loading

storiescollectionschaptersauthorsgenrestagsstories
Mga Istorya at Tulang Hindi Tapos

Mga Istorya at Tulang Hindi Tapos

Lemonade Aion · 3 chapters · 643 words

1

DATE: 31 AUGUST 2020

Linggo.

Maagang nagising si Reynaldo. Halos hindi nga siya makatulog  dahil sa pananabik na makita  ang kaniyang pinakamamahal sa buhay.Masinop niyang ininpeksyon ang ilang mga bagaheng dadalhin matapos ang pitong buwan niyang pagseserbisyo sa militar.  Hindi na niya nagawang mag- almusal dahil sa kasabikan na nararamdaman.

Masaya siyang umupo malapit sa tabi ng bintana ng eroplano Saglit na pinagmasdan ang kagan- dahan ng mundo mula sa bintana. Masyadong napagod ang kaniyang isip at dala na din ng kakaunting tulog ay tuluyan na siyang sumandig at nakatulog.

Isang napakainit na pagsalubong ang yumakap sa kaniya.  Isang klase ng yakap na sa pitong buwan niyang pagkawala hindi niya na maalala kung gaano kasarap. Hindi nagpatalo ang kaniyang luha sa paunahang pagdausdos sa kaniyang mukha.

Tila ginapos na ng kaniyang mga bisig ang nagaalipuyos na pagmamahal ng kaniyang asawa. Pinagtibay pa ng sanggol na ilang buwan na lang ay nakatakda na niyang masilayan.

Tumatalon ang puso niya sa tuwa. Hindi magkandamayaw na halo-halong emosyon. Para bang ayaw na lang niyang matapos ang eksenang ito.

“Ang ating eroplano ay matagumpay na nakalapag sa ating paliparan. Maari na po kayong maghanda sa pag-alis.”

Ginising siya ng isang anunsiyo at ibinalik siya sa reyalidad.

Dumaan siya sa paborito nilang bilihan ng bulaklak. Pinili niya ang sariwang Daisy na paborito ng kaniyang asawa at dumiretso sa sementeryo upang kahit sa ganoong paraan ay mayakap niya ang mag-ina.

  ![](https://img.wattpad.com/935c72730daeb74988f119ea947d9ed9e57e785c/68747470733a2f2f73332e616d617a6f6e6177732e636f6d2f776174747061642d6d656469612d736572766963652f53746f7279496d6167652f614f6662666a427a5337495f61673d3d2d313436353133353135332e313765363036633965343264653338663636323831353239333633342e6a7067)               

  ![](https://img.wattpad.com/b539c72144a18fc3672296c2e7a7e0d7963ee57d/68747470733a2f2f73332e616d617a6f6e6177732e636f6d2f776174747061642d6d656469612d736572766963652f53746f7279496d6167652f756847554b6b304172345f6e53413d3d2d313436353133353135332e313765363036636238333337363664663839303436313036393231312e6a7067)

2

Where there is love, there is pain in town  

Hapon . 

Mataas ang kanyang tingin sa maliwanag na kalangitan, isang beses na nakita ko siya. Napakalayo na ang naabut ng kanyang isipan habang hawak ang maliit na kwaderno at isang panulat.

Nakaupo lamang siya sa ilalim ng malaking puno pero ang kanyang isip ay nakalayo na sa paglalayag.

May mga ilang pagkakataon na nakikita ko siyang may Isinusulat sa isang kwaderno. Titingin ulit sa kalawakan pagkatapos. 

Nakakaingit na kalangitan. Mas gugustuhin ko na lang maging mga bituin upang pagbuhusan din niya ng napakaraming atensyon.

Minsan akong napadaan sa malaking puno. Normal na tahimik ang kapaligiran. Malamig ang simoy ng hangin.

Ngunit wala si Estella..

Tanging ang kaibigan niyang kwaderno ang naiwan. Tila yata sa isang saglit ay nag-iba ang bilis ng puso ko.

Pagkalapat ng kwaderno sa aking kamay, Bawat pahina ay aking hinimay, Mistulang mga gintong salita, Hindi makapaniwala ang aking mga mata.

Mistulang naging parang pagmamay-ari ko ang kwadernong hawak ko. Laman ng bawat pahina ang emosyong ibinaon nang napakatagal.

Bawal pahina ay may mensaheng pakulong sa bawat linya.Mga mensaheng sa tagal ko nang kilala si Estella ay hindi ko man lang napagtantong pangalan ko ang isinusulat niya tuwing madadathan ko siyang nagsusulat siya, sa diary niya.

Pinulot ko ang kaniyang diary, nakaka- pagtaka at hindi ito nabasa ng mahinang ulan na para bang nakikiramay sa aking emosyon. Iniuwi ko ito sa kanilang bahay at ipinatong sa ibabaw ng talamin niya. “Maganda pa rin si Estella, hanggang sa huling sandaling makikita ko siya sa ilalim ng salamin niya “” saad ko sabay upong muli.

  ![](https://img.wattpad.com/400b80a8106a3717cdd7a8e29537c125ce12dc7b/68747470733a2f2f73332e616d617a6f6e6177732e636f6d2f776174747061642d6d656469612d736572766963652f53746f7279496d6167652f48545a6d323773336b69436977513d3d2d313436353133393132322e313765363036666334663363346663383536393837393431363938332e6a7067)               

  ![](https://img.wattpad.com/dd7a39f3aa311f99c6cbdda737d3db41d642f9e1/68747470733a2f2f73332e616d617a6f6e6177732e636f6d2f776174747061642d6d656469612d736572766963652f53746f7279496d6167652f32374675614c557546796c6b79673d3d2d313436353133393132322e313765363036666635636333636339623431343836303331353430382e6a7067)               

  ![](https://img.wattpad.com/fbe2b317ce4e34d5e7a46942c2927ba8a7e00568/68747470733a2f2f73332e616d617a6f6e6177732e636f6d2f776174747061642d6d656469612d736572766963652f53746f7279496d6167652f65633765505579567533677234673d3d2d313436353133393132322e313765363037396366383065386564363835303636373338313832322e6a7067)

3

July 22, 2020

Noong bata ako ayaw na ayaw ko ang matulog tuwing tanghali. Sa umaga, pagkagising maglalaro ako kaagad. Hindi ko mamamalayan, tanghalian na pala. Napakabilis ng Oras kapag bata ka. May mga pangyayari na bahagya ko nang nakalimutan, meron namang tuluyan ko nang kinalimutan. 

Ang sarap maging bata. Ang tanging umuubos ng oras ko tuwing weekdays ay school. Laro naman tuwing weekends.

Sabi ng iba, pag tumanda na daw ang isang tao, Magbabago na din ang mga gustong gawin sa buhay. Minsan, ayoko na lang makinig sa mga matatanda. Parang ayokong maniwalang talagang nagbabago ang lahat kapag tumanda na. Ayoko rin kasing mangyari iyon. Pero wala, ganun talaga ang takbo ng buhay.

Hindi naman talagang nagbabago ang tao kapag tumanda na, naiisantabi lang ang mga nakagawian dahil sa mas prayoridad na bagay kapag tumanda na.

  ![](https://img.wattpad.com/aa57bf2f9af3be99302ed6d66f6647a88f5b72f0/68747470733a2f2f73332e616d617a6f6e6177732e636f6d2f776174747061642d6d656469612d736572766963652f53746f7279496d6167652f626f446c4a2d48584d43726142413d3d2d313436353134303831312e313765363037666535653864626464323432363336323035363431352e6a7067)

Return to top?
WattHub

Install WattHub

Size unavailable

App name
WattHub
App version
1.48.250
App size
Description
A digital library of Wattpad stories and Filipino fiction, thoughtfully preserved for readers today and tomorrow.
Developer
WattHub Team

Dismiss install banner?

No problem. You can still install WattHub anytime from the download icon in the header.

WattHub

Notifications

Notifications are off

Get notified on this device when the library grows or changes.