loading

storiescollectionschaptersauthorsgenrestagsstories
Men At Midnight

Men At Midnight

IsntItReal · 3 chapters · 2,374 words

PLEASE READ

This is a work of fiction. Names, characters, businesses, events, and incidents are the product of the author’s imagination. Any resemblance to actual persons, living or dead, or events is purely coincidental.

The story contains many adult and mature scenes between a guy and men that may not be suitable for young or other audiences.

Please read at your own risk.

Strictly check the tags before reading.

You’ve been warned.

[MxM]

NOW OPEN

•••

“You’ve been invited to the grand opening; we hope we can see you there….

….and meet the Men At Midnight .“

•••

Servin’ 00

[EP 00: The good doctor]

Orion’s POV

FINALLY! natapos ko rin lahat ng clients ko. Sobrang nakakapagod but at the same time nakakatuwa since andaming cute na bata yung nakilala ko. Sarap kasing pisilin ng mga pisngi ng mga ’yon! That’s why i love my job. Before anything else, I’m Orion Buenavista at isa akong pediatrician.

Madaming nagtataka bakit daw ako napunta sa pediatric field but wala feel ko talaga dito ang calling ko. Para sa mga bata.

But to be frank, kahit pala gaanong kagusto mo yung trabaho mo…. Mapapagod at mapapagod ka. Akala ko kasi puro saya lang since gusto ko ’tong propesyon na natapos ko.

Natigil ang pag mumuni muni ko nang may kumatok sa pintuan ng room ko dito sa hospital. Di naman sa pag mamayabang isa akong pediatrician sa isang sikat na hospital.

“Doc Ori andyan ka ba?!” sigaw galing sa isang babaeng matinis ang boses.

“Pasok!” sagot ko naman kay Pauline .

Pagkatapos kong sabihin ’yon ay bumukas ang pinto at bumungad sa’kin ang isang babae. Actually kung hindi ko lang talaga ’to si Pauline, aakalain kong model ’to.

“Makatitig ka naman. Gandang ganda ka talaga sa beauty ko ’no!” sabi niya sa akin.

“As if! Kapal mo naman.” pang aasar ko sa kaniya.

Si Pauline ay isang nurse at siya pala ang naging kaibigan ko dito sa hospital. Actually mabait naman ang mga doctors at nurses dito pero siya ang pinaka close ko sa lahat.

“Napano ka at pumunta ka dito?” tanong ko sa kaniya.

“Kasi may favor ako Bes …….” napa facepalm nalang ako sa sinabi niya.

Alam ko na kasi kung ano yung mangyayari. Kapag tinawag niya akong “Bes” asahan mo ng may iuutos na naman ’yan siya.

“Ano na namang papagawa mo Pauline?” nakasimangot kong sabi.

“Kasi…. Umm… May date ako sa makalawa.” pag amin niya sa akin.

“Oh? Ano namang pake ko diyan….”

“Grabe siya! Pero ganito kasi… Need ko mang hingi ng day off! Please tulungan mo ’ko! Ikaw lang malakas sa Director nitong hospital.” paliwanag niya sa’kin.

Sa maniwala man kayo o hindi, totoo yung sinabi niya. Ewan ko ba don sa Director nitong hospital pag dating sa’kin iba yung mga tingin.

Ang weird niya pag dating sa’kin at nagbibigay siya ng major creep vibes which I don’t like. Napatingin ulit ako sa kaibigan ko. Paawa effect ang gaga.

“Fine….” labag sa loob kong sabi.

“Yes! You’re the best talaga Ori! Love you~”

“Ay sus nang bola pa ang loko.” ani ko.

“At dahil tinulungan mo ’ko…. Ihahanap din kita ng pwede mong maka date!”

“Wala kong time sa ganyan Pauline.” walang gana kong sagot.

“Lagi naman ganyan sagot mo. Akala mo may binubuhay kang pamilya, well in fact wala naman. Lagi ka nalang hospital bahay, bahay hospital! Learn to have fun rin!” panghihikayat niya sa akin.

Totoo naman kasi ’yang sinabi niya. Well may mga nag aya na sa’kin before pero tinanggihan ko silang lahat.

“Ano bang bet mo this time? Lalaki o babae?” curious niyang tanong. Alam kasi ni Pauline na Bisexual ako.

“Alam mo umalis ka na bago pa magbago isip ko na ipagpaalam ka.”

“Fine! Basta ha before ka umuwi daanan mo si Doc Brandon .”

“Oo na.”

….

“Good evening, Doc Ori.” bati ng mga nakasalubong kong nurse at doctor.

“Good evening din.” pagkasabi ko non ay binigyan ko sila ng isang napakatamis na ngiti.

Papunta kasi ako ngayon sa office ni Doc Brandon. Siya kasi ang Director nitong hospital at ipagpapaalam ko na si Pauline.

Medyo malayo pa ang nilakad ko dahil nasa dulo at bandang tago ang office ng lalaki. At nang matanaw ko na ito ay kumatok ako.

Tok tok tok

“Doc Brandon….?” sabi ko habang kumakatok sa pintuan ng office niya.

Pagkasabi ko non ay nakarinig ako ng mga naglalaglagang bagay mula sa loob ng silid. Nagtaka naman ako.

“Doc Brandon? Si Orion po ito.” pagtawag ko ulit.

Maya maya pa ay lumabas ang isang nurse. Medyo magulo ang buhok. Hindi rin maayos ang uniform niya at higit sa lahat, pawisan siya.

Nang makita niya ako ay bahagya siyang magulat at nag bow sa akin bilang pag galang. Pagkatapos non ay iniluwa ng pinto ang isang matangkad na lalaki.

Malaki itong bulto ng tao. Kayumanggi ang balat niya at may balbas. Mahahalata mong may edad na ang lalaki pero hindi pa rin magpapatalo ang kaniyang katawan.

Kayang kaya pa rin makipag sabayan sa mga model. Kapansin pansin rin na bukas ang unang tatlong butones ng long sleeve polo niya.

Kaya naman tanaw at kitang kita ko ang mabalbon niyang dibdib. Napansin ko rin ang belt niyang hindi naka ayos at ang maumbok niyang harapan. Dahil sa nasaksihan ko ay bahagyang uminit ang pisngi ko.

“Oh What brings you here my fave pedia?” sabi niya sa’kin habang naka ngisi.

“Uhm… May need lang ho ako sa inyong ipagpaalam.” sabi ko naman.

“Oh sure.. sure.. come in please.” pag aya niya sa akin.

Pinauna niya naman akong pumasok at siya na ang nag sara ng pinto. Nakita ko ang gulo ng table niya. Parang dinaanan ng bagyo.

“Please have a seat. Sorry pala makalat kasi sa office ko…. May ginawa kasi ako kanina. Something like exercise. If you know what I mean~.” sabi niya sabay tawa.

“Ehem! So i make this quick po. Need ko po sanang ipag paalam si nurse Pauline.” pagmamadali ko.

“Shush… Bat parang nagmamadali ka. We have our time of our life, don’t we?” manyak talaga ’tong lalaking ’to.

Kung hindi lang mataas katungkulan nito ay malamang napatalsik na siya sa hospital.

“Okay back to the topic. Bakit mo ipagpapaalam si Pauline? May nangyari ba?” tanong niya.

“May urgent lang po kasi siyang gagawin sa makalawa. Kaya gusto niyang humingi ng day off.” paliwanag ko kay Doc Brandon. Napahawak naman siya sa baba niya at tila nag iisip.

“Hmm… Kung siya ang mag day off, bakit ikaw yung nagpapaalam sa’kin?”

Dami naman tanong ng lalaking ’to. Isip isip ko.

“Ah… Kasi po busy siya ngayon.” palusot ko.

“Hmm… Okay fine. Basta may papalit sa shift niya that day.”

“Thank you, Doc Brandon.”

“Brandon nalang since tayong dalawa lang naman and besides hindi ka na iba sa’kin.” seryoso niyang sabi.

“Ahhh okay….” awkward kong sagot.

“Oh may naisip pala ako. What if ikaw ang mag fill sa shift niya and then ako na ang bahala sayo. I can be the one filling you up. “ makahulugan niyang sabi sabay taas baba ng kilay niya.

For f sake! Kelan ba mag

seseryoso

’tong

lalaking ’to

!

“Haha… Sige po pag iisipan ko.” sabi ko habang dahan dahang tumayo sa kinauupuan ko.

“Aalis ka na agad? Di pa nga kita na offer-an ng inumin. May tea ako dito. Mahilig ka ba sa tea, Doc Orion~” pang aasar niya lalo sa akin.

“Okay that’s my cue haha… Mauna na po ako!”

“HAHAHAHAHA look at your face. Okay you may g-.” hindi na natapos ang sasabihin niya dahil tumakbo na ko palabas ng opisina niya.

….

Okay solve na ang dinner ko. After ko kasing makipag usap kay Doc Brandon ay kumain muna ako sa resto. Kaya heto ako ngayon, papunta na sa parking lot kung saan nakaparada ang sasakyan ko.

Natigil ang intrapersonal convo ko nang may maaninag akong ilaw papunta sa direction ko. Motor pala pero hayop bakit ang bilis magpatakbo.

Bigla itong humahurot at akala mo nakipag karera. Sa harapan ko pa talaga siya dumaan!

“Hoy! Bulag ka ba???! Kita mong may tao dito!” sigaw ko pero hindi manlang tumigil ang motor at nag dire diretso lang siya.

Bwisit na ’yon mas lalong pinapanget ang gabi ko. Pasalamat siya at may helmet siya kaya hindi ko nakita yung mukha niya. Nako kung nakita ko ’yon baka makatikim siya sa’kin.

Papunta na sana ako sa sasakyan ko kaso nakita kong parang may kumikinang sa sahig. Dahil certified marites ako ay pinuntahan ko ’yon.

Habang papalapit ako ay nakita kong isang card pala ito. Natatamaan lang ng ilaw kaya kumikinang. Para naman ma satisfy ang curiosity ko ay pinulot ko ito.

Huh? Isang business card lang pala. Pero in fairness ha. Ang ganda ng card nila yayamanin. Tiningnan ko naman ang likod nito. Andon nakalagay ang address at nakita ko rin ang nakasulat na….

“Something happens at midnight.”

Ano na naman kayang pakulo ng bar ’to. Eh pare parehas lang naman maiingay sa bar. Puro pa ng mga maiingay at lasenggo.

Nilagay ko na bulsa ko ang card at pumasok na sa kotse ko papunta sa condo ko.

….

“Pucha naman ang bobo ng bida!”

Yan ang nasabi ko sa pinapanood kong movie. Kanina pa kasi ako nag movie marathon at so far itong huli kong pinapanood ang may pinaka shungang bida.

Dahil sa inis ko ay pinatay ko na ang laptop ko. Tumingin naman ako sa orasan at nakita kong 11:30 pm na pala pero hindi pa rin ako dinadalaw ng antok.

What if mag stroll muna ako sa labas? Since sabi rin ni Pauline na learn to have fun.

Napag desisyon kong maglibot muna dito sa labas ng building kung nasaan ang unit ko. Pero bago ako lumabas ay kumuha muna ako ng jacket, wallet at phone ko.

Hindi ko rin alam kung bakit ko kinuha sa bulsa ng pants ko ang card na napulot ko kanina.

Mukhang sinuswerte ata ako! May nakita akong night market. Kaya naman dahil isa rin akong certified patay g ay bumili na ako ng kung ano anong pagkain.

Burp

Hayyyy success! Busog na busog ako. Tumingin ako sa phone ko at nakita kong 11:50 pm na pala. Sa hindi malamang dahilan ay biglang pumasok sa isip ko ang card na napulot ko. Kaya naman kinuha ko ’to agad.

“Hmmm malapit lang ’to dito ah. Wala naman atang mawawala kung sisilip ako…” sabi ko sa sarili ko.

Kaya naman pinuntahan ko na ang address na nakalagay sa card. Hindi naman ako nahirapan sa pag hahanap kasi malapit lang pala ’to sa unit ko.

“Huh tama ba ’to?” tanong ko sa sarili ko.

Yung address kasi na nakalagay sa card ay dinala ako sa isang malaking bahay. Hindi lang basta bahay kasi halata ang pagiging mayaman at stylish ng may ari.

“Tama ba ’tong address…. Bakit parang hindi naman ’to Bar. Trippings lang ata ’tong card baka social experiment lang.”

“Excuse me Sir.” rinig kong sabi ng lalaki. Nakasuot ito ng suit and tie.

“Uhm yes po?”

“Nakita ko po kasi kayong nakatayo diyan at hawak ’yang card. Hinahanap niyo po ba ang Olympus Bar ? tanong niya sa’kin.

“Ah opo. Tama po ba ’tong napuntahan ko?” balik kong tanong sa kaniya.

“Yes po Sir. Ito po ang Olympus Bar. Marami lang nalilito dahil akala nila isa ’tong mansion dahil sa exquisite design.” paliwanag ni kuyang naka suit sa akin. Tanging tango lang ang nabigay ko sa kanya.

“May i see your card sir?”

“Huh?” naguguluhan kong sabi.

“Your card Sir.” sabi niya sabay turo sa card na napulot ko. Binigay ko naman sa kaniya at nung makita niya ay parang nagulat pa siya.

“Please excuse me for a minute Sir.” Paalam niya sabay kuha ng phone niya at nagsimulang mag dial. Di rin nag tagal ay sumagot ang tinawagan niya.

“Magpadala kayo ng tao sa may gate. We have another VIP. “ pagkatapos non ay may lumabas na mga men ’n black at isang babaeng naka black dress.

“Please paki assist si Sir sa loob. Ikaw na ang bahala sa kaniya Mindy .”

“Got it!” masiglang sabi ng babaeng nag ngangalang Mindy sabay tingin sa akin.

“This way po sir….” kahit na guguluhan ay sumunod naman ako sa kanila.

Inilibot ko ang paningin ko sa paligid at nakita ko ang napakagandang garden na puno ng ilaw. May mga tao ring nag iinom at akala ko doon kami papunta pero hindi pala.

“Malapit na Sir magsimula ang midnight rush kaya sa loob ko nalang po kayo dadalhin.” paliwanag niya. Gulong gulo na talaga ako sa mga nangyayari.

“Ay sir ano palang name nyo?” tanong ng babae sa’kin.

“Um Orion.” maiksi kong tugon.

“Oh nice name~ So sir Orion ako pala si Mindy at ako ang magiging personal guide mo kapag pupunta ka sa Olympus Bar.” nakangiti niyang sabi.

“Wait wait…. Sobra akong naguguluhan akala ko Bar to? Bat parang isang party ng mga mayayaman at anong midnight rush?” pasigaw kong sabi dahil malakas na ang tugtog na naririnig namin.  Nakapasok na kasi kami sa loob ng mansion.

“Huwag kang mag alala sir…. Malapit ng magsimula. Mas mainam kapag nakita mo mismo~” sabi niya sabay kindat sa’kin sabay alis sa tabi ko.

WTF ano ba ’tong napasok ko!

Maya maya ay namatay bigla ang ilaw. Kasabay nito ang pagdagundong ng orasan, yung parang sa kampana. Pahiwatig na alas dose na.

“Handa na ba kayo!?”

“Woohhhh” sigaw ng mga tao sa tabi ko.

Kahit na madilim ay kapansin pansin na hindi biro ang mga tao sa tabi ko. Halatang may mga kaya sila.

“First of all, maraming salamat sa pagpunta sa Olympus Bar, Dear VIP’s! Excited na ba kayo?!”

“Yessss!”

“Oo!”

“Please welcome….!

The Men at Midnight

~“ teka nga lang boses ni Mindy ang naririnig ko. Siya pala ang nagsasalita!

Kasabay ng pagsabi ni Mindy non ay siya namang bukas ng ilaw. Napapikit pa ako dahil nasilaw ako. Maya maya ay narinig ko ang samu’t saring hiyawan at palakpakan.

“Wooohhhhhhhh!”

“Shocks!”

“Yes Baby!”

Dahan dahan ko namang minulat ang aking mga mata at nagulat ako sa bumungad sa’kin.

“Oh…. Diyos ko po!” ang tanging nasabi ko.

Pitong

lalaki ang nasa stage, nakabalandra ang magagandang mga katawan at ang tanging suot lamang nila ay brief at isang maskara!

To be continued…


Return to top?
WattHub

Install WattHub

Size unavailable

App name
WattHub
App version
1.48.250
App size
Description
A digital library of Wattpad stories and Filipino fiction, thoughtfully preserved for readers today and tomorrow.
Developer
WattHub Team

Dismiss install banner?

No problem. You can still install WattHub anytime from the download icon in the header.

WattHub

Notifications

Notifications are off

Get notified on this device when the library grows or changes.