loading

storiescollectionschaptersauthorsgenrestagsstories
Levi And Miranda

Levi And Miranda

makiwander · 7 chapters · 14,004 words

This is not a Love Story

Kumusta?

This is dedicated to all the fans of Temptation Island, specifically TI: Role Play. 

This story came from what ifs and what nots when I was invited to tell a story Live via Kumu on WattpadPH last August 23! I am honored to be considered, and beyond blessed for the opportunity.

 Make sure to follow WattpadPH on kumu to watch other Wattpad authors go live! Congratulations also to the winners of the book cover design contest!

1st Place - madigrande2nd Place - lylya123rd Place - Misseira


I will write the story of Levi and Miranda, the setting is 1995, just before Estancia Ligaya Rosanna Monasterio was born.

Short story lang po ito but I hope you will still enjoy reading as I did writing this. Kabanata 10 will be the last chapter. 

Please be kind on the comm sec although spoiler na ang TI: Role Play.

I would like to say that not all stories are perfect. No leading man is perfect, so as no leading lady is ideal.

Flaws and back stories are what we are all made up and since 2015, I’ve been plotting my stories with imperfect characters making poor decisions because I am a fan of character development. I love journeys and revelations of self, it is so empowering.

Indeed, time heals all wounds, so trust the process.

Prologue

“ Magkahawak ang ating kamay… at walang kamalay-malay! Hik! “ Kumampay ng malupit si Levi at inakbay ang matikas na braso sa katabing si Mang Pacio. 

Alas-dos na ng madaling araw at hindi pa rin siya tapos makipag-inuman sa mga magsasaka. Kakatapos lang nila ng huling ani ngayong taon. Humihilik sa gilid ang kababata niyang si Pedro at nakahandusay naman sa batuhang lapag ang isa pa nilang kaibigan na si Raul.

“Ang hina naman.” Sinipa-sipa ni Levi ang binti ni Pedro at Raul pero hindi kumilos ang mga ito. Ang iba pa nilang kainuman ay may sarili na ring mundo. Nilaklak niya muli ang isa pang baso ng gin na sinundan niya ng tubig. Kuntento siyang tumingala sa langit . ‘Hay, life.’ bulong niya na tila ba sarap na sarap sa buhay.

“Umuwi ka na, bata.” Tinapik siya ni Mang Pacio sa balikat. “Huling lamay ng Lola mo at narito ka para uminom. Hindi na lumalagpas ang bente-kwatro oras na hindi ka nakakatikim ng alak. Alcoholic ka ba?”

Napailing lamang si Levi sa puna ni Mang Pacio. Hindi rin kasi niya masagot kung Alcoholic nga ba siya o hindi pero gustong-gusto niya ng alak. Dise-sais pa lamang siya nang mahumaling dito. Nakakatulog kasi siya agad kapag uminom siya ng alak. Wala naman siya masyadong problema, masaya nga lang talaga kapag may tama. Mas sumasarap ang kwentuhan. Mas nagiging totoo ang mga kaharap mo.

Ilang shot pa ng paborito niyang gin ay tumayo na rin siya, pasuray-suray na tinungo ang daan patungo sa lamay ng kanyang Lola. Unti-unti ay lumiliwanag ang kanyang nilalakaran. Kinusot niya ang mga mata. Puno ng tao ang buong balkonahe na napupuno ng mga bulaklak ng nakikipaglamay. Nakapwesto sa mga lamesa ang mga pamilyar na mukha sa kanilang bayan habang sa loob naman ay mas tahimik ngunit puno rin ng upuan sa harap ng kabaong ng kanyang Lola.

Hindi mapalungkot ni Levi ang kanyang mukha. Napamura siya sa isip. Masaya siya kapag nakakainom. In fact, mas marami siyang nainom ay mas masaya siya. Tinakpan niya ang bibig habang naglalakad papalapit sa kabaong ng yumaong Lola, hindi niya kasi maiwasan ang pagngisi. Lumakas ang bulong-bulungan habang nakikita siya. Tiyak na amoy ng mga ito ang alak na kanyang nilaklak simula kahapon.

“Hi, ’La.” Napalakas ang pagkakasabi niya. Napatakip siyang muli ng bibig at lumapit sa tainga ng nakahimlay na matanda. “Bakit mo naman kami iniwan? Hindi ka man lang nagsama sa paradise, ang selfish mo talaga ’no?”

“Levi!” Umugong ang nakakakilabot na boses ng kanyang ama. Hindi siya agad nakakilos. Narinig niya ang mabibigat na yabag nito patungo sa kanyang direksyon. “Lasing ka na naman.” Mahina ngunit may diin na wika nito.

“Pa, nag-celebrate lang kami ng mga magsasaka.” Pinilit niyang maging pormal.

“Umuwi ka. Pagkatapos na pagkatapos ng libing ng Lola mo, magpa-file ka ng candidacy.”

“Pa..”

“Kung hindi mo magagawang bumangon dahil sa kalasingan, may ibang magpafile para sa iyo. Isa-substitute mo na lang bago ang deadline.” Pinal na wika ng ama.

“Fck.” Napamura siya.

“Ano?” Pigil pa rin ang kanyang ama, ayaw iparinig ang mga sinasabi nito sa mga bisita at kaanak nilang nakikiramay.

“Fuck.” Mas malutong na wika niya. Napapikit ang ama at nag-isang linya ang labi nito.

“Juan, iuwi mo na ang Sir mo. I am very sure na nagluluksa ang paboritong apo ni Governor Grace.” Mas malakas na pagkakasabi nito. Ngisi lang ang isinagot niya nang mapansing bumenta ito sa ilang mga nakarinig.

Of course that’s not true. He’s the fucking blacksheep of the Monasterio’s Political Dynasty. Nang mamatay ang kanyang lola ay nabawasan ng isa tao kung saan umiikot ang kapangyarihan sa kanilang pamilya kaya siya ang napipisil na humawak dito. Ang nag-iisa niyang kapatid ay SK President sa kanilang probinsya dahil masyado pang bata, siya naman ang tatakbong Vice-Mayor kapalit ng kanyang Ina na tatakbo namang Mayor. Ang kanyang ama ang tatakbo na Gobernador kapalit ng namayapang ina nito.

He hates it. He hates the hypocrisy. Politics is his family’s business. But not him. When he was able, he started to earn what he eats. Siya na lamang ang bumubuhay sa malaking lupain ng kanilang pamilya na minana pa nila sa mga ninuno. Wala na ang kahit sino ang may interes dito dahil mas madali nga namang lustayin ang pera ng taumbayan. Levi could vomit with the thought. He hates parties. Ang tanging kaligayahan niya ay makasama ang kanyang mga tauhan sa hacienda.

“Sir, uwi na tayo.” Magalang na anyaya ni Juan, ang kanyang bodyguard na madalas niyang iniiwanan. Hindi niya lang ito inaalis dahil alam niyang kailangan ng trabaho nito dahil sa anak na mayroong sakit sa puso. Nauunawaan din niya kapag kailangan siya nitong sundan palihim dahil anuman ang mangyari sa kanya ay tiyak na papanagutin ng kanyang ama ito.

“Sir, nakikiramay po ako.” Akmang isasara na ni Juan ang pinto sa kanyang silid.

“Masama ba ako?” Natigilan ang bodyuard. “Masama ba kong isipin na excited ako sa bawat lamay na pupuntahan ko?”

“Sir?”

Umiling siya. Hindi niya dapat sinabi iyon. Naisip niya lang na kung mauubos ang kanyang pamilya ay matatapos na rin ang kalbaryo ng kanilang probinsya.


“AAAAHHH!” Tumili si Miranda sa gitna ng sikat ng araw. Nasa gitna siya ng pilapil ng isang bukid kung saan siya tinuro ng mapa na hawak. Sulat kamay lamang iyon,

“I hate this! I super hate. Hate! Hate!”

Why does she have to suffer? Dahil lang ba hindi niya gustong sumama sa Germany ay ipapatapon siya ng ina sa probinsya nito? Sure, she had two car accidents in a month by driving drunk but she’s still alive. Kailangan niyang makitira sa matalik na pinsan ng kanyang ina na isa sa nag-alaga sa kanilang magkakapatid, ang asawa nito ang kanilang family driver noon kaya pinagkakatiwalaan ng husto ng Mommy niya. 

Kinuha niya ang perfume sa kanyang shoulder bag at nagspray ’non. Amoy pawis! Yikes! For sure humulas na rin ang make-up niya sa sobrang init! It doesn’t matter though, her clear skin is still glowing, ang ngayon na mapusyaw na make-up ay sapat na para lumabas ang kanyang ganda.

She checked her wrist watch and it is passed lunch time! She’s hungry. Bakit ba walang kumuha sa kanya sa terminal ng bus? Her Tita Yaya said they will meet her. Pagod siyang tumingin sa paligid, wala siyang nakikitang bahay, isang malaking puno sa di kalayuan ang kanyang napansin, sisilong siya roon. 

She’s tired as hell. She dragged herself all the way through the huge tree. Kailangan niya ng lilim. She also needs water. Natigilan siya habang lumalapit sa puno, mayroong pitsel na nagpapawis sa lamig. Dali-dali niya iyong tinungo. Ang hawak na cardigan ay inilatag niya sa lupa habang nagtutubig ang bibig, naghihintay na humupa ang uhaw.

Pakiramdam niya ay nasa disyerto siya. Hinawakan niya ang pitsel. Gusto niya itong halik-halikan dahil sa lamig non. Binuksan niya ang takip nito at dire-diretsong ininom nang hindi man lang humihinga. Ah! The cold drink is very satisfying to her body.

“P*tang ina?” She heard a baritone voice that made her drop the jug. Buti na lang at wala na halos laman iyon, it is all in her tummy now.

“Yung gin ko!” Tinungo ng lalaki ang direksyon nya. Natulala siya sa lalaking nasa harapan. He was moulded with muscles; his iron clad chest was hugging his white shirt. Damn it. Walang ganito kagwapo sa rave parties na napuntahan niya sa Manila.

“Okay ka lang?” Nakakunot ang noo ng lalaki at nanatili siyang nakatanga roon.

How could his tan be so perfect? His red lips matches his thick brows and chiseled jaw. Parang puzzle iyon na sinusubukan niyang isolve sa isip niya.

“Sino ka?” Inalog nito ang magkabila niyang balikat. Napakurap-kurap siya. He smells like rosewood, the one she could just imagine in books she reads, floral, musky scent. Unti-unting gumaan ang pakiramdam niya. She felt a pang in her stomach that it crumpled so bad. She felt pain and bitterness inside her system. And then, she just passed out before she realized she just chugged a 1 liter gin with ice in one sitting.

Kabanata 1

Birds chirping, sound of roaring machineries, and distant chatting. Iyon ang unti-unting nagpabalik sa ulirat ni Miranda. Disoriented siya, wala siyang maalala kung bakit siya nakahiga sa kama at maliwanag pa sa labas. She only remember these kinds of instances kapag nagigising siya sa ospital matapos ang isang minor car crash dahil nakatulog siya habang nagmamaneho.

Napabangon lang siya sa biglang pagbukas ng pinto at ang mga usiserong nakatingin sa direksyon nya, hinila nya ang kumot para ipantakip sa katawan niya. Hindi niya pa nacheck kung anong itsura niya but she knows she have to cover up with the amount of people in front of her bed.

Napasinghap at napapikit ang ilan na bumungad sa kanya. Mas lalo niya tuloy binalot ang sarili ng kumot.

“Miranda! Diyos ko, anak!” Dali-daling lumapit sa kanya ang matandang namumukhaan niya. She aged, marami nang puti ang buhok, bahagyang tumaba at nakasuot ng kupas na duster, ang madalas nitong isuot noon.

“Tita Yaya!” She hugged her aunt. She felt relieved! Someone she knows finally. Namukhaan niya ang asawa nito, ang kanyang Tito Yayo, na may hawak na itak at nag-isang linya ang labi. Nanliliit ang mga mata nito sa kanya. Sa kanya? No. Hindi sa kanya. Dahan-dahan siyang napalingon sa kanyang tabi. Napatili siya nang mapagtantong may katabi nga siya sa kama at wala itong damit. His fucking butt was exposed!

Nagmamadaling lumapit ang asawa ng kanyang Tita Yaya sa kanyang tabi at hinila sa balikat ang lalaking katabi niya. Tinutukan ito ng itak sa leeg.

“Hayop ka, anong ginawa mo sa pamangkin ko!” Nanlilisik ang matang tanong nito. Napatakip siya ng bibig nang makita ang mukha ng sinugod ng kanyang Tiyuhin. It was the guy from yesterday! Kinusot-kusot pa nito ang mata na para bang wala talagang alam sa nangyari.

“Mang Pacio?” Nagtatakang tanong pa nito. His eyes immediately widened when he saw the weapon. “Mang Pacio sandali!” Nagtaas ito ng dalawang kamay pero ibinalik din sa pagkakatakip sa ibabang bahagi ng katawan.

“Levi?” Takang-tanong din nito. “Anong ginagawa mo sa tabi ng pamangkin ko?”

“Sinong pamangkin?” Napatingin ito sa direksyon niya. “Shit!” Napamura ito.

“Labas!” Sigaw ni Mang Pacio sa lahat nang pumasok sa kubo. Nagtakbuhan naman ang lahat papalabas.  Sinundan ito ni Mang Pacio, nang bumalik ito ay bitbit na nito ang damit niya at ang damit ng lalaking katabi niya. “Magbihis muna kayo. Hihintayin namin kayo sa labas.” Bahagyang huminahon ito. Hindi naman siya agad nakakilos. How can she wear clothes in front of a stranger?

“Why are you here?” Matapang na tanong niya. Hindi siya nito sinagot at tuloy lang sa pagbibihis. Hindi niya alam kung tatakpan ang mata o papanoorin ito dahil kitang-kita niya talaga ang pwet nito. Goodness, his body is really perfect. Pantay na pantay ang kulay nito pati ang bawat hugis. Hugis?! Kailan pa siya naging visual sa opposite sex?

Sumabay siya sa mabilis na pagbibihis sa estranghero. Nahihiya siyang lumabas patungo sa maliit na salas ng kubo kung saan naghihintay ang Tita Yaya niya at ang asawa nito. Sumunod naman ang lalaki sa kanya.

“Mang Pacio.” Tumikhim ang lalaki, “Pasensya na ho sa kapusukan. Hindi ko ho sinasadya.”

Seryoso ang kanyang Tito Yayo, ang driver nila dati. “May nangyari ba sa inyo?”

“No!” Maagap at matinis na sagot niya.

“Hindi ko ho alam.” Buo ang tinig ng lalaki.

“What?!” Eksaheradang pakli niya, “Excuse me! I’d pass as dead awhile ago, I meant was it yesterday? I don’t remember pero imposibleng may nangyari sa atin unless pinilit mo ako.”

“Hindi iyon ang nadatnan namin, Miranda.” Kalmadong paliwanag ng kanyang Tito Yayo. “Nagkalat ang mga damit mo patungo sa kubo na ito, kagabi ka pa namin hinahanap kaya nag-alala kami na may masamang nangyari sa iyo. Ngayon nga ay natagpuan namin kayong dalawa ni Levi na magkayakap pa—”

“You can’t assume that!” Depensa niya. “Ikaw!” Tulak niya sa lalaki, “Tell them, walang nangyari sa atin para tapos na, everybody move on!” Nakayuko lang ang lalaki at hindi siya pinapansin.

“Hindi ko tiyak, Mang Pacio. Kung ano man ang pasya niyo, igagalang ko po.”

“What? Anong pasya? Hello! Wala pa nga akong 24-hrs dito at magpapasya kayo sa buhay ko. I mean, no offense, I love you both. No not you.” Turo niya kay Levi. Natataranta na siya. Mukhang napanood niya na ang eksenang ito at hindi niya gusto kung saan papunta.

“Itatawag ko muna kay Anastasia.”

“No!” Tili niya nang banggitin ng kanyang Tita Yaya ang pangalan ng ina. “No, please. Tita Yaya, my own mother will kill me and I am not exaggerating.”

Hinawakan ng kanyang Tiyahin ang kanyang kamay, “Para sa iyo ito, Miranda. Ako ang bahala kay Anastasia.”

“Bilisan mo, Mameng  at bago pa magdilim ang pangingin ko.”

Nang bumalik si Mameng ay may naaawang tingin sa kanya ito. “Magpahangin ka muna sa labas, Miranda. Kakausapin ko lang si Pacio at si Levi.”

“What did Mom say?” Giit niya. Tinapik lamang siya ng tiyahin sa kanyang likod at pinalabas sa kubo.

Palakad lakad siya sa labas ng kubo kasabay ng mga manok na sinusundan siya. Wala siyang marinig sa seryosong usapan ng mga naroon sa kubo. Bakit ba lagi siyang nagkakamali sa buhay? Ginulo niya ang buhok. Totoo nga atang siya ang blacksheep ng kanilang pamilya. Well, that’s not the case, pasaway din ang bunso nilang si Mexico, at ang kapatid niyang si Morgan. Dapat ay hindi nagagalit sa kanya ang Mommy niya. She’s being her 26 year old self!

Ilang sandali pa ay tinawag siyang muli ni Mameng papasok ng kubo. Pinaupo siya nito at pinainom ng tubig.

“Miranda, nakausap ko ang Mommy mo at sinabi ko ang nangyari. Sinabi ko rin na nakita ng mga kapitbahay ang nangyari. Dahil pansamantalang dito ka manunuluyan, hindi naman namin hahayaan na pagtsismisan ka ng mga tao. Kaya napagdesisyunan namin ng Mommy mo na si Levi muna ang titingin sa iyo habang nandito ka—”

“Ano???? You must be joking, right? I can’t! I don’t know him! He doesn’t even know me. Natanong niyo na ba kung anong gusto niya?”

“Hindi namin kailangan tanungin ang gusto niya, Hija. Kailangan niyang gawin ang nararapat. Kailangan niyang panagutan ang pangdidisgrasya sa iyo na nakita ng mga kapitbahay.”

“What? No! Okay, let’s say na totoo nga; Hindi ako maghahabol. I can just leave—”

“Ayaw ng Mommy mo. Dito ka lang daw at hindi ka aalis. Pumayag din ang Mommy mo. Gusto niyang tiyakin na hindi magbubunga ang pagsisiping niyo ni Levi, baka daw anong gawin mo kapag nabuntis ka. Hindi rin siya papayag na walang mananagot kung sakaling mangyari ’yon.”

“That’s bullshit!” Tili niyang muli. “Paano kung sa ibang araw may mangyari sa amin dahil pinagsasama niyo ang babae at lalaki sa isang bubong. Is live in a thing here in the province? I guess not!” Talak niya pa. “ Mas nakakahiya iyong nakatira ako dito sa hindi ko na nga nobyo, hindi ko pa asawa!“

Nagkibit balikat si Mameng, “Siguro ay mas mabuti iyon kaysa magpakasal kayo agad-agad. Tatlong buwan kang mananatili sa probinsya, Miranda. Tatlong buwan kang makikipisan kay Levi para hindi ka pag-usapan na disgrasyada. Kapag hindi ka naman nabuntis, aalis ka na tahimik sa lugar na ito at kakalimutan ka na rin ng mga tao.”

“What if hindi ako pumayag?”

“Lilipad ka sa Germany bukas na bukas din at hindi ka na aalis doon hanggang sa pagtanda mo. Iyan ang eksaktong mensahe ni Anastasia. Pasensya na, Miranda. Naniniwala ang mga magulang mo na ito ang makakabuti sa iyo.”

Naiwan siyang nakatulala sa kubo dahil nagpaalam na ang mag-asawa. She could not believe the kind of sorcery she was in! Kahapon lang ay bad mood siya, ngayon ay super ultra bad mood na! Narealize niyang katabi niya pa pala ang lalaking Levi ang pangalan. Itinulak niya ito ng malakas pero hindi ito masyadong natinag.

“Hoy, ikaw! Bakit mo sinabing hindi mo alam na kung may nangyari sa atin? You could just have said no!”

“Hindi ko nga alam kung meron o wala. Pasalamat ka nga at sinagot na kita.”

“Anong sinagot mo ako?! Excuse me?”

“Sinagot ang problema mo. Gusto mo bang mapahiya sa mga tao?”

“I don’t care! Hindi ko naman sila kilala.”

“Pwes, ako merong paki sa sasabihin sa akin ng ibang tao. Hindi naman ako walanghiya na hindi mananagot sa ginawang mali.” Matigas na wika nito.

Umirap siya sa hangin, “If I know, pinagsamantalahan mo ako kagabi.”

“Anong sabi mo?” Matigas na tanong nito sa kanya. Kinilabutan siya sa paraan ng pagkakabigkas nito. Napalabi siya sa takot, sa pagod at sa hindi maunawaan na sitwasyon. She could use a good cry right now but she doesn’t want to seem weak. Not in front of a handsome stranger.

Nag-init ang mukha niya dahil sa pagpipigil ng luha. Lumambot naman ang ekspresyon ni Levi. Tumikhim ito at bumagsak ang balikat.

“Huwag mo akong huhusgahan, hindi tayo magkakilala. Ginagawa ko lang ang tama bilang respeto kay Mang Pacio. Hindi ko rin alam kung anong nangyari kagabi. Huling alaala ko ay ininom mo ang ikatlong gin na iinumin ko dapat kahapon.” Mahinahong wika nito. “Habang nandito ka sa tabi ko, walang gagalaw sa iyo. Walang magbubulong-bulungan tungkol sa iyo. Aalagaan kita.” Sinserong wika ni Levi.

She wanted to scowl but she wasn’t able to. Itinaas niya lang ang kanyang mga paa sa matigas na upuan at niyakap ang kanyang mga tuhod.

“Huwag kang lalabas kung saan-saan na hindi ako kasama.”

Tumango siya.

“Dito muna ang magiging bahay mo.”

“Is this yours?” Pinalibot niya ang tingin sa kubo, she just surrendered. Gawa ito sa kawayan na pinakintab ng barnis. Mayroong isang kwarto na may malapad na kama. May simpleng kusina na mukhang kumpleto sa gamit, may ref, TV, at dalawang electric fan.

“Wala masyadong laman ang bahay pero sapat na para mabuhay ng kumportable. Kung may mga kailangan ka, sabihin mo lang sa akin at bibilhin ko sa bayan.”

“Saan nakatira sila Tita Yaya?”

“Dalawang kilometrong lakaran mula dito. Nag-iisa lang ang bahay na ito sa gitna ng palayan pero huwag kang mag-alala, tiyak na makikita mo si Mang Pacio at Aling Mameng buong maghapon dahil dito sila nagsasaka.”

“Magsasaka ka rin dito?”

Tumango ito.

What does her mother think? Mag-aasawa siya ng isang magsasaka? No way! Hindi sa minamaliit niya ang trabaho pero ang pag-aasawa ng magsasaka ang magtatali sa kanyang mga paa sa lupa. She doesn’t want that. She wants to be free. Gusto nga niyang tumira sa isang van at magtravel kung saan-saan. Allergic sya sa word na mundane. This life is mundane. Levi, no matter how gorgeous he is, is mundane.

Natulog lamang siya maghapon. What else does she know? Nakikipaglive-in siya sa probinsyanong mag-sasaka after getting drunk sa isang inumin na akala niya ay tubig! Madilim na nang bumangon siya. Nakarinig siya ng kaluskos sa labas. She realized na nakabukas ang bintana at tinutulak iyon ng malakas na hangin.

Napasinghap siya nang makita ang walang habas na kadiliman sa labas ng kanyang kubo. Naimagine niya ang mababangis na hayop na maaaring sumalakay sa kanya. Dahil sa isiping iyon ay dali-dali niyang sinarhan ang binatana. Kasunod non ang malalakas na katok mula sa labas.

“S-sino yan?”

“Sino ka?” Sagot naman ng boses sa labas.

“Hoy, Raul, anong ginagawa mo riyan?” Nabosesan niya agad ito, sinilip niya muna sa maliit na siwang sa pinto para makatiyak. Goodness, si Levi. He looks wasted.

“Makikitulog sana ako….” Sabi noong kausap ni Levi.

“Hindi pwede, umalis ka riyan!”

“Nakarinig ako ng babae rito sa loob ng bahay mo..”

“Anong babae? Walang tao riyan! Alis!”

Nasilip niya pang naglabas ng susi si Levi para buksan ang pinto pero nahihirapan ito. She hurriedly opened the door for him at saka pumasok ito sa kubo na nilagpasan lang siya. He reeks alcohol.

Umupo ito sa kawayang sofa. His polo sleeves were unbuttoned halfway from collar down. Napapikit ito at tumingala nang makita siya. “Andito ka nga pala.” Sambit nito na para bang nakalimutan siya.

“You forgot that I exist?” Tanong niya. This man is impossible! Tiyak niyang walang kasingganda niya sa bukid na iyon. If that is not enough reason na maexcite dapat ito para balikan siya, hindi niya alam kung ano pa.

Hindi ito sumagot. Binukas ang isang mata at tiningnan siya. “Anong pagkain?”

Hindi siya makapaniwala sa narinig. She mouthed disbelief and crossed her arms to her chest. Gago! May pa-hero effect pa kanina, gusto lang pala ng tagapagluto sa barong-barong niya!

“Do you expect me to cook for you after you went out and get drunk like there’s no tomorrow? The audacity! Hindi ako pinalaki ng mga magulang ko para maging housewife! I am not even that! I grew up with maids, drivers, and cooks! And I will not be a fcking housewife! Over my dead body!”

Bumuntong-hininga si Levi pagkatapos ay tumayo ito sa harapan niya at saka siya sinukat ng tingin. The distance was suffocating, and his manly scent weakened her knees. Tumiklop ang dila niya at hindi na nakapagsalita.

“Sutil.” He smoothly rolled the words out of his mouth that left her dumbfounded. Tinalikuran siya nito at dumiretso sa kusina. Binuksan nito ang ref at isa sa mga cabinet, to her surprise, mayroong microwave doon. He popped one of the frozen meat and quickly gather the rice cooker. Kabisado nito ang  bawat sulok ng kusina at swabeng kumilos roon. Hindi niya alam kung gaano niya katagal iyon pinanood pero nakaramdam siya ng gutom nang maamoy ang niluluto nito sa pressure cooker.

“Psst.” Pagkatapos ng ilang sandali ay tinawag siya nito. Padabog siyang naglakad patungo sa lamesa. He served her with rice and adobo. He sliced the pork on her plate to bite-sized, sumandok ng kaunting kanin at itinapat sa kanya ang kutsara.

“What are you doing?!” Mataray na tanong niya.

“Sinusubuan ka. Baka kasi hindi ka rin marunong. Hindi ba ganon ang mga sosyal?”

Pinanliitan niya ng mata ang binata, “Alam kong iniinsulto mo ako but I rather take that as a compliment. Not everyone is as privilege as me.”

Tila nasamid naman si Levi sa kanyang sinabi at tinuon ang atensyon sa sariling plato.

“Hindi rin ako disabled.” Umirap siya.

“Mabuti. Ayoko ng alagain. Bisita ka sa bahay ko kaya umakto kang ganon. Kailangan mong humati sa akin sa lahat ng gastos dito, pagkain, kuryente. Ililibre ko na ang renta pero magpakabait ka.”

Hinampas nya ng tinidor ang braso ng binata.

“Choice ko ba na nandito ako, ha? Dapat doon ako kay Tita Yaya e! Kung hindi ka kasi nagpakaself-righteous diyan—”

“Kung hindi mo kasi ininom ang gin ko at nagising na lang sa bahay ko, hindi pa sana ako bingi ngayon sa taas ng boses mo. Nananahimik ako dito tapos dadating ka.”

Nagpamewang siya. “Magpasalamat ka dahil hindi lahat ng tao nabibigyan ng pagkakataon na makatagpo ng kagaya ko.”

Humalakhak si Levi, “Akala ko ako lang ang lasing. May tama ka pa ba? O may tama ka lang talaga?” Kinatok nito ang ulo niya.

Ngumuso lang siya at itinuon ang atensyon sa pagkain. “W-wala akong pera.”

Natigilan si Levi sa pagkuha ng pagkain sa plato. “Pupwede bang utang na lang muna ang gagastusin ko rito? Once na kunin na ako ng parents ko, I swear, I will pay you triple.”

Humalakhak muli si Levi, “Akala ko ba sosyal ka? Maids, drivers, cooks..” Ginaya pa nito ang boses niya.

“My attitude isn’t at its very best. Pinatapon ako rito.”

“Ibig mong sabihin, makikitira ka kila Aling Mameng ng libre? Hindi naman yata maganda yan.”

“As if I chose to be here!” Naiirita na naman siya sa kaharap.

“Hindi nga, pero hindi pwedeng libre. Mukha namang sa utak lang ang sakit mo, pupwede kang sumama sa mga kababaihan na magsasaka. Kailangan nila ng tulong sa pagluluto para sa mga natatanim.”

“What?! No! I have a degree in Advertising! Hindi ako magbibilad sa araw—”

“Advertising? Sa Bukid? Magtatanong-tanong ako kung sino ang magbibigay sayo ng trabaho kaya lang baka matagalan.”

“Hihiram na lang ako ng pera kila Tita Yaya.”

“Parang hindi magandang pagkakataon ngayon. Pinapadialysis yung kapatid ni Mang Pacio na nakatira sa kanila.”

Sumakit ang ulo niya kakaisip pero walang lumabas na solusyon.

“M-magkano ba ang monthly sahod sa farm?”

“Monthly?” Natawa si Levi. “Arawan. Isang kahig isang tuka ang mga magsasaka. Hindi sila tatagal na walang panggastos sa isang buwan. Sa walang kakayanan, P200 buong maghapon.”

“P200?! Pangbayad ko lang iyon ng apat na oras na parking sa Metrowalk!”

Napakamot ng ulo ang kausap, “Hindi ko alam ang mga sinasabi mo. Kada araw, bibigyan mo ako ng isang daan para sa pagpapatira ko sa iyo dito. Libre ko na sa iyo ngayong araw.” Kumindat pa ito sa kanya.

Napilitan siyang maghugas ng pinagkainan pagkatapos ng hapunan. Halos idikit kasi ni Levi ang paghahanap ng ambag mula sa kanya dahil nakikitira lamang siya. Ang kanyang sumunod na kalbaryo ay nang handa na siyang matulog. Prenteng nakahiga na sa kama ang bagong ligo na si Levi. Pumosisyon na ito habang siya naman ang nagshower pagkatapos maghugas ng pinggan.

“Saan ako hihiga?”

Nakatakip ng braso ang mga mata ni Levi. His muscle flexed and his white sando doesn’t help to keep her eyes off his toned body.

“Hindi ako sanay ng may katabi.” He answered sleepily.

“Ako rin naman. At wala akong balak tumabi sa iyo, no!”

“Mabuti. Kumuha ka na ng unan at kumot mo. Doon ka na sa salas.”

“What? A-ako ang sa salas? Walang kutson ang upuan mo. Tiyak na sasakit ang likod ko. And you expect me to work tomorrow nang walang tulog?”

Inis na bumangon si Levi. “Akala ko ba malinaw na nakikitira ka?”

“Akala ko ba kanina sabi mo aalagaan mo ako?”

“Hindi naman kita pinapabayaan.” He quipped, “Doon ka lang matutulog sa salas dahil nandito ako sa kwarto ko.”

“P-put a divider. Paghahatian natin ang kama. Singilin mo na lang ako bukas sa magagastos.”

“Sige bukas.”

“N-ngayon na.”

“Miss. Matutulog ka rito o doon ka sa salas. Hindi ko magagawa ang gusto mo ora mismo.”

Malalim siya nag-isip bago dahan-dahang naglakad papalapit sa pinto. Baka kung ano pa ang mangyari kapag doon siya sa tabi nito! Living room it is!

“Fine! Huwag mo akong sasamantalahin kapag nahihimbing na ako ha!” She muttered.

“Hindi ikaw ang tipo ko.”

Napalabi siya sa malamig na tugon ng katabi. It was actually the first time meeting a guy who obviously doesn’t like her and refuse to her favors.

Kabanata 2

Alas-kuwatro palang ng umaga ay kinakalabit na siya ni Levi. Hindi niya ramdam na nakatulog man lamang siya. Will it be like this for the next days? Hindi niya alam kung tatagal siya ng ganoon. Si Levi muli ang kumilos sa kusina at naghugas na lamang siya ng pinagkainan pagkatapos nilang mag-almusal.

“Hindi mo gugustuhing iyan ang isuot mo.” Sambit ni Levi sa kanya pagkalabas niya ng banyo. She’s wearing a knee-high floral skirt. “Liliparin iyan sa lakas ng hangin. Magpalit ka.”

Dali-dali naman siyang sumunod. She wore her workout leggings instead, paired with a boyfriend polo and sneakers. Sinalubong sila ng papaliwanag na daan pero marami nang kumpol ng tao sa isang bahagi kung saan sisimulan ang pagtatanim.

Sa isang banda ay mayroong kubo kung saan naroon ang kanyang Tita Yaya. Kumaway ito sa kanya kaya dali niya itong tinungo.

“Isinama ka ni Levi?”

Tumango siya, “Sabi niya ay magtatrabaho ako rito kasama ng mga kababaihan. Tutulong sa paghihiwa ng pananghalian at meryenda.”

“Marunong ka ba non?” Bakas ang pag-aalala sa matanda.

Napadako ang tingin niya kay Levi na halatang nakikinig at sa mga kababaihang nagsisimula nang maghiwa ng sangkap na halatang mga kinikilig. Nang mapatingin sa kanya ay nagsiyukuan ang mga ito.

“Wala naman akong hindi kinakaya, Tita Yaya.” She muttered.

Umupo siya kumuha ng isa sa mga kutsilyo at ang kamote na nahugasan na. Nagpakitang gilas siya sa pagbabalat nito hanggang sa nabitiwan niya ang hawak at napatili.

“FCKKKKK!” She screamed. Maagap na nilapitan siya ni Levi at kinuha ang kamay niya. She was bleeding. Hindi niya alam kung saan banda ang kanyang sugat pero ang mainit na dugo ay pumapatak na sa lupa.

Dinala siya ni Levi doon sa linya ng tubig at pinadaluyan ng malinis na tubig ang mahapdi niyang sugat pagkatapos ay kumuha ito ng malinis na panyo sa bulsa. He was able to tore it into two at ipinaikot sa kanyang hintuturo kung nasaan ang sugat.

Bakas ang pag-aalala sa mukha nito na natutulala sa kanyang sugat.

“Okay ka lang?” Hinihingal na tanong nito. She nod. “Bumalik ka muna sa bahay at matulog kang muli. Huwag kang humahawak ng kutsilyo kapag kulang ka sa tulog.”

Hindi pa naman sila nakakalayo sa kubo ni Levi kaya tumango na lamang siya. Ilang sandali pa ay may tumawag dito kaya nagpaalam muna ito sa kanya. Napatingin siya sa mga kababaihan na hindi maalis ang malalagkit na tingin kay Levi habang naghihiwa ng kamote. How can they even do that? Samantalang sobra ang focus niya kanina pero nahiwa pa siya.

Imbes na pumasok muli ng kubo ay bumalik siya roon sa mga kababaihan. She wants to get paid today. Ayaw niyang yabangan na naman siya ni Levi mamaya at tawaging walang silbi. If these women can do it, so she can.

“Okay ka na ba?” Isang babae na palagay niya ay kasing-edad niya ang nagtanong sa kanya. Kulot ang buhok nito at maamo ang mukha, sa likod naman niya ay isang matabang babae na makapal ang make up kahit mag-uumaga pa lang.

“’Day, mauuna pa yatang mahimatay si Amo iyo nang makitang nasugatan ka.” Humagikgik ito.

“Ako si May, ito naman ang pinsan kong si Rose. Anong pangalan mo?” Pakilala ng babaeng kulot na may maamong mukha.

“Miranda.” She smiled. Tingin niya ay mababait naman ang mga ito. “May maitutulong ba ako?”

Itinuro muna ni Rose sa kanya ang tagapasahod sa kanila ngayong araw at sinabing ilista siya dahil tutulong siya sa mga kababaihan. Binigyan lang naman siya ng gawain na ayusin ang mga plato ayon sa bilang ng lahat na naroon ngayon.

“Marami tayong mga sinasaka dito sa hacienda.” Paliwanag ni May habang nagpapatuyo sila ng mga plato hinugasahan pagkatapos ng pananghalian. Hindi na niya nakitang muli Levi, ang sabi sa kanya ni Juan ay nagpaalam daw na may pupuntahan. “May mga mais tuwing pahinga ng bukid sa palay. Pakwan, sibuyas, bawang. Doon sa banda roon ay mga mangga, andon ang tatay namin ni Rose, at meron din mga kopra.”

“Ang dami pala, ano? Pero bakit ang liit ng sahod dito?”

“Naku, malaki na ito. Sa totoo lang ay mabait naman ang mayari dahil may parte kami sa bawat ani. Minsan nga hindi na rin magkandaubos-ubos kaya kung hindi palitan ng ani ’e ibinababa namin sa bayan para ibenta sa palengke at maging dagdag pera. Si Amo, siya ang taga-pamahala rito pero hindi pa namin kilala ang mayari. Kaya lahat nang andito, takot kay Amo at inirerespeto siya. Maganda kasi ang pamamalakad niya, patas. Parang nagtatrabaho lang kami para may pang-araw araw kami, hindi na para payamanin ang may-ari.” Patuloy ni May.

“Isa lang din naman ang kliyente nitong Farm. Iyong intsik na taga-Maynila, madalas nagpupunta rito para bilhin ang mga kailangan niya.” Dagdag ni Rose. “Pero busog kami rito. Obvious naman.” Kinurot pa ni Rose ang bilbil nito.

“Sayang naman ang kakayanan na mas marami pa kayong mabenta. Sa ganong paraan mas lalaki siguro ang bayad sa inyo kada araw at pati ang share niyo.”

“Ang dami nga naming ani nitong nakaraan. Hindi namin alam paano uubusin o ititinda.”

Naging mabilis ang paglipas ng oras. Si Tita Yaya niya ay naroon sa koprahan kaya hindi sila masyadong nagkita nang araw na iyon. However, Rose and May kept her company, hindi mawala sa isip niya ang ideas kung paano mamaximize ang produce ng hacienda. Sayang naman kasi kung hindi rin mauubos ng mga magsasaka kung hindi magiging pera.

Good mood siya nang makauwi, kipkip ang 200 pesos na kinita niya. She’s so proud of herself earning her first pesos. Naabutan niya si Levi na walang pang-itaas. His pants was loosely hanged on his waist. Napalunok siya sa kurba ng abs nito at ang braso nito na may kung anong pinupukpok sa may kisame. Isa iyong sabitan ng puting kurtina na maghahati sa kama nito.

“Eto.” Winagayway niya ang isang daan na share niya sa araw na iyon. Mayabang siyang nagtaas noo at sinipat ang ginagawa ng binata. Tipid siyang tinapunan nito ng tingin.

“Kulang pa yan, akin na ang isang daan pa. Pinambili ko ng materyales para sa divider na gusto mo.”

Magrereklamo pa sana siya pero alam niyang wala siyang ikakapanalo sa pilosopong binata. Napabuntong hininga siyang ipinatong sa lamesita ang isang daan pa. Back to zero, well, at least may naibigay siya.

“Maghain ka na sa lamesa ng hapunan. Kumakain ka ba ng tinola?” Tanong nito. Pinigilan niya ang pagngisi, paborito niya iyon. She happily lead herself to the small kitchen. Dama niya ang preskong hangin sa kusina na bahagyang itinutulak pa ang mga kalderong nakasabit sa harap ng lababo. Mainit ang usok na ibinuga ng kaldero ng buksan niya ito para kumuha ng kanin.

Kumuha siya ng dalawang mangkok para paglagyan ng ulam. Sinalubong ang kanang ilong ng amoy ng luya at mabangong sabaw ng tinola. Mas lalo yata siyang nagutom.

She patiently waited for Levi at the table. Kahit naman hindi niya ito kaano-ano ay hindi pa rin maganda na pangunahan niya ito sa pagkain, ito pa naman ang nagluto.

Nang dumating ito ay may suot na itong t-shirt na puti. Brusko itong umupo sa harap niya at diretsang nilagyan siya ng kanin sa plato. She smiled and mouthed ‘Thank You’. Sumimsim siya ng sabaw at kuntento pa siyang napapikit. She liked the taste! Pupurihin niya sana si Levi pero ibinalik niya ang mga salita, tiyak na yayabangan na naman siya nito.

Nang sumulyap siya sa binata ay umiwas ito ng tingin, he was staring at her the whole time! Lumabi siya at tahimik na kumain. Hindi na siya nahiyang kumuha ng ikalawang sandok ng kanin, hindi niya mapigilan ang sarili.

“N-napagod ako sa trabaho kaya nagutom ako.” Palusot niya pa. Tumayo si Levi at sinalinan muli siya ng tinola, napakagat labi siya sa kahihiyan. Baka dagdagan nito ang singil sa kanya kapag napansin nitong malakas siyang kumain.

“Kumain ka lang. Tiyak na nakakapagod magbilang ng plato.”

Pinanliitan niya ng mata si Levi, “Wala ka naman maghapon sa bukid ah? Kung makapanghusga ’to!” Angil niya.

“Wala nga, pero ako ang nagpapasahod sa inyong lahat kaya alam ko ang bawat kilos mo.”

“Para sa dalawang daan ganyan ka makabantay.” Umirap siya kasabay ng pagsubo ng pagkain.

Sumeryoso ang mukha ni Levi, “Sa karamihan ay malaking bagay na ang dalawang daan kaya huwag mong mamaliitin.”

“Hindi naman kasalanan iyon ng mga magsasaka kung bakit maliit, hindi rin nila dapat ipagpasalamat iyon dahil abusado ang may ari ng bukid na yan. Magkano ba ang minimum wage ngayon?”

“Hindi lang ang panggastos araw-araw ang kinikita ng mga mag-sasaka. Sa bawat araw na tinatrabaho nila ang lupa ay nakakapagpondo rin sila ng pag-aari nilang bukid, ang tinitirikan nilang bahay at may kapiraso pang taniman. Bukod roon ay malaki ang parte nila sa produkto tuwing anihan.”

“Whatever.” She rolled her eyes. Maganda naman talaga ang hacienda. Organisado ang mga magsasaka, may pakain simula umaga, tanghalian at hapunan. Mayroon pang meryenda sa umaga at hapon. Ang ilan ay buong pamilya nila ang nagsasaka sa hacienda kaya nakakalibre na sila ng pagkain sa maghapon. Naitatabi ng buo ang kanilang sahod at hindi rin sila nagbabayad sa lupa na kinatitirikan ng kanilang bahay.

She’s interested to know who the owner is. Baka ay gusto pa nitong mag-expand. In fact, baka mainspire pa sa mayari ang ilang mga haciendero at maging mapagbigay din ang mga ito. Kaya lang ay baka wala rin kinikita ang mayari dahil sa sistema nito.

Nang matapos na siyang kumain ay tumayo na si Levi. “Lalabas muna ako at makikipag-inuman kina Mang Pacio.” Paalam nito.

“T-teka, baka umuwi ka na namang lasing at maging mapagsamantala ka.”

“Miranda.” Lumalim ang boses nito, “Kapag lasing ako, mas gugustuhin ko pang matulog kaysa hawakan ka.” Matabang na sabi nito.

“Fine! Huwag ka masyadong magpapagabi at baka mapuyat ako sa paghihintay.”

“Hindi mo rin ako kailangang hintayin. May susi ako.”

“M-mahirap matulog mag-isa. Baka kung sino ang pumasok diyan at murderin ako!”

“Bakit ba ganyan ka mag-isip?” Kinatok muli ni Levi ang ulo niya. “Walang gagalaw sa iyo rito kahit wala ako sa tabi mo.”

Nainsulto na siya, “Kung hindi uso ang ganda dito, huwag mo nang ipagsiksikan sa mukha ko na napapangitan ka sa akin. M-maganda ako roon sa amin!”

Napabuga ng halakhak si Levi dahil sa kanyang sinabi. Imbes na sumagot ay ginulo nito ang kanyang buhok, “Maghugas ka ng plato. Ayusin mo.”

Pagkasabi ’non ay tumalikod na ito at iniwanan siya.

Kabanata 3

Pabaling-baling ng higa si Miranda. Alas-dose na ng madaling araw at hindi niya maipikit ang mga mata. Paano ay talagang naghihintay pa siya kay Levi. She couldn’t help it. Paano kung masama ang pakiramdam nito, kailanganin ng kape, o di kaya magsuka ito?

Eh ano bang pakialam niya?

Pakialam niya ay iisa sila ng kama. Ayaw niya ng amoy ng suka. Amoy alak, she can tolerate but not vomit!

Fifteen minutes after 12 ay narinig niya na ang kaluskos sa labas ng kubo. Sinilip niya ito mula sa bintana ng silid at nakahinga ng maluwag nang makitang si Levi iyon. She stepped outside of their room. Pinagmasdan niya ang binata na halos tamaan ang lamesita sa gitna. Sumalampak ito sa kawayang sofa. Nakapikit ito at malalim ang paghinga. Dali dali siyang naghanap ng bimpo sa cabinet ng binata. Lumabas siya para basain iyon.

She gently pat Levi’s forehead with a cold towel. Medyo naalimpungatan ito pero halatang nagiginhawaan. Dumilat ang isang mata nito nang tangkain niyang palitan ito ng sando pero pumikit muli. 

Hindi siya nahirapan na palitan ito ng damit ngunit nang tangkain niyang tanggalin ang pantalon nito ay hinawakan nito ang kamay niya. Dilat na dilat ito. Pinamulahan siya ng pisngi sa kahihiyan. Ngunit nang pumikit muli ang binata ay naituloy nyang alisin ang pantalon nito. Buti na lang at boxers ang suot nito kaya hindi siya masyadong nailang. 

This is not her first time attending to a drunk male person. Ang isa sa bestfriend niya ay gay. Lagi siyang last woman standing tuwing may night-out sila kaya siya ang nag-aasikaso rito. Too bad at nasa Australia na ito at bihira na rin silang magkausap. Sinampay niya sa kanyang balikat ang braso ni Levi, halos kaladkarin niya ito patungo sa kama. When he was settled ay inulit niyang muli ang pagpunas sa mukha nito. 

Doon ay napansin niya features ni Levi. He couldn’t believe that perfection could exist like this. Well, gwapo naman ang kanyang Daddy at bunsong kapatid but Levi is on the Asian/ Macho side. Kahit kayumanggi ang kutis nito ay mapula naman ang labi.

Pinagdikit niya ang kanilang braso. Bukod sa malayo ang diprensya ng laki nito ay malayo rin ang kulay. Napakaputi niya kung ikukumpara kay Levi. She also wished she could be a bit tan pero ang nanay niya ay Half German at may Roman blood naman ang kanyang ama.

“Hay, mukha kang mabait kapag tulog.” Ipinatong niya ang kanyang siko sa matigas na tiyan nito.

Kumilos ng bahagya si Levi kaya inalis niya ang pagkakapatong dito. Tumagilid ito at niyakap ang sarili. When she’s sure that he’s settled ay nagtungo na siya sa bahagi ng kanyang kama at saka natulog ng mahimbing.

She woke up on her alarm clock. Pakiramdam niya ay kakapikit pa lamang niya pero wala siyang balak magreklamo. Si Levi lang naman ang makakarinig ’non at kokontrahin na naman siya. Nakita niyang wala na ito sa puwesto at nakakarinig na siya ng kaluskos sa labas. Nagpasya siyang maghanda muna para sa pagpasok sa bukid. She decided to wear a more comfortable clothes now, leggings paired with an oversized tshirt. Masakit din kasi sa balat ang araw.

Ipinupusod niya na ang mahabang buhok habang lumalabas ng silid nang may kumatok sa may pinto. Dahil siya ang malapit ay siya na ang nagbukas non. Napangiti siya nang makita roon si Mameng.

“Tita Yaya! Good morning!” Maligayang bati niya.

“Magandang umaga, Miranda. Ihahatid ko lang sana ang puto na order ni Amo.”

Nilingon niya si Levi na tahimik na nagkakape roon sa lamesa. “Lasing. May hangover yata.” Bulong niya kay Mameng. Nakakaunawang tumango naman si Mameng at kinumusta siya.

“I am okay so far. I think I can do three months of this.” Pagpapanatag niya sa tiyahin. “Saka may mga bago ang friends. Si May at si Rose. I think they like me, Tita Yaya.” Pagmamalaki niya. Ngiting-ngiti naman ang matanda.

“Siyempre. Napakabait mo namang bata.”

Nasamid sa may kusina si Levi. Nilingon niya ito at sinamaan ng tingin. “Sige na Tita Yaya. Susunod po ako sa bukid.” Kinuha niya ang hawak nitong puto at nagpaalam.

Wala siyang imik na naglakad sa may kusina at saka inilapag ang puto. Tatalikod na sana siya nang magsalita si Levi.

“Sa iyo yan. Dalhin mo sa mga ‘Friends’ mo.” Pagdidiin ni Levi na may halong pang-iinsulto. Binalikan niya ito ng nakapamewang.

“Bakit parang hindi ka naniniwala?”

“Ako?” Tinuro ni Levi ang sarili. “Wala naman akong sinasabi.”

Pinanliitan niya ito ng mata, “At saka bakit mo ipinapadala sa akin ito? Meron ka bang tipo kay May o kay Rose? Si May ba?” Bakas ang iritasyon sa kanyang boses, muntik nang mabulunan si Levi sa kanyang tanong.

“Umagang-umaga, Miranda. Huwag mo akong awayin. Biruin mo na ang lasing huwag lang ang bagong gising at hindi na ako lasing, bagong gising na lang.”

“Defensive.” She crossed her arms to her chest. “Tiyak na meron kang gusto kay May.” Ni hindi man lang nagandahan sa kanya si Levi at si May ay lahat ng kabaliktaran niya. Kulot at itim na itim ang buhok nito na umabot lamang sa balikat, morena ito at tila Indian descent. Maganda talaga ito. Ang sabi nga ni Rose ay pambato nila si May. sa mga pageant at lagi itong nananalo. Sigurado siyang mga ganoong itsura ang tipo ni Levi.

“Ano naman sa iyo kung meron? Tatlong araw pa lang tayong magkakilala, nagseselos ka na agad.”

Imbes na sumagot ay padabog niyang kinuha ang puto at lumabas na. Mabilis ang naging lakad niya patungo sa mga tagapaghanda ng pagkain sa bukid. Huminto lamang siya nang mapansing mabilis ang tibok ng puso niya. Inis na inis siya kay Levi. At siya? Nagseselos? Bakit naman!

Nakangiti siyang sinalubong ni Rose, kumaway naman sa kanya si May na nagpupunas na ng mga plato. Huminga siya ng malalim para kalmahin ang sarili. Of course, that’s not May’s fault, si Levi, ang antipatikong iyon ang sumira ng umaga niya.

“Bigay ni Levi.” Inabot niya kay May ang buong supot ng puto.

Napakunot ang noo ni May habang tinatanggap ang bigay niya, “Bigay ni Amo? Bakit daw?” Kaswal na tanong nito sa kanya.

“Ewan ko! Ibigay ko raw sa mga kaibigan ko.”

“Uy, puto pala ni Aling Mameng ito. Espesyal ito. Masarap gumawa ng espasol si Aling Mameng.” Inagaw ni Rose ang supot at kumuha ng isa. Inabot sa kanya ang isang balot. “Tikman mo.”

Hindi naman para sa kanya iyon, para kay May. “Ayoko niyan.” Matabang na sambit niya at saka kumuha rin ng mga platong pupunasan.

Hapon na ay hindi pa rin siya natatapos na magtrabaho. Inaya siya ni Rose at May na bumili ng meryenda sa labas ng hacienda pero hindi siya sumama. Pinili niyang mag-ayos ng mga plato para sa hapunan at nag-asiste rin siya sa pagbomba ng poso doon sa mga nagsasaing ng bigas.

Napakamot siya sa mukha nang may tumama roon na butil ng palay. Nanlisik ang mga mata niya nang makitang malapit si Levi at ito ang nambato sa kanya ng palay!

“Hindi ka raw kumain ng pinadala ko sa iyo?” Natigilan siya nang marinig ang boses ni Levi.

“Hindi naman para sa akin. Nakakahiya naman sa iyo.” Matabang na sambit niya at saka nagtuloy sa ginagawa.

Umupo sa tabi niya si Levi at kumuha rin ng plato. Inagaw nito ang basahan sa kanya.

“Akin na nga yan!” Nakakainis ha! 

“Gusto mong manood ng sine mamaya?” Imbes na ibigay sa kanya ang pamunas ay tanong nito. Nagtataka niya itong tiningnan.

“Wala akong pera.”

“Libre ko. Ngayon lang ’ha.”

Hinawakan niya ang baba ni Levi at iniharap sa kanya, sinipat niya itong mabuti at tinaasan ng kilay. “Inaaya mo ako ng date?”

“May gusto ka ba sakin?” Balik na tanong nito. “Lahat ng ginagawa ko nilalagyan mo ng malisya.”

“W-wala ha!”

“Dapat lang. Hindi ikaw ang tipo ko, gusto ko malaki ang…” Iminuwestra nito ang dalawang palad sa hangin na hugis bilog. Tinapik niya ito sa balikat.

“Bastos!”

“Medyo.” He admitted. Umirap lang siya sa hangin. “Eto, pinagawa ko ulit kay Aling Mameng. Para sa iyo yan.” Inilabas nito ang isang tupperware ng kakanin at inilapit sa kanya. “Hindi ka raw kumakain masyado sabi ni Rose, wala ka raw sa mood, may mens ka?” Diretsong tanong nito.

“Hey! You are not supposed to ask that. Nakakahiya!”

“Tss. Susunduin kita ng alas-sais ng hapon. Manonood tayo ng sine.” Inilagay nito sa kanyang kamay ang basahan at iniwanan na siya.

Gumaan ang pakiramdam niya nang umalis si Levi. She found herself rushing bago mag-alas sais. She wanted to take a shower and fix herself, finally ay maisusuot niya rin ang mga baon niyang dress. 

She opted for a checkered light yellow knee length dress. Hinayaan niya lang ang mahabang buhok na nakalugay, at nilagyan ng rhinestone clip sa magkabilang parte. Light make-up lang ang ginawa niya, ayaw niya rin naman maging over dressed lalo’t ang style ni Levi ay laging jeans at t-shirt.

Pumatak ang alas-sais at kumatok na si Levi sa silid. She went out and her floral scent was totally blown away but Levi’s musky scent. Sure, ito ang laging amoy niya but she could also smell the minty after shave and hair wax. Hindi niya alam kung paano ito nag-ayos. Ang light blue polo nito ay tinuklop ang manggas kaya bumakat ang muscles nito sa braso, blue jeans naman sa pang-ibababa na tinernuhan ng army boots.

“Nakasakay ka na ba ng motor?” Tanong nito sa kanya.

“H-ha? Hindi pa.” Napangiwi ang binata sa sagot niya.

“Sandali.” Sumenyas siya sa lalaki at bumalik sa silid. She fished for her white sneakers and her white purse na pwedeng i-cross body bag. Lumabas siyang muli. “O-okay na ba ito?”

Napangiti si Levi. Hinawakan siya sa siko at iginiya sa labas.

Kahit na madilim ay hindi maipagkakaila ang itim na itim na ‘motor’ nito ay isang high-end Harley Davidson.

“Sa iyo ito?” She asked.

“Hindi. Hiram lang. Buti nga umabot e. Pagta-tricycle-in sana kita.” Kaswal na sagot nito na sumakay na ng motor at inalalayan siyang sumpa sa kanyang likod.

The drive was fantastic. Nakasuot siya ng helmet pero hindi natatakpan ang kanyang mukha. For the first time she was able to appreciate the place. May mga lugar na busy at may lugar na tahimik lang. Malamig ang hangin at amoy ang pananim sa paligid. Sa isang sinehan sila nagtungo. Walang ibang establisyemento bukod ang sinehan na merong apat na theaters.

“Pumili ka.” Nakatayo sila sa harapan ng ticket booth. Love story, horror at action ang pagpipilian. Itinuro niya ang love story.

“Okay lang?” She asked politely. Nagkibit balikat si Levi at bumili ng dalawang ticket sa itinuro niya. Kumuha rin sila ng popcorn at drinks. She’s worried that Levi will get bored in the middle of the film but he was engrossed with it just like her. Nang lumantad na ang plot twist kung saan mawawala na ang bidang lalaki ay ramdam niya na ang pagtulo ng luha niya.

Nakita niyang kumilos si Levi pero hindi siya nagpadistract dito. Only when he offered a piece of his unbuttoned polo shirt for her to wipe her tears away he got her attention. Nangangapal na ang luha niya kaya tinanggap niya ito at ipunanas sa mata.

“I’ve read the book and I know it is a fcking sad ending. I just—I just don’t want to see this part.” She sniffed.

“Pumikit ka.” Levi suggested. “Takpan mo ang mga mata mo. Pagdilat mo, okay na ulit sila.”

Tumango siya at sinunod ang payo ng binata. True enough, pumasok na ang ikalawang yugto ng mga eksena at okay na ulit ang mood ng movie. Two popcorn, and big sized zero calorie softdrinks later, natapos ang pelikula. She was smiling all ears.

“Mahilig ka sa love story?” Habang naglalakad papalabas ng sinehan ay tinanong siya ni Levi. She nodded. Ang alam niya ay nakuha niya iyon sa kanyang ina, hopeless romantic din kasi iyon.

“Oo, tingin ko nga ay kaya kong panoorin ang mga yan ng paulit-ulit at hindi ako magrereklamo.”

“Anong tissue ang paborito mo kung ganon?”

She giggled. “Sa pelikula lang ako umiiyak ng ganon. Hindi talaga ako iyakin sa totoong buhay, kaya siguro hindi ako ang paborito ni Mommy. Madrama yun tapos hindi ako nagpapakita tuwing umiiyak ako. She felt disconnected to me. She doesn’t understand me.”

Nakarating sila sa isang maliit na kainan. Pares ang itinitinda doon. Pula at puti ang disenyo, silang dalawa lang ang naroon kaya agad silang pinagsilbihan ng serbedora, hindi na pinapili dahil wala rin pagpipilian.

“Ikaw? Hindi ka paborito?” Levi asked her.

“Apat kaming magkakapatid. Tatlong babae, isang lalaki. Eldest is Ate Madrid, ako ang sumunod, then ang bunsong babae si Morgan. Mexico is the only boy and the youngest. So being the second child, at hindi nag-iisang babae, do you think someone will notice me?”

“Kaya ka pasaway?” Itinapat ni Levi ang mainit na sabaw sa kanyang labi at hinigop niya iyon.

“Thank you.” She mused. “Pero hindi ako pasaway. Pinanganak akong malas, muntik na malugi ang negosyo ng Daddy ko nung ipinagbubuntis ako. Nakabawi lang nung pinanganak si Morgan. Kaya spoiled yun. I never got what I want. Lagi din akong minamalas sa school. Either mapapagsarhan sa course na gusto ko, hindi aabot sa enrollment, maaksidente.. That and many more. Tingnan mo, nung napadpad ako rito, minalas din ako. Ipinatapon kasi ako dito ni Mommy after my last car accident, minor lang naman.”

“Unfair parents mo?”

“Unfair lang siguro sakin ang sitwasyon. Pwede naman akong ipanganak na huli pero nandon pa ako sa gitna. Saka ang hirap pang patunayan ang sarili. Kapag panganay ka, ikaw ang unang mamahalin, kapag bunso ka, ikaw ang huling mamahalin. I am nobody’s favorite.”

“Ako, paborito kita. Inisin.” Pagmamayabang ni Levi.

“Isa ka pa.” She hissed. “Ikaw, anong kwento mo?”

“Getting to know ba ’to? Sabi sa iyo hindi ’to date.”

“Sabi nila May, ikaw daw ang kanang kamay ng mayari ng Hacienda.” Hindi niya pinansin ang sinabi nito, “Siya ang mayari ng Harley mo?”

“Hindi ko sasagutin.” Sumubo ito ng pagkain. “Panganay ako. Lahat ng mata ay nasa akin. Marami akong responsibilidad pero ayokong gawin. Makasarili ako at tarantado pero hindi ako gago. Okay na?”

Hindi niya masyadong naintinidhan pero nagkasya na lang siya roon. She wonders how it is to be eldest. Madrid never got her ideals questioned. 100% ang bilib at suporta ng mga magulang nila dito. While she, she had to justify her actions. All her life kailangan niya pag-isipan, baka kasi mali, baka mapagalitan. Kung hindi siya ikukumpara sa panganay, ikukumpara siya sa bunso. It is either she cannot be like their eldest, or their youngest is even better than her.

“Wala ka namang magagawa kung pang-ilan ka ipinanganak. Nasa saiyo naman ang kapalaran mo. Kahit magrebelde ka pa sa sitwasyon na meron ka, wala namang magbabago. Mag-enjoy ka na lang. Go with the flow.” Suhestyon sa kanya ni Levi. “Mabuhay ka kada araw. Pumili ka tuwing nasa harap mo na ang pag-pipilian. Huwag mong isipin masyado ang hinaharap at ’wag mo rin panghinayangan ang nakaraan.”

“Wow, what a wisdom.”

They continued sharing the meal. They capped off the night with 1.5 liter of soda each and slept to their hearts’ content. 

It was 1995, a sort of date with the one she hates, their first summer, and life then was perfect.

Kabanata 4

“Mabuti naman at umuwi ka pa. Magbihis ka at magpafile tayo ng candidacy. Nag-aabang na ang mga press sa labas.” Sinalubong si Levi ng ama. “Good timing dahil hindi ka lasing.”

“Magbibihis ako pero hindi ako magpa-file. Mag-aani kami ng maraming sibuyas, kailangan kong bantayan ang mga magsasaka.”

This is the first time that he’s not drunk and he slept well. He was busy with Miranda and that girl, as annoying as she is, makes him smile. A breathe of fresh air. Sutil pero halatang mabait. Maldita pero iyakin. Pati sa pelikula naiyak pa, nabasa na naman pala ang istorya.

“You will file, Levi. Kung hindi ay walang aani.” Malinaw ang boses na iyon ni Gobernador Mario Monasterio. “Ako pa rin ang trustee ng hacienda at hindi mo iyon makukuha until you reach 30. I can still do whatever I want with it.”

“Putangina naman.” Hindi na pinigilan ni Levi ang sarili, “Ang tagal niyo na akong binablackmail para mapasunod niyo. Ano bang gagawin ko bilang Vice-Mayor? Manginginom ako, babaero ako, the system will find a dirt on me whenever they want to! Gusto kong magnegosyo, bakit niyo ba ako pinipilit maging kagaya niyo?”

“You will thank us later, Leviticus. Ang ginagawa namin ni Fidela ay para sa inyong mga anak namin. Now, get dressed and act normal. Be ready in an hour.”

Panay ang mura ni Levi habang nasa ilalim ng shower. Ipinapangako niyang hindi siya mangagampanya. Ipinapanalangin niya na matalo siya pero mukhang hindi iyon mangyayari. Tiyak na mamanipulahin ng kanilang pamilya ang resulta.

May bahagi ng kanyang closet ang puro barong. Wala siyang pakialam na humila na lang ng kung ano roon. It doesn’t matter, magkakamukha naman iyon.

Kahapon lang yata siya nag-abalang pumili ng damit nang yayain si Miranda manood ng sine. Naaawa siya dahil mukhang pagod lagi tuwing umuuwi galing bukid. Seryoso pa ito sa pagbibigay ng ‘ambag’ na hinihingi niya. If Miranda only knew that he’s the son of one of the wealthiest man in their province, malamang ay magagalit sa kanya dahil sa mga panggigipit niya. Napailing siya sa naiisip at napangiti rin.

Mananatili lang naman ito ng tatlong buwan sa kanyang pangangalaga, ang sabi ni Mang Pacio ay maaaring mas kaunti pa roon dahil pinaparusahan lang naman ng ina. She will go home in a few weeks and she will forget him, but that thought left a bitter taste in his mouth. 

Sabagay, will she ever like someone like him whose family is vile, at siya na lasinggero at babaero pa? Suntok sa buwan ang magustuhan ni Miranda.

“Levi.” May kumatok sa kanyang kuwarto, pinagbuksan niya ang ama, “Its time.”

Tiniyak ni Miranda na makinis ang mga plato na pinupunasan niya. Nainspire pa yata siya dahil lang sa sine! Nakakainlove naman kasi talaga ang palabas na iyon, Casper ang title at tungkol sa isang multo. Nakakaiyak lang ang ending, napapunas pa tuloy siya ng luha sa polo ni Levi. Buti na lang at ito ang nag-offer.

“Ang ganda ng ngiti! Nakakainspire ba ang mga plato, girl?” Nakapamewang sa kanya si Rose. Pabiro siyang umirap at ibinalik ang atensyon sa ginagawa.

“Nakita namin kayo ni Amo kahapon don sa bayan ha! Kumakain kayo sa paresan. Hindi na namin kayo tinawag kasi mukhang nakakaabala kami.” Makahulugan ang tingin ni May na nanunukso.

“Sana nga ay tinawag niyo kami at sumabay na. Namasyal lang kami at nanood ng sine.”

“Namasyal LANG at nanood ng SINE!? ’E di nag-date kayo!” Susog ni Rose.

“Alam mo ikaw, Rose, malisyosa ka.” Pagtutuwid niya sa iniisip nito, namumula na rin kasi ang pisngi niya.

Humalakhak si Rose, “’E bakit namumula ka? Eto naman, hindi ka namin masisisi kasi napakasimpatiko naman kasi ni Amo! Wala pa akong nakikita na ganon kagwapo at macho rito sa bayan! Tapos sa isang bubong pa kayo nakatira! Kayo na ba ha?”

“Hindi!” Matigas na tanggi niya. “Pinanagutan niya lang ang naging kamalian namin noong una kaming magkita.”

“Pinanagutan! Nako, may gusto sa iyo yon, pusta ko! Bali-balita may karelasyon dati si Levi at nabuntis pa nga pero ba’t hindi naman yon pinanagutan? Samantalang ikaw, nakatabi lang matulog…” Malisyosa siyang itinulak ni Rose.

“Nabuntis na hindi pinanagutan?” Nakuha non ang kyuryosidad niya. Kung totoo kasi iyon, bakit hindi pinanagutan ni Levi? Napakairesponsable naman pala. 

Napailing siya ng nakapikit, chismis lang siguro iyon dahil kahit magaspang ang ugali ni Levi, mukha namang mabait.

“Ang swerte mo naman! Ang ganda-ganda mo kasi! Talo na kami lahat! Magdadiet pa sana ako para magkapag-asa kay Amo. Ayoko na tuloy.” Kumuha si Rose ng tinapay na nasa plastik sa dibdib niya at kinagatan iyon. “Gusto mo?”

“Hindi na, salamat.” Ngumiti siya at nagpatuloy sa ginagawa.

Ilang sandali pa ay lumapit sa kanila si Nova, nagtatrabaho din ito sa bukid pero isa sa nagtatanim. Mas gusto daw nito ng aksyon dahil boring daw ang ginagawa nila.

“May hiring kami doon sa beerhouse sa bayan! Kailangan daw ng serbidora at singer, baka gusto niyo? Extra money din yon.”

“Talaga ba, Nova?” Nakichismis agad si Rose, parang interesado.

“Oo! Sikat na kasi iyong tambayan!” Pagmamalaki ni Nova.

“Ano, apply tayo, Maita?” Tanong ni Rose.

“Sige ba.. Ikaw Miranda?”

“Nako, hindi papayagan ni Amo yan. Mahigpit yon!” Si Rose na ang sumagot para sa kanya.

Kumunot ang noo niya. Bakit hindi naman siya papayagan? Kung tutuusin ay border lang naman siya nito at mukhang wala naman pakialam kung ano ang gawin niya sa buhay.

Isa pa, bagay kay Levi magsuot ng polo. Sa unang sahod niya, bibilhan niya ito para naman madagdagan ang mga polo nito. Kahit maglupasay pa siya kakatrabaho sa bukid ay hindi siya makakaipon ng ganon, kinukuha pa kasi ni Levi ang kalahati ng sahod niya.

“Sasama ako. Hindi magagalit yun si Levi. Madalas naman din uminom yon sa gabi.”

“Ayan!” Napapalakpak si May. “Gusto ko yan na tatlo tayo para hindi ako kakabahan sa pag-aapply.”

Nang matapos sila sa bukid ay nag-usap usap silang magkikita sa mismong beerhouse pagkatapos ng isang oras. Nagbihis pa kasi sila. Simpleng dress lang ang isinuot niya, kulay puti para hindi siya mapagkamalang maarte. 

May maliit na pila na sa harap ng beerhouse nang dumating siya pero naireserba na siya ni May at ni Rose.

“Naku! Mukhang maliit ang pag-asa natin dahil may mga experience na ang mga narito sa pila. Galing sila sa kabilang beerhouse.” Kinakabahang bulong ni Rose. 

Huminga siya ng malalim, okay lang naman kung hindi siya makukuha at least sumubok siya. Sayang din naman yung tatlong daan kada gabi.

Goodness! She couldn’t believe na ganito kahirap kumita ng pera! Part of her wants to run and go back to her mother but a part of her wanted to stay. Parang ginaganahan pa siya araw-araw tuwing nakikita niya si Levi tuwing umaga na pinaghahanda siya ng almusal. 

He’s a yaya she never had!

“Ikaw na!” Itinulak siya ni Rose papasok sa loob. May tatlong tao na nakaupo sa dalawang lamesang pinagtabi. Isinenyas sa kanya ang stage kaya tumayo sya roon.

“Pangalan?” Tanong ng tomboy na matapang ang mukha. Nasa gitna iyon at mukhang iyon ang amo.

“Miranda po.”

“Edad?”

“Twenty-six.”

“Sigurado ka? Lagpas ka na dise-otso?” Pinanliitan siya ng mata ng kausap.

Tumango siya.

“Marunong sumayaw?”

“A-ah, hindi po ako nag-aapply na dancer, waitress po sana.”

“Namimili ka?” Tumaas ang kilay ng kaharap.

“Sinasabi ko lang po. Macarena lang ang alam ko pero hindi pa perfect. Favorite ko rin ang moves ng UMD, sa International, Backstreet boys ang idol ko. Pwede ba yung mga ganong sayaw?”

“Hinde. Yung nakakalibog dapat.” Matabang na sagot ng tomboy.

“Kanta? Kumakanta ka?” Subok muli nito.

“Medyo..”

“Alam mo yung bago? Yung kanta ni Selena? Ano nga yon?” Tanong ng tomboy sa dalawang katabi.

“Dream of you yata yun, Majoi..” Sagot ng isa.

“Tanga, dreams you.” Sabad naman ng isa pa.

Nagtalo pa ang tatlo pero pare-parehas namang mali.

’Late at night when all the world is sleeping, I stay up and think of you, And I wish on a star that somewhere you are, thinking of me too…“

Nagkusa na lang siyang kumanta sa harap ng mga nag-iinterview. Dreaming of You ang title na pinag-uusapan. Paborito nga niya iyon! Naalala niya pang ito ang background music niya nong nabangga siya nitong nakaraan at nawalan siya ng malay.

Natigilan ang mga nag-iinterview. Si Rose at May na nakasilip ay panay tilian doon sa labas na akala mo naman ay nanonood ng patimpalak!

“Kaibigan namin yan! Go Miranda!”

Dahil doon, natanggap na nga siya bilang singer. Sa pinakamaagang set siya inilagay, ibig sabihin ay simula 7PM hanggang 10PM siya kakanta. Natuwa siya dahil P600 daw ang ibabayad sa kanya kada gabi, mas malaki nga raw sana kapag alas-diyez ang pipiliin niya kaya lang ay may trabaho pa siya sa bukid.

“Ang sama naman! Porket mataba doon sa kusina ilalagay?! Buwisit! Inumin ko mga mantika doon, makita nila!” Himutok ni Rose nang naglalakad na sila papauwi. 

Natanggap silang tatlo. Si May ay waitress, si Rose naman ay kitchen helper. Natawa si May sa pinsan nito.

“Kaysa wala! Ang dami-daming aplikante pero tinanggap tayong tatlo dahil magaling kumanta si Miranda.”

“Isa pa yan! Hindi man lang ako tinanong kung marunong akong sumayaw o kumanta, sa kusina agad ang inalok! Ubusin ko ang bigas don sa loob.”

“Hindi rin naman kasingganda ni Miranda ang boses mo Rose.. Pang-banyo ka lang.”

“Pwede rin naman sumayaw ng nakakalibog ang mataba! Kapag lasing na ang lahat, pwede na rin ang katawang ’to!” Gumiling-giling pa si Rose, may pumito naman na mga tricycle driver sa di kaluyan. Kumaway si Rose sa mga ito.

“Tamo! Nasexyhan sa akin! Pumito ’e!”

“Sasakay kayo mga Miss?” Tanong ng pumitong tricycle driver. “Kaso baka hindi kasya yung kasama niyo, sa likod na lang siya o di kaya sa isang tricycle–”

“Gago! Pakyu!” Galit na galit si Rose na nauna nang maglakad. Natawa lang sila ni May.

Nakangiti si Miranda nang makauwi siya. Iba talaga ang joys na naibibigay ng simpleng bagay kapag simple ka na rin mamuhay. Sinong mag-aakala na mapapangiti siya ng P600 kada araw? Isang libo ang allowance niya sa parents niya, wala pa siyang ginagawa ’non ha!

“Saan ka galing? Kay bago-bago mo rito, gala ka na agad.” Mapaklang wika ni Levi habang naghahanda ito ng hapunan sa mesa. Umirap siya.

“Nag-apply ako ng trabaho.” Mayabang niyang pagmamalaki.

“Anong trabaho? Ano nga yon? Advertising?” Natigilan si Levi.

“Nakuha akong singer! Doon sa beer–”

“Hindi pwede!” Mabilis na sumimangot si Levi. “Anong singer? Magpapaulan ka ba sa buong probinsya? Malulunod ang mga palay at pananim ko.”

“Nakapasa ako! Malaki ang sasahurin ko roon!” Pagdadahilan niya. 

“Hindi, Miranda. Hindi ka sanay sa ganoong lugar.”

“Bakit hindi pwede? Sina May at Rose naman masaya na natanggap sila. Isa pa, P600 ang offer–”

“Hindi ba’t mayaman ka? Barya lang iyon sa iyo. Bakit kailangan mong magpakapagod? Hindi pwede. Dito ka lang.” Pinal na wika ni Levi. 

Nakaramdam siya ng habag sa sarili. Why does everybody has a say about her life except her? Kapag sinabing dumito muna siya sa probinsya, dumito naman siya. Kapag sinabing magtrabaho siya sa bukid, nagtatrabaho naman siya. Bakit hindi siya pupwedeng pumili ng iba pagkatapos niyang sumunod?

“You are just like my parents, Levi.” Lumabi siya at nagtungo na roon sa silid nila ni Levi. Binalot niya ang sarili ng kumot at umiyak doon ng umiyak.

Hindi niya alam kung gaano katagal siyang umiiyak roon sa ilalim ng kumot dahil init na init siya. Shet, ang hirap magdrama na makapal ang kumot at hindi aircon ang silid. 

Naramdaman na lang niyang inaalog ni Levi ang kanyang braso. Akala ata nito ay madadaan siya sa ganon! 

Pero kapag sumilip siya ay mahahanginan ang kanyang mukha kahit papapaano. Think, Miranda. Bugahan mo na lang ng apoy si Levi at salubungin ng kamalditahan!

Sumilip siya sa ilalim ng kumot at naginhawahan ng kaunti sa preskong hangin. “Bakit?” Namamalat ang boses niya dahil sa pagluha pero tiniyak niyang mararamdaman nito ang kanyang irita.

“Kumain ka na.”

“Ayoko.” Nagtago muli siya sa kumot, pucha, ang init talaga!

“Hindi mo ako madaraan sa hunger strike, Miranda.”

“Go away!” Naiinis na tili niya, aalisin niya ang kumot kapag iniwanan na siya ni Levi. 

Imbes na lisanin siya ay malakas na napabuga ng hangin si Levi. 

“Sige na, sige na. Pupwede ka nang magtrabaho sa beerhouse sa isang kundisyon..”

Pigil hininga siya roon sa ilalim ng kumot. May pakundisyon pa! Talagang may sinasabi si Levi sa buhay niya e wala pa silang 1 week magkakilala!

“Sasamahan kita, Miranda.”

Napabangon siya at gusto niyang magbunyi sa malamig na hangin na tumama sa katawan niya. Dahil doon ay nakaramdam siya ng tuwa pati sa pagpayag na rin ni Levi. Not that he can change her mind, pero at least napabago niya ang desisyon nito.

“Totoo, Levi?”

“At ako ang pipili ng isusuot mo.”

“Politiko ka? Bakit diktador ka?” She bantered.

“Hindi, Miranda. Concerned citizen ako. Puro lasing ang mga naroon at kapag lasing hindi na nila matantya yung pekeng ganda, makakadaya ka roon at tiyak na may mangungulit sayo kahit pangit ka.”

“Hey, that’s mean! I am beautiful!”

“Hindi ako lasing ngayon, Miranda kaya nagsasabi ako ng totoo.”

Aba! Napakasama talaga ni Levi!

“Gusto mo lang uminom kaya gusto mong sumama sakin sa trabaho!” Bintang niya. “Siguro magte-table ka roon kaya ganadong-ganado ka. Iyang mga plano mo talaga, Levi, akala mo hindi ako makakahalata! Makikialam ka pa sa pananamit ko.”

“May nakapagsabi na sayong kapag nilaban ka sa giyera, mamamatay ang mga kalaban? Parang armalite ka magsalita, ang sakit mo sa tenga.”

“Basta, problema ko na kung babastusin ako!” Napaka sexist naman nito ni Levi, paladesisyon.

“Ayokong mapaaway, Miranda. Huwag matigas ang ulo mo. Masama akong magalit sa mga babastos sa iyo.” Levi’s eyes went a shade darker. Kahit siya ay kinabahan sa babala roon.

“Fine. I’ll dress appropriately.” Sumuko na siya. Ang mahalaga ay hindi na siya mahihirapang tumakas-takas pa. Makikita niya na rin si Levi na mag-inom, siguro kapag tapos na ang set niya ay uuwi na rin itong kasama niya.

“Hindi ka na nagtatampo?” Sinulyapan siya ni Levi gamit ang gilid ng mga mata nito.

Ngumiti siya at umiling, nahanginan na rin siya at nakaramdam na ng gutom, “Hindi na. Thanks, Levi.”

Kabanata 5

“Bakit ganyan ang suot mo?” Nakasimangot na tanong ni Majoi sa kanyang ternong pulang blazer at slacks. “Paano niyan gaganahan ang mga lalaki?!”

Nasa likuran sila at malapit sa kusina. Siya na kasi dapat ang kakanta. 

“S-sorry… Gagalingan ko na lang kumanta..”

“Hindi iyon ang usapan. Alisin mo yang takip ng braso mo!”

May lumapit kay Majoi, ang isa pang manager ng beerhouse na si Lanie, “May Monasterio sa labas.”

“Ano?” Bakas ang gulat kay Majoi. “Bakit daw?”

“Yong panganay. Kasama niyang bago mong singer.”

Tinitigan siya ni Majoi, “Kaano-ano mo si Levi Monasterio?”

“H-ha? Kaibigan..”

“Patay. Sige, sumalang ka na roon.”

“Hindi ko na aalisin ang blazer?”

“Hindi na. Isuot mo na lang kung ano ang gusto mo.” Tumango siya at naglakad patungo sa stage. Nagpalakpakan ang mga lalaki nang tapatan siya ng ilaw. Naroon si Levi sa pinakaunahang lamesa at may mga kasama rin na mga taga-bukid, si Raul ang isa, saka si Pedro. May isa pang kasama ito na di hamak na mas matanda rito. Hindi niya kilala pero seryoso ang mukha at may nakasukbit na baril sa beywang.

“Magandang gabi.. Ako si Miranda.” Umpuo siya sa high chair na naroon sa gitna. 

Iyon pa lang ang kanyang sinabi ay nagsigawan muli ang mga customer. 

“Ang ganda mo, Miranda! Table ka rito mamaya, ha!” May sumigaw muli sa likuran. Kinakabahan siyang napatingin kay Levi na gumalaw ang panga sa narinig. Tinapik ito sa balikat ni Raul at umiling. Nagsimula namang magplay ang isang sikat na kanta ni Whitney Houston.

‘A few stolen moments is all that we share, You’ve got your family and they need you there Though I’ve tried to resist being last on your list, But no other man’s gonna do So I’m saving all my love for you…’

Napatuwid ng upo si Levi at marahang uminom sa bote ng beer na nasa harapan. His stares went heavy. 

‘You used to tell me we’d run away together, love gives you the right to be free You said be patient just wait a little longer but that’s just an old fantasy’

She smiled at him, akala nito ha! Talented siya. Sino ngayon ang walang silbi!

’Cause tonight is the night for feeling alright, we’ll be making love the whole night through, so I’m saving all my love, Yes, I’m saving all my love, Yes, I’m saving all my love for you

Naging sunod-sunod ang mga request sa kanya. Mabuti at mayroong songbook sa harapan. Kumplete sa minus one casette tapes ang beerhouse kaya marami talaga ang kanyang nakanta. Ang dami niya pang nahakot na tips. 

Pwede pala niyang pagkakitaan ang boses niya. Makapagresign na nga sa bukid para hindi na siya alipinin ni Levi. Natawa siya sa isip, makapaglayas na nga rin.

“Miranda, tara na.” Sinalubong siya ni Levi sa may gilid ng stage. Nakita niyang tumahimik ang buong paligid. 

“Miranda, ang laki ng tip ko kanina! Tumable ka sa akin at mas marami pa akong ibibigay. Kakauwi ko lang galing Saudi! Ite-take home pa kita, magkano ka?” May lalaking tumayo sa tabi ni Levi at akmang kukunin ang kamay niya. Napaatras tuloy siya.

Mabilis ang pangyayari dahil kinuha ni Levi ang nakasukbit na baril sa beywang ng kasama nito. Napasinghap ang ilan, lalo na ang mga serbidora na natulala dahil tinutukan na ni Levi ng baril sa noo ang makulit na lasing.

“Levi!” Binalot siya ng kaba.

Naging alerto ang mga bouncer pero ang isang kasama ni Levi ay naglabas din ng isa pang baril at itinaas sa ere.

“Wala siyang paki sa tip mo. Alis.” Mapanganib na utos ni Levi.

“Tngina mo, babarilin mo ba ako?” Nagulat ang lasing na gusto siyang itable. “Sino ka ba? Bakit may baril kayo? Bawal yan ah!”

“Monasterio, bata. Umalis ka na riyan at baka hindi ka namin matantya.” Sagot ng isa pang kasama ni Levi. Napaatras ang lasing at tumalikod na. 

Napatingin siya kay Majoi na napailing, halatang dismayado sa nangyari. Tiyak na hindi na siya papabalikin pa bukas. Napalabi tuloy siya habang lumalabas ng beerhouse. 

“Dapat ako na ang hinahayaan mo sa ganon, Sir. Baka makarating kay Gov.” Narinig niyang wika ng may dalang baril habang tinutungo nila ang parking lot.

“Mabuti. Alam niya nang gago ako, ayaw niya pa rin akong tigilan.” Nilingon siya ni Levi. “O? Bakit nakasimangot ka?”

“Aalisin na ako ni Majoi kasi gumawa ka ng eksena!”

“Ano? Ipinagtanggol kaya kita! Gusto mo bang mabastos? Sana ba pinabayaan na lang kita?” Masungit na tanong sa kanya ni Levi, “Pinagbigyan na kita, Miranda. Sinabi ko na sa iyo na ganito ang aabutin mo rito pero nagpumilit ka. Mali ba ako?”

“Levi, kalmahan mo lang ’Pre.” Sabi ni Pedro. 

“I hate you!”

Napatingala si Levi, halatang nagpipigil ng inis sa kanya. 

“Bahala ka, Miranda. ’E di bumalik ka don at magsorry ka. Sabihin mo hindi na ako babalik.” Mas tumaas pa ang boses ni Levi, bakas ang pagkapikon sa kanya. 

“Levi naman..” Mahinahong wika ni Raul, “Miranda, huwag ka na lang bumalik at magulo rin diyan. Mga guerilla ang protektor niyan at baka isang araw hindi makapagbayad ng revolutionary tax, madamay ka pa.”

Napagdesisyunan niyang sumakay sa tricycle ni Raul dahil ayaw niyang sumakay sa motor ni Levi. Ayaw niyang kumapit sa beywang nito. Panay pahid niya ng luha niya sa sobrang disappointment. Mabuti at may tip pa siyang nakuha kundi ay wala pa pala siyang maiuuwi.

Nagmartsa siya patungo sa kubo nang hindi tinitingnan si Levi. Umupo siya sa sofa na gawa sa kawayan at tinakpan ang mukha.

“Huwag mo akong artehan, Miranda.”

“I want to go home!”

“I want to go home…” Ginaya pa siya ni Levi kaya mas lalo siyang nainis. “Ang tapang-tapang mo pero hindi mo naman kaya ang sarili mo. Sinabi ko naman sa iyo masama akong magalit sa mambabastos sa iyo.”

“But you were overreacting!”

“Overreacting? Hindi mo ba alam ang itsura mo kanina nung hahawakan ang kamay mo? Nasindak ka, Miranda. Alangan namang wala akong gawin!”

Hindi na lang siya sumagot. Nagtago na lang siya ng mukha hanggang sa marinig niyang lumabas si Levi ng kubo. Hindi ito bumalik ng ilang minuto kaya naligo muna siya at nagpalit ng pantulog. Kumuha siya ng mga unan at kumot dahil napagdesisyunan niyang sa salas na lang magpalipas ng gabi kahit alam niyang mahihirapan siya. 

Ilang sandali pa ay bumukas muli ang pinto. Naramdaman niyang umupo si Levi sa sahig kaya tumagilid siya para hindi makita ang kanyang mukha.

“Hindi ka pa kumakain. Bumili ako ng Jollibee sa bayan. Cheeseburger saka fries at ice cream. Kumain ka muna.” Mahinahon na ang boses ni Levi. “Sorry na. Tataasan ko na lang ang sahod mo sa pagpupunas ng plato sa bukid.”

“But I want to go home…” Suminghot siya.

“Ganon ba ang gusto mo?”

Tumango siya. She heard Levi sighed.

“Sige, kakausapin ko ang pamilya mo para pauwiin ka na Miranda. Kumain ka na muna.”

She stood up and get the food from Levi. Levi did not look at her and went to the room.


“Magkagalit ba kayo ni Amo?” Nilapitan siya ni Rose habang nagpupunas siya ng plato. 

Tinaasan ng nito ang sahod niya pero hindi niya naman tinatanggap. Bayaran ba naman siya ng isang libo kada araw. Nahiya siya sa mga nagbibilad sa araw at maliit lang ang nakukuha.

Tiningnan niya si Levi na nag-uutos sa mga magsasaka ng gagawin. Levi is cold, but he’s colder. Hindi siya kinakausap at para lang siyang hangin. Ito na rin ang natutulog sa sofa at kung minsan ay hindi natutulog sa kubo at all. 

“Sabi ko kasi nung isang araw, gusto ko nang umuwi…” Nakayukong sagot niya kay Rose.

“Hala ka! Baka naoffend! Ngayon lang kasi nag-alaga ng tao yan ng ganon. Maasikaso nga sa iyo ’e tapos ayaw mo pala sa kanya.”

Napalabi siya. “Tingin ko nga rin.. Paano kasi sinabotahe niya ang trabaho ko sa beerhouse.”

“Naku! E hindi rin naman talaga maganda ang pamamalakad don, ’e! Kaya hindi rin kami nagtagal ni May. Mabuti nga nauna ka pang umalis. Kami naka-isang linggo pa.”

“I know. I need to apologize. May mall ba rito?”

“Bakit?” Kumindat-kindat si Rose, “Susuyuin mo si Amo? Nako, bibigay yan kahit walang regalo! Napakaganda mo e!”

“Lagi na lang kasi siya ang nagbibigay sa akin, may naitabi naman akong pera.”

“Sige, mamaya puslit tayong dalawa.”

“Hoy! Ano na naman yan!” Napalingon sila kay May na sumulpot na may bitbit na mga baso. “Ikaw, Rose, kung ano-ano ang itinuturo mo rito kay Miranda.”

“Hindi ah, nagpapasama lang sa may mall diyan sa kabilang bayan. Sandali lang naman kami. Para maairconan man lang ang kutis ko!”

Ganon nga ang ginawa nila ni Rose, pagkatapos ng pananghalian, dali-dali silang pumunta sa bayan para sumakay sa jeep papunta sa mall na tinutukoy ni Rose. Medyo natrapik silang dalawa dahil mayroong karavan ng mga politiko.

Nakita niya agad sa isang sasakyan ang banner na Monasterio. Napakunot ang noo niya. Kaapelyido ni Levi.

“Ang lakas, ’di pa campaign period ah!” Komento ni Rose habang pinapanood ang magandang babae na kumakaway doon sa isang truck. “Ang ganda talaga ni Leyanna.”

“Monasterio, kamag-anak sila ni Levi?”

Tiningnan siya ni Rose na nagtataka, “Bakit? Monasterio ba si Amo?”

“Ang alam ko..”

“Ah, baka. Ang anak ni Gov kasi dalawa ang nasa politika, si Leyanna at Lysias.”

Napatango siya at binaling na lang ang atensyon sa mahabang parada. Nang makarating sila sa mall ay naghanap agad siya ng brand na kilala niya. Doon siya pumili ng polo na tingin niya ay babagay kay Levi. 

“Naks, galing mong pumili ah.” Siniko siya ni Rose. Isang dark blue polo ang napili niya. Tingin niya ay babagay iyon kay Levi. Pinabalot niya iyon at saka sila nagpunta sa bilihan ng mga cake. Bumili siya ng maliit at pinalagyan niya ng ’Sorry :( ’

Pagkatapos mabili ang mga kailangan ay nagmamadali na silang bumalik ni Rose sa bukid. Nadatnan niya si Levi na nakakunot ang noo at palinga-linga. Nang mapadako ang tingin sa kanya ay nagpakawala ito ng buntonghinga pagkatapos ay umiwas muli ng tingin.

“Levi!” Nilakasan niya na ang loob niya kaya lang parang hindi siya naririnig. She stride towards him but he was walking fast. Hindi pa yata siya naririnig. “Levi… Hinihingal na ako.” She stopped walking. Lumingon si Levi at inilang hakbang ang distansya nila.

“Bakit, Miranda?” Nakakunot ang noo nito.

“Bati mo na ako Levi.” Napapikit siya at winagayway ang bitbit niyang regalo. “Sorry na. Magpapakabait na ako.”

“Talaga, Miranda?”

Tumango siya, “Sorry na.. Ayoko pa namang umuwi talaga kaso ang sungit mo kasi!”

“Paano ay napakatigas ng ulo mo!”

“Alam ko, sorry na nga!”

“Bakit ka sumisigaw?”

“Alam ko… sorry na…” Mas mahinahong wika niya. Kinakabahan kasi siya. Naramdaman niya na lang na kinuha na ni Levi sa kamay niya ang mga regalo niya. 

“About sa pag-uwi mo… Hindi pa puwede dahil nasa Germany pa raw ang pamilya mo.”

Kung dati ay maghuhurumentado siya pero ngayon ay hindi. She feels it is okay, she feels glad even. Mas magtatagal pa pala siya sa probinsya.

“Binilhan mo pa ng cake ang sarili mo, ha.” Tukso sa kanya ni Levi na nagpasimangot sa kanya ng husto habang sinusundan niya ito papasok ng kubo. 

“E di huwag mo akong bigyan!”

“Sabi mo magpapakabait ka na..”  Paalala nito sa kanya.

“Bakit kasi lagi mo akong inaasar?” Reklamo niya.

“Bakit ka pikon?”

“Nakakainis ’e.”

Pinanood niyang buksan ni Levi ang cake nang ipatong ito sa lamesa. Umangat ang gilid ng labi nito nang makitang may nakasulat doon sa cake pagkatapos ay kumuha ng tinidor at basta na lang tumusok sa cake ng isang malaking tipak pagkatapos ay tinapat sa bibig niya.

“Ah.” Utos nito at sumunod naman siya. She missed chocolate cake! Pinunasan ni Levi ang gilid ng labi niya ng umalpas na chocolates. 

“Medyo gumaganda ka kasi kapag naiinis ka, Miranda.”

She doesn’t want to admit but her heart fluttered.

“Labas tayo mamaya, Miranda.”

“Namiss mo ako ’no?” Tukso niya. 

“Oo.” Tumalikod si Levi at kumuha rin ng cake gamit ang tinidor niya. 


It was one date after the other. Hindi niya na napansin ang mga araw pero lagi siyang naglalagi ni Levi sa labas. And he pays! Hindi pa siya nakakagastos kahit singko.

Nakangiti siya habang pumapasok sila sa restaurant ng hotel, tatlong bayan ang layo mula sa bukid.

“Levi, baka mahal dito..” Bulong niya habang nakakapit sa braso ni Levi. 

“Masarap ang pagkain dito.” Pagtatawanan pa yata ni Levi ang kanyang pag-aalala. “Minamaliit mo ako, Miranda.”

Sumeryoso siya at hinila ang braso ni Levi papalapit sa kanya, “Hindi sa ganon, Levi. Okay lang naman sa akin kahit sa mumurahin tayo kumain dahil mabubusog din naman tayo. Ayokong gumagastos ka ng ganito. Now that I know how hard it is to earn money, I don’t want to waste it with just food. Marami rin ang nagugutom—”

“Pang-politiko ang linyahan mo, Miranda.”

“Pero Levi…”

“Kaya ko nga, Miranda. Gusto kong makakain ka ng mahal. Nakita ko yung mga mata mo nung nakakita ka ng steak sa magazine na binabasa mo.”

She felt guilty instantly, nakita iyon sa mukha niya.

“Hey.. Sige, hati tayo sa isang steak.” Pang-aalo ni Levi. She nodded. Nasa isip niya kung paano siya babawi kay Levi kapag binalik na siya sa Manila. Sure she’ll be back here. Babalikan niya ang kanyang mga naging kaibigan at si Levi.

Inalalayan siya ni Levi na maupo sa lamesang pandalawahan. He was looking at her intently with a small smile on his face.

“Huwag kang masyadong bumait at baka bawiin ka na sa akin bukas.”

Lumabi siya, “Hindi ba’t iyon naman ang gusto mo?”

“Mawawalan na ako ng clown.”

Binato niya si Levi ng tablecloth. Natawa lang ito. 

“Sana ay naging mabait akong host, Miranda.”

“Hindi.” Umirap siya pagkatapos ay ibinalik ang tuon kay Levi, “But you taught me a lot, Levi. I still have a month to go and I feel that I’ll have a hard time leaving.”

“Maiinsulto ako kung masaya ka pang aalis.”

“I’ll miss you, Levi.”

She saw Levi blushed a bit. 

“Ganyan ba ang mga taga-Maynila? Walang preno?”

“Para sinabi lang na mamimiss kita, akala mo naman inaakit ka! Ang conservative mo naman. Virgin ka pa ba?” Lumabas lang iyon sa bibig niya pero hindi niya na napigilan.

“Hindi, Miranda.” Mas lalong namula si Levi. Napahalakhak siya at itinuon ang mga mata sa menu. 

They ordered food. Nagtataka siya dahil may mga napapatingin sa kanilang lamesa. Napansin niyang may isa pa silang kasama roon sa restaurant, iyong kasama noon ni Levi sa beerhouse na mayroong baril. Nakatayo lang ito sa di kalayuan at nakatingin sa kanila o di kaya ay sa paligid.

Other than that, their dinner was awesome. Sa motor pa rin siya pinapasakay ni Levi kahit nakadress siya. Humilig siya sa malapad na likod ni Levi, he always smells good and he spoils her daily. 

“Hindi ka na ba umiinom, Levi?” She asked when they arrived at the kubo.

“Hindi na muna.”

“Mas gusto mo akong ka-date?” She asked innocently.

“Miranda!”

“Bakit ang conservative mo?” Natawa siya. Puro saway naman. “Inom tayo.” Anyaya niya. Nakita niya kasi sa ref na merong wine bottles kaya kumuha siya ng wine goblet at sinalinan iyon. She gave one glass to Levi. 

They sat at the wooden chair and drink wine. Napapangiti siya kasi mukhang masaya na naman si Levi na nadampian ng alak ang lalamunan. Lasinggero talaga!

They finished 3 bottles and starting the fourth one. Bumibigat na ang talukap niya pero gusto niyang makipagsabayan kay Levi. 

“What’s your first impression of me?” She asked while staring blankly at the television set.

“Maarte.”

“Ang bilis non ha! Okay lang, maarte naman talaga ako.” She giggled. “Ako ang first impression ko sa iyo–”

“I am not asking, Miranda.”

“Whoah, english? Lasing ka na ngang talaga!”

“Baka ikaw.”

“Baka ikaw.” Panggagaya niya pa. She was giggling. But she still knows what happening. Nang lingunin niya si Levi ay malapit na ang mukha nito sa kanya. 

“I am not really conservative, Miranda. Gago nga ako ’e.”

Matapang niyang hinarap ang paninitig nito. “And?”

“Pinipigilan ko ang sarili kong mapalapit sa iyo.”

“Anong tawag mo rito, Levi? Isn’t this close enough?” Biro niya, but her voice is starting to get low. 

“I don’t deserve you. I don’t fcking deserve you..” In a hoarse voice, he said.

“Says who?” She lowered her gaze and met Levi’s lips and that ignited the fire that burned them both.

Maki Says  Tasha is in the making. Do not disturb.


Return to top?
WattHub

Install WattHub

Size unavailable

App name
WattHub
App version
1.48.250
App size
Description
A digital library of Wattpad stories and Filipino fiction, thoughtfully preserved for readers today and tomorrow.
Developer
WattHub Team

Dismiss install banner?

No problem. You can still install WattHub anytime from the download icon in the header.

WattHub

Notifications

Notifications are off

Get notified on this device when the library grows or changes.