loading

storiescollectionschaptersauthorsgenrestagsstories
LOVE AT FIRST SIGHT (BOYxGAY)

LOVE AT FIRST SIGHT (BOYxGAY)

PaulineHicarte5 · 4 chapters · 4,774 words

Chapter: 03 LOVE AT FIRST SIGHT

Ersha POV

Natapos palang ako mag hugas ng plato at mag ligpit sa kusina kaya pinuntahan kuna sila sa sala kaso pag dating ko bigla naman pumasok ang tatlo kaya napanguso ako.

“Bakit ka nan dito?” Mataray na tanong ko kay gray.

“Eh gusto kita makita eh.” Sagot niya naman.

“Ay nako.” Nasabi ko nalang saka ko siya tinalikuran.

“Hanggang ngayon ba galit kapa rin sakin.?” Tanong niya. Tumingin ako sa kanya.

“Oo dahil nakakainis ka.” Sagot ko sa kanya.

“Ilang beses na ako nag sorry sayo pero ayaw mo parin ako patawarin.” Sabi niya saka nag lakad palapit sakin.

“Kay jared ka mag sorry hindi sakin kase sa kanya ka may kasalanan.” Sabi naman sa kanya. Kumunot naman ang noo niya.

“Ayoko mag sorry sa lalaking. Saka kasalanan niya naman kong bakit ko nagawa yon sa kanya.” Inis na sabi niya.

“Ng dahil lang sa akbay bigla muna siya sinuntok? Jusko naman gray.!” Sabi ko sa kanya.

“Eh ayoko kase mag lumalapit sayong ibang lalaki eh.” Sabi niya saka ngusumo.

“Bakit? Boyfriend ba kita?” Mataray na tanong ko sa kanya. Ngumiti naman siya.

“Hindi pa pero malapit.” Sagot niya na nakangiti pa. Tinulak ko naman siya palayo sakin.

“Tumigil kana nga. Kakahiya ka may bisita ako.” Sabi ko sa kanya. Saka ako nag lakad papunta kay shandel saka ko siya binatukan.

“Aw!” Gulat na sabi niya.

“Para sakin yon.?” Tanong niya.

“Dahil hindi ka sumunod sa sinabi ko kanina.” Sagot ko sa kanya saka ako naupo sa tabi ni kensha. Siya lang kase ang babae dito.

“Tabi tayo ah.?” Naka ngiting tanong ko sa kanya. Tumango naman siya sakin kaya nagulo ko ang buhok niya.

“Ilang taon kana pala?” Tanong ko pa sa kanya.

“7 po.” Sagot niya.

“Ikaw po ate.?” Tanong niya.

“18 na ako ngayon.” Sagot ko naman sa kanya.

“Gusto mo ba pumunta sa kwarto ko.? Puro kase lalaki yong nan dito saka hindi naman ako pwede uminom.” Tanong ko sa kanya.

“Okay lang po ba?” Balik tanong niya naman. Ngumiti ako saka tumango. Nag paalam naman siya sa mga kuya niya.

“Wag kang magulo don ah.” Sabi pa ng kuya khallid niya.

“Opo kuya.” Sagot naman niya.

“May bisita kapa dito tapos iiwan mo lang.” Sabat naman ni gray.

“Si shandel na ang bahala na mag asikaso sayo dyan.” Sabi ko naman sa kanya saka ko siya inirapan.

Iniwan kuna nga sila sa sala. Alam naman na ni shandel na ayoko kaharap yon si gray dahil naiinis talaga ako sa lalaking yon.

Nan dito na kami ni kensha sa kwarto ko. Pinaupo ko naman siya sa kama ko saka ko binuksan ang maliit na ref na nan dito sa kwarto ko. Kumuha ako ng maiinom na juice saka ko binigay sa kanya. Kumuha na rin ako ng chocolate saka ko binigay sa kanya.

“Thank you po ate.” Masayang sabi niya.

“Sa bahay ko nalang po ito kakainin. Ipapakita ko po kay mama.” Naka ngiting Sabi niya naman.

“Okay. Kuha lang ako ng lagayan.” Sabi ko sa kanya saka ako tumayo para kumuha ng maliit na lalagyan sa may maliit na kabinet saka ko ito binigay sa kanya.

Kumuha ulit ako ng chocolate saka ko ulit siya binigyan.

“Ang dami na po nito ate. Baka maubos na yong sayo.” Nahihiyang sabi niya naman.

“Okay lang. Regalo sakin to ni shandel saka ni daddy.” Sabi ko naman sa kanya.

“Ganon po ba. Okay po. Thank you po ulit.” Sabi niya saka niya binuksan ang isa saka niya ito kinain.

Nag kwentohan lang kaming dalawa habang kumakain. Nakakatuwa siya kausap. Ang daldal niya kase saka hindi siya mahiyain hindi katulad ng ibang bata.

“Ate gusto mo po ba sumama sakin sa bahay?” Biglang tanong niya.

“Pwede naman. Kaso baka magalit ang mga kuya mo.” Sagot ko naman sa kanya.

“Mababait po yong mga kuya ko kaya hindi po yon magagalit.” Sabi niya naman.

“Sama kana ate pakilala na din po kita kay mama saka kay papa.” Dugtong niya pa. Ngumiti ako sa kanya.

“Sige. Pero mag bibihis muna ako.” Naka ngiting sabi ko.

“Sige po ate. Hintayin po kita sa labas.” Naka ngiting sabi niya. Tumango naman ako sa kanya.

Nag suot ako ng long sleeve saka ako nag palda. Inipitan ko rin ang buhok ko saka ako nag lagay ng kunting lip tint. Nag lagay rin ako ng kunting pabango. Ng okay na ay kumabas na ako.

“Ganda niyo po talaga.” Naka ngiting sabi niya. Ngumiti naman ako sa kanya pabalik.

“Thank you.” Naka ngiting sabi ko sa kanya.

Pumunta na kami sa sala kong nasan sila. Mag papaalam raw siya sa mga kuya niya na uuwi na siya at isasama niya raw ako para ipakilala sa magulang niya. Sinabi ko rin na mag papaalam ako kay shandel.

“Kuya uuwi na po ako kasama ko po si ate ersha.” paalam niya. Napatingin naman silang lahat sakin.

“Lalabas ka ng ganyan yong suot mo.?” Tanong naman ni gray.

“Paki mo. Eh dito lang naman ako sa katabing bahay.” Mataray na sagot ko sa kanya.

“Kahit na. Lalabas ka parin.” Sabi niya naman.

“Wag ka nga feeling boyfriend dyan.” Inis na sabi ko.

“Bahala ka nga.” Nasabi niya nalang saka ako tumingin kay shandel.

“Sama muna ako sa kanya ah. Ikaw na muna bahala dito.” Sabi ko sa kanya. Tumango naman siya kaya ngumiti ako.

“Teka. Ano yang dala mo.?” Tanong ng kuya ni kensha na si kenji.

“Juice saka chocolate.” Sagot niya.

“Bigay to ni ate ersha. Wag kana mag tanong dyan aalis na kami.” Sabi niya pa saka dumila sa kuya niya.

“Sige na. Paki sabi kay mama na uuwi rin kami maya-maya.” Sabi naman ng kuya khallid niya. Tumingin naman siya sakin saka ngumiti kaya napaiwas naman ako ng tingin sa kanya.

“Babye po.” Paalam ni kensha kay shandel. Ngumiti naman si shandel sa kanya saka nag paalam rin.

“Balik ka ulit dito.” Sabi ni shandel sa kanya. Tumango naman siya saka ngumiti.

Lumabas na kami ng bahay saka kami nag tuloy sa bahay nila. Pag pasok namin sa loob sinalubong agad kami ng mama niya. Napatayo naman ako papa niya na naka upo sa sala habang nanunuod ng tv.

“Magandang hapon po.” Naka ngiting bati ko sa kanila.

“Magandang hapon rin hija and happy birthday.” Sabi naman ng mama niya sakin.

“Thank you po.” Sagot ko naman sa kanya.

“Maupo ka muna mag hahanda lang ako ng meryenda.” Sabi pa nito.

“Nako wag na po. Busog pa po ako.” Pag tanggi ko naman.

“Sigurado ka.?” Tanong niya pa. Tumango naman ako.

Ngayon ko lang napansin na wala nga pala akong dala para ibigay sa kanila kase hindi naman pala sila pumunta sa bahay. Kaya tumayo ulit ako mula sa pagkakaupo ko.

“Sandali lang po may nakalimutan po pala ako sa bahay. Kunin ko lang po.” Paalam ko sa kanila.

“Sige. Balik ka ulit ah.” Sabi naman ng mama niya.

Lumabas na ako ng bahay nila saka ako mabilis na nag tuloy sa bahay. Pag pasok ko napatingin silang lahat sakin. Saka ako nag tuloy sa kusina pag kumuha ng cake katulad ng binigay ko kay kensha. Kumuha ako ng dalawa saka ako kumuha ng soft drink. Kumuha rin ako ng tinapay saka ko ito nilagay sa paper bag. Kumuha rin ako ng chocolate saka ako nag tuloy sa sala.

“Shandel kumuha ako nito ah.” Paalam ko kay shandel.

“Ano yan.?” Tanong niya. Inaya ko siya na lumapit sakin.

“San mo naman dadalhin yan?” Tanong niya pa.

“ Don kala kensha

nahiya

kase ako sa mama at papa niya kase diba di sila pumunta dito sa bahay saka hindi naman tayo nag luto ng marami kaya

bibigyan

ko nalang sila nito.“ Mahinang sagot ko naman sa kanya.

“Ah okay. Mag grocery nalang ulit ako saka bibilhan nalang ulit kita niyan.” Sabi niya. Ngumiti naman ako sa kanya. Saka ko siya niyakap. Ganito kami kaclose.

“Yayy.. thank you.” Masayang sabi ko.

Nag paalam na ulit ako sa kanya saka ako mabilis na pumunta sa bahay nila kensha.

“Pasensiya na po hindi po kase nag luto ng marami kaya ito nalang po maibibigay ko.” Nahihiyang sabi ko sa mama ni kensha.

“Nako nag abala kapa. Pero salamat dito.” Sagot naman ng mama niya.

“Tita Kristen nalang itawag mo sakin.” Naka ngiting sabi niya.

“Sige po tita.” Masayang sabi ki naman.

“Tito Miguel naman itawag mo sakin.” Sabi naman ni tito Miguel.

“Sige po tito.” Naka ngiting sagot ko rin sa kanya.

“Ako naman po pala si ersha.” Pakilala ko naman.

Naupo naman ako sa tabi ni kensha na abala sa pag inom ng juice na binigay ko sa kanya. Binigyan niya pa ang papa niya ng chocolate na bigay ko sa kanya kanina.

“Okay lang ba sayo na dito kana kumain mamaya.?” Tanong ni tita saakin. Tumingin naman ako sa kanya.

“Okay lang po sakin. Pero po nakakahiya po.” Sagot ko naman sa kanya.

“Ate dito kana po kumain para po sabay-sabay tayo.” Sabi naman ni kensha.

“Sige.” Sagot ko naman sa kanya.

“Mag luluto ako ng paburito nila. Sigurado ako na magugustohan mo rin yon.” Masayang sabi ni tita.

“Sige po tita.” Naka ngiting sabi ko.

Nag paalam na naman si tita na mag luluto raw muna siya kahit 5pm palang naman ng hapon. Sabi naman ni kensha na maaga raw talaga mag luto ang mama niya kase maaga rin raw sila kumakain.

••••••

Itutuloy…..

Chapter: 04 LOVE AT FIRST SIGHT

Ersha POV

7pm na pero nan dito parin ako sa bahay ni tita Kristen. Dahil wala ako magawa dito sa kanila sinabi ko nalang na tutulungan ko nalang siya mag luto. Nilagang baka pala niluluto niya dahil yon raw ang gusto ng mga anak niya lalo na raw si khallid. Sakto raw naka inom kaya masarap humigop ng mainit na sabaw.

Nag paalam na rin ako kay shandel na inaya ako ni tita na dito na kumain buti nalang pumayag.

“Tikman mo nga hija kong okay na ba yong timpla ko.” Sabi ni tita kaya kumuha ako ng kutsara para tikman yong sabay nito. Ng matikman ko ay ngumiti ako sa kanya.

“Ang sarap tita..” masayang sabi ko sa kanya saka ako nag thumbs up. Ngumiti naman sakin si tita.

Ilang saglit pa ay nag hain na siya ng pagkain. Sakto naman na dumating yong tatlo. Si jeff, Kenji at khallid. Ang pula ng mata ni kenji saka ni jeff si khallid ang pula ng mukha lalo na ng tainga niya. Napatingin naman sila sakin lalo na si khallid saka ako nito tinuro.

“Nan dito ka parin?” Tanong niya saka nag lakad palapit sakin. Lumapit naman ako kay tita. Ayoko kase sa lasing tapos ang panget ng amoy ng alak.

“Hinintay mo siguro ako makauwi noh.?” Tanong niya pa saka ngumisi.

“May gusto ka sakin noh.?” Tanong niya pa. Saka tumawa. Tumingin ako kay tita saka humawak sa braso niya.

“Maupo kana nga lang dyan khal. Lasing kana.” Saway naman sa kanya ni tita.

“May gusto sakin yan ma kaya hindi pa umuuwi sa kanila.” Sabi naman ni khallid kay tita. Naka tingin lang ako sa kanya. Ng bigla naman siya mag hubad ng damit niya kaya nagulat kami ni tita sa ginawa niya.

“Miguel yong anak mo pag sabihan mo nga to.” Tawag ni tita kay tito. Lumapit naman si tito kay khallid saka ito inakbayan.

“Maligo kana muna don sa kwarto mo para mahimasmasan ka. Tapos bumalik ka kaagad dito para sabay-sabay na tayo kumain.” Sabi naman ni tito sa kanya.

“Ikaw!” Turo niya sakin.

“Umuwi kana sa inyo ah.! Ayoko sa bakla. Umuwi kana don.!” Inis na sabi niya. Nahiya tuloy ako ng sabihin niya yon.

“Sige po.” Nasabi ko nalang saka ko binitawan ang braso ni tita.

Tumingin ako kay tita at tito saka nag bow at nag paalam na uuwi na. Ayaw pa sana ako paalisin ni tita at hayaan nalang raw yon sinabi ni khallid kaso baka lalong magalit yong pag nakita niya ulit na nan dito pa ako. Kaya sinabi ko nalang na babalik nalang ako sa sunod na araw. Pero parang malabo na mangyari yon.

“Ate mamaya kana po umuwi. Hayaan mo nalang po yon si kuya saka lasing lang po yon.” Sabi naman sakinni kensha. Ngumiti lang ako sa kanya ng pilit saka ko siya pinat sa ulo.

“Marami pa naman next time. Saka pwede ka pumunta sa bahay kahit kelan mo gusto.” Sabi ko naman sa kanya.

“May selpon kaba?” Tanong ko sa kanya. Tumango naman siya sakin.

“Ito yong no.ko para pwede parin tayo mag usap.” Sabi ko sa kanya. Sinave niya naman agad ito.

Tumingin naman ako kay kenji at jeff pero naka tulog na pala ang dalawa sa upoan.

Lumingon ulit ako kay tita at tito saka nag paalam na uuwi na.

“Sige hija. Pasensiya na ulit sa inasta ng anak ko.” Nahihiyang sabi niya. Pero ngumiti lang ako saka kinaway ang kamay ko para sabihin na ayos lang yon.


“Oh kala ko ba mamaya kapa uuwi?” Tanong ni shandel sakin pag pasok ko agad sa loob.

“Naalala ko kase na hindi kupa pala naaayos ang mga gamit ko sa kwarto at sa school.” Pag sisinungaling ko. Ayoko kase sabihin sa kanya ang nangyari dahil alam ko na magagalit siya. Napatingin naman ako sa basag na baso na winawalis niya.

“Anong nangyari?” Gulat na tanong ko sa kanya. Napakamot naman siya sa batok niya.

“Shandel!” Inis na tawag ko sa kanya.

“Hindi naman ako naka basag niyan.” Sabi niya naman. Tiningnan ko lang siya hinihintay ang sasabihin niya.

“Okay. Si khallid may gawa niyan. Nag talo kase sila ni gray kanina.” Kwento niya. Tinaasan ko siya ng kilay.

“Nag talo sila dahil parang nainis si khallid nung sabihin ni gray na nililigawan ka niya. Nahampas niya yong mesa habang hawak niya pa ang baso. Buti nga di siya nasugatan. Kaya pinauwi kuna si gray at umalis na rin sila khallid.” Kwento niya pa. Napabuntong hininga naman ako.

“Mga lasing na kase. Dapat kunti lang ininom niyo.” Nasabi ko nalang saka ko siya tinalikuran.

“Punta na ako sa kwarto ko. Tawagin mo nalang ako kong may kaylangan ka.” Sabi ko sa kanya.

Saka ako nag tuloy sa kwarto ko. Pag pasok ko nahiga agad ako sa kama ko sabay yakap sa unan. Ipipikit ko palang sana ang mga mata ko ng bigla naman kumatok si shandel saka ito binuksan.

“Hanap ka ng mama ni khallid.” Sabi nito kaya bumangon naman agad ako. Tumingin ako sa salamin saka ngumiti.

Lumabas na ako sa kwarto ko saka ako nag tuloy sa sala. Nakita ko naman si tita na may dalang mangko.

“Alam ko hindi kapa kumakain kaya dilahan na kita nito.” Bungad niya agad sakin. Tumingin ako kay shandel.

“Salamat po tita.” Sabi ko naman sa kanya saka kinuha yon bigay niya na nilagang baka. Nag tuloy ako sa kusina saka ko ito sinalin. Hinugasan ko rin yong lalagyan niya ako saka bumalik sa sala para ibalik sa kanya.

“Hatid kuna po kayo sa labas.” Sabi ko naman sa kanya.

Nag lakad na kami papunta sa labas. Humawak pa siya sa kamay ko kaya napatingin ako sa kanya.

“Pasensiya na ulit sa inasal ni khallid kanina. Maski kami ng tito mo hindi rin namin alam kong bakit niya nasabi yon.” Pag hinge ni tita ng pasensiya. Ngumiti lang ako.

“Ayos lang po. Wala po problema yon sakin.” Sabi ko naman sa kanya.

“Napakabait mong bata. Ang swerte ng magiging boyfriend mo hija.” Sabi ni tita. Natawa tuloy ako.

“Wala nga po nag kakamali eh.” Sabi ko naman sa kanya.

“Gusto mo ba ipakilala kita sa pamangkin ko kasing edad mo lang siguro yon. Pinsan nila kenji.” Sabi naman ni tita.

“Pwede naman po hehe.” Nahihiyang sabi ko naman sa kanya. Natawa nalang kaming dalawa.

Nag paalam na siya kaya pumasok na rin ako sa loob. Nag tuloy ako sa kusina para mag handa ng pagkain. Kaso wala nga palang kanin.

“Kala ko kase don ka kakain eh kaya di na ako nag saing.” Sabi ni shandel.

“Ay nako. Bukas ko nalang nga yan kakainin.” Nasabi ko nalang saka ko ito nilagay sa ref.

Bumalik ako sa kwarto ko dahil gusto kuna rin naman matulog. May pupuntahan pa ako bukas.

•••••••

Itutuloy…..

Chapter: 05 LOVE AT FIRST SIGHT

Khallid POV

Uhmmm f*ck ang sakit ng ulo ko.  Anong oras na ba? Kinapa ko naman ang phone ko kong san ko pa nalagay ng makuha ko ito ay tiningnan ko agad kong anong oras na ba.

‘8am na pala.’ Nasabi ko naman sa isip ko. Kaya dahan-dahan naman ako na bumangon para nag tuloy sa banyo dahil kanina pa ako naiihi. Maliligo na rin ako para mawala ang sakit ng ulo ko.

Ng matapos ako ay nag suot lang ako ng sando saka jersey short saka ako lumabas ng kwarto para makapag almusal dahil nagugutom na rin ako.

Pag dating ko sa sala naka salubong ko pa si kenji na papunta yata sa kwarto niya.

“Lagot ka ni mama saka si papa.” Sabi nito sakin kaya napakunot noo naman ako.

“Pinagsasabi mo?” Tanong ko sa kanya. Pero hindi ako nito sinagot kaya napailing nalang ako. Bigla ko naman naalala yong kagabi don sa bahay nila ersha. Sh*t. Nabasag ko nga pala ang baso na ginagamit namin kagabi. Bwisit kasing gray yon. Ewan ko ba pero napikon ako ng sabihin niya na nililigawan niya si ersha. Hindi ko rin alam kong bakit ganon nalang ang naramdaman ko.

“Mag usap nga tayo khal.” Biglang sabi ni papa habang naka upo sa sofa. Bigla naman dumating si mama galing kusina saka ito tumabi kay papa. Kaya naupo na rin ako kaharap nila.

“Alam namin na lasing ka kagabi pero bakit naman ganon ang inasta mo kay ersha kagabi?” Panimila na tanong sakin ni papa.

“Kagabi? Bakit? Ano bang ginawa ko.?” Nag tatakang tanong ko naman sa kanya.

“Dito sana kakain yon si ersha kase tinulungan niya pa ako mag luto kagabi kaso dumating ka lasing na. Natakot tuloy sayo at nahiya pa sa sinabi mo.” Sabi naman ni mama habang napapailing pa.

“Pumunta ka sa kanila ngayon at humingi ka ng tawad kay ersha. Ang bait-bait ng bata eh aaway mo.” Sabi naman ni papa.

“Ano ba kasing ginawa ko kagabi?” Nag tatakang tanong ko. Dumating naman si kensha saka lumapit sakin nagulat pa ako ng bigla niyang hampasin ang balikat ko.

“Para san yon?” Gulat na tanong ko sa kanya.

“Pinaalis mo si ate ersha kagabi!” Galit na sabi niya.

“Pinaalis?” Tanong ko sa kanya.

“Sabi mo sa kanya kagabi. ‘ikaw.’ ‘umuwi kana sa inyo.’ ‘ayoko sa bakla kaya umuwi kana’ yan ang sabi mo sa kanya kagabi. Napayuko nalang siya at halatang nahiya sa ginawa mo. Parang ayaw na tuloy pumunta dito ni ate ersha.” Kwento niya.

Napatakip naman ako sa mukha ko at isip kong totoo ba yong mga sinabi niya na ginawa ko kagabi. F*ck! Bakit ko ba nasabi yon. Baka sa sobrang kalasingan kaya kk nagawa yon sa kanya. Lintik na yan. Baka hindi na yon lumapit sakin at matakot na yon sakin. Baka nga hindi na yon pumunta dito sa bahay. Hayy… Bwisit! Napasabunot nalang ako sa buhok ko saka ako tumayo para pumunta sa bahay ni ersha.

“Kong pupunta ka sa bahay niya ngayon. Mas mabuti pa na mamaya mo nalang gawin dahil wala siya dyan sa kanila.” Biglang sabi ni kensha kaya napatingin ako sa kanya.

“Pano mo naman nalaman.?” Tanong ko sa kanya.

“Nakausap ko si ate kanina para ayain pumunta dito sa bahay kaso sabi niya hindi raw siya makakapunta dahil may date raw siya ngayon.” Sagot naman niya sakin.

“Anong date ang pinagsasabi mo dyan? Saka sinong kadate niya!?” Inis na tanong ko pa sa kanya.

“Hindi niya sinabi kong sino basta sabi niya mamayang hapon pa siya uuwi.” Sagot niya saka tumayo. Naka tingin naman siya sa phone niya.

“Wow!” Mangha na sabi niya habang naka tingin sa phone niya.

“Bagay sila.” Sabi pa niya.

“Sino ba yan?” Tanong ko sa kanya. Hinarap niya naman sakin ang phone niya.

“Si ste ersha kasama ang kadate niya.” Sagot niya sabay patay ng phone niya at lagay sa bulsa niya.

“Don lang po ako sa kwarto ko.” Paalam niya kay mama at walang sabi na tumakbo paalis.

Kadate pala ha. Kala ko ba walang nag kakagusto sa kanya eh sino naman kaya yong bagong lalaki na kasama niya ngayon. Bwisit na yan. Parang ayoko na tuloy pumunta sa kanila at huminge ng sorry sa kanya. Sino ba kase yong lalaki na kasama niya. Saka ano yong sinabi ni kensha na nagkausap sila kanina. At pano siya nagkaruon ng picture ni ersha kasama ang lalaki niya.

Nag madali naman ako ako pumunta sa kwarto ni kensha saka ako kumatok at binuksan ang pinto. Naka upo naman siya sa kama niya.

“Bakit?” Tanong niya.

“Pano ka nag karuon ng picture ni ersha kasama ang lalaking yon.?” Tanong ko sa kanya. Tumingin naman siya sakin.

“Magkachat kami at makatawagan rin kami. Ito nga o katext ko siya ngayon.” Sagot niya naman sabay pakita ng phone niya sakin. Lumapit naman ako sabay kuha ng selpon niya. Kinuha ko naman ang selpon ko sabay picture sa no.niya.

“Kuya magagalit si ate ersha pag kinuha mo ang no.niya.” biglang sabi ni kensha sabay agaw ng selpon niya.

“At bakit naman magagalit yon aber?” Tanong ko sa kanya.

“Dahil ayaw niya malaman mo ang no.niya kase… Basta.” Sagot niya naman saka ako tinalikuran.

“Kase ano?” Tanong ko pa. Hindi naman siya sumagot.

“Bahala ka dyan.” Nasabi ko nalang saka ako lumabas sa kwarto niya. Tiningnan ko naman ang no.niya sa selpon ko. Napangisi naman ako.

Mamaya pag wala pa siya tatawagan kuna talaga siya para pauwiin. Pero bakit ko naman pala gagawin yon eh mukhang galit nga yon sakin dahil nga sa ginawa ko sa kanya kagabi.

Siguro nasabi ko lang yon dahil sa inis ko sa gray na yon. Talagang sasabihin niya pa na nililigawan niya eh ersha eh galit nga sa kanya si ersha. Pero bakit ba ako nagalit sa kagabi. Bakit pati siya nadamay. Kainis.

Kaylangan ko talaga gumawa ng paraan para magkaayos kaming dalawa. Ewan ko pero kaylangan ko mapalapit sa kanya. Gusto ko maging close kaming dalawa. Parang nararamdaman ko ang sinabi ni gray kahapon kay ersha. Ayaw niya mapalapit si ersha sa ibang lalaki. Parang yon rin ang gusto ko mangyari.

Wag lang sana tama ang hinala ko sa nararamdaman ko para kay ersha.

••••••

Itutuloy….

Chapter: 06 LOVE AT FIRST SIGHT

Khallid POV

3pm na ng dumating si ersha kasama ang isang lalaki na kasing taas niya lang at ang liit ng katawan. Tumingin ako sa katawan ko na mas maganda pa kesa sa lalaking kasama niya. Bwisit na yan ngayon lang siya umuwi. Anong oras na ako naka upo dito sa labas kakahintay sa kanya. Napatingin naman sila sakin kaya tumingin naman ako kay ersha pero napaiwas agad siya ng tingin sabay tingin don sa kasama niya at ngumiti pa talaga. Lalo naman ako nainis. Galit talaga siya sakin. Sh*t lang dahil baka nga iniiwasan niya na ako.

“Ingat ka pauwi. Mag text o call ka nalang pag nakauwi kana ah.” Biglang sabi naman ni ersha sa lalaking kasama niya. Hintay ko naman ito makaalis saka ako lumapit kay ersha.

“Pwede ba tayo mag usap?” Tanong ko agad sa kanya ng makalapit ako. Tumingin naman siya sakin. Nagulat naman ako dahil yong mga mata niya ay para malungkot ng makita ako.

“Pagud ako. Next time nalang tayo mag usap.” Sagot niya naman. Mag sasalita pa sana ako kaso tinalikuran niya na ako. Huminga naman ako ng malalim saka ko nilakasan ang loob ko. Bahala na.

“Gusto ko lang mag sorry sa mga sinabi ko sayo kagabi. Lasing lang ako kagabi kaya ko nasabi ko. Wala din ako maalala sa mga nangyari. Si papa at mama at kensha lang nag kwento sakin.” Biglang sabi ko. Natigil naman siya saka tumingin sakin.

“Sorry talaga. Sana mapatawad mo pa ako.” Dugtong ko pa. Pero naka tingin lang talaga siya sakin.

“Pangako hindi na mauulit yon. Pangako talaga. Bigyan mo lang ako ng isa pang pagkakataon.” Dagdag ko pa. Napabuntong hininga naman siya.

“Pasensiya na pero pagud ako.” Sabi niya naman saka ako nito tinalikuran at tuluyan pumasok sa bahay niya. Napamura naman ako ng hindi ko na siya nakita.

Kainis. Hindi niya ba ako kayang patawarin? Ganon ba kasakit para sa kanya ang sinabi ko kagabi? Eh nag paliwanag na nga ako na wala akong maalala. Saka hindi naman na mauulit yon. Bwisit na yan.

Nag lakad naman ako papunta sa bahay na naka kuyom ang kamay ko dahil sa inis.

“Anong nangyari sayo.?” Biglang tanong ni kenji ng makapasok ako. Nahiga naman ako sa sofa saka ko kinuha ang selpon ko sa bulsa ko. Hinanap ko agad ang no.niya saka ko siya tinawagan pero natapos nalang ang kakaring ni hindi niya man lang sinagot.

“F*ck!” Inis na sabi ko, saka ko sinuntok ang sofa. Naupo ako habang hawak ko parin ang selpon ko at paulit-ulit ko siya tinawagan hanggang sa pang lima ay sa wakas sinagot niya na.

“Hello!” Bungad na tanong niya. Hindi naman ako naka sagot agad dahil nagulat ako sa boses niya dahil pati bosea niya ay pambabae talaga.

“Sino to?” Tanong niya pa. Mag sasalita na sana ako pero bigla niya nalang ito pinatay. Napatingin naman ako sa screen ng selpon ko. Kaya tinawagan ko ulit ito pero busy na ang no.niya.

Sino naman kaya ang kausap niya. Nakakainis baka yong lalaki nanaman na kasama niya kanina ang kausap niya. Tumayo naman ako saka ako pumunta sa kwarto ni kensha. Kumatok muna ako saka ko ito binuksan.

“Bakit?” Tanong niya agad ng makapasok ako. Nakita ko naman siya na nag tatali ng buhok niya.

“Saan ka pupunta?” Balik tanong ko naman sa kanya.

“Sa bahay ni ate ersha.” Sagot niya naman na naka ngiti pa.

“Ano naman gagawin mo don.?” Tanong ko pa sa kanya.

“May ibibigay raw siya sakin eh.” Sagot niya pa.

“Gusto mo samahan kita.?” Tanong ko pa. Pero umiling naman siya.

“Wag na kuya dahil alam ko hindi pa kayo okay na dalawa.” Sagot niya saka kinuha ang selpon niya at lumabas ng kwarto niya. Sinundan ko naman siya hanggang sa may gate nila ersha.

“Dyan ka lang kuya baka magalit sakin si ate ersha eh.” Pag pigil niya naman sakin. Napakuyom naman ako at lalong nainis ng pumasok siya sa loob ng gate at iniwan talaga ako dito sa labas.

“Umuwi ka kaagad ah.” Sabi ko sa kanya saka ako bumalik sa bahay.

Naupo ulit ako sa sofa habang hawak ko parin ang selpon ko. Nag text na rin ako sa kanya, sinabi ko na rin kong sino ako pero ni isang reply wala talaga.

Ano bang dapat ko’ng gawin para mapatawad niya ako. Gusto niya bang lumuhod pa ako sa harapan niya para mapatawad ako. Ilang sorry pa ba ang kaylangan ko sabihin sa kanya para mapatawad niya ako. Hindi naman ganon kalaki ang kasalanan ko sa kanya para magalit siya sakin ng ganito.

“Hindi ka pinapansin ni ersha noh.?” Biglang tanong ni kenji sakin. Sinamaan ko naman siya ng tingin. Bigla naman siya tumawa.

“May nakakatawa!?” Inis na tanong ko sa kanya.

“Meron. Yang mukha mo. Hindi na kase mapinta.” Sagot naman ni kenji kaya binato ko siya ng isang unan.

“Kawawa ka naman pala.” Pang aasar na sabi niya pa. Hindi ko nalang siya pinansin dahil baka lahat ng inis ko sa kanya ko pa mabato.

Ilang saglit pa bumalik naman si kensha na may dala na paper bag. Masaya naman ito na pumasok sa loob saka naupo sa tabi ni kenji.

“Pinapabigay ni ate ersha. Sana raw magustohan mo.” Masayang sabi naman ni kensha saka ito may inabot kay kenji. Isa itong t-shirt na kulay itim. Ngumiti naman si Kenji na halatang masaya sa binigay sa kanya.

“Meron din ako saka si mama.” Sabi pa ni kensha. Napatingin naman siya sakin saka ngumiti. Ngumiti naman ako dahil akala ko meron ako.

“Wag ka raw tawag ng tawag at text sa kanya, dahil ayaw niya raw makipag usap sayo.” Sabi pa nito. Napakuyom naman ako sa sinabi niya at inis na tumayo saka ako nag tuloy sa kwarto ko.

Inis ko naman na binagsak ang pinto ko. Napamura pa ako dahil sobrang galit talaga siya sakin. Parang gusto ko tuloy mag lasing ngayon. Hindi ko kase matanggap na galit parin siya sakin at ayaw niya pa ako makausap.

Gusto ko mag lasing at puntahan siya sa bahay niya. Pero… Pero bakit ba ako nagkakaganito? Bakit ba ako nagkakaganito sa kanya eh wala naman kaming relasyon na talaga. Hindi ko naman siya girlfriend? Siguro nga tinamaan na ako sa kanya.

Ito na siguro ang sinasabi na ‘LOVE AT FIRST SIGHT’

•••••

Itutuloy…..


Return to top?
WattHub

Install WattHub

Size unavailable

App name
WattHub
App version
1.48.250
App size
Description
A digital library of Wattpad stories and Filipino fiction, thoughtfully preserved for readers today and tomorrow.
Developer
WattHub Team

Dismiss install banner?

No problem. You can still install WattHub anytime from the download icon in the header.

WattHub

Notifications

Notifications are off

Get notified on this device when the library grows or changes.