Mi Familia: Ashton's Story (M2M)
KingBL14 · 4 chapters · 3,901 words
Blurb
Blurb:
Bata pa lang si Ashton ‘Ash’ Fernandez ay alam niyang may iba na sa kanya. Malambot kasi siya kumpara sa ibang lalaki na kasing edad niya, at mas hilig niya ang mga larong pambabae gaya nang barbie at lutu-lutuan kesa sa basketball o kung ano pa.
Iyon marahil ang dahilan kung bakit medyo malayo ang loob sa kanya ng kanyang amang si Anton. Hindi naman ito malupit sa kanya, kumbaga ay nawala ang closeness na meron sila noong bata pa siya at hindi siya nito kakausapin unless kailangan talaga. Pero ayos lang iyon kay Ashton, kasi ay mahal na mahal siya ng kanyang mama, si Lucy.
But everything changed after his 19th birthday. Sa kasamaang palad kasi, ay nasangkot sa aksidente ang kanyang mga magulang, dahilan kung bakit nawala sa kanila ang kanyang ina, tapos ay hindi makapagtrabaho ang ama dahil nahihirapan itong maglakad pagakatapos ng aksidente, at kailangang magpahinga ng maraming buwan.
Tinulungan naman sila ng iba pa nilang pamilya sa mga gastusin, pero nahihiya na rin si Ashton lalo na’t alam niyang may kanya-kanyang problema at gastusin din ang mga ito. At kahit pa ramdam niyang malayo ang loob ng ama sa kanya, ay kailangan niya pa ring tulungan at alagaan ito. Kaya naman habang nag-aaral sa kolehiyo, ay nagpasya siyang maghanap ng mga part time jobs, ang kaso ay bigo siya.
Dito na sinabi ng kanyang tito Winston, ang nakababatang kapatid ng kanyang ama, na lapitan ang anak nito at nakatatandang pinsan niyang si Clint. Sa bahay lang daw kasi ito nagtatrabaho at may online business. Baka sakali daw kasi na mabigyan siya nito ng mapagkakakitaan.
Pumayag naman siya. Pinuntahan niya ito at totoo na may online business ito kung saan nagbebenta ito ng kung ano-anong mga bagay online. Pero hindi malaki ang kinikita nito, bagkos ay may iba itong pinagkakakitaan ng mas malaki…
Nagpo-post ito ng sariling mga videos sa isang platform, kung saan may mga matatandang bakla o malilibog na tao ang nagbabayad ng subscription, at nagti-tip pa. Tinanong siya ng pinsan kung kaya daw ba niyang sikmuraan ang ganung gawain… noong una ay tumanggi siya, pero kalaunan… pumayag pa rin siya dahil sa pera.
At doon na nagsimulang mamulat si Ashton sa makamundong gawain, kasama pa ang kanyang kadugo at pinsan na itinuturing talaga niyang kuya. At dahil sa mga natutunan niya sa pinsan, ay tila may kung anong demonyo ang nagising sa kanyang pagkatao. Nagagawa na kasi niyang mag-isip ng makamundong gawain kasama din ang ibang lalaki pa sa kanilang masayang pamilya.
Hanggang saan siya dadalhin ng ganitong gawain para sa pera? Pero para sa pera nga ba ang ginagawa niya… o para sa sariling interes na?
Note:
written by
KingBL14
Copyright © KingBL14
All Rights Reserved
This is a work of fiction.
Names, characters, business, events, places and even incidents either are products of the author’s imagination or are used fictitiously.
And any resemblance to actual events, or locales, or persons, living or dead, is entirely coincidental.
No part of this book may be reproduced, distributed or transmitted in any form or by any means, including photocopying, recording, or other electronic or mechanical methods, without a prior permission from the author.
Chapter One
“Pa, kakain na po tayo!” wika ko pagkatapos kumatok ng tatlong beses sa kuwarto ng mga magulang ko. Naghintay ako ng ilang segundo, pero walang sumagot. Kaya naman kumatok ulit ako ng tatlong beses. “Pa? Kailangan niyo rin pong kumain para maka-inom po kayo ng gamot…” mababa ang boses na saad ko pa, pero wala pa ring sumagot.
Kaya naman nagpasya akong pihitin ang saradura ng pinto tapos ay marahan ko iyong itinulak pabukas para makasilip sa loob. Agad akong nakaramdam ng awa nang makita si papa na tahimik nakaupo sa kama, habang hawak ang wedding picture nila ni mama.
"Pa..." mababa ang boses na pagtawag ko sa kanya, napahinga naman siya ng malalim bago ibinalik ang picture sa bedside table at tumingin sa akin.
"Hindi pa ako nagugutom, mauna ka na," aniya tapos ay agad na humiga sa kama.
"Pero pa, kailangan niyo pong uminom ng gamot, kaya dapat may laman ang tiyan niyo! Nagluto po ako ng paborito niyong sinigang na bangus," pamimilit ko.
"Hindi pa nga sabi ako nagugutom, mahirap bang intindihin iyon?" bulyaw niya sa akin kaya bahagya akong napa-atras.
"Uhm, s-sige po... pero kapag nagutom po kayo... sabihan niyo po ako ha? Para... mainit ko po ang pagkain at maipaghanda ko po kayo," may halong lungkot ang boses na saad ko.
"Hindi ako baldado, kaya ko ang sarili ko!" sigaw ulit niya.
Hindi na ako nakipagtalo. Napabuntong hininga na lang ako bago nagpasyang isara na ulit ang pinto ng kuwarto, at maglakad na pabalik sa kusina. Nang nasa hapag na ay saglit kong tinitigan ang iniluto kong sinigang na bangus, at kahit pa wala akong gana ay pinilit ko pa rin ang sarili kong kumain, kasi alam ko na kailangan ko nang lakas. Kasi ay hindi ako puwedeng maging mahina sa puntong ito ng buhay namin.
Ako nga pala si Ashton Fernandez, Ash ang tawag sa akin ng pamilya, kaibigan at iba pang nakakakilala sa akin. 19 years old at kasalukuyang nasa ika-dalawang taon ko sa kolehiyo, sa kursong nursing.
Bata pa lang ako ay alam kong may iba na sa akin. Malambot at malamya kasi akong kumilos, at walang hilig sa mga laro at laruang panlalaki. Mas hilig kong kalaro ang mga babae noon at nanghihiram pa ng mga barbie nila, natutuwa sa mga pelikula na babaeng superhero o sirena ang bida, at kung ano-ano pa.
Oo, bakla ako. Pero hindi naman iyong tipo ng bakla na babae kung manamit. Kumbaga, lalaki pa rin akong manamit at kumilos. Pero sa puso ko, alam ko na bakla talaga ako.
Bago pa mapansin ng pamilya ko ang pagiging malambot ko, ay close naman kami ni papa. Natatandaan ko nga noong limang taong gulang ata ako o anim, madalas niyang sinasabi na dapat daw pagkalaki ko ay maging pulis ako. Pangarap niya para sa sarili na hindi niya nagawa dahil sa hirap ng buhay, at gusto niyang ako ang magtuloy. Kaya hindi na rin ako magtataka nang mapansin na lumayo bigla ang loob niya sa akin nang mapansin na nga nila sa wakas ang pagiging malambot ko.
Hindi naman siya naging malupit sa akin, hindi niya ako sinaktan ng pisikal. Kumbaga, nawala lang iyong closeness namin noong bata pa ako. At okay lang sa akin iyon, kasi ay hindi naman pinaramdam sa akin ni mama na may iba sa akin.
Anton ang pangalan ni papa, 52 years old na siya ngayon. Siya ang panganay sa tatlong magkakapatid, at puro sila lalaki. Maaga silang naulila, kaya high school lang ang natapos niya at nagpasyang mag-aral agad upang tumayong magulang ng mga nakababatang kapatid, at maitaguyod ang mga ito. Kung ano-anong trabaho ang pinasok niya... hanggang sa nag-settle siya sa pagiging taxi driver.
Pangalawa sa kanila si tito Winston na 50 years old naman na. Hanggang 2nd year college at hindi na nakatapos dahil nakabuntis, si tita Lyn. May dalawa silang anak, sina kuya Clinton na 32 years old na at si ate Peyton na 28 years old naman. Pareho nang may asawa.
Si Kuya Clinton ay graduate ng kursong business management, at sa pagkaka-alam ko, ngayon ay nag-oonline business, habang ang asawa naman niyang si ate Monet na 30 years old ay isang team leader sa isang call center company. Wala silang anak, at hindi ko alam kung bakit.
Si ate Peyton naman ay isang manager sa isang department store. Asawa niya si kuya Elijah Dizon na 30 years old, at may isang anak sila. Isang taong gulang na si baby Eliza. Sa pagkakaalam ko ay IT specialist naman si kuya Elijah sa isang IT company.
Bunso naman kina papa si tito Preston, 48 years old at dating engineer. Nagpasyang mag-retired na agad dahil mas gustong mag-negosyo. Hiwalay ito sa asawa na si tita Kora, at may dalawa din silang anak. Panganay si kuya Kingston na 28 years old din, may asawa na si ate Kelly, at isang dalawang taong gulang na anak, si Kingston Jr., o King o Junior kung tawagin namin. Pangalawa nila si ate Precy, 25 years old at isang nurse naman sa UK.
Bale sina tito Preston at kuya Kingston ay nagpasyang magpatayo ng sarili nilang mini-grocery, na katabi lang nang mismong bahay nila.
Si papa ang panganay pero siya pa ang pinakahuli sa kanilang tatlo na nakapag-asawa at nagkaroon ng anak. Kung hindi ako nagkakamali, base sa mga kwento nila, 30 years old na kasi siya nang makilala niya si mama. Kasi nga ay mas nag-focus siya sa pagpapaaral at pagtulong sa mga kapatid na nakalimutan na niya ang sarili. At 32 years old naman na siya noong magpakasal sila ni mama, at 33 na siya nang mabuo nga nila ako.
Lucy naman ang pangalan ng mama ko, at isa rin siyang nurse. Siya ang dahilan kung bakit gusto ko ring maging nurse. Pero last month lang nang mawala siya sa amin. Isang linggo lang pagkatapos nang mismong birthday ko.
Madaling araw kasi noon nang matapos ang shift ni mama kaya sinundo siya ni papa gamit ang taxi na gamit din nito sa pamamasada. Tapos ay nasagi sila ng truck na nang-overtake. Ang kwento ni papa ay sobrang bilis daw ng pangyayari na wala na siyang matandaan pagkatapos nun.
Basta ay nagising na lang siya sa ospital at sa balita na wala na nga si mama. Napuruhan ang kaliwang paa ni papa, na hanggang ngayon ay may benda pa rin iyon. At sabi ng doktor baka ilang buwan daw, o baka abutin pa ng taon, na hindi siya makakalakad ng maayos at makakabalik sa pagmamaneho.
Bago mawala si mama ay hindi kami nahihirapan sa buhay. Hindi mayaman, pero sakto lang na komportable. Nagagawa pa nga nila akong pag-aralin na hindi ko kailangan na maghanap ng part time job. Pero noong nawala siya, dahil nagtagal din sa ospital si papa, ay naubos ang naipon nilang pera.
Tumulong din naman sa mga gastusin ang mga kapatid ni papa, ang mga tito ko nga, kahit ang mga anak nila na mga pinsan ko. Malaki din ang naibigay ni ate Precy na nasa UK, anak nga ni tito Preston. Pero hindi naging sapat sa laki ng mga gastusin namin. Kaya nagawa rin naming isangla ang titulo ng bahay sa bangko.
Kasi sa totoo lang ay alam kong nahihiya na rin si papa sa mga kapatid niya, kahit pa kasi sabihing binuhay at pinag-aral niya ang mga ito ay alam daw niya na wala namang responsibilidad ang mga ito sa kanya. Na hindi nila kailangang bumawi kasi kusa siyang nagsakripisyo para sa mga ito noon. At may kanya-kanyang buhay at pamilya na ang mga ito. Hindi kami close ni papa, pero ako ang inutusan niyang umasikaso sa pagsangla ng bahay.
Pagkatapos nun, at nang mailibing na rin si mama, ay lagi nang nagkukulong sa kuwarto si papa. Lumalabas lang siya kapag kumakain, at kahit na hirap siya sa paglalakad ay ayaw niyang tinutulungan at inaalalayan ko siya. Pinipilit niyang kayanin na sakay siya ng wheel chair na kinuha namin para sa kanya.
At ako? Well... nagpasya akong magpatuloy pa rin sa pag-aaral. Bayad naman na ang buong semester ko. At ang balak ko ay maghanap ng part time job, para ngayon pa lang ay makapag-ipon na ako at hindi na mahirapan sa susunod na sem. At para na rin may mga panggastos kami ni papa sa bahay.
Chapter Two
Habang tahimik at mag-isa akong kumakain sa hapag ay may narinig akong kumatok sa nakasarang pinto ng bahay, bago pa ako makasagot ay nagbukas na ang pinto at pumasok doon si tito Winston, ang pangalawang kapatid ni papa. May dala itong isang tupperware na sa tingin ko ay may lamang ulam, at kumunot pa ang noo niya nang makitang mag-isa akong kumakain sa hapag.
"Kayo po pala, tito," saad ko.
"Ang papa mo, kumain na ba?" tanong niya kaya marahan akong umiling.
"Hindi pa po, eh. Hindi pa daw po siya nagugutom. Pero sa tingin ko po nalulungkot lang po ulit, nakita ko po kasi siya sa kuwarto kanina na tulala at tinitignan ang picture nila ni mama. Sinubukan ko pong pilitin kasi kailangan niyang uminom ng gamot, kaso nagalit po sa akin eh," mahabang sagot ko, kaya marahan siyang tumango at inilapag sa mesa ang dala niyang tupperware.
"Pagpasensiyahan mo na ang papa mo't nalulungkot lang iyon. Alam ko na nasasaktan at nahihirapan ka rin sa pagkawala ng mama mo, pero sana ay habaan mo pa ang pasensiya mo para sa kanya," aniya kaya nakangiti akong tumango.
"Siyempre naman po, huwag po kayong mag-alala tito kasi hindi ko naman po pababayaan si papa," sagot ko.
"Alam ko iyon, hijo. Kasi mabuti kang bata," aniya. "Kalderetang baka nga pala iyang dala ko, galing ko sa karinderya ng tita mo kasi nagpunta ako doon, hindi ba paborito mo iyan?" aniya kaya tumango ako. "Anong ulam mo?" tanong pa niya.
"Ah, nagluto po ako ng sinigang na bangus," sagot ko.
"Oh, paborito iyan ng papa mo ah?" aniya.
"Kaya nga po, kaso ayaw naman po niyang kumain," sagot ko.
"Sige, kumain ka lang diyan at ako na ang kakausap sa kanya," saad ni tito Winston.
Bago pa ako makasagot ay naglakad na ito papunta sa kuwarto nila papa. Kaya naman nagpasya akong buksan na lang iyong dala niyang tupperware. Masarap magluto si tita Lyn, nagmamay-ari kasi ito ng karinderya sa may bayan kaya madalas din itong wala.
Habang tahimik akong kumakain, mayamaya pa ay nakita kong lumabas na sa kuwarto si tito Winston, tulak ang wheelchair ni papa kung saan ito nakaupo. Tapos ay itinulak niya ito palapit sa hapag.
"Huwag matigas ang ulo tol, makinig ka dito sa anak mo't nag-aalala lang siya sa 'yo, gusto ka lang alagaan ng bata lalo na ikaw na lang ang natitirang magulang niya," pangaral pa ni tito Winston kay papa na akala mo ay mas matanda siya dito. "Kailangan mong magpalakas para makapaghanap-buhay ulit, hindi naman namin kayo pababayaan at tutulong kami sa abot ng makakaya namin, pero hindi ka ba naaawa dito sa anak mo? Ang bata pa para maranasan ang ganito, at mas kailangan niyo ang isa't isa ngayon," dagdag pa niya.
Hindi naman sumagot si papa, pero agad akong tumayo para mabigyan siya ng pagkain.
"Oo nga pala hijo, kumusta ang paghahanap mo ng part time job?" tanong ni tito Winston sa akin habang kumakain kami ni papa, umupo nga rin siya sa hapag para siguro masigurado na kakain talaga si papa.
"Wala pa po akong nahahanap tito eh, pero bukas po balak kong maghanap ulit. Tutal wala pa naman po kaming pasok bukas at sa lunes na ulit ang klase," sagot ko. Biyernes kasi bukas at wala kaming pasok dahil holiday.
Sa totoo lang ay ilang linggo na rin akong naghahanap ng part time job pero hindi pa rin ako sinuswerte. Hindi naman sikreto iyon sa pamilya namin, at nagsabi sila na kapag may mga extra sila ay tutulong pa rin sila sa amin ni papa. Pero ayaw kong basta umasa sa tulong, gusto ko ring may magawa at tumayo para sa amin ni papa. Kung may tulong, edi okay. Lalo na't kailangan namin. Pero hindi maganda na basta na lang aasa.
"Sinubukan ko ngang tanungin ang ate Peyton mo kung magagawa ka niyang bigyan ng trabaho sa department store, kaso full time daw ang mga hinahanap nila sa ngayon. Kako sa kanya ay hindi puwede kasi nga nag-aaral ka. Doon naman sa kompanyang pinagtatrabauhan ng asawa niya, ang kuya Elijah mo, hindi daw sila naghahanap ng tao. Nagbabawas nga daw kasi ay parang malulugi na. Hindi ka naman puwede sa call center, sa account sana ng ate Monet mo, eh panggabi sila. Iyong grocery naman ng tito Preston at kuya Kingston mo hindi rin ganun kalaki ang kita," mahabang saad niya, kaya marahan akong tumango.
"Okay lang po tito, naiintindihan ko naman po. At saka sobrang laki na po ng mga naitulong niyo sa amin ni papa," sagot ko.
"Subukan mo na lang puntahan ang kuya Clinton mo mamaya, hindi ko pa kasi siya natatanong kung may maibibigay siyang trabaho sa 'yo. Hindi ko pa siya nakakausap. Pero sa pagkakaalam ko, medyo okay naman ang kinikita niya sa pagtitinda online. Malay natin mabigyan ka niya ng part time kahit tagabalot o taga-deliver lang ng mga order," aniya, kaya muli akong tumango.
"Sige po tito, susubukan ko. Salamat po ulit," sagot ko.
Pagkatapos nun ay nagpatuloy na lang ako sa tahimik na pagkain. Nagpasya akong pakinggan na lang si tito Winston na makipagkuwentuhan kay papa, na halatang nililibang niya ito.
Sa totoo lang, aminado ako na ako man hanggang ngayon ay sobrang nalulungkot pa rin. May mga pagkakataon nga na sa gabi ay hindi ako makatulog, at basta na lang umiiyak kapag naiisip at nami-miss si mama. Pero sa umaga, sa harap ng lahat, ay pinipilit kong magpakatatag at umaktong malakas. Kasi alam ko na iyon ang kailangan kong gawin. Kailangan kong maging malakas hindi lang para sa sarili ko, pero para kay papa na rin...
Pagkatapos kumain ay inihanda ko na ang mga iinuming gamot ni papa, at pinainom ko nga siya. Tapos ay naglinis na ako ng pinagkainan, habang si tito ay kasama si papa sa sala at nanunuod sila ng boxing. Wala akong gagawin nang araw na iyon, kaya naman nagpasya akong puntahan si kuya Clinton sa bahay nila, gaya nang sabi ni tito Winston. Hindi naman kasi magkakalayo ang mga bahay naming magpapamilya, nasa iisang barangay lang din. Kahit pa anong trabaho kasi, kahit hindi kalakihan ang sahod basta may extra na kita at hindi makakaabala sa pag-aaral ko, ay papatusin ko na.
"Pa, tito Winston, pupuntahan ko lang po si kuya Clinton..." paalam ko pagkatapos maglinis ng mga pinagkainan.
"Sige hijo, ako na muna ang bahala rito sa papa mo," ani tito Winston, si papa naman ay bahagya lang sumulyap sa akin at tumango bago ibinalik na ang tingin sa pinapanuod.
Kaya naman naglakad na ako palabas ng bahay para nga makapunta na sa bahay nina kuya Clinton. Pagkalipas ng halos sampung minuto ay nakarating na rin naman ako. Nakabukas ang gate, kaya diretso na akong pumasok sa loob. Ang kaso ay nakasara ang pinto. Nagdalawang isip ako kung kakatok ako, kasi ay baka ma-istorbo ko sila. Lalo na ang asawa niyang si ate Monet na alam kong natutulog galing sa panggabing trabaho nga sa call center. Sa huli, huminga ako ng malalim bago nagpasyang kumatok pa rin.
"Kuya Clinton?" pagtawag ko kasabay ng tatlong katok.
Walang sumagot, at naghintay ako ng ilang minuto, bago kakatok sana ulit pero agad na nagbukas ang pinto. Medyo nagulat ako nang bumungad sa akin ang napakagandang hulma ng katawan ni kuya Clinton na may full pack abs pa, nakatapis lang siya ng puting tuwalya sa ibaba, basa ang katawan at may konting sabon pa na halatang nagmamadali sa paglabas ng banyo.
"Sorry kuya!" saad ko at agad na nag-iwas ng tingin.
Guwapo si kuya Clinton at matangkad. Bagay nga sa kanya ang pangalan niya, kasi ay may pagkakahawig siya sa kilalang personalidad na si Clint Bondad. Siya ata ang morenong bersiyon ng nasabing aktor. Gawin mong pinoy na pinoy ang hitsura ni Clint, ganun ang hitsura ni kuya Clinton. Kaya nga madalas ay Clint lang din ang tawag sa kanya ng ibang miyembro ng pamilya namin.
"Natutulog kasi ang ate Monet mo kaya nagmamadali akong lumabas kahit hindi pa ako tapos maligo, anong atin?" aniya, huminga naman ako ng malalim bago pilit na tumingin sa kanya kahit pa tila naiilang ako.
Gaya nang sinabi ko ay 32 years old na si kuya Clinton, maaga kasing nag-asawa ang papa niya na si tito Winston. May asawa siya, si ate Monet pero walang anak. Bale 13 years ang layo ng agwat niya sa akin.
"S-Sabi kasi ni tito Winston... p-puntahan ko daw po kayo, kuya. B-Baka lang daw po kasi may maibigay kayong part time sa akin kung medyo okay naman ang kinikita niyo sa pagbebenta online..." may halong kaba na sagot ko, pinipilit ang sarili na hindi tumingin sa basa at magandang hulma ng katawan niya.
"Hindi naman malaki ang kinikita ng online business ko..." aniya, kaya marahan akong tumango.
"G-Ganun po ba? S-Sige po kuya, nagbakasakali lang naman ako. Salamat po..." sagot ko, tapos ay mabilis na tumalikod dala ng kaba.
Hindi sila kailanman nagtanong kung bakla ba ako. Pero sa lambot kong kumilos, alam kong alam na rin naman nila. Ganun pa man, hindi ako kailanman gumawa ng bagay na ikapapahiya ko o nang pamilya namin. Kaya hindi ko maintindihan kung bakit parang nag-iinit ako na makita ang nakatatanda kong pinsan ngayon na hubad baro.
"Ash, teka lang..." pagtawag ni kuya Clinton bago pa ako makaalis, kaya muli akong napalingon sa kanya.
Nakita ko na mataman niya akong pinagmasdan mula ulo hanggang paa na parang may inaaral siya sa hitsura ko. Kaya naman mas lalo akong kinabahan. Kung hindi ko pa nasasabi ay maputla ang balat ko, hindi kasi ako palalabas talaga ng bahay. Kumbaga, ang puti ko ay iyong puti na hindi gaanong nasisikatan ng araw. Tapos ay hindi ako katangkaran. Kumbaga kay kuya Clinton na mahigit 6 footer, hanggang dibdib lang niya ako. Hindi rin ako payat, sakto lang na may laman.
"B-Bakit po, kuya?" may halong kaba na tanong ko.
"Bukod sa pagtitinda online, may isa pa akong pinagkakakitaan na... okay ang kita. Kaso hindi ko alam kung... makakaya mo ba ang trabaho," aniya.
"Kahit anong trabaho po kuya, basta may extra income po ako para sa amin ni papa at para sa pag-aaral ko! Kailangan ko lang po kasi talaga," saad ko, napangiti naman siya sa sinabi ko tapos ay marahang tumango.
"Balik ka dito mamayang gabi, mga alas diez siguro. May schedule din kasi iyon, ipapakita ko sa 'yo kung anong klase ng trabaho, tapos mag-decide ka kung... kaya mo," aniya, kaya malawak akong napangiti bago tumango. "Hindi ko ila-lock ang pinto, baka kasi naka-live pa ako ng ganung oras at nagtitinda, diretso ka na lang papasok," dagdag pa niya.
"Sige po, kuya! Salamat po!" sagot ko naman.
Ngumisi lang siya sa akin at tumango tapos ay isinara na ulit ang pinto ng bahay. Ako naman ay nagpasyang maglakad na ulit pauwi.
"Kumusta? Mabibigyan ka daw ba niya ng trabaho?" tanong ni tito Winston pagkauwi ko.
"Pinapabalik po niya ako mamayang gabi tito, tignan ko muna daw po kung kaya ko iyong trabaho," nakangiting sagot ko.
"Ayun pala, at saka tiyak na hindi ka naman pahihirapan at bibigyan ng mabigat na trabaho ng kuya mo. Isumbong mo sa akin kapag pinahirapan ka," aniya na nagpangiti sa akin.
"Salamat po ulit tito," sagot ko na lang, tapos ay nagpaalam ako sa kanila na iidlip na muna, kasi ay sobrang aga ko ring nagising kaninang umaga. At hinayaan naman nila ako.
Note
Hanggang dito na lang po tayo, and this is to protect the story from being reported. Sample chapters lang po talaga ang ipo-post namin.
Kung na-hook po kayo sa story, at gustong mabasa ng buo, binebenta po namin ang soft copy in .pdf file. Kung interesado po kayong mag-avail, email niyo lang po kami:
Mahaba po ang story, tapos mura pa kaya sobrang sulit. May discount din po kung 2 or more stories ang ia-avail. Kaya sana ay makabili na po kayo bilang suporta sa amin!
Iyon lamang, salamat po!
xx,
King

