🌈MARRIED TO WHO? [SHORT STORY]✔
cutiecane23 · 5 chapters · 5,096 words
FRONT PAGE
HELLO GUYS (*´∇‘)ノ
UPLOAD KO NA LANG DITO YUNG SHORT STORY NA KASALI DON SA BL ANTHOLOGY NA SINALIHAN KO.
I HOPE YOU ENJOY READING THE STORY OF GELO AND SEBASTIEN
🌈 THANK YOU AND BYIEEE😘
PART 1: WHAT HAPPENED?
GELO’S POV
“Pagpasensyahan mo na ang nanay at tatay mo, anak. Hindi namin ito ginusto, pero kailangan.”
Napayuko na lamang ako dahil sa pinaghalong dismaya at lungkot kapag naaalala ko ang mga salitang iyon galing sa aking mga magulang. Siguro nga hindi talaga kasalanan ng aking ama ang nangyaring aksidente, pero dahil mahirap kami, ano nga ba naman ang laban namin sa isang mayamang pamilya.
Sa huli, kahit kami ang tunay na biktima, kami pa rin ang talunan.
Isang normal na taxi driver lamang ang aking ama, hindi pa amin ang kotseng kanyang ipinapasada.
Gabi noon, tandang-tanda ko pa nang makita ko ang balisa at hindi mapakaling kilos niya nang makapasok sa pintuan. Halatang may nangyari dahil bakas sa kanyang mata ang takot, pero kahit ganun ay wala siyang nabanggit kahit kaunti sa amin.
“Hijo, itingala mo nang kaunti ang mukha mo,” saad pa ng babaeng make up artist.
Sinunod ko naman ang kanyang utos kaya tuluyan nang nawala sa aking isipan ang pagbabaliktanaw na nangyari at napabalik sa katotohanan ang aking ulirat.
Nasaan nga ba ako ngayon at bakit maraming mga kababaihan ang nakapalibot sa akin para ayusin ang aking itsura. Daig ko pa ang isang prinsipe na pinagsisilbihan, o baka naman isang alay na walang kalaban-laban.
Kahit labag sa aking kalooban ang mga nangyayari ay wala naman kaming ibang pagpipilian. Bata pa ang aking mga kapatid at simpleng labandera lamang ang aking ina. Hindi rin namin kaya ang tuition sa college kaya bilang panganay at kuya ng lahat mas pinili ko ang dapat.
Tumutulong na lamang ako sa aking mga magulang sa pagtatrabaho, pero kahit gaano kahirap ang aming buhay, patuloy pa rin kaming lumalaban. Ngunit minsan talaga kahit gaano ka na kalugmok sa buhay, may darating na pagkakataon na parang gusto mo nang sumuko.
Tulad na lamang ngayon.
“Ayan! Ang ganda--- ibigsabihin ko ay ang gwapo mo talaga hijo!”
“Tama, bagay na bagay sayo,” masaya at magiliw na saad pa nila, habang hinahaplos ang mamahalin at eleganteng tuxedo na aking suot.
Puti ito, dapat lang para sa isang kasal.
Nagumiti na lang ako nang tipid at pilit na sinikmura ang kanilang mga papuri.
Isa akong lalaki, halata naman sa aking mukha at sa kaunting muscle na nakuha ko sa matinding pagtatrabaho bilang kargador sa palengke. Pero, hindi ko rin maipagkakaila na may mga nagsasabing maamo nga daw ang aking mukha, medyo may kaputian din ang aking balat kahit hindi ito makinis.
“Salamat po,” magalang, pero walang emosyon kong tugon sa kanila.
Ngumiti lamang naman ang lahat, maya-maya pa ay may dumating na lalaki at ginabayan ako patungo sa isang puting limousine bilang bridal car. Halos mapasipol ako nang makita ang maganda at makintab nitong pintura.
‘Iba talaga ang mayayaman, kaya nilang bilhin at gawin lahat dahil sa kanilang pera, kaya nga napilit nila ang aking pamilya na ipakasal ako sa taong hindi ko naman kilala. Basta ang alam ko lamang ay lalaki rin ang mapapangasawa ko,’
saad ko pa sa aking isipan, habang pasakay sa bridal car.
At isipin pa lang ang bagay na iyon ay may kakaibang kilabot na akong naramdaman.
Habang tahimik na nakatanaw sa bintana ng sasakyan ay muli kong naalala ang ilang pangyayari nitong nakaraang linggo lamang.
Dahil sa mga chismosa sa aming lugar, mabilis pa sa alas kwatro ang pagkalat ng balita.
Naging tampulan ng tukso ang aming pamilya. May nagsabi na baka daw sa isang manyak at matandang lalaki ako ipapakasal at may espikulasyon rin na baka daw sa patay gaya ng pelikula ni Kim chui noon.
Daig pa namin ang mga clown na kapag nakikita nila ay bigla na lamang silang napapatawa. Pati yung mga tambay sa kanto, ang tawag na sa akin ay bakla dahil daw lalaki ang pakakasalan ko. Hindi naman ako bakla lalong-lalo na at hindi rin ako baliw para patulan sila kaya hindi na lang ako umiimik. Bahala silang isipin ang gusto nilang isipin.
Napabuntong-hininga na lamang ako habang nakaupo sa loob ng magarang kotse na ito. May hawak din akong isang bouquet ng bulaklak. Habang nakasilip sa bintana ng sasakyan ay muling nagbalik sa aking isipan ang nangyari nang gabing iyon.
“Nakabangga ka Greg!? At isang mamahaling sasakyan pa!”
Tumango lamang ang walang kalaban-laban kong ama matapos marinig ang hindi makapaniwalang boses ng aking nanay.
‘Hindi lang basta kotse ang nabangga ng ama ko kung hindi isang mamahaling kotse na nagkakahalaga ng milyon, pero ang mas ikinababahala ko ay hindi lamang isang gasgas ang natamo ng kotseng iyon mula sa aming taxi.’
Naiyuko ko na lamang ang aking ulo dahil sa bigat ng kalooban na aking nararamdaman.
Kung yung gasgas nga baka nagkakahalaga na ng ilang libo. Paano pa kaya kung halos matanggal ang bumper nito dahil sa malakas na pagkakasabit? Wala naman nasugatan o nasaktan sa nangyaring aksidente. Sa totoo nga niyan ay hindi kasalanan ng aking ama ang lahat.
Ayon sa kwento ni tatay, maayos at nagdadahan-dahan siya sa pagmamaneho sapagkat umuulan nga, nang bigla na lamang may mabilis na kotseng biglang sumulpot sa kanyang tagiliran. Naiwasan nitong mabangga ang taxi, pero sumabit ang bumper nito sa unahan ng taxi kaya naman malaki talaga ang naging sira sa parehas na kotse.
Kaya pala ginabi ang uwi ni tatay sapagkat nang galing sila sa police station. Kasamaang palad, walang CCTV sa nasabing lugar.
Itsura pa lang at tindig ng lalaking may ari ng kotse ay sumisigaw na ito ng pera at kayamanan kaya naman sa huli kahit gaanong paliwanag ng aking ama. Bulag at bingi ang mga pulis.
“Paano tayo niyan Greg!? Hindi natin kayang magbayad ng Milyon. Saan tayo kukuha?” umiiyak na saad ng aking ina.
“Ayun na nga ang problema, pero hindi naman nila ako kinasuhan kapalit ng isang kondisyon,” bulong pa ni tatay.
Kahit ako’y napatunghay din dahil sa kanyang pahayag.
“Anong kondisyon?”
Pansin kong napalunok ng ilang beses si tatay bago magsalita.
“Kailangan daw natin ipakasal ang panganay nating anak sa kanila.”
PART 2: DA WHO?
GELO’S POV
“A-Anong ibigsabihin mo? At kanino ipapakasal?” natatarantang tanong ni nanay.
Ako naman ay nakaramdam ng kilabot at kaba, dahil din sa sobrang pagkabigla ay hindi na ako nakapag kumento pa.
“Hindi ko rin alam, Julie,” tugon ni tatay sa aking ina.
“Iyon lamang ang sinabi niya pagkatapos ibigay sa akin ito,” dugtong pa nito.
May ipinakitang calling card si tatay, dahil abala sa pagsabunot sa buhok si nanay dulot nang pamumublema. Ako na lang ang tumanggap sa nasabing papel.
‘AXA CORPORATION AND TRADING’
yun ang nakasulat. Talaga ngang mayaman ang na-argabyado namin. Sa likod ng kapirasong papel ay may nakasulat na date at lugar. Iyon lamang at wala na.
“Hindi na ako nakatanggi dahil ikukulong nila ako sa mismong oras na iyon kung hindi ako papayag,” pagrarason pa ng aking ama.
Alam kong medyo makasarili ang pahayag na iyon, pero kahit sino naman ata ang nasa ganung sitwasyon ay pipiliin din ang sarili.
“Jusko Greg, hindi nga natin alam kung anong balak nila sa anak natin,” nai-iyak na ani nanay.
Hindi na lamang nakapagsalita si tatay. Sa mga oras namang iyon ay parang na-blangko na ang aking utak. Makalipas ang ilang araw, nalalapit na ang date na nakalagay sa likod ng calling card. Kailangan na namin magdesisiyon.
Nang humarap ang aking mga magulang, ipinagpalagay ko na ang aking kalooban sapagkat alam ko na ang kanilang naging pasya.
“Sir, nandito na tayo.”
Nagising ako dahil sa mahinang katok sa bintana at boses ng driver na nakasilip din pala sa akin mula doon. Tumango naman ako kaya binuksan na niya ang pintuan ng limousine na aking sinasakyan.
Paglabas ko pa lamang ay makikita na agad ang isang malaking mansion sa aming harapan. At mapapansin ang maraming kotseng narito.
‘Jusko, marami atang bisitang nandito ngayon,’
kinakabahang saad ko pa sa aking sarili, habang napapasilay sa paligid.
Kahit marami ang mga sasakyang nakaparada, wala naman akong nakikita kahit isang tao. ‘Nasaan kaya sila?’
At saka ang tahimik pa dito, hindi kaya tunay na sa isang bangkay ako ipapakasal.
‘Jusko wag naman sana.’
napa-sign of the cross pa ako.
Dahil sa pagkatulala ay hindi ko agad napansin ang paglapit sa akin ng isang hindi katandaang babae. Kahit ma-edad na ay napakaganda pa rin niya siguro dahil mayaman.
“Hijo, salamat at narito ka na,” maligayang aniya at inilagay sa aking ulo ang belong puti na kanyang hawak. Hindi na ako nakapagsalita nang mabilis niya akong hinawakan sa braso para isama kung saan.
Sumunod lang naman ako sa kanya habang napapaisip kung narito din ba ang aking mga magulang. Nung ihatid kasi nila ako sa salon kanina, bigla na lamang silang naglaho. Hindi na nga nagpaalam sa akin, inabanduna na ata ako.
“Saan po tayo pupunta?” lakas loob ko pang tanong sa babaeng humihila sa akin.
“Doon sa backyard, garden wedding kasi ang kasal nyo,” nakangisi at parang kinikilig pang turan ng ale sa akin.
“A-Ah, ganun po ba,” yun na lang ang nasabi ko.
‘Woah, garden wedding nga,’
isip-isip ko pa habang napapasilip sa aking bangs at belo na tumatabon sa aking mata at buong mukha. Maganda ang lugar at talagang napakaraming tao.
Nang makapasok kami sa venue, biglang bumungad ang aking mga magulang.
“Gelo!”
“Anak!”
“Nay, tay, salamat naman nandito kayo,” saad ko pa, baka kasi bigla na lamang akong mahimatay dito dahil sa kaba at least nandito sila para magsugod sa akin sa ospital.
Niyakap naman nila ako, at hindi pa maitago ang luha sa mata ng aking ina at puno rin ng pag aalala ang ekspresyon ni tatay.
Kahit ganun ay tipid na nginitian ko sila upang mapalagay ang kanilang kalooban at di na mag alala pa.
“Okay lang po ako, magiging maayos din po ang lahat,” saad ko na lamang.
Pero, halos mapangiwi ako nang bigla na lamang may matandang lalaki na sumulpot sa likod ng aking mga magulang. Ngiting-ngiti pa sa akin. Napalunok ako nang wala sa oras, ang aking nanay at tatay naman ay nagpaalam na sa akin, babalik na daw sila sa upuan.
Patago ko namang hinawakan ang laylayan ng damit ni nanay. Ayaw kong nagpaiwan sa matandang ito. Sa huli hindi ko rin sila napigilang umalis.
Parang mga edad 75 na ito, maputi ang buhok at medyo kuba na. May salamin din at may hawak na tungkod, ngunit kahit ganito na ang itsura niya, ramdam ko ang pagkakaiba ng estado nang pamumuhay niya kumpara sa akin.
“Hi, Gelo, nice finally meeting you,” ani pa ng matandang lalaki, sa tingin ko ay may lahi rin siya. Kahit matanda na kasi ay gwapo pa rin.
“A-Ah, masaya rin po akong makilala kayo,” magalang, pero hindi maipinta ang aking ekspresyon.
“Good to hear that, Come on, we need to go,” aniya at humawak pa sa aking braso. Hindi ko alam ang nangyayari lalo na nang gabayan niya ako patungo sa altar.
Dahil sa kakaibang kahihiyan na aking nararamdaman mula sa pangyayaring ito at mga tingin ng lahat ng mga bisitang narito ay nagawa ko na lang na maipikit ang aking mata. Mabuti at hindi nila pansin dahil sa belong nakalagay sa mukha ko.
Kaya naman habang naglalakad at hanggang makarating sa altar ay wala pa rin akong nakikita. Hindi ko na alam ang nangyayari at parang di ko kayang tanggapin ang lahat.
‘Tunay ba talaga? Ikakasal na talaga ako ngayon at sa matandang lalaki pa. Ano to 4 M’s, Matandang Mayaman Madaling Mamatay?’
Mabilis lang ang naging kasal o talagang lumilipad lang talaga ang utak ko habang nakapikit kaya hindi ko na namalayan ang mga nangyari. Naramdaman ko na lamang na may nagtaas ng telang nasa mukha ko.
‘Jusko ito na ata talaga.’
“Now you may kiss your husband,” rinig ko pang ani ng pari, kaya napalinya ng tuwid ang aking labi at mas hinigpitan ang pagkakasara ng aking mata.
‘Kailangan kong ihanda ang aking sarili, baka kapag naglapat ang labi namin ay mapasuka ako.’
Nagtaasan ang balahibo sa aking batok nang maramdaman ko ang paghawak sa magkabila kong braso ng lalaking pakakasalan ko. Maya-maya pa nga ay naramdaman ko na ang hininga niyang tumatama sa aking pisngi at palapit sa aking labi.
‘Gelo! Kaya mo yan!
’ sigaw pa ng utak ko.
Nang maglapat nga ang aming labi ay medyo nagtaka ako. Ang pagkaka alam ko ay mas matangkad ako sa matandang lalaki na kasama ko kanina. Bakit parang bigla naman ata siyang tumangkad, kasi hinawakan niya ang baba ko para mahalikan ako.
Dahil sa pagtataka ay mabilis kong naimulat ang aking mata. Hindi ko na nga napansin ang masayang anunsyo ng pari tungkol sa pormal naming pag iisang dibdib.
Napataas ang aking kilay nang makita ang lalaking nasa aking harapan. Bukod sa bumata ito ng halos 50 years ay hindi naman ako tanga para hindi malaman na ibang tao na ang nasa harap ko ngayon.
“Sino ka?” naguguluhang bulong ko pa sa kanya.
PART 3: MARRIED TO WHO?
GELO’S POV
Habang maririnig sa paligid ang masaya at malakas na sigawan. Iba’t ibang pagbati at masiglang pagdiriwang ang makikita sa buong lugar. Kung hindi siya lumapit para ibulong ang kanyang sasabihin siguradong hindi ko iyon maririnig dahil sa matinding ingay dito.
“Your husband.”
Napalayo naman ako nang bahagya upang tingnan ng maayos ang kanyang itsura. “Ha? Tunay ba pre?”
Tumango siya ng kaunti bago lumapit ulit at bumulong. “Bakit sino ba ang inaakala mong pakakasalan mo ngayon?”
Hindi ko lang masabi na akala ko ay yung matandang sumalubong sa amin kanina. Napuno naman ng hiya ang aking dibdib. Jusko akala ko talaga ang matandang iyon ang magiging asawa ko. “H-Ha? Ano ---”
“Then let’s go,” saad niya at mabilis akong inakbayan.
▼△▼△▼△▼△
“Gwapo ba ako?”
“Asa ka naman,” nakasimangot at napapailing na tugon ko bago humarap sa ibang dereksyon. Hindi lang ako makapaniwala na tulad niya ang mapapangasawa ko.
Bukod sa bata pa, mukhang hindi naman siya bakla, at napaka gwapo pa. Na nanaginip ba ako? Imposible kasi talaga. Sa itsura pa lang ng lalaking ito ay halata namang marami-rami na siyang napaiyak na babae dahil sa kanyang astig na tindig at pamatay na ngiti.
“Haha wag ka nang mahiya, normal lang yan honey. Na fall in love ka na ba sa akin?” pang aasar pa niya sabay hawak sa aking bewang.
“Gago ka ba? Tama na nga kasi,” inis na saad ko naman at mabilis na tinanggal ang kamay niya. Napanguso lang naman ang siya sabay inom ng wine na nasa kanyang harapan.
Narito na kami sa reception, kung saan ay nasa loob lamang ng mansion. Napakarami pa ring tao, nandito rin ang aking mga magulang. Kita ko sila sa di kalayuan, nasa isang table kasama ang magulang ata nitong ulol kong napangasawa.
“Pre ka nang pre, hindi mo ba narinig ang pangalan ko kanina nung kinakasal tayo?”
‘Ni hindi ko nga tanda kung paano ako nakapunta dito, yun pa ba maalala ko.’
Pinigilan ko na lamang ang aking sarili na sabihin iyon sa kanya. Kahit chill lang kasi siya, hindi pa rin namin alam kung ano ba talaga ang balak nila sa akin at sa pamilya ko.
“Hindi,” tipid kong sagot at hinarap na lamang ang mga platong puno ng pagkain na nasa tapat ko.
“Aray naman hon, di mo kilala ang asawa mo?” Nag inarte pa siya na kunwari ay nasaktan. Inip na tiningnan ko lang naman siya.
“Oo na, ako si Sebastien Martin Vettel, always remember your husband’s name, okay?” may pagtaas-baba pa ang kilay niya ibinubulong na naman sa akin ang mga bagay na iyon.
Hindi ko rin alam bakit ba ang hilig niyang dumikit sa akin. Sa halip na mainis ay may bagay na pumasok sa aking isipan.
‘Hm, edi Vettel na rin pala ang apelyido ko?’
“Yes, Mr. Angelo Vettel,” sagot pa niya. Narinig ata niya ang ibinubulong ko.
“Pakiramdam ko biglang may umampon sa akin,” makatotohanan ko namang saad sa kanya. Kahit gusto kong mainis at mag isip ng masama ay hindi ko magawa sapagkat wala naman akong nararamdamang masamang intensyon mula sa kanya. Napaka-laid back niyang tao.
Ngayon nga, sa halip na mailang sa kanya dahil sa naganap na kasal. Pakiramdam ko ay nagkaroon lamang ako ng bagong tropa. Hindi rin naman siguro nagkakalayo ang edad namin.
“Totoo yan, dahil mula naman ngayon ay dito ka na titira,” kaswal na saad niya na tila ba ay parang normal na araw lang ang pagpapakasal sa hindi niya kilala at isa pang lalaki na tulad ko.
Ang masasabi ko lang sa lahat ng napapansin ko. Ang weirdo ng mga bisitang nandito. Parang tuwang-tuwa pa sila sa mga nangyayari.
“Dito sa Mansion nyo?”
“Mansion ko, hindi dito nakatira ang pamilya ko. Bumisita lang sila dahil sa kasal,” proud na saad niya sabay taas ng basong hawak at nakipag cheers pa sa akin.
Halos maibuga ko ang red wine na iniinom nang marinig ang sigawan at request ng mga bisita.
“Kiss!”
“Kiss!”
“Isa lang! Woohhh!” hiyaw pa ng lasing na kamag anak ata ni Sebastien.
“Isa lang hon?” baling na tanong niya sa akin.
“Ayaw ko—” kunot noo kong pagtanggi, pero di ko na natapos ang sasabihin ko nang swabe niyang inilapit ang mukha sa akin at garawan ng mabilis na halik ang labi ko.
Gulat ko na lamang siyang tiningnan at di makapaniwala sa kanyang ginawa.
“I don’t take no for an answer,” nakangisi pa niyang saad sabay lagay muli ng kanyang kamay sa aking bewang.
“Nagtanong ka pa, gagawin mo din pala ang gusto mo,” bulong ko naman at pasimpleng pinunasan ang aking labi. Medyo nag init pa ang aking pisngi dahil sa hiyang nararamdaman.
“Yan ka na naman eh, wag ka nang mahiya dyan, kasal na tayo,” nakangisi niyang turan at humalik muli sa aking pisngi.
Hindi ko napigilang hinsi mapabuntong hininga, alam ko naman kasing hindi ako mananalo sa kakulitan niya.
▼△▼△▼△▼△
MAKALIPAS
ng halos dalawang linggong pananatili sa piling ng ulol at misteryoso kong asawa.
’
Maayos naman ang pakikitungo ng mga kasambahay at pamilya ni Sebastien sa akin. Hindi pa kasi sila bumabalik sa Germany sapagkat may kailangan pa daw ayusin dito sa bansa. Wala naman sa akin iyon, hindi rin naman ako iniiwan ni Seb, daig pa niya ang koala na laging nakadikit sa akin. At dahil bago pa sa akin ang lahat, nagpapasalamat ako sa kanyang gabay,’
isip-isip ko pa habang abala sa pagtitimpla ng kape para sa aking asawa.
Paano ba naman, kung hindi siya nakasunod sa akin lagi ay baka ilang beses na rin akong naligaw dahil sa laki at lawak ng mansion na ito. Sa iisang kwarto din ang ginagamit namin, at iisang kama natutulog. Minsan nga kapag nagigising ako pakiramdam ko nasa panaginip ako sapagkat kahit kailangan di ko inaasahan na mapupunta ako sa ganitong sitwasyon. Siguro kahit sinong babae ay pinapantasya ang kalagayan ko ngayon.
Napatigil ako sa aking ginagawa nang makita ang pagdulog nila sa mesa. Napangiti pa ako nang bahagya ng lumingon si Seb sa aking dereksyon.
Mesyo na ninibago ako sa mga nangyayari at hindi ko mawari ang dapat kong maramdaman sapagkat hanggang ngayon hindi ko pa rin alam ang tunay na dahilan kung bakit nga ba niya ako pinakasalan.
“Seb, hindi ka papasok sa trabaho mo?” tanong ko pa sa kanya, nasabi kasi niya sa akin na sa isang company siya nagtatrabaho.
“Ilang linggo pa lang nang ikasal ako at di pa nga tayo nakakapag honeymoon, gusto mo na agad akong pagtrabahuhin?” pagpapa awa pa niya habang ipinagsasalin ko siya ng kapeng aking tinimpla.
Dahil sanay ako sa pagtatrabaho ng maaga. Kaya naman minsan nauunahan ko pang gumising ang mga kasambahay dito. Nagugulat na lang sila kapag nakikita nila ako sa kusina.
“Right, Gelo anak, bakit hindi muna kayo mag explore at mag date nitong si Sebastien, para mas magkakilala kayo,” pag sang ayon pa ng nanay ni Seb. Iyon pa lang ale na nagsama sa akin papunta sa venue ay mismong kanyang ina. Kaya pala magkahawig sila.
“I agree, spend sometime with each other,” saad naman ng tatay ni Seb. Napatango naman ako.
“Kaya nga Ma, hindi na ata ako mahal ni Gelo,” reklamo pa ng ulol kong asawa kaya tiningnan ko siya ng masama.
“Sino bang nagsabing mahal kita?” bulong ko pa bago umupo sa tabi niya.
“Ha?” aniya at humabol pa ng tingin sa akin.
Hindi ko naman siya pinansin at sinagot na lamang ang sinabi ng kanyang mga magulang. “Sabi ko nga po Ma, may pupuntahan po kami mamaya ni Seb.”
“Great,” masayang ani ng nanay niya.
Matapos ang breakfast ay bumalik kami sa kwarto.
“May pupuntahan ba tayo ngayon?” tanong niya kaya napalingon ako.
“Oo, sabi mo papayagan mo akong umuwi sa amin para kunin ang mga gamit ko.”
“May sinabi ba akong ganun?” pagpapatay malisya pa niya na tila ay hindi alam ang aking sinasabi.
“Sebastien!?” pinanlakihan ko siya ng mata. Kahit gaano kalaki at katangkad niya sa akin, natutuwa ako kapag nadadala ko siya sa masamang tingin pa lamang.
“Sabi ko nga, wag ka nang magalit Gelo. Gusto kong tawagin mo ang pangalan ko, pero kapag hindi ka galit,” paglalambing pa niya at yumakap pa sa aking likod.
Jusko ang lalaking ito, walang kahihiyan sa katawan, napatawa na lamang din ako dahil sa kakulitan niya. Ito siguro ang masasabi kong ikinaswerte ko.
Kasi ang turingan namin ay parang normal na magtropa lamang. Kulitan at asaran lang palagi.
PART 4: END
GELO’S POV
MATAPOS
ang ilang oras na byahe pabalik sa na rin kami sa sitio na aking kinalakihan. Halos mga dikit-dikit na bahay ang mga nakatayo dito. Maingay at marami ring tambay sa kalye.
Nauna akong bumaba sa sasakyan, sabi ko intayin na lamang niya ako. Tumango naman siya kaya mag isa akong pumasok sa aming lugar.
Kahit katanghaliang tapat, hindi mawawala ang mga mag iinom na daily routine na ata ang makalaklak ng alak.
“Oi, si Gelo pala. Ano kumusta ang kasal mo!?” sigaw pa ng lasing at tumawa pa nang malakas. Hindi ko na lamang pinansin.
Pero kita ko ang mga matang puno nang pangungutya mula sa mga marites na nakatambay sa bawat tindahan na aking madaanan.
“Oo nga, matandang manyak ba ang napangasawa mo!?” mayabang na hiyaw ni Aling Concha ang lider ng mga chismosa dito sa aming lugar.
At nagtawanan na nga sila na para wala nang bukas. ‘Ang saya talaga nila, mga pakialamero, hindi buhay nila ang kanilang atupagin,’ napapailing na saad ko sa aking sarili.
Medyo malapit na naman ako sa aming bahay nang makasalubong ko ang aking pinsan. Galing ata sa amin, mas bata siya sa akin at nag aaral pa.
Mas may nakaka angat kasi ang buhay ng pamilya nila kaysa sa amin, pero nung kailangan namin ng tulong nila, iniwan nila kami sa ere. Katulad na lamang ngayon, kahit alam kong kita na niya ako, hindi man lang ako binati o pinansin man lang.
‘Okay lang yan,’
isip-isip ko pa.
Nang makarating ako sa aming bahay ay nagulat ako nang makarinig ng mga sigawan. Naabutan kong inaaway ng landlord ang nanay ko.
“Ano pong nangyayari?”
Sabay namang napatingin sa akin ang nanay ko at ang babaeng landlord na kanina pa ata nagwawala.
“Oh nandito na pala ang anak mong nagpakasal sa mayaman. Eh bakit hindi pa rin kayo makabayad sa upa ng bahay nyo!?” iskandaloso pa nitong sigaw na gusto atang iparinig sa buong barangay ang sinasabi niya.
“Wala namang kinalaman iyon dito, at saka isang buwan pa lang kaming di nakakapagbayad,” sagot naman aking ina. Tunay iyon sapagkat nasira nga ang taxi na dinadala ng aking ama. Mula ng ikasal kami ngayon lamang ako nakabalik dito kaya hindi ko alam ang nangyayari.
“Wala akong pakialam, bakit hindi humingi ng pera yang anak mo sa matandang mayaman niyang asawa!” mayabang na utos pa nito.
Napahawak na lamang ako sa balikat ng aking nanay para pakalmahin siya. Kahit naman kasal na kami ni Seb, wala akong karapatan sa pera at kayamanan niya. Nagpapasalamat na nga ako na maayos ang trato nila sa akin doon.
Naiyukom ko na lang ang aking kamao dahil sa galit na nararamdaman. Anong karapatan nilang ipahiya kami ng ganito.
“Kung hindi kayo magbabayad ay magsilayas na kayo!!!” hiyaw ulit nito na halatang gusto lang mag eskandalo at pag usapan na naman kami ng mga kapitbahay.
“How much did they owe you?” seryosong saad ng isang boses mula sa likod ng aming landlord.
“Seb, anong ginagawa mo dito?” gulat kong tanong.
Hindi naman niya ako pinansin at mabilis na kinuha at binuksan ang wallet galing sa bulsa.
“How much?” seryosong tanong niya dito.
“This much?” aniya sabay pakita ng pera at mabilis na inabot sa nagwawalang landlord kanina.
Matapos maibigay ang pera sa gulat at di makapaniwalang may ari ng bahay ay seryoso muli niya itong binigyan ng tingin.
“You got what you want, now fuck off.”
Tulala ang madaldal na landlord ganun din ang mga taong nakiki usyoso kanina. Hindi nila inaasahan ang nangyari.
“Sebastien, halika na,” pagpigil ko pa sa kanya at mabilis na hinawakan ang kanyang kamay.
Humarap naman siya sa akin, mas malambot na ang kanyang ekspresyon hindi tulad kanina, pero hindi pa rin nawawala ang pag kakakunot ng kanyang kilay.
“No, tell your parents to pack everything, you’ll going to move out.”
MATAPOS
ang pangyayari na iyon, sinabihan ko ang aking mga magulang. Wala naman silang nagawa kung hindi mag empake. Nang makauwi kami, dama ko pa rin ang inis ni Seb. Kaya naman habang nasa loob pa rin kami ng kotse ay naisip kong pakalmahin siya.
“Ui, chill ka lang. Sanay na kami sa ganun, hindi naman iisang beses nagwala yung si aling Beth.”
“Kahit na Gelo, wala silang galang at respeto.”
Napatawa naman ako sapagkat para namang mayroon siya no’n noong pinilit niyang ipakasal ako sa kanya.
“Bakit ka natawa?” tanong pa niya.
“Wala naman, para namang may maayos kang manners nung pinilit mo ang aking ama,” nakangisi ko pang aasar sa kanya.
“Sorry na Gelo.”
Sa halip na pansinin ang pag iinarte niya, may naalala akong mahalagang bagay na noon ko pa gusting malaman. “Hindi mo pa nga pala sinasabi sakin ang dahilan kung bakit mo ako pinakasalan.”
“Na love at first sight nga ako sayo, di ba nasabi ko na sayo to dati,” aniya sa akin at kumindat pa.
“Sinong ungas ang maniniwala sayo?”
“Sige na nga. Ito na nga kasi,” nakanguso pa niyang tugon.
“Yung lolo namin namatay. Ako ang paborito niya sa lahat ng kanyang apo, pero kahit ganun nagulat pa rin kami kasi noong lumabas ang last will ni Lolo, nakalagay doon na sa akin niya iniwan lahat ng kanyang yaman at ari-arian.”
“Woah! Talaga? As in lahat? Wala man lang ibinigay sa iba mong kamang anak?”
“Oo, sa akin nakapangalan, pero nakalagay din doon ang mamanahin ng iba naming kamag anak, pero dapat magawa ko muna iyong huling kondisyon ni Lolo para mahati lahat ng mana.”
“Anong kundisy— teka! Wag mong sabihin na---”
“Nakasulat doon na bago ako mag-30 years old kailangan ay makapagpakasal ako sa isang lalaki.”
“Ano kayang pumasok sa utak ng lolo mo nung sinusulat niya ang last will? Baka naman nagdidileryo na?”
“Hindi naman siguro. Ang alam ko lamang ay noong kabataan ni Lolo, may lalaki siyang minahal. Kaso hindi sila nagkatuluyan dahil sa kanilang sitwasyon. Baka gusto niyang sa akin matupad ang hindi niya nagawa noon.”
“Siguro nga, pero hindi ka naman bakla at wala ka rin namang problema kung magpakasal ka o hindi, kasi nasayo naman ang mana.”
“Oo pero mula kabataan, halos lahat ng kamag anak namin, lagi na akong pinilit na magpakasal. Kung sino-sino rin ang mga ipinapakilala nila sa akin para lang matupad ang huling kondisyon ni Lolo.”
“Mga gahaman din ano?” ani ko naman at napatango pa nang mapagtanto ko kung bakit sobrang saya ng mga kamag anak niya nung kasal namin.
“Sinabi mo pa, kaya nga nanatili rin ako nang matagal na panahon sa ibang bansa. Kasi ayaw ko silang makita. Isa lang naman ang bukang-bibig nila.”
“Kaya mo ba ako pinakasalan dahil naiinis ka na sa pangungulit nila?”
“Hindi ah, kung ayaw ko talaga, wala silang magagawa. Wag mong isipin na pinakasalan kita dahil sa dahilan na iyon.”
“Kung hindi dahil sa kanila? Eh bakit biglang nagbago ang isip mo?”
“Hm bakit nga ba?” saad pa niya habang napapatingala. Akala mo naman ay tunay na nag iisip. “Ah alam ko na!”
“Ano?” inip na tanong ko.
“Na love at first sight nga ako sayo,” masigla at ngising-ngisi pa niyang pahayag.
“Hays, ewan ko sayo.” Sabi na nga ba at puro kalukohan lang ang alam niya, sana hindi na ako nagtanong pa.
“Teka, Gelo! Saan ka pupunta?” paghabol pa niya sa akin. Dahil sa inis ko ay nauna na akong bumaba ng kotse.
“Ayaw mong sumagot ng maayos eh.”
“Pero tunay ang sinabi ko,” aniya at mabilis na umakbay sa akin. Ngayon ay naglalakad na kami papasok sa mansion.
“Paanong tunay eh nung mismong kasal lang tayo nagkita.”
Hindi naman siya sumagot at ngumiti lamang. Napailing naman ako at hindi na nagtanong pa.
▼△▼△▼△▼△
3RD PERSON’S POV
ANG
hindi alam ni Gelo, wala naman talagang balak na kasuhan ni Sebastien si Mang Greg sapagkat alam nito na siya talaga ang may kasalanan sa naganap na aksidente.
Pero habang nasa police station, at nanginginig sa kaba at takot ang ama ni Gelo sa pagkuha ng drivers license nito sa wallet ay may nahulog na litrato sa sahig.
Nang damputin ni Sebastien ang picture, doon niya unang nakita si Gelo. Sa isang iglap, naisip niyang kung ito ang kanyang magiging asawa, wala siyang pakialam kung lalaki man ito.
Habang ngiting-ngiti sa pagbabalik tanaw si Sebastien ay nakasunod lamang siya sa kanyang asawa na ngayon na si Gelo.
Nang maka akyat nga sila second floor at pabalik na sa kanilang kwarto ay bigla itong nagsalita.
“Nga pala, Seb. Bumalik na rin ba sa Germany yung Lolo na naghatid sa akin sa altar?”
Naguluhan naman siya at nagtatakang tiningnan si Gelo bago sumagot. “Ha? Sinong Lolo, eh wala naman sayong naghatid sa altar.”
“Anong wala, meron ano. Niluluko mo na naman ba ako?”
“Hindi, pramis wala talaga.”
“Hays, di mo ako maluluko. Matanda yun na maputi ang buhok tapos---” paglalarawan pa nito nang bigla itong tumigil at may ituro sa family portrait nila na nakasabit sa pader. “Ito oh, siya nga ito!”
Nanlaki sa gulat ang kanyang mata dahil sa taong tinuturo ng kanyang asawa. Ang matanda lang naman sa litrato ay ang namayapa niyang Lolo na nag iwan ng mana sa kanya.
Nang ma-realize niya ang isang bagay, napangiti na lamang siya ng malapad.
‘Salamat Angelo dahil ikaw ang napili ko, pati si Lolo ay boto sayo.’
THANK YOU FOR READING GUYS!!! 🌈😘🤧
![Cover of 🌈MARRIED TO WHO? [SHORT STORY]✔](/story-covers/married-to-who-short-story_343516769.webp)
