LOVE AT FIRST FIGHT (BOYxGAY)
PaulineHicarte5 · 2 chapters · 1,058 words
AUTHOR NOTE
Ang
kwentong
ito ay isang
katang
isip
lamang
. Gusto ko lang
ibahagi
ang mga
nabubuong
kwento
sa isip ko. Sana
magustohan
niyo.
Chapter: 01 LAFS
Luna POV
“Luna gising kana dyan. May pasok kapa ah.” Tawag sakin ng kuya ko. Si kuya luca. Dalawa lang kami magkapatid kaya magkasundong-magkasundo kaming dalawa. Sweet si kuya luca at maalaga siya bilang kapatid. Kaso may pagkastricto siya. Kahit na hindi ako totoong babae ay marami siyang binagbabawal.
Oo hindi ako totoong babae. Dahil isa akong gay. Mag papakilala muna ako para magkasundo rin tayo.
Ako nga pala si luna. 17 y/old. Taga probinsiya ako pero ngayon lumipat na kami ni kuya dito sa manila dahil kaming dalawa lang naman na. Pumanaw na kase ang magulang namin. Wala rin gustong tumanggap samin na kamag-anak kaya naisip ni kuya na lumuwas kami ng manila para dito nalang mamuhay. Isang taon na kami dito ni kuya luca at naka tira kami sa isang apartment.
Tumigil na rin sa pag aaral si kuya luca at naisipan na mag hanap ng trabaho. Naka hanap naman siya kaso sa isang grocery store lang. Okay na rin yon para kahit papano ay kumikita parin siya. 22 y/old na si kuya luca.
Maputi ako, sexy ang marami nag sasabi sakin na maganda raw ako lalo na sa school pero hindi ako naniniwala kase hindi naman ako nagagandahan sa sarili ko. may mahabang buhok din ako na kulay itim. hindi katangkaran. May dede rin ako pero hindi rin naman malaki. Sakto lang. Tinigil kuna kase ang pag inom ng pills simula ng malawa si mama. Saka ayoko rin naman ng sobrang laki.
“Alam mo mag almusal kana dyan. Anong oras na oh.” Biglang sabi naman ni kuya. Tumingin naman ako sa relo na naka sabit sa may ding-ding.
“Kuya 6am palang naman. Saka mamayang 8 pa pasok ko.” Sabi ko naman sa kanya.
“Inumin muna yang gatas mo saka maligo kana rin dahil ihahatid na kita sa school mo. 7 ako aalis luna. Kumilos kana.” Naiinis na sabi nito. Inubos ko naman agad ang gatas na tinimpla niya ako ako nag tuloy sa banyo para maligo.
Nan dito na nga ako sa labas ng school. Parang ayoko pa tuloy pumasok sa loob. 7 palang naman kase. May isang oras pa sana ako sa bahay habang naka hilata sa kwarto ko. Si kuya kase sinabay pa ako eh kaya ko naman lakarin papunta dito. Para tuloy akong bata na hinahatid pa.
“Pumasok kana don.” Sabi nito habang tinutulak ako papasok sa loob.
“Oo na. Papasok na.” Nasabi ko nalang saka ako nag paalam sa kanya at nag lakad papasok sa loob. Thursday ngayon kaya hindi ako naka uniform. Pwede naman eh.
Naka pants at long sleeve ako saka bagpack. Naka tirintas lang din ang buhok ko. Ganito ako eh.
Pag pasok sa sa loob ng room eh may iilan naman na tao sa loob. Naupo naman agad ako sa upoan ko. Saka naman lumapit sakin ang kaklase ko na babae saka ito may inabot sakin na papel.
“Ano to?” Tanong ko sa kanya.
“Pinapaabot ni Miguel.” Sagot naman niya. Kinuha ko naman ito saka ko nilagay sa bulsa ko. Si Miguel na maraming nag kakagusto na mga babae at gay na katulad ko. Pero pwera sakin ah. Hindi ko siya type. Saka marami akong naririnig tungkol sa kanya na kong sinu-sino kasama niyang babae at kahit kanino siya nag bibigay ng sulat sa mga natitipohan niya. Or siguro mas magandang sabihin yong mga ‘nabibiktima’ niya. Pero sorry nalang siya dahil iba ako don.
Ilang minuto pa ang lumipas at nag sidatingan na nga ang mga mga kaklase ko pati si ma’am kaya nag umpisa na din ang klase.
“Sabay na tayo mag lunch.” Biglang sabi sakin ng kaibigan ko si nicky. Kumapit pa siya sa braso ko.
Nag lalakad na kami habang siya ay panay kwento ng mga kaganapan niya kagabi kase birthday raw ng pamangkin niya. Tapos uminom raw siya ng alak. Kaya napangiwi ako ng sabihin niya yon.
“17 ka palanh tumikim kana agad ng alak.?” Tanong ko sa kanya. Ngumiti naman siya sakin na parang kinikilig pa.
“Yong crush ko kase na kaibigan ni kuya inaaya ako. Pero tumanggi naman ako, ang kaso mapilit siya kaya uminom ako ng isa.” Sagot niya naman sabay hawak sa labi niya na akala mo hinalikan sa labi. Humawak pa siya sa pisnge niya na akala mo talaga may nangyari eh.
“Kilig na kilig.” Sabi ko sa kanya. Hinampas niya naman ako sa braso ko.
“Enebe! Kase naman don ako uminom sa ininoman niya. Kaya parang nag kiss narin kaming dalawa.” Sabi niya naman. Tinaasan ko naman siya ng kilay.
“Kadiri.” Nasabi ko naman sa kanya saka ako nag tatakbo. Sumigaw naman siya kaya pinagtitinginan kaming dalawa.
Nakarating naman kaming dalawa saka nag hanap naman kami ng mauupoan. Ng makahanap kami ay naupo na ako.
“Ikaw nalang mag order, sabay mo nalang ako.” Sabi ko sa kanya.
Tumango naman siya kaya binigay ko naman sa kanya ang pera ko. Bigla naman tumunog ang phone ko kaya kinuha ko naman ito sa bulsa ng pants ko. Pag tingin ko sa screen si kuya pala.
“ Nag lunch kana?“ Bungad na tanong niya.
“Hindi pa. Pero nan dito na ako sa canteen kasama si nicky.” Sagot ko naman sa kanya.
“ Nakalimutan ko
bigyan
ka ulit ng
baon
.
Kasya
pa ba ng pera mo dyan?“ Tanong niya pa.
“Oo kuya. Saka meron pa naman ako dito kaya okay lang.” Sagot ko naman sa kanya.
“ Di kita
masusundo
mamaya dyan. Hanggang
7pm
pa kase ako dito.“ Sabi pa niya.
“ Don ka nalang muna sa tindahan ni
nanay
tin mag
hintay
sakin.“ Dugtong pa niya.
“Okay.” Maikli sagot ko sa kanya saka ako nag paalam dahil dumating naman na si nicky.
“Si kuya luca.?” Tanong niya saka siya naupo sa kaharap ko. Tumango naman.
Isa lang kase ang susi ng apartment namin saka siya ang naghahawak non. Pag ako kase baka mawala ko. Minsan kase makalilimutin ako eh.
Nag umpisa naman kami kumain ni nicky habang nag kukwentohan. Ang dami niyang baon na kwento eh. Pero bukag bibig niya talaga ang crush niya. Rodel raw ang name ng crush niya. Hindi raw gwapo ang pangalan pero gwapo raw ito sa personal.
Loko din eh kaya natawa ako ng sabihin niya yon.
••••••
Itutuloy….

