loading

storiescollectionschaptersauthorsgenrestagsstories
LOVE AT FIRST SIGHT (BOYxGAY)

LOVE AT FIRST SIGHT (BOYxGAY)

PaulineHicarte5 · 2 chapters · 2,180 words

Chapter 01 LOVE AT FIRST SIGHT

Khallid POV

“ umpisa palang ng araw ng mag away

tayong

dalawa

nagustohan

na agad kita. Hindi ko alam kong bakit pero bigla nalang

tumibok

ang

puso

ko ng makita at

makilala

ko lalo na ang araw ng mag

talo

tayong

dalawa “

“ Baliw kana talaga “

“ Hinding-hindi

talaga ako

magkakagusto

sa

katulad

mo lalo na ang panget ng ugali mo. “

“ Sa ayaw o gusto mo wala ka ng

magagawa

kundi

ang

mahalin

rin ako “

“ Ako lang

ersha

. Ako lang .“


“Hoy kuya gumigising kana raw sabi ni papa. Ang dami niyo pa raw gagawin saka mag papatulong raw yong bagong lipat dyan sa kabilang bahay. Bumangon kana raw dyan!” Makulit na sabi sakin ng kapatid ko na babae habang panay hampas sa braso ko. Dinilat ko naman ang mga mata ko.

“Ano ba kensha natutulog pa ako. Saka bakit ako ang ginigising mo para tumulong sa bagong lipat don.?” Tanong ko sa kanya.

“Dahil yon po ang utos ni papa. Bahala ko. Isusumbong kita. Sasabihin mo na ayaw mo bumangon dyan.” Sagot niya naman. Lumabas naman na agad siya sa kwarto ko kaya bumangon na din ako.

Nag tuloy ako sa banyo para mag hilamos. Dahil kong maliligo na ako ngayon tapos mag bubuhat pa siguradong pag papawisan lang ako kaya mamaya na ako maliligo. Nag hilamos na muna ako at umihi na rin. Tumingin ako sa salamin sabay ngisi ko sa sarili ko. Di naman kase sa pag mamayabang pero magandang lalaki kase ako. Kumbaga may gwapong mukha at malaking katawan at hindi lang yon malaki rin ang karkagada ko sa ibaba kaya hindi na ako mag tataka kong marami talagang nag kakagusto sakin lalo na sa school.

“Hayy.. iba talaga pag gwapo hindi lang babae nag kakagusto pati mga bakla nag hahabol na rin.” Nasabi ko naman sa sarili ko.

Lumabas na ako ng kwarto ko kahit naka boxer at sando lang ako. Dyan lang naman ako pupunta sa katabing bahay. Sigurado pag may babae dyan sa bagong lipat malamang sa alamang mag kakagusto nanaman yon sa sakin.

“Kanina kapa hinihintay ng papa mo para tulungan yong bagong lipat dyan sa kabila. Buti nalang nan dyan si Kenji at ang kaibigan mo kaya sila na ang tumulong.” Bungad sakin ni mama pag dating ko sa sala.

“So tapos na pala.?” Tanong ko kay mama.

“Oo kakatapos lang.” Sagot naman ni naman. Naupo nalang ako sa sofa sabay bukas ng tv. Sakto naman na pumasok si Kenji kasama si jeff.

“Grabe kala ko talaga kanina babae yon eh. Ang puti kase saka ang amo ng mukha niya.” Biglang sabi naman ni jeff habang natatawa pa.

“Kala ko rin nga kanina eh. Unang kita mo talaga sa kanya parang babae talaga eh. Saka pambabae naman kase yong mukha niya.” Sabi naman ni kenji. Nakikinig lang ako sa kanilang dalawa.

“Natanong mo ba ang pangalan non.?” Tanong ni jeff kay kenji. Umiling naman si kenji sa kanya.

“Sino ba yang pinaguusapan niyo.?” Tanong ko sa kanilang dalawa. Naupo naman sila sa tabi ko.

“Yong anak nonv bagong lipat dyan sa katabing bahay natin.” Sagot naman ni kenji sakin.

“Nako pre pag nakita mo yon mag tataka ka kong babae ba yon o lalaki.” Sabi naman ni jeff.

“Bakit naman?” Tanong ko sa kanya.

“Eh mukha kasing babae eh.” Sagot naman ni kenji.

“Putik nahiya ako kanina kase napatitig ako sa mukha niya. Di tuloy makatingin satin kanina.” Sabi pa ni kenji. Parang sira tong dalawang to.

“Baka bakla yon.?” Tanong ko naman sa kanila.

“Bakla nga. Pero maganda.” Sabay naman na sagot naman nilang dalawa. Nagkatinginan pa sila saka tumawa.

“Ewan ko sainyo.” Nasabi ko nalang saka ako napaisip sa pinaguusapan nila. Napangisi pa ako dahil sigurado pag nakita ako non baka mag kusa pa yon na lumapit sakin at mag pakilala.

“Ta-da..” masayang sabi naman ni kensha habang may bitbit ito na cake. Naka lagay pa sa maliit na lalagyan.

“San galing yan?” Tanong ni kenji sa kanya.

“Don sa mukhang babae na maputi. Yong bagong lipat dyan sa tabi natin.” Masayang sagot niya.

“Bakit ka naman binigyan niyan.?” Tanong ko sa kanya.

“Birthday niya kase ngayon.” Sabi niya naman.

“Sigurado may inoman yan mamaya. Baka naman pwede tayo ayain hahaha.?” Sabi naman ni jeff saka sila nag apir pa ni kenji. Loko rin ang mga to eh.

“Sakto yong lipat nila walang pasok ngayon.” Sabi pa ni jeff.

“Wag na kayo umasa na ayain kayong dalawa. Hindi nga kayo kilala ng mga yon.” Sabi ko naman.

“Malay mo naman ayain kami kase tumulong naman kami sa kanila kanina tapos ikaw hindi kase wala ka don.” Sabi naman ni jeff sakin.

“Paki ko naman sa mga yan saka may pupuntahan ako mamaya. Magkikita kami ni Nathalie mamaya.” Sabi ko naman sa kanila saka ako tumayo para lumabas. Titingnan ko ang motor ko kong malinis ba.

“San ka naman pupunta?” Tanong naman ni kenji habang naka sunod sila sakin.

“Titingnan ko ang motor ko kong malinis ba.” Sagot ko naman.

Nan dito kami sa may garahe malapit sa gate kong san naka parada ang motor ko. Napatingin pa ako sa may kabilang bahay ng may tumigil na motor saka bumaba ang lalaki sabay alis ng helmet nito kaya natawa ako sa kulay ng buhok niya. Kulay blue kase. May dala pa itong bulaklak na kulay blue din. Pinares pa talaga sa buhok niya yong bulaklak. Tss.. ang budoy ng lalaking to.

“Happy birthday” masayang sabi nito sabay bigay ng bulaklak don sa kaharap ng babae. Napatulala naman ako ng makita ko itong ngumiti. Ang puti niya at ang kinis ng mukha niya.

“Thank you.” Sabi naman nito don lalaking nag bigay ng bulaklak sa kanya.

Napaiwas naman ako ng sabay sila napatingin sa gawi namin. Tumingin pa ako sa dalawa.

“Punta kayo dito mamaya ah.” Pag aaya ng lalaki dito sa dalawang kasama ko. Ngumiti naman tong dalawang loko saka tumango. Nag apir pa.

“Ang ganda niya talaga lalo na pag naka ngiti.” Rinig ko na sabi ni jeff. Sinamaan ko naman ito ng tingin.

“Oh bakit?” Tanong ni jeff sakin.

“Pupunta kayo don? Kilala niyo ba yon.?” Balik tanong ko naman sa kanya.

“Hindi. Pero inaya kami eh.” Sagot niya naman.

“Uuwi muna ako para maligo.” Sabi naman ni jeff saka sumakay sa bike niya. Malapit lang kase ang bahay niya dito samin. Pero pag sa school siya pupunta naka motor niya.

“Ako rin maliligo na muna.” Sabi naman ni kenji saka umalis at iniwan ako dito sa labas. Tumingin naman ako don sa dalawa pero wala na pala. Pumasok na rin siguro don sa loob.

Bahala sila basta ako may date ako mamaya at sisiguradohin ko na mag eenjoy ako sa pupuntahan ko.

•••••••

Itutuloy….

Chapter: 02 LOVE AT FIRST SIGHT

Khallid POV

3pm kaya naka ready na ako para umalis. Pag dating ko sa sala nakita ko naman si jeff at kenji na bihis na bihis akala mo ang layo ng pupuntahan. Pati si kensha naka bihis rin.

“San ka naman pupunta.?” Tanong ko kay kensha.

“Don sa kapitbahay dahil inaya si ako ni kuya shandel.” Sagot niya.

“Sinong kuya shandel naman yon.?” Tanong ko pa.

“Yong lalaking kulay blue yong buhok.” Naka ngiting sabi niya.

“Ahh yong badoy na lalaki na parang ewan yong buhok.” Natatawang sabi ko. Sumangot naman si kensha ng sabihin ko yon.

“Kuya naman. Ang cute nga ng kulay ng buhok niya saka nakakakilig sila tingnan kanina.” Sabi niya pa.

“Sino naman.?” Tanong naman ni kenji.

“Ano nga ulit ang pangalan non. Sinabi na sakin kanina eh naka limutan ko pa. Basta yong mukhang babae yong mukha. Yong maputi.” Sagot naman ni kensha.

“Mag jowa ba yong dalawa.?” Tanong naman ni jeff.

“Parang.. ang sweet nila kanina mag asaran eh.” Sagot pa ni kensha.

“Tara na nga puro kayo tanong.” Sabi pa ni kensha. Tumingin sila sakin.

“Pano kuya punta muna kami sa kabila.” Paalam ni kenji sakin.

“Bahala kayo. Aalis na rin ako.” Sabi ko naman sa kanya.

Sabay-sabay na nga kami lumabas ng bahay. Pag dating namin sa gate nan don naman naka tayu sa labas yong lalaki na kulay blue ang buhok. Kumay pa ito samin pero umiwas naman ako ng tingin sa kanya dahil natatawa talaga ako sa buhok nababaduyan kase ako.

“Pinapapunta na kayo ni ersha sa bahay.” Biglang sabi nito kaya napatingin ako sa kanya ng mabanggit niya ang pangalan na yon. Parang narinig kuna kase yon hindi ko lang maalala kong saan.

‘ersha?’ Bulong na tanong ko sa sarili ko.

“Pano kuya aalis na kami maiwan kana namin dyan.” Paalam ni kenji sakin. Tumingin ako sa kanila habang papalabas sila sa gate.

“Sandali!” Pag pigil ko sa kanila kaya napatingin sila sakin.

“Sasama ako.” Biglang sabi ko pa. Hindi ko alam pero gusto ko makilala ang ersha na to dahil narinig kuna talaga ang pangalan na yon eh.

“Sigurado ka?” Tanong sakin ni kensha. Kumunot naman ang noo ko na tumingin sa kanya.

“Oo.” Sagot ko naman sa kanya.

“Diba may date kapa.?” Tanong niya pa.

“Ako na bahala don.” Sagot ko pa.

Binalik ko naman ang helmet na hawak ko saka ako sumunod sa kanila. Tumingin ako don sa kulay blue ang buhok pero ngumiti lang siya sakin.


Nan dito na kami sa loob ng bahay ng ersha na yon. Napakalinis ng bahay nila at ang bango pa sa loob. Pareho lang naman ang style ng bahay namin sa labas pero bat parang mas maganda yong loob ng bahay nila. May hagdan din kami pero sa kanila ang linis at bagong-bago pa.

“Maupo na muna kayo dyan tatawagin ko lang si ersha sa kwarto niya.” Biglang sabi nilang kulay blue ang buhok kaya naupo naman kami.

“Mag jowa nga siguro silang dalawa kase pumapasok siya sa kwarto ni ersha eh.” Sabi naman ni jeff.

Ilang saglit pa dumating na yong kulay blue yong buhok. Naka sunod naman sa kanya yong babaeng ang puti ng balat. Ang kinis at medyo mahaba ang buhok nito na kulay itim. Ang ganda ng mukha niya at ang tangos pa ng ilong. Yong labi niya na kulay pula at yong mata niya na parang inaakit ka sa tingin. Bwisit na yan. Ito ba yong sinasabi ni jeff at kenji kanina na akala nila babae? Pero kong bakla nga talaga ito? Ibig sabihin isa na rin ako sa nabiktima ngayon. Naalala ko na bakla nga pala ito pero bakit mukha siyang babae?

“Kumain na muna kayo para mamaya mag inom raw kayo sabi ni shandel.” Biglang sabi ni ersha habang naka ngiti at naka tingin samin.

“Babae kaba o ano?” Wala sa sariling tanong ko kaya bigla naman ako siniko ni kenji na katabi ko. Kinurot naman ako ni kensha. Tumawa lang siya sa tanong ko habang winawagayway ang kamay niya sa harap ko.

“Maniwala ka man sa hindi pero gay ako. Mukha lang akong babae pero gay talaga ako. Si mommy kase.” Naka ngiting sagot nito.

“Hehe pasensiya kana ate sa kuya ko.” Sabi naman ni kensha sa tabi ko.

“Nga pala ate ersha. Siya nga pala ang mga kuya ko. Si kuya khallid, kuya kenji at ito si kuya jeff kaibigan ng mga kuya ko. At ako naman si kensha.” Pakilala saamin ni kensha. Ngumiti ulit si ersha samin.

“Ang cucute ng mga pangalan niyo lahat letter K.” Sabi naman ni ersha.

“Ako naman si ersha at ito naman si shandel pinsan ko.” Pakilala naman niya samin.

“Tara na sa kusina naka handa na kase ang pagkain don. Hindi na masarap yon pag lumamig.” Naka ngiting sabi niya.

“Mag iinom ka rin ba ate.?” Tanong ni kensha sa kanya.

“Hindi eh ayaw kase ako payagan nito.” Sagot naman ni ersha sabay turo kay shandel.

“Bakit naman.?” Tanong naman ni kenji sa kanya.

“Ewan ko dyan. Eh 18 naman na ako ngayon kaya pwede na ako uminom pero ayaw niya.” Sagot naman ni ersha.

“Ate may boyfriend kana po ba.?” Biglang tanong ni kensha kay ersha. Ngumiti naman si ersha sa kanya saka umiling.

“Wala pa nga eh. Wala kase nag kakagusto.” Natatawang sagot ni ersha sa kanya.

“Hhaaaa…!?” Gulat na sabi ni kensha sa kanya. Natawa lang siya sa naging reaction ni kensha.

“Tumigil kana nga kakatanong mo.” Inis na sabi ko kay kensha. Nakakahiya na panay tanong pa.


Natapos na kaming kumain kaya nag prisinta naman na siya na raw ang mag huhugas ng kinainan namin. Kaya nag aya naman si shandel na don nalang kami sa sala mag inom.

“Shandel wag mo papapuntahin dito si Gray.” Biglang sabi ni ersha sa kanya.

“Bakit naman.?” Tanong ni shandel sa kanya.

“Basta wag mo papuntahin dito.” Sagot naman ni ersha. Nag papadyak pa siya na parang bata kaya natawa ako. Ang cu–– ay shit ano ba to. Napatingin naman siya sakin sabay iwas agad ng tingin. Nahiya siguro.

Kaya napangiti naman ako sa isip ko. Aminin ko man sa sarili ko o ano pero totoo nga na mukha siyang babae at napakaganda niya.

‘Sigurado ako na magkakagusto rin ang isang to sakin.’ Nasabi ko nalang sa isip ko sabay ngisi ng nakakaloko.

••••••

Itutuloy…..


Return to top?
WattHub

Install WattHub

Size unavailable

App name
WattHub
App version
1.48.250
App size
Description
A digital library of Wattpad stories and Filipino fiction, thoughtfully preserved for readers today and tomorrow.
Developer
WattHub Team

Dismiss install banner?

No problem. You can still install WattHub anytime from the download icon in the header.

WattHub

Notifications

Notifications are off

Get notified on this device when the library grows or changes.