🌈MIRACLE BABY [BL/MPREG]
cutiecane23 · 58 chapters · 148,728 words
Front Page
Disclaimer
All characters appearing
in this work are fictitious.
Any resemblance to real
persons, living or
dead, is purely
coincidental.
”
No to plagiarism”
Thanks for the Book Cover
Boyslove_04
💕
“Congratulations 👏👏👏,,isang napakagandang pagtatapos na mag-iiwan s akin ng magandang alaala?!?!?one of the best BL
story i’ve read,,,good luck,congrats again,,pro sna may epilogue pa😄
😄😄”
_Miss_Ice
“parang kailan lang😢😢😭😭😭..I’m happy & sad at the same time author… Parang ang bils ng pangyayari.. Uulit ulitin ko to.. Ginobabes si baby ha.. Ninong ako nan.. Hihihi.. Papi Cain si Gino mo ha.. Wag mong pabayaan… I will miss you both… Thabks po sa napakagandang story.. & I hope more story to come pa..sana mpreg din… Hihihi.. Keep safe & thanks po again”
roar_03
“Thank you for giving us a happy ending story but i believe in “Happy lang .. WALANG ENDING” charrr😂😂 and i thank you 😂🤣🤣😆😆… i hope someday … May Book II pa itong Miracle Baby😄😄
Good luck to you otor
Sana marami ka pang magawa na kwento 😊😊”
- Ahri94
Date started:
June . 14 . 2020
Date Ended:
November. 18. 2020
Status:
EDITING
©2020cutiecane23
MB 1
“Repeat”
“Repeat this”
“Repeat this again!!!”
“What the heck, Mr. Dimapilit! Can’t you do your God forsaken job properly?”
Napapikit na lang ako sa takot dahil sa pagsigaw ni sir Yuan sa akin, inihampas pa niya ang folder na hawak sa table habang nanglilisik ang mga mata na nakatingin sa akin.
“S-Sorry po sir, uulitin ko na lang po,” nauutal na paghingi ko pa ng paumanhin habang nakayuko.
“Uulitin? Ilang beses mo na itong inulit! Mr. Dimapilit, can’t you just make a simple report without a mistake?” galit na sabi pa rin niya kaya nanatili na lamang akong tahimik at nakayuko.
Dahil sa hindi ko pagsagot ay narinig ko na lang na napabuntong hininga siya.”Sumbit the revise version later, siguraduhin mo na maayos na iyon kun’di magpaalam ka na sa trabaho mo,” mahinahon na sabi na niya kaya mabilis akong tumango habang kinukuha ang folder na naglalaman ng report ko.
Bagsak ang balikat ko na lumabas sa opisina ng aming boss dito sa kumpanya. Hindi ko naman masisisi si sir kung bakit siya nagagalit sa’kin, hindi kasi ako makapag-focus sa trabaho kaya ‘di ko matapos nang maayos ang simpleng bagay na ipinapagawa n’ya.
May gumugulo kasi sa aking isipan, ilang araw na rin ang nakalipas pero hindi pa rin ako nito pinatatahimik.
“Musta Bhes? Ano sabi ni boss?” bulong pa ng kaibigan kong si Marcel or Mars for short nang makabalik ako sa aking table.
Tumingin naman ako sa kanya ng patagilid habang tumatakbo sa aking isip ang mga bagay na ito.
‘Lakas mo magtanong Mars, eh ikaw nga ang may dahilan kung bakit hindi ako makapag-focus’
“Alam ko kung anong iniisip mo, okay? Sorry na talaga, hindi na ulit kita isasama sa mga party,” aniya habang nakataas pa ang mga kamay na parang sumusurrender.
Napailing na lamang naman ako bago sumagot sa kanya. “Napagalitan lang naman ako, at saka pinagbantaan na tatanggalin sa trabaho.”
“Sus, puro banta lang naman yang si Sir Yuan, ilang beses na bang sinabi yan sayo pero di ka pa rin naman n’ya tinatanggal,” sabi pa niya habang nakataas ang kilay.
Hindi ko alam pero tama ang sinabi ni Mars, mahigpit at strikto si sir sa iba, maliit na pagkakamali lang ay hindi na n’ya ito binibigyan ng second chance pa.
Hindi naman sa pag aasume pero mukhang may soft spot ata sakin si sir o awa? Ewan ko basta pinagbibigyan n’ya ako.
“Wag ka na ring humingi ng pasensya, matagal na kitang napatawad Mars,” nakangiting sabi ko pa sa kanya kaya napatingin siya sa’kin na parang nakakita ng angel.
“Hayss lalo tuloy akong nakukunsensya n’yan eh, wag kang mag alala tutulungan na lang kitang gumawa n’yang report mo,” nakangiti pang sabi niya kaya napatawa na lamang ako at tumango.
Habang binubuhay ko ang computer ay hindi ko mapigilan na bumalik sa aking alala ang nangyari dalawang araw na ang nakakalipas.
Ang mga pangyayari na nagbigay ng matinding pagkalito sa aking isipan.
“Bhes, wag ka naman tumulad dyan sa epelyedo mo,” napapakamot pa sa ulo si Mars habang naglulunch kami sa cafeteria ng kumpanya.
“Wag mo nga isali ang epelyedo ko dito, hindi ko kasalanan na DIMAPILIT ang naging epelyedo ko ah,” ani ko naman sa kanya habang kinakain ang baon kong pagkain.
Hayss hindi na naman ako titigilan nitong si Mars, kahit kailan kasi ay hindi ko siya pinagbigyan pagdating sa mga ganitong bagay.
Kahit mag best friend kami ay hindi ako mahilig sa mga get together at mga party katulad niya. Siguro dahil parehas kaming bakla kaya malapit ang loob namin sa isa’t isa.
Si Mars yung uri ng bakla na maingay at super popular dahil sa galing niyang makisama sa lahat habang ako naman ang kabaligtaran n’ya.
Nasa isang sulok at hindi pala-imik kaya kahit matagal na rin ako dito sa kumpanya ay wala akong masyadong kaibigan.
Unang-una ay hindi ako mahilig sa mga party at inuman, sakit lang sa ulo at katawan ang dala no’n. Bukod pa doon ay kailangan kong umuwi ng maaga dahil magugutom si Miggs sa bahay.
“Pa-hard to get ka pa kasi tulad nyang epelyedo mo,” nakanguso pang bulong niya kaya mabilis na napatingin ako sa kanya.
“Ano yun, Marcel?” seryosong ani ko pa.
“Mars na lang bhes, ang bantot pakinggan ng Marcel eh at saka birthday ko naman yun, isang beses lang to sa isang taon kaya sige na sumama ka na,” pangungunsensya pa nya kaya napabuntong hininga na lamang ako.
“Sige na nga, alam ko naman na di mo ako titigilan.”
Dahil sa sinabi ko ay napatayo pa siya sa kinauupuan n’ya at napasigaw pa ng “Yes”
“Guys! tuloy na ang party ko mamaya!!!”
“Yes! Galing mo Mars, paano mo napapayag si Gino-the-boring?”
“Di ba maganda ang venue na napili mo, Mars?”
Napailing na lamang ako dahil sa masayang usapan nila tungkol sa party na magaganap mamaya.
‘Hayss, isang beses lang naman, siguro ay wala namang mangyayaring masama’,
isip-isip ko pa habang ipinagpatuloy ang pagkain.
Matapos ang lunch break ay bumalik na ulit kami sa pagtatrabaho.
Halos mahilo ako sa pagtatype ng mga documents at report na ipapadala sa N company para sa isang project proposal.
Dahil sa pagiging abala ay hindi ko na napansin ang pagtakbo ng oras, napatingala na lamang ako ng biglang may humawak sa aking balikat.
“Bhes, bukas mo na yan tapusin. Out na natin oh, at saka maghahanda ka pa para sa party ko!” excited na turan pa niya sa’kin kaya napatango na lamang ako.
“Ah sige, mauna ka na Mars, susunod na lang ako,” sagot ko naman habang nagmamadali sa pag aayos ng mga gamit ko.
“Sige Bhes, send ko na lang sayo ang place ha,” sigaw pa niya habang naglalakad patungo sa elevator kasama ang iba naming katrabaho.
Napabuntong hininga naman ako habang pinagmamasdan ang pagsara ng elevator na sinasakyan nila.
Hindi ko kasi maalis sa aking sarili na hindi kabahan at mag-alinlangan dahil sa desisyon ko.
Wala na rin naman akong gagawa dahil sumang ayon na rin naman ako, binilisan ko na lamang ang pagliligpit ng lahat ng aking mga gamit at handa ng umalis.
Nang pasakay na sana ako sa elevator ay halos mapatalon ako sa takot ng biglang may humawak sa kamay ko.
“Ahhhh!!!—Sir?”
Napatigil pa ako sa pagsigaw ng makita ang taong humawak sa’kin.
“Nagmamadali ka ba?” tanong pa niya at nauna pang sumakay sa elevator.
“A-Ah opo,” tipid na sagot ko naman at sumakay na rin bago pa ako mapagsaraduhan ng elevator.
Nakayuko lamang ako habang mahigpit na nakakapit sa strap ng aking bagpack, nasa likod ko kasi si sir Yuan at ramdam ko ang pagtitig n’ya sa’kin.
Naging awkward ang mga minuto na magkasama kami sa loob ng elevator, hindi ko mapigilan na hiligin na sana ay makarating na agad kami sa ground floor para magkahiway na kami ni sir.
Napatingala ako sa taas na parte ng pinto para tingnan ang number ng floor na aming dinadaanan.
Napangiti ako ng mapansin na tatlong floor na lamang at makakalabas na kami, kaso hindi ko naman inaasahan na magsasalita siya.
“Are you going to attend the party?” seryosong tanong niya kaya mabilis na napalingon ako.
“A-Ah opo sir, kayo po ba pupunta?” balik na tanong ko pa sa kanya bago ko napigilan ang bibig ko.
Napangisi naman siya bago sumugot sa akin.
“Do you want me to?”
Napataas naman ang kilay ko sa pagtataka dahil sinabi nya.
‘Bakit ako ang tinatanong niya? Para syang humihingi ng permiso sa’kin eh hindi naman nya ako ka-ano ano,’
isip-isip ko pa habang nakatingin sa kanya.
Dahil competitive siya ay lalo pang nakipaglabanan ng titigan sa’kin, napaiwas lang kami parehas ng tingin dahil sa pag-
TING
ng elevator.
“Sir, mauuna na po ako,” pagpapaalam ko pa sa kanya sabay yuko ng kaunti para ipakita ang pag galang.
Tumango naman siya sa’kin at binigyan ako ng may kahulugang tingin na ‘di ko maipaliwanag.
Ipinagkibit balikat ko na lamang iyon at mabilis na tumawag ng taxi nang makalabas ako ng building para makauwi sa apartment na aking tinitirhan.
“Miggs!!” maligayang sigaw ko nang salubungin ako ng alaga kong aso pagbukas ko pa lamang ng pinto.
Yumuko ako para himasin ang kanyang ulo habang masaya naman itong tumatahol sakin na parang binabati ako sa aking pag-uwi sa bahay.
Napangiti naman ako dahil sa kasabikan na ipinapakita niya sa akin.
Si Miggs talaga ang stress reliever ko, makita at makalaro ko lamang siya ay napapawi na ang lahat ng pagod at stress ko sa araw-araw ng pagtatrabaho.
Habang naglalakad ako papasok sa bahay ay nakasunod lamang siya sa’kin. Dumeretso ako sa maliit na kwarto dito sa aking apartment na nagsisilbing bedroom ko.
Tinanggal ko ang mabigat na bag na nakalagay sa likod ko, unti-unti ko na ring tinatanggal ang bawat saplot sa aking katawan para sana magbihis ng pambahay, kun’di nga lamang biglang nag-ring ang cellphone ko.
“Hello?” tanong ko pa nang masagot ko na ang tawag.
“Bhes Gino! Nasaan ka na?” malakas na sigaw pa niya sa’kin kaya napuno ako ng pagtataka.
“Nasa bahay, kauuwi ko lang. Bakit ba ang ingay dyan?” sagot ko naman sa kanya.
“Nandito na ako sa venue! Magbihis ka na dali para makapunta ka na dito,” tugon pa niya.
“Teka Mar—”
Pinutol n’ya ang sasabihin ko at mabilis nyang sinabi ang address at pangalan ng lugar na pag gaganapan ng party n’ya.
Napailing na lamang ako dahil ibinaba na n’ya ang tawag pagkatapos sabihin iyon.
Napakamot na lamang ako sa aking ulo at naghanap ng maayos na damit na pwede kong suotin para sa party ni Mars.
Nagsuot ako ng simpleng T-shirt na tinernuhan ng black denim jeans at canvas shoes.
Pagkatapos kong magbihis at mailagay sa bulsa lahat ng aking kailangang dalhin ay napatingin ako kay Miggs na nakatingala sa’kin.
“Sorry Miggs, hindi tayo magkakasabay sa pagkain ngayon,” paghingi ko pa ng paumanhin sa kanya habang nakatingin sa nagmamakaawa niyang mukha.
“Sorry talaga,” malambing na sabi ko pa sa kanya sabay lapag ng pakainan sa sahig, dinagdagan ko din ito para naman maging pangpalubag loob n’ya.
‘Baka kasi magtampo si Miggs sa’kin’,
isip-isip ko pa habang hinihimas ang ulo niya habang kumakain.
Gusto ko pa sanang samahan siya sa pagkain nang bigla kong maalala na may pupuntahan pa nga pala ako.
Nagpaalam na ako kay Miggs at isinara ang pinto. Nang makarating ako sa may tabing kalsada ay pumara ako sa dumadaang taxi para dalhin ako sa venue ng birthday ni Mars.
Makalipas ang ilang minuto ay ibinaba ako ng taxi sa harap ng isang maingay at maliwanag na bar.
‘Ano pa bang inaasahan ko, na gaganapin ang birthday party nya sa isang tahimik at simpleng lugar?’
isip-isip ko pa habang pumapasok sa loob ng bar.
‘Party animal si Mars, mga clubs ang paborito niyang lugar at bar hopping naman ang hobby niya’,
sabi ko pa sa aking sarili habang nakikipagsiksikan sa mga pawisan na katawan na magugulong sumasayaw sa loob ng club.
Halos mahilo ako sa paghahanap sa kanila kun’di lang may humigit sa’kin palayo sa dance floor.
“Bhes Gino!!!” malakas na sigaw pa niya sabay yakap sa’kin ng mahigpit.
“Mars!!! h-hindi ako makahinga!” sabi ko pa habang pilit tinatanggal ang pagkakayakap niya sa’kin.
“Sorry Bhes, kanina pa kasi kitang hinihintay!“natatawa pang sabi niya sabay higit sa’kin palapit sa private table nila sa second floor ng bar.
“Guys nandito na si Gino!” masiglang sigaw pa niya sa lahat ng aming mga katrabaho at iba pa n’yang bisita.
Ang maingay na table ay biglang natahimik ng dumating kami.
‘Alam ko naman na hindi nila ako gusto dahil weirdo raw ako at masyadong introvert, pero wala naman akong pakialam dahil hindi naman sila ang ipinunta ko dito,’
sabi ko pa sa aking sarili habang naghahanap ng pwedeng upuan.
Habang naghahanap ay nasilayan ko si sir Yuan at kumaway pa siya ng tipid sa’kin, tumango naman ako at umupo sa pinakadulo ng table kung saan wala masyadong tao.
Masaya silang lahat na nagkukwentuhan at nagkakasayahan habang nag-iinuman at nagkakantahan.
Lagi akong niyaya ni Mars na makisali sa kanila pero dahil sa insecurities ko ay hindi ko magawa na sumali sa kanila.
Umiiling na lamang ako para sabihin na pass muna ako.
Nasa gitna si Mars habang nakaharap sa birthday cake n’ya, nakasuot siya ng sleeveless na top at denim na short. Ang kulay ng suot nya ay nagco-complement sa tan skin niya.
Nakapalibot naman silang lahat habang nasa may likurang parte ako, masayang kumakanta ang lahat ng happy birthday habang pumapalakpak.
Matapos kumanta ay hinihipan na ni Mars ang kandila at nagsigawan ang lahat.
“Mars, pasensya ka na pero ito lang ang regalo ko sayo,” nahihiya ko namang sabi sabay abot ng maliit na box, binili ko ang regalo ko sa kanya ilang araw na bago ang kaarawan n’ya.
“Wow!! Salamat bhes!!” masaya namang niyang sagot sabay kuha sa aking regalo, pagkatapos ay nagbigayan na rin ang iba ng regalo nila kaya nabaling na sa iba ang attensyo n’ya.
Bumalik ako sa aking upuan na napapabuntong hininga.
“Hayss sana all maganda, confident at may magaling na communication skills,” bulong ko pa sa sarili ko at nagpasya na kumain na lamang.
Hindi ako mahilig uminom ng alak dahil mahina ang alcohol tolerance ko.
Maya-maya pa ay nabigla ako dahil may tumabi sa’kin.
“Bhes!! Sorry talaga ha, hindi agad kita nasamahan dito,” sabi pa n’ya sabay abot sa’kin ng isang basong alak.
“Okay lang Mars, alam ko naman na hindi lang ako ang kaibigan mo,” ma-dramang sabi ko pa sa kanya kaya napatawa pa siya bago batukan ako.
“Gaga ka gurl, kaibigan ko nga sila pero ikaw naman ang bestfriend ko,” nakangiti pang sabi niya kaya napuno ng saya ang dibdib ko.
‘Maswerte talaga na nakilala ko si Mars,’
isip-isip ko pa habang nakikipag cheers sa kanya.
“Bhes, alam mo kung bakit ka malungkot?” medyo lasing na tanong pa nito sa’kin.
“H-Hindi ako malungkot, Mars,” nauutal na sagot ko naman na habang nararamdaman ang pagtama sa’kin ng alak na ininom ko.
“A-Aminin *hic mo na bhes, malungkot ka kaya mag-jowa ka na kasi para naman magkaroon ka ng inspiration sa buhay,” sabi muli niya sabay salin ulit ng alak sa baso ko.
“*hic d-di ko kailangan ng jowa,” sagot ko naman.
“B-Baka madeds ka n’yan ng virgin bhes, 25 years old ka na kaya dapat may experience ka man.lang,” makulit na turan muli niya kaya natahimik na lang ako.
‘Dahil bakla ako ay hindi ko kayang bumuo ng sarili kong pamilya, ang pamilya na pinapangarap ko,’
malungkot na sabi ko pa sa aking isip.
‘Hayss, hindi na nga ako bumabata, bakla nga ako pero walang experience sa lalaki’
“B-Bhes!! nakikinig ka pa ba?!” lasing na sabi pa niya sakin kaya napatingin ulit sa kanya.
“Ano *hic ang sinabi mo? sagot ko naman.
“Sabi ko! Kung ayaw mo ng jowa, bakit di ka mag-hire ng callboy o kaya naman ay magkaroon ng one night stand *hic di ba?” malakas na sabi pa niya kaya napatingin ako sa paligid kung may nakikinig, nakakahiya kasi ang sinasabi ni Mars
Napahinga ako ng maluwag ng mapansin na mga tulog na din ang iba dahil sa kalasingan.
Umiikot na din ang paningin ko dahil sa pagkahilo, mabilis talaga ako malasing dahil hindi ako sanay mag-inom.
“E-Ewan ko sayo Mars, ayaw ko magkasakit no,” sagot ko naman sa sinabi niya kanina.
“Di *hic gumamit kayo ng condom para di ka magkasakit,” sabi pa nito sa’kin kaya napailing ako.
‘Lasing na talaga siya at mukhang ako rin dahil nagkakaroon na sa’kin ng appeal ang mga sinasabi niya’,
ani ko pa sa aking isipan at napatingin sa cellphone ko para tingnan ang oras.
‘Bwisit, sobrang late na kelangan ko ng umuwi’,
sabi ko pa sa aking sarili at nagpasya nang tumayo kahit hilong hilo na.
“Mars, uuwi *hic na ako,” pagpapaalam ko pa sa kanya pero kumaway lang siya sa’kin at tumawa na parang baliw.
Pasuray-suray ako sa paglalakad, umiikot ang lahat ng bagay na sa aking paligid.
Ang sakit ng ulo ko pero gustong gusto ko ng umuwi kaya tinatagan ko ang sarili ko at nagpatuloy sa paglalakad.
Kahit sobrang hirap ng pinagdaanan ko bago makalabas ng bar ay sulit naman ng makalanghap na ako ng malamig na hangin.
Ilang beses ko pang sinampal ang mukha ko para di ako antukin at para mawala ang hilo ko habang naghihintay ng taxi.
Maya-maya pa ay may dumaan ng taxi at sumakay na ako doon.
sumandal ako sa malambot na upuan nito dahil sa hilong nararamdama.
Kahit antok na antok ay pilit ko pa rin na nilalabanan ito pero habang nasa kalagitnaan na kami ng byahe ay naramdaman ko ang pagbaligtad ng aking sikmura.
Pansin ko pa ang masamang tingin sakin ng taxi driver habang nakatingin ito sa rearview mirror.
“Sir, bumaba ka na kung balak mong sumuka,” inis na sabi pa nito kaya nagdesisyon na akong bumaba na lamang.
“Bwisit!” mabilis na sabi ko pa habang pasuray-suray na tumakbo papunta sa tabi para sumuka doon.
“Bleewahhhahh!”
Napahinga ko ng malalim at pinunasan ang bibig ko pagkatapos kong sumuka.
Napatingin ako sa paligid para tingnan kung nasaan ako, malakas na hangin na medyo maalat ang dating kaya naisip ko na baka malapit ako sa dagat.
Dahan-dahan akong naglakad palapit sa gilid ng stone railing.
‘Hmm baywalk?’
isip-isip ko pa habang nakatingin sa madilim na kapaligiran pero naririnig ko pa rin ang malakas na tunog ng mga alon sa di kalayuan.
Napapapikit na muli ang aking mata dahil sa antok at sa hilong na nanatiling nasa aking katawan.
Hindi ko alam kung ilang minuto ang itinagal ko sa pagtingin sa kawalan, hindi ko na nga rin napansin na may mga yabag ng paa na palapit sa’kin.
Nang mapagpasyahan ko na babalik na ako ay bigla namang nawala ang balanse ko kaya inaasahan ko na babagsak ang katawan ko sa malamig at matigas na sahig…hindi sa isang matigas na dibdib.
Napakapit ako dito ng mahigpit at naramdaman ko rin ang malakas nyang mga braso na nakayakap sa aking bewang para suportahan ang aking katawan.
Ang mainit na katawan niya at mabangong amoy ay nagdala sa akin para tuluyan na akong kainin ng kadiliman.
Pero bago tuluyan akong makataulog ay narinig ko pa ang malalim at lalaking-laking boses niya.
“Hey, are you okay?”
MB 2
I hope you enjoy reading this chapter 💕
Nagising ako kinabukasan na masakit ang ulo at katawan, nababasa din ang mukha ko dahil sa paglapat ng dila ni Miggs sa aking mukha.
Bumangon naman ako ng dahan- dahan habang tinitingnan ang paligid.
“Nandito ako sa kwarto ko?”, bulong ko pa sa aking sarili habang nakatingin sa paligid at kay Miggs na masayang nakatingin sakin.
‘Ibigsabihin ay panaginip lang ang lahat, hindi ako nagpunta sa baywalk at walang lalaki na tumulong sakin?’,
isip-isip ko pa habang nagpapasya nang tumayo at magpunta sa banyo para makapaghilamos ng mukha.
Dahil masama ang naging pakiramdam ko dahil sa hangover ay hindi ako nakapasok sa opisina.
Kahit masakit ang aking ulo ay hindi mawala sa aking isipan ang naging panaginip ko, kung panaginip nga ba iyon?
Pero imposible naman kasi talagang maging totoo ang bagay na iyon dahil paano nya ako maiibalik sa bahay ko kung hindi naman nya alam ito.
Ang amoy at boses nya ay malinaw sa aking isipan kaya gustong maniwala na totoo ang lahat.
END OF FLASHBACK
“Ano bhes, tulala ka na lang dyan?”, nagising ako sa malalim na pagbabalik tanaw ko sa aking alala dahil sa sinabi ni Mars.
“A-Ah wala, may naalala lang ako”, sagot ko naman sa kanya at pilit na nagfocus para magawa ko na ng maayos ang aking report, kailangan ko pa itong ipasa mamaya.
Lumipas ang mga oras ng kay bilis habang abala ako sa pag eedit ng report ko, napansin ko na lamang na lunch break na ng yayain ako ni Mars na kumain na.
“Bhes, halika na lunch na tayo, gutom na ako”, sabi pa nito kaya tumango ako at kinuha ang paperbag sa ilalim ng table ko na may laman na pagkain.
“Bhes Gino, bibili lang ako”, turan pa ni Mars nang makarating kami sa cafeteria at pumila na ito para bumili.
“Sige”, tipid na sagot ko naman sa kanya at nagpasya na lamang na maghanap ng table.
Sa gilid na parte ng cafeteria ako nakahanap ng bakanteng table kaya mabilis na umupo agad ako at habang hinihintay si Mars ay minabuti ko nang iayos ang pagkain ko palabas sa paperbag.
Pagkatapos ilabas lahat ng baon kong pagkain ay napatingin ako sa paligid ko para hanapin si Mars pero mukhang nakapila pa rin sya hanggang ngayon.
Sa pagmamasid ko sa paligid ay nahagid ng aking peripheral vision ang kambal na sina Eldran at Elvin na nakaupo sa malapit na table kung saan ako nakaupo.
Ang lalakas ng boses nila na kung magkwentuhan, parang walang ibang tao na nakakarinig sa kanila.
‘Hm, hindi ko din naman sila masisisi dahil asset nila sa pagtatrabajo ang boses, nasa sales department kasi sila’,
isip-isip ko pa habang patuloy na nakayuko, baka kasi mapansin nila ako.
Trouble ang dalawang yan kaya hindi ko sila pinapansin. Mga bully sila at mahilig nilang pagtripan ang mga newbie ng kumpanya pero pansin ko lang na ang tagal ko na din dito sa kumpanya pero hindi pa rin sila nagsasawang pagtripan ako.
Maya-maya pa ay narinig ko ang pag uusap nila.
“Uyy Marcy!! halika, dito kana sa table namin maglunch”
Rinig ko pa ang matinis na boses ni Elvin na tinatawag ang pangalan ni Mars.
“Eh? Sorry guys kasabay ko kasi si Gino”
Sagot naman ni Mars sa mga ito, dahil nacurious ako kung anong nangyayari ay sumusulyap ako sa kanila.
Base sa nakita ko ay hindi nagustuhan ng kambal ang sagot ni Mars dahil mas pinila nya ako kesa sa kanila.
“Ha!?, yung loser na yun na naman, ano ka ba, just ditch him already mas bagay na kasama ka namin kesa sa introvert na yun”
Mayabang na turan pa ni Eldran kay Mars at nagbigay naman ng tunog ng pag sang ayon ang lahat ng kasama nila sa table pero napailing lamang si Mars sa mga ito.
“Sorry talaga guys, baka next time na lang”, sagot naman ni Mars sa mga ito at nagpatuloy na sa paglalakad patungo sa aking dereksyon kaya napasunod din ang paningin nila at nakita ko pa ang masamang tingin ng kambal sa akin ng magkasalubong ang mga mata namin.
Halos kilabutan pa ako ng gamitin ni Eldran ang kamay nya para magsign na patay daw ako sa kanila.
Dahil sa takot ay yuyuko na sana muli ako kundi lang bigla namang dating ni Mars sa table namin.
“Hayss sorry Bhes Gino, ang haba ng pila”, turan pa nito sabay lapag ng tray na kanyang hawak at umupo sa aking tapat.
“Alam kong rinig mo ang sinabi nila, wag mo na lang pansinin ha, walang magawang maayos ang mga iyon”
Napatingin naman ako sa kanya dahil sa kanyang sinabi.
“Oo naman Mars, ilang taon na rin ba silang binabalewala”, natatawa ko pang sagot kaya napangiti ito sakin.
“Cute mo talaga bhes, tulungan kita sa report mo mamaya”, nangi-gigil pang sabi nito sabay pisil sa aking pisngi.
Mabait talaga si Mars, buti na lang dahil nakilala ko sya dahil kung hindi siguro ay mag isa ako sa lahat ng bagay. Nakilala ko lamang si Mars ng magtrabaho ako dito sa kumpanya, sya ang pinaka unang bumati sakin nung first day of work ko dito at mula noon ay naging magkaibigan na kami.
Hindi naghihirap ang pamilyang pinanggalingan ni Marcel Tiangco, may mga negosyo ang mga magulang nya pero dahil ayaw nyang maging tagapagmana nito ay mas pinili na lang nyang magtrabaho sa isang kumpanya.
‘Naiinggit ako dahil lahat ng meron si Mars ay ang mga bagay na wala naman ako. Masaya at buong pamilya, pera at kayamanan pati na rin ang gwapo at mabait na kasintahan’
Napabuntong hininga naman ako dahil sa mga iniisip ko. Naiinis ako sa sarili ko dahil nararamdaman ko ang mga bagay na iyon para pa sa nag iisa kong kaibigan.
Napailing na lang ako para maalis ang bagay na yun sa utak ko.
“Okay ka lang bhes?”, tanong pa nito sakin kaya napatango ako at ipinagpatuloy ang pagkain, ganun din naman ang ginawa nya at nagkukwentuhan din kami tungkol sa iba’t ibang bagay.
Natapos ang lunch break at bumalik na ulit kami sa aming mga table, tinulungan ako ni Mars sa report ko kaya natapos ko ito bago kami mag out ng araw na ito.
Tok!!! Tok!!
“Come in!”, sabi pa ng boses mula sa loob ng opisina ni Sir Yuan kaya naman dahan-dahan kong binuksan ang pintuan.
“What is it, Mr. Dimapilit?”, inis na tanong pa nito ng makalapit ako sa kanya.
“A-Ah ipapasa ko lang po ulit ang aking report, Sir”, sagot ko naman sabay patong ng folder sa table nya.
Poker face lang naman ito na nakatingin sakin habang nagsasalita ako, at nang maibigay ko na ang folder ay nabaling dun ang kanyang attensyon.
“Okay, Now leave!”
Biglang sabi pa nito sakin kaya halos mapatalon ako sa gulat at saka mabilis na naglakad palabas ng opisina.
“Ano Bhes, mukha kang aatakihin sa puso ah”, sabi pa naman ni Mars sakin nang makabalik ako sa aking table kung saan ay katabi lang ang kanya.
Nakahawak kasi ako sa dibdib ko dahil sa lakas pa rin ng kabog nito dahil sa malakas na pagsigaw ni Sir.
“Napagalitan ka na naman ba?”
“H-Hindi naman Mars, nabigla lang ako sa pagsigaw nya”, sagot ko naman habang napapakamot sa ulo.
“Ganun ba , ibigsabihin ba nyan ay pasado na ang report mo?”
“Hindi ko alam, baka nga ibalik na naman bukas eh”, nag alala ko pang sabi kaya itinulak nya ang upuan palapit sakin at hinawakan ang kamay ko habang nakangiti.
“Think positive lang bhes”, turan pa nito at napangiti na lang din ako sa kanya.
Pansin ko din na nag aayos na ang karamihan ng mga katrabaho namin ng mga gamit nila.
‘5:30 pm na pala, mag oout na sila pero ako mukhang mag oover time dahil naipon na ang iba ko pang dapat gawin dahil sa pag gagawa ng report na yun’,
medyo inis na sabi ko pa sa aking isip.
“Bhes, tayo na”, sabi pa ni Mars ng makatayo na ito at hawak na ang maganda nyang handbag.
“Mag oovertime ako Mars, mauna ka na”, sagot ko pa dito.
“Sure ka ba?”, nag aalala pang sabi nito kaya nginitian ko na lang sya bago magsalita.
“Oo naman, atsaka baka hinihintay ka ng loveydabs mo sa baba kaya Shoo ka na”, natatawa ko pang pagtataboy ko dito.
“Kung maka-shoo ka, para akong yung alaga mong aso ah..Haha sige na nga, bye bhes mag ingat ka”, pagpapaalam pa nito sabay kaway sakin habang naglalakad na sya papunta sa elevator.
Napabuntong hininga naman ako ng mapansin na wala na akong kasama dito, medyo madilim na din ang labas.
Hindi na ako natatakot dahil hindi naman ito ang pinaka unang beses na ng overtime ako.
‘Buti na lamang dahil, iniwanan ko ng maraming pagkain si Miggs bago ako umalis kanina, hindi na sya magugutom kahit mamaya pa ako makauwi’,
isip-isip ko pa habang sinisimulan na ang mga dapat kong gawin.
Makalipas ang isang oras nag pagtatrabaho ay may napansin ko.
Hindi ko maintindihan pero pakiramdam ko ay kakaiba ang gabing ito. Nagtatayuan ang mga balahibo sa aking braso at batok dahil sa kabang nararamdaman.
Dahan-dahan kong inilibot ang aking paningin sa paligid pero wala naman akong nakita.
babalik na sana ulit ako sa aking ginagawa ng biglang may malamig na kamay na humawak sa aking balikat.
“AHHHHHHH!!”, sigaw ko pa habang nagtatatakbo dahil sa sobrang takot.
‘Goodness!! tunay nga ata ang mga kwento tungkol sa mga multo dito sa office!!’,
takot na sabi ko pa sa aking sarili.
Hindi ko na nagawang lumingon, wala na rin akong ibang naririnig kundi ang malakas na tibok ng aking puso, tumakbo ako ng tumakbo hanggang sa mapatigil ako dahil may humigit sakin pabalik at mabilis akong niyakap para di ako makapanlaban.
Nagpumiglas ako pero mahigpit ang pagkakayakap nya, at nang lumapat ang mukha ko sa kanyang dibdib ay napatigil ako sa pagpupumiglas dahil pamilyar sakin ang pabango nya.
‘na-amoy ko na iyon dati pero di ko maalala kung kelan’,
naguguluhan na sabi ko pa sa aking sarili.
Dahil sa pagkalma ko ay unti-unti ko ng nakinig ang sinasabi ng taong nakayakap sakin.
“Calm down okay, its just me”
Napatingin naman ako sa kanya at namula ang mukha ko dahil sa hiya ng mapagtanto na si Sir pala ang multo.. este ang lalaking nakayakap sakin.
“S-Sorry po Sir”, nauutal na sabi ko pa sabay layo sa kanya.
“Its alright, Okay ka lang ba?”, tanong pa nito habang sinusuklay palikod ang bangs nya gamit ang mga daliri.
‘Goodness, ang gwapo nya sa part na yun’
Gusto kong sampalin ang aking pisngi dahil sa kalandian ko kaso baka lalong isipin ni Sir na weirdo ako.
“O-Okay lang po Sir, kala ko po multo kayo”, nahihiyang sagot ko pa dito.
Napangiti lang naman ito sakin kaya di ko napigilan na mapanganga sa gulat.
‘Wow, first time kong nakitang ngumiti si Sir’
“A-Ah ano pa pong ginagawa nyo dito Sir, akala ko naka uwi na kayo”, sabi ko pa para wala sa isip nya ang pagtitig ko sa gwapo nyang mukha.
“I just going to ask you the same thing”, sagot naman nito habang naglalakad na kami pabalik.
“Ah nag oovertime po”, tanging sagot ko naman sa kanya, napatango ito at sinabing parehas kami ng dahilan.
“Nakapag dinner ka na ba?”, tanong pa nito ng malapit na kami sa aking table.
“Hindi pa po”, tipid ko pang sagot.
“Ako din, gusto mo bang sumama sakin magdinner sa labas?”, cool na pag aaya nito pero ramdam ko ang kaba nya.
‘Di ba nag aaya lang naman syang sabay na kumain, bakit sya kinakabahan?’,
tanong ko pa sa aking isipan habang nakatingin sa pinagpapawisan nyang noo.
‘T-Teka, hindi kaya…
Nope
…
Imposible na inaalok nya ako ng date’
MB 3
I hope you enjoy reading this chapter 💕
“Miggs!! namiss mo ba ako boy?”, masayang sigaw ko pa ng mabuksan ko ang pinto ng bahay at masigla namang sumalubong sakin si Miggs.
Pumasok na ako sa loob ng bahay habang nakasunod lamang ito sakin, katulad ng lagi kong ginagawa pag uwi. Nagbibihis ako ng pangbahay na damit bago magluto ng hapunan.
Nagtungo na ako sa maliit na kusina dito sa aking apartment para magluto ng aking hapunan.
Naisipan kong magluto ng pancit canton at pritong itlog na lamang para sa aking ulam at nagsalang na rin ako ng bigas sa rice cooker.
“Come here my stress reliever”, natatawa ko pang sabi kay Miggs habang nakaupo ako silya at hinihintay na kumulo ang tubig para sa pancit canton.
Masayang masaya naman itong lumapit sakin habang gumagalaw ng pabalik-balik ang buntot nito.
Habang hinihaplos ko ang ulo nya at ang malambot nitong malahibo ay bigla kong naalala ang nangyari sa opisina.
Dahil marami pang mga bagay ang gumugulo sa aking isipan ay nagawa kong tanggihan ang alok na dinner ni Sir Yuan kanina.
Hindi naman sa pag aassume dahil di naman ako sure kung date nga ba ang gusto ni Sir pero pakiramdam ko ay may pumipigil sa akin na kung ano.
Kung siguro kaharap ko si Mars ngayon, sigurado akong nabatukan na nya ako dahil pagkakataon ko na ito para magkalovelife, pero nang ma-amoy ko ang pabango nya kanina. Bumalik sa saking isipan ang aking panaginip kung saan ay napadpad ako sa baywalk at may tumulong sa aking lalaki.
‘Sya kaya ang lalaking yun?’,
Naguguluhang tanong ko pa sa aking isipan.
Medyo malungkot ang mukha ni Sir nung tinanggihan ko sya pero tinakpan na lamang nya iyon ng isang ngiti saka nagpaalam sakin, medyo nakaramdam ako ng guilt pero hindi ako confident para magkaroon ng relasyon sa ngayon.
Napabuntong hininga na lamang ako at nang mapansin na mainit na ang tubig ay nagsimula na akong magluto.
Kinabukasan, nagising ako na masaya dahil masarap ang naging tulog ko.
Nakangiti akong bumangon, hindi lang mood ko ang maganda sa araw na ito pati na rin ang panahon.
Nagtungo na ako sa banyo para maligo, may trabaho pa ako sa araw na ito kaya kailangan kong magsipag.
Kahit sabihin na wala akong pamilya dahil maagang namatay ang aking mga magulang at napunta ako sa aking mga kamag anak, ay pina-aral pa rin nila ako kahit medyo strikto sila.
Pagkatapos makagraduate ng highschool sa tulong nila ay nagtrabaho na ako para mapa aral ang sarili ko sa kolehiyo.
Masayang masaya ako dahil pagkatapos ng apat na taong paghihirap sa part time job at pag-aaral ng sabay ay sa wakas nagkahanap na ako ng maayos na trabaho sa isang kumpanya.
Tinanggap nila ako kahit fresh grad. ako at wala pang experience, kahit mahirap ang araw araw na pagtatrabaho ay na nanatili pa rin akong masaya dahil doon ko na kilala ang isang taong tinuturing kong pamilya ngayon.
Syempre si Mars iyon at pagkalipas din ng ilang taon ay nakaipon na ako para makabili ng maliit na apartment.
Pagkaligo ay nagbihis na ako ng formal attaire ko at saka nagtungo sa kusina para magluto at kumain.
Habang kumakain ako ay ganun din naman si Miggs sa ilalim ng mesa…
.
.
“Arff arff!”
“Bye din, Miggs”, pagpapaalam ko pa sa kanya sabay sara ng pintuan ng bahay.
Paglabas ko ng bahay at nang makapunta ako sa tabing kalsada ay sumakay ako ng taxi, makalipas ang ilang minuto ay nakarating na din ako sa kumpanya.
“Good morning”, magiliw na bati ni Kuyang guard nang makapasok ako sa main door ng building, Ngumiti naman ako at saka magalang na bumati pabalik sa kanila.
Nagmamadali na rin akong nagtungo sa elevator ng masulyapan ko ang oras.
‘Bwisit, late na ako’
, inis na sabi ko pa sa aking sarili habang tumatakbo.
Nang makarating ako sa tapat ng elevator ay napangiti ako ng tipid dahil kahit marami na itong laman ay kasya pa naman ako.
Sasakay na sana ako ng biglang may brasong humarang sa dadaanan ko.
“Sorry, Gino-the-loser, pero hindi ka na pwedeng sumakay”, nakangisi pang sabi ni Eldran habang tumatawa naman sa likod nito ang kakambal na si Elvin.
Napaatras naman ako nang tiningnan nya ako ng masama bago sumara ang pinto ng elevator.
‘Bwisit na Eldran, kala mo naman ang gwapo-gwapo nya’,
nakasimangot na turan ko pa sa aking isip habang nakatayo sa labas ng elevator.
Napailing na lang ako ng makita ang oras sa aking cellphone.
“Late na talaga ako”, Bulong ko pa sa aking sarili at saka napatingin sa hagdan.
‘Hayss maghahagdan ata ako ngayon, akala ko pa naman maganda ang magiging araw na ito’,
malungkot na sabi ko pa sa aking isipan.
Pupunta na sana ko doon ng biglang may humatak sa braso ko pabalik.
“Hoy! ano b—”, napatigil ako sa pagsasalita ng makita kong si Sir Yuan pala ang taong iyon.
“S-Sir saan po tayo pupunta?”, nag aalangan na tanong ko pa dito pero hindi manlang ito lumingon at sumagot.
Maya-maya pa ay napansin ko na palapit kami sa private elevator nya dito sa kumpanya.
Pinindot nya ito para bumukas at nauna ng pumasok sa loob, naiwan naman ako sa labas na nakatulala. Nagising lang ako dahil sa kanyang sinabi.
“Are you gonna stand there all day?, gusto mo bang malate?”
“A-Ah Hindi po Sir, sasabay na nga po ako”, nagmamadali ko namang turan sabay pasok sa elevator.
‘Wow, Mabait ata si Sir ngayon ah, bawal sumakay sa elevator na ito ang simpleng empleyadong tulad ko, pero isinabay pa rin nya ako para di ako malate’,
isip-isip ko pa habang napapatango.
Hindi naman nagsasalita si Sir at tahimik lang na nakasandal sa gilid ng elevator habang nagcecellphone.
Ako naman ay pinagmamasdan lamang ang itsura nya gamit ang repleksyon nya sa makintab na pinto ng elevator.
Ang tindig nito na matikas at kagalang-galang, ang maputing kulay ng kanyang balat at maitim at makintab nyang buhok ay talaga namang kahanga-hanga. Ang gwapo nitong mukha, na may makapal na kilay at medyo sinkitin na mga mata ang mga labi din nito ay mamula-mula na parang nag lip gloss. May lahing Korean si Sir Yuan kaya naman para syang artista ng mga sikat na K-Drama.
‘Siguradong maswerte ang magiging asawa nya’,
sabi ko pa sa aking isipan, Nagulat na lamang ako ng bigla itong tumingin pabalik sakin mula sa kanyang repleksyon.
“Are you done checking me out?”, nakangisi pa nitong tanong at nang tumunog na ang elevator ay nauna na syang lumabas.
Naiwan naman akong nakanga-nga at namumula ang pisngi.
‘Bwisit, alam nyang tinitingnan ko sya’,
nahihiyang sabi ko pa sa aking sarili.
Napailing na lamang ako at nagsimula ng maglakad papunta sa aming working station.
“Good morning, Mars”, nanghihina ko pang bati dito nang makita ko syang umiinom ng kape habang nakaupo sa table nya.
“Good morning din Bhes Gino”, masigla namang sagot niyo pagkatapos ibaba ang iniinom na kape.
Tumango naman ako at umupo na din para makapagsimula ng mga bagong gawain para sa araw na ito.
Maya-maya pa ay napansin ko na silip ng silip si Mars sakin kaya napalingon ako sa kanya bago magsalita.
“Kung may sasabihin ka Mars ay sabihin mo na”
“Hehe, may chika kasi ako sayo”, natatawa pang bulong nito saka lumapit ng kaunti sa akin.
“Ang aga naman ng Chika mo, ano ba yun?”, sagot ko pa pero nginisihan lang ako nito.
“Hindi na ito bago pero may sabi-sabi na may nagugustuhan daw si Sir Yuan dito sa kumpanya”, kinikilig na sabi pa nito sakin kaya binigyan ko sya ng bored look bago sumagot.
“Ano naman kung meron nga?”
“Guess what?, feeling ikaw yun”, nakangisi pang bulong nito sakin habang pinipigilan na tumili.
“Anong ako?”
“Ikaw, yung gusto ni Si—”, sabi pa nito at mabilis kong tinakpan ang bibig nya bago pa makasigaw.
“Shhh wag ka ngang maingay baka may makarinig pa sayo”, pagsasaway ko pa dito, napatango naman ito kaya tinanggal ko na ang kamay ko sa bibig nya.
“Wala namang masama kung ikaw nga, bagay kayong dalawa yieee”, makulit na turan pa nito habang sinusundot ang tagiliran ko.
‘Ewan ko, pero bakit nya ako gustong yayain mag d—’
“Ano!?”
Mabilis akong napatingin kay Mars dahil sa biglaang pagsigaw nito, napatayo pa sya kaya nakuha nya ang attensyon pati ng ibang empleyado dito.
“Ano bang nangyayari sayo Mars?”, gulat na tanong ko pa dito.
Napagtanto naman nya ang ginawa kaya mabilis na napaupo ito at kahit tan ang kulay ng balat nya ay pansin parin ang pamumula ng kanyang mga pisngi dahil sa hiya.
“hihi ikaw kasi, anong sabi mo kanina, niyaya ka nyang magdate??”
“Huh? anong sinasab— Teka, mind reader ka ba? paano mo nalaman ang iniisip ko?”
“hindi mo lang naman kasi iniisip yun, ibinubulong mo din kaya nga narinig ko”
Namula naman ang pisngi ko dahil sa sinabi nya, lumapit ito sakin lalo at ngumisi ng nakakatakot.
“Bhes Gino, baka naman gusto mong ishare sakin kung anong nangyari”, bulong pa nito sakin kaya itinulak ko pa layo ang mukha nya.
“Walang nangyari, Mars”, sagot ko pa dito pero halatang hindi ito naniniwala.
‘Bwisit, wala talagang balak tumigil ang Marcel na to’, isip-isip ko pa habang napapailing.
“Tss, sige na nga”
Nagliwanag ang mga mata nito dahil sa sinabi ko at masayang napa”YES!” pa.
“Sige chika mo na sakin bhes”, excited na sabi pa nito pero umiling ako sa kanya.
“Hindi ngayon, mamaya paglunch na” sagot ko naman dito kaya napasimangot sya.
Napangiti naman ako ng tipid at bumalik na sa aking ginagawa. Akala ko ay matatahimik na ang aking buhay at makakapagfocus na ako sa aking trabaho ng bigla namang lumapit sakin si Donna secretary ni Sir Yuan.
“Pinapatawag ka ni Sir”, tanging sabi lang nito sakin at tumalikod na.
Hindi ko alam agad ang gagawin dahil sa pagkabigla kaya di agad ako nakagalaw.
‘Ano kayang kailangan ni Sir?’,
tanong ko pa sa aking isip.
“Ayiee ano pang hinihintay mo, Go bhes”, mapang asar na sabi pa ni Mars kaya inirapan ko ito.
Tumayo na ako at sumunod kay Donna papunta sa office ni Sir.
Kumatok si Miss secretary at rinig ko na nagbigay na ng permiso si Sir para kami makapasok.
“Sir, bakit nyo po ako pinatawag?”, tanong ko pa dito ng makatayo ako sa harap ng table nya. Nakayuko ito at busy sa binabasa nya.
Nang marinig nya ang boses ko ay napatigil sya sa ginagawa at tumingin sa akin.
“I decided that you are going to be our company’s representative for the next meeting with the Z Corporation”, poker face na sabi pa nito, ako naman ay napatulala na lang sa kanya.
“W-What? but Si—”
“No buts, just prepare your self because the meeting will be held a week from now”
Napatango na lamang ako dahil alam ko naman na wala akong magagawa kundi sumunod.
“Now, leave”, sabi pa nito at bumalik na ulit sa pagbabasa nya.
Nagpasalamat naman ako at nagtungo na palabas ng opisina. Napabuntong hininga pa ako habang naglalakad pabalik sa aking table.
“Anong nangyari Bhes, magde-date na daw ba kayo ulit?”, excited na tanong pa ni Mars sakin kaya napatingin pa ang mga katabi namin dito.
‘Daldal talaga ng isang to’,
napapailing na sabi ko pa sa aking isipan.
“Gaga hindi, bad news nga eh”, sagot ko naman sa kanya sabay upo sa harap ng mesa ko.
“Ehh, ganun ba”, sagot naman nito, napansin siguro nya na bad mood ako kaya di na nangulit pa.
Dahil sa nangyari ay nagawa ko ng mas mabilis ang aking mga gawain, nang makatayo ako napainat ako ng aking braso at kamay, nangalay kasi ito dahil sa matagal na pagtatype sa computer.
Nang mailibot ko ang aking paningin sa paligid ay napansin ko na nag aalisan na rin sila para maglunch.
‘So, on time lang pala ako nakatapos’
“Bhes, tapos ka na?”, tanong pa sakin ni Mars kaya nakangisi akong sumagot sa kanya.
“Oo naman at nauna ako sayo ngayon haha”, mayabang na turan ko pa sa kanya habang nakapamaywang.
Napanguso naman ito at isinave muna lahat ng ginagawa nya para mabalikan at maituloy mamaya pagkatapos naming kumain.
Dala ko na ang paperbag ko habang naglalakad kami ni Mars patungo sa Cafeteria.
Nang makapasok kami dito ay ramdam ko na agad ang mga mapanghusgang tingin ng ibang empleyado sa akin, at sa tingin ko din na parang mas malala ata ngayon dahil mukhang pinag uusapan na din nila ako.
Hindi ko na lamang sila pinansin at nagtungo na sa dati naming table.
Habang abala ako sa pag aayos ng aking pagkain ay hindi nawawala ang mga tingin ng karamihan dito.
‘Para silang mga bata na pagtingin sayo ay biglang babaling sa katabi para bumulong, Hayss mga chismosa talaga’,
Makalipas ang ilang minuto ay dumating na din si Mars sa aming table.
“Buti na lang dahil maikli ang pila, Go ichika mo na sakin Bhes”, excited na sabi pa nito ng nakaupo sya sa aking tapat.
Ikinuwento ko sa kanya ang nangyari kahapon ng mag-overtime ako, at ang pag-aaya ni Sir sakin.
“Aray!!, bakit ka ba nangbabatok?”, inis na tanong ko pa dito.
“Bakit mo tinanggihan?”, stress na sagot naman nito sabay tingin sakin at tiningnan pa ako ng masama.
‘Mukhang tama nga ang iniisip ko, babatukan nga nya ako’,
sabi ko pa sa aking isipan habang napapakamot sa ulo.
“Eh hindi ko alam ang gagawin ko Mars, PAANO kung tunay yung sinabi mo kanina na ako ang gusto ni Sir eh wala naman akong experience sa pagrerelasyon, NBSB ako”, pabulong na sabi ko pa dito kaya napahawak naman sya sa baba nya habang nag-iisip.
“Hmm, experience huh?”, sabi pa nito habang napapatango.
” Kung experience lang naman , bakit kaya hindi ka maghi—”
“Callboy na naman at one night stand??”, inis na sagot ko dito at napangisi naman sya sa narinig.
“Oh alam mo na pala eh, di wala ka ng problema”, nakangisi pang sabi nito kaya napahampas na lang ako ng dalawang kamay sa aking mukha.
“Mars, hindi lang naman experience sa kama ang tinutukoy ko, yung tunay na karanasan sa pagkakaroon ng relasyon at saka, T-Teka--- bakit ko nga ba ito iniisip agad eh hindi naman ako tayo sure na ako ng ang gusto nya”
“Ano ka ba , believe me ikaw ang gusto nun”, confident na sagot naman nya kaya napailing na lamang ako.
‘Wala nang pag asa ang kaibigan ko, kinain na sya ng pagiging fangirl nya’
, isip-isip ko pa habang sinisimulan na ang pagkain.
Bigla namang may lumapit sa table namin kaya napatingin kami dito.
Lalo namang napataas ang kilay ni Mars ng magsalita na ito.
“At sino naman ang magkakagusto sa Boring na yan?, baka gusto nyo namang ishare sakin”
MB 4
[“At sino naman ang magkakagusto sa Boring na yan?, baka gusto nyo namang i-share sakin”]
Napakunot ang noo ko ng marinig ang malanding boses ni Elvin.
“Wala ka na dun Elvin, kaya please hayaan mo na kaming makapaglunch ng maayos”, mataray namang sagot ni Mars dito.
“Hmm, sure Mars, wag ko lang malalaman na nilalandi nyang munti mong kaibigan si Sir Yuan, kasi lalo kong gagawing empyerno ang buhay nya”, pagbabanta pa nito kay Mars na parang wala ako sa harap nito.
“Wag kang mag-alala, hindi naman MALANDI ang kaibigan ko, di tulad ng iba dyan”, nakangiti pero bakas ang inis sa boses nang sumagot ito.
Ngumiti naman si Elvin na halatang plastik bago umalis sa harap ng aming table.
“Aishh, Ang KAPAL bhes, Ang lakas ng loob bakuran si Sir eh hindi naman nya jowa”, hindi makapaniwalang turan pa nito ng makaalis na si Elvin.
“Wag na lang nating pansinin Mars, kumain na tayo mamaya pa ay tapos na ang lunch break natin ay hindi pa tayo tapos kumain” sabi ko naman dito saka ipinagpatuloy na lamang ang pagkain.
“Nagbanta pa talaga, Naku naku, ang sarap kalbuhin ng babaeng yun, Aishh magsama sila ng kakambal nyang feeling gwapo, mukha namang ninja turtle”, inis na sabi pa nito bago sumubo ng pagkain.
Napatawa na lamang ako dahil sa sinabi nito. Alam ng lahat na may gusto si Elvin kay Sir Yuan pero wala syang karapatan na magalit sakin dahil kung sakali ay wala akong inaagaw sa kanya dahil simula’t sapul ay wala silang relasyon.
Matapos maglunch ay nagsimula na ulit ang aming oras para magtrabaho, busy si Mars sa ginagawa nya habang ako naman ay ganun din.
‘5:25 pm na pala, malapit na kaming mag-out, 6:00 pm ang out namin eh
, isip-isip ko pa habang nakatingin sa oras na nasa aking computer.
Bigla naman akong naramdam ng uhaw kaya tumayo muna ako para pumunta sa water dispender habang dala ang aking tumbler na walang laman.
“Bhes Gino, san ka?”, napalingon naman muli ako dahil sa pagtawag ni Mars.
“Kukuha lang ng tubig Mars”, sagot ko naman dito, nagliwanag naman ang mga mata nito at mabilis kinuha ang tumbler sa kanyang table.
“hihi please, kuha mo din ako”, nagpapakyut na sabi pa nito sabay abot ng tatagyan ng tubig nya sakin.
Napailing naman ako at tinanggap ang inaabot nya. Masaya naman itong nagpasalamat sakin at may flying kiss pa.
Napatawa na lang ako at saka naglakad na papunta sa labas ng work station kung nasaan ang water dispenser at bench kung gusto mong magpahinga.
Nang mapuno ko na ang tumbler ko ay uminom na rin ako saka ko nilagyan ang tumbler ni Mars, paalis na sana ako ng bigla akong napasigaw dahil may humigit sa buhok ko pabalik.
“Aray!, ano ba”, galit na sabi ko pa dito at humarap sabay tulak sa taong may hawak sa aking buhok.
Napaatras naman sya dahil sa aking ginawa at tiningnan ako ng masama.
“Malanding Bakla”, galit na sabi pa ni Elvin sakin.
“Ang kapal din naman ng mukha mong bakla ka na ipagkalat na may gusto sayo ni Sir, Naku malaman-laman ko lang talaga na nilalandi mo sya, hindi lanh sabunot ang gagawin ko sayo!”, gigil na sabi pa nito sakin.
Napangiwi pa ako dahil sa mahigpit na pagkakahawak nya sa braso ko. Pakiramdam ko din ay bumabaon ang matitilos nitong kuko sa aking balat.
“H-Hindi ko alam ang sinasabi mo”, nasasaktang sagot ko naman dito at pilit na inaalis ang kamay nya sakin.
“Wag kang magka—”
“Is there a problem, Ms. Santillian and Mr. Dimapilit?”
“Pasalamat ka, nakaligtas ka ngayon”, bulong nito at mabilis na tinanggal ang kamay sa aking braso saka naglagay ng ngiti sa kanyang labi bago humarap kay Sir .
“No Sir, nag uusap lang po kami”, nagbabait-baitan na sabi pa nito kaya napatingin sakin si Sir.
“O-Opo Sir”, nakayuko ko namang sagot at dinampot ang mga tumbler saka nilampasan sila.
Nagmadali na akong bumalik sa table namin habang nangingilid ang mga luha.
‘Ano bang ginawa ko sa kanyang mali para tratuhin nya ako ng ganito, gusto ko lang magtrabaho ng maayos pero di ko pa ito makamit dahil sa kanila’,
Isip-isip ko pa pero ng malapit na ako sa aking table ay pinahid ko ang aking mata para di mapansin ni Mars.
Tahimik kong ipinatong ang tumbler ni Mars sa kanyang mesa kaya napatingin ito sakin.
“Okay ka lang Bhes?”, tanong pa nito kaya ngumiti ako ng pilit at umupo na rin sa harap ng table ko.
“Oo n-naman”, sagot ko dito.
Kala ko maniniwala na sya dahil tumango na ito pero nagulat ako ng tusukin nya ang aking braso.
“Anong nangyari dyan?”
“Wala lang ito, Mars”, mabilis ko namang sagot at ibinaba ang sleeves ng suot kong polo.
“Hindi, mapula eh”, makulit na sabi nito kaya wala akong naisip na ibang paraan kundi ibahin ang usapan.
“Teka, tapos ka na ba sa ginagawa mo? malapit na tayong mag-out oh”, sabi ko pa dito at nanlaki naman ang mata nya bago sumagot.
“Ala, hindi pa, kaunti na lamang ito”, nagmamadali pang sagot nito sabay harap ulit sa computer nya.
‘Hayss, hindi ko pwedeng sabihin ang ginawa ni Elvin sakin, kanina pang gigil na gigil si Mars dito baka mag away pa sila’,
sabi ko pa sa aking isipan at tinapos na din ang aking mga gawain.
Ag gusto ko na lamang ngayon ay makauwi na at makasama si Miggs…
…
“Bhes Gino!, finally makakauwi na tayo”, masayang sigaw pa ni Mars pagkatapos patayin ang computer nya.
Napatango naman ako at inayos na din ang aking mga gamit.
‘Salamat naman dahil natapos ko lahat ng aking gawain ngayon at hindi ko na kailangan mag over time’
“Yes naman, sa wakas at nagkasabay na din tayo sa paglabas ng office. Lagi ka kasing nag oover time”, sabi pa ni Mars habang pasakay kami ng elevator pababa.
“Oo nga, namiss ko na ding umuwi ng maaga”, sagot ko naman dito.
Naging mabilis ang pagbaba namin kaya nakapunta agad kami sa ground floor ng building.
Sabay din kaming naglakad palabas at nakita pa namin na naghihintay na si Kevin sa may parking lot, sya ang long time boyfriend ni Mars.
“Loves at Gino, good evening”, magalang na bati pa nito samin, maligaya namang lumapit si Mars dito at humalik sa labi nito.
Ngumiti naman ako at bumati pabalik dito at nagpaalam.
“Hey kevin, mauna na ako sa inyo ha”, sabi ko pa dito at kumaway sa kanila.
“Byee din Bhes, ingat ka”, rinig ko pang sigaw ng mag jowa sa sakin kaya lumingon muli ako at kumaway.
Nag intay pa ako ng ilang minuto sa harap ng building at nang may dumaan na taxi ay sumakay na ako.
Sinabi ko ang address ko sa driver at sumadal ng maayos sa malambot na upuan ng taxi.
‘Pakiramdam ko ay x3 ang pagod ko ngayong araw dahil sa mga nangyari kanina’,
isip-isip ko pa habang hinahaplos ang mahapdi kong braso na bakat pa din ang kuko ni Elvin.
Habang nagpapatuloy ang aking byahe ay hindi ko maiwasan na di mapatanaw sa labas ng bintana ng taxi.
Nasa may baywalk na pala kami at tanaw na tanaw ko ang sunset, bigla na namang bumalik sa aking isipan ang aking panaginip.
Nahuli ko na lamang ang sarili ko na pababa na sa taxi. Hindi ko alam kung bakit ako pumara at bumaba dito.
Napatingin pa sa sakin ng kakaiba ang driver dahil alam nyang medyo malayo pa ang address na ibinigay ko mula sa lugar na ito.
Nagbayad naman ako ng tama sa kanya kaya balewala na lamang itong umalis.
Ako naman ay nagpatuloy sa paglalakad palapit sa railing na gawa sa bato. Rinig na rinig ko ang malakas na tunog ng alon at ang maalat na amoy nito.
Medyo masarap nang langhapin ang simoy ng hangin dito dahil hindi na gaano kadumi ang dagat dahil maraming mga organisasyon at mga grupo na nagtutulungan sa paglilinis dito.
Nang mailibot ko ang aking paningin sa paligid ay napansin kong marami na ding mga tao dito sa baywalk, mga bata, pamilya at karamihan ay mga couple na dito nagdesisyon na magdate.
May mga iba’t ibang tinda naman dito kaya wala silang problema sa pagkain, popcorn, balot at iba pa ay available dito. Isama mo pa ang magandang tanawin.
Ang naghahalong kulay orange at asul sa kalangitan habang lumulubong ang araw ay talagang nakakapagpatanggal ng stress at sama ng loob.
Ang malakas na hangin na dumadami sa aking katawan at mukha ay nagsisimula ng lumamig kaya napapangiti ako, hindi ko na nga din napansin na naipikit ko na pala ang aking mga mata habang dinadama ang paligid.
‘Hayss, ito talaga ang kailangan ko’,
isip-isip ko pa habang napapahinga ng maluwag.
“Ayyy Pogiiii, 1,000? ano join kana sakin?”
Ayt. bigla akong napamulat dahil sa malakas na boses na narinig ko sa di kalayuan.
‘Syempre, hindi rin nawawala ang mga prosti at callboy dito’,
sabi ko pa sa aking sarili bago humarap sa pinanggalingan ng
MGA
boses.
Sa di kalayuan sakin ay may napansin akong matangkad na lalaki na pinalilibutan ng mga bakla at babae.
Para silang nasa auction kung magpataasan ng presyo kung sino ang makakapag uwi sa lalaking ito.
“Hey pogi!!, 1,500?”, sabi ng isang babae habang nakikipagsiksikan sa ibang buyer ng lalaking ito.
“2,000, gwapo sige na!!”, nagmamakaawa pang sabi ng isang bakla habang hawak na ang pera.
“Nope, 2,500!! akin ka na Pogi”, sabi naman ng isa.
Napabuntong hininga naman ako habang pinapanuod ko sila.
“Kala ko pa naman ay makakapagrelax na ako dito”, bulong ko pa sa aking sarili.
Iiwas na sana ako ng tingin nang bigla namang tumingin sa aking dereksyon ang lalaking callboy at nagkasalubong ang aming mga mata.
TUGS !!
‘Ano yun?’
, tanong ko pa sa aking sarili sabay hawak sa aking dibdib.
May kung anong meron sa kanya na kahit anong iwas ko ay di ko maalis ang mata ko sa kanya.
Ngumisi pa ito sakin at naramdaman ko na nag-init ang aking pisngi dahil sa kanyang ginawa.
Pilit kong inalis ang paningin ko sa kanya at ibinaling na lamang sa medyo madilim ng kalangitan dahil lumubog na ang araw.
‘Goodness!! No no no, walang ibigsabihin yun, gawa lang ito ng mga sinasabi ni Mars dahil sa Callboy at one night side na yan’,
sabi ko pa sa aking sarili at patuloy na ihahaplos ang aking dibdib, sa tapat ng aking puso.
Napabuntong hininga ako dahil sa mga iniisip ko.
‘Siguradong dulot lamang ito ng pagod at stress, mukhang kailangan ko ng umuwi para makapagpahinga’
, sabi ko pa sa akinh sarili at tumalikod na para bumalik sa may kalsada para sana sumakay ulit sa taxi.
Pero bago ako makalayo ay napasilay ulit ako sa gawi kung nasan si Mr. callboy. Napansin ko na wala na sila doon ibig sabihin ay may nakabili na sa kanya.
‘Bwisit ka Gino, bakit parang malungkot ka pa?’,
parang baliw na pagsesermon ko sa aking sarili.
Napakamot na lamang ako sa aking ulo habang naghihintay sa tabi ng kalsada.
‘Nababaliw na ata ako’
Lumipas ang ilang araw mula ng pumunta ako sa baywalk. Pilit ko mang inaalis sa aking isipan ang tungkol sa callboy na iyon ay palagi pa rin itong bumabalik sa aking isipan para kulitin ako.
Napapansin na nga rin ni Mars na lagi akong may iniisip, dahil nahihiya ako sa kanya ay hindi ko ito maikwento.
Si Elvin at Eldran ay ginawa nang career ang pang bubully sakin kapag nakakahanap sila ng pagkakataon.
Dahil marami silang mga kaibigan ibigsabihin nun ay marami din silang kasabwat. Minsan tanda ko pa noong isang araw, pag uwi ko ay napansin ko na mabigat ang bag ko.
Pagbukas ko nito ay puno ito ng basura, kahapon naman ay nakita ko na sinisira nila ang tumbler ko sa habang niyayapakan ito.
Hindi ko na alam kung paano pa mag aadjust para lang hindi ako mapuno sa kanila. Para silang mga bata, ang mga ginagawa nilang pambubully sakin ay gawain lang ng elementary student.
‘Baka naman ang capacity ng utak nila ay pang elementary lang kaya ganun’,
sabi pa ng aking utak kaya napangisi na lang ako.
Sobra ko na ngang iniiwasan si Sir Yuan para hindi na ako pag-initan ni Elvin pero mas nagalit ata ito dahil nalaman nya na ako ang kasama ni Sir sa Z corporation para sa susunod na conference.
At ang tinutukoy kong conference ay ngayon. Naghahanda ako ng mga dadalhin ko para doon.
“Bhes Gino, good luck”, masiglang sabi pa ni Mars kaya napangiti ako at mesyo na pawi ang kaba sa aking dibdib.
Nagdala ako ng isang notepad at ballpen para makapagtakenote ako ng mga mahahalagang parts ng presentation.
“Mr. Dimapilit”
Mabilis na napatingin ako ng marinig ko ang boses ni Sir. Tumango naman ako sa kanya ay sinabi na susunod na ako.
“Ayiee Bhes, Date na ba itu”, natatawa pang sabi nito habang inaasar ako.
Napailing na lamang ako sa kanya at nagpaalam na. Sumunod ako kay Sir pero di ko na ito na-abutan, mukhang nakasakay na agad ito sa elevator.
Habang hinihintay ko na magbukas ang elevator ay bigla ko naman nakita si Elvin na palapit sakin kaya napadasal talaga ako na sana’y bumukas na agad ito.
“Hoy bakla!!”, sigaw pa nito habang palapit sakin.
Nanlaki naman ang mata ko dahil sa takot sa kanya, napahinga ako ng maluwag ng bumukas ang elevator at hindi na nya ako inabot pa.
‘Goodness, ikamamatay ko ata ang babaeng iyon’, isip-isip ko pa at napaupo sa sahig ng elevator dahil sa panghihina ng aking tuhod.
MB 5
This meeting is held in the purpose of union between Shinwoo Company and Z Corporation,
Pag-iintro ni ateng presentor habang katabi nito ang isang malaking Led TV.
Today we’re talking about every decision and form a business cooperation by using the two company’s idea in comes with the design of software of our new project.
‘Wait, What?? Nasa Distribution department ako, bakit ako ang isinama ni Sir dito?’ isip-isip ko pa habang nakikinig sa Presentor.
Bukod pa doon ay sa loob ng tatlong taon kong pagtatrabaho sa shinwoo Company ay ngayon pa lang ako nakasama sa ganitong conference.
Goodness, nagsisimula na akong kabahan dahil wala akong alam sa sinasabi ng presentor na ito, hindi ko trabaho bumuo at gumawa ng produkto.
Habang salita-salita ito sa unahan ay nagsisimula na itong magtanong sa bawat myembro ng magkabilang kumpanya.
Confident na tumatayo ang bawat representative na tinatanong nito kaya naman lalo akong napuno ng kaba.
Nang banggitin ni Miss presentor ang pangalan ko ay hindi ko na alam ang gagawin ko, nablanko na ang aking utak sa kaba. Katabi ko si Sir dito pero hindi ko magawang humarap sa kanya.
May ibinigay na folder sakin si Sir at sinabing basahin ko daw iyon.
Unti-unti naman akong tumayo at sinunod ang sabi ni Sir Yuan pero dahil sa pagiging introvert ko ay hindi ako sanay sa pressure na ibinibigay ng mga taong nasa loob ng conference room. Ang lahat ng attensyon nila ay nakaderekta sa akin.
Ano mang pilit ko sa aking sarili na magsalita ay di magawa dahil sa kaba at takot na nararamdam.
Ramdam kong nanginginig na ang aking mga kamay at nanlalabo na ang aking mata, ang malakas at mabilis na tibok ng aking puso ay umuubos sa aking hininga.
Ang naiinip na mukha ng presentor ay lalong bigay ng takot sakin.
Ano mang oras, pakiramdam ko mahihimatay na ako dito.
‘H-Hindi ko ito kaya, G-Gusto ko nang umalis dito’
Yan ang mga salita na paulit-ulit na umiikot sa aking utak ngayon.
Bago pa ako mawalan ng malay dito ay nakaramdam ako ng isang tapik sa balikat.
“Apology, my employee is not feeling well right now, let me recite our company’s idea in the given project”, sabi ni Sir Yuan at pinaupo na ulit ako.
Napayuko na lamang ako dahil sa kahihiyan, maliit na bagay lamang ay hindi ko pa nagawa.
Sa buong oras ng meeting ay nanatili lamang akong nakayuko habang nagpapatuloy sila hanggang sa nagkaroon ng water break.
“Gino, okay ka lang ba?”, nag aalala pang tanong ni Sir sa akin.
Napatango naman ako sa kanya bago sumagot habang nakayuko, hindi ko sya kayang tinggan ng deretso sa mata. Pansin ko din na ngayon lamang nya ako tinawag sa aking pangalan. Lagi kasing epelyedo ang tawag nya saming lahat.
“O-Opo Sir”, tipid na sagot ko naman dito.
“Are you really sure?”, tanong pa ni Sir Yuan sabay abot sakin ng bote ng mineral water, nakatingin lang naman samin si Donna na parang inis na inis.
“A-Ayos lang po ako Sir Yuan, Sorry po talaga”, sagot ko pa dito at binigyan ito ng isang ngiti, mukha namang nakahinga ng maluwag si Sir dahil sa sinabi ko.
Magsasalita pa sana ulit ito ng magdatingan na ang members ng kabilang kumpanya at maya-maya naman ay nagsimula na ulit ang meeting.
Natapos ang meeting sa pagkakamayan ni Sir Yuan at ng Manager ng Z Corporation.
“Thank you for having us”, rinig ko pang pagpapasalamat ni Sir sa mga taga-Z Corp. Ngumiti naman ang mga ito at nagpasalamat din.
Nagpaalam na kami sa kanila, habang naglalakad palabas sa building ng Z-Corp ay na nanatili akong nakayuko dahil sa hiya na nagawa ko kanina.
“Lets have some lunch”, biglang turan ni Sir habang nakatingin sa mamahalin nyang relo.
Hindi ako sumagot dahil baka si Donna, ang bestfriend ni Elvin na sekritarya ni Sir, ang sinasabihan nya.
Nandito na kami sa parking lot para bumalik na sana sa kumpanya kaso maglulunch pa ata si Sir kahit 2:30 pm na.
Dahil pagod na ako ay mas gusto ko nang bumalik sa kumanya ngayon, hindi ko pa rin nakakalimutan ang kahihiyang nagawa ko kanina.
“Sir, babalik na p—”
“Please Gino, let me treat you to lunch”
Pagputol pa ni Sir sa akin, na-antig naman ang aking puso dahil sa nagsusumamo nyang itsura.
Napatango na lang ako kaya ngumiti ito at pinasakay na ako sa kotse nya.
“Ms. Piero, mauna ka na sa office”, sabi pa ni Sir yuan kay donna at hindi na hinintay pang makasagot ito.
Sumakay na sa kotse si Sir at binuhay ang makina, habang palayo kami ay kita ko pa ang di makapaniwalang mukha ni Donna na nanatiling nakatayo sa may parking lot.
‘Mukhang magta-taxi sya pabalik sa shinwoo Company ah’
, isip-isip ko pa habang nakatingin sa kanya, iiwas na sana ako ng tingin sa kanya ng mapansin ko na nakasimangot itong kinuha ang cellphone nya sa handbag nya at may tinawagan.
Wala naman akong pakialam kaya nagkibit balikat na lamang ako.
Maya-maya pa ay biglang tumigil ang sasakyan namin kaya napatingin ako sa harapan.
“S-Sir, may problema po ba?”
“Dito ka sa tabi ko umupo”, hindi nya pinansin ang tanong ko at sabi pa iyon kaya nanlaki ang mata ko sa kanya.
“P-Pero Sir—”
“Im not your Driver”, nakangisi pang sabi nito kaya namula ang pisngi ko at mabilis na lumipat ng upuan.
‘Nga naman Gino, hindi mo driver si Sir’,
pagsesermon ko pa sa aking sarili habang nahihiyang nagse-seatbelt.
Makalipas ang kalahating oras ay nakarating na din kami sa restaurant na kakainan namin.
Nagpark si Sir at pagbaba ko naman ay una kong napansin na hindi normal na diner ito, Romantic Italian Resto?
Napalingon naman ako kay Sir para tanungin sana kung tama ang napuntahan naming restaurant.
“Sir, tama po ba ang napuntahan natin?”, nag aalangan ko pang sabi habang nakaturo sa dereksyon ng Resto.
“Of course, Gino”, sagot lamang nito at inaya na ako papasok dito.
Pagdating pa lang namin sa tapat ng pinto ay may bumati na agad samin.
Nagpakilala ito bilang Crew ng Resto at isinama kami sa magiging table namin.
Palinga-linga ako sa paligid kasi napaganda talaga ng lugar na ito at halatang mayayaman lamang ang pumupunta dito.
Nang makarating kami sa table ay ipinaghila pa ako ni Sir ng upuan.
‘Goodness!!, bakit kailangan pa namin pumunta sa ganitong lugar, pwede naman sa nirmal na karinderya’,
isip-isip ko pa habang namumula ang aking mga pisngi dahil sa hiya.
Pagkatapos akong tulungan ni Sir ay umupo na ito sa aking tapat. Dahil hindi ko alam ang pwedeng pag usapan ay minabuti ko na lang na kunin ang menu na nakapatong sa table.
Napanganga ang aking bibig ng mabuklat ko ang menu, halos mahulog ko pa nga ito dahil sa pagkabigla.
‘Ang mamahal ng mga pagkain dito’,
sabi ko pa sa aking sarili dahil walang bumababa sa 4 digits ang presyo ng bawat pagkain dito.
Wala akong nagawa kundi ibaba na lang sa table ulit ang menu, di ko keri ang presyuhan dito. May pera naman ako dahil sa ipon ko at wala akong pamilya na sinusuportahan. Mula ng mamatay ang aking mga magulang at umalis ako sa puder ng mga tiyagin ko ay namuhay na ako ng sarili kong buhay.
May mga naipon na din ako sa bangko dahil sa pagtatrabaho ko sa Shinwoo Company ng tatlong taon.
“May napili ka na ba?”
Napatingin naman ako kay Sir dahil sa sinabi nya. Umiling ako bilang sagot, hindi ko kasi masabi na di ko afford ang mga pagkain dito.
“Wala kang nagustuhan, gusto mo lumipat na lang tayo n—”, nagmamadali pang sabi ni Sir pero pinutol ko na ang sinasabi nya.
“Okay lang po Sir, ah busog pa po kasi ako”, pagpapalusot ko pa pero ng kumalam ang tyan ko ay napansin ko na napangisi sya.
‘Lupa, kainin mo na ako!!’,
sigaw ko pa sa sarili ko dahil sa sobrang hiya, napatungo na lamang ako ng marinig ko ang mahina nyang pagtawa.
“Pfft, Its okay. I dont mind it”, natatawa pa rin na sabi nito kaya di ko sya magawang harapin.
“Kung tungkol lamang sa bill, dont worry libre ko ito”, seryosong sabi pa nya kaya napatunghay ang ulo ko para tingnan sya.
Ang gwapo nyang mukha ay nakangiti na parang kinukumbinsi ako.
Napabuntong hininga na lamang ako at tumango. Mula sa munti nyang ngiti kanina ay napalitan ng ito ng matamis at malapad na ngisi na nagpapahayag ng tunay na kasihayan.
Lalo namang namula ang pisngi ko dahil alam kong ako pa lamang ang nakakakita ng ganitong parte ni Sir. Ang palangiti, malambing at sweet na side nya.
“Pumili ka ng kahit anong gusto mo”, sabi pa nito kaya dinampot ko ulit ang menu sa table at pumili ng pagkaing gusto ko.
Dumating ang waiter at kinuha ang order namin.
Para di mamayani ang katahimikan sa aming pagitan ay minabuti ko na lamang huming ng tawad sa kanya dahil sa kapalpakan kong ginawa kanina.
“S-Sir, pasensya na po talaga kanina”, sinsero ko pang sabi dito.
“No, its my fault. Dapat sinabi ko muna lahat ng detalye sayo bago kita isinama. Pero maniwala ka Gino, may maganda naman akong rason kung bakit ko ginawa iyon.”, seryoso namang sagot nito sakin at napapitlag pa ang aking kamay ng balak sana nyang hawakan ito.
“G-Ganun po ba”, naiilang na sagot ko naman dito. Pansin ko na napahiya din ito at binawi ang kamay nya pabalik sa kanyang harapan.
“Yeah, alam kong malaki ang potensyal mo pero dahil sa mahiyain mong ugali ay hindi mo nagagamit ng buong ito pati na rin ang talent mo”
Manghang napatingin naman ako sa kanya, hindi ko akalain na ang Boss na lagi akong sinisigawan ay ganito ang tingin sa akin bilang myembro ng department nya.
Napuno ng saya ang kalooban ko dahil sa kanyang sinabi. Alam ko sa sarili ko na isa lang akong ordinaryo at normal na empleyado kaya nga di ako naghahangad ng promotion, ang magkatrabaho ay masaya na ako.
“Gusto ko na masanay kang umattend sa mga meeting at conference dahil kakailanganin mo iyon pagdating panahon”
Masaya naman akong tumango sa kanya bago magsalita.
“Opo Sir yuan, marami pong salamat”
Pagkatapos ng pag uusap na iyon ay dumating na ang mga order namin, masasarap lahat ito at sulit ang mahal na presyo. Masaya naman namin itong pinagsaluhan habang nakukwentuhan.
“Ayy, Sir ito po ang tissue, may sauce po kayo sa gilid ng labi”, sabi ko pa sa kanya habang inaabot ang tissue dito.
Nakangiti naman nya itong tinanggap at nagpasalamat. Sa mga oras na ito ay mas napalapit ang loob ko sa kanya.
Mabait at maginoo pala talaga itong si Sir, malaki ang respeto nya sa bawat isa at nabangit nya din sakin na kaya sya strikto ay para ipaalam sa lahat na dapat seryosohin ang bawat bagay na ginagawa, at para na rin maging motivation nila ang mga pangaral at sermon nya.
Napakapropesyunal na tao ni Sir Yuan, mali ang lahat ng mga chismis at masasamang pahayag na umiikot sa kumpanya tungkol sa kanya. Mapapatunayan ko iyon dahil nakikita ko na kung sino ba talaga sya.
Dahil nagkakausap na kami ng ganito ay bigla kong naisip na naman ang tungkol sa kanyang pabango.
‘Sya nga kaya ang lalaking iyon?’
Malaki kasi ang posibilidad na sya nga iyon dahil alam nya ang lahat ng informant tungkol sakin
kasama na ang address ko doon.
Baka pagkatapos kong mawalan ng malay ay iniuwi nya ako, pero bakit di nya sakin binabanggit?
May parte kasi sa akin na naniniwala talaga akong hindi panaginip ang bagay na iyon, gusto kong tanungin sya ngayon pero di ko magawa.
Napabuntong hininga na lamang ako at napaisip..
‘Kailangan ko na nga bang kalimutan na lamang iyon?, gusto ko lang naman sana magpasalamat sa pagtulong ng taong iyon kaso di ko sya kilala’,
malungkot na turan ko pa sa aking isipan.
Bukod pa doon may isang bagay na gumugulo sa isipan at damdamin ko ngayon.
Hindi ko maintindihan ay bakit iba ang nararamdaman ko para kay Sir Yuan.
‘Masaya syang kasama at kausap pero hindi ko sya nakikita bilang…
BOYFRIEND’
MB 6
Pagkatapos kumain ay bumalik na kami ni Sir sa kumpanya.
Nauna si Sir na umakyat sa aming floor habang naiwan naman ako sa frontdesk sa ground floor para maglog-in ulit gamit ang aking ID.
Habang pasakay ako sa elevator ay napasilay pa ako sa oras na nasa aking cellphone.
“5:00 pm na pala”, bulong ko pa sa aking sarili. Mukahang aayusin ko na lang lahat ng aking mga naiwan na trabaho at makakauwi na rin ako.
Napangiti pa ako habang palabas ng elevator ng bumukas na ito. Bago makarating sa aming working station ay madadaanan muna ang resting area at Comport room kaya naisipan ko muna umihi bago bumalik sa aking table.
Napapasipol pa ako habang papasok dito kaso napasigaw ako sa gulat ng biglang may tumulak sakin ng malakas papasok sa banyo kaya napasalampak ako sa sahig.
“Aray ko”, daing ko pa habang nakayuko at hawak ang masakit kong tuhod kaya hindi ko pansin ang taong lumapit sa aking harapan maliban lamang sa itim nitong heels na stelleto na nakatapat sa akin.
Narinig ko din na inilock nya ang pinto base sa tunog na ginawa nya.
“Ang kapal mo talagang BAKLA ka”
Nang marinig ko iyon ay hindi ko na kailangang tumingala para lang makita ang galit na mukha ni Elvin, bakas na bakas sa boses nito ang galit at pagkamuhi sakin.
“A-Ano bang ginaw—”
“At magtatanong ka pa talaga ha!?”, sabi pa rin nito habang pinipigilan ang sarili na sumigaw ng malakas dahil siguradong maririnig sya sa labas pag ginawa nya iyon.
Napatayo ako ng wala sa oras ng hilahin nya ang buhok ko patayo.
“Ahrayy bitawan mo ako Elvin!!”, sabi ko pa habang nagpupumiglas sa pagkakahawak nya, pero malaking babae si Elvin kaya para lang akong laruan sa kanya.
“Tumahimik kang Bakla ka, sumigaw ka ulit at kakalbuhin kita”, galit na bulong pa nito sa akin kaya napatahimik ako.
“Ang kapal ng mukha mo na ipahiya si Sir sa conference kanina”, gigil na gigil na sabi pa nito habang di binibitawan ang buhok ko. Napapangiwi na ako dahil sobrang sakit na talaga.
“H-Hindi ko naman ginusto y—”
“Talagang hindi mo din gugustuhin ang gagawin ko sayo!”, galit na bulong pa nito sabay tuhod ng malakas saking tyan kaya napaluhod ako sa sakit.
‘Tangna ang sakitt!!’,
sigaw ko pa sa aking isipan habang tumutulo ang luha sa aking mga mata.
Naramdaman ko na lumapit sya saking kinalalagyan, hinawakan muli nya ng mahigpit ang buhok para mapaharap ang mukha ko sa kanya.
“Ito ang tandaan mo GINO, wag na wag kang magsusumbong kay Marcel kung ayaw mong idamay namin sya at lalong lalo kay Sir dahil sisiguraduhin kong may masamang mangyayari sayo pag ginawa mo yun”, gigil na turan pa nito habang nagngingit ngit ang bagang nito sa galit.
Dahil sa takot ay wala akong nagawa kundi ang mapatango habang patuloy ang pagbuhos ng aking mga luha.
Marahas naman nyang binitawan ang aking buhok ng makita nya ang takot sa aking mukha at ang aking sagot.
Tumayo na ito at inayos ang kanyang sarili, napayuko muli ako dahil sa sakit at awang nararamdaman para sa aking sarili.
Bago lumabas ay may sinabi pa itong isang bagay.
“Layuan mo Sir Yuan, kami ang bagay at hindi ang baklang kagaya mo”
Naiwan akong luhaan sa loob ng banyo, gumapang ako sa may pader para makasandal ako.
Awang awa ako sa aking sarili at kagayan ngayon kaya di ko mapatigil ang hikbi at mga luha na lumalabas sa akin.
‘Deserve ko ba talaga ang mga bagay na ito?, bakit ba kailangan nilang gawin ito sakin, ano bang ginawa ko sa kanila??’,
isip-isip ko pa habang nakayuko at napapasabunot na lamang sa buhok dahil sa sobrang frustration na nadarama.
Hindi ko alam kung ilang oras o minuto pa lamang ba ang lumilipas mula ng umalis ang bruhang si Elvin.
Nanghihinang kinuha ko ang cellphone ko sa aking bulsa para tingnan ang oras, hindi ko alam kung matutuwa o maiinis ako ng malaman ko na halos 15 mins pa lamang ang nakakalipas.
Napabuntong hininga ako at nagpasya ng tumayo kahit sobrang nanginginig ang aking mga tuhod.
‘Baka kasi may pumasok na dito kaya kailangan ko ng ayusin ang aking sarili’
, isip-isip ko pa habang nakakapit sa lababo para hindi ako matumba.
Huminga ako ng malalim habang nakatingin sa pangit kong itsura sa salamin.
Basa ang aking mga pisngi ng luha, mapula at namamaga ang aking mga mata, magulo ang buhok at gusot ang aking suot na polo.
Napailing na lamang ako habang pinagmamasdan ang aking sarili,
‘Sino nga ba ang magkakagusto sa itsurang to?’
, parang baliw na sabi ko pa sa aking sarili habang napapatawa.
Naghilamos na lamang ako at binasa ng kaunti ang aking buhok para ayusin ito.
Nang makita ko sa salamin na medyo okay na ang aking itsura ay napangiwi pa ako sa sakit ng hawakan ko ng kaunti ang aking tyan.
Dahan-dahan kong itinaas ang polong suot ko para tingnan ang masakit na parte ng aking tyan. Lalo akong nanlumo ng makita ang nagkukulay lila na pasa sa aking tiyan.
Nang inaayos ko na ulit ang aking polo ay napatingin naman ako ng biglang pasok ng ibang empleyadong mga lalaki dito kaya napaiwas ako ng tingin sa kanila.
Alam ko kung anong mga tingin ang ibinibigay nila sakin, Tingin na nandidiri dahil alam nilang bakla ako.
Pero kahit nagkakagusto ako sa kapwa ko lalaki ay hindi naman ako katulad ni Mars, hindi ako nagco-cross dress at nagme-make up. Nagkakagusto ako sa lalaki pero di ko hinihiling na maging babae kaya di ko masyadong gusto ang mga gamit na pangbabae.
Nagmadali na akong lumabas ng banyo at huminga ng malalim bago bumalik sa aking table.
“Bhes!!, Bakit ngayon ka lang?”, pagbati pa ni Mars ng makita nya akong palapit sa kanya.
“A-Ah galing ako sa Cr, medyo sumama ang pakiramdam ko”, pagpapalusot ko pa kahit halos lahat naman ng sinabi ko ay tama.
“Bakit, hindi mo ba nagustuhan ang kinain mo sa date nyo kanina?”, mapang asar na sabi pa nito sabay nagtataas-baba ang kilay nya.
“Ang bilis mo talagang makasagap ng balita”, napapailing na sabi ko dito, nagpapasalamat din ako sa aking isapan na hindi nya pansin ang pamumula ng mata ko.
“Syempre naman, si Donna ata ang may sabi. Kaya medyo masama ang tingin ng ilan sayo dito dahil sa inis at inggit”, turan pa nito
“Inis at inggit?”, naguguhan ko namang tanong sa kanya.
“Inis dahil pumalpak ka daw sa conference at inggit dahil naglunch daw kayo ng magkasama ni Sir”, sabi pa nito kaya napatingin ako sa paligid, tama nga ang sinabi ni Mars.
‘Kaya pala alam ni Elvin, sya pala ang tinawagan ni Donna kanina noong iniwan namin ito sa parking lot’,
napapatango ko pang sabi sa aking isipan ng mapagtanto ko ang lahat.
Iniinda ko pa rin ang sakit ng aking tyan dahil sa malakas na pagkakatuhod ni Elvin dito, hindi ko na lamang ipinapahalata kay Mars dahil ayaw kong madamay sya.
Pilit kong nililibang at inaabala ang aking isipan para di ko na maisip pa ang mga nangyari kanina sa Cr pero makulit pa rin ito at bumabalik sa akin.
Halos di ako makapagfocus sa aking ginagawa pero napahinga ako ng maluwag ng matapos ko pa rin ito.
Nag iinat na sa aking tabi si Mars, ibigsabihin ay tapos na rin sya. Inaayos ko na ang iba ko pang file at documents dito sa aking table para ready na akong makauwi.
Ganun din naman ang ginawa ni Mars, nagkakatawan pa kami habang papunta sa elevator para umuwi ng biglang may tumawag ng aking pangalan.
“Gi—Mr. Dimapilit”
Sigaw pa ni Sir para marinig ko, napalingon naman ako sa kanya at pinalapit sa kanya. Si Mars naman ay nagpaalam agad samin at mabilis na sumakay ng elevator habang nakangisi.
“A-Ano po yun Sir?”, kinakabang tanong ko pa dito, naalala ko na naman kasi ang banta ni Elvin.
“Um, gusto mo bang sumabay sakin? hatid kit—”
“H-Hindi na po sir, okay lang po ako”, mabilis na sabi ko naman dito at nagpaalam na.
Habang pasakay ng elevator ay nakita ko pa ang malungkot at nanlulumong ekspresyon ni Sir, ayaw ko naman syang tratuhin ng ganito dahil nagkakalapit na ang loob namin pero, ayaw kong mabugbug na naman.
.
.
.
.
.
.
Makalipas ang ilang oras ay nakita ko na naman ang aking sarili na nakaharap sa kulay orange at asul na kalangitan habang lumulubog ang araw.
Ang malakas na hangin ay talagang nagpapakalma sakin. Ang magandang tanawin at medyo tahimik na kapaligiran ay ng baywalk ay naging pampalipas na rin ng aking oras at takbuhan kapag masama ang aking kalooban dahil sa trabaho.
Habang nakatanaw sa kawalan ay bumalik na naman sa aking isipan ang lahat ng pang aapi, pagbabanta at pananakit na natatanggap ko kay Elvin at Eldran.
Sa loob ng tatlong taon na pagtatrabaho sa kumpanyang iyon ay pinakitaan agad nila ako ng di maganda, ang akala ko noon ay magsasawa din sila na ibully ako pero nagkamali ako, habang tumatagal ay lalong lumalala ang lahat ng ginagawa nila.
Hindi ko alam kung hanggang kailan ko pang kaya ang lahat ng pagmamaltrato nila sakin. Ang sakit sa aking tyan at pasa na nasa aking katawan ngayon ay nagpapaalala sakin kung gaano ako kahina.
Ang awa sa sariling nadarama ko kanina ay napalitan ng galit, gusto kong magwala, gusto kong sumigaw at magrebelde.
Hindi ko alam kung paano ko ba ilalabas ang galit at sama ng loob na meron ako ngayon, ganun din ang lahat ng frustration at stress na naipon sa akin.
Nailibot ko ang aking paningin sa buong paligid para makahanap ng bagay na pwede kong magawa.
Mula sa di kalayuan ay napangisi ako dahil sa aking nasilayan.
‘Tamang-tama, ikaw nga ang kailangan ko’,
sabi ko pa sa aking sarili habang naglalakad palapit dito.
Nang mapansin nya ang paglapit ko ay napangisi ito.
‘Callboy huh’,
Turan ko pa sa aking sarili habang nakatingin dito.
Ang galit na meron ako ay nagbigay sa akin ng lakas ng loob para gawin ang bagay na ito.
Sabi nila kung marami kang naipon na frustration sa iyong kalooban dahil sa iba’t ibang dahilan ay isa ang sex para mawala ito.
Wala nang pumapasok sa aking utak, ang lahat ng moralidad na meron ako ay kinalimutan ko na ng lumapit ako sa kinalalagyan nya.
Rinig na rinig ko ang mga presyo na ibinabato ng bawat kleyente nya, 1800?, 2500?…3800? at may 5000 k pa.
‘Gaano ba kagaling ang lalaking to para bayaran ng ganun kalaki, ang alam ko ay 150 lang, talo-talo na ah’,
isip-isip ko pa habang nakaharap sa kanya.
Nakatingin lang naman ito sakin na parang hinihintay na magsalita ako.
Dahil wala akong pakialam sa lahat ng bagay at sumigaw ako, napatingin silang lahat sakin.
“10,000!!”
Habang tulala pa ang ibang nyang kleyente ay hinawi nya ang mga ito at lumapit sa akin.
Napatingala ako dahil ngayon ko lang napagtanto kung gaano sya katangkad.
‘Goodness, hanggang collarbone lang ako’,
sabi ko pa sa aking sarili at lumayo ng kaunti sa kanya pero napahiyaw pa ako ng kaunti dahil sa gulat ng bigla nya akong higitin sa bewang palapit sa kanya.
Yumuko din ito at bumulong sa aking tenga na nakapagpatayo ng balahibo ko sa batok at braso.
“Deal”
Cane’s Note!!
Oooppss magkakaroon na ata ng experience si Gino ah..
haha finally, sinunod na nya ang payo ni Mars 😂😂
Abangan po natin sa sunod na chap.
Thanks sa suporta guys!! 😍😍😍
Pls. Dont forget to
VOTE
and
COMMENT
.
Byieee
💕
MB 7
‘Deal’
Isang salita na nagbigay ng matinding kuryente na dumadaloy sa aking katawan.
Dahil sa malapit kami sa isa’t isa ay di ko maiwasan na maamoy ang kanyang katawan.
‘Goodness!!, No!! hindi pwede to’,
gulat na sabi ko pa sa aking sarili sabay tulak sa kanya palayo.
“What’s the matter, are you chicken out?”, mapang asar na sabi pa nito habang nanlalaki naman ang mata kong nakatingin sa kanya.
‘Ang pakiramdam at amoy nya ay katulad din ng lalaki nasa panaginip ko’,
alarmang sabi ko pa sa aking sarili.
‘Nagha-hallucinate ba ako o pati boses nya ay hawig din sa lalaking yun?? pero imposible’,
naguguluhang turan ko pa.
Dahil sa lalim ng iniisip ko ay di ko na napansin ang paglapit nya.
“Hey, hindi pa naman nagbabago ang offer mo di ba?”, tanong pa nito habang nakahawak ang kamay sa baba ko para iharap sa kanya.
Hinampas ko ang kamay nya dahil nakakaramdaman ko parin ang malakas na kabog ng dibdib ko kapag hinahawakan nya ako.
May kung ano sa kanya na nag-aattract sa akin, ang matalas at wala bang emosyon nyang mga mata, ang makapal at dark brown nyang kilay at buhok o baka naman ang matapos na ilong?. Sumatotal napakagwapo pala talaga nitong si Mr. Callboy kaya pala pinag aagawan sya, may pagka-foreigner ang itsura nya.
‘Eh paano naman ang manipis at masarap nyang mga labi?’,
tanong pa ng malandi kong utak.
‘Ewan ko sayo, tumahimik ka na lang malandi kong utak’,
sagot ko naman sa utak ko habang napapailing para mawala ang mga isipin na ganun.
Napataas lang naman ang kilay nya sakin at nakatingin na para bang nababaliw ako.
Tumaas naman ang kilay ko ng makita kong may isang bakla na pumulupot sa braso ni Mr. Callboy.
“Siz, kung magkukwentuhan lang kayo at wala ka namang balak tikman sya ay ibigay mo lang samin”, maarte pang sabi nito sakin kaya napasimangot ako.
“Nope, halika na Mr. Callboy”, sabi ko pa dito sabay talikod.
Kahit di lumingon ay alam kong sumunod sya sakin.
Ang totoo ay hindi ko alam kung saan sya dadalhin, iuuwi ko ba sya sa bahay ko o dadalhin sa hotel?
Mukhang bakas sa mukha ko ang problema kaya ng may dumaan na taxi ay pumara sya, pinasakay nya ako ng una at saka tumabi sakain.
May sinabi syang lugar sa driver at tumango lang naman ito sa kanya.
“San tayo pupunta?”, tanong ko pa sa kanya dahil hindi pamilyar ang lugar na sinabi nya.
“Dont worry, siguradong mag eenjoy ka sa lugar na iyon”, sagot pa nito sakin sabay ngising may kahulugan kaya medyo kinilabutan ako.
Habang umaandar ang taxi ay napatanong ako sa aking sarili.
‘Self, tama ba ang desisyon ko?’,
kinakabahang tanong ko pa dito.
Mabilis ang naging byahe namin papunta sa lugar na sinabi nya sa driver.
“Mga sir, nandito na tayo”, sabi pa ng driver kaya naunang bumaba si Mr. Callboy , ako naman ay bumunot ng pera sa aking bag para bayaran ang taxi bago bumaba.
Laglag ang panga ko ng makita ang lugar kung nasan kami ngayon. Maliwanag, maingay at maraming tao, sa mga salita lang na yan ang pinakamaaaring maglarawan sa lugar na ito.
Maraming hotel, bar/clubs at iba pang gusali ang magkakatabi sa kahabaan ng buong street kung saan kami nakatayo.
Mangha akong napapalinga sa buong paligid dahil sobrang kakaiba ito sa mga lugar na napuntahan ko na.
“Come on”, sabi pa nya sabay lakad papasok sa love hotel na nasa tapat namin.
Ayaw kong maiwan at mawala kaya mabilis akong sumunod sa kanya. Pagpasok namin sa hotel ay halatang mga prosti ang kadalasang pumupunta dito dahil sa daming mga hookers na nandito.
May mga kasamang matandang mayaman, minsan naman ay parehas na lalaki o babaeng naghahalikan.
Napayuko na lamang ako para di na makita ang mga bagay na nagaganap sa paligid namin.
Si Mr. Callboy naman ay abala sa pakikipag-usap o pakikipaglandian sa front desk ng sa hotel.
Maya-maya pa ay lumapit na ako sa kanya para tanungin kung okay na ba, kasi bawat minuto na itinatagal ko dito ay parang gusto ko ng magback-out.
“Okay na, 1,500 ang isang gabi”, sabi pa nito sakin kaya kinuha ko ang wallet ko ay ibinigay sa kanya ang pera, Kapalit naman ay ibinigay nya ang susi sa akin.
Isinama nya ako sa may elevator at mabilis naman akong napasiksik sa kanyang likod ng makita ang laman ng elevator ng bumukas ito.
May nakakatakot na lalaki na mapula ang mata sa loob nito at masama ang tingin sakin habang naglalakad ito palabas ng elevator, ako naman ay mahigpit na nakahawak sa brown na jacket ni Mr. Callboy habang nakatago sa likod nya.
Nang mawala na ang nakakatakot na lalaki ay pumasok na kami sa elevator.
“Anong amoy iyon?”, di ko mapigilang tanong sa kanya habang nakatakip ang kamay ko sa ilong.
“Marijuna”, tipid naman nyang sagot kaya nanlaki ang mata ko.
“Goodness, kaya pala mapula ang mata nung lalaki kanina kasi high sya sa drugs’, nangingilabot ko pang sabi sa aking sarili.
Makalipas ng ilang minuto ay bumukas na ang pinto ng elevator at lumabas kami.
Medyo nakahinga ako ng maluwag ng makitang mukha g normal naman ang corridor na ito, malinis pero halatang luma na ang building dahil sa mga kupas na pintura at nangingitim na tiles.
Habang naglalakad ay nakasunod lamang ako sa kanya, marami na kaming pinto na nadaanan.
Dahil sa pagtingin ko sa paligid ay hindi ko napansin na tumigil na pala sya sa paglalakad kaya napasalampak ako sa likuran nya.
“Aray, bakit ka ba biglang tumit—”, sabi ko pa sabay kuskos sa masakit kong mukha na tumama sa matigas ng likuran.
Hindi naman ito sumagot at itinuro ang pinto.
Sa pinto ay may numerong 69,
‘okay coincidence lang yan’,
isip-isip ko pa habang dinudukot ang susi sa aking bulsa.
Base sa numerong nagalagay sa susi at sa pinto, ibigsabihin ay ito na ang kwarto namin.
Kinakabahan man at nanginginig ang kamay ay naiabot ko pa rin sa kanya ang susi, nang makuha nya ito ay mabilis nyang binuksan ang pinto para mauna akong makapasok.
Madilim ang loob ng kwarto, Maraming senaryo agad na nabuo sa aking utak, tulad ng multo o serial killer pero ng buhayin nya ang ilaw ay saka lamang napa atag ang aking kalooban sapagkat normal na kwarto lamang ito.
Medyo maliit pero okay lang, may Cr ito at may king size bed sa gitna na may bedsheet na puti.
Dahil sa pagod at tensyon na nadarama ay napaupo ako sa kama.
“Im gonna take a shower, wait for me here”, sabi naman nya kaya napatango lamang ako habang ibinababa ang bagpack na aking dala.
Habang nakaupo ako sa malambot na kama ay rinig na rinig ko ang paglagaslas ng tubig mula sa banyo.
Kasabay ng mga bagay na iyon ay ang pagbalik naman ng katinuan sa aking katawan.
Para akong nahipmotismo dahil sa galit na aking nararamdaman kanina kaya nagkalakas aki ng loob na kumuha ng Callboy at sumama sa lugar na ito, pero ngayong lumipas na ang matinding emosyon na meron ako ay purong pagsisisi na lamang ang naiwan.
‘Ang tanga mo talaga Gino!! bakit ka sumama sa lalaking di mo kilala? Hindi mo kailangan ng experience dahil ang pinakamagandang experience ay magaganap sa pagitan mo at ng taong mahal mo, hindi sa isang Callboy!!’,
pagsesermon ko pa sa aking sarili habang nakayuko at nakasabunot ang kamay sa aking buhok.
‘T-Teka, hindi pa huli ang lahat, pwede pa akong tumakas, iwan ko na kaya sya dito’,
turan ko sa aking sarili habang nagmamadaling inaayos ang aking mga gamit.
‘Hindi ko man alam ang daan pauwi ay sigurado akong may taxi akong masasakyan pag nakalabas na ako sa hotel na ito’,
isip-isip ko pa habang naglalakad palapit sa pinto.
Hindi ko nga lamang inaasahan na sa paghawak ko sa doorknob ng pinto ay sakto din namang labas nya sa banyo.
“San ka pupunta?”, seryosong tanong pa nito habang papalapit sa aking kinatatayuan kaya napaatras ako.
“You’re gonna ditch me, are you?”, sabi pa nito ng makalapit sya sakin at iniharang pa ang dalawang matitipunong braso sa pagitan ng aking ulo.
Malakas at napakabilis ng tibok ng aking puso, ang kaba ay nilalamon na naman ako dahil nararamdaman ko na ang paghirap sa aking paghinga.
‘Mukhang galit na galit sya, pinangakuan ko sya ng 10,000 tapos tatakbuhan ko lamang sya, sinong hindi magagalit nun?’
Dahil sa sobrang lapit namin sa isa’t isa ay nakayuko pa ito para lang magpantay ang aming mga mukha, ang mga mata nya ay walang mababakas na emosyon pero ang kilay nya ay nagsasalubong na kaya naman napalunok ako ng ilang beses dahil sa takot.
Natutuluan na din ako sa mukha ng tubig galing sa basa nyang buhok, dun ko lamang napansin ng maayos ang itsura nya. Nakabathrobe lamang ito ng puti na bukas ang parteng dibdib kaya kitang kita ang medyo basa pa at matipuno nyang dibdib at collarbone.
Ang gwapo nyang mukha ay nagpapakabog lalo sa aking dibdib, hindi ko na tuloy napigilan na pamulahan ng mga pisngi dahil sa seryosong pagkakatitig nya sa akin.
‘Kailangan pa rin bang lumandi kahit kinakabahan na?’,
tanong ko sa aking isipan at nagpasya na yumuko na lamang.
“Im asking you?”, seryosong tanong pa rin nito sakin gamit ang malalim at baritono nyang boses.
Dahil sa takot at kabang nararamdaman ay hindi ko magawang sumagot sa kanya.
Mukhang napuno na ito sakin dahil napasigaw na lamang ako ng buhatin nya ako at ilagay sa kanya g balikat na parang sako ng bigas.
“AHH BITAWAN KO AKO!!”, sigaw ko pa dito pero wala itong pakialam kung sumigaw man o magpumiglas ako.
Napa-aray na lang ako dahil tumama ang kamay ko sa bandang tyan ko nang ibagsak nya ako sa kama.
‘Bwisit, masakit pa rin ang pasa ko sa tyan’,
isip-isip ko pa habang inaayos ang pwesto ko bago makaupo.
Pero bago ko pa magawa lahat iyon ay naramdaman ko na marahas nyang tinanggal ang bag na nasa aking likuran.
“Hoy !! anong bang gina—”
Hindi ko na natapos ang aking sasabihin ny bigla syang pumatong sakin. Hinawakan nya ang magkabila kong kamay at inilagay ito sa aking ulonan para di ako makapanglaban sa kanya.
“W-Wag!! paki-usap!! tama na — ahh”, pagmamaka-awa ko pa dito habang sinisimulan na nyang halikan ang leeg ko.
Hindi ko sya maitulak dahil sa pagkakahawak nya sa mga kamay ko gamit ang isa lamang naman nyang kamay. Pilit ko mang sipain sya ay di ko magawa dahil dinaganan nya ang hita ko.
“P-Pakiusap tama na!! A-Ayako!!”
Ilang beses ko pang pakikiusap sa kanya pero hindi nya pinapansin, pero ng marinig nya ang mga hikbi at singhot ko ay napatingin sya sakin.
Wala mang emosyon ang kanyang mukha ay pansin ko ang pagkawala ng kunot ng kilay nito na parang na-aawa sa aking itsura.
Bago nya bitawan ang pagkakahawak sa aking kamay ay nasagi pa nya ang bandang tiyan ko kaya napa-ARAY ako ng malakas na mukhang ikinagulat naman nya.
Mabilis nyang binitawan ang aking kamay at marahas na binuksan ang aking polo.
Tumambad sa kanya ang nangingitim kong pasa dahil sa nangyari kanina sa opisina.
Napatingin naman ito sakin at pabalik sa aking pasa, sa unang pagkakataon ay rumehistro sa kanyang mukha ang isang emosyon, hindi ko agad na nalaman kung ano iyon, parang isang mabilis na bagay lamang na dumaan sa aking mga mata, pagtingin ko ulit sa kanya ay katulad na uli ito ng dati.
Nang lumapit ang kamay nya sa mukha ko ay napitlag ako sa takot pero may kung ano sa loob ko na nagsasabi na pagkatiwalaan ko sya kaya hindi ko iniwas ang mukha ko ng hawakan nya ang pisngi ko, pinunasan nito ang luha ko at walang sabi-sabing niyakap ako gamit ang mainit nyang katawan.
Ang hikbi at pagluha ay parang isang magic na nawala kasama na din ang takot at pangamba na aking nararamdaman kanina.
Sa unang pagkakataon mula ng mawala ang aking pamilya ay ngayon lamang ulit ako nakaramdam ng kapanatagan at pagiging ligtas sa piling ng isang tao.
Hindi ko inaasahan na manggagaling pa ito sa isang taong Callboy at muntikan pang gumahasa sakin.
Napakamisteryoso talaga ng buhay, kasing misteryoso kung saan napansin ko na nakayakap na din ako sa kanya.
Hindi ko maintindihan pero malapit ang loob ko sa kanya.
Thank you for reading dis chapter!
Pls. Dont forget to
VOTE
and
COMMENT
.
Byiee 💕
MB 8
[
Hindi ko maintindihan pero malapit ang loob ko sa kanya
.]
“Who did this to you?”
Tanong pa niya kaya naimulat ko ang aking mata, ni hindi ko nga napansin na naipikit ko na pala ito.
Humiwalay siya sa akin at lumayo ng kaunti para makaupo ako ng maayos. Hindi agad ako nakasagot sa kanyang tanong at nanatili na lamang nakayuko habang dama ko pa rin ang pagtitig nya sa akin.
“It’s okay if you dont want to talk about it,” turan muli nya kaya napatingin ako kanya.
“H-Hindi, Okay lang”, pabulong na sagot ko pa sa kanya habang ibinubutones ang aking polo na binuksan nya kanina pero napansin ko na nawala ang ilang botenes nito.
‘Sira na ang uniform ko sa kumpanya’,
isip-isip ko pa habang pilit inaayos ito.
Napabuntong hininga ako dahil sa mga nangyayari, kanina lang ay muntikan na akong magahasa ngayon naman ay gusto kong sabihin sa kanya ang lahat ng pinagdadaanan ko.
Ang sakit at ang bigat sa dibdib kapag marami kang mga bagay na kinikkim sa loob mo at wala kang mapagsabihan nito.
Sa mga ganitong pagkakataon ay mas nalukungkot ako dahil wala akong pamilyang pwede kong takbuhan, pamilyang mapagsasabihan ko ng lahat ng nagyayari sakin at higit sa lahat wala akong pamilya na nagmamahal at nag-aalala sakin.
Siguro nga mas mabuti na maglabas ako ng loob sa taong hindi ko kilala dahil wala syang karapatan na husgahan kung anong pinagdadaanan ko.
Humarap ako sa kanya at napataas ang kilay nya na parang kinukumbinsi akong magpatuloy kaya naman huminga muna ako ng malalim at isinalaysay lahat ng mga problema at pinagdadaanan ko sa trabaho ko.
Ang pang bubully ni Eldran, Elvin at kung paano nila ako pagtripan at saktan, ganun din ang iba ko pang mga katrabaho.
Habang nagkukwento ay nangingilid ang aking mga luha dahil na-aalala ko lahat ng ginagawa nila sakin mula noon at hanggang ngayon.
Sya naman ay tahimik lamang na nakikinig sakin, walang emosyon na makikita sa kanyang mukha, ang kilay nya ay napantay lamang, ang mga mata nya ay katulad parin ng dati, matalas na parang tagos sa iyong kaluluwa ang mga tingin nya. Ang mga labi nya nakatikom lamang. Ang ekspresyon ng mukha nya sobrang kalmado na parang nakatanaw sya sa paglubog ng araw.
Pero kahit ganun ay di nakaligtas sa aking paningin ang pagyukom ng kanyang kamay na parang pinipigilan ang sarili na magalit.
Sa pagkakataong iyon ay may isang tanong na nabuo sa aking isipan.
‘Ano kaya ang pinagdaanan nya para mapanatili ang kalmadong mukha at sarili para di maapektuhan ng matinding emosyon?’
“D-Deserve ko ba na pagbantaan at saktan ng ganito?”, tanong ko pa sa kanya o para sa sarili ko, di ko na napigilan na mapahikbi dahil sa sama ng loob na nararamdaman.
Hindi naman ito sumagot pero naramdaman ko ang pag akbay nya sa akin atsaka idinantay ang aking katawan sa kanyang dibdib.
Napapikit na lamang ako at sumiksik sa kanya, ang kamay na nasa balikat ko kanina ay napunta na sa aking ulo at madahan nyang hinahaplos ito.
Habang ginagawa nya iyon ay unti-unting kumakalma ang aking sarili, mas magaan na rin ang aking loob dahil nasabi ko na sa kanya lahat ng mga bagay na tinago ko ng ilang taon.
Napapapikit na ang aking mata dahil sa antok dulot ng matinding pagod.
“Im sorry, hindi dapat kita pinilit”
Napatunghay ang mukha ko sa kanya ng marinig ko ang sinabi nya.
Yumuko din naman ito sakin kaya magkaharap na kami at kakaunti na lamang ang agwat sa aming mga labi, dahil sa matinding pagtitig ko sa mukha nya ay di na ako naka-ilag ng halikan nya ng marahan ang aking noo.
Kahit blanko ang kanyang mukha, walang gwapong ngiti o makalalaglag panty na ngisi ay sapat na ito para mapatibok ng sobra at mag-init ang aking mga pisngi.
Dahil sa hiya ay mabilis akong napa-iwas ng tingin sa kanya.
“I know you’re tired, rest up”, sabi pa nito at tumayo na mula sa pagkakaupo nya sa kama.
Sinunod ko naman sya at humiga na ng maayos sa kama dahil, antok na antok na talaga ko.
Habang nagkukumot ay napansin ko na nagbibihis na sya ulit kaya kinabahan ako.
‘Iiwan na ba nya ako?’,
tanong ko pa sa aking sarili kaya minabuti kong tanungin na lang sya.
“S-Saan ka pupunta?, Iiwan m---”
“No, kukuha lang ako ng yelo sa baba para lagyan ang pasa mo”, sagot naman nito at dumeretso na palabas ng pinto.
Napahinga naman ako ng maluwag.
“Di ko akalain na mabait pala si Mr. Callbo— Ayy di ko nga pala natatanong ang pangalan nya”, bulong ko pa sa aking sarili.
Naisip ko din na dahil naabala at nagamit ko ang oras nya ay kailangan ko pa rin itong bayaran ng presyong ipinangako ko.
Umupo ulit ako at kinalkal ang aking bag para hanapin ang wallet ko.
Kumuha ako ng 10,000 na cash at inilagay ito sa ilalim ng lampshade, kahit malaking pera ito ay walang panghihinayang akong nadama dahil deserve nya ang perang ito.
Pagkatapos kong gawin iyon ay bumalik na muli ako sa aking paghiga at sakto naman nyang pagpasok sa loob ng aming kwarto.
May dala itong towel at isang tupperware na may laman na yelo.
Lumapit ito sa akin at umupo sa gilit ng kama, tinanggal din nya ang kumot na nakatakip sa aking katawan.
“A-Ako na”, nahihiya ko pang sabi dahil balak nyang buksan ang aking damit.
“No, ako na. Magpahinga ka na lang”, turan pa nito kaya wala na akong nagawa kundi tumango, dahil sa hiya ay namula aking pisngi.
Nang mabuksan na nya ang polo ko ay kumuha sya ng yelo sa lalagyan, inilagay nya ito sa face towel at tinupi ito saka ipinatong sa aking tiyan kung nasaan ang malaki kong pasa.
Masarap ito sa pakiramdam kaya napahinga ako ng maluwag.
Makalipas ang ilang minuto ay ramdam ko na nawala na ang pagkirot ng pasa ko dahil sa sobrang lamig.
“Ah Marami nga palang salamat sa lahat, Ah —”
“Cain, that’s my name”
Hindi ko agad naituloy ang sasabihin ko dahil di ko alam ang pangalan nya, buti na lamang sinabi nya kaya nakapagpasalamat ako ng maayos.
“Maraming salamat, Cain”, nakangiti ko pang sabi, tumango lang naman ito bago tanungin ang pangalan ko pabalik.
“Gino ang pangalan ko”, sagot ko pa sa kanya.
Gusto ko pa sanang makipag-usap sa kanya, marami akong gustong itanong at gusto ko pa syang makilala ng maayos kaso nga lamang ay napahikab ako dahil sa antok, umalis naman ito sa aking tabi at umakyat na din sa kama.
Pinatay muna nito ang ilaw sa lampshade bago humiga sa aking tabi. Malaki naman ang kama kaya di naglalapat ang aming katawan.
Malamig ang buong kwarto kaya hinigit ko ang kumot, naramdaman nya ang paggalaw ko kaya medyo nagulat pa ako ng lumapit sya sakin.
Nakatalikod ako sa kanya kaya dama ko ang init ng kanyang katawan sa aking likuran ng lumapit sya, inilagay din nya ang braso nya sa katawan ko at hinigit pa palapit ito sa kanya.
Dahil sa antok ay di ko na nagawang itulak o palayuin sya, bukod pa dun ay masarap sa pakiramdam ang mainit nyang katawan na bumabalot sakin.
Mas nagdala ito ng matinding antok sakin, pero bago ako tuluyang makatulog ay narinig ko pa ang pagbulong nya saking tenga na nagpangiti sakin.
“Im sorry, Gino”
.
.
.
.
.
.
“Hmp!!”, pag-iinat ko pa ng magising ako.
Pagmulat ko ay napasigaw pa ako dahil sa takot habang nakakapit ng mahigpit sa kumot na nakatakip sa aking katawan.
Hindi pamilyar ang lugar sakin kaya kinabahan ako, maya-maya pa ay unti-unti nang bumabalik ang aking alala kung anong nangyari kagabi kaya napahinga ako ng maluwag.
‘Si Cain’,
Nakangiti ko pang sabi sa aking isip sabay tingin sa aking tabi.
Nanlumo naman ako ng mapansin na wala na akong katabi.
‘Callboy ang kasama mo at hindi asawa. Syempre iiwan ka nun pagdating ng umaga’,
bulong pa ng bwisit kong utak kaya nakasimangot akong tumayo sa higaan para ayusin ang aking mga gamit.
Pumasok ako sa banyo para maghilamos ng mukha at ng sarili.
Pagbalik ko sa loob ng kwarto ay kinuha ko ang bagpack na nasa baba ng kama.
Nang maisuot ko na ito sa aking likod ay handa na akong lumabas ng pinto kundi nga lamang may nahagip ang akong mata.
Nakakunot ang aking kilay ng lumapit ako sa bedside table, sa ilalim ng lampshade ay nandoon pa rin ang perang iniwan ko kagabi.
Dinampot ko ito at binilang.
‘Wala syang kinuha, hindi nya binawasan manlang ang pera’,
isip-isip ko pa habang hawak ang pera.
Sigurado akong nakita nya ito kagabi dahil sya ang nagpatay ng lampshade.
Naguguluhan man ay nagpasya na lamang akong lumabas na sa hotel.
Nang makalabas ako dito at makasakay sa taxi pauwi ay may isang tanong lamang na naiwan sa aking isipan.
‘Bakit di nya kinuha ang pera?’
“Sorry talaga, Miggs”, malungkot na sabi ko pa dito ng mabuksan ko ang pinto ng aking bahay.
Masaya pa rin naman itong sumalubong sa akin kaya lalo akong nakunsensya.
Hindi ako nakauwi kagabi kaya ibigsabihin ay di sya nakakain ng hapunan.
Dumeretso ako sa kwarto ko para magbihis at ibaba ang gamit ko.
“kawawa naman ang Miggs ko, siguro gutom na gut—”
Di ko na naituloy ang sasabihin ko ng makita ko ang nangyari sa kusina.
Nakapatong sa counter ang bag na may lamang dog food. Dinamba ata nya ito kaya ang ang lahat ng dogfood ay nakakalat na sa sahig ngayon.
Napatingin ako sa kanya ng nakataas ang isang kilay habang nakaupo lang naman ito sa aking paanan. Napatingala ito sakin na parang pinagsisisihan nya ang kanyang ginawa.
“Tsk tsk, ikaw talaga Miggs”, sabi ko pa dito habang kumukuha ng walis para linisin ang ikinalat nya.
Pagkatapos kong maglinis ay napatingin ako sa orasan na nasa pader.
‘10:00 am, tama lang. makakapagluto pa ako bago pumasok sa office’,
sabi ko pa sa aking isipan sabay lapit sa ref.
Kapag huwebes kasi ay 11:30 am ang pasok ko sa trabaho at 5:30 naman ang pag-uwi sa hapon.
Nagluto ako ng kanin at fried chiken, agahan at baon ko na rin para makapag-late lunch ako mamaya.
Nang maluto ito ay kumain na ako at naghanda ng baon.
Pagkatapos kong gawin lahat ito ay nagtungo na ako sa kwarto para maligo at magbihis pagkatapos.
Habang nagbibihis ay na-alala ko pa ang sira kong uniform, buti na lamang dahil may reserba pa akong isang polo na may logo ng kumpanya.
Nagsusuklay na ako ng buhok ng mabilis akong napatingin sa aking cellphone ng marinig ko ang napaganda kong ringtone.
[Insert: Avenger soundtrack intro.]
Marvel Cinematic Universe (MCU) is life para sakin, lahat ng Marvel movies ay napanuod ko na. At ang pinakapaborito ko ay ang avengers, lalong lalo na si Iron man.
Sobrang nakakatawa at nakaka-entertain ng mga movies nila kaya talagang nagustuhan ko ito, mula pagkabata ay mahilig na ako sa mga hero pero bakit ganun, hindi ko kayang maging lakas at matapang tulad ng mga idolo at hinahangaan kong superhero.
‘Buhay nga naman, hindi natin laging nakukuha kung anong gusto natin’
Nakangiti kong kinuha ang cellphone na nakapatong sa kama at saka sinagot.
“Helloo!! Bhes!!”
Malakas na sigaw pa ni Mars sa kabilang linya kaya nailayo ko ang cellphone sa aking tenga.
“Mars, bakit ka napatawag?”, tanong ko pa dito.
“Babatiin lang kita ng Good morning”, masayang sabi pa nito kaya napanguso na lang ako.
“Para namang di tayo magkikita mamaya ah”, sagot ko naman dito at tinawanan lamang nya ako.
Bigla ko na naman naalala si Mr. Callboy ngayong kausap ko na si Mars.
‘Sasabihin ko ba ang tungkol sa nangyari kagabi?’,
naguguhang tanong ko pa sa aking isipan.
“Bhes!!, uyy nandyan ka pa?”
“Ha?, A-Ah Oo naman”, sagot ko pa dito nang magising ako sa aking malalim na pag-iisip.
“Okay ka lang ba?”, nag aalala pang tanong nito.
Kinakabahan man ay pinalakas ko ang aking loob bago sumagot.
“Oo naman. M-Mars, at saka may gusto akong sabihin sayo”
Character Profile I
Hello guys
(≧∇≦)/
Heto na ang characters image ng mga bida natin, ang cutiee ni Gino!!!😍😍
GINO DIMAPILIT
CAIN
Sana
po ay nagustuhan nyo
ang character design! Add ko na lang sina sir Yuan at Mars, next time (≧∇≦)/
Pls. Dont forget to
VOTE
and
COMMENT
.
Byiee 💕
Bonus 😘
MB 9
[Oo naman. M-Mars, at saka may gusto akong sabihin sayo”]
“Uyy Gino, tapos ka na bang gumamit ng xerox machine?”
Nagising naman ako sa pagkatulala ko dahil sa boses na aking narinig.
“A-Ah, opo,” di makapagkaintindihang sagot ko habang kinukuha lahat ng papel na tapos nang i-xerox.
“Haha tulala ka kasi,” natatawang sabi pa niya kaya napayuko ako sa hiya.
Hindi pa rin kasi mawala sa aking isipan ang nangyari kahapon. Parang napakabilis ng mga pangyayaring iyon.
‘Pangyayari nga ba ang di mawala sa isipan mo, o si Mr. Callboy,’
bulong na naman ng echosera kong utak.
‘Ewan ko sayo,’
parang baliw na pagsagot ko pa dito.
Buong maghapon na akong ganito, mula kaninang umagang pagasok ko dito sa opisina at ngayong hapon na malapit na kaming umuwi.
Lagi kong nahuhuli ang sarili ko na tulala at pagminsan ay napapangiti pa.
‘Hayss, nababaliw na nga ata talaga ako,’
isip-isip ko pa bago kausapin ang taong aking kaharap.
“S-Sorry, ate luz,” paghingi ko pa ng tawad sa kanya habang sinisilip sya mula sa ilalim ng bangs ko.
“Ano ka ba nak, okay lang yan,” nakangiti namang sagot nito sakin.
“Mauuna na po ako,” turan ko pa habang yakap-yakap ang mainit pa na mga papel galing xerox machine. Kumaway lang naman ito sakin.
‘Sana lahat kasing bait ni Ate luz,’
isip-isip ko pa habang pabalik sa floor namin.
Si ate luz ang parang nanay ko dito sa kumpanya, mabait sya sakin at tinatawag nya akong anak kaya natutuwa ako. Magkalayo nga lamang ang department namin dahil nalipat sya last year kaya nagkahiwalay kami. Nakakalungkot pero deserve naman nya ang promotion.
Kelangan ko lang i-xerox ang mga ito saka ibigay kay Donna tapos ay pwede na kaming umuwi ni Mars.
Speaking of Mars, habang naglalakad ako pabalik sa working station namin ay bigla kong naalala ang naging pag-uusap namin namin kanina.
-------------
FLASHBACK
“Ano bhes ang sasabihin mo, nandito lang ako para makinig,” madrama pang sabi ni Mars ng makarating ako dito kumpanya.
‘Umagang-umaga, chika agad ang trip ng baklang to,’
isip-isip ko pa at nagpasya nang umupo sa harap ng aking mesa.
“A-Ahm, wala yun Mars”, nag aalangan ko pang sagot sa kanya. Bigla kasi akong nahiya kaya nagbago ang isip ko.
Alam kong sya ang nag- suggest ng tungkol sa callboy pero natatakot parin ako sa pwede nyang isipin.
“Huh?, anong wala, sure ako meron kaya sabihin mo na sa akin, Bhes”, makulit na sabi pa nito.
Hindi ko naman sya pinansin at inayos na lamang ang aking gamit sa ibabaw ng aking table.
“Wait!!, dont tell me ang sasabihin mo sakin ay tungkol sa naging date nyo ni Sir kahapon?”, nanlalaki pa ang mata nya habang nakatingin sakin.
Mabilis akong napalingon sa kanya dahil sa sinabi nya at tinakpan ang kanyang bibig. Ang lakas kasi ng boses nya, Baka may makarinig na naman at magsumbong pa kay Elvin.
“Shh! wag ka maingay, Mars”, sabi ko pa dito.
“Hihi, kwento mo na lang kasi sakin ang nangyari”, excited na sabi pa nito kaya napailing na lamang ako.
“Sige na nga”, sagot ko naman na pabulong sa kanya.
Kumislap naman ang mga mata nito dahil sa aking sinabi at parang batabg handa nang makinig ng kwento ng kanyang lola.
Huminga muna ako ng malalim at sinimulang isalaysay ang nangyari sa conference at kung paano ko naipahiya si Sir.
“Hindi mo naman yun kasalanan bhes, hindi ka manlang nila sinabihan ng kahit kaunti bago isabak dun, syempre kakabahan ka”, sabi pa nito sakin kaya mas nakahinga ako ng maluwag.
‘Salamat talaga dahil may nakakaintindi sakin’,
turan ko pa sa aking isipan bago ipagpatuloy ang kwento.
Sinabi ko din sa kanya ang lugar kung saan kami naglunch, at kung ano ba talaga ang rason ni Sir kung bakit ako ang isinama nya sa conference.
“Whaa.. Really?, high class na resto yun Bhes, sabi na nga ba at date iyon”, excited na sabi nito habang pinipigilan ang sarili na mapatili sa kilig.
Pinamulan lang naman ako ng mukha habang inaasar nya ako.
“May maganda naman palang rason si Sir, akalain mo yun. Mukhang malakas talaga ang tama sayo ni Mr. Yuan-the-sungit”, natatawa pang sabi nito kaya tinapunan ko sya ng inis na tingin. Ang galing kasi mang-asar.
Naikwento ko na sa kanya lahat ng nangyari kahapon maliban lamang sa pananakit at pagbabanta sakin ni Elvin at ang kagagahan ko kung paano ako muntikan nang magahasa ng callboy na malapit sa aking puso..T-Teka!?, anong puso!!?.
Napabuntong hininga na lamang ako dahil sa mga bagay na tumatakbo sa aking isipan.
Dahil nasabi ko na kay Mars lahat, akala ko ay titigilan na ako nito pero may napansin pa ito.
“Teka Bhes, san mo nakuha yang mga kalmot na yan?”, mausisang tanong pa nito sakin habang tinuturo ang bandang braso ko.
‘Ha? anong kalmot?’,
naguguluhang tanong ko din naman sa aking sarili habang hinahanap ang tinutukoy nya.
“Ayan oh”, sabi pa nito sabay pakita sakin ng mahahaba at namumulang kamot sa likod ng braso ko.
Nanlaki naman ang aking mga mata ng mapagtanto ko kung saan ito galing.
‘Mukhang kagagawan ito ng matatalas na kuko ni Elvin, nagpumiglas kasi ako sa kanya at iniharang ang aking mga braso’
“A-Ah, wala ito Mars, naglaro kasi kami ni Miggs kahapon”, nauutal na pagpapalusot ko pa sa kanya.
Nung una ay parang hindi pa ito kumbinsido pero napakibit balukat na lamang ito saka sumagot.
“Sabi mo eh, pero ang pagkakatanda ko, aso si Miggs at hindi pusa”, turan pa nito.
“At hindi lang din naman pusa ang may kuko, Mars”, sabi ko pa dito kaya napanguso na lamang ito at humarap na sa kanyang mesa.
Napahinga naman ako ng maluwag dahil hindi na sya nagtanong pa.
----------END OF FLASHBACK---------
Nang makarating ako sa work station ay dumeretso na ako sa table ni Donna para ibigay ang mga xerox na documents.
“Donna, eto oh”, sabi ko pa sabay lapag ng mga papel sa kanyang mesa.
“Bakit ngayon ka lang, di ba kanina ko pang kailangan yan?”, maarteng pagsesermon pa nito sakin na parang sya ang boss ko.
Pero imbis na sagot at mangatwiran ay napayuko na lamang ako.
“Ikaw ha, hindi porket lagi kang pinagbibigyan ni Sir, eh kala mo espesyal ka na. Mahiya ka nga”, turan pa nito habang nanlilisik ang mga mata sakin.
“S-Sorry na talaga, bibilisan ko na lang sa susunod”, pabulong na pagpapaumanhin ko pa dito.
“Dapat lang, bwisit na bak—”
“What’s the commotion all about?”,
Napatahimik naman si Donna dahil sa seryosong tanong ni Sir
na kalalabas lang sa kanyang opisina.
“N-Nothing, Sir”, kinakabahang sagot pa nito kay Sir Yuan.
“Mr. Dimapilit?”, baling na tanong pa ni Sir sakin na parang sinabing hindi si Donna ang tinatanong nya kundi ako.
“S-Sir, Wala po yun, mauuna po ako”, magalang na sabi ko pa dito at naglakad na pabalik sa aking table.
Kahit sinungitan ako ni Donna ay ayos lang dahil hindi naman ako pineste ng kambal na sina Eldran at Elvin buong maghapon.
Mabuti iyon dahil ayaw ko pang madagdagan ang pasa na nasa tyan ko pa rin hanggang ngayon.
“Oh, nagxerox ka lang bakit parang stress na stress ka?”, bungad na tanong naman ni Mars ng makaupo na ako.
“Wala Mars, gusto ko na kasing umuwi”, tanging sagot ko na lamang dito.
“Ako nga din, gusto ko nang makasama si Kevin myloves”, kinikilig pang hirit nito habang inaayos ang kanyang gamit.
Napangiti naman ako sa kanya at napaisip na..
‘Kelan kaya ako magkakaroon ng taong magmamahal sakin, yung tanggap kung sino ako at handang bumuo ng pamilya na kasama ako?’
Dahil alam ko naman na matagal o baka wala pa ang taong yun ay mas minabuti ko na lamang na ayusin na lang din ang aking mga gamit.
.
.
.
“Bye Mars, ingat kayo!”, kumakaway na sigaw ko pa sa kanilang dalawa. Lagi kasing sinusundo ni Kevin si Mars paghapon.
“Bye din Bhes!!”, masaya din namang sigaw ni Mars ng dumaan ang sinasakyan nilang kotse sa aking harapan.
Ang totoo nyan ay sinabi ko lang kaya Mars na gusto ko nang umuwi pero ang tunay ay pupunta pa ako sa baywalk para hanapin si Cain at ibigay sa kanya ang pera.
‘Deserve nya ang perang yun’,
isip-isip ko pa habang naghihintay ng taxi.
Maya-maya pa ay napangiti ako ng tipid dahil may natatanaw na akong taxi na palapit pero biglang may humarang na magarang kotse at tumigil pa sa aking tapat.
Napasimangot ako dahil sa nangyari at napaisip na..
‘Makakasakay na dapat ako ih, makikita ko na sana si Cai— EHHH? excited ba akong makita sya?’
Gusto kong sabunutan ang buhok ko dahil sa takbo ng aking mga iniisip.
‘Nababaliw na ba ako para masabik na masilayan ang Callboy na yun?’,
naguguluhan ko pang tanong sa saking sarili.
Hindi ko tuloy napansin na nakasilip na pala ang driver ng kotseng humara sakin mula sa bukas nitong bintana.
“Hey”, sabi pa nito para makuha ang aking attensyon.
Napatingin naman ako sa kanya at nanlaki ang aking mga mata dahil sa nakita.
.
.
.
.
.
.
“Sir!?”
“Bakit, parang gulat na gulat ka?”, tanong pa nito kaya napahiya ako.
“A-Ahm, hindi ko lang po kasi inaasahan na kayo pala yan”, nahihiya ko pang sabi dito habang napapakamot sa aking batok.
Nakita ko naman ang pagsilay ng maganda nyang ngiti sa mamula-mula nyang mga labi kaya nag-init ang pisngi ko.
“Eh, Ano nga po pala ang kailangan nyo, Sir?”, nagmamadali ko pang tanong dito dahil pansin ko na madami nang dumadaang mga taxi.
Hindi ko namang inaasahan na lalabas pa ito sa maganda nyang kotse bago ako kausapin.
“Ihahatid na kita pauwi”, confident na sagot pa nito sakin.
Hindi ko naman alam ang isasagot ko sa kanya pero ng mapansin kong palabas na ng building ang kambal ay nanlaki ang mata ko.
“O-Okay po, Sir”, nagmamadaling sagot ko pa dito at mabilis na pumasok sa mabango nyang kotse.
Hindi naman ito nagtanong pa at nakangiting pumasok din sa loob ng kotse.
Napahinga naman ako ng maluwag ng makita kong binubuhay na ni Sir ang makina ng kotse. Dahil tinted ang kotse ay nasundan ko pa ng tingin kung saan ang punta ng kambal.
Nakita kong patungo na sila sa parking lot ng halos atakihin ako sa puso ng biglang lumingon si Eldran sa aking gawi. Sigurado akong hindi nya ako nakita dahil sa tinted na bintana ng kotse pero natakot pa rin ako.
Makalipas ng ilang minuto ay nagsimula nang umandar ang kotse kaya medyo nakahinga ako ng maluwag.
“Okay ka lang?, namumutla ka”
Biglang sabi ng taong katabi ko kaya napalingon ako dito. Nang makita ko sya ay bigla kong napagtanto ang lahat at napaisip ng..
‘Goodness!, dahil biglaan ang pagpayag ko kay Sir, ibigsabihin ay hindi na ako makakapunta ng baywalk’
“Okay lang po ako, Sir”, sagot ko naman dito at niyakap ang aking bagpack na nakapatong sa aking kandungan.
“Sorry po Sir, naabala ko pa kayo”, sabi ko pa sa kanya para di mamayani sa aming pagitan ang katahimikan.
“Wala kang dapat ihingi ng sorry, ako ang nagpumilit na isabay ka”, sagot naman nito sakin.
Dahil hindi ko alam ang rason nya para gawin ang mga bagay na ito kaya naglakas ako ng loob para tanungin ito.
“A-Ah Sir, bakit po ba iba ang trato nyo sa akin?”, kinakabahan ko pang tanong dito, baka kasi nag-aassume lang ako.
Hindi naman agad ito nakasagot at halata na kinakabahan pa kaya lalo akong nagtaka.
‘Tunay kaya ang sinasabi ni Mars na may gusto talaga itong si Sir sakin?, parang imposible naman kasi, ang isang professional na manager ng aming kumpanya, gwapo at habulin ng kababaihan at kabaklaan. Mayaman at may maayos na buhay, IMPOSIBLE TALAGA’,
napapailing na turan ko pa sa aking isipan.
“No apparent reason”
Napalingon naman ako sa kanya at nagsink-in ang naging sagot nya sa aking isipan kaya napayuko ako sa hiya.
‘Sabi na nga ba at walang kahit anong rason iyon, siguradong na-aawa lang sakin si Sir at nag-aassume naman si Mars’,
turan ko pa sa aking isipan habang nakasilip sa labas ng bintana.
‘Bakit kahit naging ganun ang sagot nito ay ramdam ko na hindi ako ganung naapektuhan’
Napabuntong hininga na lamang ako dahil kahit anong isip ko ay wala akong mahanap na sagot.
Habang nagpapatuloy ang pagbyahe namin ay napansin ko ang amoy ng kotse ni Sir. Hindi kasi nya kaamoy ito, at hindi na din pamilyar ang pabangong gamit ni Sir ngayon, hindi na siguro iyong gamit nyang pabango ang gamit nya.
‘Hindi na sya ka-amoy ng lalaking nakilala ko noon sa baywalk pero bakit parang alam na alam nya ang daan patungo sa aking bahay na parang nakarating na sya noon dito.’,
sabi ko pa sa aking isipan habang nakasilip sa labas ng bintana kung saan ay tanaw ko na ang apartment na aking tinitirhan.
“We’re here”
“Salamat po, Sir”, nakangiting sagot ko dito para takpan ang naguguluhan ekspresyon ng aking mukha.
“No problem”, turan pa nito at saka umandar na paalis ang sasakyan.
Habang naglalakad ako patungo sa aking apartment ay napatanong na lamang ako sa aking sarili.
‘Bakit ba masyadong big deal para sakin kung sino ang lalaking iyon maliban sa pagtulong nya sakin?‘
MB 10
“Bakit parang byernes santo yang mukha mo bhes Gino?”
‘Bakit ba laging mukha ko ang napapansin agad nitong si Mars?’
tanong ko pa sa aking sarili habang inilalapag ang aking gamit sa mesa, kadadating ko lamang kasi dito sa opisina.
“Wala naman Mars,” sagot ko na lamang sa kanya.
Napabuntong hininga na lamang ako bago umupo sa harap ng aking mesa habang tumatakbo ang mga bagay na ito saking isipan..
Sinabi ko sa sarili ko na di ako naapektuhan sa sagot ni sir kagabi pero bakit hanggang ngayon ay di pa rin ako maka-move on dito.
“No apparent reason”
‘Seriously sir? No apparent reason lang ang kaya mong isagot sakin pagkatapos mo akong ihatid, dalhin sa mamahaling resto at bigyan ng special treatment,’
parang baliw na sermon ko pa sa aking isipan na parang kausap si sir.
Ang gulo naman kasi talaga nya. Atleast hindi ako aasa na kung sakali, sa tingin ko ay maganda na rin iyon na sinabi nya sakin kaagad. Baka kasi masanay ako sa mga espesyal na ipinapakita nya tapos ” No apparent reason ” lang pala.
Hindi ko man aminin sa sarili ko pero dahil sa laging pang aasar sakin ni Mars ay medyo nag-aassume na din ako na baka nga gusto ako ni sir, na baka may tao ng handa magmahal sakin pero isang malaking disappointment lang pala.
“Ano bhes, natulala ka na naman,” sabi pa ni Mars habang iwinawagayway sa mukha ko ang kamay nya.
“May iniisip lang ako,” tipid na sagot ko sa kanya. Gusto ko na ngang sabunutan ang buhok dahil sa dalawang lalaking gumugulo sa aking isipan.
Una si Cain, tapos ngayon naman ay si sir Yuan.
Dahil hindi pa rin ako nakakahanap ng lakas ng loob na sabihin kay Mars ang tungkol kay Cain ay hindi ko pa rin ito maikwento sa kanya.
“Gano’n ba, may good news pa naman ako sayo,” nakanguso pang turan nito na parang nagtatampo.
Napaharap naman ako sa kanya dahil sa aking narinig at saka nagtanong.
“Anong good news?”
“Magiging tahimik lang naman ang buhay mo sa mga susunod na araw, bhes Gino,” nakangisi pang sagot nito kaya lalo akong naguluhan.
“Ha? Deretsuhin mo na kasi Mars,” Inip na sabi ko pa naman kaya sumimangot ito.
“Nukaba, surprise at isang malaki kasing himala iyon,” sabi pa nito kaya napailing ako.
‘Ang daming alam ng baklang to, masyadong pasuspense eh,’
isip-isip ko pa habang hinihintay na sabihin na nya.
“Okay okay sasabihin ko na nga”—
sabi pa nito ng makita ang inip na ekspresyon sa mukha ko—
-” walang mangbubully sayo sa loob ng tatlong araw dahil nasa business trip ang kambal,” masaya pagbabalita nito kaya napataas ang kilay ko.
‘Mukhang makakahinga ako ng maluwag sa loob ng tatlong araw, maganda ngang balita yan,’
sabi ko pa sa aking isipan habang napapatango.
“San mo naman nalaman yan, Mars?” tanong ko pa dito, baka kasi hindi tunay ang nasagap nyang chismis.
“Kay Haizel, yung kaibigan ko sa Sales department,” sagot naman nito kaya napatango na lang ako, hindi ko nga kilala ang taong sinasabi nya. Hindi na ako nagtataka, marami kasi talagang kaibigan at kakilala si Mars pati sa ibang department ng kumpanyang ito.
Ang mahalaga ay magiging malaya ako sa takot at pangamba dahil sa pagkawala ng kambal na iyon kahit ilang araw lang.
“Mars, salamat sa balita,” nakangiti ko pang sabi dito kaya sinagot lamang nya ako sa pamamagitan ng paggulo sa buhok ko.
“Marcel naman, wag ang buhok ko,” natatawang reklamo ko pa dito pero di nito pinansin at lalo pang ginulo ang buhok ko.
‘luka talaga ang baklang to,’
sabi ko pa sa aking sarili at sinimulan na ang mga gawain ko sa araw na ito.
Ganun din naman ang ginawa nya pero paminsan-minsan ay sumisilip pa rin sya sa aking ginagawa o kaya ay nakikipagkwentuhan ng kaunti.
Makalipas ang ilang oras ay napainat ako ng braso dahil nasilayan ko ang oras sa monitor ng computer ko.
‘Lunch na!!’
masaya ko pang sigaw sa aking isipan. Salamat naman dahil gutom na ako.
“Mars maglunch na tayo,” sabi ko pa dito habang kinukuha ang paperbag sa ilalim ng aking mesa.
Humarap naman ito na suot ang isang malungkot na ekspresyon sa mukha bago sumagot sakin.
“Sorry Bhes, pero sa labas ako maglulunch ngayon, niyaya kasi ako ni kevin,” nahihiya pang sagot nito habang napapakamot sa ulo.
Disappointed man dahil sa sagot nya ay nagpaskil pa rin ako ng isang ngiti sa aking labi para sabihin na okay lamang iyon.
“Ano ka ba, okay lang yun. Enjoy kayo sa date nyo,” nakangiti ko pang sabi dito na may kasamang biro kaya napangiti din ito at mabilis na inayos ang mga gamit nya para makaalis na sya.
“Bye, bhes!” excited na pagpapaalam pa nito sakin kaya kumaway na lamang ako.
Nang makita ko ang paglabas nya sa pinto ng working station namin ay napabagsak na lamang ang aking balikat dahil sa lungkot.
Kaibigan ko si Mars at lagi kaming magkasama pero hindi lamang sya sakin, may boyfriend sya at iba pang kaibigan. Alam kong normal lamang na magselos ako pag may kausap syang ibang kaibigan dahil nagpapakita lamang iyon na hindi lang ako ang kaibigan nya.
Hindi lang sakin umiikot ang buhay nya, normal si Mars at introvert naman ako. Ang hirap naman kasi ng sitwasyon ko, sa mga ganitong pagkakataon ay napapahiling ako na sana may iba tao na pwede kong takbuhan. Ibang tao na pwede kong pagsabihan ng lahat tulad ni Cai—.
‘Bwisit!, bakit ba nabalik na naman sya saking isipan,’
inis kong turan pa sa aking sarili sabay yuko sa ilalim ng aking table.
Kanina ko pa kasing kinakapa ang paperbag ko pero di ko makuha.
Pagsilip ko sa ilalim ng table ay wala akong nakitang paperbag. Napatampal na lamang ako sa noo ko, hindi nga pala ako nakapagluto kaninang umaga.
Hayss, lalo tuloy akong nanlumo, mabigat ang aking katawan na tumayo at binuhat ang bag ko palabas ng working station at pasakay ng elevator.
‘Mukhang sa labas na lang din ako kakain, gusto ko sa mcdo,’
isip-isip ko sabay pindot sa elevator para bumukas ito.
Dahil lutang ang aking utak ay di ko napansin na may sakay na pala ang elevator na ito.
Basta sumakay na lamang ako at nanatiling nakayuko habang umaandar ang elevator pababa sa ground floor.
Maya-maya pa ay bumukas na ang elevator kaya naglakad na ako palabas, nagulat lamang ako ng biglang may humawak sa braso ko.
Mabilis akong napalingon sa taong humawak sakin at laking gulat ko ng makita ko ang mukha ni Sir.
“S-Sir?, Bakit po?” naguguluhan ko pang tanong dito, ngayon ko lang na-realize na sya pala ang kasama ko sa elevator.
“May gusto lang sana akong sabihin,”
sagot naman nito kaya napatango ako habang hinihintay ang sasabihin nya pero tahimik lang naman ito.
“Sir?” sabi ko pa dahil hindi naman sya nagsasalita, sabi nya may sasabihin sya.
“A-Ahm, I’m going to take my lunch outside, do you want to come and somehow we can also talk in there,” sabi pa nito sabay kamot sa batok nya.
Napangiti naman ako ng tipid ng mapansin ko ang pamumula ng pisngi nito.
“Ah dige po, sa labas din naman po ako kakain,” sagot ko naman dito at nakita ko ang pagkislap ng mga mata nya.
Sabay na kaming naglakad palabas at papunta sa parking lot, dahil hindi naman ganun kalayuan ang Mcdo dito sa aming building ay mabilis kaming nakapunta doon.
“Sir, okay lang po ba talaga sa inyo na dito tayo kumain?” tanong ko pa dito, kanina kasi ay tinanong nya ako kung saan ko gusto kumain, at sa Mcdo naman ang sagot ko.
Hindi na ito tumutol at nagdrive na lamang papunta dito, kaya di ko alam kung trip din nya kumain sa mga ganitong lugar, para kasing hindi sya sanay sa mga ganitong lugar parang mas bagay sa kanya yung pinuntahan naming italian resto.
“Of course,” tanging sagot naman nito at pumila na kami para maka-order.
Habang napili ng oorderin ay medyo nahihirapan si Sir kaya nagsuggest ako ng mga paborito ko, masaya naman nyang sinabi ang lahat ng iyon sa cashier, saka nagbayad.
Dahil sa dami ng inorder nya ay sakop na pati ang pagkain ko kaya di na ako naka-order pa.
Matapos makuha ang sukli ay naghanap muna kami ng table para doon hintayin ang aming pagkain.
“Sir, ano nga po pala ang sasabihin nyo?” tanong ko pa dito para naman hindi ako mailang habang naghihintay kami.
“I just want to say sorry for what I’ve said last night, that’s not what I mean,” seryosong sabi pa nito habang deretsong nakatingin sakin kaya medyo kumabog ang dibdib ko.
“H-Hindi nyo po kailang humingi ng tawad, wala naman po kayong sinabing masama,” sagot ko naman sa kanya.
“Nope, alam kong mali ako Gino, bukod sa paghingi ng tawad ay gusto ko din sanang makipagkaibigan, kung p-pwede?” turan pa nito na halata ang kaba sa kanyang gwapong mukha.
“Wala nam—”
“Mga sir na po order n’yo.”
Naputol ang sasabihin ko ng biglang dumating ang crew ng Mcdo para dalhin ang order namin. Tumango naman ako at tinulungan ito na ilapag ang mga pagkain sa table namin. at saka nagpasalamat dito.
Kumindat pa ito sakin bago umalis kaya pagtingin ko kay sir Yuan ay nakasimangot na ito.
“May problema ba, Sir?” tanong ko pa dito pero umiling lamang ito kaya nagsimula na kaming kumain.
Ngiting-ngiti pa itong nakatingin sakin habang nag-eenjoy ako sa paborito kong chicken nuggets.
“Paborito ata ito, heto sayo na lang lahat,” sabi pa nito sakin sabay lagay ng lahat ng chicken nuggets sa plato ko kaya kumislap naman sa saya ang aking mga mata.
“Maraming salamat sir—”
“Yuan na lamang, wala naman tayo sa trabaho,” sabi pa nito kaya nginitian ko sya ng matamis bago magpasalamat ulit.
“Maraming salamat, Yuan.”
Namula naman ang kanyang mukha dahil sa pagtawag ko sa pangalan nya at napainom na lang ng coke float.
Napatawa naman ako sa naging reaksyon nya at ipinagpatuloy na lang ang pagkain.
Tahimik man ang naging lunch namin ay okay lang dahil na-enjoy ko naman ang pagkain namin.
Pagkatapos kumain ay sumakay na ulit kami sa kotse nya pabalik sa kumpanya.
Habang nasa byahe ay naalala ko ang bayad ko sa pagkain kaya kinalkal ko ang aking bag para hanapin ang wallet ko.
“Si—Yuan, eto ang share ko sa bill ng lunch natin,” sabi ko pa dito sabay kuha ng pera ng mahanap ko na ang wallet ko.
Sinulyapan lang naman ako nito at tinaasan ng kilay kaya medyo napahiya ako.
“It’s my treat, you dont have to pay,” sagot lamang nito kaya napatahimik ako.
Napansin siguro nito ang reaksyon ko kaya napabuntong hininga ito bago dinugtungan ang sinabi.
“You dont have to pay, I just need to hear your answer to my question earlier.”
Napatingin naman ako sa kanya at naalala ang tanong nya kanina.
Kung gusto ko daw ba na maging magkaibigan kami.
Napangiti naman ako bago sumagot.
“Oo naman Yuan, gusto rin kitang maging kaibigan.”
MB 11
Pagkatapos kong sabihin iyon ay sumilay ang magandang ngiti sa mga labi ni sir.
‘Gwapo talaga ni sir’
“Thank you,” sabi pa niya.
Napuno ng pagtataka ang aking mukha dahil sa pagpapasalamat nya.
“H-Hindi nyo po kailan—”
“We’re here.”
Biglang sabi pa nito kaya napatigil ako sa aking sinasabi at napansin na nasa parking lot na ulit kami ng kumpanya.
‘Ang bilis ah, kaskaserong driver ata itong si sir Yuan?’
isip-isip ko pa pero bigla ko ding naisip na malapit nga lang pala ang Mcdo na pinuntahan namin.
Kaya nagpasya na lamang akong
bumaba ng sasakyan at magpasalamat bago pa ako mainlove sa kanya este sa kotse pala, sobrang ganda at astig kasi nito.
Hindi ko inaasahan na habang nasa ganun kaming sitwasyon ay tanaw pala ni Mars ang lahat ng nangyayari.
Kaya mula kanina hanggang ngayon ay inaasar pa rin nya ako.
“Ayieee!!! Ikaw ha. hindi mo manlang sinabi sakin na nagde-date na pala kayo ni Sir Yuan,” pangungulit pa nito habang nasa loob kami ng elevator.
“Mars, hindi nga kami ng de-date ni sir,” sabi ko pa dito habang napapailing. Ang kulit kasi sobra ng isang to.
“Anong hindi, eh kitang kita ko na galing ka sa loob ng kotse nya, kumain kayo ulit sa labas?”
Napahinga naman ako ng malalim bago sabihin sa kanya ang nangyari at nadulas pa ako ng masabi ko ang tungkol sa paghahatid ni sir sakin kagabi.
“Wow at hinahatid ka na ah, pagkatapos ng lunch nyo sa mamahaling italian resto, ngayon naman ay hinahatid ka na. Sa tunay nangliligaw na ba yang si sir sayo?” tanong pa nito habang nakataas ang isang kilay sa’kin.
“Mahabang kwento Mars kaya ako napapayag sa paghahatid ni sir sakin kahapon. Pero dahil nga sa mga ginagawa nya ay tinanong ko sya sa tunay nyang rason kung bakit ganito ang trato nya sakin at ang sagot lang nya sakin ay
“No apparent reason”
yun lang,” mahabang pagpapaliwanag ko naman sa kanya.
“What? Ano ba yan, di ko akalain na may pagkatorpe pala yang si sir, kahit ata bulag ay makikita na may gusto sya sayo,” di makapaniwalang sabi pa nita kaya napailing na lamang ako.
“Wag nating ipilit kung wala talaga Mars,” sagot ko pa dito habang nagkakalakad palabas sa elevator.
Nagkibit balikat lang naman ito bilang sagot sakin kaya di ko na lamang sya pinansin at nagtungo na ulit sa aking cubicle.
Ganun din naman ang ginawa nya at dahil wala pa naman ang iba naming katrabaho ay kita kong naglalaro pa sya sa pamamagitan ng pag-ikot habang nakasakay sa kanyang office chair.
‘Tinakasan na talaga ng bait si Mars,’
napapabuntong hininga ko pang sabi sa aking sarili habang nakatitig sa maliit na action figure ni Iron man na nakapatong dito sa aking table.
Mahalaga ang bagay na ito sakin dahil regalo pa ito ng yumao kong mga magulang, kahit mahirap ang buhay namin sa probinsya dahil magsasaka lamang ng palay ang aking tatay at nasa bahay lamang naman ang aking nanay. Hindi man nila maibigay lahat ng gusto ko dahil sa kahirapan ay busog na busog naman ako sa pag mamahal nila.
Mula sa pagkakatanda ko, dahil sa pagkahilig ko kay Iron man ng unang beses ko itong mapanuod sa TV ng kapitbahay ay talagang humanga na ako dito. Para sakin ay napaka astig nitong super hero, lagi ko itong ikinukwento sa aking mga magulang.
Ramdam ko din ang inggit kapag nagpapayabangan ang mga kaklase ko habang dala nila ang mga laruan at gamit na may mukha ni Iron man.
13th birthday ko noong iregalo ito sakin ng aking nanay at tatay, wala man kaming handang pagkain dahil wala kaming pera, nalaman kong pinag-ipunan pala ito ni tatay para lang maibigay saking kaarawan.
Sa sobrang tuwa ko noong makita ko ito ay talagang nagtatalon ako at napayakap sa kanila habang nagpapasalamat ng paulit-ulit.
Nakakatuwang isipin na ang maliit na laruan na ito ang pinaghugutan ko ng lakas lalo na ng mawala ang aking mga magulang dahil sa isang aksidente.
lumipas ang mga taon na pilit kong ginaya ang mga paborito kong superhero upang maging malakas at matibay.
Nagpakawala muli ako ng isang buntong hininga dahil sa mga alala na muling bumabalik sa aking isipan.
Tanggap ko na ang lahat dahil matagal na rin naman iyong nangyari. May bagong buhay na ako ngayon, medyo malungkot dahil mag-isa lamang ako pero lagi ko na lang iniisip na hanggang ngayon ay binabantayan pa rin ako ng aking mga magulang kung nasaan man sila.
Ang bagay na iyon ay naghatid pa sakin ng saya at motibasyon para magpatuloy sa aking buhay at sa trabaho ko ngayon.
Natapos ang aking araw ng hindi ko halos nararamdaman. Sunod ko na lang napansin ay nag-aayos na ng gamit ang aming mga katrabaho para makapag-out na.
‘Woah, ang bilis talaga ng oras lalo na kapag busy ka,’
isip-isip ko pa sabay lingon sa tabi kong cubicle kung nasaan si Mars.
Sumilip ako dito pero, wala naman sya kaya di ko napigilan ang sarili kong magtaka.
“Hm, saan kaya nagpu—ahhh!!”
“HAHAHA! Epic ang itsura mo bhes Gino,” sabi pa niya sa pagitan ng kanyang malakas na pagtawa.
Sinamaan ko lamang naman ito ng tingin dahil sa panggugulat na ginawa nya.
“Gaga ka talaga Mars,” inis na sabi ko pa dito habang nakahawak pa rin sa dibdib ko. Pakiramdam ko ay aatakin ako sa puso dahil sa kanya.
“S-Sorry na bhes, masyado ka kasing seryoso,” sagot pa nito habang pilit pinipigilan ang sarili sa pagtawa.
“Ewan ko sayo Mars, saan ka ba galing?”
“Sa Cr lang, nagpaalam ako sayo kaso mukhang di mo naman narinig,” sagot naman nito habang nagliligpit na rin ng mga gamit sa kanyang table.
Napatango na lang naman ako at inayos na rin ang aking mga gamit nang biglang napadako ang aking paningin sa action figure ni Iron man at hinaplos ito habang nakangiti.
‘Good bye, lucky charm,’
sabi ko pa dito sabay lingon kay Mars dahil tinatawag na ako nito.
Katulad ng laging nangyayari paghapon, sabay kami ni mars hanggang sa parking lot tapos sasakay ako ng taxi pauwi.
Kaibahan lang, pagsakay ko ng taxi, sinapian na namana ako ng masamang espirito dahil nakita ko na naman ang aking sarili na nakatayo sa harap ng baywalk pagkatapos kong bumaba sa taxi.
Napahinga ako ng malalim at saka napailing. Alam ko sa aking sarili kung bakit ako narito pero bakit di pa rin matanggap ng utak ko na kailangan ko pang bumalik dito para lang hanapin ang callboy na iyon.
‘Ibibigay ko lang ang pera nya, promis.’
ani ko sa aking isipan at saka sinimulan na ang bagtasin ang kahabaan ng baywalk para hanapin sya.
Palinga-linga ako sa paligid para hanapin sya pero matapos ng halos kalahating oras na paglalakad at paghahanap ng pabalik-balik ay napuno ng pagkadismaya ang aking dibdib.
‘Ano ba yan, nagpakapagod lang ako pero wala ata sya dito ngayon,’
napapakamot sa ulong turan ko pa sa sarili ko at sumuko na sa paghahanap sa kanya.
Nanlulumo akong sumakay ulit sa taxi pa-uwi matapos ng palpak kong paghahanap kay Mr. Callboy.
Pag-uwi ko sa bahay ay walang pagod at sawa si Miggs na salubungin ako.
Makita ko pa lamang sya ay gumagaan na ang aking pakiramdam. Sa may pinto pa lamang ay naibaba ko na ang bagpack ko sabay luhod at yakap sa kanya.
Magiliw naman itong sumiksik sakin kaya lalo akong natuwa sa paghaplos sa malambot nyang balahibo.
Habang yakap ko sya ay napabuntong hininga ako sabay bulong ng…
“Migss, hindi ko sya nahanap ngayon.”
Tumahol naman ito sakin na parang kinakausap ako at sinasabing wag akong sumuko kaya napatawa ako at patuloy na hinaplos ang kanyang ulo.
“Salamat, Miggs.”
▼△▼△▼△▼△
Matapos ng unang beses kong paghahanap sa kanya sa baywalk ay nasundan pa iyon.
Dalawang beses na din akong nagpabalik-balik sa lugar na iyon para hanapin si Cain pero lagi akong umuuwi na bigo at nanlulumo.
Hindi ko na sya mahanap sa lugar na iyon, kahapon ay inabot na din ako ng gabi sa paghihintay sa kanya, nagbabakasakali ako na dadating sya pero wala pa rin.
‘Ano ba namang klaseng Callboy sya, naturingan pang CALLboy pero di manlang nag-iwan ng number?’
inis sa reklamo ko pa sa aking isipan.
‘Pera lang ba ang dahilan kaya mo sya hinahanap?’
Napatigil ako sa pagwawalis ng bahay dahil sa bulong na iyon ng aking utak.
Biglang bumilis at lumakas ang tibok ng aking puso, kinabahan ako ng hindi ko maipaliwanag.
Sa katunayan ay minsan napapaisip ako at di mapigilan na di tanungin ang aking sarili.
‘Hindi kaya ginagawa ko lamang na dahilan ang pera para makita syang muli— hindi!! i-imposible?’
sigaw ko sa aking isipan kahit alam kong iyon ang katotohanan.
Napaupo ako sa maliit na sofa sa aking munting sala dahil sa panghihina. Unang beses kong naramdaman ang bagay na ito, hindi ko maipaliwanag ang aking nararamdaman.
Ilang beses ko na syang nakita pero isang beses ko pa lamang syang nakakasama ngunit bakit ganito ako mangulila sa kanyang presensya.
Hindi ko mapigilan na mapasabunot sa buhok ko sa dahil sa pagkalito.
Naiinis ako sa aking sarili dahil bakit sarili kong pakiramdam ay di ko maipaliwanag.
Naguguluhan ako at di makapaniwala na aaminin ko at tatanungin ang aking sarili ng mga bagay na..
‘Bakit? bakit ganito kalakas ang epekto mo sakin, Cain?’
Napabuntong hininga na lamang ako dahil hindi ko rin naman alam ang sagot sa katanungan na iyan. Bukod pa dun ay ayaw ko muna syang isipin, masyadong masakit sa ulo ang Callboy na iyon.
‘Bahala sya sa buhay nya, bakit ko nga ba sya hinahanap e wala naman akong utang na loob sa kanya,’
masungit na sabi ko pa sa aking sarili sabay pasok sa aking kwarto para ayusin ang mga labahin.
Mula sa gilid ng aking kama ay may basket na lalagyan ko ng mga maduduming damit, nang makuha ko na ito ay maglalakad na sana ako palabas ng kwarto para dalhin ito sa labahan nang may napansin akong bagay sa ilalim ng aking kama.
Ibinababa ko muna ang basket at bumalik para tingnan kung ano iyon.
lumuhod at dumapa ako para makuha ang telang nakita ko.
Bakas ang pagtataka sa aking mukha ng makita kong ano ito.
‘Panyo?’
naguguluhan ko pang tanong sa aking sarili habang nakatingin sa bagay na aking hawak.
Pero sa pagkakatanda ko ay wala akong ganitong panyo, checkered na itim at asul ang design nito. Hindi na rin ganun kabago pero mukhang alagang-aga ng may ari.
‘Paano kaya napunta ito sa aking kwarto?, baka naman kay Mars ito?’
isip-isip ko pa habang ipinagpapatuloy ang pag-iinspeksyon sa panyo ng makuha ng gilid nito ang aking atensyon.
Bigla akong kinabahan dahil pangalan ang nakaburda sa gilid nito.
Nang mabasa ko ito ay nasigurado kong hindi ito kay Mars.
May posibilidad kaya na pagmamay ari ito ng lalaking naghatid sakin dito sa bahay, ang lalaking tumulong sa akin sa baywalk?
Hindi ko alam pero may kutob ako, ang panyo na kayang ito ang magtuturo para makilala at mahanap ko ang lalaking iyon?
At ang pangalang…
‘Sinclair’
MB 12
SABADO ngayon at day-off namin ni Mars, mabuti na nga lamang dahil parehas ang araw ng day-off namin.
Dahil dito ay nagkakaroon kaming dalawa ng oras para makapag-bonding, isinasama n’ya ako lagi sa pagsho-shopping n’ya tapos nanunuod din kami ng movie at kakain sa fast food restaurant.
Nagising ako ng maaga para makapaglinis ng bahay bago ako magbihis para makapag-jogging.
Matapos kong maglinis ng bahay ay naghanda na ako para makapag exercise.
▼△▼△▼△▼△
NANDITO na nga kami ngayon sa pinakamalapit na park sa aking lugar, kapag day off ay nagjo-jogging ako at isinasama ko rin si Miggs para makalabas naman siya sa bahay.
Habang nakaupo ako at nagpapahinga ay napadpad na naman ang aking isipan sa isang katanungan na hanggang ngayon ay gumugulo sa saking isipan.
[
‘Bakit ba masyadong big deal para sakin kung sino ang lalaking iyon maliban sa pagtulong nya sa’kin?’
]
Yan din ang itinatanong ko sa aking sarili simula ng maganap ang pangyayaring iyon ilang linggo na rin ang nakalipas.
Hindi ko alam kung ilang beses ko nang sinabi sa aking sarili na baka panaginip lang ang lahat.
Pero ngayon ay alam kong hindi lamang iyon simpleng panaginip dahil sa ibedensyang nakita ko kaninang umaga lang.
Ngayon pwede ko ng sabihin na tunay nga na may lalaki sa baywalk, na nagtataglay ng malalim at gwapong boses at gumagamit ng Ambercrombie na pabango.
Dahil sobrang pagka-obsesse ko sa lalaking iyon ay hinanap ko ang uri ng pabango na gamit n’ya.
“May dalawa na akong suspected person. Una si Sir Yuan, meron syang ganung pabango, kilala ko rin sya at alam nya ang bahay ko. Pangalawa naman ay si Cain, gano’n din ang pabango nya, kaboses din nya ito pero wala syang alam sa personal kong mga impormasyon para maihatid ako sa aking bahay kung sakali na sya nga ang tumulong sakin,” bulong ko pa sa aking sarili habang pinag-aaralan ang kaso na parang isang magaling na detective.
Nakaupo ako ngayon sa isang bench at masaya namang nagtatakbo si Miggs sa paligid habang kagat-kagat ang kanyang leash.
Habang nakaupo ako dito ay pilit kong iniisip at pinag-aaralan ang bawat sitwasyon.
‘Dahil may dalawa na akong pinaghihinalaan ay mas mapapadali ang aking paghahanap sa lalaking iyon.’
Napapatango pa ako dahil sa aking iniisip.
Pagdating kay Sir Yuan, siguro ay makakahanap ako ng pagkakataon para tanungin sya. Ang problema ko na lamang ay si Cain, hindi ko pa rin kasi sya nahahanap hanggang ngayon.
‘Baka naman sa iba na syang lugar naghahanap ng kleyente bilang Callboy? Hayys di ko pa naman alam ang mga lugar na pinupuntahan ny— T-Teka!! Ayaw ko man pero pwede akong bumalik sa lugar na pinagdalhan nya sa’kin noon. baka do’n ko sya makita?’
napangiti ako ng matagumpay dahil sa aking naisip.
‘Humanda ka sakin Mr. Callboy pag nahanap kita.’
Gusto ko nang tumawa ng malakas na parang baliw kaso maraming tao dito baka matakot pa sila.
Napatikhim na lamang ako at napangisi dahil unti-unti ko nang nareresolba ang kasong ito.
Feeling ko ako na si DETECTIVE GINO!!!
Habang nagdidiwang pa ako dahil sa brilliant ideas ko ay biglang may isang katanungan na pumasok sa aking utak.
“Kung iisipin ng mabuti, paano na-afford ni Cain na hamak na Callboy ang makabili ng ganung pabango eh mamahalin iyon?” bulong ko pa sa aking sarili.
Bigla naman akong napatingin dahil sa pagtahol ni Miggs.
“Arrf, Arff!!” tahol ni Miggs na parang kinakausap ako.
“Salamat Miggs sa suporta mo, may ideya ka ba?” natatawa ko pang tanong sa kanya, sinagot naman niya ako sa pamamagitan ng pagtahol at pagwagwag ng buntot.
Napangiti naman ako sa kanya at hinaplos ang kanyang ulo. Bigla akong mapatigil ng may pumasok na ideya sa aking isipan.
“Ang talino mo talaga, Miggs!” masayang sigaw ko pa dito sabay yakap sa kanya. Alam kong pinagtitinginan na ako ng mga tao dito pero wala akong pakialam.
Kinuha ko ang tali ni Miggs at mabilis na umuwi sa bahay para isagawa ang naisip kong plano.
“Ngayon Miggs, amuyin mo ang panyo,” sabi ko pa sabay lagay ng panyo sa kanyang harapan.
Si Miggs ang magiging daan para makilala ko ang taong iyon. Bigla naman akong nasabik na malaman kung sino nga ba ang lalaking iyon. May paniniwala kasi akong kilala ko ito kaya magagamit ko talaga si Miggs para ituro kung sino ito.
Medyo mababa ang tyansa sa totoo lang pero magaling na ito kaysa sa wala.
Inamoy naman ni Miggs ang panyo at bilang premyo ay binigyan ko sya ng cookie treat.
Nakangiti kong pinagpatuloy ang aking araw, nagluto muna ako ng agahan dahil gutom na ako. Pagkatapos ay maglalaba naman ako ng mga damit na dinala ko kanina sa labahan.
Syempre para di ako mabingi sa katahimikan dito sa bahay ay nagpatugtug ako ng mga paborito kong kanta galing sa mga paborito kong movie ng MCU tulad ng COME AND GET YOUR LOVE ng Guardian’s of the Galaxy.
Napapaindak pa ako habang nagba-brush ng aking mga uniform sa trabaho, ganun din para sa iba ako pang damit.
May washing machine naman ako pero sanay pa rin akong kinukusot muna ang damit bago ilagay sa machine, malaki naman ang tulong sakin ng dryer dahil wala akong space na pwedeng pagsampayan dito kaya lahat sila ay nilalagay ko na lang sa dryer maliban sa mga kumot at towel.
Dahil sa mga paborito kong tugtug ay hindi ko halos naramdaman ang pagdaan ng oras, napansin ko na lamang na lampas 1:00 pm na pala kaya medyo nahihilo na ako sa gutom, Buti na lamang dahil tapos na din akong maglaba.
Nagbihis muna ako dahil medyo basa na ang damit na suot ko, bago magluto ng tanghalian.
Naisipan kong magluto na lamang ng tuyo na may kamatis at talbos ng kamote. Simple pero masarap at masustansya. Ganito lang lagi ang pagkain namin sa probinsya noon. Kahit naman matagal na akong naninirahan dito sa syudad ay di ko pa rin kinakalimutan ang mga nakasanayan ko sa probinsya.
Habang kumakain ay narinig ko ang napakaganda kong ringtone kaya mabilis akong tumayo para kunin ito sa bulsa ng aking apron na ginamit kanina.
Una kong nakita ang pangalan ni Mars sa caller Id kaya sinagot ko na ito.
“Bhes Gino!!!” nakakabinging sigaw niya.
“Mars, pwede ba wag ka laging sumigaw, rinig naman kita,” pagsesermon ko pa sa kanya. Narinig ko lang naman ang mahina nyang pagtawa sa kabilang linya kaya bumalik na lang muli ako sa pagkakaupo sa harap ng mesa.
“Sorry na bhes, ano gala tayo mamaya?” pagyaya pa niya sakin kaya sumang-ayon naman ako. Tapos na rin naman lahat ng gawain ko dito sa bahay at saka kelangan ko na din ibili si Miggs ng dog food nya.
“Yes!Kita na lang tayo sa mall,“sabi pa niya.
“Sige,” tipid kong sagot sabay baba ng tawag.
▼△▼△▼△▼△
“Mars, doon muna tayo sa supermarket.”
“Mamaya na yun bhes punta muna tayo sa boutique, marami akong gustong bilhing damit dun,” excited na sabi pa niya kaya napailing na lamang ako at sumunod sa mabilis nyang paglalakad.
Pagdating sa mga pupuntahan ay nasusunod si Mars pero pagdating sa papanuodin na movie ay ako ang nasusunod kaya pinapabayaan ko lamang sya sa gusto nyang puntahan.
Nakarating kami sa unang shop na gusto nya, mabilis pa ito kay flash na kumuha ng mga damit, sunod ko na lamang nakita ay nasa fitting room na ito at sinusukat lahat ng kanyang mga dalang damit.
Dahil puro pang kikay na babae ang mga damit dito ay hindi ko na ginawang magtingin-tingin manlang dahil wala naman akong interes sa mga ganitong bagay.
Hinintay ko na lamang si Mars sa labas ng fitting room habang nagsusukat sya. Lumalabas din siya para ipakita ang mga damit na suot nya. Tumatango naman ako pagbagay ang damit sa kanya, umiiling naman kapag hindi.
“Alam mo bhes Gino, ang ganda nitong off shoulder na ito kaso freesize lang sya kaya di kasya sa’kin, subrang liit kasi”, sabi pa niya habang ipinapakita sa’kin ang damit na hawak, kulay maroon ito at masasabi ko namang maganda.
“Di wag mo nang isukat, di pala kasya sayo,” walang interes ko namang sagot sa kanya.
Hindi siya sumagot pero binigyan nya ako ng nakakakilabot na ngisi kaya natakot ako, alam kong may balak syang masama.
“Alam mo bhes Gino, feeling ko sayo kasya ito e,” sabi pa niya habang dahan-dahang naglalakad patungo sa’kin.
Nanlaki naman ang mata ko dahil inaasahan ko na ito ang mangyayari. Hindi na bago sakin ito pero natatakot pa rin ako. Dati kasi ay lagi ko syang natatakbuhan pero ngayon ay seryoso syang ipahiya ako.
“Sige na!” sigaw pa niya sabay hawak sa braso ko at mabilis akong kinaladlad papunta sa fitting room at malakas na tinulak papasok.
‘Bwisit talaga,’
inis na sabi ko pa sa aking isipan habang nakakulong sa maliit na silid na ito.
“Bhes bilisan mo, baka nagsisimula na ang movie na papanuodin natin,” sabi pa niya mula sa labas ng silid kaya nanlaki ang mga mata ko.
‘Hala! Baka nga.’
Dahil sa pagmamadali ay wala na akong nagawa kun’di suotin ang damit na nakasabit sa tagiliran ko.
Dahil sa pagmamadali ko ay hindi ko na inayos ang sarili ko at lumabas para makita nyang suot ko na ang damit na ibinigay nya.
Paglabas ko ay huli na ng maisip ko na marami pa lang ibang namimili dito. May mga dalaga, kabataan o kaya ay mga magkakaibigan din.
Mabilis akong napayuko dahil sa hiya, alam kong binibigyan na nila ako ng mapanghusgang mga tingin at salita.
Makalipas ang ilang minuto ay wala akong narinig, walang bulungan, tawanan o kahit paghinga ay wala akong narinig kaya napatunghay ako para silipin sila mula sa ilalim ng bangs ko.
Napataas ang kilay ko dahil sa ekspresyon ng mga mukha nila.
‘Bakit sila mga nakanganga?’
tanong ko pa sa aking sarili at halos mapatakbo sa gulat dahil sa tili na aking narinig.
“AHHHH bhes Gino ang cutee mo!!!” malakas na sigaw ni Mars. At sa di ko inaasahan ay nasundan pa ito ng iba.
“AHH! ANG CUTEE!!”
“Miss, bigyan mo din ako ng ganung damit!! Bilis!!”
“Hala, super bagay na bagay sayo Gurl!!”
Hindi ako magkaintindihan dahil sa mabilis nilang paglapit sa’kin.
“Ang ganda mo gurl, bakit ka nagpaputol ng buhok?” tanong pa ng isa sabay hawak sa maikli kong buhok.
‘Goodness, akala nila babae ko!!!’
“Oo nga, Ang pretty mo mas bagay sayo ang wavy na hair,” sabi naman ng isang magandang dalaga.
Marami pa silang sinasabi halos di ko na maintindihan dahil sa kabang aking nararamdaman, hindi ako sanay sa maraming tao kaya pilit kong hinahanap si Mars para tulungan ako.
Maya-maya pa ay may humigit sa’kin, pagtingin ko ay si Mars nga.
‘Savior ko talaga s— ’
“Halika bhes, tayo ka lang dyan ha pi-picturan kita!!” excited na sabi pa niya kaya nawala sa utak ko ang papuri ko sana sa kanya.
Sumimangot ako para mainis sya. At effective nga dahil ibinaba nya ang cellphone na hawak. Kala ko panalo na ako pero nakalimutan ko na mahilig nga pala mang blackmail ang baklang to.
“Umayos ka bhes Gino, sya ka ipapadala ko to kay sir Yuan,” pananakot pa nito kaya ngumiti ako kahit pilit.
Pagkatapos ng magulong pangyayaring iyon ay lumabas kami sa shop na iyon na kumakaway pa rin sakin ang ilang kababaihan sa loob.
Mukhang lalo ata akong na-trauma dahil sa kanila, pero may saya din sa aking kalooban na aking naramdaman dahil imbis na pangungutya ang sinasabi nila ay puro magagandang bagay.
‘Hindi rin pala masama na makisalamuha ka sa iba,’
isip-isip ko habang nakangiti, mukhang napansin ito ni Mars.
“Buti na lang pala binili natin yun damit,” mapang asar na sabi pa niya sabay tingin sa paperbag na hawak ko.
“Hindi ko naman ito gusto at wala akong balak na suotin ito,” nakanguso ko pang sagot sa kanya. Sya kasi ang bumili ng damit at saka ibinigay sa’kin. Regalo daw nya para sa kaarawan ko pero matagal nang nakalipas ang aking birthday.
Napatawa lang naman siya sakin at nagtungo pa kami sa mga susunod na shop na gusto nya.
Marami pa syang nabili na damit at ibang gamit, tulad ng mga make up at iba pang beauty products. Matapos naman sya ay ako naman ang sinamahan nya sa supermarket para bumili ng dog food ni Miggs.
Nabatukan ko din sya dahil sa inis, nalaman ko kasing hindi pa pala showing ang movie na gusto kong panuodin tapos ang lakas ng loob ng takutin ako kanina tungkol dun.
Sabi kasi nya sakin kanina ay showing na ito at nakabili na sya ng ticket kaya di ko na chineck kung tunay nga. Scam pala itong si Mars.
“Sorry na talaga bhes, bagay naman sayo yung damit e,” sabi pa niya habang umiinom ng cokefloat.
Dito na lang kami dumeretso sa Mcdo para kumain at magpahinga, sumakit ang talampakan ko sa paglalakad dahil sa dami ng shop na gusto nyang puntahan.
Habang nakain ako ng fries ay hindi ko mapigilan na di mapabuntong hininga. Naiisip ko na naman si Cain.
Ito na kaya ang tamang pagkakataon ikwento ko sya kay Mars?
“Okay ka lang bhes?” kahit naman sakit saulo itong si Mars ay talaga namang lab na lab niya ako kaya ngumuti na lamang ako.
“May sasabihin ako sayo, Mars.”
Napatingin naman ito sakin ng deretso dahil alam nyang seryoso ako.
Huminga muna ako ng malalim bago magsalita.
“S-Sinunod ko kasi yung isa mong a-advice,” nauutal ko pang sabi habang nakayuko.
“Alin dun?” nagtataka pa nyang sagot kaya lalo akong kinabahan at nagdalawang isip.
‘Sasabihin ko pa ba sa kanya?’
tanong ko pa sa aking isipan.
Nahihiya ako dahil baka lalo nya akong pagtawanan pero parang sasabog na ang aking utak pagwala pa akong napagsabihan ng lahat ng mga bagay na gumugulo sa aking isipan ngayon.
Sa huli ay nakumbinsi ko din ang aking sarili na sabihin sa kanya ang mga nangyari noong nakalipas na araw.
“Y-Yung tungkol sa C-Callboy,” pabulong na sagot ko sa kanya at napakamot pa sa ulo dahil sa hiya.
Nang marinig naman nya ito ay bumagsak ang kanyang panga sa gulat at pagkabigla.
“T-Tunay ba ang sinabi mo bhes Gino?” di makapaniwala pang tanong niya sa’kin kaya isang tango na lamang ang ibinigay kong sagot sa kanya.
“AHHH!!” malakas pa niyang tili kaya nataranta ako at tinakpan ang kanyang bibig. Namula pa ang buong mukha ko dahil sa mga tingin na bininabato ng mga tao dito sa loob ng fastfood.
‘Kahihiyan talaga ang dulot ng baklang to.’
“Shh, Mars naman wag kang sumigaw,” pagsasaway ko pa bago tanggalin ang takip sa bibig n’ya.
“Sorry, sorry di ko lang ma-contain ang aking excitement,” sabi pa niya habang pinapaypayan ang sarili gamit ang kanyang dalawang kamay.
Nang makahinga sya ng maayos ay mabilis itong humarap sakin at pinaulanan ako ng mga tanong.
“Saan mo sya nakilala?”
“Keailan pa ito, bakit di mo agad sakin sinabi?”
“Masakit ba ang katawan mo? May alam akong massage parlor.”
Dahil sa magkakasunod na tanong ay hindi ako magkaintindihan kung alin ang uunahin kaya pinatahimik ko muna sya.
“Mars, isa isa lang, mahina ang kalaban,” sabi ko pa kaya napatango sya sabay kain ng fries.
Nang alam kong nakikinig na sya sa’kin ay sinimulan ko nang sabihin sa kanya ang mga detalya ng pangyayari.
“So, sa baywalk mo sya nakilala,” sabi pa niya kaya tumango ako bilang pagsang ayon.
“May itsura namana ang pinili mo? Yung hindi dugyot,” sabi muli niya kaya halos masamid ako sa aking iniinom.
“Mars naman,” pagsasaway ko pa dito, bastos ang bunganga e.
“Bakit ba? So, ano nga bhes may itsura ba?”
“Lahat naman ng tao ay may itsura Mars, pero medyo g-gwapo nga sya,” nauutal ko pang sagot dito kaya napangisi saya.
“Sus, hindi mo ako maluluko bhes, medyo gwapo pero kung mag-blush ka para ka ng kamatis sa pula,” mapang asar na turan pa niya sakin kaya pakiramdam ko ay lalong nag init ang pisngi ko.
“Cute mo talaga bhes,” nangi-gigil na aniya sabay pisil sa pisngi ko kaya natampal ko ang kamay nya.
“Gwapo talaga? Describe mo naman sya sa’kin,” pakiusap pa niya.
“Ahm, matangkad sya at maputi. Sa tingin ko ay foreigner sya dahil sa naririnig kong russian accent pagnag eenglish siya pero bihasa at magaling din syang magtagalog,” sagot ko naman.
“Ganun ba, eh kumusta ang experience? Masarap ba?”
Gaga talagang bakla to, sobra na ang kabastusan ng bibig. Muntikan na akong mabilaukan ng kinakain kong chicken nuggets dahil sa kanya.
“U-Umayos ka nga, walang experience dahil wala namang nangyari sa amin,” sagot ko naman dito kaya napataas ang isang kilay nya.
“Talaga? Eh anong ginawa nyo buong magdamang? Nagbato-bato pick?” sarkastiko pa niyang komento.
“Hindi, nag-usap lang kami dahil sinabi ko sa kanyang hindi ko pala kaya.”
“Buti pumayag, edi iniwan ka na nya pagkatapos?” aniya sabay kagat sa burger na hawak.
Umiling naman ako at ikinuwento sa kanya ang mga nangyari maliban sa panggagamot sa’kin ni Cain, nasabi ko din kay Mars ang tungkol sa hindi pagkuha ni Cain sa perang ipinangako ko.
“Wow, akalain mo nga naman at may mga mabubuting tao pa pala sa mundo,” kumento pa nito dahil sa aking kwento.
“Hindi ko nga din alam ang dahilan kung bakit di nya tinanggap ang pera, bukod pa dun ay napa-isip lang ako, paano kaya sya napunta sa ganung trabaho?”
“Baka naman TNT sya dito sa bansa natin bhes, di ba marami na tayong nababalitaan na mga foreigner na nagiging pulubi dito dahil hindi makabalik sa kanilang bansa,” pahayag naman ni Mars sakin kaya parang bigla akong nahabag kung ganun nga ang sitwasyon ni Cain.
“Kawawa naman sya, hahanapin ko sya at ibibigay ang pera,” desididong turan ko pa kay Mars.
“Hmm, siguradong makakatulong sa kanya yan. Good luck bhes,” pagpupursige pa niya sa’kin kaya napangiti ako.
Napunta sya sa pagiging callboy para lang mabuhay sa lugar na di naman nya bansa. Kung sakali na tama si Mars tungkol sa kalagayan ni Cain, mas gusto ko syang hanapin para maibigay ang pera dahil alam kong kailangan nya iyon.
“Yiee, ang bait pala ng callboy na yun, na-excite naman ako parang gusto ko syang makilala. I-hire ko nga din s—”
“WAG!!”
Napatigil naman si Mars sa sasabihin nya at binigyan ako ng makahulugang ngisi.
“hehe w-wag dahil magagalit si Kevin sayo,” pagpapalusot ko pa dito habang napapakamot sa aking ulo.
Kahit ako ay nabigla dahil sa aking naging reaksyon nang marinig ko ang sinabi nya. May kung anong bagay na di ko maipaliwanag sa aking kalooban na biglang natakot at kinabahan ng sabihin nyang gusto din nyang makita si Cain at i-hire.
Bigla naman itong bumulong kaya napatingin ako sa kanya, sya naman ay parang walang sinabi at nagpatuloy lang sa pagkain.
“Possessive ha,” nakangisi pang bulong niya
.
MB 13
HABANG
kumakain ay nagpatuloy pa ang pag uusap naming dalawa.
Tungkol sa trabaho, sa lovelife nila ni Kevin at syempre hindi mawawala ang tungkol sa mga bully.
Dahil sa aming usapan ay biglang bumalik na naman sa aking isipan ang ginawang pagbabanta at pananakit ni Elvin sa akin.
Matagal ng magaling ang pasa sa aking katawan pero di ko pa rin maiwasang hawakan ang parteng iyon kapag na aalala ko ang nangyari.
‘Pabalik na pala muli sina Eldran at Elvin bukas, Magiging impyerno na naman ang buhay ko,’
malungkot kong sabi sa aking isipan at napabuntong hininga.
“Bhes, alam kong hindi ka na lang bigla kukuha ng callboy, sigurado akong may dahilan yun.”
Bigla naman akong napatunghay mula sa aking pagkakayuko dahil sa aking narinig.
“D-Dahilan?”
“Oo, kaya sabihin mo na sa’kin,” pangungulit pa niya.
“W-Wala ah, ano bang sinasabi mo, Mars?” nagpapatay malisyang sagot ko naman sa kanya.
‘Ayaw kong madamay si Mars dahil lamang sakin.’
“Hindi ka aamin o ipapadala ko talaga kay sir yung picture mo kanina?” pananakot pa nito kaya kinabahan ako, pagnagbanta kasi siya ay talagang sineseryoso nya kaya nga lagi nya akong napapa- amin.
“Paano mo nagagawa sakin to Mars?” nakangusong sabi ko pa sa kanya, ngumisi naman siya dahil alam nyang panalo sya.
“Hihi alam mo namang mahal na mahal kita bhes Gino, kaya sabihin mo na,” natatawa pang sabi niya sakin habang ipinapakita sakin ang litrato ko kanina.
“P-Pero ayaw kong madamay ka,” malungkot na sagot ko pa sa kanya.
“So, si Elvin pala.”
“Ha!? Ah paano mo—” gulat na saad ko.
“Pinagbantaan ka na naman nya di ba?”
Tanong pa nito kaya napatango na lamang ako.
“Sumosobra na talaga ang babaeng yan, wag mong sabihin na sinasaktan ka di—”
Hindi na nya natapos ang sasabihin dahil tumango muli ako, kinakabahan ako kaya di ko na halos magamit ang aking boses.
Dahil sa naging sagot ko ay parang dragon na umusok ang ilong ni Mars, napalunok na lamang ako ng ilang beses habang nakatingin sa galit na ekspresyon niya.
“Sabi na nga ba, hindi galing kay Miggs ang kalmot sa katawan mo,” aniya habang magkasalubong ang maganda niyang kilay.
Tinanong pa nya ako ng ilang bagay, dahil wala na rin naman akong itatago sa kanya ay nasabi ko na rin sa kanya ang tungkol sa aking pasa.
Pansin ko na lalo syang nagalit dahil na niningkit na ang mga mata nito.
“Humanda ang bruhang yan sakin bukas,” gigil na bulong niya habang nakayukom ang mga kamao.
Ngayon pa lang ay pinagsisisihan ko nang sinabi ko sa kanya. Mukhang magkakaroon ng gulo bukas.
▼△▼△▼△▼△
3RD PERSON’S POV
Sa isang madilim at tagong lugar ay nagtipon ang maraming kalalakihan. Nakasuot sila ng itim, may sukbit na mga baril sa katawan at handang lumaban.
May isa sa kanilang lahat ang naiiba, Nakasuot ito ng bulaklakang polo na bukas ang harapan at makikita ang puting sando sa loob nito, sa pangbaba naman ay nakasuot lamang ito ng short na tinernuhan ng itim na tsenelas.
Ang buhok nito ay blond, maputi ang kulay ng balat at may maitim na kilay na may hiwa sa gilit. Hindi rin mawawala ang malapad na ngisi na laging nakapaskil sa gwapo nitong mukha.
Maliban sa kakaiba nitong pananamit ay may isa pang bagay na maka-agaw pansin, ang kumikinang at matingkad na Pink na hairban na nasa buhok nito.
Habang naglalakad ay bumabati ng may paggalang sa kanya ang bawat tauhan na kanyang nadadaanan.
Tumatango lamang naman sya sa mga ito bilang sagot.
Chill lamang itong naglalakad habang kinikilatis ang bawat container na kanilang binabantayan nang bigla nyang naramdaman ang pagvibrate ng cellphone sa bulsa kaya mabilis nya itong kinuha.
“Hellix,” sabi ng tao sa kabilang linya gamit ang malalim at makatindig balahibong boses nito. Nakakatakot man ay sanay na sya dito kaya mahinahon nya itong sinagot.
“Boss, we’re already in the proper location, everything for the upcoming transaction is prepared. 10 shipped Containers are here, the five of them are filled with Guns such as (AN-94 / Nikonov Assault Rifle5, AK-745.), three with Ammonition and the last two are filled with explosive(C-4 and Sem-tex)” sagot naman pa nya dito sapagkat alam nyang update ang kailangan nito mula sa kanya.
“Its suppose to be 15 container! Where’s the rest of them!?” galit na tanong pa ng kanilang boss pero chill lamang na sumagot sya dito.
“For the futher update about the shipment, Zero will tell you everything about it, Boss,” sagot pa nya dito.
”
Da
pravil’no /
Yeah, Right,”
walang interes na sagot naman nito sa kanya sabay baba ng tawag.
MULA
sa mataas at magandang tanawin na nagmumula sa malaking bintana ng isang malaking kumpanya ay may isang taong nakatayo sa harap nito at prenteng nakatanaw dito.
Ang tinding at pustura pa lamang nito ay masasabi nang isa ang lalaking ito sa mga taong tinatawag na Elite. Mayaman, gwapo at makapangyarihan.
Nakayakap sa matipuno nitong katawan ang suot nitong Armani, ang relo na nasa kanyang pulsuhan ay nagkakahalaga ng milyon.
Hawak nito ang cellphone sa isang kamay na nakalagay sa kanyang kaliwang tenga.
”
Zero, Mne nuzhna pravil’naya informatsiya
/ I need a proper information,” maotoridad na utos pa nito sa taong kausap sa kabilang linya.
“Sir, the 10 container has been shipped a weeks upon our arrival here in the Country. Every one of those are pack with the right products that i hope, hellix already mention,” magalang nasagot naman nito sa kanya.
“How about the rest of contrabands that didnt turns up yet?” hindi makapaghintay na tanong muli nya sa kausap.
“About the 5 more containers, Im already working my ass off to make them arrive before the second transaction happens,” walang emosyon na sagot naman nito sa kanya.
“Make sure that they are here on time, I dont want any precadiments in my business! Got that!?” seryosong turan pa nito sa lalaking kausap sa kabilang linya.
“Absolutely, Mr. Sinclair.”
▼△▼△▼△▼△
KINABUKASAN
ay naganap na ang kinatatakutan ni Gino.
Dumating na nga ang kambal kasama ang iba pa nitong katrabaho mula sa business trip na pinaggalingan.
Tahimik lamang sya habang ipinagpapatuloy ang mga gawain, paminsan-minsan ay sinusilip din nya si Mars kung ano ang ginagawa nito. Masyado kasi itong tamihik at seryoso.
Mula kanina ay kinakabahan na sya dahil alam nyang gagawin talaga ni Mars ang sabi nito kahapon.
“Mars, hoy!” bulong pa nya dito nang makalapit sya sakay ng kanyang office chair.
“Oh, bakit bhes?” tanong pa nito sa kanya.
“Ahm, sa labas na lamang tayo maglunch mamaya,” ainya dito para maiiwas ito sa gulo, sigurado kasi syang nasa cafeteria ang kambal kaya si Mars na ang iiwas niya dito.
“Ayaw ko, bukod pa dun ay may baon ka, di ba?”
Napatango na lamang sya dahil napagtanto nyang tama si Mars, may baong pagkain nga pala sya.
“Pero, Mars —”
“Wag kang mag-alala bhes, di naman ako mag eeskandalo mamaya,” nakangiti pang sabi nito kaya nakahinga si Gino ng maluwag.
‘Salamat naman mukhang hindi na rin galit si Mars,’
isip-isip pa ni Gino habang pabalik sa kanyang table.
.
.
.
.
.
“WAG NA WAG MONG SASAKTAN ANG KAIBIGAN KO!!!”
Napanganga si Gino dahil sa eksenang nasa harapan ngayon.
‘Kala ko ba di sya mag eeskandalo!?’
di makapaniwalang sigaw pa nya sa kanyang isipan habang nakatingin kay Mars na dinuduro ang mukha ni Elvin.
“M-Mars tama na,” pagmamaka-awa pa nya dito habang hinihigit ang braso nito.
Pagkadating nila sa Cafeteria ay maayos pa naman ang lahat, masaya at normal naman si Mars.
Nagbago lang ang lahat ng biglang pagdating ng kambal. Katulad ng dati ay malalakas na boses agad ng mga ito ang mapapansin.
Tahimik lamang silang dalawa na kumakain ng magsimula na namang magparinig ng masasamang bagay si Elvin sa kanya at lumapit pa talaga ito sa kanilang table.
Sinabi nya sa kaibigan na wag ng pansinin ito pero punong-puno na si Mars sa mga ito.
Kaya naman hindi na nya napigilan ito ng ibuhos ni Mars ang iniinom na juice sa pagmumukha ni Elvin sabay sigaw dito.
Pinipigilan nya ito pero wala syang magawa.
Hindi lang naman sya nito pinansin at nagpatuloy sa pakikipag sagutan sa bruhang si Elvin.
“Akala nyo kayo lang ang marunong magbanta!, pwes tandaan mo to, saktan mo ulit si Gino at magkaka-alaman tayo dito,” gigil na turan pa ni Mars sa kambal, ang iba namang mga empleyado ay nakatingin lamang sa mga nangyayari.
Walang naglakas loob para pigilan ang dalawang panig.
“Hindi ako natatakot sayo, Mars!!!” galit na sagot pa ni Elvin at bubuhusan din sana nito si Mars ng tubig mula sa table nila ng mas mabilis na kumilos si Mars at naagaw ang bottled water sabay tapon muli nito sa katawan ni Elvin.
“Siguraduhin mo lang bruha ka,” rinig nyang bulong pa ni Mars dito habang nakangiti ng nakakatakot at halatang naghahamon pa.
Susugudin na dapat ni Elvin si Mars ng bigla syang higitin ni Eldran pabalik.
“Sumosobra ka na ah!!!” sigaw pa nito.
“Ako ang sumusobra? Bakit di mo pagsabihan yang kakambal mo Eldran— Oopss. I forgot, magkaugali nga pala kayo!” mapang asar na sagot pa ni Mars dito.
Nagpupumiglas si Elvin sa pagkakahawak sa kanya ng kapatid, gustong gusto na nitong sugudin si Mars.
Dahil malakas ito ay nakawala ito sa pagkakahawak ng kakambal nya, sumugod ito kay Mars at aktong sasampalin kaya nang makita ito ni Gino ay hinarangan nya ang kaibigan kaya sya ang tinamaan ng malakas na sampal ni Elvin.
Napasinghap na lamang ang lahat dahil sa nangyari. May iba man na gustong tumulong kay Gino lalo nang mawalan ito ng balanse at mapasalampak sa sahig ay walang nagawa dahil sa takot na madamay.
“B-Bhes Gino,” nag aalalang sabi ni Mars at yumuko para tinulungan sya.
Alam ng lahat na talagang bully si Elvin pero sumusobra na ito.
Napatigil ang lahat ng biglang dumating si sir Yuan.
Ang iba nilang katrabaho ay takot lang din na madamay kaya hindi sila nakikialam sa mga ginagawa ni Elvin. Pero hindi na nila kayang makita ang mga ganitong gawain kaya naman
ipinaalam na nila ito sa kanilang Department supervisor.
“What the hell is happening here?” seryosong tanong ni sir Yuan na halata ang galit sa boses nito.
Walang sumagot at mas naging tahimik pa sa sementeryo ang buong cafeteria, walang kahit anong ingay at tunong ang maririnig sa buong paligid.
Napabuntong hininga naman ang Department supervisor nila at galit na pinapunta sila sa opisina nito para doon pag usapan lahat.
Mahapdi man at namumula pa rin ang pisngi ni Gino dahil sa pagsampal ni Elvin ay wala pa rin ang sakit na ito sa kabang nararamdaman nya ngayon.
Matagal ang naging pag uusap dahil sa pagwawala ni Elvin pero sa huli ay buo pa rin ang naging desisyon ni Yuan.
“I dont tolerate any form of discrimination, bullying and physical harm beyond my employees under my department. Alam nyo ba na lagi akong nakakatanggap ng mga complaints tungkol sa behavior nyo Mr. and Ms. Santillian pero hindi ko na lamang ito pinapansin dahil minimal cases lamang ang mga ito pero ang nangyari kanina—” sermon pa nito habang nagpapalakad lakad ito sa tabi nila at talagang nakakadagdag ng kaba at takot nya.
Hindi na lamang ni Gino pinapansin ang masamang tingin ng kambal sa kanya, na natili na lamang syang nakayuko habang pinapakinggan ang mga sinasabi ng supervisor nila.
”— you slap Mr. Dimapilit in front of my eyes without any hesitation and guilt,” napapailing na turan ni Yuan na parang di makapaniwala sa nakita nito.
“Im sorry but, Mr. and Ms. Santillian, the two of you will receive a week of suspension.”
Walang emosyon na hatol pa nito kaya wala nang nagawa ang kambal at galit na lumabas ng opisina. Sumunod naman silang dalawa ni Mars nang bigla syang pigilan nito.
“Mr. Dimapilit,” pagtawag pa nito kaya napalingon muli sya at pinauna na si Mars.
“A-Ano po yun, sir?” takot na tanong pa nya dito dahil kinakabahan sya, baka bigyan din sya ng suspension nito dahil sa gulong kanyang kinasangkutan.
Sinundan naman nya ng tingin ng tumayo ito at pumunta sa mini ref sa gilid ng silid at kumuha ng yelo. Ibinalot nito ang yelo sa panyo at ibinigay sa kanya.
“Put it in your face to ease the pain,” sabi pa nito kaya nakangiti nya itong tinanggap.
“Thank you, sir,” pabulong na pagpapasalamat pa nya.
Habang inilalapat ang panyo sa kanyang pisngi ay napayuko sya sa hiya bago humingi ng tawad.
“Sorry po sa lahat ng nangyari.”
hiii guys!!
Sana nagustuhan niyo po ang chapter na ito.
Thank you and
Byieee 💕
MB 14
THIRD PERSON
‘S POV
“Bhes, ihahatid ka na namin pauwi”
“Hindi na Mars. Okay lang ako, alam ko namang may date pa kayo,” natatawa pa nyang sabi sa kaibigan para ‘di na ito mag alala sa kanya.
“Sorry talaga bhes, nasakt—”
“Ano ka ba, wala ito at saka wag ka nang mag drama dyan, hindi bagay sayo Mars,” pagbibiro pa niya.
Napangiti naman ito sa kanya at niyakap siya bago umalis.
Napabuntong hininga na lamang si Gino habang naghihintay ng taxi. Wala na ang pamumula ng kanyang pisngi pero kumikirot pa rin ito.
Natatakot siya kasi baka balikan siya ni Elvin at Eldran dahil sa nangyaring ito pero nangako naman si sir Yuan sa kanya na gagawan nito ng paraan ang kambal kapag sinaktan siya muli nito. Dahil sa pangakong iyon ay medyo nakahinga siya ng maluwag.
Pero kahit gano’n ay ramdam pa rin ni Gino ang bigat ng kanyang dibdib at kalooban. Gustong lumabas ng kanyang mga luha pero pilit niya itong pinipigilan.
‘Hindi ko dapat iyakan ang mga ganitong bagay, kaya ko ito,’ bulong niya sa sarili habang kinukusot ang mata.
Maya-maya pa ay may dumating ng taxi kaya mabilis syang sumakay doon.
Gusto na sana nyang umuwi at magpahinga pero ng mabuklat niya ang loob ng kanyang bag ay nakita niya muli ang sobreng puti na may lamang pera para kay Cain.
Nagdadalawang isip siya kung pupuntahan pa ba niya ito, lalo na dahil hindi niya alam ang pangalan ng lugar na pinuntahan nila noon.
“Ser—”
“Ser, saan ko po kayo ihahatid?” Natauhan naman sya dahil sa tanong ng driver.
‘Hayss para matapos na rin ito,’
aniya sa kanyang isip at inilarawan ang lugar na gusto niyang puntahan sa driver.
Mabuti na lamang dahil nito ang lugar na iyon kaya napasandal na lamang siya sa upuan habang hinihintay na makarating sa kanyang destinasyon.
Makalipas ng kalahating oras ay natanaw niya mula sa bintana ng taxi ang pamilyar na lugar.
Maingay, maliwanag at maraming tao. Tumabi sa gilid ang taxi na kanyang sinasakyan, nagbayad muna siya bago bumaba dito. Naglakad-lakad siya para hanapin ang hotel na pinuntahan nila noon.
Hindi ganoon ka pamilyar ang itsura ng love hotel na iyon sa kanya kaya nahihirapan soyang hanapin ito. Gustohin man nyang magtanong ay natatakot sya.
Habang naglalakad ay napansin nyang ang oras sa lugar na ito ay hindi mahalaga, kahit gaano na kagabi ay walang pakialam ang mga tao dito.
Marami syang nakakasalubong na mga prosti at mga taong mukhang adik kaya naman hangga’t makakaya ay lagi syang nakayuko para di siya mapansin o pagdiskitahan ng mga ito.
May mga sumisitsit sa dereksyon niya pero di na lamang niya iyon pinapansin at ipinagpapatuloy na lang ang mabilis na paglalakad.
Kahit gaano kaliwanag ang lugar na ito ay na nanatili pa rin ang takot at kaba sa kanyang dibdib dahil pakiramdam niya ano mang oras ay may hihigit sa kanya dito.
Palinga-linga siya para hanapin ang hotel ng biglang may isang taong nakakuha ng kanyang attensyon. Naglalakad ito sa kabilang kalsada.
‘Cain?’
tanong pa niya sa kanyang isipan habang sinusundan ng tingin ang lalaking naglalakad kasabay ng karamihan.
Nawala na sa kanyang isipan na may mga sasakyan na dumadaan dahil bigla na lamang siyang tumawid ng mapansin na medyo nawawala na sa kanyang paningin ang lalaking kanyang pinaghihinalaan.
“BEEPPP!!!”
“HOY NAGPAPAKAMATAY KA BA?!”
“Sorry po, s-sorry po talaga!” paghingi pa nya ng tawad sa mga sasakyan na kanyang naabala.
Mabilis siyang tumakbo para mahabol ang lalaking iyon. “Excuse me po!” sabi pa niya sa mga taong kanyang nababangga dahil sa pagtakbo.
Kaunti na lamang maaabutan na niya ang lalaki. Tanaw na niya ito, kaunti na lamang…
‘Bilisan mo Gino!!’
sigaw pa niya sa kanyang sarili.
“Cain, teka lang!!!“sigaw pa niya pero halatang hindi siya narinig nito.
Mas binilisan pa niya ang pagtakbo dahil malapit na siya, malapit na sana niya itong malapitan kun’di lang siya nadapa. “Ahh!!” gulat na aniya nang mapasalampak siya sa sahig.
Pinagtitinginan din siya ng mga taong dumadaan pero walang man lang na tumulong. Napahawak siya sa masakit niyang tuhod habang pinipilit na tumayo.
“Aray”, bulong pa niya dahil sa sugat na natamo.
Bigla niyang naalala ang lalaking hinahabol niya ngunit nang mapagtanto nyang wala na ito ay para syang bata na bigla na lamang napaluha.
Pakiramdam niya ay wala na siyang nagawang maayos lagi na lamang siyang palpak. Ang mabigat na pakiramdam na kanina pa niyang kinikimkim dahil sa nangyari sa trabaho at ang frustration na nadama dahil sa failed na paghabol ay nagsama-sama na kaya di na nya napigilan na mapaluha.
Bumuhos ang mga luha niya at napahikbi na lamang siya habang awang-awa sa sarili dahil pinagtitinginan na siya ng mga dumadaan.
Napasinghot na lamang siya habang pilit pinupunasan ang mga luha sa kanyang mata.
‘Bwisit, ayoko na. Gusto ko nang umuwi,’
inis na sabi pa niya sa kanyang isipan at nagpasya nang tumalikod at bumalik.
Dahil sa pagpupunas pa rin ng luha ay di niya napansin na may mga kasalubong pala siya kaya nawalan siya ng balanse nang humampas siya sa katawan nito.
Dahil sa takot ay napapikit na lamang siya at hinintay ang masakit na pagbagsak ulit sa sahig.
‘Deja vu?’
isip-isip pa niya nang maramdaman ang mainit at matigas na dibdib na kanyang dinadantayan ngayon.
Nakasubsub sa matipunong dibdib ang kanyang mukha kaya di niya mapigilan na maamoy ang pabango nito.
Nanlaki ang kanyang mata ng makilala niya ang amoy na iyon, mabilis siyang tumunghay at tiningan ang taong sumalo sa kanya.
Hindi nga sya nagkamali dahil napaluha muli siya at napayakap ng mahigpit dito ng makita niya ang mukha ng lalaki.
“C-Cain,” nauutal na pagtawag pa niya sa pangalan nito.
“What are you doing here?” tanong pa nito at inilayo siya ng kaunti para matingnan ang madungis niyang itsura.
Napansin din nito ang madumi nyang tuhod na may bakas ng dugo kaya lumambot ang walang emosyong mukha nito na ngayon lamang niya nakita.
Napabuntong hininga pa ito at hinigit siya palapit at biglang binuhat na parang sa bagong kasal.
“Ahh!!! Teka!” gulat na sigaw niya dito sabay takip sa bibig dahil sa hiya, napahawak din naman siya sa leeg nito para di mahulog.
“S-Saan tayo pupunta?” tanong pa niya pero hindi ito sumagot at sumipol para makatawag ng taxi.
‘Wow, ang galing. Try ko nga rin yun next time,’
mangha niyang ani.
Yumuko rin ito nang isakay siya nito sa loob ng taxi.
Akala niya ay hindi ito sasama dahil nawala ito sa kanyang paningin pero napakagat labi siya para di mapangiti ng pumasok din ito sa loob ng taxi pagkalipas ng ilang segundo.
‘Ang landi mo Gino,’
sabi pa ng kanyang utak kaya pinamulahan siya ng mukha dahil sa hiya.
“Hey.”
Napatingin naman siya ng marinig ang malalim na boses nito. “Hmm?” sagot naman nya dito dahil hindi niya alam ang kanyang sasabihin ng makasama na niya ito.
Parang biglang na blangko ang kanyang utak, ang hindi pa niya maintindihan ay ang biglang pag gaan ng kanyang kalooban mula ng makasama niya ang callboy na ito.
Pakiramdam niya ay naglaho ang lahat ng sama ng loob na meron siya dahil sa trabaho.
‘Tinamaan na ba ako ng palaso ni Kupido?’
Naalala na lamang nya ang tungkol sa pagsampal sa kanya ni Elvin ng mapa-aray siya dahil sa paglapat ng palad ni Cain dito.
Dahil sa lalim ng kanyang iniisip ay hindi nya napansin na seryoso pa itong nakatingin sa kanya at pinapahid ang natirang luha sa kanyang mata at pisngi.
Nanlaki ang mga mata nito dahil sa pag aray niya. Mabilis nitong hinawakan ang baba niya para maibaling ang kanyang mukha para mas makita ang pinsala sa kanyang pisngi.
“What happen?” seryoso nitong tanong kaya napayuko siya.
“A-Ah ---”
“Mga ser nandito na po tayo.”
Napatingin silang dalawa dahil sa sinabi ng driver. Medyo nagulat pa si Gino kasi nasa kanto na nga sila malapit sa bahay niya. Hindi kasi niya natandaan na nasabi niya sa driver ang kanyang address.
Pero ipinagsawalang bahala na lamang niya iyon at nagbayad bago bumaba.
Niyaya niya si Cain papunta sa kanyang apartment. Bago buksan ang pinto ay pinalayo muna niya ito dahil medyo agrisibo si Miggs sa mga taong hindi nito kilala, baka bigla nitong kagatin si Cain.
Pagbukas niya ng pinto ay mabilis ngang sumalubong si Miggs sa kanya.
Napangiti naman siya at hinaplos ang ulo nito.
Medyo na gulat pa siya nang bigla itong tumahol kaya napalingon siya. Napansin nyang nakatayo na pala sa likuran niya si Cain kaya tumahol si Miggs.
“Okay lang yan Miggs, kaibigan ko siya,” sabi pa nya sa alagang aso habang ipinapakilala si Cain dito.
Nanlaki naman ang kanyang mata dahil biglang sumugod si Miggs at dumamba kay Cain kaya dahil sa gulat at napaupo ito sa sahig.
Natakot naman siya dahil sa nangyari kaya pipigilin na sana niya ang alaga pero hindi nya inaasahan ang ginawa nito.
Masaya ito habang patuloy na hinihimod ang mukha ni Cain, ang buntot pa nito ay walang tigil sa pagwagwag ng pabalik-balik dahil sa tuwa.
Napahinga naman sya ng maluwag dahil mukhang nagustuhan ni Miggs si Cain kahit medyo nakakapagtaka ito dahil hindi malapit si Miggs sa mga taong di nito kilala.
Parang pamilyar ang amoy ni Cain dito kaya kilala siya ni Miggs. “Tama na yan Miggs, papasukin muna natin ang bisita,” natatawa pang sabi niya dito habang binubuhat ang mabigat na aso.
Si Cain naman ay pinapasok noya sa maliit niyang sala at pinaupo sa sofa habang dumeretso naman siya sa kwarto para magbihis at para gamutin ang kanyang sugat sa tuhod.
Kahit hindi niya lubusang kilala si Cain ay panatag ang loob niya dito kaya nagawa nya itong isama sa kanyang tahanan, bonus pa na gusto rin ito ni Miggs.
Napangiti siya habang palabas ng kwarto nang matapos siyang magbihis, hindi nya napansin ang panyong nakapatong sa bedside table habang palabas ng kwarto.
Pagbalik niya sa sala ay nakita niyang naglalaro pa rin ang dalawa kaya nakaramdam siya ng kung anong init sa kanyang dibdib.
Nang mapansin siya ng mga ito ay mabilis na lumapit sa kanya si Miggs at kinagat ang laylayan ng kanyang short para higitin palapit kay Cain.
Pinamulahan naman siya ng pisngi dahil sa ginawa ng alagang aso kaya hinaplos na lang niya ang ulo nito.
Pagtunghay naman niya ay napaiwas sya ng tingin ng makita ang ngisi sa labi ng lalaking nasa kanyang harapan.
“M-Magluluto lamang ako, gusto mo bang kumain dito?” nakayukong tanong pa niya dito.
“Sure,” tipid na sagot naman nito kaya tumalikod na siya at naglakad papunta sa kusina.
“Bakit nga ba siya nandito?” nagtatakang tanong pa niya sa kanyang sarili habang nagluluto ng tinolang manok.
“I dont know either.”
“Kaya nga, hindi ko nga din matandaan kung anong raso— AHHHH! Multo!” malakas na sigaw pa niya sabay takbo palabas sana sa kusina kun’di lang may humawak sa kanyang bewang at hinigit siya pabalik.
“BITAWAN MO AKO!!! Multoo!” sigaw muli niya habang nagpupumiglas at sinasampal ito.
“Open your eyes,” inis na bulong ng multo sa tenga niya kaya unti-unti syang napamulat.
“Hehe s-sorry. N-Natataranta kasi ako pagnatatakot ” napapatawa pa niyang paliwanag dito habang napapakamot sa ulo.
Napabuntong hininga at di na napigilang mapangiti ng multo etse ni Cain dahil sa kakulitang taglay niya.
Hindi niya agad napagtanto ang posisyon nila kaya namula na parang hinog na kamatis ang malambot at kyut nyang pisngi dahil sa hiya.
Nakayakap kasi ang isang braso ni Cain sa kanyang bewang at nakadikit naman ang likod niya sa dibdib nito kaya ramdam nya ang matipunong katawan nito, isama pa ang mainit na hininga nitong tumatama sa kanyang leeg kaya parang may isang malakas na kuryente ang dumaloy sa kanyang katawan.
“O-Okay na ako, bitawan mo na ako,” sabi pa nya at saka humarap dito at tinulak ito palayo.
Pagkatulak dito ay nilampasan na niya ito para ipagpatuloy ang pagluluto. Maya-maya pa ay nakarinig sya ng pagkaluskos kaya napalingon sya.
Napataas ang isang kilay nya ng makitang nagkakalkal si Mr. Callboy sa loob ng ref.
‘Ano kayang hinahanap ng feel at home na callboy na ito?’
Nagtataka naman niyang tiningnan kung anong ginagawa nito.
Tatanungin sana niya kung anong hinahanap nito ng bigla itong humarap sa kanya na may hawak na yelo sa isang kamay.
‘Okay, anong gagawin niya sa yelo?’
Mukhang nasagot ang katanungan sa isip nya ng lumapit ito sa kanya at maingat na inilapat ang yelo sa medyo mahapdi pa rin nyang pisngi.
Bumilis na naman ang tibok ng kanyang puso habang nakatitig ng deretso sa asul na mga mata nito. Pakiramdam din niya ay may mga paro-parong umiikot sa kanyang tiyan at mga elepante na naglalaro sa kanyang dibdib dahil sa lakas ng kabog ng kanyang puso.
Parang tumigil ang oras ng magkatitigan silang dalawa. Hindi na nya napansin pa ang pangungulit ni Miggs sa kanilang paahan at ang pagkatunaw ng yelong nakalapat sa kanyang pisngi.
Unti-unti ang naging paglapit ng mukha nito sa kanya, alam nya kung anong sunod na mangyayari pero di ito natuloy pa ng bigla syang maka-amoy ng nasusunog.
“HALA! Sunog na ang niluluto ko!” malakas na sigaw pa niya sabay takbo papunta sa kalan.
▼△▼△▼△▼△
“Medyo mapait?”
“It tastes fine,” sagot nito sa kanya habang kumakain silang dalawa.
Si Miggs naman ay kumakain din ng dog food niya sa gilid nila.
‘Ikaw ang may kasalanan kung bakit yan nasunog,’
bulong pa niya habang masamang nakatingin sa callboy na maganang nakain sa kanyang harapan.
Pero kahit inis siya dito ay hindi niya maitatangi ang masayang pakiramdam.
Pagkatapos ng ilang taon na mag-isang kumakain sa mesang ito ay napangiti sya dahil naramdaman din nya ang magkaroon ng kasalo at kasama.
‘Ano nga ba ang pakiramdam na ito?’
‘Ah Oo —
— ang pakiramdam ng may kasama at hindi nag iisa.’
Hope u enjoy dis chapter❤🤩
Pls. Dont forget to
VOTE
and
COMMENT
Thank you
and
Byieee
💕
MB 15
THIRD PERSON’S POV
“Bakit mo nga pala ako hinahanap?” tanong pa nito sa kanya habang ginagamot ulit ang sugat niya sa tuhod.
Nandito sila sa sala pagkatapos kumain. Napansin ni Cain ang dumudugo pa ring sugat ni Gino kaya nagpumilit itong gamutin ulit siya.
Sinabi na nya dito na nagamot na niya ito pero ayaw pa rin nitong magpapigil, hindi pa daw nalilinis ang sugat kaya baka mag empiksyon pa ito.
“A-Aray naman,” sabi pa ni Gino dito habang lumalapat ang bulak na may alcohol sa gasgas nyang tuhod.
“Hindi mo ba sasagutin ang tanong ko?” tanong muli nito kaya napaisip siya kung bakit nga siya nagpunta sa lugar na iyon.
“AH ALAM KO N—Ahhrayy!!!”
Sigaw pa niya habang napapaluha sa sakit. Naalala na kasi niya na dahil sa pera kaya nga pala niya hinahanap si Cain.
Dahil sa biglang paggalaw ni Gino ay natabig nya ang kamay ni Cain na may hawak na bote ng alcohol kaya natapon lahat ito sa kanyang tuhod.
“A-Ang sakit,” reklamo pa niya na parang batang napapaiyak dahil sa hapdi ng kanyang sugat.
Hindi naman magkaintindihan si Cain sa pagpupunas sa tuhod niya para mawala ang alcohol dito. Napakamot pa ito sa batok at nagkasalubong ang kilay dahil sa pagka-stress sa kanya.
“Lapitin ka talaga ng desgrasya dahil sa kalikutan mo,” sabi pa nito kaya napasinghot lamang siya dahil masakit pa rin ito.
Naawa naman sa kanya ito at hinihipan ang kanyang sugat.
“Salamat, Cain,” aniya pagkatapos bendahan nito ang kanyang sugat.
Tumango lang naman ito bilang sagot, tumayo siya ng dahan-dahan para makapunta sa kwarto at makuha ang pera na nasa kanyang Bag.
Dahil medyo mahapdi na lamang ito ay nakakalakad naman siya ng maayos.
“Yan ang dahilan kung bakit kita hinahanap, tanggapin mo na,” saad niya sabay abot ng isang puting sobre na may lamang pera kaya Cain nang makabalik siya sa sala.
Tinanggap naman nito at sinisilip ang laman ng sobre.
“For what?” walang emosyon ang mukha pero bakas ang pagtataka sa boses nito habang nagtatanong sa kanya.
“Yan ang bayad ko sayo nung una tayong magkita,” mahinahong tugon naman niya.
Napataas naman ang kilay ng kanyang kausap bago sumagot. “Then?”
Napakunot naman ang kilay niya dahil sa sinabi nito pero sinagot pa rin nya ito.
“Hindi mo kinuha kaya hinanap kita para ibigay, baka naman isipin mo na hindi kita binayaran.”
“What makes you think that I want it, the thought that I didnt take it in the first place means one thing, right?” sagot pa nito sa kanya gamit ang poker face kaya nahihirapan siyang alamin kung seryoso ba ito o hindi.
‘Sinong baliw ang tumatanggi sa pera? Ako na nga ang nagpakahirap hanapin sya, tapos mag iinarte pa. Ma-pride din ng lalaking ito,’
napapailing na sabi pa nya sa kanyang isip.
“So, sinasabi mo na wala kang balak tanggapin yan?”
“Is’nt that obvious? I haven’t done the service so why would I accept the payment?” walang interes na sagot nito at tumayo na sa kumportable pagkakaupo sa kanyang sofa.
Napabuntong hininga naman siya.
‘Wag pilitin kung ayaw, gusto ko lang naman sana syang tulungan kung tunay nga ang sinabi ni Mars na kalagayan nya, kung hindi naman ay wala na akong pakialam pa.’
“I’m leaving,” anito pa kaya tumayo siya para samahan ito hanggang sa labas ng pinto.
“Goodnight,” bulong pa niya dito nang makalabas silang dalawa.
Tumango naman ito sa kanya at naglakad na palayo.
Papasok na sana ulit si Gino sa loob ng bahay ng mapansin nyang tumigil sa paglalakad si Cain.
Bumalik ito sa kanya at may inaabot na piraso ng papel. “Dont ever go to that place again, if you need me just call,” sabi pa nito sa kanya.
Pagtingin naman niya sa papel ay numero pala ang nakasulat dito. Kung dati kailangan niya ang numero nito pwes ngayon ay hindi na.
“Oo hindi na ako pupunta sa lugar na iyon, at hindi ko na rin ito kailangan dahil h-hindi na ulit tayo m-magkikita pa,” hindi niya alam kung bakit siya nautal sa parteng iyon pero pinanindigan na nya ang pagiging matibay.
Napatango naman ulit ito pero hindi nito kinuha ang papel na hawak nya. Umalis na lamang ito ng wala nang lingunan pa.
Gusto mang itapon ni Gino ang papel galing sa ma-pride na callboy hindi nya ito nagawa. Nahuli na lamang nya ang sarili na inilalagay na ang papel sa kanyang bulsa.
Napailing na lamang sya sa lahat ng nangyari at pumasok na ulit sa kanyang bahay.
Nakita pa nya ang malungkot na ekspresyon sa mukha ni Miggs ng makapasok siya.
“Sorry Miggs, pero hindi mo na ulit sya makikita.”
▼△▼△▼△▼△
KINABUKASAN ay nagising siya nang maayos, nang tanggalin niya ang benta sa kanyang tuhod ay nakumperma nyang mas okay na ang kalagayan ng sugat nya kaya hindi na siya paika-ika maglakad.
Habang naliligo ay napabalik na naman ang kanyang isip sa kaganapan kagabi.
‘Buti na lang dahil hindi ko na nasabi sa kanya ang tungkol kay Elvin at iba ko pang problema, hindi naman sya pare para pangumpisalan,’
isip-isip pa niya.
Paglabas nya ay nagbihis muna sya bago kumain ng agahan.
Pinakain din nya si Miggs bago umalis ng bahay at dumeretso sa may kanto para sumakay ng taxi.
“Good morning,” magiliw pang bati sa kanya ng mga gwardya sa pintuan ng kumpanya.
Gusto man nyang bumati pabalik ay napayuko na lamang sya sa hiya.
Nagpatuloy sya sa pagpasok sa loob ng building, tumigil lamang sya sa may tapat ng elevator. Medyo marami nang mga empleyadong nanghihintay din dito kaya hindi na lamang sya lumapit ng sobra at nanatili sa dulo.
Wala din naman syang lakas ng loob na makisalamuha sa mga ito kaya nanatili na lamang syang tahimik sa isang tabi habang naghihintay ng elevator.
“Hello!!!”
Rinig pa niyang sabi ng isang boses sa likuran nya, hindi naman nya ito pinansin dahil sigurado syang hindi para sa kanya ang “hello” na iyon.
Nagpatuloy lang sya sa pagtayo ng bumukas ang pinto ng elevator, nagmadali ang ibang empleyado sa pag uunahan para makasakay.
Alam nyang hindi naman kasya lahat kaya hindi na sya nakipag unahan pa, hindi naman nya inaasahan na biglang may hihigit sa kanya papunta sa loob ng elevator.
“Hays, salamat nakasakay tayo,” sabi ng isang lalaki ng makasakay sila sa loob ng elevator. Napatingin pa sya sa kanyang braso kung saan nakahawak pa rin ang lalaki.
“S-Sino ka?” nag aalangang tanong pa nya dito, ngayon lang kasi niya nakita ang lalaking ito.
“Ah sorry pa pala ako nakapagpapakilala, hindi mo kasi agad ako pinansin kanina,” madaldal na sabi pa nito sa kanya kaya nakumperma nyang ang lalaking ito ang nabati sa kanya kanina.
Hindi naman kasi sya nakakatanggap at nakakakuha ng pagbati maliban kay Mars at sa mga guards kaya hindi sya sanay dito.
“I’m Jewel, bago lang ako dito. Nasa Marketing dept. ako pero gusto kong lumipat sa Distribution department,” sabi pa nito kaya napatango na lamang siya.
“H-Hello Joel, ako si G—”
“Wit! Siz, Jewel hindi Joel,” pagtatama pa nito sa kanya pero ng silayan muli nya ang ID nito ay Joel Cruzat ang nakasulat doon.
“Y-Yan kasi ang nakasulat sa ID mo,” bulong pa nya dito habang nagtataka.
“Hayaan mo na yan siz,” sabi pa nito sabay baligtad sa ID na suot.
“So, anong name mo cutie?” tanong pa nito kaya nagpakilala muli siya dito.
“Oh, pa-hard to get pala ang surname mo, Gino,” natatawa pang sabi nito kaya napayuko na lamang siya.
“Oopps, wag kang malungkot siz nagbibiro lang ako,” turan muli nito sa kanya.
‘Ang daldal naman ng baklang to, siguradong magkakasundo sila ni Mars,’
isip-isip pa nya habang napapangiti.
Dahil mas unang sasapitin ang floor nila ay nagpaalam na sya dito.
“Bye Siz, kita tayo sa cafeteria!” pahabol na sigaw pa nito kaya tumango siya.
Napakagat labi sya para di mapangiti dahil sa sayang nararamdaman habang naglalakad papasok sa kanilang working station.
‘Hindi ako makapaniwala, mukhang nagkaroon ako ng bagong kaibigan,’
sabik pa nyang sabi sa kanyang isipan. Excited syang ikwento kay Mars ang tungkol dito.
Nagmadali si Gino sa paglalakad papunta sa kanyang cubicle. Nang makita sya ni Mars ay binati sya nito ng magandang umaga.
Binati naman nya ito pabalik at umupo na sa kanyang office chair habang nag aayos ng mga gamit.
“Good morning, lucky charm,” bulong pa nya sa action figure ni Iron man na nakapatong sa kanyang table.
“Bhes!”
“Ano yun mars?” tanong pa nya sa kaibigan.
“Mukhang maganda ata ang mood mo ngayon ah,” nakangising sabi pa nito sa kanya kaya napakunot ang kilay nya sa pagtataka.
‘Ako, good mood? AH baka dahil kay Jewel.’
“Oo Mars, may nakilala kasi ako kanina sa elevator,” sabi pa nya dito kay nanlaki ang mata nito.
“Talaga? Gwapo ba?” mabilis na pagtatanong pa nito kaya napatawa naman si Gino.
“Cute siya at sigurado akong magkakasundo kayo, Jewel ang pangalan niya.”
“Ah babae, wala akong interes,” sabi nito sabay baleng sa table nito.
Napatawa naman ng tipid si Gino bago kausapin muli ito.
“Hindi sya babae Mars, bakla din siya at makakasama natin siya sa cafeteria mamaya.”
“Ah ganun ba, maganda yan bhes
mabuti at nakikipagkaibigan ka na,” sabi pa nito na parang proud na magulang.
Napailing na lamang sya sa sinabi nito at inilarawan ang pagkakakilala nila ni Jewel kanina.
Matapos ang ilang oras na pagtatrabaho ay sumapit na ang lunch break.
“Tayo na bhes Gino, gutom na ako,” pagyaya pa sa kanya ng kaibigan kaya tumayo na sya para sumunod dito habang dala ang kanyang paperbag.
Pagdating nila sa Cafeteria ay tahimik dito at normal, walang maingay na grupo ng kambal.
Nagpaalam si Mars sa kanya na bibili lamang ito, tumango naman sya at inilibot ang paningin para hanapin si Jewel.
Sa paglinga nya sa paligid ay di nya ito nakita kaya dumeretso na lamang sya sa kanilang table ni Mars.
Umupo na sya dito at nag ayos ng kanyang pagkain. Habang ginagawa nya ito ay biglang may tumawag sa kanyang pangalan kaya napatingin sya sa pinanggalingan ng boses na iyon.
“Siz Gino!!!”
Mula sa di kalayuan ay nasilayan nya si Jewel na kumakaway pa sa kanya.
Napangiti naman sya at tinawag ito para lumapit sa kanya.
“Buti nakita agad kita, Siz,” sabi pa nito ng makaupo na sa kanyang tabihan.
Napatango lang naman sya dito. “Ano pang hinihintay mo, kain na tayo, Siz,” sabi pa nito sa kanya kaya napailing siya.
“Teka lang jewel, hintayin natin si Mars,” sagot pa nya sabay turo sa baklang palapit sa kanila.
“Hayss, haba ng pila,” reklamo pa ng kaibigan nyang si Mars ng makarating ito sa table nila.
“Mars, sya si Jewel,” pagpapakilala pa niya dito.
“Ay nice meeting you!” masiglang pagbati ni Mars dito at nakipagbeso-beso pa.
“Hi! Thanks sa pagtanggap niyo sa’kin dito,” ani Jewel na medyo naluluha pa at nagda-drama.
Napatawa naman silang dalawa at nagsimula ng kumain. “Di ba one week ka na dito sa company, bakit ngayon ka lang namin nakita dito sa cafeteria?” mausisang tanong pa ni Mars dito.
“Ah, wala pa kasi akong friends kaya sa labas pa ako nakain,” sagot naman nito.
“Nasabi sakin ni bhes Gino na gusto mo daw lumipat sa department namin, di ba okay din naman sa marketing dept?” tanong ni Mars.
“Yes, okay naman dun pero mas gusto ko sa Production/distribution dept. e,” sagot naman nito sa kanila.
Napatango naman silang dalawa dahil sa sagot nito, maya-maya pa ay sya naman ang binalingan ni Mars.
“Nga pala bhes, musta nahanap mo na yung callboy?” tanong pa nito kaya napatigil sya sa pagnguya ng kinakain.
“Oo nahanap ko na siya,” tipid na sagot nya dito sabay inom sa kanyang bagong tumbler.
“Oh, anong nangyari, naibigay mo ba?”
“Ayaw nyang tanggapin e, ma-pride pala ang lalaking yun,” inis na sagot pa nya dito ng maalala nya ang nangyari kagabi.
Si Jewel naman ay pabalik balik lang ang tingin sa kanilang dalawa ni Mars. Bakas sa mukha nito ang pagtataka dahil sa mga pinag uusapan nila.
“T-Teka teka, sali ako sa pinag uusapan nyo,” pag awat pa sa kanila ni jewel.
“So may callboy ka pala siz, kala ko pa naman inosente ka pa sa mga ganyang bagay,” gulat na sabi pa nito sa kanya kaya pinamulahan sya ng mukha.
“H-Hindi ah, wala akong ginagawang masama,” taranta naman nyang sagot sabay yuko.
Napangisi lang naman ang kaibigan nyang si Mars at hinaplos ang ulo nya saka bumaling ng tingin kay Jewel para ipaliwanag ang lahat.
“Ah, kala ko pa naman super wild nito ni Gino, ang inosente kasi ng mukha nya. Sorry siz,” paghingi pa ng tawad nito sa kanya kaya napatango na lamang sya.
“Ako lang ang nagtulak sa kanya na maghire ng callboy, nasa tamang edad na kasi sya eh wala pa ring nakakarelasyon,” pagpapaliwanag pa ni Mars dito.
“Baka naman dahil sa tahimik nyang ugali kaya ganun?” ani Jewel.
“Teka, wag nyo naman akong pag usapan na parang wala ako dito,” nakangusong sabi pa nya sa dalawang kaibigan.
“Sorry Bhes, Makipag socialize ka naman kahit kaunti para di nila isipin na masungit ka,” sabi pa ni Mars sa kanya kaya napayuko na lamang sya.
“Mahiyain ka pala talaga, siz,” nangi-gigil na sabi pa sa kanya ni Jewel sabay pisil sa kanyang pisngi.
“Oo kaya nga lagi syang napagti-tripan ng mga bully,” turan muli ni Mars bago sumubo ng pagkain.
“Naku, baka naman di lamang dahil sa ugali mo kaya ka nabu-bully, feel ko inggit din sila sayo dahil maganda ka at cute,” saad ni Jewel habang nakangiti sa kanya.
Lalo namang namula ang pisngi nya pati tenga dahil sa sinabi nito.
“CUTEE!!” sabay na sigaw pa nina Mars at Jewel sa kanya.
“T-Tigilan nyo nga ako, kumain na kayo,” pag sasaway pa nya sa dalawa pero tinawanan lamang sya ng mga ito.
Nagpatuloy sila sa pagkain habang nagkukwentuhan.
‘Hindi rin pala masama ang magkaroon ng bagong kaibigan,’
napapangiting sabi pa ni Gino sa kanyang isipan habang nakatingin sa mas masayang aura sa kanilang table.
“Masaya talaga akong nakilala ko kayo,” biglang sabi pa ni Jewel sa kanila makalipas ng masaya nilang lunch.
Palabas na sila sa Cafeteria ngayon. Maghihiwalay na sila ng landas dahil pabalik na si Jewel sa kanyang department at ganun din naman sila.
“Wala yun, sana makasama ka na namin sa aming department,” sagot naman ni Mars dito.
“Wag kayo mag alala mga prend, one week na lamang ang training ko tapos makakasama nyo na ako,” excited na sabi pa nito sa kanilang dalawa ni Mars.
“Oo nga pala siz, may number ka ba ng callboy na yun?” biglang tanong pa ni Jewel sa kanya kaya napalingon sya dito.
‘N-Number?, meron ako pero p-parang ayaw kong ibigay sa kanya,’
nahihiyang sabi pa nya sa kanyang isipan.
“Tama bhes, baka naman nakuha mo ang number niya,” segunda pa ni Mars sa kanya sabay ngisi ng may kahulugan kay Jewel.
Dahil sa sinabi nito ay lalong kinabahan sya.
‘Ibibigay ko ba sa kanila?’
isip-isip nya habang mababakas ang pagkataranta sa kanyang mukha.
Hindi naman napigilan nina Mars at Jewel na mapatawa dahil sa reaksyon ng kanyang mukha.
Inaasar lang kasi ng dalawa si Gino at nasiyahan talaga sila sa naging reaksyon nito.
“Cute mo talaga bhes!” nanggigil na hiyaw ni Mars
“Oo nga eh, nagbibiro lang naman kami,” bwelata naman ni Jewel.
Sabi pa ng dalawa sa pagitan ng pagtawa ng mga ito. Napahinga naman sya ng maluwag at tiningnan ng masama ang dalawa.
“Ewan ko sa inyo, meron pa naman akong number niya,” inis na sabi pa nya sa mga ito at nauna ng naglakad.
Nagkatiniginan naman sina Mars at Jewel sa sinabi nya at…
“Teka siz, sabi ko nga e, Pahingi akong number niya!!!” sigaw pa ni Jewel sabay habol sa kanya.
MB 16
THIRD PERSON’S POV
NAGLALAKAD
si Hellix sa mahabang hallway patungo sa condo unit ng kanyang boss.
Hanggang ngayon ay napapaisip pa rin sya kung bakit ayaw nitong tumuloy sa pent house na pagmamay ari nito.
Malaki at maganda ang bahay na binili nito ilang taon ng nakakalipas ng huli silang bumalik dito sa pilipinas para sa din sa isang transaction.
Mula ng makarating sila dito sa bansa mag-iisang buwan ng nakalipas ay hindi manlang ginusto na pumunta doon ang kanilang boss.
Ang pent house na iyon ay tago ang kinalalagyan sapagkat ang rason nito ay para sa kaligtasan nila habang sinasagawa ang ilegal nilang business dito sa bansa.
Syempre higit sa lahat ay para iyon sa boss nila pero ayaw naman nitong manatili doon. Tumutuloy ito ngayon sa isang kilala at mamahaling condo sa Makati.
‘Hindi ko din naman masisisi si Boss, maganda at safe din naman sa Condo na ito,’
isip isi pa nya habang kinikilatis ang lugar na dinadaanan.
Bawat kanto ay may makikitang CCTV at iba pang safety measures tulad ng fire exit at fire extinguish—.
‘Bakit ba puro tungkol sa sunog at apoy, hindi na tatalaban nyan si Boss. Matagal nang sinusunog sa impyerno ang kaluluwa nun’,
napapailing na sabi pa nya sa kanyang isipan.
Bukod pa doon ay hindi lang naman ilegal lahat ng business ng boss nila, meron din itong mga legal na kumpanya at iba pang negosyo.
‘Ano bang ikinakatakot ko, eh wala namang nakakaalam na may underground business si Boss,’
napapatango pa nyang sabi sa kanyang sarili.
Bilyonaryo si Mr. Sinclair, mayaman at makapangyarihan. Kaya nitong paikutin lahat gamit ang pera nito.
Sigurado syang walang kakanti na kumalaban dito. Nagpatuloy sya sa paglalakad at napatigil sa tapat ng isang pinto.
“Dito na ba iyon?” tanong pa nya sa kanilang intel na si Zero mula sa ear piece na nakalagay sa kanyang tenga.
“Yeah, thats the room of Mr. Sinclair.”
“Thanks Hon,” mapang asar na pagpapasalamat pa nya dito kaya napangisi na lamang sya ng marinig ang sunod-sunod na mura mula dito.
“Fuck you, Hellix,” inis na sabi pa nito at nawala na ang static na nagmumula sa kanyang suot na ear piece.
Napatawa na lamang sya dahil na-bad trip na naman nya ang kasamahan saka kumatok sa pinto.
Wala syang narinig na kahit anong kilos sa loob kaya kumatok ulit sya dito.
Makalipas ang ilang minuto ay wala pa ring nagbubukas kaya inilapat nya ang kanyang tenga sa pinto para pakinggan kung may nangyayari ba sa loob ng kwarto.
Medyo kinakabahan na sya dahil baka may nangyari na sa boss nila. Dahil sa pangamba ay napahawak sya sa baril na nakasukbit sa kanyang likod.
Ngayong hapon na ito ay magaganap ang unang transaction kaya dapat ay naghahanda na ang boss nya para dito.
Mukhang wala namang kaguluhan na nagaganap sa loob kaya baka may ginagawa lamang ito.
‘Baka naman busy si Boss, siguradong may babae na naman iyong dinala dito sa kwarto nya,’
isip-isip pa nya habang nakadikit parin sya sa pinto na parang baliw.
Dahil sa malalim at kung ano anong iniisip nya ay hindi nya narinig ang yabag ng paa na palapit sa pinto.
“Ahh!” gulat na sigaw pa ni Hellix ng mapasalampak sya sa sahig dahil sa biglang pagbukas nito.
“What the hell are you doing, Hellix?” inis na sabi pa nito ng makita ang kahiya-hiya nyang itsura ngayon.
“Hehe nothing boss, akala ko kung ano nang nangyari sa inyo,” sagot pa nya dito habang napapakamot sa ulo.
“Tss.” Walang emosyon lang ito na pinapasok sya sa loob ng kwarto.
“Boss, why don’t you want to stay in the pent house?” makulit na tanong pa nya dito.
“I’m fine in here, why do you keep pressing about me stay in that place?” halata sa boses nito ang pagkainis habang nagpapatuloy sa pagbibihis.
“For your safety of course, atsaka kasama mo kami ni Zero dun,” sagot pa nya dito habang nakaharap sa salamin at nag aayos ng buhok.
‘Ang haba na ng bangs ko, tamang-tama talaga ang hairban na ito,’
isip-isip pa ni Hellix habang nakatingin sa pink na hairban na kanyang hawak.
“Shut up with that blubbering, Hellix. Just prepare my ride.”
Bigla naman syang napalingon sa gawi ng kanyang boss dahil sa sinabi nito.
“Yes, Boss!!” Nakangising sagot pa nya pagkatapos isuot ang hairban sa ulo.
Lumabas na sya sa kwarto nito at nagtungo sa underground parking lot para ihanda na ang sasakyan ng boss niya.
Napasipol pa sya habang nakatingin sa Audi R8 V10 na pagmamay ari ng kanyang boss.
First Transaction
09.25.
XXXX
“Wow, what an elegant yacht,” manghang turan pa nya habang nakatingin sa malaki at magandang yate na nasa kanilang harapan.
Kadadating lamang nila dito sa pier para sumakay sa yate na ito.
Dito magaganap ang unang transaction para sa kanilang underground business.
Mga kilalang tao ang narito para umattend ng party na isinagawa ni Mr. Ivanovich, ang client nila ngayong gabi.
Maraming mayayamang tao ang nagtipon ngayon, nang galing pa ang mga ito sa iba’t ibang bansa tulad nila.
Nakadaong pa ito sa pier kaya hindi na nila kailangan ng speed boat para makasakay dito.
Habang pinagmamasdan pa rin nya ang yate ay hindi nya napansin na nakalabas na pala ang kanyang boss.
“T-Teka Boss, hintay!!” sigaw pa nya habang palabas ng kotse at humabol dito paakyat ng yate.
Habang paakyat sa yate ay wala syang pakialam kung pagtinginan man sya ng mga tao dito dahil sa kanyang kasuotan.
‘Ano bang pakialam nila sa outfit ko,’
napapailing na sabi pa ni Hellix sa kanyang isipan habang nakatingin sa floral na polo na kanyang suot.
“I told you to dress properly.”
“Pero Boss, dito ako kumportable,” nakanguso pa nyang sagot dito.
Napailing lang naman si Mr. Sinclair at hindi na sya pinansin habang hinahanap nito ang client nila.
Habang naglalakad sa loob ng yate ay nakasalubong nya si Gary, isa ito sa mga tauhan nila.
Tumango sya dito at sinenyasan ito, ganun din ang iba pa nilang kasamahan na nagkukunwaring mga bisita.
Kung sa unang tingin ay sya lamang ang kasama ni Mr. Sinclair, pwes doon nagnakamali ang mga tauhan ni Mr. Ivanovich. Ang ibang mga tauhan nila ay nakakalat sa buong lugar at prenteng nagbabantay lamang kung may mangyaring di maganda.
“Hey hon, musta ka na dyan?” nakangisi pa nyang bulong para kausapin ang intel nila mula sa earpiece.
“Dont fucking call me like that,” inis na sagot lang naman nito sa kanya.
Si Zero ang kanilang intel ay na nanatili lamang sa pent house kaharap ang napakaraming computer para magbigay ng information sa kanila.
“Focus on your job, idiot,” sabi pa nito kaya napatawa na lamang sya ng mahina.
Kahit nakikipag asarahan sya kay Zero ay na nanatiling nakasunod lamang sya sa kanilang boss.
Maya-maya pa ay sinalubong sila ng isang matanda na maraming bodyguard na kasama.
“O, nakonets, mister Sinkler zdes/
Oh finally, Mr. Sinclair is here,
”
bungad na pagbati pa nito.
“Mr. Ivanovich,” sagot naman ng kanyang Boss.
“Vypey nashego luchshego vina, my dolzhny nachat’ vecherinku/
Have some of our finest wine, we should start the party
,” pag aalok pa nito.
“YA zanyatoy chelovek, gospodin Ivanovich. YA prishel syuda, chtoby pogovorit’ o biznese, a ne poseshchat’ vecherinki/
Im a busy person, Mr.Ivanovich. I came here to talk about business, and not to attend some party,
”
walang emosyon na sagot naman ni Mr. Sinclair kaya napatango na lamang ang kleyente nila.
Si Hellix naman ay napailing na lamang habang napapaisip na..
‘Wala namang masama kung kumain at uminom muna tayo di ba?’
tanong pa nya sa kanyang isipan habang napapahimas sa kanyang tiyan.
Ang dami kasing masasarap na pagkain at mga alak na nakahayin ngayon sa kanyang harapan.
“Vy ser’yezno, kak vsegda, mister Sinkler/
You’re serious as always Mr. Sinclai
r.
”
Isinawalang bahala muna nya ito ng marinig ang sinabi ng kleyente.
Ginabayan sila nito papasok sa loob ng Cabin ng yate para doon pag usapan ang deal.
Bago pumasok ay pinindot muna nya ang ear piece na suot para kauspin ang mga kasamahan na nasa loob ng yate.
“Gary, survey everything that’s happening here while we’re dealing with the client,” bulong pa nya habang nakasunod lamang sa kanyang boss.
“Got it,” sagot naman nito sa kanya.
Pagpasok nila sa Cabin ay pinaupo nito si Mr. Sinclair sa sofa para mapag usapan ang kanilang deal.
“Its been a long time huh, Mr. Sinclair. I used to deal with your late father before, now you are the one whose dealing with me right now. Time sure flies fast,” sabi pa nito na parang inaalala ang mga nakaraan.
Habang nakatayo lamang naman sya sa gilid ng kanyang boss ay pansin nya ang bored na ekspresyon ng mukha nito.
Pinigilan nyang mapatawa dahil mga pormal na transaction ito. Nagpatuloy pa sa pagkukwento ito at maya-maya ay alam nyang di na natutuwa ang kanyang boss.
“Can we proceed to the transaction already?” bakas na ang pagkainip sa boses nito kahit blanko parin ang ekspresyon ng mukha nito.
“Sure, sure,” natatawang sagot naman ng matanda at sumeryoso na ang mukha nito.
“We agreed for $2 million in exchange for the weapon that we order,” pagsisimula pa nito.
“Exactly, the products that you avail will be transported safely by the time this deal ended,” chill na sagot naman ng kanyang boss.
“How is it?” tanong pa ng boses ni Zero mula sa ear piece.
“Its already started,” Tipid na sagot nya dito habang nagmamasasid sa mga bodyguard na kasama ni Mr. Ivanovich.
Gumalaw lamang ng masama ang mga ito at siguradong magkakaroon ng malaking gulo.
Nagpatuloy ang pag-uusap ng dalawang panig para maisara ang kanilang deal.
Si Hellix naman ay di mapakali dahil may kakaibang nararamdaman nya.
Hindi sya nagpapahalata sa mga bodyguard ng kleyente pero pinag aaralan na nya ang mga kilos ng mga ito, ganun di ang mga posisyon nito.
Dalawa sa likod ni Mr. Ivanovich na may hawak na AK-47, dalawa din sa may pinto at isa sa may bintana. lahat sila ay may dalang high powered at automatic na machine guns.
‘Hm, kung sakali ay hindi talaga nila kami palalabasin dito ng buhay,’
isip-isip pa nya nang bigla syang mapatingin sa bintana ng yate.
Madilim sa labas dahil gabi ginanap ang transaction, Pero bakit meron syang natatanaw na bagay na kumikislap at palapit ito sa kanilang kinalalagyan.
Kunwari ay hindi nya napansin iyon at ibinaling na lamang ang attensyon sa kanyang boss na kinukuha na ang mga brief case na may lamang pera.
‘Mabuti at tapos na ang deal,’
sabi pa nya sa kanyang isipan sabay tango pa sa mga bodyguard ni Mr. Ivanovich habang palabas sila sa cabin.
Iniabot sa kanya ni Mr. Sinclair ang mga case para dalhin iyon.
Prente lamang syang nakasunod dito hang naglalakad pa labas.
Katulad nga ng inaasaha nya, Maya-maya pa ay tumunog na ang kanyang ear piece. Nagmamadaling boses ni Zero ang narinig nya mula dito.
“There are almost five speed boat heading in your direction right now! This is a bloody set up!!!”
MB 17
[“There are almost five speed boat heading in your direction right now! This is a bloody set up!!!”]
Hindi nagpahalata si Hellix kahit alam na nya ang mga nangyayari, ang mga liwanag na nakita nya kanina ay galing pala sa mga speed boat na naglalaman ng mga tauhan ni Ivanovich.
‘Tuso talaga ang matandang ito ah, mukhang planado ang lahat.’
Napalingon siya sa dalawang bodyguard ni Mr. Ivanovich na nasa kanyang likuran, nasa unahan nya si Mr. Sinclair at nasa unahan naman nito ang dalawa pang bodyguard.
Ibig sabihin lang ay ipit sila sa pagitan ng mga ito, naiwan naman sa loob ng cabin si Mr. Ivanovich kasama ang isa nitong bodyguard para bantayan ito.
Pag alis nila sa cabin ay ngumisi ang matandang si Ivanovich at inutos na patayin sila bago pa maka alis sa yate at madala ang pera.
Nang mapansin ni Hellix ang paggalaw ng bodyguard sa likod nya para paulanan sila ng bala ay naging mabilis ang ginawa nyang pag atras sabay hampas dito ng hawak ng brief case para magulat ang kalaban at saka nya tinabig ang baril na hawak nito kaya sa bubong ng yate tumama ang bala.
Dahil dito ay nagsimula na ang gulo. Mula sa loob ng yate ay maririnig ang malalakas na sigaw at kaliwa’t kanang mga putok ng baril.
Nang makarating sila sa lugar na pinagdadausan ng party kanina ay magulo at makalat na dito.
Sira-sira na ang mga gamit, nakataob na ang mga table at iba pang gamit. Ang karamihan sa mga bisita ay nagtalunan na sa tubig para di sila madamay sa kaguluhan.
Mukhang nakarating na ang mga tauhan ni ivanovich na nakasakay sa speed boat.
“Hellix, That’s a trap. Get the hell out in there right now!”
“Oo na Zero alam ko yan, magpadala ka na ng get away namin dito ngayon!” utos pa nya dito habang nakatago sa likod ng isang table para di tamaan ng mga balang pinakakawalan ng mga kalaban.
“Yeah, right away!” sagot naman nito.
Pagsilip nya para tingnan ang lokasyon ng mga kalaban ay napansin nya ang pagbagsak ng kanyang mga kasama.
Napakarami man ng kalaban ay imbis na makaramdam ng takot si Hellix ay lalong sumilay ang madilim at nakakatakot na ngisi sa kanyang mga labi.
“Sa wakas, nagkaroon din ng action,” bulong pa nya sabay tayo sa pinagtataguang table.
Lahat ng makakita nyang kalaban ay binabaril nya ng hand gun na kanyang gamit.
Pagliko nya ay saktong nakita nya ang pagdating ng kalaban sa likod ni Gary.
Babarilin na sana nya ito pero napakunot sa inis ang kilay nya ng malamang wala na itong bala.
Inihagis nya ang hawak na baril sa sahig at mabilis na yumuko para kunin ang paborito nyang jack knife sa kanyang binti.
Marunong syang gumamit ng baril pero mas eksperto sya sa pag gamit ng patalim.
Maliksi syang sumugod sa kalaban at mabilis sa pinatamaan ang leeg nito gamit ang armas na kanyang gamit.
“Thanks Brad,” ani Gary sa kanya pagtapos nyang iligtas ito.
Tumango lamang sya at nagpatuloy sa pakikipaglaban.
Dugo.
Tumalamsik sa kanyang mukha, damit at sa kanyang buong katawan ang dugo ng lahat ng kalaban na kanyang tinalo.
Kahit anong lingon nya ay di nya mahanap ang kanyang boss.
” Saan kaya nagsuot si Boss?” bulong pa nya sabay iwas sa balang pinakawalan ng kalaban.
Muntikan na syang tamaan nito, mabuti na lamang at sa laylayan ng kanyang polo lamang ito tumama pero dahil sa nakitang butas ay lalo syang nagalit.
Sinugod nya ito at mababakas sa mukha ng kalaban ang matinding takot dahil sa kakaibang ngiti sa kanyang mga labi.
Mabilis ang naging pag galaw nya para kitilan ng buhay ng kalabang iyon. Habang nakatarak parin ang kanyang jack knife sa dibdib nito ay napasigaw pa sya sa patay na katawan ito.
“PABORITO KONG POLO TO!!!” galit pa nyang turan dito sabay lingon sa ibang mga tauhan ni Ivanovich.
Napaatras ang mga ito sa takot sa kanya at nagtakbuhan. Napangisi naman sya at napatango pa dahil da paghanga sa sarili.
‘Yah dapat lang yan, Matakot kayo sakin,’
isip-isip pa nya habang nakapamaywang.
Napawala lamang ang kayabangan nya ng bigla nyang marinig ang boses ng boss nya sa ear piece na kanyang suot.
“STOP BEING FULL OF YOURSELF INSTEAD, FIND THE MONEY!!!” Galit na sigaw pa nito kaya naman para syang tutang sinipa at mabilis na bumalik kung saan nya naiwan ang brief case na may lamang pera.
“Yes boss!!!” sagot pa nya dito.
Si Mr. Sinclair naman ay bumalik kung nasaan ang traydor na si Ivanovich. Pagbalik nya sa kwarto ay wala na ito.
Nakita nya ang nakabukas na pintuan kaya naghanda sya kung may makaharap mang kalaban.
Pagsilip nya sa pinto ay may nakasalubong syang tauhan ni Ivanovich, malakas nya itong sinuntok sa mukha, tumilapon ito sa malayo at humampas ang katawan sa pader.
Napansin nya ang paghawak nito sa baril na dala kaya naman mabilis syang gumalaw at niyapakan ang katawan nito para di makagalaw at saka binunot ang baril na nakasukbit sa likod nya at ilang beses na pinaputukan ng bala ang ulo ng kalaban.
Pagkatapos nyang gawin iyon ay ramdam nyang may kalaban sa likod kaya binaril nya ito kahit di sya nakatingin dito.
Napabulagta na lamang ang kalaban ng tamaan ito sa noo nito.
Hindi manlang nya ito nilingon at ipinagpatuloy ang mabilis na paglalakad para maabutan ang tumatakas na traydor.
Marami pa syang nakaharap na kalaban, ipinamalas nya ang kanyang galing sa pag gamit ng baril at ganun din ang hand to hand combat nya sa mga ito.
Mga baldado at sugatang kalaban ang iniiwan nya sa pagpapatuloy ng paghahanap kay Ivanovich.
Pagkatapos nyang barilin sa ulo ang pinakahuling hadlang ay nakita nya ang nakangising tagumpay na si Ivanovich habang nakasakay na sa speed boat para makatakas.
“You think, you can escape?” bulong pa nya sa kanyang sarili sabay kuha ng detonator sa kanyang bulsa.
Nanlaki ang mata ng Matandang traydor dahil sa hawak nya.
“D-Dont do this!!!” takot na sigaw pa nito sa kanya pero pinindot pa rin nya ito.
“YOU PAY FOR THISS!!!” rinig pa nyang sigaw nito.
Pagpindot nya sa buton na hawak ay oras naman nya iyon para ngumisi habang pinagmamasdan ang malakas na pagsabog ng speed boat na sinasakyan nito.
“No problem,” bulong na sagot pa nya sa huling sinabi ng matanda.
Mula sa hawak na detonator ay pinasabog na din nya ng ilan sa mga bombang itinanim nila sa buong yate bago pa magsimula ang transaction.
Habang naglalakad sya papunta sa unahan ng yate ay nakasalubong pa nya ang nagpupunas ng mukha na si Hellix dahil sa daming talamsik ng dugo dito.
Tumango sya dito at mabilis itong umalis sa kanyang harapan.
Dumating na din ang speed boat na ipinadala ni Zero bilang sundo nila, naroon si Josh para tulungang isakay lahat ng mga tauhan nyang sugatan.
Nang makasakay na silang lahat sa speed boat ay medyo nakalayo na sila sa yate ay pinindot nya ang detonator para tuluyan ng sumabog ang buong yate.
Si Hellix naman ay napatanaw na lamang sa yateng nasusunog na ngayon.
“Where’s the money?” tanong pa ng boss nyang si Mr. Sinclair kaya mabilis nyang ipinakita dito ang dalawang malaking brief case.
Tumango naman ito at itinuon na muli sa kawalan ang mga mata.
Hindi tuloy nya mapigilang paandarin na naman ang bibig nya.
“Boss, gusto lang naman natin ng maayos na transaction. Bakit ba lagi na lang nila tayong iniisahan?”
“Tss, is it not obvious Hellix? They’ll greedy bastards,” walang emosyon na sagot naman nito sa kanya.
“Nga pala Boss, handa naman tayo sa simula pa lang. Bakit kailangan mo pang pahirapan ang sarili mo na hanapin si Ivanovich e, pwede mo namang pasabugin agad ang sinasakyan nito?” nagtataka pa nyang tanong dito.
Hindi agad ito sumagot pero nang mapansin nya ang makatinding balahibong ngisi nito ay napabuntong hininga na lamang sya.
“Whats so fun about that, if they going to be killed that easily? I want to see their expression before they died,” Nang marinig nya ang sagot nito ay wala na syang nagawa kundi mapailing.
‘Kung baliw ako, wala nang tatalo pa sa taong ito,’
isip-isip pa nya habang nakatingin sa kanilang boss.
Habang nagpapatuloy ang pagtakbo ng speed boat ay malungkot na napatingin na lamang sya sa madumi at sira nyang polo.
---------------------------++
PENT HOUSE
1:30 am
“Wow, tunay na pera nga,” sabi pa nya pagbukas nila ng mga brief case na kanilang dala.
“Of course, I’ll already check that earlier,” sagot naman ng boss nya sabay alis at punta sa kwarto nito sa second floor ng pent house.
Pagdating nila dito ay sinalubong sila ni Zero. Ang mga sugatang kasamahan ay dinala sa katabing bahay.
Doon tumutuloy lahat ng kanilang mga tauhan, malaki iyon at may sariling private clinic.
Sa kanilang grupo ay may doctor kaya sya ang bahala sa mga sugatang mga tauhan.
Pagkatapos icheck ang pera ay dinala na nya lahat ito sa kanilang vault sa basement ng pent house para maging ligtas ang pera doon.
Paglabas nya sa basement ay dumeretso na sya sa kanyang kwarto para makaligo.
Pagdating sa kanyang kwarto ay naghubad na sya ng damit. Lumitaw ang maputi at matipuno nyang katawan na nababalutan ng dugo.
Pagkahubad nya ng sandong suot ay itinapon nya ito sa ibabaw ng kama. Nanatili na hawak nya habang pinagmamasdan ang polong suot gamit ang malungkot na ekspresyon.
Napanguso pa sya habang nakatingin sa sira at butas na laylayan ng paborito nyang polo.
Ramdam nyang may presensya ng tao sa likudan nya kaya binati nya ito.
“Nag aalala ka ba sa kalagayan ko, Hon?” sabi pa nya dito sabay lingon.
Mula sa di kalayuan, nakasandig sa door frame ang kasamahan nyang si Zero.
“As if ,” masungit na sagot nito sa kanya at umalis na.
Napangisi na lamang sya dahil sa reaksyon nito. Umiling na lamang sya at nagtungo na sa banyo para maligo.
Habang naliligo sya ay di nya alam na may taong pumasok sa kanyang kwarto at may kinuhang isang bagay.
Makalipas ng ilang minuto ay natapos na ang paliligo at kanyang pagbibihis kaya bumaba na sya para pumunta sa kusina at kumain.
Naabutan nya ang iba nilang kasamahan doon kaya nakisali na rin sya sa pagkain ng mga ito.
“Brad, thanks again for what you did earlier,” sabi pa ng kasamahan nyang si Gary.
“Not a big deal, bro,” sagot nya dito sabay tapik sa balikat nito.
Pagkatapos nyang kumain ay nakaramdam sya ng antok kaya nagpaalam na sya sa mga ito.
Umakyat na muli sya sa second floor, pagdating nya doon ay nakasalubong nya si Zero kaya tinanong nya ito.
“Nakita mo si Boss?”
“Yah, he left already,” sagot nito sabay lampas sa kanya.
‘Allergic ata si Boss dito ah,’
isip-isip pa nya sabay pasok sa kanyang kwarto.
Paglapit nya sa kanyang kama para magpahinga ay hindi nya mapigilang mapangiti dahil sa bagay na kanyang napansin na nakapatong dito.
Dinampot nya ang malinis at mabangong polo na maayos na nakatupi sa ibabaw ng kanyang kama.
Pagbuklat nya dito ay di nya maiwasang panlakihan ng mata dahil sa gulat ng mapansin na maayos na ang laylayan nito.
Tinahi na ito at sinulsihan ng maganda para di halata ang sira nito.
Napangiti sya habang inaamoy ang malinis at mabangong polo at napaisip na lamang ng…
‘Salamat, Hon.’
-------------------------++
Hello guys!!
Sana nagustuhan nyo po ang chapter na ito.
Thanks and Byiee
💕
MB 18
GINO’S POV
HABANG
naglalakad kami ni Mars papunta sa conference room para sa meeting ng aming department nang umandar na naman ang bibig ni Mars.
“Bhes, nabalitaan mo ba?”
“Mars, Chika agad,” walang buhay na sagot ko naman sa kanya.
‘Agang-aga kasi ay chika agad ang alam ng baklang to.’
“Hindi ito chika, tunay ito ah. Napanuod ko ito sa balita,” pagdedepensa pa niya sa kanyang sarili.
“Tungkol ba saan?”
“Noong isang gabi raw ay may nasunog na yate sa may bandang south,” nanlalaki pa ang mata niya habang ibinabahagi sa akin ang balita.
‘Yateng nasunog?’
“Hindi ko ata napanuod sa balita yan,”
sagot ko pa habang patuloy kaming naglalakad.
“Paano mo nga ba mapapanuod e lagi kang nagmo-movie marathon ng mga MCU movies mo,” nagtatampo pang aniya kaya napatawa ako ng mahina. Tunay naman kasi lahat ng sinabi niya.
“Sorry na, bakit daw ba nasunog?” tanong po sa kanya habang napapakamot ng ulo.
“Sabi sa balita ay nagsimula raw sa kitchen ang sunog, buti na lamang dahil wala naman daw nasaktan.”
“Mabuti nga kung gano’n,” sagot ko pa sabay pasok namin sa conference room.
“Ikaw wala ka bang chika sa’kin?” tanong pa niya nang makaupo na kami.
“Chika? Wala bakit?” nagtataka ko pang namang tanong.
“Wala daw eh bakit parang edge na edge ka pansin ko. Ano bang meron?” bulong pa niya sa’kin habang naghihintay kaming simulan ang meeting.
‘Bakit ako excited? Well isang bagay lang naman ang nagpapa excite sa’kin,’
napapangiti ko pang sabi sa aking isipan kaya lalo akong tiningnan ng kakaiba ni Mars.
“Nalaman ko kasi na this week na ang showing ng Avengers: End game, di ko lang sure kung anong eksaktong araw,” excited na aniko kaya binigyan lamang niya ako ng isang iling na parang di sya makapaniwala sa narinig.
“Seriously bhes, addict ka na talaga dyan,” sabi pa nito na parang nawalan ng gana.
‘Luko din tong si Mars, magtatanong tapos biglang madi-disappoint,’
isip isip ko pa habang nakanguso.
Napabuntong hininga na lamang ako ng maya-maya ay dumating na si sir Yuan para simulan ang meeting.
Dahil malapit ang aking kinauupuan sa may pinto ay kita ko ng pumasok si sir, pagbukas nya ng pinto ay parang nakita ko si Cain na dumaan sa likuran niya.
Bigla akong kinabahan at lumakas ang kabog ng dibdib ko dahil sa nakita.
‘Si Cain ba talaga yun? Ano naman ang ginagawa nya dito?’
Tatayo sana ako tingnan ang taong yun nang bigla kong maisip na baka guni-guni ko lamang ang lahat. Simula kasi ng huling paghihiwalay namin ay para akong minumulto ng kanyang imahe.
Kung saan-saan ko nakikita ang mukha niya. Kahapon hinabol ko iyong magbabalot kasi akala ko ay siya iyon, tapos kaninang umaga may nakasalubong akong janitor, akala ko siya din kaya sinundan ko.
‘Goodness! Ano bang nangyayari sa’kin? Baka naman ipinakulam niya ako dahil may galit sya sa’kin.’
Bigla naman akong kinilabutan dahil sa aking mga iniisip.
Hindi tuloy ako nakapag focus sa mga sinabi ni sir Yuan, dahil rin sa pagkatulala ko ay hindi ko na pansin na tapos na ang meeting kun’di lang ako tinapik ni Mars sa balikat.
“Tayo na bhes,” aniya sabay lakad patungo sa pinto. Tumayo na rin ako at sumunod sa kanya ng bigla akong tawagin ni Sir.
‘Patay, pansin ata ni sir na hindi ako nakikinig sa meeting kanina. Siguradong mapapagalitan ako
,
’ takot na turan ko pa sa aking sarili bago lumingon dito.
“B-Bakit po sir?” kinakabahang sagot ko pa.
Hindi agad siya nagsalita at hinintay na makalabas muna lahat ng ibang empleyado bago ako kausapin. “Mr. Dimapilit,” pagbanggit pa niya sa aking epelyedo.
“S-Sir?”
Eto na naman siya, parang di mapakali at bakas ang kaba sa mukha. May kinuha siya sa kanyang bulsa bago tumingin sa akin.
“Hm, m-may gagawin ka ba mamaya, after work?” tanong pa nito.
“Wala naman po,” sagot ko naman.
Dahil sa sagot ko ay nagliwanag ang kanyang mukha at napangiti pa ito. “Do you want to watch a movie with me?” tanong muli nito sabay pakita sakin ng dalawang ticket ng avengers end game.
Halos bumagsak ang aking panga dahil sa aking nakita lalo na ng iabot nya sakin ito.
‘Wow, meron na agad nabiling ticket si Sir para sa pinaka unang premier ng movie.’
Super hirap bumili ng ticket nito, mukhang online pa sya nakabili. Aabutin ko na sana ito mula sa kanya ng bigla akong makaramdam ng pagkabalisa.
May bagay o tao na pumipigil sa’kin para tanggihan ang offer ni sir.
“A-Ah, pero sir, ako po dapat ang magbigay sa inyo kapalit ng pagpapasalamat ko sa pagtulong nyo sa’kin,” pagtanggi ko pa sa kanya. Tinutukoy ko ay yung pagtulong niya sa’kin at pagbibigay ng ice pack noong sinampal ako ni Elvin.
“No need, tatanggapin ko lang ang pasasalamat mo kung sasama ka sakin manuod ng movie.”
‘Okay, lalo ko pa lang inilagay sa hukay ang aking sarili dahil sa sinabi ko, Ngayon ay wala na akong dahilan para tumanggi.’
“Ganun po ba? S-Sige po,” talunang sagot ko dito.
Napangiti naman ito ng malawak nang marinig ang sagot ko. “Then, I’ll wait for you later,” excited na sabi pa nito sakin kaya tumango na lamang ako at nagpaalam na.
Lumabas ako sa conference room na medyo mabigat ang pakiramdam, hindi ko maipaliwang kung anong mali. Simpleng movie lang naman iyon. Pero pakiramdam ko ay nagtataksil ako.
“Ugh,” inis na daing ko pa habang naglalakad pabalik sa working station namin.
“Ano sabi ni sir?” tanong pa ni Mars ng makarating ako sa aking table.
“Wala naman, makinig daw ako sa susunod,” pagpapalusot ko pa dito para di na nya ako tanungin.
▼△▼△▼△▼△
“Hello mga siz!!” masiglang bati ni Jewel ng makarating siya sa table namin.
Dahil lutang ang utak ko buong umaga ay napansin ko na lamang na lunch na pala kaya kinaladkad na ako ni Mars papunta sa Cafeteria.
Pansin ko din mula ng nasuspende sina Elvin at Eldran dahil sa ginawa nila nung isang araw ay parang naging iba ang pakikitingo sa’kin ng mga katrabaho namin.
Binabati na nila ako at nginingitian kapag nakakasakubong ko sila.
May nakausap din ako kahapon, si Elsa. Sabi niya sa’kin ay dati syang kasama sa grupo ni Elvin pero hindi naman nya ito itinuturing na tunay na kaibigan. Ayaw lamang daw nyang madamay sa pangbubully nito kaya nakikisama na lamang sya sa mga ginagawa nito.
Pero dahil sa nakita nyang ginawa nito sakin at kay Mars ay nagising na sya at ang iba pa nyang kasamahan dahil hindi na talaga makatarungan ang mga asal ng kambal.
Nagpapasalamat pa nga daw sila na nasuspende ang mga ito para naman matutu ng leksyon.
Masaya akong malaman na hindi naman pala talaga sila galit sa’kin, natatakot lang talaga sila kay Elvin kaya di sila lumalapit sakin.
Sinabi ko iyon kay Mars at masaya sya dahil sa narinig at nalaman.
“Uyy Siz Gino, bakit ka tulala dyan?” pagpuna pa sakin ni Jewel kaya napawala ako sa malalim na pag-iisip.
“Ha? Wala naman. Ano bang pinag-uusapan nyo?” tanong ko pa sa kanila.
“Napansin kasi namin na may inaayos na isa pang office sa top floor,” sagot ni Mars kaya napatango ako.
Pansin ko rin iyon, may mga mang gagawa ako ng nakasalubong kanina, at meron ding mga kalalakihan na may dalang mga bagong table at iba pang gamit na oang office.
“Sino raw ba ang gagamit ng office na yun?” pag uusisa ko pa sa kanila.
“Hindi pa namin alam kung sino pero balita ko ay taga Z-Corp iyon,” si Mars sabay subo ng pagkain nya.
“Z-Corp? Bakit naman? Di ba nakateam up lamang natin sila sa isang project?” naguguluhan ko pang tanong sa kanila.
Nagkibit balikat lang si Jewel habang nag iisip naman si Mars. “Oo pero, may nakapagsabi din na nag-invest na daw ang CEO ng Z-Corp sa ating kumpanya kaya nga nagpapagawa na sila ng office sa tabi ng kay Mr. Shinwoo,” sagot pa nito.
Dahil napag usapan na rin namin ang tungkol sa Z-Corporation. Gusto ko na ring malaman kung sino ba talaga ang may ari nito.
“Mars, kilala mo ba ang may ari ng Z-Corp?”
“Hmm, misteryoso kasi ang may ari nun,” sabi pa nito.
“Kakaiba naman ng pangalan niya,” nakakunot ang kilay na sabi ko pa sa kanila.
“Ha?” sabay naman nilang tanong sa’kin.
“Mr. Yoso, di ba ang sabi mo?” walang alam na sagot ko naman sa kanila.
Napahiya naman ako ng tumawa silang dalawa ng malakas.
“HAHAHAHA, iba ka talaga bhes!”
“HAHA, l-lutang ka ba siz?” tanong pa ni Jewel sa pagitan ng kanyang pagtawa.
Si Mars naman ay napapahampas pa sa table habang tumatawa pa rin. Napalabi na lamang ako dahil sa pagtawa nila sa akin.
“Hays bhes epic ka talaga,” sabi pa ni Mars habang pinapakalma ang sarili mula sa malakas nilang pagtawa.
“E-Ewan ko sa inyo?” pa-inis na sagot ko pa pero ang tunay ay nahihiya talaga ako.
Hindi ko alam kung sino ang gumugulo sa utak ko, ang bwisit na si Cain ba o si sir Yuan. Hayss ewan. Ayoko ng isipin, baka masiraan lang ako ng ulo dahil sa kanila.
Pagkatapos ng lunch namin ay nagtungo na kami sa aming mga trabaho muli.
Habang lumilipas ang oras ay lalo akong kinakabahan.
‘Movie lang yun, bakit ba ako nakakaramdam ng ganito.’
Ipinagsawalang bahala ko na lamang ang aking mga iniisip at nagpatuloy na sa aking mga gawain.
Makalipas ng ilang oras ay pakiramdam ko ay judgement day na. Nandito ako sa labas ng building at hinihintay si sir. Hinaplos ko ang kinakabahang dibdib ko.
‘Gino, manunuod lang kayo ng movie. Ano pa bang ikinakatakot mo eh ilang beses mo na rin naman syang nakasama. Kumain na nga kayo sa labas ng dalawang beses.’ N
agising naman ako sa katotohan dahil sa bulong ng aking utak.
‘Oo nga naman, atsaka niyaya lamang ako ni Sir dahil magkaibigan kami,’
isip-isip ko pa habang napapatango sa aking sarili.
Nakahinga ko ng maluwag dahil dahil kalmado na ang aking sarili. Maya-maya pa ay dumating na si sir Yuan at ipinagbukas pa ako ng pinto ng kotse. Nagpasalamat ako dito at nagtungo na kami sa mall para makapanuod.
Pagdating namin sa second floor ng mall ay mapapansin na agad ang haba ng pila.
Wow ang daming tao, may mga magsyota, magkakabarkada at syempre mga pamilya. Ang movie na ito naman ay pang pamilya kaya marami talagang pwedeng manuod.
“Dito ka lang sa pila Gino, bibili lang ako ng snack,” turan ni Yuan sakin kaya tumango ako para ipakita ang pagsang ayon ko.
“Gurl, gwapo ng boyfriend mo.” Narinig kong sabi ng babae sa likod ko sabay kulbit sakin kaya napalingon ako sa kanya.
“E-Eh, h-hindi ko sya boyfriend,” natataranta ko namang sagot dito.
“Ganun ba, so friend mo lang?” tanong pa niya.
“Oo, baki---”
“Gino, cheese flavor yung popcorn mo, okay lang ba?”
Napatigil ako sa pagsasalita dahil biglang dumating si Yuan. “Okay lang, salamat,” nakangiti ko pang sabi sa kanya sabay kuha sa popcorn na inaabot nya sa’kin.
Pagkakuha ko nito ay bigla kong naalala yung babae, pero paglingon ko ay wala na ito. Dahil sa nangyari ay bigla akong pinanlamigan ng katawan, kanina si Cain, tapos ngayon yung babaeng yun. Ano ba talagang nangyayari sa’kin?
Bigla naman akong napapitlag ng may humawak sa aking braso.
“Okay ka lang ba, Gino?” nag aalala pang tanong ni Yuan.
Napahinga naman ako ng maluwag, akala ko multo na ang humawak sakin. Si sir Yuan lang pala.
“Opo, sir Yuan, okay lang ako,” sagot ko naman dito.
“Di ba sabi ko sayo pag wala na tayo sa trabaho ay Yuan na lang itawag mo sa’kin,” pagpapaalala pa nito.
“Okay, Yuan,” sagot ko naman dito kaya napangiti siya.
“Mabuti kung ganon, malapit na tayo sa pila oh,” turan pa nito sabay turo sa unahan.
‘Oo nga, kakaunti na.’
Dahil sa pagtanaw ko sa unahan ay may hindi ako sinasadya na makita. Nang makita ko ito ay hindi ko alam kung ano ba dapat ang maramdaman ko.
‘Matatakot ba ako o maiinis?’
Si Cain at yung babae kanina ay magkasama ngayon.
MB 19
GINO’S POV
[
Si Cain at yung babae kanina ay magkasama ngayon.
]
‘Nope, baka pinaglalaruan lamang ulit ako ng aking mga mata. Hindi si Cain iyon,’
pagpapakalma ko pa sa aking sarili.
Bukod pa doon ay kung siya man talaga iyon ay wala akong pakialam.
Maya-maya pa ay nakapasok na kami sa loob ng sinehan, malamig at madilim dito. Dahil medyo nasa huli na kami ng pila kaya pagpasok namin wala na masyadong bakanteng upuan para makapili kami ng magandang pwesto.
Nang may makita kaming bakanteng upuan sa may taas na parte ng sinehan ay umupo na kami doon.
Dahil excited ako sa movie kaya wala na akong pakialam sa paligid ko. Sa unahan lamang ako nakatingin hanggang sa magsimula na ang pelikula.
Maya-maya pa habang abala ako sa panunuod ay naramdaman ko ang pagkulbit ng aking katabi. Ayaw ko sana lingunin siya dahil nasa maganda nang part ang pelikula pero dahil makulit ito kaya ginawa ko na rin.
“Ano ba—”
Laglag ang aking panga dahil sa gulat nang makita ang mukha ng taong katabi ko at kumukulbit sa akin.
‘C-Cain? Wait, baka namamalikmata lang ako,’
isip-isip ko pa habang nakatitig sa mukha niya.
Masyadong madilim dito kaya di ko siya mamukhaan ng maayos. Dahil hindi ako sigurado kung siya nga talaga iyon kaya nagawa ko pa siyang sampalin.
“Arrgh, that hurts,” inis na reklamo niya sabay tingin sa’kin ng masama habang hinahaplos ang masakit niyang pisngi.
Napatikom ang aking mga labi dahil sa takot nang malaman kong siya nga talaga ito. “Hehe sorry, Mr. Callboy,” pabulong na paghingi ko ng tawad sa kanya.
Mabilis naman siyang napalingon dahil sa aking sinabi. “What did you call me?” medyo gulat na tanong pa niya habang nanlalaki ang mga mata.
Napakagat labi naman ako para di mapangisi dahil sa kyut niyang reaksyon. Baka pagtumawa ako ay lalo akong malintikan sa kanya.
Napailing na lamang ako habang pinipigilan ang sarili na mapatawa.
‘So, ibigsabihin ay kleyente ata nya yung babaeng kausap ko kanina. Hmm, kala ko Callboy lang sya, boyfriend for hire din ata.’
“W-Wala,” tipid na sagot ko sa at ibinaling na muli sa harapan ang aking atensyon.
Dahil magkatabi dito habang nanunuod, pakiramdam ko siya ang kasama ko at hindi si Yuan.
‘Goodness, ano bang iniisip ko. di ba hindi na dapat kami magkikita pa. Pero bakit ngayon ay parang masaya pa akong makasama sya,’
naguguluhang turan ko pa sa aking sarili habang kumakain ng popcorn.
Dahil sa pakikipag usap ko sa kanya kaya halos nakalimutan ko na ang pinapanuod ko kaya nang magsigawan ang mga tao dahil sa magandang scene ay talagang nanghinayang ako.
‘Bwisit na Callboy to, nawala tuloy ang aking attensyon sa pelikula,’
isip-isip ko pa at hindi na siya pinansin pa.
Habang nanunuod ay bigla akong kinulbit ni Yuan at nagpaalam na pupunta lamang sya sa comfort room.
Nang makaalis si Yuan ay biglang nagtayuan ang aking balahibo sa batok at braso dahil sa mainit na hininga sa aking leeg. Hindi ko na kailangan lumingon para malaman na si Cain ang may dahilan noon, lalo na ng marinig ko ang malalim nyang boses na bumulong sa aking tenga.
“Who is he?” tanong pa niya kaya napalingon ako sa kanya.
Bago makasagot ay napasinghap pa ako dahil sa lapit ng aming mga mukha. Di ko naiwasang pamulahan ng mukha dahil sa hiya. Lalayo na sana ako ng hawakan nya ang kamay ko at higitin palapit sa kanya kaya halos mapasubsob ako sa kanyang dibdib.
“Answer my question,” seryosong turan pa niya habang nakatingin sa’kin ng deretso.
“Si sir Yuan, boss ko sa t-trabaho,” nauutal ko namang sagot.
“Boss huh, then you two should be in the office, not in cinema,” nakangising bulong niya sa’kin pero bakas ang inis sa kanyang boses.
Dahil sa narinig ay galit na hinigit ko ang aking kamay sa pagkakahawak niya dito.
“Callboy ka di ba? Dapat nasa hotel kayo. Wala sa sinehan,” inis na bwelta ko naman sabay atras para mapalayo sa kanya.
Napanguso ako dahil parang sinasabi nyang mali ang ginagawa kong pagsama kay sir Yuan. Ano bang pakialam niya eh wala naman kaming relasyon.
Dahil sa inis sa kanya ay pinagbalingan ko na lang ang hawak kong popcorn. Wala pang ilang minuto dahil sa mabilis kong pagkain ay paubos na ang malaking lagayan ng nito.
Kahit malakas ang sound effect ng movie ay rinig ko pa rin ang mahinang pagtawa nitong katabi ko kaya naman nilingon ko sya habang nakakunot ang aking mga kilay.
Ngumisi lang naman siya sa’kin at pinahid pa ang gilid ng labi ko sabay lagay ng daliri niya sa kanyang bibig para lasahan iyon. Dahil sa ginawa nya ay bigla akong nasamid at napaubo nang ilang ulit.
Mabilis naman ang ginawa niyang pag abot ng kanyang inumin sa’kin sabay hagod sa likod ko para mawala ang aking pagkasamid.
“Okay na ba ang pakiramdam mo?” di ko man makita ang emosyon sa mukha niya, ramdam ko naman sa kanyang boses ang pag aalala.
“Oo, l-luko ka kasi,” nakasimangot sa sabi ko pa dito sabay hampas sa braso niya.
Pansin ko naman ang pagsilay ng totoong ngiti sa kanyang labi sabay pisil sa aking pisngi na parang nangi-gigil. Mabuti na lamang dahil abala sa pinanunuod yung babaeng kasama nya kaya wala itong pakialam sa kakulitan namin.
Napanguso pa ako habang hinahaplos ang masakit kong pisngi dahil sa pagkurot niya doon.
“Hey,” aniya kaya napalingon ako sa kanyang gawi.
Hinawakan niya ang kamay ko na nasa pisngi ko pa rin, hinigit nya muli ito para madala ako at mapalapit sa kanya. Dahil sa bilis ng mga pangyayari ay hindi na ako naka-iwas pa at sunod ko na lamang naramdaman ang paglapat ng malambot at mainit nyang labi sa aking pisngi.
Nakangisi pa siyang lumayo ng kaunti sakin at saka bumulong sa aking tenga. “Im sorry, Ginobabes~”
Nang marinig ang sinabi niya at mag-sink in sa aking utak ang kanyang ginawang paghalik sa’kin ay parang may isang dosenang kabayo ang mabilis na naghabulan sa aking dibdib.
Halos di ako makahinga dahil sa malakas na kabog ng aking puso.
Walang nagawa ang lamig ng aircon sa buong sinehan para mawala ang mainit na pakiramdam ko sa aking mukha.
‘Ang galing talagang mang-akit ng mga Callboy,’
napapailing na turan ko pa sa aking isipan saka sya itinulak palayo.
“Tss, tigilan mo nga ako Mr. Callboy,” turan ko pa dito na parang di naapektuhan dahil sa ginawa niya.
“Sure, Ginobabes,” mapang asar na sagot naman niya at sumandal na muli sa kanyang upuan.
Napahinga naman ako ng malalim at saka hinaplos ang tapat ng aking puso. Mabilis pa rin ito at di mapakali dahil sa ginawa niya. Sa edad na 25 ay wala pa ako kahit isang nagiging kasintahan kaya bago sakin ang lahat ng mga bagay na ito. Bale, first kiss ko sa pisngi yung ninakaw niya.
Wala sa sarili tuloy akong napahawak sa parteng hinalikan niya, parang sasabog sa init ang mukha ko dahil sa hiya.
Maya-maya pa ay bumalik na si Yuan, nakangiti pa itong nag abot ng mineral water sakin.
“Salamat,” tanging aniko sa kanya.
Tumango lang naman siya sa sa’kin at nagpatuloy na kami sa panunuod.
Kahit sa harap na ako nakatingin ay hindi ko pa rin mailagay ang atensyon ko doon. Ang utak ko ay naglalakbay at ang puso ko ay naguguluhan dahil sa kanyang presensya.
Napabuntong hininga na lamang ako habang pinipilit pakalmahin ang aking sarili. Unti-unti ko na ring nararamdaman pagtagal ang lamig dito sa loob ng sinehan.
Dahil sa lamig ay di ko mapigilang manginig kaya napahawak na lamang ako ng mahigpit sa arm rest ng upuan.
Makalipas ang ilang minuto ay nanlaki ang aking mata nang maramdaman ko ang isang mainit na kamay na nakapatong sa aking kamay.
‘Sure ako di ito multo, mainit ang kamay nya eh,’
sabi ko pa saking sarili para di ako matakot.
Dahan-dahan ang ginawa kong pagsilay sa arm rest, tama nga ako ng mapansin ang malaking kamay na nakapatong at maya-maya pa ay mahigpit ng nakahawak na sa nanginginig kong kamay.
Pilit kong tinatanggal ang kamay ko sa pagkakahawak nya pero ayaw talaga nya itong bitawan. Tumingala na ako para tingnan ang ekspresyon ng mukha nito pero biglang napataas ang kilay ko ng makitang abala lamang siya sa panunuod.
Hinigit ko ulit ang kamay ko pero di man lang siya natinag sa ginawa ko.
“Kyaaah,” mabilis akong napatakip sa aking bibig gamit ang isa ko pang kamay dahil sa bigla kong pag-sigaw.
Hindi ko kasi inaasahan na gaganti siya, bigla rin niyang hinigit ang kamay ko kaya nagulat ako.
“Okay ka lang ba, Gino?” alala pang tanong ni Yuan kaya pinagpawisan ako sa kaba.
“A-Ah, oo Yuan, okay lang ako,” kinakabahang sagot ko pa sa kanya.
Napasandal na lamang ako sa aking upuan dahil sa stress sa lalaking katabi ko. Dahil tinanggap ko na ang aking pagkatalo ay di ko na sinubukang kunin pa ang kamay ko na ngayon ay nakapatong na sa kanyang hita.
Inabala ko na lamang din ang aking sarili sa panunuod. Dahil sa mainit niyang palad ay nawala na ang ginaw na nararamdaman ko.
Napangiti na lang ako habang iniisip na baka hinawakan niya ang aking kamay dahil alam niyang nilalamig ako.
Makalipas ang ilang oras ay natapos na ang movie, napaluha pa ako dahil sa huling part nito. Mabuti na lamang dahil kahit marami akong na-miss na scene ay naintindihan ko pa rin ang buong pelikula.
Napahiya pa nga ako ng bigyan ako ni Yuan ng tissue, mabuti na lamang dahil hindi niya pansin ang kamay ko na hawak ni Cain.
Pagkatapos ng pelikula at nagsimula ng magroll ang credit ay nagliwanag na ang sinehan. “Hayss ang ganda talaga ng movie,” bulong ko pa sa sarili ko at tumayo na rin para sumunod kay Yuan.
Dahil siguro sa tagal ng oras na magkahawak ang aming kamay ay di ko na naalala pa iyon kaya pagtayo ko ay sabay rin namang tayo ni Cain.
Nagkaroon lang ng problema dahil magkataliwas ang daan na pupuntahan namin.
Nagulat ako ng bigla akong mahigit ng maglakad siya, sabay kaming napatingin sa pagkahawak pa rin naming mga kamay.
Mabilis na namula sa hiya ang mukha ko at binitawan ang pagkakasalikop ng aming mga daliri.
Hindi ko na sya nilingon at nagtatakbo na lang para mahabol si Yuan.
‘Nakakahiya ka Gino, nakikipag holding hands ka pa sa lalaking di mo naman kasintahan,’
pagsesermon ko pa sa aking sarili habang nakasunod kay Yuan.
“Nilalagnat ka ba Gino? Ang pula kasi ng mukha mo.”
“Ha? Ah hindi, wala ito,” nauutal na sagot ko pa dito habang naglalakad kami palabas sa sinehan.
‘Masama talaga para sa kalusugan ko ang Callboy na yun, siya ata ang ikamamatay ko pag nagpatuloy pa ito.’
Akala ko pa naman ay normal na panunuod lang ng sine ang mangyayari, di ko naman inaasahan na may magaganap na ganun. Nahihiya pa rin ako sa sarili ko dahil sa nangyari kanina.
Dahil lutang ang aking isipan ay napansin ko na lamang ng nasa parking lot na kami.
“Get in,” ani Yuan pero tumanggi ako.
“Salamat sa movie Yuan, pero magta-taxi na lamang ako. Sobra na ang abalang nagawa ko sayo ” magalang na pagtanggi ko pa sa kanya.
“Wala yun, sige na. Hindi kita pwedeng iwan dito,” nakangiti pang sagot niya.
“Hindi okay lang talaga, kaya ko na ang sarili ko,” pagkukumbinsi ko pa sa kanya.
“Pero gabi na at delikado, wala kang kasama pauw—”
“Ako na maghahatid sa kanya.”
Napalingon ako dahil sa boses na bigla na lamang sumingit sa aming usapan.
“Sino ka naman?” nagtatakang tanong ni Yuan kay Cain habang tinitingnan ito mula ulo hanggang paa.
“I’m his cal—”
Biglang nanlaki ang aking mga mata dahil sa sunod niyang sasabihin kaya mabilis kong inabot at tinakpan ang bibig nito kaya di na makapagsalita pa.
“K-Kaibigan ko siya Yuan, kami na lang ang sabay pauwi,” pagpapalusot ko pa sa kanya.
“Sigurado ka ba?” naghihinalang tanong pa niya sa’kin kaya tumango ako ng sunod-sunod para makumbinsi siya.
Napabuntong hininga naman siya at napatango na lang din. Sasakay na sana si Yuan sa kanyang kotse ng bigla ulit itong lumingon sa dereksyon namin ni Cain.
Napuno naman ng pagtataka ang aking mukha dahil sa biglang pagkunot ng kilay niya habang nakatingin sa katawan ko.
Dahil sa na-curious din ako ay sinundan ko ang tingin niya, napangiti ako ng pilit at mabilis na tinanggal ang kamay ni Cain na nakahawak sa aking bewang.
‘Luko talaga ang Callboy na to, ipapahiya pa ako.’
“S-Sige Yuan, salamat ulit,” nauutal na pagpapaalam ko pa sa kanya nang sumakay na siya sa kanyang kotse.
Nang mawala na sa paningin namin ang sinasakyang kotse ni Yuan ay binigyan ko ng masamang tingin ang Gagong callboy na katabi ko pa rin hanggang ngayon.
“Ano pang hinihintay mo dito, na-asar mo na ako kaya umalis ka na,” pagtataboy ko pa sa kanya habang naglalakad ako palayo.
Hindi naman siya umimik kaya akala ko ay naiwan ko na siya. Paglingon ko dahil sa yabag ng paa na naririnig ko ay na nanatili pala siyang nakasunod sa’kin.
“Galit ka pa rin ba?” tanong pa niya kaya naguluhan ako.
“Galit saan?”
Ngumisi muna siya bago magsalita kaya alam kong puro pang-aasar na naman ang lalabas sa bibig ng gwapong callboy / boyfriend for hire na ito.
“Hindi ka na ba galit dahil sa paghalik ko sayo kanina?” tanong pa nito habang nakangiti sa’kin ng nakakaluko.
‘Bwisit, ipinaalala pa talaga nya,’
isip-isip ko pa atsaka napa-iwas ng tingin sa kanya.
Bigla tuloy nag-init muli ang mukha ko nang maalala ang labi nya sa aking pisngi kanina.
Hindi ko tuloy mapigilang mapanguso dahil sa tindi ng epekto niya sa’kin. Akala ko tapos na ang pang-aasar nya yun pala’y nagsisimula pa lamang…
“Why are you pouting? Dapat ba sa labi kita hinalikan kanina?”
MB 20
GINO’S POV
[“Why are you pouting? Dapat ba sa labi kita hinalikan kanina?” ]
“A-Anong sabi mo!? Mahiya ka naman,” inis na sigaw ko pa sabay takbo palapit sa kanya.
Nakita ko pa nang mangibabaw sa labi ni Cain ang ngiti na umaabot sa kanyang mga mata. Sa unang pagkakataon ay nakita ko ang pagkakaroon ng emosyon sa kanyang mukha.
Tumatawa siyang tumakbo palayo sa’kin, Napangiti rin at masaya akong hinabol siya.
Mula sa kalsadang halos walang dumadaan dahil malalim na ang gabi ay naganap ang masayang tagpo sa aking buhay.
Minsan madarama o mararanasan natin ang itinuturing nating masayang pangyayari kahit sa pinaka-di natin inaasahang pagkakataon. At masasabi kong isa ang oras na ito sa mga pagkakataong iyon dahil naipapakita ko sa kanya kung sino ba talaga ako.
Pag siya ang kasama ko hindi ako nahihiyang maging madaldal o maingay, hindi ko kailangang kontrolin ang sarili ko para lang hindi husgahan ng ibang tao. Alam ko sa aking sarili na iba siya sa lahat.
Sa kanya ko nararanasan na maging malaya at maligaya.
Pagkatapos ng masaya at magulo naming habulan, sa wakas ay naabutan ko na rin siya. “A-Akala mo di kita maabutan ha,” hinihingal na saad ko habang hinampas ang braso niya.
Tumatawa lang naman siya habang tinatanggap lahat ng aking mga hampas sa kanya, maya-maya pa ay nagulat ako ng hawakan niya ang dalawa kong kamay para pigilan ang ginagawa ko.
Napatingala ako sa kanya nang may takot na ekspresyon ng makita ko ang ngisi na nakapinta sa kanyang labi. Napapikit na lamang ako para paghandaan ang gagawin nyang pagganti sa akin.
Lumipas ang ilang minuto pero wala siyang ginawa, imumulat ko na sana ang aking mga mata para tingnan ang ginagawa niya, nagulat na lang ako ng maramdaman ko ang mainit niyang katawan na nakayakap na sa akin.
Ang malamig na gabi ay naibsan dahil sa kanyang ginawa. Para akong na hipnotisyo at wala nang nagawa kun’di ang magpadala sa init at sarap ng nararamdaman ko ngayon.
Hindi ko namalayan na nasuklian ko na rin ang ginawa nyang pagyakap at napasiksik pa ako sa matigas at matipuno nyang dibdib. Sa oras na iyon ay nalasap ko muli ang pakiramdam ng pagiging ligtas dahil sa kanya.
Hindi ko na alam kung ilang minuto ang lumipas habang nasa gano’n kaming posisyon, nilasap ko na lamang ang bawat paghigpit ng kanyang yakap at ang mga halik niya sa aking buhok habang nalulunod kami sa presensya ng bawat isa.
Hindi pa siguro kami maghihiwalay kun’di tumahol ang isang aso sa di kalayuan. Para kaming dalawang magnet na magkaparehas ng dereksyon at mabilis na naghiwalay sa isa’t isa. Hindi ako makatingin sa kanya dahil sa hiyang aking nararamdaman.
Nanatili akong nakayuko habang nasilayan ko naman ang pares ng paa niyang palapit sa akin.
“Its okay, I dont tell anyone that you’re a hugging monster,” hindi ko man nakikita ang kanyang mukha ay alam ko mula sa boses pa lang niya ang kanyang pagngisi.
‘Napakayabang talaga ng Callboy na ito, siya nga ang unang yumakap eh.’
Kunot-noo ko siyang tiningnan dahil sa kanyang sinabi. Hinarap lang naman niya ako nang tinatawag nilang “Makalaglag panty na ngisi.”
‘S-Sorry di na-epekto sa’kin yan,’
pagkumbinsi ko pa sa aking sarili kahit nakakapanghina ng tuhod ang mga ngiti at ngisi niya.
“Ang yabang mo talaga!” inis na turan ko pa. Lalo lang naman siyang natuwa sa reaksyon ko at ginulo pa ang aking buhok.
Habang nasa gano’n ring posisyon ay biglang nag-ring ang kanyang cellphone. Hinugot niya iyon sa kanyang bulsa at seryosong tiningnan iyon bago lumayo sa’kin at sagutin iyon.
Mula sa kinalalagyan ko ay hindi ko naririnig ang pinag uusapan nila, pero base sa seryoso niyang aura at walang emosyon na mukha ay masasabi kong hindi niya gusto ang pinag uusapan nila ng kausap niya ngayon.
“Yeah, I’ll be there in a minute.”
Sabi pa ni Cain sabay baba sa tawag. Bumalik siya sa aking tabi na parang walang nangyari. Nanumbalik rin ang mapang asar na ngisi sa kanyang labi.
“Trabaho?” tanong ko pa.
“Yeah,” tipid naman nitong sagot sa’kin.
‘Mukhang may bago ata siyang kleyente ah.’
Nakahawak na lang ako aking dibdib dahil sa biglang pagsakit nito.
‘Ano bang pakiramdam to? Baka heart burn?’
“Hm, mukhang importante yung pupuntahan mo, bakit di mo na puntahan? Kaya ko namang umuwi mag isa,” ani ko habang magkatabi kaming naglalakad papunta sa sakayan ng jeep.
“Nope, you’re more important.”
Napayuko ako dahil sa kanyang naging sagot, ayaw ko man pero napapangiti ako nang wala sa oras.
‘Wag kang kiligin Gino, callboy yan, normal lang sa kanila ang magsalita ng ganyan,’
pagsasaway ko pa sa aking sarili habang tinatakpan ang aking bibig.
Maya-maya pa ay nakarating kami sa paradahan ng jeep, mabuti na lamang at may bakante pa kaya nakasakay kami agad.
Kahit medyo madilim dahil maliit ang ilaw sa loob ng aming sinsakyan ay pansin ko pa rin ang kakaibang tingin na ibinibigay ng mga babaeng call center kay Cain.
‘Mukhang kilig na kilig sa kagwapuhan ni Cain ang mga babaeng ito ah, para ko tuloy gustong takpan ng makapal na tela ang kabuohan niya para di na siya pagpantasyan ng iba,’
napailing na lamang ako dahil sa aking mga iniisip.
Para akong selosang girlfriend kung mag isip, unang una sa lahat ay hindi ko naman boyfriend itong si Cain dahil Callboy siya ng bayan.
Nagiging possessive ako ng wala sa oras dahil sa kanya. Napabuntong hininga na lamang ako dahil sa mga nakakalokong bagay na tumatakbo sa aking isipan.
Minabuti ko na lamang na kunin ang coin purse ko para magbayad ng aming pamasahe. Habang nagkakalkal ako sa aking bag ay naramdaman ko na mas lalong dumilim.
Yun pala ay tinakpan niya ng panyo ang aking buong mukha. Inis ko iyon at masama siyang tiningnan sabay bulong ng… “Gano’n ba kahiya-hiya ang mukha ko para takpan mo?”
Hindi naman agad siya sumagot at naniningkit pa ang mga mata na tumingin sa mga lalaking nakaupo sa tapat ko.
“I don’t like the way they stare on you,” bulong niya pabalik sabay lagay ng kanyang kamay sa aking bewang at higit sa’kin palapit sa kanya.
Di ko napigilang pamulahan ng pisngi dahil sa kanyang sinabi at ginawa. Habang nagpapatuloy ang byahe ay napangiti na lamang ako sa aking na-isip.
‘Akala ko’y ako lang ang nakakaramdam ng ganun, siya din pala.’
MAKALIPAS
ang ilang minuto ay nakarating na rin kami sa may kanto papunta sa aking apartment. Inihatid pa niya ako hanggang sa pinto ng aking bahay saka nagpaalam.
“Salamat at ingat ka,” sigaw ko pa sa kanya habang naglalakad siya palayo sa’kin..
Napangiti na lamang ako ng itaas niya ang isang kamay at kumaway nang kaunti.
“Good night, Cain,” bulong ko sa aking sarili bago pumasok sa loob ng bahay.
3RD PERSON’S POV
Ilang araw na ang nakalipas ng muling bumalik si Mr. Sinclair sa pent house upang alamin ang problema sa kanyang ilegal na negosyo.
Natatandaan pa ni Hellix ang galit na aura na nagmumula dito ng marinig nito ang balita at nang dumating ito sa kanilang pent house para alamin kung anong nangyari.
“What’s the matter?” kunot noo na tanong pa ni Mr. Sinclair ng makarating ito sa pent house kung nasaan ang mga kasamahan at tauhan.
“Sir, it seems that there’s someone blew up our containers while it was being delivered to our second client.”
“Make a replacement immediately and find that fucking culprit,” seryosong utos nito kay Zero.
Napatango lang naman dito ang intel nila habang ginagawan ng paraan para mahanap ang tao o grupong may dahilan ng pagsabotahe sa kanilang transaksyon.
Nakatayo lamang naman si Hellix sa may door frame habang nakikinig sa usapan ng mga ito. Sa paghanap sa kalaban ay walang siyang alam pero ang pag patay nito ang trabaho niya kaya wala syang naiitulong sa mga ganitong panahon kung saan ay inaalam pa lamang kung sino ang naglakas loob na kumalaban sa kanila.
Pansin niya na bukod sa galit ang boss nila sa nangyari ay parang may iba pang bagay itong ikina-iinis. Habang nagpapatuloy ang usapan ng mga ito ay napatingin siya ng biglang tumunog ang cellphone ng kanilang boss.
Lumayo naman ito kay Zero at saka kinuha ang cellphone sa bulsa. Halos lumuwa ang mga mata niya sa gulat nang makita na mula sa nakakunot na noo nito ay bigla na lamang itong napangiti habang nakatingin sa cellphone na hawak nito.
Dahil sa pagkagulat sa nakita ay kinusot pa niya ng ilang ulit ang mata dahil baka guni-guni niya lamang iyon.
‘Woah, kelan pa natutong ngumiti ang poker face na si Boss?’
hindi makapaniwalang tanong niya sa kanyang isipan habang nakatingin dito.
Dahil napansin siguro nito ang pagtingin niya kaya lumabas muna ito ng control room kung nasaan sila.
Napabuntong hininga na lamang siya dahil sa nasaksihan at saka lumapit kay Zero.
“Hmm?” napatingin naman siya dito dahil sa paghimig nito na parang nagtatanong.
“Sayang di mo nakita yung nasaksihan ko, Hon,” nanghihinayang na turan pa niya dito habang nakatingin sa mga screen ng computer na nakapalibot sa kanila.
“What do you mean?” tanong muli nito habang patuloy ang mabilis na pag galaw ng mga daliri sa keyboard.
“NGUMITI SI BOSS!!!” sabik na pagbabalita pa niya dito.
“And you’re sulking because I did’nt witness that?” inip na tugon nito sa kanya kaya napatango na lamang siya at saka nagpapaikot-ikot habang sakay ng swivel chair.
“Tss, you’re really an idiot, are you, Hellix?” napapailing namang sagot nito sa kanya kaya napatigil siya sa pag-ikot.
“Bakit na naman?”
“This room is full of hidden cameras, we can just watch it over and over again if you really want,” nakangisi pang turan nito sabay lingon sa kanya kaya napa-apir siya dito.
“Astig mo talaga Hon, sige na panuodin natin!” excited na sabi pa niya.
Napailing na lamang ito dahil sa kakulitan niya at hinanap ang footage ilang minuto lamang ang nakakaraan.
Sumilay ang nakakalokong ngisi sa kanilang labi ng makita ang video mula ng pagdating ni Mr. Sinclair sa control room. Halos dumikit na sa screen ng computer ang mukha nila dahil ayaw nila makaligtaan ang sandaling reaksyon na iyon mula sa kanilang boss.
“Ayan na, malapit na!” hindi makapaghintay na sabi pa niya habang pinapanood ang pangyayari.
Nang dumating na ang video kung saan ay tumunog na ang cellphone nito ay biglang nag-blur ang video.
“Zero, anong nangyari?” nakangusong tanong pa niya dito.
‘Malapit na eh, sayang naman’
isip-isip pa nya habang si Zero naman ay abala para humanap ng ibang video na hindi sira.
Makalipas ilang minuto, napanuod na nila lahat ng angulo na meron ang bawat camera dito sa kwarto, lahat ng video ay nasisira kapag malapit na ang eksaktong pagkakataon na hinihintay nila.
“I dont understand,” naguguluhang bulong ni Zero sa kanyang sarili dahil sa nangyayari.
“Okay lang yan, mukhang mala-out of this world pala ang powers ni boss, nakakatakot,” sagot naman ni Hellix habang hinahagod ang braso nitong puno ng goosebumps.
“No, I will find a way to---”
“What the hell you two are doing?”
Halos mahulog sila ni Zero sa kinauupuan ng marinig mula sa kanilang likodan ang malalim at nakakatakot na boses ni Mr. Sinclair.
“Hehe wala naman boss,” napapakamot pa sa ulo na sagot ni Hellix dito.
“Zero, focus on your task, and hellix dont bother him,” utos muli nito kaya tumayo siya ng maayos at sumaludo pa.
“Sige Hon, maya na lang ulit tayo maglambingan,” mapang asar na pagpapaalam pa niya kay Zero habang nakasunod kay Mr. Sinclair palabas ng kwarto.
“Fuck you, Hellix,” inis na sagot lang naman nito sa kanya.
Napapatawa pa sya habang naglalakad ng biglang tumigil sa paglalakad ang kanyang boss kaya napatigil din siya sa paglalakad.
Bigla syang kinabahan.
Lumingo ito at seryosong tumingin sa kanya bago nagsalita. “What are you two doing before I came?”
Pinanlamigan naman sya habang naghahanap ng pwedeng idahilan.
‘Patay kang bata ka talaga, Hellix!!’
MB 21
3RD PERSON’S POV
PAGPASOK
ni Gino kinabukasan ay nakasabay muli niya sa elevator si Yuan kaya nagpasalamat siya dito.
“Sir, salamat po talaga sa movie kagabi.”
“Wala yun, ang mahalaga ay nag enjoy ka,” nakangiti pa nitong sagot sa kanya.
Puno ang mga elevator kaya tinulungan muli siya nito na makasakay sa private elevator ng mga supervisor at manager ng kumpanya.
“Sobra po akong nag enjoy.”
“Masaya akong malaman yan, lalo na at mahalaga ka sa’kin.”
“Ano po yun?” naguguluhan pa nyang tanong dahil hindi nya narinig ang huling sinabi nito.
“Wala naman,” malambing na sagot pa nito kaya isinawalang bahala na lamang niya iyon.
Wala namang gaanong naging pangyayari sa araw na iyon kaya natapos ang buong maghapon niya na kay bilis.
▼△▼△▼△▼△
LUMIPAS
ang ilang araw mula ng magkasama sina Gino at Cain sa panunuod ng movie.
Nang gabi ding iyon, sa unang pagkakataon ay nilakasan niya ang kanyang loob at nagsend ng message kay Cain na nagsasabi na ingat ito sa pag-uwi.
Mula noon ay nakakatanggap na siya ng ilang message at tawag galing dito. Gusto man niyang pigilan ang sarili na hindi isipan ang gwapong callboy ay para itong kabute na lagi na lamang sumusulpot sa kanyang isipan.
“Bhes Gino,” napatingin siya dahil sa pagtawag ng kanyang kaibigang si Mars.
“Ano yun, Mars?”
“Kinakabahan kasi ako bhes,” sagot pa nito na bakas ang kaba sa mukha nito.
“Bakit naman?” nagtatakang tanong pa niya.
“Nakalimutan mo na ba, dalawang araw na lamang ay babalik na sina Elvin at Eldran dito. Naku, baka gantihan ka nila. Kailangan na ba nating kumuha ng bodyguard?” nagmamadali at natatarantang pahayag pa nito kaya napatawa siya.
“Mars, relax ka lang ha. Okay lang ako, at saka di ba sabi naman ni sir ay wag na tayong mag alala pa,” aniya pa dito para di na ito mag-alala pa.
“Hays, sana nga bhes, basta ingat ka lagi ha.”
“Oo naman Mars, salamat sa pag-aalala mo para sa’kin,” nakangiti pa nyang turan kaya pinisil na lamang nito ang pisngi niya.
Dahil tapos na ang 30 mins break nila ay bumalik na sila sa kanilang cubicle para ipagpatuloy ang pagtatrabaho.
Habang abala si Gino sa kanyang mga ginagawa ay bigla na lamang nag vibrate ang cellphone nya na nakapatong sa kanyang tabi.
Mabilis niya itong dinampot at tiningnan kung sino ang nag txt sa kanya.
CAIN
:
Do you want to go somewhere after work?
Naipatong na lamang niya ang kanyang ulo sa table habang pinag iisipan ang pwedeng isagot dito.
Napakagat labi pa siya habang nagta-type ng kanyang sagot dito. Ang kanyang reaksyon ay parang isang highschool girl na biglang napansin ng kanyang crush.
‘Goodness, nakakahiya ako,’
isip-isip pa nya habang ibinabalik sa pagkakapatong ang cellphone sa dati nitong lugar.
Hindi nya alam na nakatingin pala sa kanya si Mars kaya nagulat siya ng magsalita ito.
“Sino yung nagtxt sayo?” tanong pa nito habang nakataas ang isang kilay.
“W-Wala Mars, Globe lang yun ?” pagpapalusot pa nyang sagot dito.
“Wag mo nga akong lukohin bhes, hindi ka magba-blush at ngingiti ng ganyan kung Globe yan, ikaw ha. Baka may jowa ka na di mo manlang sinasabi sa’kin,” nagtatampo nitong turan kay lalo siyang nataranta.
“M-Mars naman, wala akong jowa,” nauutal na sagot pa niya dito napapayuko.
“Okay, sabi mo eh, pero pag meron na. Chika mo sa’kin”, nakangiti pa nitong sabi sa kanya kaya napatango na lang siya.
Hindi pa nya nababanggit sa kaibigan na mas nagiging malapit na sila ni Cain. Ayaw niya na asarin na naman sya nito at ni Jewel kaya hindi muna nya sinasabi sa mga ito.
Mabilis na lumipas ang oras dahil ganado sya sa pagtatrabaho.
‘Excited kasi na makita agad si Mr. Callboy,’
echoserang bulong pa ng kanyang utak kaya napailing siya.
‘H-Hindi ah, tumigil ka nga,’
parang baliw na pag sasaway pa niya dito.
Napabuntong hininga na lamang siya dahil sa mga nangyayari.
Pero ang bilis ng tibok ng kanyang puso at ang pagpapawis ng kanyang mga kamay ay nagsasabi na kahit sya ay kinakabahan. hindi nya maitatangi sa kanyang sarili na naghahalo ang kaba at pagkasabik na muling makita at makasama ang lalakung laging gumugulo sa kanyang isipan.
‘Hindi naman yun date, nagyaya lamang sya sa kung saan,’
sabi pa niya sa kanyang sarili at saka nag ayos na ng kanyang mga gamit para makapag-out na.
“Gurl, anong balak mong ibigay ka sir?”
“Hm, chocolate kaya o couple shirt? Ayieee!!”
“Haha gaga, birthday yun ni sir, hindi nyo anniversary.”
Napalingon naman sya dahil sa mga pinag-uusapan ng iba nilang katrabaho.
Dahil sa narinig ay biglang nanlaki ang mga mata nya.
‘Dalawang araw na lamang pala at birthday na ni Sir, ano kayang pwede kong ibigay? Ang dami nang nagawa at naibigay sa akin ni Sir dapat may regalo manlang ako para sa kanya,’
sabi pa niya sa kanyang isipan.
“Ano bhes, natulala ka na dyan, tayo na,” pagpuna pa sa kanya ni Mars.
“Ah nag iisip lang ako ng ibibigay kay Sir, malapit na ang birthday nya,” sagot pa nya dito.
“Oo nga pala, may pupuntahan ka ba ngayon? Sabay na kaya tayo bumili,” biglang tanong pa nito kaya kinabahan siya.
‘Paano yan, naka-Oo na ako kay Cain.’
Napuno ng pag aalangan ang kanyang mukha dahil sa pag iisip. Sasama pa ba sya kay Cain o kay Mars.
Dahil sa lalim ng kanyang iniisip at habang nagtatalo ang kanyang utak at puso sa dapat piliin ay nagpipigil namang matawa ni Mars dahil sa kyut nyang ekspresyon.
Maya-maya pa ay hindi na nito napigilan na mapatawa ng malakas kaya nagulat pa sya dito.
“Cute mo talaga!” sabi pa nito sabay pisil sa pisngi niya.
“Okay ka lang ba Mars, bakit bigla kang natawa dyan?” nagtataka pa niyang tanong dito.
Imbis na sumagot ay napailing na lamang ito sa kanya.
“Ayos lang kung di ka free ngayon, mukhang may date kayo ni Globe eh,” natatawa pang sagot nito sa kanya sabay kaway.
“Ha?” lalong napuno sya nang pagtataka dahil sa sinabi nito.
Napanguso na lamang sya ng mapansin na nasa labas na pala sila ng building at umalis na si Mars kasama ang boyfriend nito.
Habang nakatingin pa rin sya sa dereksyon kung saan nagpunta ang kanyang kaibigan ay muntikan na syang mapasigaw sa gulat dahil sa taong bigla na lamang bumubulong sa kanyang tenga.
“You’re pouting again, Ginobabes~”
“Cain! Nakakagulat ka naman,” nahampas pa nya ito sa braso dahil sa inis.
“Tayo na,” tipit na sabi nito sa kanya kaya napatango sya at sumunod na dito.
Dahil ber-months na, maaga pa lamang ay lumulubog na ang araw. 6:30 pm pa lang ay parang hating gabi na dahil sa dilim.
Madilim man ay hindi sya nakakaramdam ng takot.
Naglalakad si Gino habang nakasunod kay Cain, wala syang ideya kung saan sila pupunta pero kahit ganun ay panatag pa rin ang kalooban nya.
Maya-maya pa ay lumingon sa kanya ito at tumigil, hinawakan ang kanyang kamay at pinauna siya sa paglalakad.
Naguguluhan man ay hindi siya nagreklamo.
“Saan tayo pupunta?” hindi na siya nakapagpigil na tanungin ito.
“Anywhere, as long as you’re with me,” tipid na sagot nito sa kanya.
Dahil sa hiya ay napatakip na lamang sya ng dalawang kamay sa mukha. Mabuti na lamang at nauuna syang maglakad, dahil nakakahiya kung makikita nito ang namumula at parang hinog na kamatis niyang mga pisngi.
“E-Ewan ko sayo, sabihin mo na kasi,” nauutal at pa-inis na sabi pa nya dito.
“Ikaw, wala ka bang pupuntahan?”
Napaisip naman sya sa tanong nito.
‘Hmm, Ah!! kelangan ko nga palang bumuli ng regalo para kay sir Yuan.’
“Ah meron akong pupuntahan,” nakangiti pa nyang sagot dito at hinila na ito para mapabilis ang paglalakad nila papunta sa pinakamalapit na mall.
Makalipas ang ilang minuto na paglalakad ay nakarating na din sila sa isang shop ng damit na pang lalaki.
Wala kasing ibang maisip na iregalo si Gino kundi damit. Mabuti at sumama si Cain dahil gagawin nya itong model at dito nya ipapasukat ang mga napili nyang damit.
“Hmm, ano kayang maganda dito,” bulong pa nya sa kanyang sarili habang namimili sa mga nakadisplay na T-shirt at polo.
“Sir, ano pong hanap nyo, formal attaire, simple shirt o trendy pants?”
Napalingon sya nang marinig ang nakakairitang boses ng sales clerk na sunod ng sunod kay Cain.
Naningkit ang kanyang mga mata habang nakatingin sa babaeng ito na kung tingnan ang kasama niya ay parang hinuhubadan na.
‘Tss, bakit kasi nasobrahan sa karisma at kagwapuhan ang callboy na to, well asset nya yun,’
isip-isip pa nya at hindi na lamang pinansin ang mga ito.
Kung manamit si Cain ay simple lamang, ang mga damit nya ay hindi branded at mukhang di kamahalan pero ang gamit nyang pabango ay di biro ang presyo, ganun din ang cellphone nito.
‘Hmm, malaki kaya ang kita sa pagca-callboy o baka naman bigay lang iyon ng mga kleyente niyang mayayaman, hmm, ewan ko.’
Sa pagtitingin nya ay may isang tshirt na nakakuha ng kanyang attensyon. Itim ang kulay nito at may print sa unahan na ‘NOT FOR HIRE’.
Nakyutan sya sa damit kaya kinuha nya ito. Ipapasukat na sana nya ito kay Cain kaso mukhang ayaw tigilan ng sales clerk ito kaya wala na syang nagawa kundi tawagin ito.
“Cain loves~ halika!” malambing na pagtawag pa nya dito kaya naman parang mababali ang leeg nito sa bilis ng paglingon sa kanya.
“Yes, Ginobabes~” nakangisi namang sagot nito at mabilis na lumapit sa kanya.
Para namang himpas ng katotohanan ang tindera dahil sa nangyari. Para itong zombie na dahan-dahang naglakad palayo.
Gusto pa sana nyang matawa dahil sa hindi makapaniwalang ekspresyon sa mukha nito pero mas pinili na lamang nyang hilahin si Cain papunta sa fitting room sabay abot ng damit bago itulak ito paloob.
“Isukat mo na,” sabi pa nya mula sa labas ng fitting room.
Maya-maya pa ay lumabas na ito na suot ang damit para ipakita sa kanya.
Paglabas nito ay prenteng tumayo ito sa harap nya sabay suklay ang buhok palikod gamit ang mga daliri nito.
‘Okay, may nanalo na.’
Daig pa ang isang model dahil sa aura na meron ito kahit isang simpleng tshirt lang naman ang suot nito.
Tumigil ang ibang mga babaeng namimili at bumakas ang paghanga sa mga mukha nila, ang mga lalaki namang customers ay naipailing na lamang sa inggit.
Ang matingnan nya ng maayos ang itsura nito ay bigla syang napatakip ng bibig.
‘Bagay na bagay sa kanya, mukhang sya ang mabibilhan ko imbis na si Sir.’
isip-isip pa nya habang napapailing.
Ngayon lang kasi ni Gino na pagtanto ang ibigsabihin ng print sa suot na damit nito.
“Hindi bagay sa’kin?”
Napatingin naman siya dahil sa sinabi nito.
“Bagay nga kaya bibilhin na natin yan,” sagot pa nya dito sabay tulak muli nito pabalik sa loob ng fitting room para di na ito pagpyestahan ng ibang customers dito.
“Sir, 475 pesos po,” sabi ng cashier kaya nagbigay sya ng 500.
“Thank you sir,” nakangiti pang sabi muli nito sa kanila sabay abot ng paperbag.
Nagpasalamat din sya dito saka sila lumabas ng shop na iyon.
“Kanino mo yan ibibigay?” tanong pa nito sa kanya.
“Sayo,” tipid na sagot nya sabay abot ng paperbag dito.
“Seriously?”
“Oo nga, dapat si Sir Yuan ang bibilhan ko pero imbis na sya ang nabilhan ko ay ikaw.”
“Really?” gulat na sagot nito sa kanya na bakas ang saya sa mga mata nito.
Napangiti na lamang sya at napatango bilang sagot dito.
“You’re so kind, Ginobabes,” biglang sabi pa nito sabay yakap sa kanya.
Dahil sa gulat ay nahampas pa nya ang balikat nito.
“Tumigil ka nga, wag kang PDA,” pagsasaway pa nya dito, mabuti na lamang at nasa labas na sila ng mall kaya wala ng masyadong tao.
Sa di kalayuan ay nakasunod pa rin ang taong kanina pang nagmamatyag sa kanila
.
MB 22
3RD PERSON’S POV
[Sa di kalayuan ay nakasunod pa rin ang taong kanina pang nagmamatyag sa kanila.]
Habang naglalakad sa tabing kalsada, sa malamig na gabi ay napayakap na lamang si Gino sa kanyang sarili.
Napansin naman iyon ni Cain kaya hinubad nito ang suot na brown na jacket. “Wear this,” saad pa nito sabay abot sa kanya ng jacket.
“Sigurado ka ba? Baka ikaw naman ang lamigin,” pagkukumperma pa niya dito.
“I’m fine,” tugon nito kaya nakangiti niyang tinanggap at sinuot ang jacket na inabot nito sa kanya.
Habang isinusuot niya ang jacket ay bigla niyang naalala na mula nang una silang magkakilala ni Cain noon sa baywalk at nang makasama niya ito sa hotel ay lagi na nitong suot ang brown na jacket na ito. Hindi man ito ganun ka-bago ay kumportable naman.
‘Baka naman paborito nya ito,’
aniya pa sa kanyang isipan.
Kruu~ Kruuu~
Napayuko naman siya sa hiya dahil sa pagkalam ng kanyang tiyan sa gutom.
“Gusto mo, kain tayo doon?” napatingin naman siya kay Cain dahil sa sinabi nito at sinundan ang kamay kung saan ito nakaturo.
‘Kaya pala may na-aamoy akong usok kanina pa
.’
Sa di kalayuan pala ay may nagtitinda ng street foods.
Tumango naman si Gino bilang pagsang ayon kay Cain at nagtungo na sila papunta doon.
“Cain anong gusto mo?” tanong pa niya dito habang namimili sila ng BBQ.
May atay, betamax, isaw at hotdog.
Wala naman itong imik at itinuro lamang ang mga gusto niya. Nakangiti naman si Gino na kinuha iyon gano’n din ang sa kanya.
“Manong eto po,” ani Gino sabay abot sa magtitinda ng bbq ang napili niya para ipaluto.
‘Na-miss ko ding kumain ng ganito.’
Habang naghihintay maluto ang bbq nila, pumunta muna sila sa katabing manong na nagbebenta ng balot.
Bumili sila ng tig-isa. Mainit kaya humingi si Gino ng kapirasong dyaryo para maging sapin nito.
“I like this,” manghang turan naman ni Cain kaya medyo nagtaka siya.
‘Ngayon lang ba sya nakakain ng balot?’
Ipinagsawalang bahala na lamang niya iyon at napatawa pa dahil sa reaksyon nito habang kumakain.
Napapailing na lamang siya habang kumain pa rin sila, bigla na lamang nga sila dahil may nagsalita sa kanilang tabihan.
“How about me kuya, do you like me too?” maarteng tanong pa ng isang dalagita na bumibili rin kasama ang mga kabarkada nito.
Hindi naman sumagot si Cain at napatahimik naman siya habang tumatawa ang mga kaibigan nito.
‘Mga kabataan nga naman sa panahong ito ah,’ isip-isip pa nya sabay silay sa mga magkakabarkadang nagbibiruan pa rin hanggang ngayon.
Kahit gabi na ay buhay na buhay pa rin ang mga kalsada at marami pa rin ang mga taong dumadaan ganun din ang mga bumili dito kaya naman mas masayang kumain dito.
Maya-maya pa ay naluto na ang bbq nila kaya nilantakan na rin nila ito ng kain. Natutuwa si Gino na pagmasdan ang sabik na ekspresyon ni Cain habang kumakain.
Habang ngumunguya ng isaw ay bigla nyang naisip na…
‘Hindi man kami sa mamahaling restaurant kumakain, kahit jeep lang ang sakayan namin pauwi, wala akong pakialam. Mas masaya ako sa ganitong mga simpleng bagay.’
Hindi nya maiwasang ipagkumpara ang mga bagay na ginagawa sa kanya ni Yuan at ganun din ni Cain.
‘Baliw na ba ako?, bakit ko ba sila pinagkukumpara sa isa’t isa.’
Bumili muna sila ng palamig bilang panulak.
“Manong, magkano lahat?” rinig nyang tanong pa nito sa magtitinda ng BBQ habang umiinom pa rin siya ng palamig.
“120, hijo,” sagot naman ng magtitinda.
Nang magbabayad na, pansin niya na humugot si Cain sa bulsa nito.
Pagbuklat sa palad nito ay makikita ang ilang 20 pesos na gusot at mga barya.
Binilang nito ang perang nasa palad at saka inabot sa tindero. Napangiti sya ng may pag unawa at lumambot ang tingin niya dito.
‘May kaya sa buhay si Sir Yuan habang simpleng Callboy lang naman si Cain. Malaki ang pagkakaiba nila pero kahit ganun..
.
Mas gusto ko siya.’
Napabuntong hininga pa sya dahil parang inamin na rin nya sa sarili na may paghanga na nga sya sa binata.
“Ang sarap ng food trip natin ah,” sabi pa ni Gino sabay himas sa busog nyang tiyan.
Napangiti naman ng tipid si Cain dahil sa masaya nyang reaksyon.
Habang naglalakad ay tahimik at wala lamang isalang imikan, pero kahit ganun ay hindi sila naiilang sa presensya ng bawat isa. Para bang inadama lamang nilang dalawa ang mga sandali na magkasama sila.
Maya-maya pa ay nakaramdam sya ng kilabot sa kanyang braso at leeg.
‘Hindi naman dahil sa lamig kaya nagtatayuan ang balahibo ko, ano kaya ang nakakatakot na pakiramdam na ito?’
Hindi nya alam kung guni-guni lamang ba nya ang lahat o totoong may sumusunod sa kanila.
Ilang beses syang lumingon pero wala nang kahina-hinala syang nakikita. Medyo dumidilim lamang ang paligid dahil sa mga street light na hindi gumagana.
Nakadagdag pa sa kanyang nararamdamang takot dahil iilan ang dumadaang sasakyan at mga tao sa kalye na nilalakadan nila ngayon.
Sinulyapan din nya ang mukha ni Cain kung nagbabago ba ito pero nang makita nya na wala naman itong napapansin ay medyo kumalma siya.
‘Baka nga, ilusyon ko lang yon,’
isip isip pa nya pero nagbago lang ito ng habang naglalakad sila ay bigla na lamang syang higitin ni Cain patago sa isang eskinita.
“C-Cain, anong nangyayari?” kinakabahan pa nyang tanong dito.
“Shh, wag kang maingay,” sagot lang nito sabay kabig sa kanya palapit sa katawan nito. Dahil sa takot sa nangyayari ay napasiksik na lamang sya sa dibdib nito.
Pansin naman nya ang seryosong ekspresyon sa mukha at ang balisa na mga galaw nito. Habang nakatago sila sa eskinita ay pasilip-silip lamang ito na parang may hinahanap.
Hindi nya maintindan kung bakit parang may pinagtataguan sila nang bigla na lamang nyang maisip na baka nga tunay na may sumusunod sa kanila.
‘Goodness, baka holdaper yun? Baka patayin pa kami nun pagkatapos pagnakawan.’
Lalo syang nangilabot dahil sa mga iniisip niya.
Dahil malaki naman ang tiwala nya kay Cain ay hindi na lamang sya nagtanong pa at nanahimik na lamang.
Makalipas ang ilang minuto na pagmamatyag nito sa paligid ay ramdam nyang nawala na ang pagka-tense ng katawan nito. Nakahinga na din ito ng maluwag at tiningnan sya ng maayos.
“Are you okay?” tanong pa nito sa kanya habang nakayakap parin sa bewang nya ang isang braso nito.
Tumango naman sya dito at nasaksihan pa nya ang paglambot ng mga tingin nito na ipinupukol sa kanya sabay haplos sa makinis at medyo namumula nyang pisngi.
“Lets go home,” pag aaya pa nito sabay kuha sa kamay nya habang palabas sila sa eskinitang pinagtaguan nila.
Tumango na lamang sya dito at napakapit ng mahigpit sa mainit at malaki nitong kamay.
Pagkalipas ng ilang minuto pa nilang paglalakad ay may dumaan na jeep kaya sumakay na sila para makauwi.
Natatakot man dahil sa biglang nangyari ay may kung ano paring sekuridad syang nararamdam kapag kasama nya si Cain kaya naman hindi nya magawang bitawan ang kamay nito.
“Cain salamat ulit sa paghahatid mo sakin, mag ingat ka sa pag uwi mo,” nakangiting pagpapasalamat pa nya dito na may kaakibat na pag aalala.
“You’re welcome,” sagot naman nito sabay haplos muli sa kanyang pisngi.
Napahawak pa sya sa kanyang pisngi habang pinagmamasdan ang likod ni Cain habang paalis ito.
Nagwawala na naman ang puso sa kanyang dibdib.
“ARFF!! ARRFF!!
Nagising na lamang sya sa kanyang pagkatulala dahil sa tahol galing sa loob ng bahay.
‘Naku, kanina pa akong hinihintay ni Miggs,’
isip-isip pa nya at nagmadali na binuksan ang pinto ng bahay.
▼△▼△▼△▼△
ISANG
bagong araw na naman para kay Hellix, Excited sya dahil may misyon ngayon na dapat nyang magawa.
‘Ano kayang misyon iyon?, pupuntahan ko na ba ang mga gagong nang sabotahe samin?’
s
abik na tanong pa nya sa kanyang isip habang naghihintay sa sala ng pent house.
Maya-maya pa ay lalong lumapad ang ngisi sa kanyang labi dahil natanaw na nya si Zero na pababa ng Hagdan.
Bilang intel, si Zero ang pinagsasabihan ni Mr. Sinclair lahat ng mga gagawing misyon o assignment.
Tahimik sa loob ng pent house ngayon dahil ang iba naman nilang mga kasamahan ay busy sa pagwowork out sa gym na nasa loob ng attach house o kaya naman ay nagte-training sa labas ng bahay.
Nang malapit na ito sa kanya ay nagpasya na syang tumayo sa pagkakaupo sa malambot na sofa.
“Here,” sabi pa nito sabay abot sa kanya ng isang listahan.
“A-Ano to?” naguguluhan pa nyang tanong habang nakatingin sa kapirasong papel.
“That is the list of things that you need to buy,” walang emosyon na sagot nito sa kanya.
“Teka, akala ko ba ay misyon? bakit naging paggo-grocery?” nagmamaktol na tanong pa nya dito.
“Sabi mo bored kana dito sa pent house at gusto mong lumabas, kaya ayan na, wag ka nang magreklamo,” inis na sagot pa nito sa kanya.
“Bakit di na lang si Gary o kaya si Josh ang pabilhin mo?”
“Busy sila,” tipid na sagot naman nito sa kanya sabay alis.
Wala na syang nagawa kun’di magtungo sa garahe at sumakay sa kotse doon para makapunta sa bayan.
Nasa bulsa nya ang listahan at credit card na nakalakip dito.
Makalipas ang isang oras ay nakarating na din sya sa supermarket.
‘Bakit ako pa ang kailangang mag grocery? Masaya sana kung kasama ko manlang si Hon, kaso hindi eh.’
Nakanguso na pagmamaktol ni Hellix habang namimili ng mas magandang uri ng karne.
‘Ano pa bang kulang?’
tanong pa nya sa kanyang sarili habang nakatingin sa listahang hawak.
Tulak-tulak nya ang cart na may lamang pinamili habang binabasa ang nakasulat sa papel.
‘Ooops.’
Pagprento pa nya ng muntik na nyang mabangga ang isang mamimili din.
“Sorry,” paghingi pa nya ng paumanhin pero inirapan lamang sya nito.
Napakamot naman sya sa kanyang ulo at biglang naisip ang kanyang Hon.
‘Parang si Hon lang kung magtaray ah.’
Lahat ng nakalista ay nabili na nya maliban sa isa.
‘Hmm, whatt? Gummy bear? Kanino to?’
gulat na tanong pa nya sa kanyang sarili habang hinahanap ang patungo sa candy section ng Supermarket.
“Tss, mga bwisit talaga sila,” bulong pa nya sa kanyang sarili sabay tapon ng gummy bear sa kanyang Cart.
Paalis na sana sya ng mapansin nya ang batang babae na nahihirapang abutin ang isang supot ng candy sa patungan.
Lumapit sya dito at kinuha ang candy na inaabot nito sabay bigay dito.
Nagulat pa ang bata pero ngumiti din at nagpasalamat sa kanya, tumango naman sya dito.
Pagbaling nya para magpunta sana sa counter ay nanlaki pa ang mata nya sa gulat dahil sa pagkakatitig ng isang merchandiser sa kanya.
“May problema ba?” tanong pa nya dito.
Umiling naman ito at namula pa ang pisngi bago sumagot.
“A-Ang cute po ng hairban nyo,” nahihiya pang sagot nito kaya napangisi sya.
Kinindatan pa nya ito bago sya umalis at nagtungo sa counter.
Matapos ang kalahating oras ay tapos na syang mag-grocery at naglalakad na papunta sa parking lot.
Habang inilalagay nya sa trunk ng kotse ang mga pinamili ay ramdam nya na may nakabantay sa kanyang mga galaw.
Hindi nya agad matukoy kung saang dereksyon nagtatago ng taong iyon kaya nagpatay malisya na lamang sya at saka sumakay sa driver seat ng sasakyan.
Habang nagdadrive palayo ay napangisi sya ng makakita sa rear view mirror ang dalawang motor na sumusunod sa kanya.
‘Napakaswerte mo Hellix, eto na ang action!’
masayang sigaw pa nya sa kanyang isipan at mas binilisan ang takbo ng sinasakyang kotse patungo sa medyo hindi dinadaang kalsada para walang madamay.
Maya-maya pa ng mapansin ng mga kalaban na wala lang mga hadlang ay mabilis na pinatakbo nito ang mga motor at tumapat sa kanyang bintana para paulanan sya ng bala.
“Woah! Akala nyo ha!” sigaw pa nya sa mga ito ng bigla syang magpreno kaya naiwasan nya ang bala nito.
Parang nagslow motion ang lahat ng bunutin nya ang kanyang baril at iputok ito sa isang lalaking kaangkas ng nasa motor.
Naging asentado ang kanyang pagbaril kaya bumulagta ang walay buhay na katawan nito sa kalsada.
Kaso nga lamang ay hindi nya inaasahan na nasa likuran pala ng kotse nya ang isa pang motor kaya dun sya bumangga.
Patay agad ang dalawang kalaban na nakasakay sa motor na nabangga nya kanina.
Dahil sa malakas na impact ng pagbangga ay nahilo din sya dahil sa paghampas ng kanyang ulo sa dash board ng sasakyan.
“Shit, sakit no’n ah ”
daig pa nya sabay haplos sa kanyang ulo na may bahid ng dugo.
Mabilis syang lumabas ng sasakyan at nagtago sa gilid nito. Pagsilip nya ay kita nyang wala ng nakasakay sa isang motor kaya ibig sabahin ay hinahanap na sya ng kalaban na natira.
BANG !!! BANG!!
!
Napayuko sya dahil sa sunod-sunod na balang pinapakawalan nito sa kanya.
“Gago ka,” bulong pa nya sa sarili at sumuot sya sa ilalim ng kanyang kotse para makaikot.
Paglingon nya ay naroon ito na hinahanap sya kaya mabilis ang naging kanyang pagkilos at binaril ito sa likuran.
Nang makumperma nyang patay na ang lahat ay itinaas nya ang dalawang kamay sa ere at napa-Yehey pa.
Ang malapad na ngisi sa kanyang labi ay biglang nawala ng maalala nya ang grocery sa likod ng kotse.
‘Patay ako kay Hon, baka nadurog na ang pinamili ko.’
Nagmadali sya para lapitan ang trunk ng kotse, pagbukas nya nito ay nakita nyang ligtas naman pala ang mga ito dahil sa gilid sumalpok ang motor at di nito tinamaan ang grocery.
Nakahinga sya ng maluwag at kunuha ang mga ito, dahil sira na ang kanyang kotse ay napatingin sya sa motor na gamit kanina ng kanyang kalaban.
Bago sumakay sa motor ay kinuha muna nya ang ear piece sa kanyang bulsa at sinuot ito.
Pinindot nya ito ng ilang ulit at saka nagsalita.
“Boss, sa tingin ko ay seryoso ang mga taong sumabotahe sating shippment ah.”
“What do you mean?” walang emosyon na tanong pa nito sa kanya.
“Tinambangan nila ako at may balak talaga silang isa-isahin tayo. Mukhang malalim ang galit ng ating kalaban ah,” pagre-report pa nya sa nangyari dito.
“I see, go back straight to the pent house and I will be there in an hour,” kalmadong utos nito na parang walang kinakaharap na problema.
“Okay boss!”
pagkatapos ng paguusap nila ng kanyang boss ay naisipan naman nyang kausapin si Zero.
“Hellix! What took you so long? You just need to buy some groce—”
“Hon naman, hindi mo manlang ba itatanong kung okay lang ako?” pag papaawa pa nya dito.
“Why would I?” mataray pero alam nyang nag aalala ito.
“Favor na lang Hon, pwede bang pabura ng footage sa CCTV na nasa Camilla street dito sa Magsaysay road.”
“Got it,” seryosong sagot nito at nawala na ang static sa kanyang earpiece na suot.
Gamit ang motor na galing sa kalaban ay nagtungo na sya pauwi.
“Swerte ko talaga, action na ang lumalapit sa’kin.”
--------------------------❤❤❤❤
MERRY CHRISTMAS EVERYONE!
Pls. Dont forget to
VOTE
and
COMMENT
BYIEE 💕
MB 23
3RD PERSON’S POV
HINDI
agad na-realize ni Gino na ang araw pala ng kaarawan ni Yuan ay ang araw din ng pagbalik ng kambal mula sa isang linggo nitong suspension.
“Yan na nga ba ang sinasabi ko bhes,” kinakabahang bulong pa ni Mars sa kanya ng makita nila mula sa di kalayuan sina Elvin at Eldran.
Mukhang makakasalubong pa nila ang mga ito kaya nakaramdam na din siya ng takot.
Habang naglalakad sila papasok sa working station nila ay palabas naman ang kambal. Nagreport kasi ang mga ito tungkol sa pagbalik nila.
Napayuko na lamang si Gino para di na magtagpo pa ang kanilang mga mata kapag nagkasalubong na sila.
Ang araw na ito dapat ay magiging masaya dahil may surprise party para kay Sir Yuan nila mamaya. Wala sa isip nya na ngayon din pala ang balik ng mga bully na ito.
Kaunti na lamang at magkakatapat na sila at ang mga ito habang naglalakad.
Halos di na sya nahinga ng magkatapat sila, ramdam nyang pigil na din ang paghinga ni Mars sa kanyang tabi. Alam kasi nilang hindi palalampasin ng kambal ang mga nangyari.
“Ehh?” naguguluhan pang tanong ni Mars sa kanyang tabi ng lumampas ang kambal na parang di sila manlang nakita.
Nagkatinginan silang dalawa dahil sa nangyari.
“Woah, mukhang nagtanda na ang kambal na iyon ah,” turan ulit ni Mars sa kanyang tabi habang patungo sila sa kanilang table.
“Siguro nagising na sila sa katotohanan na mali ang ginagawa nila,” aniya habang napapatango.
Lumuwag ang kanyang dibdib at kalooban na malaman na hindi na sila muling guguluhin ng mga ito.
“Sana nga bhes Gino, ang tatanda na rin nila para mangbully pa,” pagsang ayon pa sa kanya ni Mars.
Naging mabilis ang oras para sa lahat ng nasa opisina, lahat sila ay excited para sa party na inihanda nila para sa kanilang supervisor na si Sir Yuan.
Sumapit na ang lunch break nila kaya masaya silang nagtungo sa cafeteria para makasama si Jewel.
Mabilis nila itong nakita na nakaupo sa lagi nilang pwesto.
Si Mars ay dumeretso sa counter para bumili ng pagkain, siya naman ay nagtungo na kay Jewel.
“Siz, nabalitaan ko yung surpise party mamaya,” pabulong na sabi pa nito sa kanya ng makaupo na sya.
“Oo jewel, para sa birthday ni Sir.”
“Alam kong di pa ako taga dun sa department nyo, pero pwede ba akong umattend?” nagpapaawa pa nitong sabi sa kanya.
“Ah pwede naman siguro wala namang masama.”
“Yey! I’m so happy! Crush ko pa naman yang si Sir Yuan!” nagba-blush pang turan nito kaya napakamot sya sa kanyang ulo.
Habang naghihintay sila kay Mars ay patuloy ang pagchika ni Jewel sa kanya. Napapatango lamang sya sa mga sinasabi nito pero ang isip nya ay nasa isang tao lamang.
Simula kasi ng magkalapit sila ni Cain ay lagi na sya nitong sinusundo at inihahatid sa kanyang apartment.
Dahil hindi nila agad nabilhan ng regalo si Sir Yuan ng unang beses ay sinamahan mula sya ni Cain para bumili. Sa pagkakataong iyon ay nakapili na sya ng tamang regalo para dito.
Napapangiti pa nga sya habang na-aalala ang nakasimangot na mukha ni Cain sa buong oras na namimili sya ng pwedeng iregalo para sa kanyang boss na si Yuan.
“Mga prends, sorry sa paghihintay,” turan pa ni Mars nang makarating na ito sa kanilang table.
“Hayss, Siz Mars, kanina pa akong salita ng salita dito eh, ito namang si Siz Gino ay iba ang iniisip.”
Bigla naman syang pinamulahan ng pisngi dahil sa sinabi ng kaibigan.
“Naku Bhes Jewel, di kana nasanay dyan sa inlove nating kaibigan,” sagot naman ni Mars dito kaya lalo syang napahiya dahil sa sinasabi ng mga ito.
“Beke nemen siz, share mo na samin kung sino yang boylet mo?” mapang asar pa na sabi nito sa kanya.
“W-Wala ah, kayo talaga,” pagsasaway pa nya dito.
“Si Globe yun haha,” tumatawa pang sabi ni Mars kaya tiningnan nya ito habang nakanguso.
‘Trip na trip talaga akong asarin ng dalawang ito,’
napapailing pa nyang sabi sa sarili.
“K-Kumain na nga kayo, kung ano-ano pang sinasabi nyo eh”, pa-inis na sabi pa nya pero tinawanan lamang sya ng mga ito.
‘Basta sa pang aasar magaling ang dalawang ito.’
Nagpatuloy ang usapan nila at kwentuhan habang kumakain.
“Mabuti naman at natauhan na din ang mga bully na iyon,” turan pa ni Jewel ng ikwento ni Mars dito ang nangyari kaninang umaga.
“Oo nga eh, salamat dahil hindi na ako mabubuhay sa takot.”
“Tama yan bhes Gino, Super happy ako para sayo,” naluluha pang sabi ni Mars na halata namang umaarte na naman.
“Mars naman, nagiging nanay na naman kita,” natatawa pa nyang pagpuna dito.
“Masaya lang kami bhes, di ba Jewel?”
Sabi pa nito kaya tumango at sumang ayon si Jewel.
Natapos silang kumain at pabalik na muli sa kani-kanilang department ngayon.
“Mga prends, super excited na ako,” sabik na turan pa ni Jewel sa kanila habang naglalakad sila palabas ng cafeteria.
“Kami din Bhes Jewel, next monday ay lilipat kana sa department namin,” maligayang sambit di naman ni Mars dito.
“May table na bakante malapit samin, yun na lamang ang gamitin mo.”
“Talaga!? Oh my gosh! I’m so excite thanks Siz Gino!” sabik na sigaw pa ni jewel sa sobrang excitement na nadarama.
Nag apiran at nagyakapan pa si na Mars at Jewel dahil sa saya. Napapailing lang naman si Gino dahil sa pinag gagawa ng dalawa nyang baliw na kaibigan.
Nang makarating na sila sa may elevator ay sumakay na si Jewel.
“Bye mga Siz mwuahh!” mapapaalam pa ni Jewel sa kanila na may kasamang flying kiss at kaway.
▼△▼△▼△▼△
6:00 pm na, out na dapat nila sa trabaho pero imbis na umuwi ay inihanda na nila lahat para sa magaganap na surprise party.
Habang busy parin ang si Sir Yuan nila sa loob ng opisina nito ay nagtutulungan naman ang lahat para iayos ang lahat ng kanilang props at design para sa party.
Mag mga table na pinagdikit-dikit para maging patungan ng mga pagkain.
May cake din, mga baloons at iba pa.
“Hello mga siz!” maligayang bati pa sa kanila ni Jewel ng marakating ito sa kanilang department.
Ready na din itong maki-party kasama nila.
Makalipas ang ilang minuto ay dumating na si Sir Yuan nila at malakas at maingay na binati nilang lahat ito.
“HAPPY BIRTHDAY SIR YUAN!!”
Gulat at di makapaniwala ang naging reaksyon nito at nang makabawi ay masigla itong nagpasalamat sa kanilang lahat. Sa unang pagkakataon ay nawala ang strikto at matapang na aura nito.
Masaya ang lahat at nagsimula na ang party. May mga inihandang special performance ang iba nilang katrabaho para kay Sir Yuan nila.
May kumanta, sumayaw at iba pa.
Nakita nya ang kambal na narito din pero mabuti na lamang dahil hindi na sya pinapansin ng mga ito.
Nakahinga sya ng maluwag at hinayaan ang kanyang sarili na makapagsaya.
“Mars, Jewel kukuha lang ako ng inumin,” pagpapaalam pa nya sa dalawang kaibigan.
Tumango lang naman ang dalawa kaya nagpunta na sya sa table kung nasaan ang mga pagkain at kumuha ng isang basong juice.
Habang nainom ay bigla nyang naramdaman ang pagvibrate ng cellphone sa kanyang bulsa.
Mabilis nyang kinuha ito at tiningnan kung sino ang natawag. Nang makita nyang si Cain ito ay nagmadali syang lumabas ng working station at nagtungo sa resting area nila dito.
“Hello Cain,” sabi pa nya sabay lapag ng juice sa may water dispenser.
“Ginobabes, kanina pa akong tumatawag. Okay ka lang ba?” bakas ang pag aalala sa malalim na boses nito.
“Okay lang ako, pasensya na di ko napansin ang cellphone ko kanina, di ba nasabi ko sayo na ngayon ang birthday ni Sir,” sagot pa nya dito at sabay lakad palayo sa resting area.
Natutuwa kasi dahil ramdam nya ang pag-aalala nito sa kanya.
“I see, I just call to tell you that I can’t fetch you today. I’m just busy with something right now.”
“Ganun ba, okay lang yun. Magtataxi na lang ulit ako,” sagot pa nya dito. Medyo nalungkot sya dahil hindi sila magkikita pero naiintindihan naman nya na may trabaho din si Cain.
Habang nakatanaw sa bubug na bintana ay bigla syang nakaramdam na parang may dumaan o gumalaw sa kanyang may likuran kaya bigla syang napalingon.
“—babes? Hey! Are you still in there?”
“H-Ha? Ah oo, ano yun Cain?” sagot pa nya dito habang naglalakad pabalik kung saan nya naiwan ang juice kanina.
‘Baka guni-guni ko lamang iyon,’
isip-isip pa nya sabay inom sa natitirang juice para kumalma ang pakiramdam.
“Be careful, Ginobabes.”
Nakaramdam na naman sya ng init mula sa kanyang dibdib dahil sa pag aalala ni Cain sa kanyang kalagayan.
‘Masarap talaga na may nagpapahalaga sayo, alam kung wala kaming relasyon pero masaya na din ako kahit bilang kaibigan lamang.’
“Oo naman, ikaw din,” sagot pa nya dito at saka nagpaalam na.
‘Sino bang niloloko ko? Kaibigan? Kahit di ko aminin sa aking sarili, alam kong espesyal sya para sa akin.’
Pagkatapos ng kanilang naging pag uusap ni Cain ay bumalik na muli sya sa loob para makisaya.
Habang papasok sya sa working station kung saan idinadaos ang party ay hindi nya pansin ang isang taong nagtatago lamang sa di kalayuan at nakatingin pa rin sa kanya.
▼△▼△▼△▼△
Dumating na ang oras na ibibigay na ang mga regalo. Isa isa lamang at personal na iaabot ito sa kanilang Boss.
Halos mahimatay sa kilig ang iba nilang katrabaho pagkatapos kunin ni Sir Yuan ang mga regalo na ibinibigay ng mga ito. Hindi rin mapigilan ng iba na mapayakap at halik sa boss nila sa sobrang saya.
Dahil talagang maganda ang mood ng boss nila ay hinahayaan lamang nito ang ginagawa ng mga katrabaho sa kanya. Minsan ay ngumingiti pa ito o kaya ay yumayakap din.
“Ang bait ni Sir ngayon, yieee!”
“True Bessy, mas gwapo pala sya pag nakangiti!”
Rinig nyang usapan pa ng iba na kilig na kilig sa kanilang boss.
Habang inililibot ang kanyang paningin ay napatuon ito sa kambal.
Pansin lamang ni Gino na wala namang pagbabago sa ugali at kilos ng kambal, maingay at magulo pa rin ang mga ito. Ang nagbago lamang ay umaarte ang mga ito na parang di sya nag-exist.
Wala naman syang problema doon dahil mas maganda nga iyon para wala na syang problema pa.
Pero paminsan-minsan ay ramdam pa rin nya ang may galit at naglilisik na tingin ng mga ito.
Isinawalang bahala na lamang nya ang mga ito at muntik pang mapatalon sa takot ng bigla syang itulak nina Mars at Jewel sa harap ni Sir Yuan.
Para syang dahon na napapawid ng malakas na hangin dahil sa panginginig nya. Yakap nya ang regalo sa kanyang dibdib at nahihiyang ibigay ito sa kanilang boss.
Mula sa likod ay rinig na rinig pa nya ang pang aasar ng mga kaibigan at ganun din ang iba pa nilang katrabaho.
Nang mapatingala naman sya ay nasilayan nya ang gwapong ngiti ng Sir nila kaya nilakasan na nya ang loob at binati ito.
“S-Sir Yuan, happy birthday po,” nauutal na sabi pa nya dito sabay abot ng kanyang regalo.
“Salamat, Gino,” masaya pa nitong pagpapasalamat sa kanya kaya tumango sya at umalis na sa harap nito.
Habang pabalik na sya sa mga kaibigan ay biglang nagawi ang tingin nya sa kinalalagyan ng kambal at tama nga sya. Ang matalim na tingin na nararamdaman nya ay galing sa dalawang iyon, lalong lalo na kay Elvin.
Bigla syang kinilabutan sa mga ito kaya nagmadali sya sa paglalakad at tumago sa likod ni Mars.
Pagkatapos nang bigayan ng regalo ay nagkaroon ng pag-blow sa Candle. Kasunod din noon ang masaya nilang pagkain.
“Ay mga Siz, bet ko itong spaghetti nila. Saan kaya sila umorder nito?” turan pa ni Jewel sa kanina habang sarap na sarap ito sa pagkain.
Napatawa naman silang dalawa ni Mars at nagpatuloy pa ang pagkukwentuhan nila.
Habang kumain ay bigla na lamang syang nakaramdam ng hilo, hindi na nya ito ipinahalata sa dalawa at nagpaalam na lamang na magC-Cr muna sya.
‘Baka naparami lang ang kain ko kaya ganito
,’
isip-isip pa nya habang naglalakad papunta sa banyo.
Hindi naman sumasakit ang tiyan nya at hindi rin naman nasusuka.
“Bakit parang biglang uminit ang pakiramdam ko?” naguguluhang bulong pa nya sa kanyang sarili kaya naisipan na din nyang maghilamos.
“Hayss, baka naman lalagnatin ako, Naku masama iyon,” napapakamot sa ulo na bulong pa nya sabay punas sa mukha.
Hindi pa naman ganun kasama ang pakiramdam nya kaya nagpasya na lang syang bumalik na sa party.
“Okay ka lang bhes?”
“Namumutla ka Siz.”
Pagpuna pa sa kanya ng dalawa nang makabalik sya kaya nagpalusot na lamang sya sa mga ito.
“Oo nga pala, hinahanap ka ni Sir Yuan kanina,” biglang sabi pa ni Mars sa kanya kaya nagtaka sya kung bakit.
Maya-maya pa ay napansin nga nya na palapit na ito sa kanya.
“Hey, Gino,” nakangiti pang bati nito sa kanya ng makalapit ito.
“A-Ah Sir, bakit nyo po ako hinahanap?” nauutal na tanong nya dito dahil di na sya mapakali sa nararamdaman.
“Gusto ko lang magpasalamat, nagustuhan ko ang regalo mo,” sagot pa nito.
“G-Ganun po ba, masaya po akong malaman iyon,” magalang na sagot pa niya dito.
Hindi nya masabi na si Cain ang pumili ng design ng necktie na iniregalo nya dito.
“I really appreciate it, and I do love the design. Thanks again Gino.”
Napatango naman sya dito nang magpaalam na ito sa kanila.
Kilig na kilig pa si Jewel habang nakatitig sa gwapong mukha ng boss nila habang kausap nya ito.
“Hayss, di na ako makapaghintay na makalipat dito sa department nyo. Gusto kong makita araw-araw ang mukha ni Sir,” nagda-day dreaming na sabi pa nito sa kanila.
Napailing na lamang sila dito dahil sa kalokahan nito.
Makalipas ang ilan pang minuto ay natapos na din ang party. Ang lahat ay masaya at nakangiti na pauwi.
“Byee bhes Gino, ingat ka sa pag-uwi.”
“Una na ako sa inyo mga prends.”
Pagpapaalam pa ng kanyang mga kaibigan, pinilit na lamang nyang ngumiti at kumaway sa mga ito.
Dahil sa masamang pakiramdam ay ginusto na nyang umuwi kaagad.
▼△▼△▼△▼△
GINO’S POV
Bawat minutong lumilipas ay lalong sumasama ang aking pakiramdam.
Dahil sa kagustuhan ko ng makauwi agad ay naisipan kong maglakad-lakad para makapunta kung saan mabilis akong makakasakay ng taxi.
Tagaktakan na ang aking pawis dahil sa init ng aking nararamdaman, ang malamig na simoy ng hangin ngayong gabi ay hindi halos kayang imbasan ang aking nadarama.
Habol ang hininga at nanglalabo na ang aking paningin habang nagpapatuloy sa mabagal kong paglalakad.
‘Ako bang nangyayari sakin? Bakit ganito ang pakiramdam ko?’
Mga tanong na kahit ako ay di ko kayang sagutin.
Sa di mawaring dahilan ay bigla kong naalala si Cain, may nagtutulak sakin na tawagan sya ngayon.
‘Hindi pwede busy sya ngayon, ayaw ko syang abalahin,’
pagtanggi ko pa sa kagustuhan ng aking sarili.
May kutob ako na hindi maganda, alam kong may mali sa lahat.
Dahil gabi na ay iilan-ilan na lamang ang mga taong aking nakakasalubong at nakikita. May mga sasakyan man ay madalang na din.
Habang naglalakad ako ay ramdam ko na naman na parang may nakasubaybay sa akin. Ang kilabot na aking nararamdaman ay gumagapang sa buo kong katawan.
Nahihirapan man ay pinilit kong lumingon, pero kahit anong linga ko ay wala naman akong makitang sumusunod sa akin.
Hindi ko naman inaasahan na ang kinatatakutan ko pala ay nasa aking harapan na.
Napakabilis ng mga pangyayari, ang aking natatandaan lamang ay ang iilang bagay na ito.
’
Nakasuot ng itim.’
‘Nakakapangilabot na ngisi.’
‘Walang emosyong mga mata.’
-------------------------❤❤❤❤
Ohh, our Ginobabes is in Danger!!! Sino kaya ang kumuha sa kanya?
Thanks po sa lahat ng nagbabasa at sumusuporta sa story na ito..
I dedicate this chapter to
DaisyOrtinez
Thanks po!!! Love lots❤
Pls. Dont forget to
VOTE
and
COMMENT
THANKS
and
BYIEEE 💕
MB 24
3RD PERSON’S POV
Madilim, madumi at nakakatakot na gusali.
May mga kalalakihan na armado ang nasa lugar na ito para sa isang layunin.
Naalimpungatan si Gino dahil sa malamig na tubig na biglaang ibinuhos sa kanyang mukha.
“P-Pwahh!!”
Nahihirapan pang daing nya dahil pakiramdam nya ay malulunod sya dahil sa tubig na pumasok sa ilong at bibig niya.
Gustuhin man nyang tumayo ay nakatali ang magkabila nyang kamay sa kalawanging kama.
Umiikot pa rin ang kanyang pakiramdam sa paligid hanggang ngayon, tagaktak ang kanyang pawis at habol na ang kanyang paghinga.
‘Bwisit, ano bang pakiramdam to? N-Nasan ako?’
naguguluhang tanong pa nya sa sarili habang pilit iginagalaw ang kamay na nakatali.
Dahil sa dilim ng paligid ay wala syang maaninag na kahit ano, pero rinig nya ang mga yabag na papalapit sa kanyang kinaroroonan ngayon.
Nanginginig ang kanyang buong katawan dahil sa lamig na dulot ng pagkabasa ng kanyang katawan.
Maya-maya pa ay naramdaman nyang tumigil ang yabag sa kanyang tabi. Kasunod nito ay ang pagkasilaw nya dahil bigla na lamang nagliwanag buong paligid.
Kahit hinang hina at nanlalabo ang paningin ay nagawa pa rin nyang makilala ang dalawang taong nakatayo sa tabi ng kamang kanyang kinahihigaan.
“Oh hello there, Gino!” turan ng boses ng babae na kala mo ay masayang makita sya.
“E-Elvin?” mahina nyang bulong sa pangalan nito.
Napangisi naman ito ng malapad ganun din ang kakambal nito na si Eldran na nakatayo sa likuran nito.
“Nagustuhan mo ba ang regalo namin sayo?”
“A-Anong ginawa nyo sa’kin?” hinang hina na tanong nya sa mga ito.
“Gusto kong sabihin sayo pero wag na, malalaman mo din naman mamaya.”
“Mag enjoy ka, binigyan na kita ng pagkakataon na ilabas yang kalandian mo ngayon. Tama yan mukhang ume-epekto na ang droga sa katawan mo.”
Nanginig sya sa takot ng makita ang mga lalaking nakangisi at nakatingin ng may pagnanasa sa kanya.
“W-Wag, E-Elvin!” takot na sabi pa nya dito, pero hindi manlang nito pinakinggan ang pakiusap niya.
“Sana sapat na sila para hindi mo na ahasin si Sir Yuan sa’kin HAHAHA!” sabi nito na sinabayan pa ng malakas na pagtawa.
“H-Hindi, tigilan mo na ito!”
“TAMA LANG YAN SAYO MALANDING BAKLA! Kung di ka lang dumating at nanggulo, sana matagal na kami ni Sir, dapat ako ang minahal nya!!!” nanlilisik ang mga mata nito na nakatingin sa kanya habang binibigkas ang mga salitang yun.
Base sa nakikita ni Gino ay wala na sa katinuan si Elvin. Ang baluktot na pag iisip nito ay talagang nagdala ng takot at ganun din ang mga pwede pa nitong gawin sa kanya.
“Sa tingin mo pagkatapos nito ay magagawa ka pa nyang tingnan? HAHA nakakadiri ka!”
“P-Pakiusap wag!” pagmamaka awa pa nya dito habang bumubuhos ang luha sa kanyang takot na mga mata.
Habang nakikita ng kambal ang reaksyon nya ay lalong natutuwa ang mga ito.
“Sorry pero dapat lang yan sa mga kagaya mo,” walang emosyong sabi ni Eldran at saka binuksan ang digital camera na nakatutuk sa kinalalagyan ni Gino.
Kahit parang inaapoy sa init ang pakiramdam nya at halos na mamanhin na ang buong katawan ay ramdam pa rin nya ang takot at kaba habang nakatingin sa mga lalaking palapit sa kanyang kinalalagyan.
“W-Wag kayong l-lalapit!” takot at nanghihina nyang sigaw sa mga ito.
Walang naririnig ang mga ito at parang mga mababangis na hayop na nakatingin sa kanya.
Nagbasa pa ng labi ang isa habang naghuhubad ng suot na damit.
Ang lakas ng kabog ng kanyang dibdib at ang bilis ng tibok ng kanyang puso ay bumibingi sa kanya.
“Jackpot pre.”
“Kaya nga, ang ganda nito.”
Ang mga sinasabi ng mga ito ay nagdadala ng matinding takot sa kanya.
Kahit anong pagkumbinsi sa kanyang katawan ay hindi ito nakikinig sa kanya. Gusto nyang gumalaw, manlaban pero hindi nya magawa.
‘Cain!’
umiiyak na pagtawag pa nya sa pangalan nito sa kanyang isipan.
“Shh wag kang umiyak, masasarapan ka dito,” manyak na sabi ng isa kaya lalo pa syang napaiyak.
“W-Wag niyo akong hawakan!”
Ang kambal naman ay nakangisi at tuwang tuwa lamang habang pinapanood sya sa di kalayuan.
“Sabihin mo nga dyan sa mga tauhan mo Eldran na bilisan ang pagkilos nila,” inis na utos pa nito sa kakambal.
Tumayo naman ito at pinuntahan ang kinalalagyan ni Gino.
“Bilisan nyo nga yan! Kanina pa kayo diyan ay ang nagagawa nyo pa lang ay hubadan yan!” galit na sabi pa nito sa mga tauhan.
“Sige Sir, kami bahala dito,” sabi pa ng isa.
Lalapitan na dapat muli sya para hawakan nito ng bigla syang napasigaw.
“W-Wag!”
“---C-Cain tulungan mo ako!” naghihinagpis na sabi pa nya kaya napataas ang kilay ni Eldran dahil dito.
“Akalain mo nga naman, nilalandi mo na si Sir Yuan pero may iba ka pang lalaki, ANG LANDI MO RIN TALAGA!!” sigaw pa nito sa kanya.
Mabilis na hinawi nito ang mga tauhan at mabilis na naghubad ng damit.
“Ang babagal nyo, ako muna ang titikim sa k---”
BLAGGG!!!
Hindi na tapos ni Eldran ang sasabihin dahil sa malakas na tunog na nanggaling sa labas ng lumang gusali.
“Ano yun!?” natataranta pang sigaw ni Elvin.
Mabilis ang naging paggalaw ng mga tauhan ng mga ito at nagsibunutan ng mga baril.
Magsisimula na sanang kumilos ang mga ito ng makarinig sila ng mga putok ng baril mula sa labas.
Ang sunod na nangyari ay lalong nagbigay ng takot sa kanilang lahat.
Biglang namatay ang lahat ng ilaw at nabalot ng dilim ang buong paligid.
Mga sigaw, tunog ng mga putok ng baril at iba ang maririnig sa buong paligid.
Hindi alam ni Gino kung anong nangyayari pero kahit papaano ay nagpapasalamat sya dahil hindi natuloy ang plano ni Elvin.
‘Goodness, sana mga pulis ang mga dumating,’
pagdadasal pa nya sa kanyang isipan habang namimilipit sa init ng katawan.
Pansin din nya ang pagkabuhay ng kanyang ari sa pagitan ng kanyang hita.
Napapaluha na lamang sya dahil sa awa sa sarili. Kahit ang pagtama lamang ng hangin sa mainit nyang balat ay nagdadala na ng kakaibang sensasyon sa kanyang sarili.
Bigla syang napasigaw ng hindi nya inaasahan na may hahawak sa kanya.
“W-Wag,” takot na turan pa nya dito.
“Shh, it’s me,” pabulong na sabi pa ng boses sa kanya habang tinatanggal ang pagkakatali sa kanyang mga kamay.
Lalong umagos ang masagana nyang luha ng marinig ang boses nito.
“C-Cain?”
“Yeah, come on we need to get out of here right now,” Nagmamadali pang turan nito ng marinig nila ang sunod-sunod na sirena ng pulis.
Binuhat sya nito palabas sa gusali, dahil madilim ang paligid at nagkakagulo ang lahat ay walang nakapansin sa kanila.
Isinakay sya nito sa isang sasakyan at dahil sa pagod at sama ng pakiramdam ay nawalan na sya ng malay.
▼△▼△▼△▼△
PAGKALIPAS
ng ilang oras ba o minuto ay nagising si Gino dahil sa init ng kanyang pakiramdam. Parang sinusunog ang kanyang katawan.
“Aaahh!” nahihirapang daing pa nya kaya ng marinig ito ni Cain ay mabilis itong lumapit.
“C-Cain!” pagtawag pa nya sa pangalan nito ng magising itong nakahiga na sa kanyang kwarto.
“Ginobabes,” nag aalalang sambit pa ni Cain ng makalapit sa kanyang kinalalagyan.
“C-Cain Aahh! ---- t-tulungan mo ako,” pagmamakaawa pa nyang sabi dito.
Hindi nya alam ang dapat gawin, sobrang init, nanghihina ang kanyang buong katawan at parang nawawala na sya sa sarili sa bawat minutong lumilipas.
Kahit nahihirapan ay pansin nya na balisa at di mapakali si Cain. Mula sa dating blanko nitong ekspresyon, ngayon ay mababakas na ang pagkataranta.
Maya-maya pa ay lumapit na ito at binuhat sya. Dinala nito sya sa banyo at iniupo sa bathtub, nilagyan nito ng tubig at hinayaang nakababad sya roon.
Napaungol sya ng malakas ng maramdaman ang malamig na tubig na lumalapit at bumabalot sa kanyang katawan.
Kahit malamig ang kinalalagyan ni Gino ay hindi pa rin ito nakabawas sa init ng kanyang katawan.
Pansin nya mula sa nanlalabong mga mata na humugot si Cain ng cellphone at may tinawagan.
Habang nakikipag usap ito sa telepono ay nanginginig naman ang kanyang katawan dahil sa pinaghalong lamig at init ng kanyang pakiramdam.
“What?! Is that the only thing I can do?” pasigaw na tanong pa nito sa kanyang kausap at saka tumingin sa dereksyon niya.
Kumuha muna ito ng twalya at binalot sya roon matapos nitong hubadin lahat ng kanyang saplot.
Hinihiga nito si Gino sa kama at hinaplos ang namumutla nyang pisngi at nanginginig na labi.
Ang mainit at malaki nitong palad ay nagdala sa kanya ng kakaibang kapanatagan at sensasyon.
Hindi nya alam na isinisiksik na nya ang kanyang sarili sa kamay nito.
‘Gusto kong hawakan nya ako.’
Wala sa sariling sabi pa nya sa kanyang sarili habang mapungay na nakatingin sa dito.
“C-Cain--- Mhmm~” nagmamakaawang pagtawag pa nya sa pangalan nito.
Napailing naman ito bago nagsalita.
“They made you take an aphrodiasac infuse drink . I need to make you sweat those drug in your system,” bulong nito sa kanyang tenga kaya napaungol sya dahil sa init ng hininga nito na tumatama sa kanyang leeg.
“Ahmm— hh!”
“Shit, dont make that kind of face Ginobabes, I’m trying to hold my self back,” nagpipigil na sabi pa nito pero hindi sya nakinig at tiningnan pa na parang inaakit ito.
“C-Cain, please~” wala sa sariling bulong nya dito.
“Fuck,” malutong na mura nito at ang sunod nya na lamang napansin ay nakapatong na ito sa kanya.
“I hope you forgive me for doing this, It’s just only thing I know to help you,” bulong pa nito saka sinimulang halikan ang kanyang leeg pababa sa collarbone.
Wala syang magawa kundi ang ungol na lamang habang patuloy na nagpapakasasa ito sa kanyang katawan.
Maya-maya pa ay naramdaman nyang lumayo ito ng kaunti at hinalikan sya.
Gusto nyang tumutol pero ang init ng kanyang katawan at bilis ng puso ay naging dahilan para suklian na rin nya ang mga halik nito.
Ang simpleng pagkakadikit ng kanilang labi ay nauwi na sa mapusok na halikan.
Ang mga kamay nito ay lumalapat sa hubad nyang katawan ay nagpapabaliw sa kanya.
Natagpuan na lamang nya na kahit siya ay di na rin mapigilang hawakan ang matipuno at matigas nitong katawan.
Naghubad ito ng tshirt na suot kaya wala sa sariling napangiti sya, wala nang sagabal sa pag hawak nya sa katawan nito ngayon.
“Dont seduce me further than this,” sabi pa nito sa kanya at tinutukoy ang kanyang mga reaksyon.
Ang init na nararamdaman nya sa kanyang katawan ay naibsan habang napupuno ang katawan nila ng pawis.
Mabilis ang mga pangyayari, ang buong kwarto ay napuno ng mga ungol at malalim na mga paghinga na nagmumula sa kanilang dalawa. Nangibabaw ang sa tahimik na silid ang mga pangalan nilang walang sawang binabanggit ng bawat isa.
Kapwa wala na silang parehas na saplot sa katawan, lumayo ng kaunti si Cain para silayan ang napakagandang itsura ng kanyang kapareha ngayong gabi.
Ang liwanag ng buwan na sumisilip mula sa siwang ng bintana ay nagpalitaw ng lubos sa namumula-mulang balat ni Gino. Ang maputi at makinis nitong balat ay puno na ng mga bakas ng halik ni Cain dito.
“You’re look amazing, my Ginobabes,” bulong pa ni Cain sa sarili at saka sinimulan na muling hawakan ang katawan nito.
Napapaliyad naman si Gino habang patuloy ang paghalik ni Cain sa kanyang tiyan at patungo sa kanyang pusod.
“C-Cain ----Hmnn!” pagtawag pa nya sa pangalan nito na puno ng pangangailangan.
Tiningnan lamang naman sya nito gamit ang matalas na kulay asul nitong mga mata.
Nang magsawa na ito sa paghalik sa kanyang tiyan ay hinawakan nito ang magkabila niyang hita at ibinuka ito.
Kahit halos napapapikit na ang kanyang mga mata dahil sa pagod ng aktibidad na ginagawa ay kita pa rin nya ang pagkamanha na gumuhit sa mukha ni Cain ng makita ang nasa pagitan ng kanyang mga hita.
“You’re truly a Goddess,” sabi pa nito sabay halik muli sa kanya.
Hindi na nya pinansin ang sinabi nito at sinuklian na lamang ang maiinit nitong halik.
Pagkalipas ng ilang minutong paghahanda nito sa kanyang katawan ay sinimulan na nitong pasukin ang kanyang katawan.
Napaiyak na lamang sya at napasigaw dahil sa laki ng ari nito na pumapasok sa kanyang kaloob-looban.
Halos mabingi sya dahil sa bilis at lakas ng tibok ng kanyang puso. Kinakabahan na may halong takot ang kanyang nararamdaman pero kahit ganun ay malaki ang tiwala nya lalaking kapiling ngayon.
Kung hindi nito inihanda ang kanyang katawa kanina ay siguradong napupunit na ang kanyang lagusan ngayon.
Patuloy naman ang pagsasabi nito ng mga salita at paghalik sa kanyang mukha para maibsan ang sakit.
Nanatili ito sa loob nya ng ilang minuto para masanay sya dito, maya-maya ay binigyan na nya ito ng permiso para gumalaw.
Nagsimula ito sa mabagal at madahan na pag-ulos sa kanyang lagusan.
“C-Cain, Ahhh~”
“Fuck babes, you’re so tight,” bulong pa nito sa kanya at mas binilisan pa ang pag galaw.
Maya-maya pa ay pakiramdam nyang parang may lalabas sa kanyang katawan kaya naman takot na tinawag nya ng paulit-ulit ang pangalan nito.
“It’s okay, come Ginobabes,” utos pa nito sa kanya at hinawakan ang matigas nyang ari.
Dahil sa tindi ng sensasyon ay nilabasan na sya at nawalan ng malay.
▼△▼△▼△▼△
MATAPOS
ang mainit na tagpo sa pagitan nila ay napabuntong hininga na lamang si Cain habang nakatingin sa mahimbing na pigura ni Gino.
’
I hope you feel better tomorrow.’
Kumuha ito ng basang bimpo sa banyo at pinunasan ang buong katawan nito saka tinuyo at binihisan ng damit.
Dahil ayaw ni Cain na mangalkal sa cabinet ni Gino ay dinampot na lamang nito ang malaking tshirt nasa gilid ng kama at isinuot sa tulog na si Gino.
Napangiti ito habang pinagmamasdan ang tulog na mukha nito pero nang maisip muli nito ang mga taong may kakagagawan nito kay Gino ay sumilay ang nakapangingilabot na ngisi sa labi nito.
Lumapit ito sa kinahihigaan ni Gino at hinalikan ang noo nito atsaka binulungan bago naglakad papaunta sa sala para doon matulog.
“Good night, My Ginobabes.”
▼△▼△▼△▼△
AHHH!!! SO HOWT!!! ( ¯ ³¯)♡
HOPE U ENJOY DIS CHAPTER❤😘
MB 25
I hope you enjoy reading this chapter 💕
3RD PERSON’S POV
NANG
magising si Gino kinabukasan ay masakit ang buong katawan niya, isama pa ang kirot ng kanyang ulo at wala din syang masyadong naalala sa nangyari kahapon.
“You should rest a bit more.”
Napatingin si Gino dahil sa boses ng lalaking pumasok sa kanyang kwarto.
“C-Cain? Anong ginagawa mo dito?” naguguluhan pa niyang tanong.
Hindi agad nito pinansin ang kanyang sinabi nagpatuloy lang ito sa paglalakad patungo sa kanya, may dala itong planganita na may lamang tubig.
Lumapit ito at inilapag ang dala sa silyang nasa tabi ng kanyang kama.
Sinubukan niyang tumayo pero nahihirapan pa sya dahil sa sama ng pakiramdam. Halos napasalampak siya sa sahig dahil sa sakit ng kanyang bewang. Wala ding lakas ang kanyang binti at mga hita.
“Wag mong piliting tumayo,” nagmamadaling sabi nito pagkatapos syang sambutin at inihiga muli sa kama.
“Anong nangyari?” naguguluhang tanong pa nya dito.
“I’ll tell you later,” tipid na sagot nito pagkatapos ilagay ang basang bimpo sa kanyang noo.
“May lagnat ka kailangan mong magpahinga,” anito sa kanya kaya napahinga siya ng malalim.
‘Ibigsabihin ay hindi ako makakapasok sa trabaho ngayon.’
“Kailangan kong tawagan si Mars,” pangungulit pa niya kay Cain pero umiling lamang ito bilang sagot.
“Don’t think about it right now, just rest,” saad pa nito habang palabas sa kanyang kwarto.
Sinunuod nya ang sinabi nito at ipinikit ang mga mata para magpahinga pero hindi pa lumilipas ang ilang minuto ay naibukas na muli nya ito kasabay ng pamumula ng kanyang mga pisngi.
‘G-Goodness, tunay ba iyon?’
nahihiyang tanong pa nya sa kanyang sarili ng maalala nya ang ilang pangyayari na naganap sa kanila ni Cain kagabi.
Dahil mas gising na ang kanyang sarili ngayon ay unti-unti na nyang na aalala ang lahat.
Ang tungkol sa kambal.
Sa kidnapping at plano ng mga ito sa kanya.
Pati na rin ang kaunting kaganapan sa pagitan nila ng callboy na si Cain.
‘Goodness! Ibigsabihin ay hindi na ako virgin!?’
di makapaniwalang sigaw pa nya sa isipan habang nakatakip sa bibig ang isang kamay.
‘Kung maka-react ka parang babae ah,’
biglang bulong pa ng echoserang utak kaya napailing na lamang siya.
Pilit pa nyang inaalala ang lahat pero naagaw ang attensyon nya dahil sa pagdating ng lalaking nakaniig nya kagabi.
“What happen? Are you okay?”
Napabalikwas sya ng higa nang marinig ang boses ng lalaking nakaniig nya kagabi. Nakasilip ito sa pinto ng kanyang kwarto.
Napangiwi sya sa naramdamng sakit sa bewang at balakang dahil sa biglang paggalaw.
Napabuntong hininga lamang naman ito habang nakatingin sa kanya at saka lumapit. Nakayuko lamang sya dahil sa hiya, hindi pa nya kayang tingnan ng deretso si Cain ngayon dahil sa nangyari sa kanila.
Napangiwi pa sya habang hinahaplos ang masakit na bewang.
Umupo ito sa gilid ng kanyang kama malapit sa kanyang katawan at nang hahawakan na siya nito ay mabilis nyang pinigilan ang kamay nito at umiwas.
Namumula ang mga pisngi nya dahil na aalala na naman nya ang naganap sa pagitan nila. Kung paano sya hinawakan nito at ang pag iisa ng kanilang mga katawan.
Gusto niyang magsisigaw ngayon dahil di pa rin sya makapaniwala sa lahat ng naganap.
“What’s the matter? Did any part of your body hurts?” tanong pa nito habang nakangisi sa kanya. Alam nito na natatandaan na nya ang nangyari.
“B-Bwisit ka! Anong ginawa mo sa’kin ha?” inis na tanong pa niya dito sabay suntok sa tagiliran nito sapagkat hindi lahat ng detalye ay kanyang naalala.
Tumatawa namang sinangga nito ang ginagawa niyang pagsuntok bago magsalita muli.
“Hey, it’s not me who’s begging to be hold last night,” nakangising sagot pa nito na nakapagdala sa kanya sa matinding kahihiyan.
“C-Cain please~”
“T-Tulungan mo ako, Cain~”
“They made you take an aphrodiasac infuse drink o so whatever, I need to make you sweat those drug in your system.”
Napatakip sya ng kumot para itago ang katawan ng maalala ang ilang bagay na sinabi nya kagabi.
“Hey Ginobabes, I’m just kidding okay, don’t be shy,” turan pa nito habang inaalis ang kumot na nakatabon sa kanya.
“Eh, tigilan mo muna ako!” pagtataboy pa nya dito habang mas nagtatago at nagtatakip ng kumot sa kanyang katawan.
Naramdaman nyang tumigil ito sa pangungulit sa kanya pero alam nyang nakaupo pa rin ito sa gilid ng kanyang kama.
Bigla syang napasilip sa kanyang kumot dahil sa biglang sinabi nito.
“I’m sorry, I should just bring you to the hospital last night,” nagsisisi na turan pa nito sa kanya kaya lumambot ang tingin na ibinibigay nya dito.
Hindi man nya alam ang buong nangyari kagabi pero sigurado syang ginawa lamang iyon ni Cain para tulungan siya.
Inilabas nya sa kumot ang isa nyang kamay at sinundot ang tagiliran nito kaya napakislot ito at saka tumingin sa kanya.
Mainit pa rin ang nararamdaman nya dahil sa lagnat pero mas maayos na kaysa kagabi.
‘Hindi ko alam na nakakalagnat pala pagnagtatalik, ganun ba iyon kasakit para lagnatin ako?’
wirdong katanungan pa nya sa kanyang isipan.
Napabalik naman sa katinuan ng magsalita muli si Cain.
“I’m sorry,” masuyong turan muli nito sa kanya habang suot ang nag aalala at nagsisising ekspresyon sa mukha nito.
Berhen pa ang kanyang katawan at hindi sanay sa mga ganung bagay kaya naman na iintindihan nya kung bakit masakit ito ngayon.
Base sa kanyang natatandaan kagabi ay sobrang naging maalaga si Cain sa kanya.
Naisip din nya na kahit hindi pa ganun katagal ng magkakilala sila ni Cain pero hindi nya mapagilang mapansin ang iilang ekspresyon at reaksyon na gumuguhit sa mukha nito.
Karaniwan ay lagi lamang itong nakangisi o nakangiti sa kanya pero pansin din nyang nawawala ang emosyon nito sa mukha pag iba ang kausap.
Para kay Gino ay napaka importante ng reaksyon at ekspresyon ni Cain dahil napakadalang at minsan lamang nya makita ang mga iyon sa gwapo nitong mukha.
Hindi nya sigurado kung epekto ba ito ng lagnat pero mas gusto pa nyang makita ang blanko nitong mukha kaysa sa malungkot.
Napangiti naman sya dito bago magsalita.
“Salamat sa pagtulong sa’kin Cain, hindi ako galit sayo pero---” pagputol pa nya sa sinasabi kaya na nanatili lamang ito na nakatingin sa kanya at hinihintay ang sunod nyang sasabihin.
”--- sana dinahan-dahan mo. Ang sakit pala no’n,” pagbibiro pa nya para di na ito malungkot sa ginawa.
Nakita nyang natigilan ito dahil sa kanyang sinambit at saka unti unting ngumisi at lumapit sa kanya.
“Dont worry, I’ll be more gentle next time and I’ll take full responsibility for what I’ve done,” nakangisi na muli nitong bulong kaya di nya napigilang hampasin ito ng unan.
“Letse ka talaga!” sigaw pa nya dito habang namumula ang mukha dahil sa hiya.
Ang punto ng pagkakasabi nito ay parang inaasahan na nitong may mangyayari pa sa kanila muli.
Napatawa lamang naman ito sa kanya at napahinga sya ng maluwag dahil mukhang hindi na ito malungkot.
Kinuha nito ang bimpong nahulog dahil sa kalikutan nya at
binasa muli nito ang bimpo at inilagay sa kanyang noo, pumikit na sya para matulog muli at magpahinga.
▼△▼△▼△▼△
SI Cain naman ay lumabas na ng kwarto ni Gino. Naisip niya na kailangan nitong kumain pero hindi naman sya marunong magluto.
Sa unang pagkakataon sa loob ng halos 29 years nya sa mundong ito ay nagsisi sya kung bakit di sya natutong magluto.
Napapailing sya ng makarating sa sala at nakita roon si Miggs na nakatingin sa kanya ng may lungkot sa mga mata habang nakahiga sa sofa.
“Don’t worry, he’s fine now,” aniya sabay haplos sa ulo nito.
Medyo nabuhayan naman ito at naging masigla dahil sa sinabi nya, tumayo ito ng mabilis at dumamba sa kanya at masayang hinimod ang kanyang mukha na parang nagpapasalamat.
Napangiti na lamang ng tipid si Cain dahil dito at nakipaglaro pa ng kaunti kay Miggs bago nagpunta sa malapit na 7/11 para bumili ng pwedeng makain ni Gino pag nagising na ito.
Habang naglalakad papunta sa convenient store ay bigla nyang naisip ang mga bagay na kanyang ginawa.
Hinawakan at inangkin nya si Gino habang nasa ilalim ito ng droga, yun lamang kasi ang alam nyang paraan para tulungan ito ng oras na iyon.
Sa mga oras na nakita nya ang kalagayan nito noong nakaraang gabi, parang nablanko ang kanyang isipan kung ano ang dapat gawin.
Unang beses sa tanang buhay nya na nawala ang kanyang kalmadong sarili para i-handle ang mga ganung sitwasyon.
Kung hindi si Gino ang nasa ganung kalagayan, siguradong alam nya kung anong gagawin at hindi sya makakaramdan ng pagkataranta at takot na may mangyaring masama dito.
Ang pakikipagtalik ay hindi na bago sa kanya, marami na syang nakaniig pero kahit kaunti ay hindi sya nakaramdam ng kahit ano para sa mga ito.
Pagginagawa nya ang mga bagay na iyon ay parang natural lamang, ang pakiramdam ay pare-pareho at walang kakaiba.
Pero ang naganap sa kanila kagabi ni Gino ay nagbigay kakaibang karanasan na bago sa kanya. Hindi sya nagsisi sa katunayan na ginawa nya iyon para ngang may kakaibang nabuhay sa kanyang kalooban at ramdam din nya na mas gusto nyang protektahan pa ito lalo.
Hanggang ngayon hindi pa rin nabubura ang imahe sa kanyang isipan kung gaano kaganda at nakakamangha ang Ginobabes nya na sigurado sya pa lamang ang nakakakita sa itsurang iyon.
Napangisi na lamang sya at mayabang na naglakad papasok sa 7/11.
Pagpasok nya dito ay napalingon pa sa kanya ang lahat ng laman ng convenient store, binalewala lamang nya ang mga titig na ibinibigay ng mga ito at nagpatuloy sa mga shelves para tumingin ng pwedeng bilhin.
Pagkalipas ng ilang minuto ay naglakad na sya papunta sa counter para bayaran ang mga binili.
“Thank you sir,” malambing na sabi pa ng cashier sabay kindat sa kanya.
Hindi naman nya iyon pinansin at nagtungo na palabas ng convenient store.
Dahil malapit lamang ang tindahang pinanggalingan nya ay nakabali sya kaagad.
Masiglang sumalubong sa kanya si Miggs sa may pintuan pa lamang. Hindi nya alam kung bakit gustong gusto sya ng asong ito.
Hinaplos na lamang nya ang balahibo nito at saka nagpatuloy sa kusina para ihanda ang mga biniling pagkain.
▼△▼△▼△▼△
NAGISING
si Gino na may humahaplos sa kanyang pisngi. Napangiti sya dahil akala nya si Miggs ito pero nagtaka din sya dahil bakit hindi nababasa ang kanyang mukha dahil sa laway nito.
Unti-unti nyang iminulat ang mga mata at gwapong mukha ang kanyang nakita.
“Kamusta na ang pakiramdam mo?”
“Mas okay na, hindi na ako nahihilo baka mamaya ay makatayo na ako,” sagot naman niya.
“Hm, aalis ka na ba?” malungkot na tanong pa nya dahil baka kaya sya ginising nito ay para magpaalam.
“No, I— I made you something to eat,” hindi siguradong turan pa nito sa kanya.
Napangiti naman sya dahil sa kinakabahang ekspresyon sa mukha nito at sa katunayang hindi pa ito aalis.
‘Sigurado akong hindi sya marunong magluto, sana nga lamang ay hindi sunog o hilaw ang ipakain nya sa’kin.’
Tinulungan sya nitong makaupo at makasandal sa headboard ng kama at lumabas muli ng kwarto para kunin ang pagkain.
Napatingin sya sa bedside table para silayan ang oras. Pakiramdam nya ay maikli ang naging kanyang pagtulog pero ang totoo ay halos dalawang oras din pala.
Makalipas ang ilang minuto ay bumalik na si Cain na may dalang tray.
Ipinatong nito sa kanyang kandungan ang dalang tray, nang masilayan nya ang mga pagkain ay parang gustong tumaas ng kanyang kilay.
‘Cup noodles at sunog na siopao?’
“Eh Cain? Anong ginawa mo dito?” nagtatakang tanong pa nya dito habang nakaturo sa sunog na siopao.
“Hm, I think that’s a dumpling, so, I fried it,” hindi siguradong sagot nito.
Gusto nyang mapatawa dahil sa naguguluhang ekspresyon ng mukha nito habang nagpapaliwanag sa kanya.
Dahil hindi naman sya bastos at malaki ang utang na loob nya sa binata dahil sa pagliligtas at pag aalala sa kanya ay pinagtyagaan na lamang nya ang pagkaing ginawa nito.
Masyado nang malambot ang noodles dahil nasobrahan ito sa luto at para naman makain ang siopao ay tinanggal na lamang nya ang mga sunog na parte nito.
“Salamat Cain,” turan pa nya dito pagkatapos syang painumin nito ng bioflu para sa kanyang lagnat.
“Anything for you,” sagot naman nito at mabilis na tumayo para dalhin sa labas ang tray. Dahil sa mabilis na paglabas nito sa kwarto ay hindi agad sya nakapagreact sa sinabi nito.
Gusto nyang kiligin pero ayaw nyang umasa. Siguro ay mabuting kaibigan lang talaga ito sa kanya.
‘Yun uri ng kaibigan na kayang gawin at lahat para tulungan ka, hindi nga lamang ako sure dahil hindi pa naman kami ganun katagal na magkakilala pero sa simula pa lamang nama ay malapit na ang loob ko sa kanya. Hindi ko sigurado pero baka ganun din siya sa akin?’
Dahil sa lalim ng kanyang iniisip ay hindi nya napansin na nasa loob na ulit si Cain ng kanyang kwarto kasama pa si Miggs.
“I think he’s really worried about you.”
“Talaga?”
“Yeah, binabantayan ka niya kagabi,” sagot naman nito kaya napangiti sya at hinaplos ang malambot na balahibo ni Miggs na nakaupo sa baba ng kanyang kama.
Tumahol pa ito na parang sumasang ayon kaya napatawa silang dalawa.
Dahil magkasama na rin naman sila ngayon ay naisipan nyang makipagkwentuhan dito para makilala din ng mas maayos ito.
Halos isang buwan na silang magkakilala pero wala pa itong nababanggit na kahit ano sa kanya.
“Cain pwede ba akong magtanong sayo?”
“Sure, besides you’re already asking,” pamimilosopo pa nito sa kanya pero di na lamang nya ito pinansin dahil marami talaga syang gustong malaman dito.
“Cain, Russian ka ba? Medyo naririnig ko kasi sa accent mo pagnag-eenglish ka,” unang tanong pa nya dahil ito ang pinakauna nyang napansin nung nagkakilala sila.
Kita nyang napatigil ito sa pakikipaglaro kay Miggs dahil sa kanyang katanungan.
Umayos ito ng upo at inihagis pataas ang hawak na bola at saka sinasambot, nakatingin ito sa kawalan na para bang nag iisip ng malalim.
Akala nya ay hindi na sasagot ito kaya iibahin na sana nya ang tanong ng magsalita ito bigla.
“No, I’m not,” tipid pa nitong sagot kaya napa angat ang isang kilay nya sa pagtataka.
“Nope, I’m not Russian. My father is Canadian ang my mother is a Filipina.”
Nanlaki naman ang mga mata ni Gino dahil sa nalaman.
“Woah talaga! May dugong pilipino ka pala talaga. Saan kayong probinsya nakatira?” di mapagilang tanong pa nya dito. Hindi kasi sya makapaniwala na may lahing pilipino ito. Akala nya ay matagal na ito sa bansa kaya marunong magtagalog.
“My mother live in Zubic, she’s a hooker in a bar and my father is a tourist. Nagkakilala sila doon at di inaasahang nabuntis ang aking ina. Dahil turista lamang ang aking ama, kinailangan nitong bumalik sa bansang pinanggalingan nito,” pagkukwento pa nito sa kanya. Wala mang makikitang ekspresyon ang mukha nito pero ang mga mata nito ay maraming emosyon na nilalaman.
Hindi umimik si Gino at nagpatuloy lamang sa pakikinig kay Cain, halo-halo ngayon ang emosyon na meron sya ngayon. Masaya dahil pinagkakatiwalaan na sya ni Cain para ikwento ang mga bagay na ito, sa kabilang banda naman ay nakakaramdam din sya ng pag aalala para dito.
“Even my mother is just a hooker, inalagaan nya ako ng maayos at minahal ng sobra di katulad ng ibang babaeng nasa katulad niya ng trabaho na kapag nabubuntis ay ipinapa-abort ang mga anak nila.”
“Nang magkaisip na ako, lagi ko sa kanyang itinatanong ang tungkol sa aking ama, she just smile at me and always tell that someday my father will be back and we will be a whole and happy family like others. But years past by and because of my mothers job, she got ill and died when I was six years old.”
Pagkukwento pa nito habang nakatingin sa kawalan, parang pinipiga naman ang puso ni Gino habang naririnig ang tungkol sa buhay ni Cain. Wala syang ibang kayang gawin para ibsan ang lungkot nito kaya lumapit na lamang sya at hinagod ang likod nito.
Patuloy lamang ang ginawa nyang pagpapagaan sa loob nito at hindi na iniisip na magsalita, alam kasi nyang tagapakinig ang kailangan nito.
Alam nya at nakikita nya sa pagkatao ni Cain na matapang at matibay na tao ito pero may mga bagay talaga na nakakapag labas ng tunay nating emosyon.
Kita nyang napabuntong hininga ito at malakipas ng ilang minuto ay humarap ito sa kanya na parang walang nangyari.
“Do you still have any question?”
Tanong nito na nakapagpabalik sa kanyang ulirat at mabilis na napatango.
“Hm, paano ka naman nagka-Russian accent? Tumira ka ba sa Russia?”
“Yes, nang mamatay ang aking ina napunta ako sa isang ampunan. Noong labing isang taon na ako di ko inaasahang dadating ang aking ama at kinuha nya ako para isama sa Russia.”
Bumakas ang pagkamangha sa mukha nya dahil sa narinig, nakaramdam siya ng saya ng makinig na binalikan si Cain ng ama nito pero bakit may kung ano sa kanyang kalooban na nagbibigay sa kanya nya ng pag aalala.
“Gano’n ba, ibigsabihin ay sa Russia ka lumaki? Pero anong dahilan at bumalik ka dito sa bansa?” naguguluhang tanong pa nya dito.
Di niya inaasahan pero isang iling lamang ang isinagot nito sa kanya. Lumambot naman ang ekspresyon ng kanyang mukha dahil sa pag unawa dito.
‘Mukhang hindi pa sya handang sabihin sakin ang lahat ng bagay tungkol sa kanya pero alam kong dadating ang panahon at sya mismo ang magsasabi sakin lahat ng iyon,’
isip-isip pa nya at nagsimula na ulit magtanong.
“Ilang taon ka na?”
“29, turning 30 this coming December,” sagot naman nito kaya napangiti siya dahil buwan ng pasko ang birthday nito.
Ilang taon din ang pagitan sa edad nila pero kung titingnan ang itsura nitong si Cain ay pagkakamalang 25 lamang ito.
“Kaano ka na katagal dito sa pilipinas ng bumalik ka dito sa bansa?” tanong muli nya pero umiling muli ito.
At sa buong pag uusap nga nila ay nabuo ng pinaghalong pagsagot nito at pag iling sa ibang bagay na ayaw nitong sagutin.
“Hm, para sa huli kong tanong. Cain, bakit mo piniling maging callboy eh gwapo ka naman pwede kang mag model?”
Napataas naman ang kilay nya parang nagpipigil ito ng pagtawa atsaka umiling.
Napabuntong hininga na lamang sya dito at napatingin kay Miggs na natutulog sa kanilang paahan.
Ramdam nyang maayos na ang kanyang pakiramdam, hindi na sya nilalagnat kaya humawak sya sa balikat ni Cain at sinubukang tumayo.
Pero mabilis syang napaupo muli dahil hinila sya nito ulit.
“Saan ka pupunta?”
“Magluluto ako, alam kong gutom ka na bukod pa do’n ay tanghali na,” sabi pa niya pero kahit di magsalita ay alam nyang hindi ito papayag.
“No, you still need to re—”
“Pakiusap Cain, pwede mo naman akong tulungan magluto,” sambit pa nya dito para makumbinsi na ito.
Napangiti naman sya ng tagumpay ng makita ang pagtango nito kaya nagpalit muna sya ng damit dahil basa na ito ng pawis.
.
.
.
.
“C-Cain, anong ginagawa mo?” naiilang pa nyang tanong dito.
Nasa kusina na sila ngayon at naghuhugas sya ng bigas sa lababo para magluto ng kanin.
“You need some assistance,” kasual na sagot nito sa kanya.
“P-Pero kailangan ba talagang ganito?”
Nasa likod kasi nya ito ngayon at nakahawak sa kanyang bewang at ang baba naman ay nakapatong sa kanyang balikat na parang inoobserbahan ang kanyang ginagawa.
“Yes, Baka bigla kang matumba.”
Napabuntong hininga na lamang sya dahil mukhang walang balak itong magpatalo sa kanya at ipinagpatuloy na lamang nya ang ginagawa. Kapag lilipat sya ng lugar ay nakahawak parin ito sa kanya.
Nang maisalang na nya sa Rice cooker ang bigas ay nagsimula na syang mag gayat ng bawang.
Nakapanood lamang ito sa kanyang ginagawa, pero biglang nagtayuan ang lahat ng balahibo sa kanyang batok dahil sa paglapat ng mukha nito sa kanyang leeg na parang inaamoy sya.
“C-Cain, umayos ka kung ayaw mong paalisin kita,” kinakabahang pagbabanta pa nya dito habang inilalayo ang kanyang leeg sa mukha nito.
“You smells nice,” walang pakialam sa kanyang pagbabanta na sagot nito sa kanya.
Siya nga dapat ang magsabi nun dahil sa pagyakap nito mula sa kanyang likod ay amoy na amoy nya ang pabangong gamit nito. Mabango pero di ganun katapang ang amoy nito, masasabi nyang bagay na bagay kay Cain ang amoy na iyon.
“Ewan ko sayo, hindi pa kaya ako naliligo,” sambit pa nya dito para palayuin ito.
“It’s okay, I think that’s your natural scent.”
‘Hays, wala talagang sense ang pakikipag usap ko sa kanya, wala naman balak na lumayo at tumigil ito kahit anong sabihin ko,’
sabi pa nya sa kanyang sarili at nang matapos sa bawang ay nagsimula naman sa paghihiwa ng sibuyas.
Habang naghihiwa ng sibuyas ay ramdam nya ang unti-unting paghapdi ng kanyang mata dahil sa sibuyas.
Pansin pala nito ang pagngiwi nya dahil sa sakit ng mata, nakiliti sya ng maramdaman ang mainit na hininga nito sa kanyang tenga.
“Ako na ang gagawa niyan,” anito kay binitawan nya ang kutsilyo at naghugas ng kamay.
Inalalayan naman sya nito paupo sa silya sa may island counter, Iniharap ang kanyang mukha at pinunasan ang luha sa kanyang mata bago ito naman ang nagpatuloy sa naiwan nyang gawain.
Pinagmamasdan nya ang ginagawa nito at nang magawi ang kanyang paningin sa mukha nito ay hindi nya alam kung matatawa o ma aawa ba siya.
Mapula na ang mga mata pero walang mababakas na kahit anong ekspresyon ang mukha nito. Siya ang napapangiwi dahil alam nya ang nararamdaman nito ngayon lalo ng masaksihan nya ang pagtulo ng luha mula sa mga mata nito.
‘Okay, sobrang kawawa na siya,’
isip-isip pa nya at tumayo na para pigilan ito.
“Hey, what are you doing here, just sit in there,” sabi pa nito pero umiling siya.
Nakipag agawapan sya sa sibuyas na hawak nito ng ilang beses bago nila napagdesisyuhan na tama na ang paghihiwa.
Magulo pero naging masaya silang dalawa habang nagluluto.
▼△▼△▼△▼△
SA PENTHOUSE,
tapos ng magluto si Zero ng tanghalian nila kaya nandito na silang apat sa mesa at kumakain.
Nasa tapat ni Hellix at Zero sina Josh at Gary.
Hanggang ngayon ay busy parin sila sa pag alam kung sino ang nasa likod ng mga pag atake at pag sabotahe sa kanilang negosyo.
Halos walang umiimik sa kanilang apat kahit ang maingay at madaldal na si Hellix.
Medyo naninibago ang mga kasamahan nya dahil hindi sanay ang mga ito na ganito sya.
Maya-maya pa ay di na nakatiis ang isa nilang kasama na si Josh at nagtanong.
“What’s your problem, man?” tanong pa nito kay Hellix.
“Wala, may iniisip lang ako,” sagot nito at nagkibit balikat pa.
Alam ng lahat ng nasa mesa na seryoso ang nangyayari kay Hellix sapagkat walang bagay na sineseryoso ito. Lagi nitong itinuturing na laro ang lahat.
“What is it?” Kahit ang walang pakialam na si Zero ay napatanong na din.
“Hm, may nagtanong kasi sa’kin kagabi. Ano daw ang dapat gawin sa taong nasa ilalim ng presensya ng droga, specially, Aphrodiasac.”
Napataas naman ang kilay ng lahat dahil sa sinabi nito at syempre na-curious sila kung anong sinagot nito.
“Anong isinagot mo, bro?” di makapag intay na tanong ng kasamahan nilang si Gary.
Ang inaasahan nilang sagot nito ay dadalhin sa ospital para magamot ng doctor pero ngayon dahil sa naging sagot nito ay masasabi nilang wala ng pag asa ang kaibigan.
Napabuga ng iniinom na tubig si Josh at nabilaukan naman si Zero dahil sa naging sagot nito.
…
…
.
.
“Sex.”
MB 26
I hope you enjoy reading this Chapter 💕
3RD PERSON’S POV
DAHIL
naging masaya si Gino sa buong maghapon na magkasama sila ni Cain at inaalagaan siya nito ay nakalimutan na niyang tawagan si Mars kung bakit siya absent.
‘Hm, siguro sasabihin ko na lang bukas pagpasok ko sa office,’
isip-isip pa niya habang nag aayos ng matutulugan ni Cain.
Ilang beses niyang sinabi na okay na ang pakiramdam niya at pwede na siyang iwan nito pero dahil makulit at matigas ang ulo nito ay hindi talaga nakikinig sa kanya.
Baka raw may mangyaring masama sa kanya lalo na at kapapangyari lamang ng kidnapping sa kanya, baka balikan siya ng mga taong gumawa noon sa kanya.
Wala pa naman siyang balita kung nahuli ba ang kambal mula sa raid na naganap noong gabing iniligtas siya ni Cain.
Naiintindihan naman niya na nag aalala lamang ito kaya hinayaan na lamang niya.
Kasya man sila sa kanyang kama pero hindi siya kumportable kung magtatabi sila kaya ipinaglalatag niya ito ng banig at kutson sa baba ng kanyang kama.
Habang nag lalagay ng unan sa higaan ni Cain ay kasama niya si Miggs na naglalaro naman sa kanyang tabi.
Dahil abala sya sa ginagawa ay hindi nya agad napansin na nakatayo na pala sa may pinto si Cain, napansin lamang nya ng tumahol at tumakbo si Miggs papunta sa kinalalagyan nito.
Nang makita nya ito ay mabilis nyang naiiwas ang tingin, nakatapis lamang kasi ito ng puti nyang twalya sa ibabang parte ng katawan nito para takpan ang dapat takpan doon.
Basa pa ang buhok at may ilang butil ng tubig na kumikintab at tumutulo mula sa matipuno at maputing katawan nito.
Kitang kita ang laki ng dibdib at dami ng abs na meron ito ngayon, isama pa ang gwapong ngisi na nakapaskil sa mukha nito.
Kinailangan pa ni Gino na takpan ang nag iinit nyang pisngi dahil sa nasaksihang kamangha-manghamg itsura ni Cain.
“A-Ano pa bang itinatayo mo dyan, m-magbihis ka na!” inis na sabi pa nya dito habang nakayuko.
Hindi nya talaga kayang tingnan ito dahil na aalala na naman nya ang mga eksenang naganap sa kanilang pagitan.
‘Kung pwede lang akong magka-amnesia ay gugustuhin ko na makalimutan lang ang mga nakakahiyang tagpo sa aming pagitan,’
isip-isip pa ni Gino habang napapailing.
Dahil nalunod na sya sa pag iisip at akala nya ay wala na si Cain at nagbibihis na ay nagkalakas na sya ng loob na humarap sa dereksyon ito. Hindi nya inaasahan na naroon pa rin ito at kalaro si Miggs.
“CAIN, MAGBIHIIS KA N—”
“I want to, but I don’t have any clean clothes here.”
Napanganga naman sya ng mapagtanto ang sinabi nito.
‘Hala, Oo nga anong ipapasuot ko sa kanya eh halos dalawang doble ko ang katawan nya.’
Napakamot sya sa ulo at nagsimulang magkalkal sa kanyang cabinet. Naghahanap sya ng pinakamalaking tshirt na meron sya.
Ilang minuto na ang nakalipas pero bigo pa rin sya, may nakita syang basketball shorts na kasya dito pero brief at damit ay wala.
Malungkot na lumingon sya sa kinalalagyan nito na nakaupo na sa kanyang kama.
“Cain,” pagtawag pa nya sa pangalan nito. Mabilis naman itong tumingin sa kanya.
“What’s wrong?”
“Sorry pero short lang kasi ang nahanap ko,” nakalabi pa niyang ani dito.
Kinabahan naman sya ng walang sabi-sabi ay lumapit ito sa kanya.
“That will work,” sagot naman nito at kinuha ang short sa kanyang kamay at lumabas muli ng kwarto para pumunta sa banyo at magbihis.
Nang makabalik ito ay walang saplot na damit, wala ding brief kaya kahit ayaw ni Gino ay medyo nakikita nya ang pagbakat ng pagkalalaki nito sa short na ipinahiram nya.
Gusto nyang sampalin ang mukha at pukpukin ang ulo para di mapunta sa ibang lugar ang kanyang isip dahil sa nakita. Napakagat labi na lamang sya para di maakit sa itsura nito ngayon.
‘Normal ba sa isang tao ang maging ganito kagwapo at kaganda ng katawan, kung may batas man na nagbabawal ay siguradong ipinakulong ko na ang Callboy na ito.’
“Thanks, Ginobabes,” turan pa nito at umupo sa higaan nito sa sahig malapit sa kanya.
Medyo nawala naman ang kalandian ng kanyang utak dahil sa narinig at nabuo ang kunot sa kanyang noo.
“Ikaw ha, nasasanay ka na sa pagtawag sakin nyan. GINO lang ang pangalan ko walang BABES!”
“I prefer that way,” ayaw patalong sagot pa nito sa kanya kaya lalo nya itong sinimangutan. Napatawa lang naman ito at saka kinurot ang kanyang pisngi.
Pinagpag nya ang kamay nito at nahiga na sa kanyang kama. Hindi nya maipaliwanag pero masaya sya kahit ang daming naganap sa kanya nitong mga nakaraang araw.
‘Masaya ba ako dahil walang masamang nangyari sakin o dahil sa isang tao?’
Napailing na parang baliw na lamang sya at saka nagtakip ng kumot sa buong katawan.
‘Parang panaginip lang ang lahat, pag gising ko ba bukas ay babalik na sa normal ang lahat? Makikita ko ba ulit ang kambal na bully sa office bukas? Maibabalik ko kaya ang panahon na berhen pa ang aking katawan?’
Malalim na isip pa nya habang nakatitig sa kisame ng kwarto nang bigla syang may naalala.
“Cain? Gising ka pa?”
“Yeah, why? Do you need something?” mabilis na sagot naman nito at umupo para tingnan ang kalagayan nya.
Napakamot naman ito sa ulo ng marinig ang sinabi nya saka tumayo.
“Patayin mo ang ilaw.”
▼△▼△▼△▼△
KINABUKASAN
, nagkukusot pa ng mata si Gino dahil sa antok pero alam nyang kailangan ng bumangon dahil papasok na sya sa trabaho ngayon.
Mapungay pa ang kanyang mata kaya di nya agad napansin na may nakahiga nga pala sa sahig.
Muntik na nyang mayapakan si Cain kung di nya lang agad na aalala na nandun nga pala ito.
Napangiti pa sya habang pinagmamasdan ang natutulog nitong mukha, dahil wala itong suot na pang itaas at nag aalala syang lamigin ito kaya bago magtungo sa banyo ay naisipan nyang kumutan muna ito.
Hinaplos din nya ang ulo ni Miggs na natutulog sa paahan ni Cain.
‘Hays, sarap talaga sa pakiramdam ng hindi nag iisa.’
Nang makarating sa banyo ay naghilamos sya ng mukha para mas lalong magising ang sarili, nagmumug din sya mg bibig bago punasan ang mukha at dumeretso sa kusina para magluto ng agahan nila.
Naisipan ni Gino na magluto ng sinangag at sunny side-up.
Habang nagluluto ay hindi nya maiwasang maalala ang nangyari kagabi at hindi nya mawari kung matatawa ba sya o maiinis dahil dito.
ISA’T
kahating oras na syang nakahiga sa kama at medyo dinadalaw na ng antok ng bigla syang may naalalang importanteng bagay.
Napaupo sya sa kama at tumayo, dahan-dahan ang ginawa nyang pag galaw para di magising si Cain at Miggs na nakahiga sa sahig saka naglakad palabas ng kwarto.
Daig pa nya ang mag nanakaw na di gumagawa ng kahit anong ingay, alam kasi nyang pagnagising si Cain ay hindi sya hahayaan nitong maisagawa ang kanyang plano.
Nakatiad ang paraan nya ng paglalakad para di makalikha ng ingay ang kanyang yabag ng paa. Nasa hallway na sya at patungo sa lugar kung saan nya gagawin ang plano nang…
Bigla na lamang may humigit sa kanya pabalik sa pamamagitan ng pagyakap sa kanyang bewang. Sisigaw na sana sya sa takot ng takpan nito ang kanyang bibig.
Nagpumiglas sya dahil akala nya ay multo o kaya masamang tao ito pero nang marinig nya ang boses na nagpatayo sa kanyang balahibo ay mas ninais na lamang nyang isang multo ang nakayakap sa kanya ngayon at hindi ang taong ito.
“Where do you think you’re going, sneeking like this in the middle of the night?” seryosong bulong pa ng lalaki sa kanyang tenga.
Tinanggal na nito ang pagkakatakip sa kanyang bibig at iniharap sa dito, ang seryosong mukha nito habang nakatingin ay nagpanguso sa kanya.
“You’re not answering my question yet.”
Dahil matigas ang ulo nya ay hindi pa rin nya ito sinagot kahit lumipas na ang ilang minuto, sunod na lamang nyang napansin ay binuhat na sya nito ng parang sa bagong kasal at naglakad pabalik sa kwarto.
“C-Cain! Wag mo akong ibalik sa kwarto,” pagrereklamo pa nya dito nakahawak sa leeg nito para di mahulog.
“I give you a chance to explain earlier but you’re so stubborn and just taking me so lightly when I’m dead serious.”
“P-Pero, hindi ka naman papayag kapag sinabi ko,” nakasimangot na sagot nya dito at pinisil pa ang tenga nito.
Pansin naman nyang kumunot ang kilay nito dahil sa kanyang ginawa.
“Tell me right now and I might consider,” Pagbibigay pa nito ng pangalawang pagkakataon habang nakatayo sa harap ng pinto ng kwarto.
“G-Gusto kong maglaba,” pabulong na sagot pa nya dito.
“What? Say it louder.”
Dahil naiinis na sya ay sinigaw na nya ito.
“GUSTO KONG MAGLABA!”
Pagkasigaw nya ay napansin nya ang ekspresyon sa mukha ni Cain, at masasabi nyang hindi nito nagustuhan ang sagot nya.
“Are . You . Out . Of . Your . Mind?” seryosong turan pa nito at nagbigay ng isang hindi makapaniwalang titig sa kanya.
Ang mukha din nito ay nagsasabing ’
mali ang sagot mo at wala ka ng magagawa para baguhin ang isip ko.’
at saka sinipa ng mahina ang pinto ng kwarto para bumukas ito.
Napakayakap na lamang sya sa leeg nito sa lungkot at napabulong.
“G-Gusto ko lang naman labhan ang damit mo, w-wala ka kasing susuotin bukas.”
Hindi nya inaasahang titigil ito sa paglalakad kaya humiwalay sya ng kaunti para tingnan ang mukha nito.
Hindi na nya lamang nya nagawa iyon ng parang nangi-gigil na sumiksik ito sa leeg nya at inamoy ito.
“Dapat sinabi mo sa’kin ka-agad,” bulong pa nito sa kanya sabay halik sa kanyamg leeg na parang naglalambing.
Mabilis naman syang napahawak sa parteng hinalikan nito dahil parang may kuryenteng naramdaman sya na dumaloy ito.
Pero kahit malakas at maingay ang tibok ng kanyang puso ay alam nyang hindi na galit sa kanya si Cain kaya napangiti sya dito atsaka nagtanong.
“Ngayon, pwede na ba akong maglaba?”
Sa unang pagkakataon ay nakita nyang ngumiti ito ng malapad sa kanya bago sumagot…
“NO”
HABANG
naglalagay ng asin at magic sarap sa itlog na niluluto ay napailing na lamang si Gino.
Hindi talaga pumayag hanggang sa huli si Cain sa kanyang balak pero hinayaan naman nitong magpaturo sa kanya para ito na ang maglaba.
Hindi nya mapigilang makaramdam ng saya dahil sa mga simpleng bagay na katulad nito.
Habang masaya syang nagluluto ay nabigla sya ng may yumakap mula sa likod at bulong sa kanyang tenga.
“Good morning, Ginobabes.”
“Ahh!”
Hindi mapigilang sigaw pa nya dahil sa gulat, ang mapungay na mata ni Cain ay biglang nanlaki dahil sa reaksyon nya.
“Luko ka talaga, wag kang manggulat,” pagsesermon pa nya dito habang nakahawak pa sa kanyang dibdib.
Ngumisi lang naman ito bago humingi ng tawad.
Dahil tapos na din naman sya magluto ay nagsimula na silang mag agahan, ganun din si Miggs sa kanyang pakainan sa ilalim ng mesa.
“Hm, so good,” pagpuri pa nito sa luto nya kaya bigla syang nakaramdam ng pagiging proud sa kanyang sarili.
Matapos kumain ay pinauna nyang maligo si Cain habang naglilinis naman sya ng kusina.
Pangiti-ngiti pa sya ng biglang maalala ang kanyang cellphone.
‘Naku, sorry Mars, nakalimutan na talaga kita,’
isip-isip pa nya habang naglalakad papunta sa kwarto.
Nang makarating doon ay mabilis nyang hinanap ang kanyang cellphone na nakita nya sa loob ng bagpack nya.
Nanlaki at namilog ang kanyang mata ng makita ang napakaraming misscall at text galing sa mga kaibigang sina Mars at Jewel, ganun din kay Sir Yuan nya.
Napatakip na lamang sya ng mukha dahil sa pagka inis sa sarili.
‘Shunga ko talaga, paano ko sila haharapin ngayon? Siguradong nag aalala na sila dahil hindi ako nagpaalam na aabsent ako.’
Habang nakaupo sa kama at namumublema ay bigla namang may pumasok sa kanyang kwarto.
“You Okay? Wag ka nang pumasok sa trabaho kung masama pa ang pakiramdam mo,” bakas sa boses nito ang pag aalala habang nakatingin sa kanya.
“Okay lang ako Cain, kaya ko ng pumasok sa office.”
“Are you sure?” di kumbinsidong tanong pa nito kaya napatango na lamang sya bilang sagot.
Naligo na din sya at nagbihis, napangiti pa nga sya ng makita na suot na ni Cain ang damit na nilabhan nito kagabi.
Nagiwan sya ng marami-raming pagkain kay Miggs para di ito magutom, Hinaplos nilang dalawa ang ulo nito bago isara ang pinto ng bahay.
Habang naglalakad papunta sa kanto ay may sinabi si Cain kaya napalingon sya dito.
“Take care as always, Ginobabes.”
“Oo naman, ikaw din,” sagot naman nya dito at saka sumakay sa dumaang taxi.
Habang sakay ng taxi ay sumilip pa sya sa bintana para kawayan si Cain na inihahatid sya gamit ang tingin.
▼△▼△▼△▼△
MAKALIPAS
ang tatlungpong minuto ay nakarating na rin sya sa building ng kumpanya.
Pagpasok pa lamang ay ramdam na nya ang kakaibang tingin na ibinibigay ng mga empleyadong nakakakita sa kanya.
Pansin nga nya na parang may halong awa at habag pa ang mga tingin sa kanya.
Napuno naman sya ng pagtataka pero binalewala na lamang nya ang lahat ng iyon. Sanay naman kasi sya na laging kinukutsya.
Dahil nakayuko sya habang naglalakad ay hindi nya agad napansin ang mabilis na paglapit sa kanya ng mga kaibigan.
“Bhes Gino!!!”
“Siz!!!”
“Ha?T-Teka, Bakit?” gulat na tanong pa nya sa dalawa ng bigla syang yakapin ng mga ito.
“Buti naman nandito kana Siz.”
“Salamat sa Diyos at ligtas ka Bhes.”
Sabay na sabi pa ng mga ito kaya lalo syang naguluhan at napatanong sa sarili.
‘Alam ba nila ang nangyari sa’kin?’
“Halika bhes, marami kang dapat ipaliwanag sa’min,” sabi pa ng mga ito at nagmamadali syang isinama pasakay sa elevator.
Mabuti na lamang at maaga pa kaya hindi pa siksikan sa elevator ngayon, sa katunayan ay sila lamang ang sakay nito.
“Bhes, okay ka na ba? Saan ka nagpunta?”
“Bakit ‘di mo sinasagot ang tawag namin?”
“Ang kambal na yun ang mat gawa ng lahat ng ito, kasumpa-sumpa talaga sila,” nagtatangis ang bagang na sabi pa ni Mars.
Halos mahilo naman sya dahil sa sunod-sunod na tanong at mga sinasabi ng mga ito.
“Sasagutin ko kayo pero isa-isa lang ha. Una ay oo, maayos na ang pakiramdam ko. Pangalawa ay nasa bahay lamang ako kahapon dahil nilalagnat ako at pangatlo, sorry dahil di ko nasagot ang tawag nyo,” mahabang sagot naman nya sa dalawa.
Pansin nya na nagkatinginan lamang ang dalawa na parang naguguluhan at di makapaniwala sa sinabi nya.
Hindi na lamang nya pinansin ang mga ito at saka nagtanong.
“Ngayon ako naman ang magtatanong, paano nyo nalaman ang tungkol sa nangyari sa’kin?”
“Malamang bhes, kami ang tumawag ng pulis at sumama pa nga kami sa pagraid dun sa lugar, pero pagdating namin dun ay wala ka na,” paliwanag sa kanya ni Mars.
“Oo nga Siz, tinawagan agad ako niyang si prend dahil nasa kapahamakan ka daw, nandun kami sa Crime scene at nasaksihan namin ang paghuli sa kambal pero kahit anong gawin ng mga pulis ay di ka nila mahanap,” seryosong pahayag naman ni Jewel.
Habang pinapakinggan ang mga sinasabi ng mga ito ay biglang bumilis ang tibok ng puso niya dahil sa kaba.
‘I-Ibigsabihin ay hindi si C-Cain ang tumawag sa mga pulis, kaya hindi nga hindi ko na sya tinanong pa sa nangyari sapagkat akala kong sya ang may gawa ng raid,’
di makapaniwalang sambit niya sa kanyang sarili.
Nagising na lamang sya sa malalim na pagiisip ng may humawak sa kanyang balikat, tumigil na pala ang elevator at kailangan na nilang lumabas.
Tahimik lamang sya habang naglalakad papasok sa working station nila, napapatingin at napapatango na lamang siya kapag may sumasalubong na katrabaho at tinatanong ang kanyang kalagayan.
Masaya syang malaman na nag aalala din pala ang mga ito sa kanya pero puno pa ang kanyang isip ng mga tanong ngayon.
Nang makaupo na sila sa kanilang cubicle ay pinalibutan na naman sya ng mga kaibigan.
“Bhes okay ka lang, sorry ha nabigla ka ata namin,” paghingi ng paumanhin ni Mars.
“Oo nga Siz, alam naming trauma ka pa sa nangyari.”
Napangiti naman siya sa mga ito.
“Wala yun, ang totoo niyang ay marami rin akong gustong malaman,” turan pa niya.
Habang hindi pa nagsisimula ang working hour nila ay nag usap pa sila tungkol sa nangyari.
Hindi makapaniwala ang dalawa na nasa bahay lamang sya at wala sa delikadong lugar.
Nang mahuli kasi ang kambal at bigla syang mawala ay pinaamin ng mga pulis sina Elvin at Eldran kung saan sya itinago pero hindi makasagot ang mga ito sapagkat hindi rin alam ng mga ito kung saan sya napunta.
“Bhes, paano ka nakatakas at nakauwi sa inyo?” tanong pa ni Mars sa kanya.
Nagdadalawang isip man ay sinabi pa rin nya sa mga ito.
“Si C-Cain, siya ang tumulong sa’kin, tapos pag gising ko nasa bahay na ako,” makatotohanang sagot niya sa mga ito.
“Cain? Yung callboy mo? Pero paano siya nakapasok dun sa warehouse eh nahirapan pa nga ang mga pulis dahil napakaraming tauhan ng kambal at lahat ng mga ito ay may mga baril?” naguguluhang tanong ni Jewel sa kanya.
Napakibit balikat naman sya dahil hindi nya alam.
“Alam kong mahirap pa para sayo ang lahat bhes pero sasabihin ko sayo ang totoo, kinakabahan ako sa Cain na yan. Hindi mo siya kilala,” may pag alala pang turan ni Mars sa kanya.
Naiintindihan din naman nya ang mga kaibigan pero sya ang tunay na nakaka alam na hindi delikadong tao si Cain, kahit maikling panahon pa lamang silang magkakilala ay nalaman nyang mabait at napaka maalaga nito.
Hindi na lamang sya umimik dahil ayaw nyang salungatin ang sinabi ng kaibigan dahil nag aalala lamang ang mga ito sa kanya.
“Hm, ayaw ko ng isipin ang mga nangyari. Ang mahalaga ay ligtas ako di ba?” positibong turan nya kaya napatango na lamang ang mga kaibigan.
“Handa ka na bang puntahan ang kamabal sa pulis station?, kailangan mo kasing magbigay ng statement para makasuhan sila,” anii Jewel na hinahaplos ang kanyang balikat.
“Hm, magbibigay ako ng statement pero hindi pa ako handang harapin sila ngayon, hindi ko pa sila napapatawad,” seryoso naman nyang sagot.
“Okay yan, so, bhes---” napapangiti pang turan ni Mars sa kanya bago sumigaw at yumakap sa kanya ang dalawa.
”---- WELCOME BACK!!!”
Napatawa naman sya dahil sa kakulitan ng mga ito, medyo napaluha pa sya dahil sa saya sapagkat may mga mabubuti syang kaibigan.
Masaya namuli silang nagsimula ng trabaho sa araw na iyon dahil panatag na ang kanilang mga kalooban.
Kapag walang ginagawa si Mars ay lagi sya nitong sinisilip at chinichika.
Nalaman nyang nakalipat na pala kahapon si Jewel dito sa kanilang department, at nalaman na rin ng lahat ng empleyado dito ang ginawa ng kambal at ang nangyari sa kanya.
Napagtanto nyang iyon pala ang dahilan kaya may awa ang tingin sa kanya ng mga ito kanina.
Napatawa pa sya dahil hindi makachika sa kanya si Jewel dahil medyo malayo ang cubicle nito sa kanila.
Nang sumapit ang lunch break ay nagtungo na silang tatlo sa Cafeteria para maglunch, dahil wala syang baon ay bumili na lang din sya.
“Siz, libre ka na namin.”
Napataas naman ang kilay nya dahil sa special treatment galing sa mga kaibigan.
Ang kanin ay kay Jewel at si Mars naman ang nagbayad ng ulam niya.
Pagkatapos bumili ay nagtungo na sila sa table, kumain sila habang nag uusap pa rin ng mga bagay na nangyari ng araw na absent sya.
Habang nagkukwentuhan ay pansin nyang malungkot si Jewel kahit tumatawa at nakikipag asaran ito sa kanila.
“Jewel, may problema ka ba?” hindi niya napigilang itanong dito.
“Naku bhes, wag mo ng pansinin yan nagdadrama lang yan, wala kasi ang crush niyang si Sir Yuan,” sagot ni Mars sa kanya.
Napataas naman ang dalawa nyang kilay at napaisip ng…
‘Akala ko simpleng Crush nya lang si Sir, mukhang mas malalim pa pala ang nararamdaman nitong si Jewel para kay Sir.’
“Ganun ba, kelan daw balik ni Sir para di na malungkot si Jewel?” napapatawa naman nyang tanong.
“One week daw si Sir sa Laguna,” malungkot na sagot sa kanya ni Jewel. Napahilig naman si Mars at bumulong sa kanyang tenga.
“Malakas talaga ang tama nyan kay Sir.”
Napatango naman sya dahil sa sinabi ni Mars pero may parte sa kanya na naiintindihan ang nararamdaman ni Jewel.
‘Kung di rin kami ni Cain magkita ng ilang araw ay malulungkot din ak—, t-teka? Tama ba ang pagkakaintindi ko sa aking naiisip ngayon lang?’
‘Goodness na babaliw na ako.’
Napayuko na lamang sya sa table dahil sa mga bagay na gumugulo sa kanyang isipan.
Si Mars naman ay napailing na lamang habang nakatingin sa malungkot na si Jewel at namumula at nakayukong si Gino.
Wala na lamang itong nagawa at napabuntong hininga at napaisip ng..
‘Gosh! Napapalibutan ako ng mga baliw---
----- sa pag ibig!’
NAGING
mabilis ang buong maghapon ni Gino sapagkat masaya siya dahil kasama na niya ulit ang mga kaibigan.
Nandito na sila ngayon sa labas ng building, nauna na si Jewel at nagpaalam na din si Mars dahil nandyan na ang sundo nitong si Kevin.
Kahit 6:30 pm pa lamang ay medyo madilim dahil nagbabadyang umulan.
Hindi nya mapigilang mainip sa paghihintay ng taxi sapagkat natatakot syang abutin ng ulan.
‘Bakit wala pang taxi, baka umulan na wala pa naman akong dalang payong,’
reklamo pa nya sa kanyang sarili habang palinga linga.
Maya-maya pa ay habang naghihintay ay may pamilyar na kotseng pumarada sa kanyang tapat.
Biglang bumaba ang tainted na bintana nito at nanlaki ang mata nya dahil hindi nya inaasahan ang taong makikita sa loob nito.
“Gino sakay na, hatid na kita.”
‘Hala si Sir Yuan nga pero kala ko ba ay isang linggo sya sa laguna,’
isip-isip pa nya habang nakatingin dito.
“Are you okay?” tanong pa nito at saka lumabas sa magarang kotse.
Napaatras naman sya ng lumapit ito.
“Uulan na, sakay ka na,” turan nitong muli habang binubuksan ang pinto para sa kanya.
“H-Hindi na po Sir, okay lang po ak—”
Napatigil sya sa pagsasalita ng mapansin na sa likuran nya nakatingin ito, Dahil sa pagtataka ay napalingon din sya at wala sa sariling napangiti sya.
“Cain!” may saya na pagsambit pa niya sa pangalan nito.
Lumapit ito sa kanilang kinalalagyan at bigla na lamang syang hinigit palayo sabay sabing… “Come on, we need to go home,” walang emosyong turan pa nito sa kanya.
“T-Teka lang,” pagpigil pa sana nya dito pero mukhang walang balak itong tumigil sa paghila sa kanya kaya lumingon na lamang sya at kumaway kay Sir Yuan sabay sigaw ng…”Bye Sir Yuan!”
Nang bumuhos ang ulan ay maswerteng nakauwi na sila sa apartment niya.
Paglabas nya sa kwarto pagkatapos magbihis ay bigla nyang napansin na may dala pa lang malaking bag si Cain.
“Cain, anong laman ng bag mo?” tanong pa nya dito sabay turo sa bag na katabi nito ngayon sa sofa.
“Clothes.”
“Eh? Ang dami naman ata nito, bakit may pupuntahan ka ba?” medyo malungkot na tanong pa nya dito.
“Yeah,” tipid na sagot nito kaya lalo syang nanlumo. “You’re not gonna ask where am I going?”
Napatingin naman siya dito dahil sa sinabi nito.
“Ah, saan ka nga ba papunta?”
Napangisi naman ito bago sumagot sa kanya.
“Here —
”--- cause I’m gonna stay here with you from now on.”
-------------------------❤❤❤
Hello guys!
Otor
Cane is here💕
Salamat po lahat ng sumusuporta at bumabasa ng story na ito…Love lots
and
HAPPY NEW YEAR
🎉🎊
Thanks po and Byieee💕
MB 27
I hope you enjoy reading this Chapter💕
3RD PERSON’S POV
KINABUKASAN,
maagang gumising si Gino para pumasok sa trabaho.
Nang pababa na siya sa kamang hinihigaan ay napailing siya dahil sa nakita. Si Cain ay mahimbing pang tulog sa sahig, katabi si Miggs.
‘Hays, ‘di pa rin ako makapaniwala na mula ngayon ay magkasama na kami dito sa bahay,’
isip-isip pa niya habang naglalakad papunta sa banyo.
Matinding pag uusap ang naganap sa kanila kagabi at dahil sa kakulitan ni Cain ay nagtagumpay ito. Habang naghihilamos ay nagbalik sa kanyang ala-ala ang pag uusap nila kagabi.
“T-Teka, anong h-here?”
Di makapaniwalang tanong niya kay Cain.
“Here, as in, here with you and Miggs,” kasual na sagot naman nito sa kanya na parang ‘di big deal ang lahat.
“AT BAKIT NAMAN? Bigyan mo nga ako ng matibay na dahilan, Cain.”
“Did you already forget what I’ve told you before, I said that I will take full responsibility for what I’ve done to you, right?” paliwanag naman nito sa kanya.
Napanganga naman siya sa pahayag nito, ang takbo ng mga salita nito ay parang lalaking nakabuntis ng babae at gusto itong panagutan.
“Te - Teka Cain, hindi tayo nagkakaintindihan,” pag-awat pa niya dito.
“No, I think we discuss this alright, so --- where can I put my clothes?” turan pa nito sa kanya at tumayo sabay dampot sa bag na dala.
Naiwan naman siyang tulala at ‘di talaga makapaniwala sa lakas ng loob ng lalaking ito.
‘Saan ba nakuha ng malakas na kumpyansa sa sarili ang callboy na to?’
Napayuko na lamang sya dahil sa pagkatalo at napabulong..
.
“Cabinet, sa kwarto.”
Napailing na lamang si Gino at saka nagpunas ng mukha.
Inihanda muna noya ang mga susuotin bago pumunta sa kusina at magluto ng agahan at baon nya para sa lunch.
Nagluto sya ng kanin at nagprito ng tocino para sa agahan nila, nagpa init na rin siya ng tubig kung sakali na gusto ni Cain ng kape.
Pagtingin siya sa orasan sa kusina ay maaga pa naman pero kailangan na noyang gisingin ang dalawa.
Bumalik soya sa kwarto at pagbukas pa lamang nya ng pinto ay nakita na nya ang nakahilatang si Cain at si Miggs na nakasiksik dito.
‘Tss, tulog pa ang mag-ama,’
natatawa niyang sabi pa sa isipan at lumapit sa mga ito.
“Cain, gumising ka na,” sambit pa niya habang inaalog ang balikat nito.
“G-Gino—babes?” bulong pa nito habang pikit kaya napatawa siya ng mahina.
‘Mukhang hanggang sa panaginip ay kasama mo ako sa adventure mo ah,’
isip-isip pa nya at mas inalog ang balikat nito para magising, makalipas ng ilang segundo ay nagtagumpay naman sya sa pag-gising dito.
“Ginobabes, good morning!” Naghihikab na turan pa nito sa kanya kaya binati din nya ito pabalik habang hinahaplos ang ulo ng gising na din na si Miggs sa tabi nila.
Inaya na nya ito para kumain, naghayin na sya ng pagkain sa mesa at inihanda kanyang baon.
“Ginobabes, ano pang ginagawa mo, halika kain na tayo,” rinig pa nyang sabi pa ni Cain sa kanya habang nag aayos pa ng kanyang baon.
Lumingon naman sya dito ng bigla syang may maisip.
“Sige lang, ah Cain? Gusto mo bang magbaon din ng pagkain para sa lunch mo mamaya?”
“Really!? Sure Ginobabes,” bakas ang pagkasabik at kasiyahan sa mukha at boses nito.
Napangiti naman sya sa kanyang sarili at ipinaghanda rin ito.
Matapos maihanda ang mga baon nila ay lumingon ulit siya kay Cain para tanungin.
“Kape, gusto mo?”
Tiningnan lang naman sya nito na may kung anong emosyon sa mga mata, hindi nya mawari kung ano iyon pero nagulat na lamang sya ng bigla itong tumayo at lumapit sa kanya.
Huli na ng mapagtanto nyang nakayakap na ito ng mahigpit sa kanya. Ang mukha nito ay nakasiksik sa kanyang leeg habang ang mga braso ay nasa kanyang bewang.
Nang maproseso na ng kanyang utak ang nangyayari ay sinubukan nyang kumawala sa pagkakayakap nito.
“T-Teka lang, C-Cain bakit ka ba nang yayakap?” nahihirapang sambit pa nya habang pinipilit na lumayo dito.
Kahit anong pagtulak nya ay hindi sya balak bitawan nito, sunod na napansin na lamang nya ay ng makili sya dahil sa pagtama ng mainit na hininga nito sa kanyang tenga.
“Thank you,” sinsero at seryosong bulong nito kaya napatigil sya pagpupumiglas.
Naguguluhan man ay naramdaman nya na may pinaghuhugutang malalim ito kaya hinayaan na lamang nya itong yumakap pa sa kanya.
Syempre dahil magkayakap na rin naman sila na sinulit na rin ito ni Gino para sumiksik din kay Cain at amuyin ito. Hinaplos din nya ang likod nito at saka sinuklian ang mainit nitong yakap.
Matapos ang madamdamin nilang tagpo nung agahan ay naging mabilis na dumaan ang mga minuto at oras.
Nandito na silang dalawa muli, naglalakad sa may kanto para makasakay sya ng taxi.
Pansin nya na hindi sya iniiwan ni Cain hangga’t hindi pa sya nakakasakay. Binabantayan sya nito at sinasamahan.
Maya-maya pa ay may dumating ng taxi, sasakay na sana sya ng bigla mapalingon sa kinalalagyan nito dahil sa sinabi nito.
“Ginobabes, last hug?” nagpapaawang pakiusap pa nito kaya napailing sya at lumapit sa bukas na braso ni Cain.
Yumakap sya dito ng may ngiti sa labi habang mahigpit naman ang pagkakayakap nito sa kanya.
Tinapiktapik pa nya ang likod nito at sinabing male-late na sya, baka galit na din ang driver ng taxi sa paghihintay, kumalas naman ito sa pagyakap at nagpaalam na sa kanya.
Medyo late na ng makarating sya sa office kaya naman nag aalalang sinalubong sya ng mga kaibigan sa pinto ng working station nila.
“Bhes, nag alala kami sayo.”
“True siz, akala namin kung napaano ka na bakit ka ba kasi late?”
Napakamot na lang sya sa ulo at nag isip ng palusot sa mga ito. Hindi man mukhang kumbinsido ang mga ito ay ang mahalaga ay ligtas sya.
Nagtungo na sya sa kanyang cubicle, ganun din naman sina Mars at Jewel.
Ilang minuto pa lamang syang nakakaupo sa harap ng kanyang table ay napalingon sya dahil sa pagtawag ng isang boses.
“Mr. Dimapilit, Can I speak with you in my office?”
“A-Ah, sure po sir,” nag aalangan pa nyang sagot dito habang napapatingin kay Mars.
Nagkibit balikat lang naman ang kaibigan dahil hindi rin nito alam ang rason kung bakit sya gustong kausapin ng Sir nila.
Sumunod na lamang si Gino kay Sir Yuan para malaman kung ano nga ba ang kailangan nito.
“Ano po ang pag uusapan natin Si— ” naputol ang tanong nya ng bigla syang yakapin nito ng makapasok na sila sa loob ng office.
“I’m glad you’re safe, gusto kitang makausap kahapon kaya bumalik ako dito galing sa business trip,” nag aalalang bulong pa nito sa kanya.
Dahil sa pagyakap nito ay inaasahan nyang makakaramdam din sya ng kuryente o pagbilis ng tibok ng puso katulad ng nararanasan nya kapag niyayakap sya ni Cain pero wala.
Normal lang ang pakiramdam, parang yung yakap lang ni Mars at Jewel. Siguro nga ay kaibigan nya talaga si Sir Yuan.
“Okay lang po ako Sir, ligtas na po ako,” sagot pa nya dito sabay tapik sa balikat nito.
Lumayo naman ito sa kanya ng kaunti pinaupo sya sa mini sala sa loob ng opisina.
Pinag usapan nila ang nagyari at kung anong balak nya para sa kambal. Nasabi nya dito na pupunta sya mamaya sa pulis station para mabigay ng statement.
“Pwede ba kitang samahan doon?” pagpeprisinta pa nito sa kanya.
“Ahm pero Sir Yuan, may kasama na po ako mamaya,” nakayukong sagot niya dito.
Hindi pa nya nasasabi kay Cain pero siguradong sasamahan sya noon sa prisinto.
“Iyon bang lalaking laging sumusundo sayo?” tanong nito na may inis sa boses kaya napatingin siya dito.
“O-Opo,” nahihiya niyang sagot dito.
“Ano mo ba sy—” Napatigil sa pagsasalita ito dahil sa katok na narinig nila.
Napabuntong hininga na lamang ito at pinabalik na sya sa kanyang table ulit.
“Salamat sa oras mo, Mr. Dimapilit,” formal na sabi pa nito sa kanya bago sya lumabas ng opisina.
‘Hm, ano kayang sasabihin ni Sir kanina? Di ko narinig ng maayos,’
Isip-isip pa nya habang pabalik sa kanyang table.
Dahil chismosa si Mars ay tinanong agad sya nito kung anong nangyari.
Nang hapon na ding iyon ay sinamahan sya ni Cain sa presinto para maghayin ng statement.
Maraming naging tanong ang mga pulis buti na lamang at nasagot naman nila lahat iyon.
Kinumbinsi rin sya ni Cain na makausap ang kambal pero hindi pa sya handa ngayon kaya ipinagpaliban muna nila ang bagay na iyon.
▼△▼△▼△▼△
HABANG
abala sa pakikinig at pagbabasa ng mga dukumentong hawak si Mr. Sinclair ay biglang naramdaman nya ang pagvibrate ng cellphone sa kanyang bulsa.
Nang makita nya na importanteng tawag ito ay tumayo sya at nag-excuse sa lahat.
Lumabas sya ng conference room ng kanyang kumpanya para sagutin ang tawag na ito.
”
Ohayo!
Sinclair-san,” pagbati pa ng boses ng lalaki mula sa kabilang linya.
“Yeah, now talk,” tipid naman nyang sagot dito.
“You’re not even gonna greet me back?” may halong pang aasar na sabi pa nito sa kanya.
“Tss, just tell me what I want to know because I’m in the middle of a conference right now. IM . FUCKING . BUSY.”
”
Hai, hai.
Chill Sinclair-san, well I bring good news for you, we already know who’s behind the attack and sabotage in your business.”
“Zokkō,
Minato
.
Proceed
,
” sagot pa nya habang naglalakad pabalik sa kanyang opisina, mas mahalaga ang pag uusapan nila kesa sa meeting na dinaluhan nya kanina lang.
Inoue, Minato, the best tracker of one of the strongest Yakuza Clan in Japan as of today. Ang ama ni Mr. Sinclair at Minato ay may pinagsamahan pagdating sa mga underground at illegal business kaya naman nahihingian nya ito ngayon ng tulong. Hindi man nya aminin sa sarili pero isa ang lalaking ito sa kanyang mga itinuturing na kaibigan.
“Viktor Petrova, he is the eligitimate son of Mikail Ivanovich, the one who betray you in one of your transaction, remmember?” sambit ng kausap n’yang si Minato sa kabilang linya.
“So, this is a revenge story huh,” walang interes na turan nya sa kausap ng makaupo na sya sa kanyang table.
“I think its not just that, Viktor Petrova wants to inherit his late father’s position in Mafia. And because he’s just a bastard of Ivanovich, the family didn’t approve him without proven that he is worthy.”
“Victor plan this revenge on you to show this power and capabilities,” pagpapaliwanag pa ni Minato sa kanya kaya lalo syang napailing.
‘So, an amateur wants to take me down,’
isip-isip pa nya habang hinihilot ang sintido.
“I’m gonna send you the information about him now.”
“Absolutely,” tipid nyang sagot sabay bukas sa kanyang computer.
Maya-maya pa ay nagflash sa kanyang harapan ang mga stolen pictures ni Victor kasama ang iba’t ibang member ng mafia at iba pang personalidad sa underground world.
Nandito din ang buo at kumpletong inpormasyon ni Viktor, may mga article at iba pang dukumento na may kinalaman dito.
Napatitig na lamang sya sa nakaka asar na pagmumukha ng Viktor na ito sa monitor ng kanyang computer at nakabuo ng kunklusyon sa kanyang utak.
“His plan is to take me down while I am still in the country where my forces are not here. Hmm, cocky bastard,” walang emosyon na sabi nya sa kausap.
“Yeah, sort of,” natatawa namang sagot ng hapon sa kanya.
“The best counter measure to do Sinclair-san is to go back in Mascow as soon as posible.”
“No, I— There’s still lot of things I need to do in here.”
”
Honkidesu ka?/ Are you sure?
The longer you stay in that country, the dangerous it gets,” pagpapa-alaala pa nito sa kanya.
Alam na niya ang mga bagay na iyon pero may dahilan sya para di umalis.
“Don’t take this as a joke, Sinclair-san. I don’t want you to put my brother in harm,” huling turan ng kausap bago natapos ang tawag.
‘Yeah, I always make sure that Zero is safe,’
isip-isip nya bilang sagot sa huling sinabi nito.
Walang buhay nyang naibaba ang cellphone na hawak at napabuntong hininga.
‘I can’t leave h— No, I dont want to leave him alone,’
sambit niya sa kanyang isipan habang na-aalala ang maamong mukha ng taong laging nasa kanyang isip at kumakatok na din sa puso nya ngayon.
▼△▼△▼△▼△
ISANG LINGGO
na ang nakalipas ng magulat si Gino sa matinding rebelasyon ni Cain.
Hindi nya inaasahang seseryosohin nito ang pangako na kukunin nito ang lahat ng responsibidad at pananagutan nito ang ginawa sa kanya.
Pinagtalunan pa nila ito pero dahil sa makulit at ayaw patalong ugali ni Cain ay ito pa rin ang nasunod.
Kapag hapon ay sinusundo rin sya nito lagi para bantayan para hindi na ulit mangyari ang kidnapping na kinasangkutan nya noon.
May saya sa kanyang dibdib kapag nakikita nya si Cain na naghihintay sa kanya.
Dati pinangarap lang nya na dumating ang araw na ito, lagi kasi syang naiinggit kay Mars noon kapag sinusundo ito ng kasintahan.
Hindi man nya kasintahan si Cain ay masaya parin syang makasama ito.
Sa isang linggong pagsasama nila ay marami syang nalaman at natutunan dito.
Unang una ay over protective ito, pangalawa ay sobra nitong kulit pero sa lahat naman ng ginagawa nito ay isinasalang alang pa rin ang kanyang kagustuhan at opinyon.
Masaya syang may nalaman at natuklasan sya tungkol dito, pansin din nya na sanay na ito sa kanya kaya naipapakita na nito ang iba’t ibang ekspresyon ng mukha nito.
Ngumingiti ito ng malapad kapag masaya o excited, nagdidilim ang mukha nito kapag naiinis at seryoso at ang pinakagusto nya. Nababahidan ng pamumula ang pisngi nito kapag nahihiya.
Napangiti sya ng maalala ang ang isang pangyayari. Dahil sa kakulitan nito ay hindi nya napigilang halikan ito sa pisngi. Napatulala pa sya ng makita ang nahihiyang reaksyon ng mukha nito.
‘May tinatagong kakyutan din pala si Mr. Callboy,’
natatawa pa nyang sabi sa kanyang isipan.
“Bakit ka tumatawa?” nagtataka pang tanong nito sa kanya habang kumakain sila ng agahan.
“Wala naman, wag mo na akong pansinin.”
Napatango naman ito sa kanya pero di parin inaalis ang kakaibang tingin sa kanya.
Ngayon ay linggo, day-off nya sa trabaho at mukhang wala ding balak umalis ni Cain.
Maaga syang nagising sapagkat nakatambak pa ang mga dapat nyang gawain sa araw na ito.
“Ginobabes, I want to help,” bigla syang napalingon ng marinig ang boses ni Cain habang nag hahanda sya ng mga damit na lalabhan.
“Hm, pwede mo bang dalhin si Miggs sa park para makapaglaro siya doon?”
“Sure, leave it to me,” sabik na sagot naman nito sa kanya.
Tumango naman siya, bago labas ng bahay ay narinig pa nyang sumigaw ito.
“Babalik agad ako, Ginobabes. I’ll help you with the laundry.”
Napatawa na lang sya dahil sa kakulitan nito.
Nang umalis ito kasama si Miggs ay nagsimula naman syang maglinis ng bahay at maglaba.
Makalipas ang isang oras ay tapos na syang maglinis ng bahay at nagbabanlaw na lamang sya ng mga damit.
‘Hm, sabi ni Cain babalik sila agad pero hanggang ngayon ay wala pa
,
’ nag aalala nyang sabi sa sarili.
Nagbabanlaw na din naman sya kaya itinigil muna nya ang ginagawa para tingnan kung saan na napadpad ang dalawa.
Nang palabas na sya sa bahay ay sakto namang bumukas ito.
“Ginobabes, we’re home,” nakangisi pang bati nito saka pumasok sa bahay kasama si Miggs.
Nakahinga naman sya ng maluwag dahil nakauwi na ang mga ito pero nang tumagilid si Cain ay may napansin syang isang bagay na nagbigay sa kanya ng inis.
‘Tss, nag alala pa ako sa kanya ‘yon pala nang babae lang sa labas kaya sila natagalan ’
inis na isip-isip nya sabay irap dito ng makita ang namumulang lipstick sa pisngi ni Cain.
“Why, what’s wrong?” naguguluhan pang tanong nito sa kanya.
“Manalamin ka ng malaman mo ang sagot,” masungit na sagot nya dito at naglakad na pabalik sa pagbabanlaw.
Tiningnan lang naman sya nito ng may pagtataka at sinunod ang kanyang sinabi.
Makalipas ng ilang segundo ay mabilis na dumating si Cain para magpaliwanag sa kanya.
Naiinis sya kanina pero ngayon naman ay nagpipigil na syang matawa dahil sa pagpapaawa nito.
May humarang daw ditong babae at bigla na lamang humalik sa kanyang pisngi.
Napagtanto nya na wala naman syang karapatang mainis at magalit sapagkata wala naman silang relasyon. Narito lamang si Cain para panagutan ang ginawa nito hindi dahil gusto sya nito.
Hindi nya maintindihan pero may parte sa kanyang sarili na nasaktan dahil sa kanyang na-realize.
‘May nararamdaman na nga ba ako sa kanya?’
napailing sya dahil sa mga iniisip.
“Wag naman sana,” bulong pa nya at di inaasahang narinig ni Cain kaya nagtanong ito.
“What is it?”
“Wala, sabi ko pagkatapos nating maglaba ay may pupuntahan tayo,” pagpapalusot pa nya dito.
Nakita naman nyang ngumiti ito at mas ginanahan sa pagtulong sa kanyang pagbabanlaw.
‘Hays, alam kong sa simula pa lamang ay mali na ang desisyon ko na patirahin si Cain dito, ayaw kong makita ang sarili ko na araw-araw nasasaktan dahil sa kanya.’
DAHIL
alam nyang may date ngayon si Mars ay naisip ni Gino na isama si Cain para magsimba at magpunta sa Amusement park.
Sumakay sila ng jeep papunta sa simbahan, mabuti na lamang at pagdating nila dun ay hindi pa nagsisimula ang misa.
“Cain, ayun oh may bakante pang upuan,” sabi pa nya dito sabay turo sa bandang unahan.
“N-No, I’ll just wait you here,” nag aalangan pang sagot nito sa kanya kaya napuno ng pagtataka ang kanyang mukha.
“Ha? Baliw ka ba, isang oras din ang buong misa,” di makapaniwalang sambit nya dito.
“It’s okay, I can manage,” sagot naman nito at hindi pa makatingin sa kanya.
‘Takot ba siya sa simbahan? Iba rin.’
Dahil ayaw niyang iwan ito ay ginalingan na niya ang pagpapaawa at pangungunsensya.
“Cain~ hindi mo ako sasamahan, maraming tao sa loob paano kung may mangyari sa akin doon?” paglalambing pa nya habang nakayakap sa braso nito.
“O-Okay, okay,” sagot pa nito at hindi nakaligtas sa kanyang paningin ang pamumula ng pisngi nito.
“Okay, tayo na sa loob ” masayang turan pa nya dito sabay higit sa kamay nito paloob.
Umupo sila sa may unahan at pagkalipas ng ilang minuto ay nagsimula na ang misa.
Lumuhod sya para magsimulang magdasal.
‘God, salamat po sa lahat ng biyaya nyong ipinagkakaloob sakin tulad na lamang ng malusog na pangangatawan at kaligtasan. Salamat din din po dahil may nga kaibigan akong nagmamahal sa’kin at ----’
Napatingin sya sa lalaking katabi nya ngayon.
’---- masaya po ako ngayon dahil kay Cain na nagpapahalaga at nag aalaga sa’kin.
MB 28
I hope you enjoy reading this Chapter💕
3RD PERSON’S POV
MATAPOS
ang misa ay nagtungo na sila sa isang amusement park na matagal nang gustong puntahan ni Gino.
Dahil medyo malayo ay napagpasyahan nilang magtaxi na papunta doon. “Ser, nandito na po tayo.” Napatingin naman silang dalawa sa driver ng taxi dahil sa inihayag nito.
Sabik na bumaba si Gino at tiningnan ang lugar, maganda ito at maingay dahil maraming tao dito.
Masasaya at excited na mukha ng mga bata, mga magkahawak kamay na magkasintahan at syempre mga pamilya.
‘Nakakatuwa silang pagmasdan, sana nakapunta din kami dito noong buhay pa ang aking mga magulang,’
medyo nalungkot siya sa isiping iyon pero mabilis nya itong nabawi ng maalala na hindi pa nga pala sila nakakapagbayad ng taxi.
Hinugot niya ang coin purse sa bulsa at babayaran sana ito pero umiling si Cain sa kanya at ito na ang nagbayad.
Pagkabayad nito ay naglakad na ito palapit sa kanya. “Salamat Cain sa pagbabayad ng pamasahe natin, ako na ang bibili ng ticket natin,” aniya dito pero nagtaka sya dahil umiling muli ito.
“Ha?” naguguluhan pa niyang tanong dito.
Ngumisi lang naman ito sa kanya
at walang sabi-sabing hinawakan ang kanyang kamay papasok sa entrance ng Amusement park.
Bawat mga kababaihang madaanan nila, may syota man o wala ay parang mababali ang leeg sa paghabol ng tingin kay Cain.
Medyo na iilang siya dahil sa pagtitig ng mga ito sa magkahawak nilang kamay kaya naman pilit nyang inaalis ito, kaso kahit anong subok nya ay hindi sya magtagumpay, napakahigpit ng pagkakahawak nito sa kanya.
Siguro nainis na din ito sa pagpupumiglas nya kaya tiningnan sya nito ng seryoso bago nagsalita.
“Maraming tao dito, gusto mo bang mawala?”
“C-Cain, matanda na ako. Kaya ko na ang sarili ko,” pabulong na sagot naman niya dito.
“No,” matigas na turan pa nito kaya napayuko na lang siya.
Habang nagbabayad ito ng ticket nila ay nakayuko lamang sya, naiinis siya dito dahil sa pagiging over protective nito.
Minsan pakiramdam niya ay hindi lang babae ang turing nito sa kanya, minsa nagiging bata rin, tulad ngayon.
Habang inilalagay nito sa kanyang pulsuhan ang wrist ticket ay na nanatili pa syang nakasimangot.
‘Pakiramdam ko hindi kaibigan ang kasama ko ngayon, mas papasa pa sya bilang bodyguard.’
Dahil sa kung ano-anong iniisip nya ay hindi na nya nagawang iwasan ang paghalik nito sa kanyang pisngi.
Huli na ang lahat at napatulala na lamang sya ng napagtanto nya ang ginawa nito.
“L-Luko ka, bakit ka nanghahalik?” inis na sabi niya dito habang hinahampas ang braso nito gamit ang isa nyang kamay na hind hawak ni Cain.
“Well you’re pouting again. Buti nga at sa pisngi lang kita hinalikan,” sabi pa nito kaya napanganga sya sa kayabangan ng Callboy na ito.
Gigil na gigil na sya sa lalaking ito pero hindi niya maitatanggi na masaya itong kasama.
“Saan tayo pupunta? Sasakay na ba tayo sa mga rides?” sabik na sunod-sunod na tanong pa nya dito habang palinga-linga sila sa paligid.
“Hm, let’s go there first,” sabi pa nito sabay turo sa di kalayuan.
Maraming tao at maliit si Gino kaya hindi nya makita kung ano ang tinuturo nito, hinigit na lamang sya nito kung saan sila pupunta.
‘Weekend ngayon kaya ang dami talagang tao,’
isip-isip pa ni Gino habang nakikipagsiksikan.
Dahil ang atensyon nya ay nasa mga nakakasalubong ay hindi nya napansin agad kung anong una nilang susubukang attraction dito sa park.
“Come on, letts try this one,” sabi pa nito sa kanya pero para syang nabato dahil sa nakita.
“H-Hindi! A-Ayoko Cain, hindi ako p-papasok dyan!” takot na sigaw pa nya sabay higit sa kamay nyang hawak nito.
Pero katulad kanina ay hindi pa rin sya nagwagi, hindi pa rin nya nabawi ang kamay dito.
“What? Okay naman dito,” patay malisya na sagot nito sa kanya. Kahit blanko ang mukha nito ay alam pa rin nyang inaasar siya nito.
Alam nito na takot sya sa multo pero gusto syang papasukin sa Horror house. Nababaliw na nga ang Callboy na ito.
“A-Anong Okay? Hindi ako papasok dyan!”
“Psh, cute,” biglang sabi nito sa kanya kaya ang takot nararamdaman kanina ay napalitan ng inis.
“Anong sabi mo?” inis na tanong nya dito.
“You’re cute and adorable,” mapang asar na turan pa nito kaya lalong tumindi ang inis nya.
“Ako cute and adorable!? Cain! Lalaki ako! LALAKI!” sigaw pa niya dito habang itinutusok sa dibdib nito ang kanyang hintuturo para ipahayag ang kanyang sinasabi.
Nginisian lang naman siya nito bago nagsalita.
“Then, if you’re a real men, you should’nt afraid of ghost. Come on, let’s go inside,” sabi pa nito kaya bigla syang natigilan.
Pero dahil ayaw nyang mapahiya at asarin na naman nito ay wala syang nagawa kung hindi panindigan ang pagiging isang matapang at matibay na lalaki.
Kahit kasi bakla si Gino ay ayaw pa rin nyang lantaran syang ginagawang babae, oo nakikita at napapansin nya ang kagwapuhan ng ibang lalaki pero hindi ibigsabihin nun ay gusto n nyang maging babae.
‘Na-aattract ako sa kapwa ko lalaki pero hindi ko naman gustong maging babae, hayss, ngayon pa talaga ako naguluhan. Hindi ko naman kasi iniisip ang mga ganitong bagay noon.’
Dahil sa iniisip ay napagtanto nya na mula ng matanggap nyang isa syang bakla noon ay si Cain pa lamang ang lalaking naging malapit sa kanya ng ganito.
‘Ibigsabihin ba nun ay hindi ako bakla? baka Bi ako? Ewan bahala na.’
“O-Oo n-naman sabi ko nga, di ba? tayo na sa loob!” nagtatapang tapangan na sigaw nya kahit nangangatal ang mga tuhod sa takot.
Tiningnan lang naman sya nito na parang nagpipigil ng tawa sakay sumunod sa kanya.
Papasok pa lang sila ay parang gusto na nyang magback-out. Ang madilim na pinto sa kanilang harap ay talagang nagdadala na ng matinding takot sa kanya.
‘Goodness, pinto pa lang ito ay takot na ako paano pa kaya sa loob,’
isip-isip pa nya habang pinagpapawisan ng malamig.
“What now, Ginobabes?” sabi ng atat na Callboy sa likod nya.
“O-Oo na, papasok na nga!” sigaw pa niya dito pero bigla syang hinigit nito pabalik.
“Bibigyan kita ng prize kapag natapos mo ang Horror House,” bulong pa nito sa kanya kaya tiningnan nya ito ng masama.
“E-Ewan ko sayo!” sabi nya dito at nagpatuloy na papasok.
▼△▼△▼△▼△
SI CAIN naman ay napapailing lamang sa pagtapang-tapangan na ipinapakita ng kanyang munting Ginobabes.
Napangisi sya dahil sa takot na nakikita sa mukha nito ngayon, alam nyang hindi mabibilang ang minuto at tatakbo at kusa itong yayakap sa kanya.
‘Hays, I can’t wait to hug him as tight as I want to be.’
Simula ng may mangyari sa kanila ay hindi na nya mapigilan ang sarili na hawakan at halikan ito. Kaso hindi nya magawa iyun sapagkat laging nagagalit ito sa kanya.
Kaya nga nya pinili ang lugar na ito para ang Ginobabes na nya ang yayakap sa kanya. Mula sa kanyang isip ay gusto na nyang tumawa na parang may masamang balak.
Madilim at malamig sa loob ng horror house, may mga nakakatakot na tunog din na maririnig na nakakapagpadagdag sa Fear Factor ng lugar.
Naglalakad lamang sya sa likodan ni Gino, kitang kita nya kung paano manginig sa takot ito, mabagal din ito maglakad at mukhang ano mang oras ay gusto ng tumakbo palabas.
Pansin nya na may liwanag din naman dito pero panaka-naka lamang, sapat lang para maaninag nila ang dadaanan.
Sa buong lugar ay nagkalat ang mga iba’t ibang nakakatakot na nilalang. Multo, white lady, may killer din at pati mga paniki.
Hindi lang nanaman sila ang nasa loob nito kaya maririnig ang maraming sigaw at mura na nanggagaling sa ibang tao.
Habang mabagal na naglalakad sila ay bigla na lamang may lumabas sa gilid na lalaking may dalang palakol para takutin sila.
“AHHH!!—” sigaw nito sabay takip sa bibig.
“Did you just scream?” natatawa pa nyang tanong dito pero umiling lamang ito ng sunod-sunod.
“H-Hindi ah, hindi ako y-yun,” pagtanggi pa nito sa kanya para ipakita na matapang ito.
Napatawa na lamang sya ng mahina dahil sa pagpapalusot nito.
Ilang minuto na ang nakalipas at halos nangangalahati na sila sa Maze sa loob ng Horror House pero hindi pa rin ito lumalapit sa kanya.
Medyo na iinis na sya dahil mukhang palpak ang kanyang plano kaya naman nakaisip sya ng isang bagay na magpapatakot talaga dito.
NAMUMUTLA na sa takot si Gino pero pinipilit pa rin nyang magpatuloy.
‘H-Hindi ko na talaga kaya, t-takot na takot talaga ako gusto ko ng makalabas dito pero pakiramdam ko ay kahit gaano kalayo at kahaba na ang nalalakad ko ay hindi ko pa rin nakikita ang exit,’
isip-isip pa nya habang naglalakad ng dahan-dahan.
Kinakabahan sya na baka bigla na lamang may lumabas muli pa gulatin sya.
Kaya sya nakakatagal sa loob nito dahil alam nyang nasa likoran nya lang lagi si Cain.
Dahil sa naisip ay lumingon siya para tingnan ito pero laking gulat nya ng makitang wala na ito.
Purong kadiliman na lamang ang kanyang nakikita, namilog sa takot ang kanyang mga mata at bumilis ang tibok ng kanyang puso sa kaba.
‘N-Nasaan na siya?’
kinakabahang tanong pa nya sa sarili.
“C-Cain! Cain nasan ka na?!” nauutal na sigaw pa nya para marinig sya nito.
Dahan-dahan syang naglakad pabalik para hanapin ito nang biglang may nakasalubong syang multo kaya napatakbo sya sa takot habang nangingilid ang luha sa kanyang mga mata.
“AHHHH! CAIN!” malakas na sigaw pa nya habang tumakabo.
Sa di kalayuan ay may naaninag syang lalaking pamilyar kaya mabilis syang tumakbo at yumakap sa braso nito.
“C-Cain,” takot at lumuluhang bulong nya dito.
“Ginobabes,” parang gulat na sambit pa nito ng makita siya.
Napahinga sya ng maluwag dahil sa wakas ay nakita na rin nya ito.
Habang nakayakap siya sa braso nito at pinapakalma ang sarili ay hindi nakaligtas sa kanyang paningin ang mga ngisi nito.
Hindi na lamang nya iyun pinansin at nagpatuloy na ulit sa paglalakad.
Hindi pa sila nakakalayo ay may mga kababaihang nagtakbuhan palapit sa kanila.
Ang isa sa mga ito ay bigla na lamang yumakap sa katawan ni Cain kaya ang takot sa paligid ay parang nawala at napuno sya ng hindi maipaliwanag na inis.
Umalis sya sa pagkakayakap sa braso nito at hinigit ang babae palayo kay Cain sabay tulak nito sa isang tabi kaya napasalampak ito sa sahig.
Tinaasan pa nya ng isang kilay ito bago kinuha ang kamay ni Cain at hinigit palayo.
Wala na syang pakialam sa lahat ng mga halimaw at multong nadadaanan nila, kahit ang pinaka nakakatakot sa finale ng horror house ay hindi sya nagawang takotin.
Ang tanging nasa isip lamang nya ay makalabas at makalayo sa babeng iyon at sa lugar na ito.
Nang makalabas na sila at makita na nila ang liwanag ay nakahinga talaga sya ng maluwag pero naramdaman nya ang panghihina ng kanyang tuhod.
Nasa lupa na sana sya kundi lang sya nasalo ni Cain at mabilis na nakayakap.
Para syang lantang gulay na walang lakas at nakadantay lang kay Cain, mahigpit naman syang yakap nito mula sa bewang.
Ang mabilis na tibok ng kanyang puso ay nagdudulot ng panghihina ng kanyang katawan, parang ngayon lamang bumabalik lahat ng kaba at takot na naramdaman nya sa loob.
“You did a great job, Ginobabes.”
Dahil sa nadarama ay halos hindi na nya naririnig ang ibinubulong ni Cain sa kanyang tenga.
Dahil likod ito ng Horror house ay buti na lamang dahil walang masyadong mga tao dito para makakita ng nakahihiyang itsura nya ngayon.
Nakasiksik lamang sya sa dibdib ni Cain habang hinahaplos nito ang kanyang buhok para pakalmahin sya.
“You know, I just figure it out right now that your action is base on your emotions,” turan muli nito sa kanya.
Dahil medyo okay na ang pakiramdam nya ay nagawa na nya itong kausapin.
“Anong ibigsabihin mo?”
“Tumatapang ka kapag galit at lumalakas ang loob mo kapag naiinis ka naman. Your attitude makes you unique,” may paghanga na sabi pa nito kaya napatitig lamang sya sa gwapong mukha ng kausap
‘Eh di ikaw na ang may mas alam ng ugali ko kaysa sa sarili ko ngayon,’
isip-isip pa niya habang nakanguso.
Napansin naman nyang bumaba ang tingin ni Cain mula sa kanyang mga mata pa tungo sa kanyang labi.
Napalunok naman sya dahil sa tindi ng pagkakatitig nito sa kanya ngayon.
Maya-maya pa ay lumapit ito at bulong sa kanya.
“Do you want to claim your prize?” mapang akit na sabi pa nito.
Alam ni Gino na iba na ang dahilan ng malakas na kabog ng puso nya ngayon. Ramdam na din nya ang pag iinit ng pisngi nya.
Bago pa sya makasagot ay lumapat na sa isang madiin na halik ang labi nito sa kanya.
Hindi man gumagalaw ang kanilang labi ay parang nauubusan pa rin sya ng hangin sa katawan dahil sa sobrang bilis ng tibok ng puso nya.
Makalipas ang ilang minuto at naghiwalay na ang kanilang labi, walang lakas na napasubsub na lamang ulit siya sa dibdib nito.
Gusto nyang magalit pero walang lakas ang kanyang katawan. Habang nakadantay sya sa katawan nito ay bigla nyang narinig itong magsalita na parang may kausap kaya napatingin sya.
“Do you have any problem, miss?”
TANONG pa ni Cain sa babaeng itinulak ng Ginobabes niya sa loob kanina.
Nakatayo lamang ito habang nanlalaki ang matang nakatingin sa kanya, alam nyang nasaksihan nito ang naging halik sa pagitan nila ng Ginobabes niya.
Umiling ang babae at parang tinakasan ng kaluluwa at saka ng lakad palayo.
Habang napapangisi siya dahil sa naging reaksyon nito ay bigla naman siyang nakarinig ng tunong isang kyut na galit na hayop.
“Grrr! l-luko ka talaga!” galit na sigaw pa nito sa kanya sabay tulak sa kanya at saka naglakad palayo sa kanya.
Mukhang napahiya ang Ginobabes niya dahil may nakita sa pagbibigay nya ng prize dito.
Napailing na lamang sya at sumunod dito bago pa ito mawala dahil sa dami ng mga tao dito ngayon.
Nang mahabol nya ito ay may narinig silang malalakas na sigawan sa di kalayuan.
“Cain, ano kaya yun? Baka masaya ang rides na yun?” tanong pa nito sa kanya kaya nakaisip na naman sya ng kalokohan para asarin ang Ginobabes nya.
“Yes, sobrang saya nga doon. Come on let’s try that one too,” nakangisi pa nyang sabi dito sabay hawak sa bewang nito papunta sa pila ng Mega Roller Coaster.
“C-Cain, sure ka ba na masaya ito?” nag aalangan na tanong pa nito sa kanya habang inilalagay ang safety restrain para hindi ito tumilapon pag nagpaikot-ikot na ang roller coaster.
“Absulotely,” tipid na sagot pa nya habang pinipigilang matawa dahil sa kinakabahang ekspresyon ng mukha nito.
Nagsimula na sa pag andar ang roller coaster ng mabagal, titig na titig sya sa mukha ng Ginobabes nya na katabi nya ngayon.
Mukhang hindi pa ito natatakot dahil mabagal pa ang andar ng rides na sinasakyan nila.
“Hindi pala ito nakakatakot, Cain,” natatawa pang sabi nito sa kanya.
Napataas naman ang kilay nya dahil sa kumpyansa nito.
‘Well, tingnan natin yang tapang mo mamaya, Ginobabes,’
isip-isip pa nya habang umaakyat na sa unang mataas ba part ang seat na sinasakyan nila.
“AHHHHH!!! A-AYAKO NA !!!” sigaw pa nito habang pababa ang sila sa palusong na parte ng track.
“C-AINNNNN, ITIGILLL MO NA TO!!!, a-ayoko na!” naluluha na nitong sigaw maya-maya pa.
“AHAHAAHAHA!” habang simisigaw ito ay hindi na nya napigilang tumawa ng malakas.
“AHHH PATAY KA SA’KIN MAMAYA!!! HUHU.”
Nagpatuloy pa ang pag andar nila at walang nagawa ang pagbabanta at pagsigaw ng Ginobabes nya para patigilin ito.
“Okay ka pa?” mapang asar na tanong pa nya dito habang tinutulungan itong makatayo.
Pero mukhang naiwan na sa ere ang kaluluwa nito kaya hindi na ito makagalaw.
Nagkibit balikat sa kanya ang operator ng Roller Coaster na parang nagsasabi sa kanya na gawin na nya lahat maalis lang ito sa pagkakaupo.
Wala naman syang choice kaya bukal sa kanyang loob na buhatin ito palabas ng rides na iyon.
“K-Kaya ko ng magl-lakad,” nauutal na bulong pa nito sa kanya kaya ibinaba na nya ito pero hawak pa rin nya sa bewang para hindi ito matumba habang naglalakad sila papunta sa isang bench para magpahinga.
Dahil sa kanyang pag aalalay dito ay nakarating at nakaupo din sila, napaawa naman sya dahil sa sinapit ng kanyang munting Ginobabes. Nawala na ang kulay ng mukha nito, pinagpapawisan din ito ng malamig sa noo at likod.
Habang hinahayaan nyang kumalma uto ay mahigpit naman itong nakayakap sa kanyang braso para kumuha ng suporta.
Kita nyang tagaktakan na ang pawis nito kaya pilit nyang inalis ang mahigpit na pagkakahawak nito sa kanyang braso.
“Hmm, s-saan ka pupunta?” takot na tanong pa nito sa kanya.
“I’m just gonna buy some water and towel,” sagot nya dito saka isinandal ito sa bench at saka bumili.
Maraming mga babaeng humaramg sa kanya pero wala syang pinansin dahil nagmamadali sya.
Pagbalik nya ay may lalaki nang katabi ito at mukhang ginugulo ang pamamahinga ng kanyang Ginobabes.
“Okay ka lang ba?” rinig nyang tanong pa ng lalaki dito.
“No, he’s clearly not okay, now get lost,” madiin at seryosong sambit nya dito kaya napaalis naman ng mabilis ang lalaki dahil sa takot.
Tinabihan muli nya ang nanghihinang si Gino. Ibinigay nya ang biniling tubig, habang umiinom ito ay pinupunasan naman nya ang likod nito.
Iniwan na nya ang isang towel sa likod nito habang ipinupunas naman nya ang isa sa noo at mukha nito.
Matapos uminom ay niyakap na lamang nya ito habang nakasandal ang ulo nito sa dibdib nya.
Ilang beses nyang hinalikan ang noo nito at humingi ng tawad.
“I’m really sorry, Ginobabes.”
RINIG ni Gino na paghingi ng tawad ni Cain sa kanya habang nakasiksik sya sa tagiliran at nakaunan ang ulo nya sa dibdib nito.
Medyo okay na ang pakiramdam nya dahil sa pamamahinga. Humupa na ang kanyang hilo at hindi na rin sya nasusuka.
Habang nakahilig sya dito ay narinig nyang nagring ang cellphone nito sa bulsa.
Mabilis na kinuha nito ang cellphone pero hindi nito magawang umalis dahil kumportable syang nakasiksik dito.
Walang nagawa ito kundi ang sagutin ang tawag habang nakapiling pa rin niya.
Dahil siguro sa panghihina ay hindi nya nagawang marinig ang buong pinag uusapan ng mga ito.
Plan
Retaliation
Viktor
Iyan ang mga salita na kanyang narinig sa pag uusap ni Cain at ang taong nasa kabilang linya.
Wala naman syang pakialam kaya hindi na lamang nya pinansin, makalipas naman ng ilang minuto ay natapos na din ang pakikipag usap nito.
“Gusto mo na bang umuwi?” tanong pa nito sa kanya.
Medyo nanghihinayang sya dahil nandito na rin naman sila pero pangako naman nito na babalik sila dito pag maayos na ang pakiramdam nya para sakyan ang ibang rides.
Habang palabas sila ng Amusement park at nagtanong pa ito.
“Do you want to ride the roller coaster again when we came back?” mapang asar na tanong pa nito sa kanya kaya tiningnan nya ito ng masama sabay sigaw ng..
“GAGO KA!!!”
▼△▼△▼△▼△
SA PENTHOUSE, naglalakad si Hellix papunta sa control room para yayain ang kanyang Hon na kumain.
“Hon, dinner na,” sabi pa niya ng makapasok sa pinto ng Control room.
“Later, I’m busy,” tipid na sagot lamang nito sa kanya kaya nilapitan nya ito para tingnan ang ginagawa.
“Yan ba ang impormasyon na galing sa kuya mo?” may inis na tanong pa nya sabay upo sa tabi nito.
“Yeah, about Viktor Petrova,” sagot naman nito.
“Psh, damn that Minato,” nakasimangot na bulong pa nya. Di naman nya inaasahang maririnig nito.
“Why? Are you jealous?” nakangising turan naman nito sabay lingon sa kanya.
‘Hm, inaasar mo ba ako Hon, well two can play the game,’
isip-isip pa nya sabay lapit sa mukha nito.
“Bakit naman ako magseselos eh tayo naman ang laging magkasama,” malambing na bulong pa nya sabay hihip sa tenga nito.
Paglayo nya ng kaunti ay napangisi sya ng makita ang namumula ng mukha nito dahil sa hiya at inis sa kanya.
“Asshole!” galit na sabi pa nito sa kanya.
Hindi naman sya natatakot dito kaya nginitian nya lamang ito bilang sagot.
“Halika na kasi, kakain na tayo,” sabi pa nya dito.
Pero ng lumampas ang tingin nya kay Zero ay may napansin syang pamilyar na lugar sa Screean ng computer nito.
“Hon, di ba yan ang lobby ng Condo ni boss,” sabi pa nya sabay turo sa isang parte ng screen.
“Yeah, Now that you mention it, there’s something odd about it.”
Medyo kinabahan naman sya dahil sa sinabi nito.
“Anong ibigsabihin mo?”
“I did’nt saw Mr. Sinclair come back in that place for a week now,” nagtataka ding sagot sa kanya nito.
“H-Hindi sya umuuwi dyan? Eh saan sya pumupunta?” kinakabahang tanong pa niya dito.
“Hm, base on the tracking device that we put in his phone, it said that he’s always in this area,” sagot naman nito sa kanya sabay turo sa isang lugar.
Medyo malabo ito dahil may problema ang satellite feed nila ngayon.
“Kumain na tayo Hon, pupuntahan natin ngayon ang lugar na yan,” seryosong turan nya dito sabay labas ng pinto.
‘Baka naman puro bar at casino ang lugar na yun kaya doon naglalagi si Boss?
’ isip-isip pa ni Hellix habang nagdadrive sya papunta sa lugar kung saan namamalagi ang boss nila.
“Sigurado ka ba Hon na dito talaga ang lugar na yun?” nagtatakang tanong pa nya dito sabay tingin sa lugar.
Nagpark sya sa gilid ng kalsada kung saan itinuturo ng GPS ang kinaroroon ng Boss nila.
“Yes, it is the right place,” sigurado pero naguguluhan ding sagot naman sa kanya ni Zero.
Madilim na ang pagilid dahil past 7:00 pm na din pero malinaw sa paningin nya na mali ang lugar na ito.
Wala sa kahit anong lugar na iniisip nya kanina ang tama, walang bar, hotel o casino dito. Tanging normal na mga apartment lamang ang nandito.
Nagkatinginan lamang silang dalawa.
“Baka may mali dito, bumalik na lang tayo sa penthouse Hon,” suhesyon pa nya sa kasama.
Bubuhayin na sana nya ulit ang makina ng magsalita ito.
“I’m thirsty, buy me something first,” turan naman ng katabi nya kaya napakamot siya ng ulo.
Pagsilip nya sa bintana ay may natanaw syang 7/11. “Anong gusto mong drink, Hon?”
“Anything,” tipid na sagot nito sa kanya kaya lumabas na sya ng kotse.
▼△▼△▼△▼△
SI GINO ay naglalakad sa madilim at malamig na gabi.
Naisipan kasi nyang bumili kaya lumabas sya ng bahay, nangungulit pa si Cain na samahan sya pero hindi na nya pinayagan ito.
’
Bibili lang naman ako ng toyo e sasama pa,’
isip-isip pa nya habang naglalakad papunta sa 7/11.
Napangiti sya nang matanaw nya ang convenient store sa di kalayuan.
“Uii Gino!” masayang bati pa sa kanya ng cashier ng 7/11.
Tumango naman sya bilang sagot dito, matagal na ding kahera ito sa convenient store na ito kaya kilala na sya nito.
Kumuha na sya sa estante ng toyo at naglakad papunta sa cashier para bayaran ito.
“Salamat,” tipit nyang pasasalamat dito.
Nang palabas na sya ng pinto ay bigla naman itong bumukas kaya nagulat sya at hindi agad nakailag.
“Ay!” gulat na sigaw pa nya, buti na lamang at hindi nabulog ang bote ng toyong kanyang hawak.
“Naku sorry, pasensya na talaga,” paghingi pa ng tawad ng lalaking nakabangga nya.
“A-Ah, okay lang,” sagot naman nya dito sabay tingin sa mukha nito.
Nang mapagmasdan ni Gino ang itsura ng lalaki ay hindi nya napigilang mapangiti.
“May dumi ba ako sa mukha?” naiilang na tanong naman ng lalaki sa kanya.
Umiling siya bago sumagot. “Hindi, ang ganda kasi ng kulay ng hairban mo, kulay -----”
” --- PINK”
TEASER
IMAHE
Magnus Haven
Narito ako ngayon sa bahay at nagpapahinga. Bawat pag daan ng mga araw ay lalong sumasama ang aking kalagayan kaya na nanatili muna ako dito.
Nakaupo ako sa sofa sa maliit kong sala habang nakikinig sa radio, nahihilo ako kaya hindi ako nagkiki-kilos.
Naging magulo at masakit para sakin ang mga pangyayari sa mga nakalipas na araw at buwan.
Kapag naalala ko ang mga bagay na iyon ay hindi pa rin ako makapaniwala.
Maraming katanungan sa aking isipan na ano mang gawin ko ay hindi ko mahanap ang kasagutan.
Habang tulala ako sa kawalan ay patuloy na tumutugtug ang musika sa radio.
Mula dito ay nanggaling ang isang kantang tumutugma sa aking nararanasan ngayon.
🎤
Kinukulayan ang isipan pabalik sa nakaraan
🎤
Ang masasaya naming alaala na patuloy na bumabalik sa aking isipan habang nagpapatuloy ang kantang aking pinakikinggan.
Ang mga panahon na magkasama kami, yung pamamasyal namin sa park at iba pang lugar.
🎤
’
Wag mo nang balikan, patuloy ka lang masasaktan
Hindi nagkulang kakaisip sa isang magandang larawan
Paulit-ulit na binabanggit ang pangalang nakasanayan
🎤
Ang bawat liriko ng musikang ito ay parang ginawa para sa aking pinagdadaan ngayon. Nakakalungkot man dahil tinatamaan ako sa masasakit na katotohanan na idinudulot nito pero kahit ganun ay hanggang ngayon, bukangbibig ko pa rin ang pangalan nya.
🎤
Tayo ay pinagtagpo ngunit hindi tinadhana
Sadyang mapaglaro itong mundo🎤
’
Pinagtagpo nga lamang ba tayo, hindi ba talaga tayo para sa isa’t isa. Mahirap tanggapin pero ito nga ba ang tadhana nating dalawa’,
malungkot na turan ko pa sa aking sarili.
🎤
Kinalimutan kahit nahihirapan
Para sa sariling kapakanan
🎤
Pilit kong kinakalimutan ka para makapagpatuloy ako ng sarili kong buhay na wala ka.
🎤
Kinalimutan kahit nahihirapan
Mga oras na hindi na mababalikan
🎤
Ang masasayang oras nating dalawa ay mananatiling isang kayaman para sa akin.
Ang mga ngiti, ngisi at mga tawa mong hanggang ngayon ay paulit-ulit kong nakikita at naririnig.
🎤
Pinagtagpo ngunit hindi tinadhana
Puso natin ay hindi sa isa’t isa
🎤
Hindi ko namalayan na tumutulo na pala ang ang mga luha na kanina pang nagbabadyang pumatak ng marinig ko ang lirikong iyon.
‘Kahit anong dasal at pilit ko, kung hindi mukhang hindi talaga tayo para sa isa’t isa’
🎤
Pinagtagpo ngunit hindi tinadhana
🎤
Tulala at malalim ang aking mga iniisip sa pagtakbo ng oras. Ang sakit na aking nadarama sa kanyang pagkawala ay patuloy na bumabalik.
🎤
Hanggang dito na lang
tay
o
🎤
Napalingon ako sa kinalalagyan ng radio habang hinahaplos ang aking bilugang tyan.
‘Kung hanggang dito na nga lang ba tayo, pero paano naman ang batang nasa sinapupunan ko ngayon?’
--------------------❤❤❤
Hi guys!!!
OH MY!!! ano kayang nangyari???😲😲😲
Abangan po natin sa mga susunod na chaps.
BYIEE 💕
MB 29
I hope you enjoy reading this Chapter💕
3RD PERSON’S POV
Limang araw na ang nakalipas magbuhat nang magpunta sila sa amusement park.
Nalaman niya na hindi nagsisimba at nagdadasal si Cain kaya ayaw nitong sumama sa kanya noon sa loob ng simbahan dahil naiilang ito.
Dahil sa nalamang iyon ay naisip niyang tulungan ito para mapalapit sa Diyos sa pamamagitan ng pagtuturong magdasal bago sila mag-agahan at maghapunan. Gano’n din kapag bago sila matulog. Natutuwa naman siya dahil kahit mukhang napipilitan ay patuloy na ito nakikinig at sumusunod sa kanya.
Nung una ay hindi nito alam ang gagawin pero makalipas ng ilang araw ay mukhang nasanay na rin itong magdasal kahit medyo nahihiya pa rin ito sa kanya.
Hindi niya maiwasang mag alala para dito, siya kasi ay pinalaki ng kanyang mga magulang na malapit at kilala ang Diyos. Hindi niya tuloy lubos maisip kung anong tumatakbo sa isip ni Cain at sa buhay nito kung wala itong pinaniniwalaan noon.
Mabuti na lamang ngayon dahil kahit paano ay nakikita na niya itong nagdadasal, hindi nga lamang niya alam ang hinihiling at ipinagdadasal nito.
Tungkol naman sa request nitong last hug bago sila maghiwalay sa umaga ay ginagawa na lamang nila sa loob ng bahay. Pinagtitinginan kasi silang dalawa kapag nagyayakapan sila sa may kanto.
Napapakagat labi na lang siya sa hiya kapag naiisip niya ang gulat na ekspresyon sa nukha ng mga taong nakakakita sa kanila. Ipinilig na lamang niya ang kanyang ulo para mawala ang mga alaalang iyon.
Ngayon ay byernes ng gabi at naglalatag na si Gino ng higaan para kay Cain sa sahig sapagkat naliligo pa ito ngayon sa banyo. Nandito na rin si Miggs para matulog.
Habang inaayos niya ang tulugan nito ay biglang nagawi ang kanyang paningin sa bagay na nakapatong sa bedside table niya.
Tumayo siya ng dahan-dahan at lumapit dito para puntahan ang bagay na iyon.
‘Wallet pala ito ni Cain.’
Mukhang mamahalin ito at maraming laman kaya na-curious siya at naisipan niyang buksan.
Sa loob nito ay may makikitang litrato ng isang babae, luma na ang picture kaya naisipa nyang baka ito ang namayapang ina ni Cain.
Habang pinagmamasdan niya ang itsura ng babae ay hindi niya napigilang ‘di mapangiti ng tipid.
Napakaganda kasi ng babae sa litrato, may hawig din ang ilang feature ng mukha ni Cain dito.
Matapos niyang titigan ang litrato ay napunta naman ang paningin niya sa iba’t ibang mga cards na nakalagay sa loob nito.
‘Ang daming Cards, para san kaya ang mga ito? — Teka, ito kayang itim?’
Kukunin na sana niya ang itim na card ng marinig nya ang mga yabag na papalapit.
Dahil sa kaba at takot na baka mahuli siyang nakikialam ng gamit nito ay mabilis niyang naisara ang wallet at ipinatong ulit sa bedside table. Lingid sa kanyang kaalaman na may nahulog palang isang bagay galing sa loob ng wallet ni Cain.
Mabilis at parang walang nangyari na bumalik siya sa pag aayos ng higaan nito.
“You okay, Ginobabes?”
“O-Oo naman, halika matulog ka na,” aniya pa dito sabay tapik sa kutson.
Hindi naman ito naniwala sa palpak niyang palusot at dahan-dahang lumapit sa kanya.
“Tell me, what is it?”
Malambing na bulong nito sa kanya kaya halos manginig siya sa init ng hininga nito na tumatama sa kanyang batok.
“W-Wala nga.” Napatayo siya para lumayo dito at saka nagmamadaling sumampa sa kanyang kama at humiga. Nagtakip din sya ng kumot sa buong katawan.
Kita naman nyang napakibit balikat na lamang ito dahil sa kanyang mga kilos at saka nagtungo sa cabinet nila para kumuha ng short, hindi naman kasi ito nagsusuot ng damit pagtutulog.
“Good night, Ginobabes.”
Napalabas sya sa kumot na nakatakip ng marinig ang sinabi nito.
“Good night din, sige na patayin mo na ang ilaw.”
Gusto nyang mapatawa ng makitang napakamot ito sa ulo saka nagtungo sa switch ng ilaw.
KINABUKASAN, tanghali na siyang nagising kaya nagmamadali silang dalawa ni Cain.
Nakakain na sila at paalis na sana ng may makalimutan siya. “Male-late ka na,” ani Cain sa kanya.
“Oo, may nakalimutan lang ako sa kwarto kunin ko lang.”
Nagmamadali syang tumakbo para kunin ang folder na may lamang mga dokumento.
Hawak na niya ito at palabas na ng pinto ng may napansin syang itim sa ilalim ng kama, bumalik sya at dinampot ito.
Susuriin pa sana nya kung ano ito ng marinig nya muli ang boses ni Cain kaya mabilis na naibulsa na lamang nya ang bagay na nadampot.
Patakbo siyang nagpunta sa sala para magpaalam kay Miggs at ang walang kamatayang last hug ni Cain.
Pagkatapos nyang haplusin ang ulo ni Miggs ay dumeretso na sya sa bukas na braso ni Cain para yumakap.
Dahil sa ritwal na nakasanayan nila ay masasabi nya at bukal sa loob nyang maaamin na hugging monster nga talaga siya.
Ang mainit, mabango at masarap na pakiramdam kapag nakabalot siya sa yakap ni Cain ay talaga namang walang makakapantay.
Bago pa siya matuluyang ma-late ay naghiwalay na sila at lumabas ng bahay para saraduhan ito at maglakad sa may kanto para sumakay ng taxi.
“Bye Cain!” pamamaalam pa nya dito ng makasakay na siya.
Makalipas ang kalahating oras ay nakarating na rin siya sa trabaho.
Habang pasakay sa elevator ay may napansin sya, ngayon ay wala na ang mga taong halos araw-araw ng bu-bully sa kanya noon.
Hindi niya akalain na aabot sila sa ganung punto, ang pagmamahal pala ni Elvin para kay Sir Yuan nila ay hindi na normal. Hanggang ngayon ay paminsan-minsan pa rin nya itong na-aalala at napapanaginipan.
Ayaw lamang nya itong sabihin kay Cain at sa mga kaibigan, ayaw kasi nyang mag alala pa ang mga ito sa kanya. Bukod pa roon ay pansin at ramdam nyang marami na ang nagbago ng mawala ang kambal.
Napupuno ng saya at kapanatagan ang kalooban nya ngayon sapagkat alam nyang hindi na sya iniiwasan ng mga katrabaho.
Katulad nga ng nalaman nya noon, natatakot lamang talagang madamay ang iba nilang katrabaho sa gulong dala ng kambal kaya hindi ng mga itong magawa na makialam.
Pero ngayon karamihan sa mga ito ay ngumingiti na at bumabati sa kanya, nung una ay sobra syang naninibago pero ng kalaunan ay nagawa na rin nyang makipag usap sa mga ito.
Habang nasa loob ng elevator ay nag may nakakausap na sya at nakaka- chikahan.
Napakaway pa sya sa mga babae sa loob nang makalabas na sya ng elevator.
Masaya si Gino na sinimulan ang kanyang araw sa trabaho, hindi naman sya masyadong kinukulit ng mga kaibigan sapagkat abala din ang mga ito.
Lalo na syang ginanahan dahil sa mga text na natatanggap nya kay Cain.
“Ano bhes, ngingiti ka na lang dyan hanggang mamaya? hindi ka na kakain?” mataray na pagpuna pa sa kanya ni Mars.
Dahil sa pagbati nito sa kanya ay napatangin sya sa orasan sa baba ng computer screen at napansin nya na tanghali na pala.
“Ewan ko sayo Mars, gutom lang yan.” tumayo na sya at kinuha ang baong dala.
Nilapitan din nila si Jewel at sabay sabay na silang nagtungo sa cafeteria ng kumpanya.
Nang makabili na sina Mars at Jewel ay nagsimula na silang kumain at magkulitan, ikinuwento nya sa mga ito ang tungkol sa pagkakaroon ng mga bagong kaibigan.
“Hayss, tama lang talaga yan siz, ang kambal na yun lang pala naman ang may gawa kung bakit ka naging cast away.” litanya pa ni Jewel sabay subo ng pagkain.
Napatango naman sila ni Mars dahil sa sinabi nito, marami pa silang napag usapan pati na rin ang mga plano ni Jewel para mapalapit ito kay sir Yuan, mukhang deds na deds talaga ang bakla sa supervisor nila.
Hindi nya tuloy mapigilang mapatawa dito dahil sa mga nakakalokong ideya nito.
“Pikutin ko kaya si Sir, sabihin ko na buntis ako at sya ang ama?”
“Bahala ka sa buhay mo bhes Jewel, ni alien ata di maniniwala dyan sa ideya mo. Huling pagkakaalam ko bakla ka at walang matris.” si Mars sabay tawa ng malakas.
“Ang kill joy nyo ha, Malay naman natin maniwala si Sir”
Hindi naman makaimik si Gino dahil sa pinag uusapan ng mga kaibigan, parang bigla syang nailang at di alam ang gagawin kaya natahimik na lamang sya.
Mabuti na lamang at dahil sa kadaldalan ng mga ito ay hindi na sya napansin pa, dahil sa kalikutan ni Jewel habang nagkukwento kaya nasagi nito ang kutsara at nahulog sa sahig.
“Anla, baka may boylet na dadating sa buhay ko,” excited na turan pa nito habang dinadampot ang kutsara sa ilalim ng mesa.
Habang nasa ilalim pa rin ng mesa ay bigla syang tinawag nito kaya napasilip sya sa ilalim ng mesa.
“Ano yun Jewel?”
“May nahulog sa bulsa mo oh.” binigay nito ang itim na bagay na galing sa bulsa nya.
Nang makabalik na si jewel sa ibabaw ng mesa ay masinsinan nilang tiningnang bagay na hawak nya.
‘Teka, ito yung itim na Card na nasa wallet ni Cain ah’
“Ano yan?” ani Mars sa kanya, dahil hindi nya alam ay napakibit balikat na lamang sya dito.
“Patingin nga ako,” anito pa sabay agaw sa hawak nyang card.
Napataas ng sabay ang kilay nila ni Jewel dahil sa gulat na ekspresyon sa mukha ni Mars.
“Anong problema siz Mars?” pag uusisa pa ni Jewel dito.
“S-Saan mo to nakuha b-bhes?”
Lalo naman silang naguluhan dahil sa tanong nito, para kasing ang big deal ng bagay na iyon eh baka nga card lang yun ng sim.
“Sa wallet ni C---”
Bago pa nya maituloy ang sasabihin ay inunahan na sya ni Mars ng pagtatanong.
“A-Alam nyo ba kung ano to,” anito muli sabay pakita sa kanila ng itim na Card.
Sabay naman sila ni Jewel na napailing bilang sagot.
“Centurion Card o Black Card, yung mga taong sobrang yaman at maraming pera ang pwedeng invite para magkaroon ng credit card na ito”
Habang nagpapaliwag si Mars ay napupuno ng pagtataka si Gino.
‘Ibigsabihin pala ay mahalaga ang Card na yan, pero paano naman magkakaroon ng ganyang Card si Cain?’
Napabalik ang kanyang ulirat dahil sa pag alog sa kanya ni Mars.
“Uyy bhes kanina pa kita tinatanong, saan mo nakuha ang Card na to?”
“A-Ah nanggaling yan sa wallet ni C-Cain”
Gumuhit and di makapaniwalang ekspresyon sa mukha ng mga kaibigan nya.
“Cain? yung callboy mo?”
“Bakit ba lagi nyo na lamang tinatawag na callboy ko si Cain eh hindi naman, magkaibigan kami,” may inis na pahayag pa nya sa mga ito.
“Whewss wag kami bhes”
“True siz, magkaibigan?”
Mapang asar na turan pa ng dalawa nyang kaibigan at nag apir pa ang mga ito sa isa’t isa.
“Bahala kayo kung ayaw nyo maniwala”
“Sige na nga, pero paano naman magkakaroon ng black card ang hamak na callboy na tulad nya?” ani pa ni Mars sa kanya na puno ng pagtataka.
Yan din ang kanina pang umiikot na tanong sa kanyang isipan.
“Baka naman sa mayamang sugar mommy nya yan galing?”
Napatingin naman sila ni Mars sa kaibigang si Jewel dahil sa sinabi nito.
“HAHAHA Oo nga no, ang talino mo talaga Bhes Jewel. Baka ipinapagamit yang Black Card na yan kay Cain ng sugar mommy nya”
Nakikitawa sya sa mga biro ng mga ito pero may kung ano sa kanyang kalooban na nasasaktan pag nababanggit ng mga ito ang katotohanan sa trabaho ni Cain.
Pag magkasama sila ay hindi nya naiisip ang bagay na iyon pero kahit kailan ay hindi nya pwedeng itanggi kung ano nga ba ang tunay.
Masakit isipin na ganun ang ikinabubuhay ng kaibigan nyang si Cain.
“Hehe Baka nga,” naiilang na tugon din nya sa mga biro ng mga ito.
Gusto nyang ipagtanggol si Cain pero wala syang magawa dahil maaaring tama ang sinasabi ng mga ito. Ang hamak na Callboy na tulad ni Cain ay hindi magmamay ari ng ganung bagay, siguradong may nagbigay ditong mayaman na kleyente.
Pagkatapos nilang maglunch ay bumalik na sila sa kanilang working station.
Habang naglalakad papunta doon ay nagpatuloy ang kanilang usapan tungkol sa bagay na iyon.
“Naku Bhes, alam ba ni Fafa Cain na nasayo yan?” ani Mars sa kanya.
“Hindi e, nakita ko lang to kaninang umaga”
“Siz, ibalik mo agad yan sa kanya baka ipakulong pa iyon ng sugar mommy nun pagnawala yan,” makatotohan pero may bahid parin ng biro na sabi ni Jewel sa kanya.
“Oo naman mamaya pag uwi ko,” aniya sabay deretso sa kanyang table ng makarating sila.
“Bhes Gino kailan mo balak ipakilala samin yang si Cain ha?”
“H-Ha? eh, busy kasi lagi yun.” pagpapalusot pa nya dito.
“Ganern ba pero gusto ko talaga syang makilala para naman makita ko kung ano itsura nyang kinababaliwan mo,” tumatawa pa nitong sabi sa kanya.
“Anong kinababaliwan? tumigil ka nga Marcel,” painis pero nahihiya nyang sagot dito.
Imbis na sumagot naman ay tumawa lamang ito.
Mabilis na natapos ang kanilang maghapon dahil sa dami ng ginagawa.
Ngayon ay pauwi na sila at habang palabas ng kumpanya ay magkakasabay pa rin silang tatlo.
“Swerte nyo talaga sabay ang day-off nyo,” inggit na ani Jewel sa kanila kaya bigla nyang naalala na linggo pala bukas at may pupuntahan muli sila ni Cain.
“Haha okay lang yan bhes Jewel, bakit di ka sumabay sa day-off ni Sir Yuan,” pang aasar pa ni Mars dito.
Tahimik lamang sya habang naglalakd sila, akala nya ay di na sya maaalala pa ni Mars pero nagkamali sya.
Nang makalabas sila sa building ay bigla itong bumaling sa kanya.
“Bhes Gino, gusto mo magshopping tayo ulit bukas.” pag aaya pa nito sa kanya.
‘Hala pano yan, mamamasyal kami ni Cain bukas’
“A-Ah Mars kasi, m-may gagawin ako bukas,” napapakamot sa ulo na tugon nya dito.
Tinaasan naman sya ng isang kilay nito kaya lalo syang kinabahan.
“M-Mars an—”
“HAHA nagbibiro lang ako bhes, kung may gagawin ka bukas di sa sunod na day off na lang natin”
Napahinga naman sya ng maluwag dahil sa sinabi nito.
“Salamat Mars,” nakangiting sabi pa nya dito sabay kaway ng umalis na ito kasama si Kevin. Si Jewel naman ay nagpaalam na din sa kanila.
Nang makaalis na ang mga kaibigan ay naglakad na si Gini patungo sa gilid ng kanilang building kung saan lagi naghihintay si Cain para sunduin sya.
“Cain” masayang bati pa nya ng makita itong nakasandal sa gilid ng pader at may kausap sa cellphone.
Ngumiti naman ito ng makita sya at tinapos na ang tawag.
“Uwi na tayo?” tanong nya dito.
“I want to eat something first.” umalis ito sa pagkakasandal sa pader.
‘Hmm, San kaya kami pwede kumain?,’
tanong pa nya sa kanyang isipan habang nakatingin sa itsura ni Cain na bakas ang pagod at stress.
Ang tinding nito ay walang pinagbago ganun din ang itsura nito kung ibang tao lamang sya at di kilala ng lubusan ito.
Dahil malapit sila sa isa’t isa ay napapansin nya kahit maliliit na bagay tungkol dito.
Napaawa naman sya dahil sa kalagayan nito. Ayaw nyang isipin kung anong nagyari sa trabaho nito pero di nya maiwasang mag alala.
‘Luh!, baka naman nalaman ng sugar mommy ni Cain na nawawala ang Card kaya pinahirapan sya nito!’
Kinilabutan sya dahil sa naisip at napatingin sa pagod at nanghihinang si Cain
. ‘Goodness, wag naman sana’
Mukhang gutom na talaga ito kaya nag isip sya ng pwede nilang kainan.
Maglalakad na sana sya ng bigla nitong higitin ang kanyang braso pabalik, natagpuan na lamang nya ang sarili na nasa loob na muli ng mainit at mahigpit na yakap nito.
“C-Cain? Okay ka lang ba?” tanong niya dito.
“Yeah, lets stay just like this for a while”
May pagpapaawa sa boses nito kaya hinayaan na lamang nya na nakayakap ito sa kanya at nakasubsub sa matigas nitong dibdib ang kanyang mukha.
Maya-maya pa ay bumitaw din ito sa kanya, nang makita nya ang mukha nito ay napansin nyang medyo okay na ito.
‘Nag-recharge lang ata?’
Habang naglalakad ay nadaanan muli nila ang mga nagtitinda ng bbq, fishball at balot.
“C-Cain gusto m—”
“Yes, Im famished.” mabilis na sagot nito sabay lapit sa tindera ng fishball.
Napapangiti sya habang pinagmamasdan si Cain sa nagmamadali nitong paraan ng pagkain.
‘Hindi ito sapat sa kanya kaya kailangan kong magluto ng marami mamaya pag uwi namin’
Matapos ang pagkain nila ay nagpasya na silang umuwi para makapaghapunan ng maayos at makapagpahinga.
Masigla silang sinalubong ni Miggs ng makapasok sila sa bahay.
Dahil sa nakasanayan ay nagtungo muna si Gino sa kwarto para magbilis, habang ginagawa nya iyon ay bigla nyang naalala ang tungkol sa Black Card.
‘Goodness, kailangan ko nga palang ibalik iyon sa wallet ni Cain’
Hindi sya makaisip ng paraan ngayon kaya mamaya na lamang nya isasagawa ang balak.
‘Mamaya pag naliligo na sya saka ko ibabalik ang Card’
Operation ibalik ang nawala.
Nang matapos magbihis ay dumeretso na sya sa kusina para makapagluto ng kanilang hapunan.
Nagluto sya ng marami para kay Cain at sa kanya.
“Ginobabes, here.” sabay abot ng pera sa kanya habang naghahayin sya ng pagkain sa mesa.
“Bakit mo ako binibigyan ng pera?”
“My share for everything, i live here and eat your food”
“Hindi na, hindi naman kita sinisingil ah,” aniya sabay iling.
“You need to get this, I want to support you”
‘Whuatt!?, support? ano kami magkalive in’
“T-Teka, dadali ka na naman eh hindi tayo nagkakaintindihan. Pinabayaan na kitang tumira dito tapos ngayon naman gusto mo akong suportahan”
Hindi naman ito sumagot at na natili lamang nakatingin sa kanya.
“Kung napipilitan ka lamang nagawin ito dahil sa nangyari ay wag mo ng ituloy pa. Hindi ako babae Cain, kaya ko ang sarili ko at matagal na kitang napatawad dahil hindi mo naman kasalanan iyon, ginawa mo lamang iyon para tulungan ako”
“But still —”
“Hindi Cain, kung ipagpipilitan mo na naman ang gusto mo ay hindi na kita papayagang tumira dito,” seryosong sambit nya dito.
Alam nyang hirap din ito sa pera kaya ayaw na nyang tanggapan pa ito, ang pagtira naman ni Cain sa kanyang bahay ay pabor din sa kanya sapagkat masaya syang magkaroon ng kasama.
Nang maranasan nyang magkaroon ng kasama at kadamay sa araw-araw ay parang di na nya kayang mawala pa ito kaya nga di nya ito pinapaalis sa kanyang tirahan.
Kahit napipilitan ay nakita nyang tumango ito.
“Sige kumain na tayo,” masaya pa nyang pag aaya dito na parang walang nangyari.
Magkaharap sila sa mesa habang nasa ilalim naman si Miggs at kumain din ng dog food nito.
Habang kumakain ay hindi nya napigilang magtanong dito.
“Cain, bakit di ka na lang maghanap ng ibang trabaho?, siguradong pasok ka sa modelling o pag aartista”
“Why? does my job bothers you?”
“Hindi naman sa ganun pero mas maraming trabaho dyan na desente at malaki ang kita”
“Hmm, I think its not my job you’re been bother about, its what im doing right?”
Napatahimik naman sya sapagkat tama ito. Kung tungkol lamang sa trabaho ay wala syang pakialam dito, hindi nya maamin sa kanyang sarili na nasasaktan sya kapag naiisip nyang sa mga oras na di sila nagkikita at magkasama ay ibang babae o lalaki ang kasama nito.
Napahawak na sya sa kanyang sintido at hinilot ito.
‘Bakit ba napunta sa ganito ang usapan?’
“E-Ewan ko sayo, kumain na lang tayo,” pagtataray pa nya dito para di mapansin ang kanyang pagkailang.
“Hm, want me to tell you what i been doing with my c—”
“HEP HEP!! stap… W-Wala akong pakialam sa ginagawa nyo ng mga kleyente mo!!”
Mula sa gilid ng kanyang mga mata ay pansin nya ngisi na di nawawala sa labi nito.
‘Psh lakas talaga ng hangin ng Callboy na to, hindi ko ibalik ang Black Card mo ih’
KINABUKASAN, linggo ulit at day off ni Gino.
Sinimulan nila ni Cain ang araw na abala sa mga gawain.
Naglaba at naglinis ng bahay at nagpaligo kay Miggs. Matapos lahat ng iyon ay napag usapan nilang mamasyal sa Zoo.
Pero syempre dumalo muna sila ng misa sa simbahan bago nagtungo doon.
“Buti naman Cain at di ka na takot sa simbahan ngayon,” aniya dito habang palabas sila ng simbahan.
“Im not, wala naman akong dapat ipagdasal noon pero ngayon—”
Ngumiti ito at lumapit sa kanya, halos maglapat na ang kanilang ilong kaya napapikit na lamang sya.
Ang mabilis na tibok ng kanyang puso at pag iinit ng pisngi ay dala ng pag aakala na hahalikan sya nito.
Napamulat na lamang sya ng mata at nasaksihan ang tunay na ngiti na nakapinta sa labi ni Cain matapos nyang marinig ang ibinulong nito.
Walang sinabi ang lakas ng tibok ng puso nya kanina sa nagwawalang kalamnan sa kanyang dibdib ngayon ng maalala nya ang ibinulong nito sa kanya.
”--- I can happily and proud to face the lord because he gave me a reason to experience happiness and love. Hindi na ako naiilang magdasal ngayon dahil may ipinagpapasalamat na ako sa kanya … at ikaw iyon”
“H-Halika na!”
Nagmamadali nyang sambit habang ikinukubli ang namumulang mukha dahil sa hiya.
Hindi nya magawang harapin ito habang nasa byahe sila papunta sa Manila Zoo.
Nang makababa sila sa taxi na sinasakyan ay maaaninag na kaagad ang maraming taong patungo din sa kanilang pupuntahan.
Mga excited na bata at mga katulad nilang isip bata.
Hindi sya nakakapunta sa mga ganitong lugar kaya bago sa kanya ito, ang mga amusement park, Zoo at iba pa ay nakikita lamang nya sa internet noon.
Abala sya lagi sa trabaho kaya wala syang oras sa mga ganito noon, si Mars naman ay walang balak na samahan sya sa mga ganitong pamamasyal kaya hindi na lamang sya nag aaya pa.
Masaya sya sapagkat meron ng tao na hindi nagdadalawang isip na samahan sya sa lahat ng bagay.
Pagpasok pa lamang ay namangha na kaagad si Gino dahil sa mga nakita.
Napakaganda ng buong paligid, marami mang tao ngayon ay okay lang sapagkat malawak naman ang buong lugar.
May mga tindahan ng mga stuff toys at balloon sa gilid ganun din ang iba’t ibang food stand.
Katulad ng mga bata dito ay nakakaramdam din sya ng pagkasabik.
Tatakbo na sana sya para tingnan ang mga panda ng bigla syang nahigit pabalik.
‘Magkahawak nga pala kami ng kamay’
sabay tingin sa magkasugpong mga kamay nila ni Cain.
Ayaw na nyang makipagtalo dito sapagkat di naman sya mananalo.
Nahihiya man dahil may mga napapalingon at napapataas ang kilay dahil sa kanilang magkahawak na kamay pero hindi na lamang nya pinapansin ang mga ito.
Unang una pagod na syang matakot dahil sa mapanghusgang mga tingin at opinyon ng iba.
Ito ang isang bagay na natutunan nya ng makilala nya si Cain. Sa mga panahong magkasama sila ay pansin nyang kahit isang beses ay hindi ito nagpaapekto sa sinasabi at reaksyon ng ibang tao.
Dahil gusto din nyang maging malaya sa mga iniisip ng ibang tao ay napagpasyahan nyang lakasan din ang loob at wag pansin ang panghuhusga ng iba.
Mas mataas na ngayon ang self confidence nya dahil kay Cain at sa mga kaibigan na laging sumusuporta sa kanya.
Masaya silang dalawang naglibot sa buong paligid, marami silang nakitamg iba’t ibang mga hayop na ngayon lamang nya nakita ng personal.
“Hayss, sana kasama natin si Miggs para makakita din sya ng ibang animals.” sya sabay kain ng popcorn na hawak.
Nasa likuran lang naman nya si Cain habang naglalakad sila.
“Cain, san kaya tayo pwedeng pumunta sa sunod?”
“Hm, sa ocea—”
Salita sya ng salita pero walang sumasagot kaya napatigil sya ng paglalakad at napalingon.
Naiwan na nya si Cain sa di kalayuan, nakasilip ito sa fence kung saan may mga peacock sa loob.
Napakamot na lamang sya sa ulo at naglakad pabalik para puntahan ito.
“Uyy Cain nandito ka lang pala”
“Hm, look at them.” turo pa nito sa mga ibon sa loob na may magaganda at makukulay na feather.
Tumabi na lamang sya dito para pagmasdan din ang mga peacock, akala nya ay seryoso ito sa panunuod sa mga hayop ng bigla syang magulat dahil naghagis ito sa loob ng popcorn.
“Cain luko ka ba? Dont feed the animals nga di ba?” pagsaway pa nya dito.
Ngumisi lang naman ito at naghagis ulit, nanlaki ang kanyang mata dahil sa kakulitan nito.
“Uyy tama na yan, pagtayo napagalitan dito.” sya sabay hampas sa balikat nito.
“Why dont you try Ginobabes?, Its quite fun”
Bigla naman syang napatingin sa mga ibon sa loob ng fence, nakaharap sa kanya ang mga ito na parang nagmamakaawa.
‘Natatakot akong mapagalitan ng tauhan nitong zoo pero hindi naman siguro makakasama sa mga ibong ito ang isang pirasong popcorn’
“I-Isa lang ha tapos aalis na tayo,” kinakabahang sambit nya dito.
Tumango naman ito sa kanya at marahan syang kumuha ng isang pirasong popcorn sabay hagis sa loob.
Nakita nyang pinag agawan ito ng mga ibon sa loob. Malapad na ngiti na humarap sya kay Cain.
‘Masaya nga, siguro isa pa’
Nagsunod-sunod ang pagbibigay nya ng pagkain sa mga ito sinabayan pa sya ni Cain habang tumatawa sila dahil sa kalokohang ginagawa nila.
“I told you Ginob—”
“Hoyyy, mga pasaway kayo ah!!!”
Nagkatinginan silang dalawa dahil sa malakas na sigaw ng tauhan ng zoo.
Nakangising hinawakan ni Cain ang kanyang kamay at saka sila tumakbo ng mabilis.
Kinakabahan man ay may saya na naramdaman sya kaya di nya napigilang mapatawa habang tumatakbo palayo sa galit na crew ng zoo.
Dahil maraming tao ay hindi na sila nasundan nito. Hinihingal na nagtago sila sa may tindahan ng mga stuff toys para di sila mahanap.
“L-Luko ka t-talaga Cain.” hiningal sya dahil sa pagtakbo.
“Yeah, pero masaya naman di ba?,” mayabang na tanong pa nito.
Hindi sya makaangal dahil tunay naman ang sinabi nito.
“Oo na lang”
Nanggi-gigil na niyakap naman sya nito ng biglaan kaya di na sy nakaiwas pa.
Nasa ganoong tagpo sila ng marinig nya ang boses ng taong di nya inaasahang makita.
“Bhes Gino?”
-------------------------❤❤❤
Hello guys!!
Hehe sorre po ngayon lang ang update, busy ako nitong mga nakaraang araw
Yiee gusto ko din po sanang magpasalamat, medyo late na pero naka-4K followers na po tayo!!!
🎉👏
Pls. don’t forget to
VOTE
and
COMMENT
Thanks and Byiee
MB 30
I hope you enjoy reading this chapter 💕
3RD PERSON’S POV
[Bhes Gino?]
Biglang na-estatwa si Gino sa kanyang kinatatayuan nang marinig ang boses na iyon. Umalis naman sa pagkakayakap sa kanya si Cain para makaharap siya sa taong pinanggalingan ng boses.
Pagharap niya ay sinalubong siya ng nakataas na kilay ni Mars. “H-Hello Mars, a-anong ginagawa mo dito?”
“Ako dapat ang nagtatanong nyan bhes, akala ko ba busy ka? Hmm, mukhang may pinagkakaabalahan ka nga.”
Napalunok siya ng wala sa oras dahil sa sinabi nito.
Si Mars naman ay parang na-stroke nang mapagawi ang tingin sa kanyang tabi.
Ang bibig nito ay napanganga at napangiwi siya ng makita ang mga mata nito ay parang nagpupuso-puso sa paghanga sa lalaking kanyang kasama.
“Uyy Mars! Okay ka lang?” pagkaway pa niya sa harap ng mukha nito.
“A-Ah, oo naman bhes,” sagot nito sabay pahid sa ibaba ng labi nito na parang naglaway.
Itinikom ni Gino ang kanyang labi para maiwasang mapatawa dahil sa reaksyon ng kanyang kaibigan.
Humarap ito sa kanya na parang walang nangyari at nagawa pang magbiro. “Hindi mo manlang ba ako ipapakilala sa kasama mo?” nakangisi pang tanong nito.
Napatingin naman siya kay Cain na tahimik lamang sa kanyang tabi, ang mukha nito ay blanko at walang nababakas na emosyon.
Hindi nya mapigilang mapabuntong hininga dahil sa ipinapakitang ekspresyon ni Cain.
‘Mukhang wala talaga itong interes pagdating sa ibang tao.’
“Oo naman Mars. Ah Cain, siya nga pala si Mars yung lagi ko sayong kinukwento na kaibigan ko sa trabaho.” Nakatingin siya kay Cain sabay turo kay Mars.
Tumango naman ito pero hindi ngumiti o nagpakita ng kahit kaunting emosyon sa mukha.
NAPATINGIN naman si Mars dito ng wala sa oras dahil sa pagtataka, hindi niya alam kung masaya ba itong makilala sya o wala lang talagang interes sa beauty niya.
Dumako naman ang mata niya sa kaibigang si Gino na parang sanay na sa ganitong ugali ng kasama.
Napailing na lamang siya dahil sa mga tinginan na napapansin nya sa pagitan ng dalawa, halatang may nararamdaman ang mga ito para sa isa’t isa, hindi pa nga lamang siguro alam ng dalawa iyon.
NAGPATULOY ang pagpapakilala ni Gino kay Mars at Cain. Napapasilay na lamang siya kay Mars na may paghingi ng tawad dahil sa ugali ng kasamang si Cain.
Hindi manlang kasi ito makakitaan ng pagkagusto sa mga nangyayari, nagsasalita at bumabati ito pero ang mukha at boses nito ay blangko ng emosyon.
“Ah Fafa Cain, pwede bang hiramin ko muna si bhes Gino?”
“Sure, but don’t go too far,” seryosong sagot nito sa kanyang kaibigan.
Hinigit siya ni Mars sa ‘di kalayuan sapat lang para ‘di marinig ni Cain ang kanilang pinag uusapan.
“Bakit tayo lumayo, Mars?”
“So, siya pala si Mr. Callboy ha, super gwapo pala naman kaya kinababaliwan mo,” natatawa at may halong pang-aasar na sambit nito sa kanya.
“H-Ha? Naku Mars mahiya ka nga dyan sa mga sinasabi mo,” aniya sabay iwas sa pagtusok nito sa kanyang tagiliran.
“Haha joke lang bhes pero alam mo… Hindi pang callboy ang aura at datingan nyang si Fafa Cain, parang may something sa kanya na ‘di ko gusto.”
“Anong ibigsabihin mo?” naguguluhang tanong niya sa kaibigan.
“Ang mga callboy kasi ay malandi, laging nakangiti para charming ang dating at para makakuha ng customer o client,” pagsisimula pa nito.
“Tapos?”
“Yun nga, si Fafa Cain mo kasi ay sobrang seryoso at emotionless, para siyang mga leader ng gangster o kaya ay sundalo. Basta mga ganung linyahan,” bulong pa nito sa kanya para ‘di marinig ni Cain na sa gawi nila nakatingin.
“Porket ‘di malandi at palangiti si Cain ay leader na agad ng gangster o sundalo? Iba ka rin Mars… Hmm, pero wala pa naman akong nakikilalang ibang callboy maliban kay Cain kaya wala akong pwedeng pagkumparahan ” Napapaisip na sagot naman niya dito.
“That’s my point bhes, hindi mo siya kilala nang lubusan, sigurado ka bang callboy yan?” seryosong tanong nito sa kanya kaya ‘di niya maiwasang kwestyunin ang kanyang sarili
‘Sure nga ba ako na callboy si Cain? Hmm, Oo dahil hindi naman niya itinatanggi kapag sinasabi ko yun sa kanya at higit pa doon ay napapalibutan siya lagi ng mga babae.’
“Um, oo callboy talaga siya, ikaw Mars ha kahit ganyan si Cain mabait din naman yan at responsable.” pagtatanggol pa niya kay Cain.
“Wala naman akong sinasabi na ‘di siya mabait ah, ang sa’kin lang ay ‘di mo kilala ng lubos ang lalaking yan bhes, please lang mag ingat ka.”
“Naku, nagiging nanay na naman kita Mars.”
“Kung kailangan ko ring maging tatay para sayo bhes ay gagawin ko kaya mag ingat ka lagi ha,” paalalang turan pa nito sa kanya.
Napangiti naman siya sa saya dahil sa pagmamahal at pag aalalang ginagawa ng kaibigan para sa kanya.
“Okay lang ako Mars wag ka ng mag alala pa, hindi ko man ganun kakilala si Cain, sigurado at ramdam ko naman na mabuti syang tao,” masayang sagot niya dito habang napapasulyap sa kinalalagyan ni Cain.
Nang makita nyang pinalilibutan na naman ito ng mga kababaihan ay hindi nya napansin na ang ngiting nakapaskil sa kanyang labi ay napalitan ng simangot dahil sa pagkainis.
“Halatang-halata yang pagseselos mo bhes.”
Bigla syang napabaling muli kay Mars dahil sa pang aasar nito sa kanya bago sumagot.
“A-Anong selos ang sinasabi mo diyan Mars, ‘di ah?”
Tinawan lamang sya nito at ginulo ang kanyang buhok.
“Hays, sige pero pagkailangan mo ng tulong ay tawagan mo lang ako,” anito pa sa kanya at saka tinapik ang kanyang balikat para ipahayag na balikan na nila si Cain na gusto na atang lamunin ng mga babae.
“Alam mo bhes, parang may mali sa damit na suot nyang si Fafa Cain, bakit NOT FOR RENT ang nakaprint sa damit niya eh callboy siya, dapat FOR HIRE para makahakot siya ng kleyente, ‘di ba,” puna nito habang naglalakad sila.
Napatikom na lamang ang kanyang bibig dahil hindi niya masabi kay Mars na siya ang bumili ng damit na yan kay Cain noon.
Nagkibit balikat na lamang siya para sabihin na di nya alam ang dahilan.
“Oo nga pala Mars ‘di ba magkasama kayo ni Kevin? Nasaan na siya?” nagtatakang tanong pa niya dito.
Nakangiti naman itong sumagot sabay turo sa ‘di kalayuan kung saan may lalaking nabili ng snack kasama ang isang batang babae.
“Ayun oh, kasama si Leila.”
Napatango naman siya, mukhang kaya pala nandito sina Mars at Kevin ay para samahan ang kapatid nitong babae para mamasyal din.
Halos pamilya na talaga sina Mars at Kevin, matagal ng opisyal ang relasyon ng mga ito sa magulang ng bawat isa. Nagiipon na lamang daw ang mga ito ng sariling pera para makapagpakasal.
Kahit mayaman parehas ang pamilya ng magkasintahang ito ay ayaw nilang umasa sa pera ng mga magulang.
Saludo talaga si Gino sa matibay na relasyon ng kanyang kaibigan.
‘Sana dumating ang panahon na may magmahal din sakin ng tunay at lubos,
” isip-isip pa niya habang nakatingin kay Mars at Kevin na masayang nag uusap pagtapos siyang ihatid nito kay Cain.
“You okay?”
Nagising sya sa pagtitig sa mga kaibigan dahil sa boses galing sa taong nagpapasaya sa kanya ngayon.
Hindi nya alam kung ano ba talaga ang relasyon na pwedeng itawag sa kanila. Ayaw at wala di naman syang lakas ng loob na itanong kay Cain kung ano nga ba silang dalawa.
Magkasama sa bahay
Sabay kumakain, natutulog
Sinusundo sya mula sa trabaho
Namamasyal kapag day-off
Alam nya kung ano ang patutunguhan ng mga salitang iyan pero ayaw nyang lagyan ng label ito sapagkat ayaw nyang mag-assume.
Pero kung mawawala ang kasiyahan ito kapalit ng katotohanana ay mas mabuti pang wag na nyang malaman pa ang totoo at mabuhay kung ano ang meron sila ngayon. Hindi nya kayang marinig ang magiging sagot ni Cain kung sakaling tanungin nya ito.
Napabuntong hininga na lamang sya bago humarap kay Cain at sumagot.
“Syempre naman okay lang ako,” aniya sabay hawak sa braso nito at ginabayan na papunta sa iba pang attraksyon dito sa Zoo.
Tumango lang naman ito sa kanya at naglakad na sila palayo. Hindi alam ni Gino na mula sa kinalalagyan ni Mars ay nakatingin ito sa kanya at napapailing.
‘Ang manhid mo naman bhes, sobrang halata na may gusto din sayo si Fafa Cain pero di mo parin nakikita.’
PAGKATAPOS ng masaya nilang pamamasyal ay naisipan na nila ni Cain na umuwi.
“Where you do want to go next?” tanong pa nito sa kanya habang papasok sila ng bahay.
“Hmm, sa ocean park naman tayo Cain.”
“Sure, anywhere you want,” sagot nito sabay haplos sa ulo ni Miggs na masayang sumalubong sa kanila.
Hindi nya alam hanggang ngayon kung bakit malapit si Miggs kay Cain.
Nagtungo muna sya sa kwarto para magbihis, hindi naman nya inaasahan na kasunod pala nya si Cain papunta doon. Pagpasok nya sa kwarto ay mabilis nyang hinubad ang suot na tshirt.
“Are you seducing me, Ginobabes?”
Napasinghap siya at naitakip sa katawan ang hinubad na damit dahil sa gulat.
“CAINNN! n-nagbibihis pa ako, lumabas ka muna!” sigaw pa niya dito habang nagbabaga sa init ang kanyang mga pisngi.
Narinig lang naman nya ang mahina nitong pagtawa saka lumabas ng pinto.
‘Hays, luko talaga ang Callboy na yun.’
isip-isip pa niya at nagbihis ng mabilis.
lumabas sya ng kwarto at nagtungo sa kusina para magluto ng hapunan.
Makalipas ang ilang oras ay natapos na silang kumain at nagliligpit na sya ng hapagkainan.
“Ginobabes, I want to help you let me wash the dishes,” sabi nito sabay lapit sa kanya.
“Eh, sigurado ka ba?”
Tumango lang naman ito at seryoso ang mukha na nakatingin sa kanya.
Habang nakatitig sya sa itsura nito ay ‘di nakalampas sa kanyang paningin at pakiramdam ang pagod at problemadong anyo nito.
Alam nyang may iniisip ito, ayaw naman nyang pilitin itong magsabi sa kanya lalo na kung di pa ito handa.
Ngumiti na lamang sya para ipakita na okay lamang ang lahat bago sumagot.
“Sige, ipaglalatag na kita ng higaan sa kwarto.”
Tatalikod na at magpatuloy na sana sya sa paglalakad ng biglang may kamay na yumakap sa kanyang bewang at hinigit sya pabalik.
“Ayy,” gulat na sigaw niya.
Dahil dito ay napasubsub sya dibdib ni Cain at ng tumingala sya ay para namang nanggi-gigil na inamoy at hinalikan nito ang kanyang pisngi hanggang sa leeg.
Hindi nya napigilang mapahagikgik dahil sa ginagawa nito, nagmamadali syang napatakip sa bibig.
“C-Cain tama na, nakikiliti ako,” natatawang pag awat pa niya dito.
Parang wala naman itong narinig at ipinagpatuloy ang pag amoy sa kanya na parang isang aso, ang mahigpit na yakap din nito ay parang wala ng balak na pakawalan pa sya.
Makalipas ng ilang segundo ay tumigil din ito at sumiksik na lamang sa kanya leeg. Naramdaman nyang napabuntong hininga ito at parang nakahinga ng maluwag.
Alam nyang may pinoproblema ito kaya hinayaan na lamang nyang maglambing at mangulit ito sa kanya. Hinagod ng isa nyang kamay ang likod nito at ang isa naman ay hinahaplos ang buhok nito.
Nasa ganung posisyon sila ng marinig nya ang pinakasinsero at seryosong boses nito mula dito
“Thank you for everything, Ginobabes,” bulong pa nito sa kanya.
Hindi nya nagawang sumagot bagkus ay ipinagpatuloy na lamang nya ang pagpapakalma dito.
Maya-maya ay humiwalay na ito sa kanya, tumingala sya para makita ang ekspresyon nito pero sinalubong sya ng isang masuyong na halik kanyang noo habang ang kamay nito ay nakalagay sa kanyang pisngi.
Ramdam nya sa halik nito ang pagod at panghihina kaya naisipan nyang kausapin ito.
“Alam kong pagod ka, magpahinga ka na at ako na ang bahala dyan.” Hinawakan niya ang kamay nito para hilahin papunta sa kwarto.
“No, I’m fine. I’m going to rest after this.”
“Sigurado ka ba?”
Tumango naman ito at ngumiti sa kanya ng tipid sabay bulong muli sa kanya.
“Can I sleep beside you tonight?“parang nagmamakaawang tanong pa nito sa kanya.
Nabuntong hininga naman sya bago tumango dito, hindi nya kayang tanggihan ang pagpapaawa nito sa kanya.
Bumakas ang ngiting tagumpay nito sa mga labi, napatawa na lamang sya bago magpaalam na tutungo na siya sa kwarto.
Nang makalabas ng kusina at makarating sya sa may hallway ay nawala ang masayang ngiti na nakapaskil sa kanyang labi.
‘Hindi ko manlang matulungan si Cain, ano kayang pinagdadaanan niya?’
Malungkot at nag aalala syang dumeretso sa kwarto. Imbis na ilatag sa sahig ang mga gamit ni Cain.
Ang unan nito ay inilagay nya sa tabi ng unan nya na nakapatong sa kama.
Magkatabi silang tutulog ngayong gabi. Ayaw nyang magisip ng kung ano-ano pero nagbabalik sa kanyang isipan ang naganap noon sa kanila.
‘Gaga ka ba Gino, alisin mo nga yan sa isipan mo, may problema si Cain at kailangan mo syang damayan,’
pagsesermon pa nya sa kanyang isipan.
Habang nasa malalim na pag iisip pa rin sya ay narinig nyang may nagvibrate.
Napalingon sya sa pinanggalingan ng tunog nito at nagpasyang lapitan ito.
‘Hm, cellphone pala ni Cain.’
Patuloy itong nagba-vibrate kaya nasilayan nya ang pangalan ng taong tumatawag ka Cain.
Hahawakan na sana nya ang cellphone ng biglang may magsalita sa likod nya.
“What is it?”
Napatalon sya ng bahagya dahil sa gulat, mabilis din syang humarap dito para magpaliwanag.
“A-Ah m-may natawag sayo, hehe.”
Hindi naman ito sumagot at seryosong lumapit sa kanyan. Blanko ang ekspresyon ng mukha nito kaya natakot sya at napaisip na baka galit ito.
Dahil sa kaba ay napapikit sya habang palapit ito sa kanya.
Lumipas ang ilang sandali at isang marahang halik sa pisngi lamang ang kanyang naramdaman at ang tunog ng pagsara ng pinto ang kanyang narinig bago nya imulat ang mga mata.
Napahinga sya ng maluwag at nagpasya na lamang na humiga sa kanyang kama para doon hintayin si Cain.
Habang nagkukumot ay nagbalik sa kanyang isipan ang pangalan sa Caller ID.
‘Sino kaya si—
---Zero?’
KINABUKASAN, malungkot at walang buhay na pumasok sa trabaho si Gino.
Dumaan ang umaga hanggang tanghali ay ganun pa rin sya kaya hindi na napigilan ng kanyang mga kaibigang sina Mars at Jewel na itanong kung anong problema nya.
Nandito sila ngayon sa Cafeteria at nagtatanghalian.
Pasalamat na lamang si Gino dahil hindi siya kinukulit ni Sir Yuan sapagkat laging on the way si Jewel kaya hindi ito makalapit sa kanya.
Alam kasi ni Sir Yuan nila na paglumapit ito kay Gino ay kukulitin at di na naman ito titigilan ni Jewel. Malaki kasi talaga ang pagkagusto at paghanga nito sa kanilang supervisor.
Habang nakain ay natanong na sa kanya si Mars. “Bhes Gino, anong problema? masaya ka pa kahapon ng makita ko kayo ni Fafa Cain ah.”
“Whuatt? Nakita mo na si Fafa Cain?” gulat na tanong pa ni Jewel kay Mars.
“Oo nagde-date sila ni bhes sa Zoo kahapon.”
“Ala, gusto ko rin siyang makita Mars. Ano bang itsura?” interesadong tanong pa ni Jewel ulit.
“Naku super gwapo bhes Jewel, maglalaway ka talaga.”
Napailing na lamang sya dahil sa naririnig na pag uusap ng dalawa tungkol kay Cain.
Maalala lamang nya ang pangalan nito ay nalulunkot na muli siya.
Ang kanyang isipan ay nagbalik sa nangyari kagabi pagbalik ni Cain mula sa tawag na sinagot nito.
Natagalan ang pakikipag usap ni Cain kaya nakatulog na ng kaunti si Gino habang naghihintay dito.
Nagising na lamang sya ng maramdaman nyang gumalaw ang kama na kanyang hinihigaan at nang maimulat nya ang mga mata ay nakita nyang naka-upo ito sa gilid ng kanyang kama.
“C-Cain,” medyo antok na pagtawag pa nya sa pangalan nito.
“Did I wake you up?”
“Hindi naman, halika higa ka na,” aniya sabay tapik sa kanyang tabihan.
Ngumiti naman ito ng tipid pero umuling ito.
Napakunot ang kanyang kilay dahil sa ginawa nito.
“I need to tell you something first,” seryosong sambit pa nito kaya napaupo sya para makapag usap sila ng maayos.
“Ano yun?”
“I’m going somewhere.”
Kinabahan siya dahil sa sinabi nito.
“S-Saan ka pupunta? Kelan ang b-balik mo?— tungkol ba yan sa trabaho mo?” Hindi niya pansin pero nababasag na ang boses nya at nangingilid na ang kanyang mga luha habang nagtatanong dito.
“Yeah, trabaho lang iyon Ginobabes, I’m just going out for a week and come home to you when im done.”
Napahinga naman sya ng maluwag at naibiga ang hininga na kanina pa niyang pinipigilan.
Ginulo nito ang kanyang buhok at nauna ng humiga sa kanya.
Napag usapan din nila na maaga itong aalis kinabukasan kaya kailangan nyang ipaghanda ito ng mga damit.
Bago sya makatulog ng gabing iyon ay nagpasalamat sya sa Dyos sa pamamagitan ng pagdadasal.
‘God, natakot po ako dahil akala ko’y iiwan na ako ni Cain, salamat po dahil hindi nyo pinahihintulutang maging mag isa muli ako. Nakakalungkot man dahil isang linggo ko syang di makakasama pero alam kong babalik din sya sa akin.’
Nang maalala nya ang napag usapan nila kagabi ay medyo nawala ang lungkot sa kanyang dibdib.
Alam naman kasi nyang uuwi din si Cain at magkakasama din silang dalawa ulit.
“Uii bhes, natulala ka na diyan.”
“Kayo ba tapos ng mag usap tungkol kay Cain?” tanong naman nya pabalik sa dalawa.
Nagkatingin naman ang dalawa nyang kaibigan at napangiwi. Akala ng mga ito ay hindi sya ngbibigay atensyon sa pinag uusapan ng mga ito.
“Hehe, oo siz tapos na. Dahil sa mga sinabi nitong si Siz Mars ay lalo tuloy akong na intriga, gusto ko ding makita si Fafa Cain. Wala ka bang picture dyan?”
‘Hm, meron pero ayaw kong ipakita sa kanila. Picture namin yun nung nag punta kami sa theme park at sa Zoo kahapon.’
Nagkibit balikat na lamang sya sa tanong nito.
Natapos ang kanilang pagtatanghalian kaya nagsibalikan na sila sa kanilang mga table.
Habang nagtatype sa computer ay bigla nyang narinig ang pag uusap ng kanyang mga katrabaho.
‘Jena, bumalik na daw si Stella dito kahapon lang.’
‘Talaga? Di ba iyon yung nagbebenta ng masarap na mga dessert?’
Dahil sa narinig ay naalala nya ang paboritong panghimagas.
‘Ewan ko ba pero gustong gusto ko ngayon kumain ng egg pie, may tinda kaya iyong si Stella?’
Hindi sya mapakali kaya nagawa nyang magtanong sa dalawang katrabaho.
“Psst… Clara, may tinda kayang egg pie si Stella?”
“Uii Gino, sa tingin ko ay meron. O-order ka ba?” tanong pa nito sa kanya.
Ngumiti naman sya ng malapad at tumango bilang sagot dito.
‘Salamat, makakakain na ulit ako ng paborito ko.’
Hindi niya alam na nakatingin lang sa kanya si Mars na puno ng pagtataka ang mukha.
Nasaksihan kasi nito ang masaya nyang ekspresyon dahil sa pag order ng egg pie.
Matagal ng alam ni Mars na paborito ni Gino ang dessert na iyon pero di naman sobra kagaya ngayon.
‘Nubayan, parang naglilihi si Bhes Gino, sumaya na dahil sa dessert.’
▼△▼△▼△▼△
SA PENTHOUSE, nasa opisina ni Mr. Sinclair sina Hellix at Zero.
Hindi alam ni Hellix ang eksaktong dahilan kung bakit sila gustong makausap nito.
Kung tungkol sa bwisit na si Viktor ay inaasikaso na ito ni Josh at Gary ngayon. Nagtatampo nga sya dahil bakit di sya ang ipinadala nito para itumba lahat ng mga tauhan ng Viktor na iyon.
‘Baka naman mas mahalaga at ma-action ang ipapagawa sakin ni Boss.’
Ang alam lamang nya ay medyo lumalala na ang sitwasyon nila dahil seryoso si Viktor na ubusin sila habang narito sila sa bansa.
Kaya nga aalis ang boss nila para makipag usap ang Auncle nito na narito ngayon para bigyan sila ng suporta at back up.
Naguguluhan siya dahil matagal ng tapos ang mga transaksyon nila dito sa bansa pero bakit nagpupumilit pa rin manatili dito ang kanilang boss.
‘May bagay o tao ata itong ayaw maiwan dito.’
Gusto nyang mapatawa dahil sa isiping iyon, kahit kailan ay walang bagay na mas importante sa boss nya kundi ang negosyo nito, wala itong pakialam sa kahit sino.
Ang puso nito ay pinatigas ng hirap at pasakit, matagal ng nawalan ng emosyon ang matalas at asul nitong mga mata. Nabubuhay na lamang ito para ipagpatuloy ang negosyong naiwan at ipinaman ng yumao nitong ama.
“You two are going to guard someone while I’m away.”
Nanlaki ang mata nya sa gulat at di makapaniwalang napatingin sa kanilang boss.
Parang gusto nyang lamunin lahat ng sinabi kanina. “Guard? as in magbabantay?” Di makapaniwalang tanong nya dito.
Pansin pa nya ang pag-ikot ng mata ng Hon niya dahil sa walang kwenta nyang tanong.
“Yeah, didn’t you hear what I’ve said?” walang emosyon na sagot pa sa kanya ng kanilang boss.
Hindi siya pinapunta nito sa action para magbantay lang ng isang tao?
‘Aba napaka-importante naman ng taong iyon para pabantayan ni Boss?’
“Who is it?” tanong ng katabi nyang si Zero.
Tumayo si Boss nila sa kinauupuan nito at lumapit sa kanila para ipakita a litrato ng pinababantayan nito.
Mula sa screen ng cellphone nito ay makikita ang isang tao na nakangiti ng maganda.
Napasinghap si Hellix ng mapagtanto niya kung sino ang taong ito.
‘Yung lalaki sa 7/11’
----------------❤❤❤
Sana nagustuhan n’yo po ang chapter na ito.
Pls. dont forget to
VOTE
and
COMMENT
THANKS AND BYIEEE 💕
MB 31
I hope you enjoy reading
this
Chapter 💕
[I dedicated this chapter to
YamYamJavier
, salamat po sa paghihintay 😍😍 ]
THIRD PERSON’S POV
Nang hapon ding iyon ay nakuha nya ang order na egg pie kay stella. Bumili siya ng dalawang box na dessert para sa kanila ni Cain.
‘Sana magustuhan din ito ni Cain’
masaya niyang isip-isip.
Pero nang maalala niyang wala si Cain ay nanlumo ulit siya. Laglag ang kanyang balikat na naglalakad pauwi dala ang pasalubong.
Pagdating sa apartment ay napansin nyang bukas ang ilaw sa kabilang bahay.
‘Matagal ng walang nakatira dyan e, t-teka baka naman may multo sa loob.’
Hindi nya napigilang mapa-sign of the cross at mabilis na pumasok sa kanyang bahay dahil sa takot.
Nang nakapasok ay medyo nawala ang takot nya dahil kay Miggs na masiglang sumalubong sa kanyang pagdating. Ginawa na rin niya ang dapat gawin pagkakarating sa bahay.
Ngayon ay nagluluto na siya ng hapunan habang naglalaro lang naman sa paanan niya si Miggs.
Mula pag uwi nya kanina dito ay may lungkot na lumukob sa kanya kaagad, wala na ang init na meron ang munti nyang apartment ngayong wala si Cain dito.
Medyo nag aalala siya sapagkat di nito sinabi kung saan ito pupunta.
‘Hays, nakain na kaya sya ngayon?’
Dahil gusto nyang maging positibo ay isinantabi muna nya ang isipin tungkol sa lalaking gumugulo sa kanyang isipan at puso.
Matapos magluto ay bigla nyang naalala ang tungkol sa kabilang bahay.
‘Baka naman may bagong lipat doon, kailangan kong lakasan ang loob ko at batiin sila,
” sya sabay lagay ng ulam sa isang mangkok.
Kinakabahan syang lumabas ng bahay dala ang ulam para ibigay sa mga bagong lipat.
Nag-aalala lang namang nakasilip si Miggs sa pinto ng kanilang bahay.
Nang makarating sya sa tapat ng pinto ng mga ito ay napahinga sya ng malalim bago kumatok.
Umabot sa tatlo ang kanyang pagkatok saka lang sya nakarinig ng mga pagyabag mula sa loob.
‘Salamat naman at mukha hindi talaga multo ang nasa loob ng bahay na ito.’
Nang bumukas ang pinto ay nanlaki ang kanyang mga mata ng makita ang taong lumabas mula dito.
“Ano yun?” gulat ding tanong pa nito sa kanya kaya bigla syang nagising sa pagkakatitig dito.
“A-Ah hello, ako nga pala si Gino. Dahil bagong lipat ka dito kaya gusto ko lang makipagkilala.”
“Gano’n ba. Ako naman si Hellix, nagkita na tayo noon di ba? naghahanap kasi talaga ako ng bahay para saming mag asawa,” sagot naman nito sa kanya.
Magaan at palabiro ang ugaling nakikita ni Gino dito kaya masaya sya, baka maging kaibigan pa nya ito.
‘Sabi na nga ba kaya pamilyar ang mukha nya, sya yung lalaking nakahairban ng pink.’
“Mabuti at dito nyo naisipang kumuha ng bahay dahil tahimik dito at walang masyadong kaguluhan,” nakangiti pa nyang sabi dito.
“Ah Oo nga pala, eto may dala akong ulam,” aniya sabay abot ng mangkok.
Tinanggap naman nito ng may saya sa mga labi at mata.
“Uii salamat talaga haha di pa nga kami nakain, di kasi marunong magluto ang Hon ko,” natatawa pa nitong sabi sa kanya.
Napatawa na lang din sya at nagpaalam na dito.
PAGSARA
ng pinto ay nakataas na kilay ni Zero ang sumalubong kay Hellix.
“FYI, I know how to cook,” masungit sa sambit nito sabay agaw sa mangkok na dala nya.
“Nagbibiro lang naman ako Hon.”
Pagbibiro pa nya dito at nagtungo na sila sa lamesa. Sa katunayan ay tapos na ding magluto si Zero at kakain na sila.
Magkaharap sila sa lamesa, ang buong bahay ay walang lamang mga gamit. Isang linggo lamang naman nilang kailangang tumira dito para bantayan ang taong nagbigay ng tinolang ito.
“Masarap ah,” kumento pa nya sabay higop sa sabaw ng tinola.
Napasimangot naman si Zero dahil sa sinabi nya, kung di nya lamang ito kilala ng lubusan ay iisipin nyang nagseselos ito.
Hanggang ngayon ay hindi pa rin nila alam ang tunay na dahilan kung bakit ito pinababantayan ng boss nila. Wala naman kasi itong nabanggit sa kanila maliban sa address at itsura ng taong ito.
Ang isang bagay lamang na malinaw lamang para kay Hellix ay ang katotohanan na mahalaga ang taong ito sa boss nila.
‘Gino pala huh, sino ka ba talaga?’
Yan ang bagay na gumugulo sa isipan niya ngayon.
“He’s the reason why we can’t go back to Mascow.” Napabaling naman siya ng tingin kay Zero dahil sa sinabi nito.
“Sa tingin mo rin, Hon?”
“Yeah,” maikling sagot nito at saka ipinaliwanag sa kanya lahat.
Base dito, hindi sila nagkamali ng lugar na pinuntahan noon. Dahil ang boss nila ay dito namamalagi sa lugar ni Gino.
Siguradong nag aalala din ang boss nila na mapahamak at madamay si Gino dahil sa galit ni Viktor sa kanila kaya pinabababantayan nya ito sa kanila.
Patango-tango lang naman si Hellix ng magsink-in sa utak nya lahat.
Hindi sya makapaniwala na may isang tao nang pinahahalagahan ang boss nila ngayon.
Dahil dito ay sumumpa sya na gagawin nya ang lahat maprotektahan lamang ito.
‘Ganito ka ba talaga ka-importante Gino para ilagay ni Boss ang buhay nya sa peligro para sayo?’
di nya maiwasang itanong sa kanyang sarili.
Napakadami pang katanungan sa kanyang isip ngayon na di nya mahanapan ng sagot pero alam nyang dadating din ang panahon at masasagot ang lahat ng ito.
Ang pagbabago na napapansin nya sa kanyang boss ay epekto ni Gino dito.
Sa ngayon napatunayan nyang kayang baguhin talaga ng pag- ibig ang lahat.
Habang nakain ay napatingin sya sa lalaking kaharap ngayon.
‘Kaya din kayang baguhin ng pagmamahal ko ang malamig at matigas mong puso, Hon?’
▼△▼△▼△▼△
TATLONG
araw na ang nakalipas ng umalis si Cain. Sinabi ni Gino sa kanyang sarili na okay lang ang lahat dahil babalik din ito pero bawat araw at gabi na di nya ito nakikita ay talagang di nya maiwasang mangungulila.
“Bhes mukha ka ng Zombie.”
“Oo nga siz, buhay pa ba?”
Hindi niya alam kung nag aalala ba o talagang nag iinis lang ang dalawa nyang kaibigan.
“Ayos lang ako, masaya ako dahil may egg pie dito,” sagot pa nya sa dalawa.
Nagkatinginan lang naman ang mga ito dahil sa pahayag nya.
“Alam kong paborito mo yan bhes pero hindi ka ba nagsasawa, maya’t maya ay kumakain ka nyan?”
“Baka stress eating lang naman Siz Mars.” Pagtatanggol pa sa kanya ni Jewel.
Hindi rin nya talaga maisip kung bakit lagi nyang gustong kumain nito ngayon.
Basta ang alam lang nya ay sumasaya sya at nakakalimutan nya si Cain kapag kumakain sya nito.
“Baka naman nilalagyan ni Stell ng droga yan kaya na-aadict ka na dyan,” malokong bulong pa ni Mars sa kanila.
“Hala!”
“Naku, tumigil nga kayong dalawa ang sama ng iniisip nyo, malungkot lang ako kaya kumain ako ng maram—”
Napatakip sya sa bibig dahil nadulas sya sa sinabi.
“Ah huh, di umamin ka rin bhes.”
“Siz, share mo na samin kung bakit ka malungkot para makatulong kami.”
Dahil mukhang ayaw papigil ang dalawa ay naikwento niya sa mga ito ang pag alis ni Cain.
“Aww wawa naman ang Gino namin,” si Jewel sabay gulo sa kanyang buhok.
Tinapik naman nya ang kamay nito dahil ayaw nyang ginugulo ang buhok nya. Lalo na kung di naman si Cain ang gugulo nito.
“Dont worry bhes, may naisip na akong paraan para makalimot ka muna. Hihi akong bahala.”
Sa mga ganyang tawa ni Mars di sya nagtitiwala siguradong may kalokohang naiisip na naman ito.
Tiningnan na lamang nya ito ng patagilid at saka bumalik sa kanilang cubicle dahil tapos na ang break time nila.
Mabilis na tapos ang kanilang maghapon sapagkat pinipilit nyang gawing abala ang sarili.
“Paano bhes, send ko na lang sayo ulit ang place ha,” sabi pa ni Mars sa kanya bago ito nagpaalam.
Si Jewel naman ay mabilis ding umalis para kulitin ang Sir Yuan nila.
Rinig pa nga nya ang pag uusap ng dalawa bago makalabas ng working station.
‘Mr. Joel, busy ako di kita maisasabay pauwi ngayon.’
‘Pero Sir, magkalapit lang naman ang apartment natin di ba?’
‘Psh, ang kulit talaga, Sige na nga.’
Pansin nyang medyo naiinis na si Sir Yuan nila pero di nito kayang tanggihan ang kakulitan ni Jewel.
Para namang nanalo sa lotto ang ekspresyon sa mukha ng kanyang kaibigan ng marinig ang sagot ng lalaking hinahangaan nito.
Napailing na lamang sya at nagligpit na rin ng mga gamit para makauwi.
Habang naglalakad palabas ng building ay nakasalubong muli nya si Stella. Dahil hindi nya kayang tanggihan ang tindang egg pie nito ay napabili sya ulit ng isang box.
Nang makalabas ng kumpanya ay sumakay sya ng taxi pauwi at para na rin makapaghanda sa lugar na pupuntahan nila.
Makalipas ang ilang oras ay nandito na sya sa harap ng lugar na sinabi ni Mars.
Akala nya ay normal na bar lamang ito pero laking takot nya ng makapasok na sya.
‘Bwisit ka Mars, bakit sa Gay Bar pa?’
Naglalakad pa lang sya papasok ay marami ng sumisitsit at humaharang sa kanyang mga lalaki.
Madilim at maraming tao sa loob ng bar na ito kaya nahihirapan syang makita kung nasaan ang mga kaibigan.
“Ahh!” di nya napigilang mapasigaw ng biglang may humawak sa likuran nya.
Mabilis syang lumingon para tingnan ng masama ang lalaking humipo sa kanyang malusog na pwetan.
Nginisihan lang naman sya nito kaya kinilabutan sya. Nagmadali na lamang sya sa paglalakad para makalayo sa bastos na lalaking yun.
Maya-maya pa ay naramdaman nya ang pagvibrate ng kanyang cellphone.
Napahinga sya ng maluwag ng mabasa mula dito kung nasaang parte ang mga kaibigan.
Nagtungo sya sa may dulong table at nakita ang dalawa doon. Masaya pa syang kinawayan ng mga ito na parang sa park lang sila nagkikita-kita.
Nakakunot ang kanyang noo at inis syang lumapit sa mga ito.
“Mars naman, bakit sa ganitong lugar pa!?” malakas na sigaw nya para marinig nito.
“Ito ang tamang lugar Bhes!”
“Oo nga Siz magpapakalasing tayoo!”
Napailing na lamang sya at napaupo sa tabi ni Mars. Nandito na rin naman sya kaya wala ng urungan.
Mabilis na omorder ng alak at pulutan ang dalawa, sya naman ay walang balak na maglasing dahil sya ang bahala sa mga ito mamaya.
Medyo kinikilabutan sya dahil sa mga lalaking malalaki ang katawan pero nakikipagsayaw o nakikipaghalikan sa mga kapwa nito.
Sa ilang minuto pa lamang nilang pag upo dito ay marami na ang nag aya at nagpapa-pansin sa kanila.
Mabuti na lamang at di nakikipaglandian ang kanyang mga kaibigan sa mga ito.
“Ano bhes, inom ka pa?”
“Haha hina mo naman Siz Gino.”
Pang aasar pa sa kanya ng dalawa pero di sya nagpadala sa mga ito dahil wala syang balak magpakalasing.
“Mars, mabuti at pinapayagan ka ni Kevin na magpunta sa mga ganitong lugar.”
“Oo naman, malaki tiwala no’n sakin eh,” sagot naman nito sa kanya.
Parang bigla naman syang natusok ng patalim sa dibdib dahil sa sinabi nito.
Kaya sya kinakabahan ay hindi lamang dahil sa pag alis ni Cain, mas nababahala sya sa ginagawa nito ngayon.
Di nya maiwasang mapahawak sa tapat ng kanyang puso dahil sa napagtanto.
Habang patuloy na nag uusap ang magkakaibigan sa table ng mga ito ay hindi nila alam na may dalawang taong nakamasid sa kanila.
Dahil propesyunal naman sina Zero at Hellix pagdating sa trabaho ay hindi sila nagreklamo ng malaman na sa isang gay bar nagtungo si Gino.
Kahit anong mangyari kailangan nilang bantayan ito kundi malalagot talaga sila sa kanilang Boss.
Pagpasok pa lamang nila kanina ay nagsimula na silang magmasid mula sa second floor ng bar.
“Magre-recon lang ako sa paligid Hon, dito ka lang muna.”
“Hm,” pagsang ayon pa nito sa kanya.
Naglakad-lakad muna si Hellix sa buong paligid para malaman kung may kakaiba at kahina-hinala ba dito.
Baka kasi bigla na lamang dumating ang mga alagad ni Viktor at may gawing masama kay Gino.
Maingay, magulo at medyo madilim sa buong paligid kaya naman doble ang pag iingat na ginagawa nya.
Makalipas ang ilang minutong paglilibot sa paligid ay biglang nakarinig sya ng static mula sa suot nyang ear piece na nasundan ng mahihinang boses.
Tinapik nya ito ng ilang ulit para marinig ng malinaw ang kumusyon sa kabilang parte.
Dahil sa pag aalala ay nagmadaling bumalik si Hellix kung saan nya iniwan si Zero.
‘Shit, baka pinagtutulungan na si Hon ng mga tauhan ni Viktor!’
Mabilis syang nakarating sa kinaroroonan nito, napahinga naman sya ng maluwag ng makitang wala naman pala ito sa kapahamakan.
Habang palapit ay rinig pa nya ang pangungulit ng dalawang bortang bakla sa Hon nya kaya naman may inis na nabuo sa kanyang dibdib.
‘Hey beautiful, sama ka na sa amin.’
‘Oo nga, siguradong paliligayah—’
Hindi na naituloy ng isa ang sasabihin ng bigla syang umimik at lumapit kay Zero na mabilis nyang hinigit mula sa bewang para mayakap.
“Back off, he’s mine.”
GUSTO
sanang pumalag pa si Zero sapagkat naiilang sya sa pagkakalapit ng katawan nila ni Hellix.
Hindi nya mapigilang pamulahan ng mukha dahil sa hiya at inis mula dito.
Balak na talaga nyang patulan ang mga bastos na baklang ito kundi lang umiiwas syang gumawa ng kaguluhan at baka mapansin pa sila ni Gino.
Isa syang anak ng yakuza kaya kahit maliit at mukha syang lampa ay meron naman syang ibubura sa laban sapagkat ang training na pinagdaanan nya ay parehas lamang ng sa kanyang boss at kay Hellix.
Hindi nya kailangan ng tulong ni Hellix pero mas mabuti na siguro ang ganito kaysa gumawa pa sila ng gulo sa buong bar.
“S-Sorry dude, akala namin available pa siya,” sabi pa ng isa at saka mabilis na umalis ang dalawa.
Nang wala na ang dalawa ay mabilis nyang hinampas ang kamay nito na nakahawak sa kanyang bewang.
“Taray mo naman Hon, ikaw na nga ang tinulungan ko e.”
“Want me to say thank you?” tanong nya dito.
“Sige ba.” ito sabay ngiti sa kanya.
Lumipas ang ilang minuto pero tiningnan sya nito na may pagtataka bago nagsalita.
“Nasaan na ang thank you?”
“I already said it a while ago,” walang emosyon na sagot pa nya dito.
DI NAPIGILAN
ni Hellix na mapakamot sa ulo dahil sa naging sagot sa kanya ni Zero.
‘psh, akala ko magpapasalamat talaga siya’
.
“Hays, alam ko na Hon, magbantay ka na lang ng CCTV,” suhesyon pa nya dito.
Tinaasaan lang naman sya ng kilay nito na parang nagsasabi na
‘inuutusan mo ba ako?’
“Ayaw mo nun para wala ng mangulit sayong mga lalaki.”
Napatango naman ito dahil sa kanyang pahayag at naglakad na palayo.
Naiwan naman si Hellix na nakasandal sa railing ng second floor at pinagmamasdan pa rin ang ginagawa ng magkakaibigan sa baba…
.
.
“ACKK!”
Pinatulog ni Zero ang mga bantay ng CCTV room gamit ang isang chop sa leeg para sya ang magbantay roon.
Sa ganitong paraan ay mas makikita nila lahat ng mga galaw at pangyayari sa loob at labas ng bar.
HABANG
nagaganap ang lahat ng iyon ay walang kaalam-alam naman sina Gino at patuloy lamang sa pagkukwentuhan.
Lasing na ang dalawa nyang kaibigan. nag iiyak na si Mars, nalaman nyang umalis din pala si Kevin kaya malungkot din ito ginawa lang syang dahilan kunwari pa ay tutulungan sya yun naman pala ito ang kailangang makalimot.
“B-Bhees!! mish na *hic mish ko na si L-Lobidabs!!” sigaw pa nito habang umiiyak.
Pansin naman nya na tulala na si Jewel at bulong ng bulong sa kawalan.
“Kailan kaya ako magugustuhan ni Sir Yuan?” tanong pa nito sa sarili.
Napailing na lamang si Gino habang tinitinggan ang mga kaibigan. Mukhang mas problemado pa ang mga ito kaysa sa kanya.
Dahil sa nakikita nyang epekto ng alak sa dalawa ay bigla syang napadasal ng pasasalamat sapagkat mas pinili nyang wag magpakalasing.
‘Siguro mas malala pa ako sa dalawang ito kung nalasing ako,’
isip-isip pa nya at bigla naman syang nakaramdam ng tawag ng kalikasan.
Bigla syang tumayo sa kanyang kinauupuan kaya napabaling sa kanya si Mars.
“B-Bhes, saan k-ka pupunta *hic?”
“CR lang, babalik din ako kaagad,” sagot nya dito at nakita pa nyang tumango ito kaya umalis na sya.
Nakipagsiksikan pa sya sa mga tao na nagsasayaw sa kung saan-saang parte ng bar para makarating sa banyo.
NANG
makita naman ni Hellix mula sa second floor na umalis si Gino ay pasimple nya itong sinundan.
Kita nyang pumasok ito sa Men’s Bathroom di na nya ito sinundan sa loob, kumubli na lamang sya sa isang gilid at hinintay na lumabas ito.
Lumipas ang ilang minuto, habang naghihintay sya ay may magandang babae na dumaan kaya napasunod doon ang kanyang tingin.
Napangisi sya ng malapad ng makita ang maganda nitong katawan, di nya napigilang mapasipol kaya nakuha nito ang atensyon ng babae.
Humarap ito sa kanya at nahihiyang kumaway, susuklian na sana nya ang pagkaway nito ng biglang marinig ang inis na boses ni Zero mula sa ear piece na kanyang suot.
“The hell you doing! Focus on your task idiot!”
Ang kamay na itinaasa nya ay mabilis nyang naibaba dahil sa sinabi nito.
“Sorry na Hon, selos ka naman agad,” pang aasar pa nya dito.
“Fuck you Hellix, your target is out of that bathroom already.”
“Huh?!” nagmamadali syang pumasok sa Cr at wala na nga si Gino doon.
Tumakbo sya ng mabilis, may mga nakabangga na nga din sya pero wala syang pakialam. Pag may nangyaring masama kay Gino ay siguradong patay silang dalawa kay Mr. Sinclair.
Naalala pa lamang nya ang pagbabanta nito ay kinikilabutan na sya, di kasi nagbibiro ang boss nila kaya lahat ng sinasabi nito ay siguradong totoo.
Palinga-linga sya sa paligid para hanapin si Gino, dahil sa dami ng tao ay nahihirapan sya mabuti na lamang at nagbigay ng dereksyon si Zero sa kanya.
“On your left, 90 degrees south near the fire exit.”
Matulin ang ginawa nyang kilos para makarating sa lugar na iyon at naabutan nya na may lalaking nakahawak sa braso ni Gino at kinakaladkad ito palayo.
Pansin nya ang pagpupumiglas na ginagawa ni Gino pero malakas ang lalaking may hawak dito.
Iba ang pakiramdam nya sa mga nangyayari kaya nag isip sya ng paraan kung paano ililigtas ito na hindi nito nakikita ang kanyang mukha.
Napatingin sya sa isang grupo na padaan sa lugar, mabilis nyang hinabol si Gino at ang lalaki.
Hinawakan nya ang tshirt ni Gino mula sa likod at malakas na hinigit ito palayo sa lalaki, napasigaw pa ito at napasiksik sa grupo ng mga tao na dumaan.
Nang wala na si Gino at inundyan nya ng suntok ang lalaki na nagpatalsik dito palabas ng fire exit.
Nang nasa labas na sila ng bar, sa isang eskinita ay nakipagbuno na sya sa misteryosong lalaki.
Malaki din ito at malakas pero di sya nagpadaig.
INIS
na bumalik si Gino sa table nilang magkakaibigan.
“Ohh a-anong nangyari S-Siz?” tanong pa ng lasing na si Jewel sa kanya ng makaupo sya sa tapat nito.
“Psh, may lalaki kanilang gusto akong isama kung saan tapos may biglang humigit sakin at tinapon ako sa mga tao, hays ano bang nangyayari?”
Napabuntong hininga na lamang sya ng imbis na matinong sagot ang nakuha sa mga kaibigan ay tinawanan lamang siya ng mga ito.
“HAHAHA g-gusto ka *hic lang no’n iuwi bhes!”
“Tama-t-tama HAHAHA!”
‘Seryoso ako e, lasing na nga talaga ang dalawang ito.’
Dahil mukhang malala na ang mga kaibigan ay naisipan na nyang iuwi na ang mga ito.
Makulit at ang gulo ng dalawa halos maubus ang kanyang lakas maisakay lang ang mga ito sa loob ng taxi.
Ang ingay ni Mars, si Jewel naman ay parang gusto ng sumuka ano mang oras.
Di nya napigilang hindi hilutin ang sintido dahil sa pamomoblema sa dalawang ito.
“Kala ko ba ako ang tutulungan nyo bakit kabaligtaran ang nangyari,” bulong pa nya sa mga kaibigan.
▼△▼△▼△▼△
MATAPOS
ang madugong pangbubuno at pakikipaglaban ni Hellix, sa huli ay sya parin ang nagwagi.
Dumating si Zero para alamin ang nangyari, alam naman nitong kayang kaya nya ang laban kaya di na ito nagmadali na puntahan siya.
Mas pinili nitong siguraduhin kung may iba pa bang kasama ang misteryosong lalaki.
“Hon, ano sa tingin mo?” tanong pa nya dito sabay punas sa gilid ng kanyang labi.
“Affermative, he’s from the Mafia family of Ivanovich. They all have this crest tattoo in their body,” anito sabay turo sa tattoo na nakalagay sa leeg ng walang malay na lalaki.
“Tss, nagbibiro ba sila, minamaliit ata nila tayo e magpapadala na lang ng tauhan tapos isa lang.”
“Enough with your flamboyance, call uncle’s men to come here and brought this man to the penthouse,” utos pa nito sa kanya.
Kinuha nya ang cellphone sa bulsa at tumalikod para kausapin ang mga tauhan ng Auncle nila.
Habang nakikipag usap si Hellix ay patuloy paring sinusuri ni Zero ang crest na nakatattoo sa leeg ng lalaki.
“Black and purple colored dragon cocoon in the shape of circle”
---------------------------❤❤❤
Thank you po sa mga patuloy na nagbabasa! Luv lots ( ¯ ³¯)♡
Dont forget to
VOTE
and
COMMENT
BYIEEE
💕
MB 32
I hope you enjoy reading this chapter 💕
THIRD PERSON’S POV
Makalipas ang kalahating oras ay nakarating na rin ang sinasakyang taxi nina Gino sa kanto na bababaan nila. “Salamat po, ito ang bayad,“saad niya sa driver bago bumaba ng taxi.
Mabuti na lamang at di nakatulog ang dalawa sa byahe sigurado kasi siyang hindi niya kayang buhatin ang mga ito pauwi sa kanyang apartment.
Katulad nga ng inaasahan niya, pagkababa pa lamang nila sa taxi ay yumuko na sa isang tabi si Jewel at sumuka.
Lalapitan na sana niya ito ng mapansing nagtatakbo palayo si Mars habang nagkakanta pa.
“MARS!! Saan ka pupunta!” sigaw pa niya.
Di naman sya pinansin nito at nagpatuloy sa paglayo.
Di niya tuloy alam kung sino uunahin na lapitan, napagdisisyunan nyang habulin muna si Mars bago pa ito makalayo.
Pagod siyang nakabalik sa kinalalagyan ng tapos ng sumuka na si Jewel habang higit-higit sa braso ang maingay na si Mars.
‘Psh pakiramdam ko may alaga akong dalawang 5 years old na bata, jusko.’
Dahil malapit na sila sa kanyang apartment ay minabuti na nyang magmadali sa paglalakad para maiuwi at mapatulog na ang mga lasing na kaibigan.
Pagpasok sa bahay ay hindi na siya nasalubong ni Miggs dahil kita niya na tulog na ito sa baba ng sofa.
Ilang sandali pa ay napapunas na lamang ng noo si Gino ng matapos itulak sa kanyang kama ang dalawa.
Dahil sa pagkalasing ng mga ito ay mabilis na dinalaw ng antok. Hindi nya mapigilan na mapailing dahil sa pagod na dala ng pag iintindi nya sa mga ito.
“Wala akong magagawa, mga kaibigan ko naman sila,” bulong pa niya sabay lakad patungo sa banyo para makapagpalit ng damit.
Pagpasok pa lang niya sa kwarto ay napaisip siya.
‘kung ukupado na ng dalawa ang kama ko, saan ako tutulog?’
Napadako ang kanyang pangin sa kutson ni Cain at napatango.
Inilatag nya ito sa sahig, kinuha rin nya ang kumot at unan ni Cain para iyon ang gamitin.
Habang ginagawa ang lahat ng iyon ay hindi nya mapigilang manumbalik ang pakiramdam at alaala.
Dati lagi syang nakangiti at masaya habang inaayos ang kutson na ito dahil para ito kay Cain.
Pero ngayon, walang cain at siya lamang ang hihiga dito.
Siguro dahil sa tama ng alak sa kanyang sistema ay bigla na lamang syang naging emosyonal lalo na ng makahiga sya at maamoy ang natural na amoy ng lalaking laging nakahiga dito.
Ang unan, kumot at kutson ay ka amoy ni Cain, di niya mapigilan ang sarili na mangilid ang mga luha dahil sa pangungulila na nadarama.
Ilang araw pa lamang pero malaki na ang nagiging epekto ng pag alis nito sa buhay noya.
Ang lalo pang nagpalungkot sa kanya ay ang hindi manlang pagtawag nito kahit isang beses mula ng umalis ito at iwan siya.
‘Di ba niya ako nami-miss? Kasi ako miss na miss ko na ang malalim niyang boses na laging tumatawag sa pangalan ko, gano’n rin ang mainit nyang yakap at mga tipid na ngiti.’
Dahil sa mga iniisip ay napakayap na lamang sya sa isang unan at doon tumulo ang kanyang mga luha.
May hikbi na namutawi sa kanya dahil sa lungkot na nararamdaman, nakatulog na sya na ang tanging iniisip ay ang lalaking kanyang hinihintay.
KINABUKASAN
kahit mahapdi ang mga mata ay maagang nagising si Gino.
Tulog pa rin ang kanyang mga kaibigan kaya nagtungo na siya sa banyo para ayusin ang kanyang sarili para simulan ang bagong araw.
‘Hayss, medyo namaga ang mata ko dahil kagabi ah, pshh bakit ko ba iniiyakan ang lalaking yun?’
Di rin nya alam ang sagot kaya napagpasyahan na lamang nya magluto para sa kanilang agahan.
Dahil 11:00 am pa naman ang kanilang pasok sa trabaho at 7:30 pa lamang ngayon ay tamang-tama para makakain pa sila.
Gising na rin si Miggs at nakaupo lang sa isang tabi at pinagmamasdan siya. Pansin nya na magbuhat ng umalis si Cain ay laging malungkot ito.
‘Hays, di lang pala ako ang nalulungkot sa pag alis nya,’
isip-isip pa nya sabay lapit dito at halos sa ulo nito.
“Wag ka mag alala Miggs, babalik din siya.”
Napangiti naman sya ng tumahol ito na parang sumasang ayon sa kanyang sinabi.
Nang makarating sa kusina ay nagtungo muna sya sa ref para kumuha ng ice cube at idampi ito sa paga nyang mata.
Siguradong aasarin sya ng mga kaibigan kung sakaling makitang ganito ang kanyang itsura.
Para sa kanilang agahan, naisipan nyang magluto ng sinangag at corned beef na may patatas.
Matapos ito ay nagsimula na syang maghayin sa mesa, di pa rin gumising ang mga kaibigan kaya naisipan nyang puntahan na ang mga ito.
“Uy!! Jewel, Mars!! gumising na kayo.”
“Hmm, maya labidabs,” mahinang bulong pa ni Mars kaya napailing sya.
Si Jewel naman ay lalo pang nagtakip ng kumot sa mukha.
Dahil mukhang walang balak bumangon ang mga ito ay kumuha sya ng isang unan at pinaghahampas ang mga bwisit na kaibigan.
“Pinahirapan n’yo na nga ako kagabi tapos pati ba naman ngayon umaga, ang hirap nyong gisingin!”
Napabalikwas sa hinihigaan ang dalawa dahil sa walang awang paghampas niya sa mga ito.
“Gising na kami bhes, tama na haha!”
“Sizz naman!”
Reklamo pa ng mga ito sa kanya kaya tinaasan lamang nya ng kilay ang mga ito.
Dahil gusto daw muna maligo ng dalawa bago kumain ay pinahirap ng ang mga ito ng damit.
Naunang matapos si Jewel sa pagligo kaya dumeretso na ito sa kanya sa kusina para kumain.
NAIWAN
naman si Mars sa kwarto at napatingin sa damit na inihanda para sa kanya ng kaibigang si Gino.
Napabusangot ang mukha nya dahil sa plain na damit na hawak nya ngayon.
“Nope, I want something else,” bulong pa niya sa sarili.
Naglakad siya papunta sa cabinet ni Gino para humanap ng mas maayos at medyo fashionable na damit.
Kalkal dito, kalkal doon ang ginawa nya kaso halos lahat ng nakikita nyang damit ng kaibigan ay talagang plain lang.
‘Wala talagang fashion sense si bhes Gino.’
Ipinagpatuloy pa nya ang paghahanap ng damit ng bigla syang may nahugot na silang itim na damit, pagbuklat nya nito ay talagang nagulat sya sa nakita.
‘T-Teka, ito yung suot nung callboy nung nakita ko sila sa Zoo, yung black shirt na may print na ‘NOT FOR RENT’ ah.’
Dahil sa nakita ay kinutuban siya kaya nagkalkal pa sya, di siya makapaniwala habang nakatingin sa maraming damit, short at pants na pagmamay-ari ng lalaking yun, meron ding mga gamit dito tulad ng pabango at iba pa.
May nakita nga din siyang isang balot ng sister na napkin.
‘tss, sa dami na ng nakita ko today, di ko masasabi na nagulat pa akong makakita ng napkin dito.’
‘Shitt, wag mong sabihin na magkalive i—’
Naputol ang iniisip niya dahil sa biglang pagbukas ng pinto ng kwarto at pagpasok ng kaibigang si Gino.
HABANG
nagtitimpla si Gino ng juice ay napansin nyang wala pa rin si Mars para kumain.’
Ang tagal naman ng baklang yun.’
“Jewel, pupuntahan ko lang si Mars,” pagpapalaam pa nya may Jewel.
Tumango lang naman ito dahil di ito makasagot, puno kasi ng pagkain ang bibig nito.
“Mars, ang tagal mo naman magbihis,” sabi nya pagpasok sa kwarto.
Parang nakakita ng multo ang mukha nito dahil sa pagsasalita nya.’
Ano kayang problema ng isang to?’
Ilang sandali ay nanumbalik din ang itsura nito pero nakaramdam siya ng kakaiba.
“Bhes, anong ibigsabihin nito?” ito sabay pakita sa kanya ng hawak nitong itim na damit.
Nanlaki naman ang mata niya ng makitang damit yun ni Cain. Naramdaman nya ang pagbilis ng tibok ng kanyang puso at pamamasa ng palad dahil sa kaba.
“Sumagot ka bhes, tama ba ang iniisip ko?”
“A-Ah ano bang iniisip mo?” pagpapatay malisya pa niya dito.
“Kung magka-live in na raw ba kayo?”
Napaharap sila parehas dahil sa boses na galing sa likuran niya.
Natagpuan nila si Jewel na nakasandal sa may door frame.
‘Patay ako ngayon, pagtutulungan na naman ako ng mga ito.’
Napahawak na lamang siya sa kanyang sintido dahil pakiramdam niya ay biglang sumakit ito.
Pansin nya na napamaywang ang dalawang kaibigan at handa na syang gisahin sa sarili niyang mantika.
Sunod nyang nakita ang sarili na nakaupo sa mesa kasama ang dalawa at pinapaulanan siya ng napakaraming tanong.
Wala na syang nagawa kundi ikwento at sabihin ang lahat sa mga ito. Mula sa dahilan kung bakit si Cain nagpasya na tumira kasama sya.
Napatakip siya sa kanyang tenga dahil sa malakas na tili na pinakawalan ng dalawa ng malaman na may nangyari na sa kanila ni Cain.
“AHHHYIEEEE !!! Congrats bhes, di ka na virgin!” sigaw pa ng dalawa.
“Tumahimik nga kayo, ginawa nya lang yun para tulungan ako,” pagsasaway pa niya sa dalawa sabay sandok ng sinangag sa kanyang plato.
“AHAHA! Naku parang kailangan ko din ng tulong ni Cain ah,” malanding turan pa ni Jewel.
“Ayy ako rin!” saad ni Mars sabay apir kay Jewel.
Napangiwi naman sya dahil sa pagbibiro ng mga nito.
‘Mga gaga talaga’
Hindi na lamang niya pinansin ang kalokohan ng dalawa at nagsimula nang kumain.
“Naku wag ka na magselos dyan bhes, we’re just kidding,” ani Mars at ginulo pa ang kanyang buhok.
Tinapik naman niya ito habang nakasimangot pa rin.
“Kayo talaga, ngayon ba naniniwala na kayo na di kami magkalive-in?”
“Hindi pa rin Siz, kasi yun naman talaga ang tawag sa inyo di ba?” balik na tanong pa ni Jewel.
Napatigil naman sya sa pag inom ng tubig dahil sa kakulitan nito.
“Di ah, housemate lang kami,” sagot pa niya.
Napataas naman ang kilay ni Mars dahil sa kanyang sinambit bago magsalita.
“Housemate? Bakit bahay ba ito ni kuya?”
Ang mga pang aasar ng dalawa ay talagang di tumigil habang kumakain sila, napabuntong hininga na lamang siya dahil sa mga ito.
Makalipas ang ilang minuto ay natapos na rin ang masaganang pagtawa ng mga ito sa kanya.
Pansin nya na sumeryoso na ang mukha ni Mars at gano’n din ang kay Jewel. ’
Mukhang sermon naman ang makukuha ko ngayon.’
“Okay bhes, seryoso na kami ha, siguro naman ay di mo pa nakakalimutan ang sinabi ko sayo noon. Hindi mo kilala ng lubusan ang Cain na yan, di mo nga alam kung ano ba talaga ang tunay na trabaho at pinupuntahan nyan ngayon.”
“Pero kung sa palagay at malaki ang tiwala mo sa kanya, wala naman sa amin yun alam mo naman na nakasuporta lang kami lagi sayo di ba? Basta bhes Gino lagi kang mag iingat.”
Napangiti naman sya dahil sa pahayag nito, kahit gaano kaloka nito ay lagi parin niyang kapakanan ang iniisip nito.
“Tama siz Gino, kahit di ko pa nakikilala ang lalaking yan, pero kung sya talaga ang mahal mo e di, Go lang ng Go!”
Napatawa naman silang tatlo dahil sa sinabi ni Jewel, pero bigla syang napatigil ng mapagtanto nya ang kabuohan ng pahayag nito.
‘MAHAL? Si Cain, mahal ko?’
“T-Teka haha, w-wala naman akong sinabi na m-mahal ko suya ah, saan mo yun nakuha Jewel?”
“Naku naman Siz, bakla lang kami pero di naman bulag. Ramdam ko na mahal mo na talaga ang lalaking yan, sa paraan pa lang nagpagkukwento mo ay kita ko na ang pagkislap ng iyong mga mata sa saya. Di ako nagbibiro,” makatotohanan pang sagot ni Jewel sa kanya.
“Right, bhes, masyado kang affected sa pag alis niya na halos napapabayaan mo na ang sarili mo at saka papatirahin mo ba yun dito kung wala kang nararamdaman para sa kanya?” ani Mars sabay subo ng kanin.
Tinamaan naman siya dahil sa sinabi ng mga ito. Ang masaya at ligtas na pakiramdam kapag kasama si Cain, ang pangungulila kapag di nya ito nakikita at ang ilan pang bagay na napapansing pagbabago sa kanyang sarili dulot ng lalaking iyon.
Mula ng mawalan sya ng pamilya ay natuto at nasanay na syang mabuhay mag isa, pero isang araw dahil sa isang nakakabaliw na pagkakataon ay nakilala nya ang callboy na di nya akalain na makakapagpabago sa kanyang malungkot at boring na buhay. ’
Pagmamahal na mga ba ito?’
Ipinilig nya ang ulo para mawala ang mga isipin na iyon. Sa di niya malamang dahilan ay parang hinahabol ang kanyang hininga dahil sa malakas na kabog ng kanyang dibdib.
“H-Hindi, i-imposible yun ha-ha, nagbibiro na naman kayo eh,” naiilang na sagot pa niya sa mga ito.
Kita naman nya na nagkatinginan ang dalawang kaibigan at napabuntong hininga.
“Hays, ikaw ang bahala bhes pero kung ako sayo kung alam mo ng tunay na pag ibig yan, wag mo ng pakawalan pa ”
Yun ang huli nilang pag uusap tungkol doon dahil ipinagpatuloy na nila ang pagkain, malapit na ding mag11:00 am kaya kailangan pa nilang pumasok sa opisina.
“Sana makapag sleep over ulit kami dito, siz Gino.”
“Tunay bhes, magmo-movie marathon tayo at kakain ng snacks. Oh em! I’m so excited!”
Rinig niyang sabi pa ng dalawa habang palabas sila ng pinto ng bahay.
Ready na silang tatlo na pumasok sa trabaho ngayon.
“Baka di na mangyari yun, pauwi na si Cain sa isang araw,” sagot niya sa dalawa.
Naisara na niya ang pinto at nakapagbabye na din kay Miggs.
“Ay ganun ba, e di mas mabuti para kasama natin si Fafa Cain sa sleep over Yiee!!” kinikilig na sabi pa ni Jewel sabay hampas kay Mars.
Napailing na lamang siya habang naglalakad sila palabas ng apartment building nang biglang bumukas ang pinto ng kanyang kapit bahay.
Napatigil naman sya sa paglalakad at napasalampak pa sa likod nya ang mga kaibigan na walang tigil sa pagchi-chikahan.
Tatanungin pa sana sya ng mga ito kung bakit siya tumigil ng makita nila ang paglabas ng isang maputi at balingkinitang lalaki, maganda ang mukha nito pero walang mababakas na emosyon. Ito ay mula sa pinto ng natatandaan nyang apartment ng bago nyang kapitbahay na si Hellix.
Ni hindi nga sila tiningnan nito at nagpatuloy lamang sa paglalakad palayo.
‘Teka, di ba bahay yan ni Hellix? Sino ang lalaking yun?’
Nasagot na ang kanyang katanungan ng sumunod na lumabas ang kaibigan nyang si Hellix mula sa pinto.
“Hon, wait lan— uyy Gino ikaw pala, Good morning!” masiglang bati pa nito.
“Magandang umaga rin Hellix, nagmamadali ka ata?”
“Oo eh, sa susunod na lang tayo magkwentuhan ha,” magalang na turan nito at kumaway pa sa dalawa nyang kaibigan.
“Yiiee sino ang gwapong yun bhes??”
“Ang howt ni koya!!”
Mabilis na tanong pa ng dalawa sa kanya ng makaalis si Hellix.
“Bagong kapitbahay ko yun, may asawa na yung tao---”
Napatigil sya sa pagsasalita ng mapagtanto ang lahat, nagkatingin silang tatlo at napasama na rin sa pagtili.
“AHHHYYYIIEEE!!” irit nilang tatlo na di napigilan ang ‘di mapasigaw sa kilig.
“Wow, so ibigsabihin, yung mukhang mataray na lalaki ang asawa niya? My gosh!! bagay sila.”
“True mga siz!”
Napangiti siya ng malapad dahil sa nalaman, tunay nga naman na bagay na bagay ang mag asawa na iyon. Dahil nasa first floor naman ang kanyang unit ay mabilis makalabas.
Pero naabutan pa rin nila ang mag asawa sa baba.
Narinig pa nga nya ang pagtawag ni Hellix sa pangalan ng asawa nito.
“Uy Zero, hintay naman!”
‘Zero pala ang pangalam ng asawa ni Hellix, hmm parang pamilyar, narinig ko na ata ang pangalan na iyon noon, di ko lang matandaan kung saan’
isip-isip pa nya habang naghihintay sila sa kanto ng taxi na masasakyan.
‘Zero’
‘Z-Zero?’
Napatakip siya sa kanyang bibig ng biglang may naalala.
“Okay ka lang bhes?” tanong pa ni Mars ng makita ang pamumutla sa kanyang mukha.
‘J-Jusko, sana nagkataon lamang na kapangalan nya ang ‘ZERO’ na nakita kong tumatawag kay Cain noon, sana di siya nagche—
— cheat kay Hellix’
▼△▼△▼△▼△
Matapos ng normal at nakakapagod na araw sa trabaho ay umuwi na si Gino sa kanyang apartment para makasama si Miggs at makapagpahinga na rin.
Habang palapit pa lamang sa pinto ng unit niya ay bigla syang nakaramdam ng pangingilabot.
Alam niyang may mali dito, dahil sa pag aalala para sa kalagayan ni Migg, mabilis nyang binuksan ang pinto ng kanyang apartment at laking gulat sa bagay na nakita nya sa loob.
GALING
sina Hellix at Zero sa penthouse para alamin kung nagsabi na ba ng impormasyon ang lalaking tauhan ni Ivanovich na nahuli nila sa bar na gustong kidnappin si Gino.
“Tss, matigas din ang isang yun, ayaw parin kumanta hanggang ngayon ah,” sambit pa ni Hellix na tinutukoy ang tungkol sa lalaking mafia.
At saka iginarahe ang sinasakyang kotse sa tapat ng apartment ni Gino.
“If torturing him doesn’t succeed, then, we need a new strategy to make him spill everything he know.”
Napatango naman siya dahil sa sinabi ng kasama at saka napataas ang kilay ng mapansin na bakit sa ganitong oras ay patay pa rin ang ilaw sa unit ni Gino.
Napatingin si Hellix sa kanyang relo at nakita ang oras na nakapaskil dito, 7:30 pm. ’
Dapat nasa bahay na si Gino sa oras na ito, bakit parang walang tao sa unit nya?’
Dahil sa isiping iyon ay bigla syang kinutuban ng masama at mukhang ganun din ang iniisip ni Zero kaya mabilis silang tumakbo palapit sa unit ni Gino.
Nang makalapit sila ay pansin na agad nila ang nakasiwang na pinto kaya lalo silang kinabahan na baka nakuha na ng mga tauhan ng kalaban si Gino.
Mabilis silang pumasok at mula sa loob nito ay maririnig ang pagkakagulo.
“AHH!! B-Bitawan mo akoo!!”
“A-Ayoko! Saan mo ba ako dadalhin?”
Mga sigawan na maririnig mula sa loob mg bahay.
Pagpasok pa lamang ay pansin na nila mula sa madilim na silid sa sala ang walang malay na aso ni Gino na si Miggs sa sahig.
Dahil sa liit ng apartment na ito ay kahit walang ilaw ay mabilis nilang natagpuan si Gino dahil sa mga ingay na naririnig nila.
Nahanap nila si Gino na nakikipagbuno sa di kilalang lalaki sa loob ng kwarto nito.
Dahil sa inis ay malakas na hinigit ni Hellix ang lalaki palayo kay Gino at inundayan ito ng suntok sa mukha na nakapagpatumba dito.
Si Zero naman ay mabilis na nilapitan si Gino at ginamitan ng isang chop sa leeg para mawalan mg malay ito at di na sila makilala pa.
Nasa ganoong sitwasyon sila ng biglang may nagbukas ng ilaw.
Mabilis na napalingon sina Hellix at Zero sa bagong dating.
“B-Boss,“sabay nilang sambit at di napigilang mapalunok ng wala sa oras dahil sa takot.
“What’s happening here?” walang emosyong tanong nito.
Mabilis na tumayo si Hellix at iniwan ang bugbug saradong magnanakaw sa sahig ng kwarto ni Gino.
Magsasalita na sana ito ng lampasan lamang sya ng kanilang boss, sinipa pa nito ang magnanakaw na nasa sahig dahil sa galit. Ang mga mata nito ay nanlilisik na ano mang oras ay parang gusto ng kililan nito ang lahat ng nasa kwarto maliban kay Gino.
Halatang pinapakalma lamang nito ang sarili at saka lumapit kay Zero.
Nablanko naman ang isipan ni Zero at di alam ang gagawin dahil sa takot na nadarama, napansin na lamang nya ng maramdamang kinuha ni Mr. Sinclair sa kanyang bisig ang walang malay na si Gino.
“Hehe limang araw pa lang ah, napa-aga ata ang uwi n’yo boss?” si Hellix na napapakamot pa sa ulo. Di naman ito pinansin ng kanilang boss.
Binuhat ni Mr. Sinclair si Gino na parang sa bagong kasal para mas maging kumportable ang posisyon nito.
“Get out of here and dispose that fucking infiltrator right away,” seryosong turan nito sa kanila ni Zero na sapat para magsitayuan ang kanilang mga balahibo.
“Y-Yes, Mr. Sinclair,”
Mabilis na sagot ni Zero at isinama si Hellix palabas habang bitbit nila ang magnanakaw/ kidnapper pa ata.
NANG
makaalis na ang dalawa ay umupo si Mr. Sinclair sa kama habang buhat-buhat parin sa kanyang bisig ang walang malay na si Gino.
Ininspektsyon nya ang bawat parte ng katawan ng kanyang munting Ginobabes para tingnan kung may sugat o galos ba ang katawan nito.
Napahinga naman siya nang maluwag ng masiguradong wala. Di niya mapigilan ang sarili na haplusin ang malambot at makinis nitong pisngi dahil sa labis na pangungulila dito.
Sa mga oras na di sila magkasama ay purong ang taong ito lamang ang umuukupa sa kanyang isipan, alam nyang kayang protektahan ito nina Hellix at Zero pero di parin sya mapakali.
Ang isang linggo na dapat ay pag aasikaso para sa paghahanda sa kalabang si Victor at ang grupo nito ay natapos sa loob lamang ng limang araw.
Pakiramdam niya ay kulang ang kanyang pagkatao kapag wala sa kanyang piling si Gino, ang pag iisa na dating wala para sa kanya ay nararamdaman na nya ngayon.
Ang pakiramdam ng pagngungulila ay bago sa kanya, pero handa siyang maranasan ito ng paulit-ulit kung ganito naman kasaya ang dulot kapag nagkita at nagkasama na sila muli.
Ang mga ngiti sa kanyang mukha at sayang namumutawi sa kanyang dibdib ay nagsasabi ng tunay nyang nararamdaman para sa lalaking kaharap nya ngayon.
“My Ginobabes, I’m always here for you,” masuyong bulong pa niya dito.
Ang maganda at maamo nitong mukha, ang mahahabang pilik mata at mamula-mulang labi ay talaga namang mahirap tanggihan.
Hindi nya inaasahan na bigla itong marahang mumulat na parang nagising dahil sa kanyamg bulong.
Nakatingin ito sa kanya pero alam nyang hindi pa ito lubusang nagigising.
Itinaas nito ang kamay para haplusin ang kanyang pisngi, nakangiti ito sa kanya na bakas sa mukha ang kasiyahan na makita sya at saka binanggit ang kanyang pangalan bago magsara muli ang nangungusap nitong mga mata.
“Cain”
----------------------❤❤❤
YIEEE !! nalaman na natin ang tunay na pagkatao ni Mr. Sinclair!!🙌🙌🙌
I dedicate this chapter sa lahat po ng masugit kong reader na walang sawang naghihintay ng update! guys para sa inyo ito!!! 😇
Pls. Dont forget to VOTE and COMMENT
THANKS and BYIEEE💕
MB 33
I hope you enjoy reading this chapter
💕
[Miggs in the multimedia ❤️🐶]
Nang imulat ni Gino ang kanyang mga mata ay purong kadiliman lamang ang kanyang nakikita.
‘N-Nasaan ako?’
aniya habang inililibot ang paningin.
Wala siyang maaninag na kahit ano sapagkat nababalutan ng kadiliman ang buong paligid.
Nakatayo siya sa kawalan, ang malamig na simoy ng hangin at ang tunog ng paghampas ng alon mula sa di kalayuan ang tanging nagsasabi sa kanya na nasa tabing dagat siya.
Ang liwanag ng buwan ay natatabunan ng makakapal na ulap kaya naman di siya nito matulungan para makita ang lugar kung nasaan siya ngayon.
‘Pamilyar ang tagpong ito, nangyari na ba ito noon?’
Naguguluhan man sa nangyayari ay sinubukan nyang maglakad at bagtasin ang madilim na daan.
Habang patuloy ang kanyang paglalakad ay unti-unti namang sumisilay ang liwanag ng buwan sa madilim na kalangitan dahil dito ay nagkakaroon ng kaunting kaliwanagan ang kanyang paglalakbay.
Nakatungo ang kanyang ulo habang nakikinig sa malakas na tunog ng paghampas ng alon at pilit inaalala ang pamilyar na tagpong ito.
‘Ang malamig pero maalat na simoy ng hangin.’
‘Ang tunog ng alon.’
‘At… At ang mahina pero rinig na yabag ng mga paa.’
Mabilis na napatunghay si Gino mula sa kanyang pagkakatungo ng maalala ang eksaktong pangyayaring ito.
Napatigil siya sa paglalakad para hintayin na masilawan ng liwanag ng buwan ang tao na naglalakad palapit sa kanya.
Kinakabahan pero may halong pananabik ang kanyang nararamdaman.
‘Kung ‘di ako nagkakamali ay ito ang panahon na dadating ang lalaking tutulong sa akin, sa wakas ay makikilala ko na siya.’
Unti-unti ang pag-gapang ng liwanag sa buong paligid habang pabilis naman ng pabilis ang naririnig nyang yabag na papalapit sa kanya.
Thump
Thump
Habang lumilipas ang bawat minuto ay pabilis ng pabilis ang tibok ng kanyang puso.
Gumuhit ang ngiti sa kanyang labi dahil sa nararamdamang pagkasabik na makilala ang lalaki na matagal na nyang hinahanap.
Palapit nang palapit ang tunog ng yabag nito, hindi maintindihan ni Gino sa kanyang kalooban pero nakaramdam sya ng takot ng mapansing biglang naglalakbo ang misteryosong lalaki palapit sa kanya.
Nang masinagan ng liwanag ng buwan ang itsura at mukha ng lalaki ay di napigilan ni Gino na mapasigaw sa takot.
Ang lalaki sa dilim ay naging ang lalaking nanloob sa kanyang bahay, ang mga mata nito na may pagnanasa ay talagang nagpalamig sa buong katawan niya.
Bago pa ito makalapit sa kanya ay naisigaw nya ang pangalan ng taong laging nasa isipan niya.
“CAIN!!!”
“PWAHH!” Humahangos na nagising si Gino at napaupo sa kanyang higaan.
Habol ang kanyang hininga dahil sa bilis at lakas ng tibok ng kanyang puso.
Pilit nyang pinapakalma ang sarili habang hinahaplos ang kanyang dibdib.
‘M-Mabuti naman at panaginip lamang iyon.’
Sabay punas niya sa pawisang noo.
Inilibot nya ang paningin sa paligid at nakahinga ng maluwag ng makita niyang nasa loob siya ng kanyang kwarto.
Walang magnanakaw na nang loob sa kanyang bahay, purong panaginip lamang ang lahat.
Makalipas ang ilang sandali ay naisapan nyang umalis na sana sa higaan para makainom ng tubig sa kusina.
Nakaramdam kasi siya ng uhaw at panunuyo ng lalamunan dahil sa nakakatakot na panaginip.
Sa di inaasahang pagkakataon ay bigla siyang makarinig ng mabilis na yabag palapit.
Nakaramdam siya ng pangamba sapagkat alam nyang mag isa lamang siya sa loob ng apartment ngayon.
Mabilis na napabaling ang kanyang tingin sa pinto ng biglang bumukas ito.
Nanlaki ang kanyang mga mata habang nakatuon ang kanyang paningin sa taong nasa harapan niya ngayon.
“What’s the matter Ginobabes, are you alright?” humahangos na tanong sa kanya ng lalaki.
Mukhang katatapos lamang nito maligo sapagkat nakatapis lamang ito ng twalya sa ibabang bahagi ng katawan at basa pa ang buhok nito na may ilang butil ng tubig na lumalandas pababa sa katipuno nitong katawan.
“C-Cain?” Ydi makapaniwalang tanong niya sa sarili.
‘Tunay ba ang nakikita ko, nandito na nga ba sya ulit?’
Nangilid ang luha sa kanyang mga mata habang tulalang nakaharap sa lalaking iniyakan niya ng ilang gabi.
Di niya napigilan ang sarili na mapatakbo sa pananabik na mayakap ito.
Mabilis at nakangiti din naman syang sinambot nito at binalot sa isang mainit at puno ng pangungulilang mga yakap.
Ang ngiti sa kanilang mga labi at saya sa kanilang puso ngayong magkasama na ulit sila ay talagang di matatawaran.
Ang mabangong amoy at matigas na katawan na bumabalot kay Gino ay ang mga bagay na laging nagbibigay sa kanya ng kapanatagan at pakiramdam ng kaligtasan.
Ramdam niyang inaamoy nito ang kanyang leeg at balikat ng may panggi-gigil kaya bigla na lamang syang natawa dahil sa kiliti na nararamdaman.
“C-Cain hahaha tama na, n-nakikiliti talaga ako,” pag awat pa niya dito.
Pilit nyang inilalayo ang mukha nito sa kanyang leeg pero dahil mas malakas at makulit ito ay wala syang magawa.
“No, I can’t still get enough of you,” sabi nito sabay yakap ng mas mahigpit sa kanyang bewang.
Kinilabutan siya ng makaramdam ng mumunting kuryente na dumaloy sa kanyang likuran ng hawakan at pisilin ni Cain ang malambot at malusog niyang pwetan.
“Ahh Hmh~ ”
Nagbaga at nag init ang kanyang pisngi dahil sa ungol na lumabas sa kanyang labi.
“Feeling good?” tanong sa kanya ni Cain na mababakas sa boses ang pagmamayabang.
Dahil sa hiya at inis sa pang aasar nito ay buong lakas nya itong itinulak para makawala sa pagkakayakap nito.
“Luko ka tal—”
Naputol ang sasabihin niya ng mapansin ang kakaibang titig na ibinibigay nito habang pinagmamasdan ang kanyang katawan.
Dahil dito ay bigla siyang nagtaka at napatingin sa kanyang sarili. Mula doon ay parang sasabog na bulkan ang kanyang mukha sa hiya at galit.
Ang suot lamang nya ngayon ay isa sa malalaking tshirt ni Cain, naka-boxer shorts lamang sya sa pang ibaba kaya kitang kita ang maputi at makinis niyang binti at hita.
“A-Anong ginawa mo na naman sakin!?”
“I didn’t do anything, besides it suits you MY ginobabes,” nakangisi pang turan nito habang unti-unting naglalakad palapit sa kanya.
Naiyukom nya ang kamao sa inis at mabilis na lumapit sa kama para kumuha ng unan, kumot at kahit anong mahawakan nya na pwedeng ibato dito.
“H-Hey, stop— stop it,” anito habang patuloy na umiiwas sa mga bagay na ibinabato niya.
Nang wala na syang makuha sa kama ay lumipat na sya sa cabinet. Pulbo, pabango, lotion, mga damit at kung ano-ano pa, nakuha na ata nya lahat pero alam niyang di pa iyon sapat.
Si Cain naman ay patuloy lang sa pag iwas at pagsambot ng mga bagay na itinatapon nya.
“Babes, stop it—hey I’m just kidding,” paghingi pa ng paumanhin nito pero tiningnan lamang niya ito ng masama.
Dumukot ulit sya ng kahit ano sa loob ng cabinet sabay bato sa dereksyon ni Cain.
Parehas silang natigilan ng mapagtanto ang nangyari. Ang huli pa niyang naibato ay ang panyo na mahalaga sa kanya.
Ang panyo na pagmamay-ari ng lalaking hinahanap niya.
Dahil malambot at magaang tela lamang iyon wala itong kahirap-hirap na sumampay sa balikat ni Cain.
NAPATAAS
ang kilay ni Cain ng makilala ang panyo na sumampay sa kanyang katawan.
Dahan-dahan nya itong kinuha at pinagmasdan. Nakaburda sa gilid nito ang kanyang apelyido
‘Sinclair
.
’
‘The only thing that represents my father’s care for me,’
sambit niya sa kanyang isipan habang nakatitig sa munting bagay na hawak niya ngayon.
Ang makita lamang ang bagay na iyon ay nagbalik ng maraming alaala sa kanyang isipan.
‘Don’t stop until you can’t move every inch of your body from exhaustion,’ walang emosyong utos ng kanyang ama.
Napatango na lamang siya habang tumatayo sa pagkakasalampak sa sahig ng training ground kung saan ay matatagpuan sa loob ng isang private property ng kanyang ama dito sa Moscow.
Isa itong malawak na lupain, may isa din ditong malaking cabin kung saan siya nakatira mula ng makarating siya sa Russia.
Sa edad na labing apat ay natuto na siya ng iba’t ibang paraan ng hand to hand combat. Judo, karate, jujitsu at iba pa.
Walang pahingang training mula umaga hanggang gabi, ang nakakapagod at brutal na pamamaraan nito ay sobra para sa batang tulad nya pero alam nyang hindi pa iyon sapat para sa kanyang ama.
Ang malamig na mata na laging nakapanuod at pinagmamasdan siya sa kanyang bawat galaw.
Sa loob ng isang linggo, dalawang araw lamang ang nakalaan para sa araling akademiko niya. Ang limang araw ay para sa training nya ng shooting at assembling ng iba’t ibang uri ng fire arms at explosives.
Sa edad na labing lima ay unti unti na syang isinasama ng kanyang ama sa mga transaksyon nito para masanay at matuto sya sa kalakaran sa illegal na mundo.
Sa edad din niyang iyon ay una syang nakaranas na kumitil at bumawi ng buhay ng ibang tao, kung paano lumalamsik ang dugo sa kanyang katawan at mabalutan ang kanyang kamay.
Ang dugong dumungis hindi lamang sa kanyang pisikal na katawan kundi pati sa kanyang pagkatao.
Sa mga taon na lumipas, sa hirap at pasakit na ipinaranas sa kanya ng sarili nyang ama. Wala na syang nararamdaman na kahit anong emosyon habang nakikita ang pagdanak ng dugo sa kanyang paligid.
Alam nyang ang tanging dahilan lamag kaya sya kinuha nito sa ampunan ay para maging taga pagmana sa mga illegal na negosyo nito.
Ang pagkakataon na di niya makakalimutan, ang madilim, malamig at umuulan na gabi kung kailan binawian ng buhay ang kanyang ama.
Sa unang pagkakataon habang nag aagaw buhay ito ay nasabi pa nito ang mga katagang nagpalambot muli sa kanyang pusong matagal ng namatay at nawala.
At saka ibinigay sa kanya ng isang checkered na panyo.
Hindi niya matanggap sa kanyang sarili na mahalaga ang bagay na ito sa kanya kaya maiyukom nya ang kamay sa galit na nararamdaman.
‘I know that I’m just like this handkerchief, he saw me like a piece of junk instead of this own son,’
isip-isip nya habang nagugusot ang panyo sa kanyang mahigpit na pagkakahawak.
Nang mawaglit ang paningin niya dito ay bigla na lamang itong mawawala sa kanyang kamay.
Gulat siyang napaharap sa mukha ng kanyang Ginobabes habang yakap-yakap ang panyo sa dibdib nito.
Ang ekspresyon ng mukha nito ay hindi niya mabasa, masama itong nakatingin sa kanya na parang sinaktan nya si Miggs.
Mahigpit at may pagpoprotekta ang tindig nito habang nakatago sa dibdib nito ang panyo.
Pansin niya ang pangangatal ng labi nito at pagka-utal habang lumalabas ang mga salita mula dito.
“M-Mahalaga ang bagay na ito sa’kin kaya w-wag na wag mo na itong hahawakan ulit,” anito bago tumalikod sa kanya at nagmadali na bumalik sa cabinet para itago iyon.
Laglag ang panga niya habang nakatingin sa likod nitong palayo sa kanya.
Hindi nya maipaliwanag pero ang paghanga na nararamdaman nya para sa taong ito ay hindi lamang nadagdagan, mas lumalim pa ito ng sandaling mapagtanto nya na pinapahalagahan nito ang bagay na gusto na nyang kalimutan.
‘You’re truly exceptional, My Ginobabes.’
Sumilay ang tunay at masayang ngiti sa kanyang labi habang naglalakad palapit sa taong laging nagpapa-alala at nagpaparamdam na isa pa siyang tao.
NAPAHINGA
ng malalim si Gino habang inaayos ang cabinet na ginulo niya.
Naghahanap din siya ng lugar kung saan maitatago ang panyo para di na muli itong makita at mahawakan ni Cain.
‘Gago talaga ang callboy na iyon, sisirain pa ata ang itinuturing kong mahalagang bagay,’
inis na turan pa niya sa kanyang isipan.
Naalala rin niya ang damit na nakalagay sa katawan niya ngayon kaya napaisip sya.
‘Hindi ito ang suot ko kahapon, t-teka ano nga ba ang suot ko kahapon?’
naguguluhang tanong niya sa sarili.
Hindi nga rin nya maalala ang ilang detalye nang pangyayari kahapon.
Dahil abala sa ginagawa at pag iisip ay di niya napansin ang paglapit ni Cain mula sa kanyang likod.
Napasinghap siya ng maramdaman ang matigas na dibdib na lumapat sa kanyang likod.
Napatingin din sya sa kanyang gilid nang biglang may isang kamay na humarang doon. May isa ding kamay na lumingkis papunta sa kanyang bewang.
Ang mainit na hininga na tumatama sa kanyang batok ay talagang nagpahina sa kanyang tunod at nagbigay ng kilabot sa kanyang buong katawan.
“Why so mad Ginobabes, didn’t you miss me?” bulong pa nito na may halong pang aakit habang hinahalikan ang likod ng kanyang tenga.
Napakagat labi siya upang di lumabas ang ungol na pinipigilan nya saka nagsalita.
“C-Cain— lumayo ka nga.” pagpupumiglas pa niya dito.
Mukhang walang balak itong pakawalan sya at patuloy lamang ang paggapang ng mga halik nito sa kanyang leeg.
Ang isa nitong kamay na nakaharang kanina sa kanyang gilid ay nakahawak na din sa kanyang bewang at patuloy na hinahaplos ito.
Sa puntong iyon ay di na nya mapigilan ang paglabas ng ungol sa kanyang labi, lalo na ng kabigin at iharap sya nito para sunggaban ng isang mainit na halik.
Ang unang paglalapat ng labi nila sa isang senswal na paraan ay noong nasa ilalim sya ng epekto ng droga kaya halos wala syang natatandaan.
Nang mawala na ang pagkagulat ay nadala na rin sya at sinuklian na rin ang mga halik ni Cain sa kanya.
Habang ngayon naman ay parang sinusunog ang kanyang mukha at buong katawan dahil sa init ng halikan na nagaganap sa kanilang pagitan.
Hindi niya maiwasan na mapahawak sa leeg nito ng mahigpit sapagkat nang hihina na ang kanyang tuhod at bibigay na ito ano mang oras.
“Hmnh~”
“So good Ginobabes.”
Wala nang pumapasok na matinong rason sa kanyang isipan para pigilan ang kanyang sarili na patuloy na magpadala sa sarap at init na dala ng mga halik at haplos ni Cain.
Parang lumulutang sa himpapawid ang kanyang sarili dahil sa sarap ng pakiramdam na ito, napahiwalay na lamang ang kanilang mga labi dahil sa pagkaubos ng hangin sa kanilang baga.
Parehas silang naghahabol ng hininga at magkadikit ang pawisang mga noo sa isa’t isa.
“C-Cain —”
Magsasalita pa sana siya ng angkinin na naman nito ang kanyang labi na para bang pagmamay ari nito ang bagay na iyon.
Napapapikit na ang kanyang mata sa pagod at antok dahil sa aktibidad na kanilang ginawa.
Kung hindi lamang mahigpit ang pagkakahawak sa kanya ni Cain ay siguradong natumba na sya at nakatulog sa sahig.
‘This is not enough, I want more. MINE, HE’ S MINE.’
Ang mga bagay na umiikot at pumupuno sa isipan ni Cain ngayon. Sisiguraduhin nyang sa kanya lamang ang Ginobabes nya at walang ibang pwedeng maka agaw nito sa kanya.
Napakasarap nang pakiramdam kung gaano sila kalapit sa isa’t isa ngayon at mas gusto pa nyang alisin ang lahat ng bagay na humaharang sa katawan nilang dalawa.
Mabilis niyang nadala ang Ginobabes nya sa kama at inihiga ito, ang kamay nya ay nasa loob na ng damit nito at patuloy na pinapadaan sa makinis at malambot na katawan nito ang malaki at mainit nyang palad.
“Ah mhp~ C-Cain,” mahihina nitong ungol na lalong nagpapa-alab sa kanyang pagnanasa na maangkin ng buo ito.
Habang hinahalikan ang balikat at colar bone nito ay unti-unti naman nyang itinataas ang damit nito para hubadin.
Ilang beses pa nyang kinagat ang tenga nito dahil sa nadaramang panggi-gigil pero nagtaka sya ng hindi ito tumutugon sa kanyang mga ginagawa.
Nang silayan niya ang mukha nito ay hindi nya mapagilang mapatawa ng tipid at mapailing na lamang.
Mahimbing nang natutulog ang Ginobabes nya ngayon. Na nanatiling namumula ang pisngi nito at ang parte ng leeg nito na ilang beses nyang sinipsip at kinagat.
Nanghihinayang man pero napangiti na lamang siya dito, kanyang hinaplos ang pisngi at masuyong hinalikan muli ang medyo pagang labi nito bago umupo sa gilid ng kama.
Napabuntong hininga na lamang sya ng mapadako ang tingin sa malaking bukol sa kanyang boxer shorts na suot.
‘Tss, I need to take care of this in the bathroom.’
Bulong niya sa sarili habang naglalakad palapit sa nahulog na twalyang nakatakip sa kanyang pang ibabang parte ng katawan kanina.
Iniwan muna nya ang natutulog na si Gino at nagsarili sa banyo. Nang makabalik sya pagkalipas ng ilang sandali ay nagsuot muna sya ng short bago humiga sa tabi nito at hinigit ang munti nyang Ginobabes palapit sa kanya.
Nakatulog siya ng mahimbing ng may ngiti sa labi.
KINABUKASAN
, nagising si Gino na nakayakap kay Cain. Mabilis siyang napabangon sa gulat at pagkabigla.
‘Goodness! Kung nandito talaga si C-Cain, ibig sabihin ay ---”
Napatakip siya ng mukha dahil sa hiya ng mapagtanto nyang totoo ang lahat ng nangyari kagabi.
Ang mainit na halikan na naganap sa pagitan nila at pati narin ang muntikan nilang pag iisa.
‘Ahh!!!’
sigaw pa nya sa kanyang isipan at napatakbo na lamang papunta sa banyo.
Maghihilamos na sana siya ng mukha para magising ng tuluyan ang kanyang diwa ng bigla siyang mapatingin sa salamin.
Ang kanyang buong mukha ay namumula hanggang sa kanyang tenga kaya napahawak siya dito.
Habang nasinusuri ang itsura sa harap ng salamin ay may napansin sya, may mga mapupulang parte ang kanyang leeg.
‘Ano to, parang mga kagat ng lamok o baka naman surot sa higaan?’
naguguluhan man ay sinundan nya kung saan patungo ang mapupulang bakas.
Napasinghap siya ng makitang mas marami sa kanyang colar bone at dibdib.
‘G-Gagong Cain, sigurado akong siya ang may gawa nito!’
Napigilan naman nya ang sarili na sugudin ang natutulog pang callboy sa kanyang higaan sapagkat alam nyang nagpadala rin siya sa pang aakit nito kagabi.
Gusto niyang sampalin ang kanyang sarili dahil sa pagiging marupok nito.
‘Gino naman, bakit ang bilis mong bumigay?’
reklamo pa niya pero alam naman nyang wala ng mababago sapagkat nangyari na.
Napabuntong hininga na lamang sya at ‘di alam kung paano haharapin si Cain mamaya.
Matapos gawin ang kanyang morning ritual ay nagtungo na sya sa kusina para magluto ng agahan nila.
Sa hallway pa lamang ay nakasalubong na nya ang masiglang si Miggs kaya medyo nawala ang kanyang mga isipin.
Sumunod na rin ito sa kanya papunta sa kusina.
Hilig nya talaga ang pagluluto hindi nga lamang nya ito magawa ng madalas sapagkat busy sya sa trabaho, sa tingin nya ay nakahiligan nya ito dahil sa kanyang ina na lagi syang tinuturuan noon.
Dahil nga mahirap ang kanilang buhay, hindi sya nakaranas na magkaroon ng tunay na cake kapag kaarawan nya kaya ang ginagwa ng kanyang nanay ay pinagluluto na lamang sya ng puto na may keso.
Simple pero talagang masarap, ramdam din mula doon ang pagmamahal sa kanya ng ina.
Dahil sa pagbabalik tanaw na iyon ay parang gusto din nyang subukan ang Recipe na ipinamana sa kanya ng yumaong ina.
‘Pagnagkaroon ako ng sapat na oras ay gagawa ako nun, sigurado akong magugustuhan iyon ni Cain.’
Matapos magluto ng agahan ay inihayin na niya ito sa mesa. Susunduin na sana nya si Cain ng mapansin na kagat kagat ni migss ang suot nitong short at hinihigit papalapit sa kanya.
Napatawa sya dahil sa itsura ni Cain, halatang antok pa ito dahil halos pikit pa ang mga mata nito, magulo ang buhok at naghihikab pa.
“A-Ah Cain, maupo ka na,” nauutal na turan niya at di makatingin ng deretso dito.
Napangisi naman ito sa kanya at imbis na dumeretso sa mesa ay sya ang pinuntahan nito.
Dahil sa bilis ng kilos nito ay di na sya nakaiwas at naramdaman na lamang ang pag init ng parte ng kanyang pisngi na hinalikan nito.
Dahil sa pagkabigla ay di agad sya nakagalaw at napatulala dito.
Nagising na lamang sya nang marinig ang pang aasar nito.
“You want some more, Ginobabes?”
“E-Ewan ko sayo!” inis na sabi niya dito sabay tingin ng masama.
Binalingan na lamang niya si Miggs na naghihintay na bigyan niya ng attensyon.
“Goodboy,” pagpuri nya kay Miggs saka hinaplos ang ulo nito. Napatahol naman ito sa tuwa dahil sa kanyang mga papuri.
Umupo na sya sa tapat ni Cain magkatapos bigyan ng pagkain si Miggs sa dog bowl nito.
Kumain sila ng tahimik at dinadama lamang ang simpleng umaga na magkasama silang dalawa. Kahit naiinis sya sa mga pang aasar nito ay hindi nya kayang ipagpalit ang kasiyahan na nadarama kapag kasama niya ito.
Habang nagpapatuloy ang pagkain nila ay biglang pumasok muli sa kanyang isipan ang iba’t ibang pangyayari.
Ayaw na sana niyang ipaalala ang nangyari kagabi pero marami talaga syang katanungan.
Pakiramdam kasi nya ay totoo ang lahat ng mga na aalala nya. Una ay tungkol sa magnanakaw at ang pagtulong sa kanya ng mag asawang sina Hellix at Zero.
Mabilis ang mga pangyayari kaya halos di nya masigurado kung totoo ba ito o panaginip lamang.
“You seems so bothered about something, what is it?” napatingin sya kay Cain dahil sa tanong nito.
Nag aalangan pa siyang sabihin dito sapagkat baka di ito maniwala pero dahil malaki naman ang tiwala nya dito ay naibahagi rin niya. Pero sinimulan muna nya sa isang tanong.
“Anong oras ka nakauwi kagabi?”
“Around 9:00 pm midnight,” tipid at confident na sagot nito kaya napatango siya.
“Wala ka bang nakitang magnanakaw dito sa bahay?”
Tiningnan naman siya nito na parang natatawa dahil sa kakaibang katanungan niya.
“I don’t and what makes you think that there’s a burglar in your house?”
Nagkibit balikat naman siya bago sabihin ang kanyang iniisip.
“Ang weird kasi ng panaginip ko kagabi Cain, may magnanakaw raw na nanloob dito sa bahay tapos tinulungan daw ako nung bago nating kapitbahay na sina Hellix at Zero,” pagkukwento pa niya dito.
Pansin niyang bigla itong napatigil sa pagkain dahil sa sinabi niya.
Tumungin ito sa kanya ng seryoso bago nagsalita.
“Don’t think about it anymore, there’s no one here when I came home last night.”
Napatango na lamang sya dahil sa sagot nito at iwinaksi na ang mga isiping iyon. ’
Wala daw, kaya mabuti pa ngang wag ko ng problemahin pa.’
Dahil sa kumpermasyon mula kay Cain ay nakahinga na ng maluwag si Gino.
Pagkatapos kumain ay nagligpit na sila ng kinainan at naghanda para sa bagong araw. Papasok siya sa trabaho at ganun din si Cain.
PUMASOK
si Cain sa loob ng kwarto para tingnan ang ginagawa ng Ginobabes niya.
Masyado na kasi itong nagtatagal, malapit na itong ma-late sa trabaho nito.
Pagpasok niya sa kwarto ay nakita nyang nakaharap ito sa salamin at may inilalagay sa parteng leeg nito.
“What are you doing?” panggugulat na tanong pa niya dito.
“Kyaahh!” napangisi siya dahil sa kyut na pagsigaw nito.
Lumingon ito sa kanya ng may masamang tingin at saka sya hinampas sya sa dibdib ng ilang beses habang sumisigaw.
“Tinatanong mo pa talaga, eh ikaw ang may kasalanan nito! Gago ka. Gagooo ka!”
Hindi na lamang niya ito pinipigilan dahil hindi naman sya nasasaktan sa mahinang paglampas nito.
Napangisi na lamang siya ng mapagtanto nyang naglalagay pala ito ng concealer sa gilid ng leeg nito para di mahalata ang naiwang bakas ng kanyang mga halik kagabi.
Dahil sa panggi-gigil sa kakyutan nito ay hindi nya napigilan ang sarili na hawakan ang magkabila nitong kamay at gawaran muli ng isang halik ang malambot at masarap nitong labi.
Hindi naman nagtagal ang halik at napayakap na lamang siya dito habang napapabuntong hininga.
Ang isa niyang kamay ay nasa bewang nito habang ang isa ay humahaplos sa buhok nito pababa sa batok.
Nang mapadampi ang kanyang kamay sa batok nito ay di nya inaasahang bigla itong masasaktan.
“C-Cain, aray ko,” mahinang bulong nito habang nakasiksik sa kanyang dibdib.
Mabilis niyang sinuri ang batok nito at napansin na medyo na ninilaw at may nabubuong pasa dito.
Nag aalala syang tumingin kay Gino at tinanong ito habang hinahaplos ang parteng may pasa.
“Hm, did it hurts so much?”
“Hindi naman, baka na stiff neck lang ako kagabi,” sagot naman nito sa kanya.
Alam niyang hindi iyon ang tunay na dahilan. Nayakap na lamang muli nya ang kanyang Ginobabes habang tumatakbo ang mga bagay na ito sa kanyang isip…
‘Brace your self, Zero.’
▼△▼△▼△▼△
Pls dont forget to
VOTE
and
COMMENT
THANK YOU AND
BYIEE
💕
MB 34
I Hope you enjoy reading this chapter
💕
3RD PERSON’S POV
“Ginobabes, last hug?” anito habang hinihintay siyang lumapit sa bukas nitong mga braso.
“Eh, nakarami ka na kanina.”
“Just a little bit,” nagpapa-awa na naman ito sa kanya kaya wala na siyang nagawa kun’di yumakap ulit dito.
Mukhang hindi lamang siya ang hugging monster at sigurado siya sa bagay na iyon.
Pagkatapos ng walang kamatayang last hug ni Cain ay nagpaalam na sila kay Miggs at saka isinara ang pinto ng bahay.
Gusto sana nyang ipakilala si Cain sa mga bagong kapitbahay pero napansin nyang walang tao sa bahay ng mga ito.
‘Sayang naman, nagbakasyon ata ang mag asawang sina Hellix at Zero,’
isip-isip pa niya ng makalampas sila sa pinto ng unit ng mga ito.
Matapos ng ilang minutong paglalakad ay nakarating na sila sa kanto at mapalad si Gino sapagkat may dumaan kaagad na Taxi.
Pinara niya ito at sumakay, nang isasara na sana nya ang pinto ng taxi ay pinigil ito ni Cain at sumakay din. Sumenyas pa ito sa driver na magmaneho na.
Nagtataka na tumingin siya dito at saka napatanong.
“Bakit sumakay ka rin?”
“I just want to send you to your work.”
Tiningnan na lang niya ito ng may pagtataka at hinayaan na lamang sa gusto nito. Masaya rin naman syang makasama ito.
Simula nung isang araw na napag usapan nila Mars ang tungkol sa tunay na namamagitan sa kanila ni Cain ay hindi na ito maalis sa kanyang isipan.
‘Mahal mo na si Fafa Cain di ba kaya nga hinayaan mo syang tumira kasama ka sa iisang bahay.’
“Aishh,” napailing sya dahil sa mga bagay na tumatakbo sa kanyang isipan. ’
Sina Mars at Jewel ang may gawa nito eh, kung ano-ano kasi ang sinasabi nila.’
Nag iinit ang kanyang pisngi, patuloy ang malakas at mabilis na tibok ng kanyang puso dahil sa hiyang nararamdaman. Isama mo pa na magkalapit at magkadikit ang mga katawan nila sa loob ng maliit na taxi na ito.
Ang munting aircon na ibinibigay ng taxi ay di kayang ibsan ang nararamdaman niya ngayon.
‘Dapat talaga di ako nakikinig sa dalawang yun.’
“-----babes.”
“Ginobabes!”
Dahil sa lalim ng kanyang iniisip ay di nya napansin ang pagtawag ni Cain sa kanya.
“H-Ha? Ano yun?” gulat na tanong niya dito.
“Are you okay? Namumula ka, nilalagnat ka ba?” anito na bakas sa boses ang pag aalala.
Hinawakan nito ang kanyang noo at hinaplos ang pisngi na lalong nagpa init sa kanyang mukha.
“A-Ayos lang ako, wala akong lagnat,” nahihiya niyang sagot sabay iwas sa paghawak nito sa kanya.
Yung echoserang driver naman ay napapatingin lang sa kanilang dalawa habang nakangisi kaya lalo syang nahiya at humarap na lamang sa bintana para pagmasadan ang kalsadang dinadaanan nila.
Ilang sandali pa ay nakarating din sila sa harap ng kumpanya, nagbayad sila bago bumaba.
“Cain, papasok na ako,” aalis na sana siya pagkatapos magpapaalam dito nang bigla siyang pigilan nito.
“Wait, susunduin ulit kita mamaya kaya hintayin mo ako,” saad pa nito at hinila siya para sa isang mainit na yakap.
Nahihiyang sinagot na lamang nya ito ng isang tango bago nagpatuloy sa paglalakad papasok sa building ng kumpanya.
Masaya siyang binati ng dalawang gwardya at sinuklian naman nya ng isang ngiti bago bumati pabalik sa mga ito.
Hanggang ngayon ay medyo nabibigla parin ang mga gwardya dahil sa pagbabago niya, sa loob kasi ng ilang taon pagtatrabaho ni Gino dito ay lagi itong tahimik at malayo sa mga tao. Ang ngumiti at bumati ay hindi nito natural na gawain.
‘Baka naman nagbago ang batang iyon dahil sa ---’
turan pa ng gwardya habang nakatingin sa lalaking nasa labas.
Napatungo na lamang ang gwardya sa takot ng magtama ang tingin nila ni Cain. Nakatayo pa rin kasi ito sa labas ng building at sinisigurado na ligtas si Gino.
Mabilis naman na sumakay ng elevator si Gino para para magtungo sa kanyang working station.
Hanggang ngayon ay hindi pa rin nawawala ang kakaibang pakiramdam sa kanyang dibdib mula ng makauwi si Cain at makasama niya ito.
Nahihiya man at naguguluhan sa pakiramdam na ito ay mas pinili na lamang nyang hayaan ang sarili na maging masaya.
Nang makalabas sa elevator ay iniiwasan ni Gino na mapatid sa paglalakad sapagkat parang nasa ulap ang pakiramdam nya ngayon.
Maganda ang kanyang mood, masaya at magaan ang kanyang dibdib na para bang nawala lahat ng kanyang isipin at problema.
‘Di ko akalain na lahat ng ito ay dulot lamang ng isang tao.’
Napapangiti sya ng wala sa oras at tulalang naglalakad papunta sa kanyang cubicle.
Masigla naman syang sinalubong ng dalawang kaibigan ng makarating sa doon.
“Uyy kakaiba yang mga ganyang ngiti ah,” puna ni Mars sa kanya.
“Yiee ano meron, share mo naman samin siz,” ani Jewel na patuloy sa pangungulit sa kanya.
Umupo muna sya sa kanyang table habang pinalilibutan naman siya ng dalawa para interrogate.
Ayaw sana niyang ibalita na nakauwi na si Cain pero alam nyang di siya titigilan ng dalawang ito.
Papasa bilang paparazzi ang dalawang ito, sigurado siya doon.
Dahil di pa naman nagsisimula ang working hour nila ay naikwento nya ang nangyari, maliban sa mapusok at muntikan nilang pagsisiping ni Cain.
“Ayyie, kaya pala masaya ka na ulit bhes, nandyan na pala si fafa Cain.”
“Tama, kaya pala ang blooming mo siz, glowing ang beauty mo.”
Di naman nya napigilang mapatawa sa mga kalukuhan ng dalawa.
“Ewan ko sa inyong dalawa, dadali na naman kayo ” aniya pa.
Binuhay nya ang desktop para tingnan ang mga naiwang gawain kahapon.
“Pero sa tunay nga bhes, laki ng improvement ng beauty mo di ka na mukhang zombie. Ganyan siguro talaga pag di na nangungulila sa asawa,” malukong saad ni Mars habang tumatawa at nakipag apir pa kay Jewel.
Bumalik ang pamumula ng kanya g mukha dahil sa biro ng kaibigan.
“A-Asawa!? tumigil nga kayo,” pagtanggi pa nya.
“Ang kyut mo talaga siz,” ani Jewel at nagpaalam na babalik na ito sa sariling table ganun din si Mars.
Napahinga nang maluwag si Gino ng makaalis ang makukulit na kaibigan.
Sisimulan na sana nya ang gawain ng mapadako ang paningin nya kanyang lucky charm na si Ironman.
Nakititig lamang ito sa kanya kaya napangiti sya ng tipid sabay bulong ng…
‘Kung ano man ang nararamdam ko para kay Cain, sana patuloy mo akong suportahan.’
Para sa kanya ang bagay na ito ang iniwang pamana ng kanyang mga magulang. Makita lamang nya ito ay nagkakaroon sya ng lakas ng loob. Naalala niya lagi ang pangaral at mga payo ng pumanaw na ina at ama.
Napahawak sya sa kanyang dibdib sa tapat kanyang puso. Hindi pa rin kumakalma ang tibok ng kanyang puso.
‘Alam ko na kung ano ang kailangan ko para kumalma,’
sambit niya sa kanyang isipan at saka tumayo palabas ng working station.
NAPANSIN
naman ni Mars ang pag alis ni Gino at napatanong na lamang sa isipan. ’
Saan kaya pupunta si Bhes?’
Ilang sandali ay nasagot din ang kanyang katanungan ng bumalik si Gino na may dala ng isang box na egg pie habang nakangiti ng malapad.
Napailing na lamang si Mars dahil sa kaibigan.
‘Haist, na-obssesses na ata si Bhes sa egg pie.’
▼△▼△▼△▼△
”
RASSKAZHITE NAM, GDE SPRYATITSYA VASH BOSS
/
TELL US WHERE YOUR BOSS IS HIDING!!!”
Malakas na sigaw ni Hellix habang tinatanong ang lalaking tauhan ni Viktor.
Narito sila ngayon sa basement sa ilalim ng penthouse. May soundproof na kwarto dito bilang torture chamber.
Si Zero lamang ang kanyang kasama dahil hindi pa nakakabalik sa misyon na sina Gary at Josh.
Imbis na sumagot ay ngumisi pa ang lalaki sa kanya kaya lalong uminit ang ulo ni Hellix.
Gusto na nyang patulan ang bwisit na to kung di nga lamang nila kailangan ng eksaktong impormasyon kung saan nagtatago ngayon si Viktor Petrova.
”
YEBAT’ TEBYA
/
Fuck you!” anito sabay dura sa kanyang dereksyon. Mabilis namang nakaiwas si Hellix pero sinigurodo din nya kung walang laway na tumalsik sa kanyang polo saka sinuntok ng malakas ang lalaki na napagpatanggal sa ngipin nito.
HABANG
pinapanuod ni Zero ang mga nangyayari sa interrogation na ito ay hindi nya maiwasang mapaikot ang mata dahil sa inis.
‘If I didn’t butt in right now, this will take forever,’
isip isip nya at nagpasya na lumapit na kay Hellix.
“Gago ang bwisit na to, Hon.”
Hindi na lamang nya pinansin ang pagsusumbong ni hellix at mabilis na dumampot ng isang pocket knife na nakalatag sa stainless na table at walang sabi-sabing isinaksak ito sa palad ng lalaki na nakapatong sa ibabaw ng mesa.
Maririnig ang malakas na sigaw sa buong silid dahil dito, napakagat sa labi ang lalaki para tiisin ang sakit. Tiningnan nito ng masama at may pagbabanta si Zero.
Imbis na matakot ay tinaasan pa nya ito ng kilay sabay tanong…
“Now, tell us what you know,” mahinahong turan ni Zero pero minura lamang sya nito pabalik.
”
MAT’ UBIRAYETSYA! kak budto ya tebe govorila, on pridet, vyteret tvoyu vonyuchuyu zadnitsu i brosit vsekh k chertu!
/
MOTHER FUCKER! As if I told you, he will come and wipe your stinky little ass and throw all of you to hell!” sigaw pa nito at tumawa ng malakas na parang baliw.
Hinawakan na ni Hellix ang balikat ni Zero para sabihin na sya na ang bahala. Hindi nga lamang nila inaasahan na biglang bubukas ang pinto ng kwarto.
“Any progress?” turan ng taong dumating at tiningnan ang lalaking nakaposas sa mesa.
Kita ang pamumutla sa mukha ng lalaki, ang mayabang na aura at mga ngisi nito ay napalitan ng takot at pangamba.
Sabay silang bumati sa taong dumating.
”
БОСС
/
BOSS!”
MULA
ng makabalik si Cain mula sa meeting nito sa kanyang uncle ay kating kati na nitong puntahan ang lalaking nagtangka na kumuha kay Gino sa bar.
Kaya napauwi sya ng maaga ay dahil sa report ni Hellix tungkol doon. Sobra syang nag aalala sa kalagayan ni Gino kaya ginusto nyang makasama ito kaagad.
“Ayaw talaga magsalita boss, walang kwento ang isang yan,” saad ni hellix sa kanya.
“Hmm,” pahimig na sagot nya dito
at habang pinagmamasdan ang mukha ng lalaking ay di nya maiwasang kumulo ang dugo dahil sa galit habang tumatakbo ang mga katanungan sa kanyang isip.
‘If they got a hold on my Ginobabes, what are the possibilities that they do to him?’
‘Rape?’
‘Torture?’
‘Drug him?’
Habang tumatakbo ang mga imahe na pwedeng gawin ng mga kalaban sa kay Gino ay wala sa sarili nyang hinugot ang Devil Dog Arms 5 1911 Tactical Hand gun na nakasukbit sa kanyang likuran.
”
P-PODOZHDITE, POBEZHDAYTE MENYA, YA-U menya yest’
/
W-WAIT, SPARE ME I-I HAV----”
Walang pumapasok na kahit anong pakiusap sa kanyang tenga habang pinauulanan ng bala ang mukha nito.
Nagliparan at naglabsitan sa buong lugar ang dugo ng lalaki, walang emosyon ang mga mata ni Cain habang nakatingin sa walang buhay at walang ulong katawan nito.
Isa, dalawa, tatlo at halos maubus ang lahat ng bala ni Cain. Napatigil na lamang ito at nagtira ng isang bala sa hawak na baril. May paglalaanan sya nito.
“Tsk.”
ANG
tunog na tanging narinig ng lahat ng nasa kwarto mula sa inis pa rin na boss nila.
Pagkatapos nitong talikuran ang bangkay ay mabilis nitong itinutok ang hawak na baril kay Zero sabay bulong…
“Dodge.”
Lahat ng mga tauhan ay nagulat, mabuti na lamang at nakaiwas si Zero pero nadaplisan parin ang braso nito.
Na-out balance ito pero nasambot naman ni Hellix.
Napatingin na lamang si Hellix ng may pagtataka sa kay Cain dahil sa ginawa nito.
Para namang walang nangyari at naglakad si Cain palabas ng kwarto.
“I warm you to take a good care of him,” anito pa habang ibinabalik sa likuran ang baril.
“Pero ginaw---” napatigil sa pagsasalita si Hellix ng mapansing tumigil din sa paglalakad ang boss nila.
Hindi ito lumingon pero nagsalita, nang marinig nila ito ay napayuko na lamang sila at naintindihan kung bakit galit ito.
“He got a bruise on the back of his neck.”
Dahil sa narinig ay napailing na lamang si Zero habang hawak ang dumudugong braso.
Alam niya ibigsabihin ni Cain.
‘Napalakas ata ang chop ko sa leeg ni Gino kaya nagkapasa ito.’
Tinulungan sya ni Hellix na makatayo ng maayos. Sina Josh at Gary naman ay bakas sa mukha ang pagtataka dahil sa nangyari halatang naguguluhan ang mga ito pero hindi na nag abala pang magtanong.
“Dahan dahan lang ang paglalakad, Hon,” ani Hellix sa habang inaakay si Zero paakyat sa hagdan.
“Tss, I don’t need your assistance I’m not fragile, you dope,” pagmamataray pa nito sa kanya.
‘Hayss, may sugat na nga masungit pa rin, Naku.. kung di lang talaga kita mahal.’
PAGKA ALIS
ni Cain sa penthouse ay bumalik na sya sa opisina sa sarili niyang kumpanya para tapusin ang mga gawain doon.
Marami mang ginawa ay kailangan nyang matapos ang lahat dahil susundin pa nya si Gino mamaya.
Naiisip pa lang nya ang mukha nito ay napapangiti na sya at napupuno ng mainit na pakiramdam ang kanyang dibdib.
Marami syang gustong gawin para kay Gino tulad ng pagdi-dinner sa mamahaling resto, dalhin ito sa kanyang condo ganun din sa ibang bansa para makita nito ang pinakamamahal at idolo nitong Avenger cast.
Nagseselos man sya sa mga litrato ni R. DJ/Iron man sa kwarto ni Gino, di parin maalis sa kanyang isipan kung gaano ito magiging masaya kung makikita nito ang mga idolo.
At may isang bagay na gustong-gusto si Cain na gawin. Yun ay ang madala ang Ginobabes nya sa harap ng altar at maging asawa ito.
Nakamot nya ang batok dahil sa pananabik na nararamdaman dulot ng kanyang mga iniisip.
Pero sa huli ay napailing na lamang sya dahil sa mga nais gawin pero di naman nya maisakatuparan.
’
I’m not ready to tell him everything, it might be hard if he will find the truth right now.’
Humahanap pa siya ng tyempo kung kailan nya balak sabihin ang lahat kay Gino. Kung sino nga ba talaga siya at kung anong mga negosyo ang pagmamay ari at pinapatakbo niya.
Sigurado syang magugulat ito pagnalaman na di sya tunay na callboy pero pagnagtagal ay matatanggap din nito. Ang inaalala niya ang ang kanyang mga illegal na negosyo.
‘Pag nalaman iyon ni Ginobabes, sigurado akong lalayuan na niya ako, at iyon ang ayaw kong mangyari.’
‘Ginagawa ko na nga lahat maging ligtas lamang sya at mailayo kay Viktor. Hindi ko hahayaan na mawala siya sa’kin’
‘Di ko man magawa ang lahat ng gusto ko sa ngayon, siguro ay hindi sya ganung magugulat sa aking regalo,’
nakangisi pa niyang isip isip habang nakahalong baba sa kanyang table.
’
I hope you will like my present for you, My Ginobabes’
----------------------------+++
Pagkatapos ng isang buong maghapon ni Gino ay napangiti sya dahil magkikita na ulit sila ni Cain. Alam nyang naguguluhan pa rin sya para sa nararamdaman para dito pero hindi ibigsabihin noon ay pipigilan nya ang sarili na maging masaya.
Mula kanina ay may mga bagay na tumatakbo at gumugulo sa kanyang isapan.
‘Takot nga ba at pangamba ang dahilan kung bakit di ko matanggap sa aking sarili ang tunay kong nararamdam?’
Nakangiti at nakikipagbiruan sya sa mga kaibigan habang naglalakad sila palabas ng building.
Mabuti na lamang at nadadala nya sa ngiti at tipid na tawa ang mga kaibigan para di mapansin ng mga ito ang kanyang malalim na iniisip.
‘Pero kung iyon nga talaga, anong dahilan ng takot na ito?’
tanong pa niya sa sarili habang nagpapaalam sa mga kaibigan.
Mabilis syang naglakad sa gilid ng building kung saan naghihintay lagi si Cain.
“Cain nandito na ak---eh wala pa siya?” Napasimangot sya ng mapansin na wala pa ito.
‘Ano ba yan excited pa naman akong makita siya at saka may dala akong egg pie oh.’
Tatalikod na sana siya ng maramdaman ang presensya ng isang tao sa kanyang likuran.
Kinilabutan sya ng madama ang mainit na hininga nito sa kanyang leeg at batok.
“W-Wag p-po, wala po a-akong pera,” aniya sabay taas ng kamay na parang sumusuko.
“Don’t worry, I dont need your money Ginobanes.”
Nangangatal pa rin ang tuhod sa takot pero mabilis syang napaharap ng marinig ang mapang asar na boses na iyon.
“L-Luko ka talaga Cain, papatayin mo ba ako sa takot!?” aniya sabay hampas niya sa dibdib nito ng ilang ulit.
Tumawa lang naman ito at hinawakan ang kanyang balikat upang tumigil sya sa ginagawa.
“I’m sorry, just kidding okay,” saad pa nito sabay yakap ng mahigpit sa kanya.
Napangiti na lamang siya at napasiksik sa matigas at mabangong dibdib nito
. ‘Sana di na matapos ang mga ganitong sandali.’
Pakiramdam niya ay parehas silang humuhugot ng lakas sa bawat isa.
“Let’s go somewhere before we go home.”
Isang tango ang naisagot nya dito. Hindi man nya alam kung saan sila pupunta, sigurado naman siyang magiging masaya iyon.
Hinawakan nito ang pulsuhan nya habang naglalakad sila ng magkatabi.
Nakalipas ang ilang sandali ay nagtataka na napatingin sya sa kanyang harapan.
“C-Cain anong ginagawa natin dito?” nag aalangang tanong pa nya habang nakatingin sa harap ng dumidilim na paligid ng baywalk.
“let’s take a walk,” patay malisyang sagot nito.
Napatango na lang sya dahil sa naging sagot nito. Sa mga dumaang araw ay naging abala at ukupado ang kanyang isapan tungkol sa trabaho at sa lalaking kasama nya ngayon.
Natatandaan pa niya na ang lugar na ito ang nagsilbing pahingahan niya noon kapag sobra syang stress sa trabaho.
Ang pagtanaw sa lumulubog na araw habang sumisimoy ang malakas na hangin ay talagang nakakapagpakalma at nakakagaan ng pakiramdam.
Habang sabay silang naglalakad sa lugar na ito ay hindi nya maiwasang maalala ang una nilang pagkikita.
Dahil sa malalim nyang pag iisip ay hindi niya napansin kung anonh nasa kanyang harapan.
Patuloy lamang siya sa paglalakad at napabungo pa sa likod ni Cain.
“Cain bakit ka tumig—”
Napatigil siya sa pagsasalita ng makita ang set up na nasa kanilang harapan.
‘Teka, bakit may table dito?’
naguguluhang tanong pa nya sa isipan habang inililibot ang paningin sa paligid.
Tahimik naman sa parteng ito at wala ng masyadong dumadaan.
Maganda ang set up ng mesa, halatang gagamitin ito sa isang romantic date. Ang paligid ay napapalibutan ng kumikinang na mga led lights. Napakaganda ng eksaktong lugar na ito para pagdausan ng isang date habang nakatanaw sa malawak na kalangitan at dinadama ang malamig na simoy ng hangin.
‘Hayss, sana ol. May date,’
inggit na saad nya sa kanyang isipan habang pinagmamasdan ang lugar na iyon.
‘Mukhang may magde-date dito, kailangan na naming umalis ni Cain,’
sya sabay baling sa kanyang tabi.
Nagtaka na mapansing wala ang kasama doon.
“Ginobabes!”
Nagbalik lamang ang kanyang ulirat ng tawagan sya ni Cain na nandun na sa venue.
Kinawayan sya nito at pinalapit, sumunod naman sya at naglakad patungo dito. ipinaghila siya nito ng silya at saka pinaupo.
Gulat at di nya alam ang nangyayari habang nakaupo sa isang table na ito.
“T-Teka, Cain anong ginagawa natin dito? Baka biglang dumating yung gagamitin nitong venue,” takot na tanong niya kay Cain.
Ngumiti naman ito sa kanya ng tipid at may kislap sa mga mata bago sumagot.
“Don’t worry, they’re here already.”
‘Huh?’
sabay tingin siya kanilang paligid para hanapin ang mga taong tinutukoy nito.
“Wala naman,” aniya habang nakatingin kay Cain na umupo na rin sa kanyang tapat.
“Yeah, because its for you my Ginobabes.”
“A-Anong para sa’kin?” aniya at gulat na napatingin dito.
“This is for you, we’re having a date.”
Nang marinig ang sagot ni Cain ay parang tinakasan si Gino ng kaluluwa dahil sa hiya.
‘D-Date daw?’
“Eh per—”
“Shh, no need to ask questions. All we need to do is to enjoy this moment,” anito kaya kahit nahihiya si Gino ay napatango na lamang siya.
Hindi sya sanay sa mga ganitong bagay sapagkat hindi pa naman sya nagkakaroon ng kasintahan noon.
Mabilis na inayos ni Cain ang kanyang mga gamit sa lamesa pati ang dala nyang box ng egg pie. Tumayo pa ito at may kinuha, pagbalik nito ay inabutan sya ng isang kumpol ng bulaklak.
Kahit hindi siya babae ay masaya syang makatanggap ng bulaklak mula sa lalaking kanyang hinahangaan.
Pero dahil sa iniisip ay napasinghap siya.’
Pero bakit kami nagde-date kahit hindi wala naman kaming relasyon ni Cain?’
“Are you okay?” tanong nito.
Tumighim muna sya bago sumagot dito, pakiramdam kasi nya ay mababasag ang kanyang boses.
“O-Oo naman, hindi ko lamang ito inaasahan.”
“Ayaw mo ba ng ganito?” malungkot na tanong nito kaya mabilis siyang napailing.
“Uyy hindi naman ganun ang ibigsabihin ko, nagustuhan ko ito. Sobrang ganda kaya… hindi lang ako sanay kasi lalaki ako at hindi babae para dalhin sa romantic date tulad nito,” pagpapaliwanag pa niya habang nakatungo.
Pagkatapos bigkasin ang mga bagay na iyon ay napansin nyang di naimik si Cain kaya tumunghay sya para tingnan ang ekspresyon nito.
‘Goodness, baka nagalit siya.’
Nakita niya na seryosong nakatitig lamang ito sa kanya at di mabasa ang mga iniisip.
“Cain, s-sorry talag—”
Naputol ang sasabihin niya ng biglang hawakan nito ng mahigpit ang kanyang kamay habang seryoso paring nakatingin sa kanya.
“You being a man is not a problem for me, I like you for who you are and I’m doing this because I want to.”
’
Wait, nagco-confess ba siya?’
isip isip pa nya sa kanyang sarili habang nakatingin sa seryosong mukha ni Cain.
Hindi niya napigilang mapatawa dahil sa ipinaglalaban nito.
“Okay naiintindihan ko na, hindi mo ako kailangang tingnan ng ganyan,” aniya habang tumawa ng malakas.
Imbis na mainis naman sa kanya ito ay masuyo na lamang hinalikan ang kanyang kamay at napangiti ng tipid habang pinagmamasdan siya.
Pagkatapos ng epic nilang pag uusap ay may mga taong biglang lumabas kung saan at may dalang pagkain.
Pinagsaluhan nilang dalawa ito ng masaya habang nagkukwentuhan.
Ipinatikim din nya kay Cain ang dalang egg pie bilang dessert nila.
“Masarap, di ba?”
“Yes, I like this,” sagot nito kaya sumaya sya lalo. ‘S
abi na nga ba at magugustuhan din niya iyon.’
Kapag daw sobrang saya ang isang tao, hindi daw ito nagtatagal. Hindi nya alam kung sino ang nagsabi nito pero alam na nya ang ibigsabihin nito ngayon.
Habang nag uusap sila ni Cain ay biglang nagring ang cellphone nito.
Kinuha nito ang cellphone sa bulsa at masamang tiningnan ito. Halatang ayaw nito ng nakikita o nababasa mula doon pero walang nagawa at nagpaalam parin sa kanya na sasagutin lamang iyon.
Tumayo ito at nagpunta sa isang gilid na sapat lang para di nya marinig ang pinag uusapan ng mga ito.
Habang nakatanaw sya sa likod ni Cain ay biglang nakaramdam sya ng pagbigat ng kalooban.
‘Ito ba ang ikinakatakot ko? Ang katotohanan na dahil sa kanyang trabaho bilang callboy ay hindi siya magiging akin ng buo.’
‘Lagi na lamang may tatawag kay Cain na kung sinong babae para makasama ito.’
Nangilid ang kanyang luha habang iniisip na sa oras na umalis si Cain ay siguradong ibang babae na naman ang kasama nito.
‘Hayss, kung kaya ko lang bilhin ng buo si Cain para maging akin lang siya habang buhay ay ginawa ko na.’
Hindi nya kayang isipin ang mga bagay na maaaring ginagawa nito sa trabaho kasama ang mayayamang babae buong magdamag.
‘Bwisit, bakit ba ako nasasaktan ng ganito?’
habang nakahawak siya sa tapat ng kanyang puso.
Napansin nya na pabalik na ito kaya nagmamadali nyang dinampot ang napkin sa tabi at nagpunas ng mata. Ngumiti din sya para hindi nito mapansin ang kalungkutan niya.
“Ginobabes, I’m sor—”
“Okay lang, nag enjoy talaga ako sa pakulo mo ha, siguro ang mahal ng nagastos mo dito. Salamat talaga,” aniya habang pinapasigla ang boses.
“Are you sure?”
“Oo naman, sige na, mag tataxi na lang ako pauwi,” saad nya habang sinusukbit ang bag na dala.
“Nope, I will — ” pagpupumilit pa ni Cain pero nagring ulit ang cellphone nito.
Nginitian na lamang niya ito at kinawayan habang naglalakad siya paalis.
Naiwan na niya si Cain doon habang nakasakay siya sa taxi.
Mula doon ay hinayaan na nyang lumandas ang kanyang luha dahil sa sakit na nararamdaman at lungkot.
“Gusto ko siya pero ayaw ko ng kahati.”
MB 35
I hope you enjoy reading this chapter 💕
3RD PERSON’S POV
Umuwi si Gino nang malungkot at nanlulumo. Pagbukas niya ng pintuan ay nakita niya si Miggs na tulog na sa ibaba ng sofa. ’
Kaya pala di na niya ako nasalubong.’
Hindi na niya inabala ang sarili na magbilis at deretsong nahiga na lamang sa kanyang kama.
‘Siguradong may kasiping na babae si Cain ngayon. Tss bakit ba kasi callboy pa ang nagustuhan ko?’
Kahit may inis siyang nararamdaman ay nangingibabaw pa rin ang lungkot sa kanya, mabuti na lamang at dinalaw na rin siya ng antok at nakatulog kaya hindi na niya masyadong naisip ang mga ginagawa ni Cain sa mga oras na iyon.
KINABUKASAN
ay maagang nagising si Gino dahil sa paghimod sa kanya ni Miggs. Napabuntong hininga siya nang maalala na linggo pala ngayon at day off niya.
“Miggs, tama na, gising na ako,” aniya habang pinipigil nya ito sa paglalagay ng laway sa kanyang mukha.
Nang makita nitong gising na sya ay masaya itong tumahol at dinaganan pa siya.
“Ah lubayan mo ako Miggs, di ka na baby ngayon ah, ang bigat mo na kaya,” aniya pa habang bumabangon sa higaan.
‘Hayss, day off ko ngayon bakit ba ang aga ni Miggs mang-gising?’
turan niya sa sarili habang nakatingin sa alarm clock na nasa kanyang bedside table.
Nang magtungo siya sa banyo ay nagtatakbo naman si Miggs sa may sala kaya hinayaan na lamang niya ito.
Hindi maganda at kumportable ang kanyang tulog sapagkat iniisip nya si Cain at hindi rin siya nakapagbihis ng damit kagabi.
Medyo mahapdi ang kanyang mata dahil sa pag iyak pero kahit ganun hindi pa rin nawawala ang bigat ng kanyang kalooban nang maalala ang naganap ng nakaraang gabi.
“Para akong tanga. Iniiyakan ko na naman ang lalaking yun,” bulong pa niya sa sarili pagkalabas sa banyo.
Nakaboxer shorts lamang siya at balak magpalit ng damit sa kwarto, wala kasi syang nadala na pamalit kanina.
Habang nagsusuot ng damit ay narinig nya ang sunod-sunod na tahol ni miggs mula sa sala. ’
Ano kayang problema ni Miggs?’
5:00 am pa lamang kaya halos madilim pa sa labas ng bahay, medyo kinabahan sya dahil baka may masamang tao na gustong manloob sa kanyang bahay.
Dahan dahan syang naglakad palapit sa pintuan habang hawak ang isang kawali. ’
Kung sino ka man, siguradong di ka sasantuhin ng kawali ko.’
Pinalayo nya si Miggs bago buksan ng unti-unti ang pinto.
“Oump,” tangi niyang naging reaksyon ng tumumba payakap sa kanya si Cain mula sa labas ng pinto.
“Cain? Ayos ka lang ba?” nabitawan na niya ang kawali at minabuti na alamin muna ang kalagayan ng lalaking nito.
“I’m fine, just tired,” bulong nito habang mas hinihigpitan ang pagkakayakap sa kanya.
Dahil sa panahon na pinagsamahan nila ni Cain ay medyo kilala na niya ang ugali nito. Kapag pagod ito ay gusto lamang nitong yumakap para kumuha ng lakas at para makapagpahiga. Sigurado siya doon sapagkat ganun din siya.
“Halika magpahinga ka muna, maaga pa naman,” saad niya at inakay na ito patungo sa kwarto.
Sumunod naman ito sa kanya. Pagdating nila doon ay naghubad ito ng mga saplot na suot para makapagpalit ng damit na mas kumportable.
Pinulot naman nya ang mga damit para maisama na sa lalaban sa araw na ito. Nang madala nya sa labahan ang damit nito ay may napansin syang kakaiba.
‘Ano to? Parang mapupulang talamsik,’
isip isip pa nya habang tinitingnan ng maayos ang damit nito. Inamoy din nya at nakakapag taka na di ito amoy babae.
Naisipan na lamang niyang ibabad muna ito para mawala ang mantsa. Habang pabalik sa kwarto ay biglang may pumasok na ideya sa kanyang isipan kaya napatakbo sya pabalik kay Cain.
Naabutan niya ito na naghahanda na sa paghiga sa kanyang kama. Mabilis nyang nilapitan ito at tiningnan ang katawan nito.
“Hey, what are you doing Ginobabes?”
“May sugat ka ba?” nagmamadaling tanong nya pabalik at ipinag papatuloy ang pag-iinspeksyon sa katawan nito.
“I don’t have, why?” sagot nito.
“Yung damit mo kasi may mantsa na parang dugo, akala ko may sugat ka.”
Napangiti naman si Cain dahil sa pag aalala niya bago ito sumagot.
“Wala akong sugat at hindi iyon dugo. I’m doing some construction and painting job last night,” anito pa kaya mas nakahinga siya ng maluwag.
“Ibigsabihin ay hindi kleyente ang tumawag sayo kagabi,” napapangiti na tanong pa niya dito.
“Yeah, I’m coating a wall with red paint last night.”
Napantango siya ng ilang beses dahil sa sagot nito. Bigya syang sumaya sapagkat wala pala itong kasamang babae kagabi. Napahiya siya dahil sa mga naisip at pagdadrama niya kagabi yun pala naman ay walang kasiping na babae si Cain.
Napakamot pa siya sa batok habang napipintahan ng pula ang kanyang pisngi dahil sa hiya.
“Magpahinga ka na Cain alam kong pagod ka. Gigisingin kita mamaya,” aniya sabay takbo palabas ng pinto ng kwarto.
PINAGMASDAN
na lang ni Cain ang nagmamadaling si Gino palabas ng kwarto.
‘I’m sorry Ginobabes you are right, that’s blood but it doesn’t belongs to me.’
Kagabi kaya galit nyang sinagot ang tawag ay dahil sa pang iisborbo ni Hellix sa date nila ni Gino.
Base dito ay nakabalik na sina Gary at Josh mula sa extraction mission ng mga ito laban sa mga myembro ng lyuberskaya gang na pinamumunuan ng yumaong ama ni Viktor na si Ivanovich.
Kasama ng dalawa niyang pinagkakatiwalaang assassin ay ang mga tauhan ng uncle niya para bigyan sya ng back up laban sa kabilang grupo.
Kagabi ay may dinala ang mga ito na tauhan ulit ni Viktor para ma-interrogate nila.
Mabuti na lamang at may pakinabang ang isang iyon sapagkat nakapag bigay ito ng impormasyon sa kanila kung saang bansa ngayon nagtatago ang lider ng mga ito.
Hindi niya inaasahan na natalamsikan din ng dugo nito ang suot nyang tshirt sa ilalim ng kanyang jacket.
Nagmamadali kasi siyang umuwi kay Gino pero sa kasamaang palad ay inabot na din sya ng umaga bago makauwi sa apartment nito.
Pero kahit ganun ay masaya pa rin siyang makasama ito.
Maraming koneksyon ang Lyuberskaya pero hindi pa ito nagagamit ni Viktor sapagkat hindi pa sya kinikilala nito bilang Boss.
Magandang balita ang dala ng dalawa sapagkat tama ang ibinigay na impormasyon ng kapatid ni Zero na si Minato tungkol sa lokasyon na pinagtataguan ng mga kalaban.
Naubos nila ang lahat ng mga ito na bumibilang ng 30 katao. Dumanak ang maraming dugo at may mga kasamahan din silang namatay pero hindi natinag si Cain.
Alam nyang habang narito sya sa bansa ay di sila titigilan ni Viktor, iniisip kasi nito na mas madali syamg itumba kung wala sya sa sariling teritoryo.
Ilang beses na ding tumatawag si Minato para bigyan sya ng sandamakmak na warning, kung warning pa ba ang tawag dun o pagbabanta. Naalala pa nya ang iba sa mga pag uusap nila.
“SINCLAIR-SAN! Are you out your mind? I told you to return in Mascow a lot of times but you did not listen, if something happens to my brother I will never forgive you!”
“Tss stop that nonsense, your brother is not a fucking women to begin with. He knows how to fight and defend himself, so you better shut your trap, Minato.”
“Fuck you!” inis na sagot pa nito sa kanya.
“Now, you sounds like him.”
Rinig pa mula sa mula sa kabilang linya ang pagbuntong hininga nito bago magsalita.
“Just —just take care of him, you’re the one with him and not me.”
“I know, you dont need to tell me twice,” tipid na sagot niya dito.
“I don’t know why you’re so reluctant to go back in Russia but I have a LITTLE faith in you, Baka yarō. Idiot fucker.”
Ang pinakamamahal niyang si Ginobabes ang sagot kung bakit mas pinipili niyang manatili rito sa bansa at malagay sa peligro. Hindi lamang sya pati natin ang mga kasama.
Hayss, kahit anong mangyari ay ayaw nyang iwan si Gino dito. Sa ngayon ay naubos nila ang mga tauhan ni Viktor pero hindi ito natatapos hanggang hindi nya nakakaharap ang duwag na iyon.
Base rin sa kanilang nakalap na impormasyon ay hindi pa ito tumatapak sa bansa mula ng magsimula ang munting revenge game nito.
‘Coward brat,’
bulong niya sa sarili at nahiga na.
Dito, dito lamang sa tabi ni Gino nararamdaman niya ang tunay na kapanatagan, dito lamang nya nahahayaan ang sarili na maging masaya, kumportable at malayo sa isipan tungkol sa kanyang magulong mundo.
Sa mga ganitong pagkakataon ay gusto nyang hilingin na sana naging normal na lamang syang tao na namumuhay sa normal na mundo para makasama nya si Gino ng walang problema.
‘Ginobabes, you are my home, my heart resides on you.’
Habang tumatakbo ang hiling na iyon sa kanyang isapan ay nilamon na sya ng kadiliman at nakatulog na.
SI GINO
naman ay nagpatuloy sa paglilinis ng bahay, nagwalis at nag mop sya ng sala hanggang sa kusina.
Nang makapagluto na siya ng agahan ay pinuntahan na niya si Cain para gisingin.
Naabutan niyang mahimbing pa rin ang tulog nito, ayaw sana niyang gisingin pero kailangan din nitong kumain.
Umupo siya sa gilid ng kama at marahan nya itong inalog sa braso habang tinatawag ang pangalan nito.
“Cain, Gising na.”
“Uyy, Cainn!”
Napabuntong hininga siya ng hindi talaga magising ito kahit ilang beses na nyang inalog ang balakit nito.
Habang ginigising ito ay hindi niya mapigilan ang sarili na pagmasadan ang gwapo nitong mukha.
Thumb
Napahawak siya sa kanyang dibdib dahil sa pagbilis ng tibok nito.
Di niya maipaliwanag pero gumaan ang kanyang pakiramdam at sumaya siya ng mapagtanto na kahit saan si Cain pumunta at kung sino man ang kasama nito, siguradong sa kanya pa rin ito uuwi pagkatapos ng lahat.
Dahan-dahan niyang inangat ang kamay para ayusin ang bangs na nakatapon sa mata nito.
Napangiti sya at napatingin ng puno ng pagmamahal sa tulog nitong pigura nang mas mapagmasdan niya ng maayos ang gwapo nitong mukha.
‘Handa ko na nga bang tanggapin ang lahat kung sakaling Mahalin kita? Kaya ko ba?’
Dahil sa iniisip ay di nya napansin na gising na pala ito.
“Kyaahh!” gulat na sigaw pa niya ng higitin sya nito pahiga. Napa-patong siya sa ibabaw nito.
“Masaya bang pagmasdan ang mukha ako?” anito kaya lalong napahiya siya.
“H-Hindi, kaya bitawan mo na ako!”
“Nope, admit it first Ginobabes,” nakangising turan nito sabay halik kanyang pisngi.
“Ahhh!! Cain tigilan mo ako!” inis na sigaw niya dito.
Wala namang narinig ito sa kanyang mga pakiusap at pinagbaligtad pa ang kanilang posisyon, kaya naman siya na ngayon ang nasa ilalim.
Katulad nga ng kinatatakutan nya ay pinaulanan na sya ng halik nito, sa noo, pisngi at buong mukha habang binibigkas ang mga salitang ito…
“Cute.”
“Adorable.”
“So pretty.”
Pilit naman niyang pinipigilan ito pero nauwi na sa tawanan ang lahat ng makiliti siya.
“C-Cain haha tama na, kakain na tayong agahan.”
“I don’t wanna, my breakfast is in front of me now,” makulit na sagot pa nito kaya lalo siyang napahiya.
‘Daming alam ng callboy na to,’
isip isip pa niya.
‘Para namang di ka kinilig?’
saad ng malandi niyang utak.
‘Ewan ko sayo, pwede bang magpa brain transplant? Gusto kong magpapalit ng utak.’
Makalipas ang ilang sandali ay tumigil din ito at tinitigan sya derekta sa mata.
Napansin nya sa itsura nito ngayon na wala na ang bakas ng pagod na meron ito kanina lamang. Ang mga ngiti nito ay masaya at ang mata naman ay may kakaibang kislap.
Napangiti siya ng mapagtanto na maayos na ang kalagayan ng lalaking mahalaga para sa kanya.
Nang mapansin na balak na naman syang halikan nito ay tiningan niya ito ng masama, nakakuha sya ng unan at hinampas ito.
Bago pa siya mahawakan nito muli ay mabilis na umalis siya sa kama.
“Bahala ka dyan, basta ako’y kakain na,” aniya sabay lakad palabas ng kwarto.
“Wait, babes!”
Narinig pa niya ang sigaw nito at ang mabilis na yabag ng paa na sumunod sa kanya.
-------------------------+++
‘Amen’
Pinagdikit niya ang mga kamay sabay yuko para rumespeto sa dyos pagkatapos nyang magdasal.
Narito na sila ngayon sa simbahan ni Cain, katatapos lamang ng misa at palabas na sila.
“Ginobabes, where do we go next?”
“Hm, balik kaya tayo dun sa amusement park na pinuntahan natin dati. Di ba marami pa tayong rides na di nasasakyan dun?”
Tumango naman ito bilang sumagot sa kanya. Sumakay sila sa taxi papunta doon.
‘Heaven Amusement park? Kaya pala feel ko mamamatay ako nung huling nagpunta kami dito,’
isip-isip pa nya habang binabasa ang pangalan ng parke.
Pumasok na sila dito at katulad ng dati ay napakarami pa ring mga tao, pamilya, magkakasintahan at mga bata.
Nagsimula na silang maglibot sa paligid para maghanap ng rides na kakaunti ang pila.
Ewan ba ni Gino pero bwisit talaga sa buhay niya itong si Cain, lagi nang itinuro ang mga extreme rides na wala syang balak sakyan. Tinitingnan pa lang nya ang mga ito ay parang bumabaligtad na ang sikmura nya.
“Wala na bang ibang rides dito?” aniya dito.
“Wala na, ayaw mo naman sumakay sa mga pinipili ko.”
“Baliw ka ba, di ko kayang sumakay sa mga yun,” kinikilabutang sagot pa niya dito.
Pagliko nila ay may natanaw si Cain kaya kinulbit sya nito.
“How about in there, Ginobabes?”
Hindi naman agad siya humarap sapagkat akala nya ay inaasar na naman siya nito.
Di siya nakatiis at sinundan rin ang diliri kung saan ang tinuturong lugar nito.
Nanlaki ang mata nya habang nakatingin doon, sunod na lamang nyang nakita ay nakasakay na sya sa isa sa mga kabayo ng Carousels.
Katabi nya si Cain at inaalalayaan lamang siya. Pinagtitinginan sila ng mga narito sapagkat puro bata ang mga kasama nya. Siya lang ang isip bata.
Hindi na lamang niya pinansain ang mga ito sapagkat ganitong klaseng rides lang ang kaya nyang sakyan.
‘Masaya din naman dito, kahit saang lugar naman masaya basta kasama ko sya,’
sabay tingin nya kay Cain.
Matapos ang horse back riding nya sa carousel ay nakaramdam na sila ng gutom.
Halos 4:30 na rin naman ng hapon kaya naisipan muna nilang bumili ng snacks.
Maraming stall na nagbebenta ng mga pagkain. May pizza, hotdog, burger at marami pang iba kaso wala dito ang gusto niya.
“Hey, nakapili ka na ba ng gusto mo?” tanong pa ni Cain sa kanya habang naglalakad sila sa tapat ng mga food stalls.
“Hmm, w-wala naman dito ang gusto ko.”
“What do you want? I’m gonna find it for you.”
“Egg pie sana kaso wala naman ata dito, hmm kahit ano na lang Cain na tinda dito,” aniya para hindi na maghanap ito.
Kaso dahil matigas nga ang ulo nito ay binigyan lamang sya ng isang iling.
Hinawakan nito ang kanyang kamay at pinaupo siya sa isang bench.
“Wait for me, I’m going to buy you some egg pie,” confident na sagot pa nito.
Ilang sandali ay nagulat sya ng may dala na itong 2 box na egg pie, hindi lang yun may drinks din.
“Woah, saan ka nakabili?” manghang tanong pa nya dito.
“Outside,” tipid na sagot nito.
Tumango sya at nagpasalamat, masaya nilang pinagsaluhan ito habang pinagmamasdan ang buong paligid.
Pagkatapos kumain ay nagpaalam sya na mag C-Cr lang, gusto sana syang samahan nito pero biglang may tumawag dito.
Hindi naman ganun kalayo ang restroom kaya nakabalik sya agad. Kumulo ang dugo niya ng makitang may haliparot na babaeng nilalandi si Cain.
“You didn’t call me after that, you’re so mean~”
“I’m busy and I have someone with me right now so you better leave.”
“I don’t care, lets have some fun ----tonight~” pang aakit na turan pa ng babae habang akmang hahalikan ito.
Hindi niya inaasahang gagalaw ng kusa ang kanyang katawan para tumakbo sa kinalalagyan ng mga ito at higitin palayo ang babae.
“HEY! bitc—”
”
Fuck. off.
W
omen
,” saad niya habang pinanglilisikan ng tingin ito.
“You—fag!” sigaw pa nito sabay walk out.
‘Ito ba ang sinasabi ni Cain na ugali ko, biglang tumatapang kapag galit o inis? Hindi ko alam pero nagpapasalamat ako dahil dito, ay kaya kong sabihin sa babaeng ito na may nagmamay ari na sa lalaking nilalandi niya.’
Nang makaalis ang babae ay napahinga naman sya ng malalim dahil sa biglang emosyon na naramdaman.
‘Ako ba talaga yun?’
naguguluhang tanong pa nya sa sarili. Nawawalan sya ng kontrol sa sarili kapag tungkol na kay Cain at yun lang ang sigurado sya.
Nang mapagtanto nya ang lahat ay bigla syang napatingin kay Cain. Nakangisi at may paghanga sa mukha nito kaya napayuko na lamang siya dahil sa hiya.
Hinawakan nito ang kamay nya at nagpatuloy sila sa paglalakad.
Dumidilim at lumalamig na ang paligid, medyo dumadalang na rin ang mga tao rito pero ito naman ang oras kung saan napaka gandang pagmasdan ang buong parke.
Ang mga jazz at lively na mga tugtug sa buong park ay napaltan na ng mga mellow at love song.
Katulad na lamang ngayon, biglang kumabog ng malakas ang kanyang puso ng marinig ang kanta na tumutugtug sa buong park.
🎶
I can’t fight this feeling any longer
And yet I’m still afraid to let it flow
What started out as friendship has grown stronger
🎶
Dahil dito ay bigla nyang na alala ang unang beses silang nagkita, masama man ito at kakaiba, nakakatakot man ang una nyang impresyon kay Cain pero hindi nya maitatanggi ang kabaitan nito at mag aalalaga sa kanya.
🎶
I only wish I had the strength to let it show
I tell myself that I can’t hold out forever
I said there is no reason for my fear
‘Cause I feel so secure when we’re together
🎶
‘Alam kong marami akong bagay na kinatatakutan pero hindi ko na kayang pigilan ang nararamdaman ko para sa kanya.’
Ramdam ni Gino na sa bawat oras na magkasama sila ay parang sasabog ang kanyang puso sa umaapaw na damdamin na di niya mailabas.
“Is there any problem Ginobabes? You look bothered.”
“H-Hindi ah, okay lang ako,” sagot naman niya dito habang napapakagat labi.
Gustong gusto nyang aminin at tanggapin ang nararamdamang ito.
“Are you sure? Gusto mo na bang umuwi?” tanong muli nito.
“May gusto akong sakyang ride bago tayo umuwi,” sagot niya dito sabay turo sa ferris-wheel.
Ngumiti naman ito sa kanya at magkahawak ang kamay na naglakad sila patungo roon.
🎶
You give my life direction, you make everthing so clear
And even as I wander, I’m keeping you in sight
You’re a candle in the window on a cold, dark winter’s night
🎶
Nang makasakay ay tanaw na tanaw nila ang kabuohan ng park, maliwanag at napakaganda.
Magkaharap sila kaya napagmamasdan nya ang mukha ni Cain. Kung paano magningning ang mta nito na parang isang batang ngayon lang nakakita ng magandang lugar.
Kung paano masilawan ng ilaw ang maganda nitong ngiti.
Napabuntong hininga na lamang si Gino at napailing.
🎶
And I’m getting closer than I ever thought I might
And I can’t fight this feeling anymore
I’ve forgotten what I started fighting for
🎶
‘Talo ako, mula sa unang pagkikita namin noon ay tumibok na ang puso ko para sa kanya. Ngayong napagtanto ko ang lahat. Katulad ng sabi sa kanta, hindi ko na alam ang ipinaglalaban ko para iwasan ang pagmamahal na noon pa man ay nasa puso ko na.’
🎶’
Cause I can’t fight this feeling anymore
🎶
Napangiti sya nang marinig ang lirikong iyon.
‘Mukhang I can’t fight this feling anymore na rin, handa na ako sa lahat ng bagay na hahadlang sa atin, mula sa trabaho mo hanggang sa mga bagay na di mo pa naipagtatapat sa sakin. Cain ----’
Habang nakatingin sa gwapong mukha ni Cain ay naamin na niya sa kanyang sarili na ang bagay na gumugulo sa kanyang isipan at nagpapakabog ng kanyang dibdib.
’ -----
MAHAL KITA’
---------------------------------❤️❤️❤️
Pls. don’t forget to
VOTE
and
COMMENT
THANKS
and
BYIEE
💕
MB 36
I hope you enjoy reading this chapter 💕
GINO’S
POV
Napapangiti ako habang na-aalala ang nangyari noong nakaraang linggo. Hayys sa wakas na amin ko din sa aking sarili na tunay ko na ngang mahal si Cain.
Kung alam ko lamang na ganito kagaan sa kalooban ito ay matagal ko na sanang ginawa.
Hindi ko pansin na habang nagmumuni-muni ako ay may binabalak palang masama si Mars.
“KYAAHH!!” malakas at nakakahiya kong sigaw dahil sa panggugulat niya.
Napatakip ako ng mukha dahil sa hiyang aking nararamdaman habang nagtatawanan ang aking dalawang kaibigan ganun din ang ibang tao dito sa Cafe kung nasaan kami ngayon.
“Mars naman,” inis na ani ko habang hinahampas siya sa braso.
“HAHAHA sorry na bhes, tulala ka kasi.”
“Oo nga naman siz, ano bang iniisip mo at may pangiti-ngiti ka pa dyan?” tanong naman ni Jewel.
“W-Wala naman, wala akong iniisip,” pagtanggi ko pa.
Napasilay ako sa ibang tao na narito sa Cafe, natatawa rin sila dahil sa pakulo ni Mars.
Bigla kasi niya akong kiniliti sa bewang kaya muntik na akong mahulog sa upuan ko.
‘Hayss, bakit nagkaroon pa ako ng mga kaibigan ay mga baliw naman, dapat ‘di ko na sila sinamahan dito eh.’
“Wala raw, baka naman naka-score ka kay fafa Cain kagabi?” sagot ulit ni Mars kaya lalong nagkatawanan sila.
Para namang umuusok na takore ang aking mukha dahil sa hiya. ‘Mga luka talaga, hindi ba sila nahihiya sa sinasabi nila?’
“HAHA joke lang yun siz Gino ah, baka makaiyak ka dyan,” saad pa ni Jewel sabay kurot sa pisngi ko.
Hindi ko pa na aawat ito ay sumali pa si Mars kaya naman namumula at masakit ang pisngi ko.
“Bahala kayo basta oorder na ako,” nakalabi na turan ko pa sa kanila.
Napangiti na lamang ang dalawa at kinuha na rin ang menu na nakapatong sa tapat nila.
Habang napili ako ng ma-oorder ay napansin ko ang malungkot na ekspresyon sa mukha ni Jewel habang tahimik itong nakatingin sa kanyang hawak.
Siguro may problema o pinagdadaanan sya ngayon, itinatago lamang nya ito sa pamamagitan ng pagtawa at pagngiti.
Dahil hindi ako mapakali dahil sa aking iniisip ay nilakasan ko ang aking loob na tanungin siya.
Kaibigan ko si Jewel at lagi syang nandyan para sakin. Gusto ko naman na suklian iyon kahit sa maliit na bagay lamang.
“Ah Jewel, may prob—”
“Mga nag gagandahang madam, ano pong order n’yo?”
Napanguso ako dahil hindi ko naituloy ang sasabihin ko, bigla kasing sumingit si kuyang crew.
Habang nakikipag usap at harutan sina Jewel at Mars sa lalaki, pansin ko na bumabalik ang mga ngiti ni Jewel pero nandon pa rin ang kakaibang lungkot niya.
Ibinigay ko na rin ang order ko kaya umalis na ang lalaki.
“Siz Gino, may sasabihin ka ba?”
Napatingin muli ako sa kanya dahil sa bigla nitong pagsasalita.
“A-Ah, ano kasi---”
Gusto kong sampalin ang sarili ko dahil sa kabang nararamdaman.
‘Magtatanong lang naman ako eh, bakit ba ako natatakot?’
Habang hindi ako magkaintindihan kung anong sasabihin ko napatingin ako kay Mars para humingi ng tulong, mabuti na lamang dahil napabasa na pala niya ang nasa aking isipan.
Napabuntong hininga si Mars at hinawakan ang balikan ni Jewel.
“Alam mo bhes Jewel, kung may problema ka pwede mo naman kaming kausapin. Wag mong sulohin lahat, sabi nga nila share-share rin. Lalo na at magkakaibigan tayo,” madamdaming saad ni Mars sa kanya.
Napatingin naman siya kay Mars at sa akin tapos hindi namin inaasahan na bigla itong…
Natawa.
“HAHAHAHA, shitt ganito pala pakiramdam ni Siz Gino kapag kinakausap natin siya lagi,” anito sabay nagpupunas ng luha sa gilid ng mata dahil sa labis nyang pagtawa.
Napailing na lamang ako bago sumagot. “Ngayon feel mo na.”
“Sobra haha,” pagtawa pa niya pero nasundan ng pagkabasag ng kanyang boses,“Sobra talaga.”
Napaluha na siya at napayuko sa mesa. Hinaplos ko ang buhok niya habang hinahagod naman ni Mars ang kanyang likod para mapakalma ang lumuluha naming kaibigan.
Kung ano man ang pinag dadaanan ni Jewel ngayon ay siguradong hindi madali.
Nang dumating ang aming order ay pinainom muna namin siya para mas gumaan ang kanyang pakiramdam.
“Kapag handa ka nang ibahagi sa amin ang lahat, nandito kami para makinig ah,” aniko sa kanya.
Binigyan naman ako niya ng isang pilit na ngiti at saka tumango.
Kumain na lamang kami ng tahimik at nang matapos ay bumalik na rin sa opisina kung saan ay nasa tapat lamang ng Cafe na ito.
Sawa na daw kasi silang dalawa sa itinitindang pagkain sa Cafeteria kaya mag-try naman daw kami doon.
Pakiramdam ko ay kaya nag aya si Jewel ay para makapag labas siya ng kanyang tunay na nararamdaman.
“Okay ka na bhes Jewel?” ani Mars habang naglalakad kami palabas ng elevator.
“Oo naman, pasensya na kayo nakita n’yo pa ang pagiging best actress ko.” Sa pag tawa pa lamang niya ay halata nang nagpinapatibay niya ang kanyang sarili para hindi na muli lumuha ng ganun.
Nag uusap ang dalawa habang tahimik lang naman akong nakikinig sa kanila, papasok na kami sa working station ng biglang nagmamadaling lumabas mula doon si sir Yuan.
“Mr. Dimapilit, kanina pa kita hinahanap,” aniya pa sa akin.
Napatingin naman ako ng may pagtataka dito at napasilay sa aking mga kasama. Doon ko napansin ang pagtungo ni Jewel na para bang ayaw niyang magtama ang mga mata nila ni sir.
‘Hmm, kakaiba ito ha, sobrang crush ni Jewel si Sir Yuan kaya lagi nitong kinukulit ito, madalas ko din silang nakikitang makasama at nag uusap. Bakit kaya ngayon ay parang may tampuhan sila?’
“---no”
“Gino!”
“Ayy yes sir, ano nga po ulit iyon?” gulat na sagot ko ng magising ako sa aking pag iisip.
“Sabi ko, sumama ka sa akin ngayon na,” masungit na sagot niya na para bang highblood na highblood.
Natango naman ako at hinayaan na mauna siyang maglakad.
“Jewel, Mars kita na lang tayo mamaya,” ani ko sabay lakad pasunod kay sir.
Bago ako tumalikod ay nakita ko pa ang paglungkot lalo ng mga mata ni Jewel na para bang nagseselos siya.
Di naman ako sigurado kaya napakibit-balikat na lamang ako. Hindi ko man alam kung saan kami pa punta ay sumakay na rin ako sa elevator kasama si Sir.
Tatlong taon na rin akong nagtatrabaho sa kumpanyang ito sa ilalim ng pamamahala ni Sir Yuan, ngayon ko lamang siya nakitang stress at may malalim na iniisip.
Sanay kasi kaming lahat na lagi siyang masungit pero cool at astig pa rin. Para bang personal yung problema niya at umabot pa sa punto na nadadala na niya ito sa trabaho.
TING!!
Nawala ang aking pagtitig sa kanyang likuran dahil sa pagtunog ng elevator.
Paglabas namin ay napuno ng pagtataka ang aking isipan. Hindi kasi pamilyar ang floor na ito sa akin. Siguro ay hindi pa ako nakakapunta dito kahit noon.
“Ah Sir, nasaan po tayo at saka ano pong gagawin natin dito,” di ko mapigilang tanong.
“Just see for yourself,” tipid na sagot niya sabay bukas ng isang pinto.
Pinauna niya akong pumasok kaya nailibot ko ang aking paningin sa paligid. ‘Malaki at napakagandang silid naman nito.’
Halos mapatalon ako sa gulat ng biglang may nagsalita sa aking likuran.
“Oh, finally you two are here, have a seat.”
Napanganga ako ng mapagtanto na ang matandang lalaki na kaharap ko ngayon ay ang CEO ng Shinwoo company. Si Mr. Shinwoo mismo.
Isa lamang akong ordinaryong empleyado kaya sa larawan ko pa lamang nakita ang may ari ng kumpanyang ito.
Dahil sa hiya mula sa aking pagkatulala ay nagmadali akong napatakbo paupo sa sofa na nasa gitna ng malaking silid na ito. ’
Kaya pala malaki at maganda ang lugar na ito, ang gumagamit pala nito ay ang mismong CEO ng kumpanya.’
Tahimik lamang akong nakatingin sa kanya habang kumakabog ng malakas ang aking puso dahil sa kaba.
‘Goodness baka tatanggalin na nila ako sa trabaho? Pero kung ganun nga ay para namang ang VIP ko, mismong may ari pa ng kumpanya ang magfi-fired sa akin, pwede namang si Sir Yuan na lang.’
“Wag kang kabahan hijo,” nakangiti pa niyang saad kaya nakahinga ako ng kaunti.
‘Mabuti na lamang at mukha namang mabait si Mr. Shinwoo.’
“Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa Mr. Lee at Mr. Dimapilit, kaya ko kayo ipinatawag ay dahil sa bagay na ito.”
Napatango naman ako at napatingin sa folder na inilapit nito sa aking tapat.
“Ah para po ba sa akin iyan?” tanong ko pa sabay turo sa folder na itim.
Sinagot naman ako niya ng isang tango kaya napalingon pa ako kay si Yuan. Kaso mukhang malalim pa rin ang iniisip niya kaya hindi na nga ako napansin pa.
Kinuha ko sa mesa ang folder at binuklat ito. Ang una kong napansin ay ang logo sa taas parte ng papel.
‘Mula sa pagkakatanda ko ay logo ito ng Z CORP,’
saad ko sa aking isipan at sinumulan ng basahin ang mga nakasulat dito.
Habang tumatagal ay wala lalong akong naiintindihan sa lahat ng nakasaad dito.
Hindi ko na mawari kung tama ba ang pag kakaintindi ko kaya ibinaba ko na ang hawak na folder.
“A-Ah Mr. Shinwoo, ibigsabihin po ba nito ay… ?”
Umayos siya ng upo saka tumingin sa akin ng deretso.
“Yes, Mr. Gino Arien Dimapilit. I know that you are already aware about the partnership with our company and the Z CORPORATION, right?” seryosong panimula niya.
“Y-Yes Sir.”
“They’re requesting about your assistance in there company.”
“K-kailangan ko pong lumipat doon?” di makapaniwala kong tanong dito.
“Yes if you just want to, nasa iyo pa rin naman ang desisyon kaya sana pag isipan mo ito ng maigi, Mr. Dimapilit.”
“Z CORPORATION is the leading enterprise in comes with the high technology building software not just in Asia but the whole globe today. We’re just lucky that they noticed us and build a connection with our company. Ilang taon na natin silang sinusuyo na maging business partner kaya naman ayaw ko sanang ma-disappointed sila.”
Lalo akong kinabahan dahil sa sinabi niya. Napressure naman ako dahil parang sa akin nakasalalay ang ika gaganda ng image ng aming kumpanya.
“Naiintindihan ko po sir, pag iisipan ko po ng maayos,” magalang na sagot ko sa kanya.
Tumango naman siya at ibinigay sa akin ang folder. Nang palabas na kami ni sir Yuan ng opisina ay biglang tinawag muli ito ng CEO kay naiwan na ako sa labas ng pinto.
Medyo natagalan si Sir sa pakikipag usap sa loob kaya naglakad lakad muna ako sa pasilyo.
Napakaganda ng floor na ito, may pa red carpet pa talaga na nakalatag sa buong hallway.
May mga paso rin na may lamang magagandang halaman.
‘So ito pala ang highest floor kung saan matatagpuan ang office ng CEO at balita ko ay may ipinagawa rin na bagong office dito para ata sa representative ng Z Corporation.’
Sa paglalakad ko ay may nadaanan akong nakakawang na pinto.
Dahil sa pagiging mausisa ko ay sumilip ako sa loob nito.
Nang mapagmasdan ko ang kabuohan ng lugar ay sobra akong humanga.
Hindi ko namalayan na dahil sa pagkabighani sa lugar na ito ay nakapasok na pala ako sa loob.
Parang 10x na mas maganda pa ito sa office ni Mr. Shinwoo, at mas malaki d
Rin.
‘Hmm napakahalaga pala talaga ng partnership ng aming kumpanya sa Z Corp. Akalain mo nga naman na mas maganda pa ang office ng representatives nila kaysa sa office ng CEO namin.’
Halatang bago lahat ng gamit na meron ang opisina na ito. Hindi na ako magtataka dahil wala pa namang dalawang buwan mula ng itayo ang lugar na ito.
‘Dahil sa linis nito ay mukhang wala pang gumagamit dito ah,’
saad ko pa sa aking isipan.
Napatuon din ang aking paningin sa maganda at malinis na mesa dito.
‘T-Teka, may name plate pala dito.’
“Mr. Sin------”
Lalapitan ko na sana para basahin ng malinaw ng bigla namang tumunog ang pintuan sa aking likuran kasunod noon ay ang boses ni Sir Yuan.
“Gino, anong ginagawa mo dito?”
“Ah w-wala po, kala ko po CR hehe,” mabilis na sagot ko sabay kamot sa ulo.
Halata namang hindi ito naniniwala pero mabuti na lamang dahil hindi na ito nagtanong pa.
Sinenyasan na lamang ako niya na sumunod sa kanya palabas.
Habang naglalakad kami palapit sa elevator ay napatanong ako dito.
“Sir, ang opisina na yun po ba ay para sa representative ng Z Corp?”
“Nope, ipinagawa yun ni Mr. Shinwoo para sa CEO ng Z Corp. Para maipakita ang pasasalamat at pagkilala. Kapag nais ng may ari ng Z Corp na bumisita ay may opisinang magagamit ito.”
Sunod sunod ang naging pagtango ko dahil sa aking nalaman.
Lumipas ang ilang sandali ay nakabalik na kami sa aming floor at papasok na sa working station.
Dala ko pa rin sa aking isang kamay ang folder na itim at naglalaro sa aking isipan ang muntik ko ng pagkakakilala sa misteryosong may ari ng Z Corp.
Naging mabilis ang natitirang oras ko sa opisina dahil sa pagiging abala ay hindi ko na namalayan ang oras.
“Uyy bhes ano? Una na ako ha.”
Napatango ako dahil sa pamamaalam ni Mars, mukhang may date sila ni Kevin kaya mauuna na syang umalis. Si Jewel naman ay mukhang nagmamadali rin.
Sa tingin ko ay may nangyari talaga sa kanila ni Sir Yuan, pansin ko kasi na iniiwasan ni Jewel si Sir pag nagkakasalubong sila.
’
Malungkot kaya si Jewel dahil kay Sir? Hayss ano kaya talagang nangyari sa kanila?’
Maaga kaming natapos sa aming gawain kaya pwede na akong umuwi.
‘Goodness!’
sigaw ko sa aking isipan habang mabilis na tumatakbo palabas ng building.
Hindi ko inaasahan na makakapag overtime ako ngayon, huli na nang mapansin na nakailang missed call na ang galing kay Cain.
‘Naku po! Kanina pang naghihintay si Cain sa labas, 7:50 pm na.’
Kahit madilim na ay binagtas ko ang parking lot papunta sa gilid ng building. Inaasahan ko na wala ba sya doon pero kailangan ko pa ring makumperma kung tama ang hinala ko.
Pagliko sa gilid ng building ay halos wala akong maaninag dahil sa dilim doon.
‘Hayss, syempre naman wala na siya dito. Ilang oras na ba ang lumilipas?
’
Babalik na sana ako ng humampas ang aking mukha sa isang matigas na bagay o pader.
“Aray,” ani ko sabay haplos sa aking noo.
‘Kelan pa nagkapader dito? Goodness ang dilim kas---’
Naputol ang aking pag iisip dahil sa malakas kong sigaw.
“AHHH GOODNESS WAG P—!!!”
Sa madilim na lugar na ito kasi ay biglaang may humawak sa aking braso at nagtakip sa aking bibig.
Nanginginig ako sa takot at kilabot.’
Magkakatotoo na ata ang lahat ng aking mga kinatatakutan’
“Shhh relax.”
Medyo nakahinga ako ng maluwag nang marinig ko ang pamilyar na boses na iyon, isama pa ang amoy na kilalang kilala ko.
Hinawakan ko ang kamay na nakatakip sa aking bibig at tinanggal iyon. Nang ramdam ko na malapit pa rin sya sa akin ay mabilis akong yumakap sa maiinit at matipuno niyang katawan.
“Cain, sorry natagalan ako.”
Sinuklian naman niya ang aking yakap at hinalikan ang noo ko bago bumulong.
“Don’t worry, I’m willing to wait---even for eternity.”
“Ha?” tanong ko pa, di ko kasi narinig ang huli nyang sinabi.
“Nothing, come on let’s go home.”
Napatango na lamang ako at sumunod sa kanya habang hawak niya ang kamay ko.
Ilang sandali pa ay nakauwi na rin kami.
Sumalubong kami ni Miggs, sabik na sabik dumamba ito kay Cain kaya napangiti ako.
‘Hayss gustong gusto talaga ni Miggs si Cain, minsan nagseselos na rin ako. Wala na ang atensyon sa akin ng baby Migss ko,’
napapangiwing isip isip ko pa habang nagbibihis sa kwarto.
Matapos akong mag ayos ng sarili ay nagtungo na ako sa kusina para magluto, gutom na ako at alam kong ganun din si Cain at Miggs.
Makalipas ang isang oras ay luto na ang hapuan. Tinawag ko ang mag ama mula sa sala para makakain na kami.
“What’s that?”
Napatingin ako kay Cain ng tumabi ito sa akin sa kama. Hawak ko kasi ngayon ang itim na folder na ibinigay ni Mr. Shinwoo.
Hindi pa rin ako makapag desisyon hanggang ngayon kung ano ang magiging sagot ko sa offer na ito.
“C-Cain, hmm may offer kasi sa’kin ang kumpanya namin,” ani ko sabay abot sa kanya ng folder.
Tinanggap naman nya ito at sinuri.
“What offer?”
“Ahm promotion at increase sa sahod,” sagot ko dito.
“That’s a good offer, why are you look so troubled?” saad niya sabay lapag ng hawak sa kama.
“Dapat akong lumipat sa Z CORPORATION kapalit ng mga iyon. Pag tinanggap ko ang offer ay mapapahiwalay ako kay na Mars at Jewel. Pag naman hindi, mapapahiya naman ang kumpanya namin sa may ari ng Z Corp.”
Hindi ko maiiwasan na Mapabuntong hininga dahil sa aking iniisip.
Nakatingin lang naman si Cain sa’kin at tahimik na nakikinig.
“Hayss, hirap magdesisyon. Sa tingin mo Cain, anong dapat kong gawin?”
Humiga naman siya sa kama at tumitig sa kisame. Mukhang seryoso naman ang pag iisip niya kaya hinayaan ko na lamang.
Maya-maya pa ng silayan ko siya ay napakamot na lamang ako sa ulo ng makitang nakatulog na pala siya.
“Haha tulugan ba naman ako?” natatawang bulong ko pa.
Hindi ko na siya ginising sapagkat alam kong pagod ito dahil sa trabaho.
Inayos ko na lamang ng kaunti ang kanyang posisyon at saka kinumutan.
Humiga na rin ako sa tabi niya at natulog.
Hindi ko alam kung guni-guni ko lamang iyon pero bago ako tuluyang makatulong ay narinig ko ang boses niya.
“Choose what you really want and makes you happy.”
KINABUKASAN
, paglabas namin sa bahay pag katapos ng mainit na last bug ni cain ay napadaan kami sa pinto ng kapitbahay.
Simula nung nakaraang linggo ay hindi ko na nakikita ang mag asawang sina Hellix at Zero.
Nakaka lungkot naman, baka umalis na sila tapos hindi manlang ako nakapagpaalam.
“Ginobabes, hurry up.”
Hindi ko inaasahan na napatigil pala ako sa tapat ng pinto na dating tinitirhan ng mag asawa.
Dahil sa pagtawag ni Cain ay nagising ako sa pagkatulala at tumakbo palapit sa kanya.
Dumating ang taxi at sumama syang muli. ’
Mukhang seryoso siya sa paghahatid sakin araw-araw ah’
“Bye Cain!”
“Bye babes, I’m gonna fetch you later,” aniya sabay kindat pa kaya naman ang ibang mga kababaihang kasabay ko papasok sa building ay nagtilian.
Napatawa na lang ako at nagpatuloy na papasok. ‘Bagong araw na naman ng nakakapagod na trabaho.’
Pagkalabas ng elevator habang naglalakad patungo sa working station ay na alala ko muli ang aking panaginip.
“Choose what you really want and makes you happy.”
Dahil sa panaginip na iyon ay lumakas ang loob ko na piliin kung ano talaga ang desisyon na gusto ko.
Pagpasok ko sa working station ay binati kaagad ako ni Mars, naroon din si Jewel at mukhang hindi pa rin maayos ang kalagayan nito. ’
Baka di pa rin sila nagbabati ni Sir, akala ko pa naman ay close na silang dalawa.’
Nagtungo ako sa aking table para simulan ang aking mga trabaho.
Dumaan ang nakakapagod na buong maghapon sa aking pagtakbo sa buong lugar ganun din ang masakit sa ulo at matang computer work.
Napainat na lamang ako ng braso pagkatapos ng lahat ng aking gawain.
‘Salamat naman at tapos na din, gusto ko ng umuwi at makita si Cain at m
Miggs.’
Masaya at maganda na ang iniisip ko ng sirain ito ng balita ni Mars.
“Bhes, nakalimutan mo ba? Nabanggit ko sayo kanina di ba na magce-celebrate tayo ngayon, at saka may I-announce daw si sir Yuan.”
Napangiwi ako ng maalala ko na may sinabi nga sya kaninang lunch, dahil siguro sa pagod at pagiging abala ay nakalimutan ko na iyon.
“Oo nga pala,” sagot ko na lamang at kinuha ang cellphone ko para tawagan si Cain.
Habang naglalakad papunta sa resting area ay nagda-dial ako ng number ni Cain.
“Ginobabes,” bungad nito mula sa kabilang linya.
“Cain, wag mo na akong sunduin mamaya ha. May pupuntahan pa kasi ako.”
“Sure,” tipid na sagot niya.
Hmm napatingin ako sa aking cellphone na bakas ang pagtataka. ’
Wow ang bilis kausap ni Cain ngayon ah, dati kasi ay tatanungin pa ako nun ng sandamakdak bago pumayag.’
Napakibit balikat na lamang ako at bumalik na sa aking table.
“Oh ano? Pinayagan ka ba ng asawa mo?” mapang asar na tanong pa ni Mars.
“Psh, yan ka na naman Mars.”
“Haha joke lang ikaw naman, excited lang ako sa celebration mamaya at saka curious din ako sa announcement ni Sir.”
Napatango na lamang ako dahil kahit ako man ay gusto ring malaman kung anong sasabihin ni Sir mamaya.
Mula sa aking kinalalagyan ay tanaw ko si Jewel, mukhang problemado pa rin ito pero hindi lang nito ipinapahalata. ’
Tanungin ko kaya si Sir mamaya?’
Dumating na ang oras na aalis na kami at sabay sabay na pupunta sa venue. Ano pa nga ba kung hindi Club na naman.
Sabay na kami ni Mars at Jewel sa taxi papunta doon. Lumipas lamang ang kalahating oras ay nakarating na kami.
Maraming tao at maingay ang paligid, mabuti na lamang at sa isang private area ang aming table.
Halos lahat ng member ng aming department ay narito kaya tagalang magulo at maingay. Nagkakasayahan ang lahat at nagkukwentuhan. Hindi rin mawawala ang pagkain at alak.
“Ang sarap ng sisig nila dito,” ani Mars habang inaalok ako ng pulutan.
Tumango na lamang ako at sumandok mula dito. Si Jewel naman ay katabi din namin dito at kumakain ng spaghetti.
Ewan ko kung pwede bang ipulutan ang spaghetti, pero mukhang paborito talaga niya iyon kaya kahit na tatawa kami ni Mars ay di na lamang naman pinipigilan.
“Listen every one!”
Tumahimik kaming lahat at tumingin kay sir, mukhang sasabihin na nito ang announcement niya.
“Masaya si Mr. Shinwoo dahil sa performance ng ating department sa nakalipas na mga buwan kaya naman bilang pasasalamat. 2 days from now ay magkakaroon ng PAID TRIP EXCLUSIVE FOR OUR DEPARTMENT sa TAGAYTAY!”
“WAHHH Thanks sir!!”
“Yes, vacation na itu!!”
Mga sigawan na narinig ko mula sa aking mga katrabaho, syempre hindi papahuli sina Mars at Jewel sa pagsigaw.
Masaya rin ako at excited. ’
Yey! makakapag vacation na rin kami ng sama samang magkakaibigan’
“Yes!! 3 days and 3 nights daw tayo dun.. Oh my gosh mga siz I’m so excited!” masayang sigaw ni Jewel habang hinahampas ang table.
“Oh yes! Ako rin bhes Jewel!”
Napangiti na lamang ako habang nakatingin sa dalawa, mukhang nakabuti sa mood ni Jewel ang balita ni sir.
Abala ang lahat kaya ng makita ko na wala nang kausap si Sir ay nilapitan ko na ito. “Ah Sir Yuan, pwede ko po ba kayong makausap?”
Mabilis namang humarap ito at ngumiti bago sumagot.
“Sure, let’s find a quiet place,” saad pa niya at tumayo kaya sumunod ako.
Sa may hallway papunta sa Cr kami nagtungo kung saan hindi masyadong rinig ang malakas na tugtog.
“Anong pag uusapan nat—Wait, tungkol na ba ito sa offer ni Mr. Shinwoo?”
Napakamot ako sa aking ulo, hindi kasi iyon ang pakay ko kaya gusto ko makipag usap pero dahil nabanggit na rin naman nya eh di sasabihin ko na ang naging desisyon ko.
“Ah sir hindi po iyon ang aking pakay pero nakapag desisyon na rin naman po ako tungkol dun.”
“So anong desisyon mo?” anito.
“S-Sorry po, pero di ko po matatanggap ang offer, hindi ko po kayang iwan ang kumpanya,” nakatungong sagot ko sa kanya.
“Buti naman.”
“Ano po yun sir?” tanong ko pa, para kasing may ibinulong siya.
“N-Nothing, If that’s your decision then we need to considered that.”
“Thank you so much po,” magalang na saad ko.
“Sir yun pong sasabihin k---”
Balak ko na sanang itanong ang problema nila ni Jewel ng may isang tao na di ko inaasahang makikita dito.
Masama ang tingin nito sa aking kasama, kung si superman siguro sya ay matagal ng patay si Sir Yuan dahil sa matalim at nakakatakot na tingin niya.
“Ah Cain, ano.. dito kasi yu---”
“Bakit ka nagpapaliwanag sa kanya, di ba kaibigan mo lang yan Gino?” maangas na turan na sir sabay hawak sa pulsuhan ko.
Nasaksihan ko ang lalong pag aalab ng titig ni Cain kay Sir Yuan, hindi ko alam pero parang nakikita ko na ang maitim na aurang nakapalibot dito.
“May problema ba, Cain?” tanong pa ng babaeng nakalingkis sa braso nya.
“Nothing,” bakas ang galit pero pigil na sagot niya sabay alis sa harap namin. Mabilis namang sumunod sa kanya ang babaeng kasama.
Masakit na makita siyang may kasamang babae pero alam ko namang wala akong pwedeng gawin. Sabi nga ni Sir Yuan, kaibigan ko lang si Cain. Walang relasyon na namamagitan sa amin.
kleyente ata niya yung babaeng yun. Hayss.. Dapat handa na ako dahil alam kong mangyayari ito mula pa lamang ng tanggapin ko sa aking sarili na mahal ko na nga siya talaga.
Masakit pero kailangan ko itong tiisin, ito ang kabarayan ng pagmamahal ko sa isang Callboy na tulad niya.
Hindi ako pwedeng magselos sa mga kleyente niya, wala akong karapatan.
“Are you okay?”
Napabuntong hininga na lamang ako bago sumagot kay sir.
“Opo sir, ah mauuna na po akong bumalik sa table.”
Tumango naman siya kaya naglakad na ako palayo.
Habang binabagtas ko ang daan pabalik ay hindi ko mapigilang maisip…
Hindi ko alam kung bakit parang galit si Cain eh wala naman akong ginagawang masama bukod pa dun ay nagpaalam naman ako sa kanya kanina. ‘Bahala siya sa buhay niya’
Masayang natapos ang celebration, nagkanya-kanya na ang lahat sa pag alis.
Sinundo ni Kevin si Mars at umalis na rin si Jewel. Nag-Cr pa ako kaya naman naiwan ako sa loob ng club.
Mabuti na lamang dahil hindi ako nagpakalasing. Maayos pa rin ang pakiramdam ko medyo nilalamig lang
nang makalabas ako sa club.
Madilim na ang kapaligiran sapagkat 11:00 pm na nang gabi ngayon. Yakap ko ang aking sarili habang naglalakad ng mabilis, pakiramdam ko kasi ay may nakamasid na naman sa’kin.
Pagdaan ko sa isang eskinita ay napasigaw ako sa gulat at takot nang may biglang humigit sakin mula doon.
“AHHHHHHHHH!!!!”
MB 37
I hope you enjoy reading this chapter 💕
GINO’S POV
“AHHHHH!!” malakas kong sigaw habang nagpupumiglas sa mahigpit nitong pagkakahawak sa akin.
Dahil sa takot at kaba ay wala akong ibang ginawa kung hindi ang sumigaw. Isama mo pa na napakadilim dito sa eskinita kaya wala rin akong makita.
Pilit kong tinatanggal ang kamay na nakahawak sa braso ko pero wala na akong nagawa nang mabilis ako nitong naitulak sa pader at kinulong sa pagitan ng malaki nitong katawan.
“BITAWAN MO---!”
Napatigil ako sa pagsigaw ng bigla ako nitong siilin ng isang mapusok na halik.
Ang mainit na labi nitong nanggi-gigil sa pag angkin ng aking labi ay naging sanhi ng panghihina ng aking tuhod.
Hawak nito ang aking bewang malapit sa kanyang katawan na para bang yakap ako nito.
Dahil sa tindi ng sensasyong aking nararamdaman ay hindi ko napansin na tinutugon ko na ang mga halik nito.
Sa madilim na lugar na iyon ay maririnig ang mahihinang ungol galing sa aming dalawa.
Ang dila nya na para bang may hinahanap at nilalasahan ang bawat sulok ng aking bibig, nakakahiya naman sapagkat alam kong tumutulo na ang aking laway sa gilid ng labi ko ngayon.
Itulak ko man ito ng ilang ulit ay hindi man lang ito natitinag. Ang kamay ko na humahampas sa dibdib nito ay mabilis nyang hinawakan at inilagay sa pader.
Medyo nakakaramdam na ako ng hilo dahil sa pagkaubos ng hininga, patuloy at wala kasing tigil ito sa paggalugad sa buo kong bibig.
Ilang segundong nakalipas ay tumigil na rin ito. Habol ko ang aking hininga dahil sa matinding halikan na iyon.
“G-GAGO K-KA CAIN!! P-Papatayi---” sa pangalawang pagkakataon ay inangkin na naman nito ang aking labi.
Ramdam ko sa mga halik nya ang inis at galit nito na hindi ko naman alam ang pinagmulan at dahilan.
Bumitaw ito sa aking labi at dumako ang mainit nyang hininga sa aking leeg. Napakislot din ako sa gulat nang maramdaman ang kamay nito sa aking pwetan.
Sabay sa pagkagat niya sa aking leeg ay pinisil din niya ang aking malusog na pwetan.
“Ah! Aray koo!” daing ko pa sabay tulak sa kanya, umagwat lang naman ito ng kaunti pero nakahawak pa rin ang mga kamay sa aking bewang.
Hindi ko man siya lubos na makita dahil sa dilim dito ay pansin ko pa rin ang ngisi na naglalaro sa mga labi nito.
Akala ko tapos pero nagawa pa ni Cain na bumulong sa aking tenga bago ako bitawan ng tuluyan. “That’s a warning, Ginobabes.”
Pagkasabi niya ng mga katagang iyon ay naglaho na siya sa kadiliman.
Kung hindi ako nakakapit sa pader ay siguradong napasalampak na ako sa sahig ngayon.
‘Gago talaga ang Callboy na yun, ang lakas mang halik tapos iiwan lang ako ng ganito.’
Sumandal muna ako sa pader habang pinapakalma ang sarili. Hanggang ngayon kasi ay malakas at mabilis pa rin ang tibok ng puso, nangangatal ang tunod at namumula ang pisngi ko.
Maya-maya pa ay dahan-dahan akong naglakad palabas sa eskinitang iyon. Napahinga ako ng maluwag ng masilayan ang kalsada. ’
Gabi na, pagod na ako kaya gusto ko nang umuwi.’
Maglalakad na sana ako palayo ng mula sa aking likuran ay may humila sa braso ko at mabilis na binuhat ako na parang sa bagong kasal.
Dahil sa bilis ng mga pangyayari ay hindi na ako nakapag-react pa. Napakapit na lamang ako sa leeg ni Cain.
Hindi ko na siya natanong pa ng makita ko ang taxi na naghihintay sa di kalayuan sa amin. ’
Mukhang kumuha lang siya ng taxi kaya siya umalis kanina’.
Napakagat labi na lanag ako para pigilan ang ngiti na gustong sumilay sa aking labi. Dahil sa kilig na nararamdaman ay napayakap na lamang ako dito.
Sumakay kami sa taxi at umuwi ng magkasama ng gabing iyon.
DALAWANG
araw na ang nakalipas mula ng celebration sa club.
Ngayon ay nasa kwarto ako at nag iimpake ng mga gamit na dadalhin sa pagpunta ko sa tagaytagay kasama ang lahat ng aking mga ka-department.
Hindi na galit si Cain dahil na ipaliwanag ko naman sa kanya ang tunay na dahilan kung bakit kami magkasama ni Sir sa club na yun. Ramdam ko na kahit nakikinig siya sa’kin ay may pagdududa pa rin.
Medyo may kirot sa aking dibdib ang nangyaring iyon sapagkat pakiramdam ko ay nagtataksil ako sa kanya kahit wala naman kaming relasyon.
“Here, you should bring a lot of thick clothes,” ani Cain.
Tumayo ako mula sa kama para abutin ang jacket na ibinibigay niya nang mawalan ako ng balanse.
Mabilis naman ako nitong nasalo at binuhat pabalik sa kama.
“Are you okay, Ginobabes?”
“Oo naman, nawalan lang ako ng balanse,” sagot ko sa kanya.
Sinalat naman nito ang aking noo at leeg at tinitingnan kung may lagnat ba ako. Napatango naman ito nang masiguro na wala akong sakit.
Pero ang totoo niyan ay halos ilang linggo ko na itong nararanasan. Kapag umaga ay lagi akong nakararamdam ng pagkahilo at pagsusuka.
Hindi ko alam na tunay na dahilan kung bakit ko nararamdaman ito. ‘Baka naman anemic na ako dahil sa pagpupuyat.’
“Are you sure you don’t feel anything?” pagkukumperma muli niya.
Tumango naman ako bago sumagot sa kanya. “Medyo nahihilo lang pero okay lang naman ako. Tsaka gusto ko talagang sumama sa paid vacation namin.”
“But you’re not feeling well.”
“Hindi naman sobra, magpapahinga na lang ako sa byahe,” nagrarason ko pa para pumayag siya.
Mukhang hindi siya sang ayon kaya ginamitan ko pa ng kaunting pagpapaawa. Napabuntong hininga muli siya at napailing.
“Tss okay, pero ihahatid kita para masigurado kong ligtas ka.”
Napangiti ako ng malapad dahil sa pag payag niya. Tinulungan niya akong ayusin ang lahat ng gamit ko sa bag ganun din ang mga pagkain na baon ko.
Inihabilin ko sa kanya si Miggs, tatlong araw rin kasi akong mawawala kaya sila lamang dalawa ang magkasama dito sa bahay.
Nasa may pinto na kami at handa nang lumabas ng bahay nang ibukas nito ang kanyang braso.
“Last hug?”
Masaya naman akong lumapit at yumakap sa kanya, binalot niy ako gamit ang malaki niyang braso at mainit na katawan. ’
Hays, mami-miss ko siya.’
Nagpaalam na kami kay miggs at sinara ang pinto ng bahay.
▼△▼△▼△▼△
“Waah, my gosh! So gwafu ni fafa Cain!”
Rinig kong bulong ni Jewel kay Mars sabay hampas sa braso nito.
“Oo super, di ba?” sagot naman Mars at ginantihan ang hampas nito.
Napailing na lamang ako dahil sa kalokohan ng dalawa kong kaibigan. Nasa van na kami ngayon at patungo sa aming destinasyon.
Ewan ko pero mukhang hindi pa rin nakakamove on si Jewel nang makita niya si Cain kanina, inihatid kasi niya ako sa harap ng building namin.
“Siz Gino, swerte mo,” nanggi-gigil na saad pa ni Jewel sa akin.
Napatawa na lang ako at hinayaan na silang mag patuloy sa pagkukwentuhan. Hinayaan ko na lamang ang aking sarili na makapagpahinga habang nasa byahe kami.
Excited na ako para sa vacation na ito dahil ito ang unang beses na magkakasama kaming magkakaibigan. Bukod pa roon ay mas ramdam ko na belong ako sa ngayon sa aming department, marami na akong nakakausap, nakakakwentuhan at nakakabiruan na mga katrabaho. Pakiramdam ko ay hindi na ako nag iisa at dahil lahat iyon kay Cain.
Siya ang nagbigay sa’kin ng lakas ng loob para harapin ang lahat, dahil sa kanya ay nakaramdam muli ako ng pagmamahal at pag aalaga, kung hindi ko siya nakilala siguradong introvert pa rin ako katulad noon.
Hindi ko alam kung gaano ako katagal nakatulog pero tanggahali na nang magising ako. ’
Ang tagal pala ng byahe namin, past 12 na oh.’
Medyo maayos na ang pakiramdam ko ngayon kaya masaya ako. Kita ko rin ang saya at pagkasabik sa mukha ng aking mga kasama at katrabaho.
Akala ko ay sa normal na hotel lamang aming tutuloyan pero nagkamali ako dahil sa isang hotel and resort pala.
’
Brizo Hotel & Mountain View Resort, wow napakaganda dito at nakalaki ng lugar.’
Tinulungan kami ng mga bellboy ng hotel para dalhin ang mga bagahe sa kanya-kanya naming kwarto.
Nang maayos na kung sino ang magkakasama sa kwarto ay nagpasya na kaming lahat na magpahinga.
Habang nakahiga sa kama ay Napabuntong hininga na lamang ako at napaisip…
’
Ano ba yan ang laki nitong kwarto pero mag isa lamang ako. Ang kasama kasi ni Mars sa kwarto ay si Kevin habang dun naman sa isa pang kwarto ay para kay na sir Yuan at Jewel. Naiwan tuloy akong mag isa.’
Dahil wala naman akong magagawa pa ay minabuti ko na lang matulog na para may lakas ako sa pamamasyal namin dito sa tagaytay mamaya.
PARA
sa unang araw namin dito sa tagaytay ay napagpasyahan namin na magtungo sa sikat na market dito.
Maraming nabiling souvenir si Mars at Kevin para sa pamilya nila, ganun din naman si Jewel.
Ako naman ay bumili ng tshirt para kay Cain at bagong flushy toy para kay Miggs. ’
Hayss miss ko na sila agad.’
Kakaalis lamang namin doon at papunta naman kami sa isang kilalang restaurant dito para mag dinner.
Habang naglalakad patungo doon ay may napansin akong napakaganda at mamahaling sasakyan sa tapat ng isang malaking condominium.
Kulay Itim ito at talagang mukhang bagong bago pa, sa tingin ko ay isa iyong Audi R8 V10.
’
Siguradong mayaman ang may ari nyan,’
isip-isip ko pa habang pinagmamasdan ang kotseng iyon sa di kalayuan.
Hindi ko naman inaakala na nandun pa ang may ari nito. Nagulat ako ng bigla iyong lumabas sa kotse.
Natulala ako at napatigil sa paglalakad. Nagpatuloy lang naman ang lalaki sa ginagawa nito at walang kaalam alam na nakatingin ako.
“Bhes, ang gaganda ng mga souvenirs na tinda doon ano?”
Rinig ko pang sabi ni Mars pero di ko na iyon na sagot pa.
“Uii siz, anong nangyari bakit parang nakakita ng multo?”
“A-Ah wala naman Jewel,” ani ko sabay patuloy sa paglalakad.
Lumingon pa ako pero mukhang wala na ang lalaking iyon, nakapasok na ata doon sa condominium.
Mabilis pa rin ang tibok ng puso ko dahil sa aking nakita.
’
Goodness, akala ko talaga ay si Cain yun pero impossible naman. Wala si Cain na mamahaling kotse, magandang tuxedo at Chopard De Rigo Vision na shades… Baka magkahawig lang sila.’
Kahit ganun ay kinabahan pa rin ako ng hindi ko maipaliwanag. ’
Siguro ay nagulat lang ako.’
▼△▼△▼△▼△
3RD PERSON’S POV
Pag alis ni Gino sakay ng van patungo sa tagaytay ay dumeretso naman si Cain sa kanyang kumpanya para umattend ng ilang meeting bago niya isagawa ang kanyang balak.
Ipinakuha niya kay Hellix sa bahay si Miggs para dalhin sa penthouse, hindi kasi niya ito ma-aalagaan dahil balak niyang sundan si Gino sa bakasyon nito.
Mukhang hindi pa muli gumagawa ng hakbang si Viktor sa ngayon pero walang balak si Cain na hayaan na malayo si Gino sa kanya at mapahamak doon.
“Zero, track Gino’s number,” aniya.
“Yes sir.”
Makalipas ang ilang minuto ay nakarating na sa underground parking lot na si Cain nang tumunog ang cellphone niya.
“Mr. Sinclair, he’s in the Brizo Hotel & Mountain View Resort, 3rd floor, room 307.”
Nang marinig ang impormasyon ay mabilis niyang ibinaba cellphone at pinaandar ang paboritong kotse na Audi R8 V10.
“Yeah baby, let’s go to your mommy Gino,” nakangising bulong pa niya dito.
Hapon na nang makarating si Cain sa tagaytay, meron naman siyang condo kaya doon na lamang niya naisipang tumuloy.
Ipinark niya ang kotse sa tapat ng condo at ibinigay ang susi sa helper doon. Malaking condominium iyon kaya ang services ay parang sa isang hotel. Maganda at mataas din ang security ng lugar na ito.
Hindi alam ni Cain na sa di kalayuan ay dumadaan naman si Gino kasama ang mga kaibigang sina Mars, kevin at Jewel.
Pagpasok pa lamang niya sa condo unit ay tumunog muli ang kanyang cellphone sa bulsa.
“What now, Hellix?” bored na tanong niya dito.
“Boss, mukhang ayaw saykin ni -----MIGSS AHHH!! BITAWAN MO K---BAD DOGG!!!”
Napabuntong hininga na lamang siya dahil sa kaguluhang naririnig mula sa kabilang linya.
Mga sigawan, murahan, tawanan at kung ano-ano pa. Nangingibabaw sa lahat ng ingay ang boses ni Hellix. Mukhang hinahabol ito ni Miggs.
Hinilot na lang ni Cain ang sintido at pinatay ang tawag. Ihahagis na sana niya ang cellphone sa kama ng bigla itong tumunog ulit.
Napangiti siya ng malapad at masayang sinagot ang tawag. “Ginobabes, how’s your trip?”
“Okay naman Cain, kanina pa kami nakarating sa Hotel, nakapagpahinga na nga ako kaya maayos na ang pakiramdam ko ngayon.”
“Good to hear that, what are you doing right now?” tanong pa niya habang unti-unting tinatanggal ang suot na tuxedo.
“Nandito kami sa ‘Don limone grill’ para mag dinner.”
“I see, enjoy eating and return to your hotel room safely,” aniya pa.
Pag katapos sumang ayon at magpaalam ni Gino sa kanya ay pinatay niya ang tawag at ipinatong sa bedside table ang cellphone.
Mula sa bag na dala niya ay humugot siya ng baon na damit. Wala sa sariling napangiti siya ng mahawakan ang tshirt na galing kay Gino.
Sa mga ganitong kasimpleng bagay ay nakararamdam na siya ng saya.
“I can’t wait to be with you, my Ginobabes,” aniya habang inaamoy ang damit na hawak.
SA KABILANG
banda naman ay masayang kumakain at nagkukwentuhan sina Gino habang nagdi-dinner.
Ang sir Yuan nila ay may inasikaso lamang kaya hindi nakasama sa kanila ngayon.
Habang kumain sila ay hindi pa rin niya nakakalimutan ang nakita kanina.
’
Napapagkamalan ko nang si Cain ang mga tao dito ano ba yan? wala pang isang araw na nagkakahiwalay kami eh nami-miss ko na siya,’
Napabuntong hininga na lamang siya dahil sa mga iniisip.
Maya-maya pa ay tumayo si Jewel at nagpaalam sa kanila na sasagutin lamang ang tumatawag sa cellphone nito.
Malapad ang ngiti at halatang kinikilig na nagmadali ito sa paglalakad patungo sa rest room ng restaurant.
’
Sa mga ngiting iyon ni Jewel ay parang alam ko na kung sino ang tumawag sa kanya,’
isip-isip pa ni Gino.
Susubo na sana ulit siya ng pagkain ng kulbitin siya ni Mars.
“Bakit Mars?”
Lumapit naman muna ito sa kanya at bumulong.
“Sa tingin ko ay si Sir Yuan ang tunawag kay bhes Jewel.”
“Yun din ang iniisip ko Mars, mukhang close na talaga sila ni sir ah,” aniya pa.
“Kaya nga, alam mo bhes. I smell something fishy sa kanila nila ni sir,” naghihinala na bulong muli nito sa kanya.
Napatango na lamang siya dahil ganun din naman ang kanyang iniisip.
“Uii ano bang pinag uusapan ninyong dalawa ah? Kanina pa kayong nagbubulungan diyan.”
“Wala to labidabs, kain na tayo ulit,” malambing na turan pa ni Mars sa boyfriend nitong si Kevin.
Napailing na lamang si Gino at napabulong.. ’
Sana ol, kasama na ang forever.’
Ilang sandali ay bumalik na ulit si Jewel at nagpatuloy na ang kanilang dinner.
Pagkatapos kumain ay bumalik na sila sa hotel. Napagpasyahan ni Gino na maligo muna bago matulog para presko ang pakiramdam, tinawagan din niya si Cain bago matulog.
KINABUKASAN
, napagdesisyonan na nila ang mga pupuntahan sa araw na ito at iyon ay sa twin lake shopping village, Picnic grove at sky ranch.
Mas marami sila ngayon sapagkat naisipan din ng iba nilang trabaho na sumama dahil nalaman ng mga ito na kasama nila ni sir Yuan.
Ayaw daw ng mga ito na hayaang sila lamang ang makapagbonding kasama ang gwapong supervisor nila.
Para sa first stop nila ay sa isang kilala at kakaibang shopping district dito sa tagaytay.
Habang nagtitingin-tingin sa paligid ay may naka agaw ng kanyang atensyon.
Mula sa di kalayuan ay may nakita na naman siyang simple pero magandang polo shirt .
’
Bagay kay Cain yun ah
,
’ isip-isip niya sabay lapit sa display na mannequin.
Isa itong gray na polo shirt na may kulay black na line sa kwelyo at sleeves. ‘Wow ang ganda, siguradong bagay na bagay sa kanya to.’
Aalis na sana siya para maghanap ng salesman ng biglang may magsalita sa kanyang likuran.
“You want that?”
“A-Ah Opo Sir, gusto ninyo rin po ang polo shirt na ito?” tanong pa niya dito.
“Nope, but I can buy it for you,” nakangisi pang saad nito.
“H-Hindi na po sir, wag na po.”
“No, i insis—”
Napatigil si Sir nang biglang dumating si Jewel na may dalang isang polo shirt din.
“Sir Yuan bagay sayo itong polo shirt na it— A-Ah sorry nakaabala ba ako sa inyo? Sorry siz Gino,” gulat na saad nito pero mas nangingibabaw ang lungkot at selos mga mata nito.
Bago pa mapunta sa isang hindi pag kakaintindihan ang lahat ay nagsalita na si Gino.
“Naku hindi Jewel, ang totoo niyan ay tapos na rin naman kaming mag usap ni sir, maghahanap na nga ako ng sale’s man ngayon. Sige una na ako,” aniya at nagpaalam na sa dalawa.
’
Hm, ayaw kong makagulo pa sa relasyon nila. Hihi ngayon ko lang napansin pero bagay pala talaga sina sir at Jewel. Masungit at seryoso si Sir tapos masayahin at easy-going naman si Jewel.’
’
Hihi Congrats sa kanilang dalawa.’
Makalipas ang ilang oras na pamamasyal sa shopping Village na iyon ay maraming nabili ang mga kasama at kaibigan niya sa lugar na iyon.
Masaya rin siya sapagkat nabili din niya ang polo shirt para kay Cain.
Dahil tanghali na, ang sunod naman nilang pinuntahan ay ang Picnic Grove kung saan pwede mag horseback riding, ziplining, swimming, shopping, at cable car riding.
At syempre nandito rin sila para mag picnic.
Maraming tindahan at mga mini resto na pwedeng bilhan ng mga pagkain na gagamitin sa picnic.
Excited din ang lahat para sa mga activities na meron ang lugar na ito.
Habang pumipili sila ng pagkain na dadalhin sa picnic nila ay may nakita na naman si Gino.
’
Hindi, namamalik mata lang ako. Hindi yun si Cain, imposibleng nandito siya ’
isip-isip pa nya sabay pilig ng ulo.
Nakita naman ni Yuan na may gunugulo sa isip ni Gino kay nilapitan niya ito.
“Gino, are you okay?”
“Y-Yes sir, okay po ako,” sagot naman ni Gino sa supervisor nila.
“Naku Sir wag na kayong mag alala diyan kay Gino, namimiss lang niyan sinl Fafa ----”
Napatigil sa pag sasalita si Mars sa gulat ng biglang sumigaw si Gino.
“CAIINNN!!!”
Napatingin ang lahat nang tumakbo siya palapit sa isang lalaki.
Humarap ang lalaki na tinawag ni Gino kaya nakumperma niyang si Cain nga iyon.
Hindi na niya naalala na maraming nakatingin sa kanila lalo na ang kanyang mg katrabaho ngayon. Masyado siyang nasabik nang makita na si Cain nga ang lalaking nakita niya kanina lamang.
Parang nagulat pa ito nang makita siya pero namutawi sa walang ekspresyong mukha nito ang isang ngiti na nakatuon lamang para sa kanya.
NANLAKI
ang mata ni Yuan nang makita ang pagyakap ni Gino sa lalaking nasa club noon. Ang lalaking ipinakilalang kaibigan ni Gino noon sa kanya.
Hindi siya bulag para hindi mapansin na may nararamdaman si Gino sa lalaking iyon.
Matinding selos ang nararamdaman niya ngayon. ’
Ako dapat ang niyayakap at mahal niya, hindi ang lalaking yan.’
Mula sa kanyang tabi ay rinig pa niya ang usapan ni Mars at ang boyfriend nito.
“Labidabs, di ba yan din yung lalaking naghatid kay Gino kahapon, yun ba ang boyfriend ni Gino?”
“Hindi Labidabs, asawa yan ni Bhes Gino.”
Rinig ni Yuan na sagot pa ni Mars sabay tawa.
Lalong nagngit-ngit ang bagang niya dahil sa inis. ’
Asawa pala ha?’
’
Pwes di ako papayag.’
KAHIT
nagtataka si Gino ay masaya pa rin siyang makita si Cain dito. Matapos ang madamdamin nilang pagyayakapan ay napalingon siya dahil sa sigawan ng kanyang mga katrabaho na nanunuod sa kanila.
”
Wahh! Gwafu ng boyfriend mo Gino.”
“Shiitte!! You’re so lucky Gino gurl.”
“Pakilala mo naman kami bhez!!”
Nahihiya man ay hinigit niya si Cain palapit sa mga kaibigan. Halos mahimatay ang mga kababaihan nilang kasama dahil sa pagpapakilala niya kay Cain sa mga ito.
Sinilayan naman niya ito at katulad ng dati, wala pa ring emosyon na nababakas sa mukha nito habang nakikipag usap sa iba.
Maya-maya pa ay inilayo muna niya si Cain para makausap. “Cain, anong ginawa mo dito?” aniya.
“For a construction job, but when I came here they already have enough people, so, I think I’m just going home,” saad pa nito na parang nagpaawa sa kanya.
Napakamot naman sa ulo si Gino at nadala sa pag papaawa nito sa kanya.
“Hmm s-sige na nga dahil nandito ka na naman ay sumama sa amin tapos bukas ka na lang umuwi.”
Ngumisi naman ito bago nagsalita.
“I’m glad to accept that Ginobabes, masaya akong makasama ka rito.”
Napatango na lamang siya habang itinatago ang namumulang pisngi. Isinama na rin niya ito sa picnic nila at mukhang welcome naman si Cain para sa lahat maliban lang kay Yuan.
Hindi ito umiimik at nang ipakilala ni Gino ito muli ay tumango lamang ito. ’
Mukhang umaandar na naman ang kasungitan ni Sir Yuan ah.’
Hindi na lamang niya ito pinansin at nag enjoy sa mga activities dito sa Picnic Grove.
Nag cable car sila, nag-sight seeing at nagpicturan. Mas naging masaya at maingay ang buong pamamasyal nila nang makasama nila si Cain. Kahit kasi hindi ito palaimik ay pinalilibutan pa rin ito ng mga katrabaho niya.
Ngayon ay nasa Sky ranch na sila at nakasakay sa napakalaking ferris-wheel.
Mula bintana ito ay kitang kita nila ang magandang tanawin. Ang buong amusement park at ang syudad. Dahil sa pag sakay dito ay naalala muli niya ang gabi kung saan ay tinanggap at inamin niya na mahal na talaga niya si Cain.
Habang nagmumuni-muni ay hindi niya napapansin na pinagmamasdan lamang siya ni Cain habang nakapinta sa mga labi nito ang isang tunay na ngiti.
“Come here,” anito sabay kaway sa kanya palapit.
Lumipat naman siya ng upuan at tumabi dito.
“Ano yun?”
“Nothing, I just want you to be near with me,” anito sabay higit sa kanya mula sa bewang palapit sa tabihan nito.
Kahit nahihiya ay hinayaan na lamang ni Gino na sumandal sa gilid ni Cain, hapon na at napakalamig sa lugar na ito kaya naman malaking tulong sa kanya ang body heat nito.
Tahimik, masaya at kontento na sila habang nakatanaw sa magandang tanawin nang biglang may maalala si Gino.
Napapitlag ito at mabilis na humarap sa kasama.
“CAINNNN! Walang kasama si Miggs!!”
▼△▼△▼△▼△
6:30 pm ngayon at nagpapahinga silang dalawa ni Cain sa hotel room niya.
Sobrang nag enjoy si Gino sa buong araw kaya naman kahit pagod na ay may energy pa rin siya.
Masigla siyang nagkalkal sa mga pinamiling pasalubong para kumuha ng damit na pwedeng ipasuot kay Cain. ’
Hays, mabuti na lamang dahil nakabili na ako kahapon ng mga souvenir shirt. May magagamit na si Cain ngayon.’
Naliligo pa ito ngayon kaya inihahanda na niya ang pwedeng pamalit nito. Magpapahinga lamang sila ng ilang oras tapos pupunta sila sa napag usapang restaurant para mag dinner.
Kahit sanay na makitang nakatapis lamang ito pagkatapos maligo ay talagang nakakaramdam pa rin si Gino ng pag iinit ng pisngi at mukha sa hiya kaya napapaiwas na lamang siya ng tingin mula dito.
Nakatalikod siya habang nakaupo sa kama, si Cain naman ay nagbibihis sa likuran niya.
“H-Hm Cain, di ba sabi mo ipapakausap mo sa’kin yung kaibigan mo na pinaghabilinan kay Miggs?” pag bubukas pa niya ng usapan.
Medyo awkward dahil nasa hotel sila tapos silang dalawa lamang ang magkasama.
“Of course,” saad nito sabay abot sa kanya ng cellphone.
Pagharap niya ay nakadamit na ito kaya nakahinga siya ng maluwag at saka inabot ang bagay na nasa kamay nito.
“Gusto ko lang masiguro na inaalagaan nila ng maayos si Miggs doon,” aniya bago sagutin ang tawag.
“Hello,” turan ng lalaki sa kabilang linya.
“Ah hello po, ikaw ba yung kaibigan ni Cain na pinaghabilinan niya kay Miggs?”
“Oo ako nga, okay naman siya dito… Gusto mo bang makausap?”
MB 38
I hope you enjoy reading this chapter 💕
3RD PERSON’S POV
[“Oo ako nga, okay naman siya dito.. Gusto mo bang makausap?”]
Hindi napigilan ni Gino na mapangiwi dahil sa sinabi nito.
‘Walang duda, kaibigan nga ito ni Cain, baliw din eh.’
“H-Hind—”
Sasagot na sana siya nang biglang makarinig ng tahol mula sa kabilang linya, napatawa naman siya dahil alam niyang kay Miggs iyon.
Nagpasalamat at nagpaalam na siya sa lalaki nang makumperma niyang maayos naman ang alaga doon.
Makalipas ang isang oras ay tumawag si Mars at sinabing magdi-dinner na raw sila kaya maghanda na.
“Are you sure you want to bring me along with you, I’m fine to stay here.”
“Oo sasama ka sa’kin, kakain lang naman tayo dun tapos babalik na rin kaagad,” pangungumbinsi pa niya.
Sabik na ibinigay niya dito ang gray na polo shirt na binili kanina lamang.
“Yan ang isusuot mo Cain, sige na magbihis ka na.”
Tumango naman ito at naghubad. Nang maisuot nito ang damit ay talaga namang mas lumitaw ang kagwapuhan at kakisigan nito.
Napanganga na lamang si Gino dahil sa itsura nito ngayon. ‘Wah.. bagay na bagay sa kanya.. tama ang desisyon ko na bilhin ang polo shirt na yun kanina.’
“Close your mouth Ginobabes or else ----” Napangising saad ni Cain kaya mabilis niyang sinara ang nakabukang bibig.
Dahil sa hiya ay napatakbo na lamang siya sa banyo para magbihis din.
Makalipas ang kalahating oras ay handa na silang umalis, lumabas sila ng hotel at sumakay ng taxi papunta sa nasabing restaurant.
Sa pag usapan kasi nila na doon na lamang magkita-kita. Dahil gabi naman at walang traffic ay mabilis na nakarating sina Cain at Gino sa kanilang destinasyon.
Pagbaba pa lamang ng taxi ay nakita na agad nila ang mga kaibigan at katrabaho na kumakaway mula sa harap ng restaurant.
EXCITED
si Yuan dahil alam niyang binili ni Gino ang gray na polo shirt sa shopping Village na pinuntahan nila kanina.
Nakangisi siya habang naghihintay sa mga ito na dumating. Naiinis man siya dahil kasama nito ang bwisit na lalaking nakabantay lagi dito pero hindi siya magpapatalo.
Balak niya ngayong gabi na magtapat ng nararamdaman para kay Gino. Mula nang pumasok ito sa kumpanya, tatlong taon nang nakakaraan ay nahulog na ang loob niya dito. Nung una ay hindi pa nita kayang tanggapin na sa isang lalaki lamang siya maiinlove habang napapalibutan at hinahabol siya ng maraming kababaihan.
Nang matanggap niya na mahal talaga niya si Gino ay natakot naman siyang aminin ito, panatag naman siya noon na makasama ito at makita sapagkat alam niyang walang pwedeng kumuha nito palayo sa kanya.
Hindi niya inaasahan na magbabago ang lahat ng dahil sa Cain na iyon na bigla na lamang sumulpot at balak agawin ang pinakamamahal niyang si Gino.
‘Wala nang makakapigil sa’kin ngayon, kailangan masabi ko na sa kanya na mahal ko siya.’
Nakangiti niyang saad sa isip habang nakatingin sa suot na gray polo shirt.
Sigurado kasi siyang isusuot ni Gino ngayon ang biniling gray polo shirt kaya bumili rin siya para couple sila.
Ang malapad na ngiti na nakapinta sa labi ni Yuan ay napalitan nang simangot nang makita ang pagdating nina Gino at Cain.
PAGLAPIT
pa lamang nina Gino at Cain sa mga kasama ay napansin na agad niya ang pagngiwi na bumakas sa mukha ni Cain.
Mabilis siyang napatakip ng kamay sa bibig para di mapatawa dahil sa reaksyon nito. Unang beses niyang makita na magbigay ito ng reaksyon sa iba maliban sa kanya.
Parehas kasi ang suot ng mga ito na polo shirt.
‘Goodness, ang cute nilang tingnan, naka couple shirt,’
kinikilig na saad ni Gino sa kanyang isipan.
Ang iba naman nilang mga kasama ay napangisi na lamang dahil sa nakakatawang sitwasyon na ito.
Nagpasya na silang pumasok sa restaurant, maganda ang interior design at maluwag ang espasyo ng diner bukod pa roon ay pagpasok mo pa lang ay malalanghap mo na agad ang nakakagutom na aroma ng mga sineserve na pagkain dito.
Mabilis silang nilapitan ng attendant para asikasuhin. Si Yuan na ang kumausap dito habang ang karamihan sa kanilang mga kasama ay nagpipicturan sa buong paligid.
Si Gino naman, kasama si Cain ay tahimik na pinagmamasdan lang ang antique na style ng lugar na ito.
Maya-maya pa ay isinama na sila ng attendant sa kanilang magiging table. Masigla ang lahat na sumunod dito.
Nang makaupo ay nagsimula na ang lahat na pumili ng gusto nilang orderin.
“How about this one? It’s your favourite right?” tanong ni Cain sa kanya sabay turo sa fried chicken na nasa menu book na hawak.
“Oo gusto ko nga iyan, anong iyo Cain?”
Habang nagbubulungan silang dalawa habang pumipili ng order ay napapangisi na lang sa tuwa ang mga katrabaho at kaibigan na nakakakita sa kanila.
Kabaligtaran naman ng nararamdaman ni Yuan, habang nakikita nito ang masayang pag uusap ni Cain at Gino ay lalong lamang s’yang nagseselos.
Halos malukot ang menu book na hawak niya dahil sa inis.
MALUNGKOT
namang nakatingin kay Yuan si Jewel, alam kasi nito ang iniisip ng lalaking matagal na niyang hinahangaan at palihim na minamahal.
Napabuntong hininga na lamang siya dahil alam niyang ang tunay nitong mahal ay si Gino at hindi siya.
Napasilay na lamang siya sa dereksyon ng kaibigan at napabulong…
‘Napakaswerte mo Siz Gino, ang daming nagmamahal sayo.’
NAGPATULOY
ang masaya at maingay na kwentuhan habang kumakain.
Biglang nakaramdam si Gino ng tawag ng kalikasan kaya nagpaalam muna siya kay Cain at sa mga kasamaan na mag C-Cr lamang. Gusto pa sana siyang samahan ni Cain pero hindi na siya pumayag.
‘Di na ako bata para magpasama pa sa pag Cr. Lukong Cain talaga,’
isip - isip pa niya at napangiting naglakad kung saan ang rest room. Napahanga siya sa mga nakikita sa restaurant na ito.
‘Wow may mini garden sila dito, astig!’
Binilisan na niya ang pag-ihi para makapunta sa mini garden na kanyang nadaan kanina.
Nang pabalik na siya ay nakasalubong niya si Yuan.
“Gino, pagbalik ka na ba?”
“Ah hindi pa po may nakita kasi akong garden kanina dito, gusto ko muna sanang puntahan.”
“Ganun ba, pwede ba kitang samahan?”
Tumango naman siya, tahimik at hindi naman nakakailang ang naging paglalakad nila papunta doon.
Walang ideya si Gino kung bakit biglang sumama si Yuan sa kanya pero ramdam niyang may gusto itong sabihin.
Manghang-mangha siyang nakatingin sa magagandang halaman at bonzai na narito. Parang Japanese landscape ang garden na ito kaya mayroon ditong maliit na tulay na pwedeng tambayan. Sa ilalim nito ay may pond na maraming koi fish na lumalangoy.
Ang garden ay nasa gitna ng restaurant kung saan ay hindi ito nasasakop ng bubong kaya open air ito. Malamig at presko ang hangin, medyo madilim ang paligid kaya mas magandang tumingala at pagmasdan ang mga bituin.
“Um, Gino.. I want to tell you something,” saad nito sabay haplos sa batok nito na parang nahihiya.
“Ano po yun sir?”
“Gino, I’ve known you for years and I always saw you as strong willed person. I admire you for that and ---Umm,” kinakabahang turan nito sa kanya.
Tiningnan naman niya ito ng may pagtataka.
“Bakit nyyo po sinasabi sa’kin ito ngayon sir? Tatanggalin niyo na po ba ako sa trabaho?” tanong ko pa dito.
Napatingala rin siya dahil sa naramdamang pagpatak ng ulan.
“What!? —No, I want to confess to you that-----”
“GINOBABES!!!”
Napaharap silang dalawa sa pinaggalingan ng sigaw.
HINDI
pa nagtatagal na wala si Gino ay di namapakali si Cain lalo na ng umalis din ang supervisor nina Gino na si Yuan.
“C-Cain, masarap din ito, try mo oh,” saad ng isang katrabaho ni Gino na halatang nagpapakyut sa kanya.
Hindi na lamang niya ito pinansin at tumayo sa upuan para sundan si Gino.
Habang naglalakad ay rinig niya ang pagpatak ng ulan kaya napatakbo siya para hanapin si Gino. Saktong pag daan niya sa mini Garden ay nakita niya ito at Yuan na nag uusap.
Wala na siyang sinayang na oras at tinawag ito.
“GINOBABES!!”
“Cain!” masayang turan naman nito ng makita siya at tumakbo palapit sa kanyang dereksyon.
Mabilis niyang hinigit ito palapit sa kanya kaya napasalampak ito sa kanyang dibdib at kumuha ng panyo para punasan ang basa nitong ulo dahil sa ulan.
Nakasimangot naman na lumapit sa kanila si Yuan.
’
As I though, he planned something,’
isip-isip pa niya at tiningnan ng masama ito.
Napa-tsk naman ito, nagpaalam na kay Gino at bumalik na sa loob ng restaurant.
“What we’re you two doing?” tanong niya kay Gino.
“Wala naman, nag uusap lang kami ni Sir, may sasabihin daw kasi siya sa’kin,” sagot nito sa kanya.
“What did he said?”
“Hm sasabihin na nga niya sana kaso tinatawag mo ako.”
“So, naabala ko pa pala kayo?” inis na turan niya dito.
“Hindi naman,” nagmamadaling sagot nito kaya napangisi siya.
‘So cute, Ginobabes,’
sabay yakap ng mahigpit dito.
Hindi nila alam na may isang tao na nakapanuod sa lahat ng nangyari. Nakatago lamang ito sa gilid at pinagmamasdan sila.
NATAPOS
ang dinner at nagsibalikan na sila sa hotel at sa kanya-kanyang mga kwarto.
Napagpasyahan ni Gino na dito na patulugin si Cain kasama niya at kinabukasan na lamang umuwi.
Nakasuot lamang siya ng bathrobes habang naghahanap ng pwedeng pamalit sa bag na dala.
Hindi niya napansin ang pagdating ni Cain sa kanyang likuran. Napasigaw siya sa gulat ng humawak ito sa kanyang bewang.
“Cain ano b---Ahh!! bitawan mo ko!” pagpupumiglas pa niya habang buhat buhat siya nito patungo sa kama.
“You’re sexy enough with that robe, no need to put some clothes.”
Namula ng sobra ang kanyang mukha dahil sa sinabi nito pagkatapos siyang ibagsak sa kama.
“A-Anong balak mo? H-Hindi ako nakikipag biruan Cain!” saad pa niya dito habang kinakabahang nakatingin sa gwapo nitong mukha.
Nasa ibabaw niya ito ngayon at nakangisi na parang may masamang gagawin. Wala itong suot na pang itaas at boxer short lang ang tanging tela na nagtatakip sa ibabang parte nito.
Napapikit siya ng unti-unting lumapit ang mukha nito sa kanya, nag wawala na ang puso sa loob ng kanyang dibdib dahil sa lakas ng tibok nito.
Ang mainit at mabangong hininga ni Cain ay ramdam niyang sa kanyang may pisngi, isang masuyong halik ang iginawad nito sa kanyang labi patungo sa kanyang pisngi at leeg.
Napamulat siya bigla dahil sa bagay na ibinulong nito.
“Of course, our honeymoon~”
“Wahh!! Gago ka!“sigaw niya dito sabay tulak ng malakas. Napa agwat naman ito sa kanya kaya mabilis siyang nakaalis sa pagkakahiga sa kama.
Imbis na magalit ay tinawanan lamang siya nito ng malakas.
“HAHAHA just kidding.”
“Ewan ko sayo, bahala ka dyan,” aniya at inis na naglakad palabas ng pinto.
Rinig pa niya ang pagtawag nito sa kanyang pangalan pero wala siyang balak bumalik sa loob at makasama ang bwisit na lalaking iyon.
Napahinga siya ng malalim nang makalabas ng kwarto, namumula ang mukha at halos na ngangatal pa ang kanyang kamay dahil sa kaba.
Wala na siyang pakialam kung bathrobe lang ang kanyang suot, wala namang tao dito sa hallway kaya ayos lang.
‘Gagong Cain talaga, ang lakas mang trip!’
inis na saad niya sa isipan habang naglalakad patungo sana sa kwarto ni Mars.
Naisip niya na magpalipas muna ng oras dun pero bigla siyang nakarinig ng mga boses sa di kalayuan.
‘Teka, sa may fire exit ata nang gagaling yung mga boses.’
Naglakad siya ng dahan-dahan at sumilip sa gilid ng pader. Nanlaki ang kanyang mga mata sa gulat nang makita na sina Sir Yuan at Jewel pala ang nandun.
Mukhang seryoso ang pinag uusapan ng dalawa, ayaw naman niyang makialam sa lovers quarrel ng mga ito kaya tatalikod na sana siya para umalis nang marinig niya ang galit na isinigaw ni Jewel.
“ANO BANG INIISIP MO YUAN, BULAG KA BA? KITA MO NAMAN NA MAY MAHAL NA SI GINO DI BA?”
Napatakip sa bibig si Gino dahil sa sinambit ng kaibigan. Wala sa sariling napasilip muli siya para tingnan ang nangyayari.
“Alam ko, ano naman sayo ha?” walang ganang sagot naman ni Yuan sa kausap.
“Ipagsisiksikan mo pa rin ba ang sarili mo sa kanya? Baliw ka na!”
Kita ni Gino ang galit sa mukha ni Yuan dahil sa sinabing iyon ni Jewel.
Napasinghap na lamang siya dahil sa naging sagot nito.
”
BALIW NA KUNG BALIW, WALA KANG MAGAGAWA DAHIL SIYA ANG MAHAL KO AT HINDI IKAW!
-----------------❤
HEART BREAK IS REAL 💔😭
MB 39
I hope you enjoy reading this
chapter 💕
3RD PERSON’S POV
NAGISING
si Gino na masama ang pakiramdam. Nahihilo at nasusuka na naman siya.
Kailangan niyang pumunta sa banyo pero hinahadlangan siya ng kamay ni Cain na nakayakap sa kanyang bewang. Ang mainit na hininga nito na tumatama sa kanyang batok ay nagbibigay ng mumunting kuryente sa kanyang katawan.
Mukhang mahimbing ang tulog nito kaya dahan-dahan niyang tinanggal ang kamay nito. Dahil sa biglang pagtayo ay napahawak pa siya sa kanyang ulo dahil sa pagsakit nito.
Ang pagpunta sa banyo habang ganito ang pakiramdam ay talagang malaking misyon. Sa kalagitnaan ng paglalakad ay nakaramdam siya ng pagbaligtad ng sirkmura kaya napatakbo siya habang takip ang bibig.
“Bleuuhhhhh!!”
Nanghihina siyang napadantay sa lababo habang patuloy na sumusuka. Maya-maya pa ay narinig niya ang pagtawag ng humahangos na si Cain.
“Hey! babe,” nag aalala nitong sambit nang makita ang kalagayan niya.
Mabilis lumapit sa kanya at madahan na hinaplos ang kanyang likod habang nakahawak ito sa kanyang bewang bilang suporta.
Matapos mailabas ang lahat ay inabutan siya nito ng tubig at saka binuhat pabalik sa kama.
Inihiga siya nito ng dahan-dahan at sinalat ulit ang noo at leeg.
“Cain, wala akong sakit. Okay lang ako.”
‘Baka anemic na talaga ako, hindi na naman kasi ako nakatulog kagabi,’
isip isip pa niya habang pinagmamasdan si Cain.
Hindi kasi siya pinatulog ng narinig at nalaman kagabi. Ang pag uusap na iyon ni Jewel at Yuan ay talagang nagpagulo sa kanyang isipan.
“If I didn’t witness what happened just now, I might believe you,” anito at saka mabilis na nagpalit ng damit.
Nagtataka naman niyang tinitingnan ito nang kumuha rin ito ng damit para sa kanya at lumapit.
Tinulugan siyang iupo nito sa kama at pilit tinatanggal ang suot niyang bathrobe.
Kahit nanghihina ay nagpupumiglas pa rin siya dito.
“C-Cain, ano ba? w-wag mong tanggalin ang suot ko.”
“Stay still, I’m just helping you to change your clothes,” anito.
Tinanggal nito ang suot niyang robe kaya naman lumitaw ang maputi at makinis niyang balat.
“Ha!? Ayaw ko, bakit ba?”
“We’re going to the nearest clinic in here,” sagot nito habang inaamoy ang leeg at balikat niya.
“Wala nga akong sakit, at saka bakit mo ba ako inaamoy ha?”
“Sorry, I got distracted —” saad pa nito habang napapakamot sa batok.
“---and also that’s the same thing you tell me before you left and look what’s happening to you right now,” pagdedepensa pa nito sabay suot sa kanya ng tshirt na hawak.
Napanguso naman siya dahil sa sinabi nito, ibigsabihin ba niyan ay di siya mapagkakatiwalaan.
‘Tunay naman kasi na wala akong sakit.’
“Don’t pout, I’m doing this for you and what do you think would’ve happened if I’m not here with you?”
Napataas ang kilay niya dahil sa ipinahibiwatig ng mga salita nito.
“Hmm ibigsabihin ba niyan ay sinundan mo talaga ako dito.”
“No—Its not---tss.. yeah right,” pag tanggi pa sana nito pero sa huli ay napaiwas na lang ito ng tingin dahil sa hiya.
Napatawa naman si Gino kaya pabirong tiningnan siya nito ng masama.
Nang handa na silang dalawa ay binuhat na siya nito palabas ng pinto. Napag usapan nila na tatawagan na lamang si Mars mamaya para alam nito na nagpunta sila para magpa-check up.
“C-Cain kaya ko nang maglakad, ibaba mo na ako,” aniya habang nakatingin sa walang ekspresyong mukha nito.
“Nope,” tipid na sagot nito.
Nahihiya na kasi siya sa lahat ng mga dumadaan at nakakakita sa kanila.
Mula sa loob ng elevator, sa lobby ng hotel at pati ngayong nasa tabi na sila ng kalsada para sumakay ng taxi.
Ilang sandali ay may dumating na taxi at nakasakay na sila.
Habang lulan ng taxi, pansin ni Gino na linga nang linga si Cain sa bintana na parang may sinusubaybayan, nakakunot din ang kilay nito at seryoso ang ekspresyon ng mukha.
“Manong, can you drive a little faster,” saad pa nito kaya kinabahan siya.
Napalingon siya sa likod ng taxi at kitang may isang itim na kotse na sumusunod sa kanila.
Mas binilisan ng driver ang takbo pero halatang sumusunod talaga ang kotse na iyon at hindi nagpapaiwan.
Humarap siya sa gawi ni Cain para tanungin ang nangyayari ng biglang may mabilis na motor na humarang na sa kanila.
“C-Cain ano bang nangy—”
BANG!!! BANG!!
Napasigaw siya sa takot at gulat at mabilis niyakap naman siya ni Cain at iniyuko para di tamaan ng balang pinakawalan ng mga kalaban na nasa motor.
“FUCK!!” sigaw pa nito habang yakap siya.
“C-Cain!” umiiyak na pagtawag niya sa pangalan nito.
Dahil sa pamamaril ay pwersahang napatigil ang taxi na kanilang sinasakyan.
Nanatili sila ni Cain ng ilang minuto sa loob at nagtago. Maya-maya pa ay humarap ito sa kanya at nagsalita.
“Just stay still, and don’t move!” seryosong saad nito at mabilis na lumabas ng taxi.
Pipigilan pa sana niya ito pero halos hindi siya makapagsalita dahil sa takot na nararamdaman. Kahit nangangatal ang kanyang buong ay nilakasan niya ang loob na sumilip sa basag na bintana ng taxi.
Makikita ang mga kalalakihan na may dalang mga baril, wala nang mga taong nasa gilid-gilid ng kalsada sapagkat nagsitakbuhan na rin ang mga ito, ganun din ang driver ng taxi na sinasakyan nila.
Kahit anong linga sa paligid ay hindi niya makita si Cain kaya lalo siyang nakaramdam ng takot at pangamba para sa kalagayan nito.
Maririnig pa rin ang putok ng baril sa paligid ganun din ang mga sigawan.
”
Найти его
/
Find him!!”
”
Убей этого ублюдка
/
Kill that mother fucker!”
Habang pinapakinggan ang mga isinisigaw ng mga ito ay may napansin lang siyang isang bagay.
‘Russian, they speak like Cain lalo na pagnaririnig ko ito minsan na may kausap sa telepono.’
Dahil sa malalim na pag iisip ay di niya agad na pansin ang papalapit na lalaki sa kanyang pinagtataguan.
Namutla siya sa takot at di makagalaw sa kinatatayuan. Nang malapit na ito at nakangising itinutok ang baril sa kanya at bumulong..
”
Умереть
/
Die.”
Sa mga oras na iyon ay ramdam niya na katapusan na ng kanyang buhay, kundi lamang bumulagta ang lalaki bago pa nito makalabit ang gatilyo ng baril.
“Fuck them!” galit na saad ng pamilyar na boses mula sa kanyang tabihan.
Lalong bumuhos ang kanyang luha ng makita ang duguang itsura nito.
“Shh don’t cry, this is not my blood,” pagpapakalma pa nito sa kanya.
Napatingin naman siya sa paligid nang isa isang bumabagsak sa lupa ang mga lalaking naka itim na para bang mula sa malayo ay may bumabaril sa mga ito.
Pinunasan nito ang luha sa kanyang mga mata at hinalikan ang kanyang noo saka siya tinulugan na makalabas sa loob ng taxi.
Halos nakayakap na siya dito sapagkat walang lakas ang kanyang mga binti dahil sa takot na nararamdaman.
“Come on, we need to g---”
NAPUTOL
ang sasabihin ni Cain ng bigla siyang itulak ni Gino palayo.
Naging mabilis ang mga sumunod na pangyayari at natagpuan na lamang niya ang duguang katawan nito na nakahiga sa sahig.
Sa puntong iyon, sa unang pagkakataon ay nakaramdam siya ng takot. Hindi para sa kanyang sarili kundi sa kalagayan ng taong pinakamamahal niya.
TAKOT
Yan ang isang bagay na matagal ng nawala sa kanyang sarili mula kabataan pa lamang.
Hindi niya akalain na ganito pala ka tindi ang epekto ng emosyon na iyon.
Halos hindi siya makagalaw, nanlalamig at nangangatal ang kanyang buong katawan.
Parang hindi kayang maproseso ng kanyang utak ang tunay na nangyayari at kung ano ba ang nasa harapan niya ngayon.
Hanggang sa narinig na lamang niya ang sarili na sumisigaw ng malakas na puno ng paghihigpis
“NO!!!! GINOBABES!!!!”
▼△▼△▼△▼△
MASAMA
pa rin ang loob ni Jewel dahil sa naging pag uusap nila ni Yuan kagabi.
‘Hayss, hindi pa rin pala sapat lahat ng effort ko para mapansin niya ako,’
napapailing na sambit niya sa kanyang sarili habang nakatingin sa salamin sa loob ng banyo.
Pagkatapos nilang mag usap kagabi ay hindi na bumalik sa kwarto nila si Yuan. Hindi niya alam kung saan ito natulog kagabi.
‘Akala ko pag nalaman niyang wala siyang pag asa kay Gino ay baka… Kahit kaunti ay tumingin naman siya sakin—hayss nagkamali ako.’
Ginawa niya lahat para lang mapansin siya ng lalaking matagal na nyang hinahangaan. Nagpapakatanga na nga siya sa pag habol dito pero wala pa rin palang halaga.
Bagong araw na naman pero wala siyang gana. Ayaw niyang mainis kay Gino pero nauuna ang pagseselos at pagkainggit na nararamdaman niya ngayon.
‘Yuan, bakit—bakit si Gino pa? Nandito naman ako.’
Kung sana hindi na nakilala ni Yuan si Gino, sana siya ang minahal nito..
“Sana mawala ka na lang Gino---” mabilis siyang napatakip sa kanyang bibig dahil sa sinabi na iyon.
Hindi niya sinasadya, Nadala lamang siya ng inis na nararamdaman pero hindi niya maipaliwanag nang bigla siyang nakaramdam ng kaba.
Parang may masamang mangyayari.
▼△▼△▼△▼△
NASA LABAS
ng operating room si Cain habang naghihintay ay nakaupo ito sa waiting area.
Nakayuko lamang siya at tulala. Halo-halong mga emosyon ang nararamdaman niya ngayon, unang una na ang kaba para sa kalagayan ni Gino, sunod ay matinding galit para sa hayop na si Viktor.
Nayukom niya ng mahigpit ang kanyang mga kamao at nagngitngit ang kanyang bagang dahil sa galit.
‘THEY WILL PAY FOR THIS!!’
Makalipas ang ilang sandali ay lumabas ang doktor kaya mabilis siyang tumayo para alamin ang kalagayan nito.
“What happen? Is he okay?” bakas sa boses niya ang matinding taranta.
Mabilis at malakas ang kabog ng kanyang puso sa mga oras na ito. Hindi niya mapapatawad ang sarili kapag may masamang mangyari kay Gino.
“Yes sir, he’s lucky because the bullet only pierces his shoulder above his heart. He’s not on the verge of dying but he sure lost a lot of blood,” paliwanag naman ng doktor habang nakatungo.
Natatakot at kinakabahan ito na tumingin kay Cain sapagkat nag ngingitngit ito sa galit ngayon.
“Do everything to make him feel better,” matigas at seryosong turan nito sa doktor kaya naman sunod-sunod ang naging tango nito. “We sure do, sir”
“Can I see him?”
“Yes, he’s in the private room now.”
Tumango siya at nagmamadaling pinuntahan ang kwarto ni Gino. Nakita niya itong mahimbing na nakahiga sa kama.
Dahan-dahan siyang naglakad palapit sa kinahihigaa nito. Parang tumakas ang lakas ng kanyang katawan ng mapagmasdan ang namumutlang itsura ng kanyang Ginobabes.
Ang maliwanag at puno nang pag asang mga ngiti nito ay naglaho ng parang bula.
Marahan niyang hinaplos ang pisngi nito, napuno ng pagsisi ang kanyang kalooban habang nakatingin sa kalagyan nito ngayon, ang katawan nito sa parteng balikat at dibdib ay nababalutan ng benda.
Kung sana nakinig siya sa mga kaibigan noon at bumalik na sa Russia, sana di na napahamak ang nag iisang tao na pinahahalagahan niya.
“Minato is right, if I don’t go back to Russia terrible things might happen. Not just for me but also the people I cherish.”
Hinding hindi niya makakalimutan ang pakiramdam nang makita niya ang duguang katawan nito.
Napahawak siya sa kanyang dibdib dahil sa paninikip nito, ang maalala ang naganap kanina ay nagdudulot ng sakit na di mawala.
“I’m so sorry.”
“I’m sorry, G-Ginobabes,” ang bagay na paulit-ulit niyang sinasambit habang nakatitig sa mukha nito.
Napasighap pa siya ng mapansin ang pagtulo ng kanyang luha sa pisngi nito.
“This is all my fault.”
Napayuko siya sa kamang kinahihigaan ni Gino at ginawaran ng isang halik ang noo at labi nito.
Malungkot siya sa nabuo niyang desisyon pero hindi niya kakayanin kung sakaling may mangyari muli kay Gino.
’
I-I need to do this. I don’t want to leave you but it’s for your own sake.’
”
I hope you can forgive me Ginobabes.”
” я всегда люблю тебя / I always love you.”
----------------------😭
NOOOOO! CAIN!!!
MB 40
I hope you enjoy reading this chapter 💕
3RD PERSON’S POV
M
adilim ang paligid at walang maaninag na kahit ano si Gino.
Gusto niyang igalaw ang katawan pero hindi niya ito magawa. Parang nakagalos ang kanyang pakiramdam ngayon.
Malamig ang paligid at talagang nakakatakot lalo na nang makarinig siya ng tunog na nagmumula sa di kalayuan.
Tunog ito ng taong umiiyak, mahina pero ramdam niya ang sakit at paghihinagpis na nararamdaman ng taong iyon.
Gusto niyang alamain kung sino at lapitan ito pero di siya makagalaw.
Bukod sa mahinang pagtangis nito ay nakakarinig din siya ng mga bulong, halo halo ito kaya hindi niya maintindihan ng lubusan.
“I’m so sorry.”
“This is my fault.”
Habang tumatagal ay nakikilala niya ang boses na iyon, nagpilit siyang gumalaw at puntahan ito.
‘Please gumalaw ka naman,’
pakiusap pa niya sa kanyang katawan na nanatali lamang na nakatayo.
‘Arrgg!!’
Dahil sa pagpupumilit ay naigalaw niya ang mga paa. Hinihingal at pagod siyang napatingin sa madilim na paligid.
Nang maigalaw niya ang katawan ay nagmamadali siyang tumakbo kung saan nanggagaling ang boses.
Sa dulo ay may puting liwanag na sumalubong sa kanya. Napatakip siya ng mukha dahil sa liwanga nito.
“Ginobabes.”
Napasinghap siya nang marinig ang tinig na iyon. Napamulat at maluha-luha siya ng makita ang pinakamamahal niyang lalaki.
Nakangiti ito pero may lungkot na makikita sa mga mata nito.
“I hope you can forgive me Ginobabes.”
“Ha? Ano bang ibigsabihin m— Cainn!!!” sigaw niya ng makitang unti-unting naglalaho ito sa kanyang paningin.
“T-Teka!!! Hintayin mo ako!! C-Cain!!!”
Halos madapa siya sa paghabol dito pero hindi ito tumigil.
Isang bagay lamang ang narinig niyang sinambit nito bago tuluyan nang naglaho sa kanyang paningin.
“I always love you.”
“Pwahh!” habol ang hininga niya habang pilit inaaninag ang paligid. Halos wala syang makita dahil sa labo ng kanyang paningin. ’
N-Nasaan ako?’
“Oh my gosh! Gising na si Bhes!!” mangiyak-ngiyak na sigaw ni Mars nangmakita ang paggising niya.
“Siz Gino!!”
“Teka, tatawag lang ako ng doktor,” saad ni Yuan at sinamahan naman ni Kevin.
Rinig niya ang mga boses sa kanyang piligid pero hindi niya maintindihan ang mga ito.
Sa pag gising niya ay unti-unting bumabalik ang lahat ng mga nangyari. Malinaw sa kanyang alaala ang saktong naganap bago siya nawalan ng malay.
Sa kanyang paglingon ay napansin niya ang lalaking nakaitim, sugatan na ito pero nagawa pa nitong tumayo at itinutok sa gawi ni Cain ang baril na hawak.
Dahil sa gulat ay mabilis niyang itinulak si Cain palayo para di matamaan ng bala pero sa kasamaang palad ay nakaramdam siya ng pangmamanhid sa kanyang may balikat.
’
Si Cain ang nagdala sa akin dit—Cain? Nasaan siya.’
“Mr. Dimapilit, naririnig mo ba ako?”
Napabalik ang ulirat niya dahil sa tanong ng doktor na nasa tabi ng kanyang kama.
“O-Opo,” nanghihina niyang sagot dito.
Tumango naman ang doktor at ineksamena siya. Halos hindi pa napoproseso ng kanyang utak lahat ng nangyayari kaya naman nanatili lamang siyang tulala.
Ang mga kaibigan na narito naman ay sina Mars, Kevin, jewel at Yuan. Walang tigil ang mga ito sa pag tatanong kung ano na ang kalagayaan niya.
Tumighim ang doktor at inayos ang salamin sa mata nito bago humarap sa kanilang lahat.
“Few hours ago. Ang tangi lamang naming nagawa ay linisin at alisin ang bala sa balikat ni Mr. Dimapilit,” pagsisimulang paliwanag ng doktor.
Nanatili naman ang lahat para pakinggan pa ang resulta ng mga test na isinagawa kay Gino.
“Mula sa ibang test na isinagawa ay may nalaman pa kaming isang bagay, this is somewhat unusual but.. I want to congratulate you, Gino.”
Naguguluhan at nagtataka ang lahat kasama na si Gino dahil sa sinambit nito.
’
Nabaril na nga ang kaibigan ko, tapos ico-congratulate pa? Iba din ang ospital na to,’
isip isip ni Mars.
“Congratulations po dahil ligtas na ako?” di mapigilang tanong ni Gino.
“Yes and also, you’re eight weeks pregnant.”
Napanganga sa gulat ang lahat dahil sa balita ng doktor. Naiintindihan naman ito ng doktor kaya ipinagpatuloy na lamang nito ang pagsasalita.
“This is rare for an intersexual person especially for guys to become pregnant but still, they’re a possibility like you. Ingatan mo ang iyong sarili mula ngayon hijo dahil magiging maselan ang pagbubuntis mo.”
Pagkatapos ng pahayag na iyon at ilan pang mga paalala ng doktor ay nagpaalam na ito sa kanila.
Ang paligid ngayon nang makaalis ang doktor ay mas tahimik pa sa sementryo, walang nagsasalita at gumagawa ng ingay. Ang lahat ay hindi makapaniwala sa kakaibang balita na ito.
Nabasag lamang ang katahimikan nang magsalita si Mars.
“Bhes! Di mo sa’kin sinabi na Hermaphrodite ka!?”
“S-Sorry Mars, natakot ako na layunan mo pagnalaman mong kakaiba ako,” malungkot na saad ni Gino sa kaibigan.
Mula bata kasi ay naging tampulan ng tukso, iniwasan at kinatakutan si Gino. Lumaki siya sa probinsya kaya naman hindi sapat sa kaalaman ng mga tao doon sa tunay niyang kalagayan.
Halimaw ang tawag ng mga kapwa bata niya sa kanya noon, demonyo naman sa mga matatanda. Sinabi ng mga ito na may dala siyang malas lalo na nang sabay mamatay sa aksidente ang kanyang mga magulang.
Sapilitan siyang pinaalis sa sarili niyang bahay at baryo. Luhaan at hindi niya alam ang gagawin. Halos wala siyang nadalang gamit sa kanyang pag alis.
Naalala niyang may kamag anak sila sa maynila kaya nagbakasakali siya na tanggapin siya ng mga iyon. Mabuti na lamang at di alam ng kanyang tiyahin ang mga kwento at bansag sa kanya.
Tinanggap at pinag aral din naman siya ng kanyang tiyahin pero hindi naging ganun kadali ang pinag daanan niya sa kanyang sariling mga pinsan.
Nang makatapos ng highschool ay naglakas loob na siyang umalis sa puder ng tiyahin para magtrabaho at mag aral sa kolehiyo. Sobrang hirap man ay naging matatag siya.
Naisip niya na kung sakaling malaman ng kahit sino ang kanyang kalagayan ay siguradong lalayuan at katatakutan na naman siya, minabuti na lamang niyang mabuhay mag isa at malayo sa ibang tao.
NAPABUNTONG HININGA
si Mars bago lumapit sa kanyang kinahihigaan. Malambot ang ekspresyon ng mukha at halatang nauunawaan nito ang sitwasyon niya.
“Naiintindihan kita bhes, alam kong napakarami mo nang pinagdadaanan ngayon. Nagulat lamang ako pero, syempre mas nangingibabaw ang kasiyahan ko.”
Napatunghay siya dahil sa sinabi nito, nangilid ang kanyang luha sapagkat hanggang sa huli ay mabuti at mahal pa rin siya ng kaibigan.
Sumunod si Jewel kay Mars at ngumiti sa kanya. Pansin niya na parang may iniisip ito dahil hindi makatingin sa kanya ng deretso.
“Masaya kami siz Gino, magiging tita na kami,” kinikilig na saad ni Jewel.
“Wow bhes, super swerte mo.. Alam mo bang lahat ng bakla ay pinapangarap na mabuntis at magkaanak.”
“Tama Siz Gino, congratulations!”
Nagpasalamat siya sa mga kaibigan. Wala man siyang pamilya pero nagpapasalamat siya sa Dyos dahil biniyayaan siya ng mabubuting kaibigan.
“So nagkaka menstrual period ka talaga Siz?”
“Feeling ko Oo, dahil may nakita akong whisper nakpin sa cabinet nila dati.”
Numula naman ang mukha ni Gino. ’
Nakakahiya, nakita pala yun ni Mars’
Habang nagbibiruan sila ay biglang may naalala siya.
“A-Ah Mars, Si C-Cain na saan?”
Nagkatinginan ang dalawa niyang kaibigan saka humarap sa kanya.
“Ang totoo niya bhes, hindi pa namin siya nakikita mula ng pumunta kami dito,” ani Mars.
“Sabi nang doktor ay mabilis na umalis ang lalaking naghatid sayo dito,” makatotohanang sagot ni Jewel.
Napatungo naman siya at napahawak sa kanyang tiyan habang nag iisip.
“Hmm baka naman ay pinuntahan lang siya. Babalik din yun.”
Napatango naman ang dalawa pero kahit siya ay may kakaiba ring nararamdaman. Bigla niyang naalala ang panaginip.
’
Hindi, impossible yun. Hindi ako iiwan ni Cain. Siguradong matutuwa yun pag nalaman na magkakaanak na kami.’
Hindi pa rin siya ganun makapaniwala na buntis siya sapagkat sabi ng doktor na nilapitan niya noon ay hindi pa ganun ka-develop ang reproductive system nya kaya hindi masisiguro na pwede siyang mabuntis.
Mukhang ngayon ay possible na iyon, nangyari na nga eh. Buntis na siya at magkaka-anak na sila ni Cain.
May takot pero mas nangingibabaw ang saya sa kanyang kalooban.
Pagkatapos ng pag uusap nila ay pinagpahinga muna siya ng mga kaibigan, dahil sa sakit na patuloy na nararamdaman sa kanyang balikat ay minabuti na lamang niya na matulog pansamantala.
BUMILI
ng pagkain sina Mars at ang boyfriend nitong si Kevin. Naiwan sa labas ng kwarto ni Gino sina Yuan at Jewel.
Sobrang pagsisisi ang naramdaman ni Jewel dahil sa kanyang inisip na masama para kay Gino. Lalo na nang mabalitaan nila na nasangkot ito sa isang ingkwentro.
Halos mamatay sya sa kaba at takot para sa kalagayan nito. Ilang beses siyang humingi ng kapatawaran habang nakatingin sa walang malay na kaibigan.
Nang oras na malaman niya na napahamak si Gino ay talagang abot langit ang pagsisisi at paghingi niya ng tawad. Hindi niya lubos maisip na nakaya niyang mag isip ng masama para sa napakabuting kaibigan.
’
Hayss, sobra akong nahihiya sa aking sarili dahil sa mga kagagahan kong ginagawa at inisip. Salamat at ligtas si Siz Gino.’
Napalingon naman siya kaya Yuan na tulala at di pa rin makamove on sa balita ng doktor.
Siguradong hindi matanggap nito na wala na siyang pag asa pa kay Gino, buntis na ang kaibigan niya sa mahal nitong lalaki.
Gusto sana niyang I-comfort si Yuan at gumawa ng hakbang para mapalapit dito pero alam din niya na hindi ito ang tamang oras para doon.
’
Mas kailangan ni siz ng kaibigan at kapamilya na susuporta sa kanya ngayon, mabuting iyon muna ang pag tuonan ko ng pansin para makabawi manlang ako sa kanya.’
▼△▼△▼△▼△
DALAWANG
linggo na ang nakalipas mula ng makalabas si Gino sa ospital. Hindi siya pinayagan ni Sir Yuan na magtrabaho, kailangan daw muna niyang magpagaling at magpahinga.
Sa mga araw na dumaan ay tanging kalungkutan lamang ang nararamdaman niya sapagkat hindi na muli nagpakita at bumalik si Cain.
Dahil din sa kanyang sugat at pagbubuntis ay mahina at laging pa ring masama ang kanyang pakiramdam.
Ayaw niyang tanggapin na baka umalis na nga si Cain at iniwan siya. Gusto niya itong hanapin pero hindi niya magawa dahil sa kalagayan ngayon.
Lagi lamang siyang nakakulong sa loob ng bahay at nagpapagaling. Medyo naiigalaw na niya ang balikat pero nakakaramdam pa rin siya ng kirot at patuloy na pagsakit nito.
Hindi rin niya maintindihan ang pakiramdam at emosyon na meron sya ngayon. Palagi na lamang niyang nakikita ang sarili na umiiyak, mainit ang ulo at irita kahit sa maliliit na bagay.
Hindi rin siya makatulog sa gabi, nangungulila siya kay Cain at gusto nyang makita ito.
’
Mukhang si Cain ang habol ng mga lalaking iyon, sana naman ay ligtas siya.’
Napabuntong hininga na lamang siya dahil sa mga nangyayari.
SA MGA DUMAAN
na araw ay kinakabahan at natatakot si Mars at Jewel dahil sa mga kakaibang ikinikilos ni Gino.
Lagi nila itong dinadalaw at kinukumusta pero mukhang matindi ang pinagdadaanan nito ngayon.
Naalala pa nga niya ang nangyari nung isang beses na bumisita sila sa bahay nito.
“Bhes, nandito kami ni Jewel,” saad niya habang kumakatok sa pinto ng bahay nito.
Hindi agad nito binuksan ang pinto kaya nakatinginan silang dalawa ni Jewel. Kinabahan sila dahil baka may nangyari na dito.
Halos gibain na nila ang pinto sa pagkatok at paghampas dito habang tinatawag ang pangalan ng kaibigan.
Maya-maya pa ay bumukas din ito, irita at mukhang walang tulog na si Gino ang nakita nila.
Walang emosyon na binuksan nito ng malawak ang pinto para makapasok silang dalawa.
Mabilis naman silang umupo sa sofa at inilapag sa center table ang mga dalang pasalubong.
Nakaupo ito sa tapat nila, hindi umiimik at tanging tulala lamang kaya napatighim siya para kunin ang atensyon nito bago kausapin.
“Bhes, kumusta ka na?”
Hindi agad ito sumagot kaya tinanong muki nila ito. ‘Baka di lang narinig ang una kong sinabi’
“Bhes Gino, kamusta ka na?”
Tipid na tumango lamang ito kaya binago na nila ang usapan.
“Ah siz, may dala kaming egg pie, di ba paborito mo yun?” masiglang saad ni Jewel pero katulad kanina ay wala pa rin itong kibo.
“Bhes, gusto mo bang bumisita ulit tayo sa ospital para magpacheck up, para kay baby at sa sugat mo?”
“Ayoko, di ko kelangan nun,” inis na sagot nito sa kanila.
Napabuntong hininga na lamang silang dalawa ni Jewel pero naiintindihan naman nila kung bakit ganito ang ikinikilos ng kaibigan, mahirap talaga mag adjust kapag buntis, bukod pa roon ay mas emosyonal ito.
Nagpaalam si Jewel na kukuha lang ng platito para sa egg pie. Tumango naman siya at nagpaiwan kasama ang depress na kaibigan.
Habang inaayos niya ang mga paper bag sa mesa ay bigla itong nagsalita kaya napatingin siya dito.
“Mars, si Cain na saan siya?” tanong nito sa kanya na parang biglang bumalik sa dati nitong pagkatao.
“A-Ah Bhes, hinahanap pa namin siya.”
Simula ng makaalis sila sa ospital ay lagi nang hinahanap nito si Cain sa kanila. Gumawa na siya ng paraan, pati ang boyfriend na si Kevin ay pinaghahanap na niya sa walang lalaki na iyon pero hindi talaga nila makita at matagpuan.
‘Pag nakita ko talaga ang bwisit na Cain na yun, hindi lang isang sampal ang aabutin niya sakin. Paano na nagawang iwan ang buntis kong kaibigan.’
“Ganun ba, siguro may pinuntahan lang sya.. Babalik din siya di ba?” puno ng pag asang saad nito sa kanya kaya napaiwas siya ng tingin.
Nangingilid ang luha sa kanyang mga mata dahil sa awang nararamdaman para sa kaibigan na tinuring na niyang kapatid.
Malaki na ang ipinayat ng katawan nito, ang pangingitim sa ibaba ng mata nito ay tanda lamang na hindi ito nakakatulog sa gabi. Hindi pa naman ganun kalaki ang tiyan nito kaya hindi pa halata sa suot nitong tshirt na sa tingin niya ay kay Cain.
Bumalik na si Jewel na may dalang baso at platito. Pasimple naman siyang nagpunas ng luha para di mapansin ng mga ito.
“Jewel, nasaan si Cain?”
Halatang hindi inaasahan ni Jewel ang tanong na iyon kaya naman tumingin muna ito sa kanya bago sumagot.
“Ah di ko rin alam siz eh. Basta sa ngayon ay alagaan mo muna ang sarili mo at si baby para kung sakali man na di na sya bumalik eh di—”
“Sinasabi mo bang hindi na siya babalik!!” umiiyak na sabi nito kaya nataranta na silang dalawa.
“Hindi naman sa ganun bhes di ba Je---”
“HINDI, BABALIK SYA, BABALIK SYA!!!”
Galit na sigaw nito sa kanila at saka ibinato ang mga nakalagay sa mesa.
Pilit nila itong pinipigilan pero ayaw nitong tumigil, iyak lang ito ng iyak habang nagpupumiglas sa kanilang pagkakahawak.
Nakadampot ito ng unan sa sofa at binato sila sabay sigaw sa kanila…
“Umalis na kayo dito!!! Ayaw kong makita kayo!!”
Wala silang nagawa kung di tumakbo palabas nang makita nilang dinadampot na nito ang mga plato sa mesa.
Napailing si Mars dahil sa alaalang iyon. Mukhang malala na ang depression ng kanilang kaibigan. Naaawa siya at nalulungkot sa pinagdadaanan nito.
Pansin din niya ang napakalaking pagbabago nito, hindi lamang sa itsura pati na rin ang ugali nito.
Hindi pa rin nito matanggap na wala na ang lalaking mahal nito, iniwan lang ito at pinag laruan.
Matinding galit talaga ang nararamdaman niya para kay Cain. Isinusumpa niya na igaganti niya ang kaibigan kapag nahanap na nila kung saan nagtago ang gagong callboy na iyon.
Habang nakatanaw sa bintana ng opisina ay naiyukom niya ang kamay dahil sa galit.
Dahil sa malalim na pag iisip ay hindi agad niya parinig ang boses ni Jewel na tinatawag siya.
“MARSS!!!”
“Ano yun?” tanong pa niya sa humahangos na si Jewel nang makalapit ito sa kanya.
“Si Siz Gino—”
“Anong nangyari kay bhes!?” takot at nagmamadaling tanong niya dito.
Ang sagot nito ay nagpalaki sa kanyang mga mata at nagdala ng matinding kaba sa kanyang dibdib.
“—nawawala siya!!!”
-----------------------🙏
GINO PLS BE SAFE!!!
MB 41
I hope you enjoy reading this chapter 💕
3RD PERSON’S POV
NAGMADALI
sina Mars, Jewel at Yuan na umalis sa opisina para hanapin si Gino.
Lunch break nila sa opisina nang humahangos na ibalita ni Jewel na nawawala ang kanilang kaibigan
‘Juscolored naman bhes, saan ka nagpunta?’
kinakabahang tanong ni Mars sa kanyang sarili.
Wala silang alam na lugar na pwede nitong puntahan kaya naman mas nahirapan silang hanapin ito.
“Naku, Siz Mars siguradong hinahanap no’n si Fafa Cain,” saad ni Jewel sa kanya habang sinusubukang tawagan ang cellphone ni Gino.
Ilang beses na nilang tinawagan pero mukhang hindi nito dala ang cellphone kaya nag riring lamang ito.
“Kaya nga eh, nababaliw na ata talaga yang kaibigan natin. Bukod sa di pa magaling ang sugat niya, ay maselan ang pagbubuntis niya,” aniya.
Napayuko naman si Jewel dahil sa kalungkutang nadarama. ’
Hindi deserve ni Siz ng ganitong buhay, hindi talaga,’
isip-isip pa nito.
Habang nag uusap ay pansin naman nila na walang imik si Yuan at seryoso lamang sa pagda-drive. Alam ng dalawa na sobrang laki ng galit nito kay Cain dahil sa ginawa sa pinakamamahal nitong si Gino.
Napabuntong hininga na lamang si Mars at napailing. ’
hayss kung sana ay diniskartehan na niya si Gino noon, di sana ay sila ang mag kaka anak ngayon.. Mahina rin itong si Sir Yuan eh.’
Habang umuulan ay nagpatuloy ang kanilang paghahanap. Napakarami na nilang nagpuntahang lugar, basa na rin ang kanilang damit dahil sa ulan pero hindi talaga nila ito matagpuan.
Pabalik na sana sila sa opisina sakay sa kotse ni Yuan ng biglang mapatanaw sa bintana si Mars.
Nanlaki ang mata niya nang makilala ang taong naglalakad sa may baywalk.
▼△▼△▼△▼△
“C-Cain *hic b-bumalik ka na, h-hindi ko na kaya.”
Umiiyak na bulong ni Gino habang naglalakad sa lugar kung saan sya unang dinala ni Cain noon, ang lumang hotel.
Marami na syang natanong pero wala kahit isang nakakakilala at makapagsabi ng kinaroroonan nito.
Naalala niya ang kaibigan na nakausap niya noon pero wala naman siyang numero ng taong iyon kaya hindi rin niya matawagan.
Ang numero na ginagamit ni Cain ay hindi na rin niya ma-contact pa.
Nahihilo na sya sa paghahanap dito pero wala naman siyang napapala, masakit pa rin ang kanyang balikat kaya naman napapangiwi siya kapag nasasagi ito ng mga taong nakakasabay o nakakasalubong niya sa paglalakad.
Alam niyang pinag tatawanan na siya ng mga taong nakakakita sa kanya dahil sa madungis niyang itsura, nakasuot lamang siya ng short at ang malaking tshirt ni Cain. Magulo ang kanyang buhok at basa ang kanyang mukha dahil sa pag iyak.
Napatagil siya mula sa mabagal na paglalakad dahil may naisip siyang isang lugar na pwede pang puntahan. Ang lugar kung saan sila unang nagkita.
Makulimkim ang panahon at ano mang oras ay nagbabadyang umulan, mabilis na tinahak ni Gino ang gilid ng baywalk para hanapin ang nawawalang ama ng batang nasa sinapupunan niya.
“Cain?” parang baliw na pagtawag pa niya sa pangalan nito.
May nakita siyang babae kaya nilapitan niya ito at kinulbit para tanungin.
“Ah miss, may nakita ba kayong lalak—”
Hindi pa niya natatapos ang sasabihin ng irapan siya nito at palayasin na parang isang pulubi.
Napatungo na lamang siya dahil sa lungkot na nararamdaman, pero kahit ganun ay nagpatuloy siya sa paghahanap dito.
Unti-unti nang pumapatak ang ulan pero hindi siya tumigil sa paghahanap. Malakas na at maingay ang tunog na nalilikha ng pagsalpok ng alon sa gilid ng baywalk.
Ang mahinang patak ay napalitan ng malakas na pagbuhos ng ulan. Nanginginig na siya sa lamig habang patuloy na binabagtas ang kahabaan ng baywalk.
Palinga-linga siya sa paligid. ’
Teka, na saan na nga ba ako at bakit ako narito?’
naguguluhan pang tanong niya sa sarili.
Hindi niya maintindihan kung dahil ba sa kulang na tulog, sobrang pag iisip at hindi sapat na pagkain kaya siya nagkakaganito.
Dahil sa magulong isipan ay wala sa sariling napatingin si Gino sa gilid ng baywalk kung saan may malalakas na along humahampas doon.
Dahan-dahan siyang naglakad patungo doon habang patuloy na umaagos at humahalo ang kanyang luha sa patak ng ulan na nasa kanyang pisngi.
“C-Cain, nandyan na ako,” mahinang bulong niya habang nakatanaw sa malalakas na alon.
NANG MAABUTAN
nila ito ay naka akyat na ito sa bakod na gawa bato. Nakatayo ito doon at handa nang sumama sa alon na malakas na lumahampas sa gilid ng lugar.
Ihahakbang na sana ito ang paa ng biglang…
“AHHH!!” gulat na sigaw nito nang may humigid dito pababa. Binuhat ni Yuan ito at marahang ibinaba sa sahig.
Pagtingala ito sa kanila at galit na tiningnan nila ito. Bago pa makapagsalita si Mars ay naunahan na ito nang galit na si Yuan.
“NABABALIW KA NA BA GINO!? ANO BANG GINAGAWA MO SA SARILI MO?”
“Si C-Cain,” wala sa sariling sagot nito sa kanila sabay turo sa nagngangalit na lampas ng alon.
Dahil sa sagot nito ay nakita nilang dalawa ni jewel ang pagngitngit ng bangang ni Yuan sa inis.
“CAIN!? LAGI NA LANG ANG LALAKING YUN! GUMISING KA NA SA KATOTOHANA NA HINDI KA NA BABALIKAN NG GAGONG YU—!!”
“Sir! Tama na po!”
Bago pa matapos nito ang sasabihin ay inawat na ito ni Jewel at hinigit palayo.
Purong awa naman ang nararamdaman niya nang masilayan ang lungkot at halo halong emosyon sa mga mata ng kanyang kaibigan.
Patuloy na lumuluha ito habang tulala na nakatingin sa kanya. Dahil nakasalampak ito sa sahig ay yumuko at lumuhod siya para magpantay sila.
“Bhes, naiintindihan ko ang pinagdadaanan mo pero— t-tama na please nahihirapan na akong makitang ganito.”
Hindi mapigilan ni Mars na maging emosyonal sapagkat hindi na niya kaya na makitang nahihirapan ang kaibigan.
Sa loob ng mag iisang buwan simula ng umalis si Cain ay parang nawala na rin ang Gino na kilala niya.
Ang masayahin kahit tahimik, masarap asarin at pagiging palangiti nito ay naglaho na, napalitan ito ng emosyonal, wala sa sarili at laging tulala na katauhan nito ngayon.
Bukod sa kahit sino, siya ang pinaka nakakakilala at nag mamalasakit kay Gino, sya na ang nanay, tatay, kapatid at kaibigan nito. Hindi niya kayang tanggalin sa kanyang sarili na hindi mag alala.
“Please Gino, tanggapin mo na hindi na babalik ang lalaking yun—”
Nakita niya ang pagbuhos lalo ng luha nito dahil sa kanyang sinabi. ’
Ayaw man niyang makitang umiyak ito pero kailangan na nitong magising sa katotohanan.’
”--- nandito ako, kami ang magiging pamilya mo. Bhes, tandaan mo na hindi kana nag iisa ngayon. Buntis ka, may bata dyan sa sinapupunan mo, naisip mo ba ang mangyayari sa kanya kung itinuloy mo ang balak mo kanina?”
Napatangin naman ito sa kanya at sa unang pagkakataon ay nakita niya muli ang dating kaibigan.
“M-Mars, sorry talaga---h-hindi ko kayang mawala ang anak ko.”
Napangiti siya sa sagot nito at mabilis na niyakap ito. Hinayaan niyang umiyak ito ng umiyak sa kanyang balikat.
At least ngayon alam niyang nagising at bumalik na ang katinuan ng kaibigang si Gino.
Lumapit sa kanila si Jewel at tinulugan nila na makatayo si Gino.
“Siz, lets go home,” nakangiting pag aaya ni Jewel.
Nagulat naman ito ng ngitian din sya pabalik ni Gino. Sa sobrang saya ay napayakap din ito sa kaibigan.
“Oh my gosh Siz, w-welcome back—I’m miss you,” madamdaming saad pa nito kaya napatawa sila.
Makalipas ang ilang sandali ay nakabalik na sila sa bahay ni Gino. Mabilis na pinapasok sila nito para makapag palit ng damit. Basa ng ulan kasi silang lahat.
“S-Sir, pasok po kayo, ” saad ni Gino.
Umiling naman ang supervisor nila bago sumagot. “Hindi na, kailangan ko na ding bumalik sa opisina.”
“G-Ganun po ba, pasensya na po talaga sa lahat ng abala,” nahihiyang turan ni Gino dito.
“No, ako dapat ang humingi ng tawad, daoat di kita pinagsalitaan ng ganun. I’m sorry Gino.”
“Wala po iyon sir.”
Tumango si Yuan at nagpaalam na sa kanila. Pinayagan nito na wag nang bumalik sa opisina sina jewel at Mars para makasama si Gino.
“Bait ni Sir, pinag half day tayo… makakasama ka namin ngayon bhes.”
“Tama, magpapaalam na ako sa amin, sasabihin kong mag oovernight ako dito!” excited na tili ni Jewel kaya natawa si Mars.
Pinaligo na nang mga ito si Gino para di magkasakit. Nagluto naman si Mars ng pagkain nila.
Nang sumapit ang gabi ay nagkaroon sila ng movie marathon, dahil puro MCU movies ang nasa bahay ni Gino ay pinag tyagaan na rin nila Mars at Jewel na panuodin iyon kahit di nila trip ang action na pelikula.
Habang nanunuod at kumakain ng chips (Jewel at Mars), stick O naman para kay Gino ay hindi nila napigilan na maglaroon ng heart to heart talk.
“Okay na ba ang pakiramdam mo Siz?”
“Oo, mas malinaw na ang pag iisip ko ngayon, mukhang nagising talaga ako sa sinabi ni Mars. Nahihiya ako dahil sa aking mga ginawa. Hindi ko kayang mawala at mapahamak ang baby ko,“ani Gino sa dalawang kaibigan habang nakayakap sa unan na hawak.
Nasa sala sila ngayon at nanunuod ng Iron man. Nasa baba ng sofa si Miggs at seryosong nakapanuod sa TV habang sila ay nag kukwentuhan.
“True yan Bhes, kaya mula ngayon ingatan mo na ang sarili mo. Kapag may kailangan ka o gusto mo lang ng kausap pwede mo kaming tawagan, wag mong sarilihan lahat,” ani Mars.
“Salamat talaga sa inyo, h-hindi ko kayang lampasan ito kung wala kayo.”
“Kami ang magiging pamilya mo, tutulungan ka naming palakihin si Baby kaya wag ka nang umiyak Siz, nadadala ako,” nagpapaypay sa mukha si Jewel para di maiyak.
“Group hug na ito!” masiglang sigaw ni Mars at nagyakapan na sila.
HABANG
nakayakap si Gino sa dalawa ay biglang may pumasok sa kanyang isipan.
’
Kung gusto kong magpatuloy sa buhay na ito, kailangan ko nang tanggpin na hindi na talaga siya babalik at ang katotohanang ----
iniwan na talaga niya kami ni Baby
’
IMAHE
Magnus Haven
Narito ako ngayon sa bahay at nagpapahinga. Bawat pag daan ng mga araw ay lalong sumasama ang aking kalagayan kaya na nanatili muna ako dito.
Nakaupo ako sa sofa sa maliit kong sala habang nakikinig sa radio, nahihilo ako kaya hindi ako nagkiki-kilos.
Naging magulo at masakit para sakin ang mga pangyayari sa mga nakalipas na araw at buwan.
Kapag naalala ko ang mga bagay na iyon ay hindi pa rin ako makapaniwala.
Maraming katanungan sa aking isipan na ano mang gawin ko ay hindi ko mahanap ang kasagutan.
Habang tulala ako sa kawalan ay patuloy na tumutugtug ang musika sa radio.
Mula dito ay nanggaling ang isang kantang tumutugma sa aking nararanasan ngayon.
🎤
Kinukulayan ang isipan pabalik sa nakaraan🎤
Ang masasaya naming alaala na bumabalik sa aking isipan habang nagpapatuloy ang kantang aking pinakikinggan.
Ang mga panahon na magkasama kami, yung pamamasyal namin sa park at iba pang lugar.
🎤’
Wag mo nang balikan, patuloy ka lang masasaktan
Hindi nagkulang kakaisip sa isang magandang larawan
Paulit-ulit na binabanggit ang pangalang nakasanayan
🎤
Ang bawat liriko ng musikang ito ay parang ginawa para sa aking pinagdadaan ngayon. Nakakalungkot man dahil tinatamaan ako sa masasakit na katotohanan na idinudulot nito pero kahit ganun ay hanggang ngayon, bukangbibig ko pa rin ang pangalan nya.
🎤
Tayo ay pinagtagpo ngunit hindi tinadhana
Sadyang mapaglaro itong mundo🎤
’
Pinagtagpo nga lamang ba tayo, hindi ba talaga tayo para sa isa’t isa. Mahirap tanggapin pero ito nga ba ang tadhana nating dalawa’,
malungkot na turan ko pa sa aking sarili.
🎤
Kinalimutan kahit nahihirapan
Para sa sariling kapakanan🎤
Pilit kong kinakalimutan ka para makapagpatuloy ako ng sarili kong buhay na wala ka.
🎤
Kinalimutan kahit nahihirapan
Mga oras na hindi na mababalikan
🎤
Ang masasayang oras nating dalawa ay mananatiling isang kayaman para sa akin.
Ang mga ngiti, ngisi at mga tawa mong hanggang ngayon ay paulit-ulit kong nakikita at naririnig.
🎤
Pinagtagpo ngunit hindi tinadhana
Puso natin ay hindi sa isa’t isa🎤
Hindi ko namalayan na tumutulo na pala ang ang mga luha na kanina pang nagbabadyang pumatak ng marinig ko ang lirikong iyon.
’
Kahit anong dasal at pilit ko, kung hindi mukhang hindi talaga tayo para sa isa’t isa’
🎤
Pinagtagpo ngunit hindi tinadhana🎤
Tulala at malalim ang aking mga iniisip sa pagtakbo ng oras. Ang sakit na aking nadarama sa kanyang pagkawala ay patuloy na bumabalik.
🎤
Hanggang dito na lang
tayo🎤
Napalingon ako sa kinalalagyan ng radio habang hinahaplos ang aking bilugang tyan.
’
Kung hanggang dito na nga lang ba tayo, pero paano naman ang batang nasa sinapupunan ko ngayon?’
--------------------❤❤❤
Hi guys!!!
Masaya ako dahil okay na si mareng Gino.. Keri mo yan Ginobabes!!!
Pls. Dont forget to
VOTE
and
COMMENT
BYIEE
💕
MB 42
I hope you enjoy reading this chapter
💕
GINO’S POV
Lumipas ang buwan na ito na napakabilis. Maraming mga pangyayaring para sa’kin ay mahirap pa rin paniwalaan hanggang ngayon.
Isa na doon ang katotohanan na hindi na talaga kami babalikan ni Cain.
Masakit at malungkot iyon pero kahit ganun ay masaya na ako ngayon sapagkat nalampasan ko rin ang depression kasama ang aking mga kaibigan.
Magaling na ang aking balikat pero hindi ko pa rin ito ginagamit ng husto para di mabigla.
Bumibisita rin ako sa ospital para magpacheck up ng kalagayan ni Baby. Ganun din para malaman ko ang mga dapat kong gawin, kainin at iba habang nagbubuntis.
Una ko itong pagbubuntis kaya nangangapa ako sa dapat kong gawin, lagi man akong kinakabahan ay nandyan naman ang mabubuti kong kaibigan na laging nakaalalay sa akin.
Payo ni Doc na dapat daw ay mag ehersiyo para masanay ang katawan ko at di ito mahirapan sa mga pagbabagong nagaganap at paghahanda sa paglabas ni Baby.
Pag umaga ay naglalakad-lakad kami ni Miggs sa may park, dahil mabilis akong mapagod ay mabagal lamang ang ginagawang paglalakad namin.
Pansin ko na tunay ngang maselan ang aking pagbubuntis sapagkat lagi akong nakakaramdam ng pagkahilo, pagsakit ng ulo at pagsusuka. Sobra rin ang paglilihi ko kaya naman lagi akong dinadalhan nina Mars at Jewel ng mangga at bagoong, egg pie at iba pang pagkain.
Kahit lagi akong iritable, inis, at mainit ang ulo ay pinagtatyagaan pa rin ako ng aking mga kaibigan. Malaking biyaya talaga sila para sakin.
Kung pag uusap ang tungkol sa biyaya, wala nang mas gagandang biyaya at himala para sakin kun’di ang baby na nasa aking sinapupunan ngayon.
Nakangiti kong hinaplos ang medyo malaki ko nang tiyan habang ako’y naglilinis ng kusina.
Kung excited sina Mars at Jewel na makita si Baby, siguradong 10 x o 100x pa ang nararamdaman kong pananabik na makasama ang anak ko.
Para sakin, siya ang nagbibigay ng deresyon sa buhay ko at dahilan kung bakit ako nagpapatuloy sa araw-araw.
Habang nagpupunas ng mesa ay bigla akong nakarinig ng pagkatok mula sa pinto na sinundan ng mga tahol ni Miggs.
Hindi ko alam sa aking sarili pero kinakabahan at umaasa pa rin ako na baka isang araw ay muling babalik ang ama ng anak ko.
Kahit ilang beses ko nang sinabi at kinumbinsi ang aking sarili ay di ko pa rin mapigilan na umasa.
Sigurado akong hindi si Mars at Jewel ang taong kumakatok ngayon dahil nasa trabaho sila ngayon.
Kahit may kaba ay mabilis akong nagtungo para buksan ang pinto.
Nanlaki ang mata ko nang makita ang taong nasa labas ng aking pintuan ngayon.
Si---
—Sir Yuan?
“I’m sorry to bother you, Gino.”
Nagising ako mula sa pagtitig sa kanya nang marinig ko ang kanyang sinabi.
“Ah naku di po kayo nakakaabala, pasok po kayo.”
Sumunod naman ito papasok ng pinto, pero laking gulat ko ng biglang dambahin ito ni Miggs.
“Miggs!! Tama na yan!” malakas na sigaw ko sabay awat dito.
Dinala ko muna ang mukhang bad mood na si Miggs sa kwarto para di na nito maaway pa si Sir.
‘Ano kayang problema ni Miggs, pag kay Cain ang bait bait niya, tapos kay sir galit na galit.’
“S-Sir sorry po, nasaktan po ba kayo?”
“Hindi naman, okay lang ako,” anito habang pinapagpagan ang pantalon at puting long sleeves na suot nito.
Napatango naman ako at inaya itong umupo sa sofa. Ang mga dala nito ay ipinatong niya sa mesa.
“I’ve bring you something, foods and ---”
“Sir, may gusto po ba kayong pag usapan?” tanong ko dito kaya napatigil ito sa pagsasalita.
Alam kong hindi simplemg pagbisita ito, ramdam ko na may ibigsabihin ang mga galaw at kilos niya. Ang pagbisita nito lagi, pagdadala ng pagkain at pagpaparamdam na narito lamang siya sa aking tabi.
Ayaw ko siyang paasahin kung tunay ngang mahal niya ako. Hindi ko pa kayang buksan muli ang aking puso lalo na at inaamin kong mahal ko pa rin si Cain.
Kahit gago ang lalaking yun, at sa sobrang pangungulila ko sa kanya ay parang gusto ko na syang sakalin pagnagkita ulit kami. Ganun ka tindi ang pagka-miss ko sa kanya.
Hayss babawi at gaganti pa ako sa bwisit na callboy na yun pagnahanap ko sya.
Napatighim naman ito at seryosong tumingin sa akin.
“Gino, hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. Matagal na kitang mahal at hindi ko ginagamit ang pagkakataon na ito para mapalapit sayo. Gusto ko lang na malaman mo nandito lang ako at---
----kaya kong maghintay.”
Napabuntong hininga naman ako, tama ang hinala ko. Ayaw ko mang sakta siya pero kailangan din niyang malaman kung ano ang tunay na nararamdaman ko.
“Sir, gwapo, matalino at maaasahang kayong tao, huwag nyo sanang sayangin ang buhay nyo para sakin, pasensya na po pero hindi ako ang para sa inyo.”
“N-No don’t say that, kaya kong maghintay, paghanda ka na ulit magmahal ay nandito lang ako para sayo at sa anak mo,” nagmamadaling paliwanag nito sa kanya kaya naman napaawa siya sa itsura nito.
“Sorry po talaga sir Yuan, sana po ay maintindihan nyo na gusto ko munang pagtuonan ng atensyon ang aking pagbubuntis.”
“Naiintindihan ko naman yun Gino, P-please bigyan mo ako ng pagkakataon na mahalin k—”
“Sir, hindi nyo po naisip na dahil sa ginagawa niyong ito ay may nababaliwa na kayo, yung taong tunay na nagmamahal at naghihintay sa inyo.”
Napatungo naman dahil sa aking sinambit, alam kong sa oras na ito ay naisio niya ang isang taong walang sawang nagmamahal sa kanya.
Lumipat ako ng upuan at tumabi dito. Hinaplos ko ang likod nito sabay sabing…
“Yuan, di ba mag kaibigan tayo?” tumingin naman ito sa akin at tumango ng bahagya.
“Gusto ko lang na makita kayong masaya kasama ang taong deserve nyo. Please wag nyong ikulong ang sarili nyo sakin. Okay lang po ako.. wag na kayong mag alala pa,” nakangiti kong saad sa kanya.
Nabalutan ng kapanatagan ang mga mata ni Sir at nangilid ang luha nito. Mabilis itong yumakap sakin kaya mainit ko din itong sinuklian.
“Sir, sundin nyo kung anong tunay na tinitibok ng inyong puso,” ani ko sabay haplos sa likod niya.
“Maraming salamat Gino.”
Makalipas ang ilang sandali ay natapos din ang aming drama kaya nagmeryenda na lang kami ng mga pagkaing dala niya.
“Basta kung ano mangyari ay lagi lamang akong nandito, wag kang mahihiyang lapitan ako,” pamamaalam ni Sir.
Tumango naman ako at masayang inihatid ito sa labas ng pintuan.
Mula sa malayo nang tanawin ko ito ay nagawa pa nitong kumaway bago sumakay sa pulang kotse niya.
▼△▼△▼△▼△
Dalawang linggo na ang lumipas nang mag usap kami ni Sir sa aking bahay.
Ngayon ay nasa opisina ako, pinayagan na kasi ako ni Sir na pumasok kahit isa o dalawang beses lamang sa isang linggo para di naman ako mainip ng sobra sa aking apartment.
Walang nakakaalam sa aking mga katrabaho na buntis ako, ang alam lang nila kaya di ako nakakapasok sa trabaho nang mga nakaraang buwan ay dahil sa pagkakabaril sakin.
Wala din naman akong balak sabihin sa kanila na buntis ako kaya nagsusuot na lamang ako ng makapal na jacket para di halata ang bukol sa aking tiyan. Malamig naman ang opisina kaya hindi ako pinagpapawisan.
Hayss namiss ko talaga dito sa opisina, ang table ko, ang computer ko pati natin ang makasama ang mga kaibigan ko.
Speaking of kaibigan, ayan na sila..
“Sizz!! My gosh welcome back! ”
“Bhed, we miss you!”
“Ang drama nyo, parang hindi kayo galing samin kahapon ah,” natatawa kong saad sa dalawa.
“Ikaw naman, kunyari nga matagal ka naming di nakita,” nakanguso turan ni Mars.
“Sige na nga, sya take 2 kayong dalawa.”
“Wag na siz, sayang ang oras, may chika pa naman ako,” mabilis na sabi ni Jewel sabay upo sa harap ko at tabi ni Mars.
“Anong chika?” tanong ni Mars habang nakataas ang kilay.
“Whuat Siz Mars! Di mo alam yun?”
“Kung alam ko ba, itatanong ko pa?” mataray na sagot naman nito.
Napatakip naman ako ng kamay sa bibig para di mapatawa. Luka talaga ang dalawang to.
“Gaga Oo na nga, ito na ang chika. Nabalitaan ko na naghahanap si Sir Yuan ng magaging P. A. nya,” excited na balita ni Jewel sa amin.
Nangkatinginan naman kami ni Mars at sabay na humarap kay Jewel.
“Jewel, ito na ang pagkakataon mo.”
“True, grab the opportunity bhes Jewel.”
Naguguluhan naman na tumingin ito sa aming dalawa bago nagsalita.
“Hu? Ano bang sinasabi nyo dyan?”
“Yan na ang way para magkalapit kayo ni Sir, kaya ano pang hinintay mo? Gusto mo bang ipagtulakan ka pa namin?”
Tumango naman ako bilang suporta kay Mars, alam kong dito na magsisimula ang love story nila kaya dapat wag na itong palampasin ni Jewel.
“Oh my, mga siz thank you so much sa suporta!” naiiyak na saad pa nito.
Napatawa na lang kami ni Mars dahil sa pagdadrama pa nito. Kahit mukha kaming mga tanga dahil sa paggo-group hug ay ayos lang.
Masaya na ako ngayon, gusto kong maging masaya na rin ang aking mga kaibigan.
Maya-maya pa ay nagsibalikan an rin ang dalawa sa mga cubicle nila dahil start na ng working hours namin.
Mamayang lunch break na lang ulit kami pwede magchikahan.
Dahil alam ni sir ang kalagayan ko ay hindi niya ako tinatambakan ng maraming gawain. Yung sapat lang para di ako mastress at mapagod.
Maya’t maya ko ring hinahaplos ang aking tiyan para kumustahin kung okay lang si baby doon.
Nagulat ako ng biglang magsalita ang isa kong katrabaho.
“Gino, gutom ka na ba?”
“Ah hindi pa naman, bakit Lennie?” nagtataka ko namang tanong dito.
“Pansi ko kasing kanina mo pang hinahawakan ang tyan mo. Eto oh may baon akong sandwich, iyo na lang,” anito sabay abot sakin ng chicken sandwich na hawak niya.
Chicken yun kaya hindi ako nakatanggi at masaya iyong tinanggap. Ngumiti naman ito sakin at sinabing dadalhan daw niya ulit ako bukas.
Hindi ko alam kung maayos ang pakiramdam ko bukas pero ayaw ko na namang sabihin pa iyon sa kanya. Nagpasalamat na lang ako sa kanya at kinain ang bigay niyang sandwich.
May kung anong saya aking kalooban ngayong malapit na ako sa aking mga katrabaho hindi tulad noon. Masaya akong makausap sila, makasama at makatrabaho.
Wala pang isang taon mula ng makilala ko si Cain pero napakalaki na ng ipinag bago ng buhay ko.
‘Cain, hindi ka man magiging parte ng future namin ni Baby ay okay lang----
masaya pa rin ako dahil naging parte ka naman ng aking nakaraan’
------------------------+++
Moscow, Russia
Sinclair Palace
Sa loob ng conference hall na may mahabang table sa gitna ay nagaganap ang isang mahalagang pag uusap.
Sa dulong silya ay tahimik na naka upo si Cain habang nakikinig sa report ng iba’t ibang grupo na ipinadala nila para tukuyin ang pinag kukutaan ni Viktor ngayon.
Nasa gilid naman niya ang uncle na si Roman Sinclair, na namumuno sa isa sa pinakakilalang Mafia Family sa Mascow, ang Solntsevskaya Bratva.
Nandito rin si Hellix at Zero, ganun din ang kuya ni Zero na si Minato, ang susunod na boss ng kanilang Yakuza Family sa Japan.
Sa mga lumipas na linggo at buwan ay nagawa nilang maubos ang mga galamay ni Viktor petrova, mula sa iba’t ibang mafia groups na kinakakasangkaoan nito hanggang sa mga taong kinakapitan nito ngayon.
“I want this extraction to be successful, we plan this through out the month.”
Rinig pa ni Cain na saad ni Hellix habang ipinapakita ang mapa ng kanilang magiging misyon.
Hindi niya palalampasin ang lahat ng ito lalo na ang makaharap ang hayop na si Viktor na muntikan ng pumatay sa Ginobabes nya.
Maalala lamang ang pangalan ng taong pinakamamahal niya at ang itsura nito pagkatapos masaktan ay talang nagdadala sa kanya ng matinding galit. Ang mga papel na naglalaman ng impormasyong ay nagusot na dahil sa mahigit niyang pagkakahawak.
”
Его деньги уже конфискованы, и группа его покойного отца не поддержала его в этой битве?
/
His money is already forfeited and his late father’s group didn’t support him through this battle right?”
Napatingin siya dahil sa sinabi ng kanyang uncle at napatango. Lahat ng pinagkukunan ng pera ni Viktor ay hinold nila para wala itong magamit. Ang kaya na lamang nito ay magtago na parang isang maduming daga.
“Yeah but still, he has a lot of connections with the Triads. That’s why he’s confident to bring you down, Sinclair-san,” saad ni Minato.
Napag alaman nila na patago at traydor itong nakikipag sabwatan sa mga gagong Chinese na iyon kaya pala malakas ang loob na kalabanin siya.
“THEN BRING IT ON!! he messed with me, then I’m going to made a mess in him!”
Galit na sigaw nya sabay tayo sa kinauupuan, lahat ng nasa kwartong iyong ay napatahimik na lamang dahil sa takot.
Napailing na lang ang kanyang uncle at biglang nakita sa kanya ang katauhan ng yumao nitong kapatid. Ang ama ni Cain na si Wilfred. ’
Like father like son
’ isip isip pa nito.
Matapos ang meeting na iyon ay nagpaiwan muna siya para makapag isip-isip.
Dapat plano nya ang iniisip ngayon pero sa bawat oras na ipikit niya ang mga mata ay tanging isang tao lamang kanyang nakikita at na-aalala.
“Ginobabes, I’m miss you so much and---
— our baby.”
MB 43
I hope you enjoy reading this chapter 💕
3RD PERSON’S POV
SERYOSONG
nakaharap si Cain sa kwarto na puno ng iba’t ibang armas. Makikita dito ang pinakamalalaking baril hanggang sa pinaka maliit na patalim at explosives. Sa mga armas na ito ay namili sya ng mga dadalhin.
Kumuha siya ng Smith & Wesson 29.44-cal. Magnum revolver, dalawang magazine, isang Cold steel chaos bowie knife para sa hand to hand combat.
Ang araw na ito ang pinakahihintay niya, ang araw na maililigpit na niya ang gagong muntik nang pumatay sa kanyang mag ama.
“Boss, we’re ready to go.”
Habang naghahanda ay narinig niya ang boses ni Hellix mula sa labas ng kwarto.
Inayos na niya ang mga dadalhin at mula sa suot na tactical gear ay pansing pansin ang matipunong hubog ng kanyang katawan na nababalutan ng maraming straps at pockets.
Sa labas ng mansion ay nagtipon ang lahat ng kanyang mga tauhan, sa huling pagkakataon ay ipinaliwanag muli ni Hellix sa lahat ang plano, ang mapa at ang dapat gawin.
Ang lahat ng narito ay professional sa ganitong gawain kaya sigurado silang magiging maayos at successful ang misyon na ito.
Hindi ito ang pinaka unang misyon na isinagawa nila. Halos lahat ng mga lugar na pinuntahan nila noon ay isa lamang mga panlinlang.
Wala sa mga iyon si Viktor, kinailangan pa nilang mag interrogate ng kasabwat nito para lamang malaman nila ang eksaktong pinagkukutaan nito ngayon.
Kasama ni Cain sa Bullet proof na Van sina Josh at Gary. Si Hellix ay nasa kabila kung saan ay kasama nito si Zero.
Habang palapit ng palit sila sa kinaroroonan ni Viktor ay purong pananabik lamang ang kanyang nararamdaman.
“I can’t wait kill that bastard.”
Sa isang tagong pasilidad nila natukoy ang pinagtataguan ni Viktor ngayon, maingat at dahan-dahan ang naging paggalaw nila palapit sa nasabing gusali.
Mula sa earpiece na suot ng lahat ay maririnig ang boses ni Zero na nagbibigay ng dereksyon sa kanila.
Hindi katulad noon ay naiiwan ito sa mansion, ngayon ay kasama nila ito pero nasa loob lamang ito ng van para maging intel nila.
Sa madilim na kalangitan na natatabunan ng makapal na mga ulap ay pilit sumisilip ang buwan na parang nagmamasid sa lahat ng kanilang galaw.
Nakasuot naman sila ng binoculars para makakita pa rin sa dilim, ganun din ang gas mask para di sila maapektuhan ng smoke screen na pinakawalan nila.
“Turn left, 65 degree starboard ahead,” ani Zero mula sa kanilang earpiece.
Tahimik nilang pinasok ang daan sa likod ng gusali, ganun din sa tagiliran nito.
Parang lumang ospital ang detalye ng gusaling ito, mapuputing pasilyo na sinamahan pa ng umaalingasaw na amoy ng gamot at kemikal.
“Ang baho dito boss,” rinig ni Cain na reklamo ni Hellix mula sa earpiece na kanyang suot.
Ito ang namumuno sa kabilang team na ang misyon ay ubusin lahat ng tauhan ni Viktor para walang sagabal ang pagpatay nila sa gagong kalaban.
‘Psh, this is a fucking illegal drug laboratory, that is why.’
Base sa kanilang plano, may dadaanan silang isang kwarto bago makarating sa target.
Papasok na sana sila sa kwarto nang mula sa di kalayuan ay nagsimulang marinig ang tunog ng alarm at ang pulang liwanag na bumalot sa buong lugar.
Nasundan rin ito ng magkakasunod na putok ng baril at dito na nga nagsimula ang gulo.
▼△▼△▼△▼△
BAGONG
araw para kay Gino at kay Baby. Ngayon ay nasa supermarket sila para bumili ng mga pangangailangan tulad ng mga toothpaste, shampoo at iba pa.
Habang naglalakad lakad sa pagitan ng mga estante, mula sa di kalayuan ay may natanaw siya.
‘Pancake mix?’
isip-isip niya habang hawak ang isang box.
Hindi ito ang gusto niyang lutuin pero pwede naman sigurong nagsimula dito. Ingredients para sa puto ang hinanahap niya pero mukhang sa pancake siya bumagsak.
“Masarap din naman ito di ba, baby?” bulong pa niya sabay haplos sa kanyang tiyan.
Pilit siyang pinag day off ngayon ng mga kaibigan at ni Sir Yuan para daw makapahinga siya pero kailangan din niyang mag grocery kaya narito sya ngayon.
Certified na makulit na buntis talaga siya.
Matapos mamili ay tulak-tulak niya ang cart patungo sa counter para bayaran na ito. Habang isinisilid ng cashier lahat ng pinamili niya sa bag ay napapakamot naman siya sa ulo.
’
Naku, naparami ata ang binili ko ah.’
Palabas ng mall ay napapangiwi si Gino dahil sa bigat ng dala niya. May dala syang payong pero di naman niya magamit dahil sa dami ng dala.
Mainit ang panahon at nagmamadali pa siyang makasakay ng taxi pauwi kaya naman habang naglalalakd ay bigla siyang nakaramdam ng pagkahilo.
Tumigil siya sa paglalakad at ibinaba ang dala, nasapo niya ang noo dahil sa hilong nararamdaman.
‘Bwisit naman, bakit ngayon pa,’
nahihirapang saad niya sa isipan.
Parang matutumba ang pakiramdam niya ngayon.
At iyon na nga ang muntik na mangyari nang may biglang may tumama sa likod ng tuhod niya.
Mabuti na lamang at nabalanse niya ang sarili at dahan-dahang lumingon para tingnan ang bumangga sa kanya.
Napataas ang kanyang kilay ng makita na isang batang babae ito. Siguro mga apat na taon pa lamang ito.
Maitim ang mahabang buhok nito, maputi ang balat at medyo chubby ang katawan. Ang ngiti sa labi nito ay nakakatanggal ng pagod.
‘Hayss ang kyut naman, sana ganito rin ang anak paglumabas na sya.’
Yumuko siya ng bahagya at hinaplos ang ulo ng bata.
“Hindi ka ba nasaktan?” tanong pa niya dito, umiling naman ang bata bilang sagot.
“Anong pangalan m—”
“DION RHYSS!!!”
Mula sa di kalayuan ay may babaeng tumatakbo palapit sa kanila, may kasama pa itong isang batang lalaki. Masiglang tumalon naman ang batang babae na kasama niya at sumigaw..
“Papa!!”
Nanlaki ang mata niya dahil sa isinigaw ng batang babae. Akala niya ay babae ang palapit sa kanila. Lalaki pala iyon.
Ang ganda kasi ng mukha nito, maputi at makinis ang balat at maganda ang pangangatawan.
“Di ba sabi ko naman sayo, wag kang tatakbo kung saan,” pangangaral pa ng lalaki sa anak nito.
Kahit mukhang galit ay makikita parin ang pagmamahal nito sa anak. Napadako sa kanya ang tingin nito at mabagyang yumuko para humingi ng tawad.
“Pasensya na talaga, naabala ka ba ng anak ko?” tanong pa nito.
“Naku, hindi naman.”
“Pasensya na ulit, ako nga pala si Rylan. Eto ang anak kong sina Ryden at Dion,” nakangiting pagpapakilala pa nito.
Nagpakilala rin siya at nakipagkamay.
Bukod sa napakabait ni Rylan ay napakaganda pa nito. Akala talaga niya kanina ay babae ito.
“Ah namumutla ka kasi, okay lang ba talaga ang pakiramdam mo Gino?” nag aalalang saad nito sa kanya.
“M-Medyo nahihilo nga ako eh.”
“Ganun ba, halika,” anito at tinulungan siyang magdala ng kanyang mga pinamili.
Mabuti na lamang at may malapit na convenient store kaya dun muna sila nagpahinga.
Ibinili siya ni Rylan ng tubig habang pinapay-payan naman siya ng dalawang bata.
Natutuwa siya dahil ang babait ng mga batang ito, mana siguro talaga sa magulang.
Ang panganay na anak ni Rylan ay napakagwapong bata habang ang bunso naman ay napaka-kyut. Hindi niya mapigilan na pisilin ang pisngi nito dahil sa panggi-gigil.
Maya-maya pa ay nakaramdam na siya ng ginhawa, hindi na kumikirot ang ulo niya sa sakit at nawala na rin ang pagkahilo.
Magpapaalam na sana siya sa mga ito nang bigla namang may lalaking dumating.
“Ry ko, nandito lang pala kayo,” saad ng lalaking mukhang model.
Mabilis at masigla namang sinalubong ito ng dalawang bata.
Hindi niya mapigilan ang sarili na humanga dahil sa kagwapuhang taglay ng lalaking ito, dahil sa tangkad at laking tao nito ay kailangan pa niyang tumingala para masilayan ang gwapo nitong mukha.
“Buti dumating ka na Dylan, hatid natin si Gino. Masama ang pakiramdam niya.”
Mabilis siyang napalingon kay Rylan dahil sa sinabi nito.
“Ha? Naku hindi na, maayos na ang pakiramdam ko,” pagtanggi pa niya dito.
“Wag ka nang mahiya, Si Dylan nga pala asawa ko,” anito sabay turo sa lalaking mukhang model.
“Ah hello ako si Gino,” saad niya at nakipagkamay rin dito.
’
Akalain mo nga naman at pamilya pala sila. Hayss nakakainggit naman.’
Wala na syang nagawa ng buhatin na ng mga ito ang mga pinamili niya palabas ng convenient store.
Sumakay sila sa magarang kotse nito at sinabi niya ang address ng kanyang apartment.
Habang nasa byahe ay napatanaw siya sa bintana ng kotse habang tumatakbo sa isip niya ang bagay na ito..
‘Kung sana hindi umalis si Cain, may pag asa kayang maging masaya rin kaming pamilya?”
▼△▼△▼△▼△
MARAMING
patay na katawan ang nakakalat sa buong paligid. Maririnig din ang kaliwa’ t kanang ang mga putok ng baril ganun din ang pagyanig ng lugar kapag may sumasabog dahil sa mga kemikal na nakaimbak sa lugar na ito.
Hinihinggal na rin si Cain dahil sa hirap ng paghinga, puno na kasi ng usok ang buong lugar.Mas delikado ito sapagkat wala silang nakikita.
Habang maingat na naglalakad ay nakarinig sila ng mga yabag ng paa, hindi ito mula sa iisang tao kaya naman naisipan nilang magtago sa likod ng hagdan para kumubli.
Walang kaalam ang ang mga kalaban na naroon sila kaya naman bago pa makalabit ng mga ito ang gatilyo ay pinaulanan na nila ito ng bala.
“Hellix!”
“Hey!” kanina pa niya sinusubukang kausapin ito pero puro static lamang ang kanyang naririnig.
‘Fuck, the earpiece must be damaged already,’
isip isip pa niya habang dinadamdam ang masakit na braso dahil sa daplis ng bala.
Nasa likoran pa rin siya si Josh at katulad niyang sugatan na rin.
“Can you still communicate with Gary?” tanong niya dito. Magkasama kasi sa grupo sina Hellix at Gary.
“I’ll try Boss.”
Lumingon muli siya dito para alamin kung may balita ba.
“He said that, Hellix is not with them,” naguguluhamg saad nito sa kanya.
Kahit gago at isip bata ang Hellix na iyon, mahalaga pa rin sa kanya ito. Hindi nya maiiwasang mag alala sa kalagayan nito ngayon sapagkat hindi niya lamang ito tauhan…
Habang patuloy na umaabante, ay muli niyang sinubukang kausapin ito gamit ang earpiece.
“Hey, Where the hel—”
“Ohh Mr. Sinclair, what a lovely way to have this conversation.”
Parang bulkan na sumabog ang kanyang galit ng marinig ang kasuklam-suklam na boses na pagmamay ari ni Viktor Pertrova.
“Fuck you, you think you can get away after this?”
“I think I won’t, at least I bring someone with me,” baliw na saad nito sabay tawa ng malakas.
Kung akala ng gagong ito na hindi na siya matutunton ni Cain ay nagkamamali siya, ang bawat earpiece na gamit nila ay may tracking device.
Kinausap ni Josh si Zero para alamin ang kinalalagyan ni Hellix at ni Viktor.
Base kay Zero ay nasa rooftop ang signal na nagmumula sa device na gamit nila. Magbilis ang naging paggalaw nila patungo noon.
“Your clock is ticking Mr. Cain Aziel Sinclair, I hope he’s still alive when you came.”
Lalong nagngitngit ang kanyang bangang dahil sa mga banta nito. Bago makarating sa rooftop ay sandamakmak na kalaban pa ang kanilang nakaharap.
Malakas at buong pwersa niyang sinipa ang pinto ng rooftop.
Ang buong lugar ay nababalutan na ng apoy, usok at mga sirang bahagi ng building.
Nanlaki ang mata niya ng makita ang duguan at walang malay na katawan ni Hellix sa sahig. Nakatayo sa gilid nito si Viktor, sugatan na rin ito at halatang may iniindang malaking sugat sa katawan.
Nakatutuk ang baril na hawak nito kay Hellix habang mala-demonyong naka ngisi ito sa kanya.
Naglaho sa kanyang paningin ang buong paligid nang marinig ang huling salita na sinambit nito.
“Say goodbye to your baby brother,” saad nito sabay kalabit sa baril na hawak.
“NOOO!!!”
°°°
CRAKKK!!
Gulat na napatingin si Gino na basag na baso sa sahig.
Nandito na siya ngayon sa kanyang bahay, inihatid siya ng mabait na pamilyang nakilala niya kanina.
Tapos na siyang kumain ng niluto niyang pancake kaya naghuhugas na siya ng pinagkainan.
Hindi niya alam pero nakaramdam siya ng matinding kaba habang nakatitig sa basag na baso, yumuko siya para damputin at linisin ito.
“Aray,” daing niya ng mahiwa na siya ng bubug.
Ang dugo mula sa kanyang daliri ay pumatak sa puting tiles ng kanyang kusina.
Habang nakatitig siya dito ay pansin niya ang pagkalat ng dugo sa paligid.
Apoy
Malakas na sigaw
At kamatayan
“H-Hah!” habol ang hininga niya habang nakahawak sa kanyang dibdib. Nangilabot siya sa kanyang nakita.
Puno man ng takot ang kanyang isipan ay isang tao lamang ang kanyang na aalala.
’
Cain, sana lagi kang ligtas.‘
MB 44
I hope you enjoy reading this chapter 💕
3RD PERSON’S POV
“Tangna ang sakit Hon, dahan-dahan naman.”
“Shut your fucking mouth Hellix, ginagamot ka na nga, nagrereklamo ka pa!”
Napailing na lamang si Cain dahil sa ingay ng mga ito.
Nakasakay sila sa Van ngayon at paalis na sa lugar na iyon. Dahil sa pagod ay naipikit niya ang mga mata at sumandal sa gilid para makapag pahinga.
Hanggang ngayon ay mabilis at malakas pa rin ang kabog ng kanyang dibdib. Ang kaba na kanyang nararamdaman ay hindi pa rin humuhupa.
Sa pag pikit niya ay nanunumbalik ang lahat ng pangyayari na naganap kanina lamang.
NOOOOO!!!
Mabilis siyang tumakbo para pigilan si Viktor.
Bago pa nito mabaril si Hellix ay naitulak na niya ito palayo.
Nagpambuno sila nito sa sahig habang nagpapatuloy ang barilan sa kanilang pagilid. Dumating kasi ang mga natitirang tauhan nito kaya nagkaroon ulit ng ingkwentro.
Malakas niya itong sinuntok sa mukha ng paulit ulit, sinubukan nitong dumepensa pero wala itong nagawa ng tamaan niya ang panga nito.
Bubunutin na sana niya ang reserbang baril nang biglang makaramdam siya ng kirot sa bandang tagiliran niya.
N
agpanggap lamang pala ito na nanghihina at mabilis na kinuha ang pocket knife na nasa kanyang tactical gear.
Napangiwi na lamang siya ng maramdaman ang pagmanhid ng kanyang tagiliran, kasabay nito ang pagbuhos ng masagana niyang dugo.
Ngumisi ito na para bang nagtagumpay na dahil sa sugat na natamo niya.
Hindi nito inaasahan na gagawa siya ng kakaibang desisyon. Pansin ni Cain na
nakatikod ito sa gilid ng rooftop.
Kaya naman ubod lakas niya itong niyakap patalon sa gilid ng building. Bago sila tuluyang mahulog ay kumapit siya sa naka usling bakal sa gilid ng building kaya naman mag isang nahulog si Viktor at nilamon ito ng nagngangalit na apoy sa baba.
Malalim ang naging tama niya sa tagiliran at marami na rin ang gulo na nawala sa kanya. Habang nakasabit sila sa gilid ng building ay ramdam niya ang unti-unting pagkawala ng kanyang malay.
Nang pipikit na siya ay may narinig siyang boses na tumatawag sa kanyang pangalan.
“Cain,” ang malambing na boses ng kanyang Ginobabes habang masayang nakangiti ito sa kanya.
‘No, I can’t die here, I still have a family to go back to!’
Dahil sa isiping iyon ay nagkaroon muli siya ng lakas at dahan-dahang umakyat pabalik sa rooftop.
Kaunti na lamang pero hindi niya inaasahang dudulas ang kanyang kapit kaya napabitaw siya.
‘Fuck!!’
Bago pa siya tuluyang mahulog ay may kumapit sa kanyang kamay.
“Boss, kapit ka lang,” nakangiting saad sa kanya ni Hellix.
Tinulugan din siya ni Gary at hinigit pataas.
Habang inuubos ng kanyang mga tauhan ang kalaban ay isang malakas na pagsabog ang nagmula sa ibabang palapag ng gusali.
Akay-akay sila ng mga kasama palabas ng nasusunog na gusali na iyon. Mabuti na lamang at bago sumabog ang buong lugar ay nakalabas na sila.
Napalingon muli siya sa gusaling nilalamon ng apoy
at napabulong..
‘I hope that this will be the end.’
ILANG
araw na ang nakalipas magbuhat nang mangyari ang misyon. Nagdiwang ang lahat sapagkat naging tagumpay ito.
Ngayon habang nagpapagaling, ang nais na lamang ni Cain ay makabalik kung nasaan ang kanyang pamilya.
Sa loob ng kanyang kwarto ay napasilip na lang siya sa asul na kalangitan at humihiling na sana sa oras na magkita sila ni Gino ay magawa nitong mapatawad siya.
Hindi niya alam na sa labas ng kanyang kwarto ay may nagaganap na pagpaplano.
NASA KUSINA
sina Hellix, Josh, Gary at Zero at sabay-sabay na nagmemeryenda.
’
Hayss namiss ko dito sa mansion ah, ilang buwan din kaming nanatili sa Pilipinas,’
isip-isip pa ni Hellix habang kumakain ng pizza.
Lahat sila maliban kay Zero ay nagpapagaling pa rin. Mabuti na lamang sapagkat hindi ganun kadelikado ang natamong sugat niya dahil sa misyong iyon.
Pero kung tutuusin, muntikan na talaga siya doon kung di lang dumating ang kanyang Idol para iligtas siya.
’
Tss, mula noon hanggang ngayon, wala ka talagang katulad Boss bro.’
Habang umiinom ay bigla siyang napatingin nang magsalita si Josh.
“I never thought that you and the boss were brothers.”
Tumango naman si Gary dahil sa sinambit ng kaibigan sabay sabing..
“So ang pangalan mo pala ay, Hellix Storme Sinclair?”
“Oo ano pa nga ba,” sarkastikong sagot niya kaya nakatanggap siya ng isang hampas sa batok galing kay Gary.
Nakanguso naman niyang napahaplos ang masakit na batok.
Hindi nila kasabay na lumaki ang dalawang ito kaya hindi alam ng mga ito ang tunay. Si Zero lamang ang nakaka-alam ng totoo at ---- ang patay na si Viktor.
“Psh kahit naman sabihin ko, para namang maniniwala kayo,” saad pa niya.
“Di kasi halata, tsaka di naman kayo magkamukha,” ani Gary sa kanya.
‘Hindi talaga kami magiging magkamukha dahil hindi naman kami tunay na magkadugo,’
isip-isip pa niya at napailing nang maalala kung saan nga ba nagsimula ang lahat.
Sa isang ampunan sila ni Cain nagkakilala, 5 years old siya habang mas matanda lang naman ng isang taon ito sa kanya.
Isa din siya sa mga nagiging anak ng mga dayuhan sa babaeng prostitute. Sabi sa kanya ng mga madre doon, siya daw ay nakita lamang sa labas ng pinto ng ampunan noong siya ay sanggol pa lamang kaya hindi niya nakilala ang
kanyang tunay na pamilya.
Noong limang taong gulang na siya, doon naman dumating si Cain sa ampunan. Dahil maliit siya ay laging inaaway at binubully ng mas malalaking bata.
Si Cain mula noon ang kanyang tagapagligtas. Sobra siyang humanga dito kaya naman tinuturing niya itong kuya at tunay na kapatid.
Kahit suplado ito at di palaimik, alam niyang may taglay na kabaitan nito.
Simula ng mga bata pa lamang sila ay idolong idolo na niya ito, para siyang isang tuta na sunod ng sunod sa lahat ng kilos nito.
Ilang beses man siyang itinataboy nito ay hindi siya nakikinig.
Labing isang taon na siya nang di nila inaasahang dadating ang ama ni Cain para kunin ito at dalhin sa Russia.
Nang mga panahon na iyon ay sobrang lungkot niya sapagkat mapapahiwalay na siya sa kanyang kuya. Umiyak siya ng umiyak, halos hindi siya mapatahan ng mga madre doon.
Ayaw niyang magpaiwan, gustong gusto niyang sumama. Kahit bata pa siya noon ay tanda pa rin niya ang eksaktong nangyari bago umalis si Cain kasama ang ama nito.
“K-Kuya *hic wag mo akong i-iwan!!” umiiyak na sigaw niya habang hinahabol ang kotse na sinasakyan ng mga ito.
Mabilis ang takbo ng sinasakyan nito kaya naman hindi kayang sumabay ng maliliit niyang binti para maabutan ito.
Nanlalabo na ang kanyang paningin dahil sa luhang nag uumapaw sa kanyang mga mata.
Dahil sa desperadong paghabol at pagsigaw dito ay hindi niya nakita ang bato sa kalsada, nadapa siya doon at nagasgas ang kanyang tuhod, siko at noo.
Lalo na siyang napaiyak dahil sa nangyari, pinilit niyang iniangat ang mukha para tingnan ang papalayong sasakyan.
Hindi niya sigurado kung pinaglalaruan ba siya ng kanyang mga mata dahil nakikita niya ngayon na nakatigil na ang kotse at tumatakbo palapit sa kanya si Cain.
Tinutungan sya nitong tumayo at isinakay sa kotse pabalik sa ampunan.
Akala niya ay ibabalik lamang sya ng mga ito doon pero nagulat siya ng kausapin ng ama ni Cain ang Madre.
At paglabas ng mga ito sa opisina, tumango at ngumiti sa kanya ang madre at pinayagan na siyang sumama sa hinahangaan niyang kuya.
Hindi niya alam na sa mismong oras na iyon ay nagmaka awa si Cain para lang ampunan siya ng ama nito
.
Nahihiya pa rin siya pag na aalala ang pangyayaring yun.
‘Tangna, bata pa lang ako noon eh drama king na,’ napapatawang sabi niya sa isipan.
Napabuntong hininga na lamang siya at napailing sabay bulong ng..
“Kala ko mabuting desisyon ang pagsama kay Boss noon, hindi ko akalain na impyerno pala ang babagsakan ko.”
Dahil sa bigla niyang pagtahimik ay napapatitig sa kanya si Zero. Nginitian at kinindatan niya ito kaya napairap ito sa kanya.
“Tss sungit mo talaga Hon, para namang di ka umiyak nung nasugatan ako ah,” aniya sabay tawa ng malakas.
Namula naman ang mukha nito sa hiya, lalo na nang makisali na ang dalawa sa pag tawa.
“F-Fuck you Hellix!!” galit na sigaw nito sabay walk out.
Habang nagpupunas ng luha dahil sa pagtawa ay bigla niyang naisip na sa mga nagdaang araw ay pansin nilang lahat na di mapakali ang boss nilang si Cain.
“Mga pre, mukhang malungkot si Boss,” aniya sabay baling sa dalawang kasama.
“Yah we noticed.”
“Oo nga, anong pwede nating gawin?” ani Gary.
Siguro ay di pa rin ito nakakamove on sa lalaking nakilala nito sa pinas.
‘Base sa pagkakatanda ko, Gino ang pangalan nung lalaking yun. May alaga din yung aso na may galit ata sakin.’
Nag isip siya ng paraan para mawala muna sa isipan ng boss nila ang lalaking yun.
“AHA!! ALAM KO NA MGA PRE!!”
Pinalapit niya ang dalawa at saka ibinulong ang kanyang plano.
Napatango naman ang dalawa sapagkat wala namang mga ideya ang mga ito tungkol sa tunay na pinagdadaanan ng boss nila.
Makalipas ang ilang minuto ay may dumating na mga babae. Kumaway at kumindat pa ang mga ito sa kanilang tatlo bago dumeretso sa kwarto ng Boss nila.
“Magandang ideya Hellix, siguradong matutuwa si Boss at makakapag relax pa sya,” ani Gary sabay thumbs up sa kanya.
Napasipol naman si Josh dahil sa inggit.
HINDI PA
sila nakakalayo ng biglang makarinig sila ng mga sigawan, kasunod noon ang pagtakbo ng mga babae palabas ng kwarto ng Boss nila.
Nagkatinginan na lamang sila ng may pagtataka.
“Where are they going?” tanong pa ni Josh habang nakatanaw sila sa mga babaeng nagtakbuhan pa labas ng mansion.
CLICKKK!!
Mula sa likod ay nakarinig sila ng pagkasa ng baril.
Dahan-dahan silang lumingon at sabay sabay na napalunok ng makita ang galit na pagmumukha ng kanilang Boss.
May hawak itong baril at mabilis na itinutok sa dereksyon nilang tatlo.
At ayun na nga… Para silang mga batang nagsigawan at nagtakbuhan habang pinauulanan sila ng bala nito.
“SORRYYY NA BOSS!!!” sigaw nilang tatlo.
▼△▼△▼△▼△
DALAWANG
linggo na ang nakalipas mula ng naganap ang kakaibang pangitain ni Gino.
Medyo kinakabahan pa rin siya pag naaalala niya ang tungkol doon pero pinipilit na lamang niya itong balewalain.
Kahapon ay kagagaling lamang niya sa ospital para magpacheck up. Sinabi ng doktor na normal lamang ang kanyang mga nararamdaman. Ang pagkahilo, pagsakit ng katawan at ulo, lahat daw iyon ay dala lamang ng pag aadjust ng kanyang katawan.
Ayos lamang naman sa kanya iyon, kaya niyang tiisin lahat para sa kaligtasan ng kanyang anak. Masaya din siya dahil sa balita ng doktok na healthy si baby.
Dapat nagpapahinga siya sa bahay ngayon pero dahil naiinip siya doon ay nagpupumilit siyang pumasok sa trabaho.
Paakyat na sana siya ng elevator nang bigla siyang harangin ng dalawa nyang kaibigan.
“Hep hep siz, dyan ka lang.”
“Bhes saan ka pupunta?”
“Huh? Tinatanong pa ba yan. Syempre pa akyat na sa working station,” aniya sa dalawa.
“No bhes, walang tao dun. Nasa lobby silang lahat,” sagot ni Mars sabay kaladkad sa kanya patungo sa sinabi nitong lugar.
Nakahawak sa kaliwa niyang braso ni Jewel, habang nasa kabila naman si Mars.
Pagdating nila sa lobby ay puno nga ito mg mga tao, lahat ata ng mga employee ay nandito.
May stage din dito kung saan nandun ang mga superior nila sa kumpanya.
“Ano bang meron dito?”Naguguluhan niyang tanong sa dalawa.
“Tanda mo pa yung tungkol sa may ari ng Z Corporation.”
Napatango naman siya dahil sa sinabi nito sabay tanong ng…
“Tapos?”
“Ayun na nga Siz, this is the day kung saan makikilala na natin formally kung sino ang CEO ng Z corporation,” excited na saad ni Jewel sa kanya.
Magtatanong pa sana siya ng maagaw ng boses mula sa stage ang atensyon nila.
“Good Morning everyone!!”
Napataas ang kilay niya nang mapansin na ang speaker pala ay mismong owner ng kumpanya nila, si Mr. Shinwoo.
Malaki ang pagrespeto ng owner nila sa CEO ng Z corporation, kaya siguro ito mismo ang personal na magpapakilala sa espesyal nilang bisita.
“Thank you to each and every one of you for being here with us today. Let me introduce to all of you the enigmatic, mysterious CEO of Z Corporation ----”
Dahil sa pag iisip ay hindi niya agad napansin na naglalakad na paakyat ng stage ang taong matagal na nilang gustong makikilala.
Bumalik lamang ang kanyang ulirat dahil sa pagkulbit ni Mars sa kanyang bakikat.
“Bakit Mars?” tanong pa niya dito.
Hindi naman ito nagsalita at itinuro lamang ang nasa unahan nila.
Paglingon niya ay bagsak ang kanyang panga sa sahig dahil sa gulat at pagkabigla. Hindi siya makapaniwala sa taong ngayon ay nakikita niya.
Ang lalaking matagal na niyang hinahanap.
”------ Mr. Cain Aziel Sinclair!!”
----------------------♥️♥️♥️
Hello guys!!
Gusto ko lang pong magpasalamat sa lahat ng sumusuporta sa story kong ito. Sa mga nagbabasa at nagcocomment.
REDEMPTION
ARC IS COMING!!!
Pls. Don’t forget to
Vote
and
Comment
Thanks and Byieee
💕
MB 45
I hope you enjoy reading this chapter 💕
3RD PERSON’S POV
[----Mr. Cain Aziel Sinclar!!! ]
Tulala at hindi makapaniwala si Gino sa kanyang nakikita. Sa taas ng stage kung saan ay masayang ipinakikilala ng kanilang CEO ang lalaking matagal na niyang inaasam na makita.
Hindi maintindihan ni Gino kung anong mararamdaman ngayon. Napakaraming katanungan ang nasa kanyang isipan katulad na lamang ng…
Saan ito nagpunta? Matagal na ba talaga itong mayaman? Nagpapanggap lang ba itong Callboy?
Halos mahilo siya dahil sa mga bagay na iniisip, kahit sandamakdak ang mga katanungan na hindi niya kayang sagutin, may isang bagay lamang siya na sigurado sa sarili.
‘Isang laruan lamang ako sa larong binuo mo, Cain.’
Hindi niya pansin na nangingilid na ang luha sa kanyang mga mata, sinubukan niyang tumingin deretso sa kinalalagyan nito at laking gulat niya na nakatingin din ito sa kanya.
Ang mukha nito ay blanko at walang nababakas na emosyon, ang mga mata nito ay na nanatiling nakatuon lamang sa kanya.
Kahit mahirap, kahit gustong gusto niyang tumakbo palapit dito ay mas pinili na lamang niyang umiwas ng tingin.
Habang tumatagal ay nahihirapan na siyang huminga sa lugar na ito.
Bukod sa malakas na palakpakan ay maririnig din ang mga tilian at bulungan ng mga babaeng employee.
’
Ang gwapo pala ng CEO ng Z Corp.’
‘My gosh, sana wala pa syang asawa, marry me, Mr. Sinclair.’
‘Super gwapo na tapos mayaman pa, yiee sayong sayo na ako Mr. CEO.’
Habang naririnig ang lahat ng iyon ay ramaram ni Gino na lalong pagbigat ng kanyang dibdib.
Napasighap na lamang siya ng may humawak sa kanyang balikat.
“Bhes, okay ka lang?” nag aalalang tanong ni Mars sa kanya.
Si Jewel naman ay patuloy na hinahagod ang kanyang likod para kumalma siya. Hindi niya alam na nangangatal na pala ang kayang katawan.
Dahil siguro sa kanyang pagbubuntis ay mas emosyonal siya, sa oras na ito ay gustong gusto na niyang umiyak at humagolgol. Pilit lamang niya itong pinipigilan dahil ayaw niyang mag alala ang mga kaibigan.
Huminga siya ng malalim at umiling para sagutin ang tanong ni Mars kanina. hindi na niya kayang manatili pa rito ng ilang sandali pa. Ramdam niya ang mainit na titig sa kanya ni Cain at sobrang nagpapa kaba sa kanya iyon.
Naiintindihan naman ng kanyang mga kaibigan ang sitwasyon kaya ginabayan na siya ng mga ito palabas ng lobby at papunta sa elevator.
“Relax ka lang siz, inhale, exhale,” saad ni Jewel habang nakaalalay sa isa niyang braso.
Nanghihina na kasi ang kanyang tuhod dahil sa matinding emosyon na nadarama.
Nang makarating sa harap ng elevator ay mabilis na pinindot ito ni Mars para bukas at makasakay sila.
Papasok na sana sila ng biglang may dumating na isang babae. Halatang hindi ito galing sa kanilang opisina sapagkat hindi pamilyar ang mukha nito.
“Excuse me, you are Mr. Dimapilit, right?”
Magalang na tumango naman siya bilang sagot dito.
“Can you please came with me for a second, Mr. Sinclair wants to have you in his offic—”
“Sorry miss pero hindi,” mataray at matigas na pagkakasabi ni Mars.
“I’m sorry but I’m talking to Mr. Dimapilit, not you,” propesyunal pero may diin na sagot ng babae.
Mukhang sasali pa si Jewel kaya inawat na niya ang mga ito. Ayaw naman niyang magkaroon ng gulo dito.
Tumingin siya sa mga kaibigan na parang nagsasabi na okay lang. Magiging maayos din ang lahat kaya wag nang mag alala ang mga ito.
Napabuntong hininga naman ang dalawa pero wala ang mga itong nagawa para pigilan siya.
Nauna nang naglakad ang babae at susunod na sana siya ng bigla muli siyang higitin ni Mars.
Lumapit ito sa kanya at bumulong…
“Bhes, isampal mo ako ng isa sa gagong Cain na yun ha.”
“Ako rin siz, ihalik—i mean pakisampal na din ako hihi.”
Dahil sa biro ng kanyang mga kaibigan ay medyo nakahinga siya ng maluwag.
Inayos at inihanda muna niya ang sarili habang nasa loob pa sila ng elevator kasama ang secretary ata ni Cain.
Ilang ulit silang huminga ng malalim para patibayin ang kanyang dibdib, pero nang tumunog ang elevator na nagsasabing nakarating na sila sa floor na kanilang pupuntahan ay parang bumalik na naman lahat ng kaba na kanyang nararamdaman.
“This way please,” saad ng secretary, kaya sumunod siya dito.
Habang papalapit sa pinto ng opisina ni Cain ay ilang ulit niyang hinaplos ang kanyang tiyan.
’
Baby ko, bigyan mo ako ng lakas ng loob para harapin ang ama mo,’
saad pa niya sa kanyang isipan.
Apat na buwan pa lang ang baby niya kaya di pa nito kayang sumipa pero kahit ganun ay ramdam niya ang suporta nito sa kanya.
“Sir,” pagtawag sa kanya muli ng secretary.
Nakabukas na pala ang pinto ng opisina ni Cain at hinihintay na lamang siya nito na pumasok doon.
Tumango siya at nakatungo na pumasok ng dahan-dahan, nang makapasok siya ay mabilis na isinara ito ng babae.
Para siyang estatwa na nakatayo lamang doon, hindi niya alam ang dapat gawin at sabihin.
Napatingala na lamang siya dahil sa isang boses na matagal na niyang gusto marinig.
Ang pamilyar na boses na malambing na tumatawag sa kanyang pangalan.
“Ginobabes.”
Sa kanyang harapan ay nakatayo ang lalaking nang iwan sa kanila. Ang lalaking nagdulot ng matinding depression sa kanya.
Hindi katulad noon na simpleng tshirt at pants lang ang suit nito, ngayon ay naka tuxedo ito ng maganda, relong mamahalin, sapatos na mukhang mas mahal pa sa apartment niya.
Napailing siya sa realisasyon. ’
Hindi siya ang Cain na nakilala ko.’
Huminga siya ng malalim at tumighim bago magsalita.
“Bakit n’yo po ako ipinatawag, Mr. Sinclair?” pormal na tanong niya dito.
Hindi man ganun kahalata pero mukhang nagulat ito dahil sa kanyang sinabi. Nanatili itong tahimik kaya nagsalita muli siya.
“Kung wala po kayong dahilan, mauuna na po ako, may trabaho pa ako,” aniya sabay yuko ng kaunti.
“Wait! babes, please mag usap muna tayo!”
Napatigil siya sa paglalakad patungo sa pinto at humarap dito.
“Wala po tayong kailangang pag usapan sir,” mahinahong sagot niya.
Pero sa loob niya ay sobrang sakit na nang kanyang nararamdaman. Gustong gusto na niyang umalis dito bago nito makita ang pagluha niya.
Pilit lamang niyang tinitibayan ang loob para makahanap ito. Lalapit na sana ito ng pigilan niya.
“P-Please wag ka nang lumapit pa,” nauutal na pakiusap niya.
“Ginobabe—”
Pagkatapos marinig ang bagay na iyon ay di na niya napigilan ang galit at hinanakit na kanyang nararamdaman.
“WAG MO AKONG TAWAGIN NG GANYAN!! Please tama na Cain. Hindi ka pa ba masaya. Napaglaruan mo na ako!!!”
Hindi na niya napigilan pa ang lahat ng emosyon at galit.
“Ano? Masaya ka ba ng iniwan mo K-KAMI ha!!!” sigaw niya habang nakahawak sa kanyang tiyan.
Patuloy na umaagos ang kanyang mga luha habang nakatingin sa lalaking tahimik na nakatungo lamang.
“H-HINDI MO ALAM NA HALOS MABALIW AKO NG IWAN MO AKO, HINDI MO ALAM LAHAT NG PINAGDAANAN KO!!! WALA KANG ALAM!!!”
Pagkatapos sabihin iyon ay tumalikod na siya, hindi na niya kaya pa ang lahat. Nahihirapan na rin siyang huminga dahil sa pag iyak.
Hawak na niya ang doorknob nang magsalita muli ito.
“I know everything.”
Napa awang ang kanyang bibig dahil sa pagkabigla. Dahan-dahan siyang lumingon at makumperma kung tama ba ang narinig niya.
Naglakad ito palapit sa kanya habang suot ang isang ekspresyon na hindi niya mawari.
Ang mukha nito ay tila nangungusap sa kanya at nagpapaawa.
“A-Alam mo ang lahat? Pero iniwan mo pa rin kami!!!” nagpupumiglas na sigaw niya nang mahawakan siya nito. Pilit siyang niyayakap nito pero itinutulak naman niya.
“Babe please let me explain —”
PAKKK!!!
Hindi niya napigilan ang sarili na sampalin ito ng malakas. Napakalas ang pagkakahawak nito sa kanya.
Napayuko na lamang ito at tinanggap ang lahat ng kanyang sasabihin.
“Wala ka nang dapat ipaliwanag pa, hindi ko akalain na ganito kang klase ng tao Cain---”
“—alam mong buntis ako pero iniwan mo pa rin kami. Anong klase ka? Ang kapal din ng mukha mong magpakita pa sakin!!!” galit na saad niya at mabilis na lumabas ng pinto.
MABILIS
na hinabol ni Cain si Gino sa labas ng kanyang opisina, pero hindi niya inaasahan ang kanyang makikita.
Umiiyak ito habang nakayakap sa supervisor nitong si Yuan.
Parang nagdilim ang kanyang paningin at mabilis na naglakad sa kinaroroonan ng dalawa. Hinigit niya siya Gino palayo dito pero hindi ito binitawan ni Yuan.
Nagsukatan sila ng tingin habang parehas na mahigpit na nakahawak sa magkabilang braso ni Gino.
“Let go of him,” madiin at seryosong saad niya kay Yuan.
Tiningnan naman siya ng masama nito bago magsalita.
“Ang kapal din naman ng mukha mong magpakita pa dito, hindi ka nahihiya sa ginawa mo,” galit na turan naman nito pabalik sa kanya.
“T-Teka, tama na nasasaktan na ako.”
Napatingin sila parehas sa nakangiwing si Gino, pilit kumakalas ito sa pagkakahawak niya.
“Bitawan mo na sya, kita mo bang nasasaktan na si Gino.”
“You’re the one should let go.”
“TAMA NA!!!” sigaw ni Gino sabay higit ng kamay nito sa pagkakahawak ni Cain.
Sobrang sakit nang nararamdaman niya nang hindi siya tinitingnan ni Gino at saka lumapit kay Yuan. Lalo pang nang init ang ulo niya ng ngumisi si Yuan na parang nang aasar pa.
“Tss sa ating dalawa, may mas karapatan ako sa kanya. Ako ang kasama niya nang mga panahon na iniwan mo siya---” saad ni Yuan sabay lagay ng kamay nito sa bewang ni Gino.
Nagngitngit ang kanyang bagang sa galit, kung wala lamang ang Ginobabes niya dito ay siguradong binugbug na niya at pinakain ng bala ang mayabang na lalaking ito.
“---sorry Mr. Sinclair, pero wala ka nang lugar dito,” anito sabay akay kay Gino palayo sa kanya.
Dahil sa galit, inis at halo-halong emosyon ay nagwawala siyang bumalik sa kanyang opisina.
Pagkatapos durugin lahat ng kanyang gamit sa opisina ay napahinga na lamang siya ng malalim at napaupo sa sirang sofa.
“I’m going to do everything just to make you mine again, Ginobabes.”
NANG
makababa sa elevator at nakarating sila sa kanilang floor habang pagbalik sa working station ay Napabuntong hininga na lamang si Gino bago humarap kay Yuan.
“Sir Yuan, sorry po sa lahat.”
“Wala yun, wag mo na lang isipan ang lahat,” anito sabay gulo sa buhok niya.
Napakabuting kaibigan para sa kanya si Yuan. Alam niya at panatag naman siya na wala na itong nararamdaman sa kanya sapagkat alam niyang nagkakamabutihan na ito at si Jewel.
Si Jewel na nga pala ang Personal Assistant nito ngayon kaya hindi na nila masyadong nakakasama ang kaibigan.
Mas abala na si Jewel sa mga bagay na kailangan ni Sir Yuan nila. Katulad na lang ngayon, si Mars na lang ulit ang kasama niya sa working station.
Mabilis siyang sinalubong ni Mars nang makabalik siya.
“Bhes, okay ka lang? May ginawa ba ang gagong yun sayo?”
“Okay lang ako Mars, buti na lang at nandun si Sir Yuan,” sagot naman niya at saka umupo sa na sa kanyang cubicle.
Kinulit pa siya ni Mars kaya kinuwento pa niya ang lahat dito. Sa buong maghapon na iyon ay hindi nawala sa isip niya ang lahat ng nangyari.
Hindi pa rin siya makapaniwalang narito na nga ulit si Cain at ito pala ang tunay na may ari ng Z corp. Ang kumpanyang gustong kumuha sa kanya noon.
Bigla niyang naisip na si Cain kaya ang may kagustuhan noon na lumipat siya sa Z corp?
Napailing na lamang siya. ’
Hindi ko na dapat iniisip ang mga bagay na iyon.’
Nang dumaan ang lunch break ay nagtungo sila sa cafeteria para kumain, masaya sila sapagkat kasama nila si Jewel ngayon.
Karaniwan kasi ay di nila ito nakakasama. Nakaupo na sila sa table ngayon at nagsisimula kumain nang biglang magtilian ang mga kababaihan sa cafeteria.
Napalingon naman sila para alamin kung anong meron pero napailing na lang siya ng makita si Cain na papalapit sa kanilang table.
Kita ni Gino ang masamang tingin na ibinibigay ni Mars kay Cain habang si Jewel naman kay nang aasar pa.
“Yiee nandyan na si Fafa Cain,” bulong pa nito sa kanya.
Pinitik naman ni Mars ang noo ni jewel dahil sa pangungulit nito. Alam ni Gino na masama talaga ang loob ni Mars kay Cain dahil sa ginawa nito sa kanya.
Hindi niya naman ito masisisi sapagkat parang magulang na niya si Mars. Ito ang gumagabay at nagpoprotekta sa kanya mula noon.
’
Sir Cain, dito ka na lang po sa table namin’
‘Maluwag pa po ang table namin, Mr. Sinclair’
Rinig pa nila ang pag aaya ng mga haliparot na babae kay Cain pero hindi naman nito pinapansin ang lahat.
Ang mata nito ay nakatuon lamang sa kanya. May dala itong paperbag at isang tray kamay.
“SIR, sikip na dito, dun ka na sa ibang table.” masungit na turan ni Mars sabay irap kay Cain.
Alam ni Gino na gustong gusto na ni Mars na awayin si Cain pero hindi pwede kasi baka matanggal ito sa trabaho pag ginawa nito iyon sa CEO ng kabilang kumpanya.
Hindi naman ni Cain pinansin ang sinabi ng kaibigan niya at makulit na umupo pa rin sa kanyang tabi.
Nagpatuloy lamang naman siyang kumain. Damang dama niya ang pangungulila dito pero ayaw naman niya itong patawarin na lang ng basta.
’
Psh maghirap ka muna,’
isip-isip pa niya.
Susubo na sana muli siya ng biglang magtayuan ang kanyang balahibo sa leeg dahil sa pagbulong nito sa kanyang tenga.
“I brought your favourite,” anito sabay lapag ng isang box na paborito niyang egg pie sa table.
Napalunok siya dahil gusto niya iyon pero hindi pwede. ’
Gino wag kang magpapadala, egg pie lang yan. Bibili na lang tayo mamaya.’
Hindi niya pinansin ito at mabilis na tumayo sa kinauupuan sabay sabing…
“Ikaw na lang ang kumain niyan, tapos na ako,” walang emosyon na saad niya.
Naiwan naman ito sa table ng umalis na sila ng kanyang mga kaibigan.
Paglingon niya ay nakita pa niya itong malungkot na nakatungo. Sa oras na iyon ay parang piniga sa awa ang kanyang puso pero hindi niya ito pwedeng patawarin agad.
’
Tibayan mo ang loob mo Gino, kailangan niyang pagsisihan ang pag iwan niya sa atin at kay baby. Kailangan ko munang malaman kung seryoso siya at hindi lamang tayo pinaglalaruan.’
-----------------------💔
HABULAN ARC NA!!!
MB 46
I hope you enjoy reading this chapter 💕
3RD PERSON’S POV
N
ATAPOS
ang buong maghapon na kay bagal para kay Gino kaya naman napahinga siya ng maluwag nang makitang oras na ng out nila sa opisina.
“Bhes, halika na,” pag aaya ni Mars sa kanya.
Tumango naman siya at binitbit lahat ng mga dala. ‘Hayss sa wakas makaka-uwi na rin ako.’
Nang makababa sa ground floor ay nakasalubong nila doon ni Yuan at Jewel.
“Uii pauwi na rin kayo mga siz,” masiglang ani Jewel sa kanila.
“Oo naman, anong gusto mo dito na kami matulog?” sarkastikong sagot ni Mars kaya napanguso ni Jewel.
Patuloy ang naging pag uusap nila hanggang makarating sa parking lot ng kumpanya.
“Pauwi na rin kami ni Jewel, gusto mo bang sumabay Gino?”
Napatingin naman sya kay Yuan dahil sa tanong nito.
“Naku sir, hindi na po magta-taxi na lang ako,” pagtanggi niya sa alok nito.
Papayag na sana si Yuan sa kagustuhan ni Gino kung hindi lamang napansin nito si Cain na naghihintay sa di kalayuan sa kanila.
Napa-tsk pa ito dahil sa nakita. Pati si Mars ay halatang nagpipigil lamang pero kanina pa nitong gustong sugudin si Cain.
Ang totoo ay hindi niya alam kung kaya ba niyang awatin ang mga ito pag nagkaroon ng gulo.
Habang papalapit sila ay lalo siyang kinakabahan, di naman kasi nila akalain na katabi ng magarang kotse ni Cain ang kay Yuan.
Hindi na nga nagtagal at napansin na nga nito ang pagdating nila. Mabilis na nagliwanag ang mga mata nito nang makita siya.
“Ginobabes,” saad nito sabay lapit sa kanila.
Mabilis na hinigit siya ni Mars papunta sa likod nito para itago.
“Wag ka nang lumapit, dyan ka lang,” warning ni Yuan kay Cain.
Hindi naman ito nakinig at patuloy pa rin sa paglapit sa kanya. Na-aawa man sya sa mukha nitong nagsusumamo sa kanya pero kailangan niyang magpakatatag.
“I need to talk to him,” saad nito sa kanyang mga kasama.
“Hindi pwede. Ano sa tingin mo ganun na lang yun ha? Aalis ka na lang ng bigla tapos babalik ka na parang walang nangyari,” napapailing na turan ni Mars dito na halatang nagpipigil ng galit.
Katulad ng dati ay neutral at walang nababakas na emosyon sa blankong mukha ni Cain. Nakatitig lamang ito sa kanya sabay baling kay Mars.
“I don’t need your permission,” madiin na sagot nito. Kaya naman ang kaunting pagtitimpi ni Mars ay nawala na.
PAKKKK!!
“Ang kapal talaga ng mukha mo, GAGO KA PALA EH---”
“Mars tama na!” pag awat nila dito. Dahil sa galit ay nakalimutan ata ni Mars na gurl sya. Ang barako ih.
Mabuti na lamang at dumating si Kevin at sapilitang isinama na si Mars palayo. Magbilis na nagpaalam ito sa kanila at umalis na.
“Wag ka nang gumawa ng gulo dito Cain, please lang. Ayaw kitang makausap kaya tigilan mo na ako,” inis na saad niya dito sabay higit kay Yuan at Jewel.
Mabilis na pinasakay siya ni Yuan habang nagpaalam naman sa kanya si Jewel na may pupuntahan ito kaya di makakasabay sa kanila.
Tumango naman si Yuan at pinaandar na ang makina ng sasakyan. Napahawak siya sa kanyang dibdib dahil sa kabang patuloy na nararamdaman.
Mula sa bintana ng kotse ay sinilayan niya ang kinalalagyan ni Cain. Habang umuulan ay nanatiling nakatayo lamang ito habang nakasunod sa kanya ang tingin nito.
’
Nakikisabay ata ang langit sa nararamdaman ko,’
isip-isip pa niya habang nakatingin sa malakas na ulang tumatagaktak sa labas ng kotse.
Makalipas ang ilang sandali ay nakarating na sila sa kanyang apartment. Inihatid pa siya nito sa pinto ng kanyang bahay.
“Maraming salamat po sir Yuan.”
“Wala yun, magpahinga ka na Gino,” nakangiti pang saad nito sabay kaway sa kanya habang paalis.
Binuksan niya ang pinto at mabilis na sumalubong sa kanya si Miggs. Nakangiti niyang hinaplos ang ulo nito saka dumeretso sa kwarto para magbihis.
Matapos magbihis ng damit ay nagtungo siya sa kusina para magluto ng hapunan. Nagsaing lang sya ng kanin at nagprito ng bangus na boneless.
Nang maluto ay sabay silang kumain ni Miggs. Habang kumakain ay di niya mapigilan ang sarili na mapatingin sa tapat niya. Ang pwesto kung saan lagi nakaupo si Cain.
Bigla niyang naalala ang mga ngiti nito at kumento sa mga iniluluto niya.
’
Hayss, pinapalungkot ko na naman ang aking sarili,’
saad pa niya sa isipan at nagmadali nang tinapos ang pagkain.
Makalipas ang ilang minuto, habang naghuhugas ng plato ay biglang nakarinig siya ng katok sa kanyang pinto.
‘Sino naman kaya iyan? Wala naman akong bisita bukod pa roon ay malakas ang ulan sa labas.’
Naglakad siya patungo sa pinto at mula doon ay rinig niya ang boses ng taong nasa labas.
“Ginobabes, please open the door.”
Napabuntong hininga siya nang makumperma na si Cain nga iyon.
“Umuwi ka na Cain, wala akong balak makipag usap sayo.” malamig na turan niya mula sa loob ng pinto.
“Please babe,” pagsusumamo pa nito sa kanya.
“H-Hindi, umuwi ka na,” inis na napakamot sya sa ulo, bigla kasi siyang nautal dahil sa kaba at awa dito.
Nakarinig pa sya ng ilang katok muli nito pero bumalik na siya sa kusina bago pa sya madala ng kanyang emosyon at buksan ang pinto.
Bumalik siya sa pag huhugas ng pinggan. Pagsilay niya sa baba ay pannsin niya na nagpapaawang nakatingala si Miggs sa kanya. Parang humihiling ito na buksan niya ang pinto.
“Hindi Miggs, wag kang maawa dyan sa ama mo. Tandaan mo iniwan nya tayo,” sermon pa niya dito kaya naman napatungo ang kawawang aso habang nakatupi ang tenga nito dahil sa lungkot.
Napailing siya pero hindi pinansin ito, nawala na din naman ang kumakatok sa kanyang pintuan kaya alam niyang umalis na si Cain.
Pumunta na siya sa kwarto para matulog. Nang gabing iyon ay napanaginipan niya ang isang buhay na tahimik at masaya kasama si Cain at ang kanilang baby.
▼△▼△▼△▼△
KINABUKASAN
, Maaga siyang gumising para pumasok sa trabaho, nitong mga nakaraang araw naman ay maayos ang kanyang pakiramdam kaya nakakapagtrabaho siya.
Nang palabas na siya sa pinto ay sumilip muna siya para tingnan kung nasa paligid si Cain.
’
Okay, coast is clear,’
nakangiti niyang bulong nang makitang wala si Cain. Isinara niya ng dali-dali ang pinto saka nagtungo sa kanto para sumakay ng taxi.
Habang sakay ng taxi ay bumuhos na naman ang ulan kaya naman bago siya bumaba ay inihanda muna niya ang baong payong.
Nagbayad siya ng taxi at ibinukas ang payong na dala. Pagpasok sa building ay binati siya ng dalawang guard kaya tumango siya saka magalang na bumati pabalik sa mga ito.
Mabilis siyang sumakay ng elevator paakyat sa kanyang floor, at nang papasok na siya sa working station ay nagtataka siyang napatingin sa mga katrabaho.
Mga nakangisi kasi ang mga ito na para bang kilig na kilig. ’
Baka naman pinaglalaruan lang ako ng aking mga mata.’
Nagkibit balikat na lamang siya at patuloy sa paglalakad patungo sa kanyang cubicle.
Nang malapit na siya sa kanyang table ay bigla siyang napatigil, ngayon alam na niya kung bakit ganun ang reaksyon ng mga katrabaho.
Sa table niya ay may nakapatong na malaking bouquet ng red roses, may katabi din iyong maraming box ng iba’t ibang brand ng egg pie at iba pang sweets.
Hindi na niya kailangan magtanong kung kanino galing ang mga bagay na iyon. Isang tao lang naman ang gagawa ng lahat ng ito.
Napahinga na lamang siya ng malalim saka nagpatuloy sa paglalakad, ipinatong niya sa baba ang kanyang bag na dala, ganun din ang paperbag.
Habang nag aayos ng mga gamit ay rinig niya ang pang aasar ng mga katrabaho.
”
Gino, ang swerte mo naman. Ang boyfriend mo pala ang CEO ng Z corp.”
“Ang galing mo din namang pumili ha, gwapo na, bilyonaryo pa. ”
“Ang sweet naman ni Mr. Sinclair, sana ol.”
Napailing na lamang siya at hindi na lamang pinatulan ang pang aasar ng mga ito. Napatingin na lang siya sa katabing table.
’
Nandun na ang bag ni Mars ibigsabihin ay narito na siya, baka nasa CR lang’
Maya-maya pa nga ay dumating na ito. Ngumiti ito ng malapad ng makita siya, pero biglang sumimangot ito ng makita ang mga bagay na nakatambak sa kanyang table ngayon.
“Tss galing na naman ang mga iyan sa Cain na yun di ba?” inis na tanong pa nito sabay turo sa bulaklak at mga box.
Tumango na lamang siya bilang sagot at mabilis na napatingin sa kaibigan dahil sa sinabi nito…
“Itatapon na ba natin yan?”
“S-Sayang naman Mars, ibigay na lang natin sa kanila yung mga pagkai—”
“Haha joke lang bhes, iyo yan kaya wala akong karapatang pakialaman yan.” nakataas ang kamay na saad nito sa kanya sabay upo sa harap ng tablet nito.
Bigla naman siyang nakaramdam ng ginhawa. Medyo kinabahan siya dahil sa sinabi nito.
“Oo nga pala bhes.”
Napabaling muli siya dito dahil sa pagtawag nito sa kanya.
“Ano yun Mars?”
“Nabalitaan mo ba? may bagyo daw na paparating,” anito habang binubuhay ang computer na kaharap.
“Talaga? kaya siguro maulan nitong mga nakaraang araw,” makatotohanang sagot naman niya dito.
“Oo, mamaya pag uwi, manuod ka ng balita.”
“Sige,” tipid pa niyang sagot dito.
Pagkatapos ng pag uusap nila tungkol sa kalagayan ng panahon ay nagsimula na rin siyang magtrabaho.
Pero kahit anong iwas ay naaagaw pa rin ng bulaklak sa tabi niya ang kanyang attensyon.
Hindi siya makapagfocus sa kanyang ginagawa kaya bumigay na rin siya at hinarap ang malaking kumpol ng bulaklak.
’
Siguro mga 24 piraso ito, napakarami kasi talaga,’
isip-isip pa niya habang pinagmamasdan ang bouquet.
Habang nakatitig dito ay may napansin siyang naiiba sa lahat ng bulaklak. Sa ilalim nito ay may kulay asul siyang nakita.
Dahan-dahan niyang hinugot ito, hindi niya inaasahan na asul na rosas ito, may maliit na tag din ito na nakakabit sa gilid.
Mabilis niyang tiningnan ang nakasulat doon.
Nangilid ang kanyang luha habang binabasa ang munting sulat na nakalagay.
“This flower is for our baby, I hope he/she likes it.”
Hindi niya napigilan ang sarili na yakapin ang munting bulaklak, ito ang pinaka unang regalo ni Cain para sa baby nila.
Labag man sa kanyang kalooban pero napangiti siya habang hinahaplos ang medyo bilugan na niyang tiyan sabay bulong ng…
“Baby, naalala ka ng Daddy mo.”
MB 47
I hope you enjoy reading this chapter 💕
3RD PERSON’S POV
L
UMIPAS
ang ilang araw matapos matanggap niya ang simple pero napakahalagang regalo ni Cain para sa kanilang baby.
Iniuwi niya ang bulaklak na iyon at inilagay sa isang vase para di agad malanta. Natutuwa rin siya pagnakikita iyon.
Kahit hindi pa niya kayang kausapin hanggang ngayon ang ama ng baby niya, ay hindi naman ito tumitigil sa pag gawa ng paraan para mapalambot ang kanyang puso.
Lagi pa rin itong nagpapadala ng bulaklak, pagkain at kung ano-ano pa sa kanya araw-araw. Daig pa niya ang babaeng nililigawan dahil sa nangyayari.
Itago man niya pero nakakaramdam din naman siya ng kilig dahil sa paraan ng pagsuyo nito sa kanya. Sa hapon at umaga ay wala din itong palya sa pangungulit sa kanya.
Pag umaga, kailangan pa niyang taguan ito dahil lagi itong naghihintay sa labas ng kanyang apartment. Kapag hapon naman ay kumakatok pa rin ito at nakiki-usap na papasukin niya.
Ang totoo ay na-aawa din naman sya dito at nakikita naman niya ang effort na ginagawa nito.
Wala man syang ma-research tungkol kay Cain maliban sa pagiging multi- billionaire nito, at pagkakaroon ng napakaraming negosyo. Ang gusto kasi niyang malaman ay kung seryoso ba talaga sa kanya si Cain, baka kasi bigla na lamang niyang malaman na may girlfriend o kaya ay may pamilya na ito.
Naninigurado lamang siya, ayaw naman niyang papasukin muli ito sa buhay niya at ng kanyang anak para lang masaktan ulit.
“Hayys nakaka-sad, super busy na talaga ni bhes Jewel,” napapabuntong hininga na saad ni Mars sa kanya.
Napatango naman siya dahil sa pahayag ng kaibigan, ganun din kasi ang nararamdaman niya.
“Oo nga eh, at least mukhang may progress na ngayon ang relasyon nila ni Sir Yuan,” sagot naman niya sabay subo ng kinakain.
Hindi na talaga nila kadalasang nakakasama si Jewel dahil lagi itong kasama ni Yuan sa mga meeting at iba pang pinupuntahan nito.
Sa mga araw at linggo na dumaan ay pansin nilang lahat ang pagbabago ng relasyon nina Jewel at Yuan.
Mukhang nagkakamutihan na talaga ang dalawa kaya masaya siya dahil doon.
Narito sila sa Cafeteria ngayon at nagla-lunch, wala namang pinagbago ang lahat, maingay, maraming tao at laging busy ang lugar na ito.
Habang kumakain ay napalinga siya sa paligid. ’
Hmm, hindi ata nasulpot si Cain?’
Bigla siyang napahiya dahil sa iniisip, hindi naman niya hinihintay na magpakita ito.
’
Hayss, di ko sya hinahanap ah.’
Medyo nagtaka lang siya dahil kadalasang nangungulit ito sa kanya.
▼△▼△▼△▼△
GINO’S POV
’
Hmm, kakausapin ko na ba si Cain?’
tanong ko pa sa aking isipan habang naglalakad kami ni Mars pabalik sa working station.
Kakatapos lang ng isang meeting na dinaluhan namin. Sa buong oras na iyon ay wala naman akong naintindihan dahil laging nasa isang tao lamang ang aking isapan.
Matagal na rin naman ang lumipas ng bumalik si Cain, ipinakita naman niya na seryoso at nagsisisi siya sa ginawa.
Tama lang din naman na pakinggan ko ang paliwanag niya.
’
Baby, ano sa tingin mo?’
tanong ko sabay haplos sa aking tiyan. Habang abala ako sa aking iniisip ay hindi ko napansin na kanina pa pala akong tinatawag ni Mars.
“---es”
“Bhes!”
“Bakit Mars?” tanong ko dito.
“Sabi ko, malakas ang ulan dahil sa bagyo kaya mag ingat ka sa pag uwi,” saad pa nito sabay pindot sa elevator para bumukas ito at makasakay kami.
“Oo naman, salamat Mars, may dala naman akong payong.”
Napangiti pa ako dahil talagang napakabait ng kaibigan kong ito. Laging kapakanan ko ang iniisip niya. Kung wala siya ng mga oras na iniwan ako ni Cain, siguradong nasiraan na talaga ako ng ulo dahil sa pinagdadaanang depresyon.
Hanggang sa huli ay napakabuti pa rin ng diyos kasi kahit wala akong pamilya, binigyan naman niya ako ng mga kaibigan na maaasahan at mapagmahal.
Napahinga ako ng maluwag dahil sa galak na nararamdaman. Pagbukas ng elevator, hindi ko inaasahang ang saya na meron ako ay mapapalitan ng inis dahil sa aking nasaksihan.
Paglabas namin ng elevator ni Mars ay sabay kaming napatigil sa paglalakad nang makita namin si Cain na may kausap na babae.
Ka-department pa talaga namin, mukha pang naglalandian sila.
’
Gago! kaya pala wala sya sa Cafeteria kanina, kasi may kalandian na siya agad na iba.’
Bigla akong nakaramdam ng matinding inis, gustong gusto kong sugudin ang dalawa pero ayaw kong gumawa ng eksena dito.
Marami pa namang ibang empleyado ang nasa floor na ito ngayon.
Ayaw ko silang makita pero dahil
kailangan naming daanan ang mga ito bago makabalik sa working station ay mabilis at walang pakialam akong naglakad palampas sa kanina.
Mukhang hindi naman nila kami mapapansin dahil busy sila pag lalandian.
’
Gagong Cain, bwisit ka talaga,’
di ko mapigilang saad sa aking isipan.
Nakayukom ang aking mga kamao habang nagmamadali sa paglalakad. Mabigat ang aking kalooban dahil sa nakita kong iyon.
Hindi ko alam na namamasa na pala ang aking mga mata.
Si Mars naman ay nauna na dahil bigla siyang tinawag ng isa naming katrabaho.
Nasa may resting area na ako ng biglang may humawak sa aking braso. Gulat na napatigil ako sa paglalakad at bumaling sa taong humigit sakin.
Nang makita ang pagmumukha nito ay lalo akong nairita.
“Ginobabe—”
“Bitawan mo nga ako, bakit ka ba nandito ha? bumalik ka na sa babae mo!” malakas at gigil na bulong ko pa dito.
Habang patuloy na nagpupumiglas ako sa pagkakahawak nito sa aking dalawang braso ay nabigla ako ng mabilis itong yumakap sa akin.
Natigilan ako at di nakagalaw, ang pakiramdam na ito ay hinahanap hanap ko. Sa ilang buwan din naming paghihiwalay ay talagang na-miss ko ang yakap niya.
Ang matipuno na katawan niya na nakalapat sa akin, ang mabango at pamilyar niyang amoy at ang mainit niyang hininga na nararamdaman ko sa aking leeg papunta sa aking tenga.
Akala ko ay aamuyin at hahalikan niya ang parteng iyon katulad ng lagi niyang ginagawa noon. Nagulat na lamang ako at inis na itinulak ito dahil sa salitang ibinulong nito sa aking tenga.
“Are you jealous, Ginobabes?”
“A-Ang kapal mo, hindi ah!” nahihiyang sigaw ko dito sabay alis sa harap nito.
Pakiramdam ko ay parang nilalagnat sa init ang aking mukha dahil sa nadaramang hiya. ’
Ang yabang talaga ng lalaking yun, di ako nagseselos, asa naman sya.’
Nakasimangot habang nakaupo ako sa harap ng aking table, gusto kong ipagpatuloy ang aking trabaho pero ang nakangisi at mapang asar na mukha ni Cain ang na aalala ko.
’
Bwisit talaga.’
‘Ikaw naman kasi, masyado kang pabebe, yan tuloy nasawa na ata si Fafa Cain sa paghabol sayo. Ayun nan-chix muna.’
saad ng isa pang bwisit. Sino pa edi ang utak ko na laging kampi kay Cain.
Akala ko pa naman, puso ko lang ang nakuha niya pati ba naman utak ko naka-side pa rin ang lalaking yun.
’
Hayyyss!!’
sigaw ko sa aking isipan sabay gulo sa aking buhok.
Napabuntong hininga na lamang ako, kung ano-ano na kasi ang naiisip ko. Baka mamaya ika-baliw ko na ang lahat ng nangyayari.
Ilang oras pa ang lumipas at ngayon ay masaya akong nag iinat sapagkat oras na nang uwian. Malakas pa rin ang buhos ng ulan sa labas pero okay lang, gusto ko ang ganitong panahon. Mas napapanatag ang aking kalooban kapag umuulan.
’
Masarap ding matulog dahil malamig…brrr.’
bigla tuloy akong nasabik na umuwi.
“Bhes, okay ka lang?”
Napaharap ako kay Mars dahil sa tanong nito, nag aayos na ito kanyang mga gamit at handa na ring umuwi.
“Oo naman Mars,” sagot ko dito sabay yakap ng mahigpit sa aking katawan. Naki-imagine ko kasi yung lamig.
“Mag ayos ka na rin ng mga gamit mo,” utos pa nito sakin kaya tumayo na rin ako at inayos ang mga dadalhin ko pauwi.
Nasa may labas na kami ng building, sinundo na ni Kevin si Mars habang ako naman ay nakapayong habang naghihintay ng taxi.
Malakas talaga ang ulan kaya napalinga ako sa paligid.
’
Mukhang wala si Cain para kulitin ulit ako, baka busy pa rin dun sa babae niya,’
isip-isip ko pa.
May inis akong nararamdaman pero nangibabaw pa rin ang lungkot sa aking dibdib, di ko akalain na mabilis siyang magsasawa sa pagsuyo sakin. ’
Balak ko na sana siyang kausapin kaso busy na siya sa iba.’
Mabuti na lamang at may dumating ng taxi kaya nakasakay din ako.
Dahil medyo nabasa ako ng ulan ay dumeretso ako sa banyo ng aking apartment ng ako’y makauwi na.
Nagbihis ako ng mabilis para di manatili ang basang damit sa aking katawan. Ayaw ko naman kasing magkasakit, bawal uminom ng gamot ang buntis, baka makasama kay baby.
Dahil gutom na ako ay nagluto na rin ako ng hapunan, si Miggs naman ay pasunod-sunod lamang sa akin kung saan ako magpunta.
Ang buntot nito ay magiliw dahil siguro masaya itong makita at makasama ako. Lagi kasi itong walang kasama dito sa bahay. ’
Kawawa naman ang baby Miggs ko.’
Dahil sa awa ay hinaplos ko ang ulo nito na lalong nagpasigla dito. Napatahol pa ito ng ilang ulit.
Matapos magluto ay dinala ko sa sala ang aking hapunan, balak ko na doon kumain para makapanood din ako ng balita.
Mukha kasing magiging malakas na bagyo talaga ang mararamdaman dito sa kamaynilaan.
Habang ako’y nakain, si Miggs naman ay ganun din. Nasa baba nga lamang siya ng center table.
“Ang landfall ng bagyong Gureng ay mararanasan ngayon hapon, 8:30 ng gabi hanggang bukas ng tanghali. Ang lakas ng bagyo ay umaabot ng---”
“Woah, ngayon pala ang landfall ng bagyo,” bulong ko pa sa aking sarili habang nanunuod sa balita.
Mula sa labas din ng aking apartment ay maririnig ang malakas na hagupit ng langit na may kasamang malakas na ulan.
Mayroon ding mga mahihinang tunog ng yero na parang mapapawid ng hangin.
Napatingin ako bigla sa relo nang maalala ko ang sabi sa balita.
‘8:30 daw ah.’
‘7:45 pm, Naku malapit na pala, ilang minuto na lamang at papasok na ang bagyo.’
Dahil sa aking naisip na iyon ay bigla akong napalingon sa pinto ng aking bahay.
Kapag gabi kasi ay dumadating si Cain para mangulit.
“Siguro naman ay hindi pa iyon nababaliw para punta dito kahit may bagy—”
Napatigil ako sa pagbulong at mabilis na nagtungo sa pinto.
Pagbukas pa lamang ng pinto ay sinalubong na ako ng malakas na hangin na may kasamang ulan. Madilim ang paligid kaya wala akong makita.
Nang mag adjust na ang paningin ko ay halos mapasigaw ako nang may maaninag na tao sa di kalayuan.
Nakatayo lamang ito sa gitna ng malakas na hangin at ulan. Ang pigura nito ay aking nakilala dahil sa munting ilaw na ibinibigay ng poste ng ilaw.
Mabilis akong tumakbo sa loob ng bahay at kumuha ng payong. ’
Nababaliw na talaga ang lalaking iyon!!!’
“CAINN!!! BALIW KA TALAGA!!! ANONG GINAGAWA MO DITO EH BUMABAGYO?” sigaw ko pa habang dahan-dahang tumatakbo palapit sa dito.
Nang makita naman ako nito ay mabilis akong sinalubong nito.
“Ginobabes, what are you doing here?” nagmamadaling saad pa nito sa akin.
“Ako dapat ang magtanong niyan, ano bang ginagawa mo dito!?”
“I already told you, I’m doing everything just to be able to talk to you.”
Parang isang sibat ang tumama at tumusok sa aking dibdib nang marinig ang sagot nito, napakagat labi na lang ako dahil sa sakit na aking nararamdaman.
’
Handa talaga niyang gawin ang lahat para lang mabuo ang pamilya namin.’
Hindi man malinaw sa aking paningin ang kanyang itsura ngayon dahil sa dilim ay alam ko pa rin na mukha na itong basang sisiw dahil sa ulan.
Nang hawakan ko ang kamay niya para higitin papasok sa bahay ay nararamdaman ko ang lamig at pangangatal nito.
‘Ilang oras na kaya siya doon sa labas? Tinatawag kaya niya ako, para makiusap ulit?’
Di ko mapigilang di mapabuntong hininga dahil sa konsensya. Sana hindi ko ipinagdamot sa kanya na maipaliwanag niya ang kanyang rason.
Mabilis ko siyang itinulak papunta sa banyo para makapag bilis. Ipinaghanda ko na rin siya ng damit na susuotin.
Nagtungo ako sa kusina para ipagtimpla siya ng kape. Siguradong giniginaw na iyon dahil sa lamig.
’
Ganito ba talaga siya? Kaya niyang magsakripisyo para lang sakin at sa aming magiging anak.’
isip-isip ko pa habang naglalakad patungo sa sala dala ang kape.
Nang dumating si Cain sa sala ay mabilis kong napansin ang pamumutla ng balat nito, ang mga labi rin nito ay nagkukilay lila na dahil sa lamig.
Di ko mapigilang di mapahawak sa aking dibdib dahil sa nararamdamang awa.
“Eto, uminom ka muna ng kape. Magluluto lamang ako ng sopas para sayo,” saad ko sabay tayo.
Tinanggap naman nito ang tasa ng kape at dahan-dahang ininom iyon. Ako naman ay bumalik sa kusina para magluto ng sopas.
Habang nagsasalang ng mainit na tubig sa kalan ay muntik ko nang mabitawan iyon dahil sa gulat.
Bigla kasing may yumakap sakin mula sa likod. Nakapatong ang ulo ni Cain sa aking balikat habang ang dalawang kamay nito ay nasa aking bewang.
“C-Cain naman, papatayin mo ba ako sa gulat?” utal ko pang sermon dito.
▼△▼△▼△▼△
3RD PERSON’S POV
Hindi na kaya ni Cain ang pangungulila para sa pinakamamahal na si Gino.
Ngayon na pinagbuksan na muli siya ng pinto nito at pinapasok ay hindi na niya palalampasin pa ang pagkakataong ito.
’
I need to fix this right now,’
saad niya sa isipan habang naglalakad patungo sa kusina kung nasaan ang Ginobabes niya.
Katulad ng dati ay niyakap niya ito, nagulat pa nga ito dahil sa ginawa niya pero mukhang hindi naman ito galit.
“C-Cain naman, papatayin mo ba ako sa gulat?” saad pa nito sa kanya.
Hindi na niya na pigilan ang sarili na iharap ito sa kanya at mabilis na niyakap.
Mainit at mahigpit na yakap. Miss na miss na niya ang taong ito. Ang nag iisang tao na nagbibigay ng saya, pag asa at pagmamahal sa kanya.
Kaya niyang gawin at handa siyang gawin lahat, tanggapin lamang sya nito at mabuo ang kanilang pamilya.
“C-Cain, bitaw.”
Rinig niyang sambit nito pero ayaw niya sapagkat sa oras na bumitaw siya ay mawawala at lalayo na naman ito. Hindi na niya kaya pang mahiwalay dito.
“C-Cain, bumitaw ka na.”
“No, Please babe, forgive me,” nagsusumamo niyang bulong dito habang nakasubsub ang kanyang mukha sa mabango nitong leeg.
“C-Cain, please… Naiipit na ang baby natin.”
Dahil sa narinig na iyon ay mabilis siyang napaluwag ang pagkakayakap dito. Tinitingnan niya ang mukha nito na para bang kinukumperma kung tama ang kanyang narinig.
“G-Ginobabes, A-Are you accepting me?”
Ang namumula nitong mukha na bahagyang nakayuko ay biglang tumango ng kaunti.
Nang masaksihan iyon, pakiramdam niya ay parang lumipad ang kanyang kaluluwa sa sobrang saya. Ang ngiti sa kanyang labi ay walang pagsidlan.
Akala niya ay iyon na ang pinaka masayang mangyayari sa oras na iyon. Nagkamali siya dahil sa sumunod na sinabi nito…
“Kahit ano namang mangyari, ikaw pa rin ang daddy ni baby---”
”---
kaya, Oo tinatanggap na kita Cain. Iniwan mo man kami noon, alam ko namang may rason ka sa ginawa mong iyon.”
-------------------♥️♥️♥️♥️
Pls. Don’t forget to
VOTE
and
COMMENT
MB 48
I hope you enjoy reading this chapter 💕
3RD PERSON’S POV
[
“Kahit ano namang mangyari, ikaw pa rin ang daddy ni baby-----”]
Nawala ang ngiti sa labi ni Cain matapos marinig ang mga katagang iyon mula kay Gino.
Napayuko na siya sa lungkot at pagkadismaya akala niya ay sapat na ang lahat ng kanyang ginawa pero mukhang kulang pa rin.
Tatalikod na sana siya paalis ng marinig muli ang boses ni Gino.
“---kaya, Oo tinatanggap na kita Cain. Iniwan mo man kami noon, alam ko namang may rason sa ginawa mong iyon.”
Nanlaki ang kanyang mata sa gulat at mabilis na napatingin kay Gino.
“T-Tinanggap mo na ako Ginobabes?” masaya at hindi makapaniwalang tanong niya dito.
“Oo naman, sorry din dahil hindi agad kita binigyan ng pagkakataon na magpaliwan—”
Halos hindi na pumapasok sa kanyang tenga ang mga sinasabi nito ay bagay na tumatakbo sa kanyang isipan ay kung gaano siya kasaya ngayon.
“YES!!! WOAHH THANK YOU!”
GULAT
na napatingin si Gino kay Cain dahil biglang pagsigaw nito. Puno ng saya at galak ang gwapo nitong mukha. Hindi pa ito nakuntento sa pagsigaw, mamaya ay nagtatalon na ito na para bang na nanalo sa liga ng basketball.
Napatakip na lamang siya sa kanyang bibig para itago ang ngiti at mahihinang tawa.
’
Nasobrahan ata sa ulan si Cain, pinasok na nang lamig ang utak nito.
’ isip - isip pa niya habang pinapanuod parin ang munting pagdidiwang nito.
Maya-maya pa ay nanlaki ang kanyang mata ng Biglang bumaling ito sa kanya at mabilis na lumapit. Hinawakan nito ang magkabila niyang braso habang nakangiti ng malapad.
“C-Cain ---”
CHUPPP!!!
Hindi na niya naituloy ang mga sasabihin ng paulanan siya nito ng mga halik sa buong mukha. Sa noo, ilong, pisngi at labi. Dahil sa ginagawa nito ay hindi niya napigilang mapatawa, nakikiliti kasi siya sa masusuyong halik na iginagawad nito sa kanya.
Sa mga halik na ito ay ramdam na ramdam niya ang saya at pasasalamat nito sa kanya.
“T-Teka, haha Cain, tama na!” tumatawang pag pigil pa niya dito.
Hindi naman nakinig ito sa kanya at pati sa mga kamay at braso na ginagamit niyang pangsangga ay umabot na ang mga halik nito.
Napapikit na lamang siya dahil sa kakulitan nito, ilang sandali pa ang lumipas at nararamdaman niyang sa wakas ay tumigil na rin ang ginagawa nito.
Napamulat siya ng mata kasabay naman noon ang paghalik nito sa kanyang labi, akala niya ay magsisimula na naman ito pero hindi niya inaasahang bibigyan siya nito ng seryosong tingin.
Nakatitig lamang ito sa kanya na para bang humahanga na pagmasdan ang bawat sulok ng kanyang mukha.
Ang malambot at masaya nitong ekspresyon ay nagbigay ng kakaibang init sa kanyang dibdib. Ang makasama ang lalaking ito ay parang isang impossibleng hiling lamang kaya naman hindi pa rin lubusang napoproseso ng kanyang utak ang katotohanang nagbalik na si Cain sa kanila ng baby nila.
Dahil sa malalim na pag iisip habang nakatitig sa gwapo ng mukha at kahanga hangang mga mata nito ay hindi niya napaghandaan ang sunod na salitang namutawi sa labi nito.
“I love you.”
Tinitingnan niya ito ng may pagtataka. ’
Tunay ba ang narinig ko o guni-guni ko lang?’
Nakangiti naman itong lumapit at inamoy sabay halik sa kanyang leeg patungo sa kanya tenga. Napapikit na siya sa sarap ng sensasyon ng biglang bumulong muli ito…
“I’m madly Inlove with you, My Ginobabes,” malambing at puno ng pagmamahal na saad nito.
Napanganga siya sa gulat sapagkat, tunay nga ang kanyang narinig. Hindi biro at hindi guni-guni lamang.
Mahal siya ng lalaking matagal na niyang hinahangaan, ang lalaking ama ng kanyang anak. Ang taong nang iwan pero bumalik…
…Mahal siya ng lalaking kaharap niya ngayon.
Wala sa sarili siyang napasiksik sa dibdib nito at masayang napaluha. ’
Mahal din ako ni Cain.’
Habang lumuluha ay ramdam niya ang paggapang ng braso nito payakap sa kanya. Binigyan siya nito ng mainit at mahigpit na yakap, ang yakap na para lang sa kanya.
Ilang beses nitong hinalikan ang kanyang ulo habang hinahagod ang kanyang likod.
Sa sunod na ibinulong nito ay napa angat siya ng tingin dito.
“This is not a last hug but my welcome hug.”
Masaya siyang tumango dito, ngumiti naman ito at pinahid ang kanyang luha.
Sa oras na iyon habang nakatitig sila sa mata ng isa’t isa ay nagawa niyang aminin ang tunay at matagal nang isinisigaw ng kanyang puso.
“C-Cain— mahal na mahal din kita.”
Mula sa kanyang mga mata ay nasilayan niya ang walang katulad na saya sa mukha at mga mata ni Cain.
Kung kanina ay masaya na ito, ngayon ay di na niya maipaliwanag lalo na ng buhatin siya nito at halikan nang halikan na naman.
“I love you, I love you so much!!!”
Napatawa na lamang siya at hinawakan ang magkabilang pisngi nito para gawaran ng isang halik ang masayang lalaking ito.
“Mahal na mahal ka namin ni baby, sana wag mo na ulit kaming iiwan.”
“I’m not, and I will never be,” seryosong anito sabay lapag sa kanya mula sa pagkakabuhat nito.
Nang maibaba siya ay yumuko ito kapantay ng kanyang tiyan at hinaplos ang parteng iyon.
“Hello baby, this is your daddy’s voice. From now on you’ll going to hear this because I’m not going to leave you again, I love you and your mother. Always and forever.” anito sabay halik sa kanyang tiyan.
Napaluha siya habang pinagmamasdan ang pakikipag usap ni Cain sa kanilang baby, dati pinapangarap lang niyang mangyari ito. Ngayon nagkatotoo na.
’
Kung alam ko lang na ganito kasaya ang mangyayari, sana matagal ko na siyang tinanggap.’
“Don’t cry, this is just the beginning. I will show you every second how much I love you both.”
Napatango siya sabay yakap dito. Matapos ang madamdamin nilang sandali ay binalikan niya ang niluluto.
Napatawa sila ni Cain ng mapansin na natuyo na ang tubig na kanyang pinapakuluan.
Nagsalang na lang muli sila at magkasamang ipinagpatuloy ang pagluluto.
Sa pagkakataong iyon..
… habang malakas na bumabagyo sa labas ng kanyang bahay ay nararamdaman ni Gino na nagkaroon siya ng pamilya na matagal na niyang inaasam.
Matapos maluto ang sopas ay pinagsaluhan nila iyon. Magkatulong din nilang hinugasan ang mga pinggan at naka alalay sa kanya si Cain nang magtungo sila sa kwarto para magpahinga.
Habang nakaunan ang kanyang ulo sa matigas at matipunong dibdib nito ay may bigla siyang na alala.
“Cain, bakit ka nga pala umalis?” tanong pa niya dito.
Hindi naman agad ito sumagot na para bang iniisip pa kung paano ipapaliwanag sa kanya ang lahat.
“Hmm, it hards to explain without showing you everything.”
Naguluhan naman siya sa sagot nito pero tumango pa rin siya.
Bumaling ito sa kanya at bumulong…
“Sama ka sakin bukas, may pupuntahan tayo.”
“Sige, saan ba?”
“Thats a secret for now, goodnight my Ginobabes, goodnight to our baby.” saad nito sabay halik sa noo niya at haplos sa kanyang tiyan.
“Goodnight din, Cain.”
KINABUKASAN
, nang magising si Gino ay napakusot pa siya sa mata ng ilang beses dahil hindi siya makapaniwalang katabi nya si Cain sa higaan.
Nasampal pa niya ang pisngi para lang mapatunayang gising nga talaga siya. Akala niya ay iyon ang magpapagising sa kanya sa katotohanan.
Hindi niya inaasahan na mulat na pala si Cain at pinapanuod lamang siya. Namula at nahihiyang napatakip siya ng mukha ng marinig ang mahina nitong pagtawa.
“B-Bwisit ka, wag mo akong tawanan,” pa-inis na saad niya sabay alis sa higaan.
Mabilis na bumangon din naman ito at niyakap siya.
“Good morning Ginobabes, and good morning to our baby.” bulong pa nito.
Binati naman niya ito pabalik at humalik sa pisngi na nakapagpatulala dito.
Pagkakataon naman niya iyong ngumisi habang naglalakad palayo sa tulalang si Cain.
’
Mukhang di lang ako ang di makapaniwalang magkasama na ulit kami.’
Hindi na pumasok sa trabaho si Gino. Okay lang naman. Asawa naman niya ang kasosyo ng kumpanya nila.
Nang maisip niya iyon. Biglang parang nanibago siya. Hanggang ngayon ay di pa rin siya makapaniwala na napakayaman ng lalaking itinuring at pinagkamalan niyang callboy.
Ngayon habang nakasakay sila sa magara at mamahaling kotse ni Cain ay bigla niyang napagtanto at napagkabit kabit sa utak niya lahat.
Yung tungkol sa black card na nakita niya sa wallet nito noon, hindi iyon pagmamay ari ng kung sino. Kay Cain talaga iyon.
’
Ibigsabihin hint na pala iyon sa tunay niyang pagkatao.’
saad pa niya sa kanyang isipan habang nakatanaw sa bintana ng kotse.
Hindi niya pansin na kanina pa siyang sinusulyapan ni Cain, hindi kasi siya naimik.
“Hey babe, you okay? do you feel something?”
Sunod sunod na tanong nito na bakas ang pag aalala sa kanya. Tumingin naman siya dito at ngumiti.
“Wala naman Cain, okay lang ako.”
“Are you sure?” anito muli sabay hawak sa kanyang kamay.
Namula naman ang kanyang mukha nang dalhin nito ang kanyang kamay sa labi nito para halikan.
Ngumisi pa ito nang makita ang reaksyon niya. Nag patuloy na ito sa pagmamaneho habang mahigpit na hawak pa rin ang kanyang kamay.
Maya-maya pa ay pansin niyang pumasok sa isang underground parking lot ang kotse na sinasakyan nila.
Matapos magpark ay mabilis na lumabas si Cain para pagbuksan siya ng pinto at alalayan para makalabas ng kotse.
Munti mang galaw at effort nito ay tunay na nakakapagpakabog sa kanyang dibdib. Ipinakita lamang nito ang pag aalaga at pagpapahalagia sa kanila ni Baby.
Sumakay sila ng elevator pa akya sa lobby ng hotel o condominium na ito. Napalaki kasi at talagang napaka ganda rito.
Hindi niya maiwasang mamangha sa bawat detalye ng lugar na ito. Habang dumadaan ang mga tao na nandito ay napatungo siya sa hiya. Pakiramdam niya ay hindi siya bagay sa mga ganitong lugar.
Habang siya ay palinga linga ang tingin sa paligid ay abala naman si Cain sa pakikipag usap sa doorman nito.
May mga envelope na ibinigay ang lalaking receptionist kay Cain at nang natanggap na ito ay inalalayan na siya nito pasakay sa isang elevator ulit.
Nang makalabas sa elevator ay nanlaki ang kanyang mata ng makita ang napaka eleganteng red carpet na nakalatag sa buong hallway. Tahimik silang naglakad hanggang sa marating nila ang pinto sa dulong bahagi ng floor na ito.
Malayo at parang kakaiba din ito sa ibang kwarto na nadaanan nila.
Naglabas si Cain ng isang card at itinapat sa pinto. Bumukas ito at inaya siyang pumasok.
Kung maganda ang lobby at hallway, mas maganda ng 10x ang loob ng kwarto ni Cain.
’
Woahh para akong nasa presidential suite.’
Bawat kagamitan ata dito ay di bumababa ng ilang daang libo ang halaga. Maliwanag ang buong silid, malamig at maaliwalas talaga. Lalo na nang magtungo siya sa balkunahe. Sa taas na ito ay kita na niya ang ilang parte ng syudad.
Hindi na niya pinakailaman kung anong ginagawa ni Cain, basta siya’y nawili at nasiyahan na sa paglilibot sa napakalaking kwartong ito.
May pinto din siyang binuksan at sinilip ang loob. ’
Wow bedroom!!!’
Mabilis siyang pumasok at umupo sa kama. Hinaplos niya ang malambot at madulas na duvet na nakalagay sa kama. Malamig at malambot.
Ngiting ngiti siya at di napigilan ang sarili na humiga dito. Sa buong bahay maliban sa sala, kwarto ang paborito niya sapagkat mahilig siyang matulog.
Todo siksik pa siya sa mabangong kumot nang bigla siyang makarinig ng mahinang tawa.
Mabilis na papamulat ang kanyang mata at nakita niya si Cain na nakatayo sa gilid ng kama.
Umupo ito sa tabi niya at hinaplos ang kanyang pisngi.
“How’s your tour in our condo, did you enjoy it?” nakangiti pa nitong tanong sa kanya.
Tumango naman siya at sumiksik sa kamay nitong nakahawak sa pisngi niya.
Sumang ayon siya sapagkat tunay namang nasiyahan siya sa lahat ng nakita sa loob ng kwartong ito.
“I’m glad you like this place, do you want to stay here?”
Kumunot ang kanyang kilay dahil sa tanong nito. Nagmamadali siyang umiling.
“Ayaw ko, gusto ko sa aking apartment.”
Napatawa lang naman ito sa kanyang sagot at tumango. Humalik ito sa kanyang noo at sinabing may gagawin lamang kaya mabuting magpahinga muna siya dito.
Nang makaalis si Cain habang nakahiga ay biglang naisip niya na…
May ganito kaganda, ka-kumportableng lugar ito para tirahan pero bakit ito nagtyaga na tumuloy sa munti at masikip niyang apartment.
May malambot at napakasarap higaan na kama ito pero nag tiis parin na matulog sa sahig katabi ang aso niya.
May magaganda at mamahaling mga damit ito, pero nag susuot ito ng mga luma at mumurahin niyang damit.
’
Cain, ganito mo ba ako kamahal?’
saad niya sa kanyang isipan na nagpa init sa kanyang buong mukha.
Hindi niya akalain na napakalaki ng sakripisyo nito para lang makasama siya.
Dahil sa lahat nang nalaman at napagtanto ay bigla siyang nahiya sa sarili, lalo na nang may pagkakataon na pancit canton at kape lamang ang kaya niyang ihayin na pagkain para dito.
Napabuntong hininga siya at napapikit. Sa daming bagay na kanyang iniisip ay di niya namalayan na nakatulog na pala siya.
Nagising siya at nag inat. Pagmulat ng kanyang mata ay napatingin siya sa paligid.
‘T-Teka, bakit nag iba ang lugar? Hindi ito ang kwarto ni Cain kanina. Nasaan ako?’
Kinakabahan na si Gino dahil sa mga nangyayari, natulog lang sya kanina tapos pag gising niya ay nasa ibang lugar na siya.
Napakaganda rin ng kwartong ito, ang paligid ay gawa sa glass wall kaya naman kitang kita ang labas.
Dahan-dahan siyang tumayo at sumilip sa labas. Dahil nasa second floor ang kanyang kinalalagyan na kwarto ay napagmamasdan niya ang buong paligid, ito ay nababalutan ng kakahuyan at mga puno.
Parang ang bahay na ito ay nasa gitna ng kagubatan.
’
Panaginip lang ba ito? Kung hindi man, paano ako napunta dit—’
“You’re awake, babe.”
Mabilis siyang napalingon ng marinig ang boses na iyon. Nakita niyang nakasandig lang si Cain sa doorframe habang nakatingin sa kanya.
“C-Cain, nasaan tayo?”
”
Welcome to our penthouse.”
MB 49
I hope you enjoy reading this chapter 💕
3RD PERSON’S POV
[
Welcome to our penthouse]
Nang marinig ni Gino ang sinabi nito ay wala sa sarili siyang napatingin sa paligid.
Maganda ang lugar, malamig at maaliwalas ang pakiramdam dito.
‘Siguro dahil iyon sa mga punong nakapaligid.’
Dahan-dahan siyang naglakad patungo balkunahe para mapagmasdan ang labas.
’
Tama nga hinala ko, nasa gitna ata kami ng gubat,’
isip-isip pa niya habang tinatanaw ang buong lugar.
Maliban sa isa pang bahay malapit sa kinatatayuan niya ay wala ka nang ibang makikitang mga kapitbahay.
Napayakap siya sa sarili dahil sa lamig na nadarama, dahil sa bagyong dumaan noong isang gabi lamang ay medyo makulimlim pa rin ang panahon at talaga namang napakalamig ng simoy ng hangin.
Pansin rin ni Gino ang medyo nakahapay na mga puno, dulot ng malakas na hangin. Bukod doon ay wala namang ibang pinsala siyang nakikita.
Habang masayang nagmamasid sa paligid ay bigla na lamang siyang nakaramdam ng paglapat ng isang tela sa kanyang balikat. Nang lumingon siya ay nasilayan niya ang lalaking minamahal na nakangiti sa kanya.
“Salamat Cain,” saad niya dito.
Umiling naman ito at yumakap sa likod niya. Ang mga kamay nito ay nasa kanyang bewang habang ang baba naman ay nakapatong sa kanyang balikat.
“Do you want to eat something?” malambing na bulong pa nito sa kanya.
Tumango na lamang siya bilang sagot, iba kasi ang tingin na ibinibigay nito sa kanya. ’
Goodness, kakain na lang ako bago pa ako ang makain nito.’
Inalalayan siya nito palabas ng kwarto at pababa ng hagdan.
Nang makapasok sila sa kusina ay laking gulat niya sa nakita at di napigilang mapasigaw.
“HELLIX?”
ISANG
normal na araw sa penthouse, nasa gym si Hellix at nasa kusina naman si Zero at nag luluto ng tanghalian.
Ang nasa sala ay sina Gary at Josh, nagtatawanan pa ang dalawa habang nanunuod sa TV. Hindi nila inaasahan na biglang dadating ang boss nila.
Sabay pa silang napatayo sa sofa para bumati pero tiningnan lamang sila nito na parang nagsasabi na wag na, hindi na kailangan.
Dahil doon ay napadako ang kanilang paningin sa taong buhat ng kanilang boss. Halatang mahimbing na natutulog ito sa braso ni Mr. Sinclair.
’
Woahh sino kaya iyan?’
nagtataka at gulat na tanong pa ni Gary sa kanyang isipan.
’
Hindi nagdadala ng kahit sinong babae dito si boss, karaniwan ay sa hotel o sa iba’t ibang casino,’
isip-isip pa niya.
Paglingon niya ay napatingin din sa kanya si Josh, mukhang parehas ang kanilang iniisip.
Wala namang lakas ng loob sila na itanong kung sino ang taong iyon kaya hinayaan na lamang nila, paakyat na sana ang boss nila buhat pa rin ang misterysong kasama nang biglang dumating si Hellix.
“Yow boss!!! Buti naisipan mong umu—”
Napatigil din ito sa pagsasalita ng tingnan ng masama ni Mr. Sinclair bago magsalita.
“Shut up Hellix, he might wake up,” gigil na bulong nito kay Hellix.
“Hehe Sorry boss, woohh si Gin—”
Bago pa makapagsalita muli ito ay nakaakyat na ng hagdan si Mr. Sinclair. Naiwan silang lahat na nakatulala at tahimik.
Napatingin si Gary kay Hellix, mukhang kilala kasi nito ang taong kasama ng boss nila.
“Hellix? Kilala mo yung cute na kasama ni boss?”
“Yeah she’s got not just pretty face but a cute one too,” nakangisi namang saad ni Josh.
Nanlaki naman ang mata ni Hellix at mabilis na pinatahimik ang dalawa.
“Shh wag kayong maingay mga gago, patay tayo kay boss pag narinig kayo nun,” nagmamadaling saad pa nito sa dalawa.
Lalo namang naguluhan ang dalawa. Pansin ni Gary na may kakaiba talaga sa boss nila mula ng pumunta sila dito sa bansa. Kakaiba ang ikinikilos nito at halatang may nagpapasaya dito.
“Sino ba iyong babaeng kasama ni Boss?”
Hindi alam ni Hellix kung matatawa ba sya sa tanong ng mga kaibigan.
“Sya yung lalaking kinababaliwan ni Boss,” pabulong na saad pa niya sa dalawa.
Nanlaki naman ang mata ng mga ito at di makapaniwala sa narinig.
“Haha nagpapatawa ka ba bro? Babae yun eh,” saad ni Gary.
“Yeah and I think she’s pregnant,” ani Josh naman.
Umiling naman si Hellix bago magsalita.
“Lalaki yun, Gino ang pangalan niya.”
Binigyan naman siya ng tingin ng dalawa na parang hindi na niniwala.
“Intersexual siya kaya siya nabuntis.” paliwanag pa niya sa dalawa, habang para naman silang mga babaeng nagchichikahan sa baba ng hagdan.
“I see, that’s why he got a feminine face.” napapatango pang saad ni Josh, ganun din naman si Gary na nasa tabi nito.
“Okay lang ba sa inyo na lalaki ang asawa ni Boss? atsaka nagbago ba ang tingin nyo sa kanya?” tanong pa niya sa mga ito.
“Hindi, kung dun masaya si Boss, wala tayong magagawa bukod pa doon ay mukha namang napakabait ng minamahal niya,” ani Gary sa kanila.
“That’s true besides, he’s changing our boss for the better.”
“Tama kayo mga bro, kaya talagang baguhin ng pag ibig ang lahat ng bagay,” proud na sabi ni Hellix sabay tapik sa balikat ng dalawa.
“Oo naman, atsaka wala naman kaming problema, ang cute kaya ng asawa ni Boss.” saad pa ni Gary sa kanila.
“Yup, he’s got an angelic face.”
“Oo at napakabait din ni Gino kaya siguro na inlove si Boss sa kanya.”
Habang patuloy ang pagkukwentuhan nila ay di nila pansin ang paglapit sa kanila ni Zero.
“I’m done cooking, come on eat and please mind your own business,” mataray na turan pa nito sa kanila.
Napailing si Gary at josh bago na papa-aawang napatingin kay Hellix.
“Sana ay magabago mo din yan gamit ang pagmamahal mo haha.”
Tumatawang paiwan pa ni Gary sabay lakad patungo sa kusina.
Nakanguso namang sumunod na rin si Hellix sa mga kaibigan.
Ilang minuto pa lamang ang nakakalipas ng makarating sila sa kusina ay makarinig sila ng mga yabag palapit sa kanilang kinalalagyan.
Lahat sila ay napaupo ng maayos at napatigil sa pagkukulitan ng makita ang boss nila kasama ng buntis nitong asawa.
Nang makapasok ang mga ito ay pansin nila ang panglalaki ng mata ni Gino at gulat na tinawag ang pangalan ni Hellix.
“HELLIX?”
“Hello, Gino!” masigla rin namang pagbati ni Hellix dito.
Akala nila iyon na ang pinaka-kyut na nakita nila kundi lamang nagniningnig ang mga mata nito nang mapadako ang tingin nito kay Zero.
Mas lumapad ang ngiti sa maganda nitong mukha at masayang masayang binati si Zero.
“Hello!!! ZERO!!”
Ni si Zero ay nagulat din sa nangyari kaya isang tango lamang ang nagawa nito.
Dahil siguro sa tagal ng pagtitig nina Gary at Josh kay Gino ay napatighim ang boss nila na may kasamang masamang tingin.
Napangiwi si Gary at napaisip ng…
’
Napaka-possessive talaga ni Boss.’
Matapos ang batian ay inalalayan na ng boss nila si Gino para makaupo ito. Hanga naman silang lahat na naroon dahil sa pag aalalaga na ipinapakita ng boss nila.
Sa paningin nila ngayon ay parang hindi ito ang Cain Sinclair na nakilala nila, ang taong walang awa at mas malamig pa sa yelo ang puso.
Nababago nga naman ng pagmamahal ang lahat ng bagay. Bago magsimula kumain ay ipinakilala pa ni Hellix ang dalawang kasama.
“Gino, ito nga pala si Gary at Josh.” sabay turo sa dalawa.
Nasilayan naman nilang lahat ang maganda nitong ngiti saka magalang na nakipagkilala sa mga ito.
Pakiramdam ni Gary at Josh ay tinutunaw ang puso nila dahil sa kabaitan ni Gino.
Pero kahit gusto pa nilang titigan pa ito ay di pwede kasi masama lagi ang tingin sa kanila ni Mr. Sinclair.
Napayuko na lamang sila at nagsimula nang kumain.
“You want this? or we need to order something else?”
Rinig nilang bulong ng boss nila kay Gino. Nakangiti namang umiling ito bago nagsalita.
“Hindi na Cain, mukhang masarap naman lahat ng nakahayin.”
Hindi naman umimik ang boss nila at tipid na nginitian lamang ito at binigyan ng tingin na puno ng pagmamahal sabay sandok sa ulam at kanin na nasa mesa.
Halos mahulog naman ang kutsara ng dalawa ng masilayan ang pag ngiti ng boss nila.
‘Shit nae-engkanto na ata kami, tunay ba yun?’
di makapaniwalang tanong ni Gary sa kanyang isipan.
Habang kumakain ay pasulyap sulyap sila sa mag asawa, natutuwa kasi sila makita ang pagbabago na nangyari sa kanilang boss.
MATAPOS
kumain ay masuyong inalalayan ni Cain si Gino palabas ng kusina. Kumaway at nagpasalamat pa si Gino sa mga naroon bago sila umalis ni Cain.
“Cain, magkakilala pala kayo ni Hellix?” tanong pa niya dito.
Hindi naman ito nagsalita, halatang malalim ang iniisip nito na may kasamang pag aalinlangan.
’
Ano kayang problema nitong si Cain, parang di mapakali.’
“Come on, I show you something,” anito sabay akay sa kanya papunta sa isang pinto. Pagbukas nito ay hindi niya inaasahan na isa pala itong elevator.
’
Elevator pala ito baba sa basement,’
isip-isip pa niya habang pinapanuod si Cain habang nagpipindut ng iba’t ibang buton.
Makalipas ang ilang sandali ay tumigil na ang pag andar ng elevator at bumukas na ang pinto nito.
Ang sumalubong sa paningin niya ay ang puting pasilyo na para bang sa mga sci-fi movies niya lamang napapanuod.
Namamangha siya sa mga kwartong nadadaanan nila, dahil glass ang dinding ng mga ito ay kitang kita niya ang itsura ng loob ng kwarto mula sa labas.
Ang unang nadaanan nila ay parang isang indoor gym, puno ito ng iba’t ibang pang exercise na gamit. Sa kabila naman ay lalong nanlaki sa gulat ang kanyang mga mata ng makita ang susunod na kwarto. Ito naman ay parang isang training ground, may mga iba’t ibang equipment na naroon.
May iba pa silang nadaanan na kwarto bago sila tumigil sa isang close lidded na pinto.
Kita niya na may code na inilagay si Cain na nagpabukas sa pintong iyon. Naunang pumasok ito at sumunod naman siya.
Nanlaki ang kanyang mata sa pagkabigla at nalaglag ang kanyang panga dahil sa gulat nang makita ang nasa loob ng kwartong iyon.
May sofa sa isang gilid kaya inalalayan siya ni Cain na makaupo doon. Tulala at di pa rin siya makapaniwala sa mga bagay na nakapalibot sa kanila ngayon.
’
Goodness, saan ni Cain gagamitin ang lahat ng ito?’
tanong pa niya sa isipan habang inililibot ang paningin sa kwarto na puno ng iba’t ibang uri ng baril, patalim at explosives na mula sa pinakamalaki hanggang sa pinakamaliit.
Habang abala siya sa pagtingin sa mga bagay na narito ay bigla siyang nakaramdam ng mainit na hininga sa kanyang batok, kasunod nun ay ang isang bulong.
“Ginobabes.”
Mabilis siyang napalingon dahil sa pagtawag nito sa kanya.
“C-Cain, Bakit meron ka n---teka, para saan ito?” naguguluhang tanong niya dito.
Huminga naman ito ng malalim saka tumingin sa kanya ng seryoso. Hinawakan nito ang kanyang kamay saka malambing na hinalikan iyon.
“Babe, I’m a ---- No, this is my---” napapabuntong hininga pa na saad nito na para bang hindi mahanap ang tamang salita para sabihin sa kanya.
“Ginobabes, what I’m saying is that, I’m ---”
“C-Cain, wag mong sabihin na MEMBER KA NG MAFIA MAFIA---katulad nung mga napapanuod ko.. Parang sa THE GODFATHER?!!!”
Napataas naman ang kilay nito dahil sa kanyang sinambit, nang maka-recover na ito sa gulat ay mabilis itong umiling.
“Whatt? No!!! I’m not one of those Mafia guys---well, my bloodline is, but I’m not.” pagpapaliwanag pa nito.
Naguluhan naman siya kaya tinitingnan niya ito nang may pagtataka.
Huminga naman ito ng malalim at saka ipinaliwanag sa kanya ng mas maayos ang lahat.
Base dito, ang tito ni Cain ay kilalang boss ng Mafia family sa Mascow, Russia. Ganun din ang pamilya ng yumaong ama ni Cain noon. Pero dahil sa pagkamatay ng unang pamilya nito ay isinumpa nitong aalis na ito sa pagiging Mafia at magiging isang weapon dealear na lamang.
At iyon nga ang negosyong ipinamana ng ama ni Cain sa kanya ng mamatay ito.
Mula din sa kwento nito, nalaman niya na pangalawang pamilya na pala sina Cain dahil ang unang pamilya ng kanyang ama ay namatay lahat, asawa at anak.
Dahil sa nangyari ay naisipan ni Mr. Wilford Sinclair na magpunta sa Pilipinas para magbakasyon at lumayo muna sa lahat ng problema. Doon naman nito nakilala ang ina ni Cain.
“Ahh doon sila nagkakilala at kaya pala marami kang armas?”
“Yeah, nagsama sila ng ilang buwan bago muling umalis ang aking ama para bumalik sa Russia, nang umalis ito ay nawalan na ng pag asa ang aking ina na babalik pa ito muli.” anito habang nakayuko at minamasahe ang kanyang kamay.
Napasilay naman siya kay Cain ng may pag unawa, dahil din sa ikinuwento nito ay pakiramdam niyang mas napalapit pa siya sa lalaking kanyang mahal.
’
Ito pala ang sekreto na hindi niya masabi noon, masaya ako sapagkat kaya na niyang ibahagi ang lahat ng ito sakin ngayon.’
“And also, I’m just a normal businessman and this is my products,” anito sabay turo sa mga armas na nakalagay sa pader ng kwarto.
Naiintindihan naman ni Gino na isa lamang negosyo ang lahat pero napakadelikado pa rin nito.
“Ibigsabihin ang mga kliyente mo ay hindi mga basta-bastang tao lamang?” kinakabahang tanong niya dito.
“Yes, they can be other Mafias, politicians or someone who sell weapons in retails.”
Dahan-dahan naman siyang napatango
“C-Cain, bukod sa illegal ay napadelikado ng trabaho mo,” hindi niya mapigilang saad dito.
Tumango naman ito bago nagsalita.
“This is the reason why I can’t tell you about this before.”
“Y-Yun bang mga lalaking nang ambush sa atin noon, wag mong sabihin na ikaw talaga ang pakay nila?”
Tiningnan naman siya nito ng seryoso at makatotohanang sinagot ang kanyang tanong.
“Yes, and that’s the reason why I left you. I need to take care of that bastard to make sure you’ll be and our baby safe.” saad nito sabay hubad sa suot na tshirt.
Tumambad sa kanya ang matipunong katawan ni Cain na puno ng benda, hindi niya mapigilang mapatakip sa kanyang bibig dahil sa gulat.
Halatang hindi pa gaano kagaling ang mga sugat nito, meron itong mga benda sa may bandang tiyan, ganun din sa may balikat nito.
“C-Cain,” naiiyak na pagbanggit niya sa pangalan nito.
“Shh, im fine. This is no big deal.” anito sabay yakap sa kanya.
Nang makita niya ang sinapit nito ay hindi lamang awa ang kanyang nararamdaman ganun din ang pagsisisi.
“S-Sorry talaga Cain, kung pinakinggan sana kita agad sana nalaman ko ang tunay na dahilan.” saad niya habang patuloy na lumuluha.
Bigla siyang napahiya sa kanyang sarili, ang lalaking pinahirapan niya ng ilang linggo para lamang siya makausap ay nagsakripisyo at halos nagbuwis ng buhay para sa kanila ng kanyang anak.
Hindi sya makapaniwala na nagawa niyang ipagdamot dito ang karapatan na makasama sila.
Habang nakasiksik siya sa dibdib ito ay patuloy lamang naman ang kanyang mahihinang hikbi.
Hinayaan naman siya nito hanggang sa tumahan na siya. Hinawakan nito ang magkabila niyang pisngi saka pinunasan ang luha sa kanyang mga mata.
“I’m fine Ginobabes, you don’t need to worry about this anymore.” anito sabay halik sa kanyang ilong na para bang pinapatawa siya.
Nagtagumpay naman nito na mapangiti siya, pero kahit ganun ay mabigat pa rin ang kanyang kalooban dahil sa nalaman.
Mabilis siyang yumakap dito at ipinaramdam ang kanyang pagmamahal.
LUMABAS
sila sa basement na paramg nakalutang pa rin ang isipan ni Gino dahil sa dami ng mga bagay na kanyang nalaman.
Ang lalaking itinuring niya na isang callboy noon ay isang bilyonaryo na may illegal business.
Ang dahilan ng pag alis nito ay para protektahan siya at ang kanyang baby.
’
Hayss medyo masakit sa ulo at mahirap paniwalaan ang lahat pero wala naman akong magagawa kung ito nga ang katotohanan.
’
Narito sila ngayon sa sala at nanunuod ng TV at nagpapahinga, nakasandal lamang ang kanyang ulo sa dibdib nito habang amg braso naman nito ay nakalingkis sa kanyang bewang.
Habang siya ay tahimik na nakapanuod sa TV ay biglang bumulong ang katabi niya.
“Ginobabes.”
“Hmm,” sagot niya.
“Do you like this place?”
“Oo naman,” wala sa sarili niyang sagot dito.
“Good, because we’re going to live here from now on.”
MB 50
I hope you enjoy reading this chapter 💕
3RD PERSON’S POV
NASA
apartment na sina Gino at Cain ngayon. Nakasimangot si Gino habang nag eempake ng lahat ng kanyang mga gamit. Pinagtalunan pa nila ni Cain ang tungkol sa paglipat ng bahay. Ayaw kasi talaga niyang umalis sa apartment na ito pero naisip din naman niya na nagsakripisyo din naman si Cain noon sa pagtira sa kanyang bahay ng ilang buwan.
‘Hays, kahit ayaw ko ay kailangan nang iwan ang apartment na ito,’ nalulungkot na saad niya sa isipan habang tinitingnan ang bawat sulok ng kanyang kwarto.
Napakahalaga ng lugar na ito sa kanya, ito lang naman ang nakasama nila ni Miggs sa panahon na mag isa sila. Ito din ang naging saksi sa pag iibigan nila ni Cain. Sa maliit na apartment na ito ay naganap ang mga di malilimutan niyang pangyayari.
Imbis na ipagpatuloy ang mga nakakalungkot na isipin ay minabuti na lamang niyang bilisan ang pag aayos ng mga gamit. Hindi naman niya lahat ito dadalhin, karamihan ay mga personal na gamit, damit, mga collection niya ng Iron man merch at kung ano ano lang ang bibitbitin niya patungo sa penthouse ni Cain.
Habang nagkakalkal sa cabinet ay may isang bagay na nahulog mula dito. Mabilis niya itong dinampot at masayang niyakap. ‘Muntik na kitang maiwan ah.’
Nang tingnan niya ang hawak na panyo ay naalala niya ang mga pangyayari sa baywalk. Hanggang ngayon ay di pa rin niya kilala ang may ari ng bagay na ito at ang misterysong lalaking tumulong sa kanya. Habang hinahaplos niya ang panyo ay bigla itong nahulog sa sahig. Dadamputin na sana niya ito ng manlaki ang kanyang mga mata nang mapansin ang pangalang nakaburda sa gilid nito.
‘S-Sinclair?’
‘T-Teka, di ba apelyido yun ni---”
” Ginobabes, are we ready to go?”
Nagmamadali niyang dinampot ang panyo at naglakad patungo kay Cain. Ang malakas na kabog ng kanyang puso at pangangatal ng kanyang mga kamay ay sanhi lamang ng kabang kanyang nararamdaman.
“Hey, are you okay?” nag aalala pa nitong saad sa kanya.
Imbis na sumagot ay lalo siyang naguluhan. ‘Yan din ang eksaktong sinabi sakin ng lalaking iyon sa baywalk noon.’
Hinawakan nito ang pisngi niya para alamin kung ayos lamang ang kanyang pakiramdam, namumutla kasi siya at di mapakali. Maya-maya nang makahugot na siya ng lakas ng loob ay nagawa na niyang ipakita kay Cain ang hawak na panyo.
“C-Cain, iyo ba ang panyong ito?” wala namang mababakas na pagkagulat sa mukha nito at kalmadong sinagot ang kanyang katanungan.
“Yes, that’s mine.”
“Ibigsabihin ay kilala mo na ako noon pa, bakit di mo sinabi sakin. Bakit mo sakin itinago ito?” inis at naluluha niyang turan dito. Hindi naman sa pagiging emosyonal pero natatandaan niya lahat ng hirap at effort sa paghahanap sa lalaking yun, tapos all this time ay kasama lang pala niya ito.
Napabuntong hininga naman ito ay inalalayan siya na makaupo muna sa kama. Tumabi ito sa kanya at at saka isinalaysay ang lahat.
ISANG normal na gabi iyon para kay Cain, mula nang magpunta sila sa bansang ito ay inatupag na niya ang paghahanda sa magiging transaksyon kay Mr. Ivanovich.
Pero hindi rin naman mawawala ang kaunti niyang pagpapakasaya. Ang pagpunta gabi gabi sa iba’t ibang casino, pakikipag siping sa iba’t ibang magagandang babae ay ang nag bagay na nagpapatakbo na lamang sa kanyang buhay. Sa totoo lamang ay wala siyang nakikitang magandang hinaharap para sa kanya. Lagi man siyang kinukulit ng you kanyang tito na mag asawa na dahil hindi na talaga siya bumabata pero hindi na lamang niya iyon pinapansin.
Ang magkaroon ng pamilya ay hindi para sa kanya. Kahit kailan, mula ng siyang bata hanggang sa ngayon. Hindi niya nakita ang sarili na magkaroon ng masaya at tahimik na pamilya. Sa madaling salita ay wala nang dereksyon ang buhay niya mula noon. Ano pa nga na ang gusto niya eh nasa kanya na ang lahat, yaman, negosyo, pera, di mabilang na sasakyan, yate, sariling jet at bahay sa iba’t ibang bansa.
Ang magkaroon ng mabait, mapagmahal na asawa ay isang malaking panaginip lamang. Sino ba naman ang tunay na magmamahal sa isang walang puso at mamamatay tao na gaya niya. Alam niyang ang habol lamang sa kanya ng lahat ng mga babaeng lumapit ay ang kanyang estado at pera. Yun lang at wala ng iba pa.
Isang gabi, kagagaling lang niya sa isang hotel ng mapadaan ang kotse niyang minamaneho sa baywalk. Hindi niya maintindihan pero parang may nagsasabi sa kanya na pumunta doon. Wala namang masama kaya ginawa niya ang ibinubulong ng kanyang isipan.
Madilim, pero napakapresko sa lugar na iyon, ang tunog ng alon at ang malakas na simoy ng hangin. Sa pagkakataong iyon ay nakaramdam siya ng kapanatagan. Sa buhay ba naman niya na hindi mawawala ang aksyon at peligro. Ang mga ganitong bagay ay parang isang malaking pagbabago.
Habang nakatayo siya sa gilid ng baywalk ay bigla niyang naisipan na maglakad pa para naman masulit ang napakatahimik at espesyal na sandaling ito. Kahit madilim dahil walang kahit isang buhay na lamp post sa paligid ay nagawa pa rin niyang maaninag ang isang pugira.
Nakatayo lamang ito at parang may tinatanaw sa kalayuan. Habang pinagmamasdan niya ito ay hindi niya matukoy kung babae ba o lalaki ang taong iyon dahil sa maliit na pangangatawan nito at mababang tangkad. Hindi naman siya sa takot sa multo kaya nilapitan niya ito para malaman ang sagot. Bago pa siya makalapit ay nakita niyang tumalikod ito at biglang natalisod. Nagmamadali naman siyang pumunta sa harap nito para saluhin at alalayan ito.
“Hey, are you okay?”
Hindi naman ito sumagot at yumakap lamang sa kanya ng mahigpit. Base sa amoy nito ay lasing na lasing ang isang ito. Napailing na lamang siya habang nag iisip kung anong gagawin sa taong ito.
Hindi niya karakter ang maging mabait at mahilig tumulog sa iba, karaniwan nga dahil sa mga negosyo niya ay sya pa ang nanggigipit ng ibang tao. Mukhang nawalan na ng malay ang taong hawak niya kaya bunuhat niya ito. Dahil sa dilim ay di pa rin niya maaninag ng maayos ang mukha nito. Dahil sa inis na nararamdaman sapagkat nasira ng gabi niya ay bigla siyang napatingin sa tubig.
“Hm, what if, I just toss this useless being in that raging tide?” isip isip pa niya. Hindi niya inaasahan na bigla siyang makakarinig ng mahihinang hikbi. Napataas ang kilay niya at naisip na baka narinig nito ang sinabi niya kaya umiyak ito.
Hindi niya talaga niya alam ang gagawin. Ayaw naman niya ng problema kaya naisipan niyang iwan na lang sana ito sa gilid. Pero ang mahihina nitong hikbi at ang mahigpit na pagkapit nito sa kanya ay nagbigay ng kakaibang sensasyon sa kanyang sarili na ngayon lamang niya nararamdaman.
Sa unang pagkakataon ay nakaramdam siya ng awa. Napabuntong hininga na lamang siya at nagpasya na dalhin ang taong ito sa kanyang kotse. Dahil maliwanag ang loob ng sasakyan ay napagmasdan niya ang itsura nito.
Ang mukha nito na basa ng luha, ang mamula mula nitong pisngi dahil sa kalasingan at ang mahabang pilik mata nito. Hindi siya makapaniwala na isa itong lalaki. Hindi niya maintindihan pero ang pag iwas ng tingin dito ay parang isang malaking kasalanan.
Para itong isang anghel na tahimik na lumuluha, napahawak siya sa kanyang dibdib dahil sa lakas ng kabog nito. Nahihirapan din siyang makahinga na para bang pinipiga ang kanyang puso dahil sa nasasaksihang pag tangis nito sa kanyang harapan. Masuyo niyang pinahid ang luha na tumutulo sa nakasara nitong mga mata, dahil sa kakaibang pakiramdam ay nagawa din niya itong yakapin.
Ang pagiging marahan at masuyo ay wala sa kanyang bukabolaryo. Ang lahat ng bagay ay dinadaan niya sa dahas kaya naman ni siya ay naninibago sa mga bagay na ginawa niya ngayon. Nang mapansin niyang tumahan at nakatulog na ito ay saka niya sinimulang alamin kung saan ito nakatira. Una niyang tiningnan ang ID na suot nito.
‘So, you’re Gino Arien Dimapilit huh, what a simple name for an angel like you.’
Nang nalaman ang mga impormasyon tungkol dito ay nagdrive na siya papunta sa bahay nito. Ginamit niya ang susi na sa bag ni Gino para buksan ang pinto, hindi niya inaasahan na may aso sa loob kaya nagulat siya ng biglang mag sumugod sa kanya.
Dahil sa inis ay tiningnan niya ito ng masama, para naman itong tuta na natakot at nabahag ang buntot. Dinala niya ang tulog na anghel sa kwarto nito at inihiga doon. Bago umalis ay pinagmasdan pa niya ang mukha nito. Hindi kasi siya sigurado kung magkikita pa silang muli. Nang magpasya siyang umalis ay bigla niyang nararamdaman ang paghawak nito sa kanyang kamay.
Lumuluha itong bumulong ng…
“W-Wag nyo po akong iwan.”
Napapailing naman na bumalik siya sa tabi nito. Ayaw talaga niya makita ang pagluha nito, bukod sa may nararamdaman siyang sakit pagnakikita ito, hindi rin ito bagay na magandang mukha nito.
Kinuha niya ang panyong galing sa kanyang ama at ipinahid sa luha nito. Hinalikan din niya ang kamay nitong mahigpit na nakakapit sa kanya saka iyon tinanggal. Hinaplos niya ang mukha nito at hindi niya napigilang gawaran ng isang munting halik ang malambot na labi nito.
Iniwan niya ang panyong iyon bilang regalo. Hindi man sila magkita muli. Alam niyang may isang bagay na magpapaalala sa kanya dito. Hindi rin alam nito na kumuha siya ng isang damit sa cabinet ni Gino.
Nang makabalik siya sa kanyang kotse ay hindi niya mapigilang mapangiti habang inaamoy ang Iron man shirt na hawak niya.
NAMUMULA naman ang buong mukha na napatingin si Gino kay Cain dahil sa kwento nito.
“Ikaw pala ang first kiss ko!?” di makapaniwalang saad pa niya.
“Yup and I’m glad I am.” nakangisi namang sagot nito.
Napanguso siya nang maalala na kaya pala nawawala yung paborito niyang tshirt noon ay dahil sa Cain na ito.
Ito pala ang kumuha ng damit niya.
“So are you done packing your stuff?”
Tumango na lamang siya at itinuro kay Cain ang mga bag na may lamang gamit niya. Kinuha naman lahat ni Cain lahat at dinala na sa labas. Nakasunod lang naman siya dito habang nag iisip.
Kaya pala pamilyar si Miggs kay Cain dahil nagkita na sila noon. Natatawa siyang isipin na nagawang takutin ni Cain si Miggs sa pamamagitan ng isang tingin lang. Naalala din niya ang ginawa ni Miggs noong isinama niya si Cain dito sa apartment. Kinagat nito ang laylayan ng short niya at hinibit palapit kay Cain. Alam kasi ni Miggs na ito ang may ari nung panyo.
‘Hayss di ko akalain na aabot kami sa ganito. Dati hinahanap ko lang ang lalaki sa baywalk, ngayon buntis na ako sa anak namin.’
Napangiti na lamang siya at napabulong ng…
“Salamat God, dahil ang matagal ko nang hinahanap ay nasa tabi ko lamang pala, ganun din sa nalalapit na naming pagkakaroon ng baby.”
Sa di kalayuan ay pansin niya si Cain na kumakaway at tinatawag siya. Nagmadali siyang nagtungo doon at sumakay sa kotse. Naroon din si Miggs na masayang nakatanaw sa bintana habang nasa byahe sila. Ilang oras din ang nakalipas ng makarating sila sa penthouse. Magalang na sumalubong sa kanila sina Gary, Josh, Zero at Hellix nang makapasok sila sa bahay. Habang binabati sila ng mga ito ay biglang sumulpot si Miggs sa kanyang likuran.
Nanlaki naman ang mata ni Hellix---
“M-Miggs?!?” gulat na saad pa nito.
“ARfff!!!”
------ at mabilis na tumakbo habang sumisigaw ng…
“BAD DOGGG!!!!!”
Napatawa naman silang lahat dahil sa nangyari. Mukhang namiss ni Miggs si Hellix.
°°°
NAGING abala si Cain ng mga sumunod na araw. Una isinama muna siya nito sa kumpanya para magpaalam na magleleave muna sa ngayon.
Ganun din para makausap niya ang mga kaibigan. Habang nag luluto dito sa kusina ay napapangiti siya habang na aalala ang mga nangyari. Maaga silang pumunta sa kumpanya para makapag paalam sa kanyang supervisor at ganun din kayna Mars at Jewel.
Nang masiging siya ng umagang iyon ay matinding paninibago ang kanyang nararamdaman. Nang imulat niya ang kanyang mata ay napansin agad niya ang kakaibang paligid. Kinabahan pa siya nung una pero ng marinig niya ang mahinang tunog mula sa kanyang gilid ay mabilis na napatanag ang kanyang kalooban. Napangiti siya ng makita ang mahimbing na itsura ni Cain habang nakasiksik sa tagiliran niya.
Masuyo niyang hinaplos ang pisngi nito at masayang pinagmasdan ang gwapo nitong mukha. Pakiramdam ni Gino na kahit saan siya mapunta basta kasama niya si Cain ay magiging maayos ang lahat.
‘Ganito pala kasaya ang magkaroon ng mahal sa buhay.’ isip-isip pa niya habang umaalis sa kama.
▼△▼△▼△▼△
ILANG
sandali pa ang nakalipas at nakarating na sila sa kumpanya. Mabilis na bumabati ang lahat kapag nakakasalubong o nakikita ng mga ito si Cain.
Dahil dito ay hindi niya maitago ang ngiti sapagkat pakiramdam niya ay napaka espesyal niya.
Habang nakatingin sa mga kababaihan nanagpapantasya pa rin kay Cain ay bigla niyang naisip na…
‘Gustong gusto ko na isigaw at ipagmalaki na ang CEO ng Z Corp ay asawa k--- Teka, hindi pa kami kasal pero magkakaanak na kami. May karapatan na ba akong tawagin siyang asawa?’
“Ginobabes, is there any problem?” bulong nito sa kanya habang naka-alalay ang braso nito sa kanyang bewang.
Hindi niya napansin na dahil sa malalim na pag iisip ay napatigil na pala siya sa paglalakad.
Mabilis siyang umiling bilang sagot dito at nakangiting humawak sa kamay nito bago sila sumakay sa elevator.
Bago magsara ang pinto ng elevator ay kita pa niya ang halo halong ekspresyon sa mukha ng mga babaeng nag aabang kay Cain kanina.
Ang iba dito ay nanlumo, ang iba naman ay bakas ang inggit sa mukha at karamihan ay na-brokenhearted.
Napangisi na lamang siya dahil sa mga nakita.
Nang tumunog ang elevator ay magkahawak kamay pa rin silang lumabas at naglakad sa hallway patungo sa kanyang working station.
Pero bago pa makapasok ay nakasubong na nila ni Yuan at Jewel. Napasinghap pa si Jewel ng makita siya at saka masayang tumakbo para salubungin siya.
“Siz Gino, I miss you!!!” sumisigaw na bungad pa nito.
“Namiss din kita Jewel,” natatawang saad niya dito.
Habang nagyayakapan sila ay biglang dumating si Mars, mukhang narinig nito ang sigaw ni Jewel kanina.
“Bhes Gino!!!” may galak na saad din nito at sumali na sa kanilang group hug.
Matapos ang kanilang masayang pagkikita ay mataray na napatingin si Mars kay Cain at sa kanya.
“Hmph, kaya pala bigla ka nawala bhes, mukhang nagkabati na kayo.”
Napangiti naman siya at proud na hinarap ang mga kaibigan. “Oo Mars, narito din kami para magpaalam.”
“Sir Yuan, magleleave muna po sana ako, ito po ang letter ko.” saad niya sabay abot ng sobre dito.
Hindi naman agad sumagot ito at tiningnan pa ng kakaiba si Cain. Pero maya-maya ay Napabuntong hininga na lamang ito at tinanggap ang iniaabot niya.
Habang nakikipag usap naman siya kay Sir Yuan ay panay ang pagpapahid ng luha ni Jewel.
“Tumigil ka nga bhes Jewel, ang drama mo. Hindi naman mawawala ng matagal si bhes, makikita pa rin natin siya. Subukan lang ng Sinclair na yan na itago si bhes Gino satin. Naku humanda yan sakin.”
Nagpipigil naman si Gino para di mapatawa dahil sa bulong ni Mars na halatang sadyang ipinaririnig kay Cain.
“Okay, ano pa bang magagawa ko. I’m accepting your request of leave and uh - -----masaya ako para sayo Gino.” anito na parang nahihirapan ituloy ang mga sasabihin.
‘Hindi pa rin nagbabago si Sir, ganto na siya noon pa,’ napapailing na saad niya sa isipan.
Sa huli ay tumango at ngumiti na din ito ng tipid at nagmamadaling nagpaalam sa kanila.
Si Jewel naman ay yumakap sa kanya muli at tumatakbong humabol na kay Yuan.
Nang mapalingon siya at kita niya ang nakakunot na kilay ni Cain, masama din itong nakatingin sa papalayong pigura ni Yuan.
“Tsk, Napakaseloso talaga,” inis na bulong ni Mars nang makalapit ito sa kanya.
“Hehe ewan ko din Mars,” napapakamot sa ulo na sagot niya dito.
“Paano bhes, mamimiss kita at si Baby, mag iingat lagi kayo ha. Pag kailangan mo ng kausap tawagan mo lang ako.” madamdaming saad nito.
“Ang drama mo din Mars, ilang buwan lang naman ito. Pagnakapanganak na ako ay baka bumalik na ako sa trabaho.”
Tumangi ito at mahigpit na yumakap sa kanya, tinugunan naman niya ito habang hinahaplos ang likod nito.
Maya-maya pa ay nakaramdam siya ng paghawak sa kanyang balikat mula kay Cain kaya bumitaw na siya sa pagyakap kay Mars.
Dahil sa nangyari ay nakanguso si Mars at masamang napatingin kay Cain.
“Hindi pa rin ako boto sayo Cain Sinclair, saktan mo ulit ang kaibigan ko at talagang malilintikan ka sakin.” nanggi-gigil na saad nito kay Cain.
“Don’t worry, I will not leave him again and I guarantee you that I will love him and our baby until my last breath.”
Nanlaki ang mata ni Mars at di inaasahan ang sinabi nito. Kahit si Gino ay ganun din.
Alam kasi niyang hindi pala salita at walang kinatatakutan si Cain. Dahil sa pagpapakumbaba nito kay Mars ay lalong nahulog ang loob niya dito.
NAPABUNTONG
hininga na lamang si Gino dahil sa mga ala alang iyon. Halos dalawang linggo na rin ang nakakalipas mula ng mangyari ang kaganapang iyon. Ngayon ay masaya na siyang nakatira kasama ang mababait na tauhan ni Cain.
Mukhang tanggap naman siya ng lahat ng narito kahit ang masungit at mataray na si Zero ay pinakikisamahan siya ng maayos.
Sa pananatili niya rito ay hindi pa naman siya nakakaramdam ng pagka-inip at lungkot lagi naman kasi niyang kasama si Cain, nag leave kasi ito sa trabaho.
Ngayon ay nasa labas siya ng bahay at nakaupo sa isang bench doon habang pinagmamasdan ang masaya at masiglang pagtakbo ni miggs.
Dahil sa laking aso nito at bilis ng pagtakbo ay halos nadadala na si Gary na may hawak ng leash nito. Napapangiti na lamang siya habang pinagmamasdan ang nahihirapang mukha ni Gary habang kinakaladkad ito ni miggs.
“Miggs!!! Teka! Dahan-dahan naman!”
“ARFFF!!! ARFFF!”
“Pakiusap Miggs! Tek—” hindi na nito naituloy ang sasabihin ng madapa na ito at mapasalampak sa damuhan ang mukha.
Mukhang sabik talaga ang alaga niya na makapag laro, lagi ba naman itong nakakulong lamang sa loob kanyang apartment noon.
Dahil sa nangyari ay hindi na niya napigilan ang mapatawa ng malakas. Bigla namang may tumighim sa likuran niya kaya napalingon siya dito.
“Salamat Cain,” masaya niyang saad sabay abot sa ibinibigay nitong mug na may lamang mainit na gatas.
“Anything for you my Ginobabes,” Anito at saka umupo sa tabi niya. Tahimik nilang pinagmamasdan ang paligid.
Hindi niya inaasahan ang lahat ng ito. Ang mabuhay ng mapayapa, magkaroon ng lalaking magmamahal sa kanya at bukod sa lahat ay ang mabuntis. Pakiramdam ni Gino ay nasa loob siya ng isang napakagandang panaginip.
‘Kung may nagsabi sakin noon na magkakaroon ako ng napakagwapo at napakayaman na asawa, siguradong tinawanan ko na sila. Napaka impossible naman kasi, pero heto ako ngayon. Masaya at kontento na nakatingin sa asul na kalangitan habang nakahiga sa sa matipunonh dibdib ng lalaking pinakamamahal ko.’ kontento at masaya na saad niya sa isipan.
Hihigop na sana siya ng gatas na nasa mug nang hindi niya magustuhan ang amoy nito. Masama at nangdidiri niyang tiningnan ang mug na hawak.
“You don’t like this?” tanong pa sa kanya ni Cain, napatango naman siya at mabilis na ibinigay ang hawak dito.
Kahit medyo malaki na ang kanyang tiyan at mahirap na gumalaw ay nagawa pa rin niyang makatakbo papasok sa bahay at dumeretso sa banyo.
Nagmamadali namang sumunod si Cain sa kanya at hinagod ang kanyang likod habang siya ay sumusuka pa rin. Matapos iyon ay inabutan siya nito ng tubig.
Nanghihina siyang napadantay sa katawan nito matapos ang kaganapang iyon. Binuhat naman siya nito at dinala sa kanilang kwarto.
Ramdam niya na unti-unting bumabalik na naman ang pag sama ng kanyang pakiramdam, isama pa ang mga bagay na walang tigil na tumatakbo sa kanyang isipan.
Takot, kaba, pangamba at ibang mga bagay na halos hindi nagpapatulog sa kanya sa gabi. Sa umaga naman ay laging mainit ang ulo niya kaya napapagbalingan niya ng inis si Cain at ang iba pa dito sa penthouse.
LUMIPAS ang ilang araw na halos walang tulog ang mga kasama ni Gino sa buong magdamag, bigla kasi itong gumigising ng madaling araw at nagpapabili ng kung ano-ano.
Katulad na lamang ngayon. Humihikab pa si Gary habang nagkukusot naman ng mata si Hellix. Nasa living room sila kasama ang galit na buntis at ang pagod na si Cain.
“Babe, can it wait tomorrow? Ibibili kita ng marami basta bukas na ang supermarket,” pakiusap pa ni Cain dito.
“AYOKO! gusto ko ngayon na. Cain!” sigaw pa nito at maya-maya pa ay nagsimula nang umiyak.
Napakamot ng ulo si Cain ganun din lahat ng kanilang mga kasamahan.
“Ah boss, maghahanap po ako. Baka may mabilhan pa ako ng melon at french fries,” ani naman ni Gary.
Umiling naman si Cain habang pilit pinapatahan ang umiiyak na asawa at saka nagsalita. “No, that’s my duty. Bantayan nyo na lamang sya habang wala ako.”
Napasaludo naman ang mga ito dahil sa labis na paghanga sa boss nila. Dinala na ni Cain si Gino sa kwarto, inihiga ito at kinumutan.
“I’ll be back okay, just wait for me,” anito pa sabay halik sa noo ni Gino. Nagbihis din ito bago lumabas ng kwarto.
Kung saan-saan na nakarating si Cain bago pa siya makahanap ng melon, may mga 24/7 naman na bukas na fastfood chains kaya di sya nahirapan bumili ng fries. Nagmamaneho na siya pauwi ng mapasilay siya sa oras na nakapaskil sa kanilang cellphone. ‘Hm 2:05am. Ginobabes surely knows how to wake up early.’
Nang makarating sa bahay ay matulin na umakyat siya sa kanilang kwarto dala ang mga binili. Nag aalala siya na baka umiiyak na naman ito ngayon sapagkat natagalan siya.
Medyo habol ang hininga nang makapasok siya sa kanilang kwarto, madilim kaya hindi niya agad na pansin na malalim at mahimbing na ang tulog ng makulit at bugnuting asawa.
Napabuntong hininga na lamang siya at hinaplos ang ulo nito. Naghubad muli siya ng damit at humiga sa tabi nito. Maya-maya pa ay ramdam niya tumagilid ito at yumakap sa kanya.
Kahit pagod at antok ay nagawa pa rin niyang mapangiti at saka hinalikan ang ulo na nakasiksik sa kanyang dibdib.
‘I’ll do anything you want my babes, I’ll do ---anything,’ bulong pa niya bago tuluyang makatulog.
SA MGA sumunod na araw ay kinailangan ni Cain na bumalik na sa trabaho sapagkat may mahahalaga itong transaction at meeting na kailangan puntahan.
Ayaw man nitong iwan si Gino pero kailangan, nag aalala man para sa kalagayan ng asawang buntis ay may tiwala naman siya sa mga bodyguard nito na sina Gary at Josh.
“Cain, uuwi ka agad ah,” saad pa ni Gino dito. Napangisi naman ito sa kanya ata saka hinalikan ang kanyang ilong.
“Of course, do you want me to buy something?” tanong pa nito habang nagsusuot ng coat.
“Wala naman basta umuwi ka lang dito.”
“Don’t say cute things like that, baka hindi ako makaalis nyan,” natatawa namang sagot nito.
“Talaga!?—”
“Nope, behave when I’m gone, okay?”
Napatango na lamang siya habang nakanguso, ayaw talaga niyang umalis si Cain. Nakikita pa lamang niya na naghahanda ito sa pag alis ay nalulungkot na siya.
Inihatid pa niya ito hanggang sa garahe ng penthouse, kumaway din sya habang paalis ang kotseng sinasakyan nito.
‘Sabi ni Cain ay lagi naman daw siyang tatawag kaya wag akong malungkot. Tama hihintayin ko na lang ang tawag nya.’ aniya pa sa isipan saka pumasok na ulit sa bahay.
Narito si Zero, Gary at Josh para bantayan siya, si Hellix naman ay kasama ni Cain kanina.
Hindi niya maintindihan pero hindi siya mapakali, parang laging may gusto siyang gawin na hindi naman niya matukoy. Bukod sa laging pagsama ng pakiramdam, pagkakaroon ng mga negative na isipin at iba pa, doon lamang niya na pagtanto na napakahirap pala talagang magbuntis.
‘Ganito pala pagbuntis, sa paglipas ng mga araw pakiramdam ko ay hindi ko na nakikilala ang sarili ko.’
Dahil siguro napapansin ng mga kasama niya na lagi siyang tulala, naisipan ng mga ito na ilibot siya sa paligid, makipaglaro ng board game at magkakasamang manuod ng pelikula.
Kahit paano dahil sa mga ito ay nakakaramdam siya ng saya at nakakalimutan niya kahit papaano ang pangungulila kay Cain. Simula kasi nang bumalik ito sa trabaho ay naging abala na muli ito. Tinupad man nito ang pangako na lagi siyang tatawagan pero pakiramdam niya hindi iyon sapat.
Gusto niyang mayakap, maamoy at laging malapit dito. Kaso maaga itong umaalis at gabi namang umuuwi. Nalulungkot siya sa nangyayari.
“Uyy Gino, eto ibinili kita ng maraming sanrio.” napatingin naman siya kay Gary at saka kinuha ang ibinigay nito.
“Salamat Gary,” aniya sabay ngiti ng tipid dito. Napakamot naman ito ng ulo bago magtanong.
“San mo gagamitin yan?”
“Ipupuyod ko sa buhok ni Zero. Gusto ko kasing i-braide ang buhok niya.” aniya.
Namutla naman si Gary dahil sa sagot niya. Mukhang hindi iyon magandang desisyon pero yun ang gusto niyang gawin.
Kapag kasi nakikita niya ang mahaba at magandang buhok nito, lagi niyang na-aalala ang mga braide na napanuod niya sa TV. Gusto din niyang subukan iyon ka Zero.
Napailing na lamang si Gary ganun din si Josh nang makita na patungo na siya sa control room kung saan lagi nakatambay si Zero.
“Zero~ nandito na ako,” saad pa niya nang makasilip sa loob ng kwarto.
Nagtataka siyang napatingin sa paligid sapagkat wala ito doon. Pumasok siya at hinanap ito sa buong kwarto pero wala.
“Saan kaya sya nagpunta?” bulong pa niya habang palabas ng control room.
NANG makalabas si Gino ay napahinga naman ng maluwag si Zero. Bago pa kasi makarating si Gino sa kinalalagyan niya ay narinig at nakita na niya ang footage na nasa living room.
Mabuti na lamang at hindi siya nito nakita, kung hindi ay siguradong puno na ang buhok niya ng ibat-ibang kulay ng sanrio.
Inisip pa lamang iyon ay kinikilabutan na siya.
‘Pregnants sure can be scary.’
▼△▼△▼△▼△
Pls. Don’t forget to
VOTE
and
COMMENT
.
THANKS AND BYIEEEE💕
MB 51✨
3RD PERSON’S POV
“That’s scary,” bulong pa ni Zero nang makalabas siya sa pinagtataguan. Maglalakad na sana ulit siya papunta sa kanyang gaming chair sa harap ng napakaraming screen dito sa control room ng biglang may magsalita sa likod niya.
“Alin ang nakakatakot, Zero?”
Mabilis pa sa kidlat na napalingon siya at nakita ang nakakapangilabot na ngiti sa labi ng buntis na asawa ng boss nila.
“N-Nothing,” kinakabahang sagot niya dito. Tumango naman ito sa kanya sabay pakita ng dalang suklay at supot ng sanrio.
Ang ngiti sa mukha nito ay nagsasabing hindi ito tumatanggap ng sagot na hindi, kaya naman wala na syang nagawa at umupo na nang tuluyan para maabot nito ang buhok niya.
Sa ilang minuto na lumipas, napapangiwi na lamang siya dahil masakit ang paraan ng pagpupuyod nito sa kanya. Ramdam niya ang hapdi kapag hinihigit nito ang buhok niya. Alam niyang mukha na syang kawawang laruan ngayon. Pero naisip din naman niya na kung ito ang ikasasaya ng buntis na ito, siguro ay okay lang din.
Lagi nyang napapansin na wala lagi sa sarili at tulala itong si Gino lalo na ng magsimula na ulit magtrabaho ang boss nila. Minsan gusto man niya itong kausapin ay nahihiya naman siya.
Isa din siya sa mga pinagkatiwalaan ng boss nila na magbantay dito kaya kahit sa ganito lamang na bagay ay mapasaya niya ito.
Kaya naman ng matapos siyang puyudan nito ng braide, pony at iba pa ay tiniis na lamang niya ang kahihiyan lalo na nang dumating pa yung dalawang bwisit na walang ginagawa kung hindi tawanan at kuhanan siya ng litrato.
“Haha magugustuhan to ni Hellix.”
“Oo, ito din.”
Rinig pa niyang saad ng dalawang unggoy habang tiningnan ang mga larawan sa cellphone nila. Wala syang magawa kung hindi tiningnan na lamang ang mga ito ng masama at may pagbabanta.
“Ang ganda-ganda mo talaga Zero, bagay na bagay sayo!” masayang ani pa ng buntis habang pumapapakpak ang mga kamay.
Napanguso na lamang siya, kahit ang papuri nito ay hindi kayang punan ang kahihiyang nararamdaman niya.
“Satisfied?” tanong niya dito. Tumango naman ito ng sunod-sunod.
Napahinga na siya ng maluwag sapagkat akala niya ay tapos na ang lahat. Pero mukhang doon siya nagkakamali, lalo na nang marinig ang sunod na sinabi nito.
“Susunod, me-make upan naman kita.”
---------------+++
DALAWANG
linggo ang nakalipas nang maging abala muli si Cain sa trabaho at tatlong araw na noong umalis ito para sa business trip.
Nagulat ang lahat ng pumayag ang buntis nang sabihin ni Cain ang tungkol sa pag alis nito.
“Are you sure, you’re okay in here?”
“O-Oo naman, basta mag iingat ka lagi dun ah,” naluluha naman nitong saad habang pilit pinapatibay ang sarili.
Malambot naman itong tiningnan ni Cain at hinalikan ang noo, ilong at labi para ipakita ang pagmamahal at pasasalamat dito. Alam ni Cain na hindi madali para dito ang desisyon na iyon pero pinili pa rin nitong suportahan siya.
Ito ang isa sa mga bagay na tunay niyang minahal kay Gino. Kaya nitong isaktipisyo ang kasiyahan at kapakanan nito para sa iba.
“I’m so lucky to have you, My Ginobabes, I love you,” bulong pa niya sa tenga nito sabay halik sa leeg nito.
“I love you too Cain, umuwi ka agad.”
Tumango siya dito bago sumakay sa kotse patungo sa private jet na gagamitin niya patungo sa france.
Dahil sa ipinakita ni Gino na katapangan ay lalong humanga ang lahat sa kanya, lalo siyang minahal ng mga ito. Dahil doon ay ginagawa naman lahat ng mga kasama ni Gino ang paraan para di siya ma-bored at maging emosyunal. Kapag kasi na-aalala niya si Cain ay lagi siyang napapaluha.
Natatakot din sya kapag nagigising siya sa gabi na wala sa tabi niya ang asawa. Mahirap pero kailangan niyang panindigan ang desisyon niya. Kapag nami-miss niya si Cain at di siya makatulog ay kumukuha siya ng damit nito sa cabinet at inaamoy iyon. Sa ganung paraan ay pakiramdam niyang kasama niya ang asawa.
ISANG
hapon, tapos na silang kumain. Nasa living room ang lahat at nanunuod doon. Napansin ng mga ito na kanina pa nilang hindi nakikita si Gino matapos itong maghapunan.
Dahil trabaho nina Gary at Josh na bantayan si Gino, responsibilidad nila na alamin ang kalagayan nito kaya man tumayo na ang dalawa para hanapin ang buntis.
Si Josh ay naghahanap sa buong ground floor habang si Gary naman sa second floor. Si Zero naman ay nag-rereview ng mga CCTV sa buong bahay.
Nag uusap sila at nagbibigay ng updates sa isa’t isa gamit ang earpiece na suot.
“He’s not here, I look every where,” saad ni Josh.
“I can’t see him either,” segunda naman ni Zero
Si Gary naman ay halos sumuko na rin sa pag hahanap ng bigla siyang nakarinig ng pagtahol na nagmumula sa kwarto ni Gino at Mr. Sinclair.
Ilang beses na siyang naggaling sa kwartong iyon kaya naman alam niyang wala doon si Gino pero pinuntahan pa rin niya para makasiguro. Pag bukas ng ilaw ang una niyang nakita ay si Miggs na tumatahol sa labas ng cabinet.
Kinakabahan at nagtataka siyang lumapit doon. Tumabi si Miggs para makadaan siya. Dahan-dahan niyang binuksan ang cabinet.
“Hmm, puro damit lang naman ang nandito Miggs,” aniya sabay tingin sa aso.
Sasaraduhan na sana niya ulit ang cabinet nang may gumalaw sa babang parte nito. Nagulat siya lalo na nang may isang kamay na humawi ng mga damit mula sa loob.
Pinagpapawisan na siya ng malamig dahil sa nakikita. ‘Fuck this! M-Multo.’
Hindi niya mapigilang di mapatitig dahil sa takot, hindi siya makagalaw sa kanyang kilalagyan lalo na nang makita niya ang mata na nakasilip sa kanya.
Kakaripas na sana siya ng takbo ng makita niya si Miggs na mabilis na lumapit sa pinagtataguan ng multo. Dun niya napagtanto na si Gino pala iyon.
Yumuko siya at hinawi ang mga nakahanger na damit para makita ang umiiyak na buntis habang nakayakap sa damit ng boss nila.
‘Siguradong miss na miss na niya si Boss.’ isip-isip pa niya saka malambot na tiningnan ito at inabot ang kamay.
Maya-maya pa ay dumating na ang mga kasamahan niya. Tinulungan siya ng mga ito na mapaalis si Gino sa cabinet. Kahit anong pilit kasi niya ay ayaw nitong sumama palabas.
“Anong problema?” tanong ni Zero. Hindi naman siya sumagot at itinuro ang ibabang parte ng cabinet.
Sumilip naman si Zero doon at kita nilang nagliwanag ang mata ng buntis. Napangiti naman si Zero at inabot ang kamay nito. Hindi na sila nagtaka ng abutin ni Gino ang nakalahad na kamay sa harapan nito.
Napailing na lamang si Josh. Ganun din si Gary. Nang mapalabas na nila si Gino. Maingat itong binuhat ni josh papunta sa kama para makapagpahinga na ito.
“Wag ka nang malungkot Gino, babalik din si Boss,” ani Gary habang kinukumutan ito.
“Yah, he will be here before you know it. Take some rest now.”
GINO POV
GUSTONG-GUSTO ko tawagan para marinig ang boses ni Cain pero alam kong busy siya kaya di ko yun magawa.
Ayaw kong makaabala, pero sobra na ang pangungulila ko sa kanya. Sana… Sana umuwi na siya kaagad.
Gabi na pero hindi pa rin ako dinadalaw ng antok. Bukas kailangan kong humingi ng tawad dahil alam kong pinag alala ko sila dahil sa ginawa kong pagtatago sa cabinet. Napapanatag kasi ang pakiramdam ko kapag na-aamoy ang mga gamit ni Cain.
‘God, sana po makauwi na si Cain para magkasama na kami ulit,’ dasal pa niya bago matulog.
Ilang oras ang nakalipas nang magising ako dahil sa paggalaw ng kama na aking hinihigaan. Antok na napabaling ako para maaninag kung anong nangyayari. Akala ko ay si Miggs lang na umaakyat sa aking kama.
Madilim at wala naman akong nakikita kaya pipikit na sana muli ako matatulog nang marinig ko ang boses na nais ko laging marinig.
“Did I wake you up?” malambing na tanong pa nito sabay haplos sa aking pisngi. Napuno naman ng saya at pagkasabik ang aking puso.
‘Mukhang miss na miss ko na talaga sya, pati sa panaginip ko ay dumadalaw na sya sakin,’ antok na isip-isip ko pa habang pilit gumagapang palapit sa kinalalagyan niya.
Nakangiti naman ako nitong niyakap at ilang beses na hinalikan ang buhok at noo. Nakayakap lang ako ng mahigpit sa kanya, hindi ako makapaniwala na napaka-realistic ng panaginip na ito. Nahahawakan ko sya at na-aamoy.
Masaya akong sumiksik sa dibdib nito. “Did you behave while I’m away,” pabulong na tanong pa nito.
Umiling naman ako bago sumagot.” Hindi, Cain nagpasaway ako kayna Gary at Josh, pinag alala ko sila.” pagsusumbong ko pa sa kanya.
Nakarinig naman ako ng mahina nitong pagtawa habang inaayos ang posisyon namin pahiga. Ngayon ay nakapatong na ang ulo ko sa tapat ng kanyang puso. Rinig na rinig ko ang bawat pintig ng kanyang puso.
“I see, so what do you need do to tomorrow?”
Habang napapahikab sa antok at bago makatulog ay nasagot ko pa naman ang kanyang katanungan.
“Mag--- Mag so-sorry a-ako.”
“Good, now sleep my Ginobabes. I miss you.”
KINABUKASAN, maganda ang aking gising sapagkat nakita at nakausap ko sa aking panaginip si Cain.
‘Hayss sobrang makatotohanan naman ng panaginip na yu—’
“Hmmmm!”
Napatigil ako sa pag-iisip ng may marinig akong ungol sa aking tabi, kasunod noon ang isang braso na mabilis at mahigpit na yumakap sakin mula sa likod.
Paglingon ko ay di ko maiwasang di mapasigaw sa tuwa nang makita ko syang natutulog sa tabi ko.
“WAHHH!! SI CAIN NGA!!!” Habang walang sawa ko itong hinahalikan sa buong mukha ay nakarinig naman kami ng mga yabag ng paa.
Mabibilis ang mga ito at halatang nagmamadali patungo sa aming dereksyon.
Hindi lumipas ang ilang minuto at biglang bumukas ang pinto ng aming kwarto. Mga antok at bagong gising na sina Gary, Josh, Hellix at nasa likod nito si Zero.
Si Gary at Josh ay nakaboxer lang. Si Hellix ay naka-panjama buttom. Ang nagbigay ng ngiti sa labi ko ay ang suot na panjama shirt at pants na suot ni Zero.
Pink kaso ito at may print pang unicorn. Ang cute lang, ibang iba sa ugali nya ang magsuot ng mga ganitong bagay.
“Anong problema Gino, nasan ang kalaban?” tanong ni Gary habang nagkakasa ng baril.
“Where—” sisigaw pa lang si Josh nang ma-unahan ito ni Hellix.
“Boss!!!”
Masigla naman akong humarap sa kanila sabay turo kay Cain. “Guys!!! Si Cain!!!”
Napatawa naman si Josh sabay sabing… “I told you so, he will be here before you know it.”
Si Gary naman ay mabilis na itinago sa likod niya ang baril at nagpaalam na sila sabay sara ng pinto.
Sa bilis nang pagdating nila at pag alis ay parang napatulala na lamang ako sa hangin habang nakatingin sa pintong nilabasan nila. Napakibit balikat na lamang ako at napasilay sa tulog na lalaki sa aking tabi.
Nakayakap pa rin ito at mahimbing na natutulog. Habang pinagmamasdan ang gwapo nitong mukha, doon ko na pansin ang maitim na eyebag sa ibaba ng mga mata nito.
‘Minadali na naman niya ang trabaho para lang makauwi ng maaga, kawawa naman ang Cain ko.’ saad ko pa sa aking isipan habang hinahaplos ang buhok niya ng ilang beses para mas maging mahimbing ang tulog nito.
“Tulog ka pa Cain, Salamat sa lahat ng pagmamahal mo na ipinagkakaloob samin ni Baby. I love you so much.”
---------------+++
NANG
sumapit na ang 7:00 ng umaga, bumangon na ako para makatulong kay Zero sa pagluluto ng agahan.
Pagbaba ko sa kusina, naabutan ko sila doon na nagkakape habang naghahanda ng lulutuin si Zero.
“Good morning Gino,” Sabay-sabay na bati pa ng mga ito. Napayuko naman ako sa hiya dahil sa inasal ko kahapon at ng mga nakaraang araw.
Pakiramdam ko ay napakamakasarili ko dahil lagi ko silang pinag aalala. Nang uupo na ako ay tumayo naman si Hellix para alalayan pa ako.
‘Kahit makulit at pasaway ako, napakabait pa rin nila sakin. Lalo tuloy akong nagu-guilty’ atsaka promise ko nga pala kay Cain na magso-sorry ako ngayon.
“Hm, guys sorry talaga dahil sa pagpapasaway ko sa inyo,” nakayukong saad ko sa kanila.
Nakarinig naman ako ng mga pagtawa sa aking paligid kaya napatunghay ako para tingnan sila.
“Ang cute mo talaga!” gigil na sabi pa ni Gary sabay gulo sa buhok ko. Si Josh naman ay pinisil ang pisngi ko habang napapatawa naman si Zero habang pinapanuod ang ginagawa sakin ng mga lokong kampon ni Cain.
“Wala yun samin Gino.”
“Naiintindihan namin ang pinagdadaanan mo, kaya wag mo nang isipin yun.”
Habang nakikita ko ang mga ngiti sa kanilang mukha habang nakatingin sa akin doon ko lang napagtanto na sakanila ako nakahanap ng tunay na pagmamahal ng isang pamilya.
Isang pamilya na lagi na ri yan para sayo iyo, magmamahal, uunawa at poprotekta. Masaya ako dahil mula ngayon bukod kay Mars, Jewel at Miggs ay mayroon na akong mga tao na pwedeng tawaging tunay na pamilya.
Napangiti ako ng malapad sa kanila saka nagpasalamat muli. Matapos iyon ay kahit ayaw ni Zero ay tinulungan ko pa rin siyang magluto.
MATAPOS
ang pagluluto, habang naghahayin ng pagkain ay tumayo si Josh para sana tawagin ang boss nila.
“Teka Josh, wag mo nang gisingin si Cain. Hayaan natin syang makatulog,” saad naman ni Gino habang pinipigilan na umalis si Josh.
Napatango naman ito at bumalik sa mesa. Si Hellix naman na kasama ni Cain sa buong business trip ay halata ring walang tulog at pahinga.
“Oo nga, pagod yung si Boss. Daig pa nun ang nurse na naka-duty nung nasa France kami,” turan pa ni Hellix.
“Bakit naman, Hellix? Ano bang nangyari?” takang tanong pa ni Gino dito.
“Gising ba naman sya ng 72 hours, dere-deretso lang ang trabaho, walang tigil.” napapailing na saad pa nito habang nakangisi sa kanya.
Hindi naman nya alam ang trip nito at parang nang-aasar pa kaya nagkibit balikat na lamang siya.
Habang nakatingin sa mga nilutong pagkain na nakahayin sa mesa. Naisip niya na may gusto siyang kainin na hindi naman niya matukoy.
“May problema ba Gino?” nag-aalalang tanong ni Hellix sa kanya.
“Lalabas na ba si Baby?” tarantang saad naman ni Gary.
Napatawa naman sya sa mga ito bago sumagot. “Haha kayo talaga. Anim na buwan pa lang ang tiyan ko Gary. Ilang buwan pa si baby dito sa tummy ko,” aniya sabay haplos sa kanyang bilugang tiyan. Napakamot naman sa ulo ang mga ito.
“Bigla ka kasing natutulala, kala namin kung ano na.”
“Hmm, ewan ko ba parang may gusto akong kainin kaso di ko naman alam kung ano, basta mahirap ipaliwanag,” naguguluhang sagot pa niya sa mga ito.
“Di mo alam kung anong gusto mong kainin? edi dapat makakita ka ng maraming pagkain para matukoy mo dun kung anong gusto mo.”
“Yah, like a buffet,” napapatangong saad ni Josh.
‘Hmm buffet? di pa ako nakakapunta sa kahit saang buffet ih. Magre-research pala ako mamaya,’ isip-isip pa niya at saka nagpasalamat sa mga kasama dahil sa magandang idea.
Ang hindi niya alam, gusto lang din nagpunta ng mga loko sa buffet kaya iyon ang ipinayo ng mga ito. Alam kasi ng mga ito na magpapasama siya sa Boss nila sa buffet.
Kaya naman habang kumain siya. Di niya alam na nag-aapir na ang mga loko nyang kasama. Ngising-ngisi sina Hellix, Gary at Josh habang napapailing na lamang si Zero.
Matapos kumain ay umaakyat siya sa kwarto nila para bisitahin ang tulog na si Cain at para makapag research na din.
Dala ang laptop niya ay dahan-dahan siyang sumampa sa kama at tumabi sa tulog na asawa. Napangiti pa siya habang pinagmamasdan ang gwapo nitong mukha.
“Himbing ng tulog mo ah,” bulong pa niya dito habang hinahaplos ang buhok nito.
Nakaupo siya habang nakalagay sa kanyang kandungan ang laptop. Ang ulo naman ni Cain ay nakasiksik sa gilid ng kanyang bewang.
Tipa lang sya ng tipa sa laptop ng makita siya ng isang sikat na buffet na nasa manila lamang. Ang pangalan nito ay spiral buffet at matatagpuan ito sa Sofitel Philippine Plaza Hotel CCP Complex 1300, Roxas Blvd, Pasay, Metro Manila.
‘Wow, malapit lang to,’ aniya sa kanyang sarili habang tiningnan ang mga review at iba’t ibang image na narito.
Lumipas ang ilang oras, habang magre-research ay nilalambing na din niya ang tulog na si Cain. Hinahalikan niya ang ulo nito, noo at pati pisngi.
Habang abala siya sa ginagawa ay hindi niya napansin na gising na pala si Cain at tipid na nakangiti habang pinagmamasdan ang iba’t ibang ekspresyon ng mukha niya habang nakaharap sa laptop.
“What are you doing?” Nagulat siya ng biglang may magsalita sa kanyang tabi.
“Gising ka na pala, Cain. Nagre-research lang ako.”
Hindi naman agad nito pinansin ang kanyang sinabi at mas pinili na yakap ang kanyang bewang habang hinahalikan ang kanyang tagiliran at tiyan.
“I miss you, I miss you so much baby,” anito pa habang nanggi-gigil sa paghalik sa kanyang tiyan.
Nagpipigil naman naman siya ng tawa sapagkat nakikiliti siya sa ginagawa nito.
Habang nakasubsub ang mukha nito sa kanyang tiyan ang kinakausap ang kanilang baby.
“Baby, did you miss daddy?”
“Naku Cain, hindi pa nasagot y----” napatigil siya sa pagsasalita ganun din ito sa paghalik sa kanyang tiyan nang biglang makaramdam sila ng paggalaw.
Napangiwi siya sa di inaasahan na sakit pero masaya siya ng maramdaman ang biglang pagsipa nito.
Nanlalaki naman ang mata ni Cain habang nakatingin sa kanyang tiyan. Hindi rin ito makapaniwala sa nangyari.
“Woahh G-Ginobabes, our baby is mov— hey, don’t cry,” pagpapatahan pa nito sa kanya.
Hindi niya mapigilan na di umiyal dahil sa saya. Sa mga lumipas kasing buwan ay hindi siya nakakaramdam ng kahit kaunting paggalaw manlang galing kay baby.
Minsan naiisip nya kung okay lang ba ito. Hindi naman sya pwedeng magpa-ultra sound lagi para makita ito. Kaya nag aalala siya.
“C-Cain, nasipa na ang baby natin.”
“Yes, I’m so happy Ginobabes, you did a great job on taking care of him. Thank you so much,” naluluha na ding saad nito habang yakap-yakap siya.
“Oo nga Cain. Mukhang gusto ka talaga ni baby. Try mong kausapin ulit!” excited na aniya dito.
Yumuko naman ito at hinalikan muli ng ilang beses ang kanyang tiyan bago kausapin.
“Baby, do hear daddy’s voice?”
Maghintay sila ng ilang segundo at gumalaw muli ito. Kung hindi lamang siya buntis ay baka nakatalon na sya sa tuwa.
Dahil sa nangyari ay napatawa silang dalawa at ipinagpatuloy pa ang chikahan session kasama si baby.
Lumipas ang ilang oras ay masaya at kuntento na silang dalawa habang magkatabi sa kama. Nakahiga siya sa dibdib nito habang ang braso naman nito ay nakalagay sa kanyang likod bilang suporta.
Habang tahimik sila ni Cain na nakatingin sa kawalan at masaya pa rin dahil sa naganap ay bigla nitong naalala ang kanyang sinabi kanina.
Napatingin ito ng may pagtataka saka sinilip kung ano ang nasa laptop niya.
“You want to go there?” anito sabay turo sa larawan na nasa laptop.
Nagliwanag sa saya at pagkasabik ang kanyang mga mata nang marinig ang pahayag na iyon.
“Oo, pwede ba?” saad pa niya habang tumatango ng sunod-sunod at puno ng excitement.
Napatawa lang naman ito ng mahina bago lumapit sa kanyang mukha para gawaran sya ng masuyong halik sa pisngi at labi.
Matapos iyon ay gumapang naman ang kamay nito patungo sa kanyang likod at ang mga labi naman ay naglagkay mula sa kanyang leeg patungo sa tenga para bumulong.
“Then why don’t we go tonight.”
“S-Sige,” nahihiyang saad niya sabay yakap dito para itago ang namumulang mukha.
MABILIS na lumipas ang buong maghapon. Masaya na ulit siya sapagkat narito na ulit si Cain sa kanyang tabi.
Hindi na sya nakakaramdam ng pagka-inip at pangungulila, lalo nang ipaalam nito sa kanya ang isang magandang balita.
“Anong good news, Cain?” tanong pa niya habang magkayakap sila at nakatanaw sa kagubatan mula sa balkunahe ng kwarto.
“I already file a leave of absence again,” tipid na sagot nito.
“Huh? okay lang ba yun?”
“Yeah. Inaayos ko na ang lahat bago ako umalis, that’s why I even go to that business trip to make sure that everything is placed,” sagot pa nito.
Habang tumatakbo sa kanyang isipan ang lahat ng sinabi nito ay isang bagay lamang ang kanyang naiintindihan.
‘Naka-leave na ulit si Cain— ibigsabihin magkasama na ulit kami lagi. Hindi na sya aalis.’
“---babes.”
“Ginobabes, hey!” nagitla naman siya dahil sa pag-alog nito sa kanyang balikat.
“Ha? ano yun?”
“Are you okay? Hindi ba sumama ang pakiramdam mo habang wala ako?” bakas sa mukha nito ang pag aalala.
“Okay lang ako, atsaka hindi na ganun kadalas ang pagsama ng pakiramdam ko. Feeling ko nadala ko ata sa will power ko.” natatawa pa niyang saad habang pine-flex ang braso niyang payat na kala mo ay may muscle.
Natawa naman ito sa corny nyang joke at hinalikan ang chikang muscle nya. Dahil doon ay napahagigik siya sa tuwa.
Bago din sila umalis nang hapon na iyon ay ibinalita pa nila ang pag galaw ni baby. Masaya at sabik ang lahat na kinausap ito habang hinaplos ang kanyang tiyan.
Nakakatuwa lamang sapagkat mukhang mabait at mala-kaibigan ang kanilang baby.
Kahit sino kasi ang kumausap dito ay sumisipa o gumagalaw ito.
Dahil sa progress na ito ay lalong nasabik silang lahat sa paglabas ng bagong myembro ng Sinclair family.
----------------+++
7:30 pm nang makarating sila sa venue ng hotel kung saan naroon ang buffet. Ang gaganda ng suot ng mga tatlong loko kala mo naman ay mga sosyal na bisita.
Natatawa na lamang siya pero kahit ganun ay masaya siyang makasama ang mga ito. Feeling ni Gino ay mga overprotective na kuya niya sina Gary, Josh at Hellix. Si Zero naman ay walang kupas ang ganda sa casual attaire na suot nito.
Naglakad sila sa loob at mabilis na sinalubong sila ng manager ng branch na ito.
Binigyan din sila nito ng maikling tour sa buong lugar habang ipinapaabot ang mainit na pagsalubong sa kanila.
Nakakamangha at talaga naman napakaganda ng buffet na ito. Ang interior design ay talagang kakaiba lalo na ang malaki at eleganteng staircase na hugis spiral.
Sa loob din ng buffet na ito ay may matatagpuang labing isang ateliers para sa iba’t ibang cuisine at mga delicacy ng iba’t ibang bansa.
Japanese food, korean, Indian, at marami pang iba, may sarili din itong lugar na para lamang sa Desert at cheese counter.
Habang marahan silang naglalakad ni Cain para maghanap ng gusto niyang kainin ay pansin naman niyang busy ang kanyang mga kasama sa paghakot ng pagkain sa table nila.
Napapatakip na lamang siya ng bibig para di matawa sa mga ito. Ang ku-kyut kasi tapos si Hellix ay nakasuot pa ng kanyang famous Hawaiian shirt at ang pink na hairban.
Marami na silang nadaanan at mukhang masarap naman ang lahat. Hindi niya alam kung nagpunta lang ba sila dito para mag tingin at maglakad pero pakiramdam kasi niya ay nagde-date sila dito. Kaya okay na din basta magkasama sila.
“You’re not tired from all this walking?” bulong nito sa kanya.
“Pagod? Hindi pa naman. Medyo uhaw lang,” sagot naman niya sabay turo sa section ng buffet kung saan pwede gumawa ng sariling fruit juice.
Nagtungo sila doon at iginawa siya ni Cain ng apple with the hint of lemon flavored juice.
Ngayon habang naglalakad sila ay may naiinom na siya. Sa huli ay nadaanan silang fried chicken at yun ang kinuha nila bago bumalik sa kanilang table.
“Fried chicken? Gino kahit ako kaya kong iluto yan sa bahay ah. Bakit yan kinuha mo?” mausisa namang tanong ni Hellix kaya sinamaan ito ng tingin ni Cain.
“Gusto ko lang tikman,” aniya.
Napatango naman ang kanyang mga kasama at inabutan din siya ng iba’t ibang pagkain na kinuha ng mga ito.
May mga nagustuhan din naman siya tulad na lamang ng smoked salmon egg Benedict at curd meat sandwich.
Dahil kakaunti ang bawat servings na meron ang mga pagkain dito ay hindi maiwasan na nakakabitin itong kainin.
“Wag kang mag alala Gino, ikukuha ka pa namin ng madami,” turan pa ni Gary kaya napangiti siya. Napakabait talaga ng mga ito.
Habang kumakain ay may isa siyang natikman na hindi talaga niya nagustuhan, siguro dahil iyon sa mga herbs na ingredients dito na hindi kilala ng kanyang panlasa.
Napatakip siya sa kanyang bibig para di isuka ang pagkain, napansin naman agad ni Cain ang lahat at mabilis na kumuha ng table napkin para tulungan siya.
Ang mga kasama naman niya ay nag alisan din para kumuha ng kanyang kailangan. Si Josh at Gary para humanap pa ng table napkin. Si Zero naman ay kumuha ng tubig, sumunod naman doon si Hellix.
“It’s okay, spit it,” sambit ni Cain sa kanya habang hinahaplos ang kanyang likod.
Maya-maya pa ay nagbalikan na rin ang mga ito. Inabutan siya ni Zero ng tubig. Yung dalawa naman ay may dalang maraming table napkins.
Nagpasalamat siya sa mga ito at nagpasama kay Cain sa rest room.
“Okay na ba ang pakiramdam mo Ginobabes?”
Tumango siya kay Cain matapos makapag mumug ng bibig sa sink. Napahinga siya ng maluwag nang mawala na ang lasa ng pagkain na iyon sa kanyang bibig.
Nanghihina siyang napadantay kay Cain at naka-alalay naman ito sa kanya habang sila ay naglalakad.
Pabalik na sana sila sa table ng madaanan nila ang dessert section.
“Cain, punta tayo dun!” excited na saad niya na parang walang nangyari kanina lamang.
Napangisi na lamang ito sa kanya at napailing.
MB 52
3RD PERSON’S POV
“Ginobabes, you should sleep.”
“Ayoko, gusto ko makita ang mga ulap pagnaandar na tong jet mo,” makulit na saad naman niya kay Cain.
“It’s up to you, pero baka mamaya ay sumama ang pakiramdam mo. Masakit sa ulo ang jetlag,” paalala pa nito.
Napanguso na lamang siya dahil tunay ang pahayag nito at dahil ayaw niyang sumama ang pakiramdam at ma-enjoy ang florida ay unti-unting ipinikit na niya ang mga mata.
Bago makatulog ay naalala pa niya ang mga pangyayari ilang araw na ang nakakaraan.
MATAPOS ang date nila sa buffet dalawang araw na ang nakakalipas ay sinulit niya ang mga panahon na wala sa trabaho si Cain. Masaya na si Gino sapagkat kasama na niya ito mula umaga hanggang gabi.
Medyo kontrolado na rin niya ang emosyon dahil ayaw na niyang maging pasaway at laging pag alahanin pa ang mga kasama.
Kontento na siya sa katunayang kasama niya si Cain ngayon, pero hindi niya alam na may iba pala itong binabalak. Bago umuwi galing france ay nabalitaan na nito na may magaganap na supercon sa florida.
Dahil pangarap niyang makilala at makita ang cast ng paborito niyang movie ay naisipan nito na bumili ng entrance tickets sa magaganap na convention.
Nang marinig niya ang balita nito ay sabik na sabik siya para makadalo roon. May sarili namang jet si Cain kaya wala silang problema sa transportasyon. Isa g araw lamang ang pinagtatagal nila doon sapagkat may iba pa daw silang pupuntahan ayon kay Cain.
HAPON na ng magising siya sa loob ng hotel habang nakahiga sa malaki at malambot na kama. Mabuti na lamang at sinunod niya ang advice ni Cain kundi ay siguradong nahihilo na sya ngayon.
Dahan-dahan siyang umupo at kinusot ang mata para mapagmasdan ng maayos ang buong lugar. Malaki, maliwanag at napaka-ganda ng kwartong ito.
‘Mukhang hindi na ako ginising ni Cain sa byahe,’ isip isip-isip pa niya habang nag iinat.
Tatayo na sana siya ng biglang bumukas ang pinto ng Cr. Bagong ligo, mabango at basang si Cain ang lumabas mula doon.
Nakatapis lamang ito ng twalya sa ibabang parte habang nagpupunas ng basang buhok. Siguro dahil sa mga araw na hindi niya ito nakasama ay may nararamdaman pa rin siyang pangungulila dito. Ang makita itong muli sa ngayon ay nagbibigay sa kanya ng kakaibang pakiramdam.
Dahil sa pagtitig niya ay bigla itong napangisi. Namula naman ang kanyang mukha sa hiya at napaiwas ng tingin.
Dahan-dahan itong naglakad palapit sa kanya. Habang lumalapit naman ito ay hindi niya alam ang gagawin. Kinakabahan na may halong pagkasabik.
‘Ano bang nangyayari sakin? Dahil ba sa lugar o kaya dahil mula ng mabuntis ako ay hindi na kami nakakapag lambingan kaya ganito ang pakiramdam ko,’ saad pa niya sa isipan nang mapansin na nasa harap na niya ito.
“Ginobabes,” Malambing na bulong nito na nakapagdala ng mumunting kilig sa kanyang katawan lalo na nang makaramdam niya ang mainit na hininga nito sa kanyang leeg.
Maya-maya pa ay naglakbay na ang mga kamay nito sa kanyang likod at bewang. Ang malambot ang mainit na labi naman nito ay patuloy sa paghalik sa kanyang leeg.
Dahil sa sensasyong nararamdaman ay hindi niya mapigilang mapa-ungol habang tinatawag ang pangalan nito.
“Hmnn, C-Cain,” bulong pa niya habang nakayakap ng mahigpit sa leeg nito.
Inihiga siya nito ng dahan-dahan sa kama at pumatong sa kanya. Nahihiya man pero gusto niya ang bagay na ito.
Nanatili silang nakatitig sa isa’t isa hanggang sa naglapat na ang kanilang mga labi. Nagsimula ito sa mabagal at masuyong halik hanggang sa naging mainit at senswal na ito.
“Hm you’re getting excited down here,” bulong pa nito habang dinadama ang bagay na nasa pagitan ng kanyang hita.
Lalong namula ang kanyang mukha dahil sa pahayag nito ganun din ang masuyong paggapang ng mainit nitong kamay sa bawat parte ng kanyang katawan.
Ang mga halik nito ay bumaba na sa kanyang leeg patungo sa collar bone at dibdib.
“Ahmm!” malakas na ungol niya at nagawa pang sabunutan ang buhok nito habang sinisipsip ang kanyang dibdib.
“W-Wag Cain, ahh masakit!” aniya dahil sa biglang pagkagat nito sa kanyang dibdib.
Tumigil naman ito at muling humarap sa kanya para humalik. Nakakabaliw at nakaka-ubos ng hininga ang mga halik nito.
“C-Cain, may ano—” nahihiyang saad niya dito at di maituloy ang sasabihin.
“What is it?” nakangisi pa nitong tanong sabay diin sa kanyang hita ng matigas na nitong ari.
Halos sumabog sa init ang kanyang buong mukha dahil sa ginawa nito.
“Please, hold it babes,” malambing na pakiusap pa nito sa kanya.
Napalunok naman siya ng sunod-sunod dahil sa ibinulong nito. Dahil ayaw nyang ma disappointment sa kanya si Cain ay sinubukan niyang gawin ang nais nito. Nanginginig man ang kamay ay unti-unting niya itong hinawakan.
Nanlaki ang kanyang mga mata ng mahawakan ito, malaki, mainit at matigas.
‘Goodness, nagkasya ba talaga ang bagay na ito sakin noon?’ napapakagat labing tanong pa niya sa isipan habang dahan-dahan itinataas-baba ang kanyang kamay.
Magkalapat ang kanilang mga noo kaya nasasaksihan niya ang ekspresyon ng mukha nito. Natutuwa naman siya sapagkat nakikita niyang mukhang maayos naman ang ginagawa niya.
Maya-maya pa ay iminulat nito ang nakapikit na mga mata saka tumitig sa kanya kasunod nun ang pag galaw ng kamay nito para hawakan din ang kanyang ari at gawin din ang kanyang ginagawa.
“I’m coming, b-babes,” bulong nito sabay halik sa tenga niya.
Dahil sa matinding sensasyon mula sa malaki nitong kamay at ang mga malalambing nitong bagay na ibinubulong sa kanya ay hindi na niya napigilan ang sarili na labasan.
Mula sa pagkakahawak sa ari nito ay ramdam din niya ang mainit nitong likido na umaagos sa kanyang kamay.
Napahinga siya ng malalim dahil sa pagod na naramdaman. Ngumiti naman ito sa kanya at humalik muli bago siya buhatin patungo sa banyo.
Habang nakaupo siya sa mainit at mabulang bath tub at nakaharap lang naman sa kanya si Cain.
Tuwang-tuwa itong nakatingin sa kanya habang naglalaro siya ng mga bula.
“Cain, halika,” aniya habang hinihila ang braso nito.
Malaki naman ang bathtub kaya kasya silang dalawa. Tumango naman ito at sinamahan na rin siya doon. Parehas na silang nagrerelax ngayon habang napapalibutan ng mabangong bula na kulay pink.
Nasa likod niya ito kaya nakasandal siya dito. Yakap siya nito habang hinahaplos ang kanyang tiyan.
Medyo di pa rin siya makapaniwala dahil sa nangyari kanina sapagkat ginawa lamang nila ang bagay na iyon noong nasa ilalim siya ng droga. Ito pa lang ang pinakauna nilang sexual interaction pero kahit gunun ay naisip niya na…
Buntis siya kaya alam niyang ito lang ang pwede nilang gawin sa ngayon, masaya siya sapagkat kahit anong mangyari ay sa kanya ito lumalapit pagdating sa pangangailangan ito.
Yung ibang lalaki kasi kapag buntis ang asawa nila, dahil hindi maibigay ng mga ito ang pangangailangan ay humahanap ang mga ito ng ibang tao na pwede maka-sex.
‘Hindi ko alam kung anong gagawin ko kapag ginawa yun ni Cain. Hmm pero base naman sa pagkaka-kilala ko sa kanya, hindi siya ganun.’
Hanggang sa huli, kahit buntis siya ay sya pa rin ang gusto nito. Kahit hindi na maganda ang katawan niya dahil sa malaking bola sa kanyang tiyan ay ramdam pa rin niya ang attraction nito sa kanya.
“Hm, I love you sook much Cain,” masayang saad niya at saka lalong sumiksik dito.
Napatawa naman ito at hinalikan pa ang balikat niya ng paulit-ulit saka bumulong ng ‘I love you’.
Sa ganitong mga pagkakataon, na-iisip na lamang niya kung gaano pala talaga kasaya ang buhay, kung saan may minamahal ka at nagmamahal sayo.
‘Hindi na ako makapaghintay na lumabas na si baby para maging buo na tayong pamilya.’
-------------+++
KINABUKASAN, excited na siya na pumunta sa supercon. Matapos mag breakfast sa buffet ng hotel ay sumakay sila sa rental van patungo doon.
Driver nila si Hellix, katabi naman nito si Zero. Sila ang nasa likod nito at nasa pinakalikod naman sina Gary at Josh.
Masaya siya sa pupuntahan at ganun din sapagkat kasama niya ang lahat ng mga ito.
Mahilig din sa Marvel movies sina Gary at Josh kaya naman lagi niya itong kakwentuhan pagdating sa mga ganung bagay. Excited na rin ang mga ito para sa event na pupuntahan nila.
Pagdating doon ay humanga siya dahil sa laki ng building na pagdadausan ng Supercon na ito. Sa labas pa lamang ay napakarami nang mga tao. May mga cosplayer, mga movie enthusiast at mga comic collectors.
Pagdating sa pinto ay ibinigay nila ang ticket. Tinatakan naman ng mga ito bago ibalik sa kanila at isa-isa din silang binigyan ng ID.
Kung nakakamangha na sa labas, mas maganda naman sa loob. Sa internet lamang niya nakikita ang mga ganito kaya hindi niya maitago ang saya at sabik.
Hinihila niya si Cain sa mga lugar na gusto niyang puntahan. May mga cosplayer na pwede magpa picture kaya itinatabi sya doon ni Cain saka siya kinukunan ng litrato. Natutuwa naman siya sapagkat game ito sa lahat ng gusto niya.
May mga nakita din silang comic book na ibinebenta. Lumapit siya para tingnan sana. Mahal ang mga ito kaya di sya makabili noon.
Ngayon, hahawakan pa lang niya naka order na agad si Cain ng isang volume. Gulat at maligayang nagpasalamat ang seller sa kanila. Ngumiti naman siya dito at mukhang nagustuhan talaga siya nito kaya binigyan pa sya nito ng free na isang action figure.
“Wahh, thank you so much!” kinikilig na saad niya sa seller.
“Sure, no worries,” anito naman.
Excited na ipinakita naman niya kay Cain ang ibinigay nito. Ngumiti naman ito sa kanya at hinalikan ang kanyang noo.
Dumating din mula sa paglilibot sina Gary at Josh. Kinuha ng mga ito ang dala nila.
Marami pa silang nabili na mga collectibles item, mga t-shirts, pins at iba pa.
Nang oras na para sa interview at meet and greet ng cast ng paborito niyang movie na Avengers ay hindi niya pinalampas iyon.
Dahil mayaman ang asawa niya ay nakakuha ito ng seat sa pinaka unahan at halos baba ng stage kung nasan ang mga Hollywood actors.
Tuwang-tuwa siya na makita si RDJ at Chris Hemsworth sa personal. Napapayakap na lang sya kay Cain habang pinipigilan na umiyak. Dream come true talaga ang lahat. Noon ay nakikita lamang niya ito sa cinehan ganun din sa poster sa loob ng kwarto niya. Ngayon ay nasa harapan na niya.
Kung masaya na siya habang pinapanuod ito sa interview. Hindi na niya alam kung anong mararamdam ng makaharap na niya ito sa meet and greet. Habang nakapila siya ay nakaalalay lamang sa likod niya si Cain. Yakap niya sa dibdib ang libro at T-shirt na gusto niyang lagyan ng autograph.
Habang naghihintay sa pila ay napatawa siya ng makita si Gary at Josh na nakapila sa mga babaeng cast ng Avengers.
‘Hays, babaero talaga ng dalawang yun.’ napapailing na saad pa niya sa isipan. Si Hellix naman at Zero ay nakatayo lang sa gilid at hinihintay sila.
Nang makarating na sila sa unahan ay nahihiya niyang ibinigay ang kanyang mga dala. Tinanong siya ni RDJ kung anong pangalan niya.
“My name si Gino. Uhm. Can you please put also the name of my husband?” nahihiyang tanong pa niya dito.
Ngumiti naman ito sa kanya bago sumagot.
“Sure, that’s cool what’s he’s name?”
“Cain, he’s here,” aniya sabay turo kay Cain na sa likod niya.
Tumango naman ito at sinimulan ng permahan ang kanyang mga dala. Bago sila umalis ay kinamayan na ni RDJ si Cain ganun din siya.
MAKALIPAS ang ilang oras matapos ang event at makabalik sila sa hotel ay patuloy pa rin niyang pinagmamasdan ang mga autograph ng mga ito.
“Are you happy?”
Napaharap naman siya kay Cain na katabi niya sa sofa ngayon. Ngumiti siya ng malapad saka yumakap dito ng mahigpit.
“Sobrang sobra kong saya Cain. Maraming salamat,” nanggi-gigil na saad pa nita dito.
“Anything fo you, My Ginobabes,” anito saka yakap din pabalik.
Habang tahimik silang magkayakap ay bigla niyang naalala ang sinabi nito bago sila umalis at pumunta dito.
“Cain di ba sabi mo may pupuntahan pa tayong ibang lugar?”
“Yeah.”
“Saan naman?” mausisang tanong niya habang hinahaplos ang pisngi nito. Nakatingin lang naman ito ng puno ng pagmamahal sa kanya bago sumagot.
“Russia.”
MB 53
I hope you enjoy reading this chapter 💕
3RD PERSON’S POV
LUMIPAS
ang mga araw matapos ang masaya nilang pagbabakasyon sa ibang bansa.
Tanda pa niya ang saya nang maka attend siya sa Supercon na ginanap sa florida ganun din ang naging byahe nila sa Russia at ang pagbisita sa Sinclair palace.
Nang makita niya ang lugar na iyon ay saka lamang niya napagtanto ang katunayan na hindi basta basta ang lalaking pinamahal niya.
Ngayon ay balik na sa normal ang buhay nila sa penthouse. Tahimik at mapayapa.
Balik na muli sa abalang trabaho si Cain habang siya naman ay nakahanap ng bagong mapagkakaabalahan.
Bukod sa pakikipag chikahan kayna Mars at Jewel at ang araw-araw na pag exercise nila dito sa bahay.
Sabi ng doctor, kailangan daw ng proper exercise at stretching. Dahil doon ay naisipan niya kasama sina Gary at Josh na maglagay ng yoga mat sa porch ng penthouse habang may malaking speaker na tumutogtog sa tabi.
Nakayapak siya sa blue niyang yoga mat habang nakasuot ng strechable na leggings at oversize na t-shirts.
Si Zero naman ay nakapanuod lamang sa kanila at tinatawanan sina Gary at Josh dahil sa itsura ng mga ito.
Si Gary ay nakayapak sa pink na yoga mat at nakasuot ng puting wife beater at itim na legging. Si Josh naman ay ganun din.
Ang malalaki at matitigas na muscles ng mga ito at bakat na bakat dahil sa suot nila ngayon. Kahit si Gino ay napapatawa na rin pero bukod sa lahat ay siya ang pinakamasaya sapagkat handa ang mga ito na samahan siya at suportahan.
Bago magsimula ay napakamot pa si Josh sabay sabi ng bagay na nakapagpatawa sa kanilang lahat.
“I feel naked.”
TUNGKOL naman sa bago niyang hobby hindi ang pag exercise iyon kung hindi ito.
“Yan, luto na.” bulong niya habang inaayos ang mga puto sa isang plato. Ang mabagong amoy nito ay talagang gustong gusto niya.
“Baby, naparami ata ang niluto natin ah,” aniya sabay haplos sa kanyang tiyan. Napatawa pa siya nang maramdaman ang pagsipa nito.
Sa mga nagdaang araw ay muling naging busy si Cain kaya naman hindi niya ito laging nakakasama. Medyo nalukungkot na siya dahil doon kaya naisipan niyang magluto na lamang ng puto para maalis sa kanyang isipan ang pangungulila sa asawa.
Matagal na niyang gustong gawin ito kaso wala naman kakain noon ng mga gawa niya. Iba ngayon kasi kasama na niya sina Gary at Josh, si Hellix at Zero.
“Gary!!! Josh!!! Luto na ito oh!” sigaw pa niya habang daladala ang plato na puno ng puto na may keso at iba pa.
Pagpasok niya sa sala ay bigla siyang nagtaka sapagkat walang tao dito.
‘Hm saan kaya sila nagpunta? kanina nandito lang yung dalawang yun ah.’
Ang hindi niya alam ay nagtatago lang sa likod ng couch ang dalawa.
“Shh wag kang maingay, Josh.”
Rinig niyang bulong ng isang boses. Sinundan niya ito at himala na may nakita siyang paa mula sa likod ng sofa.
NAPAPAILING si Gary habang nakatago sa likod ng sofa kasama si Josh.
Hindi naman sa ayaw niya sa luto at gawang dessert ni Gino, sa katunayan nga ay napaka sarap ng mga ito. Yun nga lang ay BUSOG NA BUSOG NA SILA.
Araw-araw, maya’t maya ay nagluluto ito, kanino pa ipapakain kung hindi sa kanila.
Maswerte si Hellix dahil wala ito ngayon sa penthouse at si Zero naman ay di nalabas ng control room. Bale sila lamang ni Josh ang laging kailangan kumain.
Okay naman sa kanila kaso, sobra sobra na. Sira na diet nilang dalawa ni Josh dahil sa pagkain ng sobrang sweets. Nadagdagan na rin ang oras nila sa Gym para tunawin lahat ng calories na ipinakain sa kanila ni Gino.
Mukhang naging Stress reliever na ata ni Gino ang pag luluto, pansin din kasi nila na may ibang pinagkakaabalahan ang boss nila.
“I think we should come out, let’s just eat his dessert, for him to be happy,” bulong ni Josh sa kanya.
Mabilis naman niya itong pinatahimik. “Shhh wag kang maingay, Josh.”
Kaso huli na ang lahat nang maramdaman nila nang biglang gumalaw ang sofa at masaya at nakangiting mukha ni Gino ang sumilip mula sa taas nito.
“Anong ginagawa nyo dyang dalawa—Oh kasama nyo din pala si Miggs?” tanong pa nito sa kanila.
Ni sila ay nagulat din ng makita na nakasiksik na kay Josh si Miggs. Kung gaano naman ayaw ni Miggs kay Hellix, kabaligtaran naman para kay Josh.
“Hehe, wala naman Gino. Ano ---nahulog kasi yung limang piso ko. Hinahanap lang namin.” palusot pa niya.
Mukhang naniwala naman ito nang biglang mapatango ito bago magsalita…
“Tulungan ko kayo!” masaya pang pagpepresinta nito sa kanila.
Dahil sa sinabi nito ay lalo siyang nakunsensya. Tunay nga naman na kahit nakangiti ito ay nababakas pa rin sa mga mata nito ang lungkot.
Lumabas na sila sa pagtatago sa likod ng sofa at hinarap ang napakaraming puto na nakapatong sa center table.
Nang magsimula na silang kumain ay umalis si Gino. Maya-maya pa ay mabagal itong naglalakad pabalik sa kanila dahil malaki na rin ang tiyan nito.
Nanlaki pa ang mata ni Gary nang mapansin na may dala pa itong isang plato na puno din ng puto.
Kinabahan na sila pero bigla itong lumiko. Mabuti na lamang at mukhang kay Zero nito dadalhin ang ibang pagkain.
Pansin pa ni Gary na nung unang makita ni Gino si Zero sa kusina noon at magningning ang mata nito sa tuwa. Pansin nila na kahit anong gawing sungit ni Zero dito ay talagang di ito nagpapapigil.
Para itong si Miggs na laging nakahabol kay Zero san man ito magpunta, nalukungkot at naiyak ito kapag ayaw siyang papasukin ni Zero sa Control room. Dahil takot si Zero na mapagalitan ng Boss nila. Wala itong magawa kundi tiisin ang kakulitan ng kyut na buntis.
Mukhang pinaglilihian talaga ni Gino si Zero kaya ganun.
Napangisi na lang si Gary at napabulong… “Goodluck Zero.”
.
.
.
.
NAKANGITI at masaya si Gino na naglakad patungo sa Control room. Pakiramdam niya ay hindi buo ang kanyang araw kapag di niya nakakausap o nakikita si Zero.
Mataray man ito pero hindi naman siya nito inaaway.
Hindi na siya kumatok, alam naman niyang bukas ang pinto. Sumilip muna siya at nakita niyang nakaupo ito sa swivel chair nito at nakaharap sa napakaraming screen.
“Zerooo~ may dala ako oh.”
Kita niyang napasinghap pa ito ng marinig ang kanyang boses. Hindi ito humarap at na nanatiling nakaupo lamang.
Naglakad naman sya ng dahan-dahan palapit dito. Medyo nahihirapan na siyang maglakad dahil kay baby. Malaki na ang tiyan niya ngayon halos 6 na buwan na kasi ito.
Lumapit siya at ipinatong ang plato sa gilid ng desk nito. “Meryenda ka muna.”
“Iwan mo na lang dyan.” walang emosyon na sagot nito.
Tumango naman siya pero imbis na umalis ay kumuha ng upuan at tumabi dito.
“Wait, di ba sabi ko iwan mo na lang ang dala mo?”
“Oo, iniwan ko naman ah, di mo naman sinabi na umalis na ako pagkatapos kong iwan.” pagrarason naman niya dito.
Kita naman niya ang pagkunot ng maganda nitong kilay. Gusto pa sana nitong sumagot pero alam nitong tama sya.
Hindi niya alam sa kanyang sarili pero gandang ganda talaga siya kay Zero. Ang itim at medyo mahaba nitong buhok, ang maputi nitong balat at ang magandang mukha. Ngayon alam na niya kung bakit patay na patay si Hellix dito.
Natutuwa siyang makita at pagmasdan ito kaya kung siguro mabait at di mataray ito ay mas maayos. Lagi kasi siyang tinataboy nito.
Pero kahit ganun, ito lamang ang gusto niyang kausapin.
“Zero, alam mo ba kung anong pinagkakaabalahan ni Cain? Lagi kasi siyang busy.”
“I don’t know, I’m just a regular intel/tracker to him not his secretary,” anito sa kanya.
Napayuko naman siya dahil sa lungkot, siguro dahil sa pagbubuntis niya kaya siya nakakaramdam ng ganito. Noon naman ay lagi siyang walang kasama pero nakakaya niya.
Ngayon ay munting pag alis lang ni Cain ay sobra nang pangungulila ang kanyang nararamdaman.
Habang nakatungo naman siya ay bigla niyang naisip ang sinabi nito.
‘Regular intel daw pero bakit feeling ko ay mas malalim pa doon ang relasyon nila, ganun din si Hellix.’
Napapansin kasi niya na iba kung gumalang sina Gary at Josh kay Cain.
Dahil sa naisip ay di niya napigilan na magtanong.
“Zero, ano ba talaga ang trabaho niyong lahat kay Cain?”
Tumigil naman ito sa pagkain at humarap sa kanya.
“Hm, Gary and Josh is ah— bodyguard, I’m the intel and Hellix is ----
----the brother of Mr. Sinclair.”
Nanlaki naman sa gulat ang kanyang mga mata dahil sa rebelasyon nito. Kahit kailan ay hindi niya naisip na magkapatid pala ang dalawang iyon.
“Magkapatid sila? Eh pero bakit di sila magkamukha?” naguguluhan pa niyang tanong.
“Ask them, not me,” mataray na saad nito kaya tumango siya.
Hindi man niya nalaman kung anong pinagkaka abalahan ni Cain pero may nalaman naman siyang mahalaga.
Pinalampas na lamang niya ang mga oras at tahimik na naghintay sa pagdating ni Cain mula sa trabaho.
7:30 pm na, pabalik balik na ang ginagawa niyang paglalakad sa loob ng kanilang kwarto. Medyo naiinip na siya sapagkat wala pa rin ito.
Gustong gusto kasi niyang itanong ang tungkol kay Hellix.
“Babe, I’m home.”
Mabilis siyang napalingon nang bumukas ang pinto at bumati sa kanya si Cain.
“Cain!” masigla niyang saad sabay takbo papunta dito. Inalalayan naman siya nito para di siya madapa.
“Excited to see me huh.” nakangising asar pa nito sabay halik sa kanyang labi.
Tumango naman siya at tinugon ang halik nito. Pagkatapos ng mainit nilang halikan ay pinaulanan pa siya ng halik nito sa buong mukha.
Napahagikhik pa siya sa tuwa dahil kasama na ulit niya si Cain. Sa tingin niya ay hindi naman ito pagod pero alam niya at ramdam niya na may itinatago ito sa kanya.
Bago pa siya ma-stress ay tinatanong na lamang niya ito tungkol kay Hellix.
“Cain, tunay bang magkapatid kayo ni Hellix?”
Napatigil naman ito sa pag aalis ng sinturon dahil sa kanyang tanong saka sumagot.
“Yes.”
“Bakit di kayo magkamukha?” makulit na tanong pa niya.
Nagsuot muna ito ng tshirt bago sumagot sa kanya.
“He’s adopted.”
Nagningning naman siya sa tuwa at pagkasabik dahil sa sinabi nito.
“CAINNN~Isa pa, isa pa—sabihin mo ulit yung last mong sinabi. Please.” pagpapakyut na saad pa niya dito. Tinitingnan naman siya nito ng may kakaiba at…
“He’s adopte----”
“KYYAAAHH para kang si Thor tapos si Loke naman si Hellix!!!”
DI NAPIGILAN ni Cain na mapailing dahil sa excitement na nararamdaman mg Ginobabes niya.
‘Hays, it’s hard if your wife is addicted to a certain movies, curse you marvel and avengers.’ isip-isip pa niya habang pinapakalma ang over excited na si Gino.
NANG medyo nawala na sa sistema ni Gino ang pagiging Fanboy niya sa Marvel movies ay napahiga na lamang siya sa kama.
Si Cain ay nagpunta sa walk in closets para lagay ang mga gamit doon. Tulad ng sinturon, relo at iba pa.
Habang nakahiga ay bigla niyang na alala na may itatanong pa nga pala siya kay Cain.
Hanggang ngayon kasi ay di niya alam ang ibigsabihin ng Z sa pangalan ng kumpanya nito.
Tumayo siya at naglakad patungo sa Banyo, nasa loob kasi nun ang walk in closet.
Dahil nga sa laki ng kanyang tiyan ay dahan-dahan ang kanyang nagiging pag galaw at paglalakad kaya naman nang makapasok siya sa malaking walk in closet ni Cain ay hindi pa rin siya napapansin nito.
Habang nakatalikod ito sa kanya ay kita niya na itong may hawak na isang bagay. Hindi niya malinaw na nakita kung ano iyon kaya tinawag na lamang niya ang pangalan nito.
“C-Cain?”
Para namang nakakita ito ng multo at mabilis na itinago ang bagay na hawak nito.
“B-babe, what are you doing in here?” halata ang kaba sa boses nito.
“Wala naman---”
Medyo nakahinga ito sa sagot niya pero hindi pa tapos ang kanyang sasabihin.
”------- ano yang tinatago mo?”
“N-Nothing.” mabilis na sagot nito sabay yakap sa kanya.
Medyo nagdududa pero, malaki naman tiwala niya kay Cain kaya pinalampas na lamang niya iyon at tumugon sa yakap nito.
Napangiti pa siya habang nakasiksik dito. ‘Ang bango talaga ng asawa ko hihi.’
Bumalik na sila sa kwarto matapos niyang maitanong at malaman ang ibigsabihin ng Z sa pangalan ng kumpanya nito.
‘Sa pangalan pala ng nanay ni Cain galing yung Z, Zara kasi ang pangalan nito, akala ko galing sa name ni Zero.’ napapakamot sa ulo na saad niya sa kanyang isipan.
Sinamahan niya sa Cain sa kusina at kumain sila ng hapunan kasama ang iba.
Matapos ay bumalik sila sa kwarto para magpahinga, nagkulitan pa sila at walang sawang kinakausap ni Cain ang baby nila. Lagi namang sumisipa o gumagalaw ang baby nila kapag kinakausap ito ni Cain.
Medyo nakikiliti nga siya sa paghaplos nito sa kanyang tiyan pero okay lang natutuwa pa rin siyang makita ang pagkasabik ni Cain sa kanilang baby.
Nang mapagod na sila sa paglalambingan ay humiga na sila sa kama at handa nang matulog.
Lumipas ang ilang sandali at narinig niya ang pagbulong nito sa kanya.
“Ginobabes, are you still awake?”
“Hmm, bakit?” medyo inaantok na sagot niya dito.
“I’m going to attend some party tomorrow, do you want to come with me?” bulong muli nito sa kanya.
Dahan-dahan naman syang humarap dito bago magsalita.
“Ayaw ko, wala naman akong kilala dun siguradong ma-oout of place lang ako,” nakangusong sagot niya sabay siksik dito.
“Of course not, I’m with you,” nakangiting sagot naman nito sabay haplos sa kanyang ulo.
Kahit hindi sigurado ay napatango na lamang siya. Bago makatulog ay naramdaman pa niya ang paghalik nito sa kanyang ulo at ganun din ang paghaplos sa kanyang tiyan.
KINABUKASAN
, nagising ng masaya si Gino, excited din kasi siya sa sinasabing party ni Cain. Medyo nag aalala siya nung una pero dahil sa pahayag nito kagabi ay napanatag ang kanyang kalooban.
Bukod pa roon ay handa niyang suportahan kung ano mang gusto ni Cain sapagkat ginagawa nitong lahat para sa kanya.
‘Ngayon lang ako makaka attend sa party ng mayayaman, ano kayang meron dun? Ano kaya ang pagkakaiba nun sa normal na handaan at salu-salo?’ isip-isip pa niya.
Narito na siya ngayon sa kusina at kumakain ng agahan.
Kasama niya sina Zero at Hellix, wala si Josh at Gary dahil may ginagawa daw ang mga ito.
‘Hm, di ba bodyguard sina Gary at Josh? Ano pa bang ibang bagay ang pagkakaabalahan nila?’ hindi niya maiwasang itanong sa sarili.
Napakibit balikat na lamang siya sapagkat di naman niya alam ang sagot, tanungin man niya ang nagkukulitang sina Zero at Hellix ay mukhang wala pa rin siyang mapapala.
Si Cain naman ay maaga ding umalis pagkatapos magkape kaya sila lamang ang naiwan dito.
“Hon, gawa mo din akong kape,” saad ni Hellix kay Zero habang nagpapakyut.
“I don’t want to, make for yourself,” sagot naman ni Zero sabay irap kay Hellix.
Kita ni Gino na imbis na magalit si Hellix ay lalong napangisi lamang ito at binigyan si Zero ng tingin na puno ng pagmamahal.
‘Inlove na inlove talaga si Hellix, kunti na lang ay mga may magliparan ng mga puso dito.’
Napapangiti naman siya panunuod sa dalawa. Kung magkulitan kasi ay parang mag asawa. Susubo na sana siya ng toast ng biglang tumunog ang kanyang cellphone.
“Hello, Cain?” aniya sa kabilang linya.
“Ginobabes, I can’t accompany you to buy something to wear for the party this evening. Just call your friends for now.”
“Ganun ba sige Cain, magpapahatid na lang ako kay Hellix,” saad niya dito.
Sumang ayon naman ito at nag iwan pa ng ‘I love you’ saka nagpaalam.
Kinikilig naman siyang humarap kay Hellix.
“Hellix pwede mo ba akong ihatid sa kumpanya?”
“Oo naman Gino,” sagot naman nito sa kanya sabay sabing tatapusin lang ang pagkain.
Siya naman ay umakyat sa kwarto nila para magbilis, nakita din niya ang credit card ni Cain na nakapatong sa bedside table, may nakaipit din ditong kapirasong papel na nagsasabing iyon ang gamitin niya sa pamimili.
May pera naman siya pero iba pa rin pala ang pakiramdam kapag ang asawa mo ang nag provide ng pera.
‘Hayss pakiramdam ko talaga nagiging babae na ako dahil kay Cain.’ kinikilig na isip-isip pa niya habang nagbibihis.
Puro maluluwag na damit at pants na ang isinusuot niya ngayon para di maipit at para laging kumportable si baby.
Matapos magbihis ay bumaba sa siya sa sala at nakita doon si Zero, sinabi nito na nasa garahe si Hellix. Tumango naman siya at nagpasalamat dito.
Nang makarating doon ay inaya na siya nitong sumakay para maihatid siya sa kumpanya nila. Habang nasa byahe ay tinawagan na niya si Mars.
Makalipas ang ilang oras na byahe ay nakarating din sila sa kanyang destinasyon.
“Bye Hellix, salamat.”
“Tawagan mo ako kung magpapasundo ka na,” pahabol na turan pa nito sa kanya. Sinagot naman niya ito ng isang tango at nag patuloy na sa loob ng kumpanya.
Sa lobby pa lamang pagpasok niya ay sinalubong ma siya ng dalawang kaibigan.
“Bhes Gino!!!”
“Siz, we miss you!!!”
Tumatakbong sigaw ng dalawa sa kanya.
“Uyy wala ba kayong trabaho?” nagtataka niyang tanong sa dalawa.
Natawa naman ang mga ito bago sumagot.
“Meron, pero isang sabi lang ng asawa mo kay Mr. Shinwoo ay bigla kaming nagkaday-off,” saad pa ni Jewel sa kanya.
“Yun lang ang mabuting nagawa ng Cain na yan, hmp,” mataray na ani naman ni Mars.
Napakamot na lamang sa batok si Gino, mukhang hindi pa talaga natatanggap ni Mars si Cain hanggang ngayon.
Pero ganun ay natutuwa naman siya dahil kahit papaano ay nakikisama pa rin ito kay Cain kahit hindi nito gusto ng lubusan yung tao.
Tinawagan na niya si Mars kanina bago siya magtungo dito kaya alam na nito kung saan sila pupunta.
Kaya naman bago pa sila palayasin ng guard dahil sa pagchichismisan dito, ay nagpasya na silang sumakay ng taxi para magtungo sa isang mall.
“Tamang tama ang pagsama mo samin siz Gino, kailangan din kasi naming bumili ng formal attaire.”
“Talaga? May dadaluhan din ba kayo?” tanong pa niya dito. Hindi naman sumagot ito kaya napunta ang paningin niya sa labas ng taxi.
Hindi niya pansin na binibigyan na ni Mars ng masamang tingin si Jewel sabay kurit sa tagiliran nito.
“Ouchh, sorry na siz Mars,” bulong ni Jewel kay Mars kaya napatingin siya sa dalawa.
“May problema ba Jewel?”
“Ha-ha wala siz,” saad nito sabay tawa ng pilit.
Maya-maya pa ay nakarating din sila sa mall, nagtungo agad sila sa kilalang shop. Dahil fasionista ang dalawa niyang kasama ay ipinagpaubaya na niya sa mga ito ang pagpili ng damit.
Higit sa kanya dito, higit sa kanya doon. Halos di na sya nakakalabas ng fitting room dahil sa dami ng ipinapasuot sa kanya. Medyo nahihirapan man dahil sa laki ng kanyang tiyan ay na nanatili pa rin siyang masaya sapagkat kasama niya ang mga kaibigan.
‘Magandang ideya na sila ang kasama ko bumili ng damit, miss ko na sila at bored na rin ako sa penthouse.’
Ang dami na niyang nasukat pero mukhang wala pa ring napupusuan sina Mars at Jewel.
Sya naman nakasilip lamang sa kurtina ng fitting room. Hinihintay niya yung dalawa kung may ipapasukat pa ba sa kanya ang mga ito.
Maya-maya pa ay bumalik si Mars na may hawak na damit, nakatupi kaya di niya makita kung ano ito. Pero dahil sa ngisi at kakaibang aura na galing kay Mars ay parang alam na niyang may masama na namang balak ito.
“Mars, parang ayaw ko ng isukat ya—”
“Hindi pwedeng ayaw bhes, promise maganda to, di ba bhes Jewel?” saad nito sa kanya sabay tanong sa katabi nitong si Jewel na may kaparehas na ngiti sa mga labi.
“Oo naman maganda yan siz kaya isukat mo na,” anito sabay tulak sa kanya pabalik sa fitting room.
Nang mabuklat niya ang damit ay Napabuntong hininga na lamang siya. Tama ang hinala niya.
‘Pinagtiripan ba ako ng dalawang yun, okay pa yung mga isinukat ko kanina.’ nakangusong saad niya sa isipan habang nakatingin sa dress na hawak ngayon.
Mukhang maternity dress ata ito, maluwag pero elegante naman ang design. Maganda pero hindi naman siya babae para magsuot nito.
Huminga na lamang siya ng malalim at saka sinuot ang dress, alam niya na hinidi siya makakalabas sa fitting room na ito hangga’t di niya isinusukat ang damit na ito.
Nang matapos ay dahan-dahan siyang sumilip sa labas. Ngumiti naman ang dalawa at pinalabas siya.
Namumula sa hiya ang kanyang mukha dahil sa manghang ekspresyon sa mukha ng dalawang kaibigan.
“My gohhh so cuteeee!!! Siz Gino.”
“Sabi ko sayo bhes Jewel, yan ang bagay sa kanya,” ani Mars sabay apir pa kay Jewel.
Sya naman ay nakatungo namang, may iba din kasing namimili kaya nahihiya siya.
Lumapit sa kanya ang dalawa at inayos ang kanyang buhok. Sa mga lumipas na panahon naman kasi ay hindi siya nakakapagpagupit kaya mahaba na rin ng bahagya ang kanyang buhok.
“Halika bhes wag kang mahiya, tingnan mo ang sarili mo.” si Mars sabay higit sa kanya pabalik sa full body na salamin.
Hindi rin kasi niya napagmasdan ang sarili kanina kaya medyo humanga siya sa nakita.
‘Eh, ako ba talaga yan? Bagay pala sakin ang dress?’ hindi makapaniwalang tanong sa sarili ng makita ang itsura sa salamin.
Sa tingin naman niya ay okay na ang damit na ito sa pupuntahang party nila ni Cain mamaya.
“Ano sa tingin mo bhes, okay ba?”
Ngumiti naman siya at tumango bilang sagot dito. Masayang masaya naman ang dalawa niyang kaibigan dahil sa naging resulta ng kanilang outfit hunting para sa kanya.
May sofa naman sa isang gilid ng shop kaya umupo muna siya habang hinihintay na makabili din ng damit ang mga kaibigan.
Matapos makapamili kay kumain muna sila at nagbonding ng kaunti.
“Bhes enjoy your night.”
“Oo nga Siz, alam kong kabog yang outfit mo kaya wag kang mahihiya dun.” ani Jewel sa kanya.
Napatawa pa siya dahil sa pagpapalakas ng loob ng dalawang ito sa kanya. Alam kasi ng mga ito na mahiyain siya at mahina ang kumpyansa sa sarili.
Nang nasa labas na sila ng mall ay napansin niya ang kotse ni Hellix sa parking lot.
Bago umalis ay nagpasalamat pa siya sa mga ito dahil sa pagsama sa kanya at pagtulong.
“Wala yun bhes, ingat kayo ni baby sa pag uwi.”
“Bye siz Gino.”
Kumaway siya bago umalis. Nagtungo siya sa parking lot dala ang kanyang pinamili.
Nang mapansin siya ni Hellix ay sinalubong siya nito para tulungan. Habang palapit ito sa kanya ay bigla siyang napaisip…
‘Tawagan ko daw siya pero alam naman niya kung nasaan ako sa buong oras na yun, hayss siguro nilagyan nila ng tracking device ang cellphone ko.’
Napailing na lamang siya at ibinigay kay Hellix ang mga dala nang lumabas ito sa kotse at sinalubong siya.
Nagbyahe na sila pauwi habang tumatakbo pa rin sa kanyang isipan ang pwedeng mangyari sa party na kanilang dadaluhan.
‘Sana maging maayos ang party mamaya.‘
MB 54
I hope you enjoy reading this chapter 💕
3RD PERSON’S POV
NANG
hapon ding iyon pagkatapos niyang bumili ng susuotin niya ay naghanda na sila sa pag attend ng party.
Maagang umuwi si Cain para sunduin siya, hanggang ngayon nga ay hindi pa rin nawawala sa kanyang isipan ang naging reaksyon nito ng makita ang itsura niya.
“Woah, you look like a queen my Ginobabes.” manghang saad nito habang nakatingin sa kanya.
Kung kanina ay nahihiya na siya, lalo na ngayong kaharap na niya ang lalaking pinakamamahal.
Kahit siya naman ay hindi rin makapaniwala na bagay sa kanya ang ganitong damit.
Pero kung kahanga-hanga na siya, parang gusto naman niyang maglaway ng makita ang napakagwapong itsura ni Cain. Ang suot nitong itim na tuxedo, na hinaluan ng ginto ay talaga namang lalong nagpaangat sa kagwapuhan nito.
Siguro dahil sa pagkatulala ay hindi na niya napansin ang paglapit nito sa kanya.
Huli na ng maramdaman niya ang malambot at mainit na labi nitong nakalapat sa kanya.
Medyo naging mapusok pa sila bago makaalis ng penthouse.
NGAYON habang nasa loob ng sasakyan ay hindi niya mapigilang kabahan, hindi pa kasi siya nakakapunta sa mga party na ganito.
Nasa parking lot na sila pero ayaw pa rin niyang bumaba, alam niyang medyo late na sila pero kinakabahan talaga siya.
“Ginobabes, you don’t need to be scared, I’m with you,” nakangiting ani Cain sa kanya sabay lagay ng kamay sa kanyang harapan.
Napahinga naman siya ng malalim saka inabot ang kamay nito. Inalalayan siya nitong lumabas ng magara nilang sasakyan.
Habang naglalakad papasok sa magandang venue ay nararamdaman na niya ang pangangatal ng kanyang kamay at ganun din ang kanyang tuhod.
Ang dami nilang nadadaanan na mga sikat at kilalang tao. Halata na mayayaman lahat ng narito kaya lalo siyang napayuko.
Lahat ng mga kababaihan na mukhang mga artista ay parang nagpupuso-puso na ang mga mata habang nakasunod ang tingin kay Cain.
Kapag naman napadako ang tingin ng mga ito sa kanya ay binibigyan siya ng masamang tingin.
Lalo tuloy siyang napahiya, pakiramdam niya ay hindi siya bagay na katabi at kasama ng isang tulad ni Cain.
“Hey, babe.”
“Hmm?” sagot naman niya sabay tingin dito.
CHUPPP!!!
Napatigil siya sa paglalakad dahil sa ginawa nito at halos mapanganga dahil sa gulat.
Ang lahat ng mga babaeng nakatingin kanina ay naiwang luhaan at heartbroken.
Yumuko ito habang ang kamay nito ay mahigpit na nakahawak sa kanyang bewang at bumulong sa kanyang tenga.
“Don’t look down my Ginobabes, you’re the only one I love, the mother of my child and the person I will love for the rest of my life,” seryosong saad nito na nakapagpalakas sa kanyang loob.
Ngumiti siya at hinawakan ang magkabila nitong pisngi para mahalikan ang labi nito.
Ngumisi naman ito at gusto pa sana siyang halikan ng may tumighim sa likod nila. May iba pa palang mga bisita na papasok. Nakaharang kasi sila sa entrance.
Inalalayan siya ni Cain para makapunta sila sa isang table sa unahan ng venue. Pinaupo siya nito at hinalikan ang noo bago umalis.
“I just need to do something, I’ll be right back.”
Tumango naman siya at tahimik na umupo lamang doon, wala naman siyang kasama sa table kaya ayos lang.
Habang nakaupo ay na inabala na lamang niya ang sarili na pagmasdan ang paligid. Ang magandang design ng lugar, ang mga bisita. Bawat isa ay hindi magpapatalo sa ganda ng suot, mga alahas at iba pang mamahaling mga gamit na dala.
Hindi niya naitanong kung para saan itong partly kaya wala siyang ideya kung anong mangyayari dito ngayon.
Wala din namang nakalagay sa stage na pangalan ng event kaya medyo nagtataka siya. May malaki lamang dito na screen na sakop ang buong background ng stage.
Wala naman siyang interes kaya napalinga siya sa paligid. Paglingon niya ay biglang nagningning sa tuwa ang kanyang mga mata dahil sa nakita.
Mukhang hindi pa naman nagsisimula ang party kaya tumayo muna siya para pumunta doon sa buffet table.
‘Hihi babalik din naman ako, gusto ko lang talaga nitong chocolate fountain,’ isip-isip pa niya habang masayang nakatingin sa lahat ng mga pwedeng idip sa fountain.
May mga fresh fruits, candy, marshmallow at iba.
May babaeng nag aassist kaya naman tinulungan siya nito na kumuha ng lagayan ng mga pagkain niya.
Tuwang tuwa naman ang babae sa kanya kaya naman habang kumakain ay kinakausap siya nito.
“Ma’am, ilang buwan na po ang tiyan ninyo?”
Medyo nailang siya sa pagtawag sa kanya ng ma’am nito pero nangiti na lamang siya bago sumagot.
“Ah, 7 months na po,” magalang na sagot niya sabay haplos sa kanyang tiyan.
Nagkwento pa nang nagkwento ang babae kaya naman di alam ni Gino na nagsimula na pala ang event.
Nagbigay na ng welcome speech ang host at nagbalikan na rin sa mga upuan nila ang mga bisita. Si Gino ay tuwang tuwa pa rin sa pagkain ng chocolate habang nakikipag kwentuhan.
“Hm, may iba pa ba kayong pwedeng idip, ubos na kasi?” tanong pa niya sa babae. Sa katunayan ay siya ang nakaubos nito.
Napangiti naman ito sa kanya at sinabi na marami pa sa kusina.
Nagliwanag naman sa tuwa ang kanyang mukha at sumama sa babae papunta sa kusina ng hotel.
ANG EVENT
na ito ay engagement party nila ni Gino. Inasikaso ito ni Cain ng ilang linggo para maging perpekto at talagang magugustuhan ng kanyang pinakamamahal na si Ginobabes. Mula ng mahalin niya ito ay pinangarap na niyang pakasalan at dalhin ito sa simbahan.
Medyo kinakabahan siya pero kahit ganun ay malaki ang tiwala niya na magiging maayos ang lahat.
Narito siya sa backstage para maghanda, maya-maya pa kasi ay tatawagin na siya ng host para magbigay ng speech.
Habang cool na cool siyang nakaupo ay bigla siyang nakarinig ng static sa earpiece na suot. Kasunod noon ang boses ni Josh.
“Boss—”
“What?” medyo irita niyang tanong.
”--- erm, G-Gino is out of sight, boss”
Nang marinig iyon ay mabilis pa sa kidlat na napatayo siya at galit na inutusan ang kausap.
“FIND HIM, WHAT THE FUCK ARE YOU WAITING FOR!!!”
Mula sa kabilang linya ay rinig pa niya ang boses nito na kausap ang ibang guards.
Siya naman ay mabilis na nagpunta sa stage kahit di pa oras ng paglabas niya. Tinitingnan niya ang table na pinag iwanan niya kay Gino at napansin na wala nga ito doon.
Kunot na kunot ang kilay niya habang inililibot ang paningin sa paligid, kita din niya ang mga guards at iba pa na naghahanap din.
Bumaba siya sa stage at sinalubong naman siya nina Mars at Jewel, narito din sila pati na rin si Yuan at ang iba pa.
“Anong nangyayari Fafa Cain?” aligaga na tanong ni Jewel.
Hindi naman agad siya nakasagot sapagkat ayaw niyang magkaroon ng gulo at di pagkakaintindihan.
Mabilis na lamang siyang umalis at tumakbo para hanapin si Gino. Sinabi niya sa host na ipagpatuloy ang event para di mag alala ang mga bisita.
Malaki ang ballroom ng hotel na ito at marami ang bisita kaya naman nahirapan siyang maghanap.
“Did you find him!?” inis na tanong niya kay Zero.
“We’ll finding him Mr. Sinclair.” seryosong saad naman nito.
Pawisan na siya sa paghahanap, kasama nun ang pag aalala na baka may nangyari nang masama dito.
‘Fuck, I shouldn’t left him,’ inis na saad niya sa sarili.
Maya-maya pa ay nakita niyang tumatakbong palapit si Hellix sa kanya.
“B-Boss, nakita na namin sya,” hinihingal na turan pa nito ng makalapit sa kanya.
Kaunti na lamang ay gusto na niyang kwelyuhan ito para sabihin sa kanya kung nasaan si Gino.
“WHERE IS HIM?”
”-----”
MASAYANG
kumakain si Gino kasama ang mga chef at iba pa sa kusina. Tuwang tuwa naman ang mga ito sa kanya kaya naman ihinahayinan siya nito ng iba’t ibang dessert na gawa at specialty ng hotel.
Pinaupo din sila nito sa isang upuan para di siya mahirapan sa kakatayo.
“Señora, ¿cómo está la comida? Madam, how’s the food?” tanong pa ng Spanish na chef sa kanya.
Napakamot naman siya sa batok saka sumagot.
“C-Comida delicioso, Señor,” nauutal na sagot naman niya, hindi kasi siya ganun ka-galing sa spanish.
Napatawa naman ang chef sa kanya at binigyan pa siya ng maraming pagkain.
“Disfrute de la comida, señora. Enjoy the food, madame.”
“Gracias,” sagot niya sabay yuko ng kaunti.
Nagpa tuloy na siya sa pagkain, dahil sa masasarap na pagkain dito ay nakalimutan na niya ng tuluyan ang party na dapat dinadaluhan niya.
Susubo na sana siya ng Raffaele Ronca cheesecake ng biglang bumukas ang pinto at pawisang Cain ang iniluwa nito.
Ngumiti pa siya ng malapad at matamis ng makita ito.
“Cain!!! hello,” masiglang saad pa niya sabay kaway ng makita ito.
Mukhang nakahinga ito ng maluwag nang makita siya at mabilis na lumapit sa kanya.
Inalalayan siya na tumayo nito at mahigpit na niyakap. Napangiti na lamang siya at hinaplos ang likod nito.
Lumayo naman ng kaunti sa kanya at pinagmasdan lamang siya na parang di nakita ng sampung taon. Ramdam din niya ang malakas na kabog ng puso nito kung saan nakapatong ang kamay niya.
Napaawa naman siya dahil sa itsura nito kaya kumuha siya ng napkin sa table at saka ipinunas sa noo nito.
Hinawakan naman nito ang kanyang kamay para pigilan sa ginagawa at masuyong hinalikan ito.
Hindi niya pansin pero kasunod ni Cain sina Mars, Jewel, Yuan, Hellix at iba pa.
Nakatuon lamang kasi ang attensyon niya sa gwapong mukha ng pinakamamahal nyang lalaki.
Kita naman niyang napabuntong hininga ito saka yumuko at lumuhod.
Napataas naman ang kilay niya, hindi niya alam kung anong nangyayari. Tiningnan niya ito ng may pagtataka.
Ang lahat ng mga tao sa kusina at mga kaibigan naman niya ay napatakip na lamang ng bibig sa gulat.
Nang tingnan siya ng seryoso nito at ilabas ang isang box ay napanganga siya sa gulat.
Kasabay din naman nito ang pagtugtug nang isang kanta mula sa ballroom na rinig hanggang sa kusina.
[I LOVE YOU 3000
Stephanie Poetri]
[‘Cause I know you wanna ask
Scared the moment will pass
I can see it in your eyes
Just take me by surprise
And all my friends they tell me they see’ ]
Hindi niya mapigilang mapatakip rin ng bibig sa gulat na nadarama ngayon. Tiningnan pa lamang niya ito ay di na niya mapigilan na mapaluha. Hindi niya inakala na tunay na darating ang araw na ito.
[‘You’re planning to get on one knee
But I want it to be out of the blue
So make sure I have no clue
When you ask’ ]
Ang lalaking nagparamdam sa kanya ng isang tunay na pamilya. Ang ama ng kanyang anak at ang pinakamamahal niya ay nakayuko ngayon sa kanyang harapan, hawak ang isang kahon na naglalaman ng isang sing-sing.
[‘Baby, take my hand
I want you to be my husband
‘Cause you’re my Iron Man
And I love you 3000’ ]
Napabalik ang kanyang ulirat ng biglang tumighim ito bago magsalita.
“Ginobabes, Nothing truly ever made sense until you came into my life. Despite the fear and uncertainty, I want you to know that I love you, I’m here, and I’m willing to see all of it through as long as you’re by my side.”
[‘Baby, take a chance
Now we’re having dinner
And baby you’re my winner
I see the way you smile
You’re thinking about the aisle’ ]
“You don’t need to dream about a happy and complete family anymore because I’m here to built it by your side. I promise you to love, cherish you and our child forever.”
[‘You reach in your pocket
Emotion unlocking
And before you could ask’ ]
Nagpipigil siya na umiyak ng malakas pero kahit ganun hindi pa rin tumitigil ang pagpatak ng kanyang mga luha.
Nakita niya na na binuksan nito ang maliit na hawak at ipinakita ang sing-sing na laman nun saka seryoso ng tumingala muli sa kanya.
“Please Ginobabes , take my hand
I want you to be my husband
‘Cause you’re my Iron Man
And I love you 3000~” saad pa nito na kinuha ang lyrics ng kanta.
[’ I answer too fast’]
Tumango siya ng ilang ulit at masayang sumagot.
“O-Oo naman Cain,” umiiyak na tugon niya.
Gumuhit ang napakasayang ngiti sa labi nito at mabilis na tumayo. Niyakap siya nito at hinalikan.
Nagpalakpakan ang lahat ng saksi sa kanilang epic fail man na proposal pero puno naman ng pagmamahal.
“You don’t know how much I love you Ginobabes,” bulong pa nito sa kanya habang isinusuot ang sing-sing sa kanyang daliri.
“I-I love you too,” aniya habang pinupunasan nito ang luha niya.
Niyakap muli siya nito at lalo siyang napaiyak dahil sa bulong nito sa kanya.
“I love you more than 3000.”
------------------------😍
SWEETTTTT! SANA OL!
HUHU FINAL CHAPTER NA PO ANG SUNOD NA UPDATE🤧😭
FINAL
I hope you enjoy reading this chapter 💕
3RD PERSON’S POV
HINDI
mapigilan ni Cain na maglakad ng pabalik-balik dahil sa kaba.
’
Don’t mess up, this is the day I’ve been waiting for,’
isip-isip pa niya habang patuloy na naglalakad.
Napapailing na lamang sina Gary, Josh at Zero habang pinapanuod siya. Halata kasi na di sya mapakali dahil sa magaganap sa araw na ito.
“Boss, relax magiging okay ang lahat,” saad ni Gary sa kanya.
Mabilis naman syang tumingin dito bago magsalita.
“Do I look nervous to you? huh,” inis na tanong pa niya dito.
Hindi naman ito sumagot at napakamot na lamang sa ulo. Kinulbit na ito ni Josh at sabay na naglakad pa labas ng simbahan para mag bantay.
Napabuntong hininga na lamang siya, ni kasi sa sarili niya, hindi niya maamin na kinakahaban siya. Ang isang matapang, matikas at kagalang galang na lalaki na nagpapatakbo ng mga illegal business ay kinakahaban dahil sa KASAL?
’
No way, it can’t
be’ napapailing sa sarili na saad niya.
Narito na sila sa simbahan ngayon, ang Washington National Cathedral sa United States para isagawa ang kasal na matagal na nilang pinagplanuhan.
Napakaganda ng desenyo ng simbahan, ang mga palamuti sa paligid, ang red carpet sa ailse patungo sa altar at mga bulaklak sa mga dulong parte ng mga upuan.
Walang masyadong mga bisita sapagkat wala naman silang maraming kamag anak o kakilala. Narito na ang ibang kaibigan ni Gino na sina Yuan, Jewel, Mars at Kevin. Ganun din ang isang pamilya na kaibigan din ni Gino, ang Hendricks family.
Sa kanya namang parte, ang uncle niya, si Minato at Zero lamang.
Tahimik na nakaupo ang mga ito at naghihintay na magsimula ang kasalan.
Si Gary at Josh naman ay nakatoka sa pagbabantay ng paligid para masiguradong ligtas ang lahat.
Dahil sa kakaibang pakiramdam (ayaw niyang aminin na kaba) ay napaisip na lamang siya na luminga sa paligid.
Sa tabi ng altar ay nakita niya ang handang handa na musician na nakaupo sa harap ng piano nito.
Ang malikot pero napakagandang si Dion Rhys na anak nina Dylan at Rylan. Ito din ang flower girl ng kasal nila.
Dahil sa mga nakikita ay medyo napanatag ang kanyang kalooban at marahan na napangiti.
Habang nakatanaw siya sa pinto ng simbahan kung saan papasok ang pinakamamahal at pinakamahalagang tao sa kanyang buhay ay bigla siyang may naalala.
ANG
unang gabi na nakilala niya ito, ang akala niya ay hindi na muli sila magkikita pa.
Pero may kung ano sa kalooban niya na hinahanap-hanap ito at ang magandang mukha nito na patuloy sa pagtakbo sa kanyang isipan. Ang mapayapa pero lumuluhang itsura nito ay parang isang larawan na hindi niya makalimutan.
Gusto niyang punasan at alisin ang lahat ng bagay na nagpapalungkot dito.
’
Kung napakaganda na niya habang lumuluha, sigurado akong mas maganda siya kung nakangiti’
Yan ang bagay na gusto niyang masaksihan. Higit pa roon, nais niya na siya ang maglagay ng masaya at magandang ngiti sa mga labi nito.
Ilang linggo na ang nakaraan pero ang pagnanasa na makita muli ang taong iyon ay palakas ng palakas. Hanggang sa nakita muli niya ang sarili sa baywalk, ang luagr kung saan una silang nagtagpo.
Napapalibutan siya ng mga kababaihan at napagkamalan pang callboy. Nung una ay naiinis siya dahil sa bagay na iyon.
Ang isang successful na business at iginagalang na boss ng black market ay magiging isang hamak na callboy?
’
What the fuck’
Pero nagbago ang lahat ng iyon nang araw na lapitan siya nito. kung iyon lamang ang nag iisang paraan para mapalapit siya sa taong isinisigaw ng kanyang puso. Handa siyang magpanggap at itago ang tunay niyang pagkatao.
Lahat ng mga sumunod na pagkikita nila ay hindi coincidence, dahil ang katuyan ay sinusundan niya sa lahat ng oras si Gino.
Alam niya ang lahat ng nangyayari dito kaya naman ng mapahamak ito sa kamay ng mga bullyng kambal ay mabilis niya itong nailigtas.
Ang gabi iyon din ang isa sa hindi niya makakalimutan. Ang gabi kung saan naging isa ang kanilang mga katawan. Nung una ay naisip niya na dahil natikman na niya ito ay baka magsawa na rin siya katulad ng nangyayari sa mga taong nakakasiping niya.
Pero dun siya nagkamali ng sobra,
sa mga oras na magkasama sila at ang pakiramdam na lagi itong nakikita ay parang naging normal na para sa kanya.
Nagising na lamang siya isang araw na hindi na niya kayang mawala ito sa kanyang piling.
Makasama lang ito ay naranasan niyang tumira sa maliit at masikip na bahay, matulog sa matigas at malamig na sahig habang katabi ang aso nito.
Hindi niya napapansin na napakalaki ng mga bagay na kaya niyang isakripisyo para lang makasama ito.
Nagawa niyang itaya ang buhay niya at ang buhay ng kanyang mga kasama, para lang maging ligtas ito.
Marami man silang pinag daanan sa mga taon na lumipas, na ngangahulugan lamang ito na naging matatag sila.
Bukod nang makilala niya si Gino, may isa pang himala at napakalaking milagro ang dumating sa kanyang buhay.
At iyon ay ang…
“Daddy!!!” masiglang sigaw ng batang lakaki.
NAPATIGIL
ang lahat, lalong lalo na si Cain ng dahan-dahang bumukas ang malaking pinto ng simbahan.
Kasabay noon ang pagtugtug ng wedding song nila.
[PERFECT by Ed Sheeran]
I found a love for me
Darling, just dive right in
And follow my lead
Well, I found a man, beautiful and sweet
I never knew you were the someone waiting for me
G
INO’S POV
Ang buhay ay isang mahiwaga at mahabang paglalakay, dito ay may mga bagay at tao tayong makikilala at makakasama.
“Gino, ready ka na?”
“H-Huh? Ah Oo,” nauutal na saad ko kay Hellix.
Nandito na kami sa labas ng simbahan. Nasa loob na sila at naghihintay sa amin.
Hindi ko alam na habang nakatanaw sa labas ng bintana ng kotseng sinasakyan ko ay nanginginig na pala sa kaba ang aking kamay.
“Mommy don’t be afraid, I’m here.”
Mabilis naman akong napabaling nang may maliit na kamay na humawak sa aking palad.
Napangiti ako at napatingin dito ng puno ng pagmamahal. Umiiyak ito kanina at ayaw magpaiwan kaya naman isinama na lamang namin ito ni Hellix sa bridal car.
At nagpapasalamat ako dahil ginawa ko iyon, ang baby ko lamang ang nagbibigay sakin ng lakas ng loob ngayon.
Mga taong magkakaroon ng napakahalagang parte o bahagi ng ating buhay.
Maya-maya pa ay kumatok na si Hellix sa pinto sabay bukas nito. Ilang beses ko pang inayos ang puting tuxedo na aking suot ngayon.
Una nitong inalalayan si Coen na lumabas, huminga naman ako ng malalim bago lumabas ng kotse habang inaalalayan ni Hellix.
Ngumiti ako dito at nagpasalamat. Tumango naman ito at nauna nang naglakad samin. Ito kasi ang magbubukas ng pinto.
Masiglang tumingala sakin si Coen saka hinawakan ang kamay ko.
Habang nakatayo ako sa labas ng pinto at hinihintay na tuluyan itong bumukas ay parang nagfa-flashback lahat ng mga bagay na nangyari sa akin.
Sa milyong pagkakataon, kahit kailan ay hindi ko nakita ang aking sarili na ikakasal at magkakaroon ng masaya at buong pamilya.
Ako si Gino Arien Dimapilit - Sinclair, Nabuhay ako sa takot, lungkot at hirap. Ang salitang pamilya para sa akin ay isang malaking pangarap. Pangarap na hindi ko kayang tupadin at makamit.
[PERFECT by Ed Sheeran]
I found a love for me
Darling, just dive right in
And follow my lead
Well, I found a man, beautiful and sweet
I never knew you were the someone waiting for me
Pagbukas pa lamang ng pinto ay sinalubong na agad ako ng wedding song na biglang nagdala ng kakaibang pakiramdam sakin.
Napakagat na lamang ako sa aking labi habang pinipigilan na bumuhos ang lahat ng emosyon na nararamdaman ko ngayon.
Dahil wala akong magulang na maghahatid sakin sa altar, hinayaan na nilang si Coen na lamang ang aking kasama, habang naglalakad sa red carpet patungo sa lalaking aking pinakamamahal.
Lagi kong iniisip noon na wala akong bahagi sa mundong ito, isa lamang akong nilalang na nilikha para maghirap at mamatay ng mag isa.
Pero sabi nga nila, napakamisteryoso ng buhay. May mga bagay na magaganap na hindi mo inaasahan
.
Akala ko noon ay si Sir Yuan ang aking makakatuluyan, may kaunti rin kasi akong patingin sa kanya noon.
🎤
‘Cause we were just kids when we fell in love
Not knowing what it was
I will not give you up this time
Darling, just kiss me slow, your heart is all I own
And in your eyes, you’re holding mine🎤
Pero isang madilim na gabi, sa baywalk pagkatapos ng maingay at magulong birthday party ni Mars. Dun ko pala makikilala ang taong magpapakita at magpaparadam sakin ng tunay na pagmamahal.
🎤
Baby, I’m dancing in the dark with you between my arms
Barefoot on the grass, we’re listenin’ to our favorite song
When you said you looked a mess, I whispered underneath my breath
But you heard it, darling, you look perfect tonight🎤
Napakarami naming pinagdaanan sa mga taong lumipas. Ang pamilya na hinahangad ko lamang noon ay ka piling ko na ngayon.
🎤
Well, I found a man, stronger than anyone I know
She shares my dreams, I hope that someday I’ll share her home
I found a love, to carry more than just my secrets
To carry love, to carry children of our own🎤
Ang mabuntis at magka anak ay di ko inaasahan pero isa itong malaking biyaya at himala para sa akin.
Tatlong taon na ang nakalipas mula ng ipanganak ko si Coen, ang anghel na nagpa tibay ng aking kalooban, ang naging sandalan ko kapag ako’y pinanghihinaan ng loob at nawawalan ng pag asa.
Maliban kay Cain, ang baby ko lamang ang isang bagay na nagbigay ng kulay, kasiyahan at dahilan para magpatuloy ako.
Hindi sapat ang salitang masaya at nagpapasalamat para ipaliwanag ang nararamdaman ko ngayon.
🎤
We are still kids, but we’re so in love
Fightin’ against all odds
I know we’ll be alright this time
Darling, just hold my hand
Be my girl, I’ll be your man
I see my future in your eyes🎤
Habang marahan na naglalakad sa red carpet na puno ng makukulay na petal ng bulaklak patungo sa altar ay nadadaanan ko ang masaya at proud na mukha ng aking mga kaibigan.
Wala man akong matatawag na tunay na pamilya, sila naman ang mga taong nakasama ko sa lahat ng bagay. Sa hirap at ginhawa. Sa lahat ng pagsubok. Hindi nila ako iniwanan at tinalikuran.
Naniniwala akong wala sa dugo ang tunay na kahulugan ng salitang pamilya.
Si Mars ay malapad na nakangiti sa akin, habang nagpupunas naman ng luha si Jewel. Tumango naman si kevin at ganun din si Sir yuan.
Si Rylan ay masayang nakangiti sakin ganun din ang asawa nito. Kasama din nila ang dalawang anak na sina Ryden at ang kyut at napakagandang si Dion Rhys.
Sa kabila naman ay mangha lamang na nakatingin sakin ang uncle ni Cain ganun din ang kapatid ni Zero na si Minato.
Binigyan ko ang mga ito ng nahihiyang ngiti, sinuklian naman ng mga ito at parang narinig ko pang bumulong ang tito ni Cain…
“You’re so damn lucky Cain, what a beautiful bride you got here.”
🎤
Baby, I’m dancing in the dark, with you between my arms
Barefoot on the grass, listenin’ to our favorite song
When I saw you in that dress, looking so beautiful
I don’t deserve this, darling, you look perfect tonight
Oh, no, no
Mm🎤
Nanginginig ang aking kamay habang naglalakad kami ni Coen palapit kay Cain.
Pansin ko na nakatitig lamang ito sakin na kay tindi, para bang hindi pa rin ito makapaniwala sa nakikita.
Pinagmamasdan ako nito na parang namamangha, dito ko tuloy maiwasan na pamulahan ng pisngi at tuluyan nang mapayuko.
’
Ang gwapo niya sa suot na puting tuxedo rin. Ang hubong ng katawan nito ay parang isang obra maestra. Bagay na bagay ang suot niya.’
di ko mapigilang kumento sa itsura nito.
Nang malapit na kami ay bumitaw na si Coen sa aking kamay at tumakbo sa kanyang ama.
“Daddy!!!” masiglang sigaw pa nito.
Masayang sinalubong siya ni Cain at binuhat. Hinalikan nito ang pisngi ng aming anak at saka ibinaba ito.
Lumapit naman si Hellix para kunin na si Coen dahil magsisimula na ang seremonya.
Inilahad ni Cain ang kamay nito sa aking harapan. Ngumiti naman ako at tinanggap ito.
Masuyo naman itong lumapit at gamit ang malaki at mainit nitong kamay ay marahang pinahid ang luha sa aking mata.
Ngumiti pa ito at bumulong..
“You look stunning, My Ginobabes.”
Hindi ako nakaimik at nanatili na lamang na nakayuko dahil sa hiya.
Narinig ko pa na tumawa ito ng mahina habang inaalalayan ako patungo sa harap ng altar.
Naging mabilis para sa akin ang mga pangyayari. Mabilis ang excited akong sumagot ng tinanong ako ng pari ng ’
I DO’
kaya naman napatawa lahat ng mga bisita namin.
Imbis na asarin ay napangisi lamang si Cain at sumagot din ng maayos sa pari.
‘I DO
’ saad nito sabay halik sa aking kamay.
Maya-maya pa ay dumating na si Ryden bilang ring bearer namin. Kinuha namin ang tig isang sing sing at nagbigay ng wedding vow.
Matapos maisuot ang sing-sing ay humarap muli kami sa pari at…
”
Here I pronounce you Mr. and Mr. Sinclair.”
Kasabay ng masigabong palakpakan ng lahat ay nagtagpo naman ang aming mga labi.
“I love you, I-I love you so much,” mahinang bulong nito sa akin na parang nagiging emosyonal.
Ngumiti naman ako ng hinalikan muli ang labi nito bago suklian ang kanyang sinabi.
“Mahal na mahal din kita Cain.”
Mabilis at mahigpit naman na yumakap ito sakin. Maya-maya pa ay may nararamdaman akong maliit na katawan na yumakap din sa aming binti.
Natatawa kaming tumingin sa baby Coen namin.
Binuhat ito ni Cain, yumakap ako sa kanya kaya nasa pagitan namin si Coen at sabay naming hinalikan ang pisngi nito.
Napahagikgik naman ito sa tuwa. Nangingilid ang luha na humarap ako dito at ngumiti habang tumatakbo ang lahat ng ito sa aking isipan…
’
Salamat sa pagdating mo sa buhay ko at sa pamilya natin, Coen Gail Sinclair. Ang aming-----’
‘------MIRACLE BABY’
END
![Cover of 🌈MIRACLE BABY [BL/MPREG]](/story-covers/miracle-baby-blmpreg_228815253.webp)
