loading

storiescollectionschaptersauthorsgenrestagsstories
Libitina (One Shot)

Libitina (One Shot)

CengCrdva · 5 chapters · 2,097 words

Libitina

All rights reserved. No part of this book may be reproduced, distributed or transmitted in any form or by any means, including photocopying, recording, or other electronic or mechanical methods, without the prior written permission of the author.

This book is a work of fiction. All names, characters, locations and incidents are products of the author’s imaginations. Any resemblance to actual persons, things, living or dead, locales or events is entirely coincidental.

Follow all my social media accounts to be updated.

Facebook Page :

Ceng Crdva

Facebook Group :

CengCrdva Wp

Instagram :

Cengseries

Twitter :

CengCrdva


Behind the name Libitina meaning the roman goddess of funeral, corpses and death.

2014 ©

CengCrdva

All rights reserved

PART 1/4

Simula

“Ialis mo nga sa harapan ko ’yang pangit mong mukha!”

’Yan ang kadalasang naririnig ng batang si Libitina tuwing nakikita siya ng kanyang mga magulang.

Kakaiba man pero ’yon lang ang nagpapasaya sa kanya. Ngunit ng dahil sa isang malagim trahedya, nagbago ang lahat.

Was that tragedy enough to make her worthy of her parents love, or will that only remind them of how much they despise her?

PART 2/4

Libitina

“Libitina, ialis mo nga sa harapan ko ’yang pangit mong mukha!” nanlilisik ang mga matang sigaw ni Mommy sa akin.

Sanay na ako na gano’n palagi ang pamumuna sakin ni Mommy at Daddy pero kahit na ganun ay mahal na mahal ko pa rin silang dalawa.

“Sorry, mommy.” Maikling sagot ko at dali-dali nang umalis sa harapan niya.

Gusto ko lang naman ipakita sa kanya ’yung drawing ko. Naipon na kasi ang mga drawings ko na magkasama kaming tatlo pero ni isa ay wala pa silang nakikita. Paano ba naman, sa tuwing nakikita ako ay lagi na lang silang sumisigaw.

“Lubayan mo nga akong bata ka!”

“Naaalibadbaran ako sa mukha mo kaya umalis ka na!”

“Wala akong pakealam sa papel na ’yan! Mabuti pang magkulong ka na lang sa kwarto mo!”

Parehas na iyan ang mga litanya nila pero kahit na gano’n ay masaya na ako. Kontento na ako at least kinausap nila ako. Nakakuha ako ng atensyon nila.

Galit na galit ang mukha ni mommy habang paakyat na ako sa kwarto ko. Doon na nga lang ako nagkulong. Wala akong ginawa kung hindi ang titigan na lang ang mga drawings ko.

Maganda si Mommy at gwapo naman si Daddy. Pero ako? I have hideous, disfigured, and foul looking face. ’Yan ang lagi kong naririnig hindi lang sa mga magulang ko kung hindi pati na rin sa mga classmates ko sa school at iba pang kakilala.

Sabi pa nga nila ay mas malala pa raw ’yong mukha ko sa zombie. Para daw palagi akong nananakot, pero wala akong pakialam do’n. Isa lang naman talaga ang gusto ko, ang mahalin ako ng mommy at ng daddy ko.

Mahal na mahal ko sila kahit na hindi nila ako pinapansin. Kahit na balewala lang ako sa kanila. Kahit na ni isang tingin sa akin hindi nila magawa.

Bakit ba kasi ako ipinanganak ng ganito? Kasalanan ko ba talagang pangit at nakakatakot ang mukha ko?

PART 3/4

Lourise

Ako si Lourise Pineda. Beauty queen at modelo. Maganda ako at gwapo naman ang asawa kong si Brette. Sa katunayan nga ay sikat ako dahil sa ganda ko. I have a lot of endorsements. Ang mukha at magandang hubog ng katawan ang puhunan ko at dahilan na rin ng pagyaman namin ni Brette. Pero siguro nga totoo ang kasabihang, ‘you can’t have it all’.

Sa kamalas-malasang dahilan ba naman at hindi maipaliwanag na penomeno ay nagkaanak ako ng pagkapangit-pangit! I was scared when the doctor took her out of me. They were stunned too!

Isang halimaw kung maituturing ang hitsura nito. Isang bangungot ang nakikita ko tuwing nakikita ko si Libitina.

Kahit kailan nga ni hindi ko siya nagawang titigan. Kahit kailan ay hindi ko naramdamang mahal ko siya. Ang tanging nararamdaman ko sa tuwing nakikita ko siya ay puot. I hate being a mother of a monster. Hindi lang disfigured ang mukha niya, para pa siyang ipinaglihi sa engkanto! I hate it!

Iisa lang ang anak namin ni Brette. Iisa na nga lang, napakapangit pa. Hindi ko alam kung bakit siya pa ang naging anak namin.

Sinisisi ko ang sarili ko. Nagsisisi akong iniluwal ko pa siya! I wished I just aborted her! I hate Libitina! Malas siya sa buhay ko at kahit anong gawin ko ay hindi ko na ’yon maaalis sa puso at isip ko.

Naghahanda na ako para sa family outing naming tatlo. Tuwing summer kasi ay nag-pi-picnic kami nila Brette kasama si Libitina sa Baguio.

Taon-taon ’yon basta mayroon kaming pagkakataong mamasyal. Iyon lang din kasi ang oras na nakakalabas ng malaya si Libitina. Wala naman kaming magawa dahil kahit naman gusto naming mag-asawa na kaming dalawa lang eh wala rin namang may gustong magtyaga na alagaan si libitina. Natatakot silang lahat sa mukha niya.

Ilang oras ang lumipas ay nakarating na kami sa Baguio.

Naglatag ng sapin si Brette at ako naman ay nag-ayos na ng mga baon naming pagkain. Kaunti lang ang tao sa part na iyon ng park at doon kami sa bandang sulok pumwesto marami kasing nakatingin sa amin dahil diyan kay Libitina kaya sa tuwing pupunta kami dito ay sa sulok kami palagi. Sa walang tao.

Napapalibutan ang park na ’yon ng mga bangin. Nakakatakot dahil may mga parte na walang harang pero sanay na kami.

Masaya kaming nagku-kwentuhan nang magsalita si Libitina.

“Mommy, pwede niyo po ba akong samahang umihi?” Tanong niya kaya dali-dali na kaming tumayo ni Brette.

Magkasama naming tinahak ang daan malapit sa may bangin kasi malayo iyong restroom sa pwesto namin. Alangan namang maglakad pa kami ng pagkalayo-layo para lang sa kanya?

Habang umiihi si Libitina ay nagkatinginan kaming mag-asawa.

Siguro ay mas mabuti pang kami na lang dalawa ni Brette ang umuwi sa Manila. Siguro mas magiging maayos ulit ang buhay ko kapag nawala na ang pesteng pangit na batang ’to. Desidido na ako ng mga panahong iyon. Gusto ko nang mawala sa paningin ko si Libitina.

Nakuha ni Brette ang gusto ko. Sa aking pagtango ay sabay namin siyang itinulak ni Brette at inihulog sa bangin.

“Mommy! Daddy!” Takot na takot na sigaw ni Libitina. Nanlalaki ang kanyang mga mata sa takot. Umaalingawngaw ang nanginginig niyang boses habang pababa siya nang pababa sa bangin.

Hindi ko alam pero imbes na magsisi ay nangibabaw lang ang saya sa puso ko habang nakikita kong bumabagsak at kinakain ng kadiliman si Libitina.

Nakita ko sa mga mata niya ang sakit, ang mga luhang puno ng takot pero hindi man lang ako natinag.

Agad akong niyakap ni Brette ng tuluyan nang lamunin si Libitina ng bangin kasabay ng nakakangilong katahimikan.

Mas mabuti pang mamuhay ulit kami ng asawa ko sa normal na buhay. Mas mabuti pang mawala na si Libitina para mapanatag nang muli ang puso ko.

Magsisimula kaming muling mag-asawa. Bubuo ng masayang buhay. Masayang-masayang buhay na wala ang isinumpang si Libitina.

PART 4/4

Lourise

Pagkalipas ng anim na taon ay mas tumibay ang relasyon namin ni brette at nabiyayaan ulit kami ng anak.

Si Liloisa. Ipinagbubuntis ko pa lang siya ay natatakot na akong baka maulit na naman ang nangyari. Na baka maging pangit na naman ang maging anak namin ni Brette.

Buong durasyon ng pagbubuntis ko ay may takot sa puso ko. Hindi ko na yata kakayanin kapag nagkataong pangit pa rin ang maging anak namin pero dahil sa sobrang pagmamahal ni Brette sa akin ay ipinagpatuloy ko ang pagbubuntis ko kahit na marami akong pag-aalinlangan. Sa huli, nagbunga naman ng maganda ang lahat.

Maganda si Liloisa. Actually, ang sabi ng lahat ng mga nakakakita sa kanya ay kamukha ko daw siya. And Brette would always be jealous at that. He would always brag that she was his daughter. That he was the one who should have more credit. Ginalingan niya raw kasi ang paggiling. Natatawa na lang ako.

Liloisas’ eyes were perfect. She’s my angel, my heavenly gift, my precious, my breathtaking wonder, and the light of my life. I love her and she’s our everything.

Tuwing nakikita ko siya nakakalimutan kong nagkaanak ako dati. Her presence was enough for us to forget the nightmare we had with that beast.

Mahal na mahal namin ni Brette si Liloisa at lahat ng pagmamahal, pag-aalaga, at atensyon na kaya naming ibigay ay ibinibigay namin sa kanya.

“Mommy, look!” Patakbong yakap at sigaw ni Liloisa sa akin dala-dala iyong mga drawings niya isang araw.

Magaling siyang mag-drawing. Kaya naman proud na proud kami ni Brette sa kanya. She’s really perfect and talented!

Agad kong niyakap si Liloisa. Ang swerte-swerte ko at nagkaroon ako ng anak na kagaya niyang mabait, talented, at napakaganda pa!

“Ang ganda naman nito, baby. Ang galing-galing mo talaga! Mamaya ipapakita natin ’to kay daddy, okay? Matutuwa ’yon!” Excited na sabi ko at sabay kiliti sa kanya bilang paglalambing.

“Mommy, no! Mommy, stop po!” tuwang-tuwang sabi niya sabay takbo papuntang kusina para iwasan ang mga kiliti ko.

“Halika dito!” habol ko naman sa kanya.

“Anong ginagawa ng mag-ina ko, ha?” si Brette na kararating lang galing sa trabaho.

Napuno ng masayang tawanan ang kabuuan ng bahay namin dahil sa lambingan naming pamilya. Nang mahuli kami ni Brette ay hindi na niya kami pinakawalan!

I could not ask for more. Bulong ng isip ko.

Simula nang nawala si Libitina ay hindi na namin siya napag-usapan. Kahit kay Liloisa ay hindi namin siya nabanggit ni minsan. We really want to erase all memories of her. Kung may powers nga lang ako ay matagal ko nang ginawa.

Kinalimutan ko na si Libitina. Anim na taon na rin ang nakakalipas at kahit kailan ay hindi ako nagsisi sa nagawa namin ni Brette sa kanya.

Tignan mo na lang kung gaano kasaya ang pamilya ko ngayon. Nag-resign na rin ako sa trabaho para lang maalagaan at matutukan ko ng mabuti si Liloisa.

Nag-focus ako sa anak ko. Gusto kong ituon sa kanya ang lahat ng oras at pagmamahal ko at worth it naman ’yon dahil alam kong mahal na mahal din ako ng anak ko at napalaki ko siya ng maayos na may respeto sa mga nakakatanda.

Magkaibang-magkaiba sila ni Libitina.

Maraming nagmamahal sa anak ko hindi kagaya kay Libitina na lahat ay natatakot sa kanya.

Maraming gustong kumuha kay Liloisa para mag-artista dahil sa gandang taglay nito pero bata pa ang anak ko para sa mga ganoong bagay. Siguro kapag malaki na siya ay papayag na ako.

Nang dumating ang summer ay walang nagbago sa routine namin bilang pamilya. Hindi nawala ang family outing namin sa Baguio taon-taon kahit na wala na si Libitina.

Nilibot namin ang buong Baguio at pagkatapos no’n ay dumiretso na kami ulit sa dating park.

After naming kumain ay naglaro kaming tatlo. May dala kasing de remote control na eroplano si Brette at sinubukan naming controlin iyon ni Liloisa.

Tuwang-tuwa ang anak ko sa bagong toy ng daddy niya. We did a lot of fun activities. Kung tutuusin ay mas naging espesyal ang araw na ito kaysa sa mga nakaraang outing namin.

Hindi kami natigil sa paglalaro kahit na dumilim na at halos kami na lang ang natitira sa park.

“Mommy, pwede niyo po ba akong samahan? Na wiwiwi na po kasi ako, eh.” Sabi ng prinsesa naming si Liloisa.

Gagamitin sana namin iyong CR kaso naman ay out of service ’yon kaya sa may gilid ng bangin kami pumunta, sa may sulok ng park gaya noon.

Karga at yakap ni Brette ang anak naming si Liloisa. Habang naglalakad kami papunta sa sulok na ’yon ay parang nakaramdam ako ng Deja vu. Nanayo ang mga balahibo ko sa katawan.

Nakaramdam ako ng takot ng maalala ko si Libitina pero pilit kong binalewala.

Agad na ibinaba ni Brette si Liloisa. Ako naman ay tinulungan siya sa pag bubukas ng damit niya. Mahigpit na mahigpit ang hawak namin sa kanya.

Wala sa sariling nagkatinginan kaming dalawa ni Brette, hindi na kailangang magsalita dahil alam kong parehas kami ng nararamdaman at iniisip ngayon.

Alam kong parehas kami ng nasa utak. Alam kong iniisip niya rin si Libitina.

Umurong pa ng kaunti si Liloisa sa bandang bangin kaya napahigpit ang kapit namin sa kanya.

Uupo na sana ito pero napahinto siya at napatitig sa amin ni Brette.

Nakita ko ang takot sa kanyang mga mata habang humihigpit ang kapit ng magkabila niyang kamay sa amin ni Brette. Parang babaon na ang mga daliri niya sa balat namin.

Lumunok si Liloisa pagkatapos ay dahan-dahang sinabing, “Mommy, Daddy..”

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

“Don’t push me again, ha?”


Return to top?
WattHub

Install WattHub

Size unavailable

App name
WattHub
App version
1.48.250
App size
Description
A digital library of Wattpad stories and Filipino fiction, thoughtfully preserved for readers today and tomorrow.
Developer
WattHub Team

Dismiss install banner?

No problem. You can still install WattHub anytime from the download icon in the header.

WattHub

Notifications

Notifications are off

Get notified on this device when the library grows or changes.