Mga Tula Ng Puso
vincentmanrique · 8 chapters · 518 words
Dedication
ang
lahat
ng
ito
ay
para
sa’yo
…
Lampungan
Makipaglampungan ka sa hubad mong diwa
Alisin ang hiya sa sarili at yakapin nang buong higpit ang mapayapang sandali…
Hayaang mong balutin ng katahimikan ang iyong kaluluwa para sa maaliwalas na kaisipang nangangailangan ng walang katapusang pag-asa…
At sa dulo ng pagniniig ay sasabog ang walang hanggang ligaya, na pupukaw sa iyong nilinis nang konsensya at magbibigay sa’yo ng panibagong pananaw sa isang magandang umaga.
Ikaw at Ang Tala
Tumingin ako sa panginorin
Nagitla! Kakaibang tanawin
Mga tala ay naging wangis mo
Nababaliw na siguro ako
Nakababaliw ka, aking irog.
Minasdan ko pa ang panginorin
At nagitla nang aking mapansin
Ika’y tala sa gabing madilim
Tanglaw ng puso kong naninimdim
May sira na yata ang utak ko…
Para Kay Nanay
Mula sa aking pagsilang, hanggang magkaisip
Kalinga mo nanay, katumbas ay langit
Mahigpit mong yakap, proteksyon sa lamig
Habang ako’y gising, ’di ka rin iidlip
Ako’y ginabayan hanggang sa paglaki
Sa tanglaw mo’t gabay, mundo ko’y nahabi
Nagbigay liwanag sa dilim ng isip
Hinubog ang asal, binigyan ng bait
Ang sakripisyo mo’y ’di ko matumbasan
Tadtarin man ng pino, buto ko’t laman
Sa binuong titik, ipadarama ko
Aking pagmamahal, tunay at totoo
Maraja’s Song
We live in a world separated by water Apart we cant touch or see each other I want to be near you, and be by your side Caress you forever, love you till I die
We breathe the same air though you’re afar from me The day I will see you, when will it’s gonna be? I’m longing to see you, be with you everyday I love you, my hero I’m always here to stay
We can’t be together I know it for a fact I love you so dearly, how could it be so sad? I will leave my world, for you I will risk my soul To be with you, I am ready to sacrifice
You are my dream, will I be your desire?
You are my life, can I be by your side?
Tula Para Sa’yo
Hindi mo man kayang ibigay ang langit
Sapat na ang pusong hindi mapagkait
Wala ka mang ginto at yaman sa buhay
Sa aki’y dakila ka’t walang kapantay
Pag-ibig mong hatid ay walang katulad
Hindi tumitingin kung ginto o huwad
Ang pagmamahal mo’y wagas at dalisay
Maghihintay hanggang sa kabilang buhay
SIKIL
Kapag mga mata natin ay nagtatagpo
Ang nararamdaman ko’y pilit na itinatago
Sambit ng bibig ay pangungumusta
Imbes na sadyang laman ng puso
Ninanamnam na lang ang iyong mga ngiti
Tanggap nang pag-ibig ko’y laging nakatago
Kung mapapansin mo ito ay walang kasiguruhan
Ngunit mananatili kang itinitibok ng aking puso
Kahit na itong pag-ibig ay sadyang mapaglaro
At ang puso ko ay ginawang bilanggo.
©2017
Gumamela
Simple kang bulaklak Nagkalat sa hardin Hatid mo ay saya at gandang tanawin Mga bata sa’yo ay nahahalina Wala ka mang bango Ubod ka ng ganda
Talulot mo ay iba’t-iba ang kulay May dilaw, may rosas Puti at dalandan Sa tainga ng mutya ay inilalagay Pandagdag sa yumi at ganda niyang taglay
Sa paslit at musmos ikaw ay laruan Gagawing palobo, at maghahabulan Pero kalaro ko ginawa kang gamot Tinudtod, tinapal Sa pigsang maumbok

