Me Hace Cerrar (BL Story)
Dawnvellichor · 14 chapters · 29,768 words
PROLOGUE
“Mio, bilisan mo naman!” Malakas ang sigaw ng kaibigan mula sa ibaba ng hagdan. Napangiti si Mio habang nagmamadaling inaayos ang suot na necktie.
Alam niyang matagal nang naghihintay ang kaibigan, pero hindi niya maiwasang matagalan sa taas—ilang ulit na rin siyang nagpalit ng damit para sa espesyal na gabing ito.
Tila bakas ang saya sa mukha ni Mio habang nakaharap sa malaking salamin sa kanyang silid. Hindi niya maipaliwanag ang matinding excitement na nararamdaman para sa gabing ito. Siguro dahil alam niyang makikita niya ang isang taong matagal na niyang gustong masilayan—at naisin ding dumalo.
“Nyemas, kanina pa ako naghihintay sa baba! At ngayong napaakyat na ako, putek, hindi ka pa rin tapos?”
Matigas ang boses ni Kimy, nakapamewang sa tapat ng pinto. “Mio, gets ko namang kailangang alagaan mo ’yang mukha mo—puhunan mo ’yan, ’di ba? Pero tatlong oras ng pag-aayos?! Gago, hindi na tama ’yan!”
Halatang hindi na nito nakayanan ang paghihintay kasama ang ibang kaibigan sa ibaba, kaya’t napilitan na itong umakyat mismo.
Ngumiti lamang si Mio sa kaibigan bago tinapos ang pag-aayos ng kanyang buhok at necktie. Muling tumingin sa salamin, saka humarap kay Kimy.
“Kamusta itsura ko?” tanong niya, may halong kaba at pananabik.
Sinipat siya ng kaibigan mula ulo hanggang paa, saka nagsalita.
“Mukhang tao ka pa rin naman,” sagot ni Kimy na may halong pang-aasar.
Napairap na lang si Mio bago isinusuot ang maskara sa kanyang mukha.
Dadaluhan nila ang kanilang kauna-unahang acquaintance party sa kolehiyo—isang espesyal na gabi sa bagong yugto ng buhay nila. Ang tema ng party: masquerade ball , kaya’t kinakailangan nilang magsuot ng maskara.
“Oo na, ikaw na ang panalo ngayong gabi,” sumbat ni Kimy habang sinusundan si Mio pababa ng hagdan. “Bakit ba naman kasi ang daya ni Lord, mas maganda ka pa sa’kin!”
Tumawa lang si Mio sa biro ng kaibigan bago sila lumabas ng bahay kung saan naghihintay na ang iba pa nilang tropa.
“Sa wakas, natapos din sa pagbibihis!” reklamo ni Brix habang inaayos ang buhok sa harapan ng windshield.
“Tara na,” sambit ni Mio, sabay sakay sa sasakyan ng kaibigan. Isa-isa silang sumakay at tuluyan nang nagtungo sa party—handa nang harapin ang isang gabi ng misteryo, kasiyahan, at bagong alaala.
Habang nasa biyahe, hindi maiwasang ngumiti ni Mio habang nakatanaw sa bintana, tahimik na nilalaro sa isipan ang maamong mukha ng taong matagal na niyang nais makita. Ang matangos nitong ilong, ang mga matang kulay berde na laging tila may lihim na sinasabi, ang makapal nitong kilay, ang manipis pero mapupulang labi, at ang pamilyar na salaming laging nakasuot—lahat ng iyon ay malinaw na malinaw sa kanyang alaala.
Hindi niya maintindihan kung ano ba talaga ang nararamdaman—dahil tila naghalo-halo na ang emosyon sa kanyang puso at isipan. Pero isang bagay ang sigurado siya: gusto niya itong makasama… bago tumunog ang alas dose.
Gusto niyang magkaroon ng kahit kaunting oras na makasama ito—kahit pa madalas siyang nabubulol sa tuwing kausap ito. Nakakahiya man para sa kanya, pero kung ang kapalit ng kahihiyan ay ang ilang oras na makasama ang taong nagpapabilis ng tibok ng puso niya, tila wala na siyang pakialam.
“Hoy, ngingiti-ngiti ka d’yan. Baliw ka na ba?” tanong ni Kimy habang tinitigan siya ng mariin.
“Wala, ayun oh—may gwapo!” sagot ni Mio sabay turo sa bintana.
“SAAN?!” agad na sigaw ni Kimy, halos ipagdiinan ang mukha sa salamin ng kotse para lang makita ang tinutukoy. Halos ikabali pa ng leeg sa kakahanap ng sinasabing ‘gwapo’ ni Mio.
“Wala, umalis na,” sagot ni Mio, sabay ngising may halong kalokohan. Wala naman talaga siyang nakita—nagkunwari lang siya para mailayo si Kimy at makaiwas sa sunod-sunod na tanong na siguradong ibabato nito.
Muli siyang bumaling sa bintana, ibinalik ang ngiti sa kanyang labi habang ninanamnam ang kilig na unti-unting bumabalot sa kanya.
Ilang minuto lang ang lumipas bago nila marating ang unibersidad. Pagdating nila, dumiretso agad ang grupo sa event hall ng gusali kung saan gaganapin ang party—ang simula ng isang gabing posibleng hindi niya makalimutan.
Malaki ang grupo at pagkakaibigang kinabibilangan ni Mio, kaya hindi na nakapagtataka na agad silang nakakaagaw ng pansin sa kahit anong lugar.
Pagpasok pa lang nila sa event hall, halos lahat ng mata ay napalingon—tahimik na pinagmamasdan ang kanilang pagdating, suot ang mga magagara at eleganteng damit.
Habang abala ang iba sa pag-appreciate ng gabi, si Mio naman ay agad na hinanap ng kanyang mga mata ang taong matagal na niyang nais makita. Ngunit sa bawat pag-ikot ng tingin, sa bawat sulok ng silid na kanyang sinusuri, wala siyang nakita kahit anino nito.
Napalugmok siya sa upuan, ramdam ang bigat ng kaunting pagkadismaya na sumiksik sa dibdib.
“Nagsuot pa man din ako ng ganito…” bulong niya sa sarili, halos hindi marinig sa dami ng ingay sa paligid.
“Nasaan si Cay?” narinig niyang tanong ni Layda sa iba. Pero wala na siyang panahon para isipin pa ang tungkol sa kanyang kaaway—hindi kung ang taong matagal na niyang gustong makita ay wala naman sa paligid.
Kahit isang sulyap lang sana ngayong gabi, sapat na. Isang sulyap lang para mapawi ang lungkot.
“Sayaw tayo, mga tanga!” biglang sigaw ni Kimy, sabay hila sa kanila isa-isa papunta sa gitna ng dance floor. Mabilis silang binigyan ng puwang ng ibang tao, at nagsimula ang kasiyahan—mga tawa, sayawan, at ingay ng gabing puno ng enerhiya.
Habang abala ang kanyang mga kaibigan sa pagsasayaw at pag-eenjoy, si Mio naman ay nanatiling nakatayo sa gitna, tahimik na pinagmamasdan ang mga ito. Sa kabila ng musika at liwanag, dama pa rin niya ang kakulangan ng presensyang inaasam niyang makita.
Habang pinagmamasdan ni Mio ang mga kaibigan, biglang nawalan ng kuryente sa buong silid. Nagdilim ang paligid—sobrang dilim na ni anino ay halos hindi na makita. Kasabay nito ang malalakas na sigawan ng mga tao, tila nagpatong-patong na ingay na bumaon sa kanyang pandinig.
Agad niyang tinakpan ang mga tainga, pilit binabalanse ang sarili habang tumayo at nagsimulang gumalaw sa gitna ng kaguluhan.
“Kimy? Layda? Brix? Nasaan kayo?” sunod-sunod niyang tawag, pilit hinahanap ang mga kaibigan sa gitna ng dilim.
Ngunit walang sumagot. Parang unti-unting nalunod sa katahimikan ang buong lugar. Doon na nagsimulang kabahan si Mio—at habang naglalakad siya sa dilim, pakiramdam niya’y unti-unti ring giniginaw ang kanyang katawan.
Nagsimula siyang manginig… hindi lang sa lamig, kundi sa takot na hindi niya maipaliwanag.
“Clyde? City?! Nasaan na kayo?” sunod-sunod na tanong ni Mio habang patuloy ang kanyang paglalakad sa dilim. Ngunit bago pa siya makakilos muli, isang kamay ang biglang humawak sa kanyang palapulsuhan.
“AHHH!” sigaw niya sa gulat, kasabay ng biglaang pagliwanag ng spotlight na tumutok sa kanya—at sa taong humawak sa kanyang kamay.
“Cayden!” bulalas niya, agad nakilala ang pamilyar na mukha. Ngumiti lang ito sa kanya, may kumpiyansang ningning sa mga mata.
Ngunit bago pa man siya makabawi, isang kamay pa ang humawak sa kabilang palapulsuhan niya. Napalingon siya—at para bang biglang bumilis ang tibok ng puso niya.
“R-Reagan…” mahina niyang bulong.
Ngumiti si Reagan—isang ngiting sobrang gwapo, sapat para pansamantalang huminto ang mundo sa paligid niya.
“Teka, ako ang nauna. Sa akin ka muna humarap,” sabat ni Cayden, sabay hila sa kanya palapit. Binigyan siya nito ng isang mabilis na kindat bago hinarap si Reagan, na nanatiling tahimik, pero hindi nawala ang ngiti sa mga labi.
“Ako ang gusto niyang harapin,” malalim at boritong boses ni Reagan habang marahan niyang hinila si Mio papalapit sa kanyang tabi.
Ngunit hindi siya binitawan ni Cayden—sa halip, hinila rin siya pabalik, mas mariin.
“Hindi ka makakasiguro… hindi ba, Mio?” tanong ni Cayden, sabay isang mapang-asar na ngisi kay Mio.
“Nakakasiguro ako,” sagot ni Reagan, matatag ang tinig. Umigting ang kanyang panga habang muling hinila si Mio, mas mahigpit ngayon.
“Akin siya ngayong gabi,” giit ni Cayden.
“Sinong nagsabi?” balik ni Reagan, at muling hinatak si Mio sa kanyang direksyon.
Hanggang sa maramdaman ni Mio na para siyang hinahati—magkabilang panig siyang hinihila, habang ang spotlight ay nananatiling nakatutok sa kanilang tatlo. Isang tensyong tila sasabog, at lahat ng mata ay nakatuon sa kanya.
“T-teka lang!!!” sigaw ni Mio, hindi na alam ang gagawin sa gitna ng dalawang lalaki na para bang ginawang lubid ang kanyang mga braso sa isang matinding tug of war .
“AKIN!” sigaw ni Cayden.
“AKIN!” bawi ni Reagan.
“Akin!” ulit ni Cayden, mas madiin.
“Akin!” sagot ulit ni Reagan, hindi nagpapatalo.
“T-teka… s-sandali… ang b-braso ko—” naiiyak na sambit ni Mio, ramdam na ramdam na niya ang sakit sa magkabilang braso, parang mapuputol na ito sa lakas ng paghihilaan.
“AKIN SABI EH!” sigaw ni Cayden.
“LET GO, KID!” mariing sagot ni Reagan.
“ANONG KID SINASABI MO?!” galit na balik ni Cayden, sabay hatak kay Mio—mas malakas kaysa dati.
At doon na nga—isang matinis na POP!
Nanlaki ang mga mata ni Mio.
“AAAAAAAAHHH!!!” sigaw niya, kasabay ng isang dramatikong slow-motion moment habang hawak pa rin siya ng dalawa, pero…
Naputol ang kanyang braso.
“AHHHHHHHHH!!!” sigaw ni Mio sabay bangon at upo mula sa kanyang kama, pawis-pawis at habol ang hininga.
Kasabay nito, bumukas ang pinto ng kanyang silid at pumasok si Mila—may hawak na dalawang insect spray, handang lumaban. “AHHHH! NASAAN ANG MAGNANAKAW?!” sigaw pa niya, tuluyan nang nag-panic.
“Sino?! Nasaan?!” tanong ni Mila, handang makipagpatayan sa ‘magnanakaw.’
Natahimik si Mio, tiningnan ang kapatid habang pilit pinapakalma ang sarili. Huminga siya ng malalim at dahan-dahang humiga pabalik sa kama.
“Panaginip lang pala…” bulong niya sa sarili.
Sandaling katahimikan.
“At naalala ko… lalake nga pala ako. Hindi pwede.”
CHAPTER 1
Disclaimer:
This story is a work of fiction. Names, characters, businesses, events, places, and incidents are either the product of the author’s imagination or dreams. Any resemblance to actual persons, living or dead, or real events is purely coincidental.
Please be advised that this story may contain mature scenes and strong language that may not be suitable for very young readers. Reader discretion is strongly advised.
This story is currently unedited and may contain typographical or grammatical errors. If you come across any, please bear with me. I will do my best to correct them as soon as possible.
“Brummm… Brummm… Brummm…”
Tahimik na naglalaro sa harapan ng pinto ng kanilang bahay ang pitong taong gulang na si Mio, paulit-ulit na pinapadausdos ang kanyang laruan—isang maliit na sasakyan—sa sementadong sahig.
Sumisilay ang inosenteng ngiti sa kanyang labi habang pinagmamasdan ang pag-ikot nito, tila wala siyang ibang mundo kundi ang kanyang laro.
Ngunit biglang naputol ang kanyang kasiyahan nang makarinig siya ng malakas na kalabog at lagaslas ng basag na bagay mula sa loob ng bahay.
“ANO BA, MATEO!!” sigaw ng kanyang ina, galit at malutong, na agad pumunit sa katahimikan ng hapon.
Napapikit si Mio, marahang kinuyom ang kanyang mga kamay. Isa na namang malakas na tunog ng pagkabasag ang sumunod—mas malapit, mas mabigat—at tila unti-unting binura ang ngiti sa kanyang mukha.
Kanina pa nagtatalo ang kanyang mga magulang sa loob ng bahay, kaya’t pinili ni Mio na manatili sa labas. Mas pipiliin niyang marinig na lang ito mula sa labas kaysa masaksihan na naman ang paulit-ulit na sigawan na tila naging bahagi na ng kanyang araw-araw.
“Brumm… brumm—”
Natigilan siya nang marinig ang sigaw ng kanyang ina mula sa loob.
“HINDI AKO PAPAYAG NA DALHIN MO SI MILA SA BABAE MO! SI MIO ANG ISAMA MO AT AKIN SI MILA!!!”
Napako si Mio sa kanyang kinauupuan, ang laruan sa kamay ay unti-unting nawalan ng sigla. Tahimik siyang nakinig habang pinipigilang umiyak.
“SI MILA ANG ISASAMA KO, HINDI SI MIO! AKIN SI MILA—SAYO SI MIO!” sigaw naman ng kanyang ama, walang alinlangang tinutulak palayo ang kanyang pangalan, parang hindi siya anak na karapat-dapat isama.
Doon na niya naramdaman ang unti-unting pagkirot sa kanyang dibdib—isang kirot na hindi niya lubos maintindihan, pero ramdam niyang mabigat.
“AKIN SI MILA! MAGHIWALAY TAYO PERO AKIN SI MILA, KAHIT ANONG MANGYARI! WALA AKONG PAKIALAM KUNG ISAMA MO SI MIO SA KABIT MO!!!” muling sigaw ng kanyang ina, mas malakas, mas matalim—at mas masakit.
Ipinikit ni Mio ang kanyang mga mata. Walang luha, walang galit, pero may bigat sa dibdib na tila ba hindi na bago sa kanya.
Muling ibinaba ang laruan sa lupa.
“Brumm… brumm…”
Ipinagpatuloy na lang niya ang kanyang laro.
Dahil alam niyang ganoon rin naman palagi ang sasabihin ng kanyang ina.
“Brummm… brumm… brummmm…”
Unti-unting lumalakas ang pagtulak ni Mio sa kanyang laruan. Hindi niya napapansin, pero lalong lumalakas ang ingay ng gulong nito sa semento—at tila iyon ang tanging bagay na kumakampay sa katahimikan niya.
Mas maingay, mas mabilis. Mas malakas.
“BRUMMMM… BRUMMM…”
Paulit-ulit niyang pinalilikot ang laruan, parang may hinahabol, parang gustong lampasan ang lahat ng naririnig.
“NAPAKAWALANG KWENTA MONG ASAWA AT AMA!” sigaw ng ina mula sa loob, halos bumaon sa puso ni Mio ang bawat salita.
“TAMA LANG NA MAGHIWALAY NA TAYO PARA GUMINHAWA ANG BUHAY NAMIN NI MILA!”
“BRUMMM! BRUMMM! BRUMMM!”
Pinipilit niyang palakasin pa. Kailangan. Ayaw niyang marinig. Hindi niya kayang marinig.
“IKAW ANG DAHILAN KUNG BAKIT AKO NAGING GANITO!” galit na sigaw ng ama, tinig na puno ng poot at paninisi.
“IKAW ANG SUMIRA SA PAMILYA NATIN! IKAW ANG MAYABANG, IKAW ANG PUMILI NA MAGING GANITO ANG BUHAY NATIN!”
“BRUMMM!!! BRUMMMM!!!”
Mabilis, magaspang, marahas—ganoon na lang ang galaw ng laruan sa kanyang kamay. Hindi na iyon laro. Isa na itong pagtatangkang takasan ang realidad.
Pilit siyang kumakapit sa ingay na siya lang ang may kontrol.
Pero kahit anong lakas ng tunog, kahit gaano kabilis ang gulong ng laruan—hindi pa rin nito kayang takpan ang kirot na unti-unting lumulubog sa kanyang dibdib.
Hindi na kayang tabunan ng ingay ng laruan ni Mio ang sigawan mula sa loob ng bahay. Parang bawat salitang lumalabas sa bibig ng kanyang mga magulang ay may dalang bigat na unti-unting dinudurog ang munting puso niya.
Nangingilid na ang luha sa kanyang mga mata. Agad niyang tinakpan ang kanyang mga tainga, pilit isinasara ang mundo, habang malakas na itinulak ang laruan palayo.
“HINDI KO DADALHIN SI MIO DAHIL SI MILA ANG GUSTO KO!” sigaw ng kanyang ama, puno ng pagtanggi.
“HINDI AKO PAPAYAG! AKIN SI MILA! DALHIN MO SI MIO!” sigaw naman ng ina, walang pakundangan.
Napalakas ang pagtulak ni Mio sa kanyang laruan—masyadong malakas. Gumulong ito papalayo, pababa sa kalsada.
Mabilis siyang tumayo at hinabol ito, pinipigilang tumulo ang mga luhang kanina pa niya kinukulong sa kanyang mga mata. Gusto lang niyang bawiin ang laruan—ang natitirang bagay na tila hawak pa niya.
Ngunit pagdampot niya rito—
“TABI!!” sigaw ng isang binatilyong nakasakay sa bisikleta.
Napamaang si Mio, hindi nakakilos sa gulat.
Mabilis ang lahat—tila bumagal ang oras. Napapikit siya, inasahan ang sakit, ang pagbangga…
Pero hindi iyon dumating.
Pagdilat niya, nandoon ang binatilyo—huminto sa tamang oras, ilang pulgada lang ang pagitan ng gulong ng bisikleta at katawan ni Mio.
Hingal ang binatilyo. Hawak sa preno. Malapit na malapit. At si Mio, hawak pa rin ang laruan… nanginginig, may luha na ring unti-unting dumaloy sa pisngi.
“Bata!” tawag ng binatilyo nang mapansing may luhang pumatak mula sa mata ng bata. “Natamaan ka ba?” tanong nito, seryoso ang tono habang mabilis na bumaba mula sa bisikleta at lumapit kay Mio.
Humarap si Mio sa kanya, marahang pinunasan ang luha sa pisngi.
“Mahirap po ba ’yang gamitin?” tanong niya, sabay turo sa bisikletang muntik nang tumama sa kanya.
Kumunot ang noo ng binatilyo, hindi inaasahan ang tanong. Ang akala niya, iiyak ang bata o magrereklamo.
“Hindi naman,” sagot niya, medyo litong-lito pa rin. Inabot niya ang panyo sa bulsa at pinunasan ang luha ni Mio.
Nagulat siya nang biglang ngumiti ang bata—isang inosenteng ngiti na tila nagniningning ang mga mata. Walang galit, walang takot—puro kuryosidad at kagustuhang matuto.
“Turuan mo po ako,” wika ni Mio, puno ng pananabik.
Nauna na itong lumakad papunta sa harap ng bisikleta, parang wala lang nangyari.
Wala sa sariling tumayo ang binatilyo, sumunod, at maingat na itinayo ang bisikleta. Saka niya isinakay si Mio rito, marahang inalalayan ang batang sabik matuto.
Pag-andar ng gulong, saglit na katahimikan ang bumalot sa kanila—hindi dahil sa takot o sigawan, kundi sa isang bagong simula.
Habang dumadaan sila sa tapat ng bahay nila Mio, napalingon ang binatilyo nang biglang bumukas ang pinto.
“LUMAYAS KA NA!!!” sigaw ng ina ni Mio, kasabay ng pagbato ng mga gamit palabas ng bahay.
Nagpatuloy lang siya sa pagpadyak, pilit nilalampasan ang eksenang ayaw man lang tingnan ng bata sa kanyang bisig.
“TALAGANG LALAYAS AKO! SA BAHAY NA ’TO, SA’YO! NAPAKASARILI MO!” sigaw naman ng ama.
Muling tumingin ang binatilyo—at doon niya napansin: kamukha ng batang nasa bisikleta niya ang lalaking galit na galit sa pinto. Doon niya napagtanto kung anong klase ng tahanan ang pinanggalingan ni Mio.
Pagharap niya sa harapan, napansin niyang nakangiti pa rin ang bata. Ngunit hindi niya nalinlang ang ngiting iyon. May bakas ng lungkot sa mga mata ni Mio. Isang lungkot na pilit tinatakpan ng tawa at ingay ng gulong.
Tahimik silang nagpatuloy hanggang marating nila ang park sa loob ng village. Doon niya marahang pinababa si Mio mula sa bisikleta.
“Gusto mo talagang matutong mag-bike?” tanong niya, nakaluhod sa harap ng bata.
Tumango si Mio, bitbit ang isang maliit na ngiti. Itinaas nito ang dalawang kamay na parang nagsasabing:
“Sakay mo ako ulit.”
Hindi na nagtanong pa ang binatilyo. Sa simpleng kilos ng bata, alam na niya—ito ang mundo ni Mio na gusto niyang matakasan, kahit saglit lang.
At kung sa isang bisikleta lang siya makatatakas… siya na ang magiging manibela nito.
Hindi napigilan ng binatilyo ang mapangiti sa cute na ngiti ni Mio. Tila kahit papaano, nabura ng sandaling iyon ang bigat ng tagpong nasaksihan nila kanina. Maingat niyang binuhat si Mio at muling isinakay sa bisikleta, sabay hawak sa manibela habang nagsimula silang umikot sa park.
“Anong pangalan mo?” tanong niya habang tinutulungan si Mio na balansehin ang sarili.
Tumawa si Mio—masayang-masaya habang umaandar ang bisikleta.
Pagkatapos ay tumingin siya kay Reagan at ngumiti, “Mio po ang pangalan ko,” malambing na sagot niya.
Tumango ang binatilyo at ngumiti rin.
“Gusto mo bang malaman ang pangalan ko?” tanong niya habang sandaling huminto sa pagpedal, tinitingnan si Mio sa mata.
Agad tumango si Mio, seryosong tinitigan si Reagan na parang sabik na sabik sa sagot.
“Ako si Reagan,” sabi ng binatilyo, sabay ngisi. “Magkapitbahay pala tayo.”
Lumawak ang ngiti ni Mio.
“Ilang taon ka na?” tanong ni Reagan habang marahang umaandar muli ang bisikleta.
Tahimik na itinaas ni Mio ang kanyang mga daliri—pito.
“Seven?”
Tumango si Mio, buong ningning ang mata.
Walang halong lungkot ngayon—sa sandaling ito, isa lang siyang batang natututo, tumatawa, at may kasama.
“Ikaw?” balik na tanong ni Mio, sabay tingin kay Reagan habang nakasakay pa rin sa bisikleta.
Ngumiti si Reagan. “Nineteen na ako.”
Tumango si Mio sa sagot nito, pero halatang iniisip pa rin. Tila ba sinusukat niya kung gaano kalayo ang edad nila—at kung gaano siya kagulang para umasta tulad ng matanda.
Napangiti si Reagan sa kilos ng bata.
Parang hindi pito kung umakto. Parang mas sanay ito sa katahimikan kaysa sa laruan.
“Hindi ba sa tapat ng bahay niyo ’yung kinatatayuan mo kanina?” tanong ni Reagan habang tinutulungan si Mio sa balanse.
Tumango si Mio.
“Opo. Pwede mo po ba akong turuan nito hanggang ganito?” sabay taas ng dalawang kamay, ipinapakita ang sampung daliri. Tumawa si Reagan. “Hanggang sampung araw? Haha.”
Ngumiti lang si Mio at tumango ulit, seryoso at sabik.
“Sure,” sagot ni Reagan. Wala na siyang nagawa kundi ang mapahagikgik at sabayan ang bata sa kaseryosohan nito.
At tuloy-tuloy na nga ang pagtuturo niya kay Mio—halos buong araw silang nasa park. Paulit-ulit. Paikot-ikot.
May mga pagkakataong nawawalan ng balanse si Mio, nadudulas, natutumba.
Ngunit sa tuwing mangyayari ito, hindi man lang ito umiiyak.
Sa halip, humahagikgik lang siya habang tumatayo at marahang pinapagpag ang mga tuhod.
Walang reklamo. Walang inarte.
Si Reagan, sa bawat hakbang, ay unti-unting humahanga—hindi lang sa tiyaga ng bata, kundi sa tapang nitong huwag ipakitang nasasaktan.
Pinagmasdan lang siya ni Reagan habang unti-unting natututo si Mio—mula sa pagbalanse hanggang sa ilang metrong pagpedal na mag-isa. Tahimik ang binatilyo, ngunit sa loob-loob niya, labis ang paghanga sa tibay ng loob ng bata.
Nang magsimulang lumubog ang araw at magkulay kahel ang langit, napagdesisyunan ni Reagan na ihatid na si Mio pauwi. Baka hinahanap na ito.
“Bukas ulit!” masiglang sabi ni Mio nang ibaba siya ni Reagan mula sa bisikleta.
Ngumiti si Reagan at marahang ginulo ang malambot na buhok ng bata. “Sure thing,” sagot niya, sabay tango.
Hinintay muna niyang makapasok si Mio sa loob bago siya tumalikod at tuluyang umuwi.
Pagpasok ni Mio sa bahay, dala-dala ang laruan niyang sasakyan, agad niyang nakita ang kanyang ina na sinusuklay ang buhok ni Mila, ang kanyang nakababatang kapatid.
Ngumiti siya, lumapit, at sabik na nagsimulang magsalita. “Mommy, nag-aaral po ako mag-bik—”
Naputol siya nang tumingin ang ina sa kanya. Walang emosyon ang mga mata nito, malamig, tahimik.
Tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa, at doon napako ang paningin sa sugat sa tuhod ni Mio—maliit lang, pero halatang galing sa pagkakadapa.
Napansin iyon ni Mio kaya agad siyang nagpaliwanag.
“Mommy, hindi naman po masakit yan, su—”
Ngunit muli siyang pinutol ng kanyang ina, malamig ang boses, walang galit, pero masakit sa pandinig:
“Wag ka nang dumagdag.”
Tahimik si Mio.
Nakangiti pa rin ang labi niya—pero unti-unting kumupas ang kislap sa mga mata.
“Maligo ka na sa itaas at linisin mo ’yang sugat mo,” walang ganang tugon ng ina habang patuloy lang sa pagsusuklay ng buhok ni Mila.
Nawala ang ngiti sa labi ni Mio. Tumango siya, tahimik, bago tumalikod at marahang naglakad paakyat. Sinunod niya ang utos ng ina—naligo mag-isa, nagbihis, at umakyat sa isang upuan para maabot ang first aid kit na nakatago sa taas ng aparador sa kanyang silid.
Umupo siya sa gilid ng kama, marahang binuksan ang kit, at matiyagang nilinis ang sugat sa tuhod gamit ang bulak at gamot. May hapdi. Pero hindi siya umangal.
Tahimik lang si Mio habang ginagawa ito—may lungkot sa mga mata, ngunit pinipilit huwag palalimin ang bigat sa dibdib.
Sa halip, pinikit niya ang mga mata at muling inalala ang pakiramdam kanina habang nakasakay sa bisikleta.
Parang lumilipad.
Parang walang ingay.
Parang may ibang mundo.
Napangiti siya.
Matapos malagyan ng band-aid ang sugat, itinabi niya ang first aid kit at bumalik sa kama. Mula sa lamesita sa tabi, kinuha niya ang itinagong pakete ng biscuit at tahimik na kumain habang nakangiti—hindi dahil sa lasa, kundi sa alaala ng unang araw ng pagbibisikleta.
Matapos kumain, bumaba siya para uminom ng tubig. Madilim na sa ibaba—patay na ang mga ilaw, kaya medyo kinabahan siya. Tahimik ang buong bahay. Tahimik sa isang paraang hindi niya gusto.
Pagkainom, mabilis siyang tumakbo paakyat, halos hindi humihinga sa kaba. Pagdating sa kwarto, agad siyang humiga at nagtakip ng kumot.
Sa ilalim ng kumot, muling sumilay ang ngiti sa kanyang labi bago pumikit ang mga mata.
Bukas ulit.
Bukas uli siyang lilipad.
Kinabukasan, agad gumising si Mio na may ngiti sa labi. Buong sigla niyang hinawi ang kurtina ng bintana—umaasang muling makakapaglaro at makakasakay sa bisikleta ngayong araw.
Agad siyang naghilamos at nag-toothbrush sa banyo, puno ng enerhiya. Bumaba siya ng hagdan, ngunit agad na natigilan sa nakita: ang kanyang ina sa salas, napapalibutan ng mga maleta at bag.
Binibihisan nito si Mila, habang abala sa pag-aayos.
Bago pa siya makalapit, lumabas mula sa kusina ang kanyang lola, may dalang tasa ng gatas.
“Mio, apo ko,” masayang bati nito, tila sinusubukang punan ang katahimikan sa paligid.
Lumingon si Mio sa ina, bitbit pa rin ang ngiti.
“Saan po tayo pupunta, Mommy?” inosenteng tanong niya.
Sandaling umiwas ng tingin ang ina bago sumagot—tila pilit pinapatag ang boses.
“Kami lang ni Mila ang aalis. Maiiwan ka muna sa Lola mo. Siya muna ang mag-aalaga sa’yo.” Nilapitan niya si Mila at sinimulang isabit ang bag sa balikat.
“Nagtatrabaho na ako sa UK. Hindi ko puwedeng iwan si Mila dito, baby pa siya.”
Napako si Mio sa kinatatayuan niya. Saglit siyang natahimik, pero agad naglakad palapit, bitbit ang pag-asang kayang maayos ang lahat.
“Sama na lang po ako, Mommy… para tulungan kita alagaan si Mil—”
“MAIIWAN KA SABI EH!” sigaw ng ina, matalim at mariin, na agad tumagos sa puso ni Mio.
Napaatras siya sa gulat, hindi inaasahan ang lakas ng tinig.
“Lara!” saway ng Lola niya, puno ng awtoridad at pag-aalala.
Huminga nang malalim ang ina ni Mio, pilit pinipigilan ang sarili. Hinila niya ang mga maleta at lumabas ng bahay, kung saan naghihintay na ang isang sasakyan.
Nanatili lang si Mio sa kinatatayuan, tila napako sa sahig. Tahimik niyang pinanood habang isa-isang isinasakay ng ina ang mga gamit sa sasakyan.
“Ma, ikaw na muna ang bahala rito. Magpapadala ako dalawang beses sa isang buwan. Huwag kayong mag-alala,” sambit ng ina habang inaayos ang huling bag. Walang tingin sa anak.
Diretso. Tapos.
“Hindi ka ba magpapaalam kay Mio?” tanong ng lola, bahagyang may paniningil sa tinig.
Doon lang tumingin ang ina, kung saan nakatayo si Mio sa pintuan. Tahimik, walang luha, pero may pagmamakaawa sa mga mata.
“Aalis na kami.”
Yun lang.
Isang linyang walang yakap. Walang halik. Isinara niya ang pinto ng sasakyan, at agad itong umusad palayo.
“M-Mommy…” mahina, halos hindi marinig. Boses ni Mio na parang inagawan ng hangin. Dahan-dahang lumakad si Mio palapit sa gate. Hanggang sa naging takbo na ito.
“Mommy!” Tumakbo siya sa abot ng makakaya, tinatawid ang kalsada habang papalayo ang sasakyan.
“Hintayin mo po ako!”
Pero hindi na siya nilingon. Mas lalong lumiliit ang sasakyan sa paningin niya.
Hanggang sa—Nadapa si Mio sa gitna ng kalsada. Tumama ang tuhod sa semento. Sumabit ang palad sa lupa. Pero hindi iyon ang masakit.
Nakatingin lang siya sa kalsada, habol ang hininga. Ang sasakyan, wala na. Ang ina, wala na rin.
Tahimik siyang umupo sa pagkakadapa, pinipigil ang luha—pero kusa na itong bumabagsak.
“MIO, APO!” sigaw ng lola mula sa loob ng bahay, puno ng kaba at pag-aalala.
Ngunit hindi kumilos si Mio.
Nanatili siyang nakadapa sa gitna ng kalsada, nakatingin sa direksyong nilisan ng sasakyan—doon sa kalsadang parang kinain ang tanging taong matagal na niyang gustong patawanin.
Dahan-dahan siyang yumuko, tinakpan ng buhok ang mga mata habang dumidikit ang luha sa alikabok ng daan.
Maya-maya, narinig niya ang tunog ng bisikleta na huminto sa tapat niya.
Dahan-dahan siyang tumingala. Namumula ang mata, nangingilid pa ang luha, at doon nakita niya si Reagan.
Ngumiti ito sa kanya—hindi pilit, hindi awa. Isang ngiting kayong dalawa lang ang nakakaintindi.
“May dala akong chicken sandwich. Gusto mo ba?” tanong ni Reagan, habang iniaangat ng kaunti ang brown paper bag sa kamay.
Pinunasan ni Mio ang kanyang mukha gamit ang manggas—pero sa halip na luminis, lalo lang nadungisan ng alikabok at luha.
Napatawa si Reagan, mahinang tawa na may halong lungkot.
“Tara,” sambit nito, sabay abot ng kamay.
Hinawakan ni Mio ang kamay niya. Marahang itinayo ni Reagan ang bata, isinakay sa bisikleta, at saka sila dahan-dahang tumungo sa park.
“Pupunta lang po kami sa park,” sabi ni Reagan sa Lola ni Mio habang dumaraan sa harap ng bahay.
Tumango ang matanda. Walang salitang bitin. Hinayaan silang umalis.
Pagdating sa park, umupo sila sa isang bench sa ilalim ng puno. Tahimik ang paligid, malayo sa ingay ng kalsada at sigaw ng loob.
Binuksan ni Reagan ang sandwich at iniabot kay Mio. Tumanggap naman ito nang mahina ang ngiti.
Tahimik silang kumain.
Walang tanong. Walang “anong nangyari?” o “ayos ka lang ba?”
Si Reagan, tahimik lang na nakikiramdam—hinihintay si Mio kung kailan siya handang lumuha.
Pero si Mio, kumakain lang. Mabagal, walang gana, pero tuloy lang.
Pero kahit pa malapit na nilang maubos ang chicken sandwich, hindi pa rin umiyak si Mio.
Tahimik. Matipid ang galaw. Pero buo.
Maya-maya, tumingala siya kay Reagan, at sa halip na tanong ng lungkot ay isang kaswal na usisa ang binitawan:
“Gaano katagal po ako matuto mag-bike?”
Napangiti si Reagan sa tanong, bahagyang nagulat, pero natuwa. “Mga ilang araw na lang, marunong ka na. Ang sipag mo, eh.” Muli, kumislap ang mata ni Mio.
“Tara na po!” masiglang yaya niya at agad hinila si Reagan patayo.
Natawa na lang ang binatilyo habang sumusunod, at muli nilang tinungo ang bisikleta.
Hindi kagaya kahapon na tila laro lamang ang bisikleta para kay Mio, ngayon ay iba na ang kanyang galaw. May pagnanais. May determinasyon. Tila gusto niyang patunayan—na kahit iniwan siya, kaya niyang matutong magpatuloy.
“Dahan-dahan lang, Mio!” tawag ni Reagan habang hinahabol ang bata na unti-unting pinapabilis ang pagpedal.
Ngunit si Mio, tumatawa. Buong saya. Parang may pakpak ang bawat ikot ng gulong, at ang hangin ay parang bagong kaibigan.
Agad bumaba si Mio sa kanyang bisikleta at kumatok sa pinto ng bahay nila Reagan. Ilang katok pa lamang, bumukas na ang pinto.
Isang matandang babae ang humarap sa kanya.
“Anong kailangan mo, iho?” tanong nito, may banayad na tono ngunit may bahid ng pagtataka.
Saglit na kumunot ang noo ni Mio. Tiningnan niya ang paligid—sigurado siya, tama ang bahay na ito. Katabi lang ng bahay nila. Dito nakatira si Reagan.
“Rea…?” mahinang bulong niya, halos hindi lumalabas ang tinig.
Narinig ito ng matanda, kaya ngumiti ito nang may pag-unawa.
“Naku, iho. Lumipat na ang mga Rios kagabi. Biglaan lang din. Ako na ang caretaker ng bahay ngayon.” Tumango si Mio. Walang imik. Walang tanong.
Tahimik siyang umatras, muling sumakay sa kanyang bisikleta. Walang saya, walang sigla sa pagpedal pauwi.
Pagdating sa bahay, hindi na niya inintindi ang bisikleta. Hinayaan niya itong matumba sa harap ng bakuran. Tumakbo siya papasok, hindi pinansin ang tanong ng kanyang Lola.
“Oh, Mio, apo? Akala ko ba magbibisikleta kayo ni Reagan?” tanong nito mula sa kusina.
Hindi siya sumagot.
Dumiretso sa kanyang silid, isinara ang pinto, at humiga sa kama. Agad nagtalukbong ng kumot.
Doon, sa ilalim ng dilim ng kumot, walang humahawak sa kamay niya. Walang nagsasabing “okay lang.”
Doon, sa ilalim ng kumot, umiyak siya.
Tahimik. Malalim. Mabigat.
Parang may humigop sa liwanag ng kanyang maliit na mundo. Wala man lang paalam. Wala ni isang huling sulyap.
Kinabukasan, tahimik na nakaupo si Mio sa sala. Hawak ang remote, pero hindi naman talaga nanonood. Nakatitig lang sa TV, habang ang mga mata’y mapungay at walang buhay.
Lumapit ang Lola niya, naupo sa tabi. “Mio, hindi ka ba magbibisikleta sa labas ngayon, apo?” Tahimik na umiling si Mio. Hindi man tumingin.
“Ayaw ko na pong mag-bike.”
Isang simpleng tugon, pero sapat para ramdamin ng kanyang Lola ang bigat ng pagkakawala.
Ang bigat ng iniwang pangakong hindi naibigay.
CHAPTER 2
14 years later.
“Hi Mio!” masiglang tawag ng kaklaseng si Candy, sabay lapit habang bahagyang kumikindat sa mga kasama niya. Bitbit nito ang isang maliit na box na may laso sa ibabaw.
“Ang gwapo mo talaga…” bulong pa nito, halos hindi maituloy ang sasabihin habang nakatitig kay Mio.
“Gusto ko lang sanang ibigay ’to sa’yo. Ginawan kita ng cookies… kasi narinig ko mahilig ka raw sa sweets. Gaya ko,” sabay kindat at masuyong abot ng box.
Bahagyang naiiling si Mio, nagpakawala ng magaan na ngiti—isang ngiting bihirang lumabas pero palaging epektibo.
Kinuha niya ang box nang maingat, halatang hindi sanay sa ganitong eksena.
“Thanks dito,” mahinang sambit niya, bago dahan-dahang lumakad palayo.
Halos mapatili si Candy, tinakpan pa ang pisngi habang pinapanood siyang naglalakad palayo, napapaligiran na ngayon ng mga kaibigan niya na pawang kinikilig.
Nang mapansin iyon ni Mio, umiling na lang siya, natatawa sa sarili, bago ibinaling ang atensyon sa table kung nasaan ang kanyang mga kaibigan.
Tahimik siyang umupo, inilapag ang box ng cookies sa gilid ng kanyang tray.
Hindi niya binuksan. Hindi niya tinikman.
Tulad ng dati, alam niyang may mga bagay na mas mahirap kainin kapag ang puso mo ay may hinahanap pa ring lasa—isang bagay na hindi kailanman naibalik sa kanya.
“Uy, ang sarap nito ah!” gulat na sabi ni Mila habang biglang agaw ng kahon mula sa kamay ni Mio.
“Mila!” singhal ni Mio sa kapatid.
“Akin na lang ’to, kuya. Hindi ka naman talaga mahilig sa matamis, diba? Sinabi ko lang kay Candy na mahilig ka para makalibre ako ng cookies. Hahaha!” sagot ng kapatid niya na may halong kalokohan.
Alam naman ni Mio na si Mila ang nagpakalat ng tsismis na mahilig siya sa sweets, kaya hindi na siya nagtaka.
Hinayaan na lang niyang kainin ng kapatid ang cookies habang sabay silang naglalakad papunta sa table nila.
“Alam mo, dapat doon ka na lang talaga kay Mommy,” ani Mio na may halong inis.
Dinilaan lang siya ni Mila bago sumubo ng malaking kagat ng cookie.
“As if naman papabalikin pa ako ni Mommy doon. Masaya na siya sa bago niyang pamilya. Tingnan mo nga, para lang akong basurang tinapon pabalik dito noong makasal siya doon sa matandang tisoy na ’yon.”
Bakas sa boses ni Mila ang lungkot at galit kaya natawa na lang si Mio at ginulo ang buhok ng kapatid.
“Ang drama mo po, Miss Ma’am,” biro niya sabay harap sa mga kaibigan.
“Cookies o! Galing sa fan club ni Kuya Mio, hahaha!” sigaw ni Mila habang binibigyan ng cookies ang mga kaibigan ng kuya niya.
“Akala ko ba ayaw mo sa sweets, Mio?” tanong ni Layda habang ngumunguya ng cookie.
“Tanong mo diyan.” sabay turo ni Mio sa kapatid niya.
Tumawa lang si Mila at agad naintindihan ng lahat ang biro.
“Ang galing mo talaga, Camila!” puri nina Kimy at Brix kay Mila.
“Para saan pa’t senior ko kayo kung ’di ako magaling? Syempre mana ako sa inyo!” sagot ni Mila na mayabang ang ngiti, kaya binatukan siya ni Mio.
“Diyan ka lang talaga magaling, ano?” sambit nito. Nag-peace sign lang si Mila bago sumama sa kwentuhan kasama sina Kimy.
“Mio, may party mamaya—birthday daw ni Joanna, ’yung vice president ng college natin. Syempre, imbitado tayo. Lalo ka na, type ka nun eh,” sabi ni Brix na may nakakalokong ngiti.
“Anong oras?” tanong ni Mio.
“9 PM daw. G ka?” sagot ni Brix.
“G ako!” sabay na sabi nina Kimy at Layda.
“Ako din,” dagdag ni City.
“Syempre ako din!” masiglang singit ni Mila, pero agad siyang pinigilan ni Mio.
“Hindi ka kasama,” sambit nito.
Sumimangot si Mila at yumakap kay Kimy. “ Next time na lang, bebe, pag adult age ka na,“ sabi ni Layda habang hinahagod ang likod ni Mila.
“Sige, pupunta ako,” sambit ni Mio, at nagsimula na silang kumain. Masaya silang nagkwentuhan hanggang sa matapos ang lunch break, saka sabay-sabay na pumasok sa susunod nilang klase.
“Mila, anong ginagawa mo dito? Hindi dito ang class mo,” sita ni Mio nang mapansing balak na naman ng kapatid na sumama sa kanila sa classroom—gaya ng nakasanayan nito.
“Kuya naman, boring ang class ko. Dito na lang ak—”
“HINDI!” mariing sagot ni Mio sabay tulak sa kapatid palayo, bago pumasok sa third class nila.
“AHHHH MIOOOO! ANG GWAPO MOOO! BRIX!!!” sigaw ng mga kababaihan sa loob ng classroom.
“Ahhh Mio, ang gwapo mo—ay, ikaw din Brix! Wala bang bago? Araw-araw na lang,” iritang sambit ni Kimy, tila naririndi na sa paulit-ulit na hiyawan na naririnig nila buong school year.
“Hayaan mo na sila, Kimy. Crush nila sina Mio at Brix. Hindi naman natin maipagkakaila na guwapo talaga ang dalawang ’yon,” sambit ni City habang sabay-sabay na silang umupo at inilabas ang kani-kaniyang laptop.
“Siya nga pala, natapos mo na bang i-type ’yung script para sa project natin sa Tech Theater, Brix?” tanong ni Layda.
Agad na kumamot ng ulo si Brix.
“HINDI MO PA GINAGAWA?!” sabay-sabay nilang sigaw, at binatukan siya ni Kimy.
“Tatapusin ko na bukas, ’wag kayong mag-alala. Pero…” tumigil si Brix at tumingin kay Mio.
Umiling si Mio, tila alam na agad ang dahilan kung bakit siya tiningnan ni Brix.
“Oo na, tutulungan na kita,” sabi ni Mio.
Agad siyang inakbayan ni Brix. “The best ka talaga, Mio,” ani Brix sabay ngiti.
Sakto namang dumating na ang professor nila, kaya agad na nanahimik ang lima at nag-focus sa klase.
Pagkalipas ng dalawang oras, natapos na rin ang klase nila.
“Mio, mauna na kami,” paalam ni Brix bago sumakay sa sasakyan ni City.
“Kita-kits na lang tayo doon, Mio!” sabay flying kiss ni Kimy bago sila tuluyang umalis, iniwan si Mio sa university parking lot.
Sumandal si Mio sa kanyang maliit na sasakyan at tahimik na naghintay sa kapatid na lumabas mula sa building nito.
“KUYAAAA!!!”
Napalingon siya nang marinig ang pamilyar na sigaw—si Mila, na mula pa sa malayo ay sumisigaw na para lang siya tawagin.
Napailing si Mio, minasahe ang sentido at sumakay na sa loob ng sasakyan. Ilang saglit lang, sumunod na rin si Mila at pumasok.
“Kailangan mo pa talagang sumigaw, Mila?” tanong niya, tila pagod na sa nakasanayang gulo ng kapatid.
“Syempre naman, kuya! Ipagsisigawan ko na gwapo ang kuya ko—kaso, single nga lang,” pang-aasar ni Mila.
Pinitik siya ni Mio sa noo bago pa man makasunod ang isa pang banat, sabay bukas ng makina ng sasakyan.
“Aray naman, kuya!” reklamo ni Mila habang hinihimas ang noo.
“’Nga pala, kuya, kilala mo pa ba ’yung kaibigan kong si Kiko? May boyfriend na siya! Ihhhhh, kinikilig ako!” sigaw ni Mila habang si Mio ay patuloy sa pagmamaneho.
“Boyfriend? Hindi ba lalaki ’yon?” tanong ni Mio, nagtataka habang nakatutok pa rin sa daan.
Ngumiti si Mila, halatang kinikilig pa rin habang inaalala ang sagot ni Kiko kay Jake, ang manliligaw nito.
“Bakit, kuya? Wala namang masama kung pareho silang lalaki. Love is not based on gender naman, ’di ba?” sagot niya nang may halong lambing.
Umiling na lang si Mio, pero may maliit na ngiti rin sa labi.
“’Sya nga pala, aalis ako ngayong gabi, ’di ba? Huwag mong kalimutang ipainom kay Lola ang gamot niya. Tabihan mo muna siya habang wala ako,” paalala ni Mio.
Tumango si Mila habang abala sa pagtingin sa post ng kaibigang si Kiko sa phone.
“Ay puta—”
Hindi na niya natapos ang pagmumura dahil pinitik agad ni Mio ang bibig niya.
“Sorry, kuya,” sambit ni Mila.
“Tingnan mo kasi, kuya… ang daming may ayaw kina Kiko at Jake. Paki ba nila kung mahal nila ang isa’t isa? Mga homophobic,” iritang bulong niya.
Huminga na lang nang malalim si Mio at hinayaan na ang kapatid.
Hindi rin naman siya sang-ayon sa relasyon na binanggit ni Mila—lalaki sa lalaki? Para sa kanya, parang hindi tama ’yon. Pero pinili na lang niyang manahimik.
Pagkarating nila sa bahay, dumiretso agad sa kusina ang magkapatid upang batiin ang kanilang Lola.
“La, may lakad po ako ngayon. Si Mila muna ang kasama n’yo ngayong gabi, okay lang po ba?” tanong ni Mio habang inilalapag ang bag.
“Oo naman, Mio, apo ko. Okay lang kami dito,” sagot ng Lola nila sabay halik sa pisngi ng apo. “Hala, sige—magbihis ka na at baka malate ka pa.”
Ngumiti si Mio bago tumango at umakyat sa itaas.
“Lola, tulungan na kita,” sambit ni Mila at agad na tinulungan ang kanyang Lola sa pagluluto.
Samantala, tumuloy si Mio sa kanyang silid upang maligo at magbihis. Isinuot niya ang paborito niyang sky blue dress shirt at black ankle pants. Maayos niyang inayos ang buhok, isinuksok ang cellphone sa bulsa, at sinuot ang kanyang salamin.
Bago pa siya lumabas ng silid, tumunog ang kanyang telepono—isang text mula kay Brix.
From Brix:
Dito na kami, saan ka na?
To Brix:
Papunta na.
Mabilis siyang nag-reply, saka lumabas ng silid at bumaba.
“La, Mila, aalis na ako. Kumain na po kayo, ’wag n’yo na po akong hintayin, ha?” paalala ni Mio habang hinahalikan ang noo ng kanyang Lola.
“Mag-ingat ka, apo,” sagot ng matanda habang kumakaway sa kanya.
Gamit ang sasakyang binili ng kanilang ina para sa kanila ni Mila, dumiretso si Mio sa bar kung saan ginaganap ang birthday party ni Joanna.
Pagkarating niya, agad siyang sinalubong ng kanyang mga kaibigan.
“Ang gwapo talaga,” puri ni Kimy habang inaayos ang salamin ni Mio, sabay kindat.
“Tara na sa loob! Nako, pasalamat ka’t kaibigan kita—kung hindi, niligawan na kita kahit ako pa ang lalaki sa ating dalawa. Mas maganda ka pa kasi sa’kin, gurl,” biro ni Layda habang nakapulupot ang braso kay Mio at hinila siya papasok.
Pagpasok nila sa loob, sinalubong agad sila ng malakas na musika at mga umiilaw na strobe lights na nagsasayaw sa buong venue.
“Mio, dumalo ka!” masiglang bati ni Joanna, agad lumapit kay Mio. Tila nangniningning ang mga mata nito habang nakatitig sa binata.
“Happy birthday, Joanna. Para sa’yo,” sambit ni Mio sabay abot ng cake na binili ni City para sa celebrant.
“Ang sweet mo talaga. Thank yo—” papalapit na sana si Joanna para halikan sa pisngi si Mio, pero biglang itinulak ni Kimy ang noo nito palayo.
“That’s bad, gurl. Birthday lang ang usapan—walang kiss kiss,” sabing mayabang ni Kimy habang taas-noo siyang humarap, saka hinila si Mio palayo at dinala sa isang bakanteng table.
Umupo silang lahat at nagsimulang umorder ng inumin.
“Hard drinks ba, Mio?” tanong ni Brix habang inaayos ang menu.
“Hindi, magda-drive pa ako mamaya,” sagot ni Mio.
Tumango ang mga kaibigan niya at umorder na ng kanya-kanyang inumin. Nag-umpisa silang uminom, magkwentuhan, at magtawanan habang unti-unting sumisigla ang gabi.
Madalas silang dumadalo sa mga parties, pero bihira lang uminom si Mio. Hindi niya ugali ang malasing o uminom nang sobra—laging kontrolado, laging alerto.
“Shet, kailangan ko ng tubig,” singhal ni Layda, halatang tinamaan na agad sa unang round pa lang.
Agad na tumayo si Mio. Alam niyang mabilis malasing si Layda kaya hindi na siya nagdalawang-isip.
“Kuha lang ako ng tubig,” sabi niya at naglakad papunta sa counter.
“Miss, one cup of water, please,” maayos na sambit ni Mio sa bar attendant.
Habang hinihintay ang baso ng tubig, isang bigat ang dumapo sa kanyang balikat—isang pamilyar na braso na agad nagpabigat sa hangin sa paligid niya.
“Kumusta, Aleria? Namiss mo ba ako?”
Boses pa lang, alam na ni Mio kung sino ang nasa likod niya. Agad niya itong tinulak palayo, hindi alintana kung sino man ang makakita.
“Tigilan mo ako. Wala akong oras para sa’yo,” iritang sagot niya.
“Woah, chill. Hindi ako nandito para makipag-away, hahaha,” sagot ng lalaki, may halong ngising nakakainis.
Pero hindi naniwala si Mio. Kilalang-kilala niya ito. Sa ngisi pa lang ni Cayden, alam na niyang may masama itong balak.
“Wag ako, Cayden,” malamig na sagot ni Mio, mariin ang tingin.
CHAPTER 3
“Woah, chill, hindi ako makikipag-away, hahaha,” natatawang sambit ni Cayden habang nakangisi. Pero halatang hindi ito kapanipaniwala kay Mio, kaya tinalikuran na lang niya ito.
Agad siyang hinila ni Cayden sa braso, mas lalo pang lumawak ang ngisi nito.
“Wag ako, Cayden,” madiing sabi ni Mio, sabay tingin ng masama sa kamay nitong nakakapit sa kanyang braso.
Sa halip na tumigil, lalo pang natuwa si Cayden. Inilapit pa nito ang mukha kay Mio saka ginaya ang tono niya, “Wag ako, Cayden,” pang-aasar nito.
“Alam mo namang ikaw ang paborito kong kalaro, Mio. Tapos nilalayuan mo ako? Nakakalungkot naman,” mapang-asar niyang dagdag bago inagaw ang baso ng tubig sa kamay ni Mio at walang pakundangang ininom ito.
“Para kay Layda ’yan!” singhal ni Mio, sabay tingin ng masama kay Cayden.
Ngumisi lang ang binata bago biglang ibinuhos sa ulo ni Mio ang natirang tubig sa baso.
“Medyo mainit kasi dito sa loob. Palamig ka muna,” nakangising biro ni Cayden bago binitiwan si Mio.
Natigilan si Mio sa malamig na tubig na dumaloy sa kanyang katawan. Pero hindi na ito bago sa kanya—kilala na niya si Cayden at alam niyang mauuwi na naman sa ganito. Kaya imbes na patulan, tinalikuran na lang niya ito at tahimik na kumuha ng panibagong baso ng tubig sa counter.
Tumatawa si Cayden habang pinapanood si Mio na parang basang sisiw na naglalakad pabalik sa mesa nila.
“Mio, saan ka galing? Parang nag-dive ka sa counter, basang-basa ka! Hahaha!” natatawang sambit ni Clyde habang nakaalalay sa lasing na si Layda.
Nagbuntong-hininga na lang si Mio, inabot ang tubig para kay Layda, at tahimik na tumuloy sa banyo.
Pagdating doon, agad niyang pinunasan ang kanyang mukha at dahan-dahang pinatuyo ang buhok. Tinitigan niya ang sarili sa salamin—tuyo ang ngiti, pero basa ang loob, gaya ng itsura niya ngayon.
Hindi maiwasan ni Mio na mainis—hindi na yata napapagod si Cayden sa pambubully sa kanya. Simula pa noong senior high school, wala na itong ginawa kundi pahirapan siya at ipahiya sa harap ng maraming tao.
Senior High School, Grade 11 — Flashback
“Mio, salo! Dali!”
sigaw ni Cayden sa hallway.
Nagulat si Mio. Sa bilis ng pangyayari, wala na siyang nagawa kundi saluhin ang inihagis ni Cayden. Nang tumigil sa ere ang bagay at nahawakan na niya ito, saka niya lang napagtanto kung ano iyon—isang bra ng babae.
Nanlaki ang kanyang mga mata.
Bago pa niya mabitawan ang hawak, isang malakas na sampal ang dumapo sa kanyang pisngi.
“BASTOS!!!”
sigaw ng babaeng kaklase sa harapan niya, bago nito agawin ang bra mula sa kanyang kamay at magmamadaling tumakbo palayo, umiiyak.
Naiwan si Mio, gulat na gulat at hawak-hawak ang namamanhid na pisngi. Dahan-dahan siyang lumingon, at sa dulo ng hallway ay nandoon si Cayden—halakhak ng halakhak, para bang aliw na aliw sa gulong siya mismo ang gumawa.
Tahimik na nagbabasa si Mio sa kanyang upuan nang marinig niya ang boses ng kaibigan mula sa labas ng pinto.
“Mio, canteen tayo,”
yaya ni Kimy sabay ngiti.
Tumango lang si Mio, mahinang ngumiti, at marahang isinara ang libro bago ito itinabi sa kanyang bag. Binuhat niya ito habang tumatayo.
Habang naglalakad siya papalapit sa pinto, bigla siyang napahandusay sa sahig—pinatid siya ni Cayden.
“AHAHAHAHAHA! Ingat naman, Mio!”
malokong sigaw ni Cayden sabay tawanan ng kanyang barkada.
Nataranta si Kimy at agad lumapit.
“Tangina mo, Cayden!”
galit na sigaw nito habang tinutulungan si Mio tumayo.
Tahimik lang si Mio. Hindi na siya umimik, pinunasan lang ang duming kumapit sa kanyang damit at tuloy-tuloy na lumabas ng silid kasama si Kimy, papunta sa canteen—bitbit ang sakit at pananahimik na matagal na niyang tinanggap.
“Mio, bilis! Bilis!”
masiglang tawag ni Layda habang hinihila si Mio papunta sa field ng kanilang school, kung saan kasalukuyang nagaganap ang soccer match laban sa kabilang paaralan.
Kalahok sa laro si Cayden—kilala bilang isa sa pinakamagaling na manlalaro ng soccer sa kanilang school. Malaki ang kumpiyansa ng lahat sa kanya, kaya hindi na rin nakapagtataka na halos buong bleachers ay puno ng naghihiyawang estudyante.
Habang abala si Cayden sa laro, agad niyang napansin ang paparating na si Mio. Isang pilyong ngiti ang gumuhit sa kanyang labi—nakaisip na naman siya ng paraan para inisin ito.
Nang makaiskor siya at mapasok ang bola sa goal ng kalaban, nag-timeout ang kabilang team. Tumakbo si Cayden pabalik sa gilid ng field, kung saan naroon ang coach nila. Sigawan at tilian agad ang sumalubong sa kanya mula sa mga tagahanga, lalo na nang bigla siyang nagbuhad ng uniporme.
Ngunit imbes na itapon ito sa crowd, ibinato niya ito kay Mio—diretso sa kanyang harapan.
Napatingin ang mga fans. Kasunod noon, nagsimula ang unang bote ng walang laman na bottled water na tumama sa gilid ni Mio. Isa, dalawa, hanggang sa sunod-sunod na ang batong natatanggap nila mula sa mga babaeng tagahanga ni Cayden.
“Nakakahiya ’to, Mio. Umalis na tayo,”
bulong ni Layda, habang tinatakpan ang sarili at hinila palabas si Mio.
Wala na lang nasabi si Mio habang papalayo sila sa field, pilit nilulunok ang inis at hiya. Alam niyang sinadya iyon ni Cayden—at mas lalong alam niyang may mga taong handang saktan siya, para lang ipagtanggol ang isang tulad niya.
“Loko talagang Cayden na ’yon! Dimonyo! Tudang buto!”
galit na sigaw ni Layda.
“Pasalamat siya at kaibigan siya ni Brix—kung hindi, matagal ko na siyang pinatay!”
“Hayaan mo na, baka kinukulang lang talaga ng turnilyo sa utak,”
mahina lang na bulong ni Mio habang walang pakundangang itinapon ang uniform ni Cayden sa basurahan.
End of the flashback
Pinunasan ni Mio ang kanyang mukha bago lumabas ng banyo at bumalik sa mesa ng mga kaibigan.
“Mauna na akong umuwi. Walang kasama sina Lola at Mila sa bahay. Ikaw na bahala sa kanila,” mahinahong sabi niya kay Clyde.
Agad namang tumango si Clyde. “Mag-ingat ka, Mio, ah. Tawagan mo kami pagdating mo.”
Sakto namang dumating si Brix, may dalang panibagong bote ng beer.
“Saan punta, Mio?” tanong nito.
“Uuwi na ako,” sagot ni Mio.
“Hatid na kita, gusto mo?” alok ni Brix.
“Okay lang, dala ko naman ’yung sasakyan. At isa pa…” sabay turo ni Mio kay Kimy na halos nakaluhod na sa sahig habang sumasayaw, “…mas kailangan ka yata dito.”
Napatawa si Brix, habang si Clyde ay umiling na lang, nakangiti. Si Mio naman ay tahimik na naglakad paalis—tahimik pero kontento, kahit papaano.
“Oo nga,” hindi makapaniwalang sambit ni Brix.
Tinapik siya ni Mio sa balikat, tumango kay Clyde, at tuluyang lumabas ng bar. Pagdating niya sa parking lot, agad niyang napansin si Cayden na nakasandal sa sasakyan niya at naninigarilyo.
Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni Mio bago siya lumakad papalapit.
“Tabi,” malamig at walang ganang sambit ni Mio.
Agad namang tumayo si Cayden at basta na lang tinapon ang sigarilyo kung saan.
“Going home already?” nakangising tanong nito.
Hindi siya sinagot ni Mio at dumiretso sa driver’s side ng sasakyan. Ngunit bago pa niya mabuksan ang pinto, hinarang ni Cayden ang kanyang braso.
“Ano ba, Cayden!” mahinahon pero mariing sabi ni Mio.
Ngumiti si Cayden, saka sumandal sa harapan ni Mio at marahang hinila ang bewang nito palapit sa kanya.
“Wala bang goodbye kiss d’yan?” pang-aasar niya, may halong tukso sa boses.
Mariing itinulak siya ni Mio at agad sumakay sa loob ng sasakyan.
“Hindi ako babae na mababaliw sa’yo, Cayden. Kaya tigilan mo na ako,” matigas niyang sabi habang isinara ang pinto.
“Talaga?” balik ni Cayden, ngayon ay nakasandal na sa bukas pang bintana ng sasakyan.
Sinuklian lang siya ng matalim na tingin ni Mio, saka dahan-dahang isinara ang bintana—tuluyan nang pinutol ang anumang pa-flirt na eksena ni Cayden.
Nag-drive si Mio pauwi, at pagdating sa bahay ay nadatnan niyang kausap ni Mila ang isang kaibigan sa cellphone.
“Si Lola?” tanong niya sa kapatid habang hinuhubad ang sapatos.
“Natutulog na sa taas, Kuya. Uminom na rin siya ng gamot niya—clear na lahat,” sagot ni Mila bago ito pumasok sa silid niya.
Tumango si Mio at nagtungo sa silid ng kanilang Lola, may dalang baso ng tubig. Pagbukas niya ng pinto, bumungad sa kanya ang mahimbing na tulog ng matanda sa kama.
Ngumiti siya at marahang inilapag ang baso sa side table. Pumasok siya sa walk-in closet ng kanyang Lola, kung saan naroon ang ilan sa mga pantulog niya—dahil simula pa noon, sa tabi ng kanyang Lola siya natutulog.
Matapos magpalit ng damit, humiga siya sa tabi nito. Tahimik niyang pinagmasdan ang mukha ng kanyang Lola—mapayapa, mahinahon, at puno ng alaala.
Habang nakahiga, biglang pumasok sa isip niya ang isang taong matagal na niyang hindi nakikita. Iba ang nararamdaman niya tuwing naiisip niya ito—may halong pananabik, pagkasabik, at isang damdaming hindi niya maipaliwanag.
Hindi siya makapaniwala na hanggang ngayon, sariwa pa rin sa kanya ang boses at mukha ng taong iyon.
Napangiti siya nang maalala ang kanilang samahan noon.
“Makakapag-bike pa kaya kami?”
bulong niya sa sarili, bago napatawa at dahan-dahang pumikit.
Hindi niya namalayang nakatulog na pala siya.
Pagmulat niya ng mata, wala na ang kanyang Lola sa tabi niya. Ngunit sumalubong sa kanya ang masarap na amoy mula sa kusina sa ibaba.
Napangiti siya—isang ngiting puno ng kapayapaan—at bumangon na upang bumaba.
“Wow, La! Ang sarap nito, ah,” masayang bati ni Mio sa kanyang Lola.
Ngumiti ang matanda at agad silang pinaghain ng almusal kasama ang kapatid niyang si Mila.
“Kuya, sasabay ako mamaya kina Shairah, ha? Alam mo na—bestfriend quality time muna,” paalam ni Mila habang naglalagay ng ulam sa plato.
“Okay, basta tawagan mo ako o mag-text ka, ha?” paalala ni Mio.
Tumango si Mila habang ngumunguya. Matapos kumain, nag-ayos na sila para sa pasok.
Habang palabas ng bahay, muling tumingin si Mio sa kanyang Lola. “La, tawagan mo ako agad kapag may nangyari, okay?”
Ngumiti ang matanda at hinawakan ang pisngi niya bago ito halikan. “Oo, apo. Wala ka nang dapat ipag-alala sa akin.”
Matapos magpaalam, hinatid ni Mio ang kapatid sa building ng Senior High bago siya tumuloy sa sarili niyang department.
“Text mo ako, Mila, ha?” huling paalala niya habang binaba ang bintana ng sasakyan.
“Opo, Kuya!” magalang na sagot ni Mila, sabay takbo papasok ng building.
Mio watched her for a second—siguradong ligtas na—bago siya tuluyang umalis, tahimik na nagdasal na maging maayos ang araw nilang lahat.
Pagdating ni Mio sa parking ng college building, maayos niyang ipinark ang sasakyan bago tumuloy sa unang klase niya ngayong araw.
Pagkaupo sa tabi ni Brix, agad siyang nagtanong, “Nasaan si Kimy?”
“Hangover pa raw, kaya hindi na pumasok,” sagot nito habang nag-aayos ng gamit.
Tumango lang si Mio at tahimik na binuksan ang notebook niya. Ilang saglit lang, dumating na ang professor nila. Ngunit sa pagbukas ng pinto, napako ang tingin ni Mio.
Parang tumigil ang oras.
Pamilyar ang taong pumasok. Sa gitna ng ingay ng silid, ang tanging naririnig niya ay ang malakas na tibok ng sarili niyang puso.
Ang maputlang berde nitong mga mata—iyon agad ang sumambulat sa alaala niya. Hindi ito nagbago. Ganoon pa rin ang itsura nito, gaya ng huling beses na nakita niya.
“Good morning, everyone. I’m your Film Specialization Professor for this semester. Rios, Reagan. You can call me Sir Rea,” anunsyo ng lalaki habang inaayos ang suot niyang salamin.
Hindi nakaimik si Mio. Nakatitig lang siya sa lalaki sa harapan, habang ang lahat sa paligid ay tila lumabo at humina.
Hanggang sa matapos ang klase, tulala pa rin siya.
“Okay, class dismissed,” sambit ni Reagan bago pulidong inilabas ang kanyang mga papel at lumakad palabas ng silid.
Nagising lang si Mio sa ulirat nang makita niyang paalis na ito. Agad siyang tumayo, at halos wala sa sariling tumakbo palabas para habulin ito.
“Mio! Saan ka pupunta?” tanong ni Brix, ngunit hindi na niya ito narinig. Ang tanging layunin niya ay maabutan si Reagan sa hallway—ang lalaking iniwan ng panahon, pero hindi ng kanyang alaala.
“Sir!” tawag ni Mio, halos humihingal nang maabutan niya ang lalaki sa hallway.
Agad lumingon si Reagan, at nang tumigil si Mio sa harapan nito, tila napako ang kanyang dila.
“Ahm…” Hindi niya alam kung paano magsisimula. Kilala pa kaya niya ako?
Baka magmukha lang akong ewan kapag kinausap ko siya ngayon.
“Ahm… si—”
Ngunit naputol ang kanyang sasabihin nang biglang ngumiti si Reagan.
“Mio… ikaw na ba ’yan?” mahinahon nitong sabi, na agad ikinalaki ng mata ni Mio. Kilala pa rin niya ako.
“Ang laki mo na, ah,” masayang dagdag nito sabay ngiti—ngiting pamilyar, ngiting bumalik sa alaala ni Mio sa isang iglap.
“Opo,” sagot niya, medyo alanganin ang ngiti, parang hindi pa rin makapaniwala.
“May next class pa ako ngayon, kaya kailangan ko nang umalis. Magkita na lang tayo mamaya, ha?” paalam nito, sabay tapik sa balikat niya bago naglakad palayo.
Naiwan si Mio, bahagyang nakabuka ang labi sa gulat—hindi pa rin makapaniwala na naaalala pa rin siya nito, at ganon lang kadali.
“Mio! Tara na, next class!” sigaw ni Brix mula sa dulo ng hallway.
Wala sa sariling lumakad si Mio papunta sa kanya. Sa buong araw, isang bagay lang ang paulit-ulit sa isip niya—ang pagbalik ni Reagan.
Hindi ko akalaing makikita ko siya ulit… at kilala pa rin niya ako.
Habang naglalakad sa hallway pagkatapos ng last class nila, biglang sumabay si Clyde.
“Hoy, wala ka sa sarili,” puna ni Clyde, nakakunot ang noo habang sinusundan ng tingin si Mio na nakatitig lang sa kawalan.
“Wala naman, haha,” pilit na tawa ni Mio bago nagdesisyong umuwi na lang nang maaga. “Sige, mauna na ako. Bye.”
Humiwalay na siya sa mga kaibigan. Pagdating sa parking, agad niyang napansin si Cayden—nakasandal na naman sa kanyang sasakyan.
Napabuntong-hininga siya at nilapitan ito.
“Trip mo bang tambayan ang kotse ko?” pagod na sambit ni Mio.
Ngumiti lang si Cayden at tiningnan ang sasakyan.
Biglang bumukas ang bintana, ikinagulat ni Mio. At mas ikinagulat niya nang makita kung sino ang nasa loob.
“Mila?!” gulat na tawag niya.
“Hi, Kuya! Pahiram ah,” sabi ni Mila bago pinaandar ang makina.
“TEKA! Paano mo nabuksan ’yan?!” sigaw ni Mio habang papalayo ang sasakyan.
“Nagpa-duplicate ako! AHAHAHA! SORRY KUYAAAA, BYEEEE!”
Wala na siyang nagawa kundi mapatingin sa pagtakbo ng sariling sasakyan sa kamay ng kapatid.
“Gusto mo bang sumabay sa akin?” malokong tanong ni Cayden sabay turo sa bigbike nito, nakangising parang may naiwang plano sa isip.
“Hi—” Hindi pa man natatapos ni Mio ang sasabihin, isang puting Ford Ranger ang bumusina sa gilid nila.
Sabay silang napalingon. Bumaba ang bintana, at lumitaw ang pamilyar na mukha.
“Mio, let’s take dinner together,” alok ni Reagan habang binubuksan ang pinto sa tabi ng passenger seat.
Walang pag-aalinlangan, parang batang agad na sumakay si Mio, iniwan si Cayden na nakatanga sa gilid ng parking.
Ngumiti si Reagan habang tinitingnan si Mio, saka ginulo ang buhok nito.
“Long time no see, Mio,” bulong niya.
At sa simpleng galaw na ’yon—para bang bumalik ang lahat. Just like the old times.
CHAPTER 4
“Where do you wanna eat?” malambing na tanong ni Reagan kay Mio, at sa isang iglap, para bang natunaw si Mio sa tabi nito.
Hindi niya maintindihan ang sarili, parang may kung anong mabigat sa dibdib niya, parang sasabog siya sa kaba at hiya, pero hindi niya alam kung bakit.
Hindi rin niya alam kung paano umarte sa harap ni Reagan ngayon, ngayong hindi na siya bata, ngayong malinaw na sa kanya ang mga bagay-bagay.
Dati, madali lang. Masaya lang siyang kasama ito. Pero ngayon, iba na.
“Kahit saan po,” magalang niyang sagot, ngunit hindi niya maiwasang mainis sa sarili.
Bakit parang ang awkward niya? Bakit hindi na siya kagaya noon?
Naalala niya kung gaano siya ka-komportable noon kay Reagan, samantalang ngayon, bawat galaw niya parang may bigat.
Siguro kasi, ramdam na niya ngayon ang distansya, ang labing-dalawang taong agwat sa pagitan nila.
Reagan chuckled softly and simply nodded, his eyes still on the road. Mio stole a glance at him, subtly turning his head, and for a moment, he found himself staring.
He doesn’t seem to age at all.
Reagan looked almost exactly the same as he did years ago. His skin still looked smooth and clear, untouched by time.
The only change Mio could notice was his hair, more neatly styled now, maybe because of his job as a professor.
His lips were still the same, thin, soft-looking, with a pale rosy hue that made Mio’s eyes linger a second longer than they should. His long lashes framed his eyes perfectly, and his thick brows only added to his striking features.
Mio’s gaze dropped to Reagan’s arm resting on the steering wheel.
The shape of his forearm was clearly defined, his veins prominent, like they were sculpted into place, proof that Reagan definitely worked out.
Even his hands, strong, steady, with long fingers gripping the wheel, held a quiet kind of confidence that Mio couldn’t ignore. .
Mio’s lips parted as he admired Reagan’s entire appearance.
“I didn’t expect to have you as my student, but I’m so happy we met again,” Reagan said, his voice calm and mature— a tone that made Mio like his voice even more.
“Hindi ko rin po inaasahan, hehe,” sagot ni Mio, sabay kamot sa batok, halatang nahihiya.
“How are you? It looks like you have a big circle of friends. You’ve developed so well,” Reagan added, glancing at him.
“Hindi naman po ganun kalaki,” tugon ni Mio, agad na umiwas ng tingin. Ayaw niyang mahuli ni Reagan na yung titig pa lang nito ay may epekto na sa kanya.
“So, do you still ride bikes?” tanong ni Reagan sabay ngiti.
Napawi ang ngiti sa labi ni Mio nang marinig ang tanong.
“Ahm, tumigil na po ako mag-bike… dahil nagfocus ako sa school,” sagot niya, halos pabulong.
“What? Since when?”
“Since you left.”
Reagan froze at Mio’s quiet confession. His eyes slowly turned to Mio before he gently parked the car in front of a well-known restaurant.
For a moment, silence hung between them. Reagan seemed to realize he had been part of the reason Mio stopped biking, and the guilt, though subtle, flickered across his face.
“Do you wanna ride bikes with me again?” he asked, managing a soft smile, as if trying to make up for lost time.
Mio looked at him, surprised, and slowly nodded, though deep inside, he was practically screaming in excitement.
“Let’s go,” Reagan said, and in the next second, he suddenly leaned in.
Mio’s eyes widened, his breath caught, his heart stopped for a split second, thinking Reagan was about to—
But instead, Reagan reached for his seatbelt, and with calm fingers, unbuckled it for him.
Close. Gentle. Unbothered.
Mio, however, sat frozen, face flushed, heart pounding like a drum.
Hindi huminga si Mio sa sandaling iyon, kaya napansin ni Reagan ang pagkakabigla niya. Tumigil ito sa harapan niya at marahang kinurot ang ilong ni Mio, sabay ngiti.
“Hey, breathe,” he said with a smirk before stepping out of the car and walking around to open the door for him.
Pagbukas niya ng pinto, hindi agad nakakilos si Mio—tila nawawala pa sa sarili, nananatiling nakatulala sa kinauupuan. Napansin iyon ni Reagan kaya yumuko siya at dahan-dahang tinusok ang pisngi ni Mio.
“Wanna eat or not?” tanong nito habang nakangiti.
“Ah, opo!” tarantang sagot ni Mio bago kumilos agad para bumaba. Pero sa pagmamadali niya, aksidenteng tumama ang noo niya sa ilalim ng baba ni Reagan.
“Ow,” bahagyang reklamo ni Reagan habang bahagyang napaurong.
Agad namang nataranta si Mio, “Sorry po! Sorry! Sorry talaga!” hindi alam kung hahawakan ba si Reagan o lalayo.
Reagan gently reached out and placed a hand on Mio’s head, calming him. Habang hinahaplos ang kanyang sariling baba, ngumiti siya.
“It’s alright, Mio. Calm down, haha.”
Napahinto si Mio sa pagkataranta at tiningnan ito—at bago pa siya muling makapagsalita, kinindatan siya ni Reagan at hinila siya palapit.
Inakbayan siya nito at ginabayan papasok sa loob ng restaurant.
“Let’s eat tuna sandwich—just like we did back then,” he whispered, then magulo pero malambing na ginulo ang buhok ni Mio.
They ate together in a cozy corner of the restaurant, the low hum of chatter surrounding them while the warm light cast a soft glow on their table.
Reagan took a sip of his drink and looked at Mio. “So,” he began, “how has life been… after I left?”
Mio paused, poking at his fries. “Quiet,” he answered softly. “I focused on school… stayed home a lot. Nothing really special.”
Reagan gave a slight nod, then let out a sigh as he leaned back in his seat. “My grandmother in New Jersey passed away that day. We booked a flight on the spot to attend her funeral,” he explained.
“Then, out of nowhere, my parents decided we were staying there for good. No goodbye… no time for anything.”
He paused, then added, “I came back during college. Studying abroad was too expensive.”
Mio just nodded while quietly chewing on his fries, processing everything.
“I’m sorry for not saying goodbye,” Reagan said after a moment, his voice quieter, more sincere. “But I’m really happy seeing you now. All grown up.”
He smiled and reached over to gently wipe the corner of Mio’s lips. “Too much ketchup. Still the same messy kid,” he teased with a soft chuckle.
Mio froze for a second, eyes locked on Reagan as the older man laughed lightly, calm, familiar, and unchanged in a way that made something in Mio’s chest ache a little.
They continued talking, soft stories, short memories, and warm laughter, until they finished their meal. Then Reagan drove him home.
As Mio stepped out of the car, Reagan leaned slightly out the window.
“I’ll see you tomorrow, Mio,” he said with a smile before reaching out and ruffling his hair one more time.
Then, with his hands slipping into his pockets, Reagan turned around, walked back to his car, and drove off into the night.
They waved at Mio before he finally left. Mio just watched Reagan until his car disappeared from view. He let out a deep breath before walking inside the house to check on his grandmother.
He lay on the bed beside her. She was already asleep, while he simply stared at the ceiling, thinking about how kind Reagan was to him, how he hadn’t changed at all.
Mio thought about Reagan the whole time until he didn’t realize he had already fallen asleep. He woke up the next morning to the great smell of breakfast coming from the kitchen.
“La, ang sarap nyan,” bati nito sa kanyang Lola habang niyakap ito mula sa likod. His grandmother smiled at him, gently caressed his face, and said,
“Syempre, para sa aking apo,” before kissing him on the cheek.
Mio sat down and ate breakfast with his grandmother, cherishing the moment and making the most of their conversation before getting dressed for university.
“La, pasok na po ako. Mag-iingat kayo dito, ok?” he said, kissing his grandmother before taking a taxi to the university, since his sister still had his car.
When his first class started, he realized he didn’t have any classes under Reagan that day. So during his break, he found himself at the rooftop, staring down at Room AF on the third floor, quietly watching Reagan through the classroom window.
He was just watching him from afar. Hindi niya alam kung bakit, pero nais niya itong pagmasdan sa bawat galaw nito.
“What are you looking at?!” Nagulat si Mio nang bigla siyang makatanggap ng katamtamang hampas sa kanyang likod mula kay…
He rolled his eyes and glared at him. “CAYDEN!!!” Parang sa bawat bigkas ni Mio ng pangalan ni Cayden ay nais niya itong ilibing ng buhay.
“Sinong tinitingnan mo, ah?” sambit nito at pilit hinahanap ang pinagtutuunan ni Mio ng pansin. Hanggang sa makita nito ang bukas na bintana sa Room AF class kung saan nakatayo sa tabi ng bintana ang panibago nilang prof.
Agad na tinignan ni Cayden si Mio, at nang umiwas ito ng tingin, alam na niyang iyon ang tinitingnan nito. “Gusto mo ’yon?” diretsong tanong ni Cayden kay Mio.
Pero hindi siya pinansin ni Mio. Tinalikuran niya ito at nagtangkang umalis na sa rooftop, pero hinila ni Cayden ang kanyang braso at diretsong tinanong: “Bakla ka ba?”
Seryoso siyang tinitigan ni Cayden.
Hindi natuwa si Mio sa tanong nito kaya’t agad niya itong itinulak at mariing sinabi, “Alam mo, kung wala kang magawa sa buhay mo, tumalon ka na lang d’yan.” Sabay turo sa railings ng rooftop.
“Sige, basta kasama ka,” Cayden said and pulled Mio toward the railings, na agad pinigilan ni Mio.
“ANO BA!” sigaw nito, kaya tumawa lang si Cayden bago tumayo ng maayos sa harapan ni Mio at sinabi, “Di ba magaling ka mamili ng damit? Sumama ka sa’kin.”
Hinawakan niya ang pulso ni Mio at hinila ito pababa ng hagdan, diretso sa parking, at literal na binuhat papunta sa upuan ng kanyang big bike.
“Teka, saan mo ako dadalh—” He stopped Mio from talking by putting a helmet on his head and quickly rode his bike. Bago pa makapag-complain si Mio, pinaandar na agad ni Cayden ang kanyang motor at dumiretso sa naka-schedule nitong photoshoot.
Pagkarating nila sa studio, dumiretso sila sa loob at agad niyang hinila si Mio sa dressing room. Bigla siyang naghubad sa harapan nito.
“ANO BANG GINAGAWA MO?!” sigaw ni Mio, agad na tumalikod at isinandal ang ulo sa pinto ng dressing room, tila nagsisisi sa kanyang buhay—dahil nakilala niya ang pesteng si Cayden.
“Wow, maka-arte. Chance mo na ’to, since wala ka namang ganito. Humanga ka na lang sa katawan ko dahil kahit kailan, di ka magiging ganito,” sambit ni Cayden sabay hila sa kamay ni Mio at pinausod ito sa kanyang abs.
Dahil sa kanyang kalokohan, sinapak ni Mio ang tiyan niya, dahilan upang mamilipit ito sa sakit.
“Ano ba talagang kailangan mo sa akin, nang makaalis na ako dito?” sambit ni Mio.
Tumayo ng maayos si Cayden at ipinakita ang dalawang terno ng damit kay Mio.
“Anong mas maganda dito?” tanong nito. Pinagmasdan ni Mio ang mga damit bago pumili ng isa.
“Ito,” he said and pointed at the red formal attire, then turned his back on him, attempting to leave, but Cayden didn’t let him.
“Dito ka lang hanggang sa matapos ako. Limang beses ako magpapalit, noh. Hayaan mo, babayaran kita,” he said at pinaupo si Mio sa gilid, habang sinimulan ang photoshoot bilang isang rising star.
Natapos ang buong photoshoot na walang ginawa si Mio kundi kumain ng cookies na binibigay ng staff at pumili ng mga damit na susuotin ni Cayden.
At nang matapos na sila, naglalakad na sila sa lobby ng studio nang hilahin sila ng manager ni Cayden.
“Sobrang daming fans sa lahat ng exit ng building, Cayden, paano tayo makakalabas nito?” tanong ng manager.
Tumingin si Mio kay Cayden, dahil alam niyang hindi madali ang lampasan ang mga fans nito.
Cayden sighs and looks around before his eyes stop at a certain thing he sees as the answer to their problem.
Napatingin si Mio sa tinitingnan ni Cayden at hindi makapaniwalang tumingin sa kanya bago ito binalaan, “Cayden, ’wag mong sabihing—”
Cayden smirked at him, and the next thing Mio knew, nasa loob na silang dalawa ni Cayden ng isang malaking-malaking maleta, nagsisiksikan habang hinihila sila palabas ng manager ni Cayden.
“Aray!” bulong ni Cayden nang maipit ang kamay nito sa balikat ni Mio.
Tiningnan lang siya ng masama ni Mio at sinabi, “Kasalanan mo ’to.”
Ngumiti lang si Cayden sa kanya bago pinakinggan ang sigawan ng mga fans sa paligid. Buti na lang at walang nanghinala sa pagtatago nila sa loob ng maleta.
After a few minutes ng pagsisiksikan, binuhat sila papasok sa van ng manager ni Cayden at doon lang sila nakalabas. Pawis na pawis ang dalawa at hindi mawala ang nakakamatay na tingin ni Mio kay Cayden.
“Diyan na lang ho ako sa gate ng university,” sambit ni Mio pagkarating nila sa university.
Tumango ang manager ni Cayden at itinigil ang sasakyan sa tabi. Agad bumaba si Mio. “Sasama na ako say—” susunod sana si Cayden kay Mio nang itulak ni Mio ang noo nito pabalik sa van at sinabi,
“At sa tingin mo gusto pa kitang makasama pagkatapos ng ginawa mo sa’kin? Akin na ang bayad!” singhal nito kay Cayden.
Tumawa si Cayden at iniabot ang ₱5,000 kay Mio.
“Sa susunod uli—” he was cut off when someone called Mio.
“Mio.” Reagan calls out and smiles at him.
“Sir,” Mio utters and walks straight to him.
Cayden watched him walk toward Reagan and frowned his eyebrows at him.
“Pauwi ka na?” tanong ni Reagan kay Mio.
Tumango si Mio na parang bata bago ngumiti.
“Tss,” mariing sambit ni Cayden habang isinara ang pinto ng van at tuluyang umalis.
“Tara po?” nakangiting sambit ni Mio. Ngumiti si Reagan sa kanya at tumango.
“Let’s go,” he said as he gently guided Mio behind his back.
Ngumiti si Mio habang nakatingin sa kanya at mahinang sambit,
“Yes po.”
CHAPTER 5
“Is that your close friend?” tanong ni Reagan habang tahimik silang nagda-drive papunta sa bahay ni Mio.
Napatingin si Mio sa kanya, bahagyang naguguluhan. Close friend? Sino? tanong niya sa sarili, hindi agad alam kung sino ang tinutukoy.
Kumunot ang noo ni Mio at tiningnan lang si Reagan, kaya napangiti ito nang mapansin ang itsura niyang litong-lito.
“That grumpy guy in the van,” dagdag ni Reagan.
Agad nanlaki ang mata ni Mio nang marealize kung sino ang tinutukoy—si Cayden.
“Ah! Hindi ko po siya kaibigan!” mabilis at madiing sagot ni Mio, halos napapailing pa sa pagka-defensive.
Napangiti si Reagan at saglit na sinulyapan siya. “Really? But you two seem close. This is the second time I’ve seen him with you, right?”
Doon lang naalala ni Mio—oo nga pala, si Cayden din ang kasama niya nung unang beses siyang ihatid ni Reagan.
“Hindi po talaga. Kaibigan siya ng kaibigan ko,” ulit ni Mio, halos pabulong, kaya napatawa si Reagan.
“So… friends of friends,” sagot nito, may ngiting may bahid ng tukso.
Tumango na lang si Mio bilang sagot, saka tumingin sa bintana, pilit nililihis ang atensyon mula sa nararamdaman niyang hiya.
“Wanna come to my place?”
Napalingon si Mio bigla, natigilan sa narinig.
“Po? “ tanong niya, tila hindi alam kung natakot, nahiya, o na-curious siya sa ibig sabihin ni Reagan.
Ngumiti si Reagan, inayos ang kanyang salamin, at marahang nagsalita.
“I heard you’ve been getting low grades in some of your previous film-related subjects. That might affect your standing this semester. I want to help by sharing some of my notes and books with you—at my place. What do you think?”
Napabuka ang labi ni Mio. May kung anong kilabot ang gumapang sa katawan niya mula sa mga ngiting iyon—hindi niya alam kung dahil sa hiya o sa kakaibang pakiramdam na matagal na niyang hindi naramdaman.
“O-Ok po,” sagot niya, halos wala sa sarili, habang nananatiling nakatitig sa gwapong mukha ni Reagan.
“Great. Let’s go to my place first. I’ll drive you home after,” sambit nito, muling ibinalik ang tingin sa daan, calm and confident.
At si Mio? Tahimik lang sa tabi niya, pilit pinipigilan ang sariling hindi mapangiti.
Napalunok na lang si Mio habang pinapanood ang pagliko ng sasakyan sa direksyong hindi niya kabisado—palayo sa kanilang bahay, papunta sa tahanan ni Reagan.
Tahimik lang siyang nakatingin sa bintana, tila minememorya ang bawat kanto’t daan na kanilang tinatahak. May kalayuan ito sa kanilang lugar, kaya mas sinisikap niyang isaulo ang ruta, kahit hindi niya alam kung kailan niya ito muling tatahakin.
Makalipas ang ilang minuto, huminto sila sa tapat ng isang modernong condominium. Maayos na ipinarada ni Reagan ang kotse sa labas, saka bumaba para pagbuksan si Mio ng pinto.
Tahimik na sumunod si Mio habang umaakyat sila papunta sa second floor. Huminto sila sa isang unit—simple pero elegante ang pintuan. Nang buksan ito ni Reagan, hindi maiwasang mamangha si Mio sa loob.
Halos 90% ng pader ay puno ng paintings, karamihan ay abstract, ang iba nama’y cinematic in style. May mga poster rin ng iba’t ibang indie films—iba sa pamilyar niyang mainstream na nakikita. Ang lugar ay para bang extension ng puso’t isip ni Reagan—malikhain, malalim, at puno ng kwento.
Hindi niya napigilang maunang pumasok, mata’y abalang naglalakbay sa bawat detalye ng silid.
Ngumiti si Reagan sa reaksiyon ni Mio, saka dumiretso sa silid para kunin ang mga notebook at librong maaaring makatulong sa kanya.
“Here,” sabi niya pagbalik, iniabot ang mga ito kay Mio na ngayon ay naka-upo na sa couch, ngunit nanatiling nakatitig sa mga painting.
Umiling si Reagan, bahagyang natatawa, bago dumiretso sa kusina. Kumuha siya ng juice at iniabot iyon kay Mio, saka naupo sa katabing upuan.
“I was planning on hiring you as my student assistant,” casual niyang sabi. “What do you think?”
Tahimik pa rin si Mio, parang hindi narinig ang tanong. Nakakunot lang ang noo habang tinititigan ang isang poster ng lumang pelikula sa kabilang dingding.
Napatawa si Reagan. Tumayo siya, lumipat sa harapan ni Mio, at bahagyang yumuko para mailapit ang mukha niya rito.
“Do you agree?” tanong niya, nakatitig kay Mio nang diretso—malambing pero seryoso.
Nagulat si Mio sa lapit ng mukha ni Reagan, halos marinig niya ang pintig ng sarili niyang puso. Parang gusto niyang umatras, pero hindi niya rin magawang umiwas.
“Po?” bulong niya, halos pabulong lang, habang nanatiling nakatitig kay Reagan—nalilito, nanginginig, at tila hindi makahinga.
Agad namang bumalik sa katinuan si Mio, at dahil sa gulat ay napa- “Opo!” siya nang hindi man lang naintindihan ang tinutukoy ni Reagan.
“OPO!” bulalas niya, medyo masyadong malakas pa.
Napangiti si Reagan at tumayo ng diretso, nakataas ang kilay, may bahid ng tagumpay sa mukha. “Okay, see you in my office tomorrow—first thing in the morning,” aniya, sabay smirk.
“P-Po? Bakit po?” tanong ni Mio, litong-lito.
“You’re going to be my student assistant starting tomorrow. So, kailangan kita sa office ng maaga,” sagot ni Reagan na para bang simple lang ang lahat.
“A-Ano po?!” halos mapasigaw si Mio, hindi makapaniwala. Maaga?! Student assistant?! Eh late nga akong gumising sa umaga!
Reagan turned toward him with a calm but teasing look. “Let’s just say… bayad mo na ’yan para sa notes at books,” sabi nito habang itinuro ang mga hawak ni Mio.
Walang nagawa si Mio kundi ang mapatingin sa mga libro’t notebook sa kanyang kamay. Napabuntong-hininga siya at bagsak-balikat na tumango na lang bilang sagot.
Napangiti si Reagan, tila alam niyang wala nang takas si Mio. Tumuloy ito sa kusina at nagsimulang magluto.
“Kumain ka muna dito. Ihahatid na lang kita pagkatapos,” sambit nito—ang tono ay parang utos, hindi tanong.
Pakiramdam ni Mio ay wala na talaga siyang choice, kaya nanatili na lang siyang naka-upo sa sofa habang pinapanood si Reagan sa kusina.
Tahimik siyang napatitig—sa bawat hiwa ng gulay, sa paraan nitong gumalaw, at sa natural nitong kumpiyansa sa loob ng bahay.
May kakaiba sa eksenang ’yon—parang hindi lang ito simpleng pagtulong, parang may ina-alok na ibang bagay si Reagan. Hindi niya alam kung alin: koneksyon, alaala, o panibagong simula.
At nang matapos na ang pagkain, tumayo na si Mio at lumapit sa dining table.
Hindi niya mapigilang mapanganga nang makita ang inihanda ni Reagan—mukhang masarap, maayos ang plating, parang gawa ng isang chef.
Gwapong prof na magaling pang magluto… anong klaseng problema ’to, bulong niya sa isip habang nauupo sa mesa.
Everything on the table looked delicious to Mio. His stomach grumbled loudly at the sight.
“Hahaha,” Reagan laughed, the sound deep and handsome. He pulled out a chair for Mio. “Let’s eat,” he whispered with a smile.
They began to eat. Mio ate like a child who hadn’t had a proper meal in days—cheerful, wide-eyed, and completely engrossed in the food. Reagan couldn’t help but smile as he watched him, quietly handing him a tissue when Mio accidentally got sauce on his cheek.
“Ang sarap po,” paulit-ulit na puri ni Mio habang kumakain. Reagan just chuckled and nodded. “Glad you liked it.”
After they finished, Reagan drove Mio home and parked in front of their house.
“Thank you po ulit sa masarap na dinner, sa uuliti—ay joke po, haha,” sabay takpan ni Mio ang bibig at napayuko sa hiya. Reagan laughed softly, then gently placed a hand on Mio’s shoulder.
“Sure. Next time ulit,” he said warmly.
Mio smiled as he stepped out of the car. He watched Reagan drive away before hugging the notes and book tightly to his chest. Pagkapasok ng bahay, diretso siyang nag-shower at naupo sa kanyang study table.
Binuklat niya ang mga notes ni Reagan—malinaw ang sulat, organisado, at halatang galing pa noong college days nito. Hindi maiwasan ni Mio ang mapangiti.
Ganito pala siya noong estudyante pa… siguro kahit finals na, gwapo pa rin kahit puyat.
Napangiti siya sa imahinasyon at nagpatuloy sa pagbabasa hanggang sa hindi niya namalayang nakatulog na siya sa sobrang pagod.
Kinabukasan , tila isang himala: maaga siyang nagising—mas maaga pa sa kanyang Lola na kadalasang unang bumabangon sa bahay. Agad siyang nag-ayos, nagluto ng almusal para sa kanyang kapatid at Lola, at nag-iwan ng note sa lamesa:
“Maagang pasok, may aasikasuhin sa uni. Love you!”
Hindi niya alam kung anong oras dumarating si Reagan sa university, kaya minabuti niyang agahan ang punta—ayaw niyang mahuli sa unang araw bilang assistant nito.
Habang tumatakbo siya sa hallway papunta sa opisina nito, napahinto siya sa pagkakabigla.
Nandoon na si Reagan. Nakatayo ito sa harapan ng office, ina-unlock na ang pinto gamit ang susi.
Mio quickly looked at his watch. 6:09 AM.
Naunahan pa rin ako?!
Napabuntong-hininga si Mio habang tahimik na lumapit, hindi sigurado kung matatawa o maiinis. Laging na lang siyang nauuna, bulong niya sa sarili.
Paglapit niya ay agad siyang napansin ni Reagan.
“Good morning,” bati nito, may bitbit na matamis na ngiti—at para bang bagong ligo at handa na agad sa isang buong araw. Samantalang si Mio… halatang bagong gising, may mga nakatayo pang hibla ng buhok sa gilid ng ulo.
“Good morning po, Sir,” sagot ni Mio, medyo nahihiyang bumati.
Ngumiti si Reagan, saka dahan-dahang lumapit at inilapit ang kamay sa ulo ni Mio. “Just call me Reagan when it’s only the two of us, no big deal,” bulong nito habang mahinang inaayos ang buhok ni Mio.
Napatigil si Mio, hindi makagalaw habang nararamdaman ang kamay ni Reagan sa kanyang buhok. Bakit parang ang tahimik ng mundo bigla?
Pagkatapos ay magkasunod silang pumasok sa opisina.
Pagkasara ng pinto, nagtanggal ng coat si Reagan at ibinitin iyon habang nagsasalita. “I have no classes this morning. How about you?”
“Wala pa po, mamayang 3 PM pa ang first class ko,” sagot ni Mio habang inaayos ang pagkakaupo sa guest chair.
“Good. Help me with these files—I need to check and sign everything. But first, make sure all the papers are properly labeled,” utos ni Reagan habang inabot ang unang stack ng documents kay Mio.
“Ok po,” sagot ni Mio at agad umupo sa harap ng desk, tinanggap ang mga papel, at sinimulan ang pag-check isa-isa. Bawat isang maayos niyang maire-review, ipinapasa niya ito kay Reagan para mapirmahan.
Tahimik lang ang paligid, tanging tunog ng mga papel at pen strokes ang maririnig. Hindi nagtagal, napansin ni Mio na nauubos na ang energy niya kaya tumayo ito.
“Sir—Reagan, kukuha lang ako ng maiinom. Gusto mo rin?”
“Sure. Anything cold,” sagot ni Reagan habang patuloy sa pagsusulat.
Umalis si Mio at dumiretso sa vending machine sa hallway. Ilang minuto lang ang lumipas ay bumalik siya bitbit ang dalawang bottled drinks. Ngunit pagkabukas niya ng pinto ay natigilan siya.
Nakatulog si Reagan sa kanyang desk.
Tahimik na lumapit si Mio, dahan-dahang inilapag ang drinks sa gilid ng mesa, saka pinagmasdan ang natutulog na propesor.
Bakas sa gwapo nitong mukha ang pagod—bahagyang nakakunot ang noo, nakayuko ang ulo, at naka-salampak pa rin ang kamay sa papel. Dahil ayaw niyang magising ito agad, marahan niyang tinanggal ang salamin ni Reagan para mas makaidlip ito.
Hinawakan niya ang gilid ng mesa at lumuhod upang mapantayan ang mukha nito.
Ang kapal ng kilay niya, bulong niya sa isip, habang sinusundan ng mata ang hugis ng pilik mata nito, ang perpektong pagkaka-curve ng ilong, at ang maputlang rosas nitong labi.
Bakit ang lakas ng tibok ng puso ko? Hindi niya alam. Hindi niya maintindihan.
Pero may kung anong pwersa ang tila humihila sa kanya palapit. Unti-unti, inilapit niya ang kanyang mukha. Titig na titig sa labi ni Reagan. Halos maramdaman niya na ang init ng hininga nito habang ang sariling puso ay tila sasabog na sa kaba.
Isang pulgada na lang ang pagitan…
KLIK.
Biglang bumukas ang pinto.
Mabilis na tumalon si Mio at nagkubli sa ilalim ng mesa ni Reagan, sakto namang napadilat ito at agad umayos ng upo.
“Sir! Here’s the updated list of… oh,” sambit ng isa sa co-teacher ni Reagan na pumasok at hindi pinansin ang pagka-aligaga nito. Ipinatong lang nito ang mga papel sa mesa.
Habang tahimik na nakatago si Mio sa ilalim ng desk, pilit pinipigilan ang kanyang hininga—at lalo na ang kanyang mabilis na pintig ng puso.
I almost kissed him.
“Mr. Rios, ito na ang list ng students mo sa 5F class,” anang boses mula sa pinto.
Napakilala agad ni Mio sa pamilyar na tono— si Miss Peralta, ang dati nilang professor noong unang semester.
“They’re a bit wild and young, so better brace yourself. You know teenagers nowadays, they’re a handful,” dagdag pa nito, kasabay ng paglakad papasok.
“I know,” sagot ni Reagan, sabay tawa ng mahina. Wala siyang kamalay-malay na may isang tao palang nakasilong sa ilalim ng desk niya.
Lumapit si Miss Peralta at iniabot ang listahan, ngunit sa halip na simpleng abot lamang ay sinadya nitong hawakan ang kamay ni Reagan. Medyo matagal ang pagkapit, dahilan para maasiwa si Reagan at ilayo ito.
Dahil doon, nalaglag ang hawak niyang mga papel sa gilid ng mesa.
“Oh no, I’m sorry,” ani Miss Peralta, kunwari ay nahihiya.
“No, it’s okay,” sagot ni Reagan, at yumuko ito para pulutin ang mga papel—hindi niya alam na sa ilalim ng mesa ay naroon si Mio, nanatiling walang imik.
At sa hindi inaasahang sandali—habang sabay silang gumalaw— dumampi ang labi ni Mio sa pisngi ni Reagan.
Tumigil si Reagan.
Dahan-dahan siyang lumingon pababa, at sa ilalim ng mesa, nakita niya ang nanlalaki ang matang si Mio, natigilan at napakapit sa kanyang labi, gulat na gulat.
Nagtagpo ang kanilang mga mata sa isang maikling segundo—walang nagsalita, walang gumalaw. Tanging kaba ng puso ang naririnig ni Mio sa kanyang pandinig.
Then Reagan blinked, sat back up calmly, and continued the conversation like nothing happened.
“Thanks for this, Miss Peralta. Much appreciated.”
“I’m always here when you need me—uh, I mean, when you need help,” sabay ngiti nito na may bahid ng flirtation bago tumalikod at lumabas ng opisina.
Pagkaalis ni Miss Peralta, marahang umatras si Reagan sa kanyang swivel chair, saka tumingin sa ilalim ng mesa kung saan siya’y sigurado sa nakita niya kanina.
“What are you doing under the table, Mio?” tanong nito, malumanay at may kasamang bahagyang ngiti na parang pinipigil ang tawa.
Parang binuhusan ng malamig na tubig si Mio.
“K-Kukuha l-lang po ako ng l-lunch sa baba!” natatarantang sagot niya habang pilit lumalabas sa ilalim ng mesa—pero bago pa siya tuluyang makatayo, “Pak!” napalakas ang kanyang untog sa gilid ng mesa.
“Ah—aray!” Napapikit siya sa sakit, pero hindi na siya naghintay pang may idagdag si Reagan. Agad siyang tumakbo palabas ng opisina habang ramdam pa rin ang mabilis na tibok ng kanyang puso.
Paglabas niya sa hallway, diretso siyang tumigil sa isang gilid at napasandal sa malamig na pader.
Napahawak siya sa dibdib. Bakit ganito ang tibok ng puso ko?!
Ang daming iniisip, pero isa lang ang paulit-ulit na bumabalik:
“Yung labi ko… tumama sa pisngi ni Sir Reagan.”
Napalunok siya at dahan-dahang napaupo sa lapag. Hindi ito biro. Ang init pa rin ng pisngi niya, at para bang kanina lang ito nangyari.
Tumagal siya sa ganoong posisyon—walang imik, sinasalo ang bigat ng damdamin at kahihiyan. Ilang beses siyang huminga nang malalim bago marahang tumayo, tinapik ang sarili sa pisngi, at naglakad patungo sa cafeteria.
Kumuha siya ng lunch—dalawa. Isa para sa kanya, isa para kay Reagan. Nagtagal siya roon ng halos isang oras. Hindi dahil gutom siya, kundi dahil kailangan niyang humugot ng lakas ng loob.
“Harapin mo siya, Mio,”
bulong niya sa sarili habang hawak ang tray ng pagkain.
“Kahit ilang segundo lang ang tagal ng pagkakadikit ng labi mo sa pisngi niya… feeling mo buong araw ka nang umibig.”
At tuluyan na siyang naglakad pabalik sa office ni Reagan, bitbit ang tanghalian—at ang isang mabigat na tanong:
Alam kaya niyang hindi aksidente ’yon?
Pagbalik ni Mio sa opisina ni Reagan, tila walang kahit anong nangyari base sa reaksyon ng kanyang propesor. Tahimik lang si Reagan habang inaabot sa kanya ang huling batch ng papers, kaya naman si Mio ay tahimik na rin—takot magkamali ng kilos o matauhan sa muling alaala ng halik.
“Thank you for the lunch, Mio. Dahil d’yan, sagot ko mamaya,” anang Reagan habang inaabot ang papel.
“M-Mamaya po?” tanong ni Mio, halos hindi makatingin nang diretso. Ramdam niya pa rin ang init ng kanyang pisngi.
“Yes. I’ll ride you home. See you,” sagot ni Reagan sabay ngiti, bago kinuha ang bag at lumabas ng opisina.
Pagkalabas nito ay tila nawalan ng battery ang utak ni Mio sa klase. Habang pinapaliwanag ng prof nila ang topic, ang eksenang “halik-sa-pisngi habang nasa ilalim ng mesa” ang paulit-ulit na lumalaro sa kanyang isipan.
Tumunog ang bell. Hudyat ng pagtatapos ng klase. At paglabas niya sa building, naalala niya ang isang malaking problema:
Wala siyang sasakyan.
Napabuntong-hininga siya at tumalikod, handang maglakad pauwi—ngunit pagharap niya ay tumambad ang nakangiting mukha ni Reagan , hawak ang susi ng kotse.
“Let’s go?” tanong nito, kasabay ng nakasanayang charm na parang may sariling gravity.
Hindi agad nakasagot si Mio. Sa halip, hinawakan siya ni Reagan sa magkabilang balikat, at marahang itinulak papunta sa passenger seat.
Para siyang nakuryente. Literal. Nanigas, nanahimik, at parang may concert ang puso niya sa dibdib.
Sa buong biyahe, si Reagan ay kwento ng kwento. Tungkol sa klase, sa isang indie film na pinanood niya recently, at kung ano-ano pa. Si Mio naman?
“Oo.” “Tama.” “Ahh.” “Ganun po ba.”
Lahat auto-response . Dahil ang utak niya ay focused sa isang bagay: “Kasama ko si Reagan. Sa loob ng kotse. Papunta sa bahay namin.”
Pagdating sa tapat ng bahay, nagtataka siyang bumaba—agad napansin ang tatlong sasakyan at isang big bike na nakaparada.
“You have visitors,” ani Reagan, sabay tingin din sa direksyon ng bahay.
Tumango si Mio, halos wala sa sarili.
“Gusto niyo po ba ng juice?” tanong niya, halos pabulong.
Ngumiti si Reagan. Yung tipong ngiting nakakabunot ng lahat ng iniisip mo.
“Sure,” sagot nito, sabay marahang tapik sa balikat ni Mio.
Pagpasok nila sa loob, nanlaki ang mata ni Mio nang makita ang mga bisita sa salas— mga kaibigan ni Mila at pati na rin ang mga kaibigan niya.
“Kayo?!” gulat na sambit niya nang makita sina Brix, Layda, Kimy, Clyde, at City , kasama sina Shairah at Mila .
“Hi!” bati ng mga kaibigan niya, ngunit ang mga mata nila’y nakatuon kay Reagan.
Ngumiti si Reagan sa kanila bilang tugon, at saka sila parehong napalingon sa kusina —doon ay lumabas ang Lola ni Mio na may dalang pasta, at kasunod nito si Cayden.
“IKAW?!” singhal ni Mio pagkakita kay Cayden.
“Oo, bakit?” sagot ni Cayden, sabay sulyap kay Reagan.
“’DI BA BUSY KANG TAO?!” inis na sambit ni Mio, halatang nawalan ng pasensya.
“Huh? Kailan pa?” pilosopong tugon ni Cayden, sabay ngiti sa lola ni Mio at tinulungan itong buhatin ang mga pagkain papunta sa mesa.
“Lola,” sambit ni Reagan nang makita ang Lola ni Mio. Napalingon ito sa kanya, at agad siyang nakilala.
“Rea, ikaw na ba ’yan? Naku!” masayang tugon ng matanda bago siya mahigpit na niyakap. Halatang tuwang-tuwa ito na muling makita si Reagan.
“Halika,” aya ng lola at hinila si Reagan papunta sa kusina.
“Ipagbabalot kita ng pagkain,” narinig pa ni Mio na sinabi ng kanyang Lola habang papalayo.
“Tss!” napalingon si Mio sa tunog at nakita si Cayden na tahasang suminghal. Dinilaan niya ito sa inis—at agad din siyang ginantihan nito ng parehong kilos bago sila parehong sumunod sa loob, kung saan naroon na ang kanyang Lola at si Reagan.
Nagpatuloy ang gabi sa masayang salu-salo. Kumain sila ng sama-sama habang masayang nagkukuwentuhan ang magkakaibigan. Si Reagan naman ay nakipag-usap ng masinsinan sa Lola ni Mio, na halatang natuwa sa kanya.
Habang lumalalim ang gabi, unti-unti nang nagpaalam ang mga bisita. Isa-isang umalis ang mga kaibigan, hanggang sa si Cayden at Reagan na lamang ang natira, dahil nakikipag-usap pa sila sa Lola ni Mio.
“Mauna na ho ako, Mio. See you tomorrow,” ani Reagan bago ito sumakay sa kanyang sasakyan at tuluyang umalis.
Nakangiting pinanood ni Mio ang papalayong sasakyan ni Reagan, pero agad itong naputol nang biglang tumama ang siko ni Cayden sa ulo niya.
“ANO BA?!” sigaw niya, napalingon kay Cayden.
“Ay, sorry. Di ko nakita,” sagot nito na halatang pilyo, bago tumalikod at sumakay sa motor. Hindi man lang nagpaalam, tumakbo agad palayo.
Umiling nalang si Mio sa inis, at bago siya tuluyang pumasok sa loob ng bahay, napatingin siya sa kapatid.
Si Mila ay nakatayo pa rin sa labas, nakatanaw sa direksyong nilisan ni Cayden.
“Hanggang ngayon, Mila?” tanong ni Mio, may halong pagod at pagtataka sa boses. “Gusto mo pa rin ’yang lalaking ’yan?”
Mila looked at him and smiled.
“Gusto ko pa rin si Kuya Cayden, kuya,” sagot nito, walang alinlangan, tahimik pero totoo.
CHAPTER 6
Matagal nang alam ni Mio na may gusto ang kapatid niya kay Cayden, kaya madalas siyang galit dito. Bukod sa binubully siya nito, isa pa sa mga dahilan kung bakit ayaw niya kay Cayden ay dahil pinaglaruan nito ang damdamin ng kanyang kapatid.
Pumasok si Mio sa kanyang silid, umupo sa tabi ng bintana, at tumingin sa maliwanag na buwan. Hindi niya maalis sa isipan ang mga nangyari sa araw na iyon. Hindi niya maintindihan kung bakit tila pinapatibok ni Reagan ang kanyang puso sa pinaka-simpleng bagay. Ang mga ngiti nito ay tila ba nananatili sa kanyang alaala.
Hinawakan niya ang kanyang dibdib at pinakiramdaman ang mabilis na pagtibok ng kanyang puso, tila naguguluhan sa sariling nararamdaman. May isang bagay na paulit-ulit na sumasagi sa kanyang isipan, ngunit pilit niya itong iniiwasan, sapagkat alam niyang maaaring hindi ito tama.
Naglakad si Mio papunta sa silid ng kanyang lola na noo’y natutulog na. Doon siya nagpasyang matulog na rin.
Kinabukasan ay maaga siyang nagising at naghanda ng almusal para sa kanyang kapatid at sa kanyang lola.
Nagmamadali siyang pumasok sa unibersidad, at saktong pagdating niya sa tapat ng opisina ni Reagan ay kakarating lang din nito. Ibig sabihin, naunahan niya ito.
“Mio, good morning,” bati nito habang inilalabas ang susi ng opisina bago ito binuksan. Sabay silang pumasok sa loob.
“Dahil natapos ko na ang papers ko kahapon, wala naman tayong masyadong gagawin ngayon, Mio. Kaya pwede kang magpahinga at maagang umuwi, okay?” malambing na sambit ni Reagan.
Dahil hinihingal pa rin, tumango na lamang si Mio bilang sagot at tahimik na naupo sa isang tabi.
Habang inaayos ni Reagan ang mga papel na gagamitin sa kanyang unang klase ngayong umaga, inilabas niya mula sa kanyang bag ang inihandang tuna sandwich at naglakad papalapit kay Mio.
Napalingon si Mio sa bintana ng sasakyan at agad na ngumiti nang makita ang mga kaibigan. “Uuwi na sana ako,” sagot niya habang patuloy sa paglalakad.
“Sumakay ka na, ihahatid ka na namin!” sabay sigaw ni Kimy habang pinalipat si City sa harap para makaupo si Mio sa likod.
Wala na rin namang ibang balak si Mio kaya’t sumakay na siya.
“Grabe ka, parang wala ka sa sarili kanina pa,” puna ni City habang nagsasalita mula sa passenger seat.
“Oo nga, kanina pa kita pinapasulyap-sulyap, nakatulala ka lang buong klase,” dagdag pa ni Kimy habang sinusulyapan siya.
“Ha? Talaga ba? Ewan ko rin eh…” sagot ni Mio, pilit na tinatawanan ang sarili pero ramdam ng mga kaibigan ang lungkot sa boses niya.
“Teka… si Prof. Reagan na naman ba ’to?” sabay-sabay na tanong nila, kaya napayuko si Mio habang hawak ang bag sa kandungan.
“Hindi ko naman sinasadya… pero bakit ganun… ang sakit sa dibdib kapag hindi ko siya nakikita,” bulong nito sa sarili, ngunit sapat para marinig ng tatlo.
Nagkatinginan lang ang magkakaibigan at walang nagsalita. Sa halip, binuksan ni Clyde ang radyo at pinatugtog ang paboritong kanta ni Mio—isa iyong mellow pop na palagi nitong pinapatugtog tuwing gusto niyang mapakalma.
Tahimik nilang binaybay ang daan pauwi habang iniisip ng bawat isa kung paano nila matutulungan ang kaibigang si Mio, na tila unti-unti nang nahuhulog sa isang damdaming masalimuot at mahirap takasan.
“Huh?” naguguluhang sambit ni Mio kaya binuksan na ni Kimy ang pinto at hinila siya papasok.
“Diba birthday ni Brix ngayon? Edi ‘g’ tayo sa bahay nila. Ano ka ba Mio, wag mong sabihing nakalimutan mo?” sambit ni Kimy habang nakaupo na siya sa loob at pinaandar na ni Clyde ang sasakyan.
Dahil sa sobrang pagka-occupy ng isipan ni Mio kay Reagan, tuluyan niyang nakalimutan ang kaarawan ng kaibigan kaya’t agad siyang nag-isip ng palusot.
“Hindi ko nakalimutan, lutang lang talaga ako ngayon, hahahaha. Kulang sa tulog,” sagot niya habang pilit na pinapatawa ang sarili.
“Sus, dahil d’yan, sagot mo ang drinks,” sambit ni Clyde habang tinatawanan siya, sinabayan naman ito ng halakhak nila City at Kimy.
“They really caught me off guard,” bulong ni Mio sa sarili habang napabuntong-hininga na lang at piniling kalimutan muna si Reagan sa gabing iyon.
Pagdating nila sa bahay ni Brix, sinalubong sila ng masayang tugtugan at mga tao—ilang kaibigan ni Brix at mga pinsan nito. Pagpasok nila sa loob, agad silang nilapitan ni Layda at hinila sa mesa kung saan nakaupo si Brix.
“Oy, akala ko mamaya pa kayo darating eh!!” sambit ni Brix sa tuwa nang makita ang mga kaibigan, sabay abot ng tatlong bote ng whiskey na dala nila Mio.
“Oyy, sinong taya?” tanong niya nang matanggap ang mga bote.
“Si Mio, hahaha!” sabat ni Kimy na ikinatawa ng buong grupo. Agad namang inakap ni Brix si Mio at sabing,
“Salamat, Mio!”
Ngumiti si Mio kahit napipilitan at sinabayan ang tawa ng lahat.
Bitbit ang mga bote, tumayo si Brix at tumuloy sa kusina, habang si Mio naman ay tahimik na umupo—ngunit sa loob-loob niya, may bahagi pa rin ng isip niyang kay Reagan lang umiikot.
Umupo na si Mio sa couch at nagsimula na silang mag-inuman. Puno ng tawanan at kwentuhan ang kanilang mesa, maya-maya pa’y dumating si Cayden.
“Late na ba ako?” tanong nito habang pumasok sa bahay.
Agad sumimangot ang mukha ni Mio nang makita si Cayden.
“Oyyy! Ang bigatin kong kaibigan, tara dito!” lasing na sambit ni Brix sabay hila kay Cayden paupo sa tabi niya—kung saan eksaktong kaharap ni Mio.
Pagkaupo, agad tumingin si Cayden kay Mio at binigyan ito ng mapang-asar na ngiti. Ngunit hindi siya pinansin ni Mio at imbes ay nagpatuloy sa pakikipag-usap kina Layda habang patuloy sa pag-inom.
Ngumisi lang lalo si Cayden at nagsimulang uminom, habang pinakikinggan si Brix na walang tigil sa pagkwento ng kung anu-ano. Sa kabila nito, si Cayden ay tila hindi nawawalan ng oras para titigan si Mio—na para bang sinasadya niyang asarin ito.
Hanggang sa hindi na nakatiis si Mio sa ginagawa ni Cayden, kaya’t nagpaalam ito saglit.
“Restroom lang ako,” bulong niya kay Layda.
“Sige, sige,” sagot ni Layda na halatang tinatamaan na rin ng alak.
Bago tuluyang tumayo, sinulyapan muna ni Mio si Cayden at binigyan ito ng masamang tingin. Ngunit imbes na tumigil, mas lalo lang siyang ngumisi at tinignan pa si Mio habang papalayo ito sa kanilang mesa.
Pag-alis ni Mio, hindi niya naiwasang mapabuntong-hininga at mairita. Suminghal siya nang marating ang hallway, bago pumasok sa banyo. Dito, agad niyang inilabas ang cellphone mula sa bulsa at tiningnan kung may natanggap na text message mula kay Reagan.
From Sir. Reagan:
Did you go home already? Still in the meeting.
Nag-text pala ito kanina, pero dahil sa ingay ng mga kaibigan, hindi ito napansin ni Mio agad. Kaya dali-dali niya itong nireplyan:
To Sir. Reagan:
Hindi pa po, birthday po ni Brix kaya nandito ako sa bahay nila. Sorry po.
Ilang sandali lang, nag-reply rin agad si Reagan:
From Sir. Reagan:
Ok, have fun.
Napangiti si Mio sa simpleng mensahe ni Reagan kaya masigla siyang lumabas ng banyo. Ngunit pagkalabas niya, hindi niya inaasahang may taong naghihintay sa labas, dahilan para mabangga niya ito at matapon ang hawak nitong beer, diretso sa kanya.
Napaatras si Mio nang maramdaman ang malamig na likidong dumampi sa kanyang katawan. Basang-basa siya, at nang tumingin siya kung sino ang bumangga sa kanya, si Cayden.
“Opsss, I didn’t see you, Mio. My bad,” malokong sambit ni Cayden na tila ba sinadya pa ang lahat.
Biglang naglaho ang ngiti sa labi ni Mio. Ayaw ni Mio ng gulo kaya pinilit na lang niyang kumalma.
“Ok lang,” sagot niya, at tinangkang lagpasan si Cayden para makaalis na lang. Ngunit hinawakan ni Cayden ang braso niya upang pigilan siyang lumakad palayo.
“I didn’t say I’m sorry,” nakangising sambit ni Cayden.
“Kaya nga ok lang, ’di ba,” malamig na tugon ni Mio habang sinusubukang alisin ang kamay nito sa kanyang braso.
Hindi siya binitiwan ni Cayden, sa halip ay tinitigan siya nito at nagtanong. “I wanna ask you this, Mio. Bakla ka ba? May gusto ka don sa bagong prof, ’di ba?”
Nanigas si Mio, ngunit agad din siyang nagpakatatag.
“Wala kang pakialam doon, Cayden,” sagot niya at itinulak ito palayo.
Sinubukan na niyang lumakad paalis, pero bigla siyang hinila ni Cayden sa kabilang braso, doon sa kamay niyang may hawak na cellphone.
Dahil sa biglaang hila, nabitawan ni Mio ang cellphone niya, at bumagsak iyon sa sahig, basag.
Tila nagulat din si Cayden sa nangyari at natigilan.
“Sor—”
“ANO BANG TRIP MO, HA?! SUMOSOBRA KA NA!” sigaw ni Mio, halatang punung-puno na.
“Hindi ko sinasadya—” pagtatangkang paliwanag ni Cayden, pero pinutol iyon ni Mio sa isa pang tulak.
“ ALAM MO, WALA KA NANG GINAGAWA KUNDI GULUHIN AKO AT ANG KAPATID KO! ANG SAMA NG TRIP MO! TIGILAN MO NA YAN!“ sigaw ni Mio, at bakas sa mukha niya ang pagod at pagkayamot.
Hindi nakaimik si Cayden. Nakatitig lang siya kay Mio, tila ngayon lang napagtanto kung gaano na niya ito nasasaktan.
Pinulot ni Mio ang basag na cellphone, pinigilan ang nanginginig niyang kamay, at walang kahit anong tingin kay Cayden, tinalikuran niya ito.
“Papalampasin ko ito ngayon,” bulong niya sa sarili, puno ng pagpipigil at galit, bago siya tuluyang umalis. Pagbaba niya sa hagdan ay nasalubong niya si City.
“Teka Mio, anong nangyari sayo? Basang-basa ka?” tanong nito, bakas ang pag-aalala sa boses.
Pero hindi na nagsalita si Mio. Diretso lang siya sa labas, hindi lumingon, hindi tumigil, wala na siyang lakas para magpaliwanag. Ang bigat na sa dibdib.
Sa loob naman ng bahay, lumapit si City sa naiwan pang si Cayden. “Anong nangyari Cayden?” tanong niya, kasabay ng paglapit ng iba pa nilang kaibigan, halatang nalito at nag-aalala rin.
Ngunit nanatiling nakatulala si Cayden sa direksyong tinahak ni Mio. Hindi siya kumibo agad. Sa halip, malalim siyang huminga bago marahang nagsalita, parang kinakausap ang sarili.
“I think… I went too far.” Mahina ngunit malinaw ang tinig niya, puno ng pag-guilty.
Saglit siyang napangisi, hindi dahil sa tuwa, kundi dahil sa kapait-pait na pagsisisi. At sa ilalim ng kanyang hininga, binigkas niya ng may halong lungkot,
“Silly nerd.”
CHAPTER 7
Wala sa mood umuwi si Mio nang gabing iyon. Basang-basa siyang pumasok sa kanilang bahay, mabigat ang bawat hakbang.
“Kuya, anong nangyari sa’yo?” tanong ni Mila nang makita ang itsura ng kanyang kapatid.
Napatingin din ang kanilang Lola at nag-aalalang nagtanong, “Apo, ayos ka lang ba?”
Hindi sumagot si Mio. Tahimik siyang dumiretso paakyat sa kanyang kwarto. Pagpasok niya ay agad niyang isinara ang pinto at naupo sa gilid ng kama. Tiningnan niya ang sarili sa salamin—basang-basa, gusot ang suot, at amoy serbesa ang buong katawan.
Napabuntong-hininga siya, saka nainis na binato ang unan sa pader. Tumayo siya at tumuloy sa banyo ng kanyang silid. Walang sinayang na sandali, naligo siya at nagbabad sa ilalim ng malamig na shower, umaasang kahit paano ay matatangay nito ang bigat ng kanyang pakiramdam.
Kahit ganito ang sinapit niya, hindi pa rin mawala sa isip ni Mio ang nangyari kay Cayden. Tama ba ang ginawa niya? Tama bang nagpadala siya sa bugso ng damdamin? Galit siya rito—oo. Pero alam niyang hindi tama ang magtanim ng galit, lalo na sa taong minsan niyang pinagkatiwalaan.
Huminga siya nang malalim at dahan-dahang umupo sa malamig na sahig ng banyo. Hinayaan niyang dumaloy ang tubig sa kanyang katawan, tila hinuhugasan hindi lang ang kanyang balat kundi pati ang bigat sa kanyang isipan. Ipinikit niya ang kanyang mga mata at sinubukang magpahinga, kahit sandali lang.
Pagkalipas ng halos isang oras ng pananahimik sa ilalim ng shower, lumabas siya ng banyo at nagbihis ng malinis na damit. Tahimik siyang humiga sa kama, itinakip ang braso sa kanyang mga mata, pilit itinataboy ang mga iniisip.
Nakatulog si Mio nang hindi alam kung ano ang mararamdaman. Basta ang sigurado niya—hindi naging maganda ang gabing iyon para sa kanya.
Kinabukasan, maaga pa lang ay nagising na si Mio—gaya ng nakasanayan. Tahimik siyang bumaba at nagsimulang maghanda ng almusal para kina Mila. Ilang sandali pa’y bumangon na rin si Mila at nadatnan ang kuya niyang abala sa kusina.
“Kuya? Bakit ang aga mo laging umaalis?” tanong ni Mila habang hinihikab pa.
Tumingin sa kanya si Mio at ngumiti. “Good morning,” bati nito.
Umupo si Mila sa hapag-kainan at tahimik na pinanood ang kanyang kuya habang nagluluto. “Nagtatrabaho kasi ako bilang student assistant,” sagot ni Mio sa tanong ng kapatid.
“Huh? Bakit naman, kuya? Hindi naman nagkukulang sila Mama at Papa sa pagpapadala ng pera. Bakit kailangan mo pang magtrabaho?” nagtatakang tanong ni Mila.
“Wala lang… wala kasi akong magawa sa free time ko. Sayang naman kung hindi ko gagamitin,” sagot ni Mio, pilit na nagpapalusot. Alam niyang hindi iyon ang tunay na dahilan. Ang totoo, ito’y dahil kay Reagan.
“Alam na ba ni Lola ’yan, kuya? Magagalit ’yon,” maingat na bulong ni Mila habang sumulyap sa hagdan.
Nilingon din ni Mio ang hagdan, siniguradong hindi pa gising si Lola. “Wag mong sasabihin,” bulong niya pabalik.
“Bakit ba kasi kailangan mo magtr—” Hindi na natapos ni Mila ang sasabihin nang bigla siyang sinubuan ni Mio ng pancake.
“Basta. Sige, mauna na ako,” sambit nito matapos magluto. Mabilis siyang lumabas ng bahay at gaya ng dati, nagmamadaling tumungo sa unibersidad.
Pagdating sa tapat ng opisina, bukas na ang pinto—hudyat na naroon na si Reagan. Huminga ng malalim si Mio bago tuluyang pumasok.
“Good morning po,” bati niya habang pasimpleng inaayos ang sarili.
Umangat ang ulo ni Reagan mula sa ginagawa at ngumiti. “Good morning, Mio. Para sa’yo,” aniya habang itinuro ang isang paper bag na nakapatong sa kanyang mesa.
“Ha? Ano po ’yan?” tanong ni Mio, sabay dahan-dahang lumapit.
“I had a meeting with someone from abroad, and they gave me this. I’m not into sweets, so I thought I’d give it to you,” nakangiting sabi ni Reagan habang iniabot ang isang paper bag.
Sinilip ni Mio ang laman at napanganga sa gulat nang makita ang loob—puno ito ng mamahaling tsokolate.
“Akin na lang po talaga ’to?” tanong niya, halos hindi makapaniwala.
Tumawa si Reagan. “Sayo talaga ’yan, hahaha,” sagot nito sabay ngiti.
Mabilis ang tibok ng puso ni Mio. Halos manginig ang kanyang mga daliri habang tahimik na tumango. “Thank you po,” mahina niyang sambit.
Ngumiti si Reagan at muling ibinalik ang atensyon sa kanyang trabaho. Samantala, nanatili sa opisina si Mio at nag-ayos ng mga folders sa shelf. Nang matapos ay nagpaalam na siya para pumasok sa kanyang unang klase.
“Mauna na ho ako,” paalam niya.
Tumingin si Reagan at ngumiti. “Wait.”
Napahinto si Mio. Tumayo si Reagan mula sa kanyang lamesa at lumapit. Sa gulat, hindi agad nakagalaw si Mio. Mabilis ang tibok ng kanyang puso. Akala niya’y hahawakan ni Reagan ang kanyang mukha—ngunit nagulat siya nang sa halip ay inayos lamang nito ang magulo niyang buhok.
“Masaya ka pa ba sa pagiging student assistant ko? Masyado ba kitang ginising ng maaga?” malambing na tanong ni Reagan sabay pisil sa kanyang pisngi.
“Go, you’ll be late,” anito habang marahang itinulak si Mio palabas ng opisina.
Parang lumulutang si Mio habang naglalakad papunta sa kanyang klase. Tulad ng nakaraang araw, wala siya sa sarili habang nakaupo sa sulok ng silid-aralan, tulalang nakatingin sa kawalan.
Mula sa likod ng klase, lihim siyang pinagmamasdan ni Cayden. Mabigat ang pakiramdam nito. Buong gabi siyang hindi nakatulog kakaisip sa nangyari kagabi. Alam niyang siya ang may pagkukulang, at ngayon, hindi niya alam kung paano lalapitan si Mio para humingi ng tawad.
Kaya ngayon, buo na ang desisyon ni Cayden—nais niyang humingi ng tawad kay Mio. Ngunit ang tanong na paulit-ulit na bumabalik sa kanyang isipan: “Paano?” bulong niya sa sarili habang patuloy na pinagmamasdan si Mio mula sa malayo.
Pinagmasdan niya ang bawat kilos nito—ang maamong kamay na may hawak na ballpen, ang balikat nitong maliit at payat, at ang kulay brown nitong buhok na tila kumikislap sa tama ng liwanag mula sa bintana. Kitang-kita rin ni Cayden ang mahaba at makakapal nitong pilikmata, at ang makinis nitong balat. Hindi niya maiwasang hangaan si Mio—sa simpleng anyo nito ay may kakaibang ganda na hinahatak ang kanyang atensyon.
Matapos ang unang klase, nanatili ang buong section sa silid dahil doon din gaganapin ang susunod na subject—ang klase ni Reagan.
Nakita ni Cayden kung paano biglang umayos ng upo si Mio nang pumasok ang kanilang guro. Halatang hindi mapakali si Mio habang pinagmamasdan si Reagan na nagsasalita sa harapan. May kung anong ningning sa mga mata nito, at sa bawat salitang binibitawan ni Reagan, tila mas lalo lang siyang nahuhulog.
“This project will require teamwork since you are going to film a short scene,” anunsyo ni Reagan habang hawak ang class record. “I will group you into pairs. I’ll start, okay?”
“Layda and Clyde.”
“Lian and Elgie.”
“Kevin and Faith.”
“And… Cayden together with Mio.”
Napakunot ang noo ni Mio at nanlaki ang kanyang mga mata. Ano?! Hindi siya makapaniwala sa narinig—si Cayden ang makakapareha niya?
Samantalang si Cayden ay tahimik lang na nakatingin sa kanya mula sa likuran ng klase. Walang kibô, pero may bakas ng kaba at pag-aalalang bumabalot sa kanyang mga mata.
“That’s all, I’ll see you tomorrow,” dagdag ni Reagan bago tuluyang lumabas ng silid.
Tahimik ang buong klase habang isa-isa nang nagsisimulang magsilabasan ang mga estudyante. Ngunit si Mio at Cayden ay nanatiling tahimik, pareho yatang hindi alam kung paano sisimulan ang susunod na kabanata sa pagitan nila.
Agad na hinabol ni Mio si Reagan upang tulungan ito sa mga dalang gamit bilang assistant niya. “Sir, tulungan ko na po kayo,” aniya at tinangkang kunin ang mga papel mula sa guro.
“No, it’s okay. I’ll see you tomorrow,” sagot ni Reagan bago tumuloy sa susunod niyang klase.
See you tomorrow? tanong ni Mio sa sarili. “Tomorrow?” tanong niya ulit, dahilan para huminto si Reagan at humarap sa kanya.
“I will leave early after my last class at 1 PM, so don’t bother going to my office again, Mio,” nakangiting sabi nito bago muling naglakad palayo.
Naiwan si Mio sa hallway, nakatulala. Nagulat siya nang biglang may umabot ng banana milk sa kanyang harapan.
“Sorry,” singhal ni Cayden habang iniabot ito.
Agad na naglakad palayo si Cayden, halatang kabado. Samantalang si Mio ay hindi pa rin makagalaw, iniisip kung para saan ang banana milk—hanggang sa maalala niya ang nangyari kagabi.
“Cayden,” tawag ni Mio. Huminto si Cayden at dahan-dahang hinarap siya, halatang kinakabahan.
“What? I said I’m sorry, okay?” pagtatago ni Cayden ng kaba sa tono ng kanyang inis na boses.
“Gawin na natin ’yung activity,” sambit ni Mio bago nagsimulang maglakad. Hindi makapaniwala si Cayden sa bilis ng kapatawaran kaya agad niya itong hinabol.
“You’re not mad at me anymore?” tanong niya.
“Sagot mo lunch ko,” tanging tugon ni Mio sabay bilis ng lakad. Napangiti si Cayden sa sinabi nito pero agad din niyang tinago iyon at muling hinabol si Mio.
“Sure,” sagot niya, at magkasabay silang lumabas ng unibersidad. Tumuloy sila sa pinakamalapit na coffee shop at sinimulang gawin ang kanilang activity.
“Look,” tawag ni Cayden habang nag-e-edit si Mio. Napatingin si Mio sa screen at natigilan.
Nagulat siya sa inedit ni Cayden—ang mukha ng terror prof nila, nilagyan ng kung anu-anong nakakatawang effects.
“Ano—haha!” natatawang sambit ni Mio, hindi mapigilan ang sarili.
“What do you think? Do I deserve a 0 grade for this?” biro ni Cayden.
Tumango si Mio habang natatawa pa rin.
Nagpatuloy sila sa paggawa ng activity, at buong oras ay pinapatawa ni Cayden si Mio. Nang matapos sila, sinamahan ni Cayden si Mio pauwi.
“We’re done,” sambit ni Mio pagdating sa harap ng kanilang bahay.
“Our activity is done,” pagtatama ni Cayden. “Attend my birthday party this Friday,” dagdag pa nito bago ngumiti, sinuot ang helmet, at umalis.
“Hindi pa ako sumasagot,” bulong ni Mio sa sarili bago pumasok sa loob ng bahay at maagang nagpahinga.
Bago siya makatulog, si Reagan ang laman ng kanyang isipan. Ano kaya ang pinagkakabusyhan nito? tanging tanong niya sa sarili.
Kinabukasan, hindi pumasok si Reagan dahil may importante raw itong pupuntahan. Buong araw ay wala sa mood si Mio, at hindi rin niya nakita si Cayden sa campus.
Pagkatapos ng klase, diretso siyang umuwi at agad na natulog.
Dumating ang araw ng Biyernes, at gaya ng sinabi ni Cayden, dumalo sila sa birthday party nito. Kasama ni Mio ang kanyang kapatid na si Mila, may dala itong regalo para kay Cayden.
“Wow, Mila! Ang ganda mo,” bati ni Kimy pagkarating nila sa bahay ni Cayden.
Ngumiti si Mio at sinulyapan ang kapatid. “Tara doon sa table. Busy pa si birthday boy sa ibang fans na dumalo kaya hindi pa tayo mahaharap niyan. Mag-enjoy na lang muna tayo habang wala pa siya, haha,” malokong sambit ni Brix sabay hila sa kanilang dalawa papunta sa mesa.
Nagsimula na silang kumain at uminom nang biglang nagpaalam si Mila.
“Kuya, saglit lang. Restroom lang ako,” bulong nito kay Mio.
Tumango si Mio at pinanood ang kapatid na tumayo, dala-dala pa rin ang regalong para kay Cayden.
Nagpatuloy si Mio sa pag-inom, ngunit ilang minuto na ang lumipas at hindi pa rin bumabalik si Mila. Napansin niyang medyo matagal na ito, kaya tumayo siya upang hanapin.
Pagdating niya sa may restroom, napansin niyang bukas ang pinto papunta sa terrace ng bahay. Lumapit siya roon at sumilip—at agad niyang nakita sina Cayden at Mila.
“Gusto kita, Cayden. Gustung-gusto… please, tanggapin mo itong regalo ko at ang pagmamahal ko,” rinig niyang sabi ni Mila, kasabay ng pagtulo ng luha nito habang nakatingin kay Cayden.
Nanatiling tahimik si Cayden, nakatitig lang kay Mila, bago siya dahan-dahang huminga ng malalim at nagsalita.
“Sorry, Mila,” sagot ni Cayden sa mahinahong tinig. “I like your brother.”
Nanigas si Mila . “A-ano?” takang tanong nito.
Habang si Mio, na nakasilip mula sa terrace door, ay hindi makapaniwala sa narinig.
“I like your brother. That’s why I won’t accept your love… I’m so sorry,” bulong ni Cayden.
Maglalakad na sana paalis si Cayden nang biglang magsalita si Mila.
“You’re gay.”
Tumigil si Cayden sa paglalakad at dahan-dahang lumingon kay Mila. Hindi siya nagalit, bagkus ay nginitian pa niya ito—isang totoong ngiti, walang galit, walang pag-aalinlangan.
“If liking him means I’m gay… then maybe I am gay,” mahinahon niyang sagot.
Napasinghap si Mio mula sa kinatatayuan at napakapit sa sariling bibig, hindi makapaniwala sa narinig.
“I like Mio,” dagdag pa ni Cayden, buong tapang ngunit may halong kaba sa boses.
CHAPTER 8
“Mio, lunch tay—” Hindi na natapos ni Cayden ang sasabihin nang biglang tumalikod si Mio at naglakad palayo. Napakunot ang noo ni Cayden sa ikinilos nito.
Halos isang linggo na siyang hindi pinapansin ni Mio. Akala niya ay ayos na sila, pero matapos ang birthday party niya, bigla na lang lumayo ito at tumigil sa pakikipag-usap. Bagsak-balikat na naglakad si Cayden sa kabilang direksyon.
Samantala, si Mio naman ay nagmamadaling naglalakad papunta sa opisina ni Reagan. Nag-text kasi ito sa kanya pagkatapos ng klase. Hingal na hingal siyang huminto sa harapan ng pinto bago ito dahan-dahang binuksan.
“Good afternoon po,” bati niya.
Ngumiti si Reagan at tumayo mula sa upuan. Kinuha nito ang coat at lumapit kay Mio.
“Let’s eat,” sabi ni Reagan, sabay hila kay Mio palabas ng opisina. Mabilis silang sumakay sa kotse at nagtungo sa pinakamalapit na coffee shop.
“Bakit po?” tanong ni Mio habang binabaybay nila ang daan. Hindi niya maintindihan kung bakit bigla-bigla siyang niyayayang kumain ni Reagan, lalo na’t halos buong linggo itong naging abala at laging wala.
“Wala lang. I just miss eating with you,” sagot ni Reagan, sabay ngiti. Pagkarating nila, tinanggal nito ang seatbelt, bumaba ng kotse, at binuksan ang pinto para kay Mio.
Tumango si Mio at tahimik na sumunod papasok. Naupo sila sa isang table for two at nagsimulang umorder ng pagkain.
“Here,” sabay abot ni Reagan ng isang puting sobre.
Kumunot ang noo ni Mio. “Ano po ito?”
Ngumiti si Reagan. “Sweldo mo,” sagot nito sabay hiwa ng burger sa kanyang plato, at inilagay ang kalahati sa pinggan ni Mio.
“Th-thank you,” nahihiyang tugon ni Mio habang inilalagay ang sobre sa kanyang bag.
“No problem. By the way, it’s my birthday tomorrow. Magkakaroon ako ng simpleng handaan. Gusto kitang imbitahan. Are you in?” tanong ni Reagan habang patuloy na hinihiwa ang pagkain para kay Mio.
Biglang naalibadbaran si Mio nang malamang kaarawan ni Reagan kinabukasan. Napaisip siya kung anong regalo ang dapat niyang ibigay dito.
“Count me in po,” aniya sabay ngiti.
Pinat ni Reagan ang ulo niya at ngumiti pabalik.
Nagpatuloy sila sa pagkain hanggang sa biglang bumukas ang pinto ng coffee shop. Malalakas na sigawan ang bumalot sa loob, kaya napatingin sina Mio at Reagan sa pintuan, doon nila nakita si Cayden na pinagkakaguluhan ng mga babaeng fans sa loob ng café.
Mag-isa lang ito at tila hindi napansin na naroon din sina Mio, dahil sa dami ng mga nakapalibot sa kanya. Tumalikod si Mio at tahimik na ipinagpatuloy ang pagkain.
Makalipas ang ilang minuto, tumigil na ang sigawan. Siguro nakaalis na siya, naisip ni Mio.
Ngunit nagkamali siya.
Biglang umupo si Cayden sa tabi niya at binati si Reagan. “Good afternoon, Prof. Hindi ko akalaing makikita ko kayo rito… kasama si Mio.”
Mabilis na sulyap ang ibinigay niya kay Mio, na tila walang pakialam sa pagdating niya.
“Mr. Villareal, nice to see you here,” sagot ni Reagan. “Mio and I were just grabbing some snacks before I took him home.”
Ngumisi si Cayden at may halong pang-aasar na sumagot, “I didn’t expect that a professor can also be a driver of his student.”
Napatingin ng masama si Mio sa kanya.
“We’ve known each other for a very long time, so driving him home is just a thing,” sagot ni Reagan na may ngiti pa rin sa labi.
Pero ramdam ni Mio ang tensyon sa pagitan ng dalawa.
“A thing,” bulong ni Cayden sabay mas lalong ngumisi, bago nagsimulang kumain sa tabi ni Mio.
Ngumiti lang si Reagan at ipinagpatuloy ang pagkain, samantalang si Mio naman ay halos manlamig sa kinauupuan niya dahil sa kakaibang presensyang bumalot sa kanilang tatlo.
Matapos nilang kumain, naglakad na sila papunta sa parking lot. Nauna si Reagan sa kanyang sasakyan bago lumapit kay Mio at hinawakan ang kamay nito upang isakay siya.
Ngunit biglang lumapit si Cayden at hinawakan ang kabilang kamay ni Mio.
“I’ll take him home, baka kasi may importante ka pang gagawin, Prof.,” sambit nito.
Umiling si Reagan. “No, I’m not that busy. I’ll take him home,” sagot niya.
Hinila ni Cayden si Mio palapit sa kanya. “Ako na lang po. Nakakahiya naman sa inyo,” aniya sabay ngisi.
“No, it’s okay. I can take him,” sagot ni Reagan, sabay hila muli kay Mio.
“No sir, I can take him,” sabay hila ulit ni Cayden.
“No, I can take him home. I’m not really that busy,” balik ni Reagan sabay hila rin.
“I’ll visit their house, so I’ll take him,” sagot ni Cayden.
“Really? Are you courting their house?” sambit ni Reagan sabay ngiti.
“No,” sagot ni Cayden, sabay tingin kay Mio na para nang nagiging tali sa gitna ng isang tug-of-war, paulit-ulit na hinihila ng dalawa sa magkabilang braso.
“I will take him home. You’re a busy artist, right?” dagdag pa ni Reagan.
Sumimangot na si Cayden at pasinghal na nagsabi, “Ako na sab—”
Ngunit hindi na siya natapos nang biglang alisin ni Mio ang kamay niya sa pagkakahawak ng dalawa.
“Mauna ka na, Cayden. Si Sir Reagan na ang maghahatid sa akin,” mariing sabi niya sabay talikod.
Humarap siya kay Reagan, ngumiti, at tahimik na sumakay sa sasakyan nito.
Naiwan si Cayden sa gitna ng parking lot, nakatayo, hindi makapaniwala.
“Shit!” bulong niya sa sarili sabay sipa sa isang maliit na bato.
“Your friend is so protective,” sambit ni Reagan habang nasa biyahe sila pauwi sa bahay nila Mio.
Hindi na lang sumagot si Mio. Ngumiti na lamang siya bilang tugon.
Pagkahatid sa bahay, agad siyang nagpaalam at pumasok sa loob. Tahimik siyang sumara ng pinto, may halong inis sa dibdib—hindi niya maintindihan kung bakit naiinis siya kay Cayden.
“Mila, nasaan si Lola?” tanong niya sa kapatid.
“Hindi ko alam,” malamig na sagot ni Mila, dahilan upang mapatigil si Mio. Hindi siya sanay na sinasagot siya ng ganito ni Mila.
“Bakit hindi mo alam?” tanong niya ulit, ngunit hindi na ito sumagot.
Sa mismong sandaling iyon ay lumabas ang Lola nila mula sa kusina.
“Mio, apo, nandito ako,” sambit ng matanda.
Ngumiti si Mio, agad lumapit at nagmano. Paglingon niya muli kay Mila, nakita niyang tumayo ito at umakyat na sa kanyang silid.
Napabuntong-hininga si Mio, halatang naguguluhan. Tahimik siyang kumain kasama ang kanyang lola.
Kinabukasan, maaga siyang gumising. May isang bagay siyang kailangang gawin, ang bumili ng regalo para sa kaarawan ni Reagan.
“Sir, ano pong hanap niyo?” tanong ng saleslady nang mapansing tumitingin siya sa mga relo.
“Ah, ano po bang magandang panregalo?” tanong ni Mio, habang nakatitig sa mga nakadisplay na wristwatch.
“Para sa boyfriend nyo po?” tanong nito sa kanya ng may ngiti sa labi, Nagulat si Mio at tila namula ang mukha dahil sa sinabi ng sales lady.
“Para sa kaibigan ko po,” nahihiyang sambit ni Mio.
“Sus, nako naman Sir, nahiya ka pa,” natatawang tugon ng saleslady. “Don’t worry, support ako sa LGBTQ. By the way, Sir, ito po ang latest model namin—maganda po itong pang-regalo sa reregaluhan mo.”
Ipinakita nito ang isang eleganteng relo, at agad na nahulog ang loob ni Mio sa disenyo. Ngumiti siya habang iniisip kung ano ang magiging reaksyon ni Reagan kapag natanggap ito.
Siguradong matutuwa ’yon… Napangiti pa siya lalo, at namula nang bahagya.
“I will get this,” sabi niya.
Maingat na ibinalot ng saleslady ang relo habang nakangiting pinagmamasdan si Mio. Pagkatapos nito ay agad siyang umuwi upang makapaghanda para sa party ni Reagan.
“Mila, aalis lang ako. Ikaw na ang bahala kay Lola, okay?” paalala niya habang naglalakad papunta sa pinto.
Hinintay niyang sumagot si Mila, pero imbes na sumagot, tumayo lang ito at dumiretso sa kanyang kwarto, tila walang narinig.
Napakunot ang noo ni Mio. Nagsisimula na siyang makaramdam ng kakaiba sa kinikilos ng kapatid. Pero wala siyang oras para harapin ito ngayon, mag-aalas-siyete na ng gabi, at iyon ang oras ng party ni Reagan.
Nagbuntong-hininga siya bago tuluyang lumabas ng bahay at tumuloy sa handaan.
Pagdating niya sa venue, agad siyang sinalubong ng ingay at saya. Maraming bisita, puro nakangiti, masaya, at halatang malapit kay Reagan. Medyo nahiya si Mio habang naglalakad papasok, hawak-hawak ang regalong para sa guro.
“Mio.”
Boses pa lang ay alam na agad ni Mio kung sino iyon—si Reagan. Kaya agad siyang humarap, ngumiti, at binati ito.
“Happy birth—” Hindi na niya natapos ang sasabihin nang bigla siyang yakapin ni Reagan.
“I’m glad you came,” bulong nito, sabay bahagyang umatras at tinapik ang ulo ni Mio.
“Para sa inyo po,” sabi ni Mio habang inaabot ang regalong hawak niya.
“Really? Wow.” Tila sabik na binuksan ni Reagan ang regalo, kaya mas lalo pang natuwa si Mio. Mabilis ang pintig ng puso niya, parang may kung anong sasabog mula sa dibdib.
“This looks expensive, Mio… hindi ka na sana nag-abala,” ani Reagan, ngunit agad rin niyang sinuot ang relo, may maliwanag na ngiti sa mukha.
“Thank you so much, Mio,” dagdag pa niya sabay muling niyakap si Mio.
Ngumiti si Mio, ngunit sa loob-loob niya, parang sumisigaw ang puso niya sa sobrang lakas ng tibok.
“I-I w-want to t-tell you s-something,” bulong ni Mio, halos hindi mapakali.
“What is that?” tanong ni Reagan, nakatitig sa kanya.
Mas bumilis pa ang tibok ng puso ni Mio. Pakiramdam niya ay nanginginig na ang kanyang buong sistema.
“I-I lik—”
Pero hindi niya natapos ang sasabihin nang biglang may tumawag.
“Rea, babe!”
Natigilan si Mio. Isang babae ang lumapit sa kanila, may ngiti sa labi, at hinawakan ang braso ni Reagan.
Parang biglang tumigil ang mundo ni Mio. Ang kaba na kanina ay galing sa pag-amin, ngayon ay naging matalim na kirot sa dibdib. Tahimik siyang nakatitig, hinihintay ang susunod na sasabihin ni Reagan.
“Liseth, this is Mio. Mio, this is Liseth—my girlfriend.”
Parang tumigil ng ilang segundo ang pagtibok ng puso ni Mio sa narinig niya mula kay Reagan. Hindi siya agad nakapagsalita, hindi dahil ayaw niya—kundi dahil sa bigat ng biglang naramdaman sa dibdib.
“Nice to finally meet you. I’m Liseth. You can call me Ate Liseth or just Liseth—whatever you want,” masayang bati ng babae, sabay halik sa pisngi ni Reagan.
“Reagan, pare!”
May tumawag muli kay Reagan mula sa di kalayuan. Lumingon ito at muling hinarap si Mio.
“I’ll just go there. Get a seat, Mio, and enjoy the party, okay?” aniya sabay tapik sa ulo ni Mio bago tuluyang umalis kasama si Liseth.
Naiwan si Mio, tahimik, nakatayo lang, hindi makapaniwala sa mga nalaman… at sa taong nakilala.
Kumikirot ang kanyang puso, at kahit sinabing mag-enjoy siya sa party, hindi na siya nagtagal pa. Tahimik niyang nilisan ang lugar.
Mabilis siyang nagmaneho pauwi, pilit pinipigilan ang mga luhang gustong kumawala. Nanginginig ang kamay niyang nakahawak sa manibela habang paulit-ulit sa isip niya ang eksenang kanina lang ay nasaksihan.
Pagdating sa bahay, agad siyang bumaba ng sasakyan at halos patakbong pumasok sa loob. Sa pagmamadali, hindi sinasadyang nabangga niya ang kapatid, na kakalabas pa lamang ng kwarto nito.
“ANO BA!!!”
Sigaw ni Mila na ikinagulat ni Mio. Natigilan siya, hindi agad nakaimik sa lakas ng boses ng kapatid.
“M-Mila?” tanong niya, ngunit hindi humupa ang galit ng kapatid. Sa halip, muli siyang sinigawan.
“HINDI KA KASI TUMITINGIN SA DINADAANAN MO, KUYA! WALA KANG PAKI SA PALIGID MO! LAGI KA NALANG PERFECT!!!”
Napatras si Mio at napalunok. Naguguluhan siyang umayos ng tayo, hindi alam kung saan nanggagaling ang galit ni Mila.
“S-sorry…” mahina niyang bulong.
“Tss.” Mila rolled her eyes at him, puno ng inis.
Bigla namang may naramdaman si Mio—hindi tama ang inaasta ni Mila. Kaya pinigilan niya ito at mahinahong tinanong.
“May problema ba, Mila?”
Humarap si Mila sa kanya, at sa isang iglap, sumabog ito.
“IKAW ANG PROBLEMA, KUYA! LAGI NALANG IKAW! NAKAKAINIS NA!”
Hindi makapaniwala si Mio, nalilito sa bigat ng mga salitang ibinabato sa kanya.
“H-hindi ko maintindihan…” bulong niya.
“MAS MABUTI PANG HINDI MO NA LANG MAINTINDIHAN, KUYA!!!” sigaw muli ni Mila—galit, sugatan, at punung-puno ng emosyon.
Sakto namang bumukas ang pinto sa ibaba, sa tapat ng hagdan. Sabay silang napalingon.
Hindi nakakilos si Mio nang makita ang Mama nila na nakatayo roon, tahimik ngunit halata ang pag-aalala sa mukha.
“Mila, anak…” tawag ng ina.
Agad na bumaba si Mila ng hagdan at nilapitan ito, habang si Mio ay naiwan sa taas—tulalang nakatingin sa kanila, bitbit ang sakit at tanong sa puso.
“Mama…” mahina niyang sambit, halos hindi na niya maramdaman ang sarili.
CHAPTER 9
“Mama…” bulong ni Mio nang makita ang ina sa ibaba. Dahan-dahan siyang bumaba upang harapin ito. Halos ilang taon na rin mula nang huli niya itong makita kaya hindi maiwasang matuwa siya sa muling pagkikita. Ngunit kasabay ng saya ay ang hindi maipaliwanag na kaba.
“Ma…” mahina niyang sambit upang makuha ang atensyon ng ina.
“Oh, Mio… laki mo na,” malamig na tugon nito bago hinarap ang Lola na nasa kusina.
“Bakit nandito ka?” tanong ng kanilang Lola sa ina. Saglit itong tumingin kay Mila bago sumagot, “Nagpapasundo si Mila. Kukunin ko na lang siya ulit.”
Natigilan si Mio sa narinig. Agad niyang tinignan ang kapatid, gustong tanungin kung bakit, pero hindi siya nito tinitingnan.
“Mila…” bulong niya, subalit hindi umimik ang kapatid. Naguguluhan siya—bakit bigla ang desisyon nito, at bakit tila ang laki ng galit na nararamdaman?
“Paano si Mio?” tanong ng Lola nila sa ina. Napatingin si Mio sa ina, umaasang marinig ang sagot.
“Bakit? Ok na si Mio dito. Isa pa, nandito ang mga kaibigan niya kaya alam kong hindi rin siya sasama. Hindi ba, tama ako, Mio?” sambit ng ina.
Kahit nais niyang makasama ito, tumango na lamang siya at sumang-ayon sa sinabi ng ina.
“Opo,” mahinang sambit niya, pilit na ngumiti.
“Hindi mo nga nakasama si Mio ng matagal. Ngayon pang maayos na ang buhay mo sa ibang bansa, bakit hindi mo siya subukang isama? Sigurado naman akong maiintindihan ng mga kaibigan niya ang pag-alis niya,” mariing sambit ng kanilang Lola.
“Ma, ayaw nga ni Mio, hindi ba!” sagot ng ina, sabay harap kay Mila. “Ayusin mo na ang mga gamit mo, Anak. Hihintayin kita dito.”
Tumango si Mila at naglakad paakyat. Pero bago siya tuluyang umakyat, nagtama ang kanilang mga mata ni Mio—ngunit hindi siya nito pinansin at nagpatuloy sa pag-akyat.
Dahil sa ginawa ng kapatid, biglang nakaramdam si Mio ng lungkot at sakit sa kanyang dibdib. Nais niyang lumuha, ngunit pilit niya itong pinipigilan.
“Mag-usap nga tayo sa labas,” sambit ng Lola, sabay labas ng bahay kasama ang ina. Naiwang mag-isa sa loob si Mio.
“Bakit ayaw mong isama si Mio!” narinig ni Mio ang galit na tinig ng kanyang Lola mula sa labas.
“Hindi ko kailangan ng lalaking anak, Ma. Si Mila lang ang kaya kong dalhin doon. Isa pa, kaya na ni Mio ang sarili niya,” sagot ng ina.
Napayuko si Mio habang nanatiling nakatayo sa kanyang kinatatayuan.
“Hindi ka pa rin ba magtitino, ha? Anak mo ’yan! Bakit pilit mong pinaparamdam sa kanya na hindi?”
“Kasi tuwing nakikita ko ang batang ’yan, naaalala ko ang mga maling desisyon ko sa buhay, Ma. Pag nakikita ko ang mukha niya, pakiramdam ko sinasampal sa akin ng paulit-ulit ang mga kamaliang iyon—kung bakit naging miserable ang buhay ko, kung bakit hindi namin naayos ni Greg ang relasyon namin, kung bakit hindi ko nakamit ang mga pangarap ko!” galit na sambit ng ina—mga salitang tila nagbigay-linaw kay Mio kung bakit pakiramdam niya’y hindi siya kailanman minahal ng ina.
“Hindi ginusto ni Mio na buhayin siya! Kayo ni Greg ang nagdesisyon noon, bakit pilit mong sinisisi sa bata ang pagiging hindi mo kuntento sa buhay? ’Yun ang totoo—hindi ka nakuntento sa kung anong meron kayo, kaya ka iniwan ni Greg,” mariing tugon ng Lola.
Hindi na kinaya ni Mio na pakinggan pa ang susunod na usapan, kaya umakyat na siya at dumeretso sa silid ng kapatid.
Naabutan niyang nag-iimpake si Mila. Huminga siya ng malalim, pinigilan ang luha, saka pumasok sa loob ng silid.
“Bakit ka nagpasundo?” tanong niya.
Tumigil saglit si Mila sa pagtutupi ng mga gamit, ngunit nagpatuloy rin ito at hindi siya pinansin.
“Mila… galit ka ba sa akin? Bakit? Anong nagawa ko?” tanong ni Mio sa kapatid, habang unti-unting bumibigat ang pakiramdam sa kanyang dibdib.
“Wala,” malamig na sagot ni Mila.
“Anong
wala
? Bakit nagkaganito ka, Mila? Ano bang nagawa ko? Sabihin mo, please. Ayaw kong umalis ka nang hindi ko alam kung bakit ganito ang pakikitungo mo sa akin,“ malungkot na sambit ni Mio.
Biglang hinampas ni Mila ang maleta bago tumayo at hinarap siya.
“Wala kang ginagawa,
’yon
ang problema ko, Kuya!
Wala!!!
Wala ka ngang ginagawa, ikaw pa rin ang gusto ng lahat! Ikaw pa rin ang magaling! Ikaw pa rin ang hinahangaan!!!
Dahil wala kang ginagawa!!!
“ sigaw ni Mila, puno ng hinanakit.
“Samantalang ako, halos lahat na ng kaya ko, ginawa ko na. Pero
never
akong nagustuhan o naging magaling! Lagi na lang…
Kuya!
Lagi na lang
ikaw!!!
“
Hindi nakaimik si Mio. Hindi niya alam kung ano ang dapat sabihin.
“Mil—” bulong niya, ngunit pinutol siya ni Mila.
“IKAW ANG GUSTO NI CAYDEN, KUYA!!! IKAW!!! Isipin mo ’yon—ikaw na
laging galit sa kanya
, ikaw na
laging nagsasalita ng masasakit
sa kanya,
pero ikaw pa rin ang nagustuhan niya!
Ikaw na lalake!!!
“ sigaw ni Mila, ang tinig ay punong-puno ng inggit at sakit. Natigilan si Mio, hindi niya alam kung paano tutugon.
“BAKIT IKAW PA KASI ANG NAGUSTUHAN NIYA!!! Ngayon, kahit ayokong magalit sa’yo, tuwing nakikita kita, hindi ko mapigilang
mainggit
at
magalit!
Dahil
nasa’yo na lang palagi ang lahat, Kuya!!!
“
Huminga nang malalim si Mila, at sa nanginginig na boses ay sinabi:
“Aalis ako at sasama kay Mama… dahil ayoko nang mas lumala pa ang nararamdaman ko. At ayokong magalit sa’yo.”
Isinara niya ang maleta, binuhat ito, at diretsong lumabas ng silid, hindi lumilingon.
Paglagpas ni Mila kay Mio, doon na tuluyang tumulo ang luha sa mga mata niya.
“Mas inggit ako sa’yo…” mahina niyang bulong—sapat upang mapatigil si Mila sa paglalakad.
“Ikaw ang gusto ng mga magulang natin. Oo, gusto nga ako ng lahat… pero ang sarili kong magulang, hindi ako kayang piliin. Hindi ako kayang mahalin o isama. Sa tingin mo, hindi ba mas masakit ’yon?” Nanginginig ang boses ni Mio habang inihahayag ang sakit na matagal niyang kinimkim. “Tapos… ang isang taong akala ko, tatanggapin ako… iiwan din pala ako.”
Halos madurog ang puso ni Mio sa bawat salitang binibigkas. Yumuko siya, pilit nilulunok ang sakit, bago siya dahan-dahang naglakad papasok sa kanyang kwarto at nagkulong.
Sumilip siya sa bintana, tahimik, walang luha ngunit punong-puno ng lungkot, at pinanood ang unti-unting pag-alis ng sasakyan ng kanyang ina at kapatid.
Pagkaalis ng sasakyan, tuluyan nang bumigay si Mio.
Hindi na niya kinaya ang lahat ng nararamdaman. Nilamon siya ng lungkot, ng galit, ng pagkabigo. Nagwala siya, binasag ang mga gamit sa kanyang study table, pinagsusuntok ang pader hanggang sa dumugo ang kanyang kamay. Hingal, hikbi, at panginginig ang natira sa kanya.
Mabilis siyang lumabas ng kwarto, tumakbo pababa ng bahay, walang pakialam kung saan patungo.
Patuloy na tumulo ang kanyang luha, habang ang kanyang kamay ay tuloy-tuloy ang pag-agos ng dugo. Sa wakas, huminto siya sa isang lumang playground—walang katao-tao, tahimik, at tila kasing lungkot ng nararamdaman niya.
Umupo siya sa malamig na sahig, yumuko, at doon tuluyang bumulwak ang lahat. Lahat ng sakit na matagal niyang piniling itago, ngayon ay parang baha na walang makapipigil. Hindi niya alam kung paano pa ito iexpress—dahil sobra na, sobra na ang bigat.
“Mio…”
At gaya noong bata pa siya, nakita niya si Reagan sa kanyang harapan—nakasakay sa bisikleta, nakatingin sa kanya sa parehong paraan gaya ng dati.
Lalo lamang bumuhos ang luha ni Mio. Suminghot siya, pinilit kontrolin ang sarili.
Ngumiti si Reagan at tinanong, “Gusto mo bang umangkas?” sabay abot ng kamay.
Gaya ng dati, tumango si Mio at inabot ang kamay nito. Sumakay siya sa likod ng bisikleta, at sabay nilang iniwan ang lugar na iyon.
Dinala siya ni Reagan sa bahay nito. Binigyan siya ng tubig at ginamot ang sugat sa kanyang kamay. Inabutan siya muli ng tubig, ngunit tila wala siya sa sarili, naghanap siya ng beer.
Walang salitang tumango si Reagan at binigyan siya ng beer. Nag-inuman silang dalawa hanggang sa tuluyan nang malasing si Mio.
“Mio, stop. You’re drunk already,” sambit ni Reagan habang pilit kinukuha ang hawak nitong bote.
Ngumiti si Mio at hinila palapit ang bote, hindi nagpapapigil.
“Alam mo ba!!!” malakas niyang sambit, dahilan upang mapatigil si Reagan.
“Ayaw sa akin ng magulang ko… kasi nakikita nila ang kasalanan nila sa akin. Ibig sabihin, isa akong malaking kasalanan—isang maling desisyon sa buhay nila! Haha! Ang saya, ’di ba?!” Tumawa siya habang umiiyak. “Tapos ’yung kapatid ko, inggit sa akin… samantalang nasa kanya na ang lahat.”
Tahimik lamang si Reagan, pinapakinggan siya, nauunawaan ang bawat piraso ng sakit na lumalabas sa kaibigan.
“I understand… but you need to stop drin—” naputol si Reagan sa pagsasalita nang bigla siyang halikan ni Mio sa labi.
Hinalikan niya ito ng buong puso—ipinahayag ang nag-iisang mabuting damdaming naramdaman niya sa buong buhay niya.
Tumigil siya at tiningnan si Reagan sa mga mata. “I love you since you left,” huling sambit niya bago siya tuluyang mawalan ng malay.
Huminga nang malalim si Reagan bago dahan-dahang binuhat si Mio papunta sa kwarto, at doon siya pinatulog. Tahimik siyang lumabas at nanatili sa labas ng silid.
Kinabukasan, maagang nagising si Mio. Masakit ang ulo, ngunit pagdilat ng kanyang mga mata at pagtanaw sa paligid, agad pumasok sa kanyang isipan ang lahat ng nangyari kagabi.
Hinalikan niya ito.
Mabilis siyang tumayo at lumabas ng kwarto. Sa mesa, may nakahandang pagkain at isang mensahe—paalala na kainin ito para maibsan ang hangover, at na pumasok na si Reagan sa university.
Pero hindi kinaya ni Mio na kumain. Sa bigat ng nararamdaman at pagkalito, agad siyang umalis at umuwi sa kanilang bahay.
Nagkulong siya sa kanyang kwarto ng ilang araw. Hindi pumasok ng dalawang linggo.
Tila nawala siya sa sarili. Hindi niya alam kung paano haharapin si Reagan, matapos ang lahat ng sinabi, lahat ng ginawa, lalo na ang halik na hanggang ngayon ay hindi niya makalimutan.
“Mio, ano ba! Lumabas ka na d’yan! Isang linggo ka nang hindi pumapasok—ang dami mo nang namiss!” sigaw ni Kimy habang nasa labas ng pintuan ni Mio, kasama sina Layda at Brix.
“Mio, labas ka na… ilang araw ka nang hindi kumakain. Pasok na rin tayo,” sambit ni Layda, puno ng pag-aalala.
“Mio, exam na bukas. ’Wag mo namang hayaang masayang ang pag-aaral mo dahil lang sa hindi pagpasok. Kahit bukas lang, pumasok ka,” dagdag ni Brix.
“Aalis na kami, Mio. Hihintayin ka namin bukas sa university,” malungkot na wika ni Layda bago sila tuluyang umalis.
Narinig ni Mio ang lahat ng sinabi nila. At tama si Brix—hindi niya dapat pabayaan ang pag-aaral niya.
Kinabukasan, maagang gumising si Mio at nagbihis para makapasok. Kumain siya ng almusal kasama ang kanyang lola, at pagkatapos ay nagtungo sa university upang kunin ang exam.
Buti na lang at hindi niya nakita si Reagan sa paligid, kaya hindi niya kinailangang magtago. Kasama niya ang buong tropa, ngunit kahit anong gawin nila, hindi pa rin mapawi ang lungkot sa kanyang dibdib.
Pagkalabas ng classroom, nagulat si Mio nang bigla siyang hilahin ni Cayden papunta sa rooftop.
“Mio, I need to talk to you,” seryosong sambit ni Cayden, habang nakatitig ito sa kanyang mga mata.
Biglang sumiklab ang galit sa loob ni Mio. Sa isang iglap, bumalik sa kanyang alaala ang dahilan ng pag-alis ni Mila—at isa si Cayden sa mga ito.
“Mio, I wanted to say that I l—” hindi na niya ito pinatapos.
“Hinding-hindi ko magugustuhan ang kagaya mo, kaya ’wag mo nang ituloy,” malamig niyang sambit.
“Let me prove to you my worth, please,” pakiusap ni Cayden, taimtim ang tingin at litaw na litaw ang damdamin sa mukha nito.
“Ayaw ko! Hindi mo ba naiintindihan? Ayaw ko sa’yo! Hinding-hindi ko gustong makasama ang kagaya mo!” sigaw ni Mio, puno ng galit. “Panget ang ugali mo—kaya siguro iniwan ka ng magulang mo at lumipad sa ibang bansa! Dahil sa ugali mo! Lahat na lang tingin mo, laro! Gumising ka, Cayden! Hindi kita magugustuhan kahit kailan!”
Wala na sa sarili si Mio. Sa tindi ng emosyon, hindi na niya namamalayan na ang mga salitang binibitawan niya ay tila mga patalim na tumatama nang diretso sa damdamin ni Cayden.
“I just wanted to express my feelings for you… my love and care for you,” ani Cayden habang bahagyang natawa, pilit tinatago ang sakit. “I wasn’t expecting to be judged this hard.”
Ramdam sa kanyang tinig ang hapdi ng mga salitang tumama sa kanya, kahit pilit niyang itinatago sa likod ng ngiti.
“What do you want me to do?” tanong niya kay Mio, mata’y puno ng hinanakit.
Tiningnan siya ni Mio at mariing sinabi, “I don’t want to see you anymore.
Because of you,
my sister left me!“ galit na sambit niya bago tinalikuran si Cayden at tuluyang umalis.
Umuwi siya nang bagsak ang balikat, labis ang lungkot sa puso. Ngunit pagbukas niya ng pinto, natigilan siya.
Sa loob ng bahay, nakita niya si Mila.
“K-Kuya…” bulong ni Mila bago tuluyang maiyak at tumakbo sa kanya. Niyakap siya nito nang mahigpit.
“Sorry, Kuya… naging makasarili ako. Sorry dahil sinisi kita. Sorry dahil mas pinaikot ko ang mundo ko kay Cayden… at nagalit sa’yo dahil ikaw ang gusto niya. Sorry… dahil wala akong kwentang kapatid,” humahagulgol na wika ni Mila.
Ngunit imbes na magalit, ngumiti si Mio. Tila napawi ang bigat sa kanyang dibdib.
Mahigpit niyang niyakap ang kapatid, pinatawad ito ng buong puso.
“Naiintindihan ni Kuya,” bulong niya. “Basta… ’wag mo na akong iiwan muli.”
Muling tumulo ang luha ni Mio—luha ng pagpapatawad at muling pagkakabuo ng kanilang samahan.
Nagkalinawan silang magkapatid at nagkapatawaran. Kinabukasan, pumasok muli si Mio upang tapusin ang kanyang exam. Buti na lang at binigyan siya ni Kimy ng notes kaya hindi siya nahirapang sagutan ito.
“Mila, tara na,” sambit ni Mio habang tinatawag ang kapatid na kasalukuyang sinusundo sa building nila. Ngumiti si Mila, nagpaalam sa mga kaibigan, at agad na sumakay sa sasakyan.
“Kuya, may nakalimutan pala akong sabihin sa’yo,” wika ni Mila habang nasa biyahe na sila.
Saglit na sumulyap si Mio habang nagmamaneho, tahimik na hinihintay ang sasabihin nito.
“Gustong sabihin ni Mama na… sorry sa lahat ng nagawa niya. Hindi ka na raw niya maharap ngayon dahil hiyang-hiya siya sa’yo, pero gusto niyang iparating…”
Humigpit ang hawak ni Mio sa manibela habang naghihintay sa susunod na salita ng kapatid. Wala pa man ang buong mensahe, handa na siyang magpatawad. Kahit ano pa ang sasabihin ng ina, sapat na sa kanya na naisipan nitong humingi ng tawad.
“…She’s proud of you.”
Napapikit si Mio. Walang salita ang lumabas mula sa kanya, pero sapat na ang isang buntong-hininga para maramdaman ni Mila ang bigat ng emosyon na gumuhit sa katahimikan.
Sa wakas, narinig niya rin ang mga salitang matagal na niyang hinintay.
CHAPTER 10
“Class dismiss” isang maluwag na paghinga ang pinakawalan ni Mio ng matapos ang last subject nila, sabay-sabay silang lumabas ng class room.
“Sa wakas tapos na ang klase natin last day na ito kaya dapat magenjoy na tayo mamayang gabi, ano g, Brix sagot mo drinks” masiglang sambit ni Kimy ng umakbay siya kay Mio habang naglalakad sila palabas ng building.
“Ako na naman kakasagot ko lang nung nakaraan ah! Luge! Reklamo ni Brix sa kanila, pero tumawa lang sila at nagpatuloy sa paglalakad.
Matapos ang exam nagpatuloy na sa pagpasok si Mio at si Cayden naman ang nagdrop out na dahil hindi na nito kayang pagsabayin ang study at career, sumisikat na rin ito ng sobra kaya hindi na talaga nag-aral at hindi na din siya nakita muli ni Mio.
Sa kaso naman ng pagkahiya ni Mio kay Reagan at nasolusyunan niya ng hindi pagpasok sa klase nito at sakto nong exam ay absent ito kaya hindi pa rin niya ito nakaharap.
Nais na lang iwasan ni Mio si Reagan, kahit na bumubugso pa rin ang nararamdaman niya dito, natatakot siyang harapin ito pero mukhang hindi sang ayon ang tadhana na iwasan na lang niya ito habang buhay.
Dahil, tumigil sa paglalakad si Mio ng, “Mio” Reagan call his name as he was standing in front of him holding some test papers and he smile at him.
“Can we talk” Reagan said, hindi na makaatras si Mio kung kaya tumango siya at nagpaalam sa mga kaibigan.
“Magkita na lang tayo bukas Mio” sambit ng mga kaibigan ng makaalis na ang mga ito at siya naman ay tahimik na sumunod kay Reagan sa loob ng opisina nito.
Tahimik na ibinaba ni Reagan ang dalang papers bago hinarap si Mio at ngumiti, “You lose weight” sambit nito ng siya’y tignan mula ulo hanggang paa.
“And you’re not attending my classes” napalunok si Mio dahil sa sinasabi nito, kinakabahan siya at hindi alam kung paano ito kakausapin.
“Sorry Sir” iyon nalamang ang sinabi at nagpatuloy sa pagyuko at pag iwas ng tingin dito. “You’re avoiding me, am I right?” tanong ni Reagan kaya napatingin na si Mio sa kanya at buong tapang na tumango.
“Because of that night?” tanong muli nito, tumango ulit si Mio bilang sagot, bago napagdesisyonan na umamin na ang tuluyan kay Reagan.
“Gusto kita matagal na, hindi ko lang naintindihan agad dahil lalaki ako pero ngayon malinaw na malinaw na gusto kita Reagan” buong tapang na sambit ni Mio.
Huminga ng malalim si Reagan bago naglakad papunta sa harapan ni Mio at tinapped ang ulo nito, “I know and…” bulong nito sa kanya.
“I’m sorry, hindi ko kayang suklian ang nararamdaman mo. I have Liseth and I’m happy with her, I see you as my little brother Mio special ka sa akin at hindi ko gustong malayo pa sayo pero hanggang dito lang ang kaya kong ibigay Mio” puno ng sinceridad nasambit ni Reagan bago inabot ang mga kamay ni Mio at hinawakan ito ng malumanay.
Dahil sa sinabi nito, tila may tumusok na patalim sa puso ni Mio at hindi niya na nagawang magsalita pa at sumagot sa pagkat tumulo na lamang ang luha nito sa sakit at dahan-dahang nagsink in sa kanya lahat ng sinabi ni Reagan.
Sobrang sakit nito para sa kanya dahil alam niyang sa umpisa pa lang ay talo na siya pero pinilit niya parin magpakabulag at umasa sa isang fantasya.
“I don’t want to hurt you so bad and if only I can do things to stop that I will do it but I can’t, You are a very special person to me, you are my little brother that I’m willing to protect and treat just to see you smile, I love you but my love level wasn’t same as you have for me, I’m sorry and thank you for loving me” Reagan said and hugged him, Mio break down and cry on his arms.
His tears keep falling, his heart keeps breaking but he doesn’t have a choice but to accept it,“Shhhh” Reagan whispered and brushed his hair as he hugged him back.
Reagan hugged him until he stop and cope up, he move away from him and urge a smile, “Thank you for letting me express my feelings for you, thank you for accepting who I’m, and thank you for loving me as your brother” Mio said while sobbing, he bow his head and say, “Aalis na po ako” sabi ni Mio bago ngumiti muli at nagsimula nang maglakad papunta sa pinto.
Bago siya tuluyang lumabas nagsalita pa si Reagan na lalong ikinalungkot ni Mio, “I’ll be teaching abroad and this will be my last day here, will you still talk to me when I’m away?” tanong ni Reagan sa kanya, tumulo na ang luha ni Mio at mahigpit nitong hinawakan ang pantalon.
Hindi niya hinarap si Reagan pero tumango siya at sinabi, “Maasahan nyo po” he said and leave the office, he walk on the hallway crying, whimpering in pain from his chest and breaking into pieces.
Umuwi siya na iyak ng iyak at habang umiiyak ay kumatok ang lola niya bago binuksan ang pinto at ngintian siya habang patuloy siya sa pag iyak.
Umupo ito sa tabi niya bago tinignan siya ng mabuti at kusa na lang lumapit si Mio at yumakap sa bewang ng Lola niya, he cried all out on his grandmother’s arms.
“Ang sakit La” bulong niya, ngumiti ang Lola bago hiangod ang kanyang likod at sinabi, “Ang pagmamahal ay ang malalim na ibig sabihin ng pagmamahal, kailangan mong maramdaman ang sakit dahil totoong pag ibig ang iyong handog apo, pero may mga totoong pag ibig na hindi kailanman kayang suklian ang isang tao kaya ang lagay ay naghihilom ito magisa at sasaya magisa” sambit ng lola at inayos ang kanyang magulong buhok.
Nasasaktan si Mio ng sobra pero alam niyang tama ang sinabi ng kanyang Lola at ang daan na tatahakin niya ay ang paghihilom mag isa. Pagpapalaya at pagiging masaya para sa iba.
Umiyak ng umiyak si Mio sa kanyang Lola ng gabing iyon pero alam niyang lilipas din iyon at…
3 years later,
“Wahhhhhh isang kembot na lang graduate student na tayo woahhhhhh!!!!” masayang naglalakad sila Mio dala-dala ang kinuhang toga sa dean’s office.
Graduation na nila bukas at tila naging maganda ang buhay ni Mio pagkalipas ng tatlong taon na iyon, natuto itong mahalin ang sarili at nakipagayos sa ina.
Ngayon namumuhay na si Mio ayon sa kanyang gusto, tanggap siya ng kanyang pamilya at kaibigan at malinaw na ang tingin niya sa kanyang future.
“Oh, sige na mauna na ako sa inyo” paalam ni Mio pagkasakay ng sasakyan at umuwi, pagkababa ng sasakyan may nakita siyang sobre sa mailbox ng bahay nila at agad itong kinuha.
Binuksan niya ito at isang inbitasyon ang bumungad sa kanya,
“You are invited to Sebastian Reagan Rios and Liseth Moirre’s grand wedding”
CHAPTER 11
Kinakabahang naglalakad si Mio papasok sa venue ng kasal—isang eleganteng garden wedding ang tema. Medyo nahuli siya sa pagdating kaya hindi na niya naabutan ang simula ng seremonya.
Tahimik siyang umupo sa bandang dulo, pilit nagkukubli sa dami ng bisita. Sa kanyang kinauupuan, kita niya mula sa malayo si Reagan—nakasuot ng puting tuxedo, nakangiting buong saya habang nakaharap sa babaeng pakakasalan nito.
Tinitigan lang siya ni Mio, tahimik na pinagmamasdan ang tagpong minsan ay tinangka niyang iwasan.
Masaya si Reagan. Mula sa kinang ng mga mata nito hanggang sa bawat ngiting ibinibigay kay Liseth, ramdam na ramdam ang tapat na pagmamahal. Ngunit para kay Mio, bawat ngiti ni Reagan ay tila unti-unting humihigpit ang bigat sa kanyang dibdib.
“He will never be that happy with me.”
Isang bulong sa isipang hindi niya mapigilang aminin sa sarili. Sa harap ng masayang larawan ng pag-ibig na hindi para sa kanya, muling sumagi sa isip niya ang sinabi noon ng kanyang Lola:
“May mga totoong pag-ibig na hindi kailanman kayang suklian… at ang natitirang paraan ay ang paghihilom at pagpapalaya.”
Akala niya noon ay buo na siya. Akala niya, tapos na ang sakit. Pero habang pinapanood si Reagan sa altar, natanto niyang may parte pa rin sa puso niyang tahimik na naninikip—isang pait na natutong ngumiti pero hindi pa pala tuluyang gumagaling.
“You may kiss the bride,” sambit ng pari.
Marahang inalis ni Reagan ang belo ni Liseth, sabay dahan-dahang yumuko upang halikan ito. Palakpakan ang lahat. Masaya. Masigla.
Pati si Mio, palakpak rin. May ngiti. May galak para sa taong minahal niya nang buong-buo.
Pero habang pumapalakpak, may kirot pa rin sa loob—maliit, mahina, pero totoo.
Pagkatapos ng seremonya, abala ang bride and groom sa paglapit at pagbati sa mga bisita. Ngunit agad na napansin ni Reagan si Mio, na nakatayo sa tabi ng huling mesa.
Nagpaalam ito saglit kay Liseth bago nilapitan si Mio, sabay yakap—mahigpit, parang walang nagbago sa pagitan nila.
“I thought you wouldn’t come,” sambit ni Reagan, sabay ngiting pamilyar—yung ngiti nitong laging nakakapagpakalma kay Mio noon.
Ngumiti rin si Mio. Lumayo ng bahagya, at marahang bumati.
“Congratulations po,” sambit niya.
Tahimik. Simple. Pero punô ng kabuuan.
At sa mga salitang iyon, marahang inihabilin ni Mio ang huling bahagi ng damdamin niyang dati’y kay Reagan… pero ngayon, ay sa wakas, handa na niyang palayain.
Tinapik ni Reagan ang ulo ni Mio at magaan na ginulo ang buhok nito—isang gestong dati ay nagbibigay ng aliw, ngayon ay may halong alaala ng lumipas.
“How are you?” tanong ni Reagan.
Ngumiti si Mio, pilit na maayos ang tono ng boses, bagama’t may konting kaba pa rin sa dibdib. “Ok naman po ako… graduating na, and I already found a job—got hired,” sagot niya, pormal ang tono. Hindi pa rin niya alam kung paano ito kausapin nang hindi nagiging awkward.
“Great. I’m proud of you,” tugon ni Reagan, sabay ngiti—isang ngiting walang halong alinlangan, purong sinseridad.
“Mio, about what happened four years ago, I still feel sorry about your confe—”
Hindi na siya pinatapos ni Mio.
“Ok na po ’yon,” mabilis ngunit magaan ang tono ni Mio. “Naka-move on na po ako… and I’m happy for you. Don’t think about that anymore.”
Napatingin si Reagan sa kanya—tila nagaan ang loob nito matapos marinig ang mga salita ni Mio. Tumango siya, at ngumiti.
“I’m always here for you, just call me when you need me, okay?” paalala ni Reagan, punô ng kabutihan at malasakit.
Sa sandaling iyon, lumapit ang asawa nitong si Liseth, dala ang masiglang enerhiya at isang ngiting walang bahid ng insecurities.
“Mio! How are you?” bati ni Liseth habang tinatapik ang kamay ni Mio. “Thank you for coming. Reagan was really expecting you. Good thing you came,” masayang sabi nito.
Bago pa makasagot si Mio, marahan nitong hinawakan ang kamay niya at nagpatuloy, “I’m your Ate na. You can call me whenever you need me.”
At bigla siyang hinila ni Liseth para yakapin—mainit, tapat, at walang pag-aalinlangan.
Napapikit si Mio sa yakap. Sa loob ng ilang segundo, dama niya ang isang bagay na hindi na sakit, kundi kapayapaan.
At sa yakap na iyon, tuluyan na niyang pinakawalan ang bigat na matagal niyang bitbit.
Niyakap siya ni Liseth nang buong sinseridad, kaya’t unti-unting naramdaman ni Mio ang pagkawala ng bigat sa kanyang dibdib. Kasabay ng yakap na iyon ay ang pagluwag ng kirot sa puso niya, lalo na’t nasaksihan niyang ganito kabait ang napangasawa ng taong minsan niyang minahal.
Masaya na siya para sa kanila, at handa na siyang tuluyang pakawalan si Reagan.
“Thank you,” mahina ngunit tapat na bulong ni Mio kay Liseth. “Take good care of him,” dugtong niya, dahilan para tumango si Liseth at harapin siya ng may matamis na ngiti.
“I will,” sagot nito. Matapos niyon, isinama nila si Mio sa kanilang table kung saan nagkwentuhan sila, kumain, at nagtawanan hanggang sa matapos ang selebrasyon.
“I need to go. Ate Liseth, thank you for this,” sabi ni Mio habang nakatayo sa harapan nina Reagan at Liseth. Nagpapasalamat siya kay Liseth dahil binigyan siya nito ng dalawang kahon ng wine—isang regalo mula sa pagiging branch manager nito sa isang wine company.
“No problem, call ok,” sabi ni Liseth at marahang yumakap sa baywang ni Reagan.
Sa huling pagkakataon, tumingin si Mio kay Reagan. Pinagmasdan niya ito nang buong puso—ang taong minahal niya nang sobra. Ngayon, tinitingnan niya ito hindi bilang minamahal, kundi bilang alaala ng isang damdaming piniling pakawalan.
He was looking at the person he loved for the last time—because he knew, the next time he sees him, he won’t love him anymore.
“Thank you for everything,” sambit ni Mio kay Reagan bago ngumiti at dahan-dahang naglakad paalis.
Pagkalayo, bahagya siyang lumingon muli. Muli niyang nasilayan si Reagan—masaya, nakikipagtawanan sa asawa. Isang larawan ng tunay na kasiyahan.
“Reagan,” mahinang bulong ni Mio, at tuluyan na siyang lumisan.
This is the end, iyon ang tanging nasa isip niya habang pauwi. Pagkababa niya ng sasakyan, naabutan niya ang Lola sa likod ng bahay, inilalabas ang isang bagay na hindi niya inasahan, ang lumang bisikleta niya, na matagal nang sirâ.
Nilapitan niya ito, nagtataka. Maayos ang bisikleta, mukhang bagong kumpuni.
“La, akin po ba ’yan?” tanong ni Mio, halos hindi makapaniwala.
Ngumiti ang Lola niya at tumango. “Ano ka ba, Mio? Apo, sa’yo ’yan. Inilalabas ko lang kasi ang tagal nang naka-stock sa likod. Baka maisipan mong gamitin ulit. Sayang naman kung hindi mo mapakinabangan, tutal inayos na rin ’yan ni Cayden.”
Natigilan si Mio sa narinig. “Si Cayden po?” agad niyang tanong, puno ng pagtataka.
Tumayo nang tuwid ang Lola niya, sabay tango. “Oo, bumisita silang lahat dito dati habang wala ka pa. Tinulungan niya akong ayusin ’yang bike mo. Dapat nga itatapon ko na, pero sabi niya, mukhang importante daw sa’yo. Kaya inayos niya.”
Napalunok si Mio, tahimik na nakikinig habang patuloy ang Lola.
“Ewan ko ba sa batang ’yon. Tinanong ko kung bakit niya pinipilit ayusin, ang sabi niya lang sa akin, ‘Baka po kasi hanapin ni Mio pagdating ng araw,’ sabay ngiti. Tapos wala na siyang sinabi pa. Tahimik lang siyang inayos ’yan, kaya hanggang ngayon, ayan—maayos pa rin. Gusto mo bang gamitin?” sabay abot ng Lola sa kanya ng bisikleta.
Tahimik na kinuha ni Mio ang manibela. Habang hawak ito, tila may kakaibang init sa puso niyang unti-unting umuusbong.
Isang bagong simula. Isang posibilidad na hindi niya inaasahan.
Hindi makapaniwala si Mio habang hawak-hawak ang manibela ng bike. Tila isang bahagi ng nakaraan ang muling ibinalik sa kanya, ngunit sa pagkakataong ito, buo na siya para harapin ito.
“Oh siya, sige magpahangin ka muna sa labas at mag-bike, magluluto lang ako ng hapunan,” sambit ng kanyang Lola sabay tapik sa balikat niya bago pumasok sa loob ng bahay, iniwang nakatayo si Mio sa labas—mag-isa, kasama ang kanyang tahimik na pagninilay.
Hinaplos niya ang lumang manibela bago marahang naglakad at sumakay sa bisikleta. Iikot lang sana, pero hindi niya inasahang mararamdaman muli ang presensyang matagal na niyang ibinaon sa likod ng alaala.
Nagbike siya sa ilalim ng malamig na gabi, habang ang mga bituin sa langit ay tila nakatingin sa kanya. Dinadama niya ang simoy ng hangin—malamig, ngunit magaan.
Pagdating niya sa parke, tumigil siya at bumaba. Tumingala siya sa kalangitan at pinagmasdan ang mga bituin—katahimikan lang ang kanyang kasama. Dahan-dahan niyang ipinikit ang kanyang mga mata, ngunit hindi ang katahimikan ang bumungad, kundi ang tinig na matagal na niyang tinakasan.
“Baka po kasi hanapin ni Mio pagdating ng araw.”
Parang bulong iyon sa kanyang tainga. Ang boses ni Cayden—malambing, totoo, puno ng pag-asa.
Sunod-sunod na pira-pirasong alaala ang muling bumalik:
“I just wanted to express my feelings for you, my love and care for you. I wasn’t expecting to be judged this hard.”
“What do you want me to do?”
At ang pinaka-matulis sa lahat—
“I don’t want to see you anymore, because of you my sister left me!”
Dumilat si Mio. Malamig pa rin ang gabi, pero mas malamig ang bigat sa kanyang dibdib. Habang pinagmamasdan ang mga bituin, isang kirot na hindi niya napansin ang bumalot sa kanyang puso—guilt.
Alam niyang hindi si Cayden ang may kasalanan noon. Sa galit, sa sakit, nasabi niya ang mga salitang hindi na mababawi. Pero ngayon, malinaw sa kanya—hindi na niya nais panatilihin ang bigat na iyon sa kanyang puso.
Hindi na siya galit. Hindi na siya sugatan. Handa na siyang harapin ang lahat. Handa na siyang humingi ng tawad.
Kumirot nang husto ang dibdib ni Mio nang muling bumalik sa kanyang isipan ang malungkot na mukha ni Cayden—yung ngiting pilit, ngunit puno ng sakit. Para itong patalim na paulit-ulit na tumutusok sa puso niya.
“Let me prove to you my worth, please.”
Naririnig niya uli ang tinig ni Cayden, ang boses nitong puno ng pagmamakaawa, ng pag-asang tinanggihan niya noon. At sa kanyang paningin, bumalik ang mga linyang matagal niyang binura, ngunit ngayon ay malinaw na muling umuukit sa kanyang alaala:
“I like your brother.”
“I like your brother, that’s why I won’t accept your love. I’m so sorry.”
“You’re gay.”
“If liking him means I’m gay… maybe I am gay.”
Biglang bumilis ang tibok ng kanyang puso. Kasing bilis ng tibok na iyon nang una niyang makita si Reagan noon—pero iba ito. Mas malalim. Mas totoo. At ngayon, alam na niya kung ano ang kahulugan nito.
“Cayden,” mahinang bulong ni Mio.
Hindi siya nag-aksaya ng panahon. Agad siyang bumalik sa kanyang bisikleta at mabilis na bumaybay pabalik sa kanilang bahay. Pagkarating, dali-dali siyang tumakbo papunta sa kanyang kwarto at agad tinawagan si Brix. Nanginginig ang kanyang mga kamay habang hawak ang telepono, hindi mapakali.
“Hello?” sagot ni Brix, bahagyang nagtataka.
“Brix, nasaan si Cayden?” tanong ni Mio, kinakabahan, halos hindi makahinga.
“Huh? Bakit mo natanong?” balik na tanong ni Brix, puno ng pagtataka.
“Basta!” singhal ni Mio, sabay hawak sa kanyang dibdib na tila may sariling buhay sa lakas ng pintig.
“Nasa concert siya ngayon. Bukas ng umaga ang flight niya.”
Tumigil ang mundo ni Mio. Napalunok siya at agad na tanong, “Flight?”
“Oo, titira na siya sa Australia.”
Halos hindi na makahinga si Mio. Parang biglang lumamig ang paligid, at ang pintig ng kanyang puso, naging panaghoy ng pag-aalala.
CHAPTER 12
“ Australia? “ bulong ni Mio, at dahan-dahang binaba ang cellphone habang unti-unting nauupo sa gilid ng kama. Napahawak siya sa kanyang dibdib na tila tinutusok ng matalim na guilt at panghihinayang.
“I was blindly looking at Reagan the whole time… to the point that I didn’t notice someone treating me like I’m his world.”
Puno ng sakit at pagsisisi ang bawat salitang lumabas sa kanyang bibig. Ngayon lang niya lubusang na-realize — gusto niya si Cayden. Hindi lang basta gusto. Mahal niya ito.
Naalala niya ang masasayang alaala — ang pang-aasar ni Cayden, ang masigla nitong tawa, ang mga ngiting para bang laging sayo lang nakalaan, at ang mga matang tapat na tapat kung tumingin sa kanya, para bang siya lang ang taong mahalaga sa mundo nito.
He loves him. Mio loves Cayden.
At hindi siya papayag na umalis si Cayden nang hindi iyon nalalaman. Hindi na siya hahayaan pang magsisi muli. Hindi na siya papayag na muli siyang mahuli sa pagpapakatotoo.
Agad siyang tumayo, binuksan ang kanyang closet at kinuha ang isang malaking green na cartolina, sabay upo sa sahig at nagsimulang magsulat. Hindi na siya nag-aksaya ng oras, kahit nanginginig ang kamay, pursigido ang puso.
Matapos maisulat ang nais iparating, agad niyang dinampot ang cellphone at tinawagan ang tanging taong alam niyang makakatulong: si Layda.
“Hello Mio? Napatawag ka?” sagot nito, halatang maingay sa background.
“Layda, kailangan ko ng tulong mo.” Mabilis at determinado ang boses ni Mio habang patuloy sa pag-aayos ng kanyang ginawang banner.
“Sure! Ano ba?” tanong ni Layda, bahagyang sumisigaw dahil sa ingay ng paligid.
Agad napagtanto ni Mio — Nandoon si Layda ngayon… sa concert ni Cayden.
“Layda, pupunta ako d’yan. May ticket ka pa ba?” pursigidong tanong niya, halos hinihingal sa damdamin.
“OH MY GOD!” sigaw ni Layda. “Tama ba ang iniisip ko?! Opo, may extra ticket ako! Dalian mo Mio! Last song na ni Cayden malapit na!”
Hindi na sumagot si Mio. Tumango lang kahit walang nakakakita, sabay pinutol ang tawag. Mabilis siyang nagbihis, dinampot ang banner na ginawa, at agad bumaba ng bahay na para bang bawat segundo ay mahalaga.
Ngayon o kailanman.
Hindi na siya hihintayin ng tadhana. Siya na mismo ang lalapit.
Pagbaba sa sala, agad niyang tinungo ang sabitan upang kunin ang susi ng sasakyan, pero wala siyang nakuha. Wala roon ang susi.
“La, nasaan po ang susi ng sasakyan?” tanong niya, medyo nagmamadali.
“Ay, umalis si Mila saglit. Pinabili ko ng rekado sa grocery, kakaalis lang. Bakit?” sagot ng kanyang Lola, may halong pagtataka. Napabuntong-hininga si Mio.
Lumabas siya ng bahay at natanaw ang kanyang bisikleta. Wala na siyang ibang pagpipilian kaya agad niya itong sinakyan.
“La, aalis lang po ako,” paalam niya habang papadyak palabas. Tumango lamang ang Lola bilang tugon.
Nag-bike si Mio patungo sa concert ni Cayden. Malapit lang naman ito sa kanilang village kaya alam niyang kakayanin niya, kahit kapos sa oras. Mabilis ang tibok ng kanyang puso habang nagmamadaling nagpadyak, sabay tahimik na pagdarasal na sana’y umabot pa siya.
Makalipas ang ilang minutong pagbabike, huminto siya sa harap ng isang building—doon ginaganap ang concert ni Cayden. Agad siyang tumakbo papasok at nakita sina Layda at City na naghihintay sa labas ng concert room.
“Mio!” sigaw nila nang makita siya. Agad siyang binigyan ng extra ticket at hinila papasok.
“Go na!” sabay tulak nila sa kanya patungo sa crowd.
Huminga ng malalim si Mio at tuluyang pumasok. Sa medyo malayong bahagi ng entablado, nasilayan niya si Cayden, kasalukuyang kumakanta.
Parang tumigil ang pagtibok ng puso ni Mio nang muling masilayan si Cayden—pagkalipas ng apat na taon. Mabibigat ang bawat paghinga niya habang dahan-dahang sumisiksik sa gitna ng siksikan at maingay na crowd sa loob ng concert hall.
“Cayden,” mahinang bulong niya, parang panalangin.
“Cayden…” muli niyang tawag, unti-unting lumalakas ang kanyang tinig. Ngunit sa tindi ng sigawan ng mga tagahanga, hindi umaangat ang boses niya—nilalamon ito ng ingay ng paligid.
Pinilit niyang lumusot pa papalapit sa entablado, pero sadyang imposibleng makalusot sa kapal ng mga fans. Kahit anong pilit niya, malayo pa rin siya sa stage—hindi siya kayang mapansin ni Cayden mula roon.
Sa huling pag-asa, itinaas niya ang banner na ginawa niya—may pangalan ni Cayden, isinulat niya ito buong puso, umaasang kahit papaano’y mapansin siya.
Ngunit natigilan siya.
Paglingon niya sa paligid, napagtanto niyang halos kalahati ng fans ay may hawak ding sariling banner. Pare-pareho silang nagsusumigaw, nagpapansin, nagmamahal. Para bang bigla siyang nilamon ng katotohanang… hindi siya espesyal.
“CAYDEN!!!” sigaw niya, buong lakas, desperado. Ngunit patapos na ang kanta ni Cayden, at hindi man lang siya nito natanaw.
Bigla na lang siyang natulak ng isang fan.
“Tabi nga!” sigaw ng isang babae habang dumaan, dahilan para mas mapunta pa si Mio sa likuran. Nawalan na siya ng puwang, ng pagkakataon. Hanggang sa tuluyan nang matapos ang kanta ni Cayden.
“Thank you for supporting me!” ani Cayden sa mikropono. “I hope you’ll continue to support me even when I’m already in Austrellia. I’ll be counting on you, guys. Thank you so much!”
Tahimik na bumaba si Mio ng banner. Tahimik siyang tumalikod.
At sa bawat hakbang niya palayo, pakiramdam niya’y unti-unti ring lumalayo ang tanging pagkakataong makausap si Cayden.
“Huli na,” mahina niyang bulong habang tumulo ang kanyang luha. Unti-unti na siyang tumatalikod, tangan ang bigat ng pagkabigo.
“Where do you think you’re going?”
Napako siya sa kinatatayuan. Nakakakilabot ang pamilyar na tinig na iyon—hindi maaaring pagkakamali. Dahan-dahan siyang lumingon, at doon nagtama ang kanilang mga mata.
Nakatayo si Cayden sa entablado, seryoso ang ekspresyon, nakatitig sa kanya na para bang wala nang ibang tao sa paligid. Sa gitna ng ingay at pagkaguluhan ng mga tagahanga, nag-umpisang magtanungan ang mga tao kung sino ang tinutukoy ng kanilang idol.
Maya-maya, isang spotlight ang biglang tumapat kay Mio.
Nanlaki ang mga mata ng mga fans, tila naguguluhan kung sino ang binibigyang pansin ni Cayden. Ngunit si Cayden ay tahimik lamang na bumaba ng stage, hindi inaalis ang tingin kay Mio.
“Pumunta ka ba dito para panoorin lang ako?” tanong ni Cayden habang papalapit nang dahan-dahan, bawat hakbang ay tila sumasabay sa pintig ng puso ni Mio.
Hindi makagalaw si Mio. Para siyang na-freeze sa lugar, hindi pa rin makapaniwala sa nangyayari.
Hanggang sa tumayo na si Cayden sa harapan niya, mas malapit pa kaysa dati. Mas totoo kaysa sa alaala. Mas buhay kaysa sa panaginip.
“Aalis ka,” mahina ngunit mabigat ang tinig ni Cayden, “nang hindi man lang ako kinakamusta?”
Sa pagitan ng spotlight, nag-uumapaw na emosyon, at mga matang nagtatanong—biglang parang silang dalawa na lang ang nasa loob ng concert hall.
Hindi makasagot si Mio. Tuluyan na lang siyang napaiyak habang pinagmamasdan si Cayden na ngayon ay nasa harapan niya—tunay, totoo, at nagsasalita sa kanya.
Ngumiti si Cayden, isang ngiting matagal nang hindi niya nakita. “Kumusta, Mio?” malumanay niyang tanong, sabay abot ng kamay para pahiran ang mga luha ni Mio—sa harap ng buong crowd na ngayo’y tahimik at nanonood sa kanila.
“S-sorry…” bulong ni Mio, iyon lang ang tanging lumabas sa bibig niya. Ngumisi si Cayden at marahang pinitik ang noo niya.
“S-sorry d-dahil hindi ko napansin ang mga ginagawa mo para sa akin… S-sorry dahil nasaktan kita noon… dahil—”
Hindi na niya natapos ang sasabihin. Marahan siyang pinatigil ni Cayden, tinakpan nito ang kanyang bibig gamit ang palad.
“Shut up,” bulong ni Cayden na may ngiti, “and just tell me what you feel.”
Napatawa si Mio sa gitna ng luha. Sa ilalim ng kamay ni Cayden, pinilit niyang ngumiti. Marahan niyang inalis ang kamay nito at huminga ng malalim.
At doon, buong lakas na sinabi niya:
“I LOVE YOU, CAYDE—”
Hindi na niya natapos ang sasabihin.
Hinatak siya ni Cayden papalapit—isang mabilis ngunit malambing na kilos—at agad siyang hinalikan, sa gitna ng ilaw, ingay, at libu-libong tao.
Sandali silang naging katahimikan sa gitna ng ingay. Sa sandaling iyon, wala nang fans, wala nang spotlight, wala nang concert.
Silang dalawa lang. Sa wakas.
Lahat ng camera ay sabay-sabay na nag-flash. Sunod-sunod ang kuha sa kanila—tila walang gustong palampasin ang sandaling iyon. Sa halip na pagkagulat, tuwa ang bumalot sa paligid. Lahat ay tila tanggap at masaya para sa kanilang dalawa.
Pagkatapos ng halik, dahan-dahan silang naghiwalay ng labi at nagkatitigan. Isang uri ng titig na puno ng mga salitang hindi na kailangang sabihin. Mahigpit na niyakap ni Cayden si Mio.
“I love you, Mio. I’ve been waiting for you for almost four years,” bulong niya, sabay halik sa noo ni Mio.
Lumapit pa siya at bumulong muli, mas may pilyong ngiti:
“I’ll make you stutter until you fall.”
Napangiti si Mio, tinignan siya nang diretso sa mata at may banayad ngunit punong-pusong sagot:
“I already fell.”
EPILOGUE
One year later.
“Cut!” malakas na sigaw ng direktor matapos makuha ang eksaktong eksena na nais niya mula sa mga artista. Agad na tumayo si Mio mula sa monitor, hawak ang script, habang sinusuri kung bakit tila may naibang linya sa kuwento.
Ngayon, isa nang kilalang film producer si Mio—hinahangaan sa mundo ng indie films at TV series. Kabilang na siya sa mga mahuhusay at pinagkakatiwalaang producer sa kanilang kumpanya.
Matapos grumadweyt—gaya ng ipinangako niya kay Reagan—agad siyang natanggap sa trabaho. Mula noon, walang tigil ang kanyang pagsusumikap. Sa loob ng isang taon, hindi siya napagod sa paghahabol ng kalidad at husay sa bawat proyektong kanilang ginagawa.
Ibinuhos niya ang lahat—oras, talento, puso.
At ngayon, unti-unti na niyang naaani ang bunga ng mga sakripisyo niya.
Laging puyat si Mio dahil sa taping. Madalas siyang late kumain, at halos araw-araw ay nasa iba’t ibang set para sa shooting. Dumalang na rin ang kanyang pagdalo sa gala at inuman kasama ang tropa—lahat ay naisakripisyo para sa trabaho.
“What do you think, Mio?” tanong ng direktor habang lumalapit sa kanya.
Tumingin siya sa monitor, saka marahang tumango.
“I think we’re missing some props and small details here. Can we double-check?” sagot niya, sabay tawag sa kanyang assistant upang agad ayusin ang kakulangan. Mabilis nilang pinagusapan kung ano pa ang kailangang idagdag sa eksena.
Halos alas tres na ng madaling araw, pero patuloy pa rin ang trabaho. Puyat na ang buong crew, mapapansin na ang pagod sa kanilang mga mata. Ngunit walang umaangal—lahat ay nakatuon sa pagtatapos ng eksena.
At si Mio, sa kabila ng pagod, ay nananatiling nakatayo sa gitna ng set—matatag, masigasig, at determinado.
“Okay,” sambit ng direktor matapos maipaliwanag ni Mio ang mga kulang sa eksena. Nang malinaw na ang adjustments, agad nilang sinimulan muli ang shooting.
Habang nakatutok si Mio sa monitor, biglang tumunog ang kanyang cellphone. Mabilis niya itong kinuha at lumabas ng set para hindi makagambala. Sinagot niya ang tawag mula sa kanyang boyfriend.
“Hello?”
“Why are you still awake, love? It’s already 3 AM there in the Philippines. Don’t tell me you’re still working?” tanong ni Cayden mula sa kabilang linya, bakas ang pag-aalala sa tinig nito.
Mag-iisang taon na silang nasa long-distance relationship. Si Cayden ay nasa abroad para sa kanyang career, habang si Mio ay nananatili sa Pilipinas, abala sa film production. Pero sa kabila ng distansya, hindi sila nagkulang ng oras o effort para sa isa’t isa.
“Patapos na rin, last scene na lang,” sagot ni Mio habang nakasandal sa pader, hawak ang telepono sa tenga, pilit na pinapakalma ang pagod sa boses niya.
Narinig niya ang buntong-hininga ni Cayden mula sa kabilang linya.
“You always say that,” bulong nito.
Napangiti si Mio, ramdam ang lambing at lungkot sa tinig ng taong mahal niya.
“I know… but I’ll call you right after this, promise. Just stay with me for a bit,” sagot ni Mio, marahang ipinikit ang mga mata at ninamnam ang tahimik nilang koneksyon kahit nasa magkabilang panig sila ng mundo.
“Don’t worry, I’ll eat and sleep after this,” ani Mio, pilit na pinapakalma si Cayden.
“Better do that,” sagot ni Cayden. “By the way, I’m heading to Melbourne right now for a photoshoot.”
Ngumiti si Mio bago tumugon.
“Okay, mag-iingat ka, ha? Tawagan mo ako pag nando’n ka na—and send some results from the photoshoot.”
“Ayaw mo ng
send nudes
instead?“ malokong sagot ni Cayden, may halong tawa sa boses.
Napailing si Mio habang tumatawa. “Ewan ko sa’yo,” sabay ngiti.
Biglang lumabas ang assistant niya at sumenyas na kailangan na siya sa loob. Tumango si Mio, umayos ng tayo, at bumalik sa pagiging professional.
“Love, kailangan na ako sa loob. I’ll call you later, okay?”
“Okay. I love you.” Still, that simple I love you never failed to make Mio’s heart race.
Ngumiti siya, marahang hinaplos ang phone bago sumagot: “I love you too. Bye.”
Tinapos niya ang tawag at agad tumakbo pabalik sa loob ng set para makita ang resulta ng eksena.
“Okay, wrap up, guys! See you on Friday,” masiglang sabi ni Mio sa buong staff. Mabilis silang nag-ayos at nagsimulang ligpitin ang gamit.
Habang pinapanood ni Mio ang paggalaw ng team, hindi niya maiwasang ngumiti—pagod man, pero puno ng puso, pagmamahal, at tagumpay ang bawat araw.
Pagkauwi ni Mio sa bahay, agad siyang nagpahinga. Kumain, naligo, at tuluyang nahiga upang makabawi mula sa tatlong araw na halos walang tulog.
Nang sa wakas ay nakatulog na siya nang mahimbing, biglang tumunog ang cellphone niya. Napabalikwas siya ng bangon at agad itong sinagot, bahagyang paos ang boses.
“Hello?”
“Mio…” isang pamilyar na tinig ang narinig niya mula sa kabilang linya.
Imulat niya ang mga mata. Agad siyang napa-upo nang ma-recognize ang boses—ang mama ni Cayden.
“Tita? Why did you call po?” tanong niya, pilit pinupukaw ang diwa habang pinupungas-pungas ang mga mata. Agad niyang inayos ang buhok at isinuot ang kanyang salamin.
Ngunit sa susunod na marinig niya, tila nabura ang antok sa kanyang katawan.
“Mio… please, pumunta ka rito,” umiiyak ang tinig ng mama ni Cayden.
Nanlamig ang katawan ni Mio. Napalunok siya habang unti-unting pinupuno ng kaba ang kanyang dibdib.
“Why po?” mahina niyang tanong, bagama’t halos ayaw niyang marinig ang sagot.
“Cayden got into a car accident… please, go here as soon as possible. He’s in the hospital right now.”
Parang huminto ang mundo ni Mio.
Tumigil ang tibok ng kanyang puso sa isang iglap. Sandaling natigilan, nanatiling tahimik—pilit tinatanggap ang bigat ng sinabi sa kanya. Ngunit agad siyang kumilos. Tumayo siya, mabilis na kinuha ang bag kung saan nakalagay lahat ng mahahalagang gamit.
Wala siyang inaksayang oras.
Habang nilalabas ang susi ng sasakyan, ang tanging tumatakbo sa isip niya:
“Please, Cayden… huwag ngayon. Hindi pa tapos ang kwento natin.”
Nagbihis si Mio nang mabilis, walang inaksayang sandali. Agad siyang lumabas ng bahay, sumakay ng taxi papuntang airport, at bumili ng first available flight papuntang Australia. Sa kabutihang-palad, may biyahe ng 7:00 PM .
Habang naghihintay sa lobby, wala siyang ibang iniisip kundi ang kalagayan ni Cayden. Nakatulala lang siya sa kawalan, nanginginig ang kamay, tahimik na nagdarasal.
“Please, please… just let him be okay.”
Pagsapit ng boarding time, agad siyang sumakay ng eroplano. Walong oras at kalahati ang biyahe, ngunit sa buong panahon ng paglipad, hindi siya nakatulog ni isang sandali. Paano siya makakatulog kung hindi niya alam kung ligtas pa ba ang taong mahal niya?
Paglapag sa Australia, diretsong dumiretso si Mio sa ospital na sinabi ng mama ni Cayden. Pagdating niya roon, halos tumakbo siya papasok ng emergency wing, hingal na hingal, nanginginig ang katawan, puso’y mabilis ang tibok.
Ngunit bago pa siya makapasok sa room ni Cayden, hinarangan siya ng isang doktor.
“Sir, you can’t go in yet.”
“I’m his boyfriend!” sigaw ni Mio, halos pakiusap na rin. “I need to see him. Please let me in.”
Ngunit nanatiling matigas ang mga staff. Hindi siya pinayagan, kahit anong paliwanag o pagsusumamo ang gawin niya. Halos mapaiyak siya sa frustration.
Sinubukan niyang tawagan ang mama ni Cayden, ngunit unavailable ang cellphone nito .
Tila lalo siyang nataranta.
“Please…” mahina niyang bulong habang nakatingin sa pinto, “Please let me see him. I need to see that he’s okay.”
Ngunit walang tugon. Walang sumagot. At sa labas ng kwarto, nanatili siyang naghihintay—durog, takot, at puno ng dasal.
“I beg you, please let me in… I need to see Cayden, please!”
Nagsimula nang tumulo ang luha ni Mio habang nagpupumilit makapasok. Pilit siyang humahawak sa pinto, pero mabilis siyang inawat ng security.
Hinila siya palayo at tuluyang binuhat palabas ng ospital. Wala na siyang nagawa.
Pagkalapag sa labas ng entrance, tuluyang bumigay si Mio. Umiyak siya—hindi lang basta iyak, kundi iyak ng takot, pangungulila, at pagkadurog.
“Please… let me in…” pakiusap niya muli, tinig na halos hindi na marinig. Ngunit nanatiling matigas ang mukha ng mga guwardiya. Walang emosyon. Walang tugon.
Nang mapagtanto niyang wala na talaga siyang paraan para makapasok, dahan-dahan siyang tumalikod—iyak na lang ang kanyang naging sagot sa kawalan ng pag-asa.
Naglakad siya palayo mula sa ospital, mag-isa, basang-basa ng luha ang pisngi. Sobrang bigat ng pakiramdam niya, parang may bato sa dibdib na hindi maalis. Sa tabi ng ospital, may maliit na park. Doon siya huminto, pinilit pumasok sa playground area, at naupo sa swing.
Doon siya tuluyang nawasak.
“Cayden…” mahina niyang bulong, tinatawag ang pangalan ng lalaking mahal niya, habang humihikbi.
Bigla, isang malakas na busina ang pumunit sa katahimikan.
Napatingin siya sa kanyang harapan—isang malaking delivery truck ang huminto mismo sa tapat niya. Nagulat siya, lalo na nang bumukas ang gilid ng truck, tila sliding stage door. Mula sa loob, may ilaw na bumagsak sa isang tao—
Nakatayo si Cayden.
Walang sugat. Walang galos. Nakangiti.
May hawak itong mikropono.
Napanganga si Mio, hindi makapaniwala sa nakikita.
“W-what…?” bulong niya, halos hindi makabuo ng salita habang nanginginig ang kanyang labi.
Ngumiti si Cayden, tinapat ang mic sa kanyang bibig at nagsalita:
“First of all, I’m sorry,” bungad ni Cayden habang hawak ang mikropono, nakatayo sa gilid ng bukas na truck stage, “I’m sorry for making you worry and cry. That accident… it wasn’t real. We made it up just to find a way to bring you here instantly.”
Tahimik ang buong paligid, lahat ng mata ay nakatuon sa kanya. Maraming nakikinig, napatigil sa paligid ng park.
“I know it was a bad joke—too much, and I regret it,” tuloy niya, nanginginig ang tinig. “Because now, seeing you cry like that… breaks me. I’m so, so sorry. Love, please… forgive me.”
At kasabay ng malalim niyang paghinga, unti-unting lumitaw ang dekorasyon mula sa truck:
“Mio, will you marry me?”
Nanlaki ang mga mata ni Mio. Hindi siya agad nakaimik. Patuloy ang pag-agos ng luha sa kanyang pisngi—ngayon ay hindi lang dahil sa takot o sakit, kundi dahil sa halo ng gulat, kilig, at pagmamahal.
“What’s your answer?” muling tanong ni Cayden, habang ang mga tao sa paligid ay nagsimulang magpalakpakan at ngumiti sa kanilang dalawa.
Tumayo si Mio mula sa swing at dahan-dahang lumapit kay Cayden. Nang magkalapit na sila, lumuhod si Cayden sa harap niya, para mapantayan ang kanyang mukha, nakatingin sa kanya nang buong puso.
“Are you going to turn me down?” tanong ni Cayden, medyo kinakabahan ngunit pilit ngumiti.
“Oo,” sagot ni Mio, diretso.
Natigilan si Cayden, nanlaki ang mata, hindi agad naka-react.
“Kaso…” dugtong ni Mio, sabay kunot ng noo, “sayang naman ’yung pinamasahe ko papunta rito, kaya… oo na lang sagot ko.”
Tawanan ang sumiklab sa mga nanonood habang hinila ni Mio ang kwelyo ni Cayden at hinalikan ito—mahigpit, puno ng pagmamahal, sa harap ng lahat.
Muling nagpalakpakan ang crowd, mas malakas, mas masaya.
Mio at Cayden, magkahawak-kamay, nagkatinginan. Hindi na nila kailangan ng kahit anong script o salita. Tapat ang mga ngiti, puro ang pagmamahal.
“I love you,” bulong ni Cayden habang nakatitig sa kanyang magiging asawa.
Ngumiti si Mio at sabay silang tumawa—dahil minsan, kahit punong-puno ng gulo ang mundo, sapat na ang isang “oo” para gawing perpekto ang lahat.
Mio smiled through the tears and softly said,
“I hate you.”
They both laughed, the sound light and full of love.
Cayden gently took Mio’s hand and slid the ring onto his finger, his eyes never leaving it.
“Mine,” he whispered, a quiet possessiveness in his voice—tender, sure, and full of meaning.
Mio looked up at him and whispered back,
“Yours.”
At that very moment, a burst of rainbow confetti exploded around them, filling the air with color, magic, and celebration.
The crowd cheered again, but their world had narrowed—just the two of them, hearts pounding in sync.
Cayden pulled him into a warm embrace and softly murmured into his ear:
“I will never let you go, my man.”
And in that moment, Mio knew—no matter where life took them, they had already found home.
FIN
“Gender is a spectrum of life, and love is part of that spectrum. Let us learn to see the beauty of love in all its forms, across all genders.”
-Dawnvellichor

