loading

storiescollectionschaptersauthorsgenrestagsstories
Maskara [short story]

Maskara [short story]

Athazagoraa · 1 chapter · 3,599 words

Maskara [short story]

Maskara, dahilan kung bakit ako umibig.

Maskara, dahilan kung bakit ako nasaktan.

Maskara, dahilan kung bakit ako muling nagmahal.

Ganyan ang peg ng love life ko.

Hindi ko naman kasi ginusto na manloko. hindi ko rin naman naman inaasahan na mamahalin ko rin sya pabalik. Pero kahit na nangyaring nasaktan ko sya, nangibabaw pa rin ang pagmamahalan namin sa isa’t-isa.

◘ ◘ ◘ ◘ ◘ ◘ ◘ ◘ ◘ ◘ ◘ ◘ ◘ ◘ ◘ ◘ ◘ ◘ ◘ ◘ ◘

Kaka-uwi ko pa lang galing parlor, nagpa-ayos kasi ako ng buhok at nagpa make-up na din kasi prom night namin ngayon. Nasa Kwarto ko ako ngayon at nagbibihis na, susuutin ko na yung ball gown ko na assymetrical sya tapos long sleeve na fitted yung left side, samatantalang yung right side naman ay sleeve less. Peach and Pink ang color ng gown ko na may glittery effect pag natatamaan ng liwanag.

Sa isang castle sa tagaytay gaganapin yung prom namin, alam nyo yung Fantasy World?, dun yung venue. Kaya doon kasi may pagka baroque/masquerade yung theme ng prom namin. Ang sosyal no!, ahahaha

By the way, I’m Mariella Alcantara, 16 years of age and a senior student.

Nga pala, wag na kayong magtaka kung bakit sa Tagytay yung venue ng prom namin, baka kasi isipin nyo na ang layo naman. Taga Cavite lang naman po ako at nasa Cavite lang din naman yung pinapasukan kong school, so medyo may kalapitan yung Tagaytay samin.

At nandito na ako sa venue, at ang una kong nakita sa loob ay isang babae ba kaparehas ko ng gown at ng mask. Yup, parehas na parehas kasi yung babaeng yun ay si Andrea Montenegro, classmate/best friend ko. o, talagang pinag-usapan namin kung ano yung susuotin namin dito sa prom. Ang cool at ang cute. ahahahaha

Bakit namin pinagplanuhan ni Andrea na dapat magkaparehong magkapareho kami sa prom? Simple lang. Una, kasi mag best friend kami. Pangalawa, kasi parehas kaming maganda at Pangatlo, maraming nagsasabi na magkamukha daw kami. Oo, magkamukha as in like twins. Pero ay isang bagay lang talaga ang naging dahilan kung bakit not totally naging magkaparehas kami at yun ang buho namin. Curled kasi ako samantalang straight yung kanya. Pero okay lang yun.

While nag-eenjoy ang lahat, ako naman ay nasa table lang namin at umiinom ng juice at si Andrea naman ay nag C.R. Natatawa nga ako ng biglang nagplay ng sweet or romantic song si Mr. Vj ng prom. Ang daming nagsipag-upuan kasi walang mga partner, ahahahaha. Then suddenly, may biglang lumapit sa akin.

“ Andrea??? “

huh?, napagkamalan na naman ako na si Andrea. Hmm, sasabihin ko na sana na hindi ako si Andrea kaso naunahan ako ng lalaki sa harapan ko na magsalita.

“ I’m Allen….still remember me? “

hmm, sya ba yung guy na kinukwento sakin ni Andrea?

“ Allen? “

“ Allen Silva, would you like to have a dance with me? “

bago pa ako sumagot sa tanong nya, hinatak na nya ako at parang gustong gusto nya talagang mag sayaw kami. Ano pa bang nagawa ako, edi sumayaw na din.

While were dance dancing with the background music of “when you say nothing at all”, grabe biglang nag-init yung paligid. Kahit na sinisipon at nakakaranas na ng hypothermia ang mga babaeng naka tube gown o kaya’y naka spaghetti dress, ako naman ay nag-iiti dahil sa kaba. Oo dahil talaga dun, mas kinabahan ako lalo nung tinatangal nya na ang kanyang suot na maskara.

“ teka w— “

hindi ko na natapos yung sasabihin ko at tuluyan na nyang nalais yung bagay na tumatakip sa kanyang mukha.

Oo inaamin ko na ako’y napatulala dahil sa taglay nyang kagwapuhan. Pasensya na po, babae lang din naman ako.

“ tanggalin mo naman yang maskara mo, pwede? “

narinig ka yang sinabi nya pero di naman ma-absorb ng utak ko, ewan ko ba dahil ba di pa rin ako maka move-on sa kanyang itsura. Di na ako nakasagot dun sa favor nya kaya sya na lang ang nagkusang nag-alis ng maskara ko.

“ ang ganda mo talaga, ANDREA “

–ang ganda mo talaga ANDREA.

–ang ganda mo talaga ANDREA.

–ang ganda mo talaga ANDREA.

–ang ganda mo talaga ANDREA.

–ang ganda mo talaga ANDREA.

paulit-ulit yan sa isip ko at saka ko lang napagtanto na hindi ako si Andrea, si Mareilla ako. Shocks, i need to stop my pretending.

“ Ahmmm…Allen, I’m sorry I have to go to the comport room, excuse me. “

yan yung excuse ko para lang tigilan yung pagpapanggap ko, dumiretso na rin ako sa c.r.

After kong mag-cr bumalik na ako sa table namin.

“ Mariella, saan ka galing? “

tanong sakin ni Andrea pagkaupong-pagkaupo ko.

“ Ahh…kasi may nagyaya sakin na sumayaw. “

“ Nice, sino naman yang lucky guy na napapayag kang maisayaw nya ha? “

oy, Mariella sabihin mo na kung sino yung nakasayaw mo.

“ Ahhh…ehh..di ko kilala yun. “

sh*t, bakit pa ako nag lie, bakit di ko pa kasi sinabi kung sino yun.

“ Ganun?, siguro cute o gwapo yung guy na yun? “

“ Hmm, oo gwapo sya at cute na din. “

“ Sabi ko na nga ba ehh, ahahahaha “

“ Ahmmm, bhest una na akong umuwi sayo. “

bigla ko na lang naisipan na umuwi dahil sa mga pangyayari kanina.

“ Ohh, bakit naman gusto mo nang umuwi bhest? “

O Mariella, mag-isip ka ng idadahilan mo.

“ Bigla kasing sumama yung pakiramdam ko. “

nice lie, Mariella.

“Ganon ba bhest, ahh sige una ka na baka mapanu ka pa dito. Ahmm, inom ka ng gamot pagkauwi mo ahh, pahinga ka na din. “

“ Thanks sa concern bhest, ahh sige una na ako. “

Pagkauwi ko ng bahay, dumirecho na ako sa kwarto ko at agad na ding nagbihis at nag-alis ng make-up. After nun, humiga na ako sa aking kama. Waaaaaaahh!, gusto kong sumiga. I hate this night talaga, ang bad ko. Nagsinungaling ako sa best friend ko not once but twice. At ang malala pa dun, I pretend like her din. Ahuhuhu, ang bad bad bad ko talaga this night.

Nakatulog na lang ako nun kakaisip sa mga pangyayari kanina sa prom.

Monday, of course may pasok. Ewan ko ba ang weird ko, parang wala ako sa aking ulirat, wala ako sa sarili ko, hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganito. Hmmm, epekto pa rin ba to ng mga pinaggagagawa ko nung prom?

Anu ka ba Mariella, di ka naman nagnakaw o nakapatay ng tao. Relax ka lang. Nagsinungaling ka lang naman ng dalawang beses sa best friend mo, nagpanggap ka lang naman bilang sya at niloko mo yung lalaking kasayaw mo kagabi. Di ka naman makukulong ng dahil dun di ba? Kaya wag mo masyadong intindihin yun, tao ka lagng din. Marupok.

Waaaaah!, f*ck!, anu ba naman yang iniisip ko. Mali yun, maling mali.

Buong araw akong wala sa sarili, hindi ko rin muna gaanong kinausap si Andrea kasi nahihiya ako sa ginawa ko sa kanya. Hanggang sa matapos yung klase, naisipan kong pumunta sa mall para makapag unwind.

Habang naglalakad ako sa mall, biglang may umakbay sa balikat ko.

“ Hello?!. “

Huh?, parang familiar yung boses na narinig ko.

“ Allen? “

Pagkabangit ko sa pangalan nya, nagbigay sya ng isang maliit na ngiti.

“ Kamusta ka nga pala?, iniwan mo ako nung prom, kala ko nag cr ka lang?, bakit ka nga pala umuwi agad? “

Ang dami nyang tanong.

“ Ehh…kasi…sumama yung pakiramdam ko kaya umuwi na lang ako, pasensya na ha’ di ako nakapagpaalam sayo. “

“ Hmm, kaya pala, nga pala anong ginagawa mo dito? Bakit wala kang kasama? “

Ang dami nya talagang tanong sakin.

“ Gusto ko sanang mag unwind, kaya nandito ako. “

“ Ahh, pwede ba kitang samahan, Andrea? “

Bago pa ako magkapagsalita ehh hinawakan nya ako sa kamay ko tapos naglakad sya ng may kabilisin so parang hila-hila nya ako.

“ Teka Allen, saan mo ako dadalahin? “

“ Basta, akong bahala sayo’ “

Tapos nag wink sya, ako naman wala nang magagawa hawak hawak nya ako ehh. Saan naman kaya ako dadalahin nito?

Dinala nya ako dito sa Dairy Queen, sabi nya hintayin ko daw sya kaya umupo muna ako. Pagtading nya sa table namin inabot nya sakin yung blizzard na oreo yung flavor.

“ Kainin mo yan ha? “

Ngumiti ako sa kanya as a sign of thank you.

Ayun, kinain ko na nga yung binigay nya sakin. Farovite ko yung cookies ehh. Nagkwentuhan kami tungkolo sa mga kung anu-anong bagay bagay sa buhay, nagtawan, at nagkulitan. Pumunta din kami sa isang Arcade nara maglaro. Oo nakapag unwind talaga ako ng sobra dahil sa kanya. Ang bait nya at ang sweet din. Nabago talaga ni Allen yung mood ko that day.

After ng araw na sinamahan ako ni Allen sa mall, lagi nang nauulit yun. Lagi na kaming pumupunta ng mall. park or somewhere pagkatapos ng klase namin. Minsan pa nga dun kami sa bahay nila o sa bahay namin tumatambay.

.

.

.

.

.

5: 48 P.M. na, ang ganda ng kalangitan. Kulay pink at orange tapos my shade din ng violet at blue kasi palubog na yung araw. Nandito ako sa may plaza sa may subdivision samin. Nakaupo ako sa damuhan at hinihintay si Allen na bumili saglit ng Dirty Ice Cream.

Nung pagkadating nya. Iniabot nya sakin yiung sorbetes at agad ng tumabi sa akin. Nung pagkaupo nya, kinuha nya yung kamay ko. Oo hinawakan nya yung kamay ko as in holding hands kami cross fingers pa nga ehh. Pero para sakin, di ko nilalagyan ng malicia yung hawakan na yun. Ayun, nagkwentuhan kami about sa pagtungtong namin ng college at kung anu-ano pa. Tapos hiniram ko yung gitara nya tapos tumugtog ako at kumanta.

It’s amazing how you can speak right to my heart

Without saying a word you can light up the dark

Try as I may I could never explain

What I hear when you don’t say a thing

The smile on your face lets me know that you need me

There’s a truth in your eyes sayin’ you’ll never leave me

The touch of your hand says you’ll catch me if ever I fall

You say it best when you say nothing at all

After kong tapusing kantahin hanggang chorus, hiniram nya sakin yung gitara nya tapos sya na yung nagtuloy ng kanta ko.

All day long I can hear people talking out loud

But when you hold me near, you drown out the crowd

Old Mr. Webster could never define

What’s being said between your heart and mine

The smile on your face lets me know that you need me

There’s a truth in your eyes sayin’ you’ll never leave me

The touch of your hand says you’ll catch me if ever I fall

You say it best when you say nothing at all

The smile on your face lets me know that you need me

There’s a truth in your eyes sayin’ you’ll never leave me

The touch of your hand says you’ll catch me if ever I fall

You say it best when you say nothing at all    

 Nungmatapos syang kumanta, he kissed me on my forehead. With that kiss, I give him a smile as a sign of my appreciation and then I lean on his shoulder. Hinintay lang namin na dumilim tapos hinatid na nya ako pauwi sa amin.

.

.

.

.

.

 Halos two weeks din kaming di gaanong nagkita or nagkausap ni Allen. Busy kasi ang lahat sa pagrereview para sa aming final exam, busy din sa paghahapit ng projects at pagpapasa ng mga requirements.

.

.

.

.

.

 Tapos na yung mga stressful days sa buhay naming mga high school student. Tapos na din ang mga exams at naipasa na ang lahat ng dapat ipasa. Tapos na din ang ilang araw naming pagpapractice ng graduation at ngayon, suot at hawak ko ang medel at diploma ko. Second Honorable Mention ako samantalang si Andrea naman ay first. Nakakatuwang isipin na tapos na kami sa high school pero bago ko muna isipin yung college mag-aayos muna ako ng aking sarili kasi aattend ako sa aming graduation ball.

 Napag-planuhan namin ulit ni Andrea na magkaparehas daw dapat kami kaya naka black fitted dress at 6 inches high heels na black din sya. Nung dati sa Prom ay magkaiba kami ng hair pero ngayon parehong pareho na kami. Mukha na talaga kaming kambal. Nung pagkadating namin ni Andrea sa Aniversary Hall ng school namin medyo marami nang tao, ehh ako gusto kong mag retouch kasi medto pinagpawisan ako kaya nag cr muna ako.

 Pagkatapos kong mag cr, pumunta na ako dun sa table namin ni Andrea pero bago pa man ako tuluyang makalapit, isang kagimbal gimbal na pangyayari ang nakita ko. Medyo lumapit ako sa pwesto ng table namin at mula sa pwestong ito, rinig na rinig ko ang pag-uusap ni Andrea at Allen.

“ Andrea!, nandito ka na pala. “

Ayan ang pagbati ni Allen kay Andrea. Sa pagkkaalam ko, ngayon pa lang sila magkikita simula ng magkakilala sila. 

 “ At last, nagpakita ka din sakin Mr. Silva. “

“ Hahahaha, namiss mo ako no? “

“ Adik ka, totoo nga talaga yung nakita ko sa Fb mo, ang cute at ang gwapo mo talaga. “

Talagang ganyan si Andrea, napaka loud nya at kaya nyang sabihin ang gusto nyang sabihin. Hindi sya mahiyain not like me.

“ Ikaw talaga Andrea,bakit ngayon mo lang ako sinasabihan ng ganyan ehh halos araw araw tayong magkasama. “

Habang tumatagal ang kanilang pag-uusap, mas lalo akong natatakot at kinakabahan. Bakit kasi hindi ko sainabi yung totoo kay Allen simula pa nung una.

“ Kulit mo talaga Allen, sinabi na nga na ngayon pa lang tayo nagkita. Pero sa totoo lang Allen, Crush kita. “

Kitang kita mula sa owesto ko ang pag ngiti ni Allen dahil sa sinabi ni Andrea.

“ Teka Andrea, bakit di mo suot yung nacklace na binigay ko sayo? “

 Di ko na nasabi sa inyo na binigyan pala ako ni Allen ng necklace. isang necklace na may pendant na mask. Kaya daw mask yung pendent nyun kasi unang beses nya daw ako nakita na may suot na maskara. 

“ Ha?, anong kwintas? “

Nagtatakang tanong ni Andrea kay Allen.

“ Baka hindi mo lang talaga siguro sinuot yun pero okay lang. “

“ Allen, ano ba yang pinagsasabi mo? “

“ Basta…..wag mo nang masyadong intindihin yun……ahmmm, may dusto sana akong sabihin sayo Andrea. “

“ Ahh… anu yung sasabihin mo sakin? “

 Pinasok ni Allen ang kanyang kamay sa bulsa ng kanyan suit samantalang yung isang kamay naman nya ay hinawakan ang kamay ni Andrea. 

 hindi ko alam kung anong nangyari sa paa ko at sa kung ano ang sumapi sa akin. Di ko alam kung bakit ako naglakad at lumapit sa pwestong kinaroroonan nila Andrea at Allen. Habang papalapit ako, rinig na rinig ko ang bawat salitang binibitawan ni Allen para kay Andea.

“ Andrea, pwede ka bang ma…ging….a-k-i-n….k-a…n-a….l-a-n-g…. ? “

Nauutal si Allen habang sinasabi nito ang kanyang nararamdaman para kay Andrea at hindi para sakin. Siguro kaya sya nautal dahil sa gulat at pagkabila nya sa pagkakakita sa akin.

Halatang halata ang pagkatulala ni Allen. Nakatitiglang sya sakin at sa suot kong kwintas.

“ Totoo ba tong nakikita ko? “

Isang tanong na lumabas sa bibig ni Allen.

“ Uy Allen, anong nangyayari sayo? “

 Dahil sa medyo naguguluhan na din sa pangyayari si Andrea, natataranta na sya at nabigla din pagkatingin nya sa kanyang likuran. 

“ Mariella? “

“ Andrea, I’m sorry’ hindi ko naman gustong lokohin ka o kahit si Allen, sa mapatawad mo ako? “

Di ko alam kung bakit ayan ang nasabi ko, nangingibabaw talaga sakin ang kaba, takot at lungkot.

“Ha? anu ba yang pinagsasabi mo Mariella? “

“ I’m so sorry talaga. “

Umiiyak na ako dahil sa emosyong nararamdaman ko.

“ Mariella?,…simula pa ba ng prom hindi ikaw si Andrea?….. all this time na magkasama tayo hindi mo sinabi ang totoo mong pagkatao?…..Bakit miss, bakit mo ako niloko. “

Mga tanong sakin ni Allen na gulong gulo na sa pangyayari.

“ I’m sorry Allen, natatakot ako sabihin yun totoo, natatakot ako na baka iwasan mo na ako, natatakot ako na iwan mo ako……Allen, MAHAL NA KITA! “ 

 

“ Bhest?… Nagsinungaling ka sakin… Sorry Mariella, nagkamali ako na pinagkatiwalaan kita. Sorry hindi ka karapat dapat para maging best freind ko. “

 Umalis na lang bigla si Andrea dahil sa kanyang mga na laman, samantalagn si Allen nakatitig pa rin sakin.

 “ Allen, Sorry sa mga nagawa ko sayo. “

 Di na sya nagsalita at nalakad na lang paalis. Narinig ko ang pagbasak ng sing sing na hawak nya na ibibigay sana kay Andrea. Pinulot ko yun para magsilbing alaala  ni Allen para sakin. Tuloy tuloy pa rin ang pag -iyak ko. Ang sakit, lao na ang pag-iwan sayo ng pinaka matalik mong kaibigan. 

 Galit na galit ako sa sarili ko nun, hindi ako kumakain, hindi ako lumalabas sa kwarto at hindi ako nakikipag-usap sa iba. Takot ako na baka magawa ko ulit ang mga pagkakamaling yun. Hanggang sa napagtanto ko na walang mangyayari sakin kung makukulong ako sa alaala at pagkakamali ng kahapon.

.

.

.

.

.

.

4 years after…….

.

.

.

.

.

 Nandito ako ngayon sa UP Theater kasi manunuod ako ng isang play ng mga estudyante. Graduating na ako sa kursong AB Teather Arts. Kaya yun ang napilin kong course kasi naging emosyonal na ako simula nung graduation ball. Mabilis na ako magbago ng emosyon at madali lang para sa akin ang magtago ng nararamdaman.

 Phantom of the Opera ang gagawin ng mga estudyante dito. Required kasi yun para maka graduate sila. Eh ako na-invite lang ako dito para maunod sa kanilang gagawing palabas.

.

.

.

Ang galing nila. Ang astig nga ehh kasi mahirap yang piece na napili nila. Napahanga talaga ako lalo na yung gumanap bilang phantom.

 Nung matapos na na yung palabas. Parang may gagawin pa ang mga estudyante sa stage, ehh ako naintriga kaya ginusto ko na mapanuod muna ang gagawin nila. Nung bumalik na sa stage yung gumanap bilang phantom, may hawak hawak syang gitara. For sure kakanta sya. Nung nagstart na syang patunugin ang gitara, narinig kong “ when you say nothing at all “ yung tutugtugin nya. Habang kumakanta sya, parang pamilyar yung boses nya. Ngayon ko lang napansin kesa kanina.

 Biglang nagsipagbabaan yung mga estudyante sa stage at lumapit sakin. Nagulat ako kasi hindi ko alam kung ano yung nangyayari. Parang gustong iparating sakin ng mga estudyanteng iyon na gusto nila akong umakyat sa stage kaya umakyat naman ako.

 Kaharap ko ngayon yung lalaking gumanap bilang phantom. Nang matapos na syang kumanta may sinabi sya sa akin. 

“ Ahhh miss, maaari mo bang alisin yung maskara ko? “

Nagtaka ako kung bakit ehh, sa wala namang mawawala kaya tinanggal ko narin. Pagkatanggal ko, parang wala lang. Di ko naman kasi kilala kung sino yung lalaki.

“ Andrea, natatandaan mo pa ba ako? “

Ha? Andrea?

“ Ahh sir hindi ako si Andrea, si Mariella po ako. “

“ Alam ko naman yung Mariella ehh. “

Ha?, alam naman pala nya na hindi ako si Andrea tinanung pa nya. And weird saka panu nya nalaman ang pangalan ko?

“ Syempre, suot mo yung kwintas na binigay ko sayo at suot mo din yung sing sing na para kay Andrea. “

OMG…. 

“ Mariella, Sorry kung iniwan kita nung gabing nalaman ko yung katotohan at hindi ako nagpakita sayo sa loob ng apat na taon. Nangibabaw kasi sakin yung galit at lungkot. “

Teka di kaya………

“ Mariella, Sorry  talaga. Kung may pag-aasa pa ako sayo at kung wala ka pang boyfriend sa ngayon pwede bang ako na lang? “

Marami ang naghiyawan sa sinabi ni Allen. Oo at alam kong si Allen ang kausap ko ngayon.

“ Mariella…..can you be may girl? “

Lumuhod sya sa harapan ko at hinawakan nya yung kamay ko.

“ Ahmm, Allen tumayo ka nga dyan, nakakhiya sa mga tao ohh. “

“ Ayoko, sagutin mo muna yng tanung ko sayo. “

Hahaha, Ang cute ni Allen, para syang bata na nagmamakaawa sa mommy nya.

 Binitiwan ko yung kamay ni Allen at naglakad na ako pababa sa stage. Gusto ko ngang malaman kung ano yung itsura ni Allen nun ehh. Marami ang nabigla sa ginawa ko, parang nalungkot nga yung mga tao. Pumunta ako sa gitna sa harap ng stage at sinabing:

“ Allen… ngumiti ako …bumaba ka nga dyan at yakapin mo ako. “

 Marami ang naghiyawan dahil sa sinabi ko. Marahil alam nyo na kung ano ang gusto kong iparating kay Allen. Kitang kita ko ang saya sa mukha nya. Tumalon sya stage at binuhat nya ako habang yakap yakap nya.

“ Akala ko, iiwanan mo ako dito. “

Sabi sakin yan ni Allen.

“ Hahahaha, naloko kita. ang galing kong umarte no. “ 

 Nakakatuwa talaga. Akala ko nagbago na ang pagtingin sakin ni Allen. Mahal parin pala nya ako.

.

.

.

.

.

 Anong sabi ng love life ko? ahahahaha, nga po pala malapit na kaming ikasal ni Allen. Sana maging Blessed ang buhay naming dalawa.

◘ ◘ ◘ ◘ ◘ ◘ ◘ ◘ ◘ ◘ ◘ ◘ ◘ ◘ ◘ ◘ ◘ ◘ ◘ ◘ ◘

Maskara, dahilan kung bakit ako umibig.

Maskara, dahilan kung bakit ako nasaktan.

Maskara, dahilan kung bakit ako muling nagmahal.

FIN…………

thank you sa mga nagbasa ♥.


Return to top?
WattHub

Install WattHub

Size unavailable

App name
WattHub
App version
1.48.250
App size
Description
A digital library of Wattpad stories and Filipino fiction, thoughtfully preserved for readers today and tomorrow.
Developer
WattHub Team

Dismiss install banner?

No problem. You can still install WattHub anytime from the download icon in the header.

WattHub

Notifications

Notifications are off

Get notified on this device when the library grows or changes.