loading

storiescollectionschaptersauthorsgenrestagsstories
Magkaibang Mundo (M2M)

Magkaibang Mundo (M2M)

cutiepogi004 · 3 chapters · 4,910 words

Magkaibang mundo :*

“Masaya sigurong magkapaa, at makasama ang taong sayo ay mahalaga.”

  • Ino

May mga bagay sa mundo na inaakala nating hindi totoo o binuo lamang ng ating isip. Ngunit, sa kabila ng mga bagay na iyon, sila ay marunong din masaktan at lumuha, marunong din magmahal at magpahalaga.

Paano kung ang sang nilalang na kailan man ay hindi itinuring na parte ng mundo ay umibig sa isang normal na tao? Makakaya kaya niyang ipaglaban ang pag-ibig kahit may mga dapat siyang unahin? Makakaya kaya ni Ino na talikuran ang nakatakda at sundin kung ano ang isinisigw ng kaniyang puso?

MAGKAIBANG MUNDO

  • CutiePogi004

Vote and Comment :*

Uno

Masaya siguro magkaroon ng mga paa. Yung tipong makakatakbo ako sa pinong buhangin ng dalampasigan? Makakapagsayaw hanggang magsawa, ang sayang isipin ngunit napakahirap matupad. Mabuti pa ang mga nilalang na yon, tao ang tawag sa kanila at ang dalawang pahabang bahagi ng kanilang katawan ay tinatawag na paa. Masaya silang nag-lalaro ng hugis buwang bagay na iyon at maraming kulay. Nakangiti sila kahit nadadapa o kaya’y nasasaktan sa ginagawa nila. Kitang kita ko mula dito sa mga umpukan ng bato sa di kalayuan ang mga ngiting abot hanggang tainga nila. Nakakainggit ang bilis nila sa pag-takbo. Gusto kong maging katulad ng mga tao. Gusto kong maging masaya kagaya nila.

Malamig ang hampas ng tubig-dagat sa aking katawan. Katawang kalahati’y katulad ng sa tao at ang pang ibaba nama’y katulad ng madalas kong makasalamuha sa dagat, isda. Kulay asul ito na kumikinang kapag natatamaan ng sinag ng araw, parang dyamante kung kumislap at kasing tigay ng perlas sa dagat. Isa akong sireno, Ino ang pangalan ko at mandirigma sa kaharian namin na nakatayo sa ilalim ng karagatan na hindi naaabot ng tao. Matikas ang pangangatawan at may angkin ding talino. Miski si Prinsesa Aqua ay malaki ang pagkagusto sa akin. Anak siya ng aming reynang si Perlita, ang pinakamalupit at makapangyarihang pinuno ng karagatan. Apo siya ng diyos ng tubig na si Neptune. Marami silang alipin, kahit kaming mga mandirigma ay tila mga tiga-silbit din ang turing. Kung hindi nga lang ako tipo ng prinsesa ay mas mabibigat pang mga gawain ang matatanggap ko mula sa mga maharlika. Kung sa digmaan naman, inaabot kami ng gutom at madalas ay iyon pa ang ikinamamatay ng ibang mandirigmang sireno at sirena.

Mapait ang buhay ko dito sa karagatan, ang pagkakagusto sa akin ni Prinsesa Aqua ay itinuturing kong isang sumpa. Kagaya ng kaniyang ina, napakasama rin ng kaniyang ugali. Minsan nga ng may nakausap akong magandang sirena upang ipagtanong kung ano ang kaganapan sa kaharian ay kaagad niyang pinatawag ang sirena at sa harapan ko pa’y pinalapa niya ito sa pinakamababangis na pating sa buong karagatan. Halos nagmakaawa ako noon na intindihin niya ang paliwanag ko subalit nagmistula lamang siyang bingi. Doon nagsimula ang pagkamuhi ko sa kanya, daig pa ng gabi ang kaitiman ng budhi niya. Isa siyang halimaw na walang awang kumikitil ng buhay ng mga inosente at walang kalaban-labang nilalang dito sa ilalim ng karagatan.

Napatigil ako sa pagmamasid sa mga tao ng biglang may lumagaslas na tubig sa aking likuran. Pagkalingon ko’y isa lamang pala sa mga kasama ko sa kampo naming mga mandirigmang sireno.

’‘Bakit Coralyo? Anong ginagawa mo rito sa ibabaw ng karagatan? Interesado ka rin ba sa pagmamasid sa mga nilalang na iyon? Naiinggit ka rin ba sa kanila dahil nakakatayo sila dahil sa mga paa nila?’’ tanong ko sa sirenong si Coralyo na may dilaw na buntot. Isa siya sa mga malalapit na kaibigan ko at alam kong mapagkakatiwalaan sa lahat ng oras. Ngunit kumunot ang noo niya na pinapahiwatig na hindi pa rin talaga siya sumasang-ayon.

’’Alam mong malaking kasalanan ang ginagawa mong ito, Ino. Mapapahamak ka lang, paparusahan ka ng reyna. Ipapakain ka niya sa dambuhalang pating! At kung ang mga nilalang naman na iyan ang makakakita sa iyo, tiyak, bangkay ka nang matatagpuan na palutang lutang dito sa dagat. Kagaya na lamang ng kapatid mong si Marina! Pinaslang siya ng mga tao! Baka nakakalimutan mo!“

’‘Hindi totoo yan Coralyo! Ang kapatid ni Reyna Perlita ang pumaslang sa kanya! Walang kasalanan ang mga tao!’’ galit kong pagpapaliwanag dito. Ayokong maniwala sa sabi-sabing ang kumitil ng buhay sa kapatid ko ay ang tinutukoy ni Coralyo. Malaki ang hinala kong si Gordon, ang sirenong may buntot ng pating ang may kagagawan kung bakit nawala ang nakakatanda kong kapatid, naikwento kasi ng kapatid ko noong buhay pa ito na muntik na daw siyang halayin ng halimaw na iyon. Isa kasing tigasilbi si Marina sa palasyo at ang sabi-sabi’y bago ito mawala ay si Gordon ang nakitang huling kasama nito. At ng matagpuan ngang wala nang buhay ang kapatid ko’y ipinamalita ng maharlikang pamilya ng halimaw na iyon na ang may kagagawan ay mga tao. Ngunit hindi ako naniwala, ni kailan man ay hindi umahon o lumabas man ng kaharian si Marina. Dahil iyon ang bilin ng aming mga magulang sa kanya.

’’Huwag kang mangbintang Ino, baka marinig ka ng mga isda, isumbong ka nila! Patay na si Prinsepe Gordon, at isa pa’y wala kang matibay na ebidensya. Mapaparusahan ka lang kaibigan ko. Papatayin ka nila kapag nalaman nila ang mga pinaggagagawa mo!“ galit ding giit nito sa akin. Halos dumilaw na ang buo niyang mata sa matinding emosyong ipinakikita niya. Ganoon kaming mga sireno’t sirena, kung anong kulay ng iyong buntot, ganoon din ang kulay ng iyong mga mata kapag nakakaramdam ng matinding emosyon gaya ng galit o kaya’y lungkot.

Tumalikod ako upang huwag nang mapansin ang itsura ng aking kaibigan. Muli kong itinuon ang paningin sa mga taong nakaupo na sa buhangin at nag-uusap-usap habang nakaharap sa tila kung anung bagay na maliwanag na kulay pula at dilaw na nagbibigay ilaw sa papadilim na kapaligiran. Nawala na pala ang haring araw at ang bilog na buwan na ang magsisilbing munting tanglaw sa gabing madilim.

’‘Umuwi na tayo Ino.’’ sabi ni Coralyo na tila kinakalma ang sarili.

’‘Ayoko.’’

’‘Lisanin na natin ang lugar na ito Ino! Huwag ka nang mangarap na magkakapaa ka pa dahil sireno ka at ito ang mundo mo! Sa karagatan! Huwag mong pairalin yang kakitidan ng utak mo!’’ sigaw ni Coralyo mula sa likuran ko na dahilan upang makaramdam ako ng pagkainis at sa hindi maipaliwanag na pangyayari ay bigla na lamang kumilos ang aking kamay upang hawiin ang tubig papuntang likuran. Ikinabigla ko ang epekto niyon dahil sa simpleng paghawi ko ng tubig ay lumikha ito ng may kalakihang alon upang matangay si Coralyo papalayo sa akin. Dahil sa pagkabigla ay hindi kaagad ako nakakilos, paano ko nagawa iyon? Sa tanang buhay ko ay hindi ko pa nararanasang lumikha ng ganong kalaking alon. At ikinagulat ko rin ng magliwanag ang buntot ko, maging ang mga kaliskis ko sa kamay at palikpik sa braso ay nagliwanag din. Nanlalaki ang mga mata kong pinagmasdan iyon. Nakaramdam ako ng tila kumunekta ang katawan ko sa tubig, ramdam na ramdam ko ang enerhiya ng karagatan. Parang may sumanib na kakaibang kapangyarihan sa akin maliban sa pagpapagaling ko sa mga nilalang na nasugatan sa digmaan gamit lamang ang aking mga kamay. Ngunit ngayon, kakaiba na. Mas malakas at mas makapangyarihan.

Maya-maya’y nawala na ang liwanag, maging ang kakaibang pakiramdam ay nawala na rin na parang bula. Sinubukan kong hawiin ang tubig ngunit walang nangyari. Pinagmasdan ko ang katawan ko subalit wala namang nagbago, kung gusto ko mang isipin na guni-guni ko lamang iyon ay napakaimposible namang basta na lamang tumilapon si Coralyo papalayo sa akin.

Lalangoy na sana ako papunta sa tinalsikan ng aking kaibigan ng makarinig ako ng isang tinig ng lalaki. Napakaganda ng boses at talaga namang damang-dama ang mensahe ng bawat linya. Pinakinggan kong mabuti at nang malaman ko kung saang direksyon iyon nanggagaling ay agad akong sumisid papunta roon.

Nang umangat ako sa tubig ay natanaw ko ang lalaking nakaupo mag-isa sa may umpukan ng bato sa dalampasigan at may kung anung hawak na lumilikha ng magandang tunog na sinasabayan naman niya ng pag-awit. Kahit may kadiliman na ay kapansin pansin ang kakisigan ng lalaki at naaangkin din kagwapuhan. Ngunit bakas sa mga mata niya ang labis na kalungkutan. May mga butil ng tubig ang pumapatak galing sa kaniyang mga mata. Umiiyak siya. Ngayon lamang ako nakakita ng taong umiiyak at lalaki pa. Sa kaharian kasi namin, ipinagbabawal ang pag-iyak dahil sa bawat pagpatak ng luha namin ay magdudulot ng kakaibang kaganapan sa ilalim ng dagat. Kaya ipinagbawal ito.

“Nabalitaan ko lagi ka raw tulala,

Dinibdib mo aking pagkawala,

Lagi ka raw umiiyak,

Lagi mo raw akong hinahanap,

Hindi ka pa rin nagbabago,

Mahal mo pa rin ako,‘’

Awit nang lalaki, napakaganda, puno ng emosyon at pagmamahal.

May kalayuan ako sa pwesto ng lalaki. Upang mas lalo kong marinig ay lumapit pa ako sa kanya ngunit nananatiling nakakubli sa mga bato.

Panay ang pahid niya ng luha gamit ang kaniyang kamay. Dala sa kalooban ng lalaki ang matinding pasakit sa damdamin niya. Hindi nito iniinda ang lamig ng simoy ng hangin kahit wala siyang baro pang-itaas. Ang tanging gusto lamang niya ay mailabas ang mabibigat na emosyon sa kaniyang dibdib. Humugot muna siya ng malalim na buntong hininga atsaka ipinagpatuloy ang pagkanta.

’’Ohhh …

Nanghihinayang,

Nanghihinayang ang puso ko,

Sa piling ko’y lumuha ka lang,

Nasaktan lamang kita.‘’

Umiyak na yung lalaki. Kung kanina lamang ay tahimik itong umiiyak, ngayo’y tila gustong iparinig sa buong lugar ang kaniyang paghihinagpis. Nakakaawa lamang siya, parang ka’y bigat-bigat ng kaniyang dinadala. Gusto ko mang lapitan siya ngunit hindi pupwede. Baka matakot siya sa akin, baka magsisigaw siya dahil nakita niya ang sinasabi ng ibang salot sa dagat. Imbis na makatulong ako’y baka mapalala ko pa ang sitwasyon niya.

Wala pa rin siyang tigil sa pag-iyak habang nakayakap sa bagay na iyon na lumilikha ng musika.

Humihip ang hangin na nagdala ng lamig sa aking katawan. Ngunit ang lalaki’y patuloy pa rin sa pagluha.

’‘Ano kayang magagawa ko para mapatahan siya?’’ tanong ko sa sarili. Gusto kong makatulong, ngunit papaano? Hays, kung tao lang din siguro ako, magkakaroon ako ng pagkakataong matulu-“ARAYYY!“sigaw ko, may sumipit sa aking braso, at ng mapatingin kung sino iyon ay isang alimasag pala.

“Inipit mo ako ng iyong mga kamay kaya napilitan akong sipitin ka. Patawad.” ani ng alimasag. Oo, kaya naming makipag-usap sa mga nilalang dito sa karagatan, kahit anong isda pa man iyan.

’‘Sino yan?’’

Patay, mukhang narinig nung lalaki ang pagdaing ko. Baka makita niya ako? Kailangan kong magtago.

’’May tao-“

Lalangoy na sana ako papalayo ngunit huli na dahil nakita niya ako. Paano ito?

’‘Akala ko nag-iisa lang ako dito, kanina ka pa ba dyan?’’ ani lalaki, hahakbang na sana ito palapit sa akin ngunit maagap ko siyang pinigilan.

’’Huwag! Huwag kang la-lapit!“ sigaw ko ulit sa kanya. Alam kong may kalayuan ang pwesto niya mula sa pinagtataguan kong umpok ng mga bato, subalit kung lalapit pa sya’y talagang makikita na niya ang buong katawan ko.

’‘Bakit naman pare?’’ agad niyang tanong. Pinagmasdan ko ang mukha niya, gwapo ito at may magandang katawan. Pati ang mga paa at binti nito, napakaperpekto. Wala siyang suot na pang-itaas at kulay asul na pang-ibaba ang suot niya. Marahil kung isa siyang sireno, siya na ang matitipuhan at hahangaan ng prinsesa. Nakakahanga siya. Teka? Humahanga ako sa kapwa ko lalaki? Sa tao?

“Oh? Nanahimik ka pare? Teka nakalublob ba ang katawan mo sa tubig? Hindi ka ba giniginaw?” sunod-sunod nitong tanong. Kung kanina ay puno siya ng kalungkutan, ngayon na man ay nadadampian na ng ngiti ang maninipis niyang labi. Kahit may kadiliman na ay hindi ko mapagkakailang talagang napakakisig niya. Hays, tuluyan na yata talaga akong humanga sa kaniya, ngunit bakit? Ngayon lang ako nakakita ng tao sa malapitan at hindi ko kailanman naramdaman ang ganitong paghanga kahit sa mga makikisig ding sireno sa karagatan.

“Pare? Ano yun?” iyon ang tawag niya sa akin? Ni kailan man ay hindi ko narinig ang ganoong salita, kahit pa marami kaming lenggwaheng alam ay may mga salita pa ring hindi naaabot ng aming pang-unawa.

“Pare, iyon yung tawag sa mga kaibigang lalaki. Teka? Bakit, kumare ka ba?‘’ paliwanag niya sabay tawa ng may kalakasan, ang swabe lang.

Pare, kaibigang lalaki? Kung ganoon itinuturing na niya akong kaibigan kahit ngayon pa lamang kami nagkita. Ang sayang matawag na kaibigan lalo pa’t sa kaniya nanggaling. Para bang gumaan ang loob ko at hindi na naisip na bawal kaming makipagkaibigan o makipag-usa man lang sa mga tao. Hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko’y interesado ako sa kanya.

“Ganoon ba? Edi magkaibigan na tayo?‘’ tanong ko naman. Gusto kong makumpirmado na posible akong magkaroon ng malapit na kaibigan na isang tao.

“Oo naman Pare. Palakaibigan akong tao, kahit siguro masasamang loob kinakaibigan ko. Iba kasi yung pakiramdan na marami kang maaasahan, masasandalan. Katulad ngayon, may hinanakit dito sa aking puso. Wala man lamang akong mapagkwentuhan. Alam mo yun? Yung nakakagaan ng pakiramdam kapag nailabas mo yung mabigat na dala-dala mo?” pahayag niya, kung kanina ngumingiti na siya, ngayon nabahidan na naman ng lungkot ang mukha niya.

’‘Ganoon ba? Kung gusto mo? Sa akin mo ikwento. Malay mo makatulong ako’’, suhestyon ko.

’‘Sige ba. Mabuti naman at may makakaramay na ako.’’

Bumuntong hininga muna siya bago naglahad ng mga karanasan niya sa buhay. Ako naman ay tahimik na nakinig sa kanya habang nakaupo sa batuhan kung saan tago ang aking buntot. Tanging balikat ko lamang ang nakikita niya hanggang ulo, dahil sa liwanag na sinasabog ng buwan, nakikita ko pa rin ang gwapong itsura at perpektong pigura niya. Kahit paminsan-minsa’y nawawala ako sa mga sinasabi niya dahil natutuon ang aking atensyon sa gwapo niyang mukha.

“Ganito kasi yun Pare. Nagkaroon ako ng kasintahan noon, siya si Joana. Mahal na mahal namin ang isat isa, masaya kami at halos walang pinoproblema. Boto ang mga magulang namin sa relasyong binuo naming dalawa. Kaya ayon, napagpasyahan na naming magpakasal, ngunit bago ang lahat, nabuntis ko siya. Naging maselan ang lahat, gusto niya sa kanya lamang nakatuon ang atensyon ko. Ngunit yung mga pangangailangan ko bilang lalaki, hindi na niya naibibigay pa. Madalas, nagkakaaway pa kami. Dahil maloko pa rin ako, naghanap ako ng kalinga ng isang babae. Kahit malapit na siyang magsilang, nilayasan ko sya, nagpakalayo-layo ako upang matakasan ang responsibilidad ko. Nagpatali ako sa tawag ng laman, nakisama ako sa ibang babae.‘’ pahayag niya habang hindi mapigilang umiyak.

“Hindi pala ganoon kadali ang naging desisyon ko. Darating din pala yung oras na hahanapin mo yung pagmamahal ng taong talagang laman ng iyong puso. Matapos ang halos kalahating taon, nakipaghiwalay na ako sa kinasama kong babae at nagdesisyong balikan si Joana, kaso’’, pumatak ang luhang kanina pa niya pinipigilan. Napahagulgol siya ng maalala ang mga kabuktutang nagawa niya sa taong totoo at labis niyang minamahal. Humikbi-hikbi siya tsaka kinalma ang sarili.

“Kaso Pare, nung umuwi ako sa bahay nila. Wala akong naabutang Joana, at ang balita pa ng mga malalapit kong kaibigan-” pinahid niya ang mga luhang kusang lumalandas sa pisngi niya.“Namatay daw ito matapos isilang ang anak namin.‘’ at doon nga’y lalong bumuhos ang kaniyang luha. Napakasakit nga naman ng ganoong sitwasyon, kung kailang magbabago ka na at babalikan ang mga iniwan mo, masakit isiping huli na ang lahat. Nawala sila ng hindi mo nakausap at nakahingi ng tawad. Kaya pala ganoon na lamang ang kaniyang pag-iyak. Miski ako’y hindi mapigilang maging malungkot para sa kanya.

’‘Nabuhay ba ang anak mo?’’ tanong ko. Dahil nararamdaman ko na ang anak na lamang niya ang magiging daan upang mapagsisihan niya ang mga kasalanan at mapunan lahat ng kaniyang pagkukulang.

Nagpunas muna siya ng luha gamit ang kaniyang palat bago sinagot ang tanong ko.

’‘Oo, nasa ibang bansa sila ngayon. Sinubukan kong kontakin ang mga magulang ni Joana na nagsama sa anak ko subalit panay masasakit na salita lamang ang natatanggap ko mula sa kanila. Deserve ko yun, alam ko,’’

’‘Balang araw, mapapatawad ka rin nila. Makakasama mo rin ang anak mo.’’ payo ko. Dahil ito naman talaga ang dapat kong gawin, ang pagaanin ang loob niya.

’‘Sana nga pare. Salamat at nakinig ka. Hays, nakaramdam din ako ng kaginhawaan. Salamat talaga sayo.’’ sabi niya sabay ngiti.

’‘Wala iyon kaibigan. Basta kung gusto mo ng makakausap, naandito lang ako.’’ sagot ko sabay bato din ng ngiti sa kanya.

’‘Salamat talaga. Oo nga pala. Ako si Adrian. Tiga Maynila ako, nagbakasyon lamang kami dito sa Isla Puting Buhangin kasama ang ilan sa mga kaibigan ko. Ikaw Pare anong pangalan mo?’’ nakangiti niyang tanong.

’‘Ino, ako si Ino.’’pagpapakilala ko.

Hindi natapos ang lahat sa kaunting pag-uusap lamang. Nagkwento pa siya ng tungkol sa buhay niya. Kung dumarating naman yung oras na siya naman ang nagtatanong sa akin ay ni isang salita ay walang gustong mamutawi sa aking bibig.

Ano nga ba naman ang ikukwento ko? Mga isda at halamang dagat? Baka wala lamang siyang maintindihan o di kaya’y madulas lamang ang aking dila’t maibulalas ko pa ang pagkasino ko.

Nagpaalam na siya sa akin na uuna na daw siyang umuwi dahil lumalalim na ang gabi. Gusto pa nga niya akong kamayan subalit ipinagtabuyan ko na siya.

’‘Naku, umalis ka na dito. May mga engkanto daw na lumalabas tuwing gabi at bilog ang buwan. Baka matipuhan ka nila at kuhanin nila. Dali, alis na.’’ pangbubugaw ko sa kanya.

’‘Talaga lang hah?’’ ngi-ngiti ngiting ani Adrian.’‘Sige na nga, aalis na ako. Ingat ka Pareng Ino. Salamat sa oras mo hah? At sa mga payo mo. Kita na lang ulit tayo dito bukas? Kwentuhan ulit tayo. Okay ba iyon sayo?’’

’‘Ahh-ehh, bahala na Adrian. Susubukan ko.’’ sagot ko. Paano kaya ako makikipag-usap sa kanya ng hindi niya nalalaman na sireno ako? Tiyak magtataka naman siya kung nakalubog ako sa tubig at siya’y natungtong sa lupa.

’‘Basta pumunta ka, tanghali hah? Magdadala ako ng mga pagkain at mag-inuman din tayo. Sige, una na ako. Ingat ka sa engkanto dyan.’’ sabi niya sabay lakad palayo.

Gusto ko pa sanang sumagot subalit mabilis siyang nakaalis. Paano ako ngayon nito? Gusto ko ring makasama siya ngunit hindi ko alam kung sa paanong paraan.

Habang nilalangoy ko ang lugar pabalik sa aming kaharian ay hindi mawaglit sa aking isipan ang itsura ni Adrian. Sobrang nakakahanga, at sa tuwing maaalala ko ang mga pagngiti niya, ang bawat pagtawa niya’y nakakaramdam ako ng kung anong saya.

Unang beses kong nakipag-usap sa tao. At ngayon ay nagdulot ito ng di maipaliwanag na damdamin na nararamdaman ko kapag naaalala ko siya. Nakakabaliw isipin, nakakasakit ng ulo.

Nasa bukana na ako ng lagusan papasok sa aming mundo. Isa itong kweba sa ilalim ng karagatan na ang dulo’y nakatago ang naiibang mundo. Malayo sa itsura ng mundong ibabaw.

Lumangoy ako papasok ng lagusan. At ng marating ko ang dulo nito’y bumungad sa akin ang isang tila malaking pulong sa bulwagan ng palasyo. Ang palasyo kung saan nakatira ang mga maharlika at reyna.

Ninais kong makisiksik sa mga kauri kong nilalang upang mapakinggang mabuti ang anunsyo ng tagapagsalita ng reyna. Maraming sirena at sireno ang narito sa bulwagan, tila ba napakaimportanteng mensahe ang ipaparating ng tagapagsalita.

’‘Kani-kanina lamang ay naramdaman nating lahat ang pwersang panandaliang kumalat sa buong karagatan. Isang malakas na kapangyarihan na nagmula sa mga nilalang dito sa dagat. At ayon sa mga nagsipag-aral tungkol dito, mapanganib iyon. Maaaring masira ang ating mundo kung patuloy na mabubuhay ang nilalang na iyon. At ipinag-uutos ng reyna, na kung sino man ang nakakita o nakakilala sa pinagmulan ng malakas na pwersang iyon ay ipagbigay alam kaagad sa aming mga nakatataas. Inuulit ko, napakadelikado ng kapangyarihang iyon.’’ anunsyo ng tagapagsalita, at pagkatapos ay pinauwi na ang lahat sa kani-kanilang tahanan.

Nanatili ako sa aking pwesto at tila hindi makagalaw. Naalala ko kasi na nakaramdam ako ng malakas na enerhiya mula sa aking katawan at panandaliang kumunektado ako sa buong karagatan. Maaari bang ako ang may kagagawan ng lahat? Kung masamang kapangyarihan ang ipinalabas ko ay maaari kayang maulit ulit ito?

MAGKAIBANG MUNDO

  • Fantasy with a touch of Bromance !

Vote and Comment Please :*

DOS

Sireno II

Adrian’s POV

Abala ako sa paghahanda ng mga pagkain at alak na dadalhin ko sa sinabi kong tagpuan namin ni Ino.

Alam ko, may pagkawierd lang dahil kung tutuusin, kakikilala ko pa lamang sa kanya. Kagabi nga lamang iyon ngunit pakiramdam ko’y matagal na kaming magkakilala. Iyon bang unang tingin mo pa lamang sa kanya ay alam mong mapagkakatiwalaan mo na siya? Ganun yung pakiramdam, komportable ka kapag kaharap mo siya.

Mabuti nga at nailabas ko lahat ng hinanakit ko dito sa puso nang makausap ko siya, hanggang ngayon, nandon pa rin yung bigat pero nabawasan na. Umaasa na lamang ako na sa tulong ng anak ko magkakaayos kami ng nanay ni Joana, alam kong hindi pa sapat ang tatlong taong pagsisisi ko, dahil para sa akin, sariwa pa ang lahat.

“Oh pre, para saan yang mga pagkain at alak?” tanong sa akin ng kakapasok pa lamang na si Reynan sa aming kwartong nirentahan galing paliligo sa dagat.

“Ahh, may gusto lamang makipagkwentuhan.” sagot ko habang patuloy pa rin sa pagsisilid ng mga pagkain sa isang malaking plastic bag. Tatlong malalaking tsitsirya, sampung stick ng barbecue at dalawang Empi Light ang naisipan kong dalhin.

“Teka, uuwi na tayo ehh. Sabi kasi ni Sir Arnold, kailangan na nating bumalik sa Maynila mamaya. Hindi ka ba nainform?” ani Reynan na tila nagtataka sa pinaggagagawa ko.

“Hindi ko alam. Kaso, nakakahiya sa bago kong kaibigan kung hindi ko siya sisiputin.”

“Ohh? Adrian, bakit hindi mo pa inienjoy ang dagat? Aalis na tayo mamaya ah.” sabat naman ni Jessica na kakapasok lamang na halatang kakaahon pa lamang sa tubig.

“Iyan na nga ang sinasabi ko sa kanya Jess ehh, aba’y wala palang alam sa pag-alis natin mamaya. Ayan, makikipag-inuman pa yata sa mga tao dito. Hays, hindi yata nagbabasa ng text ito ehh. Jess, sabihin mo kina Bebe at Joy na magbanlaw na. Ayusin na nila yung gamit nila.‘’ utos ni Reynan habang pinupunasan ng twalya ang kaniyang katawan. Hindi ito tumitingin sa akin, naiinis na siguro dahil sa pagiging walang pake ko.

Umalis na si Jessica upang matawag ang dalawa pa naming kasama. Pero ako, nagdadalawang isip pa kung sasama na ba ako sa kanila o hindi pa. Kaya ko namang umuwi mag-isa. Gusto ko pang masulit ang bakasyon ko, pagkakataon ko na kasi ito para makapagpahinga ng ayos. Kahit pinapatawag na kami ni Sir Arnold, wala akong pakialam, kaibigan ko siya simula mga bata pa kami. Siguro nag-aalala lamang siya sa akin dahil halos kapatid na kung ako’y ituring. Kasi naman, nagsasawa na ako kakababy niya sakin. Bente-singko na ako pero kung ituring niya parang bata lang.

Simula kasi ng magkaletse-letse na ang buhay ko siya kaagad ang sumalo sa akin. Malaki ang utang na loob ko sa kanya dahil kung wala siya, malamang sa kangkungan na ako pupulutin ngayon. Nang sumama kasi ako sa babae ko at iwan si Joana ay itinakwil na rin ako ng aking magulang. Nawalan ako ng trabaho at naubos ang aking mga naipon. Kaya lumapit ako sa kanya, mayroong sariling food factory si Sir Arnold, kagaya na lamang ng mga jam, candies at biscuits. Mahilig kasi siya sa sweets kaya ayon ang naisipan niyang maging negosyo.

“Ano pre? Sasama ka na ba sa amin?‘’ muling tanong ni Reynan.

Napasulyap ako sa labas ng bintana, ang asul na dagat at ang mapuputing buhangin. Napakaganda at talaga namang makakapagrelax ka. Kung aalis ako dito ngayon, paano na lamang ang kaibigan ko? Baka hinihintay na niya ako sa tagpuan namin. Napakamanloloko ko namang tao kung pananatilihin ko siyang naghihintay doon.

“Hindi muna ako aalis Reynan. Gusto ko munang mapag-isa. Kayo na lang ang tumuloy sa Maynila at ipagsabi na lamang ako kay Sir Arnold. Sana maintindihan niya ako.‘’ sabi ko habang inihahanda na ang sarili sa pag-alis patungo kay Ino.

’’Bahala ka nga pre, mag-ingat ka na lang dito. Tsaka, alam mo naman iyong si Sir Adrian, paborito ka no’n, minsan nga iniisip namin bakla si Sir at type na type ka kaya ganun na lamang ang pag-aalaga niya sayo.“

“Loko ka, hindi naman ganun si Sir Arnold. Tsaka, ni minsan hindi niya ako pinakitaan ng kalamyaan. Kapatid lang ang turing niya sa akin. Ikaw talaga, ang dumi ng isip.‘’ pero sa totoo lang, may parang kung anong bagay ang sumagi sa isip ko. Matagal ko na ring iniisip kung ano nga ba talaga si Sir Arnold, kasi hanggang ngayon wala pang asawa, hindi pa nagkakagirlfriend. Pero, kung sa aming dalawa naman, wala pa siyang maling ipinakita sa akin na may bahid ng kabaklaan, maliban na lamang sa malalagkit niyang tingin sa akin na hindi ko naman masyadong pinagpapapansin.

“Talaga naman ihh. Sige na pre, puntahan mo na yung kainuman mo ngayon. Mag-aalauna na ng tanghali oh, ako ng bahala kina Jess na magsabi sa kanila. Basta mag-ingat ka na lamang dito.‘’ sabi ni Reynan na binigyan ako ng isang matamis na ngiti.

’‘Salamat pre, sige, aalis na ako.’’ paalam ko sabay labas na ng kwartong nirentahan namin.

Kahit tirik na ang araw ay ramdam na ramdam ko pa rin ang kapreskuhan ng lugar. Malamig kasi ang simoy ng hangin na nanggagaling sa dagat. May pagkamaulap din ang kalangitan kaya hindi kaanong mainit ang panahon.

Ewan ko ba, parang lumalakas ang kabog ng dibdib ko habang papalapit ako ng papalapit sa umpukan ng mga bato. Medyo liblib ito at malayo sa mga kabahayan. Pansin ko ding walang tao ang pumupunta dito. Pero hindi iyon nagbigay ng pangamba sa akin, tila nakakaramdam pa nga ako ng pagkasabig. Haha

Nang marating ko ang mga tambak-tambak na malalaking bato ay agad kong inilagay sa isang tabi ang plastic bag na naglalaman ng mga pagkain at alak. Sinuri ko ang buong paligid ngunit ni anung bakas na napadito si Ino ay wala. Masyado yata akong napaaga o di kaya’y late na at nainip na siya kahihintay kaya nagdesisyong umuwi na lamang.

Pero, mananatili muna ako dito at maghihintay. Umupo ako sa isang malapad na bato at mainam na pinagmasdan ang dagat. Ang ganda at tila napakapayapa. Hindi kaanong malakas ang alon at ang huni ng hangin ay para bang naging isang malambing na musika sa aking pantinig.

May kalahating-oras na akong naghihintay subalit walang Ino ang sumisipot. Naisip ko na lamang na marahil ay abala iyong tao at baka nakalimutan na ang pinag-usapan namin kagabi.

Minabuti ko na lamang na mag-inom na muna mag-isa at kung sakaling dumating man siya ay saka na lamang niya ako saluhan. Binuksan ko na ang isang bote ng Emperador Light at tumagay mag-isa.

Kinapa ko sa aking six pocket short ang cellphone na kagabi ko pang hindi ginagalaw at pinindot ang music widget upang maghanap ng kantang patutugtugin.

Simpleng Tulad Mo by MMJ

Alam mo ba may gusto akong sabihin sayo,

Magmula ng makita ka’y naakit ako,

Simple lang na tulad mo ang pinapangarap ko,

Ang pangarap ko .. Ohh

Kaya’t sana’y maibigan mo,

Ang awit kong ito para saiyo .. Ohh,

Dahil simple lang ang pangarap ko,

Mahalin ang isang tulad mo sana’y mapansin mo,

Dahil simple lang ang pangarap ko,

Maging ikaw at ako ang tanging ligaya ko,

Simpleng tulad mo .

Nakakailang tagay na ako ngunit wala pa ring Ino ang dumarating dito sa batuhan. Talaga yatang balak na niyang hindi sumipot eh. Kung sabagay, dito kasi sa probinsya, kailangang kumayod ng todo. Dahil kung tamad ka, tiyak magugutom ka.

Naging magaan kaagad ang loob ko sa kanya. Mukha kasi siyang mabait, kahit medyo malayo ang distansya namin kagabi, nakikita ko talagang mabuti siyang tao.

Napahinto ako sa pag-iisip ng bigla akong nakarinig ng malakas na lagaslas ng tubig. Kasunod niyon ay boses ng tila nagtatalo. Nang mapagtantya kong sa kabilang batuhan iyon ay agad kong pinatay ang aking cellphone at nakinig ng maigi.

“Bakit naandito ka na naman? Kapag may nakakita sayo dito! Mapapahamak ka!” sigaw ng tila galit na lalaki.

“Wala kang pakialam Coralyo! Ikaw ang umalis dito. Buhay ko to at wala kang pakialam!” malakas na sabi rin ng isa pang lalaki. Teka? Pamilyar yung boses na iyon ahh, parang kay –

“Nababaliw ka na Ino! Baka nakakalimutan mong alam ko na sayo nanggaling ang malakas na pwersa kagabi!”

Pwersa? Kapangyarihan ba yung tinutukoy nila?

Nacurious tuloy ako sa usapan ng dalawa. Dahan-dahan akong lumakad palapit sa malaking bato na tumataklob sa mga nag-uusap. Hindi ko mawari yung pakiramdam, pero parang nahihiwagahan ako sa usapan nila. Maingat akong humawak sa malaking bato at umakyat dito. At ng alam kong hindi ako nakagawa ng ingay ay dahan-dahan naman akong sumilip sa ibaba nito kung saan naroroon ang dalawang lalaki. Ngunit ikinabigla ko ang aking nakita, para bang pinaglalaruan lamang ako ng aking mga mata. Sapagkat, ang nakikita ko sa ibaba ay hindi mga normal na tao, isa na doon si Ino.

Sa pagkakaalam ko ay kathang-isip lamang sila. Subalit ngayong nakikita ko na ay alam kong totoo nga sila. Mayroong buntot ng isda si Ino na kulay asul at ang sa kausap naman niya’y kulay dilaw ang buntot. May mga kaliskis din sila sa braso at palikpik. At ang lalaking kausap ni Ino ay may hawak na trident na kulay dilaw din. Ang trident ay maihahalintulad sa sibat ngunit may tatlo itong tulos sa dulo. Karaniwang sandata ito ng mga nilalang sa tubig na madalas kong napapanood sa telebisyon. Ginagamit din ito ng mga diyos ng tubig katulad na lamang ni Neptune. Talaga nga palang totoo sila at ang lalaking kanina ko pang hinihintay dito, ay isa palang . . . . . . . . . SIRENO.


Return to top?
WattHub

Install WattHub

Size unavailable

App name
WattHub
App version
1.48.250
App size
Description
A digital library of Wattpad stories and Filipino fiction, thoughtfully preserved for readers today and tomorrow.
Developer
WattHub Team

Dismiss install banner?

No problem. You can still install WattHub anytime from the download icon in the header.

WattHub

Notifications

Notifications are off

Get notified on this device when the library grows or changes.