loading

storiescollectionschaptersauthorsgenrestagsstories
Mariluna

Mariluna

kabrobars · 4 chapters · 5,743 words

Pagdating

Kakarating lang mula Canada sina Mariluna at tiyahin nitong si Dorina. Si Dorina na ang kinalakihang Ina ni Mariluna simula ng mamatay sa sakit ang ama nito at mawalay ito sa tunay na Ina. Doon na lumaki si Mariluna sa Canada, sampung taong gulang ito ng dinala siya nito ng kanyang tita Dorina. Bagamat lumaki sa abroad, hindi naman nawala ang ugaling pinoy nito. Matataas ito mag salita ng sampung lingguwaheng Filipino.

Labing siyam na taong gulang na si Mariluna, maganda at mabait, katangian na agaw pansin sa mga lalaking humahanga sa kanya. Isa na dito si Felip. Ang anak ng ninang Shella nito.

Guwapo, matangkad at maginoo si Felip, ngunit torpe. Hanggang ligaw tingin lang ito kay Mariluna. Takot itong ipahayag sa dalaga ang kanyang nararamdaman. Mapili sa lalake si Mariluna, at ayaw pa talaga nito ng Isang relasyon. Isa na rin ito sa pumipigil kay Felip na ipagtapat sa babae ang tunay nitong nararamdaman.

“Welcome home tita, Mariluna. Sorry na late ako, naipit kasi ako sa traffic. “ Pag bati agad ni Felip ng bumaba ito ng kotse.

“It’s ok Felip, tamangtama lang pagdating mo. You look nice, gwapo mo sa suot mo.” Tugon ni Dorina, at nakipag beso ito kay Felip.

“Kayo din tita, ang ganda niyo. Still gorgeous,parang si Mariluna “ pasimpleng hirit pa ni Felip sa dalawa.

“Nasa Pilipinas na talaga tayo ma, nagpaparamdam na ang mga bolero” tugon ni Mariluna sa sinabi ni Felip.

“Guwapo ako,pero hindi ako sinungaling. Tita knows that.” Napangiting sabi pa ni Felip.

“Yabang neto,…ang mabuti pa umalis na tayo, feel ko uulan. Biglang lumakas kasi ang hangin.” Ayon pa kay Mariluna na napangiti na lang din.

Noon pa man ganito na magparinigan ang dalawa. Hindi naman ito ang unang balik ni Mariluna sa bansa, at hindi rin ito ang unang pagkikita nila ni Felip. Halos sabay na din kasi lumaki ang dalawa. Sa tuwing magbabakasyon ng Canada ang parents Felip ,sinasama siya lagi.

Saktong tanghali ng makarating sila sa bahay nina Felip. Kung saan doon na rin titira sina Mariluna. Agad silang sinalubong ni Shella at Rafael.

Sa harapan ng hapagkainan masayang nag uusap ang lahat. Nang biglang nakaramdam ng panunuyot ng lalamunan si Mariluna, inabutan naman agad ito ng katulong ng Isang basong tubig. Ngunit nang mahawakan na ni Mariluna ang baso na hawak pa ng katulong. Bigla na lang itong nagulat dahil sa tila kuryenteng gumapang sa kanyang kamay at braso. Dahilan para mabitawan nila ng katulong ang baso ng tubig.

“Ano iyon Manang?” Tanong ni Mariluna.

Nakatingin lang kay Mariluna ang katulong, gulat at puno ng takot ang mukha. Hindi ito sumagot kay Mariluna.

Lumapit si Shella sa katulong. Nabigla din ang lahat. Pinaalis muna ni Shella ang katulong, at tinawag ang isa pa para linisin ang mga nabasag na parte ng baso.

Nagpatuloy ang lahat sa pagkain, ngunit si Mariluna, hindi mapakali sa nangyari. Unang beses niya itong naranasan at kahit na ipinaliwanag na sa kanya ni Felip at Rafael na meron talagang ganong nangyayari, kung saan bigla na lang nag kaka spark ang dalawang balat ng tao pag nag dikit ito. Na ito ay static electricity lang. Binabagabag parin ito dahil sa iba talaga iyon sa static electricity lang.

Nang matapos ang lahat. Pinuntahan ni Shella ang katulong at kinausap niya ito ng pasekreto.

“Liway, ano ang nakita mo?” Tanong ni Shella.

“Masamang pangitain Shella, may panganib sa kanyang pagbabalik. Hindi malinaw ngunit natatakpan ng dilim ang mukha ni Mariluna.” Pagsiwalat pa ni Liway.

“Matagal nang Hindi tayo ginagambala ng mga pangitain. Bakit ganun? Ano ang ibig sabihin nito?” Pagaalala ni Shella.

“Hindi ko alam, ngunit sa puwersang maramdaman ko kanina, May kutob ako na may kinalaman sa kanyang katauhan ang magdudulot ng panganib sa kanya. “ Ayon pa sa hinala ni Liway.

“Imposible, naputol na ang sumpa”

“Hindi ito tungkol sa sumpa lang Shella, kaya kailangan ni Mariluna mag ingat.”

At naputol ang kanilang usapan ng pumasok sa silid nila Shella si Rafael. Sa tinginan palang ng dalawa alam na ni Rafael na may kakaiba sa pinag uusapan ng mga ito. Kaya napatanong ito sa asawa.

“Kababalaghan na naman ba ito Shella? May kinalaman ba ito sa nangyari kanina? Aren’t we done with magic and such powers? It’s 2023 na, time has passed us by. Puwede ba tigilan na natin ang mga ito,can’t we live a normal life? ha Shella?” Biglang pagtaas ng boses ni Rafael.

“Sino bang hindi gusto ang normal na buhay Rafael? You knew from the beginning, that I’m not normal, Rafael. I want a normal family so I chose you. At parte na ng pagkatao ko ang hindi pagiging normal, and you know that. “ Bulyaw naman ni Shella na tumaas din ang tuno ng boses .

“Wala akong ibang ibig sabihin Shella. Ang sa akin lang naman sana umiwas na tayo sa mga bagay na ganyan. Dahil for sure hindi lang si Mariluna ang dawit dito. Damay na din pati mga buhay natin. Concern lang ako sa lahat Shella.” Paliwanag pa ni Rafael.

“May punto si Rafael, Shella.” Sabat ni Liway.

“So ano, ililihim natin sa kanila ito? Paano mapaghahandaan ni Mariluna ang panganib kung hindi natin ipapaalam ito sa kanya?” Ayon pa kay Shella

“Hayaan na lang natin ang panahon na siyang mag pasya ng kanyang tadhana. Mag bantay na lang tayo. At makiramdam. Saka na tayo kikilos kung malinaw na ang larawan na pinapakita ng pangitain” mungkahi pa ni Liway.

Nilihim nila iyon maging kay Dorina. Dumating ang buwan ng kaarawan ni Mariluna at balak nitong gawin sa beach ang selibrasyon ng kanyang ika-20th birthday. Maraming tutol sa plano nito lalo na si Shella. Hindi naman kumuntra dito si Mariluna.

“Ok so kung hindi niyo gusto mag beach, Mag Baguio na lang tayo. Tsaka na lang ako after ng birthday ko. Mag babakasyon kasi dito sina Alex, Joey at Mel kasama ang mga boyfriend nila, at plano namin mag Palawan pagkadating nila ,ma.” Sabi pa ni Mariluna.

“At ano? Magiging tour guide ka ng mga kaibigan mo? …wala ka bang balak na magka-boyfriend anak?.Sayang naman ang namana mong ganda sa akin. “ Ayon pa sa Ina nitong si Dorina.

“Ma ,nakakapaghintay ang puso. At kusa namang darating iyon kahit hindi hanapin. Diba nga sabi niyo sa akin. Kusang titibok ang puso ,kapag kaharap niya na kanyang tunay na pag ibig. At gusto ko pa injoyin ang pagiging single ko, mah.” Tugon ni Mariluna.

“Eh si Felip, wala bang chance sa iyo?”

“Hindi naman nanliligaw iyon sa’kin ma, magkaibigan lang kami nun. At mas kumportable ako na maging kaibigan si Felip, rather than being my boyfriend.” Sagot pa ni Mariluna

Lingid sa dalawa, narinig lahat ng iyon ni Felip na noon ay nasa likod lang nila at nakikinig.

Ang napadpad

Buong araw na wala sa bahay si Felip. Bagay na ipinagtaka naman ni Rafael dahil kailangan man ay hindi iyon nawawala ng bahay na hindi nagpapaalam. At mas kinabahan pa lalo si Shella nang hindi sinasagot ng anak ang mga tawag nito.

“try to call Matt, baka alam niya kung nasaan si Felip.” Sabi pa ni Rafael sa asawa.

“tinawagan ko na kanina pa, ang sabi maaga daw umalis ng opisina niya. Kahit si Jordan wala rin idea kung nasaan ang anak mo.” sagot pa ni Shella na kabadong kabado.

“Baka nag bonding lang kasama ang ibang mga kaibigan. Hayaan niyo naman si Felip paminsan minsan. Uuwi din iyon. Baka may problema sa girlfriend.” pagsingit naman ni Dorina nang makitang tensiyonado ang mag asawa.

“Si Felip may girlfriend? How I wish na meron nga Dorina. Tama ka, masyado lang kami sigurong nagaalala sa kanya. And si Mariluna nga pala,I haven’t seen her here either, since earlier?” Tugon ni Rafael na napansin din na wala sa bahay si Mariluna.

“Nagpaalam na mag mall kasama si Ella , tapos dadalawin nila si Isabel sa resort.” ayon pa kay Dorina.

Nabigla naman ito sa naging reaksiyon ni Shella nang mabanggit nito ang resort. Kaya napatanong ito kung may problema ba doon. Agad naman binawi ni Rafael ang usapan. Sinama nito ang asawa sa kanilang silid. Naiwan si Dolbahagya sa nakitang reaksiyon ni Shella. Agad nitong tinawagan si Mariluna at kinamusta kung nakarating na ba ito ng resort.

“yes ma , kakarating lang namin, actually tatawag na din sana ako sa iyo para magpaalam na dito na ako magpapalipas ng gabi. Mapilit kasi si tita Isabel, gusto niya dito na ako mag dinner. Ok lang ba ma?” sagot ni Mariluna ng kamustahin ito ni Dorina.

“sure anak, paki kamusta na lang Ako diyan sa kanila. Maybe next week pag di ako tamarin, pupunta din ako diyan.” tugon ng Ina.

“Siya nga pala ma, nandito din si Felip. Pero sabi ni tita, pumunta daw ng Kumaliskis. Pakisabi na lang sa kanila ni ninang Shella.” wika pa ni Mariluna.

“Sasabihin ko, kanina pa nga alalang-alala ang mga iyon kay Felip. Kausapin mo nga iyan anak, baka may problema iyan sa love life. Subukan mo baka mag tapat iyan ng sekreto sa iyo.” ayon pa kay Dorina.

Samantala sa dalampasigan ng baryo Kumaliskis napansin ni Tulio si Felip na nagsasalita na tila may kausap sa likod ng sirang bangka. Nilapitan niya ang lalake sabay tawag dito. Napabaling naman sa kanya si Felip na tila nagulat. Tumugon ito sa kanya.

“May kausap ka riyan Felip? sino ang kasama mo diyan?” tanong ni Tulio ng makalapit na ito.

“Wala po,sarili ko lang po kinakausap.” sagot ni Felip.

“hmmm, mukhang alam ko na iyan. Problema? Babae?…Sabi ko na nga ba babae ang dahilan ng pag sugod mo dito sa amin.” Napangiting sabi ni Tulio ng tumugon ng tango si Felip.

Tumabi ito kay Felip at nakiupo sa sirang bangkang naroon sa may dalampasigan. Nagbigay ito ng payo kay Felip ukol sa pag-ibig. Panay iling at ngiti naman ang tugon ni Felip dito. Nawili ang dalawa sa kuwentuhan na hindi na nila namalayan na papalubog na ang araw. Nahinto lamang ang dalawa ng tinawag na sila ng asawa ni Tulio na si Merlinda para kumain na ng hapunan.

“Kung sino man iyang nambasted sa iyo, kalimutan mo na. Chossy naman niya, hayaan mo Felip may ipapakilala ko sa iyo na tiyak mabibighani ka. Mas maganda ito diyan sa babaeng kinukuwento mo na walang kuwenta.”  kumento ni Merlinda nang malaman ang problema ni Felip.

“At sino naman ang ipapakilala mo dito kay Felip, ang mga bilasang mga isda diyan sa pikapika? At bakit naman natin pakikialaman ang laman ng puso ni Felip. Kung iyon talaga ang babae na iyon ang sinisigaw ng puso niya, eh di ipaglaban niya. Naniniwala ako na walang pader ang di kayang tibagin ng tunay na pag ibig.” Ayon pa kay Tulio.

“Salamat na lang sa concern Aling Merli,pero tama si Mang Tulio, wala ng iba pang mamahalin itong puso ko kundi siya lang. “Nakangiting tugon ni Felip.

Patapos na ang tatlo sa pagkain nang makarinig sila ng mga nagkakagulong mga tao sa labas. At patungo ang mga ito sa dalampasigan. At bilang kasapi ng tanod dagat , kumilos naman agad si Tulio bitbit ang kanyang yantok. Sumunod din sa kanya sina Felip at asawang si Merlinda.

At doon sa dalampasigan malapit lang sa bahay nina Tulio, nagkumpulan ang mga tao.

“Anong meron Nanding?” tanong ni Tulio sa kabaryo nito na may bitbit na kumot nang marating ang kumpulan ng tao.

Nang makalapit si Nanding agad nitong tinakpan ang hubad na katawan ng isang babae. Wala itong malay at may mga latay ng sugat sa kayang likod at ilang parte ng katawan. Sumaklolo naman si Tulio at ang iba pa. Binuhat nila ang babae at dinala sa kubo nina Tulio. Tulong naman sa paglinis ng sugat ng babae at pag bihis dito Ang asawa ni Tulio na si Merlinda at si Akasya na asawa naman ni Nanding.

Napansin naman ni Felip ang nakakapukaw na ganda ng babae. Maputi ang balat nito na mamula-mula. Mahaba ang kulay tanso at kulit na buhok na lampas beywang.

Nasa labas ng bahay si Felip kasama ang iba pang mga kapitbahay na naghihintay na magkamalay ang babae.

“Sige na mga kasimaryo, kami na bahala dito sa babae, magsipahinga na kayo. At bukas ko na lang kayo babalitaan. Pagpahingahin na muna siya.” pakiusap ni Nanding sa mga kabaryo nila.

At nang makaalis na ang mga tao, may napag-usapan sina Nanding at Tulio na ikinatuwa ni Felip.

“Talaga ba na naniniwala kayo sa mga serina Mang Nanding?” natawang tanong ni Felip.

“Bakit hindi ka ba naniniwala sa mga nilalang na iyan sa ilalim ng dagat? “ tugon na tanong naman ni Tulio.

“Naniniwala,pero I have never seen one, not even once. Kung totoo man sila, imposible namang lalapit ang mga iyon dito sa lupa. Takot lang ng mga serina sa mga tao.” ayon pa kay Felip.

“hindi mo alam ang mga nangyayaring hiwaga dito sa dalampasigan ng baryo Kumaliskis Felip. Tandaan mo hindi dahil wala kang nakikita, hindi na totoo. At malay natin iyang magandang dilag na iyan ay Isa sa kanila” Sabi naman ni Nanding.

“Pero ano kaya ang nangyari sa kanya, bakit marami siyang sugat at latay sa kanyang katawan.Kung sino man may gawa sa kaya nun, posibleng may malaking galit sa kanya.” pagtataka pa ni Felip.

Nang walang anu-ano, napabaling na lang ang mga ito sa bahay ni Tulio nang tinawag sila ni Merlinda na tila natataranta. Tumalima naman ang tatlo na pumasok ng bahay. At doon, Ang lahat nagulat sa kanilang nakita. Naglaho Ang lahat ng sugat at latay sa katawan ng babae. Naghilum ito na walang iniwang kahit maliit na bakas. Wala parin itong malay.

“confirmed Nanding, serina nga ito.” Sabi pa ni Merlinda.

“Hindi dapat ito malaman ng ibang mga taga rito, lihim lang natin ito. Maliwanag?” sabat pa ng asawa ni Nanding na si Akasya.

“Kung serina iyan, saan naman kayang kaharian siya nanggaling, sa Dagatlandia kaya o sa Sireneya?” Isang palaisipan para kay Tulio.

“Kahit saan man siya galing, malamang pinagmalupitan ito kaya tumakas. Tulio, Merlinda kayo na ang bahala sa kanya. Kami naman ni Akasya ang bahala sa mga kabaryo natin. Dapat mailihim sa lahat ang tungkol sa babaeng ito.” ayon pa kay Nanding.

Nakikinig lang sa isang tabi si Felip. Wala itong tugon sa mga nalalaman nito. Tahimik lang ito na para bang naiintindihan ang lahat. Napansin ito ni Tulio.

“Anak Felip, kung ano man ang nakita at narinig mo ngayon dito, sana ilihim mo na lang. May mga bagay kasi na dapat atin-atin lang” pakiusap ni Tulio kay Felip. Tumango naman ang lalake.

Iba ang titig ni Felip sa babae na iyon. Nabighani ito sa natatanging ganda nito.

Ang kaibigan ni Felip

Doon na nagpalipas ng gabi si Felip sa kubo ng mag asawang Tulio at Merlinda. Nakatulog ito sa malapad na papag malapit sa kusina. Nang maalimpungatan ito dahil sa mga kalabog sa kusina. Napabangon ito at agad tinungo ang kinaroroonan ng ingay. At nagulat ito nang makita ang babae na naka subsob sa buhangin. Dali-dali niya itong nilapitan at itinayo. Nagising din ang mag asawa,nakita ng mga ito si Felip na akay-akay ang babae. Tree à

“Ano ang nangyari Felip?” Tanong ni Merlinda na tinutulungan si Felip.

“Nakita ko na lang siya na nakadapa diyan sa buhangin. Nang tanongin ko hindi naman sumasagot.” Sagot pa ni Felip.

“Serina ka ba ining?” Tanong pa ni Tulio.

“Gusto mong bumalik ng dagat?” Tanong naman ni Merlinda sa babae

Ngunit wala silang nakuhang sagot dito. Mailap ang ito at tila takot na takot. Bigla na lang nitong niyakap si Felip na nuoy nasa tabi niya.

“Ano ang pangalan mo? Saan ka ba galing?” Tanong muli ni Merlinda. Pero tikum pa din Ang bibig ng babae.

Tumayo si Felip at hinabilin sa mag asawa ang babae. Nagpaalam ito na lumabas saglit para magpahangin. Pinayagan naman ito ng mag asawa. Tinungo ni Felip ang dalampasigan, may tinatawag itong pangalan habang nakalantaw sa karagatan.

“Tukebaba kaibigan,magpakita ka!” Pagtawag ni Felip.

Makailang ulit pa na tinawagan ni Felip ang pangalang Tukebaba. At mula sa dagat umahon ang isang nilalang na kasing laki ng maliit na batya. Kawangis ito ng alimango dahil sa dalawang sipit nito. Malumot ang likod nitong may korales sa likod. At kulay asul.

“Magandang hating gabi Felip. Ano ang kailangan mo aking kaibigan?”

“Mabuti at narinig mo agad ang tawag ko. Tukebaba, may alam ka ba tungkol sa babaeng napadpad dito kanina? Sabi kasi nila dito isa daw siyang serina.” Tanong ni Felip sa nilalang.

“Kanina ko pa nga napapansin na tila hindi mapakali ang mga alon. Pero wala akong nasagap na balita ukol sa sinasabi mo. At kung totoong may serinang napadpad dito, sa malamang hindi iyon mula dito sa karagatang sakup ng aking pagbabantay.” Ayon pa kay Tukebaba.

“Paano ba malaman kung serina nga iyon? eh hindi kasi nagsasalita.’ sabi pa ni Felip.

“Lahat ng serinang nag katawang tao ay hindi dapat madampian ng tubig alat tuwing kabilugan ng buwan dahil babalik ang buntot nito. Tamang tama kabilugan pa ng buwan ngayon.” Tugon ni Tukebaba.

“Bakit may mga serina na nais mag ka paa? Mahirap ba maging serina?” Naitanong pa ni Felip.

“Walang pinagkaiba ang mundo niyo sa mundo namin. Kung may mabuti, mayroon ding kasamaan. Ngunit kadalasan, ang tunay na dahilan ng mga serina, ay ang pag ibig. Ang walang kamatayang sumpa ng pag ibig. Ang pag ibig na sa subrang makabuluhan, nagiging lason na sa puso ng sino mang nasawi at nasaktan.” Paliwanag pa ni Tukebaba.

“Pati din pala sa daigdig niyo.”

“Dahil sa mga tao kung bakit natutunan din namin mag mahal. Dati mahalaga lang sa amin ang kahariang aming tinitirhan. Itong karagatan,Ang mga lamang dagat. Kung nagpaparami man kami ay dahil sa ito ang nararapat at bahagi na ng batas ng kalikasan. Ngunit iba ang pag mamahal na meron ang tao. Tagos sa magkabilaang mundo ang kapangyarihan ng pag ibig. At dahil sa pag-ibig kung bakit nabuo ako.” Kuwento pa ni Tukebaba.

“Ibig sabihin,…?”

“Isang mangimgisda ang ama ko at Isang diwatang Ulang ang Ina ko. Nahumaling sa kabaitan ng aking ama ang inang Bug-ang. Ngunit sa nakakatakot nitong anyo. Minahal nito mula sa malayo ang amang Esmael ko. At kada kabilugan ng buwan dinadalaw nito ang ama sa pamamagitan ng panaginip, sa katauhan ng Isang napakagandang dilag. Ginamit ni Ina ang kapangyarihan nito upang mapalapit sa aking ama.”

Napakuwento si Tukebaba sa kanyang buhay. Malugod namang nakinig sa kanya si Felip. Ibinahagi pa nito ang araw na natuklasan ni Daguita ang bawal na pag ibig ni Bug-ang kay Esmael.

“Kalapastanganan sa ating lahi ang nararamdaman mo sa lalaking iyan Bug-ang. Walang magandang idudulot iyan sa iyo kung hindi kapahamakan. Malupit ang mga tao sa tulad natin. Kaya itigil mo na ang kahibangan mo sa kanya!” Ang pangaral ni Daguita kay Bug-ang na galit na galit.

“Mahal ako ni Esmael, iyon ang kanyang sabi. At handa niyang tanggapin ang lahat sa akin.” Sabi pa ni Bug-ang.

“Mahal ka lang niya dahil sa panglilinlang mo! Ngunit kung makita niya ang tunay mong anyo, tiyak ang sinasabi mong pagmamahal ay mapapalitan ng galit at takot.Tumingin ka sa tubig. Sabihin mo sa sarili mo na kauri mo Ang mga mababang nilalang na iyan!” Ang pagkuntra pa ni Daguita sa nararamdaman ni Bug-ang.

Sa tindi ng kagustuhan ni Bug-ang na mapasakanya ang minamahal nito. Ninakaw nito ang kuwentas ni Daguita. Ang kuwentas na kanyang baguhin ang lahat ayon sa hiling ng puso.

Tinungo ni Bug-ang ang lupa tangan ang kuwentas ni Daguita. Hiniling nito dito na maging ganap na itong tao, ngunit bago pa man natupad ang hiling nito, natuklasam ni Daguita ang ginawa nitong pagtataksil. At sa galit nito sinumpa niya si Bug-ang.

Natupad ang kahilingan nitong maging tao, ngunit hindi ang anyo nito. Na maging ang kanyang sarili ay hindi nito matingnan. Nabalewala ang lahat ng kanyang pangarap. Ninais nitong bumalik na lang sa dati at sa dagat. Pero nang dahil sa kanyang kahilingan hindi na ito maibabalik pa sa kanyang tunay na anyo.

Nagkubli si Bug-ang sa Isang kuweba malapit sa dagat. Kung saan tanaw parin nito sa malayo ang minamahal na si Esmael.

“Pareng Mael, ilang araw ko nang napapansin na wala ka sa sarili ah, sino ba ang iniisip mo? Hula ko ang Bug-ang na naman iyan anu?” Pansin pa ng kasamahang bangkero ni Esmael.

“Baliw na siguro ako pare, in love na yata ako sa babae ng aking panaginip. Hinahanap na siya ng puso ko. Pero ilang gabi na itong nag daan na hindi niya na ako dinadalaw.” Tugon pa ni Esmael

“Malamang nag sawa na iyon sa iyo pare, at naghanap na siguro ng panibagong panaginip na dadalawin ang diwata mo.” Sabi pa ng kasamahang nito.

“Totoo siya pare, at alam ko balang araw magkikita din kami. Ramdam ko nasa malapit lang siya.” Ayon pa kay Esmael.

Narinig lahat ng iyon ni Bug-ang. Nawalan man ito ng kapangyarihan, may kakayahan pa rin itong pakinggan ang bulong ng hangin.

Inabutan ng malakas na unos si Esmael sa laot. At sa lakas ng mga alon nasira ang bangka nito. Naramdaman ni Bug-ang ang panganib na kinakaharap ng minamahal. Kaya kahit na wala na itong kapangyarihan sinubukan parin nitong iligtas si Esmael. Gamit ang natitirang kaalaman inutusan nito ang tubig na dalhin sa kanya si Esmael.

Nang magising si Esmael nasa bisig na ito ng Isang kuweba. Pamilyar sa kanya ang nasabing lugar. Dahil ito ang tagpuan nila ni Bug-ang sa kanyang panaginip. Agad nitong hinanap doon si Bug-ang. Tanging ang mga tulo mula sa kesame na bumabagsak sa tubig lang ang tanging tumugon sa kanya. Papalabas na ito ng kuweba nang may napansin ito mula sa mga bato.

“Sino ang nandiyan?… Bug-ang ikaw ba iyan?” Tanong pa ni Esmael habang nilalapitan ang batuhan.

Napaatras si Esmael sa kanyang pagkabigla ng makita ang nilalang na nakakubli doon. Tumakbo ito at nagtago pa sa pinaka lilim na bahagi ng kuweba.

“Lumabas ka, huwag ka matakot…hindi kita sasaktan.” Pag lapit pa ni Esmael dito.

“Umalis kana, ligtas ka na. Pabayaan mo na ako. Nakakatakot ako. Umalis ka na Esmael.” Tugon ni Bug-ang kay Esmael.

“Kilala mo ako? Ikaw ang tumulong sa akin? Bug-ang?” Tanong ni Esmael.

Sa kabila ng anyo ni Bug-ang nanaig ang bulong ng puso ni Esmael. Nakilala nito si Bug-ang. At sa katapatan ng kanilang pagmamahalan,at sa kapangyarihan ng tunay na pag-ibig. Nabasag ang sumpa na iginawad ni Daguita kay Bug-ang. Naging magandang dilag ito ayon sa kanyang hiling.

Natupad ang matagal ng panaginip ng dalawa. Masaya ang unang mga buwan ng pagsasama ng dalawa. At nagbunga ang kanilang pagmamahalan. Lingid sa kanila nakamasid lang si Daguita na may lihim na inggit sa masayang buhay ni Bug-ang.

At dumating ang kabuwanan ni Bug-ang, dito na naging malagim ang lahat sa kanilang pagsasama. Kasabay ng panganganak ni Bug-ang,binagyo ang buong isla. Maraming mga bangka ang nasira dahil sa malalakas na alon.

“Halimaw! Halimaw ang anak niyo Esmael, sinumpa ang anak niyo!”:Bulalas pa ng kumadrona na nagpaanak kay Bug-ang

“At ako ang niluwal ni Inang Bug-ang nang araw na iyon. Masaklap ang sinapit ng aking mga magulang. Nilisan nila ang isla na kasama ako. Ngunit sukdulan ang inggit ni Daguita sa pagiibigan ng aking magulang. Kaya gumawa ng paraan si Daguita na putulin ang lahat. Hanggang sa napadpad ako sa kaharian ni Neru.” Ang kabuohan pa ng kuwento ni Tukebaba.

“Ang tragic naman pala ng nangyari sa mga magulang mo. At ang sama ng Daguita. Siguro walang love life iyon kaya bitter. Sige kaibigan, baka hinahanap na ako sa bahay. Balik na ako.” Wika pa ni Felip, matapos ito sumalok ng tubig dagat gamit ang malaking kabibe.

“Mag ingat ka kay Daguita kaibigan, balang araw makakaharap mo rin siya. At sa takdang panahon masusumpungan mo ang kapangyarihan niya. Kaya magingat ka Felip.” Ang huling bilin ni Tukebaba,bago ito bumalik sa dagat.

Si Ariyana

Lumabas si Tulio at hinanap si Felip. Palabas na ito ng kanilang bakod nang makasalubong nito si Felip na may bitbit na malaking kabibe na may lamang tubig.

“Saan ka ba galing, hinanap kita sabi mo sa labas ka lang? Saan ka nagpunta at ano ang dala mong iyan?” Tanong ni Tulio ng mapansin ang hawak ni Felip.

“Tubig dagat po. Diba nga sabi niyo serina siya. Baka kailangan niya ng tubig dagat.” Tugon ni Felip.

“Hindi na kailangan, mukhang ok naman ang babae kinakausap siya ngayon ni Merlinda. pumasok na tayo sa loob. “ Sabi pa ni Tulio.

Sa pagpasok ng dalawa sa kubo, napa atras si Tulio sa kanyang nakita. Maging si Felip namangha sa kanyang nasaksihan. Tumambad sa dalawa ang tunay na katauhan ng babaeng kanilang tinulungan. Sa unang pagkakataon nakakita si Felip ng tunay na serina. Kulay ginto ang mahaba nitong buntot.

“Isa ka nga talagang serina.” Bulalas pa ni Felip.

“Diyos ko, totoo ka nga.” Ang reaksiyon din ni Tulio.

“Ariyana ang pangalan niya at tumakas siya mula sa kaharian nila.” Ayon pa kay Merlinda.

“Maraming salamat sa pagtulong sa akin, Mang Tulio, Felip.” Nang magsalita si Ariyana.

“Kilala mo ako?” Pagtataka ni Felip.

“Nagulat nga din ako nang binanggit niya ang pangalan ko. Lahat ng mga tumulong sa kanya kanina, kilala niya.” Sabi pa ni Ariyana.

“Kailangan ko ng tubig dagat, natutuyuan na ang buntot ko. Dalhin niyo ako sa dagat.” Hiling pa ni Ariyana.

Agad naman kumilos sina Tulio at Felip at pinagtulungang buhatin si Ariyana upang ilapit sa dagat. Nang madampian na ng tubig dagat ang buntot ni Ariyana bigla itong kuminang na para ngang ginto. Ikinagulat naman ito ng tatlo.

“Babalik ka na ba ng dagat Ariyana?” Tanong ni Merlinda sa serina.

“Wala na akong babalikan sa pinanggalingan ko Aling Merlinda. Tinalikuran ko na Ang daigdig na pinagmulan ko.” Ang malungkot na tugon ni Ariyana.

“Pero bakit bumalik ang buntot mo? Hindi ka na ba mag kakapaa niyan?” Tanong naman ni Tulio dito.

“Pansamantala lang ito, kabilugan ng buwan ngayon. At sa bawat paglitaw nito sa kalangitan ,kasabay nito ang paglitaw din ng aking buntot. Magkakapaa lang muli ako kung wala ng buwan sa kalangitan.” paliwanag pa ni Ariyana.

“So, mag bababad ka lang dito hanggang abutin ka ng umaga? Naku hindi puwede, baka pagkaguluhan ka ng mga tao pag nakita ka nilang ganyan.” Pag aalala naman ni Felip.

“Tama si Felip,Ariyana. Maya Maya lang may mga bangkero ng paparito para maglayag at mangisda. Baka makita ka.” Sabi pa ni Tulio.

“Paano iyan Ariyana, ang mabuti pa dumito na ako. Babantayan kita,para pagkabalik ng mga paa mo masasalo agad kita.” Ayon pa kay Merlinda.

“Huwag kayong mag alala kaya ko ng protektahan ang sarili ko. Bumalik na ang lakas ko. Maari niyo na akong iwan. “ Tugon ni Ariyana.

“Ako na ang bahala dito kay Ariyana, ako na mag babantay dito. Mag pahinga na lang kayo Aling Merli, Mang Tulio.” Wika pa ni Felip na sumimple ng kindat kay Tulio.

Nakuha ni Tulio ang senyas na iyon sa kanya ni Felip. Iniwan nito ang dalawa, at bumalik na silang mag asawa sa kanilang kubo. Umupo sa tabi ni Ariyana si Felip at napangiti ito sa babae.

“Mabuti naman at hindi ka natakot sa akin.” Wika pa ni Ariyana kay Felip.

“Bakit naman ako matatakot sa gandang mong iyan. At kailan man hindi ako matatakot sa mga tulad niyo. Matagal ko na yatang wish na makakita ng serina. At Ngayon nasa harapan ko na. Hindi, katabi ko pala.” Tugon ni Felip kay Ariyana.

“Ramdam ko, hindi ka rin pangkaraniwang tao. Tulad ko nasa dagat din ang mundo mo.” Sabi pa ni Ariyana.

“Siguro, mas gumagaan kasi ang pakiramdam ko tuwing nasa dagat ako. Kaya nga sa tuwing stress ako o may problema, pumupunta ako dito.” Ayon pa kay Felip.

“Ibig sabihin, may problema ka Ngayon?” Tanong ni Ariyana kay Felip.

Umiling lang si Felip at napatingala sa langit. Nang biglang hinawakan ni Ariyana ang palad ni Felip. Ipinikit nito ang kanyang mga mata, at nang dumilat ito nagulat si Felip ng makitang panay puti na lang ang kulay ng mata ni Ariyana. Bumalik din ito sa normal ng bumitaw na ito sa kamay ni Felip.

“Anong nangyari sa iyo?” Tanong pa ni Felip

“Magugustuhan ka rin niya, bigyan mo lang ng sapat na panahon at uusbong din ang pinapangarap ng puso mo.” Biglang wika ni Ariyana.

“Ano ang ibig mong sabihin? Alam mo ang laman ng puso ko?” Tanong muli ni Felip kay Ariyana.

“Hindi ko nalalaman, nakikita ko pa kung sino ang nilalaman niyan at nandito rin siya sa lugar na ito.” Sabi pa ni Ariyana

“Nandito si Mariluna?” Gulat na tanong ni Felip.

“Mariluna pala ang kanyang pangalan, bagay sa maganda niyang mukha. Taglay niya ang ganda at kinang ng Isang buwan at katangiang kaakit-akit ng isang karagatan. Marami ang mabibihag sa kanyang kagandahan kaya pakaingatan mo ang iyong hiyas. “ Ang naging tugon lang sa kanya ni Ariyana.

Hindi na nakapagsalita pa si Felip sa sinabi na iyon sa kanya ni Ariyana. Naging magaan ang loob ni Felip sa serina. At dahil sa sinabi nito sa kanya, nabuhayan ng loob si Felip na panindigan ang nararamdaman nito kay Mariluna.

At sa paguusap ng dalawa, natuklasan nito kay Ariyana ang tunay na nangyari sa kanya kung bakit sugatan ito ng mapadpad ito sa dalampasigan. Ipinakilala din ni Felip kay Ariyana si Tukebaba,ang kaibigang umang nito.

“Ikinagagalak kong makilala ang magandang serina ng Atlandia. Lubhang napakalayo ng inyong nilangoy para lang dayuhin ang islang ito.” Pagbati ni Tukebaba kay Ariyana.

“Tumakas si Ariyana mula sa kalupitan nitong si Bukaw. Kaya siya napadpad dito.” Kuwento ni Felip sa kaibigang si Tukebaba.

“Natutuwa akong makilala ka Tukebaba. At tama si Felip,tumakas ako sa kaharian namin. Dahil kay Bukaw kung bakit ako napunta dito.” Tugon ni Ariyana kay Tukebaba.

“Hindi pa nahagip ng aking antenna ang pangalang Bukaw, gaano ba siya kalupit at minabuti mong tumakas sa kanya?” Tanong pa ni Tukebaba.

“Masama si Bukaw at walang kasing lupit. Takot ang karamihan sa amin sa kanya. At hindi mo nanaising makilala ang tulad niya. Nanginginig ang lahat ng serina pag naririnig ang dagundong ng kanyang pangalan. At sa paglayo ko,umaasa ako na masusumpungan ko sa lupa ang kapayapaang hinahangad ko.” Ayon pa sa pag sasalarawan ni Ariyana kay Bukaw.

“Mabuti na lang at sina Tulio at Nanding ang kumopkop sa iyo Ariyana. At ginabayan ka ng may likha upang dahil dito sa isla. Magugustuhan mo ang lugar na ito. Mabubuti ang mga tao dito sa mga katulad natin.” Sabi pa ni Tukebaba.

“Huwag kayong pakasisiguro. Hindi lahat ng tao mabubuti,tulad sa mundo niyo meron ding masasama rito. Kaya magiingat parin kayo. Hindi lahat ng mga mata nalulugod na makita kayo. Lalo ka na Ariyana. Baka may makakita sa iyo ditong adik at gawin kang kilawin.” Babala naman ni Felip sa dalawa.

“Salamat sa paalala Felip, ngunit alam ko na ang lahat ng iyan. Minsan na ako nagkaroon ng kaibigang tagalupa. At sa kanya ko nalaman ang lahat tungkol sa Inyo. Hayaan mo magiingat ako.” Tugon ni Ariyana kay Felip.

Inabot na ng madaling araw sina Felip sa kakahintay na mag kapaa muli si Ariyana. At bago pa man sila sikatan ng araw, muli nang nagkapaa si Ariyana. Nagpaalam na din sa dalawa si Tukebaba. Nagmamadali naman ang dalawa na bumalik sa kubo nina Tulio na nuoy hinihintay na sila.

“Ariyana ito na muna ang isuot mo, at bukas na bukas ibibili kita ng damit sa bayan.” Pag alok pa ni Merlinda ng damit nito kay Ariyana. Sinuot naman agad ito ng babae.

“Sumabay na lang kayo sa akin Aling Merli at dadaan din ako sa resort bukas.” Sabi pa ni Felip.

“Tama, may kotse ka nga pala. Oh siya magpahinga na kayo. At sasamahan ko na muna si Tulio mag ayos ng kanyang lambat.” Tugon ni Merlinda kay Felip.

“Ibigay niyo ito kay Mang Tulio Aling Merlinda. Tanggapin niyo ito bilang pasasalamat ko sa lahat sa pagtanggap niyo sa akin dito.” At may inabot na bagay si Ariyana kay Merlinda.

“Ano ito Ariyana?” Tanong ni Merlinda

“Kaliskis mula aking buntot. Habang dala iyan ni Mang Tulio sa kanya. Hindi sila pagdadamutan ng dagat. Isama niya ang iba pang mga mangingisda dito upang maambunan din ng biyaya mula sa dagat.” Sagot ni Ariyana.

Ibinahagi ito ni Merlinda sa asawa. Nilagay naman ito ni Tulio sa bulsa ng kanyang pantalon bago ito tumulak ng dagat. Nakisakay si Tulio sa mga kasamahan nitong mangingisda. At gaya ng sinabi ni Ariyana, walang humiwalay na bangka sa bangka ni Tulio. At sa unang hagis pa lang ng kanilang lambat , bumigat na ang mga ito. At sa kanilang pag angat dito, naghiyawan sa tuwa Ang mga mangingisdang kasama ni Tulio. Subrang dami ng mga nahuli nilang isda. Malalaki at mamahalin. Halos mapuno ng mga isda ang kada bangka na kasabayan ni Tulio. Kaya hindi na nagtagal pa sa laot Ang mga ito at bumalik agad sa pangpang.

Naging parang fiesta ang kaganapan sa dalampasigan nang makadaong na ang mga bangka. Laking pasasalamat ng mga taga baryo sa biyayang pinagkaloob sa kanila ng dagat. At isa lang ang naisip nilang may kagagawan nito. Walang iba kung hindi Ang babaeng napadpad sa kanilang dalampasigan,si Ariyana.

Dinagsa ng mga taga baryo ang bahay nina Tulio, lahat may mga dalang alay bilang pasasalamat kay Ariyana. May mga gulay, prutas, manok,itlog, hayop at malalaking isda. Hindi naman ito mapigil nina Tulio. Hiniling ng mga kabaryo nila na makita si Ariyana. At pinaunlakan din naman ito ng babae.

“Maraming salamat sa inyong dalang dulot, ngunit hindi ako ang may gawa ng mga ito. Sinuklian lang ng dagat ang kabaitan at kabutihan ng inyong puso. Patuloy sanang maging mabuti ang lahat sa ating kalikasan ,Lalo na sa karagatan upang patuloy din ang pag agos ng biyaya sa atin.” Ang wika pa ni Ariyana sa lahat.

“Gayun pa man salamat at sa pagdating mo sa baryo namin gumanda ang bungad sa amin ng umaga. “ Sabi pa ng isang kabaryo nina Tulio.

Isang Diyosa ng biyaya ang tingin ng karamihan doon kay Ariyana,Lalo na sa mga taong unang sumaklolo sa kanya noong araw na napadpad ito sa kanila. Gayun pa man minabuti ng mag asawa na ilihim sa lahat ang tunay na katauhan ni Ariyana. Tanging sina Nanding at Akasya lang ang bukod tanging may alam sa sekreto ni Ariyana. Pinalabas nila na si Ariyana ay nagmula sa kalapit na resort, Isang guest doon nadisgrasya habang naliligo sa dagat at inanod lang sa kanilang pangpang, at ang mga sugat noon ay bunga lamang ng mga matutulis na bato natumama sa kaya habang tinatangay ito ng alon. At para narin sa kanyang kaligtasan, sumang ayon naman dito si Ariyana.


Return to top?
WattHub

Install WattHub

Size unavailable

App name
WattHub
App version
1.48.250
App size
Description
A digital library of Wattpad stories and Filipino fiction, thoughtfully preserved for readers today and tomorrow.
Developer
WattHub Team

Dismiss install banner?

No problem. You can still install WattHub anytime from the download icon in the header.

WattHub

Notifications

Notifications are off

Get notified on this device when the library grows or changes.