Malas na Swerte [ Short Story ]
Athazagoraa · 1 chapter · 2,263 words
Malas na Swerte [ Short Story ]
Ako si Belinda Dimaguiba, graudaing na ako sa kursong Architecture. Galing ako sa UM ( University of Mindanao ), at nandito ako sa Maynila para kunin ang hling taon ng kurso ko.
First time ko di sa Maynila. Talagang ignorante ang dating ko. Ang gaganda ng mga gusali at magaganda at ang gagwapo ng mga tao dito.
Yun lang hindi ko alam kung paano ako makakarating sa bahay ng tita ko. Hindi daw nila ako masusundo dahil may sakit yung nag-iisang anak ng tita ko at hindi rin naman nya ako masundo ng tita ko dahil binabantayan nya si Sam. Mukhang kailangan ko magbyahe mag-isa. Walang susundo sakin dito sa airport.
Kulang ata yung pera ko para mag-taxi hanggang sa bahay ng tita ko sa may Fairview. No choice, susubukan kong mag-commute. Itetext ko na lang si tita kung anong sasakyan ko.
Habang nagtatype ako, bigla na lang nagdilim yung screen ng phone ko. Bigla akong napatulala at gusto ko nang umiyak.
WAAAAAAAAAHHHH!!!!!
Bakit ngayon pa!
Bakit ngayon pa na lowbat yung cellphone ko. Hindi ko na alam yung gagawin ko. Ayaw ko namang magpalipas ng gabi dito sa lansangan.
“Balinda!, kailangan mong makipagsapalaran, kaya mo yan makakarating ka rin sa bahay ng tita mo.”
Sinabi ko yan sa sarili ko. Medyo na motivate ako dyan. Tapos bigla na naman akong napatulala at kinabahan. May nasabi pa nga ako nun sa sarili ko ehh.
“SANA!!!, sana mrating ko yung bahay ng tita ko.”
May nakita akong bus na kulay yellow. Yung byahe ata nung bus ay philcoa, litex, sm fairview, tungko. Dahil sa nakita ko yung word na fairview, sumakay na ko.
Habang nasa byahe, hindi ko alam kung bakit nangyayari ito. Na flatan ng gulong yung sinasakyan kong bus. Kinabahan tuloy ako. baka hindi ako makauwi dahil sa nangyari.
Nasa Buendia daw kami, yan kasi sabi ng mga nakasabay ko. Pagkatapos ibalik samin ng kunduktor yung binayad namin, nagsabi sya na dito na lang daw kami sumakay.
Nag-aabang ako nun ng bus ng biglang may nakita akong tren na umaandar sa itaas.
First time kong nakita yan ng personal at gusto ko yang sakyan.
Napa-isip ako kung anong sasakyan ko.
BUS ba o TREN…
BUS ba o TREN…
BUS ba o TREN…
BUS ba o TREN…
At napagdesisyunan ko na sumakay sa tren.
Umakyat na ako sa may estasyon ng tren at pumila na rin para bumili ng ticket. Habang nakapila ako, iniisip ko kung saan ako bababa. Buti na lang narinig ko kung saan bababa ung dalawang babae na nag-uusap sa harapan ko. Sabi nila sa Cubao daw sila bababa. Kaya ako, nung nagbayad na ako ng ticket sabi ko sa Cubao ako.
Pagpasok sa loob ng tren, wala ng pwedeng upuan. So it means na tatayo lang ako. Sa hindi sinasadyang pangyayari na naman, gusto ko na talagang umiyak pero kailangan kong pigilin.
Na out of balance ako. Hindi ksai ako nakakapit dun sa handbars nung umandar yung tren kaya natumba ako. Hindi naman ako totally bumaksak sa sahig ng tren, kasi bumagsak ako sa matipunong katawan ng gwapong nilalang na nasa likuran ko.
OHH MYYY GOSHH!!!
Ang gwapo nya. oo,
trulalu at walang halong eklabu
, talagang ang gwapo nya. Ang puti nya at yung kutis nya, parang sa baby, ang sarap haplusin.
Halos five seconds din akong nakapatong sa kanya. Syempre tumayo na rin kami,. Natumba din pala yung dalawang paper bag na dala ko. Nakakahiya kasi nagsigulungan yung laman nyun na lanzones, rambutan at suha. Grabe nakakahiya talaga, pinulot ko tuloy yun isa-isa.
Nakita kong nakakunot yung noo ni kuyang gwapo, baka na bad trip ata sya.
“Sir, sorry po!, hindi ko naman po sinasadya.” Dedma, hindi ako pinansin.
“Sir, sorry po talaga!” Hindi nya talaga ako pinansun.
Huminto na yung tren sa sumunod na estasyon at bumaba na din si kuyang gwapo. ako?, ayun naka-upo na.
Nandito na ako sa Cubao, pano ko nasabi?, di ba may nagpe-page na “ ang susunod na estasyon, Araneta Center Cubao.“, Di ba kaya bumaba na ako.
May nakita akong stall ng MIster Donut, 12:00 noon na kasi yyun at medyo nagugutom na rin ako kaya bumili ako. Tatlong donut yung biniliko, bavarian yung flavor. After ko makuha yung binili ko, nag-abang na ako ng bus.
At nakasakay na ko., byaheng sm fairview, philcoa, litex at tungko na naman yung nasakyan ko. Medyo puno na yung bus. Buti na lang meron pang bakante dun sa may dalawahan kaya lumapit ako dun habang kumakagat sa may donut ko. Biglang preno si manong driver ng bus at dahil dun ay napisat ko yung donut ko at tumulo yung palaman nito sa polo ng lalaki na magiging katabi ko.
“Sir soryy po, pasensya na po pupunasan ko na lang.”
Umupo muna ako sa tabi nya and guess what?, siya si kuyang gwapo sa tren kanina.
“Sir, sorry po talaga, hindi ko po sinasadya pasensya na po talaga, sorry rin po pala sa nangyari kanina sa tren.”
Paulit-ulit ko yang sinabi, pero yung sinabi lang nya ay….
“OKAY LANG! “
Nanahimik na ko hanggang sa makarating ako ng Sm Fairveiw at doon na ko bumaba. Pumunta ako dun sa mall para maghanap ng payphone, tatawag ako kala tita baka sakaling pwede na nya ako sunduin dito.
Bumili ako ng ice cream sa Mr. Softy yung nasa sweet cone. Naglakad na ako papuntang terminal. Hindi ko alam kung sadyang minamalas ako o may nagsumpa sakin na malasin ako o di kaya ay bigla na lang akong tinubuan ng balat sa pwet. Hindi ko alam, pangatlong disgrasya ko na to!.
“Sir sorry po, hindi ko po sina….na…..na…..na….. sinasadya.”
GOSHHH!!!
Pangatlong beses na to!, Nung una nung natumba ako sa kanya sa tren. Panggalawa yung sa bus na natuluan sya ng palaman ng donut ko. At ngayon, na natapilok ako at natapun yung ice cream sa bagong polo ni kuyang gwapo.
Grabe, nakakahiya na talaga.
“Sir, sorry po ulit sa pangatlong pagkakataon, sorry po talaga.”
Hindi nya ako pinansin at nagpatuloy sya sa paglalakad nya habang pinupunasan nya ng tissue yung parteng natapunan ng ice cream.
“Sorry po talaga SIR!!!” Sinigaw ko sa kanya yan.
Nang nakarating na ako sa terminal nakita ko na dun si tita. Sumakay na kami ng jeep at umuwi na.
Pagdating sa bahay, tinuro ni tita kung saan yung kwarto ko. Ako?, pumunta na ako dun para maayos ko yung mga gamit ko.
Habang nilalabas ko yung laman ng bag pack ko. Naalala ko na may dala pala akong prutas. Kinuha ko yung dalawang paper bag kasi ibababa ko to sa kusina nang may napansin akong papel sa loob. Isang sulat ata ito, kanino naman kayo ito galing.? Binasa ko muna saglit yung sulat at ito yung nakalagay:
Ewan ko ba kung bakit sinulatan kita?
Pero, ang cute mo kasi ehh, lalu na yang kulot na kulot na buhaghag mong buhok. bagya sa ganda mo.
Probinsyana ka ata?.
Sa MRT kasi nung natumba ka sakin, nahalata ko yun di ka kasi kumapit agad at kung saan saan ka pa nakatingin
Ewan, basta ang masasabi ko lang ay, GUSTO KITA!,
gusto kitang makialala pa ng lubusan, sana magkita pa tayo at sana hindi ka na rin clumpsy.
BTW, im
Frank .
What??.
Totoo ba to o pinagtitripan lang ako ni kuyang gwapo este Frank. Erase, erase, siguro hindi totoo yun. Pero aaminin ko, kinikilig pa rin ako hanggang ngayon kahit medyo may lait yung sulat nya sakin. Hindi naman ako hipokrita para hindi kiligin.
AFTER 4 YEARS. . . . . . .
Graduate na ako at lisensyado na akong Architect. At ngayon, nagmamadali na akong pumunta sa trabaho ko, isusubmit ko kasi yung design ko ehh.
Dito na ako sa Manila nakatira at dito na rin ako nakakuha ng trabaho. Ngayon pasakay na ako ng MRT dato sa North EDSA papuntang Ortigas.
- RING RING RING*
May tumatawag sa cellphone ko
“Hello Sir, ahmm…opo….sige po……on the way na po ako dyan….. sige po sir….bye.”
WAAAAAHHHH!
Bakit?, Bakit nangyayari sakin to!, Bakit nangyayari ulit ung kaganapan dito sa tren na ito, ung mga nanyari nung nakaraang apat na taon.
Oo tama po kayo, na out of balance ako. Hindi din kasi ako kumapit sa handbars kaya natumba ako. Isa pang reason kung bakit na out of balanca ako ay ung suot kong sapatos. Ang taas kasi, five inches ba naman. Pero eto, imbis na bumagsak ako ng tuluyan sa lapag, hindi nangyari yun kasi may nakasalo sakin. Gash nakakahiya, sobrang lapit ng mukha nya sa mukha ko. Titig na titig ako sa mata nya at ganun din naman ata sya sakin. Napatingin ako sa kanyang labi at…..at…..at…… tumayo na ako. Makasalanan yun ehh, Bakit kasi. Isa syang temptasyon sa mga babae.
“Sir, p-a-s-e-n-s-y-a na po! “ oo. napa slowmo yung pagbigkas ko jan.
Si kuyang gwapo pala este si Frank.
Kung gwapo sya noon, mas gwapo say ngayon. Grabe ang gwapo, gwapo, gwapo nya talaga.
“S…so…sor..sorr…sorry, f…fra…frank…” nakakahiya, utal utal ako.
Bakit ganun?, nakangiti sya sakin, nakoconcious tuloy ako.
“Bakit ka po nakangiti ng ganyan?” tanung ko sa kanya.
“Mas maganda ka ngayon kesa nung unang pagkikita natin.”
Natatandaan nya pa pala ako?
“Natatandaan mo pa po ako?”
“ikaw pa!, ang babaeng firstime ata sumakay ng MRT, ang babaeng naglagay ng palaman ng bavarian na donut sa polo ko, ang babaeng tinapunan ako ng ice cream., paano kita makakalimutan nyan, ikaw din ang babaeng bumihag sa puso ko.”
Kilig ba?, oo sobrang kinikilig ako, ang bilis ng tibok ng puso ko. Parang nagkaroon ng butterflies ang tiyan ko. Grabe, parang di bagay sa edad kong 23 ang nararamdaman ko ngayon.
Nag-usap kami tungkol sa kung ano anong bagay hanggang sa makarating kami sa Ortigas. Bumaba na kami at naghiwalay na ng landas. Grabe kinikilig talaga ako ng bonggang bonggan, nahihirapan akong huminga, parang kukumbulsyonin ako, naninigas yung mga paa ko kaya hirap akong maglakad paglabas namin.
Pagdating ko sa office ayun may project sakin, isang 3 storey na bahay ang idedesign ko. Modern Contemporary daw dapat yung itsura. Hayysss sino kaya may-ari ng bahay na ito. Ang swerte nya kasi sya ang unang tao na gagawan ko ng bahay!.
Almost two weeks ko ginawa yung mga plates para sa design ko. Then sinubmit mo na paramagawa. Ginawa ko yung dreamhouse ko nung nag-aaral pa lang ako. Oo modern contemporary yun eh, Bakit ko yun ginawa?, sabi ko kasi yun ung nang bahay na gagawin ko para sakin o sa magiging unang client ko. So yun, kaya yun ung ginawa ko.
Kami ni Frank, ayun getting to know each other ang date-date din kami, hehehe. Bakit naman kasi ako tatangi sa kanya di ba. Frank Solomon yung whole name nya, isa syang certified public accountant, 25 years old na sya. Akala nyo matanda na no?
After 6 months…
Tapos na ang bahay at opening and blessing nito, invited daw yung architect at iba pang staff na gumawa sabi ng owner na bahay. Oo nga pala never ko pang na meet yung may ari na ng bahay na ginawan ko, buti na lang makikita ko na sya ngayon.
“Ui Frank anung ginagawa mo dito?” yup nakita ko dito sa bahay na dinesign ko. Ano kayang ginagawa nya dito?
“Ahh, invited ako?”
“talaga?”
At yun umalis na sya bigla. Ewan anu bang problema nyon? Dati naman pag nagkikita kami hindi yung umaalis ng hindi man lang nagpapaalam.
Nagstart na yung program hanggang sa dumating yung poin na tinawag na ng MC yung owner ng bahay. Lumabas ako nun saglit kasi ewan, hindi kasi komportable yung nararamdaman ko. Parang may magnyayari na EWAN. Tinawag ako ng ka office mate ko dahil gusto daw pasalamatan yung architect ng bahay. Wala naman akong magagawa edi pumasok na ako. Pagpasok ko, eto na yung mga pangyayari na hindi ko talaga inaasahan.
“Ahhm si Miss Belinda Dimaguiba, pwede po ba daw kayong lumapit dito.” ako? bakit naman, bahihiya ako. mayy stage fright ako kahit alam kong walang stage dito.
At na sa harap na ako ng mga tao. Nahihiya ako. Then may nag play ng tugtog na “marry me”. Lahat nagtaka kung bakit yun yung tugtog. Kinabahan ako bigla ng nagsalita yung taong nadamay sa mga kamalasan ko.
“Linda, sorry kung bibiglain kita pero matagal ko na tong pinlano simula nung nalaman kong naging architect ka na.”
Hindi ako makapagsalita, hinahanap ko kung saan galing yung boses, hindi ko makita kung sino yung nagsasalita.
“Tama ka, ako to si Frank yung taong nadamay ata sa pagiging clumpsy mo, dahil dun kaya kita nagustuhan at yung din yung dahilan kung bakit gusto kita makasama habang buhay.”
“Gusto ko ako yung mag-aalaga sayo, ako yung mag-iiwas sa mga kamalasan mang dumating sayo at gusto ko, ako din yung magtatangol sayo.”
Hindi pa rin ako makapagsalita.
“Linda, Can I be your Husband”
TOTOO BA ITO??,
“Would you want to Live woth me in this house?”
Shockss, sya pala ang may-ari nito.
“Frank…….”
“Oo Frank, gusto ko, gustong gusto ko!”
At bigla nya akong kiniss sa lips, yup we kiss passionately na parang walang nanunuod samin. Yung nagpalakpakan at naghiyawan na yung mga tao saka kami naghiwalay mula saaning pagkakahalik na may ngiti sa aming mga labi.
Yan yung love story ko na nagsimula dahil sa ka-clumpsyhan ko ba o sa kamalasan. Hanggang ngayon nga eh hindi ko pa rin alam kung bakit. ahahaha. Eto ngayon, ikakasal na ako, at malapit nang dumating yung araw na yun. At isa pa ako din pala ang titira sa dreamhouse na pinapangarap ko, ang saya. At ang saya dahil makakasama ko habang buhay ang lalaking minamahal ko.
FIN…
![Cover of Malas na Swerte [ Short Story ]](/story-covers/malas-na-swerte-short-story_1951495.webp)
