Lights, Camera, Daddy
kwentongbahaghari · 5 chapters · 5,034 words
Episode 1: Ang Best Friend ng Bida
Ako nga pala si Earl, ang forever gay best friend sa mga paborito ninyong teleserye at pelikula. Ako yung laging tagahatid ng words of wisdom sa bidang brokenhearted, taga salo ng sampal ng kontra bida, at minsan pa ay parang tanga na bubuntot sa bida kapag may dramatic walking out scene.
Mahilig akong umarte, at pangarap ko talaga na maging bida. Pero alam niyo naman, lagi akong nauuwi sa supporting role. Ayos lang, basta may exposure. Kahit pa ang exposure ko ay nasa background lang.
PERO SA KWENTONG ITO AKO ANG BIDA, DI LANG AKO BEST FRIEND NG BIDA…
“Anak, wala ka bang shooting ngayon? Hindi ba sa SIA Mall ang location ng inyong shooting?” tanong ni Mama habang nag-aayos ng mesa.
“Hay naku, Ma, nakalimutan mo na bang supporting role lang ako? Dalawang araw lang ang shooting days ko sa isang linggo,” sabi ko habang naghahanda ng kape.
“Bakit mo tinanggap ‘yang teleseryeng ‘yan? Hindi ba uso na ang mga Beki series ngayon?” tanong niya ulit.
“Ma, BL series ‘yun,” pagtama ko sa kanya.
“Oo, BL. Di ba nag-audition ka sa isang ganoong serye?” usisa niya.
“Oo, pero sabi ng director, masyado daw akong bakla para sa lead role. Hanap nila ay straight actor o manly. Manly Monroe lang kasi ako Ma, kaya hindi ako natanggap,Bawal ang effiminate actor na lead” natawa ako pero may halong lungkot.
Biglang bumukas ang pinto at pumasok si Agatha, ang bading kong best friend. “Bakit ma lungkot ang bessy ko? Kape ko nga mama niya” sabi ni Agatha na tinuro ako sabay upo sa sofa.
“Agatha, ikaw na naman! Para kang kabute, bigla na lang sumusulpot!” sabi ni Magda habang nagbubuhos ng kape kay Agatha.
“So ano namang issue friend? Anong nangyari sa pag-audition mo, ate Earl?” tanong ni Agatha habang nilalagyan ng creamer ang kape niya.
“Bessy, di ako natanggap kasi daw masyado akong bakla para sa lead role,” sagot ko.
“Ay naku, bes. ‘Di bale, darating din ang panahon mo! Pero alam mo, ayos na din kesa matawa ako kakapanood sayo magpaka top para lang mag fit sayo ang role alangan naman magpaka #BarbieTop ka eh ate love on top lang ang alam kong kaya mo” patawa niyang sabi kasunod ng malakas na halakhak.
“Oo nga ayus lang yan anak, hay, darating din ang break mo. Kung para sayo ang isang bagay anak, mahahanap din nito ang landas pabalik sayo.” sabi ni Mama.
“Tumpak ka diyan mama mo este mama nya” pasigaw na sabi ni Agatha.
Si Allen, dito ba siya magdidinner?” tanong ni Mama.
“Oo Ma, darating siya pagkatapos ng shooting niya sa teleserye namin. May rehearsal pa siya para sa Sunday noontime show pero tapos na daw siya,” sagot ko.
“Hay, ang swerte talaga ng boyfriend mong ‘yan. Isa siya sa top celebrities sa Pilipinas at puno ang schedule niya,” sabi ni Mama.
” Pero mas swerte ang beshie isipin mo yun , 6 years mo ng jowa ang pinaka sikat na male celebrity sa bansa. Kung alam mo lang madaming babae at bakla ang nagnanasa diyan kay Alen.” pabirong hirit ni Agatha.
“Ganun man , nakakaawa din siya. Halos hindi na siya nakakapagpahinga at wala na siyang time sa akin,” paliwanag ko.
“Nako anak, intindihin mo na lang. Ganyan talaga, para sa inyo rin naman yan. Kailangan ninyo ng pera lalo na’t balak ninyong mag-anak,” sabi ni Mama.
“Oo nga Ma, pero buti na lang malakas siyang kumita at afford namin magpa-artificial insemination,” sagot ko.
Biglang sumabat si Agatha, “Bes, huwag mong kalimutan isama ako pagnagpunta kayo ng US ha para sa artificial ijection eme eme na yan. Alam mo namaan gusto ko irampa ang beauty ko don, plano ko na mag-shopping sa US ha? at syempre mag grigrinder ako Doon para makapakpak boom ng mga Afam.
“Sira ulo ka talaga bessy. Syempre ikaw paba naibili ka na ng ticket ni Allen.” sagot ko sa kanya.
“Alam mo anak, nalulungkot ako. Mag-aanim na taon na kayo pero hanggang ngayon tago pa rin ang relasyon ninyo,” malungkot na wika ni Mama.
“Ma, alam mo naman na they will label Allen as gay dahil lang may relasyon kami diba? Sikat siya ngayon. Kapag nalaman ng mga fans, siguradong ibabash ako. Lalo na ngayon, costar ko pa sila ng kaloveteam niyang si Bella.” paliwanag ko.
” Oo nga naman tita ,Hindi pa nga sumisikat itong anak mo malalaos na agad . Alam mo naman na bawal maging bakla ang bidang artistang lalaki sa Pilipinas,” dagdag ni Agatha.
“O sige, naiintindihan kona,tara Agatha samahan moko maghuhas doon ng mga pinaglutuan kesa nagmamaganda ka diyan,” sabi ni Mama.
Biglang dumating si Allen. “Good evening tita,good evening Agatha, and good evening babe. Pasensya na at na-late ako. Nagre-recording pa kasi ako para sa production number namin sa Sunday concert,” paliwanag ni Allen.
“Kanina ka pa ba?” tanong ko.
“Hindi, kakarating ko lang. Ayun, sakto, handa na ang food. Pwede na ba akong kumain? Gutom na gutom na din kasi ako eh,” sabi ni Allen.
“O sige hali na, dito na at kumain na tayo,” pagyaya ni Mama.
“Sige po Ma. O babe, damihan mo ‘yan ha, ako nagluto nito,” paanyaya ko.
“Mapapadami ata kain ko nito,” masayang wika ni Allen.
“Oo nga pala, sa Sunday na ang alis natin pa-US para sa insemination. Nakilala ko na ang magiging surrogate mother ng baby natin. Maganda siya at super bait,” sabi ko.
“Ito naman diniscribe pa ako” sabat ni Agatha.
“Babe, madami kasi akong naka-schedule na mall shows para sa promo ng teleserye. Hindi ako makakasama. Baka madaming Pinoy reporters at fans doon. Magtataka sila kung bakit magkasama tayo,” paliwanag ni Allen.
“Oo nga pala, di ko naisip. Pero need mo makasama doon para kunan ka nila ng similya diba,” sagot ko.
“Um, okay lang ba babe kung similya mo nalang? Kinuhanan ka na ng similya last month at nakafrozen na sa kanila,” tugon ni Allen.
“Similya ko? Akala ko gusto mo similya mo at napagusapan natin na similya mo ang gagamitin?” sabi ko na nagtataka.
“Babe, similya ko man o sayo, it does not matter. Baby natin ‘yon. Ang maganda nga, similya mo ang gamitin para matalino ang bata,” paliwanag ni Allen.
“Talaga? Pero dapat kasi similya mo para kasing gwapo mo,” malambing na sabi ko.
“Sus, pahumble ka pa. May itsura ka din naman eh,” sabi ni Allen sabay kurot sa pisngi ko.
“Similya ko ayaw nyo?” patawang hirit ni Agatha.
“Ehem, kumain na. Gusto ko magkaapo pero hindi maganda na similya ang pinaguusapan sa hapagkainan. Kumain na kayo,” sabat ni Mama. Nagtawanan kaming lahat.
ITUTULOY
Episode 2: Ang Palitan
Sa Opisina ng Presidente ng SIA Mall :
“Ma, please, I have this big project. Kailangan ko ito para sa expansion ng mall na ito. Paki-approve mo na ang budget na nire-request ko,” pakiusap ni Jake sa biyenan.
“Jake, kailan ka ba huling naglaan ng oras para sa iyong asawa? Puro trabaho ka lang. Kaya naman pala hindi niyo ako mabigyan ng apo,” sabi ni Doña Melva.
“Ma, we are trying. Nahihirapan lang talaga magbuntis si Anna pagkatapos niyang makunan,” sagot ni Jake.
“Modernong panahon na ngayon, Jake. Kung gusto mong magkaanak, maraming paraan. Bakit hindi kayo magpa-consult sa doktor at subukan ang artificial insemination?” suhestyon ni Doña Melva.
“Okey, Ma, pag-uusapan namin ni Anna. Pero for now, please, paki-approve mo na yung budget na nire-request ko,” pilit na sagot ni Jake.
“Jake, I already booked you an appointment. Matapos ‘yon, pag-usapan natin ulit ang budget,” pahayag niya.
“Ma, kahit gaano ko kagusto na matuloy ang project at expansion, hindi ako magmamadali sa ganyang kalaking desisyon,” pagtanggi ni Jake, na halatang naiinis.
“Do it for our family, Jake. Si Anna lang ang tunay na anak ko at kailangan ko ng apo mula sa kanya,” pagmamatigas ni Doña Melva.
…
Matapos ang isang linggo sa isang Clinic sa America kung saan halos Pilipino ang mga nurse at doktor, naghihintay si Anna kasama ang kanyang asawang si Jake.
“Honey, wala namang masama sa gusto ni mama. Nahihirapan tayo sa natural na paraan, baka ito ang makatulong sa atin,” panghihikayat ni Anna sa asawa.
“May magagawa pa ba ako? Nandito na tayo. Sino ba lagi ang nasusunod, diba ang mga magulang mo,” sagot ni Jake.
Biglang lumapit si Nurse Cath, “Sir, heto po, we need your sample. Ma’am, pwede po ninyong tulungan si sir” sabi ni Nurse Cath.
“No, he can do it. I’ll prepare myself para pagkatapos niya, agad na akong susunod para sa procedure. Busy kami, ayaw na naming magpabalik-balik pa,” sabi ni Anna.
Dumating ako kasama si Mama at si Agatha na parang turista sa clinic. “Bes, itong clinic na ‘to, parang set ng Grey’s Anatomy! ang layo sa mga hospital sa Pilipinas. Buti nalang nakasama ako nasaksihan ko ang kaibahan ng hospital sa Pinas at America ” bulong ni Agatha habang naglalakad hawak ang kanyang selfie stick.
“Hi! Nurse, we are here for the insemination at yung sample ko, papaunfrozen na din,” sabi ko.
“Ahh, with Doctor Sandiego po no sir, meron lang din po siyang patient na nauna, hintay po muna kayo while iuunfrozen po namin yung sample,” sagot ni Nurse May.
“Wait, diba kami lang ang nakaschedule sa time na ito?” tanong ko, na may halong pagtataka.
“Opo sir, kaso po sir, di ko po alam bigla may nagsingit po yung secretary kahapon ng ibang appointment , VIP daw po kanya naimove po ang schedule ninyo. Sorry po sir, okey lang po ba, mabilis lang naman po,” paliwanag ni Nurse May.
“Ganoon ba, sure, sure, no big deal, maghihintay na muna kami sa may upuan. Wala pa din naman yung surrogate mother, papunta palang,” sabi ko.
Dala na ng nurse ang sample ko pero napansin nito na pamilyar ako sa kanya.
“Diba po kayo yung Bestfriend ni Bella Garcia sa teleserye niyang bago ngayon?” tanong ng Nurse.
“Ahh, oo, ako nga, salamat at nanood ka ha,” tugon ko.
“Ay alam mo ba sir, idol na idol ko po talaga si Bella, bagay na bagay po sila ni Allen, no sir. Baka naman sir pwede kaming magpapicture sayo,” ani ni Nurse May, na puno ng excitement.
Bigla dumating si Jake. “Excuse me, Miss, here is my sample, mamaya ka na magpapicture diyan at kunin mo na ito , I have to take this call,” sabi niya, na puno ng pagmamadali.
Nagtaka ako dahil pamilyar sa akin ang boses niya. Paglingon ko, nakita ko si Jake. Si Jake, ang ex-boyfriend ko na boss na ngayon sa isa sikat na Mall. Tatanungin ko sana kung anong ginagawa niya dito pero nakatalikod na siya at may kausap sa telepono.
Tumawag din ang surrogate ko at sinagot ko.
“Ah, sige po sir, sorry po,” sagot ni Nurse May.
Dumating si Nurse Cath. “Nurse May tapos na ba si Sir Jake, ready na ba sample niya?” Iniabot ni Nurse May ang sample na hawak niya ito ang sample ko.
“Nurse, sorry, can I cancel my appointment? Nagkaproblema lang kasi yung surrogate namin di daw siya makakapunta ngayon. Narush ang mother niya sa hospital,” pakiusap ko.
“Ganun po ba sir, okay lang po sakto may VIP client din si Doc kaya nagcancel siya ng mga appointment today,” sagot ng Nurse.
“Hi, Ms. Anna, I am Doc Sandiego. Asan na ang kasama mo?” tanong ng doctor kay Anna.
“Nasa labas po siguro, di ko nga po alam bakit di pumasok, may work related calls panigurado,” sagot ni Anna.
“Doc, heto na po yung sample ni Sir Jake.”na dinila napansin na sample ko ang naiabot nila.
“Okey, Ms.Anna this will be quick ha,” sabi ni Doctor Sandiego.
“Sige po, Doc,” tugon ni Anna. At naisaksak na ni Doc Sandiego ang sample ko kay Anna.
ITUTULOY…
Episode 3: Ang Leading Lady
Makalipas ang isang buwan…
“Honey, I have a surprise for you,” sabi ni Anna, puno ng kasiyahan sa kanyang mga mata.
“Ano ‘yon? Anniversary ba natin?” tanong ni Jake.
“Nope, di natin anniversary, pero tingnan mo, this is good news,” sagot ni Anna, habang inilabas ang isang regalo para kay Jake.
Binuksan ni Jake ang regalo at nakita ang isang pregnancy test. “Does this mean?” tanong ni Jake, puno ng saya.
“Yes, Honey, magiging tatay ka na,” masayang sagot ni Anna, habang hinahawakan ang kamay ni Jake.
“Wow, talaga? Nakakatuwa! Wait, wait, dapat malaman ‘to ng papa. Tawagan mo na din ang nanay mo, for sure matutuwa siya,” sigaw ni Jake, puno ang emosyon ng saya sa kanyang puso.
…
Sa parehong linggo ay pinatawag ako ni Doc Sandiego sa hospital.
“Ano? Paano? What do you mean nawawala ang similya ko?” biglang tanong ko, nagulat sa narinig.
“Sir Earl, si Dra. Sandiego na lang po ang mag-e-explain sa inyo,” sagot ng Nurse na sinusubukang pakalmahin ako.
“Sir Earl, I am so sorry pero hindi namin nawala ang similya mo,” kinakabahang paliwanag ni Dra. Sandiego.
“Kung hindi nawala, nasaan na ang similya ng anak ko?” nababahalang tanong ni Mama.
“D-Doc, asan na doc?” sa gulat at dala ng pagkabahala ay muli na naman akong nagtanong.
“Nainsiminate ko ang similya mo sa ibang babae. Nung iinsiminate ko na ang similya mo sa napili ninyong surrogate, hindi ko napansin na iba ang pangalan na nakalagay sa sample na hawak ko. Kaya buti na lang hindi ko na-insert ito sa surrogate ninyo. Hindi ko pa alam ang gagawin noon kaya di ko sinabi sa inyo at nagpanggap na may itinusok ako sa surrogate niyo kahit wala naman. Pero nung i-check ko ang sample mo, na-insiminate ko pala ito sa ibang babae. I am really sorry, Mr. Earl,” paliwanag ng doctor na puno ng pagmamakaawa.
“What? Seryoso? You mean sa maling babae ninyo na-insert ang similya ko? Iba ang magiging nanay ng anak ko? Sino? Sino, Doc?” ang boses ko ay puno ng pagkabahala.
Sakto dumating sina Jake at Anna.
“Mr. Earl, siya po ang nanay ng magiging baby ninyo,” pakilala ni Dr. Sandiego kay Anna.
“Jake?” gulat na sabi ko sa pagkakita sa mag-asawa, lalo na si Jake ay ex-boyfriend ko.
“Earl?” buong pagtataka ni Jake.
“Wait, you know each other?” gulat na tanong ni Anna.
“Oh yeah, si Earl, we attended the same school in college and character actor siya” ang mabilis na tugon ni Jake.
“Pero wait, doc, you mean siya ang daddy ng baby ko? But obviously he’s gay,” sabi ni Anna.
“You mean hindi ako ang daddy ng baby?” ang gulat na tanong ni Jake.
“So, ako ang daddy ng baby ni Jake?” ang mabilis na pagtatanong ko.
Tumango lang si Dra. Sandiego.
Ipinaliwanag ni Dra. Sandiego muli ang nangyari para kina Jake at Anna.
“Ako ay humihingi ng tawad, Dra. Sandiego, pero napakapabaya ninyo para mangyari ang ganito. Pananagutin namin kayo rito. I am so sorry, Earl, we have to go. This is too much for Anna, and I’m sure for you too. This is not the best time to talk about this. I’ll consult my lawyer, then we will talk to you. Excuse us, Anna, let’s go,” ang seryosong pahayag ni Jake, na bakas ang galit.
“I guess that’s a great idea, we all need time to think,” pagsang-ayon ko kay Jake. Tulala ako, para akong nanlalambot at di maproseso ang nangyari.
…
“Ma, okay lang ‘yan,” mariing sabi ni Jerome sa inang si Dra. Sandiego, habang hinihikayat niya itong umupo sa sofa. “Masyado kang nag-ooverthink ma, magpahinga ka muna,” dagdag pa niya.
Ngunit ang mukha ni Dra. Sandiego ay puno ng pag-aalala.
“Hindi anak,” sagot niya, “maaari akong mawalan ng lisensya at hindi na ako makapag-practice pa. Mahal ko ang trabaho ko at pinaghirapan ko ito para marating kung nasaan ako ngayon.”
Hindi alam ni Jerome ang sasabihin. “Ma, makikipag-usap kami sa mga abogado at sa kanila. Huwag kang mag-alala, magpahinga ka na para sa akin, importante ang iyong kalusugan, ako ng bahala,” paniniguro niya sa ina.
…
Sa loob ng dressing room ni Allen sa isang studio sa SIA MALL kung saan nagsho-shooting si Allen ng kanyang TV series.
“Seryoso ba ‘yan?” tanong ni Allen, na tila hindi makapaniwala sa naririnig. “Sino sila? Baka pwede nating kausapin para ibigay na lang sa atin ang bata. Kung gusto nila, babayaran natin sila.”
Ngunit agad na tinanggihan ko ang ideya niya. “Hindi pwede, mayaman sila. Sila ang may-ari ng mall na ito. Si Jake.”
Nabigla si Allen. “Ano? Si Jake na asawa ng tagapagmana ng SIA Mall??”
Nagpatango ako. “Oo! At ang asawa niyang si Ms. Anna ang anak ng presidente ng Mall na ito , ang magiging ina ng anak ko,” paliwanag ko.
Nagulat si Allen sa nabalitaan. “Paanong nangyari? Okay ka lang, babe?”
Bago pa man makapag-react muli ay biglang pumasok si Bella, ang leading lady ni Jake sa TV series, sa loob ng dressing room.
“Bakit parang may kaganapan dito?” tanong ni Bella habang ngumunguya ng gum, “May eksena ka ba ngayon Earl?” tanong ni Bella.
“Ah, wala,” tipid na sagot ko.
“Earl, pag-usapan natin ulit ‘to,” sabi ni Allen, “Makakapaghintay ka ba para sa akin?” sabat ni Allen.
Ngunit mabilis akong tumanggi. “Hindi na, may gagawin pa ako, pagod na rin ako. Uwi na lang muna ako, kailangan ko muna sigurong magpahinga,” paliwanag ko.
“Sigurado ka?” pagkumpirma ni Allen na awang-awa sa akin.
Matapos ang matipid na “oo,” umalis ako ng dressing room.
Napatingin si Bella sa paglabas ko. Napaisip siya kung ano bang pinag-uusapan namin ni Allen.
Samantala sa isang opisina ng SIA Mall, nasa gitna ng matinding diskusyon sina Jake at ang ama nitong si Elson.
“Ano ang ibig mong sabihin, hindi ikaw ang ama ng anak ng asawa mo?” tanong ni Elson na may galit at pagtataka. “Kailangan nating sampahan ng kaso ang hospital at ang doktor na iyan. Ano na lang ang gagawin ni Doña Melva? Hindi niya pwedeng malaman ito,” dagdag pa ni Elson.
“Nasabi na po ni Anna, pa,” nakayukong sagot ni Jake.
“Buwisit! Paano ang mga plano ko? Gagawin ko ang lahat upang mapasaatin ang SIA Mall at SIA Inc. Alam mo naman na trinabaho kong ikasal kayo ni Anna upang mapasaatin ang buong SIA Inc. Paano na, Jake! Paano na!” galit at pagsigaw ni Elson. Hindi na sumagot si Jake at lumabas na lang ito ng opisina.
Habang naglalakad sa loob ng dressing room ay nakasalubong ko si Jake na tila may iniisip din.
“Anong ginagawa mo dito?” tanong ni Jake.
“Ahh, galing ako sa taping sa may department store ang shooting dito sa Mall ninyo ang location namin,” matipid na sagot ko.
“Earl, pwede ba tayo mag-usap?” tanong ni Jake.
Itutuloy…
Episode 4: Ang Barilan
Nag-isip ako sandali, tinignan si Jake at naisip ko na nais ko rin itong kumustahin, si Anna at ang magiging baby nito kaya sumang-ayon ako sa imbitasyon ni Jake.
Sa malamlam na ilaw ng isang kapehan, nag-uusap kami ni Jake.
“Kamusta na ang asawa mo, okay lang ba siya?” tanong ko.
“Oo, okay naman siya pero bigla pa rin siya sa nangyari. At ako rin, hindi pa rin ako makapaniwala sa lahat,” sagot ni Jake.
“Sorry,” yun lang ang lumabas sa bibig ko.
“Hindi ka pa rin nagbabago, Earl. Patuloy ka pa ring humihingi ng paumanhin kahit wala ka namang kasalanan. Alam kong mahirap din ito para sa iyo,” napansin ni Jake na tila hindi ako komportable sa usapan kaya iniba niya ang topic.
“Maiba ako, grabe no, sa wakas artista ka na. Masaya ako na natupad mo na ang iyong pangarap na lumabas sa mga pelikula at telebisyon,” papuri ni Jake.
“Naalala mo ‘yon?” tanong ko.
“Oo naman, naalala ko. Ano ka ba, hindi ba ako pa nga ang nagsasabi sa iyo noon na subukan mo mag-audition at gawin mo kung ano ang magpapasaya sa’yo? Hinatid pa nga kita sa isang audition room noon, kaso hindi ka tumuloy,” paliwanag ni Jake.
“Naalala mo pala at pinapanood mo pala ako,” tugon ko.
“Oo naman, kahit medyo busy. Kung alam mo lang kung gaano ako kasaya tuwing malalaman kong isa ka sa cast ng mga series na pinapalabas at pinanood ko pa nga yung huling movie mo, natatandaan ko sidekick ka ng babaeng superhero, grabe konti lang eksena mo pero napahanga mo ako. Balak kong i-message ka para batiin pero wala akong lakas ng loob,” sabi ni Jake, may halong panghihinayang sa kanyang tinig.
“Talaga ba? Sa totoo niyan, hinintay kita. Hinintay ko na kausapin mo ako o kaya ay tumawag o mangamusta man lang.
Madaming pagkakataon na pwede kita lapitan at kausapin pero sabi ko sa sarili ko na ayaw ko nang maghabol at sana ikaw naman ang gumawa ng paraan. Hanggang sa nabalitaan ko na lang na kinasal ka na sa anak ng may-ari ng SIA Mall pag-amin ko.
“Alam mo may dahilan ako kaya ako lumayo at di ko magawang lapitan ka,” napabuntong-hininga si Jake. “Ano ba Earl, lahat ‘yon ay nasa nakaraan na, diba? Haha,” pilit na tawa ni Jake.
“Ahh, oo naman, past na ‘yon. Nakapag-move on na rin ako at mukhang ikaw rin,” sagot ko.
“Sir, order po ninyo,” singit ng isang waiter.
Nahulog ang isang kutsara. Yumuko ako para damputin ang kutsara nang biglang…
Boogsss bang bang!!!
Narinig ko ang malakas na putok na biglang sumakop sa buong kapehan.
Sa takot at kaba, agad akong hinila ni Jake pababa sa ilalim ng lamesa at niyakap.
Sa ilalim ng lamesa, pareho kaming dumapa, ang aming mga mata ay nagkatinginan, puno ng takot at pangamba.
Sa oras na iyon, hindi ko napigilang mahigpitan ang hawak sa bisig ni Jake. Si Jake naman ay lalong humigpit ang yakap sa akin.
“Ahhhhhh!” Bigla akong napasigaw nang makita ko ang duguang waiter na nag-aalok ng aming inumin kanina. Akala ko ay tapos na pero sunod-sunod na putok pa ang aking narinig.
Boogsss bang bang!!!
BANG! BANG! BANG!
Sunod-sunod ang mga putok ng baril na nagpaalingawngaw sa buong coffee shop.
Sa isang iglap, nagkagulo ang lahat.
May mga nagsisigawan. May mga nagtatakbuhan. May mga taong nagsiksikan sa ilalim ng mga mesa habang ang iba ay nagtutulakan para makalabas.
“May barilan!”
“Takbo!”
“Tabi!”
“Aaaaah!”
Napayuko ako at napahawak sa ulo habang nanginginig ang buong katawan ko.
Hindi ko alam kung saan ako pupunta.
Hindi ko alam kung ano ang gagawin.
Ang tanging naririnig ko ay ang malalakas na putok, mga iyak at sigawan ng mga tao.
BANG!
Napapikit ako.
Please… ayoko pang mamatay.
Biglang may humawak sa braso ko.
“Earl!”
Pagmulat ko, nakita ko si Jake.
“Earl, tumingin ka sa akin.”
Hindi ako makapagsalita.
“Huwag kang mag-panic. Nandito ako.”Mahigpit niyang hinawakan ang kamay ko.
“Sumunod ka sa akin.”utos ni Jake
“Jake…“lang ang lumabas sa labi ko.
“Okay lang. Hindi kita iiwan.”
Hinila niya ako mula sa likod ng counter.
Mabilis kaming yumuko habang dumadaan sa pagitan ng mga mesa at upuan.
“Kapag sinabi kong tumakbo, tatakbo tayo. Naiintindihan mo?” Tumango ako.
“Ngayon Takbo!”Sabay kaming tumakbo patungo sa emergency exit.
Pero bago kami tuluyang makalabas-
BANG!
Napahinto ako.
Napalingon ako sa loob ng coffee shop.
Sa pagitan ng mga taong nagkakagulo, may isang lalaking nakaitim na mabilis na tumatakbo patungo sa kabilang exit.
May suot itong cap at nakayuko ang mukha.
“Jake…”
“Ano?”
“May nakita ako.”
“Nasaan?”
Itinuro ko ang direksiyon kung saan tumakbo ang lalaki.
“Yung bumaril.”
Agad na napatingin si Jake.
Pero wala na ang lalaki.
“Sigurado ka?”
“Oo. Nakaitim siya. Sabi ko ng biglang narinig namin ang paparating na mga sirena.
“Halika. Kailangan na nating lumabas.”Hinila niya ulit ako.
Pagkalabas namin, nanlambot ang mga tuhod ko.
Sa labas ng coffee shop, nakita ko ang mga taong sugatan, umiiyak at naghihintay ng tulong.
May mga ambulansiya nang dumarating.
May mga pulis na nagmamadaling pumasok sa gusali.
At sa gitna ng lahat ng iyon, doon ko tuluyang napagtanto kung gaano kami kalapit sa kamatayan.
“Jake…”
“Hmm?”
“Kung hindi mo ako hinila…”
Hindi ko na natapos ang sasabihin ko.
Mahigpit niya akong niyakap.
Itutuloy
Episode 5 : Ang Imbestigasyon
Makalipas ang ilang minuto, kinordon na ng mga pulis ang coffee shop.
Pinaupo kami sa isang tabi habang isa-isang kinakausap ang mga nakaligtas.
Hindi pa rin nawawala ang panginginig ng mga kamay ko. Paulit-ulit kong tinitingnan ang paligid, na para bang anumang oras ay maaari na namang may mangyaring masama.
Hanggang sa may isang babaeng pulis na lumapit sa amin.
“Mr. Jake?”
Agad na tumayo si Jake at inayos ang kanyang damit. “Yes.”
“Detective Kora would like to speak with you.”
Napatingin siya sa akin bago niya itinuro ang direksiyon ko. “Kasama ko siya.”
Tumango ang pulis.
Ilang sandali lang ay lumapit sa amin si Detective Kora. Mukha siyang kalmado, pero matalim ang mga mata nito habang sinusuri kami.
“Ikaw si Earl?”
“Opo,” sagot ko habang bahagyang tumango.
“At ikaw si Jake?”
“Yes.”
Kinuha ni Detective Kora ang maliit na notebook sa bulsa niya.
“Base sa paunang imbestigasyon, isa sa inyo ang target ng bumabaril at may nagsabi sa akin na may nakita kayong kahina-hinalang tao bago tumigil ang putukan.”
Napatingin ako kay Jake.
“May nakita po ako.”
Bahagyang lumapit si Detective Kora sa akin. “Ano ang nakita mo?”
“Isang lalaki. Nakaitim. Tumakbo siya palabas.”
May isinulat siya sa notebook bago muling tumingin sa akin.
“May mukha ka bang nakita?”
Umiling ako.”May cap po siya.”
“Height?”
“Siguro…” Napatingin ako sa taas bago muling humarap sa kanya. “Mas matangkad nang kaunti sa akin.”
“Build?”
“Medium po.”
“Anything else?”
“Wala na po.”
Agad niyang isinulat ang sagot ko.
Ilang segundo siyang tahimik bago muling tumingin sa akin.
“Pero kung may maalala ka kahit maliit na detalye, sabihin mo agad sa amin.”
Tumango ako. “Yes, Detective.”
Dinala kami sa police station para sa karagdagang imbestigasyon.
Makalipas ang ilang oras, biglang bumukas ang pinto.
“Earl!”
Napalingon ako.
Si Agatha.
Kasama niya si Mama.
Agad akong nilapitan ni Agatha at mahigpit akong niyakap.
“OMG, bessy ko! Buhay ka!”
“Agatha…” Napangiwi ako nang bahagya dahil sa higpit ng yakap niya.
“May tama ka ba?! May bala?! May sugat?! May dugo?!”
“Buhay pa rin ako, Agatha. Okay lang ako.”
“Sure ka?”
“Oo!”
Bigla niya akong sinuri mula ulo hanggang paa.
“Sino ako ? Ano pangalan ko?!”
“Agatha!” Napailing ako habang bahagyang inilalayo ang katawan ko sa kanya.
“Sorry!” Napahawak siya sa dibdib. “Bessy, iniisip ko pa lang na muntik ka nang maging dead body, parang hindi ko kakayanin!”
Napailing si Mama. “Anak, huwag mong pansinin ang OA na ‘yan.”
Ngunit nang lumapit si Mama sa akin, biglang nawala ang lahat ng biro sa mukha niya.
Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko.
“Ayos ka lang ba, anak?”
Tumango ako. “Okay lang ako.”
“Hindi ka ba nasaktan?”
“Hindi po.”
Pero bago ko pa mapigilan, kusang tumulo ang luha ko.
Wala na akong nagawa kundi yumuko.
Agad akong niyakap ni Mama.
“Okay lang umiyak.”
At doon ko tuluyang inilabas ang takot na kanina ko pa pinipigilan.
“Mama…”
Mas hinigpitan niya ang yakap niya sa akin.
“Nandito lang ako.”sabi ni Mama
Maya-maya, dumating sina Anna at Don Elson.
Agad na lumapit si Anna kay Jake. “Babe!”
Yumakap siya rito.”Kamusta ka? Okay ka lang?”
“Okay lang ako.”sagot ni Jake
Bahagya siyang ngumiti at hinaplos ang braso ni Anna.
Napatingin ako sa kanilang dalawa.
Hindi ko maipaliwanag kung bakit may kung anong kakaibang pakiramdam sa dibdib ko.
Pero hindi dahil nagseselos ako.
Napansin ni Anna na nakatingin ako sa kanya kaya lumapit siya.
“Earl?”
Napatingin ako sa kanya.
“Kamusta ka?”
“Okay lang.”
Ngumiti siya nang bahagya.
“Sigurado?”
Tumango ako.Napabaling ang tingin ko sa tiyan niya.
Hindi ko napigilang mapangiti.
“Kamusta…”
Napahawak siya sa tiyan niya.
“Okay naman. Medyo pagod lang.”
Napangiti ako.”Good.”
Sa unang pagkakataon, nakita ko si Anna nang malapitan.
Napakaganda at napakabait pala ng nanay ng magiging anak ko.At hindi ko alam kung bakit, pero gumaan ang pakiramdam ko.
Hindi ko napansin na pinagmamasdan pala kami ni Jake.Nakatingin siya sa akin at kay Anna.May maliit na ngiti sa kanyang labi.Tila natutuwa siyang nakikita kaming nagkakasundo.
Pero bigla siyang natigilan.
Unti-unti siyang napatingin sa malayo, na para bang may mahalagang bagay na biglang pumasok sa isip niya.
“Detective!”
Napalingon ang lahat.
“Sa tingin ko alam kona kung sino ang may pakana nito.
Mabilis na lumapit si Jake kay Detective Kora.:“May isang taong may malinaw na dahilan para gawin ito.” dagdag niya.
“Sino?”
“Doc Sandiego.”
Napatingin si Anna kay Jake.
“Ano?”
“Naalala mo ba ang kaso natin?”
Tanong ni jake at tumango si Anna.
“May malaking pagkakamali siyang ginawa sa artificial insemination procedure.”
Napatingin ako sa kanilang dalawa.
“At nagsampa kami ng kaso laban sa kanya.”Agad na bumaling si Detective Kora kay Jake.
“May ebidensya kayo?”
“Meron.” Umayos ng upo si Jake bago niya ipinaliwanag ang lahat ng nalalaman niya tungkol kay Doc Sandiego.
Kung paano nagsimula ang problema.Kung paano nagkaroon ng malaking pagkakamali sa procedure.
At kung paano maaaring magkaroon ng dahilan ang doktor para gumanti.
Tahimik na nakinig si Detective Kora habang paminsan-minsan ay may isinusulat sa kanyang notebook.”Okay. We’ll investigate him.”
Muli kaming pinaghintay.
Lumipas ang isang oras.Dalawa.
Tatlo.Habang tumatagal, lalo lamang akong kinakabahan.
Hanggang sa biglang pumasok ang isang pulis.”Detective…”
May ibinulong ito kay Kora.
Biglang nagbago ang mukha niya.
“Ano po?” tanong ni Jake habang napatingin sa pulis.Huminga nang malalim ang lalaki.
“May bagong impormasyon tungkol kay Doc Sandiego.”
“Anong impormasyon?”
Saglit na nagkatinginan ang dalawang pulis bago muling nagsalita ang lalaki.
“Natagpuan po siyang patay kaninang umaga sa bahay niya.”
Nanigas ako.”Patay?”
“Yes, sir.”
“Bakit?”
“Initial finding po ay suicide.”
Tahimik ang buong silid.
“Suicide?”
Tumango ang pulis.
“Oo.”
Napailing si Jake.Huminto siya at napatingin kay Detective Kora.
Natahimik si Detective Kora.
Ilang segundo siyang nag-isip bago nagsalita.”We’re not closing the case yet.”
Napatingin ako kay Jake.
Maya-maya ay pinayagan na kaming umuwi.
Habang papalabas kami ng police station, sinundan ko sina Anna at Jake.”Teka!”
Huminto sila.Huminga ako nang malalim. Ilang beses kong pinag-isipan kung sasabihin ko ba talaga iyon.”Hindi ko alam kung tama bang sabihin ko ‘to ngayon…”
Napatingin sa akin si Anna.
“…pero kakapalan ko na talaga ang mukha ko.”Tumahimik ako sandali bago ko tuluyang sinabi ang matagal ko nang gustong sabihin.
“Sana bigyan ninyo ako ng pagkakataon na maging ama sa bata.”
Nagtinginan sina Anna at Jake.
Hindi ako agad sinagot ni Anna.
Ilang segundo siyang tahimik bago ngumiti.”Pag-usapan natin ‘yan. Kailangan na talaga nating umuwi ngayon.”
Tumango ako.”Okay.”
Pinagbuksan siya ni Jake ng pinto ng sasakyan.
Bago siya tuluyang sumakay, napatingin siya sa akin.
“Magiingat ka, Earl.”
“Ikaw rin.”
Isinara niya ang pinto.Habang unti-unting umaalis ang sasakyan, hindi ko maalis sa isip ko ang sinabi niya.
Alam mo namang nandito ako para sa iyo.
ITUTULOY

