Michael's Song (BoyXBoy)
AlbertLang · 7 chapters · 13,603 words
Chapter 1: The One With the Strumming
Chapter 1
The One With the Strumming
Ilang hakbang na lamang
Pero di kita malapitan
Isang dipa ang pagitan
Pero di kita makapitan
Kasabay ng mga bagong gawang lyrics ang pagtipak ko sa gitara. Kinakapa ko pa kasabay ng pagkapa ko sa mga mukha ng mga nakikinig sa akin ngayon. Gusto ba nila? O wala silang pakialam dahil mas gusto nilang makipag-kwentuhan sa mga kasama nila dito. Bakit ka nga ba naman pupunta sa bar para makinig sa mga bagitong musikero? Maliban na lang kung katulad ko, musika ang escape para kahit sandali, makalimot sa magulong mundo.
Tulad ng isang iyon. Yung, matangkad na lalaking nakasando na nasa bar. Kanina pa nakatitig sa akin habang iniinom ang light na beer. Nakatitig sa akin na parang ninanamnam ang bawat salita kong kinakanta. Mas gusto ko yung isipin, kesa nakatitig siya sa akin na parang ninanamnam niya aking pagkatao.
Pero ngayong gabi, kung wala talaga, siya ang makakasama kong umuwi ngayon, wala na akong pakialam. Gusto kong gumawa nang masama. Yung ikagagalit nina Mama at Papa kapag nalaman nila. Kasi iyon naman talaga ako. Masama.
Itinaas niya ang bote niya ng light na parang pagsaludo at nagustuhan niya ang mga bago kong lyrics. Ngumiti ako pero parang hindi ko yata kaya. Hindi ko yata kakayaning makahalikan ang lalaking ito. Masyadong malaki ang nunal niya ilalim ng kaliwang mata. Kung nandyan talaga ang nunal at ganyan kalaki, malamang ay madalas talaga itong mapapaiyak.
Nawala ang atensyon ko sa kanya nang may dumaan sa pagitan nang aming pagtititigan. Tinawag ang tao sa bar at umorder. Mabilis ang pag-abot ng beer sa kanya kaya’t agad siyang umikot para humarap sa akin. Tama ako. Mas gusto kong ito ang makasama sa paggawa ng kasalanan ngayong gabi.
Hindi siya sintangkad ng lalaking may nunal, ngunit mas malaki ang katawan niya. Mas may hubog. Hindi mataba, ngunit mabilog. Ang ganda ng labi niyang nang-aakit mahalikan, oo, ito ang gusto kong halikan mamaya. At ang mga mata niya’y mukhang mabait kahit hindi ko maaninagang mabuti dahil sa salamin niya. Magkakaunawaan kami nito. Mukhang artist din sa orange na frame ng salamin.
Mas umigting ang pagtipak ko sa gitara na hindi inaalis ang pagkakatitig ko sa bagong dating. Kasabay ng pagbanggit ng mas bago pang mga lyrics.
Hindi ka man malayo
Hindi pa rin maabot
Dahil kahit ika’y kasama
Hindi mo naman ako nakikita
At tinapos ko na ang mga salitang sinundan ng papahinang accompaniment ng gitara. Sumunod ang palakpakan ng lahat.
“Thank you,” sabi ko. “Naging mabait kayo sa akin.”
Nakangiti sa akin ang bagong dating. Hindi nawawala ang ngiti niyang hindi ko rin naman inaalisan ng titig. Maliban na lang nang kailangan ko nang tanggalin ang mga kableng nakakonekta sa aking gitara para mailagay ko na ito sa kaha.
Nawala nga lang siya pag-angat ko ng ulo. Nilinga-linga ko. Wala talaga.
Lumakad ako papunta sa bar.
“Kailan mo kaya matatapos yung kanta?” tanong sa akin ng lalaking may nunal na sumalubong.
Tumawa akong parang prof ko ang kausap ko. Yung kailangan mo lang mag-react para hindi ka niya hindi magustuhan.
“Saan pumunta yung lalaking naka orange na salamin?” tanong ko matapos magbigay ng courtesy laugh.
Nawala ang tawa ng lalaking nunal. Grabe, mas malaki pala ang nunal niya pag mas malapit. Mali ang estimate ko mula sa malayo. At oo, ganun siya kalaki nan a-distract ako sa paghahanap, panandalian.
“Sa labas lang,” sabi ni Kuya Lito sabay abot sa akin ng isa pang bote ng beer na may kasamang envelope. “Binawas ko na yang pang-apat na bote mo sa bayad. Tatlo lang ang libre sa usapan.”
“Hindi na naman ako umorder,” sabi ni Kuya Lito. Siya ang may-ari ng bar at ang nagbabayad sa mga gig ko.
“Sa ngitian ninyo kanina,” sabi ni Kuya Lito. “Mahaba-habang inuman yan. Baka maubos yang kinita mo ngayong gabi.”
“Kung ako na lang kasi sana,” sabi ni Kuya Guy, lalaking Ate Guy. “Sagot ko na beer mo.”
Muli akong tumawa na may kasamang takot. Creepy na itong lalaking ito.
Hindi ko na iniwan ang gitara at hawak ang beer, tumuloy ako sa labas. Dahil nasa second floor, may terrace ang bar, tanaw ang kalsada. Iilan na lang ang dumadaang mga sasakyan. Ilang minuto na lang, ibang araw na.
Nakatayo ang lalaking naka orange na salamin at nakasandal sa terrace. Nakangiti na siya sa akin.
“I’ve been waiting for a while now,” sabi niya.
“Sa akin?”
“No, waiting for Mr. Mole actually,” sabi niya at tumawa. “Siyempre ikaw. Masyado nang matagal ang titigan natin. I just wanna make sure that you’re into me.”
“Ambilis mo rin,” gulat ko.
“I have a car,” sabi niya.
“Mas bumilis pa,” sabi ko.
“BIlisan mo na inom niyan,” tapos ay in-straight niya ang beer niya.
“Hindi ako marunong magmaneho,” sabi ko.
“Im not drunk. I’m driving. Got place?”
Kinabahan ako. Dadalhin ko ba siya sa bahay? Yun ang plano ko. Mag-uwi na lalaki sa bahay para kahit papaano, maramdaman kong akin din ang bahay namin. Na pwede kong gawin ang gusto kong gawin. Kahit isang gabi lang.
“Okay,” sabi niya. “Let’s just drive around first.”
Umaandar na ang kotse, ilang kilometro na rin sa labas ng lungsod nang makaramdam ako ng kaba. Hindi ko na narinig ang mga ilang salita niya. Sino nga ba itong lalaking ito? Saan niya ako dadalhin? Kakayanin ko bang imbitahan sa bahay namin ang isang lalaking hindi ko talaga kilala? Pero bago ang bahay namin, kung masamang tao ito, nakasakay ako sa auto niya. may kaba rin pala talaga ang mga ganitong eksena.
“Fake name’s okay,” sabi niya “I wouldn’t mind. I just dont want to refer to you as a pronoun someday.”
Nasabi na yata niya ang pangalan niya na hindi ko naririnig. Hayaan mo na. Ngayon lang naman ito.
“Kel,” sabi ko.
“Kiel?” tanong niya.
“Kel,” sabi ko ulit. “Michael.”
“Why not Mike?” tanong niya.
HIndi na naman ako nakasagot. Naibigay ang totoo kong pangalan sa kaba.
Agad niyang hinawakan ang kamay ko.
“I actually don’t know what to expect, too,” sabi niya. “But I’m not a masamang tao. Hope you’re not too.”
HInawakan niya ang kaliwanag kamay kong nakahawak pa sa aking kanang kamay. Pinalaya ko ang mga kamay ko at ibinigay sa kanya ang isa. Natawa siya. Malamig ang kamay ko. Naramdaman niya yata. At iyon na iyon. Ang mga tawang iyon. Gumaan ang loob ko at nawala ang lahat nang pag-aagam-agam.
Pataas ang liblib na lugar na tinahak namin. Paliko-liko. Bundok na nilapastangan para maging tahanan ng mga tao. Pero mukhang matagal na itong nangyari. Huminto kami sa gilid ng kalsada. Ilang metro malapit sa bangin, nag-park siya. At pagbaba namin. Nakita ang lungsod naming iniwan. Pawang mga bituin sa lupa na sumasalo ng mga bumabagsak na mga tala sa langit. Walang katapusang pagkinang.
“Dito mo ba dinadala ang mga napi-pick up mo sa bar?” tanong ko habang lumakad mas papalapit sa bangin para tingnan ang kagandahan.
“That sounded kinda offensive,” sabi niya papalapit sa akin. “But first impressions aren’t always right. I’ll let that slip.”
“Hindi rin naman ako basta-basta sumasama sa nakakangitian ko sa bar,” sabi ko. “Huwag mo rin sanang isipin.”
“Okay,” sabi niya. “But TBH, you’re the first guy I brought here. I just wanna check this place out.”
“Sinong nagsabi sa iyo tungkol dito?”
“Some guy,” sagot niyang may hinto. “And even I would fall in love if I were young, vulnerable and then some guy brought me here.”
Huminga siya nang malalim. Pumikit. Ninamnam ang paligid. Naalala ko. ito palang lalaking ito, may pagkaromantiko, pinagplanuhan kong makanamnaman ngayong gabi. Hindi sana siya mag-expect na may relasyong susunod sa mangyayari ngayong gabi. Gusto ko lang magpakasama ngayon.
Pero okay lang naman siguro. Gwapo naman siya. Maganda magsalita. Hindi dahil ingles ha, pero dahil alam niya at siugrado siya sa bawat buka ng kanyang bibig. May kotse. Hindi bastos. Kung magpapakilala naman ako ng lalaki sa bahay, hindi na nakakahiya kung siya. At kung hindi pa rin siya matanggap sa bahay, mukhang kaya naman niya akong mahalin kahit patago. Bakit ko ba iniisip ito? Minsan may mga tao pala talagang makapagbibigay ng isang tanong tungkol iyong sa hinaharap kahit hindi mo naman ito hinahanap.
“Come on, let’s go,” sabi niya na agad tumalikod. “So, you’re place or mine?”
Ngayon na lang ako nagkaroon ng ilusyon ng hinaharap. ’Yong ilusyong ng pagmamahal. Siguro dahil nga sa ang lalaking kasama ko ngayon ay tulad ng mga artistang napapanood ko sa mga pelikula. Ngunit hindi siya sobrang gwapo ng mga artista. Hindi siya ginawa ng diyos para sa sinehan, kundi para sa mga normal na tao. Yung gwapong achieveable kumbaga. At kayang-kaya ko siyang i-achieve ngayon.
Ang ilusyonng iyon ay biglang gumuho. Nagising ako eh. ‘you’re place or mine?’ Naalala ko ang binuo kong ilusyon ng pag-ibig noon, na nang malaman ni Mama, gumuho rin. At naalala ko kung bakit ako kumakanta sa bar kanina. Na kung bakit kahit lalaking may malaking nunal ay nakahanda kong dalhin sa bahay. Na kung bakit hindi na dapat ako nag-iilusyon ng pagmamahal.
“Sa akin na lang,” sabi ko.
Chapter 2: The One With the Second First Time
CHAPTER 2

“THIS is a vacant lot,” sabi niya pagkahinto ng sasakyan. “I never thought of doing it in public. But hell, why not?”
Binuksan ko ang pinto ko at bumaba. Iyon din ang ginawa niya sa bahagi niya ng sasakyan, tapos ay lumapit sa akin kung saan nakaharap ang masukal na bakanteng lote. Tiningnan ko ang kadilimang tinatakpan ng ilang puno ng mangga. Inaakayat naming magkapatid ang mga punong ito dati, bago maglambitin sa mga sanga patungo sa susunod puno.
Bumalik ang mga ala-ala ko kalaro si Patrick. Pero hindi ko na matandaan kung kailan tumigil ang paggawa namin ng ala-ala bilang masayang magkapatid. Siguro nung tumuntong ako ng High School. Nagkaroon ako ng kaibigan. Nagkaroon siya ng mga kaibigan.
Hindi ko na naman kailangan ang mga ala-alang iyon. Ang totoo, napaisip ako kung gusto ko nang burahin ang mga iyon at palitan ng isang mapusok at mapangahas na gabi.
Hinawakan niya ang aking mga kamay. Hinayaan ko siya kahit puro panghalip lang ang ginagamit kong pantukoy sa kanya. Gusto kong itanong munang muli ang mga pangalan niya pero bago pa bumuka ang aking mga labi ay lumapat na ang mga kanya sa akin.
Isinandal niya ako sa kotse niya at ipinaramdam sa akin ang malalambot niyang halik. Malalambot ngunit may dahas na humahagod.
Nakahawak pa rin ang kaliwang kamay niya sa aking kanan, ngunit ang isa ay gumagala na sa aking likuran, inipapapit pa lalo ang magkadikit na naming mga katawan. Dama ko ang paglipat ng kanyang init sa akin. Tinanggap ko iyon ng mga halik may diin din sa kanyang mga labi.
Bahagya akong dumilat upang tingnan ang mukhang nagbibigay sa akin ng bagong pakiramdam. Ngayon ko na lang ulit ito naramdaman, ngunit ang hawak ng kamay niya sa akin, ay iba. Iba sa mga naunang parang tawag lang talaga ng laman ang tinutugunan. At ang kanyang mga halik. Ugh.
Nagulat ako na walang kurap ang titig niya sa akin habang patuloy ang paggalaw ng kanyang labi. Sa pagtama ng aming mga titig, naramdaman ko ang kanyang ngiti. Ang amo ng kanyang mga mata. Tinitiyak na nararamdaman ko ang gusto niyang ibigay na saya.
Oo. Masarap. Gusto ko. Huwag nating tigilan ang gabing ito. Gusto kong sabihin, na sa tingin ko, kahit walang salita ay nabasa niya sa aking mga mata. Lalo niyang ginalingan ang bawat dampi ng labi niya sa akin, ang tulak ng kanyang dila, ang maiiksing singhal na nagsasabing tama rin ang ginagawa ko sa kanya.
Ipinasok niya ang kanyang kamay sa loob ng aking shorts at pinisil ang matambok kong likuran. Nangiti ako at umiling. Natawa siya at tumango. May pagpayag. Tapos ay bumalik siya sa pagkakahalik sa akin.
Hindi iyon nagtagal dahil may tunog ng tricycle na paparating.
Bumilis ang kabog ng aking dibdib. Hindi pa ako natakot ng ganito sa buong buhay ko. Mayroon yata noon, pero nalimutan ko na ang kaba. Heto ngayon at nagbabalik.
Umatras siya palayo sa akin at bahagyang tumawa. May lakas pero hindi malakas. Tumawa rin ako.
Tapos pinindot niya ang nasa susi ng kanyang sasakyan. Tumunog. Umilaw. Tiningnan niya kung naka-lock na ang mga pinto tapos ay umakbay siya sa akin at lumakad kami papalayo sa kanyang sasakyan.
“That was scary,” sabi niya.
“Oo, tangina,” sabi ko. “Huwag na nating ulitin.”
“Yuh,” sabi niya. “Or let’s just be careful.”
“Ituloy natin?”
“Wag na. My heart is still pounding like how I would want to pound you.”
“Ang hard,” sabi ko na natawa.
“Lol.”
Patuloy kami sa paglalakad habang pinapababa ang aming kaba. Inalis niya ang pagkakaakbay niya sa akin. Noon ko napansin na may nakaakbay pala sa akin. Nung nawala na. Noon ko rin naalalang hindi ako sanay na may nakaakbay sa akin Ngunit mas hindi ako sanay sa sumunod na nangyari. Marahang kumapit muli ang kamay niya sa akin.
Sa ilalim ng buwan, na kahit kalahati lang ay may liwanag pa ring dulot. Sa gitna ng kalsada, aming kalsada, na kahit gabi na ay may mga tricycle pa ring nakakaistorbo sa mga naghahalikan sa dilim.
Binitawan ko ang kanyang pagkakahawak.
“Sorry,” sabi niya. “Didn’t mean to make you feel uncomfortable.”
“No, hindi,” sabi ko. “Doon kami sa kabila.”
Tumalikod ako at ako naman ang humawak sa kanyang kamay. Sinabayan siya papunta sa aming bahay.
ILANG minuto lampas alas dos, nakarating na kami sa aming bahay. Lilinga-linga ang kasama ko sa paligid, kinikilala ang kadiliman ng aming bahay. Napatigil siya sa may lumang piano na pinatungan ng mga pictures naming mga nakatira sa bahay. Ni Mama, ni Papa, ni Patrick, ko. Bumalik ang dahilan kung bakit kasama ko ang isang lalaki pauwi. Hindi ako nandito para ma-in-love. Nandito ako para gumawa ng masama.
Umakyat kami, pumunta sa aming kwarto at sa pagbukas ko ng pinto, nagtanong siya. “Do you want me to take a shower?”
Ako naman ang naging marahas. Isinandal o siya sa bagong bukas kong pinto at pagkalabog nito pagbangga sa pader, diniinan ko siya kasabay ng mga halik kong gutom sa pagnanasa.
Tinanggal niya ang polo shirt niya at ibinato sa sahig. Naghubad na rin ako. At agad kong kinuha ang dalawa niyang mga kamay at itinass sa kanyang ulo. Tiningnan ko siya, ang kanyang mukha, ang kanyang katawan. Kahit magulo ang may kahabaan niyang buhok, maganda ang bagsak nito sa kanyang mukha. Maamo ang kanyang mga mata, lalaking-lalaki ang ilong na sinamahan ng mga labing nagtatawag ng halik.
Pinanatili ko ang is akong kamay na nakahawak sa kanyang mga kamay sa itaas ng kanyang ulo. Ang isa ko namang kamay ay gumalaw sa kanyang katawan. Hinaplos ko ang matigas at mapintog niyang mga dibdib. Marahang pinihit ang may katigasan at tayung-tayo nitong dulo.
Napasinghal siya sa ginawa ko.
Umiling ako. Hindi pa.
Pinagapang ko ang aking mga daliri sa mga guhit ng kanyang tiyan. May anim na namumuong kalamnan doon na lalong lumalalim ang mga cuts sa bawat niyang paghinga.
Pinalaya ko na ang kanyang mga kamay ngunit hindi siya pumalag sa sumunod kong ginawa. Tinanggal ko ang pagkakasara ng kanyang sinturon. Binuksan ang kanyang pantalon at ibinaba ang zipper hanggang sa tuluyang bumagsak ang kanyang pang-ibaba.
Nakahubad ang lalaking hindi ko alam ang pangalan sa aking harapan. Hindi ko kailangan ang kanyang pangalan. Ang mahalaga ay ang gagawin namin. Masama ito. Pero gusto ko. At sa nakikita ko sa kanyang harapan, gusto rin niya.
Itinulak niya ako sa kama at ako naman ang tinggalan niya ng suot. Tapos ay hinalikan niya ako. Sa bibig, pababa sa iba pang bahagi ng aking katawang nakalimot na sa pakiramdam ng ganitong sarap. Napakasarap nga pala ng bawal.
Hindi ko alam ang mga susunod na mangyayari. Kung alam ko pa ang gagawin ko. pero sa pag-uumpisa ko kanina, mukhan ghindi naman ako nawawala. Kailangan ko lang magpadala sa kung ano ang hinihiling ng init ng aking katawan.

“GUSTO mo nang maligo?” tanong ko.
Dalawang rounds na may kahalong alak sa pagitan at ilang tipa ng gitara para marinig niya ang binubuo kong kanta, heto kami at nakahiga sa kama. Parehas nakahubad. Parehas nakatingin sa kisame habang ang mga kamay namin ay parehas nasa likod ng kanya-kanyang mga ulo. Medyo may hingal pa kami pero bumaba na rin ang bilis ng aming paghinga.
“You wanna save water?” tanong niya.
“Hindi na,” sabi ko. “Kailangan kong palitan ang bedsheet. Puno na ng water natin.”
Natawa siya tapos ay kinapa ang kama. Tapos ay naupo.
“Woah,” sabi niya. “Seriously, we did this?”
“Seriously, yes. Kaya tayo na para mapalitan ko na.” Umatras na rin ako sa kama para makasandal.
“I can help you with that.”
“No na. Kaya ko na ’to. Ligo ka na muna. Papauwi na rin ang mga tao eh.”
“Oh, sorry,” sabi niya na may mahabang oh at ngiti at tumayo papunta sa salamin ng bintana kong naging maamsa-masa dahil sa init nang naganap. “Don’t worry, I’ve no plans of sleeping over.”
“Salamat,” sabi ko.
“Sorry, di ko gets agad. But that was a nice way of shooing me away, huh?”
“Uy hindi,” sabi ko. “Sorry if it sounded that way. Nyeta ka naman, napapa-ingles ako sa’yo eh.”
Natawa siya tapos ay gumuhit ng puso sa bintana.
“Okay lang,” sabi n’ya. “I’ll put that on my Collection of Fuccboi Quotes.”
“Gags, hindi ako Fuccboi,” sabi ko. “First time ko ulit ito.”
“First time and ulit don’t usually come in the same sentence.”
“Tagal na nung last ko. Hindi ko na nga alam kung imagination lang ba yun eh.”
“Wow, that’s a neat way of saying virgin ka na ulit,” at natawa talaga siya. “That’s funny.”
Natawa siya na kailangan pa niyang sabihin na nakakatawa yung sinabi ko. At natatawa talaga siya. Isa sa mga sincerest moments na nakita sa totoong buhay. At ako ang dahilan. Nakakatawa ako. Bago iyon. Pero hindi ako nandito para ma-in-love.
“Ano, maliligo ka ba?” ulit ko.
“Seriously?”
“Oo, eh. Pauwi na siguro ang mga yun.”
“At four a.m.?”
“Midnight ang flight ng kapatid ko pabalik from Singapore. Sinundo nina Mama at Papa.”
“Ba’t di ka sumama?”
“Para makita kung gaano sila ka-proud sa kapatid ko?”
Humarap siya sa akin na parang nagtatanong.
“Naka-discover kasi yung grupo ng kapatid ko ng bacteria na kumakain ng kalawang…”
“That’s not a first.”
“Wow, nauna ka? May karera?”
Natawa ulit siya.
“I mean you’re brother isn’t that remarkable if that bacteria is his benchmark.”
“Remarkable na yun sa parents ko. Teka, nag-o-open up na ba ako sa’yo?”
Natawa na naman siya.
“Tawa ka nang tawa. Gusto mo na bang mag-asawa?”
“Cannot be here in this country though,” sabi niya. “But you are seriously funny and it takes a lot of intelligence to be that witty. So don’t compare yourself too much with your brother.”
“Hindi naman ako ang nagkukumpara.”
“Still.”
“Thanks.”
Natahimik kami.
“Can I have a towel?” sabi niya.
Tumayo ako at kumuha ng bagong twalya, iniabot sa kanya. Tapos ay pinulot ko ang gitara at ang mga bote ng beer na makakaya kong dalhin sa isa ko pang kamay.
“Second door to the right,” sabi ko nang mapansin kong papalabas na siya ng kwarto.
“Yup, thanks,” sabi niya.
Pero bago pa niya mahawakan ang pinto ay bumukas na ito.
Nakatayo si Mama. Nakatingin sa amin.
0
Chapter 3: The One With The Line
CHAPTER 3
GINUSTO ko ’to. Ito talaga ang gusto kong mangyari. Yung makita ni Mama na masama ako. Malaman ni Papa na masama ako. Maabutan akong gumagawa nang ipinagbabawal sa bahay na ito. Ilang beses ko nang sinubukang gumawa nang mabuti, naging pinakamabuti na rin nga ako minsan, pero wala, hindi nila napansin. Ngayon sigurong masama na ako. Makukuha ko na ang kanilang atensyon.
Nanatiling nakatayo si Mama sa may pinto. Tiningnan ang buo kong kwarto. Una sa akin. Tapos, sa nagkalat na mga chips at mga bote ng beer sa sahig. Tapos sa gitara kong na mesa, nakatakip sa mga notebooks at calculator ko. Tapos, sa lalaking nakatapis ng twalya. Tapos, bumalik ang mga mata niya sa akin na kapirasong kumot lang ang nagtatakip sa katawan.
“Mag-c-CR lang ako,” sabi ni Mama. “Nagpa-park na ang Papa mo.”
Tumalikod si Mama at iniwan kami.
Hindi ko alam ang mararamdaman. Hanggang sa tumingin sa akin ang lalaking pain ko sa mga plano ko. Kabado siya. naramdaman ko. Lumipat sa akin ang kaba niya. Nagkatitigan pa kami at pinagsama ang takot namin sa aming mga mata. Kaunting tango, tapos alam na namin. Kailangan na naming maghiwalay.
Mabilis na nagbihis ang kasama kong lalaki na hindi ko matandaan ang pangalan. Nagtapis naman ako ng twalya. Tapos ay inihatid ko siya sa kusina kung saan may daan palabas ng bahay.
“Pakisara ang gate,” sabi ko, na lilinga-linga na baka makita kami ni Papa. Akala ko matapang ako. Akala ko, kaya ko ang sitwasyon. Pero nang makita ko na ang mga mata ni Mama kanina, hindi ko pala kaya. Lalo pa ang mangyayari kung si Papa ang makakaalam.
GUMISING ako sa oras na pasok pa sa itinakda para gumising. Breakfast na. Pupungas-pungas pa ako nang tumabi sa upuan ni Mama. Nilalagyan na ni Papa ng pagkain ang plato ni Patrick na nasa kanan niya.
Dumating si Mama na may dala pang isang putahe. Ang aga-aga para sa kare-kare. Paborito ni Patrick.
Umupo si Mama sa tabi ko.
“Kumain ka na rin,” sabi ni Mama sa akin. Sumunod na lang ako.
Kaunti lang ang usapan habang kumakain. Mga kwento ni Patrick tungkol sa Singapore. Kung paanong second place sila sa kanilang project. At kung paanong muntik na silang manalo.
Marami pa, pero iyon na lang ang inalala ko. Second place. Napangiti ako. Napansin pala ni Papa.
“Hindi ka pa naliligo?” tanong ni Papa.
“Mamaya na po, bago pumasok,” paalam ko.
“Hindi ka ba sasabay sa amin ni Patrick?” tanong ni Papa.
“May tatapusin pa po akong paper,” sabi ko.
“Ilang taon mo nang tinatapos ang paper na ’yan,” sabi ni Papa.
“Five years naman po talaga ang Engineering,” sabi kong proud pa. Fifth year na ako. Hindi pa ako overstaying.
“Pero ga-graduate ka ba?” Iyon lang. Doon ako natameme. Fifth year nga ako ngayon, pero hindi ako graduating. Napahinga nang malalim si Mama at naramdaman ko ang mga mata niya sa gilid ng mata ko.
“Baka magkasabay pa kayo ni Patrick grumadweyt sa isang taon,” tuloy ni Papa
“E di bongga,” sabi ko.
Nanlaki ang mga mata ni Mama na tuluyan nang tumingin sa akin. Napatitingin din sa akin sina Papa at Patrick.
“E di sabay, double celebration,” tuloy ko. “Sa kasal lang naman may sukob.”
“Bakit, ikakasal ka ba?” tanong ni Patrick at tumawa.
Natapos si Papa at si Patrick kumain. Tumayo at naglakad papalayo sa mesa. Nanatiling tahimik kami ni Mama. Malinaw pa ang usapan nina Papa at Patrick sa aming pandinig.
“Pa, huwag mo kalimutan yung alumni homecoming ng Basketball Varsity,” sabi ni Kuya.
“Oo naman,” sabi ni Papa. “Ipapahiya ba kita sa teammates mo?”
“Thanks, Pa.”
Hanggang lumabo na sa tenga namin ang kanila pang masasayang bagay na pinag-uusapan. Hanggang sa tuluyang mawala ang mga boses at mapalitan ng taginting ng pagtama ng kutsara sa mga pinggan. Nakakabingi iyon. Mas nakaka-guilty. Hindi ko pala kayang pangatawanan ang gusto kong kasamaan.
“Sorry Ma,” sabi ko.
Hindi sumagot si Mama. Nagpatuloy lang sa pagkain.
“Ma,” ulit ko.
Wala pa ring tugon. Pumikit siya nang matagal bago dumilat. Alam kong isa na lang, sasagot na siya.
“Ma,” isa pa. “Sorry.”
“God, Michael Joe, I don’t even know where to start,” sabi ni Mama.
“Sorry na Ma. Di na mauulit.”
“Ang alin Michael Joe?” Hala, dalawang beses na naulit ang first at second name ko sa usapan. At nag-uumpisa pa lang siya. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko. Sinubukan kong ibaba nang sobra ang sarili ko dahil iyon naman ang tama, pero kinabahan ako sa mga sasabihin ni Mama.
“Sige sabihin mo kung bakit ka sorry,” tumingin siya sa akin at tumuloy. “Dahil sa pagtugtog-tugtog mo na sinabi na namin ng Papa mo na huwag muna ngayon at nagkakanda-letse-letse na ang pag-aaral mo. O dahil sa marunong ka nang uminom at proud ka pang gawin dito sa pamamahay natin at ginagawa mong beer house itong…”
“O dahil bakla ako,” hindi ko alam kung saan nanggaling iyon. Napagod yata ako sa paghihintay ng listahan ng mga pagkakamaling hindi ko alam na iniipon pala nina Mama. Kaya deretso na sa pinakamalaking pagkakamali ko sa pamilyang ito.
Muli siyangnapapikit at nang dumilat, ay nasa kawalan na ang kanyang tingin. Lumuwag ang hawak niya sa kanyang mga kubyertos.
“Bakit ba hindi ka na lang maging katulad ni Patrick?”
Parang umangat lahat ng kutsilyo mula s kusina at tumarak patungo sa aking puso. Tapos ay hindi ko namalayan ang pagtulo ng luha ko. Sana pinagalitan na lang ako. Napailing ako.
“Hindi po eh.” Mga kubyertos ko naman ang parang dumulas sa aking kamay.
Hindi pa rin humarap si Mama.
“Huwag mo na lang ipapaalam sa Papa mo,” sabi ni Mama.
NILUNOD ko sa alak ang katotohanang bawal kong ipaalam. Sinabayan ng gitara. Itinuloy ko ang kanta.
Tumatagos ang iyong mga mata
Hindi nakikita ang aking kaluluwa
At ang buhay kong ipinapakita
Ay pinipilit ko lang para kahit kaunti, kahit sandal
Ako ay magustuhan mo
Tapos ay unti-unting humina ang pagtipa ko ng gitara. Hinintay ang mga palakpak na hindi dumating.
Iniwan ko ang stage at pumunta kay Kuya Lito. Kinuha ang huling beer na libre para gabi ng tugtog ko. Umupo muna ako at ninamnam ang pagguhit ng alak sa aking lalamunan. Ang sarap.
“Hindi ka pa naman itinatakwil ng nanay at tatay mo ’no?” tanong ni Kuya Lito.
“Hindi pa naman po,” sagot ko.
“Inaaraw-araw mo na kasi ang pagtugtog dito,” tuloy ni Kuya Lito. “Hindi kita kayang pag-aralin ha. Hindi sapat ang tugtog mo para mabuhay.”
“Kuya Lits naman,” sabi ko. “Maluwag lang talaga ang sched ko ngayon. Sayang naman ang spot kung walang tutugtog.”
“Basta ang pag-aaral mo ha,” sabi ni Kuya Lito.
“1.5 ang paper ko,” yabang ko.
“Kung hindi ka tumutugtog dito, baka nai-uno mo ’yon.”
“Hindi nakakain ang uno. Yung pagtugtog ko dito, may libreng ganito,” at itinaas ko ang beer. “paisa ka pa naman, Kuya Lits.”
“Hindi na pwede, uuwi ka pa.”
“Kaya ko naman.”
“Mag-aaral ka pa pag-uwi mo,” sabi ni Kuya Lito habang pabalik sa kitchen.
“Naaral ko na.”
“Hindi ka magandang ehemplo sa mga ka-org mo.”
“Executive Board ako ng Underground, Kuya Lits, alam mo yan. Idol ako ng mga yon!” sabay tawa naming dalawa.
“Yuh, idol ka nga,” sabi ng lalaking tumabi sa akin. May hawak na beer at umiinom na rin. “But I don’t think it’s that great.”
“Alin ang tini-think-think mo?” sabi ko sa pakialamerong bagong dating.
“The song that you just did,” sagot niya.
“Hindi pa kasi tapos yun,” sabi ko. “Work in progress.”
“Change the kaluluwa part. Kinda horror…”
“Alam mo ang kaibahan ng beer at ng opinion mo?” untag ko.
“Sorry,” sabi niya. “I forgot. A single fuck wouldn’t make us friends.”
Hindi na ako nagsalita. Kung hindi dahil sa lalaking ito, e di sana, kinakausap ako ni Mama. Sana hindi bawas ang baon ko.
Pero syempre, kailangan kong maging mature. Hindi ko pwedeng isisi sa iba ang mga kamalasan ko sa buhay. Ginusto ko naman ang nangyari. Gusto ko talaga. Plano ko talaga.
“How about I get you another bottle?”
“How about bawasan mo ang English mo?”
“Sige,” sabi niya na kahit confident ang datingan e dama ko ang paninimpla. Hindi niya alam kung ano ang nangyari sa akin pagkatapos naming maghiwalay. Hindi ko rin alam ang nangyari sa kanya.
“Atsaka isang bote pa,” sabay ngiti ko sa kanya para mabawasan ang tensyon.
“Sure,” sabi ni niya. “I mean, sige ba. Kuya Lits, isang bote pa para sa akin bagong kaibigan.”
Natawa ako. “Akin bagong kaibigan”
“Yes why?” sabi niya.
“Si Barok ka ba?”
Tumawa siya. “How old are you…”
“Tagalog di’ba?”
“Ilan taon ka na at bakit mo kilala si Barok?”
“Bata pa para makilala si Barok,” sabi ko. “Pero buhay pa ang mga lolo’t lola ko. Ikaw? Ilang taon ka na?”
“Bata also,” sabi niya. “I’m from the College of Social Science and Philosophy. We’ve studied… napag-aralan lang namin.”
“Sige na, mag-english ka na,” sabi ko. “Eto na naman ang beer eh. Close na tayo.”
“Really it’s the beer that will bond us, not the sex.”
“Mahilig ka sa sex ’no?”
“We are college students with raging hormones. Who’s not mahilig sa sex and im gonna fuck him.”
“Libog mo,” sabi ko at natawa siya nang malala.
“May pinagdaraanan lang,” sabi niya.
“Pag may pinagdadaanan dapat nakikipagsex?”
“Well, it helps,” sabi niya. “Like even for a short while, I feel like I am still needed, wanted.”
“Bakit di ka magbenta ng drugs, nakaka wanted din yun.”
“And what? Ma-tokhang?” sabi niya.
“Mga suggestion mo Kel,” sabi ni Kuya Lito na nagbaba ng beer. “Ambabata ng mga pinapatay ng mga pulis ngayon. Hindi magandang joke yan tokhang-tokhang na ’yan.”
“Sorry na,” sabi ko. “Pero oo. Masaya naman makipagsex.”
“Teka lang ha, bago kayo mag-usap tungkol sa sex ninyo, lalayo lang ako,” paalam ni Kuya Lito. “Respeto naman sa tunay na lalaki.”
Natawa na lang kaming tatlo habang bumabalik si Kuya Lito sa kusina.
“So, masaya ang sex,” sabi ng kausap ko.
“So, may pinagdadaanan,” sabi ko.
“So, you want to talk about life more than sex?” sabi niya.
“Oo,” sabi ko. “Mas gusto kong makarinig ng kwentong mas malungkot sa pinagdaraanan ko.”
“We all have our sad stories,” sabi niya. “And I’m sorry if I’ve caused yours. Let’s talk about that pink elephant now. I’m sorry about last time.”
“Okay lang. kasalaan ko naman yon. Hindi ko dapat ginawa yun.”
“Was that your first time?”
“Not after a long long time. Parang virgin na ulit ako. Nangangapa na ulit.”
Nagtawanan kami.
“How was your mom?”
“Iyun,” sabi ko. “Alam na niya.”
“Moms have their way of knowing. Alam na nila kahit hindi pa nila sinasabi.”
“Mukha naman. Kaya lang in denial ang Mama ko. Alam na niya. Pero alam lang niya. At pinaalam niya sa akin na hindi pwede. Hindi pwedeng maulit. Hindi pwedeng malaman ni Papa. Hindi pwedeng maging ganito ako.”
“Sayang,” sabi niya. “Ang sarap mo pa naman.”
“Sarap ba?” tanong ko na nakangiti.
“I thought you were an engineer,” sabi niya. “You’re mangingisda pala.”
“Ha? Banat ba yan?” tanong ko.
“You’re so fishing eh,” tumawa siya. Natawa rin ako.
“Lagi mo bang ginagamit yan?”
Umiling siya at natawa. Pero parang may ala-alang dumaan sa kanya. Mukhang hindi niya gusto ang huling pagkakataong nagamit niya ang banat na ’to. Pinalampas ko na lang. tinuloy namin ang tawa. Minsan lang ako makahanap ng lalaking nakakatawanan ko. At itong isang ito, in English pa. May class. Society.
“Gusto mo ako, no?” tanong ko. gusto ko siya eh. Mabuti na yung ngayon pa lang h malinaw na.
“Obvious ba?” tanong niya. “I like you even if you don’t like yourself.”
Naguluhan ako sa sinabi niya. Anong alam niya sa akin?
“Did I cross the line?”
Napailing ako. Hindi ko lang talaga naintindihan.
“It’s hard to be ourselves when the people around us don’t want us to be,” sabi niya. “And it is okay. We are stupid when we are in love. We lose ourselves when we are in love. And it is the same love that keeps us from being who we are in our homes, when our family doesn’t approve of who we truly are. And it’s okay.”
“Hindi yun okay,” sabi ko.
“Of course it is not,” sabi niya. “But you’re just saying that.”
Tama siya. mahal ko pa rin sina Mama at Papa. Pati si Patrick. Kaya itinatago ko pa rin sa kanila ang isang bagay na malamang ay alam na nila.
Itinaas ko ang beer ko. itinaas din niya ang beer niya at pinagtama ang mga bote namin bago uminom.
“Gabby right?” sabi ko. Pilit kong inalala ang pangalan niyang binanggit nung nasa kotse niya kami.
“Gabriel, actually,” sagot niya.
“Gusto rin kita, Gab,” sabi ko.
Chapter 4: The One With The Call
Chapter 4
“HAVE you killed anyone?” tanong ni Gabriel sa akin.
Nakahiga kami sa kama niya. Sa kwarto niya. Sa condo niya. “Actually, I am sharing this with my sister,” sabi niya. Kaya lang wala ang ate niya, hindi niya alam kung kailan babalik. Kaya naman walang papasok na lang sa pinto tulad ng ginawa ng nanay ko.
Nakahiga ako sa kama niya, katabi niya at kapwa kami nakatingin sa kisame. Kahit sa sarili kong kwarto ay hindi ako naging ganito kahubad. Kahit kumot ay walang tumatakip sa aking katawan. Hindi ko akalaing kakayanin ko ito na walang nararamdamang hiya kahit pa may katabi akong kailan ko lang nakilala. Sapat na sa akin na sinabi niya sa akin na gusto niya ako para mawala ang lahat ng panangga ko sa mundo. Ngayon lang may nagkagusto sa akin ulit. At hindi ko maaaring sabihin sa kanya na nakapatay na ako.
Umiling ako sa tanong niya na hindi ko alam kung saan nanggaling. Hindi pa naman talaga ako nakakapatay.
“Any plans? Thoughts of murdering…” tuloy niya.
“Hindi ako masamang tao,” sagot ko.
“Great,” sabi ni niya. “I’ll just take a nap. Pinagod mo ko.”
“Yun lang pala,” sabi ko.
“And please don’t try to take anything,” sabi niya.
“Hindi ako magnanakaw,” sabi ko.
Hindi na siya nagsalita. Naghintay ako ng kahit anong hirit pa niya. Pero wala. Ang sumunod na tunog na lang ay galing sa malalim niyang paghinga na ilang sandal pa ay nagi nang paghilik.
Bahagya akong bumangon at napangiti sa gwapong lalaking ito. Patas nga ang diyos. Dahil kahit gaano siya kaperpekto sa pagkakataong ito, walang dangal ang lakas ng kanyang paghihilik.
Ngayon ko lang din napatunayan na mahirap pagsabay-sabayin ang mga pandama. Dahil nabingi ako nang mapatitig ako sa kahubdang kanina lang ay kadikit sa aking katawan. Hindi ako makapaniwalang ang isang tulad nito ay gusto ako. Hindi lang bilang tawag ng laman. Sinabi niya sa akin na gusto niya ako.
Napakaamo ng kanyang mukha na hindi tumutugma sa laki ng kanyang katawan. Makinis at maputi. Matikas ang mga tamang bahagi. Gusto kong bumalik sa kanyang dibdib. Gusto kong salatin ang abs niyang guhit na guhit sa kanyang pagkakahiga. Mahugis ang kanyang hita at binti. Hindi mga napabayaan kaya’t bagay sa laki ng kanyang katawan. Bagay sa laki ng kanyang kalahatan. Napatingin ako sa harapan niyang nakapaling sa kanan. Mukhang napagod talaga siya.
“Kiss me first before you touch it,” sabi niya. Gising pala si Gab at mukhang ilang sandal na rin niya akong pinanonood panoorin siya.
“Baka tumigas, e” sabi ko. “Kailangan ko nang umuwi.”
“Tumigas?” at natawa siyang nakatingin sa aking harapan. Ang tigas na pala ng sa akin.
Umangat si Gabriel at inilapit sa akin ang kanyang mga labi. Sinalubong ko ang lambot ng kanyang mga labi. Mainit ang pagdadampi namin. Hindi ko maisip kung paanong ang ganito kalambot na bibig ang kanina lang ay parang tren na umaalulong. Hindi ko rin napigilang matawa.
“Why are you laughing?” tanong niya.
“Lakas mo kasi maghilik kanina,” sabi ko.
“Oh sorry,” sabi niya.
“Okay lang,” sabi ko. “Sarap mo naman panoorin.”
“Now, I am the masarap one.”
“Kahit naman hindi ngayon.”
“Talaga?” at siya naman ang nangiti at dahan-dahang pumatong sa akin. “Masarap ako?” tapos tumingin siya sa katawan niya bago muling tumingin sa mga mata ko. Nasundan ko ang kanyang mata at nang magtama ang aming paningin ay napakagat labi ako.
“You like what you’re seeing, huh?” at mula sa pagkakapatong niya sa akin ay umupo siya sa aking harapan at gumiling.
“Huy, tigilan mo yan,” pigil ko. “Uuwi pa ako.”
“For real?” sabi ni Gab, “Even if I do this?”
Itinaas niya ang kamay niya at hinagod ang kanyang buhok. Tiningnan ang kanyang brasong pumuputok ang mga muscles. Dinahan-dahan niya ang paggiling sa ibabaw ko at tumingin sa mga mata ko ang pinaliit niyang mga mata. Tinaggal ang pagkakagat niya sa labing marahang binasa ng kanyang dila.
“Five minutes,” sabi ko. Iniangat ko ang likod ko. Marahan siya umatras at sinalo ang aking pagkakaupo. Inilagay niya ang mga kamay sa aking tagiliran at tinitigan ang aking mga mata. “Ang naughty mo.” Yun lang ang naidugtong ko.
“This is so good,” at hinalikan niya akong muli.
IYON na yata ang pinakamahabang limang minuto ng buhay ko.
“I think you know, it’s worth it,” sabi ni Gabriel habang nagmamaneho siya para ihatid ako sa amin. Isang kamay nasa manibela, isa nakahawak sa kamay ko. Nasabi niya ’yon siguro dahil na rin sa hindi mawalang ngiti sa mukha ko. “I had fun, too.”
Bahagya kong hinigpitan ang kamay niyang nakakapit sa akin.
“So when will I see you again?”
Napakunot ang noo ko. Kailan niya ako makikita ulit? Eh sinabi ko na naman na gusto ko siya. At gusto niya ako. Syempre magkikita pa kami madalas.
“Anong lakad mo bukas?” tanong ko.
“You mean later?” sabi niya.
“Ibang araw na nga pala,” sabi ko. “Oo, mamaya.”
“La naman. Gym then off to the rehearsals.”
“Rehearsals?”
“Directing a play right now,” sagot niya. “Nood ka ha.”
“Oo naman. Kailan ba?”
“Next month pa naman.”
“Sige, basta libre.”
“Well, if we still like each other by then, why not?”
Siguro nga e may pinagdaraanan ang mokong no ’to. Bakit naman hindi na namin gusto ang isa’t-isa? Kanina nga lang, sobrang gustung-gusto namin ang ginawa namin, nakadalawa kami.
“Ikaw? Any plans later?” tanong niya na parang nabasa ang iniisip ko, pero ayaw niyang patulan. Iniba na lang ang usapan.
“Wala naman,” sabi ko. “Bahay siguro. Sulat kanta. Sana makasulat.”
“Not to be a Bad Influence,” sabi niya. “But if there aint nothing coming in for you to write, we can just jog around the campus. Cardio na lang muna ako.”
“Naku, hindi ako nagjo-jog, baka maiwan mo lang ako.”
“I’m in no hurry,” sagot ni Gabriel. “Sabayan kita.”
“Sige,” sabi ko. “Mga anong oras?”
“Four PM?”
ALAS tres y media. Inayos ko na ang mga pamalit kong damit. Pagpapawisan na naman ako. Pagkatpos ng jogging, sa condo muna kami ni Gabriel. Magpapapawis pa ulit. Bago siya pumunta sa rehearsals niya. Mas nagustuhan ko na ang mga sumusunod na araw mula nang makilala ko si Gabriel. Nagkaroon ako ng mga bagay na aabangan.
OTW na ako. Text ko kay Gabriel.
Shorts, sando. Rubber shoes. Isang maliit na bag. Tumayo ako papalabas ng kwarto. Ayokong maunahan ako ni Gabriel sa kanto kung saan niya ako susunduin. Kung hindi nga lang madaling araw kanina, ay hindi ako papahatid sa gate namin. Ayokong makita ni Mama lalo pa ni Papa na may nagahatid sa akin. Lalo pa kung may susundo.
Pero bago pa man ako makalabas ng pinto ay may humarang na sa akin.
“Iyan ang soot mo papunta sa Lola mo?” tanong ni Mama.
“Bukas pa ang birthday ni Lola, di’ba?” sabi ko. “Atsaka akala ko, okay lang na hindi ako sasama.”
“Hindi pumayag ang Papa mo,” sabi ni Mama na dumiretso na sa kwarto ko at naupo sa kama. “The whole family is expected.”
“Pero Ma,” sabi ko. “Wala naman akong gagawin dun. Hindi ko naman kasundo ang mga kamag-anak ni Papa.”
“The more that should you be there. Para makasundo mo na sila. Sige na. Fixed yourself. Magsoot ka nang maayos-ayos. At magbaon ka ng magandang damit na susuotin mo bukas. Dun na tayo matutulog.”
Sinimulan ko nang palitan ang mga gamit na nailagay ko sa bag ko. Wala naman akong magagawa. Habang bahagi ako ng pamilyang ito, gusto ni Papa ang masusunod.
“Bakit naman kasi ngayon na tayo pupunta?” bulong ko.
“Hindi naman maluluto ng isang oras ang mga handa ng lola mo,” sabi ni Mama. “Doon na kami maghahanda ng mga Tita mo. Nako, dapat luto ko ulit ang pag-usapan. Sige na, palitan mo na yang sando mo.”
Tumayo si Mama pero saktong tumunog ang telepono ko. sabay kami ni Mama na napatingin sa telepono ko. Tumatawag si Gabriel. Nabasa ni Mama. Tumingin si Mama sa akin.
“Are you planning to go somewhere?” tanong ni Mama.
“Jo-jogging lang po,” sabi ko.
“Hindi ka naman mataba, bakit ka magjo-jogging?”
Naningkit ang mga mata ni Mama. Nanghuhusaga habang patuloy pa rin ang pag-ring ng telepono. Tiningnan ko ang telepono at sumunod ang mga ni Mama doon. Bago ko pa makuha ang phone eh sinagot na ito ni Mama.
“Hello?”
Pinanood ko lang si Mama. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko.
“Okay,” sabi ni Mama. “Michael wouldn’t make it to your jogging. Sorry.”
Napahinga ako nang malalim.
“Wait, don’t hang up,” sabi ni Mama. “Bakla ka ba?”
Lalong kumabog ang dibdib ko. Gusto ko nang mamatay.
Chapter 5: The One In Montalban
Chapter 5
SORRY.
Text ko kay Gabriel matapos niyang makausap si Mama. Wala siyang reply. Ilang sandal na rin ang nagdaan. Nakasakay na nga ako sa kotse, katabi si Patrick habang si Mama ay nasa harapan, katabi ni Papa na nagmamaneho.
Dumaan kami sa 7/11 kung saan siya dapat maghihintay sa akin. Hindi ko nakita ang kotse niya. Sana hindi siya galit. Gusto ko pa rin siyang makita. Pero gugustuhin pa ba niya akong makita matapos niyang makausap si Mama na hindi ko man lang alam kung ano ang pinag-usapan nila.
Matapos kasi ang tanong ni Mama. Nagsabi lang si Mama ng “okay,” tapos, lumabas na siya ng kwarto. Nagtext agad ako kay Gabriel. Anong sabi mo kay Mama? Sabi ko. Hindi naman siya sumagot. Naimpake ko na ang mga dapat dalhin, polo at jeans at underwear. Nagdala na rin ako ng tsinelas at nagpalit ng sneakers. Ang sando, pinalitan ko na ng t-shirt. Pero wala pa rin reply si Gabriel.
Nagtext ulit ako. Sana hindi ka galit.
Pero wala pa ring reply. Nakasakay na ako sa kotse. Umandar. Huminto at lumabas ng subdivision, wala pa rin siya reply. Baka nga galit siya.
Sorry Gabriel, huli kong text at hindi na ako naghintay ng reply.
Pero para namang may pagpipilian naman ako sa mga gagawin. Mahaba ang biyahe, at hindi naman umiimik ang kapatid kong may nakapasak na sa tenga. Sina Mama at Papa naman, may sariling mga usapan. Ayoko namang makinig sa kanila.
Inilabas ko na lang ulit ang telepono ko at tiningnan ang mga pwedeng buksang site gamit ang data ko. mago-load na lang ulit ako kapag naubusan na.
NAKARATING kami sa bahay ni Lola sa Montalban. Malaki ang lumang bahay at may swimming pool sa likod. Maayos ang tubo ng mga halaman at halatang may nag-aayos. May ilang pinsan na rin akong nandoon. Mga tito at tita na bumeso kina Mama at Papa. Nagmano na rin ako sa lahat ng matandang nakita ko.
“Mike,” sigaw ng isa kong pinsan. Kababata ko ito noon. “Swimming tayo mamaya!”
“Sige,” sabi ko kahit wala akong intensyong ginawin.
Pagkatapos ay umakyat na kami sa second floor. Pumasok kami sa dating kwarto ni Papa. Sa kanya pa rin ang silid at walang ibang taong umokupa. Tatlong lalaking magkakapatid sina Papa. Panganay siya, pero dikit-dikit din ang edad. Kwento niya, nag-unahan daw silang mag-asawa at magkaroon ng lalaking anak. Asar talo ang mahuhuli.
Si Tito Danilo, ang pangalawa niyang kapatid ang naunang makapag-asawa. Pero hindi ito nagkaroon ng anak kaagad. Sumunod na ikinasal ang bunso sa pamilya. Si Tito Emilio. Sinubukan pang humabol ni Papa para hindi siya maging talunan, pero nabuntis agad ang mapapangasawa ni Tito kaya’t minadali ang pag-iisang dibdib nila. Hindi nakasunod agad si Papa dahil sukob daw.
Babae ang unang anak ni Tito Emilio. Hindi iyon valid. Dahil nang makasal sila, ang naging kantyawan naman ay ang unang magkakaanak ng lalaki. Mga babae pa ang sumunod na anak ni Tito Emilio, kaya naman kahit nanatiling walang anak si papa, si Tito Emilio pa rin ang kulelat.
Pero hindi pa rin si Papa ang nauna sa pagbibigay ng anak na lalaki. Si Tito Danilo. Ilang taon na ring hindi uma-attend ng reunion ang anak ni Tito Danilo. Hindi ko na matandaan kung elementary ako o highschool nang makita ko ang pinsan kong iyon. Naalala ko kasi pogi yun e. Maganda ngumiti. At kahit college pa lang siya noon, maganda na ang katawan. Si Kuya Al.
Minsan nga, swimming, ditto rin. Naka-board shorts at sando siya. Okay lang. pero nang nag dive siya sa pool at umahon, bumakat ang katawan niya sa damit niya. Hindi ko na matandaan kung elementary ako o highschool, pero natatandaan ko pa rin ang mga bukol ng abs niya sa basang puting sando. Doon ko unang nakita ang maganda niyang ngiti. Napangiti rin ako noon. Tapos tinanguan niya ako. Parang may ibang ibig sabihin ang tango niya at nahiya ako. Umiwas ako ng tingin.
Masaya sina Lolo Pancho sa mga lalaki niyang apo. Si Lola Teresita naman ang nagigiliw sa mga babaeng apo. Pero silang dalawa, iba ang amor kay Kuya Al. Iba talaga ang lalaki sa pamilya namin. Nang hindi nagpakita si Kuya Al sa mga reunion na ganito, sa akin nalipat ang atensyon ni Lolo. Si Lola, naiwan na sa mga babae. Pero alam ko, hinahanap pa rin niya si Kuya Al. Hinahanap ko rin si Kuya Al. Lalo pa ngayon na naiwan ako sa kwarto.
Hanggang sa mag-ring ang telepono ko. Mas gusto ko sa hinahanap ko ang dumating. Si Gabriel.
“Hello,” mabilis kong sagot.
“Hey,” sagot niya. “Sorry, I wasn’t able to reply.”
“Okay lang, ako nga ang sorry. Hindi natuloy ang jogging natin.”
“Nah, okay lang din. I just hit the gym. And now, I am driving, I have no idea where to go.”
“Nasa Rizal lang ako.”
“Rizal like in Antipolo?”
“Rizal, Montalban.”
“Ang layo,” sabi ni Gabriel.
“Oo nga,” sang-ayon ko.
“Send me your location na lang, then I’ll just follow the map.”
“Pupuntahan mo ako?”
“Don’t sound like you’re not expecting it,” may yabang sa boses ni Gabriel. Hindi naman ako na-offend. “And you owe me. You ditched me kanina. And I saved you from your mom.”
Nakabawi naman ang yabang niya nang paniningil.
“Sige,” sabi ko na totoo namang gusto kong makita siya. “Pero malayo talaga ito.”
“It’s almost midnight. I don’t think traffic is still that heavy.”
“Bahala ka,” sabi ko.
“Just send me your location. And if you don’t hear from, I might need you to panic ’cause I might be dead.”
“Bakit ka naman mamamatay, wala na naman daw mga NPA dito,” joke ko.
“I’ll correct your notion of NPA some other time,” sagot niya na parang hindi nagbibiro. “But for now, I just mean that I’ll do anything to get to you tonight. Okay?”
“Okay,” sabi kong hindi alam ang mararamdaman.
“Good. See you later.”
Nadagdagan pa ng kalituhan ang hindi ko na naiintindihang nararamdaman. Bakit niya ako pupuntahan? Ang layo nitong Montalban. Ilang bundok ba bago makarating dito. Hindi ako mapakali sa kakaisip, kaya’t tumayo ako at ibinulsa ang telepono. Hindi ako makakapaghintay kay Gabriel ditto sa kwarto lang. Mababaliw ako.
Lumabas ako at nilibot ang mansion. May mga maliliit na bata na rin. Mga anak siguro ng mga anak ni Tito Emilio. Ang mga lalaki, may naghahabulan na may hawak na baril. Ang mga babae naman, nilalaro ang mga manyika nila sa isang maliit na bahay.
Nilampasan ko sila at tumungo sa kusina. Nandoon si Mama at ang mga asawa nina Tito Emilio at Tito Danilo. Kanya-kanya sila ng hiwa ng gulay, bate ng itlog, bukas ng delata. Mukhang magpapasikatan talaga sila ng recipe.
“Yes Michael?” tanong ni Mama sa akin nang makita ako. Pangmayaman ang boses niya, yung parang inipit at may twang sa ‘kel.’
“Wala po Ma,” sagot ko. “Ikot lang ako.”
“Wag ka mag-ikot,” sabi ni Mama sa may katinisang boses. “Be with your Papa and Patrick. Bond with your Tito and cousins.”
“Opo,” sabi ko at umalis ako sa kusina.
Sa labas, malapit sa pool, may mesa kung saan umiinom ang mga tito ko, si Papa at si Patrick, at ang mga pinsan naming nasa edad na.
“Michael,” sabi ni Tito Danilo na medyo nilamyaan ang boses. “Shot ka na.”
Tumingin nang masama si Papa. Alam ko ang tingin na iyon ni Papa. Kailangan kong patunayang mali si Tito Danilo sa tono ng kanyang pananalita. Na uurong ako sa alok niyang alak. Ako pa ba? Umupo ako sa tabi ni Patrick at kumuha ng bote ng beer. Uminom ako hanggang sa makakalahati. Ngumiti si Papa. Inabot ako at ginulo ang buhok ko.
“Hindi ba college na rin si Enchong mo,” sabi ni Papa kay Tito Emilio.
“Oo, teka,” sabi ni Tito Emilio. “Enchongito, ahon ka muna diyan”
Umahon si Enchong. College na nga siya. kita na ang pagbabago sa katawan niya. Kung alam ko lang na ganito ang katawan ng nagyaya sa akin kanina lumangoy, hindi na ako tumambay at nagmukmok sa kwarto.
Hindi tulad ni Kuya Al nang umahon, wala nang pang-itaas si Enchong. Naka-jammers speedos sya na kahit takip ang balat ng fit na tela hanggang sa itaas ng tuhod, masyado namang mababa ang pagkakasuot niya na halos lumabas na ang buhok niya sa harapan. Malamang, inahit niya iyon para walang makita. Buo na kasi ang V-line niyang sumasalubong sa kanyang abs. Hindi ko na binaba pa ang tingin ko sa bakat niya dahil baka may bumakat rin sa akin. Hindi iyon pwede lalo pa ngayon.
“Varsity yan ng swimming,” pagmamayabangni Tito Emilio. Ito ang game nilang magkakapatid. Payabangan na ng anak.
“Legal na edad na ba ’yan?” tanong ni Tito Danilo.
“Sa laki niyan, malamang nung kinse yan e umiinom na rin yan,” sabi ni Papa. “Maranasan naman niya na mga kadugo niya ang kainuman niya. May beer pa ba dyan?”
“Ako na pa,” sabi ko. Tumayo ako at kumuha ng beer sa cooler. Itinapat ko sa gilid ng mesa ang takip at binuksan ang bote bago ko iabot kay Enchong. Napabilib ang mga tito ko. Napangiti lalo si Papa.
Kinuha ko ang bote kong nakapatong at itinapat kay Enchong. Binangga ni Enchong ang bote niya sa bote ko at ngumiti. Sabay kami uminom.
“Mabuti naman at barakong barako na rin ito,” sabi ni Papa. “Baka atakihin sa puso ang tatay natin kung may bibigay pang isa.”
Tumawa si Tito Emilio. Ngumiti lang si Tito Danilo.
Inubos ni Enchong ang beer niya. Inubos ko na rin ang sa akin.
“Dad, balik na ako sa pool,” paalam ni Enchong sa tatay niya.
“Bakit? Ano bang gusto mo, magpainit, o magpalamig? Inom lang tayo,” sabi ni Tito Danilo. “Pakalasing kayo. Lalaking-lalaki kayo eh.”
Nagtawanan kaming lahat. Nakitawa lang ako. Tawang-tawa ako sa kinalalagyan ko.
“Michael, inom pa kayo,” sabi ni Papa.
Kumuha ulit ako ng dalawang bote at binuksan. Tig-isang bote ulit kami ni Enchong. Ngumiti sa akin si Enchong. Naalala ko ang ngiti ni Kuya Al. Pero hindi na ako nahiya. Pinatulan ko ang ngiti niya. Natawa ako at itinaas ang beer ko kay Enchong.
“Painit tayo,” sabi ko.
“Painit tayo,” sabi ni Enchong na mas lumaki ang ngiti.
Hindi ko alam kung naiintindihan ni Enchong ang gusto kong sabihin. Pero natawa na lang ako sa pagsang-ayon niya. Siya na ang kausap ko buong gabi ng inuman. Oo nakikinig kami sa kwentuhan ng mga tatay namin, pero minsan, nagkakaroon din kami ng mga tanungan at sagutan na para lang sa aming dalawa.
“Sa tree house tayo matulog mamaya,” yaya ni Enchong.
“Tayong dalawa lang?” tanong ko na medyo may kakaibang bugso ng dugo sa aking laman.
Ngumiti si Enchong. “Baka sumama sina Eugene at Jason.”
“Sige,” sabi ko.
“Baka lang ha.”
Napangiti ako lalo. At ang dugo sa laman, dumami. Lalo pa nang mag-vibrate ang hita ko. May message.
Who am I looking for in this subdivision? Tanong ni Gabriel. Nasa gate nap ala siya.
Wait. Reply ko. Morales Residence.
Pero hintay lang. Ako sasagot ng telepono. Sabihan kita pag tatawag ka na.
“Tol, may kukunin lang ako,” bulong ko kay Enchong.
Tumingin si Enchong na parang nag-uusisa. Kinuha ang telepono kong agad kong nabitawan. Dafuq, bukas pa ang message namin ni Gabriel. Baka mabuking ako. Nanlaki ang mga mata ko kay Enchong. Ngumiti siya lalo habang pinipindot ang telepono ko.
Nakangiti si Enchong na isinauli sa akin ang phone. Napangiti ako sa nakita ko sa telepono. May kasama na akong immoral sa mga Morales.
Nagpaalam ako sa inuman at mabilis akong pumunta sa loob ng mansion. Nadaanan ko ulit ang mga naglalarong bata. Pinapagalitan ang isang batang lalaki at ang nanay nito.
“Huwag mong pahahawakinng manika yang anak mo at baka mabakla,” sigaw ni Lolo.
“Opo, ’Tay,” sabi ng nanay nito.
Kinabahan ako sa gagawin ko. Pero naalala ko. May kasalanan pa ako kay Gabriel. Ilulusot ko na lang. Nagmiscol ako kay Gabriel. Ilang sandal lang, nagring ang landline ng bahay. Sinagot ko kaagad.
“Yes po,” sagot ko sa guard. “Gabriel. Thank you.”
“I’M no bad influence,” sabi ni Gabriel “I’m just supporting the thoughts that we both know you will enjoy.”
Napahinga na lang ako nang malalim. Tama naman siya. Tumakas nga ako sa inuman kasama si Papa para kay Gabriel. Pero mas masaya naman ako ngayon dito. Nakatayo sa gilid ng tulay katabi ng kotse ni Gabriel. Marahan ang daloy ng ilog sa ilalim. Doon namin minamasdan ang ganda ng buwan.
Ikinuwento ko sa kanya ang pagka-patriyarkal ng pamilya namin at kung paanong ang mga babae sa bahay ay hindi lumalaban sa sistemang iyon.
“Well,” sabi ni Gabriel. “Some families are really like that. I’m lucky enough to have a more accepting one.”
“Sabihin mo, a better one,” sabi ko.
“You can say that, but that’s not necessarily true. Nothing is perfect in this world. We, too, have flaws in our house.”
“Mas gusto ko pa rin mapasama sa pamilya mo.”
“Please don’t propose to me,” sabi ni Gabriel. “I know this bridge is kinda romantic with that moon shining over us. Pero ayoko pa mag-asawa.”
“Asawa ka dyan,” sabi ko.
“That’s the only way para maging family ka namin,” sabi ni Gabriel. “I don’t think my sister will marry you.”
“Hindi kita aasawahin ha,” sabi ko.
“Really?” tapos humarap siya sa akin. Hinawakan ako sa balikat at isinandal sa kotse niya. “Mas gusto mo ba, na ako ang aasawa sa’yo?”
Ngumiti ako. Tapos ay tinaggap ko ang bibig niyang lumapit sa akin. Pinanatiling mainit ng mga halik namin ang katawan naming nasa ilalim ng liwanag ng gabi. May sumpa si Gabriel na mahirap takasan, pero kinaya ko dahil muli na naman kaming nasa kalsada. Ano bang trip nito’t nag-eenjoy sa public places.
“Don’t worry,” sabi ni Gabriel na parang napansin ang pagkabalisa ko. “This is a province. People sleep here before midnight. No one will see us.”
Sige na nga. At muli kong hinalikan si Gabriel. Kanina pa ako nag-iinit sa inuman kasama si Enchong. Hindi na ako magtitira pag-uwi dahil baka may mangyari pa sa amin ni Enchong. Bakla iyon, at gusto niya ako. At nahuhulog ako. Uubusin ko na kay Gabriel kung ano man ang sinimulan ni Enchong sa akin. Walang mangyayari sa amin ni Enchong.
“God, I’m so horny right now,” sabi ni Gabriel.
“Ako rin,” sabi ko.
“Andaming guys sa gym,” sabi ni Gabriel. “And they totally teased me to fucking them.”
Napaatras ako. Hindi ko alam kung bakit niya sinasabi sa akin ito, dahil hindi ko ito tatanggaping compliment.
“Nabitin ka lang ba sa gym kaya sabik na sabik ka sa akin,” sabi ko.
“Well, yeah,” sabi ni Gabriel.
“Sana doon ka na nagpaputok,” sabi ko na kumalas na sa pagkakadiin niya.
“What’s wrong with you?” tanong ni Gabriel.
Chapter 6: The One With The Levels
CHAPTER 6
MABILIS kong binagtas ang tulay pabalik kung saan kami nagdaan. Wala akong pakialam kung hindi ko alam ang daan. Basta napipikon ako sa lalaking ito, at ayokong madikit dito. Bastos.
Ilang sandal rin bago nakabalik si Gabriel sa sasakyan. Umandar ang makina. Nag U-turn pa siguro, wala akong pakialam. Matagal bago siya bumagal at sumabay sa paglalakad ko. Binaba ang salamin.
“What the fuck is wrong with you?” tanong niya.
“The fuck is wrong with me?” balik ko sa kanya ng tanong. “Sa’yo kaya?”
“I just drove all the way to go here, to see you…”
“To fuck me,” tuloy ko. “Fuck you. Oo, manyak din ako. At tigang. Tigang na manyak. Pero hindi ako parausan.”
“Oh Bruh, you don’t even get me,” sabi ni Gabriel.
Hindi ako nagsalita.
Hindi rin siya nagsalita pero tinuloy niya ang mabagal na pagmamaneho.
“Kel, you know, I have to use an app to get back,” sabi niya. “You might need to. Sakay ka na lang at ihahatid kita.”
Tiningnan ko nang masama si Gabriel.
STRAIGHT face kamng dalawa habang nakasakay sa sasakyan niya. Nagmaneho lang siya at ako nanatiling wala ring kibo sa tabi niya. Isa sa mga pinakatama kong desisyon ang sumakay ulit kasabay niya dahil Diyos lang ang nakakaalam ng tamang daan pabalik. Wish ko na lang na huwag maubos ang baterya ni Gabriel o mawalan ng signal ang telepono niya dahil ayon sa mapa, nakakalahati palang kami.
Hindi ko naisip na ganito pala kalayo ang dinaanan namin. Masaya kasi kami kanina. Totoo ngang time flies when you’re having fun. At ngayong hindi fun, ang parang nangangalay na an gmga kamay ng orasan sa pagtambay sa kung nasaan ang mga ito.
At hindi pa rin ako iniimik ni Gabriel. Okay na yun. Ayoko rin namang imikin niya ako.
Pero hindi ko mapigilan. At least siya, nagmamaneho. Busy. Ako, wala. Tumingin ako kay Gabriel. Malamang, hinihintay niya ito. Yung manalo siya. Yung ako ang sumuko. Ibinigay ko na. TIngingnan ko siya.
Pero hindi nawala ang ritmo ng mga mata niya sa kalsada, pabalik sa kanyang telepono, pabalik sa kalsada.
Naghintay ako. Pero wala. Hidni niya ako nilingon.
Gago to, isinakay na nga ako, hindi pa ako kinausap.
Ibinalik ko na lang ang mga mata ko sa kalsada. Palipat lipat sa harap tapos sa bintana. Hindi ko na binalikan ng tingin si Gabriel. Kaya kung lilinginon niya ako, wala, ibinigay ko na ang pagkakataon niya.
At hindi na kami nagkalingunan hanggang sa makarating kami sa subdivision nina Lola. Doon kami hinarang ng guard.
“But we were just here like a few moments ago,” sabi ni Gabriel nang hanapan siya ng guard ng business sa loob ng subdivision.
“Bababa na lang ako,” sabi ko. “Una ka na.”
“Okay,” sabi ni Gabriel.
Bumaba ako.
Nagmaneobra si Gabriel at bumalik sa kalsada. Iniwan nga ako.
“Kuya, sa Morales residence ako,” sabi ko sa guard.
“Boss, pasensya na, pwede bang tumawag muna ako sa inyo?” sabi ng guard.
Patay. Hindi ako nagpaalam na lumabas ako.
“Boss, teka lang,” sabi ko. Kailangan kong mag-isip.
Napahinga ako nang malalim at napatalikod. Doon ko napansin ang kotse ni Gabriel. Nasa kabilang kalsada. Naka-hazzard. Hindi ko alam ang ginagawa niya, dahil nakasarado ang bintana ng sasakyan.
Nilabas ko ang telepono ko para pauwiin na si Gabriel, pero sakto, may message na pumasok.
Hinahanap ka na ng tatay mo. Si Enchong. Nag-text.
Si Enchong. Agad kong pinindot ang call button. Hinintay siyang sumagot.
“Tapos na date mo?” sagot niya sa akin.
“Insan, favor,” sabi ko. “Hintayin mo tawag ng guard sa telepono.”
NAKITA ko na lang sa gilid ng mga mata ko ang pag-alis ng sasakyan ni Gabriel nang papasukin na ako ng guard sa subdivision. Tatanga-tanga pa ako paglakad sa kalsada. Hindi ko matandaan kung saan ako pupunta. BUti na lang at may lalaking nakabisikleta ang dumating.
“Sabi ko na nga ba, eh,” sabi ni Enchong. “Hindi mo rin alam ang pasikot-sikot dito.”
“Thanks, Insan,” sabi ko.
Nakarating kami sa bahay. Dumaan ulit kami kina Papa. Nag-iinuman pa sila. At mukhang marami na ring silang nainom. Si Tito Danilo, tumingin sa akin na parang may sasabihin, pero napatigil siya. nakalimutan yata ang sasabihin. Ngumiti na lang ako. Nakangiti ako pag tingin sa akin ni Papa at ng isa pa nilang kapatid.
Dumiretso kami sa tree house ni Enchong. Mga nakapakong dos por dos sa puno ang hagdan namin pataas. Nauna siya suot pa rin ang pang swimming niya. Sumunod aga ako sa kanya. Natawa ako. Antambok ng pwet ng pinsan kong ito. At parang pinapamukha niya sa akin dahil binabagalan niya at paghinto niya, tumatapat ang mga pisngi nito sa akin at ngingiti siya.
Pagkarating, umupo siya sa sulok niya at nagtanggal ng t-shirt. Tanging ang swimming shorts na lang ang suot niya. Kumuha siya ng beer sa bucket na nag-aabang na sa amin sa itaas.
Umupo ako sa harap niya. Kumuha rin ako ng isang bote ng light. Binuksan at tuluy-tuloy ininom hanggang maubos. Uhaw na uhaw pala ako. Anlayo nang nilakbay namin ni Gabriel. Tapos lakad sa subdivision. Tapos akyat ng puno. Hindi yun madali. Kumuha ulit ako ng isang bote at binuksan. May ilang bote pa namang natitira para sa magdamag.
“Ayos yan, mabilis natin tong mauubos,” sabi niya. “Kukuha pa tayo sa baba pag nabitin.”
“Bakit mabibitin? May kwento ka ba?” tanong ko.
“Kailangan bang magkukwento kapag iinom ng marami?” balik ni Enchong sa akin.
“Iyon lang naman ang gagawin kapag nag-iinuman, di’ba?” sabi ko. “Maliban na lang kung naniniwala ka sa kasabihang…”
“Pag may alak, may balak?” untag niya.
“May balak ka ba?” napainom ulit ako sa tanong ko.
Ibinaba niya ang hawak niyang beer, inilagay ang kamay sa katawan at pinaglaruan ng mga hinlalaki niya ang mga dulo sa kanyang dibdib. Kumagat siya sa labi at pinapungay ang mga mata.
Napangiti ako. At muling napainom.
“Bakla ka ’no?” tanong ni Enchong.
“At lalaking lalaki ang ginagawa mo,” sagot ko. Kinuha ko ang damit niyang hinubad at ibinato sa kanya. “Bihis ka nga.”
“Bakit mo ako inuutusan?”
“Dahil mas matanda ako sa’yo. Kuya mo ako.”
“Kuya o ate?”
Gago to, ah.
“Hindi kita chuchupain,” sabi ko. “Asa ka.”
“Chupa agad?” sabi niya habang ibinabalik ang damit. “Usually kasi, MOMOL muna.”
Natahimik ako. Hindi ko alam kung bakit chupa ang nasabi ko. Siguro dahil iyon ang iniisip ko kanina pa. Iyon ang nabitin kong Gawain, at hindi naman masama ang itsura nitong pinsan ko. Pero nasa tamang huwisyo na ako. Bumaba na ang galit ko kay Gabriel. Nawala na ang init ng ulo ko. Naging init na ng katawan. Gawa na rin siguro nitong beer. At ni Enchong. Na dahil puti ang damit, at pawis kami parehas, bumakat lang ang bawat muscle niya sa katawan.
Tumuloy ako sa pag-inom.
“Sorry kuya,” sabi niya na nagpaangat sa mga mata ko pabalik sa kanyang mukha. “Wala naman akong planong magpachupa sa’yo. Mali yun sa maraming levels.”
“May nalalman ka pang levels.”
Natawa siya at uminom ulit.
“Oo naman,” sabi niya. “Magpinsan tayo ’no? kapag nalaman nina Pa at Tito, e di hindi na iyon naghintay ng paghuhukom. Sesentensyahan na tayo ng mga ’yan.”
“Bakla ka ba?”
“Kuya Mike naman,” sabi niya na natatawa. “Mukha ba akong kargador sa palengke?”
Napailing ako.
“Sa ganda ng katawan kong ito, pagkakamalan mo pa akong straight? Nakakabastos ka na ah,” sabi niya. “Ang hina naman ng gaydar mo.”
“Wala ako nun,” sabi ko. “Atsaka sabi ni Tito nung huli, Highschool ka pa lang, may girlfriend ka na. Malay ko bang nagpalit ka na ng relihiyon.”
“Hindi ako nagpalit ng relihiyon, tinitingnan ko lang ang doktrina ng bawat isa. wala pa akong pinapagpa-bautismohan.”
“Eh ano lang?”
“SInusubukan ko lang.”
“Paanong sinusubukan? Bakla ka ba?”
“Actually, yung pangalawang level kaya hindi pwedeng may mangyari sa atin eh dahil may boyfriend ako ngayon.
“So kung wala kang boyfriend…”
“Ibig sabihin nun, may girlfriend ako,” sabi niyang natawa pagkainom. “Kuya, ang gwapo ko. hindi nababakante ang itsura nito.”
“So ano ka nga? Pwede ka lalaki. Pwede ka sa babae. Bi ka?” tanong ko.
“Eighteen lang ako,” sabi niya na napunta sa seryosong tono. “Hindi ko pa alam. Ine-enjoy ko lang muna. Gwapo naman tayo. Pag bumalik tayo sa mundo ng mga straight, may papatol pa sa atin.”
“Baka naman libog lang yan?” sabi ko.
“Siguro.Minsan nga, may babae. Sabi nga sa akin, sayang ka gwapo mo pa naman. Sabi ko, mas masasayangan ka pag natikman mo pa. Iyon, tinikman ako. Nasarapan. Naging girlfriend ko.”
“Tanginang to, ang yabang,” sabi ko.
Natawa siya lalo. “Mas mayabang ang ikatlong level!”
“At ano yang ikatlong level na yan.” Sabi ko na natatawa pa sa kayabangang ng mokong na to.
“Kuya hindi kita type,” sabi niya.
Napahinto akong nananatili ang ngiti sa mga labi. Pero nawala ang saya sa katawan ko. Unti-unti, nakisama na rin ang aking ngiti. Nawala. Ang sakit naman nun.
“Hindi ba ako ka-type-type?” tanong ko.
“Liza Soberano?” mabilis na bawi ni Enchong. “Pangit ba ako? Kapalit-palit ba ako? Then why?”
Hindi ako nagpadala sa biro niya. Baka kasi kaya sex lang ang habol sa akin ni Gabriel eh dahil hindi naman ako ka-type-type talaga. Hindi katulad nitong pinsan kong perfect specimen ng pamayanan ng mga bakla.
“Kuya don’t get me wrong ha,” bawi niya na mas seryoso. “Pogi ka. Pero wala ka pang bente di’ba? Gusto ko yung mga nasa working class na. yung alam na ang ikot ng mundo.”
“Anong alam mo sa ikot ng mundo?” sabi ko.
“Wala,” sabi niya. “Kaya nga mas gusto ko yung makakapagsabi sa akin ng mga bagay-bagay na hindi ko alam. Hindi lang naman sex ang pagiging ganito. Hindi libog lang.”
“Dami mo na ngang alam,” napahanga ako kay Enchong.
“Lumabas ako eh,” sabi ni Enchong. “Wala sa apat na sulok ng paaralan ang kaalaman. Minsan, labas-labas din. Mas marami kang mapupulot na aral kapag hinayaan mong ang mundo ang magturo sa’yo.”
“Alam mo naman ang mga tatay natin,” sabi ko. “Sama mo pa ang nanay…”
“Hindi si Mama,” sabi ni Enchong.
“Umamin ka sa kanya?”
“Hindi. Pero Mama ko yun. Alam niya yun.”
Naalala ko si Mama. Alam na ni Mama. Nahuli niya kami. Pero wala siyang binanggit. Alam na niya. Sana tanggap na niya.
“Si Papa,” tuloy ni Enchong. “Hindi ko alam. Masyadong busy yon sa paniniwalang achiever ako. May achiever bang bakla? Syempre wala. Kaya alam niya lalaki pa rin ako.”
“Ipapaalam mo sa Papa mo?” tanong ko.
“Bakit?” sabi ni Enchong. “Baka malito siya kapag nagka-girlfriend ulit ako.”
“Sabagay,” sabi ko. “Ako nga nalilito.”
Ngumiti si Enchong. “Parang ibang pagkalito ang nararamdaman mo eh. Bukol na bukol ka eh.”
Napatingin ako sa harapan ko. Oo nga, medyo matigas nga. Hindi medyo. Matigas nga.
“Kuya, huwag po,” sabi ni Enchong.
“Gago,” sabi ko. “Ikaw na ang nagsabi ng mga levels kung bakit hindi pwede. Bakla na nga tayo. Nagi-incest pa. Saang lipunan na lang tayo tatanggapin?”
Natawa siya ng totoo.
“Not unless, nire-reverse psychology mo lang ako,” dugtong ko.
“Gusto mo bang nire-reverse psychology kita.”
Ngumiti ako. Umiling.
“Good,” sabi ni Enchong. “Bakla lang tayo. Hindi tayo masamang tao. May moralidad pa rin tayong sinusunod.”
Itinaas ko ang bote ko. itinaas din ni Enchong ang sa kanya.
“Para sa moralidad,” sabi ko.
“Para sa moralidad,” sagot niya at sabay kaming uminom.
Marami pa kaming napagkwenthan tungkol sa aming mga pamilya at sa aming pamilya bilang magkamag-anak. Kung paano kami hirap kumilos sa mga mata ng aming mga ama. At napagkasunduan naming maging sandalan ang isa’t-isa.
“Gusto kita, Enchong,” sabi ko.
“Hindi lang gusto, Kuya Mike,” sabi ni Enchong. “Sigurado kong mamahalin mo rin ako. Mas mahal pa kesa kay Kuya Patrick.”
“Anong alam mo sa relasyon namin ng kapatid ko.”
“Kuya, kung mahal mo yun, siya ang kainuman mo dito sa taas, at hindi ako.”
Sumang-ayon ako at itinaas muli ang bote. Idinikit niya ang bote niya sa bote ko tapos ay uminom ulit kami.
“Kel na lang ang itawag mo sa akin,” sabi ko. “Kel ang ginagamit ko sa Campus.”
“Kuya Kel?”
“Kel na lang,” sabi ko. “Halos isang taon lang naman tanda ko sa iyo.”
“Okay,” sabi niya. “So Kel, sino yang lalaking dahilan kung bakit tayo nag-iinuman? Syempre, hindi ako ang bida dito, next time na lang ako.”
Hindi ako nakapagsalita.
“Huwag ka nang mag-isip pa, tatlong bote na lang ito at baka mapakuha pa tayo sa baba. Marami-rami ang isusuka natin kapag pinatagal mo pa.”
Andaming sinasabi ni Enchong. Daldal din.
“Si Gabriel,” sabi ko. “Tanginang gago yun eh. Gagawin akong parausan.”
“Ah, kaya matigas,” sabi ni Enchong. “Nabitin.”
Ngumiti ako.
“Sorry,” sabi niya. “Sino si Gabriel?”
“Some guy na nakilala ko sa bar nung tumutugtog ako,” paliwanag ko.
“Nakailang sex na kayo?”
“Dalawa.”
“Ilang months na kayo?”
“Anong months?” sabi kong natatawa. “One week pa lang kaming magkakilala.”
“Magkakilala?”
“Oo,” sabi ko.
“Magkakilala lang pala kayo eh,” sabi ni Enchong. “Tapos issue mo na siya? Mahal mo agad?”
“Hindi naman sa ganon,” sabi ko. “Akala ko, magkaibigan na kami. Yun pala kinakaibigan lang pala niya ako para gawing parausan. Tama siya. He’s just a college guy with raging hormones. Yun lang siya. Siguro, nag-expect ako ng iba pa.”
“Bakit?”
“Because he is honest?” sabi ko. “Ang totoo nya lang eh.”
“Totoo dahil?”
“Sinasabi niya lahat. Kung anong nararamdaman niya. Tulad nang sinsabi niyang…”
“He’s just a college guy with raging hormones?”
“And he likes me.”
“Like lang pala eh. Dito ka palang sa babang level. Itaas mo naman ng kaunti bago ka maggaganyan.”
“Sinabi niyang gusto niya ako, tapos nagsex na kami. Kulang pa ba ang level na yon?”
“Buti hindi niya sinabing mahal ka niya, baka nagpaanak ka pa. Kung sa mga babae, pwedeng kiligin, pero bawal mag-assume, sa mga tulad natin, pwedeng mag-sex pero bawal mag-assume.”
“Tanginang assume-assume yan!” At ikinuwento ko kung bakit ako naiinis at kung bakit hindi ko hinayaang mangyari sa may tulay.
“Kuya Mike, Goals na yun,” sabi ni Enchong. “Outdoor sex, sa ilalim ng buwan?”
“Wala akong mga goals goals na chinechekan, gago,” sabi ko. “Atsaka Kel na nga di’ba?”
“Kel,” sabi ni Enchong. “Mahal mo?”
“Hindi,” sabi ko. “Naiinis ako dahil hindi ako puta. At naisip ko pa. dalawang beses pa lang kaming nag-sex. At sa pagitan nung mga yun, malamang may mga iba pa siyang kinakana.”
“Sa tingin mo?”
“Oo.”
“Eh bakit mo ka pa niya pinuntahan dito sa Montalban kung may iba naman pala siyang pwedeng kanain?”
“Naku, Enchong. Lamang sa iyo ng labimpitong paligo. Kung kaya mong makatikim ng babae, iyon, pati alien, kaya niyang akitin.”
“Pero ikaw ang pinuntahan niya sa Montalban.”
Nawala ang bigat ng loob ko,
“Ganda ka?” tanong ni Enchong.
NAUBOS namin ang natitirang tatlo pang bote. Na-realize namin yon, alas nueve nang umaga. Sa tree house. Habang pupungas-pungas kami parehas sa sakit ng ulo.
Tulad ng ibang bagong gising. Hinanap ko ang telepono ko. May message. Sorry.
Chapter 7: The One Who Crossed the Road
CHAPTER 7
NAWALA ang sakit ng ulo ko. pero kasabay nun ang pagtunog ng cellphone ko. Nawala na rin kasi ang natitirang pula sa icon ng battery sa sulok ng screen.
“Dahan-dahan!” sabi ni Enchong na nakahawak pa sa ulo niyang mukhang sumasakit din.
Hindi ko siya pinansin. Bumaba ako ng tree house. Nagmamadali.
At nagsisi akong hindi ko siya sinunod. Mula sa isang baitang ng hagdan, dumulas ang paa ko at tuluyan akong nahulog. Malakas ang pagkakabagsak ko na napalingon ang mga nagsu-swimming sa binagsakan ko. Nagtawanan sila.
NAgtawanan din ang mgaTita kong napatingin din. Kasama nila si Mama. Iba si Mama sa dalawa. Walang ngiti si Mama. Natakot ako. Hindi lang kasi tumatawa ang mga kamag-anak ko sa akin dahil nalaglag ako. Brief lang kasi ang suot ko.
Tumingin sa itaas si Mama. Napatingin din ako. Nakasilip sa itaas, sa tree house si Enchong. Hubad din.
“Naiwan mo ang shorts mo,” sabi ni Enchong na tumatawa. “Sinabi na kasing dahan-dahan!”
Tumawa na lang ako. Nakitawa sa pagtawa ng lahat. Kunwari wala akong iniisip na dapat ikatakot. Pinaniwala ko ang sarili ko na iniisip ko na lang ang iniisip nila. Hindi ang iniisip ni Mama. Pero bakit nga ba brief lang ang suot ko?
Isinuot ko agad ang shorts na binigay ni Enchong pagkatayo ko. tapos ay marahan akong naglakad na nakangiti pa rin.
Malapit na ako sa pool nang dukwangin ni Enchong ang braso ko at bumulong.
“Leave your phone,” sabi niya.
Binitawan ko ang phone ko na nalaglag sa damuhang nakapaligid sa pool. Tapos ay hinila ako ni Enchong papunta sa pool. Lakas ng tawa niya.
“Gago ka, Chong!” sabi kong tumatawa bago ko kunin ang ulo niya at ilublob pailalim sa pool. Lalong lumakas ang tawa ng iba naming mga pinsan.
“Bobo mo, eh,” sabi ni Enchong.
“Oo nga,” sabi ng isa ko pang pinsan. “Hubad ka tuloy.”
“Michael Joe,” sigaw ni Mama. “Fix yourself. Magla-lunch na tayo in a while.”
Ayan na naman ang pangmayamang impit na boses ni Mama. Kahit natatawa ako, umahon na ako at naglakad papasok sa mansion.
“Phone mo, Kel,” sabi ni Enchong. “May re-reply-an ka pa.”
Tumaas ang kilay ni Mama. Hindi ko alam kung dahil sa may re-reply-an ako. O dahil tinawag akong Kel.
Pagkabanlaw sa loob ng banyo sa kwarto ni Papa, lumabas ako ng kwarto. Binalikan ko ang telepono ko. wala pang fifteen percent, kaya’t hindi ko muna binuksan. Nagpunas ako ng katawan at nagbrief at shorts.
Pumasok si Mama sa gitna ng pagbibihis ko. Nagtatanong ang mga mata niya, naghihintay ng paliwanag. Hindi ko alam kung saan magsisimula. Mabuti na lang at si Mama na ang nauna.
“Sino si Kel?” tanong ni Mama.
Madali lang ito.
“Ma,” sabi ko na nakangiti. “Kel ang nickname ko sa school. Tatlo na kasi kaming Michael sa org. May Michael na at Mike. Kel na lang ang natira.”
“Yang kanta-kantang org na naman ba yan?” follow up question.
“Ma…”
“Wag mo na sagutin,” untag ni Mama na huminga muna bago ituloy ang susunod na tanong.
Mukhang pop quiz ang pambungad sa akin ngayon. Surprise pop quiz.
“Ano yung suot mo kanina?”
“Ma kasi,” nakangiti pa rin ako. Nagpapanggap na alam ko ang sagot. Pero sobrang lasing ako kagabi. Hindi ko talaga alam ang isasagot.
“Kel, naiwan mo,” habol ni Enchong na may dalang jacket.
“Hindi akin, yan,” sabi ko.
“Lorenzo, your manners,” sabi ni Mama. “Nag-uusap kami ng pinsan mo.”
“Sorry po, Tita,” sabi ni Enchong.
Dumating ang isa ko pang pinsan. “Akin yan, Enchong,” sabi.
“Ah sa’yo ba ito?” abot ni Enchong sa pinsan kong dumaan.
Tumaas na naman ang kilay ni Mama.
“At bakit nga ba kayo nagpapalitan ng mga damit sa punong iyon?” tanong ni Mama. Gusto ko rin malaman ang sagot.
“Tita, nag-strip poker po kami kagabi?” sabi ni Enchong.
“Naghubad-hubad kayo?” gulat na tanong ni Mama na napatingin sa akin.
Nanlaki ang mga mata ko. Hidni ko alam ang magiging rekasyon dahil ngayon ko lang nalaman na naghubaran pala kami kagabi. Sino kaya ang pinakahubad. Naghubad kaya si Enchong? Tumingin sa akin si Enchong. Natawa.
“Pare-pareho naman po kaming lalaki,” sabi ni Enchong. “Hindi po kami nagsama ng babae. Kaya wala pong malisya. Asaran lang.”
“Asaran lang?” tanong ni Mama.
“Ano pa po…” hindi tinapos ni Enchong ang sinasabi niya. Pero halatang umaarte lang. “Hala, Tita, hindi po ako bakla. Wala po akong malisya diyan kay… teka, hindi naman po siguro si Kel…”
“Ay, no! No, no, no!” sabi ni Mama.
Natawa si Enchong. “Akala ko naman. Tara na Kel.”
Isinuot ko na ang damit ko. At kahit wala pang twenty percent ang telepono ko, kinuha ko na.
“STRIP poker?” tanong ko kay Enchong habang naglalakad ako at isinasaksak ko ang cord ng powerbank sa telepono ko. Nakahanda na tanghalian sa bakuran malapit sa pool. May ilan na rin gm ga tao ang nagku-kwentuhan. Ang mga nakababata, naghahabulan na.
“At ano pa bang iniisip mo?” tawa ni Enchong.
Tumawa na lang ako at hindi na sumagot.
“Pero Morales ka nga,” dugtong niya at tumingin sa gitna ko. “Hindi nagkakalayo ang atin eh.”
Tumawa na naman siya. Gago talaga ito, ayaw pa sabihin sa akin kung ano ang totoong nangyari kagabi.
“Ano, nagreply na ba?” tanong niya matapos ang mahabang tawa.
Tiningnan ko ang telepono ko. wala pa rin. Umiling ako kay Enchong.
Patingin-tingin ako sa telepono ko habang naghihintay kami ng pagdating nina Lolo at Lola. Katabi ko na sina Mama, Papa at Patrick. Magkakasama ang magkakapamilya. Lahat, hindi ginagalaw ang pagkain sa harapan nila hangga’t hindi pa dumarating ang mga may-ari ng bahay.
Ilang sandal lang at dumating na sina Lola. Si Lolo sa kabisera, sa kanan niya si Lola. At nagsimula nang magdasal. Doon lang kami nagsimulang kumain.
Napuno ng kwentuhan ang kainan, pero hindi koi yon napansin. Ilang oras na rin mula ng nagreply ako.
Okay lang. Sagot ko sa text na sorry ni Gabriel. Hindi ko alam kung kulang pa iyon kaya hindi siya nagre-reply. Pero sa tamang bagsak ng mga pangyayari, dapat ay sasagot na siya, dahil ako na ang huling nagmessage.
“Itago mo yang telepono mo o itatapon ko iyan,” sabi ni Lola na nakatingin sa akin.
“Sorry po,” sabi ko.
“Sorry, Mama,” sabi ni Mama ko na nagtaas na naman ang kilay sa akin.
At doon na natapos ang mga ala-ala ko ng tanghalian na iyon. Kumain na lang ako.
3AM. Hindi pa rin ako makatulog. Hanggang sa tumunog ang telepono ko.
Nagreply na?
Hindi pa rin. Sagot ko sa text ni Enchong.
Itulog mo na yan. Tutulog na rin ako. Goodnight.
Goodnight.
Pero hindi naman paghihintay lang sa reply ni Gabriel ang ginawa ko. Nakatapos naman ako ng mga problem sets ko. Nakapag-review na rin ako para sa exam sa susunod na araw. Hindi ko lang nadugtungan ang sinusulat kong kanta. Pero sinubukan ko.
Dumadaan lang talaga sa isip ko ang mga tanong. Nagtataka kung bakit hindi siya nagreply sa reply ko. Natagalan ba siya sa reply ko? Wrong send ba? Nanakawan ba siya ng telepono?
FREE for lunch later ? Ito ang nabasa ko pagkagising ko. Agad kong tinanggal sa pagkakacharge ang telepono at napaupo ako sa kama. Sa wakas, nagparamdam din.
Pwede naman . Sagot ko. Sinundan ko pa nang, tagal nawala ang signal mo ah.
No naman. Reply niya.
Ah, ako lang pala nawala sa signal mo.
I guess pwede naman is a yes. Any place in mind?
Sunduin mo na lang ako sa steps ng engg. Then we decide.
Do I really have to pick you up? Reply niyang nakapagpakunot sa akin.
Do we really have to have lunch? Sagot ko. Nag-sorry siya. Alam naman niya sigurong agrabyado ako. Ang gulo ng lalaking ito.
At lalo akong naguluhan nang hindi siya nagreply.
Humiga ulit ako na hawak pa rin ang telepono. Hindi na naman dumating ang hinihintay kong reply. Muli kong itinapat ang telepono sa mukha ko at sinilip ang iba pang kaganapan sa social media sa nagdaang gabi.
Mga messages sa group chat. Mga pinusuang posts. Mga nireactang photos. Fifteen minutes ang ginuguol ko at iyon. Wala pa ring reply si Gabriel. Tumayo na ako at inilagay ang telepono sa mesa. Nag-inat at nag-ayos.
Nasa klase na ako nang kusang gumalaw ang telepono ko.
Im in the campus. Class is done.
Hindi ko muna bikusan ang telepono ko. iniilalim ko sa notebook.
Muli itong nag-vibrate. Hinayaan ko lang. Nasa klase ako. Wag ngayon. Iyon ang una kong dahilan. Hindi tumigil sa paggalaw ang telepono ko. Inilagay ko na lang muna iyon sa loob ng bag. Ayokong maabala.
Natapos ang klase na may sampung miscol sa telepono. Marami na ring messages. Hindi ko na binasa. Nappangiti na lang ako habang nagre-reply na katatapos lang ng klase ko.
Napikon siguro hindi na naman nag-reply. Ibinalik ko ang telepono ko sa bag. Ayokong maghintay sa wala. Hindi ko naman ng kailangan ng makakasama sa pagkain. Pupunta na lang ako sa tambayan namin at doon. May mga orgmates naman ako. Hindi ako nag-iisa.
Sa main gate ng building ako lumabas na kaharap ng steps na dapat ay pagkikitaan namin ni Gabriel. Hindi naman sa umaasa akong nandoon siya. Iyon lang talaga ang daan palabas na malapit sa tambayan namin.
Papatawid na ako nang may bumusina sa aking pulang sasakyan. Nilingon ko. nasa kaliwang bahagi siya ng steps, hindi nakaharang sa façade ng building, nakatago sa aking paningin. Huminga ako nang malalim at naglakad papunta sa kotse.
“Kanina ka pa?” tanong ko pagbukas ng pinto at pag-upo sa tabi ni Gabriel.
“Kinda,” sagot niya habang inaayos ang phone niyang pinaggagalingan ng music sa kotse. “So where do we go?”
“Ikaw?”
“Okay,” sabi niya.
Mukha namang wala siyang problema. Walang issue sa kanya na pinaghintay ko siya. na hindi ako nagre-reply sa kate-text niya. Hindi nga niya inisip na wala akong sorry na sinadya kong hindi ibigay sa kanya. Pinaandar niya ang kotse.
Doon ko nakita iba pang bahagi ni Gabriel. Hindi pa kami nakakasampung metro nang may biglang may tumatakbong tumawid sa harapan mismo ng steps. Mabuti at mabagal pa lang ang andar namin dahil bumangga ang lalaki sa unahan ng sasakyan. Natumba siya at tumalsik ang mga dala. Drafting board. T-square. Cannister. Hindi ito Enggineering. Architecture ito. Mga taga-itaas ng building.
Una kong tingin ay mukha namang apologetic si Fabriel. Nakahandang humingi nang tawad. Pero biglang naputol ang gagawin niya. Hindi lang sasakyan niya ang napatigil, pati siya. Nanlaki ang mga mata niya at ang kanyang bibig, napatigil ang dapat ay sasabihin.
Agad akong bumaba ng kotse at tinulungan ang lalaking tumayo. Pagkatayo na lalaki ay hindi pa rin ito kumilos. Ako na rin ang pumulot ng mga gamit niya para tulungan siya.
Inaasahan kong magagalit ang lalaki. Kaya siguro siya nakatingin kay Gabriel. SI Gabriel naman, nanatiling nakatingin sa lalakng nabangga namin. Naputol lang ang kanilang titigan nang iabot ko ang mga gamit sa lalaki.
Mabait ang mukha nito. “Salamat,” sabi niya.
“Okay ka lang?” tanong ko.
“Oo,” sabi niya. “Oo.”
At muli siyang tumingin kay Gabriel. Hindi siya galit. Bumuka ang bibig niya. Walang lumabas na salita pero ang basa ko sa sinabi niya, sorry. Maliit na sorry. Pero iba ang sinasabi ng buo niyang kilos. Parang humihingi siya ng tawad hindi lang sa mali niyang pagtawid kundi para sa lahat ng kasalanan niya sa mundo. Mabilis tumakbo ang lalaki patungo sa kabilang bahagi ng kalsada. Pero mabagal pa rin si Gabriel. Sinundan niya ng tingin ang lalaki.
“Muntik mo nang mapatay yun ah,” biro ko para basagin ang kabang nakita kong nararamdaman ni Gabriel.
“I can’t just do that,” sabi ni Gabriel.

