loading

storiescollectionschaptersauthorsgenrestagsstories
Love Me Angel

Love Me Angel

lhiamaya · 43 chapters · 75,234 words

A/N

Warning! 🔞

Contains Mature Scenes and Languages

Read at your own risk!

;)

Teaser

Jeizhiro

Pabiling biling ako sa kama at hindi makatulog. Init na init ang pakiramdam ko samantalang malamig naman dahil sa malakas na buga ng aircon idagdag pa ang malakas na ulan sa labas.

Pasado alas dose na ng gabi ay gising na gising pa rin ang diwa ko. Pati na rin ang bagay na nasa pagitan ng hita ko.

Napabalikwas ako ng bangon at marahas na hinilamos ang palad sa mukha. Tumingin ako sa pader. Sa kabilang kwarto kung nasaan ang babaeng gabi gabing nagpapainit sa malamig kong gabi. Ang asawa kong malamang ay mahimbing na ang tulog ngayon kapiling ang mga unan.

Fuck! Hindi ko na kaya!

Tumayo ako at lumabas ng kwarto. Tinungo ko ang kabilang kwarto at pinihit ang door knob. Hindi ito naka lock. Tahimik kong binuksan ang pinto at dahan dahang pumasok.

Napalunok ako ng makita ko ang pigura nya sa tulong ng malamlam na liwanag galing sa lampshade. Lumapit ako sa kanya at maingat na umupo sa gilid ng kama. Mahimbing ang tulog nya at bahagya pang nakaawang ang bibig. Ang kumot nya ay hanggang leeg at nakasabog ang mahabang alon alon nyang buhok sa unan. Kay sarap pagmasdan ng maamo nyang mukha. Ang pilikmata nyang mahahaba na parang sa manika at ang mga mata nyang kapag nakadilat ay parang laging iiyak. Ang matangos nyang ilong na kay sarap haplusin. Ang mapupula nyang labi na nakakatuksong lamukusin lagi ng halik.

Napalunok ako at ang katawan naman nya na nababalutan ng kumot ang pinasadahan ko ng tingin. Dahan dahan kong hinila ang kumot pababa sa katawan nya hanggang sa hita nya. Suot suot nya ang t-shirt kong nagmistula nang bestida nya na umabot lang hanggang kalahati ng makikinis nyang hita. Bahagya pa syang gumalaw kaya nalislis pataas ang damit. Lumantad ang puting panty na suot nya na ako pa ang bumili.

Muli akong napalunok kasabay ng mabibigat kong paghinga. Ang lakas ng pintig ng puso ko na para bang nasa isa akong gyera. Mas lalong nagwala ang halimaw sa pagitan ng hita ko. Mahina akong napamura.

Itinukod ko ang kamay sa magkabilaang gilid nya at yumuko para dampian ng halik ang nakaawang na labi nya. Ang bango ng hininga nya. Magaan kong nilapat ang labi sa labi nya. I’m sorry Ivy. Pero hindi ko na talaga kaya!

Bahagya akong lumayo ng maramdaman kong naalimpungatan sya. Hanggang sa dahan dahan nyang minulat ang mga mata.

“J-Jeiz.. A-Anong ginagawa mo dito? M-May kailangan ka ba?” Natataranta at nauutal na sabi nya at nanlalaki pa ang mga mata. Hindi nya magawang bumangon dahil nakaharang ang katawan ko.

“Yeah.. I need you baby..” Halos pabulong kong sabi.

“H-Ha?”

“Fuck.. I’m sorry Ivy! Hindi ko na kaya.. I want you!” Anas ko sabay siil ng halik sa labi nya. Nakulong ang protesta nya sa loob ng bibig ko. Kinuha ko ng kamay nyang nanlalaban at tinaas sa ulunan nya..

Jeizhiro x Ivy

chapter 1

This story is dedicated to okeebyebye

thank u sa pagpapagamit ng name mo. 😊♥️

Ivy

Napaigtad ako ng marinig ko ang pabalibag na pagsara ng pinto sa sala kasunod nun ang malulutong na palitan ng mura nila tiyang Linda at tiyong Oca.

“Nag aaway na naman sila.” Sabi ng sampung taong gulang kong pinsan na babae.

“Wag mo na silang pansinin Lileth. Kumain ka lang ng kumain para makapasok ka na sa school.” Sabi ko at sinandukan pa sya ng sinangag. Si Kiko naman naman na pitong taong gulang ay sinaway ko sa paglalaro ng pagkain.

Hindi na bago sa akin ang pag aaway nila tiyong at tiyang sa umaga. Wala yatang raw na hindi sila nag aaway. At ang lagi nilang pinag aawayan ay pera.

Mabilisan na lang din akong kumain para makapag ligpit na. Kailangan ko agahang pumunta sa tindahan dahil late ako kahapon. Baka pagalitan na naman ako ni Ka Ene.

“Ate tapos na ako.” Sabi ni Kiko. Ubos na ang laman ng plato nya.

“O sige na, maghugas ka na ng kamay sa lababo.”

Tumalima naman sya. Sumunod na rin sa kanya si Lileth na tapos na ring kumain. Inayos ko muna ang mga suot nilang uniporme. Si Lileth ay tinalian ko ang buhok at si Kiko naman ay pinulbusan ko at nilagyan ng bimpo sa likod.

“Hayan! Ang linis at ang bango nyo nang tingnan.” Nakangiting sabi ko. Para ko na rin kasi silang nakababatang kapatid.

“Salamat ate. Pasok na po kami.” Paalam nila sa akin at hinalikan ako sa pisngi.

Bumalik naman ako sa kusina para magligpit at maghugas ng pinggan. Sila tiyong at tiyang ay nagtatalo pa rin.

Tapos na ako sa paghuhugas at nagpunas ng kamay ng pumasok sa kusina si tiyong Oca kasunod si tiyang Linda.

“Ivy ipagtimpla mo nga ako ng kape!” Utos ni tiyong Oca.

“Ikaw na ang magtimpla at papasok pa sa tindahan yan.” Sabat naman ni tiyang Linda.

Hindi na nagsalita si tiyong Oca at padabog na kumuha ng tasa.

“Papasok ka na ba?” Nakapamewang na baling sa akin ni tiyang habang nakataas pa ang kilay nya.

“Opo tiyang. Kailangan ko pong agahan dahil baka pagalitan na naman ako ni Ka Ene, late na kasi akong pumasok kahapon eh.”

“Aba’y kasalanan mo naman dahil tanghali ka na nagising.”

Hindi naman ako tinanghali ng gising kahapon. Masayado na ngang maaga ang alas kwatro dahil pinaglaba pa nya ako. Nagluto pa ako ng agahan at inasikaso pa sila Lileth at Kiko.

Hindi na lang ako sumagot at baka batukan nya ako.

“Di ba sahod mo na mamaya? Iintrega mo sa akin dahil magbabayad tayo ng kuryente at baka maputulan na naman tayo.” Dagdag pa nya.

“Po?”

“Aba’y nabingi ka na. Ang sabi ko iintrega mo sa akin ang sahod mo dahil magbabayad tayo ng kuryente.” Ulit nya.

Magpoprotesta sana ako pero matalim na ang tingin nya sa akin. Tumango na lang ako. Wala namang mangyayari kung aangal pa ako. Bukod sa sasapukin nya ako ay male-late pa ako sa pagpasok.

Nagpaalam na ako sa kanila at umalis na.

Sukbit sukbit ang luma kong shoulder bag ay mabilis na akong naglakad. May oras pa naman ako para maglakad at hindi malate sa tinakdang oras ng pasok ko. Kailangan ko kasing magtipid. Siguradong simot ang sahod ko mamaya at walang matitira sa akin. Mabuti nga at libre ang pananghalian at meryenda sa tindahan. 

Napabuntong hininga ako kapag naiisip ang sitwasyon ko. Siguro kung hindi namatay si mama ay nag aaral pa rin ako hanggang ngayon. Kabilin bilinan nya sa akin bago sya malagutan ng hininga na magtapos ako sa pag aaral. Kaya nga nag iwan sya ng malaking halaga sa bangko para sa pag aaral ko. Dati kasing teller sa isang bangko sa Manila si mama. Nang magkasakit sya ay pumunta kami dito sa bayan ng Santa Martina. Grade 5 pa lang ako noon. Pero ang perang iniwan ni mama sa bangko para sa pag aaral ko sya sinaid lahat ni tiyang. Mabuti ba kung ginamit nya sa mga pangangailangan sa bahay pero hindi, ginamit nila ni tiyong pambayad nila sa utang sa sugal at sabong. Wala naman akong magagawa dahil katakut takot na sumbat ang aabutin ko. At kapag lalo pa syang nainis ay pagbubuhatan pa ako ng kamay. Wala naman akong kilalang ibang kamag anak. Ang kilala ko lang ay si tiyang Linda na kapatid ni mama kay lola na ang pakilala nya sa akin noong una ay mabait. Mabait naman talaga kapag may pera ka. Ang lola ko naman na nanay ni mama ay matanda na at nakatira sya sa bukid dahil may mga pananim sya doon. Tanging sya lang ang mabait sa akin. Wala naman akong ama. Dahil pinanganak akong walang ama. Wala naman kinukwento si mama. Pero ayon sa naririnig kong usapan nila tiyang Linda at tiyong Oca dati ay taga dito lang daw dati sa bayan na to ang nakabuntis sa mama ko. Gusto ko man syang hanapin ay wala naman akong magawa. Ni hindi ko nga alam ang pangalan nya. Hindi rin naman alam ni tiyang Linda. Dahil kung alam nya daw kung ano ang pangalan at kung saan nakatira ay pupuntahan nya para hingan ng sustento.

Hindi ko maiwasang makaramdam ng inggit kapag nakikita ko ang mga dati kong kaklase na pumapasok sa school. Second year college na sana ako ngayon sa kursong Educ. Kaya nga ako nagtityagang magtrabaho sa tindahan ng prutasan ni Ka Ene para makapag ipon. Mag na-nineteen na rin ako sa isang buwan. Ang bilis talaga ng panahon.

Humugot ako ng malalim na hininga ng matanaw ko na ang malaking tindahan ng mga sari saring prutas na pinapasukan ko. Sa paligid ay mayroon ding mga nagtitinda ng kung ano ano. Nasa bungad kasi ng palengke ang tindahan ng mga prutas.

“Good morning po Ka Ene!” Nakangiting bati ko sa matandang babae na amo ko.

Ngumiti naman sya sa akin. Mabait naman talaga sya may pagka masungit lang minsan.

“Aba nandito na pala ang pinaka magandang tindera sa bayan ng Santa Martina. Mabuti naman napaaga ka. Akala ko late ka na naman eh.”

“Maaga po kasi akong natapos sa mga gawain sa bahay.” Ani ko at nilapag na ang bag sa ilalim ng desk na patungan ng kilohan at nagsisilbi na ring kaha.

“Kuh! Yan talagang tiyahin mo, wala namang ginagawa kundi magsugal lang bakit hindi na lang sya ang gumawa ng mga gawaing bahay. Hanggang ngayong may asawa na tamad pa rin. Malayong malayo talaga sa mama mo noon.” Aniya. Kilala nya kasi ang mama ko noong nabubuhay pa.

Ngumiti na lang ako at hindi na sumagot pa dahil hahaba lang ang litanya nya.

Sinamahan ko na si Tina sa pagsasalansan ng mga prutas. Si Cristy naman o Christian na isang binabaeng kasamahan ko rin ay abala sa pag aasikaso sa isang customer. Bale tatlo kaming tindera dito. Malakas kasi itong tindahan ni Ka Ene.

“Buti hindi ka late. Inalila ka na naman ng bruha mong tiyahin no?” Wika ni Tina. Kapit bahay ko sya at kaibigan ko na rin kaya alam nya ang nangyayari sa bahay namin at kung paano ako tratuhin ni tiyang.

Bumuntong hininga ako. “Sanay na ako dun.”

Umiling iling na lang sya.

Ilang sandali pa ay dumagsa na ang mga mamimili kaya bihira na lang kami umupo. Ganito ang araw araw ko dito sa tindahan. Nag e-enjoy naman ako dahil mababait ang mga kasama ko pati na rin ang mga mamimili. Minsan nga lang hindi maiiwasan ang sobra sobra kung tumawad. Sa halos magda dalawang taon ko na dito ay gamay na gamay ko na ang ginagawa. Nakakapagod dahil sampung oras ang trabaho ko pero masaya naman.

“Pili na po kayo mga suki! Matamis pa at bagong pitas!” Masiglang tawag ko sa mga mamimili.

“Kalahating kilong ubas nga yung seedles.” Anang isang nanay na may bitbit na bata. Agad ko syang kiniluhan ng seedless na ubas.

“150 po madam.” Nakangiting sabi ko at inabot ang supot sa kanya at kinuha ang 200 peso na bayad nya para suklian.

May iba pang namimili na ini-estima nila Tina at Christy. Pati na rin si Ka Ene ay nagbebenta na rin. Dumadami pa ang namimili para ipasalubong sa kanina kanilang mahal sa buhay. Uwian na rin kasi ng mga nagtatrabho. Meron pang magarang pick up na sasakyan ang nasa harap at bumibili din.

“Mukhang magsasara tayo ngayon na maganda ang benta ah. Sana bukas ay ganito din.” Masayang wika ni Ka Ene.

Humupa na ang maraming namimili bagama’t merong paisa isa na lang.

“Paking shet! Nakita mo ba yung isang customer kanina na bumili ng dalawang hinog na papaya bakla? Ang gwapo! Nakaka wet! Parang gusto ko ngang papaya ko na lang ang ibigay ko sa kanya eh.” Parang kinikiliting kinikilig pa na sabi ni Tina.

“Gaga! Wala kang papaya! Dalandan yang sayo. At saka hindi sya sa’yo nakatingin no! Kay Ivy kaya!” Pairap na sabi ni Cristy.

Nilingon ko naman silang dalawa at natatawa na lang sa pabirong sakitan nila.

“Panira ka talagang bakling ka! Inggit ka lang sa akin eh!” Ani Tina na sinasabunutan na si Christy.

“At bakit ako maiinggit sayo? May nilamang ka? Aray!”

“Itigil nyo nga yan! Malamog nyo pa ang mga prutas dyan!” Awat sa kanila ni Ka Ene.

Naghiwalay naman sila at nag ambahan na lang at irap. Tinawanan ko lang sila.

Pagsara ng tindahan ay tinawag na kami ni Ka Ene para sa sweldo namin. Napabuntong hininga ako ng mahawakan ko na ang sahod ko. Kagat labing nag ipit ako ng 500 at siniksik sa loob ng bag ko na may secret pocket. Alam ko naman kasing walang matitira sa sahod ko mamaya. Sana nga lang ay hindi na hanapin ni tiyang ang 500.

Sabay sabay na kaming naglakad sa terminal para sumakay ng tricycle. Isang baranggay lang naman kaming tatlo uuwi. Hindi ko na rin kasi kayang maglakad dahil pagod na rin ang mga binti ko sa katatayo at isa pa gabi na rin. Delikado maglakad baka may makasalubong pa akong bastos na lasing.

Hindi pa ako nakakapasok ng bahay ay dinig ko na ang mga boses ni tiyang Linda at tiyong Oca. Nag aaway pa rin sila.

Dahan dahan akong pumasok at nagmano sa kanila. Walang sali salita na nilahad ni tiyang ang palad. Dinukot ko naman ang pera sa bulsa ko at nilagay sa palad nya.

“Kumain ka na roon Ivy, may natira pang ulam dyan.” Sabi ni tiyang.

“Opo.” Sagot ko. Lihim na lang akong napailing. Tinirhan nila ako ng ulam ngayon dahil sahod ko. Kadalasan kasi hindi nila ako tinitirhan ng ulam, kung susuwertihen matitirhan na lang ako ng sabaw.

Habang kumakain ay hindi pa rin sila tapos sa bangayan.

“Eh pa’no na ang gagawin natin ngayon nyan? Kapag hindi natin sya nabayaran agad ay siguradong bugbog na naman ang aabutin ko.” Ani tiyong Oca.

“Ikaw kasi eh! Ang tanga tanga mo! Pinatalo mo lang yung pera. O pa’no na talaga ngayon yan!” Tungayaw naman ni tiyang Linda.

“Kung magsalita ka ah parang hindi ka rin nakinabang sa inutang ko. Asan na nga pala ang pera? Baka may natira ka pa dyan? Itataya ko uli sa sabong para dumoble.”

“Wala na. Natalo ako kanina ng dalawang libo. Yung isang libo binili ko ng ulam natin.”

“Anak ng! Bente mil ang binigay ko sayo kahapon ah! Ubos na?” Inis na turan ni tiyong Oca.

“Natalo nga ako sa majong at tong its di ba? Hindi ako sinuwerte eh!”

“Ikaw rin pala tatanga tanga eh! O anong gagawin natin ngayon? Isang linggo lang ang binigay na palugit ni Ka Tano at kapag hindi ako nakapag bayad ay siguradong bugbog ang aabutin ko sa tauhan nya! Naiintindihan mo ba?!”

“Naiintindihan ko wag mo kong sigawan gago!” Sikmat ni tiyang Linda kay tiyong Oca.

Ilang saglit silang tumahimik at parang nagpapakiramadam.

Mula dito sa kusina ay kita ang sala kung saan sila nag tatalo. Napapailing na lang ako habang kumakain. Kita mo? Nagkapera pala sila pero hindi man lang nagawang bayaran ang kuryente at sahod ko pa ang nakompromiso. At duda din akong ibayad nga ni tiyang sa kuryente ang sahod ko.

Nag angat ako ng tingin sa kanila at nahuli kong mataman nakatingin sa akin si tiyong Oca. Kakaiba ang tingin nya. Hinagod nya ako ng tingin mula ulo hanggang paa. Ngumisi pa sya. Parang bigla akong kinilabutan sa tingin nya na yun.

“Mukhang alam ko na kung paano tayo makakabayad Linda.”


chapter 2

Jeizhiro

“Jeizhiro!”

Nilingon ko si Mayor Rodolfo ang mayor ng bayan ng San Agustin. Ang bagong employer ko. Nakangiti syang lumapit sa akin.

“Pauwi ka na ba?”

“Yes mayor, may kailangan pa ho kayo?” Magalang kong tanong.

“Wala naman. Magpapasalamat lang ako sa’yo  sa ginawa mo kanina. Salamat at tinulungan mo si Yñigo na masukol si Don Abel. Ligtas ang inaanak ko ng dahil sa tulong mo.” Aniya at tinapik ang balikat ko.

Ngumisi naman ako. “Wala ho yun mayor, at isa pa kahit wala naman ho ang tulong ko ay makakaligtas pa rin ang inaanak nyo. Mahusay ding bumaril eh.”

Tumawa naman sya. “Gayunpaman salamat pa rin. Malaki ang naitulong mo.”

Tumango na lang ako at ngumiti.

“Teka, ayaw mo bang maghapunan muna bago umuwi?” Alok nya.

“Hindi na ho mayor, may dadaanan din ho kasi ako.” Tanggi ko. Tiningnan ko ang oras sa silver wrist watch ko. Mag a-alas singko na ng hapon.

“O sige, mag iingat ka na lang. Kita na lang tayo sa Monday.” Muli nya akong tinapik sa balikat.

Sumakay na ako sa itim na raptor ko at binuhay ang makina. Bumusina pa ako bilang pamamaalam sa butihing mayor. Kumaway naman sya. 

Inatras ko na ang raptor ko palabas ng bukas na malaking gate ng mansion. Sumaludo pa ang isang tauhan sa akin. Binusinahan ko na lang sya at pinausad na ang raptor ko.

Hindi naman ako nag aalalang iwan si mayor pansamantala. Patay na si Don Abel at nahuli na ang lahat ng tauhan nya. Kaya wala akong dapat alalahanin. Dalawang araw lang naman ang hiningi kong pahinga dahil gusto kong bisitahin ang cacao farm namin. Tatlong buwan ko na kasi itong hindi nadadalaw dahil naging abala ako sa loob ng tatlong buwan lalo na ng maging personal bodyguard ako ni Mayor Rodolfo.

Isa akong dating sundalo at 12 years din akong nanilbihan bago nagpasyang magretiro. Gusto ko kasing tutukan ang cacao farm ng mga magulang kong namayapa na iniwan sa akin. Sayang naman kasi kung mapapabayaan lang. Nangako pa naman ako sa kanila na palalaguin ko ito. Noong nabubuhay pa sila ay tutol sila sa pagsusundalo ko dahil buhay ko nga ang nakataya. Mas gusto nila na hawakan ko ang cacao farm namin at palaguin pa. Pero dahil desidido ako at buo ang loob ko ay wala na ring silang nagawa. Kaya ngayon ay  sila naman ang pagbibigyan ko.

Ngunit hindi pa ako nakaka isang taon sa taniman ay nababagot na ako. Namimiss ko ang dati kong trabaho. Yung thrill na nasa bundok ako at nakikipag habulan sa mga rebelde at nakikipag palitan ng putok. Pero hindi naman pwedeng basta basta na lang akong bumalik sa serbisyo. Kaya ng malaman ko na naghahanap ng personal bodyguard si Mayor Rodolfo De Ocampo ay hindi na ako nagdalawang isip na mag apply. Agad din naman nya akong tinanggap lalo na ng malaman nyang isa akong dating sundalo.

Napangiti ako ng makita ko na ang arko na may nakasulat na malaking letra na Santa Martina probinsya ng Kalinaw. Kumakalat na ang dilim sa kalangitan. 20 minutes pa bago ko marating ang baranggay Gitna kung nasaan ang bahay ko. Bumili na lang ako ng litchon manok sa nadaanan kong lechonan at limang incan na beer sa katabing convenient store.

Bumagal ang takbo ng raptor ko ng dumaan ako sa palengke dahil maraming tao ang namimili. Huminto ako sa bungad kung saan may malaking tindahan ng mga prutas. Marami rin ang namimili ng iba’t ibang klase ng prutas.

Napangiti ako ng makita ko ang partikular na tao o babae na mag iisang taon ng nagpapangiti sa akin. Tatlong buwan ko din syang hindi nakita. Busy sya sa pag aasikaso ng mga mamimili. Pero kahit halata na ang pagod sa mukha nya ay hindi pa rin nawawala ang magandang ngiti nya. Kaya hindi na nakakapagtaka kung bakit dinadagsa ang tindang prutas nila. Kahit nga ako na hindi naman talaga mahilig sa prutas ay napapabili na rin makita ko lang ang magandang mukha nya. Pero sa ilang beses ko ng bumibili dito ay isang beses pa lang nya ako pinagbentahan. Ang magdalas magbenta sa akin ay ang kasamahan nyang babae at yung binabae. Minsan yung matandang babae na mukhang may ari.

“Ano pa sa inyo ser?” Nakangiting tanong sa akin ng babaeng maiksi ang buhok na palaging nagbebenta sa akin.

“Dalawang malaking papayang hinog nga.” Sabi ko.

“Ok po ser!”

Binalik ko naman ang tingin sa babaeng maganda na hindi na magkandaugaga sa pag estima kaya tinulungan na ng binabaeng kasama. Sa tantya ko ay nasa edad bente na ito. Nasa limang talampakan at tatlong pulgada ang taas sa tingin ko. Balingkinitan ang kanyang katawan pero mahubog naman. Medyo may kaputian din sya o talagang maputi sya at nabilad lang sa araw. Maamo ang kanyang magandang mukha na parang birheng Maria na binagayan pa ng mahabang alon alon na buhok.

“Ser eto na po! 120 po lahat.” Anang babaeng tindera na bigla na lang sumulpot sa bintana ng sasakyan. Inabot nya sa akin ang supot na may lamang dalawang malaking hinog na papaya. Binigay ko naman sa kanya ang bayad at kinuha ang supot.

“Salamat po ser! Balik po kayo!”

Ngumiti lang ako sa kanya.

Binigyan ko pa ng huling sulyap ang babaeng maganda bago tinaas ang bintanang salamin at pinausad. Next time kukunin ko na ang pangalan nya.

Naiiling na lang ako at nangingisi. Sa edad kong to ngayon pa ako nagka-crush at sa bata pa. Baka mamaya matakot pa sya sa akin.

Ilang taon na ba ng huli akong nagkagirlfriend? 5 years na yata? Tumagal din kami ng halos dalawang taon. Naghiwalay lang kami dahil hindi nya kaya ang ldr. Taga Manila sya at ako naman ay laging nadedestino sa Mindanao. Ang huling balita ko sa kanya ay kinasal na sya. Masaya ako para sa kanya. Ako naman ay hindi pa pumapasok sa isip ko ang usaping kasal. Sa dami ng babaeng nakilala ko at nakasalo sa panandaliang kaligayahan ay wala ni isa sa kanila na masasabi kong handa kong iharap sa dambana. Hindi na rin naman ako bumabata. Sa edad kong trenta y kwatro ay dapat may asawa na ako at anak pero hindi naman ako nagmamadali. Darating din ang babaeng para sa akin.

Parang tukso namang lumitaw sa isip ko ang magandang babae sa prutasan. Nangingiti at naiiling na lang ako. Nah.. she’s too young for me.

Ilang sandali pa ay natanaw ko na ang dalawang palapag na bahay. Bahay to ng mga magulang ko na pinangalan na sa akin.  Bagama’t may sarili na rin akong bahay na pinatayo sa kabilang baranggay ay mas gusto kong dito umuwi. Habang wala ako ay pinangangalagaan to ng katiwala namin at regular na pinapalinis. Nasa dulo pa ng baranggay ang cacao farm.

Bumaba ako ng raptor at binuksan ang gate. Lumapit sa akin ang aspin na si Wiper na kumakawag pa ang buntot at mukhang miss na miss ako. Aso sya ng kalapit na bahay at palaging nandito sa bahay ko kapag nandito ako.

“Hey buddy! Miss me?” Natatawang tanong ko sa aso at hinimas himas ang ulo nya.

Kumahol naman sya na tila naiintindihan ang sinabi ko. Tumawa na lang ako at binalikan ang sasakyan at pinasok na sa loob. Muli kong sinarado ang gate. Kinuha ko ang pinamili ko at pumasok na sa loob ng bahay. Sumunod naman sa akin si Wiper. Hinayaan ko lang sya para may kasama naman ako. Malinis ang bahay dahil sinabihan ko ang katiwala na uuwi ako ngayong araw.

Hinubad ko ang jacket at sinampay sa upuan sa komedor. Nagsaing ako sa rice cooker para mabilis. Sinalin ko na rin sa plato ang binili kong litchon manok at nilagay sa ref ang binili kong limang incan na beer na iinumin ko mamaya bago matulog. Binalatan ko na rin ang hinog na papaya at hiniwa hiwa. Nang maluto na ang sinaing ay kumain na ako. Mabait namang naghihintay lang si Wiper na nakaupo sa gilid ng upuan ko. Nang matapos ako ay binigay ko na sa kanya ang tira.

“Good boy.” Ani ko sabay himas sa ulo nya.

Pagkatapos kong hugasan ang pinagkainan  ay umakyat na ako sa kwarto ko.


“Magandang umaga ho ser Jeiz!” Nakangiting bati sa akin ni Mang Teofilo na syang katiwala namin dito sa cacao farm.

Nagsilapitan din ang ibang mga tauhan at binati ako.

“Magandang umaga naman ho sa inyo. Pasensya na at ngayon ko lang kayo nabisita.” Hinging paumanhin ko.

“Ayos lang ho ser, pinangangalagaan din naman namin itong farm habang wala kayo dahil kami rin naman ang makikinabang.” Ani Teofilo.

Tumango tango naman ako at pinag usapan ang farm.

Sa halos isang libong hektarya ng cacao farm ay may mahigit dalawampung tao ang nagtatrabaho dito. Siniguro naman ng mga magulang ko na sumusuweldo sila ng nararapat at tama kasama na rin ang mga benepisyo.

Si Mang Teofilo ang katu-katulong ko sa pagpapatakbo ng farm bilang dito na rin sya tumanda at matagal ng pinagkakatiwalaan ng mga magulang ko. Malakas umani ang cacao farm na ini-export pa namin sa karatig bayan at probinsya. Maganda kasi ang qualities nito at kilala na rin dito sa bayan ng Santa Martina.


Bukas ulet. 😉

chapter 3

Ivy

“O muntikan ka na namang ma-late.” Bungad sa akin ni Christy pagdating ko ng tindahan. Si Ka Ene naman ay nasa kabilang tindahan at nakikipag chikahan sa may ari din.

“Pasensya na, naglaba kasi ako eh.” Hinging paumanhin ko at nilagay na ang bag sa pinag lalagyan ko. Tinali ko muna ang alon alon kong buhok para hindi ako masyadong mainitan.

“Bakit kasi nagtitiyaga ka dyan sa tiyang mo. Kung ako sa’yo nilayasan ko na sila matagal na.” Singit ni Tina na nagsasalansan na ng mga prutas. Lumapit na ako sa kanya at tumulong.

“Saan naman ako pupunta kung lalayas ako? Kay lola? Eh di mahahanap din nila ako.” Sagot ko. 

Bumuntong hininga sya at namaywang na parang namroblema sa sitwasyon ko.

“Eh kung mag asawa ka na lang kaya.” 

Binalingan ko sya at tiningnan kung seryoso sa sinasabi. “Wala pa sa isip ko yan. Ang bata ko pa no. Mag aaral pa ako.”

“Puwes isa isip mo na. Dahil yun lang ang tanging paraan para makalayas ka na sa poder ng tiyahin at tiyuhin mong mga sugarol at abusado.”

“Oo nga! Tutal marami ka namang manliligaw. Pero advice ko lang sa’yo ha. Kung sakaling mag aasawa ka na, dun ka na sa mapera. Yung kaya kang buhayin at pag aralin.” Sabat naman ni Christy habang binebentahan ang isang mamimili. Parang gusto kong batuhin sya ng durian. Hindi muna hinintay na makaalis ang mamimili bago nagsalita. Nakakahiya tuloy narinig pa ng iba.

“Hindi madali yang sinasabi nyo.” Sabi ko.

“Sus! Madali lang yan no. Sagutin mo na kasi si Manuel. Gwapo yun! Mapera pa at patay na patay pa sa’yo.” Ani Tina.

Si kuya Manuel ay may ari ng bigasan sa kabilang bahagi ng palengke. Matagal na itong nagpaparamdam sa akin na gustong manligaw. Hindi ko lang sya pinapayagan at  ang dinadahilan ko ay magagalit si tiyang Linda. Sampung taon ang tanda nya sa akin. May hitsura naman sya at mabait. Lagi nya akong binibigyan ng pagkain na pinagsasaluhan naming tatlo. Kahit na ilang beses kong sabihing wag na ay hindi naman sya nakikinig. Pero ok na rin atleast nabubusog ako. Pag uwi ko kasi sa bahay minsan ay kanin na lang ang natitira sa akin tutong pa.

“Tama na nga yan, magbenta na tayo baka bungangaan na naman tayo ni Ka Ene.” Pagtatapos ko sa usapan namin.

Nagkibit balikat na lang silang dalawa at inasikaso na ang ilang mamimili.

Bumuntong hininga ako. Minsan rin naman naiisip ko rin ang maglayas. Pero yun nga, saan ako pupunta. May ipon nga ako kakarampot naman. At wala pa sa isip ko ang pagaasawa dahil desidido akong mag aral ulit..

Jeizhiro

“Yun lang ho ba?” Tanong ko kay Mang Teofilo sa kabilang linya.

Pinuntahan ko kasi ang kuhanan namin ng abono at kinuha ang order namin. Wala naman akong ginagawa kaya ako na ang nagpresinta. Tapos tumawag sya at nagsabing paubos na rin ang seedling bags.  Bibili na lang ako sa dating bilihan namin na madadaanan ko pauwi.

“O sige ho, ako na ang bahala.” Sabi ko at pinatay na ang tawag.

Bumili na rin ako ng mamemeryenda ng mga tauhan sa farm tutal naman ay mag a-alas tres na ng hapon.

At dahil papasok sa palengke ang daan pauwi ay nakaramdam ako ng hindi maipaliwanag na excitement dahil madadaanan ko ang tindahan ng prutasan. Makikita ko ulit si ganda. Napangiti ako. Anong prutas naman kaya ang bibilhin ko ngayon? Saging? Mansanas? O ubas kaya?  At sana sya ang magbenta. Gusto kong muling marinig ang malamyos nyang boses.

Pero hindi pa man ako nakakalapit sa tindahan ng prutasan ay nawala ang ngiti ko at napalitan ng pagkunot ng noo.

Si ganda, may kausap na lalaki at mukhang inaabutan sya ng pagkain. Matamis ang ngiti nila sa bawat isa habang masayang nag uusap. Bigla akong nakaramdam ng inis at ngitngit sa dibdib. Humigpit ang hawak ko sa manibela at mabigat na huminga. Kaya imbes na huminto ako sa tindahan ay dirediretso na akong umalis. Muntik ko pang masagi ang lalaki. Haharang

harang

sa daan eh!

Hindi ko maipaliwanag ang inis at ngitngit na nararamdaman ko. Humugot ako ng malalim na hininga para ikalma ang sarili. Sa ganda nyang yun ay hindi na ako dapat

magtaka

na may boyfriend sya.

Naiiling na lang ako at nakadama ng panghihinayang.

Ivy

“Ay!” Napatili kaming tatlo ni Tina at Christy nang muntik nang mahagip ng rumaragasang malaking pick up truck na itim si kuya Manuel. Buti na lang ay hawak ko na ang bilao ng palabok na bigay nya.

“Ayos ka lang kuya Manuel?” Nag aalalang tanong ko sa kanya.

Matalim ang tingin nya sa papalayong sasakyan. “Lokong yun ah! Kung makaasta kala mo pag aari nya ang daan. Mabangga ka sana.” Inis na sabi nya.

Hindi ko naman sya masisisi. May kabastusan naman kasi ang driver ng sasakyang yun. Dapat nagmemenor ang mga may sasakyang tulad nito kapag dumadaan sa mataong lugar kagaya nitong palengke. Mabuti na lang ay wala kaming mamimili ng oras na to.

“Hayaan mo na kuya. Ayos ka lang ba?” Ulit ko sa tanong.

Bumaling naman sya sa akin at ngumiti. “Ayos lang ako, hindi naman ako nahagip ng gagong yun. At saka ilang beses ko bang sasabihin sayo wag mo na akong tawaging kuya. Nakakahiya naman sa makakarinig na kuya ang tawag mo sa akin eh ang alam nila nanliligaw ako sayo.” Aniya at bahagyang ngumuso pa.

Natawa na lang ko sa sinabi nya. “Subukan ko, pero salamat dito sa palabok. Nakakahiya na sa’yo.”

“Wala yun. Next time lasagna naman ang ibibigay ko sayo. Baka kasi manawa ka na sa palabok pancit at spaghetti.”

“Kami din!” Sabay pa na sabi ni Tina at Christy na nakikinig sa amin.

Pinanlakihan ko sila ng mata. Nakakahiya

talaga tong mga to minsan!

“Syempre kasama kayo.” Nakangiting turan ni kuya Manuel.

Parang mga bata namang pumalakpak pa ang dalawa.

“Naku wag na kuya Manuel. Eh ang mahal nun eh.” Tanggi ko.

Nakakahiya naman kasi talaga. Baka mamaya isipin nya may pag asa syang sagutin ko sya eh sa totoo lang parang kuya lang talaga ang tingin ko sa kanya.

“Ayos lang Ivy. Para sayo.” Sabi nya na mapupungay ang matang nakatingin sa akin.

Nailang naman ako sa klase ng tingin nya kaya nag iwas ako ng tingin.

“Ah sige balik na ako sa bigasan. Usap na lang uli tayo mamaya Ivy.” Paalam nya sa akin at tumawid na ng kalsada.

Tumango na lang ako at ngumiti. “Salamat ulit dito kuya Manuel.”

Napakamot na lang sya sa ulo at ngumiti.

Pumasok ako sa loob at nilapag ang bilao sa desk. Mag a-alas tres pa lang naman at hindi pa kami nagmimiyenda. Si Ka Ene naman ay nagsisyesta sa folding bed nya.

“Ayan! Ang sarap ng meryenda natin ngayon. Palabok with matching pagsintang pururot ni kuya Manuel. Kaya lang parang may kulang.” Saad ni Christy.

“Walang panulak!” Sagot naman ni Tina na binubuksan na ang foil ng bilao. “Mas masarap to kung may coke.”

“Mag tubig na lang kayo.” Sabat ko at kumuha na ng pinggan at tinidor na baon ko. Kinuha ko na rin yung sa kanila.

Masarap ang palabok dahil maraming toppings. Nag uumapaw ang dinurog na chicharon. Marami ding hipon at slices ng nilagang itlog. May kalamansi ding hiwa na. Sa itsura pa lang ay talagang nakakatakam na.

Masaya naming pinagsaluhan ang masarap na palabok..

“Mano po tiyang, mano po tiyong.” Bati ko at mano kanila tiyang Linda at tiyong Oca na prenteng nakaupo sa lumang sofa habang nanonood ng tv. Si Lileth at Kiko naman na naglalaro sa lapag ay sinalubong ako ng yakap. Ginulo ko naman ang mga buhok nila.

Himala hindi yata sila nag away ngayong araw.

“Kumain ka na sa kusina Ivy at pagkatapos mo mag usap tayo.” Sabi ni tiyang na hindi inaalis ang mata sa tv. Si tiyong naman ay sumulyap pa sa akin.

“Tungkol po saan tiyang?” Curious kong tanong.

“Kumain ka muna.” Madiin na sabi nya na tila nainis sa tanong ko.

Bumuntong hininga na lang ako. “Opo.”

Pumunta muna ako ng kwarto namin nila Lileth at Kiko. Nilagay ko muna ang bag sa lumang aparador at nagbihis. Hindi naman ako masyadong gutom pero dinamihan ko na rin ang kain. Masarap kasi ang ulam at himala na marami silang tinira sa akin. Minsan lang naman to kaya sinulit ko.

Pagkatapos kong kumain ay hinugasan ko na ang pinagkainan ko. Himala din na hugas na ang mga pinagkainan nila. Ano kaya ang meron?

Bumalik na ako sa sala kung nasaan pa rin sila tiyong Linda at tiyong Oca. Sila Lileth at Kiko naman ay pinapasok na sa kwarto namin. Mukhang importante ang sasabihin ni tiyang dahil seryoso ang mukha nila ni tiyong.

Hindi pa man nag iinit ang puwitan ko sa pagkakaupo ay inabutan ako ng supot ni tiyang na sa tingin ko ay damit ang laman.

Nagtatakang kinuha ko ito. “Ano po ito tiyang?”

“Isuot mo.” Maiksing sabi nya.

“Po?” Naguguluhang sabi ko. Nireregaluhan ba ako ni tiyang ng bagong damit.

“Ang sabi ko isuot mo bingi! Bilisan mo na at lumalim na ang gabi.” Asik nya.

“Opo.” Agad naman akong tumayo at dumiretso sa banyo na karugtong lang ng kusina para isuot ang damit.

Manghang mangha ako ng maisuot ang damit. Para akong lalamigin. Isang spaghetti strap na bestidang hapit na kulay itim na may kumikintab pang mga sequins na lampas kalahati ng hita ko. Halos kita ang kuyukot ko at kapag hinila ko naman pababa ang bestida ay halos lumuwa naman ang suso ko. Ano ba to? Seryoso ba si tiyang na

ipasuot

sa akin to?

“Ivy! Lumabas ka na dyan! Ang tagal mo naman!” Sigaw ni tiyang Linda sa labas ng pinto.

“Opo tiyang, lalabas na!” Sagot ko.

Hawak hawak ang laylayan ng bestida ay binuksan ko na ang pinto ng banyo at lumabas. Nakaabang si tiyang Linda na hinagod ako ng tingin.

“Tiyang masyado po yatang maiksi.” Sabi ko.

“Hindi tama lang yan, bagay nga sayo eh.” Aniya at ngumisi.

“Ano? Nakapag bihis na ba?” Tanong ni tiyong na pumasok na ng kusina. Ngumisi sya at nakapamewang na hinagod ako ng tingin.

Kinilabutan naman ako sa paraan ng pagtingin nya.

“Aba, mas lalong gumanda ang pamangkin ko ah at ang seksi pa.”

“Syempre, nasa lahi na namin yan.” Sabat  ni tiyang Linda.

“Eh bakit ikaw hindi ganyan kaganda at seksi nung nakilala kita. Nagmana kasi sya kay Irene. Parehas sila ng mama nya maganda at seksi.” Nakangisi pa ring bira ni tiyong Oca.

“Gago, patay na yung tao pinagnanasaan mo pa.” Sikmat sa kanya ni tiyang Linda.

“Selos ka lang. Sige na, ayusan mo na yan para makaalis na tayo at naghihintay na si Mang Tano.” Ani tiyong Oca at bumalik na sa sala.

Hinila naman ako ni tiyang Linda sa sala at pinaupo sa sofa. Umalis sya saglit at pagbalik ay dala nya ang make up kit nya at inumpisahan na akong lagyan.

“Tiyang san po tayo pupunta?” Tanong ko. Medyo kinakabahan na rin ako.

“Mamaya mo na malalaman, wag ka nang magtanong.” Sagot nya.

Hindi na ako makapagsalita dahil nilalagyan na nya ako ng lipstick na pula. Inayos pa nya ang buhok kong alon alon.

“Hayan! Tapos na!” Nakangiting sabi nya at pinatayo ako. Inayos nya ang damit ko. Pinasuot din nya sa akin ang isang pares ng high heels sandals na itim na sa tantya ko ay tatlong pulgada ang taas.

“T-Tiyang hindi na lang kaya ako sasama?” Sabi ko. Iba na kasi ang pakiramdam ko.

Sinamaan nya ako ng tingin. “Wag kang mag inarte at para sa atin din to.”

“Pero tiyang – “

“Tumigil ka Ivy, tatamaan ka sa akin!” Sikmat nya sa akin.

“Oy oy! Wag mong gagalusan yan. Ayaw ni Ka Tano ng may galos ang bago nyang produkto.” Saway ni tiyong Oca kay tiyang Linda. Magsusuot na ito ng jacket nyang maong.

“Ang arte arte kasi eh!”

“Tama na yan! Tara na!”

Hinawakan ako ni tiyang sa braso at halos kaladkarin na palabas ng bahay. Sinarado muna nya ang pinto. Si tiyong naman ay pumara ng tricycle. Muli akong hinawakan ni tiyang sa braso at hinila papasok ng tricycle. Umupo sya sa tabi ko at si tiyong Oca naman ay sa likuran ng driver.

“Tiyang! Ayoko hong sumama. Kayo na lang.” Halos mangiyak ngiyak ng sabi ko. Kumalabog na ang dibdib ko sa kaba. Hindi na maganda ang pakiramdam ko.

“Tumahimik ka!” Muling sikmat nya sa akin at hinila pa ang buhok ko.

Wala na akong nagawa hanggang sa umusad na ang tricycle na lulan namin..


chapter 4

Ivy

Mas lalo pang kumalabog sa kaba ang dibdib ko ng pumasok na ang tricycle na lulan namin sa bayan ng Consolascion. Ito ang sentro ng kalakaran sa probinsya ng Kalinaw. Maraming mga establishment at puntahan talaga ng mga tao. Pero talamak ang krimen at ilegal na gawain. Sa unang baranggay pa nga lang ay hilera na ang mga beer house at damadagundong ang tugtog sa speakers na nasa labas at nakatapat sa kalsada. Pero ayun na rin sa mga chismis na naririnig ko ay hindi lamang simpleng inuman ang nagaganap sa loob ng beer house. Talamak din ang bentahan ng laman.

Halos hindi na ako mapakali sa kinauupuan ng pumasok ang lulan naming tricycle sa gilid ng isang beer house. Sa likod nito ay may malaking lumang bahay.

“T-Tiyang a-ano pong gagawin natin dito?” Kinakabahang sabi ko.

“Basta! Malalaman mo mamaya! Umayos ka nga dyan para kang natataeng hindi maintindihan.” Asik nya sa akin.

“T-Tiyang umuwi na po tayo..” Mangiyak ngiyak na sabi ko.

“Hindi ka ba titigil? Gusto mong masaktan?” Sikmat nya sabay sabunot sa buhok ko.

Tuluyan na akong naiyak.

“Tumahimik ka! Wag kang umiyak! Kapag nabura yang make up mo masasampal kita!” 

Kinagat ko na lang ang labi ko at tahimik na umiyak.

Hanggang sa makababa na kami ng tricycle at umalis na ito. Tinanaw ko na lang ito ng tingin.

“Halina kayo!” Ani tiyong Oca na nauna na sa amin papasok sa kahoy na double door na may bantay na dalawang lalaki na naninigarilyo.

Mahigpit na hawak ni tiyang ang braso ko at pakaladkad akong hinila. Halos matipalok na ako sa suot kong high heels.

“Tiyang ayoko po!” Iiling iling na sabi ko at hinihila ang brasong hawak nya.

Lumapit sya sa akin at pinandilatan nya ako ng mata sabay tampal ng malakas sa pisngi ko.

Dinuro nya ako. “Tumigil ka ha! Kapag hindi ka sumunod sa akin tatamaan ka na! Nakita mo yung dalawang lalaki sa may pinto? Yun ang yayari sa’yo kapag hindi ka sumunod!” Mahinang asik nya sa akin.

Nawindang ako sa sinabi nya kasabay ng pangangatal ng katawan ko sa takot.

“Ano ba kayong dalawa! Bilisan nyo na nga dyan!” Tawag ni tiyong Oca na kausap ang dalawang lalaki.

“Halika na! Naiinip na sila!” Ani tiyang at hinila na ako.

Nagpalinga linga ako. Bukod sa dalawang lalaki sa harap ng pinto ay may dalawa pang lalaki sa bungad ng maliit na daan na pinasukan namin. Mukha silang bantay at naninigarilyong nakatingin sa amin. Kahit tumakbo ako ay hindi ako makakatakas dahil siguradong hahabulin nila ako. Isama pa na ang suot kong sandals ay mataas ang takong.

“Yan na ba yun?” Tanong ng isang lalaki na may malaking katawan at may tattoo sa leeg. Hinagod pa nya ako ng tingin mula ulo hanggang paa. Ngumisi sya. “Ang ganda nito ah!”

“Sabi ko naman sa inyo eh! Maganda talaga tong si Ivy. Virgin pa yan!” Anang tiyang Linda na ngiting ngiti pa.

Kinilabutan naman ako sa sinabi nya at sa tingin sa akin ng dalawang lalaki.

“Tiyang..” Naiiyak na tawag ko sa kanya.

“Tumahimik ka!” Pabulong na asik nya.

“Teka, nasaan pala si Ka Tano?” Tanong ni tiyong Oca.

“Nasa loob, busy.” Nakangising sabi naman ng isang lalaki na may mahabang buhok. 

Ngumisi din si tiyong Oca. “Eh di pa’no yan? Hindi ba kami pwedeng pumasok sa loob? Ngayong gabi ang usapan namin eh.”

“Nagbilin naman si bossing.” Anang lalaking may tattoo sa leeg. May dinukot sya sa likod ng bulsa ng pantalon. Isang sobreng kulay brown at inabot kay tiyong Oca.  

Lumaki naman ang ngiti ni tiyong Oca at tiyang Linda. Sa tingin ko ay pera ang laman nyon. Hindi naman ako tanga kung ano ang nangyayari. Kinutuban na ako kanina pa.

“O sige, iwan na namin si Ivy sa inyo. Ingatan nyo yan ah! Babalikan na lang namin sya sa lunes. Sabihin mo kay Ka Tano, pakasaya kamo sya.” Ngising ngisi na sabi ni tiyong Oca.

Nataranta ako sa sinabi ni tiyong Oca. Iiwan nila ako! Binenta nila ako para gawing parausan! 

“Tiyong.. tiyang wag nyo po akong iwan dito..” Lumuluhang samo ko at humawak sa braso ni tiyang Linda.

“Hindi pwede, nagkasundo na kami ni Ka Tano. At saka isa pa, isang araw at dalawang gabi lang naman. Pag uwe mo babalutuhan ka namin ng tiyong mo.” Ani tiyang at pilit tinatanggal ang kamay ko.

“P-Pero tiyang ayoko po! W-Wag nyo kong iwan dito baka kung anong gawin nila sa akin.”

“Wag kang mag alala Ivy, wala silang gagawing masama sa’yo. Paglabas mo rito marami ka ng matututunan.” Ngising demonyo na sabi ni tiyong Oca.

“O sige na! Kunin nyo na to. Babalikan na lang namin sa lunes.” 

Hinawakan ako sa magkabilaang braso ng malaking lalaki at pinasok na sa loob ng malaking bahay. Umiiyak na nagpupumiglas naman ako.

“Tiyang! Wag nyo kong iwan parang awa nyo na!”

Pero para silang bingi na hindi man lang ako nilingon at nagtuloy tuloy palabas ng compound. Kinausap pa nila ang isang lalaking bantay.

“Siguradong tiba tiba si boss dito. Ang ganda ganda at ang seksi pa. Sariwang sariwa.” Ngisi ng lalaking may mahabang buhok.

“Ang bango bango pa nga eh.” Sabi naman ng malaking lalaking may hawak sa akin at inamoy pa ang leeg ko.

“Wag po! Parang awa nyo na! Pakawalan nyo na po ako.” Umiiyak na pagmamakaawa ko sa kanila.

“Hindi pwede, bayad ka na ni boss. At pag aari ka nya ngayon hanggang bukas ng gabi.” Sagot ng lalaking mahaba ang buhok.

“Parang gusto kong ako muna ang unang tumikim. Mmm nakakagigil ang bango bango ang lambot lambot pa.” Sumubsob pa ang malaking lalaki sa buhok ko at humahaplos ang mga kamay sa katawan ko.

Pilit kong iniiwas ang katawan ko. Diring diri ako sa mga hawak nya. Hindi rin kaaya aya ang hininga nya.

“Wag po! Maawa po kayo! Tulong! Tiyang!”

Pero gaya nila tiyang at tiyong ay parang bingi din ang lalaki at hinahalik halikan na ko sa leeg. Ang lalaking kasama nya ay tatawa tawa lang.

“Hoy ano yan!” Sigaw ng isa pang lalaki na pababa ng hagdan.

Tumigil naman sa ginagawa ang lalaki sa likuran ko at tumingala sa hagdan.

“Babae ni boss! Galing kay Oca at Linda. Super ganda pre, nakakagigil.”

“Gago! Wag mong pagnasaan yan! Kay boss Tano yan. Iakyat nyo na ng matikman na ni bossing.” Utos ng lalaki na nasa hagdan.

“Tapos na ba si boss sa mga babae nya?” Tanong ng lalaking mahaba ang buhok.

Ngumisi naman ang lalaki sa hagdan. “Oo, kaya tayo naman ang magpipiyesta mamaya. Sige na! Iakyat nyo na yan!”

Wala na akong nagawa ng halos buhatin na ako ng malaking lalaki paakyat ng hagdan. Pilit akong nagpupumiglas. Nanununtok at naninipa pero wala ring silbi.

Hanggang sa ipasok nila ako sa isang pinto. Bumungad sa akin ang office desk at sa likod nito ay nakaupo ang isang malaking lalaki na kayumanggi ang balat at kalabo. Sa tantya ko ay nasa singkwenta na ang edad nya. Nakasuot sya ng bukas na polo na kita ang malaki nyang tiyan. May kandong kandong syang babae na halos hubad na at nakangiti habang nakasubsob sya sa leeg nito.

Tumikhim ang lalaking nasa hagdan kanina.

Kunot noong lumingon naman sa amin ang matandang lalaki dahil naistorbo sya.

“Boss nandito na ang babaeng bayad ni Oca  at Linda.” 

Binulungan ng matandang lalaki ang babae sabay abot ng lilibuhing pera. Ngiting ngiti namang tumayo ang babae at hinalikan pa sa pisngi ang matanda. Inayos nya muna ang damit at taas noong dinaanan kami palabas ng kwarto.

Nagsindi naman ng sigarilyo ang matandang lalaki at humithit habang hinahagod ako ng tingin. Abot abot ang kaba ko. Halos kumawala na sa loob ang puso kong nagwawala na sa lakas ng kalabog. Kinikilabutan ako sa uri ng tingin nya.

Tumayo sya at dahan dahang lumapit sa akin. Sinusuri nya ang mukha ko at katawan. Hinawakan nya ang mukha ko at tinaas.

“Hmm maganda nga.” Aniya at muling hinagod ng tingin ang katawan ko. “At sexy pa.” Sunod ay inamoy nya ako.

Iniwas ko naman ang mukha.

“Hmm at mabango pa.” Sabay ngisi nya at haplos ng hinlalaki s pisngi ko.

“Anong pangalan mo iha?”

“I-Ivy po..” Nanginginig sa takot na sagot ko. Mukhang halang ang kaluluwa ng matandang lalaki at sanay sa ilegal na gawain.

“Hmm Ivy, maganda parang ikaw. Ilang taon ka na?”

“E-Eighteen po.”

Ngumisi ang matanda at sumipol naman ang tatlong lalaki. Mas lalo lang akong kinilabutan. Para silang mga demonyong nagkatawang tao.

“Batang bata nga, sariwang sariwa. Sige na, dalhin nyo sa katabing kwarto at i-lock ang pinto.” Utos ng matanda.

“Boss hindi ho sa kwarto nyo?” Tanong naman ng lalaking mahaba ang buhok.

“Hindi, may plano ako sa kanya. Birhen yan kaya kikita ako ng malaki sa kanya bukas.”

“Pa’no kayo nakakasiguro na birhen nga ito? Baka mamaya ginogoyo lang kayo ng mag asawa. Mas mainam kung tikman nyo muna. O kung gusto nyo kami na lang.” Suhestiyon pa ng lalaking may hawak sa akin.

“Wag po!” Nahihintakutan na sabat ko.

Tiningnan naman ng masama ng matanda ang tatlong lalaki. “Hindi nila ako gogoyoin dahil alam nila kung ang mangyayari sa kanila. Kaya ipasok nyo na sa katabing kwarto yan at wag kayong magtatangka kundi malalagot kayo sa akin.”

“Yes boss!” Halos sabay sabay na sabi ng tatlo at nilabas na ako ng kwartong yun.

“Parang awa nyo na! Pakawalan nyo po ako! Maawa po kayo sa akin!” Palahaw ko habang pakaladkad nila akong dinala. Sa gilid ng luhaang mata ko ay nakikita ko ang ilang mga babae na maiiksi ang damit. Pero hindi gaya ko ay parang wala silang takot at sanay na sanay na sa lugar na ito.

Nang makarating kami sa isang pinto ay binuksan nila ito at halos pabalibag akong pinasok sa loob. Mabuti na lang ay nakahawak ako sa isang bed post. Narinig ko ang pag-click ng pinto tanda na ni-lock ito sa labas.

Patakbo kong nilapitan ang pinto at kinalampag.

“Parang awa nyo na po! Pakawalan nyo ko dito!” Sigaw ko. Hinawakan ko pa ang doorknob at pinihit pihit pa ito.

“Tulong! Tulungan nyo ko! Parang awa nyo na! T-Tulungan nyo ko! Ilabas nyo ko dito!” Sigaw at kalampag ang ginagawa ko sa pinto. Nagbabakasakaling may magandang loob na tulungan ako.

Pero hanggang sa manakit na ang lalamunan at kamay ko ay wala pa ring anumang pagkilos sa kabilang pinto. Nahahapong sumandal ako sa pinto at padausdos na umupo sa sahig. Pinagdikit ko ang mga tuhod at niyakap habang tahimik na umiiyak..


chapter 5

Ivy

Nagising ako sa sinag ng araw na tumatama sa mukha ko. Dahan dahan kong minulat ang mata. Hindi pamilyar sa akin ang kisameng namulatan. Iginala ko ang paningin ko. Hindi pamilyar sa akin ang kwarto. Inalala ko ang nangyari kagabi. Ang pag uwi ko ng bahay at pagpapasuot sa akin ni tiyang ng maiksing damit. Ang pagsakay namin ng tricycle hanggang sa makarating kami ng bayan ng Consolascion. Ang pagpasok namin sa makitid na daan sa gilid ng beerhouse. Ang dalawang lalaki na kausap ni tiyong, ang pag iwan nila sa akin ni tiyang Linda sa dalawang lalaki. Yung matandang kalbo na malaki ang tiyan..

Kumalabog ang dibdib ko at bumalikwas ng bangon.

Binenta ako kagabi nila tiyang Linda at tiyong Oca sa matandang kalbo!

Tumayo ako at tinakbo ang pinto. Pinihit pihit ko ang doorknob pero naka-lock pa rin ito. Naaalala ko. Napagod at nanakit na ang kamay ko sa kasisigaw at kakakalampag ng pinto pero wala man lang nagbukas.

Lulugo lugong bumalik ako sa kama. Medyo mahapdi ang mata ko sa kaiiyak kagabi at siguradong mugtong mugto na. Nilibot ko ang mata sa buong kwarto. Tiningnan ko ang bintanang capiz. Sinubukan ko ng buksan kagabi yun pero bigo lang ako dahil nakakandado ito sa loob.

Pero baka may tao sa labas pwede akong

makahingi

ng tulong!

Tila ako nabuhayan ng pag asa at patakbong tinungo ang bintana at sumilip sa butas na naroon. Pero muli akong nabigo ng tumambad sa akin ay masukal na damo. Mukhang nasa bahaging likod ng bahay ang kwartong to.

Lulugo lugong bumalik akong muli sa kama. Napapitlag pa ako ng tumunog ang doorknob. Tanda na may papasok.

Sumiksik ako sa headboard ng kama at niyakap ang tuhod. Kumalabog sa kaba ang dibdib ko.

Pumasok ang lalaking sumalubong sa amin sa hagdan kagabi. May dala syang tray na may lamang pagkain. Hindi nya sinarado ang pinto pero meron namang lalaki na naka abang sa labas ng pinto. Iba yun sa dalawang lalaking halos kaladkarin na ako kagabi.

Nakangisi ang lalaking may dalang tray na lumapit sa akin.

“Gising ka na pala. Magang maga ang mata mo ah. Pero di bale maganda ka pa rin naman.” Aniya at sabay silang tumawa ng lalaki sa may pinto.

Napalunok na lang ako.

“O heto pagkain, kumain ka. Kailangan mong magpakabusog dahil mamaya tiyak na mapapalaban ka.” Dugtong pa nya ay muling tumawa. Nilapag lang nya ang pagkain sa kama at muli akong tiningnan habang nakangisi. Dumila pa sya sa labi. Kinilabutan ako.

“Jackpot talaga ang yayari sa’yo mamaya. Bukod sa ang ganda ganda mo at ang sexy mo, ang sariwa mo pa. Kung hindi nga lang ako yari kay boss gusto kong ako muna ang unang tumikim sayo eh. Siguradong ang sarap mo.”

Nanginig ang katawan ko sa takot at pandidiri dahil sa sinabi nya. Muli na namang pumatak ang luha ko. Diyos ko po! Ano ba tong nangyayari sa akin?

Tumawa ang lalaki. “O kita mo? Wala pa nga akong ginagawa sayo nanginig ka na. Sa sarap ba yan o sa takot?”

Hindi ako sumagot. Nakakakilabot ang tawa nilang dalawa.

“Gago, malamang sa takot. Ang panget mo kasi eh!” Sabi ng isang lalaki na nasa pinto.

“Pero mas panget ka dahil kulang ka ng ipin gago!” Bira nya sa lalaki at sabay muli silang tumawa.

“Kumain ka na sexy baka gutom ka na, hayun ang banyo baka naiihi ka na. Maghilamos ka na rin at kalat na ang make up mo.” Nakangising sabi nya sabay turo sa pintuang naroon.

Hindi ako sumagot o gumalaw man lang hanggang sa makalabas na ang lalaki at muling nilock ang pinto.

Ilang sandali kong tinitigan ang pagkain na nasa tray na nakalapag sa kama. Sinangag iyon na may tapa at itlog at isang basong malamig na tubig. Bigla akong natakam at nagutom. Pero nagdadalawang isip akong kainin yun. Baka mamaya kung ano ang nilagay nila. Pero naisip ko rin paano ako tatakas kung nanghihina ako sa gutom baka hindi ako makatakbo.

Hinila ko ang tray palapit sa akin. Bahala na! Wala naman sigurong

lason

to dahil

papakinabangan

pa nila ako.

Agad ko ng kinain ang pagkain. Ngayon ko naramdaman ang gutom dahil sa kaba at takot. At least matinong pagkain ang binigay nila. Mabilis kong naubos ang pagkain at pati na ang isang basong tubig. Pagkatapos ay pumasok na ako sa banyo para umihi at maghilamos. Tiningnan ko ang mukha ko sa lumang salamin na naroon. Wala na ang make up pero ang pamamaga ng mga mata ko ay halata pa rin. Wala ni anumang gamit sa loob ng banyo maliban sa isang sabon at shampoong nasa sachet. Timbang malaki at tabo at de flush na bowl.

Paglabas ko ng banyo ay saktong bumalik ang lalaking naghatid ng pagkain. Kinuha nya ang walang laman na tray. Ngumisi sya sa akin.

“Magpahinga ka na dahil dahil mamaya mapapasabak ka sa puyatan.” Ngingisi ngising sabi nya at lumabas na ng pinto at muling ni-lock ng pinto.

Kagat labing umupo ako sa kama at mabilis na pinahid ang muling tumulo na luha. Walang maitutulong ang pag iyak ko. Kailangan kong makaisip ng paraan para makalabas dito. Dahil mukhang malabo na na may tutulong sa akin. Ang mga babae sa labas ay mukhang sanay na sa ganitong gawain at dito na rin siguro sila kumikita ng pera. At hindi ko hahayaan na babuyin lang ng kung sino ang katawan ko.

Sa lumipas na mga oras hanggang sa muling mag gabi ay nakaupo lang ako sa kama habang yakap ang tuhod at nag iisip ng paraan kung paano makakatakas. Muli akong hinatiran ng pagkain pero hindi ko naubos yun dahil nawalan ako ng gana.

Maya maya lang ay may pumasok na dalawang babaeng maiiksi ang mga suot at makapal ang make up. May dala dala silang damit at make up kit. Hinagis ng isang babaeng ngumunguya ng bubble gum ang damit sa kama.

“O magbihis ka na at wag kang babagal bagal.” Mataray na sabi nya.

Kagat labing dinampot ko ang damit at pumasok sa banyo. Kinakabahan man ay sinuot ko na rin ang damit. Gaya ng damit na pinasuot sa akin ni tiyang na hinubad ko ay maiksi din ito at halos kita ang kuyukot. Mas mababa nga lang ang neckline nito at kita na ang cleavage ko. Napalunok na tumingin ako sa salamin. Hindi ko gusto ang nakikita ko sa salamin pero wala akong magagawa kailangan kong sumunod dahil baka kung ano pa ang gawin nila sa akin.

Humugot ako ng malalim na hininga at pilit pinatatag ang sarili kahit halos gusto ng lumabas ng puso ko sa lakas ng kalabog.

“Ano ba? Bilisan mo dyan!” Sigaw ng babae sa labas ng pinto at kinalampag pa ito.

“O-Oo palabas na.” Sagot ko.

Binuksan ko ang pinto at bumungad sa akin ang dalawang babae na nakataas ang kilay. Hinagod pa nila ako ng tingin mula ulo hanggang paa.

“Siguradong tiba tiba na naman si boss Tano mamaya. Baka maging favorite pa nga ito ni boss eh.” Anang isang babae at ngumisi.

Umirap naman ang babaeng ngumunguya ng bubble gum. “Bilisan mo na ayusan mo na sya.”

Tumalima naman ang isang babae at nilagyan na ng make up ang mukha ko. “Infairness ang ganda mo ha. May lahi ka siguro no.” Ani nya.

Hindi na lang ako sumagot. Pero tama naman ang sinabi nya. Ang mama ko kasi ay may lahing American. Kalahating  Amarikano daw kasi ang lolo ko, ang unang asawa ni lola na tatay ni mama. Namatay ito bata pa daw si mama dahil nagkasakit. Nag asawa uli si lola at anak nya sa bagong asawa si tiyang Linda na nilagay ako ngayon sa kapahamakan dahil sa pera. Natitiyak kong walang nakakaalam sa mga malalapit sa akin sa buhay ang nangyayari sa akin ngayon. Mama kung nasaan ka man

gabayan

nyo po ako. Wag nyo po akong

hayaang

mapahamak.

“O pak! Shuta ganda mo te! Siguradong pagkakaguluhan ka mamaya.” Tuwang tuwang sabi ng babae at binalik na ang make up kit sa lagayan.

Mas lalo akong kinabahan sa sinabi nya.

Lumabas na ang dalawang babae at nilock ang pinto. Ang sabi nila susunduin na lang daw ako mamaya. Kaya wala akong ibang ginawa kundi ang magdasal nawa’y gabayan Niya ako at ni mama.

Muling bumukas ang pinto at niluwa ang dalawang lalaki kanina. Nakangisi silang parehas na hinagod ako ng tingin. Lumapit sa akin ang lalaking nagbigay ng pagkain sa  kanina at hinawakan ako sa braso. Napangiwi pa ako sa higpit ng hawak nya.

“Halika na at naghihintay na ang mga bigating parokyano.” Aniya at hinila na ako palabas ng kwarto.

Muntik pa akong matipalok dahil sa suot kong high heels. Kabado man ay naging malikot ang mga mata ko. Wala na akong nakitang ibang tao pero may naririnig akong ingay sa baba. Mukhang nandun sila lahat.

Tama nga ako nandun silang lahat. Ang mga babae ay parang mga panindang nakahilera at may mga matamis na ngiti sa labi habang ang mga ilang kalalakihan naman na may mga edad na mukhang mga bigatin ay parang mamimili na sinusuri ang paninda. Ang matandang lalaki naman na tinatawag nilang Ka Tano ay nakadekwatrong nakaupo sa upuan habang may babaeng nasa likod nya at minasahe sya. Ibang babae yun sa babaeng nakakandong sa kanya noong una ko syang nakita. Nakangisi ang matanda habang humihithit ng sigarilyo.

“Boss nandito na po sya.” Sabi ng lalaking nasa likuran ko ng makababa na kami ng hagdan.

Nagsilingunan silang lahat sa amin.

Napalunok naman ako. Lalo na ng halos sa akin na lahat nakatingin lalo na ang mga lalaki.

“Sya ba ang sinasabi mo Tano?” Tanong ng matabang lalaki na may mga gintong alahas sa katawan. Sa tantya ko ay mga nasa kwarenta ang edad.

Nangingisi namang tumango si Ka Tano.

“Ang ganda nito ah! At mukhang sariwa pa!”

“Sariwa talaga yan kaya mahal ang presyo.” Sabi ni Ka Tano.

“Magkano ba? Handa akong magbayad matikman lang to, mukhang ang sarap lamutakin.” Anang matabang lalaki na bakas ng matinding pagnanasa sa maya habang hinahagod ako ng tingin.

Kinilabutan naman ako at nandiri sa sinabi nya.

“Teka lang! Paano naman kami? Ang habol din namin ay sariwa. Ang lahat ng mga babae rito ay natikman na namin at gusto naman namin ng bago.” Nakangising sabi ng may kapayatang matandang lalaki na humihithit ng sigarilyo.

Sumegunda naman ang ibang mga lalaking naroon.

“Gaya ng nakagawian, kung sino ang mas mataas ang offer sa kanya ang babae.” Nakangising sabi ni Ka Tano.

Nagsipag sang ayunan naman ang mga lalaki at nagbigay na ng kanya kanyang presyo.

Hindi naman ako makapaniwala sa ino-offer nilang presyo. Handa silang magbayad ng malaki para lang sa panandaliang aliw.

Napapalunok ako, parang gusto kong masuka. Nandidiri ako.

Narinig kong ngumisi ang lalaking may hawak sa akin. “Mukhang tiba tiba ang bulsa natin ngayong gabi ah.”

“Teka sandali Tano, nauna ako sa babaeng to. Kaya dapat akin sya. Handa akong magbayad kahit magkano.” Anang matabang lalaki na ayaw magpatalo.

“Kami din, kaya din naming magbayad ng kahit magkano.” Nakangising sabi naman ng may edad din na lalaki na mukhang politiko at mayaman.

“Wala akong pakialam basta akin na ang babaeng to.” Pinal na sabi ng matabang lalaki at may tinawag pa na isang lalaki at inabot sa kanya ang check book at sinulatan sabay abot kay Ka Tano. “Bukas na bukas pwede mo nang withdraw-in yan.” Dugtong nya sabay ngisi.

Tiningnan naman ito ni Ka Tano. Nanlaki naman ang mata ng babaeng nasa likod nya.

Hinablot naman ng matandang lalaking payat ang tsekeng nasa kamay ni Ka Tano. “300 000? Eh kaya ko pang doblehin to ah! Ito na ang pinagmamalaki mo?” Mayabang na sabi nito.

“Kaya mong doblehin?” Tanong ni Ka Tano. “Kung kaya mong doblehin sayo na ang babae.”

Agad namang naglabas ng tseke ng matanda. Pero ang lalaking mataba na nag abot na ng tseke kanina ay humugot ng baril at tinutok sa matandang lalaki. Pati na ng dalawang kasama nitong lalaki na mga bodyguard nya ay may hawak na ring baril. Nagsitilian naman ang mga babae at nagipon ipon sa isang gilid.

“Sige subukan mo? Kung ayaw mong sumabog ang utak mo. Kilala mo ko Edmond. Lahat ng gusto ko ay nakukuha ko at kapag sinabi kong akin ang babaeng yan ay akin. At walang makakapigil sa akin kahit ikaw pa ka Tano.”

Namutla ang matandang lalaki habang nakatitig sa baril. Si Ka Tano naman ay relax na relax pa ring nakaupo pero ang mga mata nya ay nakatingin sa mga tauhang naroon at nakaantabay.

“Mukhang gulo na to ah.” Paanas na sabi ng lalaki sa gilid ko sabay suksok ng kamay sa loob ng jacket.

“Maghanda ka.” Sabi naman ng lalaking may hawak sa akin.

Ako naman ay wala ng pagsidlan ang kaba at takot. Baka nga dito na ako mamatay kung mamalasin.

“Akina ang babae!” Anang matabang lalaki na nag aamok at lumapit sa amin sabay hablot sa braso ko. Pero hindi ako binitawan ng lalaking may hawak sa akin.

Mangiyak ngiyak na ako sa takot. Nag umpisa na akong manginig.

“Boss.” Tawag ng lalaking may hawak sakin.

“Nilo bitawan mo ang babae.” Pautos na sabi ni Ka Tano sa matabang lalaki.

Ngumisi naman ang matabang lalaki at binalingan si ka Tano. “Hindi mo ko mauutusan tanda.” Anito sabay baril sa lalaking may hawak sa akin. Nabitawan ako ng lalaki sabay sapo sa tinamaang dibdib. Dinaluhan naman sya ng katabing lalaki. Napatili naman ako sa takot. Hinablot ako ng matabang lalaki. Pero agad din nya akong nabitawan ng may mga lalaking dumaluhong sa kanya. Nagkagulo na sila. May mga nagpapaputok na ng baril. Ang ilang mga lalaki ay lumabas na ng pinto.

Lumunok ako at nagpalinga linga. Halos lahat ng atensyon ng mga naroon ay sa mga lalaking nagrarambulan na. Wala na akong inaksayang panahon at mabilis na tumakbo sa pinto. Hinubad ko ang high heels at walang lingong tumakbo.

“Yung babae nakatakas!” Dinig kong sigaw ng isang lalaki. 

Kaya mas binilisan ko pa ang takbo. Nakipag karerahan pa sa pagtakbo ko ang bilis ng puso ko.

“Hoy! Tigil!” Sigaw pa ng lalaki sa likuran ko.

Hindi ko ito nilingon at lumiko sa harap ng beerhouse at nagpasikot sikot sa mga nakaparadang sasakyan. Sinubukan kong buksan isa isa ang mga pinto ng mga sasakyan na naroon. Pero wala ni isa akong nabuksan lahat ay naka lock. Lumingon ako sa pinanggalingan ko. Kapag hindi pa ako nakapag tago ay siguradong mahuhuli nila ako. Tinungo ko ang isang malaking sasakyan na pick up na itim ang salamin. Una  kong binuksan ang unahan pero naka lock. Sumunod naman ang nasa likuran. Bukas!

Agad akong pumasok at sinarado ang pinto. Mabango ang loob ng sasakyan at malamig.

Yumuko ako ng makita ko ang isang tauhan na luminga linga. Sana hindi nila ako makita! Piping dalangin ko.

Nahigit ko ang hininga ng bumukas ang pinto sa unahan. May pumasok! Yung may ari siguro.

May narinig akong pagkasa ng baril kasunod ang matigas na bagay na nakadutdot sa gilid ng noo ko.

“Sino ka?” Tanong ng isang lalaking may malaking boses.

Nanginginig ang katawan na dahan dahan akong nagtaas ng mukha. Sumalubong sa akin ang nguso ng baril.

“W-Wag po..” Mangiyak ngiyak na sabi ko at nagmamakaawang tumingin sa lalaking may hawak ng baril.

“Ikaw?”


chapter 6

Jeizhiro

Hindi ko pa nauubos ang isang bote ng beer ng may lumapit na namang isang babae sa akin. Hindi naman ako tanga para hindi malaman kung ano ang pakay nila. Ang alam ko mahigpit na itong pinagbabawal sa mga ganitong lugar. Tinaboy ko na kanina ang isa. Ang pakay ko talaga sa lugar na to ay inom at hindi kasama ang babae. Babalik na ako sa San Agustin bukas at hindi ko alam kung kelan ako pwedeng mag off ulit.

Tinaboy ko muli ang babae at tinuon na lang ang pansin sa pag inom ng beer. Sinilip ko ang oras sa wrist watch. Pasado alas diez na pala ng gabi. Tinungga ko ang laman ng bote ng beer at nag iwan ng pera sa lamesa at tumayo. Kinolekta naman ito ng  nagserve sa aking waitress.

Diretso na akong lumabas ng beerhouse at dinukot ang susi ng raptor ko sa bulsa. Medyo maalinsangan ang gabi.

Pagbukas ko pa lang ng driver seat ay may nararamdaman na akong kakaiba. Umupo ako at sinarado ang pinto sabay dukot ng baril sa loob ng leather jacket habang hindi inaalis ang mata sa rare view mirror. May tao sa likod!

Mabilis kong kinasa ang baril sabay tutok sa ulo ng nasa likod. Base pa lang sa pigura at mahabang buhok nito ay babae ito.

“Sino ka?” Mabagsik kong tanong.

Bahagyang nanginig ang katawan nya at dahan dahang nag angat ng mukha. Sumalubong sa kanya ang nguso ng  kwarenta y singkong baril ko.

“W-Wag po..” Nanginginig ang boses na sabi nya.

Pamilyar sa akin ang boses nya. Pinakatitigan ko ang mukha nyang takot na takot na hindi man lang naitago sa makapal nyang kolorete sa mukha. Pamilyar din sa akin ang alon alon nyang buhok.

Nahigit ko ang hininga kasabay ng pagkalabog ng dibdib ko. “Ikaw?”

“W-Wag po.. m-maawa po kayo sa akin..” Mangiyak ngiyak na sabi nya at tinaas pa ang kamay tanda ng pagsuko.

Napamura ako at binaba ang baril.

Pero nanlaki ang mata nya nang tumingin sa bintana. May lalaking sumisilip sa loob ng sasakyan ko na tila ba may hinahanap. At dahil heavily tinted ang salamin ay wala itong makikita o maaaninag man lang. Kinutuban na ako. Tiningnan ko sya at ang lalaking paikot ikot sa sasakyan ko at pasilip silip. Bakas sa kanyang mukha ang takot. Bahagya pa syang nanginginig. Parang alam ko na kung ano ang nangyayari. Napatiim bagang ako.

Nang ginalaw ko ang braso ko ay hinawakan nya ito at umiling iling.

“P-Please po sir.. W-Wag nyong bubuksan. K-Kukunin nila ako.. i-ibebenta nila ako. P-Parang awa nyo na po tulungan nyo po ako..” Pabulong na sabi nya kasabay ng pagpatak ng luha nya. 

May bumangong galit sa dibdib ko dahil sa sinabi nya. Mukhang biktima pa sya ng human trafficking. Ngali ngaling labasin ko ang lalaki at paputukan ng baril. Pero mamaya lang ay may sumulpot pa na dalawa at nag uusap silang tatlo. Hinahanap nga nila ang babae.

Ramdam ko naman ang paghigpit ng hawak sa akin ng babae. Tiningnan ko sya. Nagmamakaawa ang tingin nya. Tumango na lang ako sa kanya. Awang awa kong pinahid ang luha sa pisngi nya. Napapitlag naman sya sabay bitaw sa braso ko. Mukhang nagka trauma pa sya dahil sa mga lalaking yun.

Binawi ko na lang ang kamay ko. “Sorry.” Anas ko.

Hinintay ko munang umalis ang mga lalaki sa labas. Nakita ko pa ang ilang mga lalaking sumulpot sa kung saan at nag iikot ikot na tila may hinahanap hanggang sa nawala na sila at lumusot na sa kung saan.

Binuhay ko na ang makina. Sinilip ko sya sa likod. Nakasandal sya at nakapikit. Pinakabit ko sa kanya ang seatbelt ngunit nahihirapan sya dahil nanginginig ang mga kamay nya kaya tinulungan ko.

Habang nasa byahe kami ay tahimik lang sya habang pinipisil pisil ang kamay.

“Saan ka nakatira? Ihahatid na kita.” Basag ko sa katahimikan.

Nakita ko naman ang pagka alarma sa mukha nya at takot. Umiling iling sya.

Kumunot ang noo ko.

“A-Ayoko ko po sa bahay, siguradong pagagalitan ako nila tiyang at tiyong dahil tumakas ako.. B-Baka doon din ako puntahan ng mga lalaking yun.” Nahihintakutang sabi nya.

“Binenta ka ng tiyahin at tiyuhin mo sa mga lalaking yun?” Di makapaniwalang tanong ko habang nakatingin sa kanya sa rare view mirror.

Tumango tango sya. May bumangon namang panibagong galit sa dibdib ko.

“Putangna! Anong klaseng tiyuhin at tiyahin yun, nagawa nilang ibenta ang sarili nilang pamangkin?” Di maitago ang galit sa boses ko. “Eh nasaan ang mga magulang mo?”

“W-Wala na po akong magulang, patay na po ang mama ko..” Tuluyan na syang napaiyak at hindi magkandatuto sa pagpahid sa luha.

Napabuntong hininga na lang ako habang pinagmamasdan sya sa rare view mirror. Habag na habag ako sa kalagayan nya. Parang pinipiga ang puso ko. Medyo kumalat na rin ang make up nya dahil sa luha nya. Hindi ko gusto ang makapal na make up nya lalo na ang suot nyang nakakapag pakulo ng dugo ko.

Agad kong iniwas ang tingin sa maputi nyang cleavage na litaw sa mababang neckline ng damit nya. Litaw na litaw din ang mapuputi at mabibilog nyang mga hita.

Lumunok ako at tinanggal ang bara sa lalamunan ko. Inabot ko ang tissue sa dashboard at binigay sa kanya. Inabot naman nya yun at nagpasalamat. Hinubad ko na rin ang jacket ko at binigay sa kanya. Tiningnan lang nya ito pati ako.

“Isuot mo para hindi ka lamigin.” Ani ko.

Nahihiyang kinuha nya ito. Pero imbes na isuot ay nilagay lang nya sa kandungan nya.

“Isuot mo na.” Ulit ko.

Sinunod naman nya ako. Napangiti ako.

Napabuntong hininga ako ng makitang wala syang sapin sa paa pagbaba nya ng sasakyan. Mukhang tumakbo syang nakayapak habang tinatakasan ang mga humahabol sa kanya. Nagpalinga linga pa sya at tinitingnan ang bahay ko.

“Pumasok na tayo sa loob.” Sabi ko at nagpauna ng pumasok.

Binuhay ko ang ilaw sa sala. Nilingon ko sya. Kumunot ang noo ko dahil hindi pa sya pumapasok at bakas sa mukha nya ang pag aalangan.

Bumuntong hininga ako at napakamot sa kilay. “Pumasok ka na, wag kang mag alala hindi ako masamang tao. Dati akong sundalo at may respeto ako sa mga babae.” Pagtitiyak ko sa kanya.

Pumasok naman sya. Pinaupo ko sya sa sofa. Pumasok ako ng kusina para bigyan sya ng tubig.

“Heto uminom ka muna.” Abot ko sa kanya ng isang basong tubig.

Kinuha naman nya ito. “Salamat po.” Aniya at uminom na.

“Maiwan muna kita dito, ihahanap lang kita ng maisusuot.”

Umakyat ako sa kwarto ko para hanapan sya ng pamalit. Dahil wala naman ibang damit dito sa bahay kundi mga damit ko lang kaya isang t-shirt na puti at boxer shorts ang kinuha ko.

Inabot ko ito sa kanya pagbaba ko. “Magpalit ka na ng damit. May banyo dun.” Tinuro ko ang pinto sa tabi ng kusina.

Nahihiya man ay kinuha nya ang damit na inabot ko tumungo sa banyo.

Dumiretso naman ako ng kusina para ihanap sya ng makakain. Tamang tama may natira pa sa pinaluto kong kare kare kay manang Sol. Iinitin ko na lang.

Habang hinihintay ang iniinit na kare kare ay nagsandok na ako ng kanin. Hinanapan ko na rin sya ng maiinum sa ref. Pero dahil beer in can at tubig lang ang lamang ng ref ko ay gagawan ko na lang sya ng fresh orange juice.

“S-Saan po pwedeng ilagay to.”

Nag angat ako ng tingin.

Napanganga ako ng makita ang hitsura nya. Burado na ang make up nya. Ngayon ay mas malinaw ko ng nakikita ang magandang mukha nya na gustong gusto kong titigan kapag napapadaan ako sa prutasan. Suot suot na nya ngayon ang t-shirt ko na halatang malaki sa kanya at nagmistulang bestida na. Parang bigla akong pinagpawisan at nauhaw. Tumikhim ako at wala sa sariling ininom ang juice na ginawa ko. Muntik pa akong mapamura.

Tiningnan ko muli sya. Nakatingin lang din sya sa akin habang nakasampay sa braso ang damit na hinubad nya at ang boxer shorts ko.

“Bakit hindi mo sinuot yung boxer shorts?” Tanong ko. May undies naman siguro syang suot.

“Ah kasi malaki yung bewang..”

Napakamot na lang ako sa ulo. “Sige ilapag mo na lang dyan sa upuan. Ako nang bahala sa mga damit na yan. Umupo ka na at kumain. Siguradong gutom ka.” Ani ko at pinag hila sya ng upuan.

Tumalima naman sya at umupo. “K-Kayo po?” Alok nya sa akin.

Umiling ako. “Tapos na ako ikaw na lang.”

Kiming ngumiti sya. “Salamat po.”

Tumango na lang ako at tinuloy na ang paggawa ng fresh orange juice para sa kanya.

Halatang gutom na gutom sya dahil sunod sunod ang subo nya. Siguro hindi sya pinapakain o hindi makakain dahil sa takot.

“Ano palang pangalan mo?” Tanong ko sa kanya.

Nagtaas sya ng tingin sa akin. Nilunok muna nya ang kinakain. “I-Ivy Crisostomo po.”

Ah Ivy pala ang pangalan nya. Ivy. Hmm maganda parang sya.

“Ako naman si Jeizhiro Natividad, Jeiz na lang ang itawag mo sa akin para hindi masyadong mahaba.”

Tumango tango sya. “S-Salamat po sir Jeiz.”

Nginitian ko sya. Ang sarap sa tenga ng banggitin nya ang pangalan ko.

“Ilang taon ka na ba?” Muling tanong ko.

“Eighteen po.”

“E-Eighteen ka lang?” Di makapaniwalang ulit ko sa sinabi nya. Puta! Ang bata pa pala nito.

Tumango syang muli. “Pero mag na-nineteen na po ako sa susunod na buwan.”

Napainom ako ng tubig dahil parang may bumara sa lalamunan ko..


chapter 7

Ivy

Nagising ako dahil sa tama ng sikat ng araw na tumatama sa mukha ko. Nag inat ako sa higaan. Dinilat ko ang mata at bumungad sa akin ang malaking elesing umiikot at barnis na kahoy na kisame. Iba naman ito sa kisameng namulatan ko kahapon. Wala na ako sa impyernong bahay na yun na pugad ng mga demonyo. Nakatakas ako. Tinulungan ako ng isang gwapong mama.

Napangiti ako at bumangon. Suot ko pa rin ang t-shirt ni sir Jeiz na mukhang bestida ko na dahil sa laki. Pagkatapos nya akong pakainin kagabi ay dinala nya ako dito sa isang kwarto sa second floor. Ito daw muna ang pansamantalang tulugan ko habang nandito ako.

Sinuklay ko ng daliri ang buhok at niligpit na ang higaan. Naging komportable ang pagtulog ko kagabi. May kalakihan ang kwarto. Halos kasing laki na nga ng bahay ni tiyang Linda. Malaki ang kama at malambot. May sarili pang banyo. Kahoy ang dingding at sahig na may barnis. Halatang hindi basta bastang kahoy lang ang mga ginamit dito. Malamig din dahil may aircon bukod sa malaking electric fan na nakasabit sa kisame. Unang kita ko pa lang sa bahay na to sa labas kagabi ay gandang ganda na ako lalo na ng makapasok na ako sa loob. Ganitong bahay ang pangarap ko. Gawa sa bato at kahoy. Ang presko at ang classic ng dating. 

Mabuti na lang talaga sa loob ako ng sasakyan ni sir Jeiz nagtago kagabi. Dahil hindi ko na alam ang gagawin ko. Wala naman akong pera pamasahe at nakayapak lang ako. Hindi ko rin alam kung saan ako pupunta. Ayokong umuwi sa bahay dahil siguradong bugbog ang aabutin ko kay tiyang dahil tumakas ako at sigurado ding pupuntahan ako doon ng mga lalaking yun.

Sa isiping yun ay parang bumalik ang takot ko kagabi. Lalo na nasa isang bayan lang kami at ilang baranggay lang ang pagitan ng baranggay na ito at baranggay namin. Dasal ko lang na sana hindi maligaw sa lugar na to sila tiyang Linda at tiyong Oca o kahit na sinong nakakakilala sa akin. Ayoko nang bumalik sa bahay natatakot na ako. Baka kung ano pa ang sunod na gawin nila sa akin. Pero kung magkakalakas loob ako ay gusto kong bumalik para kunin ang mga gamit ko. Lalo na ang mga pictures namin ni mama.

Pero saan naman ako pupunta? Hindi naman pwedeng mamalagi ako dito ng matagal. Wala naman akong ibang kakilala na close ko maliban kanila Tina at Christy, na kilala din nila tiyang at tiyong. Mas lalo na kay lola Mila. Ayoko namang magsumbong sa pulis dahil kapag nakulong sila tiyang Linda at tiyong Oca ay kawawa naman ang mga pinsan ko. Kaya mas mabuting lumayo na lang ako sa kanila para na rin sa kaligtasan ko.

Bumuntong hininga ako. Saka ko na nga muna iisipin yun. Kailangan ko nang bumaba. Nakakahiya naman kay sir Jeiz tanghali na ako bumangon.

Lumabas ako ng kwarto at sinarado ang pinto. Medyo naaasiwa ako dahil t-shirt lang ang suot ko at panty. Mabuti na lang at malaki sa akin ang t-shirt. Hindi kasi kasya ang boxer shorts na pinahiram ni sir Jeiz dahil malaki ang bewang. Nakakahiya nga dahil pinahiram nya ako ng damit nya. Pero kakapalan ko na rin ang mukha at manghihiram ulit.

Habang pababa ako sa kahoy na hagdan ay tinitingnan ko ang mga malalaking pictures na nakasabit sa pader na kahoy. Natuon ang mata ko sa isang family picture. Namukhaan ko ang batang lalaki. Si Sir Jeiz. Ang lalaki at babae na nasa likuran nya na parehas nakangiti ay natitiyak kong mga magulang nya. Nasaan kaya sila? Ang sabi nya kasi sya lang mag isa ang nakatira dito sa bahay.

Ang pinagtuonan ko naman ng pansin ay ang larawan ni sir Jeiz na nakapang sundalo. Seryosong seryoso ang gwapong mukha nya. Matiim kung tumingin ang malalim nyang mga mata. Matangos ang ilong at manipis ang mga labi. Ang tikas nyang tingnan sa suot nyang uniporme.

“Gising ka na pala neng.”

“Ay butiki!”

Muntik pa akong mapatalon sa nagsalita.

Isang matandang babae ang nakatayo sa baba ng hagdan at nakatingala sa akin. Mabait syang ngumiti sa akin.

“M-Magandang umaga po ma’am.” Nahihiyang bati ko sa kanya.

“Magandang umaga din ineng. Manang Sol na lang ang itawag mo sa akin. Ako ang katiwala at kasambahay sa bahay na ito. Halika na, bumaba ka na at handa na ang agahan mo.” Aya nya sa akin.

“O-Opo.” Sagot ko at bumaba na ng hagdan. Sinundan ko sya papasok ng komedor.

Nakahanda na nga ang pagkain sa lamesa. Natakam ako sa amoy ng sinangag na maraming bawang. Tocino, hotdog at itlog ang kapareha. Meron pang umuusok na tsokolate sa baso. 

“Kumain ka na ineng.” Ani manang Sol na kinuhan pa ako ng kutsara at tinidor.

Ngumiti ako at umupo na sa upuan. “Kayo po manang.” Alok ko sa kanya.

“Tapos na ako kanina pa sa bahay. Ikaw na lang.”

Tumango ako at nagpalinga linga. “Eh si sir Jeiz po manang?”

“Umalis si Jeiz nagpunta ng San Agustin. Tinawagan sya ni mayor Rodolfo. Pero babalik din daw sya agad at sasamahan ka nyang magpa blotter sa mga pulis.”

Natigilan ako pagsubo dahil sa sinabi ni manang. Napakagat labi ako. Di bale kakausapin ko na lang sya mamaya.

“Naku napakarami talaga ng mga masasamang loob ngayon na pakalat kalat kaya kailangan talaga mag doble ingat. Lalo na sa mga babaeng kagaya mo. Ang ganda ganda mo pa naman. Ano nga ang pangalan mo ineng? Binanggit na sa akin kanina ni Jeiz nakalimutan ko lang.”

“Ivy po.”

“Ah yun, Ivy. Kaygandang pangalan bagay sayo.” Nakangiting sabi ni manang.

Nginitian ko din sya at nagpatuloy na sa pagkain.

Lumabas si manang Sol sa komedor pero bumalik din agad at may dalang mga nakatuping damit. Nilapag nya ito sa isang upuan.

“Ito pala mga pinaglumaang damit ng mga anak kong babae. Sinabi kasi sa akin ni Jeiz na wala kang damit at nakisuyo na pahiramin ka muna. Pagpasensyahan mo na kung luma ang mga yan.”

“N-Naku ayos lang po manang. Nakakahiya naman po sa inyo pero maraming salamat po.” Nahihiyang sabi ko.

“Wala yun ineng. Hala! Kain lang ng kain.” Aniya at pinagsandok akong muli ng sinangag.

Mabait si manang at may pagka madaldal. Naalala ko si lola Mila sa kanya. Ang gaan din nyang kausap. Sa kadaldalan nya ay halos kinuwento na nya sa akin ang talambuhay nya at talambuhay na rin ni sir Jeiz. Matagal na pala syang katiwala sa bahay na ito bata pa lang si sir Jeiz. Ang mga magulang pala nya ay namatay sa aksidente limang taon na ang nakakaraan kaya mag isa na lang si sir Jeiz. Dati syang sundalo at nagretiro para patakbuhin ang cacao farm nila. Sa kanila pala ang malaking cacao farm dito sa bayan ng Santa Martina. Mayaman rin pala sya. Sa ngayon ay nagtatrabaho sya bilang personal bodyguard ng mayor ng San Agustin. Meyo naguluhan ako dun. Bakit kailangan pa nyang mamasukan bilang bodyguard eh may negosyo naman syang cacao farm na kilala sa bayang to at sa buong probinsya.

“Naku ewan ko ba sa batang yun. Naghahanap yata ng sakit sa katawan. Mabuti na lang at wala pa syang asawa. Kawawa naman ang magiging asawa nya at makukunsumi lang sa kanya.” Patuloy na litanya ni manang Sol. Mataman lang akong nakikinig sa kanya.

Hindi ko alam kung bakit may munting tuwa akong naramdaman ng malamang wala pang asawa si sir Jeiz. Sa edad nyang trenta y kwatro ay dapat may asawa at anak na sya. Baka naman may girlfriend.

Nang matapos akong kumain ay nagpaalam  na akong aakyat muna sa taas para maligo at magpalit ng damit. Binigyan naman ako ni manang ng shampoo dahil sabon panligo lang daw ang meron. Inabutan na rin nya ako ng tuwalya.

Ang presko ng pakiramdam ko pagkatapos kong maligo. Suot suot ko ang damit na pinahiram sa akin ni manang Sol. Yun nga lang ay wala akong panloob. Hindi ko naman pwedeng isuot ulit ang panty ko kaya nilabhan ko na lang yun pati na rin yung t-shirt na pinahiram sa akin ni sir Jeiz. At dahil wala along bra at bakat ang utong ko sa suot na lumang t-shirt ay tinakpan ko na lang ito ng nakalugay kong alon alon na buhok para hindi halata.

Bumaba ako at nakipag kwentuhan na lang kay manang Sol para hindi mainip habang hinihintay si sir Jeiz. Malapit lang pala ang bahay ni manang. Paglabas ng gate ay tanaw na ang bahay nila. Madalas daw pag tapos na ang gawain nya dito sa bahay ay umuuwi na sya. Pero pinakiusapan daw sya ni sir Jeiz na samahan muna ako habang wala sya. At pinasabihan akong wag munang lumabas para sa kaligtasan ko. Wala naman talaga akong balak lumabas. Dahil baka mamaya nag iikot ikot ang mga demonyong yun at makita pa ako.

Sa kalagitnaan ng pagtutupi namin ng mga nilabhang damit ni sir Jeiz ay may pumasok na aso na kumakawag ang buntot. Lumapit ito kay manang Sol at hinimas ito ng matanda habang lawit ang dilang nakatingin sa akin. Mukha namang mabait ang aso.

“Naka alis na ang amu-amuhan mo late ka na kasing nagising.” Kausap ni manang sa aso.

“Alaga po sya ni sir Jeiz?” Tanong ko.

“Hindi, alaga sya ng kapitbahay pero lagi syang nagpupunta dito kapag nandito si Jeiz.” Ani manang.

Tumango tango naman ako at pinagpatuloy na ang pagtutupi ng malalaking damit ni sir Jeiz.

“Ano? Nagugutom ka no kaya kaya ka nagpunta dito.” Kausap pa ni manang sa aso. Para namang nakakaintindi ito at tumahol pa. “Naku nagugutom na nga. Teka lang at tatapusin lang namin to.”

Nangingiti na lang akong tiningnan silang dalawa. Lumapit naman sa akin ang aso. Hinaplos haplos ko naman sya sa ulo..


chapter 8

Jeizhiro

Nang matapos ang emergency meeting na pinatawag ni mayor Rodolfo ay nagpaalam akong aalis muli.

“Jeiz may problema ba iho?” Nag aalalang tanong ng butihing mayor.

“Wala naman ho mayor. May kailangan lang ho talaga akong asikasuhin sa bahay. Pagkatapos din ho ay babalik din ako agad.” 

“Ayos lang iho, asikasuhin mo muna ang kailangan mong asikasuhin. Kung kailangan mo ng tulong tawagan mo lang ako.” Aniya at tinapik pa ako sa balikat.

“Salamat ho mayor.”

Pagkatapos kong magpaalam ay sumakay na ako sa raptor ko at nilisan ang lugar. May sabik akong nararamdaman na muling makita ang dalaga. Umalis ako kanina na tulog pa sya. Bigla kasing nagpatawag ng emergency meeting si mayor para sa mga tauhan. 

Sasamahan ko kasing magpa blotter si Ivy sa presinto. Kung balak nyang kasuhan ang tiyahin at tiyuhin nya ay tutulungan ko sya. At hanggang maaari ay ayoko muna syang pabalikin sa bahay ng tiyahin nila dahil baka kung ano pa ang mangyari sa kanya sa susunod.

Napahigpit ang hawak ko sa manibela kapag naiisip ang posibleng mangyari sa kanya kung hindi sya nakapagtago sa sasakyan ko. Mabuti na lang talaga at nakalimutan kong i-lock ang pinto ng sasakyan kaya nakapagtago sya. Sinong mag aakala na sa ganoong sitwasyon pa kami magtatagpo.

Tiningnan ko ang oras sa wrist watch ko. Mag a-alas onse pa lang ng tanghali.

Habang nasa byahe ay iniisip ko si Ivy at wala sa sariling napapangiti. Naalala ko wala pala syang damit at tsinelas.

Kaya pagpasok ko ng Santa Martina ay dumaan muna ako sa pamilihan para ibili sya ng damit. Gusto ko sana sa mall kaya lang ay nasa kabilang bayan pa ito.

Binilhan ko sya ng damit at mga shorts pati na rin bestida. Tinantya ko na lang ang sukat. Binilhan ko na rin sya ng mga underwear yun nga lang ay hindi ako sigurado sa sukat ng bra. Kaya nagpatulong na lang ako sa tinderang babaeng naroon. Bumili na rin ako ng isang pares ng tsinelas. Dumiretso na rin ako sa katabing botika para ibili na rin sya ng mga personal hygiene nya. Bumili na rin ako ng mga prutas at lutong pagkain para kakain na lang kami pag uwi ko. Bukas ay magiiwan na lang ako ng pera kay manang Sol para pang grocery. 

Binuksan ko ang likuran ng sasakyan at nilagay ang mga pinamili ko. Tiningnan ko pa ito at inisip kung may kulang pa. Siguro ay tatanungin ko na lang sya mamaya kung ano pa ang mga kailangan nya.

Sumakay na ako sa raptor ko at pinaandar na ito. Pasipol sipol pa ako habang tinatahak ang daan pauwi. 

Naabutan ko sa labas ng bahay si manang Sol na nagtapon ng basura. Binati nya ako at pinagbuksan na rin ng gate. Ipinasok ko na ang sasakyan at pinarada sa garahe. Tinulungan ako ni manang na bitbitin ang mga pinamili ko sa loob ng bahay. Hindi pa man ako nakakapasok ay dinig ko na ang hagikgik ni Ivy at kahol ni Wiper. Naglalaro pala sila sala at mukhang hindi naramdaman ang pagdating ko. Maging si Wiper na malakas ang pang amoy kapag dumating ako ay mukhang haling na haling ngayon sa dalaga at hindi man lang ako sinalubong.

Tumikhim ako para kunin ang atensyon nila. Halos sabay silang dawala na lumingon sa akin. Tumakbo sa akin si Wiper na kumakawag kawag pa ang buntot at gustong magpahimas.

“Hey buddy, inaaliw mo ba ang bisita natin? “ Natatawang tanong ko sa aso. Kumahol naman ito at tumingin pa sa dalaga na may kiming ngiti. “Good boy. May treat ka sa akin mamaya.” Sabi ko sa aso at marahang tinapik sa katawan.

“Hi.” Bati ko kay Ivy na tahimik lang na nakatingin sa akin at nakangiti.

“Magandang hapon po sir Jeiz.” Nahihiyang bati nya. Malamyos ang boses niya na masarap sa tenga.

Hinagod ko sya ng tingin. Ibang damit ang suot nya. Siguro ay galing kay manang Sol.

“May binili akong mga damit para sa’yo. Tingnan mo kung kakasya sayo.” Nakangiting sabi ko at tinuro ang mga plastic na nakalapag sa sofa.

Kagat labing nilapitan nya ito at tiningnan ang laman. Bakas sa mga kilos nya na nahihiya sya. Nakita ko pa ang pamumula ng pisngi nya ng makita nya ang supot na may lamang mga underwear nya.

Napahimas na lang ako sa batok.

Ang sunod naman nyang tiningnan ay ang plastic na may lamang tsinelas. Kinuha nya ito at nilapag sa sahig at sinukat. Sakto sa kanya.

Tumayo sya at lumapit sa kin. “Sir Jeiz, nakakahiya naman po pero maraming salamat. Hindi ko po alam kung paano ko po kayo mababayaran. Ang maipapangako ko lang po kapag nakahanap ako ng trabaho ay babayaran ko po kayo.” Nahihiyang sabi nya.

“No need, bigay ko na yan sa’yo.”

“N-Naku, nakakahiya naman po sir. Babayaran ko po talaga kayo kapag nakahanap ako ng trabaho. Tinulungan nyo na nga po ako eh, napagastos pa kayo.” Nangungusong sabi nya.

Di ko naman mapigilang maaliw sa kilos nya.

“Wag mo nang intindihin yun. Ang importante komportable ka dito sa bahay ko at ligtas.”

Yumuko naman sya at nilaro ang mga daliri. “Salamat po talaga sir Jeiz.”

Akmang magsasalita pa ako ng tawagin na kami ni manang Sol dahil nakahanda na pananghalian.

“Sya nga pala mamaya pagkatapos nating mananghalian ay mag uusap tayo.” 

Tumango naman sya at kiming ngumiti.

Sabay na kaming pumasok sa komedor. Inaya ko na ring sumabay sa amin si manang Sol. Nakakutuwa lang tingnan na kahit nahihiya ang dalaga ay magana pa rin syang kumakain. Namula pa ang pisngi nya ng makita nya akong nakatingin sa kanya.

“Kain ka lang ng kain wag kang mahihiya.” Sabi ko.

Nahihiyang ngumiti naman sya at tumango.

Pagkatapos kumain ay inaya ko sya sa sala para pag usapan ang pagpapa blotter at pagsampa ng kaso sa mga lalaking humabol sa kanya lalo na sa tiyahin at tiyuhin nyang nagbenta sa kanya.

“Nabanggit na nga po sa akin yan kanina ni manang Sol. Kaso po..” Putol nya sa sasabihin.

Tumingin ako sa kanya habang nakatukod ang dalawang siko sa tuhod at magkasalikop ang mga kamay. “May problema ba? Natatakot ka ba? Tutulungan naman kita para mapanagot sila.”

Kumagat labi nya at bahagyang yumuko. “Wala po akong balak na ipa blotter o kasuhan sila tiyang Linda at tiyong Oca.” Halos pabulong na sabi nya pero malinaw kong narinig.

Kumunot ang noo ko. “Bakit naman?”

Humugot sya ng hininga at tumingin sa akin. “Kapag kinasuhan ko po sila at nakulong, kawawa naman po ang dalawa kong pinsan na maliliit pa. Pag nakulong sila walang mag aalaga sa dalawa kong pinsan. Matanda na rin po ang lola ko.”

Bahagya akong napanganga sa sinabi nya. Pagkatapos ng ginawa sa kanya ng tiyahin at tiyuhin nya ay naisip pa rin nya ang kalagayan ng anak ng mga ito. Sabagay may punto rin naman sya. Pero kaya nga namimihasa ang mga ganoong tao dahil na rin sa mga mabubuting kagaya ni Ivy. Tutol ako sa gusto nya pero wala naman akong magagawa kung ganitong nakapag desisyon na sya. Mag iisip na lang ako ng paraan kung paano mapanagot ang mga hayop na yun.

“So anong balak mo ngayon?” Tanong ko sa kanya. Kung isasagot nya na balak nyang umuwi ay hindi ko talaga sya papayagan.

“Lalayo na lang po muna ako sa kanila. Pagkatapos ng isang buwan ay maghahanap na rin po ako ng trabaho. Siguro ay hindi na ako hahanapin ng mga lalaking yun.”

Napahimas ako sa batok dahil sa sinabi nya. “Sa tingin mo ba pagkatapos ng isang buwan ay ligtas ka na sa labas? Hindi mo kilala ang mga ganoong uri ng mga tao Ivy. Hindi sila nakakalimot sa may utang.”

“Pero hindi naman ako ang may utang sa kanila. Sila tiyang at tiyong ang may utang.”

“Yeah, pero hahabulin ka pa rin nila.” Kahit nga makabayad pa ang tiyahin at tiyuhin nya sa utang ay siguradong hahabulin pa rin ng mga lalaking yun ang dalaga. At hindi ko kayang isipin ang maaari nilang gawin sa dalaga. Naninikip ang dibdib ko.

Kumagat labi sya at yumuko.

Bumuntong hininga naman ako at sumandal sa sofa at dumekwatro habang nakatingin sa kanya.

“Dumito ka muna sa bahay ko. Mas ligtas ka dito.”

Nag angat sya ng mukha. “Pero hanggang kailan. Hindi naman pwedeng magtagal ako dito.”

Nagkamot ako ng ulo. “Kapag nakahanap ka na ng trabaho sa ligtas na lugar, at ako na ang bahala dun.”

“I-Ihahanap nyo po ako ng trabaho?” Nanlalaki ang mga matang tanong nya.

Tumango ako.

Ngumiti naman sya at kumagat labi. Bakas ang tuwa sa kanyang mata.

“Naku, maraming salamat po talaga sir Jeiz! Hulog po talaga kayo ng langit sa akin. Hindi lang po kayo gwapo, ang bait bait nyo pa!” Tuwang tuwang sabi nya.

Napataas naman ang kilay ko sa sinabi nya at tumawa.

“B-Bakit po kayo tumatawa?” Nagtatakang tanong nya.

Umiling lang ako at tumikhim. “Wala. You just made my day Ivy.”


chapter 9

Third POV

“Ay jusko Oca!” Napatili si Linda ng sumadsad ang asawa sa lamesita ng suntukin ito ng isa sa mga tauhan ni Ka Tano na sumugod sa bahay.

Agad nya itong dinaluhan. Putok ang labi nito. Pinahid nito ng likod ng palad ang labi.

Binalingan nya ang mga tauhan ni Ka Tano. “Ano bang problema nyo at bigla na lang kayong susugod dito sa bahay ko at sinuntok nyo pa ang asawa ko.” Sikmat nya sa mga ito. Mabuti na lang at wala sa bahay ang mga anak. Maagang pumasok sa eskwela.

“At kayo pa talaga ang matapang ha.”

Nilingon nya ang nagsalita sa may pinto. Si Ka Tano na bagong pasok at may nakaipit na sigarilyo sa labi nito. Hinithit nito ang sigarilyo at binuga ang usok habang matalim ang tingin sa kanilang mag asawa.

“Ka Tano, a-anong problema?” Tanong ni Oca kay Ka Tano na bagong dating.

“Problema ko?” Ulit ni Ka Tano at pinitik ang upos ng sigarilyo sa sahig ng bahay at tinapakan.

Napalunok naman silang mag asawa at nilukob na ng takot at kaba. Kilala nila ang matanda. Ano kaya ang ginawa ng magaling nilang pamangkin at sumugod dito ang matanda at mukhang galit? Ang usapan nila ay mamayang gabi pa susunduin ang pamangkin.

“Nasaan ang pamangkin nyo? Nasaan si Ivy?” Tanong ni Ka Tano.

Nagkatinginan silang mag asawa. “Nasa inyo di ba? Mamayang gabi nga namin sya susunduin sa bahay aliwan mo eh.” Sagot ni Linda.

“Wala sya sa bahay aliwan. Tumakas sya kagabi habang nagkakagulo ang mga parokyano.” Sabat naman ng isa sa mga tauhan ni Ka Tano.

Nanlaki naman ang mga mata ng mag asawa. “Tumakas? Eh saan naman yun nagpunta?” Tanong ni Oca.

“Eh kaya nga kami nag punta dito eh. Dahil malamang dito uuwi yun.” Naiinis ng sabi ng tauhan at ngali ngali nang paputukan ang mautak na mag asawa.

“Wala si Ivy dito. Hindi sya umuwi.” Ani Linda.

Sinenyasan naman ni Ka Tano ang mga tauhan na maghalughog sa buong bahay. Tumalima naman ang dalawang tauhan. Kapag nalaman nyang tinatago ng mag asawang to ang pamangkin ay may kalalagyan ang mga ito at lahat ng miyembro nito sa pamilya. Nalugi sya ng milyon dahil sa pagtakas ng babaeng yun. At sa oras na mahuli nya ito papakinabangan nya ito ng husto hanggang sa magkaluray luray na ito na parang basahan.

Mamaya pa ay bumalik ang dalawang tauhan. “Boss wala ho dito ang babae.”

“Sabi ko naman sa inyo eh. Wala nga dito ang pamangkin ko.” Sabat ni Linda sa mataray na mukha. Pero agad ding naging maamong tupa ng tutukan sya ng baril ni Ka Tano.

“Ka Tano, wag ho!” Pagmamakaawa ng asawang si Oca at niyakap ang asawa.

“Ito ang tatandaan nyong mag asawa. Kapag nalaman kong nagsisinungaling kayo at may alam kayo kung nasaan ang babaeng yun ay malalagot kayo sa akin. Pati ang dalawa nyong anak at nanay mo Linda ay malalagot. Nagkakaintindihan ba tayo?” Mabalasik na sabi ni Ka Tano sa mag asawa.

Halos magkasabay namang tumango ang mag asawa. “P-Pangako, kapag bumalik dito ang pamangkin ko o kung makita man namin sya ay agad naming dadalhin sa inyo.”

“Dapat lang! Dahil doble na ang utang nyo sa akin. Kapag hindi pa kayo tumupad sa usupan ay mga lamang loob nyo ang ibebenta ko.” Kinasa ni Ka Tano ang baril para ipahiwatig na hindi lang sya nagbabanta.

“O-Oho oho! Pangako ko ho! Kami na rin ho ang maghahanap sa kanya at ibabalik sa inyo. B-Basta wag nyo lang sasaktan ang mga anak ko at si nanay.” Mangiyak ngiyak na sabi ni Linda.

Binawi ni Ka Tano ang baril at siniksik sa loob ng jacket. Muli syang humugot ng sigarilyo mula sa pakete at sinindihan.

“Mamanmanan kayo ng ilan kong mga tauhan hanggang sa mabawi ko ang pamangkin nyo. Kaya wag kayong magpapakampante at umpisahan nyo na ring hanapin ang pamangkin nyo at ibalik sa akin bago ako maubusan ng pasensya.”

Problemado ang mag asawa ng makaalis na si Ka Tano at ang mga tauhan nito. Palakad lakad si Linda sa sala. Si Oca naman ay nakaupo sa sala at may hawak na cold compress sa gilid ng bibig.

“Maupo ko nga Linda. Kanina pa ako nahihilo sa palakad lakad mo eh.” Suway ni Oca sa asawa.

Huminto naman sa paglalakad si Linda at umupo sa katapat na sofa. Iniisip kung saan maaaring pumunta ang pamangkin. Kung kay nanay ito nagpunta ay madali lang itong makikita nila Ka Tano. Hindi na yun mag pupunta dito at magbabanta. Sa mga kaibigan nya kaya? Naku! Kapag nakita ko sya

malilintikan

sya sa akin. Nasisiguro naman nyang babalik ang pamangkin dahil nandito pa ang mga gamit nito at mga gamit ng ina.

“Tao po!”

Sabay silang napalingong mag asawa sa pinto. Ang anak pala ng kapitbahay nila na si Tina.

“O Tina, anong kailangan mo?” Mataray na tanong ni Linda sa babae.

Nagtaas kilay naman si Tina at hindi papatiklop sa katarayan ni Aling Linda. “Ah si Ivy po? Hindi po kasi sya pumasok kahapon eh.” At nag aalala na sila ni Christy sa kaibigan dahil hindi nito ugali ang um-absent sa trabaho ng hindi nagpaalam. Kung sana ay may cellphone ito pero wala.

Tumayo si Linda at mataray na namaywang. “Wala dito si Ivy, lumayas.”

“Po? Lumayas? Bakit po?” Hindi sya makapaniwala sa sinabi ng tiyahin ng kaibigan.

“Aba’y malay ko! Baka sumama sa boyfriend nya at nagtanan! Heto nga at namomroblema kami dahil walang maglalaba.” Tungayaw ni Linda. Gulong gulong na nga ang isipan nilang mag asawa ay dinagdagan pa ng bubuwit na to.

“Boyfriend? Eh wala naman hong boyfriend si Ivy.” Sabat ni Tina. Hindi sya naniniwala sa sinabi ni Aling Linda. May pagkasinungaling pa naman ito.

“Aba malay ko! Malay mo. Malay nating lahat. Baka naglilihim lang ang gaga na yun, manang mana sa ina. At pwede ba! Wag ka ng tanong ng tanong dahil hindi namin alam. Ang mabuti pa umalis ka na dahil baka malate ka pa sa trabaho mo.” Patuloy pa ring tungayaw ni Aling Linda kay Tina.

Wala nang nagawa si Tina at tiningnan na lang ang mag asawa. Kung si Aling Linda ay puputok na ang ugat sa leeg sa inis, si Mang Oca naman ay tahimik lang at may hawak na cold compress. Wala naman syang makukuhang matinong sagot sa mag asawang to kung kaya umalis na lang sya na walang paalam.

Nasaan ka ba Ivy?


Ivy

Alas singko pa lang ng umaga ay gising na ako. Agad akong naligo at sinuot ang damit na binili ni sir Jeiz kahapon. Nilabhan ko naman ito kahapon at dinryer. Mabuti na lang at kasya ang panty at bra na binili nya sa akin. Nakakahiya nga eh dahil pati underwear ay binilhan nya ako. Pero kesa naman magpalakad lakad ako sa loob ng bahay na to na walang pangloob mas nakakahiya yun dahil hindi ko naman bahay to.

Ang presko ng pakiramdam ko pagbaba ko. Madilim pa naman sa labas pero inumpisahan ko na rin gumawa ng gawaing bahay. Atleast sa ganitong paraan ay makabawi man lang ako. Alas sais y medya pa naman darating si manang Sol sabi nya. Si sir Jeiz naman ay malamang tulog pa. Ang alam ko ay aalis din sya ngayong umaga para bumalik sa trabaho nya.

Nag umpisa akong magwalis walis muna sa labas. Pagkatapos ay nagdilig na rin ng halaman. Nang matapos ako sa labas ay bumalik ako sa loob ng kusina at tiningnan kung ano ang pwedeng iluto. May bahaw pa naman kaya dinurog ko ito para isangag. Naglabas na rin ako ng itlog at hotdog na naroon sa ref. Atleast bago pumasok sa trabaho si sir Jeiz ay makapag almusal muna sya. Para wala na rin masyadong gagawin si manang Sol pagdating. Namiss ko tuloy sila Lileth at Kiko. Ako rin kasi ang laging nagluluto sa umaga para sa almusal nila bago pumasok sa eskwela. Sana ok lang sila at naipagluto sila ni tiyang ng almusal.

Naabutan pa ako ni manang na nagpiprito ng hotdog habang nagkakape.

“Magandang umaga po manang.” Nakangiting bati ko sa matanda.

“Magandang umaga din ineng. Aba’y ang aga mo nagising ah.” Nakangiti ring bati nya at tiningnan ang piniprito ko.

“Sanay po talaga akong magising ng maaga”

“Nagugutom ka na pala. Pasensya na at ngayon lang ako nakarating. Hayaan mo buksas at aagahan ko para ipagluto ka ng almusal.” Ani manang Sol at akmang kukunin pa ang syanse sa akin.

“Naku hindi na po manang, kaya ko naman pong magluto. At saka nagluto na talaga ako para wala na kayong masyadong gawin dito sa bahay.” Nakangiting sabi ko.

Ngumiti sya sa akin. “Ang bait mo namang bata. Ang sipag sipag mo pa. Nakakatuwa ka.”

“Minsan lang po ako mabait.” Natatawang biro ko sa kanya. Natawa na rin sya.

Nang matapos akong magluto ay ang sala namin ang pinagdiskitahan ko. Inaawat nga ako ni manang Sol pero hindi ako nagpaawat. Wala na rin syang nagawa at hinayaan na lang ako.

Ang sunod ko namang pinagdiskitahan ay ang kahoy na hagdan. Pinunasan ko ang bawat baitang pati na rin ang mga balustre.

“What are you doing Ivy?”

Nag angat ako ng tingin mula sa pagpupunas. Nabungaran ko si sir Jeiz na bagong ligo at bihis na bihis. Gwapong gwapo sya sa suot nya na itim na pantalong maong na hapit sa kanyang mga hita at binti. T-shirt na puti na may nakasabit na aviator. May hawak din syang leather jacket. Para syang action star sa mga hollywood films. May papatubo din syang balbas at bigote na bagay sa kanya. Nakakunot ang noo nyang nakatingin sa akin.

“Magandang umaga po sir Jeiz.” Nakangiting bati ko sa kanya at tumayo.

“Yeah morning, anong ginagawa mo? Bakit ka nagpupunas ng hagdan?” Tanong nya.

Napakamot ako sa ulo at nahihiyang ngumiti. “Eh wala naman po kasi akong ginagawa kaya naglinis at nagpunas punas na lang po ako.”

Sya naman ang napakamot ng kilay. Bumaba sya ng hagdan at kinuha ang kamay ko at tinangay na ako pababa. Nakanganga at nakatitig lang ako sa magkahawak naming kamay. Kumalabog ang dibdib ko. Ito ang unang beses na may lalaking humawak sa kamay ko. At ang laki ng kamay nya. Mainit at magaspang. Magmukhang kamay ng bata ang kamay ko.

Humarap sya sa akin at kinuha ang basahan sa kamay ko. “Hindi mo naman kailangan gawin yan. Bisita kita dito.”

“N-Nakakahiya naman po sir Jeiz kung wala akong gagawin.” Nauutal na sabi ko. Naiilang kasi ako sa titig nya. Parang tumatagos sa buto ko.

“Wag nang matigas ang ulo mo. Kapag sinabi kong hindi, hindi.” Maawtoridad na sabi nya.

Napakagat labi naman ako at bahagyang yumuko.

“Kanina ko pa sinabihan yan iho na wag na, pero hindi nagpapapigil. Masyadong masipag. Sya na nga ang nagluto ng almusal eh.” Tila nagsusumbong na sabi ni manang na may hawak na basket.

“Nagluto ka?” Tanong nya sa akin.

Tumingin ako sa kanya at marahang tumango. “Para makakain ka bago pumasok sa trabaho mo.”

Bahagyang napaawang ang labi nya. “You mean, pinagluto mo ko ng almusal?” Tila hindi makapaniwalang tanong nya.

Tumango ako.

Napahimas naman sya sa batok sabay kagat labi.

Kinabahan naman ako dahil baka galit sya. “B-Bakit po? Ayaw nyo po ba?”

“No no no. It’s ok. Kumain ka na ba?”

Biglang nag iba ang tono nya at naging malambing.

“Hindi pa po.”

“Alright, kumain na tayo.” Aniya at hawak hawak ang kamay kong pumasok kami ng komedor.


chapter 10

Jeizhiro

“Sgt. Jeizhiro Natividad.”

Nilingon ko ang tumawag sa akin. Si Yñigo Alejos, ang haciendero na kalalabas lang sa opisina ni mayor Rodolfo. Nakangisi syang lumapit sa akin.

Inalahad nya ang kamay. Inabot ko ito.

“Retirado na ako Mr. Alejos.” Nakangising sabi ko.

Nagkibit balikat naman sya. “By the way, natanggap mo na ba ang invitation na pinadala ko para sa kasal ko?”

“Yeah, and congratulations Mr. Alejos.” Bati ko sa kanya. 

Natanggap ko na kaninang umaga ang inbitasyon na pinadala nya para sa kasal nila ng nobya nya. Nakilala ko na ang nobya nya. Maganda ito at mabait parang si Ivy. Sa tingin ko ay hindi sila nagkakalayo ng edad.

“Inaasahan ko ang pagdalo mo pare.”

“Makakaasa ka pare.”

“Kung may oras ka punta ka sa hacienda, inuman tayo.” Aya nya sa akin.

Ngumisi naman ako tumango. “Sure.”

“O sige mauna na ko. Sasamahan ko pa si Amira sa check up nya.”

“Ingat pare.” Nag fist bump pa kami bago nya nilisan ang ikalawapag palapag.

Sumandal ako sa pader habang nakasuksok sa bulsa ang isang kamay at hawak ko naman sa isang kamay ang cellphone. Nagtsi-tsek ako ng mga emails.

“Hi Jeiz!”

Nilingon ko ang pinanggalingan ng pamilyar na boses. Ang makulit na secretary ni mayor Rodolfo.

“Mariz ikaw pala.” Bati ko sa kanya.

Matamis syang ngumiti sa akin at parang modelong naglalakad na lumapit sa akin. Litaw ang cleavage nya dahil bukas ang ilang butones. Litaw din ang mapuputi nyang mga hita dahil hindi man lang umabot sa kalahati ng hita nya ang maiksing paldang hapit. Maganda sya at maputi. Pero wala syang dating sa akin. Matagal na syang nagpaparamdam sa akin simula pa ng manilbihan ako sa butihing mayor.

“Lunch naman tayo.” Aya nya sa akin.

Tiningnan ko ang oras sa relo ko. Eksaktong alas dose na pala ng tanghali.

“Sorry Mariz, pero si mayor ang kasama kong mag lunch.” Hinging paumanhin ko sa kanya. Si mayor naman talaga ang lagi kong kasama mag lunch bilang personal bodyguard nya.

“Don’t worry Jeiz, pinagpaalam na kita kay mayor Rodolfo. Sinabi kong may lunch date tayo kaya pumayag sya.” Ngiting ngiti na sabi nya at kumagat labi pa.

Kumunot naman ang noo ko sa sinabi nya. “Sinabi mong may lunch date tayo? Bakit mo sinabi yun?” Bahagya akong nainis sa ginawa nya. Ayoko sa lahat ng pinangungunahan ako.

Pero mukhang hindi nakakahalata ang babae sa inis sa boses ko. 

“Para makapag date tayo ano pa ba?” Natatawang sabi nya. “Dapat nga matagal na nangyari ang lunch date na to eh. Kaso lagi mo kong tinatanggihan. Alam mo bang ang lahat ng tao dito sa munisipyo ay pini-pair tayong dalawa. Bagay na bagay daw tayo.” Aniya sa nang aakit na boses. Lumapit pa sya ng husto sa akin at hinaplos ng daliri ang dibdib ko.

Hinawakan ko ang kamay nya at binaba. Lumayo ako ng kaunti sa kanya.

“I’m sorry Mariz, pero hindi pa rin kita mapagbibigyan.” Hinging paumanhin ko.

Nawala naman ang ngiti nya at sumimangot. “Na naman! Lagi mo na lang akong tinatanggihan. Panget ba ako?”

Napakamot ako sa noo. “No, hindi ka panget.”

“Yun naman pala eh, bakit ayaw mo sa akin?” Nagpapadyak pa ito.

“Hindi naman sa ayaw ko sa’yo, kaya lang..”

“Kaya lang ano?”

Bumuntong hininga ako. “May g-girlfriend na ko.”

“M-May girlfriend ka na?” Di makapaniwalang tanong nya.

Tumango ako. Sana lang ay hindi nya mahalatang nagsisinungaling ako para tigilan na nya ako.

“Kelan pa?”

Napahimas ako sa batok. “Nung linggo lang.”

“Ang bilis naman.” Nakasimangot na sabi nya. “O baka naman nagdadahilan ka lang.”

“Of course not. Actually sa bahay ko nga sya  pansamantalang nakatira ngayon eh.” Sorry Ivy.

“Nag li-live na kayo?” Nanlalaki ang matang tanong nya.

Napanganga na lang ako. Sinabi ko ba yun?

Pero bago pa ako mag salita ay tumalikod na sya at nagmamartsang bumalik sa table nya.

Napakamot na lang ako sa ulo. Sana lang ay tigilan na nya talaga ako.

Maya maya ay lumabas na si mayor kasama si Danilo at Allan na kaparehas ko ring personal bodyguard. Sumaludo pa sa akin ang dalawa. Napailing na lang ako.

“Jeiz.” Tawag sa akin ni mayor.

“Mayor.” Lumapit ako sa kanya.

“Umiiyak si Mariz na lumapit sa akin, tinanggihan mo na naman daw sya.”

Tumango ako at napahimas ng batok. At nagsumbong pa nga ang secretary nya sa kanya.

“Totoo ba na may ka live-in ka na?”

Hindi ko alam kung tatango ba ako o hindi. Pero pinili ko na ring tumango sa huli.

Ngumiti naman si mayor at tinapik ako sa balikat. “Aba’y maganda yan! Pero mas maganda kung pakasalan mo na. Hindi ka na rin bumabata at panahon na para magkapamilya ka na. Minsan ay isama mo naman ang nobya mo sa isa mga event na pupuntahan natin para makilala ko na rin sya. Kaya pala nagpaalam kang mag uwian. Well, masaya ako para sa’yo iho.”

Ngumiti na lang ako. “Salamat ho mayor.”

Nginisihan naman ako nila Danilo at Allan. Pero hindi na sila nagkomento. Inilingan ko na lang sila.


Mag iisang linggo na sa bahay ko si Ivy. Mabait ang dalaga at napakasipag pa at maalaga. Kulang na nga lang ay subuan na nya ako sa pagkain. Kaya hindi ko rin maiwasang kiligin minsan. Nakakabading man pakinggan pero kinikilig ako sa mga simpleng pag aasikaso nya sa akin. Alam ko namang ginagawa nya lang yun para makabawi sa akin. At lagi na rin akong excited umuwi para makita sya.

Nagpaalam ako kay mayor na mag uwian at hindi muna mag stay-in sa mansion nya. Wala kasing makakasama si Ivy sa bahay sa gabi. Si mamang Sol ay hindi naman pwede dahil may asawa itong inbalido na inaalagaan. At hindi rin pwedeng hayaan mag isa lang sa bahay si Ivy sa gabi. Baka mamaya makatunog ang masasamang loob at pasukin ang bahay ko.

Pagkahatid ko kay Mayor Rodolfo sa mansion nya ay nagpaalam na akong umuwi. Stay in naman sila Danilo at Allan sa mansion at binilanan ko silang kung may problema ay agad akong tawagan. Sa ngayon ay wala namang banta sa buhay ni mayor. Pero mabuti na ring alerto.

Pasado alas nuebe na rin ng makarating ako ng Santa Martina. Dumaan muna ako sa drive thru ng isang fast food chain para bumili ng pasalubong kay Ivy dahil paniguradong gising pa ito.

Ako na ang nagbukas ng gate dahil hindi ko sya pinalalabas. Mahirap na. Baka may makakita at makakilala pa sa kanya. Si manang Sol naman ay kanina pa umuwi.

Pagparada ko ng sasakyan sa garahe ay binalikan ko ang gate para isara. Lumusot naman sa ilalim ng gate si Wiper na kumakawag ang buntot na lumapit sa akin. Hinimas himas ko sya sa ulo. Mukhang bagong kain sya dahil pintog ang tiyan. Kusa na rin syang lumayo sa akin at lumusot ulit sa ilalim ng gate palabas. Malamang ay mananahol na naman sya ng hindi kilalang dumaraan.

Nangingisi at nailing na lang ako. Binalikan ko ang binili kong pagkain sa loob ng sasakyan at pumasok na sa loob ng bahay.

Tutok na tutok ang mata ni Ivy sa malaking screen habang ngumunguya ng tsitsirya at paminsan minsang tumatawa. Hindi nya siguro narinig ang sasakyan ko kaya hindi nya ako sinalubong sa pinto na gabi gabi nyang ginagawa. Pinagmasdan ko muna sya ng ilang sandali. Nakakatuwa lang isipin na nakakangiti at nakakatawa na sya pagkatapos ng bangungot na naranasan nya. Masaya din akong nakikitang komportable sya dito sa bahay.

Tumikhim ako para kunin ang atensyon nya. Hindi naman ako nabigo dahil lumingon agad sya sa gawi ko. Nanlaki ang mata nya at agad na tumayo mula sa pagkakaupo sa sofa.

“S-Sir Jeiz! Nandyan na pala kayo. Pasensya na po hindi ko kayo napansin.” Natataranta pang sabi nya na lumapit sa kin.

Ngumiti naman ako at pinalis ng daliri ang mumog ng tsitsirya sa gilid ng labi nya. Napaigtad naman sya at sya na mismo ang nagpahid ng gilid ng kanyang bibig.

“It’s ok. Saan galing ang tsitsiryang kinakain mo? Lumabas ka?” Kunot noong tanong ko.

“Hindi po. Binili po ni manang para sa akin.”

“Ah.” Tumango tango na lang ako. Kinabahan ako na baka lumabas sya.

Inabot ko sa kanya ang plastic na may lamang pagkain. “Heto para sa’yo.”

“Po? Naku, nag abala pa po kayo sir.” Nahihiyang sabi nya nang kuhanin ang plastic sa kamay ko.

“Ayos lang. Para maiba naman ang kinakain mo. At saka wag kang masyadong nagkakain ng tsitsirya hindi maganda sa kalusugan yan.” Paalala ko sa kanya.

Kumagat naman sya at tumango.

“Kumain na po ba kayo? Ipaghahain ko po kayo.” Alok nya.

“Tapos na akong kumain. Salamat.”

“Eh kape po? Gusto nyo po ba?” Tanong nya.

Tumawa ako. “Hindi na Ivy, baka hindi agad ako makatulog kapag uminom ng kape.”

“Ah alam ko na, beer na lang po.” Aniya at tumalilis na papuntang kusina.

Naiiling at nangingiting hinubad ko ang leather jacket at sinampay sa arm rest ng sofa at umupo. Ilang sandali pa ay bumalik na sya at may dalang beer in can na namamawis pa sa lamig. Agad nya itong inabot sa akin. Natatawang kinuha ko naman ito at binuksan.

“Alam mo na talaga kung ano ang gusto ko no.”

“Eh lagi ko pong napapansin na bago kayo matulog umiinom kayo ng beer. Pampaantok nyo po siguro.” Aniya at kinuha ang jacket kong nakasampay sa armrest.

Tumango tango naman ako. Binuksan ko ng beer at tinungga. Nakatayo pa rin sya at nakatingin lang sa akin na parang naghihintay ng utos.

“Umupo ka na, tapusin mo na yang pinapanood mo. Kainin mo na rin yung binili ko para sa’yo habang mainit pa.”

Kiming ngumiti naman sya at tumango. Bumalik sya ng kusina at lumabas na dala ulit ang plastic ng fast food chain. Nilapag nya ito sa lamesitang naroon at nag umpisa ng kumain habang nanonood. Inalok pa nya ako. Tumanggi lang ako. Sapat na ang panoorin ko syang nabubusog sa pagkaing binili ko..


chapter 11

Ivy

“Ivy aalis na ako.”

Mula sa pagva-vacuum ay nilingon ko si sir Jeiz na pababa ng hagdan.

Bahagya pa akong napanganga habang pinagmamasdan syang pababa. Lagi naman akong napapanganga tuwing umaga kapag nakikita syang bihis na bihis papasok sa trabaho. Para kasi syang modelo na lumabas sa magazine o kaya hollywood action star. Ang lakas ng dating nya sa suot nyang pantalong maong na blue na pinaresan nya ng combat shoes. Itim na v-neck t-shirt naman ang pang itaas nya. As usual nakasabit sa neckline ang aviator nya. Namumutok din ang naglalakihang masel nya sa braso pati na rin ang dibdib na hakab sa suot na damit. Bitbit nya ang jacket nya. Naalala ko maraming jacket sa closet nya at puro branded pa. Lahat naman ng damit nya, ultimo brief at boxer shorts nya ay branded. Pati na rin ang mga sapatos nya. Sana all lang talaga.

“Ivy.” Untag nya sa akin.

“Po?” Parang tangang tanong ko.

Kumunot ang noo nya. “Ayos ka lang? Para kang namatanda dyan.” Nakangising sabi nya.

Naitikom ko naman ang bibig at nahihiyang ngumiti. “Pasensya na po sir Jeiz, nakakatulala kasi ang kagwapuhan nyo eh. Para kayong hollywood celebrity.” Sabi ko na walang kakurap kurap na tumitig pa sa kanya.

Tumawa sya ng mahina at napahimas sa batok. Napadila pa sya sabay kagat labi.

“Nagagwapuhan ka sakin?” Ngiting ngiti na tanong nya.

Tumango naman ako. “Opo, at sa totoo lang kayo na yata ang pinaka gwapong lalaking nakita ko.”

Tumawa muli sya at napakamot sa ulo.

Naguluhan naman ako kung bakit sya tumatawa. Baka akala nya nag jo-joke ako.

“Sir Jeiz, hindi po ako nag jo-joke ha. Totoo po yung sinabi ko.”

Muli syang tumawa. Namumula na rin ang tenga nya.

Medyo

wirdo

din pala to si sir Jeiz. Tumatawa kapag

pinupuri

. Buti na lang gwapo sya.

Napakamot na lang ako sa ulo.

“Fuck.. binuo mo na agad ang araw ko Ivy.” Mahinang usal nya ng tumigil na sya sa pagtawa.

“Po?” Naguguluhang tanong ko.

“Nothing.” Nakangiting iling nya.

May dinukot sya sa bulsa ng pantalon sa likuran. Wallet pala nya. Binuksan nya ito at inabutan ako ng isang libo.

Nagtataka naman na kinuha ko ito. “Para saan po to sir Jeiz?”

“Pambili mo ng meryenda. Baka may gusto kang kainin. Pero wag puro tsitsirya ha. Si manang na rin ang pabilhin mo para hindi ka na lumabas.”

Pangmeryenda lang to? Isang libo?

“Sir Jeiz, parang sobra sobra naman yata to pangmeryenda. Saka may pagkain namin po sa kusina eh.” Ani ko at binalik sa kanya ang pera pero binalik lang din nya ito sa kamay ko.

“Sige na, itabi mo na lang para kapag may gusto kang ipabili sa tindahan may pambili ka.” Wika nya at binalik na sa bulsa ang wallet nya.

Nag init naman ang pisngi ko at napakagat labi. Nakakahiya.

“May gusto ka bang ipabili sa akin? Para pag uwi ko mamaya bilhin ko.”

Nag angat ako ng tingin sa kanya at mabilis na umiling. “Naku, wala po sir Jeiz. Ayos lang po ako wag na po kayong mag alala.”

“Ok, ako na lang bahala.” Tumingin sya sa relo. “Alis na ko, mag iingat ka dito ha. Wag kang lalabas. At kapag may nag doorbell sa labas hayaan mo lang.” Bilin nya sa akin.

Kagat labing tumango naman ako.

Ilang sandali munang nakatingin lang sya sa akin. Parang may gusto pa syang sabihin. Pero tumalikod lang sya at lumabas na. Sinundan ko sya hanggang sa pintuan. Binuksan nya muna ang gate. Bumalik sya sa sasakyan at binuhay na ang makina at inatras palabas ng gate. Lumabas muli sya ng sasakyan nya at sinarado ang gate. Tumingin muna sya sa akin. Nginitian ko sya at kinawayan. Ngumiti din sya. Nang mawala na ang sasakyan nya sa paningin ko ay sinarado ko na ang pinto. Mag isa na lang akong naiwan dito sa bahay nya. Si manang Sol ay nasa palengke.

Tiningnan ko ang perang nasa kamay ko. Napangiti ako. Isinuksok ko na lang ito sa bulsa ko at tinuloy ang naudlot na pagva-vacuum.

Nang matapos ako at wala pa rin si manang Sol ay naupo na lang ko sa sofa habang hinihintay sya.

Bumuntong hininga ako at nangalumbaba. Miss ko na sa amin. Lalo na sa tindahan. Miss ko na si Tina at Christy maging ang masungit na si Ka Ene. Kamusta na kaya sila? Siguradong nagtataka din sila kung bakit bigla na lang akong hindi pumasok ng walang paalam. Baka nga hinahanap rin nila ako. May number ako ni Tina na nakasulat sa maliit kong notebook. Sana pala kinabisado ko.

Mahigit isang linggo na rin akong nandito sa bahay ni sir Jeiz. Hindi naman ako naiinip dahil nalilibang naman ako sa panonood ng tv na hindi ko nagagawa noon sa bahay dahil pinagbabawalan akong manood ni tiyang. Takot din naman akong lumabas dahil baka may makakilala sa akin. Kapag nga kapag may kumakatok sa gate o nagdo-doorbell ay hindi ko nilalabas. Yun din naman ang kabilin bilinan sa akin ni sir Jeiz. Pero nasa plano ko pa rin naman ang umuwi para kunin ang mga gamit ko at mga iniwang gamit ni mama na tanging alaala nya para sa akin.

Nang dumating na si manang Lourdes ay tinulungan ko na lang sya. Nakakatuwa nga dahil lagi akong busog dito. Nakakain ko ang hindi ko nakakain sa bahay. Tapos si sir Jeiz halos araw araw kung pamalengkehen si manang Sol at ako ang tinatanong kung ano ang gusto kong kainin. Puno din ang ref ng pagkain. Ang sabi nga ni manang Sol ang laging laman lang ng ref dati ay puro processed food at beer in can. Tapos pag uwi pa ni sir Jeiz ay laging may dalang pagkain sa akin. Mabuti na lang ay hindi ako tabain.

Mag a-alas nuebe na ng gabi ay wala pa si sir Jeiz. Kanina pa umuwi si manang. Ang asong si Wiper ay tumambay dito sa bahay kanina. Pero pagkatapos ko syang pakainin ay umalis na rin ito. Malamig ang ihip ng hangin sa labas dahil sa panaka nakang pag ulan.

Itinuon ko na lang ang pansin ko sa malaking screen ng tv. Medyo hininaan ko na lang ang volume para marinig ko ang tunog ng gate at sasakyan ni sir Jeiz.

Hindi nga nagtagal ay narinig ko na ang ugong ng sasakyan nya sa garahe. Hininaan ko pa ang volume ng tv at may pananabik na pinuntahan ang pintuan. Kababa lang nya ng sasakyan at may bitbit na isang box ng cake.

Sinalubong ko na sya. Dali dali akong bumaba ng ilang baitang ng hagdan. “Magandang gabi po sir – ayy!” Nang sa huling baitang na pag hakbang ko ay dumulas ang tsinelas na suot ko.

“Shit!”

Naramdaman ko na lang ang malaking braso ni sir Jeiz na nakapulupot sa bewang ko. Kumalabog ang dibdib ko sa kaba. Hindi lang dahil sa muntik na akong pumlakda kundi dahil sa magkadikit na katawan namin si sir Jeiz. Pigil ko rin ang hininga dahil halos ga dangkal na lang ang layo ng mukha namin. Amoy na amoy ko ang mabango nyang hininga. Titig na titig sya sa  mukha ko at lumunok pa.

“S-Sir Jeiz..” Untag ko sa kanya at tinapik ang dibdib nya.

Nagbawi naman sya ng tingin at tumikhim. “Tsk! Hindi ka nag iingat. Muntik ka pang mabalian ng buto.” Palatak nya at inalalayan akong tumayo.

“Ayos ka lang?” Nag aalalang tanong nya.

Napalunok naman ko at tumango. “A-Ayos lang po, nadulas lang. Sorry po.”

Umiling iling sya. “Hindi ka na dapat bumaba. Madulas dito dahil basa.”

Nakagat ko na lang ang loob ng pisngi ko.

“Tara na sa loob at lumalakas na ang ulan.”

“Ako na po ang magdadala nyan.” Presinta ko at akmang kukunin ang bitbit nyang cake at jacket.

“Ako na. Pumasok ka na sa loob at mag ingat ka sa paghakbang.”

“Opo.” Lulugo lugong umakyat na lang ako papasok ng bahay. Baka lalo pa syang mainis sa akin dahil sa katangahan ko.

Sinundan ko sya papasok sa kusina. Sinampay nya ang jacket sa upuan at nilagay sa ref ang cake. Bigla akong natakam sa cake at gusto na itong tikman. Kaya lang nahihiya ako kaya magkakasya muna ako sa pagsilip sa box. Bukas na lang ako kakain.

Ngunit sa hindi inaasahang aksidente, pag igkas ng siko nya ay tumama sa kanang cheek bone ko.

“Aw!”

“Holy shit! Are you ok?” Natatarantang lumapit sya sa akin.

Sapo sapo ko naman ang cheek bone kong nasiko nya. Araykupo

!

Ansaket

! Para akong

sinapak

! Halos mangiyak ngiyak na ako kakahimas sa cheekbone ko.

“Patingin.” Hinawakan nya ang mukha ko at inalis ang kamay kong nakasapo sa cheekbone ko. Bakas ang matinding pag alala sa mukha nya.

“Shit namumula na.” Marahan nyang hinaplos ang gilid ng cheek bone ko. “Masakit?”

Napangiwi naman ako at tumango.

Bumuntong hininga sya. “I’m sorry, hindi ko alam nasa likod pala kita.”

Umiling ako. “Kasalanan ko naman.”

“Umupo ka muna, kukuha lang ako ng cold compress para hindi mamaga ng husto yan.”

Sinunod ko naman sya. Ang malas ko naman ngayong gabi.

Maya maya ay bumalik na sa harapan ko si sir Jeiz at may hawak cold compress. Hinila nya ang isa pang upuan palapit sa akin. Bahagya pa akong napangiwi ng marahan nyang idampi ang cold compress sa cheekbone ko. Nakaramdam naman ako ng pagkailang dahil ang lapit ng mukha nya sa akin. Seryosong seryoso sya sa pagdampi ng cold compress.

“Sir Jeiz.. a-ako na po.” Mahinang usal ko.

Tiningnan nya ako sa mata.

“Ako na.”

Napalunok na lang ako at nag iwas ng tingin. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko..


chapter 12

Jeiz

Ekasaktong alas onse na ako nakarating ng bahay. Pinatay ko ang makina at bumaba ng raptor bitbit ang isang box ng pastries at isang malaking bilao na puro prutas na galing sa kasal ni Yñigo Alejos. Dapat ay mamaya pa ako uuwi dahil nag aya ng inuman si Yñigo kasama ang pinsan nyang si Edward. Nagpumilit lang akong umuwi dahil nag aalala ako kay Ivy. Mabuti na lang nandun si mayor at sinabing may naghihintay sa akin sa bahay kaya nakatakas ako. Yun nga lang inulan ako tukso.

Dinukot ko ang susi sa slacks ng pantalon at sinuksok sa pinto. Binilinan ko kasi si Ivy na kapag sya lang mag isa dito sa bahay ay lagi nyang ila-lock ang pinto. Mahirap na baka masalisihan ng masasamang loob at sya lang ang nandito.

Pagbukas ko ng pinto ay dinig ko ang ingay mula sa tv. Pero si Ivy ay nakahiga na sa sofa. Mukhang tulog na. Sinarado ko ang pinto at ni-lock. Dumiretso muna ako ng kusina para ilagay ang mga bitbit ko.

Pinatay ko ang tv at dahan dahan akong umupo sa sofa habang hindi inaalis ang tingin kay Ivy na mahimbing na natutulog. Bahagya pang nakaawang ang mapupulang labi nya at nakaipit sa ilalim ng pisngi ang mga kamay. Marahan kong hinawi ang ilang hibla ng alon alon nyang buhok na tumatabing sa kanyang pisngi. Iningatan kong wag masagi ang pisngi nyang bahagyang kulay ube pa dahil sa aksidenteng hindi ko sadya.

Napangiti ako dahil mukhang hinintay pa talaga nya ako dito sa sala kahit antok na antok na sya. Hindi ko magawang alisin ang mata ko sa maganda nyang mukha. Habang lumilipas ang araw na nakakasama ko sya dito sa bahay kahit sandaling oras lang ay ramdam kong may nag iba na sa akin. Ang simpleng paghanga lang na nararamdaman ko sa kanya ay ramdam kong lumalalim na. 

Gumalaw sya at dahan dahan nagmulat ng mata. Tumingin sya sa akin. Nagkusot pa sya ng mata.

“Sir Jeiz?” Inaantok na sabi nya.

Lihim akong napamura dahil sa namamaos nyang boses na parang humaplos balat ko.

Tumikhim ako. “Bakit dito ka pa natulog.”

Dahan dahan syang bumangon. Inipit ang buhok sa likod ng tenga. Halata sa mukha nyang antok na antok pa sya.

“Hinihintay ko po kayo.”

“Umakyat kana sa kwarto mo. Doon mo na lang ituloy yang tulog mo.”

“Eh kayo po?”

Napangiti ako. Kahit antok na antok pa ay ako pa rin ang inaalala nya. Kaya paano akong hindi mahuhulog sa magandang anghel na ito.

“Aakyat na rin ako. Sige na matulog ka na sa kwarto mo.”

“Sige po. Kayo pong bahala.”

Tumayo ako para makaahon na sya sa sofa. Sinuot nya ang tsinelas na binili ko sa kanya. Tumingala sya sa akin at ngumiti.

“Goodnight po sir Jeiz.”

Tumango ako at namulsa. “Goodnight Ivy.”

Sinundan ko na lang sya ng tingin habamg paakyat ng hagdan. Humugot ako ng malalim na hininga at umupo sa sofa. Isinandal ko ang likod at ulo sa head rest. Napangiti ako at nakapikit dahil ramdam ko pa ang init ng katawan ni Ivy sa hinigaang sofa.

Pasado alas syete na ng umaga ayon sa metal wall clock ko. Pupungas pungas na bumangon ako at in-stretch ang mga braso at hita. Mag a-alas onse na ako nakauwi kagabi galing sa kasal.

Hinawi ko ang makapal na kurtina na tumatabing sa french door. Binuksan ko ito at pumasok ang sariwang hangin. Masarap din sa balat ang sikat ng araw. Itinukod ko ang mga kamay sa handrail at ginala ang mata sa paligid. Hindi naman masyadong matao ang baranggay namin. Ang bahay dito ay hindi dikit dikit kaya hindi crowded. Pero may ilan ilan nang mga bata sa kalsada at naglalaro dahil linggo ngayon. Nakita ko pa si Wiper na tumatakbo at tinatahulan ang magtataho.

Iginala ko naman ang mata sa loob ng bakuran ng bahay. Napangiti ako ng makita si Ivy na papasok ng bahay. Mukhang katatapos lang nyang magwalis. Siguro naiinip na sya dito sa bahay. Mag ta-tatlong linggo na syang hindi lumalabas. Isama ko kaya sya mamaya sa farm?

Pumasok na ako sa loob at niligpit ang hinigaan ko bago pumasok ng banyo para mag shower.

Hubad baro akong lumabas ng kwarto at tanging pantalon lang ang suot. Nakalimutan ko kasi ang baril sa sasakyan. Balak ko yung linisin mamaya. Kinuskos ko ang buhok kong mamasa masa pa.

“Magandang umaga po sir Jeiz.”

Nag angat ako ng tingin at nabungaran si Ivy na paakyat din ng hagdan.

“Morning Ivy.” Bati ko sa kanya.

Pero hindi nakaligtas sa mata ko kung paano nya hagurin ng tingin ang katawan ko. Napakagat labi ako. Bahagyang bumilis ang tibok ng puso ko sa excitement.

“May tattoo pala kayo sir Jeiz.” Puna nya at manghang tiningnan ang tattoo ko sa tagiliran.

“Ah matagal na yan. Nasa serbisyo pa ako.” Tumagilid pa ako ng kaunti para makita nya ang tattoo ko.

Ngumuso naman sya.

Bahagya naman akong kinabahan. “Bakit? Ayaw mo ba ng may tattoo?”

Tumingin sya sa akin. “Parang ang dumi po kasing tingnan sa katawan ang tattoo. Para sa akin lang po ha.”

Mariin ko namang nailapat ang labi ko. Eh di

madumi

na pala ako tingnan sa mata nya kasi may tattoo ako.

“Pero infairness, bagay po sa inyo ang may tattoo. Hindi kayo maduming tingnan. Ang astig nyo pong tingnan.”

Napangiti ako. “Talaga? Bagay sa akin?”

Tumango sya. “Sobrang cool nyo nga po eh.” Nag thumps up pa sya.

Napakagat labi naman ako at napahimas sa batok. Heto na naman ang puso ko. Tuwang tuwa kapag pinupuri nya. Madalas naman akong nakakarinig ng papuri mula sa ibang tao lalo na sa mga babae. Pero iba lang talaga ang dating sa akin kapag si Ivy ang pumupuri.

“Ah akyat po muna ako sa kwarto sir. Magpapalit lang ako ng kobre kama.” Paalam nya sa akin at nilampasan na ako paakyat sa hagdan.

“Ivy wait.” Hinawakan ko ang kamay nya.

Lumingon naman sya sa akin at tiningnan ang kamay kong nakahawak sa kanya. Pero imbes na bitawan ko ang kamay nya ay mas hinawakan ko pa.

“Bakit po sir Jeiz?”

“Gusto mong sumama sa akin?” Aya ko sa kanya.

“Saan po?” Kunot noong tanong nya.

“Sa farm.” Nakangiting sabi ko.

Bahagyang napaawang ang labi nya. Pero nababakas sa mata nya ang excitement at pag aalinlangan.

“Talaga po? Isasama nyo ko?”

Tumango ako. “Baka kasi naiinip ka na. Mag ta-tatlong linggo ka ng hindi lumalabas.”

“Eh safe na po ba akong lumabas?” Nagaalangang tanong nya.

Pinisil ko naman ang kamay nya para ipahiwatig na ok lang.

“Safe doon sa farm. Malayo sa mga tao at walang sinuman ang walang pahintulot ang nakakapasok dun. At saka kasama mo naman ako. Hindi kita pababayaan. I promise.”

Nakatingin lang sya sa akin na parang naninimbang kung sasama o hindi. Pero tumango din sya.

“Sasama ka na?”

“Opo.” Nakangiti nang sagot nya.

“Ok, pagkatapos ng gagawin mo magbihis ka na. Pupunta tayo ng farm.”

Tumango tango sya at dali dali nang umakyat. Mukhang excited na syang lumabas. Ako rin. Excited nang makasama sya.

Habang nasa byahe kami ay palinga linga sya sa salamin sa labas ng bintana habang nakangiti. Halatang namiss nya ang tanawin sa labas. Linggo naman ngayon kaya ok lang na hindi ako pumasok. Nasa mansion lang naman si mayor at walang lakad. Kasama naman nya doon si Danilo at Allan at ilang pang mga bodyguard.

“Namiss mo sa labas no?” Untag ko sa kanya.

Lumingon sya sa akin at ngumiti. “Opo. Salamat at sinama nyo po ako.”

“Wala yun, alam ko namang naiinip ka na sa bahay.” 

“Hindi naman po masyado. Nalilibang din naman po ako sa mga gawaing bahay at sa panonood ng tv.” Aniya.

Tumikhim ako. “Ah Ivy, pwede bang wag mo na akong po-in.”

Medyo masakit na kasi sa tenga ang pag po at opo nya, idagdag pa yung sir. Pakiramdam ko sobrang tanda ko para sa kanya.

“Po? Bakit po?” Clueless na tanong nya.

Napakamot naman ako sa kilay. “Well.. close na tayo di ba? I mean friends. So, ok lang sa akin na wag mo na akong po-in.”

“Sigurado po kayo?” Naninigurong tanong nya.

Tumango ako at ngumiti sa kanya.

“Pero mas ok pa rin po na po-in ko kayo kahit magkaibigan tayo. Tanda po yun ng paggalang at respeto ko sa inyo bilang mas matanda po kayo sa akin.” Nakangiting turan nya.

Ouch!

Parang may pumitik na kung ano sa dibdib ko at parang lalong sumakit ang tenga ko. 

“Sobrang tanda ko ba para sa’yo?” May hinanakit na tanong ko.

“Hindi naman po masyado. Ang sabi ni manang Sol 34 na raw kayo. Ako naman 18, pero malapit na akong mag nineteen. Bale 15 years ang gap natin. Medyo matanda nga po kayo para sa akin.”

Naipikit ko ng mariin ang isang mata sabay ngiwi. Nakalimutan ko. May pagka honest nga pala sya. 

“Pero infairness po sa inyo ha, kahit 34 na kayo matikas pa rin kayo at gwapo. Yung iba nga nasa 30’s palang pero mukha ng 40’s.”

Yun! Bumawi din, pagkatapos nyang saktan ang damdamin ko dahil sa edad ko.

“ Still, ayoko nang pinopo at opo mo ko please.. Favor mo na lang sa akin.“ Lambing ko sa kanya.

Tumingin sya sa akin ng ilang saglit. “Yun po ba ang gusto nyo?”

Tumango ako.

Nagkibit balikat naman sya at ngumiti. “Ok sir Jeiz, wala ng po at opo.”

“Cut mo rin yung sir, Jeiz na lang please.”

Tumingin ulit sya sa akin ng ilang saglit. “Eh baka pagalitan ako ni manang Sol. Sabihin nya hindi ko na kayo ginagalang.”

“Akong bahala kay manang, at saka hindi mo naman talaga ako dapat sini-sir eh. Hindi naman kita empleyado. Magkaibigan nga tayo diba. Kaya dapat Jeiz lang ang itawag mo sa akin.”

Bumuntong hininga sya. “Sige na nga, wala na ring sir. Pero ginagalang ko pa rin kayo ha – este kita.”

Tumawa naman ako. “Sige nga, tawagin mo ko sa pangalan ko.”

“Jeiz.” Aniya sabay ngiti ng matamis.

Napakagat labi ako at ngiti. Sabi na eh. Masarap sa tenga na tawagin nya ako sa pangalan ko na wala ng sir.

Mamaya pa ay natahimik na sya at nakatingin lang sa labas.

“May problema ba?” Untag ko sa kanya.

Nilingon naman nya ako at tipid na ngumiti. “Namimiss ko lang yung mga kaibigan ko sa  tindahan.”

“Ah.” Naalala ko yung dalawang kasama nya sa tindahan ng mga prutas. Pero naalala ko rin yung lalaking kangitian nya ng huli ko syang makita sa tindahan. Parang biglang pumait ang panlasa ko.

“Namimiss mo rin siguro yung boyfriend mo.” Mapait na sabi ko.

“Ha? Sinong boyfriend?” Clueless na tanong nya.

Kumunot ang noo ko. “Yung boyfriend mo.”

“Boyfriend ko? Wala akong boyfriend.” Umiiling na sabi nya.

Bahagya namang napaawang ang labi ko. “Wala kang boyfriend?” Ulit ko.

Umiling ulit sya. “Wala.”

“Oh. Buti naman.” Mahinang sabi ko. Biglang nawala ang pait na panlasa ko at nagluwag na rin ang paghinga ko.

“Ano yun?” Tanong nya.

Ngumiti ako. “Wala, sabi ko malapit na tayo.” Ani ko sabay turo sa arkong karatula na may nakalagay na Welcome to Natividad Cacao Farm.

Nagningning naman ang mata nya..


chapter 13

Ivy

Manghang mangha ako ng makapasok na ako sa loob ng farm. Malawak pala talaga ito sa loob. Dati ay nadadaanan lang namin to sa labas sakay ng tricycle. Private property kasi ito kaya bawal pumasok. Pero ngayon heto nakapasok na ako kasama ang may ari.

Para akong nakawala sa hawla paglabas ko ng sasakyan. Halos tatlong linggo din akong hindi nakalabas. Panatag naman ako na walang makakakilala sa akin dito sa loob.

Paglingon ko kay Jeiz ay nakatingin pala sya sa akin. Bahagya akong nailang pero ng nginitian nya ako ay nginitian ko na rin sya.

Maya maya ay may lumabas na mga tao sa parang bahay. Lumapit ang mga ito sa amin na mga nakangiti. Puro sila may mga edad na.

“Sir Jeiz magandang umaga ho.” Bati ng isang matandang lalaki.

“Magandang umaga naman ho Mang Teofilo. Magandang umaga sa inyong lahat.” Bati din ni Jeiz sa kanila.

“Aba’y kasama mo pala ang nobya mo. Kay gandang dilag.” Ani ng matanda na tinawag ni Jeiz na Mang Teofilo. Nakangiti sya sa akin.

Nakaramdam naman ako ng pagkailang dahil napagkamalan nya akong nobya ng amo nya.

“Hindi ko ho sya nobya Mang Teofilo, bisita ko ho sya.” Pagtatama ni jeiz.

“Ah magiging nobya mo pa lang pala.” Sabi ng matanda kasunod ang panunukso ng mga kasama nya.

Nag init naman ang mukha ko.

Imbes na itama uli ay napakamot na lang sa ulo si Jeiz. Ako naman ay napangiwi na lang. Nakakahiya naman napagkamalan pa akong nobya.

Inaya na nya ako papasok sa loob na mukhang bahay na nagsisilbing opisina pala nila. Walang gaanong tao dahil linggo ngayon. Inakay pa nya ako papasok sa isa pang silid na opisina pala nya. Binuksan nya ang aircon kaya kumalat ang lamig.

“Upo ka muna Ivy. Tatapusin ko lang tong mga pipirmahan tapos ipapasyal kita sa labas.” Ani Jeiz na umupo na sa likod ng mahogany table.

Tumango na lang ako at nginitian sya. Pero imbes na maupo ay tumingin tingin ako sa mga naka display sa estante gaya ng mga plake na iginawad sa farm dahil sa magandang kalidad ng produkto nito.

“Nauuhaw ka ba? Ipapakuha kita ng maiinom.” Untag pa nya.

“Ayos lang ako. Hindi pa naman ako nuuhaw.”

“Ok, bibilisan ko lang to para hindi ka mainip sa paghintay.” Aniya at tinuon na ang atensyon sa mga papel na nasa lamesa.

Napapangiting pinagmamasdan ko na lang sya at naupo sa sopang naroon na para sa mga bisita. Bagay din pala sa kanya ang trabaho ng pang opisina. Seryosong seryoso ang gwapo nyang mukha. Sobrang bait pa nya sakin. Ang swerte talaga ng magiging asawa nya.

Napabuntong hininga ako.

Nag angat naman sya ng tingin sa akin. “Naiinip ka na. Sandali na lang to.”

“Hindi, ayos lang ako. Hindi naman ako naiinip. May iniisip lang ako.”

“Ako ba?”

“Ha?” Naguguluhang tanong ko.

Umiling lang sya at ngumiti.

Nang matapos na sya sa ginagawa ay lumabas ulit kami at pinasyal na nya ako. Binigyan pa nya ako ng balanggot dahil mataas na ang sikat ng araw. Halos maikot namin ang buong farm kasama si Mang Teofilo na may pagkamadaldal. Pero nakakaaliw naman pakinggan ang mga kwento nya. Ang huli naming pinuntahan ay ang gawaan ng tableya. Tinuruan pa nila ako kung paano gumawa. Enjoy na enjoy naman ako.

“Gusto mo bang magtrabaho dito?” Tanong sa akin ni Jeiz ng bumalik na kami sa opisina nya. Katatapos lang namin kumain ng tanghalian kasama ang mga farmers.

Nanlaki ang mata ko sa sinabi nya. Syempre gusto ko!

“P-Pwede akong magtrabaho dito?”

Tumango sya.

“Talaga?”

Tumawa sya. “Oo nga. So ano, gusto mo?”

Sunod sunod akong tumango. “Oo gusto ko. Gustong gusto ko. Kahit taga tanim lang ako ng punla. Kung hindi mo naitatanong malamig ang kamay ko sa halaman. O kahit taga bilad lang ako ng buto o kaya sa tableyahan pwedeng pwede ako.” Excited na sabi ko. Gustong gusto ko na talaga magka trabaho para makaipon at makapag aral ulit.

Ngumiti sya. “Pwede naman. Pero wala akong balak na doon ka pagtrabahuin.”

Nawala ang ngiti ko. “Eh ano pala ang magiging trabaho ko dito? Tagawalis? Ayos lang sa akin.” Basta kahit anong trabaho.

Kumunot naman ang noo nya. “Inaakala mo bang gagawin kitang tagawalis dito?”

Napakagat labi ako.

Bumuntong hininga sya. “Dito ka magta trabaho sa opisina ko.” Aniya.

Napanganga naman ako. “Ha? Dito sa opisina mo?”

Tumango sya. “Ikaw ang magiging secretary ko.”

“Secretary? Sigurado ka? Naku! Hindi ako pwede dyan Jeiz. Wala pa akong alam. High school lang ang natapos ko. Nakatungtong man ako ng kolehiyo ay isang taon lang. Saka may secretary ka na di ba?”

“Wala akong secretary dahil hindi naman ako naglalagi dito. Si Mang Teofilo ang namamahala sa lahat habang wala ako. Pero baka soon, full time ko ng pamahalaan to. And I need a secretary. At walang problema. Tuturuan naman kita.” Aniya.

Napakagat labi naman ako. “B-Baka mahirapan ako.”

“Wala ka bang tiwala sa sarili mo?”

“Meron.”

“Yun naman pala eh. Eh di magiging secretary na kita?”

Napakamot ako sa ulo. “I-Ikaw ang bahala, sabi mo tuturuan mo ko eh.”

Tumango sya. “Pero hindi ka naman agad agad mag uumpisa dahil bukod sa tuturuan pa kita nagtatago ka pa sa mga humahabol sayo.”

Bigla akong nanlumo sa sinabi nya. Oo nga pala, nagtatago pala ako. Nakalabas lang ako saglit nakalimutan ko na ang malaking promblema ko. Nanghihinang napaupo na lang ako sa sofa.

“Paano pala ako makakapag trabaho eh nagtatago ako.”

Tumabi sya ng upo sa akin. “Tutulungan kita.”

Napalingon ako sa kanya. “Paano?”

“Sabi mo ibinenta ka ng tiyahin at tiyuhin mo sa mga lalaking humahabol sayo diba?”

Tumango ako kasabay ng pagbalik sa alaala ko ang gabing tumakas ako bahay na pugad ng mga demonyo. Hanggang ngayon natatakot pa rin ako.

“Alam mo ba kung magkano ka binenta?”

Umiling ako. “Hindi.”

“Puntahan natin ang tiyahin at tiyuhin mo para malaman natin.”

Kinabahan ako sa sinabi nya. Ano bang plano nya? “A-Ano ba kasing plano mo Jeiz?”

“Babayaran ko ang taong humahabol sayo para tigilan ka nila.”

“B-Bakit?” Nagugulumihanang tanong ko.

Tumikhim sya sabay himas sa batok nya. “Para tigilan ka na nila at maging malaya ka. Para hindi ka na nagtatago at natatakot. Para makapag trabaho ka na at magawa ang lahat ng gusto mo.”

Gusto ko yun. Maging malaya ulit gaya ng dati. Mag isa na nga lang ako sa buhay nagtatago pa. Nabuhayan ako ng pag asa sa sinabi nya. Kaya lang..

“Pero wala akong ibabayad sayo.”

“Hindi mo naman ako kailangan bayaran eh.”

Matiim ko syang tiningnan. Seryoso din ang mukha nyang nakatingin sa akin. Hindi ako makapaniwala sa inaalok nya. Sobra sobra naman yata ang kabaitan nya. Parang napaka imposible na. Parang may mali.

“Pero may kapalit?”

Nagbawi sya ng tingin at bahagyang yumuko. Sabi na eh. Nagsimula ng kumalabog sa kaba ang dibdib ko.

“A-Anong kapalit?”

Nag angat sya uli ng tingin sa akin at lumunok.

“Kasal Ivy. Marry me.”


chapter 14

Ivy

Kasal? Kasal ang kapalit ng pagtulong nya sa akin?

Naikuyom ko ang kamao at hirap na lumunok. Bigla ay parang nag iba ang tingin ko sa kanya. Bakit sa dami ng pwede nyang hinging kapalit ay kasal pa? Bakit? Dahil wala naman akong perang pambayad? Akala ko ay iba sya sa mga lalaking yun. Pero mukhang nagkamali ako.

Nagngingitngit na padarag akong tumayo at lalabas ng pinto pero hinawakan nya ako sa braso.

“Ivy wait!”

“Bitiwan mo ko!” Asik ko sa kanya.

“Makinig ka muna sa akin! Mali ka kung ano man yang inaakala mo.” Wika nya.

Naniningkit ang matang nilingon ko sya. Bumibigat na rin ang paghinga ko sa galit. Bakas ang pangamba sa kanyang mukha.

“Talaga? Mali ang isipin ko na mapagsamantala ka kagaya ng iba?” Inis na sabi ko at pumiksi sa hawak nya.

Napasuklay sya ng buhok at nagpamewang. May gumuhit na sakit sa kanyang mata. Ngunit hindi ko na binigyan ng pansin yun dahil nananaig ang galit sa dibdib ko.

“Sa loob ng halos tatlong linggo na nasa bahay kita, may natandaan ka bang pinagsamantalahan kita?” Tanong nya. May hinanakit akong nahimigan sa boses nya.

Natigilan naman ako at napalunok. Sa loob ng halos tatlong linggo ay wala naman syang pinakita sa akin kundi puro kabutihan. Pero sapat na ba yun para lubos ko syang pagkatiwalaan? Eh yung tiyahin ko nga na kadugo ko at kasama ko na sa sampung taon ng buhay ko nagawa nga akong ibenta eh. Sya pa kaya na hindi ko kaano ano at sandaling panahon ko pa lang nakilala at nakasama. Naguguluhan na ako. Hindi ko alam kung sino pa ang pagkatiwalaan ko.

Ngunit may nagbubulong sa utak ko na iba sya sa mga lalaking yun at sa tiyahin at tiyuhin ko.

“Bakit.. Bakit kasi kasal ang gusto mong kapalit?”

Humugot sya ng malalim na hininga. “Para maprotektahan ka. Look, kapag kasal na tayo at mabayaran ko na ang mga lalaking yun, hindi ka na nila hahabulin pa. Lalo na kapag nalaman nilang dati akong sundalo at maraming koneksyon.”

Tinitigan ko sya sa mata habang pinag iisipan ang sinabi nya. May punto naman sya eh. Magandang solusyon ang alok nya sa problema ko. Naalala ko ang sinabi nila Tina at Christy. Ang paraan lang para makaalis ako sa poder nila tiyang Linda at tiyong Oca ay mag asawa. Heto na, may nag aalok na sa akin ng kasal.

“A-Anong mangyayari sa akin kung sakaling pumayag ako sa alok mong kasal?”

Sinuksok nya ang kamay sa bulsa ng pantalon at matiim na tumingin sa akin. “Babalik ka sa normal mong buhay maliban nga lang sa asawa na kita. Makakapagtrabaho ka na. Pag aaralin kita kung gusto mo.”

Napanganga ako sa huling sinabi nya. “Pag aaralin mo rin ako?”

Tumango sya at ngumiti

Nakakatukso ang alok nya. Napalunok ako.

“Bakit ba napakabait mo sa akin?”

Nag iwas sya ng tingin at nag himas ng batok. “Dahil.. k-kaibigan kita.”

“Parang sobra sobra naman yata tong ginagawa mo para sa isang kaibigan lang.” Dapat pala sa kanya nag pari eh.

Bumuntong hininga sya. “Naaawa din kasi ako sayo. Sa edad mo dapat nag aaral ka kagaya ng iba hindi yung nagtatago sa mga humahabol na masasamang loob at takot na takot.”

Napakagat labi ako at bahagyang napayuko.

“Pwede bang.. pag isipan ko muna yung alok mo?”

Ngumiti sya at tumango. “Oo naman, hindi naman kita pinipilit. Na sa’yo pa rin ang desisyon.”

“At sorry din kung hinusgahan agad kita.” Napapangiwing sabi ko.

“Wala yun, kahit naman sino sigurong alukin ng kasal ay ganun ang iisipin.”

Sa byahe namin pauwi ay wala kaming imikan. Tahimik lang akong nakatanaw sa labas ng bintana at nag iisip. Pinag iisipan ko ng mabuti ang alok nya. Hindi ako pwedeng magpadalos dalos sa pagdesisyon dahil hindi biro ang pag aasawa. Pero sabik na akong mag aral ulit. Yun kasi ang pangako ko kay mama noong nabubuhay pa. Ang makapag tapos ng pag aaral.

Huminto ang sasakyan namin dahil sa traffic. Malapit na kami sa baranggay namin. Madadaanan namin ang kanto ng bahay ni tiyang Linda.

Nahigit ko ang hininga ng makita ko si tiyang Linda at tiyong Oca na nasa gilid ng kalsada sa tapat ko at tila nag aaway. Napatuwid ako ng upo at tinago ang mukha sa gilid ng sasakyan. Bumundol ang kaba sa dibdib ko. Bumalik sa akin ang takot nung gabing halos kaladkarin nila ako pasakay ng tricycle.

“Ayos ka lang?” Baling sa akin ni Jeiz.

“S-Sila tiyang Linda at tiyong Oca.” Anas ko sabay turo sa labas ng bintana.

Kunot noong tiningnan nya ang tinuturo ko. Nakita ko pa ang pag tiim bagang nya.

Tiningnan nya ako. “Don’t worry, heavily tinted ang mga salamin ng sasakyan ko. Hindi ka nila makikita.”

Nakahinga naman ako ng maluwag sa sinabi nya. Ngunit ang kaba at takot sa dibdib ko ay naroon pa rin.

Pasimple kong sinilip sa bintana sila tiyang Linda at tiyong Oca na mukhang nag aaway pa rin. Napabuntong hininga ako. Wala pa rin silang pinagbago. Kamusta na kaya sila Lileth at Kiko?

Hanggang sa makarating na kami sa bahay ay dala ko pa rin ang mga alalahin ko. Hindi tuloy ako nakakain ng maayos. Pinagpahinga na lang ako ni Jeiz sa kwarto ko.

Pabiling biling ako sa kama at dilat na dilat pa rin ang mata. Alas nueve pa lang ng gabi. Sa mga oras na to dapat ay nanonood ako ng tv kaya lang okupado ang isip ko ng samu’t saring alalahanin.

Humugot ako ng malalim na hininga. Nakatitig lang ako sa malaking elesi na umiikot. Ilang sandali pa ay bumalikwas ako ng bangon. Sinuot ko ang tsinelas at lumabas ng kwarto. Dinig ko ang tunog ng tv sa baba. Mukhang nanonood si Jeiz.

Bumaba ako ng hagdan. Prente syang nakaupo sa sofa. Nakasandal ang kanyang likod at nakabukaka ang kanyang mga hita habang may hawak na beer in can at nanonood ng action movie sa Netflix.

Lumapit ako sa kanya at tumikhim. Lumingon naman sya at agad na tumuwid ng upo. Nilapag nya ang beer in can sa lamesita.

“Ivy, gising ka pa pala.” Bulalas nya.

Tipid akong ngumiti.

“May kailangan ka?” Tanong nya sabay abot ng remote control at pinatay ang tv.

Umupo naman ako sa kabilang sofa. Humugot ako ng malalim na hininga at tumingin sa kanya.

“Y-Yung inaalok mong kasal.. tinatanggap ko na.”

Ilang sandali syang hindi umimik at kumagat labi. Bahagya syang yumuko at humimas sa batok.

Nag angat sya ng tingin sa akin. “Sigurado ka na?”

Tumango ako nang di inaalis ang tingin sa kanya. Buo na ang desisyon ko. Magpapakasal ako sa kanya.

Kinuha naman nya ang beer in can at tinungga. Muntik pa nga syang masamid. Inubo ubo pa sya. Tinaas nya ang kamay ng akmang tatayo ako at lalapitan sya. Hinintay kong maging ok muna sya. Tumikhim sya at hinimas himas ang dibdib.

“Ahm Jeiz, kelan tayo magpapakasal? Gusto ko kasing umuwi sa bahay ni tiyang Linda para kunin ang mga gamit ko at gamit ni mama na iniwan nya.” Sabi ko.

Tumikhim pa sya ng isang beses. “Pagkatapos ng birthday mo magpapakasal tayo sa huwes. Bale next week.”

“Ah.” Tumango tango ako. Bigla ay naging sari sari ang nararamdaman ko. Kaba at pananabik.

“Mas maganda kasi kung kasal na tayo bago ka umuwi sa bahay ng tiyang mo para wala na syang panghawakan sayo. Sasamahan pa kita.” Aniya at ngumiti sa akin.

Ngumiti lang din ako. Maganda nga iyon. “Salamat Jeiz.”

Dumukwang sya at hinawakan ang kamay ko habang matiim ang mga matang nakatingin sa akin. “I’ll take care of you Ivy, just trust me ok?”

Tango lang ang sinagot ko. Mula ngayon sa kanya ko na ipagkakatiwala ang lahat. Panghahawakan ko na lang ang mga salita nya at magtiwala sa kanya.


chapter 15

Ivy

Matulin na lumipas ang araw. Hanggang sa sumapit na ang araw ng kasal. Nasa harap kami ngayon ng judge saksi ang ilang mga taong malapit sa amin. Si manang Sol, si Mang Teofilo at ilang mga kasama sa cacao farm at ang dalawang staff ng judge.

“..it is my honor and delight to declare you husband and wife. You may seal this declaration with a kiss.” Anang judge.

Nagharap kami ni Jeiz. Bumundol ang kaba sa dibdib ko ng gawaran nya ako ng halik sa gilid ng labi sabay ngiti. Nininerbyos na ngumiti naman ako.

“I am pleased to present the newlyweds, Mr. and Mrs. Natividad!” Anunsyo ng judge kasabay ng palakpakan ng mga naroon.

Kasal na ako. May asawa na ako.

“Congratulations iho, hanggang ngayon ay nabibigla pa rin ako sa biglaan mong pagpapakasal, para kang may hinahabol. Pero nang makita ko itong nobya mo na misis mo na ngayon ay naiintindihan ko na. Dapat mo na ngang itali dahil baka maagaw pa ng iba.” Bating may kasamang komento ng judge.

Namula naman ang pisngi ko sa sinabi nya. Ang ngiti ko ay naging ngiwi na.

Tumawa naman si Jeiz. “Samalat ho tito Ernesto.”

Malayong kamag anak daw ng yumaong papa nya ang judge kaya naging madali lang ang naging proseso ng kasal namin. Legal ang kasal namin. Sari sari ang nararamdaman ko ngayong kasal na at may asawa na ako. Kaba, takot at pangamba.

“Congratulations Ivy. Masaya ako para sa inyo ni sir Jeiz.” Masayang bati ni manang Sol at hinawakan ang kamay ko.

Nginitian ko sya. “Salamat po manang Sol.”

“Alagaan mo si sir Jeiz ha.”

“Manang naman kung magsalita kayo parang aalis kayo ah.” Nakangusong sabi ko.

Tumawa sya. “Syempre nandito pa rin ako para manilbihan sa kanya, sa inyong mag asawa, pero dahil ikaw na ang asawa mas ikaw ang dapat mag alaga sa kanya. Alam ko namang magagampanan mo yun dahil napakabait mo.”

Napakagat labi naman ako sa sinabi nya. “Manang alam nyo naman ang dahilan kung bakit kami nagpakasal di ba?”

“Alam ko, pero legal ang kasal nyo. Nasa papel. May karapatan kayo sa isa’t isa bilang mag asawa. Magkahati sa lahat. Sa lungkot at ligaya. Sa hirap at sarap.”

Natigilan ako sa sinabi nya. “A-Ano pong ibig nyong sabihin.”

Mapanukso syang ngumiti. Nakuha ko naman ang ibig nyang sabihin. Nag init naman ang mukha ko.

“N-Naku manang hindi po mangyayari yan, ang usapan lang namin ni Jeiz sa papel lang kami kasal. At saka ginagawa lang po ang bagay na yun ng mga taong nagmamahalan.”

“Tama ka, pero marami pang pwedeng mangyari sa mga araw na darating na magkasama kayo.”

Bigla tuloy akong kinabahan sa sinabi ni manang Sol.

Binati din ako ng mga tauhan sa farm. Lahat sila ay may masayang ngiti sa mukha.  Nag aya ng umuwi si Jeiz at mayroong kaunting salo salo sa bahay na pinahanda nya para sa ilang bisita. Inimbitahan din nya si judge pero tumanggi ito dahil may appointment pa sa kapitolyo.

Inabala ko ang sarili ko sa pag aasikaso sa mga bisita. Inimbitahan din kasi nya ang mga kapitbahay nya. Dito lang naman sa malawak na bakuran ng bahay dinaos ang handaan. Nagpa cater na lang sya para hindi na mapagod mag luto si manang Sol.

“Ivy, bakit ikaw pa ang nag aasikaso dyan.” Kunot noong lumapit sa akin ni Jeiz. Abala kasi ako sa pagpupunas ng mga kutsarang gagamitin ng mga bisita.

“Ayos lang, wala naman akong ginagawa eh.” Nakangiting sabi ko.

Bumuntong hininga naman sya. “Kahit na, baka mapagod ka.”

Nginusuan ko sya. “Hindi naman nakakapagod tong ginagawa ko.” Ani ko at inabutan ng kutsara ang kapitbahay na nanghihingi.

“Congratulations ho sarge.” Bati ng isang kapitbahay na may edad na babae kay Jeiz. “Aba’y binigla mo naman kami sa pakain mo, kasal mo pala.”

Ngumiti naman si Jeiz sa matanda. “Salamat ho aling Mema. At pasensya na ho kung biglaan.”

“Ire ba ang asawa mo?” Tanong ni Aling Mema na nakatingin sa akin.

Kiming nginitian ko sya.

“Oho, sya ho si Ivy.” Sagot ni Jeiz at inakbayan pa ako. Bahagya naman nag init ang mukha ko kasabay ng pag kalabog ng dibdib ko.

“Aba’y ke ganda nga ng asawa mo at mukhang bata pa. Mukhang mabait at masipag pa. Masaya ako para sa’yo sarge, atleast ngayon ay may kasama at katuwang ka na sa buhay.” Ani Aling Mema.

Mas lalong nag init ang pisngi ko sa sinabi ng matanda. Siguro ay kailangan ko ng masanay. Dahil sa mata ng mga tao ay mag asawa na kami. Naalala ko bigla ang dalawa kong kaibigan. Sana nandito din sila.

Saka ko lang naramdaman ang pagod pag pasok ko ng kwarto. Maga-alas dyes na kasi natapos ang kainan dahil nag inuman pa sila Jeiz at ilang mga kalalakihan sa farm. Tumulong din ako sa pagliligpit kahit na sinabihan na nya ako na wag na.

Kumuha ako ng t-shirt at pajama sa cabinet. Yung bagong bili ni Jeiz ang kinuha ko. Pumasok ako sa banyo para mag shower. Pakiramdam ko kasi ang lagkit lagkit ng katawan ko.

Nang matapos ako ay tinuyo ko ang buhok gamit ang dryer na binili din ni Jeiz para sa akin. Marami pa syang binili sa akin. Mga damit, sapatos, make up kit at pati alahas. Sya din ang bumili ng damit na suot ko kanina sa kasal namin. Nalulula na nga ako sa mga binili nya at kahit sabihin kong wag na ay hindi naman sya nagpapapigil.

Sa ngayon ay dito pa rin naman ako sa kwarto ko natutulog. Ang sabi nya ay di nya ako pipilitin na sa kwarto nya matulog dahil alam daw nyang hindi ako komportable. Mabuti naman. Dahil baka hindi ako makatulog kapag katabi ko sya sa kama. Hindi naman sa hindi ako sanay na may katabi dahil sa bahay naman ni tiyang Linda ay katabi ko ang dalawa kong pinsan.  Syempre iba na kapag lalaki ang katabi mo sa pagtulog at asawa ko pa sya. May tiwala naman ako kay Jeiz. Sobrang bait nga nya at gentleman pa. Minsan nga lang ay naiilang ako sa mga tingin nya at madalas ko din syang nahuhuling nakatitig sa akin. Tapos bigla syang mag iiwas ng tingin at hihimas sa batok.

Tok Tok Tok

Nilingon ko ang pinto at napakunot noo. Pinatay ko ang dryer at tinanggal sa saksakan. Tumayo ako at nilapitan ito at binuksan. Nahigit ko ang hininga ng bumungad sa akin si Jeiz na namumungay ang mata. Amoy ko din ang alak sa hininga nya. Suot pa rin nya ang damit na suot nya kanina sa kasal.

Bumundol ang kaba sa dibdib ko ng magtama ang mata namin.

“Ah t-tapos na ba kayong uminom? T-Teka liligpitin ko.” Nauutal na sabi ko. Ngunit di ko alam kung paano ako lalabas. Ang laking harang nya kasi sa pinto.

“Ah, p-padaan muna ako.”

“No need, niligpit na ni manang Sol bago umuwi.” Aniya sa malaki at namamaos na boses.

“Umuwi na si manang Sol?” Lalo akong kinabahan sa sinabi nya. Ibig sabihin kaming dalawa lang ang nandito sa bahay. Hindi naman ito ang unang beses na kaming dalawa lang dito sa bahay. Pero ito ang unang beses na magsosolo kami bilang mag asawa. 

“You look nervous Ivy.. are you okay?” Halos paanas na sabi nya. Tinaas pa nya ang kamay at inabot ang pisngi ko.

Napaigtad naman ako at bahagyag iniwas ang mukha. Naiwan tulog sa ere ang kamay nya. Ibinaba na lang nya yun.

“Ah y-yung mga pinto at bintana na-lock na ba? B-Baka hindi pa na lock.” Nininerbyos na sabi ko.

“Ni-lock ko na.” Aniya at sinuksok ang kamay sa bulsa ng slacks nya.

“Ah o-ok, m-may kailangan ka pa ba. M-Matutulog na kasi ako eh. Inaantok na ako.”

Bumuntong hininga sya sabay himas sa batok nya. Heto na naman sya sa mannerism nya. Pero ang cute lang nyang tingnan. Para syang batang lalaking nagbibinata.

“I’m just checking up on you..”

Ngumiti naman ako. “Ayos lang ako. Matulog ka na rin kasi may pasok ka pa bukas di ba?”

Tumango naman sya at ngumiti. “Tulog ka na rin. Good night Ivy.”

“Good night din.”

Ngunit hindi pa sya umaalis sa pintuan at nakatitig lang sa akin. Halos dumoble na sa pagtibok ang puso ko.

Humakbang sya ng isa at napasinghap ako sa kanyang ginawa. Mabilis nya akong kinintalan ng halik sa labi.

“Goodnight angel.. sweet dreams.” Anas nya sabay kintal muli ng halik sa noo ko.

Sinarado ko ang pinto at sumandal. Sinapo ko ang dibdib kong parang tinatambol na sa lakas ng kalabog. Hinawakan ko ang labi kong tinaniman nya ng halik. Pati na ang noo ko. Ito ang unang beses na hinalikan nya ako sa labi – ay hindi, kanina pala sa opisina ni judge pero sa gilid lang yun ng labi. Pero normal lang na halikan nya ako dahil asawa nya ako di ba? Wala rin naman akong nararamdaman na pagtutol sa loob ko.

Ipinilig ko ang ulo at tinungo na lang ang kama.

Pabiling biling ako sa higaan. Hindi ako makatulog dahil sa halik ni Jeiz. Paulit ulit yung nag ri-replay sa isip ko na parang sirang plaka. Kaya ang ending puyat ako. Pasado alas syete na ng umaga ako nagising at hindi ko na naabutan si Jeiz. Lunes kasi ngayon kaya maaga ang pasok nya dahil may flag ceremony. Si manang Sol na lang ang naabutan ko.

“Magandang umaga po manang.” Bati ko sa kanya.

“Magandang umaga din Ivy, gising ka na pala. Maupo ka na para makapag almusal. Teka ipagtitimpla kita ng mainit na tsokolate.”

“Ako na po manang.” Awat ko sa kanya.

“Ay hindi, ako na. Maupo ka na lang dyan.” Istriktang sabi nya.

Wala na akong nagawa kundi maupo na lang at hayaan sya. Kapag inaasikaso ako ni manang ay ang gaan ng pakiramdam ko. Naaalala ko si mama at ang pag aasikaso nya.

Nang mailapag na nya sa harapan ko ang pagkain at mainit na tsokolate ay kumain na ako. Hindi ko na sya inalok dahil malamang ay kumain na sya sa kanila bago pumunta dito sa bahay.

Nagpaalam syang magwawalis muna sa labas.

Natigilan ako sa paghuhugas ng pinagkainan ko ng makarinig ako ng ingay sa labas. Naririnig ko ang boses ni manang Sol.

Nagpunas ako ng kamay at lumabas ng kusina para tingnan si manang Sol.

“Hindi ko kilala ang sinasabi mo, wala sya dito. Makakaalis na kayo.” Dinig kong sabi ni manang.

Tinungo ko ang front door para tingnan ang nangyayari.

“Hayun! Pamangkin ko yun! Nandito nga sya.”

Nahigit ko ang hininga ng makita sa labas ng gate si tiyang Linda at tiyong Oca..


chapter 16

Ivy

Para akong itinulos sa kinatatayuan at hindi makagalaw. Bumundol ang kaba at takot sa dibdib ko.

Nakita na nila ako!

“Ivy! Wag kang lumabas tumakas ka na – ah!”

“Sige subukan mo! Tutuluyan ko tong matanda!”

Nahigit ko ang hininga ng sakaling ng braso ni tiyong Oca si manang Sol at tinutukan pa nya ng kung anong matalim na bagay sa leeg.

“Manang Sol!” Tawag ko kay manang. Nanginginig ang katawan ko sa takot kay tiyong Oca at tiyang Linda pati na rin kay manang na baka tuluyan nila.

“Lumabas ka na dito Ivy! Lukaret kang bata ka, kung saan saan ka na namin hinanap dito ka lang pala sa bahay na to nagtatago. Lumabas ka na dyan!” Sigaw ni tiyang Linda.

May ilang kapitbahay na, na nakikiusyoso.

“Ay jusko si manang Sol! Sakal sakal at may nakatutok na kutsilyo!” Bulalas ng isang kapitbahay na may hawak na walis tingting.

“Wag kayong lalapit! Wag kayong mangengealam kundi madadamay kayo! Pamangkin ko to!” Pananakot sa kanila ni tiyong Oca at tinutukan sila isa isa ng hawak na kutsilyo saka muling binalik sa leeg ni manang Sol. Bahagya pang napaigik si manang. Bakas na rin sa mukha nya na hirap ng huminga.

“Tiyong bitawan nyo po si manang.” Mangiyak ngiyak na sabi ko habang dahang dahan na lumapit sa kanila.

“Lumabas ka kasi dito kung ayaw mong tuluyan ko tong matanda.” Asik nya sa akin.

“Ahgh!” Daing ni manang Sol.

Nataranta naman ko at napasugod sa kanila. Hinawakan ko ang braso ni tiyong Oca at pilit na binabaklas sa leeg ni manang.

“Tiyong bitiwan nyo sya! Parang awa nyo na.” Mangiyak ngiyak na pagmamakaawa ko.

Hinablot naman ako sa buhok ni tiyang Linda na ikinaigik ko.

“Buksan mo ang gate at lumabas ka! Bilis!” Singhal sa akin ni tiyang Linda.

“Bilisan mo! Bago pa ako hindi makapagpigil at tutuluyan ko talaga to!” Kita kong mas hinigpitan pa ni tiyong Oca ang pagkakasakal ng braso sa leeg ni manang Sol.

Namumula na ang mukha ni manang at iniihit na ng ubo.

“O-Opo opo lalabas na ako! B-Bitiwan nyo na po si manang!”

“Lumabas ka na!” Singhal muli ni tiyang Linda.

Tumalima naman ako at natatarantang binuksan ang gate. Hindi ko pa ito gaanong nabubuksan ay tinulak na ito ni tiyang at hinablot ako palabas sa buhok.

“Aray ko tiyang!” Angal ko at hinawakan ng buhok kong hablot hablot nya.

“Wag mo kong ma-aray aray buwisit ka! Isang buwan mo kaming pinahirapan sa kahahanap sayo!” Asik nya sa akin.

May lumapit naman na tricycle sa amin. Nakilala ko sya. Isa sa mga kalaro ni tiyang sa sugal.

“Oca bitawan mo na yang matanda at aalis na tayo!” Tawag ni tiyang Linda kay tiyong Oca.

Nakita ko namang binitawan ni tiyong si manang Sol na napasalampak sa semento at habol ang hininga habang hawak ang leeg. Nakatingin sya sa akin. Gusto nyang magsalita pero hirap sya.

“Pumasok ka!” Pabalya akong pinasok ni tiyang sa loob ng tricycle. Tumama pa ang ulo ko sa bakal na nasa bubungan.

“Hawakan mong maigi yan baka makatakas na naman. Siguradong yayariin na tayo ni Ka Tano.” Ani tiyong Oca at umikot na sa likuran ng tricycle. “Tayo na!”

“Yes boss!” Sagot ng nakangising tricycle driver at pinasibad na ang tricycle.

Bumalot ang kilabot at matinding takot sa sistema ko ng marinig ko ang pangalan ng matandang demonyo.

Nakita ko pa ang ilang kapitbahay na nakatingin lang sa amin. Bakas sa kanilang mukha ang pangamba. Ang ilang kapitbahay naman dinaluhan si manang Sol.

Wala na akong nagawa kundi tahimik na umiyak na lang at nagdasal.

Third POV

“Manang ayos lang kayo?” Dinaluhan ng mga nagmamalasakit na kapitbahay ang matandang nakasalampak sa semento.

Tumango naman ang matanda kahit habol pa rin ang hininga at inuubo ubo pa. Tinulungan syang makatayo ng mga kapitbahay.

“S-Si Ivy uhuk!”

“Wala na. Nakuha na sya ng mga taong yun. Sino ba ang mga yun? Nakakatakot sila.” Usisa ng isang kapitbahay.

“M-Mga masasamang loob yun uhuk! Dapat mailigtas si Ivy sa kamay ng mga demonyong yun baka kung anong gawin sa kanya. Jusko si Ivy!” Bulalas ni manang Sol.

“Tawagan natin si sarge!”

“Kunin mo yung cellphone ko sa ibabaw ng mesa sa kusina, bilis!” Utos ni manang Sol sa isang kapitbahay.

“O-Oo oo!” Agad naman tumalima ang kapitbahay at patakbong pumasok sa loob ng bahay para kunin ang cellphone. Mabilis din naman itong nakabalik at inabot ang de keypad na cellphone kay manang Sol.

Agad naman iyon kinuha ni manang Sol at mabilis na dinial ang numero ng retiradong sundalong amo. Ngunit nakakatatlong dial na ay puro ring lang at walang sumasagot. Hindi sumuko si manang Sol at muli nyang dinial habang ang mga naroon ay piping nagdarasal na sana ay sagutin ng lalaki ang tawag.

Hindi naman sila nabigo at sa pangalawang ring ay sinagot na ito.

“Hello sir Jeiz!” Natatarantang bati ni manang Sol sa kabilang linya.

Jeizhiro

Iiling iling na lang ako sa mga kwentong kalokohan ng dalawang kasamahan ko. Katatapos lang ng flag ceremony at nasa loob na ng munisipyo ang mga tao para magtrabaho. Habang kami naman ay nandito sa labas sa parking at nakatambay habang naninigarilyo at nakikinig sa makalumang musika na galing sa cellphone ni Danilo. Ganito naman ang gawain namin kapag walang lakad si mayor at nasa office lang. Tamang tambay lang.

“Mga loko talaga kayo.” Natatawang sabi ko at dinutdot ang upos na sigarilyo sa pasimano at hinagis sa basurahan.

“Totoo nga sarge! Grabe yung bibig ng babae parang vacuum sa lakas humigop. Ang sakit nga eh!” Napapangiwing kwento ni Allan. Kinukwento nya ang experience nya sa bayaring babae na nakatalik nya kagabi. Tinakbuhan nya dahil hindi daw nya kinaya.

“Apaka libog mo kasing gago ka. Kaya hindi na kami magtataka kung magkatulo ka.” Natatawang sabi ni Danilo.

“Nagsalita ang hindi malibog, ilang beses ko na kayong nakita ni Vicky na pasimpleng pumapasok sa cr kapag break time. Wag nga ako pare.”

“Gago, dalawang beses lang yun.”

“At gaano naman kadalas ang dalawang beses?” Nangingising buyo ni Allan.

“Inamo ka! Atleast hindi ako kasing libog mo.” Bira ni Danilo kay Allan.

Iiling iling na lang ako sa pakikinig sa mga kwento nila.

“Ikaw sarge, kwento ka naman! Sigurado ako mas marami kang karanasan sa amin. Sa gandang lalaki mo ba naman. Halos lahat nga ng staff na babae sa loob crush ka eh.” Baling sa akin ni Allan.

“Wala akong ikukwento sa inyo kaya tantanan nyo ko.” Nakangising sabi ko.

Napakamot naman sa ulo si Allan.

“Uy, kaninong cellphone yung tumutunog?” Tanong ni Danilo.

“Hindi sa akin.”

“Sarge, cellphone mo yata yun.” Untag sa akin ni Danilo.

Kinapa ko naman ang cellphone ko sa bulsa ng jacket.

“Ang ingay kasi ng cellphone mo eh, patayin mo nga yan. Pangmatanda naman yang tugtog mo.” Sikmat ni Allan kay Danilo.

Pinatay naman ni Danilo ang tugtog ng cellphone nya sabay batok kay Allan. Ginantihan naman sya nito.

Napakunot ang noo ko ng may tatlong missed call galing kay manang Sol. Akmang iko-call back ko sya ng muling tumunog ng cellphone ko. Sinagot ko ito.

[“Hello sir Jeiz!”] Bahagyang nanginginig ang boses ni manang Sol sa kabilang linya.

Nagsalubong ang kilay ko. May iba akong nararamdaman.

“Hello manang Sol, napatawag ho kayo? May problema ba?”

[“Sir Jeiz, si I-Ivy yung asawa mo, kinuha ng tiyahin at tiyuhin nya. Baka kung ano ang gawin sa kanya. May dalang patalim ang tiyuhin nya.”]

Bumundol ang kaba at takot sa dibdib ko sa sinabi ni manang. Ang asawa ko, si Ivy, kinuha ng tiyahin at tiyuhin nya na nagbenta sa kanya sa beer house.

Wala na akong inaksayang oras at pinatay ang cellphone at binalik sa bulsa. Dinukot ko ang susi ng sasakyan ko at dali dali kong tinungo ang raptor kong nakaparada at pinatunog ito.

“Sarge! San ka pupunta?” Sumunod sa akin si Danilo at Allan na takang taka sa pagmamadali ko.

“Uuwi muna ako, kailangan ako ng asawa ko. Kayo na muna ang bahala dito.”

Nagtinginan ang dalawa sa sinabi ko.

“Asawa? May asawa ka na Sarge?” Halos sabay na tanong ng dalawa.

Ngunit hindi ko na sila sinagot at sumakay na sa raptor ko at binuhay ang makina. Mabilis kong inilabas sa parking ang sasakyan ko. Humabol pa sa akin ang dalawa.

“Teka sarge!”

Pinasibad ko agad ang sasakyan palabas ng compound ng munisipyo. Dala ang galit, takot at pangamba sa dibdib.

Ivy

“Tiyang ayoko po! Parang awa nyo na! Wag nyo pong gawin sa akin to.” Pagmamakaawa ko habang nagpupumiglas sa hawak niya.

“Tumahimik ka!”

Lumagapak ang pisngi ko sa sampal nya. Napasalampak pa ako sa sahig. Hindi pa ako nakakahuma ng sabunutan nya ako.

“Wala ka ng kawala ngayon dahil paparating na sila Ka Tano. Kung hindi ka ba naman kasi tumakas eh di hindi magiging ganito ka grabe ang aabutin mo. Gaga ka kasi!” Asik nya sa akin at dinuro duro ang noo ko.

“Tiyang, b-bakit nyo po ba ginagawa sa akin to? W-Wala naman akong ginagawang masama sa inyo ah.” Umiiyak na sabi ko. Sargo na ang luha ko sa pisngi.

“Bayad utang na loob mo to! Aba, ilang taon din kitang inaalagaan ni wala man lang akong nahita sayo. Kaya dito man lang makabayad ka. Kaya wag ka ng mag inarte dyan.” Sumbat nya sa akin.

Parang gusto kong ibalik ang sumbat sa kanya. Mula ng mamatay si mama at iwan ako sa pangangalaga nya ay halos gawin nya akong alipin. Inubos nya ang perang iniwan sa akin ni mama sa bangko na para sa pag aaral ko. Tapos ngayon ay gagawin pa nila akong pambayad sa utang nila sa mga demonyong yun.

“Nandyan na si Ka Tano at mga tauhan nya.” Ani tiyong Oca.

Nanginginig ako sa takot lalo na ng makarinig ng tahulan ng mga aso sa labas. Senyales na may mga estrangherong naligaw sa lugar.

Napayakap ako sa binti ni tiyang Linda.

“Tiyang parang awa nyo na, w-wag nyo po akong ibigay sa kanila please.” Pagmamakaawa ko sa kanya.

“Ano ba! Bitiwan mo nga ako!” Piniksi nya ng binting yakap yakap ko. Lumuhod ako sa paanan nya at kulang na lang ay halikan ang paa nya.

“Parang awa nyo na po tiyang, wag nyo pong gawin sa akin to. Wag nyo po akong ibigay sa kanila. G-Gagawin ko po ang lahat ng gusto nyo.” Sumisinok sinok pa na sabi ko. Halos tumulo na rin ang sipon ko sa kaiiyak.

“Yun naman pala eh! Pwes, ito ang gusto kong gawin mo para sa akin para maka bayad ka naman sa utang na loob mo. Sumama ka sa kanila at wag nang manlaban.”

“P-Pero tiyang – “

“Nasaan na ang pamangkin mo?” Anang malaking boses na dumagundong sa loob ng bahay.

Nahihintakutang dahan dahan ko itong nilingon. Nanlaki ang mata ko ng makita ang matandang lalaki na tinatawag nilang Ka Tano. May kasama syang ilang mga lalaki na mga tauhan nya.

“Hayun sya.” Turo sa akin ni tiyong Oca.

Tiningnan naman ako ng matandang lalaki at ngumising parang demonyo. “Magaling. Sige mga bata, kunin nyo ang babae.” Utos nya sa mga tauhan.

“Wag po!” Atungal ko at mabilis na tumayo para tumakbo pero hinarangan ako ni tiyang at tinulak sa mga lalaki. Hinawakan nila ako sa magkabilaang braso at pakaladkad na nilabas sa bahay.

“Tiyang! Tulungan nyo po ako tiyang! Tiyong parang awa nyo na! Wag nyo po akong ibigay sa kanila.” Pagmamakaawa ko kay tiyong na prenteng nakasandal sa gilid ng pinto at naninigarilyo.

“Sumama ka na lang para tapos na ang problema namin.” Sa halip ay sabi nya.

Wala na kong nagawa kundi umiyak na lang habang kinakaladkad ng mga lalaki. Humihingi ako ng tulong sa mga kapitbahay kong nakikiusyoso pero nakatingin lang sila sa akin at bakas sa mukha ang pangamba at takot.

“Susmaryosep! Pati si Ivy na sariling kadugo hindi na pinalagpas ni Linda.”

“Kawawa naman si Ivy.”

“Humingi na tayo ng tulong. Tumawag tayo ng pulis!”

“Ikaw na lang! Ayokong madamay. Kilala mo naman yang si Ka Tano, halang ang kaluluwa nyan. At isa pa wala ring kwenta ang humingi ng tulong sa pulis dahil may kapit yan sa loob.”

“Jusko! Pa’no na nito si Ivy.”

Lalo lang akong nanghina at nawalan ng pag asa sa mga narinig ko sa mga kapitbahay kong naroon. Isang tao lang nasa isip ko habang kinakaladkad ako ng mga lalaki papalapit sa sasakyan na naghihintay.

Jeiz..

Bulong ng isip at puso ko sa pangalan nya habang hindi maampat ang mata ko sa pagluha.

Isang nakakabinging sagitsit ng gulong ang sasakyan ang narinig ko kasabay ng tilian ng mga naroon. Nag angat ako ng tingin. Sa nanlalabo kong mata dahil sa luha ay nakita ko ang pamilyar na pigura ang papalapit sa amin.

“Bitiwan nyo ang asawa ko!”


Inip na ba kayo sa exciting part? 🤣

chapter 17

Jeizhiro

Mahigpit ang hawak ko sa manibela at tiim ang bagang habang humahagis sa bilis ang patakbo ko sa raptor kasing bilis ng tibok ng puso ko. Mabuti na lang ay inalam ko na ang address ng bahay ng tiyahin ni Ivy. Kaya mula sa San Agustin ay dito na ako dumiretso sa Santa Martina sa baranggay kung nasaan ang bahay ng tiyahin nya. Paniguradong nandoon sya at kailangan kong bilisan bago pa mahuli ang lahat. Masama ang kutob ko.

I’m coming angel, wait for me!

Hinding hindi ko sila mapapatawad kapag sinaktan nila ang asawa ko. Baka mapatay ko sila. Nang makapasok na ako sa baranggay ay inabot ko ang baril ko  sa dashboard compartment at sinuksok sa loob ng jacket.

Kumalabog ang dibdib ko ng sa malayo pa lang ay nakita ko ang tatlong lalaking nakaabang na mukhang mga armado. Nakita ko rin ang pamilyar na pigura ng babae na nagpupumiglas sa dalawang lalaking may hawak sa kanya at halos kaladkarin sya papasok sa nakabukas na sasakyan.

Ivy!

Mas binilisan ko pa ang patakbo sabay tapak sa preno at hinarang ang raptor ko sa sasakyan nila. Mabilis akong bumaba at dinukot ang baril sa loob ng jacket sabay kasa at tutok sa dalawang lalaking may hawak sa asawa ko.

“Bitiwan nyo ang asawa ko!”

Nagsipaglabasan naman ng baril ang dalawang lalaking nasa tabi ng sasakyan at tinutok sa akin.

Nagsitilian naman ang mga ilang taong naroon na nakikiusyoso.

“Ay may mga baril! Pumasok na tayo sa loob baka madamay pa tayo!”

At isa isa silang nagpulasan pabalik sa kani kanilang bahay.

Tiim bagang tiningnan ko isa isa ang mga lalaking may baril. Ang isang matandang lalaki na kalbo na matikas pa rin ang tindig ngunit ang malaki ang tiyan ay prente langnna naninigarilyo habang nakatingin sa akin. Sa tingin ko ay ito ang leader nila o amo.

“Sino ka?” Tanong ng isang lalaking may hawak ng baril na nakatutok sa akin.

“J-Jeiz..?”

Bumalik ang tingin ko kay Ivy na hawak ng dalawang lalaki. Magulo ang alon alon nyang buhok at luhaan ang mukha. Namumula din ang kanyang pisngi at may sugat pa sa labi. Mukhang sinaktan sya ng kung sinoman sa kanila.

Nagdilim ang paningin ko. Humigpit ang hawak ko sa baril at ngali ngaling kalabitin ang gatilyo para paputukan ang dalawang lalaking may hawak sa kanya. Ngunit hindi ako pwedeng magpadalos dalos ng galaw dahil baka masaktan si Ivy. At sa hitsura pa lang ng mga taong ito ay halatang hindi sila basta basta.

“Bitiwan nyo ang asawa ko.” Muli kong utos sa kanila.

“J-Jeiz!” Tawag sa akin ni Ivy at nagpumiglas sa hawak ng dalawang lalaki.

“Sino ka ba? Kung makautos ka ah!” Sigaw ng lalaking may hawak sa asawa ko. Naglabas din sya ng baril at tinutok sa akin. Ganun din ang isa.

“Sino ba tong matapang na to? Ang lakas ng loob ah? Ano? Kaya mo kami? Isa ka lang uy!” Anang isang lalaking may hawak sa kabilang braso ni Ivy.

“Wag! Jeiz!”

“Sino ka?” Maawtoridad na tanong sa akin ng matandang lalaki na matiim na nakatingin sa akin na tila inuuri ako.

“Jeizhiro Natividad, asawa ng babaeng hawak nyo.” Pakilala ko. Walang silbi kung pananaigin ko ang galit ko sa mga taong to. Malalagay kami sa panganib ng asawa ko.

Napansin ko namang natigilan sila at nagtinginan.

“Asawa? Anong asawa? Walang asawa ang pamangkin ko.” Sabat ng isang babae na lumapit sa amin. May kasama syang lalaki. Sila ang tiyahin at tiyuhin ni Ivy.

Matalim ko syang tiningnan. Napaatras naman sya.

“Asawa ko si Ivy, kahapon lang kami ikinasal.” Sabi ko.

Natigilan ang tiyahin ni Ivy pati na rin ang asawa nya at nagtinginan sila. “Niloloko mo  ba kami? Paanong mag aasawa tong pamangkin ko eh wala namang boyfriend to at ngayon ka lang namin nakita.” Tuya sa akin ng babae.

Binalingan naman ako ng matandang lalaki. “Totoo ba ang sanasabi mo?”

Matalim ko lang din syang tiningnan. Sinalubong nya ang tingin ko. Binalingan din nya si Ivy at natuon ang paningin nya sa kamay nitong may singsing. Pati ang tiyahin ni Ivy ay tiningnan din ang kamay niya.

““Langya! Totoong may asawa ka na? Totoo tong singsing na to?” Pilit nyang hinubad ang singsing sa daliri ni Ivy at tiningnan. Kinagat kagat pa nya ito.

Inagaw pa ng asawa ang singsing at sinilip. “From Jeizhiro Natividad..” Usal nito.

Muling inagaw ng tiyahin ang singsing at sinilip. Binalingan nya si Ivy. “Letse kang babae ka, nag asawa ka na?”

Tango lang sinagot ni Ivy habang nakatingin sa akin.

Napalunok na lang ko sa awa sa kanya at sa galit. Gusto ko syang hablutin sa mga may hawak sa kanya pero limitado lang ang galaw ko.

“Bitawan nyo ang babae.” Utos ng matandang lalaki.

“Pero boss – “

Tiningnan ng masama ng matandang lalaki ang tauhan nyang nagprotesta. Sabay nilang binitawan ng kasamahan si Ivy.

Agad namang tumakbo si Ivy palapit sa akin at yumakap. Niyakap ko rin sya ng mahigpit. Nanginginig pa ang katawan nya.

“You’re safe now angel..” Anas ko sa tenga nya at hinalikan sya ng madiin sa ulo.

“N-Natatakot ako Jeiz..” Humihikbing sabi nya.

“Shh.. I’m here..” Pagaalo ko sa kanya at hinagod ang likod nya.

Tumikhim ang matandang lalaki at namulsa. “Ang lagay ba eh ganun lang. Pinakawalan na namin ang asawa mo pero hindi ibig sabihin nun ay walang kapalit.” Nakangising sabi nya at sinenyasan ang mga tauhan nya na ibaba ang baril. Sumunod naman ang mga ito.

Ibinaba ko na rin ang baril at binalik sa loob ng jacket. “Anong kapalit?”

Nilapitan nya ang raptor ko at pinasadahan ng tingin bago bumaling sa akin. “Alam mo bang may pagkakautang sa akin ang tiyahin at tiyuhin ng asawa mo?” Aniya at tiningnan ang mag asawa na bakas sa mukha ang pangingilag sa kanya.

“At ang pinambayad nila ay ang asawa mo, at umutang uli sila kaya doble doble na ng utang nila sa akin isama pa ang interes at ang pagkalugi ko dahil tinakasan ako ng asawa mo.” Dagdag pa nya.

“Magkano ba ang utang ng mag asawa? Babayaran ko kasama na ang interes at ang nalugi mo.” Determinadong sabi ko.

Tumingala naman sa akin si Ivy. “Jeiz..”

“Shh.. akong bahala dito.” Hinaplos ko ang buhok nya.

“Isa’t kalahating milyon lahat.”

Nilingon ko ang matandang lalaki. Narinig ko naman pagsinghap ni Ivy. Nagtinginan naman ang mag asawa.

Inaasahan ko na na malaking halaga ang hihingiin nya. Humugot ako ng malalim na hininga at hinawakan ang kamay Ivy at tinungo ang raptor ko. Nakita ko naman sa gilid ng mata ko na naalarma ang mga tauhan ng matanda pero sinuway lang sila nito.

Kinuha ko ang checkbook ko at ballpen sa dashboard compartment. Sinulatan ko ito ng halagang hinihingi nila at pinirmahan. Inabot ko ito sa matandang lalaki. Tiningnan naman nya ito.

“Kahit mamaya pwede mo nang withdraw-in yan, tatawagan ko na lang ang bangko.” Sabi ko.

Ngumisi ang matanda at sinuksok na sa loob ng jacket ang cheke. “Madali ka naman palang kausap Mr. Natividad. Sige mamaya idadaan ko to sa bangko, at kapag tumalbog babalikan ka namin at kukunin namin yang asawa mo.”

Napatiim bagang ako sa sinabi nya at matalim syang tiningnan. Napakapit naman ng mahigpit sa akin si Ivy. Dama ko ang takot nya. Niyakap ko sya.

“Tayo na mga bata!” Tawag ng matanda sa mga tauhan nya at nagpatiuna na sa sasakyang dala nila. Nagsisunuran naman ang mga tauhan nya na ngingisi ngisi pang tumingin sa amin.

Sinundan na lang namin ng tingin ang papalayo nilang sasakyan.

“Jeiz..”

Tiningnan ko si Ivy. Bakas pa rin sa mata nya ang takot. Hinawi ko ang buhok nyang nakatabing sa mukha nya. Hinaplos ko ang labi nyang may sugat. Napamura pa ako dahil namamaga ang pisngi nya.

“Tayo na.” Inakay ko sya papunta sa sasakyan ko.

“Hoy! Teka! Saan mo dadalhin ang pamangkin ko?” Tawag sa amin ng tiyahin nya at nagmamadaling lumapit sa amin kasama ang tiyuhin.

Mas lalong humigpit ang kapit sa akin ni Ivy. “J-Jeiz wag mo kong ibibigay sa kanila, parang awa mo na.. ayoko na sa kanila..” Mangiyak ngiyak pa na sabi nya.

“I won’t.. I won’t..” Anas ko sabay halik sa ulo nya.

“Iuuwi ko na ang asawa ko.” Sabi ko sa tiyahin ni Ivy. Kung hindi nga lang sya kamag anak ng asawa ko ay minura ko na sya. Malamang ay sya ang nanakit kay Ivy.

“Anong iuuwi? Dito sya sa amin.” Asik nya sa akin. Ngunit hinaklit sya sa braso ng asawa at binulungan.

Nag iba naman ang timpla ng mukha nya. Tumaas ang kilay nya. “Pero kung magpupumilit ka, wala naman akong magagawa. Yun nga lang, ang lagay ba eh, ganun na lang. Kung kaya mong magbayad ng isang kalahati milyon, barya lang naman siguro sa’yo ang isang daan libo kapalit ng pamangkin ko.” Nakangising sabi nya. Pati ang asawa nya sa likuran ay ngising demonyo na rin.

Hindi ako makapaniwalang may ganito pa lang tao na ultimo sariling kadugo ay handang ipagpalit sa pera.

“Eh kung ipakulong ko kaya kayong mag asawa sa ginawa nyong pagbenta sa sarili nyong pamangkin. Ora mismo kaya ko kayong ipakulong.” Banta ko sa kanila.

Nawala naman ang mga ngisi nila sa mukha at napalunok. Napalitan ng takot.

Nilahad ko ang kamay sa tiyahin ni Ivy. “Yung singsing.” Naalala ko kinuha pala nya yung singsing kanina.

Agad naman nya itong dinukot sa bulsa ng duster at binigay sa akin.

“Jeiz, k-kunin natin yung mga gamit namin ni mama sa bahay.” Untag sa akin ni Ivy.

Tumango ako. “Sasamahan na kita.”

Wala nang nagawa ang mag asawa kundi sundan na lang kami tingin na papasok sa bahay para kunin ang mga gamit ni Ivy at ng yumao nyang ina. Tinulungan ko syang mag empake. Nang makalabas na kami dala ang gamit ni Ivy ay pinagbantaan kong muli ang mag asawa.

“Wag na wag nyo nang guguluhin ang asawa ko dahil hindi ako magdadalawang isip na ipakulong kayo.”

Sunod sunod namang tumango ang mag asawa na parang tunulos sa kinatatayuan. 

Nilampasan lang namin sila ni Ivy at tinungo ang sasakyan ko. Inalalayan ko muna syang sumakay sa passenger seat at nilagay sa likuran ang mga gamit. Umikot ako sa driver seat at sumakay. Pinaandar ko na ang sasakyan at walang lingong nilisan ang impyernong lugar na ilang taong kinasadlakan ni Ivy. Hinawakan ko lang ang kamay nya sa buong byahe para iparamdam sa kanya na ligtas na sya.

Third POV

“Mukhang bigatin yung nagpakilalang asawa nung pamangkin ni Linda ah! Biruin mo ura urada nagbigay ng tsekeng nagkakahalaga ng isa’t kalahating milyon.” Komento ng isang tauhan ni Ka Tano na nakaupo sa passenger seat.

“Pero sino kaya yun? Ang tapang eh, at saka ang lakas ng dating. Kung wala lang siguro yung babae mukhang papalag eh. Ang laking tao pa naman.”

“Wala akong pakialam kung sino man sya. Ang importante ay nagbigay sya ng pera kapalit ng asawa nya. Saka ko na lang sya poproblemahin kapag tumalbog ang tseke nya.” Ani Ka Tano at humithit ng sigarilyo. Pero nasisiguro nyang hindi tatalbog ang tseke. Marunong syang kumilatis ng tao. At sa tingin pa lang ay alam na nya kung manloloko ito o hindi. At ang lalaki kaninang nagpakilalang asawa ng babae ay alam nyang hindi basta basta. Sa mga matatalim pa lang na tingin nito, sa tindig, sa itsura at sa awra.

“Parang pamilyar nga sa akin yung lalaking yun eh.” Sabat ng isang tauhan na syang nagmamaneho. Tumingin sa kanya ang amo at mga kasamahan. Pinilit naman nyang halukayin sa isip kung saan ba nya nakita ang lalaki. Pamilyar din sa kanya ang apelyido. Natividad. “Sya nga!” Bulalas nya.

“Sino?” Halos sabay na tanong ng mga tauhan.

“Yung lalaki kanina, Jeizhiro.. o mas kilalang Jeiz Natividad. Anak sya ng yumaong mag asawa na may ari ng malaking cacao farm dyan sa baranggay Gitna.” Sa wakas naalala na rin nya kung sino ang lalaki. Dati kasing namamasukan ang ama nya sa farm. Napalayas lang dahil gumawa ng kalokohan.

“Aba! Bigtime nga!” Bulalas ng isa.

Ngumisi naman si Ka Tano. Alam nya ang farm na yun. Sikat ito sa dekalidad nitong cacao.

“Pwede pa pala natin syang gatasan boss. Malakas kumita ang farm na yun di ba? Ipanakot natin na kukunin natin ang asawa nya. Halatang patay na patay sya sa asawa nya eh.” Sulsol ng isang tauhan.

“Nakalimutan kong sabihin, sundalo pala yun. Sabak sa gyera sa Mindanao.”

“Ano!?” Halos sabay sabay na sabi ng mga tauhan sa loob ng sasakyan. Pati sa Ka Tano ay natigilan. Nalaglag ang sigarilyo nya sa sahig.


Di ako sure kung may update bukas. :(

chapter 18

Ivy 

“Ay jusko Ivy! Salamat sa Diyos at ligtas ka!” Bulalas ni manang Sol pagbaba ko ng sasakyan. Agad nya akong sinalubong ng yakap. Naiiyak na yumakap din ako sa kanya. Salamat din sa Diyos at ok lang sya.

Tiningnan ko ang ilan naming kapitbahay na narito pa rin pala, nakangiti sila sa akin at bakas sa mukha ang tuwa na makita ako.  Nginitian ko din sila at nagpasalamat dahil hindi nila pinabayaan si manang Sol. 

“Pumasok muna tayo sa loob para magamot yang mga pasa mo.” Untag ni Jeiz at magaang hinawakan ako sa braso.

Inutusan na rin sya si manang na kunin ang ilan kong gamit na naiwan sa loob ng sasakyan habang dala dala naman nya ang malaking bag ko na naglalaman ng mga damit ko at ilang personal na gamit. Nag paalam na rin ang mga kapitbahay namin na naroon. Pinasalamatan naman sila ni Jeiz.

“Manang, pakuha naman ako ng cold compress at medicine kit. Paakyat na lang ho sa kwarto ni Ivy.” Utos ni Jeiz kay manang.

“Sige iho, isusunod ko na.”

Inakay naman ako ni Jeiz paakyat ng hagdan hanggang sa kwarto ko. Umupo ako sa kama at sya naman ay nilapag ang bag sa pang isahang sofa na naroon.

Hinang hina pa rin ako at masakit ang katawan ko. Ngunit ligtas na ang pakiramdam ko dahil nandito si Jeiz. Iniligtas nya ako. Akala ko nanaginip lang ako kanina. Hindi rin ako makapaniwala na binayaran nya ng ganoong kalaking halaga ang mga demonyong yun. Nahihiya tuloy ako sa kanya.

Napayuko ako at napakagat labi. Naging masaklap talaga ang buhay ko simula ng mamatay si mama. At hulog ng langit si Jeiz sa akin. Bumuntong hininga ako.

“Ayos ka lang? May masakit ba sa’yo?”

Nag angat ako ng tingin. Nag aalalang nakatingin sa akin si Jeiz. Hinila nya ang upuan na nasa vanity mirror at umupo paharap sa akin.

“Iho heto na ang cold compress at medicine kit.” Ani manang Sol na pumasok sa kwarto.

Kinuha naman ni Jeiz ang bitbit nya at nagpasalamat.

“May kailangan pa kayo?”

“Wala na ho manang, magpahinga na rin ho muna kayo.”

“Naku ayos lang ako sir Jeiz, hindi naman ako napano. Nag alalala lang talaga ako dito kay Ivy.”

Nginitian ko naman si manang. Maswerte pa rin ako dahil may mga taong kagaya nya at ni Jeiz na may malasakit sa kapwa.

Nang iwan na kami ni manang ay ginamot na ni Jeiz ang sugat ko sa gilid ng labi. Nilagyan nya ito ng betadine pagkatapos ay ang pasa ko naman sa pisngi dulot ng sampal ni tiyang Linda ang ginamot nya. Napapalatak pa sya. 

“Aw!” Daing ko ng bahagya nyang madiinan ang pagdampi ng cold compress sa pisngi ko.

“Sorry, sorry.” Hinging paumanhin nya. Nagsalubong pa ang kilay nya. Seryosong seryoso ang mukha nya sa ginagawa kagaya noong gamutin din nya ang cheek bone kong aksidente nyang nasiko.

Napahimas ako sa mga braso ng makaramdam ako ng kirot doon. Lumipad naman ang tingin nya sa mga braso ko.

“Fuck! May mga pasa ka!” Bulalas nya. Binitawan nya ang hawak na cold compress at sinuri ang mga braso ko. May mga pasa na nga rin ang mga ito. At sa tingin ko ay dahil sa pagkakahawak sa akin ng dalawang lalaki kanina.

Nagmura sya ulit. Naulinigan ko pang may inusal sya pero hindi ko naman maintindihan. Bakas lang sa boses at mukha nya ang galit. Madilim ang mukha nya at nag iigtingan ang panga habang nakatingin sa mga braso kong may pasa. Walang salitang kinuha nya ang cold compress at maingat na dinampi dito. Wala syang kibo sa buong durasyong ng pag gamot sa akin.

Nang matapos na sya sa pag gamot ay niligpit na nya ang mga gamit.

“Mag palit ka ng damit at magpahinga ka muna.” Aniya at lumabas ng pinto. Naalarma naman ako.

Tumayo ako at hinabol sya sa pinto. “J-Jeiz..” Hinawakan ko ang braso nya.

Nilingon naman nya ako at tiningnan ang kamay ko. “May kailangan ka pa? May masakit pa ba sa’yo?” Nag aalalang tanong nya.

Umiling naman ako. “P-Pwede bang.. wag ka munang pumasok. Dito ka muna sa bahay, n-natatakot ako eh..” Nahihiyang sabi ko.

Mas ligtas ang pakiramdam ko kapag nasa malapit lang sya at nakikita ko sya.

Ngumiti sya. “Wag kang mag mag alala hindi muna ako babalik sa trabaho ngayon. Dito muna ako sa bahay, babantayan kita.” Aniya.

Napangiti naman ako at sa tuwa ko ay niyakap ko sya. “Salamat Jeiz. Salamat kasi niligtas mo ko..”

Naramdaman ko ang braso nyang pumaikot sa katawan ko at ang pagdampi ng mainit nyang hininga sa bumbunan ko.

“Asawa kita at gagawin ko ang lahat para sa’yo. Tandaan mo yan.” Anas nya kasabay ng pagdampi ng labi nya.

Nag init naman ang mukha ko at bumilis ang tibok ng puso ko. Ngunit hindi ako nag abalang bumitaw ng yakap sa kanya dahil gustong gusto ko ang init ng katawan nya. Napapanatag ang puso’t isip ko.

Hindi nga sya umalis ng araw na yun. Pag gising ko ay naabutan ko syang may kausap sa cellphone nya. Ang employer nya yata. Dahan dahan akong bumaba ng hagdan para hindi makagawa ng ingay. Pero napansin pa rin nya ako. Sinundan nya ako ng tingin pababa ng hagdan. Kumalabog naman ang dibdib ko sa mainit na tingin nya. Iniwas ko na lang ang mata at tiningnan na lang ng oras sa nakasabit na malaking metal clock. Mag a-alas tres na pala ng hapon. Hindi ako nakapananghalian dahil nakatulog ako. Medyo nakaramdam na rin ako ng gutom. 

“Nagugutom ka na ba? Iinitin ko yung pagkain.” Ani Jeiz na sinalubong na ako sa hagdan.

“Ako na lang.” Nahihiyang sabi ko. Sobra na nya ako kung asikasuhin.

“No, ako na.” Pinal na sabi nya at hinawakan ang kamay ko patungong kusina. Hindi ko nakita si manang Sol.

“Nasaan si manang Sol?”

“Pinauwi ko muna para makapag pahinga sya.”

“Ah.” Tumango na lang ako. Naalala ko ang hitsura kanina ni manang habang sakal sakal ng braso ni tiyong Oca. Hanggang ngayong ay kinikilabutan pa rin ako ako. Sobrang natakot ako para sa kanya. Mabuti na lang at ok lang sya.

Inalalayan pa ako ni Jeiz na umupo sa upuan at hinarap na ang electric stove. Pinagmamasdan ko lang sya. Naka t-shirt sya na gray at cargo shorts. Kahit anong suot nya ang gwapo gwapo pa rin nya. At hindi pa rin ako makapaniwala na asawa ko na sya. Isang mabait na asawa na handa akong iligtas.

Inilapag nya sa harap ko ang sinandok nyang kanin at sinigang na baboy na umuusok pa dahil ininit nya. Nilapagan din nya ako ng menudo at hiniwang mangga.

“Kumain ka na.” Aniya.

“Salamat.” Nakangiting sabi ko at dinampot ang kutsara at tinidor. Sa gutom ko ay naging sunod sunod ang subo ko. Natigilan lang ako ng maupo sya sa kabilang upuan sa harapan ko.

“Ikaw?” Alok ko sa kanya.

Umiling naman sya at ngumiti. “Kumain na ako kanina.”

“Meryenda.”

“Busog pa ako.” Tanggi uli nya.

Nagkibit balikat na lang ako at tinuloy ang pagkain. Ngayon ko naramdaman ang pagkagutom. Sa takot na rin siguro kanina at sa panghihina at sa pagod na rin kaiiyak.

Nang matapos akong kumain ay sya na ang naghugas ng pinagkainan ko. Kahit anong pilit kong ako na ay hindi sya nagpatinag.

“Ano to?” Nagtatakang tanong ko ng i-abot nya sa akin ang isang paper bag. Kinuha ko ito at tiningnan. Napasinghap ako ng mapagtanto kung ano ang inabot nya sa akin. Isang cellphone! Dinukot ko sa paper bag ang pahabang kahon. Napanganga ako ng makita ang modelo ng cellphone.

Tiningnan ko sya. Ngumiti sya sa akin.

“Sa akin to?” Di makapaniwalang tanong ko.

Tumango sya. “Naalala ko wala ka palang cellphone. Para matawagan mo ko kapag may emergency o may kailangan ka.”

“P-Pero ang mahal nito. Ok lang naman sa akin kahit yung mumurahin lang.” Nahihiyang sabi ko habang maingat na nilalabas sa box ang bagong mamahaling cellphone.

“Anong mumurahin? Asawa kita kaya lahat ng magandang bagay ibibigay ko sayo kahit gaano pa kamahal yan.”

Napakagat labi ako sa sinabi nya kasabay ng muling pagkalabog ng dibdib ko.

“S-Salamat Jeiz.. nakakahiya na talaga sa’yo.” Usal ko.

Umupo naman sya sa tabi ko at kinuha ang kamay ko.

“Tumingin ka sa akin Ivy.” Pautos na sabi nya sa malaking boses.

Nag angat naman ako ng tingin sa kanya. Ang mapupungay nyang mga mata na malalim kung tumingin ay nakakapag pagkalabog ng husto ng dibdib ko.

Itinaas nya ang isang kamay at hinaplos ang pisngi ko. “Asawa kita, hindi ka na dapat mahiya sa akin. Ang lahat ng kailangan mo ibibigay ko sa’yo kaya wag kang mahihiyang magsabi. Naiintindihan mo ko?”

Kagat labing tumango ako. Para akong hinihipnotismo ng mga tingin nya. Hindi ako makagalaw at para akong itinulos sa kinauupuan. Ang lakas ng kalabog ng puso ko ay nakakabingi. Kahit na gahibla na lang ang pagitan ng mga mukha namin ay hindi ko magawang umiwas hanggang sa tuluyan nang lumapat ang malambot nyang labi sa labi ko..


Kapit lang mga bhe, malapit na tayo 😙♥️

chapter 19

Jeizhiro

“Ginulat mo naman ako Jeiz, bigla bigla may asawa ka na. Ni hindi mo man lang ako inimbitahan sa kasal mo. Tapos ngayon hihingi ka ng leave.” Ani Mayor Rodolfo ng ipatawag nya ako sa library nya na nagsisilbing opisina rin nya sa mansion.

Napakamot naman ako sa ulo. “Pasensya na ho mayor, biglaan ho talaga ang plano naming kasal.”

Bumuntong hininga sya at sumandal sa leather chair nya. Iminuwestra pa ang kamay sa akin. “Ano pa bang magagawa ko? Sa hitsura mo pa lang ngayon mukhang patay na patay ka sa asawa mo.” Aniya sa seryosong mukha pero bakas ang biro sa tono nya.

Napangisi na lang ako. “Di bale ho, kapag kinasal kami sa simbahan ay hindi ko ho kayo kalilimutan. Kukunin ko pa ho kayong ninong.”

Tinuro nya ako. “Aba’y dapat lang!”

Nagtawanan naman kami. Pero naputol ang tawanan namin ng tumunog ang cellphone nya. Nagpasintabi naman sya para sagutin ito.

Sumandal naman ako sa backrest ng visitor chair at ginala ang mata sa loob ng library habang hinihintay matapos sa pakikipag  usap ang mayor. Muling dumako ang mata ko lamesa nya. Samu’t saring mga papel ang nasa malapad na lamesa pero organisado naman ang pagkakalatag nito. May napansin akong lumang picture ng isang babae ang nakaipit sa isang notebook. Nakangiti ang babae sa lumang picture at tila hinahangin ang alon alon nitong buhok. Hindi ito ang yumao nyang asawa. Nakita ko na ang yumao nyang asawa sa malaking picture na nakasabit sa sala. At ang alam ko rin ay wala syang kapatid. Maaaring isa sa mga babaeng naugnay sa kanya sa nakaraan ang nasa larawan.

Well, wala namang masama kung magka interes uli sa babae ang mayor dahil matagal na itong biyudo at ni hindi man lang nabiyayaan ng anak. Matikas pa naman ito sa kabila ng katandaan. Nababakas pa rin sa mukha ang gandang lalaki nito noong kabataan.

“Pasensya na iho sa paghihintay. Bueno, tungkol sa paghingi mo ng isang buwang leave ay pinapayagan na kita.”

Tumayo ako at ngumiti. “Salamat ho mayor at pasensya na ho sa abala.”

Kinumpas nya ang kamay. “Sus wala yun. Isang araw dadalawin ko kayo ng asawa mo sa Santa Martina para makilala ko naman ng personal ang asawa mo.”

“Wala hong problema mayor, magsabi lang ho kayo kung kelan para mapaghandaan ko.”

Nagpaalam na ako sa kanya dahil may lakad pa kami ng asawa ko.

Wala sa sariling napangiti ako. Ang sarap lang sabihin ang salitang asawa ko. Ang babaeng crush ko at tinatanaw tanaw ko lang noon sa tindahan ay asawa ko na ngayon.

“Sarge ang lawak ng ngiti natin ah!” Bati sa akin ni Danilo pag labas ko ng library.

“Painom ka naman sarge.” Buyo naman ni Allan.

“Saka na, kapag hindi ako busy o kaya puntahan nyo na lang ako sa bahay ko kapag off nyo.” Sabi ko.

“Yown! Text ka na lang namin sarge.” Tuwang tuwang sabi ni Allan at nakipag apir pa kay Danilo.

“Sure! Sige mauna na ako sa inyo hinihintay na ako ng asawa ko.”

Nagsisipulan naman silang dalawa at inulan ako ng tukso. Natatawang napailing na lang ako at sumakay na sa raptor ko. Excited na akong makita si Ivy. Ang asawa ko. Nangako kasi ako sa kanya ngayon na ipapasyal ko sya sa kabilang bayan. Naalala ko ang hitsura nya kung gaano sya ka excited ng sabihin ko yun. Para syang batang binigyan ng paborito nyang candy. Alam ko namang miss na miss na rin nyang lumabas at gumala.

Nanghingi ako ng isang buwang leave, yun ay para samahan ang asawa ko. Alam kong may trauma pa rin sya sa nangyari kahit isang linggo na ang nakakalipas. Ramdam ko yun. Dahil sa tuwing aalis ako para pumasok ay kita ko sa mata nya na gusto nya akong pigilan, nagiging balisa sya. At kapag nasa bahay naman ako ay lagi syang nakatingin sa akin. Mawala lang ako saglit ay lagi nya akong tinatanong kung saan ako galing. Sa kabila ng traumang nararanasan nya ay may tuwa akong nararamdaman dahil ramdam kong kailangan nya ako. Hindi na rin sya nangingilag kapag hinahawakan ko sya at niyayakap. Tumutugon din sya sa mga halik ko minsan.  At hindi na ako makapag hintay na mayakap at mahalikan syang muli.

“Manang ang asawa ko ho?” Tanong ko kay manang pagpasok ko ng bahay. Iniwan ko na lang sa labas ang sasakyan ko.

“Ay baka nasa taas pa iho at nagbibihis. Teka at tatawagin ko.”

“Ako na ho.” Presinta ko at malalaking hakbang na inakyat ang hagdan at tinungo ang kwarto nya.

Magkabukod pa rin kami ng kwarto. Bagama’t gusto kong magsama na lang kami sa isang kwarto ay ayoko naman syang biglain. Dahil baka hindi ko na rin mapigilan ang sarili ko.

Kumatok ako at tinawag ang pangalan nya. Wala pang ilang segundo ay binuksan na nya ang pinto. Napaawang ang labi ko ng makita ko ang hitsura nya. Pinasadahan ko sya ng tingin mula ulo hanggang paa. Bagay na bagay sa kanya ang dress na binili ko. Nakalugay ang alon alon nyang buhok at may manipis na kolorete sa mukha.

“Ayos lang ba ang hitsura ko?” Tanong nya at umikot pa sa harapan ko.

Tumikhim naman ko at hinapit sya sa bewang. “You always look good to me kahit ano pa ang isuot mo at kahit walang anumang kolorete ang mukha mo.” Anas ko at hinaplos ng likod ng daliri ang pisngi nya.

Namula ang kanyang pisngi, bahagya syang ngumuso. “Sinasabi mo lang yan kasi asawa mo ko.”

“Of course not.” Nakangiting sabi ko at pinisil ang pisngi nya.

“Tara na nga para marami tayong mapuntahan.” Aniya at tumalikod pero muli ko syang hinapit sa bewang. Kunot noong tiningnan nya ako.

Bahagya naman akong ngumuso. Mas lalo namang kumunot ang noo nya.

“Baka pwedeng manghingi ng kiss si mister.” Ungot ko sa kanya.

Ngumuso naman sya kasabay ng pamumula ng pisngi nya. “Kakakiss mo pa lang kanina bago ka umalis ah.” Aniya

“Goodbye kiss yun misis, iba naman yung welcome home kiss.” Pangungulit ko sa kanya at ngumuso ulit para manghingi ng kiss.

Bumuntong hininga naman sya at humawak sa balikat ko at tumingkayad sabay dampi ng malambot na labi nya sa nakausling labi ko. Pero dahil tinamaan ako ng kapilyuhan ay kinabig ko ang batok nya at sinakop ang labi ng mariing halik bago ko sya binitawan. Pulang pula naman ang mukha nya at pailalim akong tiningnan. Tinawanan ko na lang sya at muling hinalikan sa tungki ng kanyang ilong.

“Namimihasa ka na po mister.” Paninita nya sa akin.

Di ko naman maitago ang tuwa dahil sa pagtawag nya sa akin ng mister kaya kinabig ko sya ulit palapit sa akin at pinupog sya ng halik sa mukha at leeg. Naramdaman ko ang pagpitlag nya pero hindi naman nya ako tinulak at hinayaan lang ako. Hanggang sa panay na ang tawa at pasag nya dahil nakikiliti na sya.

“Wag na lang kaya tayo umalis misis, dito na lang tayo.” Anas ko habang nakasubsob sa leeg nya at sinisinghot ang amoy nya.

Bahagya naman nya akong tinulak. “Ano? Hindi pwede. Nangako ka di ba? Ipapasyal mo ko.” Nakangusong sabi nya.

Naihilamos ko naman ang palad sa mukha at humugot ng malalim na hininga para ikalma ang tila nagwawala kong puso. “Alright, kunin mo na yung bag mo, aalis na tayo bago pa magbago ang isip ko.”

Dali dali naman nyang kinuha ang sling bag na nakalapag sa kama at sinukbit sa balikat. Magkahawak kamay kaming bumaba ng hagdan. Nagpaalam na rin kami kay manang Sol at nagsabing baka gabihin kami.

Pumunta kami sa kabilang bayan kung nasaan ang pinakamalaking mall sa probinsya. Tuwang tuwa sya at ang sabi nya ay ito pa lang ang pangalawang beses na pumunta sya dito sa mall. Ang unang beses ay noong nabubuhay pa ang kanyang ina. Naaawa ako sa kanya dahil sa naranasan nya sa walanghiyang tiyahin at tiyuhin nya mula ng mamatay ang ina nya at iwan sya sa pangangalaga ng mga ito. Kaya nangako ako sa sarili ko na aalagaan ko sya at ibibigay ang lahat ng kailangan at gusto nya.

“A-Ang mahal pala nyan! Wag na lang! Marami namang ganyang sa palengke na mura lang.” Aniya at binitawan ang hawak na sandalyas na binigay ko sa kanya para sukatin.

Dinampot ko naman ulit ito. “Pero maganda naman ang kalidad nito.”

“Kahit na no! At saka may mga sandals pa ako na binili mo. Hindi ko pa nga nagagamit yun eh. Masasayang lang kapag bumili pa ulit tayo.”

Bumuntong hininga ako at binalik na lang sa estante ang sandals. Wala naman ako magagawa kung ayaw nya. Baka mainis lang sya sa akin at yun ang ayaw kong mangyari.

Kung saan saan pa kami nag ikot sa mall. Kada may gusto syang pasukan ay nagpapaalam sya sa akin. At hindi ko naman sya kayang hindian. Wala naman syang gustong bilhin at tumitingin lang. Kapag tinanong ko naman sya ay nagagandahan lang daw sya pero hindi nya gustong bilhin. Sa totoo lang medyo naninibago ako. Sanay kasi ako sa mga babaeng dinadala ko sa mall na anumang magustuhan ay gustong bilhin. Siguro ay kailangan ko na ring masanay sa asawa ko.

Nang mapagod sya sa kakalakad ay pumasok muna kami sa isang Chinese restaurant at nag order ng makakain.

Siguro next time ay ipapasyal ko naman sya sa ibang lugar. Sa labas ng probinsya. Pwede ring mag nature tripping kami o kaya mag camping sa bundok. Hindi pa man mangyayari ay excited na ako at i-schedule ko na yun habang on leave ako.

Mag a-alas syete na ng gabi ng mapagpasyahan naming umuwi. Nag take out na lang kami ng pagkain sa isang restaurant dahil busog pa naman kami at sa bahay na lang kami kakain.

Hindi pa man nakakalabas ng parking ang sasakyan namin ay bumuhos na ang malakas na ulan na may kasama pang pagkidlat.

“Hala ang lakas ng ulan.” Bulalas nya.

“Sabi kanina sa news may heavy rainfall daw.” Sabi ko at minaniobra na ang sasakyan sa kalsada. Nag menor lang ako dahil malakas ang ulan at basa ang kalsada.

Napansin ko naman na hinihimas nya ang mga braso nya kaya hininaan ko ang aircon.  Hinubad ko rin ang jacket ko at binigay sa kanya. Ngumiti naman sya at kinuha ito at sinuot.

“Thank you.” Ani nya.

“You’re welcome.” Ngumiti ako sabay kindat sa kanya. Kinuha ko ang kamay nya at nilagay sa hita ko habang hawak hawak. Ang isang kamay ko naman ay nasa manibela.

Tahimik lang kami sa durasyong ng byahe namin at nakikinig musikang pumapailanlang sa radyo. Minsan ay sinasabayan pa namin ito kapag alam namin. Magtatama ang paningin namin at ngingiti, minsan ay tatawa pa kapag nagkamali kami ng lyrics.

Nang makapasok na kami sa San Agustin ay tila lalo pang lumakas ang ulan. Halos hindi ko na makita ang daan. Malakas na rin ang hangin at may ilan pang mga sanga ang nasa kalsada. Nawalan pa ng kuryente ang mga poste kaya bumalot ang kadiliman sa labas at tanging ilaw na lang ng mga sasakyang dumaraan ang nagbibigay ng liwanag. At dahil delikado na ang bumiyahe ay napagpasyahan kong sa isang bahay na lang muna kami tutuloy ngayong gabi. Ang bahay na pinagawa ko na syang pinaka malapit naming mararating.


Next chap na ang inaabangan nyong exciting part. 😆

chapter 20

Jeizhiro

Halos basa kami ni Ivy pagpasok namin ng bahay.

“Dito ka lang Ivy, bubuksan ko lang ang generator.” Paalam ko sa kanya.

“Sama na ako sa’yo, b-baka kailangan mo ng tulong.” Presinta nya.

“Hindi na kaya ko na.”

“P-Pero natatakot ako, ang dilim eh.” Pamimilit nya at lumapit pa sa akin sabay hawak sa braso ko. Ramdam ko ang malamig nyang kamay.

Napangiti na lang ako at kinuha ang kamay nya. Tumungo kami sa likod bahay kung saan nakalagay ang generator. Buti na lang ay may stock akong gasolina. Inilawan ako ni Ivy habang pinapagana ko ang generator. At wala pang ilang minuto ay gumana na ito. Bumalik kami sa loob at binuksan ang ilaw. Nagtawanan pa kami ng makita ang hitsura namin dahil para kaming mga basang sisiw.

“Pa’no yan? Basang basa na tayo lalo ka na.” Tila namomroblemang sabi nya.

“May mga damit naman ako sa taas. Pwede mo munang ipamalit ang t-shirt ko.”

Inaya ko sya taas kung nasaan ang kwarto ko. Ibinigay ko sa kanya ang isang t-shirt ko na dalawang beses ko pa lang nasuot at isang bagong boxer short. Agad naman syang pumasok sa banyo para magpalit, ako naman ay nagpalit na rin.

Halos malaglag ang panga ko ng lumabas sya ng banyo na suot ang t-shirt ko na nagmukhang bestida sa kanya. May bumangong init sa loob ng katawan at may parte ng katawan ko ang nabuhay. Napalunok ako.

“Hindi talaga kasya sa akin ang boxer shorts mo. Bumababa. Ok na sa akin tong t-shirt mo, mahaba naman.” Aniya at inabot sa akin ang boxer shorts.

Tumikhim naman ako at kinuha ang boxer shorts at binalik sa drawer.

Nag aya na rin syang bumaba dahil nagugutom na raw sya. Kaya magkahawak kamay kaming bumaba. Pinagsaluhan namin ang pagkain na tinake out namin sa restaurant sa mall.

“Grabe, ang lakas talaga ng ulan. Baka bukas na siguro to titigil.” Komento nya habang nakasilip sa bintana sa may kusina habang hinihintay nya akong matapos sa paghuhugas ng mga pinagkainan namin.

“Bakit? Natatakot ka ba sa malakas na ulan?” Nakangiting tanong ko sa kanya at nagpunas na ng kamay.

“Hindi naman, masarap nga matulog kapag umuulan.” Aniya at niyakap pa ang sarili na tila nilalamig.

Niyakap ko sya likuran. Naramdaman ko naman ang pagpitlag nya sa gulat. “Masarap talaga matulog kapag umuulan lalo na kapag may katabi.” Anas ko sa tenga nya sabay halik sa pisngi nya at sumubsob sa leeg nya. Gustong gusto ko kasi ang amoy nya. Amoy pulbos ng sanggol. Ang sarap samyuhin.

“T-Talaga, marami naman sigurong unan sa katabing kwarto mo no. Masarap kayakap ang unan kapag umuulan.”

Aray ko! Mas gusto pa nyang kayakap ang unan kesa sa akin.

Hinigpitan ko pa ang yakap ko sa kanya pero sa paraang hindi sya maiipit. “Pa’no naman ako? Ano naman ang yayakapin ko mamaya?” Naglalambing na tanong ko. Baka sakali magpresinta syang sya na lang yakapin ko mamaya pagtulog.

“Eh di unan din, may apat na unan ka sa kwarto mo nakita ko.” Sagot nya.

Napakamot na lang ako sa ulo. Ayoko naman syang pilitin dahil baka matakot lang sya.

Pagkatapos ng lambingan namin ay nag aya na syang matulog dahil inaantok na raw sya. Tsinek ko muna ang generator at pinatay ang mga ilaw sa baba at sabay na kaming umakyat sa taas. Nag goodnight kiss sya bago pumasok sa katabing kwarto. Ako naman ay lulugo lugong pumasok sa kwarto ko.

Mukhang mahihirapan akong matulog ngayong gabi..

Pabiling biling ako sa kama at hindi makatulog. Init na init ang pakiramdam ko samantalang malamig naman dahil sa malakas na buga ng aircon idagdag pa ang malakas na ulan sa labas.

Pasado alas dose na ng gabi ay gising na gising pa rin ang diwa ko. Pati na rin ang bagay na nasa pagitan ng hita ko.

Napabalikwas ako ng bangon at marahas na hinilamos ang palad sa mukha. Tumingin ako sa pader. Sa kabilang kwarto kung nasaan ang babaeng gabi gabing nagpapainit sa malamig kong gabi. Ang asawa kong malamang ay mahimbing na ang tulog ngayon kapiling ang mga unan.

Fuck! Hindi ko na kaya!

Tumayo ako at lumabas ng kwarto. Tinungo ko ang kabilang kwarto at pinihit ang door knob. Hindi ito naka lock. Tahimik kong binuksan ang pinto at dahan dahang pumasok.

Napalunok ako ng makita ko ang pigura nya sa tulong ng malamlam na liwanag galing sa lampshade. Lumapit ako sa kanya at maingat na umupo sa gilid ng kama. Mahimbing ang tulog nya at bahagya pang nakaawang ang bibig. Ang kumot nya ay hanggang leeg at nakasabog ang mahabang alon alon nyang buhok sa unan. Kay sarap pagmasdan ng maamo nyang mukha. Ang pilikmata nyang mahahaba na parang sa manika at ang mga mata nyang kapag nakadilat ay parang laging iiyak. Ang matangos nyang ilong na kay sarap haplusin. Ang mapupula nyang labi na nakakatuksong lamukusin lagi ng halik.

Napalunok ako at ang katawan naman nya na nababalutan ng kumot ang pinasadahan ko ng tingin. Dahan dahan kong hinila ang kumot pababa sa katawan nya hanggang sa hita nya. Suot suot nya ang t-shirt kong nagmistula nang bestida nya na umabot lang hanggang kalahati ng makikinis nyang hita. Bahagya pa syang gumalaw kaya nalislis pataas ang damit. Lumantad ang puting panty na suot nya na ako pa ang bumili.

Muli akong napalunok kasabay ng mabibigat kong paghinga. Ang lakas ng pintig ng puso ko na para bang nasa isa akong gyera. Mas lalong nagwala ang halimaw sa pagitan ng hita ko. Mahina akong napamura.

Itinukod ko ang kamay sa magkabilaang gilid nya at yumuko para dampian ng halik ang nakaawang na labi nya. Ang bango ng hininga nya. Magaan kong nilapat ang labi sa labi nya. I’m sorry Ivy. Pero hindi ko na talaga kaya!

Bahagya akong lumayo ng maramdaman kong naalimpungatan sya. Hanggang sa dahan dahan nyang minulat ang mga mata.

“J-Jeiz.. A-Anong ginagawa mo dito? M-May kailangan ka ba?” Inaantok at nauutal na tanong nya at nanlalaki pa ang mga mata. Hindi nya magawang bumangon dahil nakaharang ang katawan ko.

“Yeah.. I need you baby..” Halos pabulong kong sabi.

“H-Ha?”

“Fuck.. I’m sorry Ivy! Hindi ko na kaya.. I want you!” Anas ko sabay siil ng halik sa labi nya. Nakulong ang protesta nya sa loob ng bibig ko. Kinuha ko ang kamay nyang nanlalaban at tinaas sa ulunan nya.

Hindi nagtagal ay naramdaman kong tumutugon na rin sya sa halik ko kaya ang mapusok kong halik ay naging banayad. Nilalasap ko ang kalambutan ng labi nya at ang tamis ng laway nya. Binitawan ko na rin ang kamay nya at nagsimulang humaplos sa katawan nya. Ang kamay nyang binitawan ko ay nakahawak na ngayon sa balikat ko. Ang halik ko ay muling naging mapusok na tinugon naman nya sa mapusok ding paraan. Naging magaslaw na rin ang mga kamay ko. Mula sa paghaplos sa braso nya ay dumako naman ang kamay ko sa hita nya. Pinaghiwalay ko gamit ng tuhod ang mga hita nya at idiniin ang sarili ko sa kanya na ikinasinghap nya.

“J-Jeiz..” Usal nya sa pangalan ko. Habol nya ang hininga dahil sa katatapos lang ng mainit naming halik. Mamasa masa pa ang ang labi nya.

“Patawarin mo ko Ivy.. pero hindi ko na talaga kaya. Gustong gusto na kitang angkinin..” At baka ikabaliw ko kapag hindi nya ako pinahintulutan.

Hinawakan nya ang mukha ko at tumitig sa akin ang mapupungay nyang mata. “Angkinin mo ko Jeiz..” Aniya sa mahinang boses pero malinaw kong narinig at tila inaakit ako at hinihigop ang natitira kong pagtitimpi.

Sa sinabi nya ay muli ko syang sinunggaban ng halik. Punong puno ng pananabik. Hinubad ko ang t-shirt ko hinagis na lang sa kung saan. Bumaba ang sabik kong labi sa panga nya at leeg at doon ko sya pinapak ng halik. Marahan ko pang kinagat ang sensetibong balat nya at dinilaan.

“Mm Jeiz..” Daing nya ng muli ko naman syang kagatin.

Nag angat ako ng mukha at hinalikan sya. “Sorry, na excite lang ako.”

Ngumiti sya at kumagat labi habang ang malambot at mainit nyang kamay ay humahaplos sa balikat ko at dibdib. Napapikit naman ako at hinayaan lang sya. Ang sarap sa balat at pakiramdam ng mainit nyang haplos. Bumaba pa ang kamay nya sa tiyan ko at tila dinadama ang mauumbok kong kalamnan doon. Fuck! Sa haplos pa lang nya parang mababaliw na ako.

“Let me take off your shirt angel..” Hinging paumanhin ko sa kanya.

Kagat labing tumango naman sya.

Nanginginig ang kamay kong hinawakan ang dulo ng damit nya at dahan dahang tinaas pahubad. Napalunok ako ng tumambad sa akin malulusog nyang suso na natatakpan pa ng bra. Namumula ang mukha nya. Inabot ko naman ang hook ng bra nya sa likod at kinalas ito at dahan dahang inalis pahubad. Ngayon ay malalaya ko nang nakikita ang matayog at malusog nyang mga suso. Nakakatakam ang kulay light brown nyang mga utong.

Siguro sa hiya ay tinakpan nya ng mga braso ang mga ito. Agad ko naman itong kinalas.

“Don’t.. you’re beautiful Ivy.. At akin ka lang.” Anas ko at  muli syang hinalikan habang ang kamay ko ay dumako sa suso nya at mabini itong hinaplos at pinisil pisil. Umarko naman ang katawan nya.

Bumaba ang halik ko sa leeg nya, balikat, hanggang sa puno ng mga suso nya. Tinaniman ko ito ng basang halik ng may kasamang dila habang ang mga kamay ko ay panay ang pisil. Ang mga daliri ko ay nilalaro ang utong nya at bahagyang pipisilin.

Init na init ang pakiramdam ko. Nakadagdag pa sa init ang mga munting ungol nya. Nag angat ako ng tingin sa mukha nya. Kagat kagat nya ang labi habang napapapikit sya. Ang mga kamay nya ay nasa ulo ko at sinuklay ang buhok ko. Halatang nagugustuhan nya ang ginagawa ko kaya mas pinagbutihan ko pa. Dinilaan ko ang laman ng suso nya paikot paakyat sa utong nya at nilaro ito ng dila. Habang ang isang kamay ko naman ay nagpapakasasa sa isa.

“Ahh Jeiz..” Daing nya sabay sabunot sa buhok ko.

Tiningnan ko sya. Nagtama ang mata namin.

Bahagya kong kinagat ang utong nya sabay sipsip at dila ulit. Napaungol sya at napa arko ang katawan.

“J-Jeiz..”

“Like it?”

Tumango naman sya. “A-Ang sarap..”

Napangiti naman ako sa sinabi nya at yung kabila naman ang pinagpala ko ng bibig at dila. Bumaba naman ang kamay ko sa pagitan ng hita nya at sinapo ang pagkababae nyang natatakpan ng underwear nya. Marahan kong hinaplos ang ibabaw nito at tinudyo tudyo ng daliri. Panay naman ang arko ng likod nya pati ang balakang nya ay gumagalaw na rin na parang hinahabol ang kamay ko kapag nalalayo.

“Mm Jeiz!” Ungol nya sa pangalan ko.

Inangat ko ang mukha at muli syang sinunggaban ng halik na tinugon naman nya. Habang ang kamay ko ay pinag igihan pa ang paghaplos sa pagkakabae nya. Hinawi ko pa ang panty nya sa gilid at sinalat ng daliri ang pagkababae nyang namamasa na. Hindi na rin mapakali ang mga hita nya. Mas pinaghiwalay ko pa ang mga ito gamit ang mga hita ko.

“J-Jeiz  ahmm.”

Sinalat ko ng daliri ang hiwa nya at hinagod ito. Pinuntirya ko ang kuntil nya at ito naman ang nilaro ko ng daliri.

Nakatingin lang ako sa kanya at pinapanood ang reaksyon ng mukha nya. Nakatingin lang din sya sa akin habang kagat ang labi at inuungol ang pangalan ko.

“Masarap ba angel?” Nanghihibong tanong ko at hinalik halikan ang pisngi nya.

Tumango tango naman sya habang mahinang umuungol.

Mas naging malikot pa ang kamay at daliri ko sa paglalaro sa pagkababae nya. Bumibigat na ang paghinga nya at mas naging malikot pa ang katawan. Sumalubong na rin ang balakang nya sa mga haplos ko.

“Ahh Jeiz.. p-parang may lalabas.. n-naiihi ako.. ammhh.”

Kinulong ko ang ungol nya sa bibig ko at mariin syang hinalikan sa labi habang kinikiskis ko ng palad ang basa nang pagkakabae nya. Humigpit ang kapit nya sa braso ko kasabay ng panginginig ng kanyang katawan na tila kinokombulsyon. Hanggang sa naramdaman ko na ang pag agos ng sariwang katas nya sa palad ko.


Bukas na lang ang prt. 2 ang hirap mag sulat kapag may iba pang ginagawa. Hindi ako makapag concentrate. 😆 Medyo busy ang ferson ngayong gabi.

chapter 21

Ivy

Pagkatapos ng nakakadarang na pinaranas nya sa akin ay may kasunod pa pala. Ngayon ay nasa pagitan na sya ng mga hita ko. Nakakahiya man dahil halos kainin na nya ang pagkababae ko ay nagugustuhan ko naman dahil sobrang sarap sa pakiramdam. Kung kanina ay masarap na ang ginawa nya ay mas masarap pa ngayon. Nakakabaliw.  Hindi ko inaasahan na aabot kami sa ganito. Pero ano nga ba ang dapat kong asahan? Mag asawa kami. Normal lang na gawin ng mag asawa to. 

“Ahmm Jeiz..”

Gusto ko ng ipagdikit ang mga hita ko dahil sa kiliti at sarap ng ginagawa ng dila at bibig nya. Pero madali lang nya itong paghihiwalayin. Ano bang laban ko sa malalaki at malalakas nyang mga braso.

Itinukod ko ang mga siko sa kama para tingnan ang ginagawa nya. Ngayon ay mas kitang kita ko ang ginagawa nya. Walang pag alinlangan na dinidilaan nya ang kasuluksulukan ng pagkababae ko. Napapanganga na lang ako at napapapikit. 

Nag init lalo ang pisngi ko ng paghiwalayin ng daliri nya ang pisngi ng pagkababae ko at laruin ng dila nya ang maliit kong butil na naroon. Tumingin pa sya sa akin. Napakagat labi naman ako habang ang mga hita ko at balakang ay panay ang kislot.

Hayan na naman ang pakiramdam ko kanina na parang naiihi.

“J-Jeiz.. Jeiz m-may lalabas na naman..”

Tinutulak ko paalis ang ulo nya pero mas lalo lang syang sumubsob at mas binuka pa ang mga hita ko. Wala na akong nagawa kundi ang mapaungol na lang at tanggapin ang ginagawa nya.

Ibinagsak ko ang katawan sa kama habang habol ang hininga. Nararamdaman ko ang mga halik na ginagawad nya sa katawan ko pataas hanggang sa magpantay na ang mukha namin. Tinaniman nya ako ng halik sa mukha.

“You taste so good and sweet angel..” Anas nya at siniil ako ng halik.

Walang pangingiming tinugon ko yun kahit pa nalalasahan ko ang sarili sa bibig nya. Sa gitna ng halikan namin ay may nararamdaman akong mainit at matigas na bagay na dumudunggol sa hita ko. Bumitaw ako ng halik sa kanya at tiningnan ang ibaba namin. Napasinghap ako at nanlaki ang mata ng makita kong wala na syang suot na pang ibaba at sa tulong ng liwanag galing sa lampshade ay kitang kita ko ang naghuhumindig nyang pagkalalaki na bumubundol sa hita ko. Kahit na hindi pa ako nakakakita ng ari ng lalaki ay alam kong hindi biro ang sukat ng kanya.

Napalunok ako at nag angat ng tingin habang sya ay nakasubsob sa leeg ko at tinataniman ako ng basang halik. Jusko po! Ang laki ng ari ng asawa ko. Good luck na lang sa akin at sana

makalakad

pa ako bukas.  

Muli nya akong siniil ng halik sa labi. Magaslaw ang galaw ng labi nya na ginagaya ko naman. Nariyang ipapasok nya ang dila sa loob ng bibig ko at tutudyuin ang dila ko. Naalala ko noong unang beses na hinalikan nya ako. Wala pa akong kaalam alam noon. Pero dahil sa palagian na nya akong hinahalikan ay unti unti na rin akong natututong tumugon. Sya ang unang karanasan ko sa lahat na narararapat lang naman na sa kanya ko unang maranasan dahil asawa ko sya.

Napasinghap ako ng may bumubundol na matigas na bagay sa pagkakabae ko. Napatitig ako sa kanya. Bumundol din ang kaba sa dibdib ko.

“J-Jeiz..”

“Natatakot ka ba?” Malambing na tanong nya habang hinahaplos ang buhok ko.

Napalunok ako. Hindi ko naman alam kung sasabihin ko bang oo o hindi.

“B-Baka masakit..” Tanging nasabi ko na lang.

“Sa umpisa lang masakit, pero mawawala din. Promise, titigil ako kapag nakita kong hindi mo kaya..” Pagtitiyak nya sa akin.

Kagat labing tumango naman ako.

Hinalikan naman nya ako sa tungki ng ilong at bahagya syang gumalaw. Naramdaman kong humagod ang matigas na pagkalalaki nya sa pagkababae ko.

“Pwede mo kong kagatin, sabunutan o kahit ano kung nasasaktan ka ok?” Bilin nya sa akin.

Tumango naman ako at humugot ng malalim na hininga. Kumapit ako sa mga braso nya ng maramdaman kong dinidiin na nya ang pagkalalaki nya sa bukana ko. Napakagat labi ako ng may gumuhit na kirot. Na nasundan pa ng matinding kirot.

“Shit.. ang sikip mo Ivy.. kaya mo pa ba?” Nag aalalang tanong nya sa akin. Bakas sa mukha nya na hirap syang pasukin ako. Butil butil na rin ang pawis nya sa noo. Ramdam na ramdam ko pa rin ang kirot na parang hinihiwa ang pagkatao ko. Pero ayoko namang tumigil sya. Nandito na kami at halos nasa loob ko na sya. Gusto ko rin naman syang pasiyahin.

“K-Kaya ko.. Galaw ka na kasi mas lalo lang sumasakit kapag hindi ka pa gumalaw.” Sabi ko.

“Alright.. gagalaw na ko.”

At nag umpisa na syang gumalaw muli. Mas sumigid pa ang kirot. Kinagat ko na lang ng mariin ang labi ko at halos ibaon ko ang kuko sa mga braso nya. Narinig ko pa ang mahihina nyang mura. Damang dama ko na ang kalakihan nya sa loob ko na tila pumipintig pa.

“Fuck Ivy.. ang sarap sa loob mo..”

Nag init ang mukha ko sa sinabi nya. Ngunit ang kirot na nararamdaman ay unti unting nababawasan o baka nasasanay na ako.

“Masakit pa ba?” May pag alalang tanong nya.

“Hindi na masyado..”

“I told you.. mawawala din ang sakit.” Anas nya habang hinahalik halikan ako sa pisngi.

Muli syang gumalaw. Ramdam ko ang paghugot at baon ng kahabaan nya sa loob ko. Napapakapit ako ng mariin sa braso nya kapag muli nya itong ibabaon. Nakakaramdam na rin ako ng kiliti at sarap.

“Ahh Jeiz!”

“Yes angel?”

Hindi ko naman alam kung ano ang sasabihin ko. Napapakagat labi na lang ako habang napapaungol.

“Nasasarapan ka na ba?” Muling tanong nya.

Nagiinit ang mukhang tumango ako.

Ngumiti naman sya at siniil ako ng magaan na halik. Mas naging magaslaw pa ang galaw nya. Mas bumilis ang paghugot at baon nya sa loob ko.

“Ang sarap mo Ivy..” Anas nya sa tenga ko at sumubsob sa leeg ko at doon ay hinalik halikan ako, kinagat kagat ng marahan at dinila dilaan.

“Ohh Jeiz – ahmm p-parang may lalabas na naman.”

Ramdam ko na naman kasi ang pamumuo ng tensyon sa puson ko na anumang sandali ay sasabog na.

“Yes, cum for me angel.. cum for me..” Mas binilisan pa nya ang paggalaw na may kasamang diin na halos lumubog na ang katawan ko sa malambot na kama.

Ilang madidiing pagbaon pa nya ay nanginig na ang katawan ko at muli na naman akong nilabasan. Huminto sya sa paggalaw at muli akong hinalik halikan sa mukha. Napayakap naman ako sa kanya ng mahigpit.

Nang kumalma na ako ay humiwalay sya sa akin at lumuhod sa pagitan ng mga hita ko. Hinawakan nya ang likod ng dalawang hita ko at mas binuka pa lalo. Muli syang gumalaw. Mas marahas na ngayon at mas madiin. Halata ang panggigigil. Parang niyayanig ang mundo ko sa bawat galaw nya. Nangangalit ang mga masel nya sa braso at balikat. Butil butil na rin ang pawis nya sa leeg at dibdib.

“Ughh fuck! Hmmph shit! Shit! Shit! Shit!” Mura nya sa bawat madidiing pagbaon.

Pero imbes na ma-offend ay parang mas lalo pa akong nag iinit. Ibang iba ang hitsura nya ngayon. Kakaiba ang kislap ng mga mata nya. Tila nag aapoy. Ang mga panga ay nangangalit.

“Ahmm Jeiz!” Ungol ko sa pangalan nya. Mahigpit akong napakapit sa kobre kama. Ang buong katawan ko ay yumuyugyog. Inabot nya ang suso kong umaalog at minasahe ito ng salitan habang mainit ang mga matang nakatingin sa akin.

Maya maya pa ay napasinghap ako ng isampay nya ang dalawa kong binti sa balikat nya at tinukod ang dalawang kamay sa tagiliran ko. Napaawang ang labi ko at napakapit sa braso nya.

“J-Jeiz.. h-hmmp..” Halos mangiyak ngiyak kong ungol dahil sa sarap na natatamasa. Ang lalim ng naaabot ng pagbaon nya. Masarap at nakakaliti ang bawat hagod ng pagkalalaki nya sa loob ko.

“Akin ka lang Ivy! Hmmph! Sa akin ka lang! Shit! Ugh!”

Mas lalo pang naging marahas ang galaw nya. Parang sinasalpok na nya ang malaki nyang katawan sa katawan ko. Sobrang diin at lalim ng pagbaon nya. Tuluyan na akong napaiyak, hindi sa sakit kundi sa sarap. Habang sya ay panay ang ungol, mura at tawag sa pangalan ko.

“Ughhhh!” Nakakakilabot na ungol nya. Kasabay nun ang pagdiin nya ng pagkalalaki nya sa loob ko kasunod ang mainit na bagay na ipinupunla nya sa loob ko. Pinagdikit nya ang mga noo namin habang hinuhugot at baon pa nyang muli ng mabagal ang pagkalalaki nyang pumipintig pintig pa.

Binitawan na nya ang mga hita ko at dumapa sa ibabaw ko. Damang dama ko ang bigat nya dahil malaking tao sya. Pero hindi ko yun alintana dahil sa katatapos lang ng ligayang natamasa ko. Kapwa kami habol ang hininga. Nakasubsob sya sa leeg ko. Sinuklay ko ang mamasa masa nyang buhok dahil sa pawis. Nakatitig lang ako sa puting kisame. Naririnig ko pa ang malakas na ulan at hampas ng hangin sa labas. Naramdaman ko ang hinlalaki nyang masuyong minamasahe ang gilid ng bewang ko.

Ramdam kong gising pa rin sya. Pero walang nagsasalita sa amin hanggang sa lamunin ulit ako ng antok..


Don’t worry mga bhe. Ok na ako.  Kaunting sipon na lang at panaka nakang ubo. 😉 Thank u ulit sa inyo. 😘♥️

chapter 22

Jeizhiro

Naalimpungatan ako sa ingay na lagabog na parang may nalaglag. Dinilat ko ang mata. Nasilaw pa ako sa sinag ng araw na tumatagos sa blinds ng salaming bintana. Mukhang tumigil lang ang ulan kaninang madaling araw. Nagpalinga linga ako. Kumalabog ang dibdib ko ng makitang wala sa tabi ko ang asawa ko.

“Ivy.” Tawag ko sa pangalan nya. Tuluyan na akong nagising.

“J-Jeiz.. aw..” Narinig kong daing nya.

Bumalikwas ako ng bangon. Sa sahig ko sya nakita at nakasalampak habang sapo ng isang kamay ang ibaba ng puson at kipkip naman ng isang kamay ang kumot na nakabalot sa katawan nya.

“What happened?” Natatarantang tanong ko at dinaluhan sya.

Napaawang ang labi nyang pinasadahan ako ng tingin at nagtagal ang mata nya sa ibabang bahagi ko kasabay ng pamumula ng pisngi nya. Lihim naman akong napangisi. Wala kasi akong suot kahit na ano.

Tumikhim ako. “Anong nangyari sa’yo?” Pag agaw ko sa atensyon nya.

Nag angat naman sya ng tingin sa akin. “A-Ano kasi.. ang sakit ng a-ari ko.. hindi ako makatayo ng maayos.” Nahihiyang sabi nya.

Nakuha ko naman ang ibig nyang sabihin. Normal lang naman na sumakit at mahirapan syang tumayo dahil inangkin ko sya kagabi. Labis labis ang sayang nadama ko magpasa hanggang ngayon dahil sa wakas naangkin ko na sya ng tuluyan. Bonus pa na birhen sya.

Tumawa ako.

Ngumuso naman sya. “W-Wag mo na akong tawanan, masakit na nga eh.” Apila nya.

Kinagat ko naman ang labi ko para pigilan ang pagngiti. “Sorry angel, masaya lang ako..”

“Mukha nga..” Mahinang usal nya na narinig ko naman.

Muli akong tumikhim. “Bakit ka ba kasi bumangon?” Malambing na tanong ko.

“Eh kasi naiihi na ako eh.”

“Ok, tulungan na kita.” Walang ano ano ay hinablot ko ang kumot sa katawan nya at hinagis sabay buhat sa kanya.

Mabilis naman nyang pinagkrus ang mga braso sa dibdib. “Uy! Yung kumot.”

“Di mo na kailangan yan.” Natatawang sabi ko.

“P-Pero – “

“Nahihiya ka pa sa akin?”

Namula na naman ang mukha nya.

Hinalikan ko naman sya sa sentido. “Hindi mo na kailangan mahiya. Nakita ko na ang lahat sa’yo. Nahawakan, nahalikan at nadilaan. At higit sa lahat asawa mo ko, kaya hindi mo kailangan mahiya. Gaya ko, hindi na ako nahihiya sayo.”

Kumagat labi naman sya ng ilang sandali. “Oo na, dalhin mo na ako sa banyo. Ihing ihi na ako.”

Natawa akong muli. Ito ang isa ko pang gusto sa kanya. Madali syang kausap. “Yess boss!”

“Boss ka dyan, mas mukha ka pa ngang boss kesa sakin eh.”

“Pero sa ating dalawa, ikaw ang boss. Ako, ako’y alipin mo kahit hindi batid.” Pakantang sabi ko sa huli.

Tumawa naman sya. “Ang korni mo na Jeiz.”

“Korni ba? Sorry naman, sinusubukan ko lang maging romantic na asawa.” Nakangising sabi ko.

“Pasalamat ka na lang gwapo ka.” Natatawang sabi nya.

Napakagat labi ako. Heto na naman at kinikilig ako. “Gwapong gwapo ka talaga sa akin no.”

“Oo na po, noong una pa lang kita nakita kaya dali na dalhin mo na ako sa banyo. Ihing ihi na talaga ako.” Kinawag kawag pa nya ang dalawang binti nya.

Natawa naman ko at mabilis syang pinasok sa banyo. Dahan dahan ko syang nilapag sa tapat ng bowl. Humawak naman sya sa akin ng mahigpit at naninimbang paupo sa bowl. Napahugot naman ako ng malalim na hininga ng mas malaya kong mabistayan ang hubad nyang katawan. Nag iinit na naman ako at nagrereact ulit ang pagkalalaki ko. Mabuti na lang at hindi nya ito napapansin.

“Ok na ko. Kaya ko na.” Aniya nang makaupo na.

“Sige na, ihi ka na.”

Kunot noong tumingala sya sa akin. “Labas ka na.”

“Hindi ayos lang, para maalalayan kita agad pagtayo. Baka kailangan mo ng tulong paghugas.”

Namula ang mukha nya. “H-Hindi na, kaya ko naman. Labas ka na lang, hindi kasi ako makaihi kapag may nanonood.”

“Fine, sa labas na lang ako maghihintay. Tawagin mo na lang ako kapag may kailangan ka.” Bilin ko sa kanya.

Tumango naman sya.

Nilisan ko naman ang banyo pero hindi ko sinagad pasara ang pinto para marinig ko kung may kailangan sya. Dinampot ko na lang ang mga nakakalat naming damit. Sinuot ko na rin ang boxer shorts na hinubad ko kagabi.

“Ahh!”

Mabilis kong hinagis ang mga damit sa kama at pumasok sa banyo. “Ivy anong nangyari?” Nagaalalang tanong ko.

Nakaupo pa rin sya sa bowl, kagat kagat ang labi at halos hindi na mapinta ang mukha.

“Ang sakit..” Mangiyak ngiyak na sabi nya.

Natatarantang nag squat ako sa harapan nya. “Nahihirapan kang umihi?” Nagaalalang tanong ko. Pinahid ko ng daliri ang gilid ng mata nyang may butil ng luha. Lihim ko pang minura ang sarili ko. Dahil kasalanan ko kung bakit sya nasasaktan ngayon.

Tumango sya. “M-Masakit kapag umiihi, mahapdi.”

Kinuha ko ang shower hose at in-adjust ang temperatura ng tubig. Nang maramdaman kong katamtaman na ang init ay lumapit ako sa kanya at muling um-squat.

“Anong gagawin mo?” Nagtatakang tanong nya.

“Makakatulong ang maligamgam na tubig para maibsan kahit papaano ang hapdi. Buka ka ng kaunti.”

Humugot naman sya ng malalim na hininga at bumuka ng kaunti. Tinapat ko ang shower head sa pagkababae nya at dahan dahang binuksan. Napasinghap naman sya ng tumama ang maligamgam na tubig.

“Aw..” Daing nya.

“Mainit ba ang tubig?”

Umiling sya. “Hindi naman masyado. Sakto lang.”

Tumango ako. “Sabayan mo na rin ng ihi.” Suhestiyon ko sa kanya.

Kumagat labi naman sya at napakapit sa balikat ko. Mukhang nawala na ang hiya nya sa akin kanina.

Bumuntong hininga sya. Nakita ko naman na medyo kumalma na ang mukha nya pero pawisan. Pinunasan ko ito ng kamay.

“Nakaihi ka na?”

Tumango sya. “Hindi na sya masyadong mahapdi.”

Nakahinga naman ako ng maluwag at pinatay na ang shower.

“Ah, maliligo na rin sana ako eh. Pwede ka na munang lumabas.” Aniya.

“No problem, sabayan na lang kitang maligo.” Sabi ko.

Namula naman ang mukha nya. Bakas ang pagkataranta.

“M-Mauna ka na lang kaya. Mamaya na lang ako.”

Bumuntong hininga ako at tiningnan sya. “Nahihiya ka na naman.”

Kumagat labi sya.

“Sabay na lang tayo para maalalayan kita.” Pinal na sabi ko.

Wala na syang nagawa kundi ngumuso na lang habang namumula ang mukha. Napangisi na lang ako.

Sabay na nga kaming naligo sa loob shower cubicle. Ako na ang nagsabon ng katawan nya. Halatang naiilang sya pero hindi naman na nagprotesta. Habang ako ay lintek ang pigil sa sarili. Hindi ko pa sya pwedeng angkinin ulit dahil masakit pa ang pagkababae nya.

Nang matapos kami ay lumabas ako para kumuha ng dalawang tuwalya. Ako na rin ang nagpunas ng basang katawan nya at buhok saka ibinalot ang isa sa katawan nya. Tinapis ko naman ang isa sa ibabang katawan ko.

“Sandali lang, kukunin ko lang damit mo sa laundry area. Siguradong tuyo na yun.” Paalam ko sa kanya at lumabas ng kwarto.

Dali dali akong bumaba ng hagdan na nakatapis lang tuwalya at dumiretso sa laundry sa gawing likod ng kusina. Kinuha ko ang bestida nyang nakahanger pati ang mga undies nya. Tuyo na ang mga ito. Mabilis din akong bumalik ng kwarto at tinulungan na rin syang magbihis. Nang matapos ay ako naman ang bumalik sa kwarto ko para magbihis. Pagbalik ko ng kwarto nya ay wala na sya. Sumilip ako sa baba. Nandoon na pala sya at kababa lang. Halatang hirap sa paglakad.

Dali dali akong bumaba ng hagdan. Lumingon sya sa akin ng marinig ang mga yabag ko.

“Ayos ka lang? Kaya mo bang maglakad?” Nag aalalang tanong ko.

Tumango naman sya sabay ngiwi. “Kaya ko naman, dahan dahan lang.”

“Aalalayan na lang kita. Tinext ko na si manang Sol na pauwi na tayo.” Imporma ko sa kanya.

Tumango naman sya.

Tsinek ko muna ang lahat sa bahay at ni-lock ang mga pinto at bintana.

Inalalayan ko na lang syang maglakad. Gusto ko syang buhatin pero ayaw naman nya. Napailing na lang ako at napapangiti.

“O, anong nangyari sa’yo Ivy at paika ika kang naglalakad?” Kunot noong tanong ni manang Sol. Bakas sa kanyang mukha ang pag aalala.

Eksaktong alas otso kami nakarating sa bahay.

Namula naman ang mukha ni Ivy sa tinanong ni manang Sol. Kinagat ko naman ang labi para pigilan ang ngiti. Tumingin naman sya sa akin bago kay manang.

“A-Ano po kasi manang – “

“Natipalok ho kasi sya nung papasok na kami sa bahay. Nagmamadali ho kasi kami dahil malakas ang ulan.” Salo ko sa sasabihin nya.

Tumingin naman sya sa akin at pangiwing ngumiti.

“Ah ganun ba, teka nahilot na ba yan?” Tanong ni manang Sol at sinuri pa ang mga binti ni Ivy. Mukhang naniwala naman sya sa sinabi ko.

“Nahilot ko na yan manang, huwag ho kayong mag alala.” Sabi ko.

Tumingin naman sa akin si manang at nagkibit balikat. “Nagluto na ako, mag almusal na muna kayo.” Alok nya sa amin.

“Sige po manang, susunod na kami.”

Tiningnan ko naman si Ivy na namumula pa rin ang mukha. Tumingin sya sa akin at inirapan ako. Tumawa naman ako. Ginantihan naman nya ako ng kurot sa braso.


Aksidente kong na publish kanina hindi pa tapos 😅😆

chapter 23

Ivy

“Ivy, aalis ako. Gusto mo bang sumama?”

Nilingon ko si Jeiz na nakapamulsang lumapit sa akin. Abala kasi ako sa pag aayos ng mga gamit ko na ilalagay dito sa kwarto nya. Pinalipat na kasi nya ako dito. Pumayag na rin naman ako. Mag asawa naman kami eh.

“Saan ka pupunta?” Tanong ko.

Umupo sya sa tabi ko. “Sa bayan lang, kukunin ko lang yung mga inorder na abono.”

Nanlaki ang mata ko ng sabihin nyang sa bayan sya pupunta. “Sama ko.” Excited kong sabi. Gusto ko kasing makita sila Tina at Christy, namimiss ko na sila.

Natawa sya. “Magbihis ka na, iwan mo muna yan. Tulungan na lang kita mamaya mag ayos.”

Tumayo na ako sa kama at bumaba. Humugot ako ng matinong damit sa closet at sa banyo na nagbihis. Isang simpleng t-shirt at jagger pants lang naman yun na si Jeiz din ang bumili. Lahat naman ng gamit ko ultimo napkin at pantyliner ay sya ang bumibili. At hindi ko na daw kailangan mahiya dahil tungkulin nya yun bilang asawa. Ang ibigay ang lahat ng pangangailangan ko.

Nang matapos akong magbihis ay magkahawak kamay pa kaming bumaba ng hagdan. Nagpaalam muna kami kay manang Sol.

“Jeiz, pwedeng dumaan tayo sa prutasan sa bungad mamaya.” Request ko sa kanya ng nasa gitna na kami ng byahe.

“Bakit? May gusto ka bang bilhin?” Nakangiting tanong nya at sinulyapan ako.

“Wala, gusto ko lang kamustahin ang mga kaibigan ko. Dun kasi ako nagtatrabaho bago ako ibenta nila tiyang at tiyong.” May pait sa huli kong sinabi.

Bagama’t magdadalawang buwan na ang pangyayaring yun ay sariwa pa rin isipan at puso ko. Para iyong isang bangungot.

“Alam ko.”

“Ha?”

“Ang sabi ko alam kong doon ka nagtatrabaho dati.” Aniya.

Napaawang naman ang labi ko. “Pa’no mo nalaman?”

Sumulyap sya ulit sa akin. “Palagi kitang nakikita kapag napapadaan ako dun. Doon din ako laging bumibili ng prutas.”

“Talaga? Nabentahan na ba kita?” Curious kong tanong. Hindi ko kasi matandaan kung nabentahan ko ba sya.

“Isang beses lang at mukhang hindi mo pa natatandaan.” May himig tampong sabi nya.

Napangiwi naman ako. Parang kasalanan ko pa tuloy.

“Pasensya na, sa dami kasi ng nagiging customer namin hindi ko na talaga natatandaan minsan.”

“Ayos lang, sapat na sa akin nun na makita ka lang.” Aniya at kinuha pa ang kamay ko sabay kintal ng halik sa likod.

Nag init naman ang pisngi ko. Kinagat ko ang loob ng pisngi ko.

“B-Bakit naman gusto mo kong makita nun?” Nauutal kong tanong. Ang lakas ng tibok ng puso ko.

“Maniniwala ka ba kung sabihin kong crush na kita nung unang beses kitang nakita sa prutasan? Kaya lagi akong dumadaan sa prutasan nyo para bumili ng kahit na anong prutas para makita ka lang.” Sagot nya at muling dinala ang kamay ko sa labi nya at pinupog ng halik. Sumulyap pa sya sa akin at ngumiti.

Para na tuloy sinusunog ang mukha ko sa init. Ganitong ganito din ang naramdaman ko ng angkinin nya ako. Isabay pa ang malakas na kalabog ng dibdib ko. Magkakasakit na yata ako sa puso eh.

“Sya nga pala, gusto mo na bang mag enroll next week? Sasamahan kita.” 

Napalingon ako sa kanya. “T-Talaga? Pwede na akong mag enroll? Mag aaral na ko?” Di makapaniwalang sunod sunod kong tanong. Bumangon ang di matawarang pananabik sa puso ko.

“Opo, mag aaral ka na. Kahit saang eskwelahan pa.” Nakangiting sabi nya.

Napakagat labi naman ako. Parang gusto kong umiyak sa tuwa. At sa tuwa ko nga ay niyakap ko sya.

“Salamat Jeiz..” Naluluhang sabi ko. Sa wakas makakapag aral na ako ulit.

Naramdaman ko naman ang isang braso nyang yumakap sa akin. Hinalikan pa nya ako sa tuktok ng ulo ko.

“Anything for you my wife..” Anas nya.

Nang makarating kami sa malaking tindahan ng mga iba’t ibang uri ng pananim, mga buto at abono ay biniro pa kami ng may ari nito dahil pinakilala ako ni Jeiz na asawa. Pulang pula na naman panigurado ang mukha ko. Naiisip ko tuloy kung ano ang magiging reaksyon nila Tina at Christy kapag nalamang may asawa na ako. Siguradong magugulat sila lalo na kapag nakilala nila si Jeiz na customer namin ang asawa ko.

Nang mailagay na ang mga abono sa likuran ng sasakyan ay saka lang kami nakaalis. Na e-excite na akong makita ang dalawa. Natatanaw ko na ang tindahan. Tumingin sa akin si Jeiz at ngumiti. Nginitian ko din sya.

Huminto kami sa tapat ng tindahan. Mangilan mangilan pa lang ang bumibili dahil patanghali na. Kapag umaga kasi ay mas marami ang bumibili dahil maaga kung mamalengke ang mga tao.

Nakita ko namang papalapit si Christy na nakatikwas pa ang kamay. Si Tina kasi ay may binebentahang customer. Binaba ni Jeiz ang salaming bintana.

“Sir pogi, ano pong atin ngayon?” Magiliw na tanong ni Christy na ngiting ngiti.

Hindi sumagot si Jeiz at lumingon sa akin. Nagawi din ang tingin sa akin ni Christy at nanlaki ang mata.

“OMG! Ivy! Ikaw ba yan? Futah ka! Saan ka ba galing bakla ka? At anong ginagawa mo dyan?” Dahil sa pahesterikal nyang sabi ay nakita kong napalingon ang ilang taong malapit lalo na si Tina.

“Martina! Nandito si Ivy!” Tawag nya kay Tina at tinuro pa ako.

Napakagat labi naman ako. Kita ko sa mukha nya ang pagkasabik nang makita ako. Tumingin ako kay Jeiz at nagpaalam bumaba. Tumango naman sya at tinanggal ang seatbelt. Tinanggal din nya ang akin. Binuksan ko ang pinto ng sasakyan at bumaba. Umikot ako at lumapit kay Christy. Agad nya akong niyakap.

“Oo nga! Ikaw nga Ivy! Shuta ka! Saan ka ba galing?” Bulalas ni Tina na agad na lumapit sa amin at nakiyakap na rin. Mabuti na lang at wala ng bumibili.

Naiiyak na niyakap ko sila. Sobrang miss ko na sila. Para ko na silang mga kapatid.

“Saan ka ba galing bakla ka? Ang tagal mong nawala. Bigla bigla hindi ka na lang pumasok at walang paramdam.” Pasitang sabi ni Christy na panay naman ang haplos sa buhok ko.

“Ano ka ba? Di ba sinabi ko na sa’yo kung ano ang nangyari sa kanya?” Ani Tina kay Christy.

“Oo nga, pero syempre gusto kong marinig ang side nya lalo pa at nakita natin sya ngayon na kasama si Sir pogi.”

Nag init ang pisngi ko sa sinabi ni Christy. Pero natuon ang atensyon ko sa sinabi ni Tina. Binalingan ko sya.

“Alam mo na ang nangyari sa akin?” Tanong ko sa kanya.

Tipid syang ngumiti at nakihaplos na rin sa buhok ko. “Oo, kalat na kalat doon sa lugar natin. Mga walanghiya talaga ay hindi, mga hayup yang tiyahin at tiyuhin mo. Di pa sila nakuntento sa pang aalila sayo, binenta ka pa.” Nahimigan ko ang hinanakit sa boses nya.

Nakaramdam ako ng hiya dahil nalaman pa nila sa iba ang nangyari sa akin. Ang dami nilang sinabi sa akin. Gaya ng hinanap din ako ng lola ko sa bahay at nag aalala din sa pagkawala ko. Napakagat labi naman ako. Sasabihin ko kay Jeiz na dadalawin ko si lola mamaya.

Lumabas si Ka Ene at nagulat ng makita ako. Tinawag nya ako. Napalunok ako. Baka papagalitan nya ako. Lumingon ako kay Jeiz na nakatayo sa tabi ng pintuan. Tinanguan naman nya ako.

Lumapit naman ako kay Ka Ene. Nagulat ako ng yakapin din nya ako. Alam din pala nya ang nangyari sa akin at sobrang nag alala din daw sya. Gusto man daw nya akong ipahanap ay hindi naman daw nya alam kung saan magsisimula. Nabalitaan na lang daw nya na sumama ako sa isang lalaki na nagligtas sa akin. Si Jeiz ang tinutukoy nya.  Pinakilaa ko sa kanya si Jeiz pati na rin kay Tina at Christy. At tama nga ako nakilala nila sya at nagulat sila ng malamang asawa ko na sya. Pinaliwanag ko naman sa kanila ang lahat. Naiintindihan naman nila ako.

“O di ba, tama ang sinabi ko sa’yo. Makakawala ka lang sa poder ng tiyahin at tiyuhin mo kapag nag asawa ka na. At mukhang big-time pa ang asawa mo ha. Ang gwapo at macho pa. Di ka lugi bakla.” Ani Tina na pinasadahan pa ng tingin si Jeiz.

Naginit naman ang pisngi ko sa sinabi ni Tina.

“Yun nga lang, pa’no naman si kuya Manuel? Sobrang nag aalala di sayo yun. Hinanap ka rin nun kung saan saan.” Sabat naman ni Christy.

Oo nga pala. Si kuya Manuel na manliligaw at kaibigan ko. Nag alala din pala sya sa akin.

“And speaking of kuya Manuel, ayan na sya. Ang bilis makatunog.”

Nag angat ako ng tingin. Nakita ko si kuya Manuel sa kabilang kalsada at tumawid. Patakbo syang lumapit sa amin.

“Ivy! Totoo nga nandito ka!” Sabi nya at pumasok sa tindahan sabay yakap sa akin ng mahigpit.

Nahigit ko naman ang hininga. Hinawakan ko na lang ang tagiliran nya. Halatang nagulat naman sila Christy at Tina. At siguradong nakatingin din sa amin si Ka Ene na nasa pahingahan na nya. Pero ang kinakaba ko ay ang paglapit ni Jeiz na madilim na madilim ang mukha. Naggagalawan din ang panga nya. Ganito din ang hitsura nya ng sagipin nya ako sa mga kamay nila Ka Tano.

Tinapik tapik ko sa balikat si kuya Manuel para pakawalan na nya ako. Pero mas hinigpitan pa nya ang yakap sa akin.

“Sobrang nag alala ako sayo alam mo ba?” Anas nya sa tenga ko.

“Ahm, kuya Manuel – “

“Pare, baka gusto mo nang bitawan ang asawa ko.” Ani Jeiz at hinawakan sa balikat si kuya Manuel at isang hila lang nya ay natangay na nya ito. Muntik pang mapasadsad si kuya Manuel sa mga prutas na nasa likod nya.

Sa laking tao ni Jeiz ay kayang kaya nyang ihagis si kuya Manuel. Malaki ang agwat at pagkakaiba ng katawan nila. Di hamak na mas matangkad si Jeiz at mas malaki ang katawan.

Pumiksi si kuya Manuel sa hawak ni Jeiz. Tiningnan nya ito mula ulo hanggang paa at sinamaan ng tingin. Tumayo sya ng tuwid at niliyad ang dibdib.

“Sino ka ba? Ang angas mo ah!” Aniya.

“Ako lang naman ang asawa nyang babaeng niyayakap mo.” Malaki at mababang boses na sabi ni Jeiz. Pero halata ang galit sa boses nya.

Naalarma naman ko at di ko alam kung ano ang gagawin. Naku! Mukhang mag aaway pa yata!

“Ano? Asawa? Pinagloloko mo ba ko?” Di naniniwalang sunod sunod na tanong ni kuya Manuel.

Nakita ko naman ang pagkuyom ng kamao ni Jeiz at pangangalit ng mga ugat sa braso nya. Bakas na rin ang pagkataranta sa mukha nila Tina at Christy.

“Ah ano, kuya Manuel. Totoo ang sinasabi ni Sir Jeiz. Asawa sya ni Ivy. Mag asawa silang dalawa.” Sabat ni Tina na nakangiwi na.

Tumingin naman si kuya Manuel kay Tina bago sa akin. “Totoo ba?” Pangungumpirma nya.

Kagat labing tumango ako.

Bumagsak naman ang balikat nya at napalitan ng panlulumo ang matapang na mukha kanina. Nakaramdam ako ng awa sa kanya. Halata kasing nasaktan sya at nakikita ko yun sa mata nya. Gusto ko syang kausapin.

Nilapitan ko si Jeiz at nagpaalam akong kakausapin ng sarilinan si kuya Manuel. Noong una ay nag aalangan syang payagan ako pero pumayag din bandang huli. 

Kaya kinausap ko si kuya Manuel ng kami lang. Pinaliwanag ko sa kanya ang lahat. Pati ang dahilan kung bakit ako nagpakasal. Walang wala naman kasi akong malalapitan noon eh. At kapag sinubukan kong lumapit sa kanila ay madadamay pa sila.

Bumuntong hininga sya ng marinig ang lahat ng paliwanag ko. “Nauna nga ako pero nahuli pa rin. Pero masaya ako na ligtas ka na. At dapat sa mga hayop na yun ay mahuli. Ano bang ginagawa ng asawa mo? Mukha naman syang bigatin dapat ipahuli na nya ang mga yun.” Litanya nya at halatang inis na inis. Di ko nga lang alam kung kay Jeiz o doon kanila Ka Tano. Baka pareho.

Di ko rin alam kung ano ang plano ni Jeiz. Pero madalas ko syang nakikitang may kausap sa telepono at parang may inuutos sa kung sinuman. Hindi ko lang yun binibigyan ng pansin at di rin ako nag tatanong dahil privacy nya yun.

“Hindi ko alam, baka may iba syang plano. Ang sabi nya kasi ay hindi basta basta ang grupo nila Ka Tano at may kapit daw sa presinto.” Yun ang paliwanag sa akin ni Jeiz noon, at gagawa daw sya ng paraan para makulong ang mga ito.

“Oo, hindi talaga basta basta ang grupong yun. Mahirap banggain. Siguradong bangkay ka na kinabukasan. Kaya nga sobrang nag alala ako ng malaman ko kay Tina na binenta ka ng tiyahin mo kay Ka Tano. Buti na lang nailigtas ka ng asawa mong kapre.” Sabi nya.

Napanguso ako. “Grabe ka naman, sobrang bait kaya ni Jeiz.”

“Sa’yo, kasi asawa ka nya at halatang dead na dead sa’yo. Nakita mo naman kanina, kulang na lang ihagis ako palabas ng tindahan. Ang sakit nga ng balikat ko. At pamilyar din sa akin ang sasakyan nya. Sya ang muntik ng humagip sa akin.” Hinawakan nya ang balikat at inikot ikot sabay ngiwi.

Napasinghap ako sa huling sinabi nya. Natatandaan ko nga ang insidenteng yun. Hindi ko lang matandaan ang sasakyan. Pero posible ang sinasabi nya dahil ayun kay Jeiz ay madalas syang bumili dito sa tindahan.

“Sorry kuya Manuel.” Nahihiyang sabi ko. Ako na lang ang hihingi ng pasensya.

Tipid syang ngumiti. “Talagang kuya lang ang tingin mo sa akin.”

“Gaya ni Tina at Christy, mabuting kaibigan ang turing ko sayo.” Sabi ko.

Tumango tango naman sya. “Naiintindihan ko naman. At least napunta ka sa lalaking kayang kaya kang protektahan. Masaya na ako dun.”

Ngumiti ako sa kanya. “Sundalo sya.”

Napangiwi sya. “Kaya naman pala.”

Natawa naman ko. “Salamat kuya Manuel.”

Ngumiti sya at tinapik ako sa ulo. “Wala yun. Ang importante ligtas ka. Sige na puntahan mo na yang asawa mo at kanina pa matalim ang tingin sa akin baka bumulagta na lang ako dito.”

Tumawa ulit ako. May sasabibin pa sana ako pero tinawag na ako ni Jeiz na madilim pa rin ang mukha. Agad naman akong lumapit sa kanya. Nagpaalam na rin kami kanila Tina, Christy at Ka Ene. Nagpalitan din kami ng numero para makapag text sa isa’t isa’t. Tinukso pa nila ako ng makita ang mamahaling cellphone ko. Tinawanan ko na lang sila. Bago kami umalis ay sinabihan sila ni Jeiz na pwede silang pumunta sa bahay kung gusto nila akong dalawin. Syempre gusto ko yun at excited na rin ang dalawa.

Nang makasakay na kami ng sasakyan ay kumaway pa ako sa kanila pati na rin kay kuya Manuel.

“Tsk.” Narinig kong palatak ni Jeiz.


chapter 24

Ivy

“Ay jusko! Ivy apo! Ikaw ba yan?” Bulalas ni lola Mila ng pagbuksan nya ako ng pinto. In-adjust pa nya ang suot na salamin.

“Lola..” Naluluhang sabi ko sabay yakap sa kanya.

“Ikaw nga, apo ko.” Mangiyak ngiyak din na sabi ni lola at niyakap din ako.

“Alalang alala ako sayo apo ko, gabi gabi akong nag iisip at nag dadasal na sana ligtas ka at magpakita sa akin. Salamat sa Diyos at dininig ang panalangin ko.” 

“Ayos lang po ako lola, ligtas na po ako. Nang malaman ko na hinanap nyo ako pumunta agad ako dito.” Agad namang pumayag si Jeiz ng magpaalam akong puntahan namin si lola. Kahit nakabusangot ay pumayag naman sya. Bumili pa nga sya ng mga prutas para kay lola. Idinaan muna namin ang mga abono sa farm bago dumiretso dito.

“Ang sabi sa akin ni Linda, nag asawa ka na daw. Sya ba ang asawa mo?” Ani lola na tumingin sa gawing likuran ko.

Saka naman lumapit si Jeiz at kinuha ang kamay ni lola. “Mano po lola.” Magalang nyang sabi. “Ako po si Jeizhiro Natividad, asawa po ng apo nyo.”

Sandaling hindi makapag salita si lola at nakatitig lang kay Jeiz at sa akin. Napapa isip tuloy ako kung alam ba nya kung ano ang totoong nangyari sa akin sa kamay nila tiyang Linda at tiyong Oca.

Nagulat na lang ako ng umiyak sya. “Pasensya ka na apo sa ginawa sayo ni Linda at Oca. Kahit ako hindi ko sila kayang patawarin. Hindi ko lubos maisip kung bakit nakayang gawin sayo yun ni Linda. Patawarin mo rin ako dahil wala akong magawa.”

Hinagod ko ang likod nya. Ako man ay naiiyak din pero pinigil ko lang ang luha ko.

“Wala po kayong kasalanan ’la. Wag nyo pong sisihin ang sarili nyo.” Pag aalo ko sa kanya.

“Kahit na, binilin ka sa akin ni Irene bago sya pumanaw. Pero ano ang nangyari? Napahamak ka wala man lang akong alam.”  Humikbi nang sabi nya.

Niyakap ko ulit sya. “Maiintindihan naman yun ni mama kung nasaan man sya. At sa palagay ko ay ginagabayan din nya po ako, tayo. Kita nyo, ligtas po ako. Nagkita po ulit tayo.” Yun din naman kasi ang pakiramdam ko. Sa tuwing magdadasal ako ay laging kasama si mama kaya pakiramdam ko binabantayan din nya ako at ginagabayan.

Tumango tango naman si lola at bumitaw na ng yakap at ngumiti. Pinahid nya ang luha. “Tama ka apo, ginagabayan nya tayo. Hala, pumasok muna kayo sa loob.” Aya nya sa amin ng makalma na.

Inakbayan naman ako ni Jeiz papasok sa munting bahay ni lola. Umupo kami sa sopang kawayan. Inabot ni Jeiz kay lola mga prutas.

“Naku, hindi na sana kayo nag abala.”

“Maliit na bagay lang ho lola.” Ani Jeiz.

Ngumiti naman si lola. “Salamat iho.”

Pumunta ng kusina si lola. Ako naman ay nilibot ang munting sala ni lola. Naalala ko dati noong nabubuhay pa si mama, palagi akong nandito. Pero nung namatay na si mama ay bihira na lang dahil pinagbabawalan ako ni tiyang Linda. Gusto ko nga noon kay lola na lang sumama kaya lang ang sabi ni tiyang Linda ay magiging pabigat lang daw ako dahil dagdag pakainin pa ako ni lola. Kaya wala na akong nagawa noon kundi magtiis kanila tiyang at gawing utus utusan. Pero hindi na ngayon. Dahil parang prinsesa na ako sa bagong buhay ko ngayon. At salamat sa lalaking katabi ko. Ang asawa ko.

Nilingon ko si Jeiz na saktong tumingin din sa akin. Nginitian ko sya. Ngumiti din sya at hinawakan ang kamay ko. Nawala na rin ang paninilim ng mukha nya.

“Heto, magkape muna kayo at nilagang saging at kamote.” Ani lola na may hawak na kahoy na tray na may nakapatong na dalawang umuusok na kape at isang mangkok na malaki na yari sa kahoy na may lamang nilagang saging at kamote.

Agad namang tumayo si Jeiz at kinuha ang tray kay lola. Nilapag nya ito sa kawayang lamesita.

Isa ito sa namiss ko, ang kape ni lola na sya mismo ang gumagawa.

“Salamat po ’la, kayo po?”

“Naku, katatapos ko lang. Kayong dalawa na lang.” Ani lola at umupo na rin sa upuang kawayan paharap sa amin.

“Masarap ang kape ni lola Jeiz, sariling tanim nya yan.” Pagmamalaki ko kay Jeiz.

“Talaga?”

“Oo, may iba’t ibang tanim din na gulay si lola.”

“Hamo, bago kayo umuwi ay pauuwian ko kayo.” Nakangiting sabi ni lola.

Hinawakan ko naman ang tasa pero agad ding binitawan dahil mainit.

“Careful, mainit pa yan.” Ani Jeiz na kinuha pa ang kamay ko at hinipan hipan ang daliri kong napaso. Kumuha na lang ako ng isang nilagang saging.

Nag angat ako ng tingin kay lola. Nakatingin sya sa ginagawa ni Jeiz at nakangiti. Nahiya naman ako at mabilis kong binawi ang daliri. Nagtaka naman si Jeiz.

“A-Ayos na, hindi na masakit. Inumin mo na yung kape mo baka lumamig.” Sabi ko na lang.

Nataranta pa ako sa pagbalat ng nilagang saging. Habang si Jeiz naman ay dinampot ang tasa nya ng kape at humigop. Tumango tango pa sya ng malasahan.

Nilingon ko sya. “Sarap no?” Sabi ko at kumagat ng saging.

“Tamang tama lang ang timpla at tapang.” Komento nya.

Nagpasalamat naman si lola at pababaunan din daw kami ng kapeng barako. Silang dalawa naman ni lola ang nagkwentuhan. Sinasagot nya ang lahat ng tanong ni lola. Kung paano kami nagkakilala at kung kelan kami nagpakasal. Mukhang nagiging magkasundo naman sila. Ako naman ay abala sa pagkain ng nilagang saging at kamote. Hinihigop ko na rin ang kape ko dahil baka lumamig pa. Panaka naka naman akong sulyapan ni Jeiz na tila binabantayan ang bawat galaw ko.

“Iho, ingatan mo ang apo ko ha.” Sabi ni lola ng magpaalam na kaming uuwi.

“Makakaasa ho kayo lola.” Magalang na sabi ni Jeiz na bitbit na ang basket na puno ng gulay at kapeng barako.

Niyakap naman akong muli ni lola. “Dalawin mo ulit ako apo.” Bilin nya sa akin.

“Opo naman lola, mas madalas ko na kayong madadalaw ngayon.” Sabi ko at tumingin kay Jeiz para manghingi ng permiso. Tumango naman sya at ngumiti.

“Hayaan nyo ho, madalas ho namin kayong dadalawin. Pwede rin ho kayong pumunta sa bahay kung gusto nyo.” Ani Jeiz at naglabas pa ng isang maliit na card na may nakaimprentang numero at address.

Natuwa naman ako sa sinabi nya. Sobrang bait nya talaga sa mga mahal ko sa buhay.

Sa buong durasyon ng byahe namin ay nakangiti lang ako. Ang saya ng araw ko. Ang gaan gaan. Mabuti na lang at sumama ako sa kanya. Nakita ko ulit at nakausap ang mga mahal ko sa buhay maliban lang sa dalawa. Sina Lileth at Kiko. Alam kong malabo pang makita at makausap ko sila dahil hindi ko na nanaising tumapak sa bahay na yun. Sana ay ayos lang sila at naalagaan talaga nila tiyang Linda at tiyong Oca.

“Mukhang masayang masaya ka ah.” Untag sa akin ni Jeiz.

Nilingon ko sya at nginitian. “Sobra. Nakita at nakausap kong muli ang mga mahal ko sa buhay. At dahil yun sa’yo. Salamat ulit.” Sabi ko at yumakap sa braso nya.

Naramdaman ko namang hinalikan nya ako sa ulo.

“Isa rin ba sa mahal mo yung lalaking yumakap sa’yo kanina?” Tanong nya.

Nag angat naman ako ng tingin sa kanya. Nag isip ako kung sinong lalaki ang tinutukoy nya – ah si kuya Manuel.

“Si kuya Manuel ba, mahal ko din sya bilang kaibigan.” Sabi ko.

Kumibot naman ang labi nya. “Pero manliligaw mo sya di ba?”

Napakagat labi ako. “Hindi na ngayon dahil may asawa na ako.”

“Pa’no kung wala kang asawa, sasagutin mo sya?” Walang kaemo-emosyong sabi nya. Nakita ko pa ang paghigpit ng hawak nya sa manibela.

“Hindi rin, wala naman kasi akong gusto sa kanya at alam nya yun. Kaibigan lang talaga ang turing ko sa kanya kagaya ni Tina at Christy.” Paliwanag ko.

Bumuntong hininga sya at sumulyap sa akin. “Pero ayokong niyayakap ka nya. O kahit na sinong lalaki. Nagseselos ako. Gusto ko ako lang. Pwede ba yun?”

Bahagyang napaawang ang bibig ko sa mga sinabi nya. Nagseselos daw sya. Normal lang naman siguro yun dahil asawa nya ako. Pero ang hindi normal ay ang mabilis na naman na tibok ng puso ko.

Nginitian ko sya. “Oo naman, saka hindi naman ako yumayakap kung kani-kanino lalo na sa mga lalaki. Promise ikaw lang ang lalaking yayakapin ko.”

Sumulyap uli sya sa akin. Malawak na ang ngiti nya ngayon. “Talaga?”

“Opo, promise.” Tinaas ko pa ang kamay ko.

Ngumuso naman sya. “Tanggalin mo na yung opo. Pinapatanda mo na naman ako eh.”

Tumawa ako. “Oo promise.”

Nagulat ako sa sunod nyang ginawa. Bigla nyang kinabig ang batok ko at hinalikan ako ng madiin sa labi. Nahigit ko naman ang hininga. Pero agad din naman syang bumitaw at ngiting ngiti tinuon muli ang mata sa kalsada. Nag init naman ng husto ang mukha ko.

Alas singko na kami nakarating sa bahay at sinalubong kami ni manang Sol. Manghang mangha pa nga sya sa dala naming mga sariwang gulay at kapeng barako. Pinauwi namin sa kanya ang iba dahil baka masayang lang.

Si Jeiz naman ay nagpresintang mag ihaw ng karne na minarinate daw nya kagabi. Specialty daw nya yun at gusto nyang ipatikim sa akin. Na-excite naman ako at natakam. Ako naman ang nagsaing. Si manang ay nagpaalam ng umuwi dahil wala pa daw ang anak nya at walang magluluto sa bahay. Pinuwian na rin sya ni Jeiz ng karne na minarinate nya.

Nang maluto na ang sinaing ko ay pumunta ako kay Jeiz na seryoso sa kanyang iniihaw sa may garden. Amoy na amoy ko na ang aroma ng iniihaw nya. Nakakagutom.

“Wag ka dyan, mausok. Baka mangamoy barbecue ka.” Natatawang sabi nya habang binabaliktad ang karne.

“Gustong gusto ko nga yung amoy eh, nakakagutom.” Sabi ko at lumapit sa kanya.

“Nagugutom ka na ba? Malapit na to.”

“Keri lang.”

Natawa na lang sya sa sinabi ko.

Tiningnan ko na lang ang mga iniihaw nya. Nung namatay si mama bihirang bihira na lang ako makatikim ng inihaw na karne. Bilang nga lang din sa daliri na makatikim ako ng masarap na ulam. Si tiyang kasi parang nananadya na ewan na madalas ay hindi ako tirhan ng ulam, tirhan man ako kakarampot lang o kaya sabaw na lang. Di bale na, ngayon naman ay halos lahat ng pagkaing masarap ay nakakain ko na. Pero itong karneng iniihaw ni Jeiz ay parang hindi karaniwan.

“Baboy ba yan? Parang iba yung karne.” Komento ko.

“Angus beef yan.” Sagot nya.

“Ah.” Sagot ko na lang. Basta alam ko baka.

Magdidilim na ng matapos sya sa pag ihaw. Ako naman ay parang naglalaway na at gusto ko nang kumain. Natatawa naman sya sa reaksyon ko. Nagtulong na kami sa paghain sa lamesa. Gumawa pa sya ng kakaibang sawsawan. Naglabas din sya ng 1.5 na coke na malamig na malamig.

“Mmm ang sharap!” Bulalas ko habang ngumunguya. Ang lambot kasi ng karne at sobrang malinamnam. Mukhang mapaparami ang kain ko.

“You’re welcome.” Sagot naman ni Jeiz na ngiting ngiting nakatingin sa akin. Kumakain na rin sya. Malakas din syang kumain. Malaking tao eh.

Binigyan ko naman sya ng dalawang thumps up. Enjoy kami sa pagkain. Halos nagkamay na nga lang kami at halos maubos din namin ang inihaw. Kung hindi pa tumahol si Wiper na bigla na lang sumulpot na tila nagsasabing tirhan sya. Nagtawanan na lang kami ni Jeiz.

Ako na ang nagpresintang maghugas ng plato bilang sya naman ang nag ihaw. Ayaw pa nga nya at gusto maupo na lang ako. Pero dahil mapilit ako wala na syang nagawa. Naa-appreciate ko naman na lagi nya akong tinuturing na parang babasaging crystal. Ayoko lang talaga masanay.

Pinakain na lang nya si Wiper habang kinakausap. Natatawa na lang ako at biniro sya na baka sumagot si Wiper. Nginisihan lang nya ako.

Napahagikgik ako sa panaka nakang halik ni Jeiz sa pisngi at leeg ko. Nandito na kami sa kwarto nya – namin pala. Nasa pagitan ako ng mga hita nya at nakasandal sa kanya at yakap nya ako habang nanonood. Nahihiya pa nga ako noong una ng ilagay nya ako sa pagitan ng hita pero kalaunan ay nasanay na rin ako. Mas komportable pa nga eh. Pero ngayon ay panay ang halik nya sa akin. Nakikiliti na nga ako dahil sa balbas at bigote nyang kumukuskos sa leeg ko. Tapos parang sinasadya pa nya na ikiskis sa leeg ko ang balbas nya.

“J-Jeiz tama na! Nakikiliti na ako.” Natatawang sabi ko. Hindi ko na tuloy maintindihan ang palabas.

“Pero gusto ko pa misis..” Paungot nyang sabi sa akin at hinalik halikan muli ang pisngi ko na may kasamang pag amoy pa.

“Pero nanonood tayo mister.” Sabi ko at tinuro ang tv.

“Namimiss ka na ni mister misis..” Anas nya sa tenga ko. Kakaiba ang dating sa akin ng sinabi nya at ng boses nya. Nagtayuan ang balahibo ko at nag init ang pisngi ko.

“Lagi naman tayong magkasama ah.” Natatawang sabi ko. Grabe naman sya makamiss sa akin, eh halos hindi na nga kami mapaghiwalay eh.

“ Yun na nga, kaya mas lalo kitang namimiss..“

Naguluhan naman ako sa sinabi nyang lalong namimiss. Akmang magsasalita ako ng dumapo ang kamay nya sa ibabaw ng suso ko at marahang pumisil. Napasinghap ako at hinawakan ang kamay nya.

“J-Jeiz!”

“This is what I mean angel.. I miss touching you, licking you, eating you, and making love with you..” Tila hirap na hirap na anas nya sa tenga kasabay ng marahang pisil sa mga suso ko.

Kinagat ko ang labi ko kasabay ng pag iinit ng mukha at katawan ko dahil sa sinabi nya at ginagawa ng pangahas nyang kamay. Bigla ay nasabik akong matikman muli masarap na naranasan ko noong gabing unang beses na angkinin nya ako..


Lam nyo na next 😆

chapter 25

Warning 🔞

Read at your own risk!

Ivy

Kinagat ko ang labi ng ipasok ni Jeiz ang kamay nya sa loob ng damit ko at sapuhin ang mga suso ko. Wala akong suot na bra kaya damang dama ko ang init at gaspang ng malaki nyang kamay. Salit salitan nya itong pinipisil. Nilalaro ng daliri ang utong ko at bahagyang pipisil pisilin. Nakasubsob ang ulo nya sa leeg at balikat ko habang ako naman ay napapaliyad. Nag uumpisa na rin akong mag init sa ginagawa nya. Para akong lalagnatin. Nararamdaman ko na rin ang matigas na bagay na tumutusok sa bandang puwitan ko.

Napasinghap ako ng isang iglap lang ay mabilis nyang hinubad ang t-shirt kong pantulog. Ngayon ay nakabuyangyang na ang mga suso kong tila nagyayabang sa tayog ng pagkakatubo. Mas lalong nag init ang pisngi ko ng muli nya itong sapuhin ng dalawa nyang malaking kamay. Para syang panadero na nagmamasa. Iginilid ko ang mukha para tingnan sya. Tumingin din sya sa akin at siniil ako ng halik na tinugon ko naman ng buong puso. Hinawakan ko pa ang pisngi nya para kabigin pa ang mukha nya. Gustong gusto ko kasi ang paraan ng paghalik nya. Mainit at masarap sa pakiramdam. Hindi ako nangingimi sa laway at dila nya.

Napahiwawalay lang ang labi ko ng sabay nyang lapirutin ang utong ko. “J-Jeiz..”

“Masakit?” Nag alalang tanong nya at minasahe ng daliri ang mga utong ko.

“Hindi.. m-masarap..” Nahihiyang sabi ko pa sa huli.

Totoong naman kasing masarap ang ginagawa nya. Nakakakiliti pa.

Ngumiti sya at kinintalan ako ng mabilis na halik sa labi. Kagat labing ngumiti din ako sa kanya. Tiningnan ko ang dalawang kamay nyang salo salo ang mga suso ko. Nariyang pagdidikitin nya ito at mamasahiin pa pataas. Bahagya pa syang yumuko at tinudyo ng dila nya ang isang utong ko. Mariin kong nakagat ang labi dahil sa init ng dila nya na naghahatid ng masarap na kiliti. Nang matapos ay sinipsip pa nya ito. Hindi ko na mapigilan ang umungol ng mahina. Ganun din ang ginawa nya sa isa. Salit salitan.

Naramdaman ko na lang ang kamay nyang pumasok sa loob ng pajama ko at dumapo sa ibabaw ng panty ko. Humimas himas ito doon kasabay ng isang kamay nyang nagmamasahe sa suso ko. Napahawak na lang ako sa mga braso nya at napapaliyad. Ang sarap ng ginagawa ng kamay nya sa katawan ko.

Pero nabitin ako ng ilabas nya ang kamay nya sa pajama ko. Nilingon ko sya at akmang magtatanong pero sinalubong lang nya ako ng halik na muli kong tinugon. Naramdaman ko na lang na hinihila nya pahubad ang pajama ko. Inangat ko naman ang puwitan ko para hindi sya mahirapan. Nang tuluyan na itong mahubad ay nakaramdam ako ng ginaw dahil sa buga ng aircon pero agad din yung napalitan ng init ng bumalik ang isang kamay nya sa ibabaw ng panty ko at muling humimas. Ngunit saglit lang yun dahil ito naman ang sunod nyang hinubad. Ngayon ay hubo’t hubad na ako. Agad kong pinagtabi ang mga hita ko. Bigla akong nahiya. Pinaghiwalay nya iyon ng kamay nya at muling binalik ang kamay sa hubad ko ng pagkababae. Hinawakan ko ang braso nya at muling pinagdikit ang mga hita.

Habol ang hiningang humiwalay ako ng halik sa kanya. Tiningnan ko ang ibaba ko. Magkadikit ang mga hita ko habang nakaipit sa gitna ang kamay nya.

“Spread your legs Ivy..” Anas nya sa tenga ko.

Ewan ko, pero parang nahihipnotismo ako sa namamaos na malaking boses nya. Kaya sinunod ko sya. Pinaghiwalay ko ang mga hita ko. Kagat labing tumingin ako sa kanya. Ngumiti naman sya.

“Good wifey..”

Pero nagulat ako sa sunod nyang ginawa. Ipinatong nya ang mga hita kong nakabuka sa mga hita nya. Bukang buka na ako ngayon at hindi ko na basta mapagdidikit ang mga hita ko.

“Jeiz.. a-anong gagawin mo?”

“Shh.. enjoy-in mo lang angel. Masasarapan ka sa gagawin ko.” Bulong nya sa tenga ko at hinalikan ako sa pisngi.

Muli dumampi ang kamay nya sa pagkababae ko at humimas himas doon. Ganito din ang unang ginawa nya sa kin nung gabing yun na sobrang nagustuhan ko dahil masarap sa pakiramdam.

Kagat labing pinagmamasdan ko ang bawat galaw ng kamay nya habang nakahawak ako sa mga braso nya. Nariyang pinaglalaruan pa ng mga daliri nya ang mga munti kong balahibo doon. Tapos isisingit nya ang gitnang daliri sa hiwa ko at hahagurin yun. Napapakislot naman ang mga hita ko sa kikiting dulot nun.

“Mm Jeiz..” Tawag ko sa pangalan nya at tumingin sa kanya.

“Masarap?” Tanong nya.

Tumango naman ako at muling tinuon ang paningin sa ibaba ko. Binuka ng isa nyang kamay ang pisngi ng pagkababae ko habang ang isa nyang kamay ay ang munting butil ko naman ang pinag lalaruan. Kinakalabit kalabit nya ito at didiinan ng gitnang daliri at paikot na minamasahe. Nahigit ko ang hininga at napahigpit ang hawak sa mga braso nya. Ang sarap ng ginagawa nya. Kapag ako ang humahawak sa pagkababae ko kapag naghuhugas  ay hindi naman ganito ang nararamdaman ko. Bakit.. Bakit iba kapag si Jeiz.

“Ohh Jeiz.. ang sarap naman..” Di ko napigilang ibulalas.

Hinalik halikan nya ang pisngi at leeg ko habang patuloy lang ang mga daliri nya sa paglalaro sa pagkababae ko. Kumagat labi ako habang napapapikit at ini-enjoy ang ginagawa nya. Ngunit napaawang ang labi ko ng maramdaman ang daliri nyang pumasok sa loob ng pagkababae ko. Tumingin ako muli sa ibaba ko. Gumagalaw ang kamay nya at ramdam kong humahagod ang daliri nya sa loob ko. Napaliyad ako. Niyakap naman ng isang braso nya ang bewang ko.

“You’re so wet angel..”

Mas bumilis pa ang galaw ng diliri nya sa loob ko. Mas masarap at nakakakiliti. Bumibigat na ang paghinga ko kasabay ng malikot na paggalaw ng mga hita ko. Gusto ko itong pagdikitin pero di ko magawa dahil pinipigilan ng mga malalaking hita niya.

“Ammph J-Jeiz!” Hiyaw ko sa pangalan nya. Di na ako mapakali. Malikot na ang buong katawan ko. Ang balakang ko ay kusa na ring gumagalaw. Ang isang kamay ko ay napahawak na sa ulo nya at sinabunutan sya.

“Cum for me angel.. cum for me..” Anas nya sa tenga ko at bahagyang kinagat pa habang ang kamay nya ay patuloy sa marahas na paggalaw. Natatamaan ng palad nya ang munting butil ko habang ang daliri nya malikot sa loob ko.

“Hmmphh!” Impit na ungol ko kasabay ng panginginig at paninigas ng katawan ko kasabay nun ang paglabas ng kung anong malagkit sa pagkababae ko.

Hinugot nya ang daliri nya at kiniskis ng kamay nya ang pagkababae ko at marahan pang tinapik tapik na nagpaigtad sa akin dahil sensetibo pa ang pakiramdam ko doon.

Nang matapos ako sa nakakaliyong sarap na pinaranaas nya ay hinang hinang napasandal akong muli sa kanya habang habol ang ang hininga. Hinawakan naman ng isang kamay nya ang panga ko at pinaling ang mukha ko. Sinalubong nya ako ng mariing halik na agad ko namang tinugon. Nakipag paligsahan pa ako sa pagsipsip ng dila at pagkagat ng labi.

“Nagustuhan mo ba?” Tanong nya.

Kagat labing tumango naman ako.

Pinakita nya sa akin ang daliri nyang basang basa at sinubo habang hindi inaalis ang tingin sa akin. Nag init naman ng husto ang mukha ko. Dahil ang daliring sinubo nya ay ang daliring galing sa loob ng pagkababae ko.

“Sarap.” Anas nya sabay ngisi.

Nahiya ako at nag iwas ng tingin sa kanya. Narinig ko naman ang mahinang tawa nya. Napasinghap ako ng buhatin nya ako at ilagay sa gilid nya kasabay nun ang paghubad ng damit nya na hinagis lang sa baba ng kama at sunod na hinubad ang boxer nya. Napaawang pa ang labi ko ng parang spring na umigkas ang malaking pagkalalaki nya. Tayong tayo ito at tila gumagalaw pa. 

“Ride me Ivy..” Utos nya sa akin.

Agad naman akong napatingin sa kanya. Medyo naguluhan sa sinabi nya.

“H-Ha?”

Tumawa sya. Mukhang nahuli nya akong tinititigan ang pagkalalaki nya.

“Ang sabi ko sakyan mo ko.” Natatawang sabi nya at hinila ang kamay ko.

Isang iglap lang ay nakaupo na ako sa kandungan nya. Ang dalawang hita ko ay nasa magkabilang gilid nya. Nasa pagitan ko ngayon ang pagkalalaki nyang galit na galit na nangingintab pa ang ulo.

“Ang laki naman nyan Jeiz..” Wala sa sariling komento ko. Ito ang pangawalang beses na nakita ko ito at hindi nga ako namamalikmata noong una kong makita ito. Malaki talaga sya, mataba at mahaba.

Tumawa naman sya. “Pero nakaya mo naman yan angel.” Sabi nya at pinaangat sa akin ang balakang ko.

Tinutok nya ang pagkalalaki nya sa lagusan ko. Naramdaman ko ang pagkiskis ng ulo sa hiwa ko. Napahawak ako sa malapad na balikat nya. Inutusan nya akong unti unting ibaba ang balakang na sinunod ko naman. Napaawang ng labi ko ng maramdamang unti unti ng pumapasok ang pagkalalaki nya sa loob ko. Bumundol ang kaba sa dibdib ko dahil baka maranasan ko na naman ang sakit na naranasan ko ng una. Hinawakan nya ang balakang ko at giniya pa pababa. Nakagat ko naman ang labi ng mariin at napapikit ng makaramdam ng kirot pero hindi gaya ng una ay hindi na ito masyadong masakit. Naririnig ko pa ang mga munting daing nya at mahihinang mura. Hanggang sa tuluyan nang makapasok ng buo ang pagkalalaki nya.

“Oh shit.. sikip..” Usal nya.

Naidilat ko naman ang mata at humugot ng malalim na hininga. Tumingin ako sa kanya, nakatingala sya sa akin. Hinawakan ko ang mukha nya at ako na ang humalik sa kanya.

“Move angel..” Pautos nyang sabi sa akin at hinawakan ang balakang ko.

Hindi ko man alam ang eksaktong ibig nyang sabihin ay ginalaw ko ang balakang ko ng dahan dahan. Napaawang ang labi ko dahil damang dama ko ang kalakihan nya sa loob ko lalo na at naiibsan na ang kirot. Punong puno at banat na banat ang pakiramdam ko.

Napasandal naman ang ulo nya sa headboard at napakagat labi. Napahigpit din ang hawak nya sa balakang ko pero hindi naman masakit.

Tinuloy ko lang ang paggalaw ng balakang paatras at paabante. Napapakagat labi na rin ako dahil nakakaramdam na ako ng kiliti at sarap. Ramdam ko ang paghagod ng pagkalalaki nya sa loob ko. Mas binilisan ko pa ang pag atras abante.

“Ughh.. ganyan nga Ivy..” Usal ni Jeiz habang titig na titig sa akin. Hayun na naman ang kakaibang kislap ng mata nya. Parang nag aapoy, parang gusto nya akong tupukin. Inabot ng isa nyang kamay ang mga suso kong umaalog sa bawat galaw ko at pinisil pisil ito.

Napapakislot ang hita ko kapag may natataman ang pagkalalaki nya sa loob ko na masarap sa pakiramdam. Maya maya pa ay parang nabitin ako sa galaw ko kaya humawak ako sa malapad na balikat ni Jeiz at saka magaslaw na gumalaw. Mas binilisan pa.

Hinawakan naman nya ako ng dalawang kamay sa balakang.

“Jeiz.. ohh Jeiz..” Parang nahihibang nasabi ko. May gusto akong maabot.

Parang nakuha naman nya ang ibig kong sabihin. Dahil nag umpisa na rin syang gumalaw pataas. Bumaba pa ang hawak nya sa ilalim ng pigi ko at pinirmi ako kasabay ng malalakas nyang pagbaon sa loob ko. Nanlaki ang mata ko at napanganga ako habang nakatingin sa kisame.

“Ughh fuck Ivy.. ang sikip mo talaga..” Paungol na sabi nya.

Sa ilang pag hugot baon pa nya ng malalakas ay muli naman akong nanigas at nanginig. Nilabasan na naman ako.

Tumigil naman sya sa paggalaw at niyakap ako. Kinabig nya ang batok ko at naghalikan kami ulit.

“Ang sarap mo Ivy..” Anas nya ng maghiwalay ang labi namin.

Kagat labing ngumiti naman ako. “Ikaw din.. ang sarap mo..”

Ngumiti naman sya at muli akong hinalikan sa labi.

Napatili pa ako ng ihiga nya ako sa kama at nilagay ang dalawa kong binti sa balikat nya sabay muling gumalaw. Mabilis at madiin ang bawat galaw nya. Napapaikot ang mata ko sa sarap. Napahawak ako ng maihigpit sa braso nya.

“Ahmmm – ahh mmm.”

Bumaba ang mukha nya at hinalikan ako na agad ko namang tinugon habang impit akong umuungol lalo na at mas malalim ngayon ang pagkakabaon ng pagkalalaki nya dahil sa posisyon namin.

“Fuck Ivy.. I’m cumming.. I’m cumming angel..” Anas nya sa pagitan ng halikan namin.

Mas naging marahas pa ang paggalaw nya. Dinig ang salpukan ng aming katawan na nakipagpaligsahan sa mga ungol namin at sa ingay ng tv. Ako man ay ramdam kong muli na naman akong lalabasan.

Sabay kaming napaungol ng parehas naming marating ang sukdulan. Kapwa naninigas at nanginginig ang katawan namin. Ramdam ko ang mainit nyang punla na inilabas sa loob ko. Ibinaba nya ang mga hita ko at niyakap ako ng mahigpit.

Kapwa kami hingal ng matapos ngunit may ngiti naman sa labi. Awtomatikong nagtagpo ang labi namin at muling pinagsaluhan ang matamis na halik.

“Nasaktan ba kita?” Malambing na tanong nya sa akin habang hinaplos ang balikat at braso ko.

Umiling naman ako at hinaplos ang malapad nyang dibdib. “Hindi, nasarapan nga ko eh.” Wala ng hiyang sabi ko. Sabi naman nya wag akong mahiya eh.

Kumagat labi sya habang nakangiti. “Gusto mo pa?”

Kagat labing tumango naman ako.

At isang iglap lang  ay nasa ibabaw ko ulit sya at walang habas na naglabas masok muli sa loob ko..


chapter 26

Ivy

Alas kwatro ng hapon nagising ako mula sa pagkakaidlip. Kagagaling lang namin ni Jeiz sa school kanina. Sinamahan nya akong magpaenroll. Educ ang course ko at wala naman syang tutol doon. Sya na daw ang bahala sa lahat. Sobrang saya ko dahil balik eskwela ulit ako isang buwan mula ngayon. Binalita ko rin sa gc namin ni Tina at Christy na balik eskwela na nga ako at masayang masaya sila para sa akin. Sa sabado ay pupunta sila dito sa bahay. Dinalaw din namin ulit si lola at binalita ko rin sa kanya na mag aaral na ulit ako. Sobrang saya nya at todo ang pasalamat kay Jeiz. Pagkagaling namin sa bahay ni lola ay dumiretso kami ni Jeiz ng cacao farm dahil kailangan nyang i-check ang mga produktong ie-export ngayong araw. Paunti unti tinuturuan na rin ako ni Jeiz. Kaya pag uwi namin ng bahay ay medyo sumakit ang ulo ko. Nabigla yata. Pagkakain namin ay hinilot pa ni Jeiz ang ulo hanggang sa makatulog ako.

Napakunot ang noo ko ng habang pababa ng hagdan ay may naririnig akong mga tawanan pero ang nakaagaw ng pansin ko ay ang hagikgik ng isang babae. Sa malaking bintanang salamin ay natanaw ko na may mga tao sa labas, sa may garden at nakaupo sila sa tea table. Bisita siguro ni Jeiz.

“Gising ka na pala iha, masakit pa ba ang ulo mo? Teka tatawagin ko si Jeiz, sabi nya kasi ay tawagin ko sya kapag gising ka na.” Ani manang Sol na kalalabas lang ng kusina.

“Ay hindi na po manang, ako na lang po pupunta dun.”

“O sige, ikaw ang bahala. Nagpadeliver pala ng pizza at milk tea siJeiz para meryenda mo. Gusto mo ba initin ko ang pizza?”

Bigla akong nagutom sa sinabi ni manang. “Sige po manang.” Sabi ko.

“O sige, mabilis lang ito. Yung milk tea nasa ref.”

Sinundan ko na si manang sa kusina. Ininit na nga nya ang pizza. Ako naman ay kinuha ang milk tea sa ref. Agad kong tinusok ang straw at sumipsip. Nagpaalam muna ako kay manang na lalabas at pupuntahan si Jeiz.

Hindi pa man ako nakakalapit sa kanila ay nakita na ako ng isang lalaki.

“Sarge, mukhang gising na yata ang misis mo.” Dinig kong sabi ng lalaking nakakita sa akin.

Nagtinginan naman sila sa akin. Si Jeiz ay mabilis na tumayo at lumapit sa akin. Di naman nakaligtas sa paningin ko ang pagtaas ng kilay ng babaeng katabi ni Jeiz kanina. Maganda ito at sopistakada ang dating dahil sa make up.

“Gising ka na pala, sabi ko kay manang gisingin ako eh.” Sabi nya at hinalikan ako sa noo sabay hapit sa bewang ko. Nahiya naman ako dahil nakatingin sa amin ang tatlo nyang bisita.

“Ang sabi ko kay manang ako na lang ang pupunta sayo.”

Ngumiti sya. “Masakit pa ba ng ulo mo?”

Umiling ako. “Hindi na, nakatulog na ako eh. At saka masarap yung milktea.” Nakangiting sabi ko at tinaas pa ang hawak na milktea.

Natawa naman sya. “Mabuti naman at ayos ka na, halika ipapakilala kita sa mga kasamahan ko sa trabaho.”

Hapit hapit nya ako sa bewang at inakay papalapit sa mga bisita nya na mga kasamahan pala nya sa trabaho. Tumayo naman ang dalawang lalaki. Pero ang babae ay dumekwatro pa habang nakataas pa rin ang kilay. Sa hitsura nya ay masasabi kong parang hindi nya ako gusto.

“Guys, I want you to meet my wife Ivy.” Pagpapakilala ni Jeiz sa akin.

“Baby, mga kasamahan ko sa trabaho. This is Danilo.” Pagpapakilala nya sa isang lalaki na may ngiti sa labi. Nilahad nito ang palad na tinanggap ko naman.

“This is Allan.” Ang isang lalaki naman ang pinakilala nya na army cut ang buhok at may pilyong ngiti sa labi. Nilahad din nito ang palad na tinanggap ko naman.

“And this is Mariz, ang secretary ni mayor Rodolfo na boss ko.” Pagpapakilala naman nya sa babaeng nakaupo pa rin at hindi nag abalang tumayo. Tipid lang itong ngumiti at kumaway sabay halukipkip. Umalsa tuloy ang mga suso nitong halos lumuwa na sa suot na blouse na tanggal ang tatlong butones. Nginitian ko na lang din sya. Narinig ko naman ang pagbuntong hininga ni Jeiz.

“Sa wakas nakilala din namin ang misteryosang misis ni sarge. Ang ganda ganda mo pala miss Ivy.” Sambit ng lalaking nagngangalang Allan na titig titig sa akin.

Pero nagulat ako ng batukan ito ng katabing lalaki na nagngangalang Danilo. “Wag mong pakatitigan ang asawa ni sarge, matakot sa’yo yan baka barilin ka ni sarge.”

Nahiya naman ko sa sinabi nila at napakapit ako sa braso ni Jeiz.

Mukhang natakot naman si Allan at nakangiwing tumingin kay Jeiz. “Don’t take it seriously sarge, nagagandahan lang ako sa asawa mo.”

“Crush mo ang asawa ko?” Biglang tanong ni Jeiz. Di ko naman alam kung galit sa sya o ano dahil sa tono ng boses nya.

“Yan! Yari ka ngayon, maling sagot mo mababanatan ka ni sarge.” Pang aasar pa ni Danilo.

“Uy hindi ah! Nagagandahan lang talaga ako sarge. Ito kasi!” Bwelta ni Allan kay Danilo na tawa na ng tawa.

Inakbayan naman ako ni Jeiz. “Dapat lang, dahil ang kay Jeizhiro  Natividad ay kay Jeizhiro lang. Nagkakaintindihan ba tayo mga bata?” Parang batang pangaral nya sa dalawa.

“Yes boss!” Sabay na sagot ng dalawa at sumaludo pa.

“Ang oa mo na Jeiz ha.” Sabat naman ng babaeng Mariz ang pangalan.

Napalingon kaming lahat sa kanila. Inirapan nya kami. “Walang oa sa sinabi ko Mariz, pinoprotektahan ko lang ang akin.”

Napalingon naman ako kay Jeiz. Seryoso ang mukha nyang nakatingin sa babae. Natahimik naman ang dalawang lalaki.

Tumikhim ako. “Ahm Jeiz, sa loob muna ako. Baka tapos nang initin ni manang yung pizza. Kayo ba gusto nyo ng pizza?” Alok ko sa dalawang lalaki. Hindi ko na inalok yung babae dahil mukhang hindi maganda ang mood.

“Hindi na miss Ivy, kaka meryenda lang namin.” Tanggi ni Danilo at Allan.

“Ok, ikaw Jeiz?” Baling ko kay Jeiz na nakatingin pala sa akin.

Ngumiti sya. “Mamaya na ko.”

“Sige, pasok na muna ako.” Paalam ko sa kanya at sa mga naroon.

Pagpasok ko ng kusina ay nakahain na sa plato ang ang tatlong slice na pizza. Kinuha ko ito at dinala sa sala. Sa sala na lang ako kakain habang nanonood. Kinawayan ko pa si Jeiz ng masilip ko sya sa bintana. Kumaway at ngumiti din sya sa akin. Hahayaan ko muna sya sa mga bisita nya. 

Lumipas pa ang ilang mga oras hanggang sa dumilim na ay nandito pa rin ang mga bisita ni Jeiz. Nag iinuman kasi sila. Nagpaalam naman sa akin si Jeiz at sabi nya hindi sya maglalasing. Wala namang problema sa akin. Nakapag luto naman si manang ng pagkain bago umuwi. Hindi pa ako kumakain dahil gusto ko sabay na kami ni Jeiz kahit na anong pilit nyang mauna na ako. Napapansin ko namang panay ang silip nya sa akin sa bintana at sumesenyas kung may kailangan ba ako. Napapangiti na lang tuloy ako dahil kahit may ibang tao sa paligid nya ay hindi pa rin nya ako kinakalimutan.

Hanggang sa pumatak na ang alas otso at napagpasyahan ng umuwi ng mga bisita nya. Sinilip pa ako nila Danilo at Allan para magpaalam sa akin. Tumayo na ako at lumabas para ihatid sila sa gate. Pero agad kong napansin si Mariz na nakahawak na sa braso ni Jeiz at parang may binubulong. Nakikita ko namang tinatanggal ni Jeiz ang kamay nya pero kapit ng kapit ang babae. Nagsalubong na ang kilay ko ng idikit pa ni Mariz ang katawan nya kay Jeiz. Lumapit na ako sa kanila.

“Pumasok ka na kasi Jeiz, ang lungkot sa munisipyo kapag wala ka eh.” Ungot ni Mariz. Hindi ko alam kung lasing na ba sya o ganun lang sya magsalita.

“Nakaleave ako Mariz, dalawa’t kalahating linggo pa bago matapos ang leave ko.” Sabi ni Jeiz at muling tinanggal ang kamay ng babae.

“Bakit naman kasi nag leave leave ka pa. Hindi mo naman kailangan yan eh.” Angal ng babae.

Napasimangot na ako. Parang may kumukurot sa puso ko habang pinagmamasdan ko silang dalawa.

“May asawa na ako Mariz, at bukod sa trabaho ay priority ko rin ang asawa ko kaya ako nagleave.” May diing sabi ni Jeiz.

Narinig ko namang may tumikhim sa likuran ko. Yung dalawa pala na nakatingin din kanila Jeiz at Mariz.

“Ah wag ka sanang mag isip sa kanila ng hindi maganda miss Ivy, magkatrabaho lang sila.” Tila nagpapaliwanang na sabi ni Danilo.

“At saka kahit patay na patay at inaakit ni Mariz si sarge ay never pinatulan ni sarge yan dahil hindi nya type.” Segunda pa ni Allan.

Siniko naman sya ni Danilo. “Hindi mo na kailangan sabihin yun.”

“Ay hindi ba? Sorry, nadulas lang. Nakainom.”

Tumikhim naman ng malakas sa Danilo. “Ah sarge, alis na kami. Tara na Mariz.” Malakas na boses na sabi ni Danilo.

Lumingon naman sa amin ang dalawa. Mukhang nagulat pa si Jeiz ng makita ako. Mabilis syang dumistansya kay Mariz. Pasimpleng inirapan ko naman sya.

Lumapit naman sya sa akin at inakbayan ako. “Bakit lumabas ka pa?”

“Ihahatid ko sana ang mga bisita mo eh, kaso iba ang nakita ko.” Hindi ko napigilang ibulalas.

Kumamot naman sya ng ulo.

Hinatid na namin sa labas ng gate ang tatlong bisita nya. Mukhang lasing na nga si Mariz dahil medyo sumusuray na ang lakad nito at inalalayan lang ni Danilo. Pero kahit na, hindi pa rin excuse yun na hawak hawakan at dikit dikitan nya si Jeiz. Lalo pa at alam nyang may asawa na. Naalala ko ang sinabi ni Allan. May gusto si Mariz kay Jeiz pero wala namang gusto si Jeiz dito. Gayunpaman ay hindi pa rin maalis ang inis ko. Kaya pumasok kami sa loob ng bahay na nakasimangot ako. At mukhang nahalata yun ni Jeiz dahil hindi ko sya kinakausap.

“Nagugutom ka na ba? Maghahain na ako.” Malumanay nyang sabi. Nakainom sya pero hindi naman lasing.

“Ako na lang.” Malamig kong sabi at dire-direstong pumasok sa kusina. Naramdaman ko namang sumunod sya sa akin.

“Ivy.” Tawag nya sa akin.

Mula sa pagsasandok ng kanin ay nilingon ko sya. “Bakit?”

“Galit ka ba?” Parang nananantyang tanong nya.

Nilapag ko muna ang bandehadong may kanin sa lamesa at binalingan sya. “Hindi, naiinis lang.” Diretsong sabi ko.

Napaawang ang labi nya.

“Naiinis ka sa akin?”

“Hindi, dun kay Mariz. Alam naman nyang may asawa ka hawak ng hawak at dikit ng dikit pa rin sayo, kulang na lang yumakap pa sya.” Sabi ko sabay irap sa kanya.

Mukhang nagulat naman sya sa sinabi ko. Kumagat labi sya sabay himas sa batok at lumapit sa akin. Inabot nya ang pisngi ko at masuyong hinaplos.

“Nagseselos ka ba?” Paanas na tanong nya. Titig na titig sya sa akin.

Napalunok naman ko kasabay ng mabilis na pagpintig ng puso ko. “Oo, kasi ayokong may ibang babaeng hahawak at didikit sayo. Gusto ko ako lang. Asawa na kita eh.” Walang pasakalyeng sagot ko. Sinasabi ko lang kung ano ang nararamdaman ko.

“Oh fuck..”

Nahigit ko ang hininga ng bigla nya akong siilin ng halik at hapitin ang bewang. Tinugon ko naman ang malalim na halik nya. Nalalasahan ko pa ng pait ng beer sa bibig nya.

Habol namin ang hininga ng maghiwalay ang mga labi namin. Pinagdikit nya ang mga noo namin. Bahagya na akong nakatingkayad dahil sa taas nya. Nakalapat ang kamay ko sa dibdib nya. Damang dama ko ang lakas ng kalabog ng dibdib nya. Kagaya ng sa akin.

“Hindi mo alam kung ano ang nararamdaman ko ngayon Ivy..” Namamaos ang boses na anas nya.

“A-Ano bang nararamdaman mo?”

“Hindi ko maipaliwanag.. parang nalulunod ang puso ko.. parang hindi na ako makahinga..”

Nag alala naman ako at nataranta sa sinabi nya. “Ha? Hindi ka makahinga? Inaatake ka sa puso?” Sunod sunod na tanong ko. Hinimas himas ko pa ang parteng dibdib nya. Kaya siguro ang lakas ng kalabog.

Ngunit napatda lang ako ng malakas syang tumawa at niyakap ako. Clueless ko lang syang tiningnan. Akala ko ba hindi sya makahinga.

“Uy Jeiz, bakit ka tumatawa? Ok ka lang?”

Pinupog nya ako ng halik sa mukha. “Ayos na ayos lang ako misis.”

Nilayo ko naman ang mukha ko sa kanya at sinuri sya. “Sigurado ka?”

Mahinang tumawa sya. “Ayos na ayos lang ako misis ko, basta lagi ka lang sa tabi ko mm?” Magaang pinisil pa nya ang pisngi ko.

“Saan pa ba ako pupunta kundi dito lang naman. Sabi mo nga mag asawa tayo kaya kung nasaan ka nandun ako.”

Ngumiti sya. “Tama yan misis ko.” Muli nya akong kinintalan ng mabilis na halik sa labi. “Kumain na tayo bago ikaw pa ang kainin ko.”

Awtomatikong nag init ang pisngi ko sa sinabi nya..


chapter 27

Ivy

“Ahh hmmph Jeiz!” Sigaw ko sa pangalan ni Jeiz ng sipsipin nya ang munting butil ko. Nanginig pa ang mga hita kong hawak hawak nya sa pagkakabuka.

Naisandal ko naman ang likod ko sa salamin habang impit na umuungol. Ang isang kamay ko naman ay sumasabunot sa buhok nya. Umagang umaga pa lang pero ito na ang ginagawa nya sa akin. Ganito naman ang nangyayari kapag sabay kaming naliligo, maliban na lang kapag nagmamadali kami at may lakad. Pero alam ko may lakad sya eh.

Nahigit ko ang hininga ng bahagya nyang tapik tapikin ang pagkababae ko. Inulit ulit pa nya yun sabay kiskis ng palad nya. Di ko mapigilang mapaikot ang mata ko at mapaliyad.

“Mmm Jeiz.. ang sarap ng ginagawa mo.. “ Sambit ko.

Lahat naman ng ginagawa nya sa akin ay masarap. Wala akong karanasan noon sa pakikipagtalik ni wala nga akong ideya. Pero ng dahil kay Jeiz ay parang lahat na yata ng tungkol sa pakikipagtalik ay alam ko na dahil sa pinaparanas nya sa kin.

Nakagat ko ang labi ng paghiwalayin ng mga daliri nya ang pisngi ng pagkababae ko at laruin naman ng dila nya ang butil ko. Kita ko kung paano nya iikot ikot ang dila nya doon. Pero hindi pa pala doon nagtatapos dahil pinasok nya ang isang daliri nya sa loob ko at doon naman naglumikot. Kaya hindi ko na naman tuloy alam kung paanong liyad ang gagawin. Napahigpit na rin ang sabunot ko sa kanya.

“Nghh Jeiz..” Naiiyak nang ungol ko sa pangalan nya.

Ngunit parang nagmitsa lang yun na mas naging mapusok pa sya. Bumilis ang galaw ng daliri nya at muling sinipsip ng mariin ang butil ko.

“Ughh J-Jeiz!” Sambit ko sa pangalan nya kasabay ng panginginig ng katawan ko at pagbulwak ng orgasmo ko.

Hinang hina ako. Parang hinigop nya ang buong lakas ko. Napasandal na lang ako sa salamin habang bumabawi ng hininga.

Naramdaman ko pa ang dila nya na humahagod sa pagkakabae ko paakyat sa puson, tyan at sa mga suso. Ito naman ang pinagtripan ng bibig nya. Umakyat pa ang labi nya sa leeg ko at hinalik halikan at dinila dilaan. At sa huli ay muling nagtagpo ang mga labi namin. Mapusok kaming naghalikan. Pero mas mapusok sya kung humalik. Halos kainin na nya ang labi ko. Kaya pakiramdam ko tuloy nangangapal ang labi ko.

“Ang sarap mo misis ko.. “ Anas nya sa tenga ko.

Inikot ko naman ang mga braso ko sa batok nya at hinalikan sya sa labi. Magaan lang. Ngumiti naman sya. Muli ko syang hinalikan at hinayaan nya lang ako. Hinaplos ko ang medyo kumakapal na nyang balbas. Gustong gusto kong haplusin ito kahit nakikiliti ako kapag tumutusok sa leeg ko.

“Hmm.. gusto mong mag shave ako?” Tanong nya sa pagitan ng pagpatak ko ng halik sa nguso nya.

Umiling naman ako. “Ayoko, hindi pa naman masyadong makapal eh.”

Ngumiti sya. “You like my beard?” Nanunuksong tanong nya.

Tumango tango naman ako. Lahat naman sa kanya gusto ko.

“Magbanlaw na nga tayo, aalis ka pa eh.” Untag ko sa kanya.

Tumawa naman sya at binuhat na ako papuntang shower cubicle. Sa halos araw araw na sabay kaming maligo ay sanay na ako sa hubad nyang katawan kagaya ng sanay na rin akong hubad sa harapan nya. Nagharutan pa kami sa loob bago kami matapos sa pagbabanlaw. Sabay din kaming nagbihis at sya pa ang nagblower ng buhok ko.

Bago kami lumabas ng kwarto ay uminom muna ako ng pills. Pinagpi-pills nya ako para hindi ako agad mabuntis kasi nga mag aaral pa ako. Pero kung sakaling may mabuo ay ayos lang naman.

Inayos ko pa ang kwelyo ng suot nya bago sya sumakay ng sasakyan nya. Habang sya ay nakahawak sa bewang ko at ngiting ngiti.

“Mag iingat ka ha.” Bilin ko sa kanya.

“Yes boss.” Nakangiting sabi nya.

Napanguso naman ako. “Sige na, sakay ka na.”

“Wala bang goodbye kiss?” Ngumuso pa sya. 

Humawak naman ako sa balikat nya at tumingkayad sabay dampi ng halik sa nguso nya.

“Hmm sarap naman ng lambing ng misis ko.”

Nag init ang pisngi ko sa sinabi nya.

“May gusto ka bang pasalubong pag uwi ko? Bibilhin ko.” Tanong nya.

Nag isip naman ako. “Gusto ko ng eggpie.” Ubos na kasi yung nasa ref eh. Ako lang naman ang nakaubos.

“Ano pa?” Tanong nya na titig na titig sa akin.

“Wala na, basta umuwi ka lang ng ligtas at wag masyadong magpapagabi.” Sabi ko.

Ngumiti sya at sumaludo pa sa akin. “Areglado boss!”

Natawa na lang ako sa ginawa nya. “Sige na nga, umalis ka na.” Pagtataboy ko sa kanya. Tinulak tulak ko pa sya. Pero dahil malaki sya ay wala man lang syang katinang tinag.

“Heto na aalis na.” Sabi nya pero kinabig pa ang batok ko at muli akong siniil ng halik.

Bago ko pa sya paluin sa braso ay mabilis na syang sumakay sa sasakyan. Nakita ko pang  tatawa tawa pa sya. Inirapan ko na lang sya pero ang totoo ay kinikilig ako.

Hanggang sa makaalis na ang sasakyan at maisarado ko na ang gate ay nangingiti pa rin ako. Alam ko sa sarili ko, hulog na hulog na ako sa asawa ko.

Pagkalock ko ng gate ay nakita ko pa si manang Sol na nagsasampay ng basahan. Nangingiti din syang nakatingin sa akin. Mukhang nakita nya ang lambingan namin ni Jeiz. Nag init ang pisngi ko.

Lumapit na lang ako sa kanya at tinulungan sya sa pagsasampay. Mamaya ay mapapatulong pa ako sa kanya magluto ng kakainin para kanila Tina at Christy na pupunta dito sa bahay.

Jeizhiro

“Kamusta SP01 Lorenzo Villegas?” Bati ko sa kaibigan at dati kong ka eskwela. 

“Heto, buhay na buhay pa rin sarge.” Nakangising sabi nya. Nginisihan ko rin sya.

Nagfist bump muna kami bago umupo. Kasunod nun ay ang paglapit ng isang staff ng coffee shop. Umorder kami ng tig isang kape.

“Kamusta ang pagmamanman?” Tanong ko at humigop ng mainit na kape.

Nilapag naman nya sa platito ang tasa nya at sumandal sa upuan at dumekwatro. “So far so good. Malapit ko ng makumpleto ang ebidensya. Kaunting kaunti na lang pare.” Sabi nya.

Nilapag ko ang tasa sa platito at sumandal din sa upuan. “Mabuti naman kung ganun, dahil kating kati na ako maaresto ang mga hayup na yun.” Nangangalit ang ngiping sabi ko.

“Kaunting tiis na lang pare.”

Kung ako lang ang masusunod ay gusto kong pagbabarilin na lang isa isa ang mga hayup. Pero ayokong ilagay sa kamay ko ang batas lalo na at may asawa na ako ngayon. Hanggang ngayon ay kumukulo pa rin ang dugo ko sa galit sa ginawa nila sa asawa ko. Nakapagkit pa rin sa isip ko ang mukha ni Ivy na takot na takot sa mga hayup na yun at wala yung kapatawaran. Kaya bago pa sila may mabiktima pang iba ay dapat nang mahuli sila at makulong para pagdusahan ang ginawa nila. Ang gusto ko ay makulong sila habang buhay.  

Pero hindi yun ganun kadali dahil may kapit ang matandang si Tano sa presinto. Ang hepe at ilang mga tiwaling pulis. Kaya hindi ito basta basta nahuhuli at nakukulong. At kaya rin humingi na ako ng tulong sa kaibigan kong pulis na nasa harapan ko ngayon. Mula sa kabilang bayan ay nagpalipat sya dito paro umpisahang mangalap ng ebidensya laban sa mga kasamahan nya sa loob. Ang hinala pa nya ay kasabwat din ang mayor ng bayang ito. 

“Sigurado ka ba dyan?” Kunot noong tanong ko.

Mula sa jacket ay nilabas nya ang isang maliit na brown envelope at nilapag sa lamesa. Dinampot ko naman ito at binuksan. Mga larawan ang laman. Kuha ni Mayor Diego Esver at Chief Police Inspector Jose Ampatin. Magkasama sila sa isang beer house at mukhang masayang nag iinuman. Napailing n lang ako. Naturingang mga may katungkulan pero lantaran kung gumawa ng mga labag sa batas. Ang sunod na larawan ay magkasama pa rin ang dalawa pero kasama na nila ang matandang si Tano. Para silang nasa isang bahay. Sa background ng pictures ay may nakita pa akong mga babae.

Bumuntong hininga ako at binalik ang larawan sa envelope. Malaking ebidensya to at kailangan ingatan. Sinuksok ko ito sa loob ng jacket.

“Kinausap ko na rin si Vice Mayor Restituto. Maging sya ay naghihinala rin sa mayor, hindi lang sya makagalaw dahil laging may sumusunod sa kanya. Mukhang pinababantayan din sya ng mayor. Naniniguro siguro na hindi sya gagawa ng hakbang laban sa kanila. Mautak ang mayor na yun kaya kailangan nating mag ingat. Handa naman si Vice na makipagtulungan sa atin pero sa sikretong paraan lang. Ang swerte nya, dahil sa oras na masakote ang mayor ay sya na ang hahalili.” Ngingisi ngising sabi ni Lorenzo.

Tumango tango naman ako. “Mas ikaw ang kailangan mag ingat pare dahil malapit ka sa kanila.” Kahit papaano ay nag aalala din naman ako dito sa kaibigan ko.

“Hindi nila ako kaya alam mo yan, nag iisip pa lang sila nagawa ko na. Kilala mo ko pare.”

Ngumisi naman ako. Oo nga pala. Advance sya lagi mag isip. Kilalang matinik na pulis sa kabilang bayan. Pero laking pasalamat ko pa rin sa kanya dahil hindi sya nagdalawang isip na tulungan ako.

Hindi kasi ako mapalagay, hanggang nasa labas pa at nagpapagala ang mga hayup na yun ay nasa bingit pa rin ng panganib si Ivy. At hindi pwedeng wala akong gawin. Uunahan ko na sila bago pa nila ako maunahan.

“So kelan ko naman pwedeng makilala ang asawa mo?” Untag ni Lorenzo sa akin.

Tiningnan ko sya at tinaasan ko sya ng kilay. “Bakit interesado ka?”

Ngumisi sya. “Syempre, sya ang dahilan kung bakit natin ginagawa to.”

“Hindi mo na sya kailangan makilala.”

“Damot mo naman. Hindi mo na nga ako inimbita sa kasal mo eh. Sigurado kapag nalaman ng mga bugoy na kinasal ka na magtatampo ang mga yun dahil hindi mo rin sila inimbita.” Pangongonsensya nya sa akin.

“Sa kasal namin sa simbahan imbitado kayong lahat kaya wag mo na akong konsensyahin dyan.”

Lumawak naman ang ngisi nya. “Walang duda seryoso ka na nga sa pag aasawa. Mas lalo tuloy akong nacurious makita ang hitsura ng asawa mo. Baka pwedeng makita kahit sa picture lang.” Hirit pa nya.

“Hindi pwede! Mamaya magka-crush ka pa sa asawa ko eh.” Dati kasi noong nag aaral pa kami ay madalas ang crush ko crush din nya. Hindi naman big deal sa amin yun. Basta alam lang namin ang limitasyon para hindi pagmulan ng hindi pagkakaintindihan. Kaya nga imbes na sa bahay dapat kami magkikita ngayon ay pinasya kong dito na lang sa labas. Mahirap na magka-crush pa sya kay Ivy. Crush na nga ni Allan, dadagdag pa sya.

“Eh ano naman, crush lang naman.” May himig birong sabi nya.

Pero hindi ako natutuwa kaya sinamaan ko sya ng tingin na ikinatawa nya ng malakas. Napalingon tuloy  sa amin ang mga custumer sa loob coffee shop.

“Hitsura mo pare parang gusto mo na akong barilin ah.” Tatawa tawang sabi nya.

“Talagang mababaril kita.”

Tumawa uli sya.

Napailing iling na lang ako. Kahit kailan talaga malakas mang asar ito.

Pagkatapos ng pag uusap namin ay naghiwalay na kami ng landas. Sya ay uuwi sa kabilang bayan dahil day off nya naman. Ako naman ay didiresto ng farm pero dadaanan ko muna ang eggpie na pinabibili ng malambing kong asawa dahil baka maubusan ako. Sa gitna ng byahe ay napapangiti na lang ako sa tuwing sasagi sa isip ko si Ivy. Nag iinit naman ako sa tuwing babalik balikan ko sa isip ang maiinit na sandaling pinagsasaluhan namin. Kung paano sya tumugon sa mga halik ko, kung paano nya iungol ang pangalan ko.

“Ngh fuck!” Mura ko ng sumikip ang pantalon ko.

Naipilig ko ang ulo para palisin sa aking isip ang mga bagay na yun dahil baka mabangga pa ako ng wala sa oras. Nag concentrate na lang ako sa pagda-drive.

Alas singko y medya na ako nakauwi ng bahay. Muntik ko pang makalimutan ang eggpie sa opisina sa farm kaya binalikan ko pa. Hindi pa man ako nakakababa ng sasakyan ay sinalubong na ako ni Ivy ng may ngiti sa labi. Hays! Kaya ang sarap umuwi dahil ganito ang maabutan ko.

“Ang aga mo ah.” Untag nya sa akin.

Dinukwang ko naman sya at kinintalan ng halik sa labi. “Sabi ko naman sa’yo hindi ako gagabihin di ba.”

“Oo nga, pero akala ko mamaya ka pa eh.”

Inabot ko sa kanya ang dalawang box ng eggpie. Kinuha naman nya ito sabay halik sa pisngi ko.

“Salamat. Pasok ka na sa loob ako na ang magsasara ng gate.” Presinta nya.

“Hindi, ako na. Ikaw na lang ang pumasok sa loob.” Sabi ko at pinuntahan na ang bukas na gate para isarado. Pagbalik ko ay nasa porch pa rin sya at hinihintay ako.

Magkahawak kamay kaming pumasok sa loob. Binati ako ng dalawa nyang kaibigan. May nanunukso silang ngiti at tingin kay Ivy. Napangisi na lang ako. Nakipagkwentuhan na rin ako sa kanila. Sa umpisa ay halatang naiilang pa sila pero kalaunan ay naging komportable na sila sa pakikipagbiruan. Natutuwa nga ako dahil kinukwento nila ang tungkol kay Ivy noong mga bata pa sila. Kaso ang asawa ko mukhang hindi natutuwa. Panay ang saway nya sa dalawa at kurot.

Hanggang sa magpaalam ng umuwi ang dalawa ay hindi pa rin nila tinantanan ng pang aasar sa Ivy. Pulang pula na tuloy ang mukha nya.

“Tuwang tuwa ka naman.” Sita nya sa akin sabay irap ng pabalik na kami sa bahay. Hinintay pa kasi namin na makasakay ng tricycle ang mga kaibigan nya. Nagpresinta na nga ako na ihatid pero tumanggi naman dahil malapit lang naman daw ang bahay nila. Sa kabilang baranggay lang naman.

Natawa naman ako sa paninita nya at inakbayan sya. “Natutuwa lang ako sa mga kaibigan mo. Para kayong mga bata.”

“Eh mga bata pa naman talaga kami – “

Nilagay ko ang isang daliri sa labi nya. “Oops, alam ko na ang susunod mong sasabihin wag mo nang ituloy.” Madadamay na naman ang edad ko.

Nginisihan nya ako at tinanggal ang braso kong nakaakbay sa balikat nya. Napakunot noo naman ko.

“Bata pa naman talaga kami, ikaw tanders na.” Sabi nya sabay karipas ng takbo papasok ng bahay.

Namaywang naman ako at napakagat labi habang sinusundan sya ng tingin. “Ah ganun, tanders pala ha. Yari ka ngayon sa akin.”

Malalaki ang hakbang na pumasok ako sa loob. Naabutan ko pa syang paakyat ng hagdan. Nang makita nya ako ay binilisan nya ang pag akyat. Malalaki ang hakbang na sinundan ko sya paakyat ng hagdan. Tumili naman sya ng makita ako sa likuran nya.

Napangisi ako, mukhang gustong makipaglaro ng habulan ng asawa ko ah.


chapter 28

Ivy

Manghang mangha ako sa napakaluntiang nakikita ko sa buong paligid ako. Parang biglang napalis ang pagod ng mga binti ko sa halos limang oras na pag akyat dito sa bundok. Bigla bigla kasi ay nag aya si Jeiz na mag camping kami. Dahil hindi pa ako nakakaranas ng camping ay pumayag na rin ako. One night lang naman. Bukas ng umaga ay uuwi din kami.

“Wow Jeiz! Sobrang ganda naman dito.” Bulalas ko.

“I told you.” Natatawang sabi nya.

Kahapon pa kasi nya binibida ang lugar na ito. Hindi daw ako magsisisi na sumama. Totoo naman. Padapit hapon na rin at mababa na ang araw. Damang dama ko rin ang sariwang hangin na tumatama sa mukha ko. Humugot ako ng malalim na hininga at dahan dahang binuga. Ang sarap sa pakiramdam!

Nilingon ko si Jeiz na abala na sa pag aayos ng tent. Nagpresinta akong tulungan sya pero tumanggi naman. Kaya yung mga ibang gamit na lang ang nilabas ko sa malaking bag na sya ang nagbitbit.

Nang matapos ako ay nilabas ko naman ang cellphone ko. Hindi ko pwedeng palampasin ko ito. Ang kumuha ng magandang litrato. Tuloy tuloy lang ako sa pagkuha. Minsan sinasama ko rin si Jeiz sa pictures. Ngumingisi sya o kaya napapangiti kapag nahahagip sya ng camera. Grabe kahit candid shot lang ang lakas pa rin ng dating nya at litaw na litaw pa rin ang kagwapuhan nya. Syempre hindi rin ako nagpahuli sa pag selfie. Nagulat pa ako ng huling selfie ko ay sumulpot sya sa likod ko at hinalikan ako sa pisngi. Kumuha na rin kami ng pictures na magkasama.

Papadilim na ng gumawa sya ng bonfire. Hangang hanga ako sa mga kilos nya dahil halatang sanay na sanay sya. Kunsabagay dati kasi syang sundalo. Sya na rin ang nagluto ng kakainin namin. Ayaw nya akong palapitin sa apoy dahil baka mapaso daw ako. Instant noodles lang naman ang niluto nya na nilagyan ng itlog. May tinapay at palaman din kaming dala at limang de lata. Syempre instant coffee din.

Nang makakain na kami ay ako na ang naghugas ng gamit na pinagkainan namin. Tinipid ko ang tubig dahil isang galon lang naman ang dala namin bukod sa inumin namin.

“Ang lalim ng iniisip mo ah.”

Nilingon ko si Jeiz na nasa likuran ko at pumwesto na ng upo. Nakakulong na ako ngayon sa pagitan ng mga hita nya. Sumandal ako sa kanya habang nakatingala sa kalangitan na namumutiktik sa bituin. Ipinaikot naman nya ang mga braso nya sa balikat ko at sumubsob sa buhok ko.

“Iniisip ko yung buhay ko dati.” Panimula ko habang nagbabalik tanaw sa nakaraan ko.

Bumuntong hininga ako. “Akala ko hanggang doon na lang ako sa tindahan ng mga prutas, nag iipon ng pampaaral sa sarili na sigurado naman na aabutin ng ilang taon bago ako makapag aral ulit. Pero kita mo naman malapit na uli akong mag aral at dahil sa’yo yun.” Sabi ko at nilingon sya mula sa likuran ko.

Hinalikan naman nya ang pisngi ko. “At ibibigay ko ang lahat lahat sayo misis ko..” Anas nya sa tenga ko.

Napangiti naman ako at humawak sa braso nya. “Salamat ha, dahil sa’yo yung mga hindi ko nararanasan noon at pangarap ko lang natutupad na. Kagaya ngayon, sa tv ko lang napapanood ang camping na to ngayon nararanasan ko na.”

“Walang anuman misis ko, may iba ka pa bang gustong gawin o puntahan pagkatapos nito? Habang nasa bakasyon ka pa.”

Nag isip naman ako. Ano pa ba ang gusto kong gawin o puntahan? Hindi naman kasi ako gala eh. “Hmm, pag iisipan ko.”

Tumango sya. “Gusto mo bang mag beach?”

Beach? Pwede din. Matagal na akong hindi nakakakita ng dagat sa personal. Ang panghuli ay noong nabubuhay pa si mama.

Nilingon ko sya at ngumiti. “Sige, gusto ko. Mag beach tayo.” Excited nang sabi ko. 

Tumingin naman sya sa akin at ngumiti. Inipit nya ang buhok ko sa tenga. “Bago ako bumalik sa trabaho pupunta tayo ng beach.” Aniya.

Sa tuwa ko ay niyakap ko sya. Niyakap din nya ako at pinupog ng halik sa mukha..

Kinabukasan ay alas onse na kami nakababa ng bundok. In-enjoy pa kasi namin ang pagsikat ng araw na talaga namang makapigil hininga. Kumain na rin kami sa malapit na restaurant na nadaanan namin. Dalawang oras pa ang byahe para makarating kami sa bahay. Pinapatulog nga nya muna ko at gigisingin na lang kapag nasa bahay na kami. Pero hindi ko ginawa dahil kawawa naman sya. Walang kausap habang nasa byahe.

Napakunot noo ako ng makita ang dalawang magarang sasakyan na nasa harapan ng bahay. Nagtinginan kami ni Jeiz. Maging sya ay nakakunot noo din. Mukhang may bisita syang hindi inaasahan. Akmang bababa sya para buksan ang gate ay lumabas na si manang at ito na ang nagbukas ng gate para sa amin. Minaniobra naman ni Jeiz ang sasakyan papasok sa garahe ng bahay. 

“Sir Jeiz nasa loob si mayor Rodolfo.” Imporma ni manang Sol.

“Kanina pa ba sila?”

“Kararating lang. Eh tinatawagan ka daw hindi ka makontak.”

Tumango si Jeiz. “Sige ho manang, ako ng bahala sa kanila.”

Pumasok naman si manang sa kabahayan. Tumingin sa akin si Jeiz at kinuha ang kamay ko. Pagpasok namin sa bahay ay may ilang tao ang nasa sala. Nakilala ko ang dalawang lalaki na naka uniporme ng asul na button down polo. Sila Allan at Danilo. May kasama pa silang dalawang lalaki na nakauniporme din gaya nila. May isa ding lalaki na prenteng nakaupo sa sofa habang nagbabasa ng broadsheet. May edad na ito pero sa kabila nun ay bakas pa rin ang tikas at awtoridad nito.

“O nandito na pala si sarge at si miss Ivy.” Untag ni Allan.

Nagtinginan naman sa amin ang mga naroon.

“Mayor magandang hapon ho, sinurpresa nyo naman ako.” Bati ni Jeiz sa may edad a lalaki na boss pala nya at isang mayor.

Tumayo naman ang may edad na lalaki at lumapit na may ngiti sa labi. “May pinuntahan lang ako dito sa bayan nyo iho at naisipan ko na ring daanan ka dito. Tinatawagan kita pero out of coverage area. Ang sabi ng katiwala mo ay nag camping kayo ng asawa mo at pauwi na kaya hinintay na lang namin kayo.”

“Ah oho mayor, pasensya na, nagpatay kasi ako ng cellphone. Gusto ko kasing ang buong atensyon ko ay sa asawa ko lang.”

“Naiintindihan ko iho.” Tinapik ng mayor sa balikat si Jeiz at tumingin sa akin. Unti unting napawi ang ngiti nya at titig na titig sa akin. Kiming nginitian ko naman sya.

“Sya nga ho pala mayor.” Inakbayan ako ni Jeiz. “Ito po si Ivy, ang asawa ko. Ivy, sya si Mayor Rodolfo De Ocampo, ang alkalde ng San Agustin. Boss ko.” Pagpapakilala sa amin ni Jeiz.

“Magandang hapon ho mayor, kinagagalak ko ho kayong makilala.” Magalang na sabi ko sabay lahad ng palad.

Tinanggap naman ng mayor ng dalawang kamay ang kamay ko. Titig na titig pa rin sya sa mukha ko.

“Ikinagagalak din kitang makilala iha.” Aniya sabay pisil ng marahan sa kamay ko.

Napaawang naman ang labi ko. Parang may kung anong init na naramdaman ako sa dibdib ko..


Short update muna guys. Medyo busy lang ngayong gabi. ☺️ Anyway, di ako sure kung may update bukas. Maglalaba kasi ako. 😆

chapter 29

Jeizhiro

“Pasensya na kung nakakaistorbo ako sa inyong mag asawa iho.” Hinging paumanhin ni Mayor Rodolfo pagkalapag nya ng tasa ng kapeng bagong timpla sa lamesita.

“Wala hong problema mayor.” Sabi ko.

“Heto po mayor, magmeryenda po muna kayo.” Alok ni Ivy na galing sa kusina at may dalang tray na may lamang puto’t kutsinta na may kinayod na niyog. Nilapag nya ang tray sa lamesita.

“Salamat iha.” Nakangiting sabi ni mayor Rodolfo na titig na titig na naman sa mukha ni Ivy.

Kanina ko pa nga napapansin ang kakaibang titig nya kay Ivy. Hindi naman nya siguro crush ang asawa ko.

Hinawakan ko ang kamay ni Ivy ng maupo sya sa tabi ko. Tumingin sya sa akin at ngumiti.

“Nakakatuwa kayong pagmasdan, halatang inlove na inlove kayo sa isa’t isa.” Nakangiting sabi ni mayor Rodolfo.

Nagkatinginan naman kami ni Ivy. Ngumiti ako sa kanya sabay pisil sa kamay nyang hawak ko. Sya naman ay namumula ang pisngi.

“Salamat ho mayor.” Sabi ko na lang. Mukhang nahiya si Ivy sa sinabi ng mayor.

“Pero mukhang bata pa itong asawa mo Jeiz, ilang taon ka na ba iha?” Baling ni mayor Rodolfo kay Ivy.

“N-Nineteen po mayor.”

“Nineteen? Aba’y ang bata nga! Matinik ka talaga Jeiz.” Komento ng mayor.

Napakamot naman ako sa batok. “Si mayor talaga.”

Natawa naman sya. “Naiintindihan naman kita iho, kung ako rin ang nasa posisyon mo hindi ko rin pakakawalan tong magandang asawa mo.”

Langya

! Mukhang crush pa nga ni mayor si Ivy.

“Sya nga pala, taga saan ka ba iha?” 

“Taga dito lang din po ako sa San Martin mayor. Sa kabilang baranggay lang po ako dati nakatira.” Mahinhing sagot ni Ivy.

“Ganun ba, mabuti at pumayag ang mga magulang mo na magpakasal ka ng maaga.”

“Ah, w-wala na po akong magulang, patay na po ang mama ko. Ang lola at tiyahin ko na lang po ang kasama ko.”

Kinulong ko sa dalawang palad ko ang kamay ni Ivy. Alam kong medyo hindi sya komportable na pag usapan ang pamilya nya.

“Eh ang tatay mo?” Usisa pa ni mayor.

Bumuntong hininga si Ivy at lumingon pa sa akin. Tinanguan ko naman sya.

“Hindi ko po alam, pinanganak na po akong hindi sya nakagisnan.”

Bahagya namang napaawang ang bibig ni Mayor Rodolfo. “Hindi mo kilala ang tatay mo?”

Umiling si Ivy.

Natigilan naman ang mayor. Parang may gusto syang sabihin.

Tumikhim sya. “Pwede bang.. malaman ang pangalan ng nanay mo iha?”

“Irene po, Irene Crisostomo.”

Napakunot noo ako sa reaksyon ng mukha ni Mayor Rodolfo. Para syang tinakasan ng dugo sa mukha.

“Irene.. Crisostomo ang pangalan ng nanay mo?”

“Opo.”

Biglang parang hindi mapakali si Mayor Rodolfo sa kinauupuan. Bakas ang samu’t saring emosyon sa mukha nya. Tumayo sya at tiningnan ang relo.

“I-I think I need to go iho, m-may pupuntahan pa ako.” Paalam nya.

“Ah sige ho.” Tumayo na rin ako bagama’t naguguluhan sa kinikilos nya. Maging si Ivy din ay bakas sa mukha ang pagtataka.

Hinatid namin sila mayor sa labas ng gate. Bago ito sumakay sa sasakyan ay sandaling tinitigan muna nito si Ivy. Sumaludo naman sa akin sila Danilo at Allan pati ang dalawang tauhan.

“Aww Jeiz ang sakit ng mga binti ko..” Tila nagsusumbong na daing sa akin ni Ivy.

Kalalabas ko lang ng banyo dahil nag shower ako. Sayang nga lang nauna sya.

Umupo ako sa gilid ng kama at kinuha ang dalawang binti nya at pinatong sa hita ko. Malamang ay ngayon nya naramdaman ang pananakit ng mga binti nya dahil sa ilang oras na pag akyat at baba namin sa bundok.

Minasahe ko ang mga binti nya. “Dito ba?”

Nakangiwing tumango sya. “Dyan nga, ang sakit talaga. Parang binugbog ang mga binti ko.”

Tumawa naman ako. “Hindi ka kasi sanay umakyat ng bundok.”

Ngumuso sya. “At hindi na talaga ako aakyat ng bundok.. aww”

“Ayaw mo na mag camping sa bundok?” Sayang gusto pa sana nyang maulit ang camping nila.

“Eh kasi naman, kung ganito din lang na parang pinalo ako ng tabla sa binti wag na lang.” Reklamo nya.

“Dapat nga ulit ulitin natin eh para masanay  ang mga binti mo umakyat ng bundok.” Nakangising sabi ko habang patuloy na minamasahe ang mga binti nya.

Ngumuso na lang sya at hindi na sumagot habang nangingiwi.

Mukhang masakit nga talaga ang mga binti nya. Sayang, hindi ako makaka score.

Kaya nagkasya na lang ako sa pagyakap at paghalik sa kanya..

Mayor Rodolfo

Halos maubos ko ang laman ng whiskey sa kakasalin sa baso ko. Palakad lakad ako at  hindi mapakali sa kakaisip. Ang isip ko ay naiwan sa Santa Martina, sa bahay ng isa sa personal bodyguard ko. Hindi maalis sa isip ko ang mukha ng asawa ni Jeiz. At mas lalong gumugulo sa isip at puso ko sa kaalamang anak sya ni Irene Crisostomo, ang nag iisang babaeng minahal ko. 

Binuksan ko ang drawer at nilabas ang lumang kwaderno. Diary ito noon ni Irene. Inilabas ko ang luma nyang litrato na nakaipit sa kwaderno. Bumuntong hininga ako at umupo sa leather chair. Sumandal ako habang tinititigan ang lumang litrato ni Irene. Hinaplos ko ito ng daliri ko.  Kung hindi

dahil sa paninipula ni papa noon sana ay pinakasalan kita. Sana ay

nakapiling

pa kita sa huli mong hininga. Patawarin mo ko mahal ko.

Pinahid ko ang luhang lumandas sa pisngi ko at sinariwa ang alaala naming dalawa.

Sa Manila ko sya nakilala noon sa isang bangko bilang teller. Nahulog agad ako sa kanya noong una ko pa lang syang makita. Niligawan ko agad sya. Hindi naman nya ako pinahirapan dahil mabilis din nya akong sinagot. Handa ko na syang iharap sa mga magulang ko para pakasalan. Ngunit tutol ang papa ko sa relasyon namin dalawa. Dahil itinakda na nya ako sa isang herederang babae na taga dito sa probinsya. Nagplano na kami noong magtanan pero sa kasamaang palad ay may ibang plano pala si papa na nagresulta ng pagkamuhi sa akin ni Irene.

Simula noon hindi ko na sya nakita. Umalis na sya sa pinagtatrabahuan nya. Hinanap ko sya sa kung saan saan pero bigo akong makita sya. Makalipas ang ilang taon nabalitaan ko na lang sa isa sa mga naging kaibigan nya na patay na sya. Labis ang pagdurusa ko lalo pa at nalaman kong buntis din pala sya nun. Hindi ako masaya sa naging buhay ko. Hindi ako sinuwerteng magkaanak at maaga ding namatay ang asawa ko. Ginugol ko na lang ang panahon ko sa pagsisilbi sa taong bayan at hinanda na rin ang sarili na mamamatay akong mag isa.

Sumagi sa isip ko ang mukha ng asawa ni Jeiz na kamukha ni Irene. Muli kong tinitigan at hinaplos ang lumang litrato ni Irene. Sya na ba ang anak natin Irene? Unang kita ko pa lang sa kanya kanina iba na ang nararamdaman ko.

Lukso

ba yun ng dugo? Gusto kong malaman.

Umahon ako sa pagkakasandal at kinuha  ang cellphone kong nakapatong sa office table ko.

“Hello Lopez, may ipapagawa ako sa’yo.”


Jeizhiro

“Ivy.” Tawag ko sa asawa ko pagpasok ko ng kwarto. Kagagaling ko lang ng farm. Ang sabi ni manang Sol ay nasa kwarto daw ang asawa ko at may ginagawa.

Sinampay ko ang jacket ko sa sandalan ng upuan na nasa vanity mirror ng asawa ko. Tiningnan ko ang kama. May ilang mga gamit nya ang naroon. Mukhang may ginagawa nga sya pero wala naman sya. Tiningnan ko ang banyo at nilapitan.

“Ivy?” Tawag ko sa kanya at kinatok ang pinto ng banyo.

“Nandito ako Jeiz, wag mong bubuksan ang pinto.” Aniya sa loob ng banyo.

Natawa naman ako. Alam kasi nyang papasukin ko sya. “Anong ginagawa mo dyan?”

“Nagpapalit ako ng napkin.” Sagot nya.

Napangiwi ako at napakamot ng ulo.  Mukhang ilang araw pa ang

pagtitiis

ko.

“May kailangan ka pa ba?” Tanong ko sa kanya.

“Wala na, palabas na ako.”

“Ok.”

Lumapit ako sa kama at tiningnan ang mga gamit nya. Mga lumang notebook nya noong nag aaral pa sya. Kinuha ko ang isa at binulatlat. Pati sulat nya parang sya. Maganda. Ang kinuha ko naman ay ang high school graduation picture nya. Napangiti ako habang pinagmamasdan ito. Sa tantya ko ay nasa edad desi sais ito sa larawan. Pero hindi pa rin naitago ang angking nyang ganda. Hmm mas maganda kung

ipapapicture

frame ito at

isabit

sa labas katabi ng mga picture kong nakasabit.

Naghanap pa ako ng ibang pictures nya. Nilagay ko pa nga sa wallet ang isang wallet size picture nya. Sasabihin ko na lang sa kanya mamaya. Nakita ko ang isang maliit na photo album. Ito naman ang binulatlat ko. Napangiti ako ng makita ang mga pictures nya noong bata pa sya. Medyo chubby sya at sobrang cute pa. Ang sarap panggigilan. Nawala ang ngiti ko at napalitan ng pagkunot noo habang tinititigan ang babaeng kasama ni Ivy sa larawan. Malaki ang pagkakahawig nilang dalawa kaya sa malamang ay ito ang namayapang ina ni Ivy. Pero pamilyar sa akin ang mukha ng babae. Parang nakita ko na.

Sya yung babaeng nasa lumang picture na nakaipit sa lumang notebook sa office table ni Mayor Rodolfo!


chapter 30

Warning 🔞

Ivy

“Ok na ba yan?” Tanong ni Jeiz ng ilapag ko sa counter ang gamit na napili ko para sa pasukan.

“Oo ok na muna to, bibili na lang ako kapag may kailangan pa.” Nakangiting sabi ko sa kanya.

Pagkatapos nyang bayaran ang mga pinamili ko ay dumiretso kami ng department store at pinamili na naman nya ako ng mga damit, sapatos at sandals na kakailangin ko pagpasok. Kahit anong awat ko sa kanya ay ayaw nyang magpaawat. Marami pa naman akong mga damit at sapatos na binili nya na hindi ko pa nagagamit. Pero gaya ng dati ay wala rin akong nagawa. Ang panghuling pinuntahan namin ay ang supermarket. Nag grocery na rin kami.

Sa isang linggo ay balik trabaho na sya. Pero ngayong darating na weekend ay magbe-beach muna kami gaya ng pangako nya noon sa bundok. Paniguradong mamimiss ko sya kapag pumasok na sya sa trabaho..

“Ohh mmph mmph mmph Jeiz..” Ungol ko habang mabilis nyang nilalabas masok ang pagkalalaki nya sa lagusan ko. 

Nakataas ang dalawang binti kong nakabuka na hawak hawak nya. Nangangalit ang mga muscles nya sa braso at pawisan na rin ang kanyang maskuladong katawan pero hindi sya nababakasan ng pagod kahit na ilang beses na nya akong inangkin. Maging ako man ay parang hindi pa rin napapagod kahit pawisan na rin. Bagkus ay mas nagiinit pa.

“Ahh shit Ivy! Ang sikip sikip mo pa rin!” Paungol na anas nya.

Mas binilisan pa nya ang pagulos sa akin.  Napanganga na naman ako dahil sa lalim ng nararating ng pagkalalaki nya sa loob ko. 

“Oh Jeiz! Ang sarap.. mm sige pa!” Daing ko kasabay ng pag ikot ng mata ko. Siguradong lukot lukot na ang kobre kama sa higpit ng kapit ko.

Bumaba ang mukha nya at sinakop ang labi ko sa isang mainit na halik na buong pusong tinugon ko naman. Kinabig ko pa ang batok nya para palalimin ang halik namin.

“Fuck angel.. nakakabaliw ka.. sobrang sarap sa loob mo mmph..” Anas nya sa pagitan ng halikan namin.

Itinukod nya ang dalawang siko sa magkabilaang gilid ko habang ang mga binti ko ay nakasampay sa mga braso nya. Wala pa rin syang tigil sa malakas at mabilis na pagbayo. Damang dama ko ang kahabaan at katabaan ng pagkalalaki nya. Nakakaliti at may hatid na sarap ang bawat hagod nito sa kalooban ko.

Muling nanigas at nanginig ang katawan ko kasabay ng pagbaluktot ng mga daliri ko sa paa ng maabot ko na naman ng sukdulan. Hinugot nya ang pagkalalaki nya at sumubsob sa pagkababae ko. Para syang uhaw na manlalakbay na sinipsip at dinilaan ang likidong nilabas ko.

Nang matapos sya ay tumabi sya sa akin at tinagilid ako. Itinaas nya ang isa kong binti at idinantay sa hita nya. Hinalik halikan nya ang leeg at balikat ko habang hinihimas ng isa nyang kamay ang pagkababae ko. Maya maya pa ay naramdaman kong muli ang pagkatok ng pagkalalaki nya sa lagusan ko. Impit akong napaungol ng muli syang maramdaman sa loob ko. Itinagilid ko ang ulo. Sinalubong naman nya ang labi ko ng masuyong halik habang nag umpisa na syang umulos at ang kamay nya ay minamasahe ang suso ko.

“Feels good hmm?” Anas nya sa tenga ko sabay pupog ng halik sa pisngi ko.

Kagat labing tumango naman ako. Ilang beses na ba nya akong hinatid sa langit ngayong gabing? Hindi ko na mabilang.

“You feel so good too angel.. can’t get enough of you ughh.. uhmm..”

“Ahmmp – sige pa Jeiz..” Ungot ko pa sa kanya.

Mapupungay naman ang mata nyang tumingin sa akin at masuyong hinalikan akong muli kasabay ng marahas nyang galaw. Dinig na dinig sa kwarto ang salpukan ng aming mga balat. Hinawakan nya ang isang kamay ko habang ang isa naman ay dumapo sa pagkababae ko at minasahe ang munting butil ko.

Napaawang ang labi ko sa doble dobleng sensasyong binibigay nya sa akin. Napapaikot na rin ang mata ko sa sarap.

“Ugh hmmph J-Jeiz..” Mangiyak ngiyak kong sabi habang nakatingin sa kanya. Napapasinok pa ako sa pagitan ng pag ungol.

Sya naman ay nakatingin lang sa akin at panay ang tanim ng masusuyong halik sa pisngi, leeg at balikat ko.

“Ahh Jeiz ughh!”

Nagumpisa nang maglumikot ang katawan ko. Mas binilisan pa nya ang paglabas masok sa lagusan ko kasabay ng daliri nyang nilalaro ang butil ko. Napanganga ako ng maramdaman kong parang lumalaki ang pagkalalaki nya sa loob ko tanda na lalabasan na rin sya.

“Let’s cum together angel.. oh shit! Uhmmph!”

Hinawakan nya ang isang binti kong nakataas at mas lalo pang binilisan ang pagulos na tila ba mayroon syang hinahabol. Sagad na sagad ang pakiramdam ko. Sobrang nakakakiliti at hindi matawarang sarap ang bawat ulos nya. At alam kong anumang sandali ay makakarating akong muli sa sukdulan.

“J-Jeiz! Hayan na naman a-ako – ahh!”

“Ughh shit Ivy! Heto na rin ako! Uhmph fuck!”

Ilang sandali pa ay naramdaman ko na ang mainit na likidong lumukob sa loob ko. Nanginginig ang buong katawan ko habang sya ay tuloy sa mabagal na pagulos.

“Ahh!” Daing nya ng umulos pa sya ng isng beses at sagad. Ramdam ko pa ang pagpintig ng pagkalalaki nya.

Binaba nya ang hita ko at niyakap ako ng mahigpit. Hinawakan nya ang panga ko at bahagyang pinaling sabay siil nya sa akin ng halik na akin namang tinugon.

Akala ko ay tapos na kami pero sa isang iglap lang ay dinapa nya ako at muli syang umulos sa likuran ko. Hindi naman ako tumutol at malayang tinanggap ang bawat ulos nya. Bahagya pa syang dumapa sa likuran ko at tinataniman ako ng halik sa balikat at likod habang sumasambit ng matatamis na salita. Puro ungol lang ang sagot ko dahil parang na darang na ako sa na nakakaliyong sensasyong nadarama ko..

Kinabukasan..

Balitang

Probinsya. Alkalde ng bayan ng Santa Martina

dinakip

dahil sa

salang

human trafficking at

pagbebenta

ng bawal na gamot.

Dinakip

din ang

kasabwat

na

hepe

ng

pulisya

. Ang

alegasyon

ay

pinagtibay

ng mga

nakalap

na ebidensya. Mga larawan na di

umano

ay pakikipag

transakyon

ng alkalde kasama ang

hepe

sa isang kilalang

sindikato

na may ari ng mga beerhouse na talamak ang

bentahan

ng

droga

at laman..“

Hindi ko na naituloy ang pagsubo ng tinapay habang titig na titig sa screen ng tv na nakasabit sa dingding ng kusina. Ang lakas ng kalabog ng dibdib ko habang pinapanood at pinapakinggan ang balita.

“Sabi na nga ba eh! Kaya hindi matapos tapos ang krimen sa bayang to dahil ang mismong mayor pa ang pasimuno. Tsk! Tsk! Tsk! Kahit kelan talaga wala akong tiwala sa pamumuno ng mayor na yan. Simula ng sya  ang umupo dumami ang mga illegal na pasugalan, dumami ang mga adik, maraming kababaihang nawawala at kabi kabila ang mga natatagpuang patay. Mabuti naman at nahuli na pati na rin ang buwayang hepe na yan.” Litanya ni manang Sol habang naghuhugas ng mga kaldero at kawali.

Ako naman ay tutok pa rin sa tv. Napasinghap pa ako ng makita ko ang lugar na pinagdakipan ng mayor at ng hepe. Hinding hindi ko makakalimutan ang bahay na yun. Ang bahay na pugad ng mga makasalanang mga tao. Kasama din sa dinakip ng mga NBI at pulis ay ang matandang si Ka Tano at mga tauhan nito. May ilan pang mga dinakip na mga babae at lalaki na tinatakpan ang kanilang mga mukha. Pero ang nakaagaw ng pansin sa akin ay ang dalawang taong pamilyar sa akin. Si tiyang Linda at si tiyong Oca! Sa hitsura nila ay para silang sabog sa droga. Dinakip din sila ng mga pulis.

Jusko! Kasama sa dinakip sila tiyang Linda at tiyong Oca! Kailan pa sila

gumagamit

ng droga? Pa’no na sila Lileth at Kiko?

Hindi ako mapakali sa kinauupuan ko kahit tapos na ang balita at iba naman ang binabalita. Bagama’t natutuwa ako dahil nadakip na ang mga taong yun ay binabagabag naman ako ng alalahanin para sa dalawang nakababatang pinsan ko.

Gusto ko silang puntahan!

“Ivy, ayos ka lang?” Untag sa akin ni manang Sol. Nakakunot ang noo nya habang nakatingin sa akin. Nagtataka sa ikinikilos ko.

“Ayos lang po manang, akyat po muna ako sa taas tawagan ko lang si Jeiz.” Paalam ko sa kanya.

“O sige.”

Agad na akong lumabas ng kusina at dali daling umakyat ng hagdan. Naiwan ko kasi ang cellphone ko sa kwarto namin. Umalis kasi si Jeiz at pumunta ng farm. Tatawagan ko sya para magpaalam na pupuntahan ko ang dalawang pinsan ko.

Pagbukas ko ng cellphone ay may missed calls ako galing kay Tina at Christy. Siguro ay nabalitaan na nila ang nangyari sa tiyahin at tiyuhin ko at gusto nila akong balitaan. Mamaya ko na lang sila tatawagan. Dinial ko ang numero ni Jeiz. Wala pang ilang segundo ay sinagot na nya ito.

“Jeiz.”

“Ivy.” Anang baritonong boses nya sa kabilang linya. Medyo maingay sa paligid nya at maraming boses.

“Jeiz, napanood ko sa balita nahuli na si Ka Tano at mga tuhan nya.” Pagbabalita ko sa kanya.

Narinig ko naman ang pagbuntong hininga nya.

“Alam ko, nabalitaan ko rin.”

“Pero sila tiyang Linda at tiyong Oca, kasama sa nahuli. Jeiz, pwede bang pumunta ako sa bahay nila? Gusto kong kamustahin ang dalawang pinsan ko.” Paalam ko.

Narinig kong muli syang bumuntong hininga.

“Hintayin mo ko, sasamahan kita.”

Napangiti naman ako sa sinabi nya. “Sige, sige hihintayin kita.”

Pagkababa ng tawag ay vinideo call ko si Tina. Ilang sandali pa ay lumitaw na ang mukha nya sa screen, nasa likod nya si Christy. Kinuwento nga nila sa akin ang nasagap nilang balita tungkol sa tiyahin at tiyuhin ko. Kagabi pa sila nahuli at ngayon ay nasa piitan na. Na kay lola daw ang dalawang pinsan ko. 

Hay, kawawa naman ang dalawang pinsan ko. May mga magulang nga lulong naman sa bisyo.


chapter 31

Ivy

“Ate Ivy!”

Halos sabay na tawag ni Lileth at Kiko sa pangalan ko pagpasok namin ni Jeiz sa bahay ni lola Mila. Sabay silang yumakap sa akin. Niyakap ko rin sila. Pero kapansin pansin ang pangangayayat nila. Tumingin ako kay lola. Tipid syang ngumiti sa akin. Halatang namomroblema sya. Lumapit ako sa kanya at nagmano. Ganun din si Jeiz.

“Bakit ang papayat nyo ha?” Tanong ko sa dalawang bata. Inabot ko naman kay lola ang dala naming pasalubong.

Yumuko silang dalawa. “Eh kasi, wala ng pagkain sa bahay ate.” Tila sumbong sa akin ni Lileth.

Muli akong tumingin kay lola at Jeiz. Nakaupo si Jeiz sa pang isahang sopang kawayan paharap sa akin. Ako naman ay nakaupo sa mahabang sopang kawayan katabi ang dalawang bata.

“Ang sabi nyang dalawa, lagi daw walang pambili ng pagkain ang mama at papa nila. Lagi din silang absent sa eskwela dahil walang baon. Hay, malamang inunang bilhin ang bisyo bago ang pagkain. Hayan tuloy ang nangyari naghihimas silang parehas ng rehas.” Ani lola na tila hapong hapo na umupo sa isa pang sopang kawayan.

Bumuntong hininga ako. “Ano na po ang mangyayari kanila tiyang at tiyong lola?”

Ikinumpas nya ang kamay na tila sumusuko na. “Hamo silang makulong, ng magtanda sila.”

“Pero kawawa naman po sila mama at papa.” Singit ni Kiko.

“Mas kawawa kayo apo hangga’t hindi nagbabago ang mama at papa nyo. Pero wag kayong mag alala hindi naman kayo pababayaan ni lola. Hindi naman kayo magugutom dito sa akin dahil marami akong mga tanim.”

Naaawa ako sa dalawang bata. Mahirap ang walang magulang na walang gagabay lalo na’t ang babata pa nila. Gusto ko sanang tumulong kaya lang ano naman ang maitutulong ko, wala akong trabaho at mag aaral pa lang.

Tumikhim si Jeiz. “Handa po akong tumulong lola.”

Napalingon kami ni lola sa kanya. Nakatingin at nakangiti sya sa akin at sa mga bata.

“Naku nakakahiya naman iho, problema naming pamilya to.” Ani lola.

“Pamilya ko na rin po kayo lola kaya handa po akong tumulong.”

Napakagat labi ako sa sinabi ni Jeiz. Nakakahiya naman sa kanya. Pero kung tutuusin walang wala naman talaga kami eh. Si lola kung may kaunting ipon man ay hanggang saan lang ba ang aabutin.

“Ate sobrang namiss ka namin, ang tagal ka naming hindi nakita. Ang sabi ni mama hindi ka na daw uuwi kasi nag asawa ka na daw.” Ani Kiko na nakakapit pa sa braso ko. Halatang miss na miss nya ako. Nginitian ko sya at ginulo ang buhok nya.

“Ate sya ba ang asawa mo?” Tanong naman ni Lileth na nasa kanang bahagi ko. Nakatingin sya kay Jeiz.

Tumingin naman ako kay Jeiz. Bahagya syang nakangisi sa akin. Nag init naman ang pisngi ko.

“O-Oo, sya ang asawa ko. Ang pangalan nya ay Jeiz, tawagin nyo syang kuya Jeiz.” Sabi ko sa dalawang bata.

Pinakilala ko naman kay Jeiz ang dalawa.

“Ate mabait ba sya?” Halos pabulong na tanong ni Kiko.

Natawa naman ako. “Oo mabait sya.”

“Ang gwapo nya ate.” Komento naman ni Lileth.

Napataas naman ang kilay ko sa sinabi nya. Ang bata bata pa nya alam na nya ang salitang gwapo.

Tiningnan ko naman si Jeiz. Malawak na ang ngisi nya. Lumaki na naman ang ulo.

Tinulungan ko si lola na maghanda ng pananghalian namin. Dito na rin kami kakain ni Jeiz. Tinolang manok ang iluluto  namin. Nagkatay si lola ng isang manok na alaga nya. Namitas naman ako ng papaya sa likod bahay pati na rin talbos ng sili, sinamahan ko na rin ng siling haba. Habang naghihiwa ay patingin tingin naman ako sa munting sala na tanaw sa kusina. Nakikipag kulitan na kasi ang dalawa kong pinsan kay Jeiz lalo na si Kiko. Mukhang game din naman sa kulitan si Jeiz. Naiisip ko tuloy yung magiging anak nya in the future, magiging anak pala namin. Ganito rin siguro sya makipag kulitan.

Nag init ang pisngi ko kasabay ng pagkalabog ng dibdib ko. Parang bigla akong nasabik na magkaanak kami. Ngunit mag aaral pa ako. Pero kung sakaling dumating sya agad ay ayos lang naman. Blessing yun para sa aming mag asawa.

“Nakikita ko sobrang bait ng asawa mo, apo.” Untag ni lola na nakatingin din pala sa  sala.

Nginitian ko sya. “Sobra po lola, ang swerte ko nga sa kanya.”

“Swerte rin naman nya sa’yo dahil napakabait mong bata, napakaganda pa.”

Napanguso naman ako sa sinabi nya. “Si lola talaga nambola pa.”

“Aba’y totoo naman! Pero dapat ding suklian mo ng pagmamahal ang kabaitan ng asawa mo.” Paalala nya sa akin habang sinasalang na nya sa kalang de kahoy ang may kalakihang palayok.

Kumalabog na naman ang dibdib ko sa sinabi nya. Kumagat labi ako. Hindi ko man sambitin pero sa puso ko mahal ko na si Jeiz. Hindi ko alam kung kelan ko sya minahal basta naramdaman ko na lang. At alam kong hindi lang dahil sa mga kabutihan nya sa akin kung bakit ko sya minahal. Higit pa roon ang dahilan.

Naging masagana naman ang pananghalian namin dahil masarap talaga magluto si lola. Maging ang dalawa kong pinsan at si Jeiz ay maganang magana sa pagkain. Nakakatuwa nga silang tatlong tingnan mukhang close na close na. Lalo na si Kiko na nagpapahimay pa ng manok kay Jeiz. Tumingin pa sya sa akin at tinanong ako kung may gusto ako. Umiling lang ako.

Hanggang sa magpaalam na kami umuwi ay tila ayaw pa humiwalay ni Kiko kay Jeiz. Parang nagtatampo na tuloy ako dahil parang mas gusto na nya si Jeiz kesa sa akin. Nangako naman kami na babalik kami at magdadala ng pasalubong. Saka lang bumitaw si Kiko kay Jeiz.

“Jeiz salamat ha.” Untag ko sa kanya sa kalagitnaan ng byahe namin.

Sinulyapan nya ako. “Para saan?” Kunot noo pero nakangiting tanong nya.

“Sa pagtulong mo sa amin ni lola.” Nahihiyang sabi ko.

Kinuha naman nya ang kamay ko at pinisil. “Wala yun. Sabi ko nga kanina pamilya ko na kayo. Ang pamilya mo ay pamilya ko na rin.”

Ngumiti ako sa kanya at humilig sa braso nya. Sobrang bait nya talaga sa akin. Wala na akong masabi.

“Eh kung magtrabaho na kaya ako sa farm habang nag aaral ako? Para makatulong ako kanila lola.” Sabi ko.

“No.” Matigas na tanggi nya.

Tiningala ko sya. Sumulyap naman sya sa akin.

“Mag-focus ka sa pag aaral mo, ako nang bahala sa lola at dalawang pinsan mo.” Aniya at muling tinuon ang mata sa kalsada.

Napanguso naman ako. “Puro na lang kasi ikaw, ano naman ang gagawin ko?”

Sinulyapan nya ulit ako sabay halik sa noo ko. “Ang gagawin mo lang manatili sa tabi ko, lambingin ako. Sapat na sapat na sa akin yun.” Aniya sabay kindat.

“Eto na nga nilalambing ka na.” Sabi ko at sabay kiskis ng pisngi sa braso nya.

Tumawa sya. “Gusto ko yan. Mamaya din lambingin mo ko ha.” Anas nya sa tenga ko.

Nag init naman ang pisngi ko. Parang ibang lambing kasi ang ibig nyang ipahiwatig.

Pagdating namin sa bahay ay may nakaparadang isang Land Rover sa labas. Mukhang may bisita na naman kami o mas tamang sabihing bisita ni Jeiz. Sa itsura nya mukhang hindi na sya nagtaka.

Pagpasok namin sa bahay ay napaawang ang labi ko ng makita ko ang dalawang malaking lalaki na nakaupo sa sofa. Parehas silang may hawak na lata ng beer. Hindi nalalayo kay Jeiz ang hilatsa ng mga mukha at katawan nila.

Ngumisi pa silang dalawa ng tumingin sa amin ni Jeiz. Napahawak ako sa braso ni Jeiz at bahagyang tinago ang sarili sa likod nya. Tumayo ang dalawa.

“Akala ko hanggang mamaya pa kami maghihintay eh.” Anang isang lalaki na medyo kayumanggi ang balat pero mestisuhan.

“Akala ko ba ikaw lang ang pupunta.” Ani Jeiz sa lalaki.

“Ito kasing si Kes gustong sumama ng malaman nyang may asawa ka na, gusto daw nyang makilala ang asawa mo.” Nakangising sabi ng lalaki at tumingin sa akin sabay kaway. Nahihiyang kumaway din ako pabalik.

Pumalatak naman si Jeiz. “Nalaman nya kasi tsinismis mo na naman.”

Ngumisi lang ang lalaki. “Nadulas ako eh.”

“Hey, karapatan din naman naming makilala ang asawa mo. Asahan mo rin ang pagdalaw ni Mat isa sa mga araw na to. Gusto nga nyang sumabay sa amin ngayon eh kaso lang ay nasa Manila pa sya.” Hirit ng isa pang lalaki na ngumiti din sa akin.

Napakamot naman sa ulo si Jeiz at tiningnan ako.

“Babe, meet my friends, SP01 Lorenzo Villegas and Kester Belleza.” Pagpapakilala sa akin ni Jeiz sa dalawa nyang kaibigan.

Kakamayan sana nila ako pero pinalis ni Jeiz ang mga kamay nila. Ngumisi lang ang dalawa.

“Guys, this is my wife Ivy Crisostomo Natividad.”

“Hello po.” Bati ko sa kanila at kimi silang nginitian.

“Naku, wag mo na kaming po-in Ivy, mas matanda sa aming dalawa tong asawa mo.” Hirit ni Lorenzo. Tumawa naman si Kester.

“Gagu! Magkakasing edad lang tayo.” Paasik na sabi ni Jeiz.

Habang ako naman ay pinagmamasdan silang tatlo. Sila pala ang mga kaibigan ni Jeiz at sa hitsura nila ay mukhang may sinasabi din sa buhay.

“Teka, ilang taon na ba tong si Ivy, mukhang ang bata pa.” Usisa ni Kester.

“Wag mo nang alamin.” Sagot ni Jeiz.

Napakagat labi naman ako. Mukhang ayaw nyang malaman ng mga kaibigan nya ang edad ko dahil malamang ay aasarin sya.

“Desi nuebe pare.” Biglang sagot ni Lorenzo na ngingisi ngising bumalik sa pagkakaupo at tinungga ang lata ng beer.

“What? 15 years ang age gap nyo? Unbelievable!” Bulalas ni Kester.

Humagalpak naman ng tawa si Lorenzo. Binato naman sya ng hawak na susi ni Jeiz at tumama sa braso nya. 

“Pare, baka tinakot mo tong si Ivy para magpakasal sayo ha.” Hirit pa ni Kester.

“Ah hindi nya ako tinakot, kusang loob akong nagpakasal sa kanya.” Singit ko. Baka kasi mapikon na sa pang asar nila si Jeiz.

Nakita ko namang ngumisi sya at inakbayan ako. Nag init naman ang pisngi ko sa hiya.

Napaawang naman ang labi ng dalawa habang palipat lipat ang tingin sa ming dalawa ni Jeiz. Pero agad din silang ngumisi.

“May asim pa ang lolo Jeiz mo!” Sabay sabay na sambit ng dalawa sabay tawa ng malakas.


chapter 32

Jeizhiro

Masamang tingin ang ibinigay ko sa dalawa kong kaibigan na kanina pa ako binubuska tungkol sa edad namin ni Ivy. Siguro nahiya na lang si Ivy kaya nagpaalam munang pupuntang kusina.

“Hindi pa ba kayo tapos?” Untag ko sa kanilang dalawa na kanina pa tawa ng tawa. Sarap pagbabarilin eh.

Napangiwi ako ng kumirot ang sugat ko sa tagiliran sanhi ng daplis ng bala ng baril kanina. Nalinis naman ito ng doctor at natahi.

“Ayos ka lang pare?” Tanong ni Kester ng mapansing nakangiwi ako.

“Malayo yan sa bituka.” Nakangising sabat ni Lorenzo at kumuha pa ng isang egg pie sa tray sabay kagat ng malaki.

“May tama ka?”

“Hinaan mo boses mo marinig ka ng asawa ko.” Saway ko kay Kester. Ayoko kasing malaman ni Ivy na may daplis ako ng baril siguradong mag alala sya.

Tinikom naman ni Kester ang bibig nya habang ngingisi ngisi naman si Lorenzo.

“Ano nga palang balita Lorenzo?” Untag ko sa kaibigan.

Mukhang nakalimutan na nya ang pakay nya eh. Inuna pa ang pang aasar.

Umahon sya sa pagkakasandal at umupo ng tuwid. Tinungga nya muna ang lata ng beer bago ako hinarap.

“Patay na si Tanato Socoro o mas kilalang Ka Tano.” Imporma nya.

Napaawang naman ang labi ko sa sinabi nya. “Anong nangyari?” Kunot noong tanong ko. Nang puntahan ko ito sa himpilan ng pulisya ay buhay pa ito. 

“Nabaril ko.”

Matiim ko syang tiningnan.

“Nang agaw sya ng baril kanina at pinaputukan ang dalawang kasamahan naming pulis kaya pinaputukan ko. Hayun, dead on arrival sa hospital. Hindi ko naman akalain na napuruhan ko sya.”

Namayani ang sandaling katahimikan. Ako naman ay napahimas sa batok. Hindi ko naman masisisi ang kaibigan ko. Ginawa lang nya ang nararapat.

Tumikhim si Kester. “Well atleast hindi na sya makakapaghasik ng krimen ngayon, yun nga lang natakasan nya ang sentensya nya.”

Bumuntong hininga ako. “Eh yung mga tauhan nya?”

“Nasa kulungan na, wag kang mag alala mahigpit ang bantay. Sunod sunod nang nagdatingan ang mga reklamo at nagsampa ng mga kaso. Si Mayor Esver at si hepe naman ay parehas ng nakadetained. Malakas ang ebidensya laban sa kanila at mahihirapan silang lusutan ito kahit sino pang magaling na abogado ang magtanggol sa kanila.”

Tumango tango ako. “Mabuti naman kung ganun, ayokong masayang ang mga ginawa natin.”

Pinasalamatan ko din ang kaibigan dahil sa malaking tulong nya sa akin. Kung hindi dahil sa kanya ay hindi magtatagumpay ang planong masakote ang mga kriminal na yun. May panghihinayang man sa loob ko dahil namatay agad si Ka Tano ay mapapanatag naman ako para sa kaligtasan ng asawa ko lalo na at magbabalik eskwela na sya.


“Ah!” Daing ko ng linisan ko ng maligamgam na tubig ang gilid ng sugat ko. Sariwa pa ang sugat at bahagyang nagdurugo pa. Pero wala ito kumpara sa mga tama ng baril na naranasan ko sa pakikipagbakbakan sa bundok.

Hindi lang ako naging maingat kanina kaya nahagip ako ng bala galing sa panig ng mga tauhan ni Ka Tano kanina. Mabuti na lang ay agad namin silang nasukol at nahuli.

Napapitlag pa ako at bahagyang nataranta ng bumukas ang pinto ng banyo.

“Ano yan? Bakit may sugat ka?” Bulalas ni Ivy na nakita na ang pinakatatago kong sugat kanina. Fuck! Nakalimutan kong i-lock ang pinto.

“W-Wala to, simpleng sugat lang.”

Lumapit sya sa akin at tiningnan ang sugat ko. “Anong simpleng sugat lang? Eh bakit may tahi? Saan mo nakuha yan?” Sunod sunod nyang tanong. Bakas sa mukha nya ang pag alala.

Bumuntong hininga ako. “Nadaplisan lang to. Pero wag kang mag alala malayo to sa bituka.” Nakangiting sabi ko sa kanya at pinisil ang baba nya.

Pero kumunot lang lalo ang noo nya. Napakamot naman ako sa ulo.

“Nadaplisan ng ano yan?”

“Ng ano..”

“Ng ano?” Ulit nya.

Bumuntong hininga ulit ako. “Ng bala.” Sagot ko.

“Nadaplisan ka ng bala ng baril? Kelan pa? Wala yan kahapon ah?” Sunod sunod nyang tanong at bahagya pang nataranta. Nanlaki ang mata nya. “Kanina?”

Tumango ako. “Pero ok na to babe, nagamot na ng doctor. Natahi na nga eh.” Nakangiting sabi ko para ipakita sa kanya na ok na ok ako.

“Bakit ka nadaplisan? Saan ka ba nagpunta kanina?” Usisa pa nya.

Muli akong napakamot ng ulo. Mukhang hindi nya ako titigilan. Kaya kinuwento ko na sa kanya ang pagsama ko sa engkwentro ng mga pulis sa mga tauhan ni Ka Tano para madakip ang mga ito. Bakas sa mukha nya ang takot at pangamba.

“Tapos hindi mo man lang sinabi sa akin na may sugat ka. Wala akong kaalam alam na nakikipag barilan ka na pala. Mabuti at yan lang ang nangyari sa’yo.” Pasermon nyang sabi sa akin. Nakasimangot sya at mukhang paiyak na.

Napangiti naman ako. Ang misis ko nag aalala. Niyakap ko sya at hinalikan sa noo, ilong at labi. Ganito pala ang pakiramdam kapag ang pinaka importanteng tao sa buhay ay nag aalala para sa’yo. Masarap sa pakiramdam.

“It’s ok angel, I’m safe. Malayo sa bituka to. Kaya wag ka ng mag alala huh.” Binuntutan ko pa ng tawa ang sinabi ko.

Tiningala nya ako at hinampas ng marahan sa dibdib. “Malayo sa bituka pero kapag naimpeksyon pwede mong ikamatay. At huwag mong sabihing wag akong mag alala, asawa mo ko at kung anuman ang mangyari sayo ako ang labis na maaapektuhan.” Aniya sabay irap sa akin.

Napakamot na lang ako sa batok at hindi na nagsalita. May mali rin naman kasi ako dahil hindi ako nagsabi.

“I’m sorry..” Mahinang sambit ko

Hindi sya sumagot at humiwalay sa akin. Tiningnan nya ang sugat ko. “Ako na ang maglilinis nyang sugat mo.” Presinta nya.

Hindi na ako kumontra at hinayaan na lang sya. Ingat na ingat sya sa pagdampi ng basang bimpo sa sugat ko. Tinatanong pa nya ako kung masakit ba. Nangingiting umiiling na lang ako. Maingat din nyang nilagyan ito ng gasa.

“Hayan, ok na.” Nakangiting sabi nya.

“Ang galing naman ng nurse ko, dapat pala nag nurse ka na lang imbes na mag teacher.” Komento ko sabay pisil ng marahan sa pisngi nya.

“Heh, binola mo pa ko.” Asik nya sa akin sabay irap.

Tumawa lang ako at niyakap sya. Maingat na niyakap din nya ako.

“Dahil may sugat ka hindi tayo pwedeng mag labing labing hangga’t hindi yan magaling.” Sabi nya at ngumiti pa sa akin.

Para naman akong pinagbagsakan ng langit at lupa sa sinabi nya. Nawala ang ngiti ko.

“Ivy.. angel.. kaya ko naman eh, kahit ilang round pa.”

Tinaliman nya ako ng tingin. “Hindi pwede, baka bumuka ang tahi mo kaya magtiis ka muna.” Aniya at bumitaw na ng yakap sa akin. Niligpit na rin nya ang gasa at surgical tape. 

“Ivy..” Ungot ko sa kanya at sinundan sya palabas ng banyo.

Hindi ko yata kakayanin yun. Dalawang linggo ang aabutin bago tuluyang maghilom ang sugat ko.

“Hindi pwede Jeiz, hanggang lambingan lang muna tayo.” Pinal nyang sabi at matiim pa akong tiningnan.

Mukhang seryoso nga sya. Napakamot na lang ako sa ulo.

Kaya ang ending natulog na lang kami ng magkayakap. Nagkasya na lang ako sa paghaplos at paghalik sa kanya. Nagsisisi talaga ako kung bakit hindi ako nag ingat..

“Jeiz, ininom mo na ba ang antibiotic mo?” Tanong sa akin ni Ivy. Katatapos lang namin mag agahan.

“Yes babe.” Sagot ko habang hindi inaalis ang mata sa screen ng cellphone. Tinitingnan ko kasi ang email na pinadala ni Lorenzo.

“Wag ka kaya munang umalis, ipahinga mo muna yang sugat mo.” Aniya at tumabi sa akin ng upo sa sofa.

Nilingon ko sya at hinalikan sa sentido. “Opo, hindi muna ako aalis. Dito muna ako.” Sabi ko. Syempre susunod ako sa lahat ng sasabihin nya.

Yumakap sya sa braso ko at isinandig ang pisngi. Tumingin din sya sa hawak kong cellphone.

“Anong ginagawa mo?” Tanong nya.

Sinulyapan ko sya. “Tinitingnan ko lang ang email na pinadala ni Lorenzo.” Sagot ko.

Pero biglang rumehistro sa screen ng cellphone ko ang pangalan ni Mayor Rodolfo. Tumatawag sya.

Bumitaw sa braso ko si Ivy. Hinawakan ko naman ang kamay nya at sinagot ang tawag.

“Hello mayor.” Bati ko sa kabilang linya. Tiningnan ko ang oras na wall clock. Pasado alas otso na ng umaga, malamang ay nasa munisipyo na ito.

“Jeiz, pwede ka bang pumunta dito sa bahay. Gusto sana kitang makausap.”

Napakunot ang noo ko. Mukhang wala sa munisipyo si mayor. At mukhang importante ang sasabihin nya. Tumingin ako kay Ivy. Nakatingin din sya sa akin at bahagya ding nakakunot ang noo.

“Ah sige ho mayor, pupunta ako.” Sagot ko. 

Pagkababa ng tawag ay hinarap ko si Ivy na kunot pa rin ang noo.

“Babe, pinapupunta ako ni mayor sa bahay nya. May importante yatang sasabihin.” Paalam ko sa kanya.

Bumuntong hininga naman sya. “O sige, pero tatawag ka kung magtatagal ka ha. Saka ingatan mo yang sugat mo.” Paalala nya sa akin.

Napangiti naman ako. Misis na misis na talaga ang dating nya.

“Opo mag iingat ako.” Sabi ko at hinalikan sya ng mariin sa labi at tumayo.

Umakyat ako sa kwarto namin para magpalit ng damit at pantalon. Sinuot ko na rin ang boots ko. Dinampot ko ang susi ng sasakyan sa ibabaw ng night stand. Paglabas ko ng kwarto ay nag aabang sa akin sa baba ng hagdan si Ivy. Hinatid pa nya ako sa sasakyan. Sya na rin ang nagbukas ng gate. Kumaway pa ako sa kanya at nagflying kiss bago pasibadin ang sasakyan.

Wala pang isang oras ay nakarating na ako sa malaking bahay ni mayor. Agad naman akong pinagbuksan ng gate ng gwardya ng makilala ako. Siguro ay sinabihan na rin silang darating ako.

Pagpasok ko ng bahay ay dumiretso na ako ng library kung saan nagsisilbing opisina na rin ng mayor. Nakita ko sa labas ng pinto si Danilo at Allan. Tumayo sila sa pagkakaupo at binati ako. Kinatok pa ni Danilo ang pinto at sinabing dumating na ako. Sumagot naman ang mayor na papasukin ako. Pinagbuksan ako ng pinto ni Danilo. Pumasok ako. Binati naman ako ni mayor na nakaupo sa likod ng office table nya at minuwestra ang kamay sa visitors chair. Umupo ako. Seryoso ang mukha nyang nakatingin sa akin.

“May ipaguutos ho ba kayo mayor?” Tanong  ko.

Bumuntong hininga sya. “Wala naman iho, gusto lang kitang kausapin tungkol sa asawa mo.”

Napakunot ang noo ko sa sinabi nya. “Tungkol kay Ivy?”

Tumango sya.

“Ano hong tungkol sa asawa ko?”

Umupo sya ng tuwid at ipinatong ang magkasalikop na kamay sa ibabaw ng mesa. Diretso syang tumingin sa mga mata ko.

“Anak ko si Ivy Crisostomo.”


chapter 33

Jeizhiro

Parang bombang hinagis sa harapan ko ang sinabi ni mayor Rodolfo. Hindi ako makapaniwala.

“Ano hong sabi nyo? Anak nyo si Ivy? Ang asawa ko?” Nagugulumihanang tanong ko.

“Oo Jeiz, anak ko ang asawa mo. Anak ko si Ivy Crisostomo. Anak namin ng babaeng pinakamamamhal kong si Irene Crisostomo, ang namayapang ina ni Ivy.”

Natigilan ako. Alam ko ang pangalan ng ina ni Ivy dahil ako ang nagasikaso ng birth certificate nya para sa kasal namin.  Pero hindi ko pa nakikita ang itsura nito sa larawan – ay hindi nakita ko na pala isang beses sa photo album ni Ivy. Malaki ang pagkakahawig nilang mag ina. Naalala ko din ang lumang larawan ng babae na nakaipit sa notebook sa lamesa ni Mayor Rodolfo. Kamukhang kamukha ng ina ni Irene ang babae.

May inilabas na papel si mayor sa drawer ng office table nya at nilapag sa harapan ko. Kunot noong dinampot ko ito at tiningnan. DNA test result. At ayon sa resulta 99.9% matched sila ni Ivy. Sya nga ang ama ni Ivy. Napalunok ako at nagtatanong tingin ang binigay sa kanya.

Tipid syang ngumiti sa akin. “Noong huling punta namin sa bahay nyo ay pasimple kong pinakuha sa isa sa mga tauhan ang kutsarang ginamit ni Ivy para sa DNA test. At hindi nga ako nabigo. Anak ko sya.”

Bahagya akong napayuko, ginalaw ang dila sa loob ng bibig ko habang nakatitig sa hawak na papel. Humugot ako ng malalim na hininga at lakas loob na tiningnan sya ng diretso sa mata.

“Ano hong plano nyo?”

“Gusto kong makasama ang anak ko Jeiz.” Sagot nya. Bakas sa mukha ang pag asam.

Kumunot ang noo ko. “Kukunin nyo ang asawa ko?” Hindi ako papayag magkaganunman.

Bumuntong hininga sya. “Hindi ko sya kukunin sa’yo. Gusto ko lang makilala nya ako, bilang ama nya.”

Ako naman ang bumuntong hininga.

“Tulungan mo ko Jeiz, ikaw lang ang makakatulong sa akin para mapalapit sa anak ko.”

Puno ng pagsusumamo ang boses nya. Bakas sa kanyang mukha ang pangungulila sa anak. Parehas sila ng mukha ni Ivy kapag nakikita ko itong nag iisa at nakatingin sa malayo.

Bumuntong hininga ako at tumango. “Bigyan nyo po muna ako ng sapat na panahon mayor, hindi natin pwedeng biglain si Ivy lalo na at ang alam nya ay wala na syang ama.”

Lumungkot ang mukha ni mayor at tila hapong hapo na sumandal sa kanyang leather chair. Nag angat sya ng tingin sa akin at ngumiti.

“Pinaimbestigahan ko kayo ng anak ko.” Aniya.

Sumipa naman ang kaba sa dibdib ko.

“Salamat sa pagliligtas at pag aalaga sa anak ko iho, napakabuti pa rin ng tadhana dahil pinagtagpo kayong dalawa. Alam kong napakabuti mo. Kung may nais ka sabihin mo lang sa akin. Ibibigay ko.”

Ngumiti ako sa kanya at umiling. “Wala ho yun mayor, gagawin ko ang lahat para sa asawa ko. Kahit ano pa.” Determinadong sabi ko.

Ngumiti naman sya at tinapik ako sa balikat. Kinuwento nya sa akin ang tungkol sa nakaraan nila ng ina ni Ivy. Kung paano sila nagkakilala at nagkahiwalay. Marami syang kinukwento tungkol sa ina ni Ivy na tugma din sa kwento sa akin ni Ivy.

Hanggang sa pag uwi ko ay iniisip ko pa rin ang sinabi ni Mayor Rodolfo. Wala naman akong karapatan na ipagdamot sa kanya ang asawa ko dahil sya ang ama. At parehas silang biktima ng masalimuot na kapalaran. Tutulungan ko silang magkalapit na mag ama. Alam kong nangungulila din sa ama si Ivy. Hindi ko nga lang alam kung ano ang magiging reaksyon nya kapag nalaman nyang nahanap na sya ng ama nya. May bumabagabag din sa puso ko. Nag aalala ako. Pa’no kung.. pa’no kung sumama si Ivy sa ama nya at iwan nya ako?

Napalunok ako. Parang may kung anong nakabara sa lalamunan ko. Pero sabi naman ni mayor ay hindi nya kukunin si Ivy. Hindi ako sigurado sa itatakbo ng sitwasyon. Pero isa lang ang sinisiguro ko. Hindi ako papayag na malayo sa akin si Ivy.

“Ang bilis mo ah, wala ka pang tatlong oras. Akala ko mamaya ka pa eh.” Salubong sa akin ni Ivy pagbaba ko ng sasakyan.

Hinapit ko sya sa bewang at kinintalan ng halik sa labi. Wala pang tatlong oras na naghiwalay kami ay miss ko na sya agad.

“Kinausap lang ako ni mayor.” Sabi ko habang akbay akbay ko sya papasok ng bahay.

“Bakit daw?” Kunot noong tanong nya.

Ngumiti ako at pinisil ang baba nya. “In-extend lang nya ang leave ko dahil nalaman nyang may sugat ako.”

Nang malaman ni Mayor Rodolfo na may sugat ako ay in-extend nya ang leave ko. Siguro ginawa nya rin yun para kay Ivy.

“Mabuti naman, dapat nga talaga na wag ka mung pumasok hangga’t hindi pa naghihilom yang sugat mo.” Segunda nya.

“Sus, mamimiss mo lang ako eh.” Biro ko sa kanya.

Namula naman ang pisngi nya at bahagyang nanulis ang nguso.

“Sanay na kasi akong lagi kang kasama eh.” Sabi nya.

Napangiti ako sa narinig. Ito ang isa sa pinaka gustong gusto ko sa kanya, ang pagka honest nya. Sa tuwa ko ay pinanggigilan kong halik halikan sya sa pisngi at leeg habang hapit ko sya sa bewang. Nangigigil na naman ako sa kanya. Panay naman ang hagikgik nya.

“Jeiz tama na, baka makita tayo ni manang Sol nakakahiya.” Tumatawang sabi nya at pilit hinaharangan ng kamay ang mukha ko.

“Eh di dun tayo sa kwarto.” Bulong ko sa kanya at inamoy amoy ang leeg nya. Amoy baby.

“Alam ko na yang iniisip mo, hindi pwede.” Natatawang inirapan nya ako.

Napanguso na lang ako. Akala ko makakalusot na. Olats na naman ako.


Nilapitan ko si Ivy na abala sa pag aayos ng gamit nya sa eskwela. Next week ay papasok na sya. Naudlot naman ang plano naming pagbi-beach dahil may sugat ako. Napangiti ako dahil seryosong seryoso sya sa ginagawa. Halatang excited na sya sa pagbabalik eskwela.

Umupo ako sa kama sa tabi nya at tiningnan ko ang bag nya. Maayos na nakalagay ang catleya binder nya at isang notebook. Pati na rin ilang ballpen, marker at lapis. Tumingin sya sa akin at ngumiti.

“Excited ka ng pumasok?” Tanong ko sa kanya.

“Sobra.” Sagot nya sabay halik sa pisngi ko ng mabilis.

Napangiti naman ako at kinabig ang balikat nya at hinalikan sya sa sentido. “Habang wala pa akong pasok ako ang maghahatid sundo sayo.”

Tiningala nya ako. “Salamat Jeiz.. sa lahat lahat. Dahil sa’yo makakapag aral ulit ako. Sigurado matutuwa si mama sa kabilang buhay.”  Nakangiting sabi nya. Kitang kita sa mata nya ang pagkamiss sa ina.

“Miss mo na ang mama mo no?” Sabi ko.

Malungkot syang ngumiti. “Sobra, kung nandito lang sya malamang excited din sya sa pagbabalik eskwela ko.”

Masuyong hinaplos ko ang buhok nya. Parang nagsisisi tuloy akong binanggit ko ang mama nya. Ayokong nakikita syang malungkot.

“Eh ang papa mo, hindi mo ba sya namimiss?” Nananantya kong tanong.

Saglit syang natigilan. “Pa’no ko sya mamimiss eh hindi ko naman sya kilala, maski pangalan nya hindi ko alam.”

Bumuntong hininga ako. “Pa’no kung.. isang araw may magpakilalang papa mo sya, anong gagawin mo?”

Ilang sandali syang hindi nagsalita at tila nag iisip. “Ewan ko, siguro marami akong itatanong sa kanya. Gaya ng bakit hindi namin sya kasama ni mama, saan sya nagpunta, bakit ngayon lang sya nagpakita.”

Dama kong may hinanakit sya sa ama nya. Hindi rin naman kasi madali ang pinagdaanan nilang mag ina lalo na sya. Pero alam kong maiintindihan nya ang paliwanag ni mayor kapag nagkaharap na sila.

“Kung sakaling makilala mo na ang ama mo, sasama ka ba sa kanya kung sakaling kunin ka nya sa akin?”

Tumingin sya sa akin at kumunot ang noo. “Syempre hindi, ikaw ang asawa ko kaya dapat nasa tabi mo lang ako.”

Napangiti ako sa sinabi nya kaya niyakap ko sya. “Wag mo kong iiwan ha.” Anas ko.

Tumingala sya sa akin at pinisil ang ilong ko. “Dito lang po ako sa tabi mo mister.”

“Dapat lang dahil baka mabaliw ako kapag iniwan mo ko.” Sabi ko sabay siil ng halik sa labi nya.


chapter 34

Ivy

“Magandang hapon po Mayor Rodolfo.” Nakangiting bati ko kay Mayor Rodolfo.

“Pasok ho kayo mayor.” Aya ni Jeiz.

“Salamat Jeiz, Ivy..” Nakangiting sabi nya  at pumasok na sa loob.

Nginitian ko naman si Danilo at Allan pati na rin ang dalawang tauhan na kasama ni mayor. Nginitian din nila ako at sinaluduhan. Nagpaalam ako kay Jeiz na gagawa ng tsaa sa kusina at kukuha na rin ng meryenda.

“Napapansin ko napapadalas yata ang pagdalaw ng mayor ng San Agustin.” Untag ni manang Sol na naglalagay ng kakanin sa plato at nilagay sa tray. Ako naman ay nagtimpla ng isang tasang tsaa at limang tasang kapeng barako na galing kay lola.

“Oo nga po eh, pero sabi nya ay may pinupuntahan daw sya dito sa bayan at dumadaan muna dito sa bahay bago umuwi.” Kung hindi ako nagkakamali ay pangatlong beses ng pagdalaw ng mayor dito sa bahay. Wala namang problema dahil mabait naman ito at masarap ding kakwentuhan.

“Pero alam mo, magaling na mayor yan. Umunlad nga ang bayan ng San Agustin dahil sa kanya. Sana kagaya nya ang bagong mayor natin dito sa bayan.” Komento ni manang Sol. 

“Sana nga po manang, pero malay nyo baka matino ang bago nating mayor ngayon.”

“Sana nga.” Segunda nya.

Ang dating Vice Mayor ng bayan na ito ay sya ng Mayor ngayon. At umaasam ang lahat ng tao sa bayan na ito ng tapat na pamumuno. Salat kasi sa kaginhawaan ang karamihan sa mamamayan ng bayan ng Santa Martina at talamak pa sa krimen.

Magkatulong namin hinatid ang meryenda sa sala. Naabutan kong nagkukuwentuhan si Mayor Rodolfo at si Jeiz. Saglit silang nahinto ng dumating kami. Maingat kong nilapag ang tray na may lamang tasa ng  tsaa at kape. Nilapag ko ang isang tasa ng tsaa sa harap ni Mayor Rodolfo at kape Nan kay Jeiz.

“Salamat iha.” Nakangiting sabi ni Mayor Rodolfo at kinuha ang tasa ng tsaa. Tinawag rin nya ang apat na tauhan na nasa labas para pagkapehin at pagmeryendahin.

“Sa lunes na pala ang balik eskwela mo iha.” Untag ni Mayor Rodolfo.

Ngumiti ako sa kanya. “Opo mayor.”

“May maitutulong ba ko?” Alok nya.

“Naku salamat po, pero inasikaso na ni Jeiz lahat ng pangangailangan ko sa pag aaral.” Sabi ko.

“Ganun ba.” Aniya at matipid na ngumiti. Nakita ko pa ang pag guhit ng lungkot sa mata nya bago humigop ng tsaa.

Tumikhim si Jeiz. “Kamusta na ho pala ang pakikipagpulong nyo kay Mayor Restituto?”

Nilapag ni Mayor Rodolfo ang tsaa sa platito at hinarap si Jeiz. “Maayos naman iho, at naniniwala akong magiging maayos ang pamumuno nya sa bayang ito.”

“Mabuti naman ho kung ganun, sana ay tutukan din nya ang krimen sa bayang ito nang sa ganun ay mapanatag ang lahat ng mamamayan dito. Lalo na ako.” Ani Jeiz at tumingin pa sa akin sabay pisil sa kamay kong hawak nya.

Nginitian ko naman sya.

“Yun din naman ang sisiguraduhin ko iho, at hindi ko na hahayaan pang maulit ang bagay na yun.” Segunda ni Mayor Rodolfo. Parang may iba pang kahulugan ang sinabi nya.

Nagtagal pa ng halos dalawang oras ang mayor sa bahay. Nakipag kwentuhan lang sya sa amin ni Jeiz, mas madalas pa ngang ako ang kausap nya. Nakikipag biruan pa sya kung minsan. Parang ang gaan gaan ng loob ko habang kausap ko sya. Inaya pa nya kami ni Jeiz na pumunta sa bahay nya isa sa mga araw na ito.


“Bye Jen, kita na lang tayo bukas.” Paalam ko sa kaklase at bagong kaibigan. Kumaway naman sya sa akin at ngumiti.

Nakangiting lumapit naman ako kay Jeiz na nakapamulsang nakasandal sa sasakyan habang nakatingin sa akin. Hinapit nya ako sa bewang at hinalikan sa pisngi. Naginit naman ang pisngi ko dahil ramdam ko ang mga matang nakatingin sa amin.

“Nakakahiya Jeiz.” Sambit ko.

Ngumisi naman sya at inakbayan ako. Tumingin tingin pa sya sa paligid. “Ano naman? Asawa mo naman ako. Saka mabuti nga yun eh, para alam ng mga ka eskwela mong lalaki na hindi ka na pwedeng pormahan.” Aniya at muli akong hinalikan sa sentido.

Natatawang pinalo ko naman sya sa braso. “Halika ka na nga, baka bukas mag trending pa ko sa buong school nyan eh.” 

Natawa na lang din sya at pinagbuksan ako ng pinto. Inalalayan pa nya akong makaupo at maingat na sinara ang pinto pagkatapos ay umikot na sya sa driver seat.

Pang apat na araw ko na ngayon sa eskwela at hatid sundo talaga ako ni Jeiz. Talagang namiss ko ang pag aaral. Namiss ko ang pakikinig sa sinasabi ng prof at namiss ko ang pakikihalubilo sa mga kapwa ko estudyante.

“Jeiz daan muna tayo ng sementeryo.”

“Ok, bili muna tayo ng bulaklak.”

Huminto kami sa madadaanan naming flower shop at bumili ng isang basket mg chrysanthemum na kulay puti at dilaw. Ito kasi ang paboritong kulay ni mama pero sunflower ang paborito nyang bulaklak. Dahil wala ng sunflower kaya chrysanthemum na lang na lang ang binili namin.

Dati ay madalas kong dalawin ang puntod ni mama at nililinis ito. Naging madalang na lang noong nagtatrabaho na ako sa tindahan. Pero noong nakaraang linggo ay dinalaw ko ito para ikwentong mag aaral na ulit ako. Nangako din akong madalas ng dadalaw sa puntod nya. Naalala ko bigla ang ilang mga bulaklak na naubutan ko ng dalawin ko ang puntod nya. Puro sunflower ang bulaklak, ang iba ay sariwa pa ang iba naman ay lanta na. Palaisipan tuloy sa akin kung sino pa ang dumadalaw sa puntod ni mama. Dahil kung may dumalaw man ay bihira lang magdala ng bulaklak kung meron man ay pailan ilan lang.

Paghinto ng sasakyan sa harap ng public cemetery ay inalalayan pa akong bumaba ni Jeiz. Magkahawak kamay naming tinatahanak ang daan patungo sa puntod ni mama. Ngunit hindi pa kami nakakalapit sa puntod ay may pamilyar na pigura ng lalaki ang nakatayo sa harap nito. Pamilyar din sa akin ang dalawang lalaking kasama nya. Sina Danilo at Allan at ang lalaking natayo sa harapan ng puntod ni mama ay si mayor Rodolfo.

Napatingin ako kay Jeiz. Nakakunot ang noo nya at tumingin din sa akin. Walang nagsalita sa amin at lumapit na lang sa puntod.

“Mayor Rodolfo, ano pong ginagawa nyo dito?”

Lumingon sya sa akin. Halatang nagulat sya na makita ako, lumingon pa sya kay Jeiz na binati sya. Napansin ko naman ang isang basket ng sunflower sa tabi ng puntod.

“Kilala nyo po ang mama ko?” Kunot noong tanong ko kay Mayor Rodolfo.

Nakita ko namang napalunok sya. Tumingin sya ulit kay Jeiz.

“Babe, iwan muna kita saglit. Usap muna kayo ni mayor.” Bulong sa akin ni Jeiz.

Nagtatanong na nilingon ko sya. Pero nginitian lang nya ako at hinalikan sa sentido. Sinenyasan pa nya si Danilo at Allan. Umalis silang tatlo at naiwan kami ni Mayor Rodolfo sa harap ng puntod ni mama.

Naguguluhan naman ako sa nangyayari.

“Mayor..” Untag ko sa kanya.

Bumuntong hininga sya at humarap sa akin. “Iha, may gusto sana akong sabihin sayo.. at gusto kong sabihin ito sa harap ng puntod ng mama mo.”

“A-Ano po yun?” Nagsimula ng kumalabog ang dibdib ko.

Tumitig sya sa akin. Ilang sandaling namayani ang katahimikan. Humugot sya ng malalim na hininga.

“Ako ang papa mo iha.”

Napaawang ang labi ko sa sinabi nya kasabay ng pagbagsak sa lupa ng basket ng bulaklak na hawak ko.

“A-Ano pong sabi nyo?”

“Ako ang papa mo iha, anak kita Ivy.”

Napasinghap ako at umiling iling. Hirap akong lumunok dahil tila may kung anong nakabara sa lalamunan ko.

“K-Kung nagbibiro po kayo mayor, h-hindi po nakakatuwa.” Pinahid ko ang luhang hindi ko namalayan na tumulo na sa pisngi ko.

“Hindi ako nagbibiro iha, nagsasabi ako ng totoo.”

Tinalikuran ko sya at nagmartsa paalis habang hindi na maampat ang luha ko. Gulong gulo na ang isip ako. Ang sakit ng dibdib ko. Bakit sya biglang nagpakilalang papa ko? Ano bang nangyayari?

Nakita ko si Jeiz na kausap sila Danilo at Allan. Lumapit ako sa kanila.

“Ivy, bakit ka umiiyak?” Kunot noong tanong ni Jeiz. Hinawakan nya ako sa magkabilaang braso. Pinunasan nya ng kamay nya ang luha sa pisngi ko. Bakas ang pag alala sa mukha nya.

“U-Umuwi na tayo Jeiz..” Suminghot ako at pinunasan ang luha.

“Nagkausap na kayo ni mayor?” Tanong nya.

Muling tumulo ang luha ko. Tumingin ako sa kanya.

“Ivy..” Nataranta naman sya at hindi magkandatuto sa pagpunas sa luha ko.

“S-Sabi nya.. Sabi nya sya ang p-papa ko. A-Anak daw nya ako Jeiz..” Humihikbing sabi ko at sumubsob sa dibdib nya. Niyakap naman nya ako at hinaplos ang likod ko.

“Dahil sya talaga ang papa mo Ivy.” Aniya.

Napatingala ako sa kanya at napaawang ang labi sa sinabi nya. Tumingin sya sa akin at hinawi ang hibla ng buhok ko sa mukha.

“A-Alam mo?” Di makapaniwalang tanong ko.

Tumango naman sya at pinahid ang luha sa gilid ng mata ko. “Nagsasabi sya ng totoo Ivy, sya ang papa mo. Matagal ka na nyang hinahanap.”

Tuluyan na akong napaiyak sa sinabi nya at muling sumubsob sa dibdib nya.


chapter 35

Warning 🔞

Ivy

Mataman lang akong nakikinig sa kwento ni Mayor Rodolfo tungkol sa kanila ni mama.  Kung paano sila nagkakilala sa Manila at kung paano nagsimula ang pagiibigan nila. Kinuwento din nya kung bakit sila nagkahiwalay ni mama, dahil sa ama nya na lolo ko. Kaya din siguro hindi man lang magawang banggitin sa akin ni mama ang pangalan nya dahil sa hinanakit nito sa kanya. Hindi ko maiwasang maluha sa kwento nya tungkol kay mama dahil sobrang miss ko na si mama at marinig sa ibang tao na kinukwento sya ay talaga nga namang nakakamiss.

“Ilang beses kitang sinubukang hanapin anak, pero hindi ko alam kung saan mag uumpisa. Hanggang sa nakita kita sa bahay ni Jeiz, doon pa lang iba na ang nararamdaman ko ng makita kita. Kamukha mo ang mama mo.” Madamdaming nyang sabi.

Pinahid ko ng panyo na binigay ni Jeiz ang luha kong tumulo sa pisngi. Mabuti na lang at walang masyadong tao dito sa pwesto namin sa park. Parang nakikiayon pa ang kapaligiran sa nararamdaman ko. Tahimik at malamig ang simoy ng hangin. Nasa di kalayuan si Jeiz at ang mga tauhan.

Humugot ako ng malalim na hininga. Kahit papaano ay nabawasan ang bigat na nararamdaman ko pagkatapos ng kinuwento nya. Yun kasi ang payo ni Jeiz kanina na pakinggan ko ang paliwanag nya para masagot ang mga katanungan ko. Mapait akong ngumiti dahil buong akala ko ulila na akong lubos. Ngayon bigla bigla may ama na ako.

“Ivy anak, patawarin mo ko.”

Suminghot singhot ako at tumingala. “Kung.. Kung kasama ka namin ni mama siguro hindi kami nahirapan noong unti unti syang ginugupo ng sakit. Siguro.. hindi ako lalaking mag isa at sobrang lungkot.”

“Patawarin mo ko iha..”

Nilingon ko sya. Bakas sa kanyang mukha ang pagsisisi at labis na panghihinayang. Namumula na rin ang mata nya, nagbabantang bumagsak ang luha.

“Pwede po bang.. bigyan nyo pa ako ng panahon. Hindi ko ipagdadamot sa inyo ang pagiging ama nyo sa akin. Pero gusto kong makapag isip muna.. papa.” Tumulong muli ang luha ko sa huling sinambit ko.

Lumingon sya sa akin kasabay ng pagtulo ng luha nya. Gumuhit sa kanyang mata ang tuwa dahil sa huling salitang sinambit ko. 

“Salamat anak.. pwede ba kitang mayakap?” Naiiyak na tanong nya.

Tumango naman ako at lumapit sa kanya. Ibinuka nya ang mga braso at kinulong ako sa mga bisig nya. Niyakap nya ako ng mahigpit. Ipinikit ko naman ang mata habang lumuluha. Ang sarap sa pakiramdam ng mainit nyang yakap. Ganitong yakap ang matagal ko ng pinanabikan na maramdaman ulit. Yakap ng isang magulang..

“Let me.” Kinuha ni Jeiz ang blower sa kamay ko at sya na ang nagblower ng basa kong buhok. Hinayaan ko na lang sya. Katatapos ko lang mag shower.

Pinagmamasdan ko sya sa harap ng salamin. Seryosong seryoso ang mukha nya sa pagbo-blower ng buhok ko. Kanina habang nasa byahe kami pauwi ay tahimik lang ako pero alam kong nakikiramdam sya. Wala syang ibang ginawa kundi hawakan ang kamay ko at iparamdam na nandito lang sya sa tabi ko.

Minsan naiisip ko parang planado ng Diyos ang nangyayari sa buhay ko. Kung hindi ako binenta nila tiyang Linda at tiyong Oca sa mga sindikato ay hindi ko makikilala si Jeiz sa pagtakas ko. Hindi ako makakapagbagong buhay. Hindi ko makikilala ang papa ko. Parang si Jeiz ang naging kasangkapan Nya para maayos ang buhay ko. Para makumpleto ulit ako. Hulog talaga sa akin ng langit si Jeiz. Kaya hindi ko mapigilan ang puso kong mahalin pa sya lalo.

“Bakit?” Untag nya sa akin ng makita nya sa salamin na nakatingin ako sa kanya.

Umiling ako at ngumiti. “Wala, ang gwapo mo.” Tukso ko sa kanya.

Ngumisi naman sya at kumagat labi. Napapansin ko kapag pinupuri ko sya ganyan ang reaksyon nya.

“Pinapakilig mo na naman ako misis ko.” Aniya at pinatay na ang blower. Hinugot nya ito sa saksakan.

Humaharap ako sa kanya at yumakap sa bewang nya. Hinaplos naman nya ang buhok ko.

“Mukhang naglalambing ang misis ko ah.” Natatawang sabi nya.

Tumingala naman ako sa kanya. “Bakit, ayaw mo ba?”

Pinisil nya ang ilong ko. “Alam mong adik ako sa paglalambing mo.”

Kumagat labi ako at pilyang ngumiti. “Gusto mo ba ng higit pa sa lambing?”

Kumunot ang noo nya. Pero agad din napalitan ng pilyong ngiti.

“Parang alam ko na yan misis ko. Pero sabi mo di ba hindi muna natin gagawin yun hangga’t hindi pa naghihilom ang sugat ko.”

Mahigit isang linggo na syang nagpapagaling sa sugat nya at hilom naman na ang labas nito. Pero kailangan pa ring mag ingat. Miss na miss ko na rin kasi sya eh.

“Akong bahala.” Sabi ko sabay tayo at hinila sya papuntang kama.

Nagpatianod naman sya habang nangingiti. Tinulak ko sya paupo sa kama. Nag angat sya ng tingin sa akin. Bakas sa kanyang mata ang pagkasabik sa binabalak ko. Humawak ako sa balikat nya at yumuko sabay dampi ng halik sa labi nya na agad naman nyang tinugon.

“Anong binabalak mo ha, misis ko?” Malambing nyang tanong sabay kagat labi.

“Basta, siguradong magugustuhan mo to.” Pilyang sabi ko.

Inabot ko ang laylayan ng t-shirt nyang puti sabay hila pataas. Tinaas naman nya ang mga braso nya kaya hindi ako nahirapan. Tumambad sa akin ngayon ang mamasel nyang katawan. Kagat labing tumingin sya sa akin habang nakatukod ang dalawa nyang kamay sa kama. Hinaplos ko ang malapad nyang balikat at dibdib pababa sa kanyang malapandesal na tiyan. Lumuhod ako sa pagitan ng mga hita nya.

“Angel..” Anas nya ng hawakan ko ang garter ng shorts nya. Humahakab na ang malaking bukol sa harapan ng shorts nya.

Kagat labing tumingin ako sa kanya. Mapupungay na ang kanyang mga matang nakatunghay sa akin.

Ibinaba ko ang garter ng shorts nya. Inangat naman nya ang pangupo nya para hindi ako mahirapan. Napalunok ako ng tumambad na sa akin ang kahabaan nya. Nanginginig ang kamay na dinukot ko ito at nilabas sa short nya. Hindi ito ang unang beses na nahawakan ko ang pagkalalaki nya pero ito ang unang beses na ako ang nagkusa at ito ang unang beses na makita ko ito ng malapitan. Napalunok ako habang pinagmamasdan ito. Hindi pa sya ganun katigas pero talagang halos hindi pa rin magtagpo ang mga daliri ko. Ang sarap din sa palad ng balat nito. Nangingintab din ang ulo at parang pumipintig pa ang ugat. Kagat labing hinagod ko ito ng kamay pataas at pababa.

“Oh fuck angel..” Anas nya.

Tiningnan ko sya. Kagat kagat nya ang labi habang nakatingin pa rin sa akin.

Ngumiti ako sa kanya habang itinataas baba ang kamay sa kahabaan nya. Pinaghandaan ko talaga tong gagawin ko sa kanya. Kaya kahit hindi ako nagbabasa ng mga erotic story at nanonood ng porn ay ginawa ko para sa kanya. Gusto ko kasing paligayahin sya sa sarili kong paraan, lagi na lang kasing sya ang nagpapaligaya sa akin.

Nilapit ko ang ilong ko sa kahabaan nya. Amoy sabong panligo ito. Kaya walang pagalinlangan na nilapat ko ang labi ko sa kahabaan nya at magaang tinaniman ito ng mga halik. Naririnig ko naman ang mga munting ungol nya. Nararamdaman kong mas tumitigas pa ang kahabaan nya. Nilabas ko naman ang dila ko at inihagod dito.

“Oh shit Ivy..”

Parang mas lalo pa akong ginanahan sa ungol nya. Kaya mas pinagbuti ko pa ang pagdila sa kahabaan nya mula sa pinakaibaba pataas sa tuktok. Paulit ulit. Ginaya ko ang ginagawa ng babae sa erotic story na nabasa ko. Pinaikot ko ang dila sa ulo ng kahabaan nya.

“Ohh fuck.. ang sarap nyan Ivy..”

Napangiti naman ako sa sinabi nya. Dinila dilaan ko pa ang ulo ng kahabaan nyang nangingintab habang hinahagod ko ng kamay pataas at pababa ang kahabaan nya. Sinubo ko pa ang ulo nito at marahang sinipsip sabay dila ulit.

“Ughh nghh.” Paangil na ang ungol na namumutawi sa bibig nya. Napahawak na rin sya sa ulo ko.

Binuka ko pa ang bibig at dahan dahang sinubo ang kahabaan nya. Muntik pa akong masuka ng tumama ang ulo sa lalamunan ko.

“Shit angel.. wag mong isagad baka hindi mo kayanin.” Pinigilan nya ang ulo ko.

Kaya hindi ko na pinilit ang sarili ko. Lampas kalahati lang ng kahabaan nya ang subo subo ko. Inumpisahan ko itong ilabas masok sa bibig ko habang hinahagod ko pataas at pababa ng kamay ang kalahati nito.

“Nghh ahh fuck..”

Binilisan ko pa ang pagsubo sa kahabaan nya. Tumutulo na rin ang laway ko pero tuloy tuloy lang ako.

“Mmmhm.. ang init ng bibig mo Ivy.. ang sarap.” Usal nya.

Niluwa ko ang pagkalalaki nya para bumawi ng hininga. Pero hindi ito iniwan ng kamay kong tuloy sa pagpapala sa kahabaan nya. Yumuko si Jeiz at inangat ang mukha ko sabay siil sa akin ng magaan na halik na akin namang tinugon. Nang makabawi na ako sa paghinga ay muli kong sinubo ang pagkalalaki nya.

Panay na ang ungol nya. Bumibigat na rin ang paghinga nya at kung minsan ay gumagalaw ang balakang pasalubong sa bibig ko. Ramdam ko ring parang lumalaki sya sa bibig ko.

“Ughh shit angel stop! I’m cumming!”

Sa sinabi nya ay mas pinagigihan ko pa ang pagsubo sa kahabaan nya. Binilisan ko rin ang pagtaas baba ng kamay ko.

“Fuck Ivy stop! Ohhh!” Hinawakan nya ang ulo ko at pilit nilalayo.

Ngunit mas pinagduldulan ko pa ang pagkalalaki nya sa bibig ko. Hanggang sa naramdaman ko ang pagsirit ng mainit at malapot na likido sa bibig ko. Pero hindi ako nag abalang iluwa ito bagkus ay nilunok ko pa. Dama ko din ang paninigas ng hita nya. Nang malunok ko na lahat ng nilabas nya ay saka ko pa lang niluwa ang pagkalalaki nya.

“Shit! Did you swallow it?” Di makapaniwalang tanong nya.

Nilabas ko naman ang dila ko para ipakita sa kanya na nilunok ko nga. Napamura naman sya.

“Hindi mo dapat ginawa yun.” Aniya.

Napanguso naman ako. “Hindi mo ba gusto?”

Bumuntong hininga sya at yumuko sabay halik sa labi ko.

“Syempre gusto ko, ang sarap nga ng ginawa mo eh.” Nanghihibong sabi nya. “Pero last na yun.”

Ngumisi ako sa kanya. “Talaga?”

Saglit syang hindi nagsalita at nakatitig lang sa akin. Kumagat labi sya.

“Fuck.. Halika nga dito!”

Napatili ako ng buhatin nya ako at ihiga sa kama at daganan nya..


Bukas naman. Antok na otor nyo. Gudnyt! 😪♥️

chapter 36

Ivy

“Kuya Jeiz!” Sigaw ni Kiko na lumabas ng bahay ni lola at patakbong lumapit sa amin. Yumakap muna sya sa akin bago hinarap si Jeiz na ginulo ang buhok nya.

“Mukhang namiss mo ko ah!” Natatawang sabi ni Jeiz.

“Opo! Namiss ko kayo ni ate. Kanina ko pa nga kayo hinihintay eh.” Masiglang sabi ni Kiko.

“Huu! Pero mukhang si Jeiz lang ang namiss mo.” Kunwaring nagtatampong sabi ko.

“Hindi ah! Namiss rin po kaya kita ate.” Nanghahaba ang ngusong sabi nya.

“Talaga? O baka naman yung pasalubong namin ang namiss mo.” Sabi ko.

“Syempre kasama na rin po yun.” Malawak ang ngiting sabi nya.

Natawa naman si Jeiz at inabot sa kanya ang pinangakong pasalubong na ice cream. “O hati kayo ng ate mo ha.”

“Opo! Salamat po kuya Jeiz. Da best ka talaga!” Tuwang tuwang sabi ni Kiko.

“Sus! Nambola ka pa.” Ginulo ulit ni Jeiz ang buhok nya. Ako naman ay natatawa na lang.

“Tara na po sa loob, may bisita po si lola.” Aya ni Kiko at nagpatiuna na pabalik sa loob ng bahay bitbit ang plastic ng galon ng ice cream.

Nagtinginan naman kami ni Jeiz at sabay pa kaming sumulyap sa dalawang pamilyar na sasakyan na naabutan pa namin na nasa tapat ng bakuran ng bahay ni lola. Kumaway pa sa amin ang tatlong lalaking nakatayo sa tabi ng sasakyan.

“Pumasok na tayo sa loob.” Aya ko kay Jeiz. Hinawakan naman nya ang kamay ko at sabay na kaming pumasok sa loob ng bahay. Lumapit sa amin si Lileth ng makita nya kami. Yumakap sya sa akin at ngumiti kay Jeiz. Tinapik naman sya ng marahan sa ulo ni Jeiz.

Bahagyang napalis ang ngiti ko ng makita ko si papa na nakaupo sa mahabang kawayang sofa. May tasa ng kape na nakalapag sa kawayang lamesita sa tapat nya. Nginitian nya ako. Sa tabi naman ng pintuan ay nakaupo si Allan na may hawak din ng tasa ng kape. Sinaluduhan nya kami.

“Jeiz, Ivy nariyan na pala kayo.” Untag ni lola na lumabas ng kusina at may bitbit na bilao na may lamang nilagang saging at kamote.

Lumapit kami ni Jeiz sa kanya at nagmano.

“O hala, maupo na kayo at magmeryenda muna.”

“Salamat po la.”

Ngumiti lang sya at ikinumpas ang kamay at muling bumalik ng kusina. Sa mukha ni lola na mukhang galing sa pag iyak ay tila may alam na sya. Nilingon ko si papa na nakatingin sa akin. Tipid ko syang nginitian at lumapit sa kanya sabay mano.

Umupo ako sa pang isahang upuang kawayan. Maya maya ay lumabas ulit si lola sa kusina at umupo naman sa katabi kong upuan. Naramdaman ko ang marahang pagpisil ni Jeiz sa balikat ko. Tiningala ko sya. Nginitian nya ako at sumenyas na sa labas lang sya. Tinanguan ko lang sya.

Ngayon ay kaming tatlo na lang ang magkakaharap na naiwan sa sala. Nasa labas na si Jeiz at si Allan. Ang dalawa ko namang pinsan ay abala sa pagkain ng ice cream sa kusina.

“Apo.” Untag sa akin ni lola. Hinawakan nya ang kamay ko.

Nilingon ko sya. Ngumiti sya.

“Masaya ako nahanap mo na ang papa mo.”  Maluha luhang sabi nya at hinarap si papa.

Sinabi na pala ni papa ang lahat. Nagpakilala na syang sya ang ama ko. At mukhang tanggap naman sya ni lola. Nag alok din sya ng tulong para kay lola lalo na sa dalawang pinsan ko. Gusto nyang sagutin ang pag aaral ng mga ito. Pumayag na rin kami ni lola. Alang alang sa kinabukasan ng dalawa kong pinsan. Nang mabanggit ang tungkol kanila tiyang Linda at tiyong Oca na nakakulong ay hindi na sya nagbigay ng komento. Pero bakas sa mukha nya ang galit. Hindi rin naman humingi ng tulong si lola para maabswelto sila tiyang at tiyong dahil gusto rin ni lola ay magtanda ang dalawa at magsisi sa lahat ng mga maling nagawa.

“Ikaw apo, galit ka ba sa papa mo kasi ngayon lang sya nagpakita?” Tanong sa akin ni lola habang naghahanda kami sa pagluluto ng tanghalian. Inaya na rin nyang dito kumain si papa at mga tauhan nito. Kaya marami rami ang lulutuin namin ngayon. Gusto pa nga ni papa na magpadeliver na lang ng pagkain pero tumanggi si lola at magluluto na lang daw.

Bumuntong hininga ako. “Pasasakitin ko lang ’la ang puso ko kapag nagalit pa ako sa kanya. At saka may dahilan naman sya kung bakit hindi nya kami nakasama ni mama. Mabait naman po si papa, nakita nyo nga sasagutin pa nya ang pag aaral nila Lileth at Kiko kahit na ba may kasalanan sila tiyang at tiyong sa akin.” Sabi ko habang naghihiwa ng carrots.

Ngumiti naman si lola. “Hindi nga maikakailang mabait sya. Yun din naman ang kwento ng mama mo sa tuwing tatawag sya sa akin noon, na may kasintahan syang ubod ng bait. Nangako pa nga sya noon na dadalhin dito sa bahay para ipakilala pero hindi naman nangyari. Umuwi ang mama mo na malungkot at nagdadalang tao sa’yo noon.” Bakas ang lungkot sa boses nya.

“Eh si mama kaya, napatawad na kaya nya si papa?” Minsan kasi naiisip ko kung natutuwa kaya si mama na nakilala ko na si papa.

“Matagal na.” Sagot ni lola.

Nilingon ko sya at naghihintay ng sasabihin pa nya.

“Bago sya malagutan nang hininga noon, humiling sya na sana magtagpo kayong mag ama. Pangalan nga lang ng papa mo ang nabanggit nya noon. Kamalay malay ko ba na ang mahusay pa lang mayor ng San Agustin ang Rodolfong tinutukoy nyang papa mo.”

Ngumiti ako sa kanya. Maging ako man ay walang kamalay malay na ang taong tatlong beses ko ng kaharap ay ang ama ko na pala.

“Basta apo, wag ka ng masyadong mag isip. Sigurado naman akong masaya ang mama mo sa langit dahil nagkakilala na kayo ng papa mo. Maiksi lang ang buhay kaya dapat sulitin natin ang bawat sandali na kasama natin ang mga mahal natin sa buhay.” Payo nya.

Tama naman si lola. Wala naman akong galit kay papa. Siguro ay tampo dahil nga ang tagal naming hindi nagkita at ngayon lang nagkakilala.

Masaya naming pinagsaluhan ang masaganang pananghalian. Pinaupong manok na kinatay pa mismo ni lola ang ulam namin at pakbet. Dahil maliit lang ang lamesa sa kusina ay sa sala na kumain ang apat na tauhan. Nagkasya namin kaming anim sa lamesa. Kaming tatlo ni Jeiz at si Kiko ang nasa gitna naming dalawa sa isang mahabang bangko. Sa kabilang panig namin ay si papa, si Lileth at si lola. Maganang kumakain ang lahat na may kasamang kwentuhan at tawanan. Maging ako ay nakikisali din sa kwentuhan at biruan.

Nang matapos kami sa pagkain ay tinulungan ko si lola na magligpit. Nagpresinta naman si Jeiz na tumulong pero hindi ko sya hinayaan kaya tinulak ko na lang sya sa sala.

Ala una na ng magpasyang umuwi sila papa at mga tauhan nya. Nagpaalam na rin kaming uuwi ni Jeiz dahil dadaan pa kami ng farm. Sabado kasi ngayon at ihahatid namin ang sweldo ng mga tauhan sa farm. Pero bago yun ay kinausap ko muna si papa para magpasalamat.

“Papa, salamat po at tutulungan nyo sa pagaaral ang dalawang pinsan ko.”

Ngumiti sya at hinaplos ang pisngi ko. “Maliit na bagay lang yun anak, maging sa mga pinsan mo man lang ay makabawi ako sayo.”

Yumakap ako sa kanya. Marahan naman nyang hinagod ang likod ko.

“Pwede ba akong huminga ng pabor sayo anak?”

“Ano po yun?” Hindi ako nagabalang bumitaw ng yakap sa kanya. Ang gaan kasi ng pakiramdam ko kapag yakap ko sya. Pakiramdam ko kasi yakap ko na rin si mama.

“Baka pwede namang magbonding tayo na tayong dalawa lang, kahit isang araw lang. Matagal ko na kasing pangarap yun anak.” Bakas ang pagkasabik sa tono ng boses nya.

Kumalas ako sa yakap nya at hinawakan ang kamay nya. Ngumiti ako. “Gusto ko rin yun papa, hayan nyo po magpapaalam ako kay Jeiz tapos pagplanuhan natin kung kelan at saan.” Excited na ring sabi ko.

“Talaga? Pumapayag ka?” Di makapaniwalang tanong nya.

“Opo naman! Matagal ko na rin pong pangarap to eh. Maliit pa ako. Iniisip ko noon ano kaya ang pakiramdam ng may papa. Naiinggit nga ako sa mga kaklase at kalaro ko noon kapag nakikita kong kasama nila ang papa nila.” Natatawang sabi ko pero may kurot sa puso ko tuwing magbabalik tanaw sa pangungulila ko noon sa ama.

Ngumiti sya at muling hinaplos ang pisngi ko. “Hayaan mo anak, babawi si papa sayo. Hindi pa naman huli ang lahat. Magba-bonding tayo ng madalas kung gusto mo.”

“Sabi nyo po yan ha.”

“Oo naman. Pangako ko yan.”

Saglit na walang nagsalita sa amin habang sya ay panay ang haplos sa pisngi ko. Nakatingin sya sa akin na puno ng pagmamahal ng isang ama sa anak.

“Salamat anak at tanggap mo na ako, sana mapatawad din ako ng mama mo.” Madamdaming nyang sabi.

“Matagal na po kayong pinatawad ni mama, papa. At alam kong masaya sya kasi magkasama na tayo.”

Muli kaming nagyakapan. Natawa ako ng bineybi talk pa nya ako na para akong isang sanggol. Namiss daw nya kasing gawin sa akin yun nung baby pa ako. Eh ngayon may kahati na daw sya sa pag bi-baby sa akin, ang asawa ko, si Jeiz. Naginit na lang ang pisngi ko.


“Manang?” Tawag ko kay manang Sol. Kabababa ko lang galing kwarto dahil nagligpit ako ng nilabhang damit namin ni Jeiz. Umalis sya saglit para pumunta ng bangko. Ihahatid pa nya ako sa school mamaya. Alas dies pa naman ang pasok ko.

Wala sa kusina si manang. Pero naiwan ang chopping board at mga hihiwain nyang gulay sa counter. Nasaan kaya sya?

“Manang?” Tawag ko sa kanya baka sakaling marinig nya ako. Tumungo ako sa likod ng kusina pero wala sya doon. Napakunot ang noo ko. Hindi naman kasi ugali ni manang na umalis ng may ginagawa na hindi nagpapaalam.

Bumalik ako sa kusina at nagpalinga linga. Lumabas ako ng kusina at napansin ko naman na bahagyang bukas ang pinto ng storage room na katabi lang kusina malapit sa hagdan. Tinungo ko ito dahil baka nasa loob lang si manang at may hinahagilap.

“Manang?” Tawag ko ulit sa kanya habang papalapit sa storage room.

Tinulak ko pabukas ang pinto. Nagtaka pa ako dahil hindi bukas ng ilaw. Kinapa ko ang switch ng ilaw sa gilid ng pinto. Bumaha ang liwanag ngunit nagulantang ako ng makitang nakahandusay si manang Sol sa sahig.

“Manang!”

Agad ko syang nilapitan at niyugyog.

“Manang!”

Pero hindi sya gumigising. Tsinek ko ang katawan nya lalo na ang ulo nya dahil baka nabagok sya ng bumagsak sa sahig. Pero Wala naman syang sugat. Tsinek ko ang hininga nya. Humihinga pa naman sya at may pulso.

Tarantang dinukot ko ang cellphone sa bulsa ng suot kong pajama para tawagan si Jeiz. Pero hindi ko pa nada-dial ang numero nya ng may malakas na brasong sumakal sa leeg ko. Nanlaban ako pero hindi ako makasigaw dahil nasasakal ako. Pinilit kong lingunin ang lalaking nasa likuran ko. Nanlaki ang mata ko kasabay ng pagkalabog ng dibdib ko ng makilala ko ito.

“Kamusta? Namiss mo ba ko?” Nakangising sabi nya at mas diniinan pa ang braso sa leeg ko.


chapter 37

Jeizhiro

Kalalabas ko lang ng bangko ng tumunog ang cellphone ko. Dinukot ko ito sa bulsa. Napakunot noo ako ng makita ang pangalan ni Lorenzo sa screen ng cellphone. Hindi karaniwan na tumatawag ito ng ganitong oras. Maliban na lang kung emergency.

Pinindot ko ang screen at tinapat sa tenga ang cellphone. “Hello pare.”

“Nasaan ka pare?”

“Kalalabas ko lang ng bangko, may problema ba?” Tinungo ko na ang raptor ko at sumakay.

Narinig kong bumuntong hininga ang nasa kabilang linya.

“Nakatakas ang isang tauhan ni Ka Tano.”

“Ano? Pa’no nangyari yun?”

“Ililipat na sya sa

kapitolyo

kaninang umaga nang biglang nang agaw ng baril.   Nagpaulan sya ng bala sa labas ng presinto kanina bago tumakas.“

Saglit akong natigilan sa sinabi nya. Parang may mali. Kinutuban ako.

“Shit! Si Ivy!” Bulalas ko kasabay ng pagkalabog ng dibdib ko.

Hindi ko na hinintay pa na magsalita si Lorenzo at agad na pinatay ang cellphone sabay hagis sa passenger seat. Binuhay ko ang makina at inatras palabas ng parking lot ng bangko saka pinasibad sa kalsada. Nagbusinahan pa ang mga kasabayan kong motorista. Muli kong dinampot ang cellphone na hinagis ko sa passenger seat at dinial ang number ni Ivy. Pero ring lang ito ng ring. Makailang ulit ko pang dinial. Walang sumasagot. Kinabahan na ako ng husto. Ang tibok ng puso ko ay parang umabot na sa lalamunan ko. Napamura ako at mas binilisan pa ang pagpapatakbo kasabay ng mabilis na kalabog ng dibdib ko.

Paghinto ng raptor ko sa tapat ng gate ay kinuha ko ang baril sa dashboard compartment at dali daling bumaba. Sarado ang gate pero bahagyang bukas ang maliit na gate. Mas lalo pa akong kinutuban. Maingat akong pumasok at walang ingay. Kinasa ko ang baril at nakiramdam sa paligid. Mabilis, tahimik at maingat akong pumasok sa bahay. Kakaiba ang katahimikan sa loob ng bahay. At para sa isang tulad kong malakas ang pandama ay alam kong may nangyayaring hindi maganda.

“Hmph! Bitiwan mo ko!”

“Tumahimik ka kundi papatayin kita!”

Dinig kong komosyon sa may bandang kusina.

Ivy!

Kumalabog ng husto ang dibdib ko ng marinig ko ang mga daing nya. Dali dali kong tinungo ang kusina at naabutan kong sakal sakal ng braso ng isang lalaking nakasuot ng orange na damit si Ivy at pakaladkad na dinadala sa likod ng kusina.

“Bitiwan mo ang asawa ko!” Angil ko sa lalaki sabay tutok ng baril.

Lumingon naman sya sa akin at iniharap si Ivy na sakal sakal pa rin nya ng braso. Idiniin nya ang hawak na baril sa sentido ni Ivy. Ngumisi sya sa akin. Natigilan naman ako.

“J-Jeiz..” Mangiyak ngiyak na tawag sa akin ni Ivy habang nakahawak sa braso ng lalaki. Bakas sa kanyang mukha ang takot.

“Kamusta sarge, nagulat ka ba?” Ngising demonyong sabi ng lalaking may tattoo sa leeg. Isa sya sa nahuli naming mga tauhan noon ni Ka Tano na nakipagpalitan sa amin ng putok ng baril.

“Bitiwan mo ang asawa ko.” Madiing sabi ko. Halos manginig na ang kamay kong nakahawak sa baril dahil sa galit. Dapat pala inasinta ko na ito noon.

“Ano ko bale!” Tumawa sya at mas hinigpitan ang braso sa leeg ni Ivy na ikinaubo nito.

Napamura ako. Gusto ko nang kalabitin ang gatilyo pero natatakot ako para kay Ivy. Baka bigla ding kalabitin ng lalaki ang gatilyo ng baril nya. Fuck!

“Ano bang gusto mo?” Sinubukan kong huminahon.

“Ano pa ba? Eh di ang makaganti! Tutal naman ay mamatay lang din ako sa kulungan, eh di isasama ko na itong asawa mo nang makabawi naman ako.” Diniin nya pa ang dulo ng baril sa sentido ni Ivy.

“J-Jeiz..” Tuluyan ng naiyak sa takot si Ivy.

Napalunok ako at awang awa sa kalagayan ng asawa ko. Parang sinasakal ang puso ko. Gusto ko ng daluhungin ang lalaki pero natatakot ako. Maling galaw ko lang mapapahamak sya.

Pinilit kong magpakahinahon at hindi magpadala sa bugso ng damdamin. Tinalasan ko ang pakiramdam at inaral ang mga galaw nya. Lalo na ang mga mata nyang malikot ang galaw. Sinuri ko ang baril na hawak nya. Ang sabi ni Lorenzo kanina ay nagpaulan ito ng bala sa labas ng presinto kanina. Malamang ay naubusan na ito ng bala.

Nagpaputok ako sa gilid ng paa nya. Nagulat sya at napatili naman si Ivy.

“Tarantado ka! Gusto mo na bang mamatay tong pinakamamahal mong asawa!?” Asik nya at natataranta pang dinuldol ang baril sa luhaan nang mukha ni Ivy.

“Sige, subukan mo!” Hamon ko sa kanya.

“Talagang hinahamon mo ko ah! Talagang papatayin ko to! Hindi ako nagbibiro!” Nanlilisik ang matang sabi nya.

“J-Jeiz ack!” Daing ni Ivy.

Kaya hindi na ako nagpatumpik tumpik pa at muling pinaputukan ang gilid ng paa ng lalaki. Nataranta naman sya lalo at hindi na alam kung anong iwas ang gagawin.

“Bitiwan mo na sabi ang asawa ko kundi sa ulo mo na babaon ang susunod na bala.” Banta ko sa kanya sabay kasa ng baril at tinutok sa mismong ulo nya.

Kitang kita ko ang pagkalito at pagkataranta sa mata nya. Unti unti naman akong lumapit sa kanila.

“Bwisit!” Tinulak nya si Ivy sa harap ko sabay takbo sa pinto sa likod ng kusina.

Agad ko namang sinalo si Ivy na hawak ang ibaba ng leeg nya. Nag aalalang sinuri ko sya.

“Ayos ka lang babe?”

Tumango naman sya habang inuubo ubo. Taratang hinawi ko ang buhok nya at pinunasan ang luha nya sa pisngi. 

“May masakit pa ba sa’yo?” Sinuri ko ang katawan nya.

Umiling sya. “W-Wala.”

Niyakap ko sya at hinalik halikan sa ulo. Mabuti na lang at hindi ako nahuli. Baka ikamatay ko kapag may nangyaring masama sa kanya.

“Ser Jeiz, Ivy.”

“M-Manang!”

Bumitaw sya ng yakap sa akin at nilapitan si manang Sol na hinihilot pa ang batok. Mukhang maging sya ay nasaktan din ng lalaki.

“Ayos lang kayo manang?” Tanong ko sa kanya.

“Ayos lang ako iho, parang may pumukpok lang sa batok ko kanina.”

Bumuntong hininga naman ako. Mabuti naman at yan lang ang natamo nila.

Napatiim bagang ako. “Dito lang kayo, hahabulin ko lang yung lalaki para maibalik sa kulungan.”

“Lalaki?” Naguguluhang tanong ni manang habang hawak ang kamay ni Ivy.

“Jeiz..” Nahimigan ko naman ang pagalala sa boses nya.

“Ayos lang ako, dito muna kayo. Babalik ako.” Sabi ko at lumabas ng kusina. Sa harapang pinto ako lumabas dahil doon din naman ang ikot ng daan galing sa likod ng kusina.

“Jeiz mag iingat ka!” Pahabol na bilin ni Ivy.

Tuloy tuloy lang ako sa paglabas. Nakita kong nakabukas na ng malaki ang maliit na gate tanda na nakalabas na ang lalaki. Tinakbo ko ito at nagpalinga linga. Napansin ko naman ang mga kapitbahay kong nagkumpulan at nagbubulungbulungan. Bakas sa kanilang mukha ang pagkabahala at takot.

“Nandun sarge! Nandun yung lalaking nakapampreso at may hawak na baril.” Turo ng isang kapitbahay ko sa malawak na lote na puro damo.

“Hayun! Mukhang aakyatin ang barb wire!” Anang isa ko pang kapitbahay na matanda.

Tiningnan ko naman ang tinuturo nila. Namataan ko nga ang lalaki na malapit na sa bakod na barb wire. Kalsada na ang nasa kabila nito. Wala na akong inaksayang panahon at tinakbo ang damuhan. Lumingon sya at nang makitang papalapit na ako ay mas binilisan pa nya ang takbo palapit sa barb wire. Pero hindi nya ako basta basta matatakasan. Tinutok ko ang baril sa binti nya at pinaputukan. Dumapa sya sa lupa. Patakbo ko syang nilapitan. Gumagapang pa syang palayo sa lupa. Nang makalapit na ako ay muli ko syang pinaputukan sa gilid nya. Napatakip naman sya ng tenga at lumingon sa akin.

Nginisihan ko sya. “ Wala ka ng takas ngayon, pagbabayaran mo ang lahat ng kasalanan mo sa kulungan.“ Tuya ko sa kanya.

“P-Patayin mo na lang ako.” Daing nya habang hawak ang dumudugong binti.

Napapalatak na lang ako. Hindi ako nakaramdam ng awa sa kanya dahil sa sinabi nya. Ganyan naman talaga ang mga kriminal, mas gugustuhin pa nilang mamatay kesa pagdusahan sa kulungan ang mga kasalanan nila. Pasalamat na lang sya at hindi ako nahuli at walang natamong matinding pinsala si Ivy. Kundi tatadtarin ko sya ng bala hanggang sa magkabutas butas ang katawan nya.

Dinukot ko ang cellphone sa bulsa habang nakatutok pa rin ang baril at mata sa lalaking nakahandusay. Dinial ko ang number ni Lorenzo. Agad naman nitong sinagot ang tawag ko.

“Hello pare, pumunta ka dito malapit sa bahay ko.” Sabi ko at pinatay na ang cellphone at binalik sa bulsa.

Wala pa ngang sampung minuto ay dumating na ang sasakyan ni Lorenzo at dalawang mobile police car. Tinuro naman sila ng mga kapitbahay ko dito sa gawi namin. Nang makita nila kami ay patakbo silang lumapit sa amin.

“Pare.” Bati ni Lorenzo na may hawak na baril.

Minuwestra ko naman sa kanya ang lalaking nakahandusay sa lupa at pawisan na dahil sa kirot ng tama ng baril.

“Posasan na yan.” Utos nya sa apat na pulis na kasama na agad namang tumalima. Pinadapa nila ang lalaki at pinosasan ang kamay sa likod.

“Tinatawagan kita kanina pero hindi ka sumasagot.” Ani Lorenzo at sinuksok na ang baril sa holster.

“Pasensya na pare, kinutuban na kasi akong dito sya pupunta. Nag alala lang ako sa asawa ko. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko at mapapatay ko ng tuluyan ang lalaking yan kapag may nangyaring masama sa asawa ko.” Nangangalit ang pangang sabi ko.

“Naiintindihan ko pare, mabuti naman at  walang nangyaring masama sa asawa mo.”

“Mabuti nga talaga at hindi ako nahuli.” Sabi ko.

Sumunod na kami sa mga pulis na akay akay ang lalaki na iika ika. Agad na nilang pinasok ang lalaki sa mobile police car.

“Pa’no pare, maiwan muna kita. Dadalhin muna namin to sa hospital para magamot bago ibalik sa presinto. Tatawagan na lang kita mamaya.”

Tumango naman ako. “Bantayan nyong maigi yan baka makatakas pa.” Bilin ko sa kanya.

“Yes sarge.” Nakangising sabi nya at sumaludo pa.

Tinanaw ko na lang ang tatlong sasakyan na papalayo. Nang wala na sila sa paningin ko ay bumalik na ako sa loob ng bahay. Naabutan ko sila manang Sol at Ivy na umiinom ng tubig sa kusina. Napabuntong hininga ako. Naiisip kong kumuha na ng mga taong makakasama ng asawa ko dito sa bahay.

“Jeiz!” Lumapit sa akin si Ivy ng makita nya ako. Napalunok pa sya ng makita ang hawak kong baril. Agad ko naman itong sinuksok sa gilid ng pantalon ko. Kinabig ko sya at hinalikan sa noo.

“Ayos na kayo ni manang?” Malumanay kong tanong.

“Oo ayos na kami ni manang, eh ikaw, hindi ka ba nasaktan ng lalaking yun?” Nag aalalang sinuri pa nya ang katawan ko.

“I’m fine angel..” Anas ko at niyakap sya. Muli ko syang hinalikan sa noo. Sobra ang takot na naramdaman ko kanina habang hawak sya ng kriminal na yun.

“I love you.. hindi ko kakayanin kung may mangyaring masama sa’yo. Ikamamatay ko..”


chapter 38

Ivy

Mahigit isang linggo na ang lumipas ng mangyari ang insidenteng pangloloob ng takas sa bilangguan na tauhan ni Ka Tano.   Takot na takot talaga ako ng panahon na yun. Akala ko mamamatay na ako sa kamay ng lalaking yun. Akala ko magagaya na ako sa mga napapanood ko sa balita na bangkay na lang natagpuan ng mga mahal nila sa buhay. Wala na akong nagawa kundi ang tahimik na umiyak at magdasal. At salamat talaga at dininig ng Diyos ang dasal ko. Dumating si Jeiz at iniligtas ako. Mabuti na lang talaga at walang masamang nangyari sa amin ni manang Sol. Nahuli din naman agad ang suspek.

Ang takot ko noon ay agad ding napalis nang sabihin ni Jeiz na mahal nya ako. Hindi nga ako nakapagsalita eh. Sobrang lakas pa ng tibok ng puso ko noon. At hanggang ngayon ay parang naririnig ko pang sinasambit nya yun. Kaya minsan para akong bulating inasinan sa kilig.

Nang malaman ni papa ang nangyari ay agad syang napasugod sa bahay. Sobrang nag alala sya sa akin. Galit na galit din sya dun sa suspek. Kaya pumunta sya sa presinto at nagsampa na rin ng kaso. Sisiguraduhin daw nyang mabubulok sa kulungan ang suspek pati na ang mga kasama nito. Sa panahon na yon ay ligtas ang pakiramdam ko dahil sa dalawang lalaking promoprotekta sa akin.

Nandito ako ngayon sa tindahan. Napaaga kasi ang labas namin dahil bigla ay hindi pumasok ang prof kaya dito na ako dumiretso. Nag text na lang ako kay Jeiz na malamang ay nasa farm. Nagreply naman syang dito lang ako at wag lalayo.

“Ay grabe naman pala ang nangyari. Nakakatakot!” Bulalas ni Tina ng ikuwento ko sa kanila ang nangyari.

“Buti na lang nailigtas ka ni fafa Jeiz. Siguro mala aksyon star sya habang nililigtas ka nya.” Kinikilig pang komento ni Christy habang tinitimbang ang prutas na binili ng customer.

Parang gusto ko syang kurutin sa singit.

“Malamang kawawa ang lalaking yun, sa laking tao ba naman ni ser Jeiz.” Ani Tina.

“Sus! Kahit ako kayang kaya ko yun! Malaki lang ang katawan ng Jeiz na yun. Kahit ako kaya ko din sya.” Hirit naman ni kuya Manuel.

“Talaga? Sa pagkakatanda ko muntik ka ng ihagis ni ser Jeiz dahil niyakap mo si Ivy eh.” Nakataas ang kilay na sabi ni Tina.

Nasamid naman si kuya Manuel sa kinakain nyang dalandan. “Nagulat lang ako nun!”

“Huu! Pasulot ka pa.”

“Oy Tina, napapansin ko kanina mo pa ako binabara, may gusto ka sa akin no!” Tukso ni kuya Manuel kay Tina.

Namula naman ang mukha ng kaibigan ko. “Hoy kuya Manuel, ang kapal ng mukha mo!”

Tumingin naman sa akin si Christy at binigyan ng makahulugang tingin ang dalawang nag aasaran. Muli syang tumingin sa akin at pinagdikit ang dalawang hintuturo. Nakuha ko naman ang ibig nyang sabihin. Mukhang may something sa dalawa. Tinakpan ko na lang ang bibig ko habang nangingiting pinapanood ang dalawang nag aasaran. Wala namang masama kung magkadevelopan sila. Parehas naman silang single.

Maya maya ay dumating na si Jeiz at sinusundo na ako. Dumilim ang mukha niya ng makita si kuya Manuel. Napansin naman yun ni kuya Manuel kaya kunwaring nag angas.

“Pare, kaibigan ko na lang tong si Ivy kaya wag ka ng magselos sakin. Saka isa pa may bago na akong liligawan, itong si Tina na crush na crush ako. Kawawa naman walang nanliligaw.” Ani kuya Manuel.

“Ang kapal mo talaga kuya Manuel!” Sikmat ni Tina sabay pukpok ng arinolang may lamang barya sa ulo nito.

“Aray!” Daing ni kuya Manuel na natatawa na lang.

“Tara na?” Aya sa akin ni Jeiz na hindi na pinansin ang sinabi ni kuya Manuel. Hinawakan nya ang kamay ko.

Tumango ako sa kanya at kinuha na ang bag ko. Nagpaalam na rin ako kay Christy na abala sa pagbebenta at sa dalawang nagsasakitan na. Natatawang naiiling na lang ako. Ang sarap ding may mga kaibigan na makukulit. Nakakawala din ng stress.

Pagpasok namin sa sasakyan ay napasinghap ako ng kabigin ni Jeiz ang batok ko at siilin ako ng halik. Walang pagdadalawang isip na tinugon ko yun hanggang sa lumalim ang halikan namin. Bahagya pa kaming naghabol ng hininga ng maghiwalay ang labi namin.

Ngumiti sya. “I missed you..” Namamaos ang boses na sabi nya.

Hinawakan ko ang pisngi nya at kinintalan sya ng halik. “I missed you too din po.”

Nangingiting pinupog nya ng halik ang labi ko. Pinagkiskis pa nya ang tungki ng ilong namin.

“Tara na nga! Baka kung ano pa ang isipin nila sa atin kung bakit ang tagal umalis ng sasakyan natin.” Natatawang sabi ko.

Natawa na rin sya at humiwalay na sa akin. Kinabit ko naman ang seatbelt ko. Bumusina pa sya. Kumaway naman sa amin ang tatlo.


“Wow! Ang laki laki pala ng bahay ni tito mayor! Parang palasyo!” Manghang bulalas ni Kiko ng makababa na kami ng sasakyan. Maging si Lileth ay ganoon din ang reaksyon. Maski ako man ay napapanganga.

Sobrang laki pala ng bahay ni papa. Sa mga palabas ko lang to nakikita. Sobrang lawak din ng bakuran at maraming bantay.

“O wag kayong maglilikot ha, nakakahiya sa tito mayor nyo.” Paalala ni lola sa dalawa.

“Ma’am, pasok na po kayo. Naghihintay na po si mayor.” Untag ng isang tauhan ni papa.

Hinawakan naman ako sa kamay ni Jeiz. Samantalang si lola ay hawak sa magkabilaang kamay si Kiko at Lileth. Sabay sabay na kaming pumasok sa malaking pintuan ng mala mansion na bahay ni papa.

Araw ng linggo ngayon at inimbitahan kami ni papa dito sa bahay nya kasama si lola at dalawa kong pinsan. Pinasundo pa nya kami sa mga tauhan nya.

“Nervous?” Bulong sa akin ni Jeiz.

Nilingon ko sya at umiling. “Excited nga ako eh.” Nakangiting sabi ko.

“Good.” Anas nya at hinalikan ako sa sentido.

Pagpasok namin sa malaking sala ay may iba pang tao na hindi ko kilala. Isang matangkad at gwapong lalaki at isang magandang babae na malaki ang tiyan na parang kasing edad ko lang. Tumayo ang lalaki ng makita kami. Sumunod din ang babae na humawak pa sa braso ng lalaki.

“Jeiz pare, long time no see.” Bati ng lalaki at nakipag fist bump kay Jeiz.

“You must be Ivy, Jeizhiro’s wife and ninong’s long lost daughter. Ninong talked a lot about you.” Bati din nya sa akin.

Nahihiyang ngumiti naman ako at inabot ang nakalahad nyang kamay. “Hello po.”

“Call me Yñigo, and this is my wife Amira.” Pagpapakilala nya sa sarili at sa asawa.

“Hi, nice to meet you Ivy.” Mabait naman na ngumiti sa akin ang babae at nilahad ang kamay. Nginitian ko din sya at tinanggap ang kamay nya. Napatingin ako sa tiyan nya. Bigla bigla ay parang nakaramdam ako ng excitement.

“Kamusta pare.” Bati ni Jeiz.

Inakbayan ni Yñigo si Amira na hawak hawak ang malaking tiyan. “Heto, malapit ng manganak ang misis ko. Ninong at ninang kayong mag asawa ha.”

“Oo naman.” Sagot ni Jeiz.

“Eh kayong dalawa, wala pa ba?” Nanunuksong tanong ni Yñigo.

Inakbayan naman ako ni Jeiz at pinisil ng marahan ang balikat ko. “Wala pa, nag aaral pa ang misis ko. Pero kung ipagkakaloob na agad, e di masaya.”

Nag init naman ang pisngi ko sa sinabi nya. Sa wari pala ay gusto na rin nyang magkaanak.

“Malapit na yan.” Nakangising sabi ni Yñigo.

Naputol lang ang pag uusap ng lumabas na mula sa isang pasilyo si papa kasama si Allan at Danilo, kasama din si Mariz na ng makita ako ay tinaasan ako ng kilay. Iniwas ko na lang ang tingin sa kanya.

Lumapit sa akin si papa. Nagmano ako sa kanya at niyakap naman nya ako. Nagmano din sa kanya si Kiko at Lileth. At sya naman ay nagmano kay lola.

“Mabuti at nakarating kayo.” Masiglang sabi ni papa. Bakas sa kanyang mukha ang tuwa ng makita kami.

“Syempre naman po papa.” Nakangiting sabi ko.

“Salamat anak.” Hinaplos nya ang pisngi ko. Tinapik naman nya sa balikat si Jeiz.

“Tito mayor sobrang laki po ng bahay nyo, parang palasyo!” Bulalas naman ni Kiko.

“Hindi palasyo, mansion.” Singit naman ni Lileth.

“Parehas din yun, basta malaki.” Di patatalong sabi ni Kiko.

Nagtawanan naman kaming lahat sa munting pagtatalo ng magkapatid.

“Maupo muna kayo. Marami akong pinaluto para sa inyo. Sobrang saya ko dahil dumating na kayo.” Ani papa na halata ang excitement sa galaw.

“May ice cream po at cake tito mayor?” Hirit pa ni Kiko.

Pinisil naman ni papa ang pisngi nito. “Oo, marami. Ikaw ang mananawa.” Natatawang sabi ni papa.

“Yehey!” Tuwang tuwang sabi ni Kiko. Sinaway naman ito ni lola.

Kami naman ni Jeiz ay natatawa na lang pati na rin si Yñigo at Amira.

“Naku, pagpasensyahan mo na itong batang to Rodolfo at sadyang napakakulit.” Hinging paumanhin ni lola.

“Ayos lang ho nay, nakakamiss din ang may makulit na bata sa bahay. Sayang nga lang hindi ko nasaksihan ang paglaki nitong anak kong si Ivy. Siguro makulit din sya.” Baling sa akin ni papa. Bakas sa kanyang mga mata ang labis na panghihinayang. Nginitian ko sya.

“Naku! Sinabi mo pa. Walang kasing kulit din itong si Ivy nung maliit pa. Tumatakbo yan sa labas ng bahay kapag pinapaliguan ni Irene.” Kwento ni lola. Natawa naman si papa.

Naginit naman ang pisngi ko sa hiya. Si lola talaga kinuwento pa.

“Hindi mo yata naikuwento yun babe.” Pabulong na untag ni Jeiz sa akin.

Nakangisi sya ng lingunin ko sya. Mahinang siniko ko sya na ikinatawa nya lang.

“Mayor, handa na po ang pananghalian.” Untag ni Mariz na galing ng kusina.

“O sige, pupunta na kami.”

Tumango naman si Mariz at muling bumalik ng kusina.

“Tayo na sa komedor at ituloy na lang natin mamaya ang kwentuhan.” Aya ni papa.

Sabay sabay na kaming tumungo sa dining area. Manghang mangha pa ako dahil malaki ang dining area na may chandelier pa sa itaas. Mahaba ang lamesa na punong puno ng pagkain at prutas. Tuwang tuwa ang dalawang bata. May ilang mga kasambahay ang nakaantabay. Sa puno ng hapag kainan umupo si papa. Pinaghila naman ako ng upuan ni Jeiz sa kanang bahagi ni papa at tumabi naman sya sa akin. Sa tabi nya ay si lola, Kiko at Lileth. Sa kaliwang bahagi naman ni papa ay si Yñigo, Amira at Mariz.

Masagana at masaya ang pananghalian namin. Parang kagaya sa bahay ni lola. Puno ng kwentuhan at tawanan. Ito ang pamilya na matagal ko ng pangarap noon. Sayang nga lang at wala na si mama. Gayunpaman ay alam kong binabantayan nya kami at masaya sya sa amin.

Jeizhiro

“Iho, gusto ko sanang baguhin ang apelyido ni Ivy, gusto kong dalhin nya ang apelyido ko. Nakausap ko na si nay Mila tungkol dito at wala namang pagtutol sa kanya. Si Ivy na lang sasabihan ko.” Hayag sa akin ni Mayor Rodolfo.

Mula sa pag tanaw sa madilim na kabundukan sa harap ng balcony ng second floor ay nilingon ko sya. “Nasa sa inyo ho yun mayor. Wala naman ho akong tutol dun.” Sabi ko at nilagok ang basong may lamang whiskey.

“Salamat iho, bakit kaya hindi mo pakasalan ulit ang anak ko kapag nakapag palit na sya ng apelyido, this time sa simbahan naman.”

Ngumiti ako sa kanya. “Pinagpaplanuhan ko na ho yan mayor.”

Nitong mga nakaraang araw ay sumasagi na sa isip ko na pakasalan si Ivy sa simbahan. Bagama’t kasal na kami sa huwes ay iba pa rin ang makasal sa simbahan at may basbas ng nasa itaas.

Tinapik nya ako sa balikat at ngumiti. “Papa na lang ang itawag mo sa akin iho, tutal anak na rin kita dahil asawa ka ng unica hija.”

Napakamot naman ako sa ulo. “Hindi ho yata ako sanay mayor.” Nangingiting sabi ko.

“Pwes, masanay ka na.” Maawtoridad na sabi nya.

“Sige ho papa.”

Tinapik nya ako ulit sa balikat at nagkatawanan na lang kami..

Pagkatapos ng paguusap namin ni mayor – este papa ay bumaba na ako ng ikalawang palapag para puntahan na si Ivy at sila lola Mila. Uuwi na kami bago pa lumalim ang gabi. Gustuhin man naming dito na magpalipas ng gabi ay hindi pwede dahil may pasok pa sila sa ekwela bukas. Kaya siguro next weekend na lang. Sa sabado na lang ulit kami pupunta para pwedeng mag overnight.

Hindi ko nakita sa sala sila Ivy. Si Yñigo at si Amira ay kanina pa umalis dahil bawal daw mahamugan ang buntis. Nakarinig ako ng ingay sa kusina. Mukhang nagkakasiyahan sila doon.

“Jeiz.”

Bago pa ako pumasok sa kusina ay may humila sa braso ko.

“Mariz.” Kunot noong hinarap ko sya.

Nandito pa pala sya. Akala ko nakauwi na. Mapupungay ang mga matang tumingin sya sa akin.

“Jeiz hindi ko na kaya!” Bigla syang yumakap sa akin. Nagulat naman ako. Naamoy ko ang alak sa hininga nya.

“Mariz, bitiwan mo ko. Nasa kusina lang ang asawa ko.” Binaklas ko ang mga kamay nyang nakapulupot sa akin.

“Wala akong pakialam! Nauna naman ako sa kanya eh. Kung hindi sya dumating, eh di sana tayo na.”

“Ano bang pinagsasabi mo? Nakainom ka.” Paangil nang sabi ko at pilit na nilalayo ang kamay nyang  pilit akong hinahawakan.

“Alam mo bang selos na selos ako, nasasaktan ako Jeiz. Gusto kita. Gustong gusto kita alam mo yan.”

Hinila ko sya palayo sa kusina dahil baka biglang lumabas si Ivy at kung sinoman ay baka kung ano pa ang isipin.

“Hindi kita gusto at kaibigan lang ang turing ko sayo ok. May asawa na ako at mahal na mahal ko sya.” Pagpapaintindi ko sa kanya.

Umiling iling naman sya at ngumisi. “Nasasabi mo lang yan dahil hindi mo pa ako nasusubukan.” Binawi nya ang braso nyang hawak ko sabay kabig sa batok ko. Mabilis ko namang naiiwas ang mukha kaya dumikit lang ang labi nya sa panga ko. Napamura pa ako.

“Jeiz!”

Naitulak ko si Mariz na napasalampak sa marmol na sahig.

“Babe..” Tawag ko kay Ivy na matalim ang tingin sa akin at kay Mariz.

“It’s not what you think angel.”


Malapit na ang ending 😗

chapter 39

Ivy

Parang nagdilim ang paningin ko ng maabutan ko ang hindi kaaya ayang tagpo na yun. Halos nakalambitin ang secretary ni papa na si Mariz sa batok ni Jeiz at nakalapat ang labi sa panga nito.

“Jeiz!” Galit na sigaw ko sa pangalan ng asawa ko.

Para syang binuhusan ng malamig na tubig  ng makita ako at itinulak si Mariz. Napasalampak ang babae sa sahig.

“Babe..”

Matalim ko syang tiningnan at si Mariz. Parang may kamaong sumasakal sa puso ko.

“It’s not what you think angel.” Napapalunok na sabi nya. Humakbang sya palapit sa akin pero niyakap sya sa bewang ng nakatayo ng si Mariz.

“Ano ba Mariz! Bitiwan mo nga ako!” Binaklas nya ang mga braso ni Mariz pero bumabalik lang ito.

Hindi na ako nakatiis at lumapit sa kanilang dalawa. Tinulak ko si Mariz para mahiwalay kay Jeiz.

“Bitiwan mo ang asawa ko.” Singhal ko sa kanya. Nang mahiwalay sya ay hinila ko si Jeiz at hinarang ang katawan sa kanya. Mukhang nakainom sya dahil naaamoy ko ang alak sa hininga nya.

“Ivy.” Tawag sa akin ni Jeiz at hinawakan ako sa balikat. Pumiksi ako sa hawak nya at matalim syang inirapan. Naiinis ako sa kanya. Napalunok naman sya.

Hinarap ko ulit si Mariz na matalim ng nakatingin sa akin ngayon. “Bakit ka ba nangingialam?” Pasigaw nyang sabi sa akin.

“Nangingialam ako dahil asawa ko ang hinahalikan at niyayakap mo.” Pasigaw ko ding sagot sa kanya.

Hindi ko ugaling pumatol. Pero nagagalit ako at nagseselos. Ngayon lang ako nakaramdam ng ganito at masakit sa dibdib. Selos na selos ako ng makita kong hinahalikan nya at niyayakap si Jeiz. Ang usapan, ako lang ang babaeng yayakap at hahalik sa kanya.

Ngumisi si Mariz. Mapupungay ang mga mata nya. “Feel na feel mo naman ang pagiging asawa ni Jeiz. Hoy, hindi ka nababagay kay Jeiz. Ano bang alam mo eh ang bata bata mo pa? Siguro nilandi mo si Jeiz kaya pinatulan ka. Ang galing mo rin ano. Tapos ngayon feeling prinsesa ka na dahil anak ka na ni mayor. O baka naman ginogoyo mo lang si mayor.”

“Enough Mariz!” Singhal ni Jeiz.

“Anong karapatan mong pagsalitaan ng ganyan ang anak ko?” Anang dumadagundong na boses.

Sabay sabay kaming napalingon sa taas ng hagdan. Galit ang mukha ni papa na pababa ng hagdan kasunod sila Allan at Danilo.

“M-Mayor.” Tila naman nawala ang tama ng alak kay Mariz ng makita si papa.

“Bakit mo pinagsasalitaan ng ganyan ang anak ko Mariz?” Nagtitimping tanong ni mayor. Matalim ang tingin nya kay Mariz.

Napalunok ako. Ngayon ko lang nakitang nagalit si papa.

“Eh k-kasi mayor, concern lang naman po ako. Baka mamaya ginogoyo lang kayo ng babaeng to. B-Baka mamaya myembro pala sya ng sindikato at pinlano nila na maging asawa sya ni Jeiz tapos kilalanin nyo syang anak para mahuthutan kayo – “

“What the hell are you talking about!” Galit ng sigaw ni papa. “Wala kang karapatan na paratangan ng kung ano ano ang anak ko at hindi ako tanga! Naka drugs ka ba?”

“M-Mayor hindi po ako nagda-drugs.” Nahihintakutang sabi ni Mariz.

“Mayor nakainom ho yan.” Sabi ni Danilo.

Namaywang si papa at bumuntong hininga. “Umiinom ka dito sa pamamahay ko? Aba’y sumusobra ka na yata? Tapos pagsasabihan mo pa ng kung ano ano ang anak ko.”

“M-Mayor – “

Tinuro ni papa ang pinto. “Umuwi ka na Mariz, and you’re fired!”

“N-No mayor, k-kailangan ko po ng trabaho. Wag nyo po akong tanggalin.” Natataranta at halos magmakaawang sabi ni Mariz.

“Sana naisip mo yan bago ka gumawa ng maling hakbang.”

“M-Mayor please po.”

“Allan, ipahatid mo yan sa isa tauhan.” Utos ni papa.

“Yes mayor.” Tumalima naman si Allan at hinawakan na sa braso si Mariz na mangiyak ngiyak na.

Bahagya naman akong nakaramdam ng awa. Walang gustong mawalan ng trabaho lalo na sa hirap ng buhay ngayon. Kaya lang mali ang ginawa nya eh.

“Ayos ka lang anak?” Untag sa akin ni papa ng lapitan ako. Hinawakan pa nya ang mukha ko. “Hindi ka ba sinaktan ni Mariz?”

Umiling ako. “Hindi po papa.”

Bumuntong hininga sya. “Mabuti naman, hindi ko sya mapapatawad kung sinaktan ka nya. Wag mo na lang isipin ng mga sinabi nya ha.”

Ngumiti ako sa kanya. “Hindi naman po ako nasaktan sa sinabi nya dahil wala naman pong katotohanan yun. Naiinis lang ako dahil nahuli kong hinahalikan at niyayakap nya si Jeiz.” Nawala ang ngiti ko sa huling sinabi ko.

Natigilan naman si papa at tumingin kay Jeiz.

Narinig ko ang pagbuntong hininga ni Jeiz sa likuran ko. “Umiwas ako ng tangkang hahalikan nya ako babe, kaya sa panga ko lang lumapat ang labi nya.” Paliwanag nya.

Napanguso ako. Nakita ko naman yun. Pero naiinis pa rin ako.

Napansin ko naman ang sinusupil na ngiti ni papa. Nagiwas ako ng tingin. Dun ko lang din napansin na nasa entrada na pala ng kusina si lola at ang dalawa kong pinsan na may dala pang tig isang tasa na may lamang ice cream. Nakatingin sila sa amin. Kita ko sa mata ni lola ang pagalala.

Nagpaalam na kaming umuwi kay papa at hinatid nya naman kami sa sasakyan. May kasama pa kaming isang sasakyan kung saan doon nakasakay si lola at dalawa kong pinsan. Tahimik lang ako sa buong byahe habang nakahalukipkip at nakatingin sa labas ng bintana. Si Jeiz naman ay panay ang sulyap sa akin at buntong hininga. Pero hindi ko sya nililingon. Wala naman syang kasalanan pero di ko mapigilang mainis.

Hinatid muna namin sila lola sa bahay nila. Nakatulog na nga si Kiko sa byahe at binuhat na lang ni Jeiz.

Pagkauwi naman namin sa bahay ay hindi ko pa rin sya pinapansin. Dire diretso lang ako paakyat sa kwarto namin. Kumuha ako ng isang set na pajama at pumasok sa banyo. Paglabas ko ay naabutan kong nakaupo si Jeiz sa kama. Nag angat sya ng tingin sa akin. Nag iwas ako ng tingin at umupo sa vanity mirror para magsuklay. Sya naman ang pumasok sa banyo. Paglabas nya ay nakatapis lang sya ng tuwalya habang pinunasan ng isa pang tuwalya ang basang buhok. Hindi ko naman maiwasang pagmasdan ang katawan nya sa salamin habang mabagal na nagsusuklay. May ilang butil pa ng tubig ang tumutulo sa katawan nya. Ilang beses ko ng nakita ang katawan nya pero sa tuwina ay namamangha pa rin ako. Bakas sa kanyang maganda at mamasel na katawan ang disiplina sa sarili. Dumako ang mata ko sa harapan ng tuwalya. Naginit ang mukha ko ng makita ang malaking bakat doon ng pagkalalaki nya. Bigla akong nagiwas ng tingin ng makita kong nakatingin sya sa akin sa salamin. Nilapag ko ang suklay at tumayo na. Dumiretso ako sa kama at humiga. Pumaloob ako sa kumot. Nakita ko sa gilid ng mata na pumasok sya sa walk in closet at paglabas ay nakaboxer short na sya. Tumalikod ako ng higa. Ilang sandali pa ay naramdaman ko nang lumundo ang kama at pumasok na rin sya sa kumot. Naririnig ko ang malalalim nyang paghinga. Damang dama ko din ang mainit nyang tingin sa likod ko.

“Babe..” Malambing nyang tawag sa akin.

Ngumuso ako at inikot ang mata.

Maya maya ay naramdaman kong dumikit na sya sa akin. Damang dama ko ang init ng katawan nya at init ng hininga sa batok ko. Nagtaasan ang balahibo ko sa katawan. Napalunok ako at napakagat labi.

Hinawakan nya ang braso ko at hinaplos haplos kasabay ng mga mumunti nyang halik sa buhok ko. 

“Pansinin mo naman ako misis ko..” Bulong nya sa namamaos na boses sabay halik at amoy sa batok ko.

Napapikit ako at mariing kinagat ang labi para supilin ang pagalpas ng munting ungol sa aking bibig.

“Wag ka ng magalit sa akin please..” Lambing pa nya sa akin at tuluyan na akong niyakap. Sumubsob pa sya sa batok ko.

Parang unti unti namang natutunaw ang inis na nararamdaman ko. Hindi naman talaga ako dapat mainis sa kanya dahil wala naman syang kasalanan. Kaya lang kasi, sa tuwing naalala kong hinalikan sya sa panga at niyakap ni Mariz ay talagang nakakainis.

Bumuntong hininga ako at tumihaya ng higa. Tumingin naman sya sa akin. Mapupungay ang kanyang mga mata. Ang lapit ng mukha nya kaya naamoy ko ang mabangong hininga nya.

Inirapan ko sya. “Hindi naman ako galit sayo. Naiinis lang.” Sabi ko sabay nguso.

“I’m sorry..” Anas nya sabay hawi sa buhok ko.

“Bakit ka nagsosorry?”

Bumuntong hininga sya. “Sorry kasi naiinis ka sa akin.”

Kinagat ko ang loob ng labi ko at bumuntong hininga.

“Sorry din kung naiinis ako, nagseselos ako eh.” Mahinang sabi ko pero alam kong narinig nya.

“Nagseselos ka?” Tila hindi makapaniwalang tanong nya. Unti unti ding sumilay ang ngiti sa labi nya.

“Ano ba sa tingin mo kung bakit ako naiinis? Nagseselos ako kasi hinalikan ka sa panga at niyakap ni Mariz. Usapan natin ako lang ang babaeng hahalik at yayakap sayo gaya ng ikaw lang ang lalaking hahalik at yayakap sa akin – mph!”

Naputol ang sasabihin ko ng halikan nya ako ng madiin. Napahawak ako sa balikat nya ng laliman pa nya ang halik.

“Wala kang dapat ipagselos Ivy.. Ikaw lang ang babaeng gustong gusto ko, ikaw lang ang babaeng mahal na mahal ko..” Anas nya habang titig na titig sa akin at banayad hinahaplos ang pisngi ko.

Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Ang lakas din ng kalabog nito na parang gusto ng kumawala. Inabot ko din ang pisngi nya at hinaplos. Masarap sa palad ang magaspang nyang pisngi dahil sa balbas.

“Mahal din kita Jeiz, mahal na mahal..” Sambit ko.

Sandaling nakatitig lang sya sa akin at kumagat labi. Pumikit sya at pinaling ang mukha. Hinawakan nya ang kamay kong nasa pisngi nya at hinalik halikan ito.

“Thank you angel.. Thank you for loving me..” Bumaba ang mukha nya at muli akong siniil ng halik na akin namang tinugon.

Iniyakap ko ang mga braso sa batok nya habang mapusok ding tinutugugon ang halik nya. Naging malikot na rin ang mga kamay namin hanggang sa unti unting naalis ang mga saplot ko sa katawan..


END

Warning 🔞

Jeizhiro

“Ohh Jeiz ahh!”

Parang musika sa tenga ko ang bawat ungol ni Ivy. Mas lalo pa akong nagiinit at ginaganahan. Hinalikan ko sya habang mabilis na umuulos sa loob nya. Madiin at sagad ang bawat baon ko. Humahabol pa ang katawan nya sa tuwing huhugutin ko. Mayamaya ay nanigas na ang katawan nya at sumikip ang kalooban nya na syang kinaungol ko. Nang matapos sya ay pinagpalit ko ang posisyon namin. Sya naman ngayon ang nasa ibabaw ko.

“Move babe..” Malambing kong utos sa kanya at humawak sa dalawang hita niya.

Humawak sya sa braso ko at nagumpisa ng gumalaw. Mabagal sa una hanggang sa bumilis na.

“Ohh shit angel.. mmm faster babe!” Ungol ko at mahigpit na humawak sa balakang nya.

“Nghh J-Jeiz! Hmph! Hmph! Hmph!”

Napapamura ako at napapakagat labi sa sarap. Ito ang paborito kong posisyon naming dalawa. Ibang sarap ang hatid sa akin kapag sya ang nasa ibabaw at gumagalaw. Nakakaakit pa ang hitsura nya habang senswal na gumagalaw.

Hinawi ko ang alon alon nyang buhok na tinatakpan ang malulusog nyang mga suso. Napadila ako habang pinagmamasdan itong umaalog. Parang ang sarap ikulong sa bibig ang mapusyaw na kulay tsokolateng utong nya. Sinapo ko ito ng dalawang kamay at minasahe. Ang sarap sa palad ng kalambutan nito.

Napamura pa ako ng lumiyad sya ng kaunti at itukod ang mga kamay sa hita ko. Senswal nyang ginigiling ang balakang. Ang masikip nyang lagusan ay mas lalo pang sumisikip. Iniipit ng husto ang pagkalalaki ko. Kapag nagtuloy tuloy pa sya ay malamang lalabasan na ako anumang sandali. Bumangon ako sa pagkakahiga at hinapit sya sa bewang. Tuloy sya sa paggiling habang kagat kagat ang labi at impit na umuungol.

“Unghh sige pa Ivy..” Usal ko sa kanya.

Tumingin sya sa akin at yumakap sa batok ko. Bakas ang sarap sa mga mata nya. “Hmm.. ang sarap Jeiz..”

Napangiti ako at sumubsob sa leeg nya. “I know.. ang sarap mo din mahal ko..”

“Nghhh..” Mas naging magaslaw pa sya sa paggalaw. Ngayon ay nagtataas baba na sya sa kandungan ko.

“That’s right angel ughh!.. Bilisan mo pa!”

Tumalima naman sya sa sinabi ko. Malakas akong napaungol mahigpit na humawak sa bewang nya. Para na akong mawawalan ng ulirat sa sarap. Sumubsob ako sa mga suso nya at sinakop ng bibig ang isa. Napaungol naman sya at yumakap sa ulo ko.

“Ohh Jeiz! Ahh! Ahh! Ahmmm!”

Hawak ang maliit nyang bewang ay tinulungan ko syang magtaas baba sa kandungan ko. Tumutunog ang bawat salpukan ng mga balat namin. Nakakadarang ang init at kasikipan nya. Nakakabaliw.

“Ohh fuck angel! Bilisan mo pa malapit na ako!”

“Nghhh Jeiz! Hayan na naman ako! Ahh!”

Mas binilisan pa nya ang pagtaas baba at mas lalo pa syang sumikip. Sakal na sakal na ang pagkalalaki ko sa loob nya.

“Ughh fuck! I’m cumming! Let’s cum together angel! Ughh! Ahhh!”

“Ughhh Jeizzzz!”

Mahigpit syang yumakap sa akin kasabay ng panginginig ng katawan nya. Niyakap ko rin sya ng mahigpit habang naninigas ang katawan ko kasabay ng pagputok ng punla ko sa loob nya. Nagsalubong ang mga labi namin at pinagsaluhan namin ang matamis na halik.

Bahagya pa kaming naghahabol ng hininga ng maghiwalay ang mga labi namin.

“I love you..” Anas ko.

“I love you too..” Sambit nya.

Napangiti ako sa tuwa at muli syang hinalikan ng magaan, masuyo at puno ng pagmamahal.

“Marry me again angel..”

Nilayo nya ng kaunti ang mukha at tumingin sa akin. Napakagat labi naman ako ng makitang bahagyang namumula at nangingintab ang labi nya dahil sa halikan namin.

“Kasal na tayo di ba?”

Tumingin ako sa mata nya. Hinawi ko ang buhok nya. “Gusto kitang pakasalan sa simbahan.”

Sya naman ngayon ang kumagat labi. Sandali syang nakatitig lang sa akin at mayamaya ay yumakap sa batok ko.

“Oo, magpapakasal ako sa’yo simbahan. Mahal na mahal kita Jeiz.. ikaw lang ang lalaking gusto kong pakasalan at makasama habang buhay..”

Hindi ko naman mapigilang maluha sa sinabi nya. Niyakap ko sya ng mahigpit at sumubsob sa leeg nya kasabay ng malakas na tibok ng puso ko. Sya lang naman ang nakakapagpatibok ng puso ko ng ganito.

“Mahal na mahal din kita Ivy..” Bulong ko sa kanya.

Kumalas sya sa pagkakayakap sa akin at kinulong ang mukha ko sa mga malambot nyang kamay. Bumaba ang mukha nya at siniil ako ng halik na agad ko namang tinugon. Hiniga ko sya at muli ay inangkin ng paulit ulit..

Kasal

Would you dance, if I ask you to dance

Would you run, and never look back

Would you cry, if you saw me

cryin

And would you save my soul tonight

Pinunasan ko ang luhang nagbabantang pumatak sa gilid ng mata ko at ngumiti habang pinagmamasdan si Ivy na parang anghel na bumaba sa lupa suot ang puting puti nyang traje de boda. Mabagal syang naglalakad akay ni papa Rodolfo palapit dito sa altar kung saan ako naghihintay. Sa likod ng belo nya ay alam kong nakatingin sya sa akin at nakangiti. Hindi na ako makapaghintay na mahawakan sya at sabay kaming manumpa sa Kanya.

I can be your hero baby

I can kiss away the pain

I will stand by you forever

You can take my breath away

Tuluyan na ngang pumatak ang luha ko sa pisngi at mabilis itong pinahid. Ngumiti naman si papa Rodolfo at tinapik ako sa balikat sabay abot sa akin ng kamay ni Ivy na agad ko namang tinanggap. Banaag ko sa likod ng puting belo ang matamis nyang ngiti. Parang bigla ay naging amin lang ang mundo. Wala na akong naririnig at nakikita sa paligid ko kundi sya lang. Ayokong ialis ang mga mata ko sa kanya. Nagitla lang ako ng maramdaman ang pagtapik sa balikat ko ni Lorenzo na syang bestman ko.

“Para kang namatanda sarge umayos ka nga, nandyan na si father.” Untag nya sa akin.

Saka lang ako nakabalik sa huwisyo. Nakita ko na lang ang likod ni Lorenzo na umupo na sa upuan katabi ang mga kaibigan kong mga nakangisi sa akin. Napakamot na lang ako sa kilay. Narinig ko naman ang mahinhin na tawa ni Ivy.

“Simulan na natin ang seremonya..” Hayag ni father.

Sa buong durasyon ng misa ay nakatingin lang ako Kanya at taimtim na nagdarasal habang hawak ko ang kamay ng babaeng pinapangarap ko lang noon na ngayon ay kasama ko ng humaharap sa kanya. Hindi ako paladasal, pero para sa babaeng pinakamamahal ko handa akong araw araw magdasal. Na sana ay lagi syang ligtas at hindi sya magsawang mahalin ako. Ang tanging hiling ko lang para sa sarili ko ay bigyan pa ako ng malusog na pangangatawan at mahabang buhay. Gusto kong makasama si Ivy hanggang sa pagtanda naming dalawa. Hanggang sa parehas ng pumuti ang buhok at uugod ugod na..

“Bilang tanda ng ating pagtanggap sa mga bagong kasal, pasalubungan po natin sila ng masigabong palakpakan.” Hayag ni father sa pagtatapos ng seremonya.

Sumigabo ang palakpakan sa loob ng malaking simbahan. May ilan pang sumisipol.

Nagkatinginan kami ni Ivy at parehong may masayang ngiti sa labi. Hinaplos ko ang malambot nyang pisngi at muling naglapat ang aming mga labi. Mas lalo pang lumakas ang palakpakan na may kasama ng hiyawan at tuksuhan.

“I love you angel..”

“I love you too..”

At muling naglapat ang mga labi namin. Tila nawalan na kami ng pakialam sa paligid..

“Congratulations pare!”

“Congratulations sa inyo Ivy.”

Bati sa amin ng mag asawang Alejos na Yñigo at Amira. Buhat buhat ni Yñigo sa magkabilaang braso ang anim na buwang gulang na kambal nilang anak.

“Salamat pare.” Nakangiting tinanggap ko ang nakalahad na kamay ni Yñigo.

“Thank you Amira. Mukhang naiirita na ang kambal.” Natatawang sabi naman ni Ivy.

“Naiirita na nga dahil kanina pa sila pinanggigilan ng mga bisita.” Ani Amira. Nagkatawanan kami.

Ang ku-cute din naman kasi ng kambal nila. Di bale pasa-saan ba at magkakaroon din kami ng ganyang kaku-cute na anak. Wala pa man ay sobrang excited na ako.

“Ipinagkakatiwala ko sa’yo ang unica hija ko iho, alam kong higit na maalagaan mo sya.” Ani papa Rodolfo na maluha luhang yakap si Ivy.

“Makakaasa po kayo papa.” Nakangiting sabi ko.

Bumaling naman ako kay lola Mila na maluha luha din. Nagmano ako sa kanya. Ngumiti sya at hinaplos ang kamay ko. Wala mang namutawing salita sa bibig nya ay alam ko ang nais nyang ipahiwatig. Lumapit naman sa akin si Kiko at Lileth at niyakap ako. Wala man ang mga magulang ko sa napakahalagang araw na ito ay ramdam kong nandyan pa rin sila. Habang pinagmamasdan ko ang asawa ko, si papa Rodolfo, si lola Mila at itong dalawang makulit ay kumpleto na ako. Sila na ang pamilya ko.

Marami pa ang bumati sa amin. Mga kasamahan ko sa trabaho sa munisipyo. Ilang kamag anak ko na malapit sa akin. Mga kaibigan at kaklase ni Ivy sa school.

“Congratulations ser Jeiz, Ivy!” Halos makapanabay na bati ni Tina at Christy. Niyakap sila ni Ivy. Ako naman ay nginitian at kinamayan sila.

“Congrats pare!” Nakangising bati naman ni Manuel sabay lahad ng palad. Nakangising tinaggap ko naman ito. Wala na akong dapat alalahanin sa kanya dahil bukod sa taling tali na sa akin si Ivy ay nobya na rin nya si Tina. Mabuti naman.

Sumunod namang bumati ang mga kaibigan ko na pawang mga nakangisi.

“Congrats pare! Kababalik ko lang ng Italy kasal mo agad ang bumungad sa akin.” Nakangising bati ni Luigi na kauuwi lang kagabi galing Italy.

Tinanggap ko ang nakalahad na kamay nya at tinapik sya sa braso. “Welcome back to the Philippines pare. Kung hindi pa ako ikakasal hindi ka pa babalik.” Nakangisi ding sabi ko.

“Hindi ko pwedeng palampasin to. Gusto ko ring makilala ang babaeng nakasilo sayo.” Tiningnan nya si Ivy na nasa likuran ko lang at kausap ang ilang bisita.

Pinaling naman ni Lorenzo ang mukha ni Luigi. “O wag mong pakatitigan ang asawa ni Jeiz baka bigla kang barilin nyan.”

Tinabig naman ni Luigi ang kamay nito. “Hindi ko pa nga natitigang maigi eh.”

“Sus, kanina ka pa nga titig na titig sa kanya sa simbahan eh. Panay sabi mo pa nga na ang swerte ni Jeiz at nakakainggit dahil bata at maganda ang napangasawa niya.” Hirit ni Atlas na tila nagsusumbong sa akin.

Sinamaan ko ng tingin si Luigi. Ito ang kinakatakutan ko eh. Kaya minsan nagdadalawang isip akong ipakilala si Ivy sa mga ito. Baka mag ka-crush pa sila sa kanya. Pagdating pa naman kay Ivy hindi ko maiwasang maging mapang angkin.

“The fuck? Masama na ba ang magbigay ng saloobin?” Hirit pa ni Luigi na hindi man lang natinag sa matalim kong tingin.

“Wag kang magmura nasa labas pa tayo ng simbahan.” Saway ni Matias sa kanya.

“Oops sorry! Kayo kasi eh pinagtutulungan nyo ko.” Angal pa nya.

“Magsitigil na nga kayo, para kayong mga bata. Hayan na ang asawa ni Jeiz.” Saway ni Kester sa kanila.

Nilingon ko naman si Ivy na nasa tabi ko na pala at humawak sa braso ko. Kinuha ko ang kamay nya at nginitian sya. Ngumiti din sya sa akin bago binalingan ang mga kaibigan ko.

Para namang namatanda ang tatlo habang nakatingin kay Ivy.

“H-Hi.” Nahihiyang bati ni Ivy sa kanila. Kilala na nya ang dalawa, itong tatlo na lang ang hindi pa.

“Hello.” Halos makapanabay na bati ng tatlo sabay ngisi at isa isang nagpakilala.


A few months later..

Magkaharap kami ngayon ni Ivy sa kama habang nakaupo. Katatapos ko lang mag shower at kasalukuyang tinutuyo ang buhok ko ng maliit na tuwalya.

Inaya ko nga sya kanina na sumabay sa akin ay tumanggi naman sya. May gagawin daw sya. Kaya nakasimangot tuloy akong nag shower mag isa. Paglabas ko ay naabutan ko syang nakaupo sa kama at may kung anong tinatago sa kamay. Tinawag nya ako at pinaupo sa kama. Ngiting ngiti pa sya.

“You need something?” Tanong ko sa kanya habang tinutuyo ang buhok.

“Akin na kamay mo.” Sa halip ay sabi nya.

Napakunot noo naman ako at tiningnan sya. Sinampay ko sa batok ko ang maliit na tuwalya.

“Akin na yung kamay mo.” Ulit nya.

Inabot ko naman sa kanya ang kamay ko. Napapaisip tuloy ako kung ano ang nasa isip nya.

“Ilahad mo, ibuka mo palad mo.” Utos nya.

Ginawa ko naman at amuse na tiningnan sya.

Kumagat labi sya at may nilapag sa kamay  ko.

Kunot noong tiningnan ko ito. Isa itong mahabang bagay na kulay puti at sa dulong parte ay kulay blue. Sa gitna ay may dalawang guhit na kulay pula. Tiningnan ko ito ng malapitan. Kumalabog ang dibdib ko ng marealize kung ano ang hawak ko. Isang pregnancy test. Tumingin ako sa kanya. Ngumiti sya sa akin.

“Congratulations magiging daddy ka na!” Masayang sabi nya at tumawa pa.

Napaawang ang labi ko at muling pinakatitigan ang pregnancy test. Bahagya nang nanginginig ang kamay ko. Nanlalabo na rin ang mata ko dahil sa nagbabantang pagpatak ng luha. Agad ko iyong pinunasan at tumingin sa kanya. Malaki ang ngiti nya sa labi. Pero ng makita nya ang mukha ko ay lumapit sya sa akin at niyakap ako. Mahigpit ko din syang niyakap.

“T-Totoo? Magiging daddy na ako?” Di makapaniwalang tanong ko sa kanya.

“Totoong totoo, ayan na ang ebidensya sa kamay mo.” Natatawang sabi nya ng kumalas sa yakap.

Tiningnan ko ulit ang hawak na pregnancy test. “Hindi ako nanaginip lang?”

Kinurot nya ako ng malakas sa pisngi. Napadaing naman ako.

“Ano? Nanaginip ka o hindi?” Tumatawang sabi nya.

“Totoo nga.” Natatawa na ring sabi ko at hinila ko sya. Muli ko syang niyakap ng mahigpit at hinalik halikan sa ulo.

Di ko maipaliwanag ang sayang nadarama ko ngayon dahil magkakababy na kami. Matagal ko na itong gusto. Hindi ko lang ino-open sa kanya dahil ayoko syang mapressure lalo na at nagaaral pa sya. Makakapag hintay pa naman ako.

“Paano pala ang pag aaral mo?” Nagaalalang sabi ko.

Tumingala sya sa akin at ngumiti. “Pwede naman akong mag aral habang nagbubuntis ako. Kapag hindi ko na kaya hihinto muna ako at babalik na lang kapag pwede na. Alam ko naman kasing gustong gusto mo ng magkababy at hindi kita kayang tiisin.”

“Fuck..” Bulalas ko at muli syang niyakap ng mahigpit at pinupog ng halik. “Thank you Ivy. Hindi mo alam kung gaano ako kasaya ngayon. Thank you sa napakagandang regalo mo. Thank you.. I love you so much..”

“You’re welcome daddy! And I love too.. always.”


Special Chapter next

Special Chapter

Ivy

“Jethro anak.” Tawag ko sa mag aapat na taong gulang kong anak na lalaki.

“Dito po ako garden mommy!” Sigaw ng maliit na boses ng lalaki.

Napangiti naman ako at pinuntahan sya sa garden. Naabutan ko syang nakaiskwat sa bermuda grass at may hawak na tingting at tila may kung anong kinukutingting sa damuhan. Nakalapag sa damuhan ang plastic na laruan nyang baril barilan.

“Anong ginagawa mo dyan?” Nakangiting tanong ko.

“Laro ako worm mommy.” Aniya at nakabungisngis pang tinaas ang tingting na hawak na may nakasabit na bulate.

“Ay dirty yan anak! Wag mong paglaruan.” Saway ko sa kanya at hinawakan ang maliit nyang kamay. Kinuha ko ang tingting na may nakasabit na bulate at tinapon. Itinayo ko sya at pinagpagan ang shorts nya.

“Hindi ka dapat naglalaro ng worm anak, dirty yun eh.” Pangaral ko sa kanya. Kinapa ko ang likod nya. Medyo basa na dahil sa pawis.

“Promise mo sa akin di ka na maglalaro ng worm.”

“Opo mommy.” Nakangiting sabi nya. Di ko naman mapigilang pasilin ang matambok na pisngi nya. Kamukhang kamukha nya si Jeiz. Mata ko lang yata ang nakuha nya.

“O halika na sa loob, ligo ka na dahil aalis tayo.” Hawak ko ang maliit nyang kamay ay pumasok na kami sa loob ng bahay. Naabutan ko pa ang dalawang kasambahay na nagliligpit ng mga nakakalat na laruan ni Jethro.

“Mommy wala pa si daddy?” Tanong nya habang pinupunasan ko ng tuwalya ang katawan at buhok nya.

“Padating na yun.” Sagot ko. Umalis saglit si Jeiz at pumunta ng farm para magbilin sa mga tauhan na naroon.

Nang matuyo na ang katawan ni Jethro ay pinulbusan ko na sya at binisan ng damit panglakad pero presko. Nilagyan ko rin ng bimpo ang likod nya.

“Hayan! Mabango na ang baby ni mommy.” Sabi ko at pinanggigilang amoy amuyin sya. “Ang pogi pogi pa!”

Bumungisngis naman sya. “Kamukha ko po si daddy?”

“Opo, kamukha mo si daddy. Parehas kayong pogi.”

“Narinig ko yun.” Anang malaking boses ni Jeiz na kapapasok lang dito sa kwarto ni Jethro.

“Daddy!” Sigaw ni Jethro at patakbong lumapit kay Jeiz.

Agad naman syang binuhat ni Jeiz at pinupog ng halik. “Hmm bango bango naman ng baby boy ni daddy.”

Panay naman ang bungisngis ni Jethro sa halik ni Jeiz. Nakikiliti kasi sya sa balbas at bigote ng ama kapag kumikiskis sa leeg nya.

Tumayo na ako at sinampay sa hanger ang ginamit na tuwalya. Lumapit ako sa kanila at ngumiti.

“Ang bilis mo ah.” Puna ko kay Jeiz.

Tumingin naman sya sa akin at ngumisi. “Baka mamiss mo ko eh.”

Kunwaring inirapan ko sya. “Magbibihis lang ako tapos alis na tayo.”

“Wag kang masyadong magpaganda ha.” Bilin nya. 

Natatawang naiiling na lumabas na lang ako ng kwarto ni Jethro at pumunta sa katabing kwarto na kwarto namin ni Jeiz. Wala naman masyadong pinagbago sa bahay. Pinaekstensyonan lang ni Jeiz. Mas pinalaki pa at dinagdagan ng kwarto. Ang bahay nya sa kabilang baranggay ay tinatauhan din namin kung minsan. Ayaw nya itong ibenta o paupahan man lang dahil may sentimental value daw ito. Doon nya ako unang beses na inangkin. Nag init ang pisngi ko.

Ipinilig ko ang ulo at nagbihis na. Nakapagshower naman ako kanina, kami pala ni Jeiz. Muli namang nagliyab sa init ang mukha ko ng maalala ang pinaggagawa namin sa loob ng banyo. Kahit ilang taon na kaming kasal ay hindi man lang nabawasan ang init namin sa pagtatalik tila pa nga ay lagi kaming sabik sa isa’t isa.

Nang makapagbihis na ako at makapag ayos ay sinukbit ko na ang sling bag ko. Bumaba na ako ng hagdan at naabutan ang mag ama ko na naguusap at nagkukulitan sa sala habang hinihintay ako. Nag angat sya ng tingin at bahagya pang napaawang ang labi ng makita ako. Pinasadahan pa nya ako ng tingin mula ulo hanggang paa. Bakas ang paghanga sa kanyang mukha. Kahit naman kasi nanganak na ako kay Jethro ay wala namang nagbago sa katawan ko.

“Ang ganda mo babe.” Komento nya.

“Bola, tayo na nga baka tanghaliin pa tayo.” Aya ko sa kanya. Ngumisi naman sya at binuhat na si Jethro. 

Nagpaalam naman kami kay manang Sol na hanggang ngayon ay kasama pa rin namin. Para na nga rin namin syang pangalawang ina ni Jeiz. Binilinan rin ni Jeiz ang dalawa naming kasambahay.

Habang nasa byahe ay panay ang daldal sa amin ni Jethro na nasa backseat at prenteng nakaupo sa safety car seat. Ang dami nyang kwento tungkol sa paborito nyang cartoons na pinapanood nya. Sila ni Jeiz ang magkasundo sa maraming bagay siguro ay dahil parehas silang lalaki. Ramdam na ramdam ko ang pagmamahal nya kay Jethro. Halos lahat nga ng gusto nito ay sinusunod nya sinasaway ko lang kapag sobra na. Simula ng ikasal ulit kami ay tumigil na sya sa pamamasukan bilang bodyguard ni papa at tumutok na lang sa pamamalakad ng cacao farm na mas lalo pang nakilala. Bukod doon nakisosyo na rin sya sa mga negosyo ng mga kaibigan nya. At bukod sa mga negosyo ay kami talaga ang pinaka priority nya. Ako naman ay nagtuloy sa pagaaral at next year ay gagraduate na ako.

Patungo kami ngayon sa correctional sa kapitolyo. Dadalawin namin sila tiyang Linda at tiyong Oca. Pero bago yun ay magsisimba muna kami.

“Salamat sa pagdalaw Ivy.” Nakangiting sabi ni tiyang Linda.

“Ang dami nitong dinala nyo, nag abala pa kayo. May natira pa nga doon sa huli nyong dinala noong nakaraang linggo.” Ani tiyong Oca na sinilip ang dala naming grocery ni Jeiz.

Halos linggo linggo kasi namin silang dalawin ni Jeiz. Pero ang madalas dumalaw ay si lola kasama sila Kiko at Lileth. Naalala ko noong unang dumalaw ako. Kabadong kabado ako noon, may takot pa rin ako sa kanila at masakit pa rin sa akin ang ginawa nila noon. Pero handa ko naman silang patawarin kung hihingi sila ng tawad. At yun nga ang ginawa nila. Humingi sila ng tawad sa akin at pinagsisihan na ang mga ginawa nilang hindi maganda sa akin. Pero ang labis na nagsisi ay si tiyang Linda. Panay ang hingi nya ng sorry. Pinatawad ko naman sila dahil ayoko rin namang tumanda na may hinanakit sa dibdib.

“Wala po yun. Para hindi po kayo magutom. Alam ko namang nagsasawa na kayo sa mga pagkain dito.” Nakangiti ding sabi ko habang pinagmamasdan sila. Nagiba na rin ang awra nila. Pumusyaw ang kulay nila at nagkalaman. Limang taon na silang nakakulong pero malapit na rin silang makalaya.

“Mabuti nga malakas ang asawa mo at si Mayor Rodolfo dito eh, kaya kahit papaano medyo ilag sa amin ang mga nandito.” Sabi ni tiyong Oca. Hindi lingid sa kaalaman ko na nabubugbog ito noon kapag napagtitripan ng mga kapwa inmate. Muntik na nga itong magbigti dahil hindi na daw nya kaya sa loob. Sobrang nangungulila din sya sa dalawa kong pinsan at sobra syang nagsisisi. Mabuti na lang at nakita ito ng kasamahan kaya napigilan ito. Yun yung panahon na humingi na ng tulong sa amin si lola pati kay papa. Nag alangan pa nga noong una si Jeiz at si papa. Pero alang alang sa dalawa kong pinsan ay ginawa nila. Kinausap lang naman ni papa at ni Jeiz ang mga opisyal sa loob na ihiwalay ng selda si tiyong. Si tiyang naman ay nakaranas ng depression kaya sinagot na rin ni papa ang regular nitong check up sa psychiatrist hanggang sa maging ok na sya. Kaya heto masigla na silang dalawa.

“Pangako ko talaga kapag nakalabas ako, kami ni Linda, maghahanap ako ng trabaho o kaya magnenegosyo, yung matino ha. Para makaipon pampaaral nila Kiko at Lileth.” Anang tiyong Oca na halatang excited ng makalaya at magbagong buhay.

Nasa grade 5 na ngayon si Kiko at nasa third year high school naman si Lileth. Sa isang pribadong eskwelahan sila ngayon nag aaral at sagot ni papa. Kay lola Mila pa rin sila nakatira. Pinaayos ni papa ang bahay ni lola. Ang dating bahay na yari sa kahoy ngayon ay bato na. Si Jeiz naman ay kinuhanan ng pwesto sa palengke si lola para doon ibenta ang mga tanim nyang sariwang gulay.

“Ako naman, tatanggapin ko ang alok ni mayor Rodolfo na trabaho.” Segunda naman ni tiyang. Ngumiti sya sa akin at hinawakan ang kamay ko.

“Maraming salamat talaga sa lahat Ivy, napakabait mo manang mana ka kay ate. Sa kabila ng mga kasalanan ko sayo naging napakabuti mo pa rin sa akin. Hindi mo pinabayaan ang mga anak ko at kami. Pinapangako ko sa’yo magbabagong buhay na ako kami ng tiyong mo. Hindi namin sasayangin ang pangalawang pagkakataon.” Maluha luhang sabi ni tiyang Linda. Maging si tiyong Oca ay sinsero ding ngumiti sa akin.

“Wala po yun tiyang, tiyong. Isang pamilya pa rin naman po tayo at ang isang pamilya ay nagtutulungan. Ang importante ay nagbago na kayo at malapit na kayong makalaya.”

Tumayo si tiyang at niyakap ako. Hinagod ko naman ang likod nya. Tinapik naman ako ni tiyong sa balikat.

Magaan ang loob ko ng makalabas ako ng correctional. Ganito naman ang pakiramdam ko sa tuwing matapos ko silang dalawin. Hindi pa naman huli ang lahat sa kanila at masaya ako sa dalawa kong pinsan na makakasama na nila ang mga magulang nila. Ayokong maranasan nila ang naranasan ko noon na lumaki na walang kumakalingang magulang.

Napangiti ako ng makitang masayang naglalaro ang mag ama ko sa parking area. Naghahabulan silang dalawa at kapag lumalampas na sa parking si Jethro o may dadaan na sasakyan ay agad itong bubuhatin ni Jeiz. Lumapit ako sa kanila. Parehas silang ngumiti sa akin ng makita ako. Niyakap ako sa leeg ni Jethro at hinalikan sa pisngi, mabilis naman akong kinintalan ng halik sa labi ni Jeiz.

“Kamusta?” Tanong nya.

“Ayos naman, excited na silang lumabas para makasama sila Kiko at Lileth.”

“Mabuti naman, tayo na?” Aya nya sa akin.

Tumango naman ako. Tinungo na namin ang sasakyan. Dinala nya sa back seat si Jethro at sinakay sa car seat nito. Ako naman ay sumakay na sa passenger seat at kinabit ang seatbelt. Sumakay na rin si Jeiz sa driver seat at ng masigurong ok na ay binuhay na nya ang makina.

Papunta naman kami ngayon sa San Agustin para dalawin si papa. Tuwing linggo namin syang dinadalaw dahil yun lang naman ang araw na hindi sya busy. Sya ulit ang mayor ng bayan ng San Martin at huling termino na nya ito. Magreretiro na sya at e-enjoyin na lang daw nya ang oras nya sa sa apo at aasikasuhin na rin ang ibang negosyo. Naalala ko yung huling dalaw namin sa kanya noong nakaraang linggo, humihirit na sya ng isa pang apo at gusto nya ay babae naman daw. Yun din naman ang gusto namin ni Jeiz pero ang plano namin ay kapag nakagraduate na ako. Gusto rin kasi namin ng malaking pamilya dahil parehas kaming nag iisang anak lang ng mga magulang namin.

“Nandito na ang poging apo ko.” Salubong ni papa sa amin pagbaba namin ng sasakyan. Agad nyang binuhat si Jethro ng lumapit sa kanya. Lumapit kami ni Jeiz at nagmano sa kanya.

“Pasok na tayo sa loob nandyan sila Yñigo at Amira kasama ang kambal nila.” Aya ni papa sa amin at nauna nang pumasok sa loob buhat si Jethro.

Akbay akbay ako ni Jeiz habang papasok kami ng kabahayan. Naabutan namin ang kambal nila Yñigo at Amira na naghahabulan sa malawak na sala. Agad na nagpapasag si Jethro sa mga bisig ni papa at nakisali sa dalawa.

Lumapit kami sa magasawang magkatabi sa sofa at umiinom ng tsaa. Tumayo sila at binati kami. Nagtapikan sa braso sila Jeiz at Yñigo at nagbeso naman kami ni Amira. Inaanak naming dalawa ni Jeiz ang kambal nila. Nagkamustahan kami at nagkwentuhan tungkol sa mga anak namin.

Madalas kaming magkita dito sa bahay ni papa. Minsan naman ay sa mansion nila kapag iniimbitahan kami o kaya minsan sa bahay namin. Sobrang close na rin ng mga anak namin.

Napapangiting pinagmamasdan ko si papa na nakikipagkulitan kay Jethro at sa kambal. Halatang sabik sya sa presensya ng mga bata. Noon ngang kapapanganak ko pa lang kay Jethro ay halos ayaw na nyang umuwi kaya may kwarto din sya sa bahay kapag gusto nyang magtagal doon. Kami man ay may sariling kwarto na rin dito sa bahay nya na sabi nya ay bahay ko na rin.

Sumandig ako sa balikat ni Jeiz habang pinagmamasdan ang anak namin na masayang masaya sa pakikipaglaro sa kambal at sa lolo nya. Maging ang mag asawang Yñigo at Amira ay nakangiti ding pinagmamasdan ang mga anak nila.

Tumingala ako kay Jeiz. Tiningnan nya ako at ngumiti sabay halik sa sentido ko.

“I love you angel..”

“I love you too..”

Bulong naman sa isa’t isa at saglit na nagtitigan. Punong puno ng pagmamahal ang mga mata ng bawat isa..

WAKAS


Hanggang dito na lang. Salamat sa pagtangkilik at pagsuporta sa kwento nila Jeiz at Ivy. 🤗♥️

Salamat din okeebyebye

sa pagpapagamit ng name mo.😘

Sana suportahan nyo pa rin ang susunod na kwento. Ang kwento ng pagiibigan nila Edward at Mona. ♥️