loading

storiescollectionschaptersauthorsgenrestagsstories
Memories Of Pain (COMPLETED)

Memories Of Pain (COMPLETED)

Tamadins · 32 chapters · 49,401 words

Simula

“Neil!” tawag niya sa pangalan ko, hinawakan niya ang kamay ko at saka inilagay sa kaniyang pisngi. Ang luha ay unti-unti ng pumapatak mula sa kanyang mga mata. Hindi ko maunawaan ang kinikilos niya. Masyadong wirdo iyon sa pakiramdam. Umiiyak siya sa di ko malamang dahilan, nasasaktan ako sa di ko alam kung saan nagmula.

“Neil! “ muling pagtawag niya sa pangalan ko. Kumunot ang noo ko, pinakatitigan ang lumuluhang mata ni Khalil. “

There comes a time when walking away is the best for everyone.“ aniya, hindi ko maintindihan ang pinupunto niya. Naiintindihan ko ito pero hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin ng emosyong pinakita niya habang sinasabi niya saakin iyon.

’ He’s going to break up with me? ’ tanong ko sa aking isipan, nguni’t pati ito ay hindi kayang sagutin, masyadong naguguluhan sa kanyang sinasabi.

Pain is inevitable. Suffering is optional.“ muli na naman siyang nagbitiw ng salita. Pinakatitigan ko ang kanyang mukhang lumuluha habang patuloy na hinahalik halikan ang aking kamay.

“K-Khalil… “ utal na pagtawag ko sa pangalan niya. Nasasaktan ako sa emosyong pinapakita niya. Sa bawat paghikbi niya ay madadala ka. Sa mga mata niyang puno ng sakit, mararamdaman mo ang sakit na nararamdaman niya. Mula sa paghagod niya sa aking kamay, madadama mo ang matinding paghihinagpis. Nalilito ako, hindi ganito ang Khalil na nakilala ko. Hindi ganito ang Khalil na minahal ko. Dahil ang Khalil na minahal ko, ang Khalil na nakilala ko, masayahin at hindi ganito kahabag ang itsura.

“Khalil… “ muling pagtawag ko sa kanyang pangalan. Gusto ko mang itanong kung ano ang gusto niyang iparating, nguni’t nararamdaman ko na iyon, at alam ko na ang sagot sa aking katanungan. Nasasaktan ako.

“A-Ano bang g-ginagawa mo? H-Hindi ko- kita maintindihan dahil ganyan ang kinikilos mo. May mali sayo Khalil.” sa wakas ay nasabi ko. Hindi ko alam kung saan ako humugot ng lakas ng loob para sabihin iyon sa kanya.

“Neil…” muling pagtawag niya sa pangalan ko. Dahan dahan niyang hinawakan ang magkabila kong pisngi, inilapit ang kanyang noo saakin at ipinagdikit ang aming mga ilong. “There are certain people who are not meant to fit in your life, no matter how much you want them to be.” muli niyang sabi at doon ay nag-init na ang ulo ko. Kusa kong kinalas ang aking mukha mula sa pagkakadikit sa kaniya. Tinitigan ko siya ng deretso.

“Pwede ba Khalil! Kung may sasabihin ka wag ka ng magpaligoy-ligoy pa. Dahil nalilito ako sa pinapakita mo. Hindi ganitong Khalil ang nakilala ko. Hindi ganitong Khalil ang Minahal ko. Ibang Khalil ang nasaharapan ko ngayon. Mahinang Khalil ang nasa harapan ko, hindi ang Khalil na kilala at minahal ko.” sigaw ko at unti-unting tumulo ang luha sa aking mga mata. Pilitin ko man itong patigilin ay nagkukusa itong tumutulo. Parang gripong sira, patuloy sa pag-agos ng tubig..

“I-I’m b-breaking up w-with you.” sa sinabi niyang iyon, biglang huminto ang pagluha ko. Nangunot ang noo ko at pinakatitigan ang kanyang mga mata. Blangko na ito ngayon, wala na akong makitang emosyon pa. Agad na kumalat ang sakit at kirot sa puso ko. Parang biglang dinambo ng malakas ang puso ko para makaramdam ako ng sakit na ganito.

“A-Ano yung s-sinabi mo? “ naguguluhang tanong ko. Hindi makapaniwala, ’ Baka nabingi lang ako kaya tila iba ang nadinig ko. Baka iba ang sinabi niya at iba ang nadinig ko.’ luminga ako sa paligid upang alamin kung may iba pabang tao bukod sa amin. Iniisip na sa iba nagmula ang salitang iyon, at hindi kay Khalil. Nguni’t wala. Wala akong makitang ibang tao kundi kaming dalawa lang. At ang masakit pa dito, sa kanya mismo iyon nagmula.

“I-I’m breaking up with you. It’s hard to tell your mind to stop loving someone when your heart still does. I-Im~~” hindi na niya natapos pa ang sasabihin ng pigilan ko siya.

“ S-Stop it, tigilan mo na. Ayoko ng marinig pa. Nasasaktan ako, makikipag break ka sakin ng di ko alam ang dahilan. “ lumuluhang pigil ko sa kanya. Nanlalabo na ang aking mga mata dahil sa mga luhang bumabalot sa aking mga mata.

“Sabihin mo saakin k-kung ano ang rason mo k-kung bakit mo g-ginagawa to!”

“I don’t have a reason, kaya ko nagawa ito.” walang emosyong aniya nguni’t hindi ako naniniwala.

“H-Hindi ako naniniwala. Lahat ng bagay may rason Khalil. Wag mo na akong pagmukhaing tanga. Dahil matagal na akong tanga.”

“Di kita pinagmumukhang tanga! Sadyang umayaw lang ang puso ko kaya naghanap ako ng bago. Bagong kayang ibigay ang gusto ko, ang bagong kayang ibigay ang mga hinahanap ko… Ang mga hinahanap ko na hindi ko makita sayo.” sa sinabi niyang iyon ay halos di na ako makaramdam pa, namanhid ang aking puso, nabingi ang aking tenga, nanlabo ang aking paningin. Sobrang katahimikan ang bumalot sa aking paligid. Wala akong makita, wala ring madinig. Sobrang tahimik, maliwanag naman nguni’t malabo ang aking nakikita. Sobra akong nasasaktan sa mga sinabi niya. Masakit mang isipin, nguni’t hindi parin ako sapat para sa kaniya. Kung sabagay, maraming kagustuhan ang mga lalaki, maraming hinahanap ang lalaki. Marami siyang gusto na hindi niya makuha saakin. Marami siyang hinahanap na hindi niya makita saakin. Maraming bagay ang hindi ko kayang ibigay sa kaniya. MASAKIT MAN ISIPIN, HINDI AKO NAGING SAPAT SA KANIYA.

“It’s so hard to look at you and think we were so close. We were in a relationship . And now. I’m nothing to you.” walang emosyon, nguni’t ang luha ko ay patuloy na pumapatak habang sinasabi ang linyang iyon sa kaniya. “Just give me time and I will get over you.” huling salitang binitawan ko sa kanya saka ako kumaripas ng takbo. Wala akong naririnig na mga yabag ng paa. Buo na talaga ang disisyon niya.

‘The most painful memory I have is of when I walked away and you let me leave.’

Muli akong tumakbo ng tumakbo hanggang sa hindi ko inaasahan ang sasakyang sumasalubong saakin. Nguni’t huli na ng mapagtanto ko na ako ang maling daang tinatahak. Narinig ko ang sigawan ng mga tao, nguni’t mas nangingibabaw ang malakas na sigaw ni Khalil sa pandinig ko. Naramdaman ko na lamang ang katawan kong bumangga sa poste, naririnig ko ang pagkataranta ng mga tao. May naramdaman akong bisig na bumalot sa aking ulo, humahangos ang boses nito, lalo akong nasasaktan. Hindi ko na kayang imulat ang aking mga mata. Mukhang sa ganitong buhay na ata magtatapos ang buhay ko.

KABANATA 1

Idinilat ko ang aking mga mata nguni’t wala akong makita.  Hindi ko alam kung nasaang lugar ako.  Masyadong madilim dito.  Wala akong makitang iba kundi kadiliman.

’Hindi kaya nabulag na ako? ’  nangangambang tanong ko sa sarili ko,  nguni’t ako ay di ko masagot dahil sa katotohanang puros itim talaga ang aking nakikita. Muli kong inilibot ang aking paningin hanggang sa may makita akong puting liwanag sa dulo ng madilim na lugar na ito.  Nakahinga ako ng maluwag ng makita ko ang liwanag na iyon.  Hindi pa ako bulag.

Tahimik kong sinundan ang liwanag na naroon sa dulo ng madilim na daan na ito.  Hindi ko alam kung ano ang ginagawa ko at kung nasaan ako ngayon. Ang mahalaga saakin ngayon ay marating ang liwanag na naroon sa pinakadulo ng madilim na lugar na ito.  Sigaw ako ng sigaw nguni’t walang boses na lumalabas sa aking bibig. Gusto ko ng makaalis dito upang makita si Khalil.

Sa aking paglalakad ay hindi ko sinasadyang may maapakan,  agad akong napatitig dito nguni’t di ko ito makita dahil sa sobrang dilim.  Muli kong inapakan ito at saka kinapa. 

Agad akong kinilabutan ng  mapagtantong kamay ito ng mahawakan ko ang mga daliri nito.  Biglang nanginig ang buong katawan ko,  naitapon ko ang kamay na iyon at saka kumaripas ng takbo patungo sa puting liwanag na iyon.  Konti na lamang ay mararating ko na iyon. 

Inihanda ko ang aking sarili ng marating ko ang dulo nito,  nguni’t mabilis din akong napaatras ng bigla ay bumunggo ako sa isang katawan.  Napalayo agad ako  nguni’t sa paglayong iyon ay bumagsak ako sa lupa.

Agad kong natakpan ang aking mga mata dahil sa sobrang liwanag ng paligid,  nang unti-unting masanay ang aking mata sa liwanag ay tinanggal ko na ito at saka dahan dahang inilibot ang aking paningin.  Hinahanap ang madilim na lugar na pinanggalingan ko kani-kanina lang bago ako mabangga sa taong ito.

Agad akong nakahinga ng maluwag ng hindi ko na ito makita, puro pagkain na ang aking nakikita ngayon.  Samu’t-saring masasarap, at makukulay na prutas ang nakapalibot sa aakin.

“Ayos ka lang?  Kanina pa kita tinatanong kung ayos ka lang nguni’t hindi ka tumutugon.  Ikaw ba’y pipi ginoo? “ napatitig ako sa  paanan ng pinanggalingan ng boses na iyon.  Mula sa paa, umakyat ang aking mga mata sa mahaba nitong hita,  hanggang sa mapunta ang tingin ko sa kaniyang tiyan at umabot sa mukha nito.  Napapikit pa ako dahil sa sinag ng araw mula rito.

“Muli, ayos ka lang ba ginoo? “ muling tanong niya.  Inilahad ang kanyang kanang kamay saakin.  Nagulat ako sa ginawa niya nguni’t tinanggap ko rin naman ito.

“T-Thank you.” pasasalamat ko habang pinapagpagan ang aking pwetan maging ang aking katawan. 

“Woah!  Nakakatwang marinig iyan saiyo ginoo.  Marunong ka ng salitang Ingles.”  halata sa tono nito ang pagkamangha,  kaya nagtataka akong tinignan ito.  Nguni’t ang pagtatakang iyon ay napalitan ng pagkamangha.  Pagkamangha dahil sa angking kagwapuhan nito.  Matangkad ito,  mas matangkad pa saakin.  Singkit ang mga mata, makapal na may arko ang kilay,  matangos na ilong, normal na labi nguni’t nakakaakit tignan dahil sa mukha itong malambot at dahil na rin sa makinis ito at kulay rosas.  Bibihira sa lalaki iyon.  “Hindi mo ba ako nauunawaab ginoo?  Paumanhin! Hindi ako masyadong marunong magsalita ng ingles.  Kakaunti lamang ang aking nalalaman dito.”

“H-Hindi!  N-Naiintindihan kita.”   utal na tugon ko rito.  Agad namang bumalatay ang ngiti sa kaniyang labi.  Sumilay tuloy ang dimples niya sa  kaliwa niyang pisngi maging ang mapuputi at pantay na ngipin nito.  Muli ay namangha ako sa kanyang angking kagwapuhan.

“Mabuti kung ganoon,  akala ko ay mapapasabak ako nito sa

inglisan

eh.  Haha. “ muli na naman akong namangha sa paraan ng kanyang pagtawa.  May kung ano sa lalaking ito na wala sa iba,  hindi ko ma explain ng maayos dahil masyado pa akong namamangha sa lalaking nasa harapan ko ngayon.

“H-Hindi naman.”

“Kamusta ang iyong pakiramdam?  May masakit ba saiyo?  Paumanhin, hindi ko rin napansin na sa gawi ko ikaw dadaan kaya hindi ko iyon inasahan kaya humantong ka sa pagkabunggo saakin.”

“A-Ayos lang ako.  Walang masakit saakin bukod dito sa pwetan ko.  Mukhang napamali ata ang bagsak ng pwet ko kaya ganito,  sumasakit.”  tugon ko, hindi makatingin ng deretso sa kaniya.  Hindi ko kayang tagalan, lalo na’t tila nangunguha ng kaluluwa ang itim na itim nitong mata.   Agad niya naman akong inalalayan,  kinuha niya ang aking braso at saka isinukbit sa kaniyang balikat. Hinawakan niya rin ang aking bewang at saka idiniid sa kanyang katawan. 

Naaamoy ko ang mabango niyang amoy.  Maging ang hubog ng kanyang katawan ay nararamdaman ko.  Ang biceps niya ang gustong gusto kong dumampi sa balat ko.

Malandi mang isipin nguni’t gustong gusto ko ang ganitong sitwasyon namin.  Muli ay pinakatitigan ko ang kaniyang mukha,  moreno ang kanyang kulay.  Makinis ang mukha,  kahit naka side view ay gwapo parin ito.  Makikita rin sa mga mata nito ang tunay na pag-aalala.  Napakasarap pala sa pakiramdam na may ganito kagwapong nag-aalala saiyo. 

Nakakakilig na ewan.

Itinigil ko ang pagtitig sa kaniya at saka ibinaling sa iba, naramdaman niya ang aking mga titig.  Agad na bumalatay saakin ang kahihiyan.

“May masakit ba saiyo?  Sabihin mo kung saan!”  bigla ay tumigil ito at saka humarap saakin.  Hinawakan ang magkabila kong pisngi.  “Anong nangyari saiyo?  May masakit ba saiyong katawan?  Bakit namula bigla ang iyong mukha? “  nag-aalalang tanong nito.  Dahil sa sinabi niyang iyon lalo akong kinilig.  ‘Nakakainis!  Bakit ganito itong lalaking ito!’

“A-Ayos lang ako,  gusto ko lang umupo at kumain.  Nagugutom na rin ako.”

“Ganon ba,  sige dadalhin kita sa malapit na kainan ngayon din. May masakit paba saiyo?  Kaya mo bang maglakad? “  muli ay tanong niya.  Tumango naman ako bilang sagot.  Dahan dahan ang aking pagkilos,  unti unti ay nakakatayo na ako nguni’t agad din akong nangamba ng bigla ay para akong babagsak.  Mabuti na lamang ay nahuli ako ng bisig ng lalaking ito. 

“Mag-iingat ka ginoo. Hindi mo pa kaya ang maglakad.  Halika at ikakalong kita sa aking likuran.”  pagprisinta niya

“H-Hindi na.  K-kaya ko naman eh.”  pagtanggi ko nguni’t sa halip na sumagot siya, ay nagtungo siya sa aking harapan at saka yumukod.

“Sige na ginoo,  ika’y sumampa na sa 

Aking likuran.  Ikaw ay akin ng bubuhatin. “  nahihiya man ay sumunod na lamang ako.  Kung ipapagpatuloy ko ang kaartehan ay baka hindi pa ako madala sa kainang sinasabi niya ay baka ngayon palang patay na ako dahil sa ngarag ng aking katawan.

KABANATA 2

“Nais mo bang dalhin kita sa pagamutan? “

“H-Hindi na, salamat na lang. Pahinga lang siguro ang kailangan nito.”

“Ganoon ba, sige kumain ka ng marami masasarap ang pagkaing inihahanda nila rito.” nakangiting alok nito sa pagkaing may sabaw. Hindi ko alam kung ano ang tawag dito, ngayon ko lamang ito nakita at matitikman. Kinuha ko ang kutsara at saka humigop ng sabaw. Agad na nanlaki ang mata ko ng matikman ko ito.

“Woah! Ang sarap neto!! Ngayon ko lang to natikman!!” napalakas ata ang pagkakasigaw ko dahil naagaw ko ang pansin ng kasama naming kumakain din sa kainang ito.

“Mabuti’t iyong nagustuhan. Iyan ang ipinagmamalaki sa lugar naito. At talagang napakasarap niyan. Nagagalak ako dahil ito’y iyong nagustuhan. Ina ko mismo ang nagluluto niyan. At kami rin ang may-ari ng kainang ito. Kumain ka lamang ng kumain riyan. “ masaya nga siya, dahil habang nagsasalita siya ay nakangiti ito.

“Bakit ngaba ganiyan ang iyong kasuotan? Hati ang iyong damit, puni’t punit ang iyong suot na pantalon. Ikaw ba’y napaglaruan ng mga binatang walang magawa sa kanilang buhay? “ agad akong napalingon sa kaniya dahil sa tanong niyang iyon. At talaga ngang iba ang suot kong damit kumpara sa kanilang narito sa kainang ito. Agad kong tinakpan ang aking tiyan dahil sa suot kong crop top at ang tinutukoy niyang puni’t punit na pantalon ay ripjeans. At isa sa kanina ko pa ipinagtataka. Bakit ganoon na lamang siya magsalita? Masyado naman atang malalim. At isa pa, hindi niya alam ang suot kong ito, laking tanong ang gumugulo saakin.

“Hindi mo ba alam ang tawag dito sa suot kong ito? “ kunot ang noong tanong ko sa kanya.

“Hindi naman ako magtatanong saiyo kung alam ko iyon ginoo.” ayan na naman siya sa ginoo niya. Masyadong makaluma.

“Ikaw pare! Pinagtitripan mo ba ako? “ tanong ko nangunot naman ang noo nito.

“Pinagtitripan? Hindi ko alam ang iyong sinasabi ginoo.”

“Iyan!! Yang paGINOO-GINOO mo. Masyado kang makaluma, alam kong buwan ng wika ngayon dahil Agosto na, pero bakit ang

croptop at rip jeans

eh di mo alam? Eto kaya ang uso ngayon duh!“

“Makaluma? Buwan ng wika? Agosto?

Kraptap

?

Ripjins?

At uso? Hindi kita nauunawaan ginoo.“ naguguluhan din nitong tugon. “Makaluma? Hindi ko alam kung ano ang iyong tinutukoy na makaluma, buwan ng wika?

nguni’t buwan ng pebrero pa lamang ngayon.

Kraptap at ripjins?

Hindi ko alam ang salitang iyan at uso? Haha kung iyong mamarapatin ay hindi ganiyang kasuotan ang uso ngayon ginoo.“

“Teka nga! Ikaw ang hindi ko maintindihan eh, masyado kang malalim kung magsalita, at isa pa buwan ng pebrero ngayon? Duh buwan ng agosto ngayon, hindi ako nagkakamali.” naguguluhan na talaga ako. Ang daming katanungan at isipin ang pumapasok sa maliit kong pag-iisip.

Ayoko mang paniwalaan itong nasa isip ko, dahil imposible talagang mangyari yon. ’Fvcking time

travel’

At isa pa, baka pinagtitripan lang talaga ako ng poging ito. Masyadong magaling umarte.

“Ika’y tunay na nagkakamali ginoo. Sapagkat ngayon ay buwan ng pebrero. Saang lugar kaba nagmula? Ikaw ba’y nawalan ng iyong memorya kung kaya’y hindi mo nalalaman ang nangyayari sa iyong paligid.” seryosong aniya, ayoko mang paniwalain ang nasa isip ko dahil imposible talaga ang pag time travel. Dahil ang time travel ay nangyayari lamang sa mga palabas at libro. Hindi sa totoong buhay.

“Wait!! Teka! Teka! Masyado na akong naguguluhan eh. Hindi parin kita ma-gets eh. Ayokong pagmukhaing tanga ang sarili ko dito.” huminto ako sa pagsasalita at saka huminga ng malalim. “Anong taon ito ngayon?” pikit matang tanong ko. Handa na sa kanyang sagot. Hinahanda ko na rin ang aking tenga maging angbaking sarili sa kanyang sasabihin.

“ Ngayon ay ika-sampu ng Pebrero taong 1968“ tugon nito at agad na nanlakibang mga mata ko. Bigla akong nahilo sa narinig ko.

Ngayon ay ika-sampu ng Pebrero taong 1968“

Ngayon ay ika-sampu ng Pebrero taong 19

6

8

“……

Ngayon ay ika-sampu ng Pebrero taong

19

6

8

“…..

Ngayon ay ika-sampu ng Pebrero taong

1968“

….

Nagpaulit-ulit sa aking tenga ang huling salitang sinabi niya dahilannpara mawala ako sa wisyo at mabitawan ko ang kutsrang hawak hawak ko kanina.

WTF????????

Isang napakalaking imposibleeee!!!

Hindi ako naniniwala!

Napaka imposimble!

Kinurot ko ang aking pisngi, pinukpok ko ng malakas ang aking ulo gamit ang aking kanang kamay, umaasang panaginip lamang ito. Nguni’t nasaktan lamang ako. Totoo nga ito, napunta ako sa taong ito.

“P-Paki ulet nga! M-Medyo lakasan mo dahil hindi ko masyadong naririnig eh.”

“Ngayon ay Ika-sampu ng Pebrero, taong 1968 ginoo, anong nangyayari saiyo? Bakit tila wala ka saiyong katinuan? “ pag-uulit nito, doon ako napasabunot sa aking buhok. Mula 2019 napunta ako sa taong 1968, napaka imposible. Pero ngayon posible. Wala akong mahitang pagsisinungaling sa mga mata ng lalaking ito. Napabuntong hininga ako at saka tumitig sa kaniya.

“Sorry! Baka siguro dahil sa pagod at sakit ng katawan ko kaya ganito na lamang ang tumatakbo sa isipan ko.” pagsisinungalingin ko, masyado parin akong naguguluhan. Marami paring tanong ang naiwan sa aking isipan. Isa ay kung paano ako napunta sa taong ito, pangalawa, ano ang nangyari saakin matapos kong mabunggo ng sasakyan. Patay na ba ako? Kaluluwa ko na lang ba to? Masyadong magulo

“Mayroon ka bang matutuluyan? Maaari kitang patuluyin sa aming tahanan.” natinag ako sa pag-iisip ng muli siyang magsalita. Napaisip ako, wala nga akong matutuluyan gayong napunta ako sa taong ito. Isang tadhana ang pagtatagpo namin ng lalaking ito.

“Hindi ba ako nakakaabala saiyo at sa iyong pamilya? Masyado ng maraming tulong ang iyong binigay saakin. Nakakahiya kung pati sainyo, ako’y iyong patutuluyin. “ umarte ako na parang nahihiya. Gusto ko paring sa kanya mismo ulit manggaling na gusto niya akong patuluyin sa kanila.

“Hindi ka isang abala ginoo, pagka’t ikaw ay nangangailangan lamang ng tulong.” sinserong tugon naman nito. At doon ay napangiti ako. Muli kong kinuha ang kutsara at saka muling kumain.

’Success! ’

“Sa haba ng ating pag-uusap, hindi ko man lang naitanong kung ano ang iyong pangalan.” napatigil ako sa pagkain ng muli siyang magtanong. Ibinaba ko ang kutsara at saka pinunasan ang aking bibig.

“My name is Neil.” pagpapakilala ko, nangunot ang kanyang noo, naalala ko na hindi nga pala siya nakakaintindi ng ingles.

“H-Hindi kita nauunawaan.”

’sabi sayo eh. ’ napabuntong hininga ako at saka pinakatitigan ang kanyang mga mata. Ayon na naman ang mata niyang tila ay kukunin ang kaluluwa mo sa ganda ng nga ito.

“Ang pangalan ko ay Neil.” pagpapakilala ko. “Ikaw ano ang pangalan mo? “ balik ko sa tanong niya.

“Kakatwang parehong kakaiba ang ating pangalan.”

“kakaiba?” naguguluhang tanong ko sa kaniya. Ngumiti naman siya saakin. Nasilayan ko na naman muli ang dimples at mapuputi at pantay niyang mga ngipin.

“Oo parehong Naiiba sa mga taong narito.” nakangiting tugon naman nito.

“Paanong naiiba ba?” muling tanong ko.

“Kenjie ang aking ngalan, saiyo naman ay Neil. Diba parehong kakaiba? “

‘kakaiba naba iyon? Normal name lang naman yon ah.’

“Ahh… Hehe kakaiba nga.” pekeng pag-sang ayon ko.

“Oh siya, bilisan mo na riyan uuwi na tayo. Maggagabi na rin. Para makapagpahinga kana rin ng maayos.” gaya ng sinabi niya, minadali ko na ang pagkain, dahil na rin sa pagod ng katawan ko. Gusto ko na ring ipahinga ang katawan ko. Gusto ko ng matulog. Sana ay malambot ang higaan nila. Dahil hindi ako sanay sa matigas na higaan.

KABANATA 3.

Eto,  gamitin mo muna ang aking damit.  Alam kong malaki saiyo iyan.  Wala na rin kasi akong makitang napagliitan kong mga damit.  Naibigay ko na roon sa mga batang nasa lansangan.“ abot niya sa pares na damit at padjama, kung padjama man ang tawag sa panahong ito. Tinanggap ito at saka inilagay sa ibabaw ng lamesa.

“Salamat.”

“Siya pagkatapos mo riyan,  magpahinga kana. Magandang gabi saiyo.”

“Good night!”  muling nangunot ang kaniyang noo.  Di na naman naintindihan ang sinabi ko.  Napangiti ako sa reaksyon niyang iyon.

Matapos kong maligo ay kinuha ko na ang damit na binigay niya.  Malaki nga ito saakin.  Maging ang padjama nito.  Hindi ako sanay,  kaya naman ay naghanap ako ng maaaring pamutol sa padjama na ito.  Nguni’t wala talaga akong makita.  Wala na rin akong nagawa pa kundi ang tiisin na lamang ito. 

Humiga na ako sa single sofa na narito,  di naman siya matigas,  di rin naman siya malambot.  Sakto lamang upang maging komportable ang aking pakiramdam. Dahan dahan kong ipinikit ang aking mga mata, at hinayaan ang aking isipan na burahin ang mga iniisip ko. Ilang saglit pa ay dinalaw na ako ng antok.

Kinaumagahan…

Nagising ako dahil sa sinag ng araw na tumatama sa aking paahan.  Iminulat ko ang aking mga mata,  biglang umasa na sana ay panaginip lamang ang nangyari kahapon.  Nguni’t ng ilibot ko ang aking mga mata,  wala akong Khalil na nakita.  Kung ano ang mga nakita ko kagabi dito,  ay siya paring nakikita ko ngayon. 

Pumatak na lamang bigla ang aking mga luha.  Nalulungkot ako dahil wala akong kasama at kakilala dito bukod kay Kenjie na isa paring estranghero para saakin. Gamit ang kumot ay pinunasan ko ang aking mga luha.  Tiniklop ko na rin ito at inayos ng pagkakalagay sa gilid ng pinaghigaan ko.  Nag-unat unat pa muna ako bago lumabas ng kwartong ito. 

“Oh,  magandang umaga saiyo iho. “  bati saakin ng isang ginang.

“Mabuti’t nagising kana,  nagpahanda si Kenjie ng agahan para saating lahat.  Halika na.” pag-alok nito.  Inalalayan pa akong magsuot ng tsinelas.

Bruuuutt

Wag kang ano tunog yan ng tsan kong kumakalam na dahil sa gutom.

“Hahahahaha…”  nagulat ako sa biglaang pagtawa ng ginang na ito. “Gutom kana nga ano. Siya maupo kana riyan at ipaghahanda kita ng iyong agahan.”  maging sa pag-upo ko ay inalalayan parin niya ako.  Nakakatuwa,  ngayon lamang ako napagsilbihan ng ganito sa tanang buhay ko.  Simula kasi pagkabata ko.  Ako na ang kumikilos para sa sarili ko. Ni hindi nga ako napaghandaan ng sarili kong ina maging ang sarili kong ama na hindi parin ako tanggap mapaghanggang ngayon,  miski isa sa kanila ay hindi pa ako hinandaan ng ganito.

Bigla ay namugto ang aking nga mata.  Iniwas ko ang aking paningin ng mag-umpisa nang maglagay ng pagkain ang ginang. Mukhang napansin naman ito ng ginang kaya nag-aalala itong lumapit saakin at saka hinawakan ang aking kamay.

“Anong nangyari saiyo?  Bakit ka biglang nagtangis?  May nararamdaman kabang sakit?  Sabihin mo,  magpapatawag agad ako ng manggagamot.”  nag-aalala nitong tanong.  At doon ay biglang bumuhos ang aking nga luha.  Bigla ay yinakap ako nito.  Sobrang higpit nguni’t mararamdaman mo ang pag-aalala at pag-aalaga.  “Bakit ano ang nangyari?  May naalala ka ba? Sabihin mo, makikinig ako.” nag-aalo niyang sabi habang hinahagod ang aking likod. 

“Natutuwa lang po ako dahil hindi ko pa narasanasan ang ganito.”  humihikbing sabi ko.  Totoo iyon,  masaya ako at natutuwa ako dahil sa ginagawa ng ginang na ito.  Mababaw man ang rason pero para saakin,  malalim na iyon.  Lalo pa’t isa ito sa pinakahinahanap ko.  Bigla ay Namiss ko ang aking Lola na si Lola Nelly. Siya lang ang nagpalaki saakin. 

“Naranasan ang ganito? “  tanong naman ng ginang.  Tumango ako at saka pinunasan ang aking mga luha.  Kumawala na rin siya sa pagyakap saakin.  Ngumiti pa muna ako bago sumagot sa tanong niyang iyon.

“Hindi ko pa po kasi naranasan ang pagsilbihan ng ganito.  Kaya natutuwa po ako na nararanasan ko ito.”  tumahan na ako sa pag-iyak nguni’t patuloy parin akong sinisinok.

“Oh siya,  lagi na kitang pagsisilbihan ng ganito,  basta huwag ka lamang tumangis. Dahil baka makita ako ni Kenjie, baka isipin non pinapaiyak kita.”  sabay kaming tumawa ng ginang ng sabihin niya iyon.  Inalok niya saakin ang kutsara at tinidor.  Tinanggap ko naman ito at saka nag-umpisang kumain.  Tumigil lamang ako sa pagsubo ng makitang hindi kumuha ang ginang ng kaniyang pagkain.

“Bakit po hindi pa kayo kumakain?  Sabayan niyo na po ako dito.”  tanong ko at ngiti lamang ang sinagot nito.

“Tapos na ako kanina pa.  Sadyang hinihintay lang kitang matapos para mahugasan ang pinggang ginamit mo.”

“Pwede naman pong ako na lang ang maghugas ng pinggang pinaggamitan ko.  Nakakahiya naman po na pati etong pinagkainan ko ay kayo rin ang maghuhugas.”  nahihiya na talaga ako sa mga taong narito.  Masyado silang mabait saakin.  Hindi pa man nila ako lubos na kilala nguni’t binuksan parin nila ang kanilang pinto para ako’y patuluyin.  Masyado silang mababait.

“Oh siya,  sige ikaw na lang ang maghugas ng pinggan na iyong pinaggamitan.  Mukhang wala na rin akong magagawa pa.”  bukal sa loob nito ang sinabing iyon.  Napangiti na lang ako at saka nagpatuloy sa pagkain.

“Ano nga ulit ang iyong pangalan?”  itinigio ko muna ang aking pagsubo at saka uminom ng tubig.

“Neil po.”  tugon ko.  Nangunot naman ang mukha nito. 

Nil po? “ 

kunot noong tanong nito.  Natawa ako.

“Neil ang aking pangalan.” 

“Ahh ganon ba

Nil, 

saan ka nakatira?  Bakit sabi saakin ni Kenjie ay kalunos lunos daw ikaw kahapon.  Dahil sa suot mong damit at pantalon. “ sa sinabing iyon ng ginang ay hindi ako agad nakasagot.  Bukod sa wala akong alam sa lugar na ito. Wala rin akong alam na lugar dito.  At isa pa,  baka sabihin niyang nahihibang ako kung sasabihin kong nagmula ako sa kasalukuyan. 

“A-Ahh… Ano po kasi… A-ahh~~”  di na natuloy ang aking sasabihin ng biglang sumulpot si Kenjie at nagsalita.

“Wala siyang maalala kung saan siya nakitara dahil nawalan siya ng memorya marahil sa insidenteng nangyari sa kaniya kahapon.”  singit ni Kenjie.  “At ina alam mo bang nakakapag salita siya ng ingles.” muling dagdag ni Kenjie. 

“Ahh ganoon ba.  At talaga ngang kakaiba rin ang iyong pangalan.  Siguro ay nagmula ka sa mayamang pamilya,  dahil sa iyong kutis. Kaya siguro ay marunong kang magsalita ng ingles.  Nakakabilib. “

 

hindi ko na napagtuonan ng pansin ang sinabi ng ginang dahil sa biglaang pagsasalita ni Kenjie.

“Tapos kana bang kumain?  Gusto mo bang ilibot kita sa bayan ng Serbanyo? “  tanong ni Kenjie saakin.  Napatitig ako sa mukha nito.  Bagsak ang kanyang buhok.  Halatang bagong ligo, mamasa masa pa ang mukha.  Mayroon pang butil butil sa kanyang ilong maging sa kaniyang noo.  Bumaba ang aking paningin sa katawan nito.  Wala siyang pang itaas na suot. Kaya kitang kita ang ganda ng kaniyang katawan.  Napakalapad ng kanyang dibdib.  Ang ganda ng kanyang collarbone.  Ang magandang pagkakahulma ng kanyang mga abs.  Ang pag-alon ng kanyang Adam’s apple sa tuwinh siya ay lulunok, ang siyang lalong nagbibigay apeal sa kanya.  Bigla ay nauhaw ako sa aking nakikita.  mayroon ng pagkain sa harapan.  Napakasarap.

“U-Ulam! “ agad kong natakpan ang aking bibig.  ’taeee!!  Bat ko nasabi yon?  Nakakahiya!  At anong ulam?  Baka kanina?  Kasi siya na ang ulam.  Shunga ka! ’

“May sinabi ka ba iho?  Ano iyon? “  nagtatakang tanong ng ginang saakin.  Umiling na lamang ako at iniwas ang tingin kay Kenjie.

“W-Wala po.  Tapos na rin po ako, ako na rin ang maghuhugas ng pinggan na ito.  Salamat po.” pagtanggi ko, mabilis ko na ring inubos ang pagkain ko at saka inilagay iyon sa lababo. 

“Siya maiwan ko na kayo riyan.  Mabuti nga’t ilibot mo iyang si

Nil 

sa bayan ng Serbanyo. Oh siya aalis na ako.  Mag-iingat kayo.“  paaalam ng ginang tumango na lamang ako biglang pagtungon dito.  Di parin ako makatitig kay Kenjie. Dahil baka pagtinignan ko na naman ito,  ay baka ma tigil na naman ako sa dibdib nito.  Nakakahiya at baka may masabi pa akong iba.   Ramdam ko naman ang paglapit nito saakin.  Biglang bumilis ang tibok ng puso ko.  Ramdam ko na nasa likuran ko na siya. Kaya naman nameke akong abala sa pagsabon ng platong hinuhugasan ko.

“Ano Neil, gusto mo bang ilibot kita sa bayan ng Serbanyo? “  muling tanong nito.  Bigla ay nagtayuan ang aking nga balahibo ng maramdaman ang kanyang hininga sa aking tenga.  Lalong bumilis ang tibok ng puso ko. Natutuliro ako,  hindi ko alam ang uunahin ko. 

Agad kong tinapos ang platong pinaggamitan ko at saka nagpunas ng kamay at saka humarap sa kaniya.  Nguni’t isa pala iyong pagkakamali.  Dahil nga nasa likuran ko siya kaya naman pagkaharap ko ay malapit ng magdampi ang aming mga labi.  Bigla akong napaiwas dahilan upang ma out of balance ako,  nguni’t sadyang mabilis kumilos ang mga kamay ni Kenjie, ay nahuli niya ako at saka iniangat.  Ngayon ay nararamdaman ko na ang kanyang katawan.  Sa sobrang tangkad ni Kenjie ay hanggang dibdib niya lang ako.  Ngayon ay nararamdaman ko na ang kaniyang dibdib.

Bago pa man ako magpantasya ay humiwalay na agad ako at saka lumayo kay Kenjie.

“Paumanhin!  Nagulat ata kita.”  paghingi nito ng sorry,  tumango ulit ako.  Di ako nakapag salita.   “Tatanungin lamang kita kung gusto mong mamasyal. Wala naman akong gagawin buong maghapon kaya libre kitang masasamahan maglibot sa bayan ng Serbanyo.”

“H-Hindi na,  salamat na lang.  Magpapahinga na lang muna ako.  Baka mabinat ako kung maglalakad lakad ako.”  pagtanggi ko,  hindi parin ako makatingin ng deretso sa kanya. 

“Paumanhin!  Naalala ko na hindi ko pa pala naitatanong kung ano ang iyong lagay. Paumanhin! “  bigla ay nag-alala ang tono nito.  Kahit gustuhin ko mang titigan ang mukha nito ay di ko magawa dahil baka higupin na naman ng kaniyang dibdib ang aking paningin.  Mahirap na.

KABANATA 4.

“Talaga bang ayos na ang pakiramdam? Wala na bang masakit saiyo? Magsabi ka lang kapag may nararamdaman ka, dadating ako.” habilin nito, hindi parin nawawala ang pag-aalala sa kanyang tono. Nakakatitig na rin ako sa kaniya dahil mayroon na rin siyang suot na pang-itaas.

“Gusto pa naman sana kitang ilibot sa bayan ng Serbanyo.” malungkot nitong sabi. Bigla ay naguilty ako. Parang gusto ko na lang tuloy tumuloy sa bayang iyon para lamang mawala ang kanyang pag-aalala.

“Wag kang mag-alala ayos lang ako. At sige tatawagin kita kapag may naramdaman akong sakit. At isa pa, may ibang pagkakataon pa naman para makapunta doon sa Bayan ng Sebanyo? “

“Serbanyo” pagtatama nito saakin.

“Serbanyo nga, sige na magpapahinga na muna ako. Maraming salamat sa tulong mo. Pangako, magsasabi agad ako saiyo.” nakangiting sabi ko, nahawa rin siya ng ngiti ko kaya nawala na rin ang lungkot nguni’t ang pag-aalala ay hindi parin nawawala.

“Sige, basta ipangako mong magpapagaling ka ah. Bilisan mong magpagaling! At pinangako mong sasabihan mo ako kapag may masakit saiyo.”

“Yes sir! “ biro ko at natawa naman siya habang iiling iling. Dahan dahan niyang isinara ang pinto. Ngayon mag-isa na lang ako. Lalo ko tuloy pinagsisihang nag-inarte pa ako. Inilibot ko na lamang ang aking paningi sa kwartong ito. Hindi naman siya magulo, nguni’t di rin maayos.

Kaya napag-isipan kong linisin ito, ang lamesang nasa gitna ay itinabi ko sa tabi ng dingding. Marami akong inayos sa kwarto na ito. Maging ang sofa’ng hinigaan ko ay inilipat ko ang pwesto.

Muli kong inilibot ang aking paningin. Napangiti ako sa naging resulta. Di ko akalain na marunong pala akong maglinis tulad ng ganito.

Halos ilang oras din pala ang naigugol ko sa paglilinis kaya hindi ko namalayan na tanghali na pala. Tirik na tirik ang araw. Binuksan ko ang bintana at tumingin sa baba. Nasa ikalawang palapag ang kwarto na ito.

Muli kong inilibot ang aking paningin. Tirik ang araw nguni’t di naman ganon kainit, napaka hangin pa nga sa tutuosin.

“Kaibigann!!” nawala ang paningin ko sa pagmamasid sa paligid ng may marinig akong sumigaw. Panigurado akong nasa ibaba ito nanggagaling kaya naman agad kong hinahanap ang nagmamay-ari ng boses na iyon. Sa di kalayuan ay nakita ko si Kenjie, nakatayo habang nakangiting nakatitig saakin. Napatitig naman ako sa lalaking kasama nito. May itsura din ang isang to, may hubog ang katawan, nguni’t mas matangkad at mas pogi parin si Kenjie kesa sa kaniya.

“Kaibigan!! “ sigaw nito habang kumakaway pa saakin. Saka ko lang napagtanto na sakaniya nagmula ang boses na narinig ko kanina. Nahihiya pa akong kumaway dito at saka ngumiti.

“Kaibigan! Ika’y bumaba riyan! Gusto kitang makilala at maging kaibigan! “ muling sigaw nito. Nakakatuwa ang kaniyang reaksyon. Para siyang si Angelo, isa sa mga kaibigan ko. Mukhang makulit din ang isang ito.

Tumingin pa muna ako kay Kenjie, nakangiti na itong tumango tango saakin. Kaya naman, isang kahihiyan kung iisnabin ko ang kagustuhan ng paslit na iyon.

Inayos ko ang aking sarili, inayos ko rin ang pagkakatupi ng suot kong damit, itinuck-in ko rin ito paloob sa padjama kong suot. Maging ang padjama ay tinupi ko rin hanggang tuhod ko. Muli kong pinasadahan ng tingin ang aking sarili sa malaking salamin na ito.

Lalong bumagay sa akin, mabuti na lang at marunong akong magdala ng damit kung hindi ay mukha akong basurera nito kung nagkataon.

Dahan dahan akong bumaba at saka nagtungo sa kinaroroonan nila Kenjie at ng paslit. Mula dito sa kinatatayuan ko ay natatanaw ko na ang kinaroroonan nila. Kita ko rin mula rito ang malawak na ngiti ng paslit habang kinakaway ang kanang kamay.

Tumakbo na ako sa gawi nila dahil sa init, ang pagdampi pa lamang nito ay masakit na sa balat, kaya nangangailangan talagang tumakbo ako ng matulin.

Ilang saglit pa ay narating ko na ang silong ng kinaroroonan nila kenjie. Magpapahinga pa lamang ako nguni’t hindi ko na nagawa pa dahil sa bisig na bumalot sa aking katawan. Napakahigpit ng kaniyang pagkakayakap. Hindi ako makahinga.

“Kaibigan!! “ sigaw ng puslit na ito at saka kusang kumawala mula sa pagkakayakap saakin at doon na ako nakahinga ng malalim.

“Tunay ka bang lalaki? Bakit sobrang puti mo? May lahi kabang tsino? Mas maganda pa ang iyong kutis kesa sa mga kababaihan dito.” sunod sunod niyang tanong, natawa naman si Kenjie sa kanyan. At talaga ngang napakakulit nito. Mas makulit pa ata kay Angelo.

“Hinay hinay sa pagtatanong Hermano, alam mong kararating niya lang, sinalubong mo pa ng yakap.” panamaway ni Kenjie sa puslit na ito. Nguni’t hindi parin siya nakuntento, kinuha niya ang braso ko at itinabi sa kaniyang braso, pinagkumpara ang balat niya sa balat ko. Napakamot na lamang ako ng ulo sa ginagawa ng puslit na ito.

“Talaga ngang napaka puti mo ano. Lalo na sa malapitan.” muling sabi nito, pinaglayo na niya ang aming mga braso kaya kamay ko naman ang napagbuntungan. “Maging ang iyong kamay at palad ay napakalambot.” muling sabi nito, hindi pa natapos sa pag-uusisa sa aking katawan.

“Ikaw ba’y tunay na lalaki? Kakaiba ka sa aming mga kalalakihan. Mahinhin karin kung kumilos. Patingin nga ng alaga mo kung maputi rin at kung isa ka ngang tunay na lalaki. “ bigla akong napaatras sa sinabi nito, nguni’t huli na ng bigla niyang daklutin ang aking PAGKABABAE. ’ Charr pagkababae talaga? ’

“Tunay ka ngang lalaki.” hindi makapaniwalang sabi nito. At doon na kumilos si Kenjie, hinawakan niya ang aking braso at saka inilayo sa banong paslit na ito.

“Ano ba Hermano, napakagaslaw mo. Hindi kana nahiya nandaklot kapa ng alaga.” suway ni Kenjie sa Hermanong paslit na ito. Ngumiti lang ito, sumilay din ang mapuputi nitong ngipin.

‘Siguro kung may close up lang sa panahong ito, malamang sa malamang nakuha na ang dalawang to. Lalo na itong si Kenjie.’ sabi ko sa isip ko. Natawa na lamang ako ng bahagya.

“Ano ang ginagawa mong pagligo kaibigan? Gusto kong malaman. Baka sakaling… “ bitin niya sa sinasabi, inilapit niya ang kaniyang mukha saakin at saka doon nagsalita. “Baka sakaling ako’y pumuti din.”

“Hermano! Ano ba? Tumigil kana nga riyan. Masyado mo ng tinatakot itong bisita ko.” muling suway ni Kenjie sa Hermanong puslit na ito na ngayon ay nakanguso na.

“Namamangha lamang ako sa kanya dahil ngayon lamang ako nakakita ng ganyang kulay ng balat lalo na’t isa rin siyang lalaki.”

“Namamangha… Namamangha… Nangungulit ka lang kamo.”

“Anong nangungulit ka riyan Kenjie. Kahit kailan ay hindi ako nangulit kanino man.”

“ Kung itong si Neil ay maloloko mo. Ako ay hindi. Kaya tigil tigilan mo na ang pangungulit.“

Nil? “

takang tanong ni Hermano. Sa itsura niyang iyon ay para siyang bata.

“Oo Neil ang kanyang pangalan.” tugon naman ni Kenjie sa tanong ni Hermano. Agad na nanlaki ang mga mata nito at muling tumitig saakin.

“Kakaiba rin ang kaniyang pangalan gaya ng iyo Kenjie.” manghang sabi nito at saka muling tumitig sa kaibigan. “

At alam mo bang nakakaanis ka? “ bigla ay naging seryoso ang mukha ni Hermano. At doon ako nagulat. Cute siya sa ganyang reaksyon. Hindi siya mukhang batang puslit.

“At bakit ka naman naiinis saakin Hermano? “ nanghahamong tanong din ni Kenjie kay Hermano.

“Dahil gusto kong malaman ang kaniyang pangalan mula mismo sa kaniya. Bakit mo sinabi ang pangalan niya? Tuloy ay saiyo ko na nalaman ang pangalan niya. Nakakainis ka.” nanggagalaiting sabi ni Hermano. Naiinis nga ito. Natawa ako sa kinikilos nito.

“Maaari mo naman siyang tanungin muli kung iyong nanaisin. Maaari mo ring kalimutan ang kaniyang pangalan na ika mo ay narinig mo saakin.”

“At paano ko naman iyon gagawin? “

“Tanungin mo siya, at isipin mo na sa kaniya mo unang nalaman ang pangalan niya hindi sakin.” napatitig ako kay Kenjie sa sinabi niyang iyon. ’Seriously? May ganitong pag-iisip itong si Kenjie? ’ tanong ko sa isip ko. Pinakatitigan ko naman ang mukha ni Hermano, mukhang nakumbinsi naman ito ni Kenjie kaya ngayon ay tatango tango ito.

“Napakahusay mo talaga aking kaibigan!” papuri ni Hermano sa kaibigan nito. Bilib na bilib. Di niya alam inuuto lamang siya nito. Nagsalubong naman ang tingin namin ni Kenjie. Bigla akong natulala ng bigla niya akong kindatan.

‘Sheeeett!! Ang gwapo niya don goshh!’

Gustuhin ko mang tumili ng malakas ay hindi ko magawa. Masyado akong kinikilig da presenysa ni Kenjie

“Kaibigan…Kaibigann??” natinag aki sa makamundong kalandian ng marinig ko ang boses ni Hermano. ’Panira tsk.. ’

“Oh! Hey? “ biglang tugon ko. Gaya ni Kenjie ay nangunot naman ang noo nitong si Hermano.

Ohey?

Ano ang salitang iyon?“ nagtatakang tanong naman nito

“Ingles ang salitang iyon Hermano. “ si Kenjie ang tumugon sa tanong na iyon ni Hermano.

“M-Marunong kang mag-ingles? “ manghang tanong nito at tumango naman ako. “Nakakamangha!” manghang mangha talaga ito.

“Siya’ang tunay kaibigan.” panigunda naman ni Kenjie.

“Kaibigang maputi at marunong magsalita ng ingles, ako si Hermano, maaari bang makipag kaibigan saiyo? “ inilahad nito ang kamay at kinuha ko naman ito at nakipag shake hands

“Neil ang pangalan ko. Ikinagagalak kong makilala ka Hermano.”

“Ikinagagalak ko ring makilala ka

Nil! “

masiglang sabi nito. Hindi na nawala ang pagkakangiti sa kaniyang mga labi.

“Oh siya tama na yan, baka nagugutom na yang si Neil. Ikaw Hermano, saamin kana mananghalian.” biglang singit ni Kenjie at kinuha ang aking braso at hinigit papunta sa kaniyang tabi.

“Tara pagka’t ako’y nagugutom narin. Tara Kaibigang

Nil,

sabay na tayong pumunta sa bahay nila kaibigang Kenjie. “ yaya naman ni Hermano saakin at saka siya lumapit at saka umakbay. Nguni’t mabilis ding kumilos si Kenjie, tinanggal niya ang braso ni Hermano mula sa pagkakaakbay saakin at ang braso niya ang ipinalit niya rito. Ngayon ay siya na ang umaakbay saakin. Sa ginawa niyang iyon ay kinikilig na ako.

“Paumanhin kaibigan, nguni’t saakin sasabay itong Neil papauwi. Mauna na kami. “ muling nagsalita si Kenjie at saka inakay na ako papaalis. Agad namang humapdi ang aking balat dahil sa sinag ng araw. Mukhang napansin iyon ni Kenjie kaya dali dali niyang hinubad ang suot nyang baro at saka ipinandong saaming dalawa.

Sa pangalawang pagkakataon ay nakita ko na naman ang kanyang katawan. At ngayon ay magkalapit kami at nararamdaman ko ito. Tumingin ako sa kaniya at nakita kong nakatitig na ito saakin. Ang mga labi niya ay nakangiti saakin. Sa mga titig niyang iyon ay parang natutunaw ako.

‘Wag kang ganyan Kenjie please! Marupok ako!’ gusto ko mang sabihin iyon, nguni’t hindi ko magawa kaya sa isip ko na lang iyon isinatinig.

KABANATA 5.

“Heto kainin mo rin ito, masarap din iyan.” alok ni Hermano sa isang isda na di ko alam kung ano, ngayon lang din ako nakakita non at ang weird ng mukha nito. Kahit di ako nakain ng isda ay kinain ko ito. Nakakahiya kung tatanggihan ko ang mga alok niya. Baka sumama pa ang loob.

“Ano kaba Hermano! Mapupuno na ang pinggan ni Neil sa mga pinaglalagay mo. Baka hindi niya maubos ang lahat ng iyan.” panunuway naman ni Kenjie sa kaniya. Nakatitig lamang ako sa kanilang dalawa maging ang ina ni Kenjie ay natatawa sa ikinikilos ni Hermano.

“Aba’y kailangan niyang ubusin iyan kita mo naman ang kaniyang pangangatawan. Di sa nagmamayabang, magkasing laki lamang kami nguni’t di hamak na mas malaki ang katawan ko kaysa riyan kay Neil.”

‘Eh kasi samin di uso ang kumain. Uso sa panahon namin, Diet.’

“Tama naman po ako diba Tiya Rosario? “ dagdag pa nito. Si Tiya Rosario naman ang ginambala.

“Aba’t naghanap kapa ng iyong kakampi ano? Napakagaling mo talagang magdahilan ano Hermano? “ natatawa na lamang ako sa pagbabangayan ng dalawang ito.

Habang kumakain ay maraming naikwento si Hermano ang tungkol sa kanila. Sila ay magpinsan ni Kenjie, si Tiya Rosario at ang kaniyang ina ay magkapatid, at mayroon din palang kakambal itong si Hermano, at ang pangalan naman daw nito ay si Hermona. Maging ang nga natitipuhan nito ay naikwento niya. Ang pangalan naman nito ay Dictoria, may minsan pa nga daw silang tumatakas sa ina nito makipag kita lamang sa kaniya. At naikwento din ni Hermano ang dahilan kung bakit Dictoria ang pangalan nito ay dahil daw sa pinaglihi ito ng kaniyang ina sa diksyunaryo. Kaya naman ay may angking katalinuhan daw ito.

Natapos ang tanghalian ng panay namin tawa dahil sa mga kalokohang pinagsasabi ni Hermano.

“Paano kaibigan, aalis na muna ako. May usapan kami ni Dictoria na magkikita kami ngayon. Tiya Rosario! Kenjie! Paano mauuna na po ako! Maraming salamat sa pagkain! Mag-usap ulit tayo sa susunod

Nil!

Ikinagagalak kong makilala kang muli! “ paalam ni Hermano. Agad na akong nagtungo ng lamesa upang ligpitin ang mga pinagkainan. Nung una ay pinigilan pa ako ni Tiya Rosario maging si Kenjie ay pinigilan din ako. Nguni’t dahil sa nagpumilit ako, wala na rin silang nagawa pa kundi ang sundin na lang ang kagustuhan ko.

Nang matapos kong salansanin ang lahat ng pinggan ay nag-umpisa na ako sa paghuhugas. Sana ay wala akong mabasag na kahit na ano dito. Sa bahay kasi hindi ako naghuhugas, dito ko lang mararanasan ang maghugas ng pinggan.

Dahan dahan ang aking pagkakahawak sa lahat ng pinggan at basong aking mahahawakan.

Matagumpay naman ang aking paghuhugas, walang nawala at walang nabasag. Ngayon ay bilib na ako sa sarili ko. Lahat ay kaya ko ng gawin haha.

Matapos kong pagsalansalin ang mga natapos na pinggan ay sinunod ko naman ang paglilinis ng hapag kainan. Lahat ng maaaring ayusin ay inayos ko. Lahat ng maaaring itapon, itinapon ko. Lahat ng maaaring ilipat, inilipat ko. Ngayon ang dating medyo masikip na hapagkainan. Ngayon ay maluwag na. Salamat sa aking mahiwagang kamay.

Masyado ata akong sinisipag ngayong araw kaya hindi ko na naman namamalayan ang oras. halos magdilim na pala ng matapos akong maglinis sa buong bahay na ito. Kaya naman nagulat pa ang mag-ina sa kanilang nakikita.

Malaki ang pinagbago ng kanilang bahay, ang datig, medyo masikip. Ngayon ay maluwag luwag na. Matatamis na papuri ang nakuha ko mula sa mag-ina, syempre mas lamang sa puso ko ang mga papuri ni Kenjie.

“Kahanga hanga! Tila lumiwanag ang aming tahanan. Napakagaling mong maglinis Neil. Di ko akalain na mayroon ka palang talento sa paglilinis.” hindi matapos tapos ang papuri ni Kenjie saakin. Kaya eto ako ngayon. Lumalaki ang puso hihi. Kinikilig ako.

“Hindi naman talento ang paglilinis ano kaba, haha. Ang paglilinis ay normal lamang. Hindi rin sa lahat ng oras kailangang babae ang maglilinis. Nararapat na tulungan ng lalaki ang babae hindi lamang sa pagtatrabaho, maging sa paglilinis din ng bahay.” proud na sabi ko. Sa tanang buhay ko, iyan palang siguro ang PINAKA magandang nasabi ko.

“Wala akong masabi. Talagang kakaiba ka. Isa kang kahanga hangang tao. Pinupuri kita. Isa kang tunay na lalaki.” biglang bumusangot ang mukha ko sa huli niyang sinabi.

’Tunay na lalaki ka jan. Hoy pusong babae ako. Ahmp…“

Dahil doon sa sinabi niya ay bigla akong nawalan ng gana. Tuloy ay nagkulong na lamang ako sa kwarto at nag-isip ng kung ano ang maaaring gawin.

Nguni’t sadyang wala talaga akong magawa. Wala akong makitang pwedeng pagtuonan ng pansin, nabuburyo ako.

Halos dalawang oras din pala akong namalagi sa kwarto ko kaya di ko namalayan na naggabi na pala. Binuksan ko ang bintana at saka humiga sa sahig. Itinaas ko ang aking dalawang paa sa bukana ng bintana at doon ay pinakatitigan ang mga nagkikinangang mga bituin. Dahil mula rito sa aking kinahihigaan ay kitang kita mo ang kagandahan ng kalangitan.

Sa tagal ng pagkakatitig ko rito ay biglang lumitaw ang nakangiting mukha ni Khalil. Napakasaya ng mukha niya roon. Naalala ko tuloy ang pangyayaring nililigawan niya ako. At ang araw na sinagot ko siya.

FLASHBACK•<

Dahan dahan kong tinahak ang madilim na kwarto ko. Natatakot ako dahil hindi ko mabuksan ang switch ng kuryente. Lobat na rin ang phone ko sa kakatawag sa numero ni Khalil. Kahit isa ay hindi niya sinasagot. Nag-uumpisa nang umakyat ang kaba ko. Nanginginig na rin ang buong katawan ko. Ayoko sa kadiliman. Natatakot ako. Nang mahawakan ko na ang doorknob ng kwarto ko ay dali dali ko itong binuksan at laking gulat ko na lamang na biglang nagsilabasan ang aking mga kaibigan. Masasaya silang lumapit saakin. Nagtataka man ay sumunod na lamang ako ng umpisahang akayin ako ni Janine. Mula sa CR ay lumabas si Jake, may hawak na gitara. Tinipa niya ang strings ng gitara at mula sa likod ay dahan dahang lumabas si Khalil.

🎶 🎶 Wag kang maniwala jan, di ka niya mahal talaga… 🎶 🎶

Pagkanta ni Khalil sa unang lyrics. Natawa pa ako dahil sa nanginginig pa ang boses nito. Kinakabahan.

🎶 🎶 sayang lang ang buhay mo, kung mapupunta ka lang sa kaniya… 🎶 🎶

Muli siyang nagpatuloy sa kanita, nguni’t sa pagkakataong ito, bigay na bigay na siya. Di na mababakas ang kaba sa kanyang tinig. Ngayon normal na Khalil na ang naririnig kong kumakanta.

🎶 🎶 iiwanan ka lang niyan mag-ingat ka, dagdag ka lamang sa milyong milyong lalaki niyannn… 🎶 🎶

Natawa pa ako ng pagkadilat niya ay saakin agad tumama ang kaniyang mga mata. Kumindat din siya bago kinanta ang chorus.

🎶 🎶 Akin kana lang, (akin kana lang)

Iingatan ko ang puso mo oh~ 🎶 🎶

Nakangiti na itong kumakanta, habang sila Axel at Trisha ang second vioce nito.

🎶 🎶 akin kana lang.. (akin kana lang) wala ng hihigit pa saiyo~ 🎶 🎶

Natapos ang kanta niyang tawa ako ng tawa, may minsan kasing pumipiyok siya pero di naman iyon ikinapangit ng performance niya. Sadyang magaling lang talaga itong si Khalil kaya lahat ng bagay ay nalulusutan. Iiling-iling kong pinagmasdan ang kaniyang mukha. Nagmamalaki.

“Galing ko ba? “

nagmamayabang niyang tanong nguni’t hindi ko siya sinagot.

“Hindi, pumiyok ka eh. Hahahahaha. “

malakas na pagtawa ko nguni’t sumimangot naman siya.

“So hindi mo nagustuhan amg performance ko ganon?”

nakangusong tanong nito. Mukhang isip bata.

“Nagustuhuhan ko naman, nagbibiro lang ako eh.”

“Pwes walang puwang ang biro ngayon. Dahil ang tanging may space lang sa ngayon ay PAGMAMAHAL.”

“Korni mo.”

biro ko saka kami sabay na tumawa.

Maya maya pa ay bigla muling namatay ang ilaw, at muling bumukas ito, nagsilitawan ang aking mga kaibigan sa likuran ni Khalin habang may nakalagay na,

WILL YOU BE MY BOYFRIEND?

napatakip pa ako ng bibig ko sa pagkagulat. Napatitig naman ako kay Khalil, wala pa man ay namumugto na ang mga mata nito.

“Neil, di na ako makapaghintay pa. Sigurado na ako na ikaw ang gusto kong makasama. Mahal na mahal kita at kaya kong ipagsigawan iyon sa buong mundo.” napatitig ako sa mga mata ni Khalil, sinseridad ito sa kaniyang sinasabi. Bigla ay nangilid din ang aking mga mata.

“Neil, will you be my boyfriend? “ diretsong tanong niya at doon ay sunod sunod ang aking pagtango.

“Yes Khalil. I will be your boyfriend. “ umiiyak na tugon ko. Agad namang nagtilian ang mga kababaihan kong kaibigan. Maging ang mga kaibigan kong feeling babae.

“Hindi mo alam kung gaano ako kasaya ngayon Neil. Sobrang saya ko, dahil ngayon ay akin kana.”

“Masaya rin ako na saiyo na ako at akin kana.” tugon ko

“Yiehhh kiss!! Kisss!! “ udyo naman ni Vince, kaya nakitukso narin ang lahat ng mga kaibigan ko. Kaya wala kaming nagawa pa ni Khalil kundi ang pagdampiin ang aming mga labi. Muli silang nagtilian ng magdampi ang aming mga labi. Si Khalil ang kusang bumitaw sa pagkakahalik. Hinawakan niya ang magkabila kong pisngi at saka pinagdikit ang aming mga noo.

“I still remember the feeling I felt when I first started talking to you. And I still remember the feeling I felt when I started liking you. I am not perfect but loving you makes me the best. “ ipinikit ko ang aking mga mata ay hinayaan siyang magsalita. Gusto kong marinig ang boses niya.

“I will take care of you more than I do to my self.” napapikit ako ng mariin ng bigla kong maramdaman ang halik niyang iyon.

End of flashback…

Iyon na ang pinaka da best na nangyari sa buhay ko. Ang ligawan at mahalin din ako ng lalaking mahal at gustong gusto ko. Nguni’t ang sayang naramdaman ko sa ala-alang iyon ay agad na napalitan ng sakit at lungkot ng maalala ang nangyari bago ako napunta sa mundong ito.

Biglang tumulo ang aking mga luha, muli kong pinakatitigan ang kalmadong kalangitan. Hinayaan ko lang ang sarili kong masaktan at umiyak.

‘I wish memories were like text messages. You can delete the ones you hate and keep the ones you like.’

KABANATA 6.

Agad kong pinunasan ang aking mga luha ng marinig kong may kumatok sa pintuan ng kwartong ito.

“Neil! Ayos ka lang ba riyan? Maari bang pumasok? “ hindi pa naman ako nakakasagot ay naramdaman ko na ang pagbukas ng pinto maging ang pagpasok niya. “Ano ang nangyari bakit ganiyan ang posisyon mo ng higa? “ takang tanong nito, nagtataka siya marahil sa pusisyon ng aking pagkakahiga. Ang mga binti ko ay nakasukbit parin sa bukana ng bintana. Tumitig naman ako sa kaniya agad ko ring iniwas ang aking paningin ng magtama ang aming mga mata. Bigla ay naupo siya sa tabi ko at saka tumitig din sa kalangitan.

“Hindi ko alam kung bakit ka malungkot. Gusto kong tanungin kung ano ang rason nito, nguni’t natatakot ako na baka masamain mo ang pagtatanong ko at sabihan mo pa akong nag-uusisa sa iyong pagkatao. “ panimula niya. “Maari bang humiga sa iyong tabi? “ imbis na sumagot ay umurong ako upang bigyan siya ng espasyo. Kung ano ang pusisyon ko ay ganon don ang ginawa niya. Itinaas niya ang kaniyang mga binti at saka isinukbit sa bukana ng bintana. Ang parehong braso ay siyang ginawa niyang unan. Ngayon ay nakatitig na rin siya sa kalawakan.

“Kung nalulungkot ka, maaari mo akong sabihan, narito ako makikinig saiyo.” muli akong napatitig sa kaniya, sa pangalawang pagkakataon ay nakita ko na naman kung gaano katangos ang ilong niya. Masyadong perpekto ang kaniyang mukha na kahit sa side view ay napakagwapo.

“Huwag mong sanaying pagkatitigan ang aking mukha, baka hanap hanapin mo iyan. Mahirap na.” bigla ay nahiya ako sa sinabi niyang iyon. Para sa kaniya ay biro iyon, nguni’t para saakin ay napakalakas ng impact non. ‘Grabi naman makaramdam ang isang to.’

“H-Hindi naman noh!” pagtanggi ko nguni’t natawa lamang siya.

“Gawain mo ba ito?” tanong niya.

“Ang alin? “

“Ang mahiga sa ilalim ng bintana at titigan ang mga bituin?”

“Ahh oo, natutuwa ako kapag may nakikita akong maliliwanag na bituin. Mas lalo akong natutuwa kapag may nakikita rin akong buwan. “ sagot ko naman, naramdaman ko ang pagtitig niya saakin, kaya naman tinignan ko rin siya, nagtama ang aming mga mata, ilang minuto din ang itinagal non at siya na ang kusang bumitaw sa pagkakatitig saakin.

“Alam mo ba na ang ingles sa bituin ay star. “

“Star? “

“Oo star, kapag madaming bituin naman ay Stars ang tawag. Dinagdagan lamang ng letrang ‘S’ sa dulo.” nakangiting sagot ko sa tanong nya. Napatitig ako muli sa kaniyang mukha, tutok siya sa pagtitig sa mga bituin.

“Star… Stars kapag marami.” nakangiting aniya. Napangiti naman ako dahil sa kainusentihan niya sa English.

“Ang ingles naman sa buwan ay MOON. “ pagpapatuloy ko

“Moon, star, stars. Kaygagandang salita.”

“Siyang tunay.”

“Tignan mo may bumagsak na bulalakaw!” sigaw niya, itinuro ang mabilis na paglaho ng bulalakaw. Muli akong napangiti sa reaksyon niya. Muli na naman siyang namangha.

“Humiling ka! “ masiglang aniya natawa naman ako.

“Eh wala na ang bulalakaw eh. Paano pa ako hihiling niyan? “ napabuntong hininga siya sa sinabi kong iyon. Muli siyang tumitig sa maliwanag na kalangitan.

“Alam mo bang ang ingles sa bulalakaw ay shooting stars.” muling sabi ko, tumitig naman siya saakin ng nakangiti.

“Napakarami mo talagang nalalaman sa salitang ingles. Maaari mo ba akong turuan ng ibang salita? “ nasa tono nito ang kagustuhang magkaroon ng kaalaman sa salitang ingles.

“Sige bukas na bukas din ay tuturuan kita.” nakangiting tugon ko sa kaniya kaya naman ay iniangat niya ang kanyang ulo at tumitig saakin. Itinukod niya ang kaniyang kanang braso sa kaniyang ulo upang maging gabay ito sa pagkatitig saakin. Sa sitwasyong iyon ay naramdaman ko na naman ang pagkahiya. Sinamahan pa ng kilig.

Alam kong sa panahong ito hindi pa uso ang Close Up at Colgate. Kaya nagtataka ako, dahil napaka bango ng kaniyang hininga.

“Talaga? Tururuan mo ako? “ excited na tananong niya. Napangiti naman ako.

“Oo naman.” masiglang tugon ko. Nakangiti sa kaniya, kaya naman ngumiti rin siya saakin at nagulat ako sa sunod niyang ginawa. Bigla niya akong yinakap ng mahigpit. Bigla na namang lumakas ang tibok ng puso ko. Natatakot ako na baka maramdaman niya iyon. Kaya naman matapos niya akong yakapin ay ako na mismo ang humiwalay sa kaniya.

Ganoon ulit ang posisyon niya, nakatingin saakin habang naka tukod ang kanang siko sa sahig gamit ang kanang kamay inalalayan ang ulo nito para lang makatingin sa akin. Sa ganong posisyon niya ay di ko maiwasang di mailang. Ang hot niya kasing tignan doon. Para siyang model ng bench.

Lalo pa akong nailang ng unti unti niyang ilapit ang kaniyang mukha sa aking mukha. Napaiwas ako ng tingin at saka napapikit ng mariin.

“Bakit tila namumula ang iyong pisngi?” takang tanong nito, lalo tuloy akong namula dahil sa sobrang hiya at kilig na nadarama.

“H-Hindi ah, bakit naman ako pamumulahan ng pisngi? “ tanggi ko kahit alam kong totoo at ang dahilan.

“Dahil siguro, ikaw ay kinikilig.” napamaang ako sa kaniyang sinabi. Hindi ako makapaniwalang sa kaniya mismo nanggaling ang salitang iyon.

“A-Anong kinikilig? At s-saan naman ako kikiligin? “ utal na tanong ko, nahihiya na ako. Nakakainis, ’Ganito na ba talaga ako ka obvious? ’

“Ewan ko kung saan ka maaaring kiligin. Sige mamili ka, sa mga bituin kaba kinikilig o?… “ bitin niya sa sasabihin napatitig naman ako sa kaniya. Nakukuha niya ng asarin ako, at ang nakakainis pa don ay gustong gusto ko at kinikilig ako.

“O sakin? “ dugtong niya sa huling sinabi at doon biglang lumakas ang pintig ng puso ko. Napatulala ako sa kaniyang mukha. Hindi makapaniwalang nasasabi niya ang lahat ng iyan. Lalo lamang akong natulala ng bigla siyang tumawa.

“Hahahahahaha! “ malakas siyang tumawa, namangha ako sa natural nitong pagtawa, napaka gwapo. “Bakit tila natulala ka sa aking sinabi? Tila nakakita ka ng multo matapos kong sabihin iyon? Haha.” muling pang-aasar pa nito. Sobra na akong nahihiya sa pinagsasabi niya. Kaya para makabawi sa pang-aalaska niya.

Tinanggal ko ang aking binti mula sa pagkakasukbit sa bukana ng bintana. Umayos ako ng posisyon, dumapa ako at pinakatitigan ang kaniyang mukha. Ngayon ay pagtataka na ang bumalot sa kaniyang mukha.

Hindi ko maiwasang hindi mapangisi sa kaniyang reaksyon. Inilapit ko ang aking mukha sa kaniyang mukha. Ngayon mababakasan sa mukha niya ang pagkailang. Gusto ko mang tumawa ng malakas ay di ko magawa dahil baka hindi ko magawa ang kalokohang gusto kong gawin.

“A-Ano iyang g-ginagawa mo? “ sa unang pagkakataon ay narinig ko siyang utal magsalita.

“Ano sa tingin mo? “ nakangising tanong ko. Kita ko naman ang paglunok niya doon pa lang ay natatawa na ako. Itinaas ko ang aking kamay, at ang sunod kong ginawa ay bigla ko siyang kiniliti sa tiyan.

“Hahahaha… Hahaha ta..ma… Na haahaha” malakas na pagtawa niya kaya naman lalo ko siyang kiniliti. Ngayon ay bumabawi na rin siya. Kinikiliti niya na rin ako. At dahil sa laki at angking lakas, bumaliktad ang sitwasyon namin. Ako na ngayon ang kaniyang kinikiliti. Nguni’t sa pagkakataong ito, nasa ibabaw ko na siya. Nagulat ako sa sunod niyang ginawa, bigla niyang hinawakan ang magkabila kong kamay at inipit iyon sa sahig gamit din ang kanyang mga kamay. Inilapit niya ang kaniyang mukha sa aking mukha.

Habang pinakatitigan ko ang kanyang mukha ay bumibilis ang tibok ng puso ko. Inilapit niya pa ng inilapit ang kaniyang mukha hanggang sa mapadako na iyon sa aking tenga.

“Paano ba iyan ginoong Neil, natalo ka. “ napatitig bigla ako sa kaniya ng sabihin niya iyon. Napaka lalim ng boses niya. Nagtayuan bigla ang aking nga balahibo. Ang sexy ng boses niya don.

Saka lamang ako nakahinga ng maluwag ng kusa siyang umalis sa ibabaw ko at muling humiga sa tabi ko. Pinagmasdan ko ang kaniyang pagkilos maging ang pagpikit ng kaniyang mga mata.

“Nakakapagod, ngayon ko na lamang muli ito naranasan.” nakapikit nguni’t nagsasalita ang kaniyang bibig. Hinayaan ko lang siyang magsalita habang nakapikit. Ang sarap pakinggan ng boses niya.

“Alam mo bang ngayon na lang ulit ako tumawa ng ganoon. Kasi bukod sa wala talaga akong kasama na kabiruan, naging tutok din ang atensyon ko sa mga bagay bagay.” nakinig lamang ako sa mga kwento niya hanggang sa hindi na siya nagsalita pa at mukhang nakatulog na. Bigla rin akong dinalaw ng antok kaya naman, ipinikit ko na rin ang aking mga mata at hinayaan ang sarili na makatulog.

Kinabukasan….

Nagising ako dahil sa bisig na nakayakap saakin. Pinikit dilat ko ang aking mga mata upang masanay ang aking mata sa liwanag. Nang masanay na ako sa liwanag ay doon ko pinagmasdan ang aking sarili. Nakahiga ako sa tabi ni Kenji, ang kaniyang braso ang siyang aking naging unan. Ang isa niya namang braso ay nakayakap sa akin. Bigla akong natulala ng mapagtanto ko ang aking isang kamay. Nakahawak iyon sa alaga ni Kenjie. Bigla akong napabalikwas ng tayo ng maramdaman ang laki non.

“Hala! May ahas! Ang tigas! “ sigaw ko dahilan para magising si Kenjie dahil sa ingay na ginawa ko. Pipikit pikit pa itong tumingin saakin. Sa ginawa niyang iyon tila bumagal ang pagkilos niya sa paningin ko. Maging ang pagdilat ng kaniyang mga mata ay mabagal din. Muling bumilis ang tibok ng puso ko ng tumama saakin ang mapupungay niyang mga mata.

“Anong nangyari? Bat tila sumigaw ka bigla? “ takang tanong pa nito habang kinukusot ang mga mata. Hindi ko alam kung sasagutin ko ba siya o dededmahin na lang ang tanong niyang iyon. Nahihiya akong baka isipin niya na hinipuan ko siya.

“B-Bakit magkatabi tayong matulog? Bakit ako nakayakap saiyo kanina? “ nahihiya man ay naglakas loob akong itanong iyan. Imbis na sagutin niya ako ay bigla siyang ngumisi ng nakakaloko. At dahil sa ginawa niyang iyon, natulala na naman ako. Marahil ay ngayon ko lang din siyang nakitang ngumisi ng ganon.

“Hindi mo na ba natatandaan ang nangyari kagabi ginoong Neil? “ nakangising tanong niya. Bigla akong kinabahan, napayakap na lamang ako sa aking katawan. Noo!! Di na ako birhen.

“A-Anong nangyari kagabi? “ utal na tanong ko. At doon siya humalakhak.

“Nagising ako dahil bigla mo na lamang kinuha ang aking braso at ginawa mong unan. Nakapikit kapa non habang ginagawa mo iyon. Di ko na lang tinanggal dahil baka magising ka.” paliwanag nito at nakahinga naman ako ng maluwag.

“Eh bakit nakayakap ka saakin? “ muling tanong ko

“Iyon ang hindi ko na alam.” nakangising dagdag pa nito at saka tumayo. Napatingin muli ako sa kaniya at laking gulat ko muli ng masilayan ang nakaumbok nitong alaga.

“Jusko! May ahas! “ muling sigaw ko at nataranta naman siya, pinakatitigan ang aking kamay na nakaturo sa kaniyang alaga at doon niya napansin na ito ay gising. Kaya naman taranta niya itong tinakpan agad ng dalawa niyang kamay at dali daling lumabas ng kwartong ito.

KABANATA 7.

Matapos ang  nakakahiyang nangyaring iyon sa pagitan namin ni Kenjie, ay halos ako ang nahihiyang magpakita sa kaniya.  Nahihiya parin ako, naiinis rin ako sa sarili ko. Pwede ko namang punain iyon ng hindi sumisigaw at nakaturo sa alaga niya.  Nakakainis!

“Kaibigang

Nil!!

“ napatingin ako sa pintuan ng marinig ang makulit na boses ni Hermano. “Kaibigang

Nil! 

Ikaw ba’y gising na? “  muling sigaw nito.  Inayos ko muna ang aking sarili bago lumapit sa pinto at pagbuksan ito.

“Magandang umaga.”  bati ko at nakita ko na naman ang malawak na ngiti nito. 

“Magandang umaga rin saiyo kaibigang

Nil!

“ masiglang bati nito,  binuksan ko naman ng malawak ang pinto para tuluyan siyang makapasok.  “Maaari ko bang mahawakan muli ang iyong kamay? “ dagdag na tanong nito.  Nahihiya pa akong binigay ito,  mabuti na lamang ay maaga akong naligo kanina.  Baka kung hindi ay wala akong mukhang maihaharap sa lalaking ito.

“Talagang napaka lambot ng iyong kamay.  Nagtataka parin talaga ako kung isa ka talagang tunay na lalaki,  dahil iyang kutis mo hindi pangkaraniwan sa kutis namin dito.” muling pag-usisa nito.  Tuloy ay nahihiya na naman ako.  Kung kabiruan ko lang ito ay baka nahampas ko na ito kanina pa. 

“Nais ko sanang yayain kitang umalis ngayon.”  biglang sabi nito matapos bitawan ang aking kamay. 

“Yayain?  Yayain para saan? “ takang tanong ko,  lumawak naman ang kaniyang pagkakangiti.

“Yayaing kumain sa amin ng agahan.  Sapagkat ikaw ay aking naikwento sa aking ina.  Nais ka rin niyang makilala,  lalo na ng aking kambal na si Hermona. “ paliwanag nito,  di ko alam kung papayag ba ako o tatanggi sa alok niyang iyon.  Pero kung totoo ngang naikwento niya ako sa kaniyang pamilya,  ay baka magtampo itong si Hermano. Bumuntong hininga muna ako bago magsalita.

“Sige,  sasama ako.” tugon ko,  muling lumawak ang pagkakangiti ni Hermano saakin.  Nguni’t biglang kumunot ang kaniyang mukha ng may brasong humigit saakin.  Napatingin naman ako sa pinaggalingan ng brasong iyon, agad na bumalot muli saakin ang hiya ng mapagtanto kong si kenjie ito.

“Handa na ang agahan,  halika na’t ika’y bumaba na sapagkat ang ina ay naghihintay na sa baba.”  seryosong aniya,  nangunot naman ang aking noo,  pinagmasdan ang mukha niyang seryosong seryoso. 

“T -Teka! Nakapayag na ako kay Hermano.” pigil ko kay Kenjie,  bigla na namang nangunot ang noo nito.

“Ano ang ibig mong sabihing nakapayag? “ kunot noong tanong nito.  Di tuloy ako makatingin ng deretso sa kaniyang mukha.  Nahihiya parin ako sa nangyari kanina,  lalo na kapag naaalala kong nahawakan ko ito.

“Pumayag na siyang saamin mag-umagahan.  Naipaalam ko na rin siya kay Tiya Rosario.”  si Hermano ang sumagot sa tanong ni Kenjie.  Nguni’t tinignan lamang siya nito ng nakakunot parin ang noo.

“Bakit sakin di mo ipinaalam? “ muling tanong nito.  Napabuntong hininga naman ako sa iniasta niya ngayon. ’Ano kayang nangyayari dito sa lalaking to ngayon? ’  tanong ko sa isip ko,  nguni’t maging ito ay di rin alam ang sagot.

“Aba malay ko bang dapat ding ipaalam saiyo iyon.”  muling sagot ni Hermano,  maging ito ay naguguluhan sa iniaasta ng pinsan. 

“Kahit na,  ako ang nagdala sa kaniya rito kaya may karapatan din akong malaman.”   muling dagdag pa ni Kenjie,  napabuntong hininga naman itong si Hermano,  bigla niya ring hinigit ang aking braso at idinikit sa kaniya.

“Oh siya,  ngayon alam mo na.  Maaari na ba kaming umalis?  Dahil baka naghihintay na roon sila Inay.”  nababagot na sabi ni Hermano.  Napabuntong hininga naman si Kenjie at hinayaan kaming bumaba. 

Hila hila ngayon ni Hermano ang braso ko.  Di naman iyon masakit at marahas,  pero kailangan kong sabayan ang paglalakad niya dahil sa bilis nito.

“Tiya!  Aalis na po muna kami ni

Nil.

“ paalam nito kay Tiya Rosario.  Tumango lamang ito at nakangiting pinagmasdan kami.   Nguni’t napatigil kaming muli ni Hermano ng bigla na namang nagsalita si Kenjie.

Sandale! “  sigaw nito at nilingon naman namin siya ni Hermano

“Na

ngako siyang tuturuan niya ako ng wikang ingles.“

  aniya at doob ay napatigil ako.  Wala akong sinabing nangako ako pero may sinabi naman akong tuturuan ko siya ng mga salitang ingles. Nawala sa isip ko.

“Sa susunod na araw kana lamang magpaturo ng wikang ingles. Akin na munang igagala itong si

Nil.“ 

tinignan ko ang mukha ni Kenjie,  malungkot na ito ngayon.  Bigla ay hinaplos ang puso ko.  Nalungkot din ako bigla nguni’t ako’y wala ng takas pa dahil sa higpit ng pagkakahawak saakin ni Hermano.

Tuluyan na kaming nakalabas ni Hermano sa bahay naiyon.  Labag sa loob ko ang sumama dahil sa itsurang iyon ni Kenjie na nakita ko kanina.  Bumalot sa puso ko ang lungkot na pakiramdam.  Nahawa ako sa lungkot na nakita ko sa mga mata ni Kenjie kanina. 

Ilang sandaling paglalakad ay narating na naman ang bahay nila Hermano.  Malaki rin ito at halatang may kaya,  nguni’t di kasing ganda at kasing laki ng bahay nila Kenjie iyon.  Hinubad ko ang suot kong tsinelas ng hubarin ni Hermano ang tsinelas nito.  Doon niya na rin ako binitawan.  Nakangiti itong tumingin saakin. 

“Paumanhin kung natagalan tayo,  paumanhin din kung hindi ko agad nasabi saiyo,  sadyang nagalak lang talaga akong ipakilala at ipakita ka kila Ina at Hermona.”  aniya at natuwa naman ako,  ang kaninang lungkot na nararamdaman ko ay napalitan ng tuwa ng makitang sinsero si Hermano.  Mamaya ko na lamang susuyuin si Kenjie matapos nito.  Kakain lang naman kami dito eh.  Dadalian ko na lang ang pagkain para mapuntahan ko kaagad si Kenjie.

“Oh Hermano narito kana pala,  kasama mo na ba ang bisitang sinasabi mo? “ sabi ng ginang na nasa harapan namin,  nakasuot ito ng magandang bistida,  wala akong masyadong nalalaman sa mga kasuotan ng mga sinauna kaya lahat ng mahahabang damit ang makita ko bestida ang tawag ko.

“Opo ina,  narito na po siya.”  galak na tugon naman ni Hermano.  Hinawakan niya ang aking kamay at saka iniharap sa kaniyang ina.  Umakyat bigla ang hiya sa aking katawan. 

“M-Magandang u-umaga po.”  nakatungong sabi ko.  Nauutal din ako,  di ako makatingin ng deretso sa kaniya.  Ramdam ko ang paglapit nito saakin. Nagulat na lamang ako ng bigla niya akong alalayan. Naiwan naman si Hermano sa likuran kaya matinding kaba talaga ang nararamdaman ko.

“Magandang umaga rin  saiyo Iho.  Talaga ngang totoo ang sinabi ng aking anak.  Napakaganda ng iyong kulay.  Tinalo pa ang kababaihan.”  nakangiting bati rin nito.  Bigla ay nag overthink ako.  ’Bakit big deal sa kanila ang ganitong kulay ng lalaki?  Hindi kaya??  Oh mayy??  B-Baka mga aswang sila.  Omay Kenjiiieee!! ’  sabi ko sa isip ko,  bigla akong nanginig sa di malamang dahilan.

“Haha..” napatitig ako sa ginang ng bigla itong tumawa.  “Huwag kang mag-alala,  hindi ako nangangain.  Hindi rin ako aswang gaya niyang iniisip mo.”  muli akong nagulat ng sabihin niya iyon.  ’Nabasa niya ang nasa isip ko? ’ bigla na namang umakyat ang hiya sa aking katawan. 

“Hindi lang talaga normal sa paningin dito ang magkaroon ng kutis na gaya ng iyo.  Lalo pa’t isa kang lalaki.  Kahanga hanga ang iyong taglay.”  dagdag pa nito at doon na ako nakahinga ng maluwag.

“P-Paumanhin ho,  hindi ko sinasadyang pag-isipan kayo ng masama.”  paghingi ko ng sorry.  Ngumiti lang ito at saka ako inalalayan sa pag-upo. 

“Talagang nagpahanda ako dahil sinabi ng anak kong si Hermano ay may yayayain siyang kaibigan.” masayang aniya,  halos mawala na rin ang kanyang mata dahil sa sobrang pagkakangiti.   Nakita ko namang umupo sa tabi ko si Hermano ngumiti naman agad ito ng malawak saakin.  Kaya naman nadala rin ako nito kaya napangiti din ako.

“Inaaayy!! “ matining na sigaw ng isang babae,  napakasakit non sa tenga.

“Manahimik ka nga Hermona!  Napaka ingay talaga ng iyong bibig. Nakakahiya sa aking bisita.”  inis namang sigaw ni Hermano sa babaeng ito.  Ito na rin Siguro ang sinasabi niyang kakambal niyang babae na di niya naman makasundo dahil sa kaartihan nito. 

“Hay nako!  Hindi kapa nasanay sa aking boses Hermano!  Halos araw-araw tayong magkasama hindi kapa ba nasanay sa aking bunganga?”  batong asar naman ni Hermona kaya mukhang nag-init ang ulo ni Hermano.   Magsasalita pa sana siya ng hawakan ko na ang kaniyang kamay.

“Patuloy lamang kayong mag-iingay kung papatulan mo pa.”  payo ko at napabuntong hininga naman itong si Hermano. 

‘Mayroon din pala talagang magkambal ang hindi magkasundo.  Pero kahit ganon alam mong mahal nila ang isa’t-isa.’  nakangiting sabi ko sa isip ko.  Natutuwa ako sa dalawa. 

“Ano kayang pakiramdam ang may kabangayan ka? ’  tanong ko sa isip ko.  Naiinggit sa dalawang ito.  Kaya siguro ganito na lamang ang inggit ko sa kanilang dalawa dahil wala akong kapatid ni isa.

“Oh siya,  maupo kana riyan Hermona,  tama nga ang iyong kuya,  mahiya ka sa bisita.”  suway naman ng ina at napatingin ako kay Hermano na ngayon ay binelatan ang bunsong kapatid na ngayon ay naka irap na. 

“Hindi ko alam na may bisita pala tayon ngayon.”  aniya habang abala sa ginagawa.  Mukhang hindi niya parin ako nakikita.  Bigla ay nahiya na naman ako. 

“Itikom mo nga iyang bibig mo Hermona,  nasa harap tayo ng hapagkainan ganyan ang lumalabas saiyong bibig.”  suway naman ni Hermano sa kapatid.  Inirapan lamang siya nito at saka tumitig saakin.  Agad na naman akong nakaramdam ng hiya ng makita ko ang reaksyon nito. 

“Ito ba ang iyong bisita?  Hermano?”  di makapaniwalang tanong ni Hermona sa kapatid,  di naman siya sinagot nito dahil kumuha na ito ng kanin at nilagyan ang platong nasa harapan ko ngayon.  Nagulat na lamang kami ng bigla siyang tumayo at agawin ang mangkok na naglalaman ng kanin. Inis naman siyang sinita ng lalaking kapatid nguni’t inirapan lamang siya nito. 

“Kuya maaari bang tumabi riyan? Sapagkat dito ko gustong maupo.”  ang kaninang malakas na boses nito ay naging mahinhin.  Taka ko naman itong tinignan.  Pipikit pikit pa itong sumulyap saakin.  Doon ko lamang siya napagmasdan. 

Kahit mukha siyang tanga sa ginagawa niyang pagpapacute sa harapan ko.  Di ko maitatangging gaya ng kapatid at ina ay maganda rin ito.  Kung tunay lang akong lalaki ay baka magustuhan ko ito dahil sa angking kagandahan nito,  nguni’t nakakababa lamang sa kaniya ay ang maingay niyang boses.  Kahit naiinis ay wala ng nagawa pa si Hermano kaya naman umalis na lang siya sa tabi ko at doon umupo sa harapan ko.  Iiling-iling naman ang kanilang ina sa kakulitang pinapakita ng dalawa.

“Kumain ka ng marami hah.”  malambing na sabi ni Hermona,  ang kaninang magaslaw niyang kilos ay naging mahinhin.  Maging ang pag-abot niya ng kanin at ulam ay mabagal,  kaya naman yamot na yamot na ang mukha ng isa niyang kapatid. 

Matapos naming magdasal na pinangungunahan ni Tiya Rosalia, ay nag-umpisa na kaming kumain.  Di na ako magtataka kung magiging maingay kami ngayon dahil sa dalawang magkapatid. 

“Alam mo ba Ina,  marunong siyang magsalita ng wikang ingles.” pamimida saakin ni Hermano.  Tuloy ay nahihiya na naman.  Nangingibabaw naman ang pagkahanga ni Hermona sa sinabing iyon ng kapatid. 

“Hindi na iyon kata taka.”  makahulugang kumento ni Tiya Rosalia. Nakangiti naman ito bagaman mahihimigan na may malalim pa itong kahulugan. 

Natapos ang agahan ng masaya,  tawang tawa ako sa bangayan ng dalawang kambal.  Maging ang Kanilang ina ay masaya rin. 

“Marami pong salamat sa agahan Tiya Rosalia! “  nakangiting pasasalamat ko,  sinuklian naman ako nito ng malawak na ngiti.

“Walang anuman,  ipangako mong babalik ka rito. At isama niyo na sa susunod ang iba niyo pang kaibigan.”  tugon naman nito,  napangiti lalo ako.  Napatingin naman ako kay Hermona na napakalawak ng pagkakangiti.

“Pangako po,  babalik ako rito.  Napakasarap ng mga luto niyo.”

“Mabuti’t nagustuhan mo lahat ng inihanda ko. Siya,  gusto ka pa atang ilibot ng aking anak.  Mag-iingat kayo!” 

“Salamat po.  Hanggang sa uulitin!  Mauna na po kami.  Salamat po ulet! “  nakatungong pasasalamat ko.  Natutuwa talaga ako dahil napakabait din ni Tiya Rosalia.  Magkapatid nga sila ni Tiya Rosario. 

“Bumalik ka rito kapag maypagkakataon ka ah!  nais ko pang malaman kung ano ang iyong ginagawa upang makamit ang ganiyang kulay.”  habol naman ni Hermona,  natawa naman ako rito. Tinanguhan ko na lamang siya at saka sumunod kay Hermano. 

“Saan ba tayo pupunta? “  tanong ko kay Hermano na ngayon ay malawak ang pagkakangiti.  ’Hindi ata ito napapagod sa pagkakangiti anoh? ’

“Sa batis,  tiyak na magugustuhan mo doon.  Maganda ang tanawin at napakalinis ng tubig.”  tugon naman nito.  Mahahalata mo na totoo ang kaniyang sinasabi dahil sa bawat reaksyong pinapakita niya.  Muling hinawakan ni Hermano ang aking kamay at nagpatianod na lamang ako sa kaniya.

KABANATA 8.

“Wowwwww!!!!” hindi makapaniwalang bulalas ko. Sobrang ganda! Tinalo ang Boracay maging ang Palawan sa sobrang ganda nito. Napakalinaw ng tubig, at naglalakihang bato at ang mas nagpaganda pa dito ay ang talon. Sobrang ganda, siguro kung maydala lang akong camera ay kanina ko pa ito kinukuhaan ng litrato.

Hindi ako makapaniwalang mayroon ganitong kagandang lugar dito. Nakakamangha.

“Sabi ko saiyo eh, magugustuhan mo ang tanawin dito.” pagmamalaki ni Hermano nguni’t hindi parin napapawi ang atensyon ko sa aking nakikita.

“Napakaganda! Sobrang ganda ng mga view dito.” di parin makapaniwalang sabi ko.

biyu?

“ takang tanong naman ni Hermano nguni’t di parin napapawi ang atensyon ko sa batis na ito. Tango lamang ang aking naisagot sa kaniya.

Bigla akong nagulat ng mula sa itaas ng talon ay mayroong lalaking tumalon. Ang angas non sa paningin ko. Kahit sa ilalim ng tubig ay makikita mo siya dahil sa sobrang linaw ng tubig. Sinamahan pa ng sikat ng araw kaya lalong lumiwanag ang ilalim. Muli na naman akong namangha, sinundan ng aking mata ang lalaking tumalon mula sa itaas ng talon. Maging ang pag-ahon nito ay aking pinagmasdan. Nguni’t ganon na lamang ang aking pagkagulat ng makita ang itsura nito.

Di ko pa man nakikita ang mukha nito dahil sa natatakpan ito ng kaniyang kamay at ng kaniyang buhok, nguni’t mahahalata mo dito na isa itong napakagandang lalaki.

Mula sa ulo bumaba ang aking tingin. Agad akong naglaway ng makita ang kagandahan ng katawan nito. Mula sa kanyang Adam’s apple pababa ay napaka sexy’ng tignan. Ang malapad din nitong dibdib, ang pausbong na mga abs. Bigla tuloy akong nagutom kailangan ko ng ULAM!!

Lalo pa akong napatulala ng masilayan ko na ang mukha nito. Napaka gwapo nito. Mukha na siyang anghel sa sobrang gwapo. Bigla ko tuloy naisip ang pagtalon niya sa itaas ng talon ay siyang pagkahulog niya sa kalangitan, bumagsak sa batis na ito upang iligtas ako sakaling ako ay malunod.

Mahaba ang kaniyang buhok na lalong ikinadagdag sa kaniyang kagwapuhan. Ang mala anghel niyang mukha ay siyang lalong nagpabagay sa kaniyang buhok.

Siya’y hulog ng langit, mukha siyang anak ni Adan sa sobrang tikas ng katawan at magandang mukha.

’Dis is it pansit! I need ulamm!! ’ tili ko sa isip ko. Parang gusto ko atang tumalon na lang bigla sa batis at magkunwaring nalulunod upang ako’y kaniyang sagipin, at magkukunwaring nawalan ng hangin upang bigyan niya ako ng hangin na nagmumula sa kaniyang bibig.

’Waaaaaahhhjj I Like thatttt!!! Muling tili ko sa aking isipan.

Napatigil ako sa pag-imagine ng marinig ko ang matinis na sigaw ni Hermano.

“Kaibigan!! Halika rito!! “ kumakaway siya habang sumisigaw. Naroon na siya sa itaas ng talon. Napakabilis niya.

Muli akong napatitig sa anghel na nasa harapan ko. Nakaahon na siya sa batis, matangkad din ito. Magkasing tangkad sila ni Kenjie. Kung titignan mo ang kabuohan nito, isa lang ang masasabi mo. ’MASARAP!! ’

Mula ulo hanggang dibdib ulam na. Ibaba mo pa ang tingin mo sa kaniyang tiyan, mauuhaw kana. At ang pinakamasarap tignan sa lahat. Ang V line nito.

‘Sheeettt!!! Kukunin naba ako ng langit? Eto na ba ang sundo ko? Lord! Sasama na ako!!!’ napapikit pa ako sa kilig ng isigaw ko iyan sa saking isip.

Nguni’t ang kilig na naramdaman ko ay napalitan ng hiya ng biglang magsalubong ang kilay nito. Ang pares ng kaniyang mata ay nakatitig saakin. Pinag-mamasdan ang aking kabuohan. Tulo’y ay hindi ako makatingin ng maayos sa kaniya. Sobrang hiya ang nararamdaman ko. Bigla ay na conscious ako dahil sa tagal ng pagkakatitig nito.

“Bakit tila hindi kana makatingin saakin ngayon ginoo? “ malalim ang boses nito, maging ang boses ay napakagwapo. Nagkunwari akong lumilinga linga kunyare ay may hinahanap, saka lamang ako tumitig sa kaniya ng mapagtanto kong kaming dalawa lamang ang narito.

“A-Ako ba ang kinakausap mo? “ utal na tanong ko. Obvious naman na ako talaga ang kausap.

“Mayroon pa bang ginoo bukod sa ating dalawang narito? “

“Aba ewan ko sayo, mala’y ko bang may imaginary friend ka.” pamimilosopo ko ngunit nginisihan niya lamang ako.

“Hindi naman ako baliw para magkaroon ng Imaginary friend na iyong tinutukoy.” natulala ako sa sinabi nito. Totoo, ang fluent niya sa English. Grabi, lalo tuloy akong humanga.

“Alam mo ang imaginary friend? “ gulat na tanong ko. Namamangha, ngumisi naman ito saakin kung kaya ay nasilayan ko rin ang mala commercial nitong mga ngipin.

‘Grabi talaga! Kung mayroon lang brand ng toothpaste dito malamang mabenta na iyon dahil sa mga naggagwapuhan at nagpuputian nilang mga ngipin dito.’

“Oo naman, hindi naman ako ganoon kabobo pagdating sa wikang ingles.” napamaang ako sa kaniyang tinuran. As in, na shock talaga ako.

“Ok.”

‘Seriously Neil? Ok lang ang masasabi mo? Wala ka, weak! Walang rebat.’ sabi ko sa isip ko, maging ako talaga ay hindi na alam ang sasabihin, masyado akong namamangha sa lalaking ito. Bukod sa yummy na, mukha pang matalino.

Tatalikuran ko na sana siya upang puntahan ang kinaroroonan ni Hermano nguni’t napatigil na ako ng bigla nitong higitin ang braso ko.

‘Uso ba sa panahon na to ang higitan ng braso? Hello! Di ganon ka muscle ang mga braso ko para hilahilan ng mga ito jusko. Baka mga ilang hila pa eh bali na yang buto ko sa braso.’ muling reklamo ko sa isip ko. Nakasimangot ko naman itong tinignan.

“Ano ginoo, may kailangan kapa ba? “ kunot noong tanong ko dito. Pero deep inside eh kinikilig, ’May pa touch ang lolo mo! ’

Imbis na sumagot ay binitawan niya lamang ako at bigla akong nilayasan.

‘Ayy kaloka ang lolo mo ano? Yummy sana kaso mukhang mahangin.’ panglalait ko sa kaniya, syempre sa isip ko na naman iyon sinabi, baka pag sinabi ko iyon ay bigla itong bumalik at biglang suntukin ang mukha ko.

Hinanap ko naman ang kinaroroonan ni Hermano, nababagot na itong nakatitig saakin. Ang kaninang malawak na ngiti ay ngayon nakasimangot na.

“Bakit napakatagal mo namang pumunta rito?” nakangusong tanong nito matapos kong marating ang kaniyangbkinaroroonan.

Napangiti naman ako sa kakyutan nito. Siguro kung kaedaran ko lang itong si Hermano ay baka naging isa na to sa pwedeng jowain dito. Ang kaso masyado pa siyang bata para saakin. Ako ay bente anyos na samantalang siya ay disi-sais anyos pa lamang. Masyado pang bata. Kaya kapatid ko na ang turing dito, wala rin kasi akong kapatid dahil solong anak lang naman ako.

“Kinausap pa kasi ako nung lalaking iyon kaya di agad ako nakapunta dito.” paliwanag ko nguni’t hindi parin siya kumbinsido sa paliwanag ko.

“Ano naman ang pinag-usapan niyo’t napatagal ang pagpunta mo? “ pang-uusisa niya, natawa naman ako dahil sa matulis nitong nguso. Kaya naman imbis na sagutin ay pinisil ko na lamang ang ilong nito.

“Dami mong tanong, tara maligo na tayo! “ nakangiting sabi ko, tumayo naman siya mula sa pagkakaupo at saka nakasimangot na pinangunahan ako.

“Wag ka ngang sumimangot riyan, hindi bagay saiyo haha.” biro ko sa kaniya at natawa lang siya.

“Akin lamang sinusubukan haha.” tugon nito at ayon na ang Hermanong makulit.

“Kaya mo bang tumalon dito sa taas ng talon? “ bigla ay tanong nito, wala naman akong fears of height kaya naman nakakapunta ako ng matataas na lugar kasama ang mga kaibigan ko, minsan naman kaming dalawa ni Khalil.

“Oo naman syempre, walang hindi kayang gawin ang isang Neil.” biro ko sa kaniya at saka sabay kaming tumawa.

“Ano sabay ba tayong tatalon o mauuna ako? “ tanong ko, napaisip naman ito.

“Mauna ako, at susunod ka naman saakin. Ayos na? “ masiglang tugon nito. Kaya napangiti na naman ako.

Kol!

“ nakangiting sabi ko, nangunot naman ang kaniyang noo.

Kol?

“ tanong naman nito dapat pala masanay na akong magsalita pa ng malalim upang di na ako magpaliwanag ng nagpaliwanag pa.

Kol!

Ibig sabihin non, ASTIG! “

“Astig? “

“Oo, kol, astig.”

“Kol!!! Astig!!! “ bigla akong natawa ng isigaw niya iyon. “Ingles ba ang salitang iyan? “ muling tanong nito at napangiti naman ako.

“Hindi, salitang kayle ang mga iyan.” tugon ko at tatango tango naman ito.

“Oh siya, bibilang ako ng tatlo, pagkatapos kong tumalon ay tatalon ka na. Maliwanag ba? “

“Oo naman yes! “ tugon ko

“Kol!! “ sigaw nya at sabay kaming tumawa.

“Isa.. “

“Dalawa… “

“Tatlo!!…” pagkabilang niyang tatlo ay tumalon siya mula sa kinaroroonan niya habang hawak ang magkabilang tuhod. Natawa pa ako sa naging itsura nito.

Plokkk

Wag kang ano, tunog ng tubig yan.

Saktong pagkaahon ni Hermano ay siya namang pagtalon ko. Natawa pa ako sa naging reaksyon nito, namangha sa ginawa ko. Hindi ko pa ata nababanggit na kasali ako sa cheerdance sa school namin. Kaya di na rin kataka taka na maging ganon ang itsura ni Hermano dahil sa nasaksihan niyang pag freestyle ko sa ere at patayong bumagsak sa tubig.

“Napakagaling!!! Nakakamanghaaa!!” di makapaniwalang aniya. Natatawa talaga ako sa reaksyon niya.

“Saan mo natutunan iyon?” bigla ay tanong niya.

“Basta ko na lamang natutunan.” pagsisinungaling ko, kung sasabihin kong sa school ko iyon natutunan ay baka mag-usisa muli siya at magpaliwanag na naman ako ng magpaliwanag.

“Talagang napakahusay mo! Hindi lamang sa wikang ingles maging sa paglipad at pag-ikot sa ere ay napaka galing mo! “ bilib na bilib niyang sabi. Tunay na hindi makapaniwala sa nasaksihan.

“Maaari mo bang ituro saakin iyon? “ tanong niya at umiling naman ako. Bigla ay nalungkot ang kaniyang mukha

“Ang bagay na iyon ay hindi mo basta basta matututunan sa isang turo lang, at ang bagay na iyon ay napaka delikado, hindi naaayon iyon para saiyo.” nanghihinayang man ay tumango tango na lamang siya.

“Maaari mo bang ulitin muli? “

“Oo naman. Teka hintayin mo ako riyan at panoorin mo ang aking gagawin.” lumangoy ako papunta sa paanan ng tulay at saka muling umakyat sa mga bato batong naroon. Nang matunton ko na ang itaas ng talon ay tumalikod ako sa gawi ni Hermano at humarap sa punongbnasa harapan ko. Nguni’t bago man ako makatalon ay napansin ko ang dalawang pares ng mata ang nakatitig saakin mula sa di kalayuan. Pinakatitigan ko pa ito at ng mamukhaan ko ito ay hindi na ako nagulat pa na makita ang lalaking mahangin na iyon. Titig na titig siya saakin. Nakakunot ang kaniyang noo, tila inaalam kung ano ang aking ginagawa.

“Ginoong

Nil!

Matagal paba iyan? “ muli akong napangiti ng marinig ang makulit na boses ni Hermano. Ipinikit ko ang aking mga mata at saka tumalon patalikod at biglang umikot sa ere. Dalawang ikot ang aking ginawa bago hinanda ang sarili sa pagbagsak sa tubig.

“Talagang napakagaling mo!! Ako’y hanga na talaga saiyo! “ bilib na bilib nitong sigaw. Natawa pa ako ng bigla niya akong yakapin sa sobrang saya na nararamdaman niya.

“Gaya ng sinabi ko kanina, walang hindi kayang gawin ang isang Neil!” pagmamayabang ko at sabay kaming tumawa dahil sa kalokohang ginawa ko.

KABANATA 9.

Hapon na ng makauwi ako sa bahay nila Kenjie.  Mabuti na lamang ay magkasing laki kami ni Hermano kaya naman ay nagkasya ang ilan sa mga damit niya.  Ang hindi niya na rin ginagamit ay ibinigay niya na rin saakin.  Natawa pa ako sa sinabi nito.  Para daw hindi na niya ako makitang hawak hawal ang suot na pang ibaba habang naglalakad. 

“Oh siya,  mauuna na ako!  Magpahinga kana alam kong pagod ka rin.”  nakangiting sabi ko kay Hermano,  nakangiti naman itong tumango. 

“Yes Sir! “  natawa pa ako ng bigla ay banggitin niya iyan.  Kinulit niya kasi ako kung ano ang ibig sabihin non,  dahil narinig niya akong sinabi ko iyon sa kaniya.  Kaya naman ay tuwang tuwa siyang may nalaman na salitang ingles. Napakababaw ng kaligayahan.

Maghapon kaming naggala ni Hermano,  kung saan saan niya ako dinadala,  kaya naman sobrang nangalay ang aking mga binti.  Muli kaming nagpaalam sa isa’t isa bago ako tuluyang pumasok sa bahay.  Agad ko namang nakita si Tiya Rosario sa sala kaya naman agad akong lumamit at nagmano. 

“Kamusta ho kayo rito Tiya? “  tanong ko at tumabi naman sa kaniya.  Malaki ang espasyo ng sofa na ito kaya naman kahit lima katao ang umupo ay magkakasya. 

“Maayos naman ang lagay ko,  maayos din ang takbo ng kainan, sadyang nakakapagod lang dahil sa dami ng taong kumakain. Kaya heto ako ngayon,  nagpapahinga.”  mahihimigan ang pagod sa kaniyang boses.  Kaya naman ay tumayo ako at minasahe ang likuran ni Tiya Rosario. 

“Dapat po hindi niyo masyadong pinapagod ang inyong sarili sa pagtatrabaho.”  sabi ko habang patuloy na minamasahe ang likod ni Tiya Rosario.

“Napakahusay mo rin palang manghihilot.  Napakasarap,  ang gaan ng iyong kamay. Hindi mabigat gaya ng iba.”  papuri nito,  napangiti na lamang ako.  Matapos kong masahiin ang likod ni Tiya Rosario ay Pinadapa ko naman siya at ang balakang niya naman ang aking hinilot,  maging ang magkabilang binti, hita at braso niya ay aking hinilot.  Kaya namam pasasalamat ang laging sinasabi ni Tiya Rosario saakin. 

Nagkwentuhan pa kami at halos lahat ng nangyari ngayong maghapon ay naikwento ko. Maliban na lamang doon sa pag-uusap ng lalaki doon sa batis.  Nakakahiya naman kung pati yon ay ikukwento ko pa.

“Ikaw ba’y nakakakain na? “

“Tapos na po,  doon na rin po ako kumain kay Tiya Rosalia. Katulad niyo rin po,  mabait din po ang tiya.  Napakabait niya rin saakin.”  pagkukwento ko.  “Napaka swerte ko nga po dahil kahit hindi niyo ako kilala ay kinupkop nyo ako ng walang pag-aalinlangan.”  totoong napaka swerte ko dahil sa mabuting tao ako napadpad sa taong ito.  At talagang nagpapasalamat ako sa diyos, dahil maging dito ay hindi niya ako pinapabayaan. 

“Wala iyon,  oh siya,  magpahinga kana.  Alam kong pagod ka sa pamamasyal.  Maraming sa lamat sa iyong masahe.  Talagang guminhawa ang aking paghinga.”  nakangiting sabi ng Tiya, napangiti naman ako.

“Kulang pa po iyan sa tulong na ibinigay niyo saakin.  Sige po,  magpapahinga na po ako.  Magpahinga na rin po kayo para makabawi agad kayo ng lakas.” nakangiting paalam ko at ngiti lamang ang isinagot nito.  Hinintay ko pang makapasok muna so Tiya sa kanyang silid bago ako umakyat papunta sa kwarto ko.  Nguni’t bago pa man ako makapasok ay napatitig ako bigla sa pintuan ng kwarto ni Kenjie.  Nakasarado ito,  patay narin ang kanyang gasera.  Pumunta ako sa harap ng pintuan niya at idinikit ang aking tenga. Nagbabakasakaling gising pa siya.

“Kenjie!”  mahinang katok ko nguni’t walang tugon.  “Kenjie!  Nakauwi na ako.  Tulog kana ba?”  muling katok ko,  nguni’t wala parin akong natatanggap na tugon mula kay Kenjie.  Napabuntong hininga ako at pinakatitigan ang pintuan ni Kenjie. 

Bigla akong nalungkot ng maalala ang mukha nito kanina bago kami huling nagkita. Muli akong bumuntong hininga at saka muling nagsalita.

“Good night Kenjie!  Have a sweet dreams sleep well.  Usap tayo bukas ah? “

‘Namiss kita ng sobra.’  mahinang bulong ko.  Totoong namiss ko siya.  Bigla ko rin siyang nakalimutannng makita ko ang lalaki kanina sa batis. 

Malungkot akong nagtungo sa kwarto ko. Muli na naman akong napatingin sa kalangitan.  Napaka ganda nito,  mas madami ng maliliwanag na bituin kumpara kagabi. Dali dali kong kinuha ang kumot at unan ko. Gaya ng pusisyon ko kagabi ay ganon muli ang aking pusisyon. 

Muli kong pinakatitigan ang nga bituin,  nguni’t bigla ay naagaw ng atensyon ko ang nangyari kagabi.  Hindi ko parin maiwasang hindi kiligin ng muling maalala ang pusisyon naming dalawa.  Maging ang kiliti ay hindi nawala sa aking isipan.  Maging ang amoy ng hininga niya ay hindi rin mawala sa isip ko.  Alam na alam ko parin kung gaano kabango ang kanyang hininga.   Tuloy ay nakangiti akong pumikit.  Nguni’t agad ding napadilat ng biglang mangibabaw ang mukha ng lalaking nakita ko kanina sa batis.  Buong buo parin ang larawan nito sa aking isipan.   Kaya naman muli akong pumikit ng nakangiti at hinayaang ang sarili na lamunin ng antok.

Kinabukasan…

Agad akong napabalikwas ng tayo ng maramdaman ang init ng araw sa aking binti. Agad akong napatingin sa bintana.  Sikat na si Haring Araw.  At doon ko lang napansin na hindi man lang ako ginising ni Kenjie. Nag-unat unat pa muna ako ng katawa bago pumunta ng banyo at naligo.  Gamit ang damit na binigay saakin ni Hermano ay ito ang sinuot ko.  Agad naman akong napatingin sa salamin, hindi bagay saakin ang pantalon na ito.  Kaya naman muli akong naghanap ng gunting,  mabuti ay may nakita ako noong nakaraan nung araw na naglinis ako rito. 

Agad kong hinanap ang gunting na iyon at natuwa ako ng makita ko ito.  Pinutol ko ang pantalon ng hanggang tuhod at tinupi ito.  Muli akong tumingin sa salamin.  Medyo maayos na ang suot ko kumpara sa una kong suot. 

Huminga muna ako ng malalim bago pihitin ang doorknob.  Sinilip ko muna ang pintuan ni Kenjie,  nagbabakasali na baka gising na siya.  Kaya naman bago bumaba ay pinuntahan ko muna ang kwarto ni Kenjie upang alamin kung siya ba ay gising na.  Nguni’t nadismaya ako sa aking nakita.  Wala akong nakitang Kenjie sa sarili nitong silid. 

Inilibot ko na lang ang aking paningin,  ngayon lamang ako nakapasok sa kaniyang silid.  Muntikan pa akong natawa ng mapagtantong mas maayos pa ang kwarto niya kesa sa kwarto ko sa kasalukuyan. 

Matapos kong magmasid ay bumaba na ako.  Naabutan ko naman si Tiya na kumakain.  Agad din ako nitong binati,  kinamusta niya rin kung nakatulog ba ako ng maayos kagabi. 

“Nakatulog naman po ako ng maayos. Kayo po ba?  Hindi na po ba sumasakit ang katawan niyo? “  tanong ko habang hinihintay na matapos si Tiya Rosario sa paglagay ng pagkain sa plato ko. 

“Sa awa ng diyos nawala dahil doon sa masaheng iyong ginawa.”  napangiti naman ako sa sinabing iyon ng Tiya.  Kaya naman dali dali akong tumayo at saka humakap sa kaniya.  Gumanti rin siya ng yakao saakin.  Bigla ko tuloy namiss ang lola.

“Tama na iyan,  kumain kana.”  tumayo na ako at saka muling umupo sa upuan ko.  Napansin ko naman na kulang kami kaya naman hinanap ko ng akingvmata si Kenjie. Nang hindi siya makita ng dalawa kong mata ay di na ako nakatiis pa na magtanong kay Tiya.

“Wala po ata si Kenjie ngayon?  Tinignan ko rin siya sa kaniyang silid wala siya ron.  Hindi ko rin siya napapansin ngayon.” nagtatakang tanong ko,  ngayon lang kasi hindi ko nakasabay kumain si Kenjie.

“Nauna na roon sa Kainan,  sinabihan ko na ngang sabay na kaming pumunta roon ay tumanggi ito.  Nagpumilit na siya na lamang ang magbubukas.”  paliwanag naman ng Tiya. Napabuntong hininga naman ako.  Iniisip ko tuloy kung nakakain na ba siya.  Bigla ko tuloy naisip ang napag-usapan ng mag ina nung nakaraan. 

Flashback…

“Mukhang magkukulang na naman tayo sa tauhan ina.  Umalis na si Kuya Betong.” 

“Madali lamang maghanap ng magiging katulong natin sa kainan.  Lalo pa’t marami rin ang naghahanap ng trabaho.”

“Eh bakit wala pa pong pumupunta sa atin kung maraming naghahanap ng trabaho? “

“Isa rin iyan sa aking isipin sa ngayon.  Kaya hangga’t kaya pa naman natin,  hindi tayo mahihirapan.” 

hindi na nadugtungan ang usapan ng mag-ina kaya naman ay bumalik na ako sa banyo para maligo.

End of flashback…

Nakahanap na po ba kayo ng bagong pamalit kay Kuya Betong? Hindi ko po sinasadyang marinig iyon. “  tanong ko at umiling naman ang ginang..

“Wala pa ngang pumupunta upang maghanap ng trabaho.  Kaya napagod din ako kahapon dahil sa dami tao.

“Pwede naman po akong tumulong aa kainan. Para naman po makatulong at makabawi ako sa tulong na binibigay niyo.” bukal sa loob ko ang sinabing iyon.  Totoo gusto kong tumulong kahit man lang doon sa kainan. 

“Nako hindi na,  kaya naman namin ni Kenjie. At isa pa,  hindi kami humihingi ng kapalit sa tulong na ibinibigay namin saiyo.” tanggi ng Tiya,  napabuntong hininga naman ako at saka ngumuti sa kaniya.

“Ayos lang po saakin iyon.  Kahit ako muna ang pumalit kay kuya Betong,  at kapag may naghanap na ng trabaho sa kainan ay aalis din agad ako para naman makatulong din sa ibang walang trabaho kahit man lang doon. “ pagpupumilit ko,  wala ring nagawa ang Tiya kundi ang bumuntong hiningi.  Nakangiting tumingin ito saakin, at sinuklian ko rin ito ng ngiti.

“Lahat ng iyong sinusuhestiyon ay hindi na namin mapigilan pa,  napakabait mong bata iho. Siya tara na baka marami ng tao sa kainan,  si Kenjie palang ang tao roon.” ani ng tiya kaya naman,  tumayo na ako at niligpit ang pinagkainan namin.  Ako na rin ang naghugas ng pinggan, prisinta ko.

Ilang minutong paglalakad ay narating na namin ang kainan.  Mabuti na lamang ay dumating na kami,  dahil sa dami ng tao.  Si Kenjie naman ay hindi na magkandaugaga sa kaniyang ginagawa.  Tuloy ay naaawa ako bigla. 

Sabay kaming nagtungo ng tiya sa kinaroroonan ni Kenjie,  natinag naman ang atensyon nito at tinignan kami.  Agad na ngunot ang kaniyang noo ng makita ako sa harapan niya.

“Magandang umaga! “ masigla,  nakangiting bati ko sa kaniya,  nguni’t nilampasan niya lang ako at pumunta agad doon sa bagong dating na costumer. May parte sa puso ko ang kumirot dahil sa ginawa niyang iyon. 

Kahit napahiya ay lumapit na lang ako kay tiya ng iabot niya ang apron na gagamitin ko sa trabaho.  Sinuot ko ito at agad na kinuha ang mga platong naiwan ng mga costumer sa kanilang lamesa. 

“Nakoo!  Isa ho akong tunay na lalaki,  napapagkamalang babae dahil daw

kuno 

sa aking balat.“ 

“Siyang tunay kaibigan,  talagang ikaw ay kakaiba sa lahat ng kalalakihang narito.  Ayon sa iyong katayuan ay mukhang nanggaling ka sa mahaharlikang pamilya.”  dagdag pa ni manong ngitian ko lang ito at agad akong napatingin sa gawi ni Kenjie,  nakatingin ito saakin habang nakakunot ang noo.   Nginitian ko naman siya nguni’t inis lamang itong umiling. 

‘Ano bang problema non?’   takang tanong ko sa isip ko,  hindi na muling sumagi sa isip ko si Kenjie dahil marami na rin akong costumer na inasikaso.

Tanong dito,  tanong doon.  Hatid dito,  hatid doon.  Kuha dito,  kuha doon.  Yan ang ginagawa ko,  halos wala na rin akong pahinga,  hindi naman ako napapagod dahil masaya naman ako sa ginagawa ko.  Ang nakakapag taka lang ay,  tatlo naman kaming nagsisilbi pero parang ako lang lagi ang tinatawag ng mga costumer dito.  Lalo na ng mga kalalakihan na mukhang hindi alam ang aking katayuan.  May minsan pa ngang tumatawag saaking binibini,  nguni’t hindi ko maiwasang mainis o magalit, dahil siguro gustong gusto kong tawagin akong binibini.

Natapos ang umagang madaming costumer ang dumating.  Nagsara muna kami para kumain at makapagpahinga.  Napatitig ako sa kasamahan kong nakangiting nakatitig saakin. 

Apat kaming tagapagsilbi, tatlo kaming lalaki at isang babae, si tiya naman ang siyang naroon sa loob at siya ang kahera ng kainan.  Gusto pa nga niyang tumulong pero pinigilan ko siya,  kaya wala na naman siyang magawa kundi ang sundin na lang ako lalo pa’t makakabuti iyon para sa kaniya.

Muli akong napatingin sa dalawa kong kasama,  nakangiti ang mga ito saakin.  Tinunguhan ko naman sila at sinuklian din ng ngiti. 

Natapos ang aming breaktime at muling nagbukas ang kainan. Kahit kabubukas lang ay mayroon na agad nagsisidatingan. Muli kaming naging busy dahil sa mga taong dumadating.  Kahit tanghali ay marami paring costumer,  lalo na ng sumapit ang hapon.  Lalong dumami ang costumer,  halos hindi na rin ako magkandaugaga dahil sa parating ako ng ako ang tinatawag ng mga ito.  Nakakaramdan na rin ako ng pagod pero lamang ang saya dahil kahit papaano ay may nakakausap at nakakabiruan akong costumer.    Gaya kaninang umaga,  may iilan ilan paring tumatawag saakin ng binibini.  Natatawa pa nga ako kapag lumalapit na ako,  doon sila napapanganga.

“P-Paumanhin ginoo!  Akalo ay isa kang babae kaya natawag kitang binibini.  Paumanhin! “ paghingi ng despensa nito.  Nginitian ko lang ito at saka tinunguhan.

“Nako wala ho iyon,  hindi lang naman po ikaw ang huling tumawag saakin niyan.  Iyon po ang huli.” turo ko sa lalaking nasa gawing unahan ng kainan,  nakangiti itong tumingin saakin,  ikinaway ang kaniyang kamay kaya naman kumaway din ako.

“Paumanhin talaga ginoo,  akala ko kasi ikaw ay isang babae sa malayuan.”  muling dagdag nito at natawa naman ako.

“Nakoo!  Wala ho iyon.  Aalis na po ako,  may mga bagong dating na kailangan kong asikasuhin.” nakangiting paalam ko. “Eat well sir!”  huling dagdag ko,  natawa pa ako ng tinignan ko ang reaksyon nito.  Nagugulat at namamangha sa kaniyang Narinig.

KABANATA 10.

Bigla akong nakaramdam ng ngalay sa aking mga binti,  sino ba naman kasi ang hindi mangangalay dahil paro’t-parito ang ginagawa kong serbisyo. Mabuti ay may nakita akong upuan doon sa tabi ng kahera kaya naman umupo muna ako at hinayaan ang tatlo na puntahan ang ibang costumer. Napatingin naman ako sa gawi ni Kenjie, napapansin ko na iniiwasan ako nito, nguni’t hindi ko iyon inisip dahil kaya siguro ang pakikitungo niya dahil madaming costumer.

’Eh bakit kaninang umaga? Binati mo siya bakit di ka niya binati? ’  bigla ay naisip ko iyan,  naalala ko tuloy ang nangyaring iyon kaninang umaga.

‘May dumating na costumer kaya hindi na niya nagawa pang tumugon.’ pangungumbinsi ko sa aking isipan.  Natigil lamang ako sa kakaisip ng magsalita ang tiya.

“Mabuti’t naisipan mong magpahinga iho.” napatingin ako kay tiya ng sabihin niya iyon. 

“Nangalay na po ang mga paa ko eh.  Nakakatuwang ako ang lagi ang kanilang tinatawag.  Natatawa pa nga po ako minsan dahil mayroong tumatawag saaking binibini.  Nguni’t agad ding nagugulat kapag nasaharapan na nila ako.” natatawang kwento ko maging ang tiya ay natawa din.

“Kaya ka nila napapagkamalang babae dahil sa iyong kutis.”

“Siyang tunay tiya.”  nagkwentuhan pa kami ng tiya at ng makabawi na ako ay agad din akong bumalik sa ginagawa.

Nilalapitan ang nga bagong dating,  siniserve ang mga orders,  kinukuha ang mga naiwang plato.  Halos iyan ang lagi kong ginagawa sa buong maghapon,  dumating ang gabi at nagsarado na ang kainan.  Laking tuwa ng aking mga kasama ng sumobra pa ang kita ng kainan sa puhunan nito.  Mayroong sobra kaya naman matapos ibigay ang sweldo ng trabahador ay hinati hati ng tiya ang sobrang kita kaya naman laking pasalamat ng tatlo naming kasama.  Bukod saakin ay masaya rin ang tiya maging si Kenjie sa sayang nakikita namin sa mukha ng tatlo.

Ang isa ay hindi ko napansin kaya nagulat din ako kanina ng magsara kami ay nakita ko siya,  siya pala ang nakatoka sa mga hugasin.

“Eto ang saiyo iho.”  abot saakin ng tiya sa perang hawak niya. Nagulat ako, kaya agad naman akong umiling.

“Hindi na ho, wala naman po akong ipagbibili riyan,  itabi niyo na lamang po o isama sa kita ng kainan.”  tanggi ko,  totoong wala naman akong gagawin sa perang iyon,  wala rin naman akong makitang maaaring bilhin dito. 

“Masyadong malaki ang kita ng kainan ngayon kaya heto,  tanggapin mo na.”  pagpupumilit ng tiya.

“Nako hindi na po tiya,  masaya na po akong nakatulong ako sainyo. Gaya na rin po ng pagtulong niyo saakin na hindi niyo hinihingian ng anumang kapalit.”  patuloy kong pagtanggi nguni’t hindi parin nagbabago ang disisyon ng tiya.

“Dali na,  tanggapin mo na ito.  Ako naman ang magpupumilit saiyo,  sa sunod kana lamang tumanggi.”  wala na akong nagawa pa kundi ang tanggapin ang iniabot na pera ng tiya. 

“Salamat po tiya. Paano po si Kenjie? “  pasasalamat ko. Agad namang dumako ang tingin ko kay Kenjie na ngayon ay busy sa pagliligpit ng mga gamit.

“Ayos lamang iyon sa kaniya.”   tugon naman ng tiya. Nginitian ko naman siya at ibinaling ang tingin sa tatlo kong kasamang naghahanda na sa pag-uwi.

  Umuwi na rin ang tatlo,  nalungkot pa ako dahil hindi ko man lang natanong ang mga pangalan nila,  di bale mayroon pa namang bukas. Nang matapos kaming magsara ay umuwi na rin kami,  hindi na rin nakapag handa ang tiya ng pagkain dahil busog na rin naman kami.  Kumain muna kami bago umalis ng kainan. 

Nagpaalam na ako sa tiya na magpapahinga na, kaya naman nagtungo na ako sa kwarto ko.  Tulad ng pwesto ko kagabi ay doon parin ako natulog sa ilalim ng bintana.  Nag-iisip isip, inialala kung mayroon ba akong nagawang mali para hindi pansinin ni Kenjie. Totoong nalulungkot ako.  Kumikirot ang dibdib ko,  ang luha ay biglang sinakop ang aking mga mata.  Ngayon ko lang din naramdaman ang maghapong pagtatrabaho. Muli kong ipinikit ang aking mga mata,  hanggang sa makatulugan ko na ang pag-iisip. 

Nagising ako ng maaga,  nguni’t agad na nangunot ang noo ko ng makita ang sarili sa sofa.  Doon ako natulog sa ilalim ng bintana kaya nagtataka ako kung bakit narito na ako ngayon sofa.  katulad kahapon ay nauna na si Kenjie sa Kainan,  kaya kaming dalawa na lang ni Tiya Rosario ang kumakain. 

Natapos kaming kumain at maglinis ng pinagkainan pero wala parin akong gana. Tila hindi kumpleto ang araw ko.  Namimiss ko na si Kenjie kahit na nasa iisang bahay lamang kami ay hindi ko siya makausap ni makita man lang. 

Dumaan ang buong araw na maraming costumer ang nagdadatingan. Mas marami kumpara kahapon.  Kahit ganito ang nararamdaman ko,  isinantabi ko muna ito at nag focus sa ginagawa.  Nakangiti parin akong nagseserve sa kanila.  May mga ilang costumer kahapon na bumalik at nagbiro na gusto nila akong makita.  Minsan naman ay nakikita kong nakatitig saakin si Kenjie,  nakakunot ang noo,  seryosong seryoso ang mukha. 

Natapos ang maghapong iyon at talagang napagod ako kaya naman mula sa pagbibilang at partehan ng kita ay tahimik ako.  Mas lamang ang kita ngayon kesa kahapon.  Natatawa tuloy ako sa sinabi ni Merlinda,  isa raw akong swerte sa kainan.  Dahil noong dati ay di ganoon kadami ang kanilang costumer at di rin ganon kalaki ang kanilang kita.   Di na rij ako tumanggi pa sa inalok na pera ni Tiya Rosario, napapagod na rin akong magsalita.

Pagkauwi sa bahay ay kaniya kaniya na kaming nagsialisan.  Nagpahinga muna ako bago pumunta ng kusina upang uminom ng tubig.  Hindi ko alam kung bakit ganito ang pakiramdam ko.  Parang may kulang sa aking pagkatao. Matapos kong uminom ay agad na akong umakyat.

Pero bago pa man ako pumasok sa kwarto ko ay napatingin muna ako sa kwarto ni Kenjie. Naalala ko na naman ang malamig na pakikitungo nito,  hindi ko alam kung may nagawa ba ako o ano dahil bigla na lamang akong nakaramdam ng panlalamig dito.

Muli kong sinilip ang kwarto ni Kenjie.  Naka bukas iyon,  kaya naman dahan dahan pa akong pumasok nguni’t wala akong nadatnang Kenjie sa silid na ito.  Kaya naman malungkot kong isinara ang kaniyang pinto.  Nguni’t para akong aatakihin sa pinto ng magsalita siya sa aking likuran.  Napakalalim ng kaniyang boses.  Namimiss ko na rin iyon,  tatlong araw ko siyang hindi nakausap kaya ganito na lang siguro ang lungkot ko ngayon.

“Ano ang ginagawa mo dito sa aking silid? “  nakakunot noong tanong niya saakin.  Napatungo naman ako ng ilapit niya ang kaniyang mukha sa aking mukha.

“A-Ano…  Ahmp…  A-Ano kasi.. “  utal utal kong sabi,  hindi malaman kung ano ang isusunod. Nawawalan ako ng sasabihin.   Bigla akong napatras ng lalo niyang ilapit ang kaniyang mukha, nang wala na akong maatrasan pa ay isinandal ko na lamang ng sarili ko sa pintuan,  agad ko ding itinabingi ang aking ulo ng kornerin niya ako gamit ang kanan niyang braso.  Nguni’t tila naagaw non ang aking pansin.  Ang hot niya sa parteng iyon.

Pinakatitigan ko ang kaniyang mukha,  seryoso ito nguni’t mababakasan sa labi nito ang pagkangisi.  Naramdaman ko na naman ang hiya sa buo kong katawan.  Tuloy ay hindi na naman ako makatingin ng deretso sa kaniya ng mapagtanto kong wala itong suot na pang itaas na damit.

“Ano? “ naghahamong tanong nito.  Naamoy ko na naman ang mabango niyang hininga.  Kiniliti ang aking puso sa di malamang dahilan. 

A-Ano… S-Sinisilip ko lang k-kung t-tulog kana. P-Pero di kita nakita kaya lumabas na lang ako.“  utal na sagot ko.  Sobrang bilis ng tibok ng puso ko.  Nahihiya ako sa kanya lalo na kapag lalapit siya saakin. Bumuntong hininga muna siya bago ko muling tinignan. Nguni’t parang gusto ko na lang ata na lamunin na lang ng lupa dito sa kinatatayuan ko. Nang  itukod niya ang kaliwang kamay sa pinto. Ngayon ay dalawang braso na niya ang kumorner sa aakin.

Lalo kong nararamdaman ang init ng kaniyang hininga.  Ang mabango niyang amoy ay nanunuot sa aking ilong.  Napakasarap niyang amuyin.

Maya maya pa’y muli niyang inilapit ang kaniyang mukha sa akin.  Tanging ilong na lang  ang pagitan  ng aming mukha. Napakalapit na ng kaniyang mukha sa akin. Parang konting kibot ko lang ay baka dumampi ang balat ko sa kaniyang balat.

“Huwag mong ugaliing pumasok sa silid ng iba…”  bitin niyang sabi,  naduduling na ako sa katitig sa kaniyang mga mata.  “Dahil baka pagpinasok mo iyan,  hindi kana makalabas pa.”  makahulugang sabi niya.  At doon ay muntikan ko ng makalimutang huminga. 

’Gosshh!!  I can’t breath! ’

Narinig ko ang paghawak niya sa door knob ng kanyang pinto kaya naman gumawa ako ng paraan para makaalis sa kaniyang pagkakakulong saakin. 

Pinadausdos ko ang aking likod pababa at ng makita ko ng libre na ang espasyo sa kaniyang braso ay lumusot na ako.  Nguni’t mas nabigla ako sa kaniyang ginawa. Muli niyang inilapit ang kaniyang mukha saakin tuloy ay muntikan ko nang mahalikan ang kaniyang labi. 

Sumilay ang nakakalokong ngiti sa kaniyang labi.  Sobrang bilis na ng tibok ng puso ko sa mga oras na ito.  Kaya dali dali kong hinawakan ang kaniyang braso at hinawi ito para ako’y makalabas mula sa pagkakakulong nito.

KABANATA 11.

Pagkapasok ko ng kwarto ay  doon na ako nakahinga ng maluwag nguni’t ang bilis ng puso ko ay hindi parin tumitigil. Napahawak ako sa aking dibdib.  Hindi parin humuhupa ang bilis nito.  Napahawak din ako sa aking mukha,  mainit ito maging ang aking tenga. 

“Gosh!!!  Papatayin ata ako sa kilig ni Kenjie!” 

Pinakalma ko ang aking sarili.  Bigla akong nakaramdam ng pagkauhaw. Dali dali akong nagtungo ng pinto,  nguni’t agad din akong natigilan ng maalalang pagbubuksan ko ang pintong ito ay kwarto agad ni Kenjie ang makikita ko.

Napabuntong hininga na lamang akong umupo sa sofa.  Ang pagod na nararamdaman ko mula kanina ay biglang nawala.  Marahil sa nangyari kanina ay napalitan ito. 

Muling nanumbalik saaking ala-ala ang nangyari kanina.  Sobrang bilis ng tibok ng puso ko, naghalo ang kilig,  takot at saya sa puso ko.  Ang kaninang panginginig ng katawan ay humupa na rin.  Kalmado na ang aking puso maging ang aking isipan. 

Hindi ko tuloy alam kung papaano siya pakikitunguhan bukas. Nahihiya parin ako sa nangyari. 

Sa kabilang banda ay napaisip ako,  normal paba itong nararamdaman ko?  ’ Mayroon na ba akong nararamdaman kay Kenjie?  ’ Hindi ko alam kung anong tawag dito,  sa pag-iisip ko ay biglang sumagi sa isip ko si Khalil. 

Kamusta na kaya siya ngayon?  Ayos lang ba siya?  Ano na kaya ang ginagawa niya ngayon?  Maging ang aking mga kaibigan ay biglang pumasok sa aking isipan.  Binalikan ko ang mga ala-alang masasaya kaming magkakasama.  Naroon ang saya,  kulit maging ang tampuhan.  Hindi na naman na iyon mawawala sa pagkakaibigan.

Napatayo ako at kinuha ang upuan, inilagay ko ito sa tapat ng bintana at saka umupo. Nakapangalumbaba akong tumitig sa maliliwanag na bituin.   Napakasarap tignan niyon,   nakakaginhawa sa pakiramdam maging sa aking isip. 

Sa hindi inaasahang pagkakataon ay bigla na namang pumasok sa isipan ko si Kenjie,  nguni’t ang ala-alang iyon ay nagmula dito sa kwartong ito.  Tuloy ay tinanggal ko ang upuan at saka muling humiga.  Nakita ko ang ala-ala ni Kenjie habang nakangiting nakatitig sa kalawakan. Maging ang pagkibot ng kaniyang labi ay hindi ko malilimutan. Ang unang pagkakataong nalanghap ko ang mabango niyang hininga,  ang perpekto niyang mukha, ang matangos niyang ilong, mapungay na mata at ang labi niyang ka’y sarap halikan. 

Nasapo ko ang aking noo, mali itong iniisip ko,  mali itong nararamdaman ko.  Mali lahat.

Nguni’t kahit ano mang gawin ko,  kahit anong sabihin kong mali, sa pakiramdam ko ay tama. 

’Nahuhulog naba ako kay Kenjie? ’  tanong ko sa isip ko habang nakatingala sa maliwanag at maaliwalas na kalangitan. Bigla ay may nakita akong shooting star.  Bigla akong natawa sa aking iniisip.  Ang bituin ang siyang sumagot sa aking katanungan.

Ipinikit ko ang aking mga mata, bigla ay mukha ni Kenjie ang aking nakikita.  Napangiti ako ng makita ko itong nakangiti.  Halos mawala na ang mata dahil sa busilak ng pagkakangiti niya.  Sumilay din ang mapuputi niyang ngipin.  Muli akong napangiti ng maalala ko ang nangyari kanina. 

May parte sa kalooban ko na naghahangad pa ng malaki,  nguni’t may parte naman saakin na tutol dito.  Marahil sa sitwasyon naming dalawa.  Wala kami sa panahon ko para ipaglaban ang nararamdaman kong ito. 

Dahil sa panahong ito,  bawal itong nararamdaman ko.  At kahit saang anggulo mo tignan,  wala kang makikitang tama. 

Hinayaan kong mag-isip nang mag-isip ang aking sarili.  Hanggang sa dalawin ako ng antok.  Biglang nangunot ang aking noo,  bakit tila ang bilis ng aking panaginip.  Tila nakalutang ang katawan ko sa ere.  Hindi ko na ito pinansin pa kaya naman tuluyan na akong nakatulog.

Kinabukasan…

Iminulat ko ang aking mga mata,  kinuskos kuskos,  humikab.  Lahat ng ginagawa ko sa umaga ay ginawa ko. Nag-unat unat ng katawan at iba pa. 

“Good morning sunshine!! “  masiglang bati ko ng makita ang haring araw.  Nanibago ako sa aking sarili,  maganda ata ang aking paggising.   Muli akong humikab at ng pagdilat ko ng aking nga mata ay halos talunin ko ang sofa ng makita ko si Kenjie sa gilid ng pinto.  Nakangisi itong nakasandal,  tila pinapanood ang aking pagkilos.

Bigla ay nakaramdam ako ng hiya.  Ramdam ko ang pag-init ng aking mukha, maging ang aking tainga ay mainit din.  Parang gusto ko ulit magpalamon sa sementong kinatatayuan ko ngayon. 

Nahihiya ako sa sarili ko, nahihiya rin ako kay Kenjie,  nakita niya ang mga ka abnoan ko.  Bigla ay gusto kong umiyak dahil sa kahihiyan.

“K-Kanina kapa r-riyan? “  utal na tanong ko sa kaniya,  nguni’t imbis na sumagot ay umayos siya ng pagkakasandal sa pintuan,  magka-cross ang binti maging ang mga braso,  nakangising nakatitig saakin.   Muli akong nakaramdam ng hiya dahil sa titig niyang iyon.  Masyadong mapang-akit. 

“Kanina pa,  halos lahat nga ng iyong ginawa ay aking nasaksihan.”  nakangising sabi nito,  may halong pang-aasar. Bigla ay nanibago ako,  tila nagbago ang Kenjie na nakilala ko.  I mean,  kasi dati panay ang ngiti niya,  ngayon naman ay lagi na siyang nakangisi at mukhang seryoso.  Siguro ito na ang totoong Kenjie. 

“A-Ano ba kasing g-ginagawa mo dito? “ utal muling tanong ko,  hindi ako makatingin ng deretso sa kaniyang mga mata.  Dahil tila may hipnotismo ito at kayang kunin ang kaluluwa mo.

“Saka mo malalaman pagkatapos mong maligo.  Dalian mo. “  pagkasabi niya non ay tumalikod na siya,  hinabol ko pa siya ng tingin hanggang sa mawala na ito. Doon na ako nakahinga ng maluwag. Nakakabaliw na ang lalaking ito, hindi ko na makuha ang ugali niya ngayon.  Pero kahit ganon ay mas gusto ko ang Kenjie na nakikita ko ngayon.

Nag-asikaso na ako ng aking sarili,  ayokong paghintayin muli si Kenjie. Nang matapos akong maligo ay agad naman akong nagtungo sa cabinet ko,  nag hanap ng maaari kong suotin.  Nakita ko naman ang pulang damit na binigay ni Hermano,  agad ko itong kinuha kasama ng pantalon.  Nang isuot ko ito ay agad akong napasimangot, kaya naman muli akong naghanap ng susuotin. Hanggang sa makita ko ang polo ni Kenjie.  Kinuha ko ito at agad ding sinukat.  Bagay ito saakin kahit hindi ko na tupiin.  Pero dahil nga sa maarte ako,  sa huli ay tinupi ko ito.  Itinuck-in ko paloob ang kalahati ng polo at iniwan ko namang nakalaylay ang isa pa.  Nguni’t napasimangot muli ako ng hindi tumugma sa pantalon.  Kaya naman muli kong hinubad ang pantalon ko at kinuha ang gunting, pinutulan ko hanggang tuhod ang pantalon,  ng masuot ko na ito ay konting tupi lang din ang ginawa ko at namangha ako sa aking nagawa.  Umikot ikot pa ako sa harapan ng salamin.   Tuwang tuwa sa naging resulta ng aking pag DIY.  Nagmukhang vintage ang aking suot.  Kung dala ko lang ang phone ko ay swak na itong pang instagram.  Muli kong inayos ang aking sarili ng marinig ko ng kumatok si Kenjie. 

“Bakit ganiyan ang iyong kasuotan?  Hindi normal? Ano ang ginawa mo?”  takang tanong nito,  lumapit siya saakin at kinuha ang pinagtapyasan ng pantalon.

“Pinutulan ko,  hindi bagay saakin eh.” tugon ko naman.  Nanguno’t naman ang noo nito.

“Ang sagwang tignan.”  aniya, bigla tuloy akong na hurt. ‘Walang appreciation sa fashion huhu.’ 

Tuloy sa sinabi niyang iyon ay bumaba ang level ng aking self confidence.  Mga 0.1% lang naman ang binaba,  pero nakaka hurt ng feelings.

Hindi ko na lang pinansin pa ang sinabi niya bagkus ay siya naman ang pinasadahan ko ng tingin.  Naka white tshirt siy at fitted din ang suot na pantalon.  Naka tuck-in paloob ang kaniyang damit habang ang belt niya ay lantad.  Ang angas niyang tignan sa suot niya,  para siyang model ng isang brand ng damit.  Ang hot niyang tignan sa suot niyang iyon.  Ngayon ko lang din siya’ng nakitang ganoon ang suot. Mukhang pinaghandaan. 

“Paano ang Kainan? “  tanong ko ng makasakay kami sa kalesa. 

“Hindi muna nagbukas si Ina, gusto niya raw muna tayong magpahinga ngayon,  malaki naman daw ang kita ng Kainan, kaya wala naman daw dapat na ikabahala para rito.”  paliwanag nito at muli na naman akong napatitig sa kaniya. Ang ganda ng pagkakaayos niya ng buhok niya,  bagay na bagay sa kaniya,  lalo siyang gumwapo dahil sa suot nito.  Tuloy ay hindi ko maiwasang hindi kiligin.  Ikaw ba naman ang makasama ng ganito ka gwapong nilalang eh sinong hindi kikiligin.  Siguro nga kung nasa panahon ko lang itong si Kenjie,  siguro artista na ito at totoong sikat,  maraming magkakagusto sa kaniya dahil sa taglay niyang kagwapuhan bonus pa ang magandang pag-uugali na siyang ikinatu-Turn on ng karamihan.

KABANATA 12.

“Diba’t sabi kong huwag mong sanayin ang iyong sarili sa pagtitig saakin.”  bigla ay nagsalita ito,  natahimik naman ako bigla at itinuon ang tingin sa labas.  Ayoko ng tignan ang mukha niya,  masyadong malakas ang pakiramdam niya kahit tignan lang siya. 

’Tsk… Kuripot! ’

“Matagal paba tayo? “  tanong ko habang sa daan nakatingin.  Mahirap na baka pagtumingin na naman ako sa kaniya maramdaman niya.

“Ikaw ba’y nagmamadali? “

“Hindi naman,  nakakabagot lang sumakay sa kalesang ito.”

“Nabagot kapa sa lagay na iyan?  Bakit hindi mo na lang titigang muli ang aking mukha,  baka maibsan iyang pagkabagot mo.”  biro nito at literal na napanganga akong tumitig sa kaniya.

‘Aba’y gumaganyan na.’

“At bakit ko naman titignan iyang mukha mo? “  galit kunyaring tanong ko.   “Di hamak na mas may maganda pang pagtuonan ang atensyon ko kesa jan sa iyong mukha.”  pang-aasar ko sa kaniya.  Agad namang sumeryoso ang kaniyang mukha.  Natawa ako dahil halos magsalubong na ang kilay nito.

“At ano naman iyon?  Mas maganda paba iyan sa aking mukha?  Upang iyong ipagmalaki? “  seryosong tanong nito kaya naman hindi ko maiwasang hindi matawa ng palihim.

’Asar talo. ’

“Para saakin na lang iyon.”  tugon ko at gusto kong matawa dahil sa inis na makikita mo sa mukha nito. 

“Hindi ko ba maaaring malaman? “

“Hinde!”

“At bakit naman hindi? “

“At bakit naman gusto mong malaman? “  balik na tanong ko,  natahimik naman ito.  Napangisi na lang ako dahil sa pagkakataong ito,  ako ang panalo.

“Hamak na mas pogi pa nga iyon kesa saiyo.”   bulong ko pero mukhang narinig naman nito.

“Di ko akalain na marunong kana palang kumilatis nang kagandahan ng isang lalaki ano?  Neil? “ sarkastikong aniya,  natulala pa ako nung una dahil tinawag niya ulit ako sa pangalan ko.

“Matagal na akong marunong non,  hindi mo lang alam.” tugon ko naman,  walang halong pang-aasar.  Nagsasabi lamang ng totoo.  Hindi na siya umimik pa kaya itinuon na lang namin ang aming atensyon sa daan.  Bigla ay nabingi ako sa katahimikan naming dalawa.  Tanging ang tunog ng kalesa lamang ang iyong maririnig.

“Saan ba kasi ang punta natin? “ muling tanong ko.  Hindi na nakatiis sa katahimikang bumabalot sa loob ng kalesang ito.

“Sa Bayan ng Serbaño.”  tugon naman nito,  habang ang atensyon ay tutok sa labas. 

“Ahh,  maganda ba doon? “  muling tanong ko.  Hindi man lang nag abalang lingunin ako.

“Oo.” tipid nitong sagot kaya naman napanguso akong tumitig sa kaniya.

“Ang sarap mong kausap ngayon.” nakangusong sabi ko.  Inirapan ko siya nguni’t mukhang hindi niya naman iyon napansin dahil tutok ang atensyon niya sa daan. “Nakakainis! “  singhal ko at saka itunuon ang tingin sa labas.  Nababagot na ako sa loob ng kalesang ito.  Ikaw ba naman ang makatabi ang isang gwapo pero naging suplado.

“Anong sabi mo?  Nakakainis? “ bigla ay napalingon ako ng magsalita siya. Nguni’t agad din akong napaatras ng salubungin ako ng kaniyang mukha.  Sobrang lapit non at tanging ilong na lang namin ang pagitan. Bigla na namang umakyat ang hiya sa aking katawan. 

’Goshh! Nahihiligan na ng lalaking ito ang mangbigla jusko.“

“Oo nakakainis! “  naiinis talagang sabi ko,  binalewala ang hiyang nararamdaman ko. 

“At saan ka naman naiinis? “  kunot noo’ng tanong nito.  Nilabanan ko naman ang tingin niyang iyon.  Hindi ako nagpaapi sa hiyang nararamdaman ko. 

“Kanino ba pa ako dapat mainis?”

“Kanino nga ba? “ walang ideyang tanong nito.  ‘Goshhh!!!  Slowpoke din siya mga mamii!.’

“Edi sayo!  Malamang jan sa kabayo!”  singhal ko at nanlaki naman ang kaniyang mga mata sa gulat.  Bigla ay sumeryoso ang kaniyang mukha.  Ang kaninang lakas ng loob ko ay nawala,  muling nanaig ang kahihiyan ko sa loob. 

Inilapit niya ang kaniyang mukha at iniharang ang kaniyang kaliwang braso sa hawakan dito sa loob ng kalesa.  Ngayon ay tila nakayakap siya saakin nguni’t hindi nagdidikit ang aming katawan.  Nakulong na naman ako sa kaniyang nga braso.

“At bakit ka naman nainis saakin?  Sa aking pagkakatanda ay,  wala akong ginagawa upang makaramdam ka ng inis sa akin.”  seryosong sabi niya,  muli ko na namang naamoy ang mabango niyang hininga.  Maging ang natural niyang amoy. 

“E-Eh kasi napapansin ko na iniiwasan mo ako~~”  hindi ko naituloy ang sasabihin ko ng bigla siyang sumingit.

“Iniiwasan?  Bakit naman kita iiwasan? “  muling tanong nito.  Napabuntong hininga ako.

“Ewan ko saiyo,  hindi ko alam kung mayroon ba akong nagawa upang ako’y iyong iwasan.”  bigla ay lumungkot ang aking mukha.  Iniwas ko ang aking mukha.

“Kung iniisip mong iniiwasan kita,  hindi ko napapansin na iyon ang tumatakbo saiyong isipan.”  naging malamlam ang boses nito,  muli akong napatitig sa kaniya,  nguni’t ayon na naman ang kaniyang mga mata,  hinihigop ang aking paningin, kaya ngayon sa mata niya na ako nakatitig.

Kakaiba ang nakikita ko rito,  mayroong lungkot, hindi masaya, matamlay ang kaniyang mga mata. Nang mapansin niya ang pagtitig ko ay siya na ang kusang umiwas ng tingin.  Umalis na rin siya sa pagkakakulong sa akin. Umayos siya ng upo at saka muling nilingon ako.

“Dapat nga ay ako ang siyang mainis saiyo.”  muli akong napatitig sa kaniya,  hindi mahihimigan ang biro roon,  seryoso ang kaniyang tinig.. “Sapagkat ikaw ay hindi tumupad sa iyong sinabi.”  bigla akong napaisip ng sabihin niya iyon.  Wala akong makita sa aking isip na kailangan kong tuparin.  “Hindi mo na naaalala? “  umiling ako at doon ay napangisi siya. “Hindi ba’t nagsabi kang tuturuan mo ako ng wikang ingles.  Dumaan na ang ilang araw ay wala parin akong natututunan mula saiyo.  Sa tuwing pupunta ako sa iyong silid tulog kana sa ilalim ng iyong bintana.”  bigla ay nanlaki ang aking mga mata.  Nawala sa isip ko iyon.  Bigla ay paramg gusto ko siyang damayan sa pagkainis.  Naiinis ako sa aking sarili dahil sa sinabi niya’ng iyon.  Naiinis ako dahil ang hilig kong magbitaw ng salita nguni’t hindi ko naman kayang tuparin.  Nguni’t ang inis na iyon ay napalitan ng kuryosidad.  ’ Kung pumupunta siya sa kwarto ko at naaabutan akong natutulog sa ilalim ng bintana ko, hindi malabong siya rin ang dahilan kung bakit sa sofa na ako nagigising.’ sabi ko sa isip ko, gusto kong alamin kahit na obvious naman na siya ang gumawa non.

“Ika mo naaabutan mo akong tulog sa ilalim ng bintana,  ikaw ba ang naglilipat saakin doon sa higaan? “  tanong ko at nakangiting tumango naman siya.  Doon ay bigla akong natulala,  namiss ko ang mga ngiti niya.  Ngayon ay nakikita ko na muli ang mga ngiti niya. Bigla ay kinilig ako.

“Ako nga,  bakit nga ba nahihiligan mong matulog sa ilalim ng iyong bintana? “  takang tanong nito.

“Nag-iisip isip ako doon.” 

“Ano naman ang iyong iniisip?”  tumingin pa muna ako sa kaniya bago sagutin ang tanong niya.

“Iniisip kita. Lagi kitang iniisip, hindi ko alam kung bakit.  Lagi kang sumasagi sa isip ko. “ sagot ko at bigla naman siyang nagulat natawa ako sa reaksyon niya kaya nagpatuloy ako sa pagsasalita. “Iniisip ko kung mayroon ba akong nagawa para iwasan mo ako ng ganon,  kung nay nagawa ba akong mali para manlamig ang pakikitungo mo saakin.  Kaya nakakatulugan ko na lamang ang pag-iisip ko saiyo.  Pero ngayon ay wala na akong dapat pang isipin dahil alam ko na ang dahilan.” mahabang paliwanag ko,  nakinig naman siya.  Muling binalot ng katahimikan ang loob ng kalesa,  ni isa sa amin ay hindi na nagsalita pa.  Nararamdaman ko ang ilang sa kaniya. At doon ay tila nanikip ang dibdib ko.  Biglang nangilid ang mga luha ko,  hindi ko alam kung ano ang dahilan non pero isa lang ang nasa isip ko.  ’ Hindi siya naging handa sa sinabi ko.’

Narating namin ang bayan ng Serbaño nguni’t wala sa loob ko ang magsaya dahil sa nangyari kanina.  Di tulad sa bayan ng Arveña ay mas maraming tao ang narito.  Maraming paninda,  maganda siyang tignan malinis din ang paligid kahit na maraming nagtitinda sa paligid at kahit napakaraming tao.  Namangha ako sa kanilang pagmamalasakit sa kanilang kapaligiran.  Siguro kung ganito lang ang pag-uugali ng mga tao sa panahon ko ay maayos at maganda ang kahihinatnan ng bansang Pilipinas. 

Matapos kong libutin ang paligid ay mayroon akong nakitang parke sa dulo,  sakto namang napatigil si Kenjie sa kaniyang paglalakad ng bigla siyang tawagin ng isang ginang.

“Oh iho naparito ka pala.” gulat na sabi nito kay Kenjie,  may kasama itong dalawang babae,  maganda ito medyo may kaputian ang kanilang balat.  Nguni’t hindi kasing puti ng akin. ‘Wala pa kasing gluta sa panahong ito.’

“Tiya Armina,  narito rin po pala kayo.  Ano po ang ginagawa niyo rito sa bayan ng Serbaño? “ masayang tanong ni Kenjie sa ginang na tinawag niyang Tiya Armina. Pinakatitigan ko ang ginang,  mula sa suot nito sa ulo hanggang sa paa ay mahahalata mong isa ito sa mayayamang namumuhay sa panahong ito.  Muli kong pinakatitigan si Kenjie,  pinagmasdan kobang kaniyang mga mata.  Maykakaibang galak akong nakikita sa mga mata nito.  Tinignan ko ang kaniyang tinitignan.  Bigla ay kumirot na naman ang aking dibdib sa aking nakikita.

Nakatitig siya sa isa sa mga anak ng ginang,  base sa titig na nakikita ko,  mukhang maypagtingin si Kenjie sa babaeng ito.

“Binibing G-Gavriela,  n-narito ka rin pala.”  ngayon ko lang narinig na nautal itong si Kenjie. Masakit tignan ang mga nakikita ko.

“Iyo ngang nakikita ginoo.”  nakangiting tugon naman nito.  Bigla ay parang naitsapwera ako dahil magmula ng makita ni Kenjie ang mag-iinang ito ay hindi na dumako ang kaniyang tingin saakin.  At doon ay nasasaktan ako.

“A-Ahh Kenjie,  d-doon muna ako sa parke.”  utal na sabi ko nguni’t tila di ako narinig ni Kenjie dahil tutok ito sa Gavriela’ng ito. Napatingin naman ako sa ginang ng makitang nakatingin ito saakin.  Nakangisi na ito at mukhang hindi nagugustuhan ang presensya ko. 

Kaya naman gaya ng sinabi ko ay nagtungo na lamang ako ng parke. Mabuti ay walang tao kaya pwede kang magdrama dito.

KABANATA 13.

Huminga ako ng malalim bago sumakay sa isang swing. Napatitig ako sa gawi namin kanina,  wala na sila roon.  Lalong sumakit ang dibdib ko. ‘Hindi niya man lang ako naisipang lingunin.’   Bigla ay gusto  kong maiyak,  nangingilid ang aking mga luha.

Muli kong nakita ang mga mata ni Kenjie,  kung paano siya tumingin sa babaeng iyon.  Kung paano naging masaya ang kanyang mga mata matapos makita ito. 

Hindi ko na napigilan pa ang pagbuhos ng aking luha,  hinayaan ko na lamang ang aking luha na maglandas paibaba sa aking pisngi. Ang malamig na simoy ng hangin ay tila yinayakap ako. 

Muli kong inalala ang mukha ng babaeng iyon,  at doon ko napagtanto maganda ito,  may magandang kilay,  mapupungay din ang mga mata,  matangos ang ilong,  may mapupulang pisngi,  at mapulang labi.  Hindi ko pa man alam ang ugali nito pero tiyak ako na mabuti din itong tao.  Hindi naman siya magugustuhan ni Kenjie kung hindi maganda ang ugali nito. 

Napabuntong hininga na lamang ako,  iwinaglit ko na lang iyon sa aking isipan. Pero kahit anong alis ko,  patuloy parin itong naaalala ng isip ko. 

Para akong nasa isang laban,  kaming dalawa g babaeng iyon ang contestant at si Kenjie ang siyang premyo.  Nguni’t bigla na lamang akong sumuko,  dahil wala akong laban dito. 

Pinunasan ko ang aking luha gamit ang aking kamay,  nguni’t bali wala ito dahil patuloy parin ito sa pagtulo. 

Muli kong naalala ang mga ngiti ni Kenjie habang nakatitig doon sa babae.  Ang bigat,  ang bigat sa pakiramdam na hindi ikaw ang dahilan ng mga ngiti niya.

Tumingala ako sa kalangitan,  maaliwalas ito,  hindi mainit ang sinag ng araw.  Masarap sa pakiramdam.  Ang sarap sa pakiramdam ng ihip ng hangin. Sa bawat pag-ugay ko ng duyan na ito,  gumagaan ang pakiramdam ko.  Nguni’t bigla akong napahinto ng mapansing anino sa harapan ko. 

“Maaari kitang itulak kung iyong gugustuhin ginoo.”  nagtatakang nilingon ko ang pinanggalingan ng boses na iyon.  Agad na nanlaki ang mga mata ko sa aking nakikita.  Ito ang lalaking nakita ko sa batis. “Huwag kang mag-alala,  wala akong balak na masamang gagawin saiyo.  Gusto lamang kitang tulungan.” dagdag pa nito,  agad kong iniwas ang aking tingin, mabilis ko ring pinahid ang luha sa aking mata maging sa aking pisngi. 

“Gusto mo bang mag duyan? “  tanong ko habang pinapagpagan ang aking pwetan. 

“Hindi na,  maupo ka na lamang riyan at iduduyan kita.”  tanggi naman nito kaya wala na akong nagawa pa kundi ang maupo.  Lumapit naman siya sa kanan ko, hinawakan ang tali at marahan akong idinuyan. 

“Hindi ko ba naabala ang iyong pagmumuni muni ginoo? “  tanong nito habang marahan parin akong inuugay.

“Hindi naman.”  tipid na sagot ko rito.

“Alam mo ba ang dahilan kung bakit ako biglang naparito? “ muling tanong nito at iling lang ang isinagot ko.  “Nakita kasi kitang tumakbo papunta rito,  pinagmasdan kita sa malayo  at doon ko napagtanto na may dinadamdam ka sa iyong puso.” napalingon  ako sa kaniya dahil sa salitang kaniyang binitawan. 

“Ayoko mang mangialam, nguni’t nakita na kita kaya wala na akong nagawa pa kundi ang puntahan ka.  Sa mga panahong gaya ng nararamdaman mo,  naniniwala akong kailangan ng makakausap ang sinumang tao ang nakararamdam ng sakit.”  dagdag pa nito,  nakinig lang ako. 

“Sino nga ba ang dahilan kung bakit ganiyan ang iyong nararamdaman ginoo? “ pang-uusisa nito,  muli akong napatitig sa kaniya.  Muli kong pinagmasdan ang kaniyang mukha.  Mas magandang lalaki ito kaysa kay Kenjie,  maganda rin ang hubog ng katawan.  Sa isang salita,  para talaga siyang isang anghel.  Bumuntong hininga muna ako, mukha naman siyang mapagkakatiwalaan,  at isa pa hindi niya rin naman kilala si Kenjie kaya ayos lang siguro na sabihan ko siya. 

“Tungkol ito sa isang lalaki.” panimula ko, napatingin naman ako sa kaniya,  tutok ito sa pakikinig habang patuloy na dinuduyan ako.  Hindi ko alam kung paano ko pa iyon itutuloy,  hindi ko alam kung paano ko ipapaalam ang tunay kong pagkatao. Muli akong bumuntong hininga.  “Alam mo ba ang ibig sabihin na,  lalaki ang isang tao, pero babae naman ang puso nito.”  tanong ko dito,  bigla ay napaisip ito at saka tumango tango. 

“Gaya mo na isang

binabae? “ 

biglang nanlaki ang mga mata ko sa deretsong pagkakasabi nito.  ’Grabe kailangan bang straight to the point talaga? ’

“Grabe ka naman.”

“Bakit totoo naman hindi ba? “

“Siya tinatamad na kong magkwento.” nakangusong sabi ko,  tumayo ako at tumingin ng deretso sa kaniya.

“Saan ka na tutungo ginoo? “ takang tanong nito.  At doon lalo akong napasimangot.

“Matapos mong sabihang

binabae

ako,  tatawagin mo parin akong ginoo? “ sarkastikong biro ko,  natawa naman ito.  Nakakamangha ang pagtawa niyang iyon,  tipid.

“At ano sa tingin mo,  tatawagin kitang ‘binibini’?  Ikaw man ay mayrong pusong babae,  nguni’t nanatiling isa ka paring lalaki,  kaya nararapat paring tawagin kitang ginoo dahil iyon ang naangkop sa iyong kasarian.”

‘Grabe na naman to,  isa lang sinabi ko ang haba na ng rebat jusko.’

“Nye nye… “  wala na akong masabi. 

“Muli,  saan kana patutungo niyan?  Gayong iniwanan ka ng iyong kasama.” muling tanong nito,  hindi agad ako nakasagot,  muling umakyat ang kirot sa aking dibdib.  Tumingala ako sa kalangitan upang pigilan ang pagtulo ng aking mga luha. “Kung wala kang mapuntahan,  pwede kitang ilibot dito sa Serbaño. “  dagdag pa niya,  napatingin naman ako dahil sa sinseridad  nito.  Tutal wala na rin naman akong kasama at hindi naman ako bihasa sa lugar na ito, kaya sa huli ay pumayag na lang din ako. 

“Hahahaha…. Alam mo… “ putol ko sa sinasabi ko,  sobra akong natatawa sa mga kinukwento niya.  “Di ako naniniwala pero tawang tawa ako.”  agad na sumimangot ang kaniyang mukha.

“Hindi ko naman sinabing maniwala ka saakin,  ang sinabi ko lang ay makinig ka. “ singhal nito at natawa na naman ako dahil sa kaniyang reaksyon. 

“Eh bakit nga kasi ginawa mo yon? “

“Aling yon? “

“Yung ano!  Bastaaa ung anoo! “

“Nababagot ako kaya ko ginawa iyon.”

“Dahil sa kabagutan kaya mo nagawa yon?  Hahahahaha ambilibaboy! “  muling pagtawa ko.  Paano ba naman kasi nagkwento siya saakin ngayon lang,  isa din pala sa rason kaya pumunta siya sa parke kanina ay dahil may nakita siyang bata,  nakatitig daw ito sa kaniya at nang pandilatan niya daw ito ng mata,  ay siya namang atungal ng bata.  Di naman siya nakakatawa as in,  pero mababaw lang kaligayahan ko kaya ngayon ay tumatawa ako.   Tumigil lamang ako sa pagtawa ng ihanda na ang pagkaing inorder niya,  syempre libre niya,  wala akong dalang pera eh.  Mukha rin naman siyang bigtime.

“Sa haba ng pinag-usapan natin,  hindi ko natatandaang hiningi ko ang iyong pangalan.” 

“Bakit mo naman hihingiin ang aking pangalan gayong mayroon ka naman? “ di ko alam kung biro yon sa kaniya or di niya lang na gets ang sinabi ko.

“Ang corny mo! “  singhal ko sa kaniya,  nangunot naman ang kaniyang noo. 

“Corny? “ takang tanong pa nito natawa naman ako.

“Oo masyado kang mais.”  biro ko naman at inirapan niya lang naman ako.  Kinuha ko ang kutsara at saka humigop ng sabaw.  Halos mapapikit ako sa sobrang sarap ng bulalo.  Ngayon lamang ako nakatikim ng ganito kasarap na luto ng bulalo,  masyadong nanunot sa dila ang lasa nito. 

“So,  ano nga ang iyong pangalan? “ muling tanong ko matapos humigop ng masarap na bulalo.

“Nathaniel ang aking pangalan.”  tugon naman nito,  ni hindi man lang tinanong ang pangalan ko.  Napanguso akong tumingin sa kaniya,  inosente naman akong tinignan nito. 

“Ang sarap mo rin kausap ano.”  singhal ko at natawa naman ito. 

“Oh siya,  ano ang iyong pangalan? “ natatawang tanong nito,  mukha pang napipilitan.

“Che! Napipilitan ka lang tsk.”  muling singhal ko at doon na siya lalong tumawa. 

“Haha..  Kaya hindi ko na tinatanong ang iyong pangalan ay alam ko na ito.  Hindi ba’t Neil ang iyong pangalan? “  dagdag pa nito,  agad na nanlaki ang mga mata ko.

“P-Paano mo nalaman ang p-pangalan ko? “  gulat na tanong ko,  ngumisi naman siya.

“Narinig kong tinawag kang Neil ng paslit na kasama mo sa batis.”  nakahinga naman ako ng maluwag dahil sa sinabi niyang iyon.

“Saan mo naman nakuha iyang pangalan mong Nathaniel?”

“Sa mga magulang ko. “ pamimilosopo nito.  Pumeke naman ako ng tawa.  Nang matawa ito sa pamimiloso niya.  ’saya niya don promise! ’

“Hehe.. natural!  Saan mo pa ba makukuha yan?”  singhal ko sa kaniya at doon ay natawa na naman siya.  ‘Taray happy pill na niya ako.’

“Paumanhin,  natutuwa lamang akong makitang ganiyan ang reaksyon mo.” 

‘Pero ako di natutuwa sa mga sinasagot mo.  Pakain ko sayo lahat ng utak na nandito sa bulalo para naman maka pick up ka ng magandang jokes’ sabi ko sa isip ko habang pilit na ngiti ang sinukli ko sa kaniya.  “Nakuha ang pangalan kong Nathaniel dahil isa raw akong regalo mula sa diyos. “ dagdag pa nito at saka muling humigop ng bulalo.

“Ikaw saan nagmula ang iyong pangalan? “

“Sa mga magulang ko.”  pamimilosopo ko rin sa kaniya at natawa siya,  sa nakikita ko ay totoong tawa na niya ito,  dahil labas na ang mapuputi niyang ngipin.  Hindi katulad ng pagtawa-tawa niya kanina. 

Matapos naming kumain ay nagtungo naman kami sa kumpulan ng mga tao.  Agad kaming nakisiksik doon,  nguni’t agad din akong lumayo nang maamoy ang samu’t saring amoy ng tao.

Kaya naman ng makita niya akong lumabas ay lumabas narin siya.  Maging siya ay sumama ang mukha dahil sa mga naaamoy niya. 

Matapos non ay gumala kami kung sansan,  hanggang sa hindi na namin namalayan ang oras.  Maghahapon na pala ng magdesisyon na kaming umuwi.  Hinanap ko rin kanina si Kenjie kung saan man kami magtungo,  pero ni anino nito,  hindi ko na namataan pa. 

Mabuti na lamang ay taga Arveña itong si Nathaniel kaya maykasama ulit ako pauwi.  Hinatid niya rin ako sa bahay nila Kenjie. 

“Hanggang dito na lamang ako,  salamat sa paghatid!  Salamat din kanina!  Hanggang sa uulitin! “  bukal sa loob kong pasasalamat kay Nathaniel,  ngiti lamang ang isinagot nito  at saka ginulo ang aking buhok,  nagulat pa ako sa una pero napangiti din agad ng makita ang totoong ngiti nito.  Hinintay ko munang makalayo si Nathaniel bago ako tuluyang pumasok sa loob ng bahay.  Nguni’t ganon na lamang ang gulat ko nang makita ang madilim na mata ni Kenjie,  hindi ko alam kung ano ang nangyari sa kaniya kung bakit ganyan ang kaniyang awra.  Pero wala na akong pakialam paroon,  kaya naman kunyaring hindi ko siya napansin at nagtuloy tuloy na ako sa pag-akyat.

KABANATA 14.

“Sandale! “ napatigil ako sa paghakbang ng marinig ko ang boses ni Kenjie,  sobrang sama na ng tingin nito saakin.  Bigla ay nakaramdam ako ng takot mula sa kaniya.  Kakaiba talaga ang awra nito,  galit ang makikita mo sa kaniyang mga mata. 

“Mayroon kapa bang sasabihin? “ malamig na tanong ko,  pero mukhang hindi niya naman iyon napansin. Umigting lamang ang panga nito at saka biglang sumeryoso ang mukha.

“Saan ka nanggaling kanina?  Bakit nawala kana lang bigla? “ hindi ko alam kung galit ba ang tono ng kaniyang pananalita,  hindi ko mawari kung ano ang nangyari sa kaniya kaya naging ganito ang kaniyang awra.  Naguguluhan ako sa kaniyang pinapakita. 

“Sa parke,  iyon lang naman ang naki~” hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng bigla itong nagsalita.

“Wala ka roon sa parke kanina,  nagtungo ako roon nguni’t wala akong nakitang anino mo.” sa pagkakataong ito,  ramdam ko na ang galit niya.  Pero hindi ako nagpadala doon. Ayokong mag-away kami, ayokong patulan ang galit niya ngayon dahil baka lalo lamang kaming magpangbuno na dalawa.

“Hinanap mo ba talaga ako?”  bigla ay sumeryoso ako.  Muling nanumbalik sa aking ala-ala ang mukha niya habang kaharap ang babae niya.  Agad na umakyat ang kirot sa dibdib ko,  bigla ay naalala ko,  wala akong karapatang pantayan ang galit niya.  Wala akong karapatang pagalitan siya. Naalala ko na,  AKO LANG PALA ANG MAY NARARAMDAMAN SAMING DALAWA. Masakit isipin pero iyon ang katotohanan.

Tumitig ako sa mga mata niya,  hindi parin humuhupa ang galit mula rito.  Hindi ko kayang tagalan ang mga matang iyon.   Huminga ako ng malalim at saka muling tumingin sa kaniya.

“Kasi kung totoong hinanap mo ako,  mahahanap mo ako dahil nasa iisang lugar lang tayo Kenjie! “ dagdag ko,  natigilan naman ito.  “Kasi kung sa tutuosin,  ako ang naghahanap saiyo,  kahit saang lugar ako magpunta ikaw ang hinahanap ko.  Kasi ikaw ang nagdala saakin doon.”  sa sinabi kong iyon ay huminahon ang aking pakiramdam,  pinakatitigan ko ang kaniyang mukha,  nasaksihan kong muli ang pagkabigla nito. Totoo rin ang sinabi kong iyon,  sa bawat lugar na pinuntahan namin ni Nathaniel ay ginagala ko ang aking paningin, nagbabakasakaling baka makita ko siya roon.

“Hindi mo ako hinanap Kenjie,  paano mo nga naman hahanapin ang isang bagay kung tutok ka naman sa isang bagay?”  makahulugang dagdag ko pa.  Hindi na muli siya nakapagsalita pa.  “Paumanhin,  kailangan ko nang magpahinga,  napagod din kasi ako kakahanap saiyo.  Salamat na lamang kung nag-alala ka saakin.  Salamat na rin kung hinanap mo ako.  Kung totoo man iyon.  Paalam muna sa ngayon.  Matutulog na ako,  magandang gabi saiyo.”  matapos kong sabihin iyon ay tinalikuran ko na siya.  Ang luha kong kanina ko pa pinipigilan ay pinakawalan ko na.  Pumasok ako sa kwarto ko at doon ko binuhos ang lahat ng emosyon ko.  Sinarado ko na ang pinto at doon ay nakaramdam na naman ako ng sakit. 

Hindi ko alam kung mayroon akong karapatang makaramdam nito,  dahil kung iisipin ay ako lamang ang apektado. 

Binuksan ko ang bintana,  bumungad saakin ang maaliwalas na kalangitan.  Hindi ko namalayan na gabi na pala.  Malungkot kong   tinignan ang kalangitan.  Kahit anong aliwalas nito, para saakin ay kulang parin.  Hindi parin humuhupa ang sakit na nararamdaman ko.  Bigla ay gusto ko ng bumalik sa panahon ko,  gusto kong uminom ng alak sa pagkakataong ito.  Iyon lamang ang may kakayahang pakalmahin ang nararamdaman ko.  Iyon lamang ang maykakayahang pahupain ang sakit na nararamdaman ko kahit sa maikling oras  lamang. 

Napaupo ako sa ilalim ng bintana,  yinakap ang sarili at doon muling umiyak.  Masakit sa pakiramdam.  Masakit sa puso ang makaramdam ka nito sa taong walang pagpapahalaga sa nararamdaman mo.  Masakit makaramdam nito sa taong walang kaalam alam na maynararamdaman ka para rito.  At ang mas masakit pa rito, ang makaramdam ka nito sa taong iba ang gusto.

Wala kang karapatan ni isa sa kaniya,  wala kang kayang gawin para pahupain ang sarili mula sa sakit na nararamdaman. 

Humihikbing ipinikit ko ang aking mga mata,  hinayaan ang sarili na kalimutan ang lahat ng nangyari.  At umaasa na sana ay pagmulat ko ng aking mga mata bukas,  ay sana naroon na ako sa panahon ko.  Dahil sa panahong iyon,  madaling kalimutan ang lahat ng sakit na nararamdaman mo.

Kinabukasan….

Dahan dahan kong iminulat ang aking mga mata,  umaasa na sana ay makabalik na.  Nguni’t ang inaasam-asam ay biglang nawala na parang bula. Nang tuluyang imulat ang aking mga mata,  narito parin ako sa panahon at pangyayari na tila ako’y nagdurusa. 

Nawalan ako ng ganang tumayo, Maging ang pagkilos ay hindi ko magawa,  masyadong nilalamon ng sakit na nararamdaman ang aking puso.  Hindi ko alam kung kailan ito makakaahon,  kung makakaahon pa man ito.

Ilang oras na akong nakahiga dito parin sa pwesto ko hindi  umaalis.  Hindi alintana ang init na humahaplos saaking mga paa. Kahit naiitan na ay hindi parin umaalis,  nakakaramdam ng gutom, nguni’t mas nangingibabaw ang lungkot.

Hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganito gayong wala naman akong dapat na ika arte na ganito. 

Nawala sa pag-iisip ng kung ano-ano ng may marinig akong katok na nagmumula sa pintuan ng kwartong kinaroroonan ko ngayon.  Alam kong si Kenjie ito dahil bukod sa hindi siya nagsasalita,  ramdam kong siya iyon base sa kaniyang pagkatok.  Maging ang tiya ay kumatok din saakin matapos ang ilang oras na pagkatok ni Kenjie sa aking pinto. 

Nagsinungaling na lamang ako na hindi maganda ang aking pakiramdam kaya walang nagawa ang tiya kundi ang hayaan na lang ako.  Naghabilin pa ito na kumain daw ako dahil hindi daw iyon makakabuti saakin. 

Ilang oras din ang lumipas ng may marinig na naman akong katok mula sa pintuan.  Hindi ko na lamang ito pinansin pa at muli ko na lamang ipinikit ang aking mga mata. Muli ay nangibabaw ang malakas na katok mula sa pintuan. Ramdam kong hindi iyon si Kenjie at mas lalong hindi rin iyon si Tiya Rosario. Dahil sa isiping iyon, naisip ko si Hermano.  Siya lamang ang may kakayahang gumawa non dahil sa kaniyang kagislawan. At mukhang hindi nga ako nagkakamali, narinig ko itong nagsalita. 

“Kaibigang

Nil! 

Ikaw ba’y gising na?“  tanong nito nguni’t hindi naman ako tumugon dito.

“Napag-alaman kong hindi maayos ang iyong pakiramdam,  kaya nagdala ako nang pagkain at gamot para saiyo.” dagdag pa nito,  nguni’t wala paring tugon itong natatanggap.  “Maaari ba akong pumasok? “  muling sabi pa nito,  hindi na ako nakasagot pa ng buksan na niya ang pinto gamit ang duplicate na maaaring binigay sa kaniya ni Kenjie. 

“Kaibigan!!” bigla ay nag-aalalang sigaw nito matapos akong makita sa ganitong kalagayan.  Hinipo naman nito ang aking noo at doon naman siya nakahinga ng maluwag ng maramdamang wala naman akong sakit o lagnat.

“Anong nangyari saiyo?  Bakit ganyan na lamang ang iyong itsura?  Tsk..  Masyadong kahabaghabag, tila ikaw ay nasawi sa pagmamahal.  Sabihin mo saakin kung sino ang nanakit sa iyong damdamin,  bibigyan natin ng leksyon! “  histerikal nitong sabi natawa naman ako.  Inalalayan niya akong umupo sa sofa at doon ibinigay ang dala niyang lugaw.  “Heto kumain ka,  masarap iyan.  Ipinaluto ko pa iyan kay Ina.  Tikman mo! “ kinuha niya ang kutsara at saka kumuha ng lugaw.  Nganganga na sana ako nguni’t agad ding sumama ang mukha ko ng siya ang kumain ng kinuha niya.  Napahiya ako doon.  Bigla ay gusto ko siyang sabuyan ng lugaw ngayon din.

“Paumanhin! “  aniya at ibinigay saakin ang kutsara.  Kinuha ko naman ito at saka sumubo.  Masarap nga ito, kakaiba talaga ang kaniyang Ina pagdating sa pagluluto.

“Masarap hindi ba?”  masayang tanong naman nito at tumango naman ako.  Bigla ay lumawak ang kaniyang pagkakangiti at saka kumindat.  Nagtataka naman akong tinignan ang kinindatan nito nguni’t walang tao,  kaya naman nagtataka ko itong tinignan. 

“Sino ang kinindatan mo? “  takang tanong ko at bigla ay nawala ang kaniyang pagkakangiti.  Napalitan ng kaba. 

“A-Ako?  K-Kumindat?  Hindi ko alam.  N-Nakagat ko kasi ang aking dila kaya napapikit  ako.”  pagsisinungaling nito,  napangisi naman ako sa iniasta nito.  Bigla ay nawalan ako ng ganang kumain.

‘Huwag ako ang pinagloloko niyo.’

“Oh eto iyo na lang iyan,  busog na ako.”  abot ko sa kaniya ng lugaw.  Agad namang nagliwanag ang mukha nito,  nguni’t ng biglang dumako ang tingin sa di ko alam na dereksyon, ay nagbago ang kaniyang mukha.

“Nakoo,  busog pa ako. Katatapos ko lamang kumain niyan.”  tanggi nito at natawa naman ako.  Hindi marunong magsinungaling ang batang ito.  Busog ang kaniyang isip,  ngunit ang tiyan niya ay hindi.  Kinuha kong muli ang kutsara at saka sumandok ng lugaw at iniharap ko naman iyon sa kaniya.

“Say ahh! “  utos ko sa kaniya,  agad namang nangunot ang kaniyang noo,  hindi naunawaan ang aking sinabi.

“Say ahh? “  takang tanong nito, natawa pa ako ng bigla kong isinubo ang lugaw sa kaniyang bibig. 

“Kapag sinabi kong ‘Say ahh’ kailangan nganganga ka dahil ibig sabihin non ay susubuan kita.”  natatawang paliwanag ko.  Ang kaninang pagtataka ay napalitan ng pagkamangha. 

Kol!!

“  bigla nitong sigaw natawa naman ako.  Sandali kong nakalimutan ang aking iniisip ng makita ang kakulitan ng lalaking ito.  Bigla ko tuloy naisip,  ano kaya ang pinaggagawa nito habang nasa harap ng kanyang nagugustuhang babae?  Hindi ko maimagine haha. 

Matapos naming pagsaluhan ang lugaw na dinala niya na siya naman ang halos kumain, ay sabay kaming tumayo at sabay na iniligpit ang pinagkainan.  Siya na rin ang nagprisintang maghugas nito kaya wala na akong nagawa pa kundi ang ibigay na lang sa kaniya ito. Nagtungo na ako ng banyo upang maligo. Matapos kong maligo ay nag-ayos na ako ng sarili ko, gusto kong pumasok sa kainan,  gusto kong gawing abala ang aking sarili sa pagtatrabaho.   Kaya naman mabilis akong kumilos nguni’t natagalan din ako dahil sa kadaldalan ni Hermano.

KABANATA 15.

“Kaya pala hindi kita nakikita makalipas ang ilang araw dahil pumapasok kana rito sa kainan.” 

“Masyado akong nabuburyo sa bahay,  wala naman akong ginagawa kaya tumutulong na lamang ako dito.” 

“Mabuti ay pinayagan ka ng Tiya maging ng Kenjie.” 

“Wala na rin naman silang nagawa pa ako na rin kasi ang nagpumilit.”

“Ahh siya,  mauuna na ako saiyo

Nil!  

Hanggang sa muli!  Sana ay makapasyal tayong muli,  gusto mo bang maligo ulit sa batis?“  tanong nito, nakangiti naman akong tumango.

“Oo naman,  gusto mo bang pakitaan pa kita ng ibang tricks eh.”  nakangiting tugon ko.  Nangunot muli ang kaniyang noo.

“Triks? “

tanong pa nito,  natawa ako sa kainusentihan ng kaniyang mukha.

“Oo tricks,  ibang exhibition ganon.”  paliwanag ko nguni’t di niya parin naunawaan.  ’Ano ba kasi ang tagalog ng tricks? ’

Triks?  Eksibisyon? 

Ano ang mga salitang iyon? “  takang tanong pa nito,  napabuntong hininga naman ako, nauubusan ng pasensya sa pagpapaliwanag.

“Basta yung paglipad-lipad at pag-ikot-ikot  ko sa ere bago bumaba sa tubig.”  muling paliwanag ko,  namamangha na naman itong tumango. 

“Iyon pala ang tawag doon, 

triks,  eksibisyon.

“  bigla ay gusto kong matawa sa itsura nito.  Napakakulit. Inilapit ko ang aking bibig sa kaniyang tainga at saka bumulong.

“Meron pang ibang tawag.”  bulong ko rito at bigla ay naramdaman ko ang kuryusidad mula sa kaniya.

“Ano ito? “  curious nitong tanong.

“Style.”  nilagyan ko ng arte at haba ang pagkasabi ko nito kaya naman natawa ako ng gayahin niya ang tono kung paano ko ito binigkas.

“Istaaayl

“ gusto kong matawa dahil sa ginawa nito.  “Oh siya,  aalis na muna ako.  Magkita na lamang tayo mamaya.”  paalam pa nito at saka kumaway saakin.  Sinuklian ko naman ito ng ngiti at saka kumaway din. 

Matapos non ay nagtungo na ako sa gawi ni Tiya Rosario, nagulat pa ito ng makita ako,  tila hindi inaasahan ang pagdating ko.

“Maayos na ba ang iyong lagay?  Dapat ipinahinga mo na lang ang sarili mo.  Mas kailangan mo iyon,  at isa pa may bago naman na tayong kasama dito kaya hindi mo na kailangan pang magtrabaho pa.”  nag-aalalang sabi ng Tiya. Nginitian ko naman ito at saka isinuot ang apron ko.

“Ayos na po ako tiya,  wala na po kayong dapat na ipag-alala dahil magaling na po ako.  Salamat sa aking munting manggagamot,  mabilis na gumaling ang pakiramdam ko.”  pangungumbinsi ko,  napabuntong hininga naman ang Tiya, wala na namang nagawa sa naging desisyon ko. 

“Oh siya mukhang wala na ring naman akong magagawa pa.  Basta magpahinga ka kapag nakaramdam ka ng pagod.  Maayos ba iyon iho? “  wala nang magawa pang sabi ng tiya.  Marami pa itong hinabilin at ngiti na lamang ang aking tinugon.  Inilibot ko ang aking paningin, nakita ko roon sa dulo si Kenjie nakatitig saakin,  nang magtama ang aming paningin ay siya na ang kusang umiwas dito. 

Nagpatuloy naman ako sa ginagawa ko,  agad kong pinuntahan ang bagong dating na costumer.  Nguni’t agad ding pumangit ang mukha ko ng makita ang babaeng ito sa harapan ko. Siya iyong babae kahapon,  nakalimutan ko na ang kaniyang pangalan. 

“Magandang umaga,  Ano ho ang inyo? “  nakangiting bati ko,  inirapan lang ako nito.  ‘Aba’y maldita. Taas ba naman ako ng mata.’ 

“Nasaan si ginoong Kenjie?  Nais ko siyang makausap.”  sabi na eh,  tama ang aking hinala,  hindi ito pupunta dito kung hindi dahil kay Kenjie. 

“Naroon ho sa kaniyang trabaho.  Bakit ho? “  magalang na tugon ko dito,  inirapan naman ako nito at tila diring diri na makita ako. 

‘Kalbuhin ko kaya itong babaeng to?  Kung makaarte ay akala mo kasing puti ko.  Wala pa nga siya sa kasingitsingitan ko.  Kaimbyerna.’   protesta ko sa isip ko.  Kung maaari ko lamang itong sabihin sa kaniya mismo ay nagawa ko na kanina pa.  Nguni’t naalala ko na wala pala ako sa lugar para gawin iyon.

“Maaari bang umalis kana lamang sa aking harapan?  Naalibadbaran ako sa iyong mukha.”  panlalait nito at doon ay uminit ang ulo ko.  Ayoko pa naman sa lahat ay nilalait ang mukha ko. 

“Hoy ikaw na bruha ka,  kung makaarte ka jan akala mo kagandahan ka.  FYI hamak na mas maputi pa ako kumpara sa iyo.  Kung naalibadbaran ka sa pagmumukha ko. Pumikit ka,  o di kaya ay umalis ka dito dahil nagtatrabaho ako.  Ka imbyerna ka.  Sarap mong  

nilapmas  

nako.  Jombagi ko yang mukha mo eh.“  inis na sabi ko dito,  nangunot naman ang noo nito.  Hindi naintindihan ang sinabi ko.  Pero wala na akong pakialam pa roon,  nilagpasan ko na lamang siya at hindi na pinansin pa.  Pero nakakailang hakbang palang ako ay hinawakan na niya ang braso ko. 

Napatingin naman ako rito at agad na kinuha ito,  ‘Magaspang naman ang balat mo.’  marahas ko itong tinanggal sa pagkakahawak nito sa braso ko.

“Pwede ba!  Kung si Kenjie ang hinahanap mo,  go!  Look for him!  Ikaw na nga tong pinakikitunguhan ng mabuti kingina ka.”  singhal ko rito at muling nangunot ang kaniyang noo.  ‘Bweset isa na lang ilulob ko na ang mukha nito sa lamesa.  Konting tiis na lang.’ 

“Ano ang iyong sinasabi?  Hindi kita maunawaan.”  nandidiring tanong pa nito,  pero imbis na sumagot ay inirapan ko rin siya. 

“Isa iyong engkantasyon para sa mga panget.”  pananakot ko at agad namang nanlaki ang mga mata nito.

“A-Anong engkantasyon? “  utal na tanong pa nito, napangisi ako sa sariling kabnormalan. 

“Secret biatch! “  singhal ko rito at mabilis itong tinalikuran.  Nguni’t halos mabali ang aking braso dahil sa pagkakahawak nito.  Mabilis din akong sinampal nito, agad na namanhid ang aking pisngi sa pagkakasampal nito.  Kaya naman sa sobrang inis ko ay hinigit ko ang aking braso at saka inipit ng husto ang kanyang pisngi hanggang sa lumubog ang mga daliri ko rito. 

“Sa oras na lumapat yang kamay mo sa makinis kong mukha,  gagawin ko yang kadkaran iyang mukha m~~”  hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng mula sa likod ay may humigit sa braso ko,  kaya naman ay nabitawan ko ang babaeng ito. Agad kong tinignan kung sino ang nagmamay-ari ng kamay na iyon. 

Agad na nanlaki ang mga mata ko ng makita ang nanggagalit na mata ni Kenjie.  Galit na galit ito, ramdam ko sa pagkakahawak niya sa braso ko.

“Kenjie n-nasasaktan ako!”  maluha luhang sabi ko,  nguni’t hindi lang doon ang ginawa niya saakin. Mabilis niya akong inilayo sa babaeng iyon,  sa sobrang lakas non ay napadapa pa ako sa lupa.  Ramdam ko ang hapdi sa parteng iyon. 

Ang sakit nang nararamdaman ko,  muli aking napatitig kay Kenjie,  masama ang tingin nito saakin habang inaalo ang babaeng iyon na ngayon ay nag-iiyak iyakan na.  Napangisi ako sa kaartehan nito.  Kung ang ibang tao na narito ay maaartihan niyang iyon pero saakin ay hindi uubra iyon. 

“Ano bang ginagawa mo? “ bigla ay sigaw saakin ni Kenjie,  nakaalalay parin sa babaeng ito.   Napangisi naman ako sa katangahan ni Kenjie,  hindi ko akalain na ang pangit pala ng taste niya pagdating sa babae.  “Hindi mo ba kilala itong sinaktan mo?”  muli ay tanong nito,  hindi ako makatingin sa galit nitong mukha.  “Siya ang binibining nagugustuhan ko alam mo ba iyon? “  napangisi ako sa sinabi nito.  ’Ang tanga mo,  nagpadali ka sa babaeng yan? ’  nakangising sabi ko sa isip ko.

“Simula ngayon…” napatitig ako kay Kenjie ng sabihin niya iyon. “Simula ngayon,  ayoko nang makita pa ang iyong mukha.”  malamig na aniya,  bigla ay tumigil ang mundo ko,  nagpaulit ulit sa tenga ko ang huli niyang sinabi.  Biglang tumulo ang aking mga luha. 

Wala na.  Wala na akong mapupuntahan pang iba.  Ang kaninang saya na nararamdaman ko ay nawala na lamang na parang bula.  Nahihirapan akong huminga dahil sa pagpigil ko saaking nararamdaman.  Masyadong mababaw ang rason ni Kenjie para hatulan niya ako ng ganon. 

Bigla ay napaisip ako,  saan na ako puoulutin nito.  Muli ay biglang bumuhos ang aking mga luha,  sobrang sakit ng nararamdaman ko.  Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko,  nanghihina ang mga tuhod ko,  hindi ako makatayo ng maayos.  Bigla ay gusto ko na lamang magpalamon sa lupang kinasasadlakan ko ngayon. 

Muling bumuhos ang aking ulo, nguni’t sa pagkakataong ito kasabay ko na ang malakas na ulan.  Maraming tao ang nakatitig saakin,  nagtataka kung ano ang aking ginagawa. 

Kumalat na ang putik sa aking katawan,  basang basa na ang aking katawan.  Ang puti kong damit ay naging kulay lupa na dahil sa putik. Yinakap ko na lamang ang aking tuhod at doon ay muling umiyak ng umiyak. 

Bigla kong naiangat ang aking mukha,  agad na tumama ang aming mga mata.  Lungkot at sakit ang nakikita ko sa mga mata nito. 

“Hindi ko alam kung paano pahuhupain ang sakit na nararamdaman mo,  nguni’t asahan mong lagi akong narito sa tabi mo kailangan mo man o hindi.  Darating ako.”  muling bumuhos ang aking luha sa sinabi niyang iyon. 

It hurts the worst when the person that made you feel so special yesterday, makes you feel so unwanted today.’

KABANATA 16

“Hindi ko alam kung paano pahuhupain ang sakit na nararamdaman mo, nguni’t asahan mong lagi akong narito sa tabi mo kailangan mo man o hindi. Darating ako.” muling bumuhos ang aking luha sa sinabi niyang iyon. Hindi ko alam kung ano ang magiging papel ng lalaking ito sa buhay ko. Pero masaya ako sa narinig ko. Sinsero ang pagkakasabi niya nito. Sa loob loob ko ay napangiti ako. Pero kahit ganon hindi parin gumiginhawa ang sakit na nararamdaman ko.

Kasabay ng pagtila ng ulan, ang siyang pagtila ng aking mga luha. Nararamdaman ko na ang kati ng aking balat, maging ang hapdi ng aking mga sugat.

Dahil sa nangyaring iyon, panandaliang nagsara ang Kainan. Hindi ko alam kung sino ang may kasalanan, nguni’t sa nakikita ng kasamahan ko, tila ako ang kanilang sinisisi.

Muli kong pinahiran ang aking mga mata, bigla ay napatitig ako kay Nathaniel, nakasuot ito ng apron gaya ko. Bagay iyon sa kaniya, nagmukha parin siyang anghel kahit ganoon ang itsura. Napangiti ako, siya pala ang bagong nagtatrabaho dito sa kainan. Malapit ko na sanang isipin na baka sinusundan niya ako kaya siya naparito.

Tumayo na ako mula sa pagkakaupo, inalok naman ako ng Nathaniel nguni’t hindi ko iyon tinanggap. Ayokong humingi ng tulong sa iba ngayon. Gusto kong kalimutan ang nangyari nang ako lang.

Naglakad lakad ako kung saan saan. Hindi alintana ang putik sa aking paahan. Para akong isang palaboy, na walang tirahan, walang masisilungan, walang malalapitan. Natawa pa ako ng sumagi sa isip ko ang kanta ng Aegis.

Muling bumagsak ang napakalakas na ulan, hindi ako tumigil sa paglalakad, hinayaan ko lang na muli akong mabasa ng ulan. Ang ulan na rin ang naglinis sa madumi kong katawan, tanging ang paa ko na lamang ang madumi dahil sa putik na aking nilalakaran.

Hindi ko alam kung nasaan na ako ngayon, at doon ko lang napagtanto na narito na ako sa bayan ng Serbaño. Muli kong nakita ang parke na siyang pinuntahan ko kahapon matapos akong dedmahin ni Kenjie. Muli akong umupo sa duyan, nakatulala habang dinuduyan ang sarili.

Biglang pumasok sa isip ko si Kenjie, hindi ko alam kung ano ang nagustuhan niya sa babaeng iyon. Napaka plastik, daig pa ang mga mean girls sa school maging sa mga storyang aking nababasa.

Muling nanumbalik sa ala-ala ko ang masamang titig ni Kenjie. Maging ang paghawak nito sa braso ko, pinakatitigan ko ang braso kong iyon. Bakat ang kamay niyang bumaon sa braso ko. May mga gasgas din ako sa katawan dahil sa pagtulak niya saakin. Hindi ko akalain na kayang gawin ng isang Kenjie iyon. Akala ko ang Kenjie na iyon ay maginoo, hindi ko akalain na kaya siyang bulagin sa maling katotohanan na kanyang nakikita.

Bigla na namang nanikip ang dibdib ko, muling nanumbalik sa pagtulo ang aking nga luha, nguni’t sa pagkakataong ito may kasama nang hikbi.

Biglang nanlabo ang aking mga mata, Nanginig ang aking katawan, hindi ko maigalaw. Saka ko lang napagtanto, bawal nga pala akong maulanan. Muling umagos ang aking luha kasabay ng sakit na nararamdaman ko, bigla akong nahulog sa duyan at hindi makagalaw. Inaatake na ako ng sakit ko.

Ramdam ko na rin ang init sa buong katawan ko. Pakiramdam ko ay kukumbulsyunin na ako. Sobrang awa ang naramdaman ko para sa sarili ko. Mamamatay na akong mag-isa sa parkeng ito. Mamamatay akong mag-isa at walang makakakita. Napapikit na lamang ako ng aking mga mata, hinayaang lamunin ng sakit ang aking katawan.

Bigla ay napangiti ako ng mapait. Di ko akalain na sa ganitong uri na ako mamatay. May narinig akong boses sa di kalayuan, bigla ay naramdaman ko ang paglutang ng aking katawan. Tinatawag nito ang aking pangalan. Hindi ko na narinig pa ang iba niyang sinasabi ng bigla akong mawalan ng malay.

‘Napakabait parin ng panginoon saakin.’

Iminulat ko ang aking mga mata, inilibot ko ang aking paningin. Kahit nanlalabo ang paningin ay pinag-aaralan ko ang nasa paligid ko. Napatingin ako sa kanang side ng kinahihigaan ko. Nakita ko si Hermano na nakatungong natutulog doon.

Bigla ay napangiti ako, hindi ko alam kung ano ang nagawa kong mabuti para makahanap ng ganitong kabuting tao. Tumulo ang aking luha, masaya ako dahil nariyan si Hermano, hindi man ako nagkaroon ng kapatid sa mundo ko. Nagkaroon naman ako ng kaibigang tulad ni Hermano. Umangat ang ulo nito at saka kinuskos ang mga mata. Agad naman siyang tumayo ng makita akong nakamukat na. Nag-aalala ang kaniyang itsura.

“Ayos naba ang iyong pakiramdam? Wala na bang masakit saiyo?” nag-aalalang tanong nito, ngiti lang ang isinagot ko dahil mukhang hindi ako makakapagsalita.

“Saka ko na lamang aalamin kung ano ang nangyari, ang mahalaga saakin ngayon ay gumaling ka.” dagdag pa nito, bigla ay nangilid ang mga luha ko. Gusto kong magpasalamat sa kaniya kaso hindi ko kayang magsalita.

“Nakakaramdam kaba ng kakaibang sakit?” tanong pa nito at umiling lang ako. Itinaas niya ang kanang kamay ay inilagay sa noo ko. Pinapakiramdaman ang temperatura ko. “Mabuti’t nawala na ang iyong lagnat. Hindi na kasing init gaya ng kahapon. Halos dalawang araw kang natutulog. Nag-aalala ako na baka..” bigla ay huminto ito, nagilid ang kaniyang mga mata. Matinding lungkot ang nakikita ko sa mga mata niya. Bigla ay nahawa ako sa kaniya. Mabilis na tumulo ang aking mga luha. “Nag-aalala ako na baka mapano kana, ngayon lamang ako natakot ng ganito. Natatakot ako na baka mawala ka, dahil ang totoo, nakakatandang kapatid na ang turing ko saiyo.” bigla ay tumulo ang kaniyang mga luha. Biglang kumirot ang dibdib ko sa nakikita ko sa kaniyang mukha. Kahit nahihirapan akong umupo ay tiniis ko. Yinakap ko siya ng mahigpit, gumanti naman ito saakin ng yakap. Ramdam ko ang init nang kanyang yakap. Ngayon lamang ako nakaramdam ng yakap ng nakababata saakin. Sobra akong natutuwa dahil, hindi man ako nabiyayaan ng kapatid, ipinaramdam naman saakin ni Hermano na handa siyang punan ang pagkukulang na iyon. Labis akong natutuwa pagka’t sobrang napakapalad ko.

“Mangako ka saakin na hindi mo na muling gagawin ang ginawa mo. Mangako ka.” maotoridad nitong sabi, kahit namamaos ay pinilit kong magsalita.

“P-Pangako.” namamaos kong sagot sa kaniya.

Matapos ang eksenang iyon ay pareho kaming natawa sa isa’t-isa dahil sa aming kadramahan. Pinakain niya rin muna ako bago pinainom ng gamot. Ngayon ay nakahiga na ako gusto kong malaman kung ano ang nangyari bakit ako nandito ngayon. Kaya naman, bago umalis si Hermano ay tinanong ko muna ito kung paano ako napunta dito.

FLASHBACK…

kahit hirap sa pagsasalita ay pinilit ko ang aking sarili para lamang tawagin si Hermano.

“Hermano! “

pagtawag ko sa kaniyang pangalan. Tumigil naman ito at nakangiting tumitig saakin.

“Maaari bang maupo ka muna rito? May nais lamang akong itanong.”

dagdag ko tumango naman ito at muling umupo sa kaninang kinauupuan.

“Ano iyon?”

nakangiting tanong nito. Lumunok pa muna ako bago muling nagsalita.

“M-Maaari bang malaman kung p-paano ako napunta rito? “

tanong ko at bumuntong hininga naman siya.

“Isang ginoo ang nagdala saiyo rito. Nathaniel daw ang kaniyang ngalan. Tinanong ko siya kung ano ang nangyari saiyo, nguni’t ang sabi niya lamang ay ikaw na lang daw ang aking tanungin. Nakakabastos daw iyon kung sa kaniya ko malalaman kung ano ang nangyari saiyo.”

kwento nito at doon ay napabuntong hinga ako.

“Iyon lamang ang gusto kong itanong. Salamat saiyo.”

“Wala iyon, basta kapag may masakit saiyo tawagin mo lamang ako. Saka na lamang kita tatanungin kung ano ang nangyari, basta magpagaling ka.”

aniya at ginulo ang aking buhok. Ngumiti pa muna siya bago isinara ang pinto.

END OF FLASHBACK…

Matapos lumabas ni Hermano ay napatitig na lamang ako sa kisame ng kwarto. Hindi magkandaugaga ang aking isipan sa dami ng aking iniisip. Una, bakit ganoon ang mga kinikilos ni Kenjie, di ko akalain na hahantong sa ganito ang mangyayari sa amin. Pangalawa, bakit ganon na lamang ang mababasang lungkot at sakit na nakita ko sa mga mata ni Nathaniel. At pangatlo, bakit sa tuwing magiging ganito ang sitwasyon ko sa mundong ito, siya ang laging sumasaklolo saakin.

Hindi ko kung paano pahuhupain ang sakit na nararamdaman mo, nguni’t asahan mong lagi akong narito sa tabi mo kailangan mo man o hindi. Darating ako.“

Hindi ko kung paano pahuhupain ang sakit na nararamdaman mo, nguni’t asahan mong lagi akong narito sa tabi mo kailangan mo man o hindi. Darating ako.

Hindi ko kung paano pahuhupain ang sakit na nararamdaman mo, nguni’t asahan mong lagi akong narito sa tabi mo kailangan mo man o hindi. Darating ako.

Muling nagpaulit-ulit sa aking isipan ang huling binitawang iyon ni Nathaniel, hindi ko alam kung ano ang magiging papel niya sa buhay ko, pero laking pasasalamat ko sa kaniya, dahil kung hindi sa rin dahil sa kaniya, hindi ko kakayaning mag-isa ang sakit na aking nadarama.

KABANATA 17.

Lumipas ang ilang araw ay nanatili parin ako sa bahay nila Hermano.  Nahihiya na rin ako sa kanila,  kahit na sabihin nilang ayos lang sa kanila na dito muna ako tumuloy, wala rin silang nagawa pa kundi ang hayaan na lang ako. Naghabilin pa ito na kung sakaling magbago ang isip ko ay huwag akong mahihiyang pumunta sa kanila,  bukas ang kanilang tahanan para saakin.  Hindi ko na alam kung paano sila papasalamatan sa sobrang kabaitang ipinapakita nila saakin.

Hindi na rin nagbusisi si Hermano kung ano ang nangyari saakin nung araw na iyon,  ang mahalaga na lang daw sa kaniya ay ligtas at magaling na ako. 

Ngayon ay kasama ko si Hermano papunta sa Kainan, gusto kong magpasalamat at magpaalam ng personal kay Tiya Rosario. 

Mula dito sa kinatatayuan ko,  nakikita ko na agad ang kainan.  Nagtaka naman ako dahil hindi ako sanay sa nakikita ko rito.  Kakaunti ang kumakain,  hindi gaya noong panahong nandoon ako.

Muling bumilis ang tibok ng puso ko,  bigla ay umurong ang lakas ng loob ko. 

’Bakit ka naman mawawalan ng lakas ng loob?  Si Tiya Rosario ang pinunta mo dito hindi ang ibang tao.“

Nakayukong nagpatuloy ako sa paglalakad papunta sa kinaroroonan ng tiya.  Pero agad din akong napatigil ng mapansin ako ni Melinda. Agad itong lumapit saakin at hinawakan ang aking kamay,  ganoon din si Ago.  Naging masigla ang mga mukha nito ng nakita ako,  bigla akong napangisi sa kaplastikan ng dalawang ito.

“Mabuti ay nagbalik kana,  simula noong nawala ka umonti ang mga kumakain,  iniisip ko pa nga na baka ikaw talaga ang swerte sa Kainan.”  sabi ni Melinda tinignan ko lamang ito at mabilis ding binawi at itinuon naman kay Ago.

“Siya’ng tunay,  mahina ang kita ng kainan matapos mong mawala ng ilang araw.  Babalik kana ba?  Tiyak na dadami ang kita ng Kainan kapag bumalik ka ulit.”  biglang nag-init ang ulo ko sa pakikitungo ng dalawang ito.  Napaplastikan ako sa pinapakita nila.  Hinawi ko ang pagkakawak ni Melinda sa aking kamay,  gulat naman itong tumingin saakin.

“Ayokong maging makasarili,  pero kung kayo lang din naman ang taong makakasalamuha ko araw-araw.  Mas gugustuhin ko pang maghanap ng ibang trabaho kaysa makipagplastikan sa inyong dalawa.”  inis na sabi ko sa dalawang ito.  Naiinis ako sa kanila dahil ang plastik nila,  bakit noong araw  na may nangyari saakin nasaan sila?  Nandoon sila malapit sa kahera nakatayo,  masama  ang tingin saakin.  Tapos ngayon lalapit sila saakin,  maganda na ang pakikitungo?  ’kingina ba nila? ’

Hinayaan ko na lang sila,  ayoko ng magbitaw pa ng salita baka kung anong masasakit pa ang masabi ko mahirap na.

Napansin naman ng Tiya ang presenya ko,  malungkot itong tumitig saakin,  ibang lungkot ang nakikita ko rito.  Kaya naman lumapit ako sa kaniya at yumakap. Tumulo ang luha ko ng maramdaman ang init ng yakap nito. 

“Tahan na,  lalo lamang akong nalulungkot kapag nakikita kitang tumatangis.  Tahan na.”  pag-alo ng tiya saakin habang hinahagod ang aking likuran.  Inakay naman niya ako palayo sa Kainan. Umupo kami sa ugat ng malaking puno,  maganda ang panahon ngayon maaliwalas masarap ang ihip ng hangin.

“Tumahan kana.”  muling alo pa nito pinahid ko naman ang aking mga mata. 

“Naparito po ako para magpaalam sainyo.”  malungkot na sabi ko at natigilan naman siya nguni’t agad din naman siyang ngumiti,  pero ang mga mata ay malulungkot

“Babalik kana ba sa iyong panahon iho? “ bigla ay natigilan ako sa sinabing iyon ng tiya,  napatitig ako sa kaniya,  hindi nakapagsalita hindi makapaniwala. 

“A-Ano pong sinasabi niyo tiya?  Hehe.”  utal na tanggi ko,  hindi ko alam kung ano ang gagawin ko ngayon din. 

“Huwag mo nang ipagkaila pa, sa una palang ay alam ko na,  at alam na din iyon ni Rosalia.” muli akong napatitig kay tiya, 

“P-Paano niyo po n-nalaman? “  utal muling tanong ko.  Bumuntong hininga naman ang tiya bago muling nagsalita

“May taglay kami na makaramdam.”  iyon pa lamang ang sinabi ng Tiya ay alam kong nagsasabi ito ng totoo.  “Kaya kong makaramdam ng paligid,  nakikita ko sa aking isip ang mga pinagmulan ng mga bagay at isa naron ang dahilan kung bakit nalaman kong hindi ka taga rito.  Ang Tiya Rosalia mo naman ay may kakahayang magbasa ng isip ng tao.”  hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko,  kaya pala ganon na lamang ang pagtataka ko noong unang beses kong pumunta sa bahay nila Hermano,  kaya pala parang nabasa ng tiya ang nasa isip ko,  dahil ka niya pala talaga iyon.  Naghalo ang mangha at gulat sa loob loob ko.

“At nasabi rin saakin ni Rosalia na mayroon kang pagtingin sa aking anak na si Kenjie.  Hindi ako tutol dito,  nguni’t gusto lamang kitang balaan iho.  Manganganib ang buhay mo,  kaya maaaring bumalik kana sa aming tahanan.  Doon ay ligtas ka sa kapahamakan.” hindi ko na alam ang gagawin ko sa pagkakataong ito. Naguguluhan ako. Maraming tanong ang sumasagi sa isip ko,  nguni’t ang mga tanong ding iyon ay kaya ko ring sagutin. “Kaya iho,  ako na ang nagsasabi saiyo,  bumalik kana sa bahay. “  dagdag pa nito,  napakurap ako. 

“P-Paano po si Kenjie? “  nahihiyang tanong ko.  Kahit alam na ng tiya ang nararamdaman ko,  hindi ko parin maiwasang hindi mahiya dito.   Ngumiti naman ito ng malawak.  Kaya nagtaka ako.

“Si Kenjie ba kamo?  Wala iyong kaso sa kaniya,  nakita ko ang ginawa niya saiyo,  nguni’t ako na ang nagsasabi saiyo.  Hindi niya iyon sinasadya.  At alam mo bang,  simula noong umalis ka at hindi ka niya nakikita.  Buong araw itong walang imik.  Ayoko mang isipin na may nararamdaman din ang aking anak saiyo.  Pero ang nararamdaman niyong dalawa ay mali.  Alam kong alam mo iyon iho.”  Hindi ko alam kung matutuwa ako sa sinabing iyon ng tiya,  pero Hindi ko alam kung tama itong nararamdaman ko,  may parte sa puso ko ang kiniliti,  nguni’t may parte rin sa puso ko ang nalulungkot.

Matapos ang napag-usapan naming iyon ng tiya ay napagdisisyonan ko na lamang na bumalik sa kanila ayon din sa kaniyang kagustuhan.  Hindi ko alam kung anong panganib ang mangyayari saakin kaya mas maganda sigurong manatili ako sa tahanan nila Tiya Rosario.  Buong magdamag kong inisip ang lahat ng pinag-usapan namin ng tiya. Kasalukuyan ako ngayong nakahiga sa ilalim ng bintana. Narito na ako sa dati kong silid.  Namiss ko ang lahat ng alalang meron ako dito kaya naman halos halikan ko ang buong kwartong ito maging ang sofa na hinihigaan ko.  Nag suhestyon pa ngang papalitan ng tiya ang sofa ko ngunit tumanggi naman ako.  Kontento na ako sa sofang ito. At isa pa,  hindi naman ako madalas matulog doon dahil dito ako natutulog sa ilalim ng bintana. 

At gaya ng ginagawa ko noon, nakatulugan ko na naman ang pagtingin sa kalangitan.

KINABUKASAN…

“Nais mo bang sumama saakin sa batis? “ 

Naitigil ko ang aking pag-iisip ng biglang nagsalita si Hermano. 

“Tara sa batis! “ masiglang tugon ko.  Lumawak naman ang pagkakangiti nito. 

“Tara na, naghihintay na roon ang aking sinisinta.”  nagmamadaling sabi pa nito habang nag eenjoy sa paghila sa aking braso. Nguni’t  agad din kaming napatigil ng biglang magsalita si Kenjie.

“Sandali!  Maaari ba akong sumama? “  tanong nito, nasa akin ang paningin.  Agad ko ring iniwas ang mata ko sa kaniya.  Ayokong mahulog muli sa mga mata niyang iyon. 

“Siya! Dalian mo na!  Ayokong pinaghihintay ang aking binibini.”  sigaw ni Hermano nguni’t agad din nangunot ang noo nito ng pisilin ko ng mahigpit ang kaniyang ilong.

“Ayaw mong pinaghihintay ang jowa mo doon,  tapos siya ang laging pinapauna mo sa tuwing magtatagpo kayo.  Wag nga ako Hermano! “  singhal ko rito at sumimangot naman ang mukha nito.

“Ano naman ang salitang

Jowa?

“ takang tanong pa nito, natawa naman ako. 

Jowa

isang salitang kalye na kung saan ang ibig sabihin ay

syota 

o sinisinta sa malalim na tagalog.“  nangunot naman ang noo nito nguni’t natawa din.  Biglang umusbong ang nakakalokong ngisi sa labi nito.

“Ahh sa ating dalawa ikaw lang naman ang walang

Jowa.“

pang-aasar nito,  bigla ay uminit ang ulo ko sa sinabi niyang iyon.  Kita ko naman ang pagtawa niya kaya naman mabilis akong kumilos upang habulin siya.  Takbo kami ng takbo hanggang sa marating namin ang batis nang hindi namamalayan.

KABANATA 18.

Muli na naman akong namangha ng masilayan ang ganda ng batis na ito.  Maging ang talon ay walang pinagbago.  Mabilis na hinanap ng aking mata si Hermano na bigla na lamang nawala. 

Nguni’t agad din akong napangiti ng makita na naman itong kumakaway sa ilalim ng puno ng mangga.   Kaya naman dali dali akong nagtungo doon, nguni’t biglang nanlaki ang mga mata ko ng matapilok ako sa malaking ugat ng puno. 

Napapikit ako sa gulat at hinayaan na lamang ang sariling madapa.  Nguni’t ganon na lamang ang aking pagtataka ng maramdamang hindi lumapat ang katawan ko sa lupa.  Dahan dahan kong iminulat ang aking mga mata. Nagtatakang napatingin sa taong nagligtas saakin mula sa pagkakadapa.  Nasilaw ako sa liwanag liwanag  kaya naman kinakailangan ko pang takpan ang aking noo para lamang mabawasan ang liwanag na nagmumula sa kalangitan.

“Ayos ka lang ba? “  tanong nito saakin,  agad namang nanlaki ang mga mata ko sa gulat.  Hindi ko inaasahan na makikita kong muli siya rito. Tumango naman ako bilang pagtugon, busy ako sa katititig sa kaniyang mga mata.  Napakaganda nito.  Dahan dahan niya naman akong itinayo at muling tinanong kung ayos lang ba ako. 

“A-Ayos lang ako.  Salamat. “ utal na sabi ko,  hindi ko alam kung ano ang una kong gagawin,  ganoon din siya. 

“Ano nga pala ang ginagawa mo rito sa batis? “  tanong naman nito.

“Maliligo, kasama ko si Hermano.” tugon ko sa tanong niya.  “

Ikaw?  Ano ang iyong ginagawa dito?  Mayroon ka bang kasama? “ balik na tanong ko rito. Nakangiti naman siyang sumagot.

“Kasama ko ang aking nakababatang kapatid.”

“Ahh…  Ma~”  hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng biglang nagsalita si Kenjie sa likod.  Hindi ko napansin na sumunod pala ito. 

“Naistorbo ko ba ang inyong pag-uusap?”  tanong nito,  muli ay nasa akin ang paningin.   ‘Hinde!  Magsasalita pa nga lang ako sumabat kana.’

“Hindi naman.  Masyado. “ tugon ko,  kumunot naman ang noo nito.  Hindi ko na lang siya pinansin at muli na lamang humarap kay Nathaniel.

“Nasaan na nga ba tayo? “  tanong ko kay Nathaniel,  nguni’t si Kenjie naman ang sumagot sa tanong ko. 

“Narito tayo sa Batis,  kaya maaari bang makiraan?  Kung gusto niyong mag-usap,  libre ang gilid ng daan.”  sarkastikong sabat pa nito.  Hindi ko na naman alam kung anong uri ang sumapi sa lalaking ito, kung bakit nagkakaganito na naman. 

Hindi ko akalain na sa mabait na Kenjie ako nag-umpisa.  Kaya naman parang naninibago pa ako sa mga iniaasta nito.  Wala na akong nagawa pa kundi ang tumabi kay Nathaniel at titigan siyang dumaan. Pinagmasdan ko  na lamang ang kaniyang likuran.  Natatawang nilingon ko si Nathaniel na ngayon ay nakatingin na saakin. 

“Anong nangyari don? “  takang tanong ko at nag kibit balikat lamang siya.  Hindi na namin naituloy pa ang naudlot naming pag-uusap nang mag-umpisa na kaming maglakad papunta sa kinaroroonan nila Hermano. 

“Dictoria! Ano ang ginagawa mo rito? “  bigla akong nagulat natapos sumigaw ni Nathaniel,  napatingin naman ako doon sa babaeng kasama ni Hermano.  Hindi na makatingin ng diretso ang dalawa,  natakot bigla kay Nathaniel. 

“Tumakas ka na naman!  At sino itong lalaking ito? “  bigla ay sinugod niya si Hermano at hinawakan ito sa damit.

“K-Kuya!  Pakiusap,  huwag mong sasaktan si Hermano.”  muli kong pinakatitigan ang babaeng tumawag na kuya kay Nathaniel.  Tila namumukhaan ko ito,  parang nagkita na kami dati. 

Inisip ko iyon ng inisip hanggang sa maalala ko na kung saan kami huling nagkita. 

“Ikaw

! Oo ikaw! Diba ikaw ung kasama nung babaeng bruhilda? “  turo ko sa babaeng iyon,  nagtataka naman itong tumingin saakin. 

“Hindi kita nauunawaan ginoo.”  aniya napabuntong hininga na lamang ako tinatamad akong magpaliwanag. Inawat ko na lamang si Nathaniel. Hinawakan ko ang kamay nitong nakahawak sa damit ni Hermano.

“Nathaniel huminahon ka,  mga bata iyan.”  pigil ko sa kaniya,  tumingin muna siya saakin at saka huminga ng malalim.

“Pagbibigyan kita sa pagkakataong ito,  sa susunod na makita kong kasama mo ang kapatid ko.  Lalapat ang kamay ko riyan sa mukha mo.”  pagbabanta pa nito bago binitawan si Hermano.  Agad naman siyang nilapitan ni Doctoria at kitang kita mo sa mga mata nito ang pag-aalala.  Bigla ay napangiti ako.  Hindi ko akalain na mayroong lakas ng loob ang dalawang ito para suwayin ang pinag-uutos ng kanilang mga magulang. 

Siguro kung nasa panahong strikto sila naabutan,  baka bago pa ako makapunta sa panahong ito.  Kasal na ang dalawang iyan. 

Agad ko ring pinuntahan si Hermano at pinagsabihan ito.

“Kahit ako ay magagalit sainyong dalawa.  Sino nga ba ang matutuwa kapag nakitang magkasama ang dalawang batang ito. Lalo pa’t babae ka.”  tukoy ko kay Doctoria na ngayon ay tahimik na nakikinig sa sermon ko.  Tinignan ko naman si Nathaniel  nakatitig din ito saakin.  Nginitian ko naman ito nguni’t siniringan lamang ako nito.  “At ikaw naman ay Lalaki,  hindi magandang tignang magkasama kayong dalawa. Naiintindihan niyo ba ako? “  tanong ko at tumango naman ang dalawa. “At minsan kailangan niyong dumistansya sa isa’t-isa.  Masyado pa kayong bata para makaramdam ng ganiyan.  Jusko kayong mga bata kayo.”  dagdag ko pa.

“Wala ka lamang

jowa 

kaya mo nasasabi iyan.“

‘Aba’y pasmado ang bibig nitong si Hermano.’  tinignan ko siya ng masama nguni’t tinawanan lamang ako nito.  “Siya nga pala, hindi pa kita naipapakilala.  Dictoria,  siya nga pala si

Nil,  

iyong laging ikinukwento ko saiyo.“

“Iyong marunong magsalita ng ingles? “ tanong naman ni Dictoria.  Nakangiting tumango naman si Hermano.  “Iyong lalaking tinutukoy mo na mayroong mala porselanang balat? “  muling tanong nito at mukha namang tangang tatango tango itong si Hermano.  Natawa pa ako sa kakulitan nito.  Hindi ko akalain na mas makulit pa pala ito kahit kaharap ang mahinhin na dalagang nasa tabi ko. 

Hinawakan naman ni Dictoria ang aking kamay at inihambing sa kaniyang kulay.

“Totoo nga,  mas maputi pa ang balat mo kaysa sa akin.”  namamanghang sabi pa nito.  Muli akong  natawa sa kainosentihan nito. “Hindi ko akalain na mas may maputi pa pala saakin. Hindi mo naitatanong ay,  ako ang pinakamaputi sa aming tatlong magkakapatid.  Sumunod itong si Kuya Nathaniel at  si ate ang pinaka maitim saming tatlo.”  maytonong panlalait ang huling sinabi nito.  Natawa ako,  mukhang hindi magkasundo ang dalawang ito. 

“Bakit tila may naramdaman akong kakaiba sa huling sinabi mo,  ukol sa nakakatandang kapatid mo na babae? “  pang-uusisa ko,  kumagat naman ito. 

“Ayoko sa ugali ni Gavriela.  Gusto niya siya ang laging nasusunod sa aming tahanan.  Siya rin ang pinaka paborito ng aming ina,  maging ng aming ama.  Sunod-sunuran sila sa magaling kong kapatid.  Minsan pa nga ay gugustuhin ko na lamang maging katulad ni Kuya Nathaniel.  Malaya niyang nagagawa ang lahat ng gusto niyang gawin.”  kwento nito at hindi ko maiwasang hindi makaramdan ng awa sa batang ito.  Buo ang kanilang pamilya nguni’t mukhang hindi naman masaya ang kanilang mga anak.  Isa rin sa pamilya,  ang magkaron ng favoritism sa mga anak.  Lumapit ako kay Dictoria at hinawakan ang kaniyang mga kamay. 

“Alam ko iyang nararamdaman mo,  dahil maski pati ako ay hindi naging masaya sa pamilya ko.  Pero kahit ano pang gawin mo,  sila parin ang pamilya mo.  Ang kailangan mo lang ay maging matatag.”  nakangiting sabi ko.  Napangit naman ito sa sinabi ko.  Kaya naman nung makita kong magkatabi ang dalawa ay pinagitnaan ko sila.  “Paalala lamang,  dumistansya.”  muling sabi ko natawa naman ang dalawa.  Mapadako naman ang tingin ko sa gawi ni Nathaniel.  Nakangiti itong nakatitig saakin,  nguni’t ng magtama ang aming paningin ay nawala ito at napalitan ng seryosong mukha.  Nagpatuloy ang aming kwentuhan hanggang sa mauwi sa tawanan.  Nagpabida muli si Hermano,  kaya kami naman ni Dictoria ay tawa nang tawa. 

“Ginoo maalam ka bang umawit? “  biglang tanong ni Dictoria saakin.  Mabilis naman akong tumango. 

“Oo naman,  hindi sa nagmamayabang,  nanalo na ako sa isang singing contest noon.”

“Singing

kontes? “ 

takang tanong ng dalawa,  muli akong napabuntong hininga. 

“Singing, umawit,  contest,  kalahok. Iyan ang kahulugan.”  hindi ko alam kung tama ba ang sinabi ko. 

“Umawit kalahok? “  sabay na tanong ng dalawa.  Bigla ay natawa si Nathaniel sa sinabi ng dalawang ito.

“Hindi ko akalain na magaling ka sa wikang ingles,  nguni’t ang tagalog nito ay hindi mo alam.”  bigla ay singit ni Nathaniel.  Kumunot naman ang noo ko sa sinabi nito.  “Nagbibigay ka ng maling impormasyon sa dalawang puslit na ito.  Ang ibig sabihin ng Singing Contest ay, paligsahan sa pag-awit.”  bigla ay gusto kong pumalakpak ng bente. Hindi ko akalain na ganito katalino itong si Nathaniel.  Hindi ko tuloy maiwasang hindi humanga sa kaniya.  ’Gifted masyado.  Bagay lamang sa kaniyang pangalan.  Gift of god.“

“Nakaligtaan kong sabihin na magaling din pala ang aking kuya sa wikang ingles.”  bigla ay singit ni Dictoria.  “Sa katalinuhan ay pangalawa lamang ako.”  dagdag pa nito,  na curious ako kung sino ang pinaka matalino sa kanilang tatlo.  Siguro ang babaeng negra iyon. 

“Eh sino ang pangatlo?  Etong si Nathaniel? “  pang-uusisa ko habang nakatingin kay Nathaniel,  natawa naman ito sa aking sinabi. 

“Hindi ginoo,  sapagkat ang aking kuya ay siyang pinaka matalino saaming magkakapatid.  Si Gavriela lang talaga ang pinagkaitan ng katalinuhan.”  humagikgik ito sa huling sinabi kaya natawa na naman ako. ‘Grabi rin pala ang ka plastikan ng babaeng ito.’ 

Sa kabilang banda ay biglang hinanap ng aking mata si Kenjie.  Inilibot ko ang aking mga mata at doon ay natagpuan ko siyang nakaupo sa itaas ng tulay. Biglang lumamlam ang aking mga mata ng makita ang tingin niya saakin. Mayroong kakaibang lungkot sa mga ito.  Nguni’t kahit anong lungkot pa man ang nakikita ko sa mga mata nito ay hindi na ako magpapadala rito.

KABANATA 19

Matapos ang aming kwentuhan ay napagpasiyahan na naming maligo.  Muli akong ibinida ni Hermano sa kakayahan ko kunong umikot sa ere.  Kaya naman nag request itong si Dictoria na kung maaari daw ay gusto niya rin itong makita.  

Kaya naman pumunta ako sa itaas ng talon,  malapit sa kinaroroonan ni Kenjie. Naagaw ko naman ang tingin nito,  nginitian pa ako nguni’t hindi ko naman ito pinansin. 

Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa makapunta ako sa dulo ng lupa.  Tumalikod ako sa gawi nila,  at inihanda ang aking sarili sa pagtalon.  Nguni’t ganon na lamang ang takot ko ng bigla ay gumuho ang kinatatayuan kong lupa.  Kaya naman bigla akong nahulog.

Narinig ko pa ang sigaw nilang lahat, habang nasa ere ay ibinalanse ko ang aking sarili upang hindi mapasama ang pagbagsak ko sa tubig. Narinig ko naman ang magkasabay na pagtalon ni Nathaniel at ni Kenjie.

Maayos kong naibalanse ang aking katawan kaya naman maayos akong nahulog sa tubig.  Nguni’t ganon na lamang ang gulat ko nang makita ang mga mata ni Kenjie sa ilalim ng tubig.  Hinawakan nito amg aking braso at hinila papunta sa tabi niya.  Nguni’t agad din akong napatigil ng may humigit naman sa kabila kong braso.  Pinakagtitigan ko ang kamay ni Nathaniel habang nakahawak sa aking braso.  Patuloy na naghigitan ang dalawa at nasasaktan na ako.  Kaya naman ay pwersahan kong hinigit ang aking braso mula sa pagkakahawak ng dalawa. 

“Ayos ka lang ba? “  sabay na tanong ng dalawa matapos makahigop ng preskong hangin.   Pero imbis na sumagot ay galit kong tinignan ang dalawa. 

“Ayos lang ako,  pero muntikan na akong mamatay dahil sa ginawa niyong paghigit higit sa braso ko.  Hindi iyan lubid para hilahilain nyo.  Mga

pashnea kayo!“ 

singhal ko sa dalawa.  Napatungo naman si Nathaniel habang si Kenjie naman ay kakamot kamot sa kaniyang ulo.  Mabilis akong lumangoy paahon at muling umakyat sa tuktok ng talon. 

“Ano magpapakamatay kana ba? “  bigla ay pigil saakin ni Kenjie.  Hindi ko alam kung paano niyang nagawang makaakyat ng ganon kabilis at nagawa niyang maabutan ako.

“At bakit ko naman gagawin iyon? “  inis na tanong ko sa kaniya. Umigting naman ang panga nito at iiling iling na umupo sa malaking bato. 

Agad akong nakaisip ng ibang trick.  Lumayo ako sa talon at nagtungo sa patag na lupa.  At doon ay nagtatalon talon.  Hinahanda ang aking sarili sa pagtabling

Mabilis akong tumakbo at swabeng tumalon sa dulo ng talon,  swabe ang aking pag-ikot maging ang aking paglapag sa tubig.  Narinig ko ang hiyaw at palakpak ni Hermano at Dictoria. Kitang kita ko ang pagkamangha nito.  Nguni’t naagaw ng atensyon ko ang pagtayo ni Nathaniel sa itaas ng talon.  Nakatingin ito saakin at biglang kumindat. 

Tumakbo siya sa kaninang pinanggalingan ko,  nagtatalon talon at maya maya lang ay,  tumalon at umikot sa ere.  Bigla akong napanganga sa ginawa niyang iyon.

Hindi ko alam na marunong pala siya non.  Muling naghiyawan sina Dictoria at Hermano dahil sa pagkamangha.   Nang makaahon na si Nathaniel ay mabilis akong lumangoy sa gawi niya.  Namamangha ako sa ginawa niyang iyon. 

“P-Paano mo natutunan iyon? “  namamanghang tanong ko sa kaniya,  agad namang bumalatay ang ngisi sa kaniyang labi. 

“Lahat ng bagay kayang pag-aralan.”  nakangising sagot nito,  malayo sa tanong ko.

“Paano mo nga natutunan? “  nakangusong tanong ko.  Natawa naman ito at saka ginulo ang buhok ko.

“Nakita kitang ginawa iyon,  sa aking natatandaan,  iyon ang kaunaunahang pagkikita nating dalawa. At iyon din ang araw na nakita kitang ginawa iyon.  Namangha ako sa ginawa mo kaya naman pinag-aralan ko iyon.”  kwento naman nito,  muli akong natulala sa sinabi niya. Napaka talented ng lalaking ito.  Totoong bagay na bagay sa kaniya ang pangalan nya.  Bukod sa mukha siyang anghel,  pinagkalooban naman ito ng kakaibang talento.  Nakakamangha ang lalaking ito. 

“Si Kenjie tatalon din! “  bigla akong napatingin sa itaas ng talon.  Hindi ko nakita si Kenjie nguni’t nagulat ako sa ginawa nito.  Tumakbo siya at saka tumalon at umikot din sa ere.  Kahit isang ikot lang ang ginawa niya ay napaka swabeng tignan non.  Nakakamangha,  bigla ay gusto ko siyang lapitan at tanungin kung saan niya ito natutunan.  Ang kaso,  hindi parin pala ako handang kausapin siya sa ngayon. 

Hinanap ng aking mata si Kenjie,  ang tagal nitong umahon kaya naman umikot ikot pa ako para hanapin ito.  Nguni’t ganon na lamang ang gulat ko nang marinig ko ang boses nito sa likuran ko.

“Maayos ba?”  nakangising tanong nito.  Humarap ako sa kanya at ayon na naman ang nagagandahang mga ngipin niya.  Hinanap ng paningin ko si Nathaniel at ayon na siya nakaahon na sa batis. 

“Bakit hindi mo rin ako purihin gaya ng pagpuri mo sa lalaking iyon.”  dagdag pa nito,  nangunot naman ang noo ko sa sinabi nito. 

“At bakit naman kita pupurihin?” 

“Dahil magaling ako.  Ngayon ko lamang iyon nasaksihan nguni’t nagawa ko kaagad.  Hindi ba magaling iyon? “  pagmamayabang nito, hindi ako makapaniwala na mayroon pa palang ganitong katangian si Kenjie.  Tuloy ay napaisip ako,  hindi ko pa ata lubos na kilala ang lalaking nasa harapan ko ngayon.

“Ayos lang sakin na hindi mo ako purihin,  ayos lang din saakin na huwag mo nang sabihin.  Dahil mas naniniwala ako sa nakikita ko saiyong mga mata.”  Dagdag pa nito at saka ako iniwanan.  Lumangoy soya papalayo at saka umahon. 

Sa sobrang pagkalito ko ay inilubog ko ang aking sarili sa tubig.  Nakapikit kong hinayaan ang aking sarili na pumaibaba sa ilalim ng tubig. Hindi ako nagpapakamatay o nagpapakalunod,  gawain ko na ito dati pa.  Ganito ako minsan kapag gulong gulo ang aking isipan.  O di kaya ay may gusto akong kalimutan.

Napatigil ako sa pagrerelax ng biglang may dalawang kamay ang humawak sa magkabila kong pisngi. Iminulat ko ang aking mga mata at ganon na lang ang gulat ko ng makita ang nag-aalalang mukha ni Kenjie.  Bigla ay idinampi niya ang kaniyang labi saakin at sinalinan ako ng hangin.  Nakapikit na ito ngayon, damang dama ko ang lambot ng kaniyang labi.  Ang labi niyang iyon ay tila inaakit ang ako,  kahit dampi lang iyon ay malakas na ang tama para saakin.  Bigla akong nakaramdam ng mas higit pa roon.  Kaya naman hindi ko akalain na magagawa kong gantihan ang halik niyang iyon.

Nagulat pa ako ng gayahin niya ang ginawa ko.  Iminulat ko ang aking mga mata,  agad na nagsalubong ang aming tingin.  Mababasa mo sa mga mta nito ang pagkapusok.  Kaya bago pa man mayroong mangyari sa pagitan namin ni Kenjie ay umahon na ako at saka uubo ubong lumanghap ng hangin.  Matapos non ay inilibot ko ang aking paningin,  natatakot na baka ay may makakita saamin.  Agad akong nakahinga ng maluwag ng makitang walang tao sa paligid.  Nakita ko ang pag-ahon ni Kenjie sa tubig.  Agad na nagtama ang aming paningin. Sa hindi maipaliwanag na dahilan,  nakaramdam ako ng init sa aking katawan.  Kakaiba ang dulot ng pagkakahalik na iyon ni Kenjie.  Nagdudulot ng kakaibang pakiramdam. 

Bago pa man ako mawalan ng ulirat ay ako na ang kusang umiwas ng tingin.  Nagpatuloy na ako sa paglangoy at agad sing umahon. 

“Ano ang nangyari,  bakit tila hinahapo ka ginoo? “  biglang tanong ni Dictoria ng mapansin nitong naghahabol ako ng hininga.

“W-Wala ito,  sumisid lamang ako sa ilalim ng tubig.”  sagot ko naman sa kaniya,  agad kong iniwas ang aking tingin ng muling magsalubong ang tingin namin ni Kenjie. 

“Sa sobrang galing niyang sumisid,  pati ang hindi dapat sinisisid,  ay nasisid niya.  Hindi ba Neil?”  makahulugang sabi ni Kenjie,  lalo tuloy akong nakaramdam ng hiya,  hindi ako makatingin ng diretso sa kaniya.

“Ano ang ibig mong sabihin ginoong Kenjie? “  tanong ni Dictoria,  nguni’t ngisi lamang ang isinagot nito.  Bigla ay gusto ko na lamang magpalamon sa kinasasadakan ko ngayon.  Nahihiya ako sa sarili maging kay Kenjie.  Naiinis din ako dahil bakit kailangang gumanti ako sa pagkakahalik niya.  Masyado akong nababaliw sa kakaisip sa kung ano ano.  Gusto ko na lamang muling tumalon sa batis at muling sumisid.  Gusto kong kalimutan ang nangyaring iyon.  Nguni’t bigla akong napaisip.  Kung gagawin ko iyon ay lalo ko lamang itong maaalala. 

’Gulo ito! ’ 

Napabuntong hininga na lamang ako at umupo sa tabi ni Hermano.  Hinayaan ang sarili na kalimutan ang nangyari kahit imposible.

KABANATA 20.

Eto kainin mo iyan.  Masarap yan.“

napalingon ako sa dalawa ng bigla nilang iabot saakin ang magkaibang prutas.  Taka ko naman itong tinignan, si Kenjie ay mayroong hawak na dragon fruit. Habang si Nathaniel naman ay mayroong hawak na ponkan. 

Hindi ko alam kung paano kainin ang dragon fruit ni Kenjie kaya naman kinuha ko na lamang ang ponkan na hawak ni Nathaniel. Agad namang lumawak ang pagkakangiti nito saakin,  nguni’t nang dumako ang kaniyang tingin kay Kenjie ay ngumisi ito.  Nasaksihan ko naman kung paano nagpalit ang emosyon ni Kenjie.  Ang kaninang nakangiti, ngayon ay inis na nakaititig kay Nathaniel. 

Hindi ko na lamang siya pinansin pa,  dahil baka maunggkat na naman ng aking ala-ala ang nangyari kanina.  Mahirap na.

“Ginoong Neil!  Hindi mo pa nagagawa ang aking hinihiling.  Ipinagmalaki mo pa naman saamin na nanalo ka sa paglisahan sa pag-awit.”  biglang sabi ni Dictoria,  hindi ko alam kung gagawin ko pa ba o hindi.  Nako conscious kasi ako kay Nathaniel at Kenjie dahil sa mga titigan nito.  Tila nagpapaligsahan ang dalawa.  Ayoko mang bigyan ng meaning pero nagkukusa ang isip ko.  Kaya naman napagdisisyunan ko na lamang na huwag nang kumanta. 

“Sa susunod na araw na lang Dictoria.”  tanggi ko at nalungkot naman ang mukha nito. 

“Hindi ko alam kung mauulit pa itong pagsasama sama natin,  dahil nakapag-usap na kami ni Hermano,  dahil gaya ng sinabi mo,  kailangan din muna naming dumistansya sa isa’t-isa.”  sa sinabing iyon ni Dictoria ay napangiti ako.  Hindi ko akalaing mapapasunod ko ang dalawang ito. 

“Nagagalak ako na kaya niyong gawin ang pinapagawa ko,  kaya naman dahil sa ginawa nyong iyon,  kakantahan ko kayo.” nakangiting sabi ko,  agad namang napalitan ng saya ang lungkot na kanina ay aking nakikita.  Nag-isip ako ng maaaring kantahin,  hanggang sa sumagi sa isip ko ang kantang ‘Kahit na anong sabihin ng iba.’  nakangiti akong tumayo sa malaking bato na kinauupuan ko.  Umayos naman ng upo sina Dictoria at Hermano.  Maging sina Nathaniel at Kenjie ay nagtatakang pinagmasdan ako.  Gamit ang isang patpat, ay ito ang nahing microphone ko. 

🎶 🎶 Ang dami nilang sinasabi,  malapit na nga akong mabingi,  sa mga napupuna nila… At nakakasawa din pala. 🎶 🎶

Panimulang kanta ko, agad ko namang narinig ang pagkahang ng dalawang bata saaking boses. 

🎶 🎶

Sabi sabi nila na hindi tayo magtatagal,  kesyo ganto,  kesyo ganyan,  sa una lang daw tayo masayaa…. 🎶 🎶

aking ipinikit ang aking mga mata. Ninamnam ang lyrics ng kanta. 

🎶 🎶  Ahaaa…  Ahaa…  Ahaa…  Wala tayong magagawa.  Aha…  Ahaa…  Aha.. Tawanan na lang natin~ kahit na anong sabihin ng iba~~ pangako ko sa’yo na walang mag-iiba~~ walaa..  Walang magdidikta, sa nadarama~~ kahit na anong sabihin ng iba.mahal kita. 🎶 🎶  

pagtatapos ko sa kantang iyon.  Dahan dahan kong imunulat ang aking mga mata.  Nguni’t nabigla ako ng si Kenjie ang una kong nakita.  Malamlam ang kaniyang mata. Tila nagsasabi na nalulungkot siya. 

Umalis ako sa batong kinatatayuan ko kanina at pumalakpak naman ang dalawang bata.  Natawa pa ako dahil amaze na amaze talaga ang itsura nito.

“Hindi ko akalain na tunay  na maganda ang iyong tinig ginoong Neil.  Nararapat lang na ikaw ang nanalo sa patimpalak na iyong sinalihan. Napaka husay mo! “ papuri ni Dictoria,  bigla ay nahiya ako at na-conscious nang maramdaman ang titig nila Nathaniel at Kenjie saakin.  Hindi man nila sabihing humanga sila sa boses ko,  ay siya namang sinasabi ng mga mata nito.

Masaya kaming nagkwentuhan,  nguni’t ang mas ikinatataka ko ang balikan ng masasamang tingin nila Kenjie at Nathaniel.  Hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa kanilang dalawa kung bakit ganoon na lamang sila kung magbalikan ng masasamang tingin.

“Sey ahh! “  biglang sabi ni Hermano kay Dictoria,  natawa pa ako dahil sa sinabi nito. 

“Sey ahh? “  takang tanong naman ni Dictoria habang nakanganga.  At lalo akong natawa ng bigla ay subuan ito ni Hermano ng dalandan.  Biglang nangasim ang mukha nito.  Tuloy ay hindi ko na napigilan ang paghagalpak ng aking tawa.

“Ano ba ang ibig sabihin ng

’Sey ahh? ’ 

at bakit mo ako pinakain ng dalanghita?  Napaka asim! “

“Ang ibig sabihin niyan ay, 

‘Sabihin mo ahh’

inuutusan kitang ngumanga.  Iyan ang turo saakin ni

Nil. “ 

paliwanag naman ni Hermano,  natatawa talaga ako sa ginawa nito.  Tumango naman si Dictoria at ginaya niya naman si Hermano.  Tuloy ay mukha silang baka sa kaka ’ Sey ahh’  nila.

Nil!!  

Maaari mo pa ba akong turuan ng iba pang salita a wikang ingles? “  request ni Hermano at tumango naman ito.  Lumawak ang pagkakangiti nito.  Napakakulit.

“Sabihin mo,  ‘I’ “ sabi ko at ginaya niya naman ako.

‘Ay’“

“Miss”

“Miss”

“You! “

“Yu! “

“I MISS YOU! “ 

pagbuo ko sa buong salita. 

“  AY MISS YU! “ 

gaya nito at natawa ako dahil sa pagkakatulis ng nguso nito. 

“Ano naman ang ibig sabihin ng

’Ay miss yu? “ 

tanong ni Doctria. 

“Ang ibig sabihin non ay nalulumbay ka,  pwede kay Hermano,  pwede sa kuya at ate mo. Pwede saakin, pwede aa lahat ng bagay na gusto mo.  Kapag nalumlumbay ka sa isang tao,  bagay man yan o hayop, ay  sasabihin mo dapat ’I MISS YOU! ’”  paliwanag ko at muling namangha ang dalawa.

“Gayahin mo ulit ako.”  utos ko at tumango naman si Hermano. 

“I’ll”

‘Ayl’

“Be”

“Be”

“Gentle” 

Gentel“

“I’LL BE GENTLE!”   bigkas ko,  nilagyan ko pa ng arte para magmukha akong top.

“AYL BE GENTEL! “   gaya nito maging ang aking tono ay pagbigkas ay kuha nito.

“Ang ibig sabihin naman niyan ay ’Ako ay magdadahan dahan.”  tumango ang dalawa at tawang tawa talaga ako sa pinaggagawa nila. 

Masayang natapos ang maghapong ito, nagpaalam na sina Nathaniel at Dictoria,  nauna na rin si Hermano  kaya naman ay kami na lamang ni Kenjie ang naiwan sa labas ng bahay. Gabi na rin kami halos nakauwi.  Hindi namin namalayan ang oras. Masyado kaming nilamon ng katuwaan.  Maliban sa dalawa,  at alam niyo na kung sino iyon..

Bigla akong nakaramdam ng hiya ng maramdaman ang titig ni Kenjie saakin.  Nakayukong umakyat ako at saka pumasok sa kwarto.  Nang isasara ko na ang pinto ng kwarto ko ay bigla na lamang iniharang ni Kenjie ang kaniyang kamay kaya naman mabilis ko itong binuksan upang hindi maipit ang kaniyang kamay.

“Sandali!  Maaari ba tayong mag-usap? “  mapupungay ang mga matang tanong nito,  umiwas naman akong titigan ito dahil baka kunin ang kaluluwa ko,  mahirap na.

“Ano naman ang dapat nating pag-usapan? “  tanong ko,  pinipilit na pinatatatag ang aking sarili. 

“Marami, kaya maaari bang iyo muna akong papasukin? “  aniya at nilawakan ko naman ang pagkakabukas ng pinto.  Kinuha niya saakin ang doorknob at siya na ang nagsarado ng pinto.  Napatitig pa ako ng bigla niya itong nilock.

“Bakit hindi mo sinabi saakin ang tunay na nangyari kung bakit mo ginawa iyon noong nakaraan? “  bigla ay tanong nito,  agad na umakyat ang inis sa aking ulo. 

“At ano sa tingin mo sasabihin ko talaga saiyo yon?  Paano mo ako paniniwalaan gayong hindi mo pa alam ang kwento ay siya na ang kinakampihan mo!”  inis na sagot ko sa kaniya.  Totoong biglang kumulo ang aking ulo sa tanong niyang iyon.  ‘Nakakatanga kasi eh.’

“Edi sana sinabi mo saakin diba? “ 

Hindi ko alam kung ano pa ang dahilan mo para muling ungkatin ang nangyari na! “  sigaw ko sa kaniya,  umigting lang ang panga nito. 

“At paano ko pa ipapaalam saiyo kung gayong binirahan mo ako ng salitang ‘Ayoko nang makita pa ang pagmukha mo’”  panggagaya ko sa sinabi niya noong nakaraang araw.  Biglang nanumbalik sa aking ala-ala ang lahat ng nangyari sa pagitan naming tatlo.  

Hindi na ito nakapag salita pa,  nakakuyom ang kaniyang mga kamay. 

“At bakit tila iniiwasan mo ako? “  hindi ko alam kung nagtatanga tangahan itong si Kenjie ngayon eh.  Hindi ko ma gets ang mood niya.

“Dahil iyon ang iyong kagustuhan hindi ba? “  sigaw ko,  hindi ko na makontrol ang emosyon ko. Umiiling itong umiwas ng tingin.  Maya maya pa’y muling tumitig ito saakin.

“ I MISS YOU!“  bigla akong nagulat sa deretsong pagkakasabi nya nito.  Nanlalaki ang mga matang tumitig sa kaniyang mga mata.  Sinsero iyon walang bahid na kasinungalingan. 

Tuloy ang kaninang kirot at sakit na nararamdaman ko ay bigla na lamang naglaho.  Napalitan ito ng kilig at saya.

KABANATA 21.

MATURED CONTENT!

“ I MISS YOU!“  bigla akong nagulat sa deretsong pagkakasabi nya nito.  Tila bihasa na siya sa pagkakabigkas  kahit ngayon lamang nya iyon sinabi.  Ang sexy niya sa pagkakasabi non. Nanlalaki ang mga matang tumitig sa kaniyang mga mata.  Sinsero iyon walang bahid na kasinungalingan. 

“Ulitin mo nga ang sinabi mo.”  utos ko sa kaniya,  umiwas naman siya ng tingin.  Hindi ko alam kung namamalikmata lang ba ako o totoo ang nakikita ko.  Namumula ang kaniyang mukha tila nahihiya. 

“Saan mo natutunan iyan? “  muling tanong ko.  Nananatiling ganoon parin ang kaniyang pusisyon. 

“Narinig ko lamang sainyo kanina habang nag-uusap kayo ni Hermano at Dotoria.”  sagot nito,  di ko napansin na naroon nga pala siya kanina habang tinuturuan ko sina Hermano at Doctoria. 

“Alam mo ba ang ibig sabihin niyang salitang iyan?” muling tanong ko sa kaniya.  Bigla itong ngumisi,  nawala na ang pamumula sa kaniyang mukha. 

“Hindi ko naman sasabihin saiyo kung hindi ko alam ang salitang iyon.”  nakangising sabi nito.  Bigla ay kinabahan ako sa pagkakangisi nito.  Dahan dahan siyang lumapit saakin kaya naman napaatras ako patalikod. Muli na naman itong ngumisi nang makitang wala na akong maatrasan pa.  Nasa gilid ako ngayon ng bintana.  Nanginginig na nakatingin sa kaniya.   “Alam mo ba ang hindi ko maintindihan?”  nakangising tanong nito saakin.  Napalunok naman ako ng bigla niyang inilapit ang kaniyang mukha saakin.  “Hindi ko maintindihan kung bakit ganito na lamang ang aking nararamdaman saiyo.  Hindi ko alam kung ano ang ginawa mo kung bakit ako nakakaramdam ng ganito.”  bigla ay lumamlam ang kaniyang mga mata.  Iniwas niya naman ang kaniyang paningin dahil sa luhang nagbabadyang tumulo sa kaniyang pisngi. Muli niyang ibinalik saakin ang kaniyang tingin. “Alam kong mali itong nararamdaman ko.  Pero wala akong kayangg gawin upang alisin itong nararamdaman ko.  Alam kong mali nguni’t ang sinasabi ng puso ko ay tama ito. Ngayon,  alam mo ba ang kasagutan dito sa aking nararamdaman? “ bigla akong nagulat sa mga sinasabi nito.  Hindi ko alam kung totoo ito o hindi,  pero base sa mga nakikita ko at sa nararamdaman ko,  ayokong mag assume pero totoo ang lahat ng sinasabi nito base sa kaniyang mga mata.  Hindi ako naging handa sa pangyayaring ito. 

Hindi ako naging handa, hindi ko akalain na mangyayari ito.  Kung isa man itong panaginip,  sana ay hindi na ako magising pa.  Kinurot ko ang aking sarili,  masakit ito,  ang katotohanan ay nasa harapan ko na. Hindi ko maipaliwanag ang sayang aking nararamdaman.  Naghalo-halo ang saya,  kilig, kaba maging ang pagkalito.

“Ngayong nasabi ko na ang nararamdaman ko,  maaari ko bang malaman mula saiyo kung ano ang nararamdaman mo? “ napakalambing ng tinig nito.  Hindi ko maiwasang hindi maiwalang dahil sa lapit ng kaniyang mukha.  Naguguluhan ang aking isip,  kung magsasabi ba ako sa kaniya ng katotohanan? O itatago ko na lamang. 

Sa huli ay naging buo ang aking pasya,  gusto kong sumubok,  gusto kong mag risk.  Narito na ang pagkakataon,  hindi ko na sasayangin pa.  Huminga ako ng malalim,  sinalubong ang kaniyang tingin.

“Mula noong una palamang kitang nakita,  naakit mo na ang aking paningin.  Hindi ko alam kung paano mo nagagawang pabilisin ang tibok ng puso ko sa tuwing lalapit ka sa akin.  Narito ako sa harapan mo,  sasabihin ko na ang totoo.  Mahal kita,  at mas lalong minamahal pa.”  sumilay ang matamis niyang ngiti,  bigla ay tumulo ang kaniyang luha.  Mahigpit niya akong yinakap.  Napakasarap non sa pakiramdam. 

“Hindi mo alam kung gaano mo ako napasaya sa sinabi mong iyon.  Patawad sa aking mga nagawang kasalanan.  Pangako,  hinding hindi na kita iiwan.”  maluha luhang sabi niya,  bigla akong natulala sa kaniyang ginawa.  Hinawakan niya ang magkabila kong pisngi at siniil iyon ng halik.   Tumagal iyon ng ilang minuto at siya na ang kusang himiwalay sa pagkakadami ng kaniyang labi.

“Hinding hindi ko malilimutan kung gaano kalambot ang iyong labi sinta ko.  Kaya ngayon,  ako ay nanggigigil.  Gusto kong angkinin magdamag ang iyong labi. At nakakahiya mang sabihin ito nguni’t gusto kong angkinin ang iyong katawan,  ngayon din. “ mapupungay ang mga matang aniya,  napalunok ako sa dirediretsong pagkakasabi nito.  Lalo akong namula.  Kinikilig ako. 

Muli niya akong hinalikan ng mariin.  Ramdam ko ang sabik sa kaniyang mga halik.  Banayad nguni’t ramdam mo ang gigil. 

Dahan dahang naglakbay ang kaniyang mga kamay,  hinahagod ang aking likod habang patuloy na nakayuko at hinahalikan ang labi ko.

Masyado akong nadadala sa kaniyang ginagawa,  kaya naman Hindi ko namalayan na unti unti ko na palang nahuhubad ang suot niyang damit. 

Gustuhin ko mang makaramdam ng hiya, nguni’t nilalamangan naman ito ng init sa pakiramdam.  Gusto ko siyang maramdaman.  Gusto kong maramdaman sa loob ko si Kenjie.  Gusto kong ibigay sa kaniya ang kahinaan ko. 

Hindi ko alam kung saan niya nalalaman ang mga ito,  dahil sobra akong binabaliw nito.  Napaliyad pa ako ng bumaba ang kaniyang halik pababa sa aking leeg at muling babalik sa aking labi. 

Masyadong mapusok ang aming ginagawa.  Nguni’t hindi namin iyon pansin dahil gusto naming pareho na maramdaman ang isa’t isa. 

Bumaba ang aking halik sa kaniyang leeg. Napaliyad naman ito at napaungol.  Napakasarap non sa pakiramdam kaya naman gusto kong muling marinig. 

Hinalikan ko ang kaniyang Adam’s apple pababa sa kaniyang collarbone,  ngayon ay ang collarbone niya na ang pinanggigilan ko.  Matagal ko na itong gustong gawin.  Kaya naman sobrang saya ko ng makamit ko ang kagustuhang iyon. 

Napatigil ako sa paghalik sa kaniyang leeg ng bigla niya akong kargahin at muling siilin ang aking labi.  Nguni’t ang mas ikinabigla ko ay ang ginawa nito.  Marahas niyang ibinaba ang suot kong pang-ibaba.  Bigla akong nahiya,  nguni’t ang hiyang iyon ay napalitan ng kilig ng maramdaman muli ang kaniyang halik.

“Ako ay nanggigigil saiyo.”  aniya at lalo akong nahiya.  Bigla akong kinabahan ng maramdaman ang katigasan nito.  Mula sa pagkakabuhat niya ay nararamdaman ko ang kaniyang alaga na tumutusok sa aking kuweba.  Napakalaki nito at mataba.  Bigla akong napalunok at kinabahan.

Ito ang kaunaunahang makikipagtalik ako.  Kaya naman kabado parin ako sa gagawin naming iyon.  Muli niyang hinalikan ang aking labi,  bigla ay nawala ang kabang iyon. 

“I’ll be gentle.”  husky ang boses nito.  Biglang nagtayuan ang mga balahibo ko sa katawan.  Hindi ko akalain na masasabi niya pa iyan.  Tumango ako sa kaniya at saka bumulong.

“You should be.”  bulong ko sa kaniya,  halos hapuin ako dahil sa aming ginagawa.  Naramdaman kong itinutok niya ang ulo ng kaniyang alaga sa aking kuweba.  Bigla na naman akong kinabahan. 

Ramdam ko ang sakit habang dahan dahan niyang pinapasok ang aking lagusan.  Talagang napakasakit non,  sa haba at laki non ay talagang masasaktan ako.  Ang sakit ding iyon ay napalitan ng kiliti ng marinig ang kaniyang pag-ungol.

Ngayon ay napagtagumpayan na niyang pasukin ang aking lagusan.  Sa pagkakataong ito ay gusto ko itong hugutin dahil sa sobrang sakit. 

Muli niyang hinalikan ang aking labi habang dahan dahang inilalabas masok ang kaniyang alaga sa aking kuweba. 

Sa una ay masakit ito,  nguni’t ng masanay na ang aking lagusan ay unti unting nawala ang sakit.  Nagagawa ko ng sabayan ang ritmong kaniyang ginagawa.  Napangisi pa ito ng maramdaman ang aking katawan na sinasabayan siya sa paggawa ng ritmo.  

Bigla akong napatigil sa paghalik sa kaniya ng bigla niyang hugutin palabas ang kaniyang alaga.  Nabigla din ako sa ginawa nito.  Hindi ko akalain na alam niya ang pusisyong ito.  Iniharap niya ako sa bintana at saka pinatuwad.  Dahan dahan niyang ipinasok muli ang kaniyang kahabaan. 

Hindi ko akalain na mayganitong side si Kenjie.  ‘Masyadong wild.’

“Say ahh! “  aniya at napanganga naman ako,  nagulat ako ng bigla niyang isinubo saakin ang kaniyang hinlalaki.  Bigla na naman akong natawa sa sinabi nito,  pati iyon ay alam niya rin.  Hindi na ako magtataka kung marami na siyang nalalaman. 

Ang kaninang mabagal na paggawa ng ritmo,  ngayon ay pabilis na ng pabilis.. Humahangos na rin siya at napapalakas ang kaniyang pag-ungol.  Senyales na malapit na siyang labasan.  

Ilang saglit pa ay naramdaman ko na lamang ang kaniyang pagsabog sa aking loob. Napakainit at napakarami non.  Mapupungay ang kaniyang mga matang tumitig saakin.  Bigla akong napangiti ng makita ang malawak nitong ngiti.  Muli niya akong hinalikan habang dahan dahang inihiga sa ilalim ng bintana.  Iniangat niya ang aking ulo at inilagay iyon sa kaniyang braso.  Ngayon ay nakaharap na siya saakin.  Sobrang gwapo niya sa mga oras na ito.  At para saakin ay lalo pa siyang gumagwapo.  Muli kong hinalikan ang kaniyang labi at saka nakangiting pinakatitigan ang kalawakan.  Naaluwalas ito at napakaraming bituin.  Napangiti ako sa aking inisip. 

’ Naging saksi ang mga bituin sa aming pagmamahalan.’  nakangiting sabi ko sa aking isip habang nakangiting pinagmamasdan ang nakangiting kalawakan.

KABANATA 22.

Iminulat ko ang aking mga mata ng maramdaman ang init ng araw. Muling nanumbalik sa aking ala-ala ang masarap nangyari kagabi.  Muli akong napangiti ng yakapin ako ng mahigpit ni Kenjie. Pinakatitigan ko ang kaniyang mukha.  Mahimbing parin ang kaniyang pagtulog.  Kaya naman hindi ko nakayanan ang aking sarili,  nahalikan ko siya sa labi.  Agad na bumalatay ang ngiti sa kaniyang labi. Bigla ay nakaramdam ako ng hiya.

“Hindi ko akalain na nakukuha mo nang humalik ngayon habang pinakatitigan ang aking mukha.  Hindi mo pa ba ito nakakabisado? “  nakangising sabi nito habang nakapikit. Muling umakyat ang hiya sa aking katawan. 

Dahan dahan niyang iminulat ang kaniyang mga mata.  Agad namang nagtama ang aming paningin. 

“Kabisado ko nga.”  tugon ko at ngumisi naman ito Itinunghay niya ang kaniyang mukha at mabilis na hinalikan ako sa labi. Nagulat pa ako sa ginawa nito kaya naman nahampas ko siya sa kanyang braso.

“Ano ba!”  sigaw ko rito nguni’t tumawa lamang siya.

“Hindi mo ba nagustuhan? Nung ikaw ang nagnakaw ng halik ako ba ay nagalit saiyo? “ pilyong sabi nito.  Natawa naman ako dahil sa kaniyang kapilyuhan. 

“Oh saan ka pupunta? “  takang tanong nito ng makitang tumayo ako mula sa pagkakahiga sa kaniyang dibdib. 

“Maliligo na,  bukas ang Kainan, walang kasama ang tiya.”  tugon ko sa tanong nito.  Agad namang kumunot ang noo nito. 

“Ayaw mo ba akong makasama?” bigla ay lumungkot ang tono ng kaniyang pananalita.  Muli akong umupo at hinawakan ang magkabila niyang pisngi.

“Gustong gusto kitang makasama,  gustong gusto kitang makatabi buong magdamag. Sadyang inaalala ko lamang ang tiya dahil baka wala silang katulong doon.”  pangungumbinsi ko sa kaniya.  Ngumiti naman ito ng malawak at saka pinisil ang aking ilong.

“Kung iyan ang iyong nais,  tara na maligo na tayo.”  pag-aya niya at doon ay nangunot ang noo kong tumitig sa kaniya.

“Mauuna akong maliligo,  at susunod ka saakin.”

“Bakit ayaw mo bang magsabay tayo sa pagligo? “  ramdam ko ang pamumula ng aking mukha. 

“H-Hindi naman sa ganon,  nahihiya lang ako.”  hindi makatinging sagot ko sa kaniya.  Bigla ay tumayo siya at yinakap ako patalikod at hinalikhalikan ang aking leeg.  Ipinatong ang kaniyang baba sa aking balikat at saka nagsalita.

“Ngayon kapa nahiya saakin matapos ng nangyari kagabi sapagitan nating dalawa.” pilyong sabi pa nito at muling hinalikhalikan ang aking leeg.  Nakaramdam ako ng kiliti at sarap sa pakiramdam. 

“Nanggigigil parin ako saiyo magpahanggang ngayon.  Kagigising pa lamang natin nguni’t nanatiling mabango ang iyong katawan, ito rin ang dahilan kung bakit gusto ko na namang angkinin ang iyong katawan.”  nanindig ang aking balahibo sa sinabi niyang iyon.  Bulong lamang iyon nguni’t malakas ang impact saakin lalo na ng kagatin niya ng bahagya ang aking tenga. 

“Maligo na nga tayo.  Dami mong kapilyuhan gosh!”  natatawang sabi ko sa kaniya,  natawa naman ito at saka hinawakan ang aking kamay. 

Magkahawak kamay kaming bumaba at nakita namin ang tiya, iiling-iling ito saamin habang nakangiti. Bigla ay nahiya ako sa tiya, kaya mabilis kong hinigit ang akong kamay,  nguni’t mabilis din niya itong kinuha at saka pumunta sa harap ng tiya.  Huminga pa muna siya bago bumaling sa ina.

“Ina…”  panimula niya, sobrang bilis narin nang tibok ng puso ko.  Nahihiya ako sa tiya.  Bigla kong naalala ang napag-usapan naming dalawa nung nakaraan.  Kaya naman lalo pa akong nahihiya nang maisip na maaari niyang makita ang ginawa namin ni Kenjie kagabi. “Alam kong mali itong nararamdaman naming pareho,  nguni’t narito ako sa harapan ninyo,  naglalakas loob na sana ay payagan mo kaming mahalin ang isa’t-isa.” bigla akong napatitig kay Kenjie ng sabihin niya iyon.  Bigla akong nakaramdam ng saya sa aking puso.  Hindi ko akalain na maglalakas loob siyang sabihin ito sa kaniyang ina.  Lalo akong humanga at bumilib sa kaniya.  Napatingin ako sa tiya ng nakangiting tumango tango ito saamin.  Hindi ko din iyon inaasahan.  Payag ang tiya sa aming relasyon.

“Hindi ka man lang ba nagulat ina?”  takang tanong naman ni Kenjie sa ina umiling naman ang tiya.

“Hindi na ako nagulat kung nauwi kayo sa ganiyan,  dahil alam at ramdam ko noon pa na mayroon nang namamagitan sainyong dalawa.” nakangiting sabi pa ng tiya.  Bigla ay sabay kaming umiwas ng tingin ni Kenjie.  “Hindi niyo masabi sa isa’t-isa ang inyong nararamdaman dahil may isa sainyo ang natatakot.” dagdag pa ng tiya at tumingin saakin matapos sabihin iyon. “At may isa ring hindi sigurado sa kaniyang nararamdaman.”  muli pang dagdag nito na nakay Kenjie ang paningin. 

“Wala na rin akong magagawa pa,  pagka’t mahal niyo naman ang isa’t-isa. At kung sakali mang tututol ako,  mananaig parin ang pagmamahalan ninyong dalawa.  Kaya ang nararapatvna gawin ko lang ngayon ay maging masaya sainyong dalawa.” napangiti kaming dalawa matapos iyon sabihin ng Tiya.  Umupo na kami ni Kenjie at dinaluhan ang tiya sa pagkain.  Sobrang saya ang nararamdaman ko ngayon.  Hindi parin ako makapaniwala na mangyayari ito ngayon saakin. 

Masaya kaming kumain at tatawa tawa sa mga kwento ng tiya tungkol kay Kenjie.  Kaya naman ng matapos kaming kumain ay umalis na rin ang tiya at kami na lamang ni Kenjie ang naiwan dito.  Niligpit ko na ang lamesa at nagtungo sa lababo upang maghugas ng platong pinaggamitan naming tatlo.

Habang nagbabanlaw ng plato ay naramdaman ko ang braso ni Kenjie na yumakap saakin.  Muli na naman akong nakiliti ng dampi dampi niya ang aking leeg.

“Hindi ako magsasawa buong magdamag na gawin ito saiyo mahal ko.” agad na bumilis ang tibok ng puso ko ng sabihin niya iyon sa tenga ko. Panangiti naman ako ng yakapin niya ako ng mahigpit.  Nanggigigil. 

Kaya naman kahit nahihirapan ay minadali ko na ang paghuhugas ng plato.  Nang matapos ko ng salansanin ang mga pinggan ay humarap na ako sa kaniya.  Napahawak ako sa kaniyang dibdib. Ngayon ay ramdam ko ang bilis ng tibok ng puso nito. 

Masaya ako na pareho ang nararamdaman namin ngayon.  Sobrang saya ko dahil hindi ko inaakalang sa panahong ito makakaramdam ako ng tunay na pagmamahal gaya nito. 

Bigla ay nalungkot ako ng maalala ang sitwasyon ko.  Hindi nga pala ako tunay na nanatili dito. Darating din ang araw na babalik ako sa totoong mundo ko.  Bigla ay nakaramdam ako ng kirot at pangingilid ng mga luha ko. 

‘Hindi ko kayang lisanin ang mundong ito,  hindi ko kayang iwanang mag-isa ang mga taong importante sa akin dito lalong lalo na sila Hermano,  Tiya Rosario at Kenjie.’ 

Tumulo ang luha ko, agad namang hinawakan ni Kenjie ang aking pisngi at pinahiran ang luhang tumulo mula sa aking mga mata.

“Bakit bigla kang tumangis mahal ko?  Bakit biglang lumungkot ang mga mata mo?  May nagawa ba akong kamalian? Para ganyan na lang kalungkot ang iyong nararamdaman?  Sabihin mo saakin.! Nag-aalalang tanong nito saakin.  Umiling ako at saka ngumiti ng pilit.

“Masaya lamang ako dahil nariyan ka sa tabi ko.  Sobrang saya ko dahil, hindi ko akalain na mapupunta tayo sa ganitong sitwasyon.   Ang mga luhang tumulo sa aking mga mata ay senyales na sobra akong maligaya.”  pag-sisinungaling ko.  Alam kong hindi iyon ang dahilan kung bakit ako nakaramdam ng lungkot. Pero ang sinabi ko ay totoo.  Bumalatay ang ngiti sa kaniyang labi,  yinakap ako ng mahigpit. 

“Sobrang saya ko rin ngayon sinta ko

sapagkat hindi pa ako nakararanas at nakakaramdam ng ganito kasaya.“  tugon niya at doon ay nawala ang aking iniisip.  Gumanti ako ng yakap sa kaniya. Maya maya pa’y hinawakan niya ang aking mukha at dahan dahang iniharap sa kaniya. 

‘Ang mukhang ito ang siyang hinding hindi ko malilimutan sa tanang buhay ko.  Kahit man bumalik ako sa totoong mundo ko.  Siya parin ang hahanap hanapin ko.’

Napangiti siya ng itunghay ko ang aking ulo ay hinalikan siya sa labi. Kailangan ko pang iunat ang aking mga paa para lamang mahalikan siya.  Yumuko naman ito at saka sinalubong ang aking mga halik.  Kinarga niya ako at habang dahan dahang naglalakad patungong banyo.

‘Hindi na ako matatakot na harapin itong nararamdaman ko.  Basta kasama ka palagi at narito ka sa tabi ko,  hinding hindi na ako matatakot.’  muli kong ipinikit ang aking mga mata at gumanti sa mainit niyang halik.

KABANATA 23.

Lumipas ang ilang araw,  walang puwang ang kalungkutan sa pagitan namin ni Kenjie.  Araw araw ay ipinaparamdam niya saakin na masaya sya at pinaparamdam na ako’y kaniyang tunay na minamahal.  Habang tumatagal lalong lumalalim ang aming pagmamahalan,  nguni’t tago lamang ito at kami lang ang nakakaalam. 

Alam namin pareho na mali ito,  pero hindi na iyon ang aming inintindi dahil ang mahalaga saamin ay mahal namin ang isa’t-isa at masaya kaming magkasama.

Pinakatitigan ko ang maamo niyang mukha.  Mula sa kaniyang mga mata,  pababa sa matangos niyang ilong at hanggang sa mapupula at malambot niyang labi. 

Hindi ko maiwasang hindi mapangiti sapagka’t talagang napakaswerte ko.  Nasaakin ang lalaking hinahangaan ng lahat, nasa akin ang pinaka gwapong lalaki sa lahat ng nakita ko,  syempre maliban parin kay Nathaniel. 

Iminulat niya ang kaniyang mga mata,  pipikit pikit itong sinalubong ang aking tingin.  Biglang lumitaw ang kaniyang matamis na ngiti,  nahawa ako kaya naman napangiti din ako.

“Good morning babe!”  kinilig ako sa sinabi niyang iyon.  Kahit ilang beses na niyang sinasabi saakin iyan,  hindi ko parin maiwasang hindi kiligin.  Ang manly kasi ng boses niya kapag nagsasalita siya ng ingles.  Bigla ay naalala ko kung paano niya ako kulitin maturuan lamang siya ng salitang ingles.

FLASHBACK….

“Ano naman sa ingles ang ‘Magandang Umaga’?  

Tanong nito napangiti naman ako dahil sa kakulitan ng mukha nito. 

“Good morning, iyan ang ingles sa magandang umaga.” 

tugon ko naman at napangiti ito.

“Good morning mahal ko.” 

bigla ay sabi niya,  kahit gabi na sa mga oras na ito ay hindi ko parin maiwasang hindi kiligin.  Lalong nagiging sexy ang boses niya kapag nagsasalita siya sa wikang ingles.

“Eh ano naman sa ingles ang salitang ‘Magandang gabi’?  

Muli ay tanong nito.

“Good evening. “ 

tugon ko at tatango tango naman ito.

“Good evening mahal ko.”  

muli na naman akong kinilig ng sabihin niya iyon.  Agad kong pinisil ang kaniyang pisngi.  Napatawa ako ng malakas dahil kahit anong gawin kong papangitin ang kaniyang mukha ay nanatiling gwapo ito kahit sa anong anggulo.  Maya maya pa’y nakaramdam na ako ng antok.  Kinuha ko ang kaniyang braso at ginawa itong unan.

“Good night babe.” 

nakangiting sabi ko sa kaniya,  nangunot naman ang  kaniyang noo.

“Good night babe?  Ano ang ibig sabihin ng salitang iyon? “ 

takang tanong niya, umayos ako ng pagkakatagilid at saka tinignan siya. 

“Ang magandang gabi rin iyan,  nguni’t sinasabi lamang ang GOOD NIGHT  kapag matutulog na.  At ang salitang BABE naman ay isang tawagan ng magnobyo o magnobya.” 

paliwanag ko.  Tatango tango naman ito at saka ngumiti.  Yinakap niya ako ng mahigpit dahilan para dumikit ako sa kaniyang dibdib. 

Nararamdaman ko ang lakas ng tibok ng puso nito. Kaya naman ay hindi ko maiwasang hindi mapangiti muli. 

“Good night babe.” 

bulong nito napangiti naman ako at saka yinakap siya ng mahigpit.  Sa pusisyon naming iyon ay sabay na din kaming nakatulog.

END OF FLASHBACK.

Good morning babe.“ muling sabi nito,  napangiti naman ako ng bigla niyang dampian ng halik ang aking labi. 

“Ang aga ng pagnanakaw natin vro ah.”  natawa naman siya sa sinabi ko.  Umayos ako ng pagkakahiga at saka yinakap siya ng mahigpit.  Gumanti naman ito dahilan para makaramdam ako ng init. 

Kahit iwasan ko mang isipin na hindi ako nararapat sa mundong ito,  kahit na anong gawin ko ay kusa itong sumasagi sa isipan ko sa tuwing magkakayakap kami ni Kenjie.  Kaya naman minsan ay hindi ko maiwasang hindi makaramdam ng kirot sa aking puso,  iniisip na kung sakali mang iwanan ko si Kenjie sa mundong ito ay baka hindi nito kayanin.  Hindi ko rin makakayang iwanan dito ang taong ginawa ko nang mundo.  Itiningala ko ang aking mga mata at sinalubong ang kaniyang tingin.

Paano kung hindi ako nararapat sa mundong ito?  Paano kung nanggaling ako sa kasalukuyan?“   bigla ay tanong ko,  hindi ko nakontrol ang aking bibig. Ngumiti lamang siya ng tipid at hinawi ang hibla mg aking buhok sa aking noo.  Hindi man lang ako nakakita ng reaksyon na nagulat siya sa tanong ko.  Dahil napaka layo ng ginawa niyang iyon kaysa sa aking inaasahan.

“Kung ikaw man ay nagmula sa kasalukuyan at ako ay nagmula sa panahong ito. Gagawa ako ng paraan para muli kang hanapin,  gagawa ako ng paraan para muli kang makasama. Dahio ikaw parin ang siyang mamahalin ko hanggang  sa dulo ng aking hininga sakaling mang mangyari iyon.”   malamlam ang kaniyang mga mata.  Wala akong nakikitang lungkot sa mga ito.  Kaya naman ay bago pa kami magdrama ay agad ko na siyang hinalikan sa labi. Mariin ang aking pagkakahalik,  tila nauuhaw at nanabik sa kaniyang labi.  Gusto ko bago man ako makauwi sa totoong mundo ko,  gusto kong pasayahin ang lalaking mahal ko.  Gusto kong ibigay ang lahat ng meron ako sa kaniya.   Kaya naman sa sobrang pagpipigil ko,  nahubad ko na ang damit niya. 

Bumaba ang aking halik sa kaniyang leeg pababa sa kanyang collarbone.  Muling bumaba ang aking halik at dumako naman iyon sa kaniyang dibdib.  Gamit ang aking dila ay pinaglaruan ko ang pinkish nitong utong.  Rinig ko ang impit niyang ungol ng gawin ko iyon.  Tinignan ko ang kaniya mga mata na ngayon ay nakatitig saakin.  Tila lasing na lasing dahil sa sobrang pungay ng mga mata nito. 

Muli kong ibinaba ang aking halik pababa sa kaniyang napakagandang pagkakahulmang mga pandesal. Pinanggigilan ko rin ito, muling bumaba ang aking halik, muli na naman akong napalunok ng maalala ang kahabaan nitong alaga.  Nguni’t dahil ayokong mabitin ang lalaking mahal ko, dahan dahan kong ibinaba ang kaniyang suot na pang-ibaba.   I slowly suck his hard thing.  I heard his moan,  napakasarap non sa tenga.

Muli kong itinaas baba ang aking bibig habang nakapaloob ang kaniyang alaga dito.  Halos mabilaukan din ako ng bigla niyang hawakan ang aking ulo at mas lalong ibaon ito.  Kaya naman uubo ubo ko itong iniluwa. At ng makabawi na ay muli ko itong isinubo. Mga ilang minutong pagtaas baba ay sumabog ang kanyang katas sa loob ng aking bunganga.  Gaya ng dati ay napakainit non at napakarami.  Wala na rin akong tiyansang iluwa ito dahil halos lahat ng kanyang katas ay dumiretso sa aking lalamunan.  Iniangat ko ang aking ulo at sinalubong ang kaniyang halik. 

Ang sarap sa pakiramdam na mapasaya mo ang lalaking pinakamamahal mo kahit sa simpleng paraan.  Mararamdaman mo mula sa kaniya ang pag-aalaga at pagmamahal. 

Matapos ng nangyaring iyon sa pagitan naming dalawa,  gaya ng lagi naming ginagawa,  sabay kaming pumapasok ng banyo upang sabay na maligo at sabay ring magbihis.  Ganon din lagi pagpupunta ng kainan.  Nagtataka lagi ang aming kasamahan kung bakit lagi kaming nahuhuli sa pagpunta.  Magmula ng bumalik ako sa Kainan ay dumami na naman ang mga costumer,  kaya naniniwala na talaga ako na,  ako ang swerte sa Kainan na ito. 

Bigla akong napatigil ng makita si Nathaniel sa aking harapan,  mugto ang mga mata,  sobrang lungkot ng awra.  Nangunot ang noo ko ng makita ang itsura nito. 

‘Kahit anong kapangitan sa isang tao wala ang lalaking ito.’

“Maaari ba tayong mag-usap? “  tanong nito na ikinabigla ko.  Hindi agad ako nakasagot sa tanong niyang iyon.  Kaya naman nilingon ko pa muna si Kenjie na ngayon ay nakakunot ang noong nakatingin saamin. 

“M-Maaari naman.  Ano ba ang ating pag-uusapan? “  utal na sagot ko. Ngumiti naman ito ng pilit at saka nagsalita muli.

“Maaari bang huwag dito?  Ayokong may makarinig sa mga sasabihin ko.”  dagdag pa nito,  hindi ko na natignan pa ang gawi ni Kenjie ng biglang kumilos ng alis itong si Nathaniel.

Mula sa aking nakikita at mula rito sa aking kinatatayuan ay malayo na kami sa kainan hindi ko alam kung bakit ganito kalayo ang aming pinuntahan.  Siguro ay importante ang kaniyang sasabihin. 

“Ayos na siguro dito.  Wala naman nang nakakarinig.”  dagdag nito,  tumingin naman ako sa kaniya. 

“Ano nga ba ang pag-uusapan natin dito?  At bakit kailangan pang ganito kalayo? “  tanong ko, pilit na ngiti lamang ang iginanti nito.

“May nais lamang akong sabihin saiyo.  Alam kong mali itong nararamdaman ko. “  panimula nito, napatitig naman ako sa kaniya.  Agad na nangunot ang noo ko nang makitang nangilid ang mga luha nito.  Bigla akong nahawa sa lungkot na nararamdaman niya.  Iniwas ko ang aking tingin,  ayokong makita ang mga luha niya.  Dahil isa sa kinaayawan ko sa lahat.  Ang makita ang isang lalaki na umiiyak.  Mas nasasaktan ako sa kanila.  Kaya ganon na lang siguro ang pag-iwas ko sa mga ganoong sitwasyon marahil ay,  lagi kong nakikitang malalakas ang mga kalalakihan.  Kaya hindi ako nagiging handa sa mga ganitong eksena.  Huminga siya ng malalim,  bigla akong napatingin sa mga daliri niyang nakahawak sa aking kamay. 

“Mayroon akong nararamdaman saiyo. Kakaibang pakiramdam na kahit ako ay hindi naniniwala.  Gustuhin ko mang alisin ito,  nguni’t hindi ko magawa,  dahil masaya ako. Masaya ako na nararamdaman ko ito saiyo.  Gusto kita.”  napatulala ako sa sinabi niyang iyon.  Diretso at hindi nauutal utal.  Napatingin ako sa kaniyang mga mata,  walang bahid ng kasinungalingan,  bagkus mas nangingibabaw ang sakit at lungkot na kaniyang nararamdaman.

KABANATA 24.

“ “Mayroon akong nararamdaman saiyo. Kakaibang pakiramdam na kahit ako ay hindi naniniwala. Gustuhin ko mang alisin ito, nguni’t hindi ko magawa, dahil masaya ako. Masaya ako na nararamdaman ko ito saiyo. Gusto kita.” napatulala ako sa sinabi niyang iyon. Diretso at hindi nauutal utal. Napatingin ako sa kaniyang mga mata, walang bahid ng kasinungalingan, bagkus mas nangingibabaw ang sakit at lungkot na kaniyang nararamdaman. Hindi ako nakapagsalita agad. Hindi parin ma-process ng utak ko ang ginawa niyang pag-amin.

Naghalo ang bilib at awa ko sa kaniya. Bumibilib ako dahil, kahit alam niyang wala na siyang pag-asa, ipinaramdam niya parin na hindi siya nagsisisi na maramdaman niya iyon. Naaawa ako sa kaniya dahil sa kaniyang lakagayan. Nainis ako sa sarili ko sa hindi malaman na dahilan.

“Nguni’t a-alam mo namang m-may iba akong nagugustuhan.” utal na sabi ko sa kaniya. Ngumiti naman ito saakin ng pilit.

“ I know and I’m aware of that. I just wanted to say this because, I want you to know that I have a feelings for you since we first met.“ muli akong napatulala sa deretsong pagsasalita niya ng salitang ingles. Talaga ngang isang nakakamanghang lalaki itong si Nathaniel. Walang Hindi kayang gawin. Lahat kaya niyang pag-aralan. Sana mapag-aralan niya rin kung paano makapag move on ng mabilis.

“But it hurts a lot because you’re already fall in love with someone else.” bumuntong hininga pa muna siya bago umiwas ng tingin. Hindi ko na alam ang sasabihin ko, hindi ko na alam ang gagawin ko. “ Sobrang sakit lang dahil maymahal ka ng iba bago pa kita makilala. “ dagdag pa nito habang nakatingin ng deretso saking mga mata. Ngayon muli kong nabasa ang mga tingin niyang puno ng sakit at lungkot. Hindi ko alam kung paano tatanggalin ang sakit na nararamdanan niya nang hindi nag-iisip na lalong magpapahulog sa kaniya.

Nasasaktan akong nakikita kong ganito ang itsura ni Nathaniel. Iba sa Nathaniel na una kong nakilala.

“Maaari bang mayakap ka sa unang pagkakataon?” tanong niya, hindi agad ako nakapag salita. Tumango na lamang ako dahil baka pumiyok ako kapag isinatinig ko ito. Lumapit siya saakin at yinakap ako ng mahigpit. Ramdam ko ang init, pag-aalaga at pagmamahal sa kaniyang yakap. Biglang maynaramdaman akong patak ng butil ng luha. Nasasaktan ako, doble ang sakit nito saakin. Baka triple pa, ayokong masaksihan ang pag-iyak ng isang lalaki. Sobra akong nasasaktan, tumriple pa ito ng maalala ko na ako ang dahilan nito. Gumanti ako ng yakap sa kaniya. Lalong tumulo ang kaniyang mga luha.

‘Kung ikaw ang una kong nakilala at hindi si Kenjie, baka ikaw na ang minahal ko ngayon. Ang dami mong katangian na maaaring ikahulog ng isang tao. Pero sadyang kay Kenjie ako itinadhana sa panahong ito. Sorry Nathaniel, hindi ko kayang suklian ang nararamdaman mo.’ gusto ko man iyang sabihin sa kaniya, nguni’t ayoko ng dagdagan pa ang sakit na nararamdaman niya.

Bumitaw siya sa pagkakayakap saakin at pinahiran ang kaniyang mga luha.

“Maaari ko bang malaman kung sino ang maswerteng lalaking ito?” bigla ay tanong niya. Pilit ang ngiti. Hindi agad ako nakapag salita.

“S-Si Kenjie.” utal na sagot ko. Napangiti naman siya at tatango tango.

“Hindi na ako magtatanong pa. Salamat saiyo, mag-iingat ka. Pakisabi na lamang sa kaniya, na oras na saktan ka niya. Ako mismo ang kukuha sayo at magpaparamdam saiyo na hindi ka karapatdapat na saktan. Dahil ang tulad mo… “ bitin niya sa sinasabi niya. Lumapit siya saakin at saka hinawakan ang magkabila kong pisngi. “Dahil ang isang tulad mo ay dapat minamahal hindi sinasaktan.” tuloy niya sa sinasabi, nagulat pa ako ng yumuko siya saakin at hinalikan ang aking noo. Napapikit ako, ilang segundo din ang itinagal non at siya na ang kusang humiwalay. “Hatid na kita.” wala na akong nagawa pa ng kunin niya ang kamay ko at hilahin papuntang Kainan. Nagtaka pa ako sa ikinikilos niya, kung nasaan si Kenjie ay doon kami huminto. Nguni’t ang mas ikinataka ko ang reaksyon ni Kenjie. “Congrats bro! “ biglang sabi ni Nathaniel at tinapik pa ang braso ni Kenjie. Nangunot naman ang mukha ni Kenjie na tumitig sa likuran ni Nathaniel. Kaming dalawa na lamang ang naiwan dito. Lalapit sana ako kay Kenjie upang sabihin sa kaniya ang pinag-usapan namin, nguni’t bigla itong umiwas. Hindi ko alam kung bakit niya ginawa iyon.

Muli akong lumapit sa kaniya nguni’t patuloy lamang siyang lumalayo. Nagtataka ako sa iniasta niyang iyon. Wala rin naman siyang dapat na ikaselos dahil wala namang kakaibang nangyari saamin Ni Nathaniel.

Kaya naman mabilis kong hinigit ang kaniyang braso at iniharap ito saakin.

“Ano ba ang nangyayari saiyo? Hindi ko maintindihan kung bakit ka nalamang umiwas saakin.” kunot noong tanong ko sa kaniya, tumitig lang ito saakin nguni’t walang reaksyon ang mukha.

“Mayroon ba akong nagawa para iwasan mo ako ng ganito?” muling tanong ko sa kaniya nguni’t tinitigan lang ako nito.

“Ano ba Kenjie! Sumagot ka naman!” napataas ang boses ko, hindi ko na lang pinansin ang mga matang nakamasid saamin. Marahas niyang hinila ang braso ko palayo sa Kainan.

“Bakit hindi mo tanungin ang sarili mo kung bakit ako nagkakaganito.” tiim-bagang aniya, nangunot ang noo ko, wala akong makitang mali para magkaganito siya ngayon. Humigpit ang pagkakawahak niya sa mga braso ko, nasasaktan ako sa hawak niyang iyon.

“K-Kenjie nasasaktan ako!” nasasaktang sabi ko nguni’t mas humigpit lamang ang pagkakahawak nito. Sobra na ang sakit non kaya naman itinulak ko siya ng malakas at kusa niyang nabitawan ang pagkakahawak niya sa braso ko. Pinakatitigan ko ito at ganon na lamang ang kirot sa dibdib ko ng makitang bumaon ang kamay nito sa braso ko.

Mabilis na tumulo ang luha ko sa aking pisngi. Lumayo ako sa kaniya at pinahiran ang aking mga luha. Hindi ko na muling nalapitan pa si Kenjie dahil sa dumadami na ring mga costumer. Mula dito sa aking kinatatayuan nakita kong may kausap itong isang babae, hindi man lang ako nilingon nito. At ang mas ikinatataka ko ng hubarin niya ang suot niyang apron at ipinatong iyon sa lamesa. Walang lingon-lingong umalis ito. Hindi man lang ako tinignan. Biglang kumirot ang dibdib ko ng makita ang mukha ng babaeng kasama niya. Sumakay sila sa isang kalesa kaya naman agad akong tumakbo nguni’t mabilis din itong nakaalis palayo. Humahapong bumalik ako ng kaninan. Dumadami lalo ang costumer, bigla ay nawalan ako ng ganang nagtrabaho. Bigla akong nakaramdam ng kakaiba. Natapos ang maghapong ito ng hindi parin bumabalik si Kenjie. Hanggang sa makauwi na kami at lumipas na ang gabi. Wala paring Kenjie na dumadating.

Hindi ako makatulog sa kakaisip kung ano na ang nangyari sa kaniya. Papaumaga na nguni’t wala parin akong Kenjie na nakikita. Nangilid ang luha ko ng maalalang si Gavriela ang kasama nito. Madaming pumapasok sa isipan ko at isa na doon ang ikinakatakot ko. Ayokong isipin na baka magkatabi sila ngayon sa pagtulog, hindi ko ata kakayanin iyon. Kaya pilit ko itong iwinawaglit sa isipan ko.

Lumipas muli ang oras, wala paring Kenjie na dumadating. Nguni’t agad akong napatayo sa kaniyang silid ng may marinig akong mga yabag ng paa sa pintuan nito. Nabuhayan ako ng loob ng maramdamang si Kenjie iyon.

Mabilis na nagilid ang mga luha ko ng tuluyan na itong pumasok sa kaniyang silid. Nguni’t ang mas ikinabigla ko ang kasama nito. Nagugulat kong tinignan si Kenjie, gulat ding tumitig ito saakin. Hindi agad ako nakapagsalita.

Sobrang sakit ng nararamdaman ko, naghintay ako sa wala. Hindi ko inaasahan na sa pagbabalik niya may iba na siyang kasama. Muli akong tumitig sakaniya. Ngumiti ito saakin at hinawakan ang kamay ng babae.

“Hindi ko pa pala lubos na naipapakilala saiyo, Gavriela siya nga pala si Neil.” nakangiting baling nito sa babae, hindi parin nawawala ang pagkakahawak sa kamay nito. “Neil, siya si Gavriela…” baling naman nito saakin, tumingin pa muna siya sa babae bago muling bumaling ang tingin saakin. “Nobya ko.” biglang tumigil ang mundo ko sa sinabi niyang iyon, bumagal ang paggalaw ng paligid, nanlalabo ang aking mga mata. Ang sakit ay binalot ang aking katawan.

Sobrang sakit, hindi ko makayanan, hindi ko akalain na sa pagbabalik niya, mas doble pa sa dobleng sakit ang ipinaramdam niya. Muli akong nakaramdan ng sobrang sakit ng maalala ang ginawa saakin ni Khalil.

‘Hindi parin ako sapat para punan ang kanilang pangangailangan.’ sa isiping iyon ay lalong nangilid ang aking luha. Mabilis kong nilisan ang kwartong iyon ni Kenjie. Hindi ko alam na maaari na palang mag-uwi ng babae ang kalakakihan sa panahong ito. Sobrang sakit ng nararamdaman ko. Napakasakit, hindi ko na alam kung makakayanan ko pang manatili sa panahong ito. Bigla ay gusto ko ng bumalik sa mundo ko. Gusto kong makalimot. Gusto kong nawala sa isip at puso ko ang sakit na nararamdaman ko ngayon. Dahil sa pagkakataong ito, mag-isa na naman ako.

KABANATA 25.

Iminulat ko ang aking mga mata, inilibot ko ang aking paningin, tanghali na akong nagising. Tirik na tirik na ang araw, ang mainit na sinag nito ay tumatama saaking mukha. Kaya naman dahan dahan akong gumapang para lang hindi masinagan. Tinatamad akong kumilos, tinatamad akong bumangon. Tinatamad ako sa lahat.

Parang gusto ko na lang huwag huminga, gusto ko na lang maging liwanag o kahit mahing hangin. Gusto kong maglaho, ang dami kong kagustuhan, nguni’t ang lahat ng kagustuhan kong iyon hindi kailanman mangyayari o makakamit.

‘Fuck this life.’

Sa kwartong ito nararamdaman kong nag-iisa ako, walang kasama. Parang lahat na lamang ay sinasaktan ako.

‘Maybe I didn’t deserve to be happy.’

It sucks to be alone, even when there are people all around you.

Muling tumulo ang aking nga luha, ang sakit ay lalong nadadagdagan ng panibagong sakit. Muling nanumbalik saakin ang mga nangyari mula kahapon sa kainan hanggang sa nangyari kagabi ng madaling araw.

Yinakap ko ang sariling tuhod, wala ng mapaglagyan pa ang sakit sa aking puso, dahil maging ang aking isipan ay puno na rin. Hindi ko alam kung paano ko ito babawasan, kung ito ba ay mababawasan pa.

Muli kong inalala ang mga panahong masaya kaming dalawa. Hindi ko maiwasang hindi mapangiti sa tuwing maaalala ko kung gaano siya kasarap magmahal. Napapangiti ako ng maalala kung gaano niya ipinaparamdam saakin na ako’y mahal niyang talaga.

Nguni’t agad din akong tumigil sa pagbabalik tanaw ng aming nakaraan, ayoko nang madagdagan pa ang sakit na aking nararamdaman.

Tumayo ako at inayos ang aking sarili. Hindi ako makakalimot sa lugar na ito. Gusto ko munang lumayo at magtungo sa lugar na walang ala-ala naming dalawa.

Humarap ako sa salamin, pinagmasdan ang sarili. Mugto ang mga mata, namamaga at tila walang maayos na tulog. Kahit anong ayos ko sa aking sarili, hindi parin ito sapat. Pilitin ko mang ngumiti, nguni’t nagmumuka lamang akong tanga.

Bigla ay tinamad akong bumaba. Nguni’t buo na ang pasya ko. Kailangan ko munang lumayo sa lugar na ito kung gusto kong makalimot.

Napapikit pa ako ng aking mata ng tuluyan kong buksan ang pinto. Pagmulat ko ng aking mga mata ay agad itong tumama kay Kenjie na kalalabas lamang ng kanyang silid. Nagulat din ito ng magtama ang aming paningin.

“Nei~~” bigla kong naisara ang pinto at mabilis itong ni lock. ‘Ayoko ng umasa Kenjie. Walang wala na ako. Kailangan ko munang ayusin ang sarili ko.’ napapikit ako ng marinig kong tawagin nito ang pangalan ko. Kumirot ang aking dibdib. Muling nadagdagan ang sakit na aking nararamdaman.

Hindi ko na alam kung ano na ang aging gagawin. Agad akong napatingin sa bintana. Nasa ikalawang palapag ako. Nguni’t hindi naman ganoon kataas. Kaya naman, kahit natatakot ay isinampa ko ang aking paa. Huminga ng malalim at saka tumalon pababa. Agad na namilipit ako sa sakit ng mapamali ang aking pagtalon. Kaya naman ay iika ika akong naglakad. Nguni’t di pa man ako nakakalayo ay narinig ko ang boses ni Dictoria. Kaya naman idinikit ko ang aking tenga sa dingding, pinapakinggan ang kaniyang sinasabi.

“Ama bakit dito natulog ang Ate Gavriela?” tanong nito sa tinawag niyang ama. Narinig kong tumikhim pa muna ito bago sagutin ang anak.

“Dahil iyon ang tradisyon natin Dictoria. Kailangang matulog ng ate mo sa tahanan ng kaniyang mapapangasawa bago sumapit ang pamamanhikan, dahil doon ay wala ng urungan ang magaganap na kasalan nilang dalawa.” malaki ang boses nito. Nakakapanindig balahibo. Nguni’t ang mas nagpatindig saakin ay ang salitang ‘MAPAPANGASAWA, PAMAMANHIKAN AT KASALAN.’

muling pumatak ang aking mga luha ng maalala ang nangyari kagabi. Kaya pala narito si Gavriela dahil tradisyon na ito bago sila ikasal. At ngayon na din ang kanilang pamamanhikan.

“Kailan po ba ang kasal ng ate?” muling tanong ni Dictoria.

“Sa susunod na araw. Hindi na dapat pa patagalin ang kasal ng iyong ate.” tugon naman nito at doon na bumuhos ang aking mga luha. Dali dali akong tumakbo papalayo nguni’t agad ding napatigil ng makita ang Tiya Rosario.  Malungkot din ang mga mata nito.  Bigla ay lumapit ako sa kaniya at yumakap ng mahigpit. 

“Alam kong napakasakit nito para saiyo.  Bago ka pa man dumating, nakahanda na ang kanilang kasal.  Paumanhin kung hindi ko agad nasabi saiyo. Tumakbo kana,  magpakalayo layo,  huwag kang magpapakita sa Don Ramon.  Iyan na lamang ang tanging maitutulong ko saiyo. “  bigla akong napatingin kay tiya Rosario ng sabihin niya iyon.  Panibagong sakit ang dumagdag saakin.  Hindi agad ako nakasagot,  humiwalay ako mula sa kaniya.  Nakatitig akong lumayo at mabilis na tumakbo.  Hindi ko kaya. Hindi ko kayang marinig pa na nakaplano na pala ang kanilang kasal dati pa. 

Hindi ko maiwasang hindi magalit sa sarili ko,  hindi ako nag-isip na baka ay talagang may namamagitan sa kanilang dalawa.  Napakatanga ko.  Tumakbo ako ng tumakbo,  hanggang sa di ko namalayan na napunta ako rito sa batis.  Mabilis akong tumalon at nagpakalublob sa ilalim ng tubig.

Gusto kong makalimot, gusto kong mawala itong nararamdaman ko.

Nguni’t agad din akong napaahon ng maalala ang kauna-unahang dumampi ang labi ni Kenjie sa aking labi. 

Lahat nang nangyari dito na kasama siya ay nanumbalik sa aking ala-ala.  Umahon ako at muling tumakbo ng tumakbo. 

Kumulimlim ang kalangitan, nagbabadya ang ulan.  Nguni’t patuloy parin akong tumatakbo. Hindi ako makaramdam ng pagod,  hindi rin pinapansin ang mga matang nakapukaw saakin.  Narito ako ngayon sa bungad ng Serbaño.  Tanging ang parke lamang ang alam kong lugar dito.  Kaya naman, muli akong tumakbo hanggang sa narating ko na ang parke. 

Dahan dahan akong umupo sa swing, inilibot ang aking paningin,  pinakiramdaman ang paligid.  Malamig ang ihip ng hangin,  walang katao tao.   Napaka lungkot ng panahon,  maging ang bayan ng Serbaño.  Tila dinadamayan ako sa sakit na aking nararamdaman. 

Kahit pilitin kong iiwas o iwasan ang lahat ng nangyari,  kusa itong sumasagi sa aking isip.  Parang sirang plaka na nagpaulit-ulit. Mula sa umpisa,  hanggang sa confession, sa sakit,  saya,  kilig,  at hanggang sa maulit ang sakit.  Lahat ng iyan ay aking naaalala.  Walang parte sa aking isipan ang aking nakaligtaan.  Napangiti ako ng mapait. Bigla kong naalala ang sinabi saakin ni Khalil.

“When something bad happens, something good happens in return because no matter what you do somebody is looking out for you and you never know who that could be.”

  napangiti ako ng maalala ko ang sinabi niyang iyan.  Pumatak ang aking mga luha.  Nag-isip isip.  Kung hindi siguro ako naaksidente,  hindi sana ako mapupunta sa panahong ito.  Kung hindi sana ako naaksidente,  wala akong makikilalang Kenjie,  wala akong makikilalang Hermano,  at wala rin akong nasasaktang Nathaniel.  At kung hindi sana ako naaksidente,  hindi sana ako makakaramdam ng ganitong sakit.

Bigla kong namiss ang buhay ko sa panahon ko.  Party dito,  party doon.  Gala dito, gala doon.  Lahat ay kaya kong gawin.  Wala akong hindi kayang gawin.  Lahat ay napapag-aralan ko.  Bakit ang isang ito hindi ko matutunan?  ANG MAKALIMOT SA AKING NARARAMDAMAN.

napapikit ako ng mariin.  Napakalamig ng hangin.  ‘Pati ang ihip ng hangin, malamig din.’

Napatingala ako ng naramdaman ang unti-unting pagbagsak ng ulan.  Muli kong naalala ang aking sinapit noong ako ay naulanan.  Kailangan kong tatagan ang aking sarili,  walang Nathaniel at Hermano’ng tutulong saakin ngayon.  Tumayo ako at naglakad lakad,  biglang nanumbalik sa aking ala-ala kung paano ako iniwan ni Kenjie dito at sumama kay Gavriela.  Napangiti ako ng mapait.

‘Kaya pala ganon ang mga ngitian ni Kenjie sa harap ni Gavriela dahil may namamagitan na pala sa kanila.’

Muli ay nakaramdam na naman ako ng inis para sa aking sarili. Naiinis ako dahil may relasyon akong nasira,  naiinis ako dahil hinayaan kong mayroong mangyari saamin ni Kenjie,  naiinis ako dahil maraming araw kong tinanggalan ng kasiyahan si Gavriela.  Nagagalit ako para sa sarili ko dahil sa patuloy akong nahuhulog kay Kenjie.

Muli akong napangiti ng mapait, pinakatitigan ang isang kuwintas. Agad kong kinapa ang aking bulsa.  Mabuti ay naroon ang aking pera.

Muli kong pinakatitigan ang kuwintas na iyon.  Muling sumagi sa isip ko si Kenjie. Nag-imagine na suot niya ito. Kaya naman dali dali akong pumasok sa loob at agad na binili iyon. 

Nakangiti ko itong tinignan.  Simple lamang iyon pero ang angas ng dating. Bagay sa dibdib ni Kenjie.  Isinilid ko ito sa aking bulsa,  siniguradong hindi ito mahuhulog kahit may magtangkang hubarin ang suot kong short, kung meron mang gagawa non.

Muli akong naglakad lakad hanggang sa makaramdam ako ng gutom.  Naalala ko na wala pa pala akong kain magmula kagabi.  Kaya ngayon ay kumakalam ang aking tiyan. 

Lalo akong nagutom sa amoy ng letchong manok.  Agad kong kinapa ang bulsa ko,  at ganon na lang ang panlulumo ko ng maalalang wala na pala akong pera.  Ang sobrang pera nga pala ay binili ko ng pagkain at ibinigay ito sa matandang nasa lansangan.

Nanlulumong lumayo ako sa mga kainan na narito.  Wala akong magawa kundi ang tiisin ang aking gutom.  Gustuhin ko mang magtungo kina Hermano nguni’t nahihiya na ako sa Tiya Rosalia. 

Muli akong bumalik sa parke at doon ay umupong muli.  Ngayon ay malakas na ang patak ng ulan.  Sobrang lamig na ng hangin.  Nag-uumpisa naring dumilim ang paligid.  Wala na rin akong nakikita pang ibang tao. 

Bigla ay hinihiling ko na sana ay dumating si Nathaniel upang ako ay saklolohan. Naghintay ako na sana ay dumating siya at ako ay tulungan. Nguni’t ang pag-asang iyon ay naglaho. Ilang oras akong naghintay ngunit walang Nathaniel na dumating. 

Tumulo muli ang aking mga luha.  Wala ba akong mahingian pa ng tulong.  Madilim ba rin ang paligid. 

Nguni’t agad akong kinilabutan ng biglang kumulog ng malakas kasabay ng malakas na ulan.  Malakas narin ang hangin.  Mukhang magkakaroon ng bagyo. 

Agad akong kinilabutan ng maymaramdamang dalawang pares ba kamay ang humawakbsa aking braso. Hindi agad ako nakagalaw ng maramdaman ang malamig na hawak nitong patalim.

“Subukan mong gumalaw at gumawa ng ingay,  malalagot ang iyong buhay.”  nagbabantang bulong nito saakin.  Agad na umakyat ang takot saaking katawan. Wala akong magawa kundi ang gawin ang pinag-uutos niya.  Hindi ko sila kaya,  bukod sa,  mayroon silang parehong patalim,  masyado ring mahigpit ang kanilang pagkakakapit

“Tahimik kang sumama saamin,  kundi dito mismo,  mabubutas iyang tiyan mo. Naiintindihan mo?”  muling banta pa nito at natatakot naman akong tumango. Sinunod ko ang kanilang pinag-uutos,  tahimik akong sumama sa kanila hanggang sa isinakay ako nito sa isang kalesa.

KABANATA 26

“A-Ano ang kailangan niyo s-saakin? “ natatakot na tanong ko nguni’t masamang tingin lamang ang ipinukol nito saakin.

“Kung pagnanakaw ang inyong dahilan,  please!  Nagmamakaawa ako!”  bigla ay nakaramdam ako ng takot para saaking sarili.  Unti-unting tumulo ang luha sa aking mga mata. “P-Pakawalan niyo na lamang ako.  W-wala kayong makukuha saakin.” dagdag ko.  Nguni’t agad akong napaatras ng tutukan ako ng patalim ng isa. 

“Sinabing manahimik ka kung ayaw mong mamatay dito sa loob ng kalesang ito.”  banta nito,  kahit natatakot ay muli akong sumunod sa pinag-uutos nito. 

Napakadilim ng paligid,  walang ilaw.  Sobrang lamig ng hangin,  napakalakas din ng ulan.  Natatakot ako sa mga oras na ito.  Sobrang bilis ng tibok ng puso ko.  Wala akong matakasan. 

“Busalan mo ang bibig niyan. Takpan mo rin ang mata.  Kung maaari ay patulugin mo ng hindi na mag-ingay.  Tanga! “ sigaw naman sa kaniya ng kasama niyang nagpapaandar ng kalesa.  Nanginginig ako sa takot.  Humihiling na sana ay may sumaklolo saakin. Gaya ng sinabi ng lalaking iyon, ginawa nga ng lalaking kasama ko ngayon.  Binusalan niya ang aking bibig at piniringan ang aking mga mata. 

Ngayon ay wala na akong makita. Hindi na rin ako makapalag pa dahil sa taling nakabusal sa aking mga kamay.  Pumatak ang luha ko.  Natatakot ako para sa sarili ko,  wala akong laban.  Hanggang takot lang ang kaya kong gawin.  ’Hanggang dito na lang ba ang aking buhay? ’  muling pumatak ang aking mga luha. 

Ilang sandali pa ay tumigil na sa pagtagbo ang kalesa,  walang hirap naman akong binuhat ng lalaking kasama ko dito sa loob ng kalesa.

“Dalhin niyo na iyan sa bodega.  Pag-igihan niyo ang pagtali baka iyan ay makatakas.”  bigla ay may nagsalita,  ramdam kong nasa harapan namin ito.  pamilyar ang kaniyang boses.  Hindi ko alam kung saan ko ito narinig.  Inisip ko ng inisip,  at doon ay muling umakyat ang takot sa aking dibdib. 

’A-Ang boses na iyon! ’  napahinto ako sa pag-iisip ng bigla ay mayroong humampas saaking batok matapos akong patayuin.  Agad akong natumba sa lupa,  ramdam ko ang basang putik na mabilis na kumalat sa aking katawan.  Kahit wala akong makita ay tila umiikot ang aking paningin.  Unti-unting pumipikit ang aking mga mata.  Hindi ko na naramdaman pa ang susunod na nangyari ng bigla na lamang akong mawalan ng malay.

Iminulat ko ang aking mga mata,  inilibot ko ang aking paningin, narito ako sa masukal na bodega.  Napakadumi,  madaming alikabok,  at mabaho ang amoy.

“Eto kumain kana!”  bigla ay sigaw ng lalaking dumukot saakin kagabi.  Napatitig ako sa binigay nitong pagkain.  Kahit gutom na gutom ako ay tiniis ko ang gutom.  Hindi ako nakain ng ahas. 

“Ano?  Gusto mo bang subuan pa kita?”  muling sigaw nito saakin.  Sinaaman ko lang siya ng tingin. 

’Tarantado kaba?  Pakakainin mo ako ng nakabusal ang bibig at mga kamay ko? ’ gusto kong matawa sa katangahan nito.  Akala ko sa telenobela lamang nangyayari ito.  Pati rin pala dito. 

Dahil sa inis niya ay kinuha niya ang pagkaing inihanda niya at tinapon ito. 

“Ayaw mong kainin,  siya ang mga langgam na lang ang aking pakakainin.”  dagdag pa nito.  Amoy ko ang mabahong hininga nito.  Gusto kong kumawala,  gusto kong makaalis sa lugar na ito. 

Dumaan ang maghapon, nasa ganito parin akong sitwasyon.  Gusto kong sumigaw ng sumigaw.  Gusto kong humingi mg tulong.  Pero wala akong magawa dahil nakatali ako. 

Ramdam ko ang panghihina ng aking katawan.  Dalawang araw na akong walang kain.  Sobra ng kumakalam ang aking tiyan.  Muli ay napaiyak ako. Dito na lang siguro matatapos ang buhay ko.  Napakapalad kong tao. 

Ipinikit ko ang aking mga mata,  sobra na akong nanghihina.  Gusto kong kumain o kahit uminom man lang ng tubig.  Gusto kong balyahin ang lalaking ito at tadtarin ng hampas sa ulo. 

Lahat ng iyan ay nasa isip ko lamang.  Wala akong kakayahang gawin iyon. 

Tumitig saakin ang isang lalaking siyang nagpapatakbo ng kalesa.  Kinuha niya ang aking braso at saka inihambing sa kaniyang braso.  Nangunot ang kaniyang noo,  napatitig saakin. 

“Bakit tila kakaiba ang iyong kutis?  Isa ka bang babae?”  takang tanong nito.  Hindi ko inimik.   “Bakit tila hindi ka umiimik?  Napipe kana ba?”  muling tanong nito. Gusto ko siyang tadyaktadyakan dahil sa paulit ulit nitong tanong.  Hindi naman ganon kabango ang kaniyang hininga. 

Bigla akong nagulat ng bigla niyang punitin ang marumi kong damit. Nanlaki ang kaniyang mga mata. 

“Isa ka ngang tunay na lalaki.  Bakit ganiyan ang iyong kutis?  Mas maputi pa sa mga kababaihang narito.”  muling sambit nito.  Kaya wala na akon nagawa pa kundi ang tadyakan ang alaga nito.  Agad na namilipit siya sa sakin.  Dama ko ang sakit non dahil sa lakas ng aking pagkakasipa. 

“T-Tarantado ka!!  Arghh!! “  angil niya habang nagpagulong gulong sa sahig.  Ng makarecover ito ay mabilis siyang tumayo at ginawaran ako ng malakas na suntok.  Hindi pa ito na kontento ay bigla niya rin akong sinipa sa dibdib.  Agad akong tumilapon habang uubo ubo.  Lumapit siyang muli saakin at hinawakan ako sa damit kong sinira niya.

“Ang lakas ng loob mong gawin iyon.  Pwes eto ang sayo. “  sigaw niya sa harap ng mukha ko.  Halos mapapikit na rin ako dahil sa pagkakabugbog nito.  Hindi pa ito nakontento,  sapak at tadyak pa ang ginawa nito saakin bago ako tuluyung iniwanan. 

Namimilipit akong napaluha sa sahig.  Wala na ang pagkakatali saaking nga kamay dahil sa lakas ng kaniyang pagkakasipa,  nasira ang upuang pinagtaliaan saakin. Uubo ubo kong tinanggal ang busal sa aking bibig. 

Sobra na akong nanghihina.  Kailangan kong makalabas sa bodegang ito.  Kailangan kong makaligtas sa mga demonyong narito. 

Dahan dahan akong gumapang papunta sa pintuan.  Nguni’t ganon na lamang ang aking panlulumo ng biglang magbukas ito.  Lumabas ang isang ginoong halata palang sa mukha ay malupit na. 

“Buhay ka pa pala ginoo.  Akala ko’y isa ka ng bangkay.”  bungad na sambit nito.  Nanghihinang tumingala ako sa kaniya. 

Siya ang tinawag na ama ni Dictoria sa bahay ng Tiya Rosario. 

Tuluyan na itong nakapasok sa silid na ito.  Nakita ang kamay kong gumagapang papunta sa pintuan. 

“Arghhjhh!!! “  napasigaw ako ng malakas ng tapakan nito ang aking kamay.  Agad ko itong hinigit at itinago.  Sobrabg sakit ng ginawa niyang iyon.

“Wala silang kasing sama. Mga hayop sila!!  Mga hayop!!!’

KABANATA 27.

“Kamusta?  Nagustuhan mo ba ang iyong magiging himlayan?” nakangising tanong nito.  Kahit hirap ay tinignan ko ito ng sobrang sama.

“Ka’y tagal kitang hinahanap ngayon lamang ako nagkaroon ng pagkakataong dakpin ka.” pinandilatan ako nito ng mata.  Inilapit niya ang kaniyang mukha sa akin habang idinidiin ang kaniyang mga daliri sa magkabila kong pisngi.  Masakit iyon dahil talagang bumabaon ang kaniyang daliri. 

Agad akong napahawak sa aking pisngi ng bitawan niya ito. 

“Alam mo bang muntikan ng maiwanan ang aking anak?  Ang paborito naming anak.  Pangarap niyang maikasal sa lalaking pinakamamahal niya. Ngunit anong ginawa mo? “ putol niya sa kaniyang sinasabi.  Muli niya akong pinandilatan ng mata.  Halos lumuwa na iyon sa sobrang pagkadilat.  “Dumating ka at sinira ang kanilang relasyon. Ano nga ba ang nagustuhan saiyo ng lalaking iyon gayong parehas kayong may espada.  Nakakadiri kayo.”  dagdag pa nito.  Nag-iisip ako kung paano ako makakatakas sa sitwasyong ito.  Gusto ko ng makaalis dito.  Gusto kong magsumbong kay Kenjie sa mga kahayupang ginagawa nila saakin. 

“Binabalaan kita.” bigla ay sambit niya.  Napatingin naman ako sa kaniyang mukha,  mababakasan doon ang galit at ano mang oras niyang gustohing paslangin ako,  hindi siya mag aalinlangang gawin iyon.   

“Layuan mo ang lalaking iyon, at siguraduhing matutuloy ang kasal ng anak ko.  Huwag ka ring magpapakita, dahil sa oras na hindi natuloy ang kasal ng anak ko…”  putol niya sa kaniyang sinasabi. Agad na nanlaki ang aking mga mata, nakaramdam ako ng nginig at takot ng bigla niiyang ilabas ang baril na nakasukbit sa kaniyang suot na pantalon. “

Nakikita mo itong baril na hawak ko?“  muling sambit niya,  pinakatitigan ang hawak na baril.  “Kapag hindi ka sumunod sa ating usapan.”  hinimas niya pa muna ito at itinutok saakin.  Muli akong napikit sa takot.    “Puputok ito sa puso ng lalaking mahal mo. Naiintindihan mo? “ banta nito at doon na nanlaki ang mga mata ko.  Nakaramdam ako ng takot hindi para sa sarili ko.  Kundi para kay Kenjie.

“Sagot!! “ bigla ay sigaw nito nataranta naman akong napatungo dahil sa takot. 

“O-Opo…  Opo! “  aligagang sagot ko, natatakot. Ang takot ay binalot ang buong pagkatao ko.  Nanginginig ang mga kalamnan ko.  Hindi ko alam kung anong gagawin ko.  Gusto kong makatakas dito magpagpakalayo layo matuloy lang ang kasal ni Kenjie. 

Bigla ay gusto ko na lang maglaho at bumalik sa mundo ko kung saan ako nararapat.

Naramdaman ko ang pagbukas at sara ng pinto.  Wala na ang Don sa harapan ko.  Napangiti ako ng mapait,  ngayon na pala ang kasal ni Kenjie.  Gusto ko siyang makita sa huling pagkakataon.  Gusto kong muli makita ang busilak nyang ngiti,  kahit hindi ako ang siyang may gawa. 

Gusto kong makitang muli ang kanyang mukha sa huling pagkakataon.  Ang dami kong kagustuhan,  nguni’t wala akong kakayahang gawin. 

Bigla ay napayakap na lang ako sa aking sarili,  napangiti ako ng mapait.  Tanggap na ang aking kahahantungan. 

‘Kung dito man ako mamatay,  sana pagmulat ko ng aking mga mata,  kapiling ko na si Lola.’  tumulo ang aking luha matapos sabihin iyon.  Mariin kong ipinikit ang aking mga mata at hinayaan ang sarili na tumangis. 

Napatigil lamang ako sa pag-iyak ng maymaramdamang kamay ang bumalot saakin.  Yinakap ako nito ng mahigpit.  Ramdam ko ang pagmamahal at init ng kaniyang yakap. 

Bigla ay muli akong napaluha,  mabait parin saakin ang panginoon.  Ibinigay niya parin saakin ang lalaking ito,  hindi ko alam kung ano bang nagawa kong tama para makatanggap ng ganito kabusilak na regalo. 

“Patawad!  Nahuli ako.  Patawad kung nasaktan ka ng ama ko.  Patawad kung hindi agad kita nasaklolohan,  patawad kung naranasan mo ito sa kamay ng aking ama.”  humahangos na sambit ni Nathaniel,  muling pumatak ang aking luha,  napakaswerte ko parin dahil may isang Nathaniel na magliligtas saakin.  Napaka swerte ko,  dahil mayroong Nathaniel na nagmamahal saakin. 

Muli akong nakaramdam ng kirot sa aking puso,  bigla ay hiniling ko na sana ay si Nathaniel na lang ang unang minahal ko. Na sana ay si Nathaniel na lang ang siyang una kong nakita.  Sana hindi ako makakaramdam ng ganitong sakit,  kung si Nathaniel ang pinili ko.  Siguro ay masaya ako ngayon. 

Dahan dahan niya akong iniharap sa kaniya,  hinawakan ang magkabila kong pisngi. Kitang kita ko sa mga mata nito ang sakit, lungkot,  maging ang galit. 

Bigla akong nabuhayan, bigla akong nakaramdam na tila ligtas ako sa bisig ni Nathaniel.  Muli akong humiling,  na sana pagkatapos nito,  si Nathaniel na lang ang piliin ko. 

“Itatakas kita dito.”  bigla ay sambit niya,  napatingin ako sa kaniya, napatulala dahil sa sinabi niyang iyon.

  Muli akong nasaktan ng makitang maglandas ang kaniyang mga luha,  doble ang sakit non dahil nakikita kong nasasaktan siya ng dahil saakin.

Dahan dahan niya akong tinayo,  nguni’t agad niya rin akong naibaba ng biglang pumasok dito sa loob ang isang lalaki na siyang nagdala saakin dito kagabi.  Agad na nangunot ang noo nito,  bigla ay sumugod siya saamin. 

Agad namang nangga ni Nathaniel ang suntok nito,  mabilis ang pag-atake ni Nathaniel sa lalaking ito.  Suntok tadyak ang inabot nito kay Nathaniel,  muli na naman akong namangha sa galing niyang makipaglaban. 

“Huwag mo nang subukan pang lumaban,  hayaan mong tumakas kami sa lugar na ito.” humahangos na sambit ni Nathaniel sa lalaking nakahandusay na sa lupa.  Nguni’t sadyang malakas ang kaniyang loob,  tumayo siya at muling sumugod kay Nathaniel. 

Nasanggang muli ni Nathaniel ang pag-atake nito at sabay sabay na suntok naman ang tinamo nito sa kamay ni Nathaniel.

“Huwag mo akong pilitin na paslangin ka,  dahil hindi ako magdadalawang isip na gawin iyon saiyo,  makatakas lang kami dito.”  biglang nagsitayuan ang mga balahibo ko ng sabihin iyon ni Nathaniel.  Ako ang natakot para sa lalaki,  dahil sa tono nang pananalita ni Nathaniel ay hindi rin ito magdadalawang isip na gawin iyon. 

Nguni’t sadyang hindi nakikinig ang lalaking ito,  muli siyang tumayo at muling sumugod. Nguni’t sa pagkakataong ito hindi na siya pinagbigyan pa ni Nathaniel.  Mabilis na umikot si Nathaniel sa likuran ng lalaki,  dimba niya ito dahilan para bumagsak ito sa sahig,  hinawakan ni Nathaniel ang ulo nito at pinilipit.

Rinig ko ang paglagutok ng buto nito,  dahan-dahang bumagsak ang ulo nito,  wala na siyang buhay.  Bigla akong nakaramdam ng takot.  Ngayon lamang ako nakasaksi ng ganito,  harap harapang pinatay ang isang tao.

Nguni’t ang takot na iyon ay biglang nawala ng maramdaman ang mahigpit na yakap ni Nathaniel. 

“Hindi mo na kailangang makaramdam pa ng takot, dahil narito na ako.  Hinding hindi kita iiwan.”  napapikit ako dahil ang sarap pakinggan ng salitang kaniyang binitawan. Napapikit ako ng maramdaman ang kaniyang labi sa aking noo. 

‘Sana ikaw na lang ang minahal ko.  Sana sayo na lang natuon ang atensyon ko.’  sambit ko sa aking isipan.  Gusto ko mang sambitin iyon nguni’t hindi ko magawa.  Natatakot ako na baka umasa si Nathaniel.

*BANGG! *

Agad na nanlaki ang aking mga mata nang marinig ang malakas na putok ng baril. Napatingin ako sa likuran ni Nathaniel,  agad na nanlaki ang mga mata ko ng makita ang lalaking siyang nagpaandar ng kalesa kagabi. May hawak itong baril at nakatutok saamin. Bigla akong kinabahan sa putok ng baril na iyon. 

“H-Hindi… H-Hindi maaari…  H-Hindi! “  sigaw ko ng may maramdamang dugo na umagos sa aking kamay. 

“Nathaniel!!”  sigaw ko ng mapagtantong tinamaan ng baril sa likod si Nathaniel.

KABANATA 28

Dahan dahang bumitaw si Nathaniel sa aking pagkakayakap.  Masamang tinignan ang lalaking may hawak ng baril.  Bigla ay tumakbo siya pasugod rito.  Sa sobrang bilis ng pagkilos niya ay hindi ko rin namalayan na hawak na niya ang baril ng lalaki.  Agad niya itong itinutok sa sintido nito at biglang ipinutok. 

Napasigaw pa ako sa gulat,  kitang kita ko ang pagtalsik ng dugo sa paligid.  Bigla akong nanginig sa takot.  Dahan dahang tumingin saakin si Nathaniel.  Bigla siyang napaluhod at dumura ng dugo.  Nataranta ako sa takot,  mabilis akong tumakbo sa kaniya.   Hindi ko alam kung saan ako nakakuha ng lakas para nakakilos ng ganon kabilis. 

Bumagsak siya saakin,  napayakap ako sa kaniya ng mahigpit.  Bumuhos ang aking luha,  nakikita ko ang kaniyang paghihirap. 

“N-Nathaniel please!!  Wag ka munang pipikit ok?  Tatawag ako ng manggagamot.  Just stay awake ok? “   pigil ang hikbing sambit ko.  Ngumiti naman ito saakin.  Itinaas ang kaniyang kanang kamay at hinaplos ang aking pisngi.  Napapikit pa ako ng maramdaman ko ang init ng kaniyang haplos.

“N-Nasagot na ang tanong sa aking isipan.  Nangyari na ang aking napanaginipan.  H-Hindi ko akalain na saiyo ko ibubuwis ang aking buhay.  Nguni’t kahit ganon.  M-Masaya… “  nahihirapang sambit niya. Iiling iling naman ako sa kaniya,  pinapatigil siyang magsalita.  Ngumiti pa muta siya bago muling magsalita.  “M-Masaya ako dahil saiyo ko ibinuwis ang aking buhay.  M-Mas hindi ko kakayanin na ikaw ang mawala.  D-Doble ang sakit.”  dagdag pa nito,  kahit nahihirapan ay patuloy parin siyang nagsasalita. 

Hindi ko na nakayanan pa ang bugso ng aking damdamin.  Bumuhos ang aking luha,  humagulgol ako at niyakap siya ng mahigpit. 

“H-Huwag ka na munang magsalita ok?  Tatawag ako ng manggagamot.  Tatakas pa tayo hindi ba?  Kaya please Nathaniel!  Stay awake ok? “  humahangos na sabi ko.  Tumitig siya saakin,  pumapatak na rin ang kaniyang luha.  Muli niyang hinaplos ang aking pisngi.  Hinawakan ko naman ito ng mahigpit habang patuloy ba tumatangis. 

“M-Mukhang hindi ko na matutupad ang pangakong iyan..”  umubo siya matapos sabihin iyon.  Umiling iling naman ako,  pinipigilan siyang pumikit.  “H-Hanggang dito na lamang siguro ako.  Maaari bang mahalikan ang iyong labi? Sa una’t huling pagkakataon?”  dagdag pa nito.  Hindi na ako nag-alinlangan pa,  mariin kong hinalikan ang kaniyang labi.  Nakangiti naman itong gumanti ng halik.  Ilang segundo rin ang itinagal non ng siya narin ang kusang bumitaw.  Muli niyang hinaplos ang aking pisngi. 

“I’ll say goodbye this one last time. But know that I’m not really saying goodbye because in my heart I will still always love you. And in another life,  And in another life,  I  want to be your man. I will be the man that will love you more than my life. You’re the one that my heart wants. In another life where we will meet again, I’ll make you the most happiest person living, Neil.” emosyonal na sambit niya.  Derederetso,  hindi utal nguni’t nahihirapan.  Muli kong yinakap ng mahigpit si Nathaniel. 

“You can go now,  pigilan mo ang kasal. Sa unang simbahan na iyong makikita,  naroon sila. “  bigla akong napatingin sa kaniya ng sabihin niya iyon.  Umiling naman ako sa kaniya. 

“No! Hindi kita iiwan dito. Mas mahalagang gumaling ka kesa sa kasal.  T-Tara na.  A-Alis na tayo.  Magpapagamot ka. “  humahangos na sabi ko,  muling bumagsak ang aking mga luha ng makitang ngumiti ito saakin.

“H-Hindi na ako magtatagal pa.  I-Iwanan mo na ako dito.  Pakiusap.”  tanggi niya.  Muli akong umiling.  Kita kong nahihirapan na siya sa paghinga.  Muli niyang hinawakan ang aking pisngi at marahan itong hinaplos.  Kahit nahihirapan ay iniangat niya ang kaniyang ulo at ipinagdikit ang aming mga labi.  Napapikit naman ako at nimanman ang malambot niyang labi.  Ramdam ko ang pagpikit niya,  dahan dahang bumagsak ang kaniyang ulo pababa sa aking hita.  Hinawakan ko ang kaniyang kamay upang hindi ito malaglag.  Doon na siya binawian ng buhay. 

Napahagulgol ako ng malakas. Tuloy tuloy ang pag-agos ng aking luha. Pinakatitigan ko ang maamo niyang mukha. 

‘Patawad Nathaniel.  Patawad..’ 

Gustohin ko mang huwag siyang iwanan, nguni’t gusto kong gawin ang isinabi niyang pigilan ang kasal.

Labag sa loob kong lisanin ang bodega at iwanan  si Nathaniel, nguni’t hindi na ako nag-alinlangan pa.  Nandito na ako sa labas,  inilibot ko ang aking paningin.  Mayroon akong nakitang bisekleta.  Dali dali kong kinuha iyon at sumakay. 

Agad akong umalis kahit labag sa aking kalooban.  Ilang minutong pagpadyak, ay may roon akong nakitang simbahan.  Ito na marahil ang sinasabi ni Nathaniel. 

Dahan dahan akong bumaba sa bisikleta at mabilis na nagtungo sa nakaawang na bintana.   Agad na bumagsak ang luha sa aking pisngi, binalot ng kirot ang aking dibdib ng makita kong nasa harap na ng altar si Kenjie.

‘Ang sakit palang makitang nakatayo sa harap ang taong mahal mo habang ikinakasal sa iba.’

Biglang nanlaki ang mga mata ko ng magsalubong ang aming tingin.  Lumiwanag ang mukha nito at saka umalis sa harap ng Altar.  Agad namang naguluhan ang mga taong naroon sa loob ng simbahan.  Nang makita kong papalabas na si Kenjie ay mabilis akong tumakbo papunta sa harap ng pinto ng simbahan.  At hindi na ako nagulat pa ng makita itong buksan ang pintuan.Nagsalubong ang aming tingin.  Tumakbo siya at sinalubong ako ng mahigpit na yakap. 

“Patawad! “  sambit niya at biglang humagulgol ng iyak.  Hinaplos niya ng hinaplos ang aking buhok habang patuloy na hinahalikan ang aking noo.  “Patawad kung natakot ako.  Hindi ko naipaglaban ang nararamdaman ko.  Nilamon ako ng galit at ng selos.  Patawad kung nasaktan kita.”  humahangos niyang sambit at hinalikan ako sa labi.

Binali wala namin ang pagkagulat ng taong naroon sa loob ng simbahan.  Dahan dahang bumitiw siya sa pagkakahalik, hinawakan ang magkabila kong pisngi. 

“Nguni’t ang pagdating mo ay huli na.  Naikasal na ako kay Gavriela.”  agad akong napabitiw mula sa pagkakayakap sa kaniya.  Nasaktan ako ng sobra.  ‘Nahuli ako ng dating.’ bigla akong nanghinayang.  Sobra akong naiinis sa sarili ko.  Bigla ay naalala ko si Nathaniel.   Si Nathaniel na ibinuwis ang buhay paraa saakin.  Si Nathaniel na ibinuwis ang buhay para maging masaya ako. Nguni’t nasayang ang pagbubuwis buhay ni Nathaniel.  Gusto kong suntukin ang sarili ko.  Gusto kong saktan ang sarili ko.  Napakamakasarili ko. 

Muli akong napatitig sa kanya, nguni’t ganon na lamang ang panlalaki ng aking mga mata ng makita ang Don na humugot ng baril at itinutok kay Kenjie.  Mabilis akong kumilos at itinulak ko papalayo si Kenjie. 

Agad na kumalat ang sakit sa buo kong katawan.  Napatitig ako sa aking dibdib,  napangiti ako.  Nailigtas ko ang buhay ni Kenjie. 

Dahan dahan akong napaluhod,  nanlalabo ang aking mga mata.  Naramdaman kong yinakap ako ni Kenjie,  hinawakan ang aking kamay at hinaplos sa kaniyang pisngi.  Wala akong marinig,  nararamdaman ko na lang ang pagpatak ng mga luha ni Kenjie. 

Agad kong naalala ang kuwintas na binili ko para sa kaniya.  Kahit nanghihina ay kinapa ko ito at napangiti ng naramdaman ko iyon.  Kinuha ko ito at iniabot sa  kaniya.  Agad niya naman itong kinuha,  napangiti ako.

Patuloy na nanlalabo ang aking paningin. Hanggang sa hindi ko na maramdaman ang paligid,  maging ang pagkayakap ni Kenjie. 

Wala na,  tapos na.  Habang patuloy ba lumalabo ang aking paningin,  biglang sumagi sa isip ko si Nathaniel.  Nakangiti na ito saakin,  napaka pogi niya sa pagkakangiti niyang iyon.  Iniabot niya ang kaniyang kamay,  at hindi ako nag-alinlangang tanggapin iyon.

WAKAS

Iminulat ko ang aking mga mata, agad itong tumama sa kulay puting kisame. Naipikit ko ang aking mga mata dahil sa sobrang liwanag ng paligid.

Mayroon akong naririnig na nagsasalita, mayroon din akong nararamdamang humawak sa aking kamay tila sinusuri ang aking kalagayan.

Muli kong iminulat ang aking mga mata, unti-unti ay nasasanay na ako sa liwanag. Inilibot ko ang aking paningin, mula sa gilid ko sa parteng kanan, nahagip ng aking paningin ang nakangiting mukha ni Hermano. Nanguno’t ang aking noo ng makita ang kasuotan nito.

‘Bakit tila kakaiba ang kaniyang pananamit?’ tanong ko sa aking isip, nguni’t maging ito ay hindi rin alam ang sagot.

Muli kong iginala ang aking paningin, dumako naman ito sa kaliwang bahagi ng aking kamay. Ganon na lamang ang gulat ko ng makita si Nathaniel lumuluha ang kaniyang mga mata habang hawak hawak ang aking kaliwang kamay.

Napangiti ako ng makita ko siya, sobra akong nagpapasalamat dahil buhay siya. Muli kong inilibot ang aking paningin. Agad na kumirot ang aking dibdib ng hindi makita si Kenjie. Agad na nangilid ang luha sa aking mga mata.

‘Huwag ka ng umasa pa na dadating siya, kasal na siya kay Gavriela.’ pangungumbinsi ko sa aking sarili.

’ Gusto kong itanong sa kanila, baka sakaling dumalaw ito kanina hindi niya lamang ako naabutan. ’ agad na lumiwanag ang aking mukha dahil sa aking naisip. Kahit nahihirapan ay sinubukan kong umupo, agad namang umalalay saakin si Nathaniel. Kakaibang saya ang nakikita ko sa kaniyang mga mata.

“Thank God! You’re awake!” aniya habang lumuluha ang parehong mga mata. Napangiti ako.

“D-Duma… D-Dumalaw ba d-dito si K-Kenjie? “ paos na sambit ko. Agad namang nangunot ang kaniyang noo, hindi naunawaan ang aking sinabi.

“Kenjie? Sino si Kenjie? “ takang tanong ni Nathaniel, nangunot din ang aking noo.

“Si K-Kenjie, anak ni T-tiya Rosario. “ muling nangunot ang kaniyang noo, bigla ay ngumiti siya.

“I don’t know who he is, and I don’t know Who’s Tiya Rosario is.

But the most important to me is, you’re awake.“ sambit niya na lalong ikinakunot ng aking noo.

“Ako ba’y pinagloloko mo Nathaniel? “ inis na sabi ko. Agad namang nanlaki ang mga mata niya. Agad niyang hinawakan ang aking kamay at marahan itong hinaplos.

“Babe! I am not Nathaniel, I am Khalil, your boyfriend. So please stop mentioning that names ok? Baka panaginip mo lang iyan.” ako naman ang nanlaki ang mga mata. Hindi makapaniwalang tumitig sa kanya. Maging kay Hermano na ngayon ay nakakunot na rin ang noo, hindi rin nauubawaan ang aking sinasabi.

“Hermano! Hindi mo kilala si Kenjie?” baling ko dito, umiling naman ito. “My god!! Bakit kayo ganyan? “ naguguluhang sambit ko, muli kong pinakatitigan si Nathaniel, at ganon na lamang ang aking pagkagulat,

’H-Hindi maaari! ’ sigaw ko sa isip ko ng mapagtanto kong narito na ako sa totoong panahon ko.

“K-Khalil?” turo ko kay Khalil, nakangiti naman itong tumango saakin.

H-Herman? “ baling ko naman kay Herman, inirapan lang ako nito.

Biglang tumulo ang luha ko, hindi dahil sa masaya akong nakabalik na ako sa totoong panahon ko. Kundi dahil sa ala-alang iniwan at naiwan ko sa taong iyon bigla kong naalala ang huling sinabi ni Nathaniel saakin. Hindi ko akalain na tutuparin niya iyon.

Lumipas ang lang linggo, na discharge na rin ako sa hospital, ang nakabangga saakin ang siyang nagbayad sa lahat ng bills. Humingi naman ito ng sorry at tinanggap ko rin naman ito.

Ilang linggo ang lumipas, patuloy akong naninibago. Parang bago ang lahat saakin dito sa panahong ito, parang gusto ko na lang ulit bumalik doon, nguni’t ang kagustuhang iyon ay hindi na muling mauulit pa.

Kasalukuyan ako ngayong naglalakad patungo sa bahay ng marinig ko ang tawag mi Ace.

“Hello? Ace napatawag ka.” tanong ko dito sa kabilang linya, nguni’t wala akong natanggap na tugon mula rito. “Ace? “ muling tawag ko sa pangalan niya. Tahimik parin ito at hindi kumikibo. Bigla akong nakaramdam ng kaba. Bumilis ang tibok ng puso ko.

“S-Si Khalil… “ utal na sagot naman nito. Bigla akong nakaramdam ng kaba.

“Anong nangyari kay Khalil! Umayos ka Ace! Anong nangyari? “ natatarantang sigaw ko sa kaniya. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Sobra akong nag-aalala kay Khalil.

“He needs you. Andito siya sa apartment niya. Hihintayin ka namin.” muling sagot niya at ibinaba ang linya. Dali dali kong kinuha ang susi sa bulsa at agad na sumakay sa kotse ko. Mabilis kong pinaharurot ang kotse hanggang sa marating ko ang apartment na pinagtutuluyan ni Khalil.

Mabilis kong tinakbo ang elevator at pinindot ang floor na kinaroroonan ni Khalil. Muli akong tumakbo ng mabilis hanggang sa mapatigil ako sa harapan ng pintuan ni Khalil. Huminga pa muna ako ng malalim bago binuksan ang pinto.

Walang kurap ko itong binuksan at ganon na lamang ang gulat na aking nararamdaman ng makita ang lahat ng kaibigan ko sa loob. Ang kaninang kaba at takot na nararamdaman ko ay napalitan ng tuwa, gulat at kilig.

Napatingin ako ng biglang nagtipa n strings si Ace. Nakangiti na ito saakin. Imbis na ngiti ang isinagot ko ay inambahan ko ito ng suntok.

🎶 🎶

I had a dream the other night

About how we only get one life

Woke me up right after two

I stayed awake and stared at you

So I wouldn’t loose my mind 🎶 🎶

bigla akong napatigil ng marinig ang malamig na boses ni Khalil. Napakasarap sa pakiramdam, agad na umakyat ang kilig sa buo kong katawan. Agad na hinanap ng paningin ko si Khalil hanggang sa unti unti itong lumabas mula sa kaniyang sala. Hawak ng kaniyang kanang kamay ang mic habang ang kaliwa niyang kamay ay nakatago sa kaniyang likuran.

🎶 🎶

And I had the week that came from hell ,And yes I know that you could tell, But you’re like the net under the ledge. When I go flying off the edge

You go flying off as well. And if you only die once. I wanna die with 🎶 🎶

muli siyang kumanta, agad na nangilid ang luha sa aking mga mata. Sobrang saya ko sa mga oras na ito. Hindi ko akalain na maiisipan pa ito ni Khalil.

🎶 🎶

You got something I need

In this world full of people, there’s one killing me. And if we only die once,

I wanna die with you 🎶 🎶

kinanta niya ang chorus ng nakangiti. Nahawa ako sa ngiti nito. Napakagwapo niya. Dahan dahan siyang lumapit saakin, muli aking nagulat ng makita itong lumuhod at magbukas ng isang maliit na kahon.

The Greatest thing in life is finding someone who knows all of your mistakes and weaknesses and still finds you completely amazing and will never walk away.“ sambit niya, hindi agad ako makatingin. “Thank you for trusting me, thank you for loving me. Hindi ko alam ang gagawin ko sakaling mawala ka sa buhay ko. Kaya Neil, I’m asking you…” dagdag niya at doon na ako napatakip ng aking bibig, bumuhos ang luha sa aking mga mata. “Will you be my boyfriend forever?” tanong nito at hindi na ako nag-alinlangan pa. Sunod sunod akong tumango, lumiwanag ang kaniyang mukha. Dahan dahan niyang isinuot saakin ang singsing. Matagumpay niya naman itong naipasok, halos lahat ng kaibigan namin ay nagtitilian sa kilig. Wala ng mapaglagyan pa ang sayang aking nadarama. Tumayo siya mula sa pagkakaluhod at mahigpit akong niyakap.

“The day we say I DO will be the greatest day of my life” lumuluhang sambit niya. Hindi agad ako nakapag react sa sinabi niyang iyon. Maybalak siyang pakasalan ako. Gumanti ako ng yakap sa kaniya. Ramdam ko ang pagmamahal sa mga haplos niyang iyon.

“Kissss!!!” biglang sigaw ni Gladice at doon na ako nakaramdam ng hiya. Nakigaya na rin ang iba kaya naman wala na kaming nagawa pa ni Khalil kundi ang pagdampiin ang aming mga labi.

“I love you! “ nakangitig sambit niya. Ngumiti naman ako sa kaniya at tumugon.

“I love you too! “ tugon ko at muli niya akong niyakap ng mahigpit.

‘Sometimes life just seems like chapters. Some good, some bad, but all come together to create the story of our lives.’

After 1 month…

“Bilisan mo naman Herman! Napakakupad mo.!” sigaw ko kay Herman, kakamot ulo naman itong lumapit saakin at nakangusong yumakap saakin.

“Hindi mo ba ako namiss? “ tanong ko sa kaniya habang kinuha ang maleta niya.

“Tsk.. Eh halos kakausap lang natin kanina mamimiss pa kita? “ nakangusong sagot naman nito. Kaya naman mariin ko siyang kinurot sa ilong. Napaka gwapo ng batang ito. Manang mana kay Hermano. And speaking of Hermano, Hindi ko akalain na magiging kaibigan ko ang apo ni Hermano na talagang kamukhang kamukha nito. At ang mas hindi ko akalain. Naging boyfriend ko rin ang kaniyang apo na kamukhang kamukha naman ni Nathaniel. Natawa ako sa aking isipan. ’ Ang liit ng aming mundo.’

Nagkulitan pa kaming dalawa bago sumakay ng sasakyan nguni’t agad din akong bumaba ng may nakaligtaan ako. Pinauna ko na lamang ang magkapatid na Khalil at Herman, kinulit pa ako ni Khalil na siya na lamang ang gagawa non ngunit tumanggi ako.

Agad akong pumunta sa isang matandang gumuguhit sa kalsada. Kanina ko pa kasi iyon nakikita. Masyado akong naantig ng kaniyang likha, dahil kuhang kuha niya ang batis. Mabilis kong kinuha ang limang libo sa aking walet at ibinigay iyon kay manong. Sobrang saya naman nito dahil sobra sobra daw ang aking binayad. Hindi ko na iyon pinansin pa dahil excited akong kunin ang painting niyang iyon.

Nguni’t ganon na lamang ang aking pagkagulat ng may makitang hawak na ito ng isang lalaki. Dali dali ko itong nilapitan nguni’t ganon na lamang ang gulat ko ng makita ko ang mukha nito.

Muling bumilis ang tibok ng puso ko, nangilid din ang luha sa aking mga mata. Hindi ako makapaniwalang makikita ko siya rito.

“K-Kenjie? “ utal na sambit ko dito. Nagtataka naman itong nilingon ako.

“Excuse me, do I know you? “ tanong nito at doon kumirot ang dibdib ko. Napakatanga ko para isiping si Kenjie itong kaharap ko. Kamukhang kamukha niya si Kenjie, nguni’t bago pa man ako masabing iba ay tumakbo na ako palayo.

‘Sobrang tanga ko para isipin na siya si Kenjie. Napakatanga ko.’

The End…

Moment of Truth (Sequel)

PROLOGUE

Lumipas isang buwan nguni’t hindi parin nawala sa isip ko ang nangyaring iyon. Sa loob ng isang buwan ding iyon, nagpabalik balik ako sa lugar kung saan nakita ko ang kamukha ni Kenjie, gusto ko siyang kausapin, gusto ko siyang makilala. Kinakain ako nang kuryosidad ko. Gusto kong itanong ang kaniyang pangalan, gusto kong malaman kung konektado ba siya kay Kenjie. Ang daming tanong sa isip ko nguni’t miski isa ay walang makasagot non.

Ang dami kong gustong malaman, nguni’t wala akong ideya kung saan ko ito nauumpisahan. Hindi ko siya kilala, isang beses lang din kaming nagkita. Napasabunot na lamang ako sa aking buhok dahil sa sobrang frustration na aking nararamdaman ngayon. Masyadong ginugulo ang isip ko, miski isa ay walang pumapasok.

Knock knock

Napabalikwas ako ng tayo ng may marinig akong kumatok sa pintuan ng kwarto ko. Tumingin pa muna ako sa salamin at mabilis na inayos ang magulo kong buhok. Matapos non ay nagtungo na ako nang pinto at pinihit ito upang buksan. Agad na bumungad sa akin ang nakangiti at gwapong mukha ni Khalil. Sa mga ngiti niyang iyon ay nabura ang lahat ng iniisip ko lalo na nang yakapin niya ako ng mahigpit at halikan sa noo.

“Good morning, are you ready? “ bati nito saakin matapos humiwalay sa pagkakahalik sa aking noo.

“Yeah! I’m ready na.” nakangiting tugon ko, sinuklian niya naman ako ng matamis na ngiti. “

Where’s Herman? “ baling na tanong ko, hinahanap si Herman.

“Herman is there, papunta na sila sa mansion ngayon. Kaya solo kita ngayon.” tugon nito at muli akong niyakap at marahang siniil ang aking labi. Napangiti naman ako sa ginawa nito.

“Did you miss me? “ nakangiting tanong ko sa kanya, nag smirk lang ito at muli akong hinalikan sa labi. Nananabik.

“I miss you so damn much babe! “ tugon nito habang sinisiil ang aking labi, napapikit pa ako ng bumaba ang halik niya sa aking leeg. Bahagya niya pa itong sinipsip at marahang kinagat dahilan para mag-iwan ng kanyang marka. “Ang bango mo! Hindi ko kayang kontrolin ang sarili ko na halikan ka.” nanggigil nitong sambit at muling siniil ang aking labi. Dinilaan niya pa ang aking panga at marahang kinagat ang aking tenga.

“That’s all for today, baka di ko makontrol ang sarili ko… “ putol niya sa sasabihin nguni’t naroon parin ang gigil sa tono nito

“ Baka di ko makontrol ang sarili ko, imbis na ang bestfriend ko ang ikasal ngayon, ay baka ikaw ang pakasalan ko ngayon din. Baka mauna pa tayong ikasal sa kanila.“ sa sinabi niyang iyon hindi ko maiwasang hindi kiligin. Ramdam ko ang pamumula nang aking pisngi. Kaya naman umiwas ako ng tingin upang hindi niya iyon mapansin. Nguni’t bale wala din pala iyon.

“Hey! You’re blushing hahaha.” puna nito sa akin kaya naman lalo akong nailang, pakiramdam ko rin na lalong nadagdagan ang pamumula ng aking mukha.

“You know? I love watching you, lalo na kapag ganyan ka, Kinikilig.” sambit pa nito na lalo kong ikinapula. Labi labis na ang kilig na aking nararamdaman ngayon. Hinawakan niya ang magkabila kong pisngi at ipinagdikit ang aming mga noo.

“I dont want to stay young forever b’coz if I do, I won’t be having my best dream which is to grow old with you.” malumanay na sambit nito, napapikit ako dahil ang sarap non sa pandinig. Naramdaman ko ding inilapat niya ang kanyang labi sa akin at marahan akong hinalikan. Ang kaninang mapusok niyang halik ay napalitan ng malumanay, marahan at puno ng pagmamahal.

“I love you! “ malambing na sambit nito, napangiti ako.

“I love you too.” nakangiting tugon ko, muli niya naman akong hinalikan.

“Tara na nga, baka di ko mapigilan ang sarili ko, di pa tayo maka attend sa party, at baka ikaw ang gawin kong pagkain ngayon.” biro nito, natawa naman ako at hinampas ko naman siya ng bahagya sa ma-muscle niyang braso.

“Loko! “ natatawang sambit ko. Natawa rin naman siya.

Bumaba na kami at saka sumakay sa sasakyan niya. Dahan dahan ang kanyang pagmamaneho, medyo mabagal din ang daloy ng trapiko kaya ganon na lang din ang kanyang pagtakbo.

Halos isa’t kalahating oras din ang itinagal namin sa biyahe bago marating ang venue ng event na ito. Nagpark na sa malapit na parkingan si Khalil at mabilis na lumabas at pinagbuksan ako ng pinto.

“Let’s go?” aniya at inilahad ang kanyang braso. Ngayon ko lamang siya napagmasdan, napakagwapo ni Khalil sa black suit niyang soot. Napangiti naman ako.

“Ngayon ko lang na pansin, ang pangit mo pala.” biro ko at natawa naman siya. Nag-umpisa narin kaming maglakad papasok.

“Paano mo mapapansin ang kapangitan ko, gayong busy yang tingin mo sa gwapo kong mukha.” biro rin nito at sabay kaming natawa.

“Lakas ng self confidence natin pre ah. San nanggagaling yan? “ biro ko, pilit na pinapalaki ang mahinhin kong boses. Natawa naman siya at tumigil sa paglalakad at marahang pinisil ang aking ilong.

“Syempre saiyo, ikaw lang naman boyfriend ko eh.” aniya dahilan para kiligin na naman ako.

“Gumawa kaya ako ng bagong rules? “ biglang sambit nito, kunot noong tinignan ko naman ito.

“Ano na naman yan? “ takang tanong ko, inaantay ang kanyang tugon. Humawak pa muna sya sa kanyang baba, tila nag iisip.

“Na kapag kinikilig ka, dapat may price ako.” aniya at tatango tango pa. Kumunot naman ang aking noo sa sinabi niyang iyon. Pumewang ako at pibakatitigan siya.

“Ano na namang price yan aber? “ nakamewang na tanong ko. Ngisi lamang ang kaniyang isinagot.

“Simple lang, sa tuwing kikiligin ka ang price ko dapat isang halik.” dagdag niya pa at lalong kumunot ang noo ko dahil sa kapilyuhang taglay ng lalaking ito.

“Hakdog ka! Adik ka talaga sa halik eh no? Gusto mong ung lupa ang halikan mo lagi? “ birong sambit ko, ngumuso naman siya, natawa ako.

“Di bagay sayo. Haha” biro ko nguni’t lalo lamang siyang ngumuso. Nagpapacute. “Tara na aba!” pag-aya ko ng mapansing hindi parin ito kumikilos at nananatiling nakanguso.

“Kiss muna! “

“Ayaw! “

“Kiss”

“Sapak want mo? “ biro ko na lalong ikinatulis ng kanyang nuso.

“Parang kiss lang eh. Maramot! “ bulong nito nguni’t narinig ko parin iyon, mukhang di nga bulong yon. Kaya naman bago pa siya muling maghimutok ay ginawaran ko na siya ng halik sa pisngi.

“Sa pisngi na lang muna, nakakailang halik kana sakin kanina eh.” sambit ko at natawa naman siya, muli niya akong inakay papasok sa loob.

Pagkatapak pa. Lamang namin sa loob ay maaamoy mo na ang mabangong amoy, halo halo ito nguni’t hindi naman iyon nakakasama.

“Let’s go? “ aniya at muling inilahad ang kanyang braso, isinukbit ko naman ito, kahit nahihiya. Kaya naman ng tuluyan na kaming pumasok ay nakatungo ako. Ngayon ko pa lamang mamimeet ang family side ni Khalil.

Hindi ko kayang ilibot ang aking paningin dahil sa mga matang nakapukol saamin. Pakiramdam ko ay kinukutya ako ng ilan. May naririnig pa akong bumubulong sa katabi nito.

Nag-angat ako ng tingin kay Khalil ng maramdaman ang paghawak niya sa aking kamay, sa ginawa niyang iyon, kumalma ang takot at hiya na aking nararamdaman.

“It’s ok, don’t be scared ok? I’m here. “ nakangiting pangungumbinsi niya, napangiti naman ako at biglang nawala ang kaba at takot sa dibdib ko.

Nagpatuloy kami sa paglalakad ng marating na namin ang couple na aming pinuntahan. Napadako naman ang tingin ko sa mga ito. Nakatalikod ang lalaki, matangkad ito at bagsak ang buhok. May magandang pangangatawan. At ang babae naman ay nakangiting binabati ang nga taong dumalo sa kanilang engagement party.

“Dre! “ biglang sigaw ni Khalil sa lalaking nakatalikod, dahan dahan naman itong humarap sa amin, nguni’t ganon na lamang ang aking gulat ng makita ang mukha nito. Ramdam ko ang panlalaki ng aking mga mata dahil sa hindi inaasahang makikita.

“Putcha! Gwapo natin ngayon ah. Congrats pre! “ muling bati ni Khalil sa kanyang pinsan at iniabot ang regalo nito, hindi parin ako nakakilos dahil sa sobrang pagkagulat sa aking nakikita.

“Tsk… Nag-abala kapa, thanks.” tugon naman nito, lalo akong nanigas sa king kinatatayuan, nanindig din ang aking balahibo dahil sa boses nito. Kuhang kuha.

“Btw, who’s your partner today? “ muling tanong nito kay Khalil, naramdaman ko naman ang kamay nitong hinawakan ang aking kamay at saka hinalikan.

“My boyfriend.” hindi ko alam pero nakaramdam ako ng sobrang luwag sa dibdib, bumilis din ang tibok ng puso ko. Kiniliti din ang puso ko matapos kong marinig iyon.

“Ow really? You never told me that before.”

“Tsk.. So by the way, Neil, he’s my bestfriend. Kean Steve” baling niya sakin at ipinakilala ang lalaking kaharap ko ngayon na hindi ko inaasahang makikita at malalaman ko rin ang pangalan nito.

“And Kean, si Neil boyfriend ko.” muling dagdag pa ni Khalil. Napatingin naman ako sa lalaking kaharap ko ngayon na inilahad na ang kaniyang kamay.

Tila umurong ang aking dila, hindi rin ako makapaniwalang makikita ko rito ang lalaking isang buwan kong hinanap. At abg mas nakakagulat pa don ay pinsan siya ni Khalil at siya pa ang ikakasal.

Nagpabaling baling ang aking tingin sa kamay nitong nakalahad at sa nakangiti nitong mukha.

Kuhang kuha niya ang mukha ni Kenjie, maging ang katawan at boses nito kuhang kuha. Siya iyong nakita ko noong nakaraan. Hindi nga ako nagkakamali.

Special Chapter

Kenjie’s POV

May mga lihim na hindi kailanman binibigkas ng labi. May mga salitang namamatay sa pagitan ng dila at lalamunan sapagkat higit na kinatatakutan ng puso ang kahihinatnan ng pagsasabi kaysa sa bigat ng pagtatago. At mayroon ding mga pag-ibig na hindi isinilang upang maging kuwento ng dalawang taong magkasamang tumanda.

May mga pag-ibig na gaya ng bulalakaw na dumaraan lamang sa kalawakan ng buhay, saglit na nagliliyab, subalit sapat ang ningning upang manatili sa paningin magpakailanman.

Ganoon si Neil sa aking buhay. Isang bulalakaw. Isang lihim. Isang himalang hindi ko hiniling, subalit buong puso kong pinasalamatan nang dumating. At isang pagkawala na hanggang sa huling hibla ng aking buhay ay hindi ko natutuhang tanggapin.

Bago ko siya nakilala, payapa ang aking buhay. Ang bawat araw ay tila isang pahinang paulit-ulit lamang sinusulatan ng parehong kuwento. Sumisikat ang araw. Nagtatrabaho ako. Umuuwi. Nakikipag-usap sa aking pamilya. Nakikipagbiruan kay Hermano. At pagkatapos ay muling hihiga sa gabi, habang pinakikinggan ang marahang paghinga ng daigdig.

Walang kakaiba. Walang kapana-panabik. Walang dahilan upang isipin kong may isang taong darating at yayanigin ang tahimik na tubig ng aking buhay. Hanggang sa isang araw… may isang estrangherong nahulog mula sa kung saan at tuluyang nahulog sa aking puso.

Hindi ko pa alam noon kung saan siya nagmula. Hindi ko pa alam kung bakit kakaiba ang kaniyang pananamit. Hindi ko pa alam kung bakit tila banyaga sa kaniyang sariling paligid. Ngunit sa unang pagkakataong nagtagpo ang aming mga mata… may kung anong bagay sa aking dibdib ang tila marahang kumatok. Isang munting katok. Halos hindi marinig. Ngunit hindi na muling tumigil.

Tinitigan ko siya. May kakaiba sa kaniyang mukha. Hindi lamang dahil sa kaniyang anyo. Kundi dahil sa mga mata niyang tila may sariling panahon.May lungkot sa kaniyang mga mata. Lungkot na hindi niya ipinagsisigawan.Lungkot na marunong magtago. Para siyang isang tahanang matapos salantahin ng bagyo ay pinilit pa ring magmukhang buo. At hindi ko alam kung bakit nais kong malaman kung anong bagyong dumaan sa kaniyang buhay.

Sino ka? Saan ka nagmula? Ano ang dahilan ng iyong pag-iisa? At bakit, sa kabila ng iyong ngiti, tila may bahagi sa iyo na patuloy na lumuluha? Iyon ang mga tanong na hindi ko noon kayang bigkasin.

Ngunit marahil, bago pa man kita tulungang tumayo, may isang bahagi na ng aking puso ang nais nang umabot sa iyo.

Noong una, tinulungan lamang kita dahil nangangailangan ka. Iyon ang aking ipinaniwala sa sarili. Nang makita kitang tila nawawala, hindi ko naisip na may ibang kahulugan ang aking pagkalinga. Isa ka lamang taong nangangailangan ng tulong. Isa lamang estrangherong dapat kong gabayan. Ngunit bakit habang lumilipas ang mga sandali, tila mas nagiging mahalaga sa akin ang bawat paghinga mo? Nang mahawakan ko ang iyong bisig upang tulungan kang makalakad, hindi ko alam kung bakit tila mas mabilis ang pintig ng aking puso? Nang mapansin kong nasasaktan ka, para bang may karayom na sumundot sa aking dibdib. Nang ngumiti ka sa akin… parang biglang sumikat ang araw sa loob ng isang kwartong matagal nang walang bintana. Hindi ko iyon naunawaan. O marahil, ayaw ko lamang maunawaan. Dahil may mga damdaming kapag binigyan mo ng pangalan ay lalo lamang nagiging totoo.

Nang dalhin kita sa aming tahanan, hindi ko inisip na magiging bahagi ka ng aming pamilya kahit sandali. Ang akala ko, tutulungan kita. Pakakainin. Papahingahin. At kapag gumaling ka na, aalis ka na. Ngunit hindi ko alam na sa bawat pagkaing inilalapag sa iyong harapan, may bahagi ng puso kong unti-unting nagiging iyo. Hindi ko alam na sa bawat gabing alam kong ligtas kang natutulog sa ilalim ng aming bubong, may kapanatagang sumasagi sa aking dibdib. At hindi ko alam na sa bawat umagang unang hinahanap ng aking mga mata ang iyong mukha… may pag-ibig nang namumukadkad sa katahimikan.

Nang sabihin mong ikaw ay nagmula sa ibang panahon, hindi ko agad naunawaan. Ang taong iyon ay tila isang malayong panaginip. Hindi ko alam kung bakit ka dumating sa amin. Hindi ko alam kung bakit sa aming bayan. Hindi ko alam kung bakit sa aming tahanan. Ngunit sa kabila ng lahat ng hiwagang bumabalot sa iyo, may isang bagay akong natitiyak. Hindi aksidente ang iyong pagdating. Marahil ay may mga kamay ang tadhana na hindi natin nakikita. Marahil ay may mga hibla itong hinahabi sa likod ng tabing ng panahon. At marahil, bago pa man tayo isinilang, mayroon nang isang kuwento na naghihintay sa ating dalawa. Hindi ko alam. Ngunit pinili kong huwag nang magtanong. Dahil sa unang pagkakataon sa aking buhay… ayaw kong alamin kung kailan matatapos ang isang bagay na nagpapasaya sa akin.

Unti-unti kitang minahal. Hindi ko alam kung kailan. Walang kampanang tumunog. Walang kulog na dumagundong. Walang liwanag na bumaba mula sa langit upang sabihin sa akin na ikaw na pala. Ang pag-ibig ay hindi pala laging dumarating na parang bagyo. Minsan, ito ay parang hamog. Marahan. Malamig. Halos hindi mo namamalayan. Hanggang sa isang umaga, kapag nasilayan mo ang paligid, basa na pala ang buong mundo. Ganoon ka naging bahagi ng buhay ko.

Hindi ko namalayan. Hanggang sa dumating ang araw na hindi ko na kayang isipin ang aking bukas nang wala ang iyong pangalan.

Naaalala ko pa ang mga simpleng bagay. Ang iyong pagtawa. Ang iyong pag-iwas ng tingin kapag nahihiya. Ang iyong mga salitang hindi ko nauunawaan. Ang iyong mga biro na kung minsan ay napakakakaiba. Ang iyong pagtingin sa mga bagay na karaniwan para sa amin ngunit kamangha-mangha para sa iyo. At higit sa lahat… ang iyong paraan ng pagtitig sa akin. Minsan, kapag nahuhuli kitang nakatingin, agad kang umiiwas. At ako nama’y nagkukunwaring hindi ko napansin. Ngunit sa totoo lamang… ikinikintal ko sa aking gunita ang bawat isa sa iyong mga titig. Sapagkat natatakot ako. Natatakot akong baka isang araw ay wala na ang mga iyon.

Nang makita kitang kasama ni Hermano, may kung anong pait na sumibol sa aking dibdib. Hindi ko dapat iyon maramdaman. Wala naman akong karapatan sapagkat ikaw ay hindi pa sa akim. Hindi mo pa ako pinipili. At marahil, sa iyong mga mata, isa lamang akong kaibigan. Ngunit nang makita kong nakapatong ang kaniyang bisig sa iyong balikat… hindi ko napigilan ang sarili ko. Inalis ko ang kaniyang kamay. At ako ang umakbay sa iyo. Hindi ko alam kung ano ang naisip mo. Ngunit alam kong nang sandaling iyon ay may isang bagay akong inamin sa aking sarili. Ayaw kitang makita sa bisig ng iba. Napakasaklap aminin. Ngunit ang puso ay isang kahariang hindi laging sinusunod ang utos ng isip. At ang aking puso… matagal nang sumuko sa iyo.

Nang ipandong ko sa iyo ang aking damit upang protektahan ka mula sa araw, hindi ko alam na iyon pala ang isa sa mga sandaling habambuhay kong dadalhin. Magkatabi tayo. Napakalapit. Naririnig ko ang iyong paghinga. At nang lingunin kita, nakatingin ka rin sa akin. Ngumiti ako. Ngumiti ka rin. Walang salita. Ngunit sa katahimikang iyon, para bang may isang buong tula na isinulat ang aming mga mata. Kung maaari ko lamang sanang pahabain ang sandaling iyon… kung maaari lamang sanang utusan ang araw na huwag munang lumubog… marahil ginawa ko. Sapagkat noon ko unang naramdaman ang takot na hindi ko maipaliwanag. Ang takot na ang kaligayahang ito ay hindi para sa akin.

May mga gabi na magkatabi tayong nakatingin sa kalangitan. Tinuruan mo ako ng mga salitang Ingles. Star. Stars. Moon. Star shooting. Maliit na bagay lamang iyon. Ngunit para sa akin, hindi. Dahil sa gabing iyon, natutunan kong may mga salitang maaaring maging tulay sa pagitan ng dalawang mundong hindi dapat nagtatagpo. At habang itinuturo mo sa akin ang mga salita, hindi ko namalayan na may isa pang salitang natutunan ang aking puso. Love. Hindi ko sinabi sa iyo. Hindi ko pa kaya. Ngunit nang yakapin kita at maramdaman kong biglang nagbago ang pintig ng iyong katawan… alam kong may bagay na sa pagitan natin na hindi na maibabalik sa dati.

Minsan, inaasar kita. Nagtataka ako kung bakit napakadali mong mamula. Kapag inaasar kita, tila namumukadkad ang iyong mga pisngi na parang rosas na sininagan ng unang liwanag ng umaga. At kapag umiiwas ka ng tingin… gusto kitang asarin nang asarin.Hindi dahil nais kitang pahirapan. Kundi dahil gusto kong makita kang ganoon. Masaya. Magaan. Walang bigat. Sapagkat sa likod ng iyong mga mata, alam kong may isang nakaraan kang pilit na hinahabol. At nais kong kahit sandali lamang… maging pahinga ako ng iyong puso.

Ngunit may lihim akong hindi ko sinabi sa iyo. Habang mas minamahal kita… mas lalo akong natatakot. Sapagkat alam kong hindi ka kabilang sa panahong ito. Ikaw ay gaya ng isang ibong napadpad sa maling panahon. At alam kong darating ang araw na tatawagin ka ng iyong sariling mundo. Hindi ko lamang alam kung kailan. Kaya minahal kita nang palihim. Hinawakan ang bawat sandali. Iningatan ang bawat ngiti. Tinandaan ang bawat salita. Dahil alam kong maaaring isang araw ay maging alaala na lamang ang lahat. At ako… ayaw kong maging alaala ka lamang.

Ngunit dumating ang araw na nawala ka. At doon ko nalaman na tama ang aking kinatatakutan. Biglang naging hungkag ang tahanan. Ang mga silid ay tila mas malalaki. Ang mga gabi ay tila mas mahahaba. At ang katahimikan ay naging napakalakas. Hinahanap kita sa bawat sulok. Sa may hapag. Sa pintuan. Sa labas ng bahay. Sa lugar kung saan tayo minsang nag-uusap. Ngunit wala ka. Para bang kinuha ka ng panahon na parang alon na biglang humihila sa isang taong nasa dalampasigan. At ako… naiwan sa pampang. Walang magawa. Walang masandalan. Walang paraan upang sundan ka.

Hindi ko alam kung gaano katagal kitang hinintay. Ngunit natutunan kong ang paghihintay ay may sariling uri ng kamatayan. Araw-araw kang namamatay nang kaunti. Hindi dahil nawawala ang alaala. Kundi dahil bawat paggising mo ay panibagong paalala na wala na ang hinihintay mo. Ngunit nang muli kitang makita… akala ko ay binigyan ako ng langit ng pangalawang pagkakataon. Hindi ko alam na ang pagkakataong iyon ay magiging huli.

At dumating ang araw na hawak kita sa aking mga bisig. Hindi ko na matandaan kung ano ang eksaktong sinabi ko. Hindi ko na matandaan kung ilang ulit kitang tinawag. Ang tanging natatandaan ko ay ang bigat ng iyong katawan. Ang init na unti-unting nawawala. At ang mga kamay kong nanginginig habang pilit kang pinananatili sa mundong ayaw ka nang pakawalan. “Neil…” Iyon lamang. Ang pangalan mo. Paulit-ulit. Para bang kung paulit-ulit ko itong sasambitin, maririnig mo ako. Para bang ang pangalan mo ay isang dasal na kayang talunin ang kamatayan. Ngunit hindi. Hindi ako pinakinggan ng kamatayan. At sa huling pagkakataong tinitigan kita… nakita kong ang liwanag sa iyong mga mata ay unti-unting nilalamon ng dilim. At doon… may isang bagay na tuluyang namatay sa loob ko.

Hindi ko kailanman malilimutan ang bigat ng katawang hawak ko nang araw na iyon. Hindi ko kailanman malilimutan ang pakiramdam na kahit gaano kita kahigpit yakapin, hindi kita maibabalik. At hindi ko kailanman mapapatawad ang aking sarili. Dahil ako ang naroon. Ako ang nakahawak sa iyo. Ako ang nakakita. Ngunit wala akong nagawa. Kung ang pagmamahal lamang sana ay may kapangyarihang magpabalik ng hininga… matagal na sanang muli kang nabuhay. Kung ang luha lamang sana ay may kapangyarihang maghugas ng kamatayan… marahil hindi kita kailanman nawala. Ngunit ang luha ay tubig lamang. At ang pagmamahal… kahit gaano kalalim, ay hindi laging sapat upang pigilan ang tadhana.

Pagkatapos mong mawala, patuloy na umikot ang mundo. Iyon ang pinakamasakit. Hindi huminto ang araw. Hindi nagluksa ang buong bayan. Hindi tumigil ang hangin. Patuloy na tumubo ang mga puno. Patuloy na umagos ang ilog. Patuloy na sumikat ang buwan. At ako? Naiwan sa isang kahapon na hindi na muling babalik. Maraming beses kong tinanong ang sarili ko: “Paano ako mabubuhay kung ang dahilan ng aking paghinga ay wala na?” Ngunit dumating ang umaga. At kinailangan kong bumangon. Doon ko natutunan ang isang malupit na katotohanan: Ang buhay ay hindi humihingi ng pahintulot bago magpatuloy. Kahit wasak ka. Kahit pagod ka. Kahit gusto mong manatili sa isang araw na lumipas na… patuloy pa rin ang bukang-liwayway. Kaya nabuhay ako. Hindi dahil nakalimutan kita. Kundi dahil ayaw kong ang pagmamahalan natin ay mauwi lamang sa isang kamatayang walang kabuluhan.

Minsan, kapag sumasapit ang dapithapon, tumitingin ako sa kalangitan. At iniisip ko kung nakikita mo rin ba ang parehong buwan. Kung nasaan ka man. Kung may kalangitan ka rin bang tinitingnan. Kung may mga bituing nagsisilbing kandila sa iyong gabi. At kapag may bulalakaw na biglang dumaraan… hindi na ako humihiling. Dahik minsan na kitang hiniling sa tadhana. At nang ibigay ka nito sa akin… kinuha rin naman nito. Kaya ngayon, wala na akong hihilingin. Magpapasalamat na lamang ako. Salamat dahil minsan… dumaan ka sa buhay ko.

Neil. Kung may pagkakataon lamang akong muling makita ang aking sarili noong unang araw na nagtagpo ang ating mga mata… pipigilan ko sana siyang matakot. Sasabihin ko sa kaniya: “Kenjie, huwag kang mangamba.” “Ang estrangherong iyan ang magiging pinakamagandang bahagi ng iyong buhay.” “Masasaktan ka.” “Luluha ka.” “Darating ang araw na hihilingin mong sana ay hindi mo na lamang siya nakilala.” “Ngunit huwag kang tatakbo.” “Dahil sa dulo ng lahat ng sakit na iyon, matututunan mong ang ilang pag-ibig ay hindi nasusukat sa haba ng pananatili.” At kung tatanungin ako kung pipiliin ko pa rin ba ang lahat… Oo. Muli at muli. Sa bawat buhay. Sa bawat panahon. Sa bawat pagkakataon. Ikaw pa rin.

Dahil ikaw ang aking bulalakaw. Ikaw ang aking bukang-liwayway. Ikaw ang aking dapithapon. Ikaw ang awit na natapos bago ko pa man matutunan ang huling titik. Ikaw ang pahinang biglang pinunit ng tadhana mula sa aklat ng aking buhay. Ngunit kahit wala na ang pahinang iyon… hindi ko sinunog ang aklat. Patuloy ko itong binabasa. Minsan ay may luha. Minsan ay may ngiti. Ngunit palagi kang naroroon.

At kung dumating man ang araw na ako naman ang tawagin ng kabilang buhay… hindi na ako matatakot. Sapagkat marahil, sa kabilang dako ng dilim, may isang liwanag na naghihintay. At baka sa dulo ng liwanag na iyon… ikaw ang matatagpuan ko. Kapag nangyari iyon, hindi na kita tatanungin kung bakit ka umalis. Hindi na kita sisisihin. Hindi na ako magtatanong kung bakit tayo pinagtagpo kung paghiwalayin din lamang tayo. Lalapit lamang ako. At kapag nakita ko ang iyong mga mata… ngingiti ako. At sasabihin ko, “Matagal kitang hinintay.” At marahil, ikaw ay ngingiti rin. At sa unang pagkakataon pagkatapos ng mahabang panahon… hindi na kailangang matakot ng aking puso. Dahil wala nang panahon. Wala nang bukas. Wala nang kamatayan. Wala nang paglisan. Tayo na lamang. At marahil… doon ko sa wakas mauunawam kung bakit ka ipinadala ng tadhana sa aking buhay. Hindi upang manatili. Kundi upang turuan akong ang puso ng tao ay maaaring magkaroon ng isang tahanang kahit wasakin ng panahon… ay hindi kailanman kayang burahin ng kamatayan. Ikaw iyon, Neil. At ako, ako ang lalaking minsang nagkaroon ng buong daigdig sa anyo ng isang estranghero.


Return to top?
WattHub

Install WattHub

Size unavailable

App name
WattHub
App version
1.48.250
App size
Description
A digital library of Wattpad stories and Filipino fiction, thoughtfully preserved for readers today and tomorrow.
Developer
WattHub Team

Dismiss install banner?

No problem. You can still install WattHub anytime from the download icon in the header.

WattHub

Notifications

Notifications are off

Get notified on this device when the library grows or changes.