Love Always Finds A Way [EDITED] - Completed
YorTzekai · 21 chapters · 21,250 words
PROLOGUE
Marami ang nagtataka kung paano humantong ang buhay ko sa isang magandang buhay pag-ibig.
.
.
Dito sa kwentong ito nagsimula ang lahat,dito nabuo ang bawat kwentong inyong inaantabayanan.
.
.
Marami sa atin ang naghahangad ng isang tunay na pag-ibig lalo na at nabibilang sa 3rd sex.
.
.
Sadyang mahiwaga ang buhay,hindi natin alam kung kailan darating ang taong nakalaan para sa atin.
.
.
Sa kwentong ito ng buhay ko ay sana ma inspire kayo at may mapulot na aral.
.
.
Ako si Christian Cail Samaniego,pero mas kilala ako bilang Tzekai.
.
.
At ito ang kwento ng buhay ko :)
LOVE ALWAYS FINDS A WAY.(Editing)
May 09,2013.
Tzekai says o1
“Teh sure kana ba dyan sa disisyon mo?” tanong ni Patrick aka Pepay,na tulad ko ay isa din Gay Entertainer sa Japan naisipan ko kasi na bumalik na sa pilipinas at dun na magtrabaho.
Bumuntong hininga muna ako,ngumiti at nagsalita.
“Pepay alam mo naman na napilitan lang ako dito,sapat na ang anim na taong pagtitiis dito,miss ko na din si mama” ang wika ko.
Pag ka graduate ng high school sa RHS ay naghanap na ako ng trabaho,para sa amin ng mama ko,galing kami sa malaki at may kayang pamilya sa side ng papa ko,pero hindi pa ako pinapanganak naghiwalay na sila ni mama,kung ano ang
rason,hindi ko na inalam,kuntento na ako sa pagmamahal ng mama ko,nagpakalayo kami at napadpad sa manila,hanggang maisipan ni mama na ipasok ako sa agency ng kaibigan nya,and the rest is history,at saka nung mga panahon na yon gusto ko mag move on sa nauna kong bigong puppy love,kay EJ.
“hmm sabagay Khai, tama na siguro yung napundar at naipon mo,saka miss kana din sigura ni tita,anyway ingat ka sa byahe ah” sabay yakap nito saken,niyakap ko din sya. “oh sya Pepay,maaga pa flight ko bukas,matulog na tayo Teh,ayoko mag mukhang zombie haha!” maya maya ay sabi ko, saka humiga at ipinikit ang mgamata. Ang totoo kong pangalan ay Christian Cail Samaniego,bata pa lang ako ay alam ko na kasarian ko,hindi naman nagalit o tumutol si mama,hilig ko na din ang pag kanta at pag sayaw,yun ginagamit ko minsan para magkapera,kahit nung mga program sa school nung high school palang ako,sumasali ako,dun ako nagkaroon ng screen name,dahil sa idol ko si Barbra Streisand ginaya koang cleopatra make up nya.
TZEKAI ang tawag ng lahat sa akin,bulol kasi ako nung bata ako at hirap banggitin pangalan ko kaya Tzekai na lang nasasabi ko,na instantly naging palayaw ko na,pero mas nasanay sila na Khai o Kaikai ang itawag saken,parang yun na nga ang totoo kong pangalan.
Sumikat ako sa RHS nung high school kakasali sa mga singing contest,mahirap din maging ladlad na bakla,lagi inaasar,binubully at iniinsulto,pero deadma lang ako sa mga ganun. Ha! Palaban ata to no?
Bago pumikit ay bumalik sa akin ang alaala ng high school,ang alaala ng puppy love ko..
“Ang gwapo talaga ni Troy no teh?” halos maghugis puso na ang mga mata ng kaibigan kong si Meng ng sinabi yan. Nandito kami ngayon sa covered court ng campus namin,kung bakit kami nandito? Dahil dito sa babaeng kasama ko,gusto daw nya panoorin ang practice ng prince charming nya na Varsity ng basketball dito sa University namin.
“Uhuh” sagot ko na walang interes,busy ako sa pagpindot sa phone ko,naglalaro kasi ako.
“Pati mga team mates nya gwapo din no?” dagdag pa nito.
“Uhuh” sagot ko ulit at tuloy parin sa paglalaro sa phone ko.
“Uhm! Puta ka Christian Cail Samaniego! Kanina pa ako dada ng dada dito impakta ka!” ani Meng sabay batok sakin.
“Aray!! Ano ba Meng?! TZEKAI ang itawag mo sakin! Sa room lang ako nagpapatawag sa real name ko” asik ko sa kanya, Charmaine Reyes talaga name nya,pero Menggay o Meng tawag sa kanya sa kanila kaya Meng na din tawag ko,maganda tong friend kong ito,like me talented,magaling kumanta at sumayaw.
Pareho kami ni Meng 16 years old,last year na namin as high school,ilang buwan na lang gagraduate na kami. Mula first year magkaklase na kami,ewan dito ayaw humiwalay sa akin,sa tropahan nga namin outside school tinatawag syang patay na bata,ewan ko dun sa mga gunggong naming tropa.
Ladlad akong bakla,hanggang leeg ang buhok,mukhang girl pero hindi nagdadamit ng pang babae na OA,shirt na sakto sa katawan,jeans,sapatos, ganyan lang ako,walang kaartehan at kung anu anong kolorete pa.
Itong si Meng nga ultimate crush si Troy na MVP namin,ako naman nagkaka crush din pero hindi nagtatagal,ewan bakit ganon? Siguro sadyang lumaki lang ako na kahit bakla eh hindi masyadong nagbibigay atensyon sa mga kalahi ni Adan.
“Arte mo! Tara na! Malapit na matapos ang break natin saka kuntento na ako at nasilayan ko si Troy” anito at tumayo na kami sa kinauupuan namin at naglakad na palabas ng court.
Hindi ko lubos maisip kung bakit patay na patay tong babaitang ito sa Troy na yon,sabagay gwapo nga naman pero kahit na noh? Para sa akin isa pa din syang normal na tao.
Siguro nga abnormal akong bading at hindi ako talaga masyado interesado sa mga lalake,oopppss! Hold it right there! At huwag nyo namang isipin na interesado ako sa babae! Never! Fetus palang ako may cutics na ako noh? Hahaha! Joke lang!
Dumeretso na nga kami sa room namin,ganun padin,normal naman,minsan nga nakakasawa na eh,ang tanging nagpapa excite lang ng buhay ko dito sa school eh yung mga lalake at babaeng kasing liit ng plankton ang utak na galit na galit sa bakla. Walang araw na hindi sila umariba,ngayon wala pa sila pero mamaya susulpot na ang mga yon.
Tulad ng dati natapos na naman ang lahat ng klase na walang kabuluhan at magsisimula na naman ang mga taga hanga ko sa paghahabol sa akin,favorite nila ako eh.
Naglalakad na kami ni Meng palabas ng matanaw ko na ang mga impakto.
“Dali Meng tayo na” hila ko dito at nagmadali na maglakad.
“Naloloka talaga ako dyan sa mga nambubully sayo teh,ikaw ang pinaka paborito,first year pa lang tayo may ganyan na,hanggang ngayon ba naman?” sabi nito habang nagmamadali kami maglakad.
Hindi pa kami nakakalayo ay naharang na kami ng mga ito,napa buntong hininga na lang ako.
“Uhoy! Escaping us?” sabi ng pinaka leader,si EJ. Napaka hambog talaga ng animal na yan.
“Wala kami panahon makipag gaguhan senyo pwede? Hindi ba kayo napapagod? Tatlong taon nyo na akong ginaganyan,magsawa naman kayo,grow up!” inis kong sabi.
And to my surprise walang nagreak kahit si EJ.
Kinuha ko ang pagkakataon na yon para hilahin ulit si Meng at umalis,nang makalabas ng campus ay nagsalita si Meng.
“Feeling ko Teh type ka nyon ni EJ” anito. Tumirik ang mata ko dahil don.
“Pwede ba Meng? Hindi ka ba kinikilabutan dyan sa sinasabi mo?” irita kong sabi.
“Hoy baklang Tzekai! Choosy ka pa? Aba! Swerte mo pag nagkataon,isa sa heartrob ng campus na to magiging jowa mo? Taray mo nun! Ang gwapo din kaya ni EJ.” sagot ng bruha sakin.
“Gwapo? Mukha syang tuko para sa akin” sagot ko naman habang palinga linga at nag aabang ng jeep na masasakyan.
“Do you even have a heart? Tao ka ba? Nakakaloka ka” anito,sakto may jeep na at sumakay na kaming dalawa.
Mula ng araw na yon may naging kakaiba na,parang nakakahinga na ako ng maluwag sa school na yon unlike dati habang naglalakad eh naglilikot ang mga mata at isip ko kung anong gagawin pag biglang sumulpot si EJ at ang mga kasama nya.
Ngayon ay kakaiba,kahit anino din ni Meng ay hindi ko makita.
Nasan kaya ang impaktang yon?
“Tzekai!!” nadinig kong may tumawag sa akin,alam ko kung sino yon,walang iba kundi si EJ.
Hindi ako nag aksaya ng panahong lingunin sya,hinintay ko na lang sya makalapit sa akin.
“Tzekai,uhm nagbreakfast ka na?” naka ngiti nitong sabi na ikinakunot ng noo ko.
Wow! Bago toh ah? Anong nasinghot ng gagong to?
“Hindi pa,nagmamadali kasi ako eh,bakit?” mataray kong sagot sa kanya.
“Yayain sana kitang mag breakfast muna,tara” sagot nya sabay hila sa akin.
Ngayon ko napatunayan na mali si Ate Guy! Merong himala!
Malakas na tunog ng alarm clock ang gumising sa akin. Pagtingin ko sa oras, 5am na,napangiti na lang ako,hanggang panaginip binabalikan ako ng nakaraan,agad na akong kumilos at naligo,kailangan 3hours before the flight ay nasa airport na ako,excited na ako makauwi ng Pinas at makasama si Mama.
Tzekai Says 02
Dedicated ang Chapter na to kay kuya Zeke/Zildjian,isa sa mga ultimate idol ko sa larangan ng pagsusulat ng Bromance,lahat ng mga characters na mababanggit sa chapter na toh hanggang sa next 4 o 5 chapters ay mga characters sa mga story nya,hiniram ko at luckily pumayag sya,thanks kuya Zeke! Guys follow him and read his stories,its worth reading :)
–
Nakasakay na ako ngayon sa eroplano,ang pwesto ko ay sa gilid ng bintana kaya tanaw ko ang mga naglalakihang kumpol ng mga ulap,napaka mapayapang tingnan,ngumiti ako at saka naisipang umidlip muna.
“Barkada mo pala tita ko?” ani EJ habang kumakain kami sa canteen,naninibago talaga ako sa kanya,hindi ako sanay sa ganito,nasan na ba kasi si Meng? Malamang nasa room na yon,hay! Dahil sa impaktong EJ na to late na ako sa first subject.
“Marami akong barkada,sino sa kanila?” pabalang kong sagot.
“Oh c’mon Khai,itigil mo na nga yang pagtataray sakin,ang bait ko na nga sayo eh, hmm si Tita Aiza,pinsan sya ni Mama” sagot naman nya.
pinsan nya si Aiza? Ang layo ah? Ambaet kaya ni Aiza samantalang sya demonyito.
“Ano ba talaga kailangan mo at bigla bigla ata pagiging mabaet mo?” pagkuway sabi ko na lang,hindi ko kasi talaga lubos maisip bakit nagkakaganyan tong animal na EJ na to eh.
“Wala lang,naisip ko lang na its about time na maging okay na tayo,ayoko naman na matapos ang school year na may mga hindi ako kasundo” nakangiti nitong sagot.
Hindi ko alam ah,nakita ko na naman sya ngumiti kanina,pero bakit yung ngiti nya ngayon biglang nagpabilis ng tibok ng puso ko? May powers ba tong gagong to?
“Hindi ako naniniwala,wala akong tiwala sayo” sabi ko na lang at sinupil yung kung anong nararamdaman ko,naninibago lang talaga siguro ako.
“Khai…” aniya at hinawakan ang kamay ko,agad ko yong binawi dahil may kung anong kuryente akong naramdaman,bumilis na naman tibok ng puso ko.
Sabi ko na nga ba eh! May powers tong hunghang na toh eh! Kanino kaya nya nakuha yon? >_<
Sakto naman biglang dumating si Meng,at sa kasamaang palad,inabsen(t)nan nga daw ako sa first subject,nanlaki pa ang mata ng bruha ng makitang si EJ ang kasama ko,hindi ko sya masisisi,maging ako naman din hanggang ngayon ay hindi pa din makapaniwala.
Nung pabalik na kami sa room ay tinanong nya kung anong nangyari at kinwento ko naman lahat,ilang hampas ang natanggap ko mula sa babaeng to,kinikilig? Duh? Anong dapat nya ikakilig dun? Buang talaga.
Nagpatuloy pa ang mga araw,araw araw din nangungulit si EJ,ayaw ko mang aminin pero talagang nahuhulog na ang loob ko sa kanya,kahit ang panunukso ng mga kaklase namin ay tinatanggap ko na lang. Ganito pala yon,pag lalong pinipigilan,lalong tumitindi.
Nagising ako sa Announcement na papalapag na daw ang eroplano at kailangan ng ikabit ang seatbelt. Lvmingon ako sa bintana. Sa wakas,nasa Pilipinas na ulit ako.
Tatlong linggo na ako dito sa Pilipinas,sinulit ko talaga,namasyal kami ni mama,bumili ng mga gamit,damit at marami pang iba.
“Anak” pag basag ni mama sa katahimikan habang naghahapunan kami.
Tiningnan ko lang sya at hinintay na ituloy ang sasabihin.
“Tumawag ang kuya Claude mo,nangangailangan daw ng Singer stand up comedian yung mga kaibigan nya na may ari ng isang bar” simula ni mama.
“panu kayo nagkaron ng contact sa kanila?” napataas ang kilay koh,24 years old na ako ngayon lang sila nagparamdam samen ni mama,pero sa bagay,kami naman ni Mama ang lumayo pero kahit ganun pa man nagkaron kame ng contact sa Facebook,siguro hinanting ako ng mga kumag kong kamag anak,walang kaso saken yun,pero hindi ako nagkekwento sa kanila,hindi nga nila ako mamukhaan nung una sa mga pictures ko. Kilala ko din si Kuya Claude,pinsan ko sya sa side ni Papa,may asawang lalaki din,hindi na ako nagtaka,uso naman yun,kaya lang nainggit ako,buti pa si kuya,eh ako nagka puppy love nga noon,bokya naman.
“Nung nakaraang linggo kasi habang nag gogrocery ako nakita ko sila,ang laki at gwapo lalo ng pinsan mo,kaso lalaki din pala jowa nya?” dugtong ni mama,natawa ako bigla.
“Bakit?”
“Ma uso yun ngayon haha! Oh pano kayo nag usap? Buti nakilala ka niya?”
“Malakas siguro memorya ng batang yun nak,nagulat nga ako nung lumapit at magpakilala niyakap pa ako,naiyak pa nga ako,hindi ko kasi akalain na may makakakilala pa sakin sa side ng Papa mo” anito na naka ngiti pa.
“Sa bagay,friends ko sila sa fb ma,nakikita siguro nila mga pictures mo,oh so ano pa nangyari?” sagot ko.
“kinuha cp number ko,tinanong din kelan uwi mo at kakausapin ka daw” sagot ni mama.
Natapos na kami kumain,si mama naghugas kahit na sinabi kong ako na lang,hindi na ako
nagpumilit,kinuha ko sa kanya number ni kuya Claude para tatawagan mamaya,nagpunta muna ako sa labas para manigarilyo,at muli dinala na naman ako ng kaisipan ko sa nakaraan.
“Baklaaa!” sigaw ni Aiza ng puntahan ko sya sa kanila,hindi siguro inaasahan ng bruha na pupunta ako,aba! Nilakad ko pa to noh? Imagine taga San Miguel ako at sya Pinagbuhatan,mabuti na lang at maliit lang ang Pasig,sa may Palengke ako dumaan kase dun na ang boundery ng pinagbuhatan.
“Makapag react ka naman,papasukin mo muna ako!” nakangisi kong sabi,ng makapasok ay agad akong pumunta sa maliit din nilang kusina at tumingin tingin ng pagkain haha!
“Pumunta ka ba dito para makikain?”
“Hindi,may ichichika lang ako about Meng” naka ngisi kong sagot at naupo sa upuan,ganun din ang ginawa nya.
“Sya din may chinika sakin” ngising sagot din nya sa akin kaya nagtaka ako.
“Ano yon?” interesado ko ng tanong sa kanya.
“Ikaw mauna”
“Yun nga,ang bruha hindi ko na madalas nakakasama sa school,pag recess at break karipas agad ang bruha,akala ko may nagawa akong kasalanan,isang beses nakita ko sya may kahalikan” panimula ko.
“Oh anong bago dun? Nakahalikan din nya yung tropa namin ni Lovelee na dancer,ikaw din naman nakahalikan mo si Marky!” natatawa nitong sabi.
“Tse! Tumigil ka nga! At yun nga,babae kahalikan nya,si Jen ng kabilang section” dagdag ko,nanlaki ang mata ni Aiza na dati ng malaki kaya natawa ako ng wagas!
“hahaha! O diba,nagulat ka?”
“Kaikai normal na yon noh” sagot nya,sabagay,sa panahon ngayon hindi na uso ang kasarian pag nagmahal ka.
“Sa bagay,pero sa palagay ko hindi sya tibo,baka bifemale lang,patay na patay pa din kasi sya sa MVP namin sa school” nasabi ko na lang,at na spotan ko sa Mesa nila ang isang nissin cup noodles hahaha! Tamang tama,ginutom ako sa paglalakad.
“Oh diba? Hindi porket pumatol ka sa parehong kasarian eh bakla o tomboy ka na,walang label yan” sabi nya habang nilalagyan ko ng mainit na tubig mula sa termos nila ang cup noodles,hindi naman pumalag ang bruha,alam naman nyang hampaslupa ako.
Umupo na ako at hinintay na maluto ang noodles sa loob ng cup.
“Sa bagay,tumpak ka na naman” sabi ko at sinimulan ng higuphigupin ang sabaw ng noodles.
“I know,parang yung pamangkin ko lang si EJ,alam ko gusto ka nya at ganun ka din”
O_O
Napaso ang dila ko!! Bruhang Aiza to! Pano nya nalaman? At ang impakta tumawa lang.
Sakto may kumatok,tumayo si Aiza at binuksan ang pinto,ganun na lang shock ko kung sino yon.
Si EJ!
Natigil ang pagbabalik tanaw ko ng may kumahol na aso sa kapitbahay. Hay nako,ang sarap lang alalahanin ng nakaraan pero ayoko na balikan, kinuha ko na ang phone sa bulsa ko at tinawagan si kuya Claude.
Tzekai says o3
Dedic ang Chapt na toh kay Patricio :D ang author ng nakakawindang na “When A Gay Man Loves” haha! Read his story,its worth reading :)
“Hello?” bungad ko ng matapos mag ring sa kabilang linya.
“Yes? Who’s this?” sagot nito.
“Im looking for Claude Samaniego,uhm pinsan nya ako,anak ni Edith,andyan ba sya?” nag aalangan kong wika.
“Ah! Ikaw ung sinasabing anak ni Tita,Christian Cail name mo right? nameet ko na mama mo,by the way im Laurence Cervantes Samaniego,asawa ng pinsan mong abno,wait lang tawagin ko nasa banyo pa eh” anito.
Napangiwi naman ako sa pagtawag nito sakin sa totoo kong pangalan,hindi na talaga ako sanay.
“ah hehe oo nga sige sige hintayin ko” sabi ko na lang.
“misis sino yang kausap mo?” dinig kong tanong nito
“Pinsan mo,matutuwa ka” sagot ni Laurence.
“Sino? Si Chad? Martin?” tanong ng pinsan ko.
“wala sa dalawa,dami mong tanong kausapin mo nalang” natatawang sagot ni Laurence.
“Hello”
“uhm hello,si kuya Claude na ba to?” medyo nahihiya ko pang sabi,ito ang first time na makikipag usap ako sa kamag anak sa side ni Papa.
“Yes its me,pinsan daw kita?” anito.
“uhm oo,anak ako ni Edith,uhm tumawag ka daw sa mama regarding sa offer ng mga kaibigan mo?” sagot ko.,medyo matagal bago nakasagot si kuya Claude,nag isip siguro.
“Uhuy! christian cail? Haha pinsan ikaw nga ba yan? Babaeng babae ah? Haha ah oo,ganito kasi yun” at inilahad nga ni kuya Claude ang detalye, tinanggap ko na kahit hindi malaki ang sweldo,basta makapag pasaya ako at ma share ko talent ko sa pagkanta ay ayos na.
Matapos makipag usap ay umakyat na ako para matulog,nakaramdam na kasi ako ng antok.
“Oh EJ,kaw pala yan” ani Aiza,bumilis ang tibok ng puso ko,anong ginagawa ng Mokong na yan dito?
oo nga pala,mag tita ang dalawang toh. Hayst.
“Sabi kasi ni Charmaine nagpunta daw dito si Tzekai,gusto ko lang sana sya yayain lumabas tita Ays” naka ngiti nitong sabi,hindi muna ako sumabat,inubos ko muna ang noodles.
“Ah ganun ba,walang problema dyan,o sige,lumayas na kayong dalawa at may dadating akong bisita” naka ngising sabi ni Aiza,hinablot ako at pinagtulukan kami ni EJ sa labas saka nagsara ng pinto habang tumatawa.
“Bruhilda! Walangya kang matang baka ka! Hindi pa ako nakakainum ng tubig!” sigaw ko,narinig kong humagikgik si EJ kaya nilingon ko sya.
“Ano hinahagikgik mo dyan?” pinagtaasan ko sya ng kilay.
“Wala,tara,ibili muna kita ng softdrink” aniya,nagulat pa ako ng hawakan nya kamay ko at ipag intertwined.
Hay naku EJ,Hindi ko na mapipigilan ang sarili ko na lalong mahulog sayo. Doon na talaga nagsimula ang pagiging kakaiba naming magkaibigan. Madalas kasama naming lumabas si Meng at Jen,double date kumbaga,madalas din kasama si EJ sa inuman at tambay ng tropa,maging si Jen,tinanggap kami ng tropa,masaya sobra,ginagawa namin ni EJ ang ginagawa ng magkarelasyon,ang pagkakaiba lang,at ang masakit,wala ako narinig sa kanyang “Mahal nya ako” kaya kahit ako hindi na naglakas loob na sabihin ang nararamdaman ko.
Bata pa kami,marami pa pwedeng mangyari,kontento na ako kung anong meron kami ni EJ,sa tutuusin ay swerte pa ako dahil napansin nya ako at naging super close kami,diba nga wala naman ako hilig magbigay atensyon sa mga lalaki bukod sa mga tropa kong lalake,at ngayon pati sya.
Kaso dumating ang araw na nagpabago ng lahat.
Sa school namin,sa RHS ay ilog ang likuran,pwede tumambay dun,naisipan ko pumunta muna dun ngunit hindi pa ako nakakalapit sa paborito kong spot ay may nadinig na akong usapan. Kilala ko mga yon,mga tropa ni EJ.
“Tol mukhang nag eenjoy si EJ sa pakikipag harutan kay Christian Cail” sabi ng isa.
“Oo nga,nagawa nya yung dare natin,mukhang matatalo tayo” sagot pa ng isa.
“Ganyan talaga kaya ihanda na natin mga bulsa natin”
Sa nadinig ko para akong sinaksak ng ilang ulit. Hindi ko mapigilang magalit at maiyak. Nagsisi ako at hinayaan ko ang sarili ko na papasukin sa buhay at puso ko si EJ.
Mag isa kong dinamdam yon,wala ako pinag sabihan,dahil alam ko sa sarili ko na makakayanan kong lampasan ito. Wala pa ito sa mga pagsubok na darating sa buhay ko..
Mula noon,iniwasan ko na si EJ,mabuti na lang talaga at hindi pa nagiging kami,kahit mangulit sya ay hindi ko pinagbigyan,bahala sya sa buhay nya,anong akala nya sa akin? Magmamakaawa at mahina tulad ng ibang bading? Ibahin nya ako.
Hanggang maka graduate ay hindi ko sya pinansin,madali ko din naman sya naalis sa sistema ko,madali ako naka move on.
Hanggang sa yun nga,ipinasok na ako ni Mama sa agency ng kaibigan nya para mag Japan.
Pinilit ko isama si Mama pero tumanggi,mas gusto daw nya magbantay sa tindahang
ipinatayo ko sa kanya nung nakaraang linggo. Makalipas ang tatlong araw sinundo ako ni kuya Claude,mas gwapo nga ito sa personal,pero dahil pinsan ko,nagpigil ako,kasama nito si Laurence dun ko ito nakilala ng personal,pati ang isa pa nameng pinsan na si Martin kasama din at ang jowa nitong lalake din si Kenneth. Hindi na ko nag react. Laganap na talaga mga kalahi ko haha! Pinag kaiba lang lalaki pa din sila,samantalang ako halos maging babae na, dibdib at kipay na lang kulang.
Ayos naman ang byahe mula eroplano hanggang sa sasakyan, nakapalagayan ko din sila ng loob,besides mga pinsan ko naman sila at asawa nila mga kasama nila,walang rason para manahimik ako.
“So Christian Cail,buti pumayag ka” baling sakin ni kuya Claude habang nag dadrive ito.
“kuya tigilan mu nga ako,hindi na ako sanay sa pangalan na yan” nakangiti kong sagot.
“Aba,nakapag Japan ka lang pati pangalan kinalimutan” tumatawang sagot nito,pinaltukan ito ni Laurence na ikinatawa nameng lima.
“Tzekai,yan tawag saken since High school,pero mas sanay sila na Khai o kaikai” natatawang sagot ko.
“Wow! So how do you want me to address you? Ate o kuya?” maya mayay nakangising tanong ni Martin. Kinurot ito ni Kenneth. “aray boyfie! Ang sakit nun ah” sabay halik nito sa kasintahan.
Matanda ako kay Martin ng isang taon,matanda naman si kuya Claude saken ng dalawang taon“ “ang ligalig mo kase,hindi kana nahiya” ani kenneth.
“bakit? Pinsan ko naman sya ah? Diba teh?” sagot ni Martin.
Natawa na lang ako at tumango,hindi ko pa kase mailabas ang kakulitan ko.
“bakit hindi ka nagpa transplant o sex change pinsan?” si kuya Claude “mukha kana tlagang babae eh,yung boobs mu totoo ba yan?” nakangisi pa nitong dugtong.
“Claude!” pag suway ni Laurence dito.
“Hahaha! Ayoko kuya,tama na saken ang binigay ng Diyos na Magandang mukha at katawan,kontento na ko dito,itong boobs foam lang to,hindi tlaga ako nag gaganito,pag may show lang at pag napilitan” pagkuwan ay sagot ko.
Naging masaya pa ang sumunod na usapan,hanggang makarating kami sa bahay ninakuya Claude at Laurence kung san kami makikituloy nina Martin at Ken pang samantala.
Tzekai says 04
Pababa nako ng hagdan ng marinig kong may kausap si Kuya Claude,ngayong gabi daw nya ako ipapakilala sa mga kaibigan nya na magiging amo ko.
“Oo sige papunta na kami ng mga pinsan ko dyan sa bar,kasama namen si Ken, Oo sige,tingnan ko din yung bagong Coffee shop sa tabi ng bar nyo para mabigyan ko ng idea si Martin sa gagawin nateng bagong negosyo,para matuto na din,andyan na ba ang mga kaibigan ni Alex at Andy?” dinig kong sabi ni kuya Claude at tumingin saken,saka ngumiti.
Simple lang suot ko,fitted na shirt,pantalon at doll shoes,wala ako hilig pumorma, pulbos at eyeliner lang at plantsadong buhok ayos na.
“kuya sina Matt?” tanong ko.
Lumingon ulet ito sakin.
“nasa sasakyan na,tara pinsan,sakto saturday session ng tropa,andun din ung mga bago sa tropa para mapakilala na kita” sagot nito at lumakad na palabas,sumunod na din ako.
Ng makarating sa lugar na iyon ay napamangha ako,maganda ang bar at may katabing coffee shop,may mga nag uumpukan din sa lamesa sa labas,madame sila,ng tumawid si kuya Claude kasama si Laurence ay sumunod na kami nina Martin at Ken.
Kitang kita ko na nakipag usap agad ang apat na baliw sa mga ito, nang makalapit ako ay natigil ako. Kilala ko sila,inilibot ko ang tingin sa kanilang lahat.
Napatingin naman sila saken,lalo na ang dalawa kong pinsan. “Teh Khai bakit?” tanong ni Martin.
“hehe wala lang,pamilyar sila sa akin” sagot ko.
“talaga?” naka ngisi na sabi ni kuya claude,napapantastikuhan naman silang lahat na tumingin sakin,hindi siguro nila ako namukhaan,malamang anim na taon na ang lumipas.
“oh sya pinsan sila nga pala ang may ari ng seventh bar, si Red at partner nyang si Atty.Dorwin,si Chad at asawa nyang si Mina,si Angela at asawa nyang si Vincent,si Tonet at asawa nyang si Carlo,si Rome at partner nyang si Ace, si Dave at partner nyang si Alex,si Andy at partner nyang si Nhad, and sila naman mga may ari ng Kero’s cafe si Maki at Jay at Nico at lantis,magkakapartner din sila,kaibigan sila ni Nhad at Ken, at yung mga nasa kabilang mesa sila mga ulupong na kaibigan ni Dorwin at Dave,sila sina Chuckie at gf nyang c Lexa,Niel at partner nyang si Francis,then Brian,at ung mga kumag na yun naman sina Zandro,Keith,Ja sper,Pat,Marx,at Miles mga tropa ni Andy, then itong sina Rex,Rachellet at Chelsea mga dating katrabaho ni Ken” mahabang pagpapakilala ni kuya Claude, how I wish matandaan ko lahat,ng ilibot ko paningin ko sa lahat,nakangisi sila sken.
“ah eh,ako nga pala si Tzekai,nice meeting you guys” mejo ilang kong sabi.
“OMG! Akala ko bilat ka teh? Beki ka pala? Napeke mo kami kung hndi kapa nag salita” ang sabi nung Angela.
“Ganda no? Sya yung sinasabi kong pinsan ko na mag work dito senyo as singer and comedian,magaling yang si Christian Cail” pag mamayabang ni Kuya Claude,napataas naman ang kilay ko at tiningnan ko sya ng masama,agad naman nitong na gets ang ibig kong sabihin.
“ah eh Tzekai pala haha! Khai na lang tawag nyo sa kanya” dugtong nito. Ng ilibot ko paningin ko,nasa grupo na nina Chelsea sina Martin at Ken samantalang si Laurence naman ay naka upo na din sa tabi ng mga seventh bar Owner.
Ilang saglit pa nakaupo na ko at nakikinig sa kanila,pinag uusapan ang magiging set up ko dun,payag naman ako para malibang din.
“Pinsan hindi ko alam na may pinsa kang tulad ni Khai,kaninong side sya?” maya maya ay tanong ni Chad.
“Sa side ni Daddy,ang daddy ko at mommy ni Martin ay kapatid ang Daddy ni Khai,kaso wala na si Tito,long story” sagot ni kuya Claude habang naka akbay kay Laurence.
“eh kuya diba sabi ni Teh khai kilala nya sina kuya Red?” maya maya ay singit ni Martin sa usapan.
“Actually familiar sya saken,pati pangalan nyang Christian Cail” dagdag pa ni Tonet.
“Yup Christian Cail Samaniego fullname ko,nung high school kasi pumunta kaming mga representative ng RHS para ilaban sa school nyo sa sayawan at kantahan,yung grupo nyo ang napansin ko dati sa tabi ng stage noon bago kumanta kasi ang kukulit nyo” sagot ko sa kanila.
“I knew it! Ikaw nga yun! Ikaw nga bet naming manalo nun” sabat ni Angela.
Natawa na lang kami lahat. “nakakatuwa kayo” sabi ko
“Why?” ani Ace.
“wala lang,sanay ako sa mga ganitong relasyon,nagkalat sa Japan eh,pero hindi ko lubos maisip,na ang mga sigang pinsan ko magkakagnun din,buti pa kayo” dinugtungan ko pa ng tawa. Bigla ko naalala si EJ,ang buwisit na yon!
“wala tayo magagawa dyan tinamaan tayo ni kupido eh, ikaw ba? Ganda mong iyan imposibleng wala kang boyfriend?” wika ni Rome bago lagukin ang kanyang ini inom.
Eh? Nako alangang sabihin ko sa kanila na naudlot iyon?
Tzekai says 05
“wala nga” naka ngiti kong sagot sa kanila.
“weh?” sabay sabay nilang sabi,natawa na lang ako,“mahirap bang paniwalaan ang sinabi ko? Hindi naman lahat ng biniyayaan ng magandang mukha ay may lovelife.” dagdag ko pa.
“Wala lang,NBSB ka ba girl?” sabi naman ni Mina.
“Huh? Ano yon?” taka kong tanong,grabe pala mang interogate ang mga ito.
“No Boyfriend Since Birth” sabay na sagot ni Angela at Tonet.
“Hindi naman no!” natatawa kong react.
“Eh kung ganun? Bakit ang gulo?” singit ni Carlo.
Napabuntong hininga ako,sige na nga,sasabihin ko na,tutal sobrang tagal na nun diba?
“Kasi ganito yon…” simula ko pa lang pero sila mga tutok lahat sa akin,hindi naman sila tsismoso/sa nyan ah?
“Nung High School laging may nambubully sa akin,campus crush pa man din sya” sabi ko.
“Wow! Taray parang si Red lang dati!” ani Angela.
“Angela! Tumahimik ka nga at makinig na lang” bara dito ni Ace habang naka akbay sa kanya si Rome,ang mga pinsan ko naman halatang interesado din.
“lagi nya ako inaasar at binibwisit mula first year,pagdating ng fourth year bigla sya nag iba,naging mabaet sakin at nakipag bati,at nalaman kong pamangkin pala sya ng tropa ko” dagdag ko pa.
“Tapos?” halos sabay sabay nilang tanong at parang nakalimutan na nila na may iniinum kami.
“Pinagbigyan ko sya,naging close kami,lagi kami gumagala,namamasyal,nahulog ang loob ko sa kanya,pero isang araw nadinig ko yung mga tropa nya nag uusap,parang dinare lang pala nila si EJ,mula nun umiwas na ako kahit anong lapit at pangungulit nya,at yun nga nagjapan na ako after makagraduate”
“Ah ganon pala pinsan,sana okay ka na” ani kuya Claude.
“Oo naman kuya,sobrang tagal na nun eh”
Maya maya ay may tumawag kay Brian sa phone nya,lahat kami ay napalingon sa kanya,eksaherado kasing lumakas ang boses nya.
“WHAT? Youre Joking Angelo,bahala ka,wala ako sa bahay.Hindi ko alam yang sinasabi mo,walang nabanggit saken Mommy mo” ani Brian.
Kibit balikat,tinuloy namen ang kwentuhan at inuman,dahil mamaya daw ipapakilala na ako at kakanta,sadyang nakakawili kausap ang mga ito,namiss ko tuloy ang tropa ko.
Wala pang labing limang minuto ng may tumigil na kotse sa harap nameng lahat,napapalatak na lang si Brian.
“goddamnit! Kulit tlaga ng kulugo na to!” ani Brian lahat kami ay napatingin sa kanya at sa lalaking bumaba sa kotse.
Gwapo ito,maputi,maganda ang katawan,PERFECT! Para akong na magnet sa pagkakatitig sa kanya,
hindi naman nagtagal ay napatingin din ito saken,nakipagtitigan,bumilis tibok ng puso ko,parang tinatambol,ako na unang nagbawi ng tingin.
Lumapit si Brian dito kasama ang tropa nila at si Dave.
“Oy kuya! Ayos tong tambayan nyo ah? Astig” anito na naka ngisi at nililibot ang paningin sa 7th bar at kero’s cafe.
“anong ginagawa mo dito Angelo? Asan mommy mo?” kunsimidong sabi ni Brian na halos hindi na maipinta ang mukha sa inis.
“Tingnan mo nga naman Boromeo nandito si Gelo,ang paborito mong pinsan” naka ngiting wika ni Dave. Talaga palang baliw ang Dave na to,nakakatakot sya ha.
“kamusta Gelo? Pinatapon ka ba ulit? Sabi sayo dapat magtino ka tulad ko” dugtong pa nito. Ngiti lang ang sagot nung Angelo at masamang tingin naman ang binigay ni Brian kay Dave.
“Well I guess Gelo lagi kana naman namin maka-kasama” ani Chuckie at nakipag apir dun sa Gelo.
“Ganun na nga kuya Chuck” sagot nito.
“Oh well girl halika na,its your time to shine” sabi ni Tonet at hinila ako papasok sa loob ng bar,wala na ako nagawa kundi sumunod, nag sisunuran na nga sila,interesado din siguro silang madinig ako kumanta.
“Ladies and Gentlemens,special ang gabing ito para sa aming lahat dahil kumpleto kame,gusto din namen maging masaya kayo,kaya bukod sa skyband,may mag peperform para senyo, without further ado, lets give her a round of applause, The Power Belter! TZEKAi!” ani Tonet sa mic palakpakan ang mga tao. Hindi naman ako kinabahan dahil nga sanay ako.
Sinimulan ko na silang kantahan ng “What Kind of fool am I?” ni Regine Velasquez,nung una parang nabobored sila,pero nung tumataas na ang nota at boses ko napangiti ako sa aking isipan,literal kasi na nakanganga ang iba habang pinapanood ako,ang sarap lang sa pakiramdam na nakapag perform ulit ako sa harap ng maraming tao.
Ginanahan ako kaya mas tinaasan ko, palakpakan at hiyawan sa loob ng bar ng matapos akong kumanta.
“Thank you po” pasasalamat ko. May sumisigaw pa ng “MORE MORE MORE!”
“Maraming salamat po talaga pero hindi ko kayo mapagbibigyan,but dont worry,magiging regular na po ako dito” naka ngiti kong sabi. Biglang umakyat si Red sa stage na ikinatili ng mga kababaihan at kabadingan.
“Guys tama po si Tzekai,magiging regular na sya dito,if you want more of him eh abangan nyo na lang sya,yon lang po ang enjoy the night” ani Red at bumaba na,sumunod na ako,bababa na sana ako ng biglang may humawak sa kamay ko.
Nagulat pa ako ng tingnan ko kung sino ito.
Tzekai says o6
“B-bakit?” tanong ko sa humawak sa aking kamay.
“ano kase,may nagpapa bigay sayo nito” ani Tommy ang vocalist ng skyBand sabay abot ng white roses.
Tiningnan ko mga tao sa resto. Hindi ko maisip kung kanino iyon manggagaling.
“kanino daw galing?” takang tanong ko kay Tommy.
“isa sa mga kaibigan mo,oh sya sige, pahinga kana tapos tawagan kita bukas may pag usapan tayo tungkol sa pagperform dito” anito at tumalikod na.
Ipinagkibit balikat ko na lang ito at dumeretso sa labas kung saan andun lahat ng mga nakilala ko kanina lang.
“oy congrats teh,lalo kang gumaling ah,sanay sa Mic” salubong sa akin ni Angela,natawa na lang ako dito ng batukan ito ni Tonet,grabe talaga ang bunganga ng babaeng to haha!
Natapos ang gabi ng masaya,masaya ito dahil madami akong bagong kaibigan,salama t kay kuya Claude.
Katatapos lang namin mananghalian ng tumawag nga si Tommy at kinausap ako nito na maging side performer ng Skyband,kumbaga,after nila ay ako naman pero sila pa din ang bandang tutugtog,ako lang ang kakanta pag set ko na,pumayag naman ako at ipinaalam ito sa mga Seventh bar owners, nakahinga ako ng maluwag ng mag reply si Red na okay daw na idea yun para may comedian at dumami lalo ang costumer.
Sina Kuya Claude,kasama sina Laurence,Matt at Ken ay busy sa negosyo, ako naman taong bahay lang,dahil tuwing Friday at Saturday lang naman ang Acoustic Night. Kaya pag weekdays ay except friday ay tunganga lang ako sa bahay,iniisip ang mga pangyayari sa aking buhay.
Araw ng Sabado at nasa labas ako para manigarilyo ng may marecieve akong text galing sa unknown number.
“Ngayon ang Acoustic Night diba? Pupunta ako para makita ka” sabi sa text.
“Oo, sino ba toh?” reply ko, pero hindi na ito nag reply,naguluhan ako,ang bilis naman ata kumalat ng number ko,at kung mag titrip lang yun. Minsan nakakaloka talaga mga ganyan,magtetext hindi naman mag rereply,anong akala nun sakin? Kamag anak ko si Madam auring para mahulaan kung sino sya? Sapak gusto nya? Hmp!
Alas singko pa lamang ng hapon ay gumayak na ako papunta sa Seventh bar, balak ko kasi magkape at makipag mabutihan sa Owners Kero’s Cafe,mga mukha din kasing mababaet at isa pa sabi ay masarap din daw ang kape nila ^o^ baka makalibre haha!
“Uhoy Khai ang aga mo ata?” basag ni Maki sa pag mumuni muni ko at umupo ito sa harap ko,magkakalahating oras na din mula ng dumating ako dito.
“Wala din naman kasi magawa sabahay, asan sila? Wala din ibang mapuntahan,saka gusto ko matikman ang kape nyo” sagot at tanong ko dito.
“Si Alex at Dave ewan,pero si Nico at Lantis nasa loob naglalampungan, si Jay ko maya nandito na yun. Sinundo lang si Popoy” mahabang sagot nito.“mukha ka talagang babae,napaka feminine ng mukha mo,minsan lang ako maka appriciate ng mga ladlad kaya hindi ako naniniwala na wala kang jowa tulad ng naririnig kong usapan nila” dugtong pa nito.
Natawa ako,ang mga impaktong yon talagang issue sa kanila na wala akong jowa ah? At itong Maki na to malakas ang radar sa tsismis.
“bakit ka natawa?” takang tanong ni Maki.
“Kasi naman wala talaga eversince,at talagang pinag usapan nyo ako ah? Haha anyway,masakit ata sa mga mata ng mga lalaki dito saten ang mga tulad kong ladlad,though kahit entertainer ako sa Japan madami dun nagpaparamdam mga DOM pero wala ako pinatos,takot eh” sagot ko dito.
Nangunot naman ang noo ni Makisa sinabi ko,tinawag ni Maki ang isang empleyado nila at sinabing dalhan kami ng kape at cake.
“ganun? Sa bagay kahit nga mgababae takot dun,madaming yakuza dun diba?” sabi nya ng bumaling na sa akin.
“haha hindi yun adik, I mean takot ako sumubok makipag relasyon dahil wala ako alam sa ganun,baka magaya ako sa mga kakilala kong beki,todo magmahal, in the end iiwanan dahil narealize ng lalaki na mas gusto nya ang babae kesa sa bakla o kung hindi naman eh baka perahan lang diba? At saka nanggaling na ako sa ganun Maki,sobrang minahal ko kahit hindi naging kami,sa huli nalaman kong dare lang pala ang pakikipaglapit nya” sagot ko sa kanya. Mayamaya ay dumating na ang tinawag nyang server at nilapag na ang kape at cake namin.
“hmm hindi naman siguro lahat ganun,saka nadinig ko nga din sa kanila yung una mong kabiguan” ani Maki saka humigop ng kape,at ako naman ay tinikman ang cake.
“wow ah? Masarap din ang cake”papuri ko dito dahil masarap nga talaga. “oo nga at hindi rin naman lahat eh matutulad sa inyo diba? Nakakaloka kayo,walang nakakaligtas na tsismis senyo “dagdag ko pa at saka tumawa.
“alam mo khai bago kame humantong sa ganito madame pa kami pinagdaanan,pero lahat kami hindi natakot sumugal,pag nalampasan ang pagsubok ay mas mamahalin nyo ang isa’t isa,minsan hindi nyo na maiisip na pareho kayong lalake o babae o bakla ang karelasyon nyo,ganun yun,kakaiba si kupido pag namana haha” sagot naman nya sa akin.
Napaisip tuloy ako bigla.Buti na lang hindi pa ulit ako tinatamaan ng pana ni kupido.
Natigil ang kwentuhan namin ng may pumaradang kotse sa tapat ng Kero’s Cafe. Bumaba dito ang gwapong lalaki,namukhaan ko ito, si Angelo ang pinsan ni Brian.
“ang aga nya ah,pormang porma para lang magkape” naka ngiting komento ni Maki.
“baliw ka talaga,malay mu hinihintay nya magbukas ang bar” natawa ko ding sabi naman kay Maki.
Ngunit laking gulat ko ng lumapit samin si Angelo.
“Hi” naka ngiting bati nito.
“Hi din Sir, cofee? Wait lang tawagin ko waiter namin” ani Maki at tumayo.
“Pwede maki upo?” ani Angelo sakin habang naka ngiti.
“Sure” simpleng sagot ko umalingasaw ang pabangong gamit nito,nakakabaliw,nakakapang lambot ng tuhod, biglang tumibok ng pagkabilis ang puso ko,tiningnan ako ulit nito at ngumiti.
Gosh! Anong nangyayari sakin?
Biglang hindi ako mapakali at nanuyo ang lalamunan ko.
Bakit biglang nagkaganun? ngayon lang bumilis ang tibok ng puso ko ng ganun.
“Youre Khai right? Bagong singer ng bar? May Problema ba?Parang hindi ka kase mapalagay” kunot noong tanong nito sa akin.
“H-ha?” at natanga ako bigla.
Tzekai says 07
Hindi ko alam kung anong isasagot ko kay Angelo,nakatingin lang ito sa akin at parang may pilit na binabasa saking mga mata,lalo tuloy lumakas pag tambol ng puso ko.
“ah eh,,wala naman. Sige pasok na ako sa bar” paalam ko dito,nakakataranta ang presensya nya,nakakatakot baka bigla nya marinig yung malakas na tibok ng puso ko, buti na lang at nagdatingan na ang mga tauhan sa bar pati ang Skyband. Walang lingon likod dire diretso akong nagtungo sa 7th bar.
“Teh! Saglit! Andyan na ba si kuya Red?” nilingon ko ito.
Si Martin,nasan ang jowa nitong si Ken? at hayun, nakikipag chikahan na pala kina Maki at si Angelo bigla nawala.
Asan kaya yon?
“Teh?” pukaw sakin ni Martin.
“si Red? Baka mamaya pa yun,bakit Matt?” tanong nya.
“May pag uusapan kasi kami regarding sa bagong business nameng tatlo nina kuya Claude,kaso ayun si Kuya umalis kasama si Lance” sagot nito.
“eh ano pa ba asahan mo dun? Patay na patay yun kay Laurence, hintayin mo na lang sya Matt, sige mauna na ako,hinihintay na ako ng banda sa loob” sagot ko dito at pumasok na sa Seventh bar.
Pag acoustic Night talaga lagi puno ang Seventh bar,busy ang lahat ng empleyado, hands on talaga, yung mga Owners nasa labas at umiinum,kami naman ng sky band naghahanda para sa Second Set.
Beep beep.
Ang galing mo talaga - text from unknown number.
Hindi ko ito pinansin,inilibot ko ang tingin sa buong bar, No wonder ang bilis sumikat ng bar na ito,mababaet ang may ari,magaling ang banda,at ang mga empleyado ay dedicated sa trabaho.
nagpaalam muna ako sa banda para lumabas muna at magpahangin, tinawag ako nina Tonet,laking gulat ko ng kasama ng mga ito si Angelo.
“Teh,meet Angelo,pinsan ni Brian,kilala mo na si Brian diba?” pagpapakilala ni Tonet.
“Yup” simpleng sagot ko.
“Gelo na lang po itawag nyo saken” sabi naman nito.
Puta! Ang gwapong nilalang!
Umupo na ako at nakipag kwentuhan sa mga ito, pero uneasy sa pakiramdam dahil tuwing titingnan ko si Gelo ay nakatingin din ito sakin at kikindat pa >_<.
Anung tinitingin tingin mo dyan?Dont you know that its rude na tingnan ang iba?
Pero syempre sa isip lang yon,mahirap na baka bigla ako sapakin nito sa harap ng grupo kung talagang sasabihin ko iyon.
Pero sadyang napapa isip ako eh,ano kaya ang trip ng gagong to? Ngayon lang kasi sa tanang buhay ko na may nagpakita ng intires sakin,syempre maliban kay EJ noon at hindi ako komportable sa ganun,nakakatakot.
Natapos naman ng maayos ang gabing iyon, agad kong naka sundo ang mga members ng sky band,si Tommy lang kasi lagi ko nakakausap.
Nauna nakong umuwi sa bahay ni kuya Claude,dahil sunday makakapag pahinga ako ng matagal tagal.
Sa pagod ay agad din akong nakatulog na si Gelo ang nasa isipan ko.
Mag a-las dos na ng hapon ng magising ako,agad akong nagtungo sa banyo upang mag toothbrush at maghilamos at dali dali din lumabas,naabutan ko sa sala ang mga pinsan ko at mga kasintahan ng mga ito.
“Magtanghalian kana,hindi kana namin ginising” naka ngiting bati ni kuya Claude habang naka akbay sa asawa.
Napangisi ako bigla sa naisip ko.
“Anong nginingisi ngisi mo dyan?”- kuya Claude.
“wala lang,ang tatag nyo ding apat eh noh? Minsan naisip ko maghanap na din ng jowa para hindi naman ako others,nakakahi ya naman daw kase sweetnes nyo,kulang na lang sugurin ng mga hantik itong bahay” pang aasar ko dito at umupo sa couch,natawa lang naman ang mga kurimaw sa sinabi ko.
“Malapit na yun Khai,nakikita ko”sabi ni kenneth,kunot noong nilingon ko ito, napapantastikuhan na talaga ako sa mga ito eh,parang may mga tinatago at plinaplano sa akin.
“Huh?” sabi ko.
“Remember that guy Gelo?” ani Martin,tumango lang ako, anong kinalaman nung tao sa pag uusapan namin? Wala naman idea ang mga ito sa affection na nararamdaman ko para dun sa lalaking yon and besides hindi ako sigurado kung ano nga ba talaga ang nararamdaman ko,ngayon ko lang kasi ulit yon naramdaman sa isang tao pagkatapos nung kay EJ at naninibago pa ako.
“what about him?” tanong ko.
“I can sense that he likes you Khai,base na din sa paraan ng pagtingin nya sayo” naka ngising sagot sakin ni Kenneth,napangisi naman ang mga abno lalo na si kuya Claude at Martin,anong meron?
“Nakakaloka kayo! Imposible yun no! San ka nakakita ng Straight na nagka interes sa Ladlad na bading? Pwede siguro kung tulad namen kayo no,saka kelan ko lang sya nakita at kahapon ko lang sya nakilala talaga” dipensa ko sa sinabi nito,san ba patungo ang usapan namin? Pakiramdam ko ay gigisahin talaga ako ng mga ito.
“hindi mo masasabi yan, mapaglaro si kupido,tingnan mo na lang kami at yung iba sa tropa,once na tinamaan ka naku! Im sure wala kang kawala” sabat naman ng walang kasing hinhin na si Laurence.
Napabuntong hininga na lang ako,ano ba ibig sabihin ng mga palakang to? Nakakaparanoid tong mga to eh.
“Ang totoo nyan,parang gusto ko sya,pero natatakot ako, I can sense something,ang weird lang at hindi ko ma decipher kung ano yun,alam nyo namang never pa ako nagkaron ng karelasyon,montik lang and that was ages ago,takot ako at ayaw ko na ulit maramdaman yung sakit” pag amin ko na lang,tutal sila din naman ang makakaintindi sa akin.
“C’mon pinsan,maganda ka,mabaet,ma abilidad,talentado,madami magkakandarapa sayong lalaki dyan,hindi na uso ang babae at lalaki lang alam mo yan,kaya Im sure madami dyan nag aabang na mapansin mo,kahit wala kang boobs at perly shells” ani kuya Claude sabay akbay sa akin,hinablot ko nga ang buhok.
“tarantado ka talaga kuya,okay na sana,maniniwala na sana ako eh may dinugtong ka pa! Adik mo” sabi ko at nagtawanan ang mga ito, bigla tuloy ako napaisip sa sinabi nito.
Hindi kaya isa sa mga to ang nagbigay ng cellphone number nya kaya may nagtetext sa kanya na unknown number?
Pinukol ko sila ng masamang tingin. Tingin ng pag aakusa.
“Oh bakit?”
Tzekai says o8
“Sinong halimaw senyo ang nagpamiagay ng cellphone number ko?” bungad ko sa mga impakto ng maabutan ko sila sa living room,actually hindi sya tanong kundi pang aakusa.
Agad na nagpalitan ng tingin ang apat. Sinasabi ko na nga ba eh! Tong mga to talaga! >_
“ah eh, ako, kinukulit kasi ako ni Gelo nung una pa lang” pag amin ni kuya Claude sabay kamot sa ulo.
O_O
Nanlaki bigla ang mata ko sa narinig.
“Si Gelo yung panay text sakin? Kuya naman sana nag paalam ka muna saken adik ka talaga” nasabi ko na lang.
Langya,si Gelo pala yon? Bakit hindi ko nahalata?
“Yaan muna,huwag kana umarte,palay na nga lumalapit eh,sige ka pag pinakawalan mo yun ikaw din ang lugi, boto naman kami sa kanya para sayo”sagot ni kuya Claude na dinugtungan pa ng halakhak.
“Tamo tong si Kuya! Talagang ibinubugaw mo ako?” sabi ko pa.
Sa bagay,wala naman mawawalasa sa akin kung susubok ako,hindi nga naman ko nga naman hawak lahat ng panahon para mag inarte pa, Grab the opportunity na din diba?!
“Pasweet ka pa eh! Alam naman naming gusto mo din” pang aalaska ni Martin.
pinsan ko ba talaga ang mga ito? Nakakaloka,kung makabugaw ganun ganon lang haha!
–
Mula noon,tuwing may gig ay lagi na din nandun si Gelo,at muli pinagbigyan ko ang puso ko na magbukas muli,hinayaan ko syang mapalapit sa akin,hayagan din ang pagpapakita nya ng interes,nakilala ko agad ang pagkatao nya,mabaet at maginoo kumbaga.
mabilis na lumipas ang mga araw,linggo at buwan, nagkapalagayan na kami ni Gelo ng loob,mas malalim sa pagkakaibigan,aaminin ko, nasakop na nitong buo ang puso ko,ang mga dating pag aalinlangan ko para sa kanya ay naglaho.
Masarap ito mahalin at masarap ito magmahal,wala naman tumutol sa amin,naging open kami sa lahat,masaya ang lahat para sa amin na ipinagpasalamat ko,masaya ako at nagmahal na ulit ako.
Mula ng maging kami,walang araw na pinapalampas si Gelo,dadalawin ako sa bahay,o kaya mamasyal,magdedate,kakain sa Yolanda’s na pag aari ni kuya Claude,minsan pa lumuwas kaming Maynila para lang makapag Enchanted Kingdom,gusto ko sana dalawin noon si Mama at ang tropa kaso kapos na kami ni Gelo sa oras.
May panahon pa na ginawa na talaga naming tambayan ang Kero’s cafe,andyan yung bigla bigla syang manonorpresa sa harap ng tropa na sadyang ikinakikilig ko ng todo. Walang paglagyan ang kasiyahan ko pag kasama ko sya,tama nga sigurong pinagbigyan at binuksan ko muli ang puso ko para sa isang bagong pag ibig.
Ngunit sadyang kaakibat ng kasiyahan ang kabiguan,sadyang malas nga talaga siguro ako pagdating sa larangan ng pag-ibig.
Isang araw ng Martes out of boredom ay pinuntahan ko si Gelo,sa bahay kasi ni Brian ito nakatira since nasa america ang parents ni Brian at may asawa naman ang kapatid nito.
Nagdoorbell na ako,maya maya ay bumukas na ang pinto.
“oy Khai,tuloy ka,kakadating ko lang din eh” ani Brian sakin ng mabungaran ako.
“Halata nga, si Gelo ba andyan?” sagot ko naman.
“Siguro,tingnan mo na lang sa kwarto nya, sige mauna na
ako at magbibihis muna“ anito at ako naman ay dumeretso na sa taas,habang patungo sa kwarto ni Gelo ay bigla akong kinabahan,hindi ko alam kung para san ang kabang iyon pero binalewala ko.
Ng matapat na ako sa pinto ng silid nito ay may narinig akong mga ungol, bumilis ang tibok ng puso ko at bigla akong pinagpawisan ng malamig, sigurado akong ungol ng mga nagtatalik ang naririnig ko,dahan dahan kong binuksan ang pinto, hindi nga ako nagkamali.
Kitang kita ko kung pano gumiling ang babae sa ibabaw ng aking kasintahan, dahan dahan kong sinara ang pinto,parang gripong umagos ang mga luha ko,hindi nya maipaliwanag ang nararamdaman ko pero sobrang sakit,doble pa sa sakit na naramdaman ko noon kay EJ.
Bakit ako niloko ni Gelo? Pinaglaruan lang ba talaga nya ako?
“Khai? Bakit ka umiiyak?” si Brian na nagtataka. Tiningnan lang ko lang sya,hindi ko na kayang magtagal pa dito, tumakbo ako ng mabilis,nadinig ko pang tinawag nya ako pero wala na akong pakialam,kailangan ko ng maka -alis sa lugar na ito.
Nang araw ding iyon ay nag disisyon na ako,babalik na ako sa Manila. Kahit kanino ay hindi ko ito pinaalam,laking pasalamat ko at walang tao sa bahay ng dumating ako,kung hindi mahihirapan akong maka alis.
Dali dali na akong nag impake habang umiiyak at agad na umalis,lulan ng taxi papunta sa airport ay napaisip na naman ako.
Wala na nga ba karapatan magmahal ang tulad ko? Pangalawang beses pa lang magmahal pero heto bigo na naman,dapat pala hindi na ako nagtiwala,dapat pala hindi ko na binuksan ang puso ko para sa kanya kung ito lang din pala ang gagawin nya sa akin,napakasakit.
Nakatingin lang ako sa bintana ng taxi,tulalang lumuluha,nag flashback na lang bigla ang mga ala-ala naming mga masasayang ni Gelo,lalo naman ako napahagulgol sa mga ala alang iyon,kung sana hindi ko na lang sya minahal,hindi ko sana mararanasan at mararamdaman ang ganito katinding sakit.
“okay lang po ba kayo?” tanong sakin ni manong taxi driver.
“opo manong,hwag nyo ako intindihin” sagot ko sabay pahid ng mga luha.
Ilang minuto pa ay nasa Airport na ako,swerte namang may flight papuntang Manila at may bakante pa,chance passenger kumbaga kaya agad na akong bumili ng ticket.
Nakahinga na lang ako ng maluwag ng lumipad na ang eroplano palayo sa lugar na iyon.
Tzekai says o9
“baklaaaaaaaa!! “ narinig kong sigaw sa akin,sa gulat ay napabalikwas ako ng bangon,tiningnan nya kung sino itong palakang gumambala sa pagka sleeping beauty ko.
Ang mga barkada ko pala dito sa Manila,agad nagsilapitan sa akin ang mga impakta na wala pa ding pinagbago.
“Froglita ka talaga!” biglang batok sakin ni Lovelee,ang pinaka madaldal at makulet na babaeng nakilala ko sa balat ng lupain ng Pasig,napangiti na lang ako sa ginawa nya.
“Mag iisang taon kana palang naka uwi dito saten hindi man lang namin nalaman” dugtong nito at umupo pa talaga sa kama ko,kasama nito sina Meng at Aiza,mula ng umuwi ako galing sa lugar nina Kuya Claude ay hindi ako nagparamdam talaga sa kahit kanino,masyado akong nasaktan kaya binuro ko ang sarili sa pagtulong kay Mama dito sa tindahan namin na pinatayo ko noon.
“nginingiti ngiti mo dyan? Magkwento ka naman ng mga nangyari sayo nung nagpunta ka sa planetang kinmuko kung ayaw mong basagin namen bungo mo” segunda ni Aiza.
“ano naman ikekwento ko aber?” agad ko namang pang iinis,sinabunutan tuloy ako nina Lovelee at Aiza habang si Meng naman ay tumatawa na parang wala ng bukas,hmp! Tiboli! Hahaha!
“aray! Napaka bayolente nyo talaga” sabi ko at inayos ang sarili at umupo na din.
“hindi lang yan aabutin mo samen pag hindi ka nagkwentong bakla ka! May cellphone ka naman hindi mo man lang kami kinontak” sagot ni Meng na may pagbabanta. Bah?Huwag nila ako subukan! Haha!
“asan ang iba?” pambabalewala ko sa mga pinagsasabi ng mga impakta.
“naghahanda sila,instant reunion tayo maya,dun tayo kina Lovelee,pakyu ka kase eh,ikaw dapat taya inaka” sagot ni Aiza sakin,bigla ko tuloy naalala ang pamangkin nyang si EJ.
Pero masaya na ako ngayon,nakaraan at alaala ko na lamang sina EJ at Gelo,ang mahalaga makakasama ko na naman tropa,just like before,
walang alam ang mga ito sa mga nangyari sa akin mula ng dumating ako galing japan at ng magtrabaho ako sa seventh bar.
isang buwan na din pala ang mabilis naj lumipas mula ng makita ko si Gelo na may katalik na babae,isang buwan na din ng umalis ako doon,aaminin ko,umasa ako na hahanapin nya ako at magpapaliwanag,diba ganun yun? Ang tunay na nagmamahal ay gagawa at gagawa ng paraan? pati sina pinsan ay nagtaka pero hindi ako nagsabi,mahirap na baka yun pa maging dahilan ng pagkakasira ng tropahan nila at nirespeto naman ng mga ito ang desisyon ko. Kahit papano ay nakalimot naman ako,nalibang sa pagbabantay sa tindahan namin ni Mama.
“magbihis kana dali,para makapag simula na tayo,naipagpaalam kana namen kay tita kaya wala kang kawala”ani ni Lovelee. Grabe,hindi ka talaga makakapalag sa mga ito eh.
Agad narin akong kumilos para maligo. Pagkatapos ng tatlumpong minuto ay gumayak na kami papunta kina Lovelee.
Nang makarating dun ay agad akong kinamusta ng mga magulang ni Lovelee,naging kaclose ko din kasi ang mga ito,at yun nga naghanda na sila para sa inumang magaganap.
“Khai,sino yung Gelo na nagpost sa wall mo? Ang drama nya ah” ani Jay-ar,tropa din namin na kapatid ni Lovelee. Napalingon ako sa kanya,matagal na kasi akong hindi nag o-open ng fb,kahit nga cp number ay nagpalit ako at ipinaki usap kina Kuya Claude at Martin na huwag ito ipamigay,kaya hindi ako aware na mag e-effort magpost ng ganun si Gelo sa FB wall ko.
“wala yun, ex boyfriend ko,somewhere” sabi ko na lang.
“ganda mo ning! Sarap mu buhusan ng asido! Hahaha” singit ni Meng na ikinatawa ko,namiss ko din ang bruhang to eh,ano kaya mga nangyari dito ng magjapan ako?
“ang gwapo nga nun eh,nakaka bading” dugtong pa ni Jay-ar na nagbading badingan pa.
“gago mo,hwag na naten pag usapan yun,hindi na yon importante” sabi ko naman para tigilan na ang topic na yon.
Maya maya pa nagdatingan na ang iba pang tropa, namiss ko talaga ang mga ito,malaki na din pinagbago ng mga gunggong. Syempre malamang sa alamang ay ako ang topic ng mga impakto lalo na yung mga lalaki sa tropa na sobrang lakas mang asar since ngayon nga lang ulit nila ako nakasama.
“nahiya naman daw ang empi at yung chaser sayo, 48yrs na daw sya naghihintay para tagayin mo” buska ni Jerome,naging crush ko din ito dati pero saglit lang,diba nga may pagka abnormal ako na hindi masyadong nagbibigay ng sobrang atensyon sa mga lalaki maliban kung kaibigan ko,pero si Jerome saglit ko lang talaga naging crush >_
“pasensya naman” kinuha ko ang tagay at nilagok ang alak,napapikit pa ako ng humagod ito sa lalamunan ko,nakakapanibago,panay din kasi beer ang iniinum ko sa seventh bar o kaya ay mixed drink,kahit sa Japan ay ganun lang din iniinum ko.
Tawanan ang buong tropa dahil sa epic kong face reaction.
Tawanan,kulitan at kantahan ang mga sunod naming pinag gagawa. Napaka saya ng mga oras ito, namiss ko ang ganito, sayang nga lang at minsan na lang nila ito magagawa dahil may kanya kanya na ring buhay,pamilya at gawain ang mga tropa nya,
mag a-alas singko na ng umaga ng matapos kami si, umiikot na ang paningin ko,daig pa ang mga nakakahilong rides sa EK at mga perya,pero pinilit ko pa din nya maka uwi.
“Nakakahiya naman kung kina Lovelee pa ko makikitulog na dati ko na talagang gawain pag tinatamad akong umuwi ng bahay.
Nang makarating ako sa bahay ay hindi ko na nagawang magpalitng damit at maglinis ng katawan,pasalampak kong inihiga ang katawan sa aking kama at agad akong nakatulog ng mahimbing.
Tzekai says 10
Araw ng miyerkules,abala ako at si mama sa pagbabantay sa tindahan ng may tumawag sa cellphone ko
.
“oh Meng? Bakit?” agad kong bungad sa tumawag,si Charmaine.
“Ganda mo! Pwedeng HELLO muna?” sagot naman ng bruha sa akin na ikinatawa ko.
“oh edi Hello,napatawag ka? Ano meron?” wika ko dito.
“Wala naman,maghanda ka,isasama kita maya sa Gig ng banda ko,daanan kita mayang 5:30pm,wag kana mag attempt na tumanggi kung ayaw mong sunugin ko bahay nyo” mahabang litanya nito.
“oo na,sige na,lagi kayo may kasamang pagbabanta kaya hindi makatanggi eh,mga palaka kayo” naka ngiti kong sabi,pano ba naman lahat ng pag aayaya ng mga ito may kasamang banta.
“haha! Oy bakla wag ka umarte,madameng pogi dun. Oh sige na,5:30pm ah?” end call.
Napailing na lang ako sa kagagahan ni Meng. Sa totoo lang masaya ako para dito dahil natupad na nito ang pangarap na maging performer,naalala ko pa dati sa videoke at pakiki jam lang kami kumakanta,ngayon may sarili na itong banda tulad ng dati nilang kaibigang banda,ang Zinco band, variety ang tugtugin ng banda ni Meng ,all girls sila maliban sa lead guitar,drummer at pianist nila.
Sexy ang tema ng mga ito, kahit sinong lalaki maglalaway sa mga iyon. Bigla ako napangiti ng sumagi sa isip ko na bifemale nga pala ang itong si Menggay,halos magpakamatay ito dati dahil sa ex girlfriend nito na kung maaalala nyo ay si Jen,yung katabi naming section,
Alas siete pa lang ng gabi nasa bar na ako kung san ang Gig ng banda ni Meng,pinakilala nya ako sa mga kabanda nya,mababait ang mga ito,kaya nakapalagayang loob ko naman sila agad.
Nagsimula na ang banda ni Meng magperform,naiwan ako mag isa dito sa table,nganga ang peg,nagpalinga linga na lang sa paligid hanggang napatutok ang mga mata ko sa may entrance ng bar.
May gwapong lalaki dito na waring kadarating lang at may hinahanap, gwapo talaga ito kaya hindi ko maalis ang tingin dito ng hindi sinasadyang magtama ang aming mga mata.
Lubdub lubdub lubdub
Napakislot ako sa pagkabigla, nagsunod sunod ang kabog ng aking dibdib.
Ano na naman tong nangyayari sakin? Not now please.
Agad ko na lang ibinalik ang tingin sa stage at ininum ang alak para mawala yung tense na naramdaman ko.
“ansabeee ng alak? Nawala na lang ang lamig” untag ni Meng. Tapos na pala magperform ang mga ito,masyado akong natulala at hindi na napansin ang pag upo nito kasama ng mga ka bandmate nya.
“h-huh? Sorry naman,masyado lang ako marami iniisip” sabi ko at muling uminom “Congrats,ang galing nyo ah” dugtong ko pang puri,dahil totoo naman,magaling sila.
“lalake iniisip mo no? Bakla wag ka masyado mag isip ng kung ano ano,mamaya papakantahin kita para naman madinig ng madlang pipol ang powerful voice mo,malay mo may mahumaling sayo bigla” sagot ng bruhang si Meng na dinugtungan pa ng tawa na ikinatawa na din ng mgaka bandmate nito,parang mamasang lang kung makabugaw ang babaitang ito.
Mejo lumalalim na ang gabi at last set na ng banda.
“Gusto ko po i-introduce sa inyo ang barkada ko, fresh from japan,para bigyan tayo ng isang powerful song, palakpakan po naten, si TZEKAi” announcement ni Meng, palakpakan ang mga tao sa bar.
Umakyat na ako sa stage,kumpyansa naman ako sa pinili kong kanta. At yun ay yung alam kong alam ng lahat.
Nag intro na ng instrumental ang banda,palakpakan agad ang mga tao dahil alam nila ito.
Kay hirap pa lang umibig
sa di tamang panahon
kung bakit ngayon ko lang
natagpuan,ang isang katulad mo,
sana noon pa,kita nakilala sana
noon pa lang ng ang puso ay
malaya pang magmahal..
Bukas na lang,kita mamahalin
sabay sa paglaya ng ating mga
puso..
Bukas na lang kita,mamahalin
(idinilat ko ang aking mga mata at inikot sa paligid ng bigla ko
nakita ang ikalawang lalaking
nagpatibok sa puso ko, si Gelo! Agad tumulo ang aking mga luha,samot saring emosyon ang naramdaman ko sa mga oras na ito,galit,pangungulila pagmamahal,ngunit kelangan kong mag pakatatag at tapusin ang kanta)
kay sarap palang umibig
sa di tamang panahon
kung bakit,ngayon ko lang
natagpuan,ang isang
katulad mo…
Sana noon pa,kita nakilala
sana noon pa lang ng ang puso
koy malaya pang magmahal..
Bukas na lang,kita mamahalin
sabay sa paglaya ng ating
mga puso…
Bukas na lang kita..
Bukas na lang kita..
Bukas na lang kita..
Mamahalin ..
Hoohh hmmm hoohh..
Natapos ang kanta,tumutulo pa din ang mga luha ko na animoy ilog na walang katapusan,hindi ko din maintindihan ang sarili ko,akala ko naka move on na ako.
Nagpalakpakan at hiyawan ang lahat ng tao sa loob ng bar. Muli kong inilibot ang aking paningin, and there I saw him again,Gelo.
“Wow! What an emotional performance,nadala mo kaming lahat teh, may pinadaraanan ka ba?” sabi ng ka bandmate na babae ni Meng at nagpahid din ng luha, nginitian ko na lang ito,nagpasalamat na ako at nagpalakpakan ulit ang mga tao.
They will never understand me.
Dali dali akong lumabas sa bar para makalanghap ng hangin,masyado mabigat ang dibdib ko,pakiramdam ko sasabog na lang ito any moment,ganito pala yon,yung akala mo ay ayos ka na,yon pala ay hindi pa.
Bakit pa sya nagpakita,anung gnagawa nya dito? Kung kelan nasasanay na ako na wala sya sa buhay ko bigla naman syang susulpot at magpapakita,nananadya ba ang gagong yon?
Muli napaiyak ako saking nararamdaman.
“K-khai” tawag sakin ng isang pamilyar na boses. Boses na hinding hindi ko makakalimutan.
Tzekai says 11
Nilingon ko ang tumawag sa akin.
si Gelo,
Gwapo parin ito,nakipagtitigan ako sa kanya,pero may nakikita ako sa mga magaganda nyang mata na hindi ko mapangalanan.
“Finally nagkita din tayo Khai” panimula nito. Napataas ang kaliwang kilay ko. Pagkatapos ng lahat parang kung magsalito ito parang walang ginawang kasalanan sa akin? How could he?
Pero kailangan ko maging firm at magpakatatag para hindi ako magmukhang ka awa awa sa paningin ni Gelo. Tama na ang nangyari sa nakaraan,hanggang doon na lang yon.
“I was so stupid na hindi man lang kita hinanap para makapag paliwanag” dugtong nito.
“At ngayon sa tingin mo after how many months ay may magagawa at may silbi pa ang pagpapaliwanag mo? But its okay, its already been done and we cannot undo it” sagot ko. Bakit ganun? Akala ko nakalimot na ako? Bakit nasasaktan pa rin ako? Bakit nagagalit pa din ako? Diba naka move on na ako? O yun lang ang akala ko?
“No,inaamin ko,natukso lang ako khai,lalaki lang ako at alam mo yun” pagsagot nito sakin,sa sinabi nya parang nainis ako lalo,parang sinampal nya sa akin na talagang babae pa din ang gusto nya. Pero sa bagay,ano bang laban ko sa babae?
“Oo nga,lalaki ka kaya hindi tayobagay,ang lalaki ay para sa babae at ang babae ay para sa lalaki, napaka tanga ko lang na nahulog agad ako sayo, inisangtabi ko lahat ng mga agam agam koh dahil mahal kita,pero hindi ko akalain na ganun,kahit handa ako sa mga ganung posibilidad ay hindi ko maitatanggi na sobrang nasaktan ako Gelo” hindi ko maiwasang mailabas ang hinanakit ko,tama na din siguro to,kailangan kong ilabas ang mga masasakit na damdaming pilit kong itinago.
“Khai,minahal kita! Alam ng Diyos yan at humihingi ako ng kapatawaran mo,patawad naging marupok ako,nagpadala ako sa tukso” dun na tumulo ang luha ko.
“Minahal? Minahal mo ako o pinaglaruan mo ako? Kung mahalmo ako kahit sinong babae ang maghubad sa harapan mo wala kang gagawin,but it never happened, tama na Gelo, malinaw naman ang lahat, tanggap ko na yun, sana lang hindi mo na ako pinabayaang lubusang mahulog sayo dahil hindi mo naman pala ako kayangsaluhin at panindigan” buong paghihinagpis kong sabi,masakit parin pala talaga,siguro nga hindi kami para sa isa’t isa at huli na ang lahat para sa amin.
“I-im getting married Khai,nabuntis ko sya, hiling ko lang bago man lang ako lumagaysa tahimik mapatawad mo ako,para pareho na tayong makapag simula ng bago,para makalaya na tayo ng tuluyan Khai” ani Gelo na sa ngayonay tumutulo na sa gwapong mukha nito ang mga luha.
Huminga muna ako ng malalim,tama sya,kailangan na naming mapalaya ang isa’t isa,kailangan na naming magsimula ng panibagong buhay.
“P-pinapatawad na kita,pinapakawalan ko na din ang pagmamahal ko sayo Gelo,sana maging maligaya kana sa pinili mong buhay at ganon din ako,maraming maraming salamat sa lahat lahat” sagot ko sa kanya,alam kong tama to,ito lang naman ang kailangan namin,ang closure,magpaka mature at mag move on,tanggapin na hindi kami para sa isa’t isa para walang bitter.
Pero bakit ganun? Masakit pala talaga ang pag isinampal na sayo ang katotohanang hindi ka minahal ng taong minahal mo ng lubusan? Oo siguro minahal nya nga ako pero hindi iyon naging sapat. Sapat na nga bang mahal nyo lang ang isa’t isa? Siguro hindi,dapat may paninindigan ding kasama,at yun ang wala kay Gelo at sa akin dahil naging mahina din ako at agad nagpa apekto.
Madali lang sabihin para sa akin noon na kaya kong gawin ang lumimot sa sakit na aking dinaranas pero pag kaharap mo na ang taong nanakit sayo at nandun kana sa sitwasyong yon,sobrang mahirap talaga.
Pero ngayon nagawa ko na,at masasabi kong nakalaya na ako sa sakit na naidulot sa akin ni Gelo.
At kahit papa ano ay nakahinga na ako ng maluwag,kasabay ng pag agos ng aking mga luha ay ang pag agos ng nararamdaman nya ko para kay Gelo, dapat akong maging masaya para dito dahil ikakasal na ito.
Pinahid ko ang aking luha at nag bitaw ng isang malalim na buntong hininga,tumalikod na ako at iniwan doon si Gelo. Sapat na ang pag uusap na iyon para tuldukan ang nakaraan.
“I guess I have to start a new” sabi ko sa sarili at muli ng pumasok sa loob ng bar.
Naabutan ko pa sina Meng na nagpeperform ulit kaya naupo na ako sa pwesto namin,tumawag ng waiter at nag order ulit ng isang bucket ng San Mig light at nachos.
Wala na akong iisipin,maluwag na aking dibdib,ang tanging aalahanin ko na lang ay ang mga magaganap sa hinaharap.
Tzekai says 12
PAUL’s point of view
Isang linggo na ang nakakalipas ng insidente kong narinig ang pag uusap ng isang bakla at lalake. Nagulat ako dahil hindi ko naman iniisip na may mga ganun talagang pangyayari sa mundo.
I somehow felt sympathy towards to that gay, hindi ko ma explain pero ang bigat sa pakiramdam ng bawat salitang binibitawan nito at bawat luhang naglalandas sa mga pisngi nito.
Ang weird dahil naaawa talaga ako. Ganun na ba ka miserableang buhay pag-ibig ng mga 3rd sex? May mga kaibigan ako at kakilalang bakla na naging broken hearted na din pero hindi naman ako nakaramdam sa mga ito ng mga nararamdaman kong sobrang awa sa baklang iyon.
Was it because pareho kami ng naranasan na nagmahal ng sobra pero hindi nagawang mahalin in return? Sa tutuusin hindi ko kelangan mag mukmok dahil lang sa 3years na naging kami ng ex girlfriend kong si Joanne.
Yeah nagbreak kami after three years,we were madly inlove with each other pero isang araw umamin sakin si Joanne na hindi na nya ako mahal and she was actually falling for someone else. Tinanong ko ang sarili kung hindi pa ba sapat ang mga ginawa at pagmamahal para dito.
Pero sa sarili ko ay alam kong ginawa at binigay ko ang lahat sa kanya, kahit masakit ay tinanggap ko.
Lalaki ako,gwapo,matalino,mayaman at marami pa dyang mga babae na naghihintay ng pansin ko. Nagliwaliw ako,naglibang,inabala ang trabaho sa family company namin. Lahat ginawa ko para maka move on, and I guess nagtagumpay naman ako.
Funny,hindi lang pala ako nakaranas ng ganun. Swerte pa din ako kahit papano, hindi gaya ng mga 3rd sex na pag nabigo ay mahihirapan nang humanap ng bagong pag ibig,kung hindi gagatasan ay lolokohin o pagtitripan, pero ang mga lalake at babae mabilis makakahanap, after all ang lalake ay para sa babae at ang babae ay para sa lalaki.
Ako si Paul Bryne Saavedra,at hindi ako basta basta.
Napukaw lamang ako sa pagmumuni muni ng may kumatok sa pinto ng opisina ko.
“Come In” tawag ko dito. Pumasok ang barkada ko na si Toya, ang pinaka mayabang,arogante at pala away kong tropa, hindi ko nga alam kung bakit naging kaibigan ko ang gagong ito,sakit sa ulo ito ng mga magulang nito nung high school at college kami,nangunguna sa gulo,pang bubully,sa lahat na ata.
Ang lapad ng ngisi nito ng maka upo sa harap ko ang impakto.
“Ano sadya mo Toya? Ang lapad ng ngisi mo ah” bati ko dito,pag ganyan ang ngiti nyan may ibig sabihin.
“Wala lang pre, gimik tayo later kung wala ka gagawin” sagot nito.
“Yun lang ba? Gago ka talaga pwede mo naman yan sabihin over the phone, nag aksaya ka pa ng panahon para pumunta dito” diskumpyado kong sabi “ may binabalak kana naman bang gago ka?“ dugtong ko pa.
Humagalpak ito ng tawa. Sinasabi ko na nga ba eh!
“kilala mo talaga ako Paul, bast mamaya ah? Matutuwa ka panigurado,tanggal pagkatigang mo” at tumawa pa ang impakto.
“Ano na namang kagaguhan yan?Tigil tigilan nyo na yan pre,the last time na may ginawa kayo eh nung nirape nyo yung prostitute na napick up nyo” inis kong sabi dito, pambihira talaga sa kagaguhan tong isang ito.
“No,hindi rape yun,she was paid to do that,ang mahal nga ng bayad sa kanya, hindi lang kami nakapag pigil dahil ang ganda at sexy nya,she should be proud dahil puro gwapo nakatikim sa kanya” at humalakhak pa ito. Tsk tsk napapailing na lang ako.
Oo nga at prostitute ang babaeng yun,pero alam ko ding wala sa katinuan ang mga barkada ko dahil naka take ang mga ito ng ecstasy.
Napailing na lang ulit ako. Haay!
“So asahan kita mamaya Pre,sa meeting place muna tayo bago gumimik” at lumabas na nga ito sa opisina ko.
Minsan nakokonsensya na din ako sa mga pinag gagawa ng mga kabarkada ko pag nag power trip,although hindi ako sumasama sa kabulastugan,nandun naman ako para masaksihan ang mga yon.
I remembered na may napag tripan pa ang mga ito na bakla nung college kami,hindi sinasadya nung pobreng bakla na masanggi si Fred na tropa din namin. Kinaladkad ito ng tropa sa likod ng campus at dun pinagbubugbog. Galit ang mga ito sa bakla. Wala naman ako magawa kundi pag sabihan at paalalahanan na lang ang mga ito.
Ilang sandali pa at naging abala na ako sa paper works,kailangan ko itong tapusin dahil ayaw ko na may binabalikan pang hindi natapos na trabaho.
Saktong alas diyes ng gabi tapos na ako sa mga gawain.
Tinawagan ko si Toya na I will be there after 20mins. Uuwi muna ako sa bahay para makapag palit ng damit.
Tzekai says 13
“Ang tagal mo naman pre” salubong sa akin ni Johan isa samga tropa namin.
“traffic eh,nasan sila?” sagot at tanong ko dito.
“nasa loob,may pinagtitripan” kaswal na sagot nito,nangunot ang noo ko sa narinig.
“what do you mean?” kinakabahan kong tanong dito. Magaling talaga si Toya sa mga ganitong kagaguhan tsk!
“naka take na naman ng ecstacy si Toya, at nung papunta na sya dito,nakita nya yung pagtitripan nya,dinala nya dito, ang hirap nga awatin ng gagong yun” nagsusumbong na wika ni Johan, dali dali kong tinungo ang loob ng bahay,naabutan ko ang mga ito sa may sala,nag iinuman, si Fred naka ngisi habang si Toya naman naka hubad baro at may naka subsob sa kandungan nito pero nakatali ang mga kamay.
“Toya ano tong ginagawa mo? Sumosobra kana” sigaw ko sa mga ito.
Napalingon ang dalawa sa akin,nagulat ako ng biglang tinadyakan ni Toya yung tao at sumalampak ito sa sahig na namimilipit sa sakit.
“Toya!!” sigaw ko at tarantang nilapitan naming dalawa ni Johan yung sinipa, nung hawiin ko ang mga buhok nitong nakatakip sa mukha ay natigilan ako,para akong binuhusan ng napakalamig na tubig,bumilis ang pagkabog ng dibdib ko.
It was him.
Ang baklang kausap nung lalaki sa labas ng bar,yung narinig kong nag uusap.
Nahabag ako dito,may mga pasa ito sa mukha at panay ang tulo ng luha pero walang lumalabas na boses dito. Nakaramdam ako ng hindi maipaliwanag na galit kina Toya at Fred,sumosobra na ang dalawang ito,hindi na tama ang mga ginagawa. Itinayo ko ito.
“Johan dalhin mo sya sa kotse ko at bantayan mo dun,hintayin mo ako” baling ko kay Johan at tumalima naman ito, sa aming apat kasi si Johan ang neutral lang,mabaet din kasi ito,balanse kung mag isip kaya ito ang mas kasundo ko.
“Ang kj mo naman pre,wala pa nga nangyayari eh” wika ni Fred habang nakangisi,lalong nangunot ang noo ko sa sinabi nito.
“anong wala pang nangyayari? Bugbog na nga yung tao,hindi ba kayo naawa? Sobra na naman yung ginawa nyo,hindi na tama!” galit kong sagot,ito ang unang pagkakataon na magkakasagutan kaming magtropa.
“dapat lang yun sa mga baklang tulad nya” singit ni Toy saka uminum ng alak. “akala ko kanina chics talaga habang naglalakad,kina kausap ko hindi nagsasalita,pakipot ampotah,pagtingin ko,ayun,binabae pala” dinugtungan pa nito ng halakhak. Nagtagis ang aking mga bagang.
Hindi ko lubos maisip na humantong sa ganito ang pangtitrip nila.
“Kahit na! Mali pa din ang ginawa nyo,kesyo bakla,tomboy o babae o lalaki yun,wala pa din kayo karapatang gawin yon, hindi na maka tao yun Toya! Naiintindihan nyo ba?” nang gigigil kong sabi,pinipigil ko ang sarili ko na magkasakitan kami ng pisikal,kahit papano naman ay may pinagsamahan kami.
“Anong hindi makatao sinasabi mo? Mabaet pa nga ako,pinapatikim ko sa kanya ang bagay na gusto nya,isusubo na lang nya,umaarte pa sya,ayun edi nakatikim sya ng bugbog” si Fred naman ang sumagot, pinukol ko ito ng masamang tingin. Useless na ang makipagtalo at makipag usap sa mga ito,sabi nga ni Johan,naka take ng drugs ang mga ito.
“This is crazy, magkanya kanya na tayo, huwag na kayong magpapakita sakin,dahil baka hindi ako makapag pigil at mapakulong ko pa kayo” tiim bagang kong wika at tinungo na ang aking kotse, naka sakay na dito si Johan at ang bakla.
Tahimik pa din itong umiiyak,nakaramdam tuloy ako ng pang uusig ng konsensya dahil mga kaibigan ko mismo ang gumawa nito sa kanya.
Agad kong pinasibad ang kotse palayo sa lugar na yon. Inihatid ko na din si Johan sa bahay nito nagpasalamat na din ako dito.
“San ka nakatira? Ihahatid na kita” pagkuway sabi ko,pambasag lang ba sa pananahimik nya.
“Sa pasig, pero huwag mo na ako ihatid, ayaw kong umuwi ng ganito itsura ko baka mag alala si mama,pupunta na lang ako sa mga kaibigan ko” sagot nito sa akin ng hindi tumitingin.
Nakaka awa ang itsura nito. Ganun na ba ka unfair at kakitid ang utak ng mga tao patungkol sa mga ganung kasarian? Kailangan pa talaga humantong sa pananakit at pananamantala?
“Sige,san ba nakatira ang kaibigan mo?” pag sang ayon ko na lang,tutal parang ayaw naman nito makipag usap.
Tzekai says 14
Tzekai’s point of view
Hinatid ako ng lalaking nagligtas sa akin kina Aiza,namumukhaan ko sya,sya yung gwapong nakita ko dati sa entrance ng bar.
Nag aalangan pa nga ako kung tutuloy pa kina Aiza o hindi baka mabigla ito pag nakita ang nangyari sa akin,haaayy!
Tinapunan pa ako nito ng mapang asar na tingin pagkababa ko sa kotse,nagpasalamat na ako dun sa lalaki,tumango lamang ito at nagpaalam na din at humarurot na paalis.
“Pakyu bakla asensado kana ah? Dati nilalakad mo lang papunta dito at pauwi senyo ,ngayon may taga hatid ka pa,ang gwapo ah?” dire diretsong salita ni Aiza,hindi halatang gusto nya mag usisa.
“daldal mo teh hindi mo man lang ba ako papapasukin o gusto mo isumbong kita sa asawa mong abno dahil pinatulan ka?” sagot ko sa kanya,tumawa lang ang bruha at pumasok na kami sa bahay nya,na hanggang ngayon ay ganun pa din,namiss ko tuloy yung mga pinag gagawa ko dito dati,haaay.,memories.
“Nasan asawa mo?” tanong ko dito sabay sinulyapan ang 5yrs.Old na nitong anak “ang laki na ng anak mo ah? Halatang malaki mata,huling kita ko dyan eh singliit pa ng kahon ng sapatos” dugtong pa ko sabay ngiti,nakakatuwa na makitang full grown parent na ang kaibigan mo na noon lang ay kasa kasama mo sa mga kagagahan.
Binatukan ako nito. “Aray!”
“Sige manglait ka pang hayup ka,pati anak ko hindi mo pinalampas,wala asawa ko, one week sya mawawala dahil sa trabaho,alam mo naman yon dahil isa ka sa mga mas kinakausap nun sa tropa” naka ngiting sagot ni Aiza,maya maya ay nawala ngiti nito at tiningnan lang ako,as in walang alisan ng tingin,medyo kinabahan tuloy ako sa inasta ng bruha.
“B-bakit?”
“Anung BAKIT? Bakit may mga pasa ka? Namamaga din mata mo ,may nangyare ba? Dahil kung wala hindi ka naman dito pupuntang bakla ka at ano nga pala pangalan nung gwapong naghatid sayo?” anito at umupo sa tabi ko.
Napayuko na lang ako at nagbuntong hininga,hindi ko pa din kasi mapaniwalaan na nangyari ang lahat, akala ko immune na ako sa mga pambubully noong high school.
Namalayan ko na lang ang sarilina ko na nagkekwento kay Aiza ng mga nangyari kanina,lahat kinewento ko.
“Grabe naman yong mga gagong yon” pagkuway sabi nito. “atleast ligtas kana bakla,pasalamat ka at dumating yung gwapong yun, hay naku hindi pa din talaga pala nauubos yung mga ganung tao,porket mga nakaka angat sila sa buhay ay feeling nila perfect na sila at kaya na nila paglaruan at pagtripan ang mga tulad natin,pero dont you worry ning,digital na ang karma,saka walang makaka alam nito,promise” dugtong pa ni Aiza.
Nakahinga naman ako ng maluwag,buti na lang nandito mga kaibigan ko,handang dumamay sa akin,just like before when we were young.
“Salamat bakla,kahit sa tropa huwag mo sabihin ah? Dudukutin ko mata mo pag nangyari yun” biro ko dito at nagtawanan kaming dalawa.
Nagkwentuhan pa kami. ng nagkwentuhan hanggang sa may nagtext kay Aiza, binasa nito ang message at napangiti at tumingin sa akin ng nakakaloko.
Napakunot noo naman ako.
“Bakit? Ngini ngiti ngiti mo dyan?” asar kong tanong.
“Si Othan nag gm sa tropa,wala ka ba natanggap?” wika nito.
“Wala,bakit ano ba sabi ng bungangang yon?“tanong ko uli t,mejo may hinala na ako dahil si Othan ay may pagka maloko at tsismoso din.
“Tungkol sayo”
“Sakin? Malamang hindi nya pinadaan sakin tangena nya baliktarin ko bahay nya” sabi ko at tumawa.
“Napadaan daw sya dito kanina,nakita ka daw nya bumaba sa kotse ng isang gwapo” sagot ni Aiza. Napapalatak ako, king ina lang malamang topic na ako ng mga kurimaw. Ganun pa naman ugali ng mga tropa, pag may napansin ay ibobroadcast agad,sabagay ganun din ako,kaya nga kami tropa,birds with the same feather are birds also hahaha!
Alam ko iniisip ng mga yun,na naka sex ko yung lalaki. Lage naman ganun.
“Infairness ning,gwapo naman talaga pati yung kasama,sana naman tinanong mo yung pangalan at number, tagal na naten magtotropa wala kapa pinakilalang jowa talandi ka kase,pa demure ka pa noon” maya maya ay sabi ni Aiza nung magyosi kami.
“Baliw! As if naman noh? Wala kang makikitang Straight dito sa Pilipinas na papatol sa isang bakla,maliban sa pera, alam mo yan,at tanggap ko kapalaran ko noh” sagot ko sabay hithit at buga ng usok ng sigarilyo.
“Bobo mo din eh,huwag ka manguna,mukha ngang mayaman yun,malay mo destiny na diba? Mga pwede mo ipalit sa pamangkin ko at kay Marky” nakangising tugon nito, hinablot ko nga ng pabiro ang buhok nito. Napatawa naman ang bruha.
“ayan ka na namang impakta ka eh,sinisingit mo na naman sa usapan ang mga hindi dapat pakyu ka talaga” sabi ko na lang.
Matapos magkwentuhan ay nagpasya na kaming matulog. Kinabukasan ay maaga akong gumising para umuwi,nagpaalam na ako kay Aiza at umalis na din agad.
Pag dating sa bahay ay bukas na tindahan namin, tumulong ako saglit sa pagtitinda at nagpasya ng maglinis ng bahay. Sa pagod ay nakatulog ako sa may sofa.
Nagising ako sa tapik ni Mama maghahapunan na pala. Hindi ko namalayan ang oras. Matapos maghapunan ay ako na naghugas ng pinagkainan at bumalik naman si Mama sa tindahan, mag a-alas dose na ng hating gabi ng mag sara kami,nakakatuwa na hindi naman kami nalulugi sa pagtitinda plus nalilibang pa si Mama sa pagtitinda.
Bago natulog ay nagmuni muni muna ako,bigla naman pumasok sa isip ko ang gwapong mukha ng nagligtas sa akin,napangiti ako,inatake na naman ako ng pagkakilig na ngayon ko lang ulit naranasan. Nakatulog ako ng may mga ngiti sa labi.
Tzekai says 15
Isang hapon ng sabado at nabored ako sa bahay, at naisipan ko na lang pumunta sa mall para mag libang,ilang araw na din ang lumipas matapos yung nangyari sa akin,at ang hindi ko inaasahan na lagi ko ng maiisip yung lalaking nagligtas sa akin.
Atleast nung time na yun naramdaman kong karapat dapat pa din akong irespeto kahit bakla ako, hindi nagdalawang isip yung lalaki na iligtas ako sa kabila ng pagiging ganito ko,kung ibang lalaki pa yun pinagtawanan lang siguro ako at pinabayaan.
Matapos mag ikot ikot sa mall kakatingin ng kung anu-ano ay nakaramdam na ako ng gutom at nagpasyang sa Jollibee na lamang kumain.
Nang makuha na ang order ay naghanap na ako ng uupuan, sa isang sulok ako pumwesto,yung tahimik at walang makakapansin.
“Fancy seeing you here”
pamilyar sakin ang boses kaya nilingon ko ito.
It was him.
Naka ngiti ito at hawak din ang order. “Mind if I join you?” anito.
“Sure” tangi kong nasabi, umupo na ito sa harap ko “thanks” sagot naman nito.
Tinitigan ko ito ng hindi nito mapapansin. Gawd! Ang gwapo ng animal at ang bango,biglang bumilis ang tibok ng puso ko at biglang nagflashback sa akin yung pagliligtas nya sakin.
“Is there something wrong?”
“Ha?” natanga kong sabi.
“may dumi ba ako sa mukha?” anito sabay flash ng ngiti.
Kitang kita ang mapuputi at pantay pantay nitong ngipin,na bagay na bagay dito. Ugh! He’s a man that every woman would dream of!
“Ah eh.. Uhmm , naisip ko lang na hindi ako nakapag pasalamat ng maayos sayo, salamat ng marami ah? Baka kung hindi ka dumating naging comfort gay na ako ng wala sa oras” tanging nasabi ko na lang,malakas pa din angtambol ng puso ko na para bang tumakbo ako ng ilang kilometro.
“yun ba? Wala yun,kahit sino naman gagawin yun, pasensya kana sa mga barkada ko, they were under the influence of drugs kasi that time, sorry talaga” sagot din naman nito at sumubo ulit,bakit ganun? The way kung paano sya kumain ay pogi pa din ang dating?
“wala yun,basta maraming salamat ah? Thank you talaga, I never thought kase na sa kabila ng pagiging ganito ko ay may tutulong saken, maraming salamat” sincere kong sabi. Dahil totoo naman,kung hindi sya dumating,malamang,narape na ako,bugbog sarado pa ako pag nagkataon.
“No huwag ka ganyan,hindi porket ganyan ang kasarian mo ay idadown mo na sarili mo,lahat tayo dito sa mundo ay pantay pantay,hindi makakatulong sayo kung mag iisip ka ng mga negative, I can sense na hindi ka naman talaga nagpapa apekto at mukha namang matatag ka at ramdam ko din na madami kang kaibigan at mahalaga ka sa kanila, they respect you and I respect you alaso “ anito na sincere ang pagkakasabi.
Lalo tuloy ako humanga dito, sana lahat ng tao ay tulad nya.
“kanina pa tayo nag u-usap pero hindi pa tayo pormal na magkakilala, im Paul. Paul Bryne Saavedra” dugtong pa nito sabay lahad ng kamay para makipag shake hands.
Walang pag aatubilng inabot ko ito. “uhm im Christian Cail” nahihiya ko namang sabi,kainis,lalaking lalaki ang pangalan ko.
“Christian Cail?” anito na naghihintay pa ata pati sa apelyido ko.
“Christian Cail Samaniego” itinuloy ko na lang,pangalan lang naman yan eh haha!
“But you can call me Tzekai, yan ang name na tawag nila saken” mabilis kong dugtong.
Pinisil pa nito ang kamay ko sabay sabeng “Ang cute” parang biglang may libo libong bultahe ng kuryente ang gumapang sakin mula sa mga kamay ni Paula,kaya agad akong bumitaw.
“a-alin dun sa dalawa ang cute?” tanong ko,baka kasi mang iinis lang tong gwapong impaktong to,sisikmuraan ko talaga sya.
“Pareho, but I would like to call you by your Pen name para hindi ka mailang, Tzekai,ang unique” anito sabay ngiti.
Napangiti na din ako,magaan ang loob ko sa kanya,at natutuwa ako na kasama ko sya ngayon,ilang gabi at araw ko na ba syang naiisip bago matulog at pagkagising diba?
“Well well well, tingnan mo nga naman ang pagkakataon” wika ng isang pamilyar na boses.
Napalingon ako sa kung sinong impakto ang naninira ng moment ko.
Oh great! Ang mga impakto kong tropa , si Nikki at Marlon,kasama ang asawa ni Marlon na si April. Nakaplastar sa mukha ng dalawang lalaki ang mapang asar na ngisi,lagi silang ganyan pag may nakita silang pwede ipang asar,mga ulupong nga talaga.
Pati si Paul ay napatingin din tuloy sa mga ito.
“kaya pala hindi ka pumupunta sa bahay Bes ah,may jowa kana” si Marlon na ngising ngisi pa din. Lul! Pag untugin ko kayo ng asawa mo eh haha!
“ha? Hindi ko sya jowa,kaibigan ko lang sya” depensa ko naman nakaramdam na ako ng pagka ilang, pihidong pagtitripan na ako ng mga animal na ito,wala pa namang pinipiling lugar sa pang aasar ang mga hayup na toh.
“showbiz” si Marlon
“defensive” Si Nikki.
“Ipakilala mo naman kami sa boyfriend mo Khai” singit ni April. Nakidagdag pa ang impaktang ito!
“Uhm Paul sila nga pala tropa ko,si Nikki,at bestfriend ko si Marlon at asawa nyang si April” pagpapakilala ko sa mga ito.
Nakipag kamay naman si Paul sa mga ito ng naka ngiti pa. Nako! Huwag mong ngitian ang mga yan! Pinag iisipan na tayo nyan hahaha!
“Oh pano Beki at brad mauna na kami, may session pa tayo mamaya, hwag ka mawawala” pagkuwan ay sabi ni Nikki samin.
“Importante yon Bes” dagdag ni Marlon,lumingon pa ito kay Paul “brad sama ka din para maka bonding mo tropa ng jowa mo” dugtong nito na naka ngisi at tumalikod na sila.
“mga gago!” naka kong pahabol sabay iling. Pagtingin ko kay Paul,nakatingin lang sya sa akin nakangiti ito, may nakita ako sa mga mata nya, was it amusement?
“Bakit nakangiti ka dyan?” taka kong tanong at kumain na uli,since naabala ang aming pagkain.
“wala naman,ang cool ng mga kaibigan mo ah” sagot nito at kumain na din ulit.
“ganun talaga mga yon kahit noon pa, mag 8yrs na din kaming magtotropa” sabi ko naman sabay inum ng coke.
“Ah.. I see.. So pwede ba ako sumama?”
“Huh? Sure ka? Naku iba ang mundo namen hindi tulad sayo” nag aalangan kong sabi dito,mayaman ito,mahirap kami,baka hindi nya magustuhan diba?
“Its okay, gusto ko ng bagong environment at bagong mga barkada,so pwede ba?”
Napaisip naman ako. Wala naman sigurong. masama, so pumayag na ako para naman mas makilala ko na din sya ng lubusan.
“Great! Tara hatid na kita para masundo din kita maya” masayang sabi nito. Napangiti na lang ako sa inakto nya,hindi ako makapaniwala na ganito kami kabilis magiging magkaibigan.
Hinatid nga ako nito. Bago pa ako bumaba sa kotse niya ay kinuha nito cp number ko.
Pagpasok sa bahay ay tinutukso tukso pa ako ni Mama,nasa mood naman ako para makipag biruan sa kanya.
Tzekai says 16
Mag a-alas siete na ng gabi ng tumawag sakin si Paul, on the way na daw sya. Napangiti na lang ako bigla,hindi ko kase lubos maisip na sa isang iglap ay ganun na agad kami ka close at ang nakakatuwa pa dito ay interesado ito na makilala pa aka ng lubusan at ang mga kaibigan ko,ang weird lang na isang mayaman ay makikisalamuha sa mga tulad namin.
Nang makarating ito ay ipinakilala ko agad kay Mama at umalis na din agad kami papunta sa nabiling bahay ni Lovelee sa Greenwoods subdivision.
Nang pumarada ang kotse ni Paul sa tapat ng bahay ni Lovelee ay nag si silipan ang mga impakto sa bintana ng bahay, mga tsismoso’t tsismosa talaga mga ito.
Lumabas si Lovelee at sinalubong agad kami ng makababa sa kotse. Parang nakakita ng artista ang bruha kung tingnan si Paul. Hindi ko sya masisisi, napaka gwapo nga naman nito lalo na ngayon.
“Sya ba yun?” bulong ni Lovelee
“sya na ano?” kunyari ay hindi ko magets, hinablot nito agad ang buhok ko,ang sadista talaga!
“aray!”
“intrigerang denial ka talagang bakla ka!” parang inis na sabi ni Lovelee pero nakangiti naman,ganyan lang talaga yan haha!
“Paul sya nga pala si Lovelee, Lovelee si Paul” pagpapakilala ko,nagkamay ang dalawa.
“Ang pogi mo Paul ah,pasalamat ka may asawa nako” ani Lovelee sabay hagikgik. Grabe lang haha! Walang pinagbago.
Pumasok na kami sa Loob,lahat ay naka ngisi sa akin. Ganyan mga yan pag may ipang aasar sila sa isa sa amin.
“Guys this is Paul, Paul sila nga pala si Charmaine,Othan ,Gab,Allan,Aiza ,Jen,Jessica,Jh ei,Angge,Jerome ,Dave,Jester,Jh ay-ar,Rachelle, Carla,PJ,Appa, at sina Marlon at Nikki na nakilala mo na sa mall kanina diba?” pagpapakilala ko sa mga ito.
Magkatabi kaming naupo ni Paul at napansin kong kanina pa pala nagsisimula sa inuman ang mga hudas. Mamaya magtitrip na mga ito panigurado yan.
Nasa kalagitnaan na kami ng inuman,nilingon ko si Paul at mukhang nag eenjoy naman ito sa kagaguhan ng tropa.
“Ano nga pala ang importanteng pag uusapan?” pag singit ko sa daldalan nila.
“Naisip ko lang bakit hindi tayo magtayo ng negosyo? Hindi na tayo mga bata pa at may kanya kanya na tayong buhay diba?” simula ni Lovelee.
“Then?”
“May nakita akong kasasara lang na bar malapit sa crossing,paalisna daw kasi ang may ari at naisipan kong kausapin kung pwede bang upahan at gawin ulet bar, pumayag naman, since kakapadala lang ng pera ng asawa kong si Andrew, nag downpayment na ako ng 5months advance at 3 months deposit,bayaran nyo na lang ako pag okay na” dugtong nito saka tumagay,Lahat naman ay sumang ayon.
“So kelangan muna natin tingnan ang lugar para malaman naten kung ano mga dapat baguhin sa venue” singit ni Rachelle.
“Im in, magkano ambagan? Para hindi ko na magalaw ang mga naipon ko” singit ko din,interesado ako,since alam kong sa ganito din nagsimula ang Seventh Bar noon,bigla ko tuloy sila namiss dun.
“ayos na ang tig ten thousand, so isang araw ay puntahan na naten ang venue,para pagkatapos pwede na masimulan ang pag ayos sa lugar, ano gora na?” si Lovelee ulit, bidang bida ang bruha.
“Gora na!” sabay sabay naming sabi at nagkatawanan pa.
Ipinagpatuloy namin ang inuman at kulitan,asaran, kwentuhan hanggang napunta sa amin ni Paul ang topic na talaga namang kanina ko pa iniiwasang maganap.
“So anung status nyo?” naka ngising tanong ni Jen, ang tropa naming may pagka krung krung, sa hindi mga sinasadyang pagka tanga nito ay napapatawa nya kami.
“Getting to know pa lang” naka ngiting sagot ni Paul, napalingon tuloy ako dito, kinindatan pa ako ng gago,napangiti na lang ako,mukhang game naman sya sumagot,pabayaan ko muna.
“Define kindatan at ngitian teh?“buska ni Meng samin,nagtawanan tuloy ang lahat,napaka observant ng bruha haha!
“San kayo nagkakilala?” si Othan naman,magkamali lang talaga ng sabihin tong ngangabu na to pipilipitin ko bagang nya!
Kinabahan ako bigla,nagkatinginan kami ni Paul,tapos tumingin naman ako kay Aiza, ngumiti ito at tumango as if she was saying na sabihin ko na sa tropa ang nangyari.
Bumuntong hininga muna ako,pampalakas ng loob,nagpalitan ng makahulugang tingin ang tropa dahil sa inakto ko.
“He saved me.” umpisa ko then tumingin kay Paul,tumango lang ito sa akin,hudyat na ituloy ko.
“He saved you from what?” tanong ni Gab, at ayon na nga kinewento na lahat lahat ng nangyari, walang labis walang kulang.
“Pagala gala ka kasi Beki, hindi porket tumanda kana eh hindi kana mabubully o mapagtitripan,alam mo naman ang mga tao” pagkuway wika ni Nikki saka tumagay.
“Atleast natuto na sya,may savior pa sya diba? Baka nga lover pa eh” ani Allan at dinugtungan pa ng halakhak na nakakagago.
“Kaya nga I want to protect him” sagot ni Paul. Nabigla ako sa sinabi nito, maski ang tropa iba iba reaksyon, may mga ngumisi may mga nanlaki ang mata.
“Paul?” tawag ko sa kanya,kinindatan lang ulit ako nito,syempre kinilig ako sa ginawa nya.
“Ahem! Nakakapanibago ah, dati dati si Khai-khai katuwaan naten at ni wala yang dinala at pinakilalang jowa saten,ngayon meron na,hindi kana namen maaasar” singit ni Jester.
“Lul! Hindi ko sya jowa! Hayup ka buni!” depensa ko agad,mabilis kasi talaga mag conclude ang mga ito.
“deny pa toh,nahiya naman daw kami sa eyeliner mong nagmumura sa talim” sagot pa ni Jester, tawanan tuloy ang lahat.
“Pare ingatan mo yan,madami nagkaka kursunada dyan” si Dave ang nagsalita,isa sa mga malapit sa akin kahit nang aasar din ito,masasabi kong sya ang isa sa mga pinaka mahalaga sa aking kaibigan.
“Ano ibig mong sabihin?” takang tanong ni Paul dito.
“I mean,may gusto mag trip sa kanya,o may gusto mag pa ano sa kanya, dati pa namen napapansin yun,lakas ng magnetng baklang yan eh, mabaet yan, kahit lage sya pinagtutulungan sa asaran,hindi bumitiw yan, hindi kami iniwan,may kanya kanya kameng kwentong kasama sya,sya ang susi nameng lahat, mahirap kami mabuo pag wala sya” seryosong sagot ni Dave, nilibot ko ang tingin sa tropa,naka ngiti ang mga ito. Hindi ko na napigilan ang luha at tumulo ito. Luha ng kaligayahan, I was really blessed having such a wonderful sets of friends, nilapitan ako ng mga babaeng tropa at niyakap.
“iiyak na yan, iiyak na yan” buska ng mga lalaki, nagtawanan sila.
“wala ka pinagbago. Pag nakakainum talaga iyakin kang beki ka” ani Nikki “oh tagay muna” sabay abot ng tagay.
Muli nilingon ko si Paul na hindi mapawi ang ngiti sa mga labi. Bakit kaya?
Tzekai says 17
Mabilis na lumipas ang mga araw,lalo kami naging close ni Paul. Aminin ko man o hindi nahulog na ang loob ko sa kanya, pero natatakot ako sa malaking katotohanan na kaibigan lang talaga ang tingin niya sa akin.
I should be contented with that. Atleast dun tatagal kami. And besides takot na ulit ako sumugal. Kahit todo pang aasar at tukso ng tropa sa amin everytime na tatambay si Paul sa bar after ng work nito sa family company ay ginuhitan ko na ang sitwasyon namin,MagKAIBIGAN lang kami.
Hanggang pagiging magkaibiganl ang dapat kami,period!. Naging close din si Paul sa tropa, madalas ito kainuman sa bar ng mga tropa kong lalaki at masaya ako dun. Nakaka bilib na kahit mayaman si Paul ay naka cope ito sa amin at sa mundong ginagalawan namin.
At ang bar naman ay naging patok, akala namin nung una hindi magki click, pero sa awa ng Diyos ay padami ng padami mga pumupunta dun, pinangalanan namin itong “LaFamila Bar”.
Every saturday ang banda, dalawa ang banda namin, ang banda ni Meng at ang bandang mga lalaki. Musically inclined kasi ang buong tropa,
Isang gabi naka bantay ako sa bar at naka upo sa may bar counter,madami pa din ang tao kahit weekdays ng bigla may magtext.
Beep beep
“Goodeve,nasa bar ka?” si Paul
beep beep
“yup, asusual,ikaw?”
beep beep
“dito lang sa bahay,masama pakiramdam ko eh”
beep beep
“naku! Uminum kana ng gamot baka lumala pa yan”
beep beep
“pagod na ko magtext,tawag ako wait”
hindi na ako nagreply, wala pang isang minuto ay tumawag na agad ang impakto haha!.
“may sakit kana nagawa mo pang tumawag,adik ka talaga” bungad ko.
“ayaw mo ba?” malungkot na sabi ni Paul. Naalarma naman ako dito baka magtampo. Hirap pa naman suyuin nitong lalaking to.
“Hindi ah! Iniisip ko lang baka mabinat ka” agad kong tinuran,mahirap na baka magtampo nga.
“ganun ba,ang sweet naman.. Uhm halos two months na din tayo magkaibigan,wala pa tayo endearments Khai”
“kelangan pa ba yon?”
“oo naman! Special ka sakin eh” sagot nito, napangiti naman ako ng abot tenga,kulang na lang ay tahiin para bumalik sa normal. This guy is driving me crazy, pano ko pa pipigilan ang puso ko na hindi ito mahalin kung bawat salita nito ay hinahaplos ang puso ko? Haaay Paul..
“oh sige! May naisip na ako” maligalig kong sagot dito,sorry kinikilig lang!
Maya maya ay napansin kong pumasok sa bar si Jester at Nikki.
“ano naman yon?” excited na tanong ni Paul.
“ang tawagan naten ay Pam” masaya ko namang sagot habang naglalakad palayo, palapit kasi ang mga hudas na Jester at Nikki,panigurado mang iinis na naman ang mga iyon.
“ano ibig sabihin nun?”
“walang ibig sabihin yon, gusto ko lang ganun, okay ba Pam?”
“okay na okay Pam! Salamat! Sige tulog na ko para gumaling agad, loveyou pam!” end call.
Whatda??! Tama ba narinig ko o nag i-imagine lang ako? Nag i love you sya sakin? Haysst! Wala na, gumuho na ang depensa ko. Pero hindi! Baka i love you bilang kaibigan yon! Tama! Ganun nga yun.
Bumalik ako sa dating pwesto,sa bar counter at nandun na si Jester at Nikki.
“mukhang nagkakamabutihan kayo lalo ni pareng Paul at talagang lumayo kapa ah?” panimula ni Jester sa pang aasar,tinaasan ko lang ito ng kilay habang naka ngiti.
“ganun lang yon? Hindi ka sasagot? Nakakapanibago ka beki” segunda naman ni Nikki.
“maganda kase mood ko,kaya hindi dapat masira” sagot ko at sinundan ng tawa. Nagkatinginan lang ang dalawang halimaw.
Ganun na nga naging set up namin ni Paul, pag hindi kami magkasama nito ay panay text at tawag nito. Pag tumatambay naman ito sa bar ay hayagan na akong nilalambing nito. Masaya ako sa ganun,hindi naman kumokontra ang tropa kahit si Mama. Kaya lang hindi maging lubos ang kasiyahan ko hanggat wala akong matibay na pang hahawakan o salitang magmumula kay Paul na mahal nya ako.
Ayaw ko talaga umasa dahil ayaw ko na masaktan ulit. Pero everytime na andyan ito at ipinaparamdam na mahalaga ako sa kanya ay hindi ko mapigilin na mag drown ang puso ko.
Minsan nga iniisip ko na ayos na siguro yung ganun? Dahil sabi nga nila ang tunay na pagmamahal daw ay walang hinihintay na kapalit pero pano kung ganun nga bakit ganun na lang ang turing sa akin ni Paul? Hahayaan ko na lang ba ang sarili na mahalin ito kahit ramdam ko na ganun din ito sa akin pero wala itong sinasabi? Hayst! Ang gulo.
Isang beses nag yaya ito ng date,sa isang mamahaling restaurant kami nagpunta. Hindi ako mapakali syempre halos lahat ata ng costumer sa restaurant na yun ay nakatingin sa amin. I looked at Paul but he doesnt seem to care sa mga reaction ng mga tao. Napangiti na lang ako dahil dun.
Si Paul ang pina order ko,hindi ko naman kase kilala ang mga pagkain.
Nang dumating ang order ay nagsimula na kaming kumain.
“Pam” tawag pansin ni Paul sa akin.
“Bakit pam?” sagot ko.
“I want to tell you something, I know na galing ka sa isang panget na break up and gusto kong malaman mo na ready na ko” simula nito na nakatingin mismo sa aking mga mata,lumakas ang kabog ng dibdib ko.
“what do you mean Pam?” I asked.
“alam kong ramdam mo kung gano ka kahalaga saken,pinapakita ko naman diba?Kahit nung una pa lang, I was not just so sure sa nararamdaman ko that time,dahil bago saken ang lahat ng iyon, Ive never felt that on my ex girlfriends before.” seryoso nitong sagot.
Mataman akong nakinig at hinintay ang iba pa nitong mga sasabihin.
“weve been friends for how many months now, and now sigurado na ko sa nararamdaman ko, nung una I was hesitant, sinubukan ko pigilan but it doesnt work,lalo ka pa napalapit saken, lalo ka naging mahalaga,at higit sa lahat,lalo kitang minahal” madamdaming pahayag ni Paul.
“Pam?” ang tanging nasabi ko sabay tulo ng luha.
Although nararamdaman ko ngang mahalaga ako sa kanya. Iba padin ang pakiramdam na mismong sa bibig ito ni Paul mang gagaling.
Parang biglang may musikang tumugtog sa aking isipan. Suddenly parang tumahimik ang lahat at ang malakas na tibok ng aking puso ang tangi ko lamang naririnig.
Hinawakan niya ang aking kamay. I felt warm and magical.
“I love you Pam, mahal na mahal kita” ani Paul at hinalikan ang aking kamay.
I felt magic, Hindi ko maipaliwanag at mapangalanan ang ligayang nararamdaman ko sa mga sandaling ito,it felt like forever,ganito pala kasaya talaga,hindi ko ito naramdaman kina Ej at Gelo noon,this is new,this is different.
“Pam?” untag ni Paul sa akin.
“P-pam, mahal din kita, noon pa”sabi ko,sabay pahid ng mga luha na masaganang naglalandas sa aking mukha,tears of joy.
“talaga?“parang batang tanong nito,ang gwapo tuloy lalo. Ngumiti ako at tumango,bigla nya akong niyakap ng mahigpit,gumanti din ako ng yakap sa kanya.
I felt secured and loved.
“hindi ako makahinga pam” pagkuway sabi ko,ang higpit kasi ng yakap nya sa akin.
“ay! Sorry natuwa lang ako pam” anito sabay kamot sa batok. Ang cute nito sa ganung gesture kaya napahagikgik ako.
“does this mean na,uhm ta- tayo na?” nahihiyang tanong nito,lalo ako napangiti.
“okay lang kung ayaw mo” biro ko sa kanya.
“hindi ah! Gustong gusto ko! Promise! Gusto ko talaga! Salamat pam!” anito at binigyan ako ng mabilisang halik sa labi. Pero damang dama dito ang pagmamahal.
“ayan ah,chansing agad” biro ko dito at pareho kaming natawa.
Tzekai says 18
Mag iisang buwan na din pala kaming magkasintahan ni Paul. Walang pagsidlan ang aking kaligayahan,araw-araw sinosorpresa ako nito, sa bahay, sa bar, o kahit pa pag namamasyal lang kami.
Walang duda,mahal na mahal na ko na nga sya, never in my entire life na nakaramdam ako ng ganitong kaligayahan.
Botong boto naman si Mama kay Paul at close na close ang dalawa, sadyang malakas humatak si Paul, sa iba napaka seryoso nya, pero pag ako na ang kaharap o si Mama at barkada ko ay napaka masayahin nito. May pagkakataon pa nga na kahit namomoblema na syaj sa company ng pamilya nila ay tatawag pa ito sa akin, pampalakas daw ng loob na ikinagagalak ko naman talaga.
Minsan naisama na ako ni Paul sa mga lakad niyaj, nakilala ko na din ang mga ibang kaibigan nya,pati si Johan ay nakapalagayangloob ko na din ng loob, hindi naman mahirap pakisamahan ang mga kaibigan ng Paul, tinanggap ng mga ito ang relasyon namin tulad ng pagtanggap ng mga kaibigan ko sa relasyon namin ni Paul.
“Pam get ready, sunduin kita mamaya,dinner tayo sa house with my family” narecieve kong text galing kay Paul.
Bigla akong natakot. Pano kung hindi kami matanggap ng pamilya niya? Pano kung pag hiwalayin kami? Pano ako? Pano kami? Batid kong mahihirapan akong pakitunguhan ito,kay Paul na din nanggaling na istrikto ang ama niya, na naging dahilan ng pag aaway ng daddy nya at ate nya, control freak daw ito. Lalo naman ako kinabahan sa naisip.
Habang naghahanap ng isusuot ay hindi ako mapakali, tapos na ko sa mga ritwal ko, naplantsana ko na ang buhok ko at naglagay na sya ng liquid eyeliner sa mata,manipis lang para maganda at hindi halata.
Yun lang okay na ako.
“Nak nandito na si Paul bilisan mo dyan!” tawag ni Mama sa labas ng pinto.
“Sige po ma!” sagot ko, nagwisik lang ako ng pabango at lumabas na. Pagpunta ko sa sala ay agad kong nakita ang pinakamamahal ko. Napaka gwapo at napakabango nito.
“Lets go?” naka ngiting bati nito,nilapitan ko siya. “youre simple but youre stunning” bulong nya sakin,hindi ko maiwasang kiligin,pakiramdam ko ay para akong maiihi.
Habang lulan ng kotse nito ay hindi naman ako mapakali, habang palapit kami ng palapit sa bahay nila ay palakas naman ng palakas ang kabog sa dibdib ko.
Kinuha ni Paul ang kamay ko at hinalikan.
“Huwag ka kabahan Pam,everything will be alright,akong bahala” anito at kumindat pa,sinuklian na lamang sya ng ngiti kahit ang totoo ay talagang ninenerbyos ako.
Ilang sandali pa nakarating na kami sa bahay nila. Nakakamangha ang ganda at laki, bawat makita kong mga gamit ay alam kong hindi biro ang halaga,lalo na yung mga vase,na para bang pag nabasag mo ay kulang pa ang buhay mo bilang kabayaran.
Hinawakan ni Paul ang kamay ko para kahit siguro papano ay mabawasan ang tensyon ko sa katawan. Magkahawak kamay kaming tumungo sa dining area.
Nandun na ang daddy at mommy niya pati ang ate nito atasawa nito. Lalo ako natensyon ng ang mga mata ng mga ito ay nakatingin sa magkahugpong naming mga kamay.
Nang makaupo kami ay nagsalita si Paul.
“Mom,Dad,ate and kuya Robin, this is my girlfriend ,Khai” pakilala ni Paul sakin sa pamilya nya,parang hindi ako makahinga sa kaba.
“G-good e-evening po sa inyo” utal kong pagbati,ramdam kong pinagpapawisan na ako ng malamig,nakaka pressure at nakaka takot ang mga tingin nila sa akin,pinisil ni Paul ang kamay ko na parang sinasabi na “everything will be alright”.
“So ikaw pala ang sinasabi ng anak ko na special someone” simula ng Daddy ni Paul,baritonoang boses nito kaya lalo ako kinabahan,para bang hindi ito mangingiming sipain ako palabas ng bahay nila,nakakatakot.
“O-opo” nahihiya kong sagot.
“Ano trabaho mo? At ano natapos mo?” dugtong ng Daddy ni Paul.
“Po?” natanga kong sabi,shet,parang gusto ko na maglaho!
“You heard me right?” seryosong wika ng Daddy ni Paul, inilibot ko ang tingin sa mga kasama sa hapag,lahat sila ay seryosong nakatingin sa akin.
Bigla kong nahiling ay sana bigla na lang ako lamunin ng lupa at mawala. Ang adik naman kasi ni Paul eh!
“Uhm.. High school graduate lang po ako Sir,paka graduate ko po ay nagtrabaho na po ako sa japan para sa amin ni Mama” sagot ko.
Tumaas ang kilay ng Mommy ni Paul.
“Japan? Anong trabaho mo dun?” hindi mapigilang sagot nito lalo tuloy ako kinabahan,pakiramdam ko nga ay nanginginig na ako,tiningnan ko si Paul,wala akong makitang reaksyon sa gwapong mukha nito.
Bumuntong hininga ako,nilakasan ang loob at muling nagsalita.
“Yes ma’am, after I graduated nakaranas po kaming mag ina ng mabigat na problema,wala kami malapitan dahil wala naman kami contacts sa mga relatives namen,sobrang down po ang buhay namen,then one day ipinasok ako ng mama ko sa agency ng kaibigan nya, I was hesitant dahil baka tulad lang ito ng iba. Pero nung maka alis na po ako papuntang japan, I figured out na iba ito. Entertainer lang po talaga,if you are familiar with Club Muwaah,ganun po yun. Bawal kami itable,bawal kami lumabas with the costumers. Pure work lang po,no pleasure no strings attached,six years po ako dun,at ng maka ipon na bumalik na po ako dito para sa aking ina at bigyan sya ng magandang buhay” mahaba kong sagot.
Nakita kong gumuhit sa mga labi ng mga ito ang magagandang ngiti. Nakahinga ako ng maluwag,nilingon ko si Paul,kitang kita sa mga mata nito ang amusement. Grabe! Super ngiti sya! Samantalang parang hihimatayin na ako kanina!
“No wonder mahal ka ng anak ko” pagkuway wika ng Daddy ni Paul na naka ngiti na.
“Mapag mahal kang anak,maabilidad ,matapang, sa likod ng kasarian mo ay ipinakita mo na totoo ka, welcome to the family anak” dugtong ng Mommy ni Paul na ikinagalak ko ng lubos. Hindi ko akalain na tatanggapin ako ng mga ito. Parang milagro!
“Susuportahan namen kayo at hindi tututol,alam nameng kaligayahan nyo ang bawat isa,panindigan at panghawakan nyo sana ang pagmamahalan nyo laban sa mga taong sarado ang utak patungkol sa ganyang uri ng relasyon” wika ng Daddy ni Paul.
“maraming salamat po,thank you” maluha luha kong sagot,ang sarap sa pakiramdam! Ngiti ang tugon ng mga ito sa akin.
“Pam, I told you, oh ano wala kana problema hihi” wika sakin ni Paul at ginawaran ako ng mabilisang halik sa labi.
“ahem!” ang ate ni Paul.
“bakit ate? Nga pala okay na kayo ni Dad?” si Paul.
“Yup! Dahil sayo at sa lover mo,hwag mo na alamin ang kwento,basta yun na yon.” anito“diba Dad?” sabay baling nito sa ama, agad itong sumang ayon.
“Ganun ba? Oh tapos na interogation, pwede na ba tayo kumain? Gutom na kami ng asawa ko eh” ani Paul na tinawanan lang naming lahat,ewan,iba na ang kasiyahan ko ngayon,siguro dahil pareho kaming tanggap ng mga pamilya namin.
Lumapit na ang mga katulong para magsilbi. Natawa ako ng bahagya ng agawin ni Paul ang serving spoon ng kanin sa katulong at ito naglagay ng kanin at ulam sa plato ko,gabundok pa!.
“ginawa mo naman akong patay gutom” natatawang sabi ko,napahagikgik naman ang mga kasama namin sa hapag.
“hihi para may energy ka mamaya” pilyong sagot nito sakin,kinurot ko nga sa hita! Haha!
“ang pilyo mo” tawanan naman ang lahat.
Naging masaya at maganda ang dinner naming iyon, sinabi pa ng mga ito na Mommy at Daddy na lang daw ang itawag ko sa kanila dahil one of the family na daw ako,ang saya ko lang.
Alas Dies ng gabi ng ihatid ako ni Paul sa bahay, gusto pa nga nito na dumaan sa bar pero sinabi ko na huwag na lang para makapag pahinga na kami.
“Goodevening ma” bati ni Paul kay Mama. Kung maka mama ah? Damang dama ng ungas!
“Goodevening din anak” tugon ni Mama kay Paul.
“Ma,mag usap lang kami ni Paul sa kwarto,pakihandaan kami ng kape” sabi ko at nagmano dito.
Pumasok na kami sa loob ng kwarto agad naman kaming nahiga sa kama para magpahinga.
“Pam,maraming salamat sa lahat lahat ah? Sobrang saya ko tanggap na tayo ng mga magulang naten,kahit sa panaginip hindi ko naisip yun, napakasaya ko talaga,salamat, mahal na mahal kita Pam” madamdamin kong sabi,moment na kasi namin to,ngayon lang ako magpapaka cheezy.
“Talaga?” anitong biglang bumalikwas at pumatong sa akin,nagulat ako sa ginawa nya. “wala yun Pam,lahat gagawin ko dahil mahal na mahal din kita,dont I reserve a reward?” dugtong pa nito at ngumiti ng pilyo,nahulaan ko agad ang gusto ng mokong.
Hindi pa man ako nakakasagot ay siniil na nya ako ng halik.
Mapagmahal ngunit naghahanap ng pagtugon, tinugon ko naman sa pag ganti ng mas maalab na halik,napaungol si Paul dahil sa ginawa kong pagsipsip sa dila nya.
Dahan dahang naglakbay ang mga kamay ko sa matipunong katawan nya,napa singhap pa ako ng manuot sa aking pang amoy ang gamit nyang pabango, dahilan para mas maging agrisibo ako,nakaka adik,nakaka darang.
Walang ano-ano’y ako naman ang pumatong sa kanya,muli siniil ko sya ng halik habang paisa isa naming tinatanggal ang aming mga saplot.
Ginawa ko ang lahat para mapaligaya ang mahal ko,ibinigay ko ang lahat para maparamdam ang pagmamahal sa kanya. Pagod na humiga sa tabi ko ang mokong na nakangiti.
“i love you pam, salamat sa tiwala” anito at yumakap pa sa akin at ginawaran ako ng mabilisang halik.
“i love you more Pam,sayo ko lang ipinagkatiwala ng buo ang puso at katawan ko” sagot ko naman.
“Halata nga,ako naka una sayo eh,masakit pa ba?” pilyong sabi nito at humagikgik.
Biglang bumukas ang pinto at ilaw.
“Anak,Paul andyan barkada nyo” anito at ng makita kaming mga walang damit ay agad nitong sinara ang pinto. “Hala! May rated SPG sa loob!” sigaw pa ni Mama sa labas.
Nagkatinginan na lang kami ni Paul at sabay na tumawa.
Tzekai says 19 : Pre Finale
Pagkalabas namin ni Paul ng silid ay ang mga naka ngisi kong tropa at si Mama ang sumalubong sa amin.
“mag uusap pala ah” panunukso ng mama sa amin,ramdam ko naman ang pamumula ng aking mukhaa “Paul ,anak ito na kape mo”baling ni Mama kay Paul.
“salamat ma” tugon ni Paul at lumapit na kay Mama para kunin ang kape.
Agad akong lumapit sa mga hunghang kong tropa na at home na at home sa pag kaka upo sa aming hindi kalakihang sofa.
“wow ah? Ma na tawag ni Paul kay tita” panguna ni Jerome at saka humagikgik
“ano ba meron? Anong ginagawa nyo dito?” bagkus ay sagot at tanong ko sa mga impakto,bumalik si Paul sa sala at umupo sa tabi ko saka nilapag ang kape nito sa lamesita.
Agad na nagtaasan ang kilay ng mga babae kong tropa at na ngunot noo naman ang mga lalaki. Duh? Lagi silang nagbibigay ng mga ganyang reaksyon,nakakatakot minsan tong mga tropa ko.
“hoy bakla! Hindi porket inlab kana ay nagka amnesia ka na din! Hindi ka dumaan sa bar kahit alam mong may importanteng pag uusapan ang tropa” sagot niLovelee.
Nagtaka ako syempre. Ano nga bang meron?
“baklang to,maaga kami nagsara dahil baka nakakalimot ka Dec.24 na ning at Christmas party ng tropa baka nakakalimutan mong taon taon naten tong ginagawa before at ngayon lang ulit mauulit” dagdag ni Lovelee,kulang na lang ay sakalin nya ako haha!
“ay oo nga pala, so anong plano?” sabi ko ng maalala din agad ito.“pasensya na kayo,after kasi ng dinner namen ni Paul sa bahay nila with his family eh dumiretso na kami dito sa bahay” dugtong ko pa.
Napapalatak ang mga ito at napangisi kaming dalawa ni Paul sa kanila.A
“ano nginingisi ngisi nyong mag jowa?” si Aiza.
“kaya naman pala eh,pinakilala sa mga inlaws” si Meng.
“syempre pagkauwi,gumawa ng baby” si Jester na gamit ang pang asar na mukha na ikinatawa naming lahat, mabilisan akong hinalikan ni Paul sa pisngi,nagulat pa ako.
“hindi pa nagsawa?” si Lovelee at Jerome na sabay ang pagkakasabi ng makita ang ginawa ni Paul,napatawa na lang ulit ang lahat.
“mga baliw,oh so ano ngang plano?” pagkuway singit ko.
“dahil maaga kaming nagsara ngbar wala kana dapat alalahaning bakla ka, ayos na ang lahat, inutusan na namen si Angge at ang iba sa tropa na mamili ng mga kailangan naten,maaga tayong aalis bukas,6am ang calltime” paliwanag ni Lovelee na parang sobrang excited naman ngayon.
“Aalis?” taka kong tanong.
“oo, sa Beach tayo mag christmas Party,nakapag pa reserve na ako sa isang Resort sa matabungkay kaya ready na ang lahat.” si Jester.
“wow! Ang galing nyo ah? Impressive” pang aalaska ko sa kanila.
“wala ka kasi silbi,panay ka landi” biro ni Jerome at tumawa kami “oh pano, Paul pare agahan nyo bukas ah? Bawal late,sige mauna na kami” baling nito kay Paul, tango lang ang sinagot ng gwapo at mabait kong boyfriend hihi.
Nagpaalam na ang mga tropa kay mama, ganun din si Paul na kukuha lang daw ng gamit at babalik agad,dito daw sya sa amin matutulog.
Alas kwatro palang ng umaga ay gising na kaming dalawa pero hindi pa kami kumikilos, nagkwentuhan at landian muna kami, sabay na din kami naligo at umiral na naman ang pagkamahilig ng boyfriend ko pinagbigyan ko naman sya, gusto ulit ng mokong maka score pero dahil masakit at mahapdi pa nga ang aking butas ay nagkasya na lamang si Paul sa mainit kong bibig.
Ala singko y media ng maka rating kami sa meeting place, umarkila pala ng dalawang Van ang tropa. Pero hindi pa din kasya kaya naman sa amin na sumakay si Jester,Jerome at Jhay-ar.
Nag convoy na lang kami,kami ang nahuhuli,hindi naman boring ang byahe namin dahil sa sobrang kakulitan ng tatlong kolokoy sa likuran, andyan yung magbabanatan ng nakakatawangmga linya,kakanta at iibahin ang lyrics, syempre sino pa ang mangunguna kundi si Jester ang dakilang comedian sa amin.
Maging si Paul na nakikitawa at abala sa pagmamaneho ay hindi pinalampas ng mga kurimaw.
“Paul pare magaling ba si Khai?” banat agad ni Jester.
Napalingonsya ako Paul at kita ko ang pamumula ng mukha nito na lihim kong ikinahagikgik.
“Oo naman,swabe,baon na baon” game na sagot ni Paul na ikinagulat ko,walangya! Sinabi nga! >_<
naghiyawan naman ang tatlong hunghang na ikinatawa na lang namin.
“Talaga? Sanay yan eh, maiba ako gano mo yan kamahal?” dugtong pa ni Jerome.
Kinuha agad ni Paul ang kamay ko at hinalikan bago sumagot“Mahal na mahal mga tol, sa dinami dami ng mga ex girlfriends ko,sa kanya ko lng naramdaman ang pagbilis ng tibok ng puso ko,yun bang parang matatanggal na sa lakas ng pagkabog,hindi ko maipaliwanag” sagot nito,and to tell you honestly, halos maihi naman akoa sa kilig, lalo ko tuloy sya minahal ng lubos.
Handa ko ibigay ang lahat para sa kanya,dahil sa kanya ko lang nararamdaman ang lahat ng ito.
“ganda mo Teh!! Ikaw na!” sabay sabay na sabi ng tatlo at kinurot pa ako sa mukha.
“aray! Mga impakto kayo,parang bata lang ang kinurot nyo ah?” naka ngiti kong daing sa mga ito. Napuno ng halakhakan ang byahe namin.
Makalipas ang tatlong oras nakarating kami sa Matabungkay,sakto 9am pa lang.
Agad na kaming nagtungo sa inarkilang bahay para sa tropa,malaki ito. Napaisip tuloy ako kung sino nagbayad o baka naman nag ambagan. Nahiya naman ako bigla hindi kasi ako naka pag ambag.
Abala naj lahat sa pag aayos ng gamit, ang iba sa mga babae ay nag simula ng magluto, ako naman ay nag iihaw ng bangus.
“Hoy Nikkie! Hindi pala kayo bumili ng alak?” sigaw ni Lovelee kay Nikkie na kasama ang iba na nag aayos pa din,kamot ulo itong lumapit kay Lovelee.
“Nakalimutan ko, ito kaseng sina Marlon eh, sige bili na lang kami baka meron sa labas” sagot nito
“Ako na bibili, samahan mo na lang ako Pare” prisinta ni Paul. Sumang ayon naman ang tropa. Si Nikkie,Marlon,A llen ang sumama dito.
“Pam biling lang kami” paalam nito at ginawaran ako ng mabilisang halik bago umalis.
“CHEESY!!” sigaw ng tropa na ikinatawa na naman naming lahat,hindi na talaga naubusan ang boyfriend ko ng ka sweetan.
Kitang kita ko ang ibang mga tao sa Resort na yun na sa aming grupo naka tingin. Sa bagay hindi ko masisisi ang mga ito. San ka ba naman kasi nakakita ng mga taong hindi na bata pero kung kumilos at magkulitan ay daig pa ang limang taong gulang na bata.
Si Lovelee,Rachelle,Jen,Jessica at Angge ay tulong tulong sa pagluluto pero panay ang tawanan at chikahan.
Sina Meng,Vaneza,Karla,Jhei ay abala naman para sa pag gawa ng desserts namin para mamaya.
Ang mga natirang lalaki? Hayun nasa dagat na at parang mga batang excited na naghaharutan.Napailing na lang at napapangiti ako sa kalokohan ng mga ito.
“Guys,dito na din tayo mag Noche Buena,salubong na din, balita ko may magaganap na program mamaya dito sa resort,kantahan daw” ani Lovelee habang hinahalo ang kanyang niluluto.
“Oo nga daw,yun ata yung stage na nakita naten kanina,habang nanonood ay pwede daw uminum at maki kanta” dagdag pa ni Rachelle.
“Masaya yan,tapos may bonfire tayo diba?” singit ni Jen.
“Gaga! Baka hindi pwede,syempre madami din manonood dun,agaw eksena naman kung may bonfire tayo,eh after din naman naten manood eh babalik tayo dito” bara ni Jessica dito.
“sabagay” pag sang ayon na din ni Jen.
Sakto namang lampas alas dose na ng matapos kami sa mga ginagawa,dumating na din sina Paul at pinagtutulungan bitbitin ang anim na case na Red Horse.
“Ang dami naman ata ng binili nyo Pam?” takang tanong ko dito.
Si Marlon ang sumagot. “Oo nga eh, pero sabi nitong ni Paul ayos lang yan, baka may maki share din daw,tutal pasko mamigay,share youre blessings”
“I doubt!” kontra ni Allan,napatingin naman kami dito.
“kase kay PeeJay pa lang ubos na yan!” dugtong pa nito na ikinahagalpak namin ng tawa,sa tropa kasi,si Peejay ang pinaka hayok sa alak haha!
“gago ka talaga!” ani Peejay at kinurugan si Allan.
“oh sya,tama na yan,tapos na kameng magluto,tara na at kumain ng tanghalian” pag putol ni Lovelee, lahat naman kami ay tumalima na at dumiretso sa hapag.
Tzekai says 20 : Grand Finale
Matapos mananghalian ay nagpunta kami ni Paul sa kwarto para magpahinga,kulang kasi sya sa tulog at alam kong napagod ito sa pagmamaneho kanina.
Maging ako man din ay nakatulog. Bandang alas dos ng tanghali ng magising kami ni Paul. Lumabas na kami at hinanap ang tropa, hindi naman kami nahirapang hanapin ang mga ito dahil sa ingay ng mga ito na naglalaro ng Tag o war sa may tabing dagat.
Pinapanood sila ng mga tao.
Agad naman namin tinungo a mga ito ng magkakapit kamay, habang naglalakad ay kita naman ko ang ilang mga kababaihan na nakatingin sa amin ni Paul,basically sa magkahawak naming mga kamay.
“Gosh! Ang gwapo! Sayang bading ang jowa”
“oo nga girl,nakakapang hinayang”
“nako! Uso yan,meron pa nga halos lalake talaga pareho,wala tayo magagawa,walang kinikilalang kasarian ang pag ibig”
napangiti na lang ako sa mga narinig na bulungan ng mga ito sa aming likuran,alam kong narinig din ito ni Paul, walang ano ano ay hinalikan ako nito sa labi.
Dinig na dinig kong napa “ay” yung mga babae na lihim kong ikinangiti,ang lakas lang magtrip ng mokong.
“para lalo silang mainggit” ani Paul at kinindatan pa ako ng impakto. Kinurot ko nga sa tagiliran.
“aray! Masakit yun ah!” reklamo nito.
“bagay lang yan sayo,pilyo ka kase eh” sabay takbo ko papunta sa tubig,hinabol ako nito,ng makita kami ng tropa ay nagtatakbo na din ang mga ito papunta sa tubig.
Ang iingay naming lahat habang naglalangoy at harutan,pinapanood na kami ng mga tao na siguro ay natutuwa sa kakulitan naming magtotropa,para kasi kaming mga bata.
“Pyramid tayo!” sigaw ni Aiza.
Agad naman kami bumuo ng isang pyramid. Ako ang nasa pinaka tuktok at tatalon.
“one. Two. Three!” sabay sabay na sigaw namin at tumalon ako patalikod at umikot ng dalawang beses sa ere bago bumagsak sa tubig.
Palakpakan at hiyawan ang mga tao,natuwa ang tropa at tinuloy ang pag haharutan.
“Teka!” sigaw ni Lovelee,napalingon ang tropa dito. “Si kai-kai hindi pa umaahon” kinakabahang sabi nito. Maya maya ay umahon si Paul sa tubig habang kayakap ako at magkalapat ang aming mga labi.
Hiyawan ang mga tao na animoy sila ang kinikilig. Lumapit si Lovelee at kinurugan si Paul na ikinagulat ko at ikinahagikgik.
“Gago ka! Kinabahan ako dun kalako nalunod na yan” tawa lang ang sinagot namin ni Paul kay Lovelee.
Malapit na lumubog ang araw pero naglalangoy pa din kami,sinusulit ang bawat kasiyahan,medyo dumistansya kami palayo sa tropa,sa pwestong hindi mahahalata kung may gagawin kami hihi.
“Pam? Pwede ba? Sabik na sabik na ako sayo eh” bulong niya sakin habang nasa likod ko sya at nakayakap sa akin,ramdam ko na ang matigas nitong pagkalalaki,medyo nag init na din ako,napakalaking tukso talaga ni Paul sa akin.
“magtigil ka nga,baka mapansin nila tayo, mamaya na lang” natatawa ko na lang na sagot sa kanya.
“ngayon na please?” Anito at hinalikan ako,lalo ng nagliyab ang init sa katawan ko kaya tinugon na din ito habang nilalaro ang pagkalalaki niya sa ilalim ng tubig.
“saglit lang to” ani Paul at nahubad agad ang pareho naming shorts, iniangat ko ang kanang hita ko ng bahagya upang maipasok na ni Paul ang nagmumura nyang sandata.
Napasinghap ako ng mapasok na ito ni Paul ng buo,dahan dahan na syang umulos yung hindi mahahalata,naka angat padin ang kanang hita ko pero hindi lumampas sa tubig,mahirap na baka mapansin pa kung bakit naka angat iyon.
“Hoy! Mamaya na yan! Tara na!” sigaw sa amin ni Allan na naka ahon na pala.
“Sige pre! Sunod kame pagkatapos namen mag usap!” sagot ni Paul dito habang mabilis na inuulos ang aking butas,kakaiba ang pakiramdam,ibang sarap,dala siguro ng dahil nasa tubig kami kaya ganon ang sensasyon.
“nagawa mo pang sumagot ah?” natatawa kong biro sa boyfriend kong abala sa pag ulos sa akin,napa ungol pa ako ng hugutin nito at ibaon bigla,pakiramdam ko tumirik ang mga mata ko,sobrang nasasarapan na ako sa ginagawa naming ito.
“syempre naman Pam” anito at kumindat bago ako halikan ulit.
“Pam,bilisan mo,ngawit na ko” sabi ko,hindi birong naka angat ang isang paa ng ganun katagal,kahit pa hawak hawak iyon ni Paul.
“ito na Pam,aaahhh ito naaahhh” sabi pa nya na lalong bumilis ang bawat pag ulos,maging ako pakiramdam ko ay nakaraos na din. Ganyan si Paul,ganyan ang epekto nya sa akin.
“I love you pam” wika nito habang hinahalikan ako at nagsusuot na kami ng shorts.
“mahal din kita Pam” sagot ko naman,“tara na,mahapdi na eh,saka abaka may makakita saten lagot tayo” dagdag ko pa at agad na kaming pumunta sa pampang at umahon.
“Buti naman at umahon na kayo,akala namen eh dun na kayo titira sa dagat” salubong samin ni Aiza. Ngisi lang ang sagot naming magkasintahan dito at tinugon naman ni Aiza ng pagtaas ng kilay.
Masaya naming pinagsaluhan ang pagkain sa hapag,yun na ang pinaka Noche Buena namin. Tawanan,daldalan kami habang kumakain.
Alas dies ng gabi ng may magsalita sa speaker na nagkalat sa buong resort.
“sa mga gusto na magdiwang ng noche buena at pasko,pwede na po kayong pumunta sa may area kung nasan ang mini stage,kantahan at inuman magdamag para sa inyo”
Agad na naghiyawan ang mga impakto kong tropa at hinanda ang mga alak at pulutan, napapailing na lang ako habang nakangiti lang naman si Paul na pinagmamasdan din ang makukulit kong tropa.
Dali dali naming tinungo ang venue,may mangilan ngilan na ding nandun,mga naka upo sa buhanginan habang nagsasaya at nag iinuman,may tulad din namin na grupo din,may magkasintahan,meron ding solo.
Kami lang ang bukod tanging pinaka madame,pumuwesto na kami at bumuo ng pabilog,nasa gitna namin ang mga alak at pulutan.
Sa gilid ng stage ay may videoke machine para sa mga gustong kumanta.
Nagsimula na kaming mag inuman,kwentuhan,harutang walang humpay. Nag spin the bottle pa kami na puro katarantaduhan mapa truth mano consenquence,ang saya lang!
Naka dalawang case na kami ng Red Horse pero wala pang nalalasing,sadyang malakas talaga ang tolerance namin sa alak.
Pero hindi naglaon ay may mga nag open up na din,mga problema sa buhay,trabaho hanggang nadako ang usapan sa amin ni Paul.
“Anong plano nyo sa relasyon nyo Paul? I mean diba sa sitwasyon nyo” si Lovelee ang nagtanong.
Ngumiti si Paul at inakbayan ako. “mamaya malalamon nyo” naka ngiting sagot nito sa tropa.
“nu ba yan,pa suspense!” reklamo ni Nikkie at tumawa kami.
Turn na ng tropa namin sa pagkanta,dahil likas na magagaling kumanta ang mga ito,nakaka agaw pansin kami,lalo na ang mga babae samin,may mga nagpapakilala pa sa mga ito.
“ako na pala kakanta” ani Paul,tumayo ito at pumunta sa mini stage.
“kumakanta yun?” tanong ni Aiza.
“yata,hindi ko alam” simple kong sagot sa mga ito at inabangan kung ano ang kakantahin niya,dahil sa totoo lang,hindi ko din alam na kumakanta pala ang boyfriend ko.
Nanlaki ang mata ko ng tumugtog na ang intro ng kanta, alam ko yung kanta dahil paborito ko yon!
We’ve said it all
A thousand times before
Been to the wall
And always found somewhere to turn
There was always more to learn
(naglakad ito palapit sa amin at hinawakan ako,dinala sa mini stage)
We’ve reached the end
And almost closed the door
And someone within
I never can remember who
All I know is that we’ve found
The strength to make it through
Love always finds a way
When the clouds have no silver lining
He comes thru shining
Love always sees the light
Through the darkest night
In a small way
Love always finds a way
(niyakap nya ako habang patuloy pa din sa kanta)
Holding you near
After the storm has passed
It becomes clear
When all our tears have finally dried
That no matter how we fools
May try to turn the tide
Love always finds a way
When the clouds have no silver lining
He comes thru shining
Love always sees the light
Through the darkest night
In a small way
Love always finds a way
And in this moments
when the magic seems to fade
We must remember then that’s the time to keep
on Believing and I’ll be a friend If we both trust
In what we really feel
The two of us
Can hold tomorrow in our hands All it takes is just the faith to truly understand that…
(lumuhod sya sa harap ko na ikinabigla ko)
Love always finds a way When the clouds have no silver lining He comes thru shining Love always sees the light Through the darkest night In a small way Love always finds a way
Tapos na ang kanta pero nakaluhod pa din sya sa harap ko,medyo nailang na ako dahil mas dumami na ang mga tao.
“Pam” panimula nito na nakatapat pa din ang Mic sa bibig.
“Tulad ng kantang yon,alam kong madami kang pinagdaanang hirap sa buhay at sa pag ibig,pero wag kang mag alala,nandito na ako para sayo,tulad sa kanta hinanap ng pag ibig ko ang pag ibig mo,sila ang gumawa ng paraan para pag tagpuin tayo” anito na punumpuno ng pag ibig sa mga mata habang nakatingin sa akin,pati ako biglang lumakas ang pintig ng puso,parang sasabog ang dibdib ko.
“noong una naguluhan ako sa nararamdaman ko,bago sakin ang lahat ng ito,nagduda pa ako sa kasarian ko, pero wala akong ginawa kundi tanggapin na iniibig na kita,ayoko pahirapan ang sarili ko, wala akong paki alam kung pareho tayong lalaki,ang tanging concern ko lang ay ang pagmamahal ko sayo,mahal na mahal kita Pam,diba nga if its meant to be,its meant to be,and we are meant to be,I love you so much Pam” dugtong pa niya.
Ang lakas padin ng kabog ng dibdib ko, ng may kunin sya sa bulsa na maliit na kahon,at ng isuot nito ang singsing sa akin ay para akong matutunaw na ewan,parang gusto lumabas ng puso ko sa sobrang kasiyahan.
“Pam,will you be my other half for the rest of my life?” ani Paul.
Hindi ko maibukas ang aking mga bibig,para bang namanhid na ito sa sobrang tuwa, samantalang ang mga taong ngayon ay nanonood sa amin ay hindi magkanda mayaw sa pag sigaw.
“Y-yes Pam, Yes!” sa wakas ay nasabi ko din, agad itong tumayo at niyakap ako saka siniil ng halik na walang pag alinlangan kong tinugon.
Palakpakan ang mga tao sa amin,nawala ang hiya ko,pakiramdam ko ako ang pinaka swerteng tao sa buong mundo. Hindi ko tuloy mapigilang maluha sa kaligayahan.
“Dont cry Pam”
“Ikaw kasi eh! Sobrang pinasaya mo ako” hampas ko sa kanya sabay yakap.
Pagkalapit namin sa tropa ay kinantsawan pa kami ng mga ito,kiss daw at game namang pinaunlakan namin ni Paul.
“nakakarami kana ah,chansing yan!“biro ko dito at humagikgik lang ang kumag.
“wag na umarti teh! Ikaw na!” sabat ni Aiza na nag thumbs up pa sa akin,nilapitan ko ito at niyakap.
“salamat aiza” sabi ko.
“walang kaso,basta masaya ka,masaya na din kami,atleast ngayon,kampante na kami na may mag aalaga sayo” sagot niya sa akin.
“alas dose na! Merry Christmas!!“sigaw ni Nikkie.
“Merry Christmas!” sabay sabay namin sigaw, nag group hug at binati ang bawat isa.
“Pam,Merry Christmas,ito ang pinaka masayang Pasko ko dahil sayo,maraming salamat,ikaw ang kaligayahan ko, pangako hindi kita bibitawan” bulong ni Paul sa akin,hindi ko sya sinagot,bagkus ay ginawaran ko ito ng mapagmahal na halik.
WAKAS
![Cover of Love Always Finds A Way [EDITED] - Completed](/story-covers/love-always-finds-a-way-edited-completed_3946434.webp)
