🌈Marry me, Bro? [ONGOING]
cutiecane23 · 17 chapters · 30,492 words
Front Page
Disclaimer
All characters appearing
in this work are fictitious.
Any resemblance to real
persons, living or
dead, is purely
coincidental.
“No to
plagiarism
”
Date started:
04.10.21
Date Ended:
Status:
ONGOING
©2020Cutiecane23
MMB 1
I HOPE YOU ENJOY READING THIS CHAPTER ヾ(^-^)ノ
3RD PERSON POV
HINDI
naman maiwasan ni Jack na hindi mapabuntong hininga habang nakatingin sa playboy na kaibigan niyang si Christopher Santiago.
Nakikipaglandian na naman kasi ito sa mga taga-hanga sa basketball. Ayaw man niyang aminin, pero magaling na player talaga ang bwisit na kababata/ best friend niyang ito. Ang katunayan na simula elementarya hanggang ngayong college ay magkasama pa rin sila ang isang bagay na kanyang mas ipinagtataka at…
“Kaya umay na umay na ako sa pag mumukha ng gagong to eh,” wala sa sariling bulong pa niya.
“May sinasabi ka bro?” tanong naman nito paglingon sa kanyang kinalalagyan. Iniwan pa nito ang mga babaeng kausap at mabilis na lumapit sa kanya.
“Wala, nagha-hallucinate ka lang, unggoy,” inip na sagot niya dito at saka ipinagpatuloy ang paglilinis ng gym.
“Ah sige ikaw na bahala dyan, ali—”
“Uyy! Saan ka pupunta ha, tulungan mo akong maglinis,” maagap na aniya sabay akbay dito. Balak na naman kasing tumakas ng unggoy na ito.
“Joke lang, syempre naman di kita pababayaan,” natatawang turan pa nito at dadamputin na sana ang timbang may lamang tubig nang biglang sumulpot na naman ang mga babaeng kausap nito kanina.
“Jack, wag na kayo maglinis niyan sumama na lang kayo sa amin sa party ni Brenda,” maarteng saad pa ng isang babae sabay hawak sa kanyang braso. Medyo nagulat siya, pero palihim rin na napangiti nang maramdaman ang paglapat ng malambot nitong dibdib sa kanyang braso.
“Ah ganun ba? Ano oras ba y—”
Matagal na rin nang huli siyang sumama sa mga ganyang kasiyahan kaya naman sabik siyang alamin ngayon ang impormasyon upang siya ay makadalo, pero naputol ang kanyang sasabihin nang biglang magsalita rin ang unggoy niyang kaibigan.
“Hayaan niyo na yang si Bro, busy yan. Ako na lang sasama sa inyo,” singit na sabi pa ni Topher kaya tingnan niya ito ng masama habang napapailing.
‘Bwisit talaga ang ulol na to, gusto lagi suluhin ang mga chix.’ isip-isip pa niya habang naririnig ang tilian ng mga babae. Wala na siyang nagawa pa kaya
ipinagpatuloy na lamang ang paglilinis.
4th year college na sila at parehas na kumukuha ng Bachelor of Business Administration. Hindi niya choice ang course na ito dahil wala naman siyang business na ima-manage pagka-graduate, di tulad ni Topher na mamanahin lahat ng mga ari-arian at yaman ng pamilya nito.
Parehas din silang members ng varsity ng school kaya ngayon, pagkatapos ng practice ay naglinis sila o SIYA ng Gym. May iba pa silang kasama, pero dahil may lahi ring mga gago ang mga iyon ay hindi nagsiputan sa oras ng paglilinis.
Ang bwisit na Topher naman kasi ay nakikipaglandian lamang sa mga babae at di man lang siya tulungan, ang masama pa hindi rin siya bigyan ng Chix. Gahaman talaga ang ulol.
Dahil sa taglay na kagwapuhan, tangkad at tikas ni Topher ay matinik na babaero ito habang siya naman ang medyo matino sa kanilang dalawa. Correction, medyo matino.
Noong kabataan nila, kung gaano kapasaway nito ay gunun din siya, lagi silang mag kasama sa lahat ng kalukohan.
Kahit mahirap ang kanyang pamilya, at maraming bagay ang kakulangan sila, mabuti na lamang at hindi sa itsura siya kinapos.
Kung 6’0 ft si Topher, isang pulgada lang ang tangkad nito sa kanya. Parehas naman silang macho, mas lean lamang ang muscles niya kaysa dito. Kung sa kagwapuhan hindi siya magpapatalo, talagang ma-pera lang ang kababata niyang unggoy.
Sabi nga nila, ‘Hindi ka panget, wala ka lang pera.’
Mula nang tumapak sila ng college at mabigyan siya ng opurtunidad ng mga magulang ni Topher na pag aralin din ng kolehiyo.
Doon ay medyo nag lay low na siya sa pagiging pasaway at pagiging sakit sa ulo ng kanyang mga magulang. Kaya mula noon, masakit man para sa ulo niya ang alagaan at bantayan ang kaibigan na mas malaki at malakas pa sa kanya ay wala siyang magagawa sapagkat kapatid na ang turing niya dito.
Kahit sabihin na napakayaman ng kaibigan niyang si Topher ay hindi siya nito itinuturing na alalay. Sa katunayan nga ay pantay ang tingin nito sa kanya. Isang tunay na kapatid at kadugo. Tanda pa nga niya, kung anong pag mamay ari nito, lagi siyang may karapatan sa lahat ng iyon.
Nung bata pa sila, lahat ng laruan nito pwede niyang hiramin, pagdating sa pera nito magsabi lang siya hindi ito nagdadalawang isip na bigyan siya, at higit sa lahat pati sa girlfriend nito, gusto din i-share sa kanya.
Syempre dahil mas matino nga siya ng kaunti sa kanilang dalawa, at di naman siya ganun ka desperado para sa babae, tumatanggi siya at humahanap ng sarili niyang chix.
“Toph, kelan ang date natin?”
“Ha? Anong date nyo? Kami kaya ang may date. Wag kang ilusyunada gurl.”
“Ang yabang mo ah, ako ang girlfriend nya!”
“Anong ikaw? Ako kaya!”
Ayun na nga ang karaniwang nagaganap. Nag aaway at nagsasabunutan na naman ang dalawang babae na kausap nito ngayon lang.
Napabuntong hininga na lamang si Jack dahil sa mga pangyayari. Hindi na bago sa kanya ang mga ganitong senaryo. Bago pa siya madamay ay dahan-dahan na siyang lumayo dala ang balde ng tubig at mop na hawak.
Nang makapasok sa club room nila at pagkalagay niya ng mop sa lagayan ay nagulat na lamang siya ng may biglang humigit sa likod ng Jersey na suot niya.
“Tangna naman Topher, papatayin mo ba ako sa gulat?” inis na saad pa niya nang makita ang pagmumukha ng kaibigan. Medyo hinihingal pa ito kaya naman may ideya na siya kung anong nangyari. Mukhang tinakbuhan na naman nito ang mga babaeng nag aaway doon sa court.
“Bilisan mo Jack, baka makita pa ako ng mga babaeng yun,” pabulong na sagot pa nito.
“Tss ewan ko sayo, harapin mo yan, ginusto mo yan di ba?” inip na tugon niya dito.
“Gago! Tara na, bilis!”
“Mauna ka na, bakit ba kakaladkarin mo pa ako?”
“Luko ka talaga, di kita pwedeng iwan. Wala kang sasakyan pauwi.” pagpupumilit pa nito, habang sinusukbit sa balikat ang kanilang mga bag.
Kapag hapon ay madalang na ang dumadaan na jeep malapit sa kanilang campus kaya naman mahirap makahanap ng sasakyan.
Napabuntong hininga na lamang siya. Kung tunay na nababawasan ang buhay kahag bumubuntong hininga, baka matagal na siyang patay dahil kay Topher. Pero, kahit gago at sakit ito sa ulo, kahit kailan ay hindi siya iniwan nito. Hindi lang tungkol sa pag uwi, pati na rin sa maraming bagay.
Kahit babaero, mahilig magwalwal at basagulero itong si Topher ay talaga namang nabiyayaan din ito ng katalinuhan.
Kaya nga kahit hindi na pumasok ay nagagawa pa rin nito ang mga assignment at project nila na walang kahirap-hirap.
Habang siya naman ay purong sipag lamang. Mahirap na nga boplaks pa. ‘Ano ba namang buhay to?’
Gusto man niyang ma-inggit sa kaibigan, pero hindi niya magawa dahil napakabuti nito sa kanya.
“Oo na nga, nandyan na,” napipilitan na saad niya habang sabay silang tumatakas mula sa nag aaway na mga babae.
Mabilis silang tumakbo patungo sa parking lot ng school at sumakay sa magara at mamahaling kotse ni Topher. Nanlaki pa sa gulat ang kanyang mata nang makita ito, pero dahil nagmamadali sila ay hindi na niya nagawang tanungin si Topher.
Nang makalayo na sila sa eskwelahan ay masama niyang tiningnan ang nagmamanehong kaibigan at malakas itong sinuntok sa tagiliran nang sunod-sunod.
“Aray! Aray naman! ----Broo!!! tama na, baka mabangga tayo,” nagmamaka awang anito, habang pilit umiiwas sa suntok niya.
“Gago ka kasi, isinali mo na naman ako sa kalukuhan mo,” gigil na saad niya dito. Napakamot naman ito ng ulo habang napapatawa pa.
Balak kasi sana niyang magtungo pa sa library para humiram ng libro, naroon kasi ang impormasyon tungkol sa kanyang ginagawang research paper.
Kaso ngayon wala nang pag asa, pilit na naman kasi siyang isinangkot ng unggoy na Topher na ito sa gulo. ‘Nagbabago na nga ako, tapos di pa ako payagan ng gagong ito.’
“Sorry na talaga Jack, libre na lang kita,” anito pa habang kinikindatan sya. Alam kasi nitong mahina siya pagdating sa pagkain.
“Tss Gago! Siguraduhin mo lang na marami ha,” nakasimangot na aniya, sabay iwas ng tingin dito. Baka kasi masapak na naman niya, nagpipigil lang siya ng sarili.
❤❤❤❤
Miss u so much guys!!! Sana magustuhan nyo ang bago nating story!
Jack x Topher for life.
Don’t forget to VOTE and COMMENT!
MMB 2
I HOPE YOU ENJOY READING THIS CHAPTER ヾ(^-^)ノ
3RD PERSON POV
NANG
makalabas sila sa isang fast food pagkatapos kumain, hinihimas pa niya ang busog na tiyan, habang hawak sa isang kamay ang peach-mango pie na kanyang paborito, busog na siya kaya ibabaon na lamang niya siguro ito pagpunta sa kanyang part time job mamaya.
Nakangisi lang naman ang ulol na si Topher sa likuran niya. May balak pa siyang lapitan kaya nagpaalam na siya dito.
“Sige maglalakad na ako mula dit—”
“Hindi ba sabi ko ihahatid kita? Sumakay ka na ulit dito,” makulit na turan nito.
“Ayoko, umuwi ka na sa inyo. Salamat na lang sa pagkain,” pagmamatigas pa niya at di man lang nilingon ito bago maglakad sa kasalungat na dereksyon.
“Hindi ka babalik dito o bubuhatin pa kita Bro, alam mo di ako nagbibiro?” may tono pa nang pagbabanta mula sa boses nito.
Dahil makulit siya at matigas din ang ulo, sa halip na makinig ay nagtatakbo pa lalo siya palayo. Napangisi naman ng may halong inis ito bago siya hinabol.
“Patay ka sakin bro pag naabutan kita!”
Napatawa naman siya lalo habang humahabol ito. Sa isang maliit na kalye lamang sila ngayon kaya naman kahit sa kalsada ay madalang ang mga dumadaang sasakyan.
Lumingon siya habang tumatakbo at iyon ang pagkakamali niya, hindi inaasahan na may makakabangga siya. Tumama ang taong iyon sa kanyang may balikat kaya nawalan siya ng balanse, pero hindi naman natumba.
“Aray!!!” daing niya habang hinaplos ang kanyang balikat.
“Ha! Patay ka sakin ngayon!” Rinig niyang sigaw pa ni Topher sabay hawak sa kanyang braso nang maabutan siya nito.
“Bitawan mo nga ako, sabi nang mauna ka nang umuwi,” inis na saad niya habang nagpupumiglas sa hawak nito at sinusubukang makaalis.
“Ano bang problema mo, sabi nang ayaw ko nga, sabay tayong uuwi.”
“Gago! Kaya kong umuwi mag isa! Ano tingin mo sa akin kinder?”
“Ikaw ang Gago, itsura mo di pang kinder, ugali mo lang!” sagot pa nito, kaya lalong nag init ang kanyang ulo. ‘Ano bang problema ng ulol na to.’
“Anong sabi mo!?”
“Sabi ko, sa iisang bahay tayo nakatira!”
Natigilan siya nang marinig iyon. Ilang buwan na silang nakatira sa iisang bahay, pero hindi pa rin siya sanay hanggang ngayon. Mula bata, lagi din siyang nakatambay sa mansion ng kaibigan. Sa totoo nga niyan ay madalas din siyang mag overnight sa malaki at malamig nitong kwarto. Pero ang katotohanan na sa iisang bahay na talaga sila nakatira ay mahirap pa rin niyang matanggap.
Habang nakatulala siya at nakatitig naman si Topher sa kanya, napatigil silang dalawa dahil sa sinabi ng matandang lalaki.
“Hay naku, kayo talagang mag asawa, sa bahay na kayo maglambingan,” saad pa ng matandang lalaki na nakabangga niya kanina habang pilit silang inaaninag nito gamit ang matanda at malabo nitong mata. Akala ata nito ay mag asawa sila na nag aaway sa kalye.
Kung hindi siya makapaniwala na sa iisang bahay na sila nakatira, mas hindi naman madaling masanay na may asawa na sya…
At ang playboy na kababata pa talaga niya.
Napahawak na lamang siya sa kanyang ulo, habang ngising-ngisi naman ang ulol na si Topher sa pagkaladkad sa kanya pabalik sa kotse nito.
Hindi pa ito nasiyahan at nag iwan pa ng nakakalukong pahayag sa matanda.
“Oho tatang, pag uwi namin maglalambingan agad kami sa kwarto.”
▼△▼△▼△▼△
JACK’S POV
NANG
makauwi kami sa bahay, dumeretso agad ako sa kwarto para magbihis, alas singko pa lang naman ng hapon kaya may oras pa ako para pumunta sa aking part time job sa bayan bilang isang time keeper at janitor sa isang malaking computer hub.
“Saan ka pupunta? Di ba may research paper na project? Di ka ba gagawa?” sunod-sunod na tanong pa nito, matapos akong abutan na nagbibihis sa kwarto. Hindi ko na sana papansinin pa ang unggoy na ito, pero nakaka-init talaga siya ng ulo.
Alam kong medyo may nagbago na sa kanya mula nang ikasal kami isang buwan na ang nakakalipas, pero hindi pa rin talaga siya nagiging seryoso sa mga bagay-bagay.
4rd year na kami at ilang buwan na lamang ay ga-graduate na, hindi na kami katulad noon na puro laro at paglalakwatsa at pagbarkada ang alam.
Dapat maging matured na sana ang utak niya at mag isip naman ng mga bagay na mas mahalaga. Hindi porket mayaman siya ay wala na siyang balak tumino. Sana ay nagpa-plano naman siya ng magiging buhay niya sa hinaharap.
“Sino bang gago ang may gawa kaya di ako nakatapos sa research na yan. Kung tinulungan mo lang ako maglinis kanina at di mo kinaladkad kung saan edi sana may project na ako,” pagmamaktol ko pa, tunay naman kasi.
Sa halip tuloy na wala na sana akong gagawin at bukal sa aking kalooban ang pag punta sa aking trabaho ay magiging hindi pa dahil siguradong buong oras ay iyon lamang ang aking iisipin.
Buti ba naman kung kasing talino niya ako, di ko na kailangang magpunta sa mga library pag overtime sa pagse-search makagawa lang ng maayos na project.
Hays, swerte talaga ng unggoy na to, mayaman na, gwapo na, talino pa. Tulog ako ako nung nagsaboy ng biyaya ang diyos ah.
“S-Sorry na Jack, baka magkabutas na ulo ko dahil sa tindi ng masamang pagtitig mo,” aniya pa, habang nagpapa awa sa akin. Sa halip na maawa ako, mas gusto kong bigwasan ang nakaka asar na pag mumukha niya.
‘Kung kaya ko lang talaga butasin ng ulo mo, ginawa ko na.’ yan ang gustong isigaw sa kanya, pero pinilit ko na lang magpigil ng inis baka kung ano magawa ko sa kanya. Nakakagigil talaga ang pagmumukha niya kaya nai iwas ko na lamang ang aking paningin.
Ngunit bago pa ako sumabog sa inis ay nakapagkumento pa ako.
“Sorry ka din bro, di eepekto sakin yan boy!” ani ko, at di na rin napigilan na di mapatawa dahil sa pangit niyang ekspresyon.
Lumabas naman ang malapad na ngisi sa labi niya at mabilis na tumakbo palapit sa akin, dahil sa gulat ay tumilapon kami sa ibabaw ng kama habang sumisigaw siya ng…
“AND HIS NAME IS JOHN CENA!!!” sigaw pa niya habang tumatawa.
Hindi ko naman napigilang mapatawa ng malakas dahil sa kagagawan niya.
“HAHAHA GAGO!!!” tumatawang sigaw ko habang nakikipag wresling.
“SAY UNCLE! SAY UNCLE!” turan naman niya pabalik sakin, habang iniipit ang aking leeg at nakadagan naman siya sa likod ko.
Gusto niyang tapikin ko ang kama hudyat na sumusuko na ako sa laban. Pero dahil wala sa bokabularyo ko ang salitang pagkatalo.
Pinilit kong igalaw ang aking katawan hanggang sa mahulog siya sa pagkakasakay sa likod ko, mabilis akong naka alis sa pagkaka-head lock niya at sinuntok ang kanyang tiyan na nakapagpayuko sa kanya dahil sa sakit.
Habang siyang nagdurusa sa sakit at nakaluhod sa kama, tumayo naman ako at ibinagsak deretso sa kanya ang buong katawan ko na para bang special move ng mga wresler sa pinapanuod naming WWE.
“AHH!” sigaw pa niya, habang dinagdaan ko siya.
Patuloy ang pagtatawanan namin sa loob ng kwarto nang di inaasahan na biglang bubukas ang pintuan.
Nanlalaki at gulat na napaharap kami sa may pintuan nang masilayan namin doon si Yaya Adeng.
Gulat din naman itong napatingin sa amin, doon ko napagtanto ang aming posisyon. Si Topher ay nasa ibabaw ko at halos wala nang saplot habang nasa ilalim naman ako nito, pawisan at hinihingal pa.
MMB 3
I HOPE YOU ENJOY READING THIS CHAPTER ヾ(^-^)ノ
JACK’S POV
NAPALAGAY
ang kamay ng matanda sa bibig nito, ako naman ay natauhan at mabilis na sinipa sa bayag si Topher kaya napahiga siya sa kama habang namimilipit sa sakit.
“Yaya Adeng, kayo pala po,” ani ko pa, habang inaayos ang aking sarili.
“Kayo talagang mga bata kayo, kay aga-aga eh, bakit ga naglalambingan na agad,” natatawa pang sabi nito kaya lalo akong napahiya.
“Hehe, Yaya talaga, palabiro talaga kayo.” Napakamot pa ako sa ulo at di maiwasang pamulahan ng mukha. Pakiramdam ko din parang biglang uminit dito kahit aircon naman ang kwarto namin.
Oo, hindi lang basta sa iisang bahay kami nakatira, sa iisang kwarto din kami magkasama. Lakas talaga ng tama sa utak ng mga magulang ni Topher. Dami ring alam.
“Naku naman, wag ka nang mahiya hijo, normal lang yan sa mag asawa—”
Hindi ko lang mabara itong si Yaya, tuwang-tuwa sa pang aasar samin eh. Kala ko tapos na siya, lumapit pa talaga sakin at bumulong.
“----ganyan talaga kapag nasa Honeymoon phase pa.”
‘YAYA TALAGA, DAMING ALAM!’
Matapos ang pangungulit ni Yaya, nagsabi lang ito na nakapag luto na siya at kumain daw ako bago pumunta sa trabaho.
Habang nagmamadali ako sa paglalakad papasok sa banyo nang mapansin ko pa ang pagbangon ni Topher sa kama habang sapo-sapo pa rin ang masakit nitong junior. At bago nga ako makapasok sa banyo ay narinig ko pa ang sigaw niya.
“BRO! KAPAG TALAGA DI TAYO NAGKA ANAK!”
‘Ewan ko sayo, bahala ka dyan,’ isip-isip ko pa habang nag aayos ng mga dadalhin, mabilis ko ring kinuha ang isang bagay na kailangan ko at isiksik iyon sa loob ng aking bag.
Ang hirap itago ng bagay na to sa kwartong ‘to, baka kasi makita pa ng unggoy na si Topher, kung ano-ano agad iisipin nun panigurado na.
Kahit matagal na kaming magkakilala ni Topher at napag uusapan namin ang lahat ng bagay tungkol sa buhay ng isa’t isa, may isang bagay ako na lihim na itinatago at wala akong balak na sabihin sa kanya. Dadalhin ko na hanggang hukay ang sikretong iyon.
Mabuti na lang at minsan may pagkatanga din yang si Topher kaya sure akong di niya malalaman ang sikreto ko.
May sakit ako na itinuturing na hindi normal ng lahat. Kaya kapag nalaman ng ibang tao ito. ‘Baka mapagkamalan pa akong halimaw o aswang.’
“Sinong aswang?”
Nagising ako sa pagmumuni-muni at mabilis na sinaraduhan ang aking bag nang marinig ang boses ng ulol na unggoy sa aking likuran. Hindi ko namalayan na ibinubulong ko na pala ang mga bagay na iyon.
“Ikaw ang aswang. Teka- ano bang ginagawa mo dito? Pasabay-sabay ka naman, nagbibihis ang tao dito eh,” iritang saad ko.
Hindi naman siya sumagot at pansin ko na mabilis din siyang nagpalit ng damit at nauna pa sa aking lumabas ng banyo.
Sa totoo lamang ay kinakabahan ako kapag bigla-bigla siyang sumusulpot, at kailangan ko na ding tigilan ang pagsasalita nang wala sa sarili.
Hindi alam ni Topher ang tungkol sa kakaibang kondisyon ng aking katawan, at wala naman akong balak na malaman niya iyon dahil sa aking kapabayaan.
Alam ng pamilya ko ang tungkol dito, pero si Topher at ang mga magulang nito ay walang ideya sa aking sakit na ito. Ayaw ko nang ipaalam sa sapagkat napakalaki na nang aming utang na loob sa kanila.
Binigyan na nila ang aking mga magulang trabaho at scholar pa nila ako. Siguradong pag nalaman kasi ni Topher ang tungkol dito pipilitin niyang ipagamot ako at napakalaking halaga ang magagamit doon.
Baon na nga kami sa utang na loob sa kanila, pati ba naman utang na pera, yon ang ayaw kong mangyari, hindi naman pati nakakamatay ang sakit na meron ako.
Bago pa ako magdrama at bumaba ang luha at dugo ko dito, mabuting itigil ko na ito.
‘Baka papunta sa party ni Brenda ang ulol na yun,’ isip-isip ko pa nang maalala ko ang sinabi niya kanina.
Kahit naman kasi kasal na kami, wala namang bisa yun at di ko din naman siya pinagbabawalan sa pakikipag date, dahil kahit ako naman ay nakikipagdate din kapag may oras ako at panahon.
Hindi ko nga lang magawa ngayon sapagkat busy ako sa pag aaral at part time job, nakaka-miss na din yung panahon na puro gala at trouble lang alam namin sa buhay.
Sabi ko nga, wala akong pakialam sa pakikipag landian niya basta susundin lang niya ang rules na meron kami sa bahay na ito at syempre wag lang sya gagawa ng kalukohan.
Pag nangyari yun siguradong hindi lang siya ang masasabon nina Tita Claire at Tito Arden. Damay na naman ako.
Alam ko namang hindi kami ikinasal para sa isang normal na dahilan, pakiramdam ko may sing-sing akong suot pero hindi asawa ang role ko buhay niya kung hindi isang bodyguard.
‘Hmm, dapat hindi sing-sing ang nasa kamay ko, siguro baril dapat ang dala ko.’ napapatawang turan ko pa sa aking sarili.
Pero wala naman akong karapatan magreklamo sa lahat ng nangyayari ngayon. Kaya lang naman kami nagpakasal ay bilang parusa niya dahil sa ginawang malaking kalukohan, dalawang buwan na ang nakakaraan.
Isang maliit na di lang pagkakaintindihan ang naganap sa amin, bakit ang naging kinahinatnan ay isang kasal?
----------+++
2 MONTHS AGO
Normal na araw para sakin, nag aaral ako ng maayos simula nang tumapak ako sa kolehiyo, syempre kahit pasaway at pala-barkada rin ako nung kabataan, pero hindi ibigsabihin nun ay wala na akong pangarap para sa aking sarili at sa aking pamilya.
Mahilig ako sa sports kaya gusto ko sana maging guro sa P.E pero dahil sa pagiging spoiled ni Topher, inenroll din niya ako sa kursong kagaya ng sa kanya para daw di kami magkahiwalay. Bukod pa roon di naman ako makatanggi sapagkat pamilya niya ang magpapa aral sa akin sa kolehiyo.
Minsan naiisip ko ‘Hindi kaya sya nasasawa sa akin. Mula pagkabata. Elementary, high school at college ay magkaklase kami. Nasa school man o wala, magkasama kami.’ hindi ko maiwasang di mapabuntong hininga dahil sa mga iniisip.
Pero na isip ko din na baka ganun siya sapagkat wala siyang kapatid na pwedeng makasama lagi. Naawa naman ako kaya binabalewala ko na lamang ang lahat.
Alam kong mula pagkabata ay halos sa kanya na umiikot ang buhay ko, ang aking pamilya ay malapit sa kanila, ang aking mga kaibigan ay puro kaibigan din niya. Halos lahat ng bagay na meron ako ay may impluwensya niya.
Ako yung tao na mas kilala bilang, “kaibigan ni Topher, yung kaibigan ng sikat at mayamang si Topher.”
‘Yun nga lang ba ang papel ko sa buhay mo?‘
MMB 4
I HOPE YOU ENJOY READING THIS CHAPTER ヾ(^-^)ノ
[Continuation ito nung flashback, 2 months ago]
JACK’S POV
MULA
mga bata pa kami, kahit kailan di ako nagkaroon ng matatawag kong sariling akin o makilala bilang ako. Para akong anino na nariyan lamang dahil sa liwanag at kinang na meron ang aking kababata.
Pero kahit ganun ang tingin sakin ng lahat, kahit kailan hinding-hindi ako itinuring niya na iba sa kanya.
Kaya naman, hindi ko magawang mainggit at magtanim ng galit sa kanya. Mabait naman siya at sobrang maalaga, minsan matatawag na ding praning.
“Hays, makakauwi na din ako,” bulong ko habang nagsasarado ng computer shop na aking pinagtatrabuhan. Maganda ata ang mood ni Boss kaya tinawagan ako kanina at sinabing magsara ng maaga. Karaniwan kasi ay halos 10 pm na ang closing namin.
‘6:30pm, tama lang, kung walang traffic at mabilis akong makakasakay ay siguradong makakauwi ako sa amin bago mag alas otso.’ isip-isip ko pa habang nakasilay sa screen ng cellphone kung saan nakapaskil ang oras.
Hindi pa naman gabi, nag aagaw pa ang liwanag at dilim sapagkat kalulubong pa lang ng araw. Nasa hintayan ako ng Jeep nang maramdaman ko ang pagvibrate ng cellphone sa aking bulsa.
Nang makita ang caller ID, nakita ko na ang tumatawag pala ay ang nanay ni Topher kaya mabilis ko itong sinagot.
“Hello, Jack?” turan ng babae sa kabilang linya.
“Hello po tita Claire, nakauwi na pala kayo? Ano nga po pala yun?”
Isang linggo kasi dapat na wala sina tita at tito sapagkat sinundo nila mula sa Australia si Lola Dinah para makauwi dito sa bansa at makasama nila sa 50th death anniversary ng asawa nito, pero mas napaaga at sila ng uwi.
Maya-maya pa dumating na din ang jeep at dahil sa dami ng mga kasabay kong nag iintay ay nag unahan na ang mga ito para lang makasakay. Dumidilim na din ang kalangitan at wala namang may gustong abutin ng gabi dito kaya sapilitan na ang mga kapwa ko nag iintay na makasakay, nang puno na ang loob, may mga sumabit pa sa likod ng jeep.
Dahil naman sa bilis ng mga pangyayari ay napatulala na lang ako habang pinagmamasdan ang pag alis ng punong-punong jeep na iyon habang nakalagay pa rin sa aking tenga ang cellphone. ‘Mukhang gagabihin ata ako ngayon .’
“—Jack?”
“Ah, ano po yun tita?”
“Kasama mo ba si Topher, nasaan kayo?” mabilis na tanong pa nito kaya medyo nagtaka ako. Wala ba sa bahay si Topher?
‘Baka may ginawa na namang kalukohan ang unggoy na yun kaya hinahanap siya ni tita.’
“Tita pasensya na, hindi ko ho nakikita si Topher mula kanina. Di naman ho siya pumunta sa amin kaninang umaga.”
“Ganun ba, nasaan na kaya ang batang iyon?” rinig ko pa ang pagbuntong hininga nito mula sa kabilang linya.
“Bakit po, di na naman po ba nagpaalam sa inyo?”
“Oo, akala ko kasama mo kaya palagay ang loob ko. Kapag iba ang kasama nun pakiramdam ko lagi may masamang mangyayari.”
“Wag po kayong mag alala, baka nandyan lang at nag gagala kasama ang mga girlfriend, este girlfriend pala niya.”
“Sana nga, tinawagan ko na din sina Hugh at JP, kaso di rin daw nila alam kung saan nag punta si Topher.”
Dahil sa huling pahayag na iyon ay medyo nakaramdam ako ng kaba, bukod sa akin, dun sa dalawang yun lang naman nabarkada si Topher. Kung hindi ko alam at di rin nila alam. Wala na akong ideya kung saan siya nagtungo.
Alam kong matanda na ang Topher na yun pero dahil nga sa pagiging spoiled at basagulero niya ay laging napapa-trouble.
“Tita, tatawagan ko siya mamaya pag uwi ko, wala ho kasi akong load ngayon.”
“Sige Jack, sabihan mo ako kapag may balita ka na,” anito at saka nagpaalam.
Nang makauwi, matapos makapag paload, di pa ako nakakapag palit ng damit ay tinawagan ko na ito.
Ringgg!! Ringgg!!!
Inip at pabalik-balik na ang aking paglalakad sa harap ng walang kaalam-alam kong kapatid na si Jamie.
Nakakunot na ang aking noo at magkasalubong na ang aking kilay sapagkat nagri-ring lang ang naririnig ko, hindi niya sinasagot ang tawag ko.
Kahit kailan ay di pa ito nangyayari, sa pagkakakilala ko kay Topher, babalewalain nun ang tawag ni tita at tito pero ang akin ay hindi. Mabilis sumagot yun.
Lumipas na ang ilang minuto, halos hindi lang sasampung beses akong tumawag pero walang sumasagot. Inis kong naibaba ang cellphone na hawak at umupo sa sahig kung saan nagsasagot ng assignment ang aking kapatid.
“Kuya, ano pong problema?” anito pa, at saka ibinaba ang hawak na lapis at tumingin sakin.
“Wala naman Jamie, anong ginagawa mo? Gusto mo tulungan kita?” saad ko na lamang, para di na siya mag alala pa.
“Opo kuya! Salamat po,” masiglang aniya at napa-YES pa nang malakas. Hindi naman ako sumagot at ginulo lamang ang mahaba niyang buhok.
Bago matulog nang gabing iyon, ilang beses ko muling tinawagan si Topher pero katulad ng nangyari kanina, di pa rin ito sumagot.
Matagal na akong nakahiga pero di talaga ako dalawin ng antok dahil sa di malamang pag aalala, hindi ako nakatulog kahit isang minuto dahil sa pag iisip ng mga pwedeng mangyari.
Alam kong pasaway at matigas ang ulo ni Topher, pero kahit kailan di pa naman siya gumagawa ng ganitong bagay. Hindi rin siya bastos sa mga magulang niya at walang respeto.
Talagang makulit at spoiled siya dahil na rin siguro sa paraan ng pagpapalaki nina tita at tito sa kanya. May sakit kasi sa matres si tita claire at himala na lang ang pagkakaroon ng anak ito kaya talaga namang minahal at sunod sa lahat ng luho at ka gustohan itong si Topher.
Nang di na ako makatagal, tumayo na ako at pumunta sa kusina para sana uminom ng tubig. Nang magbalik ako sa higaan bago ako lamunin ng antok dahil sa pagod dulot ng buong maghapong pagtatrabaho sa shop ay napabulong pa ako ng isang bagay…
‘Patay ka sa akin Topher kapag nakita kita.’
KINABUKASAN
, maagang nagtungo sa aming bahay sina tita at tito para alamin kung may balita ba.
“Pasensya na Claire, hindi napagawi si Topher dito mula kahapon.”
“Jusko saan kaya nagpunta ang batang iyon, Arden anong gagawin natin?” napapaluhang saad pa ni tita, si tito naman ay blanko lang ang ekspresyon ng mukha, pero ramdam ko na galit na ito.
Katabi ito ni tita at hinaplos ang likod nito para kumalma at tumahan sa pag iyak.
“Pre, kailan pa ba siya nawawala? Nagpunta na ba kayo sa mga pulis?” tanong pa ni Papa kay Tito Arden.
“Noong Friday nang hapon ay nakita pa daw ni Ella si Topher, wala naman daw sinabi na pupuntahan bigla na lang umalis, tapos kahapon buong araw na siyang wala hanggang ngayon,” ani tita habang nagpupunas ng luha. Si Ate Ella ay ang kasambahay sa mansion nila Topher, anak din ito ni Yaya Adeng.
“Oo pupunta na sana kami sa pulis ngayon, naisip lang namin na baka narito siya. Alam nyo naman yun, mas gusto pa na kasama si Jack kaysa samin,” sagot ni tita ng kumalma na ito. Mukhang inis na talaga si tito kaya di na sumagot pa.
Kita kong napakamot ng ulo si papa kasi alam nitong totoo iyon, mas madalas pa dito samin si Topher kaysa sa sarili nitong bahay. Kahit maliit at masikip ang bahay namin ay wala pa rin itong pakialam makapangulit at makapang gulo lang sakin.
Hindi lang ata unggoy ang Topher na iyon, may lahing koala din ata, lagi kasing nakasiksik sakin.
Makalipas ang ilang sandali pa nang pag uusap ng mga ito, napagpasyahan na nila na magtungo sa police station.
Hindi na nila ako pinasama para may magbantay kay Jamie, masama ang loob ko sa kanya dahil sa mga ginagawa niya pero ngayon, ang gusto ko lang ay umuwi na siya.
‘Bwisit talaga ng unggoy na yan, masasapak ko talaga sya pagbumalik na sya,’ gigil na ani ko.
Sinamantala ng gago ang pag alis nina tita, di ata inaasahan na maagang uuwi ang mga ito. Bahala talaga siya sa parusa. Wala akong balak na tulungan siya sa pagkakataong ito.
--------+++
Matapos makapunta sa police station ay bumalik na si Nanay kaya pwede na akong pumasok sa trabaho. Medyo late man, pero okay na ito kaysa sa absent.
Habang nasa byahe sakay ng jeep, sinusundan ata ako ng malas, late na nga tapos traffic pa.
Di ko tuloy maiwasang di mapabuntong hininga at nagpasya na lang bumaba at lakarin ang natitirang distansya patungo sa computer shop.
Habang naglalakad ako, ang aking utak at kalooban ay puno pa rin ng pag aalala para kay Topher. Hindi namin alam kung nasaan siya, hindi namin sigurado kung ligtas siya.
Dati naman nagsasabi sakin lagi iyon, hindi talaga niya gawain ang ganito kaya mas natatakot kami sa pwedeng nagyari na sa kany---
A-Ah Oo nga pala, tanda ko na kung anong dahilan kung bakit di siya nagsabi sakin ngayon. Nagkaroon nga pala kami di pagkakaintindihan nung isang araw. Sigurong galit pa rin ang isang yun sakin hanggang ngayon.
Dahil sa malalim kong pag iisip ay di ko na napansin ang aking mga kasalubong at tuluyan nang napasalampak ako sa kanila.
“Uyy pasensya na mga brad,” ani ko.
“Tumingin ka kasi sa dinad---- Uyy Jack ikaw pala yan!” napatigil ito sa pagsasalita nang makilala ako.
“JP, Hugh anong ginagawa nyo dito?” tanong ko pa nang mapansin na malapit na pala kami sa pinagtatrabahuhan kong shop.
“Hinihintay ka namin kanina pa, akala namin di ka na dadating,” sagot naman ni Hugh sabay tingin sa relong suot. Ang dalawang ito ay kasama din namin sa varsity club.
Si JP ang small forward ng team, hindi man ito kasing tangkad ni Topher at Hugh magaling at maaasahan naman ito pagdating sa depensa at sa rebound. Pagdating naman sa itsura, ito yung matatawag na prince type. Gwapo, may class at gentleman.
Habang si Hugh naman ay ang Power forward ng team, agresibo pero may kontrol pagdating sa court. Kung mukha naman ang pagbabasehan, siya naman yung mukhang gangster. Lagi pang naka leather jacket ng itim.
“Bakit nyo naman ako hinintay?”
“Hindi ka ba nag aalala para sa trouble maker mong kababata?” nangungunsensya pang turan ni JP.
“Tss, di ko na talaga alam ang gagawin sa unggoy na yun.” napakamot na lang ako sa ulo dahil sa problemang dulot ng ulol na yun.
“Sumama ka samin, may ideya ako kung saan siya nagpunta.”
Napabaling ang aking ulo sa dereksyon ni Hugh dahil sa sinabi nito, dahil sa seryoso nitong ekspresyon, di ko matukoy kung seryoso ba siya.
“Huh? Bakit ngayon nyo lang sinabi, at saka ipinaalam nyo na ba ito kay na tita?”
“Hindi pa, hindi naman kami sigurado kung nandun nga sya,” sagot muli ni JP.
Alam kong walang kasiguraduhan ang lahat, pero kahit may pag asa at naroon nga siya sa sinasabi nilang lugar, baka maibalik pa namin ito at maisama pauwi.
Gising man siya o tulog dahil sa bugbog na aabutin niya sa akin.
MMB 5
I HOPE YOU ENJOY READING THIS CHAPTER ヾ(^-^)ノ
[Continuation ito nung flashback, 2 months ago]
JACK’S POV
Hays, sana pala tinanong ko muna sila kung saan kami pupunta bago sumabak sa gera, at hanapin ang kababata kong kamag-anak ata ni Dora.
Na-excite siguro akong mabugbog ang isang yun kaya di na ako makapag dalawang isip na sumama. Ang magagawa ko na lang ay tawagan ang owner ng shop para magpaalam ng pag absent ko.
Ngayon nakasakay kami sa kotse ni JP habang nagmamaneho si Hugh. “Uy mga ka-pre saan ba tayo pupunta? Nakalabas na ata tayo ng Laguna nito ah.”
“Lalabas talaga tayo dahil papunta tayong manila.”
Laglag ang panga ko dahil sa sinabi nito, M-Manila? T-Teka ibigsabihin nandun si Topher. Ano naman kaya pumasok sa kukute nun at nagpunta doon?
Daming kong katanungan, siguradong masasagot lang iyon kung makikita lang namin sya sa lugar na iyon.
Kinakabahan din ako dahil unang beses kong makakalabas sa aming syudad. Balita ko pa naman, maganda daw ang maynila, pero napakadelikado.
Hindi naman ang pagpunta ni Topher sa maynila ang ikinakatakot ko, bukod pa roon, lagi naman siyang pumunta sa maynila kasama ni tito Arden tungkol sa businesses matters.
Ang gusto kong malaman ay bakit at anong dahilan nang pagpunta niya sa lugar na yun.
Makalipas ang ilang oras na byahe, nakarating din kami sa lugar na tinutukoy ni JP. Habang nakatingala ako sa mataas at magandang building ngayon ko na pagtanto kung anong klaseng lugar ito.
Bigla tuloy akong napahiya dahil sa aking suot na simpleng tshirt at pants.
Napasimangot ako nang napatingin sa dalawa kong kasama.
‘Kaya pala sila naka- casual wear kasi sikat na lugar ang pupuntahan namin. Nangliliit ako sa aking sarili habang binabasa ang pangalan ng lugar na ito,” Okada Manila Resort and Casino.”
Napalunok ako ng wala sa oras habang iniisip kung gaano kayayaman ang mga taong nasa loob nito. Ang dalawa ko namang kasama ay chill lang sa paglalakad.
Sanay sila sa ganitong lugar sapagkat katulad ni Topher, galing sa mayamang pamilya din ang dalawang ito.
Hindi rin naman bago ang pakikitungo nila sa akin sapagkat mula high school ay kasama na namin sila ni Topher. Sa katunayan ay may isa pa kaming kaibigan.
Si Grey, nakilala at naging tropa din namin ito dahil sa pagsali nito sa basketball team. Nasa ibang bansa ito dahil sa pagkakasakit ng kanyang ama.
Napabalik naman ang aking ulirat nang makarating na kami sa may pinto, tiningnan pa ako nang masama ng gwardya na parang nag sasabi na ‘Bakit may pulubi dito?’
Hindi ko naman ito pinansin, hindi naman sya ang ipinunta ko dito. Maya-maya ay pinapasok din kami ng mga ito pagkatapos ng iba’t ibang inspeksyon.
Pagpasok pa lang namin, engradeng mga bagay agad ang napansin ko, ganun din ang mga taong halata sa suot at itsura ang estado ng buhay.
‘Edi wow, sila na ang mayaman.’
Habang palingon-lingon ako sa paligid, yung dalawa pala ay kinakausap na ang receptionist. Pansin ko na may dumating na attendant at saka magalang na ginabayan kami patungo sa Game room kung saan makikita ang maraming table na ginaganapan ng iba’t ibang laro ng mayayaman.
Halos mahilo naman ako dahil sa aking mga nakikita, di ko akalain na makakapasok ako sa ganitong lugar.
Habang inililibot ko ang aking paningin, doon ay may isang lalaki na aking namukhaan. Nakaupo ito sa harap ng roulette table at napapalibutan ng mga babaeng sexy at halatang mga gold digger.
Nakayakap pa sa magkabila nitong braso ang dalawang babae na halos wala nang saplot sa katawan.
“Ayun oh,” sabi ko, sabay tapik sa balikat ng dalawa kong kasama.
Napangisi pa si JP at napasipol nang makalapit kami dito.
“Yow dre, sarap ng buhay mo ah,” bati pa ni JP. Nasa unahan ko ang ddalaw at dahil sa tangkad nila kaya medyo tago ako at hindi pansin.
“Oo naman, wala pa naman sina Mom at Dad, baka sa isang araw pa balik nila,” confident na sagot nito kaya kita kong napa-iling ang dalawa.
“Haha akala ko ba wala kayong balak pumunta dito, nung isang gabi ko pa kayo inimbitahan ah, sayang di nyo naabutan ang Prime deluxe nila dito.” Cool at pa-astig pa na sabi ng ulol na si Topher. Kahit di ko siya nakikita alam ko base sa boses niya ang mayabang at nakangisi niyang mukha.
“Hmm, okay lang kami. Mukhang enjoy na enjoy ka dito kaya di mo sinasagot ang tawag namin sayo ah.”
“Tss, bakit aabalahin ko pa ang sarili ko sagutin tawag nyo, buti ba kung si Honeybunch ang tatawag sakin, baka pa? Kaso galit yun sakin kaya imposibleng tawagan ako nun.”
Nagtaka ako sa sinabi niya at sa tingin ko ay ganun sina JP at Hugh. Kailan pa nagka syota ng seryoso ang playboy na to. ‘May nalalaman pang pahintay-hintay ng tawag ng syota niya, eh tawag ko at tawag ng magulang niya, hindi niya sinasagot.
Nanggi-gigil na ako sa lalaking to talaga. Nagpapakasarap buhay dito habang ma-uutas na sa pag aalala ang mga magulang niya.
Hindi ko pansin na dahil sa inis ay gusot na pala ang polo na suot ni Hugh dahil sa paghawak ko dito. Lumingon naman ito sakin at hinigit ako papunta sa unahan.
“Di mo na kailangang hintayin ang tawag niya, isinama namin siya dito.”
“Honey-----BRO!?” gulat na sigaw pa niya nang makita ang mukha ko, nanlaki ang mga mata niya at mabilis na napatayo.
Tiningnan ko naman siya ng masama, di ko na napigil ang sarili ko at bumuwelo para bigyan ng nararapat na sapak ang isang ito.
“Tangna ka talaga TOPHER! SINONG HONEYBUNCH ANG TINATAWAG MO?” sigaw ko sabay, suntok ng malakas dito.
Kahit gulat pa rin dahil sa mga nangyayari ay nakakamanghang naiwasan pa rin nito ang suntok ko.
Habang nagkakagulo kami, di ko naman alam na tuloy pala ang nangyayaring laro sa roulette table sa likod niya, kaya naman pag iwas nito, bigla itong na out balance at napasandal sa may table kung saan gumugulong ang bola sa iba’t ibang kulay namadadaanan nito.
At dahil sa nangyari, ang dapat na panalo niya ay nauwi sa pagkatalo.
“Wait!!! Aksidente yun!” sigaw pa niya habang walang emosyong kinukuha ng croupier ang lahat ng mga chip at card sa kanyang tapat.
Napa- Ohh!!! na lang sina JP at Hugh dahil sa nangyari, bago pa ako makarecover sa lahat ng mga kaganapan. Ang sunod ko na lang na nakita ay ang galit na mukha ni tito Arden at ang luhaan na si tita Claire.
Sa bilis nang mga pangyayari, ni hindi ko na nga nalaman kung paano kami nakauwi at kung anong kahihiyan ang naganap sa Casino na iyon. Ngayon, natagpuan ko na lamang ang aking sarili na katabi ni Topher sa sofa ng kanilang malaking livingroom sa mansion.
‘Ah naka-uwi na pala kami,’ isip-isip ko pa. Pagtingin ko sa aking harapan, galit at kunot na kunot na noo ni tito Arden ang una kong napansin, si tita naman ay kasama ni Nanay at tatay ganun din si Lola Dinah.
Pagbaling ko naman sa aking tabi, nakayukong si Topher ang aking nakita.
Pabalik balik naman sa harap namin si tito Arden, parang gusto nito magsermon pero nagpipigil lang ng sarili.
Maya-maya pa, parang lalabas na sa kaba at takot at puso ko nang tumigil na sa aming tapat si tito.
Napayuko na rin ako at nanigas na sa kinauupuan. Sa mga oras na ito di ko na rin alam ang gagawin. Basta ang alam ko ay malaki ang kasalanan ko sa kanila.
Habang umiikot sa takot ang aking isipan, naalala ko pa ang ibinulong sakin ni JP bago sila umalis ni Hugh kanina. “Woah, I think 1.5M yung natalo sa kanya kanina dahil sayo.”
- 5M? Saan ako kukuha ng pambayad nun, jusko kahit ata magkaroon ako ng 10 part-time job, di ko kayang bayaran yun.
Dahil sa lakas ng tibok ng puso ko ay halos mawalan na akong malay nang marinig kong napa-tighim ng malakas si tito Arden.
Tagaktak na sa pawis ang aking noo, ganun din ay samutsari na ring mga senaryo ang napasok sa aking utak ngayon.
Kung kanina pakiramdam lang yung magkahimatay ko, mukhang magkakatotoo na nang tawagin na ni tito ang pangalan ko.
“Jack!”
‘Sisingilin na nila ako ng 1.5M, jusko saan po ako kukuh----’
“Jack, hijo bakit ka nandyan? Dun ka muna umupo katabi ng lola Dinah mo. Wag mong damayan ang katarantaduhan na naman niyang si Topher.”
Napatingala naman ako at napaturo sa sarili ko, “Ah ako po tito?”
“Oo, may iba pa bang Jack dito?”
Mabilis na tumayo ako sapagkat alam kong seryoso na si Tito, nagiging sarcastic na eh.
3RD PERSON POV
HABANG
naglalakad si Jack palayo, napalingon muli siya sa kinalalagyan ni Topher, napansin pa niya na nakatingin din ito sa kanya, hindi pa ito nasiyahan at nagawa pang kumindat.
‘Gago talaga, di ba niya alam na nasa masamang sitwasyon siya ngayon,’ napapailing na saad niya sa sarili.
Nang makalapit siya kay Lola Dinah, mabilis siya nitong niyakap at tuwang-tuwa na makita siya.
“Aba ang laki mo na talaga Jack, nang umalis ako papuntang Australia, ang liit nyo pa ni Topher,” magiliw na anito pa.
“Oo nga po, Lah, masaya po akong makita kayo.”
“Ako din, Oo nga pala marami akong pasalubong sa inyo ni Topher---” anito, habang ginugulo ang kanyang buhok.
Si Lola Dinah ay nanay ni tito Arden, at tunay na lola ni Topher, pero dahil nga sabay na sila lumaki at lagi din siyang nakatambay sa bahay ng mga ito noon hanggang ngayon.
Tunay na apo na rin ang turing sa kanya ng matandang ito, umalis at nagtungo ito sa Australia noong 15 years old lang sila ni Topher para makasama ang ibang anak nito doon.
Ngayon 20 years old na sila kaya bale, limang taon din nilang di ito nakita. ‘Tapos kung kailan naman nandito si lola, saka naman gumawa pa ng kalukohan si Topher. Hayys.’
Napabuntong hininga siya dahil sa mga nangyayari lalo na nang mapadako muli ang kanyang paningin sa senesermonang si Topher, napangiti lang naman si Lola at bumulong sa kanya.
“---hindi na ako nagtaka, hindi pa rin nagbabago ang pagiging pasaway ng batang iyan.” patungkol pa kay Topher.
“Oho, kung alam n’yo lang lola, habang natanda siya, lalong nalala ang pagiging pasaway ng unggoy na yan.”
Napatawa naman ang matanda at tinapik pa ng ilang beses ang kanyang balikat.
“Tama ka, tanda ko pa noong 12 years old pa lang kayo, pakikipag tanan ang gustong gawin, ngayon naman pagwawaldas na ng pera.” Kwento pa nito habang tumatawa na para bang hindi big deal ang mga nangyayari.
‘Hays, dito ata ni Topher nakuha ang pagiging easy-go-lucky kay Lola. Seryoso nang bagay, ginagawa pang katatawanan.’
Maya-maya pa habang itinatambak sa kanya ni lola Dinah ang mga pasalubong, lumapit na sa kanila ang kanyang mga magulang.
“Jack, halika uuwi na tayo, magpaalam kana kay lola,” saad ng kanyang ina kaya napatango siya dito
“Ma’am Dinah, uuwi na po kami, salamat sa mga pasalubong,” ani naman ng kanyang ama kay lola Dinah.
“Ano ba kayo wala yun, ang iba nito ay para kay Jamie.”
Bago kami umalis, kita ko pa ang nakayukong pigura ni Topher habang patuloy na sinermunan ni Tito, si Tita naman ay naka alalay lamang sa tabi nito. Yumakap naman muli ako kay lola at saka nagpaalam.
Habang palayo sa mansion nila, napabulong pa ako sa aking sarili…
‘Harapin mo ang consequence ng kalukohan mo Topher.‘
MMB 6
I HOPE YOU ENJOY READING THIS CHAPTER ヾ(^-^)ノ
3RD PERSON POV
NANG
makaalis sina Jack at mga magulang nito, napakamot na lang sa ulo si Topher nang maiwan siya sa harap nang nagngangalit niyang tatay at kinakabahang ina. Ang lola niya ay nakapanuod lang naman sa lahat ng nangyayari.
“CHRISTOPHER! NAKIKINIG KA BA!?”
Nagising siya sa pagmu-muni muni dahil sa sigaw na iyon ng kanyang Dad.
Nagsisisi naman siya sa mga ginagawa, sa totoo lamang ay may inasikaso siya sa manila kaya nagtungo siya doon, at nang pauwi na…
Naalala niyang galit sa kanya si Jack kaya naisipan niyang bilhan ito ng pasalubong pag uwi bilang peace offering na din, pero habang nasa mall may nagbigay sa kanya ng brochure tungkol sa Casino na iyon at sa promo nitong Prime deluxe. Hindi naman kasi niya inaasahan na maagang babalik kaagad ang mga magulang.
‘Ang sabi nina mom at dad 1 week sila bago makabalik, tapos malalaman ko dalawang araw pa lang narito na sila. Hayss.’ reklamo pa niya sa kanyang isipan.
Alam niyang mapapatawad din siya ng mga ito maya-maya kaya chill lang sya at di na naimik pa habang nanatiling nakikinig o lumilipad ang kanyang utak.
“MULA NOON PURO NA LANG PROBLEMA ANG DULOT MO SAMIN, HANGGANG NGAYON BA NAMAN NA BENTE ANYOS KA NA, GANUN PA RIN?!”
Habang nagra-rant ang kanyang ama, nasa likod lang naman nito ang kanyang ina na walang ginawa kung hindi pakalmahin ito.
“HINDI KA NA BATA CHRISTOPHER, HINDI ISANG LARO ANG PAGWAWALDAS NG PERA!”
“Hon, tama na nagsisisi na si Topher oh,” sabi pa ng kanyang Mom habang hinahaplos ang likod ng kanyang Dad.
“Hindi kasi pwedeng ganito lagi Hon, iisa na nga natin siyang anak, ayaw pang magtino, sana si Jack na lang naging anak natin.”
“Ano ka ba, wag mong sabihin yan.”
Habang nag uusap ang kanyang mga magulang, narinig man niya mas malinaw pa sa sikat ng araw ang sinabi nito, kahit katiting na sama ng loob ay wala siyang naramdaman para kay Jack.
Para kasi sa kanya, hindi lang basta kaibigan o kababata ang turing niya dito. Ito ang kanyang partner in crime, kanyang bestbud at higit sa lahat ay honeybro.
‘Honeybro? Saan galing yun?” Dahil sa iniisip ay hindi niya maiwasang di mapangisi. Alam niyang pag nalaman ni Jack ang tungkol dun magagalit na naman iyon sa kanya.
Habang lumilipad ang kanyang utak, hindi niya napansin na nakita pala ng kanyang ama ang pagtawa-tawa at pangisi-ngisi niya.
Lalo tuloy itong nag init ang ulo at nagalit.
“HINDI KA NAMIN PINALAKI NG GANITO!”
Busy man ang kanyang mga magulang lalo na ang kanyang ama sa mga business nito kahit kailan ay hindi sila nito pinabayaan, ganun din ang kanyang ina na may pinapatakbong clinic sa bayan.
Oo spoiled nga sya pag dating sa pagmamahal ng kanyang mga magulang pero di naman ibigsabihin noon ay mananatili na lamang siyang ganito.
Talagang ine-enjoy niya lamang ang panahon habang bata pa siya. ‘Sulitin ko habang may kalayaan pa ako, once na nakagraduate kami ni Jack sa college sure akong pipilitin na ako ni Dad na itake over ng buo ang kumpanya at iba pa naming mga negosyo.’
Habang nagpupuyos pa rin sa galit ang kanyang Dad, payuko-yuko lamang naman siya sa sofa para ipakita sa mga ito na hindi na niya uulitin pa iyon.
Maya-maya, hindi na rin nakatiis ang kanyang lola at nagsalita na rin ito.
“Ikaw talaga Arden, para namang hindi ka ganyan ka pasaway noong kabataan mo.”
“Ma naman,” napapakamot ulong saad naman ng kanyang Dad dito.
“Bakit ba, tunay naman di ba? Lagi mo din pinapasakit ang ulo ko. Tumino ka lang nung nakapag asawa ka.”
Dahil sa huling sinabi ng kanyang lola, parang mga robot na nagkatinginan ang mga ito. Ang kanyang Dad, Mom at Lola ay mabilis na nag umpukan sa isang tabi, malayo sa kanya.
Hindi niya alam ang pinag uusapan ng mga ito pero may kilabot siyang nadama nang sabay-sabay tumingin ang mga ito sa kanya na may kakaibang ngiti sa labi.
‘Tsk, parang ayaw kong malaman ang iniisip nila.’
Nawala ang ngisi na nakapaskil sa mukha ng kanyang Dad nang tumighim ito at pinilit ang sarili na maging seryoso.
Nang ibuka ng kanyang Dad ang bibig nito at sabihin ang kanyang parusa, dahil doon ay nanlaki ang kanyang mga mata sa gulat at pagkabigla.
▼△▼△▼△▼△
JACK POV/ PRESENT TIME
Hmm ano pa nga ba ang naging parusa ng mga ito kay Topher? Ano pa nga ba edi ang maghanap ng pakakasalan sa loob ng dalawang linggo.
Dahil halos mahilo na ako dahil sa pagbabaliktanaw na iyon kanina, ayaw ko muna isipin kung paanong sa huli ay ako ang napili niyang pakasalanan. Kahit halos lahat ng babae sa loob ng university namin ang naghahabol sa kanya.
Pagbaba ko ng hagdan dala ang backpack na aking sukbit, nakita kong malinis na muli ang bahay dahil kay Yaya. May pagkain na din sa kusina kaya naghapunan muna ako bago umalis patungo sa aking trabaho sa computer shop.
Matapos kumain at paglabas ko nang bahay, hindi ko inaasahan na makita ang ulol na si Topher na tahimik na naghihintay sa may gate.
“Ano pang ginagawa mo dito? Kala ko ba pupunta ka sa party ni Brenda?”
“Naisip ko na saka na pala, di ka din naman sasama sakin papunta dun.” umalis ito sa pagkakasandal sa pader at lumapit sa akin.
“Talagang di ako makakasama, may trabaho ako,” makatotohanang sagot ko dito, sabay lakad patungo sa may gate para buksan iyon.
“Sabi ko nga, halika na,” aniya, kaya hindi ko maiwasang maitaas ang aking kilay sa pagtataka. ‘Ano na naman kayang problema ng ulol na to?’
“Saan?”
“Hatid kita,” sagot pa niya na parang iyon ang pinaka obvious na bagay sa mundo.
“Huh? Paano eh wala ka namang kotse ngayon.” Tumigil ako sa pagbubukas ng gate at tiningnan siya ng maayos.
Kasama sa parusa ng mga magulang niya ang alisan ng kotse, credit cards at iba pang bagay si Topher para magtanda siya. Kaya nga nagulat ako nung nakita kong may dala siyang kotse kanina.
“Pwede naman kitang ihatid kahit sakay tayo ng Jeep ah,” pagpupumilit pa niya sakin.
“Jeep— nasaan na nga pala yung kotse kanina? Saan galing yun?” sunod-sunod ko pang tanong.
“Ah, hiniram ko lang yun, kinuha na nung may ari kanina,” napapakamot sa ulo naman niyang tugon. Minsan hindi ko alam kung gago lang ba talaga siya o may sapak na sa utak.
“Gago ka ba? Dagdag pamasahe ka pa eh, manatili ka na lang dito kung wala kang pupuntahan.” Hindi ko na lang siya pinansin at baka matuyo pa ang kaunting braincells na meron ako dahil sa kakulitan niya.
“Ayoko. Sige na Bro, sasama ako,” pagpapaawa pa niya sakin, sa totoo lamang wala akong idea sa mga bagay na tumatakbo sa kanyang utak. Dahil ayaw kong malate, wala na akong nagawa kung hindi ang payagan siya.
Para namang nanalo sa lotto kung paano lumiwanag ang masaya niyang mukha.
Nang maisara ang bahay, nagtungo kami sa may sakayan ng Jeep, naghintay kami ng ilang minuto bago makasakay.
Habang nasa byahe, kinalkal ko ang aking bag para kumuha ng baryang pangbayad, iaabot ko na sana iyon sa kanya nang tanggihan niya.
“Ako na Bro,” pagpeprisinta pa niya, sabay kuha ng isang gusot na bente pesos sa kanyang bulsa. Simula nang parusahan siya nina tita at tito. Binibigyan pa rin naman siya ng allowance, pero halos 1/4 na lang sa normal na nakukuha niya noon. Pero kahit ganun, napakalaki pa rin noon kaysa sa normal na allowance.
Kapag naman weekend at walang pasok, kailangan din niyang sumama sa kumpanya para mag aral kung paano magpatakbo no’n. Alam kong naninibago si Topher sa lahat nang mga bagay na nararanasan niya ngayon.
Pero kahit ganun, sabi ko nga, pansin ko naman na kahit paano ay may improvement naman na nakikita ako sa kanya.
Dati hinding-hindi siya mapapasakay sa Jeep, pero ngayon game na game na sya kasi natuwa siya noong unang beses ko siyang sinamahan na sumakay dito.
Unang-una, ramdam ko pa ang inis niya dahil sa dami ng pasahero at sa siksikan na nagaganap dito, mainit din at hindi kumportable hindi katulad sa malinis, mabango at maganda niyang kotse.
Pero nang maransan niya ang abutan ng bayad, at pagtutulungan sa loob ng Jeep, dahil doon ay nagkaroon siya ng malaking interes dito.
Ngayon alam ko na kung bakit siya sumama sakin, ‘Addict na ang isang to Jeep, sure ako.’
Sa isa’t kalahating buwan na mag kasama kami sa iisang bahay, nakita ko na kaya naman niyang maging independent na tao. Kahit laking mayaman hindi naman siya reklamador at pala-puna ng mga bagay-bagay.
Dahil sa pag iisip ko na naman nang kung ano-ano, hindi ko agad napansin ang isang kamay mula sa aking tabi na pasimpleng humahaplos sa aking hita.
Maraming tao sa loob ng jeep, may mga paninda rin at box kaya halos di na magpangita ang mga sakay. Yung katabi ko ay tago ng mga panindang chicharon kaya di ko makita kung babae o lalaki ba ang Hokage na ito.
Dahil masikip nga, kahit anong gawin kong atras at isod sa tabi ni Topher ay wala pa ring nangyayari, dulot nang inis at pandidiri lalo na nang mapagmasdan ko ng maayos ang kamay.
Napagtanto ko na sa lalaki ito, mabilis ko itong tinanggal, pero ibinabalik pa rin nito at patuloy na hinihimas ang aking hita.
Kunot na sa inis ang aking kilay, nabubwisit na ako sa nangyayari, hindi ko na alam ang gagawin dahil makulit talaga ang taong iyon. Nahihiya naman akong mag eskandalo eh kasikip-sikip na nga.
Tatanggapin ko na sana ang aking kapalaran nang maramdaman ko ang kamay ni Topher na dumaan sa aking likod at humawak nang mahigpit sa aking balikat para hinigit ako palapit sa kanya.
Ang isang kamay naman nito ay mabilis na hinawakan ang kamay ng hokage at madiin na piniga iyon. Napa-aray sa sakit ang lalaki at siya pang may gana na sumilip sa amin. Tiningnan naman ito ni Topher nang masama at may halong pagbabanta bago bitawan ang kamay nito.
Ngayon, para siyang nakayakap sakin at pinoprotektahan ako. Medyo nailang naman ako dahil sa lapit ng katawan niya, na aamoy ko na din ang mamahali niyang pabango.
“T-Topher, mainit lumayo ka nga ng kaunti.” sabay tulak ko ng bahagya sa dibdib niya.
“Mamaya, pag bumaba na yang bastos na yan. Ikaw pa talaga ang napiling hawakan ah. Kung wala tayo dito, nabugbug ko na yan,” seryosong bulong niya.
Dahil nga sa amoy ng pabango niya at init galing sa kanyang katawan ay parang sasabog na sa di maintindihang dahilan ang aking puso, lalo na ngayon may nalalaman pa siyang pag bulong sa aking tenga habang nakaakbay sa aking balikat.
‘Bwisit na Topher na to, ano bang ginagawa mo sakin at nakakaramdam ako ng ganito?’
Hindi na lang ako umimik at nagpasyang umiwas na lang ng tingin sa kanya.
Maya-maya pa, na unang bumaba ang pasaherong may dala ng maraming mga paninda kaya naman mas lumuwag na ang loob ng jeep. Dahil doon, parang binuhusan nang malamig na tubig sa takot ang manyak na lalaki nang makaharap na nitong pormal si Topher.
“Wag. Ang. Bro. Ko,” gigil na bulong pa ni Topher habang nakatitig ng seryoso dito, kaya halos maputol ang ulo nito sa pag tango nang paulit-ulit.
If you like this chapter, don’t forget to VOTE and COMMENT! ヾ(^-^)ノ
MMB 7
I HOPE YOU ENJOY READING THIS CHAPTER ヾ(^-^)ノ
3RD PERSON POV
MATAPOS
ang nakakailang at medyo nakakatawang experience sa pagsakay nila sa Jeep na iyon, sa wakas ay malapit na silang nakarating sa shop. Nang makababa, nakahugot nang malalim na hininga si Jack saka ibinuga iyon.
‘Shit, ano nga bang brand ng kape ang ininom ko kaninang umaga? Ang lakas ng epekto, nagka-nerbyus ata ako.’ saad pa niya sa isipan, habang nakalagay pa rin ang kamay sa kumakabog niyang dibdib.
Nang lingunin niya si Topher, ganun pa rin naman ito at walang ipinagbago pero bakas pa rin sa mukha nito ang inis na nararamdaman dahil sa nangyari kanina, napangisi na lang siya at saka binagalaan ang paglalakad para makasabay niya ito.
“Ui, bakit naka-simangot ka pa rin dyan?” natatawang turan pa niya dito.
“Sinong hindi maiinis sa ganun? Bastos ang gagong yun.”
Pansin niya ang pag igting ng panga nito habang nakayukom nang mahigpit ang mga palad, hindi niya maiwasang di mapailing dahil sa nakikita. Sa totoo lamang, hindi na bago ang reaksyong ganito kay Topher sadya kasing mainitin ang ulo nito.
Napabuntong hininga na lamang siya at saka tinapik ang balikat nito. “Salamat sa ginawa mo kanina kaya wag ka nang magalit.”
“Tss, sure ka bang okay ka lang,” nakakunot pa rin ang kilay nito, pero bakas na ang malumanay nitong pagsasalita.
“Oo naman, anong tingin mo sakin, babae?” sa halip na sumagot ay tumawa na rin ito sa wakas.
“Gago ka din talaga,” aniya dito at pinipigilan ang sarili na mahawa sa pagtawa nito at dahil hindi niya inaasahan iyon kaya naitulak pa niya ito habang natatawa na din.
Dahil sa pagkawala nang nakakailang na aura sa pagitan nila, naging masaya at napuno na lang ng kulitan at asaran ang maikling paglalakad nila patungo sa com-shop.
Nang makarating sila sa shop, naabutan pa nila doon si Denise kaya binati niya ito. “Ui Den, marami bang customer ngayon?”
“Jack! Buti nandito ka na, hindi ko na alam ang gagawin ko,” paiyak at gulat na anito sabay takbo palapit sa kanya, dahil sa baba ng height nito, hinaplos niya ang ulo nito para kumalma.
Nang makita niya ang sitwasyon, tunay nga namang doble ang dami ng mga nagco-computer ngayon. Bukod pa roon naiintindihan din niya si Denise sapagkat ito din ang nagbebenta ng mga pagkain sa maliit na tindahan ng mga snacks dito sa loob ng com-shop.
“Hindi ba pumasok si Fred?”
Sinagot naman siya ng isang iling nito saka lumapit kay Topher na nasa may pintuan pa rin, si Fred ay isa ding partimer na tulad niya, naka-duty ito sa umaga 9:00am-3:30pm. Ang duty naman niya dito ay 5:00pm-8:00 pm nang gabi.
Ang trabaho lang ni Denise ay sa tindahan, pero dahil mukhang di pumasok si Fred, pati trabaho dito sa com-shop ay ito na din ang gumawa.
‘Ang Fred ba yun talaga, tsk kung saan-saan na naman siguro yun nagpunta, pag nalaman to ni boss, kawawa sya,’ isip-isip pa niya sabay dumeretso sa counter para ilapag ang kanyang bag na dala.
Bukod sa ingay dito sa loob dahil sa sigawan habang naglalaro ang mga bata, madumi din at makalat dulot ng mga balat ng pinagkainan ng mga ito.
Napailing na lamang siya dahil sa nakikitang dumi sa paligid, mabilis na nagtungo siya sa likod ng shop at kumuha ng walis at dustpan.
Habang nagwawalis, hindi niya mapigilang mainis dahil, hindi naman sila nagkulang sa paalala na wag magkalat o itapon sa basurahan ang pinagkainan. Matigas din lang talaga ang ulo ng mga bata at taong napasok dito sa kanilang shop.
Hays, wala naman siyang magagawa trabaho niya ang pagbabantay dito kaya kailangan niyang gampanan iyon.
“T*ANGNA NAMAN PRE!” Halos mapatalon siya sa gulat dahil sa malakas na sigaw na iyon. Kita pa niya ang pag tayo isang bata sa upuan nito at paghampas pa sa mesa.
“HOY! WAG MONG HAMPASIN ANG KEYBOARD!” sigaw naman niya pabalik dito, at mabilis na nilapitan ang bata.
“Babayaran mo ba yan pag nasira ha!?” inis na saad niya habang pinanglilisikan ng mata ito. Napaupo naman sa takot ang bata at napayuko.
“Ulitin mo pa yan, ban ka na dito. Naiintindihan mo?”
“O-Opo, sorry na po,”
“Dapat lang,” inis na saad niya at bumalik na muli sa paglilinis. Makalipas ang ilang minuto, natapos na din siya at bumalik na sa counter para asikasuhin naman ang mga taong nagpapa-print.
“Salamat kuya,” sabi pa ng isang dalagita sabay kindat sa kanya at pasadyang hinawakan ang kanyang kamay habang inaabot ang mainit-init na papel galing sa xerox machine at printer. Napailing na lamang siya dahil sa kalandian nito.
‘Neng, lakas mo lumandi ang pina-print mo naman tungkol pa lang sa parts of a flower. Baka nga flower mo di pa fully developed, hays mga kabataan nga naman ngayon,’ isip-isip pa niya.
Dahil abala na sa ginagawa hindi niya napansin na nandito pa pala si Topher at nakikipag usap pa rin kay Denise, napasilay naman siya sa kinalalagyan ng dalawa at may nabuong konklusyon sa kanyang utak habang nakataas ang kanyang mga kilay.
‘Hm, parang alam ko na kung bakit nagpupumilit sumama itong si Topher, naku po mangchi-chix lang pala dito, luko talaga.’ saad pa niya sa kanyang sarili at umiwas na ng tingin sa mga ito.
Kung kanina, malakas at mabilis lang ang tibok ng puso niya, ngayon naman ay makirot ito na para bang may mga karayom na tumutusok sa loob nito.
Napangiwi siya dahil sa sakit habang hinahaplos ang dibdib. ‘Nay, may bago ba akong sakit?!’ sigaw pa niya sa kanyang isipan, at saka inampas nang paulit-ulit ang dibdib na parang si Kingkong.
“Ui Bro! Ayos k—”
”— Ah shit! Topher naman, hilig mo mang gulat ah.”
“Haha luko, kanina pa ako dito, akala ko nga gusto mo nang maging si Kingkong,” pang aasar pa nito sa kanya, habang nakasilip sa loob ng counter.
“Wala, nasamid lang ako. Ikaw ang kamukha ni Kingkong.”
Sa halip naman na patulan nito ang kanyang sinabi, nagtataka siyang napasunod ng tingin dito nang umalis ito sa kanyang harap at nagtungo sa tindahan ni Denise.
Pagbalik nito ay iniabot sa kanya ang isang bote ng mineral water. “Ayan, inumin mo na para mawala ang pagkasamid mo.”
Hindi naman ito ngumi-ngiti, at wala din naman itong ibang ginagawa kung hindi mag abot ng tubig pero ramdam niya ang kakaibang sipag ng kanyang puso sa pagtibok nito.
Pansin din niya ang kakaibang liwanag na nakabalot kay Topher at nagkukulay rainbow pa ito. “Uii tulala ka na dyan, Bro.”
Nagising siya sa kakaibang pagpapantasya nang maramdaman ang lamig ng tubig na nakadikit na sa kanyang pisngi. Mabilis na mapalayo siya habang pinupunasan ang basang parte ng mukha.
“Sure ka bang ayos ka lang, na-trauma ka ata sa baklang yun kanina sa jeep ah,” anito pa.
“Gago hindi, kung kaya ko lang bigwasan yun kanina edi ginawa ko na.” Tinangap niya ang tubig at saka inunom iyon. Hindi niya alam kung anong nangyayari sa kanya.
“Wala namang problema yun, back up mo lagi ako.” anito na may kasama pang pag kindat.
“Alam ko,” mahinang bulong niya dito. Sa huli naman ay nakumbinsi niya ang sarili na dahil sa pagod dulot ng practice nila sa basketball kaya siya nag kakaganito. Hindi na lamang niya iyon pinansin at ipinagsa walang bahala na lamang.
“Umuwi ka na gago, bawal ang tambay dito.”
“Opo kumander, sunduin kita mamaya ha kaya hintayin mo ko,” saad nito, at nakipag fist bump pa bago umalis.
Tumango naman siya at kumaway pa dito. Hindi niya pansin na napapangisi na lamang lahat ng tao sa loob ng computer shop. Lalo na si Denise na kanina pa silang pinagmamasdan.
Tahimik ang lahat nang may isang batang naglakas loob na sumigaw, “MAG ASAWA BA KAYO!?”
Dahil sa sigaw nito napuno nang tawanan ang buong com-shop, imbis na mainis o kabahan si Jack, napangisi pa siya dahil sa asar nito bago magsalita.
“OO BKAIT GUSTO MO MAGPA-AMPON SA AMIN?” balik na sagot niya sa batang makulit.
“H-Hindi po kuya Jack,” anito, habang napapakamot sa ulo.
“Makita ko pa na hinahampas mo yang Keyboard, ihahampas ko din yan sayo,” pagbabanta pa niya dito. Napalingon naman ng may takot sa mga mata ang batang iyon sa kanya.
Ang ibang customer ay parang mga naging bato at natigilan sa ginagawa dahil na rin sa takot. Nang mapansin niyang effective ang pananakot sa mga ito.
Umayos na ulit siya ng upo at hinarap ang mga bata na nagbabayad na ng oras na nagamit.
Hindi lang time keeper at janitor ang trabaho niya dito, kailangan din niyang maging guardya at bantayan ang mga ito sa dalawang paraan.
Una, katulad na lamang ngayon. Naningkit sa inis at naging isang pantay na guhit na lamang ang porma ng kanyang bibig habang naglalakad patungo sa mga kabataang nakaupo sa pinaka dulong parte ng shop.
Sa tingin niya ang tatlong ito ay mga high school pa lamang. Nang makalapit, tumayo siya nang tuwid sa likuran ng mga ito para maramdaman ang kanyang presensya.
At nang lumingon na ang isang bata, mabilis nitong kinulbit ang katabi kaya napatingin na din sa kanya, nang mapagtanto ng mga ito ang kanilang sitwasyon.
Nagmamadali nitong in-exit ang window na gamit nito. “A-Ah sorry po ----”
“Hindi ko kailangan ng sorry mo bata, di ba high school ka na, di ba kayo marunong magbasa ha!?”
Hindi naman umimik ang mga ito at nanatiling nakayuko, itinuro niya ang papel na nakapaskil sa pader.
“Di ba nakasulat, BAWAL MANUOD NG PORN DITO?”
“Tinatanong ko kayo, sagot!” pananakot pa niya samga ito. Binibigyan ang mga batang ito ng pera ng magulang nila tapos sa halip na project at assignment, ito ang inaatupag.
“O-Opo,” sabay-sabay na sagot nang tatlo.
“Mahuli ko pa kayo nang isang beses, ban na kayo dito. Naiintindihan nyo ba?”
Tumango naman ang mga ito na parang masusunuring bata. “Tama yan, makinig kayo sa nakatatanda,” aniya, at saka hinahaplos isa-isa ang ulo ng mga ito.
Pangalawa, dahil wala silang tunay na guard na dapat ay nagbabantay, siya na din ang gumagawa ng trabahong iyon.
Pero mabuti na lang at sa tagal na niyang pagtatrabaho dito, hindi pa niya nararanasan na may mang holdap sa kaniya, at malaking pasasalamat niya iyon sa Dyos.
Habang tumatakbo ang oras, at abala siya sa mga gawain, hindi niya napansin na 6:30pm na pala.
“Jack, uuna na ako ha. Ingat ka lagi dito,” saad ni Denise.
“Oo naman, ikaw din, ingat sa pag uwi.”
Habang lumilipas ang oras, unti-unti na ding nauubos ang kanyang mga customer, isa-isa na ang mga ito na nagpapa alam sa kanya.
“Kuya, uwi na po ako,” paalam pa ni Bogart, ang batang pasaway.
“Sige, ingat ka,” sagot niya dito at sumunod hanggang sa makalabas ito ng pinto.
Si Bogart na ang pinaka huli niyang customer at 7:30 pm na kaya kailangan na niyang paltan ang sign sa labas para makapaglinis na siya bago umuwi.
Sa totoo lamang kanina pang pumipikit ng kusa ang kanyang mga mata dahil sa antok, medyo naging mahaba at matindi kasi ang naging practice nila kanina.
Sa katotohanan, wala silang regular na practice sa basketball ngayon sapagkat wala namang nalalapit na tournament o kaya ay sports festival ng school. Kailangan lang talaga nila ng practice para kahit anong oras nasa kundisyon ang kanilang katawan.
Nang mailagay niya ang ‘close’ sign sa pinto, pumasok na ulit siya para kumuha ng walis at dustpan na gagamitin sa paglilinis.
Linis dito, linis doon, kahit may aircon ang buong shop, pinagpawisan pa rin siya. Nang matapos ang pagwawalis, bumalik muli siya sa likod para kumuha naman ng mop at timba na may lamang tubig at sabon.
Halos pasuray-suray na ang kanyang paglalakad dahil sa antok nang makabalik, inilapag niya ang dalang timba sa sahig at handa nang isaw-saw ang mop doon nang bigla siyang may napansin.
Hindi niya alam kung dala ba ng antok kaya kung ano-ano na ang kanyang nakikita. Noong umalis siya sigurado siyang wala nang naiwan na customer dito.
Pero ngayon, habang kinukusot ang mata para masigurado na tama ang kanyang nakikita, may lalaki talaga sa pangalawang row na naka upo.
Nakasuot ito ng itim na hood kaya takip ang ulo nito, nakatalikod din ito kaya hindi niya makita ang mukha.
‘H-Holdaper?‘
MMB 8
I HOPE YOU ENJOY READING THIS CHAPTER ♡´・ᴗ・’♡
3RD PERSON POV
Hindi naman siya takot sa multo, mas kinakabahan pa siya nang maisip niya na baka holpader ito.
Sa maikling sandali ay nawala ang antok na kanyang nararamdaman, napalitan ito nang adrenaline rush na na kapag pagising sa kanyang diwa.
Sumigaw siya mula sa kanyang kinatatayuan habang mahigpit na hawak ang mop.
“Sarado na ho ang shop, bumalik na lang kayo bukas!” aniya para makuha ang atensyon nito.
Hindi naman sumagot ang taong iyon pero naramdaman niyang gumalaw ito. Nang tumayo ito sa pagkakaupo, doon na siya naging alerto. Dalawang kamay na niyang hinawakan ang mop na parang isang baseball bat na handang ihampas sa misteryosong taong ito.
Akala niya handa na siya pero nang mabilis na humarap ito at lumapit sa kanya, huli na nang maigalaw niya ang kamay at ihampas ang hawak na mop. Nakaiwas ito at hinigit ang dulo ng mop kaya nahila siya palapit dito.
Naipikit na lamang niya ang mga mata sa takot na baka may hawak itong balisong at isaksak sa kanya. Bago lumapat ang kanyang katawan dito, hindi namalayan na naibulong na pala niya ang pangalan ng isang taong unang pumasok sa kanyang isipan.
Ang sumunod na mga pangyayari ang talagang nagpagulat sa kanya. “Nandito ako Jack, bakit mo ako tinatawag?”
Mabilis siyang napatingin sa taong nakayakap sa kanya at saka itinulak ito. Ang Gago ay ngiting-ngiti pa sa kanya.
“Tangna talaga Topher!” galit na sigaw niya dito.
“Shh, sorry na bro,” napapakamot pa sa ulo na anito nang makita ang galit sa kanyang mukha.
“Gago talaga! Papatayin mo ata ako sa takot eh!” muling sigaw niya at saka malakas na hinapas ito ng hawak na mop.
Sa halip na seryosohin nito ang sitwasyon, tumawa pa ito ng malakas at
hatalang nagsasaya pa habang umiilag sa kanyang pag atake, at dahil din sa kakulitan nito, nauwi sila sa paghahabulan sa loob ng shop.
CRACKKK!
Napatigil sila parehas nang marinig ang tunog ng natamaang CPU. Gulat na nagkatinginan sila at parehas na napangiwi ng makitang tinamaan ng mop ang taas na parte ng isang CPU.
Halos mahulog din ito sa table na kinalalagyan nito.
“S-Sabi ko sayo bro eh, tama na,” nauutal na paninisi pa ni Topher sa kanya.
Sa halip naman na tumigil, lalong nag init ang ulo niya dito. Halos mamula ang kanyang mata at bumuga ng amoy dahil sa galit na nararamdaman.
“TOPHER!!!”
Sigaw nang nagngangalit na si Jack ang narinig sa loob ng computer shop, bago sumunod doon ang tunok ng malakas na suntok at nagmamaka awang boses ni Topher.
“BRO KO!!! SORRY NA!”
▼△▼△▼△▼△
NGAYON
ay nakasakay na ulit sila sa jeep para makauwi sa apartment na kanilang tinitirhan.
Habang nakasandal sa upuan, napahaplos na lamang si Topher sa
masakit pa rin at tumikirot na malaki niyang bukol sa ulo.
‘Arekup! Masakit pa rin, hindi man lang nagpigil ang Bro ko ah,’ isip-isip pa niya habang nakanguso pa.
Hindi naman niya kasalanan na matamaan ang CPU, umiiwas lang siya, si Jack ang tumahalibas ng mop.
Pero wala na siyang magagawa, nangyari na. Kung masira man iyon kailangang tumulong siya para maipagawa iyon.
“Wag ka mag alala Bro, tutulungan naman kita. Psh kelan ba kita iniwan ha,” pakikipag usap pa niya sa tulog na si Jack sa kanyang tabi.
Kapag lumulubak ang daan, napapahampas ang ulo nito sa gilid ng jeep kaya napaawa naman siya. Hinawakan niya ang ulo nito at isinandal sa kanyang balikat.
“Ayan, mas kumportable ka na. Matulog ka ng mahimbing Bro ko. Gigisingin na lang kita pag malapit na tayo.” Hindi naman siya nakakuha ng sagot sapagkat tulog ang kausap niya.
May balak pa sana siyang halikan ang noo nito nang biglang makarinig siya ng mga mahihinang tawa na parang kinikiliti.
Dahil doon ay napatingin siya sa kanyang harapan, hindi niya napansin na meron nga pala silang kasabay na dalawang kolehiyang babae dito sa jeep.
Ngising-ngisi sa kanya ang dalawang babae habang binibigyan siya ng mapang asar na tingin. Dahil sa hiya ay napayuko na lamang siya habang nag iinit ang buong mukha. ‘Psh, bakit ba ako mahihiya eh asawa ko naman ‘to,’ nakalabi pang depensa niya sa kanyang sarili.
At iyon din ang gusto niyang sabihin sa dalawang babae na malakas mang asar sa kanya.
“Hmm,” ungol pa ng tulog na si Jack sa kanyang tabi.
“Bro?” pagtawag pa niya sa pangalan nito, akala kasi niya ay magigising na ito.
Mukhang nagkamali siya dahil sa halip na gumising ay mas lumapit pa sa kanya ang tulog na kaibigan. Yumakap din sa kanyang bewang ang braso nito at sumiksik ang mukha sa kanyang leeg.
Napalunok na lamang siya nang wala sa oras dahil sa kakaibang kiliti na nararamdaman kapag lumalapat sa kanyang balat ang mainit na hininga nito.
Kung kanina, parang kinikiti lang ang ginagawang tunog ng dalawang babae, ngayon parang gusto na ng mga ito na ihampas ang ulo sa bintana ng jeep sa sobrang kilig na nararamdaman dahil sa kanilang dalawa ni Jack.
‘Shit, nababaliw na ata sila,’ takot na aniya sa sarili at saka nag iwas ng tingin sa mga ito.
Makalipas ang ilang minuto, napasilay siya sa kanyang cellphone para tingnan ang oras. Halos mag aalas otso na ng gabi at mukhang walang balak na umusad ang jeep na kanilang sinasakyan dahil sa traffic.
Gabi na kaya nagtaka siya kung bakit traffic pa. “Manong anong meron?”
“May banggaan daw dyan sa may crossing kaya hindi makalusot ang mga sasakyan,” inis na ding sagot ni manont driver. Siguradong pagod na din ito at nais na ding makauwi.
Nang silipin niya ang daan, napansin niya na malapit na rin pala ang kanilang bababaan. Naisip niya na maglakad na lang pauwi. Baka abutin sila ng madaling araw kung hihintayin nilang gumalaw ang daloy ng trapiko.
Nang mapatingin siya kay Jack, tulog na tulog pa rin ito. Naawa naman siya kaya napagpasyahan niyang pasanin na lamang ito sa kanyang likod.
“Manong baba na kami, teka lang ha!” sigaw pa niya para marinig nito. Nakarinig naman siya ng isang ‘Oo’ mula sa matandang driver.
Nang inaayos na niya ang posisyon ni Jack, muling napasilay siya sa dalawang babae.
“Kuyang pogi, pwede ko ba kayong picturan ng boyfriend mo?” saad pa nung isang maikli ang buhok at halos mabaliw na kanina.
“Ayoko nga, hindi ko naman siya boyfriend,” sagot niya sa mga ito, habang bumababa sa jeep at handa nang pasanin ang tulog na si Jack.
“Naku naman, wag nga kami kuya. Halata namang may relasyon kayo ih,” makulit na saad naman nung isa at saka tinulungan siyang maisakay si Jack sa kanyang likod.
Nang mabuhat na niya ito ng maayos, humarap siya sa dalawa at saka ngumisi.
“Hindi nga kami mag boyfriend, ang kulit nyo.”
Nagkatinginan pa ang dalawang babae na halatamg di naniniwala.
“Kasi nga mag asawa kami. Sige una na kami.”
“Oka---y? Hala! Ahhhh!!!”
Napatakbo siya sa takot dahil mukhang mga zombing magsasabunutan na yung dalawa dahil sa kilig.
‘Hays, mga baliw talaga.’ napapangiti pa niyang saad, habang nagpapatuloy sa paglalakad pauwi.
❤❤❤❤❤❤
ヾ(^-^)ノ namiss ko kayo guys! Sorry kung ngayon lang ulit.
Sa uulitin muliヾ(❀╹◡╹)ノ゙
Nga pala, habang nag iintay kayo ng Ud. Baka trip nyong basahin ang mga story ni
LitelSkwed
. Magaganda at sure akong magugustuhan nyo din iyon.
Thank you and Byieee💕
MMB 9
I HOPE YOU ENJOY READING THIS CHAPTER ♡´・ᴗ・’♡
3RD PERSON POV
“Ang bigat mo Bro!” daing pa ni Topher matapos ibagsak sa kanilang kama si Jack.
Hinilot at inikot-ikot pa niya ang braso para mawala ang sakit at ngalay doon, pero kahit masakit ang kanyang katawan at bukol mula kanina. Makita lang ang mahimbing na mukha ng kanyang espesyal na kaibigan. Alam niyang sulit ang lahat ng pagod at hirap na pinagdaanan niya kanina.
Speaking of hirap, paano ba naman eh, nang makababa sila ng jeep kanina. Medyo madilim na sa kanilang street at pakindapdap pa ang liwanag ng mga poste.
Nung una, ayos lamang sa kanya sapagkat hindi naman siya takot sa multo, chill lamang ang kanyang paglalakad habang maya’t mayang ini-aadjust ang posisyon ni Jack mula sa kanyang likod para di ito mahulog.
Mag aalis dyes na nang gabi kaya naman madalang na ang mga dumaang tao at sasakyan sa maliit nilang kalye.
Habang mabagal na naglalakad, ramdam niya na parang may yabag na sumusunod sa kanila. Ramdam niya ang kaba ng maisip na baka masamang loob ito at nagtatangka na pagnakawan pa sila.
Kaya niyang lumaban, pero ngayon sa sitwasyon nila, siguradong mahihirapan siya. Pinakiramdaman pa niya kung patuloy pa rin itong sumusunod at nakumpirma niyang naroon pa rin ito.
Nang makatapat sila sa isang poste ng ilaw, tanaw na niya ang gate ng kanilang apartment. Kaunti na lamang at makakauwi na sila.
At dahil maliwanag sa ilalim ng poste ng ilaw, doon siya naglakas loob na lumingon at alamin kung sino ang naroon.
Inuulit niya, hindi siya takot sa multo, pero ang nilalang na sana kanyang harapan ay nagdala ng matinding takot at kilabot sa matibay at pasaway na puso ni Topher.
Nanlaki sa takot ang kanyang mga mata habang nakatitig dito, halos di makagalaw ang kanyang katawan sa kanyang kinatatayuan.
“W-Wag kang lalapit,” bulong pa niya sa kanyang sarili, nang makita na humakbang ito palapit.
Nang TUMAHOL na ito, doon na siya napasigaw (manly na sigaw) at saka kumaripas ng takbo palayo.
Ang bwisit namang aso ay malakas talaga ang trip at hinabol pa sila, mahigpit pa niyang hinawakan si Jack para di ito mahulog. Mabuti na lamang at malapit na sila sa kanilang bahay.
Dali-dali niyang itinulak pabukas ang gate, hindi na nga niya napansin na bukas ito dahil sa pagmamadali. Ang tanging nasa isip niya ay makalayo sa isang nilalang na kanyang lubos na kinatatakutan.
Hinihingal at pawisan siya nang makapasok sa loob ng bahay, nang maiupo niya si Jack sa sofa. Napahilata din siya sa tabi nito dahil sa pagod.
Nang makahinga na siya ng maayos, doon lang niya napansin ang mga bagay-bagay.
Bukas ang gate, pinto at ilaw ng bahay, mabilis siyang napaupo dahil sa pagka alarma.
Nang marinig niya ang tunog nang parating na tao, tumayo agad siya at humarang sa harap ng tulog na si Jack para protektahan ito.
“Sino yan? Paano ka nakapasok?” seryosong tanong pa niya dito.
“Bawal pa kaming pumunta dito, Topher?”
Nakahinga maman siya ng maluwag at dahan-dahang umupo muli para di magising si Jack na nasa kanyang tabi.
“Dad, Mom, anong ginagawa nyo dito? Gabi na ah?” aniya pa sa mga magulang.
“Kanina pa kami nakarating dito, kayo ang late, saan pa ba kayo galing?” tanong pa ng kanyang ina at saka umupo sa tabi ng kanyang ama.
“Oo nga, at mukhang pagod na pagod pa si Jack, saan ba talaga kayo nagpunta?” dagdag pa ng Dad niya.
“Sinundo ko lang si Bro sa trabaho niya, traffic kaya nakatulog na siya sa jeep, tapos pinasan ko na lang siya pauwi” balewala naman niyang sagot sa mga ito, habang nakahilata sa sofa. Pagod pa rin siya dahil sa matinding pakikipag-marathon sa asong yun.
Napatango habang nagkakatinginan ng may kahulugan ang kanyang mga magulang sa isa’t isa. Nagpipigil pa ng ngisi ang kanyang ina kaya napataas ang kanyang kilay dahil sa mga ito.
‘Minsan talaga ang matatanda di ko maintindihan ang mga iniisip,’ saad pa niya sa kanyang isipan, habang nakatingin sa kanyang mga magulang na parang teenagers na kinikilig.
Hindi tuloy niya maiwasan na di maalala ang dalawang babae sa jeep kanina, ganito din ang reaksyon ng mga ito.
Hindi na siya nakatiis kaya tinanong na niya ang mga ito. “Eh kayo Dad, Ma, bakit po kayo napasugod dito?”
Napa-ehem pa ang kanyang ama bago sumagot. “May pabor kasi kami para sayo Topher.”
“Ano po yun?”
“Nagpapasama ang lola mo sa Quezon bukas, kaso busy kami ng mommy mo.” Napakamot pa ang Dad niya sa ulo.
“So, ako ang sasama?” aniya, sabay turo sa sarili.
“Oo, dalawang araw lang naman iyon anak,” pangungumbinsi pa ng kanyang ina.
“Pero Ma, monday bukas, may klase ako,” makatotohanang sagot niya, kahit hindi naman siya nagseseryoso sa pag aaral. Lagi lang siyang tulog sa klase.
Dahil matalino, pagdating sa exam at iba pang gawain ay wala siyang problema.
“Ako na bahala sa school mo, samahan mo muna ang lola mo sa kapatid niya sa Quezon,” seryoso at wala nang biro na utos ng kanyang ama, alam niyang wala itong balak tumanggap ng sagot na ‘Hindi’ kaya wala na siyang pagpipilian pa.
Napabuntong hininga na lamang naman siya at saka napasilay sa knock out na si Jack. Mahimbing pa rin itong nakahiga at nakasiksik sa mga unan sa sofa.
Hindi niya pansin na ang mga tingin niya na ipinupukol dito ay kasing lambot na ng bulak at kasing tamis ng asukal.
Nagising lamang siya sa pagkakatitig dito nang magsalita ang kanyang ina.
“Wag ka mag alala, di naman kayo habang buhay magkakahiwalay, dalawang araw lang yun, Topher,” natatawa pang ani ng kanyang ina.
“Hays, sige na nga po, Oo na, sasama na ko kay lola.”
Napangiti ng malapad ang kanyang mga magulang. “Mabuti naman, sya uuwi na kami. Magpahinga na kayo. Maaga pa kayong aalis bukas ni Mama Dinah.”
Tumango na lamang siya at saka inihatid ang mga ito sa labas, doon din niya napansin na nakaparada pala sa labas ang kotse ng kanyang mga magulang.
Siguro hindi niya napansin iyon kanina dahil sa bwisit na asong may sapak ata sa utak.
“Bye nak!” sigaw pa ng kanyang ina, nang makasakay na ito sa kotse. Kumaway na lamang naman siya at saka pumasok sa loob ng bahay.
“Tsk, dalawang araw tayong di magkikita Bro ko,” aniya pa sa tulog na si Jack sa kanyang tabi. Nakahiga na rin kasi siya sa tabi nito dito sa kama.
“Saan ka papunta?”
“Hays, pinapasama ako ni Dad at Ma kay lola sa ---- teka? Gising ka?”
“Ngayon lang, nagising ako sa paglagutok ng buto mo,” sagot nito, at tinutukoy ang pag iinat niya kanina.
“Kailan ang alis mo?” dagdag pa nito, habang parehas silang nakatitig sa kisame ng kwarto.
“Bukas daw ng maaga,” walang interes na sagot pa niya kay Jack.
“Hm, ingat kayo dun lola,” sagot naman nito, kaya napangisi siya.
“Bro ko, mami-miss kita. Sabihin ko kayo kay Dad na isasama kita,” nagdadrama pa niyang pahayag at saka lumingon dito at pilit niyayakap ito.
“Gago wag na, at saka gagawa pa ako ng research ko.” Inis naman nitong tinatanggal ang kamay niyang napapulupot sa katawan nito.
“Ganun ba? Basta wag ka mag alala, babalik naman ako agad,” pangako niya, habang nakangisi pa.
“Sige ba, wag mong kalimutan ang pasalubong ko at Topher, hindi ko pa nakakalimutan ang nangyari sa CPU kanina.” Tiningnan pa siya nito nang may pagbabanta.
“Hehe sabi ko nga, tulog na tayo Bro,” aniya na lamang para di na ito magalit, at saka yumakap mula sa likod nito.
“Oo na, kaya bitawan mo ako, bago pa kita sipain pababa ng kamang ‘to!”
Hindi naman siya nakinig kaya ang sunod niyang nakita ang sarili na lumilipad na sa ere at pababa sa higaan.
BLAGG!!! tunog ng pagbagsak niya.
“ARAYY!!!”
▼△▼△▼△▼△
◡̈⋆🅷🅸(●’◡’●)ノ
Sana mabasa nyo po habang libre pa ang Fabricated Reality sa Dreame, baka next po ay may bayad na iyon.
Sa mga di pa nakafollow sa akin. Same username po. UN: cutiecane23
Salamat guys! Stay safe and God bless!
Thank you and Byieee
MMB 10
I HOPE YOU READING THIS CHAPTER ♡´・ᴗ・’♡
JACK POV
MAAGA
akong nagising ngayon sapagkat may pasok ako sa school, at paalis din si Topher para samahan si Lola Dinah papunta sa Quezon.
Hindi man ako ganun kagaling sa pagluluto, medyo may natutunan naman ako sa matiyagang pagtuturo ni Yaya sa akin.
Once a week kasi ay bumibisita si yaya dito sa amin para maglaba at maglinis ng bahay, at kasama na rin doon ang aking lesson at training para maging isang ganap at maaasahang asawa.
Pwe! Parang gusto kong masuka kapag na aalala ko kung paano ako asarin ni Yaya sa pamamagitan ng pagtawag sakin bilang housewife.
Isama pa si nanay na pumunta din dito para bisitahin kami, ganun din si tita Claire na tuwang-tuwa kapag napapadaan dito.
Ang niluto ko ay sinangag na may itlog. Nagluto din ako ng hotdog at tocino. Alam kong puro prito lang yan, pero okay na kaysa sa wala.
‘At least luto sila at hindi sunog,’ proud na ani ko sa aking sarili habang nakatingin sa mesa na aking tapos nang ihanda.
Napatingin ako sa TV na ngayon ay buhay at patuloy na napapanuod ang pang umagang balita doon. Nang silayan ko iyon para makita ang oras. Napakunot ang aking noo nang makitang halos 7:30 na ng umaga at hindi pa rin bumababa si Topher mula sa aming kwarto.
Sa halip na mainis agang -aga ay napailing na lamang ako nang maalala kung paano niya ako tinulungan na makauwi kagabi. Nakatulog kasi ako sa jeep sa sobrang pagpagod, pero nang magising ako naroon na ako sa kama na namin at maayos na nakahiga.
Kahit ulol naman yang si Topher, maaasahan din naman pagminsan. At bilang pagtanaw ng utang na loob. Hindi ako magagalit sa kanya ngayon kahit tanghali na siyang magising.
Nang makaakyat sa second floor ng bahay at mabuksan ang pinto ng aming kwarto, katulad ng inaasahan ko.
Knock out pa rin sa higaan ang bwisit na unggoy na kala mo ay walang pupuntahan ngayon.
“Ui Topher! Gising na,” saad ko, habang inaalog ang braso niya, pero ang luko, hindi natinag at patuloy pa rin sa pagtulog.
Sabi ko kanina ay hindi ako magagalit, pero pinupuno talaga ako ng isang ‘to. Ako na nga ang gumagawa ng mga gawaing bahay, luto, linis at iba pa kapag wala sina Yaya. Wala na siyang ginagawa tapos ganito.
‘Topher! Hindi mo ako katulong!’ sigaw ko sa aking isipan at malakas na hinigit ang kumot na nakatabon sa kanya.
“Ahh Bro ko! Wag!” antok na sigaw pa niya, habang nagtatakip ng sarili para di makaramdam ng lamig galing sa aircon.
“Ulol! Di ba may pupuntahan kayo ni Lola ngayon!?”
Dahil sa aking sinabi ay mabilis pa sa kidlat na napaupo si Topher at gulat na tumingin sa akin. Gusto ko man matawa sa magulo niyang buhok at mapungay na mga mata, pinigilan ko na lamang ang aking sarili para ipakita na seryoso ako.
“A-Anong oras na bro?” antok, pero nagmamadali pa niyang tanong sa akin.
“Mag aalas otso na, kaya bumangon ka na dyan.”
Tumango naman siya at mabilis na sumunod sa aking utos, nang magtungo siya sa banyo ay saka ko na inayos ang aming higaan.
Nang magmula na tumira kami sa iisang bahay, natuto akong maging independent at responsable . Dati kasi gaya ni Topher, isa akong pasaway at burara na tao.
Lahat ng mga gamit ko ay pinapabayaan ko lamang na nakakalat sa paligid, hindi ako naglalaba at higit sa lahat hindi ako naglilinis ng bahay.
Pero nang, magsama kami dito sa apartment na binili ng magulang ni Topher matapos naming makasal ilang buwan na ang nakakalipas.
Bigla akong natauhan, ngayon kasi kung hindi ako kikilos, wala kaming kakain, dudumi ang bahay at isipin pa lamang ang mga bagay na iyon ay nahihiya na ako kung sakaling nadatnan nina Tita at Tito ang sitwasyon naming dalawa.
Ipinagpaubaya pa naman nila sa akin si Topher. Pero, hindi rin ibigsabihin noon ay iispoiledin ko na din siya.
May napag usapan naman kaming routine at schedule dito sa bahay. Hati kami sa lahat ng gawain maliban sa paglalaba.
Weekend kasi kami naglalaba ni Yaya, pumunta siya dito para turuan pa ako ng iba pang gawain, kasama na ang paglalaba.
Si Topher kasi ay nasa Manila, kasama ng papa niya kapag weekend kaya di siya makasali sa aming lesson 101 ni Yaya.
Matapos ang lahat ng linisin sa kwarto, nauna na rin akong bumaba patungo sa kusina para magtimpla ng kape. “Teka, dapat pa ba akong uminom ng kape?” bulong ko pa, nang maalala ang matinding kaba at nerbyos na aking nararamdaman kahapon.
“Ako bro, gusto ko ng kape.”
Napalingon naman ako kay Topher na kapapasok lang sa kusina. ” Sige ba, ayan magtimpla ka ng sayo.”
“Cold mo naman bro ko,” nakanguso pa niyang saad at saka tinggap ang termos na inabot ko sa kanya. Hindi na ako umimik at saka umupo na sa mesa. Maya-maya pa.
“Bro, bakit di ka pa nakain?”
“Bilisan mo kasi dyan,” inis at inip na sabi ko pa sa kanya. Napangisi na lamang naman siya kahit medyo naniningkit pa ang mata dahil sa antok.
“Ikaw talaga, pwede ka namang kumain na ah, hinihintay mo pa talaga ako,” bulong pa niya.
Tiningnan ko na lamang siya nang masama nang makita na may ibinubulong-bulong pa siya, eh alam nang nagmamadali.
MATAPOS
mag agahan, narito na kami sa may gate ng bahay, habang sinasaruhan ko iyon ay hindi ko mapigilan na di mapasilay sa gagong katabi ko. Late na sya, pero inuuna pang pumustura sa tabi ng kalsada.
“Unggoy, ano pang hinigintay mo, sumakay ka na ng jeep para makauwi sa inyo,” bulyaw ko pa sa kanya, baka kasi kahit papaano ay matauhan siya.
Ang inaatupag kasi ay kumindat at kumaway sa mga kababaihang dumadaan, mapa-estudyante man iyon o nagtatrabaho.
“Mamaya, hinihintay pa kitang matapos dyan,” chill na turan niya habang nakasandal sa aming bakod.
“Bakit naman?”
“Syempre, wala ba akong goodbye kiss, dalawang araw kaya tayong di mag---”
“G-GAGO! ikiskis ko yang nguso mo sa kalsada ih. Dami mong alam, sumakay ka na,” pasigaw na turan ko, sabay suntok sa balikat niya.
Hindi naman siya nakaiwas at napangiwi na lamang habang hinihimas ang masakit na balikat. Ako naman ay pumara ng dumadaan na jeep at saka sapilitang pinasakay na siya doon.
Ang kulit kasi ng lukong yun, lahat na lang ng bagay ay ginagawang katatawanan. Napailing na lamang ako nang makita na masayang kumaway pa ang luko mula sa loob ng jeep.
Napalingon tuloy lahat ng mga kasakay na pasehero niya sa aking dereksyon, ako naman ay napayuko dahil sa kahihiyan.
Nang makalayo na ang kanyang sinasakyan, napapabuntong hininga naman ako at saka pumara na din ng jeep patungo sa aming eskwelahan.
▼△▼△▼△▼△
LUNCH/ 11:30-12:30
MATAPOS
ang klase ko ng umaga, tanghali na ngayon at nasa cafeteria ako para maglunch.
Dahil nagbabaon ako ng pagkain, hindi ko na kailangan bumili at minus gastusin din iyon para sa akin.
Kung narito si Topher, siguradong kagulo na naman ang cafeteria na ito. Napapalibutan na naman kami ng mga babae na kanyang taga hanga.
Habang kumakain sa isang tabi, napatigil ako sa pagnguya nang may tatlong babae na tumigil sa harap ng aking table.
“Jack, nasaan si Toph?” walang pasintabi na tanong pa nila.
“Oo nga, mula umaga di namin sya nakikita ah,” turan pa ng isa sa tatlong babae.
Sa totoo lamang, mula nang makapasok ako sa loob ng Uni, bwisit daig ko pa ang naging walking help center para sa nawawalang si Topher.
Lahat na ata ng nakasalubong ko ay iyon ang tanong sa akin. Nung una okay lang na sumagot, pero nakakapagod na nang halos lahat ng babae na makikita at makakasalubong ko, isang bukang bibig lang ang sinasabi. ‘Nasaan si Topher? Nasaan si Topher?’
Akala ko pa naman makakakain na ako ng tahimik, kaya nga itong pinakasulok at dulong table na ang aking pinili, pero mukhang di pa rin ako ligtas.
Walang gana ko silang tiningnan at saka sinabing may pinuntahan si Topher kaya wala siya ngayon. Nakasimangot namang umalis ang mga ito.
“Psh, bakit kasi si Topher lagi nyong hanap, narito naman ako, hindi man mayaman pero gwapo din,” bulong ko pa at saka ipinagpatuloy ang pagkain.
Maya-maya pa, nang patapos na ako at umiinom na ng tubig, saka naman dumating yung dalawa naming tropa na sina Jp at Hugh. May dalang tray sila na may lamang pagkain.
“Ui Jack, tapos ka na. Ang aga mo naman kumain,” bati ni Jp nang makalapit siya sa aking table.
“Oo, yung tirang oras sa lunch break ko ay gagamitin ko para makagawa ng research. Mamaya na kasi ang pasa nun,” sagot ko pa.
Napatango naman si Hugh at tahimik na umupo sa tabi ni Jp. Nang makaupo na ang dalawa.
Habang nag aayos ng aking gamit at handa na sanang umalis. Napansin ko na napapalinga si Jp at Hugh sa aking tabi.
“Ako lang ba iyon o talagang di ko nakikita ang asawa mo sa paligid?” pabulong na pang aasar pa niya sa akin. Gago din talaga ang mga ito.
“Ewan ko sa inyo, wala si Topher may pinuntahan.”
“Ah kaya pala, malayo pa lang kami ay kita na sa mukha mo ang lungkot.” Napapataas -baba pa ang kilay ni Jp sa akin.
“Mga gunggung, sinong nalulungkot? Masaya nga ako at walang nangungulit sa akin ngayon,” sabi ko habang malakas na tumatawa. ‘Ang lalakas talaga ng trip nila,’ isip-isip ko habang nagpupunas ng luha sa gilid ng aking mata.
“Talaga ba? Hindi yun ang nakikita namin, di ba Hugh?” May kakulitan din ang JP na ito eh. Ayaw ba namang magpatalo.
“Yeah, ilang araw ba mawawala si Topher?” tanong pa ni Hugh.
“Dalawang araw, pero akala mo naman habang buhay na kung paano siya hanapin ng mga babae dito,” napapailing na sagot ko.
Napatawa naman ang dalawa at naki ayon pa sa aking pahayag. Nang marinig ko ang kwento nila. Napatango ako sapagkat parehas kaming tatlo ng sitwasyon. Hinahanap din pala sa kanila si Topher.
Napailing na lamang ako at saka tumayo, sinukbit ko na rin ang aking bagpack.
“May problema na ang mga mata nyo, hindi ako nalulungkot ah, baka gutom lang yan, ikain nyo na lang,” napapa-umis na pahayag ko pa sa kanilang dalawa.
“Sige, alis na ako.”
Tumango naman sila at sabay na nagsabi ng ‘Ge’ at habang hindi pa sila nang aasar muli ay malibis na naglakad na ako palabas sa cafeteria.
Kaso di pa ako nakalalayo nang mapalingon ulit ako dahil sa pahabol na sigaw ni JP.
“Nga pala Jack! Pabalik na si Grey!”
MMB 11
I HOPE YOU ENJOY READING THIS CHAPTER ♡´・ᴗ・’♡
JACK POV
DAHIL
sa sigaw na iyon ni JP kaya mabilis akong napalingon.
“Talaga! Mabuti yan mga ka-pre, mabubuo na ang tropa natin!” sigaw ko pabalik. Nagthumps up ang dalawa at saka kumaway.
Ka-pre nga pala ang tawag ko sa kanila lalo na kapag magkakasama kami. Nung una sobra kung makatanggi yang si JP, ang baduy daw at pangit, pero nung magtagal na hindi na rin siya naka angal nang iyon ang gamitin ng lahat.
Si Grey nga pala yung tinutukoy ko na isa pa naming myembro, ka team din namin siya sa basketball at doon din namin siya nakilala at nang naglaon ay naging ka-tropa.
Nang magkasakit ang ama niya dalawang buwan na ang nakakalipas, sapilitan at biglaan ang naging pag alis niya patungo sa ibang bansa.
Speaking of dalawang buwan, siya lamang ang hindi nakakaalam ng pangyayari na nagbunga ng nakakahiya naming kasal ni Topher.
Siguro mabuti na rin iyon sapagkat baka mapuno na ako sa kanila kung magkakaroon pa ng isa pang luko na walang humpay na mang aasar sa akin.
Ayaw ko munang balikan ang mga pangyayari kung paano ba kami nauwi sa ganung desisyon, mas kailangan ko kasi ngayong mag focus para matapos ang aking research na dead line na mamaya.
Umalis na ako doon at nagtungo sa school library. Dahil tanghali at karamihan ng mga estudyante ay bakante ang oras.
Marami-raming tao ngayon dito. May mga nagbabasa, nagsusulat. Meron din naman na pagtulog lang ang habol sapagkat tahimik at malamig dito.
May mga table din sa sulok at gilid ng bawat shelves na lalagyan ng laptop kung kailangan mo mag research kaya naman nakakatago ang mga estudyanteng gustong matulog doon.
“Salamat po,” ani ko pa kay Mrs. Roxas, ang aming librarian matapos maka-perma sa kanilang log book.
Mabilis akong nagtungo sa isang table na walang masyadong nakaupo, ibinaba ko ang aking bag para makapag simula sa paghahanap ng librong kailangan.
Habang naglalakad ako sa pagitan ng bawat shelves, tutok ang aking mata sa mga libro na nasa patungan, isa-isa ko kasing binabasa ang mga title nito ganun din ang mga number sa gilid nito.
Dahil sa pagiging abala, hindi ko napansin na may babae pala sa aking gilid, tuloy-tuloy lamang kasi ako sa paglalakad.
“Ah!— sorry miss, sorry talag—” napatigil ako sa pagsasalita at pagpulot ng mga librong kumalat sa sahig nang masilayan ko ang mukha ng babaeng aking nakabangga.
”--- Fey?”
“Jack, ikaw pala yan,” nahihiya pa niyang sabi habang nakangiti ng maganda sa akin.
Dahil sa nasaksihan ay parang matutunaw sa kilig at saya ang munti kong puso.
“P-Pasensya ka na talaga Fey, hindi kita napansin,” napapakamot pa sa batok na paliwanag ko pa matapos kong maibalik sa kanya ang mga nahulog na libro.
“Naku, wala yun. Salamat sa tulong mo,” napapayukong tugon pa niya sa akin, na tinutukoy ang pagpulot ko sa mga gamit nila.
“No problem, I’m always at your service,” sagot ko naman, at saka nagpakawala ng isang killer smile.
Nai-adjust na lamang ni Fey ang salamin niya sa mata, para siguro hindi ko mapansin ang pamumula ng kanyang pisngi.
‘Hays, ang cute talaga niya, kailan mo ba ako hahayaan na manligaw ulit?’ napapatingala na lamang ako sa kisame habang nagpipigil ng sarili na yakapin ang kyut na nilalang sa aking harapan.
Si Fey Andrea lang naman ang ultimate crush ko mula high school, nanligaw ako sa kanya nang mahigit sa dalawang taon, pero sa huli, sa halip na matamis na ‘Oo’ ang aking natanggap.
Isang friendly rejection iyon, ayon sa kanya, mas priority niya ngayon ang pag aaral kaysa sa love life.
Education din ang kinukuha ni Fey, katulad sana ng aking gusto, kung sana di lang ako kinaladkad ni Topher sa business and management na course edi sana magkaklase kami ni Fey.
Pero, kung iisipin, kung hindi rin dahil kay Topher kaya nakakapag aral ako ngayon. Magiging positibo na lamang ako at iisipin na hindi man kami magka department at parehas ng course, at least nagkikita pa rin naman kami dito sa university.
Napayuko na lamang ako nang maaalala na nagtangka muli akong manligaw sa kanya noon, pero hindi na niya ako pinayagan.
Wala man kaming relasyon, hindi ko man siya matatawag na girlfriend at least magkaibigan naman kami, para sa akin habang wala pa akong napapatunayan ay sapat na iyon.
“---ck?”
“Uii Jack?”
“Ha? Ano yun Fey?” medyo gulat na sagot ko sa kanya, masyado ata akong nalunod sa aking pag iisip.
“Sabi ko, kung ano ang hinahanap mong libro? Baka matulungan din kita,” natatawa pa niyang ani, habang tinatakpan ng dalang folding fan ang labi.
Naiyukom ko ang aking mga palad para pigilan ang sarili na tuluyang mayakap siya, ang mahinhin niyang galaw at kilos ay siya naman talagang bumibihag sa aking munting puso na humahanga sa kanya.
Dahil mabait, desente at matalinong babae itong si Fey kaya naman marami akong kakumpetensya pagdating sa kanya. Mabuti na lamang at kahit binusted niya ako noon, mula sa lahat ng kanyang mga naging dating manliligaw, ako ang pinaka ka-close niya.
At ipinangako ko sa aking sarili na di ako gagawa ng ikasisira ng pagkakaibigan namin ngayon.
“Ah, ito ang hinahanap ko,” mabilis na sagot ko, matapos ibigay sa kanya ang listahan ng kailangan kong mga libro.
“Oh, dito yan sa kabilang shelves,” nakangiting aniya, kaya masaya din akong sumunod sa kanya papunta doon.
Nang makuha na namin lahat ng mga librong kailangan, sumama pa si Fey sa aking table para doon na rin umupo.
Gustong-gusto kong ngumiti ng malapad dahil napaka swerte ng araw ko ngayon, akalain mo nga naman isang araw pa lang na wala si Topher, pero nagkaroon agad kami ng pag kakataon ni Fey na magkasama.
Dahil magka iba ang aming course, kaya madalang din kami magkita kahit sa iisang university lang kami pumapasok.
‘Ang pagkawala talaga ng unggoy na yun ang aking swerte sa buhay,’ ngising-ngisi ko pang turan sa aking isipan, habang kinakalkal ko ang aking bag para kunin ang file case na lagayan ng mga papel ko. ‘Alam nyo na, kailangan organized.’
Habang abala ako sa aking ginagawa, may isang bagay na pumasok sa aking isipan.
May isa pa akong bagay na ipinagpapasalamat sa lahat, mabuti na lamang at di type ni Topher ang mga babaeng tulad ni Fey, kung hindi, baka naging karebal ko pa siya dito.
Pansin ko pa nga na hindi lang niya ito type, parang may galit pa ata siya kay Fey, kung bakit at paano ay di ko alam ang dahilan. Basta sa ngayon, mabuti na hindi niya ito gusto, sapagkat lahat ng gusto ni Topher ay nakukuha niya.
‘Kung magkataon na mangyari iyon at maging sila ni Fey. Hindi ko alam kung paano ako magmo-move on,’ napasimangot na isip-isip ko pa.
Si Fey naman ay tahimik lamang din namang nagbabasa at nagsusulat sa aking harapan, gusto ko pa sana siyang pagmasdan ng matagal kung hindi nga lamang mabilis na tumatakbo ang oras.
Baka mamaya ay matapos na ang lunch break at wala pa akong nagagawa, siguradong patay ako kay prof.
Nang mahanap ko ang aking nasimulan nang research paper, hand written kasi ito kaya walang problema sa pagpapa-print. Hindi ko kailangan na maghanap pa ngayon ng pa-printan.
Nang mahawakan ko ito, pansin ko na may kakaiba. Pagkakatanda ko halos dalawang page lang ang nagawa ko kahapon. Front page lang at introduction, pero ngayon parang mahigit pa sa sampu ang pahina nito.
Habang ini isa-isa ko ang bawat pahina, doon ko na pansin ang hand writing na meron dito. Makita pa lang iyon ay alam ko na kung sino ang gumawa nito. Hindi lang niya basta dinagdagan. Tinapos pa niya ang research ko.
Sa dulong page, may sticky note na blue ang nakadikit doon.
‘Bro ko, pasensya ka na dahil ikaw lang ang naglinis ng Gym kahapon, dalawang araw din tayong di magkikita kaya iginawa na kita ng research mo. Ingat ka lagi dyan at kumain ka ng maayos ha. Sobra kitang mami-miss.
Ps. Wag kang mangla-lalaki habang wala ako.’
-Nagmamahal,
Bro mo.
NANG
mabasa ang nakasulat doon, hindi ko alam kung anong una kong mararamdaman. Maiinis ba ako sapagkat may padali pa siyang ganito, o magsisisi sapagkat inisip ko na mas maayos kapag wala siya dito sa tabi ko.
Halos malukot ang papel na aking hawak nang maisip ko ang nangyari kaninang umaga, siguradong antok at puyat si Topher kagabi dahil sa paggagawa ng research na ito tapos sinungitan ko pa siya bago umalis.
Hindi ko tuloy mapigilang di mapabuntong hininga dahil sa mga iniisip ko.
Mukhang napansin naman iyon ni Fey kaya mabilis itong nagtanong sa akin.
“Okay ka lang ba, Jack?” nag aalala pa niyang saad.
Masaya ako dahil sa concern na ipinapakita ni Fey, pero di ko maisantabi ang katotohanan na kahit kasama ko ngayon ang aking ultimate crush.
Ibang tao ang nasa aking isipan, hindi lang basta kung sino yun, wala iba kung hindi ang bwisit kong asawa.
Kung kanina masaya ako dahil wala dito si Topher, ngayon naman parang gusto ko siyang makita.
Hindi pa lumilipas ang ilang minuto at tumunog na nga ang aking cellphone. Bago ko pa makuha iyon sa aking bulsa.
Parang mga bubuyog ang mga estudyanteng nasa loob ng library dahil sa sunod-sunod na maririnig mong ’ SHHHH’ sa buong paligid.
At syempre, ang queen bee nila ay wala nang iba kung hindi ang head librarian na si Mrs. Roxas.
Humingi naman ako ng sorry at saka nag- excuse kay Fey na sasagutin ko lang iyon. Tumango naman siya kaya nagmamadali akong lumabas ng library hawak ang cellphone.
“Bro ko!!!”
Malakas at nakakabinging boses ni Topher agad ang bumungad sa akin matapos kong pindutin ang answer button.
“Oh Topher, ikaw pala,” chill na sagot ko kahit medyo may kaba sa dibdib.
Ilang oras pa lang kaming nagkakahiwalay, pero iba na ang epekto ng boses niya sa akin. Kung ano man ang dahilan ito ay talagang wala akong alam.
“Bro ko, miss na kita! Nasaan ka ngayon?”
“Gago, ilang oras pa lang tayong di nagkikita, nandito ako sa library.”
“Haha oo nga no, ano ginagawa mo sa library, may iba ka pa bang assignment?”
“Wala naman, a-ano, ginawa mo pala ang research ko, s-salamat,” nahihiya ko pang saad sa kanya. Mabuti na lamang at di kami magkaharap, kung hindi siguradong namatay na ako sa hiya at kinain ng pride kaya di makapagpasalamat.
“Wala yun, ikaw pa. Akala ko ay nang chi-chix ka dyan habang ako’y wala.”
“Jack, mauna na ako ha, kita na lang ulit tayo minsan,” ani Fey, nang bigla itong lumabas ng pinto ng library.
Nagulat ako sa nangyari kaya hindi na rin ako nakasagot at napa tango na lamang.
“Si Fey ba yun?” tanong pa ni Topher mula sa kabilang linya, gamit ang seryoso nitong boses.
“H-Ha? Ah oo, kasama ko siya dit---”
“Ge, bye na. Tawag na lang ulit ako.”
Dahil sa bilis nang pangyayari, napanganga na lamang ako habang nakatitig sa kawalan.
Ano na naman kayang nangyari sa unggoy na yun, bigla talagang nag iiba ang mood niya kapag si Fey na ang usapan.
Sa tagal na naming magkakilala at magkasama, alam kong hindi naman sila naging mag- ex sapagkat NBSB si Fey, pero bakit parang ang lalim ng inis ng unggoy na yun kay Fey. Mabait naman si Fey at magalang na tao.
Napakibit balikat na lamang ako at bumalik sa loob ng library para kunin at ayusin ang aking mga gamit, hindi ko na kailangan na magtagal dito sapagkat wala na naman akong research na kailangan gawain.
▼△▼△▼△▼△
NATAPOS
nang kay bilis ang aking buong maghapon, ngayon ay tapos na ang aking mga klase at pauwi na ako.
“Ui Jack! Sabay ka na samin!”
Napalingon pa ako nang marinig ang boses ni JP, katabi rin niya ang tahimik at walang imik na si Hugh.
“Bakit, saan ba kayo pupunta?” tanong ko pa sa dalawa. Sila ay nakatira sa dorm kaya walang dahilan para umalis ang mga ito ng school premises maliban na lang kung may pupuntahan o bibilhin sa labas.
“Sa bayan, may bibilhin lang. Hatid ka na namin sa inyo,” alok pa niya, habang suot sa mukha ang ngisi na laging nakalagay doon.
“Talaga ba, anong mabuting spirito ang sumapi sayo, JP?” nag aalangan na tanong ko pa, minsan lang siya maging mabait, at kapag nangyari iyon siguradong may kailangan siya sa akin.
“Wala naman, ibinilin ka kasi sa amin nang mapagmahal mong asawa,” pang aasar pa niya, habang magkakasabay kaming naglalakad patungo sa parking lot.
“Mga gago talaga, ay sya wag na. Magje-jeep na lang ako.” Maglalakad na sana ako palayo nang higitin ako pabalik ni Hugh.
“Haha, ikaw naman. Sige na sakay na.”
Habang hawak pa ni Hugh ang aking bagpack. Rinig ko pang ani JP ang mga iyon.
Mukhang walang balak bumitaw si Hugh kaya wala na rin akong choice kung hindi ang sumakay sa kotse ni JP.
Habang nasa byahe at chine-check ko ang cellphone kung may text, chat o miscall si Topher nang maalala ko ang balita nila kanina.
“Saan nyo nga pala narinig ang balita na pabalik na si Grey?”
“Ah, nakausap ko ang kuya nya nung isang araw, maayos na ata ang lagay ng papa nila kaya pabalik na daw si Grey,” sagot ni JP, habang sinisilayan ako mula sa rear view mirror sa taas ng manobela.
“Buti naman, nang magkaroon ako ng kakampi mula sa inyo,” napapatawa ko namang kumento mula sa sinabi niya.
Mula sa aming apat na magkakaibigan, maliban kay Topher. Si Grey ang pinaka ka-close ko. Marami din ang hilig at hobby na parehas kami kaya naman mas malapit kami sa isa’t isa.
Masipag siya mag aral at kapag may oras, nagiging tutor ko pa siya. Malapit din naman siya kay na Topher, JP at Hugh kung pagdating sa sports ang usapan.
“Haha gago, tingnan natin kung maging kakampi mo pa siya kapag nalaman niya ang kasal nyo ni Topher,” tawang walang humpay naman si JP habang nagmamaneho siya.
Napailing na lamang naman ako dahil sa kagaguhan niya.
“Oo nga pala, wag na kayong magpaka-gago pa ng sobra ha. Please lang wag nyo na sabihin sa isang yun,” pakiusap ko pa sa kanila.
“Depende yan kung magbabait ka bilang asawa Jack at papayag na mag inuman tayo sa bahay nyo ni Topher, pagbalik niya.” Bored ko namang tinignan siya, edi lumabas din ang gusto niya. Inuman pala ang pakay.
‘Wala talagang limit ang kalukohan ng isang ‘to,’ napapailing na ani ko sa aking isipan.
“Wala namang ganyanan mga ka-pre, alam nyo naman kung sino malilintikan kapag nalaman yun nina tita at tito.”
“Ayan, masyado ka kasing nagpapaka-good boy ih, para namang di ka nag iinom dati ah,” giit pa niya sa akin.
Wala namang masama magbago lalo na at hindi na rin ako bumabata, kailangan ko nang magpaka seryoso sa buhay.
“Hindi naman sa ganun, iba na kasi ang sitwasyon ngayon,” makatotohanan at seryoso kong sagot sa kanya.
Hindi naman agad siya sumagot, pero maya-maya. Pigil na napangisi ako sapagkat sumang ayon na rin siya.
“Hays, Oo na nga.”
Hindi ko namamalayan dahil sa aming pag uusap ay nakarating na pala kami sa harap ng bahay.
Matapos magpasalamat, bago bumaba at buksan ang pinto ng kotse. Humarap pa si Hugh sa aking dereksyon at saka bumulong.
“Wag ka mag alala, pipigilan ko ang kadaldalan ni JP.”
“Salamat Hugh, buti at alam mo kung kanino dapat kumampi,” ani ko, sabay fist bump sa kanya.
▼△▼△▼△▼△
8:00 pm, maaga akong nakauwi sapagkat may mabuting balita ang aking boss sa trabaho.
Ayon kay boss, pede na daw akong umuwi ng mas maaga sa 8:00 pm sapagkat 24/7 na ang aming com-shop.
May susunod pa sa aking du-duty doon, si Nelson ang bahala buong magdamag, bago paltan ng pang umagang time keeper.
Nagpasalamat ako sa todo kay boss sapagkat di lang niya binawasan ang oras ng trabaho ko, nag bigay din siya ng increase sa sahod.
Ipinaalam din niya na nangkaroon kami ng bagong bukas na branch sa ibang lugar, ibigsabihin talagang boom ang business ni boss kaya naman nagpapaulan ito ng biyaya.
Pagkatapos magsara ng maaga ngayon dahil sa magandang balita ni boss, inilibre pa niya kaming lahat ng hapunan.
Nang makababa sa jeep at maglakad papasok sa sa aming kalye pauwi. Ilang minuto lang ang itinagal at nakarating din ako sa aming bahay.
Hindi katulad noon na buhay at maliwanag dito, pagbukas ko pa lamang ng pintuan ay isang malamig at madilim na bahay ang sumalubong sa akin.
Naninibago man sapagkat sanay ako na maingay dito dahil kay Topher, wala naman akong magagawa dahil wala siya ngayon.
Dahil nakakain na ng hapunan sa labas, hindi na ako nagawi sa kusina at ibang parte ng bahay, dumeretso na ako sa aming kwarto.
Naglinis ng katawan at saka nagbihis ng pantulog na damit. Malamig dito dahil sa aircon, tapos mag isa pa ako kaya naman pakiramdam ko ang karaniwang masikip na kama para sa amin ni Topher ay napaka luwag na ngayong mag isa ako.
Ayaw ko nang mag isip pa ng iba sapagkat antok na rin ako, habang nakabalot sa makapal na kumot at nakayakap sa unan niya.
Nakapikit na ako at handa nang matulog nang marinig ang ring tone ng aking cellphone. Hindi ko alam sa aking sarili, pero napanalikwas ako at mabilis na umupo sa kama, matapos makuha ang cellphone na nasa bed side table.
“Hello?” maagap na saad ko pa mula sa kabilang linya.
“Anak,” saad ng aking ina. Medyo na dismaya ako nang hindi boses ni Topher ang aking narinig mula doon.
Bago sumagot ay napatighim muna ako para di marinig ng aking nanay na nasa kabilang linya ngayon ang aking pagka dismaya.
“Inay, kayo pala. Bakit kayo napatawag?”
“Kinukumusta lang kita dyan, nak. Wala ka kasing kasama di ba?” Bakas sa pa kanyang boses ang pag alala, mukhang nabalitaan na rin ni nanay ang pag alis ni Topher para samahan si Lola Dinah.
“Opo, wag po kayong mag alala. Nasa bahay na po ako. Kayo dyan nay, kamusta na kayo?” masaya ko din namang saad.
Hindi man si Topher ang kausap ko ngayon. Masaya pa rin ako sapagkat magulang ko ito at miss ko na rin sila. Medyo malayo dito ang aming tunay na bahay kaya minsan lang makabisita si nanay dito. Lalo na at busy din siya sa trabaho sa clinic ni tita Claire.
“Okay din naman kami dito nak, miss ka na daw ng kapatid mo kaya ito, kausapin mo,” turan ni nanay bago ko marinig ang masiglang boses ng aking kapatid.
“Kuya Jack!!! Hello po!”
“Hello din, Jamie, nagpapakabait ka ba dyan?” bati ko rin sa kanya. Alam kong sawa na sa katigasan ng ulo ko ang aking mga magulang noong kabataan ko kaya naman nagpapasalamat ako at hindi nagmana sa akin ang kapatid ko. Mabait si Jamie, malambing at masunurin.
“Opo kuya, behave po ako dito. Kailan ka po bibisita?” napangisi ako nang marinig ang pag papa awa sa boses niya.
“Ah subukan ko sa weekend, linggo ang day off ko sa com-shop.”
“Sige po, hintayin ko po kayo dito!” masayang sagot pa niya na halatang excited na sa aking pagbisita.
“Haha oo naman, good night. Pasabi rin kayna nanay at tatay,” paalam ko pa sa kanya.
“Opo kuya! Goodnight po.”
Bago pa ko maibaba ang tawag, narinig ko muli ang boses ni nanay.
“Kumusta naman ang pakiramdam mo, hindi ka pa rin ba nagkakaroon ngayong buwan?” tanong pa niya sa akin, tinutukoy ang kakaiba kong kalagayan.
“Wala pa po nay, magtatatlong buwan na,” makatotohanang sagot ko naman sa kanya, habang nakayakap sa unan ni Topher.
Dahil sa panggi-gigil ko sa malambot na unang aking hawak, halos malaglag ako sa kama dahil sa sunod na pahayag ni nanay.
“Ganun ba, baka buntis ka na,” mababakas ang ngisi sa kanyang boses pa lamang kaya alam kong pati nanay ko inaasar na din ako.
“N-Nay naman, di magandang biro yan,” may inis at hiya sa aking boses habang sinasabi ang mga bagay na iyon.
“Haha sabi ko nga, sya, matulog ka na. Goodnight anak,” natatawa pa niyang ani nanay, habang rinig ko pa rin ang pagpipigil niya sa pag tawa.
“Goodnight po nay.”
Bago pa maputol ang tawag, hindi ko mawari kung tama ba ang aking narinig, pero parang boses iyon ng aking tatay.
“Kailangan kaya tayo mag kaka apo?”
MMB 12
I HOPE YOU ENJOY READING THIS CHAPTER ♡´・ᴗ・’♡
3RD PERSON POV
NAKATULOG
si Topher sa van na sinasakyan nila ni Lola Dinah patungo sa Quezon, kaya naman nang magising ay nakaramdam siya ng pagkabalisa nang mapagtanto kung nasaan siya ngayon.
“Anong problem, hijo?”
“Ho? Ah, wala po, Lah. Nagulat lang ako,” sagot naman niya habang pinapakalma ang sarili.
‘Akala ko na kidnap na ako,’ napapakamot sa ulong isip-isip pa niya. Sino ba naman ang hindi kakabahan kung bigla ka na lang magising sa umaandar na van.
Dahil medyo antok pa rin kaya naman napalinga siya sa paligid para hanapin si Jack, ngunit wala ito. Naalala niyang naiwan nga pala ang Bro niya sa kanilang bahay habang siya naman ay kailangan samahan ang kanyang lola.
Napabuntong hininga na lamang siya at tumitig sa labas ng bintana para aliwin ang sarili mula sa mahaba at nakaka inip na byaheng ito. ‘kung nandito sana si Bro, sure akong masaya ang mga sandaling ito. Kahit naman kasi anong mangyari basta magkasama kami ay nagiging masaya ang lahat.’
Hindi niya alam ay napapalingon sa kanyang dereksyon ang kanyang lola at saka napailing nang makita ang bored at inip niyang ekspresyon.
NANG MAKALAMPAS
sila sa iba’t ibang sikat na landmark dito sa Quezon ay nakarating na rin sila sa kanilang destinasyon.
“Lah, ako na po ang magbubuhat niyan.”
“Salamat, apo,” sagot naman nito sa kanya, bago sila magpatuloy papasok sa malaki, pero may kalumaang bahay na pagmamay ari ng kapatid ni lola Dinah.
Mataas, gawa sa kahoy at may mga bintanang gawa sa kapis ang bahay na ito. Mula sa kanyang pagkakatanda. Mula kabataan, isinasama na siya ng kanyang pamilya dito. ‘Pero, di ko pa naiisama dito si Bro.’
“Ate Dinah, ikaw na pala iyan.”
Nagising siya sa pagmumuni-muni nang marining ang boses ng lola Rea niya, ito ay mas nakababatang kapatid ng kanyang lola Dinah. Napangiti siya nang nakita kung paano magyakap ang mga ito na halatang sabik na sabik na makita ang isa’t isa. Nandito naman siya at nakapanuod lamang habang hawak pa rin ang mga maletang kanilang dala.
Bago pa siya ma-stroke ay mabuti naman at napansin din siya ng mga ito. “Aba, Christopher ang laki mo na! Binatang-binata na ang apo ko at talaga namang napaka-gwapo.”
“Opo, lola Rea,” aniya, habang nakayuko at nagmamano dito.
“Oo naman Rea, kanino pa ba sya magmamana kundi kay Arden.” Pagmamalaki pa ng kanyang lola.
Sa halip na mahiya ay lalo siyang napatindig ng matikas, sapagkat proud siya sa magandang genes ng kanyang Dad. Habang nagkaka tuwaan nga at nagkukwentuhan ay isinasama naman sila nito sa living room ng bahay.
Malaki man at maganda ang bahay, pero dahil sa luma at madilim na ambiance nito kaya naman may kilabot siyang nararamdaman na hindi maintindihan. Nagkibit balikat na lamang siya sapagkat noon pa naman ay takot na siya sa bahay na ito.
“Lah, ilagay ko lang po ito sa kwarto,” paalam niya sa dalawang matanda na kung makapag kwentuhan ay parang mga bagets na teenager.
“Sige apo, doon mo na lang ilagay sa dulong kwarto.”
Tumango naman siya at nagtungo doon dala lahat ng kanilang bagahe. Dahil sigurado sa bigat ng kanyang mga dala kaya naman bawat hakbang niya sa hagdanan ay lumilikha ito ng kakaiba at nakakatakot na tunog.
Nagmadali na lamang siya at nang makarating sa kwarto ay mabilis niyang ibinaba ang mga dala.
Napa-inat pa siya ng braso dahil sa bigat ng mga iyon, habang hawak ang ngalay na balikat ay napasilay siya sa maluwag at malaking bintana sa kwartong ito. Habang nakadungaw doon at nilalasap ang sariwang hangin ay bigla niyang naalalang tawagan ang kanyang Bro.
Nang makitang oras na ng lunch sa university nila kaya naman pwede niya itong tawagan nang hindi iniistorbo ito sa klase.
Hindi nagtagal ang pag-riring ng kanyang cellphone sapagkat mabilis itong sinagot ng tao sa kabilang linya.
“Bro ko!!!”
“Oh Topher, ikaw pala,” chill na sagot nito.
May kakaibang saya ang namutawi sa kanyang dibdib nang marinig ang boses ng kaibigan. Dahil sa biglang pangungulila ay napasigaw siya.
“Bro ko, miss na kita! Nasaan ka ngayon?”
“Gago, ilang oras pa lang tayong di nagkikita, nandito ako sa library.”
“Haha oo nga no, ano ginagawa mo sa library, may iba ka pa bang assignment?” tanong pa niya. Alam kasi niyang iyong research lang naman ang activity nila.
“Wala naman, a-ano, ginawa mo pala ang research ko, s-salamat,” nahihiya ko pang saad nito. Kaya napakagat labi siya upang di sumilay ang ngisi sa kanyang labi.
‘Siguradong namumula na sa hiya ang Bro ko, hays, sana pala ay nag video call kami para nakikita ko sya.’
“Wala yun, ikaw pa. Akala ko ay nang chi-chix ka dyan habang wala ako,” biro pa niya dito. Alam naman niyang good boy na ang bro niya kaya hindi ito mang chi----
“Jack, mauna na ako ha, kita na lang ulit tayo minsan.”
Napatigil naman siya sa pag iisip nang marinig ang pamilyar na boses na iyon mula sa kabilang linya. Ang masaya at masigla niyang aura ay napalitan ng madilim na pakiramdam.
“Si Fey ba yun?” seryoso niyang tanong kay Jack.
“H-Ha? Ah oo, kasama ko siya dit---”
“Ge, bye na. Tawag na lang ulit ako.”
Hindi na niya pinatapos ito nang makumpirma na magkasama nga ang dalawa.
Sa totoo lamang ay wala namang atraso sa kanya si Fey, pero may di maipaliwanag na inis siyang nararamdaman sa babaeng iyon lalo na kapag nakikita niyang kasama nito ang kanyang kababata.
‘Ano bang nangyayari sa akin?’ Napapailing na tanong niya sa sarili habang nakatanaw sa labas ng malaking bintana.
MABILIS
na lumipas ang mga oras at ngayon nga ay gabi na. Wala paring humpay sa pagchi-chikahan ang dalawa niyang lola. Naibigay na rin nila kanina ang mga pasalubong, ngayon nga ay nasa hapag kainan na sila upang maghapunan.
Habang nakaupo sa likod ng mahaba at gawa sa narra na table ay nakahayin sa kanila ang maraming pagkain. Iba’t ibang putahe na gawa at paborito ng kanyang mga lola.
Nang makita ang masasarap na pagkain ay bigla niyang naalala noong panahon na unang linggo nila ni Jack sa pagtira sa iisang bahay pagkatapos ng kanilang kasal.
Dahil parehas silang hindi marunong magluto kaya naman halos araw-araw ay puro pancit canton at de lata ang pagkain nila.
Hindi naman siya maarte sa pagkain kaya wala sa kanya iyon, di rin naman niya mapaghanapan si Jack sapagkat wala rin itong alam sa mga ganung bagay noon. Puro gala at lakwatsa lang ang trip nila sa buhay bago mangyari ang lahat.
Habang sumasandok ng tinola ay hindi ulit niya mapigilang di sumilay ang isang ngiti sa kanyang labi nang maalala noong oras na unang nagluto si Jack para sa kanilang dalawa.
Kung hindi sunog ang kanilang kanin at ulam ay minsan wala naman iyong lasa o hilaw.
“Hm?”
“Wala po lah, naalala ko lang po si Bro,” tugon niya para sagutin ang puno nang pagtatanong na tingin ng kanyang lola.
“Ah si Jack ba? Sayang di natin siya naisama rito.”
“Sinabi nyo pa, lah,” sagot naman niya at sumandok ulit ng kanin. Malakas talaga siyang kumain kaya nga matangkad siya.
“Jack? Sino yun ate?” mapang usisang tanong naman ng kanyang lola Rea.
“Kababata iyon ni Topher sa Laguna. Mabait at gwapong bata rin iyon,” Pagmamalaki pa ng kanyang lola na parang sarili ring apo si Jack.
“Talaga ba, sya nga. Baka naman pwede kong ireto sa aking mga apong dalaga dito hihi,” mangha namang saad ng kanyang lola Rea.
Napataas naman ang kanyang kilay dahil sa pahayag nito. ‘Impossible iyan dahil kasal kami,’ napapangisi pa niyang ani sa kanyang isipan.
Napalingon sa kanya ang kanyang lola Dinah at napangiti nang may kahulugan bago humarap muli sa kapatid nito.
“Naku Rea, hindi na available ang batang iyon.”
“Ay sayang naman,” dismayado nitong saad.
Napatango na lamang siya at nagpatuloy sa pagkain. Isusubo na sana niya ang kutsarang hawak nang magsalita muli ito.
“Eh ikaw Topher apo? May nobya ka ba ngayon?”
Napatighim naman siya, pero hindi niya agad nagawang sagutin ang tanong na iyon.
Sa totoo lang ay kasal lang naman sila ni Jack sa papel, hindi rin siya nito pinagbabawalan na makipag date, pero pakiramdam niya ay may mali kapag sinabi niyang single siya. Isipin pa lang na binabalewala niya ang kaibigan kahit sa ganung dahilan ay hindi niya kaya.
“Meron na po,” buo at seryoso niyang sagot.
Lalong napasimangot ang kanyang lola Rea at bumulong pa ito. “Sayang naman, bagay na bagay pa naman kayo ni ------”
Hindi na siya nagkumento sapagkat di rin naman niya narinig ang buo nitong sinabi.
Nang gabing iyon matapos kumain ay medyo tampo pa rin siya kay Jack kaya hindi niya ito tinawagan.
KINABUKASANAN
, maaga silang umalis kasama ang kanyang mga lola upang mamasyal.
Kahit matatanda na ang mga ito ay napaka-active pa rin. Natutuwa siyang pagmasdan ang masasayang ekspresyon sa mukha ng mga ito. Dahil doon ay napabuntong hininga siya nang biglang pumasok sa kanyang isipan ang kababata.
Napaka-immature talaga niya para di tawagan si Jack dahil lamang nalaman niyang kasama nito si Fey kahapon. Alam niyang nag aalala na ito kaya naman habang nakasunod sa kanyang mga lola ay dinukot niya ang cellphone sa bulsa at tinawagan si Jack.
Marinig lamang ang boses nito ay nagdadala na agad sa kanya ng saya. Napapangisi pa siya sa pakikipagkulitan dito. Alam niyang dalawang araw lamang siya dito kaya palagay siya na magkikita naman agad sila ulit.
Sinamahan lamang niya ang kanyang lola Dinah dito, pero mauuna siyang umuwi. Bale parang inihatid lamang niya ito.
Marami silang napuntahan, mula sa mga simbahan hanggang sa mga mall kaya naman masakit na ang kanyang paa sa kalalakad, ganun din ang kanyang kamay at braso dahil sa mga pinapili ng kanyang mga lola. Parang mga teenager talaga ang mga ito na mahilig mag bonding.
Hindi niya maiwasang di mapailing at mapangiti habang nakasunod sa mga ito.
Makalipas ang ilang oras..
“Naku, bakit ngayon pa umulan,” nanlulumong pahayag ng kanyang lola Rea nang makalabas sila sa isang Mall.
Kanina ay medyo kulimlim na ang panahon kaya hindi na siya nagtataka kung bakit bumuhos ang malakas na ulan ngayon.
“Apo, may dala ba tayong payong?”
“Opo, Lah, dala ko po,” napapalingon pa niyang sagot, at saka kinuha ang isang folding umbrella sa kanyang sukbit na bag.
“Mabuti naman, halika na Rea, bumalik na tayo sa sasakyan.”
Nang binubuksan na ng kanyang lola Dinah ang payong ay doon lamang ata nito napansin ang kanilang bilang. Tatlo sila para sa isang maliit na payong?
“Paano naman ikaw, Apo? Mababasa ka,” nag aalala pang saad nito sa kanya.
“Okay lang po ako, lah, magpayong na kayo ni Lola Rea.”
Napatango na lamang ang matanda sa kanya at inalalayan na nito ang kapatid patungo sa parking lot kung nasaan ang kanilang sasakyan.
Nang makaalis ang kanyang mga lola, napahinga na lamang si Topher ng malalim habang nakatingala sa maitim at madilim na kalangitan. Malakas ang buhos ng ulan na para bang wala itong balak na huminto o tumila ano mang oras kaya naisip niyang walang magagawa ang paghihintay.
Sinukbit niya ang mga dala at niyakap nang mahigpit sa kanyang katawan para hindi mabasa ang mga ito sa kanyang binabalak na pagsagupa sa malakas na ulan.
Handa na siyang tumakbo at magpakabasa nang…
“Topher, ikaw ba yan?”
Mabilis siyang napalingon dahil sa boses na nanggagaling sa kanyang may likuran.
“Anna?” Hindi makapaniwala niyang saad.
Ngumiti naman ang dalaga at itinuro ang hawak na payong bago magsalita.
“S-Sabay na tayo,” anito pa sa kanya na bakas ang pamumula sa maputi at makinis nitong mga pisngi.
▼△▼△▼△▼△
MASAMA
ang gising ni Jack sapagkat hindi man lang nagawang tumawag ni Topher sa kanya mula kahapon. Hindi niya alam ang problema nito kaya naman wala siyang ideya kung anong ikinagagalit ng bwisit niyang kaibigan.
Dahil ma-pride rin siya kaya wala siyang balak na tawagan ito. Inis siyang naglakad pababa sa 1st floor ng bahay para makapagluto.
Umaga na at may klase siya ngunit parang madaling araw pa rin sapagkat napaka dilim ng paligid. Malakas ang buhos ng ulan at may panaka-nakang kulog at kidlat. ‘May klase ba talaga?’ Isip-isip pa niya habang napapasilip sa bintana.
Kinuha niya ang cellphone sa bulsa upang tingnan kung may suspension ng klase. Pero nang makita ang chat ng kanilang professor ay napatawa na lamang siya.
Bumabagyo na may klase pa rin. Tunay nga iyong kasabihan na ‘Ang mga college student daw ay waterproof, hindi tinatalban ng ulan,’ napapailing na turan niya sa kanyang isipan.
Matapos magluto at kumain, naligo na siya at naghanda sa pag alis. Nang maisara niya ang bahay ay nakasimangot siya habang naglalakad sa tabing kalsada at nababasa ng ulan.
“Mabuti na lamang at di ako nagsuot ng black shoes, kung hindi basa na iyon ngayon pa lang,” bulong pa niya habang nakasakay sa Jeep at nakatingin sa basa niyang tsinelas. Ang kanyang sapatos na pangpasok ay nakatago sa kanyang bagpack.
“Para po!” sigaw pa niya nang makitang malapit na siya sa kanyang eskwelahan. Dahil traffic kaya nilakad na lamang niya ang kaunti pang distansya.
Habang nasa ilalim ng asul na payong at nakikipaglaban sa malakas na hangin at ulan kasabay ang ibang estudyante ay may isang boses na nakaagaw sa kanyang atensyon.
“AYYY!!!”
Napalingon siya dahil sa hiyaw na iyon. Napataas ang kilay niya nang makitang bumaligtad pala ang payong ni Fey dahil sa lakas ng hangin.
Mabilis niya itong nilapitan at pinasukob sa kanyang payong upang di ito mabasa. “Ayos ka lang ba?”
“Oo salamat, Jack,” mahinhin pa nitong sagot sa kanya.
“Halika, ihahatid na kita sa klase mo.” Naawa naman siya dito lalo na at nasa may gate pa lang sila. Malayo pa ang building na pupuntahan nito kaya nag alok na siya.
“Ha? Naku wag na, aayusin ko na lang ang payong ko, baka ma-late ka pa,” nahihiya nitong sagot habang pilit ibinubukas ang sirang payong.
“Hindi yan, halika na.”
Wala na itong nagawa at nadala na rin nang bilisan niya ang paglalakad. Habang naglalakad ay nagkaroon sila ng kaunting usapan, kahit paano dahil doon ay nawala sa kanyang isipan ang makulit at matigas ulo na si Topher.
▼△▼△▼△▼△
LAHAT
sila ay napatingin sa TV nang biglang dumating ang flash report.
“Ang hangin malapit sa sentro ng bagyo ay may lakas na 140 kph habang may lakas na 195 kph ang bugso nito----” malakas na pagbabalita pa ng newscaster sa TV.
“May bagyo pala apo, kaya hindi tumitila ang ulan,” kumento pa ng kanyang lola habang inaabutan siya ng twalya.
Tatango na sana siya nang mayroon siyang maalala. “Lah, pero kailangan ko nang umuwi bukas.”
“Nababaliw ka na ba apo? May bagyo kaya delikado magbyahe,” giit pa nito.
“Pero lah —”
“Walang pero-pero, baka mapahamak ka pa sa daan paniguradong malilintikan ako sa mga magulang mo.”
“Ibigsabihin po—”
“Oo, hintayin mong dumaan ang bagyo bago ka umuwi,” seryosong turan nito sa kanya. Kahit mabait ang kanyang lola, kapag nagiging seryoso ito, pakiramdam niya ay parang ang kanyang Dad ang kaharap niya.
Nanlaki na lang ang kanyang mga mata at di makapaniwalang sinilayan ang kanyang lola.
“Wag mo akong tingnan ng ganyan apo, sigurado namang mabubuhay si Jack kahit hindi kayo magkasama ng ilang araw.” Binigyan siya nito ng seryoso, pero may halong pang aasar na mga tingin.
“O baka naman ikaw ang hindi mabubuhay?” Nakangisi pa nitong ani bago siya talikuran.
Hindi siya nakaimik at napalabi na lamang habang sumisigaw sa kanyang isipan.
‘Brooo ko!’
▼△▼△▼△▼△
HINDI
pa natatapos ang gabing iyon nang magkita muli sina Topher at Anna. Inimbitahan pala ito ng kanyang lola Rea para batiin ang kanilang pagdating. May dala pa itong ulam luto ng nanay nito.
Alam din kasi ng kanyang lola Rea na kababata niya si Anna kaya gusto nito na makapaglaan sila ng oras upang makapag usap at makapag kwentuhan. Matagal na rin kasi noong huli siyang dumalaw dito sa Quezon.
“Anna, hija! Halika, sumalo ka na sa amin,” magiliw at sabik na turan pa ng kanyang lola Rea.
Napangiti rin naman siya ng pilit nang makita ang kababata, hindi naman sa hindi niya ito nami-miss, pero tila ba ay ibang-iba na ito sa Anna na kilala niya noong kabataan nila.
“Sa tabi ka na ni Topher, maupo,” kinikilig pang ani ng kanyang lola Rea na para bang pilit silang pinaglalapit sa isa’t isa.
Wala naman siyang pakialam at nagpatuloy na lamang sa pagkain, habang tumatakbo pa rin sa kanyang isipan ang tungkol kay Jack na naiwan niyang mag isa sa kanilang bahay.
“Ah Christop—”
“Topher na lang,” pagtatama pa niya kay Anna. Hindi kasi siya sanay na may tumatawag sa kanya sa buo niyang pangalan. Parang ang awkward ng dating para sa kanya.
“I mean… Topher~ masarap itong niluto ni mama, heto bibigyan kita,” pag aalok pa nito at nagkusa nang sumandok at lagyan ang plato niya kaya hindi na siya nakatanggi.
Nagpasalamat na lamang siya habang napapakamot sa batok. Nang mapagawi naman ang kanyang paningin sa kanyang mga lola, napapangiti lamang ang kanyang lola Dina, habang ngising-ngisi ang kapatid nitong si lola Rea. Napabuntong hininga na lamang siya.
‘Matinik talaga ako sa chicks.’
mayabang na saad niya sa sarili habang napapailing.
MMB 13
I HOPE YOU ENJOY READING THIS CHAPTER ♡´・ᴗ・’♡
3RD PERSON POV
“Uii Jack!”
“Ano problema mo, Jp?” tanong niya sa kaibigan nang makita ito. Naihatid na niya si Fey sa classroom nito at napahiya pa nga siya nang asarin sila ng lahat dahil sa kanyang paghahatid. Akala at ng mga kaklase nito ay siya ang boyfriend ni Fey.
Gusto niyang makaramdam ng saya at kilig, pero hindi niya magawa sapagkat nangingibabawa ang inis na nararamdaman niya para kay Topher.
“Wala naman,” pangisi-ngisi pa nitong sagot habang lingon nang lingon na parang may hinahanap.
“Kung si Topher ang hinahanap mo ay wala pa rin siya. Di pa nauwi.” Tinupi na rin niya ang payong na basa, narito na rin naman siya sa loob ng building.
“Talaga ba? Akala ko ba ay dalawang araw lang siya doon? Bakit kung magsalita ka ay parang hindi na siya babalik?” naguguluhan pa nitong tanong, pero sa halip na maramdaman niya ang pag aalala sa boses nito ay mas nangingibabaw ang ngisi sa labi nito na halatang nang aasar lamang.
“Hindi ko rin alam sa kanya, ni tumawag nga hindi niya magawa,” inis na tugon niya.
“Ohh, kaya ba bad mood ka ngayon, Misis?”
“Hindi ah, tumigil ka nga. Male-late na ako, kaya mamaya na lang ulit.”
“Sigeee!!! Hintayin ka namin ni Hugh sa Cafeteria!” sigaw pa nito. Tiningnan naman niya ito na may paghihinala dahil sa kakaibang kilos nito.
“May supresa kami sayo!”
Tumango na lang siya at naglakad na palayo, medyo masama ang kutob niya sa supresang iyan, pero mamaya na lamang niya iisipin iyon sapagkat nagmamadali na siya sa pagpasok sa una niyang klase.
▼△▼△▼△▼△
LUNCH
PARANG
kriminal si Jack na may pinagtataguan sapagkat pasilip-silip at patago-tago siya sa gilid bago pumasok sa cafeteria. Mahilig si Jp sa mga prank kaya naman nag iingat lamang siya.
Kahit malakas ang ulan ay marami pa rin ang pumasok na mga eatudyante kaya naman halos puno pa rin ang cafeteria ngayon.
Nakihalo siya sa maraming tao habang patagong sinisilayan kung nasaan sina JP at Hugh, pero hindi niya makita ang mga ito. ‘Baka nga pinagti-tripan na naman ako ng dalawang yun.’
Dahil na rin sa gutom na nararamdaman ay ipinagsalawalang bahala na lamang niya ang balak ng mga abnoy na kaibigan. ‘Bahala na sila, ako’y kakain na,’ saad pa niya sa kanyang sarili at nagpasya nang maglakad patungo sa isang table ng bigla na lamang may umakbay sa kanya.
Akala niya ay sina Jp at Hugh na kaya maagap siyang lumingon at nagawa pang marahas na alisin ang braso nitong nakalagay sa kanyang balikat.
“JP hindi ako nakikipagbiru—”
“Hm?” nakangisi pa nitong paghimig habang napapataas-baba ang kilay.
“—Grey?” pabulong niyang pagtawag sa pangalan nito. Hindi siya makapaniwala na nandito na ulit ang kaibigan.
“Sino pa ba, Jack?”
“HOI PRE!!! IKAW BA TALAGA YAN?!” malakas na sigaw niya at nakapag bungguan pa ng balikat dito.
“Ganda ng supresa namin sayo di ba? Para mawala ang pangungulila mo sa asaw—” ani Jp nang bigla itong sumulpot sa likodan nila.
“JP GUTOM LANG YAN!” sigaw pa niya at mabilis na tinakpan ang bibig nito. Napaka daldal talaga ng gago.
“Ha?” naguguluhan namang ani Grey sa kanila.
“Oo gutom na sila, halika na mag lunch na tayo pre,” pag aanyaya pa niya dito habang tinitingnan ng masama si Jp. Sinenyasahan na rin niya si Hugh at tumango naman ito.
HABANG kumakain ay walang humpay ang kanilang naging pagkukwentuhan. Maraming baong kwento ang bagong dating nilang tropa. Hindi rin ito nagtatanong tungkol kay Topher kaya mukhang nasabi na nina JP at Hugh na may pinuntahan ito.
Nalaman niya na medyo umaayos na nga ang kalagayan ng ama nito kaya naman pinayagan na rin siyang makauwi sa bansa at magpatuloy sa pag aaral.
Bilang lalaki ay hindi mawawala ang mga kalukohang ginawa nito habang nasa America. May mga blond na babaeng may malalaking boobs na nakilala ito doon, syempre hindi maiiwasan ang mga one night stand. Inggit na inggit naman sila dahil sa ibinibidang kwento nito dahil sa mainit na gabing pinagsaluhan kasama ang mga dayuhang babae.
“Tangna pre, ang swerte mo!” kumento niya.
“Hahaha talaga, as in ang laki ng diddib nila. Parang melon,” paglalarawan pa nito sa ere, kaya napatawa sila.
“Shit, bakit ba di pa ako nakasama sayo doon, magchi-chix hunting lang tayo,” nanghihinayang namang ani Jp.
Patango-tango lang naman si Hugh dahil sa mga pinagsasa-sabi ng katabi niya.
“Haha sinabi nyo pa,” pagsang ayon ni Grey.
Maya-maya pa nga ay napabaling na naman sa kanya ang mata ni Jp na may mababakas na kalukohan.
“Oo, pero yung isa dito, hindi pwede kasi magwawala sa galit ang asa—”
Pinanlisikan naman niya ng mata ito, at pansin din niya ang pagsiko ni Hugh sa tagiliran ng pahamak at madaldal na si Jp.
“Ng? At saka sino?”
“Wala pre, sabi ko nga ako yun, haha magagalit si mama,” pilit na pagpapalusot nito, habang napapakindat si Jack sa kaibigang si Hugh. Maaasahan talaga ito.
“Ah, di naman ngayon. Pwede tayo sa bakasyon.”
Rinig pa niyang saad ng kaibigan bago maramdaman ang pag vibrate ng kanyang cellphone sa bulsa.
“Mga ka-pre, sagutin ko lang ‘to,” maagap na aniya at mabilis na tumayo.
Nakita kasi niyang si Topher ang tumatawag. Ayaw pa nga sana niyang sagutin, pero bago pa maisip iyon ay nagkusa nang gumalaw ang kanyang daliri at pinindot ang answer button.
“Bro? Jack!” malakas at magiliw na saas nito mula sa kabilang linya.
“Oh, buti naisipan mo pang tumawag,” inip na tugon naman niya.
“Sorry na, sobrang lakas ng ulan dito kaya---”
“—hindi ka pa makakauwi?” pagtapos pa niya. Alam niyang may bagyo kaya naman naiintindihan niya kung iyon nga ang sitwasyon. Magkababata lang naman sila ni Topher at hindi magkadugsong ang bituka kaya mabubuhay siya ng malayo dito.
“Oo, ayaw akong payagan ni Lola Dinah, delikado daw. Wag kang mag alala, uuwi din ako,” malungkot na turan pa nito. Kahit hindi nakikita alam niyang nakalabi na ito at masama ang loob.
“Sige,” tipid niyang sagot sapagkat bigla na lang din bumigat ang kanyang kalooban, lalo na at nagsisimula pa lang na mabuo ang bagyo, baka ilang linggo na manatili si Topher doon pagnagkataon.
“Wag ka nang malungkot, miss na din naman kita,” pansusuyo pa nito sa kanya.
“Gago, sinong may sabi na nangungulila ako sayo?”
“Haha hindi ba talaga?” mapang asar na anito kaya medyo napatawa siya.
‘At least nakakausap ko pa naman siya kahit malayo siya,’ Nangilabot pa siya dahil sa mga iniisip, daig pa niya ang may asawang OFW.
“Hin—” hindi niya maitanggi kaya naman binago na lamang niya ang usapan. ”--- tss, at saka nandito na ulit si Grey kaya kami muna ang magbo-bonding.”
“What!? Nakauwi na siya?”
“Oo, at maraming baong kwento ang gago,” nakangiti niyang balita.
“Ganun ba, teka—teka bro, sige tawag ulit ako mamaya,” anito na para bang may kausap na ibang tao. Baka si Lola Dinah lamang iyon kaya naman sumang ayon na siya at ibinaba ang tawag.
Nang makabalik sa mesa ay kinantyawan pa siya ni Jp bago sila magpatuloy sa pagkain.
▼△▼△▼△▼△
SARADO
ang com-shop sapagkat malakas ang ulan. Pasalamat rin niya sapagkat basa na siyang nakauwi ng bahay dahil sa malakas na bugso ng hangin at ulan habang nakasakay siya ng Jeep at paglalakad papasok sa kanilang lugar.
“Salamat, Boss,” aniya pa sa kanilang boss nang ipaalam nito na hindi na niya kailangan pumunta sa trabaho.
Masaya siya sapagkat hindi na niya kailangan lumabas at sumagupa sa nagngangalit na ulan. Nang makaligo at makapagpalit ng damit ay napahiga na lamang siya sa kanilang kama dahil sa lamig na nararamdaman.
Maaga pa kaya nagawa niyang ipikit ang kanyang mata. Kasabay ng kanyang pagkahulog sa mahimbing na tulog ay nagsimula rin ang pagbalik ng mga alala sa kanyang utak.
“Bro! Tulungan mo ako!”
Hindi pinansin ni Jack ang nagmamadali niyang kaibigan nang pumasok ito sa garahe ng mansion kung saan ay naglilinis siya ng sasakyan ng Tito Arden niya. Dapat ang tatay niya ang gagawa nito kaso busy sa mga gawain kaya siya na lang ang nagpresinta.
“Kasalanan mo yan, kaya harapin mo,” tugon pa niya habang marahang kinukuskos ang bubong ng sasakyan gamit ang sponge na may sabon.
“Alam ko naman yun bro, pero sige na. Natitiis mo na ba ako ngayon?” pangungulit pa nito, kaya wala na siyang nagawa kung hindi tapunan ito ng tingin.
Nakunsensya rin siya, sa totoo niyan ay siya ang may gawa kaya natalo ito ng mahigit isang Milyong piso. Napakamot na lamang sa ulo ang isa niyang kamay habang ibinababa sa malambot na kama ni Topher ang controller ng PS5 na kanyang nilalaro.
“Hays, ano bang parusa ang binigay nila?” tanong niya, ngunit nang marinig ang sagot nito ay napatigil siya sa ginagawa.
Nanlaki ang kanyang mata sa gulat at pagkabigla, hindi niya inaasahan ang sasabihin nito.
“Tunay ba?” hindi makapaniwalang tanong niya dito at halos mahulog ang panga sa sahig.
“Oo, hindi ko rin alam kung anong pumasok sa utak nila, alam mo naman na may saltik din sa utak sina Ma at Dad. Isama mo pa si Lola,” inip na saad pa nito at saka inabutan siya ng isang face towel. Basang-basa na rin kasi siya dahil sa paglilinis ng mga kotse, pangatlo na ba naman niya ito.
“Wow, sino nga ba ang magbibigay ng punishment na tulad niyan kung hindi ang parents mo lang,” napapailing na tugon naman niya at saka tinanggap ang bimpo para ipunas sa basang mukha.
Pansin pa niyang napatitig na lang sa kanya ang si Topher, hindi niya alam ang problema nito kaya matapos magpunas ng mukha ay itinaas naman niya ang basang t-shirts para tuyuin din ang basang katawan.
“Anong problema?” aniya, sapagkat nawiwirduhan na siya sa pagtitig nito.
“W-Wala naman,” parang natauhan pang anito at saka nagbigay ng kumento. “—Kaya nga. Paano nila ako mapapatino sa pamamagitan ng pag aasawa?”
“Abay ewan ko, bakit di mo itanong sa kanila?” napapakibit balikat na saad niya. Napatango na lang naman ito at tinulungan siyang mag carwash.
KINABUKASAN…
“Ano? Dalawang linggo lang?” sigaw ni Jack dahil sa balita ni Topher. Nandito na sila sa cafeteria ng school sapagkat lunch break nila.
“Oo at isang chance lang ang ibinigay nila sa akin, kapag daw hindi nila nagustuhan kung sino ang ipapakilala ko sa kanila. Magpaalam na daw ako sa lahat ng mana ko,” seryosong anito.
“Woah, ngayon, tunong parusa na nga ito,” manghang wika pa niya dito.
“Kaya nga tulungan mo na ako, bro!”
“Oo na, para naman may pagpipilian pa ako. Anong bang balak mo para makahanap ng desenteng babae na tatanggapin ng mga magulang mo?”
“Wala pa,” napapakamot sa batok na sagot pa nito.
“Anak ka naman ng teteng, Topher-” napatahimik sila nang biglang may sumulpot sa kanilang likuran.
“Wag kayong mag alala, ako may plano na.”
“JP!?” gulat nilang hiyaw nang makita kung sino ang nagsalita.
“Hehehe ang exciting kasi ng parusa mo kaya hayaan mo kami ni Hugh na tumulong,” tuwang-tuwa pa nitong ani at saka umupo sa kanilang tabi. Ang kasama naman nitong si Hugh ay nakipagtanguan lang sa kanila bilang ppagbat.
“Mga gago kayo, kapag ito kalukohan lang, patay kayo sa akin,” pagbabanta naman ni Topher kay Jp. Napatawa naman si Jack ng palihim sapagkat kung makapagsalita itong kanyang kaibigan ay para namang may pagpipilian pa ito.
Lalo na at tumatakbo ang araw, dapat bago mag dalawang linggo ay may maiharap na si Topher na mapapangasawa sa mga magulang nito.
“Ano ka ba? Para namang wala kang tiwala.”
Nagkatinginan na lang sila ni Topher at nagpasya na magtiwala na nga lang talaga kay Jp.
NANG
sumunod na araw, pagkatapos ng practice sa basketball. Nakaupo silang apat sa bench at nagpapahinga. Doon din ay napag usapan nila kung ano ang plano ni Jp para sa Operation Wife hunting nila para kay Topher.
“Interview?” walang tiwala na tanong ni Topher kay Jp.
“Oo, maghahanap tayo ng pwede mong maging asawa gamit ang interview.”
“Edi malalaman nila ang parusa ko.”
“Hindi no, hindi naman natin sasabihin kung para saan yung interview. Basta ang kailangan natin ay magpasa sila ng requirements para mas makilala natin bawat candidate.” Ngumisi pa ang gago at tinapik-tapik ang sintido na parang sinasabi nito na siya na ang matalino.
“Wow ikaw na JP,” ani Jack sa kaibigan.
“Syempre naman, wag nyo na din kalimutan ang talent fee ko pagkatapos,” pagbibiro pa nito sa kanila.
“Wala akong pera, kinuha na nina Ma at Dad ang lahat ng credit card ko,” napasimangot na tugon ni Topher habang nagpupunas ng pawis.
“Hindi ko naman sinabing pera, gusto ko lang maka attend sa kasal.”
Nagliwanag naman ang mata ni Topher nang malamang hindi kailangan ng pera.”Deal.”
“Buti, simulan natin agad.”
Sa mga sumunod na araw ay nangulekta muna silang lahat ng mga information tungkol sa bawat candidate. Tapos pinili nila ang pinaka maayos at sa tingin nila ay papasa sa masuring panlasa ng mga magulang ni Topher.
“Ito lang ang pumasa,” ani Jack matapos ilatag sa isang table sa loob ng club room ang mga information na nakuha nila mula sa mga babaeng nagpa interview.
Wala nang tao dito sa club room ng basketball kaya dito na lang nila naisipang mag meeting.
“Oo nga, sila lang ang may maayos na family background, magandang grade at presentableng mukha at katawan,” pag sang ayon pa ni Jp.
“Ngayon, ang kailangan ko na lang gawin ay makipag date para makilala sila di ba?” tugon naman ni Topher habang nakasilay sa limang papel na hawak nito.
“Tama, tig iisang araw lang. Sapat na yun,” napapatangong nilang lahat. Na kay Topher na nakasalalay ang huling proceso para hindi mawala nang tuluyan ang mamanahin nito.
‘Good luck Toph’
MMB 14
I HOPE YOU ENJOY READING THIS CHAPTER ♡´・ᴗ・’♡
J
ACK POV
(Still in Flashback)
HALOS
magdadalawang linggo na, ilang araw na lang at dapat may maipresenta nang mapapangasawa si Topher. Kahit hindi naman ako ang pinaparusan ay parang nakakaramdam din ako ng kaba para sa kanya.
Maayos naman ang naging wife hunting namin sa university, sapagkat na eevaluate namin ang nakaka date niya pagkatapos ng bawat araw. Akala namin magiging okay na ang lahat.
Pero, isang umaga nagising ako na parang hindi makahinga. Alam kong masikip itong kwartong tinutulungan ko, pero hindi naman siguro ganun ka sikip para hindi na ako makahinga.
Kaya naman kahit antok na antok pa ay naimulat ko na ang aking mga mata. At hindi ko inaasahan ang nakita ko. Halos mapasigaw ako nang malakas at makapangbulahaw ng mga kapitbahay nang may makita akong brasong nakayakap sa akin mula sa likod.
Mabuti na lang at napigilan ko ang aking sarili at nakilala agad kung sino ang nagmamay ari ng kamay at braso na iyon.
“Tangna ka talaga Topher!” gigil na bulong ko pa sa kanya at maranas na tinanggal ang mahigpit niyang pagkakayakap.
“Hmm bro?” antok at naalimpungatan rin niyang bulong.
“Anong ginagawa mo ditong gago ka?” inis na tanong ko pa, kay aga-aga kasi ay nakasiksik na siya sa akin. Pang isahang tao lang ang kama ko kaya naman hindi ko alam kung paano kami nagkasya dito.
Hindi naman siya sumagot, pero dahan-dahan at parang walang buhay na bumangon. Ngayon parehas na kaming nakaupo sa kama at magkaharap. Sa halip na sagutin ang tanong ko, marahan siyang lumapit at ipinatong ang noo sa aking balikat. Muli ring lumingkis ang dalawa niyang braso pabalik sa aking bewang.
“Anong nangyari?” may pag unawa kong tanong ulit. Alam kong may problema kapag ganito siya kumilos. Kahit noong mga bata pa kami, kapag nag tatampo siya sa kanyang mga magulang. Ako ang lagi niyang takbuhan, tapos sisiksik na siya sa akin buong maghapon. Saan man ako magpunta nakabuntot siya.
Habang nasa ganung posisyon at marahan kong hinaplos ang kanyang magulong buhok, ganun rin ang kanyang likod.
Ramdam ko ang pagbuntong hininga niya. “Narinig kong nag uusap sina Ma at Dad.”
“Anong sabi?”
“Sabi ni Dad, kahit naman daw sino nag dalhin ko sa Sunday, wala daw siyang balak tanggapin iyon---” mahina at malungkot pa niyang bulong.
“Tsk, ibigsabihin lahat ng paghihirap natin nitong nakaraang linggo at araw ay balewala lang,” segunda muli niya at hinila ako palapit sa kanyang katawan. Ngayon ay nakayakap na talaga siya sa akin.
“Mukhang seryoso ang galit ni tito ngayon ah.” Naiintindihan ko naman sapagkat hindi barya ang isang milyong piso. Kahit mayaman ka ay talagang malaking pera iyon. At ang masama pa niyan ay ako naman talaga ang may kasalanan kung bakit iyon natalo.
“Sorry Topher, ako naman ang may kasalanan.”
“Ui bro, alam mo na hindi kita sinisisi,” maagap na saad niya matapos lumayo ng bahagya sa akin.
Yun pa nga ang isang masakit na katotohanan, kahit noon pang mga kabataan namin. Dahil nga pasaway at matigas din ang ulo ko. Kapag napapa trouble ako, inaako at pinagtatakpan ni Topher lahat ng aking ginagawa. Kahit kailan ay hindi niya ako iniwan sa ere.
Katulad na lamang nang pagkatalo ng malaking pera na iyon, kahit isang salita tungkol sa tunay na nangyari ay walang binanggit si Topher sa kanyang mga magulang para hindi na ako madamay at mapagalitan.
Tapos ngayon na siya ang namumublema, hindi ko siya matulungan.
“Bro, okay lang yan, wag mong sisihin ang sarili mo,” nakangiti pa niyang wika para pagaanin ang kalooban ko.
“Pero--- hays, basta may kailangan ka sabihin mo sa akin.” Napatik ko na lamang ang kanyang balikat.
“Oo naman, ikaw naman talaga lagi ang una kong nilalapitan,” napapatawa pa niyang tugon. Pansin ko rin na medyo naglaho na ang lungkot at pagkadismaya sa kanyang mga mata.
Nang magpasya na akong tumayo sa kama para sana mag ayos ng sarili ay bigla naman niya akong hinawakan sa kamay at pinigilan.
“Bakit Topher?”
Ngumiti lang naman siya, pero hindi nagsalita. Tiningnan ko siya ng may pagtataka at saka napakibit balikat na lamang.
▼△▼△▼△▼△
PRESENT TIME
BUONG maghapon na namang umuulan, pero talagang matigas ang puso ng dean namin sapagkat hanggang ngayon ay hindi pa rin sila nagsu-suspend ng klase.
Mabuti na lamang at hindi naman kami umaalis ng building maliban kung maglu-lunch kaya hindi naman kami nababasa, pero hassle pa rin kapag pauwi na dahil sa maputik na daan at malakas na hampas ng hangin sa aming mga payong.
Tulad na lamang ngayon, halos magkanda-sira sira na ang payong na hawak ko dahil sa bugso ng ulan. Nilagay ko na nga din sa plastic ang bag ko para hindi mabasa ang aking mga gamit.
Habang nakikipagbakbakan ako sa lakas ng hangin ay bigla na lamang may umakbay sa akin.
“Ui pre.”
“Grey, ikaw pala,” pagbati ko sa kanya.
“Oo, pauwi ka na?”
“Ah hindi pa, dederetso na ako sa part-time job ko,” tugon ko naman. Nagdala na rin kasi ako ng pamalit na damit para hindi ko na kailangan umuwi. Bukod sa magdodoble pa ang pamasahe ko, siguradong doble rin ang pagkabasa ko kapag nagkataon.
“Ganun ba, hatid na kita,” alok naman niya kaya mabilis ako napasilay sa kanya.
“Talaga ba? Astig yan.” Makakatipid ako sa pamasahe at hindi pa ako mababasa. Bait talaga ng mga tropa ko.
“Halika na,” natatawang aniya at kinaladkad ako papunta sa parking lot.
Nang makasakay ako at habang nasa byahe kami ay bigla akong may naalala.
“Di ba papasok na probinsya natin ang bagyo bukas?”
“Oo at mukhang wala talagang balak mag suspend ng klase ang bwisit nating dean,” napapailing na wika pa niya habang deretso lang na nakatingin sa daan.
“Sinabi mo pa, akala ata sa atin ay mga superhuman na hindi nagkakasakit-----Teka lang ka-pre ha,” gulat na saad ko pa at dinukot ang cellphone sa bulsa.
“Ah sige boss,“napapatango ko pang pagsang ayon. “Opo, buti hindi pa ako nararating dun.”
“Sige po, salamat,” wika ko bago ibaba ang tawag.
“Hm? May problema?” tanong naman nitong katabi ko.
“Wala naman, nagsabi lang si boss wag na daw ako pumasok sa shift ko ngayong hapon dahil maaga silang magsasara.”
“Paano yan? Ihahatid na lang kita pauwi sa inyo?” sumulyap pa siya ng bahagya sa akin bago muling ibalik ang paningin sa unahan.
“Oo—”
“Teka Jack, malapit na pala tayo sa mall oh, tagal nating di nakapag bonding. Punta muna tayo sa arcade,” pag aanyaya pa niya sa akin habang ngising-ngisi. May itsura rin itong tropa naming si Grey, di rin papatalo sa kagwapuhan namin, pagkakaiba lang niya, medyo matino siya sa pag aaral. Pero sa pambabae, hindi rin magpapahuli.
“Sige ba,” sagot ko na lamang. Kung nandito si Topher syempre kasama rin namin siya, pero wala siya dito ngayon.
Nalulungkot naman ako kapag mag isa lang ako sa bahay kaya mas mabuti na nga siguro na makipag bonding muna ako dito kay Grey.
Mabilis kaming pumasok sa mall at parang mga batang sabik na sabik na makapaglaro nang magtatakbo kami sa escalator paakyat sa arcade na matatagpuan sa ika-tatlong floor ng mall.
Nagpapalit agad si Grey ng pera para maging token ang mga iyon at magamit namin.
“Lagi ka bang napunta dito, Jack?”
“Oo lagi kaming napunta dito ni Topher, paborito namin yung zombie shooter!” masiglang tugon ko at itinuro ang machine kung saan nilalaro iyon.
“Haha wala nang duda, astig ang galing mo dito,” masaya naman niyang papuri habang napapakamot pa sa batok dahil natatalo ko na siya.
Ngayon naman ay nasa basketball hoop na kami at inuubos ang ticket na laman ng machine.
Iba talaga ang advantage kapag tunay na basketball player ka, walang nakakalusot na tira sa bawat hagis namin ng bola. Gumagalaw man ang hoop o hindi ay sapol pa rin ang bawat shoot namin. Manghang-mangha naman ang mga kabataan na nakapanuod sa amin ni Grey.
“Haha malapit na ata nating maubos ang ticket na laman nito,” aniya at tumawa pa ng malakas.
“Haha tunay yan, nagawa na namin iyon ni Topher noon,” pagmamalaki ko pa. Hilig talaga namin tumambay dito kapag walang pasok o kaya naman ay kapag nagcu-cutting class kami noon.
“Talaga?”
“Oo, at ang dami naming nakuhang prize dahil sa mga ticket na yun,” mayabang na turan ko pa sa kanya.
Tumawa lamang naman ang ulol kong tropa at nagpatuloy sa pagsh-shoot, pero ang sunod niyang pahayag ang hindi ko inaasahan.
“Lahat talaga ginagawa nyo ng magkasama ni Topher ano? Sya kasi ang bukang bibig mo kanina pa,”
Napatigil naman ako sa ginagawa sapagkat hindi ko rin napansin na ang best friend ko palang unggoy ang lagi kong naikukwento sa kanya. Para kasi sa akin ay normal na kasama ko si Topher noon pa man.
“Oo, bata pa lang kasi magkasama na kami ng unggoy na yun,” makatotohanan ko namang tugon at ipinagpatuloy ang paglalaro.
“Magkababata talaga kayo?” pansin ko na lumingon pa siya sa akin.
“5 years old lang ako nung makilala siya at maging kaibigan. Kung hindi pa matatawag na magkababata iyun eh ano nga ba?”
“Woah, paano kayo nagkakilala?” bakas sa kanyang mukha ang pagkamangha at kuryosidad.
“Family driver ng pamilya niya ang tatay ko, kaya minsan naisasama na rin ako sa kanila. Dahil siguro magka edad kami at parehas pang lalaki kaya namang automatic na naging mag tropa agad kami. Lalo pa noon at wala naman siyang kapatid, ako ay ganun din kaya kami lagi ang magkasama.”
Naishoot ko ang huling bola, at napapalakpak na may kasamang sigawan ang mga kabataang nandito nang makitang wala nang lumabas na ticket, ibigsabihin ay naubos ko na lahat.
Napasilay naman ako sa sahig at dinampot lahat ng nakalaylay na ticket mula sa ibabang parte ng basketball hoop.
“Astig talaga, eh sina Jp at Hugh? Saan nyo sila nakilala?” tanong muli ni Grey habang hinihintay kong makuha din niya lahat.
“Ah, 1st year sa high school, una naming nakilala ni Topher si Jp kasi kaklase namin siya. Tapos ilang buwan pagkatapos ng pasukan ay biglang may nag transfer…”
“Si Hugh?” wika ni Grey at ishinoot ang huling bola. Napakamot na lang ang lalaking crew ng arcade habang nakatingin sa hawak naming ticket. Buti na lamang at di pa nila nilalagyan ng limit ang nakukuhang ticket dito.
“Oo, at sasabihin ko sayo pre, daig pa nila ang ng tubig at mantika. Para laging magkaka world war 3 kapag nagkikita sila,” tumatawa kong pagkukwento habang naglalakad kami papunta sa counter kung saan pwedeng papalitan ng item ang nakuha naming mga ticket.
“Ha? Bakit naman?” wika niya matapos ituro sa cashier ang isang neck pillow na blue, may design din iyon ng isang bear.
“Pansin mo naman na mukhang gangster si Hugh di ba, tapos wala sa kanyang nalapit dahil natatakot nga sa kanya. Wala naman kaming pakialam dahil hindi naman namin sya kaklase. Pero nabalitaan na lang namin na inahas daw ni Hugh ang girlfriend ni JP…”
“Haha edi kagulo?”
“Haha sobra pre. Palaban din yang si Jp kaya naman hinamon niya ng suntukan si Hugh sa gitna pa ng field. Eh kauulan lang nun kaya ayun, putikin sila parehas kasi ang boxing match na inaasahan namin ay nauwi sa pagiging wrestling.” Napapatawa pa rin ako kapag naaalala ang pangyayaring iyon noon. Hindi talaga maipagkakaila na ang high school ang pinakamasaya sa lahat.
“Hayp pre ang tindi ng dalawa,” tuwang-tuwa din naman kumento ni Grey. Alam kong sa private school siya nag aral noong high school kaya hindi niya masyadong feel ang ganung action.
“Kaya nga, pero tingnan mo naman ngayon. Halos hindi na sila mapaghiwalay.”
“Tunay, pero pwede ba yun sa private school?” nagtataka pa niyang tanong habang palabas kami ng mall.
“Syempre hindi. Sa public high school kami nag aral ni Topher noon,” nakangisi ko pang sagot sa kanya.
“Saang school?”
“Crest high.”
MMB 15
I HOPE YOU ENJOY READING THIS CHAPTER ヾ(^-^)ノ
JACK POV
ILANG
araw na ang lumipas nang magpunta kami ni Grey sa arcade. Ngayon ay narito ako sa bahay sapagkat mukhang nagkapuso na rin ang butihin naming dean at sa wakas ay nag suspend na rin ng klase.
“Flash report! Kapapasok lamang ng balita, ang bagyong si Denyong ay humina na nang makapasok ito sa kalupaan, pero maaasahan pa rin ang malalakas na hangin at bugso ng ulan kaya mag ingat ---”
Napatigil ako sa aking pag e-exercise nang marinig ang balita. Ilang araw nang wala si Topher dito sa bahay, hindi rin ako makapunta kung saan-saan o makauwi man lang sa amin dahil malakas ang ulan.
Dahil nga sa inip ay naisipan ko na lamang magpapawis para din hindi ako lamigin. Basa na ang puting sando na aking suot, ganun din ay medyo naiirita na rin ako sa paghampas ng basa at may kahabaan ko na ring bangs sa aking mata kapag gumagalaw ako.
“Hays, kumusta na kaya ang unggoy kong kababata doon sa Quezon? Buhay pa kaya siya?” isip-isip ko pa at naibaba ang dalawang 1.5 Litter na bote ng mineral water na hawak ko sa magkabilang kamay. Wala kasing weights dito na pwede kong gamitin kaya nag improvise na lang ako.
‘Syempre naman buhay pa yun no,” sarkastiko namang tugon ng aking utak.
“Sabi ko ng---hayys!!!” antok na bulong ko pa habang napapahikab. Hindi na muli kasi siya tumawag, baka mahina ang signal kaya hindi umaabot dito sa amin ang kanyang mga tawag.
Dahil sa lamig ay bigla akong inantok kaya naman nagpasya akong umakyat sa aming kwarto na nasa second floor para umidlip ng sandali.
Tanghali pa lang ngayon, pero halos wala namang pinagkaiba sa gabi dahil madilim dulot ng buong maghapong pag ulan.
‘Makatulog na lamang,’ saad ko pa sa aking sarili. Wala na rin naman akong gagawin dito sa bahay. Nakapaglinis na ako, nag gawa ng mga activities, nakapag exercise na nga din at nakapag luto. Hindi pa lang ako nagugutom kaya mamaya na lang siguro ako kakain pagkagising ko.
Nang makaakyat sa aming kwarto ay dumeretso ako sa banyo upang maligo. Amoy mandirigma na ako dahil sa pawis sa buo kong katawan.
May mainit na tubig naman na lumabasa sa gripo kaya walang problema. ‘Iba talaga kapag mapera, ang high-tech pati banyo,’ nakangisi ko pang ani at ipinagpatuloy ang panliligo.
Matapos maligo ay nagbihis ako, tinuyo ang buhok gamit ang blow dryer at saka ibinagsak ang katawan sa malambot at malaki naming kama ni Topher.
Ayaw ko man aminin sa aking sarili, pero miss ko na nga talaga ata ang kababata ko. Paano ba naman ay sanay akong lagi siyang nakadikit sa akin. Nagkakahiwalay kami, pero ilang araw lang. Hindi pa tumatagal ng kagaya nito.
Mula kabataan, normal na sakin na lagi siyang nasa tabi ko kaya may pangungulilang namamayani sa kalooban ko ngayong malayo siya sa akin.
Habang nakahilata sa aming kama, nagbalik sa aking isipan ang mga pangyayari noong high school pa lamang kami.
HINDI
naman talaga dapat sa isang public high school mag aaral si Topher kasi gusto talaga ng kanyang mga magulang na magtino siya kaya sa isang Christian School siya inenroll nina tita at tito.
Pero, dahil pasaway at matigas talaga ang kanyang ulo. Lagi siyang tumatakas doon sa school na pinapasukan niya at patagong nag oover the bakod sa aking paaralan para puntahan ako.
Unang araw pa lamang iyon ng high school namin ay nagulat na ako nang makita siya sa labas ng aking classroom. Nasa tabi ng bintana ang aking upuan kaya naman kita ko siya habang nakatago siya sa likod ng mga halaman.
“Ui bro!” sigaw na pabulong niya sa akin habang kinukuha ang atensyon ko.
“Anong ginagawa mo dito?” pabulong na tanong ko pa sa kanya. Hindi pa nga ako makapaniwala na naroon siya.
Hindi naman siya sumagot at ngumisi lamang habang kinakawayan ako na puntahan siya.
Napailing na lamang naman ako at nagpaalam sa aming teacher na ngayon ay nagpapakilala pa lamang. Nagpalusot ako na magc-Cr lang para payagan ako nitong lumabas. Nang sumang ayon ang aking guro ay daig ko pa ang buhawi sa bilis ng pagtakbo palabas.
Pinuntahan ko siya sa pinagtataguan niya ngunit wala na siya doon. Habang palinga-linga sa paligid ay bigla na lang may humigit sa akin.
“Bro!” maligaya niyang ani at inakbayan pa ako.
“Gago ka talaga, Topher!” gigil na saad ko naman at binatukan siya. Napaupo naman siya habang hawak pa rin ang masakit na ulo.
“Anong ginagawa mo dito?” kunyaring inis na saad ko, alam ko kasing may saltik talaga siya sa ulo kaya medyo inaasahan ko na gagawin niya ito.
“Pinupuntahan ka,” kaswal na tugon niya na parang walang mali doon.
“Ulol ka talaga. Magkikita pa naman tayo mamaya pagkatapos ng klase ah. Kaya bumalik ka na sa school mo,” pagtataboy ko pa sa kanya bago ako sumandal sa pader. Masyadong siyang attached sa akin dahil wala siyang kapatid.
“Ayoko dun,” inip na sagot niya at humalongbaba pa.
“Anong ibigsabihin mo?” nagtataka kong ani, pero ang gago hindi lang sumagot. “Kapag nalaman nina tito na tumatakas ka, patay ka na naman.”
“Alam ko, pero ayoko talaga dun.”
“Bakit? May nang bubully ba sayo?” napapakamot sa ulo na tanong ko. Alam kong imposible iyon sapagkat hindi ang uri ni Topher ang pwedeng ibully na lamang ng basta-basta. Bukod sa malaki niyang pangangatawan ay napakatangkad pa niya. Mahilig din siya makipag rambulan kaya iwas sa kanya ang iba. Maliban sa mga babae, kahit gaano ka bad boy niya parang mas nakakadagdag pa iyon sa kanyang karisma.
“Syempre wala, ako? Ibu-bully?” natatawa at mayabang niyang pagmamalaki.
“Oh wala pa eh, sya bumalik ka na,” bored na pagtataboy ko ulit. Kailangan ko nang bumalik sa aming classroom. Ayoko naman pasakitin ang ulo nina nanay at tatay sa unang araw pa lang ng pasukan.
“Brooo~ wala ka dun kaya ayoko dun pumasok,” pagmamaka awa pa niya habang nakayakap sa bewang ko.
Edi lumabas na din ang tunay niyang pakay, at sakto nga iyon sa aking inaasahan. Daig pa niya ang aking conjoint twins, mamamatay ata kapag napalayo sa akin.
“Seryoso ka? Yan lang ang dahilan mo?”
“Anong yun lang, malaking bagay yun bro. Kung hindi tayo magkasama sa school hindi na ako mag aaral,” nagrereklamo pa niyang pahayag. Napaka drama talaga niya.
Dahil nga laging napapa-troble si Topher kaya inilagay na siya sa mahigpit na school at boto naman ako doon pati na rin ang aking mga magulang.
Kasi sa totoo lamang, mas magaling akong gumawa ng gulo kaysa sa kanya. Pero sa huli lahat ng sisi ay inaako niya at tinatanggap. Kaya nga sa paningin nina tita Claire at tito Arden ay matino at mabait akong bata.
Kahit pasaway siya, kapag ako na ang nakagawa ng kalukohan, sinasalo niyang lahat at pinagtatakpan pa ako. Ito na sana ang chance para makahanap siya ng mas maayos na mga kaibigan noon sa bago niyang school, pero ayaw pa rin niya.
“Nababaliw ka na ba?” taas kilay na saad ko. Sa totoo lamang ay gustong-gusto ko siyang isama dun sa hide out na sinabi sa akin ng mga tropa kong upperclassmen. Kaso, ayaw ko namang madamay na naman siya sa trouble kaya pinigilan ko na lang ang sarili ko.
“Basta,” walang pakialam naman niyang tugon.
Nang araw na iyon ay nasuyo ko siyang bumalik sa kanyang school. Akala ko naman kapag nagtagal siya doon kahit isang linggo lang ay makakalimutan na niya ako at makakahanap ng mga bagong kaibigan, pero nagkamali ako.
Kinabukasang-kinabuksan ay nariyan na naman siya. Naihampas ko na lamang ang aking dalawang kamay sa mukha.
At ano pa nga ba ang nangyari pagkatapos no’n, hindi rin napigilan nina tito at tita si Topher kaya sa huli inilipat din siya sa public school na aking pinapasukan.
Madalas pa rin ang paglalakwatsa namin, pero nagsisimula na akong magtino noong panahong iyon para hindi ko na maimpluwensyahan si Topher.
Maliwanag at maganda ang kanyang kinabukasan kaya naman dapat lang na napapalibutan siya ng maaayos na kaibigan.
At nang mag college nga kami, pinanindigan ko na ang pagbabago para sa kanya at para din sa kinabukasan ko.
NAGISING
ako na may kaunting ngiti sa aking labi. Nakakatuwang balikan ang buhay namin noon.
Kahit naririnig ko pa rin ang malakas na pagtama ng malakas na ulan sa aming bubong ay tila ba ay hindi ako nakakaramdam ng lamig. Lalo na at para bang may katabi akong heater.
Dahil sa pagtataka kaya napalingon ako ako sa aking likuran. Nakusot ko nang ilang ulit ang aking mata.
May Topher na nakasiksik sa aking tagiliran. Nasa ilalim din siya ng aking kumot at mahimbing na mahimbing na natutulog.
“Ui Topher, ikaw ba yan?” nagtataka at naguguluhan pang ani sa kanya habang marahan siyang tinatapik sa balikat.
“Hmm~” mahina niyang ungol at mas sumiksik sa akin. Nilagay pa niya sa aking kandungan ang kanyang ulo habang nakayakap sa aking bewang ang dalawang braso.
Nang hawakan ko ang kanyang buhok ay napansin kong basa pa ito at mukhang wala din siyang suot na damit kaya naman naisipan kong silipin ang ilalim ng kumot, at nakitang naka boxer shorts lang ang kupal.
Bago ko hanapin ang kanyang nawawalang damit, inabot ko muna ang blow dryer na nakalagay sa bedside table para tuyuin ang kanyang buhok.
Habang maingat at marahan kong tinutuyo ang kanyang buhok ay hindi ko namalayan na nakapinta na pala sa aking labi ang isang masuyong ngiti habang tumatakbo ang mga bagay na ito sa aking isipan…
Akala ko pa naman kapag nag matured na ang utak nitong best friend ko ay kusa na siyang hihiwalay sa akin, pero tingnan mo nga naman ang tadhana. Ngayon ay hindi na lang kami basta mag best friend at magkababata.
‘Mag asawa na rin.’
Hays nababaliw na ako.
▼△▼△▼△▼△
Dahil walang pasok ay magkasama na kami ni Topher sa bahay. Hindi katulad noon na malungkot at naiinip ako, ngayon ay may kakulitan na ulit ako.
Nag movie marathon kami habang kinakain ang kanyang mga pasalubong galing Quezon.
MAKALIPAS
ang mahigit isang araw pa ay nagsimula nang humupa ang ulan habang palabas ng bansa ang bagyo. Nagbigay na rin ng notice ang aming prof na may pasok na daw ulit kaya naman back to school na kami ni Topher.
Pagdating pa lang sa campus ay nasalubong na namin ang masayahin at puno ng kalukohan— i mean, puno ng energy na si Jp. At syempre kasama niya si Hugh. Roommate ang dalawa sa dorm na nasa loob ng school.
“Oi oi! Nandito na pala ang mag asawa,” masigla pa niyang bati nang makita kami. Wala talaga siyang sawa sa pang aasar na yan. Hindi ata mabubuo ang araw niya kung hindi siya makakapanukso sa amin.
“Tumahimik ka nga JP, kay aga-aga eh,” gigil na saad ko sa kanya. Mabilis rin namang sumegunda si Topher na naka akbay pa sa akin.
“Tama, umagang-umaga ay ginagalit mo na agad ang bro ko.”
“Bakit ba lagi na ako ang bad guy, eh tunay naman kayong mag asawa ah,” pabulong pa niyang wika at lumapit pa sa amin para igiit ang kanyang punto.
“Oo na nga, kailangan pa bang ipagsigawan. At saka baka may makarinig pa sayo,” paglilinaw ko naman.
“Wala ya—”
“Ui! Good morning mga pre!” sigaw ni Grey na palapit sa aming grupo.
Binigyan ko naman ng tingin si JP na para bang nagpapahayag ng…’Yan na nga ang sinasabi ko.’
Napangisi lang naman ang gago at nagtago sa likod ni Hugh. Minsan naiisip ko na imbis na mag kaibigan ang dalawabg ito, mas bagay pa na mag amo at bodyguard sila.
Sa halip na pansinin pa siya ay humarap na lamang ako sa bagong dating naming tropa.
“Morning din, Grey,” bati ko pa at nakipag fist bump sa kanya. Ganun din naman ang ginawa ng iba.
“Ui, parang Toph nandito ka na pala.”
“Oo, ikaw din.” Matapos magsuntukan sa balikat ay nagtawanan pa sila na parang walang bukas.
Dahil nasa gate pa lang naman kami kaya magkakasabay na kaming pumasok. Sina jp at Hugh ay ka department namin, iba lamang ang section nila, pero kahit ganun ay sa iisang building lang din kami papunta.
Si Grey lang ang naiiba sapagkat ang course niya ay Engineering. At medyo malayo ang kanilang department.
Habang naglalakad ay tumabi sa akin si Grey kaya napalingon ako sa kanya.
“Pre, ang saya nung bonding natin last week,” masaya pa niyang bwelta pagkatapos banggain ang balikat ko. Mabuti ang hindi na naka akbay sa akin si Topher dahil kausap niya sina Jp at Hugh.
“Ah yung sa ar—”
“Huh? Anong bonding? At saka saan kayo kayo nagpunta?” maagap at parang pulis na tanong ni Topher matapos sumingit sa usapan namin.
“Ah, nag arcade lang kami pareng Topher. Ang galing pala ni Jack sa mga laro dun. Na ubos pa nga namin ang ticket ng basketball hoop,” pagkukwentuhan pa ni Grey sa ulol kong best friend na ngayon ay nakadikit na naman sa akin.
“Ganun ba, naku, sinabi mo pa. Lalo na kapag kami ang magkasama, halos matalo namin ang blah blah blah.”
Inalis ko na ang mahigat na braso ni Topher sa aking balikat at hinayaan silang magpayabangan doon, habang lumilipat naman ako sa kabila kung nasaan sina JP at Hugh.
“Ano? Naitsapwera ka?” napapataas kilay pang kumento ni Jp.
“Haha oo, baka sila talaga ang kailangan mag catch up sa isa’t isa.”
“Oo, pero wag kang mag alala, nagseselos lang yang ulol mong asawa kaya inaagaw ang kausap mo,” bulong pa niya sa akin. Si Hugh naman ay natingin-tingin lamang sa amin ni Jp. Napakatahimik talaga niya.
“Psh, ano pa bang ikaseselos niya ay halos walang minuto na hindi kami magkasama,” kanot-noo at makatotohanang kong sagot. Yung pag stranded na ata niya sa Quezon ang pinakamatagal naming paghihiwalay.
“Haha iba talaga ang mga asawang possessive, believe me,” nakangisi pa niyang turan na akala mo naman ay masaya akong malaman iyon.
At saka kung makapagsalita siya ng ‘believe me’ akala mo naman ay mayroon din siyang possessive na asawa. Hindi ko na lamang ibinoses ang bagay na iyon.
“Psh, ewan ko sayo,” nakasimangot na tugon ko pa sa kanya bago humarap sa engot at ‘possessive’ kong ‘asawa.’
“Topher! Tayo na!” Hinampas ko pa siya sa likuran para kunin ang kanyang attensyon. Malapit na kasi kami sa dereksyon ng aming building.
Masaya naman siyang humarap at umakbay na muli. Ako naman ay lumingon para tingnan si Grey.
“Maya na lang lunch ulit, Grey!”
“Sige!” Nagtatakbo na rin siya palayo lalo na at malapit nang mag start ang first period. Maswerte lang kami sapagkat halos magkakatulad ang schedule namin ngayong sem.
Bago makapasok sa kanya-kanyang room ay sumilay pa sa amin si Jp at sinenyasan si Topher.
“Ha? Ano yan Jp?” tanong ko pa. Di ko ganun ka gets ang aksyon niya na tila ba ay umiinom.
“Yung pangako kamo ni Mr. Santiago na inuman mamaya,” bulong pa niya sa akin bago hilahin si Hugh papasok sa kanilang classroom.
Nang mapagtanto ang sinabi niya ay mabilis at galit na napatingin ako sa aking katabi.
“Topher?!”
Kahit naman ako kay kating-kati na rin makapag inom at magpakalasing, pero hindi pwede. Kung hindi ko pipigilan si Topher ay babalik na naman kami sa dati naming gawi.
At ayaw ko namang mawalan ng saysay ang effort ko para magbagong buhay ng apat na taon.
Pero, sa halip na magsisi ang bwisit ay nginisian pa niya ako habang napapahaplos sa kanyang batok.
“S-Sorry na, Bro!!!”
MMB 16
I HOPE YOU ENJOY READING THIS CHAPTER ヾ(^-^)ノ
3RD PERSON POV
“Bro! Bro makinig ka naman sa akin,” paghabol pa ni Topher sa kaibigang si Jack.
Ngayon ay pauwi na sila at halos buong maghapon siya nitong hindi kinikibo o kinakausap man lang.
“Gago ka kasi Topher, ulol ka talaga! Alam mong bawal mag inom sa bahay at magagalit sina tita tapos pinangakuan mo pa sina Jp,” inis na turan nito at mas nilakihan ang hakbang upang makalayo sa kanya.
Syempre hindi niya hahayaang mapalayo ito kaya mabilis siyang humabol.
Dahil sa iritang nararamdaman din ni Jack kaya nagawa pa siyang suntukin nito sa braso. Mabuti at mabilis siyang nakaiwas, pero seryoso talaga ang inis nito kaya hinabol pa siya at hindi tinigilan.
Sa lahat ng nakilala ni Topher, si Jack lang ang tunay na may isang salita. Noong sinabi nito noon sa kanya na pagnag-college sila ay magbabago na ito. Kahit anong mangyari ay pilit nitong tinutupad hanggang ngayon kahit na apat nang taon ang nakalipas.
Hindi naman sa gusto niyang malagay si Jack sa trouble, pero hindi rin naman niya matanggihan ang mga kaibigan lalo na at isang beses lang naman at wala nang susunod pa.
“Ikaw naman, parang welcome celebration lang nila yun sa bahay natin,” pagpapalusot pa niya dito.
Sa totoo lamang ay nakapag paalam naman siya sa kanyang mga magulang. Pinayagan naman siya dahil iyon ang hiniling niyang kapalit sa paghahatid niya sa kanyang Lola.
“Ako pa niloko mo, holy water ang ginamit sa pa-blessing ng bahay, hindi alak,” irita pa ring saad nito sa kanya. Kunot na kunot rin ang kilay nito na lalong nakapagngiti sa kanya.
Ang medyo mahaba na nitong bangs ay nadadala ng malakas na hangin at tumatakip sa mata nito, kaya naman wala sa sarili niya iyon inabot at nailagay sa likod ng tenga nito. Umiwas lang naman ito ng tingin sa kanya matapos tapikin ang kanyang kamay.
Siguro ay natutuwa lang siya na makita ang nakasimangot nitong ekspresyon kaya sa halip na sabihing may permiso naman siyang anyayahan ang mga kaibigan ay mas pinili niyang wag na lang. ‘Cute talaga ng bro kapag nagagalit siya,’ isip-isip pa niya at masayang inakbayan ito para kulitin.
“Isang beses lang naman, bro ko, sige na. Alam ko naman na hindi ka magsusumbong kay na Ma at Dad, di ba?” nakangisi pa niyang turan at binigyan ng masayang ngiti ang kababata.
Napabuntong hininga ito senyales ng pagkatalo. Hindi ito nagsalita, ngunit napansin niya ang marahan nitong pagtango.
“Tara na! Mag aayos pa tayo ng bahay bago sila dumating!” nagdidiwang na hiyaw niya at mabilis na hinigit ito patungo sa sakayan ng jeep.
▼△▼△▼△▼△
JACK’S POV
“Mga ka-pre nandito na kami!”
Napatigil ako sa pagwawalis ng aming salas nang marinig ang sigaw mula sa labas ng gate namin. Mukhang nandito na ang mga bwisita ng unggoy kong best friend.
Napalingon ako kay Topher para tawagin siya. “Unggoy, ang bisita mo nandito na.”
“Talaga?” masaya pa niyang bulalas at mabilis na tumakbo palabas para pagbuksan sina Jp.
Ako naman ay nagtungo sa kusina para ibalik ang mga panlinis na aking ginamit. Naglabas na rin ako ng pamulutan namin at inilagay iyon sa center table kasama ng iba’t ibang brand ng can beer at alcohol.
Siguro ay kapapasok pa lamang nila sa may gate kaya naman sumilip ako sa labas para sana salubungin sila ngunit may nakita akong hindi ko inaasahan kaya naman nang makalapit sa aking kinalalagyan si Topher ay hinigit ko siya para kausapin.
“Bakit nandito si Grey?” bulong ko pa sa kanya. Ang alam ko ay sina Jp at Hugh lang ang dadating kaya pumayag ako.
“Oo naman bro syempre kasama siya,” kaswal na sagot niya na tila ba ay normal ang lahat at walang magiging problema.
“Baliw ka talaga, alam mo namang madaldal si JP kapag lasing baka mamaya ay—”
“Shh chill bro, ako bahala.”
“Oo, at ako naman ang kawawa?” inip na dugtong ko.
“Haha hindi ah. Kailan ba kita pinabayaan?”
“Psh.” Napailing na lamang ako sapagkat alam kong may punto ang sinabi ni Topher sa akin. Hindi ko maipagkakaila iyon kaya sumimangot na lamang ako.
“Pasok kayo.”
Rinig ko pang pag aanyaya ni Topher habang masayang pinagbubuksan ng maayos ang pintuan para sa kanyang mga bwisita.
“Magkasama pala kayo sa isang bahay?” medyo nagtataka namang saad ni Grey habang inililibot ang paningin sa paligid.
Sina Jp at Hugh naman ay kumportableng isinalya ang kanilang sarili sa aming sofa. ‘Tsk tsk mga feel at home talaga.’
“Oo pre, para makatipid kami sa bayad. Alam mo na,” tugon ko na may kasama pa ring pilit na tawa.
“Ah tama, mas tipid nga kung share kayo sa gastusin,” nakangiti niya namang kumento kaya napatango na lamang ako upang maging makatotohanan ang lahat.
Mula sa gilid ng aking paningin, pansin ko pa ang pagpipigil ng tawa ni Jp at ang pangisi-ngising si Topher. ‘Mga bwisit talaga ang mga gagong ‘to’
Hindi nagtagal at nagkayayaan na kami sa pag iinom at sinimulan namin iyon sa pag gawa ng home made na cocktail gamit ang pinaghalo-halong alak, cola, prutas at may mga candy rin.
“Hayan, haluin mo na lang Hugh.”
Rinig ko pang utos pa ni Jp habang iniaabot ang sandok kay Hugh. Marami rin kaming nakahandang pulutan sapagkat may dala rin sila papunta rito.
Matapos makapagsalin ang lahat. “Okay!!! Cheers!” sigaw naming lahat habang nakaupo sa sahig at nakapalibot sa center table kung nasaan ang alak at pagkain.
Nang malasahan ko muli ang sarap ng alak ay halos makalimutan ko ang pangako ko sa aking sarili tungkol sa pagbabago at di na muling babalik sa nakagawian.
Halos ilang taon rin akong di nakalasa ng alak kaya naman kakaibang pananabik ang aking naramdaman. At di nga nagtagal ay halos nakalimot na kami sa oras habang napupuno ng tawanan, kwentuhan at masayang inuman ang buong paligid.
Kaunti na lamang ang laman ng malaking jug na puno kanina ng alak, kaya naman maya-maya pa ang tinitira nila ay purong alak na, pero dahil mataas ang aming alcohol tolerance at di rin naman gano’ng nakakalasing ang aming iniinom kaya matitino pa ang mga kasama ko dito hanggang ngayon. Correction, medyo matitino.
“Gago kasi kayo! Kung di mo ba naman pre hinawakan ang short ko noon eh di sana hindi ako nahubuan!” malakas na hiyaw ni Grey kay Jp.
Matagal nang nangyari iyon, practice namin noon nang hindi inaasahan ni JP na doon mapahawak sa short ni Grey kaya naman habang pabagsak siya ay kasama rin niya ang short ni Grey. Mabuti at wala masyadong nanunuod ng oras na iyon.
Hindi namin alam na hanggang ngayon pala ay may sama pa rin ng loob si Grey dahil sa kahihiyang nangyaring iyon noon. Kapag talaga may tama na ng alak ay lumalabas na ang mga natatagong emosyon.
Habang parang puputok na sa pula si Grey habang nagmamaktol kay Jp ay hindi naman naming napigilang hindi mapatawa ng malakas ng maalala ang mga sandaling iyon.
“HAHAHA okay lang yan, Grey move on na tayo dyan,” pag awat ko pa sa kanila.
Tumigil naman si Grey at bumaling na lamang sa fried chicken at marahas iyong kinagat. Habang nagkakasayahan ay hindi mawawala ang mga simpleng laro tulad ng spin na bottle.
“Mga ka-pre, tayo nang maglaro,” pag aanyaya pa ni Jp. At kahit ang nagtatampong si Grey ay napalingon din bago sumali sa amin.
“Ano? Game na?” nakangisi pang aniya habang nakatingin sa aming lahat. Siya rin ang may hawak ng bote at balak nang paikotin sa aming gitna.
Ngunit, bago niya maigalaw iyon ay biglang sumingit si Topher. Napasilay kaming lahat sa kanya at hinintay ang kanyang sasabihin.
“Walang hubaran ng damit dito ah, mag truth or dare na lang tayo,” saad pa niya.
Medyo nagtaka kami at nagtinginan pa sa isa’t isa, hindi kasi klase ni Topher ang takot sa kahit anong dare.
Pero, ang mas ikinagulat ko ay ang katunayang hindi umangal si Jp, eh siya pa naman ang pinaka mang aasar sa aming lahat. Dahil wala namang tumutol kaya nagpatuloy na kami.
Habang umiikot ang bote ay ramdam ko ang pagtitig sa akin nitong katabi ko, sino pa nga ba kun’di si Topher na mas trip pa atang titigan ang mukha ko kaysa sa boteng nasa aming harapan.
Hindi nga nagtagal at tumigil na ito sa pag ikot at ang maswerteng tinapatan nito ay si Jp kaya napatawa kaming lahat. Mukhang gustong-gusto siya ng bote ah.
“Truth or dare?” Tanong ni Grey at makikita ang kakaibang ngisi sa kanyang labi. Palihim akong napatawa nang mapagtanto ko na ngayon balak ni Grey gumanti kay JP.
“Tsk, pagbibigyan na kita. Dare!” matapang na sagot ni Jp kaya hindi namin naiwasang di mag ingay bilang cheer sa kanya.
“Buti naman,” seryoso, pero bakas pa rin ang pilyong ngiti sa labi ni Grey.
Maya-maya pa nga ay halos di na makabangon si Jp matapos gawin ang dare, inabutan ba naman siya ni Grey ng isang boteng Gin at kailanhang maubos iyon sa isang shot lang, walang tigil, walang hinga. Isang lagok lang ang buong bote.
“Ano kaya pa?” pang aasar pa ni Grey.
Napatango lamang naman si Jp habang tinutulungan siya ni Hugh na makabalik sa pagkakaupo.
Muling nagpatuloy ang laro at marami pang kalukohan ang aming pinag gagawa. Kahit kagulo na kami dito at napaka kalat na ng aming paligid ay tuloy lang ang saya.
‘Buti na lang pala pumayag ako sa request ni Topher, namiss ko na rin ang bonding naming ito.’ Nakangiti ko pang ani sa aking isipan habang pinag mamasdan sila.
Akala ko pa naman, matatapos ang gabing ito na maayos, pero mukhang nagkamali ako. Sapagkat, habang nagkakabiruan kami ay nangyari na nga ang aking kinatatakutan.
“Haha sayo ulit pareng Toph!!!” malakas na hiyaw nina Jp at Grey na ngayon ay magka akbay na, dahil siguro sa kalasingan kaya nakalimutan na nilang masama ang loob nila sa isa’t isa kanina lamang.
Ngumisi lang naman si Topher bago magsalita. “Oo naman, hindi n’yo na ako kailangang tanungin. DARE na agad!” mayabang pa niyang pahayag kaya napailing ako.
Sumilay naman ang kakaibang ngiti sa medyo namumula-mulang mukha ni JP bago nito ibulalas ang ipapagawa.
“Talaga lang ha?” pang hahamon pa nito kay Topher.
Tumango lang naman ang unggoy na tila ba ay hindi kinakabahan sa magiging utos ng kaibigan.
“Sigeee!! Halikan mo nga yang asawa mo!!!!” wala na sa wisyong sigaw nito.
Napatigil ako at tila ba ay na estatwa sa aking kinalalagyan, hindi ko alam kung paano magre-react, ngunit bago pa ako makapag paliwanag ay mabilis akong napabaling sa aking gilid dahil sa dalawang kamay na nakahawak sa magkabila kong pisngi at mainit na labing nakadikit sa akin.
Bago maglaho ang buong paligid at madala ako dahil sa mapusok niyang halik ay nagawa ko pang mapansin ang isang bagay.
Ang gulat at hindi makapaniwalang ekspresyon sa mukha ni Grey.
![Cover of 🌈Marry me, Bro? [ONGOING]](/story-covers/marry-me-bro-ongoing_243479470.webp)
