loading

storiescollectionschaptersauthorsgenrestagsstories
Living with my Step Brothers (BL)

Living with my Step Brothers (BL)

Eisenchan · 40 chapters · 161,359 words

Characters

Bas

Piniwat

as Eisen Fuentes

  ![](https://img.wattpad.com/ec7e8c76a5586e5147db41c90278d21211f9754b/68747470733a2f2f73332e616d617a6f6e6177732e636f6d2f776174747061642d6d656469612d736572766963652f53746f7279496d6167652f5a3979585f4d77672d48364370513d3d2d3530343736363539322e313561633161333532383365373330633331373036373137373631302e6a7067)

Isang simpleng estudyante na lumaki kasama ang kaniyang ina. Madalas siyang mapagkamalang babae dahil sa angking ganda ng kaniyang mukha at makinis na kutis. Hindi niya ikinukubli ang pagiging malambot niya dahil kusa itong lumalabas sa kaniyang pagkatao. Ang kaniyang simpleng buhay ay magbabago nang pasukin niya ang mundo ng mga Wells.

David

Licauco

as Jethro Jones Well s

  ![](https://img.wattpad.com/d6836aeb525fed9e37edc6c19c68fb1b880b0101/68747470733a2f2f73332e616d617a6f6e6177732e636f6d2f776174747061642d6d656469612d736572766963652f53746f7279496d6167652f6f6b584f676d5658585f4e7834773d3d2d3530343736363539322e313561633161336439666263323535383832333333363632313931352e6a7067)

Panganay

sa

limang

magkakapatid

.

Mainitin

ang

ulo

at

madalas

magsungit .

Bilang

panganay

ay

siya

ang

madalas

masunod

sa

loob

ng mansion.

Mahilig

magbasa

ng

libro

o kaya

magbabad

sa gym ang

madalas

niyang

ginagawa

.

Nagtatrabaho

siya

bilang

isang

abogado

.

Lharby

Policarpio

as Joshua

Mikhael

Wells/ Josh

  ![](https://img.wattpad.com/d9c6fae92d09d09a6c06d78f8b70895fc472886e/68747470733a2f2f73332e616d617a6f6e6177732e636f6d2f776174747061642d6d656469612d736572766963652f53746f7279496d6167652f54395a2d73794a33394a49655a673d3d2d3530343736363539322e313561633161343636633737303134393339333234303532353937322e6a7067)

Pangalawa

sa mga

magkakapatid

.

Masiyahin

at

magaling

makisama

. May angking talento sa larangan ng pagluluto.

 Siya ang nagsisilbing tagapagluto sa loob ng mansion dahil  sa labis na kinagigiliwan ng bawat isa ang masasarap na putahe na kaniyang hinahanda. 

Albie

Casiño

as James Kiel Wells

  ![](https://img.wattpad.com/0c4f320a3ca4590092f0101c8183201a08e37a96/68747470733a2f2f73332e616d617a6f6e6177732e636f6d2f776174747061642d6d656469612d736572766963652f53746f7279496d6167652f514767426b41514138347a4b2d773d3d2d3530343736363539322e3135616331613461653764343730316133373939363933363137382e6a7067)

Pangatlo sa magkakapatid na Wells. Ang gamer-geek ng pamilya at pinakapilyo sa mga magkakapatid. Isa siyang sikat na youtuber at tungkol sa mga latest gadgets at mga games ang nilalaman ng kaniyang mga videos.

Tony

Labrusca

as Jean

Klaude

Wells

  ![](https://img.wattpad.com/ace6d37b1e3562ed67b104376f86e1202daa998a/68747470733a2f2f73332e616d617a6f6e6177732e636f6d2f776174747061642d6d656469612d736572766963652f53746f7279496d6167652f4c5937434f61687356742d6f52413d3d2d3530343736363539322e31356163316134663461343234613234353139323339343831312e6a7067)

Pang-

apat

sa

magkakapatid

na Wells.

Kilala bilang 

lead vocalist ng

bandang

Oblivion.

Pinakatahimik

at introvert kaya

madalas

 na hindi nauunawaan ang kaniyang tunay na saloobin

. Siya ang

natatanging

miyembro

ng

pamilya

na

marunong

umawit

.

Joss

Wayar

as Jules Lucien Wells

  ![](https://img.wattpad.com/6d96b6bb7ae34d90376a2d20d870849fe451ccb9/68747470733a2f2f73332e616d617a6f6e6177732e636f6d2f776174747061642d6d656469612d736572766963652f53746f7279496d6167652f2d67622d49676f476555456771413d3d2d3530343736363539322e313466653437383538653234393166643733303638343036373833372e6a7067)

Ang

bunso

sa

limang

magkakapatid

.

Paboritong

anak

kaya

lumaking

nakukuha

ang gusto. Campus crush na

maituturing

at

kilalang

basket ball player sa

pinapasukang

paaralan .

A/N

:

Hindi ko pagmamay-ari ang alin man sa mga larawan na nakalagay dito at sa mga susunod na kabanata. Ang paggamit ko ng mga larawan ay para lamang sa ikagaganda ng istorya at mas maipaliwanag nang mabuti ang pagkakakilanlan sa mga tauhan ng istoryang ito. Ano man ang inyong mababasa ay hindi sumasalamin sa totoong pagkatao o pamumuhay ng totoong nagmamay-ari ng mga larawang ito. Maraming salamat.

Chapter 1: Warm-Welcome

Bas as Eisen

  ![](https://img.wattpad.com/15b50483b3dd85ad93b1ca4764795c371b7df118/68747470733a2f2f73332e616d617a6f6e6177732e636f6d2f776174747061642d6d656469612d736572766963652f53746f7279496d6167652f6d69682d5753394f3955656633773d3d2d3530343736363937302e313630366535346239353666626438323738393235393836373633352e6a7067)

Eisen’s

POV

Sunday, 1:45pm

Mainit ang panahon at nakakainip ang byahe.  Andito ako ngayon sa loob ng isang magarang sasakyan at hindi mapakali. May halong pananabik at takot akong nadarama sa unang pagkakataon na makikita ko ang pamilya ng aking step-father. Kamakailan lang nang magpakasal muli si mama.  Agad-agad akong pinalilipat sa mansyon na pagmamay-ari ng kaniyang napangasawa sa batangas. Isa siyang milyonaryong nagmamay-ari ng iba’t ibang business dito sa Pilipinas, karamihan nito ay nasa agricultural business at mga bangko sa metro manila.

Sobrang sakit nang pwet ko, halos apat na oras na kaming bumibyahe at hindi pa rin kami nakakarating sa pupuntahan namin. Feeling ko tuloy ay hindi na ako virgin, sobrang hapdi na kasi ng pwet ko. Halos lahat na ata ng posisyon nang pag-upo ay nagawa ko na para maibsan ang pananakit. Ilang sandali pa ang lumipas nang makita ko ang dagat. Sobra akong natuwa kasi tuwing summer lang ako nakakapag swimming sa dagat. Pero heto ako ngayon, kahit araw-araw pa akong magpakasasa ay magagawa ko na.

“See the line when the sky meets the sea it calls me…” Hindi ko mapigilang mapakanta sa sobrang ganda ng view ng dagat.

“Ano ho yon sir?” Tanong ni manong Uber, este manong driver na nagpakilalang Magno raw ang pangalan.

“Ah..wala, tatanong ko lang po sana kung malapit na tayo?” Nakaluhod na ako sa upuan ng sasakyan. Di ko na kayang umupo, feeling ko tinatasahan na yung pwet ko at napupudpod.

“Andito na po tayo Sir” Tugon niya. 

Namangha ako sa mga nakikita ko.  Andito kami sa harap ng malaking gate. Sa labas pa lang ay matatanaw mo na ang isang napakalaking mansyon at sadyang napakaganda nito.

“Manong nasa Malacañang ba tayo?” Tanong ko habang papasok ng gate ang sasakyan.  Ang ganda ng mansyon parang Old English Manor House.

“Palabiro po pala kayo Sir, andito po tayo ngayon sa mansyon ng mga Wells” Nakangiti niyang tugon.

Isang half american and half filipino ang napangasawa ng mama ko at 27 years na siyang may business dito sa Pilipinas, siya si Barry Wells. Madalas ko siyang nakikita sa mga magazine at na featured na rin siya sa Forbes magazine dati.

Pagbaba ko ng sasakyan ay agad akong namangha nang matanaw ko ang napakalaking garden. Parang nasa England ako ngayon. Labis akong natuwa at nagmamadali akong pumunta roon nang biglang may narinig akong nagsalita.

“If I am not mistaken, you’re Eisen right?” Sambit ng isang lalaki.

Bigla akong napalingon. OMG! Sinong artista ’tong kaharap ko? Isang lalaking nakasandal sa front door habang nakapamulsa. Tinitigan ko nang mabuti ang kaniyang mukha. Napakaaliwalas nito, maputi at may mapupulang labi. Pamatay ang mga titig niya na para bang kayang kaya ka niyang mahulog sa pamamagitan ng kaniyang pagtingin. Tila ilang sandali lang ay mapupunit na ang kaniyang suot na long sleeve na nakatiklop hanggang sa kaniyang siko dahil sa laki ng kaniyang mga biceps. 

Hindi ko kaya!!

Mauubusan yata ako ng laway kakalunok, lalo na nang mapansin ko na nakabukas ang tatlong butones sa itaas ng kaniyang polo at sadyang nakakapang-akit ito. Hindi ko namalayan na siya’y nasa aking harapan na pala. Kasabay nitong nilapit ang kaniyang mukha sa aking mukha at nagtaas ng kilay. Saka ko lang napagtanto na kanina pa pala ako nakatitig sa kaniya at huli na akong nakasagot sa kaniyang tanong.

“Yeees, a-ako nga” Halos di ako makasagot nang maayos dahil sobrang lapit ng mukha niya sa mukha ko.

“Good, I’ve been waiting here for almost two hours” Inis niyang sambit at saka tumalikod.

Napakasungit, eh ako nga four hours napudpod ang pwet ko sa byahe. Tapos siya pa ang may ganang mainis?

“Now what? Mag-iistay ka na lang ba diyan sa labas?” Nakakunot noo niyang sambit.

KAINIS!!!

Kung hindi ka lang gwapo kanina pa kita ginamitan ng taijutsu. Ano bang problema nito? Napaka warm ng pagsalubong niya sa’kin ahh. Nakakawarm ng ulo, as in nag-iinit ang ulo ko. Sino ba siya sa tingin niya? Kung umasta akala mo siya itong may-ari ng bahay.

Kahit naiinis ay kaagad naman akong sumunod sa kaniya. Di ko namalayan naipasok na pala ni manong Magno ang mga gamit ko sa mansyon. Habang ako’y naglalakad ay may narinig akong nagsalita mula sa aking likuran.

“Ohh he’s here” Boses ng isang lalaki na nagpalingon sa akin.

Ohh mother monster sino na naman ’to? Akala ko magkakaroon ako ng cardiac arrest nang ngumiti siya sa akin.

Napakagwapo!!!

Ang kaniyang mga ngiti ay sadyang nakakatunaw ng damdamin. Nabiyayaan siya ng maamong mukha, matangos na ilong, maputi at makinis na kutis. Hindi nalalayo ang kaniyang katangkaran at kagandahan ng pangangatawan mula sa masungit na lalaking nasa aking likuran at kung ako ma’y papipiliin ay mas pipiliin ko ang lalaking ito.

“You’re Eisen right?” Ngumiti siya nang pagkatamis-tamis. Feeling ko nalaglag yung under wear ko at hindi ko na mahila paitaas.

“Oooh Yes!” Mabilis kong naisagot. Pakiramdam ko ay ang halay nang pagkakasagot ko pero sino ba naman hindi mapapayes nang wagas sa gwapong lalaking ito?

“Nice meeting you” Sabay biglang yakap niya sa akin.

Sobrang bango niya, andun yung pagkamasculine ng scent pero hindi masakit sa ilong. Halos hindi ko maigalaw ang aking katawan dahil sa higpit ng kaniyang pagkakayakap. Gaganti rin sana ako ng pagyakap ngunit bigla na lang siyang kumalas.

“I always want to have a cute little brother like you” Sambit niya at bigla naman ako nahiya sa pagsabi niya ng cute.

Wait-What? Little Brother??? You mean step brother ko sila???? No! No Way!!!

Akala ko nakita ko na ang forever ko pero magkapatid pala kami kaya hindi pwede.

“I’m Joshua Mikhael.. you can call me Josh or you better call me kuya Josh para mas sweet” Sabay ngiti niya nang napakasweet.

Susme

!

Magkakasala

ata ako, mahal ko na agad siya

higit

pa sa isang kuya .

“And this is Jethro” Turo niya sa lalaking poging masungit.  Oo na, pogi siya, hot, masherep pero ubod ng kasungitan.

“You can call him kuya too. Well, siya ang panganay sa magkakapatid kaya dapat kuya ang itawag mo sa kaniya” Dugtong pa ni Josh pero mukhang hindi ito nagustuhan ni Jethro.

He doesn’t act like one. Mukha ngang mas bata pa sa akin mag-isip ito. Ni hindi man lang makapag welcome nang maayos. Hinding hindi ko siya tatawaging kuya. Over my dead body. Baby pwede pa! Pwera biro, ay naiinis pa rin ako sa inasal niya.

“Whatever, I need to go now. May date pa kami ni Annabelle and I’m so late! Ikaw na ang bahala” Sabi niya kay Josh at nagmamadali siyang kunin ang kaniyang coat na nakapatong sa isang malaking couch at kaagad isinuot ito.

“Hold on!” Pagpigil ni Josh na nagpatigil naman kay mokong sa harap ng pintuan.

“Di ba ikaw ang panganay, ikaw dapat ang gumagawa sa bagay na ’to. Dad told us to stay here and meet him” Ani ni Josh pero mukhang iritable talaga ’tong isang ’to.

“I’m here and I met him, so ano pa ba ang gusto mong gawin ko? Mag throw tayo ng party at para saan?” Inis niyang sabi habang iniiwas ang tingin sa akin. Mabilis na nagtagis ang aking bagang at hindi ko napigilang sumagot.

“Hayaan mo na siyang makipagdate sa kultong Annabelle” Mariin kong sagot. Kaya siguro masama ugali nito ay dahil kung kani-kaninong kulto siya nakikipagdate.

“Anong sinabi mo?” Inis niyang tanong habang papalapit sa akin. Bigla akong nakaramdam ng takot dahil baka sapakin na lang niya akong bigla.

“Ah-eh sabi ko makipagdate kana kay…. Annabelle at kanina ka pa niya inaantay” Halos hindi ako makasagot nang husto dahil sa takot na masuntok niya sa una naming pagkikita.

“Whatever” Ang huli niyang nasabi. Sabay walk-out at sumakay sa sasakyan niyang magara.

Kasing gara ng ugali niya! 

Nakaalis na si  Jethro ngunit nakatingin pa rin ako sa may pinto nang maramdaman kong may umakbay sa akin.

“Just don’t mind him, mainit lang ulo niya ngayon” Pagpapaliwanag ni Josh at napakasweet pa rin niyang ngumiti.

Ay at bakit meron siya ngayon? Dinaig niya pa ako? Batuhin ko kaya siya ng modess na gamit  na nang malaman niya.

“May case kasi siyang hinahandle ngayon at medyo tagilid ang laban niya kaya madalas siyang magalit” Dugtong pa niya.

Ahh so isa pala siyang abogago este abogado.  Pero napaka rude parin at hindi dapat niya pinapasa sa iba ang inis niya sa trabaho .

“Okay lang” Matipid kong sagot. Ginulo niya ang aking buhok at saka ngumiti.

Buti na lang at andito si Baby Josh kaya hindi ako masyadong apektado.  Este kuya Josh pala. Sagwa kapag Baby Josh, parang Kris Aquino lang.

DARLA COME HERE… OHH LOOK ANG GALING NI BABY JOSH MAGSWIM. OMG! NAKITA MO YUN? NAGBUTTERFLY SIYA!

Bigla na lang akong kinalabutan sa mga naiisip ko. Isa pa sa ikinabigla ko ay ang paghawak niya sa aking kamay bago siya muling magsalita.

“So are you ready?” Sabay ngiti sakin na tila may kahulugan.

Ready for what? OMG don’t tell me? Hindi ito maaari kapatid kita pero pagpinilit mo ko ay bahala na.

“Ehhh…ready for what?” Nahihiya kong pagtanong sa kaniya.

“Ready to meet the other members of the family” Masaya niyang tugon.

“You mean andito rin ang dad mo?” Medyo kabado kong tanong.

Actually, hindi ko pa namimeet si Tito Barry. Nakita ko lang siya noong mag-skype sila ni mama. Sa unang pag-uusap namin sa pamamagitan ng skype ay napansin ko agad na may pagkastrikto siya. kaya kahit doon lang kami nag-uusap ay naintimidate na ako kaagad. Saka, paano kung malaman niyang hindi ako straight matatanggap niya kaya ako?

Ah basta bahala siya. Hindi ako

magpapakalalaki

para sa

kanya.

 NEVER!

“Nope, remember nasa Macau sila ngayon para sa business meeting at extension ng honeymoon nila ng mommy mo” Pagpapaliwanag niya at saka ako nakahinga nang malalim.

“Ah okay” Maikli kong tugon.

“So hindi ba nasabi sayo ng mom mo na magkakaroon ka ng limang step brothers?” Tanong niya na nagtataka pa rin.

“Ah hindi, basta sabi lang sakin ni mama na magkakaroon daw ako ng mga step brothers. Akala ko kayong dalawa lang ni Jethro este kuya, meron pa palang iba.” Pagpapaliwanag ko.

“Yep, si Jean at James ay nasa taas. Si Jules naman ay nasa school pa dahil may practice sila ng basketball ng kaniyang team” Sabi niya habang tumitingin sa kaniyang phone.

So puro ‘J’ nagsisimula

 ang mga pangalan nila. Jethro, Joshua, James, Jean at Jules. So

matatawag

mo silang J Brothers. HAHAHA, ayoko ang

baduy!

“Sorry, may nakakatawa ba?” Tanong niya. Napansin niya sigurong nakabungisngis ako sa mga kalokohang naiisip ko.

“Ah wala may naalala lang ako” Pagdepensa ko.

“So tara na?” Hinila niya ako paakyat sa second floor.

Namangha ako nang sobra sa mga paintings na nakikita ko sa pader pagkaakyat namin sa hagdan. Malavictorian-era ang style nito. Mapapansin mong luma na at mamahalin ang mga paintings. Two-way stairs ang daan patungong second floor. Dumaan kami sa kanang hagdan kung saan mapapansin na agad ang napakaraming kwarto. Akala ko nga ay nasa sosyaling hotel ako ngayon at kinakaladkad ako ng isang gwapong lalaki papunta sa aming kwarto. At nang makarating kami sa harap ng isang malaking kwarto ay biglang kumatok si Joshua. Oo, Joshua lang dahil hindi ako sanay tumawag ng kuya.

“James, buksan mo ang pinto andito na si Eisen” Nanatiling mahinahon ang kaniyang pagkakasabi kahit na malakas ang kaniyang pagkakabanggit matapos niyang kumatok. Ilang segundo pa ang lumipas at wala parin kaming naririnig na sagot mula sa loob. Marahil ay natutulog pa ito.

“Mamaya na lang kaya. Baka natutulog na iyon, maistorbo pa natin” Pagpigil ko kay Josh.

“Hindi iyon natutulog ng ganitong oras. Baka naglalaro lang iyon ng PS4 at hindi tayo naririnig..halika” Bigla niyang binuksan ang pinto.

Matatanaw sa dulo ng malaking kwarto ang malaking kama. Napansin ko agad ang lalaking nakaupo sa gitna na may laptop sa pagitan ng kaniyang mga hita. Tanging ilaw na nagmumula sa laptop ang nagsisilbing liwanag sa kwarto kaya hindi ko gaanong maaninag ang kaniyang mukha.

“See? Naglalaro lang pala sa laptop niya at naka earphone kaya hindi tayo marin—” Sabi ni Josh sabay pagbukas niya ng ilaw. Bigla ko na lang narinig ang malakas na ungol sa loob ng kwarto at nagmumula ito sa lalaking nasa ibabaw ng kama.

“Ooohh…Shit it feels so good” Sabi ng lalaki sa kama at kaagad tiniklop ang laptop nang kami ay mapansin niya.

“What the hell Josh?” Agad-agad niyang tinaas ang kaniyang boxer shorts upang maisuot ito.

May ideya na kayo kung anong ginawa niya kaya wag niyo nang itanong.

“Damn it James! Wala ka na bang hiya?!” Yumuko si Josh habang hawak ang kaniyang noo at habang ako naman ay titig na titig pa rin sa hindi ko inaasahang pangyayari.

“Bat naman ako mahihiya? It’s my room okay? Saka hindi ka ba marunong kumatok?” Galit na sagot ni James.

“Kanina pa ako kumakatok at walang sumasagot. I thought you’re just playing with your console” Depensa ni Josh. Nagtaas ng kilay si James at saka niya lang ako napansin. Tumayo siya at lumapit sa amin.

“At nagsama ka pa ng guest mo para makanood ng live show?” Sarkastiko niyang tanong at napayuko naman ako bigla sa hiya.

“Remember ngayon ang dating ni Eisen?” Sagot ni Josh.

“Wait he’s that guy?” Tanong ni James. Pero nakayuko pa rin ako at nakatingin sa kaniyang mga paa at dahan-dahan kong inangat ang aking mukha upang ngumiti sana sa kaniya pero natigil ang paningin ko sa kaniyang boxer. At ayon, andun si Junjun naghehello sa akin. Hindi ko kinaya ang nakikita ko ba’t ba nakadungaw ’yon? Bigla kong tinaas ang mukha ko para iwasan ito at pilit na ngumiti sa kaniya.

“I’m sorry” Bigla niyang inayos ang boxer niya at tinago si junjun.

WAIT LANG  HINDI PA KAMI NAG HA HI-TOUCH, ETO NAMAN.

Sabi ko sa malandi kong isipan. Matangkad siya at gaya ng mga kuya niya ay gwapo rin at maputi. Halatang batak siya sa gym dahil sa pangangatawan niya na hulmang hulma ang mga abs. At wait, ano yung nangingintab sa abs niya? No! No! No! Hindi man lang niya pinunasan?

HINDI KO SIYA KAYA!!

“Am..Hi, sorry sa pagpasok sa room mo” Nahihiya kong sambit at bigla niyang inabot ang kaniyang kamay para makipaghand-shake.

“No, that’s okay. Parehas naman tayong mga lalaki” Sabi niya habang nakikipaghand shake sakin at ngumiti nang makahalugan.

Ang lagkit ng kamay niya, jusko. Hindi niya rin nagawang punasan ito. At excuse me, hindi kami parehong lalaki kaya napapangiti na lang ako nang pilit sa kaniya.

“Magbihis kana, I’ll introduce him to Jean. Napansin mo ba siya?” Tanong ni Josh.

“I think he’s in the music room. Like seriously, second room na niya ’yon” Sagot ni James habang nagpupunas gamit ang tissue sa kamay niya at abs habang nakatingin sakin. 

OMG, ano bang trip ng lalaking ’to? Mahina ako sa tukso, please wag!

“Okay, come on Eisen follow me” Pag-aya sakin ni Josh at dali-dali naman akong lumabas ng kwarto ni James. Baka ano pang mangyari kapag nag-stay ako nang matagal doon.

Naglakad na kami sa hallway at ako’y nakasunod lamang kay Josh. Mga limang kwarto na ang nadaanan namin bago ako makarining ng tunog nang naggigitara at biglang may kumanta. Ang lamig ng boses niya pero naroon ang pagiging masculine sa boses niya na sobrang nakakakalma. Bukas ang pinto nang makarating kami sa silid at agad akong sumilip para makita  kung sino ang kumakanta. Pagkalapit ko sa pinto ay hindi ako makapaniwala sa aking nakita.

Itutuloy…

Chapter 2: First kiss

David as Jethro

  ![](https://img.wattpad.com/1ef09233267703bbafad64244531ba37e36f172e/68747470733a2f2f73332e616d617a6f6e6177732e636f6d2f776174747061642d6d656469612d736572766963652f53746f7279496d6167652f575547566c33366d3837506971673d3d2d3530353331363939332e313630366535666134643832366435343432323235323634363238372e6a7067)

Eisen’s POV

Pamilyar sa akin ang boses na aking naririnig. Kaya naman nang makompirma ko ang tao sa likod ng magandang tinig ay hindi ko napigilan ang sarili ko na mapasigaw sa tuwa.

“Oh shit…Totoo ba ’to? Ikaw ’yong vocalist ng bandang Oblivion?” Pasigaw kong sambit na kaniyang ikinagulat kaya natigilan siya sa pagkanta.

“Seriously Josh? Nagpasok ka ng fan during my rehearsal?” Nakakunot noo niyang tanong kay Josh.

Teka nagtataka lang ako. Kung pangalawa si Josh sa magkakapatid, bakit hindi man lang nila magawang tawaging kuya?

“He’s not a fan.. I think?” Tugon ni Josh na may pag-aalinlangan dahil siguro hindi niya inaasahan ang magiging reaksyon ko nang makita ko ang kaniyang kapatid.

Sino ba naman ang hindi matutuwang makita ang vocalist ng bandang Oblivion? Meron silang 700,000+ na subscribers sa Youtube at pumapalo sa 5 to 15 million views ang videos ng kanilang mga song covers. Hindi pa masyadong active ang kanilang banda dahil sa pagkakaalam ko ay mas pinagtutuunan ng pansin ni Jean ang kaniyang pag-aaral at past time niya lang ang paggawa ng cover ng mga kanta. May mga pagkakataon ding naiimbitahan sila sa mga bar para magperform pero bihira lang mangyari iyon. Kaya pag nagkakaroon sila ng gig ay tiyak na mabilis maubos ang mga tickets. Gano’n sila kasikat. Pagdating sa pagkanta ay magaling na talaga si Jean, idagdag mo pa ang mapupungay niyang mga mata na napakaexpressive pag nakikipag eye to eye contact siya sa mga audience. Sa kanilang magkakapatid ay siya ’yong may pagkamoreno dahil hilig niya ring tumambay sa beach kapag kasama niya ang kaniyang mga kabanda para magjamming. Hay, wala naman atang panget sa J Brothers este sa Wells Brothers.

“You think?” Nakakunot noong tanong ni Jean.

“He’s Eisen, I already told you that he’s coming today” Tugon ni Josh habang nakapamaywang at sumandal sa pinto.

Ang gwapo!!

“Oh he’s that kid? Oh Hi welcome to the family” Sarkastiko niyang pagbati.

Bigla akong nadismaya, kasi bilang fan niya ay gano’n na lang siya kung umasta. Hindi nagkakalayo ang ugali nila ng kaniyang Kuya na si Jethro. Parehong suplado!

“Just be ready coz we’re having a dinner with Eisen tonight” Pagpapaalala ni Josh habang tumitingin sa relo niya.

“For the 10th time Josh, I know just go away!” Iritableng sagot ni kumag kaya naman sumenyas sa akin si Josh upang lumabas na kami.

Ako? Ayon, bukod sa na star-struck ako ay hindi na ako nakabati sa kaniya dahil sa kaniyang inasal. Hindi man lang niya magawang respetuhin ang kuya niya. Pagkatapos naming makalabas ng music room ay hinatid naman ako ni Josh sa aking magiging kwarto. Napaggigitnaan ito ng dalawa pang kwarto na kung saan sa kanan ay ang kwarto ni Jules na malapit sa hagdan at ang sa kaliwa naman ay ang kwarto ni Jethro.

Oh nice! Mapapadalas ang pagtatagpo namin, kaloka!

Sayang at wala pa daw si Jules kasi hanggang ngayon ay nasa school parin siya para magpractice ng basketball pero uuwi naman daw bago magdinner. Nang madala ako ni Josh sa aking kwarto ay kaagad ko itong pinasok. Ilang sandali lang ay nagpaalam si Josh na bumaba dahil may aasikasuhin pa raw siya. Sa aking pagpasok ay mabilis kong nakita ang aking mga kagamitan na kanina lang ay bitbit ni Manong Magno. Malaki ang kwarto at pakiramdam ko ay isa akong Duke dahil sa theme ng mansion na ito. Ang aking kama ay king size bed at kaagaw-agaw pansin sa akin ang liwanag na nagmumula sa bintana na natatakpan ng malaking kurtina. Kaagad ko itong hinawi para makita ko ang tanawin sa labas. Namangha ako dahil kitang kita ang kagandahan ng dagat mula sa aking kwarto. Maganda ang pwesto na ibinigay nilang kwarto sakin at sobrang nakakarelax. Sa aking pagkakahiga sa malambot na kama ay bigla na lang ako nakaramdam ng antok at mabilis nakatulog dahil sa pagod na naranasan.

Makalipas

ang

apat

na oras….

Hindi ko namalayan ang oras dahil sa mahimbing kong pagtulog. Napatingin ako sa alarm clock na nakapatong sa ibabaw ng mesa sa kanang bahagi ng aking kama. Halos apat na oras na rin pala akong natutulog.  Ipipikit ko pa sana ang aking mga mata nang makarinig ako ng katok mula sa aking pintuan, kaya dali-dali naman akong tumayo at pinagbukasan ito.

“Sorry nakatulog ako” Bungad ko agad sa taong nasa kabilang bahagi ng pinto. Si Josh na lalong gumuwapo dahil sa suot niyang apron habang nakasandong puti at brown shorts bilang panloob.

“No, it’s fine. Mag-ready kana kasi maya-maya ay magsisimula na tayong magdinner. Pauwi na rin si Jules kaya magbibihis na ako” Nakangiti niyang sabi.

NO! WAG KANA

MAGBIHIS.

AKO NA

MAGHUHUBAD

SA’YO. JOKE!

Mahuhulog talaga ang loob mo sa pagiging nice guy niya. Plus-factor na siguro yung kapogian niya. Siguro nalilito kayo sa pagkatao ko? Ako din eh. Ako kasi yung tipo ng bakla na hindi halata. Hindi ko masasabing bi ako kasi hindi naman ako nagkakagusto sa babae, saka ayoko sa tahong malansa ’yon. Paano ko nalaman? Meron ako, bakit ba? Biro lang! Pero ako ’yong tipong kumilos na mahinhin lang pero nasa loob ang kulo. Lahat ng kalandian ko sa katawan ay hanggang sa isip ko lamang at hindi ko magagawa sa totoong buhay kasi hindi gano’n kalakas ang loob ko. Madalas akong napagkakalamang babae dahil sa maliit kong mukha at makinis kong balat. Sakto lang sa aking edad ang aking katangkaran at hindi masyadong malaman ang aking pangangatawan na maihahalintulad mo sa isang dalaga. Oh di ba nagbuhat na ako ng bangko. Pero sa totoo lang ay karamihan sa mga lalaki ay nadidismaya kapag napagtanto nilang isa akong lalaki.

“Sure, magbibihis na lang din ako at bababa na” Nakingiti ko ring sagot at kaagad naman siyang umalis para magtungo sa kwarto niya.

Mabilis naman akong nagtungo sa banyo na hindi ko pa nasisilip kanina. Ang laki nito para sa isang tao pwede kang mag-tumbling sabay split sa sobrang lawak nito. Ikinatutuwa ko talaga eh ’yong toilet bowl dahil meron itong bidet, dahil sa bahay namin sa Caloocan ay de-tabo lang. Sunod kong hinawi naman ang shower curtain para makita kung gaano kalaki ang shower room. Magkakasiya ang apat na tao dito kaya pagmay nag-aya sakin ng 4some ay maari naming gawin dito. Pero biro lang dahil hindi ko naman gawain ’yon, mahirap na baka magkasakit pa ako.

Sa sobrang aliw ko ay nakalimutan ko na ang paghilamos pala ang pinunta ko rito. Dali-dali akong naghilmos at nagpunas ng mukha. Nagsipilyo na rin ako para kung halikan man nila ako at least mabango ang hininga ko. Joke! Syempre kakagising ko lang, ayoko naman amoy panis na laway ang hininga ko habang nakikipag-usap sa kanila mamayang dinner. Pero sa totoo lang parang si Josh lang ang tanggap ako bilang parte ng pamilya.

Matapos sa banyo ay lumapit naman ako sa maletang nasa ibabaw ng aking kama na kung saan nakalagay ang mga damit ko. Naghanap agad ako ng pamalit na damit at saka ko lang napansin kung bakit puro pink ’tong damit na nadala ko. Ang ibang kulay ay kulay puti pero walang desente dahil halos lahat ay pangbahay. Ayoko naman agad mag suot ng pink na damit don, syempre magpapaminta muna ako sa first day at kakapain ang mga bukol nila este ang mga ugali nila. So wala akong choice kundi isuot ang white polo na binigay ni mama sa’kin last year na may print ng mukha ni Kerokeropi sa likod at printed na mukha ni Hello Kitty sa bulsa ng polo sa harap. Eh bakit ba? Fan ako ng Sanrio World eh. At least medyo pormal ’to at hindi masyadong halata ang kabaklaan ko.

Pagkatapos ko magbihis ay dali-dali akong nagtungo sa ibaba at naabutan ko ang magkakapatid na nasa sala na at naghihintay para sa dinner. Si Jean nakaupo sa couch habang nakikinig ng music sa kaniyang ipad.  Si James naman ay nanonood ng Football game mula sa widescreen TV. Si Jethro naman ay mukhang kararating lang at hindi pa nakakapagbihis, kasi ’yon parin ang suot niya mula kanina. May kausap ito sa telepono at biglang napatingin sa’kin ng saglit at kaagad bumawi ng tingin.

Napakasungit!

Ilang sandali pa ay narinig na namin ang pagtawag ni Josh mula sa dining hall upang ayain kami na kumain. Agad namang nagsikilos ang magkakapatid. Marahil ay gutom na gutom na rin ang mga ito. Nagpaaalam na rin si Jethro sa kausap niya sa telepono at dali daling nagtungo sa dining hall. Baka iniisip niyo na masyadong OA ang pagkakabanggit ko. Malaki kasi talaga ang dining hall dahil magkakasiya ang benteng katao sa iisang mesa at sa may dulong bahagi ay makikita mo na ang kusina. May tatlong chandelier na nakasabit sa kisame na nakatapat sa mesa na siyang nagpaliwanag nang husto sa dining hall.

Sa aming pagdating ay nakahain na ang mga iba’t ibang putahe na niluto ni Josh at kaniya- kaniya silang pwesto at umupo para kumain. Uupo na sana ako nang maramdaman kong may umakbay sa’kin. Nagulat ako at hindi nakapagsalita. Dahan-dahan akong tumingin sa taong umakbay sa akin. Una kong napansin ang kaniyang taglay na katangkaran. Kagaya ng kaniyang mga kapatid ay nagtataglay din ito ng magandang pangangatawan na tiyak na nahubog dahil sa pagkahilig sa sports. Nakasuot siya ng jersey shorts at nakasuot ng sandong itim. Kagaya ni Jean ay may pagkamoreno rin ito na nagpapadagdag sa kaniyang sex appeal. Hindi rin magpapaghuli ang hitsura nito sa magkakapatid dahil nagtataglay ito ng magandang mukha na kung saan ay biniyayaan ng magagandang dimples sa tuwing ito ay ngingiti.

“You guys are so mean. Hindi niyo man lang ako hinintay para sa dinner” Natigilan ako mula sa pagtitig sa kaniya nang siya ay magsalita na.

“I told you to come home before 6pm. Malay ko ba kung nakipagdate ka na naman” Sagot ni Josh.

“6:09 pa lang ooh.. And by the way who’s this little cutie here?” Sabay gulo niya sa buhok ko.

Ano ba..Alam ko naman ’yon ba’t mo pa sinasabi sa kanila? Nakakahiya kaya.

“Hi, I’m Eisen” Matipid kong pagbati, syempre nahihiya pa rin ako.

“Ohh you’re Eisen?” Masaya niyang sabi at bigla niyang hinawakan ang baba ko at bigla niya akong hinalikan sa labi.

Ano-anong nangyayari?

“Welcome to the family” Dugtong niya at ngumiti. Hindi ako nakapagsalita at napahawak na lang ako sa labi ko dahil first kiss ko ’yon, as in FIRST KISS!

“JULEEESS!” Sabay na sigaw ni Jethro at Josh halatang nainis sila sa ginawa ni Jules.

“Whaaat? It’s just a greeting. I used to kiss all of you whenever I came back from the US” Pagdepensa ni Jules.

“Bata pa tayo noon and it’s not appropriate dahil hindi naman liberated si Eisen kagaya mo!” Inis na sambit ni Josh.

“Just take your seats at kumain na tayo” Utos ni Jethro at nakatingin siya sa akin ngayon nang masama.

Bakit sa’kin? Wala naman akong ginawang masama ahh.. Ako ba yung humalik? Kainis to!

Naglakad na si Jules at tumabi kay James at nakipag-apir sa kaniya.

“Nice one” Sabi ni James at tawa lang ang sinagot ni Jules.

Nagsimula na kami kumain at nagkwentuhan tungkol sa buhay-buhay. Mas marami silang tanong tungkol sa akin. About sa studies ko, kung anong klaseng lugar ang tinitirahan ko sa Caloocan at kung ano-ano pa. Buti na lang hindi nila natanong kung ano talaga ako. Hindi naman siguro mahahalata sa suot ko kaya hindi na siguro nagtanong. Napag-alaman ko na isang abogado si Jethro, 26 years old na siya at siya ang panganay. Sumunod sa kaniya ay si Joshua or Josh 25 years old na isa pa lang Chef sa isang 5-star restaurant.  Kaya pala ang sarap sarap niya, este ng luto niya. Sinundan siya ni James na 23 years old at walang trabaho. Isa pala siyang game blogger at doon siya kumikita ng pera. Graduate siya ng I.T. pero tinatamad siyang mag trabaho at gusto niya lang maglaro sa mansion. Kasunod niya si Jean na 21 years old at kasalaukuyang nag-aaral ng Civil Engineering at libangan niya lang talaga ang pagkanta. Ang bunso pero hindi halata ay si Jules na 20 years old. Varsity player siya ng university na pinapasukan niya. Business Management naman ang kaniyang kurso. Pareho sila ng pinapasukang school ni Jean na siya ring pinaglipatan ko.

Mag-iikot-ikot na lang talaga ako bukas kaysa naman sumama ako kay Jean na napakaseryoso at masungit. Di rin pwede kay Jules na sobrang liberated, mapagkamalan pa kaming magsyota.

At ayon natapos din ang dinner. Kaniya-kaniyang alisan na sa dining hall ang magkakapatid. Tutulong sana ako maghugas ng pinggan kaso pinapatawag ako ni Jethro sa kaniyang opisina/kwarto. Gano’n siya ka workaholic. Bago pa man ako makarating sa kwarto ni Jethro ay may biglang humila sa kamay ko at tinulak ako pasandal sa pader.

“Aray” Sambit ko pero hindi naman talaga masakit. Sadyang nagulat lang ako at ayoko namang magtititili baka mabisto agad ang pagpapaminta ko.

“I’m sorry, masakit ba?” Mahinahong tanong ni Jules. Nakatingin siya sa aking mata at ang mga kamay niya ay nakasandal din sa pader. Hindi ako makakilos dahil nasa pagitan ako ng kaniyang mga kamay at naiintimidate ako sa pagtitig niya.

“Ahh..hindi naman.. medyo nagulat lang ako” Nahihiya kong sagot. Hindi ako makatingin sa kaniya at napayuko na lang ako. Napansin kong wala pala siyang suot na pang itaas. Tanging boxer shorts lang at kitang kita ko ang kaniyang mga abs na bagay na bagay sa moreno niyang pangangatawan.

“You’re gay, are you?” Seryoso niyang tanong sa akin.

Yari nabisto na ako. Dapat pala hindi ko na sinuot ang Kerokeropi na polo na ’to. 

“Ahh..ehh” Hindi ko alam ang isasagot ko.

“Coz you really look like a girl” Sabay hawak niya sa baba ko at tinaas ang mukha ko para makatingin sa kaniya.

No.. No.. Again?

Hindi ko alam ang gagawin kaya mas pinili ko na lang na ipikit ang aking mata. Habang tumatagal ang sandali ay unti-unti kong nararamdaman ang paglapit ng kaniyang mukha sa akin ngunit natigil lamang ito nang may magsalita.

“Stop playing with him Jules. He’s your brother!” Sambit ni Jethro. Bigla ko namang inayos ang aking sarili na para bang nagwo-walling na.

“STEP, STEP BROTHER!” Tugon ni Jules.

“And it doesn’t matter….Good night” Dugtong niya at sabay halik sa aking noo na naging dahilan upang mamula ang aking pisngi. Ngumiti muna siya sa akin bago siya pumasok sa loob ng kaniyang kwarto. Ngayon ko lang napagtanto na nasa harap na pala kami ng kaniyang kwarto.

Nawala sa isip ko na kanina pa pala ako inaantay ni Jethro kaya naman nang lingunin ko siya ay nakasandal na ito sa pintuan ng kaniyang kwarto. Hilig niya ata ang mamulsa habang nakakunot ang noo sa tuwing titingin siya sa akin, gaya ng ginawa niya kanina na ginagawa niya rin ngayon.

Ano na naman ba ang ginawa ko? Hindi naman ako ang humalik ah!

Sa sandaling pagpasok niya sa kaniyang kwarto ay siya namang pagsunod ko sa kaniya. Nang makapasok ako sa loob ay inatasan niya akong isara ang pinto dahil nais niya akong makausap nang mabuti. Habang naglalakad sa loob ay nilakbay ko ang aking paningin sa kabuuan ng kaniyang silid. Ang laki ng kwarto niya. Nagmistulang opisina ang kalahati nito at ang natitira ay ang kaniyang matutulugan. Labis din akong namangha sa mga librong nakalagay sa malalaking book shelves. Karamihan sa mga libro ay may kinalaman sa batas at politika.

Sa kanang bahagi ng kwarto niya nakapwesto ang kaniyang desktop na kung saan nakapatong ang naparaming papeles. Sa kaliwang bahagi naman ay ang kaniyang king size bed na kagaya ng nasa aking kwarto. Ang kaniyang silid ay mayroon ding malalaking bintana na natatakpan ng malalaking kurtina.

“Have a seat” Bigla niyang sabi nang makaupo siya sa kaniyang desktop station. Napatingin ako sa dalawang card na kaniyang nilapag sa lamesa.

“This is your ID. Alam kong bukas na ang simula ng iyong klase and I told Jean to give you a quick tour sa Univeristy unless familiar kana sa lugar at hindi mo na kailangan?” Hindi ko malaman kung gusto niya ba akong tulungan o pahirapan.

“Am, Ayos na sa akin ang mag-isa. Mas komportable kasing mag-ikot-ikot kapag wala akong kasamang iba” Tugon ko at saka ko kinuha yung ID. Kaya naman pala nanghihingi si mama ng ID picture ko dahil dito pala ’yon.

“And this is your ATM Card. You will receive P75,000 monthly allowance” Nanlaki ang aking mga mata nang banggitin ni Jethro ang halaga ng magiging allowance ko. Noong nasa isang university pa ako sa Caloocan ay halos P75 lang ang baon ko at ngayon nadagdagan ng tatlong zero. Hindi ko napigilang mapangiti sa sobrang tuwa nang marinig ko ’yon.

“And spend it wisely! I believe hindi naman gano’n kalaki ang allowance mo before kaya alam kong alam mo ang importance ng pagtitipid” Biglang nabawi ang kasiyahan ko dahil sa kaniyang sinabi.

“Oo naman, hindi naman ako basta-basta magwawaldas ng pera na hindi ko naman pinaghirapan” Nilapit ko talaga ang sarili ko sa kaniya para mas marinig niya ang mga huling salita kong binanggit at saka kinuha ang ATM card.

“And please be good, dahil ayokong masira ang reputasyon ng pamilyang Wells. Alam mo namang kasapi kana ng pamilya kaya dala-dala mo na ito” Dagdag pa niya na para bang may gagawin talaga akong ikakahiya ng buong angkan nila.

“Yes dad” Sarkastiko kong sagot.

“Great, you may now leave this room” Saad niya at agad siyang nagdial sa teleponong nasa harap niya.

Agad naman akong nagtungo sa aking kwarto para makapagpahinga dahil kinabukasan ay maaga ang magiging unang klase ko. Nagshower muna ako at nagbihis bago matulog. Hihiga na sana ako nang biglang may kumatok sa aking pinto. Pagkabukas ko ng pinto ay di ko inaasahang makikita ang taong ito na kakatok sa pinto ng aking kwarto. Si Jean, nakabihis na ito ng pajama na kulay asul na pinaresan ng sandong puti. Nabigla ako nang iabot niya sa akin ang papel na kaniyang hawak-hawak.

“Nagprint na ako ng University Map para hindi ka maligaw bukas. Jethro told me na mas gusto mong mag-explore mag-isa kaya nagprint ako ng map baka maligaw ka pa sa first day mo” Nanatiling naka-poker face ang kaniyang reaksyon kaya hindi ko malaman kung siya ba ay natutuwa o naiinis.

“Sa-salamat” Nautal kong sagot. Syempre hindi ko pa rin inaasahan na gagawin niya ’yon. Sobrang cold niya kaya sa akin kanina.

“Matulog ka na dahil alam kong maaga pa ang klase mo bukas” Paraan niya nang pagpaalam at kaagad nagsimulang maglakad patungo sa kaniyang kwarto. Kahit papano ay natutuwa akong malaman na may kabutihang asal din itong si Jean. Siguro ay nahihiya lang siyang ipakita ang pagiging maalahanin niya.

Itutuloy…

Chapter 3: Meet Andrea

Lharby

as Josh

  ![](https://img.wattpad.com/ea9274cdd80e8a3c2ad810fde55d9eb8d74a445f/68747470733a2f2f73332e616d617a6f6e6177732e636f6d2f776174747061642d6d656469612d736572766963652f53746f7279496d6167652f4d636141552d5a2d6d4d424748773d3d2d3530363137373439342e313630366536616264376238373530363834333739363732373039382e6a7067)

Eisen’s POV

Nagising ako dahil sa ingay na nagmumula sa alarm tone ng aking cellphone. Kaagad kong pinindot ang snooze para makaidlip pa ako ng kahit limang minuto. Halos kakapikit ko pa lang nang marinig kong may tumatawag sa phone ko. Ayoko pa sanang sagutin ito ngunit ilang beses itong tumutunog kaya naman nang makita kong si mama pala ang tumatawag ay kaagad ko itong sinagot.

“Hello Maaaa?” Pahikab na pagbati ko sa kaniya.

“How was your first day? Have you met your step brothers?” Sunod-sunod niyang tanong.

“Okay naman ma and yes nameet ko na sila at hindi mo man lang sinabi na lima silang magkakapatid. Akala ko pa naman dadalawa lang sila” Reklamo ko habang kinukusot ang aking mata.

“Pagpasensyahan mo na si mama dahil masyadong occupied ang isipan ko ngayon kahit kakatapos lang namin maghoneymoon ay andami agad naming pinuntahang business meetings” Tugon niya at halata sa kaniyang pananalita ang labis na pagod dahil matamlay ito kung sumagot.

“Kamusta naman kayo? Kailan kayo uuwi?” Tanong ko dahil kinakailangan ko talaga siya dito sa mansion, dahil pakiramdam ko ay hindi ako magtatagal kapag hindi ko siya kasama.

“Maybe next month uuwi na kami ng pinas” Tugon niya at tila may kumakausap sa kaniya dahil may naririnig akong mga boses.

“Next month pa antagal naman?” Reklamo ko.

“Why? Namimiss mo na ba ako?” Tugon niya na may halong paglalambing sa kaniyang boses.

“Hindi naman, lagi ka naman wala sa bahay kaya sanay na ako. Ang akin lang ay medyo naa-out of place ako dito sa mansion, feeling ko hindi ako belong” Malumanay kong sagot dahil iyon naman talaga ang nararamdaman ko.

“Don’t say that! Part of the family ka na. Darating din ang panahon at makakapalagayan mo nang loob ang mga step brothers mo at saka napag-usapan na namin ni Barry na aasikasuhin niya ang mga papers mo para maging ganap ka nang Wells” Mahinahon niyang sagot at muli kong narinig ang mga boses na kumakausap sa kaniya.

Ano, aampunin na nila ako? Papano kami magkakatuluyan ni Josh kung magiging ganap na akong Wells?

“Ehh Ma ayoko. Okay na sa akin ang apelyido na iniwan ni papa at saka mahal ko si papa kaya ayokong baguhin ang apelyido ko” Hindi lang sa kalandian ang dahilan kung bakit ayokong magpalit ng apelyido dahil din sa ayokong baguhin ang apelyidong ipinamana sa akin ni papa.

“No! Kailangan maging isang ganap ka na na Wells. Paano ka na lang mabibigyan ng pamana niyan kung hindi mo dala ang apelyido ni Barry?” Naiinis niyang sabi.

“Huh? Bakit mana agad ang iniisip niyo? Hindi niyo ba mahal si Tito Barry? Don’t tell me pinakasalan niyo lang siya dahil sa pera niya?” Pangungulit ko.

“Daddy! Yan ang itatawag mo kay Barry…pag-uusapan natin sa susunod” Nais ko pa sana siyang tanungin kaso mabilis niyang pinutol ang tawag.

Hindi ko lubos maisip na magagawa ni mama ’yon. Kung totoo man ang hinala ko ay bakit niya kailangang manloko ng tao para magkapera. Hindi naman nagkukulang ang kinikita niya sa kompanyang pinapasukan niya dati. Akala ko nakamove-on na siya sa pagkamatay ni papa kaya naisipan niyang magpakasal sa iba at sino ba ako para pigilang sumaya si mama? Syempre gusto ko rin na maging happy siya dahil sa lahat ng sakripisyo niya para mapalaki at mapag-aral ako. Habang ako ay nagmumuni-muni ay bigla na lang akong nakarinig ng pagkatok mula sa aking pintuan.

“Eisen, gising ka na ba?” Boses ni Josh mula sa kabilang bahagi ng pinto.

Yes, babe gising na ako, kiss mo ako dali!

Pero syempre sa isipan ko lang ’yon at baka masuntok ako nito nang maaga.

“Yes, kanina pa” Mahinhin kong sagot.

“Good, Inaantay ka ni Jules sa dining hall. Isasabay ka na raw niya pagpasok” Malambing na sagot ni Josh.

Haay, kung ganitong boses maririnig ko tuwing umaga ay napakasarap talagang gumising.

“Ah sige, maliligo lang ako saglit at magbibihis” Dali-dali akong tumayo at kumuha ng damit sa cabinet na maisusuot ko sa aking pagpasok.

“Copy!” Pasigaw niyang sabi at umalis na rin.

Saka ko tinungo ang bathroom para makaligo nang mabilisan. Kuskos, hilod, sabon, shampoo at banlaw. Tapos madaliang tooth brush at lumabas ng bathroom para magbihis nang biglang bumukas ang pinto.

“Ohh shit” Napasigaw ako at sa gulat ko nabitawan ko ang tuwalyang nakatapis sa katawan ko. Tumambad sa kaniya ang hubad kong katawan at dali-dali kong pinulot ang tuwalya para makapagtakip.

“Oohh nice butt” Nagawa niya pang magkomento imbes na humingi ng tawad sa bigla niyang pagpasok sa aking kwarto.

“Ano?” Gulat kong sabi.

“No I mean.. I’m sorry okay, nasanay kasi akong hindi occupied ang room na ’to kaya hindi ako kumatok” Sabi ni James na nakangisi pa rin. Ewan ko ba kung sincere talaga ang paghingi niya ng tawad.

“So anong ginagawa mo dito sa room ko?” Naiilang kong tanong.

“Ahhh. Right! Pinaparemind ni Jules na aalis na raw kayo in 10 minutes” Ngayon ko lang napansin na nakaboxer short lang siya at sa bandang pusod niya ay nakasuksok doon ang kaniyang PS Vita. Napansin niyang napatingin ako sa bahaging ibaba niya kaya napangiti siya at nagsalita.

“Gusto mo bang hawakan?” Tanong niya at nakangisi pa rin ito.

“Excuse me?” Tugon ko na para bang ayaw talaga.

“I mean gusto mo bang hiramin yung PS Vita ko? I have a spare unit na pwede mong hiramin” Sagot niya habang nakatingin sa PS Vita niyang nakasuksok sa kaniyang boxer shorts.

“Ah no thanks. Nagtaka lang ako at saka hindi ako marunong maglaro sa PS Vita, nakikinood lang ako sa mga classmates kong naglalaro sa school” Pagdepensa ko habang hinihigpitan ang tuwalyang pinulupot ko sa aking baywang.

“I can teach you” dugtong niya na mabilis kong tinanggihan.

“Si-siguro next time na lang, kailangan ko na rin magbihis dahil nag-aantay na sakin si Jules” Mabilis kong sagot dahil baka kung saan pa mapunta ang usapan na ’to. Kinakailangan kong pigilan ang aking sarili hanggang kaya ko pa.

“Oh sure.. Whenever you need me, you can go straight to my room. You don’t have to knock on my door, just come inside dahil nakita mo na rin naman lahat ng sa’kin at nakita ko na rin ’yong sa’yo kaya patas na tayo” Kumindat siya at tumalikod palabas ng kwarto at sinara ang pinto.

Nilalandi niya ba ako o inaakit?

First time kong maranasan ang ganitong eksena at hindi pa ako nakitaan ng ibang tao na hubo’t hubad maliban kay mama. Ang malas ko pa ay nakalimutan kong ilock ang pinto ko kagabi. Paano na lang kung gahasain ako ng magkakapatid? Ano na lang magiging laban ko? Pero okay lang naman sa’kin basta si Josh ang mauuna at bahala na ang ibang sumunod. Biro lang! At saka ayoko no, baka kung si Jethro pa ang gumahasa sa akin ay baka pagkatapos niyang pagsawaan ang aking katawan ay agad-agad niya akong patayin at itapon sa dagat. No way!

Tinigil ko na ang paglulucid dreams at nagbihis na ako ng damit. Suot ko ngayon ang black skinny jeans at plain shirt na pinatungan ko ng pink na polo. Tapos nagsuot ako ng white airmax na sapatos para makompleto ang OOTD ko. Nang matapos akong mag-ayos ay sunod ko namang tinungo ang dining hall kung saan nag-aantay sa akin si Jules. Pagkarating ko roon ay agad kong napansin si Jethro na nagbabasa ng dyaryo. Nakasuot siya ng white na long sleeve at pinaresan ng dark blue na slacks, pati iyong coat niya ay dark blue rin na nakasabit sa sandalan ng upuan. Maganda tingnan sa kaniya ang kaniyang suot dahil gawa ito sa silk na ang tingkad tingnan. Mas napapaangat nito ang taglay niyang kagwapuhan. Kahit na isa siyang abogado ay hindi niya parin nakakalimutang maging stylish sa pananamit.

Naglakad na ako palapit sa mesa nang mapansin ako ni Jethro na nakatingin sa kaniya. Mabilis siyang nagtaas ng kilay habang nakatitig sa akin. Ilang sandali lang at binalik niya rin ang kaniyang paningin sa kaniyang binabasa. Hindi ko mapigilang mapakunot noo dahil sa maagang pagsusungit nito. Uupo na sana ako para kumain sa masarap na hinain ni Josh pero pinigilan ako ni Jules na ngayo’y nakasandal sa pinto.

“Come on Eisen. We don’t have much time for that. Dumaan na lang tayo sa drive-thru at sa kotse ka na lang mag breakfast” Pagmamadali sakin ni Jules at agad naman akong tumayo.

“Seriously Jules papakainin mo siya sa fast food? That’s so unhealthy! Give him at least 5 minutes to eat” Naiiritang sabi ni Josh, syempre sayang naman ’yong breakfast na hinain niya tapos hindi naman pala kakainin.

“No we’re leaving!” At agad niya akong hinila palabas ng dining hall. Rinig na rinig ang pagsigaw ni Josh dahil sa ginawang paghila sa akin ni Jules palabas ng dining hall.

Sorry Josh, next time kakainin ko lahat ng ihahain mo pati ’yang sa’yo ay kakainin ko rin.

Just kidding! Ano ba ang aga-aga. Kasalanan ’to ni James eh. Ang aga-aga akong nilandi. Kung anu-ano tuloy ang naiisip ko. Hindi ko na namalayan na nakarating na pala kami ni Jules sa parking area kung saan nakapark ang iba’t ibang uri ng magagarang sasakyan. Gaano kaya kayaman ang Wells family para maafford ang lahat ng ’to? May nadaanan akong unit na black na Maserati. OMG! Meron din silang Ferrari at iba’t ibang brand ng sasakyan. Pero agaw pansin sa’kin ang kulay dilaw na Lamborghini na kung saan nakasakay si Jules. Sobrang gwapo at hot niya sa suot niyang nike shirt na black at kulay blue na fitted-ripped jeans. Nakasuot din siya ng varsity jacket na pinaresan niya ng maganda shades na lalong nagpalakas ng kaniyang sex appeal. Hindi ko mapigilang mapakagat ng labi dahil sa aking nakikita. Hindi ko man lang namalayan na nakalapit na pala ako sa pinto ng kotse habang nakatitig pa rin sa kaniya.

“Why are you biting your lip, sobrang hot ko ba?” Hindi pa ako nakakasagot nang bigla siyang ngumiti na nagpaangat sa kaniyang kagwapuhan na naging dahilan para mamula ang aking pisngi.

“Ahh-ehh… natatakam na kasi ako.. I mean nagugutom na ako. Ang sarap kasi ng hinain ni Josh kaso hindi ko man lang natikman” Ang obvious ng kabaklaan ko.

“Mas masarap ako dun, wanna try?” Nakangiti niyang sambit. Pakiramdam ko ay biglang nangatog ang aking mga tuhod dahil sa kaniyang sinabi.

“Just kidding.. ginigising lang kita dahil mukhang inaantok ka pa oh” Sabay hawak sa buhok at ginugulo. Hindi ako nakapagsalita kaya napilitan na lang akong ngumiti dahil sobrang awkward ng sitwasyon.

“Have a seat nang makaalis na tayo” Agad naman akong pumasok at nagsuot ng seat belt pagkaupo ko.

“Saan mo nga pala gustong mag drive thru?” Tanong niya sa akin habang nagmamaneho siya palabas ng gate na agad namang binuksan ng guwardiya nang makita kaming palabas.

“Kahit saan basta malapit lang para makarating din agad tayo ng school” Nahihiya kong tugon.

Nang makarating kami sa kalsada ay binuksan niya ang roof ng sasakyan. Ang sarap sa pakiramdam ng preskong hangin habang bumibyahe. Di kagaya sa manila na paglabas pa lang ng bahay ay polusyon na agad ang maamoy mo. Isama mo pa ang amoy isang linggo pang hindi naliligo na pedicab driver, kaya sa byahe pa lang haggard kana.

“Napansin ko kasi na medyo basa pa iyong buhok mo kanina kaya binuksan ko para matuyo” Sabay himas niya sa batok ko. Siya yung version ni Josh na cool at happy-go-lucky. Kaya hindi na ako magtatakang maraming nagkakagusto rito bukod sa gwapo ay napakabait pa. Hindi mawala ang ngiti sa aking mga labi dahil kahit papano ay may mga tao sa mansion na pakiramdam ko ay tanggap ang pagdating ko sa kanilang buhay.

Patuloy ang pagtakabo ng sasakayan at habang binabaybay namin ang daan ay hindi ko pa rin mapigilang mamangha kapag nakikita ko ang dagat na para bang palagi akong inaayang maligo o kaya mamangka.

“Gusto mo sa weekend magswimming tayo sa dagat?” Tanong niya sa’kin habang nakangiti pero pabalik-balik pa rin ang tingin niya sa daan dahil nagmamaneho siya.

“Sure, sobrang gusto ko nang maligo. Kung wala lang akong pasok ngayon ay tiyak naliligo na ako sa dagat” Masaya kong tugon. Sino ba naman kasi ang may ayaw sa dagat na sobrang nakakawala ng stress lalo na kapag nasilayan mo ang paglubog ng araw.

“So it’s a date then?” Nagulat ako nang banggitin niya ’yon kaya naman mabilis akong napalingon sa kaniya.

“Ha? Hindi mo lang ba isasama mga kapatid mo?” Syempre kinilig na ako sa word na ‘date’ pero hindi ko lang pinapahalata.

“Nope, it’s a private beach resort and it belongs to us. They can come if they want to pero much better na tayong dalawa lang para mas makilala pa kita at maging close pa tayo” Sagot niya na nagbigay pa ng isang kindat.

“O-kay” Naiilang ko na tugon at sabay iwas ng tingin sa kaniya.

 Naging tahimik ang ilang sandali nang pagbaybay namin sa daan. Hindi pa naman kami gano’n ka-close kaya ayokong magsimula ng usapan. Kahit na hindi siya nagsasalita ay hindi pa rin nawala ’yong panay na pagtingin niya sa akin na labis kong kinaiilangan. Ilang sandali pa ay natanaw ko na ang McDonalds. Pagkarating namin ay agad niyang pinasok sa drive thru ang kotse para makaorder ng pagkain.

“Anong gusto mo?” Tanong niya habang nag-aantay ng order ’yong nasa cashier. Hindi ko alam kung anong tawag doon sa malaking speaker na kung saan siya nagsasalita para kumuha ng order basta iyon na ’yon, first time ko kasi makasama sa drive thru dahil wala naman kaming kotse.

“Ikaw” Maikli kong tugon. Ang ibig kong sabihin noon ay siya na ang bahala sa order.

“What? Dapat sinabi mo na kanina pa, edi sana hindi na tayo umalis ng bahay kung ako lang pala gusto mong breakfast” Pilyong niyang sagot at bigla na lang niyang hinubad ang kaniyang suot na varsity jacket na ikinataranta ko.

“No, I mean ikaw. Ikaw ang bahala kung anong gusto mong orderin” Nauutal kong tugon dahil parang tototohanin niya talaga ang paghuhubad.

“Okay, can I have 2 cheesy eggdesal and 2 hash browns with 2 regular coffees please” Sabi niya agad sa cashier na kanina pa naghihintay sa aming order.

Ilang sandali pa ay pinaandar niya ulit ang sasakyan para makuha na ang order namin. Pagkakuha ng mga pagkain ay inabot niya na agad sa akin ang paper bag na naglalaman ng mga pagkaing inorder niya pati na rin ang dalawang coffee na nasa coffee holder. Nang masiguro niyang kompleto na ang aming order ay kaagad niyang pinaandar ang sasakyan. Mabuti na lang at medyo smooth ang daan dahil kung hindi ay nagkapaso-paso na ang hita ko sa hawak kong kape. At habang nasa byahe ay hindi maiwasan ng mga taong nakakasalubong namin na mamangha sa sasakyan ni Jules. Ikaw ba naman, Lambhorgini pamasok lang sa school. Sinong hindi mapapawow?

Habang tumatagal ay unti-unting bumabagal ang takbo ng sasakyan ni Jules. Hindi ko alam kung may problema ba o sadyang binabagalan niya ang sasakyan hanggang sa iparada niya ang koytse sa gilid ng daan.

“Let’s eat here” Sabi niya matapos niyang patigilin ang makina ng sasakyan.

“Hindi ba tayo male-late? Okay lang naman sa akin kahit sa school na tayo kumain” Tugon ko dahil ayoko namang malate sa unang araw ng aking klase.

“Ayos lang yan, we still have 20 minutes. It’ll take us 5 minutes para makarating sa school and don’t worry dahil ihahatid kita mismo sa building niyo para hindi ka na mahirapang maghanap” Hindi na ako nakipagtalo sa kaniya at sinimulan ko na rin ang pagkain ng cheesy eggdesal dahil kanina pa talaga ako nagugutom. Buti na lang ito ang inorder ni Jules dahil mabilis naming mauubos ito.

Pagkaubos ko ng cheesy eggdesal sinimulan ko naman kainin ang hashbrown habang humihigop ng coffee. Narinig ko na lang na may kausap sa cellphone si Jules at rinig na rinig ko ang boses ng isang babae. Napatingin ako sa kaniya, naubos na pala niya ang kaniyang kinakain at humihigop na lang siya ngayon ng kape. Iniwas ko na rin agad ang pagtingin sa kaniya dahil baka isipin niyang nakikinig pa ako sa usapan nila. Habang ako ay humihigop ng kape ay bigla na lang nagtanong si Jules.

“May kapatid ka bang babae?” Tanong niya at napalingon ako.

“Ako?” Sabay turo ko sa sarili ko. Saka ko lang napansin na wala na pala siyang kausap sa cellphone.

“Yes, dahil tayo lang naman dalawa ang nandito” Nakangiti niyang sambit.

“Ah sorry…akala ko kasi may kausap ka pa sa phone. Wala only child lang ako” Muli akong humigop ng kape matapos akong sumagot.

“Ahh.. I see” Tila naging malumanay ang kaniyang boses kaya muli akong napalingon sa kaniya.

“Bat mo naman na tanong?” Pang-uusisa ko ngunit mabilis siyang umiling.

“Never mind” Tugon niya at ngumiti sa akin.

“Ang clumsy mo kumain look may cheese ka pa sa gilid ng labi mo” Agad niyang pinunasan gamit ang right thumb niya at saka niya sinubo ito. Para akong aatakihin sa puso dahil sa ginawa niya.

“Shall we?” Tanong niya at tumango lang ako bilang tugon. Hindi na ako nakapagsalita, binaling ko na lang ang sarili ko sa daan kasi feeling ko namumula pa rin ang mukha ko sa pinaggagawa ni Jules sa akin.

Tahimik ang limang minuto na naging byahe namin hanggang sa makapasok kami sa gate ng university kung saan pinapapasok ang mga sasakyan. Nagpakita lang siya ng ID naming dalawa at pinapasok na kami.

Malaki ang University na ’to, halos tatlong beses ang laki kumpara sa dati kong pinapasukan sa Caloocan. Ilang buildings din ang dinaanan namin. Ngayon napag-alaman ko na nasobrang sikat pala ni Jules dito sa University. Halos lahat ng madaanan naming mga estudyante ay kakilala niya o kilala siya. May mga grupo ng mga babae ang naghihiyawan nang mapadaan kami sa kanila pero nginingitian niya lang ang mga ito at sabay titingin sakin at kikindat.

Sa wakas at nakarating din kami sa building ng Psych. Yes, psychology ang kursong kinuha ko. Mabuti na lang at may mga na credit na ilang units galing sa dati kong school dahil mahirap ang mag back to zero. Bumaba na rin ako ng sasakyan nang ihinto ito ni Jules sa harap ng building. Dinampot ko na rin ang paper bag na naglalaman ng mga pinagkainan namin kanina para itapon sana sa basuran nang may lumapit na magandang babae kay Jules.

“Hi Babe” Sabay kiss ng babae kay Jules sa lips.

“Ohh Hi, ang aga mo ngayon ah and what are you doing here?” Tanong ni Jules habang nakahawak sa baywang ng babae.

“You know Vice President duties …and who is she?” At saka niya lang ako napansin.

She? Alam ko naman talaga na mukha akong babae, so no big deal.

“HE! He’s my step brother, the one that I told you before na magiging part ng family namin” Sabay kiss sa pisngi ni girl.

Aba at sa harap ko pa talaga sila naglandian

“Ohh mukha kasi siyang girl na, you know boyish..no offense tho” Nakangiti niyang sabi sakin.

At pinagkamalan pa talaga niya akong tibo ahh.. kung hindi lang putok yang make up mo mas maganda pa ako sa’yo no!

Naghahanap ata ’to ng away pero ngumiti na lang din ako. Sana wag umulan nang malakas at bumaha kasi pag nangyari ’yon kaming dalawa lang ng babaeng ’to ang lulutang sa sobrang kaplastikan.

“Yeah, I know right. Masyado siyang maganda para maging lalaki” Nakangiti niyang sabi habang nakatingin sakin. Ngayon ko lang napagtanto na sobra pala ang pagkaplay boy nitong si jules.

“Too bad he’s still a guy” Nagpapout pa siya grabe ang sarap sungalngalin ng ampalaya ng babaeng ’to. Napakabitter!

“And wait, did you just ate inside your car?” Tanong niya na halos hindi makapaniwala.

“Yep we’re running out of time na, so we went to McDonalds drive thru to get something to eat” Pagpapaliwanag ni Jules.

“So unfair, you never allow me to bring any drinks inside your car kahit naka tumbler pa ito dahil ayaw mo madumihan o mabasa yung seats” Pag-iinarte ni girl.

“I told you, it’s just that we don’t have much time” Sabay kiss ulit sa pisngi ni girl. Itong makereng babae naman ay mabilis na napaamo sa konting lambing lang ni Jules. Habang abala sila sa paglalandian ay saka ako lumapit sa basurahan na malapit lang sa kinakatayuan ni girl. Gusto ko na nga lang ibato ’to sa kaniya kung wala lang si Jules eh.

“Oh! By the way, hindi ko pa pala kayo napapakilala sa isa’t isa. Eisen meet Andrea my girlfriend and Andrea meet Eisen my step brother” Pagpapakilala niya sa amin. Bagay sa kaniya ang pangalan niya, Andrea Maldita.

“Nice to meet you” Syempre pilit na ngiti lang at inabot ko ang kamay ko para makipag hand shake pero nag wave lang siya at hindi inabot ang kamay ko o di ba napahiya pa ako.

“Ay babe, samahan mo naman ako sa Dean’s office para iabot ’tong mga papers na ’to” Sabay sandal sa braso ni Jules.

“Eisen, kaya mo na bang hanapin ’yong room mo?” Tanong ni Jules.

“I can manage na. Saka samahan mo na si Andrea baka siya pa ang maligaw dito” Nakangisi kong sabi na mukhang kinainis ni girl.

“Are you sure, if you have any problem just call me okay?” Sabi ni Jules habang naglalakad sila palayo sa akin.

“Yes” Maikli kong tugon. Nagpalitan na kami ng number kanina noong nag-aantay kami sa pag-claim ng order sa drive thru kaya alam ko kung sino ang tatawagan ko.

Malaki ang school kaya mas mainam na nakasakay ka pag-iniikot mo ’to. Maaari namang lakarin pero malakas maka-haggard pag ganitong maaraw. Noong nasasakyan na sila ay biglang lumingon si Andrea sa akin at binigyan ako ng sarkastikong ngiti habang nagwe-wave siya ng bye bye na tila nang-aasar. Syempre hindi ako magpapatalo kaya nag-wave din ako ng goodbye tapos tinira ko yung middle finger ko sa ere para i-fuck you sign siya. Napanganga si Andrea sa ginawa ko dahil hindi niya inaasahan na gagawin ko sa kaniya ’yon. Tinatapik niya si Jules para magsumbong pero parang hindi siya pinapansin ni Jules at saka palayo nang palayo ang sasakyan.

Naiwan akong mag-isa na natatawa dahil sa reaksyon ni Andrea. Ilang sandali pa ay naglakad na ako papuntang hagdan dahil base sa mapa na binigay ni Jean ay sa second floor ng building ang unang klase ko. Oo, detailed ang binigay na mapa ni Jean kaya hindi ako basta basta mawawala. At pagtungtong ko sa pangalawang baitang ng hagdan ay may biglang bumunggo sa akin kaya na out-balance ako at natumba ako sa sahig.

“ARAY!” Hindi ko napigilang mapasigaw dahil ang sakit ng pagkakabagsak ko.

“Are you okay?” Sabi ng lalaking nakabunggo sa’kin.

“Sa tingin mo ba okay lang ak–” Natigilan ako sa pagsasalita nang makita ko ang mukha niya.

Itutuloy…

Chapter 4: Trouble maker

Bernard as Bjorn

  ![](https://img.wattpad.com/522e90432746fd7ff6ae8ca9b8fbfa40011b2f9b/68747470733a2f2f73332e616d617a6f6e6177732e636f6d2f776174747061642d6d656469612d736572766963652f53746f7279496d6167652f66574c5f6e483737456c445172773d3d2d3530363632363536382e313466663865643262386538636464363339373238323633313632342e6a7067)

Eisen’s POV

Nang ako ay makatungtong sa ikalawang baitang ng hagdan ay bigla na lang may bumunggo sa akin. Ito ang naging dahilan upang mawalan ako ng balanse at ako’y bumagsak sa sahig. Sa lakas ng pagkakabagsak ko ay hindi ko lubos maisip kung papano niya pa ako nagagawang tanungin kung maayos ba ang kalagayan ko. 

“Sa tingin mo, okay lang ak-”

Natigilan ako sa pagsasalita nang makita ko ang kaniyang maamong mukha. Biyayang maituturing sa kaniya ang pagkakaroon ng matangos na ilong at nakakasilaw na kaputian ng kaniyang balat. Ang kaniyang mga mata ay sadyang nakakalusaw kung makatingin kahit na may kasingkitan ito. Tila isa siyang banyaga na nagmula sa china o sa korea dahil sa uri ng pananamit nito na pinaresan ng makapal niyang bangs. Hindi ko alam kung ano ba ang nagawa ko. Hindi ko naman hiniling ito kay Santa, pero bakit lagi na lang akong nakakatagpo ng mga gwapong lalaki na tiyak na hindi naman magiging akin. 

“I’m so sorry. Nakatingin kasi ako sa aking relo habang naglalakad at sa sobrang pagmamadali ko ay hindi ko na nagawang tingnan ang aking dinadaanan” Paghingi niya ng tawad matapos siyang makalapit sa akin. Bakas naman sa kaniyang mukha na sincere ang kaniyang paghingi ng tawad kaya mabilis ko siyang napatawad. 

“Ahmm..okay lang hindi naman masyadong masakit” Pagsisinungaling ko, pero sa katunayan ay masakit talaga ang pang-upo ko. Kanina lang ay inis na inis ako sa kaniya. Pero mabilis nagbago ang emosyon ko nang makita ko ang kaniyang maamong mukha. 

Sige nga, gwapong lalaking nakabangga sa ’yo at humihingi ng taos-pusong pagtawad. Aarte pe be?

“Are you sure? I can bring you to the clinic just to make sure na hindi ka nabalian” 

“No okay lang ako…kaya ko naman tuma-ah..” Napangiwi ako sa labis na pananakit ng aking balakang patungo sa aking pang-upo. 

“Tara dadalhin na kita” Pagpupumilit niya ngunit mariin ko itong tinanggihan.

“Ah..salamat na lang. First day ko kasi ngayon sa klase at ayokong magkaroon kaagad ng absent sa unang araw ko” Tugon ko habang iniinda ang pananakit ng aking balakang at pang-upo. Tila nakipagtalik ako ng magdamagan at ngayon ay lubos na nanakit ang aking balakang. Pero syempre biro lang, hindi ko pa rin naman nararanasan ’yon. Virgin pa kaya ako…. sa ngayon.

“Anong room number ba ng klase mo nang maihatid kita?” 

“Room Psych 5”

“Great! Psych 5 din ako, tara?” 

Hindi na niya inantay ang itutugon ko at kaagad niyang nilagay ang aking braso sa kaniyang balikat at marahan niyang nilagay ang kaniyang kaliwang kamay sa aking tagiliran. Dahan-dahan niya akong inalalayan paakyat sa hagdan, habang ang kaniyang kamay ay nanatili sa aking tagiliran upang umalalay. Mabuti na lang at nasa second floor lamang ang una kong klase dahil sobra talaga ang pananakit ng aking balakang. Sa bawat hakbang ay tila may kuryenteng tumatama sa aking katawan na siyang nagbibigay ng matinding sakit. 

Ilang sandali pa ng pagtitiis ay narating din namin ang aming kwarto kung saan gaganapin ang una naming klase. Sa sandaling makapasok kami sa loob ng kwarto ay kaagad napunta sa amin ang atensyon ng mga taong nasa loob nito. Nagsisimula na pala ang klase pero hindi kami napansin ng professor dahil abala siya sa pagsusulat ng kaniyang pangalan sa whiteboard. Mabuti na lang at may bakanteng upuan sa dulo at doon kaming dalawa naupo. Napangiwi ako sa sakit sa sandaling ako’y makaupo. Tila may naupuan akong sobrang tigas na bagay na labis kong iniinda. 

“Are you alright?” Bulong niya sa akin at ako’y napatango na lamang kahit na sobrang sakit. Kung hindi lang talaga ’to gwapo ay malamang nasapak ko na ’to. Nilibang ko na lang ang aking sarili sa pamamagitan nang paglibot ng aking paningin sa loob ng classroom upang makalimutan ko ang pananakit. Tumingin ako sa whiteboard na kung saan kasalukuyang nagsusulat ang aming professor. 

“Okay class, My name is Juanito Cantateros. You can call me Mr. Cantateros as in ‘C’ not ‘K’.. okay? Pero mas maappreciate ko kung tatawagin niyo akong Mr. Johnny Singers” Sabi niya na ikanatawa ng aming mga kaklase.

“I am your Professor in Psychology 102 at meron akong mga rules during class. Una ayoko ng mga bubuyog na nagbubulungan habang nagdidiscuss ako. Pangalawa, ayoko ng coaching during recitation ang magcoach automatic 3.0 ang matatanggap sa akin. At ang pinaka ayoko sa lahat ay ang lates! Kaya ’yong dalawa sa likod” Sabay turo niya sa aming dalawa noong lalaking nakabunggo sa akin. Hindi ko pa pala nakukuha ang pangalan niya simula kanina pero ang aalalahanin ko muna iyong prof namin na nakatingin sa amin pati na rin ang buong klase.

“Akala niyo ba hindi ko napansin na late kayo? Bago ako magsimula ng klase ay tinatandaan ko muna ang mga taong nasa loob kaya alam kong late kayo kasi hindi ko kayo nakita kanina. At dahil diyan simulan mo ang pagpapakilala!” Sabay tingin sa akin, pero hindi pa ako sigurado kung ako talaga ang tinutukoy niya kaya nagtanong ako para makasigurado.

“Ahm-ako po?”

“Ay hindi, yung tinutukoy ko ay yung babaeng duguan na nakayuko ang ulo na nasa tabi mo” 

Natakot ako kaya agad naman akong lumingon sa bakanteng upuan na nasa kanan ko. Halatang natakot ako non, kaya noong paglingod ko ay agad nagtawanan ang mga kaklase ko.

“Syempre ikaw.. Sino pa ba ang nasa dulo diyan sa may likuran, di ba ikaw lang naman? Make it quick dahil marami pa kayo!” Nataranta ako sa pagmamadali niya sa akin kaya naman nabigla ko ang aking sa sarili sa pagtayo at kaagad napayuko dahil sa pananakit ng aking pang-upo.  Ramdam ko ang pagtulo ng pawis sa aking pisngi hanggang sa aking leeg at hindi ko magawang makapagsalita. 

“Okay ka lang ba? Hindi ka naman mag-iispeech kaya wag kang kabahan” 

Kanina pa ’to okray nang okray ’tong professor namin sa akin. Pasalamat siya at masama ang pakiramdam ko. Kung hindi ay nadale ko yung panot niyang buhok na tila isang bagyo na lang ang darating at tatangayin na silang lahat.

“Baka Sir natatae, tingnan niyo po oh..pinagpapawisan ng malamig” Sabi ng isa kong kaklase na siyang ikinatawa ng buong klase. 

Bastos ’yon ahh.. pasalamat siya at hindi ako masyadong makalakad. Kung hindi ay nakatikim na ’to ng taijutsu. Grabe ’yong first class at first day ko parang nabubully na kaagad ako.

“No, It’s just that I am not feeling well today and I’m sorry. By the way my name is Eisen Fuentes. I’m just new here so please be good to me, thank you” Mabilis kong sabi ngunit may pahabol na tanong si sir.

“If you’re new here, saan ka nakatira before at saan kana nakatira ngayon?”

“Dati po ay nakatira po kami ng mama ko sa Caloocan, pero ngayon nakatira na kami sa Wells Manor” 

“How are you related to the Wells Family? Kaano-ano mo si Jules at Jean?” 

“Step Brothers ko po sila”

Halata ang pagkagulat sa mukha ni Sir Okray, pero parang hindi parin siya kumbinsido. Kanina lang ay may mga nagtatawanan, pero bigla na lang silang tumahimik nang marinig nilang naninirahan ako sa pamilya ng mga Wells. Kaagad naman akong pinaupo ni Sir at sumunod namang nagpapakilala ay ang lalaking nakabunggo sa akin.

“Hi my name is..”

Utang na loob wag kang magsisimula sa letrang ‘J’.

“Bjorn Calix Fernandez, you can call me Bjorn. Nakatira ako sa may Lipa and I’m new here too”

Finally! Good-looking guy na hindi nagsisimula sa letter ‘J’ ang pangalan. 

Kapansin-pansin ang bulong bulungan ng mga kaklase kong babae at mga bakla na tila pinag-uusapan nila si Bjorn. Parang mga bubuyog na kinikilig ang mga haliparot. 

“And please don’t tease him” Dugtong niya at sabay tingin sa akin.

Ay anong meron?

“Ako kasi ang nakabunggo sa kaniya kanina bago kami makaaakyat dito. Napalakas ang pagbagsak niya kaya nahihirapan siyang maglakad o tumayo,  sana maintindihan ninyo ang kalagayan niya” Mahinahon niyang sabi na nagpamangha lalo sa aming mga kaklase dahil sa pagiging Mr. Nice Guy niya. Iyong mga bakla kong kaklase ay nakatingin sa akin na parang nagsasabing “Kainggit ka girl, sobrang nakakakilig” ganiyan na ganiyan sila makatingin. 

Nang matapos ang pagpapakilala ni Bjorn ay iyong katabi naman niya ang sumunod na nagpakilala hanggang sa natapos ang lahat magpakilala. Maagang nagpadismiss si sir at nagbigay lang siya ng mga pointers to review para may idea na kami sa magiging discussion sa next meeting. Dahil maaga kaming nadismiss pinilit ako ni Bjorn na pumunta ng clinic at heto inaalalayan niya ako pababa ng building. Mabuti na lang at katabing building lang namin ang clinic, kung hindi ay baka nalumpo na ako sa kakalakad. Bago pa man kami makapasok ng clinic  ay may biglang tumawag sa pangalan ko.

“Ahh… Sorry pala kanina, sana wag mong seryosohin ’yong naging joke ko” Magkahalong hiya at takot ang pagkakasabi niya. Siya ’yong nagsabi sa’kin kanina na mukha raw akong natatae eh siya nga ’tong mukhang tae. Napag-alaman ko na Robert ang pangalan niya, syempre tinandaan ko para makapaghiganti ako sa kaniya. Pero ngayon ay mukhang taos-puso naman ang kaniyang paghingi ng tawad kaya ayos na sa akin ito.

“It’s okay, hindi naman ako balat sibuyas”

“Sal-salamat” 

Ano bang kinakatakutan nito eh mas mukha pa ngang nakakatakot pagmumukha niya sa akin?Hindi ko na siya inusisa pa kaya tumango na lang ako at kaagad naman siyang umalis. Bigla naman bumulong sa tenga ko si Bjorn na medyo nakakakiliti. Ramdam na ramdam ko ang mainit niyang hininga na lalong nagpapalambot sa akin.

“Tara na? Mukhang pinagpipyestahan na tayo dito” Sabay tingin sa paligid at nagtilian naman ang mga kababaihan at mga bakla nang bumulong si Bjorn sa akin. Saka ko lang napansin ’yong mga babae at baklang kumukuha ng pictures namin. Hindi na ako nag-atubiling pumasok sa clinic dahil baka kung ano pa ang isipin nila sa amin ni Bjorn.

Mabuti na lang at may available na doctor ng mga oras na iyon. Yes, hindi lang dalawang nurse ang meron dahil meron ding  doctor dito sa clinic ng magarang school na ’to. Agad naman kinausap ni Bjorn ang nurse habang ako’y nakaupo sa couch at inaantay matapos ang doctor sa nauna niyang pasyente. At ilang sandali pa ay pinatawag na ako para pumasok sa isang private room para macheck ako nang husto. Pagkapasok ko rito ay agad nagpakilala ang doctor na si Dr. Marvin Alvarez. Napapuso na naman ang mga mata ko dahil ang gwapo ng doctor na ’to. Malaki ang pangangatawan nito na halatang madalas mag-gym.  Moreno siya at matangkad. Tinanong niya ako kung ano nga ba ang nangyari at naikwento ko naman sa kaniya ang lahat, kaya hinawakan niya ang balakang ko para macheck ’yong parte kung saan masakit. At kung saan saan pa siya nagkakakapa na minsa’y ikinakangiwi ko sa sakit. Ilang saglit pa ay pinatawag niya ang nurse para alalayan ako papuntang x-ray room para macheck kung may nabali bang buto sa akin. Oo, may x-ray sila dito at ilang simple equipment na malaki ang naitutulong. Matapos makita ni Doc ang resulta ay sinabi naman niya na wala namang nabali sa akin at bigla na lang niya akong inutusang maghubad.

“Hubarin mo ’yong pants mo at may ichecheck ako” 

“Huh, bakit po doc? Wag po!” kinakabahan na ako ng mga oras na ’yon kasi kanina lang ay panay ang kapa niya sa akin tapos ngayon ay pinaghuhubad na niya ako. Bigla naman siyang natawa  sa naging reaksyon ko. 

“You’re funny. But seriously, I need to check if meron bang namamaga sa balakang mo o sa pwet mo kaya ka nahihirapan maglakad. Don’t worry, I’m a professional doctor and it’s my job”

Nahihiya talaga ako kasi naman di ba nasabi ko nang wala pang nakakakita ng hubad kong katawan maliban kay mama. Pero kahit na nahihiya ako ay ginawa ko pa rin at tumalikod. Saka ko tinakpan si patootie ko dahil baka makita pa siya ni doc.

“Ahh I see, meron ngang swelling sa kanang pisnge ng pwet mo” Sambit niya at may pinapahid siya sa kanang pisngi ng pwet ko. Ang dulas nito at may kalamigan. 

“Doc ano po yang nilalagay ninyo?”

“Its an ointment para hindi lumala ang pamamaga. You can now pull your pants up” 

Kaagad ko namang sinuot ang aking pantalon matapos niyang banggitin ito. Pagkasuot ko ng aking pantalon ay saka ako humarap sa kaniya. Nakita kong may sinusulat siya sa isang puting papel at inabot sa akin.

“Kumain ka na ba?”

“Kaninang breakfast pa po”

“Okay, kailangan mo munang kumain bago inumin ang gamot na ito dahil mataas ang dosage niyan. Nag-prescribe narin ako ng painkillers para kahit papano ay makayanan mo ang pananakit”

“Thank you Doc”

“By the way meron ka bang ibang klase today?”

“Meron pa po akong dalawang klase after lunch, bakit po?”

“Okay, I’ll notify your professors na lang. Kailangan mong ipahinga ’yan kasi pagnilakad lakad mo pa ’yan the whole day ay baka mas lalo pang lumala ang iyong kalagayan”

“Pero Doc it’s my first day, mahirap di naman po na wala agad ako sa unang araw ng mga klase”

“Ano bang ginagawa sa first day of class? Introduction lang naman at attendance ang madalas. So wala kang mamimiss masyado at saka may excuse ka para mag-absent”

“Okay”

Wala na akong nagawa at pumayag na lang ako sa sinabi ni doc. At saka nakakahiya rin naman na magpaalalay ako kay Bjorn ng buong araw kahit na siya pa ang may kasalanan nito. Hindi rin naman niya sinasadya ang mga nangyari. Tinanong naman ako ni Doc kung sino ang pwedeng mag-sundo sa akin pauwi. Napaisip ako na hindi pwede si Jules kahit na may number niya ako kasi sa pagkakaalam ko ay meron pa siyang klase mamaya. Kahit na sinabi niya na sabay kaming umuwi ay ayoko pa rin naman siyang abalahin. Hindi rin naman pwedeng si Jean dahil nga may klase siya at rehearsal kasama ang kaniyang banda. Baka magalit pa ’yon pagnaabala ko siya. Nakalimutan ko ring kunin ang number ni Josh at siya lang ang pwede kong mahingan ng favor sa ganitong pagkakataon. Wala na akong ibang choice kaya sinabi ko kay doc na magtataxi lang na lang ako pauwi.

“No! kailangan may umalalay sayo” Sabi niya habang palabas kami ng private room.

“Ako na lang po ang maghahatid sa kaniya sa kanila doc, tutal kasalanan ko rin naman ang mga nangyari.” Sabi ni Bjorn na tila alam ang pinag-uusapan namin. 

“Hindi pwede. Sa pagkakaalam ko ay magkaklase kayo ni Eisen kaya may classes ka pa na papasukan ngayong araw” Saad ni doc at lumapit siya sa isang nurse na may inaayos na file sa desk.

“Nurse Jen, pakikuha ng student number niya at pakihanap ng contact person niya sa database. Maaring tawagan mo ito para ipasundo siya dito at pasunurin mo na rin ang next patient sa room” 

Hindi na ako nagpumilit pa dahil kaagad tumalikod si doc patungo sa kwarto upang asikasuhin ang susunod niyang pasyente. Napaisip ako kung sino ang contact person na nakalagay sa kanilang database. Wala rin naman kasi akong alam kasi si mama naman lahat nag-asikaso ng pagtransfer ko. Kung si mama ang nandon ay balewala rin kasi nasa Macau siya ngayon. Narinig ko na lang na may kausap na ang nurse sa telepono at pagkababa niya ay sinabihan niya akong mag-antay na lang dahil papunta na raw ang magsusundo sa akin.

Sino kaya ang magsusundo sa akin? Hindi namang pwede si James dahil hindi mo mapapalabas ng mansion ‘yon at saka bat’ niya naman gagawin ’yon para sa akin? Hindi rin pwedeng si Jethro dahil mukhang may pupuntahang client dahil bihis na bihis siya kaninang umaga at saka ayokong siya ’yong magsusundo sa akin, baka sigaw-sigawan niya pa ako dahil naabala ko pa siya. Baka si Josh dahil sa pagkakaalam ko ay gabi pa ang ang pasok niya sa kaniyang pinagtatrabahuhang restaurant. Buti sana kung si Josh, at least kampante akong magiging okay ang lahat. Saka ko lang din naisip na maaaring si Manong Magno ang magsundo sa akin dahil meron naman silang available na driver.

Ilang minuto pa’y may tumawag muli sa telepono at agad namang sinagot ni nurse Jen. Sinabi niya sa akin na nasa labas na raw ng clinic ang sundo ko. AGAD-AGAD? Ambilis naman ng byahe ni Josh. Kaagad naman akong inalalayan ni Bjorn palabas ng clinic at nakita ko kaagad ang nakaparadang sasakyan na Maserati Gran turismo na kulay blue. Nakasandal sa gilid ng sasakyan ang isang lalaking may kausap sa kaniyang cellphone. Nakasuot ito ng longsleeves na puti, slacks na gawa sa silk na kulay asul at may suot na shades na nagpaangat pa lalo sa kaniyang kagwapuhan. Madami ang nakapansin sa kaniya na akala nila ay isang artista dahil sa pananamit at magarang sasakyan nito. At tama kayo ng hula, si Jethro nga ang sumundo sa akin.  Ewan ko ba at bakit si Jethro ang nandirito. Don’t tell me na siya ang nakalagay sa contact person ko? Kada may maling mangyayari sa akin sa school ay siya kaagad ang makakaalam, patay talaga ako nito.

Inaalalayan pa rin ako ni Bjorn hanggang sa makalapit kami sa sasakyan ni Jethro. Saka niya lang ako napansin na iika-ikang maglakad na ikinakunot ng noo niya. Kahit na natatakpan ng shades ang kaniyang mga mata ay alam kong naiinis siya ngayon dahil naabala ko siya. Saka niya binaba ang cellphone at binuksan ang pinto ng kaniyang sasakyan. 

“Get in the car quickly” kalmado lang ang boses niya pero alam kong naiinis na siya sa loob-loob niya. At paano naman ako makakapagmadali? Eh hirap nga akong maglakad. Buti pa si Bjorn, inalalayan pa rin ako hanggang sa makaupo pero itong si Jethro ay nakatayo lang at nagmamasid. Pagkaupo ay agad akong nagpasalamat kay Bjorn.  Kakausapin ko pa sana siya pero sinara agad ni Jethro ang pinto. Siguro ay inis na inis na siya at handa na siyang katayin ako.

Winagayway ko ang aking kamay upang magpaalam kay Bjorn pero hindi niya ako napansin. Siguro tinted ang mga salamin kaya hindi niya ako makita kahit na dumudungaw siya. Nakita ko na lang na nakipag-usap sa kaniya si Jethro at makikipagshake hands pa sana si Bjorn sa kaniya pero di niya ito pinansin. Dinaanan niya lamang ito at binuksan ang isang pinto para pumasok sa loob ng kotse. Halatang napahiya si Bjorn at napangiti na lang habang nakahawak sa kaniyang batok.

Pinatakbo naman kaagad ni Jethro ang sasakyan palabas ng University. Pagkarating namin sa main road ay mabilis pa rin ang pagpapatakbo niya na tila may hinahabol. May mga parte ng daan na medyo hindi smooth kaya minsan ay napapangiwi ako sa sakit ng likod at pwetan ko. Iniinda ko na lamang ang pananakit ng aking katawan upang hindi niya mahalata at hindi na niya ako mapagalitan ngunit bigla na lamang itong nagsalita. 

“Who’s that guy?” 

“Ah.. Si Bjorn? Friend ko na kaklase ko rin” 

“Just your friend or your boyfriend?” Direcho lang ang tingin niya sa daan habang ako ay hindi  alam kung anong isasagot.  Bakit alam ba niya kung ano ako? Ganon na ba ako kahalata?

“Come on Eisen, I know what you are. Your mom told me and it’s so plain to see, so everyone knows that you’re gay”

So gano’n may “gaydar” ka rin? So bakla ka rin, ganern? Nakakaloka si mama bakit niya pa sinabi ’yon? Baka mailang na sa sa’kin si Josh. Pero kung alam na nila, eh bat gano’n pa rin ang trato nila sa akin? Siguro okay lang sa kanila maliban na lang kay Jethro.

“I have no issues regarding on your gender, but please wag kang gumawa ng mga bagay na maaaring ikahiya ng pamilya”

“Sinabi ko naman na kaibigan ko lang siya.  Siya ’yong nakabunggo sa akin kaya siya ang umaalalay sa’kin the whole time” Naiinis kong tugon. Ang hirap talagang magpaliwanag sa taong ’to.

Hindi na rin naman siya nagsalita at nagfocus na lang sa pagmamaneho ng sasakyan. Masakit pa rin ang pwetan ko sa tuwing may madadaanan kaming lubak. Siguro napansin niya ’yon kaya medyo binagalan niya ang pagmamaneho hanggang sa makarating kami sa mansion. Agad naman akong bumaba ng kotse dahil ayoko naman na abalahin pa siya para alalayan akong makapasok sa loob. Pagkalabas ko pa lang ay sobrang sakit nang una kong hakbang kaya napasandal ako sa sasakyan. Kakalabas lang din ni Jethro at nakatingin sa akin nang seryoso. Hindi na niya suot ang kaniyang shades kaya mas halata sa kaniya na hindi siya natutuwa sa mga nangyayari. Lumapit siya sa akin para alalayan ako papasok ng mansion.

“Huwag na! Okay lang ako, kaya kung pumasok” Sabi ko sa kaniya pero yung totoo ang sakit-sakit na talaga.

“Please stop wasting my time Eisen!” 

Pagkasabi niya ay agad niya akong binuhat ng pa bridal style para maiwasang matamaan ang pwetan at balakang ko. Hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyayari kaya nagpupumilit ako sa kaniyang ibaba ako kasi sobrang nakakahiya ang ginagawa niya. Paano na lang kung makita kami ni Josh at magselos si Josh di ba? Eh di magkakagulo na naman. JOKE!!! As if naman na magseselos si Josh? Naiilang lang talaga ako sa paraan ng pagbuhat sakin ni Jethro. Hindi naman siya umiimik at tuloy parin ang paglakad niya hanggang sa makarating kami sa second floor ng mansion na kung nasaan ang kwarto ko. Mukhang hindi naman siya nabibigatan sa akin pero seryoso pa rin ang kaniyang mukha.  Hanggang sa naramdaman ko na lang na sinipa niya ang pinto at nabuksan ang pinto ng aking kwarto.

Dahan-dahan siyang lumapit sa aking kama at inalapag ako nang dahan-dahan. Sa sandaling tumama ang pwet ko sa kama ay di ko napigilang mapapadyak dahil sa sakit na naging dahilan para mawalan siya ng balanse at nailapag ako nang husto kaya lalo akong nasaktan. Nabigla ako dahil sa pagkakalapit ng aming mukha na kung saan ay nagkadikit ang aming ilong. Iyong kanang kamay niya ay nasa batok ko pa rin. Ilang segundo rin kaming nasa gano’ng posisyon. Nakatingin lang siya sa akin at gano’n din naman ako sa kaniya. Hindi ko alam kung ano ang nasa isipan niya ngayon. Sobrang lakas nang tibok ng puso ko at pinigilan ko ang aking paghinga sa sandaling iyon. Ramdam na ramdam ko ang mainit niyang paghinga at sobrang lapit ng labi niya sa labi ko. Bawat segundo ay tila palapit nang palapit ito kaya pinikit ko na lamang ang aking mga mata, nang bigla na lang may pumasok sa kwarto at nagsalita.

“Eisen, I told you naman di ba na tawagan mo ako If anything happens to y—” Natigilan si Jules sa pagsasalita dahil nakita niya ang akward position namin ni Jethro.

Hindi ko alam kung anong paliwanag ang sasabihin ko sa kaniya sa pagkakataon ito.  Bahala na si Sailormoon!

Itutuloy…

Chapter 5: Pain in the ass!

Joss as Jules

  ![](https://img.wattpad.com/234811e6a593dda815ed539140ed75ff3a0c8463/68747470733a2f2f73332e616d617a6f6e6177732e636f6d2f776174747061642d6d656469612d736572766963652f53746f7279496d6167652f395f634d327a6777755f4f4c77513d3d2d3530373836373132342e313530303830373735623261666263363630363934313435313939312e6a7067)

Eisen’s POV

Pakiramdam ko sa mga oras na ’to ay parang binuhusan ako ng malamig na tubig para magising sa mahimbing na pagkakatulog. Ang bilis ng mga pangyayari, hindi ko inaasahan na hahantong sa ganito ang magiging eksena. Pagkakaalam ko ay maghapon ang magiging klase ni Jules pero bakit siya nandito? Anong ginagawa niya dito?

“What do you think you are doing to him Jeth?” Galit niyang sabi habang papalapit sa amin at agad naman binawi ni Jethro ang kamay niya na nasa batok ko.  Napaangat ako ng bahagya na naging sanhi nang pagkirot ng aking pwetan. Hindi ko napigilan mapahiyaw sa sakit kaya nagtinginan sila sa akin.

“What did you do?” Tanong ni Jules kay Jethro.

“I didn’t do anything and please don’t get the wrong idea. Ako nga dapat ang magtatanong sayo. What are you doing here?” Naiinis na sambit ni Jethro.

“Someone told me that Eisen was brought to the clinic, but when I got there the nurse told me that someone already picked him up” 

“But you still have classes to attend to this afternoon!” 

“I’ll be back in a minute, I just want to make sure that he’s okay” Malambing na sabi ni Jules. Kikiligin na sana ako kaso naalala ko nga pala may girlfriend na ’to si Jules at saka ang tingin niya lang siguro sa’kin ay nakakabatang kapatid kaya nagiging over-protective siya.

“He’ll be fine, he just needs to eat, drink his medications and take some rest” Mahinahon na tugon ni Jethro.

“Okay, but Eisen you’ll have to tell me everything once I get back here” 

Lumapit siya sakin at hinawi ang bangs ko sa noo para mahalikan ito. Pagkatapos niyang halikan ay ngumiti siya at inaayos ang aking buhok. Lalo akong hindi makapagsalita ng mga oras na ’yon. Tumayo si Jules at aalis na sana pero pinigilan siya ni Jetrho at nagsallita.

“And now what do you think you’re doing?” Habang hawak ang braso ni Jules.

“You did it first, BROTHER!” Matigas na sambit ni Jules.

“I told you that was an accident, so don’t get the wrong idea” Mahinahong tugon ni Jethro.

“I saw what I saw!” Sabay hawi sa kamay ni Jethro sa kaniyang braso.

Medyo nagkakainitan ang magkapatid pero napapansin ko lang parang hindi kuya kung ituring ni Jules si Jethro. Alam ko naman na may pagkamasungit si Jethro kahit sa mga kapatid niya pero hindi niya naman deserve ang tratuhin ng ganito. Hindi ko pa ring magawang magsalita dahil hindi ko alam ang dapat kong sabihin sa mga oras na ’to, kaya pinili ko na lang ang manahimik. Baka mas lalo pang magalit si Jethro kapag hindi niya magustuhan ang mga sasabihin ko.

“Just stay here. I’ll bring you something to eat. Manang Glory and the other maids went to the supermarket so there’s nobody here except us” Sambit ni Jethro matapos makalabas ng kwarto si Jules. 

“Eh si Josh?” Hindi ko mapigilang itanong na ikinakunot ng kaniyang noo.

“He’s on a business meeting” Maikli niyang sagot at lumapit siya sa table kung saan may nakapatong na alarm clock sa kaliwang bahagi ko upang matingnan ang oras. Nagtaka ako sa ginawa niya, eh meron naman siyang suot na relo. Pagkatapos niyang makita kong anong oras na ay agad siyang tumalikod.  Aalis na sana siya pero inabot ko ang kaniyang kamay para pigilan siya ngunit ang dulo ng long sleeve niya ang nahawakan ko.  Napatigil siya mula sa kaniyang kinakatayuan at lumingon sa akin.

“Am.. Gusto ko lang sanang magpasalamat sa pagdala mo sa’kin dito at sorry na din sa abala”

 Hindi ko siya matingnan ng deretso dahil sa tuwing titingin ako sa kaniya ay napapatingin ako sa kaniyang mga labi at naaalala ko ang mga nangyari kanina. Seryoso ang kaniyang mukha nang titigan niya ako habang papalapit siya sa aking pwesto. 

“It’s fine, tapos na akong makipagdeal sa client at malapit lang ako sa area nang matanggap ko ang tawag kaya dinaanan na kita” Bigla niyang hinawakan ang noo ko at inaalam kung nilalagnat ba ako.

“And be careful next time, hindi sa lahat ng oras ay available ako. Kailangan mo nang kumain para makainom ka na ng gamot nang hindi ka tuluyang lagnatin” Saka siya naglakad palabas ng kwarto para kumuha ng pagkain. Kahit gaano kasungit si Jethro ay meron din pala siyang soft side para sa mga kapatid niya.  Depende na lang kung tinuturing niya rin akong kapatid.

Ilang sandali pa ay nakabalik na siya na may dala-dalang pagkain na sa tingin ko ay sopas o kaya naman ay lugaw. Lumapit siya sa’kin dala-dala ang tray na may isang bowl ng lugaw. Napahanga ako sa angking amoy nito, hindi ko akalain na marunong din pala siyang magluto kagaya ni Josh at mukhang masarap ang pagkakaluto niya.

“Nagluto lang ako ng lugaw, baka kasi hindi ka matunawan dahil kailangan mong matulog at magpahinga. And I don’t really know how to cook and this is the least that I can do” 

Sobrang cute tingnan ni Jethro kapag nahihiya siya. Imagine, yung lalaki na sobrang sungit pero napakacute kapag nahihiya.  Parang gusto ko na siyang yakapin sa sandaling ito, pero syempre pinigilan ko ang sarili ko baka masuntok pa ako nito sa mukha at madadagan pa ang pasa ko kaya behave muna ako.

“T-thank you, okay lang” Sabay subo ng lugaw. Napangiwi ako dahil mainit pa pala, kaya hinipan ko ulit saka ko sinubo. Kaloka, lugaw ba ’to? Sobrang alat pero pinipilit kong lunukin dahil tinititigan ako ni Jethro habang kumakain. Pinilit ko ang sarili na kumain hanggang sa maubos ko ang lugaw na pakiramdam ko ay magkakaroon ako ng UTI.

“How was it?” Tanong niya sa akin. 

Maalat sobrang alat, pakiramdam ko ay gumaganti ka sa akin at gusto mo na akong patayin kaya pinakain mo sa akin ’to. Hindi ko magawang sabihin sa kaniya ang totoo kaya nanatili lang siyang nakatingin sa akin ng seryoso. 

“Ahhm.. Okay naman, MA-AL-SARAAP” 

Muntikan ko nang masabi ang totoo pero napansin kong lumiwanag ang mukha niya nang sinabi kong masarap ang pagkakaluto niya. Kahit pigilan niya kaniyang sarili ay halata pa ring napapangiti siya sa mga oras na ’yon na lalong nagpagwapo sa kaniya. Sana ganiyan na lang lagi ang hitsura niya. Laging maaliwalas, laging masaya.

“Good, now take your medicines” Kaagad ko namang ininom ang binigay niyang mga gamot sabay inom ng tubig na siya rin  ang may dala. 

“I took it from your bag along with the doctor’s prescription. Ipapabili ko na lang kay Manong Magno ang iba pang gamot pagkabalik niya. Magpakahinga ka na muna and If there’s anything you need tawagan mo lang ako sa phone na nasa kanan mo, basta nasa kwarto lang ako” 

Kinuha niya ang pinagkainan ko at saka siya lumabas ng kwarto at sabay isinara ang pinto. Ilang minuto lang ay tumatalab na ang gamot kaya hindi ko na masyadong maramdaman ang pananakit ng pwetan ko at habang tumatagal ay nakakaramdam na ako ng matinding pagkaantok.

Hindi ko namalayan ang oras at nakatulog pala ako ng napakatagal. Pagtingin ko sa phone ko ay 6:30 pm na pala. Ang dilim ng kwarto ko dahil hindi ko man lang naisindi kahit yung lampshade. Lalapit na sana ako sa lampshade upang buksan ito nang bigla na lang may nagsalita.

“Kamusta na pakiramdam mo?”

Napasigaw ako sa gulat dahil hindi ko napansin na may tao pala akong kasama sa kwarto. Bigla akong napaatras kaya tumama na naman ang pwetan ko sa kama na nagdulot ng matinding sakit.

“I’m sorry, okay ka lang ba?” Saka niya binuksan ang ilaw ng lampshade. Guess who? Syempre walang iba kundi ang pinaka crush kong si Josh. Haliparot!

Namimilipit na nga sa sakit pero crush-crush pa rin ang nasa isipan.

“Ah-okay lang medyo nagulat lang ako” Tugon ko habang iniinda ang sakit.

“Are you sure? Jethro told me everything. Ako sana ang nagsundo sayo kanina kaso may lakad ako kaya hindi kita napuntahan” Malungkot niyang sabi.

“Okay lang, di ba may pasok ka ngayon sa restaurant?”

“Haha,that was a joke.. actually I own the restaurant so I can go whenever I want.”

“Ahh..bakit ka pala nandito sa kwarto ko? Ang dilim-dilim pa naman kanina kaya natakot tuloy ako”

“Inaantay kasi kitang magising, itatanong ko lang kung anong gusto mo for dinner?”

“Huh..kahit ano basta edible kakainin ko” Bigla kong naalala yung maalat na lugaw na niluto ni Jethro.

“I read an article na kapag kinain daw ng taong may sakit ang favorite food niya during medication ay mas napapabilis ang process ng paggaling nito” 

“Huh? Bat hindi ko nabasa yan? Baka fake news yan ah” Tumawa lang siya bilang tugon sa naging reaksyon ko. Ang gwapo talaga nito kapag tumatawa o ngumingiti. Sobrang nakakagaan ng damdamin. 

“Just tell me what you want to eat for dinner and I’ll cook it right away for you”

Eh pagsinabi ko bang ikaw ang gusto kong kainin ngayon for dinner, lulutuin mo ba ang sarili mo? Henebe

Bigla na lang  kumalam ang sikmura ko na kaniya ring narinig kaya nagtawanan kami.

“Matagal na rin ang huli kong kain ng sinigang na baboy….” Hindi ko maituloy ang  sinasabi ko dahil nahihiya akong magdemand kasi ako na ’tong nakaabala sa kanila.

“Okay, Sinigang na baboy and how about the dessert?”

“kahit wag na okay na’yon”

“Okay give me 10-15 minutes” Saka siya lumabas ng kwarto.

15 minutes para sa sinigang? Ano yun half-cooked? Well, magaling nga pala siyang magluto kaya mabilis rin niya itong natatapos. Mga ilang minuto pa lang ang nakakalipas nang may kumatok ulit sa pintuan ko. Huwag mong sabihin na natapos na niya agad ang sinigang dahil limang minuto pa lang ang nakakalipas simula nang lumabas siya?

Bumukas ang pinto at nakita ko na papalapit sa akin si Jules. Tumutulo ang pawis niya sa noo na tila kagagaling lang sa pagtakbo at gano’n din ang kanyang dibdib na may bakas ng pawis sa kaniyang damit.

“How are you?” Umakyat siya sa kama at tumabi sa akin. Kahit pinagpapawisan siya ay napakabango niya parin.

“Okay naman na, hindi na siya masyadong masakit dahil nakainom na ako ng gamot kanina”

“That’s good to hear. I’m so worried about you, hindi ako makapagfocus kanina sa klase kaya nag-skip na rin ako ng practice namin sa basketball para makauwi”

“Sorry naabala pa kita..pero okay na ako kaya siguro bukas makakalakad na ako” Tugon ko at lumapit siya ng husto sa akin. Hinawakan niya ang baba ko habang papalapit ang mukha niya sa akin. Alam ko na ang gagawin niya kaya iniwas ko ang mukha ko.

“Hindi natin dapat ginagawa to, una dahil magkapatid tayo, pangalawa wala tayo sa amerika para idahilan mong greetings lamang ito”

“I don’t care” Hinalikan niya ako bigla pero mabilisan lang na naging dahilan upang mamula ang aking pisngi.

“We’re not blood related in the first place at saka I’m just being a nice kuya to you. Never ako naging sweet sa mga kapatid ko dahil mas nakakatanda sila sa akin. And now that you’re here, ako na ang magiging sweet na kuya sayo” Sabay gulo niya sa buhok ko.

“Pero hindi ba ang weird non?”

“Don’t think too much. Just be good to your kuya okay? You’re so cute when you’re blushing” 

Lalo akong namula sa sinabi niya pero ang weird pa rin ng mga kinikilos niya bilang kuya. At saka isang taon lang ang agwat namin kaya hindi naman siya kailangan maging obligado. Pakiramdam ko tuloy ay para akong 8 years old na bata kapag kasama siya.

Naikwento ko na rin sa kaniya ang lahat ng mga nangyari. Gusto niyang makita si Bjorn para makaganti pero sabi ko na okay naman na ang lahat. Nagsorry na si Bjorn at inalalayan ako hanggang sa clinic. Saka aksidente ang nangyari kaya walang dapat sisihin. Naaliw ako sa pagkwento kay Jules at hindi ko namalayan na tapos na palang magluto si Josh at heto na siya papalapit sa kama ko dala-dala ang tray na may lamang pagkain.

“You’re back Jules.  Ang aga mo ah, I thought may practice kapa til’ 7pm?” Tanong niya habang hawak pa ang tray.

“Well, I’m here para may magsubo kay Eisen” Sabay kindat sa akin ni Jules.  Seryoso ba ’tong mokong nato? Parang nainis tuloy sa kaniya si Josh.

“Move aside para mailagay ko ang tray at makakain na si Eisen” Utos ni Josh kay Jules na dikit na dikit sa akin. Saka naman siya umusog para mailapag ang tray sa harap ko. Hahawakan na sana niya ang kutsara para subuan ako pero pinigilan ko siya.

“Kaya ko naman, yung balakang at pwetan ko lang ang masakit hindi naman kasama dun ang kamay ko” Nahihiya kong sabi pero buti naman at hinayaan na niya ako. Sinimulan kong kainin ang niluto sa akin ni Josh at sa unang higop ko pa lang ng sabaw ay napakasarap na kaagad ng nalasahan ko. Expected talaga sa magaling na chef kagaya niya. Ilang sandali pa ay napansin ko na nakatitig lang sila sa akin habang ako ay kumakain.

“Ahm..pwedeng wag ninyo akong titigan habang kumakain? Naiilang kasi akong kumain kapag tinitignan ako” Mabuti naman at pinagbigyan nila ako kaya sa ibang bagay nila tinuon ang paningin nila. Si Jules kumuha ng phone niya sa bulsa, kachat niya ata ang girlfriend niya sa messenger. Si Josh naman pumuwesto malapit sa bintana habang may kausap sa phone niya. Kaya agad naman akong kumain hanggang sa maubos ko ito. Ilang sandali pa ay may kumatok sa pinto ko at agad pumasok. Si Jethro, may bitbit itong paper bag na maliit. Nakasuot siya ng sandong puti at blue na pajamas.  Ang sexy niyang tingnan sa suot niya at hindi ko namalayang nakatitig lang ako sa kaniya hanggang sa makalapit siya.

“What are you guys doing in here?” Tanong niya kila Jules at Josh.

“Let me ask you the same thing?” Sarkastikong sagot ni Jules.

“I cooked for him” Maikling sagot ni Josh na tapos na palang makipagusap sa phone.

“Here’s your medicines and the ointment” Inilapag niya sa may table at hindi pinapansin ang tanong ni Jules na nakangiti pa rin ngayon.

“Salamat” ’Yon lang ang nasabi ko sa kaniya.

“By the way, pagkatapos mong uminom ng gamot kailangan mong mag-apply ng ointment ulit. I can help you basta sabihin mo lang when you’re done” Kaswal na sambit ni Jethro. 

Ano daw? Tutulungan niya akong mag-apply ng ointment sa pisngi ng pwet ko?

“Don’t bother, ako na ang bahala. I think may nirereview ka pa ngayon sa kaso mo” Sambit ni Josh. 

“You guys are busy, just leave it to me” Tugon naman ni Jules.

“No!” Sabay na sabi ni Josh at Jethro.

“So let him choose then” Natatawang sabi ni Jules at umakbay sa akin.

“Ahh..pwede naman na ako na lang ang maglagay” Nahihiya na ako sa mga nangyayari.

“No, kailangang malagyan ng maayos para mapabilis ang healing process, so I insist” Sabi ni Jethro.

“Just pick me” Bulong sakin ni Jules.

Kung kayo ang nasa kalagayan ko, sino ang pipiliin niyo sa tatlo na maglalagay ng ointment sa pingi ng pwetan niyo? 

I believe gwapo siya, I believe step brother ko siya and I believe hindi ko alam kung sino sa kanila. 

Sailor Venus anong ginawa mo???

Itutuloy…

Chapter 6: Bipolar

Albie as James

  ![](https://img.wattpad.com/80e13660405187a11ee0ac001543a37da8879261/68747470733a2f2f73332e616d617a6f6e6177732e636f6d2f776174747061642d6d656469612d736572766963652f53746f7279496d6167652f6653306432352d647441767130413d3d2d3530393136313435312e3135303136303864313631323761316338353338313538353436372e6a7067)

Eisen’s POV

Narito ako ngayon sa loob ng aking kwarto. Kasalukuyang nakaupo sa ibabaw ng aking kama at napapalibutan ng mga gwapo kong step-brothers. Tahimik ang buong silid at walang sino man ang nagtangkang magsalita. Halos ang naririnig ko lang ay ang aking paghinga at pagkabog ng aking dibdib. Nakatingin lang sila sa akin, tila inaantay nila kung ano ang magiging desisiyon ko. Bakit naman kasing kailangan pang pagpilian, eh maglalagay lang naman ng ointment sa pisngi ng pwet? Atsaka pwede namang silang tatlo na lang ang maglagay para wala ng away di ba? Pero pwera biro ayoko ng ganitong eksena. Mas gusto ko talagang ako na lang ang maglagay kaysa ibang tao. Kahit nga sa doctor nahihiya ako, sa kanila pa kaya.

“Ah-ehh..Ano, pwede naman kasing ako na lang. Bigyan niyo nalang ako ng salamin. Huwag na kayong mag-abala dahil kaya ko naman ito” 

“No! It has to be done by someone else. Kailangang mailagay ng maayos para gumaling kaagad ’yang ano mo” Saad ni Jethro na hindi magawang banggitin yung salitang puwet. Hindi ko alam kung nandidiri ba siya o nahihiyang sabihin ’yon? 

“So you can now leave guys, ako na ang bahala” Dugtong pa ni Jethro.

“And what makes you think na gagawin ko ’yon?” Pagmamatigas ni Jules na tila naiinis.

“First, ako ang panganay so ako ang masusunod and second ako ang nakalagay na guardian ni Eisen sa school ninyo that’s why I’m taking the responsibility” Saad ni Jethro.

“Wait bigla ka atang naging concern kay Eisen? KUUUYAA?” Pang-aasar ni Josh pero halata ring naiinis na siya.

“I told you..I’m just taking my responsibility as his guardian! No IFS and no BUTS!” Naiinis na sambit ni Jethro.

Nagkakainitan na sa loob ng kwarto ko, buti sana kung may ginagawa kaming iba na nakakapagpainit eh, kaso hindi eh, usapang pwet ’to mga tsong. At bakit ba parang gigil na gigil sila sa isa’t isa? Hey guys pwet lang ’to, chill lang kayo!  Pakilala ko kayo kay Nikki Minaj, ’yon pagsawaan ninyong tatlo ang pwet no’n. Tingnan natin kung hindi malamog ’yang mga daliri niyo.

“The doctor is coming, case closed” 

Biglang may nagsalita sa may pinto at nakita naming nakasandal dito si James na tila kararating lang.

“Wait..the doctor? Doctor for what?” Tanong ni Jules.

“Pag-akyat ko pa lang sa hagdan ay rinig na rinig ko na kaagad ang inyong pagtatalo kaya tumawag na ako ng doctor.  And seriously? Nagtatalo kayo para sa iisang pwet? What happen to you guys, wala ba kayong mga girlfriends? This is so hilarious!” Natatawang sabi ni James na siyang nagbigay sa akin ng kahihiyan. 

Pero wait, sabi niya wala ba kayong mga girlfriends? So ang ibig sabihin pati si Josh may girlfriend na? So wala na talagang pag-asa?

“Look how embarrassed he is now” Sabay turo sakin ni James na lalong ikinapula ng mukha ko.

“Kaya tumawag na lang ako ng doctor para siya na mismo ang maglagay ng ointment kay Eisen. Baka kasi abutin pa kayo ng bukas dahil walang nagpaparaya sa inyo. Pero ako rin medyo curious diyan sa butt ni Eisen. How about ako na lang kaya maglagay?” Malokong sabi ni James habang nakangiti siya sa akin. 

“SHUT UP!” Sabay na sabi ng tatlong nakapalibot sa akin. Tumawa lang si James at nagtaas ng kamay na tila sumusuko na sa kanilang tatlo. 

“Fine, fine, fine.. Let the doctor handle it” Natatawa niyang tugon. 

“Where have you been? Almost one day kang wala ah” Tanong ni Josh kay James. 

“Oh this sooo fucking rare. Sino o ano naman ang nagpalabas sayo sa mansion? Halos mabibreak mo na ang record ng PBB sa tagal mong hindi lumalabas ng mansion” Anas ni Jules.

Grabe gano’n katagal na siyang hindi lumalabas ng mansion? Dalawang araw pa nga lang sa bahay na hindi ako nakakalabas ay pakiramdam ko ay isa na akong preso, tapos siya ilang buwan na?

“Nakabili kasi ako ng PS4 Game na

Monster Hunter

na ang release date ay sa susunod na taon pa pero meron na akong na bilhan galing sa black market. Kaso wala silang available na delivery kaya kailangan ko silang kitain sa isang coffee shop“ Paliwanag ni James.

“So anong sense ng pagbili mo kung next year mo pa malalaro ’yan dahil hindi pa rin naman magiging available yan sa PS4 dahil online ’yan? At saka pagnadetect pa ng Sony ’yan eh baka maban pa ’yang console mo” Tugon naman ni Jules.

“The point is meron na ako on-hand habang ang iba ay pumipila at nag aantay ng package nila ng Monster Hunter during the release date. Ako, makakapaglaro na ako kaagad at mauunahan ko sila Pewdiepie at iba pang gamers na mag-upload ng gameplay sa youtube” Katwiran naman ni James.

“Clever one” Maikling tugon ni Jules.

Halos dumugo na ang ilong ko sa pinag-uusapan nila na hindi ako makarelate. Buti na lang at dumating si James para masulosyunan ang problema, pero nakakahiya sa doctor na papupuntahin niya rito para magpahid lang ng ointment. Susme iba talaga pag anak mayaman, siguro noong bata pa sila pagnakagat sila ng langgam sinusugod na agad sa ER. Pero nakakalungkot din na malaman na taken na rin pala si Josh. Mabuti na rin at maaga pa lang ay alam ko na agad. Hindi ko na kakailanganing umubos ng isang box ng hopiang monggo kapag naramdaman ko na pinaasa lang niya ako.

Ilang minuto ang lumipas at dumating na si Manang Gloria kasama ang doctor na pinatawag ni James. Sino si Manang Gloria? Siya ang head maid dito sa loob ng mansion. Pinakilala siya sakin ni Josh noong natapos ang dinner namin kahapon. Kasama niya ang mga maid na si Clover, Sam at Alex. Ewan ko ba kung pinagloloko ako ng mga babaeng ’yon, kasi ’yon ang pagpapakilala nila sa akin. Ang lakas lang maka-Totally Spies kaso mukhang sila yung mga kontrabida do’n. Charot! Pero mababait sila, may mga kasama pa silang anim na maids na hindi ko na masyadong kinilala kasi hindi naman ako interesado sa mga babae at bakit nga ba tayo na punta sa usapang babae? Kasalanan to ni Moira eh, este ni Manang Gloria. Okay, going back sa story.

“Sir, Andito na po si Doc Alvarez” Pagkasabi ni Manang ay kaagad na rin siyang umalis na tila may hinahabol na ballroom na ginaganap sa covered court na malapit sa barangay hall.

Wait si Doc Alvarez? Siya ’yong nagcheck up sakin kanina ah.. bat siya ’yong tinawagan ni James?

“Good evening Doc thank you for coming” Pagbati ni James.

“Of course, Magagalit ang daddy ninyo kapag hindi agad ako pumunta sa pagtawag ninyo” Tugon ni Dr. Alvarez.

“Dapat lang! Anlaki kaya ng binabayad sayo” Pabalang na sagot ni Jules na ikinatawa lang ni Dr. Alvarez.

“Hindi ka pa rin nagbabago Jules” Natatawang sabi ni Dr. Alvarez.

“Whatever” Sagot lang ni Jules at ayun tumutok na ulit sa phone niya.

“So guys, pwede niyo na kaming iwanan ni Eisen. Unless ayos lang kay Eisen na andyan kayo habang ginagawa ko ang trabaho ko?” Sabi ni Dr. Alvarez at lahat naman sila’y nakatingin sa akin.

“Okay we’re leaving” Mabilis na sambit ni Josh.

“Nasa kwarto lang ako, call me if you need me” Sabi ni Jules habang hinahawakan ang ulo ko at tumayo na rin palabas kasama si Josh at James.

“Mananatili ka ba dito Jethro?” Tanong ni Doc Alvarez kay Jethro na nakatayo pa rin sa harap ng kama.

“Ohh..I’m sorry, I’m leaving now” Tumingin siya sa akin bago siya lumabas.

Parang may iba kay Jethro ngayon. Ewan ko, hindi ko makita sa kaniya ang Mr. Sungit niya na look. Sarado na ang pinto at kami na lang dalawa ni Doc Alvarez ang natitira rito sa kwarto. Hindi maaaring kami lang dalawa ang matira sa kwartong ’to baka tirahin ako nito. Susme hindi maaari masakit pa ang pisngi ng pwetan ko. Ito na naman ako sa mga kalokohang naiisip ko,  kaya siguro ako nabunggo dahil sa mga naiisip kong mahahalay. Habang lumilipad ang aking isipan ay hindi ko namalayan na nailapag na pala ni Doc Alvarez ang kaniyang brief sa kama. Este ang brief case niya na naglalaman ng mga iba’t ibang kagamitan sa paggagamot.

“Siguro nagtataka ka kung bakit ako ang tinawagan nila para magcheck sayo?” Bigla niyang sabi. Oo, bakit nga ba? Pero iba ang iniisip ko kanina na hindi ko pwedeng sabihin.

“Opo, kasi kayo din po ’yung nagcheck sa’kin kanina sa school” Ang tanging kong naisagot. 

“Sa katunayan ay ako ang personal doctor ng Wells Family. 5 years pa lang ako na nagtatrabaho para sa kanila. Actually, my father served the Wells Family for almost 30 years. Dahil matanda na siya ay ako na ang pumalit sa kaniya sumila nang magkaroon ako ng lisensiya” Pagpapaliwanag niya sa akin.

“Kaya pala hindi mo na tinatawag na Sir sila Jethro or James dahil matagal na rin pala kayong magkakilala”

“So how are you feeling right now?”

“Medyo makirot pa rin pero hindi na kagaya ng kanina na sobrang sakit at saka kakainom ko lang din ng gamot na nereseta niyo po sa akin”

“Good..now take-off your pants and let me see your butt cheeks” Utos niya pero nag-aalinlangan pa rin akong hubarin ito.

“Don’t be shy, nakita ko na ’yan kanina di ba? Atsaka after ko macheck yan ay kailangan mong  magpalit ng mas komportableng damit pang ibaba para hindi na lumala ang pamamaga. Much better wag ka na magsuot ng under wear, Just wear your pajamas” Saad niya na lalong ikinabahala ko. 

Naku cannot be!  Baka magahasa ako kapag hindi ako nag underwear. Pero may point si Doc parang much better kung wala ng underwear para isang hubaran na lang pag biglang na palaban. Biro lang syempre, para mas presko at hindi na maipit ng husto yung pwet ko. 

Tumalikod muna ako sa kaniya at saka ko hinubad ang pantalon ko para yung pwetan ko lang ang makita niya. Ayoko ngang makita niya si patootie baka ano pang gawin niya.

“Oh I see, Hindi na siya gano’n kalala di tulad ng kanina. You need to avoid eating foods with animal protein, dairy products, salty foods, caffeine and alcohol. Para hindi na lumalala ang pamamaga. Mas mabuting kumain ka ng mga fruits like sweet potato, bananas, apricots and nuts para mabawasan ito” Sinasabi niya ang mga ito habang nilalagyan niya ng ointment ang pisngi ng pwet ko na sobrang nakakarelax dahil medyo malamig ito sa balat. Hindi ko na rin sinabi kay Doc na kumain ako ng sinigang na baboy kanina dahil baka magalit pa siya.

“You know what, ang swerte mo sa mga step-brothers mo”

“Bakit naman po? Mukhang si Jules at Josh lang naman ang may gustong nasa bahay ako eh”

“Si Jethro ang panganay sa magkakapatid pero mapapansin mong wala siyang pakialam sa iba niyang kapatid maliban kay Josh”

“Huh bakit naman po?” Natapos na pala siyang magpahid kaya itinaas ko na ang pantalon ko.

“Ah so wala ka pa palang alam? I think hindi ako ang dapat magsabi sa’yo nito at mabuti kung isa sa kanila ang magkwento sa’yo” Sinimulan niya ang pagliligpit ng ilang mga gamit  at pinasok ito sa brief case.

“Pangalawang araw ko pa lang po kasi sa mansion at saka bukod kay Josh at Jules ay bihira ko lang makausap ang iba sa kanila”

“Maybe in time sila mismo mag oopen up or pag medyo nakakapagpalagayan na kayo ng loob pwede namang sa kanila mo itanong” Tugon niya at saka niya kinuha ang brief case at tumayo.

“Basta ’yung mga bilin ko sa’yo tatandaan mo. Effective ang gamot na binigay ko sa’yo kaya bukas ay pwede ka nang makalakad lakad papuntang banyo o kahit maglagay ng ointment ay magagawa mo na. Basta wag mong aabusuhin dahil kailangan mo pa ring magpahinga para makapasok kana sa mga susunod na araw”

“Sige po Doc, thank you”

“So I’ll get going then, Isasara ko na lang ’tong pinto at magpahinga kana” Saka siya lumabas at naiwan akong mag-isa sa kwarto.

Alam ko naman na wala talagang perpektong pamilya. May mga magkakapatid na hindi magkasundo at may mga mag-asawang laging nag-aaway. Pero gano’n pa man ay parang iba ang sitwasyon sa magkakapatid, parang may hidwaan sila lalo na si Jethro at Jules. Kailangan ko munang makapalagayan sila ng loob bago ako manghimasok sa mga buhay-buhay nila.

Ilang sandali pa ay biglang may tumawag sa telepono na nakapatong sa maliit na mesa sa kanang bahagi ng aking kama. Hirap mang abutin ay pagapang kong inabot ito para hindi madampi sa kama ang pwetan ko at saka ko ito sinagot.

“Hello?”

“Hey Eisen. Ok ka na ba, do you need anything?” Tanong ni Josh, napaka thoughtful niya talaga. Pero wag umasa may jowa na yan kaya ekis.

“Ah..Oo salamat, ok naman na ako”

“Okay, kailangan ko kasing pumunta sa restaurant ngayon dahil kailangan ako roon ngayon. Gusto ko lang makasiguro na ayos ka na at makakapagpahinga kana” 

Paano ako magmomove-on sayo kung ganiyan ka sakin?

“Sige na, wag mo na akong intindihin kaya ko na sarili ko” Nahihiya kong sagot.

“Ahh.. Nakapaghanda na ako ng damit na pamalit mo, ipinatong ko na sa ibabaw ng mesa sa may kaliwa mo. I need to leave na, Good night” Sabay baba niya ng phone na parang nagmamadali siya. At kelan niya pa nakuha ang mga pamalit na damit sa loob ng cabinet ko? Ni hindi ko man lang napansin kanina. Sobrang bait talaga niya sa akin. Napakaswerte ko at nariyan siya para tulungan ako. Kaso hindi pa ako nakakapagpunas man lang ng katawan bago magpalit ng damit. Kaya tinawagan ko sa cellphone si Jules, wala siyang telephone sa loob ng kwarto niya dahil ayaw niya daw na naiistorbo ang pagtulog niya sa tuwing tumutunog ito. Kaya tinawagan ko na lang siya sa kaniyang phone number para humingi ng pabor. Tinawagan ko ng tatlong beses kaso walang sumasagot. Nakatulog na siguro sa pagod sa school kaya hindi ko na kinulit. Wala akong choice kundi tawagan si Jethro sa telepono.  Ilang pag ring pa ay sumagot siya agad.

“Hello kyah..I mean Jethro”

Paminsan minsan magseryoso ka naman,  Si Jethro ang kausap mo bakla ka!

“What do you need?” Ang cold ng boses niya pero kailangan kong kapalan ang pagmumukha ko. Hindi kasi ako nakakatulog nang hindi nakakapaghugas ng katawan o kahit punas man lang kasi pakiramdam ko ay sobrang lagkit ko na. Parang feeling ng unang regla,  gano’n kalagkit. Paano ko nalaman na gano’n ang feeling? Wag mo na itanong okay? Basta alam ko ’yun, the end. Saka kahit mahirap lang kami ay hygienic akong tao dapat laging malinis at mabango. Hindi pwedeng dudugyot dugyot baka pagnakasalubong ko si Tita Krissy ay baka batuhin niya ako bigla ng alcohol. Sa kaniya ko kaya nakuha ang kaartihan ko. So naging usapang babae na naman? Back to story na nga!

“Kung pwede sanang magpatulong makakuha ng maliit na planggana na may lamang tubig na hinaluan ng alcohol at isang maliit na face towel. Hindi kasi ako komportableng matulog o magbihis ng hindi nakakapaglinis ng katawan” 

“Okay just wait for me” Agad niyang binaba ang phone dahil siguro na badtrip ’yun kasi naabala ko na naman siya. Kung kaya ko naman kasi ako na lang talaga ang gagawa nito. Alam kong itatanong ninyo kung bakit hindi ako humingi ng tulong sa mga maids? Syempre masama na nga pakiramdam ko tapos babae pa ang makikita ko na kikindat kindat sa’kin. Baka masuka ako at sumama pa lalo ang pakiramdam ko. Oo, may mga maids na haliparot na kumikindat kindat at nangingisay kapag nakikita ako kaya NO WAY! Titiisin ko na lang ang pagiging masungit ni Jethro kaysa malason ako sa mga maids na ’yun.

Ilang sandali pa ay may kumatok at biglang pumasok si Jethro. Dala-dala niya ang isang maliit na palanggana at wala siyang suot na pang itaas. Ang tanging suot niya lang ay ’yung pajamas niya. Naku ano kaya ang binabalak nito? Pero mas okay narin ’to kaysa sa mga maids. Hindi ko mapigilang mapatitig sa katawan niya. Lalo na yung mga abs na sadyang nakakapang-akit. Bumaba ang paningin ko hanggang sa nakaumbok na bagay sa kanyang pajamas. 

Teka nauntog ata yun ahh, eh bakit may bukol?

“Stop it” Paninita niya. Hindi ko namalayan na nasa harapan ko na pala siya.  Sa sobrang kalandian ko ay nakatutok lang ako sa bukol niya.

“Huh?” Syempre patay malisya ako sa sinasabi niya.

“Stop staring at my body, it makes me feel weird”

“Wow! Ang assuming mo naman, kinoconfirm ko lang kung tama ba yung sinasabi ni Doc tungkol sayo” Paimbento na naman ako.

“What about me?” Nakataas kilay niyang sabi at inilapag niya sa may upuan malapit sa kama ko ang dala niyang plangganang maliit na may lamang towel at tubig na hinaluan ng zonrox este alcohol.

“Na ano…na may ano ka ..na may nunal ka sa abs” 

Sobrang waley ng pagsisinungaling ko ah…bahala siya paninindigan ko ’to.

“Seriously, pero sa gitna ng pajamas ko ikaw nakatitig?” Sabi niya na ikinapula ng mukha ko. Susme pati ’yun napansin pa niya?

“Hoy hindi ah..grabe ka” Wala na akong masabi. Anong ipangrerebutt ko? Tulungan niyo ako!

“Akala mo ba hindi ko napapansin ang madalas na pagtitig mo kay Josh? Minsan halos tumulo na nga ang laway mo kapag kausap mo siya” Sobrang attentive nitong taong ’to.  Sa totoo lang mali ata ’to ng propesyong kinuha. Dapat nagdetective na lang siya tutal napapansin naman niya lahat ng nasa paligid niya.

“ Dapat sayo nagdetective na lang eh,  lahat na lang napapansin mo. Mas okay sana kung kagaya ka ng kanina mabait at caring. Pero ngayon bumalik ka na naman sa pagiging masungit!“ 

Naiinis na talaga ako sa sarili ko kasi lahat ng sinasabi niya ay tama at wala akong maipambato sa kaniya.

“Whatever, you’re so gay. Just go clean up yourself” 

“Pwede ka namang umalis na. ’Yan lang naman ang pabor ko kaya..MARAMING SALAMAT KUYA” Sarkastiko kong sagot. 

“No, I’ll stay here as long as hindi ka pa natatapos diyan. Ayokong maistorbo ulit kaya hanggang hindi ka pa natatapos ay hindi pa ako aalis”

“Umalis ka na, paano ako makakapaghubad niyan kung andiyan ka pa rin sa harapan ko?”

“As if naman meron kang boobs na tinatago?  kung anong meron ka meron din ako” 

Naiinis na talaga ako sa lalaking ’to, kanina lang ang bait-bait niya ngayon naman sobrang epal niya. May pagka bipolar ata ’tong mokong na to eh.

So wala akong choice kundi hubarin ang pang-itaas kong damit at kunin ang towel na maliit na nakababad sa palanggana. Sinimulan kong punasan ang aking braso, sumunod ang leeg ko at pagkatapos ay ang bandang dibdib ko. Napatingin ako kay Jethro na pinagmamasdan lang ang ginagawa ko na parang normal lang sa kaniya kasi siguro may mga kapatid siyang mga lalaki kaya gano’n. Pero napayuko siya at napalunok ng laway nang nililinisan ko ang aking dibdib, lalo na sa bandang nipples ko. 

Bahala kang mandiri kung ’yan ang nararamdaman mo ngayon dahil ginusto mo yan. 

Natapos na akong magpunas sa itaas na bahagi ng aking katawan. Isusunod ko na sana ang  pang-ibaba kaso may suot nga pala akong pantalon. Pano ko huhubarin ’to kung andiyan siya nakatayo sa harapan ko? Nanatili parin siyang nakayuko pero alam kong nagmamasid siya sa ginagawa ko. Kaya ang ginawa ko ay tinakpan ko ng kumot ang pang-ibabang bahagi ng aking katawan bago ako naghubad ng pantalon. Sinimulan ko na magpunas sa aking hita at tuhod, gusto ko rin sanang punasan ang binti ko at talampakan kaso hindi ko na maabot. Pagbini-bend ko ang tuhod ko habang nakahiga ay sobrang sakit ng balakang ko kaya napapangiwi ako tuwing aabutin ko ito.

“Let me do it” Napansin niya yatang nahihirapan ako kaya nagpresenta na siyang tumulong.

“No need, kaya ko na ’to”

“Stop wasting my time Eisen!” 

Umupo siya banda sa may kaliwang hita ko at saka niya inagaw sakin ang towel. Siya na mismo ang nagpunas sa binti ko. Todo reklamo pa na nasasayang ko raw ang oras niya pero ayaw niya paring umalis dito. Ginawa niya ito hanggang sa talampakan ko na medyo nakakakiliti pero tiniis ko na lang baka sabihin niya na nag-iinarte pa ako. Pagkatapos mapunasan ang sarili ko ay agad naman akong nagbihis gamit ang mga damit na kinuha ni Josh kanina. Tahimik lang kami ng ilang sandali tapos bigla na lang siyang nagtanong.

“Ano bang nagustuhan mo sa kapatid ko?” Tanong niya habang nakatingin ng seryoso sa akin.

“Haa.. anong ibig mong sabihin?” Paglilinaw ko sa kanya.

“I mean, bakit mo nagustuhan si Josh?” Seryoso pa rin siyang nakatingin sa akin habang nag-aantay ng isasagot ko. 

At ayun bigla akong natigilan, paano ba? Ano bang isasagot ko? Gano’n ba ako ka obvious kaya alam niya na may crush ako kay Josh?

Sa sandaling ito ay tumutugtog sa isipan ko ang instrumental ng ending song ng Fushigii Yuugi na

Tokimeki no Doukasen

habang nag-iisip ng isasagot kay Jethro. 

Ohh what do? Help me Dakilang Suzaku!

Itutuloy…

Chapter 7: I admit it

Bas as Eisen

  ![](https://img.wattpad.com/88769a582e35c94519647062c09a2d81fb988051/68747470733a2f2f73332e616d617a6f6e6177732e636f6d2f776174747061642d6d656469612d736572766963652f53746f7279496d6167652f4c4c436c3872325f6148476e53773d3d2d3531303931333335372e313530323938363266646266323237323638353631343736343237392e6a7067)

Eisen’s POV

Hindi nga dininig ni Suzaku ang panalangin ko pati si Dakilang Badjula ay wala ring pakialam sa kalagayan ko ngayon. Kaya wala na ata akong choice kundi umamin kay Jethro. Nakatingin pa rin siya habang nakaupo sa gilid ng kama ko. Nakaka-intimidate ang mga tingin niya kaya nag-iwas ako nang tingin saka huminga ng malamim.

“Okay fine, alam mo na rin na ang gender ko so I admit it”

“Maliban sa kaniya, kanino ka pa may gusto?” Napalunok laway ako sa kaniyang tanong.

“Wala na, siya lang”

“And why him?”

“Dami mo naman tanong!”

“Just answer me!”

“Eh kasi gwapo siya?” 

Oh di ba napakalandi, andaming characteristics ni Josh pero ’yun ang una kong nasabi.

“All of them are good looking and so am I” Taas kilay niyang sabi.

“Matalino siya at responsableng tao. Kitang kita ko ’yun sa kainya”

“All of us are smart, but when it comes to being responsible just exclude James in that category”

“Pinaka-importante mabait siyang tao at tanggap niya ako sa mansion. Di gaya mo ang sungit” Napahawak ako sa bibig ko dahil hindi ko dapat sinabi ’yung word na masungit.

“Ako masungit? You just don’t know me” Pagdedepensa niya.

“Bakit parang ang pakiramdam ko ay kinoconvince mo ako na magkagusto sayo instead of Josh?” Tanong ko sa kaniya at napangiti siya. Napakaweirdo!

“I didn’t say that. It’s okay naman na magkagusto ka sa kaniya pero hanggang doon na lang ’yun dahil part ka na ng family and look, it’s weird na maging lovey-dovey ka sa kuya mo”

Wow naman sa words na lovey-dovey.

“Wag kang mag-aalala hindi ko siya mamanyakin at hindi ko ugali yun noh”

“You just did. Kanina lang kung makatitig ka sakin parang gusto mo na akong hubaran”

“Alam mo ang lakas din ng kumpiyansa mo sa sarili mo no! Akala mo naman napakagwapo mo” Naiirita kong sabi. Ngiting-ngiti si loko at parang natutuwang naiinis pa ako.

“Am I not?” Nilapit niya pa talaga ang mukha niya sa akin.

“Gwa-po pero” Nauutal na ako, hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa kaniya. Nagawa niya pang magtaas ng kilay habang inaantay ang sasabihin ko.

“Gwapo pero mas gwapo pa rin si Josh… Salamat sa tulong at pwede ka nang umalis para makapagpahinga na ako” Sabay talukbong ko ng kumot sa aking mukha. Pakiramdam ko ay pulang pula ang mukha ko ngayon kaya kailangan ko itong itago sa kaniya. Naramdaman ko na lang na tumayo siya at kinuha ang maliit na planggana saka nagtungo sa pinto. Paano ko nalaman ’yun? Syempre manipis lang ang kumot kaya nakikita ko pa rin ang mga kinikilos niya. Naglakad siya patungo sa pintuan pero agad naman siyang huminto.

“I’m leaving now, sleep well” Saka niya pinatay ang ilaw. Ang dilim ng kwarto kaya kinapa ko ang cellphone ko sa kama ko para mailawan ang paligid ko. Nang mahanap ko ito ay saka ko pinailawan ang bandang lampshade para mahanap ang switch nito at pailawin. Hindi ko pala naikwento na hindi ako basta-basta nakakatulog ng walang ilaw maliban na lang pag sobrang pagod ko na. Laging may ilaw na nakasindi sa tabi ko pagnatutulog ako. Hindi dahil sa sobrang matatakutin ako kundi nakakaranas kasi ako ng sleeping paralysis kapag madilim ang tinutulugan ko. Hind ko rin alam kung bakit pero madalas ’yun nangyayari kapag madilim ang paligid sa tuwing matutulog ako.

Sleeping Paralysis, ito ’yung feeling na gigising ka sa pagkatulog mo pero temporarily kang hindi makakagalaw o makakapagsalita. Tapos minsa pa’y may nakikita kang mga bagay-bagay na kakaiba. Madalas sa akin ay lalaki na walang mukha tapos pumapatong siya sa aking likuran at bubugahan niya ang aking tenga ng mainit init at malakas na hangin. Nakakatakot dahil minsan feeling ko totoong nangyayari sa’kin ’to kaya ang ginagawa ko na lang ay pumipikit ako at nagdadasal. Ang malala kapag nagdadasal ako ay nararamdaman kong parang niyayanig ako ng husto na para bang lumilindol sa paligid ko. Nananatili lang akong nakapikit habang nagdadasal hanggang sa magising ako. Tanging pagdarasal lang ang alam kong paraan na makakatulong sa akin na magising. 

Nagdasal muna ako bago matulog. Pagkatapos kong magdasal ay nahiga na ako agad at pumikit.  Saka ko naalala lahat ng mga nangyari ngayong araw. Pangalawang araw ko pa lang sa mansion pero pakiramdam ko ay andami na nangyari simula noong mabunggo ako ni Bjorn. May pasok pa naman ako bukas pero hindi ako makakapasok dahil dito. Mabuti na lang at wala akong pasok ng Wednesday kaya maipapahinga ko ang sarili ko ng husto para pagdating ng Thursday ay makapasok na akong muli. Hindi ko na namalayan ang oras at bigla na lang ako dinalaw ng antok at saka nakatulog.

Kinaumagahan ay nagising ako sa malakas na kalabog ng pinto. Hindi pa ako nakakasagot pero pumasok na kaagad ito. Ano pa kayang silbi ng pagkatok nila kung papasok din naman sila agad? Malamang si Jethro to, ganiyan na ganiyan siya kagabi eh. Pero mali pala ako, dahil si Jules ang nakita kong papalapit sa kama ko. Nakakahiya dahil nagpupunas pa lang ako ng muta habang siya ay nakabihis na at bagong ligo.

“I’m so sorry” Bungad niya agad pero wala akong ideya kung bakit siya nagsosorry sakin.

“Para sa-aaaan?” Sabay takip ng bibig ko habang humihikab pa. Mahirap na at baka malanghap niya pa ang morning breath ko.

“Hindi ko nasagot ang mga tawag mo kagabi at ngayon ko lang nakita ang mga missed calls mo. Nakasilent kasi ang phone ko kagabi habang nakahiga ako sa kama kaya hindi ko napansin na tumawag ka pala” Pagpapaliwanag niya.  Ayun naman pala, kaya naman pala magsalita ng tagalog ng derecho.

“Ah okay lang ’yun. Magpapatulong sana ako kagabi pero okay naman na kasi tinulungan ako ni Jethro. I mean ni kuya” Hindi talaga ako sanay tumawag ng kuya sa kanila. Bigla naman siya natawa sa sinabi ko. Ewan ko ba kung bakit, dahil siguro tinawag kong kuya si Jethro?

“You’re joking right?” Natatawa niya pang sambit.

“Hindi, totoo nga ang sinasabi ko. Una kitang tinawagan kaso ’yun nga hindi mo nasagot mga tawag ko. Si Josh naman ay lumabas kinagabihan dahil may aasikasuhin siya sa kaniyang restaurant. Tapos hindi ko naman alam ang mga number nila James at Jean kaya si Jethro na lang tinawagan ko”

“Why you didn’t ask the maids for help?”

“Hindi ako napapalagay sa kanila, medyo naiilang ako kaya sa inyo ako humingi ng pabor” Pero yung totoo ayoko talaga baka gahasain pa ako ng mga babaeng ’yun pag nalaman nilang magpupunas ako ng katawan.

“But that’s strange, hindi mo maiistorbo si Jethro kapag gabi na. Lalo na kapag nasa kwarto na siya at may ginagawang trabaho, unless emergency ito. Ano bang favor ang hiningi mo?”

“Nagpatulong lang ako sa kaniya para makapagpunas ng katawan..” Hindi pa ako tapos magsalita nang magreact na kaagad siya sa sinabi ko.

“Ha? Nagpapunas ka ng katawan kay Jethro?” Gulat niyang sambit.

“No, I mean.. humingi ako ng plangganang maliit na may lamang pinaghalong maligamgam na tubig at alcohol para ipamumunas sa katawan ko” Syempre hindi ko na sinabi na si Jethro ang nagpunas ng mga binti at talampakan ko, baka ano pang isipin ng isang ’to.

“And he really did that?” Hindi pa rin siya makapaniwala sa sinasabi ko na tila parang himala ang nangyari kagabi kaya napapayag ko si Jethro. Tumango na lang ako sa kaniya dahil nakukulitan ako sa paulit-ulit niyang tanong.

“I see, he’s taking his responsibility as your guardian seriously” Natatawa pa rin siya.

“Pero it’s better sana kung ako ang tumulong sayo kagabi, para ako na lang nakapagpunas sayo para hindi ka na nahirapan” Dugtong pa niya.

“Okay na ’yun, atleast nakapagpahinga ka nang maayos at hindi kita naistorbo”

“How about, I’ll help you na lang na makapasok sa bathroom para makapaghilamos at toothbrush ka na rin?”

Napayuko ako, huminga ako sa aking kamay tapos inaamoy ito kung bad breath ba talaga ako ng mga sandaling ’yun. Pero pagkaamoy ko ay medyo okay pa naman, medyo amoy luma pero pwede pa naman. Kaya siguro hindi niya ako kinikiss ngayon dahil sa hininga ko. ’Wag na kaya akong magtooth brush lagi para maiwasan ko yung pagkikiss niya?

“Ganun na ba kabaho ang hininga ko?” Nahihiya kong tanong.

“Medyo” Napakamot siya sa ulo kaya tinakpan ko ang bibig ko habang nagsasalita.

“Sorry, kakagising ko lang kasi no’ng pumasok ka. Atsaka hindi pa rin ako makatayo nang maayos para pumunta sa banyo” Sobrang nakakahiya ’yung gano’ng eksena. Sino ba naman kasi ang fresh ang hininga pagkagising sa umaga? Ituro niyo sa akin at gagawin kong air freshener sa kotse ang hininga niya.

“HAHA, I’m just kidding.. Look how cute you are when you’re blushing! It makes me wanna kiss you” Nakangiti niyang sabi kaya lalo kong tinakpan ang bibig ko.

“Just kidding, tara na let me help you” Inaalalayan niya ako para makatayo sa kama. Tama nga si Doc, makakayanan ko nang makalakad. Pero kailangan ko pa rin ng aalalay kasi pagnapupwersa ko ang mga binti ko ay sumasakit pa rin ang balakang at pwetan ko. Buti na lang at nandito si Jules para alalayan ako hanggang makarating sa banyo.

Sa totoo nga niyan kanina pa talaga ako naiihi, pero napipigilan ko kaya nang makarating kami sa loob ay tinitigan ko muna si Jules na nasa loob pa rin ng banyo at inaantay ang mga gagawin ko. Kaya sinabi ko na lang sa kaniya na ayos lang ako at kaya ko naman magpalakad lakad sa banyo. Nakumbinsi ko naman siya na lumabas kaya dali-dali akong umiihi dahil pakiramdam ko ay puputok na ang panubigan ko, este ’yung pantog na kanina pa punong puno. Pagkatapos kong makaihi ay dahan-dahan akong lumapit sa may lababo para makapaghilamos at magtoothbrush. Nang matapos ko na ang lahat ay saka ko naman tinungo ang pinto palabas ng banyo. Pagkabukas ko ng pinto ay agad kong nakita si Jules na nakasandal sa gilid ng pinto ng banyo. May kausap siya sa cellphone kaya hindi niya napansin ang pagbukas ko ng pinto. Sa pagsara ko lang ng pintuan ay saka niya lang ako napansin na iika-ikang maglakad.

“I promise, okay? I’ll be there in 20 minutes. Bye” Sabi niya sa kausap niya sa cellphone at agad lumapit sa akin para alalayan akong makapaglakad pabalik sa aking kama.

“Is there anything else that you need?” Tanong niya habang inaayos ang buhok ko.

“Wala na, thank you nga pala… Di ba may pasok ka pa today?”

“Mamayang 8am pa ’yun but I’m leaving na kasi may importante akong aasikasuhin sa school ngayon”

“Sige salamat ulit”

“No problem basta ikaw” Sabay kindat, ewan kong bunsong kapatid ba talaga ang tingin sa akin ni Jules dahil daig niya pa ang lumalandi sa bar eh.

“And I think tapos na magluto si Josh ng breakfast kaya antayin mo na lang siya” Inayos na niya ang sarili niya at tumayo.

“Hindi ka man lang kakain ng breakfast?”

“As much as I want to eat breakfast with you pero wala na talaga akong time, so I’m leaving na” Saka siya yumuko at hinalikan ang noo ko. Bigla namang pumasok si Josh at kitang kita niya ang paghalik ni Jules sa noo ko. Nakakunot noo siyang lumapit sa amin at nagsalita.

“You refuse to eat breakfast kasi sabi mo nagmamadali ka but you’re still here” Kalmado ang pagkakasabi niya pero halatang naiinis siya.

“It’s none of your business” Saka siya tumalikod at lumabas ng kwarto. Ang aga namang alitan ’to, so kasalanan ko na naman? Ako na lang palagi?

“So kamusta ang pakiramdam mo?” Kaswal niyang pagtanong. Iba ang dating niya ngayon, hindi siya katulad ng nakaraang araw na pala ngiti at masiyahin.

“Okay naman na, nakakalakad na kahit papano” Medyo awkward kasi parang hindi si Josh ang kausap ko ngayon.

“Good, here’s your food. Eat it and drink your meds” Pagkalapag niya ng pagkain sa may higaan ko ay agad siyang tumalikod para umalis.

“Sorry, I’m really sorry kung naiistorbo kita at ginagawa mo ’to kahit napipilitan ka lang” Masama sa loob kong sabihin ang mga salitang ’yun pero sinabi ko pa rin. Lumingon siya at huminga ng malalim. Muli ay lumapit siya sa akin at naupo sa aking tabi.

“I’m sorry, wala lang ako sa mood ngayon” Sumandal siya at tumingala saka huminga ulit ng malalim. Halata naman talaga sa mukha niya na may problema siya ngayon.

“Okay lang, lahat naman tayo nararanasan ’yan.. Pwede mo naman ikwento sakin. Kung gusto mo ng may makakausap para gumaan din ’yang pakiramdam mo”

“Remember when I called you last night?” Tumango lang ako at nag-aantay ng mga susunod niyang sasabihin.

“Nagkaroon ng problema sa restaurant ko kagabi kaya nagmamadali akong umalis. Nagkaroon ng aksidente sa may kitchen at isa sa mga chef ko ay nasunog ang braso. Pero maayos na ang lagay niya ngayon sa ospital, nagtamo siya ng second degree burn at ginagamot na ito. Ang problema lang ay ’yung kaguluhang nangyari sa loob ng kitchen ay narinig hanggang sa dining area ng restaurant dahil may bagong crew na nagpanic agad sa nakita niya kaya napasigaw siya ng sunog. Kaya ang mga customer ay dali-daling nagtakbuhan, may mga nadapa at nabangga na nagtamo ng minor injuries.” Huminto siya saglit at nagsalita muli.

“Syempre accountable kami sa nangyari kaya sinagot ko ang expenses ng mga naaksidente. Hindi issue sa akin ang pera, dahil I can earn it every minute. Ang mahirap lang ay ang ibalik ang tiwala ng mga tao sa restaurant dahil sa nangyari. Ang masama pa ay apo ng congressman ang isa sa mga naaksidente kaya 1-week isasara ang restaurant ko para i-monitor at iinspect kung pwede na ulit magbukas”

Kapansin-pansin nga sa mukha niya ang pagiging problemado. Oo, mayaman sila kaya hindi na issue sa kaniya ang pera pero yung passion niya sa ginagawa niya at ang pagmamahal niya sa kaniyang negosyo, ’yun ang humahatak pababa sa mood niya dahil nga sa nangyaring insidente kagabi. Mahirap nga naman talagang ibalik ang tiwala ng tao lalo na kung buhay at kaligtasan ang pinag-uusapan.

“Wala akong maipapayo sa’yo kasi wala naman akong masyadong alam patungkol sa mga business. Pero andito ako palagi para makinig sa’yo kung may problema ka at kung gusto mo ng may makakausap” Saka ko hinawakan ang balikat niya upang tapikin ito ng marahan. 

“Thank you, bihira lang din ako mag-open up sa ibang tao kapag may problema ako. Mas gusto ko kasing ako mismo ang lumulutas ng problema at hindi na ipagsabi pa. But still masarap pa rin sa feeling na may nakikinig sa’yo kapag kailangan mo ng may makakausap” Ngumiti siya sa akin at hinawakan ang kamay ko na kaninang nakalagay sa kaniyang mga braso. At syempre dahil dun ay hindi ko napigilang kiligin at pakiramdam ko ang pula-pula na ng mga pisngi ko.

“Ah-eh pano ’yung mga kapatid mo? Hindi ka ba nag-oopen up sa kanila? O kaya kay Jethro dahil siya ’yung nakakatanda sa inyo malamang may alam siya tungkol sa pinagdadaanan mo ngayon” Syempre kailangan kong magkeep-up sa conversation para mahawakan niya ang kamay ko nang matagal. Oh di ba, bumigay din!

“As you can see, hindi kami masyadong close na magkakapatid. Pero noong mga bata pa kami lagi kaming magkasama sa mga kalokohan at kulitan. When I was young, Jethro used to be my bestfriend.  Siguro dahil magkalapit lang ang edad namin at marami kaming bagay na napagkakasunduan noong mga bata pa kami. Pero nagbago na ang lahat noong….” Bigla siyang tumingala at napansin kong namumula ang mga mata niya na para bang pinipigilan niya ang umiyak kaya iniba ko na lang ang tanong.

“Okay, paano ’yung sa girlfriend mo pala?” Patay mali ang tiyempo ko nang pagsabi dapat nga pala hindi ko sinabi ’yun. Napansin ko na lang na bumitaw siya sa pagkakahawak sa akin at biglang nagsalita.

“She’s okay, nag-aaral si’ya ng fashion designing ngayon sa paris. Almost 1 year na rin kaming hindi nagkikita, pwede bang ’wag na lang natin siyang pag-usapan?” Halatang nalulungkot siya pero hindi pa rin siya makatingin sa akin habang nagsasalita.

“Sorry” ’Yun lang ang nasabi ko at humarap naman siya sa akin at ngumiti.

“It’s okay, ayoko lang talaga na pinag-uusapan pa ang mga ’yon. Pero thankful pa rin ako dahil andyan ka para makinig sa akin” Sabay kurot niya sa pisngi ko.

“Wala ’yun, maliit na bagay lang ’yun kumpara sa mga tinutulong ninyo sa akin”

“I’m happy and willing to do it, so there’s no need for you to thank me. Lumamig na yung soup na niluto ko sa’yo. Dalian mo kainin mo na”

Saka ko lang napansin na hindi pa pala ako kumakain, kaya agad ko na siyang sinubo. I mean ’yung sopas ’wag nga kayong ano diyan ang aga ninyo maging maelya ah! Sa gutom ko ay dali-dali ko itong naubos at saka ko ininom ang gamot.

“How about the ointment? I can help you with that” Hindi pa pala tapos ang issue sa pagpahid ng ointment sa may pwetan ko.

“Ahh. Okay na nakapaglagay na ako kanina sa banyo pagkatapos kong umihi” Pagsisinungaling ko kahit pagkakataon na ’yun eh, basta hindi ko kaya!!!

“Okaaaarww” Sabi niya na nagsabay sa paghikab niya. Halata ring wala pa siyang matinong tulog dahil sa mga nangyari kagabi. Pero kahit nangingitim ang mga eyebags niya ay ang gwapo niya pa rin. Parang siya ngayong panda ang sarap yakap-yakapin.

“Matulog kana muna kaya, okay naman na ako at kaya ko ang sarili ko”

“Jethro told me na hindi ka raw komportable sa mga maids kaya samin ka humihingi ng favor. I’ll just sleep here, you can just wake me up whenever you need me” Nakangiti niyangs ambit. 

Haay sana laging ganito na lang tayo. Kaso walang tayo kaya hindi magiging ganito palagi.

“Speaking of Jethro, asan nga pala siya ngayon?”

“Maaga siyang umalis para pumunta ng Manila, may aasikasuhin lang daw siya” Agad naman siyang humiga sa may tabi ko. Nilapag ko ang tray sa may kaliwang table sa tabi ko para makahiga siya nang maayos. Ilang sandali pa ay nakatulog na siya, nakatagilid siyang matulog paharap sa akin. Dahan-dahan naman akong humiga paharap sa kaniya. Ang sarap niyang pagmasdan habang natutulog. Mas lalong umamo ang kaniyang mukha na para bang may katabi akong anghel sa aking kama. Napatingin ako sa kaniyang katawan. Nakasuot siya ng pulang t-shirt at ang pang-ibaba niya naman ay shorts na kulay gray. Hindi ako mapakali nang makita ko ang umbok sa kanyang harapan nang mapatingin ako sa kaniyang suot na shorts. Natuturn-on ba siya? Ba’t parang ang laki-laki? Ginawi ko na lamang ulit ang paningin ko sa kaniyang mukha para mawala ang kung ano mang masamang balak na pumapasok sa isipan ko.

“Pwede bang huwag mo akong titigan? Baka lalong hindi ako makatulog eh” OMG. . Bigla siyang nagsalita. Don’t tell me kanina niya pa napapansin na tinititigan ko siya pati ang ano niya? Naku sobrang nakakahiya kaya tumalikod na lang ako at nag-sorry sa kaniya. Hindi naman siya nagsalita ulit kaya kinapa ko ’yung cellphone ko na nasa ilalim ng unan ko. Pagkakuha ko ay agad kung tiningnan ang oras, mag-aalas nwebe pa lang pala. Dinalaw na rin ako ng antok dahil narin siguro sa gamot na ininom ko.

Hindi ko namalayan ang oras at ginising na lang ako ng sikmura kong galit na galit na sa gutom. Madilim ngayon ang kwarto ko dahil nakababa pa rin ang mga kurtina at ang ilaw sa kwarto’y nakapatay na. Ang tanging liwanag sa kwarto ko ay nagmumula sa tv screen na nasa lapag ng sahig sa kwarto ko. Kelan pa nagkaroon ng 40 inch na tv sa kwarto ko? Wala na rin si Josh sa tabi ko kaya napabangon ako bigla at napatingin sa monitor ng tv. Parang laro ’to sa PS4 ang napapanood ko ngayon pero hindi ko makita kung sino ang naglalaro dahil madilim ang kwarto. Kapansin-pansin sa laro na may lalaking tumatakbo sa hallway ng isang lumang bahay at pilit nagtatago sa kung saang kwarto man ang mapasukan niya. Ilang sandali pa ay pagbukas niya ng pinto ay may matandang bumulaga sa kaniya kaya pati ako ay napatili ng malakas. Oo, tili talaga na para bang babae. Bigla naman may tumayo sa may paanan ko kaya lalo akong napasigaw.

“Hey anong nangyari sayo?” Sabay sumindi ang ilaw. Nakita kong papalapit sa akin si James na walang suot kundi ang boxer shorts niya. Ay bat gano’n may pasight na naman siya ng kaniyang abs? Back to story.. Gulat pa rin ako that time kaya hindi ako agad nakapagsalita.

“I’m asking you, what happened to you?” Tinanong ako ulit ni James.

“Ahh-ehh nagulat kasi ako sa nilalaro mo, saka andilim pa ng kwarto tapos bigla kang tumayo. Atsaka ano bang ginagawa mo rito sa kwarto ko? Si Josh asan?” Mabilis kong sabi.

“Hold on, just relax okay?” Sabi niya kaya tumango lang ako.

“May bagong version kasi ngayon ang Resident Evil 7: Gold Edition. Hindi na ako makapag-antay na matapos ’to ulit para malaro ko ang ibang content. Kaso sabi ni Josh bantayan daw muna kita dahil may aasikasuhin daw siya sa restaurant niya. So I put my PS4 along with this LCD tv here para makapaglaro ako habang binabantayan kita” Sa pagkakasabi pa lang niya ay bigla na akong nahiya sa abalang binibigay ko sa kanila.

“Sorry at naabala pa kita. Hindi mo naman kailangang gawin pa ’to” Nakayuko kong sabi. Nahihiya ako sa kaniya at the same time nadidistract ako sa mga abs niya. Yung totoo nahihiya o naglalande?

“I don’t mind at saka wala rin naman akong ginagawa sa bahay na ’to. And they’ve told me na hindi ka raw komportable sa mga maids so this is the least that I can do for you” Saka siya ngumiti habang nakapamaywang. Yumuko na lang ako ulit para hindi madistract sa ano niya na para bang bumubukol na.

“Salamat” ’Yun lang naisagot ko.

“Akala ko pa naman kung ano na ang nangyari sayo, ang lakas nang pagkakatili mo para kang babae. Akala ko nga babae ang kasama ko gagahasain ko na sana” Sabay kindat niya sa akin. Para akong sinampal ng kaliwat kanan ng blush on nito. Feeling ko pulang pula ang mukha ko sa sobrang kahihiyan.

“Haha, I’m just kidding! You know what, I really don’t mind whatever you are, if that’s what makes you happy so be it” Gwapo rin nito ngumiti, halos maningkit siya tuwing ngingiti siya ng wagas. Ngumiti na lang din ako sa kaniya, atleast hindi ko na kailangang magpanggap pa sa harap niya. Ilang sandali pa’y bigla na lang kumalam ang sikmura ko. Malakas ’yun kaya rinig na rinig niya.

“Oh you must be hungry, may niluto si Josh bago siya umalis. I’ll get it for you”

“Salamat at sorry sa abala”

“No worries, maliit na bagay lang ’yun. And by the way while you are you waiting for me you can play with my PS4. Syempre ihi-heat ko pa ’yun kasi kanina pang 12 luto ’yun”

“Ah sige, wala ka ba dyang laro na madali lang. Ayoko kasi ng nakakatakot” Yumuko siya at namili ng nga disc sa lapag.

“How about GTA V?

The Sims4

?“ Inangat niya ang mga disc na nagkalat sa sahig.

“Yung The Sims 4 na lang, meron kasi ako niyan sa laptop before kaya alam kong laruin ’yan”

“The Sims 4 then” Saka niya isinalang ang TS4 sa kaniyang PS4, o di ba rhymed?

“If you don’t mind pwede ko bang laruin yung

household

mo?“ Tanong ko sa kaniya bago siya makalabas ng kwarto.

“Sure, basta ’wag mo lang silang papatayin isa-isa” Natatawang sabi niya kaya agad ko naman nilaro ang household niya.

Dali-dali kong binuksan ang household ni James at chineck isa-isa ang mga members ng family. Nakakatuwa lang kasi ang ganda ng pagkagawa niya sa bawat members dahil ang gugwapo at ang gaganda ng mga members ng household niya. Parang isang oras mahigit ang ginugol niya para magawa ang isang member dahil detalyado lahat. Sa loob ng bahay, ay may apat na lalaki at tatlong babae, ang sipag niya mag handle ng household dahil napakarami nito. Ako nga hanggang apat lang ang kaya ko i-manage. Wala silang apelyido kaya di ko alam kung magkakapatid sila or room mates lang. Oo, sa Sims kasi pwede ka magcreate ng household kahit hindi sila magkakamag-anak parang PBB lang gano’n. Natuwa ako sa dalawang guy na nagkukwentuhan sa mesa habang kumakain. Isa to sa mga features ng laro na may sariling actions ang mga sims kapag ’di mo sila binibigyan ng task. So nacurious ako sa dalawang lalaki kaya binigyan ko sila ng mga task. Una pinagplay ko sila ng jokes, sumunod pinagselfie ko sila, tapos pinag hug ko sila hanggang sa tumaas ang closeness nila. Bigla na lang ako inatake ng kapilyuhan ko kaya binigyan ko sila ng task na sunod-sunod. Sa TS4 kasi pwede mong i-queue ang mga task na gagawin nila kaya ang unang pinagawa ko sa kanila ay magholding hands, whisper sweet nothings, make-out tapos

woohoo.

(Note: Ang katumbas ng woohoo na task sa laro ng TS4 ay pakikipagtalik)

So habang nakaqueue ang mga task na pinapagawa ko sa mga sims ay bigla na lang pumasok si James dala-dala ang bitbit niyang pagkain. Nataranta ako kung alin bang button ang pipindutin ko para macancel ang pinaggagawa kong kalokohan sa laro. Nanlaki ang mata niya nang makita ang nangyayari sa tv screen. Nagsisimula nang magmake-out ang dalawang lalaking SIMS. Ang mas nakakaloka pa ay ’yung magsimula na silang mag-woohoo kaya dali-dali kung pinindot ang PS button at napunta ito sa home screen ng PS4.

“What are you doing with my household?” Tanong niya na ikinatakot ko.

“Sorry, nag-eexperiment lang ako ng mga task sa sims” Nahihiya kong sambit.

“Experiment with two male sims? Don’t you know na magkapatid ang dalawang ’yun? Tapos pinag-woohoo mo?” Hindi pa rin siya makapaniwala at kahit naman ako ay naloka dahil magkapatid pala ’yun. Aba malay ko ba, daig pa nila ang magsyota kung mag-usap kanina at saka laro lang naman ’to bat ang big deal sa kaniya?

“Sorry na okay, hindi ko naman kasi alam eh” Nakakahiya na lalo sa kaniya, ba’t ba kasi lagi akong nahuhuli pag gumagawa ako ng kalokohan? Lumapit siya sa may table sa kanan ko at nilapag ang pagkaing dala niya para sa akin at saka siya umupo hanggang sa magkatabi na kami. Nilapit niya ang kaniyang mukha sa aking tenga. Sa mga sandaling ’yun ay hindi ako makagalaw at hindi ko alam ang gagawin ko. Ramdam ko ang bawat paghinga niya sa aking tenga at ramdam ko ang init ng kaniyang  dibdib na tumatama sa aking braso. Bigla niyang hinawakan ang kamay ko na nakahawak pa rin sa DS4(PS4 Controller)

at bigla na lang siyang nagsalita.

“It seems like gusto mong i-try makipagmake-out at makipagwoohoo sa mga kapatid mo” Sobrang mapang-akit ang kaniyang boses. Pakiramdam ko ay nag-init ang buong katawan ko sa mga binulong niya sa akin. Humihigpit na rin ang hawak niya sa aking kamay at unti-unti itong hinihimas na mas lalong nagpapalambot sa aking katawan.

Pero hindi maaari ito, hindi pwedeng may mangyari sa aming dalawa. What to do???

Itutuloy…

Chapter 8: Samantha who?

Tony as Jean

  ![](https://img.wattpad.com/7f27d9be0b04d265696e295e7d0dc69b9bb92aa9/68747470733a2f2f73332e616d617a6f6e6177732e636f6d2f776174747061642d6d656469612d736572766963652f53746f7279496d6167652f613676794b676b6c58395a7541773d3d2d3531363838383139322e313530363432653564643438326363613234313230363131363730362e6a7067)

Eisen’s POV

Narito ako ngayon sa aking kwarto kasama si James. Nakaupo kami sa aking kama at magkatabi. Madilim ang kwarto, tanging ang liwanag sa flat screen tv na nasa sahig ang siyang nagbibigay liwanag. Malamig ang aking kwarto dahil sa magdamagang naka bukas ang aircon. Tahimik ang sandali ’yun at parang ang pagtibok lang ng aking puso ang tangi kong naririnig. Mainit kahit malamig, malamig pero mainit. Ganiyan na ganiyan ang aking nadarama sa sandaling ito. Halos habulin ko ang aking paghinga dahil sa sensasyong nararamdaman ko ngayon.

Mainit ang binubuga ng kanyang hininga na ramdam na ramdam ko sa aking tenga at batok. Lalong humihigpit ang paghawak niya sa aking kamay at ramdam ko ang namamasa nitong pawis. Hindi ko pa rin alam kung ano ang gagawin ko sa sandaling ito, kaya napapikit na lang ako at iniisip na isa lamang itong panaginip at maya-maya lang ay magigising din ako. Pero mali ako dahil ilang saglit lang ay naramdaman ko ’yung pagdila niya sa aking tenga at bigla niya itong kinagat. Hindi ko napigilang umungol sa tindi ng sensasyong nararamdaman ko sa sandaling ’yun. Hindi ko nagawang takpan ang bibig ko para pigilan ang pag-ungol kaya kinagat ko na lang ang aking pang-ibabang labi para maiwasan ko ang pag-ungol. Hinawakan niya ang aking mga pisngi at hinarap niya sa kaniya. Sobrang lapit na ng mga labi namin sa isa’t isa pero hindi pa ito magkadikit. Ilang sandali pa ay hahalikan na niya ako nang biglang may tumutunog na cellphone. Hindi ko naman cellphone ’yun dahil hindi gano’n ang ringtone ko.

Gusto nyong malaman anong ringtone ko? Okay, ang ringtone ko lang naman ay ’yung chorus ng kanta na “As if it’s your last” ng BlackPink. Oo, fan nila ako kasi mahilig nga ako sa pink di ba? kaya dahil dun fan ako, bakit ba? Okay back to story at back to my old self. Parang hindi ako ’yung taong nagsasalita kanina kasi ganiyan talaga ako pag seryosong bagay na. Magpakagat sa tenga, seryosong bagay?

“Seriously, ano na naman yun Fune?” Naiirita niyang sagot sa kaniyang cellphone na kanina pa palang nakaipit sa boxer shorts niya sa kaniyang likuran.

“Ngayon na ba talaga ’yun? Wrong timing naman!” Hindi ko alam kung natutuwa ba siya o naiinis sa mga nangyayari kasi parang good news na ewan ang pinag-uusapan nila base sa hitsura niya ngayon.

“Okay, magseset-up lang ako. Just give me 15 minutes okay?” Saka niya binaba ang cellphone at tumingin sa aking muli na nagbigay sa akin ng kaba.

“Let’s try that experiment of yours next time, I need to set-up my PS4 in my room kasi may beta testing kami ng isang game with my friends at kailangan ko nang magmadali kasi matagal naming inantay ’to” Hindi ko alam kung anong isasagot ko sa kaniya kaya tumango na lang ako. Pagkatayo niya ay muli rin siyang naupo upang bumulong sa akin.

“Para kang babae kung umungol, it makes me so horny” Saka siya tumayo at kumindat habang kagat-kagat ang pang-ibabang labi nito. Atsaka ko lang din napansin ang bukol niya ngayon na bakat na bakat sa kaniyang boxer shorts. OMG! Napayuko na lang ako sa sobrang kahihiyan that time. Ganito talaga ata pag-virgin hindi mo alam ang gagawin pag nasa eksena kana. Syempre natutunan ko lang ’yang mga kamunduhan na ’yan sa kakabasa ng mga blogsites at stories sa wattpad. 

Bago pa man siya lumabas ng kwarto ay lumapit muna siya malapit sa may pinto para buksan ang ilaw at saka niya inabot sa’kin ang pagkaing nasa table.

“Here’s your food. Sorry, but I’ll be busy for 2 or more hours dahil nga magbebeta testing kami. If you need something just ask Jean. I think nasa kwarto ’yun o kaya nasa music room dahil wala naman siyang pasok, okay?”

“Okay, sal-sal..salamat” Ba’t ba ako nauutal? Ang bastos tuloy pakinggan. Napangisi lang tuloy si James at tumalikod papuntang pintuan para lumabas.

“Eh paano ’tong TV at PS4 dito? Akala ko ba magseset-up kapa sa kwarto mo?” Paghabol kong tanong habang binubuksan niya ang pinto.

“Spare unit ko lang yan. Ang ginagamit ko talaga sa gaming ay nasa kwarto at hindi pwedeng malipat” Kumindat siya at tuluyang lumabas. Sa bagay mayaman nga pala sila kaya naman marami siyang pambili.

Nagsimula na rin akong kumain para makainom na rin ng gamot dahil lagpas na sa oras ng aking pag-inom. Pagkatapos kong kumain at makainom ng gamot ay dali-dali ko namang tinungo ang banyo para makaligo dahil pakiramdam ko sobrang lagkit ko na. Nang mahubad ko na ang lahat ng suot ko ay agad kong binuksan ang shower at sumandal sa glass wall dahil may kirot pa rin akong nararamdaman kapag tumatayo ng napakatagal. Nakasandal ang aking kaliwang braso para maiwasang tumama ang aking pwetan sa glass wall. Saka ko sinimulang linisin ang aking katawan ng dahan-dahan dahil minsa’y nakakaramdam ako ng pangangalay kapag napapatigil ako sa aking ginagawa. Pagkatapos kong maligo ay dali-dali naman akong nagbihis ng damit dahil sa lamig na aking nadarama. Sa aking paglabas ng banyo ay napansin ko na malinis na ang aking kwarto. Ang flat screen tv sa sahig at ang mga nagkalat na mga PS4 disc ay wala na rin. Maging ang pinagkainan ko na nakalagay sa maliit na table ay nailigpit na rin. 

Lumapit ako sa table na kung saan nakapatong ang aking cellphone at sinimulang magbasa ng mga text messages. Karamihan dito ay galing kay Jules na kinakamusta ang pakiramdam ko, kung okay lang ba pakiramdam ko. Ang iba ay kay Josh na nagpapaalala na kumain at inumin ang gamot ko para maging maayos na ang pakiramdam ko. Ang isa naman ay galing sa isang unknown number na ang sabi ay “ Don’t push yourself, take plenty of rest at huwag kang pasaway “. Kahit hindi ko na tanungin kung sino ang may-ari ng number na ’to ay pakiramdam ko ay kilala ko na kung sino. Dali-dali naman akong nagreply kay Josh at Jules, nagpasalamat at sinabing okay na ang pakiramdam ko. “Yes Dad!” naman ang nireply ko kay Jethro. Pagkatapos kong maisend ay may biglang tumawag sa akin.  Sinagot ko kaagad kahit di ko kilala kung kaninong number ’yun.

“Hello?”

“Why the hell you keep on calling me dad?” Inis na sambit nito.

“Eh-” Nagulat akong marinig ang boses ni Jethro. Hindi naman kasi ito yung number na ginamit niya pangtext sa’kin kanina.

“Eh papano para kang daddy ko kung maghigpit at magalit sakin” Dugtong ko.

“So you want me to act ask as your dad for real huh?” Naiinis pa rin siya.

“Hindi naman sa gano’n parang binibi-” Di ko natuloy ang sinasabi ko dahil nagsalita siyang ulit.

“Okay, from now on I’ll be your D-A-D-D-Y!”

“Hey, Hey, Hey!” Bigla na lang niya pinutol ang tawag.

“By Katy Perry? Arrgghhh…. Buwisit ka Jethro!!” Dugtong ko. Bigla akong kinilabutan sa pag emphasize niya sa Daddy. Ngayon pa lang na kapatid ang turing niya sakin eh sobrang strict at sungit na, what more kung D-A-D-D-Y pa? Hindi ko maimagine at saka iba ang naiimagine ko kapag word na daddy sa kaniya. Naku-naku, erase-erase! Nakakalock, nakatago ang susi sa langit!

Nang humupa na ang inis ko ay agad ko namang nilapag ang cellphone ko sa may maliit na table at napansin ko na lang ang mga susing nakapatong din doon na may gold keychain na may symbol ng konoha ng Naruto. Alam ko ’yun kasi isa sa mga favorite anime ko ’yun noong bata pa ako. Naalala ko pa nga noong naglalaro kami dati ng mga kalaro ko ng Naruto, yung laban-laban kunwari. Syempre maraming gustong maging Naruto kasi gusto nila sila ang bida sa labanan tapos meron ding gusto na mag Sasuke ’yung crush ko noong bata pa ako. Syempre pag sasuke ka dapat pogi ka, kaya siya lagi ang Sasuke sa laro namin. Ako anong role ko? Syempre ako si Sakura kasi pink ang hair niya, di ba nga I love pink? Tapos sasagipin ako ni Sasuke sa mga kalaban namin tapos ako naman kilig na kilig. Pero syempre joke lang ’yun!  Ang lagi kong role noon ay si Choji, kasi noong grade school tabain talaga akong bata. Madalas akong tampulan ng tuksuhan dahil nga sa katabaan ko kaya noong nag High School ako ay pinilit ko talagang pumayat sa pamamagitan ng pagbabawas ng pagkain at pag-eexercise.

Pagkatapos kong makapagmuni-muni ay agad kong kinuha ang susi para isauli ito kay James dahil malamang siya ang nagmamay-ari nito dahil siya lang naman ang mahilig sa games at anime sa bahay na ’to. Kahit iika-ika ay nilakad ko ang daan papunta sa kwarto niya. Hindi ko pa pala masyadong naipaliwanag ang mansyon sa inyo dahil hanggang ngayon ay namamangha pa rin ako dito. Dalawang palapag lang ang mansyon pero napakalaki nito. Kapag manggagaling ka sa main door ay agad mong mapapansin ang isang malaking hagdan. Pag-umakyat ka ay may dalawang hagdan papunta sa kanang bahagi at kaliwang bahagi ng mansyon. Sa kaliwang bahagi ng mansyon ay ang kwarto ni James at Jean, pati na rin ang sa kwarto ng ama nila ay naroon din. Maraming bakanteng kwarto doon para sa mga guest, doon din matatagpuan ang music room nila na kung tawagin. Nasa kanang bahagi naman ng mansyon ang kwarto namin ni Jules at Jethro. Meron din doong library sa isang kwarto na hindi ko pa rin napapasok. Ang kanilang garden ay nasa labas sa kanang bahagi ng mansyon at sa likod naman ay meron din silang greenhouse para sa mga rare type na halaman dahil mahilig daw ang daddy nila sa mga halaman. Sa likod at kaliwang bahagi ng mansyon ay mayroong infinity pool na ubod ng ganda dahil tanaw na tanaw mo ang dagat na para ka na ring naliligo sa dagat. Hindi ko pa rin nasusubukang maligo dun pero feeling ko masayang mag swimming doon. Meron din silang basement/underground park kung saan nakatago ang iba pa nilang mamahaling sasakyan na hindi ko pa rin nararating. 

Ilang minuto na pahinto-hintong paglalakad ay nakarating din ako sa kwarto ni James. Kumatok ako ng ilang beses pero walang sumasagot. Hindi nakalock ang pinto dahil sa pagpihit ko ng door knob ay bumukas kaagad ito. Hindi ko na tinuloy ang pagpasok sa kaniyang kwarto dahil naalala ko ang unang tagpo namin.  Ganitong ganito ang eksena na walang sumasagot sa pagkatok at baka sa pagbukas ng pinto ay baka maabutan ko na naman na may ginagawa siyang kakaiba. Baka sabihin pa niyang nanadya ako, kaya naman tumalikod na lang ako. Babalik na sana ako sa aking kwarto nang matanaw ko na bukas ang pinto sa music room. Nagbaka sakali akong andoon si Jean at nagpapractice kaya dahan-dahan kong pinuntahan ang music room. Ilang kwarto rin ang dinaanan ko hanggang sa makarating ako sa harap ng music room. Hindi nga ako nabigo dahil andoon nga siya sa loob at inaayos ang tono ng gitara. Marahil magsisimula pa lang siyang magpractice kaya pinanood ko lang siya habang inaayos niya ang tono ng gitara. Saka niya lang ako napansin noong magsisimula na siyang kumanta.

“What are you doing here?” Taas kilay niyang tanong.

“Ganiyan ka ba talaga umasta sa mga fans mo?” Naiinis kong sabi.

“No, what I mean is dapat nagpapahinga ka ngayon kaya anong ginagawa mo rito?”

“I’m okay, sabi rin ni Doc maglalakad lakad ako para maexercise ko ang binti ko”

“Still, ang layo ng kwarto mo sa kwarto ko. Paano na lang kung may mangyari sayo? Ako pa masisisi”

“Wait, concern ka ba sakin dahil sa kalagayan ko o concern ka lang dahil ayaw mong masisi ka?”

“Both!”

“Okay, aalis na lang ako. By the way, pakiabot na lang ’tong susi kay James. Naiwan niya sa kwarto ko” Sabay abot ng mga susi sa kaniya.

“Wait dito ka muna, samahan mo muna ako” Hinawakan niya ang kamay ko noong aakmang tatalikod na ako.

“Huwag na baka maabala pa kita sa pagpractice mo!” Sabay bitaw sa pagkakahawak niya sa kamay ko. Aaminin ko, kinilig ako ng sandaling ’yun pero pinili ko pa rin ang magpabebe kasi ang arte-arte ko.

“Actually, these keys are mine.  Naiwan ko siguro noong dinalaw kita kanina” Napalingon ako sa sinabi nya at mukhang namang seryoso siya. 

“Huh? Eh di ba magkatabi kami ni Josh kanina matulog at saka late na siyang umalis?”

“Sa pagkakaalam ko ay lumabas din siya after mong makatulog dahil may aasikasuhin daw siya. Lalabas sana ako ng mansion para bumili ng bagong headset pero humingi siya ng favor na bantayan daw muna kita”

Nakakatuwa lang talaga na sobra ang pag-aalala sakin ni Josh. Kung wala lang talaga siyang girlfriend matagal ko na siyang nilandi kaso walang wala ako no’n. 

Walang ganda, walang landi, hanggang pagpapantasya na lang ang magagawa ko hay.

“Eh bakit pagkagising ko wala ka na? Si James na ang nagbabantay sa’kin?”

“I received a call from my manager at nagkita kami sa isang coffee shop na malapit dito”

“So paano ka nakaalis kung na sa akin ang mga susi mo?”

“Maraming kotse sa garage na pwede kong gamitin. This car key is personally mine. Lahat kami ay may mga personal na kotse pero ’yung mga nasa garage ay pwede naming gamitin anytime”

Iba talaga pag mayaman. Hindi mamomroblema ng masasakyan at marami pang pagpipilian. Pero sa dami ng kotse na pag-aari nila ay ewan ko ba kung nagagamit nilang lahat ’to. Eh may kaniya kaniya rin naman silang kotse bukod pa ang mga service vehicle nila.

“Ohh…salamat nga pala at pasensya na sa abala”

“It’s okay, how about maupo ka muna riyan at ipahinga ang mga binti mo and I’ll sing a song for you?” Nakangiti niyang sambit.

Eto yung gusto kong nakikita sa kaniya, ’yung nakangiti at hindi ’yung mukha niyang laging seryoso at may pinoproblema. Madalas din kasi sa mga kantang kinocover niya ay puro mga sad or sentimental songs kaya maraming nakakarelate. Pero sa totoong buhay parang ganoon din siya, malungkutin. Wala rin naman akong nabalitaang may girlfriend siya. Kung heart broken  naman siya ay hindi ko rin alam, sapagkat nahihiya akong magtanong.

“Sure” Maiksi kong tugon habang dahan-dahan akong umupo sa couch na nasa harapan niya.

“Anong gusto mong kantahin ko?” Tanong niya habang kinakaskas ang gitara.

“Kahit ano, ikaw ang bahala”

Saka siya yumuko at tumitig sa gitara habang pinapatugtog ito. Alam ko na agad kong ano ang kakantahin niya dahil sa musika na nililikha nito. Ilang sandali pa ay sinimulan na niyang ibuka ang kaniyang bibig upang kumanta.

I want you to stay, never go away from me

Stay forever

But now, now that you’re gone

All I can do is pray for you

To be here beside me again

Why did you have to leave me

When you said that love will conquer all?

Why did you have to leave me

When you said that dreaming was as good as reality?

Bigla siyang napatingin sa’kin habang sinasambit ang mga huling lyrics na ’yun. Siguro kung hindi siya ang step-brother ko ngayon at isa pa rin akong simpleng tagahanga nIya ay nagtatalon na siguro ako sa kilig at tuwa.

And now I must move on

Trying to forget all the memories of you and me

But I can’t let go of your love that has taught me

To hold on

I want you to stay, never go away from me

Stay forever

But now, now that you’re gone

All I can do is pray for you

To be here beside me again

Why did you have to leave me

When you said that love will conquer all?

Kinanta nIya ang version ni Dayrl Ong ng Stay. Pero para sa akin mas maganda ang pagkakanta niya nito.  Andoon ang boses niya na malamig pero hindi nawawala ang pagkamasculine nito na ang sarap sa pandinig. Feeling ko talaga hinaharana niya ako that time, pero syempre feeling ko lang ’yun. Nakakakilig lalo na kapag nanapatingin siya sa akin habang kumakanta. Kahit malungkot ang meaning ng kanta ay nakakakilig pa rin dahil sa paraan niya ng pagdeliver nito. Kahit pilitin ko ang aking sarili ay hindi ko paring mapigilang mapangiti habang nakikinig sa kaniya.

Natapos din naman niya ang kanta at agad naman ako pumalakpak. Kulang na lang ay bigyan ko siya ng standing ovation kaso ’yun nga hirap akong tumayo kaya nilakasan ko na lang ang pagpalakpak ng aking mga kamay. Natawa naman siya sa inasta ko. Bigla akong nanibago sa mga pinapakita niya. Siguro nagkamali lang talaga ako ng pagkakakilala sa kaniya. Parang hindi naman talaga siya masungit o masama ang ugali. Sadyang may pagka loner type lang siya na minsan gustong mapag-isa. 

“Walang kupas, ang galing mo parin! Mas masarap talagang pakinggan pag live mong naririnig” Pagbati ko sa kanta niya.

“So kelan ka pa naging fan?”

“Matagal na, simula noong nagviral ang pagcover mo ng kanta ni Bruno Mars na ‘It will rain’. Sobra akong napahanga dun kaya nagsubscribe agad ako sa channel mo sa Youtube” Natutuwa kong sambit, para bang nagrerecite ako sa teacher ng sagot na ako lang ang nakakaalam sa buong klase. Gano’n na gano’n ang pakiramdam ko ngayon at nanumbalik bigla ang paghanga ko sa kaniya.

“If you’re a fan, bakit hindi man lang kita nakikita sa mga gig ko?”

“Well, unang una hindi ko afford ang ticket sa mga bar na pinupuntahan ninyo. Puro pang mayaman. Saka kung andoon naman ako, I doubt na makikilala mo pa ako sa dami ng mga fans mo”

“Why not? Siguro hindi ko maaalala ang name mo pero maaalala ko naman ang face mo”

“At bakit?”

“Because you’re special”

“Mukhang special child gano’n” Bigla siyang natawa, Ewan ko ba imbes na mainis ako ay natuwa na lang din ako sa pagtawa niya. Sadyang nakakahawa kasi ’yung tawa niya at ang sarap pakinggan. Parang siya, ang sarap… Eme!

“No, seriously…the moment I saw you ay para kang si…” Hindi niya natuloy ang sinabi niya kaya ako naman ay nagtaka.

“Parang ano, sino?”

“Never mind, how about ikaw naman ang kumanta tapos ako ang maggigitara?”

“Eh ayoko, hindi maganda ang boses ko baka pagtawanan mo pa ako!”

“No, Just sing. I’m not here to judge okay? Jamming lang kumbaga, basta kumanta ka lang akong bahala sa paggigitara”

“Totoo? Pag ikaw talaga tumawa or ngumisi-ngisi diyan ay lalabas talaga ako sa kwartong ’to!” 

At ayon pa nga lang ang sinasabi ko ay nakangisi na siya kaagad. Ngayon ko lang napagtanto na may pagkabungisngis pala ’tong si Jean.

“Oo, promise” Ngumiti siya habang nakataas ang kanang kamay para mag promise sign.

“Okay, alam mo ba ’yung kanta na ‘We can’t be’ ni Krissy?” Tumango naman siya at agad naggitara. Hindi ko naman iniexpect na alam nga ’yun kasi puro panlalaki ang mga kinakanta niya pero dahil nagsimula na siyang tumugtog ng gitara kaya sinimulan ko na rin ang pagkanta.

Sometimes I wonder late at night

How you haven’t left ever since that time

I play it in my mind, all of the goodbyes

Still hang on my lips.

Habang kinakanta ko ito ay kagaya niya ay tumitingin tingin din ako sa kaniya. Pero sa sandaling ito ay ibang tao ang iniisip ko habang ako ay kumakanta. Ang taong iyon ay walang iba kundi si Josh. Pakiramdam ko talaga ay habang tumatagal ay lalong lumalalim ang aking paghanga sa kaniya  dahil sa efforts na binibigay niya sa akin.

2 A.M. thinking about us again

How you said to stick it out until the end

It wasn’t worth a fight

Wish that I could change your mind

And you would see me in your dreams tonight.

Hindi kagandahan ang boses ko pero masasabi kong hindi ako sintunado. Kumbaga sakto lang at maayos ang aking pagkakanta. Hindi man akma ang nararamdaman ko sa lyrics ng kanta ay feeling ko ay dati pa kaming magkasintahan ni Josh na nagbreak-up dahil sa hindi pagkakaunawaan. Oh di ba, ganiyan ako kalakas mag ilusyon. Nagulat na lang talaga ako nang biglang sumabay sa’kin sa pagkanta si Jean sa chorus.

Baby, I’ve been thinking about you lately

Won’t you come over and save me from my memories?

Sabay naming kinanta habang nakatingin kami sa isa’t isa. Pakiramdam ko ay kagaya ko rin siya. Ibang tao rin ang nasa isip niya at hindi ako. Gano’n din naman ako sa kaniya o sadyang isa lang talaga akong feelingera.

Yeah and I might sound crazy

Like do you ever maybe miss me?

Cause I wish you were here badly

Hinayaan ko siyang kantahin ang mga linyang ’yun atsaka ako sumabay sa mga huling lines.

But I know we can’t be

I know that we can’t be

Tumigil na rin ako sa pagkanta.  Para sa akin ay sapat na ’yun dahil hindi naman kasi ganun kaganda ang boses ko. Di gaya ng sa kaniya na ang sarap-sarap pakinggan. Matapos magpatugtog ay sinandal naman niya ang gitara sa upuan na katabi niya at saka pumalakpak.

“Not bad, kung mag-aaral ka lang siguro ng tamang pagkanta ay pwede ka rin maging singer”

“Utot mo! Hindi mo ako mabobola kasi alam ko namang hindi kagandagan ang boses ko no!”

“No Joke, may dating ang boses mo at mas mapapaganda mo ’yan kapag napag-aralan mong mabuti kung paano ang tamang pag-awit” Mukhang seryoso naman siya sa sinasabi niya pero ako syempre pahumble pa rin.

“Hindi na kailangan, mas okay na sa akin ang makinig sa mga kanta kaysa ako ang kumanta”

Tapos nagrequest pa siya ng isa pang kanta na duet daw kami. This time ang kinanta naman namin ay ang ‘Way back into love’.  Syempre ako ang kakanta sa linya ng babae at siya naman sa lalaki. Bahala siya kung anong isipin niya basta ’yun ang part ko. Saka hindi rin naman ako nagboboses babae kasi hindi ko kaya. Typical lang ang boses ko at hindi ako magaling gaya nga ng sinabi ko.

Natapos din ang Jamming Session namin ni Jean at hindi ko namalayan ang oras dahil pasado alas singko na pala. Malamang pauwi o nakauwi na sila Josh, Jethro at Josh kaya tumayo na rin ako para magpaalam kay Jean dahil gusto ko rin muna magpahinga kahit kaunti sa kwarto bago magdinner. Kaya ko naman na sumabay sa kanila na kumain sa dining hall ngayon. At ayon na nga nagpaalam na ako kay Jean at tumayo naman siya para yakapin ako na siyang kinagulat ko kasi hindi ko naman inaasahan ’yun.

“Ahh-eh” Wala akong masabi dahil nagulat pa din ako sa pag-akap niya.

“I just want to say thank you”

“Thank you saan? Sa mga susi? Naku maliit na bagay lang yun haha” Hilaw na tawa na lang ginagawa ko  at saka naman ako kumawala sa pagkakayakap niya. Yung mga kamay niya ay nanatili parin sa aking mga braso.

“No, I just want to say thank you for making me happy. Siguro pinadala ka samin ni Samantha para sumaya ulit”

“Sam-Samantha? Sino si Samantha?”

“Si Sam ay ang aming….” Naputol ang pagsasalita niya nang may biglang nagsalita.

“What’s going on in here?” Galit nitong sabi.

Paglingon ko ay nakita ko agad si Daddy este si Jethro na nakasandal ang kamay sa pintuan ng music room. Ang sama nito makatingin lalo na sa akin. Para bang asawa niya ako at nahuli niyang may kalaguyo na look. Gano’n na gano’n ang tingin niya, bakit na naman ba? Kasalanan ko na naman? Alangan naman pagbawalan ko silang yumakap yakap sakin.

Itutuloy…

Chapter 9: Hot Stuff

Joss as Jules

  ![](https://img.wattpad.com/5ad51ab6a853ff69805ac503721b181265155e2d/68747470733a2f2f73332e616d617a6f6e6177732e636f6d2f776174747061642d6d656469612d736572766963652f53746f7279496d6167652f5875633571734d51623531386b413d3d2d3531383737323139302e313530373738383437393431316537373630313637333530373431362e6a7067)

Eisen’s POV

Tila napako ako sa kinakatayuan ko nang makita ko si Jethro sa may pintuan ng music room. Ang sama pa rin ng tingin niya sa’kin na para bang may ginawa akong malaking kasalanan at huling-huli ako sa akto na walang idadahilan. Magpapaliwanag na sana ako nang biglang magsalita si Jean.

“Nagjajamming lang kami ni Eisen, Is there something wrong with that?”

“No…what I mean is, what’s the meaning of this Eisen? You’re supposed to be be resting on your bed right now. Hindi pa magaling yang butt cheeks mo tapos nagawa mong maglakad-lakad?” Sambit ni Jethro. Hindi ko pa rin alam kung ano ang isasagot ko sa kaniya kaya pinili kong manahinik.

“Hindi siya lumpo, okay? And the Doctor said naman na kailangan niyang ma-exercise ang kaniyang mga binti” Pagtatanggol ni Jean sa akin.

“You call that exercise? Ang layo ng kwarto niya sa music room, sa condition niya ngayon you think exercise ang matatawag dun?” Medyo lumalakas na ang boses niya.

Pero totoo naman malayo talaga ang kwarto ko sa music room, halos isang minutong paglalakad bago mo marating ito kung ibabase sa normal na kalagayan ko. Pero dahil nga ika-ika akong maglakad inabot ako ng higit sa tatlong minuto bago ko marating ang kwartong ’to. Sasagot pa sana si Jean pero inunahan ko na siya agad na sumagot para matigil na ang alitan nilang dalawa.

“I’m sorry, kasalanan ko ang lahat Jethro. Medyo bored kasi ako sa kwarto kaya napag-isip isipan kong maglakad lakad hanggang sa makarating dito. Kaya ’wag mo nang sisihin si Jean, hindi rin naman niya ginusto na pumunta ako dito” Nakayuko na lang ako habang nagsasalita dahil ayokong makipag eye to eye contact sa kaniya baka maintimidate pa ako lalo. 

“You just plainly called me Jethro?” Napatingin ako sa kaniya nang siya’y magtanong. Halatang hindi siya natutuwa sa nangyayari dahil nakataas na ang  kilay niya habang nag-aantay ng sagot ko.

“I’m sorry Ku—ya” Halos mautal kong sambit dahil ayoko talagang tawagin silang kuya dahil hindi ako sanay at ayokong masanay. Pero nanatiling nakataas pa rin ang kilay niya at nakatingin sa akin. Saka ko lang naalala na gusto nga pala niyang tawaging…

“Hey you’re being rude to him!” Sabi ni Jean kay Jethro habang nakaakbay sa mga balikat ko ang kaniyang braso.

“I’m just telling him the truth okay? Now go back to your room Eisen! At ikaw Jean you have a telephone call from your manager”

Tinapik naman ni Jean ang likod bago siya umalis ng kwarto at sumunod na rin ako palabas ng kwarto. Siguro dahil naging pasaway ako kaya ngayon ko lang naramdaman ang kirot habang naglalakad ng dahan-dahan. Kailangan ko na rin pa lang uminom ng gamot at pain killer kaya siguro medyo masakit nang ilakad. Marahil ay napansin ni Jethro na nahihirapan akong maglakad kaya nag-alok siyang tulungan ako. Dahil sa inis ko sa kaniyang mga sinabi ay kaagad kong tinanggihan ang kaniyang alok ngunit nagpumilit pa rin siya.

“Okay na nga ako, kaya ko na sarili ko. Atsaka baka maabala pa kita kaya huwag na” 

“Nakaabala ka na kanina pa, so why not na lubos lubusin mo na?” Sarkastiko niyang sabi. 

Nakakainis ang sarap niyang tadyakan sa mukha.

“Bahala ka nga sa buhay mo basta pabayaan mo na la— arayy!” Bigla na lang niya akong binuhat muli ng pa bridal style para maiwasan ang pwetan ko.

“Ano bang ginagawa mo? Sabi ko naman sayo na kaya ko na di ba? Kaya ibaba mo na ako!”

“Napaka ingay mo daig mo pa ang babae, isa pang salita mo ihahagis kita pababa sa hagdan!” Pagbabanta niya at syempre tumahimik kaagad ako. Si Jethro kaya ang kausap ko malamang totohanin niya ang mga sinasabi niya lalo na’t galit siya.

Tahimik lang ang bawat sandali habang karga-karga niya ako at papalapit na rin kami sa hagdan patungo sa aming kwarto. Two way stairs kasi itong mansyon kaya kailangan mo pang dumaan sa hagdan bago makarating sa kanang bahagi ng mansyon. Kumapit ako nang mahigpit sa kanyang leeg nang makarating kami sa hagdan na siyang ikinagulat niya.

“Bakit bigla kang napakapit?” Tanong niya.

“Eh kasi baka totohanin mong ihagis ako sa may hagdan… para sure na hindi ako malalaglag kaya kakapit ako sa leeg mo” Napansin ko ang paggalaw ng kaniyang mga labi na para bang pinipigilang ngumiti o matawa pero mas pinili ko na lang na hindi siya punahin dahil baka nga maihagis niya ako.

“Kaya dapat magbehave ka pag ako ang kasama mo” Ngayon ko lang napagtanto na sobrang lapit pala ng mukha namin sa isa’t isa kaya tumingin na lang ako sa ibang direksyon.

Papalapit na kami sa aking kwarto nang mapansin ko si Josh na nakatayo sa harap ng aking kwarto at may kausap siyang magandang babae na maayos ang postura. Mukhang masaya siyang nakikipagkwentuhan dito dahil naririnig ko pa siyang tumatawa habang kausap ang babae, ilang sandali pa’y napansin na nila kaming dalawa.

“What are you doing in here?” Biglang tanong ni Jethro at bigla namang sumagot ang babae na tila girlfriend ata ni Josh. Pero wait nasa ibang bansa ’yun di ba? Don’t tell me nakauwi na agad?Hindi ko mapigilang  makaramdam ng selos.

“How cold… ganiyan ba ang pagbati mo sa girlfriend mo na bumiyahe ng napakalayo just to see you?” Sabi ng magandang babae at namaywang pa talaga siya. 

Wait girlfriend? Girlfriend siya ni Jethro? Siya yung kultong Annabelle este si Annabelle? Okay nasa awkward situation ako ngayon at bitbit pa ako ni Jethro na nakabridal style habang kausap niya ang girlfriend niya.

“In fact, halos magkasabay lang kaming nakarating. She wants to see you kaya sinabayan ko na siyang umakyat para bisitahin si Eisen” Sabay tingin sakin ni Josh habang nakangiting hilaw.

“Okay, just go to my room” Utos niya kay Annabelle. Pati ba naman sa girlfriend niya ay gano’n siya umasta. Papaano niya kaya napasagot si Annabelle sa ugali niyang ito?

Lumapit si Jethro sa pintuan ng aking kwarto at si Josh naman ang nagbukas ng pinto. Bago pa man kami makapasok ng kwarto ay nagsalitang muli si Josh.

“What happened to him?”

“Nagpasaway, nilakad niya mula rito ang music room imbes na magpahinga kaya heto nahihirapan siyang maglakad at sumasakit na naman ang kanyang pwetan” Sagot ni Jethro.

“You can’t blame him, kahit naman ako makakaramdam ng boredom kung maghapon akong hihiga sa kama at walang ginagawa” Pagtatanggol ni Josh at sabay kindat sa akin na ikinatuwa ko naman.

“Don’t spoil him! Kaya tumitigas ang ulo nito eh”

“Aheem.. I’m still here” Sabi ni Annabelle.

“Oh by the way Annabelle this is our step-brother Eisen, nakuwento na siguro siya sayo ni Jethro” Pagpapakilala sa’kin ni Josh kay Annabelle. 

“Ohh he’s that guy… such a cutie” Nakangiti niyang sambit pero pagkatapos no’n ay tinitigan niya ako nang mabuti at saka nagsalitang muli.

“Wait… you’ve got to be kidding me! Bakit parang kamukha niya si Sam?” Gulat na sambit ni Annabelle na ipinagtaka ko naman. Sino ba kasi ’yang Sam na ’yan? Sam Pinto? Anlayo naman!

“ENOUGH!” Sigaw ni Jethro na ikinagulat naming lahat. Syempre ako ang pinakanagulat dahil  ang lapit ng tenga ko sa kaniya kaya halos mabingi ako sa pagkakasigaw niya.

“Just go to my room and wait for me there okay?” Sabi niya kay Annabelle na hanggang ngayon ay gulat pa Rin sa inasal ni Jethro. Tumango lang siya tapos tumingin sa akin. Yung ngiti niya kanina ay biglang nawala at tila napalitan ng pagkainis nang muli siyang tumingin sa akin.

Bakit ba feeling ko Bad blood lahat ng girlfriend ng mga step-brothers ko sa akin? Hindi naman ako si Taylor Swift!

“And I believe, magluluto ka pa ng dinner, since meron tayong bisita ngayon” Sambit ni Jethro kay Josh na siyang ngumiting  hilaw sa’kin bago siya tuluyang umalis. 

Karga-karga pa rin ako ni Jethro habang papasok sa aking kwarto. Ako na rin ang nag-abot ng switch ng ilaw para buksan ito. Pagkalapit naman namin sa aking kama ay dahan-dahan niya akong nilapag sa kama. Nilagay niya ang kaniyang palad sa aking noo para malaman kung may lagnat ba ako. Pagkatapos no’n ay narinig ko na lang siyang nagbuntong hininga bago magsalita.

“Just take a rest and we’ll talk later. I will ask Josh to bring you food para mainom mo na ang mga gamot mo” Sabay talikod at lumabas ng kwarto.

Bigla akong nakaramdam ng lungkot dahil akala ko ay makakasabay ko na silang kumain ng dinner. Sanay naman ako mag-isang kumain noong nag-aaral pa lang ako sa Caloocan dahil nga busy si mama sa trabaho at minsan late na siya nakakauwi o kaya minsan hindi na. Kaya sanay na sanay na akong kumaing mag-isa pero simula noong nakasama ko silang kumain sa hapagkainan ay tila ba mas gusto kong kumain nang may kasabay at mas nakakaganang kumain habang may kausap ka. Sa aking pagkakahiga ay pinikit ko ang aking mga mata at umidlip saglit.

Nagising ako nang maramdaman kong may tumatapik sa aking braso. Bumangon naman ako agad at kinusot ang aking mga mata para maaninag nang mabuti kung sino ang nasa tabi ko ngayon. Si Jules, ang akala ko pa naman ay si Josh ang magdadala sa akin ng pagkain ngayon.

“Sumandal ka nang maayos para makakain ka na” 

Saka niya nilapag ang tray ng pagkain sa harap ko. Napansin kong dalawang tray ang dala-dala niya. Balak niya ba akong pakainin ng napakarami?

“Andami mo atang dalang pagkain? Hindi ko mauubos lahat ng ito” Aaminin ko malakas ako kumain dati kaya tabain ako pero simula noong nagdiet ako ay para bang nag adjust ang katawan ko sa kaya kong kainin. Dati kaya kong umubos ng pagkaing pangtatlong taong serving pero ngayon ay hindi ko na magagawa. Higit sa dalawang tao ang dalang pagkain ni Jules kaya nagtataka ako ba’t andami niyang dala.

“Syempre kakain akong kasama ka” Inaayos niya ang isang tray na kaniyang kakainan. Mukhang hindi pa nga siya nakakapagbihis dahil suot niya pa ang varsity jacket niya.

“Salamat, pero ayaw mo bang sumabay sa mga kuya mo? Saka may bisita kayo ah” Sinimulan ko na ang pagkain dahil nagugutom na talaga ako.

“Bisita? Sino si Annabelle? Kahit anong oras naman niyang gustuhin ay pumupunta ’yun kaya hindi na siya sa akin bago” Sinimulan niya na ring kumain. Tila ba may halong inis siya habang binabanggit ang pangalan ni Annabelle.

Patuloy pa rin ang aming pagkain at halos maubos ko na nga ang kinakain ko dahil tahimik lang kaming kumakain. Hindi ko talaga mapigilang magtanong kaya binasag ko ang katahimikan sa aming dalawa.

“Uhm.. Jules pwedeng magtanong?”

“Sure!”

“Ahm… kanina ko pa kasi naririnig yung pangalang Samantha na inuugnay nila sakin. Sino ba ’yun?”

Napansin ko na lang na nagbago ang expression ng mukha niya nang mabanggit ko ang pangalan na ’yun mas lalo tuloy akong na-curious sa pagkatao ng babaeng ’yun.

“Kanino mo narinig?” Seryoso niyang tanong.

“Kay Jean at kay Annabelle?” Naiilang kong sambit kasi parang naiinis siya pero pinipigilan niya itong ipakita sa akin.

“Samantha is our childhood friend” Maiksi niyang sagot sabay lagok ng tubig at huminto. Nag-aantay ako ng karugtong sa mga sasabihin niya kaya nakatitig lang ako sa kaniya nang mabuti. Tumingin naman siya sa akin at nakuha ang ibig kong sabihin.

“She died five years ago…… I just…. You know, Let’s not talk about her” Hirap siyang magsalita na tila ba nasasaktan pa rin sa pagkamatay ni Samantha. Hindi ko na siya inusisa pa dahil alam ko ang pakiramdam ng mawalan ng mahal sa buhay. Simula noong namatay si papa ay nawala ang pagiging bibo kong bata.  Naging mailap rin ako sa aking mga kakaklase dahil mas gusto kong mapag-isa. Grade school pa lang ako noon nang mawala si papa kaya hindi ko lubos maisip kung gaano kasakit ang naranasan ko noon kasi nga bata pa ako.

“So-rry” Pahabol kong tugon.

“It’s okay, basta huwag na lang natin siyang pag-usapan. By the way, dito ako matutulog sa kwarto mo mamaya” Sabi niya habang nililigpit ang mga pinagkainan namin at inabot sakin ang baso ng tubig saka ang mga gamot. Agad ko namang ininom ito at inabot sa kaniya ang baso.

“Okay, dadalhin ko lang ’to sa baba tapos magshashower lang ako at saka ako matutulog dito” Saka siya tumayo at binitbit ang mga pinagkainan namin.

“Huwag mo akong tutulugan ah, wait for me” Pagpapaalala niya saka siya lumabas ng aking kwarto.

Nagpahinga muna ako sandali at saka ako tumungo sa banyo para makapag shower na rin bago matulog. Nakakahiya naman kasi kay Jules kung tatabi siya sa’kin tapos ang lagkit-lagkit ng balat ko. Nang matapos akong makalinis ng katawan ay kaagad akong nagbihis upang hindi lamigin.

Pagkalabas ng banyo ay agad kong napansin si James na nakahiga sa kama ko at nakataas ang braso habang ang ulo ay nakahiga sa kaniyang mga kamay. Nakasuot lang siya ng boxer shorts at may nakaipit na bagay sa gitnang bahagi nito. Hindi ko maaninag ng husto dahil malayo pa ako sa kaniyang kinaroroonan. Dahan-dahan akong lumapit at saka ko lang napansin na nakapikit pala ang kaniyang mata at ’yung bagay na nakaipit doon sa kaniyang boxer ay PSVita. Ewan ko ba bakit ang hilig niyang maglagay ng mga bagay bagay sa harapan ng boxer niya. Hindi kaya naiipit yung ano niya sa pinaggawa niya?

Nang makalapit na ako sa kama ay saka siya nagdilat ng mga mata at nagsalita.

“What took you so long? Kanina pa kita inaantay” 

“Ha, at bakit?” Tanong ko habang dahan-dahan akong umupo sa gilid ng kama. Buti at hindi na masyadong makirot ang pwetan ko.

“May hindi pa tayo natapos na task kanina di ba?” Tinutukoy niya yung task sa Sims 4? OMG!

“Huh, anong task?” Pagmamaang-mangan ko. Nilapit niya ang kanyang mukha sa aking tenga at nagsalita.

“Di ba gusto mong makipagmake-out at woohoo gaya ng pinaggawa mo sa mga sims na nasa household ko?” Mapang-akit niyang sabi.  Ang init ng hininga niya na dumadampi sa aking mukha at tenga. Hindi ako makapagsalita at pakiramdam ay ko sobrang pula nang mukha ko ngayon. Maya-maya pa ay bigla na lang siyang humagalpak ng tawa at napahiga sa kama ko habang hawak niya ang kaniyang tiyan.

“You’re sooo innocent Eisen, hindi na ako magtatakang virgin ka pa” Umupo siya ulit at bumulong sa tenga ko.

“Lalo akong nanggigil sayo” Sabay kagat niya sa tenga ko at binitawan agad. May bigla namang pumasok sa kwarto ko na siyang ikinagulat ko.  Buti na lang at hindi niya nakitang kagat-kagat ni James ang tenga ko kung hindi yari na naman ako sa kaniya.

“What are you doing here James?” Seryosong tanong ni Jethro na nakatayo malapit sa pintuan.

“Binisita ko lang si Eisen, balita ko na bored siya kanina kaya naglakad lakad siya kaya naisipan ko siyang dalawin at ipalaro sa kaniya itong ano ko…” Sabay yuko at turo sa kanyang boxer. Nagulat ako sa inasal niya at pati si Jethro ay hindi rin naintindihan ang tinutukoy ni James.

“Itong PSVita ko, para hindi na siya mabagot at kung ano-ano ang iniisip niyang gawin” Sabay bunot ng PSVita at inabot sa’kin na may pahabol pang pagkindat.

Ilang sandali pa ay tumayo na siya at naglakad papuntang pintuan upang lumabas ng aking silid. Saka ko lang naramdamang medyo malagkit ang likurang bahagi ng PSVita na agad kumapit sa kamay ko. Inamoy ko ito dahil akala ko laway ’yun pala ay pre-cum. Napasigaw ako ng ‘SHIT’ sa isipan ko. Nagawa pang sumigaw ni James ng “NEXT TIME EISEN!” bago tuluyang makalabas ng pinto. Ba’t ba laging ganito ang nagiging tagpo namin ni James? Dali-dali ko naman pinunas ang kamay ko sa kumot at tinago sa ilalim ng unan ang PSVita nang makita kong papalapit na si Jethro sa akin.

“Nakainom ka na ba ng gamot?” Tanong niya at tumango lang ako.

“Ano ba ang pumasok sa isipan mo at naglakad lakad ka ng malayo kahit hindi pa masyadong magaling yang ano mo?” Hindi ko alam kung matatawa ba ako sa sinabi niyang ’yang ano mo.  Pero heto na naman at nagsimula na naman siya sa panenermon.

“Sorry na okay?” Pilit kong pagngiti sa kaniya.

“Next time na magiging pasaway ka, I’ll teach you a lesson that you’ll never forget” Pagbabanta niya sa akin. Iba rin ’to si Jethro eh, dinaig niya pa si mama at si papa kung magdisiplina sa akin pero syempre dahil takot din ako sa kaniya ay tumatango na lang ako bilang pagsang-ayon.

“Understood?”

“Yes….” Nakatingin lang siya sa akin at nagtaas ng kilay na para bang may inaantay na kasunod kong sasabihin.

“Yes what?” 

“Da-ddy?” Pilit na ngiti ang pinakita ko pero kinikilabutan ako sa word na ‘Daddy’. Parang may mali at hindi dapat.

“Good” Tugon niya at napansin ko na may kaunting gumuguhit sa gilid ng kaniyang mga labi. Para bang pinipigilan niyang tumawa o ngumiti.

Aba parang pinagtitripan ako ng mokong na ’to ah.  Hayaan mo makakaganti rin ako sa’yo.

“Give me your phone” 

“Ha? Bakit?”

“Just give me your phone” Pagpupumilit niya kaya kinuha ko ang cellphone ko na nasa ibabaw ng mesa sa kaliwang bahagi ko at saka ko inabot sa kaniya. May pinagpipindot siya sa cellphone ko at saka ko lang naisipan na may mga BL series pala ako sa cellphone na maaari niyang makita sa gallery ko. Yari ako baka makita niya mga intimate scenes doon at baka sabihin niyang sobrang halay ko. Inabot naman niya agad ang cellphone ko kaya nakahinga ako ng maluwag.

“Palitan mo na ’yang phone na gamit mo. Sobrang bagal na niya.  Naglagay lang ako ng number at inabot pa ako ng isang minuto”

Aaminin ko medyo mabagal na talaga ang phone ko kasi outdated na Samsung S5 pa ’to tapos ’yung memory ay halos mapuno nang mga BL series at mga pictures ng mga Thai, Chinese, Taiwanese at Korean actors ang gallery ko kaya lalong bumagal.

“Saka na ayokong gumastos basta-basta, alam mo naman na hindi ko naman pinaghirapan ang perang binibigay sa akin”

“Whatever, andyan na ’yung number ko. Kapag kailangan mo ko, tawagan mo ako sa cellphone ’wag sa telephone dahil baka maistorbo si Annabelle sa pagtulog” 

Ah so…dito pala matutulog ang jowa niya. As if I care naman, bahala silang magsama at maglampungan sa kwarto niya. Hindi ako bitter ah!

“Ahh gano’n ba? Don’t worry hindi ako tatawag para hindi kayo maistorbo”

“What do you mean?”

“Yung ano, basta alam mo na ’yun at saka dito raw matutulog si Jules kaya kung may kailangan man ako ay sa kaniya ko na lang ipapasuyo” Mabilis kong sabi  dahil ayokong idetalye pa ’yung ganoong bagay.

“He’s what?” Medyo gulat niya tanong.

“Di-dito raw matutulog si Jules sa kwarto ko”

“No, hindi pwede!”

“Bakit hindi?” Tinitigan niya ako ng masama at nagsalita.

“Look, hindi ka pa tuluyang magaling paano na lang kung masagi niya ’yan habang natutulog kayo?” 

“Not gonna happen bro, hindi naman ako makulit matulog at saka iingatan ko si Eisen” Biglang sabi ni Jules na kung saan ay hindi namin napansin ang kaniyang pagpasok.

“Seriously?” Ang tanging naisagot ni Jethro.

“Yep, at saka inaantay ka na ni Annabelle sa kabilang kwarto.  Mukhang excited na sa pagla Lovey-dovey ninyo” Sarkastikong sabi ni Jules.

Bigla na lang lumapit si Jethro kay Jules. Kinabahan akong bigla dahil maaaring suntukin niya si Jules.

“Watch your mouth!” Inis na sambit ni Jethro habang nakikipag-usap ng harap-harapan kay Jules.

“And mind your own business Attorney” Sagot ni Jules.

Bakit ba mainit ang dugo ng panganay at bunso sa pamilyang ito? Hindi ko naman kasi alam ang history nila dahil ilang araw pa lang ako sa mansion na ’to. Ang akala ko ay matutuloy ang kanilang alitan ngunit tumingin sa’kin si Jethro ng ilang beses bago siya lumabas at isinara ang pinto.

Nakahinga na rin ako ng malalim dahil nawala na ang tensyon sa aking kwarto. Ngayon ko lang napansin na nakasuot lang ng bathrobe si Jules at puting brief. Napalunok laway ako sa mga sandaling ’yun. Bigla naman siyang lumapit sa kama at tumabi sa akin. Hindi ko napigilang hindi magkomento sa kaniyang suot-suot pantulog. Ako’y kasalukuyang nakasuot ng pajamang puti at white tshirt na may print ni Beemo sa gitna.

“Ya-yan lang talaga suot mo pagmatutulog?” 

“Is there something wrong?” Ibinuka niya pa lalo ang kanyang mga hita kaya lalo kong nasilayan ang kaniyang bukol sa ibaba. Hindi ko mapigilang mapalunok laway sa nakikita ko. Imagine may katabi kang gwapong lalaki sa kama at tanaw na tanaw mo ang anim na pumuputok niyang abs. Isama mo pa ang kakaibang laki na meron siya sa ilalim ng kanyang underwear. Hindi ko kaya, hindi yata ako makakatulog ngayong gabi.

“Tititigan mo na lang ba yan?” Tanong niya na ikinagising ng aking diwa. Hindi ko namalayan na matagal na pala akong nakatitig sa katawan niya.

“Haa?” kunwari hindi ko nagets ang tinutukoy niya.

“Sabi ko titigan mo lang ba yan?” Nakangiti niyang sambit habang nakahiga siyang patagilid at nakaharap na sa akin. Sa pagkakataong ’yun ay pakiramdam kong nag-init ang aking pisngi at namumula ang aking tenga sa sobrang kahihiyan.

“Hahaha…I’m just kidding, tara tulog na tayo” Saka niya ako inayang mahiga. Humiga naman ako pero nakadistansya ng kaunti sa kaniya. Iniiwasan kong magdikit ang aming mga balat baka kasi kung ano ang kahantungan nito. Bigla naman siyang tumayo at binuksan ang lampshade at saka pinatay ang ilaw ng kwarto. Biglang lumakas ang kalabog ng dibdib ko habang papalapit siya sa kama. Nang makahiga siya ay walang imikan sa pagitan naming dalawa.

Nanatili lang akong nakahiga at nakatingin sa kisame dahil hindi ko alam ang gagawin kapag nakita ko siyang nakatitig sa akin. Ramdam ko naman ng mga sandaling ’yun na nakatitig siya sa akin na tila ba’y may hinihintay na mangyari. Ilang sandali pa ay isinuksok niya ang kanyang kamay sa ilalim ng aking batok at inilapit aking ulo papunta sa kaniya. Jusko anong gusto niyang gawin ko?

“Lapit ka, gusto kong humiga ka sa braso ko!”

“Ha, ’wag na baka mangawit ka”

“Dali na ngayon lang ako ulit maglalambing sa bunso ko” Bunso? So bunso na ang turing niya sa akin ngayon? Syempre pinilit niya ako hanggang sa napapayag niya rin ako. Ako pa ba magpapabebe? Dahan-dahan kong nilapit ang katawan ko sa kaniya. Nahiga ako sa kaliwang braso niya at nakahiga akong patagilid paharap sa kaniya. Mas komportable kasi akong mahiga ng nakatagilid kaysa sa nakahiga ng derecho, idagdag mo pa ang pwetan kong kumikirot kaya mas okay na nakatagilid akong matulog.

“Mangangalay ka niyan, idantay mo ’yang kaliwang hita mo sa akin para hindi ka mangalay” Utos niya pero hindi ko kaagad ginawa. Pero totoo naman talaga na nakangangawit kapag gano’n ang pwesto mo. Pagnatutulog kasi ako ay laging nakatagilid at may unan akong dinadantayan. Pero ngayon ay para akong istatwang nakatagilid habang katabi ni Jules.

“Just do it” Utos niyang muli.  Dahil kukulitin at kukulitin niya lang din ako ng paulit-ulit kaya ginawa ko na ang gusto niya. Dinantay ko ang aking kaliwang hita sa kanIya pero sa aking pagkakadantay ay tumama ang aking tuhod sa kanyang bukol. Nanlaki ang mata ko, nanatili lang akong nakadantay sa kanya bagama’t hindi ko maalis ang aking hita kasi baka sabihin nIyang sinadya ko ’yun kaya hinayaan ko lang muna saka ko na lang babawiin kapag nakatulog na siya.

Ilang sandali pa ay naramdaman kong parang may gumagalaw sa aking tuhod.  Saka ko lang naramdaman na para bang lalo itong tumigas at sadya nIyang itinatama sa aking tuhod ang kanIyang naghuhumindik na alaga. Eto na nga ba ang sinasabi ko. Don’t tell me ngayon pa mawawala ang virginity ko, kung kailan hindi pa ako handa at namamaga pa ang pwetan ko? No, hindi ito maaari kaya binawi ko ang tuhod ko pero kinuha niya agad ang hita ko pabalik sa kaniya pero nakatungtong na ito sa kaniyang hita. Mabuti naman at medyo malayo na ito sa kaniyang alaga dahil baka kung ano pa ang mangyari.

“Matulog na tayo” Sabi niya sabay halik sa ulo ko. Hindi na ako sumagot at nagkunwari na lang na tulog na. Nanatili ako sa gano’ng posisyon ng mga ilang sandali at saka ko lang naramdaman na nakatulog na pala si Jules. Tinitigan ko siya habang natutulog.  Halatang pagod siya ngayong araw dahil ambilis niyang nakatulog. Ang sarap lang pagmasdan ng kanyang mukha habang natutulog dahil napaka amo nito na para bang bumabalik siya sa kaniyang pagkabata at napipilitang matulog sa hapon. Gano’n na gano’n ang hitsura niya at ang cute-cute tingnan. Hindi rin nagtagal nang makaramdam din ako ng antok kaya kinuha ko ang kumot at tinakpan ko ang aming mga mga katawan bago ko pinikit ang aking mga mata.

Nagising ako sa pagkalam ng aking sikmura dahil siguro ’to sa iniinom kong gamot kaya ambilis kong magutom. Tumingin ako sa paligid at napansin kong tulog pa rin si Jules at nakahilatang derecho. Hindi na niya suot-suot ang bathrobe at tanging white under wear na lang ang suot niya ngayon. Nanlaki ang mata ko ng mapatingin ako sa under wear niya dahil ang kaniyang alaga nakadungaw na sa labas ng brief niya. Natrual naman ’yun sa mga lalaki na tuwing umaga meron talagang flag ceremony na magaganap pero hindi ko inaasahan ito dahil sa unang pagkakataon pa lang ako makakakita nito. Dali-dali akong umupo para takpan ’yung pagpa flag ceremony ni Jules. Baka may biglang pumasok at sabihing may iba kaming ginagawa. Ipapasok ko sanang muli si junjun sa loob ng brief niya kaso baka magising siya at sabihing pinagsasamantalahan ko siya. Kaya ang naispan ko na lang at takpan ito ng kumot kaso ang dulo ng kumot ay nasa kanang paa niya at kailangan ko pang abutin ito.

Gumapang ako para abutin ’yung kumot.  Ilang dangkal lang ang pagitan ni junjun at ang dibdib ko kaya mas maigi na maabot ko agad ang kumot. Dahil sa biglaang pagkilos ko ay nakaramdam ako ng pagkirot sa aking balakang at napaka nganga ako sa sakit. Nang biglang nagbukas ang pinto ng aking kwarto at sa kamalas-malasan ko ay si Jethro ang inilabas ng pinto.

“What do you think you’re doing to my brother?” Halos pasigaw niyang sabi.

Para bang nahuli niya akong pinagsasamantalahan ang kanyang kapatid. Imagine inaabot ko ang kumot kaya ang posisyon ko ay nakaluhod habang ang aking kaliwang kamay ay nakatukod sa pagitan ng tuhod ni Jules tapos ang kanang kamay ko ay pilit na inaabot ang kumot. Ilang dangkal lang ang agwat ng kaniyang alaga sa aking dibdib tapos nakanganga pa ako dahil sa sakit kaya tuloy ang iniisip ni Jethro may balak akong isubo si junjun.

Mali-mali siya ng iniisip.  Jusme paano ko ba ipapaliwanag sa kaniya ang mga pangyayari. Halos hindi rin ako makapagsalita at hindi ko rin alam kong paano ako magpapaliwanag.

Itutuloy…

Chapter 10: Strike two

David as Jethro

  ![](https://img.wattpad.com/7b9009c51933f9e9e938a7419afbe3a64a7092cd/68747470733a2f2f73332e616d617a6f6e6177732e636f6d2f776174747061642d6d656469612d736572766963652f53746f7279496d6167652f54496445386438647a316c4275413d3d2d3532323032393131312e313530396231633264643736633638613134323834303133353833312e6a7067)

Eisen’s POV

Ako si Eisen, simpleng tao, takot kay Jethro. Simple lang naman ang gusto ko sa buhay, iyon ang makapagtapos ng pag-aaral sa kolehiyo at makapagahanap ng magandang trabaho. Saka ako maninirahan ng bukod at gagawa ng sarili kong pamilya. Pero mukhang malabo pang mangyari ang mga ’yun dahil sa mas pinakomplikadong buhay ko ngayon.

Andito pa rin ako sa ibabaw ng aking kama, hindi makagalaw at hindi makapagsalita. Wala akong marinig kundi ang malakas na pagtibok ng aking puso. Nakatingin lang sa akin ng masama si Jethro at tila ba’y nag-aantay ng kasagutan sa kaniyang tanong. Ramdam ko na rin ang pag-init ng bawat gilid ng aking mga mata. Ilang sandali lang ay tila babagsak na ang mga luha dito. Ayoko sa lahat ay ang pinagbibintangan ako sa mga bagay na hindi ko ginawa pero wala akong nagawa para depensahan ang aking sarili. Ngayon ko lang nakitang magalit ng husto si Jethro at hindi ko inaasahan ’to.

“I SAID WHAT THE FUCK ARE YOU DOING?” Sigaw niya ng napakalakas na halos ikabingi ko na naging hudyat ng pagbagsak ng aking mga luha.

“WHY THE FUCK YOU’RE YELLING SO EARLY?” Sigaw ni Jules nang magising sa pagkakatulog dahil sa pagkakasigaw ni Jethro.

“ASK….him!” Biglang bumaba ang tono ng kaniyang boses nang makita niya akong umiiyak. Tumingin sa akin si Jules at hinawakan ang likod ko.

“Bakit ka umiiyak?” Tanong niya pero hindi pa rin ako makapagsalita kaya tiningnan niya si Jethro para makahanap ng kasagutan.

“Tingnan mo ang sarili mo!” Utos ni Jethro sa kaniya. Saka niya lang napansin ang naging ayos niya ngayon at dali-dali niyang ipinasok ang kaniyang alaga sa loob ng kaniyang brief. 

Syempre hindi ko na tiningnan ’yun. Umiiyak nga ako di ba? Mas lalo pa akong magmumukhang guilty sa ginawa ko kapag ginawa ko pa ’yun.

“And what?” Nagtataka pa rin si Jules.

“Pinagsasamantalahan ka na hindi mo pa rin alam?” Tugon ni Jethro na nagpalumo sa akin. Kahit na masama ang aking loob ay hindi ko pa rin siya hinayaang pagbintangan ako sa bagay na hindi ko naman ginawa.

“Wa-wala nga akong ginagawang masama!”

“I saw youEisen! Baka kung hindi pa ako pumasok eh baka natuloy mo na ang balak mo sa kapatid ko” Muling nagtaas siya ng boses sa akin.

“Inuulit ko.. WALA AKONG GINAGAWANG MASAMA!” Tumaas na rin ang boses ko at pinunasan ko ang aking mga luha. Wala rin namang saysay ang pag-iiyak ko dahil alam ko namang walang maitutulong sa kin ’to. 

“So ano ’yung nakita ko kanina? Huling-huli pa kitang nakanganga” 

Huminga ako nang malalim at saka muling nagsalita.

“Hayaan mo akong mag-explain okay?” Tumingin ako sa kaniya at hindi na siya nagsalita kaya nagsimula na rin akong magpaliwanag sa mga nangyari. Sinimulan ko ang pagpapaliwanag sa kanila mula sa pagkagising ko hanggang sa pagpasok ni Jethro sa aking kwarto.

“So sa tingin mo maniniwala ako?” Tanong ni Jethro. 

Grabe gano’n ba ako ka walang hiya sa paningin niya at nasasabi niya ang mga iyon?

“I think he’s telling the truth” Biglang pagsingit ni Josh na kanina pa pala nakikinig sa usapan. Nasa labas lang siya ng pintuan kanina at ngayon ay pumasok na sa kwarto. Siguro narinig niya lahat dahil bukas ang pinto ng kwarto ko.

“You think?” Taas kilay na tanong ni Jethro.

“Yep. Look, how many times na ba nating naaabutan si Jules sa ganiyang ayos tuwing umaga? How many times na bang nangyaring may mga maids na nakakita sa ganiyang ayos niya? Seriously, kaya nga walang mga maids na pumapasok sa kwarto niya pag andun siya lalo na sa umaga dahil sa habit niya” Pagpapaliwanag ni Josh.

“Hey it’s not a habit okay?” Naiiritang sambit ni Jules na mukhang inaantok pa rin.

“Besides kung may nangyari man, I am willing to give it all to him as long as it’s Eisen” Sabay tingin sakin.  Pakiramdam ko ay sinabuyan niya lalo ng gaas ang apoy kaya lalong lumakas ito. Ramdam ko ang pag-init ng aking pisngi at sigurado akong namumula na ito ngayon.

“Lumipat kana sa kwarto mo Jules” Utos ni Jethro.

“I’m way too lazy to transfer, saka wala naman akong pasok today so I’ll be sleeping here with Eisen all day” Humiga na si Jules sa tabi ko pero nanatili pa rin akong nakaupo at nakatingin sa kaniya dahil hindi ako makapaniwala na parang wala lang sa kaniya ang mga ganitong pangyayari.

“Kailangan pang magpahinga ng husto ni Eisen” Dagdag pa ni Jethro na akala mo talaga ay concern sa kalagayan ko. 

“And now concern ka sa kaniya pagkatapos mo siyang akusahan? Don’t make me laugh bro just go away and leave the room” Nagtakip na ng kumot si Jules at dumapa para matulog. Napaisip naman ako sa mga sinabi ni Jules. Oo nga naman, tama siya, pagkatapos niya akong akusahan saka siya ngayon magpapakita ng concern? From now on hindi ko na talaga siya papansinin at never akong makikipagbati sa kaniya. 

Humiga na rin ako sa aking kama patalikod kay Jules. Hindi ko na lang pinansin ang mga titig ni Jethro dahil wala na akong pakialam sa kaniya simula ngayon. Pero si Josh gustong gusto ko siyang kausapin dahil para bang ang tagal-tagal naming hindi nagkita. Ngunit hindi ngayon ang tamang panahon para riyan kaya siguro mamaya na lang paghumupa na ang tensyon.

Ilang sandali ang lumipas nang marinig ko na lang ang tunog ng pagsara ng pintuan. ’Yun ang naging hudyat para gawin na namin Jules ang naudlot na dapat naming gagawin at ’yun ay ang MATULOG. Humarap ako kay Jules para tingnan kung natutulog na ba ito. Nakadapa siya pero ang mukha niya ay nakatagilid paharap sa akin.  Ang sarap niyang pagmasdan pagnatutulog dahil sobrang amo ng mukha niya pagtulog. Malayong malayo sa inaasal niya sa harap ng kaniyang mga kapatid kapag siya ay nahihimbing na. Nagpasiya ako na tumalikod ulit para makatulog at saka ko lang naramdaman na tumagilid na rin pala siya at yumakap sa akin. Hinayaan ko na lang siya at saka pinikit ang aking mga mata upang makatulog muli.

Nagising ako ng maramdaman kong may yumuyugyog sa akin.  Akala ko si Willie Revillame na at ang mga dancers niya,  ’yun pala si Jules na ginigising ako. Napanaginipan ko kasing nasa Wowowee raw ako tapos nagyuyugyugan na si Willie at ang kaniyang mga dancers. Sino ba naman kasing batang 90s ang hindi mapapasayaw kapag narinig mo “Ah dududu, Ah dadada, Ahaha” at sabayan mo pa ng “Igiling giling” at ’yung pinaka sikat niyang kantang “Boom burat tarat” este “Boom tarat tarat”? Pag ganiyan ang mga tugtugan noon ay matik na magsasayawan ang mga kabataan. 

So balik tayo sa boom tarat tarat ni Jules. Jooooke!

“Gising na. Nakapagprepare na ng breakfast si Josh. Sabay-sabay na raw tayong kakain sa dining hall” 

Buti naman at nakasuot na ng shorts si Jules pero nakikita ko pa rin si Felix bakat. Nakatop-less pa rin siya ngayon at tila inaalok ako ng maagang pandesal niya. Tumayo na ako at nagpaalam na maghihilamos at magmumumog muna bago pumunta sa dining hall. Aalalayan niya sana ako papuntang banyo pero sinuway ko siya dahil alam kong kaya ko na. Dali-dali kong tinungo ang banyo at naghilamos, saka nagmumog gamit ang kaunting mouthwash dahil hindi talaga ako nagtotoothbrush agad pagkagising. Ayoko ko kasi ng kakain ako pagkatapos magtoothbrush dahil nawawala ang aking panlasa.

Pagkatapos kong makapaghilamos ay nagpunas ako ng mukha at sinuklay ang aking buhok. Nang sa tingin kong maayos na ang lahat ay lumabas na ako ng banyo at inaya si Jules na magtungo na sa dining hall para kumain ng breakfast. Dalawang oras lang din pala ang nakalipas simula noong pumasok si Jethro sa kwarto ko. Bago ako makalabas ng kwarto ay tiningnan ko ang oras upang matandaan ang susunod na oras nang pag-inom ko ng gamot. 8:17 am pa lang kaya hindi pa ako masyadong late sa pag inom ng gamot. Kailangan daw on time ang pag-inom nito ayon kay Doc. Pero ngayon lang naman ako malilate ng kaunti kaya okay lang naman siguro ’yun.

Medyo maayos na ang kalagayan ko ngayon at nakakapaglakad na ako kahit papaano. Humihinto rin ako paminsan minsan dahil hindi ko pwedeng pwersahin ang aking sarili sa paglalakad dahil baka lalong lumala ang aking kalagayan. Siguro sa gutom ni Jules o kaya naiinip na siya kaya bigla na lang niya akong binuhat gaya ng pagkakabuhat sa akin ni Jethro noon. Hindi naman na kalayuan ang dining hall sa kinaroroonan namin kaya nagpumilit akong ibababa na niya pero tila wala siyang naririnig at patuloy lang ang kaniyang paglalakad.

May mga nakasalubong kaming mga maids na hindi mapigilang kiligin o matuwa sa nakikita nila dahil siguro hindi sila sanay na makitang mag-effort si Jules para sa mga kapatid niya. Pero bakit nga ba iba ang trato sa akin ni Jules kumpara sa mga kapatid niya? Totoong kadugo niya ang mga iyon, samantalang ako ay hindi pa nga ganap na parte ng pamilya nila pero sobra-sobra ang pagtulong niya sa akin. Matapos namin malagpasan ang mga haliparot na maids ay saka ko lang napansin na nasa bungad na kami ng dining hall. Natanaw ko agad ang mga magkakapatid na nagsimula nang kumain. Saka ko lang naalala na andito pa rin pala si Annabelle ang girlfriend ni Jethro. 

Pagkapasok namin ay nagtinginan silang lahat sa amin kaya bigla naman akong nahiya ng husto. Nasa pinakadulo ng mesa si Jethro na para bang hari at tanaw na tanaw niya lahat ng kumakain sa tabi niya. Nakapoker face lang siya habang nakatingin sa akin. Agad kong iniwas ang tingin ko sa kaniya dahil naiinis pa rin ako sa inasal niya kanina. Sa bandang kanan niya nakaupo si Josh at nakangiti sa akin at sumisenyas na tumabi sa kaniya para kumain. Lumapit doon si Jules at nilapag niya ako nang dahan-dahan sa kabilang upuan at siya mismo ang umupo sa tabi ni Josh. Ang lumalabas ay nasa pagitan namin ni Josh si Jules.  Hindi na lang ako nagsalita ngunit kita ko sa mukha ni Josh ang pagkainis at dismaya. 

Sa kaliwang bahagi naman ni Jethro ay nakaupo si Annabelle na  kung saan ay nakangiti sa akin sa kakaibang paraan.  Natatakot ako sa kaniya dahil para bang may balak siyang masama sa paraan ng pangiti niya sa akin. Oo, maganda talaga si Annabelle pero ’yung dating niya  ay napaka creepy. Well, bagay naman talaga sila ni Jethro dahil parehas silang creepy kaya siguro nagustuhan nila ang isa’t isa. 

Katabi naman ni Annabelle si Jean na nakikinig ng music sa kaniyang phone habang kumakain. Ngumiti lang siya sa akin ng saglit at kumain muli habang nakatutok ang mata sa cellphone niya. Sa tabi naman niya ay si James na kumakain ng cheesedog na hindi average ang size. Ewan ko kung anong brand ’yun ba’t gano’n kalaki. Nakatingin siya sa akin habang kinakain niya ’yun tapos maya-maya ay may natirang cheese sa gilid ng kaniyang labi na agad naman niyang dinilaan habang nakatingin sa akin. 

Jusko po, hindi ko ’to kaya ang aga-aga!

Saka ko lang napansin na nilagyan na pala ako ng pagkain ni Jules sa aking plato dahil naging abala ang mga mata ko sa mga taong nasa paligid ko. Ang nakakatuwa lang ay kahit sobrang daming bakanteng upuan ang napakalaking mesa sa dining hall na ’to ay napili pa rin nilang magtabi tabi habang kumakain.

“So how are you feeling now Eisen that you’re living with your step-brothers?” Pagbasag ni Annabelle sa katahimikan.

“Okay naman, medyo naninibago pa rin kasi lumaki akong mag-isa at walang kapatid. Si mama lang ang lagi kong kasama. Bata pa ako noong namatay si papa kaya hindi ko rin siya gaanong nakasama”

“Ohh.. I thought na meron kang kapatid kasi may kamukha ka talaga”

“Will you please shut up?” Biglang sabi ni Jules na mukhang nainis sa sinabi ni Annabelle. Alam ko naman ang tinutukoy ni Annabelle, iyon ay si Samantha na kamukha ko raw. Curious talaga ako kung ano ang hitsura ng Samantha na ’yun pero ang rude naman na kulitin ko sila sa isang taong yumao na. Naiintindihan ko naman na ayaw nang pag -sapan ni Jules si Samantha kaya siguro naiinis ito.

“As always, the rude boy” Komento ni Annabelle.

“Sa tingin mo sino ang mas rude sa ating dalawa para pag-usapan ang yumao na sa harap ng pagkainan?” Sagot ni Jules.

“Okay chill kiddo” Taas kamay na sambit ni Annabelle.

“ENOUGH!” Inis na sambit ni Jethro.

“You know what kagabi pa mainit ang ulo mo. Hindi tuloy tayo….” Tinitigan siya ng masama ni Jethro kaya hindi niya natuloy ang kaniyang sasabihin.

“That explains everything. Someone didn’t have the chance to get laid last night” Natatawa pero may pagkasarkastikong sambit ni Jules.

“I said ENOUGH!” Sumigaw na si Jethro kaya natahimik na ang lahat.

“What? May sinasabi ka?” Tanong ni Jean, akala niya siguro siya ’yung kausap kasi nakasuot siya ng earphone kaya hindi niya masyadong narinig ang sinabi ni Jethro. Natawa naman si James dahil sa pagkabigla ni Jean kaya hindi niya napigilang mapahagikhik ng mahina. Sanay na sanay na siguro sila sa mga ganitong eksena kaya kahit may tensyon sa harap nila ay tuloy pa rin ang pagkain nila. Napansin ko rin si Josh na hindi umiimik at patuloy pa rin ang kaniyang pagkain.

“Okay I’m done… Eisen kapag tapos ka na riyan ay dumiretso ka na agad sa kwarto ko, so that we can continue our unfinished business” Sabi ni Jules na agad tumayo palabas ng dining hall. Nagtataka naman ako sa kung anong ibig sabihin niya sa unfinished business.

“Anong unfinished business ninyo ni Jules?” Tanong ni Josh.

“Ha, eh hindi ko rin alam” Totoo naman wala talaga akong ideya sa tinutukoy niya.

“Kamusta na pala ang pakiramdam mo? Nakakapaglakad ka na ba?” Tanong niya ulit.

“Oo, kahit papano nakakapaglakad na ako kaya for sure makakapasok na ako bukas” 

“Sure ka? Pwede ka pa naman humingi ng extension para makapagpahinga ka pa ng gusto at gumaling na talaga ’yan”

“Sure na ako.. binuhat lang talaga ako ni Jules kanina para makarating na kami agad dito kasi medyo mabagal pa rin ako maglakad pero kaya ko naman na”

“Good to hear that.. uminom ka na rin ng gamot after mong kumain”

“Salamat” 

Naging tahimik ang hapag kainan simula noong umalis si Jules. Hindi na rin nagbibigay ng ano mang komento si Annabelle pero nakakailang pa rin ang mga tingin niya sa akin. Para bang may sekreto akong tinatago at siya lang ang nakakaalam at handa siyang isiwalat ito. Gano’n na gano’n ang tingin niya sa akin kaya nawiwirduhan ako sa kaniya. Ando’n rin na mapapansin ko ang mga nakaw na tingin sa akin ni Jethro pero hindi ko na siya pinapansin. Pagkatapos makakain ay kaniya-kaniya na kaming umalis ng dining area.  Inalok ako ni Josh na aalalayan pabalik sa kwarto ko pero tinanggihan ko siya para na rin masanay ko ang sarili ko na maglakad mag-isa.

Ilang minuto rin bago ako nakarating sa aking kwarto. Nagpahinga lang ako saglit at sumandal sa aking kama. Ilang sandali ay ininom ko na agad ang gamot at nagtungo na rin ako sa banyo para makaligo. Dala-dala ko ang cellphone ko sa loob dahil mas gusto kong magpatugtog ng music habang naliligo. Sinimulan ko na ang paliligo habang tumutugtog ang favorite playlist ko na puro KPOP ang laman. Nasabi ko na ba sa inyo na mahilig ako sa KPOP music? Lalo na sa mga girl groups? Kung hindi pa edi heto na at alam niyo na na mahilig ako sa ganoong music. Iilan lang naman ang mga girl groups na pinakikinggan ko ’yun ay 4minute, SNSD, 2ne1, KARA, T-ARA, Wonder Girls, After School, Miss-A, Sistar, F(x), Red Velvet, Blackpink, A-pink, CLC, EXID at Twice. ’Yun lang naman, medyo kaunti lang ang mga pinapakinggan kong KPOP girl groups at karamihan ng kanta nila ay nasa playlist ko. Karamihan sa kanila ay mga second generation group na gustong gusto ko pero karamihan din sa kanila ay nagdisband na.

Nagsasabon ako ng aking katawan sa loob ng shower room.  Room kasi glass divider ito kaya room ang tawag ko. Habang nagsasabon ako ay biglang tumugtog ang kanta ng 4minute na

‘HATE’.

 Eto yung lead track nila sa last album nilang Act. 7 bago sila magdisband. Ang ganda ng beat ng song dahil si Skrillex lang naman ang gumawa ng beat/music ng kanta nila kaya may pagka EDM ang dating nito. Napapasayaw ako sa beat habang nagsasabon. Sinabayan ko na rin ang pagkakanta habang nagsasabon.  Dinidedicate ko nga pala ang song na ’to para kay Jethro.

I hate you, Hey no no!

I don’t need you, Hey no no!

I hate you no no!!

Kinakanta ko ’yun habang sumasayaw sa original steps ng kanta.

“Eisen andito ka b–?” Bigla kong nakita si Jules sa loob ng banyo at kitang kita niya akong sumasayaw sa tugtog habang nagsuswing ang aking junjun dahil sa step ng sayaw. Sobra akong nahiya dahil nadatnan niya ako habang sumasayaw sa shower room. Kahit may glass wall ito kitang kita pa rin ang kahubdan ko sa loob kaya napasigaw ako.

“Noooooo!” Napansin kong napalunok laway siya nang makita niya ang  katawan ko at saka ko lang napagtanto na hindi ko pala natakpan ang hinaharap ko.

“Ano ba tatayo ka lang ba riyan?” Pagsita ko sa kaniya na para bang napako sa kinakatayuan niya habang nakatingin sa akin.

“Huh? You want me to join in?” Huhubarin na sana niya ang kanyang damit pero pinigilan ko siya.

“Hindii… what I mean is, hindi ka man lang tatalikod o magtatakip ng mata” Naiinis kong sabi.

“Parehas naman tayong lalaki, so bakit pa?”

“Ahh basta bakit ka nandito sa loob ng banyo ko?”

“I was waiting for you in my room, akala ko hindi ka pa tapos kumain”

“Lumabas kana, susunod na lang ako!”

“Ayaw mo talagang sumabay ako sayo? I’ll scrub your back!” Nang-aasar niyang sabi.

“Ayoko, lumabas kana para matapos na ako dito” Nakatakip pa rin ang aking mga kamay sa aking hinaharap.

“Aye aye, sexy” Rinig kong sabi niya bago siya tuluyang lumabas.

Dali-dali naman akong nagbanlaw at nagshampoo para matapos na ako rito. Baka pumasok ulit si Jules at kung ano pa ang mangyari. Pagkatapos kong makapagbanlaw ay nagtapis na ako ng tuwalya at lumabas para magbihis ng damit. Naabutan kong nakaupo sa aking kama si Annabelle. Lagi na lang may unexpected visitor sa aking kwarto. Dapat pala ipakalas na lang ang aking pinto sa aking kwarto tutal wala namang kumakatok dito. Ewan ko ba kung bakit lagi kong nakakalimutang mag lock ng pinto.

“Ah hello? Anong ginagawa mo rito?” Tanong ko kay Annabelle.

“I just want to talk to you for real, Sam!” Sabi ni Annabelle.

“Huh? Anong pinagsasabi mo?”

“I know that it’s you Sam, come on stop hiding from me. Simula bata magkakilala na tayo, ano na naman ba ’tong pakana mo at nagpapanggap ka pang lalaki? Well, you can fool everybody but not me” Natatawa niyang sambit. Nahihibang na siguro ’to si Annabelle kaya kung ano-ano ang pinagsasabi niya.

“Ano bang pinagsasabi mo? Hindi nga ako si Sam okay? Lalaki ako!” 

Ang weird ng pagkasabi ko ng lalaki ako.

  Para akong batang baklang pinapasigaw na ‘LALAKI AKO’ ng mga mamatandang lalaking nag-iinuman.

“Don’t be silly, kilalang kilala kita! Alam kong may birth mark ka sa dibdib mo” Lumapit siya sa akin at hinihila niya ang towel na nakabalot sa aking katawan. Syempre nakipaghilaan din ako sa kaniya kasi wala akong suot na pang-ibaba.

“You idiot, just let go!” Sabi niya sa akin habang hinihila ang towel.

“Tigilan mo ko Annabelle, nababaliw ka na talaga!” Sabay hila rin ng towel.

Napalakas ang paghila niya kaya nabitawan ko ang towel tapos natumba siya sa sahig. Napasigaw siya nang makita niya akong hubo’t hubad tapos napasigaw din ako dahil wala na akong saplot sabay takip sa aking hinaharap.

“Anong nangyayari rito?” Biglang sabi ni Jethro at nagulat nang makita akong walang saplot tapos ang girlfriend niya ay nasa sahig hawak-hawak ang aking towel.

STRIKE TWO, STRIKE TWO ako sa araw na ’to! Bakit ba lagi na lang ganito?

Itutuloy…

Chapter 11: Turnin’ me on

Joss as Jules

  ![](https://img.wattpad.com/1b54b3c6cf542ae1f75daadc56b73e9b87360283/68747470733a2f2f73332e616d617a6f6e6177732e636f6d2f776174747061642d6d656469612d736572766963652f53746f7279496d6167652f6a49345475533962386b61687a773d3d2d3532343936303231392e313530626432356630363633373337653236333638323931343738342e6a7067)

Eisen’s POV

Napako ako sa kinakatayuan ko at tila ang dignidad ko ngayon ay naibenta na sa divisoria. Wala akong saplot sa katawan at tanging ang aking kamay lang ang nakatakip sa aking harapan. Halata rin sa mukha ni Annabelle ang pagkagulat, nagulat dahil sa nakita niya sa akin at nagulat sa biglang pagpasok ni Jethro sa aking kwarto. Sa susunod ipaalala niyo sa akin na magpa-install ng laser security gaya ng nasa Resident Evil na movie na kung mali ang password nang papasok ay mahahati siya gamit ang laser, para wala ng magtangkang pumasok agad-agad sa kwarto ko. Back to story, hindi ko pa rin matingnan si Jethro sa mata pero kailangan kong magpaliwanag para hindi na siya mag-isip ng kung ano pa man.

“Hon, si Eisen kasi bigla niya na lang akong tinulak sa sahig tapos bigla na lang niyang hinubad ang towel sa katawan niya. Tapos sabay niyang binato sa akin. Then I saw him naked kaya napasigaw ako” Pagsisinungaling ni Annabelle.

Bruhang ’to! Inunahan pa akong magpaliwanag at nagsinungaling pa talaga.

“Is that true?” Tanong ni Jethro habang tinutulungan niyang makatayo si Annabelle. Kinuha na rin niya ang tuwalya kay Annabelle at hinagis ito papunta sa akin kaso sablay ang pagkakasalo ko nito kaya tuluyang nakita ni Jethro ang kahubdan ko pati na si patootie ay kitang kita niya. Mabuti na lang at nakatalikod na si Annabelle kaya hindi niya ito nakitang muli. Para bang tumigil ang oras na ’yun, ang mga kamay ko ay naiwan sa ere habang ang tuwalya ko ay nasa lapag na. Bakas sa mukha ni Jethro ang pagkagulat pero hindi niya pa rin inalis ang tingin niya sa akin. Halos titigan niya na ako mula ulo hanggang paa pati na rin ata si patootie tiningnan niya. Saka lang bumalik ang kaluluwa ko sa aking sarili nang magsalita si Jules.

“What’s happening in here?” Nagulat din siya sa naabutan niya. Saka ko lang dinampot muli ang tuwalya para ibalot sa aking sarili.

“What the fuck? Ba’t ka nakahubad sa harap nila?” Lumapit sa akin si Jules at niyakap ako patalikod kila Jethro.

“Eh kasi si Eisen minamanyak ako!” Sagot ni Annabelle.

“That’s impossible!” Tugon ni Jules.

“It’s true, kitang kita mo naman ang kabastusan niya di ba?” Nagdrama si Annabelle at may paiyak-iyak pa kuno sa dibdib ni Jethro at eto naman si Jethro parang nawala sa kaniya ang kaluluwa niya.  Wala siya sa sarili at hindi nagsasalita.

“Hindi magagawa ni Eisen ang binibintang mo!” Lumakas ang pagkapit ng mga kamay ni Jules sa braso ko kaya medyo nasasaktan ako.

“Okay, magpapaliwanag ako pero ayos lang kahit hindi mo ko paniwalaan Jethro, in fact never ka naman naniwala sa akin pero sasabihin ko ang totoo” Saka lang tumingin sa akin ng derecho si Jethro at nanumbalik sa kaniyang sarili ngunit hindi pa rin siya nagsasalita. Tila ba nag-aantay na lang siya ng ipapaliwanag ko.

“Nagmamadali akong matapos maligo sa banyo dahil inaantay ako ni Jules at nagawa pa nga niyang pumasok sa banyo ko habang naliligo ako kahit itanong mo pa sa kanya yan” Tumango lang si Jules para sumang-ayon at si Jethro naman ay tumaas ang kilay simula noong sinabi ko ang pagpasok ni Jules sa aking banyo pero hindi pa rin siya nagsasalita.

“Pagkatapos kong maligo naabutan ko na lang si Annabelle na nakaupo riyan sa aking kama. Tapos pinipilit niya akong umamin na ako raw si Samantha at nagpapanggap lang daw akong lalaki kaya hinila niya ang tuwalya ko para patunayan kung babae ba ako o lalaki” Yumuko si Jethro at tumingin kay Annabelle na nakasubsob pa rin sa kaniyang dibdib at nag-iinarte.

“Totoo ba yun Anne?” Tanong ni Jethro kay Annabelle pero umiling lang ito at hindi nagsalita saka niya binalik ang tingin niya sa akin na mukhang hindi siya kumbinsido. Pero wala akong pakialam sa iniisip niya basta sinabi ko ang totoo. Bahala na siyang magbulag bulagan at magpaloko sa babae na ’yan, basta ako, totoo ang sinasabi ko.

“Saka ba’t ko naman ipapakita sa kanya ang katawan ko? Hindi naman ako interesado sa kaniya at alam mo ’yun” Alam kong alam ni Jethro ang ibig kong sabihin. Syempre, siya na rin naman ang may sabi na alam niya na bakla ako.  Eh ba’t ko pa basbastusin ang girlfriend niya, gusto niya ba akong malason? Mabuti kung siya ang babastusin ko pwede pa, pero wala akong balak.  Bahala sila ng girlfriend niyang magbastusan, tutal bagay naman sila dahil parehas masama ang ugali nila.

“Let’s leave!” Ytos ni Jethro kay Annabelle.

“But-but he …..” Hindi na tinuloy ni Annabelle ang nais niyang sabihin dahil nakatitig nang masama sa kaniya si Jethro kaya sumunod na lang siya at lumabas na sila sa aking kwarto.

“Are you okay?” Tanong ni Jules habang nakahawak siya sa mga braso ko.

“Oo, pero medyo nahihiya na ako sa mga nangyayari” Totoo naman parang ang gulo-gulo nang mansyon na ’to simula nang dumating ako.

“Don’t mind her okay? It’s not your fault in the first place. May pagkahibang talaga minsan ’yan si Annabelle. Just stay away from her, okay?” Ngiti na lang ang naisagot ko kaya kinurot niya ang pisngi ko na naging dahilan para mapaaray ako. 

“Oh siya, sige na, iiwan na kita para makapagbihis ka at pagkatapos mo riyan ay pumunta ka sa kwarto ko”

“Ano ba kasing gagawin natin sa kwarto mo?” Medyo naiirita kong tanong.

“Edi kung ano ’yung ikakasaya mo” Nakangiti niyang sabi.

OMG! Don’t tell me na ’yung iniisip ko eh iyon ’yung gagawin namin? Susme hindi pa ako ready sa mga ganiyan-ganiyan at saka wala ako sa mood today sa dami ng mga nangyaring hindi maganda.

“Ha..pwede bukas na lang?”

“Hindi pwede basta sumunod ka agad aantayin kita dun or else papasok ulit ako sa banyo pagnaliligo ka” Pang-aasar niya na sinabayan ng pagtawa.

“Okay-okay, sige na umalis kana, magbibihis na ako”

“Pwede rin naman na dito na lang ako, aantayin kita habang nagbibihis ka. Tutal nakita ko na rin naman yan” Sabay nguso niya sa hinaharap ko at ngumiti.

“Labas na!!!!” Utos ko sa kanIya sabay bato ng unan. Saka siya tumawa habang tumatakbo palabas ng kwarto ko. Natawa naman ako sa inasta niya, para siyang bata na nakikipaglaro ng maiba taya sa loob ng bahay. Kahit gaano talaga ka matured ang isang tao meron at merong bagay parin ang makakapagbalik sa kabataan mo.

Tulad ng sa akin, tuwing makakarinig ako ng mga kanta o OST ng mga favorite kong anime ay feeling ko bumabalik ako sa aking pagkabata. Lalo na pagnaririnig ko ang opening song ng Slam Dunk, Ghost Fighter, Flame of Recca ay napapa reminisce ako sa mga ginagawa ko noong kabataan ko. Simpleng bata lang naman ako noon, gawa nga sa trabaho ni mama ay hindi niya na ako nasusundo sa school pero lagi niya naman akong hinahatid papasok. Pagkauwi ko sa tanghali ay dumadaan ako kila Aling Pepay para kunin ang ulam ko. Dahil nga na wala pa roon si mama hanggang maghapon kaya laging binibilin ni mama ang aking kakainin kila Aling Pepay kasi mayroon silang karenderya. Kaya ko naman nang maghain para sa sarili ko noong bata pa ako. Kukuha na lang ako ng tirang kanin sa almusal namin at kakainin kasama ng ulam. Pagkatapos noon ay matutulog na ako hanggang alas tres ng hapon. Saka ko bubuksan ang tv pagkagising ko at aabangan ang mga anime sa GMA, may anime rin naman sa ABS-CBN noon pero mas maganda pa rin ang mga palabas sa GMA. Sasabayan ko na rin ang pagkain ng meryenda na makikita ko sa ref. Saka ako manonood ng mga anime hanggang sa sumapit ang alas sais ng hapon na kung saan ang padating na ng aking mama.

Basta pagdating sa anime nagiging bata muli ang aking pag-iisip. Hanggang ngayon ay nanonood pa rin ako ng mga iilang anime at inaabangan ko pa ang pagrelease ng mga episode ng Card Captor Sakura: Clear Card Ark dahil imagine after a decade saka siya nagkaroon ng sequel kaya sobra akong naexcite. Natatandaan ko pa na nagpabili pa ako kay mama ng roller blades gaya ng kay Sakura na ginagamit niya sa school pamasok at ’yun na rin ang gusto kong gamitin pamasok sa school. Pero natigil ang paggamit ko nito noong muntikan na akong masagasaan ng isang motor dahil nahihirapan akong ipreno ang roller blades kaya muntikan na akong sumalpok sa isang nagmomotor. Buti na lang at magaling magmaneho si manong at naiwas niya ang kaniyang motor. Samantalang ako naman ay dumidere-derecho sa kanal. Simula noon ay kinumpiska na ni mama ang roller blades ko kaya hindi ko na muli siyang nagamit pa. 

Saka ko lang napansin na napahaba ang aking pagmuni-muni. Nararamdaman ko na kasi ang lamig ng aircon sa likod ko at halos nanginginig na rin ang singit ko. Lumapit na muna ako sa pinto para isara ito at ilock bago magbihis, baka naman kasi may pumasok na naman na hindi kumakatok. Pagkalapit ko sa pintuan ay agad kong hinawakan ang door knob para isara ang pinto. Bago ko maisara ang pintuan ay may pumigil dito, si Jethro.

“Ano na naman ba ’yun?” Naiinis kong sabi.

“Why are you still naked?” Tanong niya, napatingin ako sa sarili ko dahil wala man lang akong tapis na tuwalya. Nailapag ko pala sa ibabaw ng kama habang nagmumuni muni ako. Kaya naman bigla kong sinara ang pinto na naging sanhi ng pagkaipit ng kamay niya.

“Awww..buksan mo! Naipit na kamay ko!” Sigaw niya kaya dali-dali ko naman binuksan ang pinto ng bahagya para matanggal ang kamay niya. Hinipan niya ito na tila ba napaso. Medyo naawa ako sa kalagayan niya at first time kong nakita siyang nasaktan ng pisikal. Saka ko lang naisip na dapat lang sa kaniya ’yan kasi masama ang ugali niya. Isasara ko na sana muli ang pinto pero tinulak niya ’to para mabuksan ng bahagya ang pintuan.

“Bakit ba kasi?” Naiinis na talaga ako sa kaniya.

“Ihahatid ko lang si Anne, pagbalik ko mag-uusap tayong dalawa sa opisina ko”

“Ayoko!”

“Don’t force me Eisen! I am so mad today, okay? Wag mo ng dagdagan. Basta pagbalik ko mag-uusap tayo” Binitawan niya ang pinto at saka ko lang naisara ito ng husto. Saka ko nilock para siguradong wala nang makakapasok sa kwarto ko. Walang wala na talaga akong natitirang dignidad, ilang beses na nakita ni Jethro at Jules ang katawan ko.

Nagmadali naman akong magbihis para makapunta na agad sa kwarto ni Jules at ituloy daw ang naudlot naming business na ayokong isipin na tama ang iniisip ko na siyang iniisip ninyo rin. Hindi pa ako handa sa gano’ng bagay, masyado pa akong bata at marami pa akong pangarap sa buhay. Pero kung pipilitin talaga ako, edi bahala na. JOKE! Basta dapat walang mangyari, wala, wala. 

Pagkatapos kong magbihis ay agad kong tinungo ang kwarto ni Jules. Kumatok ako pero walang sumasagot. Nag-antay ako ng ilang saglit saka kumatok muli pero wala pa ring sumasagot kaya hinawakan ko ang door knob at nalamang hindi pala ito nakalock kaya dahan-dahan ko itong binuksan at sumilip kung andun ba si Jules sa loob. Hindi nga ako nabigo, nakita ko agad siya na nakahiga sa ibabaw ng kaniyang kama. Nakasuot lang siya ng basketball shorts na pula at wala siyang suot na pang-itaas na madalas naman niyang ginagawa. Ang mga kamay niya ang nagsilbing unan sa pagkakahiga niya. Kitang kita mo ang kaniyang kili-kili na halos walang buhok dahil ang kinis nito. Para bang nakahaing pandesal ang nakalapag sa ibabaw ng kaniyang tiyan, ang ganda talaga ng pagkakahulma ng kaniyang abs. Sa kanilang magkakapatid, si Jules ang may pinakamagandang pangangatawan dahil na rin siguro sa active sa sports at madalas magwork out sa gym. Lalo akong nababakla habang tinititigan ko ang kaniyang katawan na nakatihaya sa kaniyang kama. Hindi niya ako napansing pumasok dahil nakapikit siya at may suot-suot na earphones sa tenga. Nakatulog na siguro habang nakikinig ng music at kakaantay sa akin.

Lumapit na ako ng tuluyan sa kaniya para gisingin siya. Pagkalapit ko sa kama niya ay saka ko lang napansin na may malaking picture album siyang hawak sa kaliwang kamay niya habang nasa kanang kamay niya ang phone na ginagamit niya sa pagpapatugtog. Naagaw ang pansin ko sa picture frame dahil sa isang babae na para bang may pagkakahawig sa akin.  

Ito ba ’yun? Eto ba si Samantha? 

Hindi ko rin masyadong makompirma kung tama ba ang hinala ko kasi nakaharang ang kamay ni Jules kaya dumungaw ako ng husto para masilip ito. Dahan-dahan akong umupo sa tabi niya at dahan- dahan ko ring hinahawi ang kaniyang kamay para makumpirma ko ang aking hinala. Bigla na lang hinawakan ni Jules ang kamay ko na nakapatong sa picture album.

“Bakit ngayon ka lang bunso?” Sabay halik niya sa pisngi ko at itinaas ng bahagya ang kamay ko.

“Eh may ginawa pa kasi ako” Sisihin mo si Jethro na laging bwisit sa buhay ko.

“Kanina ka pa inaantay neto” Sabay hawak sa kamay ko at nilapag sa kaniyang hinaharap. Nanlaki ang mata ko nang maramdaman ko ang semi-erect niyang pagkalalaki. Damang dama ko ito kahit na nakasuot pa siya ng basketball shorts.

“Haaa bakit?” Iyon na lang nasabi ko dahil sa pagkataranta.

“I’m sorry, what I mean is eto” Sabay lipat niya ng kamay ko sa album na hawak niya. Saka naman ako nakahinga ng maluwag.

“Kaninong photo album ba ito?” 

“Buksan mo nang malaman mo” 

Bigla tuloy ako nakaramdam ng excitement habang nakalapag sa mga hita ko ang photo album. Para bang may nagsasabi na buksan ko na nang malaman ko kung ano ang nilalaman nito. 

Syempre pictures, photo album nga di ba?

Sa unang page ng photo album ay may printed page na ang nakasulat ay Wells Brothers. Tapos may nakasulat na pangalan na krayola ata ang ginamit at ang nakasulat ay “and Sam”. Halatang bata ang nagsulat nito dahil hindi pa ganoon kaayos ang pagkakasulat pero mababasa mo pa rin ang mga letra kahit hindi pantay-pantay ang pagkakasulat. Hula ko si Jules ang nagsulat non kaya tinanong ko siya. Tumango lang siya at tumawa bilang tugon. Sa sumunod na page nakita ko ang mga pictures nila noong mga bata pa sila. Syempre ang iba sa kanila ay malayo ang mukha noong mga bata pa talaga. Si Jethro gwapo na talaga noong bata pa, maangas at mukhang bully. Hanggang ngayon din ay naman walang pinagbago. Si Josh ay naku, pagkacute cute, siya yung tipo ng bata na ang sarap yakap-yakapin dahil ang amo ng mukha nito. Magkasama sila ni Jethro sa picture at nakaakbay siya kay Jethro na nakasuot ng cap at naka uniform na pang baseball habang may hawak na baseball bat.  Samantalang si Josh ay nakauniform na pang foot ball habang nakaapak ang paa nito sa bola. Kung titingnan mo sila ay para silang angel and demon na pinagtabi para magpapicture.  Syempre kilala ni’yo na kung sino sa kanila ang angel at kung sino ang demon, kayo pa ba?

Nakakatawa rin ang sumunod na pictures ni James, parang bata pa lang ay napakapilyo na talaga. Karamihan sa mga pictures niya ay nakasuot lang siya ng brief habang naglalaro ng playstation 1. Meron din siyang mga pictures na kita ’yung putotoy niya na hindi pa tule. 

Putotoy kasi maliit pa noon, parang kikiam lang. Hay naku, ngayon parang lumpia na ata.

 Tapos si Jean naman ay puro mga musical instruments ang hawak niya sa mga pictures niya. Meron siyang picture na nagpapiano sa harap ng maraming tao. Mukhang theater pa nga kasi formal na formal ang suot niya sa stage. Madami na rin siyang nasalihang competition at kaniyang napanalunan.

Ang mga sumunod ay mga pictures ng isang batang chubby, wait napatingin ako kay Jules kasi hindi ako makapaniwala at hindi ako kumbinsido kung tama ba ang nakikita ko.

“Yes, that’s me” Pagkumpirma niya pero hindi pa rin ako makapaniwala kasi ang laki ng pinagbago niya. Tabain din naman ako noong bata pa pero mas mataba siya, as in obese na kumbaga para sa age niya.

“Lagi akong tinutukso before dahil sobrang taba ko noon. Tapos ang mga kuya ko ang popogi tapos katamtaman lang ang pangangatawan. Maraming nagkakagusto sa kanila kahit grade school pa lang kami, samantalang sa akin wala. Madalas din napapaaway si Jethro noon dahil sa mga nambubully sa akin”

Hay ang bait pa lang kuya ’to si Jethro pero sa mga kadugo niya lang kasi exception ako do’n

“Buti naman at pinagtatanggol ka niya” 

“Pero nagtatalo rin kami ni Jethro dahil sa pakikipag away niya sa mga nambubully sa akin” 

“Bakit naman?”

“Eh kasi tinutukso ako na sumbongero at bakla raw ako kaya sa kuya ko lang daw ako umaasa. Kaya noong nag highschool nagbago na talaga ako ng lifestyle para pumayat ako kaya heto na yung resulta ng paghihirap ko.” Sabay kindat niya sa akin.

“Buti nga ’yun pinagtatanggol ka di ba, pero bakit hanggang ngayon ay parang hindi pa rin kayo okay?” Hindi ko mapigilang maitanong kasi parang bad blood sila.

“Ganoon lang talaga kami, siguro gawa na rin na lagi kaming nagtatalo simula noong mga bata pa kami” 

Patuloy pa rin ako sa pagpapalipat lipat ng mga page para makita ang mga batang mukha nilang magkakapatid. Sobrang nakakatuwang pagmasdan kasi imagine ’yung mga gwapong step brothers mo makikita mo ang mga pictures nila noong kabataan nila. Meron pa silang pictures na nakahubad, as in walang saplot kahit brief. Nanlaki ang mata ko dun ba’t parang anlaki na ng kay Jethro kahit ang bata pa niya. 

Pwede bang magpicture sila ulit ngayong matatanda na sila ng naked pa rin? Haha syempre malabo na mangyari ’yun

Ahem!

Bigla akong napatingin kay Jules, nakataas ang kilay niya at nakangiti nang may pagkapilyo Saka ko lang narealize na antagal ko pa lang nakatitig sa pictures nilang magkakapatid na nakahubad. Dali-dali ko naman nilipat ang page nito at si Jules naman ay tumawa kaya lalo akong napahiya sa ginawa ko.

“Gusto mo bang makakita ulit ng naked version ko?” Pang-aasar ni Jules habang tumatawa.

“Hindi na, hindi ako interesado” Pagsisinungaling ko at yumuko habang tinitingnan kunwari ang mga pictures.

“Talaga ba?” Napalingon ako sa kaniya at nakatitig na siya sa akin. Napakaseryoso ng kaniyang mukha at hindi ko masabi kung ano ang nasa isipan niya ngayon.

“Oo nga” Pagmamatigas ko.

“Edi kung gusto mo tayo na lang ang magpicture ng naked, tutal magkapatid naman tayo kaya walang malisya” Bulong niya sa aking kaliwang tenga. Sa pagkakasabi pa lang niya ng magkapatid ay namamalisyahan na ako.

“Haa..ehh ayoko!!” 

Hindi dapat ako susuko, wag dapat isuko ng maaga! Magpakipot muna hanggang kaya pa!

“Ahh ganun ah” Bigla na lang niya ako tinulak pahiga at hinawi ang photo album na nakapatong sa mga hita ko. Pumaibabaw siya sa akin at iniipit ng mga tuhod niya ang mga hita ko para hindi ako makagalaw. Tapos bigla na lang niyang hinatak pataas ang damit ko.

“Ayy, teka anong ginagawa mo?” Hinihila ko naman pababa ang damit ko.

“Gagahasain na kita ngayon bunso” Biglang nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya na para bang nabingi ako at mali ang naririnig ko. Pero nakaramdam ako ng pag-init sa aking katawan nang marinig ko ang salitang bunso. Para bang naging turn on sa akin ang pagtawag niyang bunso habang may binabalak siyang masama.

“Ano?” Paglilinaw ko.

“Biro lang, pipilitin kitang maghubad para makapagpicture na tayo” At pilit niyang inaangat muli ang damit ko na nilalabanan ko naman hanggang sa mapunit ang ito.

“Ohh shit!” 

“Sorry not sorry” Bigla niyang inangat ng husto sa damit ko kaya tuluyang nahubad na ito.

Wala na akong damit pang-itaas at si Jules naman ay nakaluhod sa harapan ko. Nakaipit ang mga hita ko sa pagitan ng mga tuhod niya kaya hindi ko halos maigalaw ang aking mga paa. Nakatingin lang siya sa katawan ko at hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isipan niya ngayon dahil ang seryoso ng kaniyang pagmumukha.

“You got a nice nipples” Sabay kurot sa kanang utong ko. 

Nagulat ako sa inasta niya kaya hindi ko napigilang mapaungol ng malakas. Huli na ang lahat ng marealize ko na ang lakas ng pagkaka-ungol ko. Saka ko lang nagawang magtakip ng bibig pero wala na akong boses na inilalabas. Kita ko sa kaniya ang mabilis na paghinga niya at tila ba balisa na hindi mo maintindihan. Bigla na lang niya kinuha ang dalawa kong kamay at nilagay sa bawat gilid ng aking mga hita bago siya pumatong sa akin. Nakasubsob ang kaniyang mukha sa bandang kaliwang tenga ko at halos dumikit ang kaniyang baba sa aking balikat. Hindi ako makakilos sa ginawa niya. Ramdam na ramdam ko ang bigat ng kaniyang katawan pero hindi naman ako naiipit ng sobra. Gumalaw siya at itinaas pa niya ng kaunti ang kaniyang katawan para mas lalong maging pantay ang aming mga paa. Ngayon damang dama ko na ang kaniyang pagkalalaki na unti-unting tumutigas sa loob ng kaniyang basketball shorts. Kahit siguro may suot pa siyang brief ay ramdam ko pa rin ito na tumatama sa hinaharap ko. Mas matangkad si Jules kaya ramdam ko ang kaniyang mainit na paghinga sa kaliwang bahagi ng aking pisngi. Ramdam na ramdam ko ang init ng kanyang katawan sa pagkakadikit ng mga balat namin. Pakiramdam ko para akong lalagnatin sa mga nangyayari. Walang gumagalaw ni isa sa amin, tanging ang aming paghinga ang aming naririnig sa bawat isa. Nilapit niya sa aking tenga ang kaniyang mga labi at nagsalita.

“Ano ba ang ginagawa mo sakin? Para akong mababaliw sa’yo. Sobra sobrang pag-iingat at pagkocontrol sa sarili ang ginagawa ko tuwing kasama kita. Kung ibang tao ka lang ay siguro kanina pa kita ginahasa rito mismo mo sa kamang ’to. And I want you to feel all of this” Sabay diin niya ng kaniyang hinaharap sa akin na ramdam na ramdam ko na ang naghuhumindig niyang alaga sa loob. Kinagat ko ang labi ko para hindi ako makaungol sa ginagaw niya sa akin. Ilang kiskis at diin ang ginagaw niya na lalong nagpapainit sa pakiramdam ko.

“Pero I don’t want to force you to do things na ayaw mong gawin. Kaya hangga’t kaya kong magpigil ay pinipigilan ko ang aking sarili kasi ayokong madisappoint ka sa akin” Saka siya humiga sa tabi ko at ilang sandali pa ay tumayo siya at kumuha ng tuwalya.

“You can borrow that photo album para masatisfy ang curiousity mo about kay Sam. Kailangan ko lang magshower ulit para pahupain ’to” Sabay turo niya sa kaniyang hinaharap na bakat na bakat ang kanyang pagkalalaki.

“Unless tutulungan mo akong pakalmahin ’to? Kung mag iistay ka pa riyan hanggang sa matapos akong magshower, I can’t guarantee you na makocontrol ko pa ang sarili ko” Saka naman ako tumayo para isuot ang damit ko na may punit sa bandang tagiliran hanggang sa bandang kili kili ko. Kinuha ko na rin ang album at nagmamadaling lumabas ng kwarto. Saka ko lang narinig na tumatawa si Jules sa loob. 

Teka pinagtitripan niya ba ako? 

Papasok sana akong muli sa kwarto ni Jules nang makita ko si Josh sa harap ng pintuan ng kwarto ko. Nakatingin siya sa akin at nakakunot ang noo. Ewan ko ba kung bakit pero parang ibang Josh ang nakikita ko sa harapan ko. Hawak-hawak ko ang photo album at naglakad papalapit sa kaniya.

“Hi Josh, amm.. anong ginagawa mo rito?” Nahihiya kung tanong pero ’yung totoo ay  kinakabahan ako kasi parang ngayon ko lang ata siyang nakitang galit.

“Let’s talk” Binuksan niya ang pinto at inantay akong makapasok bago niya sinara at nilock ang pinto. Kinabahan naman ako sa ikinikilos ni Josh na para bang sinaniban ng masamang espirito kaya nagkakaganito. Lumapit ako sa kama ko at nilapag sa may table ang photo album.

“Anong ginawa mo sa kwarto ni Jules?” Biglang tanong niya. Humarap ako sa kaniya at sasagutin ko na sana ang tanong niya nang bigla siyang magsalitang muli.

“Let me rephrase that, anong ginawa ninyo ni Jules sa kwarto niya?” Tanong niya na ikinagulat ko. Hindi ko magawang sumagot agad sa tanong niya at tila napako sa mga salitang  “anong ginawa n

iyo

ni Jules sa kwarto n

iya

?“ . 

Tumitig lang siya sa akin at nag-aantay ng isasagot ko. Halata sa mukha niya ang pagkainis kaya sumagot na kaagad ako.

“Wa-wala, pinakita niya lang ’tong photo album na to. Ma-mga pictures niyo noong mga bata pa kayo” Pagpapaliwanag ko pero mukhang hindi pa rin siya kumbinsido.

“Don’t lie to me please! Ayoko sa lahat ay ’yung mga sinungaling!” Galit niyang sambit.

“Wala talaga! Promise!” Mabilis kong tugon.  Alangan naman na aminin ko na kiniskis ni Jules ang hinaharap niya sa akin, eh baka lalong magalit sa akin ’tong si Josh.

“Narinig kitang umuungol tapos sasabihin mong wala? Tingnan mo ’yang ayos mo? Punit ang t-shirt mo Eisen tapos wala?” Mas mataas na ang boses niya ngayon at hindi ko na alam ang sasabihin ko.

“You know what, I’m done being nice to you! You want it rough huh? So be it!” Bigla niya akong tinulak sa ibabaw ng kama ko. Pinunit na niyang tuluyan ang damit ko at hinagis sa sahig ito. Pumaibabaw siya sa akin at bigla na lang niya akong hinalikan. Nagulat ako sa ginawa niya, alam kong may gusto ako kay Josh at aminado akong sobra-sobra ang paghanga ko sa kaniya. Bukod sa gwapo siya ay ubod ng bait niya sa akin pero ibang iba ang pinapakita niya sa akin ngayon. Marahas ang paghalik niya sa akin hanggang umabot ang labi niya sa aking leeg patungo sa aking dibdib. Wala akong nagawa ng mga sandaling ’yun kung hindi ang maluha dahil para bang kasalanan ko at bakit nagkakaganito si Josh.

Itutuloy…

DISCLAIMER & WARNING!

DISCLAIMER:

Lahat ng nababasa niyo rito ay pawang kathang-isip lamang. Lahat ng mga litratong ginamit ay hindi pagmamay-ari ng manunulat. Ang mga tauhan sa kwentong ito ay hindi naglalarawan sa totoong estado ng pamumuhay ng mga nasabing artistang gumaganap sa kwento. Ano mang pangyayari o kaganapang nangyayari sa loob ng kwento ay hindi sumasalamin sa kanilang pagkatao.

  ![](https://img.wattpad.com/f83072aeb8fbdaa50203d7166b0261686b500adc/68747470733a2f2f73332e616d617a6f6e6177732e636f6d2f776174747061642d6d656469612d736572766963652f53746f7279496d6167652f31625238723051366d6f50775f773d3d2d3532383030313432342e313530646664393938353433363236353338323130343831373831362e6a7067)

WARNING!

Ang mga susunod na kabanata ay naglalaman ng maseselang eksena gaya ng pakikipagtalik sa kapwa lalaki na hindi angkop sa mga bata. Maaaring lisanin ang kwentong ito kapag hindi angkop sa inyong pananaw at panlasa sa isang istorya.

Chapter 12: Tell me I’m your BABE

Lharby as Josh

  ![](https://img.wattpad.com/3eb691d5ae1c8457b127b934f90e75ff9c40aafd/68747470733a2f2f73332e616d617a6f6e6177732e636f6d2f776174747061642d6d656469612d736572766963652f53746f7279496d6167652f507530457a63585f663236444b413d3d2d3532383030383834352e313530646664616537323136363764613134333035303631323835352e6a7067)

Eisen’s POV

Patuloy ang paghalik sa akin ni Josh.  Pakiramdam ko ay ibang tao ang nasa ibabaw ko ngayon. Imbes na saya ang maidulot nito sa akin ay tila wala akong magawa kun’di ang maluha sa mga nangyayari. Umabot hanggang sa dibdib ko ang ang kaniyang paghalik. Walang sawa niyang sinipsip ang magkabilang utong ko. Hindi ko magawang masiyahan sa ginagawa niya pero patuloy pa rin siya sa pagpapaligaya sa akin na hindi ko naman magawa. Lumuhod siya para tuluyang tanggalin ang aking pang ibabang suot at saka niya lang napansin ang mga luhang umaagos sa aking mga mata. Bigla na lang niya akong niyakap ng pagkahigpit at saka humingi ng tawad.

“I’m sorry, I’m so sorry” Paghingi niya ng tawad habang humihigpit ang kaniyang pagyakap sa akin. Hindi ko naman alam kung ano ang isasagot ko sa kaniya dahil tanging luha ko lang ang tanging nagbibigay kasagutan sa kaniya.

“Please don’t cry, I’ll do anything…please don’t cry” Pakiusap niya sa sa’kin pero wala parin ako naging tugon sa kaniya. Ilang sandaling katahimikan at tumigil na rin ang pagpatak ng mga luha ko. Umupo siya sa tabi ko dahil naramdaman niya atang nabibigatan na ako sa pagkakadagan niya sa akin. Nakaupo siya sa tabi ko at hawak-hawak niya ang aking kaliwang kamay habang pinupunasan naman niya ang mga natitirang luha sa aking mga mata. Malalim na buntong hininga ang pinakawalan niya at bigla siyang nagsalitang muli.

“Sorry talaga, alam kong hindi mo nagustuhan ang inasal ko kanina. Ako rin naman ay nagulat sa mga ginawa ko at hindi ko alam kung bakit pero sana mapatawad mo ako”

“Bakit ka ba nagkakaganyan? Parang nag-iba ka” 

“Paano mo naman nasabing nagbago ako?”

“Napapansin ko kailan lang para bang iniiwasan mo ako”

“Oo aaminin ko na iniiwasan nga kita” Yumuko siya at humigpit ang pagkakapit niya sa aking kamay.

“Bakit naman? Dahil ba sa nagiging pabigat na ako sayo? O baka naman hindi ka na natutuwa sa pag-stay ko dito?” Malumanay kong tanong.

“Hindi naman sa gano’n. In fact masaya nga akong andito ka sa mansyon. Totoo, lumalayo ako sa’yo dahil ayokong tuluyang mahulog ang loob mo sa akin. Kahit hindi mo aminin alam kong may gusto ka sa akin” Hindi ko magawang tumingin sa kaniya nang sabihin niya iyon. 

Gano’n na pala ako kaobvious kaya iniiwasan niya ako.

“Pero hindi lang dahil doon ’yon.  Ayoko ko rin na lalo pang mapamahal ako sayo…dahil matagal tagal ko na ring pinipigilan ang sarili ko”

Tama ba ang pagkakarinig ko? Mahal? Mahal daw niya ako?

“Ha, anong ibig mong sabihin?” Kailangan ko ng clarification sa mga pinagsasabi niya, mahirap na ang umasa o baka bingi na akong talaga kaya kung ano-ano ang naririnig ko.

“It’s true, mahal kita.. Bago ka pa man makarating sa mansyong ’to ay minahal na kita, dati pa. Pero mas lalo kitang minahal nang makilala kita ng lubusan” Nakangiti niyang sabi at ako ay parang lumabas sa katawan ko ang aking kaluluwa dahil hindi ako makapaniwala sa pag-amin niya sa akin.

“Papano? Eh first time pa lang natin magkita noong pagdating ko dito sa mansyon?”

“I will tell you soon on how I met you before. But for now all I want from you is to believe in me”

“Wait-wait naguguluhan ako.  Ang bilis masyado ng pangyayaring ’to ah. Oo, inaamin ko na may gusto ako sayo at matagal kong pinapangarap na mangyari ’to sa buhay ko. Pero jusko naman bigyan mo naman ako time para maiprocess lahat ng ’to dahil aatakihin yata ako sa puso” Bigla siyang natawa at saka ko lang napansin kong bakit. Nasabi ko pala ito ng out-loud. Saka lang ako nagtakip ng bibig. 

Ohh god sobrang nakakahiya.

“You never fail to amuse me. Ang cute-cute mo talaga” 

Parang sisirit lahat ng regla ko. Oh wait, wala nga pala akong mens at hinding hindi ako magkakaroon no’n. Assuming lang!

“Hindi pa rin ako makapaniwala na ang isang anak ni Barry Wells na isa sa pinakamayamang business tycoon sa asia ay dati pang may gusto sakin? Like seriously? Hindi ako gano’n ka attractive, sobrang daming babae dyan na halos magka…” Natigil ang pagsasalita ko noong pumatong siya sa akin at muling siniil ng halik ang aking mga labi. Sa pagkakataong ito ay naging passionate na siya sa paghalik. Napakaromantic ng mga sandaling ’yun para sa akin. Dahil ’yun ang unang halik na naramdaman ko sa taong mahal ko. Aaminin ko napamahal na talaga ako sa kaniya. Hindi lang dahil sa kagwapuhan niya kun’di sa kabaitan niya sa akin mula pa noong dumating ako rito sa mansyon. Sino ba naman ang mag-aakala na ang isang tulad ko ay matagal na pala niyang gusto? 

Oh di ba, lahat ng ’yan ay nasa isipan ko habang naghahalikan kami. Ganyan-ganyan ako kagaling sa multi tasking!

“Pwede na ba ’yun as a guarantee na mahal talaga kita?” Syempre para sa mata ng lahat eh hindi sapat ang isang halik para patunayan ang pagmamahal mo sa isang tao. Nasa way ito ng pakikitungo niya sayo at kung pano ka niya itrato kapag kayo lang o sa harap man ng maraming tao.

“O-o” Nahihiya kong sabi at agad akong nagtakip ng kumot dahil nahihiya ako sa sobrang lapit ng mukha niya sa akin at ’yung mga ngiti niya na nagpapalambot sa aking buong katawan.

“So from now on tayo na?” Nakangiti niyang sambit habang hinila niya ng dahan-dahan ang kumot na tinatakip ko sa mukha ko hanggang sa natanggal niya ito. Sobra kong ikinatuwang marinig ang salitang ‘Tayo na?’ dahil sa kauna-unahang pagkakataon ay may nagtapat sa akin ng kaniyang damdamin. Exempted na ang mga babaeng nagtapat sa akin na dineadma ko lang dahil hindi naman talaga ako attracted sa kanila. Sasagot na sana ako ng ‘Oo’ pero naalala ko kung papaano na ang girlfriend niya na nasa paris. Ano second option niya lang ako? O kaya substitute habang wala si girl?

“Hindi!” 

“Ha, bakit? Di ba gusto mo rin ako?” Mabilis niyang tanong na ikinagulat ko.

“O-o..”

“Then Why?” 

Ay hala siya ohh..so Liza Soberano ka ngayon tapos ako si Enrique Gil? Lakas maka My Ex and Whys ng tanong mo ah!

“Eh di ba may girlfriend ka na nasa paris, papano siya?” Papano ako? Pero hindi ko na naidugtong ’yun at sinarili ko na lang.

“Matagal ng malabo ang relasyon namin. Ever since she left the country ay bihira na lang kami magkausap at halos wala kaming balita sa isa’t isa kaya tinapos ko na ang relasyon namin kagabi” Nagulat naman ako sa paliwanag niya.

“Baka naman busy lang siya kaya hindi siya nakakatawag sayo” 

Sige ipagtanggol mo pa si ate girl at mamaya niyan ay bawiin niya ang pagconfess niya sayo, edi hurt-hurt ka riyan imbes na heart-heart. 

“Am I not busy? Alam mo rin ’yan kung gaano ako ka busy pero I still have time or I always make a time para makapag-usap kami pero hindi niya man lang magawang sagutin ang tawag at emails ko. That’s why I decided to end up our relationship noong sinagot niya ang tawag ko kagabi”

“Pumayag naman siya?”

“She refused, but I am willing to end up our relationship. I tried to listen to all of her excuses, but all those excuses aren’t making any sense”

“So dahil wala na kayo kaya ako ang ipapalit mo?” ’Di ko na napigilang itanong.

“Look at me!” Utos niya. Nasa ganoong position pa rin kami na nasa ibabaw ko siya. Nakadikit ang pang ibabang katawan niya sa akin habang ang kaniyang mga kamay ang nagpipigil sa pagdikit ng mga dibdib namin. Tila nagpupush-up siya habang nasa ilalim niya ako. 

“I’m serious about you, okay? Bago pa man naging kami ni Jessica ay na-inlove na ako sayo noon pa man nang makita kita sa manila”

“So nagpupunta ka rin pala ng Maynila?”

“Oo, and I want tell you everything but it’s not the right time. When everything is okay, saka ko sasabihin sayo ang lahat-lahat. Please believe me, seryoso ako at MAHAL KITA” Halos isigaw niya ang salitang Mahal kita sa pagmumukha ko. Hindi nawala ang pag-aalinlangan ko na baka may tinatago siyang lihim sakin na ikakasama ko sa bandang huli pero mas nananaig ang pagmamahal ko sa kaniya at nagtitiwala ako na may maganda siyang rason para itago kung ano man ang itinatago niya.

“Oo naniniwala na ako” Saka ko ginilid ang mukha ko para iwasan ang tingin niya dahil alam kong hindi ko kakayanin ang magiging reaction ng mukha niya pagsinabi ko ’yun.

“So tayo na nga?” Hindi pa rin ako lumilingon sa kaniya pero tumatango naman ako hudyat nang pagsang-ayon.

“Tumingin ka sa’kin at sabihin mo” 

“Oo na, oo na, tayo na” Lakas loob kong sabi at kita ko naman ang sobrang pagkatuwa niya. Sa sobrang saya niya ay napaluhod siya sa kama habang taas kamay na sinigaw.

“YES KAMI NA!” Bigla naman akong nataranta kaya napabangon ako at agad kong tinakpan ang kaniyang bibig dahil baka may makarinig sa kaniya. Nagtaka naman siya sa inasal ko kaya napatigil siya sa kanyang ginawa.

“Bakit?” 

“Ah-eh kasi ayoko munang malaman ng mga kapatid mo. Alam mo naman”

“Eventually malalaman rin nila so bakit pa natin itatago?”

“Remember may balak si Tito na ampunin ako at magiging ganap akong Wells. So ’yun sana ang problemahin natin bago tayo mag-open sa kanila ng tungkol sa ating dalawa”

“Okay, I’ll talk to dad!”

“Nagsabi na rin naman ako kay mama na ayoko magpaampon kasi mas gusto ko ang apelyido ni papa ang gamit ko” Bigla na lang siyang ngumiti.

“Mas gusto mong apelyido ng papa mo ang gamit mo o dahil ayaw mo lang na maging tunay tayong magkapatid by law?” 

“Oo na, aaminin ko ayokong maging kapatid ka” Nahihiya kong sambit.

“Kasi?” Eto na naman siya sa mga nakakaloloko niyang ngiti.

“Kasi mahal ko na si Joshua Mikhael Wells at hindi ko kayang maging kapatid siya BY LAW!” Sinabi ko ’yun nang nakayuko dahil kahit sabihin kong kami na a few minutes ago ay parang first time ko pa ring magconfess ng love sa taong mahal ko.

“That’s all?” 

“Ha… may iba pa ba?” Napaisip ako, sa pwesto kong nakaluhod na rin sa kama ay biglang napahiga nang itulak niya ako at muli siyang pumatong sa ibabaw ko at ang kaniyang bibig ngayon ay nakatapat sa aking kaliwang tenga.

“Gusto kong marinig na hindi mo ko iiwang mag-isa at hindi mo kakayaning malayo sa akin. Gusto kong marinig na ako lang ang mamahalin mo at wala ng iba pa”

Wedding vow na ba ang gusto niyang sabihin ko sa kaniya? Pero kung sa bagay naiintindihan ko siya, gawa na rin siguro ng pag-iwan sa kaniya ng kaniyang girlfriend. I mean EX-GIRLFRIEND! Kasi nga ako na ang current niya na mukha lang girl pero hindi. Kaya gano’n na lang siya kung magtanong sa akin na para bang ayaw niyang maulit ang mga nangyari.

“Oo na, wala naman akong pupuntahang iba dahil wala naman talaga kaming sariling bahay sa Caloocan at saka hindi naman ako gustuhin para ipagpalit kita. Ikaw nga ang dapat magsabi sa’kin niyan dahil sa dami ng nagkakagusto sayo”

“Wala naman akong pakialam sa kanila kasi ikaw lang ang gusto ko” Sabay kagat niya sa tenga ko at ramdam ko ang mainit niyang hininga na nagpainit sa aking katawan.

“Seriously, ako lang dapat” Kinagat niyang muli ang tenga ko na may halong panggigil. Hindi ko mapagilang mapaungol sa ginawa niya, magkahalong sakit at sarap ang nararamdaman ko ’pag ginagawa niya sa akin ’yun.

“Ba-bakit mukha bang may iba ako?”

“I know Jules likes you and I hate it” Umabot na sa leeg ko ang mga labi niya. Sinisimulan niyang amuyin at halikan ito ng dahan-dahan.

“Wala ’yun saka may girlfriend siya no!”

“He’s my brother and I know kapag seryoso na siya” Sabay kagat sa leeg ko at sipsip. Wait don’t tell me na nilalagyan niya ako chikinini? Pero ansarap pala ng feeling nito kaya hinayaan ko lang siya sa kaniyang ginagawa.

“So sa tingin mo seryoso siya sa akin?” Bigla naman akong napaisip sa sinabi niya.

“Let’s not talk about it okay? Just don’t let him kiss you again like this” Sabay halik niya sa labi ko pero smack lang kasi gano’n ang ginagawa sa’kin ni Jules dati

“Okay….” 

“Promise?”

“Yes I promi..” Hindi ko na naituloy ang dapat kong sabihin dahil bigla na lang niya ako siniil ng halik. Ramdam ko ang pananabik niya sa bawat halik niya sa akin. Gano’n din naman ako sa kaniya, halos mabaliw ako sa bawat pagdampi ng mga labi namin sa isa’t isa. Isama mo pa ang paggalugad ng kanyang dila sa loob ng aking bibig. Halos hindi ako makahinga sa ginagawa niya pero patuloy pa rin siya sa kaniyang ginagawa.

Dahil nga hinunabad na ni Josh ang aking pang-itaas na damit ay madali na lang niyang nahalikan ang aking dibdib. Sinumulan niya ang pagsipsip sa kaliwa kong dibdib na nagbigay sa akin ng sobrang kaligayahan. Ang sarap sa pakiramdam ng bawat pagsipsip niya sa aking utong at halos mabaliw ako sa ginagawa niya.

“You want more?” Tanong niya habang dinidilaan niya ang aking kaliwang dibdib. Hindi ko mapigilan ang sarili ko sa pag ungol ng malakas dahil sa ibayong sarap na nararamdaman ko ngayon.

“Ahhhh… Josh sige pa” Halos idiin ko ang mukha niya sa aking dibdib.

Lalo niyang ginalingan ang paglamutak sa aking dibdib at nagpalipat lipat siya hanggang sa magsawa ay bumalik siya sa aking leeg at dinilaan niya ang aking panga hanggang makaabot ito sa aking tenga at bumulong siya.

“I want you to know that I’m not the same person that you used to know. Because I really am not that good…. I want you to know that I really am a bad person” Bulong niya sa aking tenga habang kinikiskis niya ang kaniyang hinaharap sa akin. Kahit nasa loob pa ito ng kaniyang pantalon ay ramdam na ramadam ko na ang paninigas nito na lalo pang nagpainit sa akin.

“Ahhhh….anong ibig mong sabihin?” Hindi ko na naman mapigilang umungol sa ginagawa niya.

“I am bad guy and when I say bad…I am really bad when it comes to this” Sabay hila niya ng kanang kamay ko at pinahawak ang kaniyang hinaharap. Nagulat ako nang makita ko na nakalabas na pala ang ulo nito. Sa laki ng kaniyang kargada ay lumabas na ito ng kusa sa kaniyang pantalon kahit nakasara pa ito. Hindi ko napigilang mapalunok ng laway at mapaisip kung kakayanin ko ba ito. Hanggang sa ipinasok niya ang aking kamay sa loob ng kanyang pantalon at sa loob na mismo ng kaniyang brief ay damang-dama ko na ang kaniyang kahabaan. Sa bawat pisil ay ramdam ko ang katabaan at ang init na nagmumula rito. Napapaungol siya sa bawat pagpisil at pagtaas baba ko sa kaniyang alaga.

“Ahhhh…. Ang sarap babe” Hindi niya mapigilang sambitin habang tinataas baba ko ang kaniyang kahindikan.

  So babe na ang tawagan namin ngayon? Okay, nota. I mean noted.

Ilang taas baba pa ang ginawa ko at ramdam ko na medyo dumudulas na ang ulo nito. Saka ko lang napagtanto na pre-cum na pala ’yun. Walang tigil din ang pag-ungol niya at pagsambit niya sa aking pangalan habang taas-baba ang kamay ko sa kaniyang kahabaan. Bigla na lang siyang tumayo sa kama at hinubad ang kaniyang pang itaas na damit.

“I can’t take it any longer, I want to f*ck you so hard right now. I want to feel your insides” Muli siyang pumatong sa ibabaw ko at mas dumoble ang naramdaman kong init sa katawan nang magdikit ang aming dibdib sa isa’t isa. Ramdam ko rin ang pagdulas ng aming balat sa isa’t isa dahil sa mga namumuong pawis. Hinalikan niyang muli ang aking mga labi. Sobrang pananabik ang pakiramdam namin sa paghahalikang ’yun. Hindi rin nagtagal at binawi na niya ang kaniyang mga labi at  saka nagsalitang muli habang hinahabol ang hininga.

“Will you…..please let me…in?” Habang hinihila niya pababa ang suot kong shorts na manipis. Hindi pa rin ako handa sa ganitong eksena dahil sobrang bilis ng pangyayari. Kanina lang nang magtapat siya na mahal niya rin ako at kanina lang na napag usapan naming kami na. Ngayon naman ay kukunin niya na ang virginity ko. Sa totoo lang ay hindi pa ako handa. Ngunit ’yung titig niya sa akin ang nagpapalambot sa aking katawan at sinumang babae ang titigan niya ng mga matang ito’y tiyak na ibibigay nila ang kanilang pagkababae. Pero ibahin nila ako dahil hindi ako babae. Naramdaman ko na lang na nasa tuhod ko na ang suot kong shorts at isusunod na niya sana ang suot kong brief nang biglang tumunog ang sikmura ko na sumisigaw ng kagutumang nadarama. 

“Haha, I guess you’re hungry. Anong oras na pala” Nahiya naman ako dahil mukhang nabitin siya sa ginawa namin at ilang sandali pa ay bigla na lang may kumatok sa pintuan ko. Sa wakas marunong na silang kumatok, marahil nakalock ang pintuan kaya siguro kumatok na.

“Eisen?” Boses ni Jules. Kinabahan kaagad ako dahil baka nakikinig siya sa kabilang bahagi ng pinto.

“Ba-bakit?” 

“Andyan ba si Josh?”

Magsasalita na sana si Josh pero pinigilan ko siya at tinakpan ko ang kanyang bibig.

“Ah wala-wala siya dito bakit?”  Mabilis kong sagot.

“Almost 1 pm na at wala pa ring nakahaing ulam. I don’t like manang’s cooking kaya kanina pa ako gutom” Habang nakatakip ang aking kamay sa kaniyang bibig ay nagagawa pa rin ni Josh na kagat-kagatin at dila-dilaan ito kaya hindi ko napigilang mapaungol sa ginagawa niya. Tama nga siya hindi siya ang Josh na kilala ko kasi ibang iba siyang tao pagdating sa bagay na ’to.

“Are you alright?” Tanong ni Jules na mukhang narinig ang pag ungol ko.

“Ahhh oo, nag-unat lang ako… try mo na lang kayang tawagan” Binawi ko ang kamay ko na kinakagat ni Josh. Mabuti hindi siya nagsasalita at ngumiti lang siya sa akin. Ayon pa rin ang kaniyang alaga at buhay na buhay dahil nakadungaw pa rin ito sa kaniyang pantalon.

“Okay, I’ll try to call him” Mga ilang sandali pa ay nawala na si Jules sa tapat ng pinto at bigla na lang kami nakarinig ng tunog na nagmumula sa cellphone. Shit, ’yung cellphone pala ni Josh ay nasa likurang bulsa ng kaniyang pantalon kaya dali dali niya itong kinuha at pinatay. Jusko po mukhang nakakasanayan ko na ang pahuhukay ng sarili kong libingan.

“I guess you’re not the only one who’s hungry right now. Kaya kailangan ko nang bumaba at magluto” Lumapit siya sa akin at hinalikan ang labi ko.

“I’ll cook a good lunch for you but I will claim the dessert from you right after” Sabay kindat habang kagat-kagat ang pang ibabang labi. Susme mababaliw ako sa ganitong version ni Josh.

Tuluyan na siyang tumayo at kinuha ang damit niyang hinubad at sinuot itong muli saka binuksan ang pinto ng aking kwarto. Bago siya tuluyang lumabas ay nagpaalam muna siya.

“Later babe” Sabay tingin niya sa kaniyang hinaharap.

Bigla ko na lang sinubsob ang aking sarili sa unan sa sobrang kilig at siya naman ay narinig kong tumawa. Hay buhay nga naman hindi mo iniexpect ang mga bagay na mangyayari na lang ng biglaan. Para maibsan ang pananabik ko kay Josh ay binaling ko na lang ang aking sarili sa pagkakalikot ng aking cellphone. Nakinig na lang ako ng mga kanta habang nag-aantay na maluto ang pananghaliang hinahanda ni Josh. Sakto biglang tumugtog ang kanta ni Hyuna na Babe, hindi ko napigilang sumabay sa chorus.

You make me 25, 25, 25…

You make me 24, 24, 24…

I feel like 21, 21, 21 though!

Tto deudgo sipna bwa.. tell me I’m your Ba-be, Ba-be!

Nakailang songs din ako sa pakikinig sa mga kanta ni Hyuna. Halos lahat naman ng songs niya na may MV ay pinakinggan ko. ’Yun ay ang Change, Bubble Pop, Ice Cream, Red, Roll Deep, How’s this at saka ang pinakalatest niya na Lips and Hips. Naalala ko tuloy ang mga kaganapan kanina sa aming dalawa ni Josh habang pinapakinggan ko ang kanta lalo na sa part na.

Lip and Lip and Lips..

Hip and Hip and Hips..

Lip and Lip and Hips..

Ohh I got a fancy lip and hip!

Ilang sandali pa na pagmumuni-muni nang may kumatok sa pinto ko at nagsalita.

“Late-lunch is ready” Sa pinakatamad na tono ng boses ni James.

“Okay” Sigaw ko at inayos ang kama ko bago ako lumabas.

Dali-dali kong tinungo ang dining area para makakain na dahil kanina pa talaga kumakalam ang aking sikmura. Pagkarating ko sa dining area ay naabutan kong kumakain na si Jean at si Josh ay mukhang nag-aantay pa sa akin kaya hindi muna kumain. Si James naman ay nakatitig pa rin sa pagkain niya na para bang may malalim na iniisip. Paupo na ako sa tabi ni Josh nang biglang magsalita si James.

“For the first time Josh may sunog ’yung niluto mo” Sambit nito na nasundan pa ng pagtawa.

“Nagmamadali na kasi akong magluto kasi aalis pa raw si Jules dahil may biglaang practice daw sila. Atsaka may gagawin din akong importante kaya nagmamadali na talaga ako” Sabay baling ng tingin niya sa akin. 

Hanggang sa pagkain ba naman Josh ayaw mo akong tantanan sa mga hirit mo?

“Aba kahit dati pa namang nagmamadali ka ay never ka pa nakasunog ng ulam. Curious tuloy ako sa gagawin mo at nagkasunog ’to” Nakangiting sambit ni James.

“Gusto mong bawiin ko na lang ’yang niluto ko at ang luto ni manang ang ipakain ko sayo?” Tanong ni Josh.

“I’m just kidding bro” Natatawang sabi ni James at si Jean naman ay patuloy pa rin ang pagkain. Nakakapanibago lang kapag nagkakatagpo ang tingin namin ay para bang naiilang siya at bigla niyang iniiwas ang kanyang tingin sa akin. Ano kayang nangyayari sa lalaking ’to? Kamakailan lang ay maayos ang pakikitungo niya.

Sinimulan ko naman kumain at si Josh ay kanina pa pala tapos. Sumenyas  siya sa akin na mauuna na siyang umalis at tumango lang ako. Sumunod naman si Jean sa kaniya hanggang sa  kaming dalawa na lang ni James ang natitira sa dining area.

“Sa tingin mo anong pinagkakaabalahan ni Josh ngayon at bakit niya nasunog ang ulam ko?” Biglang tanong ni James. Sa totoo lang ay hindi naman talaga sunog ’yung sa kaniya, may parte lang na nasunog. Nasanay siya siguro na tamang luto ang pagkakagawa ni Josh sa mga hinahain niya. 

Pero kahit may sunog na parte masarap pa rin naman ang luto niya. parang siya lang…JOKE!

“Ewan ko” Mabilis kong tugon at uminom ng tubig dahil nagmamadali na rin akong matapos kumain. Baka kung saan na naman mapunta ang usapan namin ni James, yari talaga ako nito kay Josh. 

Tumayo na rin ako at nagpaalam sa kaniya na tapos na akong kumain. Bago pa man ako makalayo sa mesa ay bigla siyang nagsalitang muli.

“Wala akong gagawin mamaya, we can continue our unfinished task” 

“SIRA!” Ang tanging naging tugon ko na ikinatawa niya.

“I MEAN IT! I’LL BE WAITING IN MY ROOM!” 

Pasigaw niyang sabi kaya kahit nakalabas na ako ng dining area ay rinig ko pa rin ang sinabi niya. ’Di ko na lang pinansin at saka no need na kasi may babe na ako na handang ibigay ang kaniyang sarili mapaligaya lang ako.

Paakyat na ako ng hagdan nang biglang may nagsalita sa aking likuran.

“Give me time to change then proceed to my room” Utos ni Jethro.

“Ha?” 

“Di ba mag-uusap tayo? After 5 minutes pumasok ka na sa kwarto ko” Saka siya naglakad papunta sa kwarto niya.

Eto na naman si bossing nag uutos, kaumay. Pumasok na ako sa kwarto ko at nilock ang pinto, kailangan ko naring masanay sa paglalock ng pinto para masanay na rin silang kumatok bago pumasok. Naramdaman ko na lang nang biglang may yumakap sa likuran ko. Paglingon ko ay nakita ko si Josh nagtago pala siya sa gilid ng pinto para gulatin ako. Hahalikan na sana niya ako pero pinigilan ko siya dahil hindi pa ako nakapagtooth brush. Okay lang daw sa kaniya pero hindi okay sa’kin, malay ko ba baka may tinga-tinga pa ako ang awkward naman no’n pag nagkiss kami.

“Kahit mouthwash na lang babe, sabik na sabik na ako sayo eh” Halata naman ang panggigil niya sa pagkakayakap niya sa akin. Tumango lang ako at dali daling nag mouthwash saka lumabas ng banyo.

Nakita kong nakaupo si Josh sa aking kama. Ngayon ko lang napansin na nakasando at shorts lang pala ang suot niya. Pagkalapit ko sa kaniya ay agad niya akong siniil ng halik na para bang ang tagal naming hindi nagkita.

“So pwede na tayong gumawa ng baby ngayon?” Nakakaloko yung ngiti niya sa akin. 

“Kahit naman gumawa tayo wala naman mabubuo” Sagot ko sa kaniya.

“We can try and try and try and try” Sinasabi niya ’yun habang hinahalikan niya ang iba’t ibang parte ng aking mukha. Eto yung isa sa mga gusto ko kay Josh ’yung pagkasweet niya.

“Gusto mo ba talaga?” Tanong ko at mabilis na tango naman ang sinagot niya na para siyang batang sabik na sabik mabigyan ng chocolate.

“Pero babe hindi pa talaga ako ready sa ganito, hindi pa ako mentally ready makipag anal-sex” Nakita ko naman ang pagkalungkot sa mukha niya.

“It’s okay, I respect you. Baka kasi isipin mo na sex lang ang habol ko sayo”

“No…gusto ko rin naman ang ginagawa natin pero ’yung gusto mo ay hindi ko pa mabibigay for now” Ngumiti naman siya nang marinig niya ang paliwanag ko.

“Sige aantayin ko na lang na bumigay kang tuluyan sa akin” Sabay tawa niya at pinalo ko naman siya sa braso dahil sa naging biro niya.

“Just kidding, pero seryoso babe tulungan mo naman akong patahimikin si junjun. Kanina pa galit na galit yan” Saka ko lang napansin ang bukol sa hinaharap niya.

“Anong gusto mong gawin ko?” Tinanong ko pa kahit ang obvious naman ng gusto niya.

“Just do it with your hand” Saka niya binaba ang shorts niya at narinig ko ang pagpitik nito sa kaniyang tiyan. Napanganga ang naging reaksyon ko dahil ngayon ko lang nakita ito ng kabuuan. Kanina lang ay nasa loob ito ng kaniyang pantalon habang hinahawakan ko pero ito siya ngayon kitang kita ko na. Kung tatantyahin ko ay nasa 7 inches ’to mahigit. 

Wait kukuha lang ako ruler para maconfirm ko yung exact size. Syempre biro lang baka kung ano pang isipin ni Josh ’pag ginawa ko ’yun. 

Mabuti na lang at tumanggi akong magpapasok sa kaniya kasi kung nagkataon baka pagpumasok ang ganito kalaki sa aking lagusan ay baka hindi ko kayanin. Aabot pa yata ’to sa bituka ko, kaya wag muna.

“Gawin mo na babe, please” Pagmamakaawa niya habang nakaupo pa rin siya sa gilid ng kama.

“Wait paano ’yan pinapasunod ako ni Jethro sa office niya in 5 minutes baka magtaka ’yun kung bakit matagal ako”

“Just do it quickly, hindi ko na kayang mag-antay pa ng mamaya… so please” Wala na akong ginawa kun’di ang lumuhod sa harap niya at itaas-baba ang aking kamay sa kaniyang alaga. Puro pigil na ungol lang ang inilalabas niya dahil nasa katabing kwarto lang namin si Jethro at baka marinig pa ang ginagawa namin. Ilang minuto rin ako sa pagtaas baba at nakakaramdam na ako ng pangangalay.

“Matagal pa ba?” Tanong ko at ungol lang ang tanging sagot niya kaya pinagbutihan ko na lang para mabilis na siyang labasan dahil baka maabutan pa kami ni Jethro.

“Babe….ahhh use your mouth” Panay pa rin naman ang ungol niya kahit kamay lang ang gamit ko. Ang sarap niyang pagmasdan habang pinapaligaya ko siya. Wala na siyang suot na sando, ang kaniya namang shorts at brief na suot ay nasa talampakan na niya. Tuloy ang pagtagaktak ng kaniyang pawis habang nakatingala siya sa kisame at naghahabol ng hinanga. Tila sarap na sarap sa bawat pagtaas baba ng aking kamay. Dahil na rin sa pangangalay ay ginamit ko na ang bibig ko para mapabilis ang pagpapaligaya sa kanIya. Pagkasubo ko pa lang ng ulo ay rinig ko na agad ang paglakas ng pag-ungol niya kaya tinigil ko muna ito dahil baka marinig siya ni Jethro.

“Hinaan mo lang boses mo babe” Pagsaway ko.

“Sorry I’ll try, ang sarap kasi ng ginagawa mo…binabaliw mo ako” Pinagpatuloy ko na ang ginagawa ko sa kaniya. Hindi ako eksperto sa bagay na ’to, sa totoo lang kauna unahang pagkakataon ko pa lang ang makasubo ng ari ng lalaki dahil nga virgin pa ako. Pero hindi ’yun ang dahilan para maging mangmang ako sa gano’ng bagay. Sinubukan kong iapply ang mga natutunan ko sa pagbabasa ng mga erotic blogs at panonood ng mga porn videos. At hindi naman ako nabigo dahil mukhang nagagawa ko naman ito ng tama. Halata naman kay Josh na nasasarapan siya sa ginagawa ko at hindi siya nagrereklamo kung sumasagi ba ang ngipin ko o hindi.

Hindi ko man ito maisubo ng buo ay pinag-igihan ko na lang kahit kalahati man lang ay makayanan ko. Malinis ang paligid ng kaniyang pagkalalaki kaya mas lalo akong ginaganahan sa ginagawa ko. Kahit isang buhok sa gilid ay wala akong makita dahil clean shave ito. Hindi rin pala totoo ang nababasa ko sa mga blogs na mapanghi ito o kaya medyo masangsang ang amoy dahil kay Josh ay wala akong maamoy na masama. Nasa hygiene na lang talaga siguro ng sinusubo mo ’yan kaya maswerte ako sa boyfriend ko.

Ilang sandali pa ay palakas na naman nang palakas ang boses ni Josh.

“Ahhhhhh…fck babe, I thought you’re a virgin but why you’re so good at sucking?” Panay pa rin ang ungol niya pero hinayaan ko lang siya para matapos na.

“Ahhh…so good..ahhh di ako magsasawa sa’yo babe.. ang sarap mo” Halos sabunutan na niya ako at halos umabot na sa lalamunan ko ang pagkakalalaki niya dahil sa pagkakasubsob niya sa mukha ko.

“Almost there…..malapit na ako babe. Lunukin mo lahat” Bigla na lang may kumatok sa pinto ko kaya natigilan ako sa ginagawa ko pero nanatili pa rin ang ari ni Josh sa bibig ko.

“Eisen what’s taking you so long?” Naiinis na sambit ni Jethro. Hindi ako makasagot dahil nasa bibig ko pa rin ang ari ni Josh at sinimulan na niya akong i-mouth f*ck. Halos mabulunan ako sa ginagawa niya sa akin pero hindi ko siya mapigilan.

“Hey are you there?” Tanong muli ni Jethro.

“I’m cumming” Sigaw ni Josh.

“You’re what?” Tanong ni Jethro na nagpapula sa aking pisngi.  Baka narinig niya at nakilala niya ang boses ni Josh kaya tinaggal ko muna saglit ang kaniyang ari sa aking bibig.

“Sabi ko I’m coming, susunod na ako…” Sambit ko habang tinataas baba ko ang ari ni Josh.

  Susme ano ba ’tong mga nangyayari?

“Magbibihis lang ako” Walang sabing binalik din agad ni Josh ang ari niya sa bibig ko.

“Almost there babe, ’wag mo akong bitinin please” Halos mapaos niyang sambit.

“Okay, do it quickly” Sagot ni Jethro at umalis na yata sa pintuan. 

Kung alam niya lang ang pinaggagawa namin ni Josh ay baka hindi niya masabi ’yang do it quickly na ’yan.

“Ahhhh..babe ito na akooo…” Biglang binaon ni Josh ang ari niya sa bibig ko na halos mabilaukan ako. Nangilid ang luha ko sa aking mga mata pero hinayaan ko pa rin siya. Saka ko lang napagtanto na tama nga sila kapag mahal mo ang isang tao ay ibibigay mo ang lahat mapasaya mo lang siya. Ilang putok din ang pinakawalan niya na halos di ko malunok lahat kaya niluwa ko agad ito nang pakiramdam kong tapos na siya. Ngunit nagkamali ako dahil ilang putok din ang pinakawalan niya sa aking mukha bago ito natapos.

“That was the best blowjob ever” Masaya niyang sambit habang nakahiga siya sa aking kama. Kumuha naman ako ng wet wipes sa maliit na drawer at saka pinunasan ang aking mukha. Saka pinunasan ko ulit ng tissue para matuyo. Wala na akong time maghilamos dahil nag-aantay na sa akin si Jethro sa kabilang kwarto para sa round two, este para sa pag -uusapan daw namin.

“Okay na ba?” Tanong ko kay Josh. Ang tinutukoy ko ay ang aking mukha kung okay na ba at wala ng bakas ng kaniyang semilya.

“Much better kung hindi mo tinanggal”

“Sira!”

“Haha, oo okay na” Dali-dali naman ako nagpabango at baka maamoy niya na amoy zonrox ako, baka mayari talaga ako nito. Pagkatapos ko ay napansin ko na lang na nakabihis na muli si Josh pero nanatili pa rin siyang nakahiga. Baka napagod, wait ako kaya ’yung nagtrabaho tapos siya pa ’yung pagod? Lalabas na sana ako ng kwarto nang marinig ko ang boses niya.

“Mamaya ah”

“Mamaya?”

“Round 2!” 

“Che!” Maiksi kong sagot at tumawa lang siya.

Dali-dali ko namang tinungo ang kwarto ni Jethro at pumasok. Nakalimutan ko na ring kumatok dahil sa pagmamadali. Naabutan ko siyang may binabasang mga papel sa ibabaw ng desk niya. Tumingin muna siya sa akin bago magsalita.

“Akala ko ba magpapalit ka ng damit?” 

Patay nasabi ko nga pala sa kaniya na magpapalit ako ng damit kaya ako malilate.

“Ah eh kasi..” Wala akong maisip na alibi.

“Never mind, just come over here” Pag-aya niya sa akin at umupo naman ako sa upuan sa harap ng table niya. Huminga siya ng malalim bago siya nagsalitang muli.

“First, I would like to say sorry sa inasal kanina ni Annabelle” Magsosorry lang pala at ako pa talaga ang dapat lumapit sa kaniya? Kung sa bagay mataas ang pride nito kaya ayaw niya sigurong may makarining na nagsosorry siya sa akin.

“Yun lang ba?” Tangi kong sagot pero tinitigan niya lang ako ng mabuti. Hindi pa rin siya nagsasalita kaya medyo na conscious tuloy ako. Bigla na lang siya tumayo at may inabot sa buhok ko at saka hinala.

“What’s this?” Pinakita niya sa akin ang hinila niya na parang white glue na nag stretch sa hintuturo niya at hinlalaki. Bigla naman nanlaki ang mata ko. 

F*ck! May umabot pala sa buhok ko at hindi rin siguro napansin ni Josh.

“Is this a glue?” Aamuyin na niya sana pero pinigilan ko siya sa pamamagitan ng paghawak ko sa kaniyang kamay na ikinagulat niya.

“What do you think you’re doing?” Hindi ko na alam ang isasagot ko sa kaniya pero hangga’t maaari ay hindi niya pwedeng maamoy ’yun kun’di mabibisto ako.

WHAT TO DO????

Itutuloy…

Chapter 13: That’s why I love you! Part 1/2

Lharby as Josh

  ![](https://img.wattpad.com/6a3fe85554ab1e29eaa1fea72e47263e4e15c908/68747470733a2f2f73332e616d617a6f6e6177732e636f6d2f776174747061642d6d656469612d736572766963652f53746f7279496d6167652f307437737253766551317a5361773d3d2d3533343032303336392e313531323439626334333266383630373630343139353030363838352e6a7067)

Josh’s POV

Define Love? Well, that’s a hard question to answer. Sometimes it is hard to distinguish if you’re in-love, if it’s just an infatuation or lust. But for me, I think I fell in love with someone who’s in love with someone else. I can never win her heart, I tried. Despite of the rejection she gave me, I still wonder why I’m so in love with her. Lahat naman ng mga katangian niya ay pwede kong makita sa ibang babae but she’s exceptional. She’s smart, gorgeous, witty, fierce and a very good example of 21st-century woman. Madaming nagkakagusto sa kaniya at isa na ako roon. Simula pa lang sa aming pagkabata ay sobra na ang aking paghanga sa kaniya. Sinabi ko pa nga sa sarili ko na pag naging ganap na akong binata ay liligawan ko siya, pero kahit anong gawin kong pagpapansin at panunuyo ay hindi pa rin nagbago ang tingin niya sa akin. Para sa akin siya ang gusto kong babaeng makasama sa panghabang buhay pero parang kapatid lang ang turing niya sa akin. Ganun pa man mahal ko pa rin siya kahit na may mahal na siyang iba. Sino ba naman kasing lalaki ang hindi mabibighani sa kaniya? Oo, hibang na kung hibang. I admit I’m crazy In-love with this girl, sino ba naman ang hindi nakakakilala kay Sam? Kay Samantha Fuentegelio?

2 Years Ago

November 13, 2015. Friday.   

3:43 pm,  M.B. Asistio Sr. High School

Maalinsangan at mainit ang paligid. Masyado yatang makapal ang suot kong jacket, ramdam ko ang pagtulo ng aking mga pawis simula sa noo hanggang sa leeg ko. Lalo pang nagpainit sa kalagayan ko ang suot-suot kong hair extension. Ewan ko ba, ba’t napapayag ako ni Jon na suotin ’to para mas effective ang pagbabalat kayo ko. Si Jon ay ang bestfriend ko simula grade school, dito sa Maynila siya nakatira habang  ako sa mansyon pa rin. Siya ang namamahala ng mga restaurant ko sa manila, ang isa ay nasa Taguig at dalawa naman sa Quezon City. Sino mang nakakakilala sa akin ay hindi kaagad ako mamumukhaan dahil sa hitsura ko ngayon. Halos dalawang buwan din akong hindi nagshishave kaya balbas sarado ako, idagdag mo pa ang hair extension na suot-suot ko na nagpahaba sa buhok ko. Mukha akong rakistang ewan sa suot kong leather na jacket at fitted na pants, samahan mo pa ng brown na boots. Ang nagdamit lang naman sa’kin ay ang magaling kong bestfriend. Minsan naghihinala na talaga ako sa pagkatao nito dahil andami niyang alam tungkol sa mga bagay na may pagkakikay. Pero hindi, malabong mangyari ’yun dahil sobra-sobra ang pagkaplay boy niya. Halos lahat ata ng mga babaeng magagandang tumatambay sa Valkyrie ay nakascore na siya.

Mabuti na lang talaga at may suot akong shades para pag may nakakilala man sa akin ay madali kong maitatanggi, na imposibleng mangyari kasi kahit ako ay hindi ko makilala ang sarili ko nang makita ko ang aking sarili sa harap ng salamin. Kahit siguro mukha akong ewan sa suot ko may iilan paring mga tao ang tumitingin sa akin. May estudyanteng nagtitilian at may police na pinakikiramdaman ang galaw ko. Napaisip din ako kung mukha ba akong holdaper o kaya kidnapper sa suot ko?

Malayo man siya sa kinakatayuan ko ay tanaw na tanaw ko pa rin siya. Kahit sino naman talaga ay mapapalingon sa kaniyang ganda. Simple lang naman ang suot niya pero agaw pansin parin siya sa mga mata ng nasa paligid niya. Hindi rin nakaligtas sa kaniya ang mga mata ng mga bastos na estudyante na minsa’y lalapit at hihingin ang number niya o kaya tatanungin kung single pa siya. May mga humihirit din na kung pwede daw bang samahan siya. Muntik na akong mabuko sa pagbabalat kayo ko dahil sa mga estudyanteng ’to, dahil may pagkakataong hindi ko mapigilan ang aking sarili. Para bang gusto ko silang hamunin isa-isa ng suntukan. I’m really not a war-freak kind of person, pero pagdating sa babaeng ’to nawawala ako sa aking sarili. Gano’n kalakas ang tama sa akin ni Sam. Halos 20 minutes na siyang nakatayo sa labas ng Ministop na para bang may inaantay siyang tao roon. Eksaktong alas kwatro ng hapon nang may mga iilang estudyante ang nagsilabasan sa gate. Mukhang kakatapos lang magpractice ng sayaw dahil may mga bitbit na props na madalas ginagamit sa mga cultural dance. May isang grupo ng mga estudyante ang nagpaalam sa isa’t isa bago maghiwahiwalay ng daan palayo ng school. Isa sa mga estudyanteng ’yun ay naiwan sa harap ng gate na para bang may inaantay na sundo o masasakyan dahil panay ang lingon niya sa kaliwa’t kanan. 

Naging agaw pansin sa akin ang batang ’to dahil dito nakatuon ang pansin ni Sam.  Saka ko lang napagtanto na halos kahawig niya ito, pabatain mo lang ng 5 years sa actual na edad niya ngayon ay mapagkakamalan mo siyang si Sam. Ang pinagkaiba lang nila ay isa siyang lalaki, pero nagdalawang isip pa ako kung lalaki nga ba siya. Masyado siyang maganda para maging lalaki, gaya ni Sam ay sobrang fair ng skin niya at ang mga labi niya ay natural na mapupula. Hindi ko napigilan ang sarili ko na tanggalin ang aking suot na salamin upang matitigan ko siya ng husto. Saka ko lang napansin ang mga mumunting bigote niya sa mukha na halos lahat naman ng mga teenager ay nagkaroon noon. Doon ko natiyak na lalaki nga siya, bukod sa gupit niyang maiksi ay halos pambabae talaga ang hulma ng kaniyang pangangatawan.

Ilang sandali pa ay lumapit na sa binatilyo si Sam at kinausap ito. Halata sa binata ang pagkagulat nang kausapin siya ni Sam. Lalo kasing umangat ang ganda niya nang magsuot siya ng shades.  Hindi ko rin alam kung bakit bigla siyang nagsuot no’n nang kausapin niya ang binata. Mukhang hindi naman siya kilala ng binata kaya siguro naiilang na kausapin siya. Kung tatanggalin mo ang suot na shades ni Sam ay mapagkakamalan mo silang mag-ina o kaya mag-ate dahil halos magkamukhang magkamukha sila. Tumawid ako ng kalsada at pumunta sa mga nagbebenta ng mga barbeque para bumili kunwari dahil nais ko lang talagang marinig ang usapan nila.

“Pasensya na po- ah eh hindi ko po kayong pwedeng samahan” Naiilang na sagot ng batang kausap ni Sam.

“Why not? Magpapasama lang naman ako sa mall na malapit dito? And I already introduced myself to you that’s why hindi na ako stranger para sayo” Sagot ni Sam.

“Eh sa totoo po niyan, okay lang naman po sakin na samahan ko kayo pero pag nalaman ni mama na sumama ako sa hindi ko pa masyadong kakilala ay tiyak na kagagalitan ako” Dugtong ng binata.

“Wait, why won’t you try calling her? Tapos ako ang kakausap sa kaniya para ipagpaalam kita” Pagpupumilit ni Sam.

“Wala po akong cellphone miss eh pero kabisado ko ang number niya”

“Okay, tell me” Utos niya sa binata. Nagdadalawang isip naman ang binata kung ibibigay niya ba ang number ng mama niya sa isang taong kakakilala pa lang niya. Kahit naman ako magtataka kapag may biglang nagpakilala sa akin tapos gustong magpasama sa kung saan at kukunin pa ang number ng magulang mo. Pero I realized na we’re talking about Sam, walang nakakahindi sa kaniya. 

Matagal nag-isip ang binata hanggang sa napapayag na siya ni Sam at naibigay na niya ang number ng kaniyang magulang dito para tawagan. Mukhang kinakabahan pa siya dahil baka mapagalitan siya ng kaniyang magulang dahil hinayaan niyang kunin ng isang taong hindi naman niya lubos na kilala ang number ng kaniyang magulang para tawagan ito. Pagkatapos madial ang binigay na number ay agad naman itong na contact ni Sam at kinausap ang taong nasa kabilang linya. Nakakapagtaka lang kasi parang kilalang kilala niya ang taong nasa kabilang linya dahil nagagawa niya pang tumawa habang kausap niya ito. Ilang sandali pa ay inabot niya rin sa binata ang hawak niyang cellphone para kausapin ang tao sa kabilang linya. Pagkatapos niyang makausap ito ay nahihiya niyang binalik kay Sam ang cellphone.

“So let’s go?” Pag-anyaya ni Sam.

“Magkakilala po ba kayo ni mama?” Tanong ng binata.

“Siguro oo, Siguro hindi” Natatawa niyang sabi.

“Sige po, basta po sa may malapit lang tayo.. sabi rin po kasi ni mama na huwag daw po akong magpapagabi” Sagot ng binata sa kaniya.

“Okay, so let’s go?” Tumango lang ang binata at sumunod sa kaniya.

Habang naglalakad sila papunta sa sakayan ng jeep, ako nama’y maingat na nakasunod sa kanila. Iniinda ko na lang ang init at pawis na tumutulo sa aking noo dahil sa sobrang init ng suot ko. Mukhang effective naman ang pagpapanggap ko dahil mukhang hindi naman ako nakilala ni Sam kahit na minsan ay napapalingon siya sa direksyon ko. Patuloy pa rin ang paglalakad nila na may kasamang kwentuhan na hindi ko masyadong marinig dahil sa malayo ang kinaroroonan ko sa kanila upang hindi ako mabulilyaso. Habang naglalakad ako ay tinext ko si Jon na dalhin ang motorbike ko malapit sa sakayan ng jeep para masundan ko pa rin sila kung saan mang mall ang pupuntahan nila.

Ilang sandali pa ay huminto na rin sila sa paglalakad nang marating nila ang isang gasoline station kung saan doon nag-abang ng masasakyang jeep. Nang may dumating na jeep ay agad naman silang sumakay, sa mga sandaling ’yun ay wala pa si Jon at ang motorbike ko. Hindi ko alam kung saan ba niya pinark ’yun at ang tagal niyang makarating sa gasoline station. Buti na lang at tinandaan ko ang plate number ng jeep, saka ko na lang pahaharutin ang motor para mahabol ko sila. Maigi at nakarating din si Jon, agad ko namang kinuha sa kaniya ang helmet at nagmamadaling sumakay sa motor noong siya ay bumaba na. 

“How about me?” Tanong ni Jon.

“Magtaxi ka na lang” Mabilis kong sagot habang sinusuot ko ang helmet.

“Wow bigla mo na lang akong iiwan dito? Ganiyan ka ba talaga ka baliw kay Sam? Wake-up bro! Hindi lang siya ang babae sa mundo at alam mo namang sila na ni –”

“Napag-usapan na natin ’to di ba?” Mabilis kong pagputol sa sasabihin niya. Para kasi siyang babaeng matanda kung minsan, paulit ulit at nakakairita manermon.

“Bahala ka sa buhay mo!” Naiinis niyang sabi. Hindi ko na lang pinansin at pinaandar ko na agad ang motor.

“Basta mag-iingat ka” Dugtong pa niya, napangiti naman ako sa sinabi niya. Kahit gaano ka lakas manermon ’yan ay hindi pa rin niya napipigilang mag-alala sa’kin. Para nga talaga siyang lola, minsan nga tinawag ko siyang lola sa harap ng maraming tao.  At ayun pinagbabatukan ako at hindi pinansin ng ilang araw. Pero kahit ganyan ’yan ay hindi pa rin nawawala ang pag-aalala niya sa akin. Kahit na madalas siyang tumututol sa desisyon ko sa buhay ay lagi naman siyang nariyan para alalayan ako sa tuwing kailangan ko ng makakaramay.

Mabilis kong pinatakbo ang motor para maabutan ko pa ang sinakyan nilang jeep na may plakang nagtatapos sa 98. Mabuti at hindi gano’n karami ang mga sasakyang dumadaan sa kalsada sa oras na  ’yun kaya mabilis kong napaharurot ang motor. Naabutan ko sila sa crossing na kung saan merong traffic lights. Naka stop ang signal ng traffic light na nasa harap namin kaya madali ko silang naabutan. Nang mag GO ang signal ng traffic light ay hinayaan ko munang mauna ang jeep na sinasakyan nila at saka ko dahan dahang sinundan kung saan man sila papunta. Halos kalahating oras rin ang naging pagsunod ko sa kanila nang marating namin ang isang mall. SM San lazaro, medyo maliit ito kumpara sa mga SM na makikita mo sa Metro Manila pero ayos na basta makakapagpark ako ng mabilis. Matapos kong maipark ang bike ko saka ko naman sila hinanap sa mall, mabuti na lang at hindi ito gaanong kalakihan at kung hindi mahihirapan talaga akong hanapin sila. Sa katunayan ay nahirapan talaga ako, Halos 14 minutes na akong nagpalakad lakad sa mall at wala pa rin akong nakikita ni isa sa kanila. Baka siguro nakilala ako ni Sam at niligaw niya lang ako dito para makatakas siyang muli, pero may kasama siyang iba kaya hindi niya basta-basta gagawin ’yun.

Nang makarating ako sa 3rd floor ay saka ko lang sila nakita sa isang store ng cellphone. Dahan-dahan akong lumapit at nagkunwaring bibili rin ng cellphone.

“Sa tingin mo okay ’to kaysa sa iphone 5s ko?” Tanong ni Sam sa binata.

“Para sa akin, opo. Mas maganda ’yung specs niya kaysa sa iphone” Sagot naman niya.

“Okay, bibili ako ng dalawa” Lumapit naman si Sam sa isang sales lady para kumuha ng dalawang unit ng Samsung S6 at saka siya nagbayad gamit ang credit card na dala niya. Nagpapanggap pa rin ako na nagtetest ng mga cellphone habang hindi pa sila nakakaalis ng store. Pagkalabas ng store ay agad naman akong sumunod sa kanila. Nakita ko silang nagtatalo tungkol sa cellphone habang nakatayo sila malapit sa escalator.

“Sige na, binili ko ’yang isa para sayo” Sambit ni Sam.

“Ay, hindi po talaga. Sinamahan ko lang po talaga kayo rito”

“Sure ka?” Tanong muli ni Sam at nahihiyang tumango na lang ang binata.

“Okay, wala naman akong paggagamitan nito so itatapon ko na lang siya” Ipapasok na sana ni Sam ang box na naglalaman ng cellphone na binili nila sa loob ng basurahan pero pinigilan siya ng binata.

“Huwag na po, sayang” Sabi ng binata.

“Wala naman akong paggagamitan niyan eh, meron na akong isa so hindi ko na need ng spare unit” Saad ni Sam.

“Sige po, kukunin ko na po” Nahihiyang tugon ng binata.

Bigla naman akong natawa sa naging reaction niya na naging dahilan upang mapatingin sila sa direksyon ko. Mabuti na lang at hawak ko ang cellphone ko at dali daling nilagay sa kanang tenga ko para kunwari ay may kausap ako sa cellphone.

“Ah ganun ba pre, sige nakakatawa nga ’yang idea mo” Nagpalakad-lakad ako palayo sa kanila para hindi ako paghinalaan ni Sam. Muntikan na ako dun, sobrang lame pa ng naging excuse ko. Buti na lang at hindi na nila ako pinansin. Nang muli ko silang lingunin ay wala na sila sa dati nilang kinaroroonan kaya dali-dali akong naglakad at hinanap sila pero wala akong makita ni isa sa kanila. Halos kalahating oras na akong nagpaikot-ikot sa mall pero hindi ko pa rin sila mahanap. Nang hindi ko na sila muling nahanap ay napagpasyahan ko na lang na umuwi na lang sa aking condo sa Makati. Pagdating ko sa parking lot ay hinanap ko agad kung saan nakapark ’yung bike ko. Nang makita ko ito ay may babaeng nakaupo rito pero nakatalikod siya noong lumapit ako. Nabigla ako nang bigla na lang niya akong binato. Mabuti na lang at nakasalag ako pero ansakit ng binato niya sakin, nakita ko na lang nang bumagsak ito sa sahig. Isang karton na may lamang cellphone sa loob. Pagtingin ko sa babaeng bumato sa akin ay nakapamaywang na ito.

“Seriously Josh? kailangan mo akong sundan hanggang dito?” Galit na sabi ni Sam.

“Ikaw pa itong galit? Ikaw nga ’tong umalis na hindi nagpapaalam!” Naiinis kong sabi habang hinihimas ko ’yung brasong tinamaan ng karton dahil makirot pa rin. Ganyan si Sam, marahas minsan o sabihin nating madalas. Sa kabila ng kagandahan niya ay may katapangan at palaban siyang ugali. Kahit madalas akong nasasaktan ng pisikal sa kaniya ay hindi ako nagreklamo dahil gano’n ko siya kamahal.

“Ayoko nang bumalik dun, masyado akong nasasakal sa mansyon” 

“You can stay at my condo for a while” Siguro nga nasasakal siya sa mansyon simula noong bumalik si papa para manatili ng ilang buwan.

“And what? Iuuwi mo ako sa mansion after a week? A month? Not gonna happen!” Pagmamatigas niya.

“Kaya ba umalis ka ng mansion kasi hindi kana satisfied?”

“What do you mean?” Mabilis niyang tanong.

“I saw you with a teenager guy kanina at mukhang gusto mo siya. Don’t tell me your into –” Hindi pa ako natapos magsalita nang bigla ko na lang naramdaman ang paghapdi ng kaliwang pisngi ko dahil sa malakas na sampal ni Sam.

“Hindi porket minsang may nangyari sa atin ay basta-basta mo na lang akong pagsasabihan ng ganyan!” Nakita ko sa kaniyang mga mata ang mga namumuong luha na malapit ng bumagsak. Ngayon ko lang nakita si Sam na ganito ka vulnerable dahil ni minsan ay hindi ko siya nakitang umiiyak sa mga maliliit na bagay.

“I, I’m sorry” Iyon lang ang tangi kong nasabi sa kaniya.

“You know what, bakit hindi ka na lang bumalik sa mansyon at hayaan mo na akong mag-isa!” Nagsimula na siyang maglakad papalayo sa akin. Hinabol ko naman siya at hinawakan ang kamay niya para pigilan siya.

“I’m sorry okay? Hindi ko sinasadyang sabihin ’yun, Please don’t go”

“Let go!” Galit niyang sabi pero hindi ko pa rin siya binitawan. Bigla na lang niya akong inapakan ng pagkalakas gamit ang heels niyang suot. Napaupo ako sa sakit ng paa ko dahil para akong sinaksak ng kutsilyo sa paa sa sobrang sakit. Nakaupo ako habang hawak ko ang aking paa at nakita ko namang pumasok siya sa isang itim na sasakyan. Kahit sobrang sakit ng paa ko ay dali-dali akong tumayo para habulin siya at pigilang makaalis. Umabot ako sa pinto ng kaniyang sasakyan at hinahampas ng bahagya ang bintana para sumenyas na ’wag siyang umalis. Pero hindi siya nakinig sakin at pinaandar niya ang sasakyan pababa ng parking lot. Ako nama’y nagmamadaling pumunta sa kinaroroonan ng bike ko para habulin siya, kakamadali ko ay nalaglag pa ang susi kong hawak sa sahig.

“Shit! Kung kelan ka naman nagmamadali….arrggh” Napahiyaw ako sa sakit ng paa ko nang pinulot ko ang susi na nahulog sa sahig. Pagkapulot ay dali-dali ko namang pinaandar ang motor para habulin si Sam. Pagkalabas ko ng parking lot ay mabilis kong hinanap ang sasakyan ni Sam at hindi naman ako nabigong makita ito kaya sinundan ko siya. Mabilis ang pagpapatakbo niya kahit may mga nakakasalubong siyang mga jeep at iba pang sasakyan. Natatakot ako para sa kaniya, baka kung mapano siya dahil sa sobrang bilis ng pagpapatakbo niya. Ilang sandali pa ay naramdaman ko ang pagvibrate ng cellphone ko sa aking bulsa, gamit ang aking isang kamay ay kinuha ko ’to sa aking bulsa at sinagot.

“IDIOT!! STOP FOLLOWING ME!” Sigaw ni Sam sa kabilang linya.

“Slow down, baka madisgrasya ka sa ginagawa mong pagmamaneho”

“I DON’T CARE, JUST LEAVE M-” Hindi ko na narinig ang kasunod niyang sinabi dahil naramdaman ko na lang ang pagbagsak ng katawan ko sa sahig. Saka ko lang narealize na sumemplang na pala ako dahil sa ginawa kong pagmamaneho. Halos hindi ako makatayo sa pinagbagsakan ko, mabuti na lang at may suot akong helmet at hindi nabagok ang ulo ko sa sahig. Pero sobrang hapdi ng kanang braso ko dahil gumasgas ito sa sahig pati na rin ang kanang tuhod ko ramdam ko ang pagdugo nito. Pinilit kong tumayo ngunit hirap ako dahil naipit ang kanang paa ko sa motor. Buti na lang at may mga rumisponde sa’kin para tulungan akong maalis sa pagkakaipit sa motor. Doble ang naging sakit ng paa ko dahil sa pagkakaipit ng motor at pagkakatapak ni Sam kanina. Bago pa man ako makatayo sa pagkakaipit sa aking motor ay bigla na lang kami nakarinig ng malakas na pagsabog. Masama ang naging kutob ko noon kaya pagkatayo sa akin ng mga tumulong sakin ay agad kong tiningnan ang pinaggalingan ng pagsabog. Pinigilan nila akong huwag munang maglakad dahil nga sa pagdurugo ng tuhod ko pero nagmagtigas ako at kahit na sobrang sakit ng kanang paa ko at mahapdi-hapdi ang kanang braso ko ay ininda ko ’yun para makita ang pinanggalingan ng pagsabog. Nakailang hakbang din ako nang makita ko ang makapal na usok. Nagsisipag atrasan din ang mga sasakyan na nasa harapan ko. Naglakad ako sa pinakagilid ng kalsada para hindi ako maatrasam at agad kong tinungo ang pinagmulan ng sunog. Bumilis ang tibok ng puso ko nang makita ko ang pinagmulan ng sunog. Halos mapatalon ako sa kinaroroonan ko para lang mapabilis ang pagtakbo ko. Ininda ko ang bawat sakit na nararamdaman ko, halos mabali na ang mga buto ko sa kanang paa dahil sa sobrang pwersang binibigay ko sa pagtakbo. Hindi ko alam ang gagawin sa mga oras na ’yun, hindi ako makahinga, sobrang sikip ng dibdib ko nang makompirma ko na ang pinagmulan ng sunog ay ang mismong sasakyan ni Sam. Gusto kong lumapit kahit makapal na ang usok, pero may mga taong pumigil sa akin.

“THE FUCK… BITIWAN NYO AKO!!!” Pagmamatigas ko, pero ayaw pa rin nila akong bitiwan.

“Sir huwag na ho kayong lumapit sir delikado!” Pagpigil sa’kin ng isang enforcer.

“TANGINA ANDYAN ’YUNG GIRLFRIEND KO SA LOOB!” Ayaw pa rin nila akong bitawan, tatlong enforcer na ang pumipigil sa akin kaya hindi ko magawang makatakas. Kasabay ng pag-apoy ng sasakyan ni Sam ay siya ring pag-agos ng mga luha ko. Sinisisi ko ang sarili ko dahil nangyari ang bagay na ’to, kung hinayaan ko na lang sana siya ay baka hindi pa umabot sa ganito ang nangyari.

“SAAAAM!” Kahit anong sigaw ko ay wala man ni isang sumagot sa pagtawag ko. Nanlambot ang mga tuhod ko, wala akong nagawa kundi ang umiyak habang pinapanood ang  nasusunog na sasakyan ni Sam. ’Di ko man lubos makita ay alam kong nasa loob siya ng sasakyan habang nasusunog ito. Huli na nang rumisponde ang mga bombero para tupukin ang apoy. Isa-isa naring dumating ang mga pulis at ambulansya na nagdulot lalo ng matinding traffic sa daan. Tila wala na ako sa sarili sa sandaling ’yun, kahit alam ko ang sagot sa tanong ko ay gusto ko pa ring malaman ang kalagayan ni Sam at gusto kong paniwalain ang sarili ko na hindi siya ang taong nasa loob ng kotse. Habang binibigyan ako ng first aid ng isang doctor ay naghihintay ako sa resulta ng pag-iimbestiga ng mga pulisya. Tila namanhid ang sarili ko sa sakit, ang kanina kong iniindang sakit ng katawan ay para  bang nawala na lang at sobrang naging manhid ako. Nang matapos ang pag iimbestiga ng mga pulis ay agad nilang nilabas ang bangkay ng isang babae sa loob ng sasakyan, bigla na lang ako nakaramdam ng pagkahilo. Umiikot ang paningin ko sa hindi ko alam na kadahilanan at sumuka na lang ako. Habang sumusuka ako ay inaalalayan ako ng doctor at ng nurse na kasama niya sa ambulansya. Pagkatapos kong sumuka ay hindi ko na alam ang mga nangyari, para bang nagdilim na lang ang paningin ko.

Itutuloy…

Chapter 14: That’s why I love you! Part 2/2

Bas as Eisen

  ![](https://img.wattpad.com/e63c16ddb862411503baf533154e88bc8c9f07be/68747470733a2f2f73332e616d617a6f6e6177732e636f6d2f776174747061642d6d656469612d736572766963652f53746f7279496d6167652f65426774394631624f64464542773d3d2d3533343032373034362e313531323461623438663435376263623937353935373630393832342e6a7067)

Josh’s POV

Ang  sarap sa pakiramdam na nakikita mo ang taong mahal mong masaya kahit na may kapiling na siyang iba. Siguro ito na nga ’yung tinatawag nilang selfless love. Naaalala ko pa noong umamin ako sa kaniya na may gusto ako sa kaniya, imbes na mailang siya sa akin ay bigla na lang niya akong sinuntok sa mukha sabay tawa at sinabing “Siraulo! magkapatid tayo”. 

Dati hindi ko pa alam kung anong ibig niyang sabihin hanggang sa malaman ko na lang na may pagtingin pala siya sa kapatid ko kaya gano’n na lang ang kaya niyang ibigay sa akin. Nakakamiss ’yung mga araw ng tawanan, kulitan at ang mga pananakit niya. Ewan ko ba kung bakit napakasadista niya sa akin pero sa tuwing nanakit siya ay siya namang ikinatutuwa ko. Mamimiss ko ang lahat-lahat ng mga katangian niya, masama man o mabuti. Nakakamiss siya, nakakamiss si Sam.

Nagising na lang ako na nasa loob na ako ng kwarto sa isang hospital.  Sa kanan ko ay naroon nakasandal sa isang couch ang bestfriend kong si Jon. Marahil nakatulog siya sa pagbabantay sa akin, hindi ko alam kung matagal ba akong nakatulog at hindi ko na namalayan ang oras. Ang sakit pa rin ng katawan ko buhat ng pagkakasemplang ko sa motor. Pinilit kong igalaw ang mga binti ko at napasigaw ako sa sobrang sakit na ikinagising ni Jon. 

“Ohh anong ginagawa mo?” Tanong ni Jon habang papalapit sa kama ko. 

“Arrggh.. ang sakit… Damn it!” Ngayon ko lang naramdaman ang sobrang pananakit ng katawan ko simula nang madisgrasya ako. 

“Malamang may injury ’yang kanang paa mo dahil naipit sa motor” Sarkastiko niyang sambit. 

“Ilang araw na ba akong tulog?” Dahan-dahan kong sinandal ang sarili ko sa kama para makaupo. Inalalayan naman ako ni Jon para mapadali ang kalagayan ko. 

“Isang buong araw ka pong natulog” Sagot niya. 

“Si Sam kamusta?” Hindi siya sumagot agad, tumayo siya para i-press ang button kung saan nagsisignal para tumawag ng doctor. 

“Sabi ni Doc kailangan ko raw siyang i-notify ’pag nagkamalay kana” Sabi niya na halatang iniiwasan niya ang tanong ko.

 “I said, kamusta si Sam?” Naiinis kong sabi. 

“WALA NA SI SAM JOSH! ALAM MO ’YAN DAHIL ANDUN KA NG MGA SANDALING ’YUN!” Pasigaw niyang sabi na ikinainis ko kaya nakipagtalo ako sa kaniya.

“The fuck!! Diyos ka ba para sabihing wala na siya?” Inis kong sambit.

“GAGO! Hindi man ako diyos pero malinaw ang mata’t pag iisip ko na patay na si Sam. At ang doktor na mismo ang nag kompirma na siya nga ’yun pagkatapos niyang i-autopsy” Pagpapaliwanag ni Jon at saka siya lumapit sa may pintuan. 

“Lalabas muna ako hanggang sa lumamig na ’yang ulo mo, tangina!” Naiinis na sabi ni Jon.

Hindi ko siya masising magalit sa’kin, kahit naman ako sa sarili ko ay naiinis sa kadahilanang hindi parin ako makapaniwalang wala na si Sam. Totoo ’yun, kitang-kita ko kung paano ilagay ang bangkay niya sa stretcher bago ako mawalan ng malay. Hindi ko na napigilang humagulgol sa pag-iyak nang maalala ko ang mga sandaling ’yun. Bukod tanging tumatak sa aking isipan na kasalanan ko ang mga nangyari kaya dapat ko itong pagbayaran.

Isang linggo rin ang lumipas mula noong namatay si Sam sa aksidente, dinala sa Batangas ang mga labi niya para bigyan ng ceremony kahit na cremated na ito. Hindi ako nakadalo sa ceremony hindi dahil sa kondisyon ko na hindi makapaglakad kundi, ayoko lang talagang magpaalaam sa kaniya kahit sa huling sandali dahil para sa akin ay palaging buhay sa aking damdamin si Samantha. Ang nag-iisang babaeng minahal ko ng tunay at hindi ko alam kung magmamahal pa akong muli ngayong wala na siya. 

Lumipas ang ilang araw, naging linggo, hanggang sa buwan ang lumipas. Nagmumukmok lang ako sa aking condo. Lalabas lang kapag bibili ng makakain o kaya ng alak, wala akong ginawa araw-araw kundi ang uminom dahil gusto kong makalimot. Gusto kong makalimutan lahat dahil sa tuwing bumabalik ako sa aking katinuuan ay nilulunod ako ng mga alaala namin ni Sam na nagpapalakas ng guilt ko sa sarili. Ang best friend ko lang na si Jon ang nakakaintindi sa pinagdaraanan ko, minsan sasamahan niya ako uminom o kaya pupunta siya sa condo para maglinis. Kahit na sarili kong kwarto ay ’di ko na magawang linisan. Kahit na pag-ahit ng mga bigote at balbas sa aking mukha ay hindi ko magawa, sadyang nawalan na ako ng pakialam sa sarili kong mukha. Ang tanging kailangan ko lamang sa araw-araw ay alak. 

Dumating ang araw na nakakalakad na rin ako ng maayos, ilang beses din tumawag sa akin si Jethro para kamustahin ang kalagayan ko. Usual pa rin ang sinasagot ko na “Okay lang ako”. Inaaya na rin niya akong umuwi ng mansion dahil ilang araw na lang ay magpapasko na. Lagi ko na lang dinadahilan sa kaniya na busy ako sa pagmamanage ng mga restaurants ko rito sa Metro Manila dahil nga malapit na ang holidays kaya mas madaming customers ang mga kakain. Pero dahilan ko lang ’yun kasi si Jon ang nagmamanage ng mga business ko rito habang ako ay nagpapakalunod sa alak maghapon at magdamag. 

Naisipan kong magbar dahil nagiging boring ang araw-araw kong routine na uminom nang mag-isa, kaya napagpasiyahan kong lumabas pero bago ’yun ay naggupit muna ako ng bigote at balbas dahil masyado ng mahaba ito. Nagtira parin ako ng bigote at balbas dahil gusto ko lang maging malinis kahit papano tingnan ang aking sarili. Baka may makita rin akong babae dun at mapalaban kaya maigi na ang handa. Pagkatapos  kong maligo ay nagbihis kaagad ako ng damit nang biglang tumunog ang cellphone ko sa ibabaw ng couch bilang palatandaan na may nagtext. Binasa ko ito, galing kay Jean na pinapaalala ang magaganap na concert daw ng kaniyang banda sa isang bar sa may Timog. Ngayon ko lang naalala na may sinend sa akin si Jean na ticket thru email, ’yun na lang daw ang ipapakita ko sa guard para papasukin ako sa bar. Akalain mo nga naman dahil sa pagkocover niya ng mga kanta sa Youtube ay naging sikat ang kanilang banda at meron na siyang mini concert ngayon sa timog. 

Sinimulan ko na ang pagdadrive mula makati hanggang timog dahil alam kong magiging traffic na naman ang Edsa dahil rush hour na at sabado pa. Halos isang oras mahigit rin ang ginugol ko sa pagmamaneho para marating ang Timog. Buti na lang at naging smooth kahit papano ang naging byahe ko. Pagkarating ko roon ay napakaraming tao sa labas, nagsisimula na ang concert sa loob pero may mga tao parin sa labas na nagbabaka sakaling makapasok sa loob. Ngayon ko lang napatunayan na sobrang sikat na pala ni Jean para magkaroon ng fan base na ganito karami. Pagkatapos kong maipark ang aking sasakyan ay agad kong tinungo ang entrance. Nahirapan akong makaraan sa dami ng taong nandirito na nag-aabang siguro sa kapatid ko na lumabas para masilayan man lang nila. Well, lahi talaga namin ang mga gwapo kaya hindi na rin ako magtataka kung bakit madami ang nagkakandarapa sa kapatid ko. Ako nga ay hindi rin nakaiwas sa kanilang mga mata, may mga babaeng nagbubulungan at nagtatanong kung sino ba ako. May baklang tumitili at sumisigaw na ‘ang gwapo’. May iba ring nakakilala sa akin na sinasabing kapatid ko raw si Jean. 

Nagmadali na akong pumasok matapos maipakita ko sa guard ang copy ng ticket sa cellphone ko at dahil pakiramdam ko ay makukuyog ako ng mga fans ng kapatid ko sa labas. Maingay sa loob ng bar at napakaraming tao, kasalukuyang kumakanta ngayon ang aking kapatid ng sarili niyang version ng ‘Sorry’ ni Justin Bieber kaya naman buhay na buhay ang crowd. Mas maraming tao ang nasa dance floor at iilan lang ang mga naiwan sa table. Marahil sila ang naiwan para magbantay ng mga gamit ng kanilang kasama. 

Ako naman ay lumapit sa bar tender para umorder ng whiskey. Isa, dalawa, tatlo, apat na lagok ay agad akong nagpunta sa dance floor at nakisayaw sa mga taong nagkakagulo. Lumapit ako ng bahagya sa may stage para sumenyas kay Jean na patuloy pa rin sa pagkanta kasama ang kaniyang banda. Ngiti lang ang sinukli niya, hudyat na pagbati rin sa akin. Masaya ako para sa kaniya at natuloy na rin ang kanyang concert. Sa totoo lang dapat last month pa lang ay magsisimula na sana ang concert niya rito pero noong namatay si Sam ay kinancel niya ang concert niya kaya sa pagkakaalam ko ay maraming fans ang nadismaya. Masaya ako para sa kaniya dahil nagawa niya muling kumanta sa harap ng maraming tao. Mabuti at mabilis siyang nakamove-on sa mga pangyayari, samantalang ako heto nagpapakalunod pa rin sa alaala ng kahapon. 

Ilang masasayang kanta pa ang patuloy niyang kinanta sa loob ng bar kaya ang mga taong naroon ay hindi magkahumaliw sa kakasayaw. May mga grupo ng babae na lumapit sa akin at sumayaw sa harap ko. Let’s say na nasa gitna nila ako, aaminin ko magaganda ang mga babaeng ’to kaya hindi na rin ako umangal pa. Ang isa sa kanila ay halos lumuwa na ang dibdib dahil sa suot nitong damit, ang isa naman na nasa gilid ko ay halos ikiskis na sa braso ko ang kanyang dibdib. Sa totoo lang ay hindi ako natuturn-on sa mga babaeng ganito pero dahil nais kong makalimot ay hinayaan ko lang sila sa kanilang gusto. Patuloy ang pagsayaw sa mga kantang nakakaindak na kinakanta ng kapatid ko habang patuloy rin ako sa pakikipaglaro sa mga babaeng nasa paligid ko. Kahit sobrang saya, maingay, magulo ang paligid ay pakiramdam ko pa rin ay parang mag-isa lang ako. Tila ba may kulang sa akin pero pilit kong pinapasaya ang aking sarili kahit sa ganitong paraan man lang. 

Tumigil na ang masasayang tugtog at nagsimula nang magsialisan sa dance floor ang mga tao. Ang mga babae naman na nakasayaw ko kanina ay inaaya akong sumama sa table nila. Tumanggi ako pero ang isa sa kanila ay mapilit na halos ayaw bitawan ang kamay ko.

 “Don’t worry susunod ako after kong makausap ang kapatid ko” Paninigurado ko sa kaniya. 

“Okay, basta sumunod ka haa” Bigla na lang siyang lumapit sa akin at akala ko nga ay hahalikan niya ako sa pisngi pero bumulong siya sa aking kaliwang tenga. 

“If you’re into orgy.. you can play with us baby” Sabay dila niya sa aking tenga. Mukhang mapapalaban ako ngayong gabi.

Dali-dali akong pumunta sa backstage para i-congratulate ang kapatid ko sa success ng concert niya. Naroon siya malapit sa dressing room at nagpapahinga habang umiinom ng tubig. Nilapitan ko siya sabay tapik sa kaniyang braso.

“Hey Jean!” Pagbati ko saka naman siya lumingon at ngumiti nang makita ako.

 “Buti nakarating ka Josh!” Sagot naman niya. Nakasanayan na namin ang tawagin ang isa’t isa sa pangalan, kahit nakakatanda ako sa kaniya ay never niya akong tinawag na kuya o kahit si Jethro na panganay sa amin. Dahil nga lumaki kami sa states at mas inaaddress namin ang isa’t isa sa first name kaya noong dumating kami sa Pilipinas, we find it weird na magtawagan ng kuya or big bro dahil hindi naman kami sanay.

“Syempre ako pa ba? First concert mo ’to eh…saka hindi naman ako masyadong busy ngayon.” Masaya kong sambit.

 “Buti nga natuloy pa ’tong concert na ’to, akala ko eh tuluyan nang nagalit sa akin ang mga fans ko dahil sa biglaang pagcancel ko noong November” Medyo malungkot ang pagkakasabi niya dahil sa tingin ko ay naalala na naman niya ang tungkol kay Sam. Kaya minabuti ko na lang na baguhin ang usapan namin para hindi naman masira ang mood niya bago magperform.

“Anyway congrats again, mukhang madami kang maiuuwing babae ngayon ahh.. nakapili ka na ba?” Pagbiro ko sa kaniya.

“Haha, loko ka… ikaw nga ’tong pinalilibutan ng mga babae kanina” Natatawa niyang sagot.

 “Haha, No choice eh… mahirap talaga maging gwapo. I just can’t help it, it’s in the blood ika nga” Sabay kindat na ikinatawa niya. 

“Ohh siya magbibihis na ako dahil magsisimula na kami ulit in 5 minutes” 

Saka naman ako nagpaalam sa kaniya para magpunta ng CR dahil naiihi na rin ako. 

Mabilis kong natungo ang banyo, maraming tao rito. May mga lalaking nag-aayos ng sarili nilang suot, may mga baklang nagreretouch ng kanilang make-up at kung ano-ano pa. Wala akong pakialam sa naging tinginan ng mga taong nasa banyo habang umiihi ako, basta nagmadali na lang akong maghugas ng kamay pagkatapos at saka lumabas. Nakasalubong ko naman ang mga babaeng nakasayaw ko kanina sa dance floor, mukhang papunta rin sila ng cr para mag ayos. Kumayaw silang lahat sila sa akin sabay kagat ng kanilang mga labi. Ako nama’y natawa sa kanila para silang mga babaeng sabik sa laman ng lalaki. Bumalik na ako muli sa may bartender at umupo roon para umorder ng bagong whiskey. Sakto naman ang pag-upo ko ay magsisimula ng magperform si Jean. Mukhang acoustic ang mga kakantahin niya dahil nakaupo na siya sa upuan at may hawak na gitara. Isang lagok at paghagod ng alak sa aking lalamunan nang magsimulang tumugtog ang gitara at kumanta na si Jean.

Summer after high school when we first met We’d make out in my Mustang to Radiohead And on your 18th birthday we got matching tattoos

Bihira ko lang mapakinggan ang kantang ’to kaya hindi ko alam ang title, basta ang alam ko ay si Katy Perry ang kumanta nito. Napakaswabe ng pagkanta ng kapatid ko na parang naging sariling kanta niya ito dahil ang ganda ng kaniyang version. Muli akong napainom ng isang basong whiskey habang nakikinig sa kapatid ko.

Used to steal your parents’ liquor and climb to the roof Talk about our future like we had a clue Never planned that one day I’d be losing you

Isa, dalawang baso ang magkasunod kong ininom. Mukhang masyado akong naapektuhan sa lyrics ng kanta o sadyang magaling lang na singer ang kapatid ko kaya nadadala pati ang emosyon ko.

In another life

I would be your man

We’d keep all our promises

Be us against the world

In another life

I would make you stay

So I don’t have to say

You were the one that got away

The one that got away

Parang bumabalik muli ang mga alaala ko na kasama ko pa si Sam sa bawat lyrics ng kanta. Hindi ko rin mapigilan ang sarili ko na manghingi pa ng paulit ulit sa bartender ng panibagong baso ng whiskey. Noong una’y pinigilan niya ako pero naglapag ako ng pera mula sa aking bulsa kaya dali-dali naman siyang nag-abot ng panibago. Halos hindi ko na mabilang kung ilang baso na ang nainom ko, basta ang alam ko ay tila umiikot na ang paningin ko. Nagtaka ako sa aking sarili dahil hindi naman mababa ang tolerance ko sa alak. Marahil hindi ako kumain kanina bago uminom kaya ambilis ng epekto nito sa akin. Patuloy pa rin sa pagkanta si Jean, ang bawat taong nakikinig sa kaniya ay dalang-dala sa bawat pagbigkas niya ng mga lyrics ng kanta at isa na ako sa mga ’yun.

All this money can’t buy me a time machine, no

Can’t replace you with a million rings, no

I should’ve told you what you meant to me

’Cause now I pay the price

Patuloy pa rin siya sa pagkanta at ako nama’y halos malunod na sa kakalaklak ng alak. Kaya napagdesisyunan kong lumabas muna para magpahangin dahil pakiramdam ko ay naninikip ang aking dibdib at hindi ako makahinga sa loob. Pagkalabas ko ay halos wala ng taong nasa labas na kanina’y nag-aabang. May grupo ng limang kabataan na naiwan sa labas na tiyak nag-aantay pa rin para kay Jean. Sumandal ako sa isang poste malapit sa akin. Tinawagan ko si Jon para sunduin ako dito dahil mukhang hindi ko kakayaning magdrive ng lasing ngayon. Tumingala ako sa poste at pinagmasdan ang ilaw nito habang kausap ko si Jon na galit na galit na naman sa akin. Tila ba wala akong naririnig sa panenermon niya ang tanging focus ng isipan ko lang ay nasa ilaw na nasa poste. 

Binaba ko na rin ang tawag kahit na hindi pa siya tapos magsalita, basta alam ko namang susunduin niya ako. Napansin kong nagpaalam na ang apat sa limang magkakaibigan para umuwi dahil pasado alas 9 na ng gabi. Pero nanatili sa kanila ang isa sa mga ’to na may hawak pa na card board na may mga pictures ni Jean. Sobrang fan siguro ’to ni Jean kaso hindi niya siguro afford na bumili ng ticket kaya napagdesisyunan niyang mag-antay sa labas para kahit papano ay masilayan man lang ang kaniyang iniidolo. Sinubukan kong lumapit sa kaniya para ayain siya sa loob at babayaran ko na lang ang guard para makapasok naman ’tong fan ni Jean na kanina pa nag-aantay sa kaniya. Pagkalapit ko sa kaniya ay saka ko lang siya na mukhaang mabuti, siya ’yung binatang kasama ni Sam noong pumunta sila sa mall. Hinawakan ko siya sa balikat at lumingon siya sa akin na halatang nagulat sa inasta ko.

“Ba-bakit po?” Bigla siyang nagsalita. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kaniya dahil kapag tinititigan ko siya sa mukha ay naaalala ko sa kaniya si Sam. Para siyang si Sam sa katawan ng isang binatang lalaki. Hindi ko napigilan ang sarili kong yakapin siya at humagulgol ng pag-iyak. Nagpupumiglas siya pero hindi na siya nanlaban nang marinig niya ang pag-iyak ko. Naramdaman ko sa aking likod ang haplos ng kaniyang kamay na nagpapahiwatig sa pakikiramay sa pinagdaraanan ko. Pinatong ko ang aking baba sa kanyang balikat at pinunasan ko ang aking mga luha. Wala akong pakialam sa mga taong makakakita sa aming dalawa ang importante sa akin ay ang pakiramdam na para bang lumuwag ang paghinga ko nang makayakap ko siya sa sandaling ’yun. Pinikit ko ang aking mata at hinayaang namnamin ang mga sandaling ’yun hanggang sa maramdaman kong natumba na pala kami sa sahig. Nasa ilalim ko siya, malamang masama ang pagkakabagsak niya kaya napaaray siya ng malakas. Gusto ko sanang tumayo pero mas nanaig ang antok na naramdaman ko na kahit anong pagdilat ang gawin ko ay hindi ko na magawa.

Nagising ako ng kinaumagahan dahil sobrang lamig ng pakiramdam ko. Nakahiga ako sa isang kama na maliit para sa tangkad ko dahil lumalagpas na ang paa ko rito. Marahan akong bumangon para patayin ang electric fan na nasa paanan ko. Nagtaka ako kung kaninong bahay itong napuntahan ko, malamamang hindi naman ito kay Jon kasi nasa condo rin siya nakatira. Saka ko lang napansin na nakasuot lang pala ako ng boxer shorts at puting sando. 

Shit, baka nasa bahay ako ng isa sa mga babaeng nakasayaw ko kahapon. Yari, wala akong maalala sa mga nangyari. Bubuksan ko sana ang pinto ng kwarto pero bigla akong nakaramdam ng pagkahilo kaya naupo muna ako sa kama at hinawakan ang noo ko. Bigla namang bumukas ang pinto ng kwarto at may pumasok. Si Sam? Tama ba ang nakikita ko si Sam? Mali, eto ’yung binatang kasama ni Sam bago siya maaksidente.

“Ah-eh kuya gising kana pala” Nahihiya niyang sambit.

“Pa-pano ako napunta dito?” Nauutal pa ako, mukha kasi akong nakakita ng multo. 

“Wala po ba kayong naaalala sa mga nangyari kagabi?” Napatingin ako sa suot niyang damit na kulay puti na may print ni Hello Kitty sa gitna at maiksing short na kulay dilaw. Bakla ba ’to? Tanong ko sa isipan ko.

“Do-don’t tell me na may nangyari?” Sabay turo ko sa sarili ko at sa kaniya. Bigla siyang namula at hindi niya alam ang gagawin niya. 

“Hi-hindi po…. Wala po! ’Di ba nga po kayo ’yung lumapit sa akin tapos bigla niyo na lang akong niyakap kahit… hindi naman po tayo magkakilala” Pagpapaliwanag niya habang nakayuko at hindi makatingin ng derecho sa akin.

Pilit kong inalala ang lahat ng mga nangyari kagabi, saka ko lang napagtanto kung anong mga kalakokohan ang pinaggagawa ko kagabi. Tumingin ako sa kaniya pero hindi niya pa rin magawang tumingin sa akin ng derecho. Ang laki ng pinagkaiba nila ni Sam, kung si Sam ay sobrang confident ito naman ay sobrang mahiyain. 

“Pwedeng ikwento mo sa akin ang mga nangyari at bakit ganito na lang ang suot-suot ko ngayon?” Utos ko sa kaniya na kaniyang ikinabigla. 

“Ah-eh kasi ganito po ’yun…. Una, bigla ni’yo na lang akong nilapitan tapos niyakap ninyo ako. Tapos nagulat na lang ako nang bigla po kayong umiyak kaya hinayaan ko na lang kayong nakayakap sa akin. Tapos nakatulog ata kayo sa kalasingan kaya na out balance ako habang nakaap ka sa akin… humingi ako ng tulong sa guard pero ang sabi niya ayy…” hindi niya maituloy ang gusto niyang sabihin kaya pinilit ko siyang ituloy ang kwento niya.

“Ah  eh sabi po daw ng guard, iuwi ko na lang daw po ’yung….” Hindi pa rin niya matapos ang sinasabi niya kaya tinitigan ko siya hanggang sa magsalita siyang muli.

 “Iuwi ko raw po ’yung boyfriend ko” Sobrang pula na ng mukha niya noong sinabi niya ’yun, hindi ko mapigilang matawa sa kaniya. Lalo siyang nahiya nang marinig niya akong tumawa, ngayon ko lang na appreciate na ang cute pala netong batang ’to.

“So inuwi mo nga ako?” Natatawa kong sabi at tumango naman siya.

 “Saka po pala ano… ’yung pera niyo po ang ginamit kong pambayad sa taxi dahil hindi ko naman po alam kung saan ko kayo dadalhin. Hindi ko rin po kayo kayang buhatin hanggang sa sakayan ng bus kaya kumuha na lang po ako ng pera sa wallet ninyo dahil kulang ang pera kong dala”

“Pero babayarin ko rin po ’yun pag binigyan na ako ng allowance ni mama” Mabilis niyang dugtong. 

“Nevermind, salamat na rin at nag-abala ka para sa akin” Tatayo sana akong muli para makapagbihis pero nakaramdam ako ng matinding hilo kaya sumandal ako sa pader na katabi ng kama.

“Okay lang po ba kayo?” Bigla siyang lumapit sa akin at hinawakan ang braso ko, napatingin naman ako sa kaniya at saka niya lang siguro napansin ang ginawa niya kaya siya napaatras. 

“Ay sorry po” ka-cute talaga ng batang ’to. Wait, bihira lang ako makaappreciate ng lalaki, kapag gwapo ang isang lalaki hindi ko naman ’to pinupuri o kaya pinapansin ng husto ang hitsura. Siguro ito ’yung unang pagkakataon na macute-an ako sa lalaki.

“Okay lang, medyo nahihilo kasi ako” Sinandal ko sa pader ang aking ulo kasi ang sakit, kanina ko pa iniinda.

“Wait lang po” Lumapit siya at kinapa ang noo ko gamit ang kanang kamay niya tapos hinawakan niya rin ang kaniyang noo, para bang pinagkukumpara niya ang init ng noo ko sa noo niya. Doon ko lang siya napagmasdan ng lubusan, ang lapit ng mukha namin sa isa’t isa. May kung anong emosyon sa loob ko na nag-uudyok na yakapin ko siyang muli. ’Yung mga labi niya na para bang nag-aaya na halikan ko siya. Teka lang hindi ako bakla at alam ko sa sarili ko ’yan, babae ang gusto ko pero hindi ko malaman sa sarili ko at para bang naaakit ako sa kaniya.

“Kuya mukhang may lagnat po kayo” Saka lang bumalik ang aking katinuan nang kausapin niya akong muli. 

“Ahh ganun ba, kaya pala mabigat ang pakiramdam ko” Malalim na rin ang paghinga ko at ang init ng hangin na lumalabas sa bibig ko. 

“Wag po kayong mag-alala, ikukuha ko kayo ng pagkain tapos uminom kayo ng gamot” Nakangiti niyang sabi, ’yun ’yung unang beses kong nakita siyang ngumiti at para bang sa sandaling ’yun ay gumaan ang pakiramdam ko. 

Ilang sandali pa ay nagpaalaam siya para maghain ng pananghalian dahil tinanghali na rin ako ng gising. Kinuha ko ang kumot na nasa tabi ko at saka ko binalot sa aking sarili. Ramdam ko pa rin ang lamig kahit na nakapatay na ang electric fan at saka tanghaling tapat na pero ginaw na ginaw ako. Hindi ko naman matawagan si Jon dahil hindi ko alam kung nasaan ang cellphone ko, baka alam ng batang ’yun. ’Yun nga pala, hindi ko pa pala alam ang tunay niyang pangalan, kailangan kong malaman kung ano ang kaugnayan niya kay Sam.

Hindi ko namalayan kung gaano ba siya katagal na nawala dahil nakatulog ako. Naramdaman ko na lang ang mahina niyang pagtapik sa aking braso at sinasabing kumain na raw muna ako bago uminom ng gamot at ’yun naman ang ginawa ko. Niluto niya para sa akin ay nilagang baboy at mukhang hindi pa siya bihasa sa ganitong bagay. Pagnguya ko pa lang ng baboy ay matigas-tigas pa ito at medyo matabang ang timpla pero hindi ko sigurado kasi nga may sakit ako.

Minadali ko na lang ang pagkain tapos uminom na ako ng gamot para bumaba agad ang lagnat ko. Naitanong ko naman sa kaniya ang tungkol sa cellphone ko pero hindi niya raw alam kasi wala naman siyang nakitang cellphone nahawak ko nang lumapit ako sa kaniya. Nahiga na ako sa kama nang maramdaman kong medyo bumaba na ang aking kinain. Giniginaw pa rin ako kahit binigyan na niya ako ng pangalawang kumot at makapal na ito, pero nanginginig pa rin ako sa lamig. 

“Pwe-pwedeng bang yakapin mo ako?” Hindi ko alam kung anong pumasok sa isipan ko at bakit ko tinanong sa kaniya iyon. 

“Po?” Hindi siya makapaniwala sa hinihingi kong pabor.

“Yakapin mo ako para hindi ako ginawin lalo” Sa totoo lang effective talaga ang pagyakap para mamaintain ang init ng katawan ng isang tao lalo na sa panahong malalamig. Nabasa ko ito sa isang libro tungkol sa mga survival tips. Ewan ko na lang kung pang survival ’tong ginagawa ko o nagtitake advantage na ako. 

“Si-sige po” Pumasok naman siya sa kumot at dahan-dahan lumapit sa akin. Kita ko sa kaniya ang paglunok niya ng laway bago niya ilapit ang katawan niya sa akin. Pagkadikit ng ulo niya sa dibdib ko ay pinadantay ko siya sa aking hita para magkalapit pa kami lalo at saka niya ako niyakap, ang sarap sa pakiramdam. ’Yung panginginig ko sa lamig kanina ay unti-unting nawawala. Ramdam na ramdam ko ang mainit na hininga niya sa aking dibdib, bawat buga ay aking ninanamnam na para bang nasa fireplace ako at inienjoy ang init nito. 

Nagsimula kaming magkwentuhan tungkol sa aming mga sarili, doon ko nalaman ang totoo niyang pangalan. Eisen, Eisen Fuentes. Hindi siya Fuentegelio gaya ni Sam at ayun sa kaniya ay nag-iisa lamang siyang anak. Ang kaniyang ina ay kasalukuyang nagtatrabaho ngayon sa ibang bansa pero hindi ito ofw, nagkataon lang na kasama ang mama niya sa business trip ng kaniyang boss kaya naiwan siyang mag-isa dito sa kanilang bahay. Nakakaawa ang kaniyang kalagayan dahil magpapasko pa naman tapos mag-isa lang siyang magsi-celebrate sa kanilang bahay kaya napagdesisyunan kong samahan siya dito magpasko. Syempre magpapanggap ako na may sakit pa rin para magkaroon ako ng dahilang mag-stay dito ng ilang araw kaso apat na araw pa bago ang pasko, bahala na. 

Nagpakilala rin ako sa kaniya pero ibang pangalan ang sinabi ko. Paul, ’yan ang pagpapakilala ko. Gusto ko munang makilala siya ng husto bago ko ipakilala ng tuluyan ang sarili ko. Hindi dahil sa balak ko siyang lokohin gusto ko lang makasiguro na wala silang kaugnayan ni Sam dahil mukhang wala siyang alam tungkol kay Sam. Pero si Sam ay mukhang may alam tungkol sa kaniya. Nagkwento ako ng mga bagay-bagay sa buhay ko na kalahati roon ay totoo at kalahati naman ay gawa-gawa ko lang. Napaniwala ko naman siya sa mga naikwento ko na mahilig akong magbasket ball pero sa totoo lang ay hindi ko talaga hilig ’yun. Naglalaro lang ako kapag nagkaayaan kami ni Jules pero bihira lang mangyari ’yun dahil madalas akong busy. 

Sa pagkukwento ko ay naramdaman ko na lang na nakatulog na pala siya, ang cute niyang pagmasdan habang nakadikit ang noo niya sa dibdib ko. Kaya naman niyakap ko siya ng mahigpit para mas lalo kong madama ang presensya niya. 

Sa mga sumunod na araw ay lalo akong napapalapit sa kaniya. Hindi ko alam kung bakit pero malinaw sa akin na para bang gusto ko na siya. Sa tuwing inaasikaso niya ako ay pakiramdam ko para siyang asawa ko na nagsisilbi sakin, kung ganito pala kasarap sa pakiramdam ang pag-aasawa ay sana ginawa ko na pero mas gusto ko kung siya ang makakasama ko habang buhay. Ibang iba siya kay Sam, ang mga katangian na hinahanap ko kay Sam noon ay nasa kaniya. Hindi ko alam bakit ambilis kong nagkagusto sa kaniya, sa maikling pagkakataong nagsama kami ay para tuloy akong binatang first time na mainlove. Alam ko namang may gusto rin siya sa akin, napapansin ko ’yun dahil minsa’y nahuhuli ko siyang nakatitig sa akin. Minsan ang lagkit niya kung makatingin na sinusuklian ko ng ngiti na ikinakahiya niya ng husto. 

May isang gabing magkatabi kami sa kaniyang maliit na kama, nakatalikod siya sa akin matulog dahil siguro nahihiya na siyang yumakap kaya ako na mismo ang yumakap sa kaniya. Minsa’y nadidikit ang kaniyang pwetan sa aking harapan. Bigla na lang akong nakaramdam ng kakaibang sensasyon at nag-iinit ang aking katawan. Kasabay no’n ang pagtigas ng aking alaga sa loob ng manipis na shorts na pinahiram niya sa akin. Ewan ko kung nararamdaman niya ’yung paninigas ng aking alaga dahil nakadikit ito sa kaniyang pwetan kaya minabuti kong tumihaya na lang muna at mag-isip ng ibang bagay. Hindi pupwedeng may mangyari sa amin kahit gustuhin ko man dahil masyado pa siyang bata para gawin ito. Mabuti na lang at napigilan ko ang aking sarili at naitulog ko na lang ang matindi kong pagnanasa sa kaniya.

Sa ikatlong araw ay naging gano’n pa rin ang aming set-up. Sa katunayan ay maayos na ang pakiramdam ko pero nagpapanggap lang ako na masama pa rin ang aking pakiramdam para makapagstay pa ako ng matagal at umabot hanggang pasko. Lumabas ako ng kwarto para umihi at hindi ko sinasadyang marining ang usapan nila ng kaniyang mama sa skype. Kasalukuyang nag-uusap sila sa desktop na nasa sala nila gamit din ang webcam na maliit.

“Oh kamusta ka naman diyan nakakakain ka ba ng husto?” Tanong ng mama niya. Syempre nasa gilid lang ako ng pinto ng cr baka makita pa ako ng mama niya sa webcam kapag sumilip ako sa sala.

“Okay naman po ma, saka nakakakain naman ng maayos” Sagot ni Eisen. 

“Baka naman nag-uuwi kana ng lalaki dyan ahh!” Sabi ng mama niya.

“Grabe! Sino naman lalaki ang papatos sa 50 pesos na pinapabaon ninyo ma?” Napatawa ako ng mahina sa sinabi niya. Syempre ako, kahit ako pa ang magbayad sa kaniya basta samahan niya lang ako palagi ay ayos na ako.  

“Walang hiya kang bata ka, syempre kahit papano eh ’yang hitsura mo ang magdadala ng lalaki sa bahay. Mas mukha ka pa ngang babae sa mga kaklaseng dinadala mo sa bahay eh” Sagot ng mama niya. 

“Ewan ko sayo ma” Maiinis na sagot ni Eisen. Nakakatuwa silang pagmasdan mag-usap mag-ina dahil para lang silang magbarkada na sobrang open sa isa’t isa. 

“Oh siya uuwi na ako bukas kaya makakasama mo ako sa noche buena” 

“Talaga ma?” 

“Oh ba’t mukhang malungkot ka pa na uuwi ako?” 

“Ahhh wala basta ingat po kayo, love you ma” At dun natapos ang kanilang pag-uusap.

Kinagabihan ay sabay kaming kumain sa mesa, tinuruan ko siyang magluto ng nilagang manok para sa hapunan namin. Medyo balisa siya, siguro hindi niya alam kung papano niya sasabihin sa akin ang pagdating ng mama niya bukas. Ayoko rin naman iopen-up ’yun dahil baka sabihin niyang nakikinig ako sa usapan nilang mag-ina. Pagkatapos namin kumain ay napagdesisyunan namin na matulog na. Sa huling pagkakataon ay niyakap ko siya ng mahigpit at wala akong pakialam kung ano man ang isipin niya basta gusto kong sulitin ang pagkakataon na ’to kasi pakiramdam ko ay matagal bago kami magkitang muli. 

Madaling araw nang naisipan kong umalis, suot ko na ang mga damit na ginamit ko nang dalhin niya ako sa bahay nila. Nag-iwan ako ng note sa ibabaw ng mesa para makapagpasalamat at magpaalam. Ayoko naman na maabutan kami ng mama niya rito at saka baka hindi ako makaalis ng tuluyan kapag nakita ko siyang malungkot sa pag-alis ko. Bago pa man ako nakaalis ay lunapit muna ako sa kaniya habang siya’y natutulog. Pinagmasdan kong mabuti ang kaniyang maamong mukha at saka ako nagnakaw ng halik. Sa sobrang himbing ng tulog niya ay hindi niya namalayan ang ginawa kong pagnakaw ng halik sa kaniya. Lalabas na sana ako ng kwarto pero naisipan kong halikan siyang muli sa huling pagkakataon. Nakadalawang halik ako sa kaniyang labi bago ko tuluyang lisanin ang kanilang bahay. 

Isang buwan na ang lumipas bago ko napagdesisyunang bumalik sa bahay nila Eisen at bitbit ko ang bouquet ng mga rosas para sa kaniya. Isang buwan ko rin pinag-isipan kung mahal ko ba talaga siya o pagnanasa lang ang nararamdaman ko. Pero sa pagkakataong ’to ay desidido na ako na ligawan siya dahil sigurado na ako sa nararamdaman ko sa kaniya. Pinaghandaan ko rin ang inilagay kong note sa bouquet, nakasulat dito ay 

“ Dahil sa’yo, nagbago ang tingin ko sa mundo, nagbago rin ang pananaw ko sa pag-ibig. Hindi ko alam kung anong meron ka pero binago mo ang lahat sa akin“

Nakailang katok din ako sa kanilang pinto pero walang sumasagot ni isa hanggang sa kausapin ako ng may-ari ng bahay na nakalipat na raw ang dating umuupa roon at wala siyang ideya kung saan sila lumipat. Parang gumuho ang mundo ko sa nabalitaan ko, pagkatapos mawala ni Sam ay pati na rin si Eisen ay nawala sa akin. Bumalik ako sa dati kong gawi  na nagpapakalunod sa alak dahil pakiramdam ko ay wala akong swerte pagdating sa pag-ibig. 

Ilang buwan din akong gano’n ngunit nagbago ang lahat nang mabalitaan  ko kay dad na mag-aasawa na raw siya at ang mapapangasawa niya ay meron ng anak. Nang malaman kong si Eisen nga ’yun ay sobra akong natuwa at excited akong makita siyang muli. Sinimulan kong baguhin ang sarili ko, inayos ko ang gupit ng buhok ko. Naging clean shave ang pagkakaahit ko sa aking bigote at balbas para mas maaliwalas ang mukha ko. Nagawa ko ring mag gym para mapaliit ang tiyan ko na lumaki sa kakainom ng alak. 

Ilang linggo rin ang lumipas nang makarating siya sa mansion at sobrang tuwa ko nangg makita siyang muli. Nagpanggap ako na hindi ko pa siya kilala noon at akala ko ay gano’n din siya pero ang totoo ay hindi niya pala talaga ako naaalala. Siguro dahil sa hitsura ko no’n na mahaba ang buhok at makapal ang balbas. Pero hindi na mahalaga ’yun, ang mahalaga ngayon ay kasama ko na siyang muli at hinding hindi ko na siya pakakawalan. Sisiguraduhin kong mahuhulog muli ang damdamin niya para sa akin.

Current date: Oct. 13, 2017, Friday 

Nakatulog ako sa kakaisip sa mga nangyari sa aking nakaraan nang makilaala ko si Eisen.  Nabitin pa man din ako sa ginawa namin kaya nag-eexpect ako ng round 2. Pagkatingin ko sa orasan ay 7:15 am na at alam ko na may pasok ngayon si Eisen kaya nagmadali akong bumangon para gisingin siya. Pagkarating ko sa kwarto niya ay wala na siya roon at kahit sa banyo ay wala rin. Sunod kong pinuntahan ang dining area dahil baka kumakain na siya roon pero bigo akong makita siya. Nagtanong ako sa mga maids kung napansin nila si Eisen pero ni isa sa kanila ay walang nakakaalam sa kinaroroonan niya. Kumatok ako sa pinto nila Jean, James at Jules pero wala rin silang alam kung nasaan si Eisen. Nataranta na ako baka kung ano na ang nangyari sa kaniya o kaya baka naisipan niyang maglayas sa mansyon. Dali-dali kong tinungo ang kwarto ni Jethro para sabihing nawawala si Eisen at sa ikatlong katok ko ay binuksan niya ang pinto. Sasabihin ko na sanang nawawala si Eisen pero nakita ko siya sa ibabaw ng kama ni Jethro na natutulog at suot-suot ang polong pantulog ni Jethro habang si Jethro nama’y tanging pajama lang ang suot. Ayokong mag-isip ng masama kung ano man ang nangyari kagabi at bakit ’yun ang naabutan ko pero bakit? Bakit?

Itutuloy…

Chapter 15: Baby, I’m sorry

David as Jethro

  ![](https://img.wattpad.com/77bbbdd0657450a4084e36d9a9c9425b9c3d598d/68747470733a2f2f73332e616d617a6f6e6177732e636f6d2f776174747061642d6d656469612d736572766963652f53746f7279496d6167652f48785447495f6b626370686263773d3d2d31372e3135313464303062366638346265663932343533343235303635332e6a7067)

Eisen’s POV

Nagising ako sa ingay na narinig ko na nagmumula sa pinto. Ngayon ko lang napagtanto na nakatulog pala ako sa ibang kwarto. Wait, sa kwarto ni Jethro? Nakita ko na lang na nakatayo si Josh sa harap ng pinto ni Jethro na masama ang tingin sa akin. Paanong hindi sasama eh suot-suot ko ang polo na pang-itaas ni Jethro tapos siya nakasuot lang na pajama at walang pang-itaas. Iniisip siguro ni Josh na may nangyari sa aming dalawa. Pero wala naman, wait wala nga ba talaga? Ano bang nangyari kagabi?

(9 hours before I wake up in Jethro’s bed)

Hinawakan ko ang kamay niya nang mahigpit, mukha kasing aamuyin niya ’yung tamod ni Josh na tumalsik sa buhok ko dahil buong akala niya ay glue ’yun. Sa sobrang pagkataranta ko ay kinuha ko ang bote ng alcohol na nakapatong sa desk niya at binuhos ko kaagad sa kaniyang kamay. Maluwag pala ang takip nito kaya nabuhos ko ang laman nito at kumalat sa desk niya. Nagulat din siya sa mga nangyari kaya nahawi niya ang kamay ko. Natapon ang natitirang laman ng alcohol sa piles of papers sa ibabaw ng desk niya.

  “What the f…” Sobra ang pagkadismaya niya nang makita niyang nabasa ng alcohol ang papers sa ibabaw ng desk niya.

“Sorry-sorry” Dali-dali kong binuhat ang mga papers na nasa ibabaw ng desk niya para hindi tuluyang mabasa dahil sa nagkalat na alcohol sa desk niya. Nang binuhat ko ito ay nalukot ng husto ang kanang bahagi nito. 

“Are you out of your mind?” Halos mapaos siyang sabihin ’yun, pinipigilan niyang sigawan ako pero nando’n pa rin ang inis sa pagsasalita niya. 

“Sorry talaga”Hindi ko alam ang gagawin ko, basta pakiramdam ko ay papatayin na niya ako anytime. 

“Hindi mo ba alam na ang mga papel na ’to ay mga bank transactions na kailangan kong i-submit sa korte bilang ebidensya?” Nanlumo ako lalo sa sinabi niya. Hindi ko alam na ganon pala ka importante ’yung mga papel na ’yun sa kaniya. Sana hinayaan ko na lang na amuyin niya ’yun at aakuin ko na lang na akin ’yun kaysa naman mangyari ito. 

“Sige saktan mo na lang ako para mawala ang galit mo” Hindi ko na alam ang pinagsasabi ko, pag ako naupakan nito ay ewan ko na lang. 

“You think I’m that kind of person?” Naiinis niyang sabi

“Hi-hindi naman…. Atleast kahit papano ay mabawasan ang galit mo sakin” Hindi ko na talaga siya matingnan sa mata dahil sa kahihiyan na nadarama ko.

“Pagsinapak ba kita ngayon matutuyo ’tong mga papel na ’to?” Nilukot niya lalo ang mga papel na naging dahilan upang mamuo ang luha sa aking mga mata. Wala na akong masabi, nanatili na lang akong nakatayo sa harap niya at nakayuko. Siya naman ay naupo sa kaniyang upuan at hinawakan ang kanyang noo. Ilang sandaling katahimikan at nanatili pa rin akong nakatayo at hindi ko alam ang gagawin ko sa sandaling ito. Nag-aantay na lang ako na saktan niya ako o kaya palabasin sa kwarto niya. Alam kong napakalaking bagay ang sinira ko. Ebidensya ’yun na ipanlalaban niya sa kaniyang kasong hinahawakan ngayon. At alam ko kung gaano siya ka-stress sa hinahandle niyang kaso at kung gaano siya kaseryosong ipanalo ito. Ngunit sa isang iglap lang ay nasira ang lahat ng ’to dahil sa kapalpakan ko.

Napansin ko na lang na may hinahalungkat siya sa mga drawer ng kanyang desk at pagkatapos no’n ay may nilapag siyang flash drive sa ibabaw ng kaniyang desk. Mabuti mabilis natuyo ang alcohol na natapon dito. Sana ’yung galit niya rin sa akin ay gaya ng alcohol mabilis ding mawala. Pero mukhang malabo kasi malaking kasalanan ang ginawa ko. Kung nakakamatay lang ang titig ay siguro maging sa second life ko ay mamatay rin ako sa paraan ng pagtitig ni Jethro sa akin ngayon. Kahit hindi ako makipagtitigan sa kaniya ay alam ko namang sa akin siya nakatingin.

“Good thing, nakapag-save ako ng copy sa flash drive” Tumayo siya at kumuha ng bagong tuwalya sa drawer niya. 

“I-print mo lahat ng nasa folder E17” Utos niya bago niya sinara ang pinto ng banyo. Ako naman ay naiwang nakatulala sa mga nangyayari. Ginagago niya ba ako? Kung pagalitan niya ako  kanina ay para bang naging kriminal na ako sa mga mata niya nang mabasa ko ’yung mga papel na ebidensya niya sa korte. Eh meron naman pala siyang copy sa flash drive. 

Dinampot ko ’yung flash drive na nasa ibabaw ng mesa at parang gusto ko na lang siyang baliin para matuluyan na. Pero syempre mas nanaig ang pagkatakot ko sa kaniya kaya naman sinunod ko ang utos niya. Lumapit ako sa desktop niya at sinalpak ang flashdrive sa usb port ng CPU. Saka ko lang napansin na nakalock pala ang pc niya at nagrerequire ng password. Aba’y napakagaling, nag-utos tapos hindi man lang inunlock ’yung pc niya. Wala akong nagawa kundi hulaan ang password ng kanyiang pc. Una nilagay ko ay ‘jethrowells’ kaso invalid. Pangalawa nilagay ko ay ‘jethrolovesanabelle’ invalid pa rin. Kung sa bagay sino ba naman gagawa ng ganiyang kabaduyang password? Sa tingin ko naman ay magpakamaangas ’tong si Jethro kaya tinry ko ang ‘bhozxjethrolocco’. Syempre alam ko namang hindi gagana ’yun kaya natatawa ako sa sarili ko sa mga pinaggagawa ko sa pc ni Jethro. Sa pangatlong pagkakataon ay may lumabas na password hint na “the awesome girl” kaya naisip ko agad ang pangalan ni Anabelle ang ilagay ko kaya sinubukan kong i-type ito, pero invalid pa rin ang password. Napaisip ako ng mabuti at baka naman alpha-numeric ang password niya kaya ayaw. So sa ika-limang pagkakataon ay sinubukan kong ilagay ang ‘anabelle143’ bilang password pero sa ikalimang pagkakataon ay invalid pa rin ito. Dahil nga pang limang attempt ko na at mali pa rin ang aking naibigay na password kaya nag temporary lock ang pc niya. Kumbaga hindi ka makakapag type ng password within 3 minutes.

Habang nag-aantay ako na matapos ang 3 minutes ay pinag-isipan kong mabuti kung sino ba ang tinutukoy niyang the awesome girl. Hindi kaya mama niya? Pero hindi ko naman kilala ang mama nila, wala rin naman naikwento sa akin si Josh tungkol sa mama nila. Sino pa ba ang mga babae dito sa mansyon na pwede niyang tawagin sa alias na ’yun? Biglang pumasok sa aking isipan ang pangalan ni Sam, pero malabo naman na Sam lang ang magiging password nito dahil sa pagkakaalam ko ay minimum of 6 characters ang kailangan para makabuo ng password. Siguro subukan ko kayang ilagay ang ‘Samantha’ baka tama na ’to this time. Sakto at natapos na rin ang countdown ay sinubukan kong ilagay ang pangalan nong Samantha na sinasabi nila. Pipindutin ko na sana ang enter button nang biglang lumapit si Jethro sa desk niya habang nakatapis lang ng tuwalya sa kaniyang baywang. Dali-dali kong binura ang password at tumingin muli sa kaniya. Nakalapit na siya sa akin at saka niya napansin na nakalock pala ang kaniyang pc.

“Kanina pa bang nakalock ito?” Tanong niya, na napaka obvious naman ng sagot kaya tumango na lang ako bilang pagsang-ayon. Lumapit siya sa pc at nagtype siya habang nasa harapan niya ako. Bale ang posisyon namin ay nasa likuran ko siya habang tinatype niya ang password ng pc niya. Masyado akong naakit sa scent ng pabango niya kaya hindi ko napansin kung ano ang nilagay niya bilang password, ang tanging napansin ko na lang ay nagtatapos ito sa numbers na 1 at 5. Sa pagkakataong ’yun ay para bang ang sara-sarap niyang yakapin dahil sa amoy ng kaniyang pabango pagkatapos niyang maligo. Syempre dapat kailangan kong pigilan ang sarili ko dahil unang una si Jethro ang pinag uusapan dito, baka pagginawa ko ’yun ay bigla na lang niya akong sapakin at pangalawa may Josh na ako kaya dapat sa kaniya ko lang dapat ibaling lahat ng pagnanasang nararamdaman ko ngayon. 

“Okay mag-start ka nang magprint habang nagbibihis ako” Saka naman siya naglakad papunta sa kaniyang malalaking drawer para mamili ng maisusuot. Kinuha ko ang mga clean na bond papers at nilagay sa printer para magamit ko sa pag print. Hindi biro ang dami ng kaniyang pinapaprint dahil nasa 768 pages ito, halos mas marami ng kaunti sa mga nabasa kong papers niya. Dahil kasalanan ko naman talaga in the first place kaya hindi na ako umangal at sinimulan ko na ang pagpiprint. 

Habang nagpiprint ako ay napalingon ako sa kinaroroonan ni Jethro. Kasalukuyan siya ngayong nagbibihis, pagkasuot niya ng brief ay rinig mo ang papitik nito sa kaniyang tagiliran na siyang ikinalunok ko ng laway. Habang nagsusuot siya ng pajama ay bigla na lang siyang nagsalita.

“Control yourself Eisen” Sabi niya habang nakatalikod siya sa akin.

“Huh? Wag ka ngang assuming” Pagdepensa ko. 

“Kahit di kita tingnan, alam kong tinititigan mo ako habang nagbibihis ako” Humarap na siya at lumapit sa akin na walang suot na pang itaas. Agad ko namang iniwas ang tingin ko at tumutok sa monitor. 

“See?” Natatawang sambit niya. Ang bilis ko talagang nabibisto sa mga ganitong bagay, kailan kaya ako matututong hindi mahuhuli?

“How many pages you’ve printed so far?” Tanong niya mula sa likuran ko. 

“26” Maiksi kong tugon. 

Ayan na naman at naaamoy ko na naman ang pabango niya. Lumayo ka na please, hanggang kaya ko pang magtiis. Epekto siguro ’to ng ginawa namin ni Josh kanina eh, pano ba naman halos siya lang ang nasarapan sa ginawa namin. Pero ayoko ko rin naman na gawin namin agad ang anal sex kasi alam kong masakit ’yung first time, as in sobrang sakit daw. Bata pa lang ako ay takot na ako sa injection kaya tuwing nagpapa injection ako ay niyayakap ako ni mama. Tapos habang tinuturukan ako ay bigla na lang akong nawawalan ng malay. Imagine ’yung gano’n kalaking bagay ay ipapasok sa kaloob-looban ko? Sa turok pa lang ng injection ay hinihimatay na ako, what more kung ang bagay ni Josh ang pumasok sa’kin? Napaka-awkward naman na habang nagsesex kami ay bigla-bigla na lang akong mawawalan ng malay. Hindi ko pa rin alam kung paano sasabihin kay Josh ’yun, baka madismaya siyang natatakot akong makipagsex sa kaniya. Kailangan ko talaga ng matinding mental at physical preparation bago namin gawin ’yun.

“Okay, marami-rami pa ’yan. You can browse through the internet, you can go to Facebook or listen to Youtube. ’Wag ka lang mag oopen ng mga pornsites na magdadala ng virus sa computer ko” Nagising ako bigla sa pagmumuni-muni ko.

“Hoy excuse me hindi ko gawain yun ahh” Pagdedepensa ko sa kaniya. Napaka judgemental nito. Hindi naman talaga ako fan ng panonood ng porn, mas gusto kong magbasa ng mga yaoi manga o kaya manood ng BL series. Mas gusto ko ’yung may story, hindi ’yung sunggaban agad sa unang pagkikita pa lang. Ang tagal ko ring sinusubaybayan ’yung ‘Love Stage!’ dahil napakabagal ng updates niya. Sobra pa naman akong na hook sa story niya. Imagine may nainlove sayong lalaki noong mga bata pa kayo dahil sa buong pagkakaalam niya ay isa kang babae. Haaay…. 

“You can use earphones inside the desk drawer kung makikinig ka ng music. I’ll take a nap for now dahil sobrang ang pagod ko sa biyahe” Saka siya humiga sa may couch na hindi rin kalayuan sa kaniyang desk. Sa pwesto ko ay tanaw na tanaw ko ang pagkakahiga niya, nakahiga ang kaniyang ulo sa ibabaw ng kaniyang mga kamay. Kitang-kita ko ang semi-trim na buhok sa kaniyang kili-kili. Tanging pajama lang ang suot-suot niya na mas lalong nagpa-hot sa kaniyang dating. Ano bang meron ngayon kay Jethro at sobra akong naaattract sa kaniya? Hindi ito maaari, may Josh na ako kaya erase-erase! 

“How am I supposed to sleep kung tinititigan mo ako ng ganiyan?” Bigla akong nagulat nang nagsalita siya. Sheeet, bakit laging ganiyan ka Jethro?

“Ahhh-ehhh akala ko ba matutulog ka na at bakit mo binabantayan ang bawat kilos ko?” Naiinis kong tanong pero syempre defense mechanism ko ’yun para hindi halatang napahiya ako. 

“Binabantayan lang kita at baka may gawin kang masama sa akin” Nakapikit siya pero patuloy ang pagsasalita niya. 

“Wow ahh, excuse me. Hindi ’yun mangyayari, mas masarap pa kaya sayo si….” Muntikan na akong mag name drop. 

“Mas masarap sino?” Ngayon ay nakadilat na ang kaniyang mga mata at nakataas ang isang kilay.

“Wala ang sabi ko mas masarap matulog kung sa kama ka hihiga hindi diyan sa couch” Medyo nakalusot ako dun ah!

 “Parang hindi ’yun ’yung sinabi mo eh” Nakatitig pa rin siya sa akin. Syempre ako kunwari dinideadma ko lang ang tanong niya at nagtatype ako ng kanta sa youtube, pero ni isang title ay wala akong maisip. 

“Anyway, mas okay puwesto rito para kitang kita ko kung gumagawa ka ng kalokohan sa aking computer” Tugon niya at pumikit siyang muli. 

Oo nga naman, tanaw na tanaw niya ang mga ginagawa ko sa pc niya dahil 23 inches ba naman ang laki ng monitor niya kaya hindi ako pwedeng magbasa ng yaoi manga (comic) o manood ng mga BL series at baka magalit pa ’tong si Jethro. 

Naisipan ko na lang magpatugtog ng mga iba’t ibang opening theme song ng mga favorite anime ko noon. Sinalpak ko ang dalawang earphones sa magkabilang tenga ko at sinimulang magplay ng video. Una kong pinakinggan ang opening theme ng Magic Knight Rayearth. Sino ba namang batang 90’s ang hindi nakakakilala kina Fuu, Umi at Hikaru? Isa rin kaya sa mga pangarap ko ’to noong bata pa ako, ’yun ang makapunta sa Cephiro at maging ganap na magic knight. 

Patuloy ang pagtugtog ng kanta at paglabas ng video na nasa anime playlist ko nang biglang tumigil ang pagpiprint dahil ubos na pala ang ink nito. Nakaka 136 copies palang ako at sampu sa mga ito ay malalabo na ang pagkakaprint dahil naubusan na talaga ng ink ang printer. Nagcheck ako sa mga drawer para makahanap ng ipangrerefill ko pero wala akong mahanap ni isa sa mga drawer na nandito. Kaya wala akong choice kundi ang gisingin si Jethro para tanungin kung saan ang pang refill ng ink ng kaniyang printer. Lumapit ako sa kaniya at mahinang tinapik ang kaniyang braso at sabay banggit ng pangalan niya para magising siya. Hindi rin naman siya matagal gisingin dahil sa ikalawang pagtawag ko sa pangalan niya ay nagising din naman siya agad. 


“Oh ano naman ang binabalak mo?” tanong niya agad sa akin. “Wala nuh! Saka sino ba naman ang taong may binabalak na gigisingin ang kanyang biktima bago gawin ang kanyang krimen?” naiinis kong tanong. “Edi ikaw!” mabilis niyang sagot, napipikon na ako dito sa lalaking to pero ayoko na lang siyang patulan para hindi na humaba pa ang pagtatalo. Gustong gusto ko ng umalis sa kwartong to, malamang naiinip na si Josh kakaantay sa akin. Tumayo siya sa couch at lumapit sa isa sa mga malalaking cabinet na may mga libro. Sa gilid nito ay may mga box na malalaki at isa sa mga box na yun ay naglalaman ng mga inks. Inabot niya sa akin at hinayaan akong magrefill ng kanyang printer. 2017 na pero ang printer niya ay makaluma pa rin ang istilo ng pagkaakaroon ng ink. Mano-mano ang pagrefill neto unlike sa mga bagong printer ngayon na madali na lang palitan ang kanilang mga cartridge kapag nauubusan na ng tinta. So heto ako ngayon naglalagay ng ink dahil nauubusan na ng ink na kulay itim ang printer. Sa kakapiga ko ng ink bigla itong sumirit at tumalsik sa aking damit at yung iba naman ay sa mga papel na nakaload sa printer. Buti na lang at nahiwalay ko agad ang mga na print ko na maayos kanina kung hindi back to zero na naman ako. Dali-dali kong pinunasan ang mga nagkalat na ink gamit ang wet wipes at tinanggal ko na rin ang mga papel na natalsikan ng ink dahil hindi ko na rin naman na magagamit iyon. Ilang sandali pang pagpupunas saka ako nagload ng panibagong papel sa printer at sinumulang muli ang pagpiprint. Pinagpatuloy ko na rin ang panonood ko ng mga ost ng anime. Nang mabagot ako ay nanood naman ako ng mga anime na wala akong ideya sa mga genre nito basta gusto ko lang may mapanood para pampalipas oras. Nakailang episode din ako hanggang sa last 31 pages na lang ang dapat kong iprint. Naka file na ng maayos ang mga na print kong papers para wala ng ipautos pa si Jethro. Nagload na ako ng maraming papel para masigurong hindi mapuputol ang pagpiprint ko. Inaantok na rin ako ng mga sandaling yun kaya umidlip muna ako ng sandali para pagising ko tapos na lahat ng mga dapat kong iprint.

After 7 hours >>>

Paano ko ba ipapaliwanag kay Josh lahat lahat ng mga nangyari, nagprint lang ako ng mga documents at inabot ako ng magdamag sa kwarto ni Jethro? Mukhang wala rin sa mukha niya ang makinig sa mga sasabihin ko. Tumayo ako mula sa kama ni Jethro at dahan-dahang tinungo ang pintuan. Habang papalapit ako sa pintuan ay may parang bumubulong sa akin na manatili na lang sa kama ni Jethro at magtago sa ilalim ng kumot. Sa mga sandaling iyon ay parang pinapako ni Josh ang kaluluwa ko sa pader sa paraan ng kanyang pagtitig sa akin. Si Jethro naman ay parang wala lang sa kanya ang mga nangyayari kung sabagay hindi niya alam na kami na ni Josh kaya wala talaga siyang dapat ipagtaka. Pagkalapit ko sa pinto ay nagkatitigan kaming dalawa. Unang beses kong makitang galit si Josh dahil madalas nakangiti ito tuwing magkikita kami. Gusto ko na lang umiyak sa pagkakataong iyon dahil kasalanan ko naman kung bakit nangyayari to lahat. “Bilisan mong kumilos, magluluto lang ako ng breakfast at ihahatid na kita sa school!” saka siya nagwalk-out sa amin ni Jethro. Para akong asawa na nahuling nakipagtalik sa ibang lalaki na hindi maitanggi lahat ng mga nangyari. “May alitan ba kayo ni Josh?” tanong ng chismosong si Jethro. “Wala” matipid kong sagot at mabuti naman wala siyang naging follow-up question na madalas niyang ginagawa kaya pinagpatuloy ko na ang paglalakad ko sa aking kwarto para makapagshower at makapagbihis ng damit na isusuot ko sa school. Nakakawalang ganang kumilos dahil sa mga nangyari kanina lang pero kailangan kong magmadali baka lalong magalit si Josh sa akin kapag pinag-antay ko pa siya dahil siya daw ang maghahatid sa akin papuntang school. Kaya nang matapos akong maligo ay nagmadali na rin akong magbihis ng isusuot ko papasok ng school. Ngayon lang ako muling makakabalik ng school after kung magleave ng 3 araw dahil sa pagkakabagsak ko mula sa hagdan ng school. Sana wala akong masyadong namiss sa klase, mahirap daw kasi kapag napag iwanan ka sa mga topics dahil dun magpapatong patong ang mga dapat mong aralin. Pagkatapos kong magbihis ay agad akong nagtungo sa dining area para kumain ng breakfast. Andun na si Jethro kumakain na at nakasuot na ito ng long sleeve at slacks na bumabagay sa kanya. Pero nagtataka lang ako kasi mas nauna naman ata akong naligo sa kanya eh bat mas nauna pa siyang nakapagbihis at nakarating dito. Ganun na ba ako kabagal maligo at magbihis? Naupo na lang ako sa may bakanteng upuan at sinumulang kumain. Nakakapagtaka lang at wala dito si Josh. Kaming dalawa lang ni Jethro ang kumakain. Maging si Jules at Jean na madalas kumakain ng almusal sa ganitong oras ay wala din. Isang tahimik na breakfast ang nangyari sa umagang yun. Ilang sandali pa ay hindi ko na matiis ang katahimikan kaya nagtanong na ako kay Jethro kung nasaan si Josh. Sabi naman niya ay bumalik daw kwarto niya at baka matutulog muli na madalas nitong gawin pagkatapos makapagluto ng breakfast. Sa mga narinig ko ay bigla na lang akong nakaramdam ng lungkot dahil umaasa pa man din ako na kahit galit siya sa akin ay ihahatid niya pa rin ako sa school pero siguro mas gusto na lang niya munang magpalamig ng ulo kaysa makita ako. Mamaya ay nagpaalam na si Jethro na mauuna na siyang umalis tanging pagtango lang ang isinagot ko. Pagkaalis niya ay dali-dali kong tinawagan ang phone ni Josh para kausapin siya pero cannot be reach ang phone niya, pinatay niya ata kaya hindi na ako pumunta sa kwarto niya para kausapin siya dahil mas mukhang gusto niya muna ng space sa ngayon. Palabas na ako ng dining hall nang maabutan ko si Jules na nakabihis na rin papasok ng school.

“Just in time. Tara pasok na tayo!” pag aya sakin ni Jules habang nakaakbay siya sa mga balikat ko. Medyo nakakailang na kasi hindi na gaya ng dati yung pwede niyang gawin sakin lalo na yung mga simpleng paghirit niya na alam ko namang joke lang pero pag narinig yun ni Josh malamang magagalit yun ng sobra. Kaya inalis ko ang pagkakaakbay ni Jules sa aking balikat na ikinagulat naman niya. Nagdahilan na lang ako na naiinitan ako kaya ayokong magpaakbay ngayon na inintindi naman niya. Sumakay na ako sa kanyang sasakyan at ilang sandali pa ay pinaandar na niya ito. Bago pa man kami makalabas ng mansion ay nagtext ako kay Josh na baka sakaling mabasa niya pagbinukasan na niya ang kanyang cellphone.

Babe, I’m sorry hi-hindi ko talaga sinasadya. Alam kong nag aantay ka sa akin kagabi pero gusto kong malaman mo na wala naman talagang nangyari sa amin ng kuya mo. Nakatulog lang ako sa kanyang kwarto. Handa akong ipaliwanag lahat-lahat kapag hinayaan mong mag-usap tayo. Please ayoko ng ganito. I love you.

Pagkatapos ay sinend ko na agad sa kanya. Mabuti at smooth lang ang pagpapatakbo ni Jules kaya naging maayos lang ang byahe namin. Noong unang pagsakay ko kasi sa kanyang kotse ay napakabilis niyang magpatakbo ngayon ay katamtaman lang ang bilis. “Anong nangyari diyan sa kamay mo bakit ka may pasa?” tanong ni Jules. Siguro napansin niya yun habang nagtetext ako kay Josh. Bakas to ng tinta dahil sa pagtatransfer ko ng ink kagabi sa printer ni Jethro. Ginawa ko naman ang lahat ng pagkuskos pero hindi parin siya tuluyang nabura. Namumula na ang balat ko habang kinukuskos ko siya sa banyo kaya tinigilan ko na ito. Nagmukha tuloy siyang pasa dahil faded na ang kulay na black sa balat ko. “Ink yan natapunan ako kagabi!” maiksi kong tugon. “Bakit, ano bang ginawa mo?” tanong niya sa akin habang pabalik balik ang tingin niya sa kalsada at sa akin. Mahaba habang pagpapaliwanag ito. So ayun na nga kinuwento ko sa kanya kung ano ang nangyari kagabi minus na dun ang pagkakaroon ng semen sa aking buhok kaya nagawa kong maitapon ang alcohol. Naniwala naman siya sa kwento ko. “Sabihin mo sa akin kapag inaalila ka ng mga kapatid ko akong bahala sayo!” kung makapagsalita talaga siya akala mo siya itong panganay sa magkakapatid. Pero kahit ganun pa man ay naappreciate ko ang concern niya para sakin. “Sabi ko naman sayo kasalanan ko yun kaya dapat lang na gawin ko yun atsaka-” hindi ko naituloy ang sasabihin ko nang magring ang cellphone ko at si Josh ang tumatawag. Sa sobrang taranta ko ay dali dali ko itong sinagot kahit alam kong nag uusap pa kami ni Jules. “He-hello?” sagot ko sa phone. “ASAN KA? DI BA SABI KO SAYO AKO ANG MAGHAHATID SAYO SA SCHOOL!” pasigaw niyang sabi sa phone. Nataranta naman ako kaya agad agad kong sinabing nasa loob ako ng sasakyan ni Jules. Saka ko lang narealize na hindi ko dapat agad sinabi sa kanya yun kasi mas lalo siyang magagalit dahil si Jules pa ang kasama ko. Bigla na lang niya pinutol ang tawag kaya ako naman ang tumawag sa kanya ulit pero hindi na niya ito sinasagot. Haayy ganito ba talaga ka complicated ang magkaroon ng karelasyon? Mas nakaka stress pa to sa algebra. “Sino yung tumawag sayo?” tanong ni Jules. “Si Josh” maiksi kung sagot. “Bakit siya napatawag?” dugtong pa niya. Wala pa talaga akong balak na makipagkwentuhan ngayon dahil sa mga nangyayari sa amin ni Josh pero ang rude ko naman kung hindi ko sasagutin ang mga tanong niya sa akin. “Kasi siya dapat ang maghahatid sa akin ngayon tapos iniwanan ko nalang siya bigla” “Hayaan mo na, maiintindihan ka nun at saka may pasok ka kaya hindi ka pwedeng malate today!” tumango na lang ako sa kanya at giniya ko na lang ang aking paningin sa bintana ng sasakyan. Ilang minuto ang lumipas ng biglang may mag overtake sa aming sasakyan. Napamura tuloy bigla si Jules dahil sa di inaasahang pangyayari. Pagkatapos nitong makapag overtake ay bigla na lang nito hininto ng sasakyan mabuti na lang at naipreno agad ni Jules ang sasakyan kung hindi mabubunggo kami sa sasakyan niya. “Aghhhh” napahiyaw ako sa sakit ng braso ko dahil sa pagkakahatak ng seat belt noong nagpreno si Jules. Mabuti na rin at nakaseat belt kami kung hindi tumilapon na kami sa kalsada ngayon. “Are you alright?” tanong ni Jules. Tumango lang ako pero masakit ang braso ko dun, bigla na lang siyang lumabas ng kotse at nagsisisigaw. “What the hell is wrong with you?” tanong niya sa lalaking kausap niya. Saka ko lang napagtanto na ang kausap niya pa lang lalaki ay walang iba kundi si Josh. Kaya kahit masakit pa ang braso ko ay dali-dali kong kinalas ang seat belt at lumabas ng kotse. “You took my passenger without my permission!” sagot ni Josh na galit na galit na rin. Kaya pumagitna ako sa kanilang dalawa baka magsimula pa sila ng suntukan sa kalsada. Saka lang ako napansin ni Josh at hinawakan niya ang kaliwa kong kamay para hatakin papunta sa kanya. “He’s coming with me!” sabi ni Josh. Pero hinila naman ni Jules ang kanang kamay ko at nagmatigas. “No he’s coming with me!” matigas niyang sabi. Ano naman bang gulo itong ginawa ko?

Itutuloy…

Chapter 16: Driving me crazy

Lharby as Josh


LWMSB 16

Eisen’s POV

Nasa pagitan ako ngayon ng dalawang nag-gwagwapuhang lalaki. Sa kaliwang kamay ko ay nakahawak si Josh at sa kanang kamay ko naman ay nakahawak si Jules. Sa bawat segundong tumatagal ay nararamdaman ko ang sakit ng paghawak nila sa akin. Dala na siguro ng inis sa isa’t isa at panggigil. Nakiusap ako sa kanila na bitawan nila ako ngunit ni isa sa kanila ay ayaw magpatalo at ayaw bumitaw sa pagkakahawak sa akin.

“NASASAKTAN NA AKO, BITAWAN NINYO AKO!” pasigaw kong sabi. Saka lamang sila natauhan sa kanilang ginagawa. Ramdam ko ang kirot sa aking mga kamay pero ininda ko yun at dali-daling akong pumasok sa sasakyan ni Jules at kunin ang bag ko pamasok sa school. Hindi pa rin natigil ang bangayan nila at sisihan sa bawat isa. Parang hindi magkapatid ang turing nila sa isa’t isa na mas lalo kung ikinainis. Kaya naman naisipan kong tumakbo palayo sa kanila dahil sa pagkakataong yun gusto ko munang mapag-isa. Hindi rin nagtagal at napansin nila ang pagtakbo ko kaya hinabol ako ng pagsigaw ni Josh.

“Bab-Eisen…. San ka pupunta?” naputol ang pagtawag niya ng Babe dahil siguro andyan si Jules kaya hindi niya tinuloy ang pagbanggit. Lalo akong nainis dun, pero ayoko rin naman na malaman agad nila na kami na ni Josh. Kaya sa di ko malamang dahilan ay naiinis pa rin ako kung bakit hindi niya tinuloy ang pagbanggit. Ang pagtakbo ko ay nauwi sa paglalakad ng mabilis. Hindi pa ata ako handang tumakbo takbo dahil ilang araw din akong halos nakahiga lang sa kama dahil sa aksidenteng nangyari sa akin. Sumisigaw silang dalawa habang hinahabol ako at kapwa na kami hinihingal kakatakbo. Ilang sandali pa ay may nagpapatakbo ng motor sa gilid ko at bumunusina para kunin ang atensyon ko. Bigla na lang huminto ito sa harap ko. Lalaki ang nagmamaneho nito pero hindi ko lubos na makilala kung sino dahil may suot itong helmet. Inangat nya ang windshield ng helmet at saka ko lang nakikilala. Si Bjorn, ang bago kong kaklase sa pinapasukan kong university.

“Uy kamusta? Mukhang magaling kana at nakakapag jogging kana ngayon” nakangiti niyang bati.

“Hindi ako nagjajogging noh. May tinataka-san ak-o” hingal kong sambit. Kumuha ako ng panyo sa aking bulsa sabay punas sa aking pawis.

“Sino at bakit?” daming tanong ng mokong na to. Hindi ko muna siya nagawang sagutin dahil hinihingal ako. Napalingon ako nang biglang tinawag ni Jules ang pangalan ko. Yari, maabutan na nila ako kailangan ko nang makaalis dito dahil ayoko muna silang makausap. Dahil malamang mag-aaway at mag-aaway pa rin sila. Kaya agad akong umangkas sa likod ni Bjorn kahit walang pahintulot niya na alam ko namang kinagulat niya.

“Itakbo mo na daliii!” pagpilit ko sa kanya na agad naman niyang pinatakbo halos maabutan na kami ni Jules nun. Si Josh ewan ko sa kanya bahala siya, una naiinis ako sa kanya dahil hindi man niya lang ako nagawang pagkatiwalaan tapos ngayon hinayaan na lang niya akong mag-isa. Wag na wag niya akong matawag tawag na Babe baka mapukol ko siya nang wala sa oras. Medyo nakalayo na kami sa kinaroroonan namin kanina nang biglang hininto ni Bjorn ang motor niya at pinara sa gilid ng kalsada.

“Oh bakit ka tumigil?” bigla na lang niya hinubad ang helmet at isinuot to sa akin. Nagulat naman ako sa ginawa niya. Baka naman ako pa ang ipagmamaneho niya ng motor, eh wala naman akong alam sa paggamit nito baka sumemplang pa kami.

“Syempre pasahero kita kaya kargo kita. Mas safe ka kung ikaw ang may suot ng helmet!” sabi niya. Bigla naman akong natuwa sa mga sinabi niya. Kung hindi lang naging kami ni Josh siguro kinikilig na ako ngayon pero cannot be na kasi taken na ako kaya sorry siya. Well heto na naman tayo nag aassume.

“Salamat” maiksi kong tugon.

“So tayo na?” tanong niya na ikinagulat ko. Hindi ko alam kong anong isasagot ko kaya nauutal utal ako.

“Haa..ehh kasi, mayroon na akong-” naputol ang pagsasalita ko nang magsalita siyang muli.

“I mean tayo na? Aalis na tayo. Kaya umakap kana baka mahulog ka” bigla akong napahiya dun. Para akong binuhasan ng malamig na tubig sa umaga para magising mula sa pagkakahimbing. Bat ba sobrang assuming ko? Pinaandar niya ang motor at binaybay ang daan. Hindi naman nagtagal ay may bumubusina sa likod namin na sasakyan kaya nilingon ko ito. Laking gulat ko nang makita ko na sasakyan ito ni Josh at kitang kita sa mukha niya na nagagalit sa mga oras na yun. Kung nagagalit siya pwes mas galit ako sa kanya kaya sinabihan ko si Bjorn na wag intindihin yung kotseng bumubusina sa amin at bilisan ang pagpapatakbo ng motor. May mga pagkakataong sinusubukan ni Josh na mag-overtake para harangin kami at mapahinto sa daan pero bihasa sa pagmamaneho ng motor si Bjorn kaya naiiwasan niya palagi ito. Nang marating namin ang isang intersection kung saan nakahinto ang mga sasakyan dahil nag-aantay ng Go signal ng traffic lights. Sumingit si Bjorn sa mga sasakyan para marating namin ang pinaka unang pwesto at naiwan si Josh sa likod kasama ang mga ilan pang sasakyan. Pagka Go ng traffic light ay dali-daling pinatakbo ito ni Bjorn hanggang sa makarating kami ng Uni ay hindi na nakasunod pa si Josh.

“Salamat” sabay abot ko ng helmet kay Bjorn. Lalakad na sana ako papuntang classroom nang magsalita siya.

“Aalis ka na agad. Hindi mo man lang ako aantayin?” sabi niya habang inaayos niya ang pagpark ng motor. Mukhang mayaman din to si Bjorn dahil mukhang mamahalin ang gamit niyang motor.

“Ay sorry, ngayon ko lang naalala na magkaklase nga pala tayo!” kamot ulo kong sabi.

“At saka hindi ako tumatanggap ng thank you!” lumapit siya sa akin at umakbay.

“Huh?” hindi ko pa maintindihan ang ibig niyang sabihin.

“Dapat ilibre mo ako mamaya ng lunch!” nakangiti niyang sabi.

“Wow ahh..mukhang ang yaman-yaman mo nga tapos magpapalibre ka sakin?” sagit ko.

“Ha- ang hirap kayang takasan nung humahabol sayo tapos muntikan na akong mahuli na walang suot na helmet kanina.” Ginaya niya ako palakad ng hagdan.

“Oo na sige na. Para ka ring si Mang Jose eh” sagot ko habang dahan dahan akong humahakbang sa hagdan baka naman kasi madulas o mahulog na naman ako. Nakakatrauma pala ang ganung pangyayari

“Ha, Sino yun?” tanong niya habang inaalalayan din ako sa pag-akyat. Mukhang siya rin na trauma sa nangyari.

“Nasa kanta yun! Mang-Jose parang si daimos din, ang superhero na pwede mong arkilahin!” ginaya ko talaga ang pagkanta para magets niya naman.

“Never ko pang narinig yan haha pero nakakatawa!” natatawa niyang sabi. Mukhang sa ibang planeta to lumaki. Kahit naman mahilig ako sa KPOP madalas pa rin akong nakikinig ng mga OPM no.

“Oh basta dun lang sa mura ahh, maliit lang baon ko!”

“Nakatira ka sa malaking mansion tapos maliit lang baon mo?” gulat niyang tanong.

“Huh, pano mo naman nalaman na nakatira ako sa mansion? Stalker ka ba?” natatawa kong sabi. Ilang lakad na lang at papalapit na kami sa aming first class.

“Sinabi mo kaya yun sa klase noong unang araw natin. Kaya nga natahimik ang lahat ng malaman nila na nakatira ka sa mansion ng mga Wells” saka ko lang naalala nasabi ko nga pala yun.

“Ahhh.. okay.. Ganun ba ka sikat ang mga Wells sa university na to?” napahinto ako sa paglalakad at ganun din naman siya.

“Seryoso ka bang nakatira ka sa mansion nila? Parang ang dami mong hindi alam?” tinitigan niya akong mabuti.

“Kaya nga ako nagtatanong di ba! Saka mag-iisang linggo pa lang akong naninirahan sa kanila kaya malamang madami akong hindi alam. Atsaka nahihiya rin akong magtanong sa kanila baka sabihin nanghihimasok agad ako sa buhay nila.” Naiis kong sabi, bigla na lang niya ginulo buhok ko na lalong kinainis ko.

“Paano ko ba sisimulan? Hmm… ah okay. Noong unang panahon..” napakatagal niyang sumagot kaya ako na ang dumugtong.

“Panahon pa ng hapon, wala pang kikay sabi ng nanay?” sarkastiko kong sabi. Natawa naman siya ng malakas. Buti na gets niya agad ang ibig kong sabihin pero yung Mang Jose hindi niya alam? Hhmmm mukhang fan to ng viva hot babes. Malamang pinakikinggan niya rin yung Bulaklak,basketbol pati narin yung Batuta ng Pulis. Bigla-bigla na lang nagpaflash back sa isipan ko yung mga panahong kinakanta ko at sinasayaw yang Batuta ng Pulis.

Mamang Pulis (Pulis)

Tulungan nyo ako! (Help)

Batutain nyo, ang lokong boyfriend ko!

Ngayong malaki na ako saka ko lang napagtanto na napakahalay pala nitong kantang to. Kaya siguro galit na galit si mama kapag nakikita niya akong sumasayaw sayaw at kumakanta kanta pa ako nito dahil malaswa pala ang meaning. Eh malay ko ba napakainosente ko pa noong bata pa ako. Kaya siguro sabi ni mama sayawin ko nalang daw yung bulaklak o kaya Kikay. Pero mas madalas niyang ipasayaw sa akin ang totoy bibbo na agad ko namang pinagsasawaan. Napakabibbo ko talaga noong bata pa ako kaya pag may mga tugtugang Pamela one o kaya Otso-otso ay hindi ko mapigilan ang aking sariling mapasayaw.

“Okay ka lang?” bigla akong nagising sa aking pagmumuni-muni.

“Ahh…Ano nga ulit yung kwento mo?” napakamot ulo ako.

“Hahaha, mamaya na lang. Pumasok na tayo!” saka ko lang napansin na nasa tapat na pala kami ng aming classroom. Pagkapasok niya ay agad din naman akong sumunod sa kanya.

Pagkapasok namin sa loob ng klase ay tila ba kami na lang ang inaantay bago ito nagsimula. Bukod sa pagiging pilosopo at mahadera nitong si Prof. Cantateros ay magaling siyang magturo. Mabilis namin nakukuha ang mga tinuturo niya sa amin. Kung iisipin ng iba na ang subject na ito ay boring pero pagdating sa kanya ay attentive lahat ng mga estudyante. Hindi rin papahuli ang hirit at jokes niya na hindi sumasablay sa pagpapatawa sa amin. No dull moments ika nga. Nagbago rin ang pakikitungo niya sa akin pati na rin ang mga kaklase ko na sadyang ikinagulat ko. Hindi ko alam kung anong nangyari noong mga panahong wala ako dito. Tila ba nagbago ang ihip ng hangin at ang bait bait nila sa akin.

Mabilis lumipas ang oras at natapos ang subject namin kay Sir Cantateros. Sumunod na subject agad ay ang math. Hindi ko naman hate ang math pero yung math ata ang may hate sa akin. Kahit gaano ko siya pilit na intindihin ay hirap pa rin ako. Naalala ko pa noong High School hindi ko napigilang magtanong sa teacher namin kung bakit kailangan pang hanapin ang value ng X at bat pa kailangan ng square root, square root na yan pagnagko compute eh hindi naman na kailangan yan sa pagbibilang. Pag ba bumibili ka sa tindahan ng chichirya tapos 500 ang pera mo, hinahanap pa ba ang value ng X bago ka masuklian ng tindera? Kapag nag grocery ka ba sa super market kailangan pa ba ng formula na x minus 1 with the power of 2 times 4 the square root of kaartihan at kung ano pang kaekekan bago ka masuklian? Hagalpakan ng tawanan ang inabot ko sa mga kaklase ko noong tinanong ko yan pero mabuti mataas ang pang unawa ni maam sa kagaya ko na mahina sa math. Pinaliwanag niyang mabuti na hindi lang sa pagbibilang at panunukli nag aapply ang math. Ang math ay nagagamit mo sa pang araw araw gaya ng pagkuha ng mga sukat ng mga bagay bagay. Ginagamitan din ng math bago ka makagawa ng bahay o kaya building dahil pagmali ang calculations mo maaari itong magdulot ng major failure sa pagbuo nito. Kahit na naintindihan ko naman ang paliwanag ni maam ay ewan ko ba hirap pa din ako umintindi sa math. Gaya nitong subject description nakalagay sa registration form ko. Ang nakalagay ay Basic Math pero yung ilong ko halos lumuwa na ng dugo sa hirap ng mga questions. Buti na lang andito si Bjorn at pinapakopya niya ako. Nakapaglecture na pala sila last week tapos ngayon may pa quiz na ginawa si mayor na clueless naman ako sa mga nangyayari. Kahit sinabi ko na na absent ako last meeting niya ay hindi pa rin daw ako exempted. Buti na lang andito si Bjorn, pangalawang beses na niya akong niligtas sa araw na to kaya dapat lang talaga na ilibre ko siya mamaya ng lunch. Pagkatapos ng exam ay agad naman pinacheck sa amin ang mga papel nakita ko sa kaklase kong nakapwesto sa aking harapan na siya ang nagchecheck ng papel ni Bjorn. Perfect score ang nakuha ni Bjorn kaya malamang perfect din ang sa akin. Pagkabalik ng mga papel ay nakuha kong score ay zerooo, as in bokya. Nang chineck namin ni Bjorn kung bakit nagkamali pala ako ng kopya sa kanya. Yung sagot ni Bjorn sa no. 2 yun yung sagot ko sa no.1, yung sagot niya sa no. 2 ay ang sagot ko sa no. 3. Ganyan ang nangyari sa akin hanggang no.15. Ewan ko ba, bobo na nga sa math. Tanga pa kumopya ng sagot. Tawang tawa tuloy sa akin si Bjorn pero yung iba ko naman kaklase ay kinocomfort ako na kesyo hindi ko daw napag aralan yun o kaya absent daw ako kaya understood naman na hindi ko talaga masasagot yun. Kahit anong pagcomfort nila ay hindi ako mapakali kasi feeling ko pinaplastik lang nila ako kaya ganun.

Nang matapos ang klase naman sa math ay ang sumunod naman ay ang favorite subject ko. Walang iba kundi ang recess/break time. Ito yung nilolook forward ko everyday na pumapasok ako sa school. Kumbaga ito ang premyo ko sa sarili ko sa pagpapagod at pagtitiyaga sa pag-aaral. Palabas na kami ng building ni Bjorn ng bigla kong matanaw ang kotse ni Josh na nakaparada sa harap ng building namin. Nakasuot ito ng shades na nagpaangat lalo sa kapogian niya na halos ikahimatay ng mga babaeng nasa paligid na pinagpapantasyahan siya. Yung iba ay hindi magkanda ugaga sa pagkuha ng pictures niya. Parang gusto ko silang hawiin isa-isa at sabihin tantanan nila ang boyfriend ko. Pero hindi ko magawa yun, unang-una dahil hindi pa namin pwedeng ilantad na kami na talaga. Pangalawa galit pa rin ako sa kanya dahil muntik na kaming maaksidente kanina sa ginawa niyang pag overtake at pagharang sa dinadaanan namin. Kaya naman hinatak ko si Bjorn papalayo para hindi niya ako makita at hindi na mangulit pa.

Nagsimula kaming kumain ng pagkaing napili namin sa cafeteria ng school. Ang lawak nito parang kasing laki ng gymnasium at napakaraming tables na pwede mong pagkainan. Pumili kami ng pwesto na medyo malayo sa maraming tao para na rin makapag usap kami ng maayos. Hanggang sa nagsimula na siyang magkwento ng mga bagay bagay tungkol sa pamilyang Wells. Halos karamihan naman dun ay alam ko na. Sa kanya ko lang nalaman na pagmamay-ari pala ng Wells ang University na to. Kaya naman pala biglang nagbago ang ugali ng mga taong nasa paligid ko ng malaman na sa Wells mansion ako nakatira, mga plastic. Pagkatapos namin kumain ay agad naming tinungo ang susunod naming room kung saan ang next subject namin ay English. Paakyat kami ng building nang mapansin ko na andun pa rin ang kotse ni Josh sa harap ng building namin. Siguro umalis muna siya at pinark ang kanyang sasakyan dyan sa harap. Kung sa bagay sila nga pala ang may-ari ng university na to kaya lahat magagawa nila kasi kung ordinaryong estudyante ang may-ari niyan, malamang kanina pa hinatak yan.

Matapos ang subject namin ay lumipat lang kami ng ibang floor para sa susunod naming subject. Napag alaman naming malilate ng 30 minutes ang susunod naming professor kaya naman napagpasiyahan ng iba naming kaklase na tumambay muna sa cafeteria. Yung iba ay nanatili sa loob ng klase at nagdadaldalan. Si Bjorn ay umidlip muna suot suot ang earphone sa tenga para maiwasan ang ingay ng aming mga kaklase at ako nama’y lumabas para magpahangin. Sa pwesto ko ay tanaw na tanaw ko ang kalakihan ng University na to. Masyadong malaki ito kumpara sa dati kong pinapasukan sa Maynila. Tanaw ko dito ang malaking cafeteria, ang gymnasium, ang building ng engineering, ang iba ay hindi ako familiar dahil hindi ko pa man din nalilibot itong University. Paglingon ko sa baba ng building ay nandun pa rin nakaparada ang sasakyan ni Josh sa harap, hindi ko sigurado kong andun ba siya sa loob ng kotse niya dahil tinted ito, kaya kahit na lumapit pa ako ay hindi ko pa rin mapapansin kung nandun ba talaga siya. Pero sa tingin ko umalis na yun at iniwan na lang ang kanyang kotse na nakaparada dito. Sa init ba naman ng panahon ay malamang hindi yun makakatiis ng mag stay ng matagal sa loob, lalo na’t nakapatay ang engine nito.

Makalipas ang ilang minuto ay nagsimula na din ang klase namin sa Philosophy. Wala ako sa wisyong makinig ngayon ang inaalala ko ay kung paano kami mag-uusap ni Josh. Syempre kahit mali ang ginawa niya kanina ay dapat naming mapag usapan ito. Ayoko namang palakihin pa ang away namin. Bago pa lang kaming magkasintahan ito na agad ang maeexperience ko. Pero hindi rin naman daw maiiwasan yun. Bago o lumang magkasintahan ay darating at darating ang oras na may hindi kayo pagkaka unawaan at mag aaway kayo. Pero dapat mas manaig ang pagmamahal nyo sa isat isa kaysa sa pinagtatalunan ninyong dalawa. Nawala ako sa aking pagmumuni muni nang sikuhin ako ni Bjorn para makuha ang atensyon ko.

“Okay ka lang?” tumango lang ako kasi wala din naman akong gana makipagdaldalan sa kanya. Patuloy pa rin ang paglelecture ng aming guro na hindi ko na maalala ang pangalan niya dahil kahit anong nanggagaling sa bibig niya ay hindi pumapasok sa aking isipan.

Natapos ang klase nang hindi ko namamalayan. Inaaya ako ni Bjorn na tumambay muna sa isang bar malapit sa dalampasigan para makapagrelax pero tumanggi ako. Una dahil hindi ako umiinom, pangalawa ayoko ng amoy ng sigarilyo at pangatlo baka gahasain niya ako pagnalasing ako. Kaya no way, mapapatay ako ni Josh pagsinuko ko sa iba ang bataan. Speaking of Josh, andito pa rin sa harap ng building ang kanyang kotse niya. Hindi na ako nakatiis at lumapit ako sa kotse. Bahagyang nakabukas ang isang bintana ng kotse niya habang siya ay natutulog sa loob. Wala na siyang suot na pang itaas na damit. Kitang kita kong pinagpapawisan ang kanyang katawan kahit wala na siyang suot na pang itaas. Napaka hot niyang tingnan este nakakaawa pala. Kanina niya pa akong umaga inaantay sa loob ng kotse niya. Bigla tuloy ako nakaramdam ng matinding konsensya dahil sana kinausap ko na lang siya kanina para hindi na siya nagtiis ng matagal dito.

“Josh” pagtawag ko sa kanya habang kumakatok ng mahina sa bintana. Syempre kunwari galit pa ako sa kanya kaya hindi ko siya tinatawag na Babe baka landiin niya ako agad-agad eh nasa loob kami ng university kaya hindi maaari. Ilang saglit pa ay nagising din siya at inayos ang sarili saka ako pinagbuksan ng pinto ng kotse.

“Babe, sorry na.. hi-” di niya natuloy ang sasabihin niya dahil pinatahimik ko siya gamit ang daliri ko.

“Pag hindi tayo umalis sa lugar na to, sasabay na ako kay Jules pauwi” kunwaring naiinis kong sabi. Dali-dali naman niyang pinaandar ang sasakyan palabas ng Uni. Nang makalayo na kami sa Uni ay kinausap niya akong muli.

“Babe sorry na, pansinin mo naman ako oohh!” pagmamakaawa niya pero syempre pa hard to get muna ako. Hindi na rin naman siya nagsalita nang hindi ko siya sinagot. Pero sa gilid ng mata ko ay nakatingin ako sa kanya. Ang cute cute niyang tingnan ngayon, dahil nakapout ang mga labi niya na para bang batang hindi napagbigyan sa kanyang gusto at nagmamaktol. Sa kakapout niyang yan ay nanggigigil akong halikan siya sa labi pero pinipigilan ko pa rin ang aking sarili. Tanaw ko na ang Wells mansion sa kinaroroonan namin ng biglang nagsalitang muli si Josh.

“Babe kausapin mo na ako please, hindi ko kayang ganito tayo.” Sabi niya habang hinihimas niya ang kaliwang kamay ko. Tigilan mo ko Josh baka hindi ako makapagpigil at maisuko ko na agad ang bataan sayo. Pero mas naaig pa rin ang pagpipigil ko at hindi ko siya kinakausap.

“Pag hindi ka pa talaga nagsalita diyan, gagahasain kita sa loob ng kotse ko!” pagbabanta niya. Syempre hindi pa rin ako nagsalita kasi alam kong hindi naman nita tototohanin yun. Pero noong nagtanggal na siya ng seatbelt ay naalarma ako kaya hindi ko na napigilang magsalita.

“Oh sige na..sige na bati na tayo!” pinigilan ko siyang makalapit sa akin kasi baka totohanin nga niya ang sinasabi niya. Bahagya niyang inincline ang kanyang upuan at inaaya akong lumapit sa kanya.

“Dali na Babe kandong ka sa akin!” pag-aya niya, syempre malandi ako kaya pinagbigyan ko na. Nakakandong ako ngayon sa mga hita niya paharap sa kanya. Ang mga kamay niya ay nakahawak sa aking tagiliran. Nilalapit niya ang mga ilong namin para mag nose to nose. Kahit kelan never siyang nagfail sa pagiging sweet niya sa akin. Napansin ko na kahit naka on ang aircon ay pinagpapawisan pa rin siya.

“Wala ka bang towel diyan o kaya panyo. Naiwan ko kasi yung ang akin sa mansyon kaya wala akong dala” tanong ko.

“Bakit Babe?”

“Ipapamunas ko sayo, tingnan mo pawis na pawis kana!” ngumiti naman siya ng pagkatamis tamis sa akin.

“Edi punasan mo!” mabilis niyang sagot habang nakangiti.

“Kaya nga ako naghahanap ng pamunas di ba?” sarkastiko kong sambit.

“Gusto kong punasan mo ito gamit ang dila mo!” nagulat ako sa sinabi niya kaya napalo ko siya sa braso na agad namang ikinatawa niya.

“Kadiri ka!”

“Uyy kahit pinagpapawisan ako, malinis naman ako sa katawan Babe!” sabay kurot niya sa pisngi ko.

“Kahit na pawis pa rin yun!” pagtatanggol ko.

“Yung pawis ko ayaw na ayaw mo pero yung tamod ko nilulunok mo!” natatawa niyang sambit.

“Hoy lalaki, hindi porket magsyota na tayo babastusin mo na ako ahhh” taliwas sa nararamdaman ko yung mga sinasabi ko dahil natatawa ako habang sinasambit ito. Kasi totoo naman yung sinasabi niya kaya guilty ako.

“Simula naging tayo puro na lang kalibugan yang lumalabas sa bibig mo!” kunwaring naiinis.

“Haha, syempre sayo lang naman ako ganito” sabay himas sa likod ko.

“Hindi mo talaga kayang pigilan yan nuh?” tanong ko sa kanya ng maramdaman ko si junjun sa aking pwetan. Kahit na nakamaong na pants si Josh ay ramdam ko pa rin ito.

“Ang alin?” pagmamaang maangan niya habang nakangiti ng pilyo sa akin.

“At magkukunwari ka pang hindi mo alama ahh!”

“Eto ba?” sabay angat niya bahagya ng kanyang pwet para mas lalo kong maramdaman ang hinaharap niya sa aking pwetan. Natatakot ako kapag nagiging ganito na si Josh baka bigla na lang may mangyari sa amin ng di ko inaasahan.

“Ohhh tama na!” pagpipigil ko sa kanya.

“Bakit hindi pa ba talaga pwede Babe?” tanong niya habang nagmamakaawa.

“Hindi pa pwede!“mabilis kong sagot.

“Gustong gusto pa naman na mameet ni junjun ang kaloob-looban mo!” nakangiti niyang sabi at agad ko namang pinalo.

“Ayoko nga baka mabuntis mo ko!” natatawang biro ko.

“Hindi ahh… magaling ako kaya hindi ako papalya!” aba proud niya pang sabi.

“Aba ilang babae na ba ang ginamitan mo niyan?”

“Secret!” natatawa niyang sagot kaya kinurot ko siya sa pisngi.

“Kahit naman na magaling ka, pag inaraw araw natin papalya at papalya ka pa rin!” pinanindigan ko na talaga na baka mabuntis ako haha.

“Edi mas mabuti, pagnabuntis ka eh pananagutan naman kita. Para mabigyan na natin si Dad ng apo gustong gusto na nun na mag asawa kami para meron na siyang apo.” Bigla naman akong natawa sa paliwanag niya.

“Siraulo ka hindi naman talaga ako mabubuntis!”

“Pano natin malalaman kong hindi natin susubukan?” tinatamaan na talaga to ng libog ang boyfriend ko. Kaya papatulan ko na lang ang kaharutan niya.

“Ayoko munang magkapamilya nuh!”

“Bakit ayaw mo ba akong maging asawa?” nakataas kilay niyang sabi.

“Hindi naman sa ganun, ang point ko ay nag aaral pa ako. Gusto kong makapagtapos para pagkagraduate ko ay makapaghang buhay na ako para sa pamilya natin” bigla niya akong hinalikan ng mabilisang halik at nagsalita siyang muli.

“Ano ka ba, ako kaya ang magiging mister mo kaya ako ang bubuhay sayo!” bigla akong natahimik sa sinabi niya. Abot tenga ang ngiti ko sa sobrang kilig na nararamdaman ko ngayon.

“At saka dapat nasa bahay ka lang noon para alagaan ang mga anak natin. Tapos aantayin mo ko laging makauwi par-” hindi ko na siya pinatapos magsalita at siniil ko na agad siya ng halik. Naging mainit ang aming halikan sa loob ng kotse niya. Wala kaming pakialam kong may makakakita ba sa amin. Pero kampante ako dahil tinted ang mga salamin ng kotse niya. Lumakbay ang mga halik niya hanggang sa leeg ko, napapaungol ako ng sa bawat pagkagat niya ng bahagya sa leeg ko. Bigla na lang niya akong hinawakan sa tagiliran at nagsalitang muli.

“Babe gawin ulit natin yung ginawa natin kahapon!”

“Ayoko sa mansion na lang!” pagmamatigas ko kahit na nag iinit na rin ako ngayon.

“Dali na saglit lang to, hindi ko na kayang pigilan ang sarili ko!” pagmamakaawa niya.

“Babe, nagugutom na kasi ako. Gusto ko munang kumain tapos yang sayo naman ang kakainin ko!” syempre kailangan kong utuin siya para matigil tong balak niyang gawin namin. Hindi kasi ako komportbleng gawin ito sa loob ng kotse niya. Mukhang effective naman ang sinabi ko kasi nakangiti lang siya at dali daling pinatakbo ang sasakyan na para bang may hinahabol.

Nagsuot siya ng t-shirt bago lumabas ng kotse. Kanina pa pala kami inaantay ng magkakapatid. Si Josh lang pala kasi siya nga pala ang chef ng mansion na ito. Mabilis naman siyang nagtungo sa kusina para masimulan na ang pagluluto ng dinner. Habang ako nama’y pumunta sa aking kwarto para makapaglinis ng katawan at magpalit ng damit. Napag usapan kasi namin ni Josh na sa kwarto niya ako matutulog ngayon na dapat kagabi pa lang ay nagawa namin kung hindi lang ako nakatulog sa kwarto ni Jethro. Pagkatapos kong makapagbihis ay nagtungo agad ako sa dining area para kumain na. Ako na lang pala ang inaatay para magsimula na silang kumain. Kompleto kami ngayong kumakain, walang imikan si Jules at Josh. Panay din ang tingin sa akin ni Jules pero wala naman siyang sinasabi. Nagtanong naman si Jethro tungkol sa mga nangyari sa akin ngayon sa school. Kinamusta niya ang mga kinukuha kong subjects ngayon. Nakisali rin sa kwentuhan si James samantalang si Jean ay tahimik pa rin as usual.

Natapos ang pagkain namin ng dinner nang lumapit sa akin si Josh at bumulong na sumunod na lang ako sa kwarto niya dahil magshashower pa daw siya. Sumang ayon naman ako at pumunta muna sa aking kwarto para magtoothbrush. Dali-dali ko namang tinungo ang kwarto ni Josh nang matapos akong magtoothbrush. Pagkapasok ko ng kwarto ni Josh ay mukhang kakasimula niya palang mag shower kaya lumabas muna ako para kumuha ng maiinom. Napansin ko si Jean na pumasok sa music room kaya sumunod ako sa kanya dahil may gusto akong itanong sa kanya. Pagkarating ko sa music room ay dahan dahan kong binuksan ang pinto nito. Pagkasilip ko sa loob ay nakapatay ang ilaw nito at sobrang dilim. Isasara ko na sana ang pintuan nang biglang may humablot sa akin papasok sa loob ng music room. Nakaakap ito sa akin at ang isang kamay ay nakatakip sa aking bibig kaya hindi ako makapagsalita. Nagpumiglas ako at nagsasalitang bitiwan ako pero hindi pa rin ako pinakawalan.

“Wag kang maingay!” boses ni Jean.

Napatigil ako nang magrinig ko ang boses niya. Tumahimik naman ako at kumalma nang malaman ko na siya lang pala itong kasama ko. Pero biglang nakaramdam ako ng kakaiba sa aking likuran na parang may tumutusok sa aking pwetan. Binuksan niya ang ilaw gamit ang remote na hawak niya habang akap akap ako. Saka ko lang napansin na tanging sando at boxer lang ang suot niya. At ang bagay na tumutusok sa aking likuran ay kanyang hinaharap. Bigla akong nakaramdam ng kaba dahil hindi dapat mangyari ang nangyayari ngayon.

Itutuloy…

Warning: Next Chapter will contain SPG scenes.

Edited by RJEM16

A/N: SORRY AGAIN SA LATE UPDATE. Hirap isingit to sa restday ko kaya hindi ako agad makapag update. Plano kong itigil muna pansamantala ang pagsusulat. Kasi nahihiya ako sa inyo once a week lang ako madalas makapag update. Aantayin ko na lang muna makabili ako ng laptop by end of march or first week ng april saka ako magsusulat para tuloy tuloy na ang update. Or okay lang sa inyo na once a week? I need your honest feedback sa comment section. Don’t forget to vote thanks.

Chapter 17: Suprise B!tch

Lharby as Josh


LWMSB 17

Eisen’s POV

Hirap akong huminga hindi lang dahil sa pagkakatakip ng kamay ni Jean sa aking bibig kundi pati na rin ang pakiramdam na may tumutusok sa aking likuran. Sana mali ang iniisip ko, sana hindi ito ang gusto niyang mangyari. Aaminin ko naman na may paghanga ako kay Jean pero bilang mang-aawit lang, hanggang doon na lang yun. Kaya kung may balak man siyang masama ay hindi ko hahayaang may mangyari dahil iisang tao lang dapat ang bigyan ko ng ganitong emosyon. Walang iba kundi si Josh, kasi siya ang boyfriend ko at ang taong mahal ko. Walang dapat mamagitan sa amin ng mga kapatid niya. Naramdaman ko ang paghigpit ng hawak niya sa aking bibig at halos ibaon na niya ang kanyang hinaharap sa aking pwet. Kung wala siguro kaming mga suot ng mga oras na yun, malamang nakuha na niya ang virginity ko. Dahil sa takot na may mangyari sa amin ay nagreklamo na ako sa kanya sabay pagpupumiglas na bitiwan niya ako.

“Jeannnn…mmmphh..hindi ako makahinga!” hanggang sa nakakalas ako sa kanya at hingal na hingal.

“Sorry, Eisen!” lalapit na sana siya sa akin pero laking gulat ko nang makita ko ang kanyang ari na nakalitaw na ang ulo sa suot suot niya boxer shorts na ikinabigla niya at dali-dali niya itong tinakpan.

“Sorry-sorry ulit!” bigla siyang tumalikod sa akin at inayos ang sarili niya. Hanggang sa humarap siyang muli sa akin ay nandun pa rin ang pagkabigla ko sa mga nangyayari. Ano bang nangyayari kay Jean? Hindi naman siya ganito kumilos gaya ng dati.

“Ano ba kasing ginagawa mo dito at nakapatay pa ang ilaw?” tanong ko habang iniiwasan kong mapatingin sa bukol ng boxer niya. Pilit ko mang huwag tingnaan ay parang kusang napapatingin ang aking mata sa kanyang hinaharap na kasalukuyang naka 10 o’clock. Bigla kong binawi ang pagtingin ko nang muli siyang magsalita.

“Ayoko kasing mahuli ni Jules” maiksi niyang paliwanag.

“Ha bakit? Nag-away ba kayo kaya ka nagtatago dito?”

“Hindi ba nasabi sayo ni Jethro kagabi?” tanong niya.

“Tungkol saan ba?” baka siguro tungkol to kay Annabelle, naku wala na akong pakialam dun.

“Tungkol sa birthday ni Jules!” nagulat naman ako sa sinabi niya. Wala ngang nabanggit sakin si Jethro kagabi maliban sa paghingi nya ng sorry pero baka hindi niya nasabi agad sakin dahil saaa…arrg ayoko ba alalahanin, sobrang kahihiyan yun dulot ng matinding kalibugan.

“Wag mong sabihing ngayon yun?” yari talaga pag nagkataon. Una hindi ko man lang siya nabati tapos iniwanan ko lang sila basta basta sa daan at sumama sa ibang lalaki. OMG napakasama koo!

“Don’t worry next week pa naman yun” pagkasabi niya nun ay bigla na lang napanatag ang loob ko atleast makakabawi pa ako sa kanya kahit papano.

“Andito ako ngayon nagpapractice ng mga ipeperform ko sa birthday niya!” bigla naman akong namangha sa pagiging sweetside kuya niya para kay Jules.

Dinetalye niya ang plano sa birthday ni Jules. Gaganapin ito sa kanilang private island resort na tinutukoy ni Jules na dapat naming puntahan this week. Maraming nangyari sa loob ng linggo na to kaya malabong matuloy namin ang napagplanuhan namin. Pero babawi naman ako sa mismong kaarawan niya. Mga kilalang tao lang ang imbitado sa birthday niya, karamihan dun ay mga kaklase at malalapit niyang kaibigan. Sinabi pa nga ni Jules na mag invite ako ng friend ko o kaya classmate ko. Malabo sa mga friends ko na makapunta dahil nasa Manila sila at busy yun sa kani-kanilang studies, samantalang sa mga kaklase ko naman ay wala akong masyadong ka-close at karamihan sa kanila ay mga plastic. Kaya wala akong iimbitahan sa kanila baka paghinagis mo sila sa dagat at hindi sila malulunod kasi lusa silang lulutang sa kaplastikan nila. Pero may isang pwede aking imbitahan walang iba kundi si Bjorn pero kailangan ko munang magpaalam kay Josh kung papayag siya na isama ko si Bjorn baka kasi magselos yun mahirap na.

Bago magsimula ang party plano ni Jean na magperform ng mga cover songs na kinanta niya na nagpaviral sa kanya sa youtube, isa na dun ang The one that got away ni Katy Perry. Inaalok pa niya ako na makipagduet sa kantang yun sa kanya para daw kay Jules. Kaya kahit ayoko ay napilitan na lang akong umoo para naman to kay Jules at nang makabawi ako sa kanya. Pagkatapos ng mga gagawin niyang performance saka magsisimula ang party. Laking gulat ko pa nang sabihin niya na ang magiging DJ ng party ay si Afrojack. Iba talaga kapag mayaman kahit mga international DJ ay afford ang talent fee para sa isang birthday party. Sa talent fee pa lang ni Afrojack para na silang naghost ng isang open grounds na concert. Bigla tuloy akong nakaramdam ng matinding excitement. Mas na excite ako sa sinabi niyang yate daw ang sasakyan namin papuntang island. Syempre never pa akong nakasakay ng yate kaya grabe na lang ang pananabik ko. Mukhang magiging masaya ang birthday party ni Jules sana walang mangyaring masama para tuloy tuloy lang ang mga masasayang nangyayari sa buhay ko.

Napag-usapan naming simulan ang practice bukas pagkauwi niya galing school dahil ako nama’y walang pasok bukas kaya ayos lang sa akin na mag-antay. Nagpaalam naman na ako sa kanya para makabalik na sa kwarto ni Josh na malamang ay kanina pa nag-aantay sa akin. Pagkapasok ko sa kanyang kwarto ay napakadilim nito at napakatahimik. Kinapa ko ang pader para mahanap ang switch ng ilaw para buksan ito dahil hindi ko maaninag kung nasaan ang kama ayoko namang buksan ulit ang pinto para lumiwanag baka kasi maistorbo ko si Josh kung sakali mang natutulog siya ngayon. Hindi biro mga ang pinaggagawa niya kaninang umaga kaya malamang pagod na pagod siya ngayon. Ilang sandali pa ay nakapa ko na rin ang switch ng ilaw. Pipindutin ko na sana ang switch nang may biglang humatak sa akin at naramadaman ko na lang na bumagsak ako sa kama.

“San ka galing?” tanong sakin ni Josh. Kahit madilim ang paligid ay alam na alam kong siya yun dahil sa boses niya. Nakatutok ang kanyang mga labi sa leeg ko na nagbibigay ng matinding init sa aking katawan.

“May dinaanan lang” panukso kong sabi.

“Don’t tell me na dumaan ka na naman sa kwarto nj Jules?” may pagkainis sa tono ng boses niya kaya inasar ko siya lalo dahil ang cute niya magselos.

“Hulaan mo!” pagkasabi ko nun ay bigla na lang niyang kinagat ang leeg ko ng marahas kaya hindi ko napigilang mapasigaw na nasasaktan ako pero kalaunan ay bigla na lang itong naging mahinang kagat. Kasama ng pagkagat ay sinasabayan niya ng pagdila at sipsip sa parteng yun na halos kinukuryente na ako sa sarap ng pakiramdam.

“Minarkahan na kita, siguro naman titigilan mo na ang pagtingin mo sa ibang lalaki ngayon!” nakaharap na ngayon ang kanyang mukha sa mukha ko. Kahit hindi ko lubusang maaninag ang kanyang mukha ay damang-dama ko naman ang init ng kanyang hininga sa pagmumukha ko.

“Pag-iisipan ko pa!” panunukso kong muli.

“Ahh ganun” bigla na lang niyang pinunit ang suot kong damit pang itaas at hinubad ang pang-ilalim kong suot kasama ang underwear ko. Nabigla ako sa pangyayari kaya dali-dali kong tinakpan ang aking hinaharap nang sinindi niya ang ilaw ng lampshade sa tabi ng kanyang kama.

“Ooh bat nahihiya ka ngayon? Asan na ang tapang mo kanina?” natatawa niyang sabi. Bigla niya na lang hinawakan ang kamay ko na nakatakip sa aking hinaharap.

“Eto naman hindi mabiro” sabi ko habang pinipigilan ko siyang tanggalin ang aking kamay sa aking hinaharap.

“Hmm.. kailangan na ata kitang buntisin para tigilan ka na nila at para malaman na rin nilang may asawa kana!” bulong niya kaliwang tenga ko. At kelan pa kami nagsimula bilang mag-asawa?

“Hindi pwede - walang mangyayaring ganun hangga’t hindi pa tayo nakakasal!” pagpatol ko sa panunukso niya.

“Edi bukas na bukas din pupunta tayo ng U.S. para magpakasal!” nakangiti niyang sambit.

“Sira, hindi pa nga ako ready!” natatawa kong sabi.

“Gaano mo ba ako katagal pag-aantayin Babe?” tanong niya habang bumababa na ang kanyang labi sa dibdib ko. Bigla na lang niyang sinipsip ang kaliwang utong ko na nagpaigtad sa akin sa sarap. Halos mabaliw ako sa pagsipsip niya sa aking mga utong. Hindi ko mapigilan ang aking sariling mapaungol sa sarap sa ginagawa niyang pagpapaligaya sa akin.

“Ahhh….Babe ansaraaap!” halos maputulan ako ng hininga sa pagpapaligaya niya sa akin.

“Mas masasarapan ka kapag naramdaman mo na tong nakapasok sa loob mo!” sabay kiskis niya ng kanyang ari sa dalawa kong kamay na nakatakip parin sa aking hinaharap. Ngayon ko lang napansin na kapwa na kaming hubo’t hubad sa ibabaw ng kanyang kama.

“Sabik na sabik ka na ba talaga?” tanong ko sa kanya mabilis na pagtango ang sagot niya.

“Pero hindi pa talaga ako ready Babe, sorry!” dugtong ko pa pero imbes na malungkot ay sinuklian niya lang ako ng matamis na ngiti sabay halik sa aking labi.

“Mag-aantay ako para sayo…dahil mahal kita kaya reresputuhin ko kung ano ang gusto mo!” muli niyang hinalikan ang aking mga labi simula sa mahinang paghalik hanggang sa naging marahas ang halikan namin. Ang tagal din naming naghalikan, natigil lang ito nang maramdaman naming kinakapos na kami ng hininga sa aming ginagawa.

“Pero pwede naman kahit sa singit na lang muna di ba?” sabay kagat niya sa ilalim bahagi ng aking labi.

“Ha? Paanong sa singit muna?” hindi ko magets ang ibig niyang sabihin kaya humiga siya sa kama katabi ko at pinaupo niya ako.

“Basain mo muna to gamit ang laway mo!” utos niya sa akin habang hawak niya pataas at ibaba ang kanyang ari. Alam ko naman kung ano ang ibig niyang sabihin kaya lumapit ako dito at dahan-dahan kong nilapit ang aking bibig sa kanyang ari. Una hinalikan ko muna ang ulo nito saka dinilaan. Bakas sa kanyang mukha ang pagkasabik sa ginagawa kong pagpapaligaya sa kanya. Kaya hindi ko muna ito sinubo, hinahalik halikan ko muna ang buong katawan nito pati na rin ang kanyang mga bayag. Hindi na siya nakapagtiis kaya hinawakan na niya ang ulo ko.

“Babe please isubo mo na!” pagmamakaawa niya pero dinilaan ko lang ito para lalu siyang tuksuhin. Pero hindi na rin naman na ako nakapagpigil kaya sinubo ko na ito. Halos mabaliw si Josh sa pagtaas baba ng bibig ko sa kanyang ari. Lalo na kapag sinisikipan ko ang aking bibig habang sinusubo ito.

“Ahh…damn.. bat ang galing galing mo?” hindi ko siya sinagot pero pinagpatuloy ko pa lalu ang pagsubo sa kanyang ari. Nagawa ko ring kagat kagatin ang katawan nito at isubo ang kanyang magkabilang bayag. Halos mamilipit siya sa sobrang sarap ng ginagawa ko sa kanya. Sa ganitong position ay nagagawa ko na siyang I-deep throat. Sa laki ng ari niya ay hindi ko ito kayang isubo lahat pero nagagawa ko namang ideep throat siya kahit na nakakaramdam ako ng hirap at pangangalay sa aking mga panga.

“Tangina babe ang sarap!” nakapikit niyang sabi halos magdeliryo na siya sa ginagawa kong pagpapaligaya sa kanya kaya mas lalo kong pinag igihan ang pagtrabaho sa kanyang ari. Nakaramdam na rin ako ng pangangalay sa ginagawa kong pagsubo sa kanyang ari kaya minsan niluluwa ko ito at sinasalsal muna para makapagpahinga at isusubong muli.

“Babe malapit na akooo..” pagkasabi niyang yun ay mas ginalingan ko pa lalo ang pagsubo sa kanyang ari para mabigyan siya ng masarap na orgasm. Ilang taas baba pa ay naramdaman ko na lang ang pagkahawak niya sa aking ulo sabay baon ng kanyang ari sa aking lalamunan.

“Lunukin mo lahat Babe ahhh…” isa, dalawa, tatlo hanggang sa ikapitong putok ay ininda ko ang sarili na hindi ako masuka kahit na halos mabulunan na ako sa pagkakapasak ng kanyang ari sa aking lalamunan. Nang matapos kong lunukin lahat ay halos maubo ako ng hinugot na niya ito mula sa aking bibig.

“Walang papantay sa galing mo Babe, halika nga rito” pumatong ako sa ibabaw niya at bigla na lang niya akong siniil ng halik. Wala siyang pakialam kahit malasahan niya pa ang sarili niyang tamod sa aking bibig. Pagkatapos ng aming halikan ay nahiga ako sa kanyang dibdib dahil sa pagod ko ay nakaramdam ako ng antok.

“Babe hindi ako makahiga ng maayos natutusok ako!” reklamo ko ng maramdaman ko kanyang ari sa bandang pwetan ko.

“Bakit akala mo ba tapos na tayo?” sabay kurot niya sa pisngi ko.

“Ha may round 2 pa ba?” gulat kong tanong dahil parang hindi ko kayang magtaas baba sa kanyang ari dahil ramdam na ramdam ko na ang pangangalay.

“Diba sabi ko naman sayo babasain mo pa lang ito.” Nakakalokong ngiti ang binitawan niya habang hawak hawak niya ang kanyang ari.

“Hindi ko na ata kaya Babe, nangangawit na talaga ang panga ko!”

“Wala naman akong sinabing isusubo mo to ulit di ba? Tumagilid ka dali!” utos niya sa akin kaya ginawa ko naman agad. Tinapat niya ang kanyang kamay sa aking bibig.

“Dumura ka sa kamay ko!” muling utos niya sa akin.

“Ha? Bakit?” tanging sagot ko.

“Basta gawin mo na lang!” kaya ginawa ko naman ang kanyang inuutos. Pagkadura ko ay agad niya itong pinahid sa aking singit hanggang sa ilalim na bahagi ng aking pwetan. Bigla akong nakaramdam ng pagkakaba sa planong gawin ni Josh sa akin.

“Babe sabi ko naman sayo na hindi pa ako ready di ba… anong ginagawa mo?”

“Basta Babe hindi ko ipapasok promise basta relax ka lang.” kahit sabihin niya pang magrelax ako ay hindi ko magawa dahil pakiramdam kong mawawala na ang virginity ko anytime. Gaya ng ginawa ko ay dumura din siya sa kanyang kamay at pinahid sa kanyang ari. Naramdaman ko na lang na nasa likuran ko ito, bahagya niyang inangat ang aking mga binti at pinasok sa gitna ng aking singit ang kanyang ari. Nasa ilalim ng bayag ko ang kanyang ari. Sinimulan niyang kumilos paurong at paabante na para bang niyayari niya ang kaloob looban ko.

“Sikipan mo pa babe!” utos niya kaya mas lalo kong sinikipan ang pagkakaipit ng kanyang ari sa aking singit. Nakakaramdam ako ng kiliti sa tuwing kumikiskis ang kanyang ari sa aking bayag. Swabe ang pagkilos niya sa aking singit habang hinahalik-halikan niya ang aking likod. Kaya nilingon ko siya para maabot niya ang labi ko at nagsimula kaming maghalikan habang panay ang pagbayo niya sa akin. Habang naghahalikan kami ay biglang dumulas ang kanyang ari at natutok ito sa lagusan ng aking pwet. Nakaramdam ako ng kirot ng muli siyang gumalaw dahil halos pumasok na ang ulo nito sa loob ko.

“Babe, ahh masakit!” kumalas ako sa paghahalikan namin.

“Ahh…sayang akala ko makakaisa na ako!” natatawa niyang sabi.

“Sira akala ko ba mag aantay ka?”

“Nakakapanggigil ka kasi Babe eh, pero ito na ibabalik ko na siya sa ibaba” saka niya binalik sa aking singit ang kanyang ari at pinagpatuloy ang ginagawa namin. Habang panay ang pagbayo niya sa akin ay walang humpay kaming naghahalikan at paminsan-minsa’y nilalapirot niya ang aking mga utong na mas lalong nagbibigay sa akin ng ibayong sarap.

“Dito pa lang sarap na sarap na ako…. Paano pa kaya pagnasa loob mo na ako.. grabe Babe pinapasabik mo ako lalo!” nanggigil siya kaya nagawa niyang kagat kagatin ang aking labi habang naghahalikan kami. Bumibilis na ang pagbayo niya sa akin. Ramdam ko na rin ang paghabol niya ng kanyang paghinga at ilang ulos pa ay nilabasan na siya.

“Ahhh…. Sarap sarap mo Babe!” sabi niya habang kagat-kagat niya ang leeg ko. Kahit wala naman akong masyadong ginawa sa round 2 namin ay nakaramdam ako ng sobrang pagod. Hindi ko na napigilan ang antok ko kaya napapikit na ako ng hiniga ni Josh ang ulo ko sa kanyang dibdib habang hinahalik halikan niya ang aking ulo.

Kinaumagahan ay nagising na lang ako na nasa kwarto ko na ako nakatulog. Marahil hinatid ako ni Josh habang natutulog ako kagabi. Nakasuot na rin ako ng bagong damit na siguro’y binihasan niya muna ako bago ako iwan. Mas pipiliin ko pa rin sana na gumising sa tabi niya tuwing umaga pero hindi pa namin pwedeng gawin ngayon yun baka kasi makahalata ang nga kapatid niya kaya dapat makontento muna ako sa ganitong bagay.

“Good morning babe!” bati ni Josh habang bitbit niya ang tray na puno ng pagkain para sa dalawang tao. Hinding hindi ako magsasawang gumising sa umaga at makita ang gwapong lalaking ito tuwing gigising ako.

“Good morning” sagot ko. Pagkalapag niya ng pagkain sa kama ay agad niya akong hinalikan sa labi. Bigla ko naman siyang tinulak palayo dahil naalala kong hindi pa pala ako nagtotoothbrush o kaya nagmumog man lang baka amoy panis na laway na ako ngayon o kaya panis na tamod.

“Why?” tanong niya.

“Eh hindi pa ako nakakapag tooth brush o kaya mumog hindi ko pa rin nagagawa so no kissing muna!” tatayo na sana ako para makapagtoothbrush pero pinigilan niya ako at muling hinalikan sa labi.

“I don’t care, okay?” nakangiti niyang sambit.

“Pero ayokong kumain na hindi nagmumog man lang!” kaya hinayaan na lang niya akong makatayo at pumunta sa banyo para makapagtooth brush. Pagkatapos ay saka lang kami nagsimulang kumain ng breakfast.

Pagkatapos namin kumain ng breakfast ay nagpaalam sa akin si Josh para umalis dahil inaasikaso na niya ang muling pagbubukas ng kanyang resto. Pagkarating ng hapon ay nagsimula na kaming magpractice ni Jean ng ipeperform naming kanta sa birthday ni Jules. Tinulungan niya akong ayusin ang tono ng pagkanta ko sinuggest niya din na wag kong gayahin ang ang istilo ng pagkanta ni Katy Perry dahil magkaiba kami ng timbre ng boses na dapat hanapin ko ang tamang tono ng boses na babagay sa akin. Madami akong natutunan sa kanya sa mga bagay tungkol sa pagkanta. Dati-rati wala akong confidence sa sarili ko pagdating sa pag-awit pero ngayong tinuturuan ako ni Jean ay feeling ko isa na rin akong professional sa pagkanta.

“Are you in-love?” tanong niya. Napatingin lang ako sa kanya dahil hindi ko maintindihan kung bakit niya natanong yun sa akin.

“What I mean is para kang in-love!” dugtong pa niya.

“Paano mo naman nasabi?” patay hindi kaya nabisto niya na kami o kaya ganun na ba ako ka obvious kapag kasama ko si Josh sa harap nila.

“We’re going to perform a sad song pero the whole rehearsal nakangiti ka lang na para bang may hinaharana ka sa kanta” pagpuna ni Jean.

“Haha, wala masaya lang ako at excited para sa birthday ni Jules kaya ganun!” pagsisinungaling ko, tanging pagtango lang ang sinagot niya at sinimulan namin ulit ang pagpractice. Syempre sa mga nangyayari sa buhay ko ngayon ay hindi ko magawang malungkot kahit na ang kinakanta namin ay sad song. Ang dating sa akin ay para bang kumakanta ako ng love song para kay Josh. Kaya hindi ko mapigilan ang aking sariling mapangiti.

Lumipas ang ilang araw na ganun ang naging set-up namin ni Jean. Lihim kaming nagpapractice para hindi malaman ni Jules na may hinanda kaming performance para sa kanya. Naging casual na lang ang pakikitungo ko kay Jules dahil hindi pwedeng lumalim pa sa magkakapatid ang turingan naming dalawa dahil baka pagnalaman yun ni Josh baka gahasain niya ako at iwan sa gilid ng masasa beach. Kaya No, No,No!

Araw-araw din akong hatid sundo ni Josh, mas panatag daw kasi siya kapag siya ang sumusundo at naghahatid sa akin. Walang araw na hindi niya sa akin pinararamdam na mahal niya ako. Lagi niya akong sinosorpresa ng mga bagay na hindi ko akalaing gagawin niya para sa akin. May pagkakataon ngang pagsundo niya sa akin ay may nag-aabang na bouquet ng bulaklak sa kotse niya at iaabot niya sa akin. Ang lakas lang makababae ng ginagawa niya. Mabuti na lang at hindi ito gaanong malaki kaya naipapasok ko pa ito sa bag, para hindi maghinala ang mga kapatid niya sa namamagitan sa aming dalawa ni Josh.

Araw ng huwebes at wala akong pasok. Mag-isa akong nagmumukmok sa loob ng aking kwarto. Tapos ko nang gawin ang mga assignments ko. Nagsawa na rin ako sa kakabrowse sa mga bagong post ng aking mga friends sa facebook. Dahil sa pagkabored ko ay naisipan kong magbasa ng novel sa wattpad. Nakadapa ako ngayon habang nagbabasa ng translated novel ng Addicted Heroine. Sino bang fan ng BL world ang hindi nakakakilala kay Bai Lou Yin at kay Gu hai? Sobra akong na hook sa kwento ng series nito kaya hanggang sa pagbabasa ng translated novel ay hindi ko to pinalagpas. Naalala ko pa noon habang tumatambay ako sa chatime at nagbabasa ng mga post sa tumblr tungkol sa nababalitang season 2 ng Addicted. Bigla na lang pumutok ang balita na banned na completely ang series sa Chin at pati na rin sa Taiwan ay hindi na to pwedeng I-air o kaya ituloy ang pag shoot nito dahil sa pagkahomophobic ng Chinese government. Sobrang na threaten ang government nila dahil kung may viral couple ang Pilipinas gaya ng aldub ay sila naman ang katumbas sa China. Hindi ko sinasabing lara silang aldub ang tintuloy ko ay yung biglang pagsikat ng kanilang tandem na nationwide ang pagkaviral. Naiyak ako noon sa loob ng chatime habang pinapanood ang music video ng ‘Walk slowly’ ni Xu weizhou na gumanap bilang Bai Lou Yin sa series. Ang MV ng Walk Slowly ay siya dapat na season 2 ng series pero hindi na natuloy dahil sa pag banned ng Chinese government.

Para maipagpatuloy ko ang kwento ay sinumulan ko na lang ang pagbabasa ng novel at iniimagine ko na lang na ang mga cast mismo sa series ang binabasa ko sa novel. Habang nagbabasa ako ay bigla na lang may dumagan sa likuran ko habang mahinang kinakagat kagat ang aking tenga.

“Babe, mainit!” reklamo ko, kahit naka-on ang aircon ay pakiramdam ko ang init pa tin ng paligid nang dumagan sa akin si Josh.

“Dumagan lang ako sa likod ko nag-init ka na agad? Gusto mo bang mag-quicky tayo?” bulong nya sa tenga ko.

“Sira, ayoko sobrang init nga kasi ng panahon Babe kaya umalis ka na dyan!” pagmamakaawa ko pero bago siya umalis sa likod ko ay umulos muna siya sa aking likuran para ipadama ang naninigas niyang pagkalalaki. Ewan ko ba sa boyfriend kong ito at kung bakit sa tuwing magkasama kami ay parang hindi na humupa ang paninigas ng kanyang ari. Sobrang libog niya pagmagkasama kaming dalawa.

“Babe, tayo na magbihis kana at aalis tayo!” utos niya sa akin at napalingon naman ako sa kinaroroonan niya.

“Bakit? Tinatamad akoo!” mas gusto ko na lang magbasa kaysa gumala ngayon.

“Basta magbihis ka na or mas preferred mo na gumawa na lang tayo ng baby ngayon?” sabay hawak sa pwet. Hayan na naman siya hindi na naman mapigilan ang kanyang kalibugan.

“Oo na, magbibihis na ako!” tumayo ako at naglakad papunta sa mga cabinet kung saan nakalagay ang mga damit ko.

“Ayaw na ayaw mo talagang gumawa tayo ng baby no?” tanong niya, napailing na lang ako sa sinabi niya.

“Ayoko masakit!” natatawa kong sambit.

“Sa umpisa lang masakit yun, pagnasanay ka masasarapan ka din!” tinitigan na naman niya ako nang nakakalokong tingin habang pinagmamasdan niya akong magbihis.

“Sige na lumabas ka na, baka kung saan na naman mapunta yang pagtitig mo sa akin!” sabi ko sa kanya habang hinihila ko pataas ang pantalon na sinusuot ko.

“Parang mas gusto ko na nga yun na lang gawin natin eh!” tumayo siya at naglakad palapit sa pinto ng kwarto ko.

“Che, ang libog mo!” sabay tawa ng mahina.

“Sayo lang ako ganito!” sabay kindat. Kahit na kami na ni Josh ay hindi feeling ko ay first time pa rin naming magkasintahan dahil sa araw-araw nyang pagpapakilig sa akin. Kaso minsan may pagkasiraulo kapag inaabutan ng libog.

Kahapon lang noong sinundo niya ako galing school, ang sweet-sweet pa niya kasi hawak hawak niya yung kamay ko habang nagdadrive siya ng kotse. Pero hindi nagtagal bigla na lang niyang ipapatong sa hinaharap niya yung kamay ko. Sabi pa niya kambyuhin ko daw ang kanya habang nagdadrive siya. Napakaloko talaga eh paano na lang kong madisgrasya kami nun. Pero wala gusto ko din kaya ginawa ko naman.

Naglakad na ako palabas ng kwarto ng maabutan ko si Jules sa harap ng kanyang pinto. Bigla akong kinabahan kasi hindi ko alam kung pano siya iaapproach dahil nga kailangan kong dumistansya sa kanya. Kasi siya mismo ay hindi pa rin nagbabago ang pakikitungo nya sa akin. Andyan pa rin yung bigla na lang niya akong yayakapin o kaya hahalikan niya ako sa noo. Buti na lang talaga at hindi yun nakikita ni Josh kung hindi yari talaga ang bataan ko pagnakataon.

“You’re leaving?” pambungad niya.

“Oo” maiksi kong tugon.

“Samahan kita!” bigla akong nataranta sa sinabi niya.

“Ahhmm.. wag na, ihahatid na ako ni Josh kasi pupunta ako sa bahay ng classmate ko para sa group project namin!” pagsisinungaling ko. Sobra akong nagiguilty sa mga pinagsasabi ko dahil sobrang bait naman kasi sa akin ni Jules at hindi niya deserve ito.

“Okay, call me when you need me!” pilit na ngiti na lang ang sinukli ko sa kanya. Saka naman siya pumasok sa loob ng kwarto niya.

Habang naglalakad ako ay hindi ko napigilang mapabuntong hininga at narinig pala ni Josh yun na kasalukuyang nasa likuran ko na.

“May problema ba Babe?” tanong niya. Hindi ko namalayang nasa labas na pala ako ng mansion at nandun nakapark sa harap ang kotse ni Josh.

“Ahh-wala.. san ba ang punta natin?” tinitigan ko siya mula ulo hanggang paa. Ang gwapo talaga nya sa suot niyang pink na polo at blue na jeans. Kahit ganun ang suot niya ay napakamusculine pa rin ng kanyang dating. Hinding hindi ako magsasawang mahalin ang isang katulad niya.

“Basta surprise ko sayo to!” ayan na naman siya sa mga pasurprise-surprise nya baka dalhin niya ako bigka sa isang hotel at dun niya wawasakin ang virginity ko. Naku hindi pupwede yun. Kaya hindi ako nakasagot sa sinabi niya at nanatili lang akong nakatitig sa kanya.

“Don’t worry hindi tayo gagawa ng baby, saka na yun pag-uwi” natatawang biro niya. Wala na rin naman akong choice kung hindi sumakay sa loob ng kanyang sasakyan at saka niya pinaandar ito palabas ng gate ng mansion.

Hindi ko ba nabanggit na nakapink na polo din ako at nakasuot ng jeans na black. Hindi naman siguro obvious na magsyota kami sa suot namin ngayon di ba? Pero bahala sila basta ako masaya akong kasama ko ngayon ang taong pinakamamahal ko.

Mabilis ang pagmamaneho ni Josh at mabilis rin naming natunton ang dapat naming puntahan. Isa itong high-class na restaurant na malapit sa beach. Kung tama ang hinala ko ito yung restaurant ni Josh na nagsara dahil sa sunog sa loob ng kitchen. Nagtaka ako kung bakit niya ako dinala dito bagamat hindi pa naman niya ito pinabubukas sa publiko.

“Anong ginagawa natin dito?” tanong ko habang patuloy ko pa ring pinagmamasdan ang kagadahan ng resto niya.

“Tara sa loob para malaman mo!” hinila niya akong papasok ng restaurant nang magkahawak ang aming mga kamay. Parang wala siyang pakialam kung may makakita man sa amin ngayon. Pinagbuksan niya ako ng pinto at agad naman akong pumasok sa loob.

Laking gulat ko dahil nang makita ko ang nag-iisang puting mesa sa gitna ng retaurant may mga puting balloons na nakakalat sa sahig. Samahan mo pa ng mga nagkalat na white petals ng rose na nagpapasaya sa akin ng husto. Ang desenyo ng kanyang restautant ay akmang akma sa mga mahilig sa beach. Lumakad ako sa gitna habang di sinasadyang masipa ang iilang balloons na nakakalat sa sahig. Bago pa man ako umupo sa upuan ay si Josh mismo ang nag-alok na maupo ako at inaayos ang upuan ko. Grabe kong tratuhin niya ako ngayon ay para bang isa akong babae na dinidate niya. Halos hindi na mawala ang ngiti sa aking mga labi dahil sa sobrang saya ng nadarama ko ngayon. Tumalikod siya sa akin at may kinuha mula sa trolley na hindi kalayuan sa table namin. Binigyan niya lang naman ako ng isang bouquet ng white roses na at may nakalagay na note. Hindi ko mapigilan ang sarili kong kiligin kaya tumingin muna ako sa kanya bago ko ito basahin.

HAPPY WEEKSARY BABE

Hindi ko napigilan ang sarili kong matawa ng mahina sa nabasa ko. Seryoso nagcecelebrate si Josh ng weeksary? Bigla naman siyang nagtaka kung bakit ako natawa noong binasa ko sa ang nakasulat sa card.

“Seryoso ka sa weeksary na to?” natatawa pa rin ako pero andun yung kilig na hindi mawala-wala.

“Oo naman, gusto ko nga sanang i-celebrate ang daysary natin kaso baka lalo kang makornihan!” nahihiya niyang sambit. Ang sarap niyang kurot kurutin ngayon dahil ang cute niyang tingnan kapag nahihiya.

“Pero last na to ahh, okay pa sa akin ang monthsary.”

“Hindi yan yung magiging last, kasi araw-araw kong ipaparamdam sayo kung gaano kita kamahal.” Lumapit siya sa akin at niyakap ako sabay halik sa noo ko. Bigla ko siyang sinaway.

“Why?” gulat niyang tanong.

“Baka may makakita sa atin” saka naman ako lumingon sa paligid namin baka kasi isa sa mga staff niya ay pinapanood ang ginagawa namin.

“Don’t worry tayo lang ang tao dito at walang ibang iistorbo sa atin kahit dito pa tayo mismo gumawa ng first baby natin” sabay kindat sa akin. Kaya ayun nakatikim siya ng kurot sa tagiliran.

“Sira. Pero thank you dahil nag effort ka pang gumawa ng ganito kahit isang linggo pa lang naman tayo.” Nilapag ko ang bulaklak sa mesa saka ko nilagay ang aking mga kamay sa batok niya na para bang nakaakap ako sa kanya.

“Syempre sayo ko lang ginawa ang bagay na to. Dahil ikaw lang minahal ko ng ganito. Kaya Babe please wag mo akong iiwan!” biglang lumungkot ang mukha niya kaya kinurot kong bahagya ang matangos niyang ilong.

“Sira. Baka ikaw nga tong ipagpalit ako sa mga magagandang babae dyan eh.” May idudugtong pa sana ako pero bigla na lang niya akong hinalikan sa labi.

“Kahit mas maganda pa sila sayo, mas mahal naman kita kaysa sa kanila at higit sa lahat mas magaling ka” sabay kagat sa aking tenga.

“Lagi mo talagang nahihirit yang pagiging malibog mo eh no!” natatawa kong sabi.

“Eh totoo naman eh haha” hinampas ko siya balikat kaya natigilan siya sa pagtawa.

“Pero seryoso Babe sana hindi ka magsawa sa akin, sana matiis mo ang pagiging seloso ko, sana lagi kang nandyan kapag kailangan kita at sana ako na lang ang mamahalin mo pang habang buhay” abot tenga na ata ang mga ngiti ko dahil sa mga naririnig ko mula sa kanyag mga labi. Hindi pa rin ako makapaniwala na ang isang katulad ni Josh ay magkakagusto sa simpleng tulad ko.

“Oo naman… dahil mahal na maha-” hindi pa ako tapos makapagsalita nang muli niya akong halikan. This time mas lumalim ang paghalik niya, ramdam ko ang pagmamahal niya sa bawat pagdampi ng aming mga labi sa isat isa. Ito na yata ang isa sa pinakamasayang araw sa tanang buhay ko. Sana lagi na lang ganito. Tumigil siya sa paghalik sa akin nang marinig niya ang pagkulo ng aking tiyan. Kaya naman nag-aya na siyang kumain na kami. Siya ang nag serve ng mga pagkaing nakapatong sa ibabaw ng trolley. Pasado ala singko na ng hapon nang simulan naming kumain ng dinner. Marami kaming napag-usapan tungkol sa mga plano namin sa buhay, mga pangako na dapat naming tuparin hanggang pagtanda namin. Masarap sa pakiramdam ang magkaroon ng taong handa kang mahalin panghabang buhay. Yung may taong handa kang samahan sa hirap at ligaya, yung taong hindi ka iiwan kahit na may attitude ka. Yung taong kayang magpakumbaba at lunukin ang pride mapasaya ka lang. Masarap, masarap talaga magmahal lalu na’t mahal nyo rin ang isa’t isa.

Tumayo si Josh at may kinuhang remote sa ilalim na bahagi ng trolley. Biglang may tumugtog na music at inaaya niya akong sumayaw.

“Pwede ko bang maisayaw ang taong pinakamamahal ko?” hindi na ako nag inarte pa kaya kinuha ko na agad ang kanyang kamay at sinimulan namin ang pagsasayaw. Nakapatong ang aking mga kamay sa kanyang mga balikat at ang kanyang mga kamay nama’y nasa bewang ko. Ang sarap sa feeling ng ganito. Nagsasayaw kayong dalawa ng taong mahal mo na para bang kayo lang ang tao sa mundo. Walang huhusga, walang makikialam at walang gugulo sa inyo.

The smile on your face

Lets me know that you need me.

There’s a truth in your eyes

Saying you’ll never leave me

The touch of your hand says you’ll catch me whenever I fall.

You say it best when you say nothing at all.

Halos maiyak ako sa ganda ng kantang tumutugtog at sa moment na kasama ko si Josh. Wala na akong mahihiling pa, sana ganito na lang kami palagi.

“Babe?” sabay hawak niya sa pisngi ko.

“Bakit?” hindi ko pa rin mapigilan ang ngumiti tuwing titigan ko ang gwapo niyang mukha.

“Gusto ko nang sabihin sa kanila na tayo na!” seryoso niyang sabi na ikinagulat ko.

“Ehh..alam mo naman yung sitwasyon natin ngayon di ba?” aaminin ko gusto ko rin namang sabihin na sa kanila na kami na kaso nga mahirap pa ngayon na wala pa si mama dito sa Pilipinas. Baka magka conflict pa ang marriage nila ni Tito Barry kapag nagkataon.

“Will you trust me on this?” niyakap niya ako ng mahigpit. Ramdam ko ang pag-aalala niya sa magiging desisyon namin pero mas gusto niyang panindigan at harapin kung ano man ang magiging kapalaran namin pagkatapos namin itong sabihin.

“I trust you!” kumalas siya sa pagkakayakap at ngumiti ng pagkatamis-tamis.

“No I’ll thrust you!” saka ngumiti ng nakakaloko.

“Bastos!” natawa na lang din ako.

Pagkatapos ng celebration ng aming weeksary ay agad naming nilisan ang resto para makauwi ng mansion at para makaamin na sa kanyang mga kapatid tungkol sa aming relasyon. Andun yung kaba at takot pero mas lumalakas ang loob ko dahil andyan naman para sa akin si Josh. Ang gumugulo lang sa isipan ko ay kung ano ang magiging reaction nila lalo na si Jethro. Pagkarating namin sa mansion ay dali-dali kaming bumaba ng sasakyan ni Josh. Mukhang excited siyang sabihin sa lahat na para bang good news ang ibabalita niya tapos ako naman ay nandun pa rin ang kaba. Kaya pilit akong ngumingiti habang magkahawak ang aming kamay papasok ng mansion. Sakto ang dating namin at nasa dining area ang lahat. Pagtanaw ni Josh sa mga kapatid niya ay sumigaw agad siya.

“Guys I have an announcement for you!” ngiting ngiti pa siya habang magkahawak kami ng kamaya papasok sa dining area. Expected ko na agad ang masamang tingin ni Jethro nang makita niyang magkaholding hands kami ni Josh.

“Alam na namin bro!” sabi ni Jean na may hawak na baby. Teka kaninong baby yun? Don’t tell me nakabuntis si Jean? Si Jules naman ay inaaliw ang bata pero natigilan siya ng makita niya kaming magkahawak ng kamay.

“What do you mean alam nyo na?” tanong ni Josh.

“Ask her” turo ni James sa likuran namin.

Pagkatalikod namin ay saka ko lang napansin ang isang babae na napakaganda. Mahaba ang buhok niya at mukha siyang manika sa balat niyang malaporselana. Napahanga ako sa ganda ng babaeng to para siyang dyosa na mababasa mo sa greek mythology. Bigla na lang itong lumuha at tumakbo kay Josh. Tumalon ang babae sa kanya at nasapo naman siya ni Josh gamit ang isa niyang kamay dahil ang isa niyang kamay ay nakahawak pa rin sa akin.

Sa di inaasahang pangyayari ay bigla na lang niyang hinalikan si Josh. Sa mga sandaling yun ay kusang bumitaw ang aking kamay sa pagkakahawak nito sa kamay ni Josh.

Natanong ko na lang sa aking sarili.

ANO BA ANG NANGYAYARI?

Itutuloy…..

Edited by RJEM16

A/N: Happy 3k reads guys, kakatapos ko lang isulat ngayon to as of 8:38pm tapos mag-iistart na shift ko ng 9pm. Antok na antok na akoooo… Na consume nito ang dapat pagtulog ko sa quite room. 😭😭

Anyway thank you for your patience sa pag-aantay weekly ng update. Please let me know your thoughts sa mga nangyayari sa buhay ni Eisen. Sino kaya yung girl?????

BTW Belated Happy Birthday kay Bas 😘

Please dont forget to VOTE!

Chapter 18: As if it’s your last

Jessica as Jessica

Eisen’s POV

Kanina lang pakiramdam ko ay parang nasa alapaap ako. Halos mapunit na ang aking pisngi dahil hindi na mawala-wala sa akin ang matatamis na ngiti. Ganun naman siguro talaga ang pakiramdam kapag kasama mo ang taong pinakamamahal mo. Para bang humihinto ang mundo para sa inyo. Para bang kayo lang dalawa ang tao sa mundo tuwing kayo ay magkasama. Dahil ang alam niyo lang ay wala ng mas importante pa sa mundong ito tuwing kayo’y magkasama. Tulad din ng pakiramdam ko kanina ay tila huminto ang oras nang makita kong lumapat ang mga labi ng isang magandang babae sa taong pinakamamahal ko. Para akong sinaksak sa dibdib na para bang sinasakal na rin at halos hindi ko maintindihan ang aking nararamdaman dahil hindi na ako halos makahinga. At ang tanging gusto ko na lang sa sandaling yun ay umalis at ibuhos ang sama ng loob sa pag-iyak.

“I’ve missed you soooo much!” sabi ng babae sabay halik muli sa labi ni Josh. Parang gusto ko na lang liparin kasama ng hangin ngayon nang hindi ko na makita ang tagpo nato.

“What are you doing here?” gulat na sabi ni Josh at saka niya ibinaba ang babae nang mapanisin niyang napako ang tingin ko sa kanila.

“Of course, I want you to know to meet your daugther!” excited na sabi ni ng babae. Wait ano daw? Daughter? Anak ni Josh? Teka parang nabibingi na yata ako.

“Huh? What are you talking about Jessica?” naguguluhang tanong ni Josh. Parang humiwalay sa katawan ko ang kaluluwa ko nang marinig ko ang pangalang Jessica. Sa pagkakatanda ko siya ang ex ni Josh na nag-aaral sa Paris pero nakipagbreak na siya dito dahil walang time sa kanya ang ex-girlfriend niya. Pero ngayon heto na siya nagbalik kasama ang anak nila. So paano na ako? Paano na yung kami?

“Wait, that’s impossible!” anas ni Josh.

“Okay, I know. Mahirap paniwalaan but I’ll explain everything habang kumakain tayo ng dinner!” masayang sambit ni Jessica. Magsasalita pa sana si Josh pero bigla na lang tumili si Jessica nang mapansin niya ako.

“OMG. You must be Eisen? Am I right?” natutuwa niyang sabi na ikinagulat ko. Hindi ko na alam kong anong mararamdaman ko sa mga oras na yun.

“Yes?” naiilang kong sambit.

“Ohh god. I met your mom in Macau. She’s with uncle barry. She’s so funny and she told me a lot of stories about you!” excited niyang pagkwento, samantalang ako ay naiilang pa din. Ano kayang mga bagay ang pinagkukwento ni mama sa kanya.

“She told me that you’re gay and I can finally have a gay friend. Ahh and your so cute!” halos magtutumili siya sa tuwa. Samantalang kaming lahat ay na awkward sa pagsisigaw niya ng gay friend. Maliban kay James na halos humagalpak na ng tawa. Mamaya to sa akin masasapak ko tong mokong na to. At thank you sa babaeng to mas lalong madadagdagan ang pagkayamot ko sa mga sandaling iyon.

“Come on join us, madami akong hinandang pagkain para sa inyo sa dinner.” Hinila niya ang kamay ko at ang kaliwang kamay naman niya ay nakayapos sa braso ni Josh.

Naka ilang malalim na paghinga rin ang binitiwan ko para mapigilan ko ang namumugtong pag iyak ko. Panay ang tingin sa akin ni Josh pero ayokong makipagsalubungan ng tingin sa kanya dahil baka mas lalo lang akong maiyak sa mga sandaling iyon. Naupo na kami sa mesa. Sa usual spot ni Jethro siya nakaupo na para bang siya ang hari ng tahanan kung saan nasa dulong bahagi ng mesa. Nasa kaliwa niya nakaupo si James, katabi nito si Jean at sinundan ni Jules na siya naman kaharap ko sa mesa. Sa kanan naman ni Jethro at si Jessica, sumunod ay si Josh at ako. Bale pinag gigitnaan namin ngayon ni Jessica si Josh. Napaka awkward ng eksenang to. Gusto ko na lang tumakbo sa kwarto ko at magmukmok pero sa hindi ko malamang dahilan ay nandito pa rin ako nananatili sa tabi niya ay unti-unting dinudurog ang aking damdamin. Nagsimula na kaming kumain. Ang batang karga ni Jean ay kinuha na ng yaya para patulugin. Kahit gulat pa rin sa pangyayari ay nagawa pa ring halikan ni Josh ang baby bago pa ito makaalis. Syempre inabot sa kanya ang bata kaya wala siyang nagawa kundi halikan ito. Masarap ang mga nakahaing pagkain. Si Jessica pa mismo ang nagluto nito. Nag-aaral siya ng Fashion Designing ngayon sa Paris pero graduate siya ng Culinary Arts kaya marami siyang alam sa pagluluto. Nagkakilala sila ni Josh sa isang restaurant na pagmamay ari ng kaibigan ni Josh kung saan nagtatrabaho si Jessica bilang head chef doon. At doon na nagsimula ang love story nila ayun sa kwento niya. Nabanggit niya rin na huli na lang niya nalaman na buntis pala siya noon nang nakarating siya ng Paris. Hindi niya muna ito ipinaalam kay Josh dahil baka daw pilitin siya ni Josh na umuwi ng Pinas. Mahal niya ang pag-aaral sa paris kaya hindi niya basta basta i-gigive up ito kaya nilihim niya muna ito kay Josh. Mahigit isang taon na pala siyang nandoon sa paris at apat na buwan na ang kanilang baby. Napagpasiyahan na daw niyang umuwi dahil pinipilit siya ng kanyang daddy na dapat maikasal sila ni Josh bago mabinyagan ang bata. Nagulat ako sa mga naririnig ko habang nagkukwento siya. Lalo ako nawalan ng pag-asa para sa aming dalawa. Una may anak na sila, pangalawa magiging mag-asawa na sila pagnagkataon. Ayoko maging kabit, dahil kasalanan yun sa diyos. Ika-anim na utos ika nga. Naramdaman ko na lang ang mainit na kamay ni Josh na humahawak sa aking kamay sa ilalim ng mesa. Sa pagkakataong yun halos bumuhos na ang luha ko pero mabuti naman ay mapipigilan ko pa ito.

Napatigil sa pagkukwento si Jessica nang magsalitang bigla si Josh.

“Guys, I really have an announcement” seryoso niyang sabi habang pinupunasan niya ng tissue ang kanyang labi. Hinigpitan ko ang kapit ng kamay ko sa kanyang kamay. Dahil doon ay napatingin siya sa akin pero umiwas ako ng tingin dahil baka maiyak na talaga ako.

“Argg.. you’re going to announce that you’re going to propose to her. And you’re getting married and so blah blah blah!” sabi ni James habang kumakain ng salad.

“Stop it James!” saway ni Jethro.

“Not exactly!” sabi ni Josh.

“Wait what?” gulat na sabi ni Jessica.

“Let me speak first!” muling sabi ni Josh kaya kinabahan na ako ng husto. Alam ko kung ano ang tumatakbo sa isip niya ngayon at nais na niyang aminin sa lahat ang tungkol sa aming dalawa. Ang mga sandaling ito ang lalong nagpahigpit sa paghinga ko. Hindi ko na talaga napigilan ang aking sarili kaya ako na ang nagsalita para sa kanya.

“Ahhm.. gusto lang sabihin ni Josh na magbubukas na ulit ang kanyang restaurant next week. Ako pa lang kasi ang sinasabihan niya kaya gusto niyang I announce namin ito sa inyo!” mabilis kong sabi. Alam ko ang weird ng pagkakasabi ko at sana kagatin na lang nila iyon at hindi na sila magtaka pa. Alam kong maaaring pagsisihan ko ito habang buhay ang hindi pagsabi ng totoo. Alam ko rin na ito ang tama at dapat kong gawin. Hindi ko maaatim na sirain ang magiging pamilya ni Josh. Ayoko ring iparanas sa bata na magkaroon siya ng broken family dahil sa pagiging selfish ko. Sa pagkakataong yun ay tinangggap ko na talaga ang pagkatalo.

“Congrats!” pagpalakpak ni Jean. At sinabayan naman siya ni Jessica na tuwang tuwa din sa narinig niya. Si Josh naman ay nakatingin lang sa akin na halos hindi pa rin makapaniwala sa mga sinabi ko. Alam ko na hindi yun ang gusto niyang sabihin pero kailangan ko siyang pigilan bago pa mahuli ang lahat.

Nagpatuloy na kami sa pagkain at walang tigil ang pagkukwento ni Jessica sa mga detalye ng magiging kasal nila ni Josh. Nanatiling tahimik si Josh, tuwing titigil siya sa pagsubo ng pagkain ay hahawakan niya ang hita ko o kaya ang aking kamay sa ilalim ng mesa. Ngayon alam ko na ang pakiramdam ng isang kabit, ang hirap pala. Sa pagpapatuloy ng kwento ni Jessica ay nasabi pa niyang kung naging babae lang daw ako ay gagawin niya akong isa sa mga bridesmaids niya. As if naman pupunta ako sa kasal nila, ngayon pa lang na nagkukwento siya parang mamamatay na ako sa sobrang sama ng damdamin ko. Habang nagkukwento siya ay biglang lumapit sa kanya ang katulong na nag-aalaga ng bata.

“Excuse me po maam, eh kasi po si Micah ayaw pong matulog panay po ang iyak. Mukhang hinahanap po kayo.” Sabi ng katulong. Micah pala ang pangalan ng bata. Pinagsamang Mikhael na second name ni Josh at Jessica na pangalan ni Jessica. How sweet.

“Sorry guys, You know mommy duties.” Sabay ngiti niya sa amin. Maglalakad na sana siya paalis nang muli siyang magsalita.

“By the way Hon. Sa kwarto mo kami ngayon mag-iistay para makabonding mo si baby” nakangiti niyang sabi at saka siya naglakad palabas ng dining area. Tahimik ang lahat na kumakain. Samantalang ako naman ay wala ng ganang kumain. Gusto ko nang umalis dito at magmukmok sa loob ng kwarto ko. Bigla naman nagsalita si Jethro tungkol sa pagpapakasal ni Josh kay Jessica.

“So what’s your plan?” tanong ni Jethro.

“Pananagutan ko ang bata pero hindi ko siya pakakasalan” matigas na sagot ni Josh.

“Ohh boy” komento ni Jules.

“Alam mo namang business partner ni dad ang daddy ni Jessica di ba? Gusto mo bang magkaroon ng conflict sa kanila?” sagot ni Jethro.

“It’s none of my business!” sagot ni Josh kahit hindi nakatangin kay Jethro.

“YES IT IS MIKHAEL! YOU FUCKED HER. NOW IT’S YOUR TIME TO TAKE RESPONSIBILITY!” galit na sambit ni Jethro.

Tahimik ang lahat kapag si Jethro ay galit na. Kahit si James na kanina panay ang bungisngis sa kakapigil ng tawa ay natahimik na rin. Ganitong klaseng kuya si Jethro sa magkakapatid kahit malalaki na sila ay nandun parin ang takot nila sa kanya. Takot nga ba?

“And you know exactly what will happen kapag nalaman to ni dad. So please wag mo kaming idamay sa gulong pinasok mo!” dugtong ni Jethro. Tumayo naman siya at nilisan ang dining area. Sumunod na umalis ang magkakapatid maliban sa aming dalawa ni Josh.

Tumayo na rin ako para makaalis sa dining area pero pinigilan ako ni Josh. Hawak hawak niya ang aking kamay nang napakahigpit. Gustuhin ko man tumakas at lumayo muna sa kanya pero hindi ko magawa. Ayokong makita niya akong umiiyak, ayokong makita niyang nasasaktan ako. Gusto kong ipakita sa kanya na matatag ako kahit pa ganito na ang nangyayari sa amin.

“We have to talk!” sabi niya.

“Pagod na ako Josh, kailangan ko na magpahinga” tugon ko.

“Babe please let me explain” pagsusumamo niya pero hindi ko pa rin magawang titigan siya sa mata. Umalingawngaw ang boses ni Jessica papalapit sa dining area kung saan naging pagkakataon ko para makakalas sa pagkakahawak sa akin ni Josh.

“Hon, are you done?” sabi niya pagkalapit niya sa amin. Ako naman ay umiwas ng tingin sa dalawa at sinimulang maglakad papalayo sa kanila.

“It was nice to meet you Eisen” pahabol na sabi ni Jessica at ako nama’y nagtaas ng kaliwang kamay para mag-okay sign nang hindi siya nililingon. Hindi ko kasi kayang maatim na makita silang naglalambingan para akong unti unting pinapatay.

Wala ako sa sariling naglalakad paakyat sa aking kwarto. Kung ano anong bagay ang pumapasok sa aking isipan. Totoo nga ang sabi nila, pagmasaya ka dapat sakto lang. Kasi pag sobrang saya may kapalit yan na ikalulungkot mo. Bakit ganun parang utang pa natin sa mundo pagnagiging labis tayong masaya at dapat natin itong pagbayaran? Bawal bang maging maligaya pagkasama mo ang taong mahal mo? Kailangan ba laging may kapalit? Hahawakan ko na sana ang doorknob ng aking pintuan nang biglang bumukas ito na sadyang ikinagulat ko.

“What are you doing here?” tanong ni James.

“Ha? Ako nga dapat ang magtanong niyan sayo. Anong ginagawa mo sa kwarto ko?” gulat kong sambit.

“Excuse me?” natatawa niyang sabi. Binukasan niya ng husto ang pinto para makita ko ang loob kung saan napatunayang kwarto niya nga ang napuntahan ko.

“Ay sorry… nalito lang siguro ako sa laki ng mansion na to he he!” nahihiya kong sabi. Sa sobrang pagkawala ko sa sarili ay kung saan saang kwarto pa ako napapasok.

“Almost 2 weeks kana dito ngayon ka pa lang naligaw!” dugtong niya.

“Oo, minsan kasi may pagkakalimutin ako.” Sabay kamot ako ng ulo pero mukhang hindi pa rin siya kombinsido.

“Hmmm.. baka nagrereason out ka lang para maituloy natin yung naudlot nating experiment?” saka siya ngumiti nang nakakaloko. Susme wala akong time sa mga hirit niyang ganito na lalo na’t broken-hearted ako. Baka sa susunod na araw or linggo or buwan basta makamove-on baka hindi na ako aarte pa.

“Sira, wala lang talaga ako sa sarili” malungkot kong sabi.

“Pwede mo naman i-share sakin kung may pinagdadaanan ka” bigla naman siya naging seryoso. Mas gusto ko ang side niya nato kesa sa pagiging naughty niya palagi.

“Ahh.. wala to, pahiram na lang ako ng PS Vita mo para malibang ako kahit papano.” Syempre para makaiwas ako sa usapang ganito. Ayoko naman na maungkat ang tungkol sa amin ni Josh lalo na’t may anak na sila ni Jessica.

“Sure, here you go!” sabay bunot ng PS Vita niya na nakaipit sa harapang bahagi ng kanyang boxer shorts. Ewan ko ba bat lagi niyang nilalagay dun yung PS Vita niya. Baka siguro nilalagay niya doon para mainitan ang itlog niya na para bang nililimliman. Arrggh.. kung ano ano na naman ang naiisip ko. Inabot ko naman ka agad ang PS Vita saka nagpasalamat sa kanya. Ayun nga mainit init pa ang PS Vita.

“Akala ko ba hindi ka marunong gumamit niyan?” muling tanong niya.

“Ahhh.. marunong na ako dahil tinuruan ako ng kaklase ko kapag break time namin dahil may dala siya lagi neto” pagsisinungaling ko para hindi na niya ako usisain pa.

“Okay, basta kapag kailangan mo ako wag kang mahihiyang pumasok. I’ll make sure na mag eenjoy ka kapag tayong dalawa lang!” sabay kindat. Ayun bumalik na naman siya sa dati. Kaya naglakad na ako pabalik sa aking kwarto. Sa kamalas-malasan ko naman nakasalubong ko pa si Josh at si Jessica sa hallway. Todo ang lingkis ng babaeng to kay Josh, ewan ko parang wala akong karapatang magselos sa kanya dahil alam ko siya naman talaga ang nauna sa aming dalawa at ako lang itong nakikihati sa attention ni Josh. Kaya pakiramadam ko isa akong talunan.

“Anong ginawa mo dito?” bungad na bati ni Josh. Mukhang naiinis pa siya dahil nakita niya ako dito. So ano siya ang mas may karapatang magalit kahit siya itong may kasamang iba?

“Ahh wala. Galing ako sa kwarto ni James” pagpapaliwanag ko.

“AT ANONG GINAWA MO DOON?” biglang tumaas ang tono ng boses niya na ikinagulat namin ni Jessica. “Kailangan talaga ganyan ka lakas ang boses hon?” tanong ni Jessica.

“Nanghiram ako ng PS Vita para aliwin ang sarili ko bago matulog” pagpapaliwanag ko habang itinaas ko ang kanang kamay ko na may hawak na PS Vita. Buti na lang at nahiram ko ang PS Vita ni James para may maging dahilan ako ng pagpunta ko dito. Pero tama din naman na ang sinabi ko. Aaliwin ko na lang ang sarili ko mag-isa sa kwarto habang may inaaliw kang iba. Ang sakit sakit na Josh. Hindi ko na kaya. Sa mga sandaling yun ay hindi ko na mapigilan ang sarili ko parang babagsak na ang mga luha ko. Kaya minabuti kong yumuko at umiwas ng tingin sa kanila.

“Gusto mo bang makita si Micah? Sumama ka sa kwarto para maipakita ko siya sayo” pag-aya ni Jessica. Mabilis naman akong umiling sa kanya.

“AHH hindi na baka magising ko pa yung baby, sige mauna na ako sa inyo.” Saka naman ako nagmadaling maglakad hanggang malagpasan ko sila. Ang lakad ay naging papunta sa mahinang pagtakbo dahil ilang segundo na lang ay bubuhos na ang ulan sa aking mga mata. Ang biglang pagtakbo ko ay pinuna ni Josh.

“Magdahan dahan ka sa hagdan baka madulas ka!” matigas na sambit ni Josh.

“Opo kuya” sagot ko habang palayo sa kanila.

“Aww.. ang sweet niya naman hon. Tinatawag ka niyang kuya!” kinikilig na sambit ni Jessica. Hindi ko na narinig ang mga iba pa niyang sinabi dahil malayo na ako sa kanilang dalawa.

Nang marating ko ang aking kwarto ay agad agad ko namang sinara ang pinto at doon na bumuhos ang akig mga luha. Sobrang sikip ng dibdib ko habang umiiyak ako ng pigil. Ako yung tipo ng tao na kapag umiiyak ay hindi ko maiwasang maglabas ng ingay o kaya hindi ko kayang umiyak ng tahimik lang. Kaya alam na alam ni mama kapag may problema ako o kaya pag umiiyak ako dahil naririnig niya ito lagi. Hindi ako magaling magtago ng nararamdaman sa kanya dahil naririnig niya ang pag iyak ko kahit nasa loob ako ng kwarto. Dali-dali kong hinanap ang maliit na radyo na pamana pa sa akin ni papa. Matagal na sa akin yun. Nang makita nga ni Josh yun ay gusto niyang palitan ng bago dahil sa kalumaan pero ayoko dahil mahalaga ito sa akin at nagsisilbing alaala ito ni papa. Pinatugtog ko agad ang radyo sa kung ano mang istasyon ito na tapat. Kahit anong tugtog basta matakpan lang ang ingay ng pag iyak ko dahil baka marinig ako ni Jethro o kaya ni Jules. Pinagtugtog ko ito sa pinakamalakas na volume habang naghahanap ng matinong kanta. Bigla na lang napunta sa isang istasyon ng radyo.

I had hoped you’d see my face

And that you be reminded that for me it isn’t over

Never mind I’ll find someone like you

I wish nothing but the best For you too,

don’t forget me I beg, I’ll remember you said

Sometimes it lasts in love

But sometimes it hurts instead

Arrgh… sa dinami rami ng kanta at yun pa talaga ang tumugtog na mas lalong nagpabigat ng nararamdaman ko kaya nilipat ko ito sa ibang istasyon.

I wish I knew then

What I know now

Wouldn’t dive in

Wouldn’t bow down

Gravity hurts You made it so sweet

Till I woke up on On the concrete

Falling from cloud nine

Crashing from the high

I’m letting go tonight I’m falling from cloud nine

Ewan ko na kung nakikiramay ngayon ang mga istasyon sa radyo at puro senti din ang pinapatugtog nila. Kaya nilipat ko itong muli sa ibang istasyon. Kasabay nun ang patuloy na pagtagas ng aking luha. Para bang gripo kung dumaloy kahit anong punas ang gawin ko ay patuloy pa rin itong napapalitan ng panibagong luha. Pagkalipat ko sa isang istasyon ay hindi ko na ito pinalitan pa. Napagod na ako at nahiga na lang sa kama ko at nag-iiyak habang pilit na tintakpan ng unan ang bibig ko.

Kahit na

Niloloko mo lang ako

Kahit na tumingin ka sa iba

Magmahal ka ng iba

Magbubulag-bulagan ako

Masakit man ito dito sa puso ko…

Dahil mahal, mahal na mahal kita

Hindi ako matatakot, mahihiya

Anuman ang sabihin nila

Dahil mahal kita

Dahil mahal mahal na mahal kita

Gagawin ko ang lahat

Pangako mo lang ’di ako iiwan

Dahil mahal

Mahal na mahal kita….

Kasabay ng mga bawat salitang naririnig ko sa radyo ay siya ring pag-agos ng mga luha ko. Ang sakit sakit sa dibdib. Ganito pala ang pakiramdam ng heart break. Kahit hindi pa kami official na nagbibreak ni Josh ay pakiramdam ko ay nangyari na yun. At eto na nga ang naging dahilan ng labis kong kalungkutan. Hindi ko alam kung ilang minuto o oras na ba ang lumipas na umiiyak ako basta ang alam ko ay nakakaramdam na ako ngayon ng matinding antok hanggang sa kusa nang pumikit ang aking mata dahil sa pagod.

KINABUKASAN>>

Isang malakas na katok sa pinto ng aking kwarto ang gumising sa akin sa aking pagkakahimbing.

“Eisen gumising kana may pasok ka today” guess what sino ang gumising sa akin? Yeah right walang iba kundi si Josh. Tumayo naman ako at lumapit sa pinto para buksan ito. Pero naaalala ko baka maiyak na naman ako kapag nakita ko siyang muli. O kaya naman baka pagniyakap niya ako mas lalong hindi ko kakayaning i-let go siya. Kaya mas minabuti ko na lang na lumayo sa kanya.

“Kanina pa ako gising, naghahanda lang ako para maligo” pagsisinungaling ko para hindi na siya pumasok.

“Edi buksan mo na tong pinto” sagot niya.

“Wag na maliligo na din ako! Sige na susunod na lang ako sa dining area” aakma na sana ako papasok ng banyo ng hampasin niya ng malakas ang pinto.

“Buksan mo to or else sisirain ko ang pinto!” halatang seryoso na siya ngayon dahil sa tono ng pananalita niya. Bubuksan ko na sana pero biglang narinig ko ang boses ng aking saviour.

“What’s going on?” tanong ni Jethro.

“Ayaw kasing buksan ni Eisen ang pinto” naiinis na sambit ni Josh.

“The heck is wrong with you…give him some privacy. Hindi porket kapatid na ang turing ni Eisen sayo eh ganyan kana umasta sa kanya.” Sagot naman ni Jethro. Nalungkot na naman ako sa word na ‘KAPATID’ siguro nga hanggang doon na lang ang magiging relasyon naming dalawa.

Nagtungo na ako sa banyo habang pinagsasabihan ni Jethro si Josh at wala na akong pakialam kung ano man ang pinag-uusapan nila. Pagkapatak ng shower sa aking mukha ay siyang dahilan para makaramdam ako ng hapdi sa aking mga mata. Sabon, kuskos, hilod, shampoo at hanggang sa makapagbanlaw ako ay wala pa rin ako sa sarili. Humarap ako sa salamin at laking gulat ko na namamaga pala ang aking mga mata. Siguro dahil to sa sobrang pag-iyak ko kagabi. Ewan ko ba minsan lang ako umiyak pero grabe yung pamamaga niya. Obvious na obvious umiyak talaga ako kagabi. Kaya dali-dali kong tinungo ang box kung saan nakalagay ang mga make-up ni mama na dala-dala ko rin noong lumipat ako sa mansion. Isa to sa mga bilin niya na dalhin ko kasi mamahalin ang make-up na to. Christian Dior lang naman na regalo sa kanya ng boss niya. At ang tinutukoy niyang boss ay si Tito Barry. Dali-dali kong hinanap ang concealer at naglagay ako sa ilalim na bahagi ng aking mata para kahit papano ay hindi maging halata ang pamamaga ng aking mata. Saka ako nagsuot ng nerdy glasses na madalas kong gamiting accessory noong high school pa ako. Ayun medyo hindi na halata ang pamamaga ng mga mata ko kung hindi mo ito tititigan ng mabuti. Pagkatapos kong mag-asikaso ng aking sarili ay tinungo ko na ang dining area bitbit ang bag ko para pagnatapos akong kumain ay derecho na sa school. Doon na rin ako magtotoothbrush baka balikan lang ako ni Josh pag pumasok pa ako ulit sa kwarto. Pagkapasok ko sa dining area ay kumpleto ang lahat pati si James na bihira naming makasabayan sa almusal ay nandoon rin. Kitang kita ko rin ang pagkarga ni Josh sa kanyang anak. Ang gandang pagmasdan niya habang hawak niya ang bata. Daddy na daddy ang dating at mukhang masaya naman siya kaya ako na lang talaga ang maglelet go.

“Good Morning Eisen!” pagbati sa akin ni Jessica.

“Good Morning” sagot ko habang sinuklian ko siya ng hilaw na ngiti. Wala naman talaga akong problema kay Jessica di gaya ng mga girlfriend nina Jules at Jethro na sina Andrea at Annabelle. Si Jessica ay masasabi mo pang well-behaved na babae. Sobrang totoo niya sa sarili at hindi siya ganun ka maarte gaya ng mga babaeng kaparehas ng estado niya sa buhay. Kaya wala akong maipipintas sa kanya. Kaya rin siguro siya nagustuhan ni Josh dahil sa mga katangian niyang yun. At ano ba ang magiging laban ko sa kanya? Una napaka ganda niyang babae, mayaman at maganda ang estado sa buhay. At ang huli BABAE siya at BAKLA ako, mas pipiliin siya ni Josh kaysa sa akin. Kaya dapat ko na lang talagang tanggapin ito kahit na ang sakit sakit.

“Bakit namamaga ang mata mo?” hindi na naman ako nakaligtas sa mapanuring mata ni Jethro. Seryoso ang layo ko sa kanya pero napansin niya pa yun. Si Jessica nga eh hindi. Kaya tuloy nagtinginan sila sa akin. Habang karga karga ang bata ay nakatitig sa aking mukha si Josh na parang tinatanong kung anong nangyayari gamit ang expression ng kanyang mukha. Lintik na Jethro to bat pa na pansin.

“Ahhh..ehhh…” hindi ako makaisip ng idadahilan.

“Haha don’t tell me nagpuyat ka kakalaro ng PS Vita kagabi?” sabi ni James. Parang bumukas ang langit ng mga sandaling yun at naisalba ako.

“Yun na nga… tama-tama. Napuyat ako kakalaro ng Dead or Alive 5 plus sa PS Vita kagabi. Nahirapan kasi akong i-beat ang mga kalaban sa Master mode.” Pagsisinungaling ko mabuti na lang at may alam ako kahit papano dahil may x-box ang classmate ko noong high school at yun ang nilalaro namin madalas kapag nasa bahay nila kami gumagawa ng projects.

“Boo weak!” komento ni James. Dinilaan ko lang siya at bigla naman naging seryoso ang mokong.

“Okay, wag mo nang uulitin yan. You need to focus on your studies. Hindi mo dapat pinagpupuyatan ang mga ganyang bagay!” pagpapaliwanag ni Jethro. Heto na naman tayo.

“Understood?” tanong niya.

“Yes dad!” sagot ko sabay upo sa dati kong inuupuan at katabi ko pa rin si Josh pero hindi ko siya pinapansin.

“Wait, what did you say to him?” tanong ni Jules. At nagtaas naman ng kilay si Josh dahil hindi nga niya pala alam na tinatawag kong dad si Jethro as a sign of mockery sa pagiging daddy-kuno niya ng way sa pagsasaway sa akin.

“Sorry, it should be kuya. Nasanay kasi ako na si daddy I mean si papa na ganyan magsalita sa akin.” Puro na lang kasinungalingan ang pinagsasabi ko para mapagtakpan ko ang aking sarili.

“Aww.. that is so cute. Daddy-figure pala ang tingin ni Eisen kay Jethro.” Komento ni Jessica. Napangiti na lang ako ng hilaw. Pero si Jethro ay hindi mo maipaliwanag ang mukha. Para siyang nakangiting nakasimangot basta ganun. Naramdaman ko na lang ang paghawak ni Josh sa aking hita pero hindi ko siya pinapansin. Minadali ko na lang ang pagkain ng breakfast para mabilis na akong makaalis dito. Pagkatapos kong kumain ay agad naman akong nagpaalam na aalis na dahil baka malate pa ako sa school.

“Ihahatid na kita” sabi ni Josh. Tatanggi na sana ako nang bigang magsalita si Jessica.

“Wait di ba sasamahan mo pa kami ni baby Micah para magvisit sa dermatologist dahil sa mga rashes niya sa likod.” Sabi niya kay Josh habang bitbit ang bata. Hindi alam ni Josh kung anong gagawin at nakatingin lang siya sa akin imbes na sagutin ang tanong ni Jessica.

“Ahh dapat lang na samahan mo ang anak nyo para makapagbonding naman kayo. Sasabay na lang ako kay Jules” saka ko dinampot ang bag ko na nasa upuan.

“Good, lets go!” mabilis na pag aya ni Jules. Kaya nilisan na namin ang mansion. Alam kong ayaw ni Josh na kasama ko si Jules pero wala kaming choice dapat na naming gawing to para maging madali sa aming dalawa ang i-let go ang isa’t isa. Habang nasa byahe kami ay panay ang tanong sa akin ni Jules kong may problema daw ba ako sabi ko lang ay wala at wala lang akong matinong tulog kaya wala ako sa mood.

Hanggang sa loob ng klase ay wala pa rin ako sa sarili na napuna din Bjorn na kahit kinukulit ako ay wala pa rin akong ginawa kundi ang hindi pansinin ang mga iyon. Nakauwi na agad ako ng mansion ng 3pm dahil absent ang professor na last subject namin. Hinatid naman ako ni Bjorn sa amin dahil sabi ko nga ay late pang makakauwi si Jules kaya nakiusap na lang akong makiangkas sa motor. Pagbaba ko ng motor ay siya ring pagpasok ng sasakyan ni Josh sa gate ng mansion. Mukhang kakagaling lang nila kung saan man. Ang sama ng tingin niya kay Bjorn na naghatid sa akin. Nagpaalam naman sa akin si Bjorn kasi siguro nararamdaman rin niya ang tension sa mga titig ni Josh kaya umalis na lang siya kaysa magkagulo pa.

Mabilis na tumakbo ang oras at nagawa ko namang iwasan si Josh salamat kay Jessica at nagagawa ko yun. Pero hindi na ako nakaiwas pa nang matapos kaming kumain ay hindi ko namalayang nakasunod pala sa akin si Josh. Isasara ko na sana ang pinto nang bigla siyang pumasok. Magsasalita na sana ako nang bigla niya akong tinulak sa kama. Tatayo sana ako pero na corner na niya ako ng mga braso niya.

“Hindi pa nga tayo naghihiwalay, pinagpapalit mo na agad ako!” galit niyang sabi sa akin.

“Bakit may tayo pa ba? Wala na di ba?” pinipigilan ko ang sarili kong maiyak.

“Hangga’t hindi ko sinasabing wala na tayo. Hindi ka pwedeng sumama kahit kaninong lalaki!” dugtong niya.

“So iisipin mo lang yang sarili mo? Paano ako? Paano nam-” hindi na ako nakapagsalita nang bigla niya akong siniil ng halik.

“Akin ka lang, akin ka lang babe…. Walang makakaagaw sayo dahil akin ka lang” hinubad niya ang damit ko at panay ang halik niya sa aking leeg hanggang sa aking mga dibdib. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko ng mga oras na yun tanging pagluha na lang ang aking nagawa. Nang mapansin niya yun ay saka naman siya tumigil.

“I’m so sorry babe. Hindi ko gustong mangyari ang lahat ng to. Totoong mahal kita. At nakipaghiwalay na ako kay Jessica. Hindi ko naman iniexpect na mabubuntis ko siya bago siya umalis ng Pinas. Ayokong makasal sa kanya. Dahil hindi siya ang mahal ko dahil ikaw lang ang tanging mahal ko!” halos mapaos ang boses niya sa pagpapaliwanag.

“Pero alam mo namang hindi ito ang kagustuhan ng daddy mo. Gusto niya ring makasal kayo!” kahit masakit sa akin ay parang mas gusto ko na lang na sundin niya ang mas makakabuti sa kanya.

“Kaya nga sasama ako kay Jessica sa Australia para makausap ang pamilya niya pati na rin si daddy na pananagutan ko ang bata pero hindi ko siya pakakasalan.” Dugtong pa niya.

“Pero..” hindi ako muling nakapagsalita nang halikan niya akong muli. Naging mainit ang halikan namin na para bang uhaw na uhaw kami sa isa’t isa. Para bang ilang taon kaming hindi nagkita at ngayon lang makakapiling ang isa’t isa. “Hindi mo ba ako mahal?” tanong niya.

“Mahal na mahal syempre… magtitiis ba ako ng ganito kahit ang sakit sakit na?” napaluha akong muli pero pinupunasan na niya ito sabay halik sa aking mga pisngi.

“So please wag mo akong susukuan? Magpapanggap tayo sa harap nila hanggang sa maging okay ang lahat. Kaya Babe please wag mo akong susukuan dahil hindi ko kayang mabuhay pag nawala ka sa akin!” doon ko na napansin na halos maiyak na rin siya habang sinasabi ang mga salitang yun. Tumango naman ako bilang pagsang ayon.

Patuloy ang paghahalikan namin na para bang wala ng bukas. Pinaligaya namin ang isat isa sa paraang alam namin. Pakiramdam ko kasi na baka ito na ang huli kung sakali mang mabigo si Josh ay atleast mag iiwan siya ng magandaang alaala sa akin. Kaya hinayaan ko na lang na angkinin niya ang lahat ng sa akin na para bang ito na ang huli.

“Sigurado ka babe? Handa ka na?” tanong niya sa akin. Tumango naman ako bilang pagsang ayon. Ibinuka niya ng husto ang mga hita ko at binasa ng lube ang pwet ko.

“Wala na tong atrasan ahhh..ayokong mabitin sayo babe” nanggigil niyang pagkagat sa aking labi. Niyakap ko na lang ang kanyang leeg tanda na handa na ako sa mangyayari sa amin. Naramdaman ko na ang kanyang pagkalalaki sa butas ng pwet ko. Nakaramdam ako ng kaba dahil alam kong wala kaming ginawang preparation ni Josh para mahanda ko ang sarili ko sa pagpasok niya sa akin. Pero hindi na namin maaaring patagalin to dahil kapwa na kaming sabik sa isat isa. Iindahin ko na lang ang sakit para sa kanya. Unti unti niyang pinapasok ang ulo ng kanyang ari sa butas ng pwet ko. Doon pa lang ay nakakaramdam na ako ng matinding kirot.

“Tiisin mo lang babe sa umpisa lang ito masakit pero mamaya masasarapan kana!” sabay halik niya sa ilong ko. Dahan dahan naman niyang pinapasok ang ulo nito sa kaloob looban ko. Ramdam ko na halos maipasok na niya ang ulo nito sa loob ng pwet ko nang makarinig kami ng katok sa aking pintuan.

“Eisen? I’m sorry to disturb you. Just wanna ask kong andyan ba si Josh?”

Nice timing Jessica. VERY NICE!

ITUTULOY……

Edited by RJEM16

A/N: Yes Jessica Jung as Jessica Balderich. Siya talaga ang navivisualize ko na ex ni Josh.

So kamusta ang pagbabasa? Ginusto nyo yan diba? Hahaha.. Anyway gaya ni Eisen wala rin akong matinong tulog dahil nadala sa ospital ang pamangkin ko sabayan pa ng matinding insomnia. At may pasok pa ako mamayang gabi. Paano na lang?

Thank you nga pala guys sa pagvovote dahil at pagbabasa highest rank ng LWMSB ay #538 sa romance. Na shookt ako don hahaha

Seryosong tanong yung walang halong bola at walang halong kaplastikan insert tawa. Gaano nyo kagusto ang kwento? Pakirate naman. Alam nyo bang nasa point ako na itigil ko na to kasi napapagod ako pero dahil sa mga readers ko na nag aantay sa kin ng update kaya ko ginagawa to. Trip trip ko lang talaga ang gumawa ng story sa wattpad kaya hindi ko iniexpect na magkakaroon ng mga readers.

ANYWAY THE USUAL NA RITUAL. PLEASE VOTE AND LEAVE A COMMENT. IT REALLY MATTERS TO ME GUYS. THANK YOU!

Chapter 19: Playing with fire

Tony as Jean

Eisen’s POV

Kapag tunay na mahal mo talaga ang isang tao. Handa kang gawin ang lahat mapaligaya lang sila. Kahit na ikaw na mismo ang nasasaktan ay sige ka pa rin ng sige mapasaya mo lang siya. Hindi ko alam kung ano ang magiging kahihinatnan ng aming relasyon ni Josh. Basta ang mahalaga sa akin ngayon ay nagmamahalan kami. Magkapiling sa iisang kama. Ninanamnam ang bawat sandali na kasama ang isa’t isa pagpapaligaya. Pinupunan ng bawat halik sa labi patungo sa ibat ibang parte ng katawan ang pagkasabik sa isat sa. Bawat halik, bawat kagat, bawat pawis at sarap ay sadyang napakahalaga para sa akin. Kung ito man ang huling gabi na magkakasama kami sa iisang kama ay ibibigay ko na ang lahat lahat sa kanya. Kaya kahit walang paghahanda sa aking sarili ay hinayaan kong pasukin ni Josh ang aking kalooban.

“Babe tiisin mo lang..sa una lang yan masakit pero masasarapan ka rin mamaya!” sabay halik sa aking ilong. Dahan dahan naman niyang pinapasok ang ulo ng kanyang kahabaan sa loob ng aking pwet. Hindi pa ito ganap na nakakapasok pero ang sakit sakit na. Para akong nahahati sa dalawa. Natigilan kami sa aminh ginagawa nang marinig namin ang isang malakas na katok.

“Eisen? Sorry to disturb you. I just wanna ask kung andyan ba si Josh?” tanong ni Jessica sa labas ng pinto. Siguro naman na i-lock ni Josh ang pinto kundi huling-huli kami sa akto.

“Sabihin mong wala, tangina ayokong mabitin babe. Kahit maabutan pa niya tayo hindi kita titigilan!” bulong sa akin ni Josh. Ayun kinain na ng kamunduhan ang boyfriend ko.

“Ahhhhhh…..” napaungol ako nang gumalaw ng bahagya si Josh.

“Eisen?” muling tanong ni Jessica.

“Ahhhh…. wala siya dito baka…. Nasa labas o kaya kasama ni Jean.” Tinutulak ko ng bahagya si Josh kasi parang hindi ko na kaya.

“Ahh.. ganun ba. Pwede ba akong pumasok? Gusto sana kitang makausap eh!” dugtong ni Jessica. Panay naman ang iling ni Josh na wag akong pumayag.

“Pwedeng… bukas na lang?” tanong ko.

“Importante kasi eh” sambit niya. Mukhang hindi aalis itong si Jessica hangga’t hindi ko siya pinapapasok. Itong si Josh nama’y mukhang walang balak na umatras.

“Utang na loob babe wag mo akong bitinin.” Bulong niya sa akin.

“Babe, continue na lang natin mamaya..mukhang hindi aalis tong si Jessica eh” sagot ko naman sa kanya.

“Shit..hayaan mo siyang manigas dyan. Kung kelan namang tigas na tigas na ako” pagrereklamo niya na ikinatawa ko ng mahina. At bigla namang napalitan ng sakit nang unti unti siyang gumalaw.

“Ang sikip mo babe, ang sarap pasukin ng loob” may halong panggigil na sabi ni Josh. Grabe siya kong makapanggigil kahit nga yung ulo hindi pa maipasok.

“Eisen?” muling tanong ni Jessica.

“Wait lang…magbibihis lang ako.” Sagot ko naman. Pagbalik ko ng tingin kay Josh ay ang sama na ng tingin sa akin.

“Babe, promise itutuloy natin to mamaya hanggang sa magsawa ka!” with matching raise pa ng right hand para maniwala siya. Ngumiti ang loko.

“Kahit ilang rounds?” tanong niya sa akin.

“Ikaw bahala” sabi ko pero mukhang ako ang kawawa.

“Walang atrasan..promise mo yan ahh?” sabay halik sa labi ko.

“Mamaya ka sa akin..makakagawa rin tayo ng baby na sariling atin” sabi niya na bigla kong ikinalungkot.

“I’m sorry babe, hindi yun ang ibig kong sabihin” sabay akap niya sa akin.

“Alam ko.. sige na magtago kana sa banyo baka mahuli ka pa niya pag sa ilalim ka pa ng kama nagtago.” Dahan dahan ko siyang itinutulak pa tayo.

“Babe last na favor na lang!” tanong niya sa akin habang kinikiskis ang ilong niya sa ilong ko. Mukhang wala talaga siyang pake kung tubuan man ng mga ugat si Jessica sa labas ng kwarto ko kakaantay sa akin.

“Ano yun at dalian mo baka makahalata si Jessica” sagot ko naman.

“Pabaon kahit isang beses lang. Mabilisan lang!” sabi niya nang nakangiti. May grabe talaga ang pagkapilyo ng boyfriend ko na to. Parang hindi ko talaga kakayanin kapag nawala ang isang katulad niya sa akin.

“Sira, mamaya na nga sabi!” saka ako umatras para mahugot ang pagkalalaki niya sa aking pwetan. Nagulat ako dahil walang bakas ng dugo. Marahil hindi pa tuluyang nakukuha ni Josh ang virginity ko kasi nga hindi naman maipasok ng husto.

“Humanda ka talaga mamaya babe!” pagbabanta niya habang nakangiti na parang siraulo saka siya nagtungo sa banyo.

Dali-dali akong nagbihis ng pajama at nagsuot ng jacket. Saka ko naman inayos ang higaan na may bakas na ginawa naming landian. Pagkatapos kong gawin lahat ay saka ko pinapasok si Jessica.

“What took you so long? Hmm.. siguro may tinagago kang mga porn magazines noh?!” pambungad ni Jessica sabay tawa ng mahina.

“Wala no..saka hindi ko na kailangan yun!” proud kong sabi. Syempre magmamagazine pa ba ako? Dito pa lang sa mansion eh parang mga modelo na ng Garage Magazine ang mga nakakasama ko araw araw. At no need ng manood ng porn, sa pagkapilyo ba naman ni Josh pagdating sa sex kakailanganin ko pa ba yun?

“Talaga.. so may boyfriend kana?” pag-uusisa niya habang naupo siya sa kama. Hindi ko naman siya masagot ng derecho. Baka kasi maghinala siya at pangalawa baka magsumbong siya kay mama na nagboboyfriend na ako. Strict pa naman yun, kulang na lang ipasok na niya ako sa kombento.

“Anyway.. I just want to talk to you about Josh. So you guys seem so close” sabi niya habang bahagya niyang pinapalo ang kama para maupo ako sa tabi niya.

“Medyo lang naman bakit?” nahalata na kaya niya? Narinig niya kaya kami?

“I talked to Jethro about the upcoming wedding.. I asked him to convince Josh na sumama sa amin sa Australia next week para makapagprepare sa wedding. And Jethro told me na mas close daw kayo ni Josh baka ma-convince mo siya na sumama siya agad sa akin.” Sabay hawak sa mga kamay ko para magmakaawa. Sumikip na naman ang dibdib ko nang marinig ko ang tungkol sa kasal nila.

“Ahhmm…ehh… hindi mo pa ba nakakausap si Josh tungkol diyan?” wala akong maisip na isagot sa kanya. Dahil kahit naman ako ay ayokong matuloy ang kasal nila. Pero laging sumasagi sa isipan ko yung bata.

“Nasabi ko na sa kanya kahapon.. He told me na hindi pa daw siya ready ikasal at pag-iisipan pa niya. My dad is going to kill me kapag hindi kami na kasal. Lalo na’t lumalaki na si Micah. Wala na akong mukhang maihaharap sa family at relatives ko. Please help me!” naluluha niyang sambit. Kung alam lang niya na gusto ko na ring maiyak sa mga hinihingi niyang pabor sa akin. Dahil napakahirap i-let go ng taong mahal mo, knowing na mahal na mahal nyo ang isa’t isa.

“I’ll try to convice him, but I can’t guarantee you na mapapayag ko siya. Still decision niya pa rin ang masusunod” nahahawa na ako sa kakaenglish nila. Like seriously?

“Sure thing!” bigla na lang niya akong niyakap ng mahigpit.

“You know what, how I wish may kapatid akong kapatid kagaya mo. As you can see I’m the only..” habang patuloy na nagsasalita si Jessica ay may naririnig kaming mahinang ungol.

“Did you hear that?” tanong ni Jessica. Oh great don’t tell me pinagpatuloy ni Josh ang kahalayan sa loob ng banyo? Kinakabahan ako dahil lumalakas ang mga ungol niya.

“Ahhh..ehhh baka si Jules sa kabilang kwarto. Minsan kasi nag si-sit-ups yun kaya ganyan!” pagpapalusot ko. Sana tumigil na si Josh hindi ba niya alam na kasama ko si Jessica sa loob ng kwarto.

“Parang hindi naman.. hindi naman manipis ang mga wall sa mansion para marinig mo” sagot naman niya kaya hinatak ko ang kanyang kamay at inaya palabas.

“Tara doon na lang tayo sa garden magkwentuhan!” pagyaya ko sa kanya na ikinagulat naman niya.

“Haa? Eh di ba gabi na? Saka baka lamukin tayo dun!” ohh well high-class nga pala ang babaeng kasama ko.

“Sa living room na lang kasi medyo naiinitan ako dito sa kwarto, tara!” pagyaya kong muli.

“Okay naman ang airconditioning ng kwarto mo ahh.. atsaka pwedeng pagamit muna ng cr. I’m about to pee na kasi. If you don’t mind?” tanong niya. Bigla akong nataranta kasi pupunta na sana siya sa cr pero hinarangan ko siya.

“Wag eh kasii..” hindi ko alam kung anong idadahilan ko. Jusko paano ko ba malulusutan to.

“I’ll be quick. I promise. Naiihi na talaga ako.” Sabi niya pero hinawakan ko siya sa kamay at hinila palabas. Pero naging gentle naman ako kahit papano kasi baka sabihin hinaharass ko na siya.

“Bakit?” takang taka niyang tanong nang makalabas kami ng kwarto.

“Eh kasi yung cr ko barado.. kakajebs ko lang kanina tapos ayaw bumaba. Nangangamoy sa loob kaya hindi kita pwedeng papasukin. Ikaw din gusto mo bang umihi kapag ganun?” buti na lang at may nagbasag ng bumbilya sa ulo ko at nakaisip ako ng palusot.

“Ewww… that’s gross. Anyway iihi muna ako. And wait for me sa living room!” pagpapaalam sa akin ni Jessica. Ang nakakatuwa sa babaeng to eh. Ihing ihi na pero poise pa rin ang galaw niya. Baka kung ako yan halos pagpawisan na ako ng malamig sa taranta baka kasi maihi na ako agad.

Hinayaan ko na lang makaraos si Josh sa loob ng banyo ko. Buti na lang at nakalabas na kami ni Jessica dahil palakas ng palakas ang ungol niya. Nanadya siguro ang loko dahil binitin ko. Parang may choice naman ako di ba? Sumunod na ako kay Jessica sa may living room. Tinuloy namin ang kwentuhan namin kanina. Marami siyang na ikwento tungkol sa lovestory nila ni Josh. Ako naman ay patuloy ang pagpapanggap na interesado ako pero ang totoo naiinggit ako. Kung tutuusin ang perfect ng tandem nila bilang couple. Maganda at gwapo, parehong mayaman, parehong marunong magluto at saka halos ng mga hilig ni Josh ay hilig din ni Jessica. Tumagal din ng halos dalawang oras ang kwentuhan namin ni Jessica saka namin napagpasiyahang matulog na. Bumalik na ako sa aking kwarto para makapag round two. Este makapagpahinga, nakakapagod na ang drama sa buhay ko ngayon gusto ko na lang itulog lahat at hinihiling na sana pagkagising ko ay okay na ang lahat. Pagkapasok ko ng aking kwarto ay hindi naman ako nabigo. Andun sa kama ko natutulog si Josh. Mahimbing ang tulog niya at hindi niya napansin ang paglapit ko sa kanya. Wala na rin naman akong balak ipagpatuloy ang nasimulan namin kanina dahil pagod na ako at mukhang pagod na rin siya. Kaya minabuti ko na lang na matulog na rin sa tabi niya. Tumabi ako sa kanya at niyakap siya habang natutulog. Hindi ko mapigilan ang sarili kong ibulong ang “Sana tayo na lang”.

KINAUMAGAHAN>>

Nagising ako na may kumakagat sa tenga ko. Alam ko namang si Josh yun kaya hinayaan ko lang siya at pinikit ko ulit ang aking mga mata. Pero nagulat ako nang mas dumiin pa ang pagkakakagat niya sa akin kaya napahiyaw ako sa sakit.

“Aray…masakit!” reklamo ko. Saka ko lang napagtanto napakaweird ng pagkakasabi ko. Meron bang umaaray na nasasarapan? Aray masarap?

“Kulang pa yan sa mga kasalanan mo sa akin!” sabi niya habang nanggigil na niyayapos ako.

“Ano na naman ba yun?” tinatamad pa talaga akong makiharutan sa kanya dahil inaantok pa ako.

“Una, binitin mo ako kagabi kaya nagsolo na lang ako sa banyo. Pangalawa pinag antay mo ako ng matagal bago bumalik sa kwarto at pangatlo hindi mo man lang ako ginising para ipagpatuloy natin.” Naiinis niyang sabi.

“No doubt, kung bakit kayo nagkababy ni Jessica. Sobrang libog mo!” naiinis kong sambit.

“Bat na naman napasok si Jessica dito. At hello… sayo lang po ako nagkakaganito. Baka nga pinapainom mo ako ng sex supplement kaya lagi akong natururn on sayo!” natatawa niyang sambit.

“Wow ahh..so kasalanan ko pa?” tinulak ko siya ng bahagya dahil halos hindi na ako makahinga sa pagkakayakap niya sa akin.

“Oo ang sexy mo kasi babe!” sabay halik niya sa noo ko. Heto na naman tayo sabi ni Sarah G.

“Sus, gusto mo lang makascore!” sabay pisil sa ilong niya.

“Paano mo nalaman?” natatawa niyang sabi.

“Syempre ramdam ko naman na nakatayo si junjun.. at kinikiskis mo pa talaga!” lalo niyang diniin sa akin ang hinaharap niya.

“Dali na babe tuloy na natin!” pag aya niya.

“Ayoko umaga na at gising na silang lahat. Remember birthday ni Jules ngayon?” pag-papaaalala ko sa kanya. Maaga rin dapat akong kumilos para makapagrehearse kami kahit papano ni Jean para sa magiging performance namin mamaya.

“Eh ano naman?” naiiritang tanong niya.

“Baka maabutan nila tayo saka baka hinahanap ka na ng asawa mo!” hinalikan niya ako sa pisnge at saka nagsalitang muli.

“Hindi ko siya asawa, at hinding hindi ko siya magiging asawa dahil ikaw lang ang mahal ko” sabay halik ulit sa noo ko.

“Tara na tumayo na tayo!” pagyaya ko sa kanya. Ayoko na talagang pag usapan yung tungkol sa kasal nila dahil lalo lang akong naiistress . “Ayaw mo na talagang ituloy?” nalulungkot niyang tanong.

“Hindi nga pwede babe.. baka maabutan pa nila tayo!” alam ko naman kahit I-lock namin ang pinto eh mabibitin pa rin kami dahil once na may kumatok ang isa man lang sa mga kapatid niya o kaya si Jessica. Tiyak bitin na naman ang magiging tagpo namin.

“Eh di mas okay nga yun.. malalaman na nila na tayo na. Tapos hindi na nila tayo mapaghihiwalay kasi magkarugtong na tayo!” bigla akong humagalpak ng tawa at siya rin ay natatawa sa joke niya.

“Ang lakas naman maka aso niyan babe.. baka naman pagnahuli tayo ni Jessica baka hagisan niya tayo ng asin para kumalas ka!” tawa ako ulit ng tawa. Natigil ang aking pagtawa nang may narinig akong pagkatok sa pinto.

“Eisen, gising kana?” tanong ni Jessica. Para naman akong nasa dormitoryo sa isang exclusive school for girls at laging kinakamusta ni miss minchin. Sasagot na sana ako kaso naalala ko pala na katabi ko si Josh. Sabi niya sa akin ay hayaan ko lang daw malaman ni Jessica na dito siya natulog kasi hindi naman daw yun magdududa. Kaya naman pinasuot ko siya ng tshirt dahil tanging boxer shorts lang ang suot niya tapos magkatabi pa kami sa kama.

“Oo, saglit lang.” lumapit naman ako sa pinto para pagbuksan siya. Pinatuloy ko siya sa kwarto ko at nagulat siya nang makita niya si Josh na nasa kama ko nakaupo.

“Hon, I was looking for you last night? Dito ka lang pala.. wait akala ko ba wala si Josh dito kagabi Eisen?” bigla naman akong kinabahan sa tanong niya.

“Ahh ehh kasi….” Napatingin ako kay Josh dahil wala akong masabing palusot.

“Lumabas kasi ako kagabi may binalikan lang sa resto tapos nakita kong mahimbing ang tulog ninyo ni Micah kaya dito na lang ako natulog sa kwarto ni Eisen” kumindat sa akin si Josh para ikompirma ang pagpapalusot. Nice one babe.

“Okay lang naman samin yun. Atleast magkasama tayong natutulog sa iisang kama. By the way madami namang spare rooms dito sa mansion bakit sa kwarto pa ni Eisen?” humirit pa si Jessica. Yun lang ano kayang isasagot ni Josh.

“Pagkauwi ko kasi naabutan kong gising pa si Eisen kaya nakipagkwentuhan ako sa kanya at dito na rin ako nagpasyang matulog kasi nga di ba ikakasal na tayo. Mamimiss ko tong bunso ko kapag nagkataon!” Ngingiti na sana ako dahil magaling ang pagpapalusot niya pero narealize ko na, aalis nga pala silang dalawa. Malabo na walang mangyari sa kanila ni Jessica. Kapag inakit siya ni Jessica malamang bibigay din siya. Ang hirap ng ganito.

“Awww..ang sweet. Mas okay yan kasi akala ko pa naman may babae kang pinuntahan kagabi. Pagnagkataong nahuli kitang nambabae gigilitan ko sa leeg yang kabit mo!” napahawak ako bigla sa leeg ko sa mga sinabi ni Jessica. Paano pagnalaman niyang bakla at ako yun? Naku baka ipagahasa niya na lang ako sa mga construction worker.

“Haha walang ganun..may anak na tayo!” saka naman siya hinawakan sa kamay ni Josh at naglambingan sa harap ko. Okay naman ako sa set up na pagpapanggap namin na wala lang kami. Para kasing unti-unti akong pinapatay kapag nakikita ko silang ganito ka sweet. Sana tinago na lang nila o kaya paglabas na lang ng kwarto ko bakit dito pa? Ilang sandali pa ay nag-aya nang kumain si Jessica dahil nakahain na raw sa ibaba ang breakfast pero hinayaan ko na lang silang mauna dahil baka himatayin na lang ako sa sobrang selos sa kanilang dalawa. Nagpaalam ako na maghihilamos at magtotooth brush muna. Pero yun naman talaga ang ginawa ko. Binagalan ko lang para sa mesa na kami magpang abot. Saktong pagkalabas ko ay nakasalubong ko ang birthday boy.

“Happy birthday Jules!” masaya kong bati. Ngumiti naman siya nang pagkatamis tamis. Naging extra ang kapogian niya ngayon sa suot niyang polo na black at pati ang suot niyang sapatos at jeans ay black din.

“Asan na ang regalo ko?” tanong niya nang makalapit siya sa akin..

“Wala” natatawa kong pero biro lang yun kasi may regalo naman talaga ako sa kanya.

“Oh sige na nga bigyan mo na lang ako ng birthday kiss!” sabay turo niya sa labi niya. Tumawa lang ako at umiling sa kanya.

“Oh sige birthday hug na lang” niyakap ko na siya para matapos na. Saka hug lang naman eh. Baka mamaya birthday sex na ang hingin niya sa akin.

“Actually may regalo ako sayo pero sa party ko na ibibigay!” nakangiti kong sambit at siya naman ay titig na titig sa akin.

“Bakit sa party pa..madaming makakakita kapag niregalo mo na ang sarili mo sa akin!” sabay kindat. Kinatawa ko naman ang mga hirit niya.

“Sira basta enjoy your day!” ngumiti lang siya at inaya akong bumaba na para kumain ng breakfast. Nakaakbay siya sa akin nang pumunta kami sa dining area. Agad nanlisik ang tingin sa amin ni Josh. Pero di ko pinansin, eh sila nga ni Jessica halos magtukaan na sa harapan ko. Eh ano ba naman yung simpleng akbay lang at saka kailangan namin magpanggap di ba? Habang kumakain kami ay binati si Jules ng kanyang mga kapatid maliban kay Josh. Pero hindi niya lang ito pinansin. Mabilis natapos ang almusal namin. Si Jules ay makikipagkita sa kanyang mga tropa bago pumunta ng private resort sa isang island na pagmamay ari nila. Si Jethro na ang punong abala sa pag oorganize ng birthday ng kanilang bunso ay nauna na sa isla pagkatapos ng agahan. Si Jean ay pumasok sa school dahil may isasubmit daw siyang school project. At sina Josh at Jessica ay umalis para daw sa follow up check up ni Micah. At si James? Walang pinagbago nakatutok pa rin sa kanyang PS4 matapos kumain.

Wala akong nagawa kundi magmukmok na lang muna sa kwarto at magmarathon ng mga videos ng 4Minute sa cellphone ko. Bigla ko kasi silang namiss, simula ng nagdisband sila medyo tumamlay ang pagkahilig ko sa pakikinig ng mga KPop music. Ang panonood ko ng videos ay nauwi sa pakikinig ng music. Medyo puyat ako kagabi kaya mabilis akong nakaramdam ng antok kaya naisipan ko na lang na umidlip saglit. Nagising ako na may tumatapik sa balikat ko. Akala ko ay si Josh lang kaya hinayaan ko lang siya sa ginagawa niya. Pinikit ko pa rin ang aking mata para kunwari tulog pa rin ako at nag aantay na lambingin niya.

“So how long are you planning to sleep? We’re leaving!” sabi ni Jethro. Napabalikwas naman ako ng bangon.

“Sorry, napasarap lang ang tulog ko. Anong oras na ba?” sabay punas sa mata baka may muta pa.

“10 minutes before 5pm” mabilis niyang sagot. Nagulat ako sa sinabi ni Jethro. Maghapon pala akong nakatulog. Ngayon ko lang naramdaman ang matinding gutom. Magpapaalam sana muna ako na kumain kaso kailangan na daw naming umalis kasi nag aantay na ang captain na magmaneho ng Yatch. Kaya nagpaalam na lang ako na magpapalit ng damit.

Pagkatapos kong magbihis ay dali-dali kong tinungo ang parking area kung saan nag-aantay si Jethro. Pagkarating ko doon ay naroon na rin si James. Nagtaka naman ako dahil naglakad na sila patungo sa swimming pool. Infinity pool to be exact. Nasa likod na bahagi ito ng bahay. Hindi ko pa nasusubukang magswimming dito dahil naging abala ako ng mga nakaraan. Pero yung totoo nahihiya lang talaga akong maligong mag-isa baka pulikatin ako at malunod. Ngayon ko lang napansin na sa tabi ng pool ay mayroong hagdan pababa kung saan mararating mo ang dalampasigan. Dahan dahan ako sa pagbaba dahil medyo madulas ang hagdan na dinadaanan namin. Pagkababa namin ay saka ko lang napansin ang malaking yate na nag-aabang sa pag alis namin. Sobra akong namangha sa hitsura nito. First time ko pa lang makakita ng ganito kalaking yate. Ang madalas kasing nakikita ko sa MOA ay mga katamtaman lang ang laki. At ngayon ma eexperience ko na ang makasakay rito. Iba talaga pag mayaman, andaming nagagawa sa kanilang mga salapi. Naunang umakyat si James dahil excited na siyang magparty. Akala ko taong bahay lang talaga to si James pero may pagkahilig din pala ito sa mga party. Sumunod naman ay si Jethro at nasa likuran naman niya ako. Wearing his usual poker face, inalok niya ang kamay niya para alalayan ako sa pag akyat ng yate.

“I can manage” pagtanggi ko, naaadopt ko na ang pagiging englishero nila. Sa paghakbang kong muli ay muntikan na akong madulas mabuti na lang at nahila ni Jethro ang kaanang kamay ko kaya hindi ako natumba. Kung nagkataon nagpagulong gulong ako pababa hanggang sa mga buhangin.

“See, madidisgrasya ka sa kaartihan mo!” pagsaway niya. Bigla naman akong namula sa di ko alam na dahilan. Siguro dahil napahiya ako o kaya hindi ako sanay na concern siya sa akin. Ewan dedma na lang dapat kailangan kong magfocus ngayon. Kaya hindi na lang ako sumagot habang hawak niya ang kanang kamay ko paakyat sa yate.

“Such a lady!” pagpuna ni James ng makita niyang nakahawak sa akin si Jethro. Kaya agad naman akong kumalas ng nasa loob na kami ng yate.

“You’re making me jealous princess!” dugtong pa niya. At tumawa ng mahina. Mapang asar talaga tong si James.

“Stop it!” saway ni Jethro. Iniwan niya kami saglit at tinungo ang kapitan para sabihing pwede na kaming umalis.

“Ang tagal mong natulog ahhh… ano bang ginawa mo kagabi at mukhang napuyat ka?” tanong ni James.

“Ah nakipagkwentuhan kasi sa akin si Jessica.. nga pala bat di mo man lang ako ginising? Atsaka asan na sila Josh, Jean at Jules?” nagtataka kasi ako bat pinapaalis ni Jethro ang yate eh kulang pa kami.

“Gigisingin sana kita kanina kaso mukhang sarap na sarap ka sa pagtulog kaya hindi na kita ginising. Sa sobrang himbing mo kahit mag woohoo tayo siguro hindi mo yun mapapansin!” sabay tawa ng mahina. Bigla akong namula kasi naalala ko na naman yung nakakahiyang eksenang yun na ayaw ko ng maalala.

“Sira!” wala akong masabi kaya tinuon ko na lang ang aking sarili sa palubog na araw. Napakaganda at nakakawala ng stress. Sabayan mo pa ng malamig na simoy ng hangin na dumadampi sa aking mga balat. Sobrang presko ng pakiramdam ko, sana lagi na lamg ganito.

“Si Josh at Jessica ay doon na dumiretso pagkatapos nilang mapacheck up si Micah. Si Jean naman ay nandun na akala nga niya ay mauuna ka na rin doon kaya bumalik si Jethro para sunduin ka. Si Jules naman ay malilate ng kaunti syempre nagcelebrate din yun sa ibang lugar bago pumunta sa resort” sagot ni James. Mabuti pa si Jethro naalala ako pero itong si Josh wala . Wala na talagang pag asa?

Mahigit kalahating oras din naming binabaybay ang dagat. Ang sarap sa pakiramdam dahil first time kong makasakay ng yate. Ang sarap pa ng lasa ng wine na inabot sa akin ni James. Noong una tumanggi ako pero ng matikman ko parang gusto ko ng tunggain ang buong bote nito. Pero pinigilan ko ang aking sarili dahil ayokong sirain ang magiging performance namin ni Jean mamaya sa birthday ni Jules. Ilang minuto pa ay natatanaw na namin ang isla. Lumubog na ang araw kaya medyo madilim na ang paligid. Pero iba sa isla sobrang liwanag neto. Abot sa kinaroroonan namin ang malakas na tunog ng music. Mukhang nagsisimula na nga ang party doon. Bigla naman akong kinabahan sa magiging performance namin ni Jean. Sana hindi ako pumalpak kung hindi dalawa kaming mapapahiya ni Jean. Pagkarating namin ay dali-daling tumakbo si James sa crowd ng mga taong nagsasayawan sa indak ng music. Napawow talaga ako kasi first time kong makita si Afrojack sa personal. At sobrang ganda talaga ng mga EDM na pinapatugtog niya. Parang may humihila sa akin na makigulo na rin sa mga nagsasayawan. Sumunod lang ako kay Jethro dahil hindi pa naman ako familiar sa lugar. Ang resort na ito ay napakaganda. Maaari mo siyang ma-icompare sa Boracay, ito nga lang yung mini version. Hindi rin naman nalalayo ang ang pagkaputi ng sands neto. Tumuloy kami ni Jetheto hanggang sa hotel-like na building. Well hotel nga siguro ito, pero libre dahil sila naman ang may ari at nag organize ng party. Isang bag lang naman ang dala-dala ko kaya hindi ako nahirapang bitbitin ito sa kwarto. Kinuha ko na agad ang regalong ibibigay ko Jules. Saka naman ako nagbihis at nag ayos ng susuotin ko sa performance namin ni Jean.

“Eisen, mauuna na ako. Sumunod ka na lang sa baba!” sabi ni Jethro.

“Okay!” maiksi kong tugon. Ilang beses kong tiningnan ang sarili ko sa salamin. Mukhang okay naman ang suot ko pero parang naliliitan ako sa sarili ko. Dahil sa labas pa lang ay makikita mo na na mayayaman ang mga dumalo sa birthday ni Jules at mukhang lahat ay sosyal. Feeling ko mao OP lang ako dito. Biglang nagvibrate ang phone ko, isa lang ang ibig sabihin may tumatawag sa akin.

“Hello?” sagot ko agad kasi unknown number.

“Hulaan mo kung nasaan ako?” boses ni Bjorn.

“Nasa party malamang, ang ingay diyan sa pwesto mo” mariing sagot ko.

“Try mong lumabas ng kwarto” utos niya.

“At bakit?” tanong ko.

“Basta!” kahit nagdududa ako sa sinabi niya ay lumabas ako ng kwarto bitbit ang regalo ko para kay Jules. Bigla akong nagulat sa mga narinig ko sa phone. Eksaktong eksakto sa kantang pinapatugtog ngayon sa party.

“Huwag mong sabihing?” mabilis kong tanong.

“Yes, andito ako sa party ng kapatid mo!” natatawa niyang sambit.

“Wait, papano?” nasa plano ko naman talaga na iinvite siya kaso ayoko ng gulo pag nakita ni Josh si Bjorn dito. Ayokong masira ang birthday party ni Jules.

“Well, friend ng kuya ko si Afrojack at kami lang naman ang tinawagan ng isa sa mga kuya mo para magpaschedule ng ganitong event kasama si Afrojack. That’s why I’m here!” pagpapaliwanag niya.

“So mayaman ka nga?” naiinis kong tanong. Kasi lagi niyang sinasabi na may kaya lang daw sila at nag aabroad ang kanyang mga magulang.

“Hindi naman..sakto lang. Mas mayaman ka pa rin!” sabay tawa niya.

“Ewan ko sayo.. ah basta kita na lang mamaya may aasikasuhin pa ako. Sige bye!” pagkatapos kong magpaalam ay agad kong binaba ang phone.

Nagtungo agad ako sa baba para hanapin kung sino man sa mga Wells ang kilala ko. Madaming guest si Jules or yung iba ay bisita ng mga kapatid niya. Nakakailang ang mga tinginan at bulungan ng mga taong nasa paligid. Naka mellow music na kasi ngayon at wala nang nagsasayawan sa gitna. Malamang nagpapahinga si Afrojack sa backstage. Hihingi pa naman sana ako ng autograph kaso wala nga din pala akong dalang papel at ballpen. Habang hinahanap ko sa crowd ng mga tao ang sino man sa kakilala ko ay bigla na lang may humablot sa akin.

“Guys, I would like you to meet my baby bro!” biglang sabi ni Jules. Gulat na gulat ako kasi hindi pa ako naging handa sa pagpapakilala niya sa akin sa mga taong nasa paligid niya.

“Aww.. I thought you’re the youngest?” tanong ng isang lalaking matangkad at pogi. Pero mas pogi parin ang mga J bros so don’t judge me.

“No He is!” dugtong ni Jules na para bang tunay na kapatid niya talaga ako.

“Say Hi to them!” utos niya sa akin. At nag Hi naman ako sa kanila na nahihiya at naghello rin naman sila.

“He’s so cuuuute!!” tili ng mga babaeng nakabikini na halos lumuwa na ang mga dibdib sa suot.

“I know right!” sabay kiss ni Jules sa pisngi ko. Bigla akong namula sa ginawa niya. Seryoso ba siya? Sa harap talaga ng mga kaibigan niya at bisita?

“Aww.. you guys are so sweet! Can I have him?” tanong ng isang babae.

“No, ako ang nauna!” sagot naman ng isang babaeng maganda. Bigla akong nakaramdam ng kilabot sa katawan. Parang kailangan ko ng atsara ngayon.

“Just give him to me!” sabi ng isang lalaking matangkad at gwapo. Stand out ang kapogian neto at tanging manipis na shorts lang ang suot niya. Putok na putok ang six pack abs sa tone na kulay ng kanyang balat. Parang na magnet bigla ang aking mata ng kumindat siya sa akin. Pero hindi pupwede may Josh na ako. Kaya sorry maybe next time! JOKE!

“Nope sa akin lang siya sabay yakap sa akin ni Jules.” At tumatawa.

“Unfaiiir!” sabi ng mga babae.

“Baka nakakalimutan niyong andito pa ako, hello?” biglang sabat ng babae. Guess who? Ang babaeng pinagpala sa ganda pero sinsama ni Ursula ang ugali. Please welcome Andreaaaaa!

“Jules? Eto nga pala yung regalo ko sayo! Happy Birthday!” masaya kong bati. Hindi ko na lang pinansin ang nanlilisik na pagtitig ni Andrea sa akin.

“Thank you!” sobrang tuwang tuwa naman si Jules sa binigay ko sa kanya. Nagpaalam na ako na hahanapin ko muna si Jean pero hindi ko sinabi ang dahilan kasi nga surprise ang magiging performance namin para sa kanya. Hindi naman ako nabigo at nakita ko siya malapit sa stage, kaya agad akong lumapit sa kanya.

“Jean, kinakabahan ako!” bungad ko agad bago pa siya makapagsalita.

“Wag kang mag-alala.. I know that you’re ready kasi kasama kitang nagpractice kaya chill ka lang!” sabay tapik niya sa aking balikat para I-encourage ako. Nagtungo na kami sa backstage para makapagprepare kasi ilang minuto lang ay magsisimula na kaming magperform. Pero bago ang performance namin ay kakanta muna siya kasama ang kanyang banda ng tatlong kanta bago ang sa amin. Tinawag na ang kanilang banda sa stage at naghihiyawan na ang mga taong nanonood. Mas lalo tuloy akong kinabahan dahil hindi ako sanay sa mga ganitong performance kaya naman panay ang kagat ko sa aking labi dahil na te-tense ako.

“Chill ka lang, kaya natin to.” Hindi pa pala umaakyat ng stage si Jean kaya nagulat ako nang magsalita siya.

“By the way may gusto akong aminin sayo!” seryoso niyang sabi, mas lalo tuloy akong kinabahan. Baka aaminin na niya na panget talaga ang boses ko at ayaw na niya akong isama sa performance pero mas okay sa akin ang ganun kaysa mapahiya ako sa maraming tao.

“The last song that Im gonna sing with my band is for you! Ikaw na bahalang umintindi!” saka siya ngumiti at dali-daling umakyat ng stage na mas lalong nagpalakas ng hiyawan ng crowd. Ganun na talaga siya ka sikat kahit na mga taong social ang taste sa music ay gustong gusto siya. Ako naman ay natameme sa sinabi niya. Yung pangatlong kanta daw niya ay para sa akin. Anong kanta kaya yun? Baka naman kaya Fuck you yun by Lily Allen o kaya Ur so gay ni Katy Perry. Naku mas lalo tuloy akong kinabahan.

Nagsimula silang magperform ng sarili niyang version ng When I dream about you. Sabay sa indak ng music ang mga audience at panay ang sigaw sa pangalan ni Jean habang nagpeperform. Lahat naman ng naging performance ni Jean ay maganda at walang dull moments kahit saang live pa yan. Alam ko yun dahil no. 1 fan ako ng banda nila. Kilala ko nga mga bandmates niya. Si Kiko at Troy na naggigitara. Si Justin na drummer at Kristan na nasa keyboard. Pero syempre hindi nila ako kilala.

Sumunod na kinanta niya ay ang Cake by the ocean ng DNCE. Hiyawan lahat ng mga tao habang nagpeperform siya. Kahit naman ako ay hindi na mapigilan sa pag indak dahil hindi ko akalain na kumakanta din pala siya ng ganoong genre ng song. Bagong bago sa aking pandinig kaya nagustuhan ko agad ito. Kinabahan na ako ng mga sandaling iyon dahil susunod na ang pangatlong kanta na para daw sa akin. Please lord kahit pusong bato na lang wag lang Ur so gay ni Katy Perry.

“Good evening everyone, I just wanna ask if you’re having fun tonight? Specially to my bro who’s celebrating his birthday tonight?” tanong ni Jean.

“HELL YEAH!” Sigaw ni Jules at nagtawanan naman ang crowd. Enjoy na enjoy lang ang lahat.

“I just want to dedicate this song to someone that I like. I want you to know that I want you and your beautiful soul!” dugtong ni Jean at naghiyawan lahat ng mga kababaihan. Wait wait wait wait….. para sa akin ba yung message na yun o assuming lang ako?

I don’t want another pretty face

I don’t want just anyone to hold

I don’t want my love to go to waste

I want you and your beautiful soul

I know that you are something special

To you I’d be always faithful

I want to be what you always needed

Then I hope you’ll see the heart in me

Hindi ako mapakali sa kinaroroonan ko dahil hindi ako makapaniwala sa kinakanta ngayon ni Jean. Totoo ba to? Para sa akin ba talaga yang kanta na yan?

I don’t want another pretty face

I don’t want just anyone to hold

I don’t want my love to go to waste

I want you and your beautiful soul

You’re the one I wanna chase

You’re the one I wanna hold

I won’t let another minute go to waste

I want you and your beautiful soul

Your beautiful soul, yeah

You might need time to think it over

But I’m just fine moving forward

Siguro kung hindi kami ni Josh ngayon ay sobrang kilig na kilig na ako sa mga naririnig kong lyrics sa mga kanta niya pero somehow nakakataba ng puso.

I’ll ease your mind

If you give me the chance

I will never make you cry c’mon let’s try

I don’t want another pretty face

I don’t want just anyone to hold

I don’t want my love to go to waste

I want you and your beautiful soul

You’re the one I wanna chase

You’re the one I wanna hold

I won’t let another minute go to waste

I want you and your beautiful soul

Am I crazy for wanting you?

Maybe do you think you could want me too?

I don’t wanna waste your time

Do you see things the way I do?

I just wanna know that you feel it too

There is nothing left to hide

WAIT WAIT WAIT. Don’t tell me nagkoconfess na siya sa akin? Parang nadadagdagan ng level yung pagka assuming ko. Baka naman nagtitrip lang siya.

I don’t want another pretty face

I don’t want just anyone to hold

I don’t want my love to go to waste

I want you and your beautiful soul

You’re the one I wanna chase

You’re the one I wanna hold

I won’t let another minute go to waste

I want you and your soul

I don’t want another pretty face

I don’t want just anyone to hold

I don’t want my love to go to waste

I want you and your beautiful soul

Ooooooo

Beautiful soul, yeah

Oooooo, yeah

Your beautiful soul..

Natapos ang kanyang performance at sobrang ingay ng crowd dahil sa magandang performance ni Jean. Ako din naman natulala sa kinatatayuan ko at hindi ko namalayan na tinatawag na pala niya ako sa stage para sa performance namin. Pinakilala niya ako sa crowd gaya ng pagpapakilala sa akin Jules kanina. Sobrang nakakailang dahil hindi talaga ako sanay magperform sa harap ng maraming tao. Ilang sandali pa ay nagsimula na ang pagtugtog ng acoustic music at inumpisahan ni Jean ang pagkanta.

JEAN:

Summer after high school, when we first met

We make-out in your Mustang to Radiohead

And on your eighteenth birthday, we got matching tattoos..

Used to steal your parents liquor and climb to the roof

Talk about our future like we had a clue

Never planned that one day I’d be losing you

Habang kinakanta ni Jean ang lines na yun ay lalo akong naging sentimental dahil nakita ko sa crowd sina Josh at Jessica. Nakayakap si Jessica sa kanya habang nakasandal naman ang ulo ni Josh kay Jessica. Sobrang sweet nilang tingnan, parang hindi na acting mas totoo na ata. Hanggang sa dumating ang lines ko.

ME:

In another life, I would be your girl

Hindi ko mapigilang mapatingin kay Josh habang binabanggit ko ang lines ng kanta dahil para sa kanya talaga to.

We keep all our promises, be us against the world

In another life, I would make you stay

So I don’t have to say you were the one that got away

The one that got away

Duet:

All this money can’t buy me a time machine,

no Can’t replace you with a million rings,

no I should’a told you what you meant to me,

whoa Cause now I pay the price

ME:

In another life, I would be your girl

JEAN:

We keep all our promises, be us against the world

DUET:

In another life, I would make you stay So I don’t have to say you were the one that got away The one that got away

Natapos din ang performance namin ni Jean at nakahinga na ako ng malalim. Pero ang mga tao ay nagrequest pa ng isa pang song. Hindi ko iniexpect yun kaya kinabahan ako. Hindi ko alam kung anong kakantahin dahil gusto nilang kumanta ako ng solo. May isang babae nagsuggest na secret love song part 2 dahil sawi daw siya. Alam ko naman yung lyrics nun pero di ko sure kung magagandahan sila sa performance ko. Nag thumbs up naman si Jean para sabihing nasa tabi ko lang siya para umalalay.

Hingang malalim…Inhale exhale…. Simulang tumugtog ang music at kumanta ako.

We keep behind closed doors

Every time I see you, I die a little more

Totoo naman halos mamatay na ako sa selos habang kinakanta ko ang mga linya ng kanta habang sweet na sweet silang dalawa na para bang sila lang ang tao sa crowd habang pinapakinggan ang kanta ko.

Stolen moments that we steal as the curtain falls It’ll never be enough

As you drive me to my house I can’t stop these silent tears from rolling down

Sa mga sandaling yun ay gusto ko na rin talagang umiyak pero pinipigilan ko lang dahil ayokong gumawa ng eksena sa harap ng maraming tao.

You and I both have to hide On the outside where I can’t be yours and you Can’t be mine

But I know this We got a love that is homeless….

Naririnig ko ang mga pagsipol sa crowd at mukhang nagugustuhan naman nila ang pagkanta ko pero kung alam lang nila na parang pinapantay na rin ako unti unti ng kantang to kaya damang dama ko ang bawat lyrics ng kanta.

Why can’t I hold you in the street? Why can’t I kiss you on the dance floor?

I wish that it could be like that Why can’t it be like that? ’Cause I’m yours

Why can’t I say that I’m in love? I wanna shout it from the rooftops I wish that it could be like that Why can’t it be like that??

Bigla akong natigilan sa pagkanta nang makita kong hinatak ni Jessica ang pisnge ni Josh at hinalikan ito sa crowd. Ang ibang nakakita ay nagpalakpakan sa tuwa. Samantalang ako ay hindi ko na kinaya kaya bigla na lang nabitawan ko ang mic na umagaw ng attention ng lahat. Sa sobrang taranta ko ay dali dali ko itong pinulot at nag sorry sa crowd. Hindi ko na talaga kayang pigilan ang mga luha ko kaya nagmadali akong tumakbo palayo sa stage. Palayo sa lahat. Sa lahat ng mga taong makakakita sa kalagayan ko ngayon. Habang tinatakbo ko ang dalampasigan ay siya ring pagragasa ng mga luha ko sa aking mga mata. Tinatanong ko sa diyos ano ba ang naging mali ko para mangyari sa akin ang lahat ng ito. Natigil lang ako sa pagtakbo ng madama ako sa buhanginan at doon na ako nag iiyak. Ang sakit sakit parang ayoko na nang ganito. Gusto ko na lang bumalik sa Maynila at mabuhay ng mapayapa sa simpleng pamumuhay doon. Malayo sa mga mapanghusgang lipunan ng mga taong nakakataas ang antas.

“Okay ka lang?” biglang himas sa likod ko. Hindi ko namalayan na nasa tabi ko na pala si Bjorn.

“Mukha ba akong okay?” naiinis kong sabi. Alam ko namang andyan siya para damayan ako pero ewan ko ba at bat ganun pa rin ang inasal ko.

“Okay-okay.. andito ako para makinig” sabi niya pero hindi ako umimik. Ayoko naman ikwento ang tungkol sa amin ni Josh kasi nga lihim lang namin yun.

“Kung hindi ka makakapagkwento ganito na lang uminom na lang tayo!” inabot niya sa akin ang dalawang in-can na beer. Kung nasa matinong sitwasyon ako ngayon ay malamang tatanggi ako. Pero dahil sa mukhang kailangan ko ito ngayon ay inabot ko ang mga ito at ininom.

“Oh dahan dahan lang!” saway niya sa akin.

“Wala kang pake” sagot ko naman.

“Sungit mo sa akin ngayon..meron ka ba ha?” pang aasar niya at tinusok niya ang tagiliran ko kaya naman nakiliti ako. Kaya nakatikim siya ng malakas na hampas sa akin. Napahiyaw naman siya sa sakit. At nagsimula kaming magtawanan.

Nagkwentuhan kami ng mga bagay na nakakatawa para naman makalimutan ko ang kasalukuyang pinoproblema ko ngayon. Kahit hindi naman masyadong nakakatawa ang joke niya ay ang lakas ng tawa ko. Ganoon pala talaga pagpinipilit mong maging masaya kahit sa loob mo ay halos pinapatay kana. Biglang lumakas ang tugtugan sa party at naghihiyawan ang mga tao. Inaya naman ako ni Bjorn na bumalik sa crowd at sumayaw. Tatanggi sana ako kaso alam kong si Afrojack na ulit ang nagdiDJ kaya hype na hype ang tao. Kaya nagmadali na rin kaming pumunta doon. Bago pa ako sumabak sa mga nagsasayawang mga tao sa gitna ay kumuha ako ng isang shot ng tequila na dala-dala ng isang waiter at ininom ito ng isang lagukan lang. Natawa naman si Bjorn sa inasal ko at inalalayan akong makarating sa gitna. Napaindak ang lahat sa favorite hit ko na music ni Afrojack ang TAKE OVER CONTROL. Sobrang indak ako sa pagsasayaw nun at wala akong pakialam sa mga taong nasa paligid namin. Hinayaan kong aliwin ang sarili ko at kalimutan lahat ng problema sa mga sandaling yun. Napansin ko sa crowd si Jean at ngumiti sa akin. Ganun din naman ang ginawa ko sa kanya. Unti-unti kong nararamdaman ang tama ng alak sa aking systema kaya medyo nakakaramdam ako ng pagkahilo. Palapit ng palapit si Jean sa kinaroroonan ko habang patuloy pa rin ako sa pagsasayaw.

“Ang cute mo!” sabi ni Bjorn. Dahil maingay ay kunwari hindi ko narinig ang mga sinabi niya.

“Ano?” pagmamaang maangan ko.

“Ang sabi ko ay”…. Hindi na niya pinagpatuloy ang sinabi niya dahil bigla na lang niya akong hinalikan sa gitna ng dance floor. Nagulat ako sa biglang inasal niya. Ang ibang taong nasa paligid namin ay nagulat at ang iba naman ay nagpalakpakan. Kumalas ako sa pagkakahalik niya ng makita ko si Jean na nasa likod niya na gulat na gulat sa mga pangyayari.

“GAGO KA!” sigaw ng isang lalaki. At nakita ko na lang na bumagsak si Bjorn sa buhanginan dahil sa malakas na suntok na tinamo niya. Saka ko lang napansin na ang taong sumuntok sa kanya ay walang iba kundi si Josh.

Itutuloy……

Edited by RJEM16

A/N: There you go guys…. another blackpink ang title. Nakakatuwa at nagmamatch siya sa content ng story dapat boombayah ang title ng previous chapter kaso alam ko naman na hindi matutuloy ang pag bo boombayah nila ni Josh kaya As if its your last na lang.

So how’s the roller coaster ride guys? Ang sakit sakit ng kamay ko sa pagsusulat ng chapter na to gusto ko na magquit T_T

And I just want to share you this guys. Sobra akong natawa sa edited pic na ginawa ni yadong_23

Tuwing magkikiss si Josh at Eisen yan ang naaalala ko at natatawa na tuloy ako…. hahahaha damay damay na to.

Kapag may edited pics kayo na gusto mafeature you cand send it to my email @ eisenchan101gmail.com

Anyway please vote guys… umabot na siya #478 sa romance.

At bahala na kayong magsuntukan sa comment section.

*Still saturday 11:47pm pasok pa!

Chapter 20: Hit Ur Heart

Tony as Jean


LWMSB 20

Jean’s POV

December 2015

Kakatapos lang ng aming mini concert sa isang bar dito sa Timog. Nakakapagod, dahil hindi ako sanay mag-entertain ng napakaraming fans. In-fact hindi ako fan ng mga crowded areas na punong puno ng mga tao. It makes me feel suffocated. Hindi ko lang pinapahalata. All I wanna do is perform my song and I’m done. That’s what I want it to be, but I have to say Hi and Hello to my fans. Because, without them we may not be able to have this kind of event. I’m still thankful and exhausted at the same time. Kanina ko pa tinatawagan ang phone ni Josh pero walang sumasagot. I decided to go outside para magpahangin habang nagce-celebrate ang mga bandmates ko sa loob. I tried calling him again, but this time naririnig ko ang cellphone niya na nagri-ring somewhere.

Naglakad ako papalapit sa isang poste at dun ko napulot ang cellphone ni Josh. Nagtaka ako kung bakit niya naiwan ang cellphone niya dito. Saka lang ako kinutuban na baka may nangyaring masama sa kanya. Naglakad ako sa paligid para tawagin siya, pero walang sumasagot at hindi ko pa rin siya nakikita. Sa paglalakad ko ay may napansin akong card board na mula pa ata sa isa sa mga fans ko. Puno ito ng mga pictures ko, most them ay hindi ko alam na nag eexist. Ang ganda ng pagkakadetalye niya sa mga pictures ko. Simula noong nagcover ako ng first ever na music ko sa youtube hanggang sa mga pictures ko sa instagram at mga interviews sa television.

Pag-atras ko ay may naapakan akong maliit na libro. Pinulot ko ito at saka tiningnan ang laman. It’s just like a diary, the difference is madaming pictures ko ang content neto. Ang nakalagay sa cover page ay Fun Facts about Jean. Na-curious tuloy akong basahin ang content ng maliit na libro. Na-amaze ako sa dami niyang alam tungkol sa akin. Pwede na siyang i-hire sa FBI sa way niya ng pag-iimbestiga. May mga bagay na unaware ako na ginagawa ko pala madalas. Tulad ng nakalagay sa book, madalas ko daw kamutin ang ilong ko tuwing nahihiya ako. Tuwing na iistress ako sa mga pasaway na fans ay mina-massage ko ang brows ko instead of my forehead. Sobra akong naaliw sa mga content nito at nakalimutan ko na kung ano ba talaga ang pakay ko.

May bumusina sa akin kaya napatigil ako ng pagbabasa. Hindi ko maaninag kung sino dahil sa headlights ng sasakyan. Noong tinigil niya ang makina ng sasakyan ay saka ko naaninag kung sino ang may ari nito. Si Jon ang bestfriend ni Josh.

“Hey, how’s the concert bro?” he hugged me.

“Successful, I guess?” I repond.

“So popular yet so humble. I like that!” he laughed. And I laughed too.

“Anyway where’s Josh? Nagpapasundo siya sa akin. Mukhang naparami ata ang nainom.” That was the moment na naalala ko na hinahanap ko nga rin pala si Josh.

“Ohh great, I was looking for him too. Look, I called him several times but I haven’t receive any response from him. Saka ko lang nakita na naiwan niya tong phone niya sa ground.” I said.

“No way, baka may nangyari ng masama sa kuya mo!” suddenly na karamdam ako ng kaba. Hindi malayong mangyari yun. Hindi kami low-profile na tao kaya malamang maraming magtatangka ng masama sa amin knowing na anak kami ni Barry Wells.

“Can we call the police right now?!” nagpapanic na ako . I don’t know what to do.

“No, we can’t do that. We need to wait 24 hours more before we can declare him as missing a person to the police” he replied.

“Wait.. what?! My brother is missing and I don’t know who the hell took him. And you’re saying that we need to wait until 24 hours?” That idea annoys me. What if the person who took him is a psychopath? What if tinutorture na siya ngayon? Ohh fuck! my imaginations are running again.

“Okay calm down.. Maybe he just gone to the other bars?!” I doubt, because his car is still here.

“Without his car?” I know he’s trying to calm me down. Pero hindi ko maiwasang mag-alala sa kanya. After ng nangyari kay Sam ay para bang naparanoid na ako na baka may masama ring mangyari sa aming pamilya. I don’t know parang may nag trigger sa akin na may mangyayaring masama after ng pagkamatay ni Sam.

Nagpaalam ako sa mga bandmates ko para sabihing aalis ako para hanapin si Josh. Pinuntahan namin ang mga bars na possible niyang puntahan. Buti na lang at nandito si Jon dahil hindi ko alam ang pasikot-silot ng Manila. Almost 2 hours na kaming naghahanap sa kanya, andami na rin naming napuntahan na bars at mga places na possible niyang puntahan pero wala siya dun. Nagtanong na rin kami sa mga taong nakakakilala sa kanya kung alam ba nila kung saan siya mahahanap pero wala talagang nakakaalam kung nasaan siya. Wala kaming nagawa ni Jon kundi ang umuwi at antayin na lumipas ang 24 oras bago makapag file ng report sa pulis.

Pagkalipas ng 24 oras ay agad-agad kaming nagfile ng report sa police para mapabilis ang paghahanap kay Josh. Pinaalam ko na rin kay Jethro ang tungkol dito dahil marami siyang kilalang detective dito sa Manila na pwedeng tumulong sa amin sa paghahanap. Hindi rin tumagal ay nakahanap kami ng video na kuha sa CCTV kung sino ang kasama ni Josh nang mawala siya sa bar. Kitang kita sa video na inaalalayan siya ng isang binatilyo na makasakay sa loob ng isang taxi. Hindi ko kilala kung sino ang kasama ni Josh at ganun din naman si Jon. Pero mukhang familiar siya sa akin kaso hindi ko lang maaninag ng husto dahil madilim din ang pagkakakuha ng CCTV.

Mabuti na lang at nakuhaan ng malinaw ang plate number ng taxi kaya agad namin natunton ito. Kaso nga lang nang malaman namin ang address ng magmamaneho ng taxi, napag-alaman namin na nasa hospital daw ito ng gabi kung kelan nawala si Josh. Bigla ako kinabahan sa balita ng kanyang asawa dahil hindi makapagsalita ang taxi driver dahil wala pa itong malay hanggang ngayon. Tinanong namin ang kanyang asawa kung may kasama ba itong pasahero pero ang sabi sa amin ay wala siyang sakay nang mangyari ang aksidente. Kahit papano ay nakahinga ako ng maluwag sa sinabi ng ale.

Tatlong araw na ang nakalilipas at hindi pa rin namin mahanap si Josh. Nababahala ako na baka malaman to ni dad. Hindi pwedeng malaman to ni dad kasi maaaring magpanic siya at maging public ang pagkawala ng kanyang anak. Mas mahihirapan kaming mahanap si Josh pag nagkataon dahil maraming mapagsamantalang tao ngayon na sasabihing may alam sila pero ang totoo lilituhin lang kayo para sa reward. We’re still hoping na magising na ang taxi driver para magkaroon na ng leads kung nasaan nga ba si Josh ngayon. Halos wala kaming tulog ni Jon sa paghahanap kay Josh. Pabalik balik sa police station kung may information na ba sila pero wala pa rin. Pati mga interviews after ng mini concert ko ay tinanggihan ko para makapagfocus ako sa pagtulong sa paghahanap kay Josh. Wala akong pakialam kung ano man ang sabihin nila sa akin ang mahalaga ay ang mahanap ko ang kapatid ko. Sa pagod ko sa maghapon ay nakatulog na ako sa loob ng condo ni Josh habang si Jon naman ay nasa Resto nagpapabalik-balik dahil siya ang nagma-manage nito.

“GOOD MORNING!” may nagsalita at sabay nun ang pagbukas ng mga ilaw sa condo ni Josh. Ang akala ko ay si Jon. Pero parang namamalik mata ako kaya, inayos ko ang aking sarili at tinitigan ng mabuti ang nagsalita.

“Josh?” muntikan na akong mapasigaw nang makita ko siya

“Ohh.. para naman akong multo kung magulat ka” he replied as if walang nangyari.

“That’s it? After mo mawala ng 4 days? We’re so worried sick about you! san ka ba nagpunta at ni isa sa amin ay wala ka man lang pinagsabihan? We even called the police for help para mahanap ka!” naiinis talaga ako ng mga oras na to. As if wala lang sa kanya yung nangyari after namin mag-alala at mapuyat kakahanap sa kanya.

“Okay..Chill..I’m sorry. It’s just, hmm.. paano ko ba i-eexplain?” he keeps on grinning na para bang baliw. Mukhang may epekto pa ng drugs itong si Josh, kung sino man ang kumidnap sa kanya.

“I woke up in a stranger’s bed.. and the rest is a secret!” he just laughed. And I was like, wtf that’s it? He just keep on laughing so I throw him the pillow to make him stop. To my surprise, mas lumakas ang tawa niya. Dahil sa inis ko ay iniwan ko siya sa condo at umuwi pabalik ng mansion.

After a month bumalik si Josh sa mansion, he looks like a changed person. Not just physically, parang may nagbago sa pagkilos niya at pananalita. Parang hindi siya yung kapatid na kilala ko but I like it though. Still hindi ko pa rin nakakalimutan yung pag-aalala na ginawa niya sa amin. So kahit buwan na ang nakalilipas ay hindi ko siya halos kinakausap. Naging mystery parin sa akin kung sino ang nagmama-ari ng notebook na napulot ko. Kahit ilang beses ko na siyang nabasa ay para bang bago pa rin sa akin ito tuwing binabasa ko. Wala naman kasing identification sa sino mang nagsulat o gumawa ng content sa notebook na ito, maliban sa pangalan na Eisen sa dulo. Kaya tuwing may fan gathering o kaya mini concert kami ng banda ay lagi kong dinadala ang maliit na notebook na ito, hoping na baka isa sa mga umattend na fans ay ang nagmamay-ari ng notebook. Pero tuwing itinatanong ko sa mga fans ay walang umaamin sa kanila kung sino ang may gawa non o kaya walang nakakakilala sa kanila kay Eisen. I even approached the admins ng fans club ng banda namin pero wala talagang nakakakilala sa kanya. I just love reading the content as if kilalang kilala ako ng taong to. Kaya ganun na lang ang pagkainterest ko na makilala siya.

After a year, our dad told us na magkakaroon daw siya ng bagong asawa at meron na itong anak. I don’t mind if he gets married again and again and again. So when he told us the details of the wedding ay hindi ako masyadong nakinig pati na rin kung sino man yung anak na mapapangasawa niya na lilipat sa mansion ay hindi ko na inalam. Basta huwag lang nila akong pakikialaman sa mga ginagawa ko ay okay na ako. Dumating din yung araw na pinakilala sa akin ni Josh ang anak ng napangasawa ni dad. I have nothing against him, pero nasungitan ko siya noong unang pagpapakilala niya dahil kay Josh.

I know, para akong bata dahil hindi ko pa rin siya napapatawad sa ginawa niyang pagpapaalala sa amin noon. Hindi na rin ako nakapagsorry sa kanya dahil nagulat din ako sa aking inasal. Nataranta ako noong nalaman ko ang pangalan niya ay Eisen. Parang familiar, pero hindi ko maalala kung saan ko narinig yun. Kaya imbes na ipagpatuloy ko ang aking pagpa-practice ay nauwi ako sa pag-iisip. Saka ko lang naalala ang tungkol sa notebook na matagal kong itinago. Hindi kaya siya yung Eisen na may-ari ng notebook? Kung sa kanya nga ang ibig sabihin ay isa siyang fan ng banda ko at baka siya rin ang maaring nakalaglag nito.

Malapit na magsimula ang dinner, Nakinig muna ako ng music sa aking ipad para matanggal ang pagkabored ko. Isa-isa na ring nagdatingan sa living room sila Jethro, at si James naman ay nanood agad ng football. Tanging si Eisen na lang ang inaantay, nakatulog siguro sa kwarto niya dahil napagod sa biyahe. Hindi rin naman talaga biro ang bumiyahe from Manila to Batangas. Ilang sandali pa ay naramdaman kong may nakatingin sa akin kaya bahagya kong inangat ang mukha ko na hindi tumitingin sa sino man ang nakatitig sa akin. Alam ko na si Eisen yun kaya hindi ko siya pinansin kasi hindi ko alam kung paano ko siya ia-approach after ng inasal ko sa kanya. Nagsimula na kaming magtungo sa dining hall. Kanya-kanya kaming puwesto sa mesa. Pero si Eisen ay mukhang hindi alam kung saan mauupo nang biglang dumating si Jules at umakbay sa kanya.

“You guys are so mean.. hindi nyo man lang ako inantay para sa dinner” sabi ni Jules.

“I told you to come home before 6pm, malay ko ba kung nakipagdate ka naman” sagot ni Josh.

“6:09 pa lang ooh! And by the way who’s this little cutie here?” he ask habang ginugulo niya ang buhok ni Eisen.

“Hi, I’m Eisen” he said shyly. I don’t know why, I find him cute when he’s talking that way.

“Ohh you’re Eisen!” he said and to my surprise, he suddenly kiss Eisen in-front of us. I feel dumb for a moment.

“Welcome to the family!” dugtong nya at ngumiti. Parang wala lang sa kanya ang nangyari.

“JULEEESS!” sabay na sigaw ni Jethro and Josh. Nagulat ako sa biglang pagsigaw nila, I know na ganun ang magiging reaction ni Jethro pero hindi ko iniexpect na pati si Josh.

“Whaaat? It was just a greeting.. I used to kissed all of you whenever I came back from the US” ohh such a lame excuse for your pervy attitude bro.

“Bata pa tayo noon… and it’s not appropriate dahil hindi naman liberated si Eisen kagaya mo!” Well, it was obvious na naiinis si Josh. I don’t why na parang big deal sa kanya yun.

“Just take your seats at kumain na tayo!” Jethro always the big bro. Lumapit si Jules kay James at bago pa man makaupo ay nakipag high-five pa ito.

“Nice one!” sabi ni James and he just laughed.

Nagsimula kaming kumain ng aming dinner with Eisen. I find him funny wearing a sanrio world characters in his polo. But he looks cute. Pangalawang sabi ko na, na ang cute niya, its weird dahil hindi naman ako naku cute-an sa mga lalaki. Well I’m not a homophobe pero mas naappreciate ko ang mga girls pero may exception pagdating sa kanya. Jethro and Josh keeps on asking about him and he responds nicely. Interasado tuloy ako na mas makilala pa siya dahil mukhang masarap siyang kasama.

After ng dinner ay agad na akong pumunta ng kwarto para hanapin ang notebook na itinago ko at itatanong ko na rin sa kanya kung siya ang nagmamay-ari nun. Nahiga muna ako sa aking kama at nag-isip kong pano ko siya kakausapin after ng pagsusungit ko kanina. Hindi ko namalayan na nakaidlip pala ako at nagising na lang ako sa kumakatok sa pinto ng kwarto ko.

“Hey!” bati ni Jethro.

“Yes?” I ask.

“You know naman na malilipat na si Eisen sa school mo, kaya sana i-tour mo muna siya sa University baka kasi maligaw siya. Pero nakausap ko na siya kanina and he told me na gusto niyang mapag-isa kaya gusto ko sanang bantayan mo ang kilos niya for the mean time hanggang sa makapasok siya sa first subject niya” napakamot tuloy ako sa ulo ko sa mga sinabi ni Jethro.

“Are you asking me to be his PSG or to be his stalker?” I responded.

“Just do both!” and he just left.

Naisip ko na lang na magprint ng map ng university at ibibigay ko na lang sa kanya bilang guide niya para hindi siya maligaw doon. Kahit naman ako noong unang pasok ko sa uni ay nahirapan din ako mag adjust sa laki nito, buti na lang at nandoon si James para tulungan ako kaya kailangan talaga ni Eisen ng makakasama o kaya ng guide para hindi siya maligaw. Bitbit ang notebook ay nagtungo na ako sa kanyang kwarto. Kumatok ako at hindi rin nagtagal ay pinagbuksan niya ako ng pinto. Ang weird dahil kusa na lang na inabot ko ang map na naprint ko kanina para sa kanya na agad naman niyang kinuha.

“Nag-print na ako ng University map for you, para hindi kana maligaw tomorrow. Jethro told me na mas gusto mong mag-explore mag-isa kaya nag print ako ng map baka maligaw ka pa sa first day mo!” I sound weird, para akong robot magsalita.

“Sa-salamat!” sumagot siya na nahihiya. Sobrang cute niya. Saka ko lang napansin na napatitig na pala ako sa kanya.

“So matulog kana, I think maaga pa ang pasok mo.. so I’m leaving na!” Parang ako naman ang nakaramdam ng kahihiyan ngayon. I feel so weird today pati yung tungkol sa notebook ay nakalimutan kong itanong sa kanya.

Kinaumagahan ay nagtungo ako agad sa dining area para makapag breakfast bago pumasok ng school. Pagdating ko doon ay tanging si Jethro at Josh lang ang naroon. Sabi ni Josh ay nauna na si Jules at Eisen sa school at hindi na nakapagbreakfast sa pagmamadaling pumasok. Aalukin ko pa naman sana siya ng ride papasok ng school para kahit papano ay makapag apologize ako sa inasal ko kahapon. Pagkatapos kong kumain ng breakfast ay nagmadali akong nag ayos para makapasok na sa school. Pagkarating ko doon ay nakasalubong ko si Jules at Andrea na nakasakay sa kanyang kotse. Kaya nagtaka ako kung hinatid ba niya talaga si Eisen sa kanyang building. Buti nabanggit ni Eisen kagabi habang kumakain kami ng dinner na Psychology ang kanyang course kaya hindi ako nahirapang puntahan ang Psych building. Pagkarating ko doon ay nakita ko siyang umaakyat ng hagdan nang biglang may bumunggo sa kanya at nalaglag siya pababa ng hagdan. Tatakbo na sana ako para tulungan siya pero bigla akong hinablot ni Kiko paalis sa building.

“What the hell is going on?” naiinis kong tanong sa kanya.

“RED ALERT BRO!” sabi niya, ang code RED ALERT sa aming magkakaibigan ay napakaimportante kaya hindi muna ako nagtanong kong ano ang nangyayari at hinayaan ko na lang siyang hatakin ako. I feel bad for Eisen, mukhang masakit ang pagkakabagsak niya pero hindi ko man lang siya nagawang tulungan. Saka ko lang narealize na nasa harap na kami ng Office of the President ng school. Pagpasok ko ay saka ko lang nalaman na pinag-uusapan nilang ipa-expel si Justin dahil nahuli siyang nakikipag sex sa isa sa mga professor naming babae. Napaface-palm ako nang malaman ko yun, I know na sobrang babaero at mahilig itong si Justin pero hindi ko iniexpect na pati ang professor namin ay papatulan niya. Dahil iisang team kami, ginamit ko ang impluwensiya ko para mapababa ang parusa kay Justin imbes na ma-expel ay isuspende siya ng dalawang linggo bilang parusa. I feel bad sa prof namin na nawalan ng trabaho pero hindi naman siya nagreklamo sa naging parusa kay Justin dahil aminado siya na siya ang nagpumilit na gawin nila yun sa loob ng kwarto. Mabuti na lang at hindi masyadong kumalat ang issue sa uni dahil makakaapekto ito sa reputasyon ng school, lalung lalo na sa banda namin.

Pagkauwi ko ng mansion saka ko lang nalaman na masama nga talaga ang pagkakabagsak ni Eisen. Nakonsensya ako kung bakit hindi ko siya agad tinulungan pero kung hindi ako tumuloy sa Office of the President baka tuluyang ng expelled si Justin.

Haay wala talaga akong choice sa mga nangyayari. Nahihiya akong kausapin siya after ng mahulog siya sa hagdan. Kaya sinisilip ko na lang siya sa kwarto niya kapag tulog na ang lahat. Nakakaawa ang kalagayan niya dahil nahihirapan siyang matulog dahil nga sa pamamaga ng kanyang pwetan. Naging abala din ako sa school at sa banda kaya hindi ko siya nagawang makausap ng mga nakaraang araw pero laking gulat ko na lang nang makita siyang pumasok dito sa loob ng music room kung saan nagpapractice ako.

“What are you doing here?” nagulat ako kaya biglang nag iba tono ng pananalita ko.

“Ganyan ka ba talaga umasta sa mga fans mo?” mukhang na offend siya sa sinabi ko.

“No, what I mean is dapat nagpapahinga ka ngayon kaya anong ginagawa mo dito?” syempre nag-aalala talaga ako para sa kanya dahil mukhang hirap pa siyang maglakad.

“I’m ok, sabi rin ni doc maglakad lakad ako para maexercise ko ang binti ko!” he replied pero hindi pa rin ako convince.

“Still anlayo ng kwarto mo sa kwarto ko, paano na lang kung may mangyari sayo? Ako pa masisisi!” bakit ko nga ba nasabi yun. Damn.

“Wait, concern ka ba sakin dahil sa kalagayan ko o concern ka lang dahil ayaw mong masisi ka?” tanong niya.

“Both!” Another lame answer from me.

“Okay, aalis na lang ako. By the way pakiabot na lang tong susi kay James naiwan nya sa kwarto ko!” sabay abot niya ng susi sa akin.

“Wait dito ka muna, samahan mo muna ako!” pinigilan ko siyang umalis dahil parang mas gusto ko na dumito muna siya sa di ko alam na dahilan.

“Huwag na baka maabala pa kita sa pagpractice mo.” sabay tinanggal niya ang pagkakahawak ko sa kamay niya. Parang nagbablush siya sa mga oras na yun.

“Actually, these keys are mine, naiwan ko siguro noong dinalaw kita kanina” kakamadali kong umalis kanina ay hindi ko napansin na sa kwarto pala ni Eisen naiwan itong mga susi ko.

At doon na nagsimula ang matino naming usapan. Ang nakakatuwa pa ay nagawa pa naming magjamming. Maganda rin naman ang boses niya at konting pagpractice lang ay mas magiging mahusay pa siya. Hindi ko mapigilang maipagkumpara sila ni Sam, halos pinagbiyak na buko silang dalawa at kaunti lang ang deperensya nilang dalawa. Ang pinagkaiba nila ay nasa ugali, may pag ka intimidating kasi si Sam pero cool din yun kasama. Samantalang itong si Eisen ay napakagaang kasama, siya yung tipo ng taong ang sarap ka-jamming dahil nakakalimutan mo yung problema mo kapag nakikita mo siyang kumakanta. Hindi ko tuloy napigilan ang sarili kong yakapin siya bago siya umalis ng music room at magpasalamat. Nagulat siya ng magpasalamat ako sa kanya at ang pagbanggit ko kay Sam. Hindi nga niya pala kilala si Sam at hindi naman sila magkamag anak para makilala niya ito.

Dumating ang mga araw na halos hindi kami nagkakausap dahil busy kami pero habang tumatagal ay lalo siyang napapalapit sa akin. It’s weird dahil hindi naman ako bakla para magkagusto sa kapwa ko lalaki. I know that he’s gay and it’s obvious pero hindi ko alam at bakit ako naaattract sa isang tulad niya. I tried flirting with some girls I know sa UNI na may gusto sa akin. As much as possible ay hindi ko kinakausap si Eisen para mabura siya sa isipan ko pero tuwing may kasama akong babae, tuwing kayakap ko ito at tuwing magkikiss kami ay si Eisen ang naaalala ko. It’s CRAZY!! Hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganito o dahil epekto ba ito ng obsession ko sa paghahanap kay Eisen na may ari ng notebook? Pero hindi ko talaga alam kung bakit.

Isang gabi na sabay kaming magdinner lahat, nagkakatuwaan sila sa pagkukwentuhan habang kumakain samantalang ako ay walang kagana-gana. Hindi pa ako makatingin ng derecho kay Eisen dahil baka hindi ko mapigilan ang sarili ko kapag napapatitig ako sa kanya. Para bang may tumutulak sa akin na yakapin ko siya tuwing umuuwi siya ng mansion. Kahit hindi kami nag uusap ay lihim naman akong nagmamasid sa mga ikinikilos niya. Naiinggit nga ako kay Josh dahil mukhang close na close na sila ngayon.

Pagkatapos kumain ay nauna na agad akong umalis ng dining area at nagtungo kaagad sa aking kwarto para magpalit ng boxer shorts pangtulog. Dahil hindi pa bumababa ang aking kinain ay nagdecide ako na magpractice muna sa music room ng ipe-perform ko sa birthday ni Jules. Nakapatay ang ilaw ng pagpasok kaya minabuti kong hanapin ang remote nito. Pwede kasing buksan ang ilaw sa music room gamit ang remote. Nang makuha ko ito ay biglang may pumasok sa music room, walang iba kundi si Eisen. Bubuksan na sana niya ang ilaw ng music room pero pinigilan ko siya dahil kasalukuyang hinahanap ako ngayon ni Jules para magpaturo sa homework niya pero sabi ko ay busy ako. Pagnakita niya akong nandito sa music room malamang mabibisto ako nun sa surprise ko sa kanya. Alam kong nagulat si Eisen sa bigla kong pag akap at pagtakip sa bibig niya. Sa gilid ng bintana ng music room ay nakita kong papalayo na si Jules na pupunta sana rito. Kaya nakahinga na ako ng maluwag pero nagulat ako sa pagkakadampi ng pwet ni Eisen sa aking harapan. Hindi ko napigilan at bigla akong naturn-on sa pagkakadikit ng pwetan niya sa akin. Never pa nangyari to sa akin as in never. Hindi ako basta basta natuturn-on sa mga ganitong pangyayari pero may exception talaga pag dating kay Eisen. Bumitaw na ako sa pagkakahawak sa bibig niya dahil hindi na siya makahinga. At ang nakakahiya pa ay nakalabas na pala ang ulo ng ari ko na kitang kita mismo ni Eisen. Mabuti na lang at hindi na niya ako inusisa pa sa ganong bagay dahil baka hindi ma humupa ang paninigas ko sa mga oras na yun.

Nasabi ko na rin sa kanya ang tungkol sa surprise performance ko para sa birthday ni Jules at pumayag naman siya na makikipagduet sa akin. Kinabukasan rin ay nagsimula kaming magpractice ng aming kakantahin. Hindi naman ako nahirapang turuan siya sa pagkanta kasi parang in-born talent na niya yun at madali siyang makapick-up ng mga instructions kaya hindi ako nahirapan sa kanya. Napansin ko lang na ang saya-saya niya habang kinakanta ang The One That Got Away ni Katy Perry. Baliktad sa meaning ng kanta ang kanyang nararamdaman para bang kumakanta siya ng masayang love song para sa taong mahal niya. Hindi ko tuloy napigilan ang sarili ko na usisain siya para itanong kung meron na siyang minamahal na itinanggi naman agad niya. Kaya mas lalo akong ginanahan na ituloy ang performance dahil sa gabing iyon ay magtatapat na ako ng nararamdaman ko para sa kanya. I don’t care what people might think about me. Nasabi ko na rin yun sa mga barkada ko na miyembro ng aking banda. Wala naman silang pagtutol o pagkailang sa akin dahil alam nila kung anong klase akong tao at bihira lang akong mainlove ng totoo. Maswerte ako sa mga friends ko dahil open sila ganong bagay. Pero I don’t admit that Im gay because I am only attracted to Eisen. If falling in love with him makes me gay so be it. The only thing that matters to me right now ay kung ano ang magiging reaction niya kapag umamin na ako sa kanya. Matutuwa ba siya? Maiinis? Lalayuan niya ba ako? Wag naman sana.

Dumating ang araw na pinakahihintay ko, yun ang araw na magtatapat ako sa kanya. First time kong makaramdam ng kaba dahil ako yung magsasabi ng feelings sa kanya. Nasanay kasi ako na ang babae mismo ang nagpapakita ng motibo sa akin kaya hindi na ako nagpapaligoy ligoy pa kapag gusto ko rin. Pero itong si Eisen ay hindi ko alam kung parehas ba kami ng nararamdaman kaya ganun na lang ang pangamba ko na baka i-reject niya ako. Bago ako tumungtong ng stage ay sinabi ko na sa kanya na para sa kanya ang kantang kakantahin ko bago kami magperform ng duet sa stage. Habang kinakanta ko ang Beautiful Soul ay pasimple akong sumisilip sa backstage para matanaw siya pero hindi ko siya masyadong makita. Hindi naman siguro siya manhid para hindi niya makuha ang message ng kanta. Marami ang naghihiyawan simula ng kumanta ako ng Beautiful Soul hanggang sa matapos ko ito. Ang iba ay nagbubulong bulungan kung para kanino ba talaga ang confession ko na yun. Pero ang tanging nakakaalam lang ay mga kabanda ko at si Eisen.

Nang umakyat siya sa stage ay pinipigilan ko ang aking sarili na yakapin siya at halikan sa harap ng maraming tao. Sobrang cute niya at pansin ko ang medyo pamumula ng kanyang pisnge marahil nakuha niya ang message na to. Mukha namang hindi siya naiilang sa akin kaya mas lumakas ang loob ko na baka may gusto rin siya sa akin. Pagkatapos namin magperform ng duet ay nagrequest pa ang mga tao ng isa pang kanta mula kay Eisen. Nag thumbs up naman ako sa kanya bilang signal na handa akong magback up kapag hindi na niya kaya ang pressure or nahihiya na siya. Nagsimula siyang kumanta ng Secret Love Song part 2. Sobrang emotional ng pagkakakanta niya at wala akong narinig na flat sa pagkakadeliver niya kaya namangha ako lalo sa kanya. Mukhang nakita ko na talaga ang soulmate ko kaya hinding hindi ko na to pakakawalan. Nakatingin lang ako sa kanya habang kinakanta na niya ang chorus. Hindi ko maiwasang mapangiti sa sobrang pagkamangha habang nagpeperform siya. Nagulat naman ako nang bigla niyang nabitawan ang mic, lalapit na sana ako pero dinampot niya ang mic at nagsorry sabay tumakbo papalayo. Hahabulin ko sana siya pero magmumukha siyang katawa tawa sa harap ng maraming tao kung hindi ko siya iko-cover up kaya ako na ang nagpatuloy ng kanta. Pagkatapos ng kanta ay humingi ako ng pasensya sa mga audience at sinabing stage fright kaya umalis si Eisen sa stage, na agad naman nilang naintindihan dahil first time niyang magperform sa harap ng maraming tao. Pero hindi pa rin ako nakakasiguro kong stage fright nga ba yun o baka tuluyan na siyang nailang sa akin. Nang bumaba ako sa stage ay saka naman umakyat muli si Afrojack para ipagppatuloy ang party.

Hinanap ko si Eisen sa kanyang kwarto dito sa hotel pero wala siya doon. Nagtanong ako kay Jules at James pero hindi nila napansin kung nasaan si Eisen. Hindi ko na inabala si Jethro na kausap ngayon ang ilan sa mga kamag-anak namin na mukhang seryoso ang usapan. Baka magalit pa siya pag nalaman niyang nawawala si Eisen. Kaya hinanap ko na lang siya ng mag isa. Nakita siya ni Kiko na may kasamang lalaki yung classmate niyang si Bjorn. Hindi na ako nagpaligoy ligoy pa at kinuha ko na agad ang red rose kasama ang notebook na I believe na siya ang may gawa. Itutuloy ko na talaga ang pagtatapat sa kanya kaya nagmadali akong hanapin siya sa crowd ng mga taong nagsasayawan. Hindi naman nagtagal ay nakita ko siya agad at nakita rin niya ako. Hindi ko mapigilan ang kaba sa dibdib ko pero kailangan kong magpakatagtag kung gusto kong mapasa akin siya. Palapit na sana ako nang may humila sa aking babae.

“I know na sa akin ang song na yun…there’s no need na mahiya ka pang i-admit yun kasi alam mo namang I like you!” nakapatong ngayon ang kanyang mga kamay sa aking mga balikat. Buti hindi niya napansin ang rose at notebook sa kaliwang kamay ko na nakatago sa aking likuran. Baka bigla niya ring angkinin.

“I’m sorry…pero hindi para sa yun Stacy. Hope you’ll find the man for you. ’Coz you deserve to be happy!” kumindat ako sabay alis ng kanyang mga kamay sa aking balikat.

Wala naman akong balak na paasahin siya dahil isa lang ang gusto kong makasama ngayong gabi at yun ay si Eisen. Kaya nagmadali akong lumapit sa kinaroroonan niya but to my surprise bigla na lang siyang hinalikan sa labi ng lalaking kasama niya. Nagulat ako sa mga nangyari para akong napako sa kinakatayuan ko, nakita niya rin naman ang naging reaksyon ko kaya bigla niyang tinulak si Bjorn para kumalas sa pagkakahalik. Mas nagulat ako sa mga sumunod na pangyayari nang makita kong sinuntok ni Josh si Bjorn at bumagsak ito sa buhanginan.

“GAGO KA!! ANONG KARAPATAN MONG HALIKAN SI EISEN?” sigaw ni Josh at lahat naman ng nasa crowd ay nagtingan sa kinaroronan namin. Kahit malakas ang music ay napatigil ang lahat sa pagsasayaw dahil sa pagsigaw ni Josh.

Tumayo naman si Bjorn at pinunasan ang ilong niya na dumudugo. At ngumiti saka sinagot ang tanong ni Josh.

“Because I like him!” saka ko lang narealize na hindi lang pala ako ang nagkakagusto kay Eisen.

“TARANTADO HINDI MO BA ALAM NA KAMI-” lumapit sa kanya si Eisen para pigilan dahil mukhang susuntukin niya muli ito. Pero alam kung anong ibig sabihin niya sa KAMI.

Bigla naman nagdatingan sila Jethro at Jules para alamin ang mga nangyayari.

“What’s going on?” tanong ni Jethro. Yun ang moment na wala ng music sa crowd dahil sa kaguluhan.

“I don’t know what is wrong with your brother. He just hit me for no reason!” Bjorn said. Seriously, bigla siyang nagmaang maangan.

“Hey chill bro! You’re ruining my party!” dugtong ni Jules when he saw that Josh is still in rage at gustong kumawala sa pagkakaakap ni Eisen sa kanya. I never imagined na ganito ang mangyayari sa party ni Jules.

How I wish ako ngayon ang kayakap ni Eisen at hindi Josh na nagwawala sa galit. Obviously nainggit ako kay Bjorn dahil nagawa niyang mahalikan si Eisen pero mas nainggit ako kay Josh dahil yakap-yakap siya ngayon ni Eisen na parang iiyak na.

“So magdedeny ka ngayon gago!” Josh keeps on cursing. I feel so bad sa mga nakakarinig sa kanya ngayon.

“Ano ba talagang ginawa mo?” tanong ng isang lalaking nasa likod ni Bjorn. I believe siya yung kausap ni Jehthro noong nakaraan na may contact kay Afrojack.

“Nothing, I just kissed Eisen. That’s it! No big deal!” sagot naman ni Bjorn.

“You did what?” Jules asked as if parang gusto na niyang suntukin si Bjorn.

“I just kissed him. He told me to kiss him in the lips so that’s why I did it!” sagot naman ni Bjorn. Hindi ako makapaniwala na magagawa ni Eisen yun. Dahil alam ko hindi siya ganong klaseng tao pero hindi ko alam kung sino ang paniniwalaan sa kanila dahil hindi naman dinidepensa ni Eisen ang sarili niya dahil umiiyak na siya ngayon.

“Totoo ba yun?” tanong ni Jethro. Pero hindi sumagot si Eisen dahil umiiyak lang siya. Oh god I can’t bare to see him crying.

Bigla na lang siyang hinablot ni Jethro paalis ng crowd pero natigil ito ng hatakin ni Josh ang isang kamay ni Eisen.

“At saan mo naman siya dadalhin?” tanong ni Josh. Patuloy pa rin ang pag iyak ni Eisen.

“Iuuwi ko na siya para turuan ng lesson!” mariing sagot ni Jethro. “You don’t have to, wala siyang kasa-” natigilan siya sa pagsasalita ng hatakin ni Jessica ang kamay niya.

“Hon, hayaan mo na si Jethro ang maghandle nito. Eisen needs to learn his lesson, after all siya rin naman ang dahilan ng kaguluhan na to!” lalo lang naiyak si Eisen sa narinig niya kay Jessica kaya siya na mismo ang kumawala sa pagkakahawak ni Josh sa kanya.

Hinayaan ni Eisen na hatakin siya ni Jethro palayo sa mga tao. And here I am the coward guy and I will always be. Hindi ko man lang nagawang ipagtanggol si Eisen sa harap ng maraming tao at pati na rin sa mga kapatid ko. Hinayaan ko na lang siyang mapahiya in front of all those people kahit alam ko namang inosente siya.

Itutuloy…….

(JOKEEEEEEEEE)

Eisen’s POV

Ngayon lang bumuhos ng husto ang mga luha ko na akala ko ay naubos na kanina sa pag iyak pero marami pa palang natitira. Pakiramdam ko ay tinraydor ako ni Bjorn at ipinahiya niya ako sa harap ng maraming tao dahil sa mga sinabi niya. Mas masakit sa akin na hindi man lang ako naipagtanggol ni Josh sa harap ng maraming tao at pinaniwalaan niya ang mga sinabi ni Bjorn. Sobrang sakit parang gusto ko na lang mamatay. Kahit na ipagtanggol ko ang sarili ko ay alam ko namang hindi nila ako paniniwalaan kaya useless para I-defend ko pa ang sarili ko. Hiyaan ko na lang na kaladkarin ako ni Jethro hanggang sa makarating kami sa harap ng Yate. Sobrang higpit ng pagkakahawak niya at nasasaktan ako pero hindi ko magawang magreklamo at umiyak na lang ako.

Tinawag niya ang Captain ng yate para bumaba at saka kami umakyat ng yate. Tinulak niya ako sa kama sa loob ng yate at iniwan niya ako doon na umiiyak habang minamaneho niya ang yate palayo ng isla. Halos 15 minutes din ang tinagal ng hininto niya ang pagmamaneho nito at wala akong alam kung nasan kami ngayon dahil puro dagat ang nakikita ko. Mukhang nasa gitna kami ng dagat pero hindi ako nakakasiguro dahil madilim ang paligid. Bumalik siya sa kinaroonan ko at naghubad ng kanyang suot na polo.

“Ito ang gusto mo di ba? I’ll give it to you!” at marahas na niyang pinunit ang suot kong damit. Nagpumiglas ako sa kanya pero mas malakas siya sa akin kaya hindi ko siya napigilan. Bigla na lang niyang hinalikan ang leeg ko papunta sa aking dibdib. Kinagat kagat niya ang nipples ko ng marahas.

Ilang beses ko siyang tinulak dahil nasasaktan ako sa ginagawa niya. At hindi tamang ginagawa namin to dahil may girlfriend siya at kami na ni Josh. Kahit anong pagpupumiglas ko ay hindi ko siya nagawang mapatigil.

“Ahhhh… Jethro tama na please nasasaktan na ako!” patuloy ang pag agos ng luha ko. At pakiramdam ko ay namamaga na ang mga nipples ko sa pagkakagat ni Jethro sa mga to.

“Nagsisimula pa lang tayo! Mas masasaktan ka dito!” bigla na lang niyang binaba ang suot niyang shorts kasama ang kanyang brief at doon ko nakita ang naghuhumindik niyang pagkalalaki na alam kong mas malaki pa ito kaysa kay Josh. Bigla akong nakaramdam ng takot sa balak niyang gawin.

“No…Please!” pagmamakaawa ko pero mukhang wala siyang naririnig at bigla na lang niya akong pinadapa sa kama at hinubad ang suot kong shorts kasama na rin ang ang aking brief. Doon na ako nagpumiglas ng husto pero mas tumindi ang pagkakakapit niya sa aking kamay. Naramdaman ko na lang dumura siya sa aking pwetan at yun na ang naging hudyat na gusto niya akong pasukin. Sobrang hina ko para sa kanya kahit anong pagpupumiglas ko ay hindi man lang siya natinag. Kahit magsusumigaw ako ay walang makakarinig sa akin dahil nasa gitna kami ng karagatan. Nanlamig ang batok ko ng maramadaman kong nakatutok ang ari niya sa ang aking lagusan. At walang pasabing ibinaon niya ito.

Sa unang pagkakataon ay hindi ito makapasok dahil sa laki ng ari niya at sa sikip ng lagusan ko. Ganun pa man ay hindi siya tumigil kahit nagmamakaawa na akong itigil niya ang ginagawa niya dahil sobrang sakit na ay binge parin siya sa pangyayari. Ikatlong ulos ay halos naipasok na niya ang kalahati ng kanyang ari sa loob ng pwet ko. Sobrang hapdi para akong hinahati sa gitna, patuloy ang pag-ulos niya hanggang sa dumagan na siya sa likod ko para maibaon ng husto at doon ko na naramdaman na parang may napunit sa kaloob looban ko. Sobrang sakit kaya hindi ko napigilang mapahiyaw habang labas masok siya sa aking lagusan. Ginamit niya ang kanang kamay niya para takpan ang bibig ko habang niyayari niya ang lagusan ko. Pero hindi pa rin ako mapatahimik dahil sa sobrang sakit. Hindi na rin ako makapiglas dahil tuluyang nanghina ang katawan ko simula ng pasukin niya ang lagusan ko. Nagulat na lang ako ng bigla niya akong halikan habang labas masok siya sa akin. Sa pagkakataong ito ay napakapassionate ng pagkakahalik niya sa akin. Pilit niyang pinapasok ang kanyang dila sa aking bibig pero hindi ko siya hinahayaan dahil hindi ko naman talaga gusto ang ginawa namin. Pero kinagat niya ang labi ko ng mariin kaya napanganga ako ng bahagya at tuluyang napasok ng dila niya ang aking bibig. Nagtagumpay siya sa pagpapatahimik sa akin gamit ang mga dila niya nawalang humpay sa paggalugad ng aking bibig.

Hindi ko lubos maisip kung paano ako napunta sa ganitong sitwasyon. At hindi ko na alam ang mararamdaman ko sa mga panahong ito dahil halo-halong emosyon na ang naramdaman ko sa araw na to. Wala ng mas hihigit pa sa kamalasan kong natamo simula ng pumasok ako sa buhay ng mga Wells.

Itutuloy…….

(FOR REAL!)

Rant: Hi guys, I appreciate na nagugustuhan niyo ang ginagawa kong story. But please be nice naman sa pagrerequest ng update. Remember wala naman akong kinikita sa paggawa nito. So be mindful sa mga words na gagamitin nyo kasi I find it offensive lalo na at hindi nyo naman ako binabayaran para mag update. That’s all thank you.

A/N: I know….. hindi nyo ini expect na mangyayari yun. HAHAHAHA.. ang masasabi ko lang ay ang title ng chapter 17.

Dapat Boombayah ang title kaso ayaw na ni @Len_len_13 na another Blackpink song ang title so 4Minute naman. LOL!

By the way bago ako mag update ay nagpahula ako kung sino sa mga Wells Bro ang magkakaroon ng POV at ang nakaguess ng tamang sagot ay si @user86439225 congrats!!! Sana wag mong mahulaan ang mga susunod na mangyayari haha.

And just wanna share another art work ni @yadong_23.

    SAMANTHA FUENTEGELIO

Pero this is how I imagine Sam so binago ko siya ng kaunti sa pagkaka edit niya.

Much slimmer ang face niya kaysa kay Eisen at meron siyang nunal sa ilalim ng kanyang mata. Mas pouty ang lips. Pero anyway wag na natin siyang pag usapan dahil patay na siya.

LET ME KNOW YOUR THOUGHTS AND DONT FORGET TO VOTE!!!!

PS. Sorry nakatulog ako kagabi kaya ngayon lang nakapag-update.

Edited by

RJEM16

Chapter 21: Almost Paradise

DAVID AS JETHRO

Eisen’s POV

Hindi ako makapaniwala na mangyayari ang mga ito sa iisang gabi lang. Una napahiya ako dahil hindi ko tinapos ang naging performance ko sa stage nang makita kong hinalikan ni Jessica si Josh. Pangalawa ako pa ang naging simula ng gulo sa birthday party ni Jules na dapat puro kasiyahan lang pero nagkagulo nang makita ni Josh na hinalikan ako ni Bjorn sa labi. At itong pangatlo ay ang isang bagay na hindi ko inaasahang mangyayari at hindi ko ring maiisip na gagawin sa akin ni Jethro.

Pinapanalangin ko na lang na sana panaginip lang ang lahat. Pagdilat ko ng aking mata ay napakaaliwalas agad ng pakiramdam ko. Nakayakap ako ngayon kay Josh, ang kaliwang kamay ko ay nakapatong sa kanyang dibdib. Habang ang aking ulo ay nakahiga sa kanyang braso. Ibinaba ko ng bahagya ang aking kamay para himasin ang kanyang abs. Sarap sa pakiramdam kapag may boyfriend ka na gwapo na may abs pa.

“Halos magmakaawa ka sa akin na itigil ko ang ginagawa natin last night and now hinihimas mo ang abs ko!” bigla akong napatingala sa nagsasalita. Napabalikwas ako atsaka ko lang napagtanto na ang taong kasama ko ay walang iba kundi si JETHRO. Saka ko lang naramdaman ang pagkirot ng aking pwet. At halos malaglag ang aking panga nang makita ko ang bloodstain sa kama. Nooo, hindi to maaari. Alam kong panaginip lang to! Gising! Gising!

<<Flashback<<

Nasa harapan ko na ngayon si Jethro. Tumatagaktak ang kanyang pawis mula sa kanyang leeg, patungo sa kaniyang dibdib hanggang sa kanyang mga abs. Hindi ko mapigilang mapalunok laway sa mga sandaling yun. Alam kong hindi ito ang tamang panahon para mag-isip ng ganitong bagay pero hindi ko talaga mapigilan ang aking sarili.

“Ito ang gusto mo di ba? So I’ll give it to you!” lumapit siya sa akin at marahas niyang pinunit ang aking suot na damit. Nagpupumiglas ako ng mga sandaling yun dahil hindi ko gusto ang ginagawa niya sa akin.

Parang hindi siya so Jethro na nakilala ko. Ibang iba ang kinikilos niya sa mga sandaling iyon. Kahit anong gawin kong pagpupumiglas ay mas nanaig pa rin ang kanyang bruskong katawan kaysa sa akin. Bigla na lang niya akong hinalikan sa leeg, halos sipsipin niya ang bawat pawis na namumuo sa aking leeg hanggang sa makarating siya sa aking dibdib na sadyang ikinahina na aking katawan. Pilit kong tinutulak palayo ang kanyang mukha para itigil ang kaniyang ginagawa pero halos hindi ko magawa ito dahil nanlalambot ang buong katawan ko sa ginagawa niyang pagdila at pagsipsip sa aking magkabilang dibdib. Habang tumatagal ay nagiging marahas ang kanyang bawat pagsipsip sa aking dibdib na sadyang napakakirot na.

“Ahhh…Jethro tama na please.. nasasaktan na ako!” kasabay ng mga salitang yun ang pag agos ng mga luha ko. Pero para siyang binge na walang naririnig at patuloy pa rin ang kanyang pagsipsip at pagkagat sa dibdib ko.

“Nagsisimula pa lang tayo, mas masasaktan ka dito!” bigla na lang niyang binaba ang suot niyang shorts kasama ang kanyang brief. At doon ko nasilayan ang naghuhumindig niyang pagkalalaki. Kung ikokompara ito kay Josh, tiyak na mas malaki ito. Bigla akong nakaramdam ng takot sa balak niyang gawin.

“No…Please!!” pagmamakaawa ko pero mukhang wala siyang naririnig at bigla na lang niya akong pinadapa sa kama at hinubad ang suot kong shorts kasama na rin ang ang aking brief. Doon na ako nagpumiglas ng husto pero mas tumindi ang pagkakakapit niya sa aking kamay. Naramdaman ko na lang dumura siya sa aking pwetan at yun na ang naging hudyat na gusto niya akong pasukin. Sobrang hina ko para sa kanya kahit anong pagpupumiglas ko ay hindi man lang siya natinag. Kahit magsusumigaw ako ay walang makakarinig sa akin dahil nasa gitna kami ng karagatan. Nanlamig ang batok ko ng maramadaman kong nakatutok ang ari niya sa ang aking lagusan. At walang pasabing ibinaon niya ito.

Sa unang pagkakataon ay hindi ito makapasok dahil sa laki ng ari niya at sa sikip ng lagusan ko. Ganun pa man ay hindi siya tumigil kahit nagmamakaawa na akong itigil niya ang ginagawa niya dahil sobrang sakit na ay binge parin siya sa pangyayari. Ikatlong ulos ay halos naipasok na niya ang kalahati ng kanyang ari sa loob ng pwet ko. Sobrang hapdi para akong hinahati sa gitna, patuloy ang pag-ulos niya hanggang sa dumagan na siya sa likod ko para maibaon ng husto at doon ko na naramdaman na parang may napunit sa kaloob looban ko. Sobrang sakit kaya hindi ko napigilang mapahiyaw habang labas masok siya sa aking lagusan. Ginamit niya ang kanang kamay niya para takpan ang bibig ko habang niyayari niya ang lagusan ko. Pero hindi pa rin ako mapatahimik dahil sa sobrang sakit. Hindi na rin ako makapiglas dahil tuluyang nanghina ang katawan ko simula ng pasukin niya ang lagusan ko. Nagulat na lang ako ng bigla niya akong halikan habang labas masok siya sa akin. Sa pagkakataong ito ay napakapassionate ng pagkakahalik niya sa akin. Pilit niyang pinapasok ang kanyang dila sa aking bibig pero hindi ko siya hinahayaan dahil hindi ko naman talaga gusto ang ginawa namin. Pero kinagat niya ang labi ko ng mariin kaya napanganga ako ng bahagya at tuluyang napasok ng dila niya ang aking bibig. Nagtagumpay siya sa pagpapatahimik sa akin gamit ang mga dila niya nawalang humpay sa paggalugad ng aking bibig.

Nalalasahan ko na ang sarili kong dugo dahil sa pagkagat ni Jethro sa labi ko. Patuloy ang kanyang pag-ulos at ako naman ay patuloy na iniinda ang sakit at hapdi. Hindi rin tumagal ay para bang unti-unting nawawala ang sakit sa ginagawa niyang paglabas masok sa akin. Sa mga sandaling yun doon ko na naramdaman ang sarap sa ginagawang pagyari sa akin ni Jethro. Para bang may tinatamaan sa kaloob looban ko na hindi ko mapaliwanag at sobrang sarap ng pakiramdam ko. Kusang sumasabay sa paggalaw ng katawan ni Jethro ang katawan ko. Pilit kong pinipigilan ang sarili kong mapaungol dahil ayokong malaman niyang nasasarapan ako sa ginagawa niya.

“Jethro…please sto- Ahhh!” hindi ko napigilan ang aking sarili kaya naman tinakpan ko mismo ang sarili kong bibig para walang boses na makawala.

“I want to see your face while I’m fucking you!” hinugot niya ang kanyang ari sa aking pwet at doon ako nakaramdam ng kaunting kirot sa aking lagusan. Nang makita niya ang aking hitsura ay tila napatigil siya sa kanyang balak gawin. Nakatingin lang siya sa akin na halos hindi mo alam kung ano ba ang nasa isipan niya. Pinunasan niya ang mga natitirang luha sa aking mga mata at pati narin ang mga pawis na namumuo sa aking noo. At bigla na lang niya akong hinalikan sa noo at ilong.

“What we are doing right now is totally crazy! This is not me… but I’m sorry” saka niya hinalikan ang labi ko. Sa una ay dahan dahan lang ang paghalik niya sa aking labi hanggang sa naging marahas na ito. Sa hindi ko malaman na dahilan ay kusang sumabay ang aking mga labi sa pakikipaghalikan kay Jethro. Lahat ng sakit sa aking dibdib at katawan ay parang nawala ng sandaling magkahalikan kami. Hindi rin nagtagal at pinasok niya akong muli. Sa pagkakataong ito ay nakaharap na ang mukha niya sa akin. Malaya niyang nahahalikan ang aking mga labi. Sa mga sandaling ito ay hindi na ako nakaramdam ng sakit, para bang hinahanap hanap ko ang sarap na dulot ng pagpasok niya sa akin. Ibang ligaya ang nararamdaman ko sa mga sandaling ito, kaya naman pala maraming tao ang nahihibang sa sex dahil sa sarap na naidudulot nito.

Pabilis na ng pabilis ang paggalaw ni Jethro at ako naman ay hindi alam ang gagawin sa sarili halos mabaliw na ako sa sobrang sarap na aking nararamdaman. Alam kong hindi ito tama pero hinayaan ko na lang na mangibabaw ang tawag ng laman. Sagarang pagbaon ang ginawa ni Jethro na naging hudyat ng paglabas ng kanyang semilya sa loob ko. Ramdam ko ang bawat pagputok ng kanyang katas sa loob ng pwet ko. Bigla na lang niyang binagsak ang kanyang katawan sa akin. Hinalikan niya ang aking leeg hanggang sa aking panga at muli siyang nagsalita.

“Please, forgive me!” sabi niya habang nakasubsob ang kanyang mukha malapit sa aking leeg. Ramdam ko ang mainit niyang paghinga. Mukhang nakatulog siya sa pagod nang hindi man lang hinuhugot ang kanyang pagkalalaki sa aking pwet. Hinayaan ko na lang siya at ako nama’y nagpalamon na rin sa kaantokan at pinikit ang aking mga mata.

Kasalukuyan>>

Para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil naalala ko ang lahat-lahat na ginawa namin ni Jethro kagabi. Akala ko isang panaginip lamang iyon para lahat ng ebidensiya ay nasa harapan ko. Parang gusto ko na lang magtalukbong ng kumot sa kahihiyan. Paano na yan? Nangako pa man din ako kay Josh na sa kanya ko lang ibibigay ang virginity ko pero wala na, nakuha na ito ni Jethro. Pero bigla ko ring naisip na malamang magkasama sila ni Jessica sa isang kwarto at sinimulan na rin ang paggawa ng 2nd baby nila. So patas lang kami. Tatayo sana akong muli pero ang sakit ng pwetan ko parang nahulog akong muli sa hagdan.

“Just stay here, I’ll prepare our breakfast!” sabi niya sa akin na para bang walang nangyari kagabi. Hello? Ginahasa mo kaya ako kagabi at pwedeng pwede kitang kasuhan ng sexual harassment. Gusto ko sanang magshower o kaya maligo sa dagat dahil pakiramdam ko ay sobrang lagkit ko na. Kaso naisipan ko na pagnaligo ako sa dagat ay baka pasukin ng tubig alat ang pwet ko at baka mamilipit ako sa hapdi nun. Mukhang sariwa pa rin ang sugat na iniwan ni Jethro sa akin. Alam kong may shower dito sa Yate pero hindi ko naman magawang tumayo kaya nanatili na lang akong nakasandal sa kama.

Pinag-iisipan ko kung anong lason ang niluluto ni Jethro baka siguro pakakain na niya akong ng lason para mamatay na ako at hindi ako makapagsumbong sa ginawa niyang panghahalay sa akin. Last time na nagluto siya sa akin ay hindi ko malaman kong lasa ng pagkain. Totally, wala siyang skills sa pagluluto. Hindi rin nagtagal at may bitbit na siyang tray ng may lamang pagkain at juice. Nagluto lang naman siya ng hotdog at sunny-side up na egg. Tiningnan ko lang ng mabuti ang pagkain baka may lason nga ito at baka ito na ang magiging huling pagkain ko.

“Don’t worry… I don’t have plan on killing you………..for now!” bigla akong nakaramdam ng takot kaya bahagyang napaatras ako. Tapos bigla siyang tumawa.

“I’m just kidding!” tapos tumawa siya ulit. OMG anong himala ito? Parang ngayon ko lang nakitang tumatawa ng ganito si Jethro. Wait si Jethro nga ba itong kasama ko o baka isa na itong alien na pumalit sa kanya. Inabot niya sa akin ang plato na may lamang sliced bread na may egg sa ibabaw at may kasamang hotdog. Bago ko kainin ang mga yun ay nilagyan niya muna ng ketchup ang hotdog saka siya ngumiti sa akin na para bang nang-aasar. Kinilabutan akong muli dahil nakakapanibago talaga ang side niyang ito. Tahimik lang kaming kumakain ng aming breakfast dito sa kama. Iniiwasan ko na lang ang pagtitig niya sa akin dahil hindi talaga ako sanay na ganito ang pakikitungo niya sa akin. Pagkatapos kong kumain ay inabutan niya ako ng pain reliever dahil alam niyang nahihirapan pa rin akong kumilos dahil nga sa hiwa ko este dahil sa sakit ng pwet ko. Agad-agad ko naman itong ininom para guminhawa naman ang pakiramdam ko kahit papano. Di rin nagtagal at para bang nawala na ang pananakit nito, medyo may kirot pa pero nagagawa ko ng tumayo. Nagpaalam ako sa kanya na magshashower lang ako dahil pakiramdam ko ay nasa katawan ko pa ang pinaghalong pawis at laway sa aking balat buhat ng pagtatalik namin kagabi. Pagkatapos kong makaligo saka ko lang napagtanto na wala nga pala akong dalang damit na pamalit kahit underwear ay wala din kaya napilitan akong magtapis ng tuwalya palabas ng shower room at nagbaka sakaling may spare na damit si Jethro na maipapahiram sa akin.

Pagkabalik ko sa kwarto ay nakaupo na siya sa kama at napalitan na ang bed sheet na kanina lang ay may bakas ng dugo. Seryoso siyang nagbabasa ng libro kaya hindi niya ako napansing pumasok.

“Ahh..Jethro.. wala nga pala akong pamalit na damit. Kung meron ka sanang spare na-” hindi ko pa natatapos ang sinasabi ko ay ngumuso na agad siya para ituro yung pile ng damit sa tabi niya. Nasa gilid siya ng kama at nasa kanang kaliwang bahagi niya ang mga damit. Patuloy siyang nagbabasa at hindi man lang niya magawang iabot sa akin ang damit. Malaki ang kama kaya kung iikot ako sa kabilang bahagi ay kailangan ko pang gumapang para maabot ito pero hindi pupwede kasi baka matanggal ang tuwalyang nakatapis sa akin. Kaya no choice inabot ko ang mga damit sa tabi niya at siya’y walang pake na nagbabasa. Hirap akong abutin kasi ayaw naman niyang mag adjust kaya noong naabot ko ito ay na out-balance ako ay napadapa ako sa kanya. Ang tiyan ko ay nakatutok sa hinaharap niya at ang kamay ko ay hawak hawak ang pile ng mga damit.

“Are you trying to seduce me?” bigla niyang tanong at sinara niya ang libro. Doon ko naramdaman na may matigas na bagay sa ilalim ng aking tiyan. Saka ko lang napagtanto kung ano yun kaya dali dali akong tumayo.

“Hindi no, ikaw tong ayaw iabot yung mga damit!” pagdedepensa ko. Pero wala siyang sinagot at nagpatuloy lang siya sa pagbabasa ng libro. Hindi ko naman magawang magbihis sa harap niya kaya kinumbinsi ko siyang maligo muna.

“Hindi ka ba muna maliligo?” tanong ko at taas kilay naman siyang nakatingin sa akin. Hooray nagbalik na ang dating Jethro.

“Tapos na. Bago ka pa gumising naligo na ako” tugon niya at muli siyang nagbasa ng libro.

Naiilang pa din ako kasi nga hindi naman ako sanay magbihis sa harap ng ibang tao.

“Gusto ko sanang magbihis kung pwede sana sa labas ka muna magbasa?” nahihiya kong tanong baka naman kasi galit na naman siya.

“Parang hindi ko naman nakita yan lahat kagabi” sarkastiko niyang sabi, hindi ako nakasagot at sadyang nag init na lang ang pisnge ko.

“Fine!” bigla siyang tumayo at iniwan ang libro sa ibabaw ng kama at lumabas ng kwarto. Dali-dali kong hinanap ang mga damit na magkakasya siya akin. Buti na lang at nagsama siya ng underwear pero nang sinukat ko ito at medyo may kalakihan sa akin pero pwede nang pagtiyagaan kaysa naman maghubo’t hubad ako maghapon.

Lumabas ako ng kwarto para makapagpahangin. Naabutan ko si Jethro na nakahiga sa isang lounge chair at inienjoy ang sikat ng araw habang nakasuot ng shades. Suot suot ang long sleeves na dark blue na nakabukas ang tatlong buttones sa taas na nagpalakas lalo ng kanyang dating. Hindi ko namalayan na matagal na pala akong nakatitig sa kanya kaya siya nagsalita.

“What are you looking at?’ tanong niya; napakasuplado na naman.

“Itatanong ko lang sana kung kelan tayo uuwi?” yun naman talaga ang gusto ko nang sabihin sa kaniya kanina pa pero naghahanap lang ako ng tamang tiyempo.

“Just wait okay? Siguro maamayang hapon. Let me enjoy this kind of silence for a while.” Hindi ko na siya inistorbo pa kaya hinayaan ko na lang siyang magrelax. Mahirap nga naman talaga ang trabaho niya at siguro hindi rin niya na e-enjoy ang katahimikan sa loob ng mansion dahil napakaraming tao dito kahit na ubod pa ng laki nito.

Hiniram ko ang sun-block na malapit sa kanya at naglagay din ako sa aking katawan at gaya niya ay nahiga ako sa isang lounge chair na nasa tabi niya para ma enjoy ang sikat ng araw habang palutang lutang ang yate sa dagat. Kahit na isang oras pa lang ang nakakalipas nang gumising ako ay bigla akong nakaramdam ng antok. Wala akong suot na shades kaya tanging ang kamay ko ang pinanggtakip ko sa aking mata para masilaw sa araw.

Nagising ako na ang dilim na ng paligid, nataranta ako dahil hindi ko namalayan ang oras. Saka ko lang napagtanto kaya madilim ang paningin ko ay may suot suot na pala akong shades. Hinubad ko ito, ito yun ang shades na suot suot ni Jethro kanina. Pero pagtingin ko sa kanan ko ay wala na si Jethro. Nagtungo ako sa kwarto pero wala siya doon. Naramdaman ko na lang na tumatakbo ang yate kaya umakyat ako sa itaas para puntahan siya doon kasi malamang siya ang nagmamaneho ng yate. Hindi nga ako nabigo nang makita ko siyang nagmamanibela ng yate. Kaya naman hindi ko napigilang itanong kung saan kami pupunta.

“Pupunta tayo sa isa sa mga island na pagmamay ari namin. Actually kakabili lang to ni dad last year at walang katao-tao dito kaya mae enjoy mo ang privacy kasi isolated ito.” Napalunok laway naman ako sa word na privacy. Namangha naman ako dahil marunong pala talaga siyang magmaneho ng yate kasi alam kong mga professional lang ang nagpapatakbo nito.

Hindi rin nagtagal at nakarating kami sa sinasabi niyang isolated island. Oo nga isolated nga kasi walang katao tao dito. Meron itong malalaking bato at maraming puno sa gilid. Mga huni ng ibon lang ang tangi mong maririnig sa islang ito. Maliit lang ito kumpara sa islang pinuntahan namin kahapon kung saan ginanap ang birthday ni Jules. Kahit maliit ang isla ay maganda naman ito, white sand ang beach pero hindi masyadong pino pero okay na okay na. Mai enjoy mo nga naman talaga ang privacy dito dahil bukod sa isolated ang island ay napakaaliwalas ng pakiramdam kapag nag iistay ka dito. Sobrang ganda ng view at pang IG talaga yung place. Buti na lang at hindi ito maiispoil sa tao dahil private property ito ng Wells. Inilatag ko agad ang sapin nadala dala namin na nakalagay sa basket. Oo, nagdala kami ng pagkain sa isla kasi nga hindi pa kami kumakain ng pananghalian. Nagpasiya kaming kumain doon, tanging tinapay at century tuna ang kinakain namin dahil walang nakastock napagkain bukod sa tinapay at mga delatang pagkain ang nasa yate. Unexpected naman kasi talaga ang paggamit ni Jethro sa yate kaya naman hindi napaghandaan ang pagkain. Hindi naman ako mapili sa pagkain dahil hindi naman ako anak mayaman kagaya nila. Sanay ako sa hirap pero ewan ko na lang dito sa kasama ko at paano niya natitiis kumain ng canned foods. Pero siguro nga gusto niya munang sulitin ang pagpapahinga kaya nagtiyatiyaga siyang kainin na lang ito.

Pagkatapos namin kumain ay naglakad lakad kami sa isla may maliit na kweba ito pero hindi mo talaga siya masasabing kweba kasi para siyang butas lang sa malaking bato. Hindi namin maiikot ang isla ng paglalakad lang dahil ang ibang bahagi ay malalamin na para languyin namin at iba naman ay mabato kaya delikado. Hindi rin namin pinasok ang munting gubat sa isla kasi nga baka daw may mga ahas o ano mang hayop na pwedeng makapanakit sa amin doon kaya nanatili na lang kami sa buhanginan. Inaaya niya akong maligo pero tumanggi ako dahil nga ayokong maasinan ang pwet ko mahapdi kaya.

Pinanood ko na lang siya habang naliligo suot suot ang shorts niya at walang pang itaas. Sinuot ko ang shades na pinahiram niya sa akin para hindi niya mahalatang nakatitig ako sa kanya. Nakaharap ang aking mukha sa ibang direksyon pero yung mata ko ay nakatingin sa kanya habang naliligo. Syempre hindi naman niya nahahalata nakatingin ako sa kanya dahil sa suot suot kong shades. Para akong nanunuod ng photoshoot ng bench sa beach habang pinapanood ko si Jethro na naliligo. Hindi ko lubos maisip na ito yung gwapong lalaki na kumuha ng virginity ko kagabi. Marami siguro ang makakapagsabi na sobrang swerte ko at nangyari sa amin yun pero, pero… hayy change topic.

Sumapit ang hapon at napagpasiyahan na namin lisanin ang isla. Pagkaakyat namin sa yate ay tahimik niya munang pinagmasdan ang isla sa huling sandali bago niya imaneho ang yate. Pinaandar na niya ito kanina para makalayo ng kaunti sa isla saka niya pinagmasdan ang ganda nito. Bagay na bagay sa kanya ang suot niyang polo na sobrang nagpaangat ng kanyang pagkalalaki, ang pogi niyang tingan. Nanatili lang akong nakaupo sa lounge chair para pagmasdan rin ang paglubog ng araw. Napakaamo ng kanyang mukha habang pinagmamasdan ang paglubog ng araw pati na rin ang pamamaalam sa isla.

(Author: CHECK THE PICTURE ABOVE… ganyan ko siya iniimagine sa story. Insert squeal! XD)

Pumukaw sa aming atensyon ang amoy na para bang may nasusunog sa loob ng yate. Napatakbo naman si Jethro ng makita niyang may usok sa loob ng kwarto. Paghawakbniya ng pinto ay napahiyaw siya sa sakit kaya lumapit ako at nakita ang paso sa kanyang kamay. Dahil yun sa sobrang init ng hawakan ng pintuan kaya hindi na niya ito nagawang mabuksan. Palakas ng palakas ang usok at nakikita ko na ang apoy sa loob nito. Wala akong mahanap na fire extinguisher pero mukhang hindi rin namin maaapula ito. Bigla akong hinila ni Jethro palayo.

“Kailangan na nating tumalon!” sabi niya na ikinagulat ko.

“Bakit?” gulat kong sambit.

“Pag umabot sa kitchen ang apoy sasabog itong yate kaya kailangan na nating umalis!” hahatakin na sana niya ako pababa ng yate pero nag-aalangan ako.

“Pero- hindi ako magaling lumagoy!” natatakot akong tumalon sa dagat baka malunod ako o kaya parehas kaming malunod. Sa tantiya ko ay nasa isa’t kalahating olympic pool ang layo namin sa isla kaya grabe ang pag aalangan ko kung kaya ba namin makarating sa pampang.

“Trust me okay!” pagkasabi niyang yun ay hinila niya ako pababa ng dagat at tanging pagsigaw na lang ang nagawa ko. Nang umahon ako sa dagat ay hinayaan niya akong sumampa sa likod niya habang siya ang lumalangoy pabalik sa isla. Hindi naging madali para sa amin na makarating sa isla dahil sa layo nito at idagdag mo pa ako bilang pabigat sa kanya kaya hindi agad namin marating ito. Ramdam ko ang pagod sa bawat pagstroke niya sa tubig kahit na nakakalunok na ako ng tubig alat ay ininda ko dahil alam kong mas nahihirapan sa aming dalawa si Jethro. Patuloy ang paglangoy niya at halos malapit na kami sa pampang pero pahina na ng pahina ang paglangoy niya doon ako nakaramdam ng awa sa kanya. Sana pala nag aral akong lumangoy para hindi ako nagiging pabigat sa mga ganitong pangyayari. Pagkarating namin sa pampang ay hingal na hingal si Jethro. Naawa ako sa kalagayan niya at hindi ko alam ang gagawin para matulugan siya dahil mukhang naghahabol siya ng paghinga. Tanging paghimas sa kanyang likod ang nagawa ko para mapagaan ang nararamdaman niya. Ilang sandali pa ay nakarinig kami ng malakas na pagsabog. At yun na ang naging hudyat ng pagsabog ng yate. Grabe sobra akong nanghihinayang sa yate, ilang milyon kaya ang halaga nun at nauwi lang sa pagiging abo. Humiga si Jethro sa buhanginan at mukhang naging kalmado na ang kanyang paghinga. Para bang wala lang sa kanya ang nangyari sa yate nila. Kung sa bagay madali lang sa kanila ang pera ang mahalaga ngayon ay nakaligtas kami sa peligro.

Palubog na ang araw at dumidilim na ang paligid. Ni isang gamit na pang survival ay wala kaming bitbit. Kahit flash light lang naman sana kasi nakakatakot ang dilim sa gubat baka may biglang sumulpot na halimaw galing doon. Ang wild na naman ng imaginations ko. Tumayo si Jethro at naghubad ng polong suot niya at pinigaan ito. Tanging suot na lang niya ang shorts.

“Hindi mo ba huhubarin yang damit mo? Baka sipunin ka sa lamig!” tanong niya. Dahan dahan ko namang hinubad ang aking tshirt na suot.

“Pumulot ka ng mg tuyong sanga o kahoy sa gilid. Iiwan muna kita dito hahanap ako ng makakain natin.” Lalayo na sana siya papuntang gubat pero pinigilan ko siya at niyakap ko ang kanyang braso.

“Please wag mo akong iwang mag-isa dito!” pagmamakaawa ko. Saka naman niya hinawakan ang pisngi ko at ngumiti.

“Babalik ako, I promise!” saka niya inalis ang pagkakayapos ko sa braso niya at nagtungo sa gubat. Medyo may liwanag pa naman ng mga sandaling iyon pero natatakot ako baka mapahamak siya. At sa way nag pagsabi niya ng I promise eh mukhang namamaalam na siya sa akin. Napaparanoid na talaga ako pero kailangan kong magfocus sa objective namin na makasurvive. Kaya naman naghanap ako ng mga tuyong kahoy at mga sanga sanga na pwedeng ipang gatong. Nakalikom na ako ng sapat na pang gatong pero hindi parin nakakabalik si Jethro. Hindi naman ako marunong magsindi ng apoy gamit lang ang kahoy na to. Sana sineryoso ko ang paggagawa ng apoy noong nag boboyscout kami at hindi lang puro boys ang inatupag ko. Ang dami kong pagsisisi sa araw na to kaya kung may chance pang mabuhay kami ay gagawin ko ang lahat ng mga bagay na pwede kong gawin para makasurvive sa mga ganitong pangyayari.

Dumidilim na at wala pa rin si Jethro. Hindi ko tuloy napigilang maiyak baka kung ano na ang nangyari sa kanya doon. Hindi ko naman magawang sundan siya dahil natatakot ako sa dilim ng gubat. Kaya tanging pag iyak na lang ang ginawa ko. Nang makita ko siyang palabas ng gubat ay dali dali akong nanakbo at niyakap siya na para bang batang naiwan. Hindi ko napigilang mapahagulgol sa pag iyak nang mayakap ko siya.

“Wait… why are you crying?” ibinaba niya ang mga bitbit niya. Pinunasan niya ang mga luha sa aking mga mata.

“Sinabi ko naman sayo na babalik ako di ba? I said I promised. Wag ka nang umiyak na para bang namatay ako!” saka niya hinimas ang buhok ko para tumahan ako.

“Eto lang ang nakita ko na pwede nating kainin!” saka ko lang napansin na ang bitbit niya kanina ay apat na buko ng niyog.

Habang pinupunasan ko ang sarili kong luha ay lumapit naman kami sa mga kahoy na nakolekta ko. May dala-dala rin siyang dalawang malalaking puting bato na gagamitin niya sa paggawa ng apoy. Lalo akong napamangha kay Jethro dahil andami niyang alam na mga survival skills. Medyo matagal din ang ginawa niyang pagkiskis sa dalawang bato bago kami nakabuo ng apoy. Nang lumakas ang apoy ay hindi ko napigilan ang aking sarili na magtutumalon sa tuwa dahil sa wakas ay lumiwanag na kahit papano ang paligid. Hindi naman nagsalita si Jethro pero nakangiti lang siya sa mga sandaling iyon. Isa isa naman niyang binuksan ang buko gamit ang mga bato at ang dalawa ay inabot niya sa akin para makain ko. Hindi sapat sa aming dalawa ang kinain namin pero wala kaming choice kundi antayin na sumapit ang umaga na may mag rescue sa amin.

Habang tumatagal ang gabi ay lumamig ang paligid yung mga damit namin ay hindi pa masyadong tuyo. Kahit na nasa harap na kami ng apoy ay giniginaw pa rin ako. Hindi ko mapigilang manginig sa lamig kaya naman inalok ako ni Jethro na tumabi sa kanya. Hindi na ako nagpatumpik tumpik pa at tumabi ako sa kanya. Pero giniginaw pa rin ako kaya pumuwesto siya sa likod ko at niyakap ako para maibsan ang panlalamig ko. Ramdam na ramdam ko ang init ng kanyang katawan na nakayakap sa akin. Ang paghinga niya sa aking batok ang lalong nagpapainit aking katawan. Ang kaninang panlalamig ay napalitan ng matinding init. Naramdaman ko na lang na may tumutusok sa aking likuran pero hindi ko na lang ito pinansin. Matagal kaming ganun ang naging ayos at yung kanyang sandata ay tumutusok pa rin sa aking likuran kaya naiilang ako. Napapaabante ako ng bahagya pero hinihila naman niya akong pabalik sa kanya.

“Ahh…Jethro kasi yung.. ano yung ano mo..tumutusok sa akin!” nahihiya kong sani kaya umabante akong muli. Pero gaya ng dati ay hinila niya akong pabalik sa kanya.

“Stop moving.. or I’ll fuck you here, right now!” nakaakap pa rin siya sa akin at hindi na nagsasalita. Matagal na katahimikan ang bumalot sa paligid bago siyang nagsalitang muli.

“You know, I’m trying my best to resist you… but I just can’t help it. I’m sorry!” hinarap niya ng bahagya ang mukha ko sa kanya at sinimulan niya akong halikan. Sumabay na rin ako sa paghalik niya sa akin na para bang matagal ko na tong inaasam na mangyari. Natigil ang paghahalikan namin ng sandaling may naaninag kaming liwanag na paparating sa isla.

Isa itong yate tiyak doon. Mas maliit lang ito ng kaunti sa sinakyan namin kanina. Nang makalapit kami ito sa isla ay saka namin napagtanto kung sino ang mga nakasakay dito. Mga grupo ng mga lalaking na mukhang rescuers dahil sa suot nilang uniforme at kasama nila ay walang iba kundi Josh. Nagmadaling bumaba si Josh at niyakap ako kahit nandun pa si Jethro sa tabi namin.

“Okay ka lang ba? Hindi ka ba nasaktan?” tanong niya agad. At pinasuot ako ng jacket na suot suot niya kanina. Tanging pag iling lang ang sinagot ko dahil hindi ko nga alam kung kakausapin ko ba dapat siya matapos ng kaguluhan sa birthday ni Jules.

“Tara na umuwi na tayo!” pagyaya ni Josh nang hindi man lang pinapansin si Jethro at sumunod na lang ako sa kanya. Bago pa man ako sumampa paakyat ng yate ay nilingon ko muna si Jethro na nakasunod sa aming dalawa sa likuran. Nakatitigan lang kami at para bang nag uusap ang aming mata pero hindi kami magkaintindihan. Pagka akyat namin sa yate ay biglang nagsalita ang kapitan.

“Sir, kung pwede sana bukas na lang tayo bumalik.. kung napapansin ninyo kanina medyo malakas na ang alon sa dagat dahil mukhang masama ang lagay ng panahon.” Suggestion ng kapitan at nagtaas kilay naman si Josh.

“Wala namang na forecast na may bagyo ngayon ahh.. kailangan na nating umuwi ngayon din!” mariing utos niya.

“Pero po” hindi na natuloy ng kapitan ang sasabihin niya nang magsalita si Jethro.

“Kailangan na rin nating umalis dahil mukhang may lagnat na si Eisen at baka lumala pa ito kapag hindi tayo umalis!” sa sinabing yun ni Jethro ay pinaandar na ng kapitan ang yate kahit nag aalangan siya.

“Sabihin mo nga sa akin ano nga ba ang nangyari?’ naiinis na tanong ni Josh kay Jethro. Atsaka naman nagsimulang magkwento si Jethro. Halos lahat ay nakwento niya maliban sa mga nangyari sa aming dalawa. Nagalit naman si Josh dahil nalaman niyang muntik na akong mapahamak sa mga nangyari kaya lumapit siya kay Jethro at kinuwelyuhan ito na ngayong nakasuot ng bathrobe. Hindi man lang niya magawang saktan ang kuya niya kaya tinulak na lang niya ito ng malakas sa sahig.

Naalarma ako kaya tumayo ako para awatin si Josh at baka magsuntukan na nga talaga silang dalawa. Pero noong pag awat ko ay ako naman ang naitulak ni Josh nang hindi sinasadya at napalakas ito kaya na outbalance ako. Kasabay nun ang malakas na pag alon na tumama sa yate kaya tuluyan akong nalaglag sa dagat. Napakalakas ng alon na humahampas sa aking katawan pero pilit kong inaahon ang sarili ko mula sa ilalim ng dagat para hindi ako malunod.

Nang makaahon ay nakita ko na ang layo ko na sa yate. Sumisigaw ako ng tulong pero parang hindi nila ako marinig. Saka lang ako nakita ni Jethro at tatalon na sana siya para sagipin ako pero pinigilan siya ng mga rescuer dahil delikado. Ilang hampas pa ng malalakas na alon ay tinangay na akong muli sa ilalim ng dagat. Wala akong makita kundi kadiliman sa paligid hanggang sa pagpikit ng aking mata ay kadiliman pa rin.

Itutuloy…..

Edited by RJEM16

A/N: (Mababa to please take time to read.)

Grabe nagmessge na talaga kayo para sa update ahh.. sisihin nyo yung friends ko na kiladkad ako papuntang compshop para maglaro ng LOL.

Anyway na touch ako sa new reader ko na nagmessage sa akin na matagal na daw siyang hindi nagbabasa sa wattpad pero napabasa siyang muli noong nabasa niya ang story na to. Totoo ba to o bola lang? Haha

Hindi po ako taga Batangas, nakapunta ako dun siguro twice pa lang medyo may alam lang ako sa mga place dun tapos yung ibang content sa story ay imbento ko lang.

Kinoconsider ko naman talaga na magkaroon ng proof reader kaso okay lang ba sa inyo ba madelay pa ng isang araw bago mapublish ang isang chapter or magtiyatiyaga kayo sa typos at mali mali kong grammar?

Ewan ko nga ba at bakit nyo pinagtiya tiyagaan ang story ko hahaha.

So confirm na si Jethro ang nakauna.

Oh ayan pakagat labi pa siya XD

Madaming Team Jules dito napapansin ko lang, may Team Josh at finally may Team Jean. So Team Jethro na ba ang next? Kung itatanong nyo kung anong team ako. Team Josh ako kasi super crush ko si Lharby hahaha. (PERO HINDI IBIG SABIHIN NA MAGIGING BIAS AKO, PERO MALAY NYO BIAS TALAGA AKO)

Speaking of Lharby, Nakatulog ako ng matagal kanina at hindi ko napanood ang lenten special na sa GMA kanina. So favor guys kung may link kayo s youtube comment nyo naman. Ang unang makakapagcomment ipapangalan ko sa kanila ang character na may special appearance sa next chapter na bida sa susunod kong novel. (EXPECT NYO NA ANG CROSS OVER)

Yung mga Fujushi readers ko mag-ingay sa comment section.

Bye for now.

Updated Saturday 11:55pm.

Chapter 22: Third Confession

Josh as Jules

ĹWMSB 22

Josh’s POV

Sobrang bilis ng pangyayari. Masyado akong nagpalamon sa galit ko at hindi ko sinasadyang maitulak si Eisen sa yate kaya nahulog siya. Tatakbo na sana ako para tumalon sa dagat para sagipin siya pero pinigilan nila ako.

“Sir wag na po sir delikado!” Sabi ng isa mga miyembro ng mga taong hinire ko para maghanap sa kinaroroonan nila ni Jethro.

“Bitawan nyo ako sabi!” Pagmamatigas ko pero hindi nila ako binitiwan.

“Ako na po ang bahala sir!” Hindi pa man ako nakakapagbigay ng utos sa kanya ay bigla na lang siyang tumalon sa yate at sinisid ang maalon na dagat.

Kinakain ako ng takot at konsensya baka kung ano na ang nangyari kay Eisen dahil sa kagagawan ko. Hindi rin nagtagal at umahon ang lalaking kanina’y tumalon para sagipin si Eisen. Napanatag ang kalooban ko nang makita kong karga karga na niya si Eisen.

Wala kaming sinayang na oras at agad namin siyang tinulungang makabalik ng yate. Mabilis na isinagawa ni Jethro ang pagsi CPR kay Eisen para masagip ito sa pagkalunod. Ako sana ang gagawa pero hinayaan ko na lang siyang gawin iyon dahil hindi ito ang oras para pagtalunan pa namin iyon.

Salamat sa diyos at bigla siyang nagkamalay nang matanggal ang mga pumasok na tubig sa kaniyang katawan. Pero hindi rin nagtagal at nawalan siya ng malay. Dinala ko siya sa loob ng Yate para mabihisan ng damit dahil maaari siyang sipunin kapag nagtagal siya sa ganoong ayos.

Jethro’s POV

“Anong pangalan mo?” tanong ko sa lalaking sumagip kay Eisen. Kasalukuyang pinapatuyo niya ang kanyang mahabang buhok.

“DARIUS po sir!” Sagot niya.

“Isa ka ba talagang SRO?” Muli kong tanong.

“Hindi po sir, sumaside line lang po ako paminsan minsan dahil wala po akong matinong trabaho.” Kamot ulo niyang sagot.

“Gusto mo bang magkaroon ng trabaho?” Bigla siyang nagulat sa sinabi ko pero kasabay non ay ang kanyang pagngiti.

“Opo sir, kahit ano pong trabaho gagawin ko!” Mukhang masipag naman to at mukhang batak na batak sa mga pisikal na trabaho dahil mapapansin agad sa kanyang pangangatawan at kulay ng balat.

“Sige kakausapin ko si Tito Lazarus para mabigyan ka niya ng trabaho” mabilis niyang inabot ang kamay ko at nagpasalamat.

Eisen’s POV

Nagising ako na may humahawi sa buhok ko. Agad kong tiningnan kung sino ang gumagawa nun. Walang iba kundi ang panganay na si Jethro. Hindi ko alam pero natuwa ako nang makita ko siyang muli. Dahil siguro naligtas ako mula sa kapahamakan kaya ko nararamdaman ito. Ay ewan basta masaya ako.

“I’m glad you’re safe!” sabi niya sa akin habang nakatitig sa akin ng seryoso. Yung totoo masaya ka ba talagang buhay ako o nanghihinayang ka na nabuhay pa ako? Mukhang wala sa mukha niya yung sinasabi niyang I’m glad. Pero pinag uusapan natin si Jethro kaya ano pa ba ini expect mong expression niya. Nagulat naman ako sa biglang pagpasok ni Josh sa pinto. Dahan-dahan namang tumayo si Jethro mula sa aking kama. Tumakbo at lumapit sa akin si Josh at hinawakan niya ang aking mga pisnge.

“Ohh thank god buhay ka! I’m sorry, I’m sorry I’m sorry!” nang dumampi ang kamay niya sa aking pisnge ay bigla na lang nanumbalik sa alaala ko ang mga nangyari bago ako mahulog sa yate. Parang nag flashback lahat lahat pati na rin ang takot ko nang mahulog ako sa dagat at tangayin ng malakas na alon. Kaya sa hindi ko malaman na dahilan ay maitulak ko siya papalayo sa akin.

“WAG, PLEASE TULUNGAN NINYO AKO!!” napasigaw ako. Hindi ko alam kung bakit pero mabilis na tumulo ang mga luha ko. Nanginginig ako sa takot, alam kong si Josh ang kaharap ko at alam kung mahal ko siya pero…pero mas nananaig ang takot ko sa kanya na baka saktan niya ako o kaya nama’y itulak niya akong muli. Pinikit ko na lang ang aking mata dahil hindi ko kayang makipagtitigan sa kanya.

“I think nagkaroon siya ng trauma sa mga nangyari!” sabi ni Jethro.

“It’s all your fault. Damn it!” sigaw na sambit ni Josh.

“I know pero you just can’t put all the blame on me. Sino ba ang nagtulak sa kanya?” sagot naman ni Jethro.

“Hey what’s going on?” biglang singit ni Jules. Nang makita niya ako ay lumapit kaagad siya sa akin at niyakap niya ako.

“Wag mo nang gagawin ulit yun! Pinag-alala mo ako ng sobra.” Bigla na lang niya akong hinalikan sa noo at hanggang sa labi. Sa labi? Sa harap nila Jethro at Josh? Biglang napatigil sa paghinga sa ginawa niyang paghalik sa akin pero nagawa ko pa rin siyang itulak para pigilan siya.

“JULES!” sabay na sigaw ni Jethro at Josh. Pero hindi niya pinansin ang mga ito. Ngumiti lang siya sa akin pagkatapos niya akong halikan at ako naman ay tulala pa rin sa mga nangyayari.

“Ilang beses ka nang pinagsabihan na wag na wag mong gagawin yun!” galit na sambit ni Josh.

“Bakit ano bang problema mo?” tanong ni Jules na mukhang galit na rin.

“Ikaw ang problema ko gago!” sagot ni Josh. kinuwelyuhan niya si Jules at aakmang sapakin pero buti na lang at napigilan siya ni Jethro. Gaganti na sana si Jules pero biglang dumating si James kasama si Dr. Alvarez. At biglang inawat ni James si Jules sa dapat nitong gawin.

“Hey guys stop it! Hindi nakakatulong ang ginagawa nyo! Kakabalik lang ni Eisen. Look nanginginig na siya!” sigaw na sabi ni Dr. Alvarez. Ako rin naman ay hindi ko pansin na nanginginig na pala ako, hindi ko alam kung sa takot o sa lamig basta hindi okay ang pakiramdam ko ngayon at ayokong nakikita silang nagkakagulo. Sa sandaling iyon lahat sila ay nakatingin na sa akin.

Huminahon na rin sila Josh at Jules, samantalang si Dr. Alvarez ay lumapit sa akin para I-check ang temp ko.

“Mukhang mataas ang lagnat mo! Please everyone, iwanan nyo muna kami!” pakiusap ni Dr. Alvarez.

“I’ll stay!” pagpupumilit ni Josh.

“Me too!” sagot naman ni Jules.

“Please guys, ayokong naiistress ang pasyente ko sa inyo. Kung pwedeng iwan nyo muna kami hanggang sa makapagpahinga siya”. Bigla naman sumenyas si Jethro na umalis na ang lahat, kaya kanya kanyang labas ang magkakapatid sa aking kwarto.

Huling lumabas si Jethro at nilingon muna ako bago makalabas ng pinto. Alam kong sinisisi niya ang kanyang sarili sa mga nangyayari at nagiguilty siya.

“39° C ang temp mo ngayon. Kailangan mong makapagpahinga ng husto. I already asked them na magprepare ng light na food para sayo bago ka mag take ng gamot dahil mataas ang lagnat mo!” wala akong ginawa kundi ang tumango sa mga sinasabi niya.

Napansin ko lang parang ang dalas ko naman madisgrasya simula noong mapunta ako saa mansion na to. Clumsy ba ako o sadyang malas? Bihirang bihira akong dapuan ng sakit o kaya naman ma disgrasya noon kasi maingat ako. Maliban na lang noong bata pa ako dahil medyo clumsy talaga ako nun. Akala ko nga mamamatay na ako nang lamunin ako ng malaking alon pagkatapos kong mahulog sa yate. Hay..Thank you Lord at hindi mo pa rin ako pinapabayaan.

“So tapos kana?” tanong ni Dr. Alvarez.

“Po?” nagtataka kung tanong.

“I mean tapos na ba ang pagmomonologue mo?” natatawa niyang sabi.

“OMG. Nasabi ko ba ng malakas ang nasa isipan ko?” tanong ko agad.

“Hindi naman masyado” at saka siya tumawa. Parang ganito ang kailangan ko ngayon. Positive vibes, masyadong masama ang pakiramdam ko para panoorin silang nagkakagulo. Biglang may kumatok sa aking pintuan at lumapit naman si Dr. Alvarez para kunin ang pagkain na dala-dala ng maid.

“Here, kailangan mong kumain para magkalaman ang tiyan mo. Medyo mataas ang dosage ng gamot na ipapainom ko sayo kaya need mong kumain” nahihiya man ako pero hinayaan ko na lang siyang subuan niya ako. Good thing! ay hindi nawala ang gana ko kumain. Siguro bumabawi ang tiyan ko after kong mastranded sa isla na walang makain kundi buko. Kaya naman gutom talaga ako ng mga oras na yun. Pagkaubos ko ng pagkain ay saka naman ako uminom ng gamot. Makalipas ang ilang minuto ay pinahiga ako ni Dr. Alvarez. Kahit nakahiga ako ay nagawa niyang i-physical check up ako. Chineck niya kong may galos ako ba ako sa katawan o kaya may physical injury ba akong natamo. Buti naman at wala akong natamo ni isa sa mga yun. Sabi niya marahil sa pagkakababad ko ng matagal sa tubig kaya ako nilagnat. Pagkatapos niya akong macheck ay nag-iwan siya ng gamot sa may maliit na table malapit sa kama ko. Kailangan kong inumin ito every 4 hours para mapababa agad ang lagnat ko. Nagpasalamat naman ako kay Doc bago siya umalis.

Pilit kong pinipikit ang aking mata para makatulog at makapagpahinga. Pero andaming pumapasok sa aking isipan at hindi ko magawang marelax ang utak ko. Kalaunan ay may biglang may pumasok sa aking kwarto yun ay walang iba kundi si Jean. Balisa siya nang makita niya akong nakahiga sa kama.

“Sorry, akala ko tulog kana. Sige aalis na ako para makapagpahinga ka.” Aalis na sana siya para hayaan akong makapagpahinga pero pinigilan ko siya.

“Wait, samahan mo muna ako. Hindi kasi ako makatulog” nag aalangan siyang lumapit. Inamoy ko ang sarili ko kung mah anghit ba ako pero wala naman.

“Sure ka?” tumango lang ako at saka siya lumapit sa akin.

“So kamusta na ang pakiramdam mo?” tanong niya nang makalapit na siya sa akin.

“Eto masama pa rin ang pakiramdam ko… tapos hindi ko rin naman magawang makatulog. Ewan ko ba kung bakit.” Matagal ko ring inantay ang magiging sagot niya kasi parang nahihiya siya sa akin. Si Jean ba talaga to?

“Pagpasensyahan mo na sana yung nagawa ng mga kapatid ko. I know hindi madaling patawarin ang isang bagay lalo na kung buhay na ang pinag uusapan” huminga lang ako ng malalim bago nagsalita.

“Wag na nating pag-usapan yun atsaka kung natuluyan ako ay hindi na ako magiging pabigat sa iba” ngumiti naman siya at nagkamot ng ulo.

“Wag kang magsalita ng ganyan. Madami ang malulungkot kapag nawala ka” seryoso niyang sabi.

“Bakit malulungkot ka ba pag nawala ako? Eh noong unang kita nga natin halos palayasin mo ako sa Music room” natatawa kong sabi.

“Dati yun pero iba na ngayon. Halos ayaw na nga kitang umalis ng mansion eh!” sagot naman niya at mukha namang sincere siya sa mga sinasabi niya.

“Bakit mamimiss mo ba ako?” tanong kong muli.

“Oo naman” mabilis niyang sagot.

“Eh bakit naman?” makulit din ako kaya nagtanong akong muli.

“Hindi mo ba narinig yung last performance ko with my bandmates. Di ba nga para sa iyo yun!” mariin niyang sabi. Napipikon na ata siya.

“Alam ko naman na Beautiful ako pero yung soul ko hindi!” halos masuka ako sa joke ko. Hindi ako ganun ka kumpiyansa sa sarili kong features kaya naman mababa ang self esteem ko.

“Loko ka talaga, ang ibig kong sabihin nun ay gusto kita!” bigla akong napatingin sa kanya kung nagbibiro ba siya o hindi pero seryosong seryoso talaga siya sa kanyang mga sinasabi.

“Sira, nagbibiro ka pa ng ganyan!” escape goat ko sa embarassing moment na to.

“Hindi ako nagbibiro, totoong may gusto ako sayo. Ako pa nga ang nakapulot ng….” hindi ko na siya pinatapos sa pagsasalita dahil baka san pa mapunta ang usapan. Mukhang nangyari na ang ganito dati at ayoko nang maulit.

“Kantahan mo na lang kaya ako para makatulog ako!” nagrequest ako sa kanya na agad naman niyang pinaunalakan.

“Ano bang gusto mong kanta?” tanong niya.

“Kahit ano basta yung medyo nakakaantok na kanta!” saka ako nagkumot ng husto.

Nagsimula naman siyang kumanta.

The stars lean down to kiss you

And I lie awake and miss you

Pour me a heavy dose of atmosphere

Cause I’ll doze off safe and soundly

But I’ll miss your arms around me

I’d send a postcard to you, dear

’Cause I wish you were here

I’ll watch the night turn light blue

But it’s not the same without you

Because it takes two to whisper quietly

The silence isn’t so bad

’Til I look at my hands and feel sad

’Cause the spaces between my fingers

Habang binabanggit niya ang bawat linya ng mga lyrics ay saka ko lang naramdaman ang matinding antok. Sa huling pagkakataon ay ngumiti ako sa kanya bago ko pinikit ang aking mga mata saka nahimbing sa pagtulog.

KINABUKASAN>>

Naging magaan na ang pakiramdam ko. Sinunod ko naman ang naging payo ni Dr. Alvarez. Kumain ako ng mabuti at ininom ang mga gamot sa eksaktong oras. Buti na lang at andyan ang mga maids para maghatid ng pagkain. Humingi kasi ako ng favor na ayoko munang makipag usap lalo na kay Josh sa mga sandaling yun dahil ayokong ma stress. Balita ko nga ay nasa manila ngayon si Jessica para makipagkita sa kanyang mga friends at ipakilala ang baby nila ni Josh. Hindi nakasama si Josh sa manila dahil tumulong siya sa paghahanap sa akin nang malaglag ako sa yate na kasalanan naman niya.

Pagkatapos kong maligo ay agad akong nagbihis ng damit na isusuot ko pamasok sa school. Alam kong kakagaling ko lang sa sakit pero kumpiyansa ako sa aking sarili na kaya ko nang pumasok ngayong araw. Ayokong maburyo sa mansion na to dahil pakiramdam ko ay magkakasakit ako lalo. Pagkalabas ko ng kwarto ay agad sumambulat sa akin si Josh.

“Where do you think you’re going?” tanong ni Josh. So naging casual na lang ang tawag niya sa akin. FINE.

“Papasok sa school, saan pa ba?” sarkastiko kong sagot.

“At sino naman ang nagsabi sayo na pwede ka nang pumasok ngayon?” inis niyang sambit.

“Me, myself and I” hilaw na ngiti ang sinukli ko.

“Hindi ka pa pwedeng pumasok dahil kakagaling mo lang sa sakit. Magpalit ka ng damit at pumasok sa kwarto mo para makapagpahinga.” Utos niya pero wala akong balak sundin. “Ayoko!” maiksi kung tugon.

“Wag nang matigas ang ulo” sabat naman niya.

“Anong nangyayari dito?” biglang tanong ni Jethro.

“Si Eisen kasi nagpupumilit na pumasok ng school” sabat ni Josh para siyang bata na nagsusumbong.

“Sigurado ka bang kaya mo nang pumasok?” tanong ni Jethro kaya tumango lang ako bilang pagtugon.

“Okay, basta let me know kapag masama pa ang pakiramdam mo at susundin kita agad!” pareho kaming nagulat ni Josh sa sinagot ni Jethro. Asan na yung strict at masungit na Jethro? Nahulog rin ba sa dagat. Wala nang nagawa si Josh kundi pumayag sa naging pasiya ni Jethro.

Sabay sabay kaming nagtungo sa dining area pero pilit akong dumidistansya kay Josh dahil pakiramdam ko ay masasaktan na naman ako pag dumikit ako sa kanya. Hanggang sa pagkain namin sa almusal ay may pagitan na upuan ako sa kanila habang kumakain dahil hindi pa rin ako komportable. Basta mahirap ipaliwanag. Nang matapos kaming kumain ay nag-asikaso agad ako sa aking sarili para maghandang pumasok sa school.

“Ihahatid na kita!” sabi ni Josh pero iniwasan ko lang ang titig niya.

“Ako na ang bahala!” sabi ni Jules.

“I can help.. dadaan din ako sa dean office ng Psych bago pumasok sa first subject ko kaya pwede kitang isabay.” Sabat naman ni Jean.

“Ako na ang bahala!” biglang singit ni James. Seryoso ba siya? Ngayon lang siya nag alok ng paghatid sa akin. Halos hindi mo nga mapalabas ng mansion yan si James tapos inaalok niya ako ng sakay.

“Seryoso ka?” sasabay nilang tanong. Maliban kay Jethro na tahimik na umiinom ng kape. Back to normal, I guess?

“Oo naman gusto ko lang magpahangin at minsan lang kami magkabonding ni Eisen” tama naman siya bihira lang kami magkausap ni James kaya hindi rin masama na makasama ko siya.

“Sige, kay James na ako sasabay” pagkasabi ko noon ay hindi na sila umapela pero ang sama ng tingin nila kay James at tawa lang ang sinukli nito.

Nagtungo na agad ako sa parking habang inaantay na magbihis si James. Mabilis naman siyang nakapagpalit suot suot ang skinny torn jeans na black at fitted shirt na gray na nagpahulma lalo sa maganda niyang pangangatawan. Inabot niya sa akin ang isang helmet at gagamitin namin ang kanyang motor na ducati.

“Let’s go Lady!” sambit niya.

“Tigilan mo nga ang kakatawag mo sa akin ng lady” sagot ko habang sinusuot ko ang helmet at sumampa sa likod niya.

“Bakit naman? Mukha ka kayang babae. Kung naging babae ka lang binakuran na kaagad kita simula pa noong una!” hindi ko masyadong narinig ang sinabi niya.

“Ha?” ang tanging nasagot ko.

“Wala kumapit ka ng mabuti sa abs ko nang hindi ka malaglag!” sabi niya pagkakapit ko ay pinaandar niya agad ang motor. May point siya kasi abs nga naman talaga ang nakakapa ko pero hindi yun sadya, believe me. Mabilis kaming nakarating eskwelahan at inabot ko agad sa kanya ang sinuot kong helmet at nagpasamat.

“Anytime lady!” nakangiti niyang sagot.

“Hayy..” tanging sagot ko.

“Ingat ka ah!” dugtong niya.

“Oo naman isa lang buhay ko noh!” sagot ko.

“Don’t worry ibibigay ko sayo ang kalahati ng buhay ko para may 1.5 kana!” nakangiti niyang sambit.

“Ano?” hindi ko nagets ang gusto niyang iparating.

“Never mind, bye!” sinara niya ang eye shield ng helmet at umalis na lang bigla. Ang weird! Pagkapasok ko sa room ay agad akong kinausap ng mga chismosa kong classmate tungkol sa nangyari sa akin. Mga kunwaring concern ang paplastic nila, pero sinakyan ko na lang. Wala na rin naman akong mapagkakatiwalaan sa kanila. Pati tong si Bjorn na panay ang sorry sa akin ay hindi ko pinapansin. Natapos ang unang klase at may 30 minutes interval kami bago ang next class. Nagpasiya muna akong magtungo sa cafeteria mag isa para bumili ng maiinom. Bago pa man ako makarating sa cafeteria ay may dalawang babaeng humarang sa akin sa daan at bigla na lang akong hinawakan sa braso.

“Hey anong ginagawa nyo?” bigla na lang ako nakaramdam ng malakas na sampal sa kanang pisnge ko.

“Yan ay para sa pagsira sa birthday party ng boyfriend ko!” pagkatapos nun ay isa pang malakas na sampal sa kaliwang pisnge ko.

“At yan ang pag agaw sa boyfriend ko!” galit na sambit ni Andrea.

“Ano bang pinagsasabi mo?” nanggagalaiti na ako sa galit at gustong gusto ko nang patulan ang mga babaeng to. Wala silang karapatan na saktan ako ng ganito.

“Malandi kang bakla ka inagaw mo ang boyfriend ko!” sasampalin pa sana niya ako ng biglang hinawakan ni Jules ang kamay niya.

“Ju-les?” nauutal na sambit ni Andrea.

“What do you think you’re doing?” galit na sambit ni Jules.

“Kasalanan niya tong lahat!” naiiyak na sabi ni Andrea.

“Wala na tayo. Tapos na ang namamagitan sa atin. Kung may dapat kang sisihin ako yun hindi siya!” mariing sagot ni Jules.

“Then tell me why?” tanong ni Liza este ni Andrea.

“Dahil mahal ko siya!” sagot ni Jules. Lahat kami nagulat sa sinabi ni Jules. Sa harap pa mismo ng girlfriend niya este ex niya at sa mga friends nito. OMG!

Itutuloy…

A/N: So kamusta ang Cross-over ng upcoming fantasy BL story ko. Pinag isipan kong mabuti kung isasama ko pa ba siya pero matagal na akong desidido. First, karamihan sa magiging story ko sa ibang book ay mag aappear dito. Second, pwede siyang maiapply sa totoong buhay dahil maraming misteryo ang nababalot sa mundo madaming unexplained events kaya malay ninyo isa to sa mga yun.

AND KAMUSTA ANG MGA NABIKTIMA NG APRIL FOOLS VER. NG CHAPTER 22?

Sobrang tawang tawa ako sa mga reactions ninyo promise. Maraming naiyak at maraming nabitin. May nagsabi pa na pagkatapos ko daw i-parape si Eisen, nilaglag sa dagat tapos mamatay lang? Hahahaha…

Tapos may isa pang naiyak daw at sumigaw na napahiya sa mga taong nag iinuman. Shems…

At may hindi nakapagfocus sa pagrereview after mabasa dahil hindi makamove on sa pangyayari. XD

Hindi rin po ako fan ng Sad stories na BL. So rest assured na happy ending ito.

Ngayon ko lang napagtanto na marami pala talaga ang nahumaling sa story na to. Yung mga silent readers ko before napacomment bigla sa sad ending (kuno) hahaha.. pag hindi kaya nag ingay tutuluyan ko na talaga si Eisen xD

Balak ko na talagang i-link yung IG ko sa profile ko kanina eh. Kaso may dalawang nagbanta sa akin sa message na gagawin daw nila sa akin yung ginawa ni Jethro kay Eisen. OMG so hindi ko na tinuloy nanganganib ang buhay ko dahil sa April Fools na yan hahaha.

Ohh siya eto pampagood vibes edited ni @yadong_23

HAHAHAHAHAHAHA.. bahala kayo diyan.

Ako naman ang mag eenjoy tonight sa larong hindi ko pa matapos tapos.

Please vote and comment guys. Thank you.

Edited by RJEM16

Chapter 23: Bad Bromance

Jos

s

as Jules

Eisen’s POV

Pakiramdam ko ay nabinge ko nang panandalian. Lahat kami nagulat sa sinabi ni Jules, hindi ko inaasahang sasabihin niyang lahat yun. Sa harap pa mismo ng girlfriend niya at sa kaibigan nito.

“ANO?” Gulat na tanong ni Andrea.

“Oo, mahal ko si Eisen dahil parte na siya ng buhay ko. Dahil kapatid ko siya kaya nararapat lang na mahalin ko siya. Hindi mo dapat isisi sa kanya, nasa akin ang mali. Dahil hindi na gaya ng dati ang nararamdaman ko para sayo. I’m sorry!” pagkasabing pagkasabi ni Jules ay agad siyang nakatikim ng malakas na sampal mula kay Andrea.

“I hate you!” sambit ni Andrea sabay takbo papalayo sa amin.

Nakahinga naman ako ng mabuti dahil akala ko love confession na ang sinabi niya kanina. Buti na lang ay hindi kasi hindi ko talaga alam ang gagawin ko. Hindi ko nga alam kung paano ko kakausapin si Jean kapag inopen niya ang topic tungkol dito. Ahh basta may mahal na ako at yun ay si Josh. Kahit alam kong nagkakamalabuan kami ay totoong may feelings pa rin ako sa kanya. Pero hindi ko pa siya kayang harapin simula nang mangyari ang trahedya na yun.

“Eisen are you okay?” tanong ni Jules at bigla naman akong nagising sa aking pag-iisip.

“Ahh, oo okay lang ako!”

“Pasensya ka na ahh.. nadamay ka pa sa gulo namin ni Andrea” sabi niya habang hinihimas ang pisnge ko na sinampal kanina ni Andrea.

“Ano ba ang totoong dahilan kung bakit mo siya hiniwalayan?” kahit alam ko naman talaga ang kasagutan doon ay syempre gusto kong malaman mismo sa kanya.

“Recently kasi masyado na siyang nagiging paranoid na para bang nambabae ako. Pati ikaw pinagseselosan na niya. Hindi naman siya ganyan dati pero ewan ko ba bigla na lang siyang nagbago. I thought mag wowork-out kami kung patuloy ko siyang iintindihin kaso hindi ko na kaya. Nasasakal ako na ako sa kanya. That’s why I broke up with her!” mahinahong sagot niya sa akin.

“Nakakatakot nga siyang magselos” sagot ko habang inaayos ko ang polo kong nagusot.

“Magseselos at magseselos yun sayo!” sambit niya.

“Huh? Bakit naman?” gulat kong sambit.

“Syempre mas magiging malapit na tayo sa isa’t isa, ngayong wala na kami at mas magkakaroon ako ng maraming time para sayo” nakangiti niyang sambit, kikiligin na sana ako kaso naalala ko may Josh na pala ako.

“Sira, mas marami ka nang time ngayon mang babae dahil single kana ulit!” nagsimula na akong maglakad patungong cafeteria habang siya ay nakasunod sa akin.

“Bat ko naman gagawin yun, masaya na akong kasama kita!” bigla akong napalunok ng laway sa mga sinabi niya.

“Haa bakit?” pabebeng tanong ko.

“Syempre ikaw ang bunso ko, sobra akong nag alala nang malaman kong nalaglag ka sa yate. Muntikan ko na ngang suntukin si Jethro dahil siya ang may kasalanan kung bakit ka napunta dun at saka” pinutol ko ang pagsasalita niya.

“Wait, itigil na natin ang sisihan. Mag move-on na lang tayo okay? Wala namang may gustong mangyari yun kaya. Wag na kayong magbangayan!” naupo ako sa isang bakanteng upuan na may maliit na round table na akala mo nasa mamahaling café. Wait Wells nga pala ang may ari nito ano pa bang ipagtataka ko. Bigla ko tuloy na alala si Josh, dahil hindi ko pa rin siya nakakausap nang matino simula ng mangyari ang aksidente. Dapat sigurong patawarin ko na rin siya dahil hindi niya naman gusto ang mga nangyari.

“Okay, okay…. So anong gusto mong kainin?” saka ako napabalik sa aking ulirat.

“Ha?” nagtataka kong tanong.

“Sabi ko ang cute mo! Wait mo ko diyan ako na ang oorder” tumayo siya sa upuan na nasa harapan ko at pumunta sa counter para mamili ng makakain.

Wala pa naman akong ganang kumain parang gusto ko lang ng maiinom. Gusto ko lang ma-occupy yung utak ko kahit papano kasi andami daming nangyayari sa aking buhay ngayon. Bat ba ang gulo gulo ng mundo simula nang pasukin ko ang mundo ng mga mayayamang ito. Parang gusto ko na lang umakyat ng bundok at mamuhay ng simple kaso wala ka naman doong makikitang gwapong may abs na mamahalin ka kaya tiis tiis na lang. Ngayon ko lang napansin ang madalas na pagtitinginan ng mga tao sa aking paligid. Tila ba ako yung topic ng pinag uusapan nila. Yung iba ay tumatawa, yung iba ay nakangiti na parang may pagdududa. At meron ding tila nandidiri sa aking pagkatao. Wait baka nag-aassume na naman ako, hindi naman ako kilala sa Uni para mapag usapan noh. Buti naman at nakabalik din agad si Jules na may bitbit na tray na may lamang lemon juice at choco mousse cake. Pano niya kaya nalaman na favorite ko to? Pero wala talaga akong ganang kumain ngayon.

“Here, feeling ko kasi wala kang gana kumain atleast kahit man lang itong favorite mong cake makain mo nang magakalaman yang tiyan mo!” saka naman niya inabot sa akin ang cake at juice.

“Paano mo naman nalaman na favorite ko to?” hindi pa siya sumasagot pero sumubo na agad ako ng cake, promise wala akong ganang kumain.

“Ako pa ba?” yung pagkakasabi niya ay kulang na lang mag-flip siya ng hair. Nakakaloka.

Tahimik akong kumaikain at ganun din naman siya. Pero napansin ko na panay pa rin ang tingin sa amin o sa akin ng mga taong nasa paligid. Medyo nako curious na ako kung ano ba talaga ang nangyayari sa aming paligid.

“Hindi mo ba sila napapansin?” tanong ko kay Jules na lumalagok ngayon ng Juice. Jusme.

“Bat ko naman sila papansinin?” taas kilay niyang tanong.

“I mean yung kinikilos nila hindi mo ba napapansin?” napalingon akong muli at nahuli ko talaga ang isang grupo na nakatingin sa akin at nagtatawanan sila.

“What do you mean?” seryoso niyang sambit.

“Ahh wala kasi parang ako yung pinag-uusapan nila ehh… eh syempre baka mali din naman ako nang akaka kaya never mind na nga lang baka-” hindi pa ako tapos makapagsalita nang tumayo si Jules at lumapit sa mga grupo ng mga estudyanteng nagtatawanan. Dali-dali ko naman siyang sinundan kasi baka naman kasi mali kami nang hinala at mapahiya ko pa siya.

“Hey mukhang masaya ang pinag uusapan nyo ahh.. pwede ko bang malaman?” sa kauna unahang pagkakataon ngayon ko lang nakitang naging sarkastisko sa pag ngiti si Jules.

“Ahh wala naman may nakaka.. ano may nakakatawa lang kasi kaming video na pinapanood!” nauutal na sabi ng lalaki.

“Right, funny video…di-diba guys?” dugtong ng babaeng nasa tabi niya na tila girlfriend pa niya ata.

“Ohh really can I see that video? Mukhang interesting at panay ang lingon ninyo sa amin ehh.. mukhang gusto ninyong i-share?” sa pagkakataong ito ay seryoso na ang mukha ni Jules na mukhang nagbabanta.

“Ahhh… wala baka makornihan ka kaya wag na!” nagmamadaling sagot ng lalaki.

“Give me your phone!” inalok na mismo ni Jules ang kanyang kamay para iabot sa kanya ang phone. Pero nag-aalangan pa rin siyang iabot kaya pinasok niya ang phone sa loob ng bulsa niya.

“Ibibigay mo sa akin yang phone mo or babasagin ko yan sa pagmumukha mo?” halata na sa pananalita ni Jules na galit siya pero sa way ng tono niya ay mukhang kalmado pa din. Ako ang kinakabahan sa mga nangyayari kaya lumapit ako kay Jules at kumapit sa braso niya baka sakaling totohanin nga niya ang binabanta niya. Hindi rin nagtagal at inabot ng lalaki ang phone niya na may videong naka-pause. Pinanood agad ito ni Jules mula umpisa, ako nama’y nakinood din. Mukhang kuha ang video na to sa birthday party ni Jules last week. Pero hindi nakafocus sa kanya ang video. Nakafocus ito sa akin, kuhang-kuha ang part na hinalikan ako ni Bjorn pati na rin ang pagkaladkad sa akin ni Jethro. Edited ang video kaya hindi nasama ang away ng magkakapatid. Sa dulo ng video ay may nakasulat na “WELL DESERVED BITCH”. Parang gusto ko nalang magpalamon sa lupa dahil sa kahihiyan na nararamdaman ko ngayon. Pinipigilan kong wag maluha dahil ayokong makita nilang apektado ako sa video pero wala parang init talaga ng mga mata ko.

“Sino kumuha at nagkalat ng video na to?” ramdam na ang galit sa tono ng boses ni Jules. Mas lalo akong natakot pero pinipilit ko pa ring pigilang maiyak.

“Hi-hindi ako….. hindi ko alam may nagpasa lang sa group chat namin!” pagkasabi niyang yun ay bigla na lang pinagpupukpok ni Jules ang Cellphone sa ibabaw ng mesa hanggang sa mabasag ang screen nito. Gulat ang lahat sa ginawa ni Jules pati na rin ako dahil hindi ko inaasahang gagawin niya yun. Lahat tuloy ng tao sa cafeteria ay nakatingin na sa amin. Pagkatapos niyang mabasag ang screen nito ay binato niya na lang ito sa may basurahan at shoot na shoot ito kahit malayo sa kanya. Totoo ngang basketbolista siya. Halata sa mukha ng lalaki ang takot at panghihinayang sa phone niya na mukhang bagong bili pa lang samantalang ang mga kasama niya ay nakayuko na lang at ang girlfriend na nasa tabi niya ay mukhang maiiyak na din. Nakakapanghinayang naman talaga kasi Iphone 7 plus yun ang mahal kaya nun.

“Listen, bibigyan kita ng 30mins para burahin lahat ng copy na meron ang mga estudyante sa loob ng Uni pati na rin ang na upload sa internet. At saka alamin mo kung sino ang nag edit at nagapakalat ng video kung gusto mo pang mapatawad pa kita!” inakbayan ako ni Jules at inaya na para makaalis na sa cafeteria pero muling nagsalita ang lalaki.

“At bakit ko naman gagawin yun?” nagulat ako sa sinabi ng lalaki, mukhang naghahamon talaga ng away at nagkaroon pa siya ng lakas ng loob.

Lumapit sa kanya si Jules at hinawakan ang kwelyo nito. Marahan niyang inaayos ang kwelyo ng lalaki na para bang inaayos niya talaga ito habang nagsasalita.

“Simple lang naman. Una, kung gusto mo pang manatili sa Uni. Pangalawa, kung gusto mo pang mabuhay ang business ng family niyo. Baka nakakalimutan mo nakadepende pa rin sa amin ang pag ahon ng paluging negosyo ng pamilya ninyo. What if bawiin namin ang investment sa negosyo ninyo? I doubt na mabibili ka pa ng Iphone 7 ng daddy mo?” sabay higpit sa kwelyo ng lalaki na halos di makahinga sa pagkakasakal na agad namang binitawan ni Jules.

“Kilalanin mo kinakalaban mo, Eisen is part of the family na, What do you think pag nakarating ito kay dad at sabihin kong ikaw ang nagpakalat? Baka hindi na kayo makapagtayo ng business niyan!” binangga niya sa balikat ang lalaki sa naglakad papaalis. Lumingon siya sa akin at saka inaya akong sumama sa kanya. Syempre sumama na din ako dahil ayokong maiwan dun sa napaka awkward na place na yun.

Haayy, ano na naman ba to Eisen? Parang araw-araw na lang may problema. Kelan ba matatapos to? Ayoko na mag isip ng paulit ulit kasi nakakapagod na. Bigla ako nakaramdam ng kamay na nakapatong sa aking ulo tapos inilapit nito ang aking ulo sa kanyang balikat.

“Don’t think too much, let me handle it! From now on hindi ko hahayaang may manakit sayo!” pagkasabi niyang yun ay saka lang umagos ang luhang kanina ko pa pinipigilan. Ewan ko ba kung bakit pero sobrang na touch ako sa mga sinabi niya. Simula pagkabata ko ay gusto ko talagang magkaroon ng ate o kaya kuya na laging nandiyan para sa akin sa tuwing kailangan ko sila. Sila kasi yung tipo na ipagtatanggol ka sa mga nang aaway at mga bullies sa school ninyo. Pero lumaki akong only child kaya never kong naransan na may kakampi ako sa school. At first time kong naramdaman yun dahil kay Jules.

“Sa-laaa-mat” nauutal kong sambit. Saka niya lang napansin na umiiyak na pala ako.

“Oohh.. Sabi ko naman sayo di ba akong bahala sayo. Wag mo silang intindihin dahil simula ngayon ako na ang bahala sa mga mananakit sayo! Ibabalik ko sa kanila ng doble ang sakit na dinudulot nila sayo kaya wag ka nang umiyak!” parang kanina lang ay para siyang tigreng galit na galit at ngayon ay isa na siyang kuting na sobrang galing manuyo. Napakaswerte ko pa rin pala kahit papano.

“Hindi naman sa kanila ako naiiyak eh… na touch lang talaga ako sa mga sinabi mo!” sabay punas ng mga luha ko.

“Edi i-kiss mo ko para mag-thank you!” sabay ngiti.

“Ha?” gulat kong sambit.

“Ako na nga” tapos bigla na lang niya akong hinila papalapit sa mukha niya at hinalikan ang aking noo. Bigla ko naman siyang naitulak dahil nasa Uni kami baka may makakita sa ginagawa niya sa akin ay pag isipan pa kami ng masama.

“Why?” tanong niya.

“Ehh..nasa loob tayo ng University baka may makakita pa at pag isipan pa tayo ng masama!” napalingon ako sa paligid pero wala naman akong nakikitang mga tao sa kinaroroonan namin.

“Ilang beses ko bang sasabihin sayo na hayaan mo akong maghandle sa kanila! From now on magfocus ka na lang sa studies mo at sa akin!” sabay kindat. Anong meron ngayong araw?
Bigla niya akong hinila sa ibang direksyon papalayo sa daan patungo sa building namin.

“Wait san tayo pupunta?” Napatigil ako sa paglalakad.

“Somewhere exclusive para sa ating dalawa!” bigla akong namula sa words na Exclusive para sa aming dalawa.

“Haaa? Ehhh alam mo namang may pasok pa ako di ba?” hindi ko alam kung bakit ako natataranta magsalita.

“Skip mo muna yun, tara na!” hinila niya ako at napalakad ako ng mabilis. Sa tanang buhay ko ay never pa akong nag skip ng class maliban na lang kong pinapauwi na ako ng teacher dahil mataas na ang lagnat ko. Alam ko kasi kung gaano ka importante ang pag aaral at kung gaano kalaki ang impact sa grades ko kapag na skip ko kahit isang araw lang ng klase pero ewan ko ba at hinahayaan kong kaladkarin ako ni Jules kung saan man niya ako gustong dalhin. Nakarating kami sa isang building na malapit sa library, mukhang hindi pa pinapagamit ang building na to kasi wala akong nakikitang nagkaklase sa room o mga estudyanteng nakatambay dito. Inaya niya akong umakyat sa hagdan hanggang sa makarating kami sa 3rd floor. Sobrang pagod ang naramdaman ko at hingal na hingal ako ng mga oras na to.

“Kaya pa?” nakangiti niyang tanong.

“Ano ba kasing ginagawa natin dito?” bigla na lang siya lumapit sa pintuan at tinap ang kanyang ID sa isang maliit na bagay na umiilaw malapit sa pinto. I think dito nagbabadge yung mga taong may access sa room. Bigla na lang na unlock ang room at inaya niya akong pumasok. Napamangha ako sa loob dahil para itong isang condo unit dahil halos kompleto sa kagamitang pambahay at na amaze ako sa malaking kama at tv.

“Ba-bakit may ganito sa Uni?” hindi ko mapigilang maitanong.

“Exclusive lang to sa amin or let’s say sa atin. Ginagamit namin ito kapag mag o-overnight kami sa school o kaya kapag sobrang late na kaya dito na kami natutulog instead na umuwi sa mansion” sagot niya tapos lumagok siya ng isang basong tubig na ang iba ay tumapon sa suot niyang damit. Hindi ko mapigilang mapalunok laway, feeling ko nauuhaw na din ako.

“So madalas ka dito?” dugtong ko.

“Not really, pero si Jethro ang madalas dito noong nag aaral pa siya. Well Law student siya kaya subsob talaga sa pag aaral halos hindi na nga namin siya makita sa mansion dati” inabot niya sa akin ang isang baso ng tubig at mabilis ko itong ininom.

“Mahiga ka muna sa kama para makapagrelax, don’t worry wala yung next professor mo kaya wala kang pasok ngayon. Magsi-CR muna ako dahil mukhang hindi maganda ang pagkain ko ng cake” natatawa niyang sabi at saka niya tinungo ang CR. Ganun na nga ang ginawa ko nahiga muna ako sa kama. Pakiramdam ko ay isang linggo na ang lumipas at pagod na pagod ako. Hindi ko alam kung tama ba na pumasok ako ngayon sa school. Mas okay na nga sigurong sinunod ko ang payo ni Josh na manatili na lamang sa mansion. Unti-unti kong pinikit ang aking mata para magpahinga pero hindi rin nagtagal at naramdaman kong may nakadagan sa ibabaw ko.

“Jules anong ginagawa mo?” bahagya ko siyang tinutulak para umalis sa pagkakadagan sa akin.

“Wala na miss lang talaga kita!” hindi pa rin siya nagpatinag at ayaw niya pa ring umalis hanggang sa sinandal niya ang mukha niya sa aking leeg.

“Sobra talaga akong nag alala noong nalaman kong nalaglag ka sa yate kaya naman gusto kong manatili muna tayong ganito, please?” hinayaan ko na lang siyang magsalita habang damang dama ko ang kaniyang mainit na hininga sa aking leeg. Ininda ko na lang ang bigat ng kanyang katawan para mapagbigyan siya sa kanyang kagustuhan. Hindi nagtagal ay hinawakan niya ang aking kamay ng napakahigpit habang siya’y nakapatong sa akin. Bigla naman akong kinabahan sa mga susunod na mangyayari dahil tahimik lang siya pero ramdam ko na ang kanyang mga labi sa aking leeg. Mahinang paggalaw at unti unting pagkiskis nito ay tiyak nagpapatulo sa aking mga pawis. Hindi ko maimagine ang mga susunod na mangyayari kasi alam ko na hindi na dapat. Buti na lang at nailigtas ako ng malakas ng pagkatok mula sa pintuan. Lumapit na kaagad si Jules para pagbuksan ang pinto samantalang ako nama’y inayos ang aking sarili at pinunasan ang pawis sa noo at leeg. Naka-on naman ang aircon pero bat ang init?

“So tapos kana?” tanong ni Jules sa lalaking inutusan niya kanina na mag delete ng video. Tumango lang ang lalaki sa kanya.

“At sino naman ang nagpakalat ng vide-” hindi pa tapos magsalita si Jules ng sumingit sa usapan ang isang babae.

“Well andito na ako… Oo ako ang nagpakalat ng video!” mariing sagot ni Andrea. Wait ambilis naman niyang napakalat ang video. Ganun ba kalakas ang impluwensiya niya sa school na to?

“Oohh… so pinapakita mo na ang totong pagkatao mo sa akin ngayon?” naiinis na sambit ni Jules.

“Yes, at kung hindi kagaya ng lalaking yan ay basta basta mo na lang akong mapagbabantaan, kaya hindi mo ako mapipigilan Jules!” inis na sagot ni Andrea.

“Ohh really?” bigla na lang ngumiti ng nakakaloko si Jules. Kinuha niya ang phone niya sa kanyang bulsa at mukhang may tatawagan. Ilang segundo lang ay may nakausap na agad siya sa phone.

“Hello Dad? How was your business meeting? Ooohh really? That’s good to hear. By the way I decided na tanggapin ang offer mo na ako ang magmamanage ng company pagka graduate ko so you can focus on your retirement in one condition… Itigil mo ang investment sa Reyes Group of companies pati na rin ang pakikipag partnership sa kanila. Why? Hmmm.. I simply don’t like their daughter. That’s it! Okay thanks Dad… Ba-bye!” biglang binaba ni Jules ang phone. So ganun kabilis niyang nakakausap ang dad niya kahit international call? Reyes? Apelyido ni Andrea yun kung hindi ako nagkakamali. WHAAAT? “You think na maniniwala ako sa phone call na yun?” natatawang sabi ni Andrea pero biglang nagbago ang expression niya ng magring ang phone niya at tinititigan niya kung sino ang tumatawag.

“Ohh bat di mo sinasagot, you’re dad is calling” natatawang sabi ni Jules. “Just a coincidence! Hello Da-” pagkasagot niya ng phone ay bigla na lang siyang natigilan sa pagsasalita at tuloy tuloy ang pag agos ng kanyang mga luha. Nang matapos ang call ay napaluhod siya sa harapan ni Jules at nagmamakaawa.

“Please wag mong idamay ang pamilya ko, I’m sorry!” pagmamakaawa ni Andrea. Hindi ko alam pero bigla akong nakaramdam ng awa sa kalagayan niya. Don’t tell me na tinotoo talaga ng daddy nila ang mga nirequest ni Jules kaya nagsusumamo ngayon si Andrea sa kanya.

“Binalaan na kita pero ginawa mo pa din. Let’s go Eisen nasira na ang mood ko dito sa loob!” pagyaya sa akin ni Jules. Dali dali ko naman kinuha ang aking bag at sumunod sa kanya palabas habang naiwan si Andrea na nag iiyak sa loob. So tama nga na hindi mo dapat binabangga ang mga katulad nilang mayayaman at makapangyarihan dahil iba sila magalit. Pero naawa pa rin ako sa kalagayan ni Andrea. Nawalan na siya ng Boyfriend, nasiraan pa ang kanilang business. Magulo talaga ang mundong pinasok ko. Parang nakaremote ang paglakad ko dahil hindi ko namalayan na nakasakay na pala ako sa kotse ni Jules.

“Saan tayo pupunta?” tanong ko habang sinusuot ang seat belt pero hindi ko magawa dahil parang ang sikip niya at ang higpit kaya tinulungan pa ako ni Jules na ayusin ito.

“Mag mall tayo para magtanggal ng stress!” hindi na ako sumagot at hinyaan ko na lang siyang mag drive hanggang sa marating namin ang mall.

Napagpasiyahan naming manood muna ng sine. Hindi ko masyadong na enjoy ang movie kasi hindi naman talaga ako masyadong fan ng mga action movies. Unless babae ang bida gaya ng mga movies na Kill bill, Charlie’s Angels, Dead or Alive and so many to mention. Mas cool kasi tingnan kapag ang babae mismo ang nakikipagbakbakan. Pero syempre hindi na ako nagreklamo kasi mukhang enjoy na enjoy si Jules sa movie na pinanood namin. Hindi nga niya mapigilang pag usapan ang mga nangyari sa movie. Pagkatapos namin manood ng sine ay kumain muna kami ng ramen sa isang japanese restaurant. Masarap siya pero hindi ako gaanong nabusog kasi ang hirap kayang mag chopstick.

Pumunta rin kami sa mga arcades at naglaro ng mga ilang games. Hindi rin nawala ang pagpapakitang gilas niya sa pagshoot ng mga bola sa basketball at na beat niya pa ang highest score. Nag try din kaming mag videoke sa isang private room. Kahit papano ay maganda ang timbre ng boses ni Jules pero mas magaling pa rin sa larangan ng pagkanta si Jean. Parang biglang nawala ang lahat ng mga problema ko sa mga sandaling iyon. Simula sa tawanan at harutan naming dalawa. Pero walang halong malisya dahil alam ko at aware ako sa limits ko. Gabi na ng magdesisyon kaming umuwi sa mansion. Sakay ng kanyang kotse ay mabilis naming narating ang mansion. Hindi pa man ako nakakalabas nh ng kotse ni Jules ay bigla siyang nagsalita.

“Thank you!” bigla niyang sambit.

“Thank you saan? Ay wait di ba dapat nga ako ang magpasalamat sayo dahil sa mga ginawa mo!” kinalas ko ang seat belt at naupo ng maayos.

“I just wanna say thank you and…” bigla niya ring kinalas ang suot niyang seat belt at lumapit sa akin. Sa isang iglap ay nakadikit na ang mga labi niya sa akin. Nagulat ako kaya tinulak ko siya pero hindi agad nakakalas kasi nakakapit ang kanyang kamay sa aking ulo kaya napagdidikit niya ito ng husto.

“Waiiiit…. Anong ibig sabihin nito?” tanong ko ng kumalas siya sa pagkakahalik.

“I just claimed my prize” nakangiti niyang sambit.

“Prize?” hindi ko magets kong ano ang tinukoy niya.

“Di ba tinulungan kita kanina so kinuha ko lang ang prize ko!” saka siya dumila sa akin.

“So ganun kapag gagawa ka ng pabor sa akin kailangan may prize?”

“Exactly!” natatawa niyang sagot. Hindi ko alam kung anong isasagot sa kanya kaya nanatili akong nakatitig sa kanya.

“Hey, just kidding… Gusto lang kitang halikan kasi hindi ko mapigilan ang sarili ko.” Speechless pa din ako sa mga sinasabi niya at hindi ko alam kung paano magrereact.

“Okay, I think kailangan mo nang magpahinga. Umakyat kana sa kwarto mo at magpahinga. Ipapasok ko lang tong kotse sa garage.” Tanging pag tango lang ang ginawa ko saka ako lumabas ng kanyang kotse. Ewan ko ba kung bakit natameme ang ako sa mga nangyayari. Napakaawkward.

Pagkapasok ko sa loob ay agad akong binati ng ilang maids pero tanging pagtango lang ang aking ginawa at nagmadaling tumungo sa aking kwarto. Pagkarating ko sa harap ng aking kwarto ay naabutan ko si Josh na nag-aantay sa akin sa harap ng pinto.

“We need to talk!” tanging sambit niya habang nakatingin sa akin ang maamo niyang mukha. Siguro oras na para harapin ko siya kaya hinyaan ko na lang siyang pumasok sa aking kwarto at sinara ang pinto.

Itutuloy…..

Edited by RJE

M

A/N: Hey namiss nyo ba ako? Syempre hindi kasi yung story lang naman ang inaabangan nyo dito duhhh XD

Anyway 2 weeks din bago ako nakapag update let me tell you why. Last saturday may practice kami ng sayaw na napresent noong wednesday. Hanggang 6am ang shift pero nag extend ako til 8am para sa practice tapos dumiretso na ako ng dentist para mag pa adjust. Sa kamalasan ko ay ang haba ng pila no.36 ang naabutan ko sa queue tapos 3 hrs na akong nag aantay no. 18 pa rin ang siniserve so naisipan kong umuwi ng walang napala kundi sakit ng ulo at puyat. Sunday nagpacheck up ako sa medical city at nag advised sakin ang doctor ng gamot na napakataas ng dosage kaya sobrang naging antukin ako till now. Pero pinilit kong mag update para sa inyo. Tapos pag kauwi ko noong sunday from medical city ay makakabasa ako ng comment na hindi kaaya aya. Seriously? Tao din ako guys need ko rin magpahinga kapag weekends. Wag naman magdemand na parang ang tamad tamad ko at pinapasahod nyo ako para mag update agad. Nakakademotivate kaya hindi ako nag update last sunday. Please pakiayos ng way ng pag demand nyo sa update. Naappreciate ko na gusto nyo ang story pero please paki ayos naman.

Moving on……..

Kamusta ang mga Team Jules? May nagtanong nga sa akin kung sino ba talaga ang makakatuluyan ni Eisen sa magkakapatid pero syempre hindi ko sasabihin agad nuh edi nawala na yung excitement sa story. Basta babaliwin ko kayo kakaisip kung sino ba talaga sa kanila. Nag leave ako ng clues sa mga previous chapter ewan ko na lang kung nakuha nyo hahaha…

And nag grab na ba kayo ng copy ng Mega April Issue? Support natin si Jethro este si David. First week pa lang bumili na ako neto XD

And sa mga nagtatanong kung ako ba talaga yung nasa picture yes ako po yan.. nakalink na dyan yung IG at Twitter ko you can follow me if you want.

Hindi ko pwedeng i-link ang FB ko dahil sa content ng story. Baka may mga colleague ako na makabasa.

Sorry sa long Author’s Note and Please leave a comment and vote.

AS ALWAYS THANK YOU!!!

Chapter 24: Last Night

Lharby as Josh

Eisen’s POV

Heto na nga yung oras na kailangan na naming pag-usapan ang tungkol sa amin. Kung dapat pa ba naming ipagpatuloy ang ganitong relasyon o ititigil na. Kasi para sa akin napapagod na rin ako, pero ang hirap bumitiw sa isang relasyon lalo na’t mahal na mahal mo ang isang tao. Ang hirap, napaka hirap sa ganitong kalagayan. Pwede bang mahal ko siya at mahal niya ako tapos till the end of time na ang ang saya?

Nabigla ako sa pagyakap niya sa akin. Tila ba yun yung unang pagkakataon na niyakap niya ako. Kahit nanginginig ang aking kamay ay niyakap ko rin siya. Banayad niyang hinihimas ang aking ulo na nakasandal sa kanyang dibdib. Walang nagsasalita sa aming dalawa, hinayaan namin na mag-usap ang aming katawan. Dahan-dahan siyang naglakad habang yakap yakap ako papunta sa aking kama. At dahan dahang binagsak ang katawan ko sa kama at siya’y nasa ibabaw ko. Nakakapanibago dahil ngayon ko lang ulit nasilayan ang kanyang mukha sa ganitong pagkakataon. Wala naman nagbago sa mukha niya. Siya pa rin yung dating lalaking nag-alaga at nagmahal sa akin ng sobra. Bahagya kong hinawi ang buhok niya na nagsisimula na ring humaba. Ngumiti siya sa akin, sobrang gandang pagmasdan tuwing binibigay niya sa akin ang mga matatamis na ngiti na yun. Kung pwede lang na hindi na tumigil ang ganitong pangyayari. Marahan niyang hinalikan ang aking noo patungo sa aking ilong at sa aking mga labi. Para akong hinatak paakyat sa mga alapaap nang magdikit ang aming mga labi. Hindi man ito ang unang pagkakataon na natikman namin ang labi ng isa’t isa pero iba pa rin talaga ang dinudulot na ligaya nito tuwing kami ay maghahalikan.

Pagkakalas niya sa aming halikan ay hinimas niya ang aking mukha na para bang kinakabisado niya ang bawat parte nito. Bawat dampi ng kanyang mga kamay sa aking mukha ay para bang may kuryenteng dumadaloy dito na hindi ko maintindihan kung bakit nabubuhay ang kaloob looban ko. “Aalis na ako bukas dahil kailangan na daw ako dun para sa preparation ng kasal sa linggo” biglang naglaho lahat ng mga masasayang emosyon na aking nararamdaman. Lalo na nang marinig ko ang salitang kasal. Hindi ko alam kung paano ko siya sasagutin nang muli siyang magsalita. “Hi-hindi mo man lang ba ako pipigilan? Hindi ka man lang tutol sa kasal?” seryoso niyang tanong. “May magagawa pa ba ako? May anak na kayo at alam mo na tagilid ang magiging laban natin dito. Ayokong masira ang magiging pamilya ni Micah. Oo, mahal kita. Mahal na mahal, pero hindi ko kayang makihati sa kanila para lang sa pagmamahal mo!” tuluyan nang dumaloy ang mga luha sa aking mga mata. May sasabihin pa sana ako pero hindi na niya ako hinayaang magsalita dahil siniil na niya ako ng halik. Kung kanina ay banayad na halik lang, ngayon na man ay halos markahan na niya ang bawat parte ng aking mga labi.

Hinayaan ko siyang hubarin ang aking suot na damit hanggang sa wala na akong saplot sa katawan. Mabilisan niya ring hinubad ang kanyang suot suot na damit hanggang sa kapwa na kaming hubo’t hubad. Doon ko muling nasilayan ang kanyang naghuhumindig na pagkalalaki. Muli siyang pumaibabaw sa akin at hinalikan ang aking leeg hanggang sa makarating siya sa aking mga dibdib. Walang humpay niyang sinisipsip ang aking dibdib na siya namang nagbibigay ng matinding ligaya sa akin.

Marahan niyang binuka ang aking mga hita at nilapit sa aking mga labi ang kanyang hintuturo na agad ko namang naintindihan kung ano ang gusto niyang gawin. Nag-ipon ako ng laway at agad kung sinubo ang kanyang hintuturo. Ewan ko ba kahit daliri lang naman niya ang sinusubo ko ay para bang sarap na sarap siya sa ginagawa ko. Pagkatapos mabasa ng laway ay agad niyang binawi ito at tinutok sa aking lagusan. Napahalinghing ako sa kirot dahil hindi pa rin ako sanay na may pumapasok sa lagusan ko. Alam ko na hindi na ako virgin mula noong may nangyari samin ni Jethro pero pangalawang beses pa lamang ito kaya ramdam na ramdam ko pa rin ang sakit.

“Just relax babe!” ewan ko ba pero matagal tagal na rin nang tawagin niya akong babe. Ang sarap pakinggan sa tenga. Hindi ko namalayan na dalawang daliri na pala niya ang pinapasok sa aking lagusan. Hindi rin nagtagal nang dumura siya sa kanyang palad at pinahid sa kanyang ari. Alam ko na ang susunod na mangyayari kaya hinanda ko na ang sarili ko sa mga mangyayari.

Ipinasok na niya ang kanyang ari sa aking lagusan. Pinipigilan ko ang aking sarili na wag mapahiyaw sa sakit. Eto ang pangalawang pagkakataon na may papasok sa aking lagusan at hindi pa rin ako sanay kaya abot langit ang daing ko na sana mawala na ang sakit. Ulo pa lang naiipasok niya pero namimilipit na ako sa sakit. Hindi ko lubos maisip kung papano nagagawang tiisin ng mga bottoms ang magpayari ng ganito. Sa kadahilanang hindi niya maipasok ng buo ay agad niya akong hinalikan sa aking mga labi. Kasabay nito ang pagsipsip sa aking dila. Halos galugarin na niya ang kalooban ng aking bibig. Nagiging effective naman ang paraan niya para maparelax ako dahil hindi ko na masyadong nararamdaman ang kirot.

Walang sabing binaon niya agad ang kanyang ari sa aking lagusan. Hindi ko nagawang mapahiyaw dahil sa ginagawa niyang pagsipsip sa aking dila. Baon na baon sa loob ko ang naghuhumindig niyang ari, ang sakit. Pero tinitiis ko na lang ito para mapaligaya ang taong mahal ko. Nagsimula na siyang maglabas masok sa aking lagusan. Labas-pasok, labas-pasok… tinitiis ko ang bawat kirot na dinudulot nito. Pero hindi rin nagtagal ay unti-unti akong nakakaramdam na para bang may nakikiliti sa looban ko. Ang sarap, parang mababaliw ako sa ginagawa niya. Hindi ko mapigilang umungol sa sarap na ginagawang niyang paglabas masok sa akin.

“Masarap ba?” maiksing tanong niya. Tanging pag tango na lang ang ginawa ko dahil halos ungol na lang ang lumalabas sa aking bibig.

“Sabi ko naman sayo dapat dati pa natin to ginawa” kasabay nun ang pabilis na pabilis niyang pag ulos na halos ika-baliw ko sa sarap. Nasa una lang pala talaga ang sakit pero masasarapan ka rin pagkatagalan. Pabilis nang pabilis ang paglabas masok niya hanggang sa maramdaman ko na lang na may mainit na likidong kumakalat sa loob ko.

Akala ko noon ay matatapos na ang pagtatalik namin ni Josh pero hindi pa pala siya tapos. Siya naman ngayon ang humiga sa kama at nais niyang upuan ko siya na mabilis ko namang ginawa. Pagkatutok ng kanyang ari sa aking lagusan ay agad ko itong inupuan. Parehas kaming napaungol sa sarap nang maipasok na ito sa kaloob looban ko. Sinimulan ko ang pagtaas baba sa kanya, halos mabaliw ako sa bawat pagpasok ng kanyang ari sa aking lagusan na para bang may tinatamaan siya sa loob na nagdudulot ng matinding kaligayan para sa akin.

“Faster babe!” utos niya na agad ko namang sinunod.

Nakahawak na siya ngayon sa aking tagiliran para mas maibaon pa ng husto. Ang sarap pag masdan ng gwapo niyang mukha na binabalot ng emosyong sarap na sarap sa ginawa naming pagtatalik. Hindi siya nakontento sa ginagawa kong pagtaas baba kaya pinatagilid niya ako para yariin habang nasa likuran ko siya. Panay ang halik niya sa aking batok at tenga habang walang humpay ang paglabas masok niya sa aking lagusan. Hindi rin nakaligtas ang aking mga utong na walang sawa niyang nilalapirot. Hindi rin nagtagal at nagpalit na naman kami ng posisyon. Pumaibabaw siyang muli sa akin at pinasok ang kanyang ari at mabilis na naglabas masok sa akin.

Hawak hawak ko ang kanyang mukha na may magkahalong laway at pawis. Hindi ko mapigilan ang aking sarili na isiping napakaswerte ko sa kanya at siya ang naging boyfriend ko. Pero hanggang dito na lang ang relasyon namin dahil alam kung ikakasal na siya sa linggo. Bigla na lang niya akong hinalikang muli. Banayad at ramdam na randam ko ang bawat emosyong dumadaloy sa kanyang mga labi. Kasabay nun ay naramdaman ko ang pagpatak ng mainit na bagay sa aking mukha. Akala ko ay pawis niya pero saka ko lang napagtanto na umiiyak na pala siya. Hindi ko rin napigilan ang aking sarili na maging emosyonal habang ginagawa namin ang pagtatalik. Sa huling pagkakataon ay binaon niya ng husto ang kanyang ari at muli kong naramdaman ang paglabas ng kanyang tamod sa loob ko.

Umayos kami nang paghiga at sabay punas sa kanya kanyang luha. Ayoko na maging emosyonal, ayoko na maging malungkot. Pero kapag nakikita ko ang pagmumukha ni Josh ay hindi ko alam kung ano ba dapat ang maramadam ko .

“Josh, kailangan na nating itigil to! Ikakasal kana sa linggo at ayokong gawin mo akong kabit dahil hindi ko deserve yun!” narinig ko siyang huminga ng malalim saka sumagot.

“I’m trying my best para mapabuti ang kalagayan ng relasyon natin. Pero sige hahayaan kita sa gusto mo. Aayusin ko ang lahat lahat sa amin ni Jessica. Hahayaan kitang makipagrelasyon sa iba kung yan ang gusto mo” tumigil siya saglit sa pagsasalita dahil alam ko na labag sa loob niya ang mga sinasabi niya sa akin.

“Pero isa lang ang maipapangako ko. Kapag naging okay na ang lahat at walang ng sagabal sa ating dalawa. Kahit na nasa ibang relasyon kana. Gagawin ko ang lahat lahat para mapasa akin kang muli. Dahil ganun kita ka mahal!” pagkasabi niyang yun ay hindi ko na napigilang mapahagulgol sa pag iyak. Agad naman niya akong niyakap at hinalikan sa ulo. Patuloy ang pag iyak ko habang nakasubsob ang aking mukha sa kanyang dibdib. Hinayaan niya lang ako nailabas ang aking nararamdaman hanggang sa makatulog ako.

KINABUKASAN>>

Nagising na lang ako sa aking kama na mag-isa. Wala na si Josh sa tabi ko. Bigla naman ako nakaramdam ng lungkot. Alam ko ngayon ang alis niya kaya dali-dali akong bumangon sa aking kama para kahit sa huling sandali man lang ay makapag paalam ako sa kanya. Narating ko ang dining area para magtanong kung nasaan si Josh. Tanging si Jules at Jethro lang ang nandun. Huli na daw ang gising ko kasi maaga daw ang flight ni Josh kaya hindi na siya nakapagpaalam ng personal sa amin.

“Don’t worry, susunod tayo sa kanila sa Friday!” sambit ni Jules.

“Bakit?” tanong ko.

“Syempre wedding yun ni Josh. Kailangan nandun tayo! And guess what, kasama si dad pati ang mom mo sa wedding ceremony kaya magkikita kayo ulit sa Sydney!” dugtong pa niya. Hindi ko magawang maging masaya kahit na magkikita kami ni mama dahil nga hindi ko kakayaning makitang ikasal si Josh sa ibang tao.

“I’m staying” maiksing tugon ni Jethro.

“Wait..what?” tanong ni Jules.

“I cant afford to leave the country right now. Sobrang sensitive ng kasong hinahandle ko ngayon. Kailangan kong magfocus dito. I already told dad and Josh na hindi ako makakapunta.” Pagpapaliwanag niya.

“Hindi rin ako makakasama” maiksi kong tugon.

“You too?” gulat na taong ni Jules.

“Magsisimula na kasi ang exams namin next week kaya kailangan kong magfocus sa pagrereview” totoo naman nag magsisimula na ang prelims namin next week pero kahit naman anong gawin ko ay hindi rin naman ako makakapagfocus sa pag-aaral ngayon.

“Pwede ka naman mag review habang nasa byahe tayo. It’s your chance na makapag relax at makapunta sa ibang bansa” pangungumbinse ni Jules pero hindi talaga ako naiingganyo na sumama.

“Just let him stay, ako na ang bahalang kumausap kay Dad at maiintindihan naman ni Josh kung bakit hindi siya makakapunta” mabuti na lang pumanig sa akin si Jethro dahil kung hindi ay wala akong magiging kakampi para hindi matuloy ang pagsama ko sa Sydney.

“Hindi na rin ako sasama!” sagot ni Jules na ikinagulat naming dalawa ni Jethro.

“No you cant.. wala kang reason para mag-stay at ikaw na ang nagsabi na kailangan andun tayo para sa kanya. Kaya please do us a favor, just be there for us!” ani ni Jethro habang tumitingin ng oras sa kanyang relo.

“That’s unfair, may upcoming exams din ako!” dugtong pa niya.

“As if naman na nagrereview ka! Saka 2 weeks pa bago ang exam ninyo kaya makakapagprepare ka pa para dun!” hindi na nakasagot pa si Jules kundi nakasimangot na lang na kumakain ng breakfast. Saka ko lang napansin na kumakain sila ng favorite dish ko.

“Ang aga niyo naman kumain ng chilli con carne, sino nagluto?” di ko mapigilan ang sarili kong magtanong. Kasi favorite ko talaga to kaya nagmamadali akong naupo.

“Si Josh ang nagluto niyan kanina, niluto niya para sayo. Baka daw kasi mamiss mo yung luto niya. Ikakasal na siya at for sure matatagalan pa bago makabalik yun dito o kaya hindi na siya dito titira kasi balak daw nilang magpatayo ng bahay sa Sydney” masaya ako na nag effort pa ng ganito para sa akin si Josh. Mabusisi ang pagluto nito kaya malamang hindi na siya natulog. Gusto kong maiyak habang kumakain ng breakfast. Hindi lang naman ang luto niya ang mamismiss ko kundi siya mismo. Mamimiss ko yung pagpapasaya niya sa akin, mamimiss ko yung mga pamatay niyang ngiti, di rin mawawala yung mga banat niya na medyo bastos pero nakakatawa. Pero hindi na pwedeng maging kami, dahil kagabi pa lang ay tinapos na namin ang namamagitan sa aming dalawa.

“Hey take it slowly, hindi advisable ang pagkain niyan sa morning kaya dahan dahanin mo lang!” pagsuway ni Jethro.

Hindi ko kasi magawang maghinay hinay sa pagkain kasi bawat pagsubo ko ng luto ni Josh ay hindi ko mapigilan ang aking sarili na maalala ang mga masasayang araw na magkasama kaming dalawa. Isa, dalawa, tatlong subo ay agad akong uminom ng tubig at mabilis nagpaalam kina Jules at Jethro na babalik na ako sa aking kwarto para makapag asikaso ng sarili at pumunta sa school.

Pagkasara ko ng pinto ay hindi ko mapigilan ang aking sarili na maluha. Nagmamadali kong tinungo ang banyo para makaligo na. Mabilisang paghubad sa aking kasuotan ay agad kong binuksan ang shower. Kasabay nang pagbuhos ng tubig sa aking mukha ay siya ring pagdaloy ng luha sa aking mga mata. Hindi ko na rin napigilang mapahagulgol sa pag-iyak. Mabuti na lang at walang nakakarinig sa akin sa mga sandaling iyon.

Matagal tagal din bago ako natapos sa pag iiyak. Pagkalabas ko ng banyo ay nakarinig ako ng pagkatok sa aking pinto. Inayos ko ang suot kong bathrobe at agad kong tinungo ang pinto para pagbuksan. Sumambulat sa harap ko si Jethro na akala ko ay kanina pa nakaalis ng mansion.

“What took you so long? Kanina ka pa umakyat para maligo bat ngayon ka lang natapos?” tanong niya.

“Ahh ehh.. nakatulog kasi ako eh, sorry!” pagsisinungaling ko.

“What happen to your eyes? Umiyak ka ba?” napasigaw ako ng oh shit internally. Malamang namamaga ang mata ko ngayon sa kakaiyak.

“Ahhmmm.. kasi nalagyan ng sabon yung mata ko kaya namumula hehe!” heto na naman si Jethro sa pagiging mausisa niya.

“Eh bat parang namamaga? Tatawagan ko si Dr. Alvarez para I check yung mga mata mo baka kung napano na yan!” magdadial na sana siya sa kanyang cellphone pero mabuti na lang at napigilan ko siya.

“Hindi na kailangan, puyat lang to.. saka nagmamadali na ako!” sagot ko at sana hindi na siya mangulit.

“Fine. Magbihis kana at ako na ang maghahatid sayo!” sagot niya.

“Eh si Jules?” wait bat ko ba tinatanong si Jules sa kanya. Ang rude ko naman.

“Nauna na kasi maaga pa ang klase niya. Luckily na move yung meeting namin, malapit lang yun sa Uni kaya maihahatid pa kita” pagkasabi niyang yun ay tumango na lang ako at isinara ang pintuan para makapagbihis na agad agad.

Naisipan kong magsuot na ng damit. Kulay black na shirt from GUESS ang sinuot ko. Hindi sa broken o nagluluksa ako ah. Sadyang eto na lang talaga ang matinong shirt ko para maipamasok. Maliban sa mga Hello Kitty At Kero Keroppi na shirt na hindi ko naman pwedeng suotin sa labas. Kailangan ko na talaga sigurong magshopping ng damit. May binibigay naman sa akin si Jethro na pera para sa pang shopping ko ng damit pero hindi ko man lang magawang mag shopping para sa sarili ko. Eto na nga siguro ang time para mag focus na ako sa sarili ko. Welcome back sa pagiging single Eisen!

Bago ko lisanin ang kwarto ko ay tiningnan ko muna ang aking sarili sa salamin. Wala naman pinagbago kundi lumaki lang ang eye bags ko at medyo namumula lang ang aking mga mata. Kaya naman naglagay ako ng kaunting BB cream sa aking eye bags. Pero medyo halata pa rin kahit naman anong takip ko sa nakaraan eh babalik at babalik pa rin yun para habulin ako. Ano daw?

Nakita ko si Jethro na nag-aabang sa labas kung saan nakaparada na ang kanyang kotse. Siya na talaga ang pinaka stylish na abogadong nakilala ko. Isama mo pa ang taglay niyang kapogian. Ewan ko ba at bakit abogado ang kinuha niyang profession. Pwedeng pwede siyang mag artista sa looks na meron siya. Actually lahat naman sila. Lalong umangat ang kagwapuhan niya sa suot niyang shades. Bigla niya akong napansing nakatitig sa kanya.

“Let’s go!” sabi niya kaya agad naman akong nagmadaling umalis sa kinatatayuan ko.

Pagkalapit ko sa kanya ay agad niyang inabot sa akin ang maliit na case at pagbukas ko ay shades din na kaparehas ng kanya. Couple shades? Most likely extra niya lang siguro to.

“Nababother ako sa mga mata mo. Ayokong nakikita kang umiiyak ng ganyan!” tumalikod siya sa akin at pumasok sa loob ng kotse. Bigla akong natulala sa kinatatayuan ko. Kahit anong pagsisinungaling ko talaga parang kilalang kilala na ni Jethro ang pagkatao ko. O baka naman sobrang obvious na umiyak talaga ako. Haay.. Ewan.

“Kakargahin pa ba kita sa loob ng sasakyan?” sarkastiko niyang sambit habang nakasilip sa bintana. Saka lang ako nakabalik sa aking diwa at agad akong pumasok sa loob ng kotse habang suot suot ang shades na binigay niya.

Agad namang pinatakbo ni Jethro ang kanyang sasakyan. Tahimik ang aming byahe, ni pagpapatugtog sa radyo ay hindi niya ginawa. Akala ko nga eh tatanuningin niya ako tungkol sa pag iiyak ko pero hindi naman niya ginawa. Buti na lang kasi hindi ko rin alam kung ano ang isasagot ko. Dahil nga hindi ko pwedeng sabihin na naging kami ng kapatid niya. Malaking eskandalo ito pagnagkataon lalung lalo na at ikakasal na si Josh sa linggo. Mabilis naming narating ang Uni na walang imikan, kasi wala naman akong maikukwento sa kanya kaya nanatili na lang akong nananahimik.

“Take care!’ tanging sambit ni Jethro nang makababa ako sa kanyang kotse. Tanging pagngiti lang ang aking isinagot sa kanya.

Okay, back to school. Kailangan ko munang aliwin ang aking sarili. Kailangang maging busy muna ako sa pag aaral at kung ano ano mang bagay bagay para hindi ko maalala si Josh. Naging normal naman ang araw ko. Andun pa rin ang mga peke kong classmates. Hindi ko pa rin kinikibo si Bjorn na patuloy ang panunuyo sa akin at may pa flowers at chocolate pa na hindi ko naman tinanggap. Mabilis natapos ang araw na to na para bang nakipag hi hello lang ako sa mga professors ng bawat subject na pinasukan ko ngayong araw.

Kasabay ko sa pag-uwi si Jules ngayon patungo sa mansion. Di gaya ni Jethro ay naging madaldal siya sa naging byahe namin pauwi. Ang dami niyang kinukwento tungkol sa mga activities niya sa school pati na rin ang walang humpay na pagpapansin ng mga babae sa kaniya nang malaman na single na siya ulit. Mahirap talaga kapag heart throb ka ng school.

“Eh bat di ka makipaglandian sa isa sa kanila? Tutal single ka naman ngayon.” Ewan ko ba kung bakit ko nasabi yun sa kanya pero game naman siya at sinagot ang aking tanong.

“I just told them na nakita ko na ang taong matagal ko nang hinahanap!” sagot niya.

“Sino?” bigla naman akong nacurious sa babaeng sinasabi niya.

“Di ko muna sasabihin sayo, baka hindi ka kasi makatulog kapag nalaman mo!” sabay kindat niya sa akin.

“Fine!” tanging sagot ko. As if naman na interesado talaga akong makilala yung girl na yun. Medyo curious lang talaga ako.

Pagkarating namin sa mansion ay kanya kanya kaming balik sa aming kwarto. Pagkatapos nun ay sabay sabay kaming kumain ng dinner. Nakakapanibago na kulang ng isang miyembro ang J Bros at nakakapanibago rin na kumain ng dinner na hinain ni manang. Hindi naman masama ang pagkakaluto ni manang kung tutuusin nga eh masarap ito. Yung pwede na pang karenderia na mabenta sa kanto. Siguro nasanay lang talaga ang panlasa namin dahil sa mga pagkaing hinahain ni Josh.

Mabilis tumakbo ang oras at araw. Ngayon ang araw kung saan aalis na sina Jules, Jean at pati na rin si James na hindi umaalis ng mansion ay kasama patungo sa Sydney. Medyo naninibago ako kay James nitong mga nakaraang araw dahil parang hindi na siya mapirmi ngayon sa mansion na dati ay halos di siya lumalabas. People change ika nga. Nagpaalam kami sa kanila at pinaabot ko kay Jean ang sulat ko para kay Josh. Dahil feeling ko bbabasahin ni Jules ang sulat ko kapag sa kaniya ko inabot. Ang laman naman ng sulat ay pasasalamat at magbigay ng goodluck message sa kaniya. Ayoko naman maging emosyonal o kaya bigla siyang magback out kapag nabasa niya ang sulat ko sa kanya. Kaya pinag isipan ko nang mabuti ang magiging laman ng sulat ko.

Dumating ang araw ng linggo at inaaya ako ni Jethro na magtungo sa theatre room ng mansion na hindi ko pa napapasok. Akala ko ay mag aaya lang siya na manood ng movie yun pala ay live coverage ng wedding ni Josh at Jessica sa Australia. Ang ganda ni Jessica sa suot niyang gown na balita ko ay si Michael Cinco pa ang gumawa para lang sa kasal niya. Ang gwapo rin naman ni Josh sa suot niyang all white na coat at slacks sa kanilang wedding. Hindi ko mapigilan ang sarili ko na mainggit para kay Jessica. Sobrang swerte niya at si Josh ang mapapangasawa niya. Hindi rin nakaligtas ang mga mata ko nang mahawi ng camera si Mama na katabi si Tito Barry na first time ko lang makita maliban sa mga nagkalat niyang litrato sa mansion. Mukha talaga siyang masungit at strict kahit sa wedding day ng anak niya. May pinagmanahan talaga tong katabi ko na walang imik at tutok na tutok sa screen.

Nagsimula na ang ceremony ng kasal. Nagtanong pari kung may tututol ba sa kasal nila pero walang sumagot. Sa loob looban ko ay gusto kong magsisigaw na tutol ako, tutol ako kasal nila dahil kami talaga ni Josh ang nagmamahalan pero walang saysay kahit magsisigaw ako dahil wala naman ako sa mismong event.

Dumating na rin sa puntong nagpapalitan sila ng vows sa isat isa. Unang tinanong ng pari si Jessica at nag yes naman kaagad siya. Sumunod ay Josh pero hindi agad siya nag yes na para bang nag iisip muna kong ano ba talaga ang dapat niyang sabihin. Pero kalaunan ay nagsabi rin siya ng yes. Ang sakit panoorin ng kasal nila. Para akong nanonood ng heart breaking na palabas. Pero hindi ko man lang magawang umalis sa kinauupuan ko. Dumating na rin sa puntong maghahalikan na sila sa hudyat ng pari. Aalis na sana ako nang hawakan nang mahigpit ni Jethro ang kamay ko na nakatuon pa rin ang atensyon sa screen. Hindi ko na talaga napigilan ang maluha at mapahagulgol sa pag iyak nang makita ko silang naghalikan sa loob ng simabahan. Nilapit ni Jethro ang aking ulo sa kanyang balikat para doon ako mag iiyak. Siguro alam na niya kung bakit ako naging emosyonal. May alam siya siguro sa namamagitan sa amin ni Josh pero hinahayaan niya na lang na ako mismo ang mag open up sa kanya.

Pagkatapos naming mapanood ang kasal nila Jessica at Josh ay hindi na ako inusisa ni Jethro sa dahilan ng pag iyak ko. Bagkus inaya na lang niya akong kumain sa labas. Kumain kami sa isang kilalang resto dito sa Batangas. Kahit na walang gana ay pinilit kong kumain dahil mahal ang mga pagkaing nakahain sa harap ko. Ayokong magsayang ng pera noh kaya lamon lang!

Lumipas ang araw at ngayon ay Tuesday na. Nakakatuyo ng utak ang magkabilaang exams. Sana maipasa ko ang bawat subjects na pinag aralan kong mabuti. Naawa nga ako kay Jethro dahil simula Saturday eh hirap siyang matulog. Nagpaconsult na nga siya kay Doc Alvarez at binigyan ng sleeping pills para lang makatulog siya ng maayos. Wala si Jules o kaya si Jean para makasabay ko pauwi sa mansion. Ayoko ring abalahin si Jethro ngayon lalong lalo na sa kalagayan niya ngayon. Kaya naman si Manong Magno na ang nagsundo sa akin pauwi ng mansion.

Pagkarating ng mansion ay agad kong hinanap si Jethro para itanong kung kelan ang uwi ng magkakapatid kasi balita ko kasama sa pag uwi nila si Mama at si Tito Barry. Malamang nasa kwarto niya iyon kaya agad akong nagtungo doon para makausap siya. Kumatok ako pero walang sumasagot, kaya naisipan kong umalis na lang pero di ko napigilan ang aking sarili na silipin ang loob ng kwarto niya. At ayun nakita ko siyang nakahiga sa couch at walang suot na pang itaas na damit. Tanging pantalon at medyas lamang ang suot niya habang natutulog. Naisipan kong pumasok sa loob para kumutan siya dahil ang lamig sa loob ng kwarto niya baka sipunin pa siya.

Pagkalapit ko sa kama niya ay agad kong kumuha ng kumot para ibalot sa katawan niya. Pagkatapos kong maibalot sa katawan niya ay di ko napigilan ang aking sarili na pagmasdan siya habang natutulog. Hay kung naging nice guy lang talaga tong si Jethro siguro sa kanya ako naging patay na patay sa magkakapatid. Hindi nakatakas sa paningin ko ang kanyang mga labi na para bang inaalok ako na halikan ang mga ito. Bigla naman akong napaluhod sa tabi niya. Shit ano ba tong iniisip mo Eisen kelan lang noong naging sawi ka sa pag ibig ngayon naglalandi ka na naman. Ewan ko ba parang may sumanib sa akin at bigla ko na lang nilapit ang mukha ko sa kanya pero napigilan ko ang aking sarili na halikan siya. Aatras na sana ako nang bigla niyang hawakan ang ulo ko at sinubsob ang mukha ko sa mukha niya para magdikit ang aming mga labi. Parang tumigil ang sandali nang magkalapat ang aming mga labi. Saka ko lang napagtanto na mali ang ginagawa namin nang maramdaman kong gumagalaw na ang kanyang labi. Naitulak ko siya at napaatras ako.

“EISEN?” boses ng babae sa likuran ko at agad naman akong napalingon kung sino ang tumawag sa pangalan ko.

Bigla akong napahawak sa aking bibig nang makita kong si Mama na nakatayo sa harap ng pinto ng kwarto ni Jethro. Shit shit shit, nakalimutan kong isara ang pinto at mukhang nakita niya ang naging halikan namin ni Jethro.

Itutuloy…..

A/N: Sorry sa delayed update. As usual busy. So medyo lumalalim na ang flow ng story lalu na sa susunod na chapters abangan nyo guys dahil mashoshookt kayo.

11K reads ♡♡♡

Anyway paki welcome ang bestfriend ko na si RJEM16 .

From now on siya na ang mag eedit ng story ko. Mapapansin nyo sa ilang chapters ay wala ng typos at maling grammars. FYI hindi siya Fujoshi pero ginagawa niya to para sa akin at para sa inyo! *pero actually bayad yan xD

Naglalagay siya ng “Edited by Rjem” sa dulo ng chapter once na natapos niya ito. Selected chapters pa lang na eedit niya. Kaya wag mag expect na lahat ay naayos na kasi parehas kaming busy.

Just wanna share habang nag eedit siya noong nakatambay kami sa SB pinabasa niya ss akin ang part na “habang hawak hawak niya ang kanyag hinahawakan”… sobra akong natawa dun seryoso guys? Paano nyo naintindihan ang story at umabot kayo hanggang sa chapter na to sa gulo kong magkwento.

And as promised, featuring ang fan art ni @Len_len_13 . Matagal na niya tong na send kaso nakalimutan ko i feature sa previous chapter.

From left to right: Jules, Eisen and Lenard.

Siya daw ang magiging karibal ni Eisen kay Jules xD

Updated 12:20pm.. Geez may pasok pa ako mamayang gabi at wala pa akong tulog.

Please comment and vote. Thank you ♡♡

Edited by RJEM16

Chapter 25: Miss you so bad

Bas as Eisen

Eisen’s POV

Tila napako ako sa kinakatayuan ko nang makita kong nakatayo si mama sa harap ng pinto ni Jethro. Hindi ko alam kung gaano katagal siyang nakatayo doon. Nakita niya kaya yung ginawa ni Jethro sa akin? Kung oo, yari talaga ako neto mamaya. Hindi ko alam kung paano ipapaliwanag sa kanya yun. Binalaan na niya ako dati at ayoko na maulit pa yun. Kung alam niyo lang kung gaano ka terror si mama pagnagalit, walang sinabi yang mga kontrabida sa soap opera nyo.

“Ma-ma?” nauutal kong sagot.

“Anong ginagawa mo dito? Kanina pa kita hinahanap” dugtong niya. Hindi ko alam kung tatayo ba ako at lalapit sa kanya para yakapin siya dahil ganun ko siya ka-miss pero baka paglumapit ako bigla niya akong pukpukin ng heels na suot suot niya.

“Ahhh ehh kasi Ma” lumingon ako kay Jethro para makahingi ng saklolo pero ayun nagtulog tulugan ang kumag.

“Ahh ehh, si Jethro kasi medyo masama ang pakiramdam kaya binisita ko lang” malamang hindi bebenta kay mama ang LAME na palusot ko.

“Ohh.. bakit hindi mo agad tinawagan si Dr. Alvarez para mapacheck-up siya?” tanong niya. Hindi ko na inusisa kung paano niya nakilala si Dr. Alvarez mas napansin ko yung kumikinang na Diamond ring na suot suot niya.

“Ang ganda ng singsing mo Ma!” pagpuri ko. Sobrang ganda naman kasi mahal siguro yan kapag sinangla.

“You didn’t answer my question!” pa english-english na siya ngayon at na maywang pa. Wag nga niya akong ini english. Kung alam niya lang aral na aral na ako sa mga lalaking nakakasalamuha ko dito sa mansion.

“Hey, is there a problem in here?” biglang may umakbay sa kanya na matangkad na lalaki. Maayos ang pangangatawan nito. Mukhang nasa late 40s na siya pero mukhang nasa 30s pa rin ang mukha niya. Ang hitsura niya ay Fil-am na Fil-am ang datingan. Napakagwapo niya pero ang vibes niya ay nakaka intimidate. Parang siya yung original version ni Jethro na 3x ang pagkaangas. No wonder na gustong magpalahi ni mama dito este maging asawa.

“Nothing hon, it’s just…” hindi pa man natatapos ni mama ang kaniyang sasabihin nang muling magsalita si Tito Barry.

“Ohh.. you’re Eisen? You remind me of someone..hmm” nag-isip siya nang mabuti. Oo na kamukha ko na si Ariana wag nyo na pong pahirapan ang sarili ninyo.

“I cant remember…. Just forget it about it! Now come! Give your daddy a warm hug!” saad niya. Napatingin ako kay mama dahil nagdadalawang isip akong lumapit kay Tito Barry dahil nahihiya pa ako. Tumango lang si mama para maging hudyat nang pagsang-ayon. Kinikilabutan ako sa word na daddy, bigla akong may naalala. Bangungutin sana yang nagtutulog tulugan na yan! Dahan-dahan akong lumapit sa kanya at bigla na lang niya akong niyakap nang mahigpit. Halos maipit ako sa mga muscles niya at hindi rin nagtagal ay binitiwan niya ako.

“Welcome to the family son!” nakangiti niyang sambit. Kinilabutan ako sa salitang ‘Son’ dahil pakiramdam ko ay nilalapastangan ko ang tiwala niya sa pagkakaroon ng relasyon kay Josh. Pero wala na rin na kami dapat pa ba ako maging guilty?

“Te-thank you” tanging naisagot ko.

“Hey dad!” biglang sabat ni Jethro. Bumangon na rin si kumag.

“You missed the wedding, but how’s your case anyway?” at doon na nagsimula ang kwentuhan ng mag-ama. Hinatak naman ako ni mama palabas ng kwarto at nagtungo kami sa sarili kong kwarto.

“Baka gusto mong ipaliwanag ang nakita ko kanina!” sambit ni mama nang makapasok kami sa sarili kong kwarto.

“Ang alin Ma?” pagmamaang mangan ko.

“Kailangan ko pa bang sabihin kung ano?” sabay kurot niya sa tagiliran ko at napangiwi ako sa sakit.

“Arayy- Aray Ma, hindi ko naman kasalanan ehhhh siya yung…” hindi pa ako tapos magsalita nang diniinan niya pa lalo ang pagkurot sa akin.

“At nangangatuwiran ka pa ahhh!” hindi ko napigilang mapahiyaw sa sakit

“Arayyy Ma, hindi na mauulit promise, promise, promise!” pagmamakaawa ko at agad naman niyang tinigil ang pagkurot sa tagiliran ko at bigla akong niyakap nang mahigpit.

“Sobra kitang namiss” eto yung namimiss ko kay mama. Pagkatapos niya akong pagalitan ay agad niya akong niyayakap. Minsan nga nagsosorry pa siya sa akin.

“Ako din Ma, miss na miss kita!” kahit wala pang isang buwan ay parang ang tagal tagal na naming hindi nagkita.

“Alam mo namang gusto ko lang na wag masira ang mga pangarap ko para sayo” tumingin ako sa mukha niya at seryoso niya itong sinasambit.

“Maghanap ka na lang ng ibang lalaki Nak, Huwag na sila” di ko mapigilang matawa sa mga sinasabi ni mama.

“Seryoso ako pero dapat magtapos ka muna ng pag-aaral bago ka magboboyfriend” dahan dahan niyang hinahawi ang buhok ko.

“Ang strict mo naman masyado Ma, hindi naman po ako babae” bigla na lang niyang hinila ang buhok ko.

“Dapat lang no, hindi ka lalaking ganyan kung pabaya akong magulang” bigla akong nakonsensya dahil alam kong naglihim ako sa kanya na naging kami ni Josh at may nangyari na sa amin pati na rin kay Jethro.

“Atsaka magiging kapatid mo na sila kaya hindi ka pwedeng magkaroon ng relasyon ni isa man lang sa kanila!” hinawakan niya ang magkabilang braso ko habang nakaharap sa akin para mapagsabihan ako nang mabuti.

“Kailangan ba talaga yun Ma?” ayoko naman talagang baguhin pa ang aking apelyido dahil ito ang tanging nagbibigay ng ala-ala sa aking yumaong ama.

“Oo, dahil kahit mawala man ako eh magiging panatag ako na magiging maganda ang buhay mo kapag naging ganap na Wells kana!”

“Pero Ma, okay naman po sa akin na Fuentes ang apelyido ko. Okay na sa akin kahit hindi na ako i-adopt ni tito Barry!” sumeryoso bigla ang mukha niya sa mga sinabi ko.

“Hindi pu-pwede… basta dapat maging ganap ka na Wells. Di baleng mamatay ako basta alam kong magiging maganda ang buhay mo!” napaurong ako bigla sa mga pinagsasabi ni mama.

“Ano po bang pinagsasabi ninyo Ma? Syempre mas mahalaga kayo sa akin kesa sa kung ano mang yaman ang makukuha ko sa mundo” bigla ko siyang niyakap kasi para bang nagpapaalam na siya sa akin.

“Totoo ba yan? O manghihingi ka lang ng dagdag baon?” niyakap niya ako nang mahigpit.

“Mama naman, syempre hindi na nuh. Halos hindi ko na maubos ang binibigay nilang allowance para sa akin” hinawi niya ang bangs ko at hinalikan ang noo ko.

“Higit pa nga dun ang dapat sayo, basta hayaan mo na lang si mama ang gumawa ng paraan. Okay?” tumango na lang ako bilang pagtugon. Pero sa isip isip ko ay ano nga ba talaga ang binabalak ni mama? Sana mabuti yun at hindi niya ikasasama. Wala naman akong ibang hangad sa mundo kundi ang makasama siya hanggang sa magkapamilya ako. Di bale na walang lovelife basta masaya akong nakakasama ko ang mama ko.

Ipinasok ng mga katulong ang dalawang maleta sa loob ng kwarto ko. Akala ko ay dito matutulog sa kwarto si mama yun pala mga pasalubong niya ito para sa akin. Andami niyang biniling mamahaling damit. Nalulula ako sa presyo habang tinitingnan ko ang mga pricetags. Kinailangan ko pang mag convert gamit ang cellphone ko para malaman ang totoong presyo. Pinakamababang halaga sa mga nabili niya sa akin ay worth P22,000 at yun ay isang set lamang ng mga panyo. Parang gusto ko na lang matuyuan ng pawis kaysa ipamunas yun dahil napakamahal. Andami niyang biniling damit sa akin merong Dolce and Gabbana, Givenchy at Balenciaga. Napapanganga na lang ako sa mga damit at sapatos na inaabot sa akin ni mama. Ni sa panaginip ay hindi ko iniisip na magkakaroon ako ng mga ganoong gamit.

Sa instagram at facebook ko lang nakikita ang mga yun. Pero ngayon ay hawak-hawak ko na ang mga ito. Hindi ko napigilan ang sarili ko at napayakap ako kay mama para magpasalamat. Pag ngiti lamang ang sinukli niya sa akin. Isa-isa ko namang sinukat ang ito. Maniwala man kayo o sa hindi, sa edad kong to si mama parin ang bumibili ng mga damit at sapatos ko. Bibihira lang ang pagkakataon na ako mismo ang nasusunod sa mga damit na gusto ko. Pero parehas naman kami ng taste ni mama kaya okay lang.

Hindi namin namalayan ang oras dahil tuwang tuwa kaming dalawa habang nagsusukat ng mga damit. Sinubukan kong hubarin ang pants na suot suot ko pati na rin ang aking damit. Tanging underwear na lang ang natitira kong kasuotan. Hindi ako nahihiyang maghubad sa harap ni mama kasi simula naman pagkabata siya ang nagbibihis sakin. Kahit sa paliligo ay nagkakasabay kami kaya kahit malaki na ako ay walang malisya sa akin na makita niya ang kahubadan ko. At sa di inaasahang pagkakataon ay biglang bumukas ang pinto ng aking kwarto at pumasok si Jules.

“The dinner is read….” Di na niya natapos ang sasabihin niya nang makita niya akong naka underwear lang sa harap ni mama.

“Ah-I’m sorry to interrupt you guys!” bigla na lang siyang nagmadaling lumabas ng kwarto ko. Oh great feeling ko iba ang nasa isip niya nang makita akong nakahubad sa harap ni mama.

“Hindi ba marunong kumatok ang mga tao dito?” tanong ni mama. “Eh si Tito Barry po ba?” tanong ko naman.

“DADDY!” pagwawasto niya.

“Ganyan na ganyan din. Buti na lang at mag-asawa kami kaya okay lang kahit na bigla bigla siyang pumapasok ng kwarto.” Dugtong pa niya.

“May pinagmanahan nga ang mga tao dito” ang tanging tugon ko.

“Bakit nga pala hindi ka sumama sa kasal ni Josh?” nagulat ako sa biglang pagbago niya ng topic.

“Eh di ba Ma, may exams ako kaya nagfocus muna ako!” pagsisinungaling ko. Ang totoo naman talaga ay hindi ko kayang makita siyang ikasal sa ibang tao.

“Kilala kita, kahit hindi ka magreview kayang kaya mong ipasa ang exams mo!” bigla na lang siyang tumayo mula sa pagkakaupo sa aking kama.

“Ehh..Ma..College Algebra yun. Alam mo naman na mahina ako sa math kaya kailangan kong magfocus ng husto.

“Kahit na, dapat nandun ka para sa kasal ng kuya mo!” Ang sakit naman ng salitang kuya.

“Ehh Ma!” wala ba talaga akong masabi kapag ganito na si mama.

“Bakit nga kasi?” Heto na naman po siya sa mga patanong tanong niya minsan naiinis ako sa sobrang mausisa ni mama daig niya pa si Dora sa dami ng tanong.

“Basta Ma, tara na kumain na tayo. Mukhang kanina pa sila nag-aantay sa labas” kumapit siya sa braso ko at naglakad kami palabas.

Sakto nakasalubong namin si Jethro na kakalabas lang pala ng kwarto niya at magtutungo na rin sa dining area. Titig na titig sa akin si Jethro na para bang hindi mo maintindihan kung napapahanga ba siya o naiinis nang makita niya ako. Saka ko lang naramadaman ang lamig sa aking katawan.

“Sumabay ka na samin Jethro!” pagyaya ni mama. Tumango lang si Jethro tapos biglang nag ring ang phone ni mama at nagmadaling umalis dahil sasagutin niya ang phone call in-private. Kaya naiwan kami ni Jethro sa harap ng aking pinto.

“Are you trying to seduce me?” biglang sabi ni Jethro.

“Excuse me?” napataas ang kilay ko sa mga sinabi niya.

“So ano ang purpose nang pagsuot mo niyan?” ngumiti siya na parang nang aasar.

“Nang alin?” Napahawak ako sa dibdib ko at saka ko lang naramdaman ang sarili kong balat sa pagkakadampi ng kamay ko sa aking dibdib. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko na tanging underwear pa rin ang suot suot ko at hindi pa rin pala ako nakakapagbihis.

Wala akong nagawa kundi ang kumaripas nang takbo papasok sa aking kwarto para makabihis ng bagong damit. Susme buti na lang at pinansin ni Jethro yun. Paano na lang kung pumunta kami ni mama sa dining area na ganun ang suot ko? Ano na lang ang sasabihin ni Tito Barry sa akin. Eto namang si mama na kasama ko kanina ay hindi rin napansin. Buti na lang at si Jethro lang talaga ang nakakita. Kung lahat sila ay baka sa ibang hayop na ako manghihiram ng mukha.

Pagkalabas ko ng kwarto ay nakita ko pa rin si Jethro doon na nag-aabang. Nang makita niya ako ay hindi niya mapigilang mapabungisngis. Tiningnan kong muli ang aking sarili pero para sa akin ay maayos naman ang suot ko kaya ewan ko ba sa gunggong na to kung ano ang tinatawa tawa niya.

“Are you da-done?” nabubulol pa siya dahil pinipigilan niyang matawa. Tinitigan ko na lang siya nang masama.

“Walang nakakatawa” naiinis kong sambit at nagsimulang maglakad. Sumunod naman siyang naglalakad sa likuran ko.

“Kanina lang, gusto mo akong nakawan ng halik tapos ngayon maghuhubad ka sa harap ko. Hmmm..” Hindi ko mapigilang mamula sa kahihiyan sa mga sinasabi niya kaya nanakbo akong pumunta sa dining area.

“Hey wait!” sigaw niya. Pero hindi ko siya pinakinggan.

Grabe siya makapag akusa na gustong magnakaw ng halik. Eh hindi ko naman tinuloy yun siya naman tong nagsubsob sa mukha ko para magdikit ang mga labi namin. Hindi ko namalayang hanggang sa loob ng dining area ay nanakbo ako at hinihingal. Nakatingin silang lahat sa akin at biglang pumasok si Jethro na hinihingal din.

“Bat ka tumatakbo nak?” tanong ni mama. Hindi ko alam ang isasagot ko lalu na at andiyan si Tito Barry. Kasi kung kaming dalawa lang ni mama ay aamin agad ako sa mga nangyari na nakabrief lang ako lumabas ng kwarto pero iba ang sitwasyon ngayon.

“You too Jones, what’s going on?” tanong ni Tito Barry kay Jethro. Nakakapanibago dahil first time kung makarinig na may tumatawag kay Jethro sa second name niya.

“Wala dad, I’m feeling hungry kaya nagmadali akong pumunta dito sa dining area” sagot ni Jethro. Halos maluwa ni James ang kinakain niya sa pagpipigil ng tawa sa sinagot ni Jethro.

“Hold it Kiel! Nasa harap tayo ng mga pagkain.” Pagsuway niya kay James. Ngayon ko lang napagtanto na tinatawag niya ang mga anak sa kanilang second name. Ang cute.

“Stop acting like a kid Jones. May bagong member ang family at ikaw pa man din ang panganay. You should act as a role model to them. Isa pa, hindi ka man lang nakapunta sa wedding ni Mikhael, kahit dalawang araw man lang!” Napalunok laway ako sa mga sinabi ni Tito Barry. Alam kong super busy ni Jethro kaya hindi siya basta basta makakaalis ng bansa kaya may alibi siya pero ako hindi naman ganun ka busy. Pero nagawa ko pa ring hindi sumama sa kanila sa Sydney.

“Naunahan ka pa ni Mikhael, kelan ka ba mag-aasawa?” tuloy tuloy ang pagsasalita ni Tito Barry para lang kaming napako sa kinatatayuan namin ni Jethro. So ayun na mga may pinagmanahan pala tong si Jethro. Kumbaga 2.0 version lang siya ng daddy niya. Nakakatuwang isipin na may makakapag behave sa kanya ng ganito. Pero nakakatakot pa rin ang aura ni Tito Barry parang bawal akong lalamya lamya ew sa harap niya.

“Hon, nasa harap tayo ng hapag-kainan. Let them eat first. Atsaka tapos na yun. Busy naman talaga si Jethro intindihin mo na lang!” sabat ni mama sabay himas sa balikat ni Tito Barry. Parang biglang umamo ang mukha ni Tito Barry at ngumiti ako kay mama.

“I’m sorry hon” sabay halik sa kamay ni mama. Ohh alam nyo na kung kanino ako nagmana ng kaharutan. Joke lang baka marinig ni mama. Sa senyas ni mama ay agad kaming naupo ni Jethro sa sarili naming mga upuan. At nagsimulang magdasal bago kumain. Maliban kay James dahil kanina pa siya kumakain at hindi siya nagdadasal dahil Atheist daw siya. Nagulat naman ako sa nalaman ko pero hindi ko siya jinajudge sa paniniwala niya dahil hindi naman siya masamang tao kung tutuusin. Mas marami pa nga akong kilalang pala-simba at makadiyos kuno pero hindi naman makatao.

At ayun habang kumakain kami ng dinner ay hindi ako nakaligtas sa pag uusig ni Tito Barry. Andami niyang tanong tungkol sa akin. Sa mga hilig ko at mga pinaggagawa ko during my free time. Kulang na lang maging slumnote siya eh at itanong sa akin ang what is your favorite color, what is your favorite food, who is first crush, what is the most embarrassing moment in your life at what is your motto in life? Mga ganong tanungan ang dating sa akin ni Tito Barry. Sobrang tinatry ko magpahard sa kanya. I mean magpakalalaki habang sumasagot sa mga tanong niya. Di rin nakaligtas ang tanong na kung bakit wala akong girlfriend. Hindi ko alam ang isasagot ko. Nakakaasar pa tong si James kanina pa halos mamatay matay sa kakapigil ng tawa. Mabaliukan sana siya.

“Because I’m gay po!” bigla kong naisagot. Akala ko nasabi ko lang siya sa isipan ko pero nasabi ko pala siya nang tuluyan. Kaya naman napatakip ako bigla ng bibig ko. Tumawa naman ng malakas si Tito Barry kaya lalo akong kinabahan baka bigla niya akong sampalin ng pinggan.

“I know, I know…. You’re mother told me. I just want you to be honest. As your dad tanggap kita. BUT!” napalunok laway ako nang marinig ko ang salitang BUT.

“This my house, my rules. Bawal kang magdala ng lalaki dito! Bawal ka munang magboboyfriend hanggang di ka nakakatapos ng pag-aaral. I want you to focus on your studies!” parang sa pagboboyfriend pa lang ay gusto ko nang tumutol.

“As if naman na mabubuntis ako” mahina kong sambit.

“What?” tanong ni Tito Barry. Parang gusto kong sampalin ng pala ang bibig ko dahil kung ano ano na lang ang nasasabi ko.

“Ahh wala po! Sabi ko po as if naman na may magkakagusto sa akin.” Pagsisinungaling ko. Pinisil naman ni mama ang hita ko kasi alam kong narinig niya ang mga sinabi ko.

“Why not? Mukhang mas maganda ka pa nga sa mga girlfriend ng mga anak ko!” nakakalaki ng ulo yung papuri niya sa akin kaya nag thank you na lang ako.

Matagal natapos ang dinner dahil sa mga mahahabang usapan. Hindi nakaligtas sila Jethro, James Jules at Jean sa mga tanong ni Tito Barry kaya naman napahaba ang kwentuhan. Nagsabi naman si Tito Barry na maaga kaming gigising bukas para daw samahan siyang mag golf. Kaya hindi na ako nagdalawang isip ba dumiretso sa kwarto ko para makapagpahinga. Bago pa man ako makaakyat sa second floor ay nagkasalubong kami ni Jules kaya bigla akong naawkward nang magkatinginan kaming dalawa.

“I’m sorry nga pala” sambit niya.

“Sorry saan?” pa clueless kunwari.

“Kanina dahil pumasok na naman ako ng kwarto mo na hindi kumakatok” napakamot ulo siya habang nagsasalita.

“Ahh.. wala yun. At saka yung kanina…mali ka nang iniisip!” di ko masabi nang maayos dahil nahihiya akong banggitin. Ang tinutukoy ko eh yung naabutan niya akong nakabrief lang sa harap ni mama.

“Ahh wala yun, hindi naman yun ang iniisip ko kaya ako umalis agad” nakangiti niyang sabi.

“Eh ano?” tanong ko at bigla siyang lumapit sa akin sabay bumulong sa tenga ko.

“Baka kasi hindi ko mapigilan ang sarili ko at may mangyari sa ating dalawa sa harap ng mama mo. Ayaw mo naman ng ganun di ba?” hindi pa ako nakakapagsalita nang hinawakan niya ang ulo ko at nagsilatang muli.

“Maybe next time bunso!” sabay kindat sa akin. Hindi ko mapigilang mapa OMG sa mga sinabi niya. Pumasok ako ng aking kwarto na namumula ang nga pisngi. Ano bang meron sa mga magkakapatid na to?

KINABUKASAN>>

Maaga kaming nakarating sa isang Golf Course na Co-owner si Tito Barry. Hilig niya kasi ang pag gogolf kapag may free time siya. At ngayon andito kaming lahat para panoorin siyang maglaro. Ang gugwapo ng mga magkakapatid sa suot nila na akala mo ay mga professional na Golf Players. Eh manonood lang naman sila. Hindi ko inaasahan na marami rami rin pala ang tao sa ganitong lugar kahit napakalawak neto. Madaming mayayamang taong naririto. Mga kilalang celebrities at mga opisyal ng gobyerno. So alam niyo na kung saan napupunta ang tax nyo? Hindi naman masyadong nagtagal ang laro ni Tito Barry at naipanalo niya ito. Kaya pala sobrang confident niya na ayain kaming lahat na manood habang naglalaro siya dahil magaling naman pala talaga siya sa larangang ito.

At hindi naman mawawala dito ang mga pabebe girls na panay ang pa cute sa mga Wells Brothers na halos magtutuwad tuwad na sa damuhan para lang mapansin nila. Para tuloy silang malalanding kambing sa damuhan.

MALANDI PA SA KAMBING, AYYY KIKAY!

Di ko napigilang mapakanta hahaha.

Mukhang nakakatuwang laruin ang golf kaso hindi ako marunong. Ni hindi ko alam ang rules neto. Basta ang alam ko ay pagnashoot sa butas ay panalo ka na.

“Gusto mo bang matotoong maglaro?” tanong sa akin ni Jules. Agad agad naman akong umoo dahil mukhang exciting to. Atsaka hindi to yung laro na usual mong malalaro kahit nasa kalye ka. Eto yung sports na pang mayaman.

“Tara turuan kita ng mga basics!” pag aya sa akin ni Jules at agad naman akong sumunod sa kanya. Hindi pa nga kami nakakapagsimulang maglaro ay bigla nalang may nagdatingang pabebe girls at lumapit kay Jules. Ang isa dito ay kakilala niya kasi naging classmate niya noong High school. Aaminin ko maganda yung babae lamang lang sa akin ng mga 3 tabo ng paligo. At yung iba niyang kasama ay nagpupumilit ding magpaturo sa kanya. Nakangiti lang siya nang hilaw habang nakatingin sa akin. Parang hindi niya magawang tanggihan kaya nag walk out na lang ako. Well babae yun bakla ka mas uunahin niya yun kaysa sayo.

“Where’s Lucien?” tanong ni Tito Barry.

“Andun po tinuturuan ang mga babae!” kahit mahinahon ang pagkakasabi ko ay halata pa rin ang pagkainis ko kay Jules.

“Haha, manang mana sa akin yang si Lucien” bigla naman siyang kinurot ni mama sa tagiliran. Ang galing talaga ni mama sa laking tao ni Tito Barry ay nagagawa niyang maging under sa kanya.

“Dati pa yun Hon, hindi na ngayon!” naaasiwaan ako sa landian nila ni mama. Kaya binaling ko sa iba ang paningin ko. Ayun sila Jean at James ay napapalibutan din ng mga pabebe girls ang isa pa dun ay isang sikat na celebrity na mukhang type na type si Jean. Wala tuloy akong makausap dahil itong si Jethro naman ay puro kaso ang pinag uusapan sa kanyang cellphone.

“Bakit hindi ka magpaturo kay Jones?” biglang sambit ni Tito Barry.

“Marunong po siya?” hindi ko mapigilang maitanong dahil wala sa mukha niya na magkakahilig sa sports.

“Oo naman, in fact mas magaling pa siya sa aking maglaro. Marami na siyang sinalihang competiton noong bata pa siya. I tried to convince him na i-pursue ang pagiging player pero mas gusto niya ang magbasa ng libro instead of holding a golf club.” Na amaze naman ako sa kwento ni Tito Barry, andami pa palang hidden skills itong si Jethro.

“Kaso busy siya eh” ang tanging naisagot ko.

“I’m not!” biglang sabat ni Jethro habang pinapasok ang cellphone sa kanyang bulsa. Napangiti naman ako sa excitement nang ayain niya akong maglaro.

Syempre tinuturo niya muna sa akin ang basics. Kung ilang ang mga series ng holes sa loob ng Golf Course at kung paano ang tamang paghawak ng Golf Club.

“Wag mo masiyadong iyuyuko ang katawan mo!” pagsita niya sa akin. “Ganito ba?” tanong ko naman.

“No, ganito!” lumapit siya sa aking likuran at hinawakan ang magkabilang kamay ko para alalayan ako sa pagpalo ng Golf ball. Inayos niya rin ang postura ko para maging maayos ang pagtira ko sa bola. Nang magamay ko na ang pag swing ng Golf Club ay agad naman niyang binitawan ang kamay ko at humawak na lang siya sa aking bewang para alalayan ako. Bigla na lang akong nakaramdam ng kaba sa bawat pagkakataon na makikiskis ang pwet ko sa hinaharap niya. Patagal nang patagal ay para bang mas lumalaki at tumitigas ito na sadyang damang dama ko ng mga oras na yun. Nawawala tuloy ako sa focus dahil iba na talaga ang nararamdaman ko at parang tinatamaan narin ako ng kamunduhan sa bawat pagtama ng hinaharap niya sa pwet ko. Kaya naman paghampas ko ng Golf Club ay hindi man lang natamaan ang bola kundi mga damo ang napalo ko.

Ilang sandali pa ay bigla kaming nakarinig ng alitan at paglingon ko ay si mama at si Tito Barry pala ang nagtatalo. Binitiwan ko ang Golf Club at dahan dahan akong lumapit para marinig ang pinagtalunan nila.

“Bakit hindi mo magawang pirmahan?” tanong ni Mama.

“Dahil Hon, matagal ko nang alam ang mga binabalak mo!” nakayukong sambit ni Tito Barry.

“WHAAAT?” napalakas lalo ang pagsasalita ni mama. Pero hindi nakasagot si Tito Barry. Wala akong maintindihan kung ano ang pinag uusapan nila.

“Aalis na kami ng anak mo sa mansion at magpa file ako ng annulment!” lahat kami ay nagulat sa mga sinabi ni mama.

“No you can’t do this to me. George iuwi mo na si Maam mo!” utos ni Tito Barry sa isa sa mga guard niya. Bigka akong nagpanic kaya lalapit na sana ako lalu kay mama nang agawin niya ang baril na nasa tagiliran ng guard.

“Subukan mong lumapit sa akin. Kundi ipuputok ko to!” lalo akong natakot sa mga nangyayari kaya hindi ko mapigilang maiyak. Hinawakan naman ako sa braso ni Jethro dahil alam niyang delikado ang binabalak ko. Pero kilala ko si mama hindi niya magagawa yun.

Nakita ko na lang na lumuhod si Tito Barry sa harap niya habang umiiyak. Andami nang nakatingin sa amin ngayon na para bang nasa isang shooting kami ng teleserye. Nagmamakaawa si Tito Barry na ibaba ang baril pero nakatutok pa rin ito sa kanya.

“Please Hon, forgive me!” pagmamakaawa ni Tito Barry.

“Wag mo akong matawag tawag na Hon. Dahil hinding hindi kita mapapatawad sa pagpatay mo sa asawa ko!” humagulgol ng pag iyak si mama.

“I’m so sorry. Nagawa ko lang ang lahat yun dahil mahal na mahal kita!” patuloy pa rin ang pag iyak niya. Samantlang ako ay hindi ko alam kung papano ko iti-take ang mga naririnig ko na pinagsasabi ni mama.

“Mahal? Pati si Eisen na wala pang kamuwang muwang idadamay mo sa kagaguhan mo!” lalo niyang itinutok sa ulo ni Tito Barry ang baril. Walang sino man ang nagtangkang lumapit kay mama para pigilan siya dahil sa isang kalabit lang ng gatilyo ay maaaring mamatay si Tito Barry. Patuloy ang pag agos ng mga luha naming tatlo. Kasabay doon ang walang tigil na pagmamakaawa ni Tito Barry kay mama habang nakaluhod siya. Samantalang ako ay hindi ko alam kung paniniwalaan ko ba ang mga naririnig ko. Sana nanaginip na lang ako at sana binabangungot na lang ako dahil ayoko na nangyayari ito.

Nang mawala sa focus si mama dahil sa pag iiyak niya ay biglang inigaw ni Tito Barry ang baril sa kanya. Kaso hindi niya agad ito nabawi kaya nagawa nilang mag agawan sa baril at sa isang iglap ay maririnig mo ang malakas na pagputok ng baril. Biglang nandilim ang paligid ko at kinain ako ng kadiliman matapos kong marinig ang pagputok ng baril.

Itutuloy………

A/N: WOOH panay ang pangugulit niyo sa akin ng update yan. Bahala kayong mabitin. Sino kaya ang tinamaan ng bala? Ang tanong may tinamaan nga ba? Hmmm.. sa tingin nyo?

Anyway sorry sa late na update. Super busy last week at napagod ako kanina kaya na late ulit. And reminder guys. Please naman wag naman pati sa IG magmemessage kayo about sa status ng update. Okay?

And kaway kaway sa mga nagrerequest ng update na hindi nagbo vote hahaha….

Padami na ng padami ang mga readers ko. Last update ko ay nasa 11k pa lang yun. Ngayon nasa 15.6 going 16k na.

As always thank you, thank you!

Please leave a comment and VOTE VOTE VOTE!

Edited by RJEM16

Chapter 26: My Hero

A/N: Bago mo basahin ang chapter na to. Pakibasang muli ang Chapter 22 dahil may mga binago ako sa chapter na yun na connected sa chapter na to. Go go back!

David as Jethro

Jethro’s POV

Isang malakas na pagputok ng baril ang gumulat sa lahat. Kasabay ng pagputok nito ay ang pagbagsak ng katawan ni Eisen. Bago pa man siya matumba ay agad ko nang sinalo ang kanyang katawan. Akala ko noong una ay siya ang tinamaan ng bala pero wala man kahit isang galos siyang natamo. Pagtingin ko sa kinaroroonan nila ay nakita kong duguan ang mommy ni Eisen. May tama siya sa dibdib at maraming dugong dumadaloy sa kanyang katawan. Tila nanlamig ang buong katawan ko nang makita ko ang pangyayaring iyon. Si Dad ay walang tigil sa pag-iyak na sa kauna-unahang pagkakataon ko lang nakita. Marami ang tumawag ng ambulansya pero hindi rin nagtagal ay binawian na siya ng buhay.

Nanatili akong nakaupo sa damuhan habang akap-akap ko si Eisen na walang malay ngayon. Hinahanap ko sa grupo ng mga tao sila Jules pero hindi ko sila makita. Inaalalayan ng mga guards si Dad pero ayaw niyang umalis at akap-akap pa rin ang duguan katawan ni Tita Lyca.

“No, No… hindi mo ko pwedeng iwan. Even in hell, I will follow you!” sa mga sinabi ni Dad ay nakaramdam ako nang matinding takot kaya wala akong nagawa kundi ang iwan si Eisen at tumakbo papalapit kay Dad.

Para bang biglang bumagal ang oras nang makita kong hawak hawak ni Dad ang baril at agad niya itong tinutok sa kanyang bibig at agad pinaputok. Kahit ang mga guards na nakapalibot sa kanya ay walang nagawa kundi panoorin ang kamatayan niya. Andaming dugo ang tumalsik sa aking katawan. Kasabay nun ang pag agos ng aking mga luha.

“DAAAAAAADDDDDDDDDD!” ang tanging naisigaw ko. Huling huli na ang lahat wala man lang akong nagawa kundi panoorin ang pagkamatay nilang dalawa. Gulong gulo ang isipan ko kung bakit ba nangyayari ito. Papano? Ano ang naging kasalanan ni Dad? Ano ang atraso namin sa pamilya nila Eisen? Pagdating nila Jules, Jean at James ay wala na silang naabutan kundi ang katawan ni Dad na wala nang buhay.

“Jethro, what the fuck happened in here?” kahit anong pag alog sa aking katawan ni Jules ay tanging pag iyak lang ang naisagot ko.

Huling huli na ang pagdating ng ambulansya. Pati na rin ang mga pulis ay isa isang nagdatingan. Wala akong maisagot sa mga tanong nila dahil hindi ko pa rin matanggap ang bilis ng mga pangyayari. Ang mga walang kwentang guards ang sumagot sa mga tanong ng pulis kung paano nangyari ang lahat. Ang isa pa sa kanila ay isinugod sa hospital dahil tumagos ang bala at tinamaan siya sa tagiliran dahil nasa likuran siya ni Dad nang mangyari ang insidente. Sana siya na lang yung namatay at hindi si Dad. Kahit nagpumulit ako na wala akong sugat na natamo ay pilit akong chineck up ng doctor. Pero mas minabuti kong sabihin na unahin nila si Eisen dahil hanggang ngayon ay wala pa rin siyang malay. Pagkatapos nilang masuri ang katawan ni Eisen ay wala naman silang nakitang kakaiba sa katawan niya. Nawalan lang talaga siya ng malay nang marinig niya ang pagputok ng baril.

Pagkatapos kong umiyak ay tumayo ako sa kinauupuan ko na katabi ng ambulansya para kontakin ang secretary ni Dad at ibalita ang mga nangyari.

Mabilis kumalat ang balita sa loob lang ng isang oras ay kaliwa’t kanan na ang balita tungkol sa pagkamatay ni Dad. Naaawa ako para kay Eisen dahil hanggang ngayon ay tulog pa rin siya sa kanyang kama at walang kaalam alam sa mga nangyari sa kanyang paligid. Naawa ako sa kanya dahil siya na lang sa pamilya nila ang natitira. Maging ang ate niya ay wala na nang hindi man lang niya nakikilala. Gaano man kasakit ang pagkawala ni Dad ay kailangan kong magpakatatag para sa mga kapatid ko at lalung lalo na kay Eisen na kailangan ako sa mga oras na to.

Hinayaan kong asikasuhin ni Jean ang pagprocess ng lamay at libing. Habang si James naman ang kumausap sa mga kamag anak namin na nasa iba’t ibang lugar para maibalita ang nangyari kay Dad. Si Jules ay nagmukmok sa kanyang kwarto gaya noong namatay si Mom. Hinayaan ko na lang siya dahil alam kong sobrang sakit para sa kanya ang mawala si Dad. Bilang panganay ako ang kumausap sa mga investors at board ng company para mapag usapan ang pag-assign ng bagong CEO na papalit kay Dad. Sobrang daming conference call ang sinalihan ko na halos hindi na ako lumalabas ng aking kwarto sa pakikipag usap lamang sa kanila.

Hindi ko alam kung gising na ba si Eisen sa mga oras na to. Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag sa kanya ang lahat ng mga nangyari dahil ako lang naman sa magkakapatid ang nakasaksi sa totoong nangyari. Dapat nasa tabi niya ako ng mga oras na to at hindi nakikipaglokohan sa mga board members na to na akala mo naman talaga ay nakikisimpatya pero tuwang tuwa naman talaga sa pagkamatay ni Dad. Gagawin ko ang lahat para hindi masayang ang pinagpaguran ni Dad. Kahit yun man lang ang magawa kong tama sa lahat ng mga pagkakamali ko. I’m sorry Eisen.

Eisen’s POV

Nagising na lang ako na nakahiga ako sa aking kama. At tuwang tuwa ako na panaginip nga lang talaga ang lahat. Pero sa pagtataka ko ay bakit iba na ang suot kong damit. Pero hinayaan ko na lang at nagmamadali akong lumabas ng kwarto ko at masayang tinungo ang kwarto nila Mommy at Tito Barry para gisingin sila dahil late na kami sa pagpunta sa Golf Course. Pagkarating ko doon ay agad akong kumatok at agad agad naman itong bumukas. Nagulat ako na andun ang dalawang maids at nililinis ang kanilang kwarto.

“May kailangan po kayo sir?” tanong ng isang maid.

“Asan si mama pati na rin si Tito Barry?” nakita ko ang mga mukha na nila na parang gulat na gulat sa mga sinabi ko kaya naman inulit ko ang aking tanong saka naman sumagot ang isa sa kanila.

“Ahmm… Sir wala na po si-” natigilan sa pagsagot ang isang katulong dahil sinuko siya sa braso ng isa pang katulong.

“Sir, itanong niyo na lang kila Sir Jethro. Sila po ang mas nakakaalam!” binigyan nila ako ng mga hilaw na ngiti na nagpakaba sa akin.

May parte ng pagkatao ko ang nagsasabing totoo ang mga nangyari kanina kaya dali-dali kong tinakbo ang kwarto ni Jethro. Hindi ko na nagawang kumatok at pumasok na agad ako sa kanyang kwarto. Naabutan ko siyang may kausap sa kanyang laptop habang nakasuot siya ng pormal. Hindi ko inintindi kung nakakaistorbo ako o kung sino man ang kausap niya. Ang tanging importante sa akin ngayon ay ang malaman kung nasan si mama.

“Asan si Mama?” bigla kong sabi nang makita niya ako. Nagpaalam siya saglit sa kausap niya at sinara ang laptop. Lumapit siya sa akin, bakas sa mukha niya ang pag aalinlangan na sagutin ang tanong ko.

“Asan si ma-ma?” nauutal kong tanong. Bigla na lang niya akong niyakap nang mahigpit.

“Jethrooo… asan si Mama?” pilit ko siyang tinutulak pero ayaw niya akong bitawan sa pagkakayakap. Doon ko na nalaman ang ibig niyang sabihin. Hindi ko na napigilan ang pagdaloy ng mga luha sa aking mukha. Halos suntukin ko na ang dibdib ni Jethro para pakawalan niya ako sa pagkakayakap pero hindi niya ginagawa. Umiyak na lang ako ng umiyak hanggang sa yumakap na rin ako sa kanya nang mahigpit.

“Bakit??? Bakit lahat na lang nang mahal ko sa buhay nawawala sa akin?” wala akong sagot na narinig sa kanya kundi haplos ng kamay niya sa aking likod at batok. Alam ko naman na hindi niya alam ang kasagutan sa tanong ko pero bakit lahat na lang? Wala ba akong karapatan maging masaya?

Hindi ako iniwan ni Jethro hanggang hindi naubos ang mga luha ko kakaiyak. Nanatili ako sa loob ng kwarto niya na parang isang manika na walang buhay. Bawat galaw ko ay binabantayan niya na para bang natatakot siyang may gawin akong masama. Halos pati pagpunta ko sa banyo ay gusto niyang samahan ako pero tumanggi ako. Pagkalabas ko ng banyo ay nakita kong nakikipag usap si Jethro kay Jean.

“Nakaayos na ang lahat pwede na tayong pumunta doon ngayon” hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin ni Jean pero agaw pansin sa akin ang pamamaga ng kanyang mga mata. Walang ibang magiging dahilan nun kundi ang labis na pag-iyak. Wait, wag mo sabihing?

“Gusto kong makita si Mama!” napalingon sila sa akin nang matapos ako magsalita.

“Sige, sabay sabay tayong pupunta pero magbihis ka muna!” utos sa akin ni Jethro at agad naman akong tumango. Gusto pa sana niyang samahan akong magbihis sa aking kwarto pero tumanggi ako dahil mabilis lang naman akong magbibihis.

Pagkapasok ko sa aking kwarto ay nagmadali akong maghanap ng damit na isusuot ko. Pinili ko na lang ang kulay itim na polo shirt dahil mas madali itong isuot at pinaresan ko ito ng pantalon na kulay itim. Bago ko isara ang cabinet saka ko lang napansin ang mga damit na binigay sa akin ni mama kahapon. Naalala ko pa kung gaano ako kasaya nang magkaroon ako ng mga yun. Hindi ko mapigilang maiyak habang akap akap ang mga damit na binigay niya sa akin. Handa akong ipagpalit lahat ng kayamanan sa mundo kahit na maging single ako basta andyan lang si mama sa tabi ko ay alam kung magiging okay na ako.

Mabilis kong pinunasan ang aking mga luha nang marining ko na may kumatok sa aking pintuan. Nilapag ko sa kama ang mga damit na kanina’y yakap-yakap ko. Inayos ko ang aking sarili at saka ako nag desisyong lumabas ng aking kwarto. At pagbukas ko ay nakita kong nag aabang sa akin si Jethro, nakabihis na rin siya at handa nang umalis. Ngayon ko lang napansin ang pamamaga ng kanyang mga mata. Masyado akong naging emosyonal at hindi ko man lang naiisip ang nararamdaman ng mga taong nasa paligid ko.

“Let’s Go!” mahinahon niyang utos. Nakatitig lang ako sa mukha niya dahil sa unang pagkakataon ay saka ko lang siya nakitang ganito. Na para bang nawala ang dati niyang angas, na para bang nawalan ng buhay ang dating Jethro.

Napansin niya sigurong matagal akong nakatitig sa kanyang mukha kaya nagsuot na siya ng shades at nagsimulang maglakad. Nakasunod lang ako sa kanya at pinagmamasdan ang paglakad niya. Unti-unti kong napapansin ang paglakad niya na para bang lasing. Hanggang sa punto na muntikan na siyang matumba at mabuti namay mabilis ko siyang nasalo. Subalit mas mabigat siya sa akin kaya natumba pa rin kami at nahila niya ako pababa. Ngayon ay nakapatong ako sa kanyang dibdib habang siya ay iniinda ang sakit. Hindi ito ang tamang oras para makaramdam ng kilig o ano mang romansa. Kaya minabuti kong tumayo agad at tulungan siyang makatayo. Inayos niya ang kanyang sarili at muling sinuot ang shades saka inaya akong magtungo sa labas para makasakay ng kotse niya. Bigla naman akong tumanggi at tinawag ko si manong Bogart, isa sa mga drivers ng mansion. Pakiramdam ko kasi ay hindi na kaya ni Jethro ang magmaneho at pinipilit na lang niya ang kanyang sarili.

Hindi naman na nagpumilit si Jethro na magmaneho at hinayaan si manong Bogart na maneho gamit ang ibang kotse dahil ang kotse ni Jethro ay 2 seaters lamang. Naupo kami sa likurang bahagi ng sasakyan at sinimulan nang ipatakbo ni manong bogart. Habang nasa byahe kami ay nagsimulang magkwento sa akin si Jethro tungkol sa mga nangyari. Pinipigilan ko ang sarili ko na wag maiyak dahil kailangan kong magpakatatag ngayon dahil alam ko na, na hindi lang ako ang nawalan ng mahal sa buhay. Naging palaisipan na lang sa akin kung ano ba talaga ang naging alitan ni Mama at Tito Barry para humantong sa malagim na kamatayan. Naging palaisipan din sa akin kung paano nasama ang pagkamatay ni daddy sa mga nangyayari. Ang gulo, ang gulo-gulo ng isipan ko ngayon na para bang mabibiyak sa sakit. Hindi ko alam kung saan kami papunta pero halos magkakalahating oras na ay wala pa kami sa pupuntahan namin. Naramdaman ko na lang ang biglang pagsandal ni Jethro sa balikat ko. Nakasandal ang kanyang ulo sa aking balikat at mahimbing na natutulog. Sobrang naaawa ako sa kalagayan niya ngayon. Ang hirap siguro maging kuya. Kailangan niyang magpakatatag para sa mga kapatid niya at asikasuhin lahat ng mga importanteng bagay. Ngayon ko lang siya nakitang ganito ka vulnerable. Dati hinding hindi mo siya makikitaan ng kahinaan pero ngayon heto nakasandal siya sa balikat ko at mahimbing ang tulog. Hinayaan ko na lang siyang makatulog dahil mukhang wala pa siyang pahinga simula nang mamatay si Mama at Tito Barry.

Ilang sandali pa ay nakarating na rin kami sa aming pupuntahan. Sobrang exclusive ng Funeral Home na pinuntahan namin. May log-book pa na hawak ang guard na nag-aapprove kung makakapasok ang tao sa loob. Kakaunti lang naman talaga ang inaasahan kong nandun dahil iilan lang naman ang mga kamag anak nila Jethro dito sa Pilipinas. Karamihan sa kanila ay nasa US at ibat iba pang bansa. Nakita kong nandun sa dulong upuan si Jean na umiinom ng kape habang nakatulala. Si James naman na katabi niya ay biglang tumayo at lumabas nang makita kaming paparating ni Jethro. Hindi ko alam pero parang pakiramdam ko ang cold ng mga titig sa akin ni James nang magkatinginan kami bago siya makalabas. Binale wala ko na lang at hinanda ko ang aking sarili.

Bata pa lang ako ay takot na talaga akong makakita ng patay lalong lalo na yung nasa kabaong. Kaya tuwing nakikiramay kami ay hinding hindi ako sumisilip sa kabaong. Pero sa pagkakataong ito ay wala akong choice kundi tanawin ang mukha ng aking inang nakahimlay sa kabaong. Dahan-dahan akong lumapit. Bawat hakbang ko ay para bang binabawian ako ng lakas at nanghihina ang mga tuhod ko. Sa bawat hakbang ay tumatakas ang mahihinang pagbuntong hininga ko at kasabay nito ang unti-unting pagtulo ng aking mga luha. Hanggang sa nasa harapan na ako ng kanyang kabaong at doon na ako humagugol nang pag-iyak. Gusto kong buksan ang kabaong niya at yakapin siya sa pagkakataong yun pero hindi ko magawa. Gusto kong sumigaw pero mahihinang boses lamang ang tumatakas sa aking bibig. Halos mapaluhod na ako sa kinatatayuan ko habang umiiyak mabuti na lang at nasalo ako ni Jethro.

“BAKIT? BAKIT? BAAKIT?” kasabay ng mga mahihinang hampas sa kanyang dibdib pero hindi niya magawang masagot ang tanong ko. Ano nga bang kasagutan ang maiibigay sakin ni Jethro kung siya mismo ay walang kaalam alam kung bakit nangyayari ito. Wala akong ginawa kundi ang umiyak sa dibdib niya habang akap-akap niya ako. Pagkatapos kong umiiyak na halos umabot ng kalahating oras ay kahit papano’y kumalma na ako. Hindi naman umalis sa tabi ko si Jethro simula nang dumating kami rito. Kailangan ko rin palang humingi ng tawad sa kanya. Masyado akong naging insensitive nakalimutan ko na namatay din pala ang Daddy niya. Hindi ko rin naman magawang titigan ang kabaong ni Tito Barry dahil ewan ko ba masama ang loob ko dahil alam kong siya ang may kagagawan kung bakit nakahimlay na ngayon sa kanyang kabaong ang aking ina. Sa pagod ko kakaiyak ay nakaramdam ako ng antok. Hinawakan ni Jethro ulo ko para isandal sa balikat niya para makatulog ako nang maayos. Pinikit ko ang aking mata at humiling na sana mapanaginipan ko si mama.

“Nak gising na!” mahinang pagyugyog ni mama sa akin.

“Ma ayokong pumasok!” tinakpan kong muli ang aking mukha ng kumot.

“At bakit? Anong katamaran naman to Eisen?” patuloy pa rin ang pagyugyog niya sa akin para bumangon ako.

“Maghuhugas na lang po ako ng pinggan, maglilinis ng bahay at maglalaba. Basta po wag ninyo na akong papasukin ng school” bigla niyang inigaw sakin ang kumot na nakatakip sa mukha ko.

“Tungkol na naman ba to sa nambubully sayo?” tanging pagtango lang ang aking naisagot.

“Oh siya maligo kana at mag aayos si mama!” nag aalangan man ay tumayo na din ako.

“Bakit san po ang punta nyo Ma?” unti unti kong hinuhubad ang aking mga damit at nilagay sa isang basket.

“Sasamahan kita sa loob at babatukan ko rin yung batang nambubully sayo” sagot niya habang kumukuha siya ng damit sa aparador.

“Talaga po Ma?” gulat ako sa naging sagot ni Mama.

“Syempre biro lang, makukulong si mama mo kapag ginawa ko yun. Kakausapin ko ang principal nyo at nang mapatawag ang magulang ng kaklase mo nang matigil na ang pambubully na to” sagot niya habang mahinang tinutulak niya ako patungo ng banyo.

Pagkatapos namin mag-almusal ay nagtungo agad kami sa school ko. Pero imbes na dumiretso sa aking silid aralan ay nagtungo kami sa principal’s office. Mabilis naghain ng reklamo si mama sa aming principal kaya naman hindi nagtagal at napatawag din ang magulang ng kaklase kong si Gudofredo o mas kilalang si Fred uhugin.

“Alam nyo naman ho kung bakit kayo napatawag ngayon, ayun kay Ginang Fuentes ay nambubully at nanakit daw ang anak nyo?” saad ng prinicipal sa ina ni Fred.

“Ay hindi po totoo yang pinaparatang nyo sa anak ko. Mabuting bata itong si Fred. Ano bang pinagsasabi mo dyan Lyca?” pagsisinungaling ng mama ni Fred.

“Hindi lang ako ang magpapatunay niyan, pati na rin ang adviser nila!” sagot naman ni mama.

“Hindi namin tinotolerate dito ang pananakit at pambubully. Ang pagtawag ng mga hindi magandang palayaw gaya ng bakla ay hindi magandang sabihin sa kapwa mo estudyante” sagot naman ng principal.

“Eh totoo naman pong bakla yang anak niya eh, lalamya lamya na akala mo babae kung kumilos. Kaya ka siguro iniwan ng asawa mo kasi masyado mong kinukonsinte yang anak mo!” mabilis na sagot ng mama ni fred. Yumakap ako nang mahigpit kay mama kasi pakiramdam ko ay sasaktan ako ng mama ni Fred.

“Hoy! Wala kang alam sa buhay ko! At wala kang karapatan na pakialaman ang pamumuhay naming mag-ina. Hindi ko nga pinapakialaman yung pamumuhay nyo eh. Hindi ko nga pinapakialaman kahit lagi kong nakikitang nakahandusay sa sahig ang asawa mo na walang ginawa kundi maghapong mag-iinom. Hindi ko nga pinakialaman yung anak mo na iba-ibang lalaki ang mga ama nila. Ni hindi ko nga pinakialaman na repeater sa highschool yung lalaki mong anak! Kaya wag na wag mo kaming pakialaman!” natulala ang principal pati na rin si Aling Melly na nanay ni Fred ay di makapaniwala sa mga sinabi ni mama.

“Ahem.. Let’s go back to the issue!” biglang singit ng principal pero bago pa man siya makapagsalitang muli ay sumagot agad si mama.

“Basta ho, kapag hindi ninyo binigyan ng corrective action si Fred ay ililipat ko agad ng school si Eisen at magrereport ako sa DepEd sa pagiging incompetent nyo sa paghandle ng ganitong sitwasyon.” Pagkasabi ni mama ay agad niya akong hinila papalabas ng opisina ng prinicipal.

Mabuti naman at hanggang pag-uwi ay hindi ako pinansin ni Fred. Pero tumatak pa rin sa isip ko yung pagmamaliit sa akin ni Aling Melly at sa pagtawag niya sa aking bakla. Napansin ni Mama na matamlay akong pumasok ng bahay. Kaya agad niya akong tinanong kung sinaktan na naman ba ako ni Fred pero mabilis kong tinanggi dahil wala namang ginawang masama ngayon si Fred sa akin. Pero malungkot lang talaga ako.

“Mama, masama bang maging bakla? Masama ba akong tao?” hindi ko napigilang umiyak. Bigla namang lumuhod si mama sa harap ko at binaba ang suot suot kong bag. Pinunasan ang pawis ko sa noo at hinarap ang mukha ko sa kanya.

“Anak, pakinggan mo ang sasabihin ko sayo! Gusto kong itatak mo to sa puso’t isipan mo!” kasabay nun ang pagpunas niya naman sa mga luha ko. Tanging pagtango na lang ang naging sagot ko.

“Mahal na mahal kita. Mahal ka ng diyos. Hindi ka niya ibibigay sa akin kung hindi ka niya mahal. Hindi ka masamang tao….. ang pagiging tapat sa sarili ay mas mabuti kaysa sa pagkukubli ng totoo mong pagkatao. Hindi masama ang pagiging bakla, ang masama ay yung manakit at manghusga ka ng iyong kapwa. Lahat tayo ay mahal ng diyos kahit makasalanan tayo, pero huwag na huwag mong iisipin na kasalanan ang pagiging bakla. Basta wala kang naapakan na ibang tao at wala kang sinasaktan. Proud ako na naging anak kita. At magiging proud ako kung ano man ang gusto mong maging paglaki mo. Mahala na mahal ka ni mama!” sabay yakap niya sa akin nang mahigpit.

“Mahal din po kita mama” yumakap din ako sa kanya nang mahigpit.

“Basta okay ako kung ano man ang gusto mo. Basta paglaki mo ikulot mo yung buhok ko ahh.. tapos make-upan mo ako na magmumukha pa akong mas bata!” dugtong ni mama at tumawa na lang ako bilang tugon.

“I love you mama!” ang huling nasabi ko sa kanyang tenga. Nagising ako nang maramdaman ko ang pagkilos ng katabi ko. Hindi ko pa halos maimulat ang aking mata dahil bahagya akong nasisilaw sa liwanag ng ilaw at para bang ang hapdi hapdi ng aking mga mata.

“Eisen is still sleeping, I am telling you not now Annabelle!” narinig kong sabi ni Jethro.

“What? You can’t just leave him here. You and I need to talk about….” Hindi pa man natapos makapagsalita si Annabelle nang biglang.

“I SAID, NOT NOW!” sigaw na sambit ni Jethro. Napaayos ako ng pagkakaupo nang marinig ko ang sigaw ni Jethro. Lahat ng tao sa loob ng Funeral Home ay nagtinginan sa aming kinaroroonan. Hindi na umimik si Annabelle at nagdadabog siyang palabas ng Funeral Home. Napunta naman ang tingin sa akin ni Jethro kaya bigla akong kinabahan para tuloy ako ang may kasalanan sa pag aaway nila.

“I’m sorry, nagising ka tuloy. Gusto mo bang sa kotse na matulog or umuwi na lang sa mansion?” tanong niya sa akin habang pinapakiramdaman niya ang noo ko.

“Okay na ako dito. Mas gusto kong bantayan si mama!” hilaw na ngiti ang sinukli ko.

“Mukhang mainit ka na. Wag mong pilitin ang sarili mo” mahinahon niyang sambit.

“Ikaw nga dapat ang magpahinga eh!” ako naman ang humawak sa leeg niya. Di hamak na mas mainit siya sa akin.

“I don’t have to, marami pa akong dapat asikasuhin” pagmamatigas niya.

“Sige na kahit isang oras lang na tulog. Dahil mukhang luluwa na yung mata mo” napahawak siya bigla sa kanyang mata. Hindi ko mapigilang matawa ng mahina.

“I’ll just take a nap then” tumayo siya at nagpaalam sa akin.

Bago pa man siya makalabas ay nakasalubong niya ang isang lalaking mukhang nasa late 20’s pa at may kasamang babae? Babae nga ba na biglang humalik sa pisnge ni Jethro. Sino naman kaya tong babaeng to na anlakas ng loob humalik kay Jethro. Pati kay Jean at James? Nagulat talaga ako siguro matagal na nila tong kakilala kaya ganun na lang ang turing sa kanila. Saka ko lang napansin ang lalaking nasa likuran nila. Siya yung lalaking sumagip sa akin nang mahulog ako sa yate. Nang magkatinginan kami ay ngumiti siya sa akin at hilaw na ngiti lang ang sinukli ko.

Habang abala ang lahat ay biglang lumapit sa akin si Darius, siya yung sumagip sa akin sa pagkalunod ko sa dagat. Natulala ako sa hitsura niya dahil hindi gaya dati ay mahaba pa ang buhok niya pero ngayon ay malinis na ang kanyang gupit. Kung papalitan mo ang suot niya ay hindi mo siya mapagkakamalang isang bodyguard dahil may angking kagwapuhan to na pwede mong i-rampa sa pagmomodelo. Idagdag mo pa ang bruskong pangangatawan at tangkad niya.

“Hi!” bati niya at ngumiti naman ako.

“Condolence nga pala” dugtong niya.

“Salamat” maiksi kung tugon.

“Kamusta ka na pala, huling pagkikita natin ay doon pa sa dagat” medyo naiilang ako sa titig niya at hindi ko alam kung bakit.

“Ahh oo nga, heto okay pa naman!” tiningnan ko ang oras sa aking phone mag aalas onse na pala.

“Balita ko hinimatay ka daw ahh. Wala ba talagang nangyaring masama sayo?” nagulat naman ako kung papano niya nalaman yun.

“Ahmm.. simula kasi bata pa ako ay may takot na ako sa putok ng baril. Hindi ko rin maipaliwanag eh basta kapag nakakarinig ako ng putok ng baril ay nakakaramdam ako ng sobrang takot at minsan hinihimatay ako depende sa lakas ng tunog ng baril” huminga ako ng malalim bago magpatuloy ng pagsasalita.

“Kaya nga kapag New Year ay binibilhan ako ni mama ng headset na sound proof na halos wala talaga akong maririnig. Dahil simpleng putukan lang ay natatakot na ako. Ewan ko di ko rin maipaliwanag kung kelan o paano nagsimula yun. Ayaw rin sabihin sakin ni mama eh!” tumingin ako sa kanya at napansin ko na nakikinig pala talaga siya ng husto sa kwento ko. Magsasalita sana siya nang may biglang magsalita sa gilid ko.

“Hinahanap ka na ni Laz!” sambit nito at napalingon ako sa kanya. Siya yung mukhang babae kanina pero saka ko lang napagtanto na lalaki pala talaga siya. Bumalik ang tingin ko kay Darius na ngayon ay nakatayo na.

“Mauna na ako Eisen” ngumiti siya sa akin at umalis.

“Hi” bati sa akin noong binata.

“Hello?” nagtataka rin ako kung bakit ako binabati nito.

“Condolence nga pala” bigla siya umupo sa tabi ko.

“Salamat” maiksi kong tugon.

“Ahhh nga pala. I’m Kristoff pero mas kilala sa palayaw na Kree. Ang nag-iisang sex-slave ni Lazarus Fernandez” napatulala ako sa mga sinabi niya.

“I’m sorry ngayon mo pa lang ata kami nakita. Si Lazarus ay pinsan at matalik na kaibigan ni Barry Wells.” Dun ko napagtanto na Tito pala nila yung dumating kanina.

“Pero anong ibig sabihin mo sa..?” hindi ko maituloy ang sasabihin ko dahil ang awkward ng word na ginamit niya.

“Ahh you mean sex-slave? Ganun naman talaga hindi ko naman masasabing magkarelasyon kami dahil katawan ko lang naman ang habol niya sa akin at pera lang din naman ang dahilan ko kung bakit ko siya kasama. Buti na lang at nandyan na si Darius.” Lalo akong nagulat sa mga pinagsasabi niya.

“Nevermind, mauuna na ako dahil mukhang aalis na kami. Bye!” bigla na lang siyang umalis at iniwan akong nakanganga sa kinauupuan ko. Lumipas ang ilang araw ng lamay. Maraming kilalang tao ang dumating para makiramay kay Tito Barry dahil kilala siyang tao. Iilan lang ang mga dumating para makiramay kay mama. Ang iba ay mga katrabaho ni mama dati o kaya dating kapitbahay namin. Meron pang isang magandang babae na nagpakilalang matalik na kaibigan ni mama pero hindi ko naman talaga siya kilala dahil natatakpan ng malaking shades ang mukha niya at ngayon ko pa lang siya nakita.

Sumunod na araw ay ang pagdating ni Jessica at Josh. Pansin ko na hindi masyadong emosyonal si Josh sa pagkawala ng kanyang ama o baka magaling lang siyang magtago ng nararamdaman niya. Ilang beses na rin siyang nagtangkang kausapin ako pero nagawa ko pa rin siyang iwasan dahil sa ngayon ay ayokong madagdagan pa ang drama sa buhay ko.

Dumating ang huling lamay pero ni isang araw ay hindi man lang nagawang bumisita ni Jules sa lamay ng kanyang ama. Siguro sobrang sakit para sa kanya ang mawala ang kanyang ama at ayaw niyang ipakita sa lahat ang kanyang pagluluksa sa ngayon. Hanggang sa sumapit na ang araw ng libing at doon na mismo dumating si Jules. Halos magwala siya nang ibinababa na ang kabaong ng kanyang ama sa libingan. Tatlong tao pa ang nagtulong tulong para mapigilan siya dahil kahit papano ay malaki ang pangangatawan nito kaya kahit tatlong lalaki ay hirap silang kontrolin si Jules. Nakaramdam ako ng matinding awa para sa kanya lalo na nang umiiyak siya ng tuluyan.

Sa pagkakataong si mama na ang ibinababa sa kanyang libingan ay hindi ko mapigilang humagulgol sa pag-iyak. Sinariwa ko ang mga panahong nabubuhay pa siya. Yung mga panahong masaya kami kahit kaming dalawa lang ang magkasama. Kahit na mahirap ang buhay, basta andyan si mama ay araw araw pakiramdam ko na sobrang blessed ko dahil hinding hindi niya ako pinababayaan. Mahal na mahal ko si mama kaya naman sa huling sandali ay gusto kong magpasalamat sa kanya. Mama kung nasan ka man ngayon sana masaya ka na at matahimik na ang kalooban mo dahil hinding hindi ko papabayaan ang sarili ko.

Mabilis lumipas ang linggo simula nang mailibing si Mama at Tito Barry. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako kinakausap ni James. Naging sobrang busy na ngayon ni Jethro at halos hindi na kami nakakapag usap. Si Jean ay naging abala din sa school. Si Josh ay mabilis nakabalik ng Sydney dahil nagtatrabaho na siya ngayon sa kompanya ng papa ni Jessica. Si Jules naman ay halos hindi ko na nakikita sa mansion. Ngayon ko lang napag-isip isipan na umalis na lang sa mansion dahil wala na rin naman akong dahilan para manatili pa doon. Minabuti kong mag impake ng mga gamit ko at lisanin ang mansion. Siguro makikitira na lang muna ako sa mga kamag anak ko sa Caloocan habang naghahanap ng trabaho. Bago pa man ako matapos sa pag-iimpake ay bigla na lang may pumasok sa kwarto ko.

“San ka pupunta?” tanong ni Jules.

“Ahh ehh kasi napagdesisyunan ko na umalis na lang dito” pinagpatuloy ko ang paglagay ng aking mga damit sa malaking bag.

“Sino naman ang nagsabi sayo na dapat ka nang umalis?” tanong niya habang papalapit siya sa akin.

“Wala, ehh wala na rin naman dito si mama kaya wala na akong dahilan para manatili pa dito” kinuha niya ang bag na pinaglalagyan ko ng damit ay kinalat niya ang mga laman nito sa kama ko.

“JULES!” Gulat kong sambit.

“No, you’ll stay here!” pinaupo niya ako sa kama at tumabi siya sa akin.

“Wala na akong reason para mag stay pa dito” naluluha kong sabi.

“I’m sorry kung naging weak ako sa mga nakaraang araw. Dapat nasa tabi mo ako para damayan ka. But from now on magiging totoo na ako sa aking sarili. Magpapakatatag ako para sayo at hinding hindi kita iiwan sa mga oras na kailangan mo ako. Because you’re my hero!” hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at pinaglapit niya ang aming mga labi. Sa pagkakataon ito ay naramdaman kong muli ang halik ni Jules. Pero sa ngayon ay iba na ang istilo ng kanyang paghalik. Ramdam na ramdam ko ang nais niyang ipahiwatig sa bawat paggalaw ng kanyang mga labi.

Nang matapos niya akong halikan ay ngumiti siya at muling nagsalita.

“It’s my turn to return the favor” bigla siyang may inabot sa aking kamay. Nang makita ko ito ay laking gulat ko dahil ito yung nawawalang ID ko noong grade school pa ako. Ito yung ID na nawala ko noong nakipag away ako kay Fred at sa mga kalaro niya. Papanong napunta sa kanya ito?

“Wag mong sabihing ikaw yung…?” hindi ko man natatapos ang sasabihin ko nang ngumiti siya at tumango saa akin.

Sa mga oras na yun ay napahawak ako sa aking bibig dahil sa pagkagulat sa natuklasan ko.

Itutuloy……

A/N: Hey Hey hey! I feel bad na i-upload ang chapter na to ngayong mother’s day pero dahil hayuk kayo sa update ayan bahala na kayo.

Happy Mother’s Day sa lahat ng INA nyo!

At gusto ko lang mag thank you sa mga readers ko na laging naglileave ng comment at votes. LOOK!

Number 1 na sa Pinoy Ranking ang LWMSB. Thank you so much guys ♡

And BTW madami akong nareceive na reactions sa previous chapter tungkol sa baka mamatay kuno si Eisen. Share ko lang sa mga new readers ko. Way back April 1st this year may inupload ako na prank chapter kung saan namatay si Eisen after niyang malaglag sa yate.

Kaya dalawa yung chapter 22 sa story ko, nakadraft na lang siya ngayon kasi naka unpublish siya. And sobrang kayong matatawa sa mga comments dahil may mga naiyak sa ending kunong LWMSB. xD

And guys sa mga nagrereklamo kung bakit andami pang masasamang nangyayari kay Eisen. Syempre ako ang main antagonist papahirapan ko muna siya bago siya maging masaya. Pero I’ll make sure na malapit na ang puro romance chapters. Malapit niyo nang malaman kung sino ba talaga ang makakatuluyan niya.

And IMPORTANT QUESTION, kung sino man ang nakakakilala sa thai model na to. Accidentally ko lang siyang nakita sa FB at hindi ko alam name niya.

Promise wala akong matinong pic niya puro ganyan lang hahaha. Please tell me kung kilala nyo siya kasi siya yung pinaka navivisualize ko as Darius. YEP, after ng LWMSB ay may gagawin akong SSPG na story tungkol kay Darius at Kree. When I say SSPG halos lahat ng chapters may sex-scenes. Please comment kung kilala nyo siya.

Sorry sa mahabang Author’s Note. Please don’t forget to vote and leave a comment.

Edited by RJEM16

Chapter 27: Can’t resist you

Joss as Jules

Eisen’s POV

Hindi pa rin ako makapaniwala sa natuklasan ko. Sino ba naman ang mag-aakalang na kay Jules ang nawawala kong ID noong nasa grade school pa lang ako. Napaisip ako nang mabuti kung papaano ko nawala ito. Katakot takot pa naman na sermon ang inabot ko kay mama nang malaman niyang naiwala ko ang ID ko.

“Papano nga pa lang napunta sayo ito?” tanong ko kay Jules at nagbuntong hininga siya bago magsalita.

“Hmm…Nagsimula yun noong nasa grade school pa lang din ako. 1 year pa lang ang nakakalipas since na mag move ako sa Pilipinas from the States. Malaking adjustment ang ginawa ko para makihalubilo sa mga classmates ko noon. Pero ang hirap madalas pa rin akong nabubully sa school kasi nga ang taba taba ko” natigil siya sa pagkwento at biglang natawa. Siguro kung makikita lang ng mga taong nambully sa kanya dati ang hitsura ngayon. Aba malamang sa Alamang mapapanganga na lang sa kagwapuhan ni Jules.

“Kasama ko si Dad noon, sa may QC pa kami nag-iistay nun dahil madalas ang mga business meeting niya sa Metro Manila. Kasama niya ako nang pumunta siya sa isa niyang friend na isang Baranggay Chairman. Naiinip ako dahil walang masyadong special sa lugar at nakakabagot ang palabas sa tv.” Huminto siya nagpakwento at tumingin sa akin sabay ngumiti ng pilyo.

“Inutusan ako ni dad na mag antay na lang sa loob ng kotse habang naglalaro ng gameboy. Pero hindi yun ang ginawa ko, ang ginawa ko ay tinakasan ko ang mga body guard ko. Nakasuot pa ako ng uniform ko noon at saktong malapit sa school ang bahay ng Barangay Chairman kaya nakihalubilo ako sa mga estudyante para hindi ako makita ng mga body guards ko” natawa siya sa sarili niyang kalokohan pero ako ay nanatili lang na nakikinig sa kanya.

“Pagkatapos ay tumingin ako sa paligid, andaming paninda sa labas ng school lalo na yung mga laruan. And I was surprised na makakita ng mga original na booster packs ng Yu-gi-oh!” napahawak ako sa binti niya nang mabanggit niya ang Yu gi oh.

“Wait, naglalaro ka rin pala nun?” mabilis kong tanong.

“Yep” maiksi niyang tugon.

“Meron akong collection ng mga Harpie Ladies at Amazonas dati kaso tinigil ko na ang pagbili ng mga yun kasi sabi ni mama nasasayang lang ang pera ko dun. At kung hindi ko titigilan ay baka daw ilaga niya yun at ipainom lahat sa akin” natawa naman siya sa kwento ko.

“Pero I still have my cards, we can play anytime basta sabihan mo ako!” sabay hawak niya sa kamay ko na nakapatong pa rin pala sa hita niya kaya bigla kong binawi, nakakahiya.

“Ahhh.. ganun ba eh ano pala ang deck mo?” seryoso kong tanong.

“Gusto mong malaman?” mabilis niyang tugon.

“Oo naman” medyo excited kong sagot.

“Look!” sabay nguso niya sa ibabang parte ng katawan niya. Ako naman si tanga tumingin din sa nginunguso niya. Ang tinutukoy niya pala ay DICK hindi DECK. Napatingin tuloy ako ng masama sa kanya dahil sa joke niya. Nag peace sign naman siya at tumawa ng malakas. Ngayon ko lang siya ulit nakitang naging masaya ng ganito simula nang mamatay ang dad niya.

“Pero seriously, you can come to my room to check my decks” sabay ngumiti ng pilyo. Ewan ko ba napangisi na lang din ako sa sinabi niya. At ayoko na titigan ang deck niya daw na mukhang buhay na buhay ngayon kahit nasa loob ng kanyang pantalon. Ewan ko ba kung papano niya nagagawang maturn-on sa pinag-uusapan namin.

“Eh pagkatapos mong makakita ng mga cards?” change topic agad baka san na naman mapunta ang usapan.

“Ahhh.. yun dahil nga natuwa ako binili ko lahat ng booster packs na binibenta nila. Isa-isa kong chineck ang laman and guess what nakakuha ako doon ng Dark Magician of Chaos at Winged Dragon of Ra - Immortal phoenix!”

“Talagaaaa? Puro Ultra rare cards yun. Ang swerte mo naman!” sobrang hirap makakuha ng mga ganong cards, ang chances mo lang ay 1:12 o 1:24.

“Oo, kaso nga lang nang makita ako ng mga grupo ng mga bata na may nakuha akong Ultra rare cards ay gusto nilang ibigay ko na lang daw sa kanila. Syempre hindi ako pumayag kaya nagalit sila sa akin. Tapos tinulak ako ng isang bata kaya natumba ako tapos doon na pumasok yung hero ko” sabay tingin sa akin at ngumiti nang pagkatamis tamis.

Syempre aaminin ko na nakaramdam ako ng kilig nang banggitin niya yung mga salitang HERO KO. Hindi ko alam kung paano ko siya sasagutin dun basta tumingin na lang ako sa pader at tumango.

“Tapos ayun siya yung nakipag away sa mga bata habang ako ay tulala at takot na ding sumali dahil baka masaktan ako. Sobra akong napahanga sa batang yun, kahit malalaki pa sa kanya ang kaaway niya ay nagawang niyang ipagtanggol ang sarili niya pati na rin ako” tumingin siyang muli sa akin at hinawakan ang kamay ko.

“Kaya nagpromise ako sa sarili ko na babawi ako sa kanya at ako naman ang magiging hero niya!” mas humigpit ang hawak niya sa kamay ko kasabay nun ang mabilis na pagkabog ng aking dibdib.

“Sa mga sumunod na araw ay hinanap namin ang address ng batang nasa ID pero nakalipat na daw sila ng bahay kaya naman nang makita ko siyang muli ay hinding hindi ko na siya pakakawalan” alam kong ako yung tinutukoy niya sa kwento niya. Sino ba naman ang mag aakalang si Jules ang dating batang mataba na lalampa lampa tapos ngayon ay ubod na ng ganda ng katawan at napakagwapo pa.

“Pero hindi na ako pwedeng mag-stay dito!” ewan ko ba kung bakit ko biglang nasabi ang mga salitang yun.

“Sino naman ang may sabi sayo? Mas kailangan mong mag stay dito kasi wala ka nang makakasama sa buhay. That’s why I’m here. Hindi kita iiwan!” seryoso niyang sambit.

“Pero” napatigil ako sa pagsasalita nang idikit niya ang kanyang hintuturo sa aking labi para hindi ako makapagsalita.

“Isa pang salita hahalikan na talaga kita!” pagbabanta niya kaya naman nanatili na lang akong tahimik.

“So ayaw mo talagang halikan kita?” tanong niya habang nakangisi.

“Ehh ikaw kasi pa-” hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang ilapit niyang muli ang kanyang labi sa aking labi. Sa pagkakataong ito ay naging mainit ang pagkakahalik niya sa akin. Halos maubusan ako ng hininga sa ginagawa niya. Hindi siya makapagpigil at nagawa niyang itulak ako sa kama para mapahiga at agad naman siyang pumatong sa ibabaw ko. Ramdam ko ang kanyang hinaharap na dahan dahan niyang kinikiskis sa aking tiyan. Ramdam na ramdam ko ang katigasan nito na mas lalo pang lumalaki habang tumatagal. Buti na lang at kaya ko pang pigilan ang sarili ko kaya naitulak ko siya nang mahina para itigil ang ginagawa namin.

“I guess, hindi pa pwede kasi hindi pa tayo. Pero I’ll make sure na magiging akin ka na soon enough!” sabay halik sa aking ilong.

“Paano ka naman nakakasiguro?” pabebe kong sagot.

“Araw araw kitang liligawan hanggang sa bumigay ka na sa akin. Pero I think ilang araw lang ang bibilangin ko dun” naupo na siya sa gilid ng kama habang nakangiti sa akin at hinampas ko siya ng unan.

“Talaga lang ahhh?” sabay bato ng unan sa mukha niya at tumawa naman siya.

“Oo naman ako pa ba? Saka magaling ako promise!” ngumiti naman siya ng pilyo kaya hinagis kong muli ang unan na nasa tabi ko.

“Oo na umalis kana!” saka naman siya tumayo at nagtungo sa pinto habang tumatawa.

“Siguro bukas or within this week bibigay ka na agad sa akin” sabay tawa, naasar ako sa pagiging presko niya pero natatawa na din ako sa way nang pagmamayabang niya.

“Ang kapal mo!” naiinis kunwari pero medyo kinikilig na talaga ako sa mga hirit ni Jules.

“I love you too!” sigaw niya habang sinara ang pinto ng aking kwarto. Grabe hindi man lang niya naisip na baka marinig siya ng mga kapatid niya.

Haay.. ewan ko ba bat ambilis ng mga pangyayari. Hindi pa ako completely na nakakkamove on kay Josh tapos hanggang ngayon ay nalulungkot pa rin ako sa pagkamatay ni mama. Kaya naman hindi ko alam kong dapat ba akong magsimula ng panibagong relasyon. Mukhang honest naman si Jules sa feelings niya. At sinong mag aakala na magkikita kaming muli after nang mangyari noong grade school pa ako. Hindi ko alam, naguguluhan pa rin ako. Pero kung tutuusin ay wala namang masama sa ginagawa namin kasi pareho naman kaming single ngayon. Ahh bahala na.

Inayos ko na lang muli ang mga damit na kaninang inimpake ko. Tama naman si Jules, mahihirapan din akong mamuhay mag isa dahil lagi akong nakadepende kay mama ever since. Kung makikitira pa ako sa mga kamag anak ko sa Caloocan baka kung anong sermon pa abutin ko dun kasi alam ko namang hindi sila okay ni mama nang last naming pagkikita. Tatanawin ko na lang na malaking utang na loob ang pagtira ko dito sa mansion pati na rin ang pagpapa aral nila sa akin. Mag-aaral na lang ako nang mabuti para naman pagnakakuha ako nang magandang trabaho ay maibabalik ko sa kanila ang mga naitulong nila sa akin.

Lumipas ang ilang araw at tinotoo nga ni Jules ang panliligaw niya sa akin. Maliban sa paghatid sundo niya sa akin sa school. Pinakilala niya din ako sa team niya sa basketball bilang soon to be boyfriend niya. Like seriously, napanganga talaga ako nang sabihin niya yun. Yung iba ay nagtawanan, ang iba ay open-minded sa bagay na yun at yung iba ay walang pake. Pulang pula talaga ang mukha ko noon kasi hindi ko inaasahang sasabihin niya yun sa harap ng team niya. Expected ko ay isasama niya lang ako sa practice nila at manonood lang ako pero ginawa niya yun kaya sobrang nakakahiya. Kapag naglalakad naman kami sa hallway minsan aakbayan niya ako o kaya hahawakan niya ang kamay ko. As in, wala siyang pakialam sa mga taong nakatingin sa amin. Para akong may ka holding hands na artisita dahil sa tuwing ginagawa niya yun at napakaraming taong nagtitinginan sa amin. Ang tanging nagagawa ko na lang ay yumuko dahil nahihiya ako sa dami nang nakakakilala sa kanya. May mga babaeng naghihiyawan sa kilig, may mga naiinis at yung iba ay sadyang kaibigan niya na kinakantiyawan siya.

Walang pakialam si Jules sa mga sasabihin ng iba tungkol sa kanya. Ang tanging sabi niya sa akin ay gusto niyang malaman ng buong campus na ako daw ang mahal niya. Na wala na dapat lumapit sa kanya dahil may nakakuha na ng puso niya. Hindi ko alam kung papano pipigilan ang sarili kong wag ma-fall agad sa kanya. Kung araw-araw ba naman niyang pinadarama sa akin na sobrang special ko ay sobra naman talagang nakakataba ng puso. May isang pagkakataon na nagpapractice pa si Jules at gusto niyang daanan ko siya sa practice niya para sabay kaming umuwi pero bago pa man ako makarating ng gymnasium ay may humarang sa akin na isang lalaking nakasuot ng malaking salamin.

“Ahhmm… ikaw ba si Ei-Eisen?” tanong niya na mukhang nahihiya pa ata.

“Ahh.. Ako nga bakit?” nakakailang yung tingin niya.

“Ehh kasi matagal ko nang ano…” hindi niya matuloy ang sinasabi niya at napapakamot ulo siya.

“Ahh ehh ano ba yun?” wala akong time makipaghulaan sa lalaking to baka inaantay na ako ni Jules.

“Eh kasi matagal ko nang gusto makausap si ano… si Jules kaso lagi niya akong iniiwasan. Kung pu-pwede sana ibigay mo to sa kanya?” sabay abot ng isang maliit na paper bag na mukhang regalo ang laman. Ayun lang naman pala ang gusto niyang sabihin at di pa masabi nang maayos. Aabutin ko na sana nang biglang dumating si Jules at hinawi ang kamay ko.

“Thank you you pero hindi ko matatanggap yan” biglang sambit ni Jules.

“Hey, pero…” hindi ko pa man nasasabi ang gusto kong sabihin nang hatakin na ako ni Jules papalayo.

“JULES, I LOVE YOU!!!” sigaw ng binata na ikinagulat ko. OMG, don’t tell me na nagconfess na sa kanya before ang binata na to. Pero hindi man lang siya nilingon ni Jules at hawak hawak ang aking kamay na hinila hanggang makarating kami kung nasaan ang kotse niya.

Pagkarating namin ay agad niya akong pinagbuksan ng pinto ng sasakyan at agad naman akong pumasok sa loob. Pagkatapos kong makapasok ay sumunod din naman siya. Hindi ko mapigilan ang aking sarili na tanungin siya tungkol sa nangyari.

“Ahh Jules bat di mo man lang tinanggap yung regalo niya?” kasalukuyang naghuhubad siya ngayon ng basketball shirt niya at tinupi saka nilagay sa backseat ng kotse. Nangingintab ang pawis sa kanyang dibdib hanggang sa kanyang mga abs. Hindi ko mapigilan ang sarili kong mapalunok laway habang tinititigan ko siya sa ganong ayos.

“Ayokong umasa siya na magugustuhan ko siya at alam naman na niya na ikaw ang gusto ko. Atsaka…” hindi niya tinuloy ang pagsasalita at nagpunas siya ng mga pawis sa kanyang katawan.

“Atsaka ano?” tanong ko pero yung mata ko ay nakatitig pa rin sa kanyang katawan. Sa kanilang magkakapatid, si Jules ang may pinakamagandang hubog ng katawan. Batak sa araw araw na pagbabasket ball at pagwowork out sa gym.

“Atsaka ayokong magselos ka!” seryoso niyang sabi.

“Ayy wow, syempre hindi naman ako magseselos sa ganun” bigla niyang binuksan ang pinto ng kotse.

“Ohh san ka pupunta?” bigla kong tanong.

“Edi babalikan ko siya at kukunin yung regalo.. hindi ka naman pala magseselos” halata ang pagtatampo sa kanyang boses.

“Biro lang ito naman!” hinatak ko ang kamay niya para hindi na siya tuluyang makalabas ng kotse. Agad naman niyang isinara ito. Inabot niya sa akin ang towel na pinamumunas niya ng pawis.

“Dahil diyan dapat punasan mo ang likod ko!” hindi na ako sumagot at pinunasan ko na lang ang pawis sa likod niya. Pagkatapos ay nagsuot siya ng seat belt at pinatakbo ang sasakyan.

“Seryoso ka?” bigla kong tanong.

“Saan?” nagtataka niyang tanong habang nasa daan ang kanyang paningin.

“Hindi ka talaga magsusuot ng Tshirt man lang? Papasukin ng lamig yang katawan mo, pawis na pawis ka pa naman kanina!” papano ba naman nagdadrive siya ng naka topless lang. Okay sana kung hindi siya pinagpawisan ng husto kanina eh.

“Okay lang sa akin. Kasi pag ganito yung ayos ko nakukuha ko ang full attention mo!” sabay kindat sa akin at ngumiti. Shit so napapansin niya pala yung malalagkit kong tingin kapag nakatopless lang siya. Nakakahiya.

“Ahh basta mag Tshirt ka!” binaling ko sa daan ang paningin ko kasi nakakadistract naman talaga yung abs niya.

“Nasa likod yung bag ko eh at nandun yung white shirt ko. Pwedeng pakuha na lang please” kinuha ko naman ang bag sa back seat at hinanap ang white shirt saka inabot sa kanya. Hininto naman niya agad sa tabi ng daan ang kanyang sasakyan.

“Isuot mo na sa akin” nilapit niya ang kanyang ulo.

“Haa?” napaatras ako bigla.

“Don’t tell me na sa paghuhubad ka lang ng damit magaling?” lumalabas na naman ang pagiging pilyo niya.

“Sira…ano ka bata?” kunwaring naiinis kong sambit.

“Yep, I’ll be your baby from now on!” saka niya ako nginitian nang pagkatamis tamis. Ngumiti na lang din ako at isinuot sa kanya ang tshirt. Pagkatapos niyang masuot ay hinalikan niya ako sa ilong.

“You’re so cute!” nagsuot na siya ng seat belt at pinatakbo muli ang sasakyan.

Ilang minuto rin ay nakarating na kami sa mansion. Kanya kanya kaming pasok sa sarili naming kwarto at nagbihis para makakain na ng dinner. Hindi na magiging kagaya ng dati ang dinner namin simula nang ikasal si Josh. Habang tumatagal ay nasasanay na din kami sa luto ni manang. Hindi namin kasabay si Jethro kumain dahil may trabaho pang inaasikaso. Sobrang busy niya lately, halos Hi-Hello na lang ang nagiging usapan namin kahit nakatira kami sa iisang mansion. Balita ko pa ay kakabreak lang nila ni Annabelle, totoo niyan naaawa talaga ako sa kalagayan niya kasi parang pasan na niya lahat ng responsibilidad simula nang mamatay si Tito Barry.

Pagkatapos naming kumain ay mabilis na umakyat si Jules sa kanyang kwarto dahil may kailangan daw siyang tapusing homework at magrereview para sa exam. Hindi ko naman na siya inistorbo kaya nagtungo na lang din ako sa kwarto ko pero bago pa man ako makapasok ay narinig ko na humihingi ng kape si Jethro kaya naman ako na ang nagpresentang magtimpla ng kape para sa kaniya. Para naman kahit papano ay makatulong ako sa kanya kahit sa simpleng bagay gaya nito. Bigla kong naalala na wala pa palang kinakain si Jethro kaya masamang uminom kaagad siya ng kape. Kaya naman naghalungkat ako ng pagkain sa ref at sakto nakakita ako ng cake. Alam ko naman kasing hindi siya makakain ng kanin sa mga oras na to. Kaya naman kahit papano ay magkalaman ang kanyang tiyan sa cake na to.

Pagkatapos kong makakuha ng isang slice at makapagtimpla ng kape ay agad akong pumunta sa kwarto niya. Hindi na ako nakapagkatok at agad na akong pumasok. Kitang kita ko kung gaano siya ka busy sa trabaho. Tumingin siya sa akin at halatang gulat siya na ako ang nagdala ng kape niya.

“Ohh anong ginawa mo dito?” tanong niya.

“Pinag timpla kita ng kape at dinalhan ng cake” patuloy siyang nagtatype sa keyboard na para bang robot na naka auto pilot.

“Hindi ko rin makakakain yan kasi halos di ko mabitawan ang keyboard” sagot niya at patuloy siya sa pagtatype.

“Susubuan na lang kita” kinuha ko ang kutsara at saka ako kumuha ng cake at isinubo sa kanya pero hindi naman siya ngumanganga.

“Edi wag!” inis kong sambit at ilalayo ko na sana ang kutsara nang bigla niyang isubo ito at kinain ang cake. Ang cute niyang pagmasdan dahil mukhang nahihiya pa siyang nguyain ito. Siguro first time niyang may nagsusubo sa kanya.

Hinayaan niya lang ako na subuan siya habang patuloy siya sa pagtatype sa keyboard. Para siyang bata na sinusubuan ng pagkain habang naglalaro sa computer. Bat parang nanay ako ngayong araw na nag.aasikaso sa mga bata? Naubos niya rin agad ang cake at natapos na siya sa kakatype. Saka niya lang iinumin ang kape na sa tingin ko ay medyo malamig na.

“Gusto mo palitan ko na lang yang kape kasi mukhang malamig na?” kukunin ko na sana ang kape pero hinawakan niya ang kamay ko.

“There’s no need for that. Okay na to, salamat!” atsaka naman niya ininom ang kape hanggang sa maubos ito.

Nagpatuloy na naman siya pagtatrabaho na para bang wala itong katapusan. Niligpit ko ang baso at pinggan na pinaglagyan ng cake. Aakma na sana akong lalabas nang bigla niyang hawakan ang kamay ko para pigilan akong umalis.

“Ba-bakit?” tanong ko.

“Wala ka ba talagang naaalala?” tanong niya.

“Naaalala tungkol saan? Mabilis kong tugon.

“Sa ating dalawa” seryoso niyang sambit at bigla akong napalunok laway.

“Ahhmm.. yung tungkol ba to sa nangyari sa atin sa yate? Hayaan mo na yun, kalimutan na natin yun!” ramdam ko ang pamumula ng pisnge ko. Kasi bat bigla bigla niyang i-oopen yung tungkol dun. Baka gusto niyang gawin namin ulit? OMG.

“No, I mean bago ka makarating sa mansion?” pinilit kong intindihin kong anong ibig sabihin niya pero wala rin akong maalala na nagkita na kami before.

“Ahh… sorry wala eh” halata sa mukha niya ang pagkadismaya.

“Ahh nevermind, you know what I just want you to be happy. Sana masaya ka ngayon!” halata ang mga pilit niyang ngiti pero sinuklian ko na lang din siya nang pagngiti at nagpasalamat.

Hanggang sa paglabas ko ng kwarto ay naging palaisipan sa akin kung ano ang ibig sabihin ni Jethro pero wala talagang pumasok sa aking isipan. Pagkarating ko sa kusina ay agad kong hinugasan ang tasa at pinggan pati na rin ang kutsara. Gusto sana ng maid na siya na ang maghugas pero di ko siya pinansin dahil iba ang nasa isipan ko ngayon. Nang matapos kong hugasan ang mga ito ay nagtungo sa aking kwarto para makapagpahinga.

Pagkapasok ko ng aking kwarto ay naabutan kong nakahiga sa kama ko si Jules. Walang siyang ibang suot maliban sa boxer shorts niya na ginagamit niyang pantulog.

“A-anong ginagawa mo dito?” tanong ko kaagad.

“Where have you been? Kanina pa kita inaantay dito” di man lang niya nasagot ang tanong ko.

“Bat ka nga nandito?” tanong ko ulit.

“Ang sungit mo naman..gusto lang kitang makatabing matulog!” dumapa siya na parang wala talagang balak umalis sa kama ko.

“Seryoso ka? Makulit akong matulog” totoo yun ewan ko ba kung papano nakatiis sakin si Josh pag nagtatabi kaming matulog. Hayy Josh again.

“Edi yayakapin na lang kita para hindi ka maglikot likot” mukhang wala talaga siyang balak umalis kaya nahiga na lang din ako sa tabi niya.

“Tabi lang tayo matutulog ahh!” paalala ko sa kanya baka kasi sa iba na naman mauwi ito.

“Oo naman” sabay akap sa akin.

Hinayaan ko na lang siyang yakapin ako at pinikit ko ang aking mga mata nang bigla siyang magsalitang muli.

“Asan na yung goodnight kiss ko?” lumingon ako sa kanya para paalalahan siyang muli pero nang ibubuka ko pa lang ang bibig ko ay bigla na lang niya akong hinalikan.

“Wag ka na magsalita! Kiss lang naman ang hinihingi ko” at pumikit na kaagad ang loko.

Gaya niya ay natulog na din ako.

Hindi ko alam kung gaano ako katagal na nakatulog. Nakatalikod na ako ngayon kay Jules pero nakaakap pa rin siya sa akin. Hinayaan ko na lang at pumikit muli. Hindi nagtagal nang makaramdam ako na parang may matigas na bagay sa pwetan ko. Dahan dahan itong kumikiskis sa pwet ko. Kung tama ang hinala ko ay yun ay ang….

“Eisen, gising ka pa?” tanging ungol lang na parang naalimpungatan ang sinagot ko. Laking gulat ko nang bigla siyang pumatong sa ibabaw ko.

“I’m so sorry…. I just cant help it!” alam ko na ang ibig niyang sabihin.

“Wait..wait Jules!” bigla na lang niya akong siniil ng halik na halos maubos ang aking hininga. Kasabay nun ang paggalugad ng kanyang dila sa loob ng aking bibig. Bumaba ang halik niya sa aking leeg na may kasamang mahihinang kagat at sipsip. Sobrang sarap sa pakiramdam. Bigla na lang niyang tinaas ang tshirt ko at walang sabing sinipsip ang aking dibdib. Mababaliw ako sa sarap sa ginagawa niyang pagpapaligaya sa akin. Hindi ako magkamayaw sa kakasabunot sa buhok niya dahil ang sarap niya sumipsip ng dibdib. Hindi ko mapigilang magpakawala ng malakas na ungol.

Nang biglang may kumatok sa aking pinto.

“Eisen? Gising ka pa ba? Gusto sana kitang makausap” boses ni Jethro. Sasagot na sana ako nang biglang takpan ni Jules ang bibig ko at patuloy parin siya sa pagkain at pagsipsip sa dibdin ko na halos ikabaliw ko sa sarap.

Bumalik ang mga halik ni Jules sa aking labi at dahan dahan niyang hinuhubad ang pang ibaba kong kasuotan. Mapusok ang bawat galaw ng kanyang labi. Nagtagumpay siya sa pagtanggal ng mga saplot ko sa katawan. Nagsimula na rin siyang maghubad ng boxer, laking gulat ko nang dahan dahang bumubukas ang pinto ng aking kwarto.

SHIIIIT!!!!!

Itutuloy……

PLEASE READ! A/N: Ngayon pa lang nagsosorry na ako. Hindi ako inspired magsulat ngayon and hopefully hindi siya nakaapekto sa quality ng story. Wala talaga ako sa mood mag-update pero dahil weekly kayong nag aabang kaya ginawa ko to. Nakaset to auto pilot ang kamay ko kaya ewan ko lang kong dama ninyo ang emotion sa story xD sorry na agad!

And to my new readers, sorry to tell you guys once a week lang talaga ako mag update tuwing sat or sun lang. Kapag weekdays may work po ako tuwing gabi. Ang trabaho ko ay mag review ng email, minimum of 1,600 emails (FOR REAL) kaya pag uwi ko sa bahay tinutulog ko na lang madalas dahil masakit sa mata.

#TeamJules or #TeamJethro

Let me know your thoughts in the comment section. And please don’t forget to Vote. LWMSB is still no. 1 in Pinoy Category.

Thank you ♡

Edited by RJEM16

Chapter 28: Satisfaction

Warning : SSPG. Read it at your own risk!

Joss as Jules

Eisen’s POV

Dahan dahan ang pagbukas ng pinto ng aking kwarto at bawat sandali ng pagbukas nito ay siya ring pagbilis ng tibok ng aking puso. Hindi ko alam kung anong kamunduhang sumapi kay Jules at sobrang tinamaan siya ng libog. Bago mabuksan ng tuluyan ang pinto ng aking kwarto ay may biglang tumunog na cellphone. At dahil doon ay biglang sinara ni Jethro ang pintuan. Malamang sa kanyang phone ang tumunog kaya bigla niya itong sinarado.

Ngayon ay kaming dalawa na lang ni Jules ang nasa loob ng aking kwarto. Pakiramdam ko ay bahagya nang namamaga ang aking mga dibdib sa walang sawa niyang pagsuso sa mga ito. Maya-maya pa ay umakyat na ang mga halik niya sa aking leeg hanggang pabalik sa aking mga labi. Halos malunod ako sa ginagawa niyang paghalik. Kasabay nito ang pagkiskis ng kanyang hinaharap sa akin. Hinawakan niya ang aming ari gamit ang isang niyang kamay at magkasabay niya itong tinaas-baba. Ang sarap sa pakiramdam at sa kauna-unahang pagkakataon ko pa lang ito naranasan.

Lumipat ang kanyang halik sa aking tenga. Ang isa niyang kamay na walang tigil sa pagtaas baba sa aming mga ari at ang isa nama’y nilalaro ang aking butas. Halos mabaliw ako sa ginagawang pagpapaligaya ni Jules. Oo nga, tama nga siya magaling siya sa bagay na ito. Kaya hindi na rin ako nagtataka kung bakit maraming babae ang nagkakandarapa sa kanya. Ang sarap sa pakiramdam habang tinataas baba niya ang aming mga ari at sinasabayan niya ito ng pag ulos na lalong nagkikiskis sa aming mga ari.

Hindi rin nagtagal at nakaramdam ako na malapit na akong labasan. Pinipilit kong wag munang ilabas to dahil ayoko rin namang madismaya sa akin si Jules dahil ambilis kong magpalabas. Pero sa bawat pagtaas-baba niya ay lalo kong nararamdaman na papalapit na talaga ako at hindi ko na kayang pigilan.

“Agghhh.. Jules..ahhhh…malapit na akooo!” panay ang halik niya sa aking panga patungo sa aking leeg.

“Sige saglit lang sabay tayo..malapit na din akooo!” tugon niya na halos habol na habol na rin ang paghinga. Hindi ko alam kung masasabayan ko pa siya kasi pakiramdam ko ay nasa dulo na ng ari ko ang lalabas na katas.

“Hindiii ko na mapigilan… ahhh ayan na akoo!” at doon na sumabog ang aking katas.

“Heto na rin akoo aggghh!” kasunod nun ang pagputok ng kay Jules na umabot pa ang ilan sa aking dibdib. Isa, dalawa,tatlo haggang sa pito ang naramdaman kong inilabas niya.

Parang hindi man lang siya napagod sa ginawa namin kasi ngiting ngiti pa siya ngayon sa akin na para bang first time makaranas ng sex. Siguro sa kapwa niya lalaki kasi alam ko namang straight pa sa ruler itong si Jules pero nagbago ang lahat dahil sa akin.

“Ready for the real one?” napanganga na lang ako sa tanong niya. So warm-up pa lang yun? Walang sabing nilikom niya ang magkahalo naming katas na nagkalat sa aking tiyan at pinahid niya ito sa kanyang naghuhumindig na pagkalalaki. Ang iba naman ay pinahid niya sa aking lagusan. Maya-maya pa ay binuka niya ng husto ang aking mga hita at saka niya itinutok sa aking lagusan ang kanyang ari.

“Ready or not, I’m coming inside you!” pagkasabi niyang yun ay bigla niyang binaon ng sagad ang kanyang ari sa loob ng aking lagusan. Hindi ko napigilang mapahiyaw ng malakas sa ginawa niya iyon. Magkahalong kirot at sarap ang aking naramdaman sa biglaan niyang pagbaon sa aking kaloob looban. Hanggang sa patuloy na siyang naglabas masok sa akin.

Ang mga tumalsik na katas sa aking dibdib ay kinuha niya gamit ang kanyang daliri at ipanasubo sa akin. Doon ko nalasahan ang kayang katas na paulit ulit niya pinapatikim hanggang sa masimot ang mga tumalsik sa aking dibdib at pagkatapos nun ay hinalikan niya akong muli. Wala siyang pake kung matitikman man niya ang sarili niyang katas.

Ramdam ko pa rin ang kirot sa bawat pag ulos niya. Hindi nagkakalayo ang laki ng kanyang ari kay Josh. Pero mas mataba ang kanya kaya pakiramdam ko ay punong puno ang kaloob looban ko. Nakapatong na ang kaniyang mga kamay aking balikat para mas lalo pa niyang maibaon ng husto ang kanyang pagkalalaki.

“Damn Eisen! You’re so tight.. sakal na sakal ang titi kooo!” kasabay nun ang matinding pag ulos na may halong panggigigil na halos mapahiyaw ako sa sakit at sarap. Bawat pagdiin niya ay ibayong ligaya ang aking nadarama. Na para bang may tinatamaan siya sa aking kalooban na nagpapaligaya sa akin ng husto. Hindi ko napigilan ang aking sarili na mapakapit sa kanyang leeg at salubungin ang kanyang pag ulos.

Ilang sandali pa ay ipinatong na niya ang aking mga hita sa kanyang balikat para mas lalong maibaon ang kanyang pagkalaki. Bawat pag ulos niya ay halos ikabaliw ko sa ligaya. Ang sarap sarap sa pakiramdam at hinding hindi ako magsasawang ulit ulitin ito..

“I’m going to be a dad soon!” bigla niyang sabi. Wait, wag mong sabihin na nabuntis mo si Andrea at ngayon kung kelan nagugustuhan na kita ay sasabihin mong magiging tatay kana?

Bahagya ko siyang naitulak para huminto sa ginagawa niya. At agad naman siya napabungisngis atsaka bumulong sa aking tenga.

“Kasi ipuputok ko to sa loob mo!” sa sinabi niyang yun ay gusto ko siyang sapakin sa nerbyos akala ko naman kung ano na. Ilang segundo lang ang lumipas at pabilis na nang pabilis ang pag ulos niya hanggang sa.

“I’m cumming ahhhhh!” kasabay nun ang pagputok ng kanyang katas sa loob ko. Ngayon ko lang muling naramdaman ang maiinit na katas na halos pumuno sa loob ng lagusan ko.

Dahan-dahan niyang binunot ang kanyang ari at naupo sa gilid ng kama. Maya-maya ay tumayo siya at inabot ang pitsel na may lamang tubig at sinalin sa baso para uminom. Ramdam ko ang unti-unting pag agos ng kaniyang tamod sa aking lagusan habang pinapanood ko siyang lumalagok ng tubig. Pagkatapos niyang makainom ng tubig ay dahan-dahan siyang lumapit sa kama. Kitang kita kong nangingintab ang kanyang katawan sa pawis na lalong nagpalakas ng kanyang dating. Napangisi naman siya nang mapansin niyang titig na titig ako sa kanyang katawan.

“Another round?” pilyo niyang tanong. Nagulat ako nang makita kong tigas na tigas pa rin ang kanyang ari.

“Hindi ka pa ba napapagod?” naupo siya sa gilid ng aking kama.

“Bakit ayaw mo na ba?” tanong niya habang tinataas baba niya ang kanyang ari.

“Hindi naman sa ganun pero kasi..” hindi pa man ako tapos magsalit ay pinigilan niya ang aking bibig gamit ang hintuturo niya

“Wag ka na magsalita, upuan mo na lang ako!” hindi ko alam pero iba ang tama sa akin ni Jules. Parang may kung anong bagay sa loob ko na nagpapasiklab ng emosyon ko at nagdadagdagan ng kalibugan ko. Jules anong ginawa mo?

Lumapit ako sa kanya, paharap akong naupo sa kanyang galit na galit na ari. Ramdam ko ang ulo nito na unti unting tumatama sa lagusan ko hanggang sa makapasok ang pinakaulo nito nang biglang humawak sa tagiliran ko si Jules at biglang hinala ako pababa para mabaon ng husto. Mahinang hiyaw ang lumabas sa aking bibig.

“Ba-bakit ba lagi mong binibigla? Ang sakit kaya!” sabi ko sa kanya habang nakapatong ang aking baba sa kanyang balikat habang hinahabol ang aking hininga.

“Sorry na! Ang sarap mo kasi kaya hindi ko mapigilan” sabay halik niya sa aking leeg. Inayos ko naman ang aking sarili at saka ako humawak sa kanyang mga balikat na bilang hudyat na handa na ako. At doon na ako nagsimulang magtaas baba sa kanyang ari. Mas ramdam ko ang sarap sa ganitong posisyon at kitang kita ko ang reaksyon ni Jules sa bawat pagtaas baba ko sa ari niya.

Hinawakan niya ang likod ng aking ulo para mailapit ang mukha ko sa mukha niya at sinimulan naming maghalikan. Sinasalubong niya ang bawat pagbaba ko sa kanyang ari na sobrang sarap naman sa pakiramdam. Nang makaramdam ako ng pangangalay sa aming posisyon ay agad naman niya akong pinadapa sa gilid ng kama habang nakaluhod ang aking mga tuhod sa sahig. Pinasok niya ako sa ganong posisyon, hawak hawak niya ang magkabilang kamay ko at walang sawang ginagalugad ang kaloob looban ng aking bibig gamit ang kanyang dila.

Sobrang sarap ng pakiramdam ko ngayong gabi sana hindi na matapos ang ganitong kaligayahang nararamdaman ko. Sa bawat ulos ni Jules ay para akong nauulol sa sarap. Pero hindi rin nagtagal at parang mararating ko na naman ang sukdulan. Nang biglang hugutin ni Jules ang kanyang ari sa lagusan. Napatingin ako sa kanya dahil nabitin ako sa ginagawa niyang pagpasok sa akin. Pinatihaya niya ako at hiniga nang maayos sa kama. Ibinuka niya nang maayos ang magkabila kong hita at saka itinutok ang kanyang ari pero akala ko ay papasukin na niya akong muli pero hindi.

“So can I have my answer now?” tanong niya sa akin.

“Sagot saan?” tanong ko dahil wala akong ideya sa mga pinagsasabi niya.

“Na sinasagot mo na ako bilang boyfriend mo?” saad niya habang hinahawi ang buhok sa aking mukha.

“Di ba sabi ko naman sayo na ibibigay ko ang kasa-” hindi pa man ako tapos sa pagsasalita nang bigla na naman niya akong pasukin. Ang saraaap!

“Too bad, pag hindi mo ko naging boyfriend hindi mo maeexperience ito!” sabi niya habang ginigiling niyang ang katawan niya at biglang ibabaon ang kanyang ari sa loob ko. Mababaliw na ako sa sobrang sarap.

“Ang alin?” pagmamaang mangan ko.

“This one, and THIS and THIS and THIS!” sunod-sunod na matitinding pag ulos ang ginawa niya na halos mawala na ako sa sarili sa sobrang sarap. Matindi na ang ginagawa niyang paglabas masok sa akin.

“Juulesss….ang saraaap!” di ko mapigilang sabihin sa kanya habang napapapikit.

“What?” tanong niya.

“Ang saraaaap mooo!” naramdaman ko na lang ang mahihina niyang paghalik sa aking leeg kasabay ang mabibilis na pagpasok niya sa akin. Di ko na mapigilan ang aking sarili dahil ilang sandali pa ay lalabasan na ako sa pangalawang pagkakataon.

“And your answer is?” habang patuloy na binibilisan ang pag ayuda. Kasabay nang madidiing paglabas masok niya sa akin ay ang pagsabog ng aking katas at hindi ko na napigilang sabihing.

“Yes! Yes! Yes!” sambit ko kasabay ng huling pagpasok niya sa akin at doon ko na rin naramdaman ang muli niyang pagsabog sa aking lagusan.

Pagod na pagod ako sa mga oras na yun at si Jules namay nakapatong pa rin sa aking ibabaw na hindi man lang hinuhugot ang kanyang ari. Pilit kong nilalabanan ang antok pero kusang pumipikit na ang aking mga mata. Pero bago pa ito tuluyang pumikit ay narinig kong nagsalita si Jules.

“I love you” sambit niya.

“I……love you too” at doon na tuluyang pumikit ang aking mga mata.

Simula nang may mangyari sa aming dalawa ni Jules ay naging official na kaming magkasintahan. Maging ang mga kapatid niya ay alam ang estado ng relasyon naming dalawa. Akala ko nga ay tututol si Jethro sa relasyon namin ni Jules pero ni isang salita ay wala man lang akong narinig mula sa kanya. Kaya naman hindi na naging sekreto ang relasyon namin, di gaya noong naging kami ni Josh.

Kahit sa Uni ay alam na balitang kami ni Jules. Syempre hindi mawawala ang mga inggetera na naiinis at meron ding mga natuwa. Nagkaroon pa nga kami ng fans nang malaman na official na kami. Ang ibig kong sabihin ay may bumuo pa mismo ng fans club para sa aming dalawa. Nakakatuwa lang dahil may mga tao pa rin pa lang nakakaappreciate sa ganitong klase ng relasyon.

Kahit sa mga barkada ni Jules ay hindi niya itinatanggi ang relasyon namin. Mabuti nga at karamihan sa mga tropa niya ay okay pa rin sa ganitong klaseng relasyon namin. Wala namang nagbago sa pakikitungo ng mga tropa niya sa kanya. Minsan nakakasama ko sila at para silang mga siraulong pinagsamasama. Mga grupo ng lalaking gwapo na pilyo at kalog. Basta kapag nakakasama ko sila ay hindi mawawala ang matitinding tawanan.

Batas na batas si Jules sa loob ng campus. Wala siyang pakialam kahit may mga taong nakatingin sa amin. Bigla bigla na lang niya akong yayapusin tapos hahalikan sa labi kahit maraming tao sa paligid. Minsan nga ay ihahatid niya ako sa unang subject class ko. Bago pa man kami maghiwalay ay hahalikan niya muna ako at magpapaalam. Wala siyang pakialam kahit may professor na nakakakita. Ang lagi niyang sinasabi sa akin ay “Ako nagpapasahod sa kanila kaya wag silang makialam!”. Iba talaga pag mayaman.

Hapon na nang matapos ang lahat lahat na klase ko ngayong araw. Nakareceive ako ng text kay Jules na dumaan ng gymnasium para panoorin saglit ang practice nila tapos sabay sa kaming uuwi. Nagreply lang ako ng ‘Ok’ at saka nagtungo sa gymnasium. Bago pa man ako makapasok ng gymnasium ay may biglang tumawag sa phone ko. Hindi registered ang number na to sa aking phone kaya nagdadalawang isip ako na sagutin. Napansin ko na hindi ito usual na number sa pinas at mukhang sa ibang bansa pa ang number na to kaya agad kong sinagot dahil baka emergency.

“Hello Babe?” sambit ng nasa kabilang linya. Kilala ko na agad kung sino ang nagsasalita.

“Josh? Oh bat napatawag ka?” tanong ko naman sa kanya.

“Nabalitaan kong kayo na ni Jules. Hindi ako makakapayag na mapunta ka sa kanya. Babalik ako diyan para kunin ka sa kanya!” sambit niya at saka naman ako nakaramdam ng pagkainis.

“Nasisiraan ka na ba ng ulo? Paano ang asawa’t anak mo?” naiinis kong tanong.

“Oo, masisiraan na talaga ako ng ulo. Dahil sa araw-araw na pamamalagi ko dito ay ikaw at ikaw parin ang naiisip ko! Wala akong asawa at lalung lalo na wala akong anak!” naiinis niyang sagot.

“A-anong ibig mong sabihin?” tanong ko.

“Nalaman ko na na pineke ni Jessica ang DNA test kay Micah. Nang sekreto kong pina DNA test ang buhok naming dalawa ni Micah ay lumalabas sa result na hindi kami magkadugo. Hindi ako ang ama ni Micah!” hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko sa mga sandaling iyon.

“Sinampahan ko na siya ng kaso at nasa proseso na ang divorce naming dalawa. Sa susunod na linggo ay uuwi ako diyan para kunin ka kay Jules!” pagkatapos niyang sabihin ang mga iyon ay biglang naputol ang linya.

Para akong napako sa kinatatayuan ko. Para bang pinaglalaruan ako ng tadhana. Kung hindi pala niloko ni Jessica si Josh malamang hanggang ngayon ay masaya pa rin kaming nagsasama. Pero hindi eh kami na ni Jules at mahal ko si Jules, ahhh naguguluhan na ako sa mga nangyayari.

“What’s wrong?” tanong ni Jules. Hindi ko pala namalayan na nasa loob na ako ng gymnasium.

“Ahh wala medyo napagod lang ako ngayong araw!” pagsisinungaling ko.

“Okay, come here!” pag aya niya sa aking maupo. Pero imbes na paupuin nya ako sa tabi nya ay pinaupo niya ako sa pagitan ng mga hita niya. At saka niya ako niyakap habang nasa likuran ko siya.

“Hindi ka ba naiinitan sa ginagawa mo?” tanong ko habang yakap yakap niya ako.

“Hindi!” sagot niya habang hinahalik halikan niya ang batok at gilid ng leeg ko. Wala siyang pakialam kahit andyan lang sa tabi ang mga ka teammates niya. Ilang beses ko na siyang pinagsabihan na wag gagawin yun pero ewan ko ba wala siyang naririnig.

“Hindi ka na ba magpapractice Jules?” tanong ni Marcus na isa sa mga barkada ni Jules na kasama niya rin sa team. Nagtataka ako kung nasaan ang coach nila ngayon.

“Mamaya na, wala pa naman si Coach at saka kumukuha pa ako ng lakas sa mahal ko!” sabay kagat niya sa tenga ko. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o kikilabutan sa pagkasabi niya ng ‘mahal ko’ kasi napaka unsual niyang sabihin yan.

“Hindi ka ba talaga magpapractice na?” tanong ko sa kanya.

“Mamaya na, magpapainit muna ako” mabilis niyang sagot.

“Haa?” tanging nasabi ko.

“Eto oohh nag-iinit na!” saka ko lang naramdaman ang matigas na bagay sa likuran ko. Kaya bigla ko siyang hinampas sa hita at saka naman siya tumawa.

“Pag di kapa nag practice uuwi na talaga ako!” pagbabanta ko sa kanya.

“Ohhh sige na. Kiss mo muna ako!” utos niya, lumingon muna ako sa paligid kong may mga nakatingin ba sa amin atsaka ko siya hinalikan. Tumayo naman siya at saka inayos ang basketball shorts niya. Shiit bakat na bakat yung harapan niya. Lahat tuloy ng mga taong nanonood na dinaanan niya ay napatingin sa bukol niya. Grabe Jules wala ka ba talagang kahihiyan?

Makalipas ang halos kalahating oras ay natapos din ang kanilang practice. Nauna na ako sa kotse ni Jules dahil nagpaalam siya sa akin na magshashower muna siya. Pero wala pang tatlong minuto nang pumasok siya sa kotse.

“Ohh, ambilis mo naman ata magshower?” tanong ko.

“Hindi na ako magshashower sa mansion na lang” tumango lang ako at saka inayos ang bag namin bago ilagay sa likod ng kotse ni Jules.

“Pamassage naman ako please!” pakiusap niya.

“Mamaya na pagkatapos mong magshower kasi papasukin ng lamig yang katawan mo!” mabilis kong tugon.

“Ehh hindi naman yun eh!” sabay hawak sa kamay ko.

“Eh ano?” habang nakatingin sa kamay ko na hawak hawak na niya ngayon.

“Eto, massage mo!” sabay patong sa hinaharap niya na nagsisimula nang mabuhayan.

Hindi ko alam dito kay Jules sa inaraw araw naming pagsasama parang wala siyang kapaguran sa sex.

“Ayokong gawin dito sa kotse mo!” mariin kong sagot.

“Wala naman makakakita eh.. tinted tong car ko..please!” ayan na naman yung pamatay na pagmamakaawa niya na ang hirap hirap tangihan.

“Eehh kahit na… may makapansin pa na nauumuga yung sasakyan!” tumingin ako sa ibang direksyon para maiwasan ang pagmumukha niya.

“Subo mo na lang!” hirit pa niya.

“Hindi ka pa nagshashower!” mariin kong sagot.

“Pleeease!” binalik niya yung kamay ko sa ari niya na ngayon ay hawak hawak ko na. Paglingon ko sa kanya ay wala na siyang suot na pang itaas at ang basketball shorts at brief niya ay nakababa na hanggang talampakan. At ngayon ay ginagamit na niya sa akin ang weakness ko sa kanya. Yung facial expression niya na para bang lalabasan o sabihin nating cumming face. Shit di ko kayang tangihan.

Ginawa ko na kung anong gusto niya. At ngayon ay yumuko ako para isubo ang naghuhumindig niyang pagkalalaki. Nagtataka ako na hindi ko man lang maayos ang pawis niya. Basta agad ko na lang sinubo ito at doon ko napatunayan na maalat alat nga talaga paggaling basketball. Haha. Hindi ko na pinansin ang naghalong laway at pawis niya basta gagawin ko na lang ito sa ikaliligaya ng taong mahal ko.

Maya-maya pa ay naramdaman ko na naumaandar na ang sasakyan. Nagmamaneho siya habang subo subo ko ang ari niya. Nakaramdam ako ng pangangalay dahil antagal niyang labasan at parang nakakalayo na rin kami sa school nang bigla niyang itigil ang kotse sa tabi ng daan.

“Bat mo tinigil?” tanong ko sa kanya.

“Gustong gusto na kasi kitang pasukin!” nakangisi niyang sambit at saka niya pinahiga ang upuan.

“Dali upuan mo na ako!” hindi na ako nagsayang pa ng oras dahil baka may makapansin pa sa aming ginagawa. Kaya hinubad ko na agad ang pang ibaba kong suot at inupuan ang naghuhumdig niyang ari. Parehas kaming napaungol ng maipasok ng tuluyan.

Mabilisan lang ang ginawa naming pagpapaligaya sa isat isa. Bawat pagbaba ko ay siya namang pagsalubong niya sa akin paitaas. Sobrang sarap makipagsex ni Jules, hinding hindi ako magsasawa sa araw araw niyang pagpapaligaya sa akin.

Hindi rin nagtagal nang parehas kaming umabot sa sukdulan. Sa pagod ko ay napadapa ako sa dibdin ni Jules. Hinalikan niya ang noo ko. At sinabing “I love you” ngumiti ako nag I love you din sa kanya. Bigla na lang niya inabot sa akin ang isang maliit na kahon na kulay pula. Hula ko singsing ang laman nito kaya mabilis kong binuksan at hindi nga ako nagkamali isa nga tong singsing pero nakasabit ito sa kwintas.

“Happy Monthsary!” nakangiting sambit niya. Parang matutunaw ang puso ko. Buti pa siya na alala niya na monthsary na namin ngayon. Hindi ko na kasi nabibilang ang araw kapag kasama ko siya lalu na puro kamunduhan ang nangyayari kapag naiwan kaming mag isa.

“Sorry, wala akong maibibigay sayo… nakalimutan ko.. sorry talaga!” pagpapaumanhin ko pero hinawakan niya lang ang pisnge ko.

“Okay lang yun, promise ring ko pa lang yan sayo. Saka na ako magbibigay ng engagement ring kapag pareho na tayong nakapagtapos ng college. Tapos magpapatayo tayo ng sarili nating bahay para naman nasa iisang kwarto na lang tayo bilang mag asawa at walang makikialam sa ating dalawa. At kahit saang sulok ng bahay ay pwedeng pwede ko nang mapasok to!” sabay himas niya sa aking pwet kaya napalo ko siya sa dibdib.

“Siraulo ka.. at yun lang naman ata ang balak mo eh!” natatawa kong sagot.

“Oo naman ang sarap kaya neto.. pero seryoso kahit gustong gusto na kitang masolo ay hihintayin ko munang marating mo ang pangarap mo bago kita gawing asawa ko!” sobra akong natouch sa sinabi niya. Pagkatapos niyang sabihin ang mga salitang yun ay sinuot niya sa aking leeg ang necklace na may singsing.

“Thank you.. di bale darating din tayo diyan!” sabay punas ng mga namumuong luha sa mata.

“So may balak ka pa bang mag round two?” tanong niya kaya nakurot ko ang nipple niya. Napasigaw naman siya sa sakit o sarap. Ewan ko ba.

“Ehh kasi ayaw mo pang tumayo.. look nasa loob mo pa yung titi ko!” at dun ko lang napansin na hindi pa pala na aalis yung ari ni Jules sa loob ko. Kaya madali akong tumayo at naupo sa sarili kong pwesto. At siya naman ay tawang tawa dahil hindi ako matapos tapos sa kakapunas sa pwet ko.

Makalipas ang isang linggo at nakaisip na din ako ng regalo na ibibihay ko kay Jules. Isa itong customize na bracelet hindi kamahalan pero babagay naman sa uri mga gamit na sinusuot niya. Pagkatapos ng klase ay nagmadali na akong umuwi dahil si Manong Bogart ang magsusundo sa akin dahil walang pasok si Jules at may inaasikaso siyang project sa loob ng mansion. Mabuti na rin yun at mapag iisipan ko pa kung pano siya isusurprise.

Pagkarating ko sa mansion ay agad akong nagtungo sa kwarto ko at nagbihis ng damit. Napansin ko ang isang kulat pula na papel sa ibabaw ng kama ko at may nakasulat na.

COME TO MY ROOM

Scented pa ang papel na gamit. Bigla akong napangiti dahil imbes na ako ang magsusurprise kay Jules ay parang siya pa mismo ang maghanda ng surpresa para sa akin. Kaya naman dali dali akong nagtungo sa kwarto niya bitbit ang bracelet na regalo ko para sa kanya. Hindi naman kalayuan ang kwarto niya dahil katabi lang ito ng kwarto ko. At simula ng maging kami ni Jules ay nakaugalian na naming pumasok sa kanya-kanyang silid kahit hindi na kumakatok. Kaya gaya ng nakasanayan ko ay pumasok ako sa kwarto niya. Pagkapasok ko ay madilim ang paligid dahil nakapatay ang ilaw kaya naman ay binuksan ko ang ilaw. Hindi nga ako nagkamali dahil ako nga mismo ang nasurprise sa nakita ko.

Itutuloy…..

A/N: Surprise update everyone woohoo! First timer lang talaga ako sa pagsusulat and di ko iniexpect na aabot sa 21kplus reads ito at still No. 1 pa rin siya sa Pinoy tag. Thank you guys.

Back to story, I’m sorry to tell you guys pero nasa 6-8 chapters left na lang ang story. Sa next chapter na magkakaroon ng big revealation sa story (spoiler alert). At doon masasagot lahat ng questions nyo pati na kung sino talaga ang makakatuluyan ni Eisen.

Hinahanda ko na nga ang sarili ko sa mga mag a unfollow sa akin. Hahaha. Pero hindi ko naman kasi pwedeng ibigay siya sa lahat ng J Bros. Isa lang dapat kaya kung madisappoint man kayo ay sana patuloy nyo pa ring basahin ang story hanggang end. Balak ko din kasing gawan ng sariling story ang iba pang J Bros.

Ang magiging choices lang ni Eisen ay sina #Jethro #Jules #Josh.

Maaga na akong nag update kasi may lakad ako mamaya. Aantayin ko na lang comments nyo.

Anyway please dont forget to vote and leave a comment!

Edited by RJEM16

Chapter 29: The Vengeful

Bas as Eisen

Eisen’s POV

Bitbit ang regalong dala ko para kay Jules. Nagmamadali akong pumunta sa kaniyang kwarto. Balak ko siyang surpresahin, pero mukhang ako ang masusurpresa sa kanya. Ramdam ko ang kaba at excitement simula nang mabasa ko ang note na iniwan niya sa ibabaw ng aking kama. Pagkarating ko sa harap ng kaniyang kwarto ay dahan dahan kong binuksan ang pinto nito. Madali lang sa akin ang pasukin ang kwarto ni Jules sapagkat simula ng maging kami ni Jules ay nakaugalian na namin na hindi nagka-kandado ng pinto para makapasok ng mabilis ang isat-isa.

Pagkabukas ko ng pinto ay sumambulat kaagad sa akin ang madilim niyang kwarto. Wala akong maaninag sa loob, kahit ang ilaw na nagmumula sa labas ng kanyang kwarto ay hindi nakakatulong kaya naman minabuti kong lapitan ang switch ng ilaw para buksan ito. Dahan-dahan akong lumapit sa switch habang nangangapa ako sa dilim. At nang maabot ko ang switch ay bigla akong napatigil sa pagpindot nito nang may marinig akong kakaiba.

“Ahhhh…..fuck ang sarap nun…. Keep pumping.. I’m cumming sooooon” boses ni Jules. Sa mga oras na to nagagawa pang manood ni Jules ng porn? Seryoso ba siya. Pero mas lalo akong nagulat nang may narinig akong boses ng isang babae.

“Uhhhhmmm… ahhhh…. Please cum inside me!” boses ng isang babae. Doon ko lang napagtanto na may kasamang babae si Jules. Ohh baka naman boses lang ng babae yun sa porn at nagkataon lang.

“I’m cumming….ayan na akooo…ahhhhh….. sarap mo pa ring magpump Sam” sambit ni Jules at sa mga sandaling yun ay pinindot ko na ang switch ng ilaw para makita ko ang kahayupang ginagawa nila.

Hindi nga ako nagkamali, ako nga ang masusorpresa dahil huling huli ko sa akto na may ka-sex na babae si Jules. Nanlumo ako sa nakita ko, kapwa silang gulat ng makita nila akong nakatayo malapit sa switch ng ilaw. Pero biglang nagbago ang mukha ng babae at bigla siyang ngumiti.

“Oohh hello there, baby bro!” ngiting ngiti pa siya at kumindat. Sa mga oras na yun ay gustong gusto ko na siyang sugurin at pagsasampalin pero pinipigilan ko ang sarili ko dahil babae pa rin siya..

“Aa…Ei-sen, I can explain!” nauutal na sambit ni Jules.

“Sige ano pang kasinungalingan ang sasabihin mo sakin ngayon? Aksidenteng naupuan niya yang titi mo tapos bigla kang nilabasan? Ano ako GAGO?” galit kong sabi. Panay na rin ang punas ko sa mga luhang tumutulo sa aking mga mata. Pero mas nananaig ngayon sa akin ang pagkamuhi sa ginawa nilang panloloko sa akin.

“Sobrang namiss mo siguro ako, kaya ka umiiyak ngayon?” natatawa niyang sabi habang nagtatapis siya ng kumot. Galit na galit na ako ng mga oras na yun pero hindi ko alam kung bakit di ko magawang saktan siya. Samantalang itong si Jules ay nakayuko lang na parang wala na sa sarili.

“Bakit naman kita mamimiss?” galit kong sagot.

“FYI. I’m your long lost sister. Not actually lost dahil nagtago lang ako. Perhaps hindi mo pa rin ako naaalala..haha” bigla akong napatigil sa mga sinabi ng babaeng nasa harap ko. Ngayon ko lang napagtanto na may pagkakahawig kaming dalawa. Tila siya yung babaeng version ko na pinamature ng kaunti ang mukha. Titig na titig ako sa pagmumukha niya ng mga oras na yun. Dahil buong pagkatao ko alam ko na nag-iisang anak lang ako nina Papa at Mama.

“Siguro naguguluhan ka pa, wait may tatawagan lang ako ahh!” bigla niyang kinuha ang phone niya na nasa ibabaw ng desk na katabi ng kama. Si Jules naman ay nagsusuot na ng kanyang boxer shorts.

“We’re ready… let’s start the party!” narinig kong sabi ng babae. Pagkatapos magbihis ni Jules ay lumapit siya sa akin at aakmang yakapin ako pero sinalubong ko siya ng malakas na sampal.

“Awww.. ang sakit nun ahhh.. That’s my baby bro!” komento niya at tinitigan ko lang siya ng masama na ikinatawa niya.

Bigla na lang may mga pumasok na mga armadong lalaki sa kwarto ni Jules at pinalibutan kaming dalawa. Tinalian si Jules sa kanyang mga kamay patalikod at ako naman dapat ang isusunod nang magsalita ulit ang babae.

“Wait-wait… wag ninyong gagalawin yan, kapatid ko yan!” utos ng babae.

“What the fuck are you doing Sam? Let me go!” pagpupumiglas ni Jules. Nanlaban siya kaya naman sinikmuraan siya ng isang malaking mamá na balbas sarado. Nagulat ako sa nangyaring iyon, lalapitan ko sana si Jules pero pinigilan ako ng babaeng to.

“Kung makikipag cooperate ka ng maayos, walang masasaktan!” sabi ng babae sabay pisil sa ilong ko na agad ko namang tinapik. Tumawa lang siya at umakbay sa akin.

“Dalhin nyo na sa theatre room yan kasama ng mga iba!” utos niya at walang kahirap hirap na binuhat siya ng isang lalaki at nakasunod naman sa kanya ang mga kasama niya.

“Ano bang ibig sabihin nito?” naiinis kong tanong sa kanya sabay kalas sa kanyang pag akbay.

“Malalaman mo din pagkarating natin sa theatre room.. bat ba galit na galit ka? Ngayon na lang nga tayo ulit nagkita pagkatapos mamatay ni Mama …aawayin mo pa ako?” saad niya habang nagsusuot ng damit na nagkalat sa sahig.

“Itinatanong mo pa….. wait pa-panong?” hindi ko man kilala lahat ng mga pumunta sa lamay ni mama at Tito Barry eh sigurado naman akong wala siya sa mga bumisita doon.

“Wag mong sabihing ikaw yung?” naisip ko agad na siya yung babaeng nakasuot ng malaking shades.

“Yep that was me! Wag ka nang magalit sa akin. Wala naman akong balak na agawin sayo ang boyfriend mo.. tinikman ko lang ulit” sabay tawa ng pagkalandi landi na lalo ko tuloy na ikina inis. Pagkatapos niyang magbihis ay naglagay pa siya ng lipstick sa labi para mas lalong pumula ang kanyang labi.

“Now follow me! Marami tayong dapat pag usapan. I’m sure marami kang questions sa akin. Rest assured na marami tayong time para sa Q & A na yan” galit man ako sa kanya ay mahinahon akong sumunod sa kanya papuntang theatre room. Wala rin naman akong balak tumakas dahil halos bawat sulok ng mansion ay may mga armadong lalaking nakabantay. Hindi pa siguro ako nakakalayo ay mababaril na agad ako ng isa sa mga to.

Pagkarating namin sa harap ng pinto ng theatre room ay sumalubong kaagad sa amin ang mga nakabantay na armadong lalaki. Ang ipinagtataka ko ay bakit sobrang kalmado lang ng mga maids at iba pang tauhan sa mansion. Dapat sa ganitong oras ay tumatawag na sila ng pulis. Masama talaga ang kutob ko sa mga nangyayari. Kahit may pag-aalinlangan ay sumunod ako kay Sam sa loob ng theatre room.

Pagpasok namin sa loob ay agad kong nakita ang magkakapatid na nakatali ang mga kamay sa upuan at may mga takip ang bibig para hindi makapagsalita. Maging si Josh ay nandito, papaano nangyari iyon? Nahihiya akong tumingin ng direcho sa nakakaawang kalagayan nila. Pakiramdam ko kasi ay isa ako sa mga may pakana nito sa kanila. Napansin kong nagsimula nang magpupumiglas si Josh na parang bang sumisigaw siya pero mahinang ungol lang ang maririnig mo dahil sa nakatakip sa kaniyang bibig.

“Mukhang namiss ako ng sobra ni Josh, pakitanggal ng takip niya sa bibig!” utos ni Sam at ganun na nga ang ginawa ng isa sa mga tauhan niya.

“Ahhhh…. EISEN. Wag kang maniniwala sa mga kasinungalingan niya dahil isa siyang….” Hindi pa tapos makapagsalita si Josh nang bigla siyang sinikmuraan ng lalaki at binalik din ang takip sa kanyang bibig. Lalo akong naawa sa kalagayan nila, wala akong magawa kundi ipikit ang aking mata.

“Okay, Thank you! Sa opening remarks mo Joshua. So baby bro have a seat para masimulan na ko na ang presentation ko para sa inyo” naupo ako sa upuang itinuro sa akin ni Sam. At sa sandaling nakaupo na ako ay biglang namatay ang ilaw at tanging ang ilaw na lang sa projector ang nagsisilbing liwanag sa loob ng theatre room.

“Okay so, first things first.. My name is Samantha Ray Fuentes Fuentegelio. Nag-iisang babaeng anak nina Marcocias Fuentegelio at Lyca Fuentes” habang nagsasalita siya naglalabas ng mga larawan ang nasa screen. Kitang kita ng mga mata ko ang mga dating larawan nila Papa at Mama noong magkasintahan pa lang sila hanggang sa nagbuntis si mama. Maniniwala na sana ako sa kanya pero ang alam ko talaga ay Fuentes ang apelyido ni Papa kaya nga Fuentes ang apelyido ko.

“Siguro napansin ninyo na ang pagkakahawig ko kay Eisen nang pumasok siya dito sa mansion. Maliban kay Jethro ay walang nang nakakaalam na kami ni Eisen ay totoong magkapatid!” mas nagulat ako sa sinabi ni Sam na may alam si Jethro tungkol sa pagiging magkapatid namin ni Sam. Hindi ko napigilang lumingon sa kanya at ngayon ay nakatingin na rin siya sa akin na para bang kinakausap niya ako gamit ang kanyang mga mata pero hindi ko maintindihan ko ano ang ibig niyang sabihin.

“Okay, okay…. Enough na ang titigan. Siguro Eisen nagtataka ka kung bakit Fuentes ang apelyido mo imbes na Fuentegelio?” tanong ni Sam sa akin at tanging pagtango lang ang naging sagot ko.

“Fuentegelio naman talaga ang gamit mo since birth pero simula nang magkaroon ng threat sa buhay mo dahil sa demonyong ama ng mga lalaking ito ay pinabago ni Mama ang apelyido mo bilang Fuentes na last name ni mama noong kadalagahan niya” pagpapaliwanag ni Sam.

“Wait…ang labo ehh.. bat kailangang gawin ni mama yun? At saka anong threat sa buhay ko?” litong lito kong tanong. Nag next page ang presentation ni Sam at may lumabas na matandang lalaki. Siguro nasa edad 50 siya nang kinunan ang litratong iyon. Mukha pang foreigner dahil sa features nito.

“Siya si Alexandre Vontius Wells, pwede mo siyang tawaging Lolo. Siya ang founder ng Wells Group of companies. Isa siyang dayuhan galing States at nagsimulang mag negosyo sa Pilipinas. Naging successful ang mga business niya dito at sa loob ng pitong taong pagsusumikap ay nakapagpatayo siya ng sarili niyang kumpaniya. Dahil sa tutok siya sa trabaho ay never siyang nagkainteres magkaroon ng pamilya, ang tanging gusto niya lang ay kumita at kumita. Hanggang sa nakilala niya si Papa noong nagbakasyon siya sa Cebu. Palaboy laboy lang sa kalye si papa noon at walang ginawa kundi magkalakal ng basura.” Patuloy ang pagpapaliwanag niya. Nakaramdam ako ng pagkaawa kay Papa dahil sobrang hirap pala ng dinanas niya noong kabataan niya, samantalang ako puro lalaki ang inaatupag ko, haaay.

“Ulila na si papa noong makita siya ni Lolo Alex. Gusto siyang ampunin kaso tumangi si Papa dahil alam niya ang kapalit nun. Magiging anak siya ng isang mayamang taong hindi naman niya kaano ano at makikinabang siya sa karangyaan na hindi naman niya pinaghirapan. Sobrang mapride talaga ni Papa kung naalala mo pa!” sabi sakin ni Sam at nagpatuloy siyang magsalita.

“Kaya naman nakiusap siya na manilbihan na lang kay Lolo Alex kapalit ng mga bagay na ibibigay sa kanya. Nagtrabaho si Papa bilang personal na alalay ni Lolo Alex sa loob ng mansion. Habang naninilbihan siya sa loob ng mansion ay napagsasabay niya ang pag aaral hanggang sa nakapagtapos siya ng kolehiyo at nagtrabaho sa kumpaniyang pag mamay ari ni Lolo Alex. Gusto sanang gawing Vice President ng kumpaniya ni Lolo si Papa kaso tumanggi si papa dahil gusto niyang makuha ang position sa sarili niyang pagsisikap.” Tumigil siya sa pagsasalita nang mapalitan ang slide ng mukha ni Tito Barry.

“So biglang na lang dumating sa buhay nila si Barry na nagsasabing totoong anak siya ni lolo Alex. Bunga siya sa isang one night stand ni lolo sa isang PUTA!” diniinan niya talaga ang pagkakasabi ng puta at tumingin sa limang magkakapatid.

“Well napatunayan naman talagang dugot laman ni lolo Alex si Barry pero wala pa rin siyang tiwala dito kaya ang mga importanteng tasks ay binibigay niya kay Papa instead sa sarili niyang anak. Nakakitaan na kasi niya agad ito nang pagiging gahaman sa pera at kapangyarihan kaya ayaw niyang ipaubaya sa anak ang kumpaniya” doon nagsimula ang sobrang pagkainggit ni Barry kay Papa. Ilang taon ang lumipas simula nang magsipag asawa si papa at Barry. Nagkaroon ng limang anak si Barry at kayo yun. Samantalang kaming dalawa naman ni Eisen.“ Huminto siya ulit at napangisi nang magpalit ulit sa next slide. Nanlaki ang mata ko nang makita ko ang isang larawan ng isang bata na kalong-kalong ng isang binata habang hinahalikan ang pisngi neto. Kung hindi ako nagkakamali ako yung bata at sino? Sino yung hinahalikan ko sa picture? Si JETHRO?

“Hindi pa rin ba familiar sayo, baby bro? Panoorin mo to!” at tumawa siya nang pagkalandi landi. Saka nag play ang isang lumang video. Mapapanood mo sa video ang isang batang umiiyak habang nagmamakaawa sa kanyang ama.

“PAPA, I LOVE JETHROO… I WANT HIM TO MARRY ME… PLEASE PLEASE PAPA!” sabi ng batang umiiyak sa video. Hindi ako makapaniwala na nagawa ko yan dati. Papaanong wala akong naaalala?

“No you can’t marry him. Your ate will marry him!” sagot naman ni Papa at lalong nagwala ako sa video. Jusko ano bang klaseng bata ako dati?

“Noooo… he’s mine, please please!” pagpupumilit ng ko ayun sa video. Pakiramdam ko pulang pula na ang mga tenga ko sa mga sandaling ito.

“What are you going to do now? Your Ate will marry him, once they become an adult” mukhang nang aasar pa lalo si Papa sa video.

“I’M GOING TO KILL HER!!” sigaw ng bata. Jusko po nasabi ko talaga yun?

“Don’t say that, she’s your…” hindi na natapos si papa sa pagsasalita nang magwala na ako at nag iiyak. Hindi nila ako mapatahan. Panay naman ang tawa nang kumukuha ng video na sa tingin ko ay si Mama dahil sa boses niya.

“Pagsisihan niya talaga mga sinabi niya pagnapanood niya itong video” boses ni Mama. Totoo Ma, gusto ko nang magpakain sa lupa. Buti sana kung kami lang ni Sam ang nanonood eh kasama pa ang magkakapatid susme.

Ang tagal kong umiiyak sa video kaya nagfast forward na si Sam. Nag play ulit ang video nang yakapin ako ni Jethro. Binatang binata pa siya nun, nasa 12 o 13 years pa lang siya. Pero hindi halata dahil sa pangangatawan at tangkad niya. Niyakap niya ako sa video at nagsalita.

“Don’t listen to them okay? Just listen to me” sabay himas sa ulo ko.

“I love you, Jethro. Please marry me!” sabi ko sa video at tiyempo pa nang biglang nagkatinginan kami ni Jethro. Kahit nakatakip ang bibig niya ay parang may gusto siyang sabihin. Nyeta, parang gusto ko na maglaho sa ikinauupuan ko dahil sa labis na kahihiyan.

“Sorry, I can’t marry you” sagot ni Jethro at nalungkot naman ang batang ako sa video.

“Why?” namumuo na ang mga luha ng bata sa video.

“Because we’re too young to get married” sagot ni Jethro habang pinupunasan ang mga tumulong luha ko.

“So paglumaki na ba ako, pakakasalan mo na ako?” tanong ng batang ako sa video. Jusko po parang hindi ko na kayang panoorin ang video sa sobrang kahihiyan.

“Of course, magpo-propose ako sayo kapag nakatapos ka na sa college!” sagot ni Jethro habang nakangiti. At tuwang tuwa naman ang batang malandi. Ay ako nga pala yun, papanong nangyari yun at bakit wala akong maaalala?

“Panindigan mo yan Jethro, sinasabi ko sayo pag ako siningil niyan ni Eisen paglaki niya. Ikaw talaga mananagot sa akin!” dugtong ni Papa. So bata pa lang ako alam na alam na nila na bakla talaga ako. Parang gusto kong maiyak dahil nakakatuwa na kahit ganun ako ay tanggap na tanggap ako ni Papa. Biglang naputol ang video pagkatapos nilang magtawanan.

“So naaalala mo na ang first love mo baby bro?” tawang tawa niyang tanong. Umiiling ako dahil wala akong maalalang ganun at hindi rin ako makatingin sa magkakapatid dahil sa labis na kahihiyan.

“Well, mahirap nga talagang maalala yun dahil nagsa-suffer ka pa rin ng Selective Memory Loss” dugtong ni Sam.

“Anong sabi mo?” tanong ko bigla.

“Wait. Let me explain.. so ganito yun… Bago mamatay si Lolo Alex, ipinamana niya ang lahat ng shares niya sa company kay Papa. Tatanggi sana si Papa pero dying wish ni Lolo Alex ang ipamana sa kaniya ang lahat ng yun dahil hindi raw siya matatahimik kapag si Barry ang makakuha neto. Nang mamatay si Lolo Alex at nalaman ni Barry na walang ipinamana sa kanya sa mga shares na pagmamay ari ni Lolo Alex ay sobrang ikinagalit niya ito. Kaya naman nagplano siya ipapatay si Papa. Alam naman na ni Papa na may banta na sa buhay niya nang malipat sa kanya ang mga shares na pagmamay ari ni Lolo ay agad ka niyang ginawa bilang primary beneficiary if ever na mamatay rin siya. So ganun na nga ang nangyari balak ka rin ipapatay ni Tito Barry.

“ANOOO?” napasigaw talaga ako dahil hindi ako makapaniwala sa mga sinasabi niya.

“Wait di pa ako tapos… okay, simulan ko sa araw na nagalit ka sa akin dahil nakita mong ninakawan ko ng halik si Jethro” ngumiti siya na parang nang iinis.

“Grabe ang iyak mo nun at galit na galit ka sa amin ni Jethro. Si Papa lang ang nakakapagpatahan sayo tuwing ganun ang pag iyak mo. Lagi ka niyang dinadalan sa favorite mong ice cream store. Nagkataon na kayong dalawa lang ang magkasama sa kotse patungong store at doon na nila sinamantala ang plano. Habang nagmamaneho si Papa ay may sumabay sa kaniyang riding in tandem at walang awa kayong pinagbabaril kaya ka nagkaroon ng phobia sa gunshots!” nakita ko na sincere siya sa pagkwento dahil nagawa pa niyang magpunas ng luha pero bakas pa rin sa mukha niya ang labis na galit.

“Bago pa man magpaulan ng bala ang mga armadong taong bumaril sa inyo ay nagawa kang yakapin ni papa kaya lahat ng tama ay siya ang sumapo. Hindi nakaligtas si papa dahil sa siyam na balang tinamo niya at tatlo dun ay sa ulo. Mga hayuuup!” nagpunas muli siya ng luha at ako nama’y parang nadadala na sa kanyang kwento.

“Tanging galos lang sa braso ang tinamo nang mabangga na ang kotse ninyo sa isang poste. Habang nakayakap si Papa sayo na duguan” biglang sumakit ang ulo ko. Para bang may kung anong pumapasok sa aking utak na hindi ko maintindihan.

“Pero hindi pa rin yun ang dahilan kung bakit wala akong naaalala!” sagot ko habang hawak ko ang aking sintido. Grabe ang sakit niya parang mabibiyak.

“Ikaw mismo ang pumili na walang maalala!” mabilis na sagot ni Sam. Napatingala ako sa kanya at takang-taka sa mga sinasabi niya. “Anong ibig mong sabihin?” hindi pa rin nawawala ang pananakit ng ulo ko.

“Pinili mong kalimutan ang mga masasakit na bagay na nangyari sa buhay mo. Pinili mong kalimutan ang pagkamatay ni Papa. Pinili mong kalimutan kami ni Jethro dahil nasaktan ka sa mga nakita mo. Kaya nga si Mama lang ang naalala mo!” Gulong gulo ako sa mga sandaling yun, hindi ko alam kung patuloy pa ba akong maniniwala sa mga sinasabi ni Sam.

“Dinala ka namin ni Mama sa ibat ibang specialist pero tanging ikaw lang mismo ang makakatulong sa sarili mo para maibalik ang alala mo. Nang matapos ang aksidente ay wala ka nang kilala kundi si Mama. Wala kang kinakausap kundi si Mama lang. Hindi mo na rin nilalapitan ang ibang tao pati narin si Jethro” napalingon ako sa kinaroroonan ni Jethro at nakita kong nakatitig lamang siya sa akin. Hindi ko alam, wala akong maalala tungkol sa kanya. “Sa tingin mo maniniwala agad ako? Papano mo nalaman ang tungkol sa pagpapatay ni Tito Barry sa amin ni papa?” inis kong sambit, ayaw parin tumigil ang pagpitig ng mga ugat sa sintido ko. Ang sakit..

“Nang mamatay si papa ay sinabi ni Tito Barry na maraming pagkakautang si Papa sa ibat ibang tao kaya ang lahat ng pera na naipon niya ay pinambayad lang dito. Tutol doon si Mama dahil alam niyang masinop sa pera si papa pero dahil sa impluwensiya at pera na meron si Tito Barry ay nagawa niyang tama ang mali. Ginipit niya kami para sumama sa pamilya nila pero ayaw ni Mama, pumayag lang akong tumira sa mansion para makapag aral ng libre sa maayos na school. Sa tinagal kong pagtira doon ay unti-unti kong natuklasan ang baho ni Tito Barry kaya naman nang malaman ko na siya ang nagpapatay kay papa ay labis ang naging galit ko sa kanya.” Sambit ni Sam habang nanginginig sa galit ang kanyang mga kamao.

“Sinabi ko agad ito kay Mama at doon namin nabuo ang pagplanong paghihiganti laban kay Tito Barry.” Pagpapatuloy niya pero pinigilan ko siyang magsalitang muli at nagtanong.

“Kung alam niyo palang si Tito Barry ang nagbalak na pumatay sa akin eh bakit ninyi pa ako pinasok sa mansion kung pwede rin akong gawan ng masama sa loob?” tanong ko.

“The moment na tumungtong ka sa mansion ay plantsado na namin ang plano. Lahat ng mga naninilbihan dito sa mansion ay nasa panig namin. Simula sa mga katulong hanggang sa guwardiya. Kaya alam namin na magiging safe ka! Hindi nga lang inaasahan ang pagkamatay ni Mama sa kamay ng hayup na yun!” pagpapaliwanag niya habang hinahawi ang buhok.

“At papano nyo naman na pasunod ang mga tauhan dito kong wala naman kayong pera? Mas mapera sa inyo si Tito Barry kayang kaya niyang tapatan ang alok ninyo!” hindi pa rin kasi talaga ako kumbinsido sa sinasabi niya.

“Good Question. Just so you know, anak ng isang haciendero si Mama. Mayaman ang pamilyang pinanggalingan ni Mama kaso itinakwil siya ni Lolo nang malaman niyang buntis si Mama at mahirap lang ang mapapangasawa nito. May bunsong kapatid si Mama at yun ay si Tito Vaughn na nagbibigay ng pera sa amin para maisakatuparan ang plano. Maraming may galit kay Tito Barry maging ang mga katulong at mga tauhan na minamaltrato niya ay gusto siyang pabagsakin!” hindi ko alam kung ano pa ba ang dapat kong malaman ngayong araw. Pakiramdam ko ay sobra sobra na ang mga natuklasan ko at hindi na kaya ito ng aking utak.

“Marami akong mata sa paligid at isa na roon ay ang kaklase mong si Bjorn!” nagulat ako sa sinabi niya. Ano si Bjorn ay spy?

“Alam mo bang gustong gusto ka niya?” tinitigan na naman niya ako nang nang aasar pero hindi ko na lang pinansin.

“Andito nga siya ngayon para isakatuparan ang paghihigante niya sa pagpatay ni Tito Barry sa kanyang ama na isang negosyante.” Nagulat ako sa biglang pagpasok ni Bjorn. Ibang iba ang dating niya ngayon, ibang iba sa Bjorn na nakilala ko. May hawak siyang baril sa kanyang kanang kamay at nakakakilabot ang kanyang mga ngiti na para bang handang pumatay ano mang oras. Lumapit siya sa tabi ni Sam at umakbay nang mapansin niya ako ay agad siyang kumindat.

“Dahil nasagot ko na lahat ng katanungan mo ay pupunta na tayo sa main event” pumalakpak silang dalawa ni Bjorn na parang mga baliw.

“Alisin ang mga takip sa bibig nilang lima!” utos ni Sam at agad namang sinunod ng kanyang mga tauhan. Wala akong magawa kundi ang manatili sa aking upuan na nanginginig sa takot dahil pakiramdam ko ay may hindi magandang mangyayari. Pagkatanggal ay agad silang nagsalita.

“Stop this madness, Sam!” sabi ni Jethro.

“Mga Hayup kayo!” sigaw ni James.

“Sam, stop this… I’m begging you!” pagmamakaawa ni Jules.

Nanatiling tahimik sila Jean at Josh. Narindi naman agad si Sam sa ingay nila kaya bigla niyang binaril ang isang vase at agad itong sumabog. Hindi ako nakaramdam ng pagkahilo o nawalan ng malay sa ginawa niyang pagbaril dahil ang gamit niyang baril ay merong silencer. Nanahimik naman kaagad ang tatlo at hindi na kumibo.

“So yung dalawang tahimik na lang ang kakausapin ko… malamang marami kayong tanong sa akin. Simulan natin sayo Josh!” tumingin naman agad ng masama si Josh kay Sam.

“Alam kong patay ka na dahil kitang kita ng mga mata ko ang pagkasunong ng sasakyan mo habang nasa loob ka ng sasakyan!” mariing sabi ni Josh.

“Eh kung sabihin kong planado rin yun? Alam ko kasing sinusundan mo ako that day. At natuklasan ni Tito Barry na may alam ako sa mga lihim niya kaya balak niya na rin akong ipapatay kaya inunahan ko na siya. Pineke ko ang pagkamatay ko, peke din ang resulta ng autopsy na dumating sa inyo!” sagot niya habang nakapamaywang sa harap ni Josh.

“At alam mo bang planado din ang pagkikita nyo ni Eisen?” sambit ni Sam at may patawa tawa pang kasama.

“What do you mean?” tanong ni Josh.

“Nasa Bar ako noong nagkaroon ng mini concert ang banda ni Jean. Sinadya kong lagyan ng gamot ang alak na inumin mo para malasing ka kaagad. Sinadya ko ring maaksidente ang driver ng taxi para hindi ka matunton nila Jean. Kaya wag na wag mong sasabihing na destiny ang pagkikita ninyo ni Eisen dahil planado lahat yun!” at agad namang humalakhak ng malakas si Sam.

“Napakasama mo!” tanging nasabi ni Josh.

“I know right….anyway ikaw naman Jean tigilan mo na ang pag iisip tungkol dun sa notebook na napulot mo dahil hindi naman si Eisen ang nagsulat nun kundi ako. Sino pa ba sa mga taong nasa paligid mo ang nakakakilala sayo ng lubos? Kaya itigil mo na ang obssession mo na yan!” tumawa siyang muli. Napayuko na lang si Jean na para bang natalo sa isang laro, hindi ko naman alam kung anong notebook ang pinag-uusapan nila.

“Ikaw naman James… hayy gamer! Boring!” nilagpasan niya agad si James kahit hindi pa ito nakakasagot.

“Sorry Jules, pero never talaga ako nagkaroon ng feelings sayo!” umaarte pa siya na para bang nasasaktan.

“Say what?” sambit ni Jules.

“Sinagot lang kita dahil nalaman ko na sayo ipapamana ni Tito Barry ang 60% ng mga ari arian niya. Kasi balak kong bawiin lahat yun kapag kinasal na tayo. Pero buti na lang at di nagkatotoo. Sorry!” ngumisi ngisi lang siya at nilagpasan niya ito. Hindi makapaniwala si Jules sa mga sinabi ni Sam kaya napanganga na lang siya. Ako nama’y nagulat dahil di ko inaasahang mag ex pala sila.

“Ikaw naman Jethro… you will always be my first love. Totoo yun pero magpaparaya ako sa kapatid ko. Yun ay Kung pipiliin ka pa niya!” sabay tawa ng malakas.

“Anong ibig mong sabihin?” tanong ni Jethro.

“Eisen, kunin mo ang watergun na to!” sabay hagis niya sa akin ng watergun na may laman ng tubig.

“A-anong gagawin ko dito?” tanong ko.

“Barilin mo ng water gun ang isa sa kanila. Ang sino man ang pipiliin mong mabasa ng tubig ay maliligtas” sagot ni Sam.

“Maliligtas sa?” mabilis kong tanong. Tanging pagkasa ng mga baril ang narinig ko sa loob ng mini theatre na bilang sagot sa tanong ko.

“A-ayoko… hindi naman natin kailangang idaan sa ganito!” pagmamatigas ko.

“Pumili ka na Eisen!” inis na sambit ni Sam.

“Please… wag nating idaan sa ganito!” pagpupumilit ko.

“Bibilangan kita ng tatlo!” mariing sabi ni Sam.

“Pleaseee!” pakiusap ko.

“Isa…” nagsimula na siyang magbilang pero hindi pa rin ako sumasagot.

“Dalawa…” hindi ko na alam ang gagawin ko sa mga oras na to.

“Wag naman nating….” Pagkasabi ko nun ay bigla niyang ipinutok ang baril. Halos mapasigaw ako sa gulat ng makita kong may tinamaan sa pagbaril niya. Walang iba kundi si Jean, nakayuko siya habang iniinda ang sakit ng tenga niya na nagdurugo. Doon na ako nagsimulang lumuha, napakasama ng kapatid ko. Hindi ko alam kung papano niya nagagawa ang mga bagay na to.

“Itigil mo na to please!!” pagmamakaawa ko.

“Pumili ka ng isa o mamatay silang lahat? Bibilang ulit ako ng tatlo!” sambit ni Sam.

Huminga ako ng malalim at dahan dahang lumapit sa kanila.

“Isa….” Muling pagbilang ni Sam. Nakatingin ako ngayon sa kanilang lima at ramdam ko na gusto nilang piliin ko sila.

“Dalawa….” Bakit pa ba kailangang mamili? Unang una wala naman dapat masaktan sa kanila dahil hindi naman nila kagustuhan ang mga nangyayari.

“Tatlo!”

LORD HELP ME!

Itutuloy…….

A/N: I’m baaaaackkk! Sorry sa late update super busy ko na talaga ngayon dahil next month na ang regularization ko sa work kaya nagpofocus ako.

Anyway sinubukan kong pagkasiyahin sa iisang chapter ang revealation na to. Yep buhay na buhay si Samantha. At for sure kilala nyo na kung sino ang makakatuluyan ni Eisen?

Ready na ako sa mga mag a unfollow hahaha. Just so you know guys na bago ko pa i upload ang Chapter 1 & 2 ay meron na talagang ka love team si Eisen at hindi yun dahil sa gusto ng karamihan like duuhh ako kaya ang author.

Anyway, I need sleep today wala pa akong tulog. Pagkauwi ko galing sa work ay ito agad inatupag ko para makapag update lang.

Please dont forget to VOTE and leave a comment.

Edited by RJEM16

Chapter 30: Serenity

David as Jethro

Eisen’s POV

Bawat sandali ay may panganib na kaakibat. Hindi ko lubos maisip na hahantong ako sa ganitong desisyon sa aking buhay. Hindi ko alam kung sino ang aking pipiliing mailigtas, dahil alam kong walang sino man sa kanila ang dapat na mapahamak. Kasabay ng pagbilang ni Sam ay ang pagtulo ng aking pawis at panginginig ng aking mga kamay. Wala akong nagawa kundi ang umikot at pindutin ang water gun at narinig ko na lang ang mahinang pagsigaw ni Sam.

“Anong ibig sabihin nito?” tanong ni Sam sa akin.

“Itigil mo na ang kalokohan na to. Hindi naman natin kailangang idamay sila sa gulo ng pamilya natin dahil wala naman silang kinalaman doon!” tugon ko sa kanya.

“HINDI!! Nararapat lang na mamatay rin sila gaya nang sinapit ng ating mga magulang. Isipin mo na lang ang naging sakripisyo ni Mama para maisakatuparan ang mga plano na ito. Namatay siya para maibalik sayo ang dapat na maginhawang buhay na nararapat lang sayo!” sagot niya habang pinupunasan ang sarili dahil siya ang binasa ko ng water gun bagamat nagbabakasakali akong magising siya sa kahibangan niya.

“Hindi ko naman hinangad ang magkaroon ng marangyang pamumuhay. Okay na sa akin yung kasama ko kayo kahit maghirap pa tayo. Walang gulo, walang alitan, yung tayo-tayo lang ang magkakasama ay masayang masaya na ako” hindi ko na napigilan ang sarili kong maiyak.

“Ramdam ko ang bawat paghihirap ni Mama para igapang ako sa pag-aaral. Kaya nagsumikap ako na mapaganda ang grades ko para kahit sa ganoong bagay man lang ay masuklian ko ang mga paghihirap niya” sabay punas sa mga luhang tumutulo sa aking mukha.

“Wala na siya Eisen! Wala na siya dahil sa kanila!” sabay tutok ng baril sa kinaroroonan ng mga magkakapatid.

“Wag mo silang idamay dahil wala naman silang kinalaman sa pagkamatay ng mga magulang natin!” hinarang ko ang aking sarili sa pagtutok niya ng baril dahil ayoko nang may masaktan pang muli dahil sa kahibangan ng Ate ko.

“Hindi mo kasi alam kung gaano kasakit ang naramdaman ko nang mawala si Papa at yung tiisin na wag maluha habang tinititigan ko ang pagmumukha ni Mama sa loob ng kaniyang kabaong. Hindi mo naiintindihan ang nararamdaman ko!” naluluha na rin siya habang nanginginig ang kamay na may hawak na baril at ito’y nakatutok sa akin.

“Hindi mo lang alam kung ano ang nararamdaman ko ngayon. Halos sumabog na nga ang damdamin ko nang makita ko kayong nagse-sex ni Jules. Tapos anu-ano na lang itong pinagsasabi mo. Ang sakit sakit na malaman na namatay si Papa para protektahan ako. Ang sakit sakit na malaman na ginawa ni Mama ang lahat mabawi niya lang ang mga nawala sa kanya…… kung gusto mo silang patayin. UNAHIN MO NA AKO! SAWANG SAWA NA AKO SA BUHAY NA ITO!” hindi ko na napigilan ang pagsabog ng aking damdamin. Lumabas na ang mga naipong luha, nanlambot ang mga tuhod ko kaya hindi ko napigilang mapaluhod sa sahig habang umiiyak.

“Kung yan ang gusto mo ay wala na akong magagawa pa kundi…” hindi pa tapos sa pagsasalita si Sam nang bigla akong makarinig ng pagputok ng baril. Kahit labanan ko ang sariling takot ay binawian pa rin ako nang malay.

Sa aking panaginip….. nakaupo ako sa loob ng sasakyan kasama si Papa. Panay ang iyak ko at halos ayokong tumigil sa kakasigaw habang nagmamaneho siya. Hindi ko alam kung saan kami pupunta dahil ang sama sama ng nararamdaman ko sa mga oras ng yun.

“I hate them, I hate them!!” saad ko habang walang tigil sa pag-iiyak.

“Calm down baby, malapit na tayo sa ice cream store. Di ba favorite mo yung avocado ice cream?” malambing na sabi ni papa.

“Papa, paalisin mo na si ate sa bahay” mabilis kung sabi.

“Ha? Bakit naman?” tumingin siya saglit sa akin at nagmaneho ulit. “Inaagaw niya sa akin si Jethro! He’s mine, He’s mine!” nag-iiyak akong muli.

“Eisen!” biglang nagbago ang boses ni Papa na para bang may halong galit sa tono kaya napatahimik ako.

“Hindi mo pwedeng ipilit ang lahat ng gusto mo. Kung hindi ikaw ang gusto ni Jethro huwag mong ipilit ito. Dahil hindi lahat ng gusto natin sa mundo ay masusunod” pagpapaliwanag ni Papa habang nagmamaneho.

“Pero Papa..” hindi pa ako tapos makapagsalita nang magsalita siyang muli.

“Gaya mo di ba may mga bagay na ayaw mong gawin at hindi ka namin pinipilit dun. Gusto mo bang matulog na mag isa sa sarili mong kwarto gaya ng Ate mo?” tanong niya.

“Ayokoo po. Takot ako sa multo!” mabilis kong sagot.

“See.. dahil ayaw mo ay pinagbibigyan ka namin ng mama mo na tumabi sa aming matulog. Di ka namin pinipilit sa mga bagay na hindi mo gusto. Sana ganun ka rin sa ibang tao.” Bigla niyang hininto ang pagmamaneho at pinara sa tabi ang kotse.

“Eh kasi po si Ate siya na lang lagi…” pinatahimik ako ni Papa gamit ang hintuturo niya.

“Kahit ganun ang Ate mo ay mahal na mahal ka nun. Gustong gustong ipakasal ni Lolo mo si Jethro at si Sam kapag nasa tamang edad na sila pero ayaw ng Ate mo dahil ayaw ka niyang masaktan.” Hinawakan niya ang ulo ko at dahan dahang hinimas.

“Talaga po?” bigla akong nakaramdam ng hiya sa Ate ko.

“Alam mo masyado ka pang bata para maramdaman yan. Baka nasasabi mo lang yan ngayon dahil natutuwa ka sa kanya dahil mabait siya sayo at siya lang ang tanging nagiging kalaro mo. Darating din ang araw na magbabago ang pananaw mo sa buhay at hindi rin malabo na sa babae ka pa magkagusto.” Mahinahon na ang boses niya ngayon habang nagsasalita.

“Ewww… ayoko po!” masayang kalaro ang mga batang babae pero hindi ko talaga kayang gumanap na tatay kapag naglalaro kami ng bahay bahayan. Gusto ko kasi ako yung nanay pero lagi akong nauuwi sa pagiging anak.

“Hahaha, basta kung ano man ang gusto mo ay susuportahan kita dahil ganun kita ka mahal” sabay halik niya sa noo ko.

“Pero as long as wala kang tinatapakan na ibang tao at wala kang pinagsasamantalahan ay sang ayon ako sa kung ano man ang magiging desisyon mo. Pero ang tanging hiling ko lang ay sana wag mo munang bilisan ang paglaki anak!” seryosong sambit ni Papa.

“Ha bakit po?” tanong ko naman.

“Ehhh mawawalan na kami ng baby agad kapag mabilis kang lumaki. Ikaw lang baby namin ni Mama mo. Kaya wag ka muna magmadali.” Bigla niya akong niyakap ng mahigpit. Sa pagkakataong iyon ay ramdam na ramdam ko ang init ng pagmamahal sa akin ni Papa.

Pagkatapos naming mag-usap ay pinaandar niya na agad ang kotse at pinagpatuloy ang pagmamaneho papunta sa favorite ice cream store ko. Bago pa man kami makarating sa store ay bigla na lang kaming may nakasabay sa daan na isang motor na may sakay na dalawang lalaki. Bigla na lang sumigaw si Papa…

“ANAK YUMOKO KA!” agad ko namang ginawa ang sinabi ni Papa, kasabay ng pagyuko ko ay nakarinig ako ng pagputok ng baril. Labis na takot ang naramdaman ko sa mga oras na yun kaya hindi ko napigilang mapaiyak muli. Si Papa naman ay pinabilisan ang pagpapatakbo ng sasakyan habang bahagyang nakayuko habang minamaneho eto.

“Papa, natatakot po ako..” malumanay kong sabi habang nanginginig sa takot. Walang humpay ang pagpapaulan ng bala sa amin kaya wala akong nagawa kundi takpan ang aking mga tenga gamit ang aking mga kamay.

Biglang natigil ang pagpapaputok kaya dinilat ko ang aking mga mata. Nagulat ako nang makita kong duguan ang kaliwang braso ni papa kaya lalo akong nataranta.

“Papa, Papa wag niyo kong iiwan!” pagmamakaawa ko sa kanya.

“Anak, ipangako mo sa akin…..” hindi niya masabi nang direcho ang gusto niyang sabihin dahil iniinda niya ang sakit buhat ng tama ng bala sa kanyang braso.

“Ano po iyon papa?” hindi pa rin ako tumitigil sa pag-iiyak.

“Mangako ka sa akin na simula ngayon ay magpapakatatag ka!” hirap na siyang magsalita kaya lalo akong kinabahan.

“Bakit po?” hindi ko maintindihan kung bakit niya pinagsasabi ang mga bagay na yun sa akin.

“Basta MANGAKO ka!” biglang lumakas ang boses niya.

“Opo, nangangako po ako!” mabilis kong tugon habang umiiyak.

“Kailangan mong alagaan ang Mama mo at ang Ate mo simula nga-yon..” hirap na hirap na siyang magsalita kaya naman bigla niyang tinanggal ang seat belt niya. Doon ko nakita na hindi lang pala sa braso ang tama niya meron din sa kaliwang bahagi ng likod niya. Laking gulat ko nang biglang sumulpot ang nakamotor na may angkas na taong may hawak na baril sa gilid ng sasakyan namin. Pilit nilang hinahabol ang bilis ng takbo ng kotse hanggang sa maabutan nila kami.

Tila bumagal ang oras ng mga sandaling iyon. Dahan-dahang umakap sa akin si papa. Ramdam ko ang init ng dugo niya na dumadaloy sa dibdib niya. Mahigpit ang pagkakayakap niya sa akin na para bang ayaw niya akong bitawan.

“Lagi mong tatandaan na mahal na mahal ko kayo” sabay halik sa aking pisngi. At dun ko ako nakarinig nang sunod sunod na pagputok ng baril hanggang sa mawala na sa kalsada ang aming sasakyan at nagpagulong gulong ito sa bakanteng lupain. Sobrang sakit ng katawan ko ng mga sandaling idilat ko ang aking mata. Tila nakabitin ako patiwarik dahil sa nakabaliktad na ngayon ang ayos ng kotse. Suot suot ko pa rin ang aking seat belt kaya hindi sumasayad ang ulo ko. Laking gulat ko nang makita ko si papa na nakahandusay at duguan sa tabi ko kaya dali-dali kong tinanggal ang mahigpit na seat belt sa bewang ko. At bigla na lang akong bumagsak at nawalan ng malay.

“PAPA!” sigaw ko at napabangon sa pagkakahiga.

“Hey… it’s alright, I’m here!” biglang may umakap sa akin. Ilang segundo akong tulala at saka ko lang napagtanto na si Jules ang umaakap sa akin kaya bigla ko siyang naitulak ng malakas.

“HAYUP KA!” galit kong sabi.

“Wait…Eisen hear me out. Kaya kong mag-explain!” sagot ni Jules. Aakma sana siyang yumakap muli pero umiwas ako sa kanya.

“Tama na please…. Sawang-sawa na ako sa ganito!” gulong-gulo na talaga ako sa mga nangyayari sa buhay ko.

“I told you guys, hindi magandang idea na makita ni Eisen si Jules ngayon!“sabat ni Josh at saka ko lang napansin na andito pala sa loob ng kwarto ko ang mga magkakapatid maliban kay James.

“Look who’s talking…sino ba ang unang nanggago?” saad ni Jules kay James.

“Iba ang sitwasyon namin sa panloloko mo dahil kahit kelan di ko siya niloko!” galit na sabi ni Josh.

“ENOUGH! Hindi nakakatulong ang ginagawa niyi! Mabuti pa lumabas muna kayo!” sigaw ni Jethro.

“Bat naman namin gagawin yun?” tanong ni Jules.

“DAHIL SABI KO!!!! DAMN IT!!” sa pagkakataong ito ay halatang galit na galit na si Jethro at anytime ay baka magkaroon na ng pisikalan sa kanila. Napahawak na lang tuloy ako ng mahigpit sa aking kumot. Pero laking gulat ko nang biglang nagsi alisan ang mga magkakapatid. Napansin ko din si Jean na may benda sa kanyang tenga. Binigyan niya ako ng hilaw na ngiti bago niya isinara ang pinto.

Naiwan kaming dalawa ni Jethro sa loob na aking kwarto. Ilang minuto din ang lumipas na wala kaming imikan. Ayoko naman magsalita ng kung ano-ano dahil baka lalong uminit ang ulo ni Jethro at baka gahasain na naman niya ako. As if naman…. Hihiga na sana ako at magtatalukbong ng kumot nang bigla siyang lumingon sa akin at nagsalita.

“Kamusta na ang pakiramdam mo? May masakit ba sayo?” malambing niyang sabi. Nakakapanlambot talaga ng tuhod kapag ganito ang turing niya sa akin. Parang hindi siya yung Jethro na nakilala ko. Ay wait, itong - ito ang Jethro na nakilala ko noong bata pa ako. Masasabi ko na unti-unting bumabalik na ang mga ala-ala ko.

“Ahh..wala naman” ewan ko ba at parang bigla akong tinablan ng kahihiyan. Kung maririnig niyo lang ang boses ko ay tiyak maiirita kayo sa tono nang pagiging pabebe ko.

“Mabuti naman…masyado mo akong pinag-alala dun” bigla siyang napahawak sa noo niya at dahan dahang minamasahe ito.

“Sorry…” ang tangi kong naisagot.

“Sorry, saan?” tugon naman niya.

“Sorry dahil sa gulo na naidulot ng pamilya ko sa inyo” napayuko na lang ako sa kahihiyan. Bigla na lang niya hinawakan ang aking baba para dumiretso ng tingin sa kanya.

“It’s not your fault okay? Wag mong sisihin ang sarili mo. Ako nga ang dapat mag apologize sa lahat ng masasamang nagawa ni Dad sa pamilya mo” pagkasabi niya sa akin ay bigla na lang bumuhos ang mga luha sa aking nga mata. Biglang bumalik sa aking isipan ang pagkamatay ni Papa at Mama. Hinayaan niya lang akong umiyak habang akap-akap niya ako. Binuhos ko lahat ng masasamang nararamdaman ko, kasama na rin ang pagtataksil sa akin ni Jules.

Napakabigat, napakasakit para bang hindi ko na deserve na sumaya. Para bang nasa akin na lang lagi yung malas. Gusto ko na lang iiyak lahat hanggang sa mapagod na ako. Nang mapagod ako sa pag-iyak ay pinunasan ko ang aking mga mata na pakiramdam ko ay namamaga na. Basang basa rin ang damit ni Jethro sa bahaging dibdib na naging bakas ng aking pag-iyak.

“Sorry….” Sabay kusot ng aking mga mata.

“Don’t be… from now on, andito lang ako lagi sa tabi mo!” nakangiti niyang sambit. Naninibago pa din ako na parang natural lang din. Imagine naghahalo yung memories mo sa nakaraang pagkakakilala mo sa kanya at sa pagkakakilala mo sa kanya ngayon. Ewan magulo, kaya minabuti ko na lang na ibahin ang topic.

“Papano nga pala napaalis sila Sam dito sa mansion?” bigla kung tanong.

“Ahhmm… pano ko ba sisimulan?” nag-isip siya saglit at sinimulan ang pagkwento.

Itutuloy………

JOKE!!!!!

Jethro’s POV

“Dalawa….” Pagbilang ni Sam. Hindi pa rin magawang iputok ni Eisen ang watergun kahit isa man lang sa amin. Okay na sa akin kahit hindi ako ang piliin niya basta sana man lang hindi sa ganitong paraan ang pagpapaalam namin sa isa’t isa.

Ang dami kong gustong sabihin at aminin sa kanya noon pero nag-alangan ako dahil parang hindi na niya ako kilala. Naaalala ko pa nga yung mga panahong halos hindi na siya umalis sa aking tabi tuwing kami ay magkasama. Minsan nga nakukulitan na ako sa kanya pero ewan ko ba at hindi ko magawang mainis lalo na kapag nakikiusap siya sa akin.

Wala namang kaso sa akin dati ang pagkakaroon niya ng feelings sa akin sa musmos niyang edad, dahil alam kong magbabago pa naman ito at baka nga hindi na niya ako magugustuhan paglaki niya. Pero di ko inaasahan na ganun nga ang mangyayari. Simula nang mamatay si Tito ay hindi na ako hinayaan ni Tita Lyca na makita ko si Eisen. Hindi ko alam kung bakit at ayaw rin magsalita ni Sam tungkol dito.

Hindi ko maintindihan kung bakit, kaya andaming tanong sa aking isipan kung dati ay halos makiusap sila sa akin na samahan ko si Eisen pero bigla na lang nila itong inilayo sa akin. Noong una ay okay lang naman sa akin dahil siguro hindi pa matanggap ng bata na mawala ang kaniyang ama pero noong tumagal ay hindi pa rin nila ito pinapakita sa akin.

Namimiss ko lang naman yung mga pagkakataong nagkukulitan kami at nagkakatuwaan. Siya yung unang tao na nagparamdam sa akin na special ako. Sa mura niyang edad ay naparamdam niya sa akin kung ano ba talaga ang pakiramdam ng may pamilya. Sobrang lambing niya sa akin at ewan ko ba sa mga nakalipas na taon yun ang hinahanap hanap ko.

Marami akong naging girlfriend, oo marami sa kanila ay magaganda at hindi rin naman ako nahirapang mahalin sila, pero meron pa rin kulang sa pagkatao nila ang di ko mahanap hanap eh. Ewan baka masyado lang talaga akong na-attached sa kanya kaya hinahanap hanap ko ang paglalambing niya sa akin.

Pagkalipas ng ilang taon ay bigla ko na lang nabalitaan na na-engage na si Dad at Tita Lyca. Masaya ako para kay Dad dahil kitang kita ko naman na iba ang kaligayahang idinudulot ni Tita sa kanya. Nakaramdam ako ng pananabik nang sabihin nila Dad at Tita Lyca na si Eisen ay titira sa mansion. After all these years ay magkikita na kaming muli. Kilala niya pa ba ako? Naaalala niya pa ako? Kasing kulit pa ba siya gaya ng dati? Magugustuhan niya pa ba ako? Ay, mali bat ko ba naitatanong yun kung may girlfriend na ako.

Sabi ni Dad ay maagang makakarating si Eisen pero ilang oras na ang nakakalipas pero hindi pa rin sila nakakarating sa mansion. Sobra akong nag-alala nun baka kung ano na ang nangyari sa kanya. Hindi man lang magawang magreply ni Manong sa text ko at mukhang nakapatay pa ang cellphone. Sa ika sampung pagkakataon ay tatawagan ko sana muli si Manong pero bigla na lamang silang dumating. Para akong sira na biglang naging conscious sa hitsura ko. Inayos ko ang sarili ko at inantay ko siya sa front door. Biglang nagsalubong ang aming mga mata at ewan ko ba parang iba ang naging tama niya sa akin nang muli ko siyang makita. Gusto ko siyang yakapin dahil pakiramdam ko sobrang miss na miss ko siya. Pero nagawa ko pa ring pigilan ang sarili ko dahil ang weird naman kung ganun agad ang gagawin ko.

Ang tagal niyang nakatitig sa akin na para bang pinagmamasdan ang buong pagkatao ko. Kaya minabuti ko na lang na kausapin siya pero parang hindi niya ako kilala kapag kinakausap niya ako kaya nakaramdam ako ng inis sa kanya at nag iba ang tono ng pananalita ko. Hindi ko alam kung bakit ko ginawa yun. Nagpanggap pa ako na may date kami ni Annabelle pero wala naman talaga. Gusto ko lang naman na umiwas muna dahil parang ang sama lang sa loob ko na hindi niya na ako kilala. Ibang iba ang naging pakikitungo niya sa akin. Wala na yung Eisen na malambing na laging kinakamusta ang araw araw na ginagawa ko. Wala na yung Eisen na laging umiiyak kapag aalis na ako at maiiwan ko siya. Wala na yung Eisen na magnanakaw sa akin ng halik sa pisngi tuwing makakatulog ako. Wala na siya… ibang iba na siya sa pagkakakilala ko.

Ngayon ay naging malinaw na sa akin ang lahat kung bakit hindi ako maalala ni Eisen. Sa pagkakataong ito ay nakaramdam ako ng pag-asa. Kung mabibigyan pa sana ako ng Diyos nang pagkakataong mabuhay ay hindi ko na pakakawalan ang pagkakataong aminin sa kanya ang totoong nararamdaman ko. Ilang beses na niya akong niligtas sa kalungkutan ko noong bata pa siya kaya naman sa pagkakataong ito ay ako naman ang magliligtas sayo

SERENITY

.

Hindi ko mapigilang mapangiti sa mga pinag iisip ko. Siguro ganito nga ang pakiramdam kapag mamatay kana. May halong takot, panghihinayang at saya. Pero sana mabigyan pa ako ng pagkakataong mabuhay at maituwid ko lahat lahat ng mga pagkakamali ko noon.

“Tatlo!” pagkasabing tatlo ni Sam ay agad kong pinikit ang aking mga mata. Kasabay nito ang pagputok ng baril at inantay ko na lang ang pagtama nito sa akin pero pagkatapos ng ilang segundo ay buhay pa rin ako. Bigla kong minulat ang aking mga mata at tumingin sa aking mga kapatid kung sino ang tinamaan ng bala pero lahat kami ay ligtas.

“Mga inutil sabi ko wala munang magpapaputok di ba?” sigaw ni Sam. Nakita ko na lang na nawalan ng malay si Eisen sa sahig. Alam kong wala siyang tama ng baril, tanging ang tunog ng pagputok nito ang ikinihimatay niya. Gusto ko siyang lapitan pero hindi ko magawa dahil sa pagkakagapos ko.

“Maam, may mga pulis pong dumating!” sigaw ng isa sa mga tauhan ni Sam.

“Papano nangyari yun eh plantsado na ang planong ito?” tanong ni Sam at sunod sunod na ang pagpapaputok ng mga baril sa loob at labas ng mansion.

“Kailangan na nating umalis Sam, masyadong marami ang dumating na pulis hindi natin sila kakayanin at mukhang may mga back up pa silang paparating” sabi ni Bjorn hinatak niya si Sam papalabas ng theater room.

“Wait ang kapatid ko kunin mo!” utos ni Sam. Sa puntong yun ay nagpumiglas na ako ng husto hanggang sa makatayo ako sa upuan pero nanatiling nakatali ang aking mga kamay. Nagawa ko pa ring makalapit kay Eisen bago siya makuha ni Bjorn. Pumatong ako sa ibabaw ni Eisen para hindi siya makuha ni Bjorn.

“Gago… tabi!” pinagsisipa ako ni Bjorn sa likod pero ininda ko ang sakit nito dahil ang tanging nasa isipan ko ay ang kaligtasan ni Eisen. Wala nang makakapaglayo sa aming dalawa. NOT ON MY WATCH!

“Dalian mo andito na sila!” sigaw ni Sam. Walang naging choice si Bjorn kundi iwanan kaming dalawa ni Eisen at sumama siya kay Sam para tumakas. Umalis ako sa pagpatong sa kanya at pinagmasdan ang kanyang pagmumukha na walang malay. Mukha lang siyang natutulog ng mahimbing.

Itutuloy…..

JOKE ULIT XD

Eisen’s POV

“Pero hindi mo pa rin naipapaliwanag kung papano.” Tanong ko sa kanya.

“Kung papano ang alin?” tanong ni Jethro.

“Kung papaano nakarating ang mga pulis dito kung ang lahat ng mga tauhan dito ay tauhan na ni Sam.” Pagpapaliwanag ko.

“Ahh.. eh kasi itong si James ay naglalaro sa kanyang PC bago nila pasukin ang mansion. Naglalaro siya ng rank game sa isang online game at nakalive ito. Kasama niya sa laro ang mga kaibigan niya kaya nakakapag strategize sila via in game call. Habang naglalaro siya ay mga taong pumasok sa kanyang kwarto at pinuwersiya siya hanggang sa magapos. Libo libong tao ang nakapanood nito at isa na dun ang kanyang kaibigan na anak ng isang Chief superintendent kaya mabilis nakapagpadala ng mga armadong pulis sa mansion.” Sagot ni Jethro at bigla naman akong napahanga dun.

“Akalain mo nga naman at napakinabangan din ang pagiging gamer ni James.” Natawa lang si Jethro sa sinabi ko.

“Ehh papano yan? Wala ng mga katulong at gwardiya sa mansion, paano tayo magiging safe dito?” dugtong ko.

“Nag hire na kami ng bagong tauhan at mga katulong. Lahat ito ay pinili ko at ng Papa ng kaibigan ni James. Kaya magiging safe tayo dito dahil nag hire na din ako ng maraming guwardiya.” Sagot niya.

“Like gaano kadami?” tanong kong muli.

“Tig dalawang skilled guards sa mga kwarto natin. May apat na nag-rounds each floor. Five guards sa entrance, five sa likod ng mansion. 7 na nagrarounds sa labas ng mansion.” Na pa wow ako sa sinabi niya at sinubukan kong i-compute. Mahina nga pala ako sa math. Bahala na kayo mag imagine.

“Bukod pa dun ang ang mga newly hired na maids kaya more or less nasa 54 katao ang bago dito.” Dugtong pa niya.

“Pero nakakatakot pa din. Dahil may mga namatay na dito dahil sa barilan kanina. Baka mamaya mag multo ang mga yan!” takot talaga ako sa multo kahit bakla ako. Walang exception dun!

“Bakit takot ka ba sa multo?” tanong ni niya.

“Oo, baka di na ako makatulog dahil naalala ko ang tungkol diyan.” Napahawak ako bigla sa aking kumot nang makaramdam ako ng paglamig sa paligid.

“Edi sa kwarto ko na ikaw matulog” pag anyaya niya.

“Ehh…wag na nakakahiya naman” baka hindi rin ako makatulog dun baka ibang multo ang makita ko.

“Sige na na… baka hindi rin kasi ako makatulog!” sabi niya.

“Haaa? Bakit takot karin sa multo?” tanong ko. Ang gara naman kung takot pa siya sa multo eh ang laki laki na nga ng multo niya natatakot pa siya. If you know what I mean.

“Hindi… mas mapapanatag kasi akong matulog kung alam kung safe ka kapag nasa tabi kita!” mahinahon niyang sabi. Para akong teenage girl na first time niregla at pinakilig bigla. Bat ganito ang nararamdaman ko sa kanya? Dahil ba dati pa akong may gusto sa kanya o dahil unti unti na nagbabalik ang aking mga alaala.

“Ehh wag na lang kaya, may mga guard naman eh kaya…” hindi pa ako tapos magsalita nang bigla niya akong buhatin. Karga karga niya ako na para bang bride niya.

“I insist!” nakangiti niyang sabi. Ewan ko ba at hindi ko na nagawang pumalag at hinayaan ko na lang siyang mailabas ako sa aking kwarto sa ganong ayos.

Tama nga ang sinabi ni Jethro may tigdalawang guard sa labas ng aming kwarto na nagbabantay. Bigla tuloy akong nahiya sa naging ayos ko ngayon. Sinalubong naman kami agad ni Josh at Jules.

“San mo siya dadalhin?” tanong ni Josh.

“Sa kwarto ko” maiksi sagot ni Jethro.

“And who gave you that permission?” tanong ni Jules.

“From now on.. ayokong pinakikialaman niyo ang mga desisyon ko! Lalung lalo na kay Eisen. Hinayaan ko kayo noon pero ngayon ay hindi ko na hahayaang paglaruan niyo pa siya. HE’S MINE!” sagot ni Jethro at nilagpasan ang dalawa niyang kapatid. Walang naisagot ang dalawa at nagpatuloy lang sa paglalakad si Jethro habang bitbit niya ako.

Nakaramdam na naman ako ng labis na kahihiyan nang maalala ko na naman yang “He’s mine” na yan. Parang ginaya niya kasi ang pagkakasabi ko noong bata pa ako. Batang bata - baklang bakla ohh jeez…

Nang makapasok kami sa loob ng kanyang kwarto ay dahan dahan niya akong binaba sa kanyang kama. Ang weird para kaming nasa honeymoon kung umasta siya ay para bang nilalambing niya muna ako bago niya ako pasukin. Wag naman sana.. pero okay lang din naman.. pero wag muna nasa moving on stage pa ako…pero kapag pinilit niya ako edi wala na akong magagawa. Ang gulo ko!

“So kamusta na pala ang alaala mo?” bigla niyang tanong.

“Haaa.. eh okay naman…he he” kinakabahan ako sa tanong niya.

“Hmm.. okay… so may naalala ka na kahit papano tungkol sa atin?” anong tungkol sa atin ba pinagsasabi niya?

“Ahhh alin dun?” ramdam ko na ang pag init ng aking pisnge.

“Naalala mo pa ba yung lagi mo akong tinatawag na Endimion?” tanong niya at unti unti siyang lumalapit sa kinaroroonan ko. Hindi ko magawang umatras dahil nasa dulo na ako ng kama. Tanging pagkapit sa unan na lang na mahigpit ang nagagawa ko.

“Endimion?” tanong ko.. yun ba yung sa sailormoon? OMG!!

“Tapos ikaw yung aking Serenity!” sobrang lapit ng mukha niya sa akin na halos ramdam na ramdam ko na ang mainit niyang hininga sa aking mukha.

Halos hindi ako makahinga sa tagpong ito at hindi ko alam kung ano ang isasagot ko.

Itutuloy……

For real na!!!

A/N: Hello guys na miss nyo ba ako? Hahaha. For the first time kinilig ako sa Endimion-Serenity scene. Para akong nag order ng bulaklak tapos pinadeliver ko sa sarili ko tapos kinilig ako ganun yung feeling friend. Hirap maging single.. HaHaHa…

Kakagaling ko lang sa sakit at medyo magaling na kaya nakapag update.

Anyway I dedicate this chapter update para kay Carlo bilang birthday gift ko daw sa kanya. Actually last week pa yun kaya sorry. Last week birthday din ni Lharby at David sana nagreet nyo sila sa IG.

And pa shout out naman daw sabi ni @Jayfernanmendoza 3 weeks ago na niyang request to. Im sorry xD

I will officially announce na this is an Eisen-Jethro love story. To all Josh,Jean,James and Jules fans. I’m sorry. Simula pa lang talaga sa kanilang story talaga to. Sorry na agad sa no. 1 fan ng Jules-Eisen na si Lenard. (May sariling story si Jules don’t worry)

And gusto kong magpasalamat kay @thegirlontherooftop ito yung matagal ko nang hiningi guys sa inyo. Sobrang thankful ako sa kanya kasi na realized ko kung gaano kaganda para sa inyo yung story ko halos na summarize na niya ang ang hinihingi kong feedbacks sa story. From the stoty itself hanggang sa pagkakabuild ko sa mga characters ng story.

Madami pa siyang nasabi pero ito lang pinakita ko. Sana mabigyan niyo naman ako ng matinong feedbacks about sa story dahil napaka importante nito sakin dahil 1st time ko pa lang magsulat at gusto kong maimprove ito. Kasi halos “Update, kelan ang update, wala pa bang update?” Yan na lang lagi nababasa ko sa comment section kaya tinatamad akong magsulat. Hindi ko kasi alam kung effective ba o nagugustuhan nyo pa ang story. Kaya importante sa akin feedbacks nyo.

Sorry sa mahabang A/N and please VOTE and let me know your thoughts in the comment section!

Thank you ♡

Edited by RJEM16

Chapter 31: Maybe this time

David as Jethro

Eisen’s POV

13 years ago.

Moon Crystal power make-up! Rinig kong sigaw ni Usagi na lagi kong sinasabayan tuwing siya ay magtatransform bilang Sailor Moon. Ni isang episode ay wala akong pinalampas, dahil ako ang bunso, ako ang masusunod sa remote.

“Hindi ka bagay mag-Sailor Moon!” bilang pa-epal ni ate Sam.

“Wala kang pake!” inis kong sambit.

“Ako dapat si Sailor moon dahil mas maganda ako!” pang-iinis niya sabay hawi ng buhok.

“Ako nga si Sailor Moon eh tapos si Jethro si Tuxedo Mask!” naiinis kong sagot at bigla siyang tumawa.

“Mas bagay ka maging Chibi-usa tapos ako si Sailor Moon tapos si Jethro si Tuxedo Mask at ikaw ang anak namin!” tumawa siya ng malakas, sa puntong yun ay inis na inis talaga ako.

“I HATE YOU!” sigaw ko at saka ko binato sa kanya ang remote na tumama sa kanyang noo. Pero imbes na magalit ay tumawa lang lalo siya na mas lalong kinainis ko. Wala akong nagawa kundi ang umiyak na lang.

“Hey stop it Sam!” rinig kong sabi ni Jethro pero patuloy pa rin ako sa pag-iyak.

“Hayan na naman siya sa pag-iispoil!” sagot naman ni Sam.

“Naman.. ayokong inaaway mo yung Serenity ko” biglang pag-akap sa akin ni Jethro at hinihimas ang likod ko para tumahan.

“Hey… wag ka na umiyak, wag kang nagpapaniwala sa ate mo. Nagseselos lang yan kasi ako na yung Endimion mo!” bigla akong napatingin sa kanyang mukha dahil gusto kong malaman kung totoo ba ang sinasabi niya. Tanging matamis na ngiti ang sumalubong sa aking mga mata na sobrang ikinasiya ko.

Sa kasalukuyan……

Bigla-bigla ko na lang naalala ang mga bagay sa nakaraan ko nang sabihin ni Jethro ang salitang Serenity at Endimion. Jusme parang gusto ko na lang magkaroon muli nang selective memory loss. Parang tinalo ko pa si Awra sa sobrang kabaklaan ko noong bata pa ako. Bat ba kasi ako ganun? Parang hindi naman ata ako yun.

“Ring a Bell?” sobrang lapit pa rin ng mukha ni Jethro na tipong nadarama ko na ang kanyang mainit na hininga sa aking mukha na bigla kong iniwas.

“Ha? Anong pinagsasabi mo?” pagmamaang-maangan ko at bigla naman siyang umatras.

“Na naaalala mo na ako at may gusto ka pa rin sa akin. Tama?” nakangiti siyang pilyo ngayon na ngayon ko lang din muling nasaksihan.

“Hindi no, ano bang pinagsasabihan mo dyan?” pagsisinungaling ko. And the Denial-Queen Award goes to….

“Ehh bat kanina ka pa nagbablush?” nakangisi pa rin siya na mas lalo akong nakaramdam ng hiya. Bat ba ang sarap niyang pagmasdan sa tuwing siya ay nakangiti. Lalo na kapag naniningkit ang kanyang mga mata sa tuwing siya ay nakangiti ng sobra.

“Naka blush-on ako!” sablay kong palusot.

“Nang tulog?” mabilis niyang tanong.

“Oo, uso yun ngayon!” sige lang tindihan mo pa ang kasinungalingan mo Eisen.

“Sino naman ang may sabi?” tanong niyang muli.

“Si Patrick Starrr” maiksi kong tugon.

“Sino naman yun?” parang mapapalaban ako sa Q & A neto sa dami niyang follow-up questions.

“Isa siyang sikat na youtube make-up vlogger” hindi ko na masyadong dinitalye ang sagot ko dahil wala naman akong dapat pang ipaliwanag.

“Hmm… pero.” Magsasalita pa sana siya nang biglang may kumatok sa pinto.

“Just stay here, ako na ang magbubukas ng pinto” sabi niya at agad siyang tumayo para buksan ang pinto.

May kausap siya sa labas ng pinto at may katagalan ang kanilang pag uusap kaya naman minabuti ko na lang na mag-antay. Maya-maya pa ay bigla na lang siyang pumasok na may bitbit na tray na mayroong pagkain.

“Kumain ka muna.. for sure gutom kana ngayon” saka niya inabot ang tray. Minabuti ko naman na kumain agad dahil nagugutom na talaga ako. Alas dos na ng madaling araw, ilang oras din pala akong nalipasan ng gutom.

“Sino yung kausap mo kanina?” hindi ko mapigilang magtanong.

“Ahh.. si Josh, siya yung nagluto niyan” sagot niya. Kaya naman pala masarap ang pagkakaluto at pamilyar ang lasa.

“Bakit hindi mo muna pinapasok para nakapagpasalamat ako?” tanong ko sabay higop ng mainit na sabaw.

“Hindi na kailangan!” maiksi niyang sagot.

“Ha, bakit naman?” muling tanong ko.

“Ayokong may umaagaw ng atensyon mo sa akin habang hindi pa lubusang bumabalik ang mga ala-ala mo!” nasamid ako kasabay ng pagubo ng malakas sa sinabi niya. Nabigla ako dun, hindi man lang siya nagsabi muntikan na tuloy tumalsik sa mukha niya yung kinain ko.

“Okay ka lang ba? Ohh heto inumin mo!” inabot niya sa akin ang isang basong tubig at agad ko namang ininom.

“And from now on… ipagdadamot na kita sa kanila” muntik ko nang maibuga sa kanya ang iniinom kong tubig. Pero mabuti at napigilan ko ito kaya naman napaubo ako nang malakas.

“Ano bang nangyayari sayo? Okay ka lang ba?” tanong niyang muli.

Nang bumuti ang lagay ko ay napagpasiyahan ko munang sumandal sa gilid ng kama upang magpatunaw ng kinain. Hindi pa ako pwedeng matulog dahil pakiramdam ko ang lagkit-lagkit ko na.

“Ahh nga pala, maliligo muna ako bago matulog” mahinahon kong sabi.

“Okay, just stay here! Kukuha lang ako ng mga damit mo sa kwarto mo” aalis na sana siya pero nagawa kong hawakan ang kamay niya para mapigilan siyang umalis.

“Wa-why?” nauutal niyang tanong. Halatang nagulat siya sa bigla kong inasal.

“Ehhh kasii…” hindi ko rin tuloy masabi ang gusto kong sabihin dahil bigla akong inabot ng kahihiyan.

“Eh kasi?” inulit niya lang ang sinabi ko.

“Eh kasi.. baka may multo kapag umalis ka” yun naman talaga ang kinakatakutan ko kanina pa. Imagine sa dinami-dami ng mga nabaril at napatay na tauhan ni Sam dito sa loob ng mansion hindi malabong magmulto ang mga yun.

“Bat ka naman matatakot sa multo, wala naman magagawa sayo yun?” sagot naman niya pero nanatili pa rin akong nakakakapit sa kamay niya.

“Kahit na baka may gawin pa rin silang masama sakin” tanging naging tugon ko.

“Natatakot ka sa gagawin nila sayo pero hindi ka natatakot sa kaya kong gawin sayo?” bigla akong nailang sa tanong niya.

“Ba-bakit ano bang gagawin mo?” tanong ko.

“Gusto mo talagang malaman?” unti-unti siyang lumapit sakin at ako nama’y dahan dahan ding napapaatras sa kama hanggang sa mapahiga ako at siya nama’y pumaibabaw sa akin. Hindi niya inalis ang kanyang mga mata sa pagkakatitig sa akin. Wala na akong maatrasan at lalo niyang nilapit ang kanyang mukha sa aking mukha at tuluyan na akong pumikit.

Maya-maya pa ay naramdaman ko na lang ang pagbangon niya at saka tumawa.

“I’m just kidding” saka siya bumungisngis. Hindi ko alam kung maiinis ako dahil hindi niya tinuloy. Hindi ko na rin mapigilang mapangiti dahil nakakahawa yung pag ngiti niya na bihira niya lang pinapakita sa iba. Tumayo siya at naghanap ng mga damit sa kanyang wardrobe at inabot sa akin ang isang t-shirt at shorts na para sa akin ay mahaba na dahil sa pangangatawan ko at isang brief na mukhang hindi pa nagagamit.

“Sorry, yan na lang yung pinakamaliit na size ng under wear na meron ako” sambit niya dahil mukhang maluwang talaga sa akin yung brief na binigay niya. Pero okay na yun para mabilis lang sa hubaran. JOKE!

“Okay lang yan, pangtulog lang naman eh” kaagad ko namang tinungo ang kanyang shower room para makapag shower na bago matulog pero napansin kong nakatayo pa rin sa harap ng pinto si Jethro kaya hindi ko magawang hubarin yung sinusuot ko.

“Bakit nandiyan ka pa?” tanong ko.

“Ahh-gusto mo bang sabayan na kita?” sagot naman niya.

“Haa- hindi ang ibig kong sabihin ay bakit nakatayo ka pa dyan eh maliligo na ako?” nahihiya kong tanong.

“Eh baka kasi natatakot ka pa sa multo kaya-” hindi pa siya tapos magsalita nang sumagot akong muli.

“Mas takot ako sa multo mo!” oh shit nadulas ako.

“Ano?” tanong niya na mukhang hindi naman niya nagets ang tinutukoy ko.

“Ahh… wala ang sabi ko ay mas mabilis akong matatapos kapag hinayaan mo akong magshower ng mag isa” mabilis kong sagot.

“Okay, basta magsabi ka lang kapag may kailangan ka ahh. Nasa likod lang ako ng pinto na ’to” at agad naman niyang sinara ito.

Mabilis akong nag shower dahil ayokong mag antay siya sa akin ng matagal at baka may dumalaw pa sa aking multo sa loob ng banyo at makita niya rin ang multo ko kaya it’s a No No No!

Pagkatapos kong magshower ay agad kong sinuot ang mga damit na pamalit na ibinigay sa akin ni Jethro. Hindi nga ako nagkamali medyo maluwag sa akin ang underwear pero okay nato kaysa naman wala. Sinunod ko na rin ang pagsuot ng shorts at t-shirt at saka ako lumabas ng banyo.

“Done already?” tanong niya at tango lang ang naisagot ko. Nakakatuwa lang at nag-antay talaga siya sa akin na matapos ako.

“Umupo ka dito!” utos niya sa akin at naupo namam ako sa may upuan na tinutukoy niya. Ginamitan niya ng blower ang buhok ko para mabilis itong matuyo.

“Naalala mo rin ba to?” bigla niyang tanong.

“Ang alin?” tanong ko naman.

“Noong bata ka pa ay gustong gusto mo na ako ang nagboblower ng buhok mo hanggang sa matuyo ito” patuloy pa rin ang pagboblower niya sa buhok ko. Sa totoo lang wala talaga akong maalala sa sinabi niya pero pakiramdam ko ay namiss kong gawin ang bagay na to. Para bang nakasanayan ko na dati at ngayon ko lang ulit nararanasan. Unti-unting natutuyo ang buhok ko at sa bawat paghagod ng kanyang kamay sa aking buhok ay lalo akong dinadalaw ng antok.

Pagkatapos matuyo ng aking buhok ay agad namang pinatay ni Jethro ang blower at saka niligpit ito. Pagkatapos ay naglagay siya ng sapin sa may couch at naglagay ng unan.

“Anong ginagawa mo?” hindi ko napigilang magtanong.

“Dito na ako matutulog sa couch para makapagpahinga ka ng maayos diyan sa kama” mabilis niyang sagot habamg inaayos niya ang hihigaan niya.

“Haa.. okay lang kahit dito ka na rin. Kama mo naman to ako nga dapat ang matulog diyan sa couch eh. At saka kahit 4 na tao kasiya dito sa kama mo” pagpapaliwanag ko at aba ang bilis kausap ni mokong. Agad siyang sumampa sa kama at nahiga sabay palo sa kama sa bandang gilid niya.

“Mahiga ka na rin dito sa tabi ko” bigla akong nahiya sa pag-aya niya sa akin. Parang iba ang naiisip ko sa ganitong pagkakataon. Please lang wag muna.

Dahan-dahan naman akong nahiga malapit sa kanya at saka nagkumot. Syempre iisa lang kami ng kumot kaya hindi maiwasang magkadikit ang aming mga balat. Naghahabol ako ng paghinga sa tuwing magkikiskisan ang aming mga braso. Hanggang sa muli siyang magsalita.

“Eisen?” malumanay niyang sabi.

“Ba-bakit?” ito na… kinakabahan na ako kapag ganito siya.

“Pwede bang yakapin mo ko?” tanong niya at bigla naman akong napatingin sa kanya at doon ko nakita na seryoso talaga siya.

“Ahh ehh” nahihiya pa ako pero bigla na lang niya akong inakap papalapit sa kanya. Nakadikit ang aking mukha sa kanyang dibdib. Gaya nga ng gusto niyang mangyari ay kaagad ko siyang niyakap. At biglang humigpit naman ang kanyang pagkakayakap sa akin.

“Sobrang namiss ko to!” bigla niyang nasabi.

“Ang alin?” tanong ko.

“Ang magkayakap tayo bago matulog, tuwing nasa inyo ako matutulog dati ay lagi mo akong pinapatulog sa kwarto mo at gustong gusto mong niyayakap kita kapag matutulog na tayo. Sa totoo niyan ikaw lang ang niyayakap ko kapag matutulog” pagpapaliwanag niya at lalo naman akong nakaramdam ng hiya. Nanatili akong nakayuko at tumatama ang aking noo sa kanyang dibdib. Ayokong salubungin ang kanyang mga tingin baka kasi hindi ko kayanin.

“Weh.. di ako maniniwala sayo sa dinami dami nang naging ex mo” pero deep inside napapangiti ako sa mga sinasabi ko.

“Wala nga.. hindi ko ginagawa sa kanila to dahil para lang to sa special na tao sa buhay ko” nararamdam kong lumalapit ang paghinga niya sa aking ulo.

“Ma-matulog na nga tayo” kunwari nagsusungit pero sa totoo lang hindi ko alam kung pano ako sasagot sa mga sinabi niya.

“Haha, kinikilig ka lang eh” tumawa siya nang mahina.

“Sige asarin mo pa ako.” Nag akma akong kumalas at pumaatras sa pagkakayakap sa kanya pero bigla niya akong hinila pabalik sa kanya.

“Eto naman hindi mabiro. Panagutan mo na to, niyakap mo na ako eh” ang cute lang talaga dahil hindi mo aakalaing masasabi to ni Jethro. Naimagine ko ang paghalakhak ni James kung naririnig niya to. Hay speaking of James hindi pa pala kami okay. Mabuti sigurong magkausap kami bukas, gusto kong humingi ng tawad sa lahat. Hindi ako sanay na ganito ang turing niya sa akin. Mas okay pa sa akin na araw araw niya akong minamanyak kaysa naman sa kamuhian niya ako habang buhay.

“Bat ang tahimik mo na? Inaantok ko na ba talaga?” tanong ni Jethro. Ito ang mahirap sa akin kapag biglang nawawala ako sa sarili, nakakalimutan kong may kasama pala ako.

“Ahh sorry, inaantok na talaga ako” malamya kong tugon.

“Ohh sige matulog na tayo.” Sabay halik niya sa ulo ko.

Ewan ko ba parang pakiramdam ko ay safe na safe ako sa pagkakaakap ni Jethro sa akin. Kahit siguro magsilabasan si Sadako, Kayako, Toshio, Annabelle, Chucky at ang mga Mocha girls ay hindi siguro ako makakaramdam ng takot. Sarap sa pakiramdam na naamoy ko ang natural niyang amoy. Para bang dati ko pang hinahanap hanap ito at muli ko lang naexperience. Sana lagi na lang ganito…

Jethro’s POV

Ang sarap lang sa pakiramdam na muli kong naramdaman ang ganito. Parang lahat ng pagod at pagpupuyat ko ng mga nakaraang araw ay biglang nawala. Para bang biglang gumaan ang pakiramdam ko nang yakapin ako ni Eisen. Sana lagi na lang ganito… Yung baga wala na akong dapat isipin at yun lang ay kung ano ang makakabuti sa aming dalawa. Gusto kong magtagal ng ganito lang at walang pinoproblema sa mundo. Para akong teenage guy na first time mainlove. Sobrang cheesy at baduy ng mga pinagsasabi.

“Eisen… tulog ka na ba?” tanong ko pero mahinang ungol lang ang isinagot niya.

“Ambilis mo naman makatulog ang dami ko pang gustong ikwento sayo eh…” wala akong narinig na reply from him kaya pinagpatuloy ko na lang ang pagsasalita kahit alam kong hindi na niya ako naririnig o kung naririnig man niya ako ay wala na siya gaanong maiintindihan.

“Naalala mo pa ba noong una kang dumating dito sa mansion? Ang tagal kong nag antay sayo nun at sobra ako nag-alala baka di ka na dumating. Tapos nang dumating ka ay ni hindi mo man lang ako nakilala. Sa totoo lang nainis ako sayo nun. Kahit wala kaming lakad ni Annabelle ay umalis ako ng mansion dahil nagtatampo ako sayo. Pero isa lang yun sa mga dahilan ko. Sa totoo niyan sobrang cute mo nun at parang gusto kitang yakapin at halikan nang una kitang makita dahil sobrang namiss kita. Kaso ang weird naman kapag ganun ang inasta ko at baka kasuhan mo pa ako ng harassment kapag ginawa ko yun. Kaya minabuti ko na lang na umalis ng mansion para mapigilan ko ang sarili ko.” Sa hinaba haba ng mga sinabi ko ay wala pa rin akong narinig na sagot sa kanya kaya naman ay nagpatuloy lang ako sa pagsasalita.

“Alam mo bang galit na galit sa akin si Anabelle nang mag stay siya dito at hindi ko magawang maturn on noong inaaya niya akong mag sex. Nakakahiya para sa isang lalaki yun ahh.. kasalanan mo yun eh, ikaw kasi ang nasa isipan ko nang mga oras na yun kaya hindi ko magawang ma turn on kay Annabelle kahit na hawak hawak na niya ang ari ko. Atsaka may aaminin ako… Alam ko noong una pa na may namamagitan na sa inyo ni Josh at alam ko rin na tamod niya yung nasa buhok mo nun pero pinagwalang bahala ko na lang dahil pakiramdam ko ay wala ka na talagang interes sa akin. Pero nakakainggit lang kasi yung dating atensyon na binibigay mo sa akin ay bigla mong binigay sa iba. Kaya naman binuhos ko na lang ang atensyon ko sa pagtatrabaho para naman hindi na kita masyadong naiiisip.” Wala pa rin akong narinig na reaksyon mula sa kanya kaya naman pinagpatuloy ko na lang ang pagsasalita kahit parang baliw na ako dito.

“Gusto ko nga humingi ng sorry sayo dahil sa inasta ko noong birthday ni Jules. Hindi ko dapat ginawa sayo yun. Pero nang malaman kong hinalikan ka ng ibang lalaki maliban sa kapatid ko ay nakaramdam ako ng sobrang selos. Bakit ganun.. sa iba nabibigay mo bakit sakin wala? Parang binaliwala mo na lang ako bigla, kaya naman sa galit ko ay nagawa ko yun sayo. Pinagsisisihan ko na pinilit kitang gawin yun kahit ayaw mo pero masaya pa din ako na, ako pa rin ang nakauna sayo. Pero sincere ako dun ahh baka sabihin mong niloloko lang kita. Nang malaman ko na naghiwalay kayo ni Josh ay nagkaroon ako ng pag asa na baka sakaling sa akin kana magkakagusto pero mali pala ako dahil hindi ko inakala na magiging kayo ni Jules” marahan kong hinihimas ang likod niya gamit ang kanang kamay ko habang nakaakap pa rin sa kanyang likod.

“Pero ngayong wala na kayo ay hindi ko na hahayaang may manakit pa sayo dahil hindi nila deserve ang isang kagaya mo. Nakakatawa lang isipin na nasasabi ko ang lahat ng ito kung kelan na tulog kana at walang kamalay malay pero hayaan mo muna ako. Kaya siguro hindi ako makontento sa dinami rami nang babaeng dumating sa buhay ko ay hindi ako masyadong naging masaya. Siguro dahil laging hinahanap ko ang mga yakap mo tuwing matutulog ako. Lagi kong inaabangan ang pagnakaw mo ng halik sa pisngi ko. Lagi kong inaantay ang mga ngiti mo tuwing pagod ako. Ikaw lang kasi ang nagparamdam sa akin na special ako sayo kahit na hindi ako mag ayos, kahit na hindi ako maging matalino o responsableng tao. Sapat na sayo yung maging ako at bilang ako. Masyado mo akong sinanay noon kaya sobrang pag aadjust ang ginawa ko nang mawala ka sa buhay ko. Pero ngayong andito kana sa tabi ko hinding hindi na kita pakakawalan. I’ll make you fall inlove with me again. This time ay magpapakatotoo na ako sa nararamdaman ko sayo hanggang sa aminin mo rin sa akin na mahal mo na rin ako. Maybe this time mas magiging masaya na tayo at wala nang makakapaghiwalay sa ating dalawa. But for now ay susulitin ko muna ang mahigpit na pagkakayakap mo sa akin hanggang sa makatulog ako. I love you! “ saka ako humalik sa kanyang noo. Kasabay noon ang pagpikit ng aking mga mata hanggang sa dalawin na rin ako ng antok.

Itutuloy….

A/N: Itooooo naaaaa.. Ito na ang update na hinihingi nyo. Sana naman wag nyo na akong kulitin sa messenger xD

Currently no. 1 #Bbasjtr thank you guys sa patuloy na pagsupport sa story kahit hindi consistent ang pag update ko. At sana sa 240+ na followers ko ay nagvovote lahat no? Hahaha

And anyway sino dito ang aattend sa event na to? Post birthday celebration ni David. Makikipag friends ako sa inyo ha? Hahaha kita kits guys.

Sa nagtatanong kung bakit si Jules lang ang merong another story.. Well sige iispoil ko na lahat sila talaga may kanya kanyang story dapat nga ang title nito ay Wells Brothers: Falling in love with Jethro. Kaso mahuhulaan nyo agad kung sino sa lima ang makakatuluyan niya. Diba? Diba? Ang next sa line up si Jules then si Josh, si Jean at James. Okay na? Hahaha

Yung 5-10 minutes mong pagbabasa ay 4-5 hrs kung pagsusulat kaya naman deserve ko naman siguro ng vote no? Hahaha

Thank you guys please let me know your thoughts sa comment section.

4 Chapters left na lang guys…. pero maglalagay ako ng 1 special chapter after ng ending.

Edited by RJEM16

Chapter 32: Bad Boy Down

David as Jethro

Eisen’s POV

Ang sarap ng pakiramdam ko nang magising ako. Para bang gumaan ang pakiramdam ko. Lahat ng problema ay parang biglang naglaho. Hindi ko maipaliwanag kung bakit pero sa pagkakataong ito ay parang nawala ang isang tinik na matagal nang nakabaon sa lalamunan ko. Nanatili pa rin akong nakapikit habang ninanamnam ang ligayang nadarama. Yakap-yakap ko ang aking unan at bahagya ko itong hinihimas.

Hindi nagtagal ay naramdaman ko na parang may kakaiba sa yakap-yakap ko at parang matigas ito. Dali-dali kong dinilat ang aking mga mata upang makita ko kung ano ang bagay na yakap-yakap ko ngayon. Laking gulat ko nang malaman ko na katawan pala ito ng isang lalaking nakahubo ng pang itaas. Pagtingala ko ay nakita ko ang mukha ni Jethro na kasalukuyang nakatingin sa akin at nakangiti na para bang may iniisip na masama.

“Mukhang nag-eenjoy ka laging hinihimas yung abs ko ah?” sabay ngiti ng nakakaloko.

“Uy hindi ah!” mariin kong pagtanggi.

“Eh ano yan?” sabay tapik niya sa kamay ko na nakapatong mismo sa kanyang tiyan. Mabilis kong binawi ang kamay ko at nilagay ito sa likuran.

“Sorry, akala ko kasi unan” sabay yuko ng aking ulo pero inangat ko rin agad ang tingin ko ng mapansin kong may ibang ulong nakabukol. Ang aga naman neto.

“Are you hungry?” tanong niya.

“Hindi pa naman masyado” mahinhin kong sagot.

“Tara bumaba na tayo dahil nakapaghanda na ng pagkain si Josh” sambit niya at tanging hilaw na pagngiti lang ang naisagot ko.

Inayos ko ang aking sarili at nagpunta sa banyo para maligo. Kahit na maraming nangyaring hindi maganda kagabi ay kailangan ko pa ring ipagpatuloy ang aking buhay. Para kay Mama at Papa, tutuparin ko ang aking pangarap na makapagtapos ng pag-aaral at maging isang independent. Hindi habang buhay ay maninirahan ako kasama ng mga lalaking ito sa iisang bubong. Darating at darating ang araw na kailangan ko ring lisanin ang mansion na to para bumuo ng isang bahay na kukumpleto sa pangarap ko.

Pagkatapos kong maligo at magmuni-muni ay tinungo ko kaagad ang dining area para makakain na ng almusal. Nauna akong makarating kaysa kay Jethro dahil sa loob ng banyo niya ako naligo at pagkatapos ko ay siya rin ang sumunod. Ayokong magsabay kami ng pagligo dahil baka sa iba mapunta ang eksena kapag may malaglag na sabon. Awkward pa din nang magtagpo ang mga mata namin ni Jules. Ewan masakit pa rin para sa akin na nagawa niya akong ipagpalit kay Sam pero siguro nga hindi ko rin siya masisisi dahil first love niya nga siguro ang ate ko. Nahihiya rin akong titigan si Jean na may benda pa rin ang tenga na nadaplisan ng bala ng baril. Naaawa ako para sa kanya dahil wala naman talaga siyang kinalaman sa mga bagay na to. Naging normal na rin ang pagtingin sa akin ni James pero parang nahihiya siya. At eto namang si Josh ay halos hindi mawala ang ngiti sa kanyang mga labi simula nang makarating ako dito. #AWKWARD talaga ang mga nangyayari. Tahimik na kumakain ang iba, walang gustong magsimula ng topic maliban kay Josh na nasa tabi ko na ngayon.

“Dahan-dahan lang sa pagkain, may enough time ka pa naman bago pumunta sa school” sabay himas niya sa aking likod.

“Ahhm… sarap kasi ng luto mo eh” wala akong maisip na sagot sa kanya.

“Parang ako lang yan… MASARAP” nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Yung kutsarang subo subo ko na stuck na sa bibig ko at ang mga kapatid niya ay ang sama na ng tingin sa kanya pero wala siyang pakialam at heto nakangiti pa.

“He he..” ang tanging lumabas sa bibig ko at agad kong pinagpatuloy ang aking pagkain. Gusto ko nang madaliin to para makaalis na ako sa table na to.

“Na miss mo siguro ang luto ko kaya ganadong ganado ka kumain ngayon?” tanong niya.

“Oo, na miss ko nga to” mabilis kong sagot.

“Eh ako ba hindi mo namiss?” parang gusto kong kumaripas ng takbo sa biglang pagtanong niya sa akin nun. Hindi sa hindi ko siya namimiss. Kung tutuusin namiss ko naman siya talaga pero sobrang dami na nangyari sa aming dalawa at pakiramdam ko ay parang di kami talaga ang para sa isat-isa. Narinig ko ang pasadyang pag-ubo ni Jules para ipaalam kay Josh na nandun sila sa harapan namin. Pero tila wala siyang pakialam sa mga sasabihin ng kanyang mga kapatid at parang napako na lang ang kanyang pagtingin sa akin. Bago pa man ako makapagsalita ay muli siyang nagsalita.

“Hayaan mo ako ang maghahatid sayo mamaya at magsusundo para naman makapag catch up tayo” nakangiti niyang sambit.

“You don’t have to..” paglingon ko si Jethro ang nagsasalita.

“And why?” tanong ni Josh.

“Ako na ang maghahatid at magsusundo sa kanya from now on. I think you need to focus more on your business since kababalik mo pa lang dito” sagot ni Jethro.

“And how are you going to do that? Ikaw ang nagpapalakad ng kumpaniya at isa kang abogado. I’m pretty sure wala kang magiging enough time para dun” dugtong ni Josh.

“I let Mr. Kim handle the company for me and wala pa akong tinatanggap na kaso ngayon dahil gusto kong magfocus muna sa safety ng mansion nato hanggang sa makahanap tayo ng bagong malilipatan” muling sagot ni Jethro.

“You let him handle the company? Hindi ka na ba nadala sa mga naging tauhan dito? And we’re moving? Hell no! Bat kailangan mong magdecide ng ganyan para sa amin?” mukhang tumataas na ang boses ng dalawa at hindi ko alam kung pano sila papatigilin.

“I know Mr. Kim personally at hindi siya ganong klase ng tao. And I know na aware ka na hindi ako pwedeng magkaroon ng permanent position sa kumpaniya dahil isa akong abogado. That’s why I’m asking you na ikaw ang maghandle pero nagdecline ka di ba? Kailangan nating makalipat dahil kahit gaano pa ka dami ang mga guards dito eh kung alam ng mga kalaban ang bawat galaw natin sa mansyon ay madali lang nila tayong pasukin ulit. I’m not just doing this for my own sake. I’m doing this for everybody’s safety. Malaki ka naman na, you can have it your way!” pagkatapos magsalita ni Jethro ay natahimik na lang si Josh at hindi na nagsalita pang muli.

“Tapos ka na ba Eisen?” tanong sakin ni Jethro. Uminom muna ako ng isang baso ng tubig saka sumagot.

“Ahm.. oo” maiksi kung tugon.

“Let’s go, we’re leaving na!” nagulat ako sa sinabi niya.

“Hi-hindi ka man lang kakain?” tanong ko naman.

“No.. wala akong gana” mabilis niyang sagot at agad tumalikod para magtungo sa labas.

“Ahmm… bye guys” pagpapaalam ko at agad sumunod kay Jethro patungo sa parking area. Pagkarating namin ay agad akong pumasok ng kotse nang pagbuksan eto ni Jethro at dahan dahang sinara ang pinto. Ang lakas lang talaga makababae ng ganitong eksena. Pagkapasok niya sa kotse ay agad siyang nagsuot ng seatbelt at ganun din ang ginawa ko. Mabilis niyang napaandar ang kotse at umalis sa mansion.

Habang nasa byahe kami ay walang sino man sa amin ang nagsasalita. Ayoko rin namang magdadadaldal dahil baka lalong mabadtrip si Jethro. Mukhang naiinis pa rin siya sa naging sagutan nila ni Josh kanina. Back to Jethrong masungit tayo ngayon. Kahit na nasa byahe kami ngayon at umaandar ang sasakyan ay naririnig ko pa rin ang pagkalam ng sikmura niya kaya hindi ko na napigilang magsalita.

“Uyyy…kumain ka na muna sa may malapit na fast food. Kanina ko pa naririnig yang tiyan mo na kumakalam ohh!” tumingin siya sa akin at hindi nagsalita. Pinagpatuloy niya lang ang pagmamaneho niya na para bang wala siyang naririnig.

“Sige wag mo na lang ako pansinin” dugtong ko. Narinig ko namang huminga siya ng malalim at pinagpatuloy ang pagmamaneho. Laking gulat ko ng bigla siyang mag u-turn at dumaan sa favorite ng lahat mag drive thru, walang iba kundi ang McDonalds. Umorder siya ng pagkain na para sa kanya lang dahil tumanggi ako sapagkat kakatapos ko lang kumain kaya iced coffee na lang ang pinaorder ko sa kanya para naman may mainom ako. Pagkatapos naming umorder ay agad naming nilisan ang lugar at naghanap ng spot kung saan pwedeng mag park at kumain. Binaba niya ang roof ng sasakyan para malanghap namin ang simoy ng hangin habang siya ay kumain at ako nama’y ini enjoy ang pag inom ng iced coffee.

“Nagsusungit ka pa pero kakain din naman pala!” bigla kong sabi habang siya ay kumakain ng Mc Chicken sandwich. Humigop siya ng kape bago magsalita.

“Alam mo bang ikaw lang nakakagawa sakin nito?” sabi niya at ako nama’y natulala sa kanya.

“May mga pagkakataong ayaw kong gawin ang isang bagay pero nagagawa ko dahil sayo” seryoso siyang sinasabi yun kaya hindi ko mapigilang hindi kiligin pero nirerelax ko ang aking mukha at piniigilang wag mapangiti.

“Nagagawa ko ang lahat ng yun dahil ma-” bago pa man siya matapos magsalita ay agad akong nagsalita.

“Maaay 15 minutes na lang tayo bago makarating ng school. Kailangan ko pang kausapin ang isa sa mga professor ko bago magsimula ang first subject ko.” Pagsisinungaling ko pero totoong 15 minutes na lang talaga ang natitirang oras bago kami makarating ng school. Hangga’t maaari ay iiwasan ko munang malagay sa usapang pag-ibig dahil alam ko namang malabong magkagusto sakin itong si Jethro at ako lang naman ang patay na patay sa kanya noong bata pa ako. Bakit ngayon ba hindi na? Hindi ko pa masasagot yan.

Mabilis niyang pinatakbo ang sasakyan at within 7 minutes ay nakarating na kami agad sa school. As usual agaw pansin na naman ang pamusong sasakyan ni Jethro habang ang gwapo gwapo niya sa suot niyang shades ngayon. Hindi ko na mabilang kung ilang beses kong narinig ang mga bagay na “nakakainggit siya” , “sana ako din” at marami pang iba. Haay kung alam nyo lang kung gaano kahirap ang maging parte ng buhay ng mga Wells ay tiyak baka bawiin ninyo yang mga sinasabi nyo.

November 8, 2017

Ambilis ng panahon at matatapos na namin ang midterm. Halos hindi ako magkanda ugaga sa kakareview dahil sa nalalapit na rin ang mga exams. Gulong gulo din ako ng mga nakaraang araw dahil kinausap ko na si Jules at tinapos ko na talaga ang lahat ng mga namamagitan sa aming dalawa. Kahit anong pilit ko sa sarili ko ay hindi ko na talaga siya kayang balikan dahil tuwing yayakapin niya ako ay lagi kong naaalala ang pagtataksil na ginawa niya sa akin. Tinanggap naman niya ang naging desisyon ko at humingi ng tawad sa akin. Pero humingi siya ng pabor na kung maaari ba’y maging magkaibigan pa rin kami pagkatapos ng mga nangyari at ako nama’y sumang ayon dahil mahirap na may hidwaan kaming dalawa lalo na’t nakatira kami sa iisang bubong.

Gaya ni Jules ay kinausap rin ako ni Josh tungkol sa aming dalawa. Kung tutuusin ay wala naman talaga siyang nagawang masama at siya rin ay naging biktima. Pero hindi na gaya ng dati ang nararamdaman ko para sa kanya. Para bang bigla na lang itong naglaho na hindi ko maipaliwanag kung bakit. Basta ang alam ko ay hindi kami ang para sa isa’t isa. Pero hindi ko inaasahan ang magiging sagot niya dahil ayun sa kanya ay hindi pa rin siya susuko. Kung aaraw arawin niya ang panliigaw niya sa akin ay gagawin daw niya para lang maibalik yung dating pagtingin ko sa kanya. Kaya naman naguguluhan ako netong mga nakaraan. Ang hirap kayang magfocus sa pagrereview kapag marami kang iniisip.

Suspended ang klase namin ngayon dahil may bagyo daw at signal no. 2 dito sa Batangas. Mabuti na rin yun para makapagreview ako ng husto sa loob ng aking kwarto. Tama, naisipan ko nang magpakatatag at natutulog na akong muli sa sarili kong kwarto dahil ayokong pag isipan nila ako ng masama sa pagtulog ko ng madalas sa kwarto ni Jethro. Kahit na minsan ay pakiramdam ko ay may nakatingin sa akin habang ako ay natutulog ay pinapalakas ko na lang ang aking kalooban. Ilang beses na ring nagpamisa at insenso sa loob ng mansyon para lang mapanatag ako na walang magmumulto sa akin. Pero ewan ko ba parang meron pa ring nakatingin sa akin tuwing ako ay matutulog o sadyang matatakutin lang talaga ako.

Taliwas sa pagkakaroon ng signal no. 2 ang pinapakita ng panahon sa labas. Napaka araw at wala man lang sensyales na pagbagsak ng malakas na ulan. Wala akong inaksayang oras at sinimulan ko na ang pagrereview sa mga upcoming exams namin. Ang hirap maging kolehiyo, hindi basta basta ang mga exams nyo. Ang matindi pa kung magkakasunod na subjects nyo ang may exam halos hindi mo na alam kung ano ang uunahin mong reviewhin.

Habang ako ay abala sa pagrereview ay bigla na lang tumawag sa akin ang isa kong classmate na groupmate ko sa isang project sa major subject namin. Inaaya niya akong mag hang out kasama ng iba naming groupmates sa isang coffee shop. Kahit papano ay naging ka close ko na sila at hindi sila gaya ng iba kong kaklase. Gustuhin ko mang sumama kaso kailangan ko pang magreview at kung lalabas naman ako ay baka mailang lang sila sa dami ng mga body guards na kasama ko kaya tumanggi ako sa alok niya at nangako na lang na sasama na lang ako sa susunod na lakad nila.

Ilang sandali pa ay nakarinig ako ng pagkatok sa aking kwarto at agad ko namang tinungo ang pinto upang pagbuksan ito. Nasa harap ko ngayon si Jethro na nakasuot ng plain black shirt at nakapantalon na pinaresan ng puting sapatos. Mukhang may date siya ngayon.

“Magbihis ka!” mabilis niyag utos.

“Ha?” tanging naisagot ko.

“Magbihis ka, aalis tayo!” sambit niya. At ako naman ay nakatunganga pa rin.

“Sa-san tayo pupunta?” tanong ko.

“Ahh basta magbihis ka bilisan mo!” bahagya niya akong tinulak papasok sa aking kwarto. Wala naman akong nagawang iba kundi ang sundin ang gusto niya. Magrereview pa sana ako eh pero dahil mukhang aburido itong si Jethro kaya nagmadali na din akong magbihis para makapunta na kami agad sa gusto niyang puntahan. Pagkatapos kong magbihis lalaki, yung mabilisang bihis kumbaga ay nagreklamo pa siya na bakit antagal ko. May pagkabipolar talaga itong lalaking to, minsan ang sweet tapos bigla na lang magiging masungit.

Nakasakay na kami ngayon sa kaniyang kotse at tinatahak ang daan patungo kung saan man niya gustong magpunta. Tahimik lang ang naging byahe namin. Mukhang wala siyang balak magsalita at ako namay wala din. Tanging ang tunog sa radyo ang nagsisilbing ingay sa loob ng kotse. Ewan ko ba hindi ko talagang mapigilang hindi kumanta sa tuwing naririnig ko ang kanta ni Vanessa Carlton na ‘A Thousand Miles’ ang sarap kasi pakinggan ng instrumentals lalo na ang lyrics ng kanta. Habang sinasabayan ko ang chorus sa pagkanta ay bigla niya na lang nilipat sa ibang station yung radyo. Bastos. Eh saktong Lady Gaga ang tumutugtog kaya sinabayan ko na rin ang pagkanta sa all time favorite song ko na ‘You and I’. Tapos gaya ng nauna ay nilipat niya ulit radio station. Nanadya talaga ang loko pero pagtiningnan mo ang kanyang mukha ay para bang wala siyang ginawang masa.

Sa paglipat niya ng station ay napangiti siya ng bahagya nang tumugtog ang isang rock music na akala niya siguro ay hindi ko alam. Gulat siya ng nasabayan ko ang pagkanta nito. Ang kanta ito ay Crucified na may sariling rendition ang Ghost na isang rock band. Matagal ko na tong pinakikinggan at sobrang nakaka LSS kahit medyo creepy ang lyrics pati na ang instrumental. Sa inis niya ay pinatay na lang niya ang radyo at saktong sakto nasa harap na kami ng coffee shop na tiyak kong papasukin namin.

Pagpasok namin sa loob ay hindi gaanong marami ang taong narito dahil na nga sigurong mas pinili nila ang manatili sa loob ng bahay dahil sa bagyo. Napansin ko na lang bigla na may kumaway na isang babae kay Jethro na nakasuot ng hapit na hapit na dress na halos hindi na makahinga ang kanyang dalawang naglalakihang pakwan basta nakakaumay tingnan. Yumakap ito kay Jethro at nakipagbeso-beso. Inabot ni Jethro sa akin ang kanyang Credit Card at sinabihang umorder ng kahit anong gusto ko. At pinaupo ako sa isang bakanteng table na medyo may kalayuan sa kanila. Sensitibo daw kasi ang kanilang pag uusapan kaya hindi ko daw pwedeng marinig. So ano pa ang point ng pagsama ko dito? Ang makita kung pano siya landiin ng babaeng haliparot na yun? If I know naglalandian lang sila at ayaw niyang marinig ang usapan nila.

Habang humihigop ako ng White Choco-Iced with Raspberry Syrup ay bigla na lang may mga grupo ng mga magkakabarkada ang pumasok. Napalingon talaga ako dahil mukhang masaya silang nagkakatuwaan. Saka ko lang napansin na sila pala ang groupmates ko na nag-aayang makibonding sa akin kaso tinanggihan ko. Ano na lang ang ipapaliwanag ko sa kanila ngayon na andito na ako mismo sa shop na pagkikitaan dapat namin. Mabilis akong napansin ni Kristoff na naging close ko na at siya rin yung tumawag sa akin kanina.

“Uy Eisen akala ko ba hindi ka makakasama, bat andito ka ngayon?” nakangiti niyang tanong. Actually gwapo rin tong si Kristoff para siyang member ng boyband ph na si Joao minus the earrings.

“Ahh ehh surprise?” ang tanging nasabi ko at nagtawanan silang lahat. Lumingon ako sa likuran ko at mukhang wala pa ring pakialam si Jethro. Kaya naman nakaisip ako ng masamang ideya.

“Para makabawi ako sa inyo, kahit anong orderin nyo ay sagot ko na!” medyo nilakasan ko ang boses ko para marinig ni Jethro pero hindi niya pa rin ako pinapansin. Sa totoo lang joke lang talaga yun pero dahil di niya talaga ako pinapansin ay tinotoo ko na.

Tuwang tuwa naman ang mga timawa kong groupmates. Kanya kanya silang pili ng oorderin at nagpadagdag pa ng desserts. Medyo ang kapal ng mga mukha. Pero dahil hindi naman saking pera to at ginigigil ako ni Jethro kaya naman ay hindi na ako nakaramdam ng panghihinayang. Pagcheck ko ng resibo ay umabot ng 3k mahigit ang bill nito at hindi man lang ako nanghinayang. Maliit na bagay lang naman to kumpara sa kinikita ni Jethro sa pagiging abugado niya.

Nagsimula na kaming magkwentuhan at napapalakas rin ang aming tawanan. Sobrang close naman sakin ni Kristoff as in dikit na dikit siya sa akin. Kanina pa nga siya nakaakbay sa akin at panay ang bulong ng mga jokes na hindi naman masyadong nakakatawa. Pero tumatawa na lang ako kaysa naman mapahiya siya. Bigla na lang ako nakaramdam na para bang may nakatingin sa akin ng masama at ayun nga ang sama ng tingin sa akin ni Jethro. Kitang kita niya ang pagkakaakbay ni Kristoff sa akin na agad ko namang inalis. Kalaunan ay nag aya nang umalis ang mga groupmates ko at inaaya ako ni Kristoff na sumabay sa kanya pero tumanggi ako dahil kasama ko si Jethro nun. Umakbay siyang muli sa akin at ginulo ang buhok ko bago magpaalam at umalis. Kasunod nilang lumabas yung babaeng sili, mukha siyang siling pula sa suot niya na kausap kanina ni Jethro. Paglingon ko ay nakaupo na si Jethro sa isang mesa at nakatingin sa akin ng masama.

Naupo ako sa harap niya at kinakausap siya pero hindi niya ako pinapansin at nagawa niya pang magsuot ng earphones para wag lang marinig ang pagpapaliwanag ko sa kanya. Sinabi ko na lahat pati na rin ang paglustay ko sa pera niya pero wala pa rin siyang reaction. Siguro nga ay wala siyang marinig dahil nakikinig siya ng music ngayon. Kaya naman di rin ako tumigil sa pagsasalita hanggat di niya ako pinapansin.

“Alam mo bang ikaw ang kauna unahang naging crush ko sa mga magkakapatid kahit di ko pa alam na may feelings ako sayo noong mga bata pa tayo. Kaso ang lakas makaturn off niyang pagiging masungit mo. Ang akala mo sakin ay baklang ubod ng landi. Ganyan ka… ewan ang gwapo gwapo mo sana eh… matagal na sana akong aamin sayo kaso..” hindi pa ako tapos magsalita nang tanggalin niya ang earphones niya.

“Akin na yung credit card may bibilhin ako” utos niya at mabilis ko namang inabot sa kanya ito.

Tumayo siya at iniwan ang kanyang iphone sa ibabaw ng mesa. Habang nakapila siya sa counter para umorder ay sinamantala ko ang pagkakataong kunin ang kanyang phone para malaman kung anong music ang kanyang pinakikinggan. Nang mailagay ko sa aking tenga ang mga earphones ay laking gulat ko nang malaman na walang tugtog o music na lumalabas. Sinukbukan ko pang palakasan ang volume kaso wala talaga chineck ko ang phone at saka ko lang nalaman na naka off pala ito. So all this time narinig niya lahat ng mga sinasabi ko. Pati na yung muntikan kong pag amin ko sa kanya.

Pagbalik niya sa aming mesa ay todo ngiti si loko na para bang nang-aasar. Pinili ko na lang na itikom ang aking bibig dahil alam kong hindi na naman ako mananalo sa kanya. Nakangiti siya palagi sa akin sa tuwing susubo siya ng cake na inorder niya na para bang inaasar talaga ako pero syempre kunwari hindi ako apektado. Pero sa totoo niyan ay inis na inis ako. Nahulog ako sa patibong niya. Pagkatapos niyang makainom ng kape ay nag aya na siyang umuwi dala dala ang isang malaking envelop na mukhang galing sa babaeng sili. Mukhang napakahalaga nun sa kanya dahil hindi niya magawang bitawan ito. Hindi ko na rin siya nagawang kulitin tungkol sa bagay na ito.

Gaya kanina ay naging tahimik ang aming byahe. Walang nagsasalita sa aming dalawa. Ang pinagkaiba lang ay mukhang good mood si Jethro ngayon. Hindi ko alam kung bakit pero nakakaasar sa tuwing tititigan niya ako at sabay ngingiti nang makahulugan. Habang nasa byahe kami ay biglang bumuhos ang malakas na ulan. Bawat minuto ay palakas ito nang palakas. Hininto ni Jethro ang sasakyan sa may tabi ng puno na hindi kalayuan sa daan. Wala na kasing halos makita sa daan dahil sa lakas ng buhos ng ulan. Kahit nasa tabi na kami ng puno ay ganun pa rin ang buhos nito sa sasakyan.

Nanatili kami sa loob ng halos 20 minutes pero wala pa ring nagbabago sa buhos nito. Hanggang sa umabot ng 40 minutes ay humihina at lumalakas pa rin ito. Ramdam na ramdam ko na ang lamig ng aircon ng sasaakyan ni Jethro kahit na hininaan niya na ito. Hindi namin pwedeng patayin ito dahil pwede kaming masuffocate sa loob. Hindi rin namin magawang buksan ang bintana dahil papasok sa loob ng sasakyan ang buhos ng ulan. Kaya naman wala akong nagawa kundi tiisin ang lamig. Wala kaming dalang extrang damit o kaya jacket man lang sana.

“Halika dito tayo pumuwesto sa likod!” lumipat siya sa backseat at inaaya akong pumwesto doon.

“Ha bakit?” pag-aalangan ko.

“Dalian mo na, wag ka nang maarte!” pagkasabi niya nun ay agad naman akong sumunod.

Hinila niya ako papalapit sa kanya at niyakap ako habang nakatalikod sa kanya. Hindi ako nagpumiglas o kaya naman ay nagsalita man lang. Hinayaan ko na lang siyang gawin ang gusto niyang mangyari. Kahit papano ay naiinitan ako sa ginagawa niyang pagyakap sa akin pero hindi pa rin ito sapat para mawala ang panginginig ko kaya naman ay bigla niyang hinubad ang suot ng tshirt na itim para ibalot sa aking mga braso at kamay nang hindi ako lamigin ng husto.

“Eh papano ka?” tanong ko. Dahil nag aalala ako na baka siya naman ang ginawin sa paghubad niya ng damit.

“Wag mo na akong alalahanin” sabi niya at saka niya ako hinila ng papalapit sa kanya ng husto at niyakap ako nang mahigpit. Unti-unting nawala ang lamig na nararamdaman ko kanina. Salamat sa tshirt at yakap ni Jethro at nalabanan ko ito. Pero ibang init naman ngayon ang kailangan kong labanan lalo na’t may nararadaman akong bagay na matigas sa aking likuran.

“So hindi mo talaga aaminin?” bigla niyang tanong.

“Ang alin?” tanong ko naman dahil hindi ko alam kung ano ang tinutukoy niya.

“Na gusto mo parin ako?” nagulat ako sa sinabi niya. Aabante sana ako pero hinila niya ako kaagad. Tumatama ang init ng kanyang hininga sa batok ko. Parang lalo akong nakaramdam ng kakaibang init sa katawan ko na dapat kong labanan.

“Bata pa ako nun, okay?” pagsisinungaling ko.

“Eh ano yung narinig ko kanina?” bulong niya sa tenga ko na sobrang nagpapalambot sa tuhod ko.

“Wa-wala… guni-guni mo lang yun!” nauutal na ako sa pagsisinungaling ko.

“Okay, edi mag-iistay tayong ganito hangga’t di ka umaamin” sinubsob niya ang mukha niya sa aking leeg. Wala naman siyang ginagawang kakaiba, kumbaga parang natutulog lang siya. Pero yung bawat paglapat ng hininga niya sa aking batok ay parang may gustong kumawala sa loob ng aking katawan na pilit kong nilalabanan hanggang sa…

“Para san yun?” tanong niya nang bigla ko siyang halikan sa labi. Hindi ko rin alam kung bakit ko nagawa yun. Walang salitang lumalabas sa bibig ko. Ang alam ko lang ay gusto ko pang ulitin yun pero sa ikalawang pagkakataon ay si Jethro na mismo ang humalik sa akin ng mariin. Pagkatapos niya akong halikan ay saka ako naglakas loob magsalita.

“Oo, Jethro.. gusto kita simula bata pa lang tayo…. Naiinis ako sa sarili ko kung bakit antagal bago ko naalala ang lahat ng tungkol sayo. Mahal na mahal talaga kita” kasabay nun ang pagbuhos ng aking mga luha. Mabilis naman niyang pinunasan ang aking mga luha gamit ang kanyang mga kamay.

“Please don’t cry, Its okay.. ang importante ay naalala mo na ako ngayon.” Nakangiti niyang sambit habang patuloy niyang pinupunasan ang mga luha ko.

“Pero hindi ko pa din alam kung gusto mo ba talaga ak-” hindi pa man ako tapos magsalitang nang halikan niya akong muli.

“Pwede na bang sagot yun.. oh eto pa… eto pa” sunod sunod niyang hinalikan ang aking labi at pisngi.

“You have no idea how much you tame the bad boy in me” ngumiti siya at siniil niya ako ng halik. Gumanti naman ako sa bawat paghalik niya sa akin. Ang aking kaliwang kamay ay nakakapit sa kanyang batok at aking kanang kamay naman ay humihimas sa kanyang dibdib hanggang sa kanyang mga abs.

Kahit gaano kalakas ang ulan at gaano kalamig ang paligid ay tila sobrang init sa loob ng kotse dahil sa halikang ginagawa namin ni Jethro. Sobra akong nadala sa mga pangyayari at hindi ko namalayan na naipasok ko na pala sa loob ng kanyang pantalon at brief ang aking kamay. Kapwa kaming nagulat sa inasal ko pero mukhang nagustuhan naman ni Jethro dahil nagawa niya pang tumitig sa akin ng nakakaloko at saka niya ako hiniga ng maayos sa backseat.

Itutuloy…….

A/N: I’m backkkkkkkkkk!!! Sorry for the delay. Busy lang favorite author nyo (kiniclaim ko na xD)

Gusto ko lang i share guys na nameet ko na sa wakas si Jethro in person a.k.a. David Licauco.

Kuha to noong July 7 sa kanyang Post birthday celebration with his fans. Nakakatuwa lang kasi last year na meet ko si Eisen a.k.a Bass Piniwat. Sana next year si Jules naman a.k.a. Joss Wayar pagpumunta ako sa Thailand. Fact: 8months ko ng wallpaper yung picture ni David sa taas. At yun yung basis ko sa suot niya nang magpunta sila ni Eisen sa coffee shop.

Anyway.. sobra akong natutuwa sa feedbacks nyo at binabasa ko yun kahit hindi ako nakakapagreply. And yes, first novel ko to. Wala akong experience sa pagsusulat before. Gusto ko lang malaman kung natutuwa pa ba kayo sa story kasi filler na lang to hahaha… Kaya Bad Boy Down ang title kasi na LSS ako ngayon sa kanta ng Red Velvet na Bad Boy haha

Past time na ng tulog ko.. nagpuyat ako para maupdate lang to kahit na may pasok pa ako mamayang gabi…so please dont forget to vote!!!!

Last 3 chapters na lang, Thank you guys! ♡♡♡

Edited by RJEM16

Chapter 33: Lips and Hips

Bass as Eisen

Jethro’s POV

I just can’t believe na hahantong kami sa ganito ni Eisen. Sobrang lakas ng ulan sa labas, pero heto kaming dalawa kapwa nag-iinit sa loob ng sasakyan. Ewan ko ba kung bakit ang lakas ng charm niya sakin. Well, siguro dahil mahal ko talaga siya kaya ganito ang nararamdaman ko. Everytime na magdidikit ang aming mga balat ay para bang nako kuryente ako. Tuwing naaamoy ko siya ay para bang naaadik ako sa natural niyang amoy. Basta once na nahawakan ko siya o nayakap ko siya ay parang ayoko nang bumitaw pa.

Hindi ko rin mapigilang maturn-on sa tuwing nagkakalapit ang aming mga katawan. Damn, he’s so fucking sexy para maging lalaki. Sobrang lambot at kinis ng balat niya, kung titigan ko siya ang parang gusto ko nang gahasain siya anytime. Pero mas gusto kong maging gentle para sa kanya dahil ayoko nang mangyari yung nangyari sa yatch. Ayokong kamuhian ako ni Eisen, gagawin ko lang sa kanya to kung alam kong gusto niyang ring gawin namin. Kaya naman laking gulat ko na lamang nang bigla niyang naipasok ang kamay niya sa loob ng pants at brief ko. Hawak-hawak niya ngayon ang semi- erect kong pagkalalaki at ngayon ay tuluyan nang nabuhayan.

Hindi ko na pinatagal ang pananabik namin sa isa’t isa kaya naman ay hiniga ko na agad siya sa backseat at hinubaran ng tshirt. Hindi ko mapigilan ang sarili ko na manggigil sa mga nipples niya na pinkish ang kulay. Damn it, Eisen! I’m trying my best to control myself para lang maging gentle ako sa kanya, pero bawat sulyap ko sa pagmumukha niya ay para bang gusto ko nang maging rough sa kanya pagdating sa sex. Sinimulan ko muna ang paghalik sa kanyang mga labi. I am now sucking his tongue and guess what lumalaban din siya. Habang patuloy ang paglalaplapan namin ay panay ang pagtaas baba niya sa aking kahabaan. Hindi ko mapigilang mapaungol sa ginagawa niyang pagtaas baba neto. Parang anytime soon ay lalabasan na ako gamit lang ang kanyang kamay. Pero syempre pipigilan ko ang sarili ko hangga’t hindi ko pa siya napapasok.

Patuloy ang mainit naming halikan at habang panay ang pagtaas baba niya sa aking kahabaan ay ako nama’y patuloy na nilalaro ang magkabilang nipples niya na nagpapaungol sa kanya. Lalo akong nalilibugan sa bawat pag ungol niya. Bumaba ang mga halik ko sa kanyang leeg at nag iiwan ng mga mahihinang kagat. Hanggang sa umabot sa kanyang dibdib ang aking mga labi. Walang humapay kong pinagsisipsip at kagat ang mga ito. Kanina’y pinkish ngayon ay mamula mula na ang magkabilaan niyang nipples dahil sa kakasipsip ko. Halos isubsob na niya ang buong pagmumukha ko sa kanyang dibdib at bahagyang nasasabunutan niya ang aking buhok.

Pinaulanan ko ng halik ang kaniyang tiyan bago ko binaba ang suot niyang shorts. Pagkababa ko ng kanyang shorts ay isinama ko na rin ang kanyang underwear. Bigla niyang tinakpan ang kanyang hinaharap ng matanggal ko ang kanyang underwear. Kaya naman ay hindi ko mapigilang matawa.

“What’s wrong?” tanong ko.

“Eh kasi…..” hindi siya mapalagay at hindi makatingin sa akin.

“Nakita ko na rin naman yan eh, wag ka na mahiya!” pagkumbinse ko sa kanya pero nahihiya pa rin siya. Kaya naman muli kong sinubsob ang aking mukha sa kanyang dibdib at muling sinipsip ang kanyang mga utong. Habang tumatagal ay tila nagugustuhan na niya nang husto ang ginagawa ko. Ang kanyang kamay na nakatakip sa kanyang hinaharap ay ngayo’y nakahawak na sa ulo ko.

Sinamantala ko ang pagkakataong sapuhin ng kanang kamay ko ang kanyang hinaharap na kanya namang ikinagulat. Pero hinayaan niya lang akong himas himasin ito hanggang sa naging full erect na.

“Not bad” sabi ko nang makita ko na mukhang nasa 5 inches din yung kanya. Bigla naman siyang nahiya sa akin at hindi ko mapigilang mapangiti sa sobrang cute ng reaction niya.

Binaba ko ang aking mukha patungo sa kanyang alaga para amuyin ito. Hindi na ako nabigla na mabango ito dahil alam ko namang napaka hygienic ni Eisen simula bata pa. Sa gigil ko ay hindi ko napigilang halikan ito. Hanggang doon lang ang kaya kong gawin dahil hindi naman ako marunong sumubo ng ari ng lalaki at saka wala rin akong balak gawin.

“Pasensya na, yan lang kaya kong gawin” ngumiti naman siya sa akin bilang pagsagot.

Sa pagkakataong ito ay gustong gusto ko na talaga siyang pasukin pero dapat ihanda ko muna siya nang mabuti para naman parehas kaming masiyahan at hindi siya masyadong makaramdam ng sakit kapag pinasok ko na siya. Kaya naman ay sinimulan kong himurin ang kanyang lagusan para marelax siya . Ang hirap ng pwesto namin dahil nasa loob kami ng kotse pero patuloy pa rin ako sa ginagawa kong pagpapaligaya sa kanya. Humihigpit ang paghawak niya sa aking buhok sa bawat segundong tumatagal na pagpapaligaya ko sa kanya. Sa tuwing itinatama ko sa kanyang butas ang aking dila ay hindi niya mapigilang mapaungol ng malakas. That’s it… make it louder!

Nilapit ko sa bibig niya ang dalawa kong daliri at agad naman niya itong naintindihan kung ano ang ibig kong sabihin. Gamit ang dila niya ay nilaro niya ng mabuti ang aking mga daliri habang nasa loob ito ng kanyang bibig. Sa mga sandali pa lang na yun ay sobrang naliligayahan na ako. Pagkatapos niyang paglaruan ito ay dahan dahan kong pinasok ang isa kong daliri sa kanyang lagusan. Pagkapasok ng aking daliri ay maririnig ang mahinang paghalinghing ni Eisen. Sinigurado ko munang komportable siya bago ko pinasok ang pangalawa kong daliri. Nang masanay siya ay ginawa ko na itong tatlo. Sa pagkakataong iyon ay naghahabol na siya ng paghinga, ramdam ko na nasasaktan siya pero tinitiis niya.

Nang maramdaman kong kumportable na siya ay hinugot ko na ang aking mga daliri sa kanyang lagusan. Umupo ako ng maayos para mahubad ko ang aking pantalon at brief. Maririnig mo ang pagpitik ng aking alaga nang tuluyan itong makawala sa aking underwear. Laking gulat ko nang bigla niya itong sinubo.

“Ahhhhh…sarap naman” hindi ko mapigilan ang sarili kong mapaungol ng malakas. Kung sa mansion namin ginawa ito ay tiyak may makakarinig sa ginagawa naming dalawa.

Hindi man niya magawang masubo ng buo ay saktong sakto na to para mapaligaya ako ng husto. Never ko pang naexperience ang ganitong klaseng blowjob sa mga past girlfriends ko. Bawat taas baba ng kanyang ulo sa aking alaga ay sobra sobrang ligaya ang dinudulot nito sa aking katawan. Dalawang kamay ko na ang umaalalay sa kanyang ulo. Halos mabaliw ako sa sarap kapag pilit niyang sinusubo ito ng buo. Lalo na sa tuwing tumatama ang ulo ng aking alaga sa kanyang ngala-ngala. Kahit na halos masuka na siya ay pilit niyang ginagawa ito para mapaligaya lang ako.

Akala ko ay panandalian niya lang gagawin ito pero nagkamali ako dahil halos ayaw niyang bumitiw sa aking alaga. Hinayaan ko na lamang siya sa kanyang gustong mangyari. Ang sarap niyang pagmasdan habang taas baba siya sa ari ko. Naging malikot din ang kanyang kamay na humihimas sa dibdib at tiyan ko. Kahit anong pigil ko ay hindi ko talaga kayang hindi labasan sa pagpapaligayang ginagawa niya sa akin. Kaya naman ng malapit akong labasan ay binalaan ko na agad siya.

“Ahh… I’m cumming!” halos mapaos ako sa sobrang sarap ng nararamdaman ko ngayon. Mukha wala siyang narinig at tuloy pa rin siya sa pagpapaligaya sa akin hanggang sa.

“Ayan na ahhhh…” hindi ko napigilang mapaungol nang pagkalakas. Damn, never kong naexperience ang ganitong klaseng blowjob.

Pawis na pawis akong sumandal sa upuan habang siya nama’y sinisimot ang katas na patuloy na lumalabas sa aking ari. Hinawakan ko siya sa pisngi para sabihang itigil na ang ginagawa niya at agad naman niyang naintindihan. Hindi ko naman hahayaang matapos ang sandaling to na hindi ko siya napapasok pero bago ko pa man sabihin yun ay agad niyang inupuan ang aking ari. Halatang nahihirapan siyang maipasok ito dahil kahit hinanda ko na siya kanina ay para bang kusang kumikipot ang kanyang lagusan. Dahan dahan niya itong binababa hanggang sa kalahati na ng aking ari ang nasa loob niya. Ang sarap sa pakiramdam dahil halos masakal ang aking ari sa sikip ng kanyang lagusan. Sa sobrang pagkasabik ko ay sinalubong ko siya pataas para maisagad na ito. Napahiyaw siya sa sakit nang maipasok ko ito ng tuluyan.

“Sorry, Sorry!” sabi ko at hinalikan ko ang kanyang mga labi para madistract siya at hindi mag focus sa sakit. May kakaiba akong nalalasahan habang kami ay naghahalikan. Kung tama ang hinala ko ay yun ay ang aking tamod. Sa unang pagkakataon ay nalasahan ko ang sarili kong tamod. Hindi ko gawaing makipaghalikan sa mga nakakasex ko kapag natapos nila akong ma blowjob, I find it gross. Pero ewan ko ba kung anong meron itong si Eisen at nagagawa ko ang bagay na ito.

Habang kami ay naghahalikan ay nagsimula na siyang magtaas baba sa aking ari. Hindi ko rin naman siya binigo dahil sinasalubong ko ang bawat pagbaba niya. Sobrang sarap pala talagang makipagtalik sa taong pinakamamahal mo. Iba yung pakiramdam, parang hindi ka magsasawang gawin ito ng paulit-ulit. Nang maramdaman kong napapagod na siya sa aming posisyon ay agad ko naman siyang pinadapa para ako naman ang magtrabaho. Mabilis ko na itong naipasok dahil madulas na ang kanyang lagusan sa ganitong pagkakataon. Hawak-hawak ko ang kanyang baywang at buong lakas kong tinitira ang kanyang likuran.

“Bilisan mo pa… please” rinig kong sabi niya. Lalo akong nakaramdam ng libog at mas lalo kung binilisan ang aking paglabas masok.

“How about this? And this? And this?” magkakasunod na ulos ang ginawa ko at halos mapahiyaw siya sa sarap sa ginawa ko. Mabuti na din at nasasarapan na siya sa ginagawa naming pagtatalik. Ang sarap niyang pagmasdan habang nakadapa siya sa upuan at ako ay walang sawang tumitira sa kanya. Nang magsawa kami sa dog style position ay pinatihaya ko siya at agad kong pinasok ang lagusan niya. Patuloy ang paglabas masok ko sa kanya hanggang sa naramdaman kong malapit na akong labasang muli.

“I’m about to cum…ahh” patuloy pa rin ang pag ulos ko.

“Promise me, Once na pinutok ko to sa loob mo ay walang sino man ang pwedeng pumasok dito maliban sakin!” seryoso kong sabi pero napangiti siya at nagpipigil ng tawa.

“Ba-bakit ko naman gagawin yun?” nakakainis yung pagbungisngis niya kaya naman binilisan ko ang pag ulos na may halong panggigil. Halos tumirik ang mata niya sa sarap at halos bumaaon ang kuko niya sa likod.

“Ye-Yes.. YES YES… Promise!” sabi niya habang naghahabol ng hininga.

Hindi ko na talaga mapigilan at ilang sandali na lang ay lalabasan na talaga ako. Hinalikan ko si Eisen, halos habulin naming ang aming hininga dahil walang sino man sa amin ang may balak na bumitiw sa paghahalikan. Tuloy-tuloy pa din ang pag-ulos ko at sa isang matinding pagbaon ay nilabas ko lahat ng katas na meron ako sa loob ng kanyang lagusan. Kapwa kaming pawisan sa mga sandaling iyon, naghahalo na aming mga malalagkit na pawis pero hinayaan na lang namin ito. Hindi ko pa rin hinuhugot ang aking ari sa loob niya dahil nais kong manatili mo na yun hanggang sa kusa itong matanggal kapag lumambot. Sa ngayon ay masasabi kong ito na ang pinaka the best sex experience ko so far. At ang bawat sandaling yun ay pinagsaluhan naming ng taong mahal ko, si Eisen.

Eisen’s POV

Hindi ko lubos maisip na magagawa naming ni Jethro yun sa loob ng kanyang kotse at sa ganitong uri ng panahon. Nanatili pa rin siyang nakapatong sa ibabaw ko at ang kanyang alaga na kanina ay gising na gising ay unti-unting natutulog. Mukhang pati siya natutulog na rin habang nakapatong sa ibabaw ko. Sinubukan kong kausapin siya pero tanging mahihinang pag-ungol lang ang kanyang nagiging sagot sa akin. Nakatulog na nga ang loko, kaya naman ay inayos ko siya ng paghiga sa back seat. Sa tangkad niya ay halos hindi siya magkasya kaya naman ay pinili niyang mamaluktot sa pagtulog. Imagine, ang masungit na si Jethro ay kasama ko ngayon hubo’t hubad. Sa loob ng mansion ay napakabihira mo siyang makitang naka topless. Maging sa pananamit niya tuwing siya ay lalabas ng mansion ay napakamabusisi niya. Kailangan lagi siyang mukhang desente at kagalang galang. Pero kung titingnan mo ngayon ay para siyang isang porn actor na walang saplot sa loob ng sasakyan.

Ang sarap niya talagang pagmasdan habang natutulog. Napaka amo kasi ng mukha niya tuwing nakikita ko siyang natutulog nang mahimbing. Sana sing amo rin ng mukha niyang natutulog ang mukha niya kapag gising. Madalas kasi ay naka poker face siya o kaya naman ay nagsusungit, pero ganun pa man ay ang gwapo-gwapo parin niya. Makalipas ang ilang minuto ay nakaramdam na rin ako ng antok. Lilipat na sana ako ng pwesto sa front seat para matulog pero bigla akong hinila ni Jethro pahiga sa tabi niya. Nakatagilid siyang humiga kaya nagkasiya kami sa backseat. Nakadantay ang kanyang kaliwang paa sa akin kaya nagawa naming mapagkasiya ang aming sarili. Pareho kaming walang saplot na natulog, kahit ganun pa man ay hindi ako nakaramdam ng lamig dahil sa init ng katawan ni Jethro na nakayakap sa akin. Sa mga sandaling yun ay wala na akong inintindi pang iba kundi hinayaan ko na lang ang antok na kainin ako habang kasama ang isang taong mahalaga sa akin.

KINABUKASAN~

Nagising ako sa ingay na nanggagaling sa pinto ng sasakyan. Mukhang may kumakatok sa labas ng kotse, oh shit may pulis. Nataranta ako at bigla kong ginising si Jethro dahil hindi ko alam ang gagawin ko ng mga sandaling yun. Natataranta akong dinampot ang mga damit naming na nagkalat sa ilalim ng upuan.

“Ano bang minamadali mo? Ang aga pa halika nga” bigla niya akong hinatak at napapatong ako sa ibabaw niya. Naniningkit pa ang mga mata niya habang nakatingin sa akin at bumabati ng ‘GOOD MORNING’. Kung hindi ko nakilala si Tito Barry ay iisipin kong may lahing Chinese itong si Jethro pero hindi rin malabong mangyari yun dahil hindi ko pa naman nakikilala ang kanyang ina. Baka dun niya kasi nakuha ang pagkachinito niya. Sasagot na sana ako sa kanya ngunit bigla kong naalala ang pulis na nag-aabang sa labas.

“Ma-may pulis sa labas!” dali-dali kong inabot sa kanya ang kanyang pantalon at damit. Nagkamali ako ng bigay sa kanya ng under wear, imbes na under wear nya ang maibigay ko - ang under wear ko ang naiabot ko sa kanya. Laking gulat ko nang walang arte niya itong sinuot.

“Hoy brief ko yan!” sambit ko at tumingin siya sa akin.

“Kaya pala ang sikip, o heto suotin mo yung akin para patas tayo!” inabot niya sa akin ang putting brief niya. Noong una ay nag-aalangan pa akong isuot ito dahil gusto kong ibalik niya ang brief ko pero suot suot niya na ito, maging ang kanyang pangtalon ay suot-suot na niya. Nagmamadali naman akong isuot ang brief niya nang lumapit siya sa front seat at aakmang bubuksan ang pinto ng kotse. Pero bago pa man niya buksan ito ay tumingin muna siya sa akin at saka niya lang binuksan ito nang matapos akong magbihis.

Lumabas siya ng kotse para kausapin ang pulis na kanina pa kumakatok sa amin. Hindi man lang niya nagawang magsuot ng damit nang kausapin niya ito. Nacurious ako kung ano ang pinag-uusapan nila kaya naman ay lumipat narin ako sa front seat para marinig ko ang pinag-uusapan nila. Narinig ko na nagtatawanan silang dalawa habang nag-uusap.

“Nagreport kasi sa akin itong si Josh dahil hindi pa daw kayo nakakauwi kagabi, tapos wala raw sumasagot ng tawag sa inyong dalawa. Kaya naman nag-aalala sila at agad naming kayong hinanap nang bumuti ang panahon” sabi ng pulis.

“Na-stranded kasi kami sa lakas ng ulan kagabi, halos hindi ko na nga makita ang dinadaanan namin kaya naman tumigil muna kami dito sa tabi para magpatila ng ulan. Hindi naman naming inaasahan na uumagahin na kami” pagpapaliwanag ni Jethro.

“Ah sige po sasabihan ko na lang po yung mga kasama ko na nahanap ko na kayo. Kayo na po ba ang magsasabi sa mga kapatid nyo o kami na?” tanong ng mamang pulis.

“Kami na ang bahala, uuwi na rin naman kami dahil baka bumuhos na naman ang malakas na ulan” sagot naman ni Jethro.

Ilang sandali pa ay nagpaalam na ang pulis at ang kasama nito. Dahan-dahang lumapit sa akin si Jetho, kahit medyo makulimlim ang kalangitan ay parang nagliliwanag sa kaputian ang kanyang katawan. Idagdag mo pa ang matatamis niyang ngiti na halos tumunaw sa akin. Hindi ko namalayan na nakalapit na siya sa akin, as in sobrang lapit ng mukha niya at ang kanyang mga ngiti ay nanunukso.

“Mukhang nag-aaya ng round 2 yang pagtitig mo sakin ah” sabi niya at para bang binuhusan ako ng malamig na tubig sa mukha ng matauhan ako.

“Hi-hindi ahh!” mahina kung itinulak ang kanyang mukha papalayo sa akin. Hindi naman naalis sa kanya ang pangiti na nakakaloko.

“Good, baka abutin tayo ulit ng gabi dito kapag nag aya ka pa” saka siya tumawa habang naglakad patungo sa driver’s seat. Kaagad niya itong pinatakbo dahil mukhang bubuhos na naman ang malakas na ulan. Hindi mawala ang ngiti sa aking mga labi dahil sa ligayang nadarama ko ngayon. Ikaw ba naman ang tumabi sa isang machong driver na ubod ng gwapo at nakatopless. Ano kayang mararamdaman mo?

December 2, 2017

Mabilis natapos ang mga klase ko ngayon dahil karamihan sa mga professor naming ay nagpapagawa na lang ng mga projects at nagbibigay ng mga pointers to review para sa finals. Nakakapagod din ang walang humpay na pagrereview ko last month. Mabuti ay nagawa ko namang maipasa ang bawat subjects na meron ako sa semester na ito. Magiging challenging lang sa akin ang darating na Finals kaya naman ay todo review pa rin ako at nag-aadvance reading sa mga subjects na maaring ituro sa amin.

Maaga pa naman ako sa oras na napag-usapan namin ni Jethro. Simula nang may mangyari sa amin sa loob ng kotse ay biglang nagging super sweet sa akin ni loko. Hindi ko nga makalimutan yung mukha niya nang sabihin niya sa akin na gusto niya akong ligawan para mas mapatunayan niya daw na totoo ang feelings niya para sa akin. Para siyang teenager na first time manligaw dahil nauutal pa siyang sinabi sa akin yun. Pinigilan ko na nga lang ang sarili ko na wag matawa kasi baka magalit siya sa akin. Pero hindi ko rin napigilang mapangiti sa sobrang pagkakilig sa effort na ginagawa niya. Akalain mong kahit busy siya ay nagagawa niya pa akong ihatid-sundo sa school dahil ayaw daw niyang may ibang gumagawa nun sa akin dahil nagseselos daw siya. Bigla akong nakaramdam na naiihi ako kaya naman ay tinungo ko ang CR bago makipagkita kay Jethro sa labas ng building. Sa paglalakad ko ay bigla na lang may humila sa akin sa loob ng isang kwarto. Laking gulat ko nang makita ko kung sino ito.

“SAAAM?” hindi ko napigilang mapalakas ang boses ko kaya naman tinakpan niya ang aking bibig gamit ang kanyang kamay.

“Huwag kang maingay!” utos niya habang tinatakpan niya ang aking bibig. Nagpupumiglas naman ako hanggang sa mabitawan niya ito.

“Ano ba, tigilan mo na nga ito!” sabay tulak ko sa kanya.

“Hindi ako nandito para manggulo” mahina niyang sabi, mukhang ayaw niya talagang may makarinig sa aming dalawa.

“Eh ano ngang ginagawa mo dito kung hindi ka naghahanap ng gulo?” inis kong sambit, hindi ko rin magawang huminahon kaya napapalakas ang aking boses.

“Gusto kong sumama kana sa akin dahil ayaw kitang madamay sa gulo ng mga Wells. Masasaktan ka lang dahil hindi lang ako ang may balak na gumanti sa kanila. Kaya sumama ka na sa akin para hindi ka na madamay pa!” lalo akong nainis sa mga sinabi niya kaya mas lalong tumaas ang aking boses.

“WALA KA NANG MAGAGAWA SAM, HINDI AKO SASAMA SAYO! SINIRA MO NA ANG BUHAY KO KAYA WALA NA AKONG PAKIALAM KUNG ANO MAN ANG MANGYARI SA AKIN. WALA NA SI MAMA AT SI PAPA KAYA WALA NA RIN NAMANG MAWAWALA SA AKIN.” nagulat siya sa aking mga sinabi kaya natagalan bago siya nakasagot sa akin.

“Nakikiusap ako sayo, sumama ka na sa akin. Hindi ko kayang pati ikaw ay mawala pa” doon na tuluyang tumulo ang kanyang mga luha. Hindi ko alam kung totoo baa ng pag-iyak iyak niya sa akin pero desidido ako na hindi ako sasama sa kanya kahit ano man ang mangyari.

“Eisen, asan ka?” narinig kong pagtawag sa akin ni Jethro. Dali-dali naming nagsuot ng sobrerong itim at tumakbo papalabas ng kwarto si Sam. Hahabulin ko pa sana siya ng biglang magkabungguan sila ni Jethro at natumba si Jethro sa sahig. Mabilis naming nakatayo si Sam at tumakbo para tumakas.

“Okay ka lang ba?” mabilis akong lumapit kay Jethro para alalayan siyang makatayo. Pero sa halip na sagutin niya ang aking tanong ay bigla niyang hinawakan ang aking pisngi.

“Ikaw ayos ka lang ba? Hindi ka ba niya sinaktan?” tanging pag-iling lang ang sinagot ko at saka niya ako niyakap nang mahigpit.

Mabilis niyang tinawagan ang mga security para ipahanap sa Uni si Sam pero kahit gaano karami ang naghanap sa kanya ay bigo silang mahuli ito. Makalipas ang isang oras ay nagpasiya na kaming umuwi sa mansion. Medyo nakakailang lang dahil may mga pulis na nakabuntot sa amin dahil gusto ni Jethro na maging safe kami, lalung lalo na daw ako. Halos hindi na nga mawala ang tingin niya sa akin at mukhang nag-alala talaga siya. Kaya naman habang nagmamaneho siya ay hawak hawak ko ang kanang kamay niya para mapanatag siya na nasa tabi niya lang ako.

Pagkarating sa mansion ay kapwa kaming pagod ni Jethro kaya naman nagpaalam kami sa isa’t isa nang pasukin naming ang kanya kanya naming kwarto. Nawalan na rin ako ng ganang kumain ng gabi na yun kaya naman nang matapos akong magbihis ng damit ay nanatili lang ako sa loob ng aking kwarto. Bigla kong naalala na ngayon pala ang live performance ni Hyuna sa MMA (Melon Music Awards) para sa comeback single niya na Lips & Hips. Kudos sa stylist niya dahil bumagay ang orange boots niya sa kulay lemon niyang damit. Sobrang iconic ng boop-pop na ginawa niya bago magchorus. Wala pang nakakagawa nun sa KPOP industry at matapang na nagawa niya yun. Wala akong pagkagusto sa mga babae, totoo yan. Pero exception dun si Hyuna dahil kahit sino naman ay magkakacrush sa kanya dahil sobrang talented niya at ang lakas ng kanyang charisma sa stage.

Gusto kong kalimutan ang mga nangyari kanina kaya naman ay paulit ulit kong pinakinggang ang bagong kanta ni Hyuna. Tumatak sa akin ang part ng kanta na

“Lip and lip and lips, Hip and hip and hips”.

Ewan ko ba tuwing naririnig ko yun ay naalala ko yung nangyari sa amin ni Jethro sa loob ng kanyang kotse. Kaya kahit hindi ko naiintindihan ang kanta ay malinaw sa akin na tungkol sa sex ang kanta. Lalo akong nakakaramdam ng kakaibang sensasyon habang pinapakinggan ito. Ayoko nang ganitong pakiramdam kaya naman ay minabuti kong itigil muna ang pakikinig at lumabas ng kwarto. Pagkalabas ko ng aking kwarto ay laking gulat ko nang bumungad sa akin si Jethro.

“Ahhhmm…bakit?” tanong ko kaagad.

“Nakalimutan ko kasing sabihin sayo na aalis tayo bukas” sagot niya pero napatigin ako ng matagal sa kanyang mukha bago ako nakapagsalitang muli.

“San naman tayo pupunta?” tanong kung muli.

“Ibibigay ko sayo ang address at ihahatid ka ni Caloy papunta doon” nakangiti niyang sabi, parang nahihiwagaan ako sa mga sinasabi niya.

“Sino si Caloy?” hindi ko mapigilang magtanong.

“Basta trusted na driver ko siya at tiyak na magiging safe ka kasama siya. Gusto ko sana na mag-date tayo bukas dahil gusto kong malaman mo na seryoso talaga ako sayo” ewan ko ba at bigla akong nakaramdam ng hiya nang marinig ko sa kanya iyon.

“Hi-hindi mo naman kailangang gawin ito eh” pabebeng sagot ko.

“No, gusto kong maging official na ang pagdidate natin, kaya please wag kana magtanong. Sumama ka na lang” pakiusap niya. Napangiti na lang ako at tumango bilang pagsang-ayon sa kanya.

“Goodnight” sabi niya habang nakangiti at ganun din naman ang nagging tugon ko. Dahan-dahan siyang tumalikod at nagtungo para pumasok sa kanyang kwarto. Papasok na sana akong muli sa aking kwarto nang bigla niya akong pinigilan at sinandal sa pader at hinalikan. Sa paraan ng paghalik niya ay ramdam na ramdam ko ang pagmamahal niya sa kin kaya naman ay di ko mapigilang gumanti ng paghalik sa kanya. Nabitin ako nang bigla siyang kumalas sa paghalik sa akin.

“Goodnight kiss lang yun” natatawa niyang sambit kaya naman pinalo ko siya sa braso dahil mukhang napahiya ako.

KINABUKASAN~

Halos hindi ako nakatulog kakaisip kung saan ba ako dadalhin ni Jethro sa pagkakataong to. Syempre nanabik din ako sa mga mangyayari dahil wala talaga akong ka ideideya kung saan kami pupunta. Nasa labas ako ng mansion habang nakaabang ang isang puting sasakyan. Lumapit sa akin ang isang lalaki at nagpakilala na siya raw si Caloy na driver na mapagkakatiwalaan ni Jethro. Agad naman akong sumama sa kanya at nagtungo kami sa sinasabi ni Jethro na dapat naming puntahan. Napahanga ako sa lugar na pinuntahan naming, sa entrance pa lang ay punong puno na ng puting bulaklak. Pakiramdam ko tuloy ay parang ikakasal ako sa araw na to. Pagkababa ko sa sasakyan ay agad naman akong iniwan ni Caloy na mag-isa doon. Isa itong eleganteng restaurant na sa loob at labas pa lang ay mahahalata mo na. Sa kinatatayuan ko pa lang ay natatanaw ko na ang beach. Sobrang romantic talaga ng place lalo na at papalubog na ang araw. Pumasok ako sa loob ng resto at sobrang tahimik dito. Parang walang tao sa loob. Ilang beses na rin akong nagtatawag at wala paring sumasagot.

Naisipan kong maupo sa gitna na mayroong table at dalawang upuan. Halos sampung minuto na ang nakakalipas ngunit wala pa rin akong nakikita ni isang tao doon. Bigla akong nakaramdam ng kaba kaya naman agad kong tinawagan si Jethro sa kanyang cellphone ngunit hindi siya ma contact. Naalala ko tuloy yung sinabi sa akin ni Sam kahapon kaya lalo akong nataranta at hindi ko alan ang gagawin ko. Naisipan kong tumawag ng pulis pero bago pa man ako makatawag ay may biglang nagsalita sa likuran ko. Boses ng isang lalaki na hindi ko kilala kung sino kaya naman nang lingunin ko ito ay nagulat talaga ako nang malaman ko kung sino ang nagmamay-ari ng boses nito.

Itutuloy…..

A/N: Kamusta kayo? May nagbabasa pa ba nito? De-Joke..hahaha. Thank you sa patuloy na pag support sa story ko. Last two chapters na la g akalain nyo yun.

Anyway sino ang nanood ng magpakailanman ni David at Shaira noong nakaraang Sabado? Bagay na bagay sila nuh. Nainspired tuloy ako na gawan sila ng story. Sa tingin nyo?

Salamat pala sa patuloy na pagbibigay ng magandang feedbacks, promise binabasa ko lahat yun pero di lang ako nakakapagreply. Bukod sa puyat ako ay wala na rin naman akong masasabi. Good morning sa inyo at Goodnight sa akin.

Please dont forget to vote. Pinagpuyatan ko tong update na to haha.

Edited by RJEM16

Chapter 34: I believe in you

David as Jethro

Eisen’s POV

Nag-aalala na ako nang mapansin kong walang ibang tao dito sa loob ng venue kundi ako lang. Sinubukan kong tawagan si Jethro pero hindi niya magawang sagutin ang tawag ko. Bigla kong naalala ang mga sinabi sa akin ni Sam, kaya lalong tumindi ang takot ko na baka may nangyari ng masama kay Jethro. Naisipan kong tumawag sa police para makapag report dahil nangangamba ako na baka may nangyari nang masama kay Jethro, pero bago pa man ako makatawag ay may biglang nagsalita sa aking likuran. Boses ito ng isang lalaking hindi ko kilala kaya mabilis akong lumingon para makita kong sino ito. Laking gulat ko nang makita ko siya.

“Hi Eisen, um- you know it’s a little bit embarrassing but let me do this for you, okay?” sa gulat ko ay tanging pagtango lang ang naging sagot ko. Bihis na bihis siya ngayon na para bang aattend ng isang prestigious event. At ako heto simpleng polo shirt lang at shorts. Wala naman kasi akong idea sa gusto niyang mangyari ngayon.

Sa isang pitik ng kanyang mga daliri ay biglang lumiwanag nang husto ang venue at may biglang tumugtog na music. Wag mong sabihing kakanta si Jethro? Alam kong wala siyang talento sa pagkanta pero hindi ko inaasahang gagawin niya ang lahat ng ito, para sa akin?

I know your eyes in the morning sun

I feel you touch me in the pouring rain

Simula pa lang ng kanyang pagkanta ay halata na sa boses niya na hindi talaga siya sanay na kumanta. Ang lalim ng boses niya at wala pa sa tono, pero kahit ganun pa man ay hindi naman ito masakit sa tenga pakinggan.

And the moment that you wander far from me

I want to feel you in my arms again

Yung mata niya ay hindi na naalis ang pagtingin sa akin kaya hindi ko maiwasang makaramdam ng hiya. Bakit niya pa kasi ginagawa ang ganitong bagay?

And you come to me on a summer breeze

Keep me warm in your love, then you softly leave

Dahan-dahan siyang lumapit sa akin, halos mangatog ang tuhod ko habang papalapit siya sa akin. Hindi maganda ang boses niya para ma-impress ako pero bakit pakiramdam ko ay hinaharana ako ng kagaya ni Michael Bublé ngayon?

And it’s me you need to show…

How deep is your love, how deep is your love?

How deep is your love?

I really mean to learn

Habang patuloy ang kaniyang sintunadong pagkanta ay hawak hawak niya ang aking pisngi. Banayad niya itong hinihimas hanggang sa makarating ito sa aking labi. Akala ko nga ay hahalikan niya ako pero hindi sadyang nilaro niya lang ang kaniyang hinlalaki sa aking mga labi.

Cause we’re living in a world of fools

Breaking us down when they all should let us be

We belong to you and me

I believe in you

Halos malusaw ang aking puso sa sobrang kilig na nararamdaman ko ngayon. Ibang iba ngayon ang dating ni Jethro, para siyang nakainom ng maraming asukal dahil sa sobrang ka-sweetan niya ngayon sa akin. Akala ko ay tatapusin niya ang buong kanta pero nagulat ako nang tumigil ang music at bigla siyang nagsalita.

“Eisen, Maybe I’m not as good as Jean sa pagkanta, hindi kasing techy ni James, hindi kasing galing ni Jules sa sports, hindi kasing galing ni Josh sa pagluluto. I’m just me, wala akong kayang ipagyabang sayo na hihigit sa mga kapatid ko. Um-madalas uminit agad ang ulo ko… madalas magalit, madalas nagsusungit. Pero hindi ko ikakahiya yun dahil yun ay ako, kahit ganun ang mga katangian ko ay hindi mo pa rin ako iniwasan. Kaya sana ngayon ay..” mahinahon at ramdam ko ang kanyang sincerity sa pagbigkas niya ng bawat mga salita. Laking gulat ko na lang nang bigla siyang lumuhod sa harapan ko. Hindi ko tuloy napigilan ang aking sarili at napahawak na lamang ako sa aking bibig upang mapigilan ang aking sarili na maglabas ng ano mang tunog lalo na ng bumunot siya ng singsing sa kanyang bulsa.

“It’s way too early para magpropose ako sayo ng kasal. But this ring will serve as my promise that I will always love you no matter what or will happen. Hinding hindi kita iiwan, so let me ask you this. Can I be your boyfriend for real?” hindi ko alam kung mainit ba sa venue o sadyang kinakabahan lang ako. Hindi ko inaasahan ang biglang pagtanong sa akin ni Jethro ng ganito kaya naman hindi ko magawang makasagot kaagad sa kanyang tanong.

“Se-seryoso ka ba?” ewan ko ba at sa dinami dami ng pwede kong isagot ay yun ang aking naging sagot sa kanya.

“Mukha ba akong nagbibiro? Sa tingin mo kakanta ako ng sintunado para lang magjoke sayo?” napansin ko na parang nainsulto siya sa sinagot ko pero bago pa man siya makapagsalitang muli ay agad na akong nagsalita.

“Oo, papayag na ako, Oo, oo, oo..” maraming oo ang naging sagot ko at nais ko pang damihan ang isasagot ko pero pinatigil niya ako gamit ang kanyang mga labi. Naging mapusok ang kanyang paghalik na agad ko naming pinaunlakan.

“You have no Idea how much I love you, Eisen” habang hawak niya ang magkabila kong pisngi ay halos maningkit na ang kanyang mga mata sa sobrang pagngiti.

“I-I love you too, Jeth-” habit na niya talagang patahimikin ako gamit ang kanyang mga labi. Pero sobrang saya ko talaga sa mga oras na yun. Habang naghahalikan kami ay dahan-dahan niyang sinusuot sa aking daliri ang singsing na kanyang hawak-hawak kanina. Hindi ko tuloy napigilang maluha sa sobrang saya na nararamdaman ko ngayon.

Nanalangin na sana si Jethro na talaga ang para sa akin. Wala na akong hihilinging pang iba pa kundi siya lang. Hindi ko yata kakayanin kung mawawala pa siya sa akin kaya naman gagawin ko ang lahat para maging kami hanggang sa huli.

Narinig ko na lang bigla ang malalakas na palakpakan, paglingon ko ay isa isang nagsilabasan ang mga taong kanina pa palang nagtatago sa kung saan man at hindi ko sila nakita agad. Ang iba ay nagsasaboy pa ng mga puting petals ng bulaklak na akala mo naman ay ikinasal kami ni Jethro. Pero nakakatuwa lang dahil bakas din naman sa kanilang mga mukha na masaya talaga sila para sa aming dalawa. Doon ko rin nakita si Caloy na siyang naghatid sa akin papunta rito na masayang nakikipalakpak sa mga empleyado doon.

Naramdaman ko na lang ang kamay ni Jethro sa aking likod na umaalalay sa akin patungo sa aming mesa. Siya pa mismo ang nag-ayos ng aking uupuan para makaupo ako nang maayos. Mahihiya sa akin ang mga endorser ng shampoo sa haba ng buhok ko ngayon. Grabe ang lakas lang talaga makababae ng pagtrato niya sa akin. Kung nasa sariling kwarto ko ako ngayon ay malamang nagtititili na ako sa sobrang kilig na nararamdaman ko ngayon. Pero kailangan maging compose pa din ako para naman hindi ako magmukhang tanga sa kanya.

Nagsimula na kaming kumain sa mga pagkaing hinain sa amin. Ramdam ko rin na sobrang saya niya sa mga oras na to, dahil halos hindi na matanggal sa kanya ang pagngiti. Ayokong kumain ng sobra pero ang sarap talaga ng mga nakahain ngayon kaya naman pinipigilan kong wag mapasobra ang aking pagkain. Iniisip ko na lang na nagdidate kami ni Jethro at hindi buffet itong pinuntahan namin. Pagkatapos kong kumain ay unti-unti kong iniinom ang wine, hindi talaga ako mahilig sa mga inumin na nakakalasing dahil mahina ako diyan.

Nagsimula kaming magkwentuhan ng mga bagay bagay noong bata pa ako. Sa unang pagkakataon ay nakita ko siyang tuwang tuwa habang nagkukwento sa akin. Para siyang bata na nagkukwento ng favorite anime series niya na kulang na lang ay dagdagan ng sound effects ang kanyang pagkwento kaya hindi ko mapigilang matawa sa kanya. Nang lumalim na ang aming usapan ay biglang nagbago ang music, pamilyar sa akin ang music at may babaeng nakatayo sa gitna na mukhang magpeperform ng kanta. Inaya naman ako ni Jethro na sumayaw, nag-aalangan pa ako noong una pero bumigay din ako sa matatamis niyang ngiti. Nagsimula na ang kanta nang kami ay magkalapit sa isa’t isa habang mahinang nagsu-sway sa tugtog.

Tuwing ikaw ay nariyan

Sabay kong nadarama ang kaba at ligaya

Ang yong tinig wari ko’y di marinig

Pagkat namamangha ’pag kausap ka

Grabe ito na ata ang pinakaromantic na gabi sa buong buhay ko. Nabanggit ko na ba sa inyo na ito ang gusto kong kanta kapag kinasal ako? Ewan ko ba pero para sa akin ay sobrang romantic ng song na to. Tapos kinankanta ito ng isang babaeng maganda ang boses habang kasa-kasama mo ang taong mahal mo. Kung pwede nga lang talaga bagalan yung ganitong sandali, kung pwede lang ganito kayo palagi. Yung wala kayong iisipin kundi ang maging masaya habang kapiling nyo ang isa’t isa.

Kaya nais kong malaman mo

Ang sinisigaw nitong puso

Pangarap ko ang ibigin ka

At sa habang panahon, ikaw ay makasama

Hindi ko napigilan ang aking sarili na mapayakap kay Jethro halos isubsob ko ang aking mukha sa kanyang dibdib at hindi ko mapigilang mapaluha. Sobrang saya ko talaga sa mga oras na to na parang ayoko nang matapos ang bawat sandali na magkasama kaming dalawa.

Ikaw na lang ang siyang kulang sa buhay kong ito

Pangarap ko ang ibigin ka..

Naramdaman ko na lang na paulit ulit niyang hinahalikan ang ulo ko at lalong humigpit ang kanyang pagkakaakap sa akin habang patuloy kaming sumasayaw sa kanta. Sinusulit naming ang bawat sandal na magkasama kaming dalawa bilang magboyfriend. Natapos ang gabi nang ayain ako ni Jethro na may pupuntahan pa daw kami pero hindi naman niya nabanggit kung saan pero ang alam ko ay hindi kami uuwi ngayong gabi sa mansion.

Pinagmaneho kami ni Caloy dahil halos ayaw na bitawan ni Jethro ang kamay ko simula nang maging kami na para bang mawawala ako sa kanya kapag bumitaw ako. Habang nasa loob kami ng sasakyan ay walang tigil pa rin ang kanyang paglalambing sa akin. Panay ang paghalik niya sa aking leeg na minsan ay nakikiliti ako at bumubulong ng mga maseselang bagay sa aking tenga. Hindi rin nakaligtas ang aking mga labi dahil maya-maya niya itong hinahalikan kahit alam niya na may kasama kaming ibang tao sa loob ng sasakyan.

Medyo nakakaramdam din ako ng pagkailang dahil panay din ang tingin sa amin ni Caloy habang nilalandi ako ni Jethro. Syempre nakakailang naman talagang makipaglambingan sa taong mahal mo habang may nanonood sa inyong dalawa. At saka nandun na rin yung pangamba ko na baka malingap siya ng tingin at maaksidente kami. Hindi rin nagtagal ay nakarating kami sa isang magarang hotel. Pagkababa namin ay masaya kaming binati na mukhang inaasahan ang aming pagdating. Pumasok na kaming dalawa ni Jethro sa loob ng hotel, hindi nalalayo ang ganda nito sa mansion ng mga Wells. Lumapit si Jethro sa receptionist at kumuha ng access card namin at saka kami sumakay ng elevator.

Pagkarating namin sa 3rd floor ay agad kaming bumaba ni Jethro at tinungo ang aming kwarto. Ang lawak ng room pero mas malaki pa ng kaunti ang aking kwarto sa loob ng mansion kumpara dito. Habang sinusuri ko ang loob ng kwarto ay laking gulat ko nang itulak ako ni Jethro sa kama at mabilis siyang pumaibabaw sa akin. Doon na niya ako pinaulanan ng matatamis na halik, mula sa aking noo hanggang sa aking mga labi.

“Wait..um-pwedeng magshower muna tayo?” tanong ko sa kanya.

“Redeng-ready na ako ooh”marahan niyang kiniskis ang kanyang harapan sa akin at ramdam na ramdam ko na tinitigasan na siya sa mga sandaling iyon.

“Please. Pakiramdam ko kasi sobrang lagkit ko na” pakiusap ko sa kanya.

“Sige na nga pero sabay tayo” mabilis naman akong pumayag.

Ngayon lang kami uling magkakasabay ni Jethro na magshower. Sa mga naalala ko ay bata pa ako noon nang magsabay kaming maligo. Pero sa sandaling ito ay iba na, kapwa na kaming nasa hustong edad at magsasabay kaming magshower bilang magkasintahan. Nawala narin ang hiya ko sa kanya, kaya walang arte na naghubad ako sa harap niya. Nang mahubad ko na ang aking mga damit ay bigla siyang lumapit sa akin at niyakap ako habang nasa likuran ko siya. Marahan niyang hinahalikan ang aking leeg at ang aking kanang pisnge. Pakiramdam ko tuloy ngayon ay kakatapos lang naming ikasal at nagha-honey moon na kaming dalawa.

“Wait-andito tayo para magshower di ba?” pagpapaalala ko sa kanya.

“Grabe, kiss lang eh” natawa ako dahil para siyang batang nagtatampo nang sabihin niya yun.

“Maghubad ka na nang makapagshower na tayo” agad kong tinungo ang shower at binuksan ito. Wala pang sampung segundo ay nasa likuran ko na siya at nakikisabay na sa akin sa paliligo.

Para kaming mga batang nag-eenjoy sa pagsabon sa isa’t isa. Hindi ko nga minsan mapigilang makiliti habang sinasabon niya ang aking katawan. Inabot niya sa akin ang sabon para ako naman daw ang magsabon sa kanyang katawan. Una tinitigan ko muna ang pangangatawan niya, kahit na isang abogado siya ay hindi niya pa ring hinahayaan ang kanyang katawan. Hindi nalalayo sa ganda ng katawa ni Jules at Josh sa kanya. Ang sarap pagmasdan ng kahubadan niya, pero ayoko naman na magtitigan lang kami dito sa loob ng shower room. Kaya naman minabuti ko na lang na sabunin ang kanyang katawan.

Sinimulan ko ang pagsabon sa kanyang leeg hanggang sa kanyang dibdib, banayad lang ang pagkakasabon ko at ewan ko ba kung bakit napag-ungol siya nang makarating ang aking kamay sa kanyang dibdib. Hindi ko na lang pinansin ito at nagpatuloy akong sabunin ang kanyang katawang hanggang sa kanyang abs. Medyo nagtagal ako sa parteng ito dahil ito yung paboritong part ko ng kanyang katawan. Hindi ko napiglan ang aking sarili na halikan ang kanyang abs sa sobrang panggigil, wala akong pake kahit nalasahan ko pa ang sabon na nakapalibot dito. Nagulat na lang ako ng binaba niya ang aking ulo patungo sa kanyang gising na gising na alaga ngayon.

“Kiss mo din daw” sabi niya, ang tinutukoy niya ay ang kanyang ari. Ngumiti lang ako at hinalikan ang ulo nito pero parang hindi nakontento si Jethro kaya pinagbigyan ko na siya sa kanyang gusto. Sinubo ko na ito, halos nabibilaukan parin ako sa tuwing isasagad niya ang kanyang ari sa aking lalamunan. Pero hindi ko na iyon pinapansin para lang mapaligaya siya ng husto.

Palakas ng palakas ang kanyang pag-ungol sa bawat sandal ng pagpasok ng kanyang sandata sa loob ng aking bibig. Habang tumatagal ay nakakasanayan ko na rin ang laki at ang taba ng kanyang ari pero hindi pa rin mawawala ang pakiramdam ko ng pangangalay sa ginagawa namin. Kaya naman ay pinatayo niya ako at pinatalikod habang nakahawak ang aking mga kamay sa pader habang bumubuhos ang tubig mula sa shower. Kahit walang preparation ay dahan-dahan niya akong pinasok mula sa likod, hanggang sa mapasok niya ito ng buo sa loob ko. Sa tuwing magtatalik kami ay pakiramdam ko ay laging first time ko dahil hindi pa rin ako sanay sa laki nito.

Noong una ay banayad lang kanyang pag-ulos pero noong kalaunan ay bumibilis ang kanyang paglabas masok sa akin. Ang kanyang kamay na nasa beywang ko kanina ay ngayon ay nasa ulo kana para mabaon ng husto ang kanyang ari sa loob ko. Magkahalong sakit at sarap ang nararamdaman ko sa mga sandaling iyon. Halos mamaga na ang aking leeg sa bawat pagbaon ng kanyang ngipin tuwing dadapo ang kanyang bibig. Lumipas ang ilang minuto at naabot na niya ang kasukdulan. Hindi niya binunot ito at hinayaang pumutok ang kanyang semilya sa loob ko.

Kapwa kaming hinihingal ng matapos siyang labasan. Pagkatapos namin magshower ay nag-aya siyang manatili kami sa bathtub muna. Nauna siyang pumasok sa bathtub at sumunod naman ako. Ang bango ng aroma na nanggagaling sa bathtub, idagdag mo pa ang mga petals ng red roses na lumulutang dito. Nakaakap sa aking tiyan si Jethro habang ako ay nakaupo sa pagitan ng kanyang mga hita. Masaya kaming naglalambingan habang nag-uusap ng mga bagay bagay.

“Kamusta na pala yung plano mong lumipat tayo ng matitirhan?” bigla kong naitanong.

“Ahh..hindi na matutuloy yun” mabilis niyang tugon.

“Ha? Bakit naman?” tanong kong muli.

“Napag-usapan na naming magkakapatid iyan, si Josh ay magbubukas ng bagong branch sa Manila at magfofocus na siya doon kaya naman mag-iistay na siya ng matagal sa kanyang condo. Si James ay may Job offer na rin sa Makati, ewan ko ba at biglang gusto niyang magtrabaho pero gaya ni Josh ay mag-iistay na din siya sa Condo. Si Jean at Jules ay tatapusin lang nila ang kanilang pag-aaral dito at saka sila magmomove-out sa mansion para makapagsarili na” ramdam ko ang kalungkutan ni Jethro habang nagkukwento siya.

“So maiiwan kang mag-isa sa mansion?” malumanay kong tanong.

“Hindi” maiksi niyang sagot at ako nama’y napalingon sa kanya dahil nakangiti na siya ngayon.

“Pagkagraduate mo ay magpopropose na kaagad ako ng kasal sayo at doon tayo lilipat ng bahay na para sa atin lang. You can pursue your career pero sa loob ng bahay ay pagsisilbihan mo ko bilang asawa mo” proud na proud pa siya habang sinasabi ito.

“Eh paano kung tumanggi ako?” tanong ko sa kanya at hinawakan niya ang aking pwet na may halong panggigil.

“You can’t defy me, Because I am Jethro Wells” tumawa siya ng malakas habang pinapalo ko siya sa braso.

“Biro lang, pero syempre confident naman ako na hindi ka tatanggi sa proposal ko dahil bata ka pa lang noon ay pinapangarap mo na mapangasawa ako” pinalo ko siya ulit sa braso at agad siyang tumawa.

“Ang kapal mo ahh” natatawa kong sabi.

“And that time magiging ganap ka na, na isang WELLS. Hindi bilang kapatid ko, kundi bilang asawa ko” sabay ngiti niya sa akin ng pagkatamis tamis. Parang gusto kong magtatatalon sa kilig na nadarama ko ngayon. Kaya sa sobrang tuwa ko ay hinalikan ko siya sa kanyang labi at kapwa naming pinagsaluhan ang sandaling yun.

“Pero sa panahong magiging mag-asawa na tayo ay huwag na huwag mong gagawin ang pambabae, tandaan mo yan!” pagbabanta ko sa kanya.

“Eh papano kung sila yung lalapit lapit sa akin?” natatawa niyang sabi.

“Subok subukan mo lang JETHRO at puputulin ko talaga to” sabay hawak sa kanyang ari.

“Oo na, syempre hindi mangyayari yun. Sa paningin ko, sino pa bang babae ang hihigit sa ganda mo?” nakangiti niyang sabi at hindi ko rin napigilan ang aking sarili na mapangiti sa kanyang sinabi dala nang pagkakilig.

“Bolero” tanging naisagot ko, hindi ko namalayan na matagal ko na palang hawak hawak ang kanyang ari na ngayon ay nabubuhayan na namang muli.

“Ayan ginising mo na naman siya, alam mo naman kung pano papatulugin yan diba” kapwa kaming napangiting dalawa at gaya ng sinabi niya ay agad kong inupuan ang kanyang ari habang nasa loob kami ng bathtub.

Nakahawak ako sa kanyang dibdib para maalalayan ko ang aking sarili habang nagtataas baba ako sa kanyang ari. Ang kanyang mga kamay naman ay nasa aking beywang nakahawak habang sinasalubong ang aking pag-ibaba sa kanya. Malalakas na ungol ang maririnig mo sa loob ng banyo. Ang tubig sa loob ng bath tub ay halos mangalahati na dahil natapon na ang iba sa sahig sa bawat pagtaas baba ko kay Jethro. Pasok na pasok ang kanyang ari sa aming posisyon at damang dama kong tumatama sa aking kalooban ang ulo nito na nagdudulot ng sobrang sarap na sensasyon sa akin. Para akong mababaliw sa tuwing tinatamaan niya ito.

Pahigpit nang pahigpit ang pagkakahawak ko sa kanyang dibdib at pabilis ng pabilis ang kanyang pagsalubong sa akin. Idagdag mo pa ang expression niya na sobrang nasasarapan habang binabaon ang kanyang ari sa loob ko. Ang sarap niyang pagmasdan habang kinakagat niya ang kanyang labi na halos magdugo na sa pula. Ang sarap pagmasdan ni Jethro habang nalalapit na siya sa kanya sukdulan. Bago pa man siya makapagpalabas ay agad niya itong binunot sa aking lagusan at sinabing isubo ko daw. Walang arteng isinubo ko ito hanggang sa siya ay labasan sa loob ng aking bibig. Wala akong sinayang at nilunok ko lahat ng ito.

Kapwa kaming napagod sa ginawa naming pagtatalik. Kaya hinanghina akong nagpupunas ng aking katawan bago ko sinuot ang bath robe. Akala ko nga noon ay matatapos na ang lahat pero pagdating naming sa kama ay masiglang masigla pa si junjun niya kaya sa ikatlong pagkakataon ay nagtalik kaming muli sa ibabaw ng kama hanggang sa kapwa kaming makatulog sa pagod.

Lumipas ang pasko at bagong taon na magkasama kami ni Jethro bilang magkasintahan. Naging okay na kami ni James at humingi na siya ng tawad sa naging inasal niya dahil alam naman daw talaga niya sa kanyang sarili na wala naman talaga akong kasalanan sa mga nangyari. Si Jean ay naging focus sa pag-aaral niya habang si Jules na naman ay balik sa pagiging playboy dahil may bagong girlfriend na naman ito. Actually pangatlo na niya ito after naming maghiwalay. Naging okay naman kami sa isa’t isa, naging normal ang pag-uusap at hindi na awkward gaya ng dati. Pero minsan lumalabas ang pagkapilyo niya at nilalandi niya ako kaya sa tuwing nahuhuli siya ni Jethro ay matinding sermon ang inaabot niya dito.

Naging mailap sa akin si Josh, hindi ko rin naman siya masisisi kung bakit ganun ang nararamdaman niya para sa akin. Dahil para sa kanya ay hindi niya pa rin matanggap na wala na kaming dalawa. Madalas siyang wala sa mansion at ginugugol ang sarili sa pagpapalago ng business niya. Nagkakausap naman kami paminsan-minsan pero hindi na kagaya ng dati. Sa loob ng ilang buwan ay naging mapayapa ang aming pagsasama sa loob ng mansion pero hindi pa rin binababaan ni Jethro ang dami ng nagbabantay sa mansion. Kahit na wala kaming balita kay Sam ay hindi pa rin siya nagpapakasiguro na ligtas kami.

Lumipas ang ilang buwan hanggang sa natapos ko na ang unang taon sa kolehiyo. 3 years left na lang sabi nga ni Jethro, sobrang excited na daw siyang ikasal kami. Kahit naman ako excited pero masyado pang matagal ang 3 years at marami pang mangyayari sa loob non kaya kailangan naming magpakatatag para umabot kami sa taong yun na masaya at kasama pa rin sa isa’t isa.

Madalas kong napapaniginipan si Papa. Sa panaginip ko laging umuulit ulit yung sandaling nagpaalam siya habang binabanggit niya na mahal na mahal niya kami bago kami maaksidente. Siguro ito na yung pagkakataong dalawin ko si Papa, dahil ni isang beses ay hindi ko pa nadadalaw ang kanyang puntod. Sa tulong ni Jethro ay nahanap namin kung saan nakalibing si Papa. Pagdating namin sa puntod ay mga nag iiwan pa rin ng mga bulaklak dito. Kung tama ang hinala ko ay si Sam ang nag-iiwan nito. Sa unang pagkakataon ay nahawakan ko ang puntod niya. Hindi ko napigilang mapaluha sa tuwing naaalala ko ang mga salitang iniwan niya sa akin. Pagkatapos kong mag-iiyak ay tumayo ako at lumapit kay Jethro.

“Pa, si Jethro nga pala. Kilala nyo naman po siya di ba? Boyfriend ko na po siya ngayon at soon magiging asawa ko na. Huwag mo na siyang pahirapan sa pagkuha ng loob niyo kasi kilala niyo naman po siya di ba” sabi ko habang kinakausap ko ang puntod ng yumao kong ama.

“Huwag po kayong mag-aalala, hindi ko po pababayaan ang anak ninyo. Mahal na mahal ko po ito” sabay halik sa aking ulo.

Nang makapagpaalam kami ay agad naman kaming lumisan sa sementeryo at umuwi na sa mansion. Naging mahaba ang byahe dahil malayo ito sa kinaroroonan naming kaya pagkauwi naming ay kapwa kaming pagod ni Jethro at nagsipagtulog sa kanya kanyang kwarto. Kahit na naging magkasintahan na kami ni Jethro ay natutulog pa rin kami sa sarili naming kwarto dahil gusto naming bigyan ng privacy ang isa’t isa. Pero madalas kaming natutulog nang magkasama kapag hindi busy ang isa’t isa.

Gaya ng mga nakaraang araw ay muli akong nagising sa panaginip ko na kasama ko si Papa habang siya ay namamaalam bago siya masawi sa aksidente. Bumangon ako sa aking kama at tinungo ang kwarto ni Jethro para ikwento sa kanya ito pero pagpasok ko sa kanyang kwarto ay wala siya sa loob. Napansin ko ang malaking brown envelop sa ibabaw ng kanyang kama. Kung tama ang pagkakaalala ko ay ito yung envelop na inabot sa kanya ng babaeng sili sa loob ng coffee shop. Sa pagtataka ko ay hindi na ako nagpaalam kay Jethro at agad kong tiningnan ang laman nito. Nagkamali pa ako ng kuha dahil nakabaliktad ito ng kunin kaya natapon ang mga laman nito sa sahig.

Nagulat ako nang pulutin ko isa-isa to at nakita ko ang mga pictures ni Jethro. Nagdalawang isip pa ako kung si Jethro ba talaga to dahil may kakaiba sa kanya. Habang pinupulot ko ang ibang larawan ay nakita ko ang isang copy ng NSO birth certificate na may nakalagay na pangalang, Alexandre Lim. Si-sino si Alexandre Lim? Biglang bumukas ang pinto at pumasok si Jethro. Bakas sa mukha niya ang pagkagulat nang makita niyang hawak-hawak ko ang envelop na ayaw niyang ipakita sa akin.

“Si-sino si Alexandre Lim?” ang tanging naisabi ko nang lumapit siya sa akin.

Itutuloy…….

A/N: Dahil hindi ako makatulog napaaga ang update ko imbes na bukas pa dapat.

Sino si Alexandre Lim? May bagong revelation na naman kung kelan matatapos na ang kwento? Si Jethro at Alexandre ba ay iisa? Papano siya naging Wells?

Alam ko na yan ang mga itatanong nyo sakin.. syempre malalaman nyo ang sagot sa susunod na chapter.

OMG, hindi ako makapaniwala na matatapos na ang kwento after 7 months hahaha. Excited na akong mailagay siyang Status: Complete

Please don’t forget to vote guys! Yun lang masaya na ako!

Edited by RJEM16

Chapter 35: Forever and Always

Bass as Eisen

Eisen’s POV

Bakas ang pagkagulat sa mukha ni Jethro, hindi niya siguro aakalain na matutuklasan ko ito. Pero bakit nga ba kailangan niyang ilihim sa akin ang bagay na ito? Nakita kong nilock niya ang pinto at sumenyas sa akin na hinaan ko ang aking boses. Agad naman kumunot ang aking noo at nagtaas ng kilay na para bang ako pa itong may tinatago sa kanya.

“I can explain, so please calm down” hinawakan niya ako sa magkabilang braso at mahinang hinihimas ito.

Pinaupo niya ako sa kama at tumabi naman siya sa aki. Huminga siya nang malalim bago nagsalitang muli.

“I have a twin brother” nagulat ako sa sinabi niya, magrereact na sana ako pero tinakpan niya ang bibig ko.

“Wait, hayaan mo muna akong matapos magkwento at saka ka magreact. Okay?” habang nasa ibabaw pa ng bibig ko ang kamay niya ay mabilis akong tumango bilang pagsang-ayon.

“Sorry kung hindi ko agad nasabi sayo ang tungkol sa history ng pamilya namin. Si Dad ay isang American citizen nang makilala niya si Mom sa U.S. Half-Filipino-Chinese si mom, meron silang small business ng kanyang pamilya sa U.S. Mabilis nadevelop ang kanilang relasyon sa tuwing kakain si dad sa kanilang maliit na resto sa States. Noong nabuntis si Mom ay hindi ito natanggap ng kaniyang pamilya dahil sumusunod pa rin sila sa tradition na dapat isang Chinese or Filipino-chinese pa rin ang mapangasawa ni Mom.” Kwento ni Jethro, tahimik lang akong nakikinig sa kwento niya dahil sa unang pagkakataon ay nagkwento siya tungkol sa kanilang pamilya.

“Sumama si Mom kay Dad kahit hindi siya sigurado sa magiging future nila. Inamin ni Dad kay Mom na anak siya ng isang mayamamang negosyante na naka-based sa Philippines. Kung alam lang daw siguro ng mga magulang ni Mom kung gaano ka yaman si Dad ay baka hindi nila itinakwil si Mom. Pero ayun kay Mom ay kahit gaano ka yaman ang mapapangasawa niya pero kung walang dugong Chinese ay hindi nila ito parin matatanggap. Kahit na nakakatanggap si Dad ng pera kay Lolo ay nagsusumikap pa rin siyang kumita ng pera dahil kung sakali mang itigil ni Lolo ang pagsusutento sa amin ay may mapagkukuhanan si Dad. Hindi rin kasi biro ang cost of living sa States lalo na kung ordinary citizen ka lang dun. Bata pa kami ni Alexandre kaya si Mom ay nasa bahay lang para mag-alaga sa aming dalawa.” Hindi ko napigilang magtanong kaya napatigil ko siya sa pagsasalita.

“Wait di ba mga J Brothers kayo” tanong ko.

“Sorry?” saad niya,napahawak ako sa bibig ko dahil mali ang pagkakasabi ko.“

“I mean, di ba lahat kayong magkakapatid ay nagsisimula sa letter J ang pangalan, Eh bakit si Alexandre hindi?” buti na lang hindi niya napansin yung J Brothers kundi yari na naman ako nito. Rape na naman ang aabutin ko sa kanya. Rape victim na hindi pumapalag haha.

“Ayaw daw ni Mom na puro J mag-iistart ang name ng mga anak niya. Kaya sa aming dalawa ng kambal ko ay ako ang lang ang nagkaroon ng J sa first name at ipinangalan ni mom sa kanya ay Alexandre na gaya ng kay Lolo” pagpapaliwanag niya. Ang weird lang, pero kung sa bagay magkaiba sila ng gusto kaya siguro hindi sila nagkasundo sa pagpapangalan ng kanilang anak.

“Napapansin mo ba na hindi kami halos magkakamukha?” tanong niya.

“Medyo, mukhang kayo lang ni Josh ang hindi nagkakalayo ng mukha” sagot ko naman.

“Dahil iisa lang kami ng ina ni Josh” maikling sagot niya.

“Wait anong ibig mong sabihin?” gulat kong tanong.

“Ganito yun, makalipas ang isang taon ay nabuntis ulit si Mom at yun ay si Josh. Nang mag 9-months si Josh ay iniwan kami ni Mom kasama niya si Alexandre. Sa pagkakasabi sakin ay hindi daw sila nagkakasundo ni Dad at lagi silang nagtatalo kaya naman nilayasan ni Mom si Dad. Masyado pa akong bata nun kaya wala akong matandaan na nagkaroon ako ng kakambal na kapatid.” Kinuha niya sa akin ang larawan ng kanyang kapatid at tinitigan ito.

“Pa-pano mo nalaman ang lahat ng ito?” tanong ko.

“Naalala mo yung isinama kita sa isang coffee shop bago tayo ma stranded sa ulan?” tanong niya at bigla akong nahiya tuwing maaalala ko yung eksena naming sa loob ng kotse niya kaya tanging pagtango na lang ang nagawa ko para sagutin ang kanyang tanong.

“Yung babaeng kausap ko nun ay ang personal lawyer ni Dad, sa kanya ko nakuha ang last will ni Dad. At siya na rin ang nagkwento sa akin tungkol kay Alexandre” pagpapaliwanag niya.

“Ahh yung babaeng sili” malakas kong naisambit.

“Babaeng sili?” tanong niya.

“Ahh wala-wala… so ano na ang plano mo niyan?” tanong ko muli.

“Magkikita kami bukas para pag-usapan ang mana na matatanggap niya. Noong una ay tumanggi siyang makipagkita sa akin pero kahapon lang ay pumayag na siyang makipagkita sa akin” sagot naman niya.

Napaisip lang ako bigla dahil may kakambal si Jethro. Isipin mo dalawang Jethro ang makikita mo o makakasalamuha ay malamang sasakit ang ulo mo. Pero nagbago naman na si Jethro sa akin, I mean ganito naman talaga siya dati pa noong mga bata pa kami. Naging masungit lang siya noong nawala ako sa tabi niya, alam niyo naman na ako ang tagapagmana ng moon crystal ni Sailor moon kaya ganun. Hindi ko namalayan na kanina pa pala ako tinititigan ni Jethro at naramdaman ko na lang ang paghawak niya sa aking kamay.

“Anong iniisip mo?” malambing niyang tanong.

“Ahh iniisip ko lang kung ano kayang pinagkaiba ninyo ng kambal mo” mabilis kong sagot.

“Wag ka na lang kaya sumama bukas” sabi niya sabay bitaw sa kamay ko.

“Haa, bakit naman?” mabilis kong tanong pero hindi niya pa rin ako sinasagot. Mukhang nagseselos ang loko kaya lalo kung inasar.

“Hmmm.. siguro mas mabait yung kambal mo, mas malambing, mas matalino.. at..” bigla na lang niya akong tinulak sa pahiga sa kama at pumaibabaw siya habang nakatakip ang kanyang kaliwang kamay sa aking bibig.

“Mas gwapo ako dun, mas matalino, mas sexy, mas magaling sa sex at mas masarap!” sabay dila niya sa leeg ko na nagpanginig sa kalamnan ko pero ito yung gustong gusto ko kay Jethro.

“Eh papano kung mas malaki pala yung sa kanya?” pang-aasar ko pa.

“Ahh.. so hindi ka pa na lalakihan dito ah?” tanong niya at sinagot ko lang siya gamit ang pagngiti ko.

Kaya ayun na nga ang nangyari. Ginahasa na naman niya ako nang hindi ako pumapalag. Matapos ang pangatlong round namin ng pagtatalik ay nagmakaawa na ako sa kanyang tama na dahil mukhang gusto niya pang umabot kami sa apat. Halos kumalas ang balakang ko sa lakas ng paghatak niya sa aking tuwing papasukin niya ako. Aminado naman akong nasasarapan ako pero pagtumagal na masakit na. Baka sumama na ang mga bituka ko kapag pinasok niya pa akong muli.

Kapwa kaming pagod na pagod na nahiga sa kanyang kama. Grabe, hindi pa naming nagagawang mag-almusal niyan at heto nakatatlong round agad kami. Dahan dahan niyang hinahaplos ang mukha ko habang hinahawi ang mga buhok na tumatakip sa mukha. Ang sarap niyang titigan habang naniningkit ang kanyang mata kapag nakangiti. Wala na akong mahihiling pang iba kundi ang makasama siya habang buhay. Nalayo man kami ng ilang taon sa isa’t-isa pero ngayon ay magkasama na kami na para bang mag-asawa. Sana araw-araw kong nakikita ang mga ngiting ito na nagbibigay sakin ng rason para lumaban pa, sa kabila ng mga nangyari sa akin at sa aking pamilya. Malaki ang pasasalamat ko sa diyos at binigyan niya ako ng kagaya ni Jethro.

“I love you! forever and always” sabi niya. Hindi ba always and forever? Hindi na ako sumagot pero humawak ako sa kanyang mukha at ngumiti. Sa pagod siguro ay nakaramdam ulit ako ng antok at napansin niya yun. Kaya nilapit niya ako ng husto sa kanya at sinandal ko ang ulo ko sa kanyang dibdib at pumikit.

Tanghali na nang magising ako sa kama ni Jethro. Pagtingin ko sa aking tabi ay wala na siya. Marahan akong bumangon sa kanyang kama at inayos ang sarili sa banyo at nagmumog pagkatapos maghilamos ng mukha. Lalabas na sana ako ng kanyang kwarto ng biglang bumukas ang pinto.

“Lunch is ready!” sabi ni Jethro habang bitbit-bitbit ang tray na may lamang pagkain.

“Akala ko ba wala si Josh ngayon?” tanong ko. Dahil si Josh lang naman ang madalas magluto sa mansion.

“Anong akala mo si Josh lang ang marunong magluto?” tanong niya habang nilalapag sa maliit na mesa ang mga pagkain.

“Wow nagmayabang pa talaga, eh halos magka-UTI nga ako sa lugaw mo dati” wala sa sarili kong naisagot.

“Ano?” gulat niyang tanong.

“Ahhh wala.. tara kain na tayo” sabay akap sa braso niya. Baka mabomba na naman ako ng wala sa oras mabuti na’t handa.

Sabay kaming kumain habang nag-uusap sa magiging plano namin bukas. Laking gulat ko habang kinakain ko ang hinanda niyang pagkain ay napapamangha ako sa lasa nito. Nag-improve nga ang pagluto niya pero mas masarap pa rin magluto si Josh pero humahabol na rin itong sa kanya.

“Ang sarap ng luto mo ahh… wait ikaw nga ba nagluto?” pang-aasar ko at bigla naman siyang natawa.

“Syempre dapat matutunan ko rin to baka kasi iwanan mo na lang ako dahil hindi ako marunong magluto” kunwaring pagtatampo niya.

“Ano ka ba di ba nga ako nga dapat ang magsisilbi sayo kasi ako ang magiging asawa mo? Marunong akong maglaba, maglinis ng bahay, mamalengke pero hindi rin ako magaling magluto” sagot ko.

“Syempre hindi kita hahayaang mapagod dahil ituturing kitang reyna at sila ang magsisilbi sayo” hindi ko mapigilang kiligin sa mga sinasabi niya.

“Pero hindi ako magaling magluto” habol ko pa.

“Okay lang yun, magaling ka naman sa sex” sabay ngiti ng nakakaloko.

“Hoy Jethro Jones Wells! Napakalibog mo talaga no!” sigaw ko sabay palo ng kutsara sa braso niya at tumawa siya ng tumawa.

“Daliaan mo na sa pagkain” sabi niya.

“Bakit may pupuntahan ka?” tanong ko at lumagok ng isang basong tubig,

“Para makaisa pa tayo!” halos maibuga ko yung tubig na ininom ko kaya napaubo ako nang pigilan ko ito.

“Siraulo ka talaga, tingnan mo nga halos hindi na makaupo ng maayos” naiinis kong sabi at tawa naman siya ng tawa. Imbes na mainis ako sa kanya ay natawa na lang din ako.

“Nga pala, pano yung Mama nila James, Jean at Jules?” tanong ko dahil wala kasi siyang nabanggit kanina.

“Ahh- isang Filipina ang sumunod na napangasawa ni Dad kaso namatay ito noong pinanganak si Jules” saad ni Jethro, bigla akong nalungkot para kay Jethro dahil hindi man lang pala niya naranasan ang magkaroon ng isang ina.

“Buti hindi sinisi ng Dad mo si Jules sa pagkawala ng step-mom nyo?” dugtong ko.

“Hindi naman, kung tutuusin nga siya ang naging favorite ni Dad sa aming magkakapatid. Siguro dahil napaka sakitin ni Jules noong bata pa siya kaya nasa kanya lagi ang attention ni Dad” mabilis niyang sagot. Bigla naman akong nagsisi dahil nabanggit ko na naman ang tungkol sa Dad niya. Syempre kahit ganun ang Daddy niya ay magulang niya pa rin yun at nasasaktan pa rin siya sa mga nangyari.

“Sorry” maiksi kong sabi.

“Sorry saan?” tanong naman niya.

“Pinaalala ko na naman yung tungkol sa Dad mo” nabigla naman ako sa pangiti niya sa akin.

“Halika nga rito” utos niya at tumabi naman ako agad sa kanya. Mabilis niya akong niyakap at hinalikan sa aking noo.

“Past is past, ang mahalaga ngayon ay yung atin. Wag na natin alalahanin ang mga nangyari noon. Kailangan natin maging malakas para sa isa’t-isa. Okay?” nakangiti niyang sabi. Tumango lang ako at hinalikan niya ako sa labi.

Mabilis natapos ang araw para sa aming dalawa ni Jethro. Wala kaming ginawa kundi magmarathon ng Game of Thrones. Parang kami lang ang tao sa loob ng mansion dahil kung kumilos kami ay parang walang ibang taong nakapalibot sa amin. Sa kwarto na rin ni Jethro ako natulog, pero cuddle-cuddle at landian lang ang ginawa naming dahil na max-out na ang capacity ng pwet ko. Di na kaya dahil masakit na talaga at nirerespeto naman niya yun. Pagkatapos namin manood ng ilang movies sa Netflix ay nakaramdam na rin ako ng antok at natulog habang nakahiga ang ulo sa ibabaw ng dibdib ni Jethro.

KINABUKASAN

~

Napabalikwas ako nang muli akong magising dahil sa panaginip ko. Kagaya na naman ng mga nakaraang araw ay napanaginipan ko na naman ang aksidenteng nangyari sa amin ni Papa. Pawis na pawis ako nang biglang lumabas si Jethro galing sa banyo. Kakatapos lang niyang maligo at walang arteng nagpupunas ng tuwalya sa kanyang buhok habang ang pang-ibaba niya ay walang saplot. Malayang nagsu-swing-swing ang kanyang alaga na para bang pendulum at nakakahypnotize ito.

“What’s wrong? Bat pawis na pawis ka?” sabi niya nang makalapit siya sa akin. Bigla naman akong natauhan at nagsalita.

“Na-napanaginipan ko na naman kasi yung tungkol sa naging aksidente namin Papa” nauutal kong sagot.

“I think dahil yan sa selective memory loss mo at isa yan sa mga nagiging epekto sayo. After natin makausap si Alexandre ay dederetso tayo sa kaibigan kong psychologist para mas malaman natin ang nagiging cause niyan” sabi niya habang mahinang pinipisil ang aking pisngi.

“Okay” maiksi kong tugon.

“Pakiss nga” sabay lapit niya ng mukha sa mukha ko. Pero agad kong iniwas ito.

“Hindi pa ako nagtotooth bru-” at ayun nahalikan na niya ako.

“Grabe, hindi ka man lang maglagay ng tapis sa ibaba mo” kunwaring naiinis kong sabi pero enjoy na enjoy ko ang view.

“Bakit ko pa ba tatakpan to, eh nakita mo naman na lahat sa akin” sagot naman niya. Kung sa bagay may point siya pero medyo nakakadistract lang talaga yung pendulum.

“Maliligo na ako” tumayo ako at lalabas na sana ng kwarto niya.

“Diyan kana maligo sa banyo” utos niya.

“Wala akong damit diyan at saka need ko ng privacy baka pasukin mo lang ako sa banyo at gahasain mo na naman ako” mabilis kong tugon.

“Ehh gusto mo rin naman” nakangisi niyang sabi.

“Leche!” natatawa kong sagot at sinarado ko na ang pinto.

Mabilis akong nagtungo sa aking kwarto. Hinanda ang mga damit na aking susuotin at agad nagtungo sa banyo para makaligo. Nagsabon ako ng maigi sa katawan at nilinisan ang dapat linisan dahil hindi mo rin alam kung anong oras ka mapapalaban. Atleast malinis ka, ano mang oras mangyari yun. Pagkatapos ko maligo ay agad akong nagtoothbrush at saka lumabas ng banyo. Nang makapagbihis na ako ay pinatuyo ko naman ang aking buhok gamit ang blower nang biglang magring ang aking cellphone. Nang tingnan ko ito ay may tumatawag sa akin pero unknown number. Sinagot ko naman agad ito kahit di ko kilala kung sino ang tumatawag.

“Hello” pagbati ko.

“Eisen, wag kang sasama kay Jethro ngayon. Nakikiusap akong wag kang sasama sa kanya ngayon!” mabilis na sabi ni Sam.

“Pa-pano mo nalaman ang number ko? At bakit- ano ba yang pinagsasabi mo?” tanong ko, bigla na naman akong nakaramdam ng pangamba dahil kay Sam.

“Basta wag na wag kang sasama sa kan-” biglang naputol ang linya.

“Hello? Hello?” pagtingin ko ay naka-end na pala ang call.

Mabilisan kong pinatuyo ang aking buhok at nagpabango bago lumabas ng kwarto. Paglabas ko ng kwarto ay mabilis akong binati ng isang kasambahay at nagsabing inaantay na daw ako ni Jethro sa labas. Nabanggit niya pala kahapon na sa Coffee Shop na kami magbi-breakfast kasama ang kanyang kapatid. Agad akong nagtungo sa labas at nakita ko siyang nakasandal sa kotse habang naghihintay sa akin. Suot suot ang paborito niyang shades, nakangiti siyang binati ako.

Mukhang masayang masaya siya ngayon. Habang nasa byahe kami ay panay ang tawa niya at pangugulit sa akin kaya naman hindi ko na sinabi sa kanya ang tungkol sa pagtawag sa akin ni Sam kanina. Bago pa man kami sumakay sa kanyang sasakyan ay balak ko na talagang sabihin yun sa kanya pero ayoko naming sirain ang araw na to para sa kanya.

Panatag naman ako dahil may dalawang sasakyan na nakabuntot sa amin, armado ang mga ito na handang lumaban kapag nalagay kami sa peligro. Malapit na kami sa kinaroroonan namin pero ambilis pa rin ng pagpapatakbo ni Jethro. Nasanay na din naman akong ganyan siya magpatakbo ng sasakyan. Nang tumingin ako sa kanya ay mukhang balisa sa siya at hindi mapakali.

“Uyy kinakabahan siya” pang-aasar ko, bigla naman siyang ngumiti.

“Hindi-ahh!” maiksi niyang tugon.

“Ehh bat parang kinakabahan ka diyan?” tanong ko habang tumatawa. Napansin ko na lang na bigla niyang tinanggal ang seat belt niya.

“Lapit ka ng kaunti sa akin!” utos niya. Nagdalawang isip naman ako na lumapit sa kanya. Pero ginawa ko pa rin.

“Bakit?” tanong ko.

“May surprise ako sayo pero wag kang magagalit ahhhh” sabi niya, bigla naman akong umatras.

“Bastos na naman yan noh?” naiinis kong tanong.

“Hindi nga, promise” seryoso niyang sabi kaya naman lumapit akong muli sa kanya.

“Mag-promise ka na hindi mo ako iiwan at akong lang ang mamahalin mo kahit ano man ang mangyari” sabi niya at napataas ang kilay ko.

“Grabe ilang bese-” hindi pa ako tapos magsalita nang magsalita siyang muli.

“Basta magpromise ka!” seryoso na talaga siya at medyo tumaas na ang kanyang boses.

“Okay.. Ako si Eisen Funtes Fuentegelio, nangangako na hindi ko iiwan ang taong mahal kong si Jethro Jones Wells at mamahalin siya ano man ang mangyari. Okay na yun?” sabi ko at ngumiti naman siya ng hilaw.

“I’ll always love you, Eisen” nakangiti niyang sabi.

“I love you too” mabilis kong tugon.

“Kiss mo ko! Utos niya.

“Ha.. mamaya na, nagmamaneho ka pa ooh!” napansin ko hindi pa rin bumabagal ang pagmamaneho niya.

“Dali na, isang kiss lang. Please” pagmamakaawa niya, mahina talaga ako tuwing nagsasabi siya ng please. Kaya nilapit ko ang aking mukha para halikan siya sa pisngi pero laking gulat ko nang humarap siya sa akin at hinalikan ako habang nakahawak ang kanyang mga kamay sa aking ulo.

“I love you and I’m sorry” sabi niya at bigla na lang akong nakarinig ng malakas na tunog ng kotse at hindi ko na alam ang sumunod na nangyari.

Nagising na lang ako na masakit ang aking katawan at duguan ang aking braso at hita dahil sa mga bubog galing sa salamin ng sasakyan. Saka ko lang napagtanto na bumunggo sa isang pader ang sinasakyan naming ni Jethro. Hinanap ko kaagad siya pero wala na siya sa kanyang kinauupuan. Pagsilip ko sa may bintana ay nakita ko siyang nakasandal sa pader at duguan. Sumigaw ako para tawagin siya pero wala akong marinig na sagot galing sa kanya. Kahit masakit ang aking hita ay tinanggal ko ang aking seat belt at iika-ikang lumapit sa kanya.

Pagkalapit ko sa kanya ay marahan ko siyang ginigising pero hindi siya nagigising. Patuloy ang pag-agos ng dugo mula sa kanyang ulo. At doon na ako nataranta, tumutulo na ang mga luha sa aking mga mata habang kinukuha ko ang cellphone sa aking bulsa upang humingi ng tulong. Nagtataka ako kung bakit wala pa rin ang mga bodyguards na nakabuntot sa amin, kung kelan kailangan na kailangan naming sila.

Mabilis kong nakahingi ng tulong sa pagtawag ko at on the way na daw ang ambulansya. Lumapit ako kay Jethro at hinubad ko ang suot kong damit para itakip sa kanyang ulo na nagdurugo. Hindi ko mapigilang umiyak dahil marami na ang nawalang dugo kay Jethro at wala pa rin kaming nakukuhang tulong. Makalipas ang 20 minutes ay may dumating na na ambulansiya at agad nilang sinakay si Jethro sa loob. Sa susunod na ambulansya na daw ako isasakay kaya may mga staff na naiwan sakin para bigyan ako ng first aid. Tinawagan ko kaagad ang si Josh para ibalita ang nangyari at kaagad naman niyang sinabi ito sa kanyang mga kapatid. Pagkarating ng ambulansya ay agad naman nila akong isinakay. Habang nakahiga ako ay hindi pa rin maalis sa akin ang takot na baka bawian ng buhay si Jethro.

Pagkarating sa ospital ay agad nila akong ginamot. Wala akong maramdaman sa mga oras na iyon kundi ang pangamba dahil ayun sa doctor ay critical ang buhay ni Jethro at nasa loob pa rin siya ng Emergency Room. Maraming dugo ang nawala sa kanya kaya kailangan agad siyang masalinan. Mabuti na lang at parehas sila ng blood type ni Josh kaya mabilis siyang nasalinan. Kinuwento ko sa kanila ang mga nangyari bago kami maaksidente at hindi sila makapaniwala kung bakit nangyari yun dahil hindi magagawa ni Jethro ang mag-suicide. Kahit ako naman ay hindi yun ang iniisip.

Lumapit sa amin ang isang police na nag-imbestiga sa nangyari. Ayun sa kanya ay may nagtangkang patayin si Jethro. Sinadya ang pagkasira ng break ng sasakyan niya kaya. Kaya daw siguro nawalang ng choice si Jethro kundi ibangga ang sasakyan sa isang pader ng bakanteng gusali. Saka ko lang napagtanto ang lahat-lahat. Noong kinakausap ko si Jethro ay napansin kong may iba sa kanya habang nagmamaneho siya. Alam niyang wala ng preno ang sasakyan pero mas pinili niyang wag sabihin iyon sa akin. At ginamit niya pa mismo ang kanyang sarili para wag akong mapuruhan sa pagbangga ng sasakyan. Mabilis pumatak ang luha ko nang maalala ko ang panaginip na paulit-ulit na gumigising sa akin. Nagbigay na pala ng babala sa akin si Papa pero bakit, bakit hindi ko yun agad nakuha? Wala na akong ginawa kundi ang humagulgol sa pag-iyak dahil wala akong masisisig iba kundi ang aking sarili.

Makalipas ang tatlong oras ay naging successful ang operasyon kay Jethro. Ngunit wala pa rin siyang malay, ayun sa doctor ay baka abutin ng dalawang araw bago siya tuluyang magising. Sa loob ng dalawang araw ay hindi pa rin nagigising si Jethro. Kahit na stable na ang kalagayan niya ay hindi pa rin siya nagigising. Kahit anong pilit nila sa aking magpahinga sa bahay ay hindi ko magawa dahil ayokong bumitaw sa pangako ko kay Jethro na hinding hindi ko siya iiwan. Maging sa pagkain ay wala akong gana, kung kakain man ako ay hindi ko rin maubos ito. Mas lalo akong nanlumo nang sabihin ng doctor na nasa state of coma si Jethro at hindi alam kung kelan siya magigising at kung magigising pa ba siya. Para akong pinagbagsakan ng langit at lupa sa mga oras na yun. Wala akong magawa kundi ang umiyak ng umiyak at paulit ulit na tinatanong kung bakit nangyayari to sa buhay ko.

Sa ikatlong araw ni Jethro sa hospital ay napagpasiyahan kong lumabas hindi dahil gusto kong umuwi ng mansion kundi harapin ang aking kapatid. Ayun sa report ng pulis ay sumuko na si Sam sa mga pulis dahil nabalitaan niya ang nangyari sa amin ni Jethro. Nakipagtulungan siya sa police para matunton ang mga hide-out nila na agad namang na raid ng mga police at nahuli ang mga kasamahan nito pati na rin si Bjorn.

Ayun din sa pulis ay si Caloy daw ang may gawa sa pagkasira ng break sa sasakyan ni Jethro. Maging ang mga unit na sinakyan ng mga guards ay sira rin ang break kaya nadisgrasya rin sila. Ngunit labag sa loob ito ni Caloy dahil hawak umano ni Bjorn ang Pamilya nito at maaaring masaktan sila kung hindi niya gagawin ang ipag-uutos sa kanya. Ligtas na umano ang Pamilya niya at hindi na rin nagsampa ng kaso ang mga magkakapatid sa kanya dahil nadawit lang naman siya sa gulo.

Kasama ko si Jean na nagtungo sa presinto kung saan nakakulong si Sam. Kinailangan ko ang tulong niya dahil hirap pa rin ako maglakad. Ayaw akong payagan ni Josh at Jules na umalis pero sa tulong ni Jean ay nakatakas ako sa dalawa. Pilit kong kinakalma ang aking sarili habang inaantay si Sam na mailabas ng kulungan. Nang makalapit siya sa akin ay bigla ko na lang siya sinampal nang malakas. Kapwa kaming nagulat sa inasal ko. Hinawakan ng pulis si Sam para mailayo sa akin pero kinausap niya ang pulis at sinabing okay lang daw siya.

“Masaya kana? Masaya ka na ba na sirain ang buhay ko? Masaya ka ba na unti-unting nawawala sa akin ang mga taong mahal ko?” hindi ko na napigilang maluha sa sandaling iyon. Nanatili lang siyang nakayuko habang umiiyak.

“PUTANGINA SUMAGOT KAA!!!!” bulyaw ko.

“Ka-kahit ano pa ang sabihin ko alam kong hinding hindi mo na ako mapapatawad. Sumuko ako sa mga pulis dahil ayoko nang may mangyaring masama sayo. Hindi ko kakayaning pati ikaw ay mawala pa sakin.” Sabi niya habang umiiyak.

“Ngayon mo lang narealize lahat-lahat kung kelan huli na ang lahat?” malumanay kong sabi, hindi ko alam basta bigla na lang akong nanghina. Pakiramdam ko ay wala ring patutunguhan ang pakikipag-usap ko sa kanya. Hindi na mababago ang mga nangyari. Sumenyas ako kay Jean para tuluyan nang lisanin ang lugar pero bigla akong hinabol ni Sam at may inabot sa aking kamay.

“Makakatulong siya sayo kapag kailangan mo ng tulong” malumanay niyang sabi.

“Hindi ko kailangan ng tulong nyo!” mabilis kong binawi ang aking kamay at tinalikuran siya.

Habang naglalakad ako kami ni Jean papalabas ng presinto ay may nakita akong basurahan. Itatapon ko na sana ang papel na binigay sa akin ni Sam nang mabasa ko ang laman nito ay nagdalawang isip ako at nilagay na lang ito sa aking bulsa. Bago umuwi ng mansion ay nag-aya muna ako kay Jean na dumaan ng simbahan para magdasal. Mabuti na lang at may malapit na simbahan sa lugar kaya mabilis lang kaming nakarating dito. Naupo ako sa pinakamalapit na upuan sa altar ng simbahan habang si Jean naman ay nag aantay sa akin sa may likuran. Nagsimula akong manalangin sa diyos.

Nakakahiya po na nandito ako at ngayon lang ako muling nakadalaw sa inyo kung kelan nangangailangan ako. Desperado na po talaga ako eh. Alam kong marami akong pagkukulang at kasalanan sa inyo kaya ngayon ay pinaparusahan ninyo ako

,

pero sana po wag naman pong madamay si Jethro dahil mahal na mahal ko po

siya

. Gagawin ko po ang lahat-lahat magising lamang siya. Kung tutol kayo sa pagmamahalan naming dalawa ay handa akong iwanan siya magising lamang siya at maipagpatuloy ang kaniyang buhay. Nagmamakaawa ako sa inyo,

Diyos

ko. Sa pagkakataong ito ay sana mapagbigyna ninyo ako. Wala akong ibang kahilingan kundi ang kaligtasan ni Jethro. Sana ipagkaloob nyo po iyon sa kanya.

Kasabay ng mataimtim kong pagdasal ay ang patuloy na pag-agos ng aking luha. Wala naman talaga akong mahihiling pa kundi ang kapakanan ni Jethro ngayon. Nang matapos akong magdasal ay umuwi na kami ni Jean sa mansion para makakuha ng damit ko dahil gusto kong magbantay kay Jethro hanggang sa magkaroon na siya ng malay. Personal kong kinuha ang aking mga gamit dahil nais ko ring makapag-isip-isip dahil baka mabaliw na lang ako kapag hindi ako nakalabas ng kwarto ni Jethro. Nang maihanda ko na ang mga gamit ay bigla akong nakaramdam ng pagkahilo. Humiga muna ako sa aking kama at pinikit ang aking mata. Masyado kong inabuso ang aking sarili kahit hindi pa ako tuluyang magaling. Sabi ko ay magpapahinga lang ako ng ilang minuto pero hindi ko rin namalayan ang oras.

Nagising ako na lang ako nang gisingin ako ni Jean. Pagkatingin ko sa aking cellphone ay alas diyes na ng umaga. Hindi na pala ako nagising kagabi dahil siguro sa pagod. Nagtataka ako kung bakit nakangiti ngayon si Jean at mukhang excited pa na magising ako.

“May maganda akong balita” pagkasabi pa lang niyang yun ay kinutuban na kaagad ako.

“Wag mong sabihing?” nanlaki ang mata ko nang ngumiti siya at tumango. Nagmadali akong kumilos para mapuntahan siya pero pinigilan ako ni Jean.

“Wait, kailangan mo munang kumain ng almusal bago umalis. Kailangan mong makabawi ng lakas” sabi niya.

“Doon na ako kakain, promise yan. Gustong gusto ko na siyang makita ngayon. Please lang!” pagmamakaawa ko kay Jean.

Pumayag naman siya at agad kaming nagtungo sa hospital. Bago ako makapasok ng kwarto ni Jethro ay bigla akong hinarangan ni Jules. Nagtataka naman ako kung bakit niya ginagawa yun kung kelan nagmamadali naman ako.

“Wait, calm down Eisen. There’s something you need to know” mahinahon niyang sabi.

“Oo, alam ko na. Gising na si Jethro kaya please padaanin mo na ako” pakiusap ko sa kanya.

“No what I mean is-” bago pa man siya makapagsalita ay nagawa ko nang makapasok sa kwarto ni Jethro.

Kitang kita ko ang matatamis niyang ngiti pagbukas ko ng pinto. Sabik na sabik akong marinig ang boses niya kaya nang mabuksan ko ng husto ang pinto ay laking gulat ko nang makitang kong hinalikan niya si Annabelle sa labi. Si Annabelle? Anong ginagawa niya dito? Kasabay nun ay ang pagbagsak ng bulaklak na dala-dala ko para sa kanya.

“A-anong ibig sabihin nito?” nauutal kong sabi. Bigla silang nagulat sa pagdating ko. Nang makita ako ni Annabelle ay bigla naman siyang ngumiti sa akin pero iba ang tingin sa akin ni Jethro.

“Ang kapal din naman ng pagmumukha mo na pumunta pa rito?” sabi sa akin ni Jethro. Para akong sinaksak sa dibdib nang marinig ko ang mga salitang iyon.

“A-anong ibig mong sabihin?” tanong ko. Namumuo na ang mga luha sa aking mga mata pero pinipilit kong wag maiyak.

“Naikwento na sa akin lahat ni Annabelle ang mga nangyari. Wala man akong maalala ay malinaw sa akin na kasalanan mo at ng pamilya mo kung bakit namatay si Daddy at kung bakit ako naririto ngayon” galit niyang sabi sa akin. Nanginig ang aking tuhod at halos matumba ako sa aking kinakatayuan dahil hindi ko matanggap ang mga sinasabi sa akin ni Jethro.

“What the fuck Anne? Anong pinagsasabi mo kay Jethro?” inis na sambit ni Jules.

“Sinabi ko lang naman talaga ang totoo sa kanya ahh” sabay yakap kay Jethro.

“Umalis kana dito at ayoko nang makita yang pagmumukha mo!” pagkasabi niyang yun ay tuluyan nang bumuhos ang luha sa aking mga mata. Napako lang ako sa aking kinakatayuan habang pinagmamasdan ang kanyang mukha na puno ng pagkamuhi sa akin. Hindi ko magalaw ni isa sa aking mga paa kaya nanatili pa rin ako sa aking kinakatayuan.

“Sabing umalis kana dito!” sigaw niya at binato niya ako ng unan. Doon na ako nawalan ng balanse at natumba.

Galit na galit si Jules at gusto niyang saktan si Jethro buti na lang at napigilan siya nila Jean at James.

“Anong nangyayari dito?” tanong ni Josh, nang makita niya akong nakaupo sa sahig na umiiyak ay agad niya akong tinulungang makatayo.

Nakiusap ako kay Josh na ilayo muna ako sa lugar para maipaliwanag ko sa kanya ang mga nangyari. Simula pag alis naming sa hospital hanggang sa bakanteng lote na pinuntahan naming ni Josh ay patuloy pa rin ang pag-iyak ko. Nang mahimasmasan ako ay kinuwento ko ang lahat-lahat sa kanya. Galit na galit siya kay Annabelle sa pagsisinungaling niya pero wala siyang magawa dahil siya lang ang pinagkakatiwalaan ngayon ni Jethro. Nakausap naming ang doctor na sumusuri kay Jethro, ayun sa kanya ay malakas ang pagkakahampas ng ulo ni Jethro sa pader na nagbigay sa kanya ng matinding trauma. Kaya ngayon ay nakakaranas siya ng selective memory loss na malapit na sa amnesia, kung mapaglaruan nga naman ng tandahana. Pagkatapos kong maalala lahat lahat ng tungkol sa kanya ay siya naman itong nakalimot sa akin. Matatagalan daw bago maibalik ang kanyang ala-ala pero hindi ako sumusuko na hindi niya na ako maalala pa.

Lumipas ang isang buwan ay tiniis ko ang masasakit na salita na nanggagaling sa kanya. Tiniis ko ang bawat sandaling makita siyang kasama si Annabelle. Halos madurog ang aking puso sa tuwing maglalapat ang kanilang mga labi. Mukhang masaya siya sa piling ni Annabelle kaysa sa akin. Sa loob ng isang buwan na yun ay patuloy akong umaasa na isang araw ay maalala niya akong muli. Lahat na ng bagay na makakapagpaalala sa kanya ay ginawa namin pero ni isa ay wala siyang maalala at siya na mismo ang may sabi na ayaw na niya akong maalala dahil kinamumuhian niya ang pagkatao ko.

Mabilis lumipas ang araw at tatlong linggo na lang at magsisimula na ulit ang klase. Pero hindi pa rin ako nakakapag-pa enroll, mag isa akong naka stay sa isang room sa hotel na pagmamay-ari ng mga Wells dahil pinalalayas ako ni Jethro sa mansion. Unti-unting nawala ang pag-asa ko na maaalala niya pa ako. Ngayon pang nagpropose na ng kasal si Jethro kay Annabelle. Ilang araw kong pinag-isipan ito, alam kong maaaring pagsisihan ko ito habang buhay pero buo na ang desisyon ko.

Kinagabihan ay nagtungo ako sa mansion na walang pasabi sa kanila. Dahil kilala naman ako ng mga tauhan doon ay agad naman nila akong pinapasok sa mansion. Dumiretso ako sa kwarto ni Jethro nang malaman kong nakaalis na si Annabelle. Tamang tama at hindi nakalock ang pinto kaya mabilis akong nakapasok sa kwarto niya.

Mahimbing na natutulog si Jethro sa kanyang kama, hindi ko mapigilang mapangiti dahil matagal tagal narin nang masilayan ko siya sa ganitong ayos. Hindi ako nangangambang magising siya ano mang oras dahil may iniinom siyang gamot na nakakatulong sa kaniya para makatulog ng mahimbing. Madalas pa rin kasing sumasakit ang ulo niya kaya nahihirapan siyang makatulog sa gabi. Sa sobrang himbing ng pagkakatulog niya ay pwedeng pwede ko siyang gahasain nang hindi niya nalalaman pero hindi yun ang pinunta ko dito.

Lumapit ako sa kanyang kama at naupo sa tabi niya. Walang pinagbago, mas mabait pa rin talaga siya tignan kapag tulog. Hinaplos ko ang kanyang mukha hanggang sa kanyang labi. Pinunasan ang mga namumuong pawis sa kanyang noo bago nagsalita.

“Alam kong nangako ako sayo na mamahalin kita ano man ang mangyari at hinding hindi kita iiwan. Sobrang demanding mo naman kasi eh, Sorry pero isa lang dun ang kaya kong tuparin. Nangangako akong ikaw lang ang mamahalin ko pero hindi ko kayang pangatawanan ang ang pangako ko sayo na hinding hindi kita iiwan” napakaiyakin ko talaga at naiyak na naman ako.

“Iiwanan na kita dahil nakikita ko namang kaya mong maging masaya sa piling ng iba. Ayoko nang madamay ka pa sa kamalasang dala ko. Gusto kong tuluyan kang lumigaya dahil deserve mo yun! Ako? Wag mo akong aalahanin, kayang-kaya ko ang sarili ko. Siguro nga pinagtagpo tayo pero hindi pinagtadhana sa isa’t-isa. Kaya sa huling pagkakataon ay gusto kong malaman mong mahal na mahal kita Jethro. Ikaw na ang huling lalaking mamahalin ko. I love you Jethro, Forever and always” kasabay ng pag-agos ng aking mga luha ay hinalikan ko siya sa noo at huli sa kanyang mga labi. Biglang bumalik sa akin ang mga masasayang ala-ala na aming pinagsamahan kaya tinigil ko ang paghalik sa kanya baka lalong hindi ko magawang lumayo sa kanya.

Pagkatapos kong ayusin ang kanyang kumot ay nag-iwan ako ng sulat sa ilalim ng kanyang unan at saka ko tuluyang nilisan ang kanyang kwarto. Pagkatapos noon ay pumunta ako sa aking kwarto para kunin ang mga gamit ko. Aalis na din ako sa mansion dahil walang mangyayari kong mananatili pa ako dito. Kailangan kong hanapin ang sarili ko at kung saan nga ba talaga ako nababagay at ito ang una kong hakbang. Paglabas ko ng pinto ay laking gulat ko nang makita ko si James na nakaabang.

“Need a ride?” tanong niya. Alam na niya agad ang balak kong gawin pero wala siyang balak na pigilan ako.

Sakay sa kanyang motor ay hinatid ako ni James sa pinakamalapit na bus station. Pagkarating ay sinamahan niya ako sa pagbili ng ticket at pag-abang ng bus. Matiyaga siyang nag-antay kasama ko kaya nagtataka ako kung bakit di niya ako pinipigilan. Dahil kong si Jules, Jean at Josh ay malamang kinulong na ako sa hotel wag lang akong makaalis.

“Bakit di mo ako pinipigilan?” tanong ko sa kanya.

“Bakit gusto mo ba?” tanong naman niya sa akin. Natawa naman ako.

“Hindi, pero nagtataka lang ako.” Maiksi kong tugon.

“Gusto kita kaya ginagawa ko ito, alam kong mahal mo si Jethro kaya nagawa mong manatili sa mansion. Pero hindi ko rin kayang makita kang nasasaktan dahil sa kanya” seryoso niyang sabi at ako nama’y nanatiling tahimik habang nakikinig sa kanya.

“Hahayaan kitang umalis ngayon pero ipapangako mong babalik ka” nabigla ako sa sinabi niya pero ngumiti ako at sumagot.

“Promise, kailangan ko lang talagang hanapin sa ngayon ang sarili ko. Hanggang sa magkaroon ako ng lakas ng loob na harapin ulit si Jethro” pagsisinungaling ko, nakokonsensya ako sa kabaitan ni James pero kailangan ko tong gawin.

“Oh ayan, bagong cellphone para madali kitang ma-contact” sabay abot ng bagong phone sa akin. Natatawa ako dahil wala na ito sa kahon, kung hindi lang siya anak mayaman ay iisipin kong galing ito sa RECTO.

“Salamat, hayaan mo. Dadalasan ko ang pakikipag usap sayo.” Tanging pagngiti lang ang naging sagot niya.

Ilang minuto pa ang lumipas nang magtawag na ang kundoktor ng bus na maaari ng sumakay ng bus. Inalalayan ako ni James hanggang sa makasakay ako ng bus. Hindi rin nagtagal ay umandar na ang bus at sa huling pagkakataon ay nagpaalam ako kay James.

Makalipas ang isang oras ng byahe ay huminto kami para makaihi ang ibang pasahero. Bumaba ako ng bus hindi para umihi kundi itapon sa basurahan ang dalawa kong cellphone. Alam kong may tracker ang phone na binigay sa akin ni James kaya mabilis lang nila akong matutunton. Para makasiguradong hindi nila ako mapuntahan ay sinama ko na rin ang cellphone ko. Sa huling pagkakataon ay pinamasdan ko ang cellphone ko kung saan nakawall-paper ang picture naming dalawa ni Jethro. Isa, dalawa, tatlo ay nagawa kong itapon ang dalawang cellphone sa basurahan.

Muli akong sumakay sa bus at naupo sa aking pwesto. Maliit lang na pera ang dala-dala ko. Yun ay ang dati ko pang ipon. Ayokong gamitin ang pera ng mga Wells dahil labis-labis na ang naitulong nila sa akin. Kinapa ko ang aking bulsa at binasang muli ang nakasulat sa papel na binigay ni Sam. Nakasulat doon ang pangalan at address ng taong nagngangalang Lawrence Kendrick Fuentes. Marahil siya ang makakatulong sa akin ngayon. Sana makayanan ko ang bagong pagsubok sa aking buhay. Sana nga, sana.

THE END OF BOOK 1

Edited by RJEM16

Author’s Message to readers

Hello, I know, I know, I know, nabigla kayo sa ending at nagpromise akong magiging happy ending ang story pero let me explain it to you guys. Wala talaga sa plano ko to pero marami sa inyo na mas habaan ko pa ang story pero kung hahabaan ko pa ang story ay lalong matatagalan ang pagrelease ko ng iba ko pang story. Kaya tinapos ko ang book 1 at magkakaroon ng book 2, promise yan. Kung hindi happy ending yun ay ibibigay ko ang address ko at hahayaan kong magrally kayo sa labas ng bahay.

Pero seriously ay sobrang nakakatuwa yung mga feedbacks nyo sa story. Honestly, reader lang talaga ako ng Wattpad. Nagsimula akong magbasa noong 2013 pa hanggang ngayon. Dati ko pang balak magsulat kaso masyado akong busy sa school. Sino ba naman ang mag-aakala na kung kelan ako nagkaroon ng trabaho ay saka ako nagsulat.

Last year Dec 2017 ay na-move ang hire date ko sa company na pinag-applayan ko. Ang start date ko naging January 2018, sa sobrang kabagutan ko ay nagtry akong magsulat sa Wattpad at trip trip ko lang yun. Sabi ko pag-umabot ng 1k reads ang sinulat ko ay titigil na ako sa kalokohang to. Pero tingnan mo nga naman ay nasa 53.3k reads ang story after 8 months haha. Ganun ako kabagal magsulat at nakapag gain pa ako ng 333 followers. Proud ako diyan kahit mababa pa ang numbers na yan dahil first timer lang ako as a writer at sobra akong natutuwa na nagustuhan nyo ang kwento ko kaya na-inspire ako lalong magsulat pa ng marami.

Future Plans? Magpapahinga muna ako ng ilang week bago magsusulat ng bagong story. Please sana suportahan niyo yun dahil dun ikukwento ang buhay ni Eisen after niyang umalis sa mansion. Pero, pero hindi siya ang lead doon kundi ang pinsan niya (Spoiler alert).

Upcoming stories:

The curse of Fuentes kiss

  • Isang sikat na varsity player si Lance sa aming campus. Babaero, mayabang at bully siya kaya sobra ko siyang kinaiinisan. Transferee lang ako sa school kaya wala akong halos kakilala dito at ang masama pa ay ako ang isa sa mga binubully niya. Maraming nagsasabing may sumpa ang halik niya. Dahil kapag nahalikan ka niya ay para kang baliw na sunod sunuran sa kanya. Napatunayan na yan sa mga ilang babaeng nakarelasyon niya ang iba pa nga ay nagtangkang magsuicide nang makipaghiwalay siya sa kanila. Sa di inaasahang pagkakataon ay aksidente akong nahalikan ni Lance sa labi. At doon ko napatunayan na mali sila, dahil walang sumpa pero bat ganun siya ang nagbago ng pakikitungo sa akin at hindi ako yung naging sunod-sunuran? (Release date: 3rd week of August/ Genre: BL)

His to her

  • Papano kung isang playboy na young adult ay bigla na lang magising sa katawan ng isang babaeng malapit ng ikasal at Papano niya matatanggap ang ganitong pangyayari lalong lalo na at patay na ang kanyang orihinal na katawan? (Release date: 4th week of august/ Genre: Gender-bender)

Can’t live without you

  • Sequel of Living with my step brothers (Release date: TBA)

Star, me?

  • l ove story of Jethro’s twin brother, Alexandre. This will be my first girlxboy story. (Release date: TBA)

Wells brothers: Seducing Jules

  • (Release date: TBA)

*Wells brothers: Yes Josh, My Boss!

(Release date: TBA)

Marami pang stories na gusto kong i-share pero ayan lang muna at dahil mahal na mahal ko kayo ay may special chapter ang

CAN’T LIVE WITHOUT YOU.

Don’t forget to VOTE !

Special Chapter

Chapter &&: Elevator-Trouble

Makalipas ang ilang taon ay nakapagtapos na rin ako ng pag-aaral. Salamat yun sa tulong ni Tito Kendrick. Ang hamon sa akin ngayon ay ang makahanap ng magandang trabaho para matulungan kong makapagtapos ng pag-aaral si Lance bilang ganti sa kabaitan nila ng kanyang ama sa akin. Nang mamatay si Tito Kendrick ay kasabay niyang naglaho ang kanilang kayamanan dahil naitalo niya raw ito sa sugal. Pero hindi ako naniniwala doon dahil alam kong may kinalaman ang kumag na si Arthur sa pagkamatay ni Tito at pagkawala ng kanyang kayamanan.

Kailangan ko pang lumuwas ng Maynila para makapag-aapply ng trabaho. Bago ako lumuwas ay nagpasa muna ako ng resume sa Jobstreet. Mabilis akong natawagan para sa HR Rep. position na inapplyan ko. Wala akong masyadong info about sa company dahil dalawang taon pa lamang ito. Ang kumpaniyang ito ay gumagawa ng mga damit na may available stores hindi lang sa Pinas kundi sa iba’t ibang panig ng mundo. Ang pangalan ng Kompanyang ito ay “Forever & Always” hindi rin malinaw sa akin kung bakit yun ang pinangalan ng may-ari basta alam ko ay walang FOREVER at ALWAYS yun!

Mabilis akong natanggap sa position pero nang pipirmahan ko na ang kontrata ay nagmamadaling inabot sa akin ng isang HR ang isang contract bilang secretary. Hindi pa ako experienced sa larangan nay un at saka hindi ako confident pero nakiusap sa akin ang HR na tanggapin ang offer. Ayun sa kanya ay P45,000 monthly ang salary plus P10,000 transpo allowance monthly, plus libreng condo stay hanggang sa magresign ako, may healthcare benefits na up to P200,000 per illness. And lastly, may P50,000 signing bonus, basta kunin ko lang daw ang offer. Noong una ay nagdadalawang isip ako pero kailangan na kailangan ko na talaga ng pera dahil kailangan ko ng pambayad ng tuition ni Lance. Kumpara sa mga Job offer sa akin sa ibang kompanya ay ito na ang pinakamataas na makukuha kong sweldo. Kinakabahan man ako sa aking desisyon ay pinirmahan ko na rin ang kontrata bilang secretary.

Kinabukasan ay maaga akong pumasok para makilala ang boss ko. Akala ko pa nga isa siyang department head pero laking gulat ko nang dalhin ako sa opisina ng CEO ng kompanya. At ang mas nakakaloka pa ay nang ipakilala ako sa CEO at siya lang naman ay walang iba kundi si Jethro Jones Wells. Parang gusto kong himatayin nang ipinakilala siya sa akin. Parang wala lang sa kanya nang magkita kami at hindi man lang siya nagulat. Doon ko rin nalaman na nag change na siya ng career path, from Lawyer to Businessman. Pagkatapos ng araw na iyon ay nagsimula na ng aking kalbaryo.

Halos araw-araw niya akong pinahihirapan sa mga bagay na pinapagawa niya sa akin. Pakiramadam ko minsan ay personal maid niya ako at hindi secretary. Sinong boss ba naman ang tatawag sa secretary niya ng dis-oras ng gabi para magpabili ng kape sa Tim Hortons tapos kapag dating sa condo niya ay hindi na masyadong malamig, at doon lang siya magpapatimpla na lang ng kape? Kung hindi lang talaga mahal ang tuition ni Lance, matagal na akong nagresign dito. Ang worst pa ay madalas niya rin akong sinasama kapag nambababe siya. Hello? Hindi niya man lang inaalala ang feelings ko. Nasasakatan rin kaya ako. Ilang buwan rin akong nagpahakahirap sa kanya hanggang sa na kasanayan ko na lang ang pagiging baliw niya.

AFTER 3 MONTHS

“Sir, meron po kayong meeting with Mr. Calderon ng 2pm and after that ay may conference call kayo with the investors. Tomorrow naman ay-” hindi pa nga ako tapos magdictate nagsalita na agad siya.

“Paki-cancel lahat ng appointments ko tomorrow at magbook ka ng flight sa Bali for 2” mabilis niyang sabi. Agad ko namang isinulat ito dahil ayaw niyang may namimiss ako sa mga sinasabi niya.

DING!! Sabi sa akin ng elevator at bigla itong bumukas at pumasok kami sa loob.

“Ahhm kanino ko po ipapangalan ang mga tickets, Sir?” syempre yung isa sa kanya at yung isa sa babae niya. Magkakanana sana yang ari mo sa sobrang kalandian mo, sabi ko sa sarili ko.“

“One for me and one for you” maiksi niyang tugon.

“Ta-tayong dalawa lang po?” nauutal kong sabi.

“Bakit balak mo bang dalhin ang buong kumpaniya doon?” sarkastiko niyang tanong, hay naku ang sarap niyang hampasin ng notebook na hawak ko. Pero mabuti na rin naman ito kasi parang kagaya lang siya ng Jethro na nakilala ko noong magkita kami sa mansion sa unang pagkakataon kumpara noong Jethro na iniwanan ko sa mansion 3 years ago.

“Don’t get the wrong idea, andun tayo para sa business trip at kailangan kita doon. Dahil ayokong gawin lahat ng trabaho dun” dugtong niya.

“Wala naman po akong sinasabi eh” bigla akong nadulas at nasabi yun.

“Anong sabi mo?” tanong niya habang nakakunot ang noo.

“Ang sabi ko po noted, hehe” sabay pilit ng ngiti, pero yung totoo gusto ko ng kurutin yung nota niya sa inis ko.

Bigla na lang umalog ang elevator at namatay ang ilaw. Nawalan ako ng balanse kaya napaluhod ako buti na lang nakakapit ako kaya di ako tuluyang nadapa. Nang bumukas ang emergency light ng elevator ay laking gulat ko nang makita ko kung saan ako nakahawak ngayon. Nakahawak ako sa bakal na hakawan ng elevator habang nasa harapan ko si Jethro at ang mukha ko ay nakatapat sa zipper niya na para bang bibigyan ko siya ng BJ. Napabalikwas ako at tuluyang natumba sa sahig. Ang awkward lang nang lumapit siya para tulungan akong makatayo.

“Napaka clumsy mo pa rin!” sabi niya.

“Po?” tanong ko baka nagkamali lang ako ng tanong.

“Wala!” sabi niya at pinindot ang emergency button ng elevator para humingi ng tulong.

Mabilis nagrespond ang admin ng elevator at kasalukuyang inaayos na ang elevator na sinasakyan namin. Lumipas ang sampung minuto pero hindi pa rin tapos ang pag-ayos ng elevator. Basang basa na ng pawis ang aking likuran dahil sa kapal ng coat na suot suot ko. Pero tinitiis ko lang ito dahil ayokong hubarin ito sa harap ni Jethro. Nang lingunin ko siya ay wala na siyang suot na coat at ang kanyang long sleeve ay nakatupi na hanggang sa makalabas ang kanyang siko. Nakabukas na ang mga butones ng kanyang long sleeve at malaya kong nasusulyapan ang kanyang abs at chest na mas lalong gumanda ang hubog ngayon. Wala akong nagawa kundi ang lumunok laway habang nagpapaypay ng notebook.

“Hubarin mo na yang polo, di gumagana ang aircon kaya pagpapawisan ka lang ng husto.” Utos niya.

“Don’t mind me Sir, okay lang ako” pagsisinungaling ko pero basang basa na ang polo ko sa loob ng pawis.

“Ang tigas ng ulo mo!” lumapit siya sa akin at pilit hinubad ang coat na suot ko.

Nagpumiglas ako pero mas malakas siya sa akin kaya nagawa niyang matanggal ang suot kong coat. Nang mapansin niyang basang basa ng pawis ang polo ko ay pilit niyang hinuhubad ito hanggang sa napahiga ako sa sahig habang pilit na tinutulak siya. Pagkahawak niya sa gitnang bahagi ng polo ko ay isang hila lang niya ay tanggal pati butones ng polo ko. Tumambad sa kanya katawan ko na matagal niyang tinitigan. Kapwa kaming pawisan habang nakapatong siya sa ibabaw ko. Bawat sandali papalapit ng papalapit ang kanyang mukha sa mukha ko. Hanggang sa magkadikit na ang aming ilong at ramdam na ramdam ko na ang kanyang paghinga. Wala akong nagawa kundi ipikit ang aking mga mata nang biglang.

DING!

Sabi ulit sa akin ng elevator at nagbukas ang pinto.

Nanlaki ang mata ko nang makitang andaming taong nakaabang sa elevator habang nakapatong sa ibabaw ko ang CEO ng aming kompanya. Kapwa kaming pawisan at nakabukas ang aming mga polo. Jusko po, eskandalo na naman ito.

ABANGAN!!!!!!

Edited by RJEM16

Book 2 Update!!!!

Edited: Sa mga nagtatanong PARIN about sa Book 2. Naka SEPARATE po yun so STOP asking kung kelan maa update ito kasi nga hindi dito yun maa update dahil nakabukod. (PLEASE, PLEASE, PLEASE Paki enable ng Data/ Wifi nyo para makita nyo yung mga pictures.)

Available na yan sa WORKS ko pero ewan ko ba at hindi pa rin nila mahanap. So eto na step by step (pagnakaoff data mo, talon kana una ulo)

1st click the menu button

2nd click my name “Eisenchan” para ma-direct ka sa profile ko.

3rd - Pagkarating mo sa profile ko makikita mo lahat ng works ko dun. Andun itong Living with my step brothers, Curse of Fuentes Kiss at Can’t live without you.

4th - Pagnakita nyo na, you know what to do na!!

Kapag di nyo pa rin mahanap try nyong i-search ang name ko Eisenchan tapos dalawa ang possible na top search diyan yung LWMSB at yung Can’t live without you.

So okay na tayo guys? Ito na yung last update ko sa book na to. Thank you as always <3


Return to top?
WattHub

Install WattHub

Size unavailable

App name
WattHub
App version
1.48.250
App size
Description
A digital library of Wattpad stories and Filipino fiction, thoughtfully preserved for readers today and tomorrow.
Developer
WattHub Team

Dismiss install banner?

No problem. You can still install WattHub anytime from the download icon in the header.

WattHub

Notifications

Notifications are off

Get notified on this device when the library grows or changes.