loading

storiescollectionschaptersauthorsgenrestagsstories
LAPTOP (YOONMIN)

LAPTOP (YOONMIN)

Brictorique · 94 chapters · 2,773 words

LAPTOP (BL)

LAPTOP

 

w

ritten by BRICTORIQUE.

Hi sa magiging readers and/or followers ng kwentong ito. 

Kung ikaw ay hindi kumportable na magbasa ng pagmamahalan sa pagitan ng parehas na kasarian ay mangyari lamang na iyong lisanin ang aking likha at maghanap ng iba na aayon sa iyong panlasa. At, kung ikaw naman ay nakapagbasa na ng ilan sa aking mga nagawang kwento ay ako na ang magsasabi na iba ito sa mga naunang fanfiction na isinulat ko.

Sa mga naka-miss magbasa ng gawa using our own native language, heto na, nagbabalik at nag eksperimento ang inyong author na gumawa ng short story pero in twitter format. Originally, dapat ipo-post ko ito sa twitter account ko pero dahil mahilig mag gatekeep ang author ninyo at gusto kong exclusive lang ang works ko sa App na ito, well heto at dito siya naka published. Inspired ang kwentong ito sa isang Tiktok video na napanuod ko kaya naisipan kong gawaan ng sariling version ko, YoonMin version.

I strongly believe that there is no limitations when it comes to love whether it is economic status, race, intelligence, or gender.

Lastly, this story is a work of fiction. Any resemblance to another story is entirely coincidental and unintentional. I hardly advised not to copy my work as all people have different mindset and ways of imaginations that they wished are real so please, create your own story line.

1

2

3

4

5

6

7

8

9

10

11

12

13

14

15

16

17

18

19

20

21

22

23

24

25

26

27

28

29

30

31

32

33

34

35

36

37

38

39

40

41

42

43

44

“Holdap ’to! Akin na cellphone mo!” bungad ni Yoongi kay Jimin ng halos makalapit na ito sa kanya. Parehas nilang hindi maaninag ang mukha ng isa’t-isa pero sapat na ang boses ni Yoongi para magulantang si Jimin at niyerbyusin sa takot.

“Ay hala, kuya! Hindi pwede! Palowbat na ’tong cellphone ko. Sana man lang kung hoholdap ka either full charge or half charge pa. 1% na lang ’tong phone kukunin mo pa!!” rason ni Jimin pero halata sa boses nito ang niyerbyos niya lalo pa’t hindi niya alam ang gagawin sa sitwasyon na iyon.

“Di bale ng lowbat ’yan basta akin na! Makakabili naman ng charger bibili nyan sa akin.” rason nito pabalik sa kanya.

“Bakit ’yung akin ibebenta mo? Bakit hindi nalang ’yung iyo? Luma na kaya ’tong phone ko kaya mababa na value na ito besides hindi mo ba alam may basag na din screen nito at wala pa ako pambili ng bago?” inis na sabi ni Jimin pero dahil walang balak si Yoongi na patagalin ang pangho-holdap niya, hinablot niya na ng tuluyan ang cellphone sa kamay nito kaso hindi nagpadaig si Jimin at nakipag hatakan ng cellphone sa kanya.

“Akin na sabi!”

“Ayaw ko! Iba nalang kunin mo!”

“Hindi ako pumapatol sa lalaki!”

“Grabe ka naman sa akin! Excuse me, masyado akong maganda para sa isang lalaki ’no! Baka mainlove ka pa sa akin kapag nakita mo ako sa liwanag.”

“Baka kamo masilaw ako sa sinasabi mong ganda kasi illusyonado ka.”

“Aba’t. .!”

45

46

Tuluyang nakuha ni Yoongi ang cellphone mula kay Jimin at hahayaan nalang sana ni Jimin ito kundi lang niya napansin na papunta si Yoongi sa direksyon kung saan nito pansamantalang iniwan ang motor niya. Biglang may umihip na ka-demonyohan kay Jimin. Hindi siya pwedeng magpa daig sa holdaper na ito!

Gamit ang natitira niyang lakas ay agad siyang tumayo at nakipag unahan sa motor kay Yoongi. Binangga niya pa ito sa balikat ng may kalakasan para masigurado siyang makukuha niya ang motor nito. Medyo nagtaka pa siya dahil pamilyar ang motor na gamit nito sa motor ng kaibigan niyang si Hoseok.

47

48

49

50

51

52

53

54

55

56

57

58

“’Yan! Siya ’yan hyung! Siya ’yung kumuha sa motor ni Hobi.” sabay na napalingon sina Namjoon at Jimin sa pinanggalingan ng boses at narealise nitong iyon ang boses ng nang holdap sa kanya kanina sa eskinita. Buti nalang at nauna si Jimin mag report sa police kundi baka siya pa ang napasama. Ang pinagka iba lang may resbak na higher up si Yoongi, si Jimin ay wala. Duga!

Pero teka, tama nga ba ang narinig niyang sinabi nitong pangalan ng may ari ng motor na kinuha niya sa holdaper? Hobi? As in Hobi hyung na kaibigan niya? May kaibigang holdaper si Hobi? Paano nangyari iyon?

“Aba, teka nga! Bakit ako eh ikaw ’tong humoldap sa akin! Nasa iyo nga cellphone ko e at saka sinong Hobi tinutukoy mo?” naka pamewang na tanong ni Jimin.

Hindi agad nakasagot si Yoongi ng mapagtanto niyang si Jimin pala ang naholdap niya sa eskenita. Kung alam lang niya na si Jimin iyon, hindi na sana niya tinuloy ang panghoholdap sa binata. Hindi tuloy alam ni Yoongi anong mararamdaman sa sitwasyon. Buti na nga lang at suot niya pa rin ang mask niya na siya namang hindi pinagtaka ni Jin kanina considering na nakita niya ito sa madilim na eskenita at natataranta matapos ngang itakbo ni Jimin ang motor ni Hobi na hiniram lang niya sa kaibigan.

“Ha? Anong holdap? Itong si Yoongi hoholdapin ka e napaka bait nitong tropa ko na ’to!” pagtatanggol ni Jin sa kaibigan, “Wag mong baliktarin ang sitwasyon, boy! Ikaw ’tong nagnanakaw ng motor ng may motor.”

“Excuse me? ’Di mo ba narinig sinabi ko kanina na ako ’yung biktima dito? Gumanti lang ako ’no! Saka hindi ko naman ninakaw ’tong motor! Hiniram ko lang para makapag report ako dito sa police station na nanakawan ako!”

“Nyenyenye! Same thing!” malditang sagot ni Jin sa kanya na pumamewang din. Nailing nalang si Namjoon sa pwesto niya. Muntik niya ng makalimutan na nasa police station siya at mga matatanda ang nasa harapan niya at hindi mga bata.

Napatingin si Jimin sa nang holdap sa kanya at saka lang niya napansin na pamilyar sa kanya ang postura nito. Nakatago pa ito sa likuran ni Jin at mukhang gusto na nitong manatili sa likod ng kaibigan dahil sa hiya.

“Y-Yoongi hyung?” nagaalalang (hula at) tawag ni Jimin habang naka silip siya sa likod ni Jin at naghihintay na sumang ayon sa kanya ang universe na si Yoongi nga ang nang holdap sa kanya. Call him anything you want pero handa siyang patawarin ito dahil para sa kanya, maaaring may malalim na dahilan bakit ito nagawa ng binata sa kanya. Maka ilang beses palang naman sila nagkita ni Yoongi pero sa ilang beses na iyon, mailap ito sa kanya pero kita niya kung paano ito ka-dedicated sa trabaho niya bukod sa alam niya base na rin sa nakwento sa kanya ni Hoseok na ito ang tumatayong magulang sa nakababata nitong kapatid. Gaya niya ay ramdam ni Jimin gaano kahirap supportahan financially ang kapatid lalo na kung walang tulong mula sa magulang.

Habang hinihintay nila na tumugon si Yoongi, may sunod namang umalingawngaw na pamilyar na boses sa police station.

“Yari ka talaga sa kuya mo sinasabi ko sa’yo! Ang bait-bait pa naman ng kuya mo tapos puro kalokohan ginagawa mo na bata ka.”

“Hyung! Tama na nga kakasisi sa kanya! Wala naman siyang kasalanan e ginusto ko din naman ’yon.” naka ngusong pagtatanggol ni Taehyung kay Jungkook na tahimik lang na nakasunod sa kanya at ka-holding hands niya.

59

60

61

“Yoongi ’pre! Ibang klase din date idea mo para sa tropa ko ah? Police Station talaga?” natatawang tanong ni Hoseok, saglit na nakalimutan ang pinunta niya dito kasama sina Taehyung at Jungkook.

Parehas namang namula sina Yoongi at Jimin sa sinabi ni Hoseok. Ang pinagkaiba lang hindi kita ni Jimin ang pamumula ni Yoongi dahil suot pa rin nito ang mask niya sa mukha.

62

63

64

65

“Teka nga lang ng matapos na ito at sumasakit ulo ko sa inyo. Ano ba talaga nangyari at pwede bang pakitanggal na ’yang harang sa mukha mo?” naka pamewang na tumayo si Namjoon sa kanyang desk at bahagyang sumandal duon para hindi siya mangawit. Nagpalitan sila ng ngiti ni Jin.

Napa ubo naman si Hobi sa nakita.

66

67

68

69

“Teka lang bakit kayo nandito? Wala namang tumawag sa inyo para pumunta dito. Isa lang ’tong isolated case. Makakaalis na kayo.” pagtataboy sa kanila ni Namjoon.

“Impossible ’yon, boss! May nag report sa amin ng tungkol dito e. Hindi ako pwedeng umalis dito ng hindi nakukuha ’yung buong pangyayari. Napakalat na namin ’yung balita sa social media at marami ng interesado malaman ang tungkol dito.”

70

71

Tuluyan ng tinanggal ni Yoongi ang suot niyang mask pagka balik niya ng cellphone nito at lumuhod sa harap ni Jimin para humingi ng tawad sa nagawa. Sa pagka taranta ni Jimin ay dali-dali din siyang lumevel kay Yoongi para patuyuin ito. Nailang siya na lumuluhod ito para humingi ng tawad sa kanya kung pwede namang proposal ang dahilan ng pagluhod nito pero syempre siya lang sa ngayon ang nakakaalam sa wish niya na iyon.

72

73

74

75

“Live na ba tayo?” nagmamadaling tanong ni Jackson sa kasama niyang camera man.

“Live na, Sir.”

Agad na hinarangan ni Jimin ng katawan niya si Yoongi na siyang saktong lapit din ni Namjoon sa tabi nila para sagutin ang mga katanungan ng reporter.

76

“So, Sir pwede bang ilahad ninyo sa amin kung ano ba talaga ang tunay na nangyari sa pagitan ng suspek at ng biktima?” tanong ng reporter at shinare ang mic niya kay Namjoon na halatang hindi pa rin makapaniwala sa nangyari sa pagitan nina Jimin at Yoongi.

“Ayon kasi dito sa biktima. .”

77

78

“Park Jimin po! Hello!” sabat ni Jimin sabay kaway sa camerang nakaharap sa kanila ng mapansin niyang balak nitong kuhaan si Yoongi na nasa likuran niya.

Kumaway naman pabalik sa kanya ang reporter at napansin iyon ni Jin kaya pasimple siyang sumilip sa camera. Syempre kasi ayaw niyang mag pakabog sa mas bata sa kanya. Siya nga ang dahilan bakit nandito ang mga ito ngayon sa isiping maaari niya silang gawing stepping stone niya sa pagaartista.

“So basically, after siyang maholdapan nakipag buno siya sa suspect na may dala-dalang motor. Nang makuha po ang cellphone nitong si Jimin ng suspect tumakbo po siya sa nakaparadang motor ng suspect na sakto namang nakasuksok pa yung susi sa nasabing sasakyan at itinakbo po ng biktima para mag report dito sa pulisya.” paliwanag ni Namjoon na nagpipigil ng kanyang tawa.

79

80

81

“Nasaan po yung motor?” tarantang tanong ni Hoseok dahil sigurado siyang kanya ’yon.

“Nasa labas, hyung. Hindi mo ba nakita?” sagot ni Jimin at nagkatinginan silang lahat sa isa’t-isa bago kumaripas ng takbo sa labas ni Hoseok.

Sumunod naman sina Jackson at ang camera man palabas ng police station.

Isang malalim na buntung-hininga ang pinakawalan ni Namjoon habang hilut-hilot ang sentido niya.

“Paano ngayon ’yan? Iimbestigahan pa namin sinong  dapat kasuhan sa inyo. Sa tagal ko ng nagta-trabaho ngayon palang ako naka encounter ng gaya ng sa inyo.”

“Huwag na kayo magalala, Sir. Hindi naman ako magsasampa ng kaso sa kanya.” agad na sabi ni Jimin.

“Ha? Sure ka ba?” gulat na tanong ni Jin.

“Oo, sure naman akong hindi meant ni Yoongi hyung ’yung kanina. Ikaw din naman ang nagsabi na mabait na tao siya at kaibigan mo din siya. Nataranta lang din siguro ako kaya ko naitakbo ’yung motor niya este ni Hobi hyung na hiniram niya.” nahihiyang sabi ni Jimin habang si Yoongi naman ay hindi din makapaniwala sa narinig at agad na niyakap si Jimin.

“Thank you, Min este Jimin. Pasensya na sa abala. Kailangan ko lang kasi ng pera pang bili ng laptop na kailangan ng kapatid ko. Ito nga pala siya. .” saglit na kumalas sa pagkaka yakap si Yoongi sa kanya para hilain ang kapatid niyang si Jungkook.

“H-Hi, hyung!” naiilang na ngumiti si Jungkook habang magkahawak kamay pa rin sila ni Taehyung na agad napansin nina Yoongi at Jimin. Wala kasi sa dalawa ang gustong bumitaw.

“Magkapatid kayo?” halos mamilog ang mata ni Jimin sa gulat sa nalaman niyang impormasyon. Kung alam lang niya na kapatid ni Jungkook si Yoongi ay nuon palang kinendengan niya na ito.

“Ah, oo?” sagot ni Yoongi sabay tingin sa kapatid niya, “Magkakilala ba kayo ni Jimin?”

“Oo, kuya! Siya kasi ang kuya nitong si Tae na itu-tutor ko. Balak ko palang sana sabihin sa iyo na hindi mo na kailangan mag alala kakaisip paano bibilhin yung laptop na kailangan ko kasi magpa part time job ako bilang tutor dito sa kapatid niya.” paliwanag ni Jungkook.

“Pasensya na sa abala, hyung. Dahil sa laptop na ’yan nakagawa ka pa ng masama.”

“Huwag mo sisihin sarili mo, Kook. Ang mahalaga sa akin ay makapag aral ka ng maayos.”

Naiiyak na niyakap ni Jungkook si Yoongi habang na-touch namang pinanunuod ng magkapatid na Jimin at Taehyung ang dalawa.

“Ehem, so anong meron at sumugod kayo dito kasama si Hobi hyung? Wag mong subukang magsinungaling! Kita kong magka holding hands kayo ng kapatid ni Yoongi hyung.”

“Ah, about that kuya. .”

82

83

84

“So. .?” naiilang na tumingin si Jimin kay Yoongi habang nilalaro nito ang mga daliri niya sa kamay.

“Uhm, sorry ulit sa nangyari kanina. Kung alam ko lang na ikaw ’yon hindi kita hoholdapin e.”

“Ayos lang. Sana nga ako nalang kinuha mo hindi na cellphone ko e baka hindi pa ako naglaban kanina,” pabirong sabi ni Jimin na siyang dahilan para mapangisi si Yoongi ng ma gets nito ang ibig nitong ipahiwatig.

“Anong nakita mo sa akin at ako ang natipuhan mo? Papaalala ko lang sa iyo na laging tight ang budget naming magkapatid. Kapag naging tayo baka mas lamang pa ang hindi materyal na bagay na kaya kong ibigay kesa sa materyal na angkop para sa iyo.”

“Sus, anhin ko naman ang materyal na bagay? Kahit paglutuan mo lang ako, ako ng bahala na magsilbi sa iyo hanggang tumanda tayo. Isa pa, gaano ba ka-tight ang budget? Kasing ba tight ng pants mo tuwing nakikita mo ako?”

“Aish!” namumulang hindi makatingin si Yoongi sa kahit na sinong nanduduon dahil sa pagka bulgar ng bibig ni Jimin na siyang humahagikhik lang sa harap niya at natutuwang pinanunuod ang reaksyon niya.

“Eww, kuya!” sita ni Taehyung.

“Kuya ano ng sagot mo? Huwag mong pinaghihintay si Jimin hyung!” nang aasar na singit ni Jungkook.

85

86

Isang malalim na buntung-hininga ang pinakawalan ni Namjoon.

“Ngayon palang obvious ng walang sense na mag imbistiga pa tayo kung may dapat bang kasuhan sa kanila. Kung kailanganin man natin ng lawyer ay iyon para ipakasal ’tong dalawang ito.” nakangiting sabi ni Namjoon kay Jin na nasa tabi nito at nakasandal sa kanya.

“Eh di mas okay, chief! Makakauwi ka ng maaga ngayon.” tugon ni Jin.

“Aanhin ko naman pag uwi ng maaga kung hanggang ngayon ayaw mo pa rin akong sabayan sa pag uwi? Ihahatid naman kita sa apartment mo.”

“Niyayaya mo ba ako mag date, chief?” nakangising tanong ni Jin.

“Ano sa tingin mo?”

87

88

89

Palabas na sana ng police station sina Jimin at Yoongi na naka akbay sa balikat ng binata kasunod ang mga kapatid nila na magka holding hands habang nagsisimula ng magligpit sa kani-kanilang desk sina Namjoon at Jin para maka alis na, ng marinig nila ang sigaw ni Hoseok na tumatakbo papunta sa direksyon nila kasunod sina Jackson at ang camera man.

“PARK JIMIN!”

Nagkatinginan sina Jimin at Yoongi sa isa’t-isa bago may pilyong ngiti na sumilay sa kanilang mga labi.

90

91

92

Link: https://vt.tiktok.com/ZSNB7butv/

LAPTOP (BL)

DISCLAIMER:

This story is a work of fiction. The names, characters, incidents and places are the products of my imagination as the author, and are not to be construed as real. Any resemblance to persons living or dead or to an another story is entirely coincidental and unintentional.


FROM THE AUTHOR:

Taos puso ang aking pasasalamat sa pagbibigay ninyo ng oras na basahin ang aking ika-pitong yoonmin fanfiction, at siyang kauna-unahang beses na sumubok akong gumawa ng short story in twitter format.

Anyway, gaya nga ng nasabi ko, inspired ito sa isang Tiktok video na napanuod ko na siyang shinare ko din ang link at screenshot para syempre gaya ko ay mapasaya din kayo ng once in a bluemoon event na ito na akala natin hindi pwedeng mangyari in reality but it seems like everyday humanity is proving us wrong. Mukhang ito na rin ang una’t huli na gagawa ako ng story in twitter format. Nag enjoy ako oo pero ’di hamak na na-challenge ako ng sobra hindi naman kasi tech savy ang author ninyo.

And before I end this note, muli, maraming salamat sa pagsama sa ating main ship na sina Yoongi at Jimin.

Hanggang sa muli.

Salamat sa pagbabahagi ng iyong kaweirduhan, Brictorique.


Return to top?
WattHub

Install WattHub

Size unavailable

App name
WattHub
App version
1.48.250
App size
Description
A digital library of Wattpad stories and Filipino fiction, thoughtfully preserved for readers today and tomorrow.
Developer
WattHub Team

Dismiss install banner?

No problem. You can still install WattHub anytime from the download icon in the header.

WattHub

Notifications

Notifications are off

Get notified on this device when the library grows or changes.