Maid for Each Other ( on hold )
Der3ck7 · 7 chapters · 8,655 words
Teaser
“Ang hot naman ng birthday boy.” sabi ng isang babaeng bisita.
“Oo nga girl, iyang ganyang lalaki ang sinasamba.” sang-ayon ng katabi nitong babae rin.
Rinig ni Gelo ang mga komentong ’yon ng mga bisita sa party sa mansyon, at para sa binatang kasambahay, tama at may punto naman ang dalawa sa pinag-uusapan nila.
Maya-maya pa nga’y…
“Good Evening everyone.” umalingawngaw na baritonong boses na galing sa mismong may kaarawan, at dahilan sa engradeng party sa malaking mansyon na iyon.
Nabaling ang atensyon ng lahat sa nagsalita, at ganoon rin ang nangyari sa binatang kasambahay na napako ang pagtitig sa lalo pang gumuwapo at kumisig na amo.
Pansin tuloy ni Gelo ang abalang mga mata ng amo na tila may hinahanap habang nanatiling seryoso ang guwapong mukhang meron ito. At bago pa matapos ang ginagawang pagtitig ng binatang kasambahay sa among nagdiriwang na ika dalawampu’t-isang kaarawan, ang pagtatama ng kanilang mga mata.
Hindi nakaya ni Gelo ang klase ng pagtitig na ipinupukol sa kanya ng matipuno at guwapong amo, kaya naman sa hiya ay kaagad itong nag-iwas ng tingin. Pero ilang segundo lang ang lumipas, muling tiningnan ng binatang kasambahay ang kinaroroonan ng amo, at pansin nitong nawala na ang seryosong mukhang mayroon ito kanina at nangingiti na ngayon habang abala na rin sa pakikipag-usap sa mga bisita.
…
“Gelo, bumalik kana sa kwarto mo, marami ng mga waiters at hindi ka na kailangan dito.”
“O-opo se-senorito.” may kabang sagot ni Gelo, lalo pa’t ng bumaling ito sa mukha na amo’y, halata nitong hindi ito natutuwa sa kanyang ginawa.
…
“Nasaan ang regalo ko sa’yo kahapon?”
“Se-senorito.” magkahalong kaba at hiya ang kasalukuyang nararamdaman ng binatang kasambahay, lalo pa’t ilang pulgada na lamang ang layo ng mga mukha nila ng amo.
“Silang lahat ay may ibinigay sa akin, ikaw Gelo, anong kaya mong ibigay kay senorito?”
Tila hihimatayin na sa mga sandaling iyon ang binatang kasambahay, matapos ang ginawang pagbulong na iyon sa kanya ng amo.
Author’s Note:
Coming Out This March
Chapter 1
Abala ang lahat ngayong araw sa mansyon ng mga Garcia. Ngayon kasi ang kaarawan ng unico hijo ni senor Julio at senora Mercedes. Bukod sa ilang pang mga kasambahay na may kanya-kanya ng toka sa paghahanda ay ang binatang si Angelo at ang Tita Luzia nito na hindi magkamayaw sa dami ng dapat pang gawin para maging maayos ang magaganap na engrandeng selebrasyon maya-maya.
“Gelo, maayos na ba ang mga mesa sa loob?” tanong ni Luzia sa pamangkin.
“Oho tita Luz, katatapos lang namin ayusin ni Kika kanina.” tugon ni Angelo. Si Kika ay kapwa kasambahay nila ng kanyang tita.
“Mabuti naman kung gano’n, alam mo naman si senora Mercedes, metikuloso pagdating sa lahat ng bagay lalo na ngayon at kaarawan pa ni senorito.”
“Alam ho namin ni Kika ’yon, kaya nga natagalan kaming bumalik dito sa kusina, dahil sinigurado naming walang kahit na anong kalat o dumi na makita si senora mamaya.” paliwanag ni Angelo.
“O s’ya, dahil sinabi mo naniniwala ako sa’yo. Mabuti pa at tikman mo na ang mga niluluto ko, para malaman ko kung papasa ang mga ito mamaya sa panlasa ng mga bisita nila.” mahabang litanya ni Luzia at isa-isa nga nitong ipinatikim sa pamangkin ang iba’t-ibang ulam na natapos na nitong lutuin.
“Masarap ho tita, sigurado akong magugustuhan ng lahat ang mga luto mo at mabubusog ang mga bisita nila mamaya.” puri ni Angelo.
…
Dumating nga ang gabi at isa-isang nang nagsisidatingan ang mga bisita ng mga Garcia. Marami na rin ang mga waiters na abala sa pagseserve sa mga panauhin nila. Kita ni Angelo sa kinatatayuan, ang magagara at magangandang kasuotan ng bawat isa sa mga bisita na isa-isang pumapasok sa loob ng mansyon. Abala ito sa pagsilip sa mga bisita na dumarating, nang tumunog ang mikropono na nasa taas ng entanlablado.
“Good evening ladies ang gentlemen. Tonight, we will celebrate the Twenty First birthday of our soon to be CEO of Garcia’s Corporation. Non other than Mr. Julian Garcia.” matapos sabihin ng host ang pangalan ng may kaarawan, kasunod nito ang mga masigabong palakpakan at tumambad nga ang lalaking para sa mata ng halos lahat ng bisitang naroon ay wala ni isang kapintasan. Hapit sa suot nitong Itim na Amerikana ang matikas nitong pangangatawan. Ang buhok nitong medyo may kahabaan ay bumagay sa pagkakaayos nito. Ang bigote at balbas naman nito na papatubo na sinadyang huwag i-shave ng tuluyan ay nakadagdag pa ng appeal sa angkin na nitong guwapong mukha.
“Ang hot naman ng birthday boy.” sabi ng isang babaeng bisita.
“Oo nga girl, iyang ganyang lalaki ang niluluhuran at sinasamba.” sang-ayon ng katabi nitong babae rin.
Rinig ni Gelo ang mga komentong ’yon ng mga bisita sa party sa mansyon, at para sa binatang kasambahay, tama at may punto naman ang dalawa sa pinag-uusapan nila.
Maya-maya pa nga’y…
“Good Evening everyone.” umalingawngaw na baritonong boses na galing sa mismong may kaarawan, at dahilan sa engradeng party sa malaking mansyon na iyon.
Nabaling ang atensyon ng lahat sa nagsalita, at ganoon rin ang nangyari sa binatang kasambahay na napako ang pagtitig sa lalo pang gumuwapo at kumisig na amo.
Pansin tuloy ni Gelo ang abalang mga mata ng amo na tila may hinahanap habang nanatiling seryoso ang guwapong mukhang meron ito. At bago pa matapos ang ginagawang pagtitig ng binatang kasambahay sa among nagdiriwang na ika dalawampu’t-isang kaarawan, ang pagtatama ng kanilang mga mata.
Hindi nakaya ni Gelo ang klase ng pagtitig na ipinupukol sa kanya ng matipuno at guwapong amo, kaya naman sa hiya ay kaagad itong nag-iwas ng tingin. Pero ilang segundo lang ang lumipas, muling tiningnan ng binatang kasambahay ang kinaroroonan ng amo, at pansin nitong nawala na ang seryosong mukhang mayroon ito kanina at nangingiti na ngayon habang abala na rin sa pakikipag-usap sa mga bisita.
Nagpatuloy sa panakaw na pagtitig sa kinaroroonan ng kanyang senorito Julian, si Gelo, hindi nga nagtagal ay nasa tabi na rin ng binatang amo ang mga magulang nito, na halata sa mga mukha ang tuwa dahil sa nakikita sa unico hijo nila. At bago pa muling mahuli siya ng kanyang senorito, o mas malala pa nang mama nito na si senora Mercedes, nagmamadaling bumalik na sa kusina ang binatang kasambahay para muling samahan ang mga kapwa kasambahay sa paghahanda ng mga pagkain na maya-maya lang ay pagkakaguluhan na ng mga bisita.
“Ang guwapo talaga ni senorito.” kinikilig na sabi ni Kika, na gaya ng kaibigang si Gelo ay saglit na tumakas para makita ang guwapong binatang amo.
“Tumigil ka na Kika, baka may makarinig sa’yo at isumbong ka kay senora, sige ka.” saway at pananakot ni Gelo sa kaibigan.
“Ang kj mo naman Gelo eh. Ikaw ba hindi ka naguwaguwapuhan sa senorito natin?” nakapamewang na balik ni Kika.
Minabuti ni Gelo na ’wag na lang pansinin ang tanong na iyon ng kaibigan, at pinili nitong magpatuloy na lang sa pag-aayos ng mga plato. Hindi naman masisisi ng binatang kasambahay ang kaibigan, na unang nakaalam sa tunay niyang kasarian. Iyon nga lang matapos nun, kahit na sinong lalaki na sa tingin ni Kika ay guwapo ay sunod siya nitong tatanungin kung siya ba’y nagwagwapuhan rin sa mga ito. Minsan naitatanong na lamang ni Gelo sa sarili kung bakla ba talaga siya, dahil para sa kanya’y mas bakla pang kumilos ang babaeng kaibigan.
‘Babaeng bakla.’ muling pumasok sa isip ng napailing na lamang na si Gelo.
“Magtrabaho na lang tayo Kika. Sige ka baka pagalitan tayo ni Tita Luz.” payo at muling pananakot na lamang ni Gelo sa kaibigan, kilala kasi nitong mas takot pa ito sa kanyang tita kesa kay senora Mercedes.
Hindi nga nabigo si Gelo, sapagkat tumigil na ang kaibigan at sinamahan kaagad siya sa kanyang ginagawa.
“Kika, Gelo, ako na riyan, nagpapatawag si senora ng ilang serbedora sa loob.” boses ni Susan na pumutol sa ginagawa ng dalawa.
“Hindi ba ang dami na ng mga waiters na naroroon Aling Susan?” reklamo ni Kika.
“Huwag kang magmarunong Kika, tatawagin ko ba kayo kung hindi kayo kailangan doon.” masungit na balik ni Susan. Si Susan ay ang mayordoma ng mga Garcia. Nauna lang ito ng ilang taon bago mamasukan ang tita ni Angelo sa mga ito. Gaya ni Mercedes ay may pagkamasungit din ang matanda pero mabait naman ito. Hindi rin maiwasang maging laman ng usapan ng mga kasambahay ang matanda, na kaya raw ito tumandang dalaga at hindi nakapag-asawa’y dahil sa ugaling mayroon ito.
“Sige ho aling Susan magbibihis na kami ni Kika.” magalang na sagot ni Gelo, sabay hila sa babaeng katabi, bago pa muling mapagalitan ito ng matanda.
“Ang sungit talaga ng matandang ’yon, masama ba ang sinabi ko. Eh totoo naman na ang dami ng nagseserve na mga waiters sa loob.” himutok ng katabi ni Gelo.
“Ikaw talaga Kika, kaya ka tuloy pinagdidiskitahan ni aling Susan dahil sa bibig mo. Sumunod na lang tayo sa utos, dahil trabaho naman natin ang pagsilbihan sila.” naiiling na tugon ni Gelo sa kaibigan.
“Kunsabagay, okay na rin na magserve tayo at siguradong maraming mga bisitang guwapo ang mga Garcia, bukod pa kay senorito na makikita ko ng malapitan.” tila nag-ibang ihip ng hanging sagot ni Kika.
“Ikaw talaga Kika.” bukod sa muli’y napailing ay natawa na lamang si Gelo sa lukaret na kaibigan.
…
Matapos na makapagbihis sila Angelo at Kika, sabay na kumuha ng mga pagkain ang dalawa para i-serve sa mga bisita.
“Waiter!” tawag ng isang lalaki.
Hindi ito pinansin ni Gelo dahil buong akala ng binatang kasambahay ay ibang waiter ang tinatawag nito.
“Hey, you, wearing a blue uniform.” tawag ulit ng boses at sa muling narinig ay doon pa lamang napagtanto ni Gelo, na siya pala ang tinatawag ng lalaki, sapagkat itim ang lahat ng suot ng mga waiters na kasama niya at tanging siya lamang ang may suot na kulay bughaw na uniporme. At mabilis na ngang lumapit si Gelo sa kinatatayuan ng lalaking tumawag sa kanya.
“I’m sorry sir.” napayukong hingi ng pasensya ni Gelo sa lalaki.
“It’s okay, what’s your name?” maagap na sagot ng lalaki, na napangiti pa ng makita ng malapitan ang tanging waiter na pumukaw sa kanya.
“Po?” naguguluhan tanong ni Gelo sa lalaking may malawak na ngiti, nang magtama ang kanilang mga mata.
“Cut the ‘po’ thingy, hindi pa naman ako matanda eh.” nakangiting sagot ng lalaki. “At hindi mo pa sinasagot ang tanong ko. Ano ang pangalan mo?” dagdag pa nito.
“Uhm Angelo po.” napayuko na lamang muli si Gelo ng magpakilala ito sa lalaki.
“That po again, Angelo, it fits you.” reaksyon ng lalaki, na ’di rin napigil ang sariling kamay at mabilis na nailagay iyon sa baba ng bagong kakilala.
Muling napaangat ang mukha ni Gelo sa ginawang iyon ng lalaki.
“Cause you look like one, an angel.” dagdag pa ng lalaki ng magtapo muli ang mga mata nila ng kaharap na waiter.
“Gelo!”
Kaagad na napatingin si Angelo sa pinanggalingan ng pamilyar na boses, at kasunod ay nakaramdam ito ng ibayong takot. Bumungad rin sa kanya ang seryosong mukha ng kanyang senorito Julian at alam ng binatang kasambahay, na sa likod ng seryosong mukhang iyon, ang ibig sabihin lang nun ay ’di ito natutuwa sa kanyang ginawa.
“Leave him alone, Jordan.” seryosong baling ni Julian sa kaibigan, nang tuluyang makalapit ito sa dalawa.
“Come on man, I’m just being friendly here and by the way Angelo. Ako naman si Jordan, nice meeting you.” balewala ni Jordan sa kaibigan, sa halip ay pakilala nito at lahad ng isang kamay, sa para sa kanya’y cute na waiter.
Sandaling tinignan ni Angelo ang nagpapakilalang lalaki, at pansin nitong nakangiti ito habang matamang nakatingin sa kanya, sunod na binalingan niya ng tingin ang katabi ng lalaki, na walang-iba kundi ang kanyang senorito Julian, na pansin nitong seryosong pinagmamasdan siya at wari mo’y nagbabanta na huwag niyang aabutin ang kamay ng lalaki. Kaya naman sa huli, dala ng takot ni Gelo sa kanyang senorito ay hindi na nito inabot ang kamay ng lalaki.
“Looks like Angelo’s not interested to meet you.” nakangising baling ni Julian kay Jordan dahil sa nangyari. “Gelo, bumalik kana sa kwarto mo, marami ng mga waiters at hindi ka na kailangan dito.” sunod na binalingan nito ay si Angelo.
“Opo si-sir.” maagap at kabadong sagot ni Angelo sa kanyang senorito at mabilis na iniwanan na ang dalawang lalaki.
…
Pagdating sa kusina ay nadatnan ni Gelo na nandoon na rin si Kika.
“May galit talaga sa akin ang matandang dalaga na ’yon.” bungad ni Kika sa kararating na kaibigan.
“Bakit mo naman nasabi?” balik na tanong ni Gelo sa kausap, matapos na uminom ito ng tubig para mawala ang panunuyo ng kanyang lalamunan, na epekto ng sobrang takot na naramdaman nito kanina sa kanyang senorito Julian.
“Pagkakita sa akin ni senora Mercedes ay pinabalik ako rito, dahil lalaking waiters lang daw ang dapat mag-serve sa mga bisita.” asar na sagot ni Kika.
“Hahaha, ikaw kasi hindi mo mapigilan ang bibig mo kaya ka pinag-iinitan ni Aling Susan.” natatawang sabi ni Gelo, matapos na marinig ang kuwento ng kaibigan. “Buti ka nga si senora lang ang nagalit sa’yo, samantalang ako mukhang nagalit yata sa akin si senorito.” simulang kuwento pa nito.
“Bakit naman magagalit sa’yo si senorito?”
“Isa kasi sa bisita niya ang nagtanong sa pangalan ko, syempre dahil pinalaki akong magalang ni tita, sinagot ko ang tanong na iyon ng lalaki at nagpakilala ako. Pagkatapos nun narinig kong tinawag ni senorito ang pangalan ko, na sa tingin ko’y hindi natuwa sa ginawa ko, kasi nung lumapit ito sa amin ng kausap kong lalaki, parang nagpipigil lang ng galit dahil may ibang tao kaming kasama.” kwentong sagot ni Gelo.
“Oh tapos ano pang nangyari?” atat na tanong pa ni Kika, na biglang naging interesado sa nangyari sa kaibigan.
“Iyon, sinabi ni senorito na tigilan ako ng lalaki na tinawag nitong Jordan, pero hindi siya pinansin ng lalaki at nagpakilala ito sabay lahad pa ng kamay nito sa akin.” patuloy sa pagkuwento ni Gelo.
“Guwapo ba ’yung Jordan?” singit muli ni Kika.
“Mukhang mayaman dahil maganda ang suot nito, kunsabagay lahat naman ng mga bisita nila ay sigurado akong mayayaman. Tinatanong mo kung guwapo? Matangkad siya at mestiso at sa tindig nito ay matipuno rin, kung hindi ako nagkakamali iyon ang mga tipo mo.”
“Swerte mo naman Gelo, pustahan tayo may gusto sa’yo ang lalaking ’yon.” naiingit at konklusyon ni Kika.
“Anong swerte dun, dahil nga sa lalaki mukhang nagalit sa akin si senorito, ni hindi ko nga nakamayan ang tao dahil sa takot ko.” sabi ko naman.
“Ano pang maaasahan kay senoritong masungit, ayaw lang nun na makausap natin ang mga kaibigan niya at ang tingin ng mga kagaya nilang mayayaman sa atin ay mga opurtunista.” masungit na paliwanag ni Kika.
“Tama ka Kika, lalo na at mukhang magkaibigan sila nung lalaki. Pagkatapos nga nun ay pinagtabuyan na ako ni senorito at sinabing bumalik na ako sa kwarto ko.” sang-ayon ni Gelo, dahil wala itong naisip na iba pang dahilan sa naging kilos kanina ng binatang amo.
“Mabuti pa nga, ’yon na lang ang gawin natin, marami na rin tayong naitulong mula pa kanina at papatapos na rin maya-maya ang party.” suhestiyon ni Kika sa kaibigan.
Pagkatalikod sa kanya ng kaibigan, minabuti na rin ni Gelo ang pumunta na rin sa silid nila ng kanyang tita Luzia. Ilang hakbang lang ang kanyang ginawa at mabilis na rin itong pumasok sa silid, tsaka nito ibinagsak ang napagod na katawan sa manipis na kamang meron ang kanyang sariling higaan.
At habang nakahiga, muling nagbalik sa isipan ni Angelo ang mga nangyari kanina, kung paano siya ipagtabuyan ng lalaking pinapangarap niya.
‘Napaka-imposible talaga ng nararamdaman ko, paano siya magkakagusto sa katulad ko na bakla at mahirap lang, lalo lang niyang ipinamukha sa akin kanina na basahan lang ako at hindi kailanman pupuwedeng dumikit sa mga katulad nilang mayayaman.’ hanggang sa makatulog ito, paulit-ulit na iyon ang laman ng isipan ni Angelo.
Chapter 2
Kinaumagahan
“Buti at gising ka na Gelo, dalian mong mag-ayos ay iakyat mo ang almusal ni senorito Julian.” bungad ni Luzia sa pamangkin ng samahan siya nito sa kusina.
“Sige ho, pero bakit ho hindi sa hapag mag-aalmusal si senorito?” sunod ni Angelo at takang tanong rin nito sa tiyahin.
“Ah oo nga pala, hindi mo alam na umalis ng maaga sina senor at senora. Hindi ba kapag wala ang magulang ni senorito Julian ay ayaw na ayaw niyang kumain ng almusal sa hapag ng mag-isa.” paliwanag ni Luzia.
Sa narinig nito sa kanyang tita, napatango na lamang bilang sagot si Angelo, kasunod nun ay mabilis na itong naghilamos para sundin ang iniuutos sa kanya.
Matapos ayusin ang sarili, malagwa ng inilagay ni Angelo sa isang tray ang mga kakaining almusal ng kanyang senorito, at tinungo na nito ang kuwarto ng binatang amo na lihim rin nitong gusto.
“Tok! Tok!” ingay ng pagkatok sa pinto ni Angelo.
“Pasok!”
Sa narinig na boses na galing sa kanyang senorito, binuksan na ni Angelo ang pinto.
Pagbukas sa pinto, tumambad sa binatang kasambahay ang magara at maluwag na kwarto ng binatang amo. Saglit pang iginala ni Angelo ang kanyang mga mata sa apat na sulok ng kuwartong iyon, ngunit wala ang inaasahan nitong presensya ng kanyang senorito.
Nasagot kaagad ang tanong sa isipan ni Angelo, pagkarinig nito sa ingay ng tubig na nanggagaling sa bahagi ng banyo na nasa loob rin ng malaking silid ng kanyang senorito. Kaya naman, minabuti na lang nitong iwan sa lamesa na nasa gilid ng kama ang mga pagkaing dala-dala nito. Matapos mailapag ang mga pagkain, tangkang lalabas na sana ito, ngunit hindi na natuloy dulot ng isang kamay na naramdaman nito sa kanyang braso.
“Don’t leave, sabayan mo na akong kumain.” sunod na narinig ni Angelo, sa pamilyar na boses na galing sa kanyang senorito.
Natigil nga sa paglabas ang binatang kasambahay, na sunod na nagulat sa bumungad sa kanya ng humarap ito sa binatang amo.
Nanlaki nga ang mga mata ni Angelo, nang unang tumambad sa kanyang paningin ang malapad at basang dibdib ng kanyang senorito Julian, pati na ang anim na abs na mayroon rin ito na may mga butil pa ng tubig na galing sa basa pa nitong buhok, at hindi rin nakaligtas sa kanya ang puting tuwalya na nakapalupot sa baywang ng binatang amo na tanging tumatakip sa ibabang parte ng katawan nito pati na ang nakabukol sa bahaging iyon.
“U-uhm.”
Natauhan lamang si Angelo na ’di namalayang napako na pala ang pagtitig sa katawan ng kanyang senorito Julian, nang marinig nito ang pagtikhim ng huli.
Sa hiya nga ay pinamulahan ng mukha ang binatang kasambahay, na mabilis rin tumalikod sa kanyang amo pagkatapos.
“It’s okay Angel, and sorry at nakita mo ako sa ganoong ayos.” saad ni Julian na nabatid ang pagkailang ng kasama.
“Uhm lalabas na ako sir.” naisagot na lamang ni Angelo na nanatiling nakatalikod at hindi magawang tignan muli ang binatang amo.
“Don’t, hindi ba ang sabi ko sa’yo sabayan mo akong kumain, stay here, magbibihis lang ako sa banyo.”
“Si-sige po sir.”
…
“Kain na tayo Angel.” tawag pansin ni Julian sa kasama matapos nitong makapagbihis.
Gaya ng dati, muling humanga na naman ang binatang kasambahay pagkakita nito sa ayos ng kanyang senorito, na kahit simple lamang ang suot ay hindi maipagkakailang maihahambing o baka nga mas lamang pa sa mga sikat na modelong nakita na niya sa ilang magazines at mga billboards sa kalsada.
“Sige po sir, ihahanda ko na ang mga ito.”
“Angel do you have a girlfriend?” walang anu-ano ay narinig na tanong ni Angelo sa kaharap, habang abala sila sa pagkain.
Dala nga ng hindi nito inaasahan ang tanong na iyon ng kanyang senorito, naubo na lamang ang pobreng kasambahay.
“I’m sorry sir.” paumanhin kaagad ni Gelo, matapos nitong inumin ang iniabot na tubig ng kasama..
“It’s okay, so do you have a girlfriend?” pag-ulit na tanong ni Julian sa kaharap.
“Wala sir.”
“How about a boyfriend?” ngiting sunod na tanong ni Julian.
Bago muling sagutin ang kaharap, pinamulahan ng mukha si Angelo.
“Wala rin sir.”
“Mabuti naman.” usal ni Julian dulot ng kanyang mga nalaman sa kaharap.
Parang aatakihin naman sa puso si Angelo matapos ang narinig nito sa kanyang senorito, na sa tingin niya’y tila natuwa at wala pa siyang nobyo.
“Maiba ako, nasaan ang regalo ko sa’yo para sa birthday ko kahapon?” tanong ni Julian sa tahimik muling kasama.
“Pa-pasenya na sir, wala po kasi akong ekstrang pera.” pagsisinungaling na tugon ni Angelo, na hindi na naibigay kahapon ang simpleng regalong ginawa nito para sa kanyang senorito, matapos na makita ng kanyang dalawang mga mata ang mga mamahaling regalong natanggap ng kaharap kahapon. Ano nga ba ang simpleng bracelet na regalo niya, kumpara sa mga iyon na libo-libo at milyones ang mga halaga.
Sa ilang taong pananatili at paninilbihan ng tanging lalaking kasambahay sa kanilang mansyon, batid ni Julian na hindi nagsasabi ng totoo ang kaharap na ngayo’y hindi magawang tumingin sa kanya ng diretso.
“Silang lahat ay may ibinigay sa akin, Gelo, pagkatapos sasabihin mong ikaw wala?” seryosong saad ni Julian na lihim na natutuwa sa mga sandaling iyon, at inilapit ang sariling mukha sa nahihiyang kaharap.
“Se-senorito.” magkahalong kaba at hiya na ang kasalukuyang nararamdaman ng binatang kasambahay, lalo pa’t ilang pulgada na lamang ang layo ng mga mukha nila ng amo.
“Kung wala kang materyal na bagay na ireregalo sa akin, bukod dun, anong kaya mong ibigay kay senorito?”
Tila anumang oras ay hihimatayin na si Angelo matapos ang ginawang pagbulong na iyon ng kanyang senorito Julian, kaya sa huli, wala ng nagawa pa ang pobreng kasambahay kundi aminin at ibigay ang simpleng regalong ilang araw ng dala-dala nito sa kanyang bulsa.
“He-heto po se-senorito.” labas at abot ni Angelo sa ginawang bracelet at regalo nito sa binatang amo.
Napangiti naman si Julian na hindi nabigong mapaamin ang kaharap, at mabilis na nitong kinuha ang nasabing pulseras.
“Ikaw ang magsuot nito sa akin.” abot muli ni Julian ng pulseras kay Angelo, tsaka iniunat ang sariling braso sa mesa.
Gaya ng kagustuhan ng kanyang senorito Julian, ipinasuot nga ni Angelo ang iniregalo nitong pulseras sa braso ng una.
“Thank you Angel, ito ang pinaka-espesyal na regalong natanggap ko.” ngiting hayag ni Julian.
“Wa-walang anuman sir, masaya po akong nagustuhan ninyo ito.” pinamulahan muli ng mukhang tugon ni Angelo na masaya rin sa mga oras na iyon.
…
“Gelo anong magandang nangyari, bakit ang lapad-lapad ng ngiti mo?” usisa ni Kika na kanina pa napapansin ang tila lumulutang at kanina pa may malawak na ngiting mukhang mayroon ang kaibigan.
“Masama bang maging masaya Kika? Maganda lang ang gising ko.” tanong pabalik ni Angelo na piniling ’wag sabihin ang totoo, dahil kilala nitong matabil ang dila ng kasama.
“Ay iba rin, hindi naman masamang maging masaya Gelo, pero iyung nangingiti ka pa samantalang kanina pa tayo naglilinis dito, aba iba na ’yan, hindi ka naman siguro gumagamit ng bawal na gamot hindi ba?”
“Sira ka talaga Kika.” napailing na lamang si Angelo na sunod na binato ng basahan ang loka-lokang kasama na nasapul sa mukha.
“Bwisit naman Gelo eh, sa dami ng pupuwede mong batuhin, dito pa talaga sa pretty face ko no?” nainis na reklamo ni Kika na napangiwi pa, matapos makitang naging maitim ang kulay puting pamunas na tumama sa kanya.
“Kika! Ang mga kamay at mga paa ang ginagamit sa paglilinis, hindi ang maingay mong bunganga.” saway ni Susan na malapit lang sa kinaroroonan ng dalawa at abala rin sa paglilinis.
Pigil naman ni Gelo ang matawa, dahil matapos na asarin ang kaibigan, ngayon ay napagalitan naman ito.
Natameme na lamang si Kika na pigil ang nararamdamang inis hindi para sa kaibigan na normal na ang asaran sa pagitan nilang dalawa, kundi para sa matandang dalagang kasambahay na palaging siya na lamang ang napagdidiskitahan.
“May galit talaga sa akin ang matandang iyon, tignan mo, ako na naman ang nakita.” mahinang reklamo ni Kika sa kaibigan.
“Hayaan na lang natin si aling Susan, matanda na siya at baka atakihin pa iyon kapag sinagot mo pa.” payo na lamang ni Gelo, kahit pa siya ay napapansin rin ang tila ibang pagtrato ng matandang kasambahay sa kaibigan.
“Iyon naman ang ginagawa ko Gelo eh, pero syempre hindi sa lahat ng oras ay kaya kong hayaan na lamang siya.”
“Hayaan mo sasabihin ko mamaya ang nangyari kay tita, para kausapin niya ito.”
“Mabuti pa nga, sige dun na muna ako sa bandang iyon, baka may masabi na naman ang matandang mangkukulam na iyon.”
“Sira ka talaga.” napailing na lamang si Angelo sa tinuran ng kaibigan.
…
“Nasaan si Angel?” tanong ni Julian sa nadatnan nitong dalagang kasambahay, na kasalukuyang pinupunasan ang mahabang hagdan na nagdurugtong sa ikalawa at ikatlong palapag ng kanilang mansyon.
Bago sagutin ang binatang amo, mabilis na inayos ni Kika ang sarili, at matamis pa itong ngumiti pagkatapos.
“Nasa ikalawang palapag senorito, kasama niya si aling Susan at abala silang naglilinis kagaya ko.”
Hindi manhid si Julian at alam ang ginagawa ng dalagang kasambahay, sa dahilang hindi na niya mabilang ang mga babaeng lantarang nagpapakita sa kanya ng interes o sa madaling salita ay gusto ang maging nobyo siya o kaya naman ang kahit na katiting lamang ng atensyon niya. Kaya gaya ng dati, mabilis nitong nilagpasan at ’di na tinapunan muli ng tingin ang dalagang kasambahay na ni pangalan ay wala siyang panahon para malaman man lang, sa halip tinungo na nito ang kinaroroonan ng kanyang pakay sa mga oras na iyon.
…
“Senorito Julian may lakad yata kayo?” ngiting usisa ni Susan pagkakita nito sa presensya ng binatang amo.
“Meron nga aling Susan.” ngiting tugon ni Julian na sunod na iginala ang paningin sa lugar. “Angel, may pupuntahan tayo, mag-ayos ka at hihintayin kita sa labas.” baling naman ng binata ng makita na niya sa wakas ang pakay nitong kasambahay.
“Ako po? Pe-pero senorito ma-marami pa kaming hindi natapos malinisan ni aling Susan atsaka-” naguguluhang tanong at di natapos na tugon ni Angelo sa kanyang amo, nang sumali sa usapan ang matandang kasambahay.
“Gelo, sundin mo kung anong nais ni senorito, magtatawag na lang ako ng iba sa mga kasama natin, dalian mo na, ayaw na ayaw ni senorito Julian ang pinaghihintay siya.”
“Si-sige po.” tarantang sagot ni Angelo, na muntik pang madulas gawa ng pagmamadali nito.
‘Nakakatuwa talaga siya.’ saad sa sarili ni Julian na may ngiti sa labi at tinungo na ang palabas sa mansyon.
Chapter 3
“Sorry sa paghihintay senorito.” paumanhin ni Angelo sa among nasa hardin at nakaupong naghihintay sa kanya.
“It’s alright Angel, let’s go.” ngiting tugon ni Julian, na sunod na tinignan mula ulo hanggang paa ang kaharap.
“Si-sige po.” nailang na sagot ni Angelo na napansin ang ginawa ng binatang amo.
…
“May music d’yan, pumili ka kung anong gusto mo.” baling ni Julian sa katabi, na nanatiling tahimik mula pa kaninang pagpasok nila ng sasakyan.
“O-okay lang po ako senorito.” hiyang sagot ni Angelo, sapagkat takot itong magasgasan man lang ang anumang gamit na nasa loob, na batid rin nitong mamahalin at isa lamang sa tatlong bagong pag-aaring sasakyan ng binatang amo.
Gaya ng kanyang inaasahan, tinanggihan nga siya ng katabi, kaya minabuti ni Julian na buksan na lamang ang radyo para mawala ang pagkailang ng kasama.
Nanatiling tahimik ang dalawa sa ilan pang minutong lumipas ng kanilang biyahe, si Julian na piniling ituon sa pagmamaneho ang mga mata, samantalang si Angelo naman ay sa bintana ng pinto ng sasakyan piniling ibaling ang mga mata at pinagmasdan ang kanilang mga dinadaanan, na paraan na rin nito para hindi matuksong tumitig sa guwapong mukha ng kanyang senorito.
Naagaw ang pansin ng seryosong nagmamanehong si Julian, pagkarinig nito sa mahinang pagsabay ng katabi sa kantang kasalukuyang ipinapatugtog sa radyo.
“You sound great.” komento ni Julian.
“So-sorry senorito.” hiyang sagot ni Angelo, na nakalimutan pansamantala na may kasama nga pala ito.
“That’s not how to answer back someone who just praised you.” ngiting baling ni Julian sa namumulang kasambahay.
“Tha-thank you senorito.” tugon ni Angelo na pinilit na kinayang titigan ang guwapong mukha ng among lihim rin nitong gusto.
“That’s better Angel, how come na naiilang ka pa rin kapag kasama ako?”
“Eh kasi senorito, palagi na lang may kasamang ingles kapag nagsasalita kayo.” sagot ni Angelo na hinaluan rin nito ng biro.
“Hahahaha, sorry my bad, Angel, but seriously, bawas-bawasan mo ang pagiging mahiyain kapag kasama ako, hindi naman ako nangangagat.” natawang saad ni Julian at payo rin nito sa katabi. “Well pwera na lang kung gusto mo.” pahabol pa ng binata na kumindat pa pagkatapos.
Sa ginawang iyon ng amo, tila lalabas na ang puso ni Angelo sa lakas ng pagtibok nito. At naitanong rin nito sa sarili, nahahalata na ba ng kanyang senorito ang nararamdaman niya para rito?
Ilang minuto pa ang lumipas, at huminto na ang sinasakyan ng dalawa sa tapat ng isang malaking mall.
“May mga bibilhin lang ako, hindi naman tayo magtatagal.” kausap ni Julian sa katabi bago ito lumabas ng sasakyan.
Mabilis namang sinundan ni Angelo ang kanyang senorito na hinintay ang kanyang pagbaba, at sabay na rin silang pumasok sa nasabing mall.
…
Halos malaglag ang panga ni Angelo sa tuwing makikita ng kanyang mga mata ang presyo ng bawat damit na iniaabot sa kanya ng binatang amo, mabuti na nga lang at napigil nito ang sariling bibig, pagkakita niya sa halagang isanlibo na presyo ng isang piraso lang na panyo.
‘Ang dami ko ng mabibiling panyo sa tiyangge sa halagang iyon, kahit pa kumain ako sa fastfood may matitira parin.’ saad sa isip na lamang ng pobreng binata na patuloy sa pagsunod sa among abala parin sa pamimili.
Sandaling nahinto sa pagsunod si Angelo, nang mapansin nito ang larawan ng kanyang senorito Julian sa isang kilalang magazine. At ng mabasa nito ang caption na naroon, tila may bumaong kutsilyo sa kanyang puso pagkatapos.
“Angel, halika na.”
Sa pagtawag ng kanyang amo sa kanyang pangalan, doon pa lamang bumalik sa reyalidad ang binatang kasambahay matapos ang kanyang mga nalaman.
“Akala iniwan mo na ako, sorry at medyo natagalan tayo.” saad ni Julian pagkalapit sa kanya ng kasama.
“Hindi mo kailangang magsorry senorito.” maagap na tugon ni Angelo na pilit pang ngumiti, kahit pa ibayong lungkot ang kasalukuyan nitong nararamdaman.
“Are you alright?” alalang tanong ni Julian, nang mapansin nito ang lungkot sa mga mata ni Angelo.
“Okay lang po ako senorito, naalala ko lang ang nangyari sa teleseryeng pinapanood namin ni tita.” sagot ni Angelo na kaagad nakaisip ng idadahilan.
“Fine, hindi na kita kukulitin, but remember, I’m always here if you need someone to talk to.”
Sa mga ganitong pagkakataon, pakiramdam ni Angelo ay espesyal siya para sa kanyang senorito Julian. Kaya masisisi ba ang simpleng kagaya niya na nangangarap at umaasang masusuklian ang pag-ibig na kanyang nararamdaman? Ngunit kailangan na niyang magising sa katotohanan, sapagkat ang lalaking kanyang lihim na iniibig ay nakatakda ng ikasal sa magandang babae na galing rin sa isang maimpluwensyang angkan.
…
Naging tahimik ang naging biyahe pabalik ng mansyon ng dalawa, na kapwa may malalim na iniisip. At nang makarating na sila sa tapat ng mansyon, naunang bumaba ng sasakyan ang pobreng binata na mabilis na tinungo ang sariling silid. Naiwan naman ang naguguluhang si Julian na hindi na nagawa pang iabot ang mga pinamili nito para sa kasama.
…
Pagkapasok ni Julian sa loob ng mansyon, hindi nito inaasahan ang taong bubungad sa kanya.
“Hi babe.” bati ni Francine sa lalaking pakakasalan na mabilis rin nitong hinalikan sa mga labi.
Nanatili namang seryoso ang mukha ni Julian, na hindi tinugunan ang salubong na mga halik ng babaeng bisita.
“Why are you here?” tanong ni Julian pagkahiwalay sa kanya ni Francine.
“What’s with that question, babe? I’m here, ’cause I’m your fiancee, sorry nga pala at hindi ako nakarating kahapon on your birthday, actually dito kaagad ako dumiretso paglapag ng flight ko kanina.” sagot at paliwanag ni Francine. “You’re wearing this? Hindi ko alam na mahilig ka sa mga cheap na bagay, pero mas better itong regalo ko sa’yo.” patuloy pa ng sopistikadang dalaga, na mabilis na natanggal ang mumurahing pulseras na suot ng pakakasalan, at ipinalit ang mamahaling pulseras na dala.
Hindi malayo sa kinaroroonan ng dalawa, nakasilip ang kasambahay na si Angelo na pigil ang mga luha sa mga nasaksihan.
Chapter 4
“Grabe ang ganda nung pakakasalan ni senorito, bagay na bagay silang dalawa.” komento ni Kika habang abala sila ng mga kasama sa paghahanda ng hapunan.
“Kika mamaya na ang tsismisan, atupagin mo na lang ang pag-aayos diyan sa hapag.” saway ni Luzia sa dalagang kasambahay.
“Oho aling Luz.” magalang na tugon ni Kika. “Kanina ko pa napapansin na tahimik ka, ayos ka lang ba?” mahinang baling naman nito sa kaibigang si Angelo, na kasama nito sa paghahanda sa mahabang mesa.
“Okay lang ako.” sagot ni Angelo na pilit ring nginitian ang kaibigan.
“Kung anuman iyang gumugulo sa iyo, nandito lang ako kapag kailangan mo ng makakausap.” saad ni Kika.
Sa sinabing iyon ng kaibigan, naalala ni Angelo na ganoon rin ang mga binatawang salita sa kanya kanina ng binatang amo.
Iwinaksi na lamang ng pobreng binata ang mga naisip, at minabuti nitong ituon na lamang ang sarili sa ginagawang pag-aayos sa hapag.
…
“I’m glad na narito ka hija, ilang araw ka ngang nasa states?” ngiting baling ni Mercedes sa dalagang bisita, na hindi magtatagal ay magiging parte na ng kanilang pamilya
“Two weeks sana akong mag-i-stay sa states tita, kaya lang namiss ko si babe kaya bumalik ako kaagad after Eight days, sayang nga lang hindi ko nahabol ang birthday party niya kahapon.” ngiting sagot ni Francine sa magiging mother in law, at sobrang masaya ang dalaga na kasalo niya ngayon sa hapunan ang mag-anak na Garcia.
“You’re so sweet hija.” komento ni Mercedes na natutuwa sa mga sandaling iyon. “Julian, alagaan mo si Francine, you’re lucky for having her.” baling naman nito sa unico hijo nila ng asawa.
“Tama ang mama mo, hijo, stop fooling around this time.” sang-ayon ni Julio sa asawa at pangaral nito sa kanyang heredero.
“Don’t worry tito, tita, alam kong aalagaan ako ni Julian, right babe?” saad ni Francine na lalo pang dumikit sa magiging asawa.
Nanatili lamang na tahimik si Julian na inabala ang sarili sa pagkain ng hapunan, habang patuloy sa masayang pag-uusap ang mga kasama sa hapag. Hindi man nito gusto ang sitwasyong mayroon ito ngayon, pinili nitong hayaan na lamang ang mga nangyayari.
Samantala, sobrang sakit ang tinitiis ni Angelo habang pinagsisilbihan ang mga amo na kasalukuyang abala sa hapunan. Muli, isinampal na naman sa kanya ng tadhana na walang pag-asang masusuklian ang hibang na pag-ibig na nararamdaman niya sa kanyang senorito Julian, na ngayo’y katabi ang isang magandang babae na siya ring magiging asawa nito.
“Oh my gosh!” tili ni Francine ng mabasa ng tubig ang suot nitong damit.
“I-I’m sorry ma’am.” utal at kabang paumanhin ni Angelo, na hindi sinasadyang madulas ang kamay sa hawak na pitsel na naging dahilan nga para mabasa ang damit ng babae.
Naging alerto naman ang mga kilos ni Julian, na mabilis na nasalo ang babasahing pitsel na nabitawan ni Angelo.
“Istupido! Tignan mo ang nagawa ng katangahan mo!” bulyaw ni Mercedes sa lalaking kasambahay.
“Mom, that’s enough!” awat ni Julian sa mama nito. “Angel, bumalik ka na sa kusina.” mahinahong baling naman nito sa binatang kasambahay na nanatiling nakayuko.
“I’m sorry hija, hayaan mo pagsasabihan ko iyon mamaya.” hinging paumanhin ni Mercedes sa babaeng bisita nila.
“It’s okay tita, pero kailangan ko lang pumunta ng banyo para mag-ayos.” ngiting tugon ni Francine, ngunit sa loob-loob nito’y sobrang naiinis ito sa nangyari, lalo na sa kasambahay na naging dahilan para mapahiya siya sa mga magulang ng pakakasalan.
“Hijo, mabuti pa’y samahan mo na si Francine.” suhestiyon ni Julio sa anak, at sa isip ng matandang Garcia, mukhang tama nga ang mga hinala nito tungkol sa heredero niya matapos ang kanyang mga nasaksihan.
…
“Sorry tita, baka mamaya pati kayo’y mapagalitan ni senora dahil sa katangahan ko.” hinging paumanhin ni Angelo sa tiyahin.
“Ano ka ba Gelo, ayos lang kung mangyari man iyon, pero sigurado ka bang okay ka lang?” tugon ni Luzia at alalang muling tanong nito sa pamangkin, na kanina pa niya napapansing tila may dinaramdam at wala sa kilala nitong palaging masiyahin.
“Oho ayos lang talaga ako tita, tulungan ko na kayo diyan.” pagtitiyak ni Angelo, na tumayo na rin para samahan ang tiyahin sa paghahanda ng hapunan nila ng mga kapwa kasambahay sa mansyon.
“Hindi, maupo ka nalang d’yan Gelo, kami na ng tita mo ang bahala dito.” pigil ni Kika sa kaibigang batid nitong hindi nagsasabi ng totoo.
…
“Tito, tita, nandiyan na sa labas ang sundo ko, salamat ulit sa masarap na hapunan.” paalam ni Francine sa mga magiging biyenan.
“Anytime hija at pasensya na rin sa nangyari kanina.” tugon ni Mercedes.
“Oh it’s alright tita, sige mauna na ako.” ngiting sagot at muling paalam ni Francine.
“Hijo, samahan mo na sa paglabas si Francine.” seryosong baling ni Julio sa anak.
Gaya ng utos sa kanya ng ama, sinamahan ni Julian si Francine, hanggang sa makasakay ng sasakyan ang huli.
…
“Julian, sundan mo ako sa opisina ko.” bungad ni Julio pagkapasok ng kanyang heredero.
Bago pa ito makasagot, tinalikuran na siya ng ama na tinungo na ang sariling opisina, kaya napabuntong-hininga na lamang si Julian at sumunod na rin pagkatapos.
…
“Hindi ko nagustuhan ang pagtataas mo ng boses sa iyong mama kanina, bukod dun pansin ko rin na tila wala kang kaamor-amor sa babaeng pakakasalan mo.” simula ni Julio sa pag-uusap nila ng anak.
“Hindi ko gustong pagtaasan ng boses si mom, pa, pero mali rin ang ginawa niyang pagbulyaw kay Angel, dahil hindi naman sinadya nung tao ang nangyari.” depensa kaagad ni Julian.
“Angel huh? At kailan ka pa nagkainteres na malaman ang pangalan ng isang hamak lang na katulong? Tapatin mo nga ako, may gusto ka ba sa muchachong iyon?” tumbok ni Julio sa tunay na dahilan ng pag-uusap nila ngayon ng kanyang heredero.
Natigilan naman si Julian matapos ang mga narinig nito sa ama, pero ng makabawi ay sinagot na rin nito ang tanong na iyon sa kanya.
“Wala akong gusto sa kanya, pa.”
“Mabuti naman kung ganun, dahil hindi kita pinalaki para pumatol sa kapwa mo lalaki, at gusto kong ayusin mo ang patrato kay Francine, dahil siya lamang ang nararapat para sa isang kagaya mong Garcia, sige na, makakalabas ka na.” pagtatapos ni Julio sa pag-uusap nila ng anak.
Tumayo na rin kaagad si Julian, sunod sa kagustuhan ng ama. At ng tuluyang makalabas na ito sa opisina, isang malakas na suntok ang iginawad nito sa pader, na paraan nito upang ilabas ang nararamdamang sama ng loob para sa mga magulang.
“Hindi pa puwede sa ngayon, pero gagawa ako ng paraan para maging posible ang lahat.” kausap ni Julian sa mumurahing bracelet, na hawak ng duguan nitong kamay.
Chapter 5
Malakas na upbeat na tugtog at patda-sinding mga ilaw ang bumati kay Julian, pagkapasok nito sa isang kilalang bar. Matapos ang pag-uusap nila ng ama, pinili ng binata na panandaliang kalimutan ang mga nangyari sa maghapon, kaya heto siya ngayon, kahalubilo sa nasabing lugar ang iba’t-ibang mga tao na kundi abala sa pagsasayaw ay abala naman sa pagtikim ng iba’t-ibang klase ng mga alak. Nasa ikalawang baso na siya ng iniinom na alak, nang maramdaman nito ang pag-akbay sa kanya ng isang tao.
“Bro! Ikaw nga, bakit nagsosolo ka ngayon?” masaya at malakas na hayag ni Jordan ng matiyak na narito nga sa bar kagaya niya ang matalik na kaibigan.
“Not anymore, ’cause your here now.” ngiting tugon ni Julian.
“Oh you’re right, but bro don’t change the topic, is it about that model girl?” huli ni Jordan sa kaibigan.
“Who knows?” kibit balikat na sagot ni Julian.
“Yeah it’s definitely her, glad that I’m not in your position right now, ’cause it really sucks.” komento na lang ni Jordan, matapos mabatid na tama nga ang hinala nito.
“Wow, thanks.” sarkastikong balik ni Julian matapos ang mga narinig nito sa katabi.
“No worries bro.” asar pabalik ni Jordan.
“Umupo ka na nga, samahan mo akong makalimot.” naiiling na yakag ni Julian, na kahit papaano’y nagpapasalamat at narito ngayon ang luko-loko pero matalik naman nitong kaibigan.
“Bukod sa alak, may iba pang paraan para mawala ang problema mo, why not give those girls a good night?” ngiting suhestiyon ni Jordan at nguso nito sa direksyon ng ilang babaeng kanina pa malagkit na nakatingin sa kanila ng kaibigan.
“Nah bro, lalo lang madaragdagan ang problema ko, basides ayokong magalit ang nagregalo sa ’kin nito.” tanggi ni Julian, tsaka may malawak na ngiting ipinakita sa kaibigan ang pulseras na suot nito.
“Oh! Who’s that mystery girl? Do I know her?” interesadong tanong ni Jordan.
“Maybe?” kibit-balikat na tugon ni Julian, tsaka muling itinuon ang sarili sa basong nilagyan muli ng alak ng bartender.
“I’m more curious now.” saad ni Jordan.
“Ipapakilala ko rin siya sa’yo, soon.”
“Yeah, you should be, actually bro may nagugustuhan na rin ako ngayon.” bahagi ni Jordan pagkatapos.
“Really? So, who is she?”
“Ipapakilala ko rin siya sa’yo, soon.” tugon ni Jordan na ginaya ang sagot kanina ng kaibigan.
Sa nangyari nga’y natawa na lang pareho ang dalawa sa kanilang kalokohan, at masayang ipinagpatuloy nila ang pag-inom hanggang sa ilang oras pang lumipas.
…
“Gelo, gumising ka muna.” yugyog ni Luzia sa pamangkin pagbalik nito ng kuwarto.
“Uhm bakit po tita?” inaantok na tanong pabalik ng nagising na binata.
“Si senorito Julian kasi lasing na lasing na umuwi, halika ka na para matulungan natin ang naghatid sa kanya.” mahabang paliwanag ni Luzia.
“Si-sige po tita.” tugon ni Angelo na sa isang iglap ay nawala ang pagkaantok dahil sa mga nalaman.
…
“Pasensya na po at naabala pa kayo.” baling ni Angelo sa lalaking pamilyar sa kanya at kasama nito ngayong umaalalay sa lasing na lasing at wala ng malay na amo.
“It’s alright, kasalanan ko rin siguro kaya nalasing ng todo ang lokong ’to.” ngiting sagot ni Jordan.
“Uhm nandito na po tayo sa kuwarto.” ilang na saad ni Angelo sa kausap, na pansin nitong kanina pa titig na titig sa kanya.
“Oh right, sige ako na munang bahala kay Ian, buksan mo na muna ang pinto.” ngiting tugon ni Jordan na masaya sa sandaling iyon, dahil nakasama muli nito ang lalaking waiter na laman ng kanyang isipan mula pa kahapon.
Matapos buksan ni Angelo ang pinto, muling pinagtulungan nila ni Jordan ang paghatid kay Julian, hanggang sa mailagay nila ito sa kama.
“Salamat po sa paghatid kay senorito.” muling pasalamat ni Angelo sa kaibigan ng amo.
“You’re welcome Angelo, paano mauna na rin ako.”
“Ayaw n’yo po bang magkape na muna?” suhestiyong tugon ni Angelo, na kahit papaano’y nag-aalala sa batid nitong nakainom ring kaibigan ng amo.
“Kung ikaw ang magtitimpla, hindi ako tatanggi.” ngiting tugon ni Jordan, na sinimulan na rin ang hakbang para mas mapalapit sa kausap.
“Magkaibigan nga kayo ni senorito.” napailing na lamang komento ni Angelo, na sa puntong iyon ay nabawasan na ang pagkailang sa lalaking kasama.
…
“Ang sarap nitong kape, mukhang mapapadalas ang pagpasyal ko dito sa mansyon nila Ian.” bola ni Jordan.
“Bolero, hindi na ako magtataka kung ganyan mo napasagot ang girlfriend mo.” saad ni Angelo na natutuwa rin, sapagkat mabilis nitong nakapalagayan ng loob ang lalaking kaharap.
“Ang kulit mo rin Angelo, sabi ng wala nga akong girlfriend.” pagtatama muli ni Jordan sa kausap.
“Siya, sabi mo eh.” ’di paring naniniwalang tugon ni Angelo.
“Teka ang dami mo ng nalaman sa akin, ikaw naman ang magkwento.” nakahalata ng saad ni Jordan.
“Next time na lang, mabuti pa’y sasamahan na kita sa guest room, inaantok na rin ako.” pag-iwas ni Angelo at suhestiyon rin nito, matapos na mapapayag kanina ang kausap na dito na lang sa mansyon matulog.
“Ang daya naman nito, ayaw magkwento, atsaka paano ako makakatulog niyan eh kakainom ko lang ng kape?”
“Hindi ko na problema iyon, dali na Jordan maaga pa akong babangon bukas.”
“Papayag lang ako sa isang kondisyon.” kuha ng pagkakataon ni Jordan.
“O sige na, ano ’yon?”
“Labas tayo minsan, treat ko na rin sa’yo kapalit ng masarap na kape mo.” ngiting sagot ni Jordan.
“Iyon lang pala sige pumapayag ako, pero pupwede lang ako kapag Sabado o Linggo.
“Okay, wala ng bawian ah.” ngiting hayag ni Jordan na sobrang masaya rin at unti-unti na itong napapalapit sa taong kahapon lang ay laman lamang ng kanyang isipan.
…
“Gelo naihatid mo na ba sa guest room ang kaibigan ni senorito?” tanong ni Luzia na may dalang maligamgam na tubig sa palanggana na may kasama ring bimpo.
“Oho tita, para saan po ’yan?” sagot at takang tanong rin ni Angelo.
“Ang batang ito, kanino pa kundi kay senorito. Naku mabuti pa’y ikaw na ang magpatuloy na magpunas sa katawan niya at pareho naman kayong lalaki.” tugon ni Luzia at abot nito sa mga dala sa pamangkin.
“Ho?! Pe-pero tita!” nagulantang na sagot ni Angelo na sobrang kinabahan rin pagkatapos.
“Dali na Gelo, baka magkasakit pa si senorito Julian, sige na mauuna na akong matulog.” huling saad ni Luzia, bago nito iwanan ang pamangkin.
“Diyos ko, ilayo mo pa ako sa tukso.” napadasal na lamang ang walang nagawang si Angelo, na sunod ng tinungo ang papunta sa kuwarto ng kanyang senorito.
Chapter 6
Ang kabang nadarama ni Angelo ay dumoble pa, nang tuluyan na itong makapasok sa loob ng silid ng kanyang senorito. At sa bawat paghakbang ng kanyang mga paa papalapit sa nakahiga sa kama at wala paring malay na amo, paulit-ulit nitong itinatatak sa sarili na walang malisya ang susunod niyang gagawin.
Hanggang sa tuluyan na nga itong nakalapit sa gilid ng kama, at sa pagkakataong iyon, kinakabahan man ay simulan na nitong ipagpatuloy ang pagpupunas sa katawan ng kanyang senorito Julian.
Sa bawat pagdampi ng kanyang malambot na kamay, sa moreno at makisig na katawan ng mahimbing parin nitong amo, pakiramdam ni Angelo ay para itong lalagnatin. At hindi nakatulong ang paminsan-minsang pag-ungol ng kanyang senorito, na naging sanhi naman para matuyuan siya ng laway. Kaya ng matapos na ito sa ginagawa, pakiramdam ng binatang kasambahay ay parang nabunutan rin ito ng tinik.
“Masaya ako para inyo ni ma’am Francine, senorito, bagay na bagay kayo sa isa’t-isa, sigurado rin akong magiging mga guwapo at magaganda ang magiging anak ninyo.” kausap ni Angelo sa natutulog na amo, na sa sandaling iyon ay hindi na namalayan ang pagtulo ng mga luha sa kanyang mukha. “Kung makikita mo ako siguro ngayon iisipin mong nababaliw na ako, dahil nangingiti ako at naiiyak rin ng sabay, sige lalabas na ako senorito, goodnight.” paalam na ng binatang kasambahay at matapos kumutan ang amo, lumabas na rin ito sa kuwartong iyon.
…
Hindi gaya ng kanyang inaasahan, na gigising siya sa masakit ng hang-over matapos ang maraming alak na kanyang nainom kagabi, magaan at masigla ang pakiramdam ni Julian habang kasalukuyan nitong iniuunat ang kanyang mga braso.
‘Si Angel.’ usal sa isipan ni Julian, na sunod na naalala ang nangyari kaninang madaling araw na buong akala nito’y isang panaginip lamang.
Sa napagtanto nga’y, may ngiti sa labing bumangon na ang binata na tinungo na rin ang banyo para makaligo.
…
Habang pababa ito para puntahan ang tanging kasambahay na nagpagulo sa kanyang buong pagkatao sa mga nakalipas na buwan, hindi rin maalis ang ngiti sa mukha ni Julian na abala rin sa pag-iisip ng idadahilan upang muling masolo si Angelo. At ng tuluyan na nitong makita ang sadya niya sa umagang iyon, mabilis na nawala ang masayang mukhang mayroon ito dahil sa bumungad sa kanya.
…
“Morning Angelo.” ngiting bati ni Jordan pagkarating nito sa kusina.
“Magandang umaga rin.” ganti ni Angelo ng humarap ito sa lalaki. “Inumin mo iyan, pantanggal ng hang-over.” payo pa ng binatang kasambahay na pansin ang paghilot ng kaharap sa sariling ulo.
“Thank you, Angelo, pero ano ito?” lalong pang lumawak ang ngiting tugon ni Jordan, na curios ring tinanong ang kaharap pagkaabot niya sa isang baso.
“Banana smoothie with coconut juice, mabisa iyang pantanggal ng hang-over at walang anuman Jordan.”
“Really? Sige titikman ko na kung mabisa nga ito, thanks again Angelo.” masayang sagot ni Jordan na lalo pang humanga sa kaharap.
“Sige lang Jordan, maupo ka na sa diyan sa hapag, patapos na ring maluto itong almusal.”
“Oo ba, gutom na rin nga ako at sigurado akong masarap ka ring magluto, dahil ilang beses ng tumunog ang tiyan ko mula pa kaninang naamoy ko ang mga niluluto mo.” tila batang masunuring umupo na nga si Jordan at bola rin nito sa kasambahay na muli’y inabala ang sarili sa pagluluto.
“Napakabolero mo talaga Jordan.” napailing na lamang si Angelo matapos ang mga narinig nito sa lalaki.
…
“Anong ibig sabihin nito?!”
Kapwa nagulat sina Angelo at Jordan, na sunod na napatingin sa pinanggalingan ng boses.
“Hindi pa ninyo sinasagot ang tanong ko, bakit magkalapit kayong dalawa? Hindi ko alam na close pala kayo.” muling tanong ni Julian na napako na ang mga mata kay Angelo at sa puntong iyo’y pigil na rin ang inis at selos matapos ang mga nasaksihan.
“Uhm ahh senorito-” naputol na kabang sagot ni Angelo, nang sumagot rin ang kasama nito.
“Chill lang bro, masakit siguro ang hang-over mo, mabuti pa’y uminom ka nitong ginawa ni Angelo.”
“I’m good thanks, care to explain what’s goin on between you and my maid?” seryosong baling ni Julian sa kaibigan.
Sa narinig ay napayuko na lamang si Angelo, kahit pa wala na man silang masamang ginagawa ng kaibigan ng amo.
“What’s wrong with you, man, napuwing lang si Angelo kaya mo kami nakitang magkalapit, and besides ano bang masama kung maging close kami.” inis na balik ni Jordan, na hindi rin maintindihan ang naging akto ng kaibigan.
Sa naging sagot ng kaibigan ay gustong batukan ni Julian ang sarili, kaya naman ang inis at selos na naramdaman niya kanina ay mabilis na napalitan ng hiya, lalong-lalo na para kay Angelo.
“Sorry Angel, sorry rin bro.”
“It’s fine man, paano gusto mo na ba nitong smoothie ni Angelo?” tugon ni Jordan.
“Sige bro, pero ayoko niyang ginamit mo, ikuha mo ako ng bagong baso sa kusina.” sagot ni Julian, na paraan na rin nito para masolo niya sandali si Angelo.
“I’m really sorry Angel.” saad ni Julian na lumapit pa lalo sa kinatatayuan ng binatang kasambahay.
“Hindi po ninyo kailangang magsorry senorito, saan po ninyo gustong kumain ng almusal, para maihanda ko na po ito.” sagot ni Angelo, na lumayo kaagad sa paglalapit nila ng amo.
“Sasamahan ko na si Jordan dito sa hapag, sabayan mo na rin kami.” mahinahong tugon ni Julian na napabuntong hininga na lamang pagkatapos.
…
Kung siya ang masusunod ay ayaw ni Angelo na sabayan ang magkaibigan sa pagkain ng almusal, lalo pa’t ayaw nitong maging usap-usapan siya ng mga kapwa kasambahay.
“Ang tahimik mo Angelo, ’wag mong pansinin itong masungit mong senorito, akong bahala sa’yo.” baling ni Jordan sa isa pa nilang kasama ng kaibigan.
“’Di bale ng masungit, kesa naman sa’yong luko-loko.” ganti kaagad ni Julian.
“Sa tingin mo Angelo, sinong mas masayang kasama sa amin ni Julian? Oh bawal ang bias dahil lang sa amo mo siya ha.” tanong ni Jordan.
“Huwag kang mag-alala Angel, kahit anong maging sagot mo ay okay lang sa amin.” saad ni Julian.
Napatingin na nga si Angelo sa magkaibigan, at kita nitong naghihintay ang mga ito sa magiging sagot niya.
“Para sa akin mas masayang kasama si Jordan, sige po maiwan ko na kayong dalawa, marami pa kaming gagawin ng mga kasama ko.” sagot ni Angelo na nagpaalam na rin kaagad sa magkaibigan.
“Thanks Angelo.” masayang saad ni Jordan na sinundan ng tingin ang tumayong kasambahay. “Sorry bro, ayaw kasi ni Angelo ng masungit na kagaya mo.” asar naman nito sa katabi.
Hindi na pinansin pa ni Julian ang pagkantiyaw ng kaibigan, dahil kahit pa sinabi nito kaninang okay lang kung anong magiging sagot ni Angelo sa naging tanong ng katabi, inaamin ng binata na nasaktan ito ng hindi siya ang piliin ng kasambahay na ilang buwan nang laman hindi lamang ng kanyang isipan kundi pati na rin ng kanyang puso.

