Making Love
crosychaya · 1 chapter · 5,227 words
Making Love
Bumangon na lang ako ng magising ako ng umagang iyon para sana maghanda na ng agahan pero pagbaba ko ay nakita kong wala na pala kaming stock. Dali dali naman akong nagtungo pabalik sa taas para gisingin si Lexus.
Parehas kaming working na at nagsasama sa iisang bahay na inuupahan namin bilang mag-live-in partner.
“Lexus, bumangon ka na dyan.” Mahihinang sunod sunod na tapik ko sa kanya.
“Mamaya na, babe. Pagod pa ako.” Inaantok nyang turan sakin at pagtutukoy nya sa nangyare kagabi.
“Wala na tayong stock. Ubos na din yung binigay ng barangay.”
“Anong gagawin ko?”
“Ano ba sa tingin mo yung gagawin mo? Kaya bumangon ka na dyan at pumunta ka na ng palengke.”
“Bakit ako pa? Ikaw na yung gising kaya ikaw na lang pumunta.”
Agad naman akong naupo sa kama kung saan sya nakahiga.
“Baka nakakalimutan mo yung pinagusapan natin kagabi.”
“Tinatakot mo ba ako, Billie?”
“Hindi, pinapaalala ko lang. Bilisan mo. Tumayo ka na dyan.”
Paalis na ako para bumaba na sana ng higitin nya ang kamay ko dahilan upang mapaupo ulit ako sa ibabaw ng kama.
“You know how scared I am when it comes to you, Billie.” Sabi nya’t kapag kuwan ay hinalikan ako sa labi.
“Dinadaan mo na naman ako sa pagiging sweet mo.” Sabi ko ng magbitiw ang mga labi namin.
“Hindi ba pwedeng sobrang mahal lang kita?” May ngiti sa labi nyang sabi.
“Oo na. Mahal din kita. Kaya bumangon ka na dyan kung ayaw mong kumalam ang sikmura natin.” May pag-uutos na sabi ko saka tumayo at naglakad na palapit ng pinto.
Sabay naman kaming bumaba ni Lexus. Hindi ko naman mapigilang hindi mainis dahil umagang umaga umiiral na naman yung kakulitan nya.
“Akin na, babe.” Panghihingi nya sakin ng perang ipamamalengke nya.
“Mag-suot ka ng mask bago ka lumabas.” Pasigaw kong sabi dahil ang bilis nyang nakalabas agad ng apartment.
Hindi ko na naman nagawang habulin pa sya para ipaalala pa kaya nagtungo na lang muli ako sa itaas para ligpitin ang pinaghigaan namin. Naisip ko na lang din na maglinis dahil alam kong matatagalan pa si Lexus sa labas.
“Teka, lumabas ka ng hindi naka-mask?” Bungad na puna ko sa kanya ng makapasok sya ng bahay.
“Oo eh!”
“Talagang panatag ka pa sa sagot mo ah!” May inis kong sabi.
“Nakalimutan kong dalhin yung mask. Naalala ko lang nung sitahin ako kanina.”
“Oo nga. Naiwan mo nga eh. Ito oh!,” Sabi ko habang pinapakita sa kanya yung mask. “Sinabi kaseng magsuot ng mask kapag lalabas. Hindi ka din talaga marunong makinig.”
“Babe, wag ka ng magalit. Wala namang nangyare sakin eh. Binigyan din naman ako ng mask nung nagbabantay.”
“Paano kung mahawaan ka dyan sa labas? Hindi ka din nag-iisip eh. Paano na din ako? Alam mo namang hindi kita kayang mawala.”
“Kinikilig ako, babe. Wag ka mag-alala hindi naman kita iiwan at seryoso ako dyan at saka wala namang nangyare sakin. Pangako hanggang matapos itong quarantine hindi ko na makakalimutan magsuot ng mask.”
“Hihintayin mo pa may mangyare sayo bago ka pa magsuot ng mask. Akin na nga yan.” Agaw ko sa kanya ng mga pinamili nya saka nagtungo ng kusina.
“Babe? Nagso-sorry na nga ako eh! Babe?” Pagsusumamo nya habang sinusundan ako sa kusina.
“Pinag-iingat lang naman kita kaya sana naman sundin mo ko. Ayos lang sakin na mahawaan ng kalibugan mo pero wag lang yang covid na yan. Paano kung mahawaan ka tapos malayo ka sakin?. Hindi mo ba naiisip yun.” Mangiyak ngiyak kong sabi dahil wala ding kasiguraduhan ang panahon ngayon.
“Sorry na.” Sabi nya sabay ipinulupot ang dalawang kamay sa baywang ko.
“Sa susunod kase mag-ingat ka naman. Gusto mo pang lagi akong nagagalit sayo.”
“Gusto ko din naman na nagagalit ka.”
“At bakit mo naman nasabi?”
“Gusto kong nakikitang galit ka kase nakikita ko kung gaano mo talaga ako kamahal.”
“Galit man ako o hindi, tandaan mong mahal na mahal kita araw araw.”
“Paano kung magka-covid ako? Mamahalin mo pa din ba ako?”
“Lexus!” Mabilis na suway ko sa kanya.
“Last na” Sabi nya habang may nakaukit na mapangasar na ngiti sa mga labi nya.
“Hindi na ’no. Mahawa pa ako.”
“Kung ganun iiwan mo din pala ako.”
“Lexus, itigil mo nga yang kamaisan mo ah! Hindi na ako natutuwa. Wag mong gawing biro ang covid para lang sukatin yung pagmamahal ko sayo. Sasama ba ako sayo kung hindi kita mahal.” Inis kong sabi.
“I love you.”
Hindi ko alam ngunit ayun lang ang nakakapagpatahimik sakin. Hindi din naman ako magsusungit kung nakikinig lang naman sya sakin.
“Kinikilig si babe?” Pangangantyaw nya.
“Sino ba naman kase hindi kikiligin? Alam mo naman na ikaw lang yung kahinaan ko maliban pa sa pamilya ko.”
Pinaunlakan naman nya ako ng halik sa labi na akin namang tinugon at sinuklian.
“Hindi ko alam ang gagawin ko kapag nawala ka sakin, Lexus. Aaminin ko na hindi na ako makakahanap ng mas higit pa sayo.” Malumanay at sinsero kong sabi pagkatapos maghiwalay ng mga labi namin.
“Kaya nga masasabi kong ako na ang pinakaswerteng bisexual sa buong mundo dahil nakilala kita. I love you.”
“Simula ngayon ako na lang ang lalabas ng bahay para mamalengke.”
“Hindi na. Ako na. Promise! hindi na ako makakalimot.” Sabi nya habang itinataas pa ang isang kamay na tanda ng panunumpa sa kanyang pangako.
Naghanda na lang kami ng magiging agahan namin para sa umagang iyon at naghanda na din kami para sa pananghalian mamaya.
Kahit papaano nagpapasalamat din ako hindi dahil dumating ang covid kundi nagkakausap kami ng masinsinan at matagal ni Lexus. Madalas din kase kaming hindi nagkakausap kapag galing sa trabaho marahil ay pagod at wala ng oras para kausapin ang isa’t isa. Mag-uusap man kami ngunit sandali lang.
I can see na maganda rin namang opportunity yung ganitong pagkakataon para ipaalala satin na may mga tao pa pala sa paligid natin na nagmamahal satin. May covid man o wala, palagi nating tatandaan na maglaan tayo ng oras para sa mga minamahal natin. Isang lesson na binibigay satin ng krisis na ito.
Napangiti na lang ako habang pinagmamasdan si Lexus na kumakain. Kahit may nginunguya ang bibig nya ay walang nakapigil sakin ng hawakan ko ang baba nya at binigyan sya ng isang mabilis na halik.
“Babe?” Gulat nyang sambit habang hindi makapaniwalang nakatingin sa mga mata ko.
“Bakit?”
“Bakit mo ginawa yun?” Gulat nya pa ring turan.
“Hindi mo ba nagustuhan?”
“G-Gusto ko.”
“I love you.” May ngiti sa labi kong turan dahil sobrang saya ko din na kasama ko sya saka bumalik na lang ulit sa pagkain.
“Wag mo ng uulitin yun ah!” May pag-aalala nyang sabi.
Napatigil naman ako at napatingin sa gawi nya.
“Bakit?”
“Kinakabahan kase ako kapag sinusurpresa ako ng mahal ko.”
“Akala ko naman kung ano kaya ayaw mo ng ulitin ko.”
“Hindi pa kase ako sanay kapag sinusurpresa mo ko saka isa pa hindi mo naman madalas ginagawa yun.”
“It’s not a surprise. Pagmamahal ko yun sayo.”
Masayang pinagsaluhan na lang namin ang agahan na niluto namin ng umagang iyon. Hindi naman kami nagtagal sa pagkain namin. Tumagal lang naman kami dahil sa pagsingit ng nakakaumay na pagmamahalan namin. Minsan nakakaumay din naman pero dapat walang iwanan.
“Diba may libreng two months trial na binigay yung netflix? Nakapag-register ka ba, babe?” Pagtatanong ko sa kanya habang nakaupo sa sofa at nakatutok sa harap ng cellphone.
“Hindi pa, babe.” Sabi nya ng hindi man lang ako tinatapunan ng tingin.
“Naglalaro ka na naman.”
“Saglit lang naman ako, babe.”
“Sama mo ako.”
“Wait lang, babe. Pagkatapos nitong laban ko.” Seryoso nyang sabi.
Kinuha ko na lang din ang cellphone ko saka nagpunta na sa laro. Habang naghihintay dahil hindi pa naman tapos yung laban nya kaya naisipan kong mag-ai muna.
“Tapos na ako, babe.” Sabi ni Lexus matapos ang mahabang minutong paglalaro nya samantalang ako nakailang match na sa vs ai.
“Hintayin mo na ako. Matatapos na ’to.”
“Patingin nga. Magaling na ba maglaro yung mahal ko?” Sabi nya saka lumapit sakin para silipin ang paglalaro ko.
Isinandal ko naman ang sarili ko sa kanya para makita nya.
“Babe, may deal ako?”
“Hmm?” Tugon ko habang nakatutok pa din ako sa laro.
“Bawat mapapatay mong kalaban dapat iki-kiss mo ko.”
“Kahit magdamag pa kitang halikan.” Diretso ko namang sabi dahil nga nakatuon ang atensyon ko sa nilalaro.
Saglit lang naman ang laban na iyon dahil hindi na din naman pinatagal ng mga kakampi ko kase computer lang naman. Nakawalong kills lang naman ako at dahil pumayag ako sa deal nitong kasintahan ko ay humahalik naman ako sa kanya. Gusto ko din naman dahil kahit papaano ay nakakaiwas kami sa pagkaburyo at pagkabugnot.
“Wag ka magbibigay ng like!” Pigil naman kaagad sakin ni Lexus.
“Bakit naman?”
“Kase gusto ko ako lang ang gusto mo.”
Nangigiting napatingin naman ako sa gawi nya. Sinalubong naman nya ang mga tingin ko. Sinunod ko lang ang sinabi nyang huwag akong magbibigay ng like sa iba kundi sa kanya lang.
“Patingin nga ako ng history mo.” Sabi nya saka pinindut ang profile ko.
“Nag-upload ka ng picture?” May pagkadisgusto sa tono nyang sabi.
“Oo, bakit?”
“Delete mo yan!” Seryoso nyang sabi.
“May problema ba?”
“Akin na nga. Ako na lang magde-delete.”
Nakatitig lang ako sa kanya na seryoso lang habang binubura ang picture na in-upload ko.
“Wag ka na maga-upload ng picture mo ah! Hindi ko gusto!”
“Hindi ko naman alam na hindi mo pala gusto.”
“Alam mo man o hindi. Hindi ko gustong may ibang nakakasilip sa mga pictures mo bukod sakin. Gusto ko ako lang ang pwedeng makakita ng pictures mo.”
“Takot ka lang na maagaw ako sayo ng iba eh!” Pang-aasar ko sa kanya.
“Malamang. Tinatanong pa ba yun.”
“Bakit?” Patuloy kong pang-aasar sa kanya.
“Hindi mo na dapat tinatanong pa dahil alam mo naman yung sagot.”
“Tara na. Sama mo na ako. Rank tayo.”
“Tapang ng babe ko ah!”
“Hindi lang kase dapat pagmamahal yung pinaglalaban dapat yung laro din. Maumay ka naman kahit minsan.” Pagbibiro ko.
“Hindi ka naman nakakaumay. Ang wild mo nga eh!”
“Bastos. Hindi naman yan yung tinutukoy ko.” Natatawa kong sabi.
“Buti hindi mo ko pinagbabawalan maglaro.”
“Bakit kita pagbabawalan kung pwede naman kitang sabayan besides wala din naman tayong ibang gagawin.”
“Common reason.”
“Kaya kita hindi pinagbabawalan kase walang magbubuhat sayo.”
“Kahit ako ang bumubuhat sayo.”
“Yung totoo, kaya kita sinasamahan mag-ml para mabantayan kita. Malay ko ba na may secret affair ka na pala sa kakalaro mo.”
“Don’t give me false accusation. Alam mong wala akong iba maliban lang sayo.” Pagdedepensa nya sa sarili.
“Sabi nila kapag defensive at guilty may tinatago daw talaga yan. So, aminin mo na sakin hanggang maaga pa?”
“Wala nga akong iba. Ang kulit.” Seryoso nyang sabi habang diretsong nakatingin sa mga mata ko.
Mabagal ang oras kapag ganitong walang ginagawa. Hindi naman ako nabigla kung gabi na dahil ayun lang din naman yung hinihintay ko sa isang araw.
“Bakit may condom kang binili?” Pagtatanong ko ng mapansin ko ang mga bagong biling condom.
“Bumili na ako kase wala na din tayong stock.”
“Yung condom hindi nakalimutan pero yung mag-mask kinalimutan. Dyan ka magaling eh!”
“Wag ka na magalit. Tabihan mo na lang ako dito.”
“Hindi ka ba napapagod? Don’t you feel drained? Magpahinga ka naman. Hindi porket quarantine gabi gabi mo na lang akong pinapasok.”
“Hindi naman ako masisimutan. Wag ka mag-alala.”
“Hindi ako nag-aalala. Ang sakin lang pwede bang alternate naman. Ako naman yung top. Palagi na lang akong bottom.”
“Babe, napagusapan na natin to, diba?”
“Oo pero gusto ko din maging top minsan.”
“Ayaw mo na ba maging bottom ko?”
“Minahal mo lang ba ako kase sex lang habol mo sakin?” Pagte-test ko sa kanya.
“No!” Mariin nyang tanggi.
“Kung ganun bakit ayaw mong maging top ako?”
“Babe, hindi porket palaging top ako hindi ibig sabihin nun na katawan mo lang yung habol ko sayo. Magtatagal ba tayo kung ayun lang yung intensyon ko. Alam kong alam mong malibog ako kaya di mo maaalis sakin yung mahalin ka gabi gabi.”
Kinabukasan maaga ulit akong nagising. Sinilip ko ang oras sa cellphone ko at alas sais pa lang ng umaga. Agad na nagtungo ako ng banyo sa baba para maghilamos at magsipilyo. Nag-half bath na lang din ako.
Nang matapos ay naghanda na lang ako ng agahan na araw araw ko ng ginagawa dahil sa quarantine na nangyayare ngayon. Masasabi kong habang tumatagal nakakabagot din ang magkulong sa bahay buong maghapon. Paulit ulit na lang din ang nangyayare. Kaya minsan nagsasawa na din akong manuod ng balita dahil wala ng ibang laman ang balita kundi tungkol na lang lahat sa corona virus.
Saglit lang naman ang paglulutong ginawa ko dahil sa easy to cook na naman ang mga pagkain sa panahon ngayon habang naka-quaratine ang metro manila.
Umakyat ako sa taas para gisingin na si Lexus.
“Lexus, gising ka na ba?” Pagtatanong ko sa nakadapa na si Lexus habang nakapilig ang mukha sa kaliwang side ng kama.
“Lexus,” Tawag ko ulit sa pangalan nya ngunit hindi nya ako tinutugunan kaya sumilip ako sa gawi ng mukha nya.
“Inaantok pa ako, babe. Mamaya na lang ako kakain.” Sabi nya habang hindi nagmumulat ng mata.
Hindi ko na naman sya kinulit at inintindi na lang marahil ay napagod na naman sa ginawa naming pagsisipi kagabi.
“Mauuna na akong kumain.”
“Sige, babe.” Tugon naman nya agad.
Hinayaan ko na lang sya na ipagpatuloy ang mahimbing nyang tulog. Bumaba na lang ulit ako saka kumain ng agahan na niluto ko.
Habang kumakain ay nakaharap ako sa cellphone dahil wala din naman akong ibang magawa bukod sa pagce-cellphone at panunuod ng tv. Kung sa gabi naman hindi naman mawawala sa amin yung hindi magsipi. Hindi ko na din tuloy alam kung nakakailang kahon na ba kami ng condom simula ng magsimula ang quarantine.
Itinigil ko na lang muna ang pagi-scroll saka tinapos na lang ang kinakain. Ipinagtabi ko na lang si Lexus kung sakaling magising sya mamaya. Nang matapos ay inilagay ko na lang ang pinagkainan sa lababo. Mamaya na lang ako maghuhugas.
Naglaro na lang ako sa cellphone ko para kahit paano ay may magawa ako.
Habang tumatagal ako sa paglalaro at palaging talo ay tumigil na ako dahil lalo lang akong nabubugnot.
Inilibot ko ang paningin sa loob ng bahay para maghanap ng gagawin ng umagang iyon.
“Alas-nuwebe pa lang. Bakit parang ang bagal naman ng oras?” Asik ko ng masilip ko ang oras sa cellphone.
Tumayo na lang ako sa pagkakaupo sa sofa saka lumapit sa pinto at binuksan iyon. Halos wala akong makitang tao na nasa labas ng bahay nila dito sa compound.
May mangilan ngilan naman na nasa tapat ng bahay nila para tumambay na kagaya ko siguro na nababagot na din sa loob ng bahay.
“Billie, ngayon lang kita nakitang lumabas ah!” Narinig kong boses ni Johnson. Tinapunan ko naman sya ng tingin na nasa tapat din ng bahay nila.
Kapitbahay namin sila dito sa compound at minsan na din kaming nagkausap.
“Nakakabagot na din kase sa loob ng bahay. Walang magawa.”
“Nasaan ba si Lexus?”
“Ayun! Tulog pa.”
“Gusto mo dito ka muna sa bahay para di ka mabagot.” Pag-aalok nya.
“Sige nga. Sandali, isasara ko lang ’tong pinto.” Paalam ko sa kanya saka isinara ang pinto at sumunod na sa kanya sa loob ng bahay nila.
“Wala ka palang kasama dito?” Pagtatanong ko sa kanya.
“Oo, hindi na kase nakaluwas sila mama pabalik dito. Naabutan na sila ng lockdown.” Sagot naman nya sa tanong ko.
“Hindi ko din naman mabisita si Jannah kaya sa video call na lang kami naguusap.” Dugtong nya pa.
“Kailan ba matatapos ’tong quarantine na ito? Nami-miss ko ng magtrabaho.” Singhal ko habang isinasandal ang sarili sa kahabaan ng sofa na nanduon.
“Ikaw lang ba. Kahit ako marami na ding nami-miss.”
“May gusto ka ba?”
“Tulog pa yung gusto ko.” Sagot ko sa tanong nya.
“Hindi yan yung ibig kong sabihin. Sabi ko may gusto ka bang kainin.”
“Tulog pa nga din yung gusto kong kainin.” Natawa naman sya sa sinabi ko kahit ako natawa din.
Hindi naman sya ilag sakin kahit pa alam nya na bisexual ako. Wala naman daw problema iyon sa kanya.
“Wag ka na mag-abala. Parehas lang naman tayo ng mga kinakain ngayon.”
“Okay. Snacks na lang gusto mo?”
“Sige ba.”
Kumuha naman sya ng snacks saka dinala sa sala ng bahay nila.
“Naglalaro ka ba ng mobile legends?” Pagtatanong ko sa kanya.
“Oo.”
“Laro na lang tayo. Pampawala ng bugnot.”
“Sige. Kunin ko lang yung cellphone ko sa taas.”
Iniwanan nya ako saka nagtungo sa taas ng bahay nila. Hindi naman sya nagtagal at bumalik din.
“Follow na lang kita tapos follow back mo ko.” Turan ko sa kanya.
“Anong rank mo na pala?”
“Mythic II na sana kaso sunod sunod talo ko kanina kaya bagsak na naman tuloy sa mythic III.”
“Hindi mo kase kasama yung bumubuhat sayo kaya ka natalo.” Pang-aasar nya.
“Kaya kong mag-solo que kahit wala pang tulong ni Lexus.”
“Sunod sunod naman talo mo.”
“Nagkataon lang na walang matinong kakampi. Bakit ikaw ba anong rank mo na?”
“Mythical glory na ako, erp.” May pagkama-pride nyang sabi.
“Okay lang naman matalo sa mythic rank.”
“Oo kase points na lang naman pinagtatalunan dun.”
“Kaya siguro di rin natin masisisi yung mga epic at legend tier kapag nagta-trash talk-an sa banning at picking.” Natawa naman akong bigla ng pagdaanan ko din yun.
“Invite na kita?” Sabi nya.
“Sige.”
In-accept ko naman agad ang invite nya sa rank game.
“Madami din talagang magagaling sa mythic rank.” Sambit ko.
“Hindi lahat. Yung iba dyan nakaabot lang dahil sa chamba.” Tugon naman nya na parang may pagtutol sa sinabi ko.
Nag-umpisa na naman ang laro at simula nun wala ng nagsalita pa samin.
“Papasukin ko. Sumunod ka.” Sabi nya.
“Teka lang! hindi kaya.” Tutol ko.
“Kaya yan. Ito na. Papasukin ko na.” Pumasok nga sya at ako naman walang nagawa bilang marksman ng grupo at sya na tank sumunod na lang ako.
“You have been slained.”
“Sinabi kaseng hindi kaya eh!” Natatawa kong sabi ng parehas kaming mapatay ng kalaban.
“Nagkamali ako ng set ko. Hindi ko napansin si Guineverre.”
“Okay lang.” Sabi ko saka dumukot ng chips sa nakabukas na sitsirya.
“Kukuha lang ako ng juice sa ref.” Sabi nya saka nagtungo ng kusina dahil loading pa naman ang resurrection namin pareho.
“Nabuhay na ba si tigreal?” Pagtutukoy nya sa hero na gamit nya.
“Ayan na.” Sabi ko saka agad na bumalik kami sa laro.
“Ako na magsasabi kung papasukin mo o hindi.” Suhestyon ko.
Ang ingay naming pareho ng sandaling iyon dahil nagiging intense na ang laban.
“Savage. Ibigay nyo na sakin yung savage.” Usal ko dahil naka-maniac ako.
“Hindi binigay. Maniac lang.” Natatawang sabi ni Johnson.
“Damot nung gord.” Kakampi namin na mage gamit.
Tinapos na namin yung laro ng maubos ang kalaban.
“Nanalo din.” Masayang usal ko saka pumulot ulit ng sitsirya.
“Isa pa ba?”
“Sige. Invite.”
Nakailang laro kami at hindi ko naman napansin ang oras ng mga sandaling iyon dahil nalilibang na ako sa pagkapanalo ng laro namin.
“Anong oras na ba?” Pagtatanong ko ng matapos ang pang-apat na laro namin.
“Alas dos.”
“Alas dos na!” Gulat ko namang sabi.
Nagtaka naman ako dahil hindi pa din gumigising si Lexus gayong maghahapon na.
“Silipin ko nga muna yung mokong na yun.” Pagpapaalam ko kay Johnson.
“Babe, nandyan ka ba?” Rinig kong tinig ni Lexus habang kinakatok ang pinto ng bahay nila Johnson.
“Hinahanap ka na.”
Nagtungo naman ako ng pinto at pinagbuksan sya. Tumambad naman sa harapan ko ang bagong gising na si Lexus.
“Mabuti naman gising ka na.” Usal ko ng mabuksan ko ang pinto.
“Tinatawag kase kita pero hindi ka dumadating kaya bumangon na ako.”
“Mamaya na lang ulit, Johnson. Salamat pala sa pa-snack mo.” Nakangiting turan ko sa kanya.
Lumabas na naman ako ng pinto saka inaya na pabalik sa loob ng bahay.
“Ano yun? Bakit nandun ka sa kanila?”
“Tumambay ako dyan sa tapat ng bahay. Nakakabagot na din kase dito sa loob ng bahay.”
“Nababagot ka kaya ka lumabas at pumunta ng ibang bahay.” May pagkadisgusto sa tono nyang sabi.
“Alam ko kung anong iniisip mo.” Pangunguna ko na sa kanya.
“Anong ginawa nyo?”
“Wala kaming ginawa. Kumain ka na ba?”
“Anong ginawa nyo? Wag mong ibahin ang usapan, Billie.”
“Kumalma ka, Lexus. Naglaro lang kami ng mobile legends.”
“Bakit kailangan ikaw pa ang pumunta sa bahay nila? Pwedeng dito naman kayo maglaro!”
“Wag mo ngang pag-isipan si Johnson ng masama. Naglaro lang naman kami.” Kalmado kong sabi.
“Kumain ka na lang.” Dagdag ko pa.
“Tingin mo makakakain ako. Halos nakalimutan mo na nga ding maghanda ng tanghalian.”
“Lexus, ayaw kong mag-away tayo. Maghahanda na lang ako.”
“Kung may balak pa kayong magsama sa laro mamaya wag mo ng ituloy kung ayaw mong mag-away tayo.” Sabi nya na para bang nagbabanta.
Iniwan naman nya ako sa baba at umakyat na lang muli.
Habang lumilipas ang araw ng quaratine syempre hindi din naman maiiwasang hindi maubusan ng stock kaya inutusan ko na agad si Lexus mamili.
“Kalimutan mo na naman, Lexus.” Pagpapaalala ko sa kanya.
“Hindi ko na po kakalimutan, babe.” Sabi nya saka tatawa-tawang nilayasan ako.
Hindi ko na sya hinabol pa at natatawang pinagmasdan na lang sya habang paalis.
“Nakakainggit naman kayo.” Agad naman akong napatingin sa nagsalitang si Johnson habang nasa pintuan nila.
“May Jannah ka naman ah!”
“Ang layo sakin ng mahal ko. Hindi ko mayakap.”
“Konting tiis na lang. Matatapos na naman ang quarantine.”
“Laro.” Pang-aaya nya kaso bigla ko namang naalala si Lexus. Baka magalit na naman iyon at ayaw ko syang magalit kay Johnson.
“Pasensya ka na. Marami pa kase akong gagawin. Sige, pasok na ako sa loob.” Pagdadahilan ko kahit natapos ko na ang gawain sa araw na iyon.
Nanuod na lang ako ng telebisyon ng hapon na iyon dahil wala pa naman si Lexus na pwede kong kulitin. Hindi ko din napigilan ang sarili sa paglalaro kaya kaysa maghintay ay naglaro na lang.
Agad naman may nag-invite sakin at si Johnson iyon. Tinanggap ko na lang dahil ayaw kong maramdaman nya na iniiwasan ko sya.
Naglaro lang ako ng hapon na iyon ng mapansin kong hindi pa din bumabalik si Lexus at anong oras na. Hindi ko pa natatapos yung laro ng biglang rumihistro ang tawag ni Lexus. Agad ko namang sinagot iyon.
“Ang tagal mo naman. Nasaan ka na ba?”
“Babe,”
“Oh! Bakit?” Tugon ko. Narindi naman ako sa ingay ng mga tao.
“Bakit ang ingay dyan? Marami bang tao ngayon sa palengke?” Pagtatanong ko.
“Babe, baka hindi ako makauwi ngayon.”
Bigla naman akong kinabahan at naghinala ngunit hindi muna ako tumalon sa konklusyon.
“B-Bakit naman?” Nauutal kong sabi dahil hindi ko sinasangayunan ang hinala ko.
“Hinarang kase kami ng mga sundalo at pulis. May bigla kaseng hinimatay na babae dito sa palengke.”
Lalo akong kinabahan at pakiramdam ko maiiyak ako. Hindi naman agad ako nakapagsalita.
“Sinasabi nila na suspected kami na nandito sa loob ng palengke dahil baka daw may covid yung hinimatay.”
“Baka hinimatay lang talaga. Umuwi ka kaagad kapag pinayagan na kayo ng mga sundalo.” Sabi ko sa kabila ng pagpipigil ko sa pag-iyak.
“Babe, ipapahatid ko na lang dyan yung pinamalengke ko. Wag ka mag-alala uuwi din naman ako. Ibaba ko na.”
“Lexus, ’wag muna. Tumakas ka na lang.” Naiiyak ko ng sabi.
“Ayos lang ako. Wag ka ng umiyak. Ite-test lang naman nila kami para makasigurado.”
Hindi naman ako mapakali sa loob ng bahay dahil sa kinalalagyan ngayon ni Lexus. Nagsisi naman ako kung bakit ko pa sya pinalabas ng bahay ngunit sa isang banda hindi ko din naman alam ang mangyayare sa labas.
“Tawagan mo agad ako.” Sabi ko kahit ayaw ko pa syang payagan na ibaba ang tawag.
“May pupunta dyang sundalo para iwan yung pinamili ko. Maglabas ka na lang ng upuan.”
“Lexus,” Nag-aalalang sambit ko sa pangalan nya dahil nga di pa din ako makapaniwala sa nangyayare.
“Ibababa ko na, babe. I love you.” Sabi nya saka ibinaba na ang tawag.
Nanlulumo naman akong napaupo ulit sa sofa dahil hindi ko alam ang gagawin. Naglabas na lang ako ng upuan ng dumating na yung sundalo.
“Nasaan na po yung nagpapabigay nito? Saan po sila dinala?” Pagtatanong ko sa sundalong nakatayo malayo sa harap ng bahay namin.
“Ite-test lang sila at imo-monitor for five days habang nasa facility after lumabas ng result makakauwi din naman sila kapag nag-negative. Aalis na ako.”
“Sige. Salamat po.”
Dali dali ko namang tinawagan si Lexus at sinagot naman nya iyon.
“Babe,” Halos mabiyak na ang boses ko sa pag-iyak.
“Umiiyak ka na naman. Anong sabi ko?”
“Tingin mo ba mapipigilan kong hindi umiyak ngayong nandyan ka.”
“Wag ka na kase umiyak. Magiging ayos naman ako dito. Maganda naman yung facility nila.”
“Wala akong pake sa facility. Ikaw yung iniisip ko.”
“Alam ko natatakot ka. Alam kong alam mong wala naman akong covid kaya wag ka mag-alala once na na-test ako, I’m sure na negative yung lalabas.” Pagpapagaan nya sa nararamdaman ko ngunit hindi niyon nabago ang kabang nararamdaman ko para sa taong mahal ko.
“Five days lang naman ako dito, babe. Tiis tiis ka muna.” Pang-aasar nya.
“Siraulo!” Natatawa kong bulyaw sa kanya kahit pa lumuluha.
“Tahan ka na, please?. Araw araw akong tatawag at maga-update para hindi ka mag-alala.”
Nangyare nga ang hindi nya pag-uwi ng bahay ng hapong iyon. Hindi ko na din nagawang handaan ng hapunan ang sarili dahil sa pag-iisip ko kay Lexus. Pinapakalma ko na lang ang sarili kapag pakiramdam ko magbe-breakdown ako about sa nangyare.
Pinagdadasal ko na lang na sana walang mangyare sa kanya dahil umaasa din ako na magne-negative sya sa test.
Unang araw ng walang Lexus sa buhay ko. Tumupad naman sya sa pangako nya na tatawag sya sa loob ng limang araw.
“Babe, ang sarap pala dito sa facility. Libre pagkain tapos libre pa wifi.”
“So, pinaparating mo na nagugustuhan mo na dyan?”
“Syempre hindi kase ikaw lang naman yung nagugustuhan ko.”
“Mag-seryoso ka nga. Ilan kayong nandyan ngayon?”
“Mga lampas dalawampu pero apat na tao lang kada isang kwarto.”
“Musta na yung test? Na-test ka na ba?”
“Ngayong araw kami ite-test. Kumain ka na ba dyan?”
“Mamaya.”
“Limang araw ko pala hindi makakain yung mahal ko.”
“Umayos ka dyan. May makarinig pa ng sinasabi mo.” Pagsusuway ko sa kanya.
“Dalhan mo pala ako ng damit, babe. Hindi ko naman kayang hindi maligo.”
“Oo, lalabas ako mamaya. Sasabay ako sa oras ng pamamalengke.”
“Ipaabot mo na lang mamaya.”
Naputol na ang usapan namin ng magpaalam na sya. Isinilid ko na lang sa isang bag ang damit para sa limang araw na pananatili ni Lexus duon sa facility at idadaan ko na lang mamaya.
Natatakot din ako dahil hindi din ako sigurado gayong may nakasalamuha syang isang tao na hinihinalang carrier pero mas pinalakas ko ang loob ko na maniwalang walang mangyayare sa kanya.
Lumipas pa ang dalawang araw at ngayong araw ang ikaapat na araw sa pagmo-monitor sa kanila.
“Magsabi ka sakin ng totoo. Wala ka bang nararamdamang kakaiba?” Pagsesermon ko sa kanya sa video call.
“Wala nga, babe. Miss na kita, babe.”
“Na-miss mo na din mag-ahit. Ang lago na.”
“Gwapo pa din naman.”
“Bukas na lalabas yung result. Kapag nakita mong negative ka umuwi ka agad.”
“Hindi na makapaghintay yung mahal ko. Marami na ’to, babe.”
“Ulol!”
Halos para akong tanga sa kahihintay ng oras dahil hindi ko na nagawang matulog pa. Ngayon na lalabas ang resulta at patuloy pa din ako sa pagdadasal sa magiging resulta ng test ni Lexus.
Alas diyes na ng umaga ng tumawag si Lexus sa akin.
“Babe, wag kang mabibigla ah!”
“Hindi totoo yang sasabihin mo. Wag mong sasabihin yan.” Pigil ko agad sa kanya dahil alam ko kaagad yung nais nyang sabihin.
“Babe, makinig ka muna sakin.”
“Sabihin mo saking hindi ka nag-positive.”
Napatigil naman ako sa bigla nyang pangngiti.
“Kinakabahan ka ba sa sasabihin ko, babe?”
“Ano ba kase yung resulta? Wag ka ng pa-intense dyan. Tinatakot mo ko eh!”
“Sasabihin ko basta may premyo ako mamaya.”
“Sabihin mo na dahil nakahanda na ako maging premyo mo. Alam ko naman na yun yung gusto mo.”
“Makakauwi na ako, babe. Negative yung resulta ng test sakin.”
Nakahinga naman ako ng maluwag at napaiyak sa sobrang tuwa.
“Kaya bilisan mo umuwi ka na dito.”
“Nasasabik na din ako sayo, babe.” May pagkapilyo nyang sabi.
Naghintay na lang ako sa may pintuan ng bahay namin sa pagdating nya.
Hinalikan kaagad ako ni Lexus ng makarating na sya ng bahay na akin namang malugod na tinanggap. Mahigpit ang ginawa kong pagyakap sa kanya dahil labis akong natakot.
“I missed you so much, babe.” Sabi nya sa pagitan ng mga labi namin.
“Gusto mo na ba makuha yung premyo mo?” Nakangiti kong turan sa kanya.
“Pwede ko na bang makuha?”
“Gusto ko sabay muna tayong maligo. Ahitin natin yang balbas mo.”
“Iba din pala epekto kapag nalalayo ka sa taong mahal mo.”
Masayang hinila ko sya papasok ng banyo. Hindi na inisip pa ang mga susuotin namin. Agad na binuksan ko ang shower at binasa ang mga sarili namin kahit pa may mga suot pa kaming damit. Isinandal ko sya sa dinding ng banyo saka marahan na hinalikan.
“Damn, you’re unbelivable right now, babe.”
“Binibigay ko lang naman yung premyo mo.”
“Mamaya na. Duon na sa taas.”
Hinubad na lang namin ang mga suot na damit saka pinaliguan ng sabay ang aming katawan.
“Wag kang malikot!” Asik ko sa kanya dahil inaahitan ko nga sya ng balbas.
“Bilisan mo na, babe.” Sabi nya marahil ay hindi na sya makapaghintay na makuha ang gantimpala nya.
“Maghintay ka, Lexus.”
Hindi naman ako nagtagal sa pagahit ng balbas nya at nagpaanod na lang sa kanya ng higitin na nya ako palabas ng banyo at dinala na sa itaas. Saglit na pinunasan ang basang katawan saka masayang pinagsaluhan ang mga nangulilang labi.
Hindi na ako pinagbihis pa ng isang ito dahil diretso na naman daw kami sa byaheng patungong langit. Labis naman akong nagagalak dahil nakabalik sya.
Wala na sigurong mas hihigit pa sa nararamdaman ng dalawang taong nagmamahalan. Alam ko na hindi pa tapos ang krisis na ito at hindi na dapat ako mapanatag sa susunod dahil baka sa susunod na mangyare pa ito ay hindi ko na kayanin.
“Simula ngayon ako na ang lalabas para mamalengke hanggang sa matapos ang quarantine.” Pagdedesisyon ko habang nakayakap sa kanya.
“Hindi ako pumapayag.”
“Pumayag ka man o hindi, pinal na ang desisyon ko. Napansin ko lang na ang malas mo kapag ikaw yung nasa labas.”
“Tingin mo ikaw yung suwerte kapag lalabas.”
“Hindi. Hindi naman namimili ang virus. Muntikan ka na nga eh!”
“Hindi na ako tumututol. Basta mag-iingat ka kapag lalabas ka.”
“Sa akin mo pa talaga sinabi yan ah!”
“Tulog na tayo.” Sabi nya saka hinalikan ako sa noo.
“I love you, Lexus.”
“I love you too, Billie.”
Natulog na lang kami ng gabing iyon na puno ng pagmamahalan at sa parati ko ngang pinagdadasal ay sana matapos na ang krisis na ito dahil masyado ng marami ang naaapektuhan.
Nakakatakot man pero kapag alam mong nandyan yung isang taong nagpapasya at nagmamahal sayo mapapawi iyon. Alam ko din na di sa lahat ng kwento ay masaya ang ending pero ang kwento namin ni Lexus ay hindi pa naman natatapos dito. Marami pang darating na kabanata sa buhay namin at paghahandaan ko iyon.

