loading

storiescollectionschaptersauthorsgenrestagsstories
Like China in My Hands

Like China in My Hands

vincentmanrique · 3 chapters · 2,830 words

Like China in My Hands

“I love you…”

“Tanga! Pokpok ako. Hindi mo ’ko puwedeng ipagmalaki.”

“Pero puwede kitang mahalin,” walang gatol niyang sagot nang hindi inaalis ang pagkakatitig sa mga mata ng kausap.

“Ewan ko sa’yo. Siguro tumira ka naman ng dahon ng madre cacao kaya kung anu-ano na naman ang naiisipan at sinasabi mo.”

“Seryoso ako… Ba’t ba ayaw mong maniwala?”

Kumunot ang noo ni Guada at saka mapait na ngumiti. Marahan niyang tinampal-tampal ang pisngi ni Tiw. “Halika na, uwi na tayo.”

Chapter 1

TIW woke up refreshed and energized that Monday morning. Napaaga pa nga ang gising niya. He did not expect that his dad has not left for work. Naabutan niya ito salas bago pa ito tuluyang makalabas ng bahay.

Napailing na lang ito nang makita siya. “You should also be going to your work by this time. Kung hindi ka lang parang tanga na bigla na lang nag-resign.”

Hindi siya sumagot. Napakaaga pa para makipagtalo sa tatay niyang hindi tanggap ang gusto niyang gawin sa buhay. Para rito, ang buhay ay umiikot lang sa pera. Kapag wala kang kuwarta walang kuwenta ang buhay mo.

“Kung ayaw mong maghanap ng trabaho, you can work sa kompanya ko. Pero ayaw mo rin.”

Hindi na niya napigilang huwag sumagot. “Dad, napag-usapan na natin ito. Napagtalunan na natin. Alam mo kung bakit ako umalis sa trabaho. I have explained it to you. Ayaw mo lang akong intindihin.”

“Para maging artist? May pera ba diyan sa ambisyon mong ’yan? Bubuhayin ka ba ng mga ipipinta mo? Hindi kita pinag-aral ng pagnenegosyo para ubusin mo lang ang oras sa mga walang kuwentang art mo. Pinayagan na nga kitang magtrabaho sa ibang kompanya dahil sabi mo gusto mong umasenso sa sarili mong pagsisikap. Tapos ngayon bigla kang magre-resign?”

“Dad, sinubukan ko naman. Five years. Limang taon akong nagtrabaho at ginawa ang mga bagay na hindi ko naman gustong gawin. Hindi na ako masaya do’n, Dad. Oo, may pera ako. Pero wala akong nararamdamang sense of fulfillment kasi iba ang gusto kong gawin.”

“Hindi ko inakalang tatanda ka nang paurong. Tingnan natin kung hindi ka magsisi ’pag kumalam na ang sikmura mo. Huwag kang aasang tutulungan kita dahil hindi ko ’yon gagawin.” Humakbang na ito patungo sa pintuan. Pero bago pa ito lumabas ng pinto ay muling nilingon si Tiw at saka nagbitiw ng salita, “Bobo!”

Sanay na siyang sinasabihang bobo ng tatay niya. Bata pa lang siya, madalas na niyang marinig dito ang ganoong komento patungkol sa kanya. Noong una ay sumasama ang loob niya kapag sinasabihan siya nito ng ganoon. Ngunit nang lumaon ay nakasanayan na niya. Basta alam niya sa sarili niyang hindi siya bobo. May mga gusto lang siyang gawin na ayaw nito at may mga gusto itong ipagawa sa kanya na ayaw naman niya. Kaya madalas silang nagtatalo sa mga bagay na para sa kanya ay hindi naman dapat pinagtatalunan pa.

Dumiretso siya sa kusina at nagtimpla ng kape. Kahit naumpisahan nang sirain ng kanyang ama ang maganda niyang umaga, ang kape ay parang energy drink na nagpapasigla sa kanyang buong katawan. Isang tasa ng kape pagkagising sa umaga ay sapat na para manatili siyang aktibo sa buong araw.

Pagkatapos magkape ay naligo na siya at nagbihis. Ilang sandali pa at papaalis na siya ng bahay sakay ng kanyang silver na Nissan Almera Sedan na binili niya nang magtapos siya sa kolehiyo kung saan ang downpayment ay regalo sa kanya ng kanyang yumaong ina. Kung ang tatay niya ay madalas niyang nakakabangga, ang ina naman niya ang kasundo niya sa lahat ng bagay. Kaya nga para siyang binagsakan ng langit nang mamatay ito sa komplikasyon ng sakit nito sa bato tatlong taon na ngayon ang nakakaraan. Sa pagkamatay ng kanyang ina, hindi lang siya nawalan ng magulang. Nawalan din siya ng isang matalik na kaibigan.

Sa tapat ng isang bangko sa parteng iyon ng Maynila siya huminto. Bitbit ang isang asul na backpack ay pumasok siya sa loob ng bangko at doon at nakita niya ang isang lalaki, si Jasper na kaklase niya sa kolehiyo.

“Here’s the check.” Iniabot nito sa kanya ang isang tseke at pagkatapos niyang basahin ang halagang nakasulat doon ay iniabot naman niya rito ang susi ng kotse.

“Dadalhin ko na lang sa opisina mo ang mga dokumento ng kotse pati ang deed of sale ’pag naipanotaryo ko na,” sabi niya sa kaibigan. “Idedeposito ko na itong tseke ngayon.”

“Yeah, sure!” nakangiting sagot ng kanyang kaibigan.

Pagkatapos maideposito ang tseke ay sabay na silang lumabas ng bangko. Si Jasper ay nagtungo sa kotseng kanina lang ay minamaneho ni Tiw.

“Sakay ka na. Ihahatid na kita sa pupuntahan mo,” alok ni Jasper sa kaibigan.

“Huwag na. Magtataksi na lang ako pauwi,” tanggi niya.

“Sige, ikaw ang bahala.” Nag-thumbs up sign pa ito bago tuluyang pumasok sa sasakyan.

Kinawayan pa niya si Jasper bago umandar palalayo ang kotse at tuluyang nawala sa abot ng kanyang tanaw.

Pumara siya ng taksi at sumakay. Hindi pa siya uuwi. May kailangan pa siyang puntahan.

“Sa Kamuning tayo, boss,” sabi niya drayber. Habang nasa biyahe ay tahimik siyang nakikinig sa nakabukas na radyo ng taksi na kasalukuyang pinatutugtog ang isang sikat na banyagang awitin.

Medyo mahaba rin ang naging biyahe niya mula Manila hanggang sa bahaging iyon ng Quezon City. Bumaba siya sa taksi sa tapat ng apartment na may katabing isang nakasaradong tila tindahan.

Nag-doorbell siya sa apartment at ilang sandali lang ay isang magandang babae ang nagbukas ng gate. Hawak pa nito ang isang keychain na may nakasabit na maraming susi.

“Magandang hapon,” bati niya sa babae. “Mag-i-inquire lang ako dito sa commercial space for rent.”

“Ten thousand a month ’yan. One month deposit,  two months advance. Contract for one year, subject for renewal,” mabilis na sagot ng babae.

“Puwede ko bang makita ang loob?”

“Oo naman. Halika…” Nauna nang maglakad ang babae patungo sa saradong tindahan at saka sinusian ang kandado sa pinto nito.

Binuksan ng babae ang ilaw sa loob ng tindahan at saka pumasok dito kasunod si Tiw.

“Malaki naman pala. At saka ’di na kailangang i-renovate. Konting pintura na lang, okay na,” nakangiting sabi ni Tiw.

“Kung kukunin mo ito,  ako na ang bahala sa pagpapapintura. Kung may gusto kang ipabago, sagot ko na rin,” pahayag pa ng babae.

“Sige, kukunin ko na ito. Babalik ako bukas para sa mga kailangan kong bayaran…”

“At bukas na rin tayo magpirmahan ng kontrata,” dugtong ng babae. “Ihahanda ko lang ang mga dokumento.”

“Yeah, sure. Salamat,” pagsang-ayon niya. “By the way, I’m Lester Diamante.” Inilahad niya ang kanyang kanang palad na agad namang inabot ng babae.

“Cleo Palomares,” nakangiting pagpapakilala nito.

Saglit pang nag-usap silang dalawa tungkol pa rin sa commercial space na rerentahan ni Tiw kay Cleo.

GABI na nang siya ay umuwi. Sinadya niya iyon. Akala niya’y tulog na ang kanyang ama nang dumating siya sa bahay. Hindi niya inaasahang nasa salas lang ito at naghihintay sa kanyang pag-uwi.

“Saang lupalop ka na naman nanggaling?” tanong nito sa kanya sa matigas na boses. Tipong kapag hindi nito nagustuhan ang isasagot niya ay umpisa na naman ng giyera sa pagitan nilang dalawa. Wala na yatang araw na hindi sila nagsasagutan ng kanyang ama. Mula nang mag-resign siya sa trabaho, pakiramdam niya’y lagi na lang itong galit sa kanya.

“May inasikaso lang ako sa labas.” Ayaw na sana niyang pahabain pa ang usapan.

“Nasaan ang kotse mo? Bakit hindi ko narinig na ipinarada mo sa garahe ang kotse mo?” Hindi pa rin nagbabago ng tono ang kanyang ama.

“Binenta ko,” he said without batting an eyelid.

“Binenta mo? Anong gagamitin mo ngayon?”

“Grab, taxi, jeep, bus. Marunong naman akong mag-commute, Dad. Hindi ko naman kailangan ang kotse para mabuhay.”

“Nakita mo ang resulta ng ginawa mo? Umpisa pa lang, naging miserable ka na.”

“Anong miserable? Nawalan lang ng kotse miserable na?”

“I’m telling you, you’ll never get any financial support from me. Matanda ka na. Buhayin mong mag-isa ang sarili mo. Ginawa mo ’yan, panindigan mo!”

“Don’t worry, I’ll make sure na hinding-hindi ako hihingi ng tulong sa’yo,” mariin niyang sambit.

Hindi niya inaasahan ang biglang pagdapo sa kanyang kaliwang panga ng kamao ng kanyang ama. Muntik na siyang matumba.

“Gago ka! Istupido! Inutil!” Iniwan siya ng kanyang ama na hinahaplos niya ang nasaktang panga.

Chapter 2

TIW woke up late the following day to make sure that his father was already at work by the time he comes out of his room. Kakaiba nga talaga ang sitwasyon nilang mag-ama. Dahil dalawa lang silang nakatira sa bahay nila, hindi na sila nag-aabala pang magluto ng makakain. Either they would eat before going home or would just call a restaurant to have some food delivered in the comfort of their home. Just the same, may makakain naman sa loob ng kanilang ref. Mga processed meat, prutas at gulay na suwerte na kung hindi mabulok o ma-expire dahil madalas na tuwing weekend lang nila nagagawang lutuin ang mga iyon.

Paglabas ng kuwarto ay dumiretso siya sa kusina at binuksan ang ref para kumuha ng tubig at saka nagsalin sa baso para inumin. May nakita siyang mansanas sa ref kaya kumuha siya ng isa at pagkatapos hugasan ay agad niya itong kinagat. Sapat na ang isang pirasong mansanas para sa kanyang almusal bago niya balikan ang commercial space na kanyang rerentahan sa Kamuning.

Tanghali na nang makarating siya sa apartment ni Cleo dala ang isang brown leather clutch bag. Nagulat pa siya na agad itong lumabas pagkatapos niyang mag-doorbell.

“Tinanghali ka yata,” bati nito sa kanya.

“Oo, sorry. Natrapik lang,” pagdadahilan niya.

“Pumasok ka. Dito mo na lang sa loob pirmahan ang kontrata.” Naglakad papasok sa loob ng apartment si Cleo kasunod si Tiw.

“Wala kang pasok sa office today?” Sa wakas ay naitanong niya ang kanina pa niya gustong itanong.

“Meron, pero mamayang gabi pa. Company nurse ako sa isang contact center, graveyard shift,” she narrated. “Ikaw, anong trabaho mo?”

Saglit na natigilan si Tiw pero agad din naman siyang nakabawi. “Kaka-resign ko lang three days ago sa isang manufacturing company. I want to do something new. Something that will inspire me to do more and give my best.”

“That’s why you’re planning to put up a business. Anong negosyo ba ang ilalagay mo diyan?” patungkol pa niya sa rerentahang commercial space ni Tiw.

“Balak ko sanang gawing coffee shop na may mini-art gallery where I can display my works and the works of other artists. Para ’yong mga mahihilig sa arts can actually visit and enjoy a cup of coffee,  and view or buy some of our works,” puno ng kumpiyansang sabi niya. “I think magandang location naman ito kasi malapit sa daanan ng mga sasakyan at malapit din sa mga tv network station.”

Napatango-tango si Cleo na tila ba sumasang-ayon. “Maupo ka,” sabi niya kay Tiw nang nasa salas na sila. Kinuha niya ang papel na nasa center table at saka iniabot sa binata. “Eto ang kontrata. Basahin mo muna bago ka pumirma. If you have anything to add or dispute sa mga nakalagay diyan, just tell me. Mapag-uusapan naman natin ’yan.”

Pinasadahan ni Tiw ang kontrata. Mabilis niyang natapos ang dokumentong may tatlong pahina. Mukhang kuntento naman siya sa mga nakasulat doon kaya inabot niya ang ballpen sa mesita at agad na pinirmahan ang kontrata.

Nakangiting ibinigay niya kay Cleo ang pirmadong dokumento at saka kinuha sa dalang clutch bag ang perang pangdeposito sa renta.

“Maraming salamat. In a week’s time, puwede ka nang mag-operate ng business mo. Papipinturahan ko lang at ipapaayos gaya ng napag-usapan natin kahapon.” Matamis ang ngiti ni Cleo.

“Oo, ipapaasikaso ko lang din ang mga permit para walang maging problema,” sagot niya. “Tutuloy na ako, Cleo.” Kinamayan niya ang babae.

Dumiretso siya sa Quiapo para bumili ng mga materyales sa pagpipinta. Natatandaan niya, noong nag-aaral pa siya ay dumadayo siya sa lugar na iyon para bumili ng canvas, pintura, brush at iba pang mga gamit sa pagpinta.

Nanibago siya sa itsura ng lugar. Ang laki ng ng ipinagbago mula noong huling punta niya rito mahigit anim na taon na ang nakararaan. Sa isip niya’y pilit niyang inaalala kung saang bahagi ng Quiapo naroon ang mga murang bilihan ng mga hinahanap niyang materyales.

Abala ang isip niya habang paglalakad kaya hindi niya namalayan ang isang patpating lalaki na bumubuntot sa kanya. Nang halos makadikit ito sa kanyang likuran ay pasimple siya nitong binangga. Agad nitong nadukot ang kanyang pitaka na nasa likurang bulsa ng suot niyang pantalon.

Nilingon niya ang lalaking bumangga sa kanya.

“Pasensya na, boss,” paghingi nito ng paumanhin.

“Hoy!” Mula sa likod ng mandurukot ay isang babae ang mabilis na humawak sa kamay nito nang mahigpit. “Mandurukot ’to! Eto’ng wallet mo, o.”

Nagulat pa si Tiw nang makitang hawak ng lalaki ang pitaka niya. Agad niya itong kinuwelyuhan at kinaladkad patungo sa police station na malapit lang sa simbahan.

“Tarantado ka, ako pa ang tinalo mo. Kulong ka ngayon.

Pangkaraniwan na lang ang ganoong pangyayari sa lugar na iyon kaya sanay na ang mga tao at iilan lang ang nakiusyoso habang bitbit ni Tiw ang mandurukot patungong istasyon ng pulis.

Ang babaeng tumulong sa kanya ay sumama pa hanggang sa presinto.

“Boss, mandurukot ’to. Dinukutan ako,” sabi niya sa naabutang desk officer.

“Totoo ’yon, Mamang Pulis. Kitang-kita ko nang dukutin niya ang wallet ng lalaking ito,” segunda naman ng babae.

“Ikaw na naman?” sita ng pulis sa mandurukot na tahimik lang at ’di umiimik.

“Ikaw na ang bahala sa gagong ito, Boss.”

“Kailangan mong mag-file ng reklamo para maikulong namin ito. Dahil kung walang complainant, pakakawalan din namin ito after three days,” payahag ng pulis.

“Eh, ’di sige. Gusto kong maturuan ng leksyon ang mandurukot na ito,” desisyon ni Tiw.

Matapos sampahan ng reklamo ang mandurukot ay lumabas na ng presinto si Tiw kasunod ang babaeng tumulong sa kanya. Noon lang niya ito napagtuunan ng pansin.

Maganda ang babae. She is perfectly beautiful sa suot niyang simpleng white shirt at kupas na maong shorts ja tinernuhan ng puti ring sneakers. Ang totoo ay napakaamo ng mukha nito at ’di mo iisiping ganoon kalakas ang loob nito na sitahin ang isang mandurukot. Then he suddenly took notice of her eyes. Her eyes that speak of thousand sadness. Mas lalong natuon sa mukha ng babae ang kanyang atensyon.

“O, may muta ba ako? Makatingin ka parang ako ’yong nandukot sa’yo, ah!” sita sa kanya ng babae. Tumalim ang mga tingin nito.

“Wait! Wala akong balak makipag-away. Gusto ko ngang magpasalamat sa’yo. Kung hindi dahil sa’yo, baka nadukutan na ako.” Bahagyang natawa ulit si Tiw nang bigla niyang maalala na nadukutan nga pala talaga siya.

Bahagyang napaawang ang labi ng babae sa nakitang reaksyon ng lalaki. Ano kayang nakakatawa?

“By the way, I’m Lester. But my friends call me Tiwtiw. Nakasanayan na kasi dati sa bahay. That’s how I pronounced my name no’ng bulol pa ako kaya lumaki akong Tiwtiw ang term of endearment sa akin ng mga taong closest to my heart. Iyong iba, Tiw na lang, para short cut,” mahabang paliwanag niya sa alamat ng kanyang pangalan. “What’s your name?”

“Guada,” matipid niyang sagot.

“Baka naman may kuwento rin ang pangalan mo, puwede mong i-share. Short ba ’yan for Guadalupe?”

“It’s pronounced as Guadaloop, hindi Guadalupe. Guadalupe lang ang spelling,” pagtatama niya kay Tiw.

“But it is a Spanish name kaya dapat i-pronounce mo ang letter e sa dulo. Guadalupe. Parang katulad ng sa Birhen ng Guadalupe,” sabi sa kanya ni Tiw na hindi inaalis ang pagkakatitig sa kanyang mukha.

Sorry, ’di na ako virgin,“ kaswal na sagot niya. Sanay na siya sa mga ganoong boladas. Ilang lalaki na ba ang nagsabi sa kanya ng ganoon? Marami na. At isa man sa mga iyon ay hindi niya pinaniwalaan. Hindi siya ang tipo na madaling bolahin.

Nakita niyang nanlaki ang mga mata ng lalaki sa sinabi niya, pagkatapos ay napansin niyang natatawa ito.

“What’s funny?” nakataas ang kilay na tanong niya rito. Parang naiinis siya na patawa-tawa ang lalaki nang hindi naman niya alam kung ano ang pinagtatawanan nito.

Umiling-iling si Tiw. “Wala. Gusto ko lang.”

“Eh, sira ulo ka pala. Tumatawa nang walang dahilan,” sabi niya sabay irap.

“Bakit nga Guadaloop? Ba’t hindi na lang Guadalupe?”

“Kanino bang pangalan ’yan?”

“Sa’yo…”

“Eh, ’yon naman pala. My name, my pronunciation. Marunong ka pa sa akin.”

“Ang sungit mo naman. Hindi naman ako nakikipag-away sa’yo. Seriously, I want to thank you. You could’ve let that thief to get my wallet pero kumilos ka para makatawag ng atensyon at masira ang diskarte no’ng pickpocket. Thanks, ha? Puwede ba kitang yayaing mag-snack, as a token for your help?”

“Hindi ko naman ginawa ’yon para sa snack. Sige na, uuwi na ako,” paalam niya sa kausap at saka tinalikuran na niya ito.

“Saan ka ba umuuwi?” pahabol na tanong ni Tiw. “Can I get your number para makabawi naman ako sa’yo next time?”

“Bye!” sagot niya nang hindi man lang lumilingon. She just raised her right hand and waved to the guy at her back.

Naiwang umiiling at natatawa na lang si Tiw.


Return to top?
WattHub

Install WattHub

Size unavailable

App name
WattHub
App version
1.48.250
App size
Description
A digital library of Wattpad stories and Filipino fiction, thoughtfully preserved for readers today and tomorrow.
Developer
WattHub Team

Dismiss install banner?

No problem. You can still install WattHub anytime from the download icon in the header.

WattHub

Notifications

Notifications are off

Get notified on this device when the library grows or changes.