loading

storiescollectionschaptersauthorsgenrestagsstories
Mi Familia: Kris's Story (M2M)

Mi Familia: Kris's Story (M2M)

KingBL14 · 6 chapters · 6,892 words

Blurb

Blurb:

Pumanaw ang mama ni Kristian ‘Kris’ de Ocampo noong isinilang siya nito. Kaya naman lumaki siya na tila malayo ang loob sa kanya ng kanyang sariling ama. Pilit pinaniniwala ni Kris ang sarili na istrikto lang talaga ito dahil kailangang maging perpekto sila sa mata ng lahat.

Ang kanyang ama kasi, si Kristopher de Ocampo ay gobernador ng probinsiya nilang San Bernardino, at Mayor naman ang kanyang kuya na si Kristoff de Ocampo.

Lumaki man sa marangyang buhay at nakukuha ang lahat ng gusto, pakiramdam ni Kris ay hindi pa rin kumpleto ang kanyang buhay at hindi niya mawari kung ano ang kulang, kung ano ang rason kung bakit malungkot pa rin siya sa klase ng buhay na meron sila.

Dito pumasok sa eksena ang magkapatid na nagtatrabaho sa pamilya nila, ang barakong sina Mang Jerry na driver ng kanilang pamilya, at si Mang Jerome na hardinero at guard na rin. Dahil nga busy madalas ang kanyang papa at kuya, ay ang dalawa lang ang madalas niyang makasama.

Ang magkapatid na barako ang nagturo sa kanya ng maraming bagay… ultimo ang makamundong gawain. At dahil dito, hindi namalayan ni Kris na nakakaramdam na rin siya ng init sa mga lalaking nakapalibot sa kanya, kasama doon ang kanyang pamilya.

Pero hanggang saan siya dadalhin ng init na ito? Gaano nga ba ka-perpekto ang buhay ng pamilya de Ocampo? Ano ang mga lihim na maaaring sumira sa pepektong imahe ng kanilang pamilya?

Note: 

written by

KingBL14

Copyright © KingBL14

All Rights Reserved


This is a work of fiction.

Names, characters, business, events, places and even incidents either are products of the author’s imagination or are used fictitiously.

And any resemblance to actual events, or locales, or persons, living or dead, is entirely coincidental.


No part of this book may be reproduced, distributed or transmitted in any form or by any means, including photocopying, recording, or other electronic or mechanical methods, without a prior permission from the author.

Chapter One

“Hijo de puta!  Estupido! Hindi ka ba marunong mag-isip, ha? Dudungisan mo pa ang apelyidong de Ocampo dahil sa kabobohan mo!” puno ng galit na sigaw ni papa, habang tahimik akong nakaupo sa sofa sa sala at nakayuko lang na tinatanggap ang lahat. “Alam mo, kung hindi ka marunong mahiya sa sarili mo, sana ay mahiya ka man lang sa maaaring sabihin ng iba sa amin ng kuya mo! Kung gaano ka-responsable ang kuya mo, siya namang kabaligtaran mo! Wala ka na bang ibang dalhin dito kung hindi ang sakit ng ulo?” sigaw pa nito.

Hindi pa rin ako sumagot. Pakiramdam ko kasi ay manhid na ako sa mga masasakit na salita, at sanay naman na akong makumpara kay kuya. Si kuya ang magaling sa lahat ng bagay, at ako ang hindi... ako ang blacksheep ng pamilya kahit pa wala akong gawin, at matagal ko nang pinatanggap iyon sa sistema ko.

"Pa, that's enough. Tama na iyong napagsabihan natin siya, sigurado naman ako na hindi na niya uulitin..." mahinahong wika naman ni kuya, kaya bahagya akong napatingin sa kanya at tipid siyang ngumiti sa akin.

Mabilis akong nag-iwas ng tingin at hindi sinuklian ang ngiti niya. Hindi ko alam, pero parang bigla akong nainis kasi alam kong naaawa siya sa akin. At ayaw ko nang awa niya! Hindi ko kailangan iyon!

Ako nga pala si Kristian de Ocampo, Kris ang tawag sa akin ng mga nakakakilala sa akin. 19 years old, at third year college sa kursong political science. May balak ba akong mag-abogado? Wala, kinuha ko lang ito kasi ay ganito rin ang naging kurso nina papa at kuya.

Nag-aaral ako sa nag-iisang private college school sa probinsiya ng San Bernardino, ang Universidad de San Bernardino. Gobernador kasi ng probinsiya namin ang papa kong si Kristopher, at Mayor naman ang kuya kong si Kristoff sa capital city ng Probinsiya, ang San Bernardino City.

Oo, puro kami Kris. Kaya kapag magkakasama kami at may tumawag na Kris, sigurado na titingin kaming tatlo. Pero kung sabagay, sobrang dalang mangyari nun. Kasi ay hindi ko naman sila madalas na makasama. Lagi akong napag-iiwanan sa kanilang dalawa. At isa pa, Gov naman na ang tawag ng halos lahat kay papa, at Mayor naman kay kuya.

50 years old na si papa, at 30 years old naman si kuya. May asawa na si kuya, si ate Bea, at may isa silang anak, si Beatrice na limang taong gulang pa lang. Pero hindi rin kami close ng asawa niya lalo na't hindi naman sila dito nakatira. Huling beses ko nga ata itong nakita at nakausap ay 5 years ago pa, noong ikinasal sila. Nurse kasi ang asawa niya sa Australia, at kahit gusto ni kuya na pauuwin na sila dito ay ayaw i-give up ni ate Bea ang career nito. At mas maganda daw na doon lumaki ang anak nila. Ayaw din namang tumira ni kuya sa ibang bansa, kasi gaya ni papa, ay masaya ito sa buhay nito sa pulitika. Kaya naman tuwing pasko at bagong taon lang nakakasama ni kuya ang mag-ina niya. Minsan siya ang pupunta doon para magbakasyon, minsan naman ay sina ate Bea ang uuwi dito.

May isang kapatid si papa, si tito Krisanto, 48 years old at siya naman ang Vice Mayor. May asawa ito, si tita May, at may isang anak si kuya Karlo na 30 years old din gaya ng kuya ko. May asawa si kuya Karlo, si ate Janet, at may 6 years old silang anak, si Jane. Si kuya Karlo naman ay isa sa mga city councilors.

At oo, isa kami sa mga pamilyang kabilang sa political dynasty, at isa ako sa mga matatawag na nepo baby. Pero wala naman talaga akong pakialam sa posisyon nila. Kung ako ang tatanungin ay mas gusto ko pang mabuhay ng tahimik at hindi kilala sa kahit saan ako magpunta.

Annie naman ang pangalan ni mama, at nawala ito noong ipinanganak niya ako. Kaya rin siguro mula pagkabata ay malayo na ang loob sa akin ni papa. Pilit kong pinaniniwala ang sarili ko na istrikto lang talaga siya dahil nga nasa pulitika sila at gusto na maging perpekto ang mata namin sa mata ng mga tao, pero madalas, kahit ako ay hindi na rin naniniwala sa sarili ko.

Kasambahay na ang nagpalaki sa akin, si Manang Luz, na siyang nag-iisa naming kasambahay kahit pa nasa edad na. Wala kasi itong pamilya at mag-isa na sa buhay kaya hindi na rin mapaalis ni papa, lalo na’t matagal na itong naninilbihan sa pamilya. Si Manang Luz na ang parang tumayong nanay ko.

Bukod kay manang Luz ay may dalawa pang nagtatrabaho sa amin, si Mang Jerry na driver, at ang kapatid niyang si Mang Jerome, ang hardinero at nagsisilbing guard na rin. Bukod sa kanilang tatlo ay wala na. Ayaw kasi ni papa ng maraming tauhan, kasi ay ayaw niyang magtiwala sa ibang tao dahil nga sa posisyon niya. Bukod pa doon, ayos naman daw kami na ganito at hindi na kailangan ng dagdag pang pasasahurin.

Lumaki ako sa marangyang buhay, nagagawang makuha ang lahat ng gusto kong materyal na bagay, pero pakiramdam ko ay hindi pa rin ako masaya. Ewan ko. Siguro kasi ay hindi ko rin naman maramdaman na may pamilya ako. Sobrang bihira ko nga makasabay sa pagkain sina papa at kuya, at kapag may mga events pa iyon na alam kong napipilitan lang siyang isama ako para maipakita sa lahat na masaya kami kahit wala si mama, at perpektong pamilya pa rin na nagkakasundo. Pero kapag walang events, wala, ni halos hindi naman niya ako kinakausap. 

Kahit ang kurso ko, sa totoo lang ay ayaw ko naman talaga ito. I mean, hindi naman ako pinilit ni papa na kumuha ng polsci, pero sobrang proud kasi niya kay kuya noong ito ang kinuha niyang kurso, kasi ay ganito nga rin ang kurso ni papa. At may parte sa akin ang kahit na papaano, gustong maging proud din siya sa akin kaya ito rin ang kinuha ko.

"Jerry!" narinig ko ang pagalit na sigaw ni papa mayamaya pa, kaya agad akong nag-angat ng tingin.

"Bakit po ser?" tanong naman ng driver niyang si Mang Jerry na nagmamadali pang humakbang papasok sa loob.

"Simula ngayon, hindi na ako ang ipagmamaneho mo," ani papa tapos ay tumingin sa akin. "Simula rin ngayon, hindi ka puwedeng umalis basta o magpunta sa kung saan mo gusto na hindi kasama si Jerry!" aniya. "Jerry, lahat ng balak puntahan ng estupidong ito ay sasabihin mo sa akin, at ako ang magde-desisyon kung puwede o hindi, maliwanag ba? Bawal na bawal siyang gumala o magpunta sa kung saan kasama ang mga kaibigan, at bawal uminom!" dagdag pa niya, kaya mahina akong napasinghap.

"Opo ser!" sagot naman ni Mang Jerry.

"Pero pa--" hindi ko na naituloy pa ang sasabihin kasi ay pinutol na niya ito.

"Enough! Ubos na ang pasensiya ko sa 'yo, Kristian! Akin na ang susi ng sasakyan mo!" aniya na naglahad ng kamay habang matalim ang titig sa akin. Napalunok naman ako bago kinuha sa bulsa ang car keys tapos ay inabot iyon sa kanya. "Mula ngayon, pagkatapos mo sa eskuwela diretso uwi na, not unless sobrang importante ng kailangan mong puntahan at tungkol ito sa pag-aaral mo! Kung kailangang ikulong na kita dito sa bahay nang hindi mo na ulit kaladkarin ang pangalan ko sa kahihiyan, gagawin ko! Ngayon kung ayaw mong dinidisiplina kita, makaka-alis ka na sa pamamahay na  ito! Mas mabuti pa nga iyong lumayas ka na lang at magpakalayo-layo nang mawalan na ako ng sakit sa ulo!" madiing dagdag pa niya, bago napa-iling at padabog nang naglakad paakyat sa ikalawang palapag ng bahay.

Napalunok naman ako at napabuntong hininga na lang.

"Pagpasensiyahan mo na si papa at pagod lang iyon, ang dami kasi niyang trabahong ginawa kanina. Hayaan mo't kakausapin ko," nakangiti at mahinahong wika naman ni kuya kaya pinaikot ko ang mga mata ko.

"Tigilan mo nga ako sa kaplastikan mo, pare-pareho lang naman kayong walang pakialam sa akin eh!" giit ko, tapos ay tumayo na para sana makaakyat na rin sa kuwarto ko, pero natigilan nang marahang hinigit ni kuya ang braso ko.

"Kung wala kaming pakialam sa 'yo, sa tingin mo ba pagagalitan ka namin? Hindi, Kris! Kasi kung totoo na wala kaming pakialam sa 'yo, hahayaan ka lang namin kahit pa mamatay ka na!" giit niya, sarkastiko naman akong natawa dahil doon.

"Nagkataon lang na nadawit ang mga pangalan niyo sa issue kaya kayo nagkakaganito, but I'm pretty sure na kung hindi lumaki ito, wala naman talaga kayong pakialam eh! Sa ilang araw nga na lumipas ni hindi niyo man napansin na sira ang harapan ng kotse ko!" sagot ko tapos ay agad na binawi ang braso ko sa kanya.

"Bakit ba inilalayo mo ang loob mo sa amin, ha?" ani kuya.

"Kayo ang unang lumayo sa akin..." ang tanging naisagot ko, bago tinalikuran na siya't naglakad na papunta sa ikalawang palapag at nagkulong na lang sa kuwarto ko.

Ano nga ba ang nagawa ko? Well, a few nights ago ay nagka-inuman kami ng ilang mga kaklase ko. Lasing ako habang nagmamaneho pauwi nang madaling araw, kaya naibunggo ko ang kotse sa isang poste. Ilang araw na rin ang lumipas, ni hindi nila napansin ang harap ng Vios ko na nasira. Kung hindi lang naitanong ng isang kakilala ni papa kung kumusta ako, kung na-ospital daw ba ako o kung okay lang ako, ay hindi nila malalaman ang nangyari sa akin.

Kaya heto, nagalit si papa. I mean, alam ko naman na kasalanan ko din ang nangyari, pero naiinis pa rin ako. Siguro kasi ang tagal bago pa nila nalaman ang nangyari sa akin. Ni hindi nila ako magawang tanungin kung kumusta ang araw ko, o kung may kailangan ba ako, o kung kumain na ako!

Alam ko na maraming magsasabi na masyado akong nag-iinarte, na swerte pa rin ako kasi sa edad ko ay may sarili akong sasakyan, nakukuha ang luho, at hindi nahihirapan sa buhay, pero hindi. Hindi ako masaya, at hindi ko na rin alam kung ano pa ang nangyayari sa akin.

Chapter Two

“Kris, anak, gising ka na pala. Kumain ka na muna ng agahan,” nakangiti at mahinahong wika ni manang Luz sa akin sa sumunod na araw, nang makita akong bumaba na mula sa ikalawang palapag at nakabihis na. “Nakatitiyak akong nagugutom ka’t hindi ka na naghapunan kagabi,” aniya.

Saglit naman akong natigilan tapos ay iginala ang paningin sa paligid.

"Wala na ang papa at kuya mo, maaga silang umalis kaya maupo ka na dito at kumain!" aniya, kaya naman tipid akong ngumiti bago humakbang palapit sa hapag para nga makakain na. "Ikaw na bata ka, kahit na ano pa ang hindi niyo pagkakaintindihan ng papa mo, huwag kang nagpapalipas ng gutom! Ikaw din ang mahihirapan, at baka magkasakit ka lang! At saka ikaw din naman ang may kasalanan sa nangyari, kaya huwag kang magmamalaki. Alam ko na may mga hindi magandang nasabi sa 'yo ang papa mo, pero pagpasensiyahan mo na lang," mahabang sermon pa niya kaya mahina akong natawa.

Hindi man lang ako na-offend, nainis o nagalit ngayong pinagsasabihan ako ni manang Luz. Kapag sa kanya kasi nanggaling, alam at ramdam ko ang totoong concern.

"At saka narinig ko ang mga sinabi mo sa kuya mo kahapon, at mali ka doon. Alam mo na hindi kita kukunsintihin kapag alam kong mali ka," aniya, kaya napanguso ako. Sa totoo lang, ay malaki ang respeto naming lahat kay manang Luz, kahit si papa pa. At maraming pagkakataon na rin na napagalitan ako ni  papa na wala akong kasalanan na pinagtanggol niya ako, kaya alam kong totoo ang sinasabi niya. Hindi talaga niya ako kinukunsinte. "Mag-sorry ka sa kuya mo mamaya," wika niya.

"Ayaw ko po," sagot ko.

"Ako ang magtatampo sa 'yo kapag hindi ka nag-sorry sa kuya mo," aniya tapos ay napabuntong hininga pa. "Dalawa lang kayong magkapatid, at dapat ay nagkakasundo kayo. Naiintindihan ko ang pinanggagalingan mo, pero nakita ko rin na sinusubukan namang gumawa ng paraan ng kuya mo kahit na papaano para mapalapit ka rin sa kanila ng papa mo eh," wika pa niya. "Kinausap niya ang papa mo kagabi, na kung sigurado ito na pasasamahan ka lagi kay Jerry, huwag nang bawasan o alisin ang allowance mo at mga cards mo daw, at hayaan ka pa ring mabili ang gusto mo," dagdag pa niya.

"Fine! Magso-sorry na ako sa kanya mamaya," sagot ko na lang. "Ikaw talaga manang, alam mong hindi kita matitiis," biro ko pa, kaya mahina siyang natawa at ginulo ang buhok ko.

"Alam ko kasi ako ang nagpalaki sa 'yo, at alam ko na mabuti kang bata," nakangiting wika niya. "Kamukhang-kamukha mo ang mama mo, manang-mana ka sa kanya, kahit ang ugali at mahaba niyang pasensiya... nakuha mo rin," dagdag pa niya na nagpangiti sa akin.

Totoo rin iyon, iyong height ni mama na hindi katangkaran ay nakuha ko. Iyong maputi niyang balat... nakuha ko rin, ultimo mata, ilong at labi, nakuha ko. Wala akong nakuha na kahit na ano kay papa. Kaya rin siguro malayo ang loob niya sa akin, ewan ko, hindi ako sigurado, pero baka dahil naaalala lang niya lagi si mama kapag nakikita ako. Kasi nga ay kamukhang-kamukha ko talaga si mama. As in carbon copy. Kung mahaba lang ang buhok ko at babae ako, hindi malayo na mapagkamalan akong si mama.

Si kuya naman ay kamukhang-kamukha si papa, mula sa tangkad, bulto ng katawan... at lahat ay kay papa niya nakuha. Ultimo ang hilig sa pulitika. Hindi nakakapagtaka na sumunod din siya sa yapak ni papa. Kaya rin siguro siya ang paborito ni papa.

Hindi na ako sumagot sa sinabi ni manang Luz at nagpatuloy na lang sa pagkain, nang matapos ay nagpahinga lang ako saglit bago tumayo na.

"Manang, papasok na po ako," paalam ko, kaya nakangiti siyang tumango sa akin.

"Mag-iingat ka," aniya, nagmano naman ako sa kanya tapos ay humakbang na palabas ng bahay, at hindi na ako nagtaka nang makita si Mang Jerry na nakaupo sa may terasa at tila hinihintay ako, agad pa nga itong napatayo nang makita akong lumabas.

"Tara na po ba, sir?" tanong niya.

"Seryoso po ba talaga kayo dito, Mang Jerry?" tanong ko.

"Pasensiya na po, sir. Utos ng papa niyo eh," aniya at napakamot pa sa batok, mahina naman akong napabuntong hininga bago tumango. Alam ko rin naman kasi na hindi niya masusuway ang utos ni papa.

"Teka, nasaan po ang kotse ko?" nakakunot ang noo na tanong ko, nang mapansin na wala sa garahe ang Vios ko.

"Pinadala po kagabi ng kuya mo sa talyer sir, para maayos daw po. Ako ang inutusan niya. Sabi po niya itong isang sasakyan na daw po muna niya ang gamitin natin, tutal ay hindi naman nagagamit dito," paliwanag niya at itinuro pa ang Ford Ranger ni kuya, kay marahan na lang akong tumango.

Dahil doon, naisip ko bigla na baka tama nga si manang Luz, na baka sinusubukan talaga ni kuya na mapalapit din ako sa kanila ni papa. Hindi na ako nagsalita, at nagpasyang dumiretso na papasok sa shotgun.

"Diyan ka uupo sir, hindi po ba sa likod?" tanong pa ni Mang Jerry pagkapasok din sa kotse.

"Dito na lang po ako, Mang Jerry," sagot ko naman kaya tumango siya at binuhay na ang makina ng sasakyan. "Edi si papa pala ang nag-drive niyan para sa sarili niya?" tanong ko pa, kaya tumango ulit siya.

"Oo sir, kaya naman na daw niya. Medyo kinakabahan nga ako kasi kapag natapos itong parusa niya sa 'yo, baka hindi na ako kailanganin at alisin na sa trabaho," aniya kaya mahina akong natawa.

"Hindi naman siguro. Lalo na kailangan ka rin ni manang Luz, kasi ikaw ang nagmamaneho para sa kanya kapag namamalengke," sagot ko.

"Kung sabagay..." aniya.

Habang nasa biyahe ay saglit akong napatitig kay Mang Jerry. Moreno ang kulay ng balat, pinoy na pinoy tignan. Medyo nasa edad na, pero halata pa rin ang magandang bulto ng katawan na para bang sanay sa mabibigat na trabaho. Hindi siya sobrang guwapo, pero malakas ang sex appeal.

"Bakit po sir?" tanong niya nang mapansing nakatitig ako sa kanya, kaya agad akong nag-iwas ng tingin.

"Wala naman po, naisip ko lang na matagal ka na ring nagtatrabaho kay papa, kahit ang kapatid niyong si mang Jerome. Pero hindi ko po alam kung taga-saan talaga kayo," wika ko.

"Taga Puerto Verde lang kami sir, mga isang oras lang ang biyahe mula San Bernardino City, kaya nakakauwi rin naman agad kami ni Jerome sa mga misis namin kung kailangan," aniya kaya napatango ako.

Medyo malaki din ang probinsiya ng San Bernardino. Kung hindi ako nagkakamali ay may pitong municipalities ito, at kabilang doon ang Puerto Verde na binanggit niya. Tapos ang capital city nga, ang San Bernardino City kung saan Mayor ang kuya ko.

"Hindi ko pa nakikita at nakikilala ang pamilya niyo ni mang Jerome," wika ko ulit.

"Alam mo naman na hindi sila puwedeng dalhin sa bahay niyo sir kasi nga ay istrikto ang papa niyo. Hindi bale, kapag fiesta sa amin, isasama ka namin ni Jerome nang makilala mo sila. Masaya ang fiesta namin doon sir, lalo na probinsiyang probinsiya pa rin ang dating ng Puerto Verde, hindi gaya ng ibang lugar dito sa San Bernardino, lalo na dito sa San Bernardino City na malapit nang maging katulad ng maynila na puro building," aniya kaya napatango ako.

"Sige po, aasahan ko iyan," nakangiting sagot ko naman.

Mayamaya pa ay napansin kong nakarating na kami sa Universidad de San Bernardino, kung saan nga ako nag-aaral. Mayroon din namang state university sa probinsiya namin, ang San Bernardino State University, pero obviously, hindi papayag si papa na doon ako mag-aral kahit pa hindi naman talaga okay ang relasyon namin. Kasi nga kung may isang bagay na mahalaga sa kanya... iyon ay ang reputasyon niya.

"Dito na lang po, Mang Jerry," wika ko nang makitang ipapasok niya ang sasakyan sa loob.

"Naku sir, utos po ng papa niyo na bantayan ko kayo maghapon eh, sa parking lang daw po ako, at huwag ko daw hahayaan na mawala kayo sa paningin ko. Pasensiya na po, pero huwag kayong mag-alala sir, kasi hindi ko naman kayo kakausapin o lalapitan, tatambay lang ako diyan sa parking lot," aniya kaya napabuntong hininga na lang ako at pilit na ngumiti.

Hindi na ako sumagot at hinayaan na lang siya, gaya kasi nang sinabi ko ay hindi naman niya puwedeng suwayin ang utos ni papa. Nang maiparada na niya ang sasakyan ay nagpaalam na ako sa kanya, at nagpasyang bumaba na, para makapunta na sa unang klase ko.

Chapter Three

“You mean to say na… maghapon ka talagang bantay sarado? Paano iyan, hindi tayo makakagawa ng kalokohan kasi isusumbong ka niya sa papa mo? Hanggang kailan?” tanong ng kaibigan kong si Mickey sa akin pagdating ng lunch, habang nasa cafeteria kami at kumakain, kaya mahina akong natawa.

"Sad to say, but yes," sagot ko. "Hindi ko alam kung hanggang kailan, pero okay lang naman. Cool namang kasama si Mang Jerry, kita niyo nga hindi naman ako ginugulo at hindi naman halata na binabantayan ako," dagdag ko pa, kaya tumango siya.

May kakambal si Mickey, isang babae na kaibigan ko rin... nakakatawa man, pero Minnie ang pangalan. Totoo, sobra akong natawa noong unang beses na nakilala ko sila noong high school, kaya rin siguro naging magkakaibigan kami. Sa college naman, magkakaiba man ng kurso ay madalas pa ring nagkakasama at nasa iisang circle of friends pa rin. Bukod kasi sa kanilang dalawa, ay may mga tropa pa kami na madalas ding nakakasama sa mga galaan at kung ano-ano pa.

"Paano iyan, c-in-ut din ba ang allowance mo? Puwede ka naming ilibre muna pansamantala," ani Minnie sa akin.

"Hindi naman, bawal lang gumala at uminom. After school, kailangan diretso uwi na, kaya hindi muna ako makakasama sa mga night outs niyo pansamantala," sagot ko naman. 

"Ang boring bro!" ani Mickey na natatawa pa.

Crush na crush ko si Mickey dati, bukod kasi sa matangkad ay guwapo talaga ito. Oo, kung hindi ko pa nababanggit ay may pagkamalambot ang puso ko. Pero hindi naman ako malambot at malamyang kumilos, kaya wala ring nag-iisip ng kakaiba patungkol sa kasarian ko... at siyempre ay hindi ko rin naman iyon maamin. Lalo na sa sarili kong pamilya, takot ko na lang na makahanap na naman ng panibagong rason si papa para magalit sa akin.

Naa-attract pa rin naman ako sa babae, pero mas malakas akong ma-attract sa mga lalaki. Lalo na kapag matangkad at maganda ang katawan, kahit hindi guwapo basta may dating.

"Ganun talaga, pasasaan at matitigil din ang kabaliwan ni papa," napapa-iling na sagot ko naman.

"Don't say that! Kasalanan mo rin naman eh! Hindi ka dapat nag-drive ng lasing!" wika ni Minnie kaya napangiwi ako.

"Shut up, Minnie. Nakarinig na nga ako sa bahay, pati ba naman ikaw tatalakan pa ako?" wika ko, kaya napahalakhak si Mickey.

"Kasi nga concern kami sa 'yo, duh!" masungit na sagot niya na pina-ikot pa ang mga mata, kaya natawa kami ni Mickey.

Nagpatuloy naman kami sa pagkain habang nagkukuwentuhan, tapos ay nagpasya kaming umalis na at bumalik sa kanya-kanya naming mga klase. Saktong alas singko iyon nang matapos ang mga klase ko. Normally, ako ang unang nag-aaya sa mga kaibigan ko na gumala muna kami, food trip sa downtown, mag-mall para kumain din o manuod ng sine, o maglaro sa arcade, o uminom... pero ngayon, wala. Hindi ko iyon magawa. Kasi kahit pa ayaw kong aminin, aminado ako na may parte sa akin ang natatakot pa rin kay papa.

Lalo na at may isang pagkakataon na sa sobrang galit niya ay napagbuhatan na niya ako ng kamay. As in, sinampal niya ako. Iyon ay noong napa-away ako noong high school at may nakasuntukan. Kahit pa hindi ako ang nagsimula ay nabasag ko iyong mukha noong kaaway ko kahit pa mas malaki ito sa akin, kaya pinatawag ang magulang namin... at pagkauwi ay doon na siya sobrang nagalit at nasaktan nga ako.

Siguro may parte sa akin ang na-trauma doon, kaya natatakot pa rin ako sa kanya at hindi sumasagot sa tuwing pinapagalitan niya ako.

"Halika na, Mang Jerry," wika ko naman pagkadating sa parking lot at nakita si Mang Jerry na prenteng nakasandal sa sasakyan habang naninigarilyo.

"Uwi na ba tayo sir?" tanong niya.

"As if naman na puwede akong gumala," sagot ko.

"Hindi ko naman kayo isusumbong sir," aniya kaya napatingin ako sa kanya.

"Talaga?" tanong ko.

"Basta ba hindi po kayo gagawa ng kalokohan, at saka dapat kasama mo ako. Kahit pa naghihintay lang sa sasakyan. Madali lang naman gumawa ng rason," aniya. "At bawal din ang uminom," aniya kaya napangiwi ako.

"Actually, iyan nga sana ang gusto kong gawin ngayon, ang uminom..." sagot ko.

"Ano sir, inom tayo gusto mo?" napapangiting tanong naman niya na ikinakunot ng noo ko.

"Akala ko ba bawal?" tanong ko.

"Eh kung ako ang kasama mo sir, hindi talaga ako magsusumbong! Basta huwag lang papakalasing, at baka maamoy tayo ng papa mo," aniya, kaya malawak akong napangiti at tumango.

"Sige ba! Daan tayo sa convenience store at bibili ako ng beer. Okay na siguro ang tig-dalawa ano?" wika ko kaya tumango siya.

"Oo sir, sakto na iyon, tiyak hindi tayo malalasing," aniya.

Kaya naman excited akong sumakay na sa kotse, at ganun din ang ginawa niya tapos ay binuhay na niya ang makina at nagmaneho na paalis. Wala namang kaso sa akin kung sino ang makakasama ko sa pag-inom. Basta kapag may sama ako ng loob, o may problema, o may iniisip, gusto ko lang uminom kahit pa konti lang. Hindi rin naman ako alcoholic... kumbaga ay saktong pampagaan lang ng loob at pampasarap ng tulog.

Mayamaya pa ay nakarating na kami sa convenience store, kaya naman agad akong bumaba at pumasok sa loob. Bumili ako ng apat na beer in can at ilang chips. Tapos ay binalikan ko na agad sa sasakyan si Mang Jerry.

"Pero teka lang, saan pala tayo pupuwesto? Sigurado na bawal sa bahay. Alam mo naman si manang Luz, ayaw na ayaw ding nakikita na may umiinom doon, baka siya pa ang magsumbong sa atin kay papa," wika ko kaya natawa siya.

"Huwag kang mag-alala sir, ako ang bahala. May alam akong lugar," nakangiting sagot niya tapos ay muli nang pina-andar ang sasakyan.

Nagkibit naman ako ng balikat at hinayaan siya. Mayamaya pa ay nakita kong ipinasok niya ang sasakyan papasok sa kanto kung saan wala pang gaanong bahay at puro puno ang makikita. Tapos ay ipinasok niya ang kotse sa isang loteng nakabakod na pagkaraan ng ilan pang sandali.

"Kaninong lupa ito, Mang Jerry?" tanong ko nang maihinto na niya ang sasakyan sa ibaba ng isang malaking puno.

Mula kasi sa puwesto namin ay parang bangin, pero may nakaharang naman na bakod. Pero kitang-kita ang kabuuan ng San Bernardino City mula sa kinaroroonan namin.

"Teka, hindi mo alam?" nakakunot ang noo na tanong niya. "Sa kuya mo ito, balak niya noong una na papatuyuan ng magiging bahay nila ng asawa niya, pero ayaw namang umuwi dito sa Pinas, at sayang lang. Pero baka patatayuan na lang daw niya ng resort, hindi pa rin siya sigurado. Pinag-iisipan pa daw niya, base lang iyon sa mga narinig kong usapan nila ng papa niyo," paliwanag niya kaya napatango ako.

See? Ultimo ganitong mga bagay ay hindi ko alam. Bumaba naman na kami ng sasakyan, tapos ay ibinaba niya ang tailgate para makaupo kami sa truck bed. Iyon iyong likod ng pickup na sasakyan na gaya ng Ford Ranger. Doon kami nagpasyang pumuwesto at uminom, habang nakatanaw sa kabuuan ng San Bernardino City.

"Ang presko naman dito," mababa ang boses na wika ko pa bago nagpasyang magbukas ng isang beer in can.

Ganun din naman ang ginawa niya, kumuha siya ng isang beer tapos ay binuksan din iyon. Agad akong uminom at ganun din ang ginawa niya. Tapos ay binitawan ko muna iyon sa gilid ko at nagbukas ng isang chips para may kainin kami na magsisilbing pulutan.

Chapter Four

Noong mga naunang minuto ay tahimik lang kaming umiinom at nakamasid sa ibaba ng San Bernardino City. Hanggang sa mayamaya pa ay napahinga ako ng malalim bago tumingin kay Mang Jerry.

"Mang Jerry, salamat po, ha?" wika ko.

"Salamat saan sir?" tanong niya.

"Dito... sa pagsama sa akin, na kahit pa ibinilin mismo sa 'yo ni papa na bantayan akong maigi at huwag hahayaang uminom, heto at sinamahan mo pa ako ngayon. Kaya salamat..." paliwanag ko.

"Naku, wala iyon. Okay nga na nakalibre ako ng alak, noong isang araw ko pa gustong uminom," aniya kaya mahina akong natawa. "At saka maliit na bagay lang ito kumpara sa mga naitulong mo sa akin," dagdag pa niya.

Tipid naman akong napangiti sa narinig. Gaya nang sinabi ko, tatlo lang silang kasama namin sa bahay na nagtatrabaho para sa amin, pero dahil matagal na sila sa amin ay para na sila naming pamilya at hindi na sila iba sa amin.

Ganun pa man ay hindi nawawala ang respeto at takot nila lalo na kay papa. Kaya kapag nangangailangan sila, madalas ay nag-aadvance sila kay papa, kapag medyo malaki na ang advance ay mag mga pagkakataon na nahihiya sila kahit pa nangangailangan na talaga.

At hindi naman ako tanga para hindi mapansin iyon, at hindi na rin nila kailangang magsabi kasi ay ako mismo ang nag-aabot ng tulong. Alam ko na madalas ay nahihiya na rin sila sa akin kaya sinasabi ko kunware na utang nila iyon sa akin at bayaran kapag meron na, kahit pa ang totoo ay wala naman akong balak na singilin sila. Gaya rin kasi nang sinabi ko na lumaki ako sa marangyang buhay, hindi sa nagyayabang pero madalas ay hindi ko na rin naman alam kung saan ko pa dadalhin ang mga nagiging pera ako. So, why not help, hindi ba? Especially paulit-ulit ko nang sinabi na hindi na sila iba sa amin.

"Oo nga pala, iyong utang kong bente mil sa'yo, baka hindi ko pa mabayaran ha? Alam mo naman na walang trabaho si misis at ako lang ang kumakayod. Tapos may dalawang anak pa kaming pinag-aaral," aniya kaya tipid akong ngumiti at marahang tumango.

"Huwag niyo muna pong isipin at problemahin iyon," sagot ko.

Kailan lang kasi nang ma-ospital daw ang bunso niya at kailangan talaga nila ng pera. Ang kaso ay dalawang buwan pa ang advance niya kay papa kaya nahihiya na itong lumapit at magsabi, kahit pa alam niyang hindi naman siya ipapahiya ni papa. Kaya ako mismo ang nag-abot ng ganung halaga, na extra ko sa allowance ko.

Noong una ay ayaw niyang tanggapin, kasi ay marami na daw akong naibigay sa kanya, sa kanila ng kapatid niyang si Mang Jerome, na maliliit pero kapag pinagsama-sama ay malaki na. Pero saka ko nga sinabi na ipapautang ko na lang sa kanya at bayaran niya kapag nakaluwag na siya. Kaya iyon, tinanggap na rin naman niya.

"Mang Jerry, ang tagal na nating magkasama sa bahay pero wala pa po talaga akong gaanong alam tungkol sa pamilya niyo ni Mang Jerome, magkwento na lang po kayo sa akint tungkol sa kanila para may mapag-usapan tayo," wika ko.

Malaki ang bahay namin sa totoo lang. May swimming pool sa likod, may dalawang maid's room sa baba pero isa lang ang nagagamit at kay manang Luz iyon, tapos sa second floor naman ay lima ang kuwarto, hindi pa kabilang doon ang opisina ni papa at ni kuya. Bale pito in total. Tig-iisa kami ng kuwarto at may dalawang guestroom.

Malawak din ang bakuran namin, na kasya kahit siguro labing dalawang sasakyan. Sa ngayon ay may anim pa lang na sasakyan sa bahay. Dalawa kay papa, isang sedan at jeep wrangler, tapos ay tatlo kay kuya, isang sedan, mustang at Ford Ranger, at isa sa akin na Vios nga.

Sa pinakaharap ng bahay ay may isang maliit pang bahay na may isang kuwarto. Doon naman tumutuloy sina Mang Jerry at Mang Jerome kasi ay stay in din sila sa amin.

"Rowena ang pangalan ng asawa ko, matanda ako sa kanya ng labing dalawang taon kasi ay 52 na ako, samantalang siya ay kuwarenta pa lang. May dalawa kaming anak, panganay namin si Jeremy na kinse anyos, at bunso si Jerico na sampung taong gulang pa lang," paninimula niya kaya marahan akong tumango.

"Ang kapatid ko namang si Jerome,  matanda siya ng labing limang taong gulang sa asawa niya, si Mercy. Singkwenta na kasi siya at 35 naman ang babae. Isa lang ang anak nila, babae, si Joyce na sampung taong gulang din," dagdag pa niya. "Wala na kaming mga magulang, bata pa kami nang mamatay sila kaya maaga rin kaming namulat sa kahirapan. Kaya ayun, parehong hindi nakatapos ng high school kasi ay kinailangang magtrabaho agad at kumita para mabuhay," dagdag pa niya.

"Wow, ang swerte ko po pala na lumaki ako sa marangyang buhay, pero madalas nagrereklamo pa ako na parang may kulang at nagrerebelde pa," wika ko kaya mahina siyang natawa.

"Iba't iba naman kasi tayo ng paraan sa pagdadala ng mga problema. Hindi por que lumaki kami ni Jerome sa hirap ay mas maganda at maayos na ang buhay mo sa amin. Hindi naman dapat kinukumpara ang buhay ng bawat isa, kasi may kanya-kanya tayong mga dala at may sari-sariling nararamdaman," aniya na nagpangiti sa akin.

"Ang ganda naman nun," biro ko kaya natawa ulit siya. "Pero teka lang Mang Jerry, hindi naman halata sa inyo ni Mang Jerome na mahilig kayo pareho sa bata ah?" wika ko, mahina siyang napahalakhak.

"Eh, sino naman bang lalaki ang hindi gugusto sa sariwa?" aniya tapos ay nakangising tumingin sa akin. "Bakit, ikaw ba mas gusto mo iyong mas matanda kesa sa yo?" tanong pa niya.

"D-Depende po..." sagot ko, medyo kinabahan at hindi ko alam kung bakit.

"Depende saan?" aniya.

"Depende po kung... attracted ako sa isang tao? I mean, hindi naman ako pumipili ng edad..." sagot ko.

"Eh sa kasarian, pumipili ka?" aniya kaya bigla akong naubo at napatingin sa kanya, mahina naman siyang natawa dahil sa naging reaksiyon ko.

"Ano pong ibig niyong sabihin?" tanong ko kunware.

"Wala lang, naalala ko lang noong bata ka pa. Nakita kasi kita noon na hawak iyong mga catalog ni manang Luz, iyong parang mga magazine na pinagpipilian niya nang mga binibili niyang pabango at panty? Tapos pinagmamasdan mo iyong mga lalaking model na naka-brief lang," aniya kaya napangiwi ako sa hiya. "Ewan kung naaalala mo pa, umiyak ka pa nga nun noong nahuli at biniro kita at nakiusap ka pa nga noon sa akin na huwag kitang isusumbong. Pitong taon ka lang ata nun," dagdag pa niya.

Napalunok naman ako at pilit na inalala iyong sinabi niya. Tapos ay mahinang napasinghap nang mapagtanto na totoong nangyari nga iyon. Bata pa ako noon, at hilig kong itakas ang mga catalog ni Manang Luz kasi ay tuwang-tuwa nga akong makita iyong mga lalaking model ng underwears noon na may malalaking bakat at magagandang katawan.

"Oh, bakit parang natahimik ka? Hindi mo naman kailangang mahiya kung may pagkamalambot iyang puso mo. Anong taon na tayo ngayon! Siraulo at bobo lang iyong mga nagsasabi na may mali sa isang bakla. Kasi ako, naniniwala ako na kahit ano pa ang isang tao, basta mabuti ang nasa puso nito ay iyon ang mahalaga," aniya kaya tipid akong ngumiti at marahang tumango.

Sa isip ko, wala na rin namang sense na itago sa kanya ang totoo. Bukod sa may tiwala ako sa kanya, ay matagal na rin niyang alam. Bata pa ako, pero wala siyang sinabing kahit na ano sa kahit na kanino.

"Sa totoo lang Mang Jerry, madalas ang hirap. I mean, hindi naman ako iyong tipo ng binabae na gustong magdamit pambabae. Okay ako sa ganito. May mga pagkakataon nga nag nagkaka-crush din ako sa mga babae, although mas madalas sa lalaki. Pero alam mo iyon? Natatakot akong magpakatotoo kasi... kasi si papa, baka isipin niya na pinapahiya ko na naman ang pangalan namin, alam mo naman iyon..." wika ko tapos ay malungkot na ngumiti.

"Kaya rin siguro pakiramdam ko, may kulang sa akin. Kasi hindi ko kahit na kailan naramdaman na... na may paki siya sa akin, na tanggap niya ako sa kung sino ako. Kasi hindi ako kailangan nakaramdam at nakatanggap ng suporta sa kanila kahit pa ano ang gawin ko. Itong kurso ko, sa totoo lang ayaw ko nga nito eh. Kinuha ko lang kasi naaalala ko kung gaano siya ka-proud kay kuya noong sumunod ito sa yapak niya, at natapos ang ganitong kurso. Pero ako... wala, wala man lang naging reaksiyon, na para bang hindi ako nag-eexist sa mundo niya," paliwanag ko pa, muli nga akong napatingin kay Mang Jerry nang bigla niyang ipinatong ang palad sa may legs ko.

"Naiintindihan kita, sir. Lalo na nasubaybayan ko kung paano ka lumaki. At sa akin, puwede kang magtiwala. Puwede kang magpakatotoo sa kung sino ka. Puwede mo akong ituring na kaibigan mo, o ama mo kung gusto mo... o kahit na ano pa ang gusto mo..." nakangiti at mababa ang boses na saad niya habang nakatitig ng diretso sa mga mata ko.

Ewan kung bakit bigla akong kinabahan. Gusto kong mag-iwas ng tingin, pero para akong nahihipnotismo ng malalim niyang titig. Napalunok pa ako nang biglang bumaba ang tingin niya sa labi ko, tapos ay tumingin ulit sa mata ko at ngumiti na naman.

"Basta kung may gusto ka, o kailangan mo ng tulong ko... kahit na ano pa iyan, huwag kang mahihiyang magsabi. Malaki ang utang na loob at pasasalamat ko sa 'yo, at kaya kong gawin ang lahat ng gusto mo... lahat..." napapaos ang boses na wika niya, na parang inaakit ako.

Aminado ako na sobra akong nakaramdam ng init sa narinig. Feeling ko ay nagpapakita siya ng motibo na hindi ko maipaliwanag. Pero ayaw ko namang mag-assume kasi ay baka mapahiya ako. Akmang mag-iiwas sana ako ng tingin pero naramdaman ko na marahan niyang pinisil ang legs ko na hawak niya, tapos ay makahulugan siyang ngumiti sa akin at napatingin pa ako sa labi niya nang mapansing dinilaan niya ang ibaba nun.

"K-Kahit ano po?" nanghihina at nag-iinit na tanong ko.

"Kahit na ano..." aniya.

"P-Puwede ko po ba kayong... h-halikan?" tanong ko, napangisi naman siya dahil doon tapos ay mahinang natawa.

Agad akong nakaramdam ng hiya sa nangyari at iiwas na sana, pero marahan niya akong hinila, at sa muli kong pagharap sa kanya ay hinalikan niya ako sa labi. Noong una ay marahan at mababaw na halik. Pero para akong malalasing sa amoy ng alak na iniinom namin...

Kaya naman bahagya kong ibinuka ang bibig ko, at mukhang alam na niya ang gagawin kasi ay agad niyang ipinasok ang dila niya doon. Mahina akong napasinghap at napa-ungol nang magsimula nang lumalim ang halik. Hindi na lang kasi basta halik iyon... ginagamitan na nang dila, at nagpapasahan na ng laway.

Hindi ko alam kung gaano kami katagal na naglalaplapan ni Mang Jerry, pero nang maramdaman ang kamay niyang humawak sa dibdib ko at nilamas ito, ay saka ako parang bumalik bigla sa reyalidad at agad na lumayo sa kanya para maputol na ang laplapan namin.

"Oh, bakit? Anong problema?" tanong pa niya habang sobrang lapit pa rin ng mukha sa akin. Kaya naman amoy na amoy ko ang hininga niya na nahahaluan ng amoy ng alak at sigarilyo, pero hindi naman mabaho. Parang mas nakakalibog nga.

"S-Sorry... m-mali po kasi ito... sorry po..." sagot ko naman tapos ay mabilis na hinawakan ang beer in can at uminom doon. "Uhm, u-ubusin na lang po natin ang mga iniinom, tapos uwi na tayo," saad ko pa kaya nakangisi siyang nagkibit ng balikat.

"Sabi mo eh," aniya na para bang natutuwa sa nangyari.

Kaya naman iyon ang ginawa namin. Tahimik na inubos ang alak, ramdam at pansin ko na ang paminsan minsan niyang pagsulyap sa akin pero umaakto ako na hindi iyon napapansin. Nang maubos ko na ang dalawang beer ay inaya ko na siya agad na umuwi, at iyon din naman ang ginawa namin.

"Uhm... m-mang Jerry?" banggit ko pagkarating sa bahay at pagkaparada niya ng Ford Ranger sa loob, bago pa man niya mapatay ang makina at bago pa kami makababa. Tumingin naman siya sa akin at ngumiti na parang hinihintay ang sasabihin ko. "S-Sikreto lang naman po natin iyong... n-nangyari kanina hindi po ba?" lakas loob na tanong ko kaya mahina siyang natawa bago tumango.

"Huwag kang mag-alala, sikreto lang natin iyon..." aniya. "Kung gusto mong gumawa ng iba pang sikreto... magsabi ka lang," napapangiti na dagdag pa niya tapos ay kumindat sa akin.

Hindi na ako sumagot, pilit na lang akong ngumiti at nagmamadali nang bumaba ng sasakyan at maglakad papasok sa loob. Nakita ko nga si manang Luz sa kusina pero hindi ko na ito pinansin at binati pa, basta ay dumiretso na lang ako papasok sa kuwarto ko at nagkulong, habang iniisip pa rin ang nagawa namin ni Mang Jerry.

Note

Hanggang dito na lang po tayo, and this is to protect the story from being reported. Sample chapters lang po talaga ang ipo-post namin.

Kung na-hook po kayo sa story, at gustong mabasa ng buo, binebenta po namin ang soft copy in .pdf file. Kung interesado po kayong mag-avail, email niyo lang po kami:

blstories02@gmail.com

Mahaba po ang story, tapos mura pa kaya sobrang sulit. May discount din po kung 2 or more stories ang ia-avail. Kaya sana ay makabili na po kayo bilang suporta sa amin!

Iyon lamang, salamat po!

xx,

King


Return to top?
WattHub

Install WattHub

Size unavailable

App name
WattHub
App version
1.48.250
App size
Description
A digital library of Wattpad stories and Filipino fiction, thoughtfully preserved for readers today and tomorrow.
Developer
WattHub Team

Dismiss install banner?

No problem. You can still install WattHub anytime from the download icon in the header.

WattHub

Notifications

Notifications are off

Get notified on this device when the library grows or changes.