sa sinabi sa kanya ni Fabio. Ang mga nakita nitong ngiti sa mukha ng leader, indikasyon ito may nakahanda nang plano si Fabio. Samantala, muli nang nag kamalay na si Manuel. At nagising ito na sakay na ng isang bangka at nasa gitna na ito ng laot,nakagapos.
“Nasaan Ako! saan niyo Ako dadalhin! Gardo ,Luncho, ano ito? “ pagtatakang tanong ni Manuel nang makilala Ang mga dumukot sa kanya.
“Dumating na ang oras mo Manuel,huwag ka mag alala hindi ka mag iisa sa pupuntahan natin. At tiyak mag i-enjoy ka doon.” Ang natawang tugon ni Luncho kay Manuel.
“Ano ang ibig niyong sabihin? Saang lugar? at sino ang nag utos sa Inyo?! pakawalan niyo ako dito?” pagpupumiglas pa ni Manuel.
Ngunit wala din itong nagawa kung hindi ang maghintay sa sulok ng bangka. Pabalik sa Isla, sa kubo nina Amir.Maagang nagising si Amir nang marinig na may nag uusap sa labas ng bakuran. Sinilip niya ito at doon nakita nito si Claudio na may kinakausap na mga tagaroon. May pagtataka sa panig ni Amir kaya lumabas ito at tinawag si Claudio. Natigil ang usapan ng mga ito nang lumapit na sa kanila si Amir. Nang mapansin si Amir, dumistansya Ang mga ito.
“Ano ang pinag uusapan niyo Claudio?” tanong agad ni Amir nang lumapit ito sa kanila.
“Kakailanganin natin sila upang hindi tayo paghihinalaan ng mga bantay ng polo. Kung mag Isa tayong lalayag , mapupukaw natin ang atensiyon nila. Ngunit kung may kasama tayo,iisiping nila na naroon tayo para sa torneyo.” paliwanag pa ni Claudio kay Amir.
Hindi naman kumuntra si Amir dahil sa nakita nito ang punto ni Claudio. Oras na ng mga manlalayag para mag palaot. Ginising na ni Amir sina Tony at Nicolo upang maghanda na para sa pag sisimula ng kanilang misyon. Nang makasampa na ang lahat sa bangka muling nag bilin ng ilang mahahalagang bagay si Claudio para sa lahat.
“Gaya nang napagplanuhan, mananatili kayo sa loob ng tulda sa buong paglalayag natin. Kunting pag titiis para sa malaking tagumpay.”
“Naiintindihan namin Claudio. Susunod kami kung iyon ang makakabuti.” pag sangayong tugon ni Nicolo sa paalala ni Claudio.
Buo ang tiwala ng tatlo na sa tulong ni Claudio maililigtas nila ang mga kaibigan sa bisig ng mga kalaban. At sa hudyat ng mga naunang bangkero, pinaandar na ni Amir ang motor ng bangka nila. Pumuwesto na ang lahat ng mag simula na sila mag layag.
Sa kalagitnaan ng laot, pinalabas saglit ni Claudio sina Tony at Nicolo sa pinagkukublian nilang tulda. Inalok niya ang mga ito ng mainit na tsaa
“Malamig ang panahon dito sa laot, nagdala ako ng mainit na tsaa,” Sabi pa ni Claudio sabay buhos ng dalang tsaa mula sa thermos na dala nito sa mga tasa nila Tony, Amir at Nicolo.
May galak na tinanggap ng tatlo ang alok ni Claudio.
“Malayo pa ba ang polong sinasabi niyo Claudio?” tanong ni Nicolo.
“Hindi naman ka layo, pero kung nais niyong magpahinga muna, Sige matulog muna kayo, madilim pa. Kailangan may sapat kayong lakas pagka dating natin sa polo.” tugon pa ni Claudio.
Balik sa pasilidad,nagtagpo muli ang landas nina Lester at Banjo. At nang makita ni Banjo si Lester hindi nito napigilan ang kanyang sarili at pinadama nito sa kanya ang kinikimkim nitong galit.
Dumugo ang ilong ni Lester sa lakas ng suntok na pinakawalan ni Banjo sa kanya. Duguan din ang bibig ni Banjo sa ganti sa kanya ni Lester.
“Hayop ka, ano Ang kasalanan namin at pinagkalolo mo kaming mga kaibigan mo!” bulyaw pa ni Banjo kay Lester.
“Hibang ka, bakit sa akin mo sinisisi ang bagay na Ikaw ang may gawa. Baka naka limutan mo ang usapan natin. O baka gusto mo ipaalala ko pa sa iyo ang lahat.” sambit pa ni Lester
“Wala sa usapan natin na may masasaktan.” Sabi pa ni Banjo
“Hibang ka kung iyan ang paniwala mo, ano sa tingin mo, simpleng paglalaro lang ang gagawin natin doon? Unang una pa lang Banjo, alam mo na ang pinasok mo. Hindi ka naman siguro bobo.” Tugon ni Lester.
Natigilan ang dalawa ng dumating si Fabio.
“Ganito ba magbatian Ang magkakaibigan, nagbabasagan ng mukha?” sambit ni Fabio nang lumapit ito sa dalawa. “Isantabi niyo na muna ang pangungulila niyo sa isa’t isa dahil may mas mahalaga pa akong ipapagawa sa inyo. Sumunod kayo sa akin.” Sabi pa ni Fabio sa dalawa.
Sumunod ang mga ito kay Fabio sa isang silid at doon muli nakaharap ni Lester sina Cris at Kurt. Nakapiring ang mga mata nito, may busal sa kanilang mga bibig at nakatali Ang mga kamay.
“Ano Ang ibig sabihin nito, bakit nandito sila? Ano ito?” nagulat na tanong ni Banjo nang makita doon ang dalawang kaibigan. Agad naman nagpupumiglas sina Cris at Kurt nang mabosesan si Banjo.
“Hindi ba at nangako Ako sa iyo na, iuuwi ko na sila sa kanila? Well ito na ang araw na iyon. At nais ko na Ikaw na ang maghatid sa kanila.” tugon naman ni Fabio sa tanong ni Banjo.
“Bakit nakaparing parin sila at nakagapos?” Tanong muli ni Banjo.
“Parang hindi mo naman alam ang protocol ko dito. Hindi nila dapat malaman ang lugar na ito, hindi nila dapat malaman kung paano matunton ito at kung saan ito. Pasensiya na kung napahaba ang bakasyon niyo sa paraiso ko. At gaya ng pangako ko, this is it. Makakalaya na sila.” pagpapaliwanag pa ni Fabio.
“Nasa daungan na ang sasakyan ninyo pabalik sa siyudad. Maskara ihatid mo na sila sa daungan. Siguraduhin mong ligtas Ang kanilang pagbabalik. Alam niyo na ang gagawin.” Ang bilin pa ni Fabio bago pinalabas mula sa loob ng silid ang apat.
Tangan ni Banjo si Kurt at si Cris naman kay Lester. Ngunit habang naglalakad ang mga ito sa pasilyo palayo sa silid ni Fabio, tila bumabagabag si Banjo ng kanyang isip. Hindi ito mapakali. At kahit sinabi sa kanya ni Fabio ang magandang balita, hindi parin ito naniniwala sa sinsiridad nito. Nagkasulyapan sila ni Lester at hindi nito nagustuhan ang mga ngiti nito sa kanya. Ngunit nag timpi ito.
Nang makadaan sila sa isang sulok ng pasilyo, bigla na lang nagdahilan si Banjo kay Lester na may kukunin ito. Tinawag nito ang Isa sa mga bantay upang humalili sa kanya kay Kurt.
“Siguraduhin mo lang na wala kang binabalak na masama, baka sa halip na makalaya sila dito, sa langit ang hantungan nila.” paalala pa ni Lester kay Banjo.
“Mabilis lang ako, susunod din agad Ako sa daungan.” pagsigurong sagot ni Banjo.
Bumalik si Banjo sa dinaanan nila at tinungo ang isang hallway na hindi madalas dinadaanan ng mga tagaroon. Lingid kay Banjo pinasundan siya nito ni Lester.
Papalabas na sila ng pasilidad nang muling tumunog ang mga alarma. Nagkagulo ang lahat ng naroon sa loob. Napahinto sina Lester, tinanong nito ang isang gwardiya at napaalaman nito na nasusunog ang kusina ng canteen. Hindi na iyon pinansin pa ni Lester dahil kampante ito na hindi basta basta matutupok ng apoy ang pasilidad. Lalo na nang marinig pa nito sa iba na apolado na Ang sunog.
Nang marating ang daungan, may sinabi si Lester sa dalawa, Cris at Kurt.
“Akala niyo ba makakalaya pa kayo ng buhay dito? Hindi. At kung sa akala niyo, maililigtas kayo ng kaibigan niyo, nagkakamali kayo. Pinaglalaruan niya lang kayo. Matagal na naming miyembro si Banjo. At siya ang dahilan kung bakit nandito kayo sa amin. Akala niyo ba, tinuring talaga kayo ni Banjo na mga kaibigan? …Matagal nang may inggit sa Inyo si Banjo alam niyo ba iyon? Ako, alam ko. Ipinagbili na kayo ng kaibigan sa amin upang gawing laruan para munti naming playground. Ops mukhang masyado ko na yatang nilalag sa Inyo si Banjo, kawawa naman.” pagsiwalat pa nito sabay tawa.
At bago paman sila naka akyat sa bangka, dumating si Banjo. May galit parin ang tingin nito kay Lester. Bukod sa kanilang dalawa may apat pa silang kasamang lalake na armado ng mga baril, bukod pa sa nagmamaneho ng bangka.
“Mabigyan lang Ako nang pagkakataon ipapalulon ko sa iyo ang lahat ng bala ng baril na ito. Traidor.” Ang gigil na sambit ni Banjo kay Lester.
“Subukan mo, dahil bago mo pa magawa iyan. Hindi lang bala ng baril ko Ang mababaon sa katawan mo. At huwag mo akong tawaging traidor, dahil kung may Isa man sa atin na dapat nagtataglay ng salita na iyan ay Ikaw iyon. “ pabulong na tugon ni Lester kay Banjo.
Walang kasiguraduhan ang paglalayag na iyon. At alam ni Banjo na hindi ito ang pinangakong kalayaan sa kanya ni Fabio. Hindi din ito makakilos kahit may baril ito. Dahil sa maling hakbang lang nito buhay ng dalawa niyang kaibigan ang malalagot. At habang papalayo na sila sa polo, sumulyap pa doon si Banjo.
Papasikat na ang araw nang sumadsad na sa Isa pang isla ang bangkang sakay si Manuel. Agad siya nito ibinaba sa dalampasigan at doon tinanggalan ng tali sa kamay ni Gardo. Nanglaban pa si Manuel ngunit napaatras din ito nang tinutukan na ito ng baril ni Gardo at Luncho.
“Simulan mo na yakapin ang bago mong paraiso Manuel. Huwag kang mag-alala bibigyan ka din dito ng makakasama.” Sabi pa ni Gardo tsaka bumalik ng bangka.
Hindi na tumugon Ang mga ito sa mga tanong sa kanila ni Manuel. Wala narin nagawa si Manuel nang tuluyan ng nakalayo ang mga ito. Pinaikot ni Manuel ang kanyang paningin sa kabuohan ng Isla. Hindi ito magubat at kukunti lang Ang mga puno, bukod sa iilang puno ng mga niyog, mga bakawan at kanipaan. Maliit lang ang naturang isla. Abot tingin lang Ang magkabilaang dulo nito. Napapaloob ang isla sa mga nagtataasang mga rock formation sa palibot. At sa paglakad lakad pa ni Manuel ilang mga ahas dagat ang nasasalubong nito. May mga bayawak din itong nakita sa mga batuhan sa paligid.
Sinubukan pang suyurin ni Manuel ang gitna ng Isla upang suriin ang kabuohan nito. Nang sa kanyang pagmasid-masid nakatagpo ito doon ng mga bakas ng mga halamang dagat. Indikasyon na sa tuwing darating ang high tide umaabot doon ang tubig sa dagat. Naghanap ito ng mataas na bahagi kung saan posibleng di abot ng high tide. At may nakita nga ito. Agad ito nag hanap ng mga sanga sa paligid upang gamitin ang mga ito bilang marka. Alam ni Manuel na magtatagal siya doon, at Ang tanging ligtas na lugar sa Isla ay yaong hindi naaabot ng dagat.
Narating din nito ang kabilang parte ng Isla, maiksi lang ang sakop ng tuyong buhangin at napapaligiran na ito ng malalaking bato sa paligid. Mabato sa bahagi na iyon at kapansin pansin Ang dami ng ahas dagat na namamahay sa mga butas ng bato. Wala ng iba pang naroon sa buong isla kung hindi mga bayawak at makamandag na ahas dagat.
Hindi na nag aksaya pa ng oras si Manuel, gumawa agad ito ng kanyang masisilungan pag kagat ng dilim. Naghanap na rin ito ng kanyang makakain. Gumawa din ito ng sandata gamit ang mga bagay na makikita niya doon. Matagal na namuhay sa tabing dagat sa isla Buras si Manuel kaya may alam na ito sa kung paano mabuhay sa ganoong sitwasyon.
SAD-SAD
Naalimpungatan si Amir nang may dumapo sa kanyang ibong-,dagat. Napabangon ito nang mapansing maliwanag na ang paligid. Agad nitong napansin na ibang bangka na ang sinasakyan nila. At wala na doon si Claudio.
Agad nitong ginising ang dalawa, Tony at Nicolo na sa mga sandaling iyon tulog pa.
Nang magising ang dalawa nagulat din ang mga ito. Iba na ang sinasakyan nilang bangka,maliit ito at de sagwan. Wala si Claudio at nasa gitna sila ng walang katapusang laot. Wala man lang sila nakikitang ano mang anino ng pulo o Isla , na sana kanilang pakay.
“Anong ibig sabihin nito Amir? bakit wala na si Claudio? Nasaan na tayo?” mga tanong ni Nicolo na puno ng pagkabahala at takot.
“Ang mga tsaa na pinainom niya sa atin, may pampatulog. Nilinlang tayo ni Claudio.” Ang galit na sambit ni Amir.
“Paano na ito? saan tayo pupunta?” Ang nanganambang tanong pa ni Tony.
May isang sagwan lang ang naroon sa bangka, isang gasera at isang malaking box na gawa sa metal na naka kandado. Bukod doon wala ng ano mang laman ang bangka. Kahit isang kurot ng pagkain o bote ng tubig Wala silang mahagilap sa loob. Salitan ang tatlo sa pag sagwan , ngunit pakiramdam nila hindi naman umuusad ang kanilang bangka. Wala parin kasi silang natatanaw na kahit anong Isla man lang sa malapit.
“Hanapin natin sa ilalim ng box baka nandiyan lang ang susi niyan.” Sabi pa ni Tony habang nag sasagwan ito.
“Sinalat na natin itong bangka ,wala tayong nakitang susi. Kung may magagamit lang sana tayong pang pukpok dito sa kandado.” ayon pa kay Nicolo.
“Kailangan na nating makahanap ng Isla, mapanganib na sa atin kung aabutin pa tayo dito ng matagal.” bulalas bigla ni Amir nang mapansin ang mga paikot ikot na mga pating malapit sa kanilang bangka.
Agad na kinuha ni Amir ang sagwan kay Tony at sumagwan ito nang mabilis. Napamura ang dalawa nang makita na hindi lamang Isa o dalawang pating ang lumalangoy malapit sa kanila. Kung hindi marami.
“Ano ba ang balak ni Claudio sa atin, ipakain sa mga pating? “ Ang natatarantang tanong pa ni Nicolo.
“Wala talaga siyang balak na tulungan tayo, kung totoo ang hinala ko siya ang tauhan ng mga taga pulo,upang bantayan ang mga kinikilos ng mga tagaroon. Ngayon malinaw na sa akin kung bakit marami ang hindi na nakakabalik sa Isla. Tama si Manuel, mali ang taong pinagkatiwalaan ko.” Sabi pa ni Amir.
“Talaga bang wala kang alam sa nangyaring ito sa atin Amir? O baka Isa ka din sa nagplano nito? “ Binaling ni Tony kay Amir ang tanong. At pagdududa.
“Sa tingin mo ipapahamak ko ang sarili ko dito na kasama kayo? Gago ka ba? magisip ka nga. Kung plano ko ito, wala sana ako dito, sana hinayaan ko na lang kayo. Parehas tayong niloko dito. “ Tugon ni Amir na napikon sa sinabi ni Tony.
“Tumigil na kayo, walang saysay kung magtalo pa tayo dito at mag sisihan, hanggat nandito tayo sa laot walang kasiguraduhan ang mga buhay natin. “sabat pa ni Nicolo na napasandal na lang sa bangka.
Mataas na ang araw at ramdam na ng tatlo ang init nito sa kanilang balat. Nasa laot parin ang mga ito, ramdam na ng tatlo ang magkahalong, pagod, gutom at uhaw sa kakasagwan. Nang nakakita ng pag asa si Nicolo.
Isang umbok ng Isla ang nakita nito hindi kalayuan lang sa kanila. Tuwang-tuwa ang mga ito. Mabilis na nag sagwan si Amir. Salitan sila ni Tony. Habang papalapit sila sa Isla, tila unti-unting na pawi ang tuwa sa kanilang mga mukha. Nang mapagtanto nina Tony at Nicolo na bumalik sila sa nauna nilang distinasyon.
“Ang Libogantes Island “…pag kumpirma ni Tony.
Wala na silang nagawa kung hindi ang tumuloy sa Isla na iyon. Dahil iyon lang ang nakita nilang Isla sa gitna ng malawak na karagatan.
Habang lumilinaw sa kanila ang kabuohan ng Isla, bumabalik sa alaala nina Tony at Nicolo ang naging karanasan nila doon. Tahimik lang si Amir na nakikimatyag sa paligid. Unang beses pa lang nitong makarating sa naturang Isla. Nang sumadsad na sa dalampasigan ang kanilang bangka, agad na inisip ni Tony ang mga nakakabit noong mga kamera sa paligid.
“Sipatin niyong mabuti ang bawat parte nitong Isla lalo na sa mga puno, baka may mga kamera na naman.” Sabi pa nito.
“Malawak ang Isla na ito, maraming mapagtaguan. Ganitong-ganito din ang dating Isla na pinag dadalhan sa amin noon ng mga taga pulo. “ puna ni Amir sa Isla.
“Huwag na tayong lumayo at lumapit ng husto sa gubat. Dito na tayo gumawa ng magiging pahingahan natin. Bukas na natin susuyurin ang Isla.” ayon pa kay Nicolo, na sinang ayunan naman ng dalawa.
Nanguha agad ng mga buko si Amir upang may maiinom sila at may makain man lang. Gamit ang mga dahon ng niyog na nagkalat doon, gumawa naman ng masisilungan si Nicolo habang abala naman si Tony sa pag sira ng kandado ng box gamit ang bato.
Samantala, mula sa puwesto ni Manuel may nakita ito sa bandang dalampasigan. Agad itong lumapit doon bitbit Ang pinatulis na kahoy. Nang makalapit na ito sa dalampasigan, nagulat ito nang may nakita itong tao doon. Wala itong malay na naka dapa sa buhangin. Pamilyar sa kanya ang suot ng lalake. Uniporme iyon ng mga tauhan sa pulo, na siyang pinaghihinalaan nito na nag dala sa kanya doon. Nilapitan niya ito at pinatihaya. Nakita nito na may sugat Ang lalake sa bandang kanan ng noo nito. Sa kabila ng kanyang galit, tinulungan ni Manuel ang lalake. Hinila niya ito papunta sa tuyong buhangin.
Ginising niya ito ngunit hindi ito magising. Alam ni Manuel na hindi ito galing sa pagkalunod at napadpad lang ito doon. Batid ni Manuel na sinadyang dalhin roon Ang lalake at doon na iniwan. Pansin kasi ni Manuel ang sariwa pa nitong sugat sa noo. Ang ipinagtaka lang nito bakit Wala man lang ito napansin bago pa nito nakita ang lalake.
Ganun pa man kinailangan ng lalake nang tulong at iyon ang ginawa ni Manuel. Pinadaan nito ang lalake at dinala sa kanyang ginawang silungan at hininga doon. Hindi parin ito nagkakamalay. Hinubaran ito ni Manuel dahil sa basa ang suot nito. Unang hinubad ni Manuel ang itim na damit ng lalake. Nang wala na itong pantaas, napatitig si Manuel sa ganda ng katawan ng lalake, lalo na sa malapad nitong dibdib na mamula-mula. Sinunod nito ang camouflage nitong pangbaba, kasama na ang combat shoes nito. Napalunok na lang si Manuel sa laki ng tinatagong armas ng lalake sa kanyang briefs.
Sinuri ni Manuel ang lahat ng bulsa sa pantalon ng lalake kung may mahalaga ba itong laman, ngunit wala itong nakita na kahit ano. Dinala ni Manuel sa dagat ang damit at pantalon ng lalake upang ipagpag sa tubig dagat ang mga dumikit ditong buhangin tsaka pinatuyo sa may batuhan. Binalikan nito ang lalake at nilagyan ng bigkis ang sugat ng lalake gamit ang pinunit nitong tela mula sa manggas ng kanyang damit. Habang ginagawa ito lalong napatitig ng husto si Manuel sa magandang mukha ng lalake, guwapo, matangos ang ilong at mapula ang manipis nitong labi.
At ang mga titig na iyon ni Manuel mula sa mukha , dumadausdos ito pababa sa dibdib , sa pusod,. sa punong karug nito na gumuguhit pababa sa loob ng brief nito. Hanggang sa napako ang mga mata ni Manuel sa nakaumbok na iyon.
Dahan-dahan inilapat doon ni Manuel ang kanyang palad, na intriga ito sa laki ng naroon sa loob. Papadikit na sana ang palad nito doon ng bigla na lang bumangon ang lalake, at may hinahanap. Nagulat din ito nang makita si Manuel na nakaluhod sa tabi niya. Napadako ito sa sarili. Nagtaka ito kung bakit ito nakahubad.
“Ang mga damit ko? Anong ginawa mo sa akin? Sino ka?…sina Kurt at Cris? “ bulalas na tanong ng lalake.
“Kumalma ka muna saglit pare, unang-una wala akong ginawa sa iyo, tinulungan lang kita nang makita kitang walang malay doon sa dalampasigan. At ang mga damit mo, pinagpag ko sa dagat para matanggal ang mga buhangin. Mayamaya lang tuyo na iyon. Siya nga pala Manuel ang pangalan ko.” tugon ni Manuel ,at umayos ito ng pag upo.
“Banjo pare. Salamat sa tulong “ tugon naman ni Banjo kay Manuel.
“Alam ko galing ka sa pulo, kilala ko ang uniform na suot mo. Kasama ka ba sa nagdala sa akin dito? At may binanggit kang mga pangalan. Sino sila, mga kasamahan mo?” pabalik na tanong ni Manuel kay Banjo.
Hindi tumugon sa tanong ni Manuel si Banjo, sa halip, bigla nitong hinawakan si Manuel sa mukha, at tiningnan ang mata nito ng malapitan. Sinuri din nito ang tenga ng lalake , batok , maging sa lahat ng parte ng katawan ni Manuel. Tila ba may hinahanap ito. Nagtaka naman si Manuel sa naging pagkilos ni Banjo.
“tumingin ka sa mata ko, tingnan mo nang mabuti kung may nakikita kang kakaiba.” utos ni Banjo kay Manuel,habang nilalapit nito ang mukha ng husto sa lalake sabay nilakihan ang pagbuka ng mata nito.
“Wala naman, teka bakit ba? Ano ba ang hinahanap mo sa katawan ko. At bakit mo pinasisilip ang mata mo sa akin?” usisa pa ni Manuel.
“May alam ka sa pulo, sinisiguro ko lang na hindi ka pakawala mula sa santuwaryo.” Ani ni Banjo
“santuwaryo? ano iyon?“tanong ni Manuel
“Ang polo na tinutukoy mo. Santuwaryo ang tawag namin doon. Bakit ka nga pala napunta dito, sabi mo may nagdala sa iyo dito?” tugon ni Banjo, at inusisa din nito si Manuel.
Inilahad ni Manuel ang lahat kung saan ito galing at kung paano siya napunta doon. Ganun din si Banjo kay Manuel. Nagkapalagayan ng loob ang dalawa unang kita palang nila.
Sa Isla Libogantes, kung ano-ano na ang naiisip ng tatlo kung bakit naroon sila sa Isla.
“now what? ano na mangyayari sa atin? Pare diba naka ilang balik kana dati dito sa Isla? Ibig sabihin alam mo kung paano tayo makakaalis dito.” tanong ni Nicolo kay Tony na patuloy parin sinisira ang padlock ng box na hawak nila.
“yeah, but with the sagwan pare. I don’t think kung aabot tayo sa pangpang. Ilang oras pa nga lang pag sagwan ginawa natin kanina, parang nag gym na ako ng one week straight na walang hinto-hinto.” tugon ni Tony na naiinis narin sa kanilang sitwasyon.
“Mag improvise tayo, gumamit tayo ng paklang ng niyog. Tig iisa tayo, diba? Ayuko nang maabutan pa tayo dito ng dilim pare. iba ang nararamdaman ko sa islang ito.” Sabi pa ni Nicolo.
“paano si Amir?”
“eh di isama na natin. Bakit ayaw mo?” pagtatakang tanong ni Nicole.
“I have a hunch that he knows this. Na may kinalaman talaga siya kung bakit tayo ngayon nandito. At may hinala akong may masamang binabalak sa atin ang Amir na iyan.” Ayon pa kay Tony.
“Baka maling hinala lang iyan pare, ano naman ang motibo niya para gawan tayo ng masama. Wala naman tayong ginawang atraso sa kanya.” sambit pa ni Nicolo.
“if so, where is he now? huwag mong sabihin na inuubos niya lang ang lahat ng bukod dito sa Isla para lang may makain tayo kaya niya sinuyod ang gubat. Alam nating pareho kung ano ang meron diyan. At bakit ganun na lang siya ka confident na pasukin iyon, sa kabila ng mga paalala natin. At sinabi niya pa na first time niya lang napunta dito sa Isla na ito.” paliwanag pa ni Tony sa kanyang pagdududa.
“ibig sabihin, pinaglalaruan lang tayo ni Amir?”
“I don’t know, basta sigurado ako sa sarili ko na, hindi ko pagkakatiwalaan ang tao na iyan.“dagdag pa ni Tony.
Naputol ang usapan ng dalawa nang matanaw na nila si Amir na may hila-hilang mabigat na bagay. Sinalubong ng dalawa si Amir, upang alamin ang dala nitong mabigat. Nang makita na nina Nicolo at Tony ang tangan ni Amir nagkatinginan ang mga ito.
“saan mo ito nakuha?” tanong ni Tony na may pagdududa ang tingin.
“Doon sa kabilang bahagi nitong Isla, noong una Akala ko mga basura lang na naanod mula sa dagat at napadpad dito. Nang lapitan ko mga kagamitan pang camping. Mukhang sinadya talaga para sa atin.” masayang balita pa ni Amir.
Ngunit iba ang naging tugon ng dalawa sa kanyang pag balik. Bigla na lang itong sinuntok ni Tony sa mukha. Natumba si Amir, ngunit nakabangon ito,bumawi din ng suntok kay Tony. Nagpangbuno ang dalawa sa buhanginan.
Hindi sila maawat ni Nicolo, malapot ang naging labanan ng dalawa. Nang makita ni Nicolo na duguan na ang dalawa, pumagitna na ito.
“Huwag mo na kaming paikutin pa hayop ka! Isa ka din ba sa kanila ha?! sagot!!! Ano ang plano niyong gawin sa amin, papatayin niyo na naman kami?! paglalaruan? Anoooo!!!?” Ang galit na galit na tanong ni Tony kay Amir.
“Wala akong alam sa sinasabi mo!!! At kahit ipagdiinan mo pa iyang pang-aakusa mo sa akin, sinasabi ko na sa Inyo, Wala akong kinalaman sa nangyayaring ito! At kung pinagdududahan niyo ako,iwan niyo Ako. Hindi ko kayo kailangan.” tugon ni Amir at lumayo sa dalawa.
“see,sa bibig na niya mismo nag mula pare, he wants us to go.”
“Bakit ba kasi sinapak mo agad? Wala tayong proof sa mga binibintang mo sa kanya. “ Sabi pa ni Nicolo.
“ayan pare, dinala niya na sa atin ang proof. Pare nakita mo, bodybag ko iyan, ginamit natin iyan dito noon. At tingnan mo ang mga laman. Gamit nating dalawa, nating dalawa. coincidence?” ayon pa kay Tony na binulatlat ang dala ni Amir.
“Sinabi naman niya na napulot lang niya somewhere. It doesn’t mean na dahil nakita niya iyan eh may kinalaman na siya dito.”
“wait pare, nabibingi lang ba ako o nahihibang ka na? Pero ilang months tayo nawala, and look at these things, ni hindi man lang nasira. Ano tinangay ng dagat lahat ng gamit natin dito sa Isla tapos ibinalik uli sa atin kasi bumalik tayo?…men. Apaka bobo naman natin kung hindi natin iisiping na may mali.” Ang punto pa ni Tony.
“sa akin lang naman sana pare, huwag naman tayo masyadong judgemental kay Amir. Nakita ko ang sincere sa mga mata ng tao.” ayon pa kay Nicolo.
“At ako hindi? pare naman sa tuno ng pagdipensa mo kay Amir mukhang ayaw mo nang umalis dito ah. kanina lang halos hilain mo na ako makaalis lang dito.Ngayon…”
“pati ba naman ako? siyempre gusto kong makaalis dito, pero nagaalala din ako para kay Amir. Paano kung wala talaga siyang kinalaman, ano ang mangyayari sa kanya pag iniwan siya natin dito?”
Hindi na nakipagtalo pa si Tony kay Nicolo at tinungo na lang nito ang sinakyan nilang bangka at hinanda iyon para sa plano nilang pag alis. Lumapit naman si Nicolo kay Amir na noon hinuhugasan ng tubig alat ang napilas nitong bibig.
“Ok ka lang?’ tanong agad ni Nicolo
“Sa tingin mo? iba din kayo kung mag isip nuh. Sa kabila ng mga naitulong ko sa Inyo, pagdududahan niyo pa akong nagtatraidor sa Inyo. Hindi sa nanunumbat ako, pero hindi ko deserve ito. Ang masapak nang walang dahilan. Dahil sa putang Inang hinala niyo. “ Ang galit na tugon ni Amir.
“Pasensiya na, nabigla lang si Tony. Maging Ako man nagulat sa dala mo.” Sambit pa ni Nicolo.
“Dahil lang sa nagdala ako ng camping mat na may mga gamit sa loob, pinaghihinalaan niyo na ako. Ang labo niyo.”
“Hindi lang iyon basta gamit Amir, mga gamit iyon namin noon dito na naiwan namin noong tumakas kami rito. At gamit lang namin iyon ni Tony lahat. Nagtaka lang kami bakit sa amin lang, at wala iyong sa iba.” paliwanag pa ni Nicolo.
“Hindi ko alam, basta nakita ko lang iyan nang magawi ako sa kabilang parte ng Isla. Wala talaga akong alam.” Ang mahinang tugon ni Amir, na tila napaisip din sa sinabi na iyon ni Nicolo sa kanya.
“Naniniwala ako sa iyo. Nadala lang si Tony sa emosyon niya kanina. Siya nga pala, may balak kaming umalis ngayon dito sa Isla habang may araw pa. Sa nakita mong mga gamit namin, mas kinakailangan na nating makaalis dito.“Sabi pa ni Nicolo kay Amir.
“kung naniniwala kayo na mas ligtas kayo na Wala Ako.Sige, iwan niyo na lang ako dito. Sanay ako gumalaw at mabuhay nang nag iisa. Hindi ko kailangan ng tulong ng iba. Umalis na kayo kung iyon sa tingin niyo ang dapat.” tugon ni Amir kay Nicolo at umalis ito doon.
Napabuntong hininga ng malalim si Nicolo, maging siya hindi narin alam kong ano ba ang tamang desisyon na dapat nilang gawin. Dahil kung saan mang anggolo tingnan, wala rin namang kasiguraduhan ang kanilang distinasyon. Mapanganib at masalimuot ang naranasan nila noon sa Isla na iyon. At malawak, agresibo at mapanganib din ang laot.
Binalikan nito si Tony, ngunit nagtaka ito nang wala na doon ang kaibigan. Nandoon pa naman ang bangka. Kinabahan ito. Hinanap nito doon si Tony.
Narinig ni Amir ang sigaw ni Nicolo na hinahanap si Tony, bumalik ito at patakbong pinuntahan si Nicolo. Sabay nilang hinanap si Tony.
“Ano ang nangyari?” tanong ni Amir kay Nicolo.
“Hindi ko alam ,kanina lang nandito siya, pagbalik ko wala na.”
“Baka nasa paligid lang iyon, after fifteen minutes na wala pa siya tsaka tayo mag hanap ulit.” Sabi pa ni Amir.
Nang may narinig si Nicolo na ungol mula sa malapit. Hinanap nila iyon ni Amir. Tinungo nila ang likod ng mga batohan sa dalampasigan kung saan narinig nila ang ungol.
Napatakbo agad si Nicolo doon ng makita si Tony na naka sampa sa malaking bato at tila masama ang lagay. Lumapit din si Amir para tulungan si Nicolo kay Tony. Nang hiniga na nila si Tony sa buhangin agad itong sinuri ni Nicolo kung ano ang injury nito, ngunit wala naman itong nakita. Matapos ang ilang ungol ni Tony, nawalan muli ito ng malay. Lalong kinabahan at natakot si Nicolo.
“Mukhang kailangan niyo muna pumirmi dito hanggat ganyan siya. Hindi natin malalaman ang nangyari kung tulog iyan.” Sabi ni Amir kay Nicolo.
“May gumawa sa kanya nito.” hinala pa ni Nicolo.
“Ano ibig mong sabihin, may ibang tao dito bukod sa atin? Puwede ba Nic, tama na iyang mga maling hinala niyo. Dahil diyan lalong nagugulo ang isip niyo. Instead na maging matapang kayo at matatag sa sitwasyon ngayon, takot at pagkabalisa ang tumatakbo diyan sa dibdib niyo. Sinuri mo na ang katawan ni Tony, wala kang nakita. Ang sugat sa bibig at pisngi niya dahil iyon sa sapakan namin. Ayaw kong sabihin ito, pero sa tingin ko umaarte lang iyang kaibigan mo. Alam ko iyon, dahil napansin ko na dumilat iyan kanina.” Ang tugon ni Amir kay Nicolo, na may sariling pagdududa din kay Tony.
“Ayusin mo din iyang dila mo pare,kung galit ka kay Tony dahil sa ginawa niya sa iyo huwag ka nang gumawa pa ng kuwento. “ pag alma ni Nicolo sa sinabi na iyon ni Amir.
“Sana naiintindihan mo na ngayon ang pakiramdam ng pinagdududahan. Pakisabi diyan sa kaibigan mo ayusin niya ang pag arte,nang hindi nagmumukhang fake.” Sabi pa ni Amir,At iniwan na si Nicolo sa tabi ni Tony.
Tumayo ng sarili nitong masisilungan si Amir na magiging tulugan nito pagsapit ng dilim. Bumukod ito sa dalawa.
Kumot sa Lamig
Naharap sa ginawa nilang siga sina Manuel at Banjo. Unang gabi ng dalawa sa Isla na iyon. Ngunit agad silang nagkapalagayan ng loob.
“Tulad mo may mga napadpad din sa pinagmulan kong Isla. Hindi ko lang alam kung saan o anong Isla sila nanggaling. Hindi rin kasi Ako masyadong nakikipag-usap sa kanila. Pero ayon dati sa isa, tumakas lang daw sila noon sa Isla nang abutan sila ng bagyo sa dagat. Kaya sila napadpad sa Isla namin.” bungad na kuwento ni Manuel kay Banjo.
“Malakas ang kutob ko na mga kasamahan ko nga sila dati. Sana maayos lang sila ngayon. Ikaw paano ka ba talaga napadpad dito? Ano ang dahilan bakit ka nila dinukot?” tugon na tanong ni Banjo.
“Iyon ang hindi ko alam. Hanggang ngayon palaisipan para sa akin kung bakit nandito ako.” sagot pa ni Manuel.
“Sabi mo minsan ka na pumupunta noon sa Santuwaryo. Ano ang ginagawa mo doon? Ang alam ko mga bihag lang ang tanging naroon sa pasilidad na dinudukot upang gawing libangan at laruan ng Black Pearl.” ayon pa kay Banjo.
“Nakakahiya mang aminin, ngunit Isa Ako sa mga naging parausan ng mga guwardiya doon. Kapalit ng proteksiyon mula sa kanila. Noong una, labag sa loob ko dahil sa ideyang makikipagtalik ka sa kapwa mo lalake. Ngunit sa katagalan, nasanay na Ako hanggang sa nagustuhan ko na ang ginagawa ko.” Kuwento pa ni Manuel.
“Lahat ba kayo sa Isla, parausan ng mga taga Santuwaryo?”
“Iyong iba. Pero karamihan sa Isla sinasabak sa torneyo. Kaya nga iilan na lang nakakabalik sa Isla. Ikaw paano ka napunta sa Santuwaryo?” sagot ni Manuel.
“Isa ako sa mga tauhan ng Black Pearl. Trabaho ko ang mag hanap ng mga grupo na puweding gamitin para sa isang palabas. Mga inosenteng grupo na magiging bahagi ng isang madugong laro na pinapatakbo ng BlackPearl. At iyon ang Isa mga pinagsisihan ko.Dahil sa akin nagpahamak ang mga kaibigan ko.” Ang nanlolomong kuwento ni Banjo.
“Ipinagkalolo mo ang mga kaibigan mo? Sa Anong dahilan? Sa pera?” usisang tanong pa ni Manuel kay Banjo.
“Hawak nila ang buhay ng pamilya ko, kaya Wala na Ako nagawa. Sinubukan kung maghanap ng iba. Akala ko lulubayan na nila Ang mga kaibigan ko. Ngunit nang minsan nag kayayaan kami na mag celebrate ng birthday namin sa isang Isla. Hindi ko alam na ang pagkakataon na iyon Ang gagamitin nila upang isakatuparan Ang balak nila sa amin. Sa simula, hindi ko napansin ang lahat. Hanggang sa may mga nangyari na. Hindi ko alam kung sino ang may kagagawan noon. Dahil Ang alam ko, ibang grupo Ang inalok ko sa kanila. Nagkahiwalay kami dahil doon. Hanggang sa nakabalik ako ng Santuwaryo. At doon ko nalaman na Isa din pala sa mga kaibigan namin Ang may pakana ng lahat.” Dagdag pa ni Banjo sa kanyang kuwento.
“Sino? Isa ba sa mga kaibigan mo?”
“Dating kaibigan. Huli ko na nalaman ang lahat. Nakiusap ako sa pinuno ng BlackPearl na pakawalan ang dalawa sa mga kasama ko na dinala nila sa santuwaryo kahit na alam ko na malabo nang mapagbigyan ang pakiusap ko. Ngunit nabuhayan Ako ng loob nang makita ko doon ang dalawa pa sa mga kaibigan ko mula sa Isla. Ngunit tila natunugan nila na may binabalak Ako. Hiniwalay nila ako sa mga kasama ko at napunta Ako dito.” Ayon pa sa kuwento ni Manuel.
“sila yata iyong dalawa sa apat na napadpad sa Isla namin. Ano ngayon ang plano mo?”
“Kailangan makita natin ang daan palabas dito.” tugon ni Banjo na sadyang hininaan ang boses.
“Makita man natin ang tamang ruta palabas dito.Hindi rin naman tayo makakaalis dito. Ni balsa , Wala tayo. “ Sabi pa ni Manuel.
“Tahimik, naririnig nila tayo. Binabantayan nila bawat kilos natin. Kaya mula sa Oras na ito gagawa tayo ng mga sinyas na tayo lang nagkakaintindihan. Unti-unti kong ipapaliwanag sa iyo lahat.” pabulong pa na tugon ni Banjo.
“Ano? Sa totoo lang pare, naguguluhan talaga ako sa iyo. Pero sige, susunod ako sa gusto mo. Mukhang mabuti ka namang tao.” Sabi pa ni Manuel na napangiti lang kay Banjo.
Sa Isla naman kung saan naroon ang tatlo. Nakatingin lang si Amir sa dalawa habang nag iihaw ito ng mga nahuling isda. Anim na malalaking piraso iyon. Napansin ni Amir na napasulyap sa kanya si Nicolo. Batid nito na gutom na ang mga ito at dinadaan na lang sa tulog.
Kinakalkal ng konsensiya si Amir habang solong kinakain ang ini-ihaw na isda. Sumenyas ito kay Nicolo na bibigyan niya ito ng parte ng kanyang hapunan. Tumango naman si Nicolo at tumayo ito, naglakad palapit sa kanya.
Nakita ni Amir ang pagsulyap sa kanya ni Tony. Binalewala lang niya iyon at inabot kay Nicolo ang dalawang isda na nakatuhog sa kahoy nang lumapit ito sa kanya.
“Salamat dito pare.” Sabi ni Nicolo nang hawak na nito ang inihaw na isda.
“Para sa iyo lang iyan. Sabihin mo sa kanya na siya mag hanap ng pagkain niya. Magaling siya diba?” Tugon pa ni Amir.
Naupo sa tabi ni Amir si Nicolo. Humingi ito ng pasensiya sa ikinilos nila ni Tony sa lalake.
“Wala na sa akin iyon. Pero sana maniwala ka, Wala talaga akong alam sa mga nangyari sa atin. “ ayon pa kay Amir.
“I know. Naniniwala naman Ako sa iyo. Hayaan mo , Ako na bahala kay Tony.” Sabi naman ni Nicolo na tinapik sa balikat si Amir.
“At kung pinag seselosan niya ako. Sabihin mo sa kanya na hinding-hindi ako sanay na nakikihati sa iisang isda. Marunong ako manghuli ng para sa akin. “ Anas pa ni Amir sabay kindat at ngiti kay Nicolo.
Tumugon naman sa kanya Ang lalake ng makahulugang ngiti bago ito bumalik kay Tony.
Malamig Ang Gabi na iyon at tanging Ang mga gawa lang nilang siga Ang nag sisilbing pampainit sa kanilang paligid na siyang pumapawi sa nilalamig nilang katawan.
“pare inaantok ka na ba?” bulong ni Banjo kay Manuel.
“Hindi nga ako makatulog eh, nanunuot sa laman ko Ang lamig. Mukhang hindi tumatalab ang init ng siga natin. Ikaw ba?” tagong na tanong din ni Manuel.
“Parehas tayo, kung gusto mo. Tabi na tayo?”
Napatingin si Banjo kay Manuel na tila ba nangungusap. Nagpakiramdaman ang dalawa. Batid ni Manuel ang nais na mangyari ni Banjo. Bumangon ito at lumapit sa puwesto ni Banjo.
“Gusto mo ng kayakap?” Tanong pa ni Banjo kay Manuel.
“Yakap lang ba?” Tugon ni Manuel na hinawakan si Banjo sa Mukha nito.
“Trip mo din ba?“Tanong din ni Banjo sabay patong ng kamay ni Manuel sa harapan nitong unti-unti nang dinadaluyan ng mainit na dugo.
Hindi na nag salita pa si Manuel at agad na nitong hinuli ang labi ni Banjo at maalab na hinalikan. Hindi na nakapag pigil si Banjo at tumugon ito sa halik ni Manuel. Mapangahas ang bawat salpukan ng kanilang mga bibig. Animoy mga gutom na isda na nagngangatngatan sa isa’t isa.
Nabalewala na ang matinding lamig ng mga sandaling iyon nang matagpuan ng dalawa na kapwa na silang walang saplot sa katawan. Walang bitawan ng labi ang dalawa. Nagpagalingan sa eskremahan ng dila sina Banjo at Manuel. Pumaibabaw si Banjo sa katawan ni Manuel. Ramdam ni Manuel ang uhaw ni Banjo sa laman kaya nagparaya ito.
“Iputok mo sa loob ko. Gusto kita maramdaman.” Bulong pa ni Manuel sabay kinagat nito at dinilaan ang tenga ni Banjo.
“Huwag ka mag alala, ako naman bahala sa iyo mamaya.” Tugon ni Banjo na humahangos at pigil ang ungol.
Umayos ng husto si Manuel upang masapol agad ni Banjo ang butas nito. Napaigtad na lang si Manuel nang maramdaman nitong may bumaon sa tumbong niya. Sa laki at haba ng titi ni Banjo, halos manlaki ang mata ni Manuel nang sumayad ito sa kanya. Dahan-dahang umindayog sa ibabaw niya si Banjo. Ramdam ni Manuel ang sakit ngunit nangibabaw sa kanya Ang sarap at kiliti. Sa galing ni Banjo sa pagbayo, napakagat ng labi nito si Manuel. Napayakap din ito ng mahigpit sa katawan ng kakantutan. Sa bawat pag hugot ni Banjo sa kanyang titi, tila tinatanggalan din ng hininga si Manuel. At kapag bumulusok naman ito, halos labasan na si Manuel dahil sa abot na abot ni Banjo ang G-spot nito.
“Malapit na ako…” Sambit pa ni Banjo kay Manuel.
“Huwag mong pigilan” nakangiting tugon ni Manuel kay Banjo.
Buong- buo na tinanggap ni Manuel ang pinakawalang katas ni Banjo. Mainit at malapot. Sa dami ng inilabas ni Banjo,umagos pa ang iba nito sa hita ni Manuel. Hindi naman binitin ni Banjo ang isa at sinimulan nitong sinibasib muli ng halik si Manuel. Siniguro ni Banjo na mapapaligaya niya nang husto si Manuel.
Mula sa labi ni Manuel bumaba ang mga labi ni Banjo sa leeg ng lalake, pababa sa dibdib nito hanggang sa makabilang utong uto. Pag dila at pag supsop dito Ang ginawa ni Banjo, dahilan para mapaigtad sa kiliti si Manuel.
Bumaba pa si Banjo sa pusod ni Manuel. Mula doon nagpatuloy ito hanggang sa ulo ng titi ng lalake. Buong-bup na sinubo agad ni Banjo ang nagdidileryo ng titi ni Manuel. May kahabaan din at katabaan ang leeg ng ari ng lalake,kaya bahagyang nabilaukan pa si Banjo ng sumayad sa lalamunan nito ang maliit ngunit na mumulang ulo ni Manuel.
Napapikit si Manuel nang maramdaman ang mainit na bibig ni Banjo. Hindi pa man, mukhang lalabasan na ito. Napasabunot sa buhok ni Banjo si Manuel nang magtaas-baba na ito sa kanyang titi.
“Sasabog na ako, huwag mong tigilan. Ituloy mo lang.” Bulalas pa ni Manuel na lalong nginungudngod ang ulo ni Banjo sa kanyang harapan.
Nang ilang saglit pa sumambulat sa bibig ni Banjo ang katas ni Manuel. Napuno Ang bibig ni Banjo sa dami din ng pinakawalan nito. Nalunok pa nga nito ang iba. Agad na hinila ni Manuel si Banjo at hinalikan muli sa labi ang lalake. Nagsalo ang dalawa sa tamod ni Manuel na nuoy nasa bibig pa ni Banjo.
Nagkatinginan ang dalawa sa mata at naggantihan ng ngiti sa isa’t isa. Nanatiling hubad ang dalawa na magkayakap ng gabing iyon. Dinaig ng kanilang maalab na pagtalik ang malamig na gabi. Nagsilbing kumot sa gitna ng lamig ang bisig ng bawat isa.
Kung sa isla nina Banjo at Manuel nagkakaroon na nang saniban na nagaganap. Sa kabilang isla naman, mukhang may nagkakalamat ng samahan.
“Hindi ka makatulog? Gusto mo doon?” Tanong ni Tony kay Nicolo nang mapansin nito ang kaibigan na nakadilat pa ang mata.
“May iniisip lang ako.”
“Sino? Siya? Kung gusto mo doon ka na sa kanya. Iwan mo na ako dito. Magugutom ka lang sa akin.” Sabi pa ni Tony. Tumayo ito at tinungo ang bangka sa tabi ng dalampasigan.
Sumunod sa kanya si Nicolo. Na nagtataka sa kinikilos ng kaibigan.
“What’s this ba?” Tanong ni Nicolo.
“I don’t know. Why don’t you ask yourself. Matagal na tayong magkakilala Nik, pero sa kanya ka naniniwala.” Galit na tugon ni Tony.
“Ano? Saan nanggaling iyon Tony? Ngayon mo pa talaga sinasabi iyan sa akin. Well to tell you honestly, ni isa sa inyo wala akong pinaniniwalaan. But I need to, I want to. Kasi hanggang ngayon stuck tayo dito. I just want to survive. Kung babalutin ko lang ng pagdududa ang sarili ko, hindi ko na alam kung paano pa makakakilos ng maayos. I learned enough sa mga nangyari sa atin noon dito. Walang patutunguhan ang lahat kung puro na lang tayo duda sa isa’t isa.” Ayon pa kay Nicolo na naiinis sa aktuwasyon ni Tony kay Amir.
“Then go, doon ka sa kanya. But ako, I strongly believe na may kinalaman ang gago na iyan kung bakit tayo bumalik sa buwesit na islang ito. At tandaan mo ito Nik, papatunayan ko iyan sa iyo.” At muli na namang umiwas si Tony, bumalik ito sa tapat ng ginawa nilang siga.
Nabuntong hininga na lang si Nicolo sa katigasan ni Tony. Nakita ni Amir ang pagtatalo ng dalawa. Napaupo ito sa buhangin at tinitingnan si Nicolo sa dalampasigan.
Tulad ni Tony balot din ng mga hinala at pagdududa si Amir. Ngunit alam din nito na sa sitwasyon nila ngayon, mas mahalaga ang damayan kaysa tulakan. Wala nang makakatulong pa sa kanila sa isla na iyon kung hindi sila-sila din lang.
Tumayo si Amir at nilapitan si Nicolo.
“Bigyan mo muna ng oras si Tony. Magkakaayos din kayo bukas.” Bungad ni Amir nang lumapit ito kay Nicolo.
“Alam ko, I know Tony.” Tugon ni Nicolo kay Amir.
“Ako ba ang dahilan? Huwag kayong mag alala bukas paggising niyo wala na ako dito. Doon na ako sa kabila kung saan ko nakita ang mga gamit niyo. Siguro pag hindi niyo na ako nakikita, maging ok na kayo.” Sabi pa ni Amir.
“Hindi naman kailangan, mas maganda kung nakikita natin ang isa’t isa. Mababawasan Ang mga pagdududa niya sa iyo.” Ayon pa kay Nicolo.
“Sa kanya lang ba? alam ko maging Ikaw may duda din sa akin. Maaring mabawasan nga Ang mga pagdududa niyo sa akin. Pero hindi iyon mawawala.”
Napatingin lang ng matalim si Tony sa dalawa habang nag uusap ang mga ito. Nang bumalik si Nicolo, hindi ito tumabi kay Tony. Hindi rin nagkusap ang dalawa. Tahimik lang sila pareho. Matagal nakatulog si Nicolo. Bukod sa lamig ng gabi. Iniisip din nito ang mga nasabi sa kanya ni Amir.
Unknown
Hindi pa nga sumisikat ang araw lumipat na ng puwesto si Amir. Binaybay nito ang daan papunta sa kabilang bahagi ng Isla. May kadiliman pa sa mga sandaling iyon kaya nangangapa pa ito. Napadaan ito sa isang maliit na lawa sa gitna ng Isla. Nang may naaninag itong anino na umahon mula sa tubig.
Huminto si Amir at nagkubli sa isang puno habang nakatingin lang doon sa lawa. Pinangingilagan ang umahon doon sa tubig. Napansin nito na nakatingin sa kanyang direksiyon ang tao na nasa lawa. Kaya isiniksik ni Amir ang sarili sa mga halaman na nakapalibot sa puno na iyon. Nag-hintay ito ng ilang minuto bago sumilip. Ngunit nagtaka ito nang wala na Ang taong nakita niya.
Naging palaisipan ito kay Amir, dahil malabong Isa sa kanila ni Nicolo at Tony iyon. Dahil kitang-kita pa nito ang dalawa na mag katabing natutulog bago ito umalis doon.
“Kung gayun totoo ang sinabi ni Tony na may nakita siyang ibang tao dito sa Isla. Pero sino kaya iyon?…si Claudio kaya?” sambit na tanong pa ni. Amir sa sarili.
Nag-hintay pa ng ilang sandali si Amir bago ito kumilos.Bumalik ito sa pinang galingan para siguraduhing hindi nga sina Nicolo at Tony ang nakita niya.
Laking gulat na lang nito nang makitang may nakasakay na sa bangka nila at papaalis na ito.
Hoy! Ang bangka namin ibalik mo!!! Tang ina!“ sigaw ni Amir na patakbong lumalapit sa dalampasigan para habulin ang bangka.
Nagising sina Nicolo at Tony sa sigaw ni Amir. Sinubukan pang langoyin ni Tony ang dagat mahabol lang ang bangka, ngunit mabilis ang pag sagwan ng taong tumangay nun. Huli na para maabutan pa ni Tony ang bangka.
Bumalik ito sa dalampasigan na galit na galit. Pinag sisipa nito ang alon at nagmumura.
Binalingan nito si Amir at pinaratangan na kasabwat ng taong tumangay ng kanilang bangka. Akma nitong susugurin si Amir nang pumagitna si Nicolo para pigilan ito.
“Hayop kang gago ka, pasigaw-sigaw ka pa, eh kagagawan mo din naman ito. Aminin mo na kasi na may masama kang binabalak sa amin.” bulyaw pa ni Tony kay Amir.
Hindi na pinatulan pa ni Amir si Tony at umiwas na lang ito. Lumayo muna ito sa dalawa.
“see, nag walk out ang gago kasi nga guilty! Now what?! pati ang tanging paraan natin para Maka alis dito nawala na! Buwesit na buhay ito.” Ang nanggagalaiti paring si Tony.
“Puwede pa kumalma ka muna. Hindi tayo makakaisip ng solusyon dito kung ganyan ka.” saway ni Nicolo kay Tony.
“Do you think kakalma pa ako after what happened? Nic ,sinabi ko na kahapon, may ibang tao dito sa Isla. Pero you didn’t even care. Mas naniniwala kapa sa gago na iyon na umaarte lang Ako.” Sabi pa ni Tony.
“Then tell me kung ano ba talaga nangyari, bakit bigla ka na lang nawalan ng malay pagkakita namin sa iyo kahapon.” tugon ni Nicolo na nalilito na rin sa mga nangyayari.
“Ngayon gusto mo na magkuwento Ako? What for? Wala na Ang bangka. Hindi na tayo makaka alis dito. “ Saad pa ni Tony at iniwan si Nicolo doon na nakatayo lang sa dalampasigan.
Pagsikat ng araw sa Isla na kinaroroonan nina Manuel at Banjo, napabalikwas ng bangon si Manuel ng magising ito. Tamataas na ang tubig at malapit na maabot ng dagat ang tinutulugan nila. Inaanod na ng alon ang Ilan sa mga hinubad nilang damit kagabi. Kaya nilangoy pa ng dalawa Ang mga ito, tsaka lumipat sa mas mataas na bahagi. Pansin din ng dalawa Ang mga tubig ahas na nasa malapit lang nila. At Ang mga bayawak nasa taas na ng mga bato sa paligid.
“Hanggang dito lang naman ang taas ng tubig. Ang poproblemahin natin ang mga hayop na iyan. Buti na lang Hindi tayo ginapangan ng mga iyan kagabi.” Sabi ni Manuel na pinipiga Ang damit na nabasa.
“Tayo kasi Ang naggapangan kagabi, kaya nahiya umeksena Ang mga iyan siguro. Kumakain ka ba niyan. Masarap daw ang karne ng mga iyan.” ayon pa kay Banjo.
“Hindi pa, bakit nakakain ba Ang mga iyan?”
“hahanap tayo ng maliit. Tamang-tama gutom na Ako.” tugon ni Banjo.
Napagtripan ng dalawa na humuli ng isa sa mga bayawak. Ngunit habang papalapit ang dalawa sa mga ito. Ang siya namang iwas ng mga hayop. Na tila ba alam ng mga ito Ang balak ng dalawa. Biglang kinutuban si Banjo ng hindi maganda.
“Hindi pangkaraniwang mga bayawak iyan. Kaya naman pala wala akong makita o napansing mga mata dito sa isla. Tinago pala nilang mabuti.” pabulong na sabi ni Banjo kay Manuel.
“Anong ibig mong sabihin?”
“Manmanan mo Ang bawat kilos ng kanilang mga ulo at mata. Nakatingin at nakatuon lahat sa atin. Ngunit hindi naman sila lumalapit.” sambit pa ni Banjo.
“Mga spy cam Ang mga iyan, iyan ba ang ibig mong sabihin?” tanong pa ni Manuel na halos pabulong na din Ang tugon kay Banjo.
“mismo. mahilig sa ganitong mga palabas si Fabio at malikot ang imahinasyon nun. At kung nagagawa niya sa tao, mas kaya niyang gawin sa mga hayop.” paliwanag pa ni Banjo.
“walang hiya, eh di nakita nila ang ginawa natin kagabi?”
“Ano pa nga ba, at siguro naman nag enjoy ang mga hinayupak na iyon sa performance natin kagabi.” Ang nasabi na lang ni Banjo sa reaksiyon ni Manuel.
Batid ni Banjo Ang balak na gawin ng Black Pearl sa kanila sa naturang Isla. Hindi sila nandoon para lang mag mag relax at mag pakasaya. Alam nito na sa mga susunod na araw, uunti-untiin na silang pahihirapan doon. At iyon ang pinaghahandaan ni Banjo. Ngunit inilihim niya muna ito kay Manuel, bagamat may ideya narin ang Isa dahil sa mga naikuwento na sa kanya ni Banjo.
“Kunti lang ang puwede natin pagtaguan dito sa Isla, kaya simula sa araw na ito, walang hihiwalay sa atin. Babantayan mo ako at ganun din Ako sa iyo. Tayo pa lang Ang nandito. Kung may mapansin ka o may makita tayong ibang tao dito. Ituring agad natin iyong banta sa atin. Gets?”
“Para sa kaligtasan natin. Ikaw Ang higit na may alam sa bagay na ito kaya, ipagkakatiwala ko sa iyo ang buhay ko. Total naman, pinaubaya ko sa iyo Ang katawan ko, buhay ko naman ngayon.” tugon ni Manuel.
Kalamado lang sina Banjo at Manuel sa Isla na iyon. Kabaliktaran sa kinaroroonan ng tatlo na unti-unti nang nabubuo Ang tensiyon. Sa galit ni Tony kay Amir na sinabayan pa ng selos, pati si Nicolo naipit na sa dalawa.
Bumukod si Tony ng kanya.Umalis ito upang maghanap ng makakain na hindi man lang nagpaalam kay Nicolo.
“Hayaan mo na muna malamigan ang ulo ng nobyo mo. Ito pagtiyagaan mo muna itong isang alimango, malaki naman medyo na tusta nga lang ng kunti.” pag alok ni Amir ng alimango kay Nicolo nang lumapit ito.
“salamat, pagpasensiyahan mo na si Tony. Galit lang iyon dahil sa nangyari sa atin.”
“Sino ba sa atin ang hindi galit. Walang may gusto na mangyari ang ganito sa atin. May saltik lang talaga ang nobyo mo. Sa halip na magtulungan tayo mas pinili pa niyang pag-initan ako.” Sabi pa ni Amir.
Naguusap ang dalawa ng magulantang sila ng isang sigaw mula kay Tony. Sigaw na may takot. Tumalima ang dalawa sa kinaroroonan ni Tony. Nanlaki ang mga mata ng dalawa ng makita si Tony na naka salampak sa may buhangin at nasa harapan nito ang dalawang bangkay ng hubot hubad na mga lalake na naka piring pa ang mga mata.
At ang mas ikinagumbal ni Nicolo nang mamukhaan nito ang dalawang lalake.
“Cris! Kurt! Anong ginawa nila sa Inyo?! mga pu-tang Ina kayo bakit niyo pinatay Ang mga kaibigan ko?! Mga hayop kayo.” Ang sigaw ni Nicolo. Humagulgol ito ng todo, hindi lubos naiinitan Ang mga nangyayari.
Napayakap na lang si Nicolo ng maramdaman ang pagyapos ng bisig ni Tony sa kanya.
Nakatayo lang doon si Amir na nakatingin sa dalawa at sa mga bangkay na naroon. Sa kabila ng mga hagulgol at luha ni Tony, May kung ano sa loob niya na nagsasabing may mali sa mga nangyayari.
Mabigat man sa loob nina Nicolo at Tony , inilibing nila ang katawan ng kanilang mga kaibigan malapit lang sa dalampasigan. Nakamasid parin si Amir sa kanila, Lalo na kay Tony. Tanghali na sa mga Oras na iyon at tanaw mula sa malayo ang maitim at makapal na ulap. Hudyat ng paparating na unos.
Batid ni Amir ang malakas na bagyo na paparating kaya pinatibay nito ang kanyang masisilungan, at lumipat ito sa mataas na puwesto. Bumalik ng gubat si Amir para maghanap ng mga putol na kahoy na kanyang magagamit. At sa pag suyod nito sa kakahuyan napadpad muli ito sa maliit na lawa kung saan nakita niyang umahon doon ang isang tao na tumangay ng kanilang bangka.
Nagpasya si Amir na sumisid doon. Sa pag sisid nito sa tubig may naaninagan itong liwanag sa ilalim. Sinundan iyon ni Amir, hanggang sa dinala ito sa isang kuweba. Malawak ang loob nito kahit hindi kataasan Ang kisame nito. Namangha si Amir na may ganun doon sa Isla na iyon. Nagikot-ikot doon si Amir. Maliwanag sa loob ng kuweba, gawa ng bukanang butas sa pinaka kisame nito. At iyon ang inakyat ni Amir upang maka labas doon.
Lalong ikinalula ni Amir ang bumungad sa kanya pagkalabas niya doon.
Mula sa tuktok tanaw ni Amir ang kabuohan ng paligid ng Isla. Pati ang dalampasigan kung saan naroon sina Nicolo at Tony. At sa kanyang pag mamasid may nahagip Ang kanyang paningin. Isang malaking Yate Ang nakadaong sa kabilang parte ng Isla. Napakubli si Amir sa isang bato ng mapansin nito ang paglabas ng isang lalake Mula sa Yate at napatingin nito sa direksiyon niya.
Kinakabahan ng husto si Amir. * Nakatagpo ng ligtas na lugar para sa darating na unos si Amir. Hindi nito nilubayan ng paningin ang pinangingilagan nitong Yate. Hapon na nang mapansin ni Amir na papaalis na ang Yate. Nagmasid pa ito hanggang sa umandar na palayo.
Nang masiguradong malayo na ang yate, bumaba si Amir sa kinaroroonan nito para tunguhin Ang dalampasigan. Naging maingat Ang bawat galaw nito habang nakikiramdam sa paligid. Nasa baybayin na ito ngunit Wala naman itong napansing kakaiba sa paligid. Inisip ni Amir na ang bahaging iyon ng Isla ang ginagawang daungan ng kung sino man Ang nag dala sa kanila doon. At Ang natuklasang kuweba na may butas palabas sa isang lawa ang nagsisilbi nilang pasukan at labasan.
Sa pag iikot-ikot ni Amir sa bahaging iyon isang bagay ang napansin ni Amir na naka usli sa buhanginan. Nagdadalawang isip ito noong una dahil baka Isa lamang iyong patibong. Kaya siniguro muna ni Amir ang paligid.
Tulad ng narinig sa dalawa, Nicolo at Tony. Hinagilap ng paningin nito ang mga kamera kung meron man sa paligid.
Nang mukhang Wala naman itong napansing kakaiba, nilapitan nito ang nakitang bagay. Isang bakal na kahon na katulad ng nakita nila sa kanilang bangka.Inalis ito ni Amir mula sa pagkakabaon. Hindi tulad nang nauna, hindi ito naka kandado. Kaya agad itong binuksan ni Amir.
Nagulat ito sa laman ng box na iyon. Dalawang baril na may kasamang mga bala, isang patalim na bagong-bago, lubid ,isang cellphone,isang maskara, dalawang pares ng itim na gloves,tatlong maliliit na garapang may lason. isang susi, At larawan ni Tony kasama ang Isa pang lalaking hindi niya kilala. Ipinag taka ito ni Amir. Hinalungkat pa nito ang laman ng box. At doon sa pinakailalim ng box may mga numerong naka ukit doon. Tatlong numuro na parang isang code. Kinabisado iyon ni Amir.
Naalala nito na bukod kasi sa de-susi Ang kandadong naka kabit sa box na hawak ni Tony ,may pihitan din ito ng numero Ang kandado.
Ibinalik ni Amir ang lahat ng laman sa box,nang tumunog ang hawak nitong cellphone. Nagdadalawang isip man, pero sa kagustuhang malaman ang kasagutan sa kanyang mga katanungan, sinagot niya ito.
Distorted Ang boses ng nasa linya, ngunit alam ni Amir na lalake ang kausap niya.
“Sino ito? ano Ang kailangan mo sa amin? Ano ba kayo?” tanong ni Amir.
“Makinig ka Amir, hindi lang kayo Ang nasa Isla na iyan. At Isa sa mga kasamahan mo diyan ang may dahilan kung bakit nandito kayo. Misyon niya ang tapusin kayo para iligtas Ang sarili niya. Hawak mo na Ang unang clue sa kamay mo. Unahan mo siya kung nais mong makaalis na dito ng ligtas.” sasagot pa sana si Amir ngunit naputol na Ang linya.
Laking palaisipan kay Amir kung bakit kilala ito ng kausap niya. At napagtanto ni Amir na nakikita sila nito. Pero hindi matukoy ni Amir kung saan.
“sino pa Ang nandito bukod sa amin? At bakit may larawan dito ni Tony? siya ba ang tinutukoy ng lalaking iyon o itong Isa. At sino naman ito?” Mga katanungan ni Amir sa sarili habang pinagmamasdan ang larawan na hawak.
Bumalik si Amir sa yungib at pinagplanuhang mabuti ang dapat na gagawin. Napansin ni Tony na wala na nga si Amir sa dati nitong puwesto.
“Akala ko ba naiinis ka doon sa tao, bakit hinahanap mo?” Tanong ni Nicolo kay Tony.
“Naniniguro lang ako baka may masamang balak iyon sa atin. Kahit buwesit ako sa taong iyon ,mas gusto kong nakikita siya ng mga mata ko at nababantayan ko siya. Baka magulat na lang tayo isa na sa atin ang papatayin niya.” Tugon ni Tony habang nag aayos ng kanilang masisilungan.
“Bakit ganun na lang ang iniisip mo kay Amir,alalahanin mo kung hindi dahil sa tulong niya ng malason ka , wala ka na. Iniligtas ka niya noon. Sana kahit doon man lang tingnan mo si Amir ng patas. “Sabi pa ni Nicolo na hindi nagustuhan ang sagot ni Tony.
“Hindi dahil niligtas niya ako, dapat ko na siyang pagkatiwalaan. Sa mga nangyayari ngayon wala na akong pinagkakatiwalaan pang iba.”
“So pati pala ako,block listed na rin. Now I know.”
“not you, come on Nic pag aawayan na naman ba natin ito. Tayo lang ang magkakampi dito. Hindi natin alam kung ano ang naka atang sa ating panganib sa isla na ito. We should stick together.”
“Kung ganyan ang tingin mo kay Amir, malaki ang paniniwala ko na ganun din Ang tingin mo sa akin. Sa bibig mo na mismo nanggaling, you trusted no one, and that includes me. “ Pagkasabi na iyon ni Nicolo, iniwan nito si Tony at sinundan ang direksiyon ni Amir sa kakahuyan.
Tinawag ito ni Tony ngunit hindi na lumingon si Nicolo tuloy-tuloy lang ito papasok sa masukal na gubat. Samantala,dahil na rin sa natuklasan nina Banjo at Manuel, naging maingat na Ang mga ito sa kanilang mga kilos at pag uusap. Nakaupo Ang mga ito sa harapan ng iniihaw nilang isda. Nang may napansin silang bagay na palutang lutang sa dagat habang binubuyo ng malalaking alon.
“Ano kaya iyon?”
“Dito ka lang, ako na ang titingin sa bagay na iyon.” Tugon ni Banjo at nilangoy ang bagay na iyon.
Malayo ito sa puwesto nila kaya hindi nila ma klaro kung ano iyon, hanggang sa nakalapit na si Banjo roon. Isang itim na bag na naka lagay sa Isang floating device ang nakita ni Banjo. Hinila niya ito paglapit sa dalampasigan.
“Kanino kaya galing iyan?”
“Kung hindi ako nagkakamali, galing ito sa kanila. Nagsisimula na ang palabas, kaya humanda ka.” Pabulong sa sagot ni Banjo.
Binuksan nila ang bag, at tumambad sa kanila ang ilang mga bagay na pamilyar na sa kanila.
“Mga gamit ito ni Migs,paano ito napunta dito?” Ang takang-taka na sambit ni Manuel.
“Sinong Migs?” Tanong ni Banjo.
“Kasamahan ko dati sa isla, pero namatay siya nang inabutan kami ng bagyo sa gitna ng laot.Tinamaan ng kidlat ang bangka namin, nasunog. Doon na kami nagkahiwalay. Ang alam ko patay na siya. Pero bakit nandito ito. Mga gamit niya ito noong magkasama kami.” Kuwento pa ni Manuel
“Isa lang ang ibig sabihin nito may kinalaman sila sa nangyari sa Inyo. “ Ayon pa kay Banjo.
Nakita rin ni Banjo doon Ang mga damit nina Cris at Kurt na may mga tilamsik pa ng natuyong dugo. Binulatlat pa nila ang laman ng bag at ilang mga naroon pa ang nagbigay sa kanila ng matinding palaisipan.
“Bakit may baril at patalim? Ano ang binabalak nilang gawin sa atin? Mag patayan tayo dito?” Tanong ni Manuel na may naramdamang kaba at takot.
“Hindi malabong iyon nga ang nais nila. Pero hindi ako papayag na magtatagumpay sila sa gusto nila. Pero gayun pa man kakailanganin natin itong mga armas para ipagtanggol ang sarili natin.” Ayon pa kay Manuel.
May dalawang baril doon at dalawang patalim.Pinag isahan nila ito. Kabado man, alam ni Manuel na hindi na biro ang nangyari sa kanila.
Samantala,ginising ni Angel si Benson na nakatulog na sa pinagtataguan nila.
“Ito na ang tamang oras, kailangan na nating kumilos bago pa nila matuklasan Ang ginawa natin. “
“Paano na si Banjo? Baka kung ano na Ang ginawa nila sa kanila.” Pangamba ni Benson.
“Kaya nga kumilos na tayo. Doon ka sa power control room. Ako na bahala na gumawa ng ingay sa labas. Magiingat ka.” sabi pa ni Angel.
“Ikaw din mag-ingat. kailangan matapos na Ang kahibangan ng BlackPearl na ito. “
kumilos na nga ang dalawa para sa kanilang plano. Ito ang binilin sa kanila ni Banjo bago ito umalis ng polo.
“Gamitin niyo itong cellphone na ito para maka hingi agad kayo ng tulong. Naka set na Ang GPS nito. Ingatan niyo na hindi ito makita nino man. Aalis kami ngayon, kasama ko sina Kurt at Cris. Malamang may gagawin na naman silang masama. Maraming tunnel exit pasilidad na ito, Siguraduhin niyong maisara iyon lahat para walang makatakas. Mag ingat kayo dito.” Bilin pa noon ni Banjo sa dalawa Angel at Benson bago ito umalis ng polo.
Kabisado na ni Angel Ang mga daan at pasikotsikot sa pasilidad na iyon kaya madali lang sa kanya na marating agad ang pinakasilid kung saan na momonitor ng mga operator doon ang lahat na nangyayari sa Isla kung saan nandoon Ang mga kaibigan nito.
Ang ipinagtaka lang ni Angel kung bakit wala man lang nakabantay sa silid na iyon. Nakiramdam ito, kinutuban ito na may mali. Gayun pa man nagpatuloy ito. Lumapit ito sa pintuan ng silid na iyon. At gamit ang ang isang card key na binigay ni Banjo sa kanya. Binuksan ni Angel Ang pinto.
Nasaloob na ito nito. Tumambad kay Angel Ang nakapakaraming mga screen monitor na nakapalibot doon. Mga aparatos at mga computer set.Napatingin ito sa mga monitor screen at doon nga kitang kita niya ang mga kaibigan na sina Banjo, Tony at Nicolo na nasa Isla. Nasa ibat-ibang anggolo ang naka play sa mga monitor. Ngunit ang ipinagtaka ni Angel, Wala man lang ni isang tao ang nandoon sa loob. Bakante ang mga upuan ngunit gumagana Ang lahat ng gamit sa silid na iyon.
Iba na Ang kutob ni Angel, kaya napahawak na ito sa kanyang baril. Nang walang anu-ano, napatingala ito nang may bumaba mula sa bumukas na kesame. Isang malaking light emitting diodes screen ang tumambad sa kanya. Nag fi- flicker ito at nang luminaw na Isang nakamaskarang tao ang nakita nito sa screen.
“welcome to my humble nest , Angel. Did I surprised you?” Biglang salita ng nasa sa screen.
kinagulat iyon ni Angel. Nang bigla na lang nag lock ang pintuan sa likod niya.
“Akala niyo siguro hindi ko alam Ang mga pinaplano niyo? Hindi ba kayo nag tataka kung bakit sa kabila ng mahigpit na security ko dito, madali lang sa inyo ang lahat? Tanong ng nasa screen kay Angel
“Hindi ang tulad niyo ang magpapabagsak sa akin. Dahil bago niyo pa nagawa, naisip ko na iyan. At kung sa tingin niyo,kakampi niyo ang lahat na nasa paligid niyo,iyon ang malaking pagkakamali niyo.”
Ipinakita nito kay Angel ang lahat na siyang nagpagimbal sa kanya.
Blocked
Nabahala na si Benson dahil hindi na nito makontak si Angel. Hindi na nag re- respond ang signal ng kaibigan. Narating na nito ang tinukoy na silid sa kanila ni Banjo bago pa sila iniwan nito.
Tahimik sa parteng iyon, walang mga bantay sa bahaging iyon. Bagay na ipinagtaka ni Benson dahil ayon kay Banjo at Angel hindi nawawalan ng tao sa bahaging iyon ng pasilidad.
Nagdadalawang isip ito kung tutuloy pa ba o hindi. Nang umilaw ang communication device na nasa wrist nito.
“Angel pare, nasa control room ka na ba? Nasa tapat na Ako ng power room. Angel…Pare?” tanong pa ni Benson.
Ngunit walang Angel ang sumasagot sa kanya. Gayun pa man ,inakala nitong hudyat iyon ng kaibigan para tumuloy sa kanyang misyon. Gamit ang hawak nitong card key, binuksan nito ang pintuan ng silid. Pagkapasok ni Benson sa loob ,nagulat ito nang bigla na lang nagsara ang pinto. Nataranta si Benson, sinubukan nitong buksan muli ang pinto ngunit hindi na gumagana ang hawak nitong card key.
Kinutuban na ng hindi maganda si Benson. Hinanda nito ang sarili sa posibleng mangyari. Sinubukan nitong tawagan muli si Angel,ngunit hindi na gumagana ang suot nitong device.
Maya-maya pa may napansin na si Benson na usok na lumulukob sa paligid. Huli na nang isuot nito ang mask na dala, nakasinghot na ito ng usok. Hanggang sa bumulagta na lang ito sa sahig at unti-unti na lang nawalan ng malay.
Pagbalik ng isla kung saan naroon sina Banjo, may isang bagay pa silang napansin na kakaiba sa isla na iyon.
“Ano kaya ang meron diyan? Ngayon ko lang ito napansin simula nang magising ako dito.” Ang sambit ni Manuel nang matagpuan nila ang isang banker na natatakpan ng mga halaman.
“Isa lang ang paraan para malaman natin kung para saan ito. Papasukin natin ang loob.” Tugon ni Banjo.
“Paano, naka kandado, wala tayong pangbukas liban na lang kung sisirain ntin ito ng bala.” Pansin pa ni Manuel.
“Hindi, huwag nating sayangin Ang mga bala natin dito.Humanap tayo ng puwedeng pambukas dito.” Saad ni Banjo.
Kung ano-ano na lang ang ginamit ng dalawa para masira lang ang kandado ng pintuan ng banker, ngunit subrang tibay nito. Napagod lang sila sa kakapukpok dito pero di manlang na uga ang lock.
Buko ng niyog ang naging hapunan ng dalawa. Doon na sila gumawa ng matutuligan sa tabi ng natagpuang banker.
“Hanggang kailangan kaya tayo dito?” Napabuntong hininga na tanong ni Manuel sa sarili.
“Hindi tayo makakaalis dito hanggat hindi pa nila tayo pinapakilos. Nakamasid lang sila sa atin at nakikinig sa mga bulungan natin.” Tugon ni Banjo na nakasandal sa pintuan ng banker.
“Bakit hindi na lang natin sakayan ang palabas nila. Malay natin makakakuha tayo ng pagkakataon para makatakas dito?” Ayon pa kay Manuel.
“Akala mo ba ganun na lang iyon. Diba sabi mo sinasanay kayo dati sa isla kung paano lumaban? Lahat ng iyon paghahanda sa inyo para dito. Kung papalarin at makaligtas kayo, malas mo dahil walang takas ang lahat sa kalupitan ng BlackPearl.” Sabi pa ni Banjo.
Napailing na lang si Manuel sa mga sinasabi sa kanyang impormasyon ni Banjo. Sa dami nga nang mga nalalaman nito tungkol sa BlackPearl. Unti-unti nang nagkakaroon ng pagdududa si Manuel kay Banjo, kung bakit sinasabi iyon lahat sa kanya ng lalake gayung alam naman nito na naririnig sila ng mga nasa likod ng pagdala sa kanila sa Isla. Ngunit inilihim na lang niya ito sa kanyang sarili.
Sinigurado ni Manuel na hindi mahihiwalay sa kanya ang baril at patalim na nasa kanya. Nabawasan na ang tiwala nito kay Banjo nang matagpuan nila ang nakatagong banker.Si Banjo kasi ang unang nakahanap nito nang ginalugad nila ang Isla.
Bukod pa dito, malaking palaisipan pa rin kay Manuel kung paano nakarating doon si Banjo na hindi niya man lang namalayan. May hinala ito na doon sa banker na iyon dumaan ang lalake. Dagdag pa kung bakit nasa labas ang kandado ng pasukan ng banker at doon din pumuwesto si Banjo na tila ba binabantayan ang pintuan.
Lahat ng iyon Ang naglalaro na sa isip ni Manuel. Tulog manok lang si Manuel at nakikiramdam sa kanyang paligid. Sa kalaliman ng gabi may naaninag si Manuel ng dumilat ito. Unti-unting nababalot ng hamog ang paligid, mabilis na gumagapang ang hamog papalapit sa kanila.
Binalingan nito si Banjo, ngunit tulog na tulog ito. Pinilit nitong gisingin ang katabi ngunit walang tugon si Banjo. Nang walang anu-ano nakaramdam ng hirap sa paghinga si Manuel, hanggang sa nawalan na ito ng malay.
Samantala sa Libogantes may narinig na kakaibang ingay si Amir sa loob ng kuweba kung saan ito napapahinga. Hinanap niya ito at kinapa sa paligid at dingding na bato roon. Nang may na hagip ang kanyang kamay na tila isang buton. Sinubukan niya itong pindutin ngunit Wala namang nangyari. Madilim sa loob at tanging Ang liwanag mula sa buwan na sumisikip sa butas sa itaas ang tanging tanglaw sa paligid kaya hirap din si Amir na aninagin ang loob.
Nakiramdam muli si Amir, ngunit Wala na Ang ingay na kanyang narinig bukod sa mga paniki na nag liliparan sa loob. Ngunit hindi maalis sa isip niya ang tunog na kanyang narinig,na para bang may bumukas na pintuan na gawa sa mabigat na bakal. Maging ang nakapa nitong parang buton, palaisipan din kay Amir kung ano iyon.
Ilang saglit pa dumilim na ng tuluyan ang loob ng kuweba. Nasundan ito ng malalakas na kulog at kidlat. Hanggang sa bumagsak na sa loob mula sa butas sa taas ang malakas na buhos ng ulan. Hindi na umalis sa puwesto niya si Amir at sumiksik na lang sa mga bato doon. Nakaharap ito sa maliit na lawa sa loob.
Hindi na nagawa pang makaidlip o makatulog ni Amir ng mga sandaling iyon. Nang may naaninag ito mula sa tubig ng matamaan ng liwanag ng kidlat. May tao na papaahon mula doon. Nag sumiksik pa lalo si Amir sa gilid para hindi makita ng kung sino mang umahon na iyon.
At nang tuluyan ng makaayat ang nasa tubig, kinagulat ni Amir nang matamaan ng liwanag ng kidlat ang mukha ng lalake.
“Tang ina, sabi ko na nga ba may tinatagong lihim itong ungas na ito. “ Nasambit pa ni Amir sa sarili nang makita nito si Tony na sumampa sa malapad na bato.
Palinga-linga naman itong si Tony na nakikiramdam din sa paligid. Maingat ang galaw nito na para bang may hinahanap sa paligid.
Nakamasid lang sa madilim na sulok si Amir at inaabangan ang kilos ni Tony. Bawat galaw ng lalake nakasunod lang ang mata ni Amir. Bigla na lang nag laho sa isang madilim na sulok si Tony. Hindi na makita ni Amir kung saan ito napunta. Nang may naaninag na siwang ng liwanag si Amir sa bahaging pinuntahan ni Tony.
Palaki ng palaki ang siwang na iyon hanggang sa tumambad kay Amir ang isang maliit na lagusan kung saan pumasok doon si Tony. Naiwan itong bukas nang pumasok si Tony.
Kumilos agad si Amir palapit sa nakitang lagusan. Nais nitong alamin kung ano ang meron doon sa loob na iyon. Hindi naman ganon ka liwanag sa loob.pero nagulat si Amir sa kanyang nadiskubre. Gawa lahat sa makapal na bakal ang buong loob ng pinasukan ni Tony. Para itong pasilyo ng isang pasilidad na nakatago sa loob ng kuweba.
Nagising si Nicolo sa lakas ng ulan, basang-basa ito dahil sa pagkasira ng ginawa niyang silungan. Kaya wala na itong nagawa at pinatay Ang pride sa sarili. Pinuntahan nito ang itinayong tent ni Tony.
Ngunit nagulat ito nang matuklasang wala ito doon. Kinakabahan si Nicolo, hinagilap nito sa paligid ang kaibigan. Hinanap niya ito sa gitna ng malakas na bugso ng ulan at kidlat.
Nang mapadako ang tingin nito sa may dagat. May natanaw itong kumikislap na ilaw papalapit sa pangpang. Isang bangkang de motor.
Hindi na nag bigay pa ng kumpiyansa si Nicolo, nag tago ito sa may batuhan habang hinihintay ang papalapit na bangka. Hawak nito sa kamay ang isang sanga ng kahoy.
Nang makalapit na sa dalampasigan ang bangka, isang lalake ang bumaba roon at hinatak ang bangka palayo sa dagat. Habang nakatalikod Ang nasabing lalake, agad naman itong inambahan ng palo sa likod ni Nicolo gamit ang hawak nitong kahoy.
Napasubsob ang lalake sa lakas ng paghampas ni Nicolo. Nagtangka itong tumayo, ngunit hinataw muli ito ni Nicolo. Natumba ang lalake.
“Sino ka?! Kasabwat ka rin ba ng mga dumukot sa amin?!” bulyaw ni Nicolo.
“Teka pare, ano ba ang pinag sasabi mo? Hindi Ako masamang tao. Inabutan lang ako ng bagyo sa laot kaya huminto muna ako dito.” tugon ng lalake na iniinda ang sakit ng kanyang likod.
“Sino ka?”
“Migz pare, isa akong mangingisda. Pasensiya kung natakot kita. Hindi Ako masamang tao, maniwala ka. Hindi ko naman alam na may tao dito. Ang pagkakaalam ko kasi hindi na ito dinadayo ng mga turista.” sagot ng lalake.
Doon lang nahimasmasan si Nicolo. Napansin din nito na mukha namang nagsasabi ng totoo ang lalake. May mga ilang pag aalinlangan man, naging bukas naman si Nicolo sa ideyang baka Ang lalake na iyon ang sagot sa kanilang pag takas.
Inalalayan ni Nicolo si Migz at dinala sa tent ni Tony.
“Pasensiya din sa nagawa ko.”
“ayos lang, kung sa akin man nangyari Ang nangyari sa Inyo baka hindi lang palo ang magagawa ko. Saan na nga pala ang mga kasama mo? Sabi mo tatlo kayo nandito.”
“Hindi ko nga alam kung nasaan na ang mga iyon. Hahanapin ko pa sana sila nang makita kita.”
“Bukas mo na silang hanapin , masyadong malakas ang bagyong ito. Hayaan mo bago ako umalis bukas , tutulungan kitang hanapin sila dito sa Isla. Minsan na Ako napadpad dito kaya kabisado ko ito.” Sabi pa ni Migz
Nabuhayan ng pag asa si Nicolo.
“Puwede ba kaming sumama sa iyo paalis dito?” tanong ni Nicolo.
“Oo naman, malaki ang gamit kong bangka, kasya tayo doon. Siya nga pala nakapag hapunan ka na ba?”
“Hindi pa nga eh, pero ayos lang hindi naman ako nagugutom.” sagot ni Nicolo, ngunit hindi niya naitago ang hinaing ng kanyang tiyan ng marinig ni Migz ang tunog nito.
“Mukhang di sang ayon ang tiyan mo sa sagot mo. Halika, tulungan mo ako, may mga nahuli naman akong isda, nasa bangka. Ibaba na muna natin iyon baka masayang pa sa bagyong ito.”
Tinulungan ni Nicolo si Migz na ibaba mula sa bangka nito ang isang styrofoam box na may mga lamang isda, halos kalahit nito ang laman na malalaking isda kaya may kabigatan. Ibinaba na rin ni Migz ang iba pang mga gamit mula sa kanyang bangka, mula sa lutuang de gas, kaldero, mga gallon ng tubig at iba pang gamit na nasa loob ng isang bag.
“kumpleto pala talaga ang dala mo”
“Inaabot kasi ako minsan ng ilang araw sa laot makahuli lang ng ganito kalalaking mga isda. Minsan isang linggo. Kaya nag dadala na lang Ako ng mga gamit pang luto sa bangka. Sayang nga lang at nabasa na ng ulan ang dala kong bigas.” kuwento pa ni Migz.
“Taga saan ka ba?” Tanong ni Nicolo kay Migz.
Biglang tumahimik si Migz sa tanong na iyon ni Nicolo. Napatitig pa ang lalake sa kanya bago ito sumagot ng…
“Palawan, sa Balabac”
“Parte pa ba ng Palawan ang islang ito?” tanong pa ni Nicolo.
“Naku hindi na malayo na ito sa Palawan, pero parte parin naman ng Pilipinas. Hindi ko lang alam kung saan talaga ito banda. May mga Isla pa kasi na hindi pa napupuntahan masyado ng mga tao kaya nananatiling lihim tulad na lang nitong Isla.” paliwanag naman ni Migz.
Tumango na lamang si Nicolo, kahit na may mga katanungan parin na bumabagabag sa kanyang isipan.
Habang nag aayos si Nicolo, bigla na lang ito napatingin kay Migz. Nag tanggal ang lalake ng lahat ng saplot nito sa katawan, at tanging itim na brief lang ang iniwan.
“Ano ang ginawa mo? bakit ka naghubad?”
“Mas lalo tayong lalamigin kapag basa ang suot natin. Ikaw basang basa kana, maghubad ka na din ng hindi ka lamigin. Sisipunin ka pa niyan pag nababad iyang basa mong damit sa katawan.” sagot ni Migz.
“Sa bagay.“napangiting saad ni Nicolo.
“at isa pa Hindi ako sanay na matulog na basa.” tugon ni Migz na napangiti din.
Naghubad narin ng saplot nito si Nicolo. Sa loob na rin ng tent nag luto ang dalawa ng hapunan nila.
“Na miss ko tuloy ang tinola ni ng yaya ko, Buti kumpleto ang dala mong sangkap, nakahigop tayo ng mainit na sabaw.” Sambit ni Nicolo habang sarap na sarap sa tinolang dalagang bukid ni Migz.
“Magpakabusog ka pare, dahil mahaba-habang gabi pa ito para sa atin. Mainam ang mainit na sabaw sa malamig na panahon.” tugon ni Migz sabay hawak sa braso ni Nicolo.
Sa kinaroroonan naman ni Amir, hindi na nito nakita si Tony sa loob ng napasukan nito. Padilim narin ang loob, gawa ng malamlam na liwanag ng mga ilaw, habang papalayo na ito mula sa bukana ng lagusan.
Napahinto si Amir sa isang tabi, nang may naaninag itong anino na papalapit sa kanya. At bago pa ito mahuli nag mamadali na itong bumalik sa kanyang pinanggalingan.
Pumuwesto ito sa malayo habang naka masid parin doon. Ilang sandali pa lumabas din si Tony. Nagmamadali itong bumalik sa lawa. Nag-hintay ng ilang minuto pa si Amir bago binalikan ang pinanggalingan ni Tony. Muli nitong kinapa ang pader kung saan lumitaw Ang isang lagusan. Ngunit wala man lang ito nakapang kung ano.
Hindi na rin nito nabuksan pang muli ang nasabing lagusan. May kutob si Amir na hawak ni Tony ang susi doon.
Pinagisipan na ng mabuti ni Amir ang mga hakbang nito,matapos makumperma Ang kanyang hinala ukol kay Tony. Alam niya na hawak ni Tony ang mga kasagutan sa kanyang mga tanong.
Nag-isip ng plano si Amir.
Nakahiga na Ang dalawa, Migz at Nicolo nang bigla na lang may napansin si Migz.
“Giniginaw ka ba pare?”
“Medyo, pero ayos lang ito kaya ko pa naman Ang lamig.“sagot ni Nicolo ngunit dinig sa boses nito ang matinding nginig.
Binaluktot na lang nito Ang katawan at niyakap Ang sarili.
“Sumiksik kana sa akin pare, mas mababawasan ang nararamdaman mong lamig pag magkadikit tayo.” suhistiyon pa ni Migz.
Gusto man ni Nicolo ngunit nailang ito. Kapwa silang nakahubad at higit sa lahat kakakilala lang nito kay Migz. Matipuno ang katawan ni Migz, malapad ang balikat at malaki Ang mga braso. Moreno at hindi maitatanggi Ang taglay nitong gandang lalake.
“Huwag ka nang mailang sa akin pare, Hindi ka makakatulong ng ganyan. Ako sanay na Ako sa ganitong panahon sa laot.” Sabi pa ni Migz.
Si Migz na ang nagkusang lumapit kay Nicolo. Nagulat si Nicolo nang naramdaman na nito sa kanyang likod Ang dibdib ni Migz. Kasunod nito Ang pag dantay pa ng lalake sa kanyang hita dahilan para maramdaman nito ang pag sagi ng bukol ni Migz sa harapan sa kanyang hiwa sa puwet.
“Sana maibsan na ang lamig na nararamdaman mo pare.” At sinilyuhan ni Migz ng mahigpit na yakap ang nginig ni Nicolo.
In Search
“Sir isang unknown signal ang na locate ng ating team. Ngunit hindi nila nakuha ang lahat ng mensahe dahil agad na naputol ang koneksiyon. Pero ayon sa nakatanggap ng tawag, somewhere in sulu sea nang galing ang signal.” paglatag ng mensahe ng isang sundalo kay General Suarez.
“Then find that location, suyurin ang buong parte ng dagat. Malakas ang kutob ko na may koneksiyon ito sa hinahanap nating Isla.” Tugon ng General.
“General, isang informant ang hawak ngayon ng NPD , galing daw sila sa isang isla na kung tawaging Fuego” bungad agad ng isa pang sundalo nang pumasok ito sa opisina ng General.
Agad na pinuntahan ng General ang mga nakatakas di umano mula sa Isla na iyon. Ang mga pagkawala ng ilang mga turista at mga anak ng mga kilalang mga personalidad ng bansa ay naging malaking serye ng balita na sinusubaybayan ng lahat. At lalong naging sensational issue ito at hot topic sa buong social media platforms at news network, nang pangalanan ng gobyerno ang sindikato sa likod ng mga abduction at kidnapping. Ang BlackPearl.
Muling nabigyan ng pansin ang black web dahil sa usaping ito. Ilang mga leaked videos and recorded stream din kasi Ang kumalat patungkol sa mga brutal at nakakakilabot na nangyayari sa mga biktima ng BlackPearl.
Ngunit sa kabila ng ingay na nilikha nito. Nagmistula lang itong mga hoax at mga scripted prank videos para sa karamihan. Dahil sa Wala man lang nakakapag bigay ng patunay na totoo Ang grupong BlackPearl. Lahat spikulasyon lang.
“Ano naman ang paki-alam natin sa mga iyan, mga anak mayaman lang naman binibiktima ng BlackPearl kuno na iyan. “
“At marami na akong napanood na ganyan sa MineTube, at lahat naman napatunayang mga gawa-gawa lang for the content. Ang iba mga clip lang sa isang pelikula tapos kino- compile lang tsaka ina- upload. Walang BlackPearl, panakot lang iyan ng iba. Ang mas apektado nito ang turismo ng bansa natin.”
“tama ka diyan. Pero paano nga kung totoo,eh di nakakatakot talaga. Lalo na at biktima din kuno nito ang anak ng isang General.”
“Kinidnap nga ba? di kaya nag tanan iyon kasama ang rumored boyfriend nitong modelo papuntang ibang bansa. Hindi ba at kalat na kalat sa Chatter na bakla Ang anak ng General, may mga pictures at videos pa nga na kumakalat tungkol sa kanya. Marahil nag pala layo-layo iyon dahil sa kahihiyan. At hindi dahil sa abduction ng BlackPearl na iyan.”
Ang usapan pa ng dalawang katulong habang naggagayat ng mga rekado at karne sa kusina kasabay ng panonood ng news sa telebisyon. Naputol lang ang usapan ng dalawa ng lumapit Ang kanilang amo.
“Pakibilisan niyo na diyan manang at papauwi na ang sir Kid niyo.” saway ni Cedric sa mga katulong nang maabutan itong nag kukuwentuhan sa kusina.
“Patapos na po kami dito Sir Cid, isang putahe na lang ito.”
“Sir Cid, sa tingin niyo totoo ba ang BlackPearl na iyan?” Tanong ng Isa kay Cid.
“Hindi ko alam, pero Ang sigurado ako, wala ng ligtas sa panahon ngayon. Kaya kayo, huwag kayong pakampante sa lugar na pupuntahan niyo. Dapat ipaalam niyo sa mga kakilala o mga kaanak niyo kung saan kayo. At huwag na huwag kayong mag titiwala sa kahit na sino. “ Sagot ni Cid sabay lagok ng malamig na tubig.
Ganito ang tugon ng ibang mga tao sa mga nawawala na pinaniniwalaang kagagawan ng sindikato na kilala sa katawagang BlackPearl. Sa kabila ng pagkilos na ng militar at pagsali na ng gobyerno sa pagtugis sa grupo, isang kuro-kuro parin Ang tingin ng karamihan dito.
Pabalik sa Isla, nagising si Manuel na nakagapos na Ang mga kamay at paa, may busal na duct tape Ang bibig at nakapiring ang mga mata. Nakahiga ang posisyon nito kaya ramdam niya ang mga galaw sa kanyang paligid. Nagpupumiglas ito ngunit mahigpit ang pagkakatali sa kanya. Umaalon Ang kanyang paligid,kaya napag tanto nito na nasa isang bangka ito. Sa pagkikilos ni Manuel may nasagi Ang mukha nito.
Isa pang taong nasa katulad niyang sitwasyon ang katabi niya. Inisip nitong si Banjo iyon kaya ,niyuyugyog niya ito. Wala itong malay.
Napahinto sa kanyang ginagawa si Manuel nang may narinig itong pagbukas na sinundan ng mga yabag ng paa papalapit sa kanya. Lumapit pa ito kay Manuel.
“Handa ka na ba sa reunion niyo? Dapat lang kasi na miss na niya ang pag traidor mo sa kanya. Sana nga lang ganun ka din ka sabik na kaharapin ang kasinungalingan mo.”’ Sambit pa ng lalaking naka maskara, sabay tapik sa pisngi ni Manuel.
Hindi pamilyar kay Manuel ang tinig na iyon pero ramdam niya ang takot sa loob niya. Alam ni Manuel na kung sino man ang taong iyon may alam ito sa kanya. Nakiramdam pa si Manuel, umalis din ang lalake. Muling kumilos si Manuel para gisingin Ang katabi nito, nang may naamoy na naman ito na muling nagpahilo sa kanya kaya nawalan agad ito ng malay.
Malakas pa rin Ang ulan ngunit hindi na ito ganun ka bugso. Nakatulugan na ni Nicolo Ang pagyakap sa kanya ni Migz. Napamulat na lang ito nang maramdaman Ang kamay ng lalake sa loob ng kanyang brief. Napabalikwas ito dahilan para magising din si Migz. Nagulat din ito nang mapansin na nasa loob ng brief ni Nicolo Ang kanyang kamay at hawak pa ang laman nito. Sa subrang hiya ,agad niya itong inalis Ang kamay doon.
“Pasensiya na pare, hindi ko alam hindi ko sinasadya.” Ang nahihiyang sambit ni Migz na napaupo na lang.
“Ayos lang, “ nakangiti pang tugon ni Nicolo.
“Ayos lang pare?” tanong pa ni Migz na nagtaka sa tinugon na iyon sa kanya ni Nicolo.
Bigla na lang hinawakan ni Nicolo ang balikat ni Migz at ibinaling nito sa kanya si Migz tsaka binigyan ng halik sa labi ang lalake. Nabigla si Migz sa ginawa na iyon sa kanya ni Nicolo. Ngunit sa pag dampi ng kanilang mga labi, umusbomg bigla ang kakaibang init na lumukob sa dalawa. Nakipag eskrimahan ng dila si Migz kay Nicolo.
Kasunod noon ang pag gapang ng mga palad at kamay ng dalawa sa isa’t isa. Inihiga pabalik ni Migz si Nicolo at pumaibabaw ito dito. Ang pagkiskisan ng kanilang mga balat ay mas lalong nagpaigting sa mainit na tagpo sa pagitan ng dalawa. Pinaubaya ni Nicolo ang sarili nito na dominahin ni Migz.
Kasabay ng bagyo ng bagyo sa labas, mas malakas na pagbayo Ang nararanasan ni Nicolo sa mga pag kaldag sa kanya ni Migz. Agresibo Ang mga pag indayog ni Migz dahilan para mapa hiyaw at mapaungol ng matindi si Nicolo. Napuno ng mga mura at mga ungol Ang loob ng tent. Bumagsak sa dibdib ni Nicolo Ang hingal na hingal na si Migz matapos magpakawala ito ng napakaraming katas na pinagpaguran nilang pigain ni Nicolo. Napahigpit din Ang yakap sa kanya ni Nicolo ng sumabog din ito pagkatapos.
“Hindi na pala bago sa iyo ito.” mahinang bulong ni Migz kay Nicolo ,habang humahangos pa ito.
“At hindi rin lang ito Ang unang beses mo sa isang lalake diba?” pabulong na tanong din ni Nicolo kay Migz.
“Hindi ,at na miss ko ito.” tugon pa ni Migz at hinalikan muli sa labi nito si Nicolo.
Nasa ganun silang tagpo ng makarinig sila ng ingay sa labas ng tent. Napabangon Ang dalawa at naisip ni Nicolo na si Tony iyon.
May kalakasan parin Ang ulan ng mga sandaling iyon. Nag ayos ng sarili ang dalawa, tsaka sinilip ang nasa labas. Ngunit wala naman silang nakita na kahinahinala o tao doon. Kaya bumalik na lang Ang dalawa sa loob.
“baka bunga lang iyon ng niyog na nahulog dahil sa lakas ng hangin.” ayon kay Migz.
“Si Tony, nag aalala Ako sa kanya. Baka ano na nangyari sa kanya sa gubat.” sambit naman ni Nicolo.
“Marahil naka hanap na iyon ng masisilungan bago pa bumasak Ang ulan. Kapag tumila na ito, kahit madilim pa,hahanapin natin iyon. “ sabi pa ni Migz para mabawasan ang pag alala nito.
Lumipas ang magdamag at kalaunan tumigil na rin sa pag iyak ang langit. Madaling araw na nang humupa Ang ulan. Madilim-dilim pa nang unang bumangon si Migz, pag tingin nito kay Nicolo mahimbing parin Ang tulog nito. Lumabas ng tent si Migz upang kamustahin Ang iniwang bangka.
Alam ni Migz na hindi iyon malayo sa tent, ngunit nagtaka ito nang hindi na niya ito nakita. Patakbong pintuhan ni Migz ang pinag talian ng kanyang bangka at napa-mura na lang ito nang makitang lubid at angkla na lang ang naiwang nakabaon sa buhangin , Wala na Ang kanyang bangka. Napasigaw ito at napamura sa galit.
“Mga putang ina niyo!!! ibalik niyo sa akin Ang bangka ko!!!”
Dahil sa sigaw ni Migz nagising si Nicolo agad niya hinanap ito. Nang makita ang nagwawalang si Migz nilapitan niya ito.
“May pumutol sa lubid at nag nakaw ng bangka ko. Ang kasama mo, kagabi, sigurado ako na siya ang may gawa nito. Ninakaw niya ang bangka ko para makatakas sa Isla na ito!” Ang nang gagalaiting si Migz,
si Tony Ang pinaghihinalaan nitong may kagagawan sa pagkawala ng kanyang bangka.
Napaisip din si Nicolo na baka tama nga Ang hinala ni Migz.
Lumiwanag na Ang paligid dahil sa pagsilip ng araw. Isang lalaking may kargang kumpol ng niyog sa kanyang balikat Ang nakita ni Migz na papalapit sa kanila. Tinawag ni Nicolo si Tony. Nang malaman ni Migz na iyon si Tony, tinakbo niya ito para usisain tungkol sa kanyang bangka. Hinabol ni Nicolo si Migz baka may gawin ito kay Tony.
Hindi nga nagkamali si Nicolo dahil nang makalapit si Migz kay Tony sinapak niya agad ito. Gumanti naman si Tony dahil sa pagkagulat sa ginawang pag sapak sa kanya ni Migz. Nagkasakitan ang dalawa na nag pagulong-gulong na sa buhangin.
Pilit naman sila pinaghihiwalay ni Nicolo na umaawat na sa kanila.
Kumalas Ang dalawa nang mahimasmasan na Ang mga ito.
“Sino ka bang gago ka? At ano ang ginagawa mo dito sa isla? Isa ka din sa kanila ano?!” ang tanong ni Tony na suyang-suya sa ginawa sa kanya ni Migz.
“Saan mo nilagay ang bangka ko?!”
“Eh gago ka pala eh, bakit sa akin mo hahanapin? hanapan ba ako ng bangka? At kung nasa akin nga iyang bangkang sinasabi mo, hindi mo na Ako nakita dito dahil sabik na akong maka alis sa islang ito!”
“Teka lang, uminahon muna kayo. Migz, naniniwala ako kay Tony. Hindi siya ang tumangay ng bangka mo. May ibang tao.” komento ni Nicolo nang pumagitna na sa sagutan ng dalawa.
“Kung hindi siya, sino? May iba pa ba kayong kasama dito?”
“Si Amir, maaring si Amir ang kumuha ng bangka mo.” sambit ni Tony.
“Amir?” natigalgal si Migz nang marinig ang pangalan na iyon.
Hindi niya alam kung ang Amir ba na tinutukoy ni Tony ay Ang Amir na Kilala niya, ngunit kinabahan ito.
Ipinaliwanag ni Nicolo kay Tony kung bakit naroon si Migz, nang magkalinawan Ang lahat nagkaayos din sina Migz at Tony.
Nakaramdam na ng hilab si Amir nang magising ito. Napatingin ito sa bahagi ng kuweba kung saan natagpuan niya ang isang lagusan. Saglit niya itong nilapitan at kinapa-kapa ang dingding na bato. May napansin itong tila pahalang na butas. Maliit lang ito at hindi pansinin sa unang tingin.
Para itong pasukan ng kung anong manipis na bagay tulad ng ATM card. Napaisip si Amir na baka ito ang susian ng pinto para ito mabuksan.
“Kung ano man iyon, hawak iyon ni Tony. Kailangan makuha ko iyon. Ngayong alam ko na may kababalaghan talaga sa Isla na ito. Humanda kayo dahil ito na ang pagbagsak niyong lahat.” sambit ni Amir sa sarili.
Lumabas ito ng kuweba para mag hanap ng panlaman sa kanyang sikmura. Wala itong hawak na kung anong gamit kaya mano-mano Ang bawat kilos nito. Gayun pa man dahil sa mga karanasan, hindi na problema kay Amir Ang Maka survive sa ganung sitwasyon.
Maraming malalaking isda sa banda roon kaya pangingisda ang naisipang gawin nito ng araw na iyon.
Pagka apak sa buhanginan malapit sa dalampasigan, sinalubong agad si Amir ng dalawang lalaking naka handusay sa may dalampasigan. Agad iyon nakita ni Amir. Nagdadalawang isip pa noong una si Amir dahil sa takot, ngunit nang mapansing hindi gumagalaw at mukhang patay na Ang mga ito. Naglakas loob itong nilapitan Ang mga iyon.
Unang nilapitan ni Amir ang Isa na nakatihaya, humihinga pa ito ngunit walang malay. Hinila niya ito sa buhangin tsaka nilapitan Ang Isa pa na naka dapat.
At nang makalapit ito dito agad na pinatihaya ni Amir ang lalake, napasalampak ito sa buhangin sa pagkabigla nang tumambad sa kanya si Manuel.
Si Manuel ang Isa sa dalawang iyon. Humihinga pa ito kaya,hinila din ito ni Amir at itinabi sa Isa pa. Isa isang nilapatan ng CPR ni Amir ang dalawa, inuna nito ang isa. At nang magka malay si Manuel naman ang sinunod nito .
Nang magkamalay na ang dalawa agad na inusisa ni Amir ang mga ito. Gulat na gulat din si Manuel nang makita si Amir doon. Kinuwento ni Amir sa dalawa Ang nangyari sa kanila at ganun din sina Manuel kay Amir.
“Ikaw pala ang kaibigan nina Nicolo. Sana nga lang walang nangyaring masama kina Angel at Benson. Pero kinalulungkot ko Ang nangyari sa dalawa niyong kasama. Natagpuan na lang namin sila dito sa Isla na wala ng mga buhay at inilibing na lang din namin dito.” kuwento ni Amir habang gumagawa ng apoy.
“Kaya pala damit na lang nina Kurt at Cris ang binalik nila sa akin, mga hayop talaga sila.” sambit pa ni Banjo.
“Kung kayo Ang binabalikan ng sinasabi mong BlackPearl, ibig sabihin dawit lang kami dito ni Manuel?” tanong ni Amir
“Mukhang hindi rin, May sinabi sa akin ang nagdala sa amin dito. Kung ano man ang ibig niyang sabihin, may hinala akong may alam iyon sa ating dalawa. Natagpuan din namin kasama sa mga damit ng kaibigan ni Banjo ang damit na suot ni Migz noong araw na may nangyari sa amin sa laot.” Kuwento din ni Manuel kay Amir.
“Buhay si Migz?”
“Hindi ko alam, gaya nga nang nasabi ko noon sa iyo. Wala na si Migz nang magising Ako. Pero hindi rin imposibleng buhay pa nga si Migz.” sagot ni Manuel sa tanong ni Amir.
“Kailangan makausap ko si Tony, kung may kinalaman nga siya dito kailangan malaman natin agad iyon sa kanya.” sabat ni Banjo.
“Aamin din naman kaya iyon? At baka balikan ka rin nun.Ikaw ang may direktang koneksiyon sa BlackPearl base sa kuwento mo. Sa totoo lang dahil sa mga sinabi mo, nagdududa narin Ako sa katauhan mo. Pero sa sitwasyon natin ngayon na lahat puwedeng maging salarin at biktima. Pinipilit ko na mas maging bukas kaysa magduda.” ayon pa kay Amir.
“Naiintindihan ko. Pero maniwala ka, maniwala kayo ,kakampi niyo Ako dito hindi kaaway.” tugon ni Banjo.
“Mas mabuti na siguro na dumito na lang tayo. Mas makapag manman tayo sa kilos nila kung hindi nila alam na narito tayo.” Sabi pa ni Manuel.
“Kung Isa si Tony sa kanila, malamang alam na din nito na nandito tayo. Kaya wala ring silbi kung magtago tayo dito. Baka tayo pa ang mapagdududahan nilang kasabwat rito.” komento ni Banjo.
“Ano ang ibig mong sabihin?” pagtataka ni Amir.
“Kung sama-sama tayo, mababantayan natin ang kilos ng bawat isa’t isa. Walang makakagalaw sa atin kung buo tayo.” paliwanag ni Banjo.
Nagkasundo ang tatlo sa plano ni Banjo. Gayun pa man hindi inalis ni Amir sa sarili ang magduda sa intensiyon ni Banjo. Ngayon hindi lang si Tony Ang kailangan niyang tiktikan, maging itong si Banjo. Ito Ang dahilan ni Amir bakit hindi niya binanggit kay Banjo Ang tungkol sa natuklasan nitong tagong lagusan sa loob ng kuweba.
Napansin ni Amir na tila may hinahanap sa paligid si Manuel,kaya lumapit ito sa kanya sa tubig.
“Ano ang hinahanap mo?”
“Ang baril at patalim na nakuha namin doon sa isla. Sa pagkatanda ko nasa katawan ko lang iyon at itinali ng mahigpit sa beywang ko.” sagot ni Manuel.
“Marahil kinuha na nila iyon bago pa kayo nila iniwan dito. Wala na akong nakitang iba pa nang matagpuan ko kayo.” ayon kay Amir.
“Kailangan na nating makaalis dito.Wala talaga akong tiwala sa Banjo na iyan, sinasakyan ko lang siya.” mahinang sambit ni Manuel na pabulong kay Amir.
“Lahat naman tayo dito, hindi lang si Banjo . Maging sa iyo nagdududa din Ako. Wala rin akong tiwala sa iyo noon pa. Pero tama iyan. Hanggat wala pang linaw, huwag kang maniwala sa kahit na sino. Kahit na sa akin.” pabulong na tugon din ni Amir at bumalik na ito sa puwesto ni Banjo.
Naiwang natigalgal si Manuel. Hanggang ngayon May kinikimkim pa ring galit si Amir sa kanya dulot ng pagkawala noon ni Migz na sinisisi sa kanya.
Panahon na si Manuel nang may napansin itong nakaipit sa mga batuhan hindi kalayuan sa kanya. Nilapitan niya ito. Bigla itong napangiti nang makita ang bagay na iyon.
Agad namang kumilos ang dalawa matapos ang ilang minutong paghinga. Kinausap ni Amir si Banjo tungkol sa balak nilang bumalik sa kabila.
“May iba pang daanan bukod sa lawa,pabalik sa kabila. Matarik nga lang ang daan pero madali na lang din pag malapit na sa baba.” Sabi ni Banjo.
“Sasabihin mo ba sa kanila ang totoo?” tanong ni Amir.
“Hanggat hindi pa ako sigurado sa kaugnayan at papel dito ni Tony, nakakabuting huwag muna. Kung ano na namang laro ito, dapat maging maingat tayo sa ating mga desisyon.” tugon pa ni Banjo.
“Sang-ayon ako sa gusto mo. Kumilos na tayo hanggat May liwanag pa.” sabay tapik ng kamay nito sa balikat ni Banjo.
Nagpatuloy ang tatlo ,sinundan nina Amir at Manuel si Banjo. Sa kabilang bahagi naman ng isla,matapos ngang kumalma nina Tony at Migz , ikinuwento sa kanila ng huli ang tungkol sa buhay niya at kung bakit alam niya ang isla Buras.
“Si Amir nga tinutukoy mo, kasama siya namin, nandito rin iyon sa isla. Magkasamang lang din kami ng loob dahil iniisip ko na siya ang dahilan kung bakit kami na punta dito. “ tugon ni Tony.
“Hindi ganun si Amir, kilala ko iyon. Galit na galit iyon sa mga taga layag. Si Claudio ang may kagagawan nito sa inyo. At malamang siya rin ang tumangay sa mga bangka natin. Nandi lang din iyon sa isla.” ayon pa kay Migz.
“sinabi noon ni Amir na May nakita siyang tao sa gubat, at siyang tumangay ng bangka namin..Hindi kaya si Claudio iyon?” sabi pa ni Nicolo.
“Maari, malamang nasa paligid lang dito iyon kaya pati iyong dala ko tinangay din niya.” komento pa ni Migz
“Teka nga lang Tony, saan ka ba nagpunta kagabi at hindi ka na nakabalik?” tanong ni Nicolo na may lihim na pagdududa na sa kaibigan.
“Nagbawas ng sama ng loob, sa gubat ng inabutan na ako ng malakas na ulan. Hindi na ako nakabalik agad at nag hanap na lang lilim doon para masilungan.” paliwanag ni Tony.
Tumango lang si Nicolo ngunit sa loob nito hindi ito kumbinsido sa paliwanag ng kaibigan. Abala silang nag aayos ng kanilang matutulogan nang napatayo si Migz at napatingin sa isang banda. Sinundan ni Nicolo ang mga tingin ni Migz at nagulat ito kaniyang nakita.
“Banjo?” nasambit ni Tony nang napatingin din doon.
Nagmamadaling tumakbo si Migz na sinalubong ang mga paparating, kakaibang tuwa at saya ang nasilayan sa mga mata nito habang papalapit sa kanila ni Amir,at Manuel .
Walang salitang nagyakapan ang dalawa Amir at Migz ng subrang higpit. Mababanaag ang matinding pananabik sa mahabang pangungulila sa isa’t isa.
sa isang tabi, naroon si Manuel na halos hindi naman makapaniwala na makitang buhay sa harapan nito ang inakalang wala ng si Migz. pansin din sa mga mata nito ang butil ng luha na nais kumawala doon.
Agad namang nilapitan ng dalawa Nicolo at Tony si Banjo na binigyan din nila ng mahigpit na yakap.
Nakatingin lang sa kanila si Manuel, naiinggit ngunit naroon ang saya,dahil buhay si Migz.
Game begin
Ito ang unang araw na nagkatagpo-tagpo ang lahat. Nang usisain ni Nicolo si Banjo tungkol sa kanila ni Angel at Benson, itinanggi nito na nakita niya ito doon sa polo. Maging ang nangyayari sa kanila ni Kurt at Cris, hindi iyon naikuwento ni Banjo.
May lungkot man na bumabalot sa tatlo dahil sa mga nangyari sa mga kasamahan. Ibang saya naman ang dulot kay Amir at Manuel nang makitang buhay si Migz. Naikuwento pa ng lalake kung paano ito nakaligtas sa isang bagyo matapos ito matagpuan ng mag asawa sa isang isla ng Palawan.
At gaya ng napagkasunduan ng lahat, walang maghihiwalay. Kaya nang gabing iyon magkakasama silang anim sa iisang lugar. Lahat kanya-kanyang bantay sa kilos ng bawat isa.
Habang nag sasalo-salo ang mga ito sa nahuli nilang isda,may nabanggit si Amir sa kanila tungkol sa nakita nitong yate na sandaling tumambay sa isla bago ito umalis.
“Wala akong nakitang tao na lumabas mula sa yate na iyon hanggang sa nakaalis ito. Ngunit alam ko na kinalaman ang mga iyon kung bakit tayo nandito. At kung ano man ang ginagawa nila dito sa isla, May hinala akong hindi iyon pabor sa atin.” ayon kay Amir.
Sumabat naman si Tony na tila pinagdududahan parin ang mga salita nito. “Talaga bang wala kang nakita? Di kaya may mga alam ka pero nili-lihim mo lang sa amin?” ani pa nito.
“Sinabi ko lang ang nakita ko, kung may mga pagdududa kayo, nasa sa inyo iyan. Malalaman din natin kung sino ang may nili-lihim sa ating sekreto dito.” Tugon ni Amir na umismid at napadura na lang sa isang tabi, dahil sa pagiging sarkastiko ni Tony.
“Wala na tayong magagawa kung hindi ang magtulungan. Pagdudahan man natin ang isa’t isa hindi rin ito makakatulong para maka-alis tayo dito. Stick lang tayo sa plano. Walang hihiwalay,kung nasaan ang isa dapat nandoon ang lahat.” Sabi naman ni Banjo, na kinukutuban din sa mga kinikilos ni Tony.
“Kahit na sa pagdumi? Pila-pila tayo?” natawang reaksiyon ni Tony.
“Kahit na, kung sino man ang humiwalay sa grupo, ibig sabihin, siya ang kasabwat.” Sagot pa ni Nicolo.
“Ok fine, walang kakalas , maging sa pagtulog tabi-tabi tayo. “ sabay tayo ni Tony , na agad namang tinanong ni Amir.
“Eh saan ka pupunta?”
“Dito lang, iihi. Kung gusto mo , ikaw na humawak ng titi ko para sure ka na hindi ako tatakas.” Tugon ni Tony kay Amir.
Sinaway naman ito ni Nicolo, bago pa magkainitan ang dalawa. Nilapitan din ni Migz si Amir at inilipat ito ng puwesto palayo kay Tony.
“Ganyan ba talaga ang ugali niyan? Noong unang kita namin nagkasapakan din kami ng gagong iyan. Pagbintangan ba akong kasabwat.” Bulong ni Migz kay Amir na nakatingin ng matalim kay Tony.
“Hayaan mo na, di naman iyan ganyan noong unang kita ko sa kanila. Pero nang mapadpad kami dito, ako na ang pinag-iinitan niya na may kinalaman sa pangyayaring ito.” sagot pa ni Amir.
Habang nag uusap ang dalawa, panakaw namang sumusulyap sa kanila si Nicolo, lalo na kay Migz. At huling-huli naman iyon ni Manuel na kanina pa pinangingilagan ang mga tinginan nito kina Migz. Hindi sigurado si Manuel pero may iba itong kutob sa mga tinginan na iyon ni Nicolo.
Tinabihan ni Banjo si Manuel, ramdam niyang na a-out of place na ito.
“Naiinggit ka?” tanong nito kay Manuel.
Umiling si Manuel at ngumiti ito kay Banjo. “Bakit naman ako maiinggit, nariyan ka naman. Partner.”
“Partner” hinawakan ni Banjo ng mahigpit ang kamay Manuel at kinabig nito ito palapit sa kanya.
Hindi na pumirmi sa labas si Tony at pumasok na ito sa loob ng tent. Nagkakuwentuhan pa ang mga naiwan sa labas. Sinamantala naman iyon ni Tony. May kinuha ito mula sa mga gamit at sinubo ito. Ilang minuto pa bigla na lang ito nangisay, kasunod ang bula ng bibig nito. Hanggang sa tuluyang na itong nanigas at nawalan ng malay.
Naguusap parin ang mga naiwan sa labas at walang kamalay-malay sa nangyayari sa loob ng tent.
“Salitan tayo sa pagbabantay, pares-pares. Kami na muna ni Manuel ang magmamatyag. Magpahinga na muna ang iba. Maaring tahimik itong gabing ito , ngunit hindi natin alam kung ano ang nangyayari bukas. Kaya kailangan mag-ipon tayo lahat ng lakas.” suhestiyon pa ni Banjo, na sinang-ayunan naman ng iba.
“sasamahan ko na kayo magbantay hindi pa naman ako inaantok. “ ani pa ni Amir na nagsimulang mag dagdag ng mga tuyong bao ng niyog sa kanilang siga.
Nagpaalam na si Nicolo sa kanila para sundan na nito si Tony sa loob ng tent. Ngunit kakapasok pa lang nito sa loob ng mag sisigaw na ito ng tulong. Tumalima naman ang lahat na tiningnan ang nangyari. Nagulantang ang lahat ng makitang wala ng buhay si Tony. Pinag tulungan nina Banjo at Nicolo na mailabas si Tony mula sa tent.
Isa lang ang naisip nilang dahilan kung bakit nag kaka-ganun ito. Lason. Ang hindi malinaw sa kung paano nalason si Tony at kung sino ang lumason sa kanya. Sinubukan pa ni Nicolo na i-revive si Tony ngunit hindi na talaga ito tumutugon.
“Ikaw! ikaw ang lumason sa kanya, hayop ka!” Agad na sinugod ni Nicolo si Amir. Sinuntok niya ito nang makailang ulit ,
Nabigla si Amir sa pagsugod na iyon ni Nicolo kaya hindi ito nakailag. Agad namang umawat ang iba sa nagwawalang si Niccolo.
“Hayop ka nilason mo si Tony, Ikaw lang ang may motibong gawin ito sa kanya! Tama nga si Tony, ikaw ang kasabwat dito! Papatayin kita! Putang inaaaa!!!” ang nag pupumiglas na si Nicolo.
“Wala akong ginawa sa boyfriend mo gago! Paano ko malalason iyan? Kaharap niyo ako buong oras , at kailan man ay hindi ako nakalapit sa kanya. Hindi kaya binabaliktad mo lang ang sitwasyon? Pero ang totoo ikaw talaga ang lumason sa kanya. Sino ba ang malapit sa kanya hindi ba ikaw?!” Bulalas pa ni Amir na binalik ang paratang kay Nicolo.
Napatingin ang lahat kay Nicolo nang marinig ang sinabi na iyon ni Amir.
“Hindi ako, hindi ko kayang lasonin si Tony. Huwag kayong maniwala sa kanya. Hindi ako.”
Biglang kumalma si Nicolo, nahimasmasan din ito sa sinabi na iyon ni Amir. Napaluhod na lang ito sa buhangin at napasuntok dito nang ilang ulit. Doon ibinuntong ni Nicolo ang galit nito sa pagkawala ni Tony.
Naging malaking palaisipan sa lima ang nangyari kay Tony. Batid nilang wala sa kanila ang may kagagawan nun. Labag man sa loob nila ang gagawin. Napagpasyahan ng mga ito na ilibing na lang ang katawan ni Tony, sa parte ng isla kung saan nila unang nilibing ang mga katawan nina Kurt at Cris. Si Migz na ang nag boluntaryong magsagawa ng pag libing.
Matapos magtulungan sa pag hukay ng mapaglilibingan, iniwan na nila ka Migz ang paglibing kay Tony.
Lubhang dinamdam ni Nicolo ang pagkawala ni Tony. Hindi parin ito mahinto sa pagwawala.
“Hayaan na muna natin si Nicolo na mailabas ang lahat ng emosyon na nararamdaman niya. Sa nangyari kay Tony , kailangan natin ng dobleng pag ingat.” Ani pa ni Banjo sa kanila ni Amir at Manuel.
“Pambihira naman, pano na ngayon ito patay na ang kaibigan mo. Patay na ang pinaghihinalaan natin, at nakapagtataka kung paano nalason na lang bigla si Tony na hindi natin namalayan.” Ang naging malaking palaisipan kay Amir.
“Isa lang ang ibig sabihin nun, totoo ang hinala natin, kasabwat nga dito si Tony. At para mapagtakpan ang lahat, tinapos nila ito para masira ang konsentrasyon natin.” tugon pa ni Banjo.
“Ibig sabihin, posibleng meron pa sa atin ang May tinatagong sekreto. Hindi lang si Tony.” biglang sabat ni Manuel sa dalawa na nakatuon ang mga titig kay Amir.
“Kaya nga kailangang idilat mo ang mga mata mo, baka sa susunod malason ka din.” Tugon ni Amir sa sinabi ni Manuel at iniwan sina Banjo para lapitan naman ang kakabalik lang na si Migz.
Nang makalayo na sa kanila si Amir, May binulong si Manuel kay Banjo.
“selos lang iyan,…wala akong nakitang kakaiba kay Amir na puwede kong pag-isipan ng kung ano. Hayaan mo na si Migz sa kanya, tayo na lang para hindi ka na mag selos.” Sabay hawak ni Banjo sa kamay ni Manuel.
Nanatiling nasa dalampasigan parin si Nicolo, nakatingin sa malayo at inaalala ang mga sandaling pinagsamahan at pinagsaluhan nila ni Tony. Hindi parin mapigilan nito ang pag tulo ng kanyang luha. Halo-halo na ang nararamdaman nito sa kanyang sarili. Galit, pugot, inis, takot at pangamba.
Lumapit si Migz at naupo ito sa tabi ni Nicolo.
“Naintindihan ko ang naramdaman mo, pero huwag mo naman sana pag-isipan ng masama si Amir, kilala ko si Amir at may tiwala akong wala siyang kinalaman sa nangyari kay Tony. Wala sa atin ang gawa nun sa kanya.” ani pa ni Migz.
“Hayaan niyo muna ako. Kailangan ko mapag-isa. Ayuko munang makita kayo, not this time.”
“Nandito lang ako kung kailangan mo nang kausap. “ sambit ni Migz at hinayaan muli si Nicolo.
Puno ng mga katanungan at kalungkutan ang araw na iyon para sa lahat. Sumapit muli ang gabi at ramdam parin ang nakakabinging katahimikan. Walang nagiimikan. Nasa loob na ng tent si Nicolo,magkatabi namang nagpapahinga sina Migz at Amir. Samantala nasa harapan naman ng ginawa nilang siga sina Banjo at Manuel na nag uusap.
Nang sa kalagitnaan ng kanilang pagkukuwentuhan, biglang napatayo si Manuel at nanlaki ang mga mata nito nang may nakita itong tao na nakatayo hindi malayo sa kanila. Madilim ang buong isla, kaya hubog lang ng isang tao ang naaninag nitong nakakubli sa dilim.
Agad namang napadakot ng isang sangang may apoy si Banjo at itinutok iyon sa direksyon kung saan may namataan si Manuel. Ngunit wala naman itong nakita sa bahaging iyon. Napabangon din sina Amir at Migz sa ingay ng dalawa.
“Bakit pare anong meron?” bulalas na tanong ni Migz na kagigising lang.
“May nakita raw na tao si Manuel sa banda roon. Pakiwari ko, mga pakawala na iyon. Kaya humanda kayo, mukhang magsisimula na.” sagot ni Banjo.
“Ano ang magsisimula?” Tanong pa ni Migz.
“Ang palabas na hihila sa atin sa ating kamatayan.” sabat pa ni Manuel.
Nagising na rin si Nicolo sa mga usapan ng apat sa labas ng kanyang tent. Nagtipon-tipon ang lima at nag usap-usap sa kung anong hakbang ang kanilang gagawin upang paghandaan ang pinapangambahan nila.
“wala tayong ano mang armas o gamit na maaring ipang laban saka-sakali. Alangan namang mga sanga ng kahoy lang gagamitin nating panlaban. Kung nasa akin lang sana ang baril ko, kahit isa man lang sa atin may pang proteksyon.” sambit ni Banjo.
“May mga gamit akong nakuha at naibaba mula sa bangka ko, may ilang mga malalaking fishing hook ako diyan, at dalawang patalim na gamit ko sa pangingisda. Magagamit natin iyon para makagawa ng sandata.” sabat ni Migz.
“Gamitin natin ang lahat ng puwede nating magawang sandata, Ang mga bahagi ng tent puwede nating himayin iyan para gawing alternatibong armas.” ayon kay Nicolo.
“Bukod sa armas kailangan din natin ng galing sa pakikipaglaban. Wala tayong kaalam-alam sa mga patibong na hinahanda nila, kaya kailangan buo ang pag-iisip natin at handa ang katawan natin sa posibleng panganib.” sabi naman ni Amir.
“Ano man ang paghahanda na gawin natin kung bala ang ipangharap nila sa atin, wala ring silbi.” komento pa ni Manuel.
“May punto si Manuel, Pero gayun pa man dapat handa tayo sa mga mangyayari. Ganun parin ang plano, walang hihiwalay sa grupo. Kung nagawang malason ni Tony na hindi natin namalayan. Maaring ganun din ang mangyari sa atin.” Pagsang-ayon ni Banjo.
Si Banjo ang tumayong lider sa kanila, dahil ito lang ang may alam sa kung paano kikilos ang mga nasa likod ng pag dukot sa kanila at pagdala doon sa isla. Wala nang sinayang na oras ang lima at sa kalagitnaan ng malamig at madilim na gabi, isinagawang nila ang likha ng kanilang mga improvised na mga sandata. Pinagtulungan nila ni Amir at Nicolo ang pag baklas ng tent. At sa kanila pag sira doon, nasagi ng paa ni Amir ang metal box na nakita nila noon sa bangka. Nakakandado parin ito.
Kinuha iyon ni Amir at nilapag sa buhangin malapit sa apoy. Napansin iyon ni Banjo kaya lumapit ito kay Amir na sinusubukang baklasin ang kandado gamit ang takip ng kaldero. Kinuha ni Banjo kay Amir ang kahon, may kabigatan ito at malaki. Ngunit hawig ito sa natagpuan nila ni Manuel sa isla.
“Bakit?” tanong ni Amir
“Katulad ito nang box na natagpuan namin ni Manuel, kung saan nakita namin ang mga gamit Nina Migz’ at ng mga kaibigan ko, na May kasama pang mga bala, patalim, at dalawang baril.” sagot ni Banjo.
Naalala ni Amir na may hinahanap na bagay noon si Manuel nang matagpuan niya ang mga ito sa kabilang bahagi ng isla at ang natagpuan din nitong kahon na naglalaman ng dalawang baril, patalim, bote na may lason, cellphone at litrato ni Tony na kanyang itinago doon sa loob ng kuweba.
“Ibig-sabihin baka may laman din itong baril o armas sa loob?” tanong muli ni Amir na atat nang mabuksan ang box.
“May dalawang paraan para mabuksan ang kandado, puwede sa susi at sa pamamagitan ng code. Hindi mo agad mapapansin ang naka engrave na mga symbols dito at numero kung hindi ka pamilyar sa uri ng kandadong ito.” tugon pa ni Banjo habang pinapakita kay Amir ang maliit na pihitan sa katawan ng kandado.
Pinaikot-ikot na ni Banjo ang gilid lahat ng gilid at ilalim ng box para suriin kung may naka lagay ba roong code. Ngunit wala itong nakita. Napansin sila ng iba, salitan nilang pinupukpok ang kandado ng box para mabuksan lang ito ngunit talagang matibay iyon. Sinubukan din ni Banjo paglaruan ang pihitan sa Lando, sa pag asang ma-tsambahan nito ang tamang code pero bigo ito.
Nais subukan ni Amir na gamitin ang code na sina-ulo nito mula sa natagpuang kahon, ngunit nag alangan ito na baka pag nabuksan na ang kahon, maging mitsa pa iyon ng problema sa kanilang lima. Kaya minabuti na lang nitong sarilinin,at hahanap na lang ng tamang timing para masilip ang laman nun.
Madaling araw na nang makatulog ang lima na magkakatabi. Naging mahimbing naman ang kanilang pamamahinga at naging matahimik naman ang lahat. Ginising na lang ang mga ito ng sikat ng araw.
Agad na nagtampisaw sa dagat si Banjo upang doon mag bawas ng tubig sa katawan. Sumunod naman sa kanya si Nicolo na tila maayos na ang pakiramdam. Nag presinta naman si Migz na nanguha ng niyog kasama si Amir, tinungo naman ni Manuel ang batuhan para makahanap ng lamang dagat na puwede nilang kainin sa araw na iyon. Gayun din sina Banjo at Nicolo sinubukan ding mangisda gamit ang mga pinatulis na sanga ng kahoy.
Walang lumayo sa kanilang lima, bagaman abala sa kanilang ginagawa, binabantayan parin nila ang isa’t isa.
Matapos makapag ipon ng lakas at mabusog, tuloy ang lima sa pag gawa ng kanilang mga armas. May iminungkahi sina Amir at Banjo sa lahat
“May tatlong direksyon lang tayo na dapat bantayan ang magkabilang dulo at ang gubat na iyan. Posible sa mga parte na iyan mag mumula ang mga pag-atake kung aatake man sila.” Ayon pa kay Banjo.
“Ngunit wala tayong laban kung pumirmi lang tayo dito at maghintay, wala tayong takas. Kaya tayo na mismo ang ha-hunting sa kanila.” dugtong ni Amir.
“Hindi ba tayo malalagay sa alanganin niyan Amir?” may pagkabahalang tanong ni Migz.
“Nalagay na sa alanganin ang buhay natin ng mapunta tayo dito. At wala nang puwang ang takot. Nalagasan na tayo, may buhay na nawala. Gusto nila ng laro, makikipag laro tayo.” tugon ni Amir kay Migz.
“Sang-ayon ako sa mungkahi ni Amir, wala nang saysay ang umatras. Pagbabayarin ko sila sa mga ginawa nila sa mga kaibigan ko.” sambit ni Nicolo.
Sumang-ayon narin si Manuel sa gusto ng tatlo. May pag alinlangan man napapayag din si Migz. Una sa plano nila ang balikan ang kuweba kung saan nakita ni Amir na pumasok noon si Tony. Ang daan na tinuro sa kanila ni Banjo ang dinaanan nila para madali nila marating ang kuweba. Sinamantala ng lima ang liwanag ng araw upang hindi sila mahirapan sa pagpunta doon.
Nang marating nila ang kuweba agad na tinungo nina Amir at Banjo ang ayon kay Amir tagong lagusan doon. Ngunit wala silang nakapa o nakita man lang na kung ano. Maging ang tila maliit na butas na pasukan ng manipis na bagay tulad ng card na napansin noon ni Amir wala na doon.
Trust Thing
Nang marating nila ang kuweba agad na tinungo nina Amir at Banjo ang ayon kay Amir tagong lagusan doon. Ngunit wala silang nakapa o nakita man lang na kung ano. Maging ang tila maliit na butas na pasukan ng manipis na bagay tulad ng card na napansin noon ni Amir wala na doon. Ipinagtataka iyon ni Amir.
“Nandito lang iyon, malamang natunugan na nila na natuklasan mo ito. Ang mabuti pa maghintay tayo sa labas, doon natin pag-isipan ang mga gagawing hakbang.” Ani pa ni Banjo kay Amir.
Lumabas ng kuweba sina Banjo at Amir na bigong matagpuan ang sekretong lagusan. Inabutan ng dalawa na ang tatlo na nagbabalangkas ng mga pinag puputok na kahoy at katawan ng punong saging.
“Kamusta? may nakita ba kayo?” tanong ni Migz sa dalawa.
umiling si Amir bilang tugon. “ Para saan ang mga iyan?“ Tanong naman ni Amir.
“Naisipan kong gumawa tayo ng balsa, nakakita ako ng matibay na uri ng baging sa pagpunta natin dito. Tinulungan narin nila ako ni Manuel at Nik para mag ipon nitong mga kahoy. Napansin din namin iyang mga katawan ng puno ng saging na nakatumba, hinila na namin para isama sa gagawin naming balsa.” sagot ni Migz habang nilalatag ang mga kahoy sa iisang direksyon.
“Tungkol sa katawan ng saging na iyan, hindi kayo ang pinutol niyan?” naitanong pa ni Banjo.
“Hindi napansin na lang namin iyan noong nag hahanap kami ng makakain sa gubat, nasa bukana narin lang kaya hinila na namin papunta dito. Nagtaka nga kami sa paraan ng pagputol sa mga iyan. Ngunit naisip namin ni Migz na maaring gamiting pampalutang ito sa gagawin naming balsa.” tugon ni Nicolo , na siya namang bumubuhos sa mga naging upang pagdugtungin ang mga ito.
“Ibig sabihin wala dito sa isla, nais nilang maglayag tayo.” sambit ni Banjo.
“Anong ibig mong sabihin?” tanong ni Manuel.
Hindi tumugon si Banjo, sa halip tumulong narin ito sa pag gawa ng binabalak nilang balsa. At habang ginagawa nila ito, may napansin naman si Amir na palutang-lutang sa tubig hindi malayo sa kanila. Mga kawayan at kumpol ng mga lubid. Agad iyon nilangoy ni Migz at Amir. Marami iyon ,sakto para sa naisip nilang gawing balsa.
Kinutuban na ng hindi maganda si Banjo. Hindi rin nito makuha ang nais ipagawa sa kanila ng nasa likod ng pagdala sa kanila sa isla. Nang maitabi na ng mga ito ang lahat ng kawayan at lubid sa dalampasigan. Saglit na nagusap ang lima. Si Banjo ang nanguna sa kanila. Inilatag nito sa lahat na posibleng naririnig ang kanilang napag-uusapan. Kaya may minungkahi ito sa lahat na ikinagulat nila.
“Kalokohan, maghuhubad talaga?” pagtataka ni Migs na tila tutol pa sa gustong ipagawa sa kanila ni Banjo.
“Kailangan lang wala sa isa man sa atin ang nakabitan ng ano mang device galing sa kanila. Balak niyo gumawa ng balsa, at ayan binigay sa atin ang mga kakailanganin natin sa paggawa. Binabase nila ang lahat sa iniisip natin. Ibig sabihin alam nila ang lahat sa atin. “ Ayon kay Banjo.
“At maging ang pag uusap nating ito naririnig nila?” tanong pa ni Amir.
Tumango si Banjo, “Kaya nga kailangan nating makasiguro.” Unang nag tanggal ng saplot sa katawan si Banjo at wala itong itinira na kahit ano.
Sinuri din nito ang sariling suot baka may nailagay sa kanya. Binulatlat at pinagpag niya pa ito. Nang makita ni Nicolo ang ginawa ng kaibigan,sumunod din itong nag hubad, at itinapon sa gitna ang lahat ng saplot. Sumunod naman si Manuel, sinundan ni Amir at bagaman napipilitan, naghubad na rin si Migz.
Animo’y mga Adan silang nakabilad ang mga naggagandahan nilang katawan sa mala asukal na buhangin ng isla. Si Banjo ang sumuri sa mga damit nilang hinubad. At sa di inaasahan, tama ang hinala ni Banjo, isang maliit na tila butones ang nakita nitong naka dikit sa pulong pag-aari ni Migz. Subrang liit nito na halos hindi nga mapapansin.
Nagkatinginan ang mga ito at napako ang pagdududa nila kay Migz, Dahil sa nakitang device ni Banjo sa damit ni Migz, muling bumabalik ang galit ni Nicolo sa pagkawala ni Tony. Nagulat ang lahat nang bigla na lang sinugod ng suntok ni Nicolo si Migz.
“Hayop ka!, kunwari ka pang aksidente lang ang pagka-padpad mo dito sa isla. Binilog mo pa ang ulo namin na napasama ka lang dito. Iyon pala padala karin nila. Tama si Tony, kasabwat ka ngang hayop ka! Kaya mo pinatay si Tony diba?! Ikaw ang lumason sa kanya!!!” Ang hindi mapigil na galit ni Nicolo na patuloy inuundayan ng sapak at suntok si Migz habang sinasakyan ito sa katawan.
Hindi naman nagpatalo si Migz at buong lakas din nitong naitulak mula sa ibabaw niya si Nicolo. Nakipag basagan din ito ng mukha. Nagpang buno na ang dalawa nanag pagulong-gulong na sa buhanginan. Hirap naman sa pag awat ang tatlo dahil sa mainit na bakbakan na dalawa. Naka hawak ng piraso ng kahoy si Migs mula sa mga nakasalansan, at naihataw ito ng malakas kay Nicolo na tinamaan agad sa nuo. Sa lakas ng pagkahampas ni Migs, bulagta si Nicolo.
Doon na nakalapit ang tatlo sa kanila, nilapitan nina Banjo at Manuel ang nahihilo nang si Nicolo. Nanghihilamos na ito ng dugo mula sa sugat sa nuo. Si Amir naman ang umayuda kay Migz na duguan din ang mukha dahil sa pumutok na labi at sugat sa kilay at pisngi.
Tuluyang nawalan ng malay si Nicolo.
Hindi alam ni Banjo ang gagawin sa kaibigan. Tumayo si Manuel at tinungo ang mga pinaghubaran nila at kinuha ang kanyang damit. Pinunit niya iyon upang gawing bigkis sa nuo ni Nicolo para matakpan ang sugat. Nang mai-ayos na si Nicolo. Binalingan ni Banjo si Migz. Inusisa nito ang lalake tungkol sa nakitang device sa kanyang damit.
“Wala akong alam sa mga binibintang niyo sa akin! At alam ko wala iyan dati sa damit ko bago pa ako napunta dito. Hindi ko nga alam ang bagay na iyan tapos sa akin niyo isisisi ang lahat mga putang ina niyo! Kung tutuusin sabit nga lang ako dito eh. Nawala sa akin ang bangka ko nang napunta ako dito.” Ang mariing pag tanggi pa ni Migz’ sa paratang sa kanya.
“Huwag mo rin sabihin sa akin na coincidence lang ang pagtatagpo niyo ditong tatlo nina Amir at Manuel. Dahil hindi iyon nagkataon lang ulol. Nandito ka dahil nandito sila, nandito kayo dahil kasali kayo. At kung kaya mong bilogin ang ulo nila sa kasinungalingan mo, huwag ako dahil alam ko. May alam ka sa mga nangyayari kaya huwag ka magpanggap na inosente.” Ang tugon ni Banjo na nagtitimpi ng galit.
“Hindi kaya ikaw ang may tinatagong lihim, di naman kaya ikaw naman talaga ang nag lagay ng device na iyan at palabasing nanggaling sa akin para mapagtakpan ang mga kilos mo? At huwag mo akong takutin. Dahil hindi kita hihindian. Magsama pa kayong lahat.” saad pa ni Migz’ kay Banjo.
Hindi na nakapagtimpi pa si Banjo at nasapak nito si Migz, gumanti din ang lalake kay Banjo. Sila naman ngayong dalawa ang nagpang-abot. Tinakbo naman agad ni Manuel ang dalawa para paghiwalayin at awatin.
“Tang ina naman Amir, tumitingin ka lang talaga. umawat ka naman!” bulyaw naman ni Manuel kay Amir na nakatayo lang habang nagpapangbuno sina Banjo at Migz.
“Gusto nila magpatayan, hayaan mo. Ito naman talaga ang dahilan kung bakit tayo nandito. Ang magpatayan tayo. Hayaan mo sila, huwag mong awatin. Sige lang magpatayan kayo nang matapos na tayo.” Ang tanging tugon lang ni Amir at tumalikod.
Hinayaan nga nito ang dalawa na nag susuntukan. Si Manuel naman tudo awat sa kanila. Nang mapaghiwalay ang dalawa nagsalita si Manuel.
“Hindi niyo ba narinig si Amir? Ito ba ang gusto niyo, ang mag patayan talaga lahat tayo dito? Dahil kung oo, bahala kayo pero ako aalis na sa islang ito. Gusto ko pang mabuhay. Wala na akong paki-alam kung sino sa atin ang kasabwat sa hindi. Mag kanya-kanya na tayo.”
Umalis si Manuel at tinungo ang mga naipon nilang mga kahoy at kawayan. Sinimulan nitong buohin ang pinaplano nilang balsa. Nag pasya naman si Amir na manghuli ng isda. Naiwan ang dalawa Banjo at Migz na masama parin ang tinginan sa isa’t isa.
Habang nililibang ang sarili sa panghuhuli ng isda, hindi maiwasan sumagi sa isip ni Amir ang mga nangyayari. Litong-lito na ito sa kung sino ang totoong kasangga at ang tunay na kasabwat. Wala na si Tony sa kanyang listahan, at dahil sa nangyari kanina lang nagdadalawang isip na ito sa intensyon ni Banjo at nabaling na ang hinala nito kay Migz. Mahalaga sa kanya si Migz at mahal niya ito, kaya hindi niya matanggap na ito ang kasabwat. Gayunpaman kailangan parin niyang talasan ang kanyang pakiramdam. Dahil baka magkamali ito sa kanyang mga hakbang.
Papadilim na ngunit walang nagsasalita ni isa man sa kanila. Hiwa-hiwalay silang lima. Si Banjo nasa tabi lang ni Nicolo na nagkamalay na. Si Migz, abala sa ginagawa nitong sariling balsa mula sa mga naipon na kahoy at katawan ng saging, ganun din si Manuel na sineseryoso rin ang pag buo ng isa pang balsa na mula naman sa mga kawayan at lubid na natagpuan nila sa dagat. Samantala nasa isang sulok naman si Amir na nag inihaw ng mga nahuling isda.
“Hindi ko na alam kung sino na lang sa atin ang tunay na kakampi rito.” wika ni Nicolo.
“Pati ba ako pinagdududahan mo Nik? Pare naman dalawa na lang tayo ang magkaibigan dito. Kilala mo na ako matagal na, ngayon mo pa talaga ako pag-iisipan ng ganyan?” gulat na reaksiyon ni Banjo.
“you can’t blame me, matapos ang mga nangyayaring ito, wala na akong pinaniniwalaan. Actually hindi na nga ako umaasa na makakaalis pa tayo rito ng buhay or at least makalayo man lang.” ayon pa kay Nicolo.
“Alalahanin mo pare, may pag-asa pa tayo. Buhay pa sina Angel at Benson. Tatagan mo lang ang loob mo. Nandito ako, sabay tayong lalaban.” ani pa ni Banjo.
“Wala na pare, magawan man nila ng paraan na maipaalam sa kinauukulan ang tungkol sa BlackPearl, huli na rin sa atin ang lahat. “ saad pa ni Nicolo na tila nawawalan na ng pag-asa.
Walang tigil naman sa kanyang ginagawa si Manuel, sinisiguro nitong pulido ang pagkaka buo niya ng balsa. Ngunit kahit na nasa pag-gawa ang pukos nito, nasa paligid at mga kasama parin nito ang kanyang atensiyon. Tulad ni Nicolo, wala na rin itong tiwala sa mga kasama nito sa isla na iyon.
“Mabuo ko lang itong balsa, bahala na kayo.” bulong pa ni Manuel sa kanyang sarili.
Nasa kanya-kanyang kina-aabalahan ang lahat nang makarinig sila ng sunod-sunod na mga putok ng armas. Kinagulat iyon ng lahat. Muling kinalabog ng mga putok na iyon ang dibdib ng lama. Hindi malayo sa kanila ang pinanggalingan ng mga putok kaya hawak ang mga binuo nilang mga improvised na mga armas nagsihanda ang mga ito.
“Sa kuweba tayo, mas makakatagpo tayo roon kung kinakailangan.” mungkahi ni Amir na sinang-ayunan naman ni Banjo.
Patungo na sila sa kuweba nang makasalubong nila ang dalawang lalaking pamilyar sa kanila. Laking gulat ni Banjo nang makita ang tumatakbong mga kaibigan na sina Angel at Benson. Ngunit bago pa makarating ang dalawa sa kanila ni Banjo. Muli sila nakarinig ng mga putok ng baril mula sa kung saan. Kasabay nito, sabay na bumagsak sa buhangin sina Angel at Benson. Sabay na napasigaw sina Banjo at Nicolo sa sinapit ng dalawang kaibigan.
Bigla naman natigil ang mga pagputok matapos matumba sina Angel at Benson. Lalong nagwala at nagsisigaw sina Banjo at Nicolo nang makitang wala ng buhay ang dalawa dahil sa tadtad ng tama ng bala sa kanilang katawan.
Sa mga nakita, lalong kinabahan si Manuel sa mga nangyayari. Hinanap nito sa paligid ang pinagmulan ng mga putok ng armas na tumapos sa buhay ng dalawang, Angel at Benson.
“Disidido talaga silang patayin tayong lahat. Kung ganitong hindi natin nakikita ang mga tumitira sa atin, talagang mauubos tayo ng walang kalaban-laban.” saad ni Amir na palinga-linga din sa paligid at nakikiramdam.
Yakap-yakap nina Banjo at Nicolo ang mga wala ng buhay na katawan ng kaibigan nang makarinig sila ng tunog ng cellphone. Agad na nagkatinginan sina Banjo at Nicolo. Mula sa suot ng dalawa ang naturang tunog, kaya hinanap nila iyon. Hanggang sa nakapa ito ni Nicolo sa bulsa ng pantalon ni Benson.
Agad na sinagot ni Nicolo ang tumatawag sa cellphone kahit na kabado.
“it’s prank!” ang bungad na sagot ng nasa linya, sabay humalakhak ito.
“Hayop ka sino ito?!Sino kang demonyo ka?!!!” ang tanong ni Nicolo sa galit na boses.
“Cool down baby, relax masyado kayong attached agad sa mga emosyon niyo. Binibigyan ko lang kayo ng pang appetizer. Hindi ko pa kayo hina-hainan ng pang main course.” sagot pa ng kausap ni Nicolo.
Kinuha ni Banjo kay Nicole ang cellphone at kinausap ang nasa linya. Inakala ni Banjo na si Fabio ang kausap nito, ngunit sa tuno ng boses alam niyang ibang tao ito. Ibinulalas pa ng nasa linya na mali sila sa kanilang iniyakan. Inutusan nito si Banjo na suriin mabuti ang mga akay-akay nilang mga bangkay.
Nagtaka si Nicolo sa ginagawa ni Banjo.
“Bakit?” tanong pa nito.
“Napeke tayo, hindi ito sina Angel at Benson” bulalas ni Banjo.
Kinapa ni Banjo ang ibabang bahagi ng leeg ng inakalang mga kaibigan. At doon, may napansin nga ito. Tumulong na si Amir sa kanila. At doon nga tumambad sa kanila na ibang tao nga ang mga napatay at nakasuot lang ito ng mga maskara na kamukhang-kamukha nina Angel at Benson.
“Hayop kayo, ano ba’ng laro ang gusto nito?! Tapusin na natin ito! mga demonyo!!!” Bulyaw ni Banjo sa kausap nito sa linya.
“Nasa katawan ng mga iyan ang sagot sa tanong mo. Will see you soon, bye” tugon pa ng nasa linya bago naputol ang koneksyon.
Kumilos agad si Banjo, binulatlat nito ang lahat sa katawan ng mga napaslang. Pati sina Amir at Nicolo tumulong na rin. Ngunit wala naman sila nakita na kung ano sa mga suot ng dalawa. Kaya naisip ni Banjo na baka nasa katawan nila ang tinutukoy ng kausap nito.
Hinubaran nila ang mga ito at naroon nga ang hinahanap ni Banjo. “The boat is sinking” ito ang naka sulat ng pagdikitin nila ang mga salitang naka-sulat sa likod ng katawan ng mga pinatay.
Eeny, meeny,miny,moe
Walang natulog ni isa man sa kanila dahil sa nangyari. Pinagtulungan nilang buohin ang mga balsa. Nahati sa dalawa ang grupo. Sina Amir at Migz, sumama naman sina Banjo at Nicolo kay Manuel. Magdamagan nilang pinagpuyatan ang pag gawa ng balsa. Kanya-kanya silang interpretasyon sa mensahe na pinarating sa kanila. Wala narin silang magagawa pa kung hindi ang sundin at gawin ang nais na ipagawa sa kanila ng kung sino mang nasa likod ng nararanasan nila. Ang nasa isip lang nila, ang malampasan ng buhay ang lahat ng makakaharap nila sa islang iyon.
Inabot na sila ng madaling araw, pero dilat parin ang lahat at abala parin sa pagbuo ng kanilang sakayan.
“Kakailanganin natin ng dagdag na kahoy para maging matibay itong gawa natin.” mungkahi ni Amir kay Migz na seryosong nagtatalo ng mga kahoy sa balsa na kanilang ginagawa.
“Ako na ang bahala kumuha ng pandagdag, siguraduhin mo lang na mahigpit ang mga pagkakatali para hindi humiwalay sa isa’t isa ang mga kahoy.” tugon ni Migz.
“Sasamahan na kita para mas marami tayong makuha.” sambit ni Amir
“Pati ba ikaw, nagdududa sa akin?” Tanong ni Migz.
“Hindi na mahalaga sa akin kung sino sa atin dito ang kakampi o hindi, kung sino ang nagsasabi ng kasinungalingan sa totoo. Ang mahalaga ngayon sa akin ang mabuhay. Ayokong mabaon sa isla na ito na walang ginagawa. Kung mamalasin man, ang mahalaga lumalaban ako. “ saad pa ni Amir
Tiwala naman ang dalawa na walang gagalaw sa kanilang balsa, kaya nagsama ang dalawa sa pag hanap ng kahoy kahit na may kadiliman pa sa paligid.
Napansin naman ni Banjo ang pananahimik ni Nicolo buong magdamag. Pinuna niya ito.
“Kung inaantok ka, maigi mag pahinga ka muna. Salitan na lang tayo. Mukhang pagod narin si Manuel.” pansin ni Banjo, kay Nicolo
“Ayos lang ako pare, kaya pa ng mata ko. Kayo na magpahinga ni Nik, hihintayin ko na lang lumiwanag para paghanap ng makakain natin.” sabat pa ni Manuel.
Umiling lang si Nicolo bilang tugon sa dalawa, at nagpatuloy na sa kanyang ginagawa. Ramdam na ng mga talukap ng mata ni Banjo ang pagod at antok pero pilit niya itong nilalabanan. Ayaw niyang makatulog kahit isang segundo lang lalo na nang mapansin nitong wala ang dalawa sa kanilang lugar. Maging si Manuel, kahit ano’ng laban nito sa antok at pagod,dahil sa malamig na samyo ng hangin, tila dinuduyan na ito para matulog. Pero tulad ni Banjo, ayaw din pumikit ni Manuel kahit sandali lang.
Ngunit kahit ano’ng laban pa ang gawin ng dalawa, ginapi parin ang mga ito ng antok. Napansin na lang ni Nicolo na naka-tulog sina Manuel at Banjo. Matagal munang tinitigan ang dalawa bago ito tumayo at iniwan ang mga ito roon.
Pinuntahan ni Nicolo ang kabilang bahagi ng isla, may nais itong alamin. Sinamantala nitong tulog pa sina Banjo at Manuel, at wala rin sina Amir at Migz.
Tinungo ni Nicolo ang pinaglibingan nila noon sa katawan nina Kurt at Cris.
“Kung nagawa nilang malinlang kami gamit ang maskara. Di kaya ibang Kurt at Cris din ang nailibing namin noon. Kailangan maka siguro. Huhukayin ko ang bangkay nila, at sana nga tama ako.” sambit ni Nicolo sa sarili habang binabaybay ang daan papunta sa kabilang parte ng isla.
Nagmadali si Nicolo, unti-unti ng lumiliwanag noon ang paligid dahil sumisilip na ang bukang liwayway. Nang marating ni Nicolo ang lugar kung saan nila inilibing sina Kurt at Cris noon, nagulantang ito sa kanyang nakita. May bungkal na sa pinaglibingan nila ng bangkay. Hindi rin kasi iyon ganun kalalim. Batid ni Nicolo na hindi iyon dulot ng alon sa dagat dahil hindi na abot ng tubig ang bahaging iyon. Sinadya ang pagbungkal at maging ang puwesto kung saan inilibing din si Tony, nagalaw din. Sinigurado pa ni Nicolo ang lahat, gamit ang dala nitong kawayan, ay sinubukan pa din nitong hukayin ang mga binungkal na lupa.
Ngunit wala na talaga itong nakitang bakas ng bangkay na kanilang inilibing. Maging ang kay Tony, wala na rin ang katawan niya roon.
Napasigaw at napamura nalang sa galit si Nicolo sa kanyang natuklasan.
“Mga hayop kayo! saan niyo dinala ang mga kaibigan ko?! saan!!!” sigaw pa nito, na puno ng galit.
Hinanap pa ni Nicolo ang mga bakas at palatandaan kung saan dinala ang kanyang mga kaibigan sa paligid na iyon. Ngunit talagang wala silang iniwang marka sa lugar. Agad na bumalik si Nicolo para ipaalam sa lahat ang natuklasan, nang nay nakita itong tao na tila nakamasid sa kanya. Nang akmang lalapitan ito ni Nicolo, tumakbo ang lalakeng iyon papasok ng gubat.
Hindi naman nag dalawang isip si Nicolo na sundan iyon. Patakbo rin itong hinabol ang lalake na mabilis nagsusuot sa masukal na kakahoyan.
Natagpuan na lang ni Nicolo ang kanyang sarili na nakatayo, malapit sa lawa sa gitna ng gubat. Hinagilap nito ng paningin ang hinahabol na lalake sa paligid, nang biglang may dumamba sa kanya mula sa kanyang likuran. Hindi iyon napansin ni Nicolo. Mahigpit ang pagkaka-headlock ng lalake sa kanya. Pilit na nagpupumiglas si Nicolo nang may itinutok sa kanyang leeg ang lalake.
Kung ano man iyon, mabilis na umi-pekto iyon kay Nicolo, nanghina agad ito, at lumuwag ang pagkakahawak sa braso ng lalake. Nang tuluyan ng sumuko ang lakas nito, tsaka lang binitawan ng lalake si Nicolo.
Nagawa pang mapalingon ni Nicolo para tingnan ang mukha ng gumawa nun sa kanya, ngunit nanlabo na ang paningin nito hanggang sa nawalan na nga ito ng malay.
Bago pa bumagsak si Nicolo, sinalo na ito ng lalake. Pinasan nito ang walang malay na si Nicolo at nilisan ang lugar na iyon.
Maliwanag na ang paligid nang maisipan ng dalawa Amir at Migz na bumalik na sa dalampasigan dahil sapat na ang dami ng mga kahoy na gagamitin nila sa ginagawang balsa.
“Kumain muna tayo bago bumalik doon, may nakita akong punuan ng saging, hindi pa gaanong hinog ang iba pero puwede na rin ito.” wika ni Amir habang pasan-pasan ang isang bulig ng saging.
“Doon na lang natin kakainin ang mga iyan. Kinakailangan matapos agad natin ang balsa bago magtanghali. “ ayon pa kay Migz
Sumang-ayon naman si Amir. Papalabas na sila ng gubat nang makaamoy sila ng nasusunog na kahoy. Nang makita pa nila ang maitim na usok na tila nagmumula sa dalampasigan, agad na nagmadali ang dalawa. Sa bilis ng kilos nila na may halong kaba ,hindi na nila inalintana ang bigat ng kanilang mga dala.
Ang kanilang pangamba ay nagkatotoo nang bumungad sa kanila ang nasusunog nilang balsa. Halos mangalahati na ang natupok nito. Agad na tinakbo ng dalawa ang kanilang pinagpagurang balsa para apulahin ang apoy. Tinapunan nila ito ng bungahin, ngunit huli na, nilamon na ng tuluyan ang kanilang balsa.
Naalimpungatan naman sina Banjo at Manuel sa ingay ng dalawa. Nagulat din ang mga ito ng makita sina Amir at Migz na inaapula ang nasusunog nilang balsa. Tumayo agad ang dalawa para sana tumulong kina Amir, nang mapansin ni Manuel na wala si Nicolo.
Nang napabaling si Migz sa kanila ni Banjo at Manuel, dumampot ito ng isang kahoy na umaapoy at galit na nilapitan ang balsa ng dalawa tsaka itinapon doon ang umaapoy na kahoy. Mabilis naman na tinabig iyon ni Banjo gamit ang hawak na kawayan.
Pinagbibintangan ni Migz’ na sina Banjo ang may kagagawan kung bakit nasunog ang kanilang balsa. Nang mapansin nitong wala sa kampo nina Banjo si Nicolo.
“Ngayon alam ko na kung sino.” sambit ni Migz’ nang umalis ito.
Dagdag problema na naman para kay Banjo ang pagkawala ni Nicolo.
Wala nang silbi ang pinagpuyatang balsa ng dalawa, Migz at Amir. Gayunpaman napagkasunduan ng apat na paghatian ang natitirang balsa. Bagama’t may kimkim na galit ang dalawa sa kampo nina Banjo dahil sa nangyari, hindi rin nila masisi ang dalawa dahil naniniwala naman ang mga ito na wala silang kinalaman sa nangyari. At buo ang hinala nila na si Nicolo ang nagsunog sa kanilang balsa.
Sa kabilang banda, iba naman ang pakiwari ni Banjo dahil sa pagkawala ni Nicolo. Sa kanyang mga kaibigan siya na lang ang naiwan. Silang tatlo, Amir ,Migz’ at Manuel ay matagal ng may ugnayan sa isa’t isa. At hindi malayong pagkaisahan siya ng mga ito kung sakaling magkagipitan. Ito ang tumatakbo sa isipan ni Banjo habang tumutulong ito sa pag-papatibay ng bansang kanilang gagamitin paalis ng isla.
“Hahanapin ko si Nicolo, kung ano man ang mangyari,tumakas na kayo at iligtas niyo na ang mga sarili niyo.” wika pa ni Banjo sa tatlo.
At gaya nga nang inaasahan nito, wala man lang sa tatlo ang pumigil sa kanya. Nilisan ni Banjo ang dalampasigan at pinasok ang gitna ng gubat. Binalikan nito ang loob ng kuweba kung saan nabanggit ni Amir na may nakita itong lagusan. May araw pa sa mga sandaling iyon kaya maliwanag pa sa loob ng kuweba. At habang nangangapa ito sa dingding ng kuweba may napansin nga itong tila linya sa pagitan ng pader na bato.
Tulad ng mga sekretong pintuan sa tunnel doon sa polo. Hinanap pa ni Banjo sa paligid ang sekretong nitong doon, nang may naapakan ito. Umilaw ng kulay pula ang nakita nitong linya sa pader. Umangat ang isang bahagi ng dingding at lumabas ang scanning device roon. finger print ang kailangan para mabuksan ang tagpong pintuan.
At alam ni Banjo na tanging ang mga miyembro lang ng BlackPearl ang pwedeng maka access doon. Kaya sinubukan niya ito kung gumana sa kanya. Pagtapat ni Banjo ng palad niya sa device na iyon biglang umangat ang dingding ng kuweba at nalantad nga sa kanya ang sinasabing lagusan doon. Pagkapasok pa lang nito, agad na sumara ang pinto. Nagpatuloy ito hanggang sa dulo. Katulad na katulad ang disenyo nito sa mga tunnel ng pasilidad na nasa polo. Kinutuban si Banjo na may hindi maganda sa dulo ng kanyang tinatahak ngunit nagpatupad ito.
biglang may sumirit na tubig sa mga dingding ng naturang tunnel. Paunti-unti hanggang sa lumalaki na at lumalakas ang mga tagas nito. Gabinti na ang tubig sa loob at patuloy parin ang pag tagas ng tubig. Mahaba-haba ang tunnel na iyon, ngunit hindi nagpatinag si Banjo. Wala pa yata ito sa kalahati ng tunnel nang ang tubig abot na sa kanyang beywang.
Batid ni Banjo na sa dagat tumatawid ang naturang tulay, kaya hinanap nito ang buton para mabuksan ang emergency exit. Ngunit tila nababasa ng kung sino man ang binabalak nito. Bago pa mahanap ni Banjo ang exit button, lalong lumaki ang tagas ng mga iyon sa dingding,dahilan para mas bumilis ang pag dami ng tubig. Kunti pa at malapit na sa balikat ni Banjo ang tubig.
Ang nangyayari sa kanya ay malinaw na nakikita nina Angel at Benson na sa mga sandaling iyon nasa isang magkahiwalay na silid na may malaking screen monitor sa dingding kung saan nakikita nila ang nangyayari sa kaibigang si Banjo.
Napasigaw na nagmamaka-awa ang mga ito. Na kung maari itigil na ang ginagawa nila sa kaibigan. Nang biglang nagka- glitch ang monitor, nawala ang pinapakitang tagpo tungkol sa sitwasyon ni Banjo. Nang bumalik ang ayos ng screen isang nakamaskarang lalake ang nakita ng dalawa.
“Buhay ng isa niyong kaibigan kapalit ng buhay ng iba. Game?” wika ng naka-maskara.
Tumahimik ang dalawa, nagdadalawang isip sa kondisyon ng lalake. Wala silang ideya sa posibleng kahahantungan ng sitwasyon kung papayag ba sila of hindi.
“Gaano ako masigurado na maililigtas ang buhay ni Banjo kapag pumayag ako sa gusto mo?” tanong ni Angel sa lalaking naka-maskara.
“The choice is yours, Dare o Spare? “tanging tugon lang ng naka-maskarang lalake.
Ibig-sabihin walang katiyakan kung susunod ba ito sa kanyang sinabi o hindi. Kaya napa isip si Angel. Takot at kaba na ang bumabalot kay Benson ng mga oras na iyon. Nasa kamay nila ang kapalaran ni Banjo. Ngunit nag-aalangan din ito sa maaring maging kapalit ng kondisyon ng naturang lalaking naka-maskara.
Abot na ni Banjo ang kisame ng tunnel. Tuluyan nang napuno ng tubig ang loob. Lumalampas na sa leeg nito ang taas ng tubig at hirap na itong sumagap ng hangin. Gayunpaman,hindi nawalan ng pag-asa si Banjo na makakaalis ng buhay sa tunnel na iyon. Nag patuloy pa rin ito sa paglangoy kahit hirap na ito, nang mapansin nalang nito na gumagalaw ang tubig sa loob. Unti-unting bumababa ang level nito na tila ba nadi-drained.
Hinanap ni Banjo ang nilalabasan ng tubig dahil iyon din ang magiging daan niya para maka labas sa tunnel na iyon.
Pabalik sa dalampasigan, nadatnan ni Amir na nagtatalo sina Migz’ at Manuel, naghihilahan ng lubid ng ginawang balsa ang dalawa.
“Kung nais mong manatili dito,bahala ka! pero ako, aalis na sa isla na ito!” Ang wika pa ni Migz’ na pilit hinihila ang balsa sa dagat.
“Hanggang kailan makasarili ka talaga, Hindi lang ikaw ang bumuo itong balsa para solohin mo.” saad ni Manuel na pinipigilan si Migz.
Lumapit si Amir sa kanila na may blangkong reaksiyon lang sa ginagawa ng dalawa na pagtatalo.
“Huwag mo na hintayin na bumalik pa si Banjo. Sinundan ko siya, At nakita ko siyang pumasok sa tagong lagusan sa loob ng kuweba. Pare-pareho lang sila.” wika pa ni Amir.
Natulala si Manuel sa sinabi ni Amir. Napatingin na lang ito sa dalawa na hila-hila na ang balsa papuntang dagat.
“Ano pa ang hinihintay mo, sakay na. “ wika ni Migz’ na nakasampa na sa balsa kasama si Amir.
May pag-aalangan man, sumampa na rin ng balsa si Manuel. Inabot sa kanya ni Amir ang kawayan na siyang gagamitin nila bilang sagwan. Nagsisimula na silang umusad nang mapansin ni Amir ang paparating na unos. Kaya nagpasya ang tatlo na ipagpaliban muna ang kanilang paglatag at palipasin muna ang masamang panahon.
Nagkasundo ang tatlo na walang hihiwalay sa kanila saan man sila pupunta. Malaki ang papalapit na unos kaya sinigurado ni Migz’ na hindi matatangay ng alon ang ginawa nilang balsa. Naisipan pa ni Amir na lagyan na lamang nila ng masisilungan ang balsa. At iyon ang ginawa ng tatlo. Hapon na ng mabuo nila ang bubong na magsisilbing silungan nila sa balsa. Sunod nito nanguha ng makakain ang tatlo, alimango at toyum ang naging pantawid gutom nila ng oras na iyon.
“May kutob akong may nilulutong plano ang mga iyon laban sa atin kaya kailangan, alerto tayo.” sambit ni Migz.
“Kayo ang magkasama ng Banjo na iyon, bago kayo napunta dito. Wala ka bang napansin na kahina-hinala sa kanya?” tanong ni Amir kay Manuel habang kumakain ang tatlo.
Umiling lang si Manuel,tahimik lang ito at tipid ang mga salita at tugon sa kanilang usapan. Sa loob nito, maging sina Amir at Migz ay hindi dapat pagkatiwalaan. Dahil sa mga nakaraan nila. Matagal ng may galit si Amir sa kanya, at sa nangyari sa kanila noon ni Migz’, hindi na rin ito sigurado.
Lumipas ang mga oras at malapit ng lamunin ng dilim ang buong isla, dagdag pa ang makulimlim na kalangitan na nagbabadya pa ng masamang panahon. Nagpaningas na ng siga si Manuel nang may nahagip ang kanyang mata mula sa mabatong bahagi ng lugar, malapit sa yungib. Hindi ito mapakali sa kanyang nakita.
Napansin ni Amir si Manuel na napatingin sa bahaging iyon.
“May nakita akong anino ng tao sa banda roon.” tugon ni Manuel kay Amir.
“Malamang si Banjo iyon, di naman kaya si Nicolo. Naghahanap siguro ng tiyempo para tirahin tayo. Subukan lang nila at sisiguraduhin kong mauuna silang maging pataba ng mga niyog dito sa isla.” sabat ni Migz’ nang marinig ang dalawa.
“walang matutulog sa atin, kanya-kanyang bantay tayo. Wala tayong ideya sa mangyayari ngayong gabi kaya tama si Migz, kailangan maghanda tayo. Hindi lang sina Banjo ang salarin dito.” saad ni Amir.
Nang umalis si Manuel,…
“saan ka pupunta?” tanong ni Amir.
“Saglit lang ako, may kukunin lang ako sa banda roon.” nagmadaling umalis si Manuel.
Saglit nga lang ito at bumalik agad, bitbit ang isang maliit na metal na kahon na balot pa ng mga buhangin. Napansin iyon ni Migz’ ngunit nagkibit balikat lang ito na kunwari hindi niya ito nakitang dala ni Manuel. Diretso agad sa loob ng ginawa nilang silungan si Manuel at isiniksik sa gilid ang dala nito, tsaka tinakpan ng mga tuyong dahon ng niyog. Bago muling lumabas para puntahan ang dalawa sa tapat ng ginawa nilang siga.
Run, hide and die
Nawawalan na ng hininga si Banjo sa kawalan na ng oxygen sa loob ng tunnel na iyon na puno ng tubig. Nang bigla na lang umalimpuyo ang tubig hanggang sa unti-unti na itong bumaba. Mabilis ang pagbaba ng tubig. Habol-habol ni Banjo ang hininga nito nang tuluyan ng bumaba hanggang binti ang tubig. May kutob si Banjo na mino-monitor ang kanyang galaw sa tunnel na iyon. Hinanap nito sa paligid ang mga posibleng kamera, muli nitong binagtas ang kahabaan ng tunnel.
Bigla na lang pumalya ang mga ilaw sa tunnel. Nagpapatay sindi ang mga ito. Nakaramdam ng kaba si Banjo, napatigil ito sa kanyang paglalakad. Tahimik sa loob ng tunnel at tanging ang mga hingal lang ni Banjo ang bumabasag sa katahimikan doon. Balak na sanang bumalik ni Banjo ng may narinig itong malakas na pagtampisaw sa tubig sa bandang unahan lang nito. Nakita pa ni Banjo ang pag alon ng tubig, sa lakas ng vibration dulot ng kung ano mang bagay na bumagsak doon.
Napaatras na si Banjo bago pa nito naaninagan ang kanyang narinig. Napamura na lang ito nang umangil ang isang malaking buwaya na mabilis na gumagapang papunta sa kanyang direksyon.
Hirap man sa pagkilos si Banjo batid na nito ang panganib na naka-amba sa kanya sa mga pangil ng buwaya na papasugod sa kanya. Sinikap nitong makatakbo sa abot ng kanyang makakaya. Kinakailangan niyang maka layo roon. Wala itong lingon-lingon na tinutumbok ang labasan ng tunnel, nang mapagtanto nito na sarado na pala iyon.
Isang desisyon ang nabuo sa isip ni Banjo. Kinuha nito sa kanyang pantalon ang isang patalim na kanyang dala. Wala rin namang saysay ang tumakbo dahil wala rin itong takas. Malaki ang buwaya ngunit sa isip ni Banjo kaya niya itong tapatan. Kailangan niya lang ng magandang stratehiya kung paano niya mapapatay ito. Huminto sa kanyang pag takbo si Banjo, hinarap nito ang papalapit na buwaya habang hinahanda ang sarili sa pag atake nito sa kanya. Gamit ang patalim, pinunit nito ang isang bahagi ng kanyang pantalon. Ginamit nito ang tela upang ibuhol sa kanyang kamay ang patalim. Siniguro ni Banjo na mahigpit na naka tali ang patalim na hawak sa kamay nito.
Mukhang gutom ang hayop kaya alam ni Banjo na madugong wrestling ang mangyayari sa pagitan nila ng buwaya. Mababaw na lang ang tubig at tanaw na tanaw ni Banjo ang kabuohan ng buwaya.
Napadasal na lang sa kanyang kaligtasan si Banjo.
Samantala habang nangunguha ng mga tuyom sina Migz at Amir, bigla na lang napasigaw ng tulong si Manuel habang akay-akay sa kanyang mga kamay ang isang lalake na tila naghihina. Napakunot na naman ng noo si Migz nang mapansin si Manuel na may tinutulungan na namang tao.
“Hayaan mo siya, hindi natin kilala kung sino na naman ang dinampot niyan. Baka isa na naman iyan sa magpapahamak sa atin.” Pag pigil ni Migz kay Amir.
“Titingnan ko lang, mag iingat ako.” Tugon ni Amir at nilapitan si Manuel.
Hindi na nagawa pang pigilan ni Migz si Amir. Agad na lumapit si Amir kay Manuel at nagulat ito nang makilala ang taong kasama ni Manuel, si Benson. Dinala nila si Benson sa ginawa nilang balsa at doon pinahiga. Puno ng pasa, galos at mga sugat sa katawan at mukha si Benson. Mga bakas ng paghihirap na kanyang sinapit sa mga kamay ng humuli sa kanya. Hinang-hina ang lalake na halos hindi pa makapag salita, ngunit mababanaag sa mukha nito ang galak ng makita muli sina Amir at Manuel. Pinag pahinga ng dalawa si Benson. Binalikan agad ni Amir si Migz na sa puntong iyon balot na naman ng mga pagdududa at pag aalinlangan dahil sa panibago na namang sampid sa kanilang plano na pagtakas sa isla.
“Kaibigan siya nina Nicolo, kasama niya si Angel ng lisanin nila ang isla upang iligtas sana ang mga kaibigan nila sa pulo. Pero sa tingin ko, tulad natin ganun din ang naging kapalaran niya. “ Wika ni Amir.
“Wala akong pakialam kung kaibigan pa siya ng mga iyon. Basta wala akong tiwala sa kanya. Saan ba iyan napulot ni Manuel? Tinanong niyo ba kung paano iyan napunta dito? “ Tugon ni Migz na diskumpyado na sa mga nangyayari.
“Hindi pa makausap si Benson. Si Manuel na ang maalam magtanong sa kanya.” Sabat ni Amir.
“Kailangan maka alis na tayo ng isla, habang dumadaan ang oras tila kinakabahan na ako sa mangyayari sa atin dito kapag tumagal pa tayo. “ Ayon pa kay Migz.
“Hanapin muna natin sina Nicolo at Banjo. “ Biglang saad ni Amir.
“Hibang ka na ba? At ano naman ang paki-alam mo sa mga iyon? Tayo ang magkakasama dito. Kung may aalis man sa isla na ito. Tayo lang iyon. Tayo lang. “ Pagdidiin pa ni Migz na biglang napataas ang boses sa sinabi ni Amir.
“Parang sinabi mo na rin na pati si Manuel, iiwan na rin natin dito. “
“Kung kailangan.” Sagot ni Migz bago tumalikod kay Amir.
Papalubog na ang araw. At habang papalubog na ang liwanag, tila papalubog na rin ang pag-asa ng lahat sa naturang isla.
Nagkamalay si Nicolo sa loob ng isang makipot na silid, bakal ang palibot nito. Makakapal na bakal na kalawangin. Madilim sa loob at may kaunting liwanag lang mula sa maliit na siwang sa bahagi ng isang dingding. Masangsang ang amoy ng loob ngunit hindi iyon alintana kay Nicolo na sa mga sandaling iyon, bagamat dilat at gising, tila wala naman ito sa tamang katinuan. Tulala lang ito at nakatingin lang sa kawalan. Maya-maya pa ay nagbukas ang pintuang bakal. Kitang-kita ni Nicolo kung sino ang pumasok ngunit wala itong kontrol sa kanyang sarili.
“Surprise! Kamusta Nik did you miss me? Pasensiya na kung ganyan ka. Hayaan mo hindi naman magtatagal at mag i-enjoy ka rin sa inihanda namin para sa inyo. Oo nga pala, hindi mo nga pala ako naiintindihan. Pero alam ko na nakikita mo ako. Sayang, nagugustuhan na sana kita. Hulog na hulog na ako sa iyo alam mo ba iyon? Kaso lihis iyon sa role ko sa larong ito. Nagtataka ka siguro bakit kayo napunta dito? Sisihin niyo ang mga magulang niyo. Kung bakit? alalahanin mo. “ Wika ni Tony nang nilapitan nito si Nicolo na naka-tingin lang sa kanya.
May itinutok na naman na kung ano si Tony sa katawan ni Nicolo dahilan para mangisay ito at mamilipit sa sakit habang hawak ang ulo nito na sa mga sandaling iyon tila mabibiyak sa tindi ng kirot. Napahandusay sa sahig si Nicolo na nagwawala at nag huhumiyaw dahil sa hindi maintindihang sakit na nararamdaman. Nakatingin lang si Tony na pinagmamasdan ang nangyayari kay Nicolo. Siniguro muna nitong tumatalab na ang kanyang itinurok bago muli nitong nilisan ang silid.
Matapos ang ilang minuto, humupa naman ang paghihirap ni Nicolo hanggang sa nawalan na naman ito ng malay.
Sa kabila naman ng makapigil hininga at nakakapagod na pakikipagbuno sa isang buwaya, matagumpay na naipaglaban ni Banjo ang kanyang buhay matapos tusukin nito ang mga mata ng hayop at pag sasaksakin ang leeg at tiyan nito. Bulagta si Banjo sa tabi ng buwaya na hingal na hingal. Ngunit ang saglit na pahinga ay muli na namang ginising ng takot at gimbal nang may narinig na naman itong nagtimpasaw sa tubig sa unahan. Napabangon si Banjo at napalingon sa pinagmulan ng ingay, at natigalgal ito nang makita ang isa na namang buwaya na papalapit na sa direksyon niya. Napamura na naman ito. Hindi pa man ito naka-recover sa pagod sa naunang buwaya may panibago na naman siyang kakaharapin.
-*-
Habang abala sina Migs at Amir sa pagluluto sa mga nahuli at nakuha nilang lamang dagat. Sumimple si Benson kay Manuel nang magkamalay ito.
“Kasabwat nila ang tao na iyan, isa siya sa mga nakita ko sa pulo nang mahuli nila ako.” mahinang wika ni Benson kay Manuel, habang nakatingin kay Migz.
“Imposible, matagal na naming kasama sa isla si Migz at karelasyon siya ni Amir. Malabong ipapahamak niya si Amir sa sitwasyong ito.” tugon ni Manuel.
“Hindi ko alam ang tungkol sa kanila, pero ang alam ko isa siya sa mga tauhan ng kung sino mang nasa likod nito.” sabi pa ni Benson.
“Paano ka nga pala napunta dito?” tanong ni Manuel kay Benson.
“Malapit lang ang pulo dito sa isla, magkadugtong lang sila. Nakatakas ako sa tulong ni Angel. Naiwan pa si Angel sa pulo. Isang tunnel ang dinaanan ko. Isang mahabang tunnel na ang dulo kunektado sa isla na ito. Minsan na kami napunta dito,kaya nagulat na lang ako ng matagpuan ang sarili ko na nandito na ako. Sa pagod at gutom nawalan na ako ng malay hanggang sa natagpuan mo ako.” kuwento pa ni Benson.
Nakikinig lang si Manuel kay Benson ngunit hindi parin ito kumbinsido sa naikuwento nito sa kanya. Sa mga nangyari hirap na rin magbigay ng tiwala si Manuel sa kahit na sino. Ngunit napapaisip din ito na baka totoo naman ang kuwento ni Benson. Dahil sa nalaman kay Benson, naging mapagmatyag si Manuel. Mahigpit nitong binabantayan ang balsa dahil batid niya ang kahalagahan nito sa kanilang pagtakas.
Kung si Migz ang topiko nina Benson at Manuel, si Benson naman ang pinag-uusapan nina Amir.
“Iba talaga ang kutob ko sa tao na iyan. Matapos mawala ang mga kasamahan nila dito, ang siya namang paglitaw niya. Ang Banjo, hindi na bumalik. Tapos bigla na lang may siya. Pinagloloko lang tayo ng mga iyan. Kaya umalis na tayo dito.”
“Hindi papayag si Manuel na maiwan dito.” saad ni Amir.
“Eh di isama natin.”
“Paano si Benson? Alangan naman na maiwan dito iyan.”
“Nandito iyan para pigilan tayo. Kung ano man ang plano nila. May kutob ako na hindi iyon pabor sa atin. Kaya mag desisyon ka na. Mas mahirap nang kumilos kapag kumagat na ng husto ang dilim. Kung minsan na sila napunta dito mas kabisado na nila ang isla kumpara sa atin.” ayon pa kay Migz.
Ayaw na ni Amir na madagdagan pa sila ng isa pang araw sa isla na iyon. Kaya sumang-ayon na ito sa udyok ni Migz’ sa kanya. Sinimulan na ng dalawa ang plano. Lumapit si Amir sa dalawa habang nag uusap ang mga ito. Sinalubong naman siya ni Manuel upang kausapin.
“May kailangan kang malaman.” bungad ni Manuel.
“Mamaya na , kakausapin ko muna si Benson, may itatanong lang ako sa kanya.” tugon ni Amir na may pag iwas kay Manuel.
“Kasabwat din nila si Migz.” bulalas ni Manuel.
Natigilan si Amir at napatingin kay Manuel ng nakakunot ang nuo.
“Kanino mo narinig? kay Benson? Hindi pa ba malinaw sa iyo na pinapaikot lang tayo ng mga taong iyan? Tayo ang pinaglalaruan nila dito. At kung may kasabwat man dito sila iyon.” saad ni Amir at tinungo si Benson.
sinundan ni Manuel si Amir dahil may kutob itong hindi maganda base sa kilos nito. Pasugod na nilapitan ni Amir si Benson at bigla na lang niya ito dinambahan na ikinagulat naman ni Benson. Mabilis naman na umawat si Manuel kay Amir.
“Sabihin niyo sa akin kung ano ba talaga ang gusto niyo! Bakit pati kami nadamay dito?!” galit na tanong ni Amir kay Benson.
“Alam mo ang sagot Amir. Huwag mong sabihin na nakalimot kana sa nangyari sa inyo. Kung bakit nandoon kayo sa isla, at kung bakit noon pa sina-sanay na kayo. Huwag mong sabihin na wala kang alam, dahil matagal niyo ng alam ang ganito. Lalo na ang kasintahan mong si Migz. Kaya huwag kang umastang gulat na gulat sa mga nangyayari.” sagot ni Benson.
Biglang natigilan si Amir sa sinabi na iyon sa kanya ni Benson. Ngunit mas pinakinggan ni Amir ang pag-uudyok ng kanyang kasintahan na si Migz. Bagama’t alam naman ni Amir na may kinalaman talaga ang mga taga layag sa pulo sa nangyari sa kanila tanging si Migz lang ng mga sandaling iyon ang pinapakinggan nito. Bigla na lang bumunot ng baril mula sa kanyang beywang si Amir at tinutok iyon kay Benson. Maging si Manuel nagulat sa ginawa ni Amir.
“Maghunos-dili ka Amir, hindi tayo kailangan umabot pa sa ganito. Kung nais nating makatakas dito, kailangan nating magtulungan. Kailangan natin ang isa’t isa.” wika ni Manuel.
“Kung nais mong maka-alis dito, sumama ka sa amin ni Migz’ at iwan natin ang isang ito dito.” saad ni Amir.
“Kahibangan, akala mo ba ganun lang kadali ang tumakas dito? Kontrolado nila ang mga galaw natin. Kaya mag-isip ka kung tama ba ang desisyon mo.” paalala pa ni Benson.
Buo na ang pasya ni Amir. Inutusan nito si Manuel na itali si Benson at ilayo sa balsa na kanilang ginawa. Tumutol si Manuel sa utos sa kanya ni Amir. Lumapit ito kay Benson. Batid ni Manuel na iba na ang binabalak ng dalawa kaya pasimple nitong kinapa ang bagay na nilagay nito sa balsa, ngunit nagtaka na lang ito na wala na ito roon.
“Ito ba ang hinahanap mo?” Tanong ni Migz na bitbit ang bakal na kahon na hinahanap ni Manuel habang papalapit ito sa kanila na may hawak din na baril sa kamay.
“Kung nais mong manatili dito na kasama sila, hindi ka namin pipigilan.” wika pa ni Amir habang nakatutok parin sa dalawa ang hawak nitong baril.
“pagsisisihan mo ang desisyon mong ito Amir. Kung sa tingin mo na ligtas ka sa taong iyan, pag-isipan mo ng mabuti.” saad pa ni Benson.
“Masyado ng mahaba ang usapan na ito, umalis na kayo dito bago pa tuluyang makalimot ang daliri namin at makalabit pa namin ang baril. Alis na!” sigaw ni Amir.
Napaatras na lang ang dalawa sa bulong narin ni Benson kay Manuel. Ngunit hindi nagpatinag sa dalawa si Manuel. Hinintay nito na makalapit sina Amir sa balsa at nang makatiyempo ito, bigla na lang nitong sinugod si Amir. Sa pagkabigla nakapagpaputok si Amir ngunit nailagan iyon ni Manuel. Natumba ang dalawa sa buhanginan habang pilit na inaagaw ni Manuel kay Amir ang baril. Hindi rin inasahan ni Migz’ ang nangyari kaya nagulat din ito. Pagkakataon naman iyon kay Benson para sugurin din si Migz. Ngunit nabaril na ito ni Migz’ bago paman ito nakalapit. Nadaplisan ito sa kanyang balikat. Ngunit nagpatuloy lang si Benson, at bago pa nakapag paputok muli si Migz, inambahan niya na ito. Nagpangbuno rin ang dalawa, at kahit may tama, todo lakas padin ang hinataw nitong suntok kay Migz.
Nasa ganung tagpo ang apat ng may nag aapoy na palaso na paparating at tumama agad ito sa bubong ng ginawa nilang balsa at dahil sa gawa lang ito sa tuyong dahon ng niyog mabilis na nagliyab ang tinamaan ng palaso. Doon natigil ang apat. Agad na pinagsisira ni Amir ang ginawa nilang bubong sa balsa upang hindi na madamay ang mismong balsa. Tumulong narin sa kanya si Migz, natanggal ng dalawa ang bubong at masuwerteng hindi agad nadilaan ng apoy ang pinaka balsa.
“Tulungan mo ako Amir, itulak natin sa dagat ang balsa!” sigaw ni Migz’ habang hila nito ang lubid na nakakabit sa balsa.
“walang aalis, walang gagalaw ng balsa!” pagharang ni Manuel sa dalawa.
“Tumabi ka! tumabi ka bago pa ako makalimot at makalabit ko ang baril na ito!” wikang tugon ni Amir na nakatutok ang kamay na may baril kay Manuel.
“Hayaan mo na sila, hindi rin magkakalayo ang mga iyan.” pag awat ni Benson kay Manuel.
Dahil sa mga hawak na baril nakaalagwa sina Amir at Migz. Nang madala na nga sa dagat ang balsa sumampa agad ang dalawa. Si Migz ang nagmaniobra ng sagwan na kawayan habang nakatutok parin ang baril ni Amir sa dalawang naiwan na wala nang nagawa kung hindi ang panoorin ang unti-unting pag layo ng pinagpagurang balsa. Lumusong pa si Manuel upang humabol ngunit pinaputukan ito ni Amir.
Mabilis na nakausad palayo sina Amir. Sa inis at galit ni Manuel naitulak nito si Benson at binuntunan ng galit. Nakalimot ito sa tama ni Benson sa balikat. Bagama’t daplis, madugo parin ang sugat nito.
Nang makitang iniinda talaga ni Benson ang kanyang sugat, bigla na lang kumambiyo ang inis nito at galit nito. Nag-alala ito bigla kay Benson. Dahil walang madampot na kung ano ,pinunit nito ang suot na damit at iyon ang pinangtali nito sa sugat ng lalake upang mapigilan ang dugo.
“sorry” wika ni Manuel.
Tiningnan lang ito ni Benson sa mata at hinawakan ang kamay tsaka tumugon ng tango. “Makakaligtas tayo dito, magtiwala ka lang sa akin.” saad pa ni Benson ng pabulong.
“Ano na ang gagawin natin? saan ba nanggaling ang pana na iyon?” tanong ni Manuel.
“Nasa paligid lang sila, nakamasid lang sa atin. Bawat kilos at salita natin alam nila, nakikita nila. Wala silang balak na buhayin tayong lahat. Hangga’t may isa sa ating humihinga hindi sila hihinto.” pabulong na sagot ni Benson na sinadyang hilahin si Manuel palapit sa kanya upang masabi iyon.
Naintindihan ni Manuel ang ibig ipahiwatig ni Benson. Tinulungan nitong maitayo si Benson at upang maihanap ng puwesto bago tuluyang kumagat ang dilim.

